Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)
Ineryss · 46 chapters · 189,961 words
Behind the Blue Skies
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author.
—
Trigger Warning : This story tackles sensitive themes such as sex scenes, homophobia, toxic masculinity, offensive and foul words, suicidal ideation, stereotyping, sexual harassment, traumas, and many more. Reader discretion is strictly advised.
Note: Strawberries and Cigarettes by Ineryss is the main group page for those irys who are willing to post their thoughts and opinions about SAC and to interact with the others, so feel free to join the group! I am also there to share some spoilers and updates about my stories.
This story will progress in March, as this is not my main priority at the moment. Thank you!
Prologue
Trigger Warning: Sexual Assault
Disgusted
“Fifteen…” makahulugang sambit ng doktor.
Seryoso akong nakaupo habang binabasa niya ang lab test result ko. Sa tabi ko ay si Mommy bilang guardian lalo na’t hindi ako tatanggapin dito kung wala akong kasamang matanda.
Ayaw ko mang umamin na dahil sa pag-iinom ko, pero sa sobrang hapdi umihi, hindi ko na napigilan.
Tiningnan si Mommy ng doctor, bago napunta sa akin.
“Active ang sex life?” she asked.
Medyo nagulat ako sa tanong. Kahit hindi ko tingnan si Mom, alam kong kahit siya, gulat din at tahimik lang na hinihintay ang sagot ko.
Umiling ako.
The doctor smiled. “Contraceptive exists for a reason because it’s a big help to protect yourself, and to prevent such infections. Isa na dito ang common na nakukuha sa pakikipagtalik ng mga lalaki lalo na kung walang proteksyon ay ang U.T.I.”
Umiling ako, lalo na’t alam ko ang bagay na iyan. “Hindi Doc.”
Hinaplos ni Mommy ang likod ko. Nilingon ko siya dahil nagsasabi ako ng totoo. Tiningnan ulit ng doctor ang lab results gawa ng ihi na pinasa ko at muli akong binalingan.
“You said you were drunk…” panimula niya sa nauna niyang mga tanong kanina sa akin bago ako nagsubmit ng ihi ko.
Tumango ako.
“And after that…” tila ba may hindi ako sinasabi sa kanya bukod sa pag-inom kaya gusto niyang umamin ako.
Hindi ko iyon masagot. Naninimbang na rin ang titig ni Mommy sa akin, hinihintay ang sagot ko. The doctor smiled and looked at my mom.
“There’s actually a big misconception about U.T.I. Ang tingin ng iba ngayon, kung kakain ka ng maalat, o umiinom ng softdrinks, you’d get U.T.I. But the common root of this is the wrong cleaning of our genital areas that were so prone to girls, but also happens to boys, especially when they engage in unprotected sex.” Saka niya ako tiningnan, na ang huling sinabi niya ay ginawa ko.
Kung ganoon…hindi sa…alak? Pero iyon lang naman ang ginawa ko! Kung U.T.I. nga, edi dahil nag-iinom ako! Natrigger! Wala nang iba!
“Sa pag-inom ko siguro ng marami, doc,” ipinaglaban ko dahil iyon ang alam ko.
“Yes. Nakakaapekto naman talaga ang iniinom natin at kinakain sa pag-ihi, but the main root of U.T.I. is infection. Which is makukuha mo rin kung nakipagtalik ka at wala kang proteksyon. It is a minor cause, but it could still trigger U.T.I., especially in boys.”
Napalunok ako. Si Mommy ang seryosong nakikinig habang binabalikan ko sa isip ko lahat ng nangyayari.
“Ang genital kasi ng boys, mas mahaba ang urinary tube nila because of their penis. They can move it anytime while cleaning away from the anus kasi ’yung opening is mismong nasa penis nila. Meanwhile, sa girls, masyadong maikli kaya mas prone sila sa bacterial growth lalo na kung mali ang paghuhugas sa genital areas nila na malapit lang ang opening ng vaginal area sa anus.”
Hindi ako komportable sa topic. Nagkakasalubong ang kilay ko habang kalmado si Mommy, seryosong tumatango at nakikinig ng mabuti.
“But don’t worry, this is a very mild case and it’s treatable. It really happens. But to avoid this again, I suggest you need to be more careful next time. Just use contraceptives when engaging in sex…”
Nagkasalubong lalo ang kilay ko. Umiling akong muli dahil wala naman! Bakit ako magsisinungaling?
“Hindi talaga, doc,” sabi ko.
The doctor smiled at me warmly. “You can wait outside while I talk to your mother…”
Nilingon ko si Mommy. Ngumiti siya at sinenyasang mauna na ako. Tiningnan ko ang babaeng doctor saka ako tumayo at lumabas na.
Bakit niya ako tinatanong kung active ang sex life ko? At pinapayuhan pa akong magcondom? Oo…medyo na kuryoso nga ako sa gabing iyon dahil may magaganda roon, at meron akong nagugustuhan, pero naunang tumama ang alak sa akin kaya bumagsak na ako sa sofa at…
Dahan dahan akong umupo sa bleachers habang binabalikan sa isip ko ang mga nangyari.
Hindi ko maalala pero…
I shut my eyes and licked my lips. Isinandal ko ang ulo sa labas ng clinic habang mulsa sa kulay asul kong hoodie jacket.
Ang alam ko, dahil sa alak ang rason kaya ang sakit umihi. Pero…anong koneksyon noon sa tanong niya? Eh wala naman akong ibang ininom kundi alak lang.
Ayaw ko sanang sabihin ito kay Mommy, pero iba na talaga ang hapdi ng pag-ihi ko. It wasn’t normal. Naririnig ko pa naman ’yung UTI lalo na’t iyon din talaga ang sinasabi ni Mommy sa akin pag nasobrahan sa softdrinks o kung ano pa diyan.
“Reagan,” tawag ni Mommy kaya dumilat ako ilang minuto ang makalipas.
She sighed and went to me. Sa hawak niyang lab results, at mukhang reseta, alam kong tapos na iyon.
Seryoso niya akong tinabihan at tiningnan ang kandungan ko, gustong hagilapin ang aking kamay ngunit nakasiksik iyon sa mga bulsa ko.
She licked her lips first before saying anything, and I could sense she was under pressure to talk about it.
“We should really talk about condoms and…” she stopped her words.
Ayan na naman.
She smiled concernedly. “I know you’re still fifteen, but…”
“Ano bang sabi ng doctor mom? Hindi ko nga ginawa,” giit ko.
Tumingin siya sa pinto ng clinic. Noong itinuon sa akin, nakangiti niyang hinaplos ang pisngi ko.
“I know this is the crucial part of being a teenager. May mga gagawin kang tingin mo hindi kailangang malaman ng parents mo kasi nahihiya ka, o ayaw mong pagalitan kita. But this is concerning. Paano kung hindi agad napatingin sa clinic? Just tell me once you’re ready…”
Nakakainit naman ng ulo itong ina ko! Sabi nang hindi!
Tumunog ang phone niya sa bag kaya hinagilap niya iyon at sinenyasan akong tumayo na. Kumunot ang noo ko. Condoms. Anong kinalaman no’n sa…pananakit kong umihi?
“Nasa clinic pa ako. Just cancel it. Yes. Oh, it’s about my son…Reagan…” She chuckled a little but glanced at me worriedly.
“Ah…nagrereklamong masakit daw umihi so I took him into the clinic and found out it’s really UTI. But he’s fine now. Medyo nasa shock pa rin na magbibinata na pala siya. It’s too early and…” Muli akong nilingon ni Mommy habang naglalakad na kami patungo sa parking lot.
Wala akong maintindihan. Alam ko…nakuha ko naman iyon sa pag-iinom ko. S’yempre, curious ako sa lasa ng alak kaya sinubukan ko dahil ayaw ko namang maging ignorante.
Iyon nga lang, napadami ang inom ko na…medyo…
Kumunot lalo ang noo ko nang may umuulit isip ko. Ayaw ko lang pangalanan pero…
Ano bang nangyari?
“Oo. Kakausapin ko pa. Pero siguro sa bahay na…” si Mommy na sinusundan pa ako ng tingin.
Pumasok ako sa front seat habang inilalagay ni Mommy ang bag niya sa likod. Noong pumasok siya sa driver’s seat, nilingon niya ako at ngumiti.
“Pwede nating pag-usapan?”
“Ang alin?” lito kong tanong habang hinihila na rin ang seatbelt.
Malalim ang buntonghininga niya. “Reagan. You can’t lie. The lab results show…you had sex. There’s a penetration that caused the infection.”
Namilog ang mga mata ko.
“You got it from unprotected sex, just like what the doctor said kaya ka nagka U.T.I,” she stated more.
Tang…ina?
“Wala na ang daddy mo. So whom would you tell about it? Sa akin, Reagan. I am your mother. Pwede natin ’yang pag-usapan,” she said in her serious tone.
Unprotected sex? Gago?
Paano…
Natahimik ako ng ilang oras at habang inaalala iyon, may biglaang pumapasok sa isip ko.
Nang mapansin niyang wala akong balak magsalita, mas lalong naging malalim ang buntonghininga niya. Noong huminto kami sa botika at lumabas siya para bilhin iyon, halos napayuko ako at nahawakan ang ulo ko.
Mariin akong pumikit at sinuntok ang dashboard. Anong ibig sabihin nito kung gano’n? I had sex?! Bullshit!
Eh wala nga akong malay! Lasing na lasing ako! Oo namalayan ko na parang may kakaiba pero hindi malinaw sa akin lalo na’t wala rin ako sa huwisyo! Natulog lang ako no’n dahil hindi ko na rin kayang umuwi! Tang ina!
May nangyari ba talaga? O baka naman mali lang ’yung doctor? Baka sa pag-iinom ko talaga kaya ako nagka U.T.I? Kasi ginawa ko ’yung tubig! Napaka imposible na…
A sudden scene flashed through my mind that made me so worried and disgusted. I groaned brutally. Gago?
“Oo, ma. Kinakausap ko nga pero ayaw namang umamin! Eh wala ngang pinakilala sa aking girlfriend! Naglilihim na sa akin purket nagbibinata na,” my mother ranted to my grandma through a phone call when she opened the driver’s seat again.
Inabot niya sa akin ang mineral water ganoon din ang nabili niyang gamot. Kinuha ko iyon habang pinindot niya ang loudspeaker ng phone niya at inilapag sa hita niya habang pinapaandar ulit ang kotse.
“Reagan…” ang marahang tawag ni Lola.
My brows were completely furrowed. Nagsusuntukan ang galit at pandidiri sa akin sa mga naiisip ko na hindi ko nasagot si Lola dahil sa bumubukol sa lalamunan ko at pinipilit ko lang pigilan.
“Ma, mamaya nalang ulit. Magd-drive na ako. Hindi ka niya pinapansin. Nakabusangot,” sumbong niya nang lingunin ako at tahimik akong tumingin sa labas ng bintana.
“Huwag mo nang pagalitan si Reagan! Kawawa naman! Sige na. Ako na ang kakausap sa kanya sa susunod,” si Lola.
My mother sighed defeatedly and turned the call off after bidding goodbye. Sinenyasan niya akong buksan ang binili niya kaya tamad ko iyong ginawa.
“Two tablets a day after your meal. And drink water all the time. Advice din ng doctor sa’yo umiwas muna sa sa maaalat at huwag munang mag-iinom para hindi matrigger ang pag-ihi mo. And…”
Nalaglag ang panga ko.
“Mom,” tawag ko at nilingon siya lalo na’t binilhan niya ako ng condom.
“Yes. I know. You’re curious. Kahit pagbawalan kita, kahit sabihin ko sa’yong masyado ka pang bata, kung nakuryoso kana, anong magagawa ko? God, Reagan. Paano kung makabuntis ka? You had sex without a condom—”
“Wala nga!” halos tumaas na ang boses ko dahil hindi niya ako naiintindihan! Wala akong girlfriend o kung ano man ang sinasabi niya!
Namilog ang mga mata niya sa galit ko.
“Then keep it! Lalaki ka! Keep it to avoid infection! Be thankful that you only get U.T.I! Paano nalang kung iba ang nakuha mong infection! Let’s say worse than U.T.I.! Stop denying it and just use that from now on!” she urged aggressively.
“Sa pag-iinom ko nga ito nakuha, mom! Walang iba!” giit ko lalo na’t nandidiri na ako sa topic!
“Mas maalam ka pa sa doctor? Mali ang lab results mo, gano’n?” She leered at me.
“Kasi ’yun lang naman ang ginawa ko,” giit ko.
“My god, Reagan! Sa lahat ng mamanahin mo sa ama mo, ’yang pagiging matigas pa ang ulo!”
Sinasali pa talaga ’yung patay! I grunted and shook my head while taking my eyes outside the window again. Nailing din siya at tumahimik na, nakatingin nalang sa harap. Gusto kong magwala at igiit dito na wala naman talaga akong girlfriend, o kung ano pang iniisip niya sa akin, ngunit may parte sa akin ang pakiramdam ko, talagang may mali.
“Why are you so preserved to talk about this? Because I’m your mom? Dahil hindi ka komportable na sabihin sa babae? Then go to your father and talk about it; I dare you! Sige nga at baka sumagot!” medyo pilosopo niyang sabi, tila ba nasasagad na rin ang pasensya dahil hindi ako umaamin.
“Wala nga kasi!” I emphasized in a hard tone.
“Okay! Wala! Fine! Then what’s the lab result? Unless you got—” She stopped her words.
Hinihingal pa siya sa galit, ngunit unti-unting may napagtanto, na nilingon niya ako at kakaiba na ang tingin niya. Her temper dropped from intense to a quick, worried expression.
“Ano bang nangyari? Ang sabi mo sa doctor…nag-iinom ka. Pagkatapos noon, anong nangyari?” she asked concernedly, like she just realized something.
Sinikap kong kontrolin ang namumuong galit sa akin kahit sa pagkakasalubong ng kilay ko at nakikita ko ang sarili sa side mirror, alam kong galit na galit ako tingnan.
“Wala ka bang…naramdaman…o…may pumasok…”
“Wala nga! Wala, mom! Wala!” iritado kong sagot lalo na’t naririndi na ako at ayoko nang pag-usapan pa dahil kinikilabutan ako sa mga bumabalik sa isip ko.
“Fine! We won’t talk about this anymore! Just drink your meds and more water, Reagan! Bibili ako ng mga prutas sa’yo at maggulay ka rin muna!”
Mabilis ang hataw ng puso ko sa matinding galit at naikuyom na ang mga kamay. Ayoko nang pag-usapan pa ito! Sinabi ko nang nag-iinom lang naman ako at…
At nakatulog na sa sofa…
Kung may kakaiba man…iyon ay pakiramdam ko…may humawak sa akin. At ang nakakadiri dito, medyo naalimpungatan ako at lalaki iyong nakita ko kahit madilim.
Kung lalaki…anong ginawa niya? Fuck. Unless he’s…gay?
I was suddenly furious—disgusted that I could puke right there and then as my chest tightened.
“Dumaan tayo sa simbahan muna,” mahinahong sabi niya na hindi ko na kinibuan pa dahil sa dilim ng tingin ko sa labas ng bintana.
Sinikap kong hindi na isipin pa, dahil may parte na rin sa akin ang takot na alalahanin ang mga iyon at pakiramdam ko, iyong naramdaman kong hinahawakan ako ay hindi palad kundi… ibang bagay.
Chapter 1
Trigger Warning: Violence, sexual harassment, homophobia, and foul words.
No Trace
“Para ’yun lang?!” agresibong tulak sa akin ni Roger nang magkainitan din.
I pushed him back intensely and pointed at him. Humarang agad ang dalawa pa naming kaibigang kabilang sa grupo, pinapagitnaan kami dahil ramdam nilang nasagad ang pasensya ko.
“Ayus-ayusin mo ang biro mo!” I shouted angrily.
Natawa si Roger at nailing. “Babae ka ba, Rick? Para sa simpleng biruan nagagalit ka?”
I glared at him and tried to go to him closely, but my friends were eager to control the tension.
“Biro lang naman ’yon, Rick. Huwag nang seryosohin,” si Sotto.
“Bading kasi ’yan kaya mabilis mapikon!” halakhak ni Roger.
Sa galit ko, gusto ko na siyang upakan. Hinila ni Rodney ang dulo ng t-shirt ko, si Sotto naman ang humawak sa akin sa braso.
“Halika dito, Roger! Ano? Sinong bading ngayon kung umiiwas ka?” ngisi ko at mayabang siyang tinanguan.
“Suntukan nalang! Ano? Halika!” I rolled each of the sleeves of my black t-shirt till my shoulder to tell him I’m up for a fucking physical fight, lalo na’t talagang nahahamon ako.
Inilingan ni Sotto at Rodney si Roger. Humalakhak si Roger.
“Bumalik ka sa saya ng mama mo kung sa simpleng biro, pikon ka agad! Tang ina. Parang di lalaki!”
“Kaya nga lumapit ka dito nang magkasubukan kung sinong mas malambot! Ano? Hindi ka tinuruang sumuntok ng tatay mo? Baka ikaw ang bading dito!” I gritted my teeth and pulled Rodney’s hand out of me. Tinapik ni Sotto ang balikat ko na tinabig ko rin.
“Tama na pre,” si Rodney na medyo iritado.
Namaywang si Roger, ngumingisi at talagang mas umiinit ang ulo ko. Sa iritasyon, padarag kong kinuha ang bag sa upuan at isinuot iyon sa balikat.
“Ang init ng ulo,” rinig ko si Roger, natatawa. “Anong nakakagalit sa sinabi ko?”
He’s really asking that question? Motherfucker! Ayusin niya kamo ang biro niya. Tang inang bobo. Ang sabi ko, naranasan ko ’yang kabastusan ng mga bading at sasabihin ba namang tinira ko sana sa pwet bilang ganti? Gago siya!
Pagkalabas sa madalas naming tambayan, hinubad ko ang ID para makahithit ng sigarilyo. I needed to release my stress. Kung pwede ko lang balikan at wasakin ang mukha ni Roger, gagawin ko sa sobrang init ng ulo ko sa kanya.
Kinapa ko ang bulsa para hanapin ang lighter ko kaso tang inang kamalasan at hindi ko mahanap. I groaned unbelievably.
Rodney:
Tol, hayaan mo na si Roger. Sasama ka mamaya? Inuman! Ambagan tayo.
I scoffed at Rodney’s text. Mukha niyo! Mga gago. Uminom kayo mag-isa. Hindi ko na nireply-an at nagtungo sa malapit na cafe sa labas ng school para makapagpalamig man lang.
I ordered my usual drink, which is cookies and cream. Ito ang takbuhan ko pag galit ako dahil matamis at nakakadistract.
“Anong pangalan, sir?” the girl at the front asked.
“Aldric,” I said my usual name I’d use since Reagan is too intimidating. Bad boy looking at maangas na na nga umasta, Reagan pa.
Nangingiting tumango ang babae saka ako namulsang naghanap ng bakanteng upuan habang nagce-cellphone. I opened my Facebook app and noticed a new friend request coming from that newly accepted varsity player. ’Yung kulot din tulad ni Mavric.
Pinindot ko ang confirm at napansin sa notification na may tag siyang picture sa akin. Tyler Coast ang pangalan sa Facebook. Coast? Amerikano ba ’to? Sabagay… Mukha nga ’yung may lahi. At kaibigan daw ’yon ni Ron.
He mentioned me in our practice earlier. Pansin ko ang liksi ng kilos ko. I read his little caption on the side. “Nice play!”
Marami siyang tag sa akin. Sumandal ako sa upuan at binisita ang profile niya nang magpost din siya at pinagtatag kami nila Mavric.
Can’t wait for the actual game.
Iyon ang caption niya sa apat na pictures na kompleto naming grupo lalo na’t siya ang pinaka panghuling nadagdag. Kami kami iyon sa gym na nakatayo at pawisan dahil sa game.
Hinaplos ko ang buzz cut kong buhok habang nakapamaywang pa ako sa picture at nakarolyo ang bawat sleeves ng tshirt ko sa gilid kaya mukhang kung sinong maangas. I should grow my hair at least this school year para ibang look naman ngayong college na nang hindi napagkakamalang mananapak agad.
“Aldrin!” tawag ng babae kaya tumayo ako.
May isa ring tumayo at nakasabayan kong pumunta sa harap. Inabot ko ang frappe na cookies and cream habang nag-amba rin iyong abutin ng kung sino.
Tumingin ako sa kanya at kumunot ang noo.
“Uh…Akin yata ’yan,” aniya.
I was slightly taken aback by his features, which I found very rare for boys. Hindi ko pa alam kung ano ’yang napapansin ko sa mukha niya pero may kaonting…ewan…dumi siguro.
But no. They weren’t dirt because it suited him. There were a few slight dots on the bridge of his nose as they scattered lightly on the sides of his cheek—almost unnoticeable, but because of the light place, his white skin, and his brown eyes, they were more highlighted.
May mga…ganito bang lalaki? O baka naman… Uminit agad ang aking ulo habang naiisip na baka…
Pero ano?
“Akin ’to,” maangas na sabi ko at tiningnan ang pangalan. “Aldric—Ah namali… Aldrin yata ang nalagay. Pero akin ’to,” I defended seriously.
“Aldrin ang pangalan ko,” aniya, palaban din ang boses ngunit mas malambot kumpara sa tigas ng akin.
Really? Aldrin? Pero cookies and cream ’yung order ko ah?
“Miss…pwede pakicheck…” he said softly at the girl in the front.
Baka naman scam ’to? Wala sigurong pambili kaya gusto akong huthutan! Nabayaran ko pa naman na.
“Patingin nga ng ID,” I said eagerly.
He only glanced at me silently, then proceeded to look at the girl at the front.
“Nagkapalit yata kami ng order,” aniya.
“ID mo,” I demanded impatiently.
Malamig niya akong tiningnan, ngunit hindi na kumibo. I have no patience to wait, whatever his complaint is. Impatient with his own problem, I walked out and stabbed the straw on my own drink as I sipped on it. Akin ’to.
“Kayo po ba si Aldric, sir? Kasi may isa pang order dito. Cookies and cream din… Pero Aldric ang pangalan…” narinig ko ang sabi ng babae.
Gago?
“Ah akin na. Ibibigay ko… Nagkapalit kami,” that boy named Aldrin.
I coughed at my own drink after sipping it. Humabol siya sa akin at inilahad pa iyon, ngunit nang makita niyang nainuman ko na, napaatras ang amba niyang ibigay sa akin.
“Sa’yo nalang ’yan,” I said boyishly.
He looked at me with a cold and unfriendly gaze while his expression turned sour, and he walked toward his own seat instead. Tss. Ano bang inaarte arte ng gagong ’to? Parehas lang naman ’yan! Cookies and cream din! Pati ba naman lalaki ngayon ang daming kaartehan?
Sotto:
San kana? Inuman pre! May isang libo ako dito. Doon kami sa usual spot kaya sumama kana. Hayaan mo na si Roger!
I rolled my eyes while sipping my own drink and typed for a reply.
Rick:
Pass. May practice ako sa bball mamaya
Sotto:
Pass ka naman nang pass! Di na tayo minor tol! Sige na! Irereto din kita sa isang chic na kilala ko. Yung crush na crush ka.
Rick:
Lagot ako kay coach kung hindi ako sumipot sa practice. Baka tanggalin ako. Kakatapos pa naman ng tryouts.
Sotto:
Sabihin mo may LBM ka, tol! Para namang just now oh? Umiiwas ka siguro kasi tanduay lang at walang pulutan?
Daming satsat!
At para yatang nagsisi pa ako kung bakit ko binanggit ang basketball dahil ilang sigundo lang, nagsipasukan ang mga varsity player sa school namin, at sa ingay pa lang, alam ko na agad.
“Uy Rick!” tawag ni Ron.
I wanted to groan and hide beneath the table, but it was already too late. Nasa tabi ko na iyong kulot na si Tyler, si Mavric na nakangising inaakbayan si Ron at si Brent na naantala ang paglapit dito dahil may kakilala yata at doon huminto.
“Anong course mo?” tanong ni Tyler.
“Polsci,” kibit balikat ko.
Nalaglag ang panga niya. “Future attorney! Bakit ka mag-aabogado?”
I shrugged. “Gusto ko lang ng sakit sa ulo.”
Humagalpak sila. I sipped on my drink while they were now talking about courses.
“Nag architect nga ako kasi drawing drawing lang,” si Mavric na siniko ni Connor lalo na’t katabi niya.
“Yabang mo gago. Pag ikaw nasabon ng prof mo sa plates mo pagtatawanan talaga kita,” si Con.
Tumingin ako kay Brent na kinausap iyong Aldrin. Kaibigan niya? Though I would not be shocked anymore knowing how wide his circle is.
“Pumunta kayo sa 18th birthday ni Angela,” ani Brent na kumuha ng isa pang upuan at pinagkasya sa siksikan nang espasyo ng table ko nang lumapit din sa amin.
“’Yan ba ’yung hot dude?” nakangising si Ronan na binatukan agad ni Brent.
“Gago ka. Mga soft boy ang gusto no’n. Di ka papasa,” aniya.
“Soft boy? Gaano ba kalambot? Parang bading na?” natatawang si Tyler.
Nagkasalubong ang kilay ko. Kung hindi lang tumayo si Mavric, hindi pa malilihis ang atensyon ko.
“My girlfriend is here,” aniya at ngumiti sa amin.
Tahimik naming sinundan ng tingin si Mavric na umaalis na. Nailing si Brent at napatingin sa akin kaya umangat agad ang kilay ko. He laughed, so I folded my arms and glared at him.
“Naaalala mo?” he pointed out.
Gago. Bakit ko makakalimutan eh ’yan ang rason kaya pursigido akong sumali sa varsity noong high school para masiko ko siya sa sobrang galit ko.
“’Yan ba ’yung beef niyo noong high school tayo?” Ronan laughed.
Maaga kong nakilala si Ron, Mavric at Brent dahil sa varsity sa school noong high school pa. Hindi naman talaga kami close. Ewan ko lang bakit bigla bigla akong nadidikit sa mga ’to. Si Con naman naging kaklase ko noong elementary pero hindi rin kami nagpapansinan kasi iba iba ang trip namin sa buhay. Nagkakausap lang ngayon dahil nasa iisang varsity na naman.
“What beef?” si Tyler na nang-uusisa.
“Sumali si Rick sa varsity kasi nababalitaan niyang nilalandi landi ni Brent ang crush niya. Nagkakainitan pa ’yon sila noon kahit sa practice tapos it turns out, ’yung babaeng pinag-aawayan nila, palihim nang nasulot ni Mavric,” natatawang kuwento ni Ron.
“Gago?” Humagalpak si Tyler.
“Naging girlfriend niya ba ’yon noon? Si Athena ’di ba ’yon?” si Con na nakangiting inabot ang inumin ko.
Tinampal ko ang kamay niya. Makikiinom pa!
“Oo. Hayop siya. Hindi niya rin alam na ’yung pinag-aawayan namin ni Rick eh ’yung babaeng ’yon pala,” si Brent.
Tang inang Mavric. Akala mo rin talaga nagtagal ang relasyon nila eh ilang weeks lang yata, naghiwalay agad. Hindi na rin kami naapektuhan ni Brent dahil kapwa nadistract sa varsity, si Brent naman, nakahanap din ng bagong crush that time at habang ako…medyo iba na rin ang inaalala.
“Doon din nag-umpisa ’yung bro code eh. Nagsasabihan na ng mga tipo para hindi nagkakasalisihan. Sadyang malihim lang talaga si Mav sa babae,” si Ron na pasimpleng inabot ulit ang inumin ko.
“Putang ina kasi siya. Malandi pa sa malandi,” iling ko nang tampalin ulit ang kamay ni Ron dahil sila na naman ang uubos tapos ako pa ang bumili.
“Eh ikaw? Huling crush mo si Athena ah? Trauma ba sa akin, Rick?” Nakangising tango ni Brent.
I showed my middle finger. “Ubusin mo lahat, Brent. Isaksak mo pa sa baga mo ang iba.”
Humagalpak si Tyler. “Tapos may dadating pala ulit na babae at pag-aagawan niyo?”
“I don’t do girlfriends. Si Rick…medyo seryoso,” ngisi ni Brent.
Humalukipkip ako at muling bumaling sa table nang mahuli kong lumingon dito sa amin. What? You’re offended that I swap our drinks?
“Sinong last dance ni Angela, dude? Sabihin mo ako nalang,” si Ron nang nagsilabas din kami lalo na’t may mga klase pa ang iba sa kanila.
“’Yung crush na crush niyang kaibigan ko na nasa cafe kanina. Si Denver,” ani Brent.
Nauna akong humiwalay sa kanila at pinasukan ang isang major subject ko. Hindi ko rin pinansin ang mga text nila Rodney nang tigil-tigilan nila ako kakayaya at mas nagpasyang umuwi ng maaga pagkatapos ng practice sa game.
Mommy:
Reagan. Uwi ka sa weekends ha? This sunday. Magsimba tayo. Please?
Kinamot ko ang batok ko at nagtipa ng reply.
Rick:
Hindi ako pwede, mom. May practice kami sa basketball. Natanggap ako sa varsity.
Nasa Malabon lang naman ang bahay namin pero hassle din kasi kung panay uwi. At gusto ko ring maging independent this college. O sadyang naririndi din ako sa tuwing gustong pag-usapan ni Mommy iyon.
Oo na. Gets ko na ’yon. Nagka U.T.I. ako noong kinse pa lamang dahil akala niya nakipagsex ako. The doctor confirmed U.T.I. happens at the tip of the penis for us boys. Pero hindi eh…Ayokong tanggapin. Nananaginip pa ako no’n na may sumasalsal daw sa akin pero hindi ko alam kung totoo ba ’yon. Kahit ano yata ang ginawa niya, ayokong halungkatin dahil nakakadiri. Tang ina talaga!
I was so pissed thinking about it that I needed to puff another cigarette. Naglakad ako sa eskinita patungo sa dorm ko. Natuto na ring magsigarilyo noong sixteen lalo na’t isa ito sa labasan ko ng hinanakit kung may bumabagabag na naman sa isip ko.
“Ay pogi!” tili bigla ng isang patpating bakla nang makita ako, sunod sunod na lingon ng iba pang kasama niya na mga bakla din, at agarang hagikhikan na nagpainit ng ulo ko.
I furrowed my brows to at least show I wasn’t even happy about them screaming and giving me attention.
“Ang ganda ganda ng gabi ko! Di pa nga nag-uumaga, may pa pandesal agad! Halatang yummy!” one of the gays shamelessly said while looking at me.
“Pogi! May one thousand ako dito! Ayos lang kahit umagahin!”
“Type ko talaga ang mga suplado at badboy kasi alam kong marahas at nangwawasak!”
“Hoy crushie ko ’yan! Ako ang naunang nakakita! Huwag kang loko loko!” the flirtatious voice of the fucking gay slapping his friend, who’s also screaming.
“Papatulan ka ba?! Mas fresh kaya ako! Tingnan mo nga yang pusod mo! Ang dumi dumi! Nag crop top ka pa ah? Ikaw ba ’yan Winnie the Pooh?”
“Ay nakakahiya sa legs mong bruskong brusko tapos nagshoshorts ka! Bakat na bakat pa ang sa’yo besh! Ano bang sinuot mo, panty na t-back?”
“Pogi! Patikim! Kahit isang gabi lang!”
Tang inang mga salot na ’to.
“Ang sarap—Aray!” Marahas ang pagkakasandal niya sa pader, ang boses na inipit kanina ay naging brusko nang dumaing siya dahil sa biglaan kong pag tulak sa kanya.
His friends frantic reactions earlier calmed down until they worriedly looked at my sudden violent reaction.
“Bakit ka nanghahawak?” mariin kong tanong at kung pwedeng wasakin ko agad ang mukha niya, gagawin ko.
He looked at me with terror in his eyes.
“Uy hinaplos ka lang…” their friend defended softly.
Hinaplos? Tinampal niya ang pwet ko! Tang ina!
I pinned my forearm more on the edge of my arm, almost choking him. Galit na galit ako, at kung pwedeng sirain ko agad ang mukha niya, gagawin ko.
“T-Tama na ’yan…” His friends tried to touch me, but I glared at them.
“Manghawak ka pa…” banta ko at marahas na binawi ang sarili ko palayo lalo na’t hindi ko talaga natatansya ang mapalapit man lang sa mga nakakadiring gaya nila.
“Sus. Ang oa. Pero kung babae ’yan… Baka tinigasan agad,” sabi ng isa sa kanila habang naglalakad na ako palayo.
“Shet. Bad boy talaga. Choke me daddy ang peg!”
“Masarap baks?”
“Oo te! Kamuntik akong labasan! Ang pogi magalit at ang bango bango pa! Sarap laplapin!”
And they started laughing, which annoyed me to the core. I need to find a new place with no trace of any gays at all. Nakakakulo ng dugo! Oo nga, makakatipid ako dito, pero baka hindi pa ako nagiging abogado mauna na ako sa presinto dahil may nabugbog na bakla. Talagang salot lang ang ambag nila at kadumihan! Ang hahayok sa lalaki!
Chapter 2
Trigger Warning: Vulgar language
Father Figure
I groaned and took Brent’s hand out of my shoulder. Sumunod siya at inakbayan ako ulit.
“It’s for Angela,” he insisted.
“Bakit? Kaibigan ko ba ’yan?” I glared at him and pushed him a bit.
“The boys are actually game since the girls kind of challenge me too.”
Ang sabihin niya, wala siyang mairegalo! Ganyan ’yang style niya eh. Kunwari nag-eeffort, pero ang totoo, wala lang talaga siyang ambag kaya bumabawi dahil galit na sa kanya ’yung may birthday.
“Come on, Rick! Why are you so uptight? They’re planning for a trip next month. You should come and hang out with us more.” Muli niya akong inakbayan.
Varsity na nga, pati ba naman sa labas magb-bonding pa kami?
Kahit anong tanggi ko, hindi niya talaga ako tinatantanan na kahit pagkatapos ng practice, iyon na agad ang sinisingit niya.
“Kunwari ka pa! Nakalimutan mo siguro ’yan batiin last year kaya bumabawi ka,” si Ron na humagalpak, pawisan pa at pinapaypay ang dulo ng kanyang t-shirt sa basa niyang tiyan nang nasa court pa rin kami.
“I just want to participate since the girls were insisting on it,” si Brent.
“Really, Brent? O gusto mo lang gamitin ito para ireto ka ni Angela?” si Mavric na nakaipit pa sa gilid ng baywang ang bola at nakatayo sa inuupuan kong bench.
Nailing ako habang umaangat na agad ang mga kilay ni Ron, si Tyler naman na kuryoso, ako na tahimik na nakinig dahil madadamay pa yata.
“Ano bang plano ng girls?” si Con na nakaupo sa tabi ko, nakapangalumbaba sa nakaparte niyang mga hita.
“They’re gonna rap super bass?” Brent shrugged.
“Super bass?” tanong ko. Ano ’yon?
Tumango siya. “Nicki?”
“Nicki who?” si Ron na medyo naging interesado.
“’Yung malaki ang pwet?” si Mavric.
“Really? Patingin nga ng picture?” agap ni Ron.
“Search it on the internet. Nicki… Nicki… Min something,” si Mavric na pinisil ang pang-ibabang labi.
“Nicki Minaj,” si Brent.
“Ah… ’yung Anaconda,” si Tyler.
“What?” Ngumiwi si Con.
“My Anaconda don’t want none unless you got buns, hon!” Tyler sang in a thick accent, and we all ended up laughing.
Itinapon ni Mavric ang bola sa kanya lalo na’t sumayaw pa ng kaonti ang kumag at nakangising kinagat ang labi. Gago.
At dahil doon, siya na ang pinaisip ni Brent sa gagawin daw sa birthday ni Angela. Maybe he recruited us so he could do this easier. Kami pa ang pinambato at siya naman ang makikinabang.
“Gago naman! Ano ba ’yan?!” ungol nang ibang choreo na ang pinagtuturo ni Tyler sa amin.
Kaya nga ako estudyante lang kasi wala akong balak diyan sa kanta kanta o sayaw na ’yan tapos ganyan din ang ipapagawa sa akin? Sana pala nag artista nalang ako kung ganito din! Akala mo may world tour eh. Sasayaw na nga, kakanta ka pa?
Ilang araw na gano’n at hindi ko namamalayang nakasabay din sa pakulo nila. Anong 18th birthday party ba ’yon? Pipitchugin? May pa contest? Balita ko sa bahay lang daw gaganapin eh.
Kaya nang pumunta ako doon at halos mansyon na ang venue, nalaglag ang panga ko sa garbo at laki.
Kinuha ko ang phone ko para magtipa ng text nang may umakbay sa akin bigla, ang nakangising si Mavric.
“You look hot in a tuxedo, Rick,” he complimented, looking at my suit.
Inayos ko ang tie at ibinulsa ulit ang phone ko, tiningnan ang mala-mansyon na bahay.
“Dito?” I asked.
He nodded. “Yup. That’s why you should show up sometimes. Join our fun. Gano’n. Get close with the girls. You know what I mean?” Kindat niya sa akin at naglalaro ang ngiti sa labi.
Siniko ko ang dibdib niya na ikinahalakhak niya. Naka itim na coat siya at navy blue dress shirt sa loob, habang itim naman ang inner dress shirt ko. Iyon nga lang, nakabukas ang dalawang butones ng akin, the necktie hangs loosely on my neck, while the lace of my silver necklace showed.
Pumasok kaming dalawa. Napakurap ako nang makita magarbo nga ang venue. The whole place turned into a fancy party for some sort of elite girl who’s turning eighteen.
Iginiya kami ng waiter sa aming table at nandoon na pala ang iba. Nakasandal si Tyler sa upuan niya, gumagala ang tingin, si Ron na may ibinulong at may nginuso sa kabilang table sabay hagikhik ng dalawa.
“Gwapo Rick ah? Sinong sasapakin?” Con said and laughed.
I rolled my eyes and pulled the chair roughly as I occupied it. Lumingon si Tyler at ngumiti.
“Rick! Wow! Pwede kana sa action movies. Baril nalang ang kulang at sobrang angas mo na.” Hayop na bibig ni Tyler.
Nakita ko ang pagdating ni Brent, kasama iyong Aldrin na naka puting tuxedo sa tabi ni Brent na naka itim na tuxedo at nakapamulsa sa kanyang slacks habang may pinag-uusapan sila.
Hinatid lang ni Brent sa kabilang table na sinundan ko ng tingin, saka din naglakad si Brent patungo sa amin pero huminto hinto pa sa ibang tables.
“Sino ’yang kausap ni Brent?” tanong ni Tyler kaya tiningnan namin ang babae.
“Si Gabriella,” si Mavric ang sumagot.
“Part of the debutant’s circle?” Tyler raised his brow interestingly.
“Dude, I swear to God, don’t try Brent’s friends, especially the girls. Kakaibang breed sila. It’s like they’re Brent’s little minions…” si Mavric.
“I’m just into nursing type of girls. You know, morena, clean girl, and…” si Tyler na nagkibit ngunit mas lumaki ang ngiti.
Nailing si Con. “Imagine Brent as a woman. It’s a disaster. Most of his friends, lalo na ang girls, parang mga kalahi niya. Kung ayaw mo ng sakit sa ulo, just find someone who doesn’t know Brent, or who hates Brent.”
Tumango ako sa sinabi ni Con. Lalo na’t totoo din naman. Simula Grade school kilalang kilala ko na si Brent at talagang iba ang saltik niyan minsan. Kung babae ’yan, ewan ko nalang. Kaya siguro ginawang lalaki para maupakan mo minsan.
“That’s actually my type. ’Yung ayaw na ayaw sa akin. It’s a turn-on, dude! Those girls who don’t like me? Damn girl…” Halakhak ni Tyler.
Tang inang fetish.
Doon lang naputol ang topic nang lumapit na si Brent at umupo sa tabi ni Mavric. Nagsimula din naman ang program noong dumami na ang bisita. At ano pa ba ang iniisip ko na puro naman talaga amoy mayayaman o elite itong kaibigan ni Brent. Sa bisita pa lang, parang may mga tinatagong gold bars kaya ang yayaman tingnan.
Bumaba din iyong Angela. Ang laki laki ng suot na gown. Di ba ’yan matatapilok? Paano kung gumulong siya pababa sa hagdan?
Tumayo si Brent at mukhang kasali siya sa 18th roses ganoon din si Mavric. Tahimik kaming nanoood hanggang sa last dance na yata.
Isang tilian ang sumabog kaya kuryoso kaming tumingin kung ano iyon at nakitang tumayo na nga iyong Aldrin na may dala nang rose. Pinaypayan ni Angela ang sariling mukha at malaki ang ngiti habang hinihintay na lumapit sa kanya.
“The girl is so obvious. She’s crushing on him,” ani Tyler.
“Tapos tingnan mo, hindi ’yan magiging sila. Most of the girls don’t really end up with their crushes…” si Ron.
Humalukipkip ako at bagot na nanood. Matagal pa ba ’yan? Ano bang masasarap na handa dito? Iba pa naman ang taste nitong mayayaman sa pagkain. Minsan di ko gusto ang lasa.
“Gutom na ako,” bulong ko kay Con.
Lumingon si Con sa akin at natawa. “Di ka ba kumain?”
Umiling ako. “Hindi. Birthday naman ang pupuntahan ko.”
He laughed again and called the waiter. May kung ano siyang sinabi at tinanguan iyon para iserve na yata ang pagkain sa table namin.
Nauna na akong kumain. Tikim tikim lang din naman at tumitingin tingin sa program para hindi mapahiyang pagkain lang ang pinunta ko dito. Noong pumalakpak sila, pumalakpak din ako. Mukhang inikot si Angela noong Aldrin at para nang gumagawa ng movie ang dalawa dahil ang romantic panoorin. Ang kokorni.
“Para talagang prince vibes itong si Denver kaya ang daming nagkakagusto,” rinig ko sa kabilang table.
“Ang gentleman niyan eh. He’s also friends with Brent…” patuloy nila.
“Edi fuckboy? Coz most of friends circles, most especially the boys…”
Umangat ang kilay ko. Close ko ba si Brent? Hindi naman. Naiirita lang ako kila Roger talaga pero ’yun ang madalas kong samahan.
Natapos na ’yung sayaw at ang girls naman para sa 18th candles. Kuryoso kong tiningnan isa isa dahil magaganda talaga, at kahit sila Tyler, titig na titig at magtitinginan sila ni Ron sabay hahagalpak.
Maya maya, tumugtog na nga ’yung sinasabi ni Brent na Super Bass. Nasa gitna na rin ’yung mga magagandang babae at naka shades pa silang lahat sabay rap noong kanta.
I got interested because most of the chics were hot.
Humiyaw ang mga bisita habang natatawang pumalakpak ang iba. Humagalpak ako kasama nila Tyler nang isa sa kanila ang maarteng nag rap at swabe ang gestures niya.
“Damn hot,” ngiting ngiting sabi ni Ron.
Lumabas na rin sila sa malaking projector at talagang maingay ang venue dahil magaling silang kumanta at maaarte pa ang dating.
“It’s Brent’s turn!” one of the girls shouted.
Humahalakhak ako hanggang unti-unti kong napagtanto kung anong meron. Super bass… Ibig sabihin…
“Tayo na ang next, Brent?” kumpirma ni Tyler.
Nalaglag ang panga ko. Gago? Oo nga pala?
Noong patapos na ang kanta, nag-amba akong yumuko at magtago nalang sa ilalim ng mesa kaso hinila na ako ni Con habang tumatawa. Goddammit! Hindi ko naman kaibigan ’yang Angela!
“Oh my gosh!” at tilian ng mga girls na ikinapikit ko saglit.
When Without Me by Eminem boomed—which Tyler decided himself so he could rap it while we’re his fucking backup dancers—I grunted shyly.
Hayop. Makikikain na nga lang sasayaw pa! I glanced at Tyler to check for the steps, at least, and saw him biting his lips while smiling while he danced and rapped the song expertly.
I dance smoothly to at least match the vibe while thinking of burying myself alive. Edi sana sarili ko nalang ang ibinalot ko bilang regalo kung ganitong kahihiyan din pala ang mapapasukan ko?
But then, I would look stupid if I didn’t join, so I just danced in a smooth way. Humagalpak ako sa kahihiyan at naiiling na lamang saka ako napatingin sa mga bisita. I caught Aldrin looking at me, which triggered my ego.
Ang angas angas ko noon sa cafe tapos makikita niya akong sumasayaw? This is ridiculous.
It was so chaotic. Napupuno ng tawanan ang venue dahil sa paandar naming boys ganoon din ang nakakabinging tilian ng girls maliban doon sa mga babaeng friends ni Brent na nagb-boo. Nagawa pang lumapit ni Tyler sa table nila at swabeng sumayaw kaya tumili lalo.
“You got the moves, man. Smooth.” Nakipag-apir si Tyler sa akin sabay hagalpak naming dalawa at inakbayan niya ako habang naglakad na kami patungo sa table namin.
“Magaling ka pala gumiling, Rick?” hagalpak ni Con nang magsiupo na kami.
“Oo. Ikaw ba naman manlambot ang katawan sa kahihiyan…” Iling ko habang napapangiti na sa kalokohan namin.
Kahit nakaupo na, iyon pa rin ang pinagkakaguluhan ng lahat at natatawa pa rin. They were even directing their phones to us, probably trying to video us.
“Ang next performer natin ay medyo…pakikiligin ang debutant,” the emcee announced, smiling at Angela, who grinned while her friends cheered loudly.
“May we call on Mr. Aldrin Denver Ferrin to come to the front…”
Nasa labi ko pa ang ngisi nang lingunin ko ang kakatayo lang na pamilyar sa akin. My small interaction with him will always be funny in my head. Mahilig din yata sa cookies and cream.
Nagsitilian ulit ang girls kaya kuryoso akong tumingin sa harap. May mini stage na doon at may inilagay na stand ng mic. Umangat ang kilay ko nang pumunta doon sa harap iyong Aldrin na may suot na gitara at ngumiti kay Angela.
He started strumming his guitar, which I found amusing since I also played guitar. Electric nga lang…
“The dawn is breaking,” he sang smoothly with a smile on his lips.
The girls screamed even more frantically. He chuckled against the mic and shook his head a bit, licked his lips, then proceeded to sing the other parts. Tahimik lang kaming nakinig habang tumatango si Ron, nakiki vibe at hindi ko rin namamalayang ginagalaw ko ang paa ko para sabayan ang paggigitara niya.
“He sounds angelic,” si Con.
“Kaya maraming may gusto diyan kasi full package. Matalino din,” si Brent.
Ginawa niya pa yatang concert niya ang buong venue dahil pati ang girls, napapasabay sa pagkanta.
“I heard he also got gigs…” si Ron.
Malawak ang ngiti noong Angela. Halatang crush na crush niya at titig na titig naman sa kanya iyong Aldrin. Binigyan ko ng pansin ang pagkain ko dahil talagang gusto ko nang lumamon. Eh ito naman ang pinunta ko dito.
Pagkatapos niyang kumanta, sumigaw pa ang girls na isa pa kaya napasubo yata siya hanggang nakatatlong kanta siya bago tumigil. Si Brent, wala na sa table namin at nasa kabila na. Papasubo pa lang ako nang tinapik na ako ni Brent.
“Come here, Rick.”
“Mamaya na. Kumakain pa—”
But Brent just dragged me up and brought me somewhere. Magkasalubong pa ang kilay ko nang huminto kami sa table noong madalas niyang lapitan na may mga girls at boys.
“This one? ’Yung mukhang bad boy?” natatawang si Brent sa isa sa girls.
Inakbayan ako ni Brent. Umangat lamang ang kilay ko at medyo kumalma para hindi magmukhang masungit.
“Hello! I’m Keycee!”
Ngumiti ako ng kaonti at kinuha ang kamay niya. Tumingin ako saglit sa isa pang nandoon na si Aldrin lalo na’t nakatingin sa akin saka ko ibinalik kay Keycee.
“Reagan,” pakilala ko.
“She said she likes you,” bulong ni Brent. “Loosen up a bit. Cool down your temper…”
Sinamaan ko ng tingin si Brent pero kumalma din lalo na’t hindi naman mainit ang ulo ko! Mukha lang akong ganoon dahil sa look ko pero hindi.
Keycee:
Hindi kana nagrereply :(
On the next days, after that party, naging madalas na yata ang pagtetext namin ni Keycee. Nga lang, nawalan din ako ng gana.
Keycee:
Because of the kiss?
Napangiwi ako nang pinaalala niya pa. Kakauwi ko lang dito sa Malabon lalo na’t namimilit si mommy at may gusto daw sabihin sa akin. Kung kailan ayokong umuwi, noong niyaya niya ako sa bahay nila, umuwi nalang agad ako bilang alibi.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Yes, I like girls like her who are calm and gentle. But…
Rick:
Pass muna.
Keycee:
Wdym pass? What am I? Your past time? Pass ka nang pass. That was the only time we were alone, and yet you’re now telling me that? I don’t understand.
Kuryoso naman talaga ako. Sino bang may ayaw? Pero hindi eh. Talagang…ayoko muna.
Keycee:
Gay ka siguro? As if I forced the kiss?
Nag-igting agad ang panga ko. Ayaw lang bading agad?! Sa sobrang galit ko, binlock ko. Gago pala eh.
Pumikit ako at humiga nang maalala ang ginawa namin noong nakaraan. She just suddenly sat on top of me, and I don’t like it.
I am not a fucking saint. Alam ko ang gusto niya that time. Kami lang dalawa sa kuwarto niya dahil sabi niya, mag-aaral kami! S’yempre sinamahan ko!
But when she kissed me, started some foreplay, sat on my lap, and grinded a bit, I feel…disgusted. I don’t like the feeling. Naaalibadbaran ako. Naiirita. O nandidiri dahil nasa itaas ko siya.
Sure. I could pleasure myself. Active naman ako ganoon at lahat yata ng porn sites ay nabisita ko na. Kaya nga may tissue dito sa kuwarto ko sa gilid ng kama, pero pag sa ibang tao na…ewan. Ang hirap.
keyceejane023gmail.com
Just say it, Rick! No need to block me! Fucking Gay! You’re just a closeted bad boy hiding in that intimidating look of yours, but you don’t have the balls to man up! Nakakairita ka! I hate you! Sana pala di nalang ako nag invest ng time sa’yo! My friends are right about the varsities! Guwapo lang kayo, but you all suck!
Nalaglag ang panga ko. Kasalanan din ito ni Brent! Nireto reto pa kasi ako! Soft girl ’to? Ano ngayon kung ayaw ko sa ganoon? Ano ngayon kung tumanggi ako? Eh sa hindi ko gusto! Pag siya ang tumanggi, hindi ko ipipilit. Pag ako, bading agad dahil lang ayoko?
Can’t men say no?
Kung hindi lang kumatok si Mommy, hindi ako babalik sa huwisyo at baka nareply-an ko talaga. Her head peeked at the ajar door as she smiled and showed me my favorite drink.
“Bad mood? Magkasalubong ang kilay mo. But look…” She wiggled the drink cutely.
I sighed, pulled myself up against the side of the bed, and tossed my phone. Pumangalumbaba ako sa nakaparte kong hita habang pumapasok na siya.
“Hmm…umuwi ka. Nag-away kayo ng girlfriend mo?” she concluded again.
“Mom. Wala nga,” irita kong sabi habang tinitingnan ang inilahad niyang drink.
“Wala pero…” Umangat ang kilay niya at tumingin sa leeg ko.
Shit.
Hinaplos ko agad iyon at mabilis na inabot ang itim na sleeveless t-shirt dahil baka may ganoon pa. Tumabi siya sa akin at tumingin sa tiyan ko bago ko pa iyon matakpan.
“Reagan…kailan lang ’yan? Hindi ba ’yan bawal sa school?”
Nagpatattoo ako ng scorpion kasi Scorpio ako. Hindi naman sobrang laki pero hindi din gano’n ka liit, it’s around my right lower abdomen para hindi gaano pansinin.
“May iba naman na may tattoo din, my,” sabi ko lalo na’t ayoko nang marami pang tanong.
She sighed. “You really changed, anak…”
Kumunot ang noo ko.
“Ang daling uminit ng ulo mo, di kana nag-oopen up sa akin at para ka pang may sariling mundo. And then this…may tattoo ka? Last year, nahuli ko ang pakete ng sigarilyo sa bulsa ng bag mo—”
“Minsan lang naman,” agap ko dahil parang doon na siya patungo.
“And I noticed your temper! Ang bilis mo magalit! I know you’re now a teenager, but I hate the way you’re changing. Ilang taon kana ring kalbo! You looked so…different.”
I wanted to get mad at it, but instead, I laughed. “Buzz cut hindi kalbo.”
“Buzz cut or whatever, hindi ka naman ganito! Ngayon sa sobra ng dami mong pinaggagawa, parang hindi na kita kilala minsan…”
Nagkamot ako ng batok at naipikit ang isa kong mata.
“But this is not the main topic here. I want to tell you… I’m starting to meet someone else. I’m dating!” Ngisi niya.
Nalaglag ang panga ko at napatayo. Tumawa siya at tiningala ang katangkaran ko. Sinermonan niya ba ako para kunwari siya ang galit dito pero ang totoo…
“And I think you need a father figure, Reagan. Para naman sa kanya kana mag-open up kung hindi ka komportable sa akin.”
Chapter 3
Trigger Warning: Homophobia, vulgar language, and mention of sexual assault.
——
Trauma
“Napapadalas yata ang pagsama mo doon sa circles ni Brent, tol?” puna ni Rodney nang magkayayaang magbilliard.
Paano ba naman, puro tags na yata nila ang laman ng Facebook ko. Simula noong sumama ako sa 18th birthday noong Angela, lagi na rin akong iniimbitahan at hinahanap ng ibang girls.
“Puro pa naman tambay sa BGC ang mga ’yon,” si Sotto na nasa gilid at yakap ang billiard stick niya.
I crouched a bit, looked at the cue ball to target the black ball, and aimed at it while the cigarette was between my lips. Pagkatapos ko iyong tirahin, tumayo ako ng tuwid, pinanood ang paggalaw ng mga bola at hinithit ang sigarilyo, hindi masyadong nakisali sa topic nila.
“Nakakarelate ka ba sa kanila, Rick? Pero akala ko sanay ka sa simpleng buhay lang? Ayaw mo ng kaartehan ng mayayaman?” Bumaling si Rodney sa akin.
Idiniin ko ang dulo ng sigarilyo sa ashtray bago iyon pinakawalan.
“Sakto lang,” sabi ko, nasa mga bola pa rin ang tingin na naasinta ko ng maayos at na shoot.
Totoo ang sinabi ni Rodney. Though we belong in the upper class since my mother is part of a big brand of apparel here in the Philippines who’s a fashion designer that earns big, I was more used to simple living because of my grandma. Sa kanya kasi ako iniiwanan pag busy si mommy.
At dahil sa tropa kong sila Rodney ako madalas sumama, medyo naaadopt ko iyong pangkanto nilang ugali. Iyong ayaw din sa biruan ng mga mayayaman pero kung gusto kong makisabay talaga kila Brent, makakasabay naman ako.
Sadyang dito ako mas nasanay. Sila Brent, hindi ko naman masyadong close dahil sa basketball lang kami nagkakasama, medyo ngayon lang dahil pinaunlakan ko iyong birthday noong kaibigan niyang si Angela at naimbitahan ulit sa galaan nila.
“Ang gaganda noong kabilang na girls na close yata noong Brent,” si Rodney.
“Wala kang type doon, Rick?” kuryosong si Sotto.
The thing is, I don’t kiss and tell. Swabe lang naman ang gusto ko. Kung makikita, edi ebidensya iyon na gusto ko ang babae. Pero hindi ko pinagsasabi-sabi talaga. Hindi ko rin naman ililihim kung kami na.
Umiling ako, nagpalit ng pwesto, at yumuko para tirahin ulit ang cue ball.
“Baka naman kasi lalaki talaga ang type mo, Rick?” natatawang si Sotto.
Ang amba kong pagtira sa bola ay tumigil saka siya nginisihan nang tingnan ito. He raised his hands immediately while the playful smile was still on his lips.
“Oh? Biro lang! Pinapagaan ko lang ang mood mo!” natatawang si Sotto na tinapik din ni Rodney ang balikat habang tumatawa.
“Nakakatawa?” ngisi ko dahil naiirita ako.
Simula noong initan namin ni Roger tungkol sa bakla, mas lalo lang yata nila akong pinagtitripan doon.
“Ano ba kasing ginawa sa’yo, Rick?” Rodney asked, trying to be serious while Sotto was forcing himself to stop laughing.
“Tinira ka sa pwet?” Sotto interrogated casually, like it doesn’t need to be that heavy to talk about since we’re men here.
Nagkasalubong ang kilay ko. Pilit na nagseryoso si Rodney, hinihintay akong magkwento.
“Lasing ako no’n,” namamaos kong sabi, nag-iwas ng tingin.
“Lasing? Saan ba? Sa bahay niyo?” si Rodney.
Umiling ako at hinawakan ang isang hikaw sa kaliwa kong tainga. “Sa bahay ng kaibigan ko. Tapos nalasing ako at nakatulog sa sofa.”
“O baka naman kasi panaginip mo lang ’yon, tol?” si Sotto na medyo nagseseryoso na ngunit may bahid pa ring ngiti ang labi.
“Panaginip? Eh naaalimpungatan ako no’n. Talagang naramdaman ko at parang may humahawak sa akin. Parang nakita ko ngang nakapatong. Pakiramdam ko nga…” hindi ko halos maipagpatuloy dahil sa umuusbong na galit sa akin.
“Kadiri naman. Eh kung babae sana ’yon…” si Rodney na ipinagsalubong ng kilay ko.
Anong kung babae? May kaibahan ba ’yon? Tang ina. Baka sa mga babae ako ngayon galit!
“Alam mo, Rick…” Lumapit si Sotto sa akin at inakbayan ako. “Sa panahon ngayon, normal nalang naman na namamakla ang lalaki para magkapera. Isipin mo nalang na hindi mo nakuha ang bayad mo. Eh kung nasa huwisyo ka no’n, baka nga masarapan ka pa—Tang ina, Rick?” He grunted when I elbowed his face, triggered by his shallow opinion.
Nasarapan?! Bakit ako masasarapan?! Hindi ko iyon ginusto at wala akong ideya sa ganoon!
“Pre, gago ka! Masakit matira sa pwet!” natatawang sipa ni Rodney kay Sotto na hawak ang ilong at ngumingiwi.
Fuck. I don’t like this feeling. Mas nagsisi ako bakit ko kinwento sa kanila. At kung mas idinetalye ko pa, pakiramdam ko, pandidirihan nila ako, sa halip na intindihing hindi ko iyon gusto!
“Oo nga, masakit! Pero hindi naman siguro siya ang tinira. Sino ba ang nasa ibabaw, Rick? O…nakapatong?” si Sotto, na talagang naglalaro ang ngisi sa labi at pinipigilang matawa.
He asked it so…fucking easy. As if I could give him an answer to it like it was just a simple back story I needed to shrug about. Goddammit!
“Naranasan ko din naman ’yan. Ang daming bakla sa kanto namin at niyayaya pa ako minsan. Tinampal pa nga ang pwet ko. Pero dedma lang ako. Gano’n lang din ang gawin mo para hindi uminit ang ulo mo,” si Rodney na nanliit ang mga mata ko.
Bakit niya kinukumpara ’yang karanasan niya sa akin! I was—God knows what that demon did. But I feel so furious he’s trying to set aside mine through comparing it to his!
“O mapipikon na ’yan. Itigil na nga natin itong topic na ’to,” si Sotto nang makitang nakakuyom na ang mga kamay ko, halos nandidilim ang paningin at gusto silang pag-uuntugin.
Hindi ko na dapat kinwento. Hindi ko na dapat ipinaalam. Hindi nila naiintindihan. At pakiramdam ko, parang maling maramdaman kong magalit sa isang bagay na tingin nila, hindi naman talaga kailangang ibig deal.
Hindi ba iyon bigdeal? Kailangan ko bang kalimutan nalang?
I roughly tossed the stick into the billiard pool. “Kayo na ang magpatuloy.”
Tuloy tuloy ang pag-alis ko. Humabol ang tinig ni Rodney pero natatawa rin.
“Ang seryoso mo masyado, Rick! At isipin mo nalang na libreng pamamakla iyon—”
Talagang bumalik ako sa nilalakaran at hinila ang kwelyo ni Rodney, tuluyan nang napuno.
“Shut your fucking mouth, Rodney.” I warned aggressively.
Kung hindi niya lang agad ako naitulak, nabasag ko siguro ang nguso niya sa amba kong suntok.
“Biro lang! Ano ka ba? Para ka talagang babaeng may regla lagi kaya ang sarap mong asarin! Para namang hindi mo kami kaibigan tol! Biru-biruan lang!” si Rodney na agarang nagsalita nang makawala sa pagkakahawak ko.
“Huwag ganyan, pre. Marunong ka dapat makibagay. Mga lalaki tayo dito. Hindi mo kailangang mapikon kasi wala lang naman ’yan. Hindi mo kami kalaban tol,” si Sotto na pinilit pang tapikin ang balikat ko pero tinabig ko.
“Tingnan mo si Roger, ayaw kanang kasama. Pikon ka daw. Kami na nga lang ang nagtitimpi sa pasensya mo, ganito ka pa. Kaibigan mo kami,” si Rodney na nagseryoso na lalo na’t angat baba ang balikat ko sa galit.
“Tigil-tigilan niyo ako sa mga ganyang biro kung magkaibigan tayo kasi ayoko sa ganyan!”
“Para nga gumaan ang loob mo. Ano ka, babae? Gusto ng drama? Mag-iiyakan ba tayo dito, tol?” natatawang si Sotto.
Ngumisi ako ng matabang. Ginagawa nila ito dahil masarap kong asarin? Nagawa pa nilang gawing katatawanan iyon? Ano ’yon, kinikiliti nila ako gamit kutsilyo?! Na dapat matawa ako kahit masakit?! Mga gago!
At kung gagawin pala nilang katatawanan, edi sana hindi ko nalang sinabi. Ayos sana kung pinapagaan ang loob ko, pero tang ina, parang ako pa ang may mali! Parang ako pa ang may kasalanan na ganoon ang nangyari!
I stormed out of the place infuriatingly while lighting a cigarette again. May nadaanan pa akong basurahan na sinipa ko sa sobrang galit. Putang inang mga bakla. Kung hindi sana sila hayok sa lalaki, wala akong ganitong sakit sa ulo ngayon! Demonyo nga yata ang gumawa sa kanila at hindi Diyos kaya asal demonyo din! Makakita lang ng lalaki, libog agad ang papasok sa isip!
I was so mad that I wanted to bang my head against the door of my apartment as soon as I went home. Mariin akong pumikit, isinandal ang ulo sa pinto habang nagtatagis ang aking bagang.
“Putang inang bakla na ’yon!” I grunted violently, releasing my frustration and my raging anger.
Angat baba ang balikat ko hanggang sa gilid ng aking mga mata, may tao sa gilid ko at mukhang binubuksan ang pinto ng unit niya. I tried to calm myself when I realized I’d scare whoever it was. Calm the fuck down, Rick.
Dumilat ako sa seryosong paraan at bumaling ang tingin sa gilid saka ko nakita ang pamilyar na lalaki na nakasuot ng gitara sa kanyang likuran, binibilisan ang pagbukas ng kanyang pinto dahil sa kalampag ng susi sa doorknob.
Itinagilid ko ang ulo hanggang mapansin ko na siya iyong kaibigan ni Brent. Sa nanginginig niyang kamay, nahulog niya pa ang susi.
“Ikaw ’yung Aldrin ’di ba?” I conversed.
Ayoko namang baka ireport niya ako dahil lang naabutan niya akong ganoon.
He glanced at me; his eyes were bloodshot, which made me calm down for a bit, then proceeded to open the door without uttering a word. Nag-amba akong magsalita pa kaso pumasok na siya at isinara agad iyon.
I licked my lips instead and scoffed unbelievably. Masungit. Kung may complain sa akin bukas, siya ang sigurado akong nagsumbong. But what’s with his eyes? Umiiyak ba ’yon? At dito din pala siya?
Naghanap na kasi ako ng medyo high-end na matitirhan. Iyong alam kong walang mga baklang pakalat kalat sa eskinita. Oo gusto kong magtipid dahil naaawa ako kay Mommy at siya lamang ang nagtatrabaho para sa amin, pero hindi ko talaga matiis na malapit ako sa mga katulad nila.
Ayon, kailangan kong kunin sa allowance ko ang pambayad. Nasa five digits naman ang binibigay ni Mommy pero minsan nakokonsensya ako pag masyadong nagwawaldas.
Hindi na ako sumasama kina Roger dahil napadalas na ring maimbitahan nila Brent sa mga sumunod na araw. Isa pa, medyo nalilibang ako dahil nakakatawa sila kasama sa kabila ng stress sa acads.
“Rick—Woah!” Ang boses ni Tyler na agad napalitan ng kaonting daing dahil hinuli ko ang kamay niya nang hampasin niya ang pwet ko.
“Aw, dude…” He squinted his eyes while his expression looked painful.
Binitiwan ko agad ang kamay niya lalo na’t iyon na ang nakagawiang nagagawa ko pag hinahawakan ako doon.
“What the hell? What’s that for?” Nakangiwi niyang hinawakan ang kanang kamay at inikot ikot iyon.
“Nagulat ako.” I shrugged as I explained it, instead of getting mad.
Siguro nga, tama rin sila Rodney. Masyado kong binibig deal ang nangyari sa akin. Eh matagal na rin naman iyon. Lasing din ako no’n.
“Aw… you’re violent…” Ngiwi niya habang nagpatuloy akong ayusin ang laman ng locker room ko.
“Say sorry, dude,” aniya.
Umismid ako, hindi siya pinansin. Ilang sigundo lang, ang magulong boses nila Mavric ang sumunod lalo na’t galing kami sa practice.
“Napano ’yang mukha mo?” si Ron ang nagtanong.
“Rick almost break my hand,” si Tyler.
“Ah…tinampal mo sa pwet?” si Mavric.
I sighed and tried to shrug about it. May ideya naman sila na ayaw ko na hinahampas ang pwet ko lalo na’t noong seventeen ako, pabirong hinahampas ni Ron ang pwet ko at talagang nagagalit ako. But I haven’t told them I hate gays, or because I got a bad experience with it.
Ayoko na silang lingunin pa. Pagtawanan nila kung gusto nila.
“Oo. Why? What’s up?” si Tyler na kuryoso.
“Rick hates it,” ani Ron.
“May injury ka sa pwet mo, Rick? Bro, I’m sorry!” agap ni Tyler at itinagilid ang ulo para silipin ako.
Humalukipkip si Brent sa gilid ng locker ko at topless na habang nakasablay na sa balikat niya ang kanyang itim na t-shirt.
“Noong high school pa ’yan ah? Hindi pa gumagaling?” Brent asked.
“Anong klaseng injury ba ’yan, Rick? Buti at nakakaupo ka pa,” si Mavric.
Medyo hindi ko inaasahan iyon. Isa-isa ko pa silang tiningnan para makita ang mga ekspresyon nila and they were all serious and a bit worried while asking.
Huwag na, Rick…Tatawa ang mga ’yan. Mandidiri rin. Hindi kana nadala kina Rodney.
“I know a clinic, Rick. You might want to try visiting it? Sabihin mo lang nirefer kita,” si Tyler na tinapik ang balikat ko.
“O baka naman tigyawat? Gago dude. Ipatingin mo ’yan,” si Ron na umakbay pa at hinawi ko lang.
“Tigyawat? Sa pwet?” si Tyler na gustong matawa pero nang tingnan ako, nag-alala. “May pera ka ba diyan? Pauutangin kita. Ipacheck-up mo, Rick.”
Di ko alam kung matutuwa ako na nag-aalala sila sa akin, o maooffend dahil akala nila may tigyawat ako sa pwet kaya nagagalit ako pag tinatampal ako doon!
I licked my lips, a bit annoyed that they were talking about it in a serious way when it sounded funny to me.
“Hiramin mo muna,” si Brent na namimilit na rin.
“Akala ko ba wala kang pera, Tyler?” singit ni Con.
“Well, I have emergency funds.” Tyler shrugged.
“Malaki, Rick?” si Con na talagang humalakhak na ako kahit irita.
“Wala akong tigyawat sa pwet.” Iling ko at hinila ang likod ng aking jersey para mahubad iyon.
“Huh? Eh ano lang? Injury?” si Ron, medyo nahawa sa tawa ko pero bakas sa mukha ang pag-aalala.
Kinuha ko ang towel at pinunasan ang pawis kong katawan. Tumingin si Brent sa tattoo ko, ngunit ibinalik sa mukha ko, tila ba ayaw niyang malihis ang topic.
“Ah…sa bakla…” I explained naturally, without making a fuss about it and making eye contact at least.
Brent’s eyes widened. Tyler’s jaw dropped. Ron’s face turned so serious that even Mavric and Connor seemed affected by my confession.
“Namolestya,” agap ko, dahil baka iba ang isipin nila at mandiri.
I was bracing for their loud laughs, or the mocking and the jokes, since I know how playful they are. But as seconds passed by, the deafening shock etched on their faces was a bit foreign to me.
“Rick…” Umiling agad si Tyler. “I swear, dude…I didn’t mean it that way.”
“Hayop talaga ’yang mga ganyang tao,” galit na sabi ni Ron.
“Some gays are terrible, dude. They don’t know how to respect men. May iba sa kanila, nambabastos talaga eh,” si Tyler.
“Sinabi mo sana agad, Rick. You see, we’d playfully smack your butt just to greet. But if you weren’t comfortable…we won’t do it,” si Brent.
Medyo hindi ko inaasahan ang response nila pero gumaan kahit papaano ang loob ko.
“Ah, hindi. Nasanay lang ako na gano’n agad ang gagawin. Pero kung lalaki naman, walang problema sa akin. Sadyang pag di ko lang nakikita, iyon agad ang nagagawa ko,” paliwanag ko.
“Tell us more about what triggers you. Para naman mailugar din namin,” si Con.
“High school pa tayo, nagagalit kana ah? Matagal na ba, Rick?” seryosong tanong ni Ron.
I nodded. “Kinse pa ako no’n…”
“Bullshit, man?” Tyler’s eyes widened so much that his jaw dropped.
Mavric looked at me apologetically. Brent bowed his head and shut his eyes. Ron’s face looked so serious that if I pointed at it, he might punch it too. And even when Connor put his hands at the sides of his waist, the one who’s the calmest among us, looked so furious.
Tinapik ni Con ang balikat ko. Wala nang nagsalita sa kanila at sa gulat yata, hindi naproseso.
“Rick, I swear, bro…I really didn’t mean to smack your—”
“Ayos na,” I cut Tyler off since he looked so apologetic.
“I’m sorry that it happened to you at a young age, Rick…” marahang sabi ni Con, halata ang lungkot sa mukha.
I was really shocked. I didn’t expect it to come from them. Eh hindi ko close ang mga ’to. Sila Rodney ang matagal ko nang sinasamahan. Itong sila Brent, talagang ang turing ko, parehas ko lang din na varsity player, wala nang iba.
Kung tutuusin, mas malalim ang bonding namin nila Rod. High school pa lang, magkaklase na kaya mahirap tumibag.
I was overwhelmed by their reaction since they all looked worried. At ako na yata ngayon ang hindi na binibig-deal dahil pakiramdam ko, biro lang din iyon, o hindi na ganoon ka lalim para isipin ko pa at ikuwento sa kanila ang buong nangyari dahil ayoko rin na baka lumiko din ang isip nila at gawing katatawanan ang nangyari, katulad ng ginawa nila Rod.
However, I appreciated that they handled my trauma as serious, as it should not be taken lightly or used to make fun of me. And it feels great.
“Pwede naman siguro ang akbay, hindi ba, Rick?” si Ron na inakbayan ako ulit.
I pushed on his chest. “Pawisan ka.”
Ginulo ni Con ang buhok ko. “You’re safe with us, Rick. We should really bond more…”
Umirap ako. “Pasasayawin niyo lang ako—”
“Speaking of dance, it was included on Angela’s vlog too. Marami ang nagmemention sa’yo. Hot mo daw sumayaw kahit parang napipilitan,” ani Brent na ikinalaglag ng panga ko.
“Huli na ’yon!” I said aggresively as they all laughed.
Huli na nga ’yon… Pero sa pagpasok ng summer, heto na naman kami sa kahihiyang kinakalimutan ko na nga, binabalik-balik pa!
And this time, it was Brent’s friend again. Si Sadie. ’Yung may waves ang buhok at napakakulit na parang inasinan na uod pero maldita. Ang girl version ni Brent.
“Bakit ayaw niyang sumipot sa akin! Eh doon kay Angela sumipot siya!” she whined and stomped her foot.
Napasugod dito sa bahay nila Con habang kakatapos lang namin mag basketball sa open space ng bahay nila nang dumating siya at magkasalubong pa ang kilay.
Hindi namin pinansin noong una kaso inagaw ang bola at ayaw ibigay sa amin kaya napilitang kausapin ni Brent para mapaamo na ngayon ay nagtatalo na nga sa harap namin.
“Sadie, the boy is now tired of being the last dance of every girl. Pagpahingahin niyo na ’yon,” si Brent na nagkamot ng batok.
We silently watched them argue while I chugged my water. Kinuha ni Mavric sa akin ang tubig at tumingalang ininom ang natitira habang naghuhubad na si Ron at Tyler ng t-shirt, iyon ang ginawang pamaypay, si Con naman ay nakaupo sa sahig at nakapatong ang mga siko sa nakabukakang hita.
“Suking suki ’yong Denver sa magaganda. Pero kung mga nasa circle lang din ni Brent, I’d understand why the boy is now running for the hills. He was trying to dodge a bullet,” Ron whispered and chuckled.
Siniko ko agad si Con at nailing na napangisi.
“Imagine having multiple girls have a crush on you. Pero iba-ibang version lang ni Brent. If I were Denver, I’d really hide,” Tyler whispered back.
Naghagikhikan kami at pinaghahampas ang isa’t isa nang samaan kami ng tingin ni Sadie.
“Mamili ka nalang diyan sa kanila kung sinong 18th mo,” ani Brent nang tiningnan din kami.
Sunod sunod ang iling namin. Maganda nga ’yan pero ’yan ang pinaka malala. Kuhang kuha ang ugali ni Brent. Para niya nang kambal. Maarte pa sa maarte.
“Ikaw nalang ang last dance, dude,” suhestyon si Con.
“Hindi siya ang last dance. First dance ’yan kasi siya talaga ang tatay ni Sadie,” Tyler joked, and we ended up bursting into laughter.
Lumipad ang t-shirt ni Brent nang marahas niya iyong itapon sa amin habang natatawa. Hinawakan ni Sadie ang tainga ni Brent at pinikot ito kaya dumaing siya at muling binalingan ang kaibigan.
“Fine! I’ll tell him. Kaya walang nagtatagal na lalaki sa’yo dahil diyan sa ugali mo. Fuck, my ear…”
Chapter 4
Trigger Warning: Homophobia, vulgar language, violence, mention of sexual assault, mention of trauma, mention of rape.
—
Never
Mommy:
We have dinner tonight with Simon. See you!
I sighed boredly. Wala naman akong magagawa kung may gusto siyang kilalanin. Kung mahal naman siya at hindi siya lolokohin, ayos lang.
Nasa unit ako, tamad na nakahiga at kakagising lang. I pulled myself up and sat at the edge of the bed as I crouched against my parted legs. I bit the pendant of my necklace while typing for a reply in the morning.
Rick:
Okay see you
Hinaplos ko ang buhok at pumikit. I should let her date. Ayos na rin iyong hindi siya naistress sa trabaho niya.
Nagbeep ang phone ko. Noong tiningnan ko, akala ko si Mommy kaso si Tyler pala. Pinindot ko ang text niya para mabasa iyon.
Tyler:
This one?
S-in-end niya sa imessage ko ang picture ng sapatos na gusto ko na Nike. Makulit eh. Gustong bumawi dahil baka na-offend ko daw sa pagtampal niya sa pwet ko kaya sabi ko kahit sapatos lang. Tinotoo ba naman.
Rick:
Oo. Ayos na ’yan. Salamat :)
Tyler:
Let’s buy it later. Bibili din ako ng sweatbands sa Nike. I can’t find mine.
Nagreply lang ako kung anong oras mamayang hapon saka rin lumabas para makapagjogging. Paglabas ko sa unit suot ang Nike pants at itim na hoodie, nakita ko ang batang lalaki na nakatayo sa pinto noong Aldrin, may dalang paper bag na may tatak na Greenwich.
Lumingon siya sa akin, agad na iritado, at sinamaan pa ako ng tingin. My brow raised while my steps slowed down as I looked at him back intensely and tried to scare the kid with my stare. Mga ganitong bata talaga ang masarap paiyakin.
Kaso maldito at mas sinamaan pa ako ng tingin. And what shocked me was that he raised his hand and showed his middle finger rapidly, while his expression looked more furious.
Aba’t…akala siguro ng batang ito hindi ako pumapatol sa katulad niya? Tuli na ba ’to at ang tapang tapang? Baka ako pa ang tumuli sa kanya.
I also showed my middle finger to show him I am competitive. Nga lang, bumukas ang pinto ng unit at tumambad iyong Aldrin na lumipad agad ang tingin sa akin, ang mga mata ay napunta sa kamay kong pinapakyuhan ang batang lalaki na ngayon ay naibaba na agad ang kamay.
Aldrin glared at me with his furrowed brows. Napakurap kurap ako at nabawi ang kamay sabay bulsa noon sa hoodie ko.
“’Yang bubwit ang nagsimula,” maangas kong reklamo.
“Ginawa mo ’yon?” Aldrin asked seriously and looked at the kid—probably an elementary student and his younger brother.
Sinamaan ako ulit ng tingin noong batang lalaki. I copied his eyes and glared back, but when Aldrin glanced at me, I calmed a bit.
“Rio,” he warned the kid.
“Eh sabi mo…may kapitbahay kang siraulo kaya hindi ka makalabas. Siya ba ’yon? Eh mukha siyang siraulo eh.” He glared at me again.
What? Ako…siraulo?
Now, I glared at Aldrin. Kumurap kurap siya at tumikhim, halatang hindi inaasahang sasabihin iyon ng kapatid niya saka niya hinawakan sa balikat at pinatuloy ito.
“Magsorry ka,” he said in his gentle voice.
“Sorry…” he said, looking at me thunderously. Mabuti at nagsorry—“kalbo,” he added, which made my jaw drop.
The young boy showed his tongue and glared at me for the last time as Aldrin closed the door without apologizing for his young brother’s behavior. Hindi ko man lang nagantihan! Humanda ’yon pag nakita ko ulit dito sa building, pipitikin ko.
I jogged to the elevator so I could start my jogging outside. Nang bumungad ang salamin, hinaplos ko ang buzz cut kong haircut. Kalbo ba ’to eh may kaonti ngang buhok!
I took my phone out to take a picture of myself, at least. S-in-end ko iyon sa GC nila Brent pagkalabas ko sa elevator para naman nakakasabay total panay sila send ng pictures doon. Isa pa, parang gusto ko na talaga ng new look. Hindi ko lang maiwan-iwanan itong buzz cut ko.
Buzz cut or taper fade this school year?
Ngumuso ako habang tinitingnan ang s-in-end kong picture kasama noong caption hanggang nagseen si Mavric.
Maverick:
Can’t decide, Rick. You look good on both.
Ronan:
Maganda ’yang hoodie mo ah? Saan mo nabili?
At anong konek no’n sa buhok ko?
Tyler:
Huwag nang magbuhok para walang alalahanin.
Tang inang bibig talaga nitong si Tyler. Minsan pag di ko natatansya parang masarap upakan eh.
Brent:
Wow. You’re suddenly up for a new look.
Ano ba ang mga ’to? Pinapapili ko pero wala man lang akong nakuhang matinong sagot! Ibinulsa ko ang phone at isinuot ang hoodie sa aking ulo saka nagsimulang magjogging.
Hindi matanggal sa isip ko ang sinabi ng bata. Ako siraulo? At hindi lumalabas iyong Aldrin dahil sa akin? Pansin ko nga, simula noong gabing iyon, hindi ko na siya namataan. Akala ko nga lumipat ’yon at wala na doon sa kabilang unit.
Ang sabi din ni Brent, hindi niya raw talaga mapilit na pumunta sa birthday ni Sadie. Di rin alam ni Brent kung anong dahilan ba’t biglang umilap.
“Size twelve ka? Magka size lang kami ng paa ni Mavric eh,” si Tyler nang sinukat ko ang piniling sapatos.
Nasa MOA na kami total nandito sa Manila ang condo unit ko ganoon din kay Tyler kaya mabilis lang kaming nagkita.
Tumango ako sa kanya. Magka size kami ni Brent. Magkasingtangkad din kasi kami. Parehas na 6’3. Si Tyler at Mavric ang magkasingtangkad dahil parehas na 6’1. Si Ronan at Connor naman ang parehas na 6’2.
Tiningnan ko ang saleslady na nakangiting nag-aabang sa amin kung kukunin ko ba. I nodded at her and gave it back. Tyler took his wallet out and gestured to pay for it. Namulsa akong tumayo at tiningnan siya doon sa cashier na binabayaran na, nakangisi pa sa saleslady.
Nagyaya rin siyang kumain na hindi ko na tinanggihan. Ang sabi ni Ron, mahilig daw ’to manlibre kung good mood. O sadyang guilty lang siya talaga at akala niya pakiramdam ko, hinipuan niya ako. Pero hindi naman. Nagulat lang din.
“Tumataas tuloy ang galit ko sa mga bakla. I really don’t like them too,” aniya habang kumakain kami sa Vikings.
“Mga salot eh,” tangi kong sabi at sumubo.
Buti nalang sa circle ni Brent, walang bakla. Kasi kung meron, ewan ko nalang. Baka hindi ako hahalo.
“Smile dude,” si Tyler na nagawa pang magpicture gamit ang front cam at bahagyang tumalikod sa mesa para makuha din ako.
Ngumiti ako. Sa isang click niya, kakain na sana ako ulit kaso nagpicture pa kaya naantala ang pagsubo ko. Busog na busog ako. Kung hindi ko lang naalala na nangyayaya si Mommy ng dinner mamaya at buffet din, baka nagdagdag pa ako ng isang plato.
“Pahatid nalang din ako sa Sofitel,” sabi ko nang nasa parking lot na at bitbit ko ang paper bag ng sapatos ko.
“Date?” Ngisi niya at in-unlock ang kotse niya.
Binuksan ko ang front seat. Pumasok din siya sa driver’s seat habang hinihila ko ang seat belt.
“Mommy ko. Nagyayaya,” sabi ko.
“Date with your mom? That’s cute,” he chuckled.
Umangat ang kilay ko. “Makulit ’yon eh. Pag di ko sisiputin, magtatampo.”
He laughed and started the engine of his car. May sandaling nahagip ng tingin ang mga mata ko na ikinatigilan ko. Kakalabas lang sa isang kotse, sa tindig at pamilyar na mukha, naalala ko agad ang gabing iyon.
“Ihinto mo,” agarang sabi ko at kinalabit paalis ang seatbelt ko, ang kamay ay nasa handle na ng pinto para buksan iyon.
Mabagal lang naman ang pagpapaandar ni Tyler na umaalis pa sa kanyang parking space kaya kahit hindi na masyadong huminto, nakalabas ako ng maayos at tinakbo ang distansya namin.
I could feel my rage suddenly taking over. Lalo na noong lumingon sa akin, namimilog ang mga mata, at mukhang nakilala ako, alam ko agad na siya iyon!
Why would I fucking forget that two-second sight of his face on that night when I memorized it just to familiarize him!
“Ikaw,” I pointed out angrily and pulled the neckline of his t-shirt.
“Rick?” And just by hearing his voice, his whispers to me on that fucking night flashed uncontrollably that I was beyond livid!
I remembered it as a sudden trigger! And fuck! This is him! Ni hindi ko na namalayan ang kilos ko nang kusa nalang lumipad ang kamao ko sa panga niya nang makarating sa harap niya hanggang mawalan siya ng balanse.
Nauubong napaupo ang bakla ngunit hinila kong muli ang kwelyo niya at sinuntok sa mukha. He grunted painfully and tried to protect himself by pushing me, but I was already too furious to stop.
“Putang ina ka! Anong ginawa mo sa akin?!” I asked aggressively.
“Anong ikinakagalit mo? Kung ’yung gabing ’yon…hindi ba’t nasarapan ka rin?”
My eyes widened. My chest was clutching so hard that I was now at my limit as I looked at him murderously.
“Hindi mo ’yon matatawag na rape kung ginusto mo rin! Umuungol ka pa nga! Sarap na sarap ka no’n! Hindi ko naman ’yon maipapasok kung hindi ka tinitigasan sa akin!” he accused while squinting his eyes as I sharply looked at him.
What the fuck? What the fuck?! This disgusting piece of shit!
“Sarap na sarap?! Gago ka! Kailan ako papatol sa mga nakakadiring bakla na kagaya mo?!” I punched his mouth until he coughed. Kita ko ang nagsisilabasang ugat sa namumula kong kamao dahil sa mahigpit kong hawak sa kanyang kwelyo nang tuloy tuloy at gigil na gigil ko siyang sinuntok. Isa, dalawa, tatlo. Kung hindi ako marahas na hinila ni Tyler, nawasak ko lalo ang mukha niya lalo na’t ang labi niya, nagka cut na. Ang ilong, may tumulo na ring dugo.
He…fucking did. I don’t need to confirm it, but he fucking did! Putang ina niya! Nakakadiri!
“Rick?! Gago!” naaalarmang sigaw ni Tyler at tumakbo palapit sa akin.
Nanghina ako. Sa nandidilim kong tingin, gusto ko pang wasakin ang mukha niya, kaso parang gumuguho na ang aking mundo sa mga nalaman ko. Hindi ko alam kung may lakas pa ba ako na kahit hindi naman siya nakasuntok pabalik, ang kumpirmasyong kinatatakutan ko at ayaw kong aminin, nakumpirma niya.
“Rick, sino ’yon? Ba’t ka nanununtok, dude?” kuryosong tanong ni Tyler, hawak pa rin ang braso ko at ayaw akong pakawalan.
Nagpumiglas ako, binalikan ng tingin ang pwesto noong hayop, kaso wala na siya sa sahig.
“Fuck!” I cursed violently and elbowed Tyler until his grip loosened.
I immediately roamed around. Kaso hindi ko na mahanap. At ang guwardiyang lumapit, tila ba nakita ang nangyari kaya gustong magtanong dahil naaalarma din sa galit ko.
I cursed violently and sat on the floor, my hands resting on my knees as I bowed a bit, shutting my eyes.
“Ayos lang ba kayo, sir? Anong problema?” the guard asked. “Tatawag ba kami ng medic?”
Fuck! He fucking escaped! Apat na taon ang hinintay ko mahanap ko lang ulit siya tapos makakawala?! At buhay pa rin?!
“Rick!” tapik ni Tyler sa balikat ko, na kahit hindi ako dumilat, sa amoy ng pabango niya, alam kong nakayuko na siya harap ko.
“Siya ’yon. ’Yung bakla,” I murmured angrily.
“What the hell, dude?!” agresibong sigaw ni Tyler.
Hinawakan ko ang ulo ko, hinabol ang hininga at sinuntok ang sahig ng paulit-ulit. Kung hindi lang ako hinila ni Tyler, hindi ko iyon titigilan kahit dumudugo na ang kamay ko. Nasarapan ako? Ginusto ko? At…umuungol ako? Gago?! I was fucking drunk! Why would I even react like that?! Anong tingin niya sa akin, gustong magkaroon ng experience sa lalaki?!
I felt so dirty and disgusted that my own perpetrator got the guts to flip the side of the story. His words seem like it was me who fucking asked for it! And that I have no right to be this mad because I was moaning while he was doing it! Fuck! Fuck!
Ni hindi ko siya kilala! Sa daming tao no’n, kung sino-sino ang inimbitahan at kinausap ko. Pero wala akong nilandi ni isa! O pinakitaan ng motibo!
At ang nakakabanas dito, mukhang ako pa ang hindi makamove-on sa ginawa niya, habang siya itong umuusad ang buhay na akala mo wala siyang ginawang kahayupan sa akin! Na iniisip niya, ginusto ko—Putang ina niya talaga!
“Rick,” tapik muli ni Tyler sa aking balikat nang kunin ang aking atensyon.
Dumilat ako nang matapos din ang pag-uusap at nagpasyang umupo dito sa labas ng office. Tyler decided to ask for the CCTV footage camera, ngunit sa pag-iling niya, mukhang bad news iyon.
“Under maintainance daw noong oras na ’yon. Sadly, he wasn’t traced…”
Nag-igting lalo ang panga ko. He pinched my shoulder encouragingly.
“Namumukhaan mo. Pwede nating ipa sketch at—”
Umiling ako. “Mahahanap ko din ’yon ulit.”
Tumayo ako habang naglalakad na pabalik sa parking lot, si Tyler naman ay nakasunod. Ibinulsa ko sa pants ang kamao habang tumatakbo sa isip ko ang mukha niya, ang mga salita niya, at ang nakakadiring pakiramdam na nahawakan ko siya.
“Ano daw ang nangyari?” I heard the whispers of the other guards in the parking area.
“Ah…mukhang dahil sa bakla,” there was a humor in the way he uttered it casually.
“Naku…baka naman tinakbuhan siya kaya galit na galit lalo na’t hindi binayaran? Mga poging lalaki ngayon, minsan may mga baklang mayayaman na nagsusuntento eh…”
I glared at the guards, but then Tyler put his arm around me.
“Let’s go. Ihahatid pa kita sa Sofitel…”
Kung inamin ko ang ginawa noong hayop na ’yon, maniniwala ba sila? Parehas lang ang opinyon nila sa opinyon nila Rodney. Para bang hindi kapani-paniwala na ang lalaki ang nagalaw ng isang bakla, o ang lalaki ang biktima.
At ako, papatol sa bakla? Ano ako, kagaya ng ibang lalaki na nasisikmurang pumatol sa kagaya nilang marurumi dahil lang sa pera nila? Kainin nila ’yang pera nila! Kahit pa siguro walang wala ako, hinding hindi ko ipagpapalit ang dignidad ko para lang magtiis sa pagkakaroon ng bakla!
Tulala na ako sa front seat nang magpark si Tyler at hindi ko man lang namalayang nakarating na pala kami. May inabot siyang paper bag sa likod at ibinigay sa akin.
Inamoy ko ang t-shirt nang pakiramdam ko, hindi iyon akin. Para akong maduduwal na kailangan kong buksan ang bintana para lang makalanghap ng hangin, hinila sa likuran ang aking t-shirt at desidido iyong hubarin.
“Naaamoy ko siya,” I grunted disgustingly that I wanted to fucking throw my t-shirt out of the window.
May agad na inabot si Tyler sa back seat at inilahad sa akin. Ibinigay niya ang hoodie at binuksan ang compartment sabay lahad din ng pabango. Ayoko man, pero mas mabuti ito kaysa maamoy ko siya sa t-shirt ko.
I sprayed it all over my body. Tahimik na nakatingin si Tyler, namumungay ang mga mata, at ramdam ko ang simpatya.
“You should have told me na siya pala ’yon. Edi sana sa halip na awatin kita, siya ang nahawakan ko para mas masuntok mo ng maayos,” aniya.
I glanced at him and smirked a little. “Edi dalawa tayong nasa presinto ngayon. Mapapatay ko ’yon.”
He shrugged. “I’d rather be on your side than on your perpetrator, Rick.”
Binasa ko ang labi at nakangiting hinampas sa kanya ang hoodie niya bago ko isinuot. Nakangisi siyang napapikit, ngunit nang dumilat, seryoso din akong pinanood.
“Dahil tuloy dito, pag may makasabay akong bakla, baka mandiri ako lalo. Iiwas din siguro ako baka manghipo. They have no fucking limit. Lahat yata ng alam kong bakla, pare-parehas eh,” ani Tyler sa dismayadong tinig.
“Sinabi mo pa. Kaya nga tinawag na salot sa lipunan kasi mga demonyo. Kitang natutulog ang tao, gagalawin! Tang ina talaga.” I growled while putting the hoodie on.
Gusto ko nalang sanang ipagpaliban ang pagpunta sa Sofitel, kaso baka rin mag-alala si mommy. Tinanggihan ko pa naman iyong huling yaya niya noong nakaraan. Baka sabihin niya hindi ko siya suportado dito.
Kaya kahit bad mood, nagpakita ako sa Spiral Restaurant. Intimate dinner nga yata ang mangyayari dahil noong iginiya ako ng waiter sa table nila Mommy, may wine na sa table nila at nakangiting nakikipag-usap si Mommy sa isang lalaki na amoy ko agad ang karangyaan dahil sa itsura pa lang.
Noong bumaling si Mommy, mas lumiwanag ang mukha niya at napatayo para batiin ako. Nakapulang sleeveless dress siya na silk at nakatali ang buhok kaya akala mo dalagang dalaga dahil wala man lang wrinkles ang makinis niyang balat lalo na’t mestiza rin.
“Reagan…” marahan niyang tawag at tiningnan iyong lalaki na tumayo at nasa akin na rin ang tingin.
“This is my son, Reagan. And Reagan…this is Simon. He’s actually the chief executive of the apparel I’m working on…” ani Mommy habang naglalahad ng kamay sa akin ang lalaki na naka itim na tuxedo.
Tumango ako at tinanggap ang kamay niya. “Hello, sir…”
Ngumiti siya sa akin, ang tingin ay napunta sa kamay ko hanggang unti-unting napalitan ng kuryoso ang kanyang ekspresyon.
“What happened to your knuckles? Are you okay?” He asked concernedly.
Si Mommy na nasa labi pa ang ngiti, kuryoso ding napatingin sa akin at hinawakan ang kamay ko. Her shoulder loosened disappointingly, so I pulled it back.
“Napaaway lang.” I shrugged and took a seat.
Marahan ang pag-upo ni Mommy, nasa akin ang buong atensyon habang kunot-noo na rin akong tinitingnan noong Simon.
“Napaaway ka?” Mommy repeated it, as if it were a flashback during my sixteenth year in high school, where she would always be called in for guidance for my continuous troubles in school.
Nagkibit ako at iginala ang tingin, gusto nang kumuha ng pagkain lalo na’t buffet din. Kaso sa mga nangyari, talagang wala akong gana.
I pointed at the food to divert the topic. Tumango si Mommy at nginitian ako.
“Get me some baked salmon and beef brisket, Reagan,” suyo ni Mommy.
Tumango ako at tumayo na. Hindi naman ako gutom. Gusto ko lang siguro ng pampalamig. Dessert kumbaga.
Kaonti lang ang kinuha ko at sinigurado ang kay mommy. Noong pabalik na, narinig ko pa ang pag-uusap nila.
“Sayang nga at wala kang anak. Reagan might want another sibling?” natatawang si Mommy.
“Ah…wala eh. You know my last relationship. Sa lalaki din ’yon kaya hindi na nagkaroon ng chance na bumukod ng pamilya. You’re aware that I was known as bisexual.”
“Oo. Naririnig ko nga. Si Albert ’yon ’di ba? That fashion designer too?” my mother asked casually.
Natigilan ako. Putang…ina? Pumatol siya sa lalaki noon? Bakla siya?
Nag-igting ang panga ko at humakbang pa para mailapag ang kinuha kong pagkain sa mesa dahil parang mabibitiwan ko iyon.
“Oh? Dessert lang ang kakainin—”
“Uuwi na ako, mom,” putol ko at kinuha lang ang phone ko sa mesa.
“What? Reagan…” Napatayo si Mommy at hinawakan ang siko ko, nagtatanong ang tingin.
Tumayo rin iyong Simon. I glanced at him once, my jaw clenching, then looked away and shook my head at my mother.
“Masama ang pakiramdam ko,” tangi kong sabi habang inaalis na ang kamay niya sa siko ko.
“You’re sick?” nag-aalala niyang tanong at hinaplos pa ang leeg ko ngunit iniwas ko nang magpahawak.
I could never support her on this. Ayoko sa napili niyang lalaki. Hinding hindi ko tatanggapin ang mga katulad nila sa buhay ko.
Chapter 5
Friends
Yumuko ako sa barandilya ng balkonahe habang naninigarilyo nang makauwi na. Tumingala ako at ibinuga ang usok, titig na titig sa madilim na langit.
Ngayon pa na alam ko na bakla ’yung nagugustuhan niya, o pumatol sa lalaki, hindi ko alam kung kakayanin ko bang makasama ’yon sa iisang bahay kung sakali mang magdesisyon siyang pakasalan iyon.
Kahit isipin kong si Mommy naman ’yan, na dapat suportahan ko siya, hindi ko talaga kaya. Abot langit ang galit ko sa mga bakla na kahit lapagan pa ako ng maraming dahilan kung bakit kailangan ko silang respetuhin at kaawaan, talagang hindi ko kayang lunukin iyon.
Noong ako ba, naawa ba sa akin ang putang inang baklang ’yon? Hindi naman. Kaya bakit din ako maaawa sa kanila? Bakit ko sila bibigyan ng tsansang ipakita sa akin na mali ang iniisip ko sa kanila kung tapos na akong mabastos?
Biglang may umalingawngaw na tunog ng piano sa kabilang unit kaya bumaling ako doon at bahagyang nadistract.
The song is very familiar since it’s quite popular being played on the piano. My dark thoughts were a bit blocked as I paid attention to its rhythm; despite its sad feeling, somehow, it’s a bit comforting.
Naalala ko ang sinabi ni Brent sa kanya. He’s musically inclined. Hindi na ako magugulat kung pati piano, alam niya. Kaya naman pala maraming nagkakagusto na girls. He’s that talented.
I found myself indulging in it for a while, as if I were in the middle of autumn, the leaves raining down, while I watched myself fall in love with a…faceless woman.
Hayop na imagination. Korni no’n ah?
Huminto nga lang iyon makaraan ang ilang minuto kaya parang hanging binagyo ang imahinasyon ko at nawala ang makulay na paligid, bumabalik agad sa reyalided sa gitna ng madilim na gabi. It was like a shuffle of emotions, and the melancholy is taking over again. Doon ko lang din napansin na hindi ko man lang naalalang may hawak akong sigarilyo kaya muli kong hinithit.
Sa gilid ng aking mga mata, may lumabas sa kabilang balkonahe at noong makita ako, nag-amba lang na umatras.
Tanging mga mata ko ang gumalaw para tingnan siya at inangatan ko ng kilay.
Ibinalik ko ang tingin sa langit at tahimik na hinithit ulit ang sigarilyo ko. Kung wala lang nangyari kanina sa parking lot, makikipagbiruan ako sa kanya tungkol sa kapatid niya at purihin siya sa pagpa-piano niya. Kaso mukhang nilamon ng nangyari ang buong lakas ko na wala akong ganang makipag-usap.
“Humihingi ako ng tawad sa ginawa ng kapatid ko,” marahan niyang sabi nang manatili sa hamba ng pinto at sumilip lang sa akin.
I nodded nonchalantly and blew out the smoke with my furrowed brows. Pakialam ko ngayon sa bubwit na ’yon.
Nag-igting ang panga ko nang hindi mawala wala sa isip ko ang sinabi noong hayop na baklang ’yon. Ang kapal ng mukha niyang magpatuloy sa buhay niya na parang wala lang sa kanya ang ginawa niya.
Pakiramdam ko, ako lang talaga ang nagbibigdeal, o nagagalit na nangyari iyon. Sa gabi-gabing iniisip ko kung mabigat ba ang nangyari, ang gumawa no’n sa akin, nakakatulog pa ng maayos at nakakausad nang walang dalang nakakadiring nakaraan.
Then, I should just shrug it off too. I should just forget about it. I should go on with my life too. Basta ang alam ko, may ginawa siya sa akin at hindi niya ako mababaliktad dito.
At ano kamo ang sabi niya, na nasarapan ako? Hah! Makita ko lang ’yon ulit, hinding-hindi ako magdadalawang isip na bugbugin siya.
Lumingon ako nang mapansin kong tahimik siyang naglakad din sa barandilya ng balkonahe niya at sumandal doon, tiningala ang madilim na langit. He was wearing a white pair of silk pajamas, which I find too flashy, but because he’s not muscular, it somehow fits well on his body.
Kumpara sa suot ko na itim na t-shirt at nakarolyo pa sa bawat dulo ng balikat dahil nakasanayan na, I am like his opposite. Rough and serious.
The air blew at us calmly. Or, it’s just him that seemed so gentle despite the ruthlessness of the night—despite the roaring anger in my mind.
Ngayon lang ako nakakita ng lalaking hindi katulad ko. O…hindi sobrang maangas katulad ng nakasanayan ko. Sila Brent, kahit mga mapagbiro ’yon, lalaking lalaki ang tindig at halatang mga mararahas ang kilos. Kahit sila Rodney, ganoon din.
But this Aldrin, based on my first impression of him, is angelic. Ngayon ko lang din napansin kung gaano siya ka kalmado tingnan dahil sa halip na magmukhang anino sa dilim, tila ba lumiliwanag siya.
At may mga lalaki namang ganito din talaga. Marami akong kilala na mukhang mga lampa dahil medyo patpatin, pero hindi naman siya ganoon ka payat. He seems like he’s just not into gym.
I took my cigarettes out and offered them at least to break the silence. Bumaling siya at umiling.
“Hindi ako naninigarilyo,” and even his voice seemed so gentle.
Umangat ang kilay ko at ibinulsa iyon. Well, he reminds me of Connor. Hindi rin mahilig sa sigarilyo. But Connor does it sometimes. Iyon nga lang, sobrang dalang.
“Takot ka sa akin?” I asked when I remembered his brother’s statement.
He side-eyed me a bit. Tiningnan ko din siya saglit at hindi halos makita iyong nasa pisngi niya na nakita ko noon sa cafe. It would only be noticeable when you’re near him.
“O…dinidibdib mo ’yung nangyari sa cafe?”
“Tanga ka eh,” he said softly, and my jaw dropped.
Hindi ko alam kung maooffend ako dahil ininsulto niya ako, o pasasalamatan siya sa sobrang rahan ng boses at para akong kino-compliment. But it made me laugh a bit.
“Tanga na nga, siraulo pa?” Napangiwi ako nang maalala ang isa niya pang sinabi. “Alam ko na saan nagmana ’yung bubwit na ’yon…” Iling ko.
Iniwas niya ang mukha at sa kabila tumingala kaya di ko nakita ang ekspresyon. Hinithit ko muli ang sigarilyo at nakatingalang ibinuga iyon.
“Ilang taon na ang batang ’yon?” marahang tanong ko nang maalala ang ginawa ng kapatid niya.
“Ah… twelve.”
Tumango ako. Twelve. Hintayin ko nga mag thirteen para kung babatukan ko, hindi ako ma child abuse kasi teens na.
“Eh ikaw?” tanong ko.
Kumurap siya at tumingin sa akin saglit, ngunit binawi rin. Nanatili ang tingin ko sa seryosong paraan.
“Turning nineteen na.”
“Kailan?”
Umangat ang kilay niya sa akin. He looked weirded out. I shrugged to show him I’m just trying to kill some boredom by asking things since he’s here and I wanted to strike up a conversation at least.
“Bakit? Bibigyan mo ba ako ng cake kung nalaman mo?” He sounded playful.
Aba…
I rolled my eyes as I smiled and puffed my cigarette when I remembered it, almost forgetting I was in the middle of smoking.
Ayos din naman kung magiging magkaibigan kami. Total kaibigan siya ni Brent. Walang kaso sa akin ang mga ganoon. I have a lot of guy friends. Nga lang, madalas ding magkainitan kaya nababawasan din noong naging sixteen na ako.
“But in one condition.” I nodded at him.
Kumunot ang noo niya, naninimbang ang tingin sa akin.
“Pipingutin ko ang kapatid mo.”
His eyes widened, and he barked in laughter. Medyo nahawa ako at natawa rin kahit seryoso ako.
“Seryoso ako.”
Hinagod niya ang mga daliri niya sa kanyang buhok at pansin ko kung gaano iyon kalambot dahil sumabay agad sa haplos niya habang humalakhak siya ng marahan na ikinanguso ko.
“Childish,” he lightly laughed.
“Tuli na ba ’yon? Ako na ang tutuli para naman mapaiyak ko,” I continued.
Humalakhak siya lalo. Tumawa rin ako at gusto nang manigarilyo, kaso di matuloy-tuloy dahil sa tunog ng tawa niya kaya naibababa ko at nababasa na lamang ang labi.
Humawak siya sa barandilya at nangingiting tiningala ang madilim na langit. Nakangiti ko ring dinala sa langit ngunit bumaba saglit ang tingin sa kanya nang may mapansin.
I noticed the sparkle in his eyes when he looked at the half moon—the only thing you could see in the darkness of the sky. Kumunot ang noo ko nang pakiramdam ko, may nagbago noong huli ko siyang nakita sa birthday ni Angela. Hindi naman siya nagpagupit pero parang iba siya ngayon kumpara sa una ko siyang nakita.
O baka guni-guni ko lang din dahil problemado din ako.
“Magaling ka ring mag piano?” I pointed out since my mood had lightened a bit.
“Hindi masyado. Marunong lang naman.”
“Humble ah?” I tilted my head and smiled at him teasingly.
Ngumuso siya at nag-iwas ng tingin, tinatago ang ngiti kahit nasilayan ko.
“May Be by Yiruma ’yung tinugtog mo kanina. Astig ang mga cover niya,” I said.
He nodded at me. May sasabihin pa sana siya nang tumunog ang phone ko kaya isinara niya ang bibig niya habang inilalabas ko ang phone ko at nakita ang nakabalandrang tawag ni Tyler.
Sinagot ko iyon at inilagay sa kabilang tainga, tumingin saglit kay Aldrin na ngayon ay tahimik nalang na tiningala ang langit.
“Rick, where are you? Let’s drink at Con’s place? Or…nasa Sofitel ka pa?”
“Nasa condo na. At tinatamad ako lumabas.”
“Tinatamad? Lame, dude. I’ll fetch you. Uminom tayo. Stop sulking.”
“Clingy mo, gago. Nagkita na tayo kanina tapos—”
“Rick!” ang tinig ni Ron. “Let’s watch NBA! Pustahan din tayo. Wala nga lang si Mavric. Nasa Batangas. Pero tara dito!”
Hindi na ako tinantanan ng dalawa kaya wala ding nagawa kundi pumayag. Gusto ko sanang imbitahan iyong Aldrin kaso tumanggi din dahil hindi daw umiinom. What a good boy. Kaya naman pala standard ng mga girls. Gustong gusto nila ’yan eh. Walang bisyo at mabait.
Summer ended immediately. First day of school bilang second year at sa entrance pa lang, may nakasabay agad akong chic na naging crush ko pa yata. Ayun nga lang, natulala ako at hindi man lang nakuha ang pangalan. Kaso mahahanap ko ’yon lalo na’t same university lang naman.
“Gagong Kael. Pinagkakalat na girlfriend niya raw si Verena. Fucking feeling,” ani Brent sa mga sumunod na araw nang papasok na ako sa gym para sa practice namin at ngumingiti dahil nakita ko na namang dumaan.
Ano kayang pangalan no’n? Mukhang froshie ah? At sa dalang paint brush mukhang artist student. Hindi naman masyadong mahinhin, pero kung kumilos, sobrang gaan na para nang lumulutang. Hindi palangiti at mukhang snob pero gumaganda lalo pag nagsasalita lang ng kaonti at may sisilay na ngiti sa labi.
“Kael is really the thickest-faced asshole existing. Ang yabang yabang,” si Tyler.
“May Facebook ba ’yung Verena? She’s so famous. Naging crush ko rin noong nakita ko eh,” Ron said and chuckled.
Hinampas agad ni Brent sa kanya ang tuwalyang nakasabit sa balikat niya. “Akin ’yon. Ako ang nauna.”
“Patingin nga ng picture,” si Tyler.
Nagsiksikan ang ulo nila sa phone ni Brent. Kahit wala naman akong ideya kung sino ’yang Verena, nakitingin din ako. Kasi parang ’yung crush ko na ang pinakamagandang babae eh. Imposibleng…
Namilog ang mga mata ko at nahablot agad ang phone ni Brent nang makita ang pamilyar na mukha noong babaeng gusto ko. Tumayo si Brent at inagaw sa akin ang phone niya.
Ito ’yung babae! She was slightly smiling—almost a sneer—while her siren eyes looked judging yet seductive. Siya ito!
“Off limits, Rick. Akin,” he said shamelessly and snatched his phone out of my hand, at which I glared at him.
“First day of school, nakita ko siya. Kung paunahan lang…” I said roughly to make a point.
“Uy ang laki ng ngisi ni Mavric!” Turo ni Tyler kaya sabay namin itong nilingon.
“What?” natatawa niyang tanong sa inosenteng tinig.
Hinampas ni Brent sa kanya ang t-shirt habang lumapit din ako at h-in-eadlock siya. Humalakhak siya lalo at pinagtutulak kami ni Brent.
“Baka magulat nalang kami naka in a relationship na sa’yo sa Facebook. Style mong palihim!” sabi ko.
“Subukan mo, Mav. Baka makangiti kang kulang ang ngipin sa susunod,” banta pa ni Brent.
“Away away pa kayo. Tapos ako pala ang type no’n?” Humagalpak si Tyler na hinampas din agad ni Brent ng tuwalya.
“Don’t be so fucking assuming, Tyler. Isa ka pa.” Ismid ni Brent.
“Nakatitigan ko nga at parang na love at first sight sa akin. She looked at me for five seconds! Five seconds, bro!”
“Bobo mo. Five seconds lang eh ten seconds ’yung akin,” pagmamayabang ko.
“She got her eyes on me, guys. Mga assuming…” si Brent na kung makapagsalita isa rin namang assuming.
Nakita namin ang pagnguso ulit ni Mavric, pinisil ang pang-ibabang labi at pigil ang ngiti kaya binalikan ulit namin ni Brent at nakisali na rin si Tyler sa pagheadlock sa kanya kaya humalakhak siya.
Ang gulo gulo namin ng ilang minuto hanggang si Connor ang dumating, nakangiti habang kagat ang labi at nakatingin sa phone. Inusisa agad namin dahil baka iisang babae lang pala ng nagpapakilig sa aming lahat.
“No. I’m courting someone else…” Con chuckled while raising his hands.
“Woah?! Goddamn, Con! Are you for real or…” si Ron na di makapaniwala.
He shrugged and smiled proudly. Iyon yata ang naging highlight ng second year namin na may nililigawan siya. It’s actually too rare for us boys to court someone else, knowing how well known we are for being fuckboys, manwhores, and womanizers. Kung may top lang itong ganitong title, baka nasa top one kami.
At ewan ko ba, pati ako nadadamay. Even Angela confirmed that Keycee told her I did something bad to her; that’s why we didn’t end up good. Ako pa ngayon na nagmukhang manloloko at parehas nitong gagong si Brent?
“Why are you blaming me?” iritadong sabi ni Brent nang magkatabi kami sa van nang magkakayaan ulit gumala at nakwento ko ang naririnig ko tungkol sa amin ni Keycee.
It was a sudden trip to Cebu to visit Bantayan Island when December hit before Christmas. Mahilig ako sa extreme sports at ganoon din ang ibang boys habang ang girls naman ay game din kaya pag niyayaya na ako, deritso payag na.
“Malamang, ikaw ang nagpakilala,” mas iritado ko siyang tiningnan.
Nagkakantahan si Tyler at Ronan sa harap at sinasabayan ang sumasabog na kanta sa loob ng sasakyan habang nakangising may ka text si Connor, si Maverick ang nasa front seat at tulog, kami ang nasa dulo ni Brent sa nirentahang van habang may isa pang van kung nasaan ang mga girls.
“It’s because of your temper, Rick,” he hissed and rolled his eyes.
Mas lalo akong umismid. Sinisisi pa ako. Kung hindi niya pinakilala sa akin edi hindi ’yun nangyari! Kung hindi ko lang naalala lagi ang sinasabi nila Rodney na kaya walang nagtatagal sa akin na kaibigan dahil sa init ng ulo ko, baka nagkapikunan kami agad. Mas gusto ko pa naman ngayon na sa kanila sumama kaya nang masira ang mood ni Brent saglit, hindi ko na pinatulan. Mabilis pa naman ding mapikon.
Pagdating sa Bantayan Island, umakyat agad kaming mga boys sa cliff para sa cliffdiving. Hinila ko ang t-shirt ko sa likod at sumunod sa pagtalon ni Brent. Tyler even did a backflip before submerging into the water, followed by Ron’s loud shout when he jumped together with Brent and Connor.
Ang mga girls, kanya kanyang picture sa bikinis nila. Pinilit naming mag cliff diving pero gusto nila, kasama kami hanggang sa nagsiakyat ulit kami para sumampa sila sa likod namin.
Hindi naman ito ang unang beses na inaalila nila kami. Kung hindi tagadala ng mga gamit, photographer din minsan. Parang gusto lang nila na kasama kami sa gala para may nauutusan sila. Pero ayos lang naman lalo na’t nagiging close ko na rin pati ang mga girls.
“Rick!” tawag ni Angela sabay tapat sa camera niya sa akin nang nasa dalampasigan na kami.
Ang magkasalubong kong kilay ay kumalma nang patakbong lumundag si Brent sa gilid ko at inakbayan ako, sumunod si Mavric sa kabila at nakangising inilagay din ang kamay sa aking balikat hanggang sumali na rin si Tyler at Ron na hinila pa si Connor. Puro kami topless at tiningnan si Angela na natatawa sa amin.
We all posed for the picture while the background was the crystal-clear water of the beach, its white sand, the slight waves crashing against our feet with its subtle bubbles, and the sunset over the horizon.
“Hindi naman kasi picture!” Halakhak ni Angela at mukhang nakavideo pa yata.
When the girls heard it, they ran to us and joined in to pose. Nagsiiling kaming kaming boys at nagkatinginan, agad na nagkasundo ang mga isip at pinagkakarga ang mga girls para itapon sa dagat nang mabasa na. Tumitili silang lahat at hindi rin pinalampas ni Brent si Angela na hinabol niya pa na kahit tumakbo na, nagvideo pa rin.
I know it’s for her vlog. May youtube account siya. Puro ganito ang mga contents niya. Kung hindi compilations ng trip namin, school naman, o pag nasa bahay lang nila.
“Suggest kayo ng background song para sa next vlog ko sa trip na ’to, guys,” aniya nang kakauwi lang at dumeritso sa bahay nila para dito na kumain dahil mag-oorder si Tyler ng pizza.
Pagod na ang lahat at kanya kanyang higa sa sofa, si Brent na pumipikit pikit at nakabulsa sa suot na hoodie, si Tyler na nakaunan ang ulo sa kandungan ni Sheena na nakaupo sa sofa at nagp-phone lang, si Con na nasa kusina at tumulong gumawa ng shake kasama ang iba pang girls, habang nasa dulo ako ng sofa at katabi si Ron na nakikisiksik din at nakasandal sa balikat ko ang ulo niya.
“Cool Kids by Echosmith. Maganda ’yon, Angela,” suhestyon ni Tyler at humikab.
Ilang sandali lang, iyon na nga ang umaalingawngaw sa buong bahay. Ngumiwi ako nang nagawa pang magtalon talon ng mga girls sa sofa namin at sinabayan ng paghiyaw ang chorus.
Sa dami namin, mahirap sila sawayin. Ito yata ang pinaka malaking circle na napasukan ko na may mga babaeng ganito ka kukulit. Maya maya nagvivideo, nagpipicture, kaya kahit ang mga boys, naaadopt din. Ni hindi ko nga namamalayang pati ako, nasa video na, makikisakay nalang din sa mga trip nila hanggang unti-unting nagiging natural na sa akin.
Umuwi rin naman ako sa condo at hindi na ulit sumali sa sleepover nila.
Napadaan ako saglit sa isang cafe para bumili ng maiinom na malapit lang din naman sa building. Nag-order ako ng usual drinks ko hanggang makita ang isang buong cake na cookies and cream. Kinuha no’n ang pansin ko nang maalala ang usapan namin ni Aldrin.
Four hundred fifty ’yung maliit na buong cake. Kinuha ko palabas ang pitaka at tiningnan kung may extra pa bang pera lalo na’t malaki laki din ang naambag ko sa trip namin. May tatlong libo pa naman ako.
“Yes, sir?” ngiti ng babaeng nasa counter.
“Pwede ba siyang ipa customized?” tanong ko.
“Opo Sir! Ano po bang ilalagay?” masigla niyang tanong at yumuko na para kunin iyon.
Happy birthday? Tiningnan ko ang phone at nakita ang date. December na. Limang buwan na ang lumipas, Rick! Eh naalala ko lang din ngayon kung hindi ko nakita ang cake.
“Belated Happy birthday, Aldrin. ’Yan nalang, miss,” sabi ko.
Ngumiti ang babae at inasikaso agad iyon. Kaya talaga gustong gusto din akong kasama nila Rod dahil may ugali akong ganito. Kada birthday yata, suking suki na ako sa tagalibre. Pero ayos na rin ’to. Naangasan ko pa naman ’yon sa cafe. Para dagdag kaibigan na rin at kapitbahay ko lang din.
Pagkakuha ko ng cake, pumasok din naman ako sa building. Nagpasya akong mag elevator nalang at pinindot ang floor na nag-aamba nang sumara hanggang bumukas ulit iyon. Ngunit hindi pa lang ako nakakahakbang, naabutan ko agad ang lalaking hinahapit ang baywang ng pamilyar sa akin na ikinatigil ko.
“Di na ako makapaghintay,” I heard a slurry voice whispering thirstily.
My eyes widened a bit when I realized who it was. Kung tama ako, sa paraan ng pagkakahapit sa kanya, alam ko agad kung anong nangyayari.
“A-Arron. H-Huwag dito…” He tried to tilt his head just to avoid his lips until his eyes found mine while the elevator was slowly closing again.
His eyes widened a bit. My shoulder loosened, and I was immediately disgusted at why I thought I’d be friends with him. Putang…ina? Bading siya?
Chapter 6
Trigger Warning: Homophobic remarks
Girlfriend
“Oh? Tapos na ang birthday mo ah? Himala namigay ng cake sila Rodney. Ikaw lagi ang nagbibigay,” ngiti ni Mommy nang umuwi agad ako at dinala ang cake.
“Belated happy birthday, Aldrin…Aldrin? Namali yata ng spelling sa pangalan mo…” Basa niya at nagtaka sa pangalang nakalagay.
Bumaba ang balikat ko nang hindi ko man lang naalala na pinalagyan ko pala ng pangalan. Nanginginig agad ako sa pandidiri sa tuwing naalala ko ang nakita ko na namalayan ko nalang ang sariling lumabas sa building at sumakay na ng taxi pauwing Malabon.
Bading siya? Sinasabi ko na nga ba! Dapat pinagdudahan ko na ang lambot ng tinig at rahan ng kilos niya! Labi pa lang, makintab na eh!
“Reagan,” tawag ni Mommy na nakahawak pa ng table knife at kumukunot ang noo sa akin. “Sino na naman bang nakaaway mo? You looked so mad, anak…”
“I-slice mo na, my. Pahingi ako,” I urged impatiently.
Tumingin siya ulit sa cake. “Mali pa ang spelling ng pangalan mo. Sino bang nagbigay? Sila Rodney or…”
“Binili ko,” medyo naiirita kong sagot at nagkamot ng batok.
She sighed and put the table knife down. Humalukipkip siya at nakaharap na sa akin, handa na naman akong sermonan.
“You should grow your hair back. I missed your old you…” namumungay niyang tingin sa akin.
Ayan na naman siya sa buhok ko!
“I mean, don’t get me wrong, it suits you well, but you always look mad when you have a hairstyle like that! Mas lalo kang nagiging maangas tingnan.” Inabot niya ang mukha ko at hinawakan pa ang hikaw ko.
Gusto kong alisin ang kamay niya ngunit mas inasar niya ako at pinitik pa iyon kaya napadaing ako saglit.
“Arte mo na rin! Purket naggi-girlfriend kana. Kaya siguro independent ka all of a sudden kasi doon mo inuuwi kaysa dito sa bahay…” at talagang tingin niya, may tinatago akong babae na hindi ko lang pinapakilala.
“Wala nga—”
“Wala pero may cake. Nag-away kayo? Ang sweet niya at binigyan ka ng cake. You know the girls will spend money on you when they’re serious. Ganyan ako noon sa dad mo kasi crush na crush ko ’yon…”
“Ako nga ang bumili.” I scowled and scratched my nape.
Kaya minsan ayoko dito sa bahay kasi kung saan saan napupunta ang mga pang-uusisa ni Mommy. Pero ayoko munang bumalik sa condo unit dahil may bakla pala akong kapitbahay.
Kailan lang? Noong nakipag-usap ako sa kanya…baka…iba na ang iniisip niya. Tang ina! Gusto ko pa naman ding kaibiganin dahil mahilig sa instruments tapos gano’n pala!
“Gusto kong lumipat, my,” bigla kong sabi.
She leered at me. Humalukipkip ako at nag-iwas ng tingin kahit hindi ko na makalma ang magkasalubong kong kilay.
“Hindi naman agad agad. Dito nalang muna ako sa Malabon.”
I was desperate to find another place since I don’t feel comfortable at all. Kaso wala na rin akong mahanap lately kaya kahit hassle na panay uwi dito sa Malabon, pinagtyagaan ko nalang. Eh maganda doon sa napili ko dahil walking distance lang sana, o kahit fifteen minutes, nasa school kana.
Hindi naman din pumupunta sa bahay iyong pinakilala ni Mommy sa mga nagdaang buwan pero mukhang desidido talaga siyang makipagdate doon. Tang inang buhay ’to. Pakiramdam ko inaasar pa ako kaya isa isang lumalapit itong mga bading sa akin!
Maverick:
Where are you? Bball. Sila Kael ang kalaban.
Summer na kaya ang dami na naman nilang anyaya. Nasa Malabon pa rin ako at ilang buwan na ring hindi makabalik balik sa condo ko. Si Mommy na nga ang nag advance payment no’n kasi ang reklamo ko sa kanya, naubos na ang allowance ko at namamahalan ako kaya bigla niyang binayaran ang kalahating taon.
She’s used to it, though. Hindi ko alam kung nakakailang lipat na rin ako. At napagod na yata siyang usisain ang bagay na iyon dahil ayoko rin namang sabihin.
Rick:
Pass.
Maverick:
Dali na. Kami lang nila Angelo. Umalis pa si Nick dahil masakit ang tiyan.
Rick:
Wala ka sa Batangas? Summer ah?
Maverick:
Eh ikaw? Wala ka sa condo mo? Summer ah?
Tang ina. Nambaliktad pa.
Maverick:
Come on, Rick! Verena’s here with the other girls! Magsesend ako ng picture bilang proof?
Nagsend nga siya ng picture pero sarili niya na nakangiti at sa likod ay kita ang mga girls na nakaupo sa bleachers.
Hindi na ako nagreply pa at ipinagpatuloy ang paglalaro sa computer ko. Maya maya, nagtext siya ulit.
Maverick:
Nevermind. Brent got someone to sub Nick.
Himala at nasa Manila lang siya ngayon? May pinopormahan na naman siguro. Si Tyler, mukhang pauwi lang din iyon ngayon dahil may inasikaso yata. Si Ron, ewan ko at nasaang lupalop lalo na’t di ako nakakapagseen sa GC. Si Brent lang naman ang naiiwan lagi sa Manila dahil nandoon ang condo niya at wala ’yung uuwian dahil nasa ibang bansa ang parents.
Medyo tutok nga ’yon sa studies lately dahil nakapasok yata sa dean’s lister. Si Connor, hindi na mahagilap minsan dahil mukhang sinagot na noong nililigawan niya kaya missing in action lagi dahil selosa yata ang girlfriend niya.
Tumunog ulit ang phone ko makalipas ang tatlong oras at tumatawag si Mav. Pinindot ko iyon at iniloudspeak sabay tanggal ng headphone na ik-in-wintas ko sa aking leeg habang patuloy na naglaro.
“Oh?” I answered while manipulating the keyboard roughly.
“Nagkainitan,” he sighed as if it wasn’t new since we all know we’re used to troubles too.
“Malamang. Si Kael ba naman ang kalaban.”
That asshole is a walking time bomb. Kung ikukumpara sa akin, mas kalmado pa yata ako kumpara doon. Iba ’yon mang-angas pero pikon naman agad.
“The game ended so soon. Dumugo kasi ’yung ilong noong kaibigan ni Brent,” patuloy niyang kuwento.
Kaibigan?
“Sino?” I paused my fingers for a while and looked at the screen of my phone.
“Shiloh? ’Yung pinadala ng mama niya at sa condo ni Brent nakitira. Magseen ka kasi sa GC minsan.”
Kumalma ako at ibinalik ang atensyon sa screen ng aking computer.
“Tinukso ni Kael ’yung Shiloh. Eh alam mo naman si Brent, pikon din. Nagkainitan silang dalawa hanggang sa kamuntik nang magsuntukan at nasiko ni Brent ’yung Shiloh.”
I didn’t give a reaction and continued to concentrate on my game.
“Punta ka later, Rick. Uuwi na daw ’yon si Tyler. Party daw tayo. Same Club.”
Hindi ko na namalayang namatay na pala ang tawag dahil sa kakalaro ko. Hindi ko man lang natanggihan ang anyaya na mag Club. Kinuha ko ang phone nang may sumunod na text ni Mommy.
Mommy:
Pauwi na ako, Reagan. Nasa bahay ka ba? Kasama ko si Simon. Let’s have dinner together, please?
Mabilis ang pagtayo ko paalis sa gaming chair at inalis ang headphone sa aking ulo. Nagtype agad ako ng mensahe kay Mavric habang binubuksan ang ang aparador para kumuha ng dadalhing damit na susuotin ko mamaya.
Rick:
Paligo sa condo mo, Mav. Dederitso ako diyan tapos sabay na tayo mamaya sa Club.
Wala pa yatang limang minuto, wala na ako sa bahay at nakaalis na. Nag-isip isip agad ako ng maidadahilan kay Mommy.
Rick:
My, wala ako sa bahay. Pupunta akong Taguig. Uuwi si Tyler at may dalang sapatos. Kukunin ko.
Mauubusan na yata ako ng rason para lang hindi ko makasama ’yang lalaki niya. Baka mainsulto ko lang ’yon at mabastusan pa si Mommy sa akin. I might be that hot-headed, but I never tried disrespecting her.
Mommy:
Hindi na ikaw ang Reagan na anak ko :(
I snorted at what she said. But then, remembering how close we are will always be a reminder of how peaceful my life was before it happened. Kahit kami lang dalawa ni Mommy, masaya naman. Hindi kasi siya strict pero hindi rin gano’n ka luwag. Balanse lang kaya kahit noong thirteen ako, pag nagpapaalam ako ng overnight, pumapayag siya agad.
“Cute ng Mommy mo,” Mavric chuckled when he slightly got a glimpse of her text on my phone.
Itinaob ko iyon sa palad ko habang hinihintay ko nalang siyang matapos mag-ayos. Nakaupo nalang ako sa sofa niya, bihis na bihis sa suot na leather jacket, itim na inner t-shirt, at denim pants.
“Magkano ba ang rent dito? May vacant?” tanong ko.
“Medyo malaki din. Gusto ko ngang lumipat, but my mom said it’s fine.” Kibit balikat niya.
Pumangalumbaba ako. Kaka-inarte ko, si Mommy din ang mahihirapan. Oo at isa lang akong anak, pero ayoko namang siya ang sumasagot sa mga luho ko. Bumili pa naman ’yon this year ng isa pang kotse noong panay uwi ako sa Malabon para may magamit din ako lalo na’t ’yung kotse niya, ginagamit niya rin for travel kaya hindi ko basta bastang nahihiram.
“May bakla ulit?” he suspected.
“Naalala mo ’yung kaibigan ni Brent? ’Yung crush na crush ni Angela noong first year tayo?” Kahit iyong second name niya, ayoko nang banggitin dahil katunog pa sa pangalan ko.
“Ah…si Denver?”
I nodded and licked my lips frustratedly. “Bading siya, Mav. Nahuli kong may kahalikan sa elevator. Nakakadiri ang mga putang inang ’yon. Walang pinipiling lugar. Kaya umalis ako doon noong December, eh…”
He was slightly shocked, but then his expression immediately turned unreadable as he sat next to me to wear his shoes.
“Thought he’s into girls? Baka bisexual. Those men who’s into men and women,” aniya habang abala siya sa pagsisintas ng sapatos niya.
Ngumiwi ako. Wala akong pakialam kung ano pa ang tawag sa kanila. Ang akin dito, nakakadiri sila! Kamuntik ko pang makagaanan ng loob iyong Denver na ’yon at kakaibiganin ko sana.
“Nabababaan talaga ako sa mga lalaking pumapatol sa bakla, Mav. Para saan? Sa pera? Oo nga may pera pero alam ba nila na madudumi ang mga ’yan?! Kahit sino-sinong lalaki gustong tikman!” iritado kong sabi.
And I fully understand now why they say, kung gipit, sa bakla ang kapit. Kasi pera lang naman ang pakinabang nila kaya siguro pinapatulan. Mga lalaking namamakla at sila ang takbuhan dahil ’yun lang ang kaya nilang ibigay. Akala naman nila seseryosohin sila. Sa babae pa rin naman ang bagsak naming mga lalaki hindi sa kagaya nilang mga bakla na salot na nga, hayok pa sa lalaki.
’Yung Denver, halatang kunwari mabait tingnan at mahinhin, pero gago siya, nagpapanggap lang pala para mang-akit. Baka noong gabing iyon, naiisip niya akong biktimahin at akitin. Tang ina niya. Ako pa talaga na kinse pa lang, alam na ’yang mga galawan nila.
Tumayo si Mavric at tumingin sa akin, mukhang wala sa sinasabi ko ang atensyon. “Ayos lang? Itong black or…” lito niyang tiningnan ang sapatos niya.
Unti-unting kumalma ang magkasalubong kong kilay nang tingnan din ang sapatos niyang binagay niya sa kulay ng kanyang suot na buttoned-down shirt.
“’Yan na. Kanina ka pa bihis nang bihis.”
Ngumisi siya at kinalas ang isa pang butones ng shirt niya. “Why don’t you try one tonight? Say…let’s ask for Angela’s help?”
My emotions shifted right then. Ngumisi ako ngunit naiiling. Sa totoo lang, pagkatapos noong experience ko kay Keycee, parang ayoko muna. Siguro ayos lang kung kikilalanin ang isa’t isa, pero kung ganoon agad, hindi ko alam.
Nakalimutan ko tuloy kung ano ’yung kinakagalit ko dahil sa biglang pagch-change topic ni Mav. Dumating din agad sila Tyler kaya bumaba din kami at pumunta sa parking lot.
Ilang minuto lang, dumating din naman ang kotse na BMW ni Tyler. Nasa front na si Ron at ngumisi agad sa amin habang pumapasok na kami ni Mavric sa back seat.
“Napaaway si Brent?” halakhak ni Tyler at tiningnan ang itaas ng salamin, hinaplos pa saglit ang maliit na silver hoop earring sa kaliwa niyang tainga.
“Oo. Nagkainitan sila ni Kael,” ani Mavric.
Open play lang din naman kasi at mukhang sila Ro-ar ang kasama nilang naglaro. ’Yung iba ding friends ni Brent na blockmates niya yata.
“Next game hamunin natin ’yan ulit. Ang angas talaga ng hayop na ’yan. Pinag-iinitan tayo dahil ayaw patulan ni Verena,” ani Tyler na lumalandas ang nakakalokong ngisi sa labi.
Thank God, I immediately moved on from having a crush on Verena. Edi wala akong sakit sa ulo ngayon sa dami ba namang lalaking nagkakagusto doon. Idagdag pa ang tarantadong si Kael, sinong hindi mapipikon kung inaangasan din no’n lahat ng lalaking pakiramdam niya may gusto kay Verena.
“Kung gaano ka patay na patay si Brent kay Verena, parang triple si Kael. Dude, he’s so funny! Nakita niyo ba ang Facebook niyan? Nakabio si Verena!” Hagalpak ni Ron kaya nagtawanan kami.
“Ang korni ng gago…” natatawa kong iling.
“Hindi nga pinapansin si Brent na babaero, siya pa kaya na tarantado?” iling ni Mavric.
Grabeng pagpapapansin din yata ang ginawa ni Brent sa babaeng ’yan last year. Kaya nga kami umurong lahat sa pagkakagusto kay Verena dahil hiyang hiya na rin kami sa pagpapansin ni Brent. Sinusuportahan nalang namin diyan sa pangarap niyang napaka imposible.
Pagdating namin sa kilalang Club kung saan kami madalas, sunod sunod agad ang bumabati. Sila Rodney, hindi mahilig sa mga ganitong high-end club pero noong nasali ako sa circle ni Brent, medyo nakahiligan ko na rin.
I slightly nodded to vibe with the booming music of the Arctic Monkeys. Iyong Why’d You Call Me When You’re High. Pamilyar ako sa mga kanta nila dahil tinutugtog ko sa electric guitar ko minsan.
“Hinihintay ko nga si Brent kasi may kasalanan sa akin ’yon. Natawag ba namang Trixie si Tricia. That asshole!” kuwento ni Angela nang dumeritso kami sa table ng mga girls at wala pa si Brent doon.
Simula noong nangyari sa amin ni Keycee, hindi na talaga ako tumatanggap ng reto dito kay Angela kasi alam ko palpak. Si Brent kasi, parang hindi yata mapapanatag kung walang kalandian. Pasahulan lang sila ni Tyler at Ron. Buti pa itong si Mavric medyo natatansya ko pa ang kalandian dahil tahimik, o talagang hindi lang nahuhuli kaya hindi mo alam kung may kalandian ba o magaling lang talagang magtago.
Tyler elbowed Ron and tilted his head for a signal. Napatingin kaming apat sa kabilang table at nakita agad ang magagandang girls na sumusulyap sa amin, nagbubulungan at titingnan kami.
“Ayan na ang gago,” ani Angela kaya sabay sabay din ang ulo naming tumingin sa bukana ng Club dahil alam naming si Brent ang tinutukoy niya.
“’Yan daw si Shiloh? Crush na crush ni Sadie,” si Marcia na mukhang tinutukoy ang kasama ni Brent.
Maputing lalaki at hanggang balikat ni Brent. Nasa 5’8 o 5’9 yata ang height.
“’Yan ’yung nasiko ni Kael?” tanong ni Tyler nang tiningnan niya din iyong Shiloh.
“Oo. Kawawa nga. Dumugo ang ilong,” ani Mavric.
Sa halip na dumeritso si Brent dito, naantala pa sa ibang tables dahil mukhang mga kaibigan niya rin ang iba. At ang alam ko, nakalandian niya yata ’yang Jade.
Nandito na nga siya sa loob, pero halos kalahating oras yata ang tumagal bago niya kami nalapitan kasama ang maputing lalaki na tahimik na sumulyap sa amin, hindi palakaibigan ang ekspresyon at mukhang suplado.
“Ipakilala mo naman, Brent…” nangingiting si Marcia at halatang interesado.
The thing about the girls in Brent’s circles, naghahanap ng opposite kay Brent. Parang naumay na sa mga kagaya namin kaya mas gusto nila iyong mga tinatawag nilang soft boy.
Pero iyong huling soft boy…naging bading. Kaya ngayon, nagdududa tuloy ako dito sa isa na ipinakilala agad ni Brent sa amin dahil sa kilos, halata ang hinhin.
“This is Shiloh, my roommate. Medyo shy type, but he’s cool…” ani Brent na nakatuko na ang kamay sa balikat nito.
Siniko ako ni Mavric at may nginuso sa kabilang table kaya doon napunta ang atensyon namin lalo na’t bumubulong-bulong na rin si Ron tungkol sa isang chic na pamatay ang ganda.
“Anong Tricia, huh?” sigaw ni Angela kaya naghagalpakan agad kaming boys nang pumalpak na naman siya sa pagiging gago niya.
Tumingin si Brent sa amin at natawa din. Nag-aambang mangsipa.
“Well, at least you didn’t mistake her name while doing the deed, Brent. That’s more disappointing,” si Ronan na humagalpak na kahit si Brent ay natatawa ring nakipag-apir.
Nahuli ko ang pagngiwi noong Shiloh, tila ba may pangit kaming ginagawa kaya ganoon ang reaksyon niya.
“You assholes! Turn off ’yon sa’yo, Brent! Pinapalakas pa kita dahil sabi mo, tipo mo! Tapos ngayon, sinira mo naman ang image mo!”
“Anong sinira? Matagal nang sira ang image niyan! Some girls are just blind,” Mavric added, and we all laughed.
At kung mamalasin pa nga naman ang gago, dumating pa si Verena na kakilala pala iyong nilalandi landi niya.
Kaso nga lang, biglang nawala si Brent kaya kaming mga boys ang naiwan at nagpasyang dumeritso sa bahay nila Con. Hindi na rin namin inusisa dahil pag sa babae talaga, para rin ’yung si Tyler.
“Ang puti noong Shiloh. Parang babae,” si Ron na inaayos ang buhok sa front seat.
Duda talaga ako eh. Sa kintab pa lang ng labi, may naaalala na agad ako. Baka isa rin ’yon. Ang tahi-tahimik pa at ang hinhin ng kilos.
“Mga ganyang lalaki pa naman ang matitinik. Akala mo mahinhin pero pailalim umatake. Tingnan mo, nawala kanina. For sure kasama no’n si Verena. Mukhang tipo siya,” si Tyler.
“Imagine it, pinatuloy mo sa condo mo tapos aahasin ka lang? If I were Brent, I’d kick him out,” patuloy ni Ron.
“Kawawa kay Brent ang lalaking ’yan for sure,” sabi ko.
“Pero lalaki ba talaga ’yon, Mav? Mukhang bading,” tingin ni Tyler sa itaas ng salamin at tiningnan ako.
Humalukipkip ako at nilingon si Mavric. Tumango siya.
“Lalaki. Inborn yata na gano’n kumilos. May pinsan din akong malambot at parang bading tingnan pero lalaki naman,” kumpirma ni Mavric at inakbayan ako.
“Lalaki tapos bading pala.” Ismid ko.
“Hayaan mo ’yon, Rick. Kay Brent naman ’yon close. Unless the girls would be so fond of him, then he would probably join our circle,” ani Ron.
Umismid agad ako. Sa dami ba namang lalaki ngayon na mga bading pala, parang ang hirap nang magtiwala. Kung bading ’yon, baka mapabalik ako nang wala sa oras kila Rodney. Hinding hindi ako sasama sa sleepover kung kasama ’yon. Baka bangungutin lang ako.
Hirap na ngang makatulog pag nakapatay ang ilaw lalo na’t hilig din ng mga boys, tapos malalaman ko pang may bading? Ang pangit pa naman ng mga panaginip ko pag hindi ako komportable sa lugar.
“Kasama niya ang girlfriend niya. Nasa sala sila,” si Manang Karen nang makarating kami sa bahay nila Con at pinagbuksan kami ng gate.
Nagkatinginan agad kaming boys lalo na’t hindi pa namin namemeet ang girlfriend niya at sa picture pa lang dahil mahiyain daw. Sumenyas si Tyler na huwag kaming magulo kahit gusto na naming takbuhin ang loob para silipin at nagmamadaling pumasok.
Amoy pa lang nang makarating kami sa sala, mukhang nagluluto si Connor sa kusina kaya doon kami dumeritso. Sumilip kami sa kusina at doon nagkumpulan sa gilid. Nasa harap si Mavric, sa likod niya ay si Tyler, si Ron naman na sumunod at nakikisilip din, habang ako sa dulo.
Nakita namin ang malapad na likod ni Connor at mukhang abalang magluto, ngunit sa pagyuko niya at pagsiksik ng mukha sa leeg noong babaeng marahang tumatawa at hinahampas siya, alam naming girlfriend niya ang kalampungan niya sa harap ng electric stove.
“Conrad, stop…” ang mahinhing tinig ng babae na mukhang nakikiliti.
Narinig namin ang marahang halakhak ni Connor na bumubulung-bulong ng kung ano sa babae. Kaya naman pala hindi pinayagan magparty kasi nandito ang girlfriend.
Chapter 7
Trigger Warning: Homophobic remarks
Help
Tyler shamelessly made a fake cough. Binatukan ko pero huli na dahil umahon na ang ulo ni Connor at lumingon sa amin, na kahit ang babaeng hanggang balikat niya, nasa labi pa ang ngiti, ay bumaling na rin sa amin.
Ilang beses ko nang nakita sa picture ang girlfriend ni Con dahil wallpaper niya naman at laman din minsan ng Facebook story niya. Ngayon na mas nakita sa malapitan, maganda nga, maputi at halatang snob. She has that air of Verena, but she looked more soft.
“Oh?” Connor was a bit confused to see us.
Isa isa kaming nagsitayo ng tuwid at nakalinyang inakbayan ang isa’t isa habang nasa babae ang atensyon naming lahat.
The girl looked hostile. Hindi palakaibigan ang tingin niya at ang unti-unting pagkabura ng ngiti ay halatang nagsasabing hindi niya gaanong nagustuhan ang pagsulpot namin.
“Akala ko ba nagparty kayo?” Con continued, like he doesn’t mind seeing us while he’s busy with his girlfriend.
“Ah…naglaho bigla si Brent kasama si Jade,” si Tyler ang nagsalita.
Kumalam ang sikmura ko sa bango ng niluluto ni Con. Sa aming lahat, siya pa naman ang pinaka masarap magluto.
“Adobo?” I asked.
Siniko ako ni Mavric at natawa. Naghagikhikan din si Tyler at Ronan. Nagkasalubong ang kilay ko dahil hindi ko alam para saan iyon. Nagtatanong lang naman! Alak ba naman ang ginawang dinner!
“Ipakilala mo naman kami, Con. Parang iba kasi ’yung pinakilala mo noong nakaraan sa amin,” biro pa ni Mavric kaya nagpigil kami ng tawa habang binatukan siya ni Ron.
Connor laughed along with us. “Mga gago. Inaasar ka lang nila.” Sabay lagay ng kamay niya sa baywang noong girlfriend niya ngunit biglang hinawi.
Ang mga ngiti namin ay unti-unting napawi.
“Ah, biro lang ’yon Miss. Ikaw ’di ba si Patricia?” si Tyler na nanggamit pa ng pangalan ng friend namin para sa biro niya.
“Patricia?” the girl uttered, raising her brow at Con.
Connor sighed and shook his head gently when he looked at his girl.
“By the way…sila ang mga friends ko. The varsities,” pakilala niya sa amin sa girlfriend niya.
His girl looked at us and smiled a little. Ni hindi umabot sa mga mata ang ngiti niya.
“Boys, si Serene.”
Ngumiti kami sa kanya. Titingin siya saglit sa amin, ngunit ibabalik din kay Con at hindi na kami ngingitian.
“Loyal ’yang si Con! Sa aming lahat, pinaka loyal ’yan! Pag may dumadaang cheerdancer pumipikit ’yan si Con tapos inaalalayan nalang namin maglakad kasi hindi talaga dumidilat sa sobrang loyal!” at pakiramdam ko, pinalala lang ni Ron dahil mas naging madilim ang ekspresyon noong babae.
Con glared at us playfully and attempted to throw some things, but we just ran to the living room to avoid it. Nagtawanan kami doon at nag-apir sa isa’t isa dahil parang malalagot si Con sa girlfriend niya.
Nagbukas nalang kami ng TV at nagpaalam kay Con na maglalaro ng Playstation lalo na’t gusto ko ring makikain. At mukhang kahit si Tyler, ’yung ulam na rin ang iniisip dahil iyon na ang pinag-uusapan namin habang naglalaro.
“We’re so shameless. Baka para lang ’yon sa girlfriend niya tapos makikikain din tayo,” si Mavric na nasa sofa at nakapangulambaba sa nakaparteng hita habang abala sa phone.
“O edi saan tayo pupunta? Sa condo ni Brent? Itatapon niya tayo palabas. Busy ’yon,” ani Tyler.
“I video call nga natin! Mangdisturbo tayo,” si Ron na malaki ang ngisi nang inilabas ang phone.
Kaming dalawa ni Tyler ang naglalaro ng boxing. Nakailang ring yata at hindi sinagot ni Brent ang tawag kaya hindi natuloy ang balak. Pag ’yon talaga busy sa babae, hindi mo madidisturbo.
Noong tinawag na rin kami ni Con at inimbitahang kumain, pansin namin ang pananahimik ng girlfriend niya habang nagkukwento si Mavric sa nangyaring gulo kanina kay Brent.
“Inasar kasing bading ni Kael ’yung friend ni Brent na si Shiloh,” si Tyler ang nagdugtong.
“Bading?” Connor looked worried when he looked at me.
Doon umikot ang usapan. Tahimik na lamang ang girlfriend ni Con sa gilid niya at hindi makatingin sa amin. Hindi man lang natapos ang pagkain sa plato niya nang bumulong na siya kay Con na yumuko pa ng kaonti para ibigay ang atensyon sa kanya.
“Are you sure?” kumpirma ni Con habang tahimik na kaming kumain at nakatingin sa dalawa.
The girl nodded and stood, caressing her ponytail hair for a bit, and it seemed like she wanted to go home already. Pansin lang sa ekspresyon niya.
“Ah…Ihahatid ko muna. Uuwi na,” paalam ni Con.
Tumango kami. The girl glanced at us once, smiled a little, then proceeded to walk away from the table. Humabol si Con sa girlfriend niya at swabeng inilagay ang kamay niya sa baywang nito habang nilingon kami—sumisenyas na babalik din.
“Very shy girl,” Tyler chuckled when the two disappeared.
“But pretty hot,” si Ron.
“Pero mukhang ayaw sa atin. Baka nagalit kasi sa kanya lang dapat ang adobo tapos nakikain pa tayo,” ani Tyler na sumandok ulit ng manok at inagaw ko lang.
“Gago Rick, that’s your third time! Mahiya ka naman! Akin na! Hati tayo!” puna niya sa akin na inangatan ko lang ng kilay.
Bumalik din naman si Con at inusisa namin kung ayaw ba sa amin ng girlfriend niya. He said, tahimik daw talaga at mahiyain. Sa kanya lang daw comfortable.
Hindi na ako umuwi sa araw na ’yon at nakitulog pa kami sa guest room ng bahay nila Con. Komportable din talaga ako doon lalo na pag kami kami lang boys sa kuwarto kaya kahit nakapatay ang ilaw, medyo masarap din ang tulog ko.
Sadie:
Bakla si Denver?! Nag story siya sa Facebook niya! Omg he likes dick?! We have the same type?!
Kaka seen ko lang sa GC sa Linggong iyon kung nasaan ang girls at boys, picture agad ang bumungad. That man I saw kissing him in the elevator was smiling while holding his drum stick, which Denver put on his Facebook story. Tumingin ako sa caption at mas napangiwi sa tatlong heart-shaped na may simpleng ‘pogi’. Hah. Bading.
Mica:
Pogi ’yan si Arron talaga but I didn’t know he’s bi
Umismid ako. Pogi ba ’yon?
Angela:
Kaya siguro ayaw ni Denver sa akin noon kasi feeling niya mas maganda siya :(
Kelsie:
Right?! Kaya pala hindi tumalab ’yung Call Me Maybe natin na parinig sa kanya noong tumingin siya sa live mo, Angela. Manifesting gone wrong.
Gabriella:
What if that time nasa circles natin type niya pero lalaki kaya nanood siya ng live mo?
Tyler:
Girls, you actually manifested the plot twist of the song. That guy is gay in the MV.
Angela:
What if pagsubok lang ni Lord sa relasyon namin? What if matutuwid ko siya?
Mica:
Yes girl. Get that dick straight.
Ronan:
What is this topic?
Reply ni Ronan sa sinabi ni Mica.
Mavric:
Girls are so wild nowadays
Sheena:
Sayo pa talaga nanggaling ’yan Mav?
Kelsie:
Nakakahiya naman sa GC niyong boys na puro kabastusan din ang topic?!
Tyler:
Wrong Kelsie. We only talk about holy things there. Don’t spread lies.
Nagreply ako sa picture mismo.
Reagan:
Gaano ka kagipit:
Angela immediately reacted to my message. Angry. Sumunod si Sadie at ang iba pang girls.
Sadie:
Bawal bumoses ang mga walang buhok dito.
Angela:
Kaya ka siguro nagpa buzz cut para di kita masabunutan.
Tyler:
How to spot broke men hahahaha exactly Rick
Mica:
Hala mga homophobic :/
Ronan:
Sorry girls. We don’t like gays coz we have beef with them
Angela:
Kaya pala di namin kayo type. Thank God.
Kelsie:
Brent’s cof na boys is really a HARD PASS
Tyler:
Brent’s cof girls is really a HARD PASS
Sadie:
Mga duplicate ni Brent is so ./.
Ronan:
Nanggaling pa talaga sa girl version niya?
Hindi na ako nagseen ulit at ipinagpatuloy nalang ang online game ko sa aking computer. Kahit sa Facebook, may ibang girls na nagpopost na bakla daw ‘yung crush nila. For sure, they’re all talkin’ ’bout that gentleman they thought was straight.
The summer ended so fast that enrollment is already approaching. Wala yata akong ibang ginawa buong summer kundi basketball kasama sila, manatili sa Manila, o umuwi sa Malabon kung namimiss si Mommy.
Siniko ako ni Mavric at may pasimpleng nginuso na grupo ng mga girls habang hinihintay namin ang ibang boys at kakatapos lang mag enroll. Umangat agad ang kilay ko nang may maputing babae na mahinhin ang kilos at nakangiting nakikipag-usap sa grupo niya.
We looked at each other and grinned because we knew what the drill was. He tilted his head for a signal, nanghahamon kung sino ang lalapit at magpapakilala. Nailing ako at nangingiting binasa ang labi, kaso nang gumalaw iyon ng bahagya at nakita namin si Sadie ang kausap, parehas na napawi ang ngiti namin ni Mavric.
“Mavric! Rick!” Kaway ni Sadie na malaki ang ngiti at pasimple kaming tumingin sa likod para kunwari ay hindi namin kilala.
But then she ran to us and put her arms around our arms while giggling. Ito talaga ’yung maganda na babae na sana hindi mo nalang nakilala para hindi ka maturn-off.
“Sino ’yung tinitingnan niyo sa friends ko? Ano? Pakilala ko kayo?” She glanced at us one by one.
Papatulan ko lahat huwag lang nasa circle ni Sadie. Coz I know most of her friends are just like her. Maarte at hindi mo matansya ang ugali.
Tinawag din naman siya ng friends niya kaya humalo siya doon at humiwalay sa amin pero noong dumating na sila Brent kasama iyong Shiloh, lumapit ulit.
Habang patagal nang patagal, padami kami nang padami dahil marami talagang kakilala si Brent na lumalapit din at bumabati kaya nakakakwentuhan na rin namin. Pero noong nagkayayaang kumain sa labas, kami kami nalang nila Brent with the girls at hindi na kasama iyong iba pang circle ni Brent. Pero kung kasama sila, umaabot talaga kami ng halos bente.
Umikot ang topic sa sleepover at niyayaya na ng mga girls iyong Shiloh.
“Is that Denver?” biglang kuryosong tanong ni Brent na kinuha ang atensyon ko.
Paglingon ko sa entrance na kakapasok pa lang, nakapamulsa sa varsity jacket at inaakbayan ng pamilyar na lalaki, pumangit agad ang pakiramdam ko.
Kumpara sa hinhin niya noon, ibang iba siya ngayon. He looked proud and unbothered, despite our glances at them and my disgusted look. What is he proud of? Proud that he got himself a boy?
“You didn’t know?” bulong ni Mavric kay Brent.
“Know what?” Halatang walang alam si Brent. Hindi ba naman nagsi-seen sa GC lately.
“He came out last month. That’s his boyfriend,” ani Mavric.
“Boyfriend?” Kunot-noong tanong ni Brent.
“You know, dude. He’s bi. He likes men too,” patuloy na paliwanag ni Mavric.
Doon na umikot ang topic namin lalo na’t pati ang mga boys ay naging interesado ring pag-usapan. Varsity pa pala siya noong high school na nabanggit ni Tyler at nakasabayan sa shower. Ano ’yon, tinago tago niya dahil ano, para makahalo sa boys?
“You know what they say, kung gipit, sa bakla ang kapit.” I laughed mockingly when I joined the boys’ teasing too.
Ilang sigundo lang, bigla akong marahas napatayo nang may humila sa t-shirt ko.
“Anong sabi mo?” ang boyfriend noong Denver na galit akong tiningnan.
I raised my brow and laughed. Guilty.
“Ano?” natatawa kong tanong dahil talagang katatawanan sa akin ngayon na pumatol siya sa bading.
“Binabastos niyo yata kami,” he growled.
“No, bro. We’re good here,” si Mavric na tinapik ang balikat niya at gusto nang pahupain iyon.
“Anong binabastos? Kung natamaan ka, baka naman kasi totoo,” halakhak ko.
His hand turned into a fist. Sa igting ng panga niya, alam kong galit na galit siya at handa na akong suntukin.
“Arron,” ang pamilyar na tinig noong Denver, lumapit na sa amin at hinawakan sa braso ang boyfriend niya.
Our eyes locked. I looked at him disgustingly. Sinamaan niya rin ako ng tingin, matalim at iritado.
May dalawang guard na lumapit sa amin. Ang mga boys, naiiling habang pigil ang pagtawa ni Tyler, si Ron na pilit nagseryoso na ayaw lang mahawa kay Tyler, si Mavric na nakangisi, si Con na tahimik habang si Brent ang seryosong seryoso.
“Say sorry, Rick,” utos ni Brent.
Tumawa ako. “Are you kidding me, Brent? Hindi ko sila binastos.”
Dahil kung bastusan lang naman…
“Bastos kayo eh!” he said in an aggresive tone, glaring at me.
“Bakit ko ’yan babastusin? Bro, I’m straight! You think I’d be interested in…” Tiningnan ko si Denver na nakatayo sa gilid niya at inangatan ito ng kilay sabay pasada sa kanya mula ulo hanggang paa. I smirked more when I found it ridiculous that I would like a gay like him.
He met my gaze when I brought my eyes back to his face. Compared to his sparkling eyes on that night, I’ve seen it again, but this time, it worsened. And he couldn’t mask it now. He looked hurt and disappointed.
“That’s enough, Rick. You are now barking at the wrong tree,” si Brent na biglang itinulak ang balikat ko habang nasa labi ko pa ang nakakalokong ngisi, ang mga mata ay nakatitig pa rin kay Denver.
I laughed as I stepped backwards. I would never respect a gay. They deserve this. Para ano lang ba ’to kumpara sa kagaguhan nila. Kumpara sa nakakadiri nilang gawain. Why would I fucking respect them?
“Tang ina mo ah! Sa labas nga tayo! Gago ka!” That Arron, who aggressively pointed at me.
Umiling si Brent. “We’re sorry, bro… He didn’t mean it—”
“Sa labas!” Denver’s boyfriend demanded and walked out.
Lumabas kaming lahat at pagdating sa parking lot, itinulak niya agad ang dibdib ko. Kung hindi lang siya hinila ni Denver palayo sa akin, talagang makikipagsuntukan din ako.
“Alam niyang bakla ang boyfriend niya, anong gusto niyang isipin ko, na hindi siya nagpapalibre? Hinuhuthutan niya ’yan,” natatawa kong sabi nang malayo na sila.
Tahimik na ang ibang boys. The girls were clueless, but Angela looked at me disappointedly.
“Humingi kana lang sana ng tawad, Rick,” si Mavric.
“Bakit? Come on, dude! I didn’t do anything wrong! At pinagbibintangan pa akong binabastos ko ’yung boyfriend niya! Anong tingin niya sa akin? Namamakla? Papatulan ’yon? Nakakadiri—”
My words were stopped when Brent’s fist landed on my jaw. Sa sobrang lakas no’n, halos mawalan ako ng balanse at napaupo sa sahig dahil hindi ko man lang inaasahan.
Mabilis mapikon si Brent pero iba na ang galit niya pag nanununtok siya. If I stood up right now, for sure, he wouldn’t mind punching me again because of the way he looked at me furiously.
“I’ll stand with you if you were on the right, Rick. But we all know here that you fucking did them wrong. Huwag mo akong gawing katawa tawa para kampihan ang katarantaduhan mo,” giit niya sa iritadong boses na hindi ko na nasagot.
Anong bastos doon? Eh totoo naman! Ano bang rason ng lalaking iyon kaya niya pinatulan si Denver! Huhuthutan niya malamang! Gagamitin niya! Peperahan!
I grunted and shut my eyes while thinking about it. Nasa loob na ako BMW ni Tyler habang hinihintay ko ang tatlo na matapos sa cafe lalo na’t may mga chic yata na gusto nilang pormahan. Nagwalk-out si Brent at si Connor, mas piniling puntahan ang girlfriend niya.
Angela:
Say sorry, Rick.
Nanliit ang mga mata ko nang tingnan ko ang notification sa phone ko at iyon ang message ni Angela. Worse, she kicked me out of the girl’s GC.
I typed for a reply.
Reagan:
Crush mo lang kaya mo pinagtatanggol.
Angela:
Because he deserves it?
I snorted. Deserve my ass.
Angela:
You know what? I don’t know what’s your main problem with the gays since I noticed you’re kind of homophobic, pero mali pa rin, Rick. You can’t just direct your anger at people who didn’t do you wrong.
Tss. Gusto ko sanang sagutin pero…naalala ko bigla si Mommy. Ibang usapan na pag babae ang pinatulan ko.
Hindi pa lang ako nakakabuo ng anong irereply kay Angela, sumunod na si Sadie.
Sadie:
Hoy Rick! Gwapo ka pero iayon naman sana sa mukha ang ugali! R naman sana ang start ng name mo but you’re acting like a DICK!
Nalaglag ang panga ko. Why are the girls coming after me? Oh right. Crush na crush nila ’yon. Iba pa naman kaaway itong mga girls…
Ang boys, lalo na sila Tyler, hindi naman sineryoso. Hindi naging big deal lalo na’t alam naman talaga nila ang ugali ko pagdating sa bakla. Pero si Brent, talagang ramdam ko na galit dahil kinick-out na rin ako sa GC ng mga boys.
It didn’t bother me. Akala niya naman wala akong ibang circle? Ano ako, loner? Nandiyan naman sila Rodney. Edi bumalik sa kanila. Kaysa naman humalo ako sa circle nila ngayong iba rin ang kutob ko doon kay Shiloh.
Pero sa mga sumunod na araw, lalo na noong mag-umpisa na ang pasukan, nahuli ko nalang ang sariling naghihimutok sa labas ng cafe at sinisipsip ang cookies and cream ko na drink habang mag-isa lalo na’t breaktime ko. Badtrip. Bumabagabag pa sa isip ko.
Sanay naman akong napapaaway sa circles ko. Pero ngayon lang ako na pressure nang ganito kasi pakiramdam ko, ako talaga ang may mali.
Mali ko ba ’yon? Eh kung hindi niya piniperahan si Denver, ano? Mahal niya? Gusto kong humalakhak sa pandidiri. Lalaki magmamahal ng bading? That’s absurd.
Nagcellphone ako para aliwin ang sarili ko. Dumaan pa sa newsfeed ko sa Facebook ang post ni Carter na isa rin sa kaibigan ni Brent at mukhang sumama sa sleepover na plano ng girls. My brows knitted as I scowled at my seat. Kung hindi lang kami nagkainitan ni Brent…ako dapat ’to eh.
Tiningnan ko ang iba pang picture. I could immediately hear their loud fun while browsing each of the photos. Tumigil ako sa isang picture ng mga girls na niyayakap ’yung Shiloh at nakangiting tumingin, halos nawawala ang mga mata. Tsss.
Ano naman ngayon kung nagsleepover sila na wala ako? I gulped down and sipped on my drink while I zoned out for a while.
Kung hindi lang may napansing pamilyar, iyong roommate ni Brent, hindi ako babalik sa huwisyo. Mag-isa itong pumasok at nagtungo sa counter para mag-order. Noong matapos, gumala agad ang tingin kaya pasimple ko ring iginala ang tingin at napansing walang bakante maliban sa table ko na may isa pang upuan.
Iniwas ko ang tingin dahil hindi naman kami close. Tahimik kong sinipsip ang drink ko at tumingin sa labas kaso sa gilid ng mga mata ko, talagang naghahanap siya at parang sisimangot na dahil walang nakikitang bakanteng table.
That’s Brent’s roommate, Rick. Show a little bit of sympathy, at least. At sabi naman ni Mavric… I sighed and glanced at him. Tumingin din siya sa akin, tila ba hinihintay niya lang na tatawagin ko siya. I gestured and pointed at my seat so he could occupy it.
His face lightened, and he was too excited to walk toward my table. He puts down the slice of matcha cake together with its matcha-flavored drink and puts the tray away. Hinubad niya rin ang bag niya at umupo sa harap ko habang binubuksan ang zipper ng kanyang bag sabay labas ng kanyang iPad.
“Hello. Ikaw si Rick?” he conversed.
I nodded boyishly with my furrowed brows. “Yup.”
Tahimik lang siya sa upuan niya at nagawa pang magdrawing sa iPad niya nang masulyapan ko.
“Bakit wala ka noong sleepover?” tanong niya, nasa screen ng kanyang iPad ang atensyon.
Malamang, galit si Brent. At…
Sumandal ako sa upuan at tiningnan siya. Umangat saglit ang tingin niya ngunit ibinalik din sa iPad at patuloy na nagdrawing.
I twisted my lips for a while. Umawang ang bibig ko pero isinara ko rin at nailagay ang mga kamay sa likod ng aking ulo. This is frustrating…
“Gusto mong magsorry?” bigla niyang sabi.
“Sorry?” tumawa ako nang ulitin ko iyon. “Bakit naman? Lahat ng sinabi ko, totoo ’yon. Hindi ko babawiin.”
“Sabi ni Angela pag hindi ka nagsorry, hindi na kayo friends.”
I snorted again. Korni. Ano ako, batang takot na walang kaibigan? Edi wala!
“Hindi ko naman kasalanan ’yon,” I said defensively.
“Halata namang guilty ka,” he argued, looking at me with his chinky eyes.
I sneered. Ako guilty? Binasa ko ang labi at nag-isip isip saglit. Titig na titig siya sa akin, tila ba hinihintay na pumayag ako sa gusto niya. O sadyang…nasa ekspesyon ko na talaga at gusto niya lang isaboses ang nasa isip ko.
I sighed defeatedly. Oo na. I’m quite guilty. Iba naman kasi ngayon lalo na’t alam ko ang mga ugali nila Brent. Hindi naman sila magagalit kung…hindi ako lumagpas. Kaya okyupado ang isip ko lately kasi…hindi rin matanggal sa isip ko ang mga matang iyon ni Denver.
At naiinggit na rin ako sa sleepover nila. Naiinggit ako na…hindi ako kasama. Kasi circle ko na rin eh. Iba kasi pag sila ang kasama ko. Oo gusto ko sila Rodney, pero simula noong mag-open up ako tungkol sa mga bading kina Brent, ni isang beses, hindi na nila binanggit ang trauma ko para gawing katatawanan.
I love my circle. I love being part of it because I feel like I’m a better person when I’m with them.
Tumingin ako saglit sa malayo, natulala, hanggang sa tingnan ko siya na ngayon ay tahimik na inaabangan ang desisyon ko. I slowly nodded.
“Fine. Help me out. I’ll say sorry. Pwede bang…” Fuck it! Ang korni korni! “Pwedeng samahan mo ako?”
Chapter 8
Hold
Shiloh:
Oo na nga! Saglit lang.
I frowned after reading his message. Ang sabi niya, tutulungan niya daw ako. Anong petsa na oh? Natapos nalang iyong birthday niya, wala pa rin!
I typed for another reply.
Rick:
Bahala ka. Kakagatan ko ’tong cake mo.
Ilang sandali lang, nakita ko siya sa labas na nagtatakbong papunta na sa cafe. I smirked. Ang takaw nito sa matamis.
Medyo naging maayos din naman ang girls dahil sinabi ko, magsosorry ako. Si Brent, pinayagan pa ako noong sumama sa Boracay kaya talagang nag-ambag ako sa plano niyang birthday para kay Shiloh. S’yempre, tutulungan ako eh.
Natatawa kong inilapit ang gatorade ko sa kanya nang hingal siyang umupo at mapaghanap agad ang tingin sa mesa, sinisiguradong hindi ko kinagatan ang paborito niya.
He occupied the chair and sighed while wiping his sweat off his forehead, so I took my handkerchief out and gave it to him.
“May gig siya,” ang agaran niyang balita nang tinanggap ang panyo ko.
I nodded because I knew that news. He’s into music. Hindi ko nga lang alam saan siya kumakanta.
“Mamayang gabi natin siya puntahan.”
Tumango akong muli. “Ano nga ang sasabihin ko? Sorry… sinadya ko—Aw!” marahang daing ko nang sinipa niya ako sa ilalim ng mesa, nangingiti sa kanya.
“Hindi ka naman yata sincere eh! Bahala ka!” nag-amba siyang tumayo at gusto pang dalhin ang platito ng cake niya.
“Biro lang! Seryoso ’to!” I pointed at myself and pulled a serious expression.
Kumalma siya, inangatan ako ng kilay. This time I raised my brows and showed him I was determined. Dahan-dahan siyang umupo at inilapag ulit ang platito.
“Kaibigan ko ’yon kaya magtino ka.”
I showed my palm for a promise sign. And woah…kaibigan niya na? Mabait naman ’yon kasi kaibigan din ni Brent. Pero…
Oh huwag na, Rick. Paano pa magiging sincere ’yang sorry mo kung lalaitin mo ulit.
“Bakit mo naging kaibigan?” I asked curiously and watched him eat the slice of cake.
Duda talaga ako sa isang ’to. Kung hindi ko lang nakakasundo…
“May close siya sa circle ni Verena.”
Damn…Oo nga pala. He’s close to Verena’s circle. Pero bakit ako lang ang magsosorry eh bumoses din naman ang mga boys? Purket ako lang ang narinig?
“Dapat sila Tyler din…” sabi ko.
“Ikaw na ang magsorry para sa kanila.”
Nalaglag ang panga ko. Ano ’yon, ako ang representative sa kagaguhan naming lahat?
“Gago ka kasi eh. Ayan tuloy.” He looked at me with obvious judgments in his eyes.
Bakit parang ang below the belt kung sa kanya galing?
But then, I calmed down. Magsosorry na nga nang matapos na itong ka kornihan na ’to. Sorry sorry pa. Para namang bata. Baka nakalimutan na ’yon noong Denver at boyfriend niya. Baka nga masaya na ang dalawang ’yon at hindi na maalala ang nangyari.
Noong nagsimula ang school, bumalik na rin naman ako sa unit ko dahil ang hassle na talaga na umuuwi ako sa Malabon. Hindi ko na nakakaya ang traffic at ang pagmamahal ng gas.
At tinityempuhan ko rin talaga iyong Denver sa unit. Kaso hindi eh. Parang iba na ang nakatira. Gusto kong magtanong sa guard kaso baka iba ang isipin sa akin. Baka pag napahamak ’yon ako agad ang unang mapagbintangan.
Kaya si Shiloh talaga ang susi ko ngayon kasi mukhang nakagaanan niya yata agad ng loob ’yon. Ayoko ring kay Brent magpatulong. Hindi na kaya ng pride ko.
Sa gabing iyon, nakipagkita nga ako kay Shiloh. I was sporting my usual look. But this time, I wore an inner t-shirt, a black leather jacket, pants, and black shoes. Shiloh was wearing an oversized longsleeve striped baby blue shirt, paired with khaki pants. Mahilig talaga siya sa aesthetic at makukulay na damit na bagay din sa kaputian niya.
We decided to ride a taxi. Ako na ang nagbayad dahil ako naman ang nagpapatulong. Naisip ko tuloy na mahilig ’yon si Denver sa cookies and cream. Pero tama na ’tong effort ko na…magsorry. May boyfriend siya. Doon siya magpabili.
“Dito tayo,” ani Shiloh nang inukupa ang table na mas malapit sa stage nang makarating kami sa District One.
The bar wasn’t that crowded compared to Clubhouse and Xylo kung saan kami madalas magparty dito sa BGC. Dito, may mga nag-iinuman pero chill lang.
Nasa menu na ang atensyon ni Shiloh habang iginagala ko ang tingin. Kaya noong lumabas si Denver at nagtungo sa stage, dala ang gitara niya, nakita agad kami dito sa table, parang gusto ko nang tumayo at umuwi nalang.
I hate gays, yes. But there’s an embarrassing moment about it that makes me want to just hide from his sudden glare at me. Sign na ’yan.
“Galit sa akin,” I said, leaning a bit closer to Shiloh so I could murmur.
“Inaway mo eh,” he blabbered while his attention was glued to the menu and pointed at the matcha latte. “Ito ang akin.”
Tumango ako at kinuha ang wallet habang ganado niya pang tiningnan ang menu. Hinayaan ko siya na mawili sa pagkain at nakita na si Denver na umuupo sa high chair, inaadjust ang mic at ngumiti sa ibang direksyon na medyo pumalakpak agad.
He’s just wearing a simple white hoodie and pants. Humalukipkip ako sa upuan ko at titig na titig sa ginagawa niya. Narinig ko na siyang kumanta noong birthday ni Angela at talagang maganda ang boses niya.
May mga nagrerequest ng kanta at iyon ang pinagbibigyan niya. He seemed to be enjoying himself since he would always smile while singing. Pero pag napupunta ang tingin sa table namin, mapapawi ang ngiti niya.
“Sinamaan niya ako ng tingin,” sumbong ko kay Shiloh na nasa pagkain lang ang atensyon at kanina pa nagsisimulang kumain.
“Ayos lang ’yan. Ikaw naman ang may kasalanan,” he said, which made my expression soured a bit.
Hindi ko yata kakampi ang isang ’to. Baka pinapunta niya ako rito para mabugbog ako noong boyfriend ni Denver? Speaking of that guy…
“Nasa’n ang boyfriend niya? Doon na ako magsosorry. Huwag na kay Denver,” I said, looking at his own food.
Gusto ko rin sanang kumain pero kabado ako ng kaonti. Inangasan ko tapos ngayon magsosorry? Paano naman ang dignidad ko?
“Kay Denver na muna. Baka pag kay Arron magsusuntukan lang kayo eh.”
“And you think Denver and I won’t punch each other?” I frowned, took a small glimpse at Denver, who caught my stare and glared at me for a bit, then continued singing while taking his eyes off me.
“Basta,” Shiloh gestured, dismissing me for asking too much while he’s busy on his food.
I sighed frustratingly and leaned against my seat, crossing my arms. Buti nalang hindi matabil ang bunganga nitong si Shiloh at hindi ipagkakalat sa boys. I can’t imagine Tyler teasing me with this.
Nakailang song na si Denver. At sa tuwing kakanta siya, kakalma din ako saglit. Kaso sa tuwing magtatama ang tingin at medyo tatalim ang mga mata niya, talagang ramdam ko na hindi madali itong gagawin ko.
I’ll say sorry. Once. Kung hindi niya tatanggapin, ’yun na ’yon! Basta nagsorry!
Sa huling request ng kanta, Shiloh boldly raised his hand. I grunted from my seat, wanting to hide beneath the table, but he seemed eager to request a song.
“Ano ’yon?” Denver asked softly, smiling at him.
Mabilis akong tiningnan ni Shiloh. “Anong kanta?”
Pinanliitan ko siya ng mga mata. Siya ang nakaisip tapos ako ang dadamayin!
“Sige na!” he urged, pressuring me.
Tumikhim ako, mabilis na gumana ang isip. “The Reason by Hoobastank…”
Isinulat agad iyon ni Shiloh sa isang papel at ipinabigay sa waiter para ilahad kay Denver. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin nang tahimik niya iyong binasa.
“Pwede na siguro ’yung kanta bilang sorry? Uuwi na ako, Shiloh,” I said as I wanted to shrink out of embarrassment that I was doing some corny things.
Shiloh gestured, hushing me from complaining too much. Ipinagsalubong ko ang aking kilay at bagot na sumandal sa upuan, inangat ang tingin para tingnan si Denver na ngayon ay inaadjust na ang gitara niya.
When he started strumming it again, my eyes softened a bit since I suddenly remembered that memory on the balcony with him when he lifted his head and smiled wearily just to watch the half moon.
“I’m not a perfect person…” he sang smoothly, and he side-eyed me coldly.
Ngumuso ako at tumikhim, pilit na ipinatiling magkasalubong ang kilay habang tinititigan siyang kumanta. When he looked at me in the chorus part, I looked away and scowled in my seat. Sino bang nag-eenjoy dito? Si Shiloh lang naman na inaangat ang mga kamay niya at marahang iwinawagayway.
After his song, Shiloh clapped along with the crowd. Tiningnan niya ako at sinenyasang pumalakpak din pero umismid lang ako at hindi na nakipalakpak.
Noong matapos si Denver, tumayo agad si Shiloh at nilapitan ito. Denver seemed so happy to see him that he was smiling. Pero noong lumingon na si Shiloh sa table ko, at si Denver na tiningnan din ako, napawi agad ang ngiti niya. I saw him shake his head a bit, which made my stomach churn.
Kung hindi siya papayag, bakit pa pipilitin? But Shiloh seemed to be working more than I expected, so he pulled him toward our table.
“Gusto kasi talagang magsorry ni Rick,” si Shiloh na tiningnan pa ako kahit nakabusangot ako sa aking upuan at magkasalubong ang kilay.
Denver looked at me for a bit with hostility. “Huwag na siyang magsorry. Panindigan niya nalang ang pagiging gago niya. At hindi ako kumakausap ng mga bobo.”
My eyes widened, and I dropped my jaw. Tumayo ako habang tumalikod na siya at naglakad paalis. Shiloh then glared at me.
“Akala ko ba magsosorry ka?” he asked persistently.
“Siya na dapat ang magsorry! Narinig mo ang sinabi niya? Tinawag niya akong bobo?”
“Eh kabobohan naman talaga ’yung ginawa mo, Rick.”
My jaw dropped to the core. I was insulted twice.
“Kaya nga magsosorry ka para doon…” he said in a more gentle way.
“Ayoko na, Shiloh. Hindi ko kaya. Lulunukin ko nalang ’yung kasalanan ko. Ayos lang kahit mapunta ako sa impyerno. Hindi naman ako mabait.” I raised my hands for a defeat, wanting to leave, but Shiloh pulled the edge of my jacket.
Ang kulit naman! Ako itong nagpapatulong, ngayon parang ako pa ang pinagtutulungan nilang dalawa! Nakaganti na siya! Kwits na kami!
“Bahala ka…isusumbong kita kay Angela…” ani Shiloh.
Kinamot ko ang batok ko at napangiwi. Ang hirap naman nito! Hinintay ko tuloy na matapos siyang kunin ang kanyang mga gamit, isinuot na ang gitara niya sa likod, handa nang umalis at sinamaan pa ako ng tingin.
I scratched my nape more as I walked toward him. He glared at me as his eyes looked so blazingly mad that I stopped my steps.
“Ano?” he asked roughly.
Nilingon ko si Shiloh. Nakaupo na ulit siya sa table namin at nagcecellphone, ayaw nang makisali. I licked my lower lip and looked at him as I tried to calm my furrowed brows.
“Look, ayoko sa mga bading at—”
“At ayoko rin sa’yo,” he cut me off.
I gritted my teeth! Hindi pa ako tapos! Tang ina.
I pressed the tip of my tongue against the side as I inhaled air. May tumingin na lalaki sa amin, ngunit sa hagikhik, sumama agad ang pakiramdam ko dahil mukhang bading.
“Uy, Denver… Kaya pala nagbreak kayo ni Arron ha… Pinagpalit mo naman agad sa pogi…” The gay chuckled so femininely that I glared at him.
Gusto pa sanang kausapin ni Denver, itatanggi yata, pero naglakad na paalis iyong bading. Umismid ako pero nang mapagtanto ang sinabi noong bakla, tiningnan ko ulit siya.
“Nagbreak kayo no’n?” medyo kuryoso kong tanong.
He glared at me. “Tuwang tuwa ka?”
What? Malay ko ba sa relasyon nila?
Naglakad siya papalapit kay Shiloh kaya sumunod agad ako.
“Shiloh, uwi na ako,” he approached gently.
“Ah…ihahatid kana raw ni Rick.”
Nalaglag ang panga ko. Nilingon ako ni Shiloh at pinandidilatan na pinanliitan ko ng mga mata dahil hindi na makatarungan ’yang gusto niya.
“Huwag na. Huwag mo nang tulungan ’yan. Hindi ko matatanggap ang sorry niya,” ani Denver.
Tsss. Sabi ko na nga ba. Nawawalan na ako ng pasensya pero panay senyas si Shiloh na sundan ko kaya walang nagawa kundi sundan ito.
May mga nakasalubong pa siya na kinausap siya saglit, nginitian niya, at mga babaeng nagpapicture na panay hagikhikan. He smiled gently, then let his arm hook around the girl’s shoulder as he smiled warmly.
Humalukipkip ako sa gilid at naghintay, nakabusangot at magkasalubong ang kilay. Daming arte! Magsosorry lang naman sana, pero ganito pa ang nararanasan ko! Papalusutin pa yata ako sa karayom sa sobrang ilap makitungo sa akin.
“Nasaan si Arron? Break na kayo?” the girl asked concernedly and glanced at me. “Bago mong boyfriend? Uy ang pogi pogi…”
He smiled and shook his head. “Hindi ko ’yan kilala. Hindi ko rin type. At hindi naman pogi.”
My brows knitted to the core. Ako hindi pogi? At anong basehan niya ng gwapo? ’Yung Arron? Eh kaya ko nga ’yung tirisin kung gugustuhin ko! Naka buzz cut pa nga ako mas guwapo na ako doon, ano nalang kaya kung pinahaba ko ulit itong buhok ko. Baka mabading siya lalo. Nakakainsulto ah?
When he said goodbye to those girls who looked at me awkwardly, I followed him again. Mukhang papunta na siya sa paradahan ng taxi kaya nang hindi makatiis, hinila ko ang pulso.
But I guess he was really that mad because he pushed me. Galit niya akong nilingon, malayong malayo sa lambot at rahan noong…nasa balkonahe kami.
“Ano?” He glared at me as disgust was also plastered on his face.
I am losing my patience. I gritted my teeth and swallowed hard to at least remind myself that I needed to apologize. Pero sa tuwing naiisip ko na…may pinatulan siyang lalaki, sa kabila ng lalaki niyang tindig, talagang nandidiri ako. Hindi ko nasisikmurang isipin iyon. Naalala ko lagi ang hayop na ’yon at naiisip na madudumi sila.
I couldn’t utter the word. Hindi lumalabas sa bibig ko dahil mas nakikita ko sa isip ko ang bading na ’yon. Ang mga sigaw niya sa akin sa parking lot. Ang mga sinabi niya.
I swallowed so hard that I needed to look away as I clenched my jaw, my hand turning into a fist. Hindi ko kaya.
“Anong nagawa ko sa’yo?” he asked in the middle of the chaos in my mind, which made me look at him again.
The familiar sparkle in his eyes almost snaps me back to reality. The street lamp over us highlighted the freckles on his cheeks, making me remember how he looked at the half moon on that night again.
“Anong gusto mong ipamukha sa akin? Na…hinuhuthutan ako? Bakit? Pera mo ba? Bakit ka nagagalit? Ano ngayon sa’yo kung gumagastos ako sa lalaking gusto ko?”
I glared at him, but I couldn’t say a word.
“Oo nga, bading ako. Gumagastos ako sa lalaki. Pero at least, hindi sa katulad mo.”
Namilog ang mga mata ko. He might be angelic, but I never realized his words would sting. Gusto ko rin siyang insultuhin, ipamukhang hinding hindi ako naawa sa kagaya niya, ngunit sa namumula niyang mga mata, kung may sinabi ako ngayon, iiyak siya sa harap ko.
“Nasaan na?”
Halos magulat ako sa boses ni Shiloh nang biglang sumulpot at doon ko namalayang wala na pala sa harap ko, nakapasok na sa taxi.
Nagkamot ako ng batok at nagkibit balikat. “Ewan. Hayaan mo na, Shiloh. Hindi naman importante.”
Dinukot ko ang pakete ng sigarilyo sa labas at naghanap ng smoking area para manigarilyo. Tahimik na sumunod si Shiloh. Binasa ko ang labi at yumuko sa may sahig, nakapatong ang mga siko sa tuhod habang seryosong nanigarilyo.
Sumandal siya sa pader at tahimik akong tiningnan. I looked at him and smirked.
“Takot ka rin sa akin?”
“Naaawa…” he uttered.
I laughed a bit. “Anong nakakaawa sa akin?”
“Broken.”
Namilog ang mga mata ko. “Broken? Brokenhearted? I’m single, Shiloh.”
“I mean…” He put his hands at the back and looked at me curiously. “Mukha kang galit sa mundo.”
Paanong hindi magagalit…
Hinithit ko ang sigarilyo at inilagay sa kamao ang gilid ng aking ulo, hindi makalma ang nagkakasalubong kong kilay.
“Galit ka sa mga bakla?” he asked.
I smirked. “Sobra. Kung may makikita ako ngayon, sa kanya ko ibubunton ang galit ko.”
His shoulders loosened. Iniwas ko ang tingin dahil talagang nandidilim ang paningin ko. Oo, nakakaya kong baliwalain ang nangyari. Nakakaya kong magpatuloy. Hindi naman iyon mabigat para iyakan, pero sa tuwing naiisip ko na pinamukha sa aking ako ang may gusto ng nangyari, talagang nandidiri ako.
Bakit? Anong naging basehan niya? Dahil naging mabait ako sa gabing iyon? Na…tingin niya…papatol ako sa bakla? Gago talaga.
“Sa dati kong school…n-nabubully ako.”
I looked at him sharply.
“Pinagbibintangan akong bakla. H-Hinipuan ko daw sila. Pero hindi naman. Gusto nila akong siraan…” he chuckled and looked up.
My eyes calmed a bit.
“Tampulan ako ng tukso sa school. Mukha kasi akong babae. Parang…si Denver. Maputi. Tinatawag na maganda. Tapos masyadong feminine. Eh gano’n ako kumilos kasi si Mama lang ang nagtataguyod sa akin. Minsan, si Lola. Wala akong…papa. Maaga siyang namatay. Sila ni Lolo.”
My anger vanished like a sudden fire being washed out by rough waves. Sa totoo lang, magaan naman ang loob ko kay Shiloh. Hindi ko alam noong una kung bakit, pero ngayong narinig ko ang kuwento niya, mas gumaan ang loob ko dahil parehas kami ng pinanggalingan. Parehas kaming wala nang ama. Parehas na ina nalang ang nagpapalaki, at lola—
“Ang pangit kasi pati si Lola…namatay din last year…” he chuckled, but it was now strained. “’Yun lang ang nakakaintindi sa akin.”
My shoulder completely loosened. Tumingin siya sa akin. I bowed my head apologetically at how I mirrored his bullies from the past.
“Hindi ako bully, Shiloh,” I said sincerely. “Sadyang…” I twisted my lips and looked away. “Ayoko lang sa bakla kasi…”
He silently looked at me. Yumuko ako at naalala ang pagtawa nila Rodney. Kahit nga ako, nandidiri pag naiisip ko, kaya…paano pa kaya ang ibang tao kung narinig na…may baklang gumalaw sa akin?
“Hinipuan ako eh. Kinse lang ako no’n.” I tried to make it sound light.
His eyes widened. I smiled sarcastically and puffed my cigarettes.
“Kaya wala akong pakialam kung ano ang mararamdaman ng mga baklang nasa paligid ko. Kung kailangan ko silang insultuhin, angasan, o pagsalitaan ng masakit para lang matakot sila sa akin at wala silang maisip na kababuyan, gagawin ko. Ayokong maulit ’yon. Bahala na kung maging masama akong tao sa paningin ng lahat ng bakla, Shiloh. Basta huwag lang ’yong maulit. Huwag ko lang ulit maramdaman ’yung nakakadiring pakiramdam na iyon…”
His gaze softened, and he crouched down just to level me. I puffed my cigarettes and blew them from the side.
“Gago eh. Natutulog ba naman ako…at ang nakakadiri doon…talagang…naramdaman ko. Ayokong nakakakita ng bakla kasi naalala ko lagi at nandidiri ako lalo sa sarili ko. Parang…alam mo ’yon…pakiramdam mo ang dumi dumi mo kasi hinawakan ka sa parte na ikaw lang dapat ang may karapatan…” I chuckled a bit but I knew, my smile looked so force as I looked furious and disgusted.
His eyes watered as he put his chin against his knees, hugging his legs while he looked at me weakly.
“Kaya pasensya na kung…hindi ko talaga kayang tingnan ang mga bakla sa paraang gusto mo, o gusto ng mga nakapaligid sa akin. Ayokong magmukhang mahina sa kanila, Shiloh. Kasi kung gagawin ko ’yon, parang binabalewala ko ang ginawa sa akin noong bading na ’yon.”
“Rick… Walang mali kung naging mahina ka kahit lalaki ka. Tao ka. Biktima. Kung may mas karapatan mang sumigaw, umiyak, at humingi ng tulong, ikaw ’yon.”
Hinithit ko ang sigarilyo nang hindi ko kayang matawa sa sinasabi niya.
“Hindi ka nag-iisa, Rick. Marami kami na handang tumulong kung kailangan mo ng tulong. Kung pakiramdam mo, walang makakaintindi sa’yo, ako…maiintindihan kita.”
I stop puffing my cigarette just to look at him. His words…simple yet it cut deeps. I could almost feel my chest getting squeezed. I wanted to cry, but I managed to hold it in as I smiled weakly.
“Talaga?” I asked, but I could almost hear how broken it sounded.
He nodded enthusiastically.
“Kung napagod ka…sa akin ka humingi ng tulong. Kasi ibibigay ko ang kamay ko, Rick. Kung umiyak ka sa harap ko, maiintindihan ko kasi ganoon tayo dinisenyo ng Diyos. Nasasaktan…Nalulungkot…At nagiging mahina rin paminsan-minsan…”
I dropped my cigarette as I bowed a bit and sighed heavily. I tried to laugh it off, but it only sounded hoarse.
“Hindi mo kasalanan na nangyari ’yon sa’yo…” he whispered solemnly, his words almost embracing the young Rick, who was too disgusted to even hold himself.
Chapter 9
Trigger Warning: Physical abuse
Reason
Naging magaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Oo, magaan naman ang loob ko sa boys dahil hindi ako inaasar sa mga bakla o ginagawang katatawanan ’yung nangyari sa akin. Pero iba itong si Shiloh…
Naguilty din ako. Nag-eexplain siya dahil akala niya, hindi ako komportable sa kanya lalo na’t sensitibo ako sa mga bakla. Oo, medyo pinagdudahan ko nga si Shiloh, pero pagkatapos ng gabing ito, hindi na iyon mahalaga sa akin.
I am not a bully. Ayokong naiisip niya na katulad lamang ako noong tumutukso sa kanya sa dati niyang school.
“Komportable ka naman sa akin?” tanong ko nang bumalik kami sa loob ng District One dahil sabi niya, hindi niya pa nauubos ang kanyang pagkain at nasasayangan siya.
He nodded. “Oo.”
“Talaga? Eh kay Brent? Baka hindi kana pala komportable sa isang ’yon? Hahanapan kita ng pwedeng lilipatan. O doon ka rin sa Green Residences. Maganda naman doon. Bukod sa nasa Taft Avenue lang at malapit sa school, magkapitbahay pa tayo. Medyo kamahalan nga lang.”
“Ayos lang. May sarili naman akong kuwarto sa condo ni Brent.”
“Komportable ka sa kanya?” ulit ko.
Tumitig siya sa akin. Seryoso ko siyang tiningnan. Kung umiling ’to lagot itong si Brent—
Tumango agad siya. “Oo. Close kasi ang parents namin.”
Kumalma ako. He’s safe. Kilala ko naman ’yan si Brent since grade school. Oo gago sa babae pero hindi ’yan naiissue na nananakit o may nakakaaway na lalaki. Puro girls lang ang issue niyan dahil sa kakapalan ng mukha niyang iparada ’yang kalandian niya at inisa-isa pa ang mga artist students.
I suddenly feel the urge to protect him. Ewan ko kung ano ang magagawa ko kung may nambastos dito kay Shiloh. Subukan lang nila…
“Bakit sila naghiwalay?” usisa ko nang pauwi na kami ni Shiloh at nasa taxi na. Ihahatid ko nga lang muna siya dahil hindi pa naman nito kabisado masyado ang Maynila at baka mapano.
Nasa kandungan niya ang take-out na pagkain. Akala ko kay Brent, kaso para daw sa kanya. Mabait itong si Shiloh pero ewan ko at para silang aso’t pusa ni Brent. Roommate pa naman sana at close ang kanilang parents pero hindi yata nagkakasundo ang dalawa.
Gaano ba ka laki ang away nila at ang iinit ng ulo nila sa isa’t isa? Ito din naman kasing si Brent, alam niyang pikon na nga si Shiloh sa kanya, aasarin niya pa!
“Ang sabi niya lang, hiniwalayan siya.” He shrugged and looked away.
Hiniwalayan? Akala ko siya ang nakipaghiwalay?
“Makonsensya ka,” parinig ni Shiloh kaya namilog ang mga mata ko.
“Kasalanan ko ba ’yon? Kasali ba ako sa relasyon nila para makonsensya ako?”
“Oo nga. Hindi ka kasali pero sinasabi mong hinuhuthutan ni Arron si Denver. Para kang nakisali.”
Humalukipkip ako at sumandal sa upuan, tiningnan ang masiglang kinang ng mga ilaw sa malalaking building sa labas ng bintana.
“At alam mo ba ang sabi niya?” Muli kong baling kay Shiloh sa iritadong paraan. “Hindi daw ako pogi.”
“Sinabi niya na pangit ka?” His eyes widened.
“Hindi naman…” medyo huminahon ako at nag-isip isip. “Sabi niya lang, hindi ako pogi.”
“O edi…pangit?” At pinagpipilitan niya talaga.
Umiling ako. “Hindi nga niya sinabi. Ang sabi niya ‘Hindi naman pogi.’ Hindi daw ako pogi.”
He blinked twice, thinking thoroughly. Inilabas ko ang phone ko para maghanap ng ebidensyang pwedeng ipagmayabang. I opened my gallery so I could brag about my face. Nag scroll up ako sa pinaka itaas kung saan naka save ang mga old pictures ko noong mahaba pa ang buhok ko.
“Tingnan mo.” I showed the screen of my phone.
Kuryoso niyang hinawakan ang phone ko at namilog ang mga mata sabay tingin sa akin. I smirked proudly and crossed my arms.
“Ikaw ba ’to?” namamangha niyang tanong.
“Oo naman. Iba kasi talaga ang ayos ko noon. Nagchange look lang ako kasi naiirita na ako sa buhok ko. Presko kasi kung naka buzz cut ka.”
“Parehas lang naman…pero ang nagbago siguro… ’yung aura mo. Medyo bad boy kana kasi ngayon kaya mukha kanang maangas.”
I nodded attentively. “’Yan din ang nirereklamo ni Mommy.”
Tiningnan niya ako kung pwede bang magswipe kaya tumango ako at hinayaan siya. He swiped through my old pictures while he’s smiling in every photo I had.
“Campus crush ka siguro noong high school ka?” He smiled and glanced at me.
Nagkibit ako. “Sakto lang. Pero marami talagang girls na nagbibigay ng chocolates at love letters.”
Sa tagal niyang tinitingnan ang mga pictures ko, nakita ko na medyo napapawi na ang ngiti niya. Sumilip ako kung anong mga pictures ang tinitingnan niya at iyong malaking circle ko noong high school na varsities din, na kung saan nandoon pa si Brent, Mavric at Ron.
Nahuli ko pa siyang i-ni-zoom-in ang picture lalo na’t sa tabi ko, si Brent dahil din magkasingtangkad kami. Noong lumapit ako lalo para tingnan ang ginagawa niya, ibinalik niya agad sa dating size.
“Nasubukan mo na bang magpa-therapy?” bigla niyang sabi na ikinakunot ng noo ko.
“Bakit? Wala namang mali sa akin. Hindi ko kailangan ’yan.” Bahagya akong natawa.
“Subukan mo lang para maintindihan mo ang sarili mo.”
“Naiintindihan ko naman, Shiloh. Naiinis ako sa bakla dahil sa trauma ko. Kahit pa magpa-therapy ako, hindi pa rin magbabago ang isip ko sa kanila. Bakit ko kukumbinsihin ang sarili ko na intindihin sila eh totoo naman ah? Marumi sila.”
Tahimik niya akong tinitigan ng ilang sigundo.
“Baka…kaya hirap kang magsorry kay Denver kasi akala mo siya ’yung baklang ’yon…” marahan niyang sabi.
Ako naman ang natahimik. Umawang ang labi ko, pero naitikom ko. Unti-unti kong napagtanto na lahat yata ng baklang makakasalamuha ko, iniisip ko na sila ’yon. Iisang tao lang. Pare-parehas.
“Subukan mo ang therapy, Rick…” muli niyang suhestyon.
Kailangan ko ba ’yon? Para lang naman ’yan sa mga depressed na tao. Ayos naman ang buhay ko. Wala naman akong inaalala. Basta huwag lang talaga akong pakialaman ng mga bakla. Sila lang naman ang salot sa buhay ko kung tutuusin.
Shiloh:
May nahanap na akong clinic.
I sighed on the next few days when Shiloh was insisting on it. Tang ina naman. Dagdag gastusin lang ’yan! Eh usap usap lang din naman ’yan! Para naman akong loner at walang kausap kaya kailangan nang magbayad para lang may umintindi sa akin!
Rick:
Huwag na nga. Tapos na rin naman akong magsorry kay Denver.
Shiloh:
Hindi ka naman nag sorry.
Rick:
Nagsorry na ako. Nasa kanta din ’yon. Hindi niya lang talaga tinanggap. Problema niya na ’yon. Basta para sa akin, ayos na kami.
Shiloh:
Tatanungin ko si Denver.
Ang kulit kulit din ng isang ’to! Wala na yatang araw na kinukulit niya ako tungkol doon. Gusto ko siyang i-distract kaso ako yata ang distraction niya dahil ilap na ilap na si Brent at hindi na siya kinukulit.
You’re my crush. Can’t you see the way I blush?
Napangiwi ako sa post ni Con sa Facebook na bumungad habang patungo ako sa parking lot lalo na’t nagtext siya na dumeritso daw kami sa bahay nila. Pinagtawanan ko iyon at v-in-iew ang comment section lalo na’t alam ko agad na sasabunin siya nila Tyler. At tama nga ako, nangunguna pa ang pinaka tarantado.
Tyler Coast Cervando:
Patingin nga ng blush mo, Con?
Humalakhak ako nang magcomment si Ronan ng picture ni Con na mukhang meme ang dating dahil sa lawak ng ngiti niya at pula ang pisngi na mukhang in-edit pa.
Ronan Slade Veniel:
Blush on reveal, Con.
Maverick Evander:
Copy paste sa google. Give credits to Kolohe Kai at least.
Ang halakhakan palang nila Tyler nang dumating na rin sa parking lot, alam ko na agad na dahil iyon sa post ni Con. We don’t know what’s up or why he’s suddenly inviting us over to his house.
Rick:
Nasa’n ka?
I sent it to Shiloh. Nasa labas kami ng BMW ni Tyler lalo na’t sumasayaw pa si Tyler sa isang trend yata sa isang app kasama si Ron.
Dalawa kami ni Maverick na nagsiupo sa ulo ng kotse niya habang nakikita kami sa camera na nanonood lang.
Nagtype ulit ako ng reply.
Rick:
Sama ka. Pupunta kami sa bahay nila Con.
Nahuli ko ang pagsulyap ni Mavric sa phone ko kaya binalingan ko siya.
“Nasa’n na si Brent? Baka isama no’n si Shiloh. Ipasundo mo, kasi kung hindi niya susunduin, ako ang susundo sa classroom,” sabi ko.
“They’re in their countless world wars. Hindi pa rin nagpapansinan.” He shrugged.
“Bakit?” Kumunot ang noo ko lalo na’t maayos naman sila noong birthday ni Shiloh.
Mavric shrugged and smiled. “Ewan…”
Tumingin ulit ako sa swabeng pagsayaw ni Tyler na nagawa pang humalakhak sa dulo at sinipa si Ron dahil sa senswal nitong sayaw.
“Isa pa! ’Yung isang trend naman. Mav, Rick! Gawin natin ’yung trend!” imbita ni Tyler.
Tinanggihan ko at hindi na sumali kaso hindi yata ako titigilan ni Tyler kung hindi ako papayag kaya nakisabay nalang din sa trip nila. Naka ilang take pa kami dahil namamali ko ’yung steps bago ko tuluyang nakabisado. Nag-iwas ako ng tingin sa camera ngunit tumatakas ang ngiti habang kamay ko lang halos ang pinapasayaw ko at swabeng ginagalaw ang katawan ko.
“Oh ayan na pala si Brent at Con,” ani Mavric kaya tiningnan agad namin ang pagdating nila habang pinapanood namin ang ipopost ni Tyler na sayaw.
“You’re my crush! Can’t you see the way I blush!” kanta bigla ni Tyler kaya naghagalpakan pa kami habang papalapit na ang dalawa sa amin.
Nga lang, nang makita ang namumungay na mga mata ni Con, at seryosong ekspresyon, mabilis na napawi ang biruan namin. Mukhang galing pa yata sa iyak.
“Hiniwalayan,” ani Brent na nakaakbay sa kanya.
“Tara sa bahay. Let’s drink,” anyaya ni Con.
“Huh? Baka naman na kornihan sa post mo, Con? Baka hindi fan ng Kolohe Kai?” si Tyler na natatawang binatukan ni Mavric.
Mahilig kasi itong si Connor sa mga pop music, ang loverboy sa grupo namin.
“T-in-ag mo sana, Con. Baka nag overthink siya na hindi siya ’yung tinutukoy mo,” si Ronan na ginatungan pa talaga.
Deritso si Con sa kotse ni Brent at mukhang doon sasabay, hindi man lang pinansin ang biruan kaya tinantanan din agad ng dalawa. Tinapik ni Mavric ang balikat ko at sinenyasan akong sa kotse na kami ni Tyler.
Hindi ko muna pinaalis si Tyler para hintayin ang reply ni Shiloh dahil baka sumama at masundo ko agad sa classroom niya.
Shiloh:
Magmomovie marathon daw kami nila Angela ngayon ng Ghibli.
Binasa ko ang labi. “Ah, tara, Tyler.”
Tumingin si Tyler sa itaas ng salamin saka rin pinaandar ang kotse niya. Si Ronan ang nasa front seat at nagsisimula na magpatugtog sa stereo ng kotse ni Tyler, si Mavric sa tabi ko na hawak ang cellphone at mukhang may ka text.
Kinunan ko ng picture ang harap para maisend kay Shiloh iyon.
Reagan:
Brokenhearted pala si Con. Mag-iinuman kami.
Sumulyap si Mavric sa screen ng phone ko.
“Ano ’yan? Sinong ina-update mo?” natatawa niyang saway. “You’re courting someone?”
“Anong courting. Si Shiloh itong ka chat ko.” Pakita ko sa screen ng aking phone.
Tumawa siya. “Ganyan ka rin sana ka chat, Rick. Hindi ’yung nangseseen ka lang lagi.”
Sabagay…
“Bakit? Si Shiloh ka ba?”
Humalakhak siya at itinuko ang kamay sa aking balikat. “What’s with the special treatment? So namimili ka kung saan ka dapat sweet?”
Sweet? Anong sweet dito? Sadyang komportable kausap si Shiloh.
“Speaking of Shiloh, may nakasabay ako na lalaki kanina. Ewan ko, bading siguro. But you know, I smiled at him since I remembered Shiloh. He’s kinda cute. Alam mo ’yon, awtomatikong gumagaan ang pakiramdam ko sa kanila kasi naaalala ko si Shiloh,” kuwento ni Tyler na patingin tingin sa side mirror.
“May tawag sa mga ganyan eh…ano nga ulit ’yung term? The girls were talking about it sometimes…” si Ron na mukhang inaalala.
“Feminine boy?” si Mavric.
“Yes, feminine boys. Parang si Shiloh. I thought they were just closeted gays, but they’re really men. Cute. Para ngang si Shiloh lang,” nangingiting sabi ni Ron.
Nagkasalubong ang kilay ko pero pilit kong inintindi dahil ganoon si Shiloh.
“Pag may nakikita nga akong feminine boy, napapangiti na rin ako. Naalala ko si Shiloh.” Ron chuckled too.
Doon lang nahinto ang topic nang dumating na kami sa bahay nila Con at pinag-usapan ’yung problema niya. Gago rin kasi ’to. Hindi ba naman nagpaalam. Hindi yata papayagan kung nalaman noong girlfriend niya na kasama ang girls.
Nasa kwarto na kaming lahat pagkatapos uminom nang bumangon si Con na kakahiga pa lang sa kama at napaupo hawak ang phone niya. Medyo tipsy na ako pero hindi naman talaga kami nalalasing agad. Tumigil nga lang dahil may klase pa bukas at inabot na kami ng gabi kakainom.
“She blocked me…” reklamo ni Con at halatang kabado.
Nailing ako at pinindot ang Facebook ko. Ano nga ang pangalan noong girlfriend niya…Serene…I started typing her name kaso walang lumalabas.
“Naka deact yata, Con. Hindi lumabas sa akin,” sabi ko.
“Dude, wala rin sa akin!” si Tyler na naka hoodie pa habang nakahiga na rin sa inilapag naming kutson sa sahig.
Kahit si Mavric, Ron at Brent, hindi rin nila ma search kaya napilitan tuloy kaming i-open ang Facebook na ginawa namin para iprank sana si Brent at doon namin s-in-earch kung nagdeact ba talaga.
“Fuck!” si Con na umungol agad nang makitang hindi naman pala nagdeact.
“She blocked all of us boys?” natatawang si Tyler. “Man…what’s our fault?”
Ako ang nagscroll para istalk lalo na’t dumapa na si Con sa kama at hindi na nagsasalita.
“Nagshare siya ng quotes, Con. Your boyfriend’s friends aren’t your friends daw,” sumbong ko.
“Eh paano magiging friends kung ayaw niya tayong kaibiganin?” ngiwi ni Tyler.
Mailap din kasi itong si Serene kahit sa girls. Mababait naman ang girls. Oo matataray at mga palaban pero mababait sila basta huwag lang inuunahan kasi grabe din talaga ang mga ’yon pag hindi nila kasundo.
Kaya nga kilalang kilala ang circle namin dahil parang may world war kung may nakakaaway ang girls.
“Kasi nga, gago raw tayo,” si Ron kaya sumulyap kami kay Brent na hinampas agad kami ng unan.
Inabot ko ang isang unan at gumanti sa kanya hanggang sumali pa si Tyler, Ron at Mavric kaya nagliliparan ang mga unan lalo na’t tumakbo pa si Brent na hinabol naming apat ng unan.
“Puntahan ko ba?” Con suddenly stood and took his hoodie which stopped our chaotic pillow fight.
“No, bro! You’re drunk. Huwag kang magmameho ng lasing. Kausapin mo when you’re already sober,” payo ni Brent.
Umungol ulit si Con at ibinagsak ang sarili sa kama. Nagkatinginan kaming apat lalo na’t hindi naman kami makarelate dahil wala kaming mga girlfriend. Dahan dahan kong inabot ang unan at hinampas ulit sa mukha ni Brent saka ako tumakbo kaya muling nagpatuloy ang pag paghahampasan namin ng unan.
Ramdam ko agad ang sunod-sunod ko na hangover at gusto ko nang sakalin si Con. Papatayin pa yata kaming lahat sa alak purket brokenhearted siya.
Buti nalang sa mga sumunod na araw, hindi na nagyaya kaya nakapagpahinga ang atay ko sa alak at nagjogging nalang sa Taft Avenue sa umagang iyon.
Pumasok ako sa isang convenience store bago bumalik sa aking unit at ibinaba ang hoodie paalis sa aking ulo lalo na’t ramdam ko rin ang pawis ko. Kumuha ako ng blue na gatorade sa fridge at nagpasya na ring bumili ng sandwich.
Kinain ko iyon saglit doon bago nagjog pabalik. Tiningnan ko ang phone ko habang pumapasok na sa building at nakita ang reply ni Shiloh lalo na’t nagchat ako sa kanya kanina.
Shiloh:
Thank you sa Jollibee. Dumating na. :)
I smiled at the photo he sent as I took a big bite of my sandwich. Hawak niya ang paper bag at itinagilid ang kanyang ulo para makita sa picture. Cute.
Tumingin ako sa pulso niya nang mapansin ang bracelet na suot. Kulay pink iyon na medyo may mix na purple.
Bukod sa mahilig siya sa makukulay, marami talaga akong napapansin dito kay Shiloh na nakasanayan kong hilig ng girls. Pero ayoko ring isipin na bakla siya kasi ayoko namang matulad doon sa tumutukso sa kanya sa dati niyang school.
Nasa isip ko iyon habang nasa elevator na at huminto sa aking floor nang mapansin agad ang lalaking nakatingin sa pinto ng unit ni Denver.
I stopped in my trance when I noticed the boy looked familiar. Tumangkad lang at kung lelebel sa akin, baka hanggang balikat ko na, pero kilala ko ang isang ’to kahit mahigit isang taon na ang lumipas noong huli ko siyang nakita.
He glanced at my side with his furrowed brows, like he was conflicted about something. Inangatan ko siya ng kilay habang binubuksan ko ang pinto ng aking unit. He glared at me for a while. I glared back. Baka pwede na ’tong kutusan?
Pumasok ako sa unit ko nang may napagtanto. Ibig sabihin, hindi lumipat si Denver at nandito sa Green Residences pa rin? Kasi nandito ang kapatid niya.
Makaraan ang ilang sigundo, pasimple akong lumabas para tingnan kung nasa labas pa rin ba. I saw him pacing back and forth, wanting to knock, but he couldn’t.
Bumaling siya sa akin nang isinara ko ang pinto. He glared at me again. Hindi ko na nga lang masabayan ang masama niyang tingin dahil nagkukunwari lang akong lumabas.
Bumaba ako saglit at pumunta sa lobby, pinadaan muna ang ilang sigundo saka muling umakyat. Saktong bumukas na ang pinto kaya pasimple ulit akong dumaan sa unit noong Denver na ngayon ay nakabukas na.
“Hindi mo na sana binigyan ng pang-inom si Papa eh alam mo naman ’yon pag nalalasing. Huwag mo na siyang bigyan ng pera kung sasaktan ka lang niya,” I heard the aggressive voice of the boy ranting when I passed at their door.
I glanced casually until I caught Denver with a cut on his lower lip and a red mark located on his collarbone. Napansin niya ang pagdaan ko kaya isinara niya agad ang pinto.
Sinasaktan siya ng Papa niya? For what reason? Binuksan ko agad ang pinto at pumasok habang natutulala.
Chapter 10
Feminine
I suddenly heard a soft play of something familiar that I immediately knew—he’s playing piano again. Hindi masyadong malakas, pero naririnig ko dahil hinayaan kong bukas ang balkonahe sa gabing iyon.
Hindi ko kailanman naranasan ang saktan ng pisikal sa bahay dahil iba ang pamamaraan ni Mommy sa pagpapalaki sa akin. She has no problem with me. Bukod sa si Lola rin ang gumabay sa akin, lumaki akong dinisiplina nang walang dahas na nararanasan.
But to hear that those things exist and that some parents would beat their kids for a petty reason is infuriating.
Oo, galit ako sa bading lalo na kung hahawakan ako. Doon ako nagiging pisikal talaga. Pero hindi ko pa naman naranasang mambugbog ng bading dahil lang…bading. Nagiging pisikal lang ako kung pinapakialaman ako dahil ayoko sa gano’n. Pero siya…sinasaktan dahil…bading?
I groaned roughly on my bed when I couldn’t even close my eyes. Hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Pakiramdam ko, bangag akong papasok bukas nito kaya iritado akong napabangon. Gusto kong sabunutan ang sarili kaso…hindi nga pala mahaba ang buhok ko na hindi ko man lang mahawakan.
I sighed and put my hands at the back, my body reclining a bit as I stared at myself in the mirror unconsciously. Bakit ako nakokonsensya nang ganito? Eh katulad lang din naman ako ng papa niya, nananakit ng bading. Pero ang kaibahan lang dito, nagiging bayolente ako kung hinahawakan at binabastos ako. Pero siya…sinaktan dahil…bading?
I cursed and dropped my back against the bed again out of frustration. Hindi pa nakakatulong na…naririnig ko ang boses ni Shiloh sa isip ko at sinasabing makonsensya ako.
I didn’t apologize sincerely. Ni hindi ko alam kung…baka ako pala ang dahilan kaya nag-away sila at humantong sa hiwalayan. Tapos ngayon…malalaman ko ’to? Makikita ko pang may pasa ’yung labi niyang makintab?
I licked my own lips when it quite bothered me. His lips looked so smooth that I was furious about the cut. Nakakagalit na sa lahat ng maiisip ko sa kanya, ito pa.
The soft melody of the piano stopped, and I glanced at the balcony as there was an urge to peek my head and check if he’s…
I gulped. Kahit labag sa loob, hinila ko ang sarili patayo at dahan dahang naglakad sa may balkonahe. In my peripheral vision, his balcony was empty when I completely stepped out. But still, I walked toward the railings as I put my hands in the pocket of my gray sweatpants.
Tiningala ko ang madilim na langit at nakita ang pamilyar na kalahating buwan, naalala kung paano niya iyon tinitigan noon. The sparkle in his eyes would sometimes bug my mind because I’d seen the caged sadness in it. Kaya medyo…nakakapagtaka lalo na’t hindi naman ganoon ang mga mata niya noong nasa cafe kami.
Ilang sandali lang, nakita ko ang paggalaw ng kung sino sa gilid. My eyes moved to the side to check, and I saw him stop when he was about to step outside his balcony too.
Bumaling ako sa kanya. His eyes were bloodshot, and the cut on his reddish lips made him look miserable, despite how calm his composure was.
Tiningnan niya ang dulo ng balkonahe, gustong lumapit doon, pero dahil yata nandito ako, hindi niya magawa at nanatili lang sa bukas na pintuan. I shifted my position and leaned against the railings as I crossed my arms, fully facing his side.
Nagkasalubong ang kilay niya habang tinitingnan ako. My lips opened to speak, but I closed them instead when I couldn’t utter a single word. Nakakabanas…
May mali nga yata siguro sa akin. Kasi nakokonsensya ako, gustong gusto kong humingi ng tawad, kaso…parang ang hirap. Hindi ko alam kung naaawa ba ako, o nagagalit sa pasa sa labi niya.
“Anong nangyari sa labi mo?” I asked to at least open a topic.
Binasa niya ang pang-ibabang labi, siguro ay napagtanto niya rin. My brows knitted as his reddish lips became wet.
“Tsismoso,” aniya sa iritadong tinig kaya irita ko rin siyang tiningnan.
“Sinong gumawa? Kasi kakampihan ko,” biro ko nang maisip niyang galit din naman ako. He glared at me.
“Edi kampihan mo. Parehas lang din naman kayo.”
My eyes widened. Parehas… So he viewed me as…
Mas lalo akong nagalit na humawak ako sa railings at sinamaan siya ng tingin. He glared back at me, like a mad cat who’s ready to claw his sharp nails in my face. Hindi ko nga lang maseryoso kasi sa halip na magmukhang maangas…parang ang sarap niya pang galitin lalo.
“Baka boyfriend mo ang may gawa? In love ka doon? Hinuhuthutan kana nga…sinasaktan ka pa,” I said smoothly to at least fish some information.
His eyes turned glassy that I immediately regretted it. Ngumuso ako at iniwas ang tingin. Tang ina. Edi naging kasalanan ko pa lalo? Iyakin naman pala ’to.
Tumalikod siya kaya mabilis ko siyang tiningnan. “I’m…” Fuck it! Shut-up, Rick! Pagsisisihan mo ’yan! “sorry…” bulong ko.
Bumaling siya sa akin. Mabilis akong tumingin sa ibang direksyon at hinaplos ang ulo ko.
“Ayoko talaga sa mga…bakla…”
“Bakit? Gusto ba kita?” he answered in an annoyed tone.
Ngumiwi ako at tumingin sa kanya. “Patapusin mo muna ako. Nagsasalita pa ’yung tao tapos sisingit ka.”
“Sino bang gustong makinig sa’yo kung makapagsalita ka…”
I scowled and glared at him. “Eh bakit? Balita ko binilhan mo ’yon ng kotse ah? Baka nga piniperahan ka lang—”
“Makikitsismis kana nga, mali mali pa,” he hissed.
I blink twice. So…he didn’t buy him a car? I know that’s too much, given that he’s a student, but that’s what I heard.
“At kung gano’n nga, anong pakialam mo doon? Pera mo? Boyfriend kita? Kahit bading ka, hindi din naman kita papatulan,” dugtong niya, may galit pa rin at malayong malayo na sa rahan ng tinig niya sa akin noon dito sa balkonahe.
Nakakainit ng ulo ang isang ’to ah? Ganyang sagutan ba naman…sinong hindi mapipikon?
“Because what? I’m not goodlooking? And what’s your standard in men? That boyfriend of yours?” I sneered at him, offended that he is now bruising my ego.
Kinapa ko agad ang phone ko nang may maalala bago pa niya ako laitin. Nasa’n na ba ’yon. Tingnan natin kung hindi magniningning ’yang mata niya kung pinakita ko sa kanya noong mahaba pa ang buhok ko. Sabi pa naman ni Shiloh guwapo ako doon. Wala namang nagbago sa itsura ko pero baka mas may dating pala ako sa kanya pag makita niya na mahaba ang buhok ko?
“May ipapakita ako. Diyan ka lang,” I told him as I remembered placing it on my bedside table. Mabilis akong pumasok, dinampot iyon, at muling lumabas.
Nakasandal na siya sa gilid at talagang hinintay ako. Lumapit ako sa gilid ng railings lalo na’t magkadikit lang naman ang balcony namin. Pwede nga akong tumawid at makakaabot na ako sa kabila.
I opened my phone and manipulated it as I clicked on my gallery. He looked curious as he silently watched me, but there was still that air of hostility in his eyes. Ipinakita ko ang screen nang mahanap ang isa kong picture at inilapit pa iyon sa kanya.
“Pangit,” panglalait niya.
Nalaglag ang panga ko nang hindi niya man lang tiningnan.
“Tingnan mo!” I urged frustratingly.
“Oo nga. Pangit nga. Parehas sa ugali mo.” At hindi man lang nag-alinlangan! Gago ’to ah?
I swiped more photos desperately to show him another one as I bit my lower lip. Noong may nakita, iniharap ko ulit sa kanya.
“Pangit nga. Mas gwapo pa si Arron,” sigurado niyang sambit.
My jaw dropped. Tumingin ako sa malayo, itinulak ang dulo ng aking dila sa gilid, at halos lumubo ang pisngi ko sa sobrang insulto ng sinabi niya. Kinumpara niya talaga ako doon?! Parang mas nakakagalit pa ito kaysa sa galit ko na pumatol siya sa lalaki at bading siya.
Nag-amba siyang pumasok kaya sinamaan ko ulit ng tingin. Magwa-walk out pa!
“Pero hiniwalayan ka,” I said to trigger him.
His shoulders loosened. Kahit hindi siya humarap, alam kong dismayado siya.
“Oo. Kasi nakakadiri ako, ’di ba?” he echoed my familiar insult on that day.
I was pure livid to hear it from him and to use it as a reason that his boyfriend broke up with him because he was disgusted. Eh gago din pala ’yon! Hindi nalang sana siya nakipagrelasyon sa kanya kung nandidiri pala siya!
Eh ako, nandidiri talaga ako sa mga gaya nila dahil bastos sila. Pero iyong lalaking makikipagrelasyon sa bakla kahit nandidiri sila, ibang klaseng kagaguhan naman yata ’yon.
Totoo na nandidiri ako, pero…nakakafrustrate dahil gusto kong baguhin ang isip niya tungkol doon. I said it because he’s gay. Gano’n lang naman ’yon. May halo na ’yung galit dahil nakasanayan ko nang tingnan ang mga gaya nila sa ganoong paraan.
Pero ngayong gusto kong ipaintindi, ang hirap. Hindi ko alam kung paano. Anong sasabihin ko? Na nagalaw ako, gano’n ba? Baka gamitin niya pang alas sa akin para gumanti at insultuhin ako pabalik. Sila Rodney nga inaasar ako doon, ito pa kaya na talagang galit sa akin at hindi ko naman kaibigan? Baka ipagkalat niya pa.
Oo, mukha naman siyang mabait. Pero lagi akong pinapangunahan ng mga naiisip ko na hindi ko namamalayang galit na agad ako. Hindi ko magawang magtiwala sa gaya nila. Hindi ko alam kung kaya ko ba silang intindihin, o tingnan sila sa malinis na paraan.
Gusto kong alisin ang ganoong iniisip pero mas lalo lang nagiging lumot iyon sa isip ko na ang hirap tanggalin kahit anong kuskos ko. Mabigat na nga sa pakiramdam, hindi ko pa masolusyunan dahil hindi ko rin alam paano.
Kinagat ko ang labi at inalala ang sinabi ni Shiloh. May…mali ba sa akin? Para saan ang therapy? Mali ba na maramdaman kong magalit sa kanila?
Kahit labag sa loob, binuksan ko ulit ang phone at nagtype ng text kay Shiloh.
Rick:
Saan bang clinic ’yan? Puntahan ko siguro this week.
I sent it out of my frustration. Kung therapy ang solusyon para…maintindihan ko siya at mawala itong galit ko, gagawin ko.
Oo, gustong gusto kong humingi ng tawad, kaso paano hihingi kung hindi ko nakokontrol ang mga pumapasok sa isip ko pagdating sa kagaya niya?
Tiningnan ko ang natitirang allowance ko sa bank account ko. Fuck. Hindi kasya. Pwede naman akong magpasuyo kay Mommy kaso…
Wala sa sarili kong pinindot ang pangalan ni Tyler sa contact list ko. Alas onse na ng gabi. Hindi ko alam kung gising pa ba—
“Yes, Rick?” Ramdam ko ang paghikab niya.
“Natutulog kana?” I asked. He slightly chuckled.
“Oo dude. I’m sleep talking at the moment.” I scoffed and laughed too. Siraulo talaga ’to.
“You called. Is there a problem?” kuryoso niyang tanong.
Kumalma ako. Naalala ko kasi ’yung sinabi niya noon na pag emergency… Hindi ko pa naman nararanasang manghiram dito. Sadyang wala sa budget ko itong therapy na ’to. Pag binibigay na ni Mommy ang allowance ko, iyon ang pinagkakasya ko para hindi ako hingi nang hingi. Baka kasi kakahingi ko hindi niya na rin mabili ang mga gusto niya.
“May pera ka? I mean extra…” bulong ko, kahit alam ko naman na hindi ito nauubusan ng pera.
“Magkano ba?” He sounded interested.
“Baka… 5K and up? Kinulang ’yung allowance ko eh. May paggagamitan ako. Bayaran ko siguro next month pag pumasok ’yung allowance ko?”
“Sa babae ba ’yan?” he chuckled.
“Gago. Hindi. Wala akong nililigawan. Ayoko kasing manghingi kay Mommy. Loaded ’yon eh.”
Kung kay Lola naman…mas nakakahiya manghingi do’n. Uubusin niya lahat ng nasa pitaka niya at ibibigay sa akin. Matanda na nga huhuthutan ko pa. Iba pa naman ’yon mangspoil.
“Sure, Rick. Magtanong ka lang kay Shiloh kung anong password ng bank account ko. Nasa kanya ang card. Hiramin mo lang.”
“Huh? Ba’t nasa kanya?” Kumunot ang noo ko. Alam ko na spoiled si Shiloh sa grupo namin pero hindi ganito ka lala. Close na rin sila ni Shiloh?
“Ah… Hindi kasi ako makaisip ng birthday gift kaya binigay ko ang card ko. I told him to buy his own gift instead. I don’t know his favorites.”
“Tinanong mo sana si Brent.”
“Bro, that guy is hopeless. Wala ’yung alam kay Shiloh. Pinilit nga lang daw ’yon ng Mommy niya para handaan si Shiloh ’di ba? I think parents nila ang close, hindi silang dalawa.” He chuckled.
Sabagay…pansin ko rin nga. Para nang aso’t pusa pero mas malala ngayon. Hindi na nagpapansinan. Nagpapataasan siguro ng pride.
“Salamat, Tyler…” I uttered quietly.
“No problem, dude. I got you. Kumuha ka lang do’n.”
Kinabukasan, tinawagan ko na nga si Shiloh nang matapos ang major class ko at break time na. Ang dalang naming magkita ng mga boys talaga pag class hour. May iba kasi sa amin, iba ang break time.
“Kasama ko si Mavric. Kumakain kami dito sa labas. Bakit?” marahang sagot ni Shiloh nang tawagan ko siya kung nasaan siya.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at lumabas ng school para puntahan sila. Kasama niya nga si Mavric pero hindi nga lang sumama sa amin nang yayain ko si Shiloh sa isang resto sa labas para makapagkanin siya. Kaka cake nito, hindi na nabubusog.
“Ito ’yung details noong clinic tapos sinulat ko sa likod ’yung password ng bank account ni Tyler. Sa savings mo lang kunin,” ani Shiloh at ilahad sa akin ang card ni Tyler kasama ang maliit na papel nang sabihin ko sa kanya na magpapatherapy na ako.
“Tang ina. Ang mahal naman nito,” reklamo ko nang makita agad ang babayaran. Ilang bote na ’to ng Alfonso oh!
“Buti nagbago ang isip mo,” ani Shiloh.
Kumalma ako at nagkamot ng batok. Titig na titig siya sa akin, itinagilid pa ang ulo at parang kuryosong pusa.
“Nakokonsensya ka?” He tilted his head more.
I looked away and pursed my lips. Naiintindihan ko naman na hindi lahat, pero sa isip ko, pare-parehas lang sila. I don’t want to give them a chance that they’re not what I painted them in my mind. Noong inosente ako, at walang naiisip na ganoon sa kanila, anong ginawa? That gay sexually violated me.
But Denver…there was something frustrating about it. Nagagalit ako na parang tingin niya, ako ang sumuntok sa kanya. Ngunit nagagalit din ako dahil bakit ganito ang nararamdaman ko, parang naaawa na hindi ko maintindihan.
“May text ’yon si Denver…” saka niya kinuha ang android phone niya na may pamilyar na phone case. S’yempre isa sa regalo ko kasama noong case ng iPad niya.
Iniharap niya ang screen kaya umabante ako ng kaonti para mabasa iyon.
Denver:
Huwag na, Shiloh. Hindi ako komportable sa kanya. Pakisabi na rin.
I swallowed a bit. Naiirita ako. Hindi naman sana ako ang nanakit sa kanya ng pisikal, pero sa paraan ng pagkakasabi niya, parang siya itong diring diri sa akin na ako dapat.
“Akin na nga. Rereply-an ko,” maangas kong sabi at gustong abutin ang phone niya.
“Hindi kayo friends.” Mabilis niyang angat sa phone niya at akala mo talaga hindi ko maaabot kahit tumayo pa siya. Maliit naman.
Humalukipkip ako sa upuan ko. Kaya nga magpapatherapy baka sakaling…
“’Yang therapy ba…“mahinahon kong tiningnan si Shiloh.
“Subukan mo lang, Rick. Pwede mo namang ihinto pag ayaw mo talaga.”
Tang inang buhay ’to. Wala na yata akong ginagawang tama. Pero…gusto ko rin talagang magkusa lalo na’t sabi ko pa naman kay Brent, ayos na kami. Hindi naman sa ginagawa ko ito ngayon dahil baka magsumbong siya kay Brent, pero sadyang bumabagabag na siya sa isip ko.
Oo, nakahingi na nga ako ng tawad, pero nainsulto ako na ikinumpara niya ako sa nanakit sa kanya ng pisikal. Parang may galit pa rin siya sa akin kaya hindi niya matatanggap ang sorry ko.
Gusto kong isipin na walang pinagkaiba ang galit niya sa akin at galit ko sa kanya pero may nakakakulo ng dugo sa galit niya, lalo na’t kung umasta, parang ako pa ang nanakit sa kanya ng pisikal.
Hindi ko naman dapat pinapakialaman ang buhay no’n. Kaso…
“May kinukwento ba ’yon sa’yo?” tanong ko nang hindi matanggal sa isip ko ang cut niya sa labi.
“Minsan. Busy din kasi ako sa school. Madalang lang kami mag-usap,” si Shiloh na abala sa pagkain niya at naroon ang tingin.
“Eh ’yung ex niya? Baka sinasaktan siya ng pisikal no’n?” mungkahi ko, hindi man lang magalaw galaw ang pagkain ko.
“Si Arron? Mabait naman ’yon.”
Mabait? Sus. “Mas mabait pa sa akin?” I arched my brow.
Shiloh looked at me like I was so dumb for saying that I was nice after insulting them.
“O kay Con?” agap ko nang maalalang hindi nga naman pala ako mabait sa lahat.
“Parehas lang… pero mas mabait si Con?”
“Edi pangit ’yung ugali niya.”
“Pero hindi naman siya pangit.”
Umismid ako. “Sinong mas guwapo sa aming dalawa?”
Shiloh looked at me carefully. Sumandal ako sa upuan, titig na titig sa kanya at desperado sa kanyang sagot.
“Ikaw…”
My eyes widened, and I smirked proudly. Sabi na! Hah! Denver and his poor taste in men.
“Pero good-looking din naman si Arron.” Wala na akong naririnig. Basta ako ang unang sagot niya.
Nag withdraw ako sa malapit na bank pagkatapos naming kumain ni Shiloh. Pinag-uusapan namin iyong paborito niyang perfume na nirecommend daw ni Denver. Ako sana ang bibili kaso mahal pala. Ipapaubaya ko nalang kay Tyler.
“Pero mukhang pambabae ah? Tunog pambabae,” sabi ko, tinutukoy iyong flowerbomb na sinabi niyang perfume.
“Kulay pink kasi ’yung packaging. Ni recommend siya ni Denver kasi bagay daw ’yon sa akin. Mabango daw kaya gusto kong subukan.”
Matagal ang paninitig ko sa kanya habang naglakakad na kami pabalik sa school.
“Bakit? Sa babae lang ba ’yon pwede?” tanong niya, siguro napansin ang pagdududa ko.
I calmed down and shook my head. Magdadabog pa yata ’to kung sinabi kong oo. At papalag pa ba ako kung mukhang excited siya doon sa perfume na ’yon? Amoy strawberry na nga siya minsan…
“Feminine boy…” I answered when I remembered the topic. “Mga lalaking mahihinhin at mahilig sa hilig ng mga babae. Kung gusto mo ’yan… edi gamitin mo.”
He smiled at me comfortably. “Ikaw? Ano ba ang perfume mo? Mabango ka rin.”
Inamoy ko ang sarili ko. Hindi naman ako nagperfume ngayon.
“Pawis lang ’to, Shiloh.”
Namilog ang mga mata niya at maarteng nagbago ang ekspresyon kaya natatawa ko siyang inakbayan.
“Tara na. Hatid na muna kita sa classroom mo.”
Nangingiti siyang tumango habang aksidenteng may nahagip ang mga mata ko. Umangat agad ang kilay ko kay Brent na may kasamang chinita na babae at halatang nursing. Ito yata iyong sinasabi nila Mavric at Ron na pinakilala nila kay Brent at kaibigan noong pinopormahan din ni Mavric na si Chloe.
“Tingnan mo ang gago…” hirit ko nang makita ang nakangiting si Brent na nakikipag-usap at hawak pa ang mga libro noong babae. “Seryoso siya ngayon ah? Himala at nanliligaw na sa babae.”
Hindi sumagot si Shiloh kaya nilingon ko siya. Wala ang tingin niya kay Brent kundi doon sa babae. At dahil nasa balikat niya ang kamay ko, naramdaman ko kung paano iyon marahang bumaba.
“Tara na. Mali-late na ako…” reklamo niya habang pansin ko ang kaonting pag-iiba ng ekspresyon niya.
Chapter 11
Birthday Party
Sinilip ko ang balkonahe niya sa gabing iyon. Hindi ko rin naririnig na magpiano kaya siguradong hindi ’yon lalabas.
O baka naman nasa gig? Hindi nga lang ako makalabas labas ngayon dahil may aaralin pa ako. Gusto ko sanang kasama ang mga boys sa study session pero wala rin kasi si Shiloh at nasa grupo nila Verena, doon humalo para sa study session. Si Brent naman, ayon nakikipag date pa rin yata. Si Connor na hindi na naman mahagilap dahil mukhang nagbalikan sila noong girlfriend niya.
Dapat pala sinabi ko nalang ang totoo kay Angela! Sinabi ko kasi na ayos na kami ni Denver at nanghingi na ako ng sorry. Ngayon, ako na ang inuutusan niyang imbitahan ’yon ngayong Sabado para sa advance birthday party niya.
Inilabas ko ang phone ko para itext si Shiloh.
“At huwag na huwag kang magpapatulong kay Shiloh!” rinig ko sa isip ko ang banta ni Angela.
Nakamove-on na siya ah? Bakit niya pa iimbitahan ’yon? Akala ko ba hindi niya na crush?
Bumalik ako sa loob ng kuwarto at napaupo sa sofa habang nagtatype ng message kay Shiloh. Hindi naman ako magpapatulong! Wala din kasi akong mairegalo ngayon kay Angela. Gipit ba naman ako dahil sa plano kong therapy… kaya siguro iyong imbitahan nalang din ang Denver na ’yon?
Reagan:
Shiloh? May Facebook ba si Denver?
Ilang sandali lang, nagreply na siya.
Shiloh:
Oo meron. Pero hindi masyadong active.
Reagan:
Pahingi ngang link.
Noong s-in-end niya iyon sa messenger ko, mabilis kong c-in-lick para ma add siya.
Ilang sigundo kong tinitigan ang Facebook profile niya na binigay ni Shiloh. Makikipagbati na nga lang, parang aabutin pa yata ako ng isang taon nito kakasuyo.
Naka side view siya sa profile picture niya kaya kitang kita ang tangos ng kanyang ilong habang sinusuklay niya paatras ang kanyang buhok at nakangiting tumingin sa malayo. Wala siyang cover photo at plain gray lang iyon.
Tamad akong nagscroll down. May bio siya pero small letters lang ng acronym ng school namin. Marami kaming mutuals at mostly sa school. Nangunguna pa si Angela Marcella Mercedes.
He seemed too low-key. Walang kahit anong post. Ang huling post ay four years ago pa. Mukhang hindi ma social media.
Pero ayos naman na yata kami? Nagbibiruan pa nga kaming dalawa sa balkonahe. Biruan ba ’yon, Rick? Ininsulto niyo lang ang isa’t isa eh.
Nagchange ako ng profile picture at ginamit ang old photo ko noong mahaba pa ang buhok ko. I made sure that I was flashing my smile there; my red tongue slightly stuck out as I licked the side of my lips while I brushed my fingers against my soft hair. Medyo hawig sa profile niya kaya iyon nalang din ang ginamit ko.
Satisfied with my decision, I shamelessly added him on Facebook. Pag ito hindi niya k-in-onfirm…
I immediately typed a chat for Shiloh.
Reagan:
In-add ko siya sa Facebook, Shiloh. Sabihin mo i-confirm niya.
Shiloh:
Patingin
Bumalik ako sa wall niya kaso nang isearch ko, hindi na mahagilap. Gago? B-in-lock ako? Mariin akong pumikit nang ramdam ko agad ang pag-akyat ng dugo ko. Nakakapikon na talaga ang isang ’to!
Mabilis akong napatayo at napapunta sa number ni Shiloh at tinawagan ito.
“B-in-lock ako,” agaran kong sumbong nang sagutin niya.
“Ikaw kasi…” marahan niyang sabi.
Magsisimba nalang siguro ako. Buti pa ang Diyos marunong magpatawad. Sa kanya nalang ako hihingi ng tawad.
O baka naman nagdeact lang? Inalala ko iyong ginawa naming account para doon i-search kaya noong nagpaalam ako kay Shiloh, iyon agad ang inilog-in ko sa Facebook kaso kahit anong subok ko sa password, talagang incorrect.
Mabilis akong nagtype ng message kay Tyler total siya na ang madalas humahawak no’n. Pinalitan ba ng password ’yon?
Reagan:
Ano ngang pass noong dummy account?
Nagreply naman agad si Tyler.
Tyler:
Why?
Reagan:
May titingnan lang ako. Parang b-in-lock ako eh.
Tyler:
Who? Ako na ang magsesearch.
Kumunot ang noo ko.
Reagan:
Ako na.
Tyler:
Just say it. Ako na ang titingin. Nakalimutan ko rin ang pass nito.
Ilang sigundo ko iyong tinitigan, gusto nang itype na isearch niya ang Facebook ni Denver pero hindi ko magawa. Ayaw ding ibigay ni Tyler! Kung hindi ko lang narinig ang tinig sa balkonahe niya, hindi malilingat ang atensyon ko.
“Sige na…hahanapan ko ng paraan, ma. Sabihin mo muna kay Rio na sabihan niya ang teacher niya na kung pwede next week nalang. Ngayong Sabado pa ang gig ko, Ma,” boses iyon ni Denver.
Nakatayo na ako at nasa gilid na, kulang nalang sumilip sa bukas na pinto ng aking balkonahe pero nagpigil ako. May kausap pa yata siya sa cellphone. Baka pag sumingit ako ibang galit na naman ang makuha ko.
“Wala ka bang pera diyan, ma? Babayaran ko nalang pag nakapag gig ako ulit…” Sa pagod na tinig niya, alam kong seryoso ang pinag-uusapan nila.
Bumuntonghininga siya. “Pwede naman siguro ’yon. Promisory note nalang muna para makapag-exam lang siya. Hindi ko kasi pwedeng ipagpaliban ang classes ko, ma. Baka pag bumagsak ako, mahulog ako sa scholar. Nakakahiya rin kay tita…”
When Brent pointed out that he’s smart, I didn’t know he was that smart. So scholar siya?
“Sige. Ako na ang bahala… Hahanapan ko ng paraan. Baka…may mahiraman din ako muna… At papuntahin mo nalang si Rio dito para maibigay ko ang allowance niya.”
I took my wallet unconsciously and opened it to check my money. Nandito pa ang seven thousand na hiniram ko kay Tyler. Hindi ko pa nagagalaw dahil balak ko sanang bukas na.
“Hello, kuya?” At mukhang may iba na siyang tinawagan. “May extra ka ba? Ah…exam kasi ni Rio.
“Sige, ayos lang. Ako nalang ang hahanap ng paraan…” tunog dismayado siya pero halatang nagpapaubaya.
Walang pera ang pamilya niya at sa kanya lahat umaasa? How about his father? Walang trabaho? Pero naglalasing at pera niya ang ginagamit? Ano ’to? Binubuhay niya ang buo niyang pamilya? At…siya rin ang nagpapaaral sa bubwit na ’yon?
Kailan pa naging responsibilidad ng isang anak ang itaguyod ang buong pamilya na dapat ay pag-aaral muna ang inaatupag?
When the phone call ended, I smoothly went out of the balcony without glancing at his side, but I could vividly see him crouching on the railings while looking down, a bit bothered.
Tumikhim ako. He glanced snobbishly. I side-eyed him to check if he’s in a bad mood so I could strike up a conversation. Kahit alam kong maiirita siya sa akin, sinubukan ko pa rin.
“In-add kita sa Facebook,” sabi ko.
Hindi siya sumagot. Sumandal ako sa railings at humalukipkip, lumingon na sa kanya nang tuluyan. He only looked away. Naka puting hoodie siya ngayon at balot na balot lalo na’t ramdam ko rin ang malamig na hanging umihip dahil sa suot kong sleeveless black t-shirt.
“Iniimbitahan ka ni Angela sa advance birthday party niya this Saturday. Baka…gusto mong pumunta?”
“Hindi ako mahilig sa party,” he answered.
Hindi mahilig? Eh noong 18th birthday ni Angela nandoon siya ah?
“Nandoon ka noong 18th niya,” isinaboses ko ang aking iniisip.
“Formal event naman ’yon. At inimbitahan akong kumanta.”
Oh? Edi…may bayad pala ’yon?
“Papayag ka ba kung may involve na pera?” I asked concernedly. Baka…kailangan niya rin agad?
Pero pangit yata ang dating sa kanya dahil sinamaan niya agad ako ng tingin.
“Dahil ano? Para may panggastos ako sa lalaki? Hindi mo alam kung saan ko ibinubuhos ang pera ko kaya tigil-tigilan mo na ang kakainsulto sa akin,” giit niya, tila ba nasagad ko siya.
“Sinabi ko ba?” irita kong sagot. “Iniimbitahan lang kita dahil sabi ni Angela—”
“At bakit ako pupunta doon kung nandoon ka?”
My eyes widened in disbelief. So he’s…avoiding me. Hindi ko na nadugtungan pa lalo na’t nagmartsa na siya papasok ng unit niya na iritang irita. Gusto ko mang magsalita, pero wala na akong masabi.
Gusto ko sanang pahiramin ng pera pero paano ko gagawin kung nangingibabaw ’yang sungay niya?
And he’s…avoiding me purposely. He also blocked me on Facebook. Gago? Ganoon ba ako ka sama sa paningin niya? Humihingi na nga ako ng tawad oh?
Hindi ko man lang maalis sa isip ko sa mga sumunod na araw na kahit nag-aaral, talagang laman iyon ng utak ko.
Buti pa mga cases na inaaral ko, may solusyon. Ang galit niya sa akin, wala! Kita ko ang magkasalubong kong kilay sa papasarang elevator noong umuwi na ako kinabukasan at medyo pagod pa dahil galing sa practice suot ang aking duffel bag sa kaliwang balikat.
May biglang humabol kaya bumukas ulit ang pinto ng elevator at nagmamadaling pumasok kaya ikinalma ko ang ekspresyon ko. He looked at me for a while, his eyes widening a bit as he caressed his buzz cut hair like mine. Namulsa ako sa aking pants at umusog ng kaonti sa gilid kahit malaki naman ang espasyo.
Noong sumara iyon, pakiramdam ko tuloy, para kaming nasa tray at nagmumukhang mga itlog dito sa loob ng elevator dahil parehas kami ng buhok.
Hinaplos ko ang tainga ko nang maramdamang panay lingon ang lalaki sa akin na hanggang balikat ko. Mukhang high school na dahil na rin sa suot niyang ID.
Noong bumukas sa fifth floor, nauna akong lumabas at ganoon din ang lalaki. Saktong tumigil ako sa pinto ng unit ko, tumigil din siya sa kabila.
Nilingon ko siya at doon ko lang naalala ang kapatid ni Denver. I didn’t immediately notice it was him because of his new look, but I slowly realized it was him.
’Yan pa ’yung nang-asar sa akin na kalbo tapos ngayon…nagpa buzz-cut? Baka idolo ako?
Gusto ko sanang hintayin na bumukas ang pinto at marinig silang nag-uusap kaso hindi ko na itinuloy. But Denver’s voice echoed in my mind as I forced myself to come into my unit instead of eavesdropping. Ako tsismoso? Bakit naman ako makikitsismis sa buhay nila?
Ngunit mga limang minutong makalipas, noong napansin kong may lumabas sa kabilang unit, nagpasya din akong lumabas dahil gusto kong silipin ang gym kung marami bang tao. Iyon lang naman ang pakay ko.
Sumakay ulit ako sa elevator at nakasabay iyong kapatid ni Denver na hindi maipinta ang mukha. Halatang badtrip at problemado. Baka dahil doon sa narinig ko na promisory? Exam niya?
“Nagpa buzz cut ka ah?” puna ko sa kaswal na paraan.
He glared at me in the mirror. “Bakit? Ikaw lang ba ang pwede sa ganitong haircut?”
Denver and his genes. Gusto ko sanang asarin nang maalala ang narinig ko kay Denver noong nakaraan.
“Exam mo?” I unconsciously asked.
He looked so pissed, but he still managed to nod.
“Binigyan ka ng pera ng kapatid mo o…”
“Wala siyang pera. Allowance ko lang ang binigay niya.” He looked away.
“Wala bang trabaho ang parents mo? Bakit siya yata ang nagpapaaral sa’yo?”
“Alangan naman ikaw?” He looked at me with such hostility that I could really feel how much he doesn’t like me.
I pressed my tongue against the side of my cheek until it bubbled, as I tried to control my anger. Kung hindi lang ako naaawa… Hindi ko pa naman gagamitin ang pera ko na pang therapy. Pwede namang sa susunod na linggo nalang. Total, narinig ko kagabi na may gig siya sa Sabado, ibig sabihin…maisasauli niya agad ang pera.
I took my wallet out of my pants and opened it. “Magkano ba?” I asked.
His expression calmed down as his eyes drifted to my wallet. Umangat ang kilay ko at tiningnan siya.
“Magkano ang exam mo?” tanong ko.
He blinked twice, a bit hesitant to answer it but I could feel his desperation to ask for help.
“2…” he uttered.
“Two? Dos? Anong school ’yan at bakit ang mura?”
He inhaled some air and looked away. “2700…”
I pulled out three thousand and handed it to him. “Oh. Ibayad mo ’yan. Picture-an mo ang resibo saka mo isend sa kapatid mo. Sabihin mo, bayaran niya pag may pera na siya.”
Lumambot ang tingin niya, ngunit magkasalubong ang kilay. “Gusto mo sigurong ligawan ang kuya ko kaya mabait ka bigla sa akin? Bading pa naman ’yon at kakabreak lang nila ni Kuya Arron.”
Tang inang bunganga ’yan! Nag-amba akong ilayo ang three thousand pero inabot ba naman! Pinakawalan ko din agad para makuha niya nang tuluyan.
At Kuya Arron. Mukhang respetado niya ’yon ah? Mabait ba talaga ’yon?
“Narinig ko lang na problemado kagabi ang kapatid mo,” sabi ko saka tiningnan ang pagbukas ng pinto ng elevator.
Sabay kaming lumabas. Hindi ko nga lang alam kung saan na pupunta pero sinabayan ko ang paglalakad niya dahil nag-uusap kami.
Nagkamot siya ng batok. “Baka magalit si Kuya sa akin pag tinanggap ko ’to. Parang hindi pa naman kayo kasundo.”
“O edi magalit siya. Problema ba ’yon? At least makaka exam ka.”
Bumaba ang balikat niya at tumingin ulit sa pera na hawak. Kumpara sa expresyon niya kanina, para siyang nabunutan ng tinik.
“At magkaibigan kami. Kaibigan niya ’yung kaibigan ko. Close sila,” dagdag ko para kumalma siya.
“Sila. Pero kayo ni kuya hindi.”
Sumasagot pa talaga! Ayaw nalang magpasalamat ng bubwit na ito na nagmamagandang loob ako para makapag-exam siya! Manang mana diyan sa kuya niyang matapang din!
Sinenyasan ko siyang aalis na ako nang maisip kong mag jogging nalang sa paligid ng taft avenue dahil baka pag nag-usap pa kami lalo, baka makutusan ko lang siya.
Wala na akong narinig pa pero lumandas ang ngiti sa aking labi. Pero hindi naman din iyon dahil gusto kong kunin ang loob niya. Sadyang alam ko lang ang pakiramdam na nakikita mong nahihirapan sa pagtatrabaho ang pamilya mo para maitaguyod ka. Ganoon si Mommy. Medyo naawa na rin ako doon sa kapatid niya na hindi makakapag exam.
Pumasok ako nang may madaanang 7-eleven para makabili ng sandwich at gatorade nang may notification sa phone ko. Nang tingnan ko iyon, may text si Shiloh.
Shiloh:
Sabi ni Denver may message daw siya sa’yo sa Facebook. Pakitingnan daw.
Mabilis akong pumunta sa messenger at dahan dahang naglakad sa counter para mabayaran ang pinamili ko.
May bagong message request nga at galing sa kanya mismo. Binayaran ko muna ang pinamili at dinala iyon sa upuan para makain ko at matingnan ang message niya.
Denver Ferrin:
Pinahiram mo ng pera si Rio? Sabi niya bigay daw ng kapitbahay na naka buzzcut.
I typed for a reply while biting half of my hot sandwich.
Reagan:
Oo. Bayaran mo pag may pera kana.
I sent it and crouched on the table while looking at the screen of my phone.
Denver Ferrin:
Sa Sabado ko ibabalik. Tubuan mo nalang. Babayaran ko kahit ang interes.
I sneered while typing for a reply.
Reagan:
Times two? 4800?
Denver Ferrin:
Kahit gawin mong 5000
Alam ko namang gipit siya pero ayaw talagang magpalamang! But then, I controlled my smile as I typed a reply.
Reagan:
Taray ah?
I slightly laughed when I could vividly imagine his mad face glaring at me; his disheveled hair looked so stressed, making him look like those angry birds because of his thick, furrowed brows.
Denver Ferrin:
Seryoso ako. Ayoko ng utang na loob sa’yo.
Ngumuso ako at nagtype ng reply.
Reagan:
’Yung kapatid mo ang tinulungan ko. Hindi ikaw.
Denver Ferrin:
Basta babayaran ko ’yon. Sunday. Full payment. Pati interes.
Ang kulit din!
Reagan:
3000 lang. Or 2700. ’Yung 300 bigay ko na ’yon. Allowance noong kapatid mo.
Denver Ferrin:
Babayaran ko ng buo. Baka isumbat mo pa ’yan sa akin at sabihin mong hinuhuthutan kita.
Sa akin naman sana galing ang salitang ’yon, pero nakakagalit pag ginagamit niya laban sa akin.
Reagan:
Okay. Then we’re good? Bati na?
Nakita ko na nagseen siya. Inubos ko ang sandwich ko at hinintay ang reply kaso nangseen nalang! Hayop. Alagad ba ’to ni sata—sabagay…may kasalanan din ako.
I viewed his profile so I could add him. Naubos ko nalang ang gatorade ko, hindi pa rin ako kino-confirm. Bumalik ulit ako sa unit at nagbasa basa, pero talagang napapasilip ako sa Facebook ko pero sa daming notifications doon, ni isa na galing sa kanya wala!
Tang inang pride! Kung tutuusin, hindi ko naman siya dapat i-aadd kaso seryoso na akong nakikipagbati rito! Buti pa yata ang bata ang bilis paamuhin pero itong isang ’to kabaliktaran pa yata ng malaanghel niyang mukha. Masungit at mataas ang sungay.
“Eh sabi mo friends na kayo?!” Angela’s high pitched voice confronted me as soon as Saturday came, and he didn’t even accept my friend request.
“Friends nga. Low-key lang.” Kibit-balikat ko. “Pero ganoon ang boys Angela. Hindi kami showy. Basta alam ko friends kami.”
She looked like she was doubting me, but she ended up pinching my cheeks.
“Guwapo mo ngayon! Reto kita?” She grinned.
I was actually sporting my usual look. I wore a black button-down t-shirt, and the buttons were all opened as the silver chain necklace was hanging loosely around my neck. Sinuot ko rin ’yung earring ko sa kaliwang tainga na hinahaplos ko paminsan-minsan.
“Nandito ’yung pinsan ni Verena eh. Si Shelly. Bagong uwi ’yon. Ang ganda no’n. Soft girl,” aniya at iginala pa ang tingin sa medyo dumadaming bisita sa pool area.
Inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko dahil ayoko nang maging biktima diyan sa reto reto niya. Tumingin din ako sa mga girls na nagbebelly dance pa habang naka bikinis lang at naaaliw sa pumapaibabaw na kanta na Timber by Pitbull.
“Ipakilala mo kay Brent total mas uhaw ’yon sa babae,” sabi ko nang ibalik ko ang tingin sa kanya.
She laughed. “Hindi ba nanliligaw ’yon kay Shilani?”
Ewan ko rin. Pero ang sabi no’n noong nakaraan tinigil niya na daw at may bago na naman siyang gusto. Nabanggit niya ’yon noong dumalaw kami sa bagong unit ni Shiloh. Magkabati na rin sila. Sa wakas.
Pero…talagang may napapansin ako. Kaso imposible din siguro ’yon. Baka masyado ko lang iniisip lately na baka naghiwalay si Denver at ’yung ex niya dahil sa akin kaya…kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.
Chapter 12
Trigger Warning: Homophobic remarks
Confirm
Tiningnan ko ang Facebook ko para makita kung in-accept niya na ba ako. Noong pending pa rin, kinuha ko at in-add ulit siya. Nakakabanas na talaga. Bakit ang tigas tigas niya? Ano bang pinaglalaban niya dito?
Nakisali agad ako sa boys nang senyasan ako ni Tyler na lumapit sa kanila lalo na’t ayoko namang bad mood ako sa advance birthday party ni Angela.
“Ice ice baby!” Humahalo ang tinig naming boys sa iba pang sumasayaw dito sa pool area nang pumaibabaw ang kantang iyon.
Pabirong hinaplos ni Tyler ang katawan ni Mavric kaya naghagalpakan kami lalo. Natatawa na ring napapalingon ang mga girls sa amin, ngiting ngiti dahil talagang ang ligalig namin pag magkakasama.
Noong naging close ako sa kanila, nasanay na akong hindi lang girls ang clingy. Kasi pati ang boys, talagang may ganitong mga biruan. Iba na rin kasi ang closeness. Kahit sa tulog na magyayakapan pa, walang malisya.
Noong mahiya na dahil maraming nagtitinginan, may iba na nagvideo pa, umalis agad ako doon kasama si Connor na natatawa akong inakbayan habang si Tyler Ron at Mavric ay talagang hindi na maawat kakasayaw.
“Where’s Brent?” tanong niya at nasa labi pa ang ngiti nang gumala ang tingin namin sa paligid. Wala dito sa pool area. Kahit si Shiloh hindi ko na makita. Baka naman nasa loob ang dalawa? Gusto ko sanang hanapin kaso lumabas si Angela at pinagtatapik na kami ni Con na magsisimula na raw ang games.
“Let’s start the games, guys!” anunsyo niya at pumunta sa table kung saan naka arrange na ang mga drinks para sa body shot.
Nagsipuntahan ang lahat doon at pinaligiran na iyon. Everyone is so game since it involves naughty challenges between boys and girls.
May sinabi si Ron sa akin at nginuso ang grupo ng girls na kanina pa raw sulyap nang sulyap sa akin. Natatawa akong umiling at dinukot ang phone ko sa aking pants para tingnan ulit ang Facebook account ko.
I clicked the app and noticed he hadn’t confirmed me yet. I frustratedly bit my lower lip as I took it back and added him again. Tsss.
Sumulpot din naman si Shiloh at Brent. At nakakagulat na nagpass si Brent. For the first time. Nagkatinginan pa kaming boys dahil hindi naman siya ganyan. Ngumisi lang si Mavric at nailing kaya umangat ang kilay ko.
“May bago siyang gusto, hindi ba?” si Con sa gilid ko na nakatuko ang siko sa aking balikat.
Meron naman. Pero iba ’yan pagdating sa girls. Kahit pa nandiyan ang kalandian niyan, talagang mayabang ’yang sasali sa games at irarason na game lang siya. He doesn’t like relationships for a reason. Kaya ngayong tumatanggi, medyo nakakapanibago.
“Si Shiloh naman! Shiloh Shiloh!” the girls suggested.
I crossed my arms while looking at Shiloh, and noticed how Brent looked at him problematically. Umangat ang kilay ko. Magagalit siguro ang mommy niya? Medyo overprotective kasi ’yon kay Shiloh. Baka pinapabantayan din kay Brent.
When Shiloh stepped forward and chose Verena, everyone started screaming. Natawa kami nila Tyler dahil ang malas malas talaga ni Brent. Makukuha niya na yata lahat ng babae pero iyong pinaka gusto niya, kahit sulyap man lang hindi yata siya pagbibigyan.
“Wala na iiyak na si Jarsdel,” natatawang kantyaw ni Ron nang lumandas na ang labi ni Verena sa panga ni Shiloh.
“Hawakan niyo si Brent!” gatong din ni Tyler.
Humalakhak ako at lumingon kay Brent na inakbayan ni Mavric, may binulong sa kanya, habang seryosong nakakrus ang mga braso ni Brent at iba na ang timpla ng ekspresyon. Oh…he’s mad.
Tiningnan ko si Shiloh na medyo pumikit, halatang hindi sanay, ngunit pinanghawakan ko ang ngiti sa labi niya na medyo nag-eenjoy naman siya. Pag itong si Brent nagdabog para lang dito sasakalin ko siya. Kita niyang nag-eenjoy ’yung tao…
“Damn Verena…” ang ibang boys na mas sumigaw nang inilandas niya ang kamay sa panga ni Shiloh at itinulak iyon paatras.
I roamed my eyes around to check on Brent, but I saw him walking out. Ayan! Pikon! Selos na selos pa yata at hanggang ngayon, patay na patay pa rin kay Verena.
“Go Shiloh!” the girls cheered.
Umiling na agad si Shiloh at natatawang tumayo. Nagtatawanan pa kami nila Tyler dahil kahit wala na si Brent, ramdam namin na sukdulan na ang pagseselos no’n. Si Verena na ’yan…
Noong ako na, pass nga lang ako nang pass kaya sa halo halong shot, sumakit na yata ang tiyan ko. Pumunta ako sa itaas para doon maki cr dahil nakakahiya rin sa ibaba, kaso ang gago na si Brent, may ginagawa pa yata dahil sa namumula niyang dibdib at topless pa.
“Putang ina ka talaga! Kahit saan saan nalang!” Marahas kong hampas sa pinto, iritado.
Pag usapang babae talaga, mapipikon ka nalang din dito kay Brent kasi talagang hayok! Noong bumaba ako, medyo nawala rin ang sakit sa tiyan ko kaya humalo ulit ako sa boys nang mapapansin kong nawawala si Shiloh. Nasa tabi lang naman ’yon ni Mavric kanina ah?
“Upstairs. Pinuntahan si Brent,” ani Mavric, nakangising sagot nang siya ang tanungin ko.
Sinundan? Ibig sabihin…si Shiloh ang kasama niya sa loob ng kuwarto?
Nag-amba na akong umalis nang pigilan ako ni Mavric. Sa iritasyon ko, hinawi ko iyon na agad niyang ikinaatras at nakangising itinaas ang mga kamay para hayaan akong makawala. Pag-untugin ko silang dalawa ni Brent eh.
Pero kung si Shiloh ang kasama ni Brent sa kuwarto, bakit ayaw niya akong papasukin kung si Shiloh lang naman pala?
Mabilis akong tumakbo paakyat, handa nang kumatok at magwala palabasin niya lang si Shiloh. Kaso ang amba kong hatawin ng malakas ang pinto ay napigilan ko nang unti-unti ko ring napagtanto na wala rin sa lugar ang galit ko.
Bakit siya nasa loob? Sinundan niya raw si Brent sabi ni Mavric. Bakit? At topless si Brent sa loob ng kuwarto. Ayaw pa akong papasukin.
Naalala ko bigla kung paano izinoom-in ni Shiloh ang picture ni Brent. Napansin ko iyon, hindi ko lang binigyan ng atensyon dahil wala naman akong naiisip na mali doon.
Siguro, noong una, hindi ko nilalagyan ng malisya ang ibang pakikitungo niya kay Brent kumpara sa aming boys. Pero iba si Shiloh sa kanya. Para siyang may ibang…katauhan na tanging kay Brent niya lang kayang ilabas. Iba ang simangot at lungkot niya kay Brent. Iba din ang kislap ng mga mata niya pag palihim siyang ngumingiti sa tuwing titingnan niya ang pictures ni Brent.
At…iba ang bond ng dalawa kumpara sa amin. Shiloh is more preserved when it comes to Brent. He’s shy, but he’s more cold. Hindi siya ganito sa amin nila Tyler. Pero sabi niya naman sa akin, komportable siya kay Brent. Fuck.
Bumaba nalang ako at naglakad patungong parking lot para doon ipinagpatuloy ang muni-muni ko. Gusto niya si Brent? Hinithit ko ang sinindihang sigarilyo at hindi alam ang mararamdaman ko. Parang kahit walang kumpirmasyon, ramdam ko na doon ito patungo.
O baka naman masyado lang akong okyupado ngayon sa relasyon ni Denver doon sa ex niya kaya kahit mga kaibigan ko, pinagdududahan kong pwede na ring magkagusto sa isa’t isa. Parang imposible eh. Kaso kung si Shiloh…
Kinuha ko ang phone ko nang maalala na hinihintay kong i-confirm ako ni Denver. Noong binuksan ko ang Facebook ko at wala pa rin, dumagdag pa yata sa galit ko.
Iisipin kong si Verena ang kasama, pero kung si Shiloh, bakit ayaw niyang aminin? Ano bang ginawa nila sa loob at gusto niya iyong itago?
At hindi pa nakakatulong na sa gabing iyon, napapansin ko ang kakaibang kilos ni Brent. Gago. Ano ’yan? Seryoso ba siya diyan? Hindi pa naman komportable si Shiloh sa ganoon lalo na’t nakukutya din siya sa dati niyang school. Tapos si Brent nag-iiba na yata. Bumabading!
Paanong hindi ko pagdududahan ang hayop kung buong taon na magkakilala kami, kabisado ko ’yan pumorma! Iba ang ngiti niyan lalo na sa mga nakapaligid na mga babae at talagang napapatingin siya!
Pero ngayong gabi, sa dami daming magaganda, kay Shiloh lang tumitingin! Tang inang gago na ’to. Kung hindi lang ako nakakapagtimpi baka dinukot ko na ’yang mga mata niya.
Sinamaan ko ng tingin si Brent nang tumayo siya kasama si Mavric at mukhang lalabas sila. Si Shiloh, kanina pa tahimik at titingnan ang kuko niya, tila inaaliw nalang ang sarili at minsan ay susulyap pa doon kay Cheena Ferrer.
“Ganda ’no?” I whispered when I caught him looking at her again. “Magkasing ganda kayo.”
His eyes widened, and he laughed. “Huh?”
I smirked back. “Sabi ko magkasing ganda kayo.”
“Babae ba ako?” natatawa niyang tanong.
“Ikaw na rin ang may sabi, hindi lahat ng bagay ay may angkop na kasarian para lang malaya mong magamit. Eh bagay sa’yo lalo na’t maganda ka rin.”
Marahan siyang tumawa. Nakangiti ko siyang tiningnan at medyo kumalma na ngayon ay nakangiti na siya.
Gustong gusto ko magtanong kay Shiloh pero…natatakot ako sa sagot niya. Ayokong marinig. At hindi ko alam kung…handa ako para doon. Hindi pa yata ako makakatulog sa mga iniisip ko. Oo medyo marami akong nainom, pero sa bumabagabag sa isip ko, parang ang hirap dalawin ng antok.
“Sa baba,” medyo narinig ko ang boses ni Shiloh sa dilim nang nasa kuwarto na kaming mga boys at tulog na ang iba.
Akala ko nags-sleeptalk pero nang marinig ko ang bulong ni Brent, nakumpirma kong gising sila. Hindi naman sumasagot si Shiloh pero sa paraan ng pakikipag-usap niya, pakiramdam ko, may namamagitan na sa kanila.
Hindi ko alam kung saan ako magagalit. Na sa lahat ng lalaki, si Brent ang nagugustuhan niya, o baka matulad lang si Shiloh sa kung paano umasal si Brent sa daming babaeng tinikman niya. At komportable ba si Shiloh dito?
Baka naman one-sided? Paano kung nakukulitan na pala siya kay Brent pero si Brent lang ang ayaw tumigil? At akala niya naman hahayaan ko siya na pumorma.
Kinabukasan, kahit linggo at mag a-advance reading na dapat ako sa iba kong lessons, nahanap ko nalang ang sarili sa District One kinagabihan kung saan kumakanta iyong Denver. Chill din kasi dito kumpara sa ibang clubs dito sa BGC kaya dito ko napiling pumunta.
I composed a message for Shiloh, but all of my attempts ended up being deleted. Hindi ko talaga kayang itanong. Para kasing pinagdudahan ko na siyang bading? Anong pinagkaiba ko doon sa mga bully niya? Mag oopen-up naman siguro ’yan si Shiloh sa akin kung…komportable siyang pag-usapan.
Kung si Brent naman ang kakausapin ko, masusuntok ko lang ’yon. Tang ina niya. Gago siya. Sige, sabihin na nating gusto niya, pero baka napagod lang ’yan sa mga babae at panandaliang kay Shiloh napunta ang interes! Iba pa naman ’yan! Si Shilani lang nga ang isang buwan niya yatang pinagtiisan! Baka sa susunod na linggo, pag nakuha niya na ang gusto niya kay Shiloh, maghanap na ulit ng iba!
Iniisip ko pa lang na iiyak si Shiloh sa harap ko, parang mayuyupi ko na agad ang mukha ni Brent. Baliko siya? Literal ko talaga siyang babaliin kung malaman kong umiiyak si Shiloh. Makikita niya…
“Oh.” My visions were suddenly covered by a familiar image of Denver when he placed a small brown envelope on my table.
Isa pa ’to. Hindi ako kino-confirm. Kung hindi lang makulit si Angela, hindi ko na yata ’to pagtitiisan.
“Para saan ’yan?” tanong ko nang tingnan ang sobre na inilapag niya.
“Utang ko sa’yo. ’Yan ang sadya mo ’di ba?”
Ah… I calmed down and just took it and put it in my pocket. Tumalikod na siya at handa nang umalis nang tumikhim ako.
“Kakanta ka pa?” I asked.
Tumigil siya at lumingon, malamig pa rin ang hagod ng tingin sa akin. “Uuwi na. Tapos na ’yung akin.”
I tilted my head and slightly pushed the other chair, using my left foot, to invite him to join me. Tiningnan niya iyon ng ilang sigundo, pero siguro ramdam niyang seryoso ako, dahan dahan siyang naglakad pabalik at inukupa iyon.
“Salamat pala…” mahina niyang sambit, ramdam ko na gustong gusto niya rin iyong sabihin kaya nanatili.
“Nakapag exam siya?” I asked and pushed one of my beers toward him.
“Hindi ako umiinom at…oo nakapag-exam siya.”
Hindi siya umiinom? Ironic. Dito siya sa bar nagtatrabaho pero hindi siya umiinom.
Tumango ako at tinungga ang beer ko sabay sandal sa upuan ko. Hinaplos niya ang batok at lumingon sa paligid kaya kinuha ko ang menu para iyon nalang ang kanya.
“Order ka. Ako na ang magbabayad,” alok ko.
His brows were slightly furrowed, and he shook his head. “Huwag na. Wala na akong pera para diyan.”
“Ako nga ang magbabayad,” giit ko.
“Ayoko nga. Baka isusumbat mo lang ’yan—”
“Magkaibigan na tayo kaya hindi na kita aawayin,” I cut him off.
“Hindi tayo magkaibigan,” he corrected.
“O edi hindi! Problema ba ’yon? Pwede namang manlibre kahit strangers lang!” I offered the menu again, rejecting his answer until he slowly took it from my hand.
He glared at me for a while, but his eyes immediately calmed down and he looked at the menu. Tinitigan ko siya habang naiisip ang mga pagdududa ko.
Si Brent…kailanman, hindi nahilig sa boys. Wala namang signs. Wala akong napansin. Hindi mo rin pagdududahan kung touchy siya sa circles namin sa boys dahil normal namin iyon. Si Tyler nga kakandong minsan kay Ron, o kay Mavric. Kaya kahit ang kilos ni Brent kay Shiloh, walang malisya para sa akin.
Pero sa mga napansin ko at binalikan sa isip ko ang kilos nila, napagtanto kong halatang halata si Brent. Hindi lang naman siya ang ganoon kay Shiloh pero…iba.
I leaned against the table just to whisper something. “Kailan mo…”
He glanced at me, a bit shocked that I was leaning closer to talk to him.
“Kailan mo nalaman na ganyan ka? I mean…signs na…nagugustuhan mo ang kapwa mo lalaki?”
Well, duda talaga ako kay Brent. Baka pala tugma sa kanya ’yung mga sasabihin ni Denver. And imagine it—they’re both friends. Baka matagal na siyang ganito rin pero nilihim lang? Paano kung…kaya pala hindi siya naggigirlfreind kasi lalaki ang hilig niya?
Gagong overthinking ’to. Akala ko subjects ko lang ang poproblemahin ko, pati rin pala ang problema ng ibang kaibigan ko.
“I mean…ikaw, kailan mo…naramdaman ’yang ganyan?”
“Ang alin? Ang pagiging bading?”
I nodded slowly and looked away. The word itself is just too heavy and infuriating. Pero dahil…ayokong may panibagong kasalanan na pumatong sa mga nauna kong kasalanan, kinontrol ko ang sarili kahit ramdam ko ang galit na parang nakakulong lang sa banga.
The word is always a trigger. Lalo na’t iba agad ang pumapasok sa isip ko at nananalaytay bigla sa katawan ko ang pandidiri.
“O kung kailan ka nagkagusto sa lalaki. Gano’n,” I shifted since I’m not interested in listening to what triggered him to become…like that.
Matagal ang paninitig niya sa akin, tila pinoproseso pa ang tanong ko.
“First boyfriend mo ’yon?” tanong ko.
He slightly nodded. “Oo…”
Napapangiwi talaga ako. Di ko maimagine. Paano ba ’yan nila nasisikmura? Lalaki? Magkakagusto sa kapwa mo na lalaki? Gago? Iniisip ko pa lang kung paano kinikilabutan na ako.
“Huwag kanang magtanong kung hindi ka naman komportable,” aniya at nag-iwas ng tingin.
Hindi ako handang pag-usapan. Hindi ako handang…makinig. Hindi ko kailanman maiintindihan ang kagaya nila. Oo, gusto kong intindihin, pero talagang mahirap.
At sa ekspresyon niya, mukhang ramdam niya rin na talagang sarado ang isip ko sa kanila. He looked offended by just the way his brows knitted while he tried to look for some distraction.
I was frustrated that I wore my hoodie on my head and bowed against the table just to groan. Magpapatherapy na nga siguro ako bukas. Kung…pati si Brent ganoon, at ganito ka sarado ang isip ko, mawawalan ako ng mga importanteng tao sa buhay ko.
Ayokong matulad kami sa galit ni Denver sa akin ngayon dahil talagang doon iyon mahuhulog kung hindi rin ako natuto. Pinagsisisihan ko na ngayon kung bakit minsan, hindi ko nakokontrol ang galit at pandidiri ko sa mga ganoong bagay.
“Sa susunod nalang pag kaya ko na,” I added to at least lessen it when I pulled up my head to looked at him again.
Kumunot ang kanyang noo at napalingon sa akin. I chug my beer to diminish the ugly feeling rushing through my system.
“Ano bang…problema mo sa kagaya namin?” he asked calmly.
I slightly smiled when he asked. “I-accept mo muna ako sa Facebook. Sasabihin ko pag friends na tayo.”
His eyes narrowed at me. “Ano bang gagawin mo sa friend list ko? Kung utos ’yan ni Shiloh—”
“Anong utos? Kusang-loob ’yon. Teka…” I took my phone out and clicked my Facebook app so I could undo it in front of him.
Tumingin siya sa screen ng phone ko. Muli ko siyang in-add at ibinalandra iyon sa kanya. Ngumiwi siya sa akin.
“Hindi pwede…” He took his eyes off me.
Umangat ang kilay ko. “Bakit? Ah…magseselos ’yung boyfriend mo?”
He glared at me again, but the way he calmed down and looked guilty, I feel like I’m right.
“Seloso siya?” I scoffed unbelievably. “At anong pake niya? Hiwalay na kayo ah? Hiniwalayan ka?”
“Ang tsismoso mo talaga,” he pointed out with a sour expression.
I looked at the slight dots on his cheeks, distracted since they looked reddish because of the way he blushed about his boyfriend.
“Nakikipagbalikan ka?” tanong ko.
Ang kaka serve lang na pagkain na order niya ang pinagtuunan niya ng pansin. Tahimik siyang kumain habang tinitingnan ko siya.
“I’ll help you out then,” I offered. “Pero bati na tayo kung nakipagbalikan siya sa’yo.”
Tumingin siya sa akin, tinitimbang ang sinasabi ko. “Huwag na. Alam ko pa naman ’yang masamang ugali mo.”
“Tss. Masama din ang ugali mo. Nanghihingi ng chance ’yung tao na magbago pero ayaw mong patawarin. Edi magkikita pa rin tayo sa impyerno.”
His glares were now too much. Kung nagsalita pa yata ako, isasaksak niya na sa akin ang hawak niyang tinidor.
“Hindi ka naman sincere,” aniya at dinilaan ang pang ibabang labi nang dumikit ang pulang sauce doon, halos kakulay ng kanyang labi.
I put my knuckles on the side of my head as I boredly stared at him. May gusto sana akong sabihin pero naaaliw akong panoorin siyang kumain sa ice cream na in-order niya kasama noong sandwich.
Tumingin siya sa akin, nahuli ang tingin ko kaya iniwas niya agad ang tingin. Inalis ko sa kanya ang mga mata ko at inilipat doon sa table ng mga girls na naghahagikhikan at panay lingon dito. Noong aksidenteng natingnan ang isa sa kanila, kumaway pa.
Tumingin din si Denver doon kaya nakangiti ko siyang nilingon at kinibitan siya ng balikat.
“They’re probably blind? Pangit ako, ’di ba?” I smirked.
He rolled his eyes and continued eating. “Yabang…” he murmured.
“I confirm mo ako sa Facebook. Ako ang bahala na pag-ayusin kayo noong boyfriend mo. Basta pag nagkabalikan kayo…magkaibigan na tayo.”
Chapter 13
Disclaimer: I am not an expert on this and wrote it in a simpler way according to my own research, especially the session part, so bear with me. ——
Awareness
He looked so unconvinced by my offer. Ngunit ramdam ko na gusto niya ang naiisip ko, o gusto niyang makipagbalikan.
I chugged down my third beer while he was enjoying his own ice cream and sandwich, like he was so hungry and that’s the only thing that mattered to him at the moment.
Tiningnan ko ang menu para tumingin ng pulutan. I ordered some chicken wings and added another on his. Noong umalis ang waiter pagkatapos kunin ang order, muli ko siyang tinanong.
“Ano bang rason kaya kayo naghiwalay?” I asked.
He glared at me again, like it was a stupid question coming from someone behind it. So I pointed at myself curiously.
“Ako? Noong araw na ’yon? Anong kinakagalit niya doon sa’yo? Eh ako naman ang kaaway niya?”
He looked at his empty plate and sighed, like he’s so done with my questions. “Sa amin nalang ’yon.”
Umismid ako. “I am your wingman. Ang pangit naman kung wala akong alam. Paano ko kayo niyan tutulungang magkabalikan?”
He calmly looked at me. “Baka iba ang plano mo.”
Namilog ang mga mata ko. “At ano naman?”
Nagtagal ang paninitig niya. I immediately shook my head.
“Bumabawi lang ako. ’Yun lang,” I explained carefully.
“Hindi ka ba nakakapagsorry buong buhay mo na hirap na hirap ka?” he asked.
Nagsosorry naman. Pero pakiramdam ko ako lagi ang tama eh. Kaya bakit ako magsosorry? Polsci student pa ’to. Alam ko ang karapatang pangtao ko dito.
“Eh ikaw? Sino ang gumawa sa’yo at hindi ka marunong magpatawad?” maangas kong tango sa kanya.
“Childish.” He rolled his eyes and leaned boredly on his seat, his hands were now crossed over his chest.
I chugged my beer again. May kumakanta nang ibang grupo sa harap na pinapanood niya. I couldn’t relate to the song but somehow it’s calm and lively.
Naglalakbay nga lang ang isip ko sa aking plano. Madali lang naman kasing intindihin kung paano gumagana ang relasyon. Oo, wala pa akong karanasan, pero madali lang naman.
I looked at my phone again, remembering I wanted to type some words for Shiloh but I couldn’t. Suportado ko siya sa mga desisyon niya sa buhay, pero ito ’yung mahirap.
“Close kayo ni Shiloh, ’di ba?” I asked to coaxe another topic.
He nodded without glancing at me.
“Nagshi-share siya sa’yo tungkol sa love life niya?” I asked.
Now, he seemed like I got his attention and glanced at me. “Ang tsismoso mo talaga.”
My brows knitted. “Concern lang! Taga Cebu ’yan. Dayo dito sa Manila. S’yempre ginagabayan ko rito. Close kami eh.”
Mapangduda ang tingin niya. Para bang may naglalaro sa isip niya pero hindi niya lang maisaboses.
Noong naiserve nga lang ang pagkain namin, iyon na ang pinagkaabalahan niya. Tahimik siyang kumakain habang kumakain din ako ng pulutan paminsan minsan.
“Kuha ka,” muli kong inilapit ang chicken wings sa kanya.
“Huwag na. Sa’yo ’yan.” He also pushed it toward me.
Noong nakausap ko siya sa balkonahe, ang bait bait ng pakiramdam ko sa kanya. Na kahit hindi ko sabihin no’n na magkaibigan kami, parang naging magkaibigan na kami. Tapos ngayon…ganito na ka ilap.
O siguro nga, nagmarka din sa kanya ang kasalanan ko. Hanggang ngayon, iniisip ko na mali ba ’yon? Eh ganoon ang tingin ko sa bakla. At sa mga lalaking pumapatol sa kanila.
“May tanong ako—” At hindi pa nga tapos, sinasamaan na naman ako ng tingin! “Matino ’to!” agap ko para pakalmahin siya at inilapit sa kanya iyong pulutan ko nang doon siya maingganyo.
He looked at the food then got one piece of chicken wings.
“Bakit ikaw ang nagtatrabaho? Walang trabaho ang parents mo?”
His eyes widened a bit by my question. Namulsa ako sa hoodie ko at titig na titig sa kanya, kuryoso sa bagay na iyon.
“Bata ka pa. Karapatan mo na pag-aaral lang dapat ang inaatupag,” I said.
“Hindi naman lahat nabibigyan ng ganoong pribilehiyo. Oo nga, karapatan ko iyon, pero hindi lahat ng magulang…may kakayahang pag-aralin ang mga anak nila,” he answered wearily.
“Kaya nga may contraceptives at family planning.” I shrugged.
“Konti lang naman kami,” he said and took another piece of chicken wing while he couldn’t look at me.
“Bakit? May sakit ba ang parents mo kaya hindi makapagtrabaho? O pensyunado na?”
He glanced at me for a while, then immediately took it back from the plate. He silently ate while he seemed to be so distracted by my questions.
“Responsibilidad ng isang magulang na pag-aralin ang anak nila—”
“Hindi lahat ng parents ay may kakayahang pag-aralin ang anak nila sa kolehiyo,” he insisted.
This is the saddest part. Privilege is limited when you are poor.
“O edi si Rio? Bakit ikaw ang nagpapaaral doon? Bakit hindi ang parents mo? Bakit? Anak mo ba si Rio?”
He glared at my satire opinion. I raised my hands to show him I don’t mean any harm or fight here. I’m just stating some facts that he might have forgotten.
“Hindi siya kayang pag-aralin ng parents ko kaya ako ang gumagawa ng paraan…” he whispered and took another piece of chicken wings.
“Bakit? Hindi ba kayang hanapan ng paraan ng parents mo?”
His jaw clenched. “H-Hindi sila nakapagtapos ng college. Elementary lang. Kaya limitado ang natatanggap nilang trabaho na…halos hindi na kaya na magpaaral ng high school dahil sa minimum wage na kinikita nila at sapat lang ipambili ng ulam at bigas…”
Tahimik ko siyang pinakinggan.
“Ang kinikita ng mama ko, sapat lang para sa pagkain. M-Minsan…hindi pa nga kasya dahil maraming utang. Kaya sa tingin nila, sa buhay, aasenso ka kahit hindi ka mag-aral basta may diskarte. Kaya…hindi nila masyadong naiisip kung gaano ka halaga ang edukasyon,” dagdag niya.
“Hindi ba’t sa sitwasyon nila ngayon, mas alam nila kung gaano ka halaga ang pag-aaral? Oo, sabihin na nating madalas ang yumayaman, madiskarte sa buhay. Pero hindi naman lahat maalam sa diskarte. Kung nag-aral ka, nakitaan ng potensyal, doon mo mahahanap ang maglalagay sa’yo sa trabahong pagkakakitaan mo.”
He glanced at me, his expression calming a bit, but when he looked at the chicken wings again, it reflected how he seemed so bothered by the topic.
“Kaya pinapaaral ko si Rio dahil ganoon ka halaga ang tingin ko sa edukasyon…” he said quietly.
“Eh Papa mo? Ano bang trabaho?” I confronted.
“Hindi mo kasi naiintindihan…” he said.
“Hindi mo pa nga sinasabi. Hindi naman makitid ang isip ko sa ganyang bagay. Huwag lang ’yang kabaklaan dahil ayoko diyan.”
He looked offended, glared at me for a bit, but then took another chicken wings as he munched it slowly. Tingnan mo na. Aayaw ayaw pa pero inubos na ang pulutan ko! Kaso ayokong punahin dahil baka mahiya siya at hindi na kumain. Mukhang gutom eh.
“Si Papa…” he uttered as his voice trailed off for a while, as if he’s trying to looked at the bright side despite how he was treated so badly. “Mabait naman…mabisyo lang talaga.”
“At sinasaktan ka?” dugtong ko.
He swallowed hard and pulled the sleeve of his long sleeve as if I could see some marks that he was hiding it from me.
Tumingin tuloy ako doon, kuryoso. “Tingin nga?”
I tried to hold his hand but he immediately raised it away from me.
“Wala!” he defended.
Umangat ang kilay ko at sinipat ng tingin ang collarbone niya dahil doon ko iyon napansin. When he noticed my stare, he also fixed the collar as he looked so guilty this time.
“Bakit ka sinasaktan?” I asked concernedly.
With the twinkling pain in his eyes, I know I heat a nail on the head. He tried to bite the chicken wing, but ended on placing it back.
“Normal na problema kung bading ka.” He shrugged.
I swallowed a bit. I’m kind of guilty because I know, I’m just one of them.
“Iba naman kasi ang tingin sa amin ng lipunan. May iba, iniisip agad na kung bading ka, masipag ka. Mapera. Na madiskarte ka sa buhay. Talented. Maraming kayang gawin. Kaya…doon ko pinapatunayan sa mga magulang ko na kahit paano, suwerte ang pagkakaroon ng isang anak na bading. Kaso wala eh, iba talaga ang isip ng ibang tao. Hindi mo mababago. Tingin nila sa’yo, salot ka dahil mas pinili mong magpakabading kaysa magpakatino.”
Despite how he delivered it calmly, the words hold a heavy feeling that my shoulder loosened uncontrollably as my knitted brows relaxed. His reddish lips moved a little as he let out a weak smile.
“Tingin din nila sa’yo…kung bakla ka…magkakaroon ka lang ng lalaki kung mapera ka.”
I swallowed hard guiltily. I never see it coming. It was like a straight punch to me. Because I really think they would only get men through flashing their money and buying them expensive things.
“Pag ang bading ang nagkaroon ng lalaki, tingin ng lahat, mapera ka kaya ka pinatulan,” marahan ngunit nakakahiwa ang tinig niya.
Nagkasalubong ulit ang aking kilay at iritado. Hindi dahil ganito ang topic namin, kundi dahil…ganoon ako mag-isip.
“Pamilya mo ang pinag-uusapan natin ah? Bakit nasa lalaki na? Sinisingit mo talaga para mapag-usapan ’yang ex mo. Tutulungan na nga kita,” giit ko.
Alam kong open-up niya lang iyon at nadala, pero ayokong marinig ang ganoon. Wala naman akong pakialam diyan.
“Guilty ka lang,” he said and took the last piece of chicken wings on the plate. My eyes drifted on it, and he also noticed he had eaten all of it, so he shyly placed it back and pushed the plate toward me.
“Sa’yo na…” he offered.
I scoffed. Ginawa ba namang ulam ang pulutan ko tapos isa lang ang tinira! At hindi pa kami kaibigan sa lagay na ’to ah?
I calmly raised my hand to order another plate of chicken wings and another beer. Pinag-order ko na rin siya ng kanya dahil talagang pansin ko na gutom siya na ako na rin ang nagbayad. Gusto ko mang tanungin kung hindi pa ba siya kumakain, pero pakiramdam ko, kahit iyon magtutunog kakaiba dahil galing sa akin.
“Sabay na tayo. Magkapitbahay lang naman,” sabi ko nang sabay kaming lumabas at pumara na ako ng taxi.
Hindi rin naman siya nakipagtalo at pumasok na habang sa front seat ko siya pinaupo at ako na ang sa likuran. We were both quiet until we reached the front building of Green Residences.
Binuksan ko ang aking wallet at naglahad ng isang libo sa driver, ngunit sumingit din ang kamay niya at naglahad ng limang daan. Nagkatinginan kaming dalawa na kahit ang driver, napatingin din sa aming dalawa.
“Ako na, manong,” he offered and tried to push my hand away.
Mabilis ko iyong sinapawan, mas inilapit ang pera sa mukha ng driver.
“Eto na, manong. Ako na,” I insisted.
“Huwag na. Ako na. Baka isumbat mo pa ’yan. Ayoko nang may utang sa’yo,” aniya.
I arched my brow competitively. Sa akin pa talaga makikipagtalo huh? Akala niya siguro uubra ’yan sa akin?
“Ako na,” I said firmly, using my deep baritone voice to raise superiority.
“Ako na nga!” At muli niyang isiningit ang kamay sa akin para ibalandra sa mukha ng driver ang pera niya. Hindi mapakali ang ulo ng driver at lingon nang lingon sa aming dalawa. Noong siguro mairita sa pagtatalo namin, kinuha niya ang dalawang pera.
“Hati nalang kayo! O baka gusto niyong times two ang babayaran niyo?” medyo pikon niyang saad.
Kapwa kami natahimik at naghintay ng sukli. Noong inilahad iyon ng driver at hinati niya nga ang patak ng taxi, hindi na namin pinagtalunan pa.
Noong lumabas kaming dalawa, deri-deritso na ang pasok niya sa building habang namulsa akong nakasunod, umiismid at tumitingin sa paglalakad niya.
Kahit noong sa elevator, nasa dulo siya, ako naman ay nakasandal din sa dulo, tahimik na tumitingin sa sarili sa salamin lalo na’t namumula ang mga pisngi ko at medyo lasing din tingnan dahil sa ininom, pero kaya pa naman at nasa huwisyo din.
Wala na siyang sinabi sa gabing iyon at pumasok na agad sa unit niya. Ang snob bigla akala mo talaga hindi niya inubos ang pulutan ko. Tss.
Pagkapasok ko, nakaya ko pang maligo bago tuluyang bumagsak sa kama ko.
Shiloh:
Goodluck! :)
I smiled at the text when, on the next days, I was waiting outside the clinic. I feel lost and unprepared. Kanina pa ako dito at nagbasa basa pa ng documents para sa topic ko sa major subject.
Sumalang na rin ako sa qualitative assessment nila para mabigyan ako ng akmang therapist na bagay sa problema ko. I answered it honestly, of course, since they needed some personal information about me. Para lang test. Iyon nga lang, tungkol sa sarili mo. Pag dito bumagsak pa ako, ang bobo ko na siguro.
Meron din doon na…about family. Gusto ko mang isali si Mommy para sa additional background test tungkol sa akin, pero ayokong malaman niya ito. Mag-aalala lang siya.
Tang ina naman. Kailangan ko ba talagang isingit ’to sa buhay ko? Wala namang problema sa akin. Kaya ko naman. Ang dapat magpatherapy…si Denver. Kasi parang mas marami ’yung problema kaysa sa akin.
Remembering him again, I tapped the round circle on the screen of my phone, tapped the home button twice, and clicked Facebook so I could directly visit my profile. Pinindot ko ang search icon at muling pinindot ang pangalan niyang nandoon lang. I sighed when I saw my pending friend request.
Kapal ah? Inubos na nga ang pulutan ko…
I bit my lower lip as I clicked the messenger button so I could type a message for him.
Reagan:
May usapan tayo.
Lumabas ang babae sa isang clinic, parang sekretarya yata.
“Reagan Aldric Vallejo?” she asked.
I nodded and stood as I slipped my phone back in my pants. She smiled at me and opened the door. Pumasok ako doon saka niya iyon isinara sa labas.
The space was somehow big and spacious, which reminded me of our living room in the house. I didn’t expect a clinic to look like a home, as I almost picture my mom there waiting for me until I’ve seen a woman sitting comfortably with a welcoming smile on her lips that made me snap back from reality.
She gestured for the seat when I walked toward her. Pilit kong kinalma ang sarili at umupo na doon kahit hindi ko na alam kung ba’t ako nandito at nag-aaksaya ng oras ngayon na dapat sa readings ko binubuhos.
Sumandal ako sa upuan at hinintay ang magiging kilos niya. She only arranged her things, put the pen on the table beside the note, then clasped her hand as she adjusted her glasses to look at me properly.
“Relax, okay?” aniya at ngumiti.
Doon ko napagtantong magkasalubong ang kilay ko kaya kinalma ko iyon at huminga ng kaonti.
“So…let’s talk a bit about your day? How are you?” marahan niyang tanong.
I shrugged. “Ayos lang, doc…”
Her brows raised as she smiled more. “Go ahead…” she gestured encouragingly.
Ayos lang nga… para din pala itong si Mommy. Kung ganito lang naman pala, edi sana umuwi nalang ako sa Malabon at kay Mommy nakipag-usap. I wanted to laugh at my thoughts but I tried to stay focused. Baka paglabas ko dito…ibang diagnostic test pa ang makuha ko.
“Ayos lang,” I uttered again as I tried to find a better answer. “Busy sa acads. Stress sa buhay.”
She chuckled a little. “Is your school fine? How was it? Do you feel pressured?”
“Pressured tuwing exam…” O kahit nga hindi pa exam, lunes pa lang pressured na.
She nodded again as her body was so relaxed that I noticed how composed she was. “Do you have anything to share with me? Something you wanted to talk about?”
I find this funny. I know myself better than anyone. Bakit ba nandito pa ako? Sana pala…inasikaso ko nalang ang readings ko ngayon. So I glanced at the door unconsciously and crouched against my parted thighs.
“Or can you tell me about yourself at least? For just a little background so I could know you?” mas lumambot ang tinig niya.
Hinaplos ko ang batok ko at tumango. “Uh…”
My brows knitted confusingly. When my mom pointed out that I’ve changed and she barely knows me, now that I was asked this question, I couldn’t even remember who I really am because of the sudden drastic changes. Kilala ko naman ang sarili ko pero…hindi ko alam kung bakit biglang mabigat iyon.
Binalikan ko sa isip ko kung sino ba talaga ako. I’ve seen how my young self flashed through my mind like a cinematic play. The laughs and the easy-go-lucky of my young self looked so carefree with fewer worries, as I am like a boy who doesn’t have any problems.
I opened my mouth, but I really couldn’t answer it. It was like she was trying to open some doors I had already locked, and she wanted me to take another step and revisit them.
I started shaking my left leg, my foot tapping on the floor as I tried to look for answers.
“Let’s make it easy. So…tell me the things you like,” she simplified.
“Basketball. Uh, music. Instruments. Pagkain,” mabilis kong sagot.
She nodded proudly as she never lost her smile, which somehow makes me a less nervous. Para akong bata sa paningin niya na tinuturuang magbasa, at ngayong may naalala sa lessons, ganoon nalang ang ngiti niya sa akin.
“And how about the things you hate?”
I leaned against the sofa and put my hands in the pocket of my hoodie. Tumingin ako ulit sa pinto, at bahagyang hinaplos ang batok nang tumingin ulit sa kanya.
“Uh, ilang oras ’to, doc? May readings pa kasi ako,” I inserted.
She looked at her watch, but she immediately looked at me. “Don’t worry. It will end so soon…”
I relaxed a bit. Muli kong binalikan ang sagot. Simple lang naman sana pero talagang iba ang dating sa akin noon.
“Who pushed you to go to therapy, by the way?” tanong niyang muli.
“Shiloh,” I uttered calmly. “Siya lang ang kumulit sa akin na pumunta ako. Ayoko sana…”
“But you changed your mind?” marahan niyang tanong, nasa labi pa rin ang ngiti.
I nodded and remembered Denver’s sparkling eyes on that night. It was a trigger. Doon ko nakita na baka nga, may mali nga talaga sa akin. Dahil gusto kong makisimpatya minsan sa kagaya nila, pero sa tuwing naiisip ko na ganoon sila, nauunahan ako ng pandidiri.
Idagdag pa ang pagdududa ko kay Brent, mas lalo akong nagiging desperado para dito.
“May mga bagay na gusto akong maunawaan na hindi ko minsan nakokontrol at pumapasok sa isip ko, doc. Gusto kong huwag isipin pero…mahirap.”
“Unwanted thoughts. It can be a trigger if we are exposed to something that is traumatizing—a psychological reaction that’s beyond our control, Reagan. We can’t really pinpoint where they came from unless we manage it, confront avoidance, and accept awareness.”
Natahimik ako.
“Don’t worry, this session will help you lower your cortisol, a stress hormone in our body, so we could slowly reduce those thoughts until your actions follow, which would help you assess your coping mechanism. It won’t be easy, but that is my purpose why I’m here, so I could lend a hand while you do those steps,” aniya sa mas tiyak na tinig.
Chapter 14
Trigger Warning: Vulgar words
Number
Maganda ang naging usad ng first session ko. Iyon nga lang, mabilis din iyong natapos dahil nga, atat din akong umalis. Kaya ngayong second session ko na, at nasa harap ulit ng aking therapist na si Doc Jane Sanchez, lumilipad na naman ang isip ko at gustong matapos agad.
“Let’s talk about your course…” panimula niya.
The ambiance of the room was still good. Madaling huminga. Madali ring maghanap ng pampakalma dahil parang nasa bahay ka lang. I could even picture her out like my mom, who’s so curious about my day, which is annoying, but in a comforting way.
And she has that air I like. She appears so open that if I told her all of my dark secrets, she would never turn her back. Ganoon ang nararamdaman ko sa kanya. Kung sa batas pa, siya ang kukunin kong abogada dahil alam ko, gagawin niya ang lahat maipanalo lamang ang kaso ko, maipagtanggol lamang ang karapatan ko.
“Is Polsci your first choice?” she asked.
“Influence. ’Yung dad ko, lawyer,” tipid kong sagot habang nakapangalumbaba sa mga hita ko.
“I see… So you want to follow in his footsteps?” She smiled.
I nodded again as the remnants of memories flashed through my mind. Simula noong nangyari iyon, tambay nalang ako sa opisina niya at nagbabasa ng mga makakapal na libro. Doon ko rin nakuha ang interes na ipursue ang law dahil may mga articles akong nabasa na kumuha ng atensyon ko.
Wala naman talaga akong hilig dito noong una. Ang gusto ko lang sa college, makapagtapos. ’Yun lang. Hindi naman kasi naging problema ang pera sa pamilya namin lalo na’t marami ding ari-arian ang dad ko na nakapangalan sa akin. I could just make good use of it in the future so I could continue to live a comfortable life.
Nagkasalubong ang kilay ko nang pumasok sa isip ko ang gabing nagpabago ng isip ko sa gusto kong kuning kurso sa kolehiyo. It was vivid as I saw myself interacting and laughing with the familiar faces…
“Uy Reagan! Naks! Buti at pumunta ka!” One of my high school friends greeted me when he saw me in the crowd talking to the others.
Natatawa akong nakipagbungguan ng balikat sa kanya at nginisihan siya. “Bored sa bahay. Nasa’n si Mike?”
Gumala ang tingin niya kaya naghanap din ako. Maraming bisita na hindi na magkamayaw dito sa living room. Malaki rin naman ang bahay. Ikaw ba naman na only child ng isang doctor.
“Hanapin ko. Babati muna,” I said, tapping his shoulder.
He nodded and slapped my butt, which made me laugh, and I did the same thing to his butt too. Nailing akong napangiti at hinanap si Mike.
“Si Reagan…” may mga bulong at sikuhan ng girls nang swabe akong dumaan sa kumpulan ng iilan at nangingiting nag-excuse.
“Nakita niyo si Mike?” I asked one of the girls calmly, whose eyes widened at me, stunned.
“Ah…si Mike…” she absentmindedly glanced at her surroundings, but she immediately looked at me. “Hindi eh…” ngiti niya.
I nodded and smiled. “Okay, thanks. Excuse me. Hanapin ko lang.” Wala sa sarili silang tumango at sinundan ako ng tingin na narinig ko pa ang hagikhikan.
Natawa nalang din ako sa sarili ko. Gusto ko pa namang kumilala ngayon. Pero sabi no’n ni Mike, may irereto siya eh. Kaso sana, meron ’yung magandang si Minnie. Crush na crush ko ’yon. Chinita eh. ’Yun nga lang, wild. Pero mas maganda nga dahil ganoon…mas gusto ko ’yon para sunggab sunggab nalang at walang hiyaan kung sakali man.
“Reagan!” tawag ng iilan pa ngunit sinenyasan ko lang na aakyat sa ikalawang palapag at babalik din.
Lagot ako kay Mommy kung na late ako ng uwi. Nagpaalam naman ako na makikikain ako sa kabilang subdivision kasi may birthday. Pumayag siya pero iba pa rin ’yon pag inumaga ako.
“Mike?” tawag ko at sinilip ang mga pasilyo. Hindi gaanong maingay rito pero tumatagos ang tugtog na nanggagaling sa ibaba.
Lumiko ako sa kabilang pasilyo dahil kabisado ko naman ang bahay nila. Papunta na sana ako sa kuwarto niya nang nakita ko ang pamilyar niyang tindig at may…
Kumunot ang noo ko at itinagilid ang ulo. May kahalikan siyang…lalaki? The guy side-eyed me while responding to Mike’s thirsty kisses, his hand gripping Mike’s hair swiftly sliding to his back for a warning tap that I’m watching them. Tumikhim ako at nahihiyang hinaplos ang batok ko.
“Oh shit. Reagan!” ang tinig ni Mike.
Lumingon ako habang naglalakad na siya patungo sa akin, nilingon pa saglit ang lalaking hinaplos ang siko at tahimik kaming pinanood, si Mike na pinunasan ang labi at nginitian ako.
“Thank God you came!” sabay akbay niya at nilingon ulit ang lalaki. Tumingin din ako sa lalaki habang ginigiya ako ni Mike pababa.
“Happy birthday pala. Sino ’yon?” I asked calmly.
“Thanks, Reagan! Ah wala lang ’yon! Lasing ka siguro.” Halakhak niya.
I smiled and shook my head. Wala lang naman sa akin ang mga ganyang bagay. At anong lasing. Di pa nga nakakainom. Pero siguro, ayaw niya ring pag-usapan. Hindi siya handa.
“’Yung regalo ko, nailagay ko na doon sa table kasama ng ibang gifts,” pag-iiba ko ng topic.
“’Yun! Thanks! Let’s eat,” saka niya ako iginiya sa kung nasaan nakalagay ang buffet style na handa.
Magkatabi kaming namimili ng pagkain kaya napansin ko ang pulang marka sa leeg niya. Nang mahuli niya ang tingin ko doon, siniko niya ako kaya natawa ako.
“Boyfriend?” I grinned while placing some food on my plate, ready to tease him.
“Bro what the hell?” he laughed.
“O edi ano? Fling?” I laughed.
Tumawa siya at hinampas ang pwet ko. “Kumain kana nga.”
“I really don’t mind, Mike. Ayos lang ’yan,” sabi ko.
Mas lumawak ang ngiti niya at inakbayan ako. “This is why I like you.”
“Gago—”
“I mean, not in a romantic way!” agap niya kaya naghalakhakan pa kami at hindi matuloy tuloy ang kakakuha ng pagkain.
Hinatid niya rin ako sa table. Nakihalubilo na rin ako doon habang nawawala na naman si Mike na hinayaan ko na rin. Ano siya, kung gano’n? Uh, bakla?
Nilingon ko si Mike na nasa grupo na noong nakahalikan niya sa itaas hanggang nahuli ko ang isa pang kasama nilang titig na titig sa akin. Lalaki din. Sumisimsim ng drink at kakaiba makatingin dahil masyadong malagkit.
I saw him whisper something to the boy whom Mike was kissing. At iyong lalaki, binulungan din si Mike hanggang lumingon si Mike sa akin. Ilang sandali lang, tinapik ulit ni Mike ang balikat ko.
“May ipapakilala ako,” aniya.
Kumunot ang noo ko habang dinadala niya na ako doon sa grupo niya. Wala akong kilala doon ni isa. Hindi mga pamilyar. Siguro, friends nitong lalaking nahuli kong kahalikan niya sa itaas.
“This is Reagan…” he introduced.
I caught his stare again, his eyes looking at me from head to foot, until he locked gazes at me.
“Hi.” I smiled and offered my hand for a handshake since I’m that open and friendly.
Mabilis niyang inabot ang kamay ko. “Hi. I’m…”
“Reagan,” the psychologist called until the scenes blurred out of my mind, his voice mentioning his name went mute as he mouthed it.
I attempted to look at my therapist, but my thoughts were so clouded by the past that I felt a little lightheaded from the constant flashbacks of memories that were continuously playing, nearly unrecognizable—as if I were drunk and couldn’t even concentrate on my ongoing session.
“Are you okay? What do you feel?” tanong ng therapist na mariing ikinapikit ko, halos hilain ang sariling bumalik sa huwisyo.
“Ang hirap, doc… Gusto kong i-detalye pero…” I sighed disappointedly.
“Healing doesn’t have short cuts, Reagan. It’s a long-term process. So take your time. Don’t rush. Let it out until you are ready to take the first step…” aniya nang mapansin niya ang pagkakabalisa kong sabihin ang gusto ko.
Tumitig ako sa kanya, ngunit sa isip ko, nakita ko ang pag-abot ng lalaking iyon sa kamay ko, ang pagngiti niya sa akin, at ang kislap sa mga mata niya.
I could see him in my mind while my therapist’s words were almost fading, out of reach, as if she were getting distant from me. I grunted and crouched against my parted legs, palming my face as if I were trying to erase something in a frustrated way.
“Reagan… Masarap ba?” I heard his echoed whisper that made me tremble in pure rage.
“Ang guwapo mo…sobra…” his continuous whispers like a chant while I wasn’t sober.
I clenched my fist, ready to throw punches as I couldn’t take it out of my mind, and tried to run away from it as its voice seemed to be chasing after me. Fuck!
“Reagan…” My therapist called me again, until I heard the familiar ticking of a metronome. My attention then slowly returned to reality, tracing the white noise, until my therapist became vivid in front of me again while my mind gently adjusted.
Huminga ako, napansing nakawala sa nakakalunod na iniisip dahil na distract sa tunog na iyon na mabilis kong tiningnan.
“Are you okay? Breathe for a while… Don’t force it, Reagan. Take it easy…” payo niya.
Ito ’yung mahirap. Kasi…gustong gusto kong maging maayos agad. Pero hindi ko inaasahang ganito pala.
“Nakausad naman ako sa buhay ko, doc. Pero minsan, pag nakakakita ako ng nagpapaalala sa nakaraan ko, doon ako naiirita. Pero maayos ako. Kaya ko naman,” sabi ko.
“You see, a trauma comes in different forms, Reagan. You might not notice that you were suffering from it, but it will always exist in you despite your avoidance,” aniya.
Yumuko ako, mariin ang pikit at hinahawakan ang ulo, natatakot mag-angat ng tingin dahil pakiramdam ko, mahahanap niya lahat ng mga itinago ko.
“I’ve noticed your effort to shift your life just to move forward, Reagan. I’ve seen your desperation to start a fresh life. When we desperately want to escape something or forget a traumatic event, one of the coping mechanisms we’d hold on to is to reframe ourselves.”
Kinilabutan ako. Kahit hindi niya direktahang sabihin kung ano ang ginawa ko, naintindihan niya agad. Nalaman niya agad.
“Being in control satisfies you because you couldn’t change what happened to you. And…in order for you to move forward, you cut off something that symbolizes your past so it would not remind you of it. To remind yourself, you have the control to change your life through changing your look.”
Fuck. There. She…she found it. Nailing ako at sumenyas na kailangan ko lang ng ilang minuto. I stood and walked out of the clinic.
Sobrang sikip ng pakiramdam ko hanggang nahanap ko ang sarili sa loob ng comfort room at naghihilamos habang marahas na umaangat baba ang balikat ko.
Humawak ako sa magkabilang sink habang titig sa kawalan, at nang inangat ang tingin at nakita ang sariling repleksyon sa salamin, naalala ko agad ang kinse anyos kong sarili sa banyo ng aking kuwarto, may hawak na razor at desperadong ginupit ang buhok para lang…magmukhang pangit dahil diring diri sa sariling mukha.
Bullshit! And so what if I prefer a buzzcut over my old look?! So what if I don’t want to grow my hair back! I was molested—God fucking knows it’s more than that—just because I looked fucking good in his eyes! So I’d rather maintain this look than attract another devil like them!
“Putang ina niya!” I growled breathily and punched the wall.
Mariin akong pumikit, marahas na sumandal sa pader at padausdos na nanghina habang ramdam ko ang nanginginig kong galit.
Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin at idetalye iyon sa therapist ko nang buo. Ni wala akong mapagsabihan no’n sa detalyadong paraan. Oo, gustong gusto kong pag-usapan, gustong gusto ko na itong matapos, pero…parang ako ang nakatali at hindi makawala. Ako ang pinapangunahan ng pandidiri.
“Rick…” Shiloh’s head tilting on the side of the door made me relax a bit.
Nasa school na ako. Dumeritso nalang dito lalo na’t may isang subject pa ako. Ni hindi ko namalayang mag-isa nalang ako sa classroom at natulala nang balikan ko sa isip ko ang session kong tinakasan ko lang, gustong sa susunod nalang ulit ipagpatuloy.
Nagtext ako kay Shiloh kanina na tapos na at nagmamadali lang umalis dahil gusto kong habulin ang subject ko, kahit ang totoo, nagwalk out ako. Ako mismo ang tumapos.
Oo, maganda naman ang sessions. Pero iyon nga, may mga hindi ako makontrol sa isip ko na nagpapabago ng mood ko. Pero…babalik naman ako.
“Kumusta?” he asked eagerly as he barged in.
Bumuntonghininga ako at pumangalumbaba sa nakaparte kong hita. Umiling ako.
“Medyo tagilid…”
“Second session pa naman. Hindi ka naman minamadali. Kaya huwag kang mafrustrate,” ani Shiloh.
I nodded as I tried to understand it. I’ll do it on my own pace. I know.
“Pero alam mo ’yung gustong gusto mo agad magbago kasi pagod kana at sawa na sa nangyayari at naiisip mo, kaso hindi mo naman kaya? ’Yun ang nakakagalit, Shiloh…” I whispered weakly.
“Huwag mong pilitin, Rick. Hindi ganoon kadali ang nangyari sa’yo. Kaya walang may karapatang madaliin ka sa isang bagay na sumira ng isip at buhay mo.”
And that demon only took him minutes to ruin a lifetime! Fuck him!
I sighed frustratingly as I nodded again and looked at him, who was standing in front of me. He smiled cheerfully and raised his thumb, but then, when he realized it wasn’t that good, he faked a frown and made a thumbs down, which made me laugh. Gago. Para naman akong bata nito.
Walang ganap ang boys lalo na’t tutok na tutok sa kanya kanya nilang subjects sa araw na iyon kaya deritso ang uwi ko. Naghahalo lang naman kami minsan kung may study session, travel, parties, o sleepover. Madalas talaga kung may plano ang girls.
I felt the heavy feeling while I was on my way to Green Residences. Gusto ko sanang magmukmok, o uminom mag-isa, kaso putang inang kurso na ’to, loaded ako na dapat ko yatang ireschedule ang pagdadrama dahil baka bumagsak pa ako.
Ito rin ang mahirap eh. Gusto mong magbreakdown, pero may kinabukasan kang inaalala. Hindi naman sana mabigat. Nakaya ko naman. This is supposed to be a piece of cake for me. But that session made me realize some things and opened some doors I locked for a long time.
Malaki…ang naging pagbabago sa akin. It not only showed in my physical appearance, but it also affected my temper. Oo, madali na ngang mag-init ang ulo ko. May mga naiisip ako na hindi dapat, o napapanaginipang nagpapasira ng umaga ko kaya buong araw na badtrip.
But I didn’t take it as an effect of that traumatizing past. I only looked at it as part of growing up—when puberty hits. Ngayon na na point-out ng therapist ko, dito ko nakita na…ang laki laki ng pinagbago ko.
I took my phone out and typed a message for my mother. Sa tuwing nakakausap ko ang therapist ko, namimiss ko rin siya.
Reagan:
I miss you, my.
Ibinulsa ko rin ang phone ko nang ma-send na iyon habang papasok ako sa entrance at makita ko ang pamilyar na nakaupo sa sofa na mukhang may hinihintay. He also glanced at me until his face relaxed, tila ba nakahanap siya ng kakampi. Kaya sa halip na pumunta sa elevator, sa kanya ako dumerito.
“Bakit hindi ka umaakyat?” tanong ko.
“Ah, wala pa si kuya. Bawal akong paakyatin. Dito ko nalang siya hihintayin,” aniya.
Naka ID pa siya at uniporme ng pamilyar na school sa akin habang nasa kandungan ang kanyang itim na bag. Sinenyasan ko siyang tumayo at nilingon ang guard na tumango din sa akin nang ituro ko si Rio na kilala ko siya.
Tumayo si Rio at isinukbit sa balikat niya ang bag. Sumabay siya sa akin saka kami pumasok sa elevator.
“Bakit ka nandito? Manghihingi ka ng pera sa kuya mo? Ubos na ang allowance?” I interrogated as I clicked on the fifth floor.
Hindi siya nagsalita at kinamot lang ang buzzcut niyang buhok.
“Hindi pa nakakauwi ang kuya mo?” tanong ko nang lingunin ko siya.
Umiling siya. “Hindi pa. Pero sabi niya kanina 5PM eh.”
I looked at my wrist watch and noticed it’s already five thirty. Baka naman…
“T-in-ext mo?” tanong ko.
Tumango siya. “Oo kaso di nagreply.”
“Tinawagan?”
Umiling siya. “Wala akong load pangtawag.”
Gusto ko sanang isuggest na loloadan ko siya pero…
“Akin na ang number. Ako ang tatawag.” Saka ko kinuha ang phone ko sa aking bulsa at inilahad sa kanya.
He looked at me hesitantly. Bumukas pa ang elevator saka niya inabot at nagtype doon. Sumabay siya sa akin papunta sa aking unit.
Itinagilid ko ang ulo at sinenyasan siyang pumasok. “Dito mo sa loob hintayin,” sabi ko.
Tumango siya at inilahad pabalik sa akin ang phone ko. Isinara ko ang pinto habang nasa screen na ng aking phone ang atensyon at pinindot ang call para tawagan agad ito.
Itinuro ko ang sofa kay Rio habang inilalagay sa aking tainga ang phone at naririnig sa kabilang linya ang ring. Baka naman kasama niya ang ex niya? Sabi nang tutulungan ko siya.
Tahimik na umupo si Rio sa sofa kaya naglakad ako sa ref at binuksan iyon kung may pwede bang snacks na makakain niya. I pulled out the box of pizza I didn’t finish last night and handed it to him.
Tumayo si Rio at kinuha iyon sa nangingislap niyang mga mata. Kinuha ko rin ang mountain dew at naglakad patungo sa sofa para ilagay iyon sa mesa kung saan niya rin inilagay ang box ng pizza at nagsimula agad kumain.
“Hindi sumasagot,” sabi ko at muling tinawagan ang number.
“Baka kasama si Kuya Arron,” aniya. “Tanga pa naman ’yan si kuya sa pag-ibig.”
Umangat ang kilay ko. Gaano ka tanga? Baka naman nandoon na sa bahay noong ex niya at nagmamakaawa. Nabura nga lang ang iniisip ko nang sinagot niya.
“Hello?” he answered in his usual soft voice.
Tumikhim ako. “Nasaan ka? Kasama ko ang kapatid mo. Nandito sa unit ko. Kanina ka pa hinihintay.”
Hindi agad siya nakasagot kaya tiningnan ko pa ang screen kung tumatakbo pa ba ang tawag. Ibinalik ko agad sa tainga ko.
“Maya-maya pa,” aniya sa malamig na tinig.
“Anong oras? Sabi mo daw 5PM. Five thirty na.”
Nasa pizza na ang atensyon ni Rio at malalaki ang kagat. Umupo ako sa tabi niya at pumangalumbaba sa nakaparte kong hita habang pinapakinggan ang paliwanag ng kapatid niya.
“Mamaya na,” medyo iritado na ang tinig niya.
“Nasaan ka ba?” I interrogated.
“Sabi nang—“Hinahanap kana sa loob, hijo…” a soft voice interrupted him.
“Sabihin mo kay Rio mamaya pa ako,” he said in a hurry.
“Anong oras ka uuwi?” agap ko.
“Basta mamaya,” he hissed impatiently.
“Anong oras nga—” Kaso bigla niya nang pinatay ang tawag. Umismid ako at tiningnan ang screen ng aking phone. May ugali rin talaga siya na nakakainit ng ulo. Babaan ba naman ako ng tawag.
Chapter 15
Opposite
“Ganito ba ’tong kapatid mo?” reklamo ko habang nakatingin sa screen ng aking phone.
“Alin? Kung bading? Oo. Tagal nang ganyan ’yan,” ani Rio.
Nilingon ko siya at medyo naasiwa sa sinabi niya pero nasa pizza ang atensyon niya at talagang masigla siyang kumakain. Kumalma ako at humalukipkip sa sofa.
“Bakit ba naging ganyan ’yang kapatid mo? Ano? Bata pa lang…”
Binuksan niya ang mountain dew at uminom. Tiningnan ko ang pizza na kanina, sa bilang ko, limang slice. Ngayon, dalawa nalang. Gano’n siya ka bilis kumain.
“Ang alam ko lang, bata pa si kuya, kinder, pinapabaunan daw ni mama ng polbo para sa likod niya kasi mahilig siyang maglaro at mabilis mamawis. Kaso si kuya, sa halip na gamitin sa likod, ginagamit daw sa mukha.”
I slightly laughed. Gago. Dahil lang pinapabaunan siya ng polbo? I watched him pick up the last slice of pizza until he realized I was beside him and that he had stopped. Tumingin pa siya sa akin kaya umiling ako.
“Sa’yo na. Magluluto na rin ako ng dinner. Dito kana kumain. Baka matagal pa ’yung kapatid mo.” Saka ako tumayo at nagtungo na sa kitchen sink.
“Nakakahiya pero sige… Sarapan mo ah?” At nagrequest pa. Lasunin ko siya eh.
“Paghuhugasin kita ng plato,” biro ko.
“Ayos lang. Marunong ako. Bunso eh. Ako lagi naghuhugas sa bahay.” Kibit-balikat niya.
Nailing ako at lumapit sa computer ko para i-on iyon nang may magawa siya.
“Gamitin mo ’to. May online games ako diyan. I log out mo lang ang account ko kung may account ka,” sabi ko at sinenyasan siyang lumapit.
Mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin. Nakayuko kong itinaype ang password ng computer ko hanggang bumukas iyon. Inukupa niya ang gaming chair ko saka ko inilahad ang headphone sa kanya.
“Liligawan mo siguro si kuya kaya ang bait mo…” At nandiyan na naman siya sa mga hinala niya.
“Tss. Maganda ang type ko. Babae. Kita mo ’yan?” Itinuro ko ang wallpaper screen ng computer ko. “Ganyan.”
“Si Avril Lavigne? Ang korni mo naman,” sita niya at ngumiwi sa akin.
“Anong korni? Mahilig ako sa rock music. Crush na crush ko ’yan since high school. Dream girl.”
Mas lalo siyang ngumiwi at pinindot ang madalas kong laruin. Pinagmasdan ko siyang i log in ang account niya.
“Si Kuya mahilig sa The Script…Doon yata siya lalong bumading. Crush niya ’yung vocalist.”
Alin doon? ’Yung kalbo? Aba…
Tumunog ulit ang phone ko kaya tiningnan ko. It was a call from him. Sinagot ko iyon habang nasa computer na ang atensyon ni Rio.
“Oh? Buti naman at—”
“Ibigay mo kay Rio,” agap niya.
Ang bossy. Tss. Ibinigay ko ang phone kay Rio na pinindot niya lang ang loudspeak at inilagay sa gilid ng keyboard habang inaasikaso ang game na pinindot niya.
“Rio?” marahan niyang tawag sa kapatid, malayong malayo sa tigas ng boses niya sa akin.
Napatingin ako sa screen ng phone ko.
“O kuya?” si Rio na abala pa sa computer at nakasukbit na sa leeg ang headphone. Gusto ko sanang batukan at asikasuhin muna ang tawag pero baka ako pa ang mapasama. Hindi ko nga pala kapatid ’yan para pag-buhatan ng kamay.
“May nahanap akong isang raket. Pinapakanta ako. Magkano nga ’yung kailangan mo? At nakakain kana ba? Baka kasi matagal pa ako dito…”
Natatarantang pinindot ni Rio ang off ng loudspeak at tumikhim sabay lagay doon sa tainga niya. Nailing ako at naglakad nalang patungong kusina para makapagluto na agad. Ano ba namang magkapatid ’to.
Nagluto ako ng chicken alfredo pasta. Ramdam ko ang pagiging kuryoso ni Rio at patingin tingin sa ginagawa ko, siguro naaamoy.
Noong matapos ako, tinawag ko siya para kumain na. Mabilis ang tayo niya at p-in-ause lamang ang game habang inuukupa na ang isang upuan.
Umupo rin ako at kumain. Hindi ako sanay na may kasamang ganito ka layo ang agwat sa akin lalo na’t only child lang din naman ako. Pero maganda na rin iyong hindi ako nag iisa ngayong gabi, baka maisipan ko lang tumambling sa balkonahe sa sobrang dami ng mga iniisip ko.
“Kumusta ’yung exam mo? Baka itlog ang nakuha mo ah?” usisa ko nang tahimik lang siyang kumakain, medyo ramdam ko ang hiya, pero malalaki ang subo niya.
Uminom muna siya ng tubig at pinunasan ang labi. “Hindi ah? Dala ko nga ’yung test paper ko. ’Yun kasi ang tinitingnan ni Kuya pag nanghihingi ako ng allowance. Pag perfect isang libo. Pag 90… 900.”
“O? Edi ilan ang score mo?”
“80…” mahina niyang bigkas.
“Hindi na rin masama,” sabi ko. “At least hindi itlog.”
“Eh ayoko. Gusto ko malaki. Para makakuha rin ako ng scholar tulad ni kuya. Gusto ko nga mag varsity kasi may mga scholarships daw doon eh…”
“Varsity ako.” I pointed out.
Hindi man lang siya nagulat. “Green…archers?”
“O? Alam mo naman pala. Nanonood ka ng game namin? Baka sa kabilang school ka nagc-cheer ah? Mahiya ka sa akin. Ako ang rason kaya nakapag-exam ka—”
“Sa school ako ni kuya kampi ah! Sa team niyo!” putol niya kaya kumalma ako.
Nang maalalang hindi pa nakakauwi ’yon, muli kong kinuha ang phone sa bulsa para tawagan ulit siya. Tumayo ako at sinenyasan si Rio na kumain lang. Namaywang ako habang hinihintay na sagutin kaso naka-ilang ring pa saka niya sinagot.
“Ano?” pagod niyang sagot sa namamaos na tinig.
“O? Asan kana. Anong oras na. Si Rio, hanap nang hanap sa’yo. Nag-aalala na ’yung kapatid mo—”
“Pauwi na!” putol niya. “Ibigay mo nga kay Rio at kakausapin ko.”
Tiningnan ko si Rio na busy kumain. “Busy. Dumeritso ka rito sa unit ko. Dito ka namin hihintayin.” At ako ang pumatay ng tawag nang hindi niya ako mababaan.
Bumalik ako sa lamesa at muling nakipagkwentuhan kay Rio at madaldal rin kaya madaling kasundo. Mga bandang 8PM May nagdoorbell kaya ako ang tumayo at binuksan ang pinto. Sumulpot agad siya, nasa balikat pa ang gitarang suot niya sa likod at pawisan ang noo.
Binuksan ko ng malaki ang pinto para papasukin siya.
“Rio,” tawag niya at ayaw man lang humakbang papasok.
“Kumakain. Pasok ka,” imbita ko.
Nagdadalawang isip siya. Mas nilakihan ko ang pagbukas ng pinto para makita niyang ayos lang naman saka siya dahan dahang humakbang papasok.
“Kuya? Masarap ’yung manok. Lika…” at siya pa ang nang-imbita.
Nilapitan agad niya si Rio at hinawakan sa tainga para sawayin. “Hindi kana nahiya…” rinig ko ang medyo bulong niya sa kapatid.
Lumapit ako doon at muling inukupa ang upuan ko habang nakatingin kay Denver na tumingin sa pagkain ngunit iniwas niya rin.
“Sabayan mo na ’yung kapatid mo,” anyaya ko.
He looked at me for a while. Tumunog ang phone ko kaya doon napunta ang atensyon ko at nakita ang call ni Mommy. Tumayo ako at hinila pa ang isang upuan para imbitahan siyang kumain na rin saka ako nagtungo sa balkonahe.
“Reagan?” ang marahang tawag ni Mommy nang sagutin ko ang tawag.
“My…” sagot ko at pumangalumbaba sa railings, ang tingin ay nasa kumikislap na mga matatayog na building.
“May problema ba?” tanong niya kaya napangiti ako.
“Wala naman. Naalala lang kita. Di ako makauwi, my. Duguan kasi sa readings. Ang dami dami kong aaralin,” sabi ko.
“Ayos lang. Ano, kumain kana ba?”
Lumingon ako sa likod at nakitang umupo na nga si Denver at sumusubo na rin. Kinuha ko ang tingin at ibinalik sa harap.
“Oo. Tapos na. Ikaw?”
“Tapos na rin kaming mag dinner ni Simon…”
Tahimik akong lumunok. I couldn’t admit that…all this time, it wasn’t them who had a problem, but me. Nasa isip ko ang problema.
“’Yang Simon ba…” I trailed off when my brows knitted for a while. The words were stuck in my throat, and it felt like I would get chocked just by talking about them.
“Give him a chance, please…” Mommy whispered pleadingly. “I know no one can replace your dad, Reagan. I love him. Noong nawala siya, para ring nawalan ako ng pag-asa. But Simon is unexpected. Hindi ko nga alam na sa ganito kong edad, mid forties, ma-iinlove pa pala ako?”
My weak smile mingled with her soft chuckle, despite how broken it sounded.
“Can you please…just give it a try, please, anak? He is a nice person…”
I swallowed a bit, bowed my head, and caressed it as I felt bad for her that I had become a burden for her own happiness. Ganitong abala na pala ang nabibigay ko sa iba pero hindi ko napansin.
“He is not trying to replace your father, okay?” she reminded.
Hindi naman kasi iyon ang problema ko. Ayoko lang sa mga taong pumapatol sa kapwa lalaki. Hindi pa ako ganoon ka sanay na…intindihin at kilalanin sila.
I glanced at the back again until I caught Denver handing some thousand bills to his brother. May sinasabi siya na hindi ko na narinig pa.
“Susubukan ko…” tanging sabi ko kay Mommy nang ibalik ang atensyon sa harap ng kumikinang na mga buildings.
She sighed out of relief, which made me more bothered by it. My, nagpapatherapy ako. Para rin masuportahan kita dito. Para makita mo na wala akong hangad sa’yo kundi ang kasiyahan mo. Pero kailangan ko ng maraming oras… at ipapangako ko, balang araw, maibabalik ko sa’yo ang pangungulila mo sa dating…Reagan.
I wanted to say it, but the words were stuck. Mabigat. Sobra. At ayokong…mawalan ng mga taong mahalaga sa akin dahil naipapasa ko ang trauma na naranasan ko at nasasaktan ko rin sila.
I never want to inflict another trauma on someone else’s mind. Alam ko ang pakiramdam ng ganoon, na nabubuhay kang may inaalala. Naglalakad ka sa gabi na conscious ka sa paligid mo dahil baka may biglang umulit ng nangyari. O hindi makatulog na nakapatay ang ilaw dahil baka…may nakapatong na sa’yo o nanghihipo.
Pero anong gagawin ko kung…sa tuwing nakakakita ako ng bading, pinapangunahan ako ng galit, at nandoon iyong desperasyon na ipakita sa kanilang hinding hindi ko sila magugustuhan, o hinding hindi ko sila rerespetuhin.
It was something that gives me pleasure, something that satisfies me, something that comforts me that they would never reach where I am right now.
Ngunit sinisikap ko. Dahil alam ko rin, mali ito. Na may mali sa iniisip ko. May mali sa akin.
Noong matapos ang tawag, at pansin kong nakatayo na rin si Rio, hinihintay nalang na lumabas ako sa balkonahe, doon na silang dalawa nagpaalam. Mukhang ihahatid muna ni Denver ang kapatid at pasasakayin ng taxi.
“Sasama ako pababa,” sabi ko at pumanhik saglit sa kuwarto para makakuha ng hoodie na masusuot.
Lumabas din ako habang abala na iyong suotin at isinara ang pinto ng aking unit, si Denver na tahimik na naghihintay at nakatingin sa akin, si Rio naman na nakatingin sa kapatid at magkasalubong ang kilay.
“Rio, pakisabi kay mama ’yung habilin ko,” paalala ni Denver nang may nakuha nang taxi at pumapasok na si Rio sa back seat.
“Oo kuya.”
I took my wallet out and opened it. I pulled a five hundred bill as I handed it to Rio.
“Oh? Idagdag mo sa baon mo,” sabi ko.
Denver’s eyes widened as he tried to snatch it, but Rio’s hand immediately grabbed it. Rio grinned while his brother was now narrowing his eyes at him.
“Salamat!” Rio grinned at me.
Yumuko ako sa may driver. “Boss, pakihatid nang maayos ang bubwit…”
He laughed lightly. “Ako ang bahala, sir…”
I smiled and tapped the roof of the taxi driver before I put my hands in my pants. Tumayo si Denver at itinuturo ang kapatid na ngiting ngiti dahil sa pera.
Pinanood namin itong umalis habang sumunod agad ang buntonghininga ni Denver, kinuha ang wallet palabas, binuksan iyon at nakita ko pa ang natirang pera sa kanya na…limang daan nalang.
He swallowed hard and pulled it out as he handed it to me. Ipinagkasalubong ko ang kilay ko para tingnan iyon.
“Ano ’yan?”
“Pera. Bayad doon sa binigay mo. Pinakain mo na rin siya. Sapat na ’yon. Hindi mo na dapat—”
I pushed the money he was trying to hand to me and shook my head.
“Bigay ko ’yon. Hindi na ’yon utang.”
But he insisted on giving it, almost smashing it into my chest. “Kunin mo na. Ayoko nang may utang sa’yo.”
Nagkamot ako ng ulo. “Bigay ko nga ’yon. Ang kulit mo din. Itabi mo nalang ’yan.”
He looked so bothered, or shy for a reason, that he slowly pulled it back. Gusto ko sanang punahin kung may pera pa ba siya at mukhang inubos niyang ibigay lahat kay Rio pero hindi ko nalang itinuloy dahil baka magalit na naman sa paraan ng pagtatanong ko.
Iginala ko ang tingin at sinenyasan siyang sabayan ako sa pamamagitan ng pagtagilid ng ulo ko. Tahimik siyang sumabay sa akin lalo na’t gusto ko ring mag 7-eleven. Kanina ko pa gustong kumain ng matamis, pero dahil nadistract ni Rio na nasa ibaba kanina, hindi ko tuloy naituloy.
“Mahilig ka sa cookies and cream, ’di ba?” tanong ko nang nasa tapat na kami ng 7-eleven.
He nodded. “Oo…”
“May ipapatikim ako sa’yo,” I said in a proud tone and pushed the door for us.
Tahimik siyang sumunod sa akin habang dumeritso ako sa pasilyo kung nasaan iyong oreo cookies na nasa cup. Kumuha ako ng dalawang malaki noon at nagtungo sa fridge.
Kumuha ako ng isang softdrink na nasa can at nilingon ko si Denver na tumitingin tingin din.
“Anong gusto mong drinks? Ako na ang magbabayad,” udyok ko.
He eyed every drink and pointed at the chocolate drink in a bottle. Vita Milk iyon na Double Choco. Gusto ko sanang matawa pero mahilig nga ako sa matamis kaya ayos na rin.
I took one for him and also bought two vanilla ice creams for my plans. Binayaran ko sa counter saka kami lumabas at umupo muna sa upuan nila.
“Anong gagawin mo?” taka niyang tanong nang pinahawak ko muna ang dalawang ice cream sa kanya habang binubuksan ko isa isa ang Oreo cups.
“Cookies and cream ice cream DIY?” I smirked and took one of the ice creams so I could shove the cream inside.
Namilog ang mga mata niya at natawa. “Saan mo ’yan nakuha?”
I shrugged. “Ganito ang ginagawa ni Mommy noon. Na adopt ko.”
The smile lingered on his lips for seconds. He looked so entertained that he was carefully watching me. Kinuha ko rin ang isang ice cream at ginawa iyon sa isa niyang oreo cup at ginamit iyong wooden spoon para ihalo.
“Ang angas angas mo tingnan pero may ganito kang side?” medyo natawa siya. “Childish…”
I licked my thumb and shrugged about it. Ito ang pampakalma ko pag mainit ang ulo ko, o may mga iniisip.
“Tikman mo, masarap naman ’yan,” udyok ko at itinulak ang cup palapit sa kanya.
He looked so impressed as he tried it. Umangat ang kilay ko at hinintay ang reaksyon niya hanggang tumango tango siya na ikinangisi ko. Sabi ko na eh. Masarap naman. Tipid pa kaysa sa isang galloon na ice cream.
“Kinausap mo na ang ex mo?” I opened a topic.
“Hindi siya namamansin kaya hinayaan ko nalang muna,” aniya.
“Ako ang bahala sa closure niyo.” I scooped a big amount as he curiously looked at me.
“Anong gagawin mo?” he asked.
“Depende…basta ako na ang bahala,” sabi ko habang isinusubo na ang oreo na may vanilla ice cream.
He looked more calm now compared to our previous conversation. Itinuro ko siya gamit ang wooden spoon.
“Babalik ’yan. Tutulungan kita. Don’t worry,” I assured him.
Tumingin siya sa oreo cup niya at nagscoop din, mukhang naeengganyo doon.
“Kasalanan ko ’yon. Kaya ako ang aayos,” I added.
“Anong gagawin mo? Iseset-up kami sa date? Ilalakad mo ako sa kanya? Eh galit nga ’yon sa’yo. Baka hindi lang kami lalong magbalikan dahil dumidikit ka sa akin.”
“Seloso siya? Pagseselosan niya ako? Sabagay…” I smirked confidently.
He rolled his eyes. “Tss.”
“Ayaw mo niyan, matrigger siya at babalikan ka agad?”
Nanliit ang mga mata niya. “Papaselosin ko siya? Hindi ako ganoon ka desperado.”
“Sinabi ko bang pagselosin mo? Ang sabi ko, ako ang bahala na pag-ayusin kayo. Kung magseselos man siya, at least, malinis ang konsensya mo dahil tulong lang naman ang ginagawa ko dito.”
He calmed down and scooped another oreo, which I did as well. I kind of envy those who have experienced relationships. Dahil ako, talagang hindi ko naranasan. Kahit makatikim man lang sana ng heartbreak para naman dama ko ’yung ganoon pero talagang wala eh.
Ayoko ring magrelasyon na may ganito akong problema. Kahit nga pagkandong lang nandidiri na ako…o kahit ’yang dirty talks, ayoko. Ano pa kaya kung may girlfriend ako? Paano kami magc-cuddle tuwing malamig ang panahon kung iba ang naiisip ko?
“Nagka girlfriend ka?” I asked and looked at him again, who’d absentmindedly lifted his head to look at the darkness of the sky.
“Uh…oo. Noong high school ako,” saka niya ibinalik ang atensyon sa oreo cup niya.
My eyes widened. “Talaga?”
Tumango siya. “Oo. Nakadalawang girlfriend.”
“Gago? Akala ko ba…”
“Last year lang naman ako lumabas. Pero closeted ako. Noon kasi, pinipilit ko pa na…baka kaya pa. Pero hindi eh. May mga crush akong lalaki…”
“At sino?” agap ko sa huli niyang sinabi.
“Mga kapitbahay gano’n…mga…” he said, looking at me meaningfully. “Varsity…”
Varsity? Aba… “Baka nagkagusto ka kay Brent ah?”
“Oo. Guwapo naman siya at—”
“Hindi ka type no’n. Friends lang kayo,” dugtong ko para pigilan siya sa mga pangarap niya.
“Sinabi ko bang type ko siya? Ang sabi ko, nagugwapuhan ako pero—”
“Tingnan mo kasi nang maigi ’yung mahaba kong buhok. Ganyan na ganyan din ako noon. Mas malala pa nga. Pati lalaki—” I stopped my words when I realized I was oversharing.
Nagkatinginan kami. Nanatiling nakaawang ang labi ko ngunit sa iritasyon dahil doon, sumubo nalang ulit ako ng Oreo ice cream.
Pero nakakagulat. Oo, guwapo siya, mukha niya pa lang, pero iyong nakadalawa siyang girlfriend…parang ang unfair sa part ko. Buti pa siya. Eh ako, kahit isa wala! Baka hindi ’to maniwala sa akin pag sinabi ko na…
“Tingin niyo kasi sa bading, nagkakagusto sa lahat ng lalaki. May standards din naman kami. Namimili rin,” depensa niya.
Namimili nga pero pag guwapo, gagalawin! Kahit tulog ’yung tao—Fuck. Ito na naman. Kaya ayokong nagt-topic nang ganyan eh. Naalala ko na naman. Awtomatikong nagiging ganito ang iniisip ko kaya sumusunod agad ang galit at pandidiri.
“Ikaw… nakailang…girlfriend ka?” At nacurious na nga.
I only shrugged. “Hindi mahilig mag lovelife. Loyal sa course,” simple kong sagot kasi kapani-paniwala naman. Anong klaseng himala kung polsci student ka, at may magandang lovelife? Daming oras ah?
“Ano lang…fuckboy?” medyo humina pa ang tinig niya sa dulo.
I laughed. Tang inang fuckboy. Anong if-fuck ko? Makakapal na libro?
“I mean…may mga rumors…” agap niya.
Umangat agad ang kilay ko. “Talaga? Ano daw? Magaling daw ba ako? Ano? Wild?”
His eyes widened at me.
“Baka si Keycee ang nagpapakalat niyan, ah? Medyo may galit pa naman ’yon sa akin,” patuloy ko, lalo na’t hindi na rin bago sa akin ang rumors.
“’Yung…inuwi mo,” aniya at nag-iwas ng tingin sa akin.
Tang inang inuwi. Hindi ba pwedeng sumabay sa akin dahil pinakilala ni Brent at hinatid ko lang sa paradahan ng taxi? Gano’n lang naman ’yon.
“Bakit ko iuuwi? Ano siya, lumpiang shanghai?” Ismid ko.
He stifled his smile, but he ended up laughing a little—almost a giggle.
“Tang inang rumors ’yan. Isa lang ang inuwi ko sa gabing ’yon. ’Yung handa. Iyon lang din ang pinunta ko eh.”
Mas lalo siyang tumawa at napapaatras na kaya itinagilid ko ang ulo ko para makita kung umuupo pa ba siya nang maayos at baka mahulog siya kakaatras niya. Para namang bata tumawa!
“Mukha ka kasing babaero tingnan. Marami kang rumors sa babae…” nangingiti niyang sabi at umayos ng upo.
“Talaga? Akala ko nga mukha akong badboy…” Saka ko hinaplos ang buhok ko.
“Mukha rin. Pero…hot kasi ang gano’n sa tingin ng girls. Marami ang naaattract sa badboys.”
“Bakit? Baka standard mo rin ang badboy ah?” Angat ko ng kilay sa kanya.
“Hindi ’no. Opposite nga eh. Gusto ko ’yung…” He directed his attention to the Oreo cup first, but his small smile was just too hard to ignore. “Mga golden retriever vibes.”
Huh? Ano ’yon? Aso vibes? Hayop? Literal na hayop ang ugali? Grabeng standard. Kaya pala pumasa ’yung Arron. Mukha nga naman ’yung hayop.
Chapter 16
Curious
The next few days were more calm, maybe because I was now making progress in holding myself accountable for what I did.
Oo, inaamin ko na kaya desperado rin akong pagbatiin sila dahil guilty ako sa ginawa ko. I fired insults. Medyo hindi pa ganoon ka lawak ang pang-unawa ko sa kanila, pero mali rin na humantong sila sa ganoon dahil sa ginawa ko.
Pero ano ba ’yung…golden retriever vibes?
“Where did you get that?” natatawang tanong ni Mavric nang siya ang tanungin ko.
“Narinig ko lang. Hindi ko alam eh. Ano ba ’yon? Bagong trend ngayon?” I asked since I’m not really into social media lately. Sobrang busy ko sa inaaral ko, pasilip silip lang sa Facebook kung na confirm na ba.
Mavric shrugged. “I don’t know. Maybe some sort of animal trend? Ask Tyler. Mas active ’yan sa trends.”
“Ang alin?” si Tyler na lumingon din sa amin nang marinig ang pangalan niya, nakaupo sa bukas niyang kotse at busy sa phone.
Nasa parking lot ng school kaming boys, hinihintay pa si Brent na sinundo si Shiloh, pati ang girls para sa planadong grocery at nagpapasama si Angela.
“Golden retriever vibes daw. Rick is asking about it,” si Mavric.
“What?” Tyler laughed confusingly. “What’s that?”
“Baka bagong trend,” at si Ron na nasa bukas na front seat ng kotse ni Tyler.
“Hmm…I think I already heard that from my girlfriend,” si Con na nakasandal sa sariling kotse. “She said I have that vibe.”
Talaga? Napaisip tuloy ako kung anong meron diyan. Eh hindi naman yata magka vibe si Con at si Arron. Ano bang ugali no’n? Con is just too calm, and even when he’s triggered, he would still handle things rationally like Brent. Pero mas tatahimik lang siya at hihintayin munang humupa ang galit saka magsasalita.
Ganoon ba si Arron? At golden retriever vibes na? Kung hindi lang namin naaninag ang paparating na girls, kasama si Shiloh at Brent, hindi makukuha ang atensyon ko. Umangat agad ang kilay ko nang makitang si Brent ang nagdala ng gamit ni Shiloh habang nasa likod siya nito at patingin tingin kay Shiloh na binubulung-bulungan ni Sadie.
“Ask the girls. They know most of the terms on the internet lately,” tapik ni Mavric sa balikat ko kaya nawala ang tingin ko kay Brent at Shiloh.
“Grabe girls. Grocery lang pero isang batalyon tayo. Ano bang ipapakarga niyo sa amin? Buong Mall?” reklamo ni Tyler nang pumasok siya sa backseat pagkatapos ihagis kay Mavric ang susi ng kotse niya para ito ang magdrive.
“I need a new vlog! Malapit na ang Halloween party. I need funds,” ani Angela at ipinakita pa ang dala niyang cam. “Grocery na rin for the decorations and such!”
“Dito, Shiloh,” tawag ko at binuksan ang back seat ng kotse ni Con, para naman mahiwalay siya kay Brent.
Brent arched his brow and looked at Shiloh until his gaze found mine. Inangatan ko rin siya ng kilay kung may problema ba siya roon. Inakbayan siya ni Mavric at may kung anong sinabi kaya napunta sa kanya ang atensyon ni Brent.
Tatlo minsan ang dala naming kotse. Kay Tyler, Con at Brent. Depende na rin kung kasama lahat ng girls. Kaya iyong kotse ko, iniiwan ko nalang para makatipid ako sa gas. Ang hirap din kasi maghanap ng parking space tapos ang traffic pa. Dagdag hassle lang.
Siksikan na sa likod ng kotse ni Con kung saan kami sumakay. Pumasok si Sadie at gustong tumabi kay Shiloh, pero kahit anong siksik niya, talagang hindi na magkasya.
“Kandong ka nalang kay Rick!” natatawang suhestyon ni Mica.
Umangat agad ang kilay ko nang tingnan ako ni Sadie.
“Rick ang badboy mo alam mo ’yon? Sabi ko ba kakandong ako? Hindi naman!” si Sadie na pinanliitan ako ng tingin.
“What? Wala akong sinabi,” agap ko.
“Wala nga pero kung makatingin ka parang gusto mo agad akong ihagis palabas! Ang arte mo ah! Buti pa ang ibang boys! Ikaw ang arte arte mo! Kaya ka walang girlfriend eh!” pagdadabog niya at doon lumipat sa kabilang kotse ni Brent.
Tumingin tuloy ang mga girls sa akin. Si Angela ang nasa front seat ng kotse ni Con. Si Sheena, Mica, ako at si Shiloh naman ang nandito sa likod kaya hindi na kasya si Sadie. She is really overdramatic. Wala nga akong sinabi!
“Oo nga ’no? Hindi ka nagpapakandong, Rick. Bakit? Siguro may secret girlfriend ka? Magagalit?” puna ni Sheena na nakaangkla pa ang kamay kay Shiloh lalo na’t magkatabi sila.
Sanay naman kasing kumandong ang girls sa boys. Pero ayoko sa ganoon. Kahit sila Tyler hindi nga sinusubukan sa akin dahil talagang ayoko. Naaasiwa ako.
“Maarte si Brent pero mas maarte ka,” sita ni Angela.
Pinaandar na ni Con ang kotse niya, tumingin saglit sa rear view mirror at nagconvoy lang sa naunang paglabas ni Tyler sa parking space niya.
“Boundaries. Bawal bang may space ako sa sarili ko? Sarili ko na nga pero pati kandungan ko gusto niyo rin?” reklamo ko na ikinangiwi ng girls.
“Uy may secret girlfriend si Rick! Ayaw lang umamin! Oo na! Hindi na kami kakandong!” asar ni Angela.
Mas lalong nanliit ang mga mata ko. Si Con kasi, hindi nila nauupuan o iniiwasan nilang maging clingy dahil may girlfriend, kaya siguro ngayong napansin nila ako, iniisip nila meron din akong girlfriend.
“Mga badboy talaga,” iling nila.
What? Anong konek no’n?
“Kung aso ka Rick, husky ka siguro. Kita mo ’yung husky? Laging galit tingnan,” si Mica.
“Husky? Baka golden retriever,” sabi ko nang maalala ang pagiging kuryoso roon at isiningit nalang. “Golden retriever vibes ba ’yon?”
“He’s curious about that word. Baka kayo girls, alam niyo ang meaning,” ani Con na nasa kalsada ang atensyon.
“Ano? Ang layo! Hindi ka pasado sa ganyan na vibes, Rick! German shepherd siguro baka pwede pa dahil ang angas mo tingnan!” natatawang si Mica, na kahit si Con, tumawa rin at tumingin sa itaas ng salamin.
“Hindi ah. Golden Retriever,” giit ko at nilingon si Shiloh. “’Di ba?”
Shiloh tried to think about it for a while. Umiling ang mga girls.
“Kung golden retriever, si Brent, o kaya si Tyler. Like you know, energetic vibes? Gano’n ang mga golden retriever,” si Mica.
“Brent? Eh parehas lang naman kami ng ugali—”
“Hindi ah! Hindi ka golden retriever. You’re more on a husky, ’yung oa na aso at ang bilis magalit,” giit ni Angela saka sila nagtawanan kaya mas nagkasalubong ang kilay ko.
“Paano ba ’yang golden retriever vibes?” tanong ko na ikinatingin ulit ni Con sa itaas ng salamin para tingnan ako.
“Just like the dog itself. ’Yung energetic, calm, tapos parang positibo tingnan. Sa calm palang Rick sasabit kana,” ani Mica.
Mas lalong nagkasalubong ang kilay ko. Sinong nagpauso niyan? Lahat nalang may tawag!
“May golden retriever na laging galit ah? Hindi lahat ng golden retriever, kalmado. May iba nga wala ka pa lang ginagawa, tumatahol na—”
“Yes, but golden retriever vibes were centered on calm, energetic, and positive people! More on Tyler and Ron. Both calm. Gano’n,” si Angela na pinutol agad ako.
“Or si Mavric pwede rin pero mysterious kasi siya,” si Mica.
“Si Connor din,” si Sheena na tiningnan si Con na ngumiti agad sa kanya.
“That’s what my girlfriend told me too. Ganyan daw ako,” he chuckled.
“Sobra, Con! Ang welcoming kasi ng vibe mo! Alam mo ’yung pag sasabihan mo ang aso ng sit, uupo agad! Gano’n ka! Masunurin!” si Sheena na ngiting ngiti.
Masunurin? Baka naman under sa girlfriend. Eh ayoko ng inuutus-utusan ako. Pero kung makulit tulad ng golden retriever, makulit din naman ako.
“At ako?” singit ko kaya tumingin sila sa aking muli. “Pare-parehas lang naman kaming anim na makulit—”
“Hindi ka nga pasado. You’re not a golden retriever vibe. Husky ka, Rick.” Muli nilang tawanan na kahit si Shiloh, marahan nang humagikhik sa gilid ko.
I frowned at them and crossed my arms.
“Pwede nga black cat energy. Parehas kayo ni Kael. Badboy kasi kayo tapos lagi pang mukhang galit,” si Mica.
Kael? Tang ina. Sa lahat ng pagkukumparahan doon pa. Umiling ako sa kanila dahil parang pasok naman ako sa golden retriever vibe na ’yan. Nakaka fit in nga ako sa biruan ng boys.
Gusto ko sanang igiit na ganoon ako minsan pero ano bang meron diyan? Edi hindi! Hayop na term ’yan. Pauso. Pati ba naman dito hindi ako makakasabay?
Umilaw ang screen ng phone ni Shiloh pero ikinulob niya lang at isinilid sa bulsa niya. Ngumuso siya at iniwas ang tingin kaya umangat lalo ang kilay ko. Gusto ko talagang prangkahin ang isang ’to pero hindi pa umaamin.
“Ayos na kayo ni…” he whispered when the girls were now busy vibing with the music.
“Oo. Medyo. Hindi nga lang ako in-accept sa Facebook. Pero bati na,” sabi ko.
Ngumiti siya sa akin. “Eh…ang sunod mong session? End of the month this September, ’di ba?”
Tumango ako. This week ko planong bumalik dahil nakakatulong naman siya para maunawaan ko ang sarili ko. Medyo pangit kasi ’yung second session ko. Pero may narealize din ako. Pakiramdam ko nga…sa susunod na session, magiging komportable na ako pag-usapan ng paunti-unti.
Lumebel sa gilid ang kotse ni Brent kaya binuksan ko ang bintana at inilabas ko ang kamay ko para mag dirty finger. The boys did it as well, while the girls were giggling. Itinapat pa ni Angela ang phone niya sa akin at mukhang nagvivideo na naman siya.
Tumagilid ang ulo ni Shiloh, nangingiting sinilip ang kotse ni Brent. Lumingon din si Brent at nakangusong tumingin kay Shiloh kaya hinarang ko ang ulo ko na ikinapawi ng ngiti niya at napairap nalang.
Pagdating sa grocery store, napagdiskitahan pa si Shiloh na ipasok sa cart lalo na’t siya ang pinaka maliit sa boys kahit na mas maliliit naman ang girls kaysa sa kanya. Pero kahit ang girls, pinipilit siya.
Sa huli, napapasok din namin si Shiloh at si Brent pa ang nag-ambang humawak sa handle. Inangatan ko siya ng kilay at sinapawan ang kamay niya.
Brent glanced at me competitively. I could feel how he wanted to push the cart instead, but I was already gripping the handle and pushing his hand away from it.
“Ako na ang tutulak,” I insisted.
“Bakit? Ako na,” giit ni Brent.
Nagtitinginan na ang girls sa amin hanggang si Mavric ang tumayo sa gitna naming dalawa at inakbayan si Brent na iginiya niya palayo sa akin.
“Pasok ka rin sa cart kung naiinggit ka kay Shiloh, Brent. Ako ang tutulak,” natatawang biro ni Mavric na irita niyang siniko.
“Kasya ka naman sa cart, Brent. But we’ll fold you into one half crosswise, dude,” gatong ni Tyler kaya nagtawanan tuloy kami habang binabatukan na siya ni Brent.
Akala talaga ni Brent natutuwa ako diyan sa ginagawa niya. Pagkatapos ng kagaguhan niya sa babae tingin niya hahayaan ko agad siyang lumipat kay Shiloh nang gano’n nalang kadali? Tss.
I took a photo of Shiloh in the pushing cart and decided to send it to Denver. Hawak ko ang handle ng cart at may inaabot si Shiloh na isang chichirya nang kunan ko iyon ng picture.
“Daddy Tyler!” biglang biro ng girls at may ipinapakitang item kay Tyler, more on snacks.
Tyler gestured to take it, so they giggled and gave it to Shiloh. When the boys noticed the jokes of the girls, Ron also jokingly pointed at an item to mimic the girls.
“Daddy Tyler,” ani Ron kaya humagalpak agad kami dahil sa nipis ng kanyang boses at tila bata. Nagbiro si Tyler na kunin ang wallet sa bulsa niya ngunit nang inilabas ang kamay ay dirty finger na ang ipinakita kay Ron.
“Fuck you, Ron. Ang cringe mo!”
Sobrang chaotic namin lalo na’t nagawa na ring pumasok ni Sadie sa isa pang malaking cart at mabilis iyong itinulak ni Tyler, halos nagpapaligsahan pa kami sa bawat pasilyo. Tinigil lang agad ang kalokohan dahil baka sitahin kami at baka mapalabas nang wala sa oras.
Dumeritso kami sa bahay nila Angela pagkatapos mag grocery at doon na rin kumain. Abala na ako sa phone ko para tingnan kung nagseen ba ’yung isa habang ang girls ay may ginagawang snacks para mamaya.
And which he did. Pero seen lang. Gago. Akala ko ba bati na kami? Pero nagreact siya ng heart sa picture ni Shiloh.
So I chose more photos that were taken earlier that I could forward. Mga nasa sampong pictures na yata iyong nasend ko, puro lang din candid pictures na kakulitan ng girls at boys, si Shiloh na nakangiting niyayakap ang ibang snacks habang nasa loob pa rin ng cart at nasa bawat gilid niya ang mga girls na nagpose din.
“Tyler, suggest ka ng song please,” ani Angela na nasa harap ng kanyang laptop.
“Vlog ba? Hmm… All Night by Icona Pop. Maganda ’yon.”
“Ang ganda ng music taste mo, Tyler. Pansin ko,” the girls complimented.
Nasa living room kami lahat at kumakain na ng pizza na si Tyler na naman ang nanglibre. Nagbabalak na rin ng sleepover dito pero ang plan ng girls, lalo na ni Angela, ay mag bonfire mamaya sa labas at sa tent matulog dahil idadagdag niya raw sa vlog niya kasama noong grocery namin kanina. Hindi naman kami nagrereklamong boys sa mga pakulo nila dahil nag-eenjoy din. Ngayon lang din kami ulit magbond dahil sobrang busy kaya sinusulit.
“Friends ko sa States mahihilig sa music. I just adapted some of it,” ani Tyler na busy sa phone.
Nagseen na ulit siya sa message ko kaya binuksan ko agad lalo na’t nagreact siya. Online naman pala? Nag-isip isip ako saglit ng topic bago nagcomposed ng message.
Reagan:
May gig ka?
Nagtype siya ng reply kaya tinitigan ko muna. Tumabi si Mavric sa akin at inilahad ang isang slice ng pizza na kinuha ko.
Denver:
Wala. Nag-aaral lang.
Then he also sent a photo of his desk with organized books and some highlighters that were scattered on the table.
Nagtype agad ako ng reply.
Reagan:
’Yung bubwit? Hindi ka binisita?
Denver:
Hindi.
Ang tipid tipid. Kung hindi lang ako inakbayan ni Mavric, hindi ko mapagtutuunan ng pansin ang hawak kong pizza saka iyon kinagatan.
Ilang minuto ko pang pinalipas lalo na’t wala na rin akong maisip na topic. I just sent random photos I’ve taken, such as the slice of pizza with a half bite. The videos of us boys setting up the tent outside. The girls flocking in front of the bonfire. Si Shiloh na may hawak na marshmallow na nasa stick at pinapainit iyon sa apoy kagaya ng iba ring ginagawa ng girls. Ang huling picture na s-in-end ko ay ang red bull na hawak ko at ipinakita iyon sa kanya.
Denver reacted to it again until he typed a reply.
Denver:
Naririnig ko ang ingay niyo.
Reagan:
Nag-aaral ka pa rin? Send pictures.
Ilang sandali lang, nagsend siya ng picture. Mabilis ko iyong pinindot para ma view habang sumisimsim ng drink na hawak ko.
He sent a photo of his lamp until the yellow light illuminated his table. May platito sa gilid at may slice ng watermelon, isang puting mug na hindi ko alam anong laman, at ang maliit na salamin. I zoomed it in and saw his reflection in it, wearing a headband for his hair and his face covered with a face mask.
I immediately typed for a reply while the girls were giggling in the tent. Sumigaw si Shiloh kaya tiningnan ko saglit at nakitang nasunog ang marshmallow niya na mabilis pinalitan ni Brent dahil sumisimangot na.
Reagan:
Dinner na ah? ’Yan lang ang kinakain mo?
Naalala ko bigla ang natirang pera sa kanya. Naipagkasya niya ba ’yon? I immediately clicked the Grab app and browsed some food when I remembered his brother bringing him some Greenwich food.
Denver:
Busog.
Busog? Sus. I just clicked on some random food and edited out the room number including the phone number so he could receive it. Binayaran ko na rin iyon total may extra ako sa e-wallet ko.
Reagan:
Huwag ka munang matulog. Kung may tumawag, grab ’yan. I ordered food.
In-off ko na ang phone dahil alam ko namang magagalit siya. Bahala siya. Wala siyang choice kundi kainin iyon.
I joined the fun with the boys. Pinapalibutan na namin ang bonfire at nakasquat lang sa patag na sahig habang ang girls ay may kanya kanyang comforter at binabalot ang sarili, ganoon din si Shiloh na hinihipan pa ang marshmallow niyang hindi na sunog.
Noong tingnan ko ulit ang phone ko, lowbat na nga lang kaya ch-in-arge ko muna sa loob ng bahay.
“Tyler, pahiram nga ng phone. Sa safari lang ako,” sabi ko lalo na’t siya ang mas malapit sa akin.
Tyler handed his phone to me while he was busy laughing about some topics. Pinindot ko agad ang safari para doon mag log-in lalo na’t may gusto akong i-stalk nang may bumungad sa akin na naka pause na video. Tang…ina?
Si Tyler na natatawa pa ay tumingin sa akin, sumilip din sa phone niya hanggang unti-unting napawi ang ngiti.
“Oh shit!” Mabilis niyang kuha sa phone niya habang nagkasalubong ang kilay ko.
“Dude, I swear!” He looked at me defensively.
“Ano ’yon?” the girls interrogated since he panicked.
Nasira ang ekspresyon ko. May inside joke ’yan sila ni Ron at Mavric na sila sila lang ang nagkakaintindihan at hindi ako sinasali dahil nga sensitibo ako sa ganoong jokes. Pag ganoon na ang topic, sinisigurado nilang wala ako sa GC. Hindi rin naman ako mahilig magseen minsan pero…
Sumilip si Mavric sa phone ni Tyler na mabilis niya yatang dinidelete hanggang natatawa siyang binatukan ni Mavric. Nailing ako habang mas naging kuryoso ang girls at tumayo na rin, gustong makisilip sa phone ni Tyler.
“Ano ’yan! Patingin!” sila Angela.
“Rick, I swear! I didn’t know why it’s in my safari! Wala ’to!” kumbinsi ni Tyler.
Humalakhak si Ron at sinipa siya, mukhang gets agad kung ano ang nakita ko. Tyler tried to dodge it, but he was laughing too. Nag-apir pa si Ron at Mav na hindi na matigil kakatawa habang si Con, kumukunot ang noo, si Brent na abalang magtuhog ng panibagong marshmallow para kay Shiloh pero tumitingin tingin sa kaguluhan. Itinataas lang ni Tyler ang phone niya dahil inaabot ng girls at gustong tingnan.
“I think I accidentally clicked a link! May gano’n ’yon eh! Tapos bigla kang mapupunta sa ganoong links!” depensa niya.
Sus! Ako pa ang niloko! Para naman akong hindi suki sa ganyang website. Pero tang ina ng gago. Iba ang pinapanood. At bakit siya nanonood ng ganoon?
“Ipaglaban mo, Tyler! Use your marketing strategy, dude! Huwag kang matakot sa polsci student! Depensahan mo ’yang katarantaduhan mo!” ani Ron na muling ikinasabog ng tawanan nila ni Mav.
Namimilog ang mga mata ng girls habang ang iba, kunot noo at hindi naiintindihan. Gusto pang magpaliwanag ni Tyler pero dahil grabe na ang halakhak ni Mavric at Ron, nahahawa siya at natatawa na rin. I sipped on my own drink while the three looked so chaotic.
Tumingin din si Shiloh sa akin. “Ano ’yon, Rick?”
Brent glared at me for a warning. I glared back. Akala niya dudumihan ko ang isip ni Shiloh?
“Wala ’yon, Shishi!” si Tyler na umiling agad.
Shiloh looked so curious. Kahit ang girls, nilalapitan na si Mavric para sa kanya magtanong. Lumapit si Tyler sa akin at pabiro akong niyakap para humingi ng tawad kaya itinulak ko. Gago na ’to.
“Luhod daw dito sa apoy saka ka paniniwalaan ni Rick, Tyler,” natatawang sabi ni Ron.
Tyler looked at me problematically. Natatawa lang siya sa hirit ng boys pero pag titingnan ako, ramdam kong nag-aalala. Una, ayaw niyang ipahiram ang dummy account at napalitan na ang password. Ngayon, may ganoon nang pinapanood. He’s curious? Like Brent?
Hayop na mga kaibigang ’to. Ano bang pumapasok sa isip nila at bigla-bigla silang nakukuryoso sa kung ano ano? Nag-aadjust pa nga ako kay Brent, bigla namang may nakita kay Tyler na kakuwestyon-kuwestyon. Ano? Sinong susunod? Si Mavric? Si Ron?
Chapter 17
Trigger Warning: Sexual assault, mention of rape, and vulgar words.
——
Worst
Tyler:
Rick I swear I didn’t mean that.
Napairap ako nang bumungad na naman ang text niya pagkauwi ko sa unit ko. Kagabi pa ’to. Sige na, sabihing aksidente iyon na naclick, pero ako naman ang nanghiram. Ako ang nakakita.
Naka pause pa at kalahati ang napanood. Ano ’yon? Na-click niya, pero nagplay at aksidente niya ring pinanood? Itong isang ’to magsisinungaling nalang sa akin pa.
Hinila ko sa likod ang hoodie na suot pagkapasok sa unit para makapagshower at hinagis iyon sa sofa. Wala pang limang sigundo, nagring na ang phone ko para sa tawag. Nang tingnan ko, pangalan na ni Tyler ang nakabalandra sa screen.
Huminga ako nang malalim, namaywang at sinagot ang tawag habang nakatingin sa katawan ko sa salamin.
“O?” sagot ko.
“Rick…” he sighed problematically.
“Ano? Maliligo na ako. Ayos na nga. Kagabi ka pa. Kulang nalang irecord ko ’yang sinasabi mo,” sabi ko habang kitang kita ko sa salamin kung paano nagkakasalubong ang aking kilay.
Nang maalala ang usapan namin ng mga girls, kumalma ako. Hindi naman ako galit dito. Naririndi lang!
“I swear I really didn’t mean it. If I knew you’d see that, I should have cleared my tabs…”
“Sus… Guilty ka lang,” bintang ko.
“Guilty? No! I’m worried. Ang pangit ng dating eh. You might overthink about it. Bro, I swear…I’d really punch my face if I found out you’re triggered by it. O ikaw na ang sumuntok sa akin. Magpapaisa ako, Rick!”
I scoffed. “Kasalanan ko ’yon. Tanga ako,” I said.
“Rick—”
“Pero mas tanga ka. Gago,” malutong kong sabi. “Idadahilan pang na-click. Ako pa ba ang lolokohin mo? Ano ako, bobo? Unang ebidensya pa lang, sobrang guilty mo na.”
He laughed, and I could almost feel how hilarious I sounded to him.
“Naka pause pa. Tang ina mo. Na-click pero kalahating video? Buti di mo tinapos. Ano ’yon? Aksidente mo ring napanood ang kalahati? Ako pa ang uutuin.”
Humagalpak siya. “Man…stop joking. Seryoso ako, Rick. Mahal kita, dude—”
“Tang ina mo, kadiri!”
“I’m serious, Rick!” Halakhak niya.
I rolled my eyes and caught my snobbish—badboy—aura on the reflection of the mirror. Ikinalma ko ulit ang magkasalubong kong kilay at hinaplos ang buhok ko.
“’Yung utang ko, babayaran ko—”
“Huwag na! I know your mom is quite loaded. Extra ko lang naman ’yon. Whatever you did to that money, just think of it as a gift. Malapit na birthday mo ’di ba?”
Malapit na nga naman. Next month. October 27.
“Babayaran ko ’yon. Utang ’yon,” sabi ko.
“No, really. Ipangbibili ko lang naman ’yon ng sapatos. Sa’yo na ’yon.”
Tingnan mo ’tong gagong ’to. Sa sobrang guilty pipikutin pa ako. Gusto ko mang kumpirmahin ’yang pagiging kuryoso niya sa ganoon, parang kikilabutan yata ako.
I sighed defeatedly. “Sige na. Maliligo na ako.”
“Man…I’m really worried,” aniya.
“I treasure you as one of my friends, Rick. Ayoko na baka feeling mo…”
Feeling ko na ano? Kasi iba ang feeling ko sa’yo ngayon, Tyler. Tang ina. Iba ang kutob ko. Ano ’yon, noong nabali si Brent nadamay ka?
“’Yung dummy account? Ano? Ginagamit mo pa ba ’yon?” tanong ko nang maalala iyon.
“What? Why?”
“Pinaprank mo pa si Kael doon?”
“Well, I wasn’t pranking him anymore.”
“At ginagamit mo pa?” I interrogated.
“Sometimes?” He sounded defensive.
“Gago ka. Itigil mo na ’yan.”
“You know he bullied Shiloh, Rick—”
“Oo nga. Pero pangit na ang dating. Pag nalaman niya, ibang kasalanan na rin ’yon. Tayo naman ang parang nambubully. Itigil mo na ’yan. Baka idamay pa niyan si Shiloh.”
He sighed. “Yeah…I was planning too. Ako na ang bahala. I’ll take care of it this month.”
Natahimik kaming dalawa saglit. I looked at the cracks in my stomach while zoning out. Ang dami dami na namang tumatakbo sa isip ko pero sinikap kong huwag lagyan ng kakaibang kahulugan nang hindi uminit ang ulo ko at baka madamay pa siya. Wala naman siyang kasalanan kung bakit ko iyon nakita.
“Sige na. Ibababa ko na. Ang init. Maliligo na ako,” sabi ko.
“Okay. I’m really sorry, Rick. I hope it didn’t trigger you…”
Ngumuso ako dahil umuukit ang ngiti sa labi ko. Medyo natatawa ako dahil ramdam ko kung gaano siya ka bothered. Kung sila Rodney ’to, baka napunta na sa init ng ulo dahil ginawa nang pang-asar sa akin.
“Hindi mo nga kasalanan. Tanga tayong pareho. Sa susunod, i close tab mo. Privacy mo ’yan. Ako ang nanghiram kaya ako ang walang karapatang magalit dito.”
“Okay, Attorney…” he chuckled a little.
“Seryoso ako, gago,” marahas kong bigkas.
“I’m just stunned, Rick. I mean…dude…you’re hotheaded. Nakakagulat na kalmado ka? And you’re taking accountability? It’s refreshing…”
“Daming satsat! Maliligo na ako!” Saka ko siya pinatayan ng tawag.
Hindi ko pa lang naibababa ang phone ko, bumalandra na ang text niya. He sent a photo. Binuksan ko at picture niya iyon na nakangisi at nagt thumbs up. I also clicked my camera and posed for a picture, showed my middle finger with my brow arching, and sent it to him.
Noong maligo na, atat tuloy akong makipagkwentuhan kay Doc Jane. It-tsismis ko siya tang ina niya.
“Your friends?” si Doc Jane nang sumipot ako sa huling session ko sa buwan ng September at iyon nga ang naging bukambibig ko.
Tumango ako. “Meron kasi silang ginagawa na…labag sa loob ko, Doc. Nandidiri kasi ako sa mga ganoong tao noon.”
She nodded attentively. Nakapangalumbaba ako sa nakaparteng hita, desididong magkwento ngayon dahil alam kong mas kailangan kong marinig ang opinyon niya tungkol dito.
“Ayoko sa mga taong pumapatol sa kapwa lalaki, doc. Ayoko sa mga bakla,” I stated eagerly with my knitted brows.
She nodded again. Kung may salamin lang dito sa harap, alam kong galit akong tingnan ngayon. Hindi naman ako kailanman kumalma sa katulad nila. Naiirita ako lagi.
“Noong…kinse kasi ako…” I started as I could immediately feel the lump in my throat forming.
She smiled at me encouragingly. I shifted on my seat as I tried to breathe for a while.
“Namolestya ako,” pag-amin ko. “Party ’yon ng kaibigan ko. Doon ’yon nangyari…”
I immediately saw my past in my mind. Kung paano ko nahuhuli ang titig ng baklang iyon sa gabing iyon. Kung paano siya pinakilala ni Mike sa akin. His eyes were twinkling; the unrecognized lust was there, but I viewed it as a friendly gesture because I was not even aware of his sexuality that time.
“I’m Dennis…” he introduced while shaking my hand.
Tumango ako at ngumiti. “Reagan Vallejo.”
“Oh Reagan…anak ka ni Miss Rianne Vallejo? ’Yung fashion designer?”
I nodded. “Oo.”
Marami rin naman kasi talagang nakakakilala kay Mommy. She’s famous in her field.
“Ang ganda no’n…” he lightly chuckled.
I smiled lightly and took my hand back, while he was still holding it. Tumingin siya doon at bumitiw agad, ngumiti rin sa akin pabalik. Nilingon ko si Mike na ngiting ngiti sa gilid ko at nakaakbay pa rin sa akin.
“Si Minnie, nandito?” I asked.
“Minnie? ’Yung chinita? Didiskartehan mo? Nag-guwapuhan pa naman ’yon sa’yo!” ani Mike.
I grinned. Talaga? Ang dami kong naririnig sa babaeng ’yon. Fifteen lang din siya at magkaedad kami. Ang ganda ganda niya kasi.
“Babae ba ’yan?” singit noong lalaking si Dennis kaya nangingiti ko siyang tiningnan dahil na rin sa topic namin.
“Oo. Si Minnie. ’Yung pinaka magandang babae na campus crush sa school namin,” si Mike.
“Eh sa lalaki, ayaw mo?” Dennis asked when he looked at me with those meaningful eyes.
Titig na titig sila sa akin. I shook my head and laughed.
“Hindi eh. I’m straight,” I answered calmly.
“Maganda ’yung mag explore ka sa sexuality mo habang bata pa lang. Tikim tikim lang, gano’n,” patuloy ni Dennis.
I only laughed because I didn’t know how to respond to the word. Alam ko naman ang topic. Pero hindi ko pa naiisip na magiging ganoon ako. Eh si lola, girlfriend ang hinahanap sa akin na ipakilala ko raw sa kanya.
“Itong si Reagan, sikat na sikat ’to sa girls. Kita niyo naman kung bakit. Kahit lalaki hindi na ako magugulat eh.” Halakhak ni Mike.
Dennis eyed me from head to foot until his eyes dropped on my pants. Namulsa ako at nakangiting nilingon si Mike, binalik ang tingin kay Dennis at pasimpleng yumuko para tingnan kung anong meron sa pants ko.
“Ang guwapo nga…Sobrang fresh. Parang amoy Johnson’s baby powder,” sabi noong Dennis. “Bagay na bagay din sa’yo ang buhok mo. Para kang may lahi.”
Tumawa ako sa compliment niya. “Salamat…”
“Ang guwapo mo nga pag ngumingiti at tumatawa. Nagniningning ang mga mata mo. Para ka ring may sariling blush. Mestizo. Ang dami sigurong nagkakandarapang girls sa’yo,” sabi noong lalaki na kahalikan ni Mike.
“Marami. Iba ’to manghakot ng chics. Effortless. Mabait din kasi at gentleman. Palakaibigan pa kaya mas kinababaliwan,” Mike said proudly with a smile on his lips.
Nahihiya kong hinaplos ang batok ko. Mabuti nalang at nakatakas ako doon noong may tumawag sa aking kakilala sa kabilang grupo kaya doon muna ako humalo. Kaso ilang minuto rin, noong kumukuha na ako ng refill sa ika-apat na beses, sumalubong iyong Dennis.
“Hello,” bati niya at lumebel sa akin. Mas matangkad ako ng ilang dangkal at mukhang nasa 5’9 yata siya.
“Uy! Hello Kuya…” ngiti ko pabalik habang sumasabay siya sa akin.
“Kuya? Twenty-five lang ako. Bata pa…” he slightly laughed.
“Ah…Kuya pa rin. Kinse lang ako,” sabi ko.
“Kinse? Eh si Mike eighteen na ah?”
Matangkad din kasi ako para sa edad ko kaya hindi napagkakamalang minor. Pero kinse pa ako.
“Mahilig kasi siya sa basketball. Naglalaro kami minsan kaya naging close ko rin siya.”
Ngiting ngiti siya habang nakatitig sa labi ko.
“Nag-aaral ka pa?” tanong niya.
“Oo. High school…”
“Hmm…allowance? May allowance ka?”
Kumurap ako. “Ah…meron naman. Five hundred a day.”
“Five hundred? Maliit yata ’yon!”
“Malaki na ’yon. Hatid sundo rin ni Mommy. May pabaong snacks ni Lola. Hindi ko nga nagagalaw ang pera ko.” I chuckled.
“Eh…kung…dagdagan ’yon ng five hundred?” There was an eagerness in his voice that was so obvious not to be noticed.
Medyo natigilan ako. One thousand a day? Malaki nga naman. Kasi kung ganyan ka laki ang allowance ko, iipunin ko ’yan at bibili ako ng latest Playstation ngayon. Hindi ko na ihihingi kay Mommy.
Tumingin siya sa hawak na phone ko. “Old iPhone. ’Yung latest ngayon, ayaw mo?”
Tumingin din ako sa phone ko. IPhone 8 kasi ang phone ko ngayon. Eh ito ’yung regalo ni Mommy noong thirteenth birthday ko. Inaalagaan ko dahil ayokong magpabili agad.
Hindi ko alam kung para saan ang mga tanong niya, o kung bakit…mabait siya. Hindi ko rin alam kung ano ang kailangan niya sa akin. Oo, nakakaakit ang pera at ang sinasabi niyang latest na iPhone, pero…ano bang kapalit niyan?
“Nagtatrabaho kana?” I asked.
“Oo. May pinapaaral nga akong kapatid sa high school…” aniya.
Tumango ako at tiningnan ang punch na nasa harap nang tumigil kami roon. May hawak na siyang cup niya at hindi pa yata bawas. Nag-amba akong kunin ang sandok pero inunahan niya ako at inilapag ang pulang plastic cup na hawak niya sabay kuha ng akin.
“Ako na…” he offered.
Tumango ako at tahimik siyang tiningnan. Sa sobrang friendly ko, kahit nga si Mike na tatlong taon ang agwat ng edad sa akin, nagiging kaibigan ko. Hindi lang ’yon, kahit mga seniors sa school, close ko dahil ganoon ako ka approachable. Kaya kung may maging kaibigan ding 25 years old, hindi na ako magtataka sa sarili ko. I’m that open to any friendships around me.
Tumingin ako sa paligid at maingay pa rin. Namilog ang mga mata ko nang makita si Minnie na naka pulang dress at sobrang puti tingnan habang niyayakap ng ibang girls na bumati sa kanya. Shit!
“Heto na…” bigay niya sa pulang plastic cup. Tinanggap ko iyon, halos wala sa sarili na titig na titig kay Minnie at nilingon lang siya saglit.
“I’ll just…go to my friends,” I said, pointing at the crowd.
Lumingon siya sa akin, ngumiti at tumango sabay haplos sa braso ko.
“Sige. Usap tayo ulit maya ah?”
I nodded and smiled. “Sige…”
Ni hindi ko na nasundan ang kilos ko hanggang nasa grupo na ako nila Minnie. Halos maubos ko na rin ang hawak ko na drink dahil kabado ako at gusto ko talagang makipag-usap sa kanya.
“Reagan!” nangingiting bati ni Minnie.
The girls giggled beside her when I crouched a bit and raised my cup, just to accommodate her sudden greeting with a hug. Malaki na ang ngiti ko lalo na’t baka tama rin talaga si Mike na…may gusto siya sa akin.
“Pahingi ako,” she said, holding my pulse. Her eyes were hooked on me as she took a sip of my cup.
Lumunok ako at hindi na matanggal ang ngiti sa labi ko. Yes, she’s wild. Sabi rin ng iba. But I’ll get to know her. And then I’ll introduce her to Mom.
Sa minutong lumilipas, hindi ko alam kung…nasobrahan ako sa alak pero talagang umiikot ang paningin ko. Pumikit pikit ako at sinikap siyang tingnan ngunit talagang nanlalabo siya.
“Ihahatid ko muna si Reagan kuwarto ko. Mukhang lasing na,” naririnig ko ang boses ni Mike at inakbayan na ako para tulungan.
Fuck. Umiikot ang paningin ko at lasing na lasing yata ako. Lagot ako kay Mommy.
“Mike…Pa text…si Mommy…” I tried to compose words, but I couldn’t even understand myself.
“Matulog ka dito, Reagan. Lasing na lasing ka, dude. Ako ang tatawag kay Tita…”
Pero hindi ko na halos marinig ang sinasabi niya lalo na’t talagang umiikot ang pakiramdam ko hanggang sa makaidlip na sa sofa.
“Masarap ba?” ang bulong nang maalimpungatan ako.
Gusto kong magsalita dahil may kakaiba. But those inaudible words turned into moans out of frustration. I could feel someone’s…mouth…no…not just a mouth but…a hand…
“Ang sarap mo…” I heard it again while he was grunting.
Mabilis ang kalabog ng dibdib ko. Madilim, ngunit may naaninag akong liwanag galing sa kung saan at nakita iyong…Dennis. Siya ang nakapatong sa akin! Gusto kong gumalaw, pero mabigat ang katawan ko. Gusto ko siyang itulak, pero nahihilo ako.
He was already moaning and panting hard while I could feel each wild thrust on top of me. I felt so scared and confused. I couldn’t control my body. Gusto kong pigilan, ngunit ang hirap hirap. Hindi ko kayang manlaban sa ginagawa niya.
I was…
“I was…raped,” I uttered heavily. Fuck! I was raped!
Yumuko ako, nanghihinang hinawakan ang ulo ko habang mainit ang sulok ng aking mga mata. Sa nanginginig kong labi, sa mabigat na paggalaw ng aking balikat, hindi ko halos namalayan ang mga umagos na luha.
Ngayon ko lang inamin. Ngayon ko lang tinanggap. Ngayon ko lang nakita na…biktima nga pala ako at hindi dapat ako mahiyang aminin iyon, na wala naman akong kasalanan sa nangyari.
“Parang pumatong siya sa akin, Doc…at naramdaman ko…na may gumagalaw…naaninag ko siya. Nakita ko ang mukha niya. Natandaan ko siya,” mahina kong pag-amin, ngayon lang napagtanto kung gaano iyon kabigat.
“D-Dinala ako ni Mommy noon sa clinic. Doon ko nakumpirma na…totoo iyong akala ko panaginip lang sa sobra kong lasing…” nanginginig kong sambit.
The words he shouted at me on the parking lot ring against my ear like a broken record that I couldn’t stop. Ginusto ko iyon dahil umuungol ako. That’s what he fucking said.
“Nakakadiri. Hayop na ’yon. Putang ina siya. Kung pwede ko lang siyang patayin, at ’yang mga kalahi niya, gagawin ko, doc. Gano’n ako ka galit sa kanila na hinding hindi ko sila kayang tingnan sa paraang gusto ng iba. Eh ano ngayon kung galit ako sa mga bakla? Tang ina. Wala akong pakialam kung ganyan ako dahil nakakadiri naman talaga sila,” sunod sunod kong bigkas sa matigas na tinig.
Nag-aagaw ang sakit at galit sa akin. Gusto kong tumayo at suntukin ang pader, o magwala sa harap niya para lang makita niya kung gaano ko kagustong pakawalan ang matagal ko nang iniipong galit ngunit nanghihina ako.
“Oo. Alam ko, hindi lahat, doc. Pero ganoon ba iyon kadali? Anong gagawin ko kung nakikita ko lang sila, nararamdaman ko agad ang pakiramdam ko noong gabing iyon? Anong gagawin ko kung nakikita ko lang ang mga kagaya nila, naiisip ko agad ang putang inang bakla na ’yon? Ano? Iintindihin ko pa ba sila? Isisiksik ko pa ba sa isip ko na hindi sila iyon kung…kung nandidiri na agad ako?”
The anger was already banging against my chest. I was furious. Naglalabasan ang ugat sa kamao na galit kong ikinuyom habang sunod sunod ang paggalaw ng panga ko.
“Bakit? Hindi ba dapat ako makaramdam ng galit sa kanila? Hindi ko ba dapat sila pandirihan? Nakakagalit na pakiramdam ko…walang…walang nakakaintindi, doc,” I confessed like a little kid who was talking to his mom.
Rodney’s words, together with those of my other past friends, were now laughing in my head. And even the mockery I got in the parking lot with those guards, as they only shrugged about my trauma, contributed to my rage.
I cursed breathily. Sobrang ingay nila sa utak ko na gusto ko nalang iuntog ang ulo ko sa pader nang matigil ang lahat ng iyon.
“I understand your anger, Reagan. I understand you…” she communicated calmly.
“Your emotion is valid. No one is entitled to dictate to you what you should feel. That is yours. If you feel mad or sad, no matter how negative it may seem to other people, it is still your own feeling that no one must meddle with. Yes, negative emotion might be that ugly to some, but that is not a bad emotion that should be suppressed, Reagan. It’s understandable as a response to something that hurts you.”
Sa mga matang nanlalabo, tinitigan ko siya ng tahimik. Mainit ang pagpatak ng luha sa gilid ko, dala ng galit, ngunit sa sinabi niya, nanlambot ako.
She smiled at me assuringly that this is my safe space and no one would judge me if for the first time, I’d strip myself and show the wound I tried to hide from everyone.
“I acknowledged your anger, Reagan. I know where you are coming from. I understand you…”
Lalo siyang lumabo sa paningin ko. Sa sunod sunod na patak ng malalaking luha, parang kidlat ang emosyon na sumabog sa akin. Ang mga hikbing hindi ko kailanman narinig sa sarili ko, ngayon lang kumawala.
Yumuko ako sa nakaparte kong hita para lang itago ang mukha ko para humagulhol. I was raped. Damn it!
Hindi ko maamin amin kay Mommy sa takot ko na baka hindi niya ako paniwalaan. Ni hindi ko makwento sa mga kaibigan ko sa takot na baka…mandiri sila sa akin. It was disgusting.
Noon, gustong gusto kong pumangit. I even wanted to scar my face just to look so ugly that I saw my hair as a coping mechanism for a change.
I want to study law…because I believe the course will help me understand my situation as a…victim. I’ve chosen Polsci to be the voice of my fifteen-year-old self, to reclaim my rights and give my young self the justice he deserves.
Tumakas ang iyak ko na tanging naririnig sa loob ng clinic. I tried to stifle it; I tried to control it, but the loud cries escaped like a freedom I took from them a long time ago to express how wounded I was inside.
Paano…paano ko sasabihin sa mommy ko na ang nag-iisa niyang anak, nagahasa sa isang party ng bakla? Na ang pagbabago ko ngayon, ang mga pinaggagawa ko, ay hindi lamang dahil nagkakaroon na ako ng sariling isip kundi proteksyon sa takot na baka…maulit iyon at hindi ko man lang maprotektahan ang sarili ko?
Hindi niya alam kung gaano ko kagustong umiyak sa kanya, magsumbong, at sabihin na takot na takot ako. Na ayoko na iyong maulit pa..
I wanted to cry in her arms so much. I wanted to be held so much. I wanted to be protected so much. I yearn for her assurance that no one would ever hurt me again or touch me without my consent, but I was more afraid that it would break her than how it broke me.
I punched the floor countless times, cursing through my broken cries, my shoulders rocking uncontrollably as I realized how I had lost my confidence. How I lost my genuine smile. How I lost some of my friends. How I lost my old me. I made a lot of drastic changes just to fit into a world that was so cruel to my young self. I became the worst…version of myself.
Chapter 18
Sincere
I cried for half an hour. Nasa sahig na lamang din ako, nakasandal sa sofa at nakatingala sa kisame habang pinapakalma ang sarili. Ang rami kong iniisip.
I haven’t thought of this deeply. I haven’t experienced reflecting, tracing the root of my emotion, and crying about it. Kaya ngayong binibigay ko sa sarili ko, hinahayaan kong umiyak, at ipakita kung gaano ako dinurog ng nangyari, nakakapanghina.
Ngunit walang mali rito tulad na rin ng sabi ni Doc Jane. Sobrang sakit na gusto ko munang umiyak, na karapatan ko ito, emosyon ko ito, at walang magsasabi sa akin na hindi dapat ako ganito ka hina tingnan.
“May nasusuntok akong mga bakla sa galit ko pag hinahawakan ako, doc,” I confessed guiltily when my gaze slowly drifted on her.
“Trauma response,” she pointed out.
“May isa akong circle noon. ’Yung circle na ’yon, sila ang mas nakakakilala sa akin. Sa kanila ko rin unang sinabi. Pero noong nag-open up ako, pinagtawanan nila iyon. Sana daw, tinira ko rin sa pwet bilang ganti. Nakakadiri. Hayop.” Ramdam ko ang paggalaw ng panga ko sa galit.
“Have you tried opening up to your other friends?”
Tumango ako. “Oo doc…Una ko iyong in-open up kay Roger. ’Yung kaibigan ko kung saan ako mas close. Pero tinukso lang ako na sana ginantihan ko raw at tinira sa pwet pabalik kaya galit na galit ako. Nakakainis pa dahil kinukumpara nila sa karanasan nila at sinasabing huwag ko nalang pansinin.”
Noon, pakiramdam ko, ang babaw noon. Ni hindi ko maamin kung biktima ba talaga ako, dahil parang pinaramdam sa akin, na kasalanan ko rin dahil naglasing ako, at naroon sa party na ’yon.
Tang ina. Laging nasesentro sa biktima at hinahanapan ng mali para masisi ito. Tatanungin ka pa kung ano bang suot mo. Kung lasing ka ba. Kung bakit ka sumama eh pwede ka naman sanang umiwas at sasabihing ginusto mo rin. O di kaya, bakit hindi sumigaw, o humingi man lang ng tulong. Fucking enablers. Akala nila ganoon ka dali iyon.
It just showed how people are closed-minded when it comes to victims, unless it happens to them. Unless they experienced it. Saka lang nila maiintindihan kung gaano ka bigat kung sila mismo ang nakaranas.
“No one must compare how they cope with things because we all have different stress levels, depending on their genetics and the environment they live in. That friend of yours, his stress level was probably low. Kaya kahit gawin iyon sa kanya, he could still hold back on overreacting because he got more spaces to fill, unlike you,” paliwanag ni Doc Jane.
“May mga taong madaling panghinaan ng loob, hindi dahil nag-iinarte lang, o nag overreact, kundi dahil iyon sa maraming bagay. We have what we call nature and nurture. In terms of nature, ito iyong innate, or genetically speaking, namamana. Nasa dugo na. When you grew up in a family prone to depression, you might also have it, kasi nasa dugo niyo na. May iba naman, nakalakihan dahil sa environment na nila. Let’s say, nahihirapan kang mag open-up dahil ang mga nakapaligid sa’yo, puro mga closed-minded, which you adapt and make it hard to share things,” she elaborated.
“Some uneducated people about this would always claim, “O ako nga…ganito ang pinagdadaanan ko, mas mabigat pa sa’yo. Pero kinakaya ko naman. Kaya kaya mo rin ’yan.” No. That’s not how it really works since, as I said, we are all different, even genetically speaking. Our stress levels aren’t the same. Sila, kinakaya nila, dahil kaonti lang ang stress level nila. Pero iyong iba na talagang umiiyak sa mga tingin nilang maliliit lang naman na bagay, they have already reached that high level of stress to react that way.“
I gently looked at her. Ang nakakuyom kong kamay dahil sa galit na naiisip ko, lumambot. It was a different realization when you think of it on a deeper level: that all of us are equal as humans but unique. Iba iba man ang paraan ng pagtanggap, ngunit parehas na may emosyon.
“Do you have other friends?” tanong niya.
Tumango ako. “Meron, doc. ’Yung kinwento ko kanina. Varsities sila. Ka grupo ko. Hindi ako close sa kanila noon pero dahil hindi nila ginagawang biro ’yung karanasan ko, o hindi nila pinag-uusapan sa nakakagalit na paraan, sa kanila na ako madalas sumama.”
She smiled. “You found the right people…”
Inabot ko ang tissue. Nasa labi niya ang ngiti habang kusa kong pinupunasan ang mukha ko. Kanina ko pa ’to gustong gawin pero mas gusto kong bumuhos lahat ng emosyon ko na ayoko iyong punasan muna.
I sat on the sofa again comfortably. Hinila ko ang hoodie sa likod at iniwan ang itim na t-shirt para mas maging presko ang nararamdaman ko at isinabit iyon sa balikat ng sofa.
“Gustong gusto ko silang maunawan pero…paano ko iyon gagawin kung kahit ako, hirap akong unawain ang sarili ko? Minsan, ayokong naiisip na ganoon ang mga bakla, pero hindi ko makontrol ang tingin ko sa kanila. Oo nga, nasa isip ko lang. O dapat huwag ko nalang isipin. Pero iyon nga ang problema kasi kahit ayaw kong isipin, naiisip ko, doc…”
May kung ano siyang isinulat na hindi ko na inusisa pa lalo na’t tiningnan niya rin ako pagkatapos noon at ipinagsalikop ang mga kamay.
“I understand your frustration about this, Reagan. You are not just having anxiety but also hyperarousal… Let’s talk about fight and flight. Do you know that term?”
I nodded. “Yes, doc. Fight or flight helps us manage certain situations when we sense something isn’t right… o ’yung ikakapahamak natin.”
“Yes, that’s right. But during hyperarousal episodes, our fight or flight response is very much intensified to the point that, although you’re normally in a safe environment, you feel the need to alert yourself to your surroundings that exaggerates your thinking, making it impossible for you to handle your emotions very well or normally act the way you normally do…”
Tahimik akong nakinig.
“Let’s say, mag-isa ka. Ngunit ayaw mo nang magpatay ng ilaw dahil takot ka sa dilim na baka…may baklang magpakita at ulitin niya ang ginawang kinakatakutan mo. That moment, your fight-or-flight is super aroused that you can’t even sleep in the darkness because of your fear that someone might suddenly pop out—which was impossible from the first place since you are alone—but because you are having an episode of hyperarousal, you can’t barely think straight and rational…”
She’s…right. Hindi ako makatulog pag patay ang ilaw. It was just a simple worry, or something that I was already used to, but I never recognized it as…more than anxiety.
“I would employ dialectical behavior therapy, a method that is used in my field, as your psychotherapy to help you regulate your emotions. In this therapy, you will go through several phases of acceptance during this process in order to comprehend why, in the wake of a traumatic occurrence, you act in that manner. It will teach you how to manage your episodes in a way that is more suitable and comfortable than it was before.”
I listened carefully as I tried to pay attention to each word. Tumayo si Doc Jane at binuksan ang balkonahe niya. Lumingon siya sa akin at sumenyas na pumunta roon kaya tumayo ako para makalapit sa kanya.
“What do you see, Reagan?” she asked.
Iginala ko ang tingin. Bukod sa buildings, ang kapansin pansin ay ang matingkad na asul na langit.
“Buildings at asul na langit,” sagot ko.
“The blue sky,” she echoed my answer. “You didn’t bring an umbrella because you thought it wouldn’t rain, right?”
Tumango ako.
“Now, what if it gets rain? What would happen?” she asked critically.
Tiningala ko ang asul na langit. Masyadong matingkad iyon para isiping…uulan.
“Mababasa ako,” I answered literally.
She smiled. “Exactly. And what would you feel?”
“Magagalit.” Malamang. Mababasa eh. Sino bang hindi?
“Magagalit ka saan? Sa langit ba…o sa’yo?”
I was taken back by her question. Hindi ko man lang naisip…kung saan nagmula ang galit ko. When she noticed my sudden pause, her lips stretched for a warm smile.
“It is important to know what’s the root of our emotion, Reagan. That’s the main purpose of dialectical behavior therapy. You are reflecting on your emotion, not just dealing with it, but you are slowly accepting things that you have no control of.”
I never imagined this to be this deep. Medyo gulat ako na ipinagkasalubong ko lang ang kilay ko, tinitingala ang asul na langit, at…walang naiisip kung bakit…asul iyon. Well, scientifically speaking, it’s blue because of the earth’s atmosphere.
But…if it suddenly rains and I am outside with no umbrella because I was expecting sunlight, who’s…fault it was? Nagkasalubong ang kilay ko kung kaninong katangahan ’yon.
“It’s no one’s fault,” she answered, which made me a bit intrigued. “You are mad, which is valid. But not all emotions should respond to an immediate action, Reagan. Your emotion is just temporary. Always remember that.”
I calmed down.
“Para hindi ka mabasa sa ulan, what would you do next time?” she asked persistently, which pushes me to reflect more.
“Bring umbrella,” agap ko.
“Exactly.” She smiled proudly. “You would learn from it that there are things we can’t control. All you have to do is accept changes, deal with them, and change your perspective.”
Tumingin ako sa psychologist ko. I realized what she wanted to tell me. Metaphorically…
“Now…imagine if all of the people are like the skies; imagine the storms we were hiding; imagine the pain; imagine the traumas we couldn’t talk about. If you found out those emotions would pour out expectedly and tell you they’re also suffering, will you still…judge them? Or will you immediately widen your mind because you know it is something we have no control of?”
It felt heavy. The moment I tried to delve into those things, the first thing I’d seen was…his eyes on that night. Doon ko iyon unang nakita. Sa mga mata niya. Na wala sa madilim na langit ang lungkot ng gabing iyon kundi…nasa kanya.
Kung…una ko ba siyang nakilala sa paraang mapapanatag ako na parehas lang kaming dalawa na may pinagdadaanan din…makakaya ko pa ba siyang insultuhin? O pandirihan?
“We all have storms in us, Reagan. You are not alone,” she said quietly. “And there are some men, women, and even gays right now who are silently battling to conquer their fear and their traumas just to achieve peace, like you…”
Nanlabo ang mga mata ko. I was beyond guilty when I realized how much pain I inflicted on someone else because of my own trauma. Tiningnan ko silang lahat bilang kauri noong bumastos sa akin, at hindi kailanman nakita na baka…katulad ko lang din sila.
The urge to improve myself was too strong. Ayokong ganito ako habangbuhay. My mom’s words echoed in my mind while she was pleading to understand her new lover. Tyler’s worried expression flashed. Brent’s concerned look as if he wanted to tell me something, but he’s not ready for my reaction. And…Denver’s…sad twinkling eyes on that night.
Nauna kong nakilala si Shiloh kung sino siya. We bonded deeply because we are both scarred, and he understood where my anger was coming from. Kaya siguro…kahit malaman ko ang sekswalidad niya ngayon, hindi na iyon matimbang sa akin. Because if he revealed first that he is gay, I don’t think I would have any empathy for him. Baka lumayo agad ako. Baka…nauna na ang pandidiri kaya sarado na ang isip ko.
Katulad ng…reaksyon ko kay Denver. I was disgusted when I saw him kissing a boy. It was a sudden flashback on that dirty night I don’t want to remember, but he triggered it.
Pero kung…kinilala ko sila…katulad ng sinabi ni Doc Jane, kung nakita ko na…katulad ko lang din sila, baka sakaling unti-unti kong matanggap at maunawaan.
I have never been guilty of mocking them. Kahit ngayong humihingi ako kay Denver ng tawad, para sa akin, ginagawa ko lang dahil kailangan, dahil may kasalanan. I am taking accountability for my mistake. But guilty? I don’t think I was guilty enough to admit to him that I was at fault. Siguro nga dahil rin hindi deserve ng mga bakla ang ganoong respeto mula sa akin.
Iginiya ako ni Doc Jane papasok at muli kaming umupo. Bumabagabag sa isip ko ang lahat lahat. Ngayon ko lang mas nakita ang mali ko. Ngayon ko lang mas natanggap na…mali nga ako.
“It won’t be easy, Reagan. Healing a trauma has never been easy. But slowly making a step and acknowledging it is already progress that you should be proud of. You’ve made it here…” She smiled at me encouragingly.
Nawala ang pag-aalangan sa akin. I am more willing now to…change and to heal. If…some of my friends are gay or bisexual, then I needed…a strong power to protect them. Because I know there are also people like me who are violent and would not hesitate to hurt them. Kung…may kagaya kong biktima…alam ko, may mga tao ring kagaya noong Dennis. Hindi lamang siya.
“Ano pa, doc?” I asked eagerly.
“We’ll also focus on three things here: your mental, physical, and social.”
Tumango akong muli.
“I like your haircut, by the way… it suits you…” she complimented.
Ngumuso ako at hinaplos iyon. Nakakadagdag confidence na…naaappreciate ’yung ganitong look ko. Hindi nakakapressure.
“Gusto ko ngang pahabain, doc. Kaso nahihirapan din…Gusto ko sana ng new look pero…”
“Don’t ignore what you want for yourself, Reagan. It actually helps to slowly heal when you also focus on taking care of yourself. If you want to go to the gym, go. If you want a new hairstyle, go. Enjoy it. It helps a lot to lower your cortisol hormone, which would lessen your stress. That would also subconsciously make you feel confident about yourself.”
Ngumuso ako. Talaga? I smiled and nodded. I’ll try. Guwapo pa naman ako pag pinahaba ang buhok ko. Kaso—
My smile vanished when I started thinking ugly things again. But…I tried to calm myself for a while because I knew where it was coming from. I’m traumatized. It’s not easy.
“The last thing is your social being. Always find those who give you peace and who influence you to feel great, Reagan. And according to your story, which is your new friends, they actually help a lot to lower your cortisol level, which is the reason why you wanted to be with them, because they make you happy and at ease. Focus on what triggers your endorphins. If they make you happy and you find peace in them, then keep them in your life.”
The urge to talk to Brent was strong. Anong cut off? Siya ic-cut off ko? Gago. Kahit sa panaginip niya sasamahan ko siya ngayong si Shiloh ang nagugustuhan niya.
But at the same time, it was an acceptance that…I want to understand him. Kung…ganoon siya…alam ko…hindi siya kagaya noong baklang iyon. Kilala ko siya.
The session was heavy, but fulfilling. I cried. I opened-up. And I am willing to change. Ang sabi ni Doc Jane, kung handa na ako, o kung gusto kong mas maintindihan na…may mga baklang kagaya ko, na biktima rin, may isang session na pwede akong makinig sa mga pinagdadaanan nila. It’s part of my DBT therapy to regulate my emotions for acceptance.
Alam ko naman na may mga baklang may pinagdadaanan din. Pero sa isip ko, karma nila ’yon dahil sa mga maruming gawain nila. Na nandoon sila sa ganoong posisyon na ’yon dahil pinaparusahan sila. Hindi ako kailanman naawa sa kagaya nila. Kahit pa siguro may makita akong…baklang binubugbog…maiintindihan ko kung bakit lalo na’t gustong gusto kong gawin sa kanila.
But…when I heard things…that Denver was only punished for his preferred sexuality, was infuriating. Doon ko iyon unang naramdaman, na…naawa. That maybe, I still have empathy for them as a human.
Namumungay ang mga mata ko nang magpaalam sa psychologist ko, na gusto ko munang magpahinga. The session was too emotional that I wanted to isolate myself for awhile and reflect more. I wanted space. I wanted silence.
Tahimik na lamang ako sa taxi. I took my phone out and opened my messenger. May bagong message request kaya binuksan ko rin iyon para tingnan. Daniel Rio Ferrin. Umangat ang kilay ko at mabilis iyong tiningnan.
Hello tropapips!
Wala sa sarili akong natawa. Tang inang batang ’to. Hindi ba uso ang kuya sa kanya? Dapat Kuya ah? Kuya Reagan.
I ignored it, but then, when I couldn’t erase the smile on my lips, I decided to type a reply.
O?
I sent it.
Two seconds later, he immediately seen my message. Online pa yata lalo na’t nagt-type na siya.
Daniel Rio Ferrin:
Si kuya pinapatanong kung nandiyan ka daw sa unit mo.
Bakit pinapautos pa sa kapatid? Instead of replying to Rio, I decided to call his brother’s number instead. After two rings, he answered it.
Maingay ang kabilang background. I silently listen to him, waiting for his voice.
“Uh…Reagan?” he called.
Wala sa sarili akong napabaling sa phone kahit hindi ko naman siya makikita. I’m just shocked he called me on my name…
“Hmm?” mahina kong bulong, medyo pagod din ang boses kaya ayokong magsalita.
Hindi siya agad nakapagsalita kaya tiningnan ko pa ang screen ng aking phone. Noong tumatakbo pa naman ang call, muli kong ibinalik sa tainga at narinig ang pagtikhim niya.
“Ah…Nasa District One pa ako. May gig ako. Pero gusto ko lang sanang ibalik ’yung nilibre mo noong nakaraan. Wala ka kasi kanina sa unit mo.”
Gusto kong makipagtalo na libre ko naman iyon, at hindi niya na kailangang bayaran. Pero masyado akong pagod para doon.
“Okay. Dederitso nalang ako diyan,” I replied hoarsely.
“Ah…oo sige. Kasama mo si Shiloh? Gagala kayo?” kuryoso niyang tanong.
“Mag-isa lang,” sabi ko.
“Ah…Oh sige. Hintayin nalang kita dito.”
I turned off the call and slipped my phone back into my own pocket. Gusto ko ring pumunta doon para uminom at…siguro makahingi ng tawad. This time, I know it’s sincere.
Chapter 19
Messages
I wore my cap, together with the hoodie of my black jacket, while heading inside. Madali lang namang makita ang stage dahil hindi sobrang laki ng stage. Hindi rin naman ganoon ka liit para maging siksikan dahil hindi rin crowded ngayon.
Naabutan ko siyang kumakanta. Sa ritmo palang, alam ko na agad kung anong kanta iyon. Blue Sky by Hale.
“The world maybe, like an endless storm, chasing a mystery…” he sang while I was already walking to an empty chair, occupying it, while our eyes locked.
Umupo ako, namulsa at titig na titig sa kanya. I’ve seen the sudden flicker in his eyes, probably curious why I looked miserable.
The gentleness of his voice sounded like a lullaby to me. It was comforting. Patingin tingin lamang siya sa akin, minsan iiwas, habang seryoso ang titig ko at hinihintay lang siyang matapos.
“The sun is sure to shine for you and me…for everyone…so don’t be sad, it’s just a start of a new beginning in your life… A blue sky…waiting tomorrow…” he sang and found my gaze again.
I looked at him silently, almost dazed, as I couldn’t barely take my eyes off him. Magaan pakinggan ang boses niya lalo na’t malinis. Even the song fits into his own voice because he sounded angelic.
Pumalakpak ang lahat pagkatapos ng kantang iyon. He smiled and stood. Kinausap niya lang ang mga kasama niya na tumutugtog saka siya naglakad patungo sa table ko.
I pushed the chair for him using my left foot. Umupo siya roon at tiningnan ako ng makahulugan. He was wearing a baby blue hoodie and gray tattered pants, while his hair wasn’t in its usual style. He styled it, and he added some waves. Nang makita niyang nakatingin ako sa buhok niya, hinawakan niya agad.
“Pangit?”
I shook my head. “Hindi naman. Para saan ’yan? Nanonood ang ex mo?” Saka ko iginala ang tingin.
His eyes widened. “Huh? Hindi ah.”
Ibinalik ko ang tingin sa kanya. He looked so soft. Para siyang…
“Art.”
“Art?” he echoed. “Ang alin?”
I blinked twice when I realized I had mouthed it. I shrugged and called the waiter. Patingin tingin siya sa akin, lalo na sa mga mata ko, ngunit iiwas din. I ordered beer for myself, while I also ordered his usual food. Noong magbabayad na, kumuha agad siya ng pera at inilahad sa waiter.
“Ako na ang magbabayad,” agap niya. “May utang pa ako sa’yo.”
“Libre ’yon,” sabi ko.
“Oo nga. Kaya ililibre din kita ngayon,” he defended and handed his own money persistently.
Ngumisi ang waiter sa kanya, mukhang kakilala niya lang. “Galante ka talaga pag guwapong lalaki ’no? Iba rin talaga ang nahahakot mo…”
Mabilis na nagkasalubong ang kilay ko at sinamaan ng tingin ang waiter. Anong ibig niyang sabihin diyan? Nakaalis na ito habang masama pa rin ang tingin ko rito.
“Anong nangyari?” bigla niyang tanong.
Ayos lang sa kanya ang ganoon? Babastusin siya at pag-iisipang gumagastos siya sa lalaki? Kasi sa akin, hindi ’yon pasado! Parehas lang ’yon ng pang-iinsulto ko ah?
“Ayos lang ’yon sa’yo? Anong sabi niya?” I asked roughly.
Bumuntonghininga siya. “Sanay na ako sa ganyan. Alam ng lahat dito na nagkakagusto ako sa lalaki. Pero huwag kang mag-alala. Hindi naman kita papatulan katulad ng iniisip mo. Hindi naman ako ganoon…”
Hindi ko alam kung bakit mas lalong nakakagalit na parang exempted ako. Ano, hindi ako guwapo? Talagang hindi siya naguguwapuhan sa akin?
“Si Shiloh…bakit hindi mo kasama?” bigla niyang tanong.
Kumalma ang ekspresyon ko nang maalalang kakagaling ko lang sa session ko. Namulsa ako sa suot kong jacket at sumandal sa upuan, walang ganang pag-usapan ang nangyari.
I shrugged. “Busy.”
Ilang sigundo niya akong tinitigan. Sa bawat tingin niya sa mga mata ko, tila ba may nabubuo siyang dahilan kung bakit ako umiyak.
“Brokenhearted?” he assumed.
Gagong brokenhearted. At sinong iiyakan ko?
Noong inihatid na ang order ko, deri-deritso na ang pag-inom ko. Tahimik lamang siyang kumakain habang ako, idinadaan sa pag-inom ang bigat ng pakiramdam ko.
Gusto kong malasing para deritso na tulog. Pero nakatatak din sa isip ko na hihingi ako ng tawad sa kanya. Gusto ko ring tawagan si Mommy, pero hindi ko alam kung tama ba iyon. Parang iiyak lang ako.
Hindi naman kami nagtagal doon. Gusto ko na rin talagang umuwi at magpahinga. At alam ko, pagod din siya.
I wanted to utter it while we were both in the taxi. Ngunit hindi ko magawa. Hindi ko…masabi. Kahit noong nasa Green Residences na at nakapasok na sa elevator, tahimik lamang ako.
We both went out and stopped in front of our unit’s doors. Noong binuksan niya ang pinto, saka ako nagkalakas loob na lingunin siya lalo na’t papasok na rin siya.
“Rin,” I uttered.
Natigilan ang amba niyang pagpasok at napalingon s akin, kunot ang noo.
“Rin?” He echoed.
“Aldrin? Rin?” I answered. “Nagmamadali kang pumasok eh. Edi pinaiksi ko.”
He remained silent. He looked shocked that I had invented a nickname for him.
“Wala bang tumatawag ng ganoon sa’yo?” I asked.
He shook his head. “Wala…”
“Pwes meron na.” I shrugged again.
I saw him swallow a bit as he looked at me quietly and pulled his gaze back. I sighed while I gripped the doorknob of my door.
“I sincerely apologize for…” I looked at him wearily. “For…insulting you on that day.”
His lips parted. Tumikhim ako at lumunok, gustong iiwas ang tingin, ngunit gusto kong makita niya na seryoso ako.
“It was my ego talking… I said it because I don’t like people like you. Iba lang talaga ang tingin ko sa inyo. Sa mga taong pumapatol sa lalaki. Pero naiintindihan ko na ngayon na…mali ’yung ginawa ko.”
Walang tao sa pasilyo. Kahit marahan lang ang tinig ko, alam kong malakas na iyon para marinig niya na hindi ako nagbibiro, o hindi ako nakikipaglokohan sa kanya. I meant it this time.
“Pero kaya ko na. I mean…kakayanin. Ayoko lang na…tumatak din iyon sa isip mo at dibdibin mo. I don’t mean all of those words. I am not…” I stopped for a while, swallowed a little, then looked at him wearily. “I am not a bully…”
Kailangan ko ng kaonti pang pasensya para maintindihan ko rin kung saan nanggaling ang galit ko. It was me who never acknowledged it. It was me who ignored my trauma first. Sa takot ko na baka pandirihan ako pag sinabi kong nagalaw ako ng bakla, hindi ko man lang nagawang pagtuunan ng pansin hanggang unti-unti ko nalang nakikita kung gaano ka laki ang pinagbago ko. Kung gaano ako naapektuhan sa nangyari at sa ibang tao ko iyon naibubunton.
He nodded gently. “Alam ko…Hindi ka ganoon. Naniniwala ako sa’yo.”
My eyes widened. They were just simple words…It was the least words I expected from him, but the most comforting…I heard.
For the past years, I never wanted anyone’s empathy, or maybe it was what I yearned for the most, just to be acknowledged, understood, and never blamed for something I had no control over.
Matapang ako. Ngunit ang totoo, matapang lamang ako sa mata ng ibang tao. But I knew for myself that I wasn’t that strong. I wasn’t that badboy they viewed.
“Kung…ano man ang ginawa ng…kagaya namin sa’yo na humantong ka sa ganitong galit sa amin, ako na ang humihingi ng tawad,” malumanay niyang bigkas.
My eyes blurred a bit. Humingos ako at binasa ang labi, tumingin sa pinto, ngunit walang balak pumasok.
There is no amount of apology that could erase the pain that motherfucker caused. Nor any amount of words that could heal the trauma I suffered.
Ngunit ang marinig na siya ang kusang humihingi ng tawad, unti-unti kong nakikita na tiningnan ko siya sa maling paraan.
I nodded and sniffed as I tried to smile at him. “Iaaccept mo na ako sa Facebook? Magkaibigan na yata tayo.”
Namilog ang mga mata niya na sa halip na seryoso iyon, natawa siya. Idinaan ko rin sa tawa ang nararamdaman ko. Oo mabigat pero…sa unang pagkakataon, nadadala ko nang maayos nang hindi nagagalit. O hindi sumasabog.
“Bakit ba gustong gusto mong friends tayo sa Facebook?” kuryoso niyang tanong.
“Wala lang. Dagdag viewers sa story ko? Dagdag likers sa post ko?” I answered, which made him laugh a bit.
I laughed as well. Akala niya siguro nagbibiro ako?
“Bahala ka. Isesend ko sa’yo lahat ng pictures kung hindi mo ako i-aaccept,” biro ko.
“Edi isend mo,” hamon niya.
“Ipapakita ko lang naman kay Angela na friends na tayo. Hindi kasi naniniwalang nakipagbati na ako. Sa susunod na party no’n, tingnan mo, uutusan na naman ako no’n na imbitahan ka. Akala niya nagsisinungaling ako,” sumbong ko.
He sighed. “Edi pupunta ako…”
My eyes widened. “Talaga?”
Tumango siya. “Oo.”
Gago. Ganoon niya ba ako ka ayaw maging friends sa Facebook na mas gusto niyang pumayag sa imbitasyon ko kaysa ang i-accept ako?
But I think that’s an improvement. We’re now friends. He’s comfortable with me. At…naiisip ko rin iyong session namin ni Doc Jane. Siguro…kung sinimulan ko ang unang hakbang para tingnan na ang mga bading ay kagaya niya, mas makikita ko na…may mga bading ding parehas niya. Hindi lamang noong putang inang gumalaw sa akin.
“Pupunta ka ah?” I said persistently.
“Oo nga. Uh, sige na. Papasok na ako.”
He opened the door and attempted to go in, but he glanced at me to see if I would do the same thing. So I rested the side of my head against the door and gestured to him to just come in.
“Mauna kana,” udyok ko.
“Sige. Papasok na ako,” paalam niya.
Tumango ako at ibinulsa ang kamay ko. Tuluyan nga siyang pumasok at isinara rin ang pinto. Bumuntonghininga ako at nakayukong tiningnan ang sapatos ko.
Isinandal ko ang ulo ko sa pinto, iniisip kung papasok ba at itutulog ang lahat ng ito, o…
Bago ko pa maisipan ang kung ano, bumukas ulit ang pinto ng unit niya hanggang sa dumungaw ang ulo niya na ikinakunot ng noo ko.
“Gusto mong…kumain ng ice cream?” alok niya.
My lips parted. My comfort food. Of course…I would love to.
Wala sa sarili akong tumango. Lumabas siya at sumenyas sa akin na sumama. I immediately walked toward him.
Tahimik kaming naglakad patungo sa elevator. Gusto ko talagang umiyak at magmukmok sa unit, pero mas maganda na rin ang ganito na may…nakakausap ako.
Pumunta kami sa malapit na 7-eleven. Instead of choosing the usual ice cream, I choose magnum instead. Pero iyong cookies and cream.
“Itong classic nalang,” aniya.
Kumunot ang noo ko. “Huwag na. Mahal ’yan. Ito nalang maliit.”
“Itong malaki,” giit niya. “Bitin ’yang nasa sachet. Ang laki mo pa namang tao…” At nanglait pa. May kasama pa yatang sama ng loob ang panlilibre niya.
Pero sa aming dalawa, mas matangkad nga naman ako. Hanggang mata ko lang siya. Siguro nasa 5’10 o 5’11 siya lalo na’t mas matangkad din siya kay Shiloh. Eh maliit ’yon.
Sinundan ko siya sa counter. Itinuro niya pa ang fridge, mukhang gusto niyang kumuha ako ng drinks. Nang-uutos ah?
Kumuha ako ng sanmig at iyong usual drink niya. Bitin iyong beer. Hindi man lang nakatalab. Dapat pala isang malaking Alfonso nalang ang in-order ko kanina. Pero wala rin ako sa mood magpakalasing.
Pagdating sa counter, inilahad ko agad ang isang libo sa cashier, siya naman na nag-aambang maglabas ng pera.
“Ako na,” I offered. “Ako naman ngayon. Tapos kana kanina sa bar.”
Tumingin ang babaeng cashier sa amin. Umiling pa si Rin at gustong ipagpilitan pero sinenyasan ko na ang cashier na huwag siyang pansinin.
The girl smiled at me and obeyed what I wanted. Sinamaan ako ng tingin ni Rin na patay-malisya ko nalang na hindi pinansin.
“Pinagpipilitan mo talaga lagi ang gusto mo,” aniya.
“Gusto ko eh. Ipipilit talaga.”
He scoffed and shook his head. Ibinigay ng cashier sa akin ang brown na paperbag saka ko iyon kinuha.
We occupied the empty seat outside. Hindi ko lang mabuksan ang sanmig ko dahil bawal din uminom doon. Binuksan ko ang binili naming ice-cream pagkatapos iyong durugin. He silently watched me while he was already holding the wooden spoon, ready to scoop.
Noong buksan ko, sinilip niya pa ang loob. Nag-amba na siyang kumuha nang maalala niya siguro na ako ang gumastos kaya tumigil siya.
“Kuha ka. Malaki naman ’to. Kalahati lang din minsan ang nauubos ko dahil masyado nang matamis.”
Which he really did. Siya ang nangyaya, pero siya pa yata ang gustong gusto kumain. But still, I calmly watch him and wait for my turn. He scooped a small amount and handed it to me.
Kinuha ko iyon at kumuha rin. Noong isinubo ko iyon, nagkasalubong pa ang kilay ko nang unti-unti ring gumaan ang pakiramdam ko. Kaya gustong gusto ko talaga kumain ng matamis pag galit ako, o may iniisip. Nakakakalma siya.
“Ch-in-at ako ni Rio,” I opened up when I remembered it.
“Ah…nagtanong kasi ako sa kanya kung nag-uusap kayo,” aniya at kinuha ulit ang ice cream ko.
“Pwede mo naman akong i-text. Bakit mo pa idinaan sa bubwit na ’yon?”
Tumingin siya saglit sa akin, ngunit sumubo rin ng malaking scoop ng ice cream. Tinakpan niya ang bibig at ngumuya kaya tinitigan ko siya para hintayin ang sagot niya. Iba din talaga ang isang ’to. Oo guwapo, pero nag-aagaw ang ganda sa mukha niya. Kaya rin siguro may…lalaking nabibihag.
“Wala lang…baka isipin mo…”
I arched my brow. “Ano?”
“Ano bang sinabi ni Rio?” agap niya.
Inilabas ko tuloy ang phone ko para iopen iyon. Muli siyang nagscoop at mabilis ding ibabalik sa harap ko ang ice cream habang abala ako sa phone ko.
“Marami siyang sinabi. Hulaan mo,” seryoso kong sabi.
“Ano?” Medyo naalarma siya at napatayo, gustong sumilip ngunit mabilis kong pinindot ang gilid para mamatay ang screen.
“Totoo siguro ’yon. Hindi pa naman nagsisinungaling ang mga bata,” pang-aasar ko.
“Sanay lang siya na mga varsities ang mga nagugustuhan ko. Pero mali ’yang mga sinasabi niya sa’yo.”
Oh? Edi meron nga? Aba…
“Guilty.” Iling ko at nag-ambang kumuha ng ice cream nang mapansin ang pamumula niya.
“Totoo! Kakahiwalay lang namin ni Arron. Wala akong balak na…maghanap ng iba. O ano man. Wala akong…nagugustuhan.”
“Eh bakit sinabi ni Rio…” patuloy ko at hindi matuloy tuloy ang pagscoop ng ice-cream.
His face heated that it was so obvious because he’s paper white. Tiningnan niya pa ang phone kong nakalapag na lamang sa table kaya kinuha ko agad. Ano kayang alam ni Rio at ganyan siya ka guilty?
“Gawa gawa lang ’yon ni Rio,” he defended, scooping another big amount of ice cream.
“Hindi niya naman ’yon sasabihin kung wala siyang napapansin,” sabi ko.
He looked at me for a while. Noong hinuli ko ang tingin niya, binawi niya agad. Binuhay ko muli ang screen ng phone ko ngunit agad ko iyong itinaas nang inambahan niyang silipin. Noong determinado siyang tumayo, mabilis din akong tumayo paalis sa upuan ko at itinaas muli ang phone ko, napapaatras.
“Patingin!” he urged, and he walked toward me.
I immediately put it behind me with a playful smile on my lips while stepping backwards. Lumapit siya at sinubukan iyong abutin kaya ipinasok ko sa bulsa ko.
“Totoo siguro ang sinasabi ni Rio…” tukso ko nang mas lumapit siya nang tumigil ako.
He looked so desperate that he started touching my pockets from the back. Lumayo ako at natatawang umilag, tumakbo pa sa paligid ng 7-eleven ngunit talagang humabol pa siya at noong maabutan ako ay muli akong kinapkapan.
“Akin na! Patingin!” aniya habang nasa pants ko ang tingin at desperadong makuha ang phone ko.
“Sus aminin mo nalang! Hindi nagsisinungaling ang mga bata!” giit ko at muling umatras ngunit humakbang din siya palapit para makuha ang phone ko.
Hinawakan niya ang braso ko para lang mapirmi ako at tumigil kakailag. Nanatili akong nakatayo at nangingiting nakatingin sa pulang pula niyang mukha. Ngumuso ako nang mapagtantong guilty siya. I felt his continuous touches as he was so eager to find my phone. Kung saan saan na nakakarating ang kamay pero sa mga bulsa lang naman ng pants ko.
“Uy tama na ’yan! Baka ano pang mahawakan mo!” Huli ko sa pulso niya na mas lalo niyang ikinapula.
“Ang phone mo,” he demanded while looking so flushed.
“Ano ka, snatcher?” tukso ko na ikinatalim ng tingin niya.
Umangat ang kilay ko at itinagilid ang ulo, titig na titig sa mukha niya habang lumalandas lalo ang ngisi sa labi ko.
“Pakita muna ng search warrant?” biro ko.
His eyes narrowed at me. He used his other hand, which turned into a fist, and punched my chest lightly. Napapikit ang isa kong mata ngunit mas lumawak lang ang ngiti ko.
“Aray! Slight physical injury na ’yan! Wala kana ngang search warrant, nananakit ka pa!” I said, toying with him jokingly.
“Patingin nga!” pilit niya akong sinamaan ng tingin ngunit natatawa rin siya.
I pulled my phone out of my pocket and opened it. Kumalma siya, sumilip sa screen ng phone ko at pinanood akong pinindot ang six-digit password ko.
He was not even blinking. Umiilaw na rin ang mukha niya dahil nasisinagan ng ilaw ng aking phone, kaya naging detalyado ang freckles niya. He was attentively staring at it, his long lashing was more prominent, and his nose was crunching slightly as I could sense he was desperate to read his brother’s messages.
Ano bang alam ni Rio na ganito siya ka desperado?
Sumali na ang daliri niya at siya na agad ang pumindot ng Messenger app. Mas lalong lumapit ang ulo niya kaya naamoy ko pa ang mabango niyang shampoo na ikinaangat ng tingin ko sa kanya habang abala siyang dungawin ang screen ng phone ko. He shifted his position and stood beside me as he carefully read his brother’s chats.
“Ito lang? Nasaan ’yung iba?” Saka niya inangat ang tingin sa akin at naabutan akong kuryoso ang tingin sa kanya.
His expression changed, as if I were caught looking at him without his consent. Umangat ang kilay ko.
“Binura ko…” I said. “Pero alam ko na. Huwag kanang magdahilan—”
“Oo. Naguguwapuhan ako sa’yo pero hindi iyon ganoon,” putol niya na ikinatigil ko.
My eyes slowly widened.
“Eh namisinterpret niya lang siguro kasi alam niya na nagkakagusto ako sa mga varsities, o sa parehas mong may tindig pero—”
“Nagugwapuhan ka sa akin?” I repeated his words since I don’t really care whatever his other reason is.
“Naniniwala kang pangit ka?” he asked.
Umiling agad ako. “Ano ako, bulag?”
“O edi guwapo ka! Walang hindi maguguwapuhan sa’yo! Gano’n lang din ang tingin ko! Kaya kung ano man ’yang sinabi ni Rio, wala lang ’yon!”
Ngumuso ako. Nailing siya at nagmartsa pabalik sa mesa namin saka ko lang napagtantong malayo layo rin pala ang habulan na ginawa namin.
Naiwan akong mag-isang nakatayo doon, namaywang, at iniisip na…naguguwapuhan siya sa akin? I laughed and pinched my lower lip. Naguguwapuhan ka sa akin, Rin?
Chapter 20
Comfort
Hindi ko natanggal ang ngiti pagkapasok sa unit nang bumalik din kaming dalawa. Nasa banyo ako, balak mag half bath ngunit nadatnan ang sarili sa harap ng salamin, nakanguso at pinipisil ang pang-ibaba kong labi.
Naguguwapuhan naman pala? I shook my head and laughed a little, pulling the t-shirt at my back.
I took a quick half bath. Nang nasa kama na, naka sweatpants na lamang at topless, I immediately grab my phone to type a text while stifling my smile.
It’s already 2:30AM. Tulog na ba ’yon? Bago pa ako makaisip ng text, nagbeep na ang phone ko at may bumalandrang text galing sa kanya.
Denver:
Thank you pala sa ice cream :)
Ang ice-cream kong naka tatlong scoop lang yata ako. Lalo na’t noong pauwi, siya na ang may hawak at kumakain. Inaasar ko kaya tuloy nalingat sa isip ko. Pero ayos lang.
I typed a reply immediately.
Reagan:
Haha ikaw ulit next time ang manlilibre ng ice cream
Ngumuso ako at naisipang palitan ang pangalan niya ng Rin para mas maiksi. Mas gusto kong tawagin siyang ganoon.
Hinintay ko na magreply kaso hindi na dumating hanggang nakatulog din ako. Noong magising at tiningnan ang phone, ang mga text lang ng boys ang nandoon. Wala ang kanya.
“Five minutes, coach!” I signaled for a break on the next day. Tang ina. Ang init!
I jogged to the bench so I could wipe off the trickling sweat on my neck. Nasa gym kami dahil practice ulit for the game. Binuksan ko ang duffel bag at kumuha ng tuwalya para pamunas.
Naramdaman ko si Mavric na humabol hanggang nasa gilid ko na, binuksan din ang gamit.
“You know Kia?” bigla niyang tanong.
Kia? Umiling ako at ipinasok sa loob ng aking jersey ang tuwalya para punasan ang katawan ko.
“Engineering student. She asked for your number. I didn’t give it yet. O gusto mo ikaw ang pumunta sa building nila?” suhestyon niya at abala ring punasan ang pawis.
Nailing ako at hinampas sa kanya ang tuwalya ko. “Tigilan mo ako diyan sa reto reto na ’yan.”
Nakangiti niya akong tiningnan at kinuha ang phone niya. Tumingin ako sa boys nang mag-agawan pa si Ron at Tyler sa tubig. Kanina ko pa iyon napapansin pero may cut sa labi si Tyler. May kaonti ring gasgas ang leeg. Ewan ko kung kalmot ba o ano.
Ang sabi niya noong nakaraan, siya na raw ang bahala kay Kael. Kinausap niya na ba ’yon? First week na ng October.
“Kinausap na ni Tyler si Kael?” kuryoso kong tanong habang abala si Mavric sa phone niya.
“Here’s the girl,” si Mavric na hindi pinansin ang tanong ko at ipinakita sa akin ang isang Facebook.
Gusto kong kunin sa kamay niya ang phone pero mahigpit niyang hinawakan at gusto yatang tingnan ko lang. Sinulyapan ko ang profile picture. Maganda nga naman. Mukhang soft girl at para ding may lahing American.
Hindi ko alam kung nawawalan na ba ako ng interes lumandi o dahil din ’to sa kurso ko. Ang tagal ko na rin palang walang kinikilalang babae.
“Kaibigan ’yan noong nilalandi mong Tejano na nursing?” tanong ko.
He only smiled and pulled his phone away. Nasulyapan ko pa ang naka airplane mode niyang phone. Ito ang pagkakaiba ni Mavric sa amin. Secretive. Hindi mo mahahanapan ng ebidensya hangga’t hindi mo nahuhuli sa akto dahil wais siya at alam kung paano itatago ’yang mga nilalandi niya.
“If you’re interested, just go to her building,” aniya at inakbayan ako, may nanunuyang ngiti sa labi.
Siniko ko siya kaya natatawa siyang napabitaw sa akin. Umirap ako at kinuha ang phone ko para tingnan kung may text ba kaso wala. ’Yun na ’yon?
Umupo ako sa bench, pumangalumbaba sa nakaparte kong hita at isinabit ang tuwalya sa aking balikat habang hinihipan ang dibdib ko at nag-iisip ng itatype na text sa kanya.
Reagan:
May gig ka mamaya?
Tiningnan ko si Mavric na binuhos sa kanyang bibig ang mineral water na hawak. Tinapik ko ang tiyan niya at inabot iyon saka niya ibinigay na kalahati nalang ang laman. Pumito si coach at pinapabalik na kami kaya binitiwan ko ulit ang phone ko at inilagay sa duffel bag ko.
Pumasok ako sa huli kong subject lalo na’t may recit din sa araw na ’yon. Tulala pa ako noong natawag at kamuntik nang hindi makasagot. Buti nalang nakapag-advance reading din ako noong nakaraan. Iyon lang talaga ang panlaban ko na masipag kang magbasa para nakakasagot din pag tinatawag.
Siguro nakatulong din ang mga libro ni dad na ginawa kong libangan simula noong kinse ako. Kaya ’yung iba, madali nalang sa akin. Criminal Law 1 at Constitutional Law 1 ba naman ang ginawa kong distraction noon. Si Reyes din ang paborito kong author kung usapang law books lang dahil sa paraan niya ng pagpapaliwanag. Medyo basic at madaling intindihin, hindi sasakit ang ulo mo kakaintindi sa mga cases dahil napapaliwanag niya rin nang maayos.
Pagkatapos ng subject, atat akong umuwi sa unit dahil magbabasa rin. Ito rin ’yung gusto ko sa circles ni Brent. Hindi ka madidistract pag usapang study talaga dahil madalang magyaya ng inuman. Nakakapagganoon lang kami kung tapos na ang exam, o kung maluluwag ang subjects namin. Depende rin kung may brokenhearted lalo na at madalas lately si Con.
Rin:
Meron
Kakadating ko lang sa unit, nabasa ko ang text niya. May aaralin ako, pero pwede ko namang dalhin ang iPad at doon na magbasa sa District One. Iyon nga lang, maingay. Pero magbabasa lang naman…
Reagan:
Pupunta ako.
Nagbihis ako ng simpleng puting long sleeve shirt na may tatlong butones sa harap. I opened the first button and sprayed perfume on my neck.
Tanging iPad ko lang ang dala ko nang umalis. Katawagan ko pa si Mommy noong nasa taxi na lalo na’t nangumusta rin ako.
“Kumusta ikaw?” marahan niyang tanong at masyadong malambing, katulad ng madalas niyang pakikipag-usap sa akin.
“Ayos lang, my…” I smiled while talking to her. “Ikaw?”
She sighed heavily. “I miss you. Konting-konti nalang sasabihin ko na, ‘Reagan anak huwag kana magcollege at dito ka nalang sa Malabon forever’, but I’m not a bad mother. That’s your dream…” agad na pagbabago ng tinig niya sa huling sinabi.
Natawa ako. He’s really dramatic sometimes. I heard her chuckle too.
“Uy good mood! Dahil ba I increased your allowance? Or…dahil sa girlfriend?”
Ngumuso ako sa huli. Wala nga eh. Pero pansin ko rin na ang bilis ngang uminit ng ulo ko. Ngayon ko lang yata talaga napagtutuunan ng pansin ang sarili ko. Minsan kasi, nakasanayan na. Pero kung iisipin…saka ko lang napapansin.
“Uuwi ako this month, my.”
“Talaga? Uh…pwede bang…” she sounded hesitant.
“Dinner with Simon?” Ako ang tumuloy.
“Is it okay?” marahan niyang tanong.
Tumango ako nang wala sa sarili. “Ayos lang.”
“Really? I mean…really, anak?!” Ramdam ko ang galak sa tinig niya.
Tumagal ang usapan namin ni Mommy at naputol lang noong nasa District One na ako. Excited siya. Isa pa, gusto ko ring subukan kahit kilalanin man lang. Ayos naman ang pakikitungo ko kay Rin kahit alam kong bading siya. Kaya siguradong kaya ko rin sa Simon na iyon. Kikilalanin ko nang paunti-unti.
Pagdating doon, nasa stool na siya ulit. He was singing in his usual genre. I nodded at him when his eyes slightly found mine. Itinuro ko ang bakanteng upuan at inukupa iyon. Inalis niya ang tingin sa akin at patuloy na kumanta.
I just ordered a light drink. More on cocktails. I also ordered his usual snack, para kung pumunta siya sa table ko, hindi na gumastos pa.
Nagbasa-basa ako, pero patingin tingin lang din sa kanya. Ilang minuto ang nakaraan, may pamilyar na mga pumasok lalo na’t kapansin pansin din doon si Arron na naka varsity jacket, ang pamilyar na suot ni Rin noon sa restaurant.
May kasama siyang dalawa pang lalaki, mukhang taga school rin lalo na’t pamilyar sa akin ang mga mukha. Nahuli ni Rin ang pagdating nila. I’ve seen how his expression changed from relaxed to sudden panic in his eyes.
Mabilis na tumingin si Rin sa akin, para bang signal. They occupied the other table, at dahil hindi naman malaki ang space, si Arron na nag-aambang umupo, nahagip ako ng kanyang tingin at natigilan.
Kita ko ang biglaang pagkakasalubong ng kilay niya. Hinuli ko rin ang tingin at kung pwedeng angatan ng kilay, gagawin ko. Kaso ako ang may atraso dito kaya bakit ko aangasan?
His jaw clenched until he scoffed and smiled sarcastically. Ibinalik ko ang tingin sa iPad ko kahit naiirita rin ako. He’s here? Ano? Nakikipagbati siya?
Natapos na kumanta si Rin. Nawala siya saglit hanggang sa nagbeep ang phone ko.
Rin:
Alis ka muna.
Nagkasalubong ang kilay ko. Huh? Ba’t ako aalis? Ano? Dahil nandiyan ang ex niya? Pagmamay-ari niya ang District One? Nag-aaral ’yung tao rito oh?
Nagtype agad ako ng reply.
Reagan:
Bakit? Nag-aaral ako. Anong kinalaman ko?
Rin:
Baka magsuntukan na naman kayo.
Nahuli ko ang paglingon ni Arron sa table ko. Hinuli ko rin ang tingin niya at matapang siyang tinitigan. May kung ano siyang binulong sa kaibigan niya hanggang sa lumingon din sa akin.
I pressed my tongue against the side of my mouth and clicked my neck a bit. Kahit mag-isa ako, kaya ko silang tatlo. Pag-uumpugin ko sila eh. Pero kung una silang susugod, edi nasa kanila ang charges. Kung gaganti ako, self defense na ’yon.
Reagan:
Mag-uusap kayo?
Rin:
Oo. Kakausapin ko.
I licked my lower lip and stared at his text. Hindi agad ako nakapagtype. Ayos na rin ’yon na may progress sila para maayos nila kung ano man ang misunderstanding nilang dalawa.
Reagan:
Sige. Dito lang ako. Baka saktan ka niyan.
Rin:
Huh? Hindi ’yan nananakit. Hindi niya ako kailanman pinagbuhatan ng kamay.
I shifted on my seat as I typed a reply with my furrowed brows.
Reagan:
Pag under the influence of alcohol ang tao, nawawala sila sa sarili nila.
Kasi kung ako ’yan, makikipag-usap, kahit nakainom ako, hindi naman ako nananakit. Oo noon. Sa bading. Lalo na kung hinahawakan ako. Pero ibang case naman ’to.
Rin:
Pag nagkagulo kayo, mahirap kayong awatin dalawa. Umiinom ka rin.
I looked at my drink. Parang juice na nga lang…
Reagan:
Juice lang ’to.
Rin:
Juice? May alcohol pa rin ’yan.
I scowled at my own seat. Edi sana nagtubig nalang pala ako?
Reagan:
Kausapin mo na para makauwi na tayo.
I glanced at Arron’s table again. Gumalaw din ang ulo niya at bumaling sa akin, sa nanghahamon na tingin, halatang hindi kami kailanman magkakasundo.
Rin:
Huh? Mauna kana.
I rolled my eyes boyishly.
Reagan:
Sabay na tayo. Binilin ka ni Shiloh sa akin. Magagalit ’yon pag nalaman niyang mag-isa kang uuwi. Naalala mo noong nakaraang nandito kami? Gusto niya pa nga ihatid kita.
Hindi na siya nagreply pa. Siguro nakita niya ring hindi ako aalis. Edi kausapin niya. Pero pag tapos na, uuwi kami.
I tried to focus on my iPad, but when Rin showed up and walked toward their table, I couldn’t help but look. Siya ang lumapit kay Arron at hinila ang bakanteng upuan.
Tss. So you want him back? Kahit man lang ipaghila ka ng upuan hindi magawa?
They were now conversing. Ramdam ko ang seryosong mukha ni Rin ngunit may rahan sa tingin niya sa kanya. Bumubulong si Arron at magkakasalubong ang kilay niya.
I gulped down my drink. May iba nang kumakanta pero hindi ko na mapagtuunan ng pansin. Maingay din ang paligid dahil maraming tao. May mga sinasabayan ang tugtog at humahalo pa ang tawanan ng ibang table. I tried to distract myself on my iPad, but I lifted my gaze just to check on them again.
Bumulong din si Rin na ipinagkasalubong ng kilay ko. Pwede namang mag-usap nang hindi nagbubulungan. Ano ’yan, mga bingi sila? Hindi maririnig ang isa’t isa kung hindi lalapit sa tainga ang labi?
I clicked my neck again and shifted my seat. Magkasalubong ang kilay ko nang tingnan ang iPad ko ngunit napupunta ang tingin sa phone kong nakalapag lang sa table. Gusto kong itext pero kausap niya pa. Basta kung tapos na, uuwi na kami. Iyon ang usapan.
“Hello?” ang tinig ng isang babae na kumuha ng atensyon ko.
She smiled and pointed at the seat. May hawak siyang drink at dalawa pang babae ang kasama niya sa kanyang likuran.
“Are the seats available or…” She cocked her head to the side and smiled more.
“Ah…no. Kukunin niyo? Take it,” I conversed casually.
“Oh, thank you! Makikiupo kami ha…” paalam niya.
Tumango ako at muling tumingin sa pwesto nila Rin. Nahuli ko siyang bumaling na rin dito at napatingin sa mga girls na nakiupo at nakikipag-usap na sa akin.
“Varsity ka ’no? Green archers?” one of the girls pointed out.
Napatingin ako sa kanya. “Ah…oo…”
Their eyes widened, and they looked at each other as they giggled.
“Sabi na eh! Vallejo ’di ba!” Ang may mahabang buhok at ngiting ngiti sa akin.
I nodded and smiled. Galing ah?
“Oo.”
“Right! You are one of Brent Jarsdel’s circles! Madalas kayo doon sa Xylo or Clubhouse! Nakita ko rin kayo sa Courtyard one time na naglaro!” ang isa sa babaeng medyo singkit at maiksi ang buhok.
I slightly chuckled and caressed my nape. They giggled more.
“Bakit mag-isa ka lang?” patuloy nilang tanong, na kahit gusto kong tumingin sa table nila Rin, naaantala tuloy.
Nagkibit ako. “Busy ang iba. Pumunta lang ako dito to study.” Sabay pakita ko sa aking iPad.
“Oh? Nakakadisturbo ba kami?” ang isang babae na tiningnan ako sa nag-aaalalang paraan.
I shook my head. “Ayos lang. Wala na ring vacant. Mag-isa lang din.”
“How about your girlfriend? Hindi mo kasama?” one of the girls asked.
Well obviously. Alam ko naman ang ganitong tactics. Gusto nilang malaman kung single ako or taken.
“Wala nga eh…”
“Wala?! I mean…naririnig namin ang rumor na mostly sa circles niyo babaero lang daw. Pero wala ka pala talagang girlfriend?!” she said in her overdramatic voice.
Umiling lamang ako. Paulit-ulit din eh. Sabi kong wala. Mukha ba ’yung meron?
They were now too eager to converse with me. Sumasagot din ako, nakikipagngitian at nakikinig hanggang sa gusto na nilang makipagpicture.
Isa isa silang lumapit. I smiled for the camera. Nahuli ko pa ang paglingon ulit ni Rin. Hinuli ko saglit ang tingin niya pero binawi niya rin at may binulong kay Arron.
Noong ang ikatlong babae na ang nakikipagpicture, natangay ang tingin ko sa pagtayo ni Rin at lumalabas na sa bar. Tumayo rin si Arron, kumunot ang noo at nilingon si Rin na mukhang desididong lumabas. Arron stood and tapped his friend’s shoulder as he pointed at the exit, mukhang nagpapaalam na susundan.
Hindi na ako nakatingin sa camera nang sundan ko rin ang paglabas ni Arron. Kahit ngumingiti pa ang babae sa gilid ko, tumayo na ako.
“Excuse me,” tangi kong sabi, dala ang aking iPad at naglakad din palabas.
Hinanap ko sila. Inilabas ko ang phone ko at walang text galing kay Rin. Sabi ko sabay kami. O baka naman mag-uusap pa sila at kailangan ng privacy.
Naglakad lakad ako para hanapin sila hanggang nakita ko rin sila sa isang sulok, medyo nasa smoking area. Kinapa ko agad ang pants ko at inilabas ang pakete ng sigarilyo, naglagay ng isa sa aking labi na walang sindi, at nagkunwaring lumapit doon.
“Paano natin ’to aayusin kung iba ang hinala ko sa’yo,” rinig ko ang iritasyon sa tinig ni Arron.
“Sinabi ko na nang paulit ulit na wala ’yon, Arron—”
“Wala? Tang ina. Kaibigan mo pa ’yung Jarsdel na ’yon—”
“Pati ba ’yon pagseselosan mo? Straight ’yung tao!” giit ni Rin.
At bakit si Brent ang nasasali? Talagang…gusto niya? Golden retriever daw eh. Sinabi rin ng girls. Tss. Subukan talaga ni Brent na tumingin sa iba…
Naaninag ko ang nagkasalubong na kilay ni Arron at napansing pati kilay ko, nagkakasalubong din. Nairita tuloy ako na parang parehas pa kaming naiirita rito.
“Eh nagustuhan mo rin si Jasver ah? Akala mo hindi ko ’yon alam?” agresibo ang tinig ni Arron.
Wala ’to. Ang dami naman palang lalaki. At kasali si Brent? Tang ina. Makikipag-usap nga ako doon.
“Pinaliwanag ko na sa’yo ’yan ’di ba? Hindi ko kailanman hinangad na maging boyfriend siya. Paghanga lang ’yon na walang patutunguhan, o hindi ako lalagpas—”
“That’s what I hate about you! You have a lot of excuses! Paano kung pinatulan ka, huh?”
“Ganyan naman ang tingin mo lagi. Na lahat ng lalaki diyan sa tabi tabi, gusto ko at papatulan ako,” si Rin na halata ang pagod sa tinig ngunit may bahid nang pait.
Napaatras tuloy ako. Baka madamay rin. Nandito pa naman ako sa tabi tabi. Concern lang nadamay pa.
“Fuck. Nakakafrustrate. Ang sakit mo talagang mahalin. Tang ina. Ang hirap mong ipaglaban minsan,” iling ni Arron.
Eh bakit ba kasi sinubukan mo kung hindi mo naman pala kayang panindigan? Tarantado rin.
“Kinakahiya mo ako, alam ko ’yon, Arron…” bigo ang tinig ni Rin. “Nadudungisan ko ang image mo. Alam ko naman na…mas matimbang pa rin sa’yo kung sa babae ka nat-tsismis. Pero ’yung nangyari sa cafe, alam kong…sinisisi mo ako…”
Bumaba ang balikat ko. So that was the reason why they broke up? Na-trigger si Arron dahil sa pang-iinsulto namin na narinig niya. Fuck.
“I’m still not used to it…” rinig ko ang bulong ni Arron. “You’re my first.”
Kinuha ko ang lighter sa bulsa at kinalabit iyon para masindihan ang nakaipit na sigarilyo sa labi. I puffed it while looking somewhere.
“Ikaw ang unang tumanggap sa akin…pero hindi ko alam na…i-ikakahiya mo rin ako,” nabasag ang tinig ni Rin.
Nagkasalubong ang kilay ko at lumingon sa kanilang banda. Gusto ko nang lumapit at makisali. Siguro ang pinanghahawakan ko lang ay ang katotohanan na magkakagulo kaming tatlo. Lalo na’t baka suntukin ko lang ’yang ex niya. Gago eh. Makikipagrelasyon ng bading, pero ikakahiya. Anong klaseng kabobohan ’yon?
“I need more time to process this. I’m sorry…” bulong ni Arron saka naglakad paalis.
Umatras agad ako at tumalikod, hinithit ang sariling sigarilyo at tiningnan ang sahig kahit wala namang naroon. Noong naramdaman kong dumaan at pumasok na pabalik sa District One, mabilis kong nilingon si Rin na nagpupunas ng luha.
Bumuntonghininga ako at lumapit. “Rin…” marahan kong tawag.
Medyo nagulat siya, namimilog ang mga mata, at mabilis na tumalikod para magpunas lalo ng mukha. Lumapit ako lalo at itinagilid ang ulo para masilip ang ginagawa niya.
“U-Uuwi na ako,” paalam niya at naglakad.
Sinabayan ko agad siya. “Umuwi na tayo.”
Bumaling siya sa akin. “’Yung mga babae mo sa loob? Iiwan mo?”
Umangat ang kilay ko. “Babae? Baka fans…”
Napangiwi siya sa akin. I smirked. “Nagpapicture lang. Kilala daw ako.”
Iniwas niya agad ang tingin at humingos. Basa ang talukap ng mahahaba niyang pilikmata at namumula ang matangos na ilong. Gusto ko sanang bigyan ng panyo pero may hawak na siyang panyo.
Gusto kong may sabihin pero ano rin ba ang alam ko sa relasyon nila? Pero…isa si Brent sa pinagseselosan? Si Brent? Akala ko ba… ako?
Tahimik na lamang siya kahit noong nasa taxi kami. Tahimik din ako at medyo guilty na nasira ang relasyon nila dahil sa insultong iyon.
“Mukhang mahal ka pa,” sabi ko. “Pero gusto lang yata ng space kaya nakipaghiwalay.”
Hindi siya umimik, nasa labas lang ng bintana ang tingin. Sabi ko, tutulungan ko lang. Bakit parang kailangan ko ring icomfort? Gago? Ano bang alam ko sa relasyon? Wala nga akong naibibigay na matinong advice kay Con. Baka kung mga batas ang usapan…makakaboses pa ako.
Pero…kung tutulungan ko sila lalo, ramdam ko na madali lang silang magkabalikan. Mukhang matino nga naman si Arron. Sa paningin nga lang ni Rin. Kasi sa paningin ko…gago siya.
Pagdating sa Green Residences, pumasok agad sa unit niya. Ni hindi na kumibo. Bumagabag tuloy sa akin na sobrang brokenhearted niya. Nandoon lang ako para mag-aral pero nagkaroon pa ako ng obligasyon!
Palakad lakad ako sa unit ko, gustong lumabas at katukin siya sa unit niya, pero iniisip ko rin, baka gusto niyang mapag-isa. Eh pwede niya namang sabihin sa akin iyon kanina, pero pati ako, hindi niya na pinansin.
I pulled out my phone to strike up a conversation.
Reagan:
Gusto mo ng ice cream?
Pinisil ko ang pang-ibabang labi, hinihintay ang reply niya hanggang lumabas din.
Rin:
Di na.
Tss. Sa ex siya galit ah? Ba’t nasali ako? I wanted to insist on it, knock on his unit and force him to come out, but I resisted. Masakit din siguro ’yung usapan nila.
Pero ano bang magagawa ko ngayon?
“Being a listener is already enough to comfort someone, Reagan,” si Doc Jane nang sa first week ng October, nanghingi agad ako ng tips.
Ito lang yata ang ipinunta ko sa session namin para isumbong sa kanya ang mga ganitong problema ko. Kinwento ko sa kanya ang nakita ko, at ang pagiging close ko ng kaonti sa isang bading. Sabi niya naman, maganda rin na unti-unti akong nagiging open, o sinusubukang maging komportable sa kanila.
Maganda rin ang usad ng session na iyon. Napapansin ko na hindi na ako nahihiyang umiyak sa harap ni Doc Jane pag naalala ko na naman, o inilalabas ko ang sama ng loob ko. Lalo na’t pagkatapos ng session na iyon, laging maluwag ang pakiramdam ko. Mas nakikita ko rin ang ibang bagay sa mas malawak na paraan.
May development sa akin. Namamanage ko na ang temper ko. Maybe this is also the right time to get to know someone again? Sino nga ulit ’yung sinabi ni Mavric na ipinakita niya rin ang Facebook? Si Kia?
“Sinong pupuntahan mo na engineering student?” takang tanong ni Shiloh nang magpasama ako sa kanya sa kabilang building sa sumunod na araw.
“Babae,” sabi ko.
Namilog ang mga mata ni Shiloh. I smiled and put my arm around his shoulder.
“Kikilalanin ko.”
Chapter 21
Clear
Gusto ko na rin talagang kumilala. Naisip ko lang na kung ipu-pursue ko ang law school, wala na yata akong maraming oras para sa ganito. Isa pa, kikilalanin pa lang naman. Depende kung nagwork-out, edi manliligaw.
“Sino nga ’yon?” tanong ni Shiloh sa akin nang huminto na kami sa isang classroom.
“Kia daw eh. Ikaw nga, Shiloh. Baka kasi binibiro rin ako ni Mav,” sabi ko at namulsa sa pants ko.
Tumango si Shiloh at ganadong sumilip sa nakabukas na pinto. Sumandal ako sa pader at kinagat kagat ang pang-ibaba kong labi, medyo kabado pero pursigido.
“Nandito si Kia?” si Shiloh sa marahang tinig at dumudungaw na.
“Oh my gosh, Kia!” ang tili ng isang babae.
“It’s Shiloh, right? Ang guwapo niya talaga…” rinig ko ang ibang girls.
“Ayon siya! Ayon! Crush niya ang barkada mo. You know that buzz-cut guy? ’Yung bad boy? ’Yung lagi magkasalubong ang kilay? She likes him so much! Like, can you reto her sa friend mo?” ang maarteng pagsasalita noong kaibigan yata ni Kia.
Lumingon si Shiloh sa akin at sinenyasan akong lumapit. Nagkamot ako ng batok at naglakad patungo sa kanya. May nakita agad akong grupo ng mga babae na ngiting ngiti sa amin, at may pamilyar na babaeng niyuyugyog. Sa namumula pa lang na mukha, alam kong si Kia iyon.
We went in. Wala pala silang class. Naghihintay lang ng next subject kaya hindi muna lumabas.
“Oh my god! Oh my god! Good girl and bad boy couple! Bagay!” ang isa sa mga kaibigan niya nang lapitan ko si Kia.
Compared to her picture, mas cute siya sa personal. Medyo mahaba ang buhok at kitang kita sa features niya ang banyagang dugo. She’s mixed. Filipino at American yata. Hanggang dibdib ko lang din siya nang lapitan ko at naglahad ng kamay na mas ikinatili ng mga girls.
Kia shyly shook my hand, stifling her smile while blushing. Ngumuso din ako, nag-angat ng kilay kay Shiloh na lumingon din sa akin.
“Sinabi ni Maverick Evander?” she asked softly as I noticed the foreign color of her eyes and the slight dots on the bridge of her nose.
Tumango ako at inalis ang paninitig sa freckles niya.
“Oo. Pinakita niya rin ang Facebook mo.”
Namilog ang mga mata niya at mas lalong namula. Lumunok siya at nag-iwas ng tingin. Ngumuso ako lalo. I find her cute. My type of girl, to be exact.
“Maganda ka naman doon. Pero mas…maganda sa personal,” hirit ko para naman hindi siya mahiya o kung ano pa.
Kaso sa halip na mauna siyang magreact, tumili na ’yung friends niya na nilingon niya at pinagtawanan. Hinaplos ko tuloy ang batok ko at binalingan si Shiloh na pinagkakaguluhan din ng ibang girls.
I asked for her number. Alam din naman kasi ng boys kung gaano ko kahilig sa soft girls. Medyo tagilid kasi sa akin ang mga wild. Parang hindi ko masasabayan. I’m not wild. O…hindi lang din talaga ako komportableng ganoon agad.
Kia:
Cookies and cream? What? You’re cute hahahaha
Reply niya iyon sa sumunod na mga araw nang mag text na rin kami. I asked for her favorites. Ang dami din pala naming differences.
Reagan:
Anong favorite mo na flavor?
It feels odd. Para akong galing sa break-up kaya nagsisimula ulit sa umpisa na kilalanin. At nagkakasalubong pa ang kilay ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko eh wala pa naman sana akong nagiging girlfriend.
Kia:
Rocky road.
Napatitig ako sa reply niya. Hindi cookies and cream? Paano kami mags-share ng ice cream niyan kung rocky road ang kanya? Baka pag-awayan pa namin ’yan sa 7-eleven. Hindi pa nga kami nakikita ko na agad ang magiging away namin. Hindi ko pa naman nauubos minsan ang isang—mabilis akong pumunta sa messenger nang may maalala.
Reagan Aldric Vallejo:
Nasa’n ka? Pupunta ka ba dito?
Hinintay ko ang reply niya.
Daniel Rio Ferrin:
Wala akong pamasahe tropapips :(
Tang inang nickname ’yan.
Reagan Aldric Vallejo:
Punta ka dito. Babayaran ko.
Daniel Rio Ferrin:
Osige!
’Yung kuya niya kasi, hindi namamansin. Di na nga nagrereply sa text. Iniisip ko, baka nagreach out na rin si Arron. Sabi pa naman nitong si Rio tanga daw ’yan sa pag-ibig. Parang naniniwala na nga ako.
Bumaba ako nang nagchat na si Rio na nasa ibaba na at nag taxi. Ako ang nagbayad no’n at sabay kaming umakyat.
“Wala si Kuya sa unit niya. Baka nandoon kay Kuya Arron,” aniya.
“Ichat mo. Sabihin mo nandito ka sa Green Residences,” udyok ko nang patuluyin ko siya.
“Hindi ’yon nangseseen si Kuya. Kaya dapat tinatawagan ko siya,” aniya nang itinabi ang sapatos niya pagkatapos iyong hubarin.
Kumuha ako ng isa pang indoor slipper na magagamit niya. Kinuha ko rin ang phone ko at inilahad sa kanya.
“Tawagan mo. Sabihin mo nandito ka sa unit ko,” utos ko.
Titig na titig siya sa akin nang tinanggap iyon. Hinayaan ko siyang tawagan si Rin habang nag-order ako ng pagkain. Pansin ko mahilig silang magkapatid sa manok kaya isang bucket chicken ng Jollibee ang in-order ko at pizza sa Greenwich. At mahilig sa pasta? Nag-order ako noong malaking lasagna para kung sakaling umuwi ’yung isa, may makain siya.
Naglaro kami ng Valorant. Siya ang nasa computer ko, ako naman sa laptop ko. Siya ang gumamit ng gaming chair ko at nasa sofa naman ako.
“Kilala mo si Jasver?” bigla kong tanong sa kalagitnaan ng laro.
“Si Kuya Jasver? Oo. Kapitbahay namin sila. Crush na crush ’yan ni Kuya. Padaan daan sa harap ng bahay nila noon,” ani Rio habang tutok na tutok sa computer.
Napatigil ako at bumaling sa kanya. Kapitbahay. May crush daw ’yon noon na kapitbahay. Ah…itong Jasver nga? Tapos ’yung varsity ay si Brent? Tang ina. Kahit ako si Arron sasabog yata ang ugat sa ulo ko kung ang dami ba namang crush.
“Bakit mo alam? Sinabi niya?” tanong ko at baka gawa gawa lang din nitong batang ’to, binibigyan lang ng meaning purket bading ang kapatid niya.
“Dumadaan daan din ako sa bahay nila eh. Crush ko ’yung kapatid ni Kuya Jasver. Si Kittie. Ang ganda ganda no’n. Kaso masungit kasi ’yan si Kuya Jasver.”
Umangat ang kilay ko. Tirador pala ng kapitbahay ang magkapatid na ’to.
“Ang gaganda ng lahi nila. Kahit si Kuya Jasver, ang guwapo rin no’n. Kaya lumalala ang kabadingan ni Kuya dahil napapaligiran siya ng guwapo.”
Natawa ako sa sinabi niyang kabadingan.
“Sino ang mas guwapo sa amin ni Jasver?” tanong ko.
Lumingon si Rio sa akin. Tumingin din ako at inangat ang kilay. Paglalakarin ko ’to pauwi kung mali ’yang sagot niya.
“S’yempre ikaw tropapips.”
Ngumisi ako at ipinakita ang kamay ko. Nakipaghigh-five siya sa akin saka namin ulit ibinalik ang atensyon sa laro.
“Ang ganda ganda no’n ni Kittie. Ka edad ko siya eh. Pati ate niya, maganda,” patuloy na daldal ni Rio.
“Baka ’yang binibigay ng kapatid mo sa’yo na pambaon pinangd-date mo pala diyan sa Kittie na ’yan ah?”
Mabilis ang iling niya. “Hindi ah! Gusto ko nga i-report ang Facebook account niya. Ayaw i-accept ang friend request ko. Ano pang silbi ng Facebook niya kung hindi kami friends?”
Humalakhak ako at naeengganyo na sa kwento niya. “Baka naman kasi hindi ka rin type.”
May nagdoorbell kaya ako ang tumayo. Bumungad ang delivery food na nginitian ko at tinanggap ang mga dala niya.
Inilapag ko iyon sa table at tinawag si Rio na tumayo agad.
“Galit si Kittie sa pamilya namin. May manok kasi sila noon na pumunta sa bakuran namin. Eh ang Papa ko, inihaw niya. Kaya noong nalaman niya, umiyak siya eh pet niya pala ’yon. Bakit daw namin inulam,” patuloy na kuwento ni Rio habang kumakain na kami.
“Oh, eh bakit niyo naman inulam? Hindi rin naman sa inyo?” tanong ko at kumuha ng slice ng pizza.
“Eh wala kaming ulam no’n! Tapos pumasok ’yung manok nila. Hindi na nakalabas ng bahay namin kasi ginawa nang tinola ni Papa. Hindi ko na ’yon kasalanan! Nakikain lang ako!” aniya.
Kinagatan ko ang pizza na hawak habang titig na titig kay Rio nang may napagtanto ako sa kwento niya. I never experienced poverty. Siguro nga, isa iyon sa ipinagpapasalamat ko sa parents ko. I grew up having my own privileges as a kid. Karapatan din naman sana ng ibang bata ang ganoon, pero tama si Rin, hindi lahat ay lumaki sa isang magulang na kayang bigyan ng maginhawang buhay ang mga anak nila.
Kaya nga may tinatawag na family planning dahil dapat mong sukatin kung kaya mong pagpakain ng bata kung mag-aanak ka. Kung hindi mo kayang magpaaral, o kahit pangkain man lang, huwag na sanang mag-anak.
Ang tingin din kasi ng ibang magulang, anak ang susi nila sa kahirapan. Anak ang pwedeng mag-aahon sa hirap. Iyon ang pangit na mindset na hindi maputol putol ng henerasyon na ito na ginagawa nang puhunan ang isang anak. Kaya sa halip na may mga batang karapatang makapag-aral man lang, may hindi iyon nakukuha dahil sa poor planning pagdating sa pagkakaroon ng pamilya.
Pero may iba ring anak, abusado. Gusto nila, naibibigay lahat ng mga hinaing at nakakasabay sa trends. Ito rin ’yung nakakagalit na may mga responsableng magulang, pero meron ding maluhong mga anak. Hindi nakokontento sa kung hanggang saan lang ang kayang ibigay ng magulang nila sa kanila.
“Kaya ikaw, mag-aral ka nang mabuti. Naghihirap ’yung kuya mo na magtrabaho para hindi kayo magaya sa sinapit ng parents mo. Oo, normal ’yan sa edad mo na may crush ka. Pero huwag pasobra,” payo ko.
Rio nodded attentively. Nagring ang phone ko. Mabilis ko iyong tiningnan at dinampot habang si Rio ay bumabagal ang pagnguya at titig na titig sa kilos ko.
“Tumawag. Ako na ang sasagot,” sabi ko at ipinakita ang screen.
I answered his call. “Oh?”
His sigh welcomed me. “Pauwiin mo na si Rio. Baka matagalan ako. Mamaya pa ako uuwi.”
Umangat ang kilay ko at nabitiwan ang slice ng pizza. “Bakit? Hindi maingay ah? Nasaan ka ba?”
“Gig…” mahina niyang sabi.
Mabilis kong ibinigay kay Rio ang phone. “Pauwiin mo ng maaga.” I mouthed.
Tinanggap iyon ni Rio, kunot ang noo, saka inilagay sa tainga niya ang phone.
“Kuya uwi ka raw nang maaga. Sabi ni…” Tiningnan niya ako.
I shook my head and pointed at him eagerly. He pointed himself which made me nod.
“Sabi ko. Umuwi ka agad…” si Rio.
I calmed down and crossed my arms. Sa pagbabago ng ekspresyon ni Rio, magkasalubong ang kilay at medyo naiirita, mukhang napagalitan pa yata. Kaya nga ayokong sabihin iyon dahil alam ko, magagalit talaga. Siya tuloy ang nasermonan.
“Oo na. Uuwi din naman ako pagkatapos!” sabi ni Rio na nagkamot ng batok at inilahad agad sa akin pabalik ang phone ko.
Tinanggap ko iyon, kunot noong inilagay sa tainga ko.
“Mahiya ka, Rio. Hindi mo ’yan kamag-anak. Hindi kadugo. Huwag mong abusuhin,” patuloy niyang lintanya.
Kita ko ang pagbaba ni Rio sa manok na hawak niya. Siguro nahiya rin. Tumikhim ako.
“Ako ang nagpapunta sa kanya,” sabi ko.
Natahimik siya saglit sa kabilang linya ngunit nagsalita din. “Babayaran ko nalang—”
“Umuwi ka agad pagkatapos ng gig mo,” putol ko saka ibinaba ang tawag.
Alam ko kung saan nanggagaling ang opinyon ni Rin. Kasalanan ko rin iyon na sinabi kong hinuhuthutan siya ni Arron noon. Kaya rin siguro hindi siya ganito ka komportable sa akin pag usapang pera na. Tingin niya, isusumbat ko rin ito, o aakusahan ko ulit siya ng ganoon.
Pero hindi naman. Nagmamalasakit ako sa kapatid niya. Naiintindihan ko ang hirap ng buhay nila.
Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan kay Rio, pero uwing uwi na rin siya. Mukhang tinablan sa sinabi ni Rin.
“Hindi na… baka wala ka ring makain mamaya,” si Rio na tinanggihan pa ang gusto kong ipadalang mga pagkain.
“Sa’yo na. Mapapanis lang ’yan sa ref ko.”
Tahimik niya iyong tinanggap. “Salamat…”
I smirked and pulled out my wallet. Naglabas ako ng isang libo at limang daan saka ko inilahad iyon sa kanya. Namilog ang mga mata niya.
“Huwag mong sabihin sa kapatid mo. Pamasahe mo na rin. At kung may problema ka sa allowance, kung hindi ka nabigyan ni Rin, sabihin mo sa akin.”
He looked like he had finally found his new hope. Ngunit mabilis ding kumunot ang noo niya.
“Rin?” he repeated.
“Ah. Kuya mo. Aldrin. Edi Rin.”
He looked at me carefully. Ramdam ko ang pang-uusisa niya kaya tinapik ko ang balikat at nagdesisyong ihatid na rin siya pababa at pasakayin ng taxi.
Ka text ko si Kia hanggang alas nwebe ngunit nagpaalam din na matutulog na siya. Masaya siya ka text dahil open sa kahit anong discussion. Matalino. Ito ’yung gusto ko eh. ’Yung may ibubuga rin academically.
Humikab ako noong alas onse na at tiningnan ang messages ko. Pinindot ko ang pangalan ni Rin para magtype ng message.
Reagan:
Anong oras ka uuwi? Baka gusto mong magpasundo?
Pinaglaruan ko ang phone ko at hinintay ang reply niya. Baka naman wala ’yon sa gig? Baka nasa ex niya talaga?
I stood up frustratedly. Tinitingnan ko ang phone ko, gusto siyang tawagan, ngunit pinipigilan ko rin baka makadisturbo. Tss.
Rin:
Mamaya pa.
Rin:
Hindi na kailangan. Nakauwi na si Rio?
Tinawagan ko siya para sa call kami mag-usap. Kaso nakakailang ring na ’yon, hindi pa rin sinasagot. I tried it again, but this time, he ended the call.
Baka busy? Hindi ko nalang tinawagan. Hinintay ko hanggang alas dose kaso na badtrip lang ako kung ba’t hindi siya nagreply. Kahit text kinabukasan, wala.
Kia:
Study sa coffeeshop? I think that’s nice.
At mas nauna pang magreply si Kia sa text ko. Nagtanong siya kanina kung may plano daw ba ako ngayon. Sabi ko mag-aaral lang kaya ngayon, nangyayaya siya ng study.
Heto na naman. Pero sa coffee shop naman. Iyon nga lang, nakalimutan kong dalhin ang books ko. Nasa iPad ko naman ’yung iba pero iba pa rin pag sa libro din talaga.
Reagan:
Uwi muna ako. Let’s meet around 2 p.m. Kukunin ko lang sa condo ko ang books ko. Nasa Taft Avenue lang din naman. Green Residences.
She abruptly replied.
Kia:
Break time ko na rin. U want company? Let’s get your books together?
Tinitigan ko ang reply. Para bang isang case na masyado kong inaanalyze at iniisip ang mga butas noon. Innocent until proven guilty, Rick. In other words, huwag judgemental.
Reagan:
Okay
Sinamahan nga ako ni Kia. Ito yata ang unang beses na magdadala akong babae sa unit ko. Pero may kukunin lang din naman ako.
“Ang lapit lang ng condo unit mo sa school. Madali lang umuwi during breaktimes,” aniya nang papasok na kami sa elevator.
Ngumiti ako at may sasabihin sana nang bumukas ang elevator at lumabas si Rin. Halos napawi ang ngiti ko. Kahit siya, medyo nagulat na nagdalawang-isip pa siyang lumabas. Tumingin din si Kia sa kanya, kumurap, at muling bumaling sa akin.
Rin avoided my gaze and went out of the elevator without even saying anything. Kahit man lang sana bumati…
Wala sa sarili akong pumasok sa elevator kasama si Kia na tahimik nalang din.
“That’s Denver, right?” she pointed out.
Bumaling ako sa kanya. “Kilala mo?”
She nodded. “Yup. I heard he’s bi. Ex niya si Arron.”
Big deal ba ang relasyon nila sa school at daming nakakaalam? Hiwalay na ah? Bakit pa pinagt-tsismisan.
Iyon ang naging topic namin hanggang nasa unit na kami at binuksan ko ang pinto para patuluyin siya. Inayos ko ang sofa at doon siya pinaupo. Nasa labi ang ngiti niya habang iginagala ang tingin.
Pumasok ako sa kuwarto at kinuha ang books ko. Noong lumabas, gusto ko na agad magyayang umalis pero mukhang komportable si Kia sa sofa.
“We can study here,” aniya.
Labag sa loob ko. Naalala ko ang karanasan ko kay Keycee. Pero hindi naman siya si Keycee.
“Ikaw. Kung kumportable ka…” sabi ko.
She nodded and placed her laptop. Kumalma ako at lumapit. Doon ko na rin inilapag ang iPad ko. Nagtungo muna ako sa ref para kumuha ng snacks man lang.
Noong umupo ako sa tabi niya, p-in-icturan ko agad ang set-up ng table. Pinindot ko ang messenger app at is-in-end iyon kay Rin.
Ayoko siyang ichat sa totoo lang. Hindi naman siya nagreply kagabi, pinatayan pa ako ng tawag, at hindi na rin nagtext. Kaso nakita ako kanina. Baka anong isipin no’n…
Nag-aral lang kami buong oras. Seryoso si Kia na nagbabasa at seryoso rin ako. She’s actually the perfect example of the girls I like. Soft vibe. Sasabayan ako sa mga gusto ko at hindi agresibo.
Pero talagang hindi ako mapakali. Gusto ko na siyang yayain lumabas at bumalik nalang sa school. Hindi ako komportable na nandito kaming dalawa sa matagal na oras.
I picked up my phone and opened my Messenger app to check if he had viewed my photos. Which he did. Pero seen lang. Ang snacks sa table, kinunan ko ng picture at iyon ang s-in-end. Ilang sandali lang, nagreply siya kaya binuksan ko agad.
Denver Ferrin:
Ano ’yan?
The tension I was feeling lessened a bit. He replied.
Reagan:
Study?
Denver Ferrin:
Oo nga. Pero bakit mo sinisend?
Reagan:
Sabi mo isesend ko ang mga pictures. I’m doing it?
Tumingin si Kia sa phone ko. Doon ko napansing distracted ako roon kaya inilapag ko ulit at kinuha ang iPad ko para magbasa.
I couldn’t concentrate. Nababanas ako at kuryoso kung nagreply ba siya. So I picked up my phone again to view my messenger, but he didn’t reply anymore.
I bit my lower lip and typed for a reply.
Reagan:
Galit ka? Hindi mo ako binati kanina. Hindi ka rin nagreply sa mga text ko.
Kia glanced at me. I dropped my phone back on the table and tried to focus on my reading. Kaso talagang nabobother ako. Gusto ko nang lumabas kami rito. Hindi na ako komportable.
“Uh…we should go back to school?” suhestyon ko at nauna pang tumayo.
“Oh? Sure! Pwede naman,” ani Kia at nakangiting tumayo, mabilis na isinara ang laptop at niligpit ang gamit.
Mabilis ko ring niligpit ang gamit ko. Gusto kong ipadala sa kanya ang ibang snacks pero tumanggi na siya. Lumabas kaming dalawa at pabalik na sa school nang magsalita ulit si Kia.
“Uh…is it okay to…confirm…” Makahulugan niya akong tiningnan.
Nasa phone ko pa ang atensyon ko nang mag-angat ako ng tingin sa kanya.
“Sure. Ano ’yon?”
She looked at my phone for a while, then back to my eyes.
“You are single, right? I mean…you don’t have a girlfriend?”
Namilog ang mga mata ko. Mabilis akong umiling. “Wala…”
She calmed down a bit, but she still looked bothered.
“Oh, okay. I just thought you’re taken. I mean, don’t get me wrong. You seem…distracted.”
Fuck. Nasanay na yata akong hindi pumuporma sa babae na hindi ko na alam paano makitungo. Ibinulsa ko tuloy ang phone ko nang mapagtanto rin iyon.
Noon, natural lang naman sa akin na kumilala ng babae. Marunong naman akong pumorma. I am not that reserved. I could even strike up a normal conversation without feeling awkward or different.
But…this time…I hate the feeling. Gustong gusto kong kumilala sa totoo lang. Gustong gusto kong may nakakausap din o may ka date. But I didn’t expect it would be this hard.
Hinatid ko si Kia sa next niyang subject nang sabihin niyang may klase pa siya. Mag-isa tuloy akong nasa isang coffee shop pero mas magaan na kumpara kanina na pakiramdam ko, may mali akong ginagawa.
I took a photo of my lonely coffee and my own sandwich. Inayos ko rin ang laptop at siniguradong makukuha ang empty chair sa harap. Then I sent it to him.
Noong magbeep ang phone ko, excited akong tiningnan kaso text pala ni Kia. I sighed and swiped the notification to the side to clear it from my screen.
Badtrip. Galit ba ’yon? O baka naman busy kasi chinachat din noong ex niya? So I immediately tap the Facebook app and stalked his profile.
As usual, wala namang nagbago. Hindi rin ako in-accept. Gusto ko sanang tingnan ang friend list kaso naka private. Nang wala akong mapapala doon, nagpasya akong istalk si Arron.
Madali lang naman ’yung hanapin lalo na’t marami rin kaming mutuals sa school. Limang sigundo lang ang nakalipas, nahanap ko agad ang Facebook niya.
Kinuha ko ang sandwich at kinagatan iyon habang umaangat ang kilay ko sa profile niya. Nakaupo sa isang sun lounger at nakangisi sa camera habang topless lamang. Tiningnan ko ang likers. Nasa one thousand plus. Medyo kumalma ako nang makitang mas marami ang likers ko. Umaabot nga ng three thousand. Hindi pa ako topless no’n ah?
Nagbasa ako ng comments hanggang makita kong nangunguna doon si Rin at one year ago pa.
Denver Ferrin:
Sinong nagpicture?
Arron replied with a simple ‘my pretty babe’. Tsss. Ang kokorni. Iyong mga ganitong post ang dapat naka only me eh.
I scrolled down on his wall boredly. Naiirita ako kung bakit nandito ako sa Facebook niya pero inaalala kong pagbabatiin ko nga pala sila ni Rin. Baka kasi may kung ano anong katarantaduhan na pala siya dito sa Facebook niya? Paano kung nakikipagdate na rin ’to tapos pinipilit ko si Rin na balikan siya? Edi kawawa ’yon?
May recent post siya. Picture niya. Kagabi lang iyon. Tiningnan ko ang comments at binasa ang iba hanggang sa nagpasya akong umalis nalang sa wall niya. Ano ako, stalker?
Isinara ko ang laptop at iritadong kumain ngunit nakakawalang gana pa ang lasa ng sandwich. Nawala bigla ang gutom ko.
Chapter 22
Guilty
“Oo. Magpinsan yata sila,” ani Mavric nang magtanong ako tungkol sa pamilyar na apelyido ni Arron sa akin.
Nasa Yuchengco lobby kami ng school, nakaupo sa bench at medyo nagkaabutan ang break time kaya nagpasyang magkita.
“Pinsan?” Halos napaismid ako. “Kaya naman pala mukhang tarantado rin si Arron sa paningin ko.”
Nagkibit siya at abala sa phone. Nahulog ang tingin ko doon.
“Kumusta kayo ni Kia? Kinilala mo daw?” tanong ni Mavric kaya napaahon agad ang mga mata ko sa kanya.
“Ah…Oo. Pero tagilid. May naalala ako sa kanya.”
“What?” medyo natawa siya.
Tumingin ako sa phone niya na nakataob na sa kamay niya.
“Balak ko nang itigil. Only child pa naman ’yon. Baka pag pinaasa ko mapatay ako noong General niyang Dad.”
He laughed and shook his head. “Then just court that other girl. Kung siya ang naaalala mo, maybe you got hang-ups for her?”
Tss. Huwag nang mag girlfriend. ’Yan lang naman ang solusyon ko sa problemang ’yan. Isa pa, sinubukan ko lang talaga.
“Baka burn-out lang din ako,” sabi ko habang inilalagay ang dalawang kamay sa likod ng aking ulo, malayo ang tingin. “Parang ayoko talaga muna mag girlfriend…”
“When was the last time you’ve done it? Maybe you just need a good stretch?” He smirked meaningfully.
Good stretch? Ulol. Pinabango pa. Halata naman kung ano ’yang tinutukoy niya. Ngumisi ako at siniko siya. Kaya ayaw ko itong kausap eh. Seryosong bagay napupunta sa kung saan saan.
Kia:
U wanna talk?
Mabilis ang tayo ko at tinapik ang balikat ni Mavric para magpaalam. Nakipagkita ako kay Kia. Isang linggo lang yata kaming kinilala ang isa’t isa. Ayos naman. Pero iba talaga ang pakiramdam ko. Hindi ako maka concentrate.
I met up with her in Henry Sy building. Naka puting dress siya at kapansin pansin ang pink na ribbon na tali niya na medyo hinahangin kaya sumasayaw rin ang medyo mahaba niyang buhok. Niyayakap niya ang iPad niya at may glasses siyang suot ngayon na bagay rin sa bilugan niyang maliit na mukha.
“You want it off?” agad niyang tanong nang lapitan ko at medyo hindi ko alam kung paano sasabihin.
I opened my mouth to say whatever alibis I needed to lessen the pain, but I’ve never been a liar. I like confronting people. Hindi ako takot sa ganoon. So I slowly nodded.
“Baka kasi ma ghost kita. May babae na akong na ghost noon dahil nawalan ako bigla ng gana,” paliwanag ko nang maalala ko rin ang mali ko noon kay Keycee. Bigla ko nalang ’yung b-in-lock kaya galit na galit sa akin.
“I heard that,” she chuckled softly.
Naglalakad lakad lang kami sa school, sa mismong mga hallway. Tinitingala niya ako paminsan minsan at tumitingin sa harap habang nasa labi niya ang kaonting ngiti.
“Kumalat ’yon eh. Pero nagawan din ng maraming versions,” paliwanag ko.
“It’s fine for me. I could also sense you’re interested in someone else. But still, thank you for knowing me. Masaya ka kausap sa text, although you reply late sometimes.” She chuckled.
I groaned and shut my eyes, laughed a bit as I lifted my head frustratingly. Sabi na eh. Napapansin niya rin.
“But it’s okay! That’s the purpose of getting to know each other! There is no pressure. We have different paces. Sadyang excited lang ako maka text ka. And I should not expect you’d give the same energy since I know we’re not in a deep level of relationship yet…” she uttered in her cheerful voice.
Dumilat ako at itinagilid ang ulo ko para tingnan siya. When she noticed my eyes, she shyly looked away with a smile on her lips.
“And…you’re so hot. Ang guwapo mo. I think you would only ruin my mental peace because of your face?”
Humalakhak ako. Damn… “That’s smooth, huh. You got me there.”
She chuckled as well and looked at her shoes as we continued walking.
“Happy crush does exist, though. I’d stay on that line,” she whispered.
Ngumuso ako. Happy crush. Wala yata ako no’n. Kaya pala lagi akong galit.
Namulsa ako at tahimik na sinabayan siyang maglakad. We are now heading to the stairs of Yuchengho Hall. Tumigil lang kami sa puting barandilya at doon ako sumandal , nakaharap sa field habang tinitingnan ang ibang students na nakaupo sa mga bench, siya naman ay patalikod ang pagkakasandal.
“You told me you have had no interest in girls for how many years na. Can I ask what pushed you to know me?”
Nagkibit ako, magkasalubong ang kilay at medyo pinag-iisipan ang tanong habang nanatili ang tingin sa harap. Alam ko naman, pero may parte sa akin ang ayokong isipin na iyon ang rason.
“Self exploration. Kinikilala ko ang sarili ko kung ano ba talaga ang gusto ko. Kung saan ako komportable, at kung hanggang saan lang ang kaya ko.”
She looked at me carefully. Seryoso akong tumingala sa asul na langit at naririnig sa isip ko ang mga payo ni Doc Jane.
“Understanding the self. We tackled that. So basically, you are in your stage in your life where you are trying to improve on the things you were afraid to take a risk on in the past. Self-improvement, in other words,” aniya.
Tumango ako. “Yup.”
“Hmm…alam mo…sometimes we know what we really want, but we sometimes dodge things. Parang nature na ng tao. Kung alam mo kasi na masasaktan ka, the first thing you’d do is to prevent it from happening. So we would always go for the safe ones.”
Tahimik ko siyang tiningnan. She smiled.
“But that’s life, right? So what if we make mistakes? So what if we experience negative emotions? So what if we fail? That’s the evidence that we tried—yet failed. We did our best—but we are still lacking. We took a step—yet stumbled. That’s not a bad thing after all. That’s what you called living.”
I nodded slowly.
“If this is your first step, for sure, it would not be the last. If you stumble on the first one, you have still more steps to make once you rise. Use it as motivation to keep walking.”
Damn smart. Kaya ang sarap din kausap ni Kia eh. Kahit yata sa debate masasabayan niya ako. Gusto ko pa naman ’yung napapatahimik ako. That’s rare.
But overall, it’s a nice experience. She’s mature. If I met her in an early timeline, during that moment I tried with Keycee, she’s probably my first girlfriend.
Ramdam ko ang ginhawa noong tinigil na namin. Para akong nabunutan ng tinik. At ang swerte ko rin na may nakilala akong babaeng kagaya ni Kia. Medyo nawala sa isip ko iyong pangit na karanasan ko kay Keycee.
Brokenhearted na naman si Con sa sumunod na mga araw. And as usual, sa tuwing ganyan siya, nagyayaya ng inuman ang boys sa bahay mismo ni Con. Sumama ako dahil may pakay din ako.
Alas syete pa lang ng umaga, nagj-jogging na kami ni Brent para rin pumunta sa gym lalo na’t niyaya ko siyang makipag sparring.
Ito ang sinasabi ko. Hindi ako takot sa confrontation. Siguro kung hindi lang sensitibo ang tungkol sa bading sa akin, matagal ko na siyang pinrangka. Kaso sabi nga ni Doc Jane, every emotion doesn’t need immediate action. Ayokong prangkahin siya noong mga oras na galit ako. Baka iba rin ang masasabi ko na pagsisisihan ko.
Ngunit naiirita talaga ako lalo na’t sa isip ko, parang may mahabang powerpoint at puro slides ng mga naging babae niya. Babaero siya. Noong mga nakaraan lang, may nililigawan siya ah? May pinopormahan? Kaya anong nangyari?
I punched him when I got the chance because he was so open. Nagkasagutan agad kaming dalawa. I confronted him. At si Brent, matapang na pinanindigan na seryoso siya.
“Siguro sa’yo mababaw lang na rason. O sa akin. Kasi handa kong bitiwan ang lahat ng meron ako mahawakan lamang siya. Siya lang, Rick. Wala akong pakialam sa iba. O kahit sa sinong babaeng tinutukoy mo. Mahal ko siya. And yes… Yes, I’m not straight. Because that’s how he bended me. That’s his effect on me. He can break me. All of me. Not just my fucking gender, but also myself,” marahas niyang paliwanag nang prangkahin ko siya.
Namilog ang mga mata ko. It wasn’t just a confirmation, but a punch. Nandito ako para kumpirmahin at malaman ang totoo. Pero hindi ko inaasahang…ako ang mamumulat. Ako ang lalong maliliwanagan.
“Tinago ko sa’yo dahil baka hindi ka pa handa. Pero hindi ko itatanggi dahil hindi ito pagkakamali na itatama ko. I know that choosing him was the right choice. I am in love with him, Rick,” he said in a hard tone.
In love. He said it bravely. He doesn’t care if I’ll judge him to the core, condemned by society’s judgements about men falling in love with men, or mocked for his sexuality. He just admitted it without holding back—no regrets—loud and proud.
So it really happens. Talagang…nahuhulog ang lalaki nang hindi inaasahan sa kapwa lalaki. Kahit pa sabihin ng iba na ang lalaki ay para sa babae, at ang babae ay para sa lalaki, ngunit hindi napipigilan ang puso.
Nailing ako, napangisi sa sarili, nang paulit ulit kong naririnig ang tinig ni Brent sa isip ko kinagabihan sa isang bar na pinuntahan ko rito sa BGC. I ordered another rum for myself. Maingay ang bar, ngunit wala nang mas lalakas pa sa mga salitang kumakawala sa isip ko.
Noon, akala ko, ang pagiging bading ng isang tao ay kagustuhan nila. Bakit nila ’yan pinili kung alam nila na marami ang magagalit sa kanila. O bakit mas pinili nilang maging ganyan kung alam nila kung gaano ka pangit ang tingin ng tao sa kanila.
But I realized things. It wasn’t a choice. It just happens. Whether you like it or not, you would really fall for someone despite their sexuality. That’s how fluid gender is.
Pansin ko eh. Tang ina. Hindi ko lang kinikilala dahil akala ko, normal lang na pakikitungo ko sa iba. Para namang hindi rin ako friendly sa boys. Pero noong mag-usap kami ni Brent at pamilyar sa akin ang mga sinabi niya, na para bang pinatid niya ako sa iniiwasan ko, siya agad ang unang pumasok sa isip ko.
It was already in the back of my mind, which I didn’t acknowledge. Pinilit ko pa ang sarili na baka nga, dala lang na naaawa na ako sa kanya. Pero hindi. Alam ko ang nangyayari. Kilala ko ang sarili ko. At alam ko kung…kailan ako interesado.
I offered help because I wanted to hold myself accountable for what I contributed to their breakup. Pero lolokohin ko ang sarili ko kung hindi ko aamining nag-iiba ang ihip ng hangin. Ayoko na silang magkabalikan. Bigla akong naiirita habang iniisip na magkasama sila.
Napaka food lover ko pero nawalan bigla ng gana noong may nakita ako. Kahit laway ang hirap lunukin eh. Ano ba ’yon? Bakit ako nagseselos? Eh hindi naman dapat.
Sure. I am also overly protective of Shiloh. Galit din ako kung bakit sa lahat ng lalaki, si Brent. But the funny thing here, panatag din ako na sa lahat ng lalaki na yumakap sa kanya—tumanggap nang buong-buo ay si Brent.
Unlike Rin. His words fucking matter. Kahit ang mga gusto niya, gusto ko, kasali ako. At ako lang. Dapat ako lang.
I am even inspired to…grow my hair back. I want to look good in his eyes. Gusto ko, sa akin siya interesado. Sa akin siya naguguwapuhan, hindi sa ibang lalaki.
That’s why, when Brent pointed out that the girls don’t even matter to him anymore, I knew I’m fucked. Noon, nakaya ko pa ngang makipaghalikan kay Keycee. I felt no guilt during that moment. I was so into it, too. Sadyang nasira lang ang mood dahil kumandong siya. Her grindings triggered. It’s a trauma response I couldn’t control, but overall, I knew I liked kissing her and even touching her.
Pero ngayon? Kahit makasama ang isang babae sa unit, dahil lang nakita ni Rin, pakiramdam ko agad may malaki na akong kasalanan sa kanya. I am so guilty, although I knew I didn’t touch her.
Fuck. Was it because he reminds me of the soft girls out there? He’s fun? Dahil ba doon? Dahil marami kaming similarities sa pagkain? Pero ganoon din naman si Shiloh ah? Kaya hindi ko maintindihan kung bakit…iba pagdating sa kanya. Iba pagdating kay Rin.
I gulped down my rum and ordered another. I am in a bad state. I am falling for someone who reminds me of my dark past? Bullshit.
Noong kinilala ko si Kia, pursigido ako. Pero tang ina, sa tuwing titingnan ko ang mukha niya at nakikita ang freckles niya, si Rin ang naiisip ko. Kahit ayoko siyang isipin, siya lang ang laman ng isip ko.
Gusto kong suntukin ang sarili ko, ngunit gusto ko agad takbuhan ang pakiramdam na ’to. I can’t accept this. Kaya ko silang intindihin, pero ang mahulog? Ibang klaseng pandidiri ang nararamdaman ko. Ibang klaseng galit.
Hindi ako handa. At alam ko, wala itong patutunguhan. Kinakahiya ko. Ayoko. Galit ako kay Arron noong kinakahiya niya si Rin. Ngunit ngayong nasa sitwasyon na ako, nakakatakot na…ako rin mismo ang kinakahiya ang pakiramdam na ito. I am not fucking proud to accept this.
“Green Residences,” I uttered to the taxi driver as soon as I went in.
Ramdam ko na natamaan ako ng alak ngunit hindi pa ganoon ka lasing para gumapang pauwi. Noong makarating sa Green Residences, nasa elevator pa lang, gusto ko nang tawagan si Shiloh. I wanted to confess that I have fallen for someone like him—part of the LGBT. At nakakairita dahil…ayoko sa pakiramdam na ito.
“Chichi…” I uttered helplessly as I was trying to open the door of my unit. I called his number clumsily out of frustration to just confess what’s on my mind.
Nasusuka na ako. Nahihilo. Pero hindi ko pa mabuksan. Abala ako sa phone ko, ang isa namang kamay, abala sa doorknob.
Nalaglag ang susi na ikinaungol ko at gusto iyong pulutin ngunit napaupo nalang sa sahig, sa mismong tapat ng pinto. Noong marinig sa kabilang linya na sinagot niya, mariin akong napapikit.
“Pakiramdam ko, may mali sa akin, Shiloh…” I started my words.
I was used to opening-up to him, and he was the only one I could run to right now. Siya lang ang makakaintindi nito.
“Ayoko sa pakiramdam na ’to,” I said hoarsely.
Hindi siya sumagot. Sumandal ako sa pinto, pumikit at humingos.
“Galit ako sa mga bading kaya hindi ko maintindihan kung bakit…nagkakagusto ako. Na hindi dapat. Dahil alam ko, mali ito.”
Hindi ko na naiintindihan ang sinasabi ko. Nahihilo ako, pero gustong gusto kong ibuhos lahat ng emosyon ko.
“Hindi dapat eh. Pero noong nag-usap kami ni Brent, naliwanagan din ako. Hindi ko lang kinilala ang nararamdaman ko, pero…napapansin ko. At alam kong maling mali ito, Shiloh. Hindi ko dapat ito maramdaman.”
He’s in love with his ex. I am just trying to help him out. Iyon lang ang papel ko rito. At ang masaklap dito, hindi ko pa sila unti-unting tinatanggap. I might be worse than his ex. ’Cuz I’m not just ashamed of this, but the disgust was still there, not for him but for myself.
“Shiloh…Pakiramdam ko…nagugustuhan k—”
A sudden grab made me stop from saying it. Nawala rin sa kamay ko ang phone ko. Nang tumingala ako, nakita ko agad si Rin, may pinindot lang sa phone ko.
There was a guitar peeking against his back. Magulo ng kaonti ang buhok at naka varsity jacket na tinitigan ko nang mabuti. Noong bumaba ang tingin niya, kita ko na seryoso siya.
Fuck. Nandoon na eh. Aamin na ako kay Shiloh. Nagugustuhan ko si Rin. Tang ina! Bakit pa siya sumingit?
“Lasing ka,” aniya at nilapitan ako.
Umiling ako at itinulak siya palayo. Bumabalik sa akin ang iritasyon ko. He lied to me. Ang sabi niya, nasa gig siya. Pero hindi. Kasama niya ang ex niya. Akala niya hindi ko alam? Nakita ko sa comment section ng ex niya!
Hindi na nga nagrereply sa akin, binabaan pa ako ng tawag, hindi ako in-accept sa Facebook, tapos nagsinungaling pa. Ang daming kasalanan at nakakairita na lahat ng ’yon, bumabagabag sa akin. Dinidibdib ko.
“Akin na ang phone ko.” Sinikap ko iyong abutin ngunit inangat niya.
“Lasing ka. Hindi mo magugustuhan kung gigising ka at nalaman mong nagconfess ka kay Shiloh.”
Huh? Gago?
“Magkaibigan kami!” I explained.
“Oo nga. Pero lasing ka. Alam ko na…may nararamdaman ka sa kanya. Kaya ka nagtatanong noon kung paano malalaman kung nahuhulog ka sa kapwa mo lalaki dahil nahuhulog ka sa kanya. At kung bakit ka umiyak noong nakaraan dahil…nalaman mo siguro na…” he hold back from saying it.
I grunted and covered my face. Tang ina. Sino bang lasing sa aming dalawa? Kasi parang siya. Hindi ko naiintindihan ’yang mga sinasabi niya.
Inalalayan niya akong tumayo. Kaya ko naman pero tumayo nalang din ako at baka mabigatan pa siya.
“Susi mo? Nasaan?” he asked.
I squinted my eyes and tried to find it in my pockets. Tumulong siya at kinapkapan din ako. Fuck. Nasaan na ’yon?
“Nawawala…” reklamo ko.
I heard him grunt, and he pulled me to the door of his unit. Gusto kong umupo ulit sa sahig kaso hinawakan niya ng mahigpit ang t-shirt ko.
“Rin, mapupunit!” I whined while grunting.
“Kaya huwag kang malikot! Mapupunit talaga ’yan!” Sinamaan niya ako ng tingin.
I closed my eyes and stopped moving. He opened the door of his unit. Tumunganga ako saglit doon ngunit hinila niya pa papasok. Nakatingin ako sa tshirt ko kung saan niya ako hinawakan at parang batang kinaladkad niya lang papasok. Kung hindi ako susunod, mapupunit niya talaga itong damit ko.
“Kung iinom ka pala, nagtext ka sana sa akin. Pwede naman kitang samahan,” aniya.
“Tsss. Hindi ka nga nagrereply,” iritado kong sabi at hinawi ang kamay niya para makawala sa kanya.
Sa sofa ako naglakad at doon itinapon ang sarili. Hayop na ’yan. Gusto ko lang mag-open up kay Shiloh pinagbawalan pa. Pati ba naman ’yon, bawal? Eh siya nga…nakikipagkita sa ex niya. Pinagbawalan ko ba? Hindi naman ah? Kaya wala siyang karapatang pagbawalan din ako!
“Tumayo ka. Doon ka sa kuwarto. Ako dito. Huwag dito sa sofa,” si Rin at hinila na naman ang t-shirt ko sa likod.
Fuck. Lasing ako. At nandito sa sofa. My instinct immediately ruled that I got up and walked to the room. Pagkapasok, hinila ko lang ang t-shirt sa likuran, inihulog iyon sa sahig ar itinapon ko agad ang sarili sa malambot na kama.
The room smelled nice. Pamilyar. Amoy ni Rin. May inabot ako na kung ano mang nandoon sa harap kasama ng mga unan at iyon niyakap.
“Akin na ’yan! Magiging amoy alak pa ’yan,” si Rin na inagaw iyon.
Tiningnan ko kung ano iyon at stuffed toy na rabbit pala. I groaned and shut my eyes frustratedly. Antok na antok na ako. Ngayon pa umeepekto ang alak at para na akong nakasakay sa roller coaster kaya umiikot ang pakiramdam ko.
I felt him pull on each of my shoes. Naramdaman ko rin kung paano niya hinagis sa katawan ko ang kumot na dumagan sa likod ko lalo na’t may duvet iyon kaya medyo mabigat. I didn’t mind all of it nang biglang namatay ang ilaw. Kahit lasing at umiikot ang pakiramdam, nataranta ako.
“Matulog kana. Lalabas na ako. Ilalock—”
Inabot ko siya nang marinig ko kung saan galing ang tinig niya.
“Madilim,” I said in terror.
“Bubuksan ko ulit ang ilaw,” rinig kong sabi niya ngunit natatakot na ako.
I gripped his pulse and pulled him more. Fuck.
“Rin…” I called nervously.
“Oh? Bubuksan ko nga ang ilaw! Bitiwan mo muna ako. Ang laki laki mong tao tapos takot ka sa dilim,” aniya at gustong bawiin ang kanyang kamay.
I couldn’t let go of him. Mabilis ang kalabog ng dibdib ko. Nasa isip ko na iyon ulit. Tang ina!
“Huwag kang umalis,” I pleaded hoarsely. “Ayokong mag-isa sa dilim…”
“Bubuksan ko na nga ang ilaw. Bitiw muna, Reagan.”
I pulled his hand more and used it as my own pillow instead. Nandoon nakahiga ang pisngi ko at ayaw siyang pakawalan dahil sa madilim na kuwarto. I wanted to feel his presence, at least.
Ilang sandali lang, umilaw ng kaonti. Mukhang inabot niya ang lampshade na nasa bedside table.
I immediately tried to search for his face just to confirm I wasn’t with someone else. Nang makita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama, nakatingin sa akin, kumalma ako.
“Ayos ka lang? Nanginginig ka,” he asked.
I buried my face in his hand and sighed at ease.
“Aalis na ako. Ila-lock ko para komportable ka rito sa loob at bubuksan ko rin ang ilaw. Sa sofa lang ako kaya matulog kana…”
“Huwag muna…” bulong ko.
“Inaantok na rin ako. May gig pa ako bukas.”
“Tss. Gig? O makikipagkita ka lang sa ex mo?” I uttered drunkenly.
“Huh? Gig nga.”
“Liar. Nakita ko sa Facebook ng ex mo. Nagkita kayo noong nakaraan. Sinabi mo sa phone call gig…pero ang totoo…nakipagkita ka.” Shut up, Rick! Ngunit hindi ko kayang magpigil.
Marahan siyang natawa. I sighed against his soft palm and pressed my face even more.
“Huwag mo na ’yung balikan,” I whispered hoarsely.
“Bakit?”
“Hindi kayo bagay.”
“At sinong may sabi?”
“Ako.”
He laughed again. Tss.
“Pwede na ’yang kasuhan si Arron.” Iritado kong bigkas habang nakapikit.
“At anong kaso?” sagot niya sa tinig na tila ba sinasakyan lang ang mga sinasabi ko.
“Theft or robbery…” I uttered.
“Huh? Anong ninakaw niya?”
“May destruction of property kaya hindi lang theft ’yon. Robbery ang kaso niya,” patuloy ko.
“Ang hirap mo naman kausap pag lasing.”
“Kung theft…ikaw. Kung robbery, siya…” I continued.
“Huh? Ba’t ako nasali?” he laughed. “Ano ako, snatcher?”
“Simple term lang ’yang snatcher. Hindi ’yan matatawag na krimen. Kaya theft. ’Yan ang kaso mo. No destruction of property. May kinuha ka lang na…hindi sa’yo.”
“At kay Arron ang robbery?” muli niyang tanong, medyo lito.
“Oo. Pero hindi kita kakasuhan. Baka magb-bonding lang kayo sa presinto. Dito ka lang. Hayaan mo na ’yang ex mo.”
Mas lalo siyang humalakhak. Nahulog pa yata siya sa kama kakatawa lalo na’t hawak ko ang kamay niyang inuunan ko at ramdam ko ang pagdulas niya pababa.
Mabilis akong lumingon para tingnan kung napano na. Umahon siya at natatawang ibinaon ang mukha sa gilid ng kama, gustong tumayo pero nanghihina dahil sa kakatawa niya.
“Miranda rights ko ’yon ’di ba? Rights to remain silent…” he explained while laughing.
I was amused that he knew the terms. He knows his constitutional rights as a human. Kaya pala ang tapang tapang nitong ni Rin na sagut-sagutin ako dahil may alam din.
“Ah…kaya hindi mo ako pinapansin? Bakit? Pinakitaan ka ba ng warrant of arrest? Hindi pa ah? Bakit nauuna na agad ang miranda rights mo?” Kaya pala hindi mo na ako kinakausap man lang…
“Okay. Nasaan ang warrant of arrest. Ipakita mo muna,” he demanded bravely but I could sense his playfulness.
Matapang ko siyang tiningnan. Kita ko ang medyo pagbaon niya ng kalahati niyang mukha sa kama, tila ba gustong magtago dahil titig na titig ako sa kanya.
“So you’re saying you’re guilty,” I said.
“H-Huh?” Kumurap siya.
“May ninakaw ka nga? Sa akin? Kasi naghahanap ka ng warrant of arrest eh. You want to be convicted of your crime. You just confessed that you’re guilty.” I confronted.
Namilog ang mga mata niya. He looked like I had found his little secret.
“Hindi ako guilty. Baka ikaw,” he countered.
I scoffed and rolled over to the other side, turning my back on him. Well, yes. I am fucking guilty. Pero hindi ko iyon aaminin sa kanya.
Chapter 23
Proud
Nagising ako sa pumipintig na ulo. Kinapa ko ang gilid para hanapin ang phone ko nang wala akong mahawakan. Magkasalubong pa ang kilay ko hanggang mabilis akong napadilat, tarantang bumangon at hinagilap ang phone ko.
Shit! Hindi tumunog ang alarm clock ko! No. It probably rang, but I didn’t hear it!
Mabilis kong iginala ang tingin ngunit sa kakaibang beddings, sa mga gamit, at sa style ng kuwarto, alam kong wala ako sa unit ko.
Nahawakan ko ang ulo ko, mabilis na tiningnan ang sarili at topless pa. My heart was racing so fast as I tried to look for answers. Tiningnan ko ang bawat sulok kung may ebidensya ba na may ginawa ako kagabi ngunit wala naman lalo na’t malinis din. Maliban sa sapatos at t-shirt ko na maayos na nakalagay sa gilid.
Dinampot ko ang nakacharge kong phone at ang unang bumungad agad doon ay ang text ni Rin.
Rin:
Kung gising kana, may pagkain sa lamesa. Nahanap ko na rin ang susi mo na napulot ko labas ng unit mo.
My sudden nervousness calmed down. Nasa unit niya ako? Thank God. Nasa unit niya ako.
Rin:
Sa sofa ako natulog. Sa kwarto ka. Naka lock.
Wala akong iniisip na ganoon ngunit sa sagot niya, medyo napanatag ako. At mukhang alam na alam niya ang gagawin dahil nagsend pa siya ng video.
I played it curiously. Timelapse pa yata. Pero nasa labas lang siya, nasa sofa at doon natulog. Hindi ko na tinapos dahil naniniwala naman ako sa kanya.
Kung hindi ko lang nakita ang oras, late na sa subject ko, hindi ko pa siguro maiisipang gumalaw sa kinatatayuan.
I went out of his room without touching anything aside from taking my key. Sa unit ako naligo at kulang nalang tumakbo papuntang school. Aligaga ako at nagkanda-hulog hulog pa ang mga gamit ko habang tumatakbo papasok.
I have a lot of questions, but I need to go to my classes first. At sa bumabahang alaala sa isip ko, parang gusto kong sumigaw at suntukin ang hangin dahil sa mga nakakakilabot na pinagsasabi ko kagabi.
At ganoon ka himbing ang tulog ko na talagang hindi ko narinig ang alarm ko sa unang pagkakataon. Ang bilis ko pa namang magising sa paligid ko. Kahit siguro makarinig lang ng kaluskos, magigising na.
Ang lambot din naman kasi noong kama niya. O siguro dahil din mabango? O baka naman dahil kuwarto ni Rin at kilala ko ang amoy niya?
I couldn’t concentrate during my class. Gago. Anong pinagsasabi ko? Hindi naman siguro ako umamin ’di ba? Pero kabisado ko ang sarili ko pag nalalasing lalo na’t ang mga boys, nagrereklamo minsan dahil puro na daw batas ang bukambibig ko. Gano’n lang naman din siguro ang…mga ginawa ko kagabi?
“Huh? Wala naman…” ani Shiloh nang makipagkita ako lalo na’t break time at dala dala niya pa ang iPad niya.
May naaalala ako eh. Parang nakausap ko si Shiloh na ewan. O baka naman imahinasyon ko lang? At kung totoo man ’yon, talagang mapapanatag ako kung kay Shiloh ko nailabas.
“Nag-usap na kayo ni Denver?” tanong ko nang maalala.
Umiling siya at tiningnan ang phone niya. “Hindi pa naman. Pero magkikita kami ngayon.”
Umangat agad ang kilay ko. “Bakit?”
“May bibisitahin kaming cafe. ’Yung coffee project…”
“Kayo lang dalawa?” I asked.
“Uh…sasama din si…Brent.”
I nodded immediately. Oo naman. S’yempre. Magpapahuli ba ’yung boyfriend niya. Eh kulang nalang maging aso niya ’yon kakasunod sa kanya.
“Ang…boyfriend ko.” He looked away as he tried to make it less shocking.
Tingnan mo na. Ngayon pa umamin. O baka rin nasabi na ni Brent sa kanya na alam ko na.
Tiningnan ko siya nang maigi. Namumula siya ngunit sinikap niyang pigilan. He even side-eyed me to check my reaction, and I just arched my brow.
“Rick.” He looked at me worriedly, opened his mouth, but then he hesitated to talk.
Funny how I could immediately relate to him—to this. Hindi ganoon ka daling aminin iyon, lalo na kung marami kang pinagdaanan bago matanggap ang sarili.
Kung may napagtanto man ako, iyon din kung paano sila nag-alala agad sa akin sa oras na malaman ko. They consider my emotions.
Inakbayan ko siya. “Wala akong pakialam, Shiloh. Kung masaya ka diyan, tanggap ko ’yan.”
I felt his shoulders relax. The worries in his eyes vanished.
“Tanggap kita,” I said bravely.
“Hindi ka nandidiri o…naiilang?” marahan niyang tanong at halata ang pag-aalala.
Umiling agad ako. “Huh? Hindi ah! Naiirita siguro oo. Pero kay Brent. Sa daming lalaki ikaw pa ang nakita niya. Ba’t mo kasi agad iyon sinagot? Pinaabot mo sana ng isang taon man lang.” I frowned at him.
He laughed softly. Natawa rin ako kahit nakasimangot. Sa tuwing naiisip ko talaga na si Brent ang boyfriend niya, parang gusto ko iyong bangasan.
“Baka makawala,” he whispered.
Umismid ako. “’Yun kakawala? Mukha no’n! At subukan niya. Itatali ko na ’yon sa’yo. Hindi na ’yon makakatakas.”
He laughed and slightly slapped my chest, which made me laugh as well. Naging magaan ang pag-uusap namin doon. Gusto ko ring maramdaman niyang suportado ko siya rito, na isa ako sa mananatili kahit pa naiiba iyon sa nakasanayan ng lipunan.
Our topic ended when Brent showed up with Rin. Doon din napawi ang ngiti ko. Nag-uusap silang dalawa habang papalapit sa amin lalo na’t hinintay namin sila.
Inayos ko ang sarili. Nanalamin pa ako sa screen ng phone ko para lang i-check ang mukha na ikinatingin ni Shiloh sa akin.
I swallowed a bit. Ngayon lang ako nakaramdam ng nerbyos. It was the kind of feeling when you were too excited but, at the same time, worried that you might not be that presentable in someone’s eyes.
Naka puting white t-shirt, buttoned-down striped baby blue long sleeve shirt, at blue jeans. Napansin ko na bagay sa kanya ang baby blue na kulay. It’s making him more soft and angelic.
Gusto kong ngumiti kaso nang tumingin din si Brent sa akin, umiinit na agad ang ulo ko. He looked at my hand around Shiloh’s shoulder, and I’ve seen the slight glare he made. Gusto ko sanang yabangan at huwag iyong tanggalin kaso nang nahuli ko ang tingin din ni Rin doon sa kamay ko, unti-unti kong tinanggal. Akbay lang, eh. Wala namang meaning.
Lumapit si Shiloh kay Rin saka sila nag-usap. May sinabi si Shiloh na ikinalingon din ni Rin sa akin, siguro kuryoso bakit ako nandito. Lumebel si Brent sa akin habang namulsa ako at nasa likod kami ng dalawa.
“Break time mo? Baka tumakas ka lang ah dahil alam mong may coffee date kami,” I teased seriously.
“Tss. Break time ko. Five hours. At ikaw dapat ang tinatanong ko. Bakit ka nandito?”
“Break time ko rin. Gusto kong mangape eh. Bakit? Purket boyfriend mo na ’yan kaibigan pa rin kami. Huwag kang possessive.” Ismid ko.
He only rolled his eyes but he didn’t argue about it anymore. Sumunod kami sa dalawa na mukhang excited at may pinag-uusapang art materials. I even heard them talking about painting. Mahilig din kasi si Shiloh. But…how about Rin? Mahilig ba siya? Bukod sa music, ano bang hilig niya?
Kahit kurso ni Rin hindi ko man lang alam. Ano kayang mga favorites niya? Ang misteryoso niya sa akin ngayong unti-unti kong iniisip kung sino talaga siya.
I realized I don’t know much about him. Baka naman talaga infatuation lang itong nararamdaman ko? O baka dahil ang tagal tagal kong single, walang interest sa girls, kaya ganito ang nararamdaman ko?
Sa Vista Taft Residences iyong sinasabi nilang coffee project. Pumasok kaming apat doon at nagtungo sa kanan ni Brent lalo na’t nandoon ang counter. Ngunit kapwa din kami tumigil at lumingon sa dalawa na dumeritso sa kaliwa kung saan naka display ang iba’t ibang school supplies at art materials.
Nagkamot ako ng batok habang si Brent ay ganadong lumapit sa kanila at gustong sumali na makitingin. Nilingon ko saglit ang cakes pero lumapit na rin sa kanila doon.
“Then let’s buy it,” rinig ko ang ganadong sabi ni Brent nang may damputin si Shiloh at ipinakita sa kanya.
Tumitingin-tingin si Rin kaya siya ang nilapitan ko. May dinampot siyang faber-castel na coloring materials at kuryoso iyong tiningnan.
“Mahilig ka rin sa arts?” I asked.
Medyo nagulat siya ngunit kumalma din. Tumingin lang sa akin saglit ngunit ibinaba iyon.
“Hindi gaano. Si Shiloh…hilig niya kasi. Niyaya niya lang akong mangape rito kasi gusto niya ring tingnan ang part na ’to.”
I nodded attentively. “Sa music ka lang mahilig?”
Tumingin siya sa akin ulit. Ngunit binawi na naman at humakbang para tingnan ang iba nakadisplay. Parang umiiwas na mapalapit sa akin o ano man.
“Oo. Music…” he answered distantly.
“Parehas tayo. Hindi ko rin naaappreciate masyado ang arts. Mas mahilig ako sa music,” sabi ko na nakasunod sa kanyang likuran.
I saw him become interested, but I’ve sensed how he holds back. Pansin ko iyon lagi sa kanya. Parang may harang. Siguro nga, hindi rin siya komportable sa akin dahil nang-iinsulto ako ng bakla noon. Pero noon ’yon. Noon ’yon, Rin…
I followed him around. Kahit ano ano ang pinagdadampot niya, halatang nililibang lang ang sarili. Si Shiloh at Brent, mukhang mamimili na lalo na’t may hawak nang basket si Brent.
“Gitara ’yung hilig mo?” I asked, striking up another conversation when he silently picked up another item.
“Piano…” he murmured without glancing at me.
“Hmm…mukhang magaling ka nga. Naririnig kitang nagp-play minsan. Pero bilang sa daliri.”
Bumaling siya sa akin. Sa tuwing titingin siya, dahan dahan ko rin siyang lilingunin. The silence of our eye contact would make me flash a stifled smile. Gusto ko sanang makipagtitigan pero di ko kaya.
I slowly took my eyes off him. Ang ganda eh. Mahirap titigan nang malalim at baka…mabisto ako.
He stepped forward to the other parts of the place. I stayed behind him. May dadamputin siya at kuryoso ko lang ding titingnan.
“Baka gusto mo? Like…gusto mo ring magpaint?”
“Ah, oo. Sabi ni Shiloh magp-paint kami dito mamaya. Pwede raw eh,” aniya at nilingon ang parte na may mga upuan.
I nodded. “Maganda ’yang may other hobby ka rin bukod sa music. Hindi nga lang ako marunong sa painting…”
“Ano bang hilig mo?” he asked nonchalantly while picking up another item, just plainly conversing with me.
“Music din. Sa Malabon, lalo na sa kuwarto ko, may kaonti akong instruments. May electric guitar ako. Meron din akong keyboard. Pero mas nag-eenjoy ako sa electric guitar dahil mahilig ako sa alternative rock. Gustong gusto ko ang Paramore,” kuwento ko para naman may alam din siya sa akin, hindi lang ’yung init ng ulo ko.
He nodded, but he didn’t say anything. I pulled out my phone out of my pant’s pocket and immediately opened my gallery to show pictures.
Pinindot ko iyong nakaupo ako, naka gray t-shirt at sweatpants, kita rin ang suot kong nipis na lace ng silver na kwintas, at sa aking kandungan ay ang electric guitar ko na kulay pula at itim.
“Ito.” Saka ko ipinakita ang screen.
Bumaling siya roon at tiningnan iyon.
“May dalawa akong electric guitar. ’Yung isa, kulay black and white.”
He looked so interested. Ngumuso ako at pinigilan lang na ngumiti. I could even feel the slight banging on my chest. Sana naman hindi niya naririnig at baka mapagkamalan akong patay na patay sa kanya rito…
“Anong mga piniplay mo? May video ka?” he asked.
I nodded. “Oo meron. Teka, hanapin ko.”
Mabilis ko iyong hinagilap sa videos ko. S’yempre, iyong topless ako habang nag eelectric guitar, nakatayo sa loob ng kuwarto ko at piniplay iyong isa sa kanta ng Artic Monkeys. Isa din sa paborito kong band.
I played the video and showed it to him. This time, I’ve seen the amusement in his eyes while watching me strum my black and white electric guitar, my head nodding a bit to vibe with ‘Do I Wanna Know’ by Artic monkeys while biting the pendant of my necklace. Magkasalubong ang kilay ko roon, mukhang galit lalo na’t seryosong tingnan, pero sa tuwing titingin sa camera, mayabang ang ngisi ko.
“Ah…ngumingiti ako diyan kasi iniimagine ko na may million fans akong nanonood. Live performance kumbaga.”
Hindi sadya ang pagtawa niya, mukhang nadala sa kuwento ko dahil ang lutong ng pagsabog noon. I also chuckled.
“Nagpapacute lang sa camera. At least kung kakalat ang video, guwapo pa rin, ’di ba?”
He laughed more and tried to pull his eyes off it. Hinabol ko agad sa kanya.
“Panoorin mo pa,” I insisted while smiling.
“Tama na. Ang feeling eh…” natatawa niya iyong itinulak.
“Sus. Nag-guwapuhan ka lang eh,” I said while chuckling.
Tumawa siya at itinulak iyon. I grinned while looking at him, feeling giddy that he was now laughing.
“Sabi mo, guwapo ako. ’Di ba?” nangingiti kong tanong.
He tried to stay serious, but he was failing. Talagang tumatakas ang ngiti sa labi niya. Ang sarap tuloy asarin lalo.
“Marami pa akong videos eh. Meron ding The Script. Teka hanapin ko…”
He stepped forward curiously and tilted his head to peek at the screen of my phone. Ngumuso ako at pigil ang ngiting ibinaba iyon para makita niya.
“Ah…ilalagay ko mamaya sa story ko sa Facebook. Friends only.” Bawi ko at pinatay agad ang screen ng phone ko.
His eyes narrowed at me. “Ngayon na. Patingin.”
“Ayoko nga. I-accept mo muna ako sa Facebook.”
“Hindi ka pa rin talaga tumitigil diyan?” There was a slight playfulness mixing in his cold voice.
Natawa ako. I’ll admit it. Noon, parang gusto ko lang talaga na makita ni Angela na friends kami sa Facebook. Pero isa na yata sa naging frustrations ko na hindi kami friends doon. Kulang nalang maisipan ko rin iyong sinasabi ni Rio na gusto niyang ireport iyong account noong Kittie dahil hindi siya inaaccept. Buti nakapagpigil pa ako.
“Denver,” rinig ko ang tawag ni Brent.
Ang nakangisi kong labi ay napawi lalo na’t nilingon din siya ni Rin. I glared at Brent, who seemed confused as to why I was glaring at him. Disturbo rin. Tinawag niya kami at itinuro ang right side, mukhang mag-oorder na.
Naging abala na sa pag-oorder. Nakaupo lang si Shiloh, ngiting ngiti sa pinapamili niya at si Brent na ang namimili ng mga kakainin nila, habang si Rin ay nasa gilid ko, namimili ng kakainin.
I took out my credit card and glanced at Brent. “Ako na ang magbabayad sa orders, Brent.”
Bumaling si Rin sa akin. S’yempre, ang target ko ay bayaran din ang kanya. Alam ko namang hindi magpapatalo si Brent at siya ang magbabayad kay Shiloh. Hindi ’yan papayag na ako.
“No need, Rick. I’ll shoulder it. Ako na sa lahat,” he insisted.
At hindi rin ako papayag na siya kay Rin.
“Hati nalang tayo. Ikaw ang kay Shiloh. Ako kay…” I looked at Rin. “Denver.”
Pumayag agad si Brent at hinayaan ako sa gusto ko.
“Upo kana roon. Ako na rito,” marahan kong sabi kay Rin.
Alam ko naman ang mga gusto niya pagdating sa pagkain. Medyo nakabisado ko na iyon kaya hindi na mahirap.
Noong kumain na, si Shiloh at Rin ang madalas mag-usap. Pinapakita ni Shiloh sa kanya ang mga pinamili niya at lagi niyang ini-engganyo si Rin na magp-paint sila.
Kami ni Brent, nagcecellphone lang o casual na mag-uusap tungkol sa subjects. But I would sometimes catch myself watching Rin. Titingin din siya sa akin, mapapansin iyon, pero titingin din kay Shiloh at tititigan ito.
“Inaral mo na?” si Shiloh, namimilog ang mga mata at mukhang may iba na silang topic.
“Oo. Madali lang naman.”
“Madali?! Ang hirap kaya ng Merry Go Round of Life! Gusto ko nga ’yung aralin eh. Nagpabili pa ako noon sa lola ko ng keyboard kaso ang first stanza pa lang ang alam ko. Parang ang hirap na noong chorus part…” ani Shiloh.
“Turuan kita,” Rin offered while smiling.
“O sige! Mamaya? Sabay na tayo umuwi. May keyboard ka sa unit mo ’di ba? Wala akong gagawin mamaya.”
Tumikhim si Brent. “I have nothing to do later too.”
Napangiwi ako. Shameless motherfucker. “Ako rin,” hirit ko.
Tumingin si Rin at Shiloh sa aming dalawa.
“Magkapitbahay kami. Doon din naman ako uuwi. At maalam ako sa music,” sabi ko.
“I know music too…I sing…” si Brent na tumatango-tango.
“Bakit? Marunong ka mag gitara? Mag piano?” tanong ko.
“Guitar…I know a lil bit. Piano…Pwedeng aralin.”
I smirked confidently. Hah. Alam ko ang dalawa. Ito ang crush niya noon? Hindi naman maalam sa music. Hindi sila bagay. Paano sila magb-bonding? Buti nalang kay Shiloh hibang ang isang ’to… Medyo tanggap ko pa.
“Marunong ka magpiano, Rick?” tanong ni Shiloh.
I nodded immediately, smiling. “Yup.”
“Talaga? Baka alam mo ’yung Merrie Go Round of Life? Ghibli?”
Tumingin si Rin sa akin, kuryoso. Umiling ako lalo na’t hindi ko alam.
“That’s easy to learn,” si Brent na talagang ayaw magpalamang. “I’ll buy a keyboard tomorrow, and I’ll learn it.”
Sa reaksyon ni Rin sa dalawa, mukhang may alam siya kung ano ang nangyayari, o kung ano man ang relasyon nila. Sinabihan din ba siya ni Shiloh?
Hindi nga lang sigurado si Rin kung pwede siya mamaya. Gusto kong usisain pero sigurado akong hindi ako rereply-an niyan sa text.
Pagkatapos kumain, nagyaya na ngang magpaint ang dalawa. Nakisali na rin ako kaysa tumunganga eh ganadong magpaint si Brent, mukhang alam na alam niya na ang gagawin.
Nasa four-seated table kami. Ang laki laki naming tao ni Brent at ang hirap makibagay sa lugar dahil nagmumukha kaming mga bata pero ayoko namang maging kill-joy.
Si Shiloh at Brent ang magkatabi at nasa harap din nila kami. Natatawa na si Shiloh kay Brent na tumawa rin, mukhang may topic silang dalawa na sila lang ang nagkakaintindihan tungkol sa isang strawberry.
Tiningnan ko ang papel ni Rin. Nagsisimula na siyang gumuhit. Dumampot lang din ako ng kung ano ano, kunot ang noo at hindi alam kung anong gagawin.
He was enjoying it. Pakopya kopya lang din ako sa ginagawa niya at panay lingon sa papel niya. Nang mapansin niya iyon, sinamaan niya ako ng tingin.
“Wala akong alam sa ganito. Iba ang pinagkakaabalahan ko. Mga batas,” sabi ko.
“Halata nga…kasi puro yata batas ang nasa isip mo,” he murmured.
Tang ina talaga. Pakiramdam ko may mga nasabi ako na hindi niya dapat marinig. Anong klaseng ka kornihan ang ginawa ko?
Si Brent at si Shiloh ang nagtagal doon lalo na’t gusto nang umalis ni Rin dahil may next subject pa. Wala pa naman akong next subject pero tumayo rin ako at nagpaalam, dinahilan na may gagawin din kahit ang totoo, wala naman. Gusto ko lang talaga sabayan at ihatid si Rin.
Ang dami kong gustong itanong kay Rin. Pero natatakot din ako sa mga nalaman niya. Yes, I acknowledged the feeling. But I have no plans for it yet. Hindi ko alam kung anong gagawin ko rito. Siguro, ang gusto ko, unti-unting manatiling kaibigan niya hanggang sa bumalik sa normal, hanggang sa mawala ang nararamdaman ko.
Pero ngayong kasama ko siya, ang dami daming nagsusuntukang panibagong plano sa isip ko. I want to get to know him more, slowly by slowly, until I can finally step up and confess.
Ngunit ayoko rin. Bakit ako aamin? Pag umamin ako, ano bang ibig sabihin no’n? That I’m also bisexual? I am not. Kasi mali naman itong nararamdaman ko. I don’t want this.
“Thank you, by the way,” bigkas ko nang sa lahat ng gustong sabihin, iyon nalang ang pinili.
Bumaling siya, kanina pa tahimik habang naglalakad kami, at nasa gilid ko siya, ako naman ang nasa gilid ng kalsada.
“Lasing na lasing ako at hindi ko alam kung paanong napunta na sa unit mo. But thank you.”
“Naabutan kita sa harap ng unit mo kagabi. Nakaupo sa sahig. Nawala mo ang susi mo kaya pinatuloy kita sa unit ko. Pero katulad ng sabi ko sa text, nasa sofa ako. Ikaw ang nasa kuwarto ko.”
I nodded slowly. “May…mga sinabi ba ako?”
“Mga batas. Theft. Robbery. Warrant of arrest.”
Wala pa siyang dinidetalye pero alam ko na agad. Iwas na iwas ako sa mga kakornihan na ’yan pero sa sariling bibig ko rin pala manggagaling? Hayop. Paano naman ang dignidad ko nito, ’di ba?
“Gano’n ako malasing. Educational. Kung…sa akin ka makikipag-inuman, marami kang matututunan about Law. ’Yun ang pag-uusapan natin.”
“Gano’n ka malasing?” He slightly laughed, as if he remembered something.
Hinaplos ko ang batok ko, ngumunguso at napapatitig sa nakangiti niyang pulang labi. “Hindi ah…”
“Kinasuhan mo nga ako,” aniya.
I tried to stifle my smile, furrowed my brows just to stay serious, and looked away.
“Theft,” he mentioned meaningfully.
I shut my eyes and groaned while laughing. Umiling ako.
“Shh! Ayokong marinig—”
“Ano bang ninakaw ko—”
“Lasing lang ako!” natatawa kong depensa, halos nasa kabilang gilid na nakatingin dahil talagang hindi ko kinakaya ang kahihiyang iyon.
“Ayos lang. Wala naman akong ibang iniisip. May boundaries naman ako pagdating sa mga straight na tao,” paliwanag niya.
I could feel my frustration, but at the same time, I didn’t want to immediately react to it. Hindi ko pa tanggap. Kung…magpapadalos dalos ako, hindi pa ganoon ka lawak at ka buo ang desisyon, baka maulit ko lang ang ginawa ng ex niya sa kanya. At ayoko ng ganoon.
Kaya ko ba siyang hawakan sa maraming tao? Kaya ko bang isagot ang pangalan niya pag tinanong ako kung sino ang gusto ko? Kaya ko ba siyang…halikan?
As Doc Jane said, be a critical thinker. Don’t come up with just a yes-or-no answer. Come up with lots of questions that require you to dig deeper until you figure out what you really want.
At ang mga sagot sa tanong na ’yon, tagilid. I can’t. Ayoko. I could still feel my fear. Alam kong hindi ko kayang pumasok sa ganyang relasyon na may kinalaman din sa takot ko. I might be acknowledging this feeling I have for him, but the guts to submit to it were lacking.
Kasi kung susugal man ako, I would make sure once he’d fall for me too, I’d be that brave to claim him. I’d be that ready to catch him. I’d be that proud to…love him.
But I’m not even vocal about this yet. Kaya alam ko, kailangan ko munang manatili sa linya.
Angela:
Invite Denver sa Halloween Party ha? You said friends na kayo?
In the next few days, when October is almost over, we are now looking forward to the Halloween party. Mabilis kong kinuha bilang oportunidad iyon para i-text siya.
Reagan:
Pupunta ka sa Halloween Party?
Ilang sigundo lang, nagreply siya. Kahit abala ako sa binabasa ko, dinampot ko agad ang phone para tingnan.
Rin:
Oo. Pero aalis din siguro ako agad.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi, pigil ang ngiti habang nagtatype ng reply.
Reagan:
Nandoon naman ako. Hindi ako aalis sa tabi mo, Rin. Huwag kang mahiya.
Chapter 24
Friends
As usual, matao ang bahay nila Angela noong Halloween Party na. Maraming students ang pumunta at sa iba’t ibang universities din galing ’yung iba. Ganoon ka kilala ang mga parties namin na talagang dinadayo.
Sinunod namin ang baduy na suggestion ni Tyler, iyong ghost. Nakabalot kaming boys sa kumot at may kanya kanyang shades. Sobrang childish pero kung kabilang ka sa grupo ni Brent, talagang masasanay ka nalang sa ganitong bagay.
Mabuti nalang, may inner costumes kami. Si Angela ang nag lagay ng paint sa mukha ko para magaya iyong gusto ko. I just paired it with an all black clothes so it would complement my chosen look too.
“Shi maglibot libot ka mamaya. Hingan mo lahat ng mga bisita para makabawi naman tayo sa gastusin. Manghingi ka ng treats. Pero pera dapat. Huwag chocolates,” ani Tyler na ikinatawa namin at binatukan pa siya ni Brent.
“Itigil mo ’yang kalokohan mo,” saway ni Brent.
“What? It makes sense! Marketing strategy, dude!” pagmamalaki ni Tyler.
Si Shiloh lang ang may pumpkin baskets sa amin. Hindi pa nga nagsisimula, puno na agad ang basket niya ng chocolates. At sino pa bang may gawa?
Noong dumarami na ang bisita, kanya-kanyang pasiklaban sa mga costumes nila na puro superheroes din, naging distracted na rin ako sa phone ko lalo na’t hinihintay ko ang reply ni Rin.
Ang sabi niya, pupunta naman siya. O baka nagbago ang isip niya? Hindi pa naman ’yon mahilig sa party. Hindi yata mahilig sa masyadong matao na lugar. Introvert ba ’yon? Instead of overthinking about it, I typed a text for him.
Reagan:
Pupunta ka? Pwede kitang sunduin.
Hinubad din naman kami ang ghost costume namin lalo na’t dumadami na rin ang mga bisita para iyong inner costumes nalang namin ang maiwan.
I joined the boys fun for a while since the familiar music ’Bow Chika Wow Wow by Mike Posner and Lil Wayne is already booming. Madalas itong pinapatugtog ni Con eh.
“Once I throw on this bow chika wow wow, whatchu gonna say? You act like you gon’ leave, but I know that you gon’ stay… Break it down dicky down, down…girl don’t even play…Once I set the mood right I’ma make you sound like…” kanta naming boys habang swabeng nagv-vibe sa kanta.
We did a slow body roll after the chorus to match the beat, which made the girls giggle who were watching us while Angela recorded us.
Tumawa ako at tumigil na kakasayaw para tingnan ang phone ko, at nang makita ang reply ni Rin, talagang lumabas ako para tawagan siya pagkatapos mabasa ang reply niya.
“Hi Reagan…” bati ng mga girls na naka costume rin at hindi ko man lang kilala kung sino ang mga ’yon nang daanan ko sila.
I only nodded, smiled a little, then headed to the other side so I could hear him better. Ang ingay din kasi. Ang lakas lakas ng tugtog.
“Susunduin kita?” I asked as soon as he answered it, since he said he’d come.
“Papunta na ako. Nagtaxi lang ako,” si Rin sa kabilang linya.
Tumingin ako sa may pool area. Wala pang gaanong naliligo. Siguro rin nasasayangan sa mga costumes nila eh may prize rin kasi.
“Hihintayin nalang kita sa labas. Sabihin mo sa akin para mabayaran ko ang taxi,” sabi ko at itinuon ang tingin sa parking space, mas nakita ang pagdating ng iba pa habang nagpapark na rin ang isang itim Land Cruiser na agaw pansin.
“Huwag na—”
“Hi Reagan,” ang panibagong bati ng grupo ng mga girls na humahagikhik nang makita akong nakatayo sa gilid ng hardin. Ngumiti ako ng kaonti ngunit ibinalik agad ang atensyon sa call.
“Mag text ka kung malapit kana,” sabi ko.
“O sige…” his distant voice before he ended it.
Tinitigan ko pa ang screen bago iyon namatay saka bumalik ulit sa loob. I couldn’t really focus on the ongoing party. May mga nagsisimula nang uminom na pabalik balik sa punch, may ilan na kumukuha ng smirnoff, at may iba na talagang hard drinks ang tinitira katulad ng Bacardi at Black Label. Patikim-tikim lang ako, ayaw agad matamaan ng alak lalo na’t baka may ihahatid din mamaya.
Panay rin ako picture at video sa paligid para isend kay Rin. Nakailang picture na rin yata ako para lang makasend ng guwapong anggulo. Ang dami ba namang crush na guwapo. Kaya dapat talaga mas guwapo ako para hindi na siya lumingon sa iba. Sa akin nalang titingin.
“Woah, Rick! Nice look!” bati ng ibang boys na nginisihan ko at nakipaghigh-five sa kanila.
“Enjoy kayo. May drinks sa loob,” sabi ko nang lumabas saglit para i-check ang may parteng gate.
“Nandito si Kia. Pinormahan mo raw?” isa sa kanila ang nagtanong.
“Tsismoso.” I showed my middle finger to dismiss the topic, which made them laugh. Nailing ako at tinapik ang balikat ng isa sa kanila, sinenyasan na pumasok lang saka ako naglibot-libot.
At katulad nga ng sabi ni Tyler kay Shiloh kanina, gumagala rin si Shiloh sa pool area bitbit ang kanyang pumpkin basket at hindi pa hinuhubad ang ghost niyang costume. May nakikita pa akong nagbibigay ng papel na pera, habang ang iba naman ay chocolates din sa mga nilalapitan niya.
Kumuha ako ng isa pang pumpkin basket at lumapit sa table kung saan nagkalat ang sandamakmak na chocolates para sa free treats. Pinuno ko iyon para ibigay sa kanya mamaya pagdating niya. Baka rin kakain si Rio.
“Where’s Shiloh?” si Brent na mukhang hinahanap ang makulit na ’yon.
“Nasa labas. Hindi pa hinuhubad ang multo niyang costume. Sinunod ’yong payo ni Tyler na manghingi ng treats sa bisita.”
Hindi ko pa natatapos ang sinabi ko, umalis na agad si Brent at nagjog na palayo.
“Ipahubad mo ang multo niyang costume, Brent! Baka madulas ’yan sa pool area,” sigaw ko pa at hindi ko alam kung narinig niya ba lalo na’t ang bilis niya ring nawala.
Noong makontento sa punong pumpkin basket, inilagay ko iyon sa gilid at muling tiningnan ang phone ko kung may text ba si Rin. Pero wala pa.
So I took a photo of the pumpkin basket instead. Gusto ko iyong ilagay sa story ko pero nauna ko munang s-in-end kay Rin.
Reagan:
Happy Halloween.
Iyon din ang nilagay kong caption sa story ko. I also viewed the group chat and saw the different videos Angela sent. Napangisi ako sa isang video na kumanta kaming boys at sumayaw. S-in-ave ko iyon at s-in-end din kay Rin para makita niyang masaya ang party.
Nagview siya roon, but as usual, walang reply. Gusto ko nang magdabog pero magkikita naman kami. Mahirap din kasi itong awayin at baka hindi tumuloy. Gusto ko pa namang makita.
Nagpapalipas lang ako ng oras. Noong tumunog ang phone ko, sa sobrang excited, umalis na agad ako sa harap ng mga girls na gusto sanang ipakilala ni Angela sa akin at nagpaalam na lalabas lang.
Rin:
Nandito na ako.
Ramdam ko ang kalabog ng dibdib ko sa excitement. I jogged so I could immediately reach the opened gate. Hinagilap ko agad ang taxi pero wala. Nagkasalubong ang kilay ko at magtatype na sana ng text nang may lumapit sa akin, naka scream na mask.
I looked at the height difference. His frame seems so familiar. And even his…sweet scent.
“Rin?” I asked.
Tinanggal niya ang mask hanggang sa bumungad nga ang mukha niya. I laughed a bit and looked at his mask.
“Ayan ang costume mo?”
Tumango siya at muli iyong isinuot. Naka-itim din siya lahat ngayon, para siguro match sa mask niya. Galing ah? Parehas kami. Paano ba ’yan, medyo bagay kaming tingnan.
“Wala akong ibang maisip eh. Ayos lang?” Tiningnan niya ang sarili niya.
Kahit nga hindi na siya magcostume maganda pa rin naman…
“Oo naman. Pamatay rin…” sabi ko.
“Pamatay o mukhang patay?” he slightly laughed.
I laughed too. Pamatay sa ganda, Rin. Pero ayokong sabihin at baka ako ang patay sa kanya kung ganito ang mga pinagsasabi ko.
Ngiting ngiti ako sa mga iniisip ko habang iginigiya siya papasok, sinuot na ulit ang mask niya at parang ayaw niyang tanggalin.
“Ang angas mo sa costume mo. Bagay sa’yo,” he complimented.
“Talaga? Hindi ba mukhang mananapak agad?”
“Mukha rin,” aniya at natawa ulit.
“Mukha lang pero good boy ’to.” Golden retriever s’yempre…
Narinig ko ang munting tawa niya. Ngiting ngiti pa rin ako at patingin tingin sa mukha niya pero nababadtrip ako sa suot niyang scream mask. Gusto kong tanggalin kaso baka magalit.
“Rick, bro!” natatawang lapit sa akin ni Tyler, nagtago sa likod ko hanggang sa nakita ko si Ron na patakbo na rin dito.
I grunted when Ron tried to reach him while Tyler was using me as his shield. Sumigaw si Tyler at lumipat sa likod ni Rin at ito naman ang ginamit na shield kay Ron.
Nagmura ko at nakisali kay Ron sa pag-abot kay Tyler dahil natatangay na rin si Rin sa kilos niya. Natatawang lumayo si Tyler at mabilis na kumaripas ng takbo na sinundan muli ni Ron.
Tumigil pa sila sa gitna para mag-espadahan hanggang muling nagsitakbo papasok sa bahay. Sinamaan ko ng tingin ang dalawa. Pag ako sumali diyan sa laro nila daing ang papalit diyan sa tawanan nila. Sinali pa talaga si Rin.
“Makulit talaga ’yung Cervando,” natatawang sabi ni Rin na ikinalingon ko.
Dalawa naman sana sila ni Ron pero si Tyler lang ang nakita niya. O baka naman hindi talaga si Brent ang crush niyang vartisty noon kundi…
“Makulit din ako pag kami kami lang. Nasasabayan ko ang ganoong mga laro,” bida ko sa sarili ko.
Lumingon siya sa akin, hindi inaasahang sasabihin ko iyon. Tumikhim ako at iginiya siya papasok sa bahay ngunit tumanggi siya.
“Huwag na. Dito nalang ako sa labas,” agap niya.
“Mas masaya sa loob, Rin. Hindi kita iiwan, pangako.” I lifted my left hand as a promise just to get his trust.
Umiling siyang muli, talagang desidido. “Sa labas nalang. Uuwi din naman agad ako.”
I don’t want to insist on it. Baka naman may takot din siya? Lalo na’t noong hinatid ko siya, ayaw niya ring samahan ko siya sa classroom niya. Ayaw niya nga yatang mapag-isa sa akin kung wala si Shiloh. He’s not comfortable.
Sa parking space ko nalang siya iginiya dahil kahit sa pool area man lang sana na kaonti lang ang tao kumpara sa loob, ayaw niya rin.
“Sasabihin ko ba kay Shiloh na nandito ka?” tanong ko.
Umiling siya at namulsa sa jacket niyang itim. “Huwag na. Baka malungkot ’yon pag nalaman niyang uuwi din agad ako.” He chuckled.
I nodded as I tried to understand it. Sa may kotse kami ni Tyler tumambay. Rinig na rinig dito sa parking space ang malakas na music at matatanaw mo rin ang pool area kung nasaan ang iilang bisita na nagkalat. Kahit ang mga tinig nilang nag-uusap at nagtatawanan, umaabot dito ng kaonti.
I looked at him again. “Pwede mong tanggalin ang mask mo. Nakakatakot eh. Parang hindi ikaw ang kasama ko.” I chuckled to lessen the silence between us.
Iginala niya pa ang tingin niya, para bang may kinukumpirma, saka niya iyon unti-unting tinanggal.
Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Maputi talaga siya. Umiilaw na akala mo may sarili siyang liwanag. And what’s more amusing about his features were his thick brows and long lashes. Itim na itim ang kilay niya, makapal din ang makurba at mahabang pilikmata.
“May lahi ka?” I asked out of curiosity, looking at his freckles.
“Ah… ’yung mama ko, may kaonting lahi. Pero one fourth lang. French…”
I looked at him amusingly. Si Rio medyo mukha ring may lahi eh. Nag-aagaw ang banyaga sa mukha.
“French. Edi marunong kang mag french?” I smiled while tilting my head.
Umiling agad siya. “Hindi. Hindi nga marunong si Mama.”
I nodded while imagining my mom’s reaction if I had the courage to introduce him soon. She would probably like him. Ang sarap talagang ipagmayabang nito. Baka siya pa ang magiging laman ng social media ko.
I looked at the front while stifling my smile. Humahagikhik na ang mga girls na naroon. Sumandal ako sa gilid ng kotse ni Tyler at muli siyang tiningnan na nakatayo lang din.
“Pasok muna ako? Kukuha ako ng mauupuan mo at makakain mo,” sabi ko.
“Hindi ayos lang—”
“Mangangalay ka. Mas mabuti ’yung komportable ka,” giit ko sa marahang tinig.
He stopped talking, so I took it as a yes. Itinuro ko ang malaking bahay na ikinatango niya.
“Babalik din agad ako,” I assured him before jogging to the house.
Nagmamadali ang kilos ko. Kinuha ko lang ang dapat kunin. Isang upuan at mga snacks na pwede niyang kainin. I also get some drinks for us.
“Rick! Nasa’n si Denver?” tanong ni Angela nang lapitan ako, suot ang angel niyang costume katulad ng mga girls at may dugo pa iyon na tila ba galing siya sa isang crime scene.
“Nasa parking space. Ayaw pumasok. Nahihiya.”
Namilog ang mga mata niya. “Huh? Bakit?!”
Ipinakita ko sa kanya ang mga kinuha ko. “Ewan. Doon lang daw siya. Dadalhin ko nga ito sa kanya.”
“Dadalhan ko nalang kayo ng pagkain doon. Ipapasunod ko,” aniya at mukhang nakitang marami na akong dala.
I nodded at her and didn’t waste my time going back. Naantala pa ako sa pool area dahil may mga bumati ulit at pumansin sa akin. Tumango lang ako, ngumiti, ngunit hindi rin nagtagal doon.
Pagkabalik ko, tahimik niya akong pinanood na ilapag ang upuan niya ganoon din ang drinks na kinuha ko para sa amin.
“Maghahatid daw si Angela ng drinks at food dito. Baka mamaya, sumipot ’yon,” sabi ko.
He nodded and caressed his nape. “Baka gusto mong pumarty?” he asked concernedly.
“Ah. Hindi naman ako gaanong party animal unlike sa iba kong friends.”
“Hindi eh parang magaling ka nga sumayaw,” hirit niya.
Namilog ang mga mata ko. He viewed the video I sent?
“Hidden talent ko ’yon. Minsan ko lang pinapakita kasi baka maraming chics ang mabaliw.”
Natawa siya sa kayabangan ko. I couldn’t help but smile widely every time I saw him smile too. Paano ba ’yan? Masyado ko na yatang napapasaya ang isang ’to. Baka sa susunod…pasado na ako?
“Magaling sumayaw. Maalam sa instrument. Polsci student. Basketball player. Guwapo na nga, hindi pa babaero. Ang swerte naman ng gusto ko. Wala siyang magiging problema sa akin kasi full package na,” pagpaparinig ko, ngiting ngiti.
“Umamin kana?” he asked curiously.
Kumunot tuloy ang noo ko. Para bang kilala niya ang nagugustuhan ko. O siguro kuryoso lang din siya.
“Hindi pa eh. Medyo may sabit kasi…” sabi ko, nagkibit.
“Kasi taken na?” he concluded.
Sasagutin ko sana iyon nang biglang sumulpot si Angela kasama si Sadie at may dala silang drinks at pagkain. Humalukipkip ako at gustong sumimangot pero hinayaan ko nalang.
“Denver.” Sadie gasped.
Bumaling ako kay Angela at Sadie na parang mga nakakita ng artista, o lalaking napatunayan nilang tao talaga. They both looked stunned.
“Hello.” Rin greeted charmingly.
Angela went near him, handing the food in a small tupperware.
“Thank you,” ani Rin nang tanggapin iyon.
Iginala pa ni Sadie ang tingin kung saan niya ilalapag ang dala niyang drinks kaya ako ang tumanggap. Tiningnan niya ako, medyo nagulat.
“Ay nandito ka? Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Sadie na akala mo hangin ako at ngayon niya lang napansin.
“Inientertain ko ang bisita,” sabi ko at sinamaan siya ng tingin saglit.
Pinaningkitan niya rin ako ng mga mata. “Inientertain or iniiwasan mo lang si Kia? Nakwento sa akin ni Blanche na pinuntahan mo raw sa Velasco building si Kia.”
What? She knows them? At sinong Blanche? Pamilyar ang pangalan ah? Parang naririnig ko sa boys.
“Blanche. ’Yung conyo na kaibigan niya?” kumpirma ko.
Mabilis akong itinuro ni Sadie. “Ah, so si Blanche ang gusto mo?”
Paano ba napagtitiisan ni Brent ang babaeng ito? Kaya talaga ayaw kong pumuporma pag nasa circle ni Sadie kasi may ganitong problema. Sa laki din kasi ng circle nitong babaeng ’to, parang buong girls yata sa university kilala niya.
“Bakit ayaw mong pumasok? Kilala ka naman ng lahat ng nandoon eh. For sure maraming matutuwa pag nakita ka,” si Angela na ngiting ngiti at nakikipag-usap kay Rin.
Umalis ako sa harap ni Sadie at nagtungo sa gilid ni Rin para doon sumandal sa likod ng kotse ni Tyler. Nilingon ako saglit ni Rin, ngunit ibinalik din ang atensyon kay Angela na nakatayo sa harap niya.
“Nahihiya siya, Angela. Huwag mo nang pilitin,” sabi ko at humalukipkip.
Lumapit din si Sadie at nasa tabi na ni Angela, nakahalukipkip at umaangat ang kilay sa akin.
“Pinormahan pala ni Rick si Kia,” si Sadie na ayaw talagang tumigil at kinwento pa kay Angela.
Rin silently listen. Gusto ko agad magpaliwanag pero mamaya na siguro.
“Oo. Narinig ko ’yon sa iba ko ring blockmates eh. Kaya pala todo tanggi sa ibang reto kasi may kinahuhumalingang engineering student…” at talagang dinagdagan pa ni Angela.
Kinamot ko ang ulo ko at tumingin sa malayo, naririndi na sa topic. Kung pwede ko lang pagbubuhatin ang dalawang ’to itatapon ko talaga pabalik sa pool area.
“Bakit ayaw mong pumasok?” si Sadie sa marahang tinig at nalipat na rin ang atensyon kay Rin. “Nahihiya ka ba sa akin kasi masyado akong maganda ngayong gabi?”
Napaismid ako. Tumawa si Angela ganoon din si Rin. Itong si Sadie talaga ang girl version ni Brent. Kuhang kuha ang init ng ulo ko. Kaya ang sarap busalan ng bibig eh.
“Ang ganda mo nga,” Rin complimented and smiled.
Umangat ang kilay ko roon. Si Sadie maganda? Sus. Maarte kamo. Kung ’yan ang crush niya ewan ko nalang. Sasakit ang ulo niya. Hindi sila magtatagal. Masyado siyang mabait para kay Sadie. Maghihiwalay lang din sila agad.
“Kinikilig ako ah! Huwag kang ganyan!” si Sadie na akala mo inasinan na uod dahil nangingisay.
“Sinabi niya lang ’yon para makabawi noong hindi siya sumipot sa birthday mo. Uto-uto ka rin,” sali ko sa usapan nila.
Sadie glared at me murderously. “Kasali ka ba sa usapan naming dalawa?! Mabasted ka sana ng pinopormahan mo! Ang sama sama ng ugali!”
Paanong mababasted eh hindi pa naman ako pumuporma? Kapwa kami nagsamaan ng tingin ni Sadie habang si Rin at Angela, nagpatuloy na mag-usap.
“Ayos ka lang talaga dito? Tatawagin ko ba si Shiloh? Close na daw kayo eh,” si Angela.
“Ah oo. Nag volunteer kasi siya na sumali sa pagpapakain at pag-aalaga sa campus cat kaya doon kami naging close,” si Rin na hindi nawawala ang ngiti sa labi.
Tahimik ko siyang pinapanood. Napapansin ko na natural sa kanya ang makipag-usap sa girls. Hindi ganoon ka hinhin, hindi rin ganoon ka angas. Naalala ko ang charm ni Mavric pag nakikipag-usap sa mga babae.
Tumingin ako sa paraan ng pagkakaupo niya. Nakaparte ang mga hita, nakatuko ang isang kamay sa gitna, ang isang kamay ay may hawak na royal in a can. Nagka girlfriend din siya eh. Kaya ngayong nakikipag-usap sa girls, hindi mo talaga iisiping nagka boyfriend siya. Akala mo nang-aakit na ewan.
He has a manly side that could attract the girls around him.
“Ang cute naman ng costume mo! Scream mask! Medyo bagay sa’yo. Tinitilian ka kasi ng girls,” at talagang humirit ulit si Sadie.
“Korni,” ngiwi ko kahit natatawa si Rin sa mga paandar ni Sadie.
“Tahol nang tahol ’yung feeling golden retriever diyan sa tabi tabi,” si Sadie na ikinalaglag ng panga ko lalo na’t naging inside joke na iyon ng girls sa akin.
Kahit si Rin, napalingon sa akin. Halatang medyo nakuryoso sa bagay na ’yon.
“Pag gusto mong pumasok, pasok ka ah? Hindi ka iiwan ni Rick. Inutusan ko ’yang i-entertain ka eh may kasalanan ’yan sa’yo,” si Angela na tiningnan ako.
Rin then glanced at me again, like he had finally found that small piece he was looking for to complete a puzzle. Tumango siya at muling ngumiti kay Angela.
“Anong utos? Kusang-loob ’to,” giit ko.
“Kusang-loob ka diyan! Eh pinilit nga lang kita!” ani Angela na pinaningkitan pa ako ng tingin.
Gusto ko pa sanang ipaglaban pero nagpaalam na ang dalawa at hinihila na ni Sadie si Angela pabalik. I gritted my teeth and glared at the two annoying demons disguised in their angel costumes who were now running back to the pool area after ruining my image. Badtrip. Nagpapabango ako rito tapos sinira lang nila!
Sumimsim si Rin sa hawak niyang drink at habang problemado kong ibinalik ang tingin ko sa kanya.
“Kusang loob ko ’to. Pero noon kasi, pinipilit lang talaga ako ni Angela na makipagbati sa’yo. Noon ’yon. Pero ngayon, hindi na,” agap ko.
He nodded, like he was trying to comprehend it. “Bakit?”
“Guilty na eh. At gusto talaga kitang…” I looked at him for a while, like a case I wanted to study. “Maging kaibigan?”
He nodded again. “Ramdam ko naman. Ma-effort ka lately na kilalanin ako.”
I swallowed a bit as I even straightened, like my secrets were slowly getting revealed. Uminom ulit siya sa hawak na Royal in a can, nasa pool area ang tingin at wala na sa akin.
“Bawal ba?” tanong ko. “Kaibigan na nga lang…”
“Bakit? Ano ba dapat ang gusto mo bukod sa…kaibigan?”
Umawang ang labi ko, gusto agad iyon sagutin, ngunit pinigilan ko ang sariling may masabing iba.
“O gusto mo super friends?” dugtong niya.
Ngumiwi ako. Hayop na super friends ’yan. Hindi pa nga ako pumoporma parang na friendzone agad. Super pa. Hindi ba pwedeng more than friends, Rin?
Akala ko gusto ko itong maging kaibigan, pero parang hindi ko yata kaya. Wala talaga akong magagawa. Gustong gusto ko siya higit pa sa kaibigan. Kailangan ko talagang tapangan na ilaban itong nararamdaman ko. Ayokong friends lang.
Chapter 25
Chance
Nakakafrustrate. At ramdam ko na nawawalan na rin siya ng gana habang lumilipas ang minuto. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga sinasabi nila Angela o nagmamadali talaga siya.
May napadpad na grupo ng mga bisita sa parking space at napansin kami. Hindi ko naman kilala pero nang bumaling ako kay Rin, nasuot niya na ulit ang mask niya. Ramdam kong hindi siya komportable.
“Aalis na siguro ako. Masyado na ring gabi. May gagawin pa ako,” aniya at tiningnan ang suot na relo, tumatayo na sa upuan niya.
Gusto ko siyang pigilan, sabihin na gusto ko pa siyang kausap o kasama kasi boring ang party, pero pakiramdam ko, mas lalo iyong gagambala sa isip niya kung bakit ako ganito.
“Ihahatid na kita,” I offered.
He shook his head. “Huwag na. May taxi naman at—”
“Ihahatid na kita. Anong oras na rin. Ibinilin ka ni Shiloh sa akin.”
I’ve seen how he looked at me carefully, like he wanted to say something but couldn’t. Iniwas ko ang tingin, itinuro ang bahay bago nagpaalam.
Hinanap ko si Tyler sa loob. Nasa peak na ang party at ang ligalig na ng iba. Hindi ko na nga mahanap si Brent at Shiloh, ni ayoko ring isipin kung bakit nawawala ang dalawang iyon.
“Tyler,” tapik ko sa balikat niya nang matagpuan ko siya sa grupo ng mga girls, nakangisi at nakikipagkwentuhan.
“Rick!” He glanced at me cheerfully, put his arm around me, and showed me to the girls.
“You know him, right?”
Malalaki ang ngiti ng girls nang tingnan ako. Ang gaganda. But I cannot believe myself that my mind is only glued to that pretty boy who is waiting for me in the parking lot.
“Of course, it’s Reagan.”
“Hi, Reagan!”
“Ang pogi mo naman tonight! We heard you courted Kia daw…”
Umangat lamang ang kilay ko. “Hindi. Bakit niyo ba ’yan pinapakalat?” Iritado kong sagot na ikinagulat ng mga girls.
“Chill, Rick!” Tapik ni Tyler sa akin at inakbayan ako.
“Pahiram ng kotse mo. May ihahatid ako.”
“Who?”
“Kaibigan ni Shiloh.”
Kinapa niya ang suot niyang costume na Deadpool. “Oh right! Nasa kuwarto ni Angela. Doon ko iniwan ang mga gamit ko. Nandoon sa bedside table.”
Tumango ako, tinapik ang balikat niya, at umalis na agad. I could hear the disappointment of the girls, but it was my least concern.
“Ganoon talaga ’yon. Medyo mailap ireto kasi masungit. But he’s single. Walang nililigawan,” si Tyler na nagawa pang magpaliwanag.
Umakyat na ako sa second floor ng kuwarto. Kinuha ko lang ang susi ni Tyler, ganoon din ang pumpkin basket na pinuno ko ng chocolates. Hindi niya naman siguro ito pagdududahan ’di ba? Halloween Party naman. Mas magtaka siya kung bulaklak ang ibigay ko?
Ngumuso ako habang iniisip ang reaksyon niya kung bibigyan ko siya ng bulaklak. Will he like it? Ano bang bulaklak ang gusto niya?
Ipinaalam ko kay Angela na aalis na siya. She was so busy entertaining the others that she couldn’t even come to the parking space. At huwag na. Mapapahamak lang ako lalo dahil sa mga sasabihin niya eh.
Pagbalik ko roon, tahimik na naghihintay si Rin. Noong tumingin sa akin at bumaba ang mga mata sa pumpkin basket, kabadong kabado agad ako.
“Here.” Inilahad ko iyon.
“Chocolates…” he said, and he smiled a little. “Ang dami. Hindi nga lang ako masyadong mahilig sa chocolates.”
“Talaga? Si Shiloh sobrang hilig no’n,” sabi ko.
“Kay Shiloh mo nalang ibigay?”
“Para talaga ’yan sa mga bisita. Eh bisita ka kaya binibigyan din kita. ’Tsaka baka rin mahilig si Rio,” paliwanag ko, na sana maging sapat iyon at huwag na niyang usisain pa.
When he slowly nodded and took it from my hand, I felt relieved. Paano ko siya bibigyan ng bulalak? Kailangan ko pa bang hintayin ang Valentine’s Day para mabigyan din siya no’n at mairason na Heart’s Day naman?
I clicked the alarm on Tyler’s car and opened the front seat door for him. Tahimik siyang pumasok at ikinandong ang pumpkin basket na kuryoso niyang tinitingnan ang laman.
Pumasok ako sa driver’s seat at patingin-tingin sa kanya. Tumingin siya sa labas at medyo nakuha ang atensyon sa pamilyar na tindig ng kung sino at pumunta sa Land Cruiser.
Umangat agad ang kilay ko lalo na’t naka itim na spiderman iyon.
“Kilala mo?” tanong ko kahit nakikita ko na ang sarili na sumusuntok suntok sa hangin pag pinuri niya ’yan.
“Ah, oo. Nasa circle siya nila Verena. Kaibigan din yata sila ni Shiloh.”
I slowly nodded, at ease. Pinindot ko ang harap para makapagplay man lang ng music. Connected na agad iyon sa bluetooth ko kaya nagbrowse nalang ako ng kanta.
“Baka may gusto kang kanta?” Saka ko inilahad sa kanya ang phone ko. “Ikaw ang pumili.”
He looked hesitant to hold my phone, but maybe pressured that I was already handing it, he just took it from my hand.
“Alam mo ’yung Thunder na kanta?” he asked.
“Yup. Boys like girls?”
Tumango siya. “Uh…kaboses mo…”
I tilted my head, a bit curious. “Really? Iplay mo nga. I’ll judge.”
Ngumuso siya, nagtype sa phone ko hanggang unti-unti iyong sumabog sa loob ng kotse. Umangat agad ang kilay ko.
Pinakinggan ko iyon ng maigi. Marahan ang boses. Medyo ngayon ko nga lang din napansin na ka boses ko nga. Pero hindi naman gaano. Siguro dahil hindi naman laging ganyan ka rahan ang tinig ko.
I was trying to focus on it, but I realized how the lyrics of the song perfectly fit my feelings for him and my situation right now.
Maybe there’s a way out.
“This part. Kaboses mo sobra,” agap niya sa parteng iyon.
Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. “Ang rahan ah? Baka itong chorus kasi mukhang mainit ang ulo kaya sumisigaw.” I chuckled.
Tumawa siya at umiling. “Hindi ah. Mas kaboses mo ’yung first stanza. Lalo na doon sa maybe there’s a way out…Ganyan ka makipag-usap sa akin.”
I swallowed a bit.
“Ganoon ka rin ba makipag-usap sa iba? I mean…naririnig ko kasi na mainitin ang ulo mo. May mga friends kang lalaki. Marahan din ba?”
Nag-isip isip ako. Madali lang naman sana ito kung hindi ako takot. Baka siya pa ang mapatahimik ko.
Bigla ko nga lang nakita si Mavric na sumulpot sa parking lot, parang may hinahabol kaya napunta ang atensyon ko sa kanya. Napatingin din si Rin doon. Bigla siyang nahila ng kung sino hanggang sa ilang sigundo, marahas na siyang idiniin sa kotse.
I alertly grab the door to open it and join whatever trouble he gets into. Ngunit pinigilan ako ni Rin, hinawakan ako sa braso at ayaw akong palabasin.
“Baka mag-aaway. Makikiawat lang ako,” agap ko.
“Huwag na. Parang…hindi naman sila nag-aaway.”
Anong hindi? Tiningnan ko ulit at tinalikuran na siya noong lalaki. Kilala ko ’to eh. Naririnig ko lagi kila Tyler lately.
Naroon ang tingin ni Rin, hawak ang braso ko at sinisiguradong hindi ako lalabas para lumapit. Ang tingin ko, naroon nalang sa kamay niya sa bicep ko.
“Hindi nag-aaway,” he insisted and glanced at me, then noticed I was only invested in looking at his hand wrapped around my bicep, so he took it back.
Tumikhim ako at seryosong tumingin kay Mavric na ngayon ay dumungaw na ang kalahating katawan sa nakabukas na driver’s seat ng Land Cruiser.
“Close yata sila. Ganoon kasi sa circle namin. Close kami sa boys,” paliwanag ko kahit na hindi ko naman alam kung anong nangyayari talaga.
He looked at me like I was so stupid to lie in front of him. Mukhang magaling siyang makiramdam at nakakatakot na mabilis niyang napapansin agad kung anong nangyayari.
Tahimik naming pinanood at talagang ilang minutong ganoon si Mavric. Nagkakatinginan na kami ni Rin na para bang may alam siya habang ako itong ayaw agad isipin na ganoon nga ang nangyayari.
O baka naman nagtatalo lang? Away boys. Typical na bangayan. Maybe they’re close?
“Hinatid siguro. Parang ako ngayon sa’yo. Ihahatid din kita kasi bisita ka,” paliwanag ko nang umalis na ang Land Cruiser at hindi man lang lumabas si Mavric.
Rin remained silent and just nodded. Magkasalubong na ang kilay ko habang pinapaandar na rin ang kotse para makaalis na kami rito.
Si Mav…parang napaka imposible. Pero sa nalaman ko kay Brent parang hindi na nakakagulat kung pati si Mavric ganoon din. Kaso baka judgemental lang din ako.
“Friendly ’yon si Mavric. Malaki laki rin ang circle sa school at maraming kilalang boys,” paliwanag ko kahit hindi naman dapat kailangan.
And just when I was trying to erase those thoughts, we saw the land cruiser parked on the side of the road. Ayos sana kung nakapark lang, pero nang makitang gumigiling, talagang napamura ako. Ayokong isipin kung ano man ang ginagawa nila sa loob, pero ano pa bang mairarason ko diyan? Halata naman.
Kahit si Rin, natitigan pa iyon. “Mukhang…ang friendly nga.”
I wanted to shut my eyes and grunt, but I held back and remained composed. Nalagpasan namin iyon at talagang hindi man lang huminto kakagiling. Gusto ko sanang businahan pero hindi ko nalang ginawa at baka makadisturbo pa sa ginagawa nila.
Mavric is really the most shameless, sneaky asshole I know. Bulgar lang talaga si Brent noon pero malala ang isang ’to. Walang patawad. Lagi ka nalang magugulat sa mga pinaggagawa niya.
Nagkatinginan kami ni Rin. Ngumuso ako habang dahan dahan niya namang iniwas ang tingin sa akin.
“Baka naman nagzumba lang sa loob,” pantatakip ko sa kahayupan ni Mavric, ni hindi na makalingon kay Rin na titig na titig din sa harap at mukhang nagugulat.
“Zumba sa gitna ng gabi?” At mukhang mahirap utuin ang isang ’to.
“Bakit? Umaga lang ba pwede magzumba?” I explained and laughed a bit. “Magaling ’yon sumayaw si Mavric. Baka tinuruan niya lang sa loob ng kotse?”
“Ng zumba?” he continued playfully, stifling his laugh.
“Judgemental ka ah? Gumigiling lang ang kotse iniisipan mo agad ng iba,” asar ko at pinigilan ding matawa.
“Zumba nga! Wala naman akong ibang sinabi ah?” natatawa niyang sagot.
I nodded innocently, biting my lower lip. “Yup. Zumba. Ikaw…baka gusto mong magzumba rin tayo?”
His eyes widened. Kahit ako nagulat din sa sinabi ko. Shit.
“I mean zumba talaga, Rin. ’Yung stretching. Exercise,” agap ko, medyo nataranta. Baka isipin niya niyayaya ko siya ng iba! Gago.
“Oo nga…Ganyan naman talaga ang zumba ah?” Sabay iwas niya ng tingin ngunit kita ko ang namumula niyang pisngi.
I breathed heavily and swallowed hard. This is bad. Hindi ko kailanman pinag-isipan ng kung ano ang nararamdaman ko kay Rin pero may iba akong mga naiisip na hindi dapat.
Nilakasan ko ang aircon at hindi mawala wala sa isip ko ang nakita. Zumba? Ulol. Good stretch niya ba ’yon? Anong klaseng good stretch ang ginagawa niya na ganoon ka galaw ang land cruiser?
Natahimik tuloy kaming dalawa. Ayaw ko na ring pag-usapan at baka kung saan pa mapunta. Hindi naman sa ayaw kong pag-usapan dahil nakakatrigger pero parang mali na may topic kami na ganoon ni Rin.
Tanging tugtog nalang ang pumapaibabaw at sinasabayan niya ng kanta, halos pabulong lang. Nakarating nalang kami sa Green Residences at nagpapark na ako nang may maalala.
“Fan ka ng band ’di ba? The Script?” tanong ko habang hinuhubad niya na ang seatbelt niya.
“Oo. Bakit mo alam?” Kumunot ang noo niya, talagang nagdududa.
I pulled something out of my pocket and handed it to him. “May concert tickets akong binili. Baka…gusto mong pumunta?”
His eyes widened. Nakita ko ang pagdaan ng hinala sa mukha niya, tila ba may ebidensya akong pinapakita para masuportahan ang bumabagabag sa isip niya.
“I mean…pwede mong imbitahan ang ex mo. Si Arron. Sa February pa naman gaganapin. Siguro date niyo rin or closure?” I immediately explained to get away from his suspicions.
Kunot noo niyang kinuha ang isang concert ticket para tingnan iyon at hawak ko ang isa pa.
“Pero kung…busy ’yung ex mo, o hindi ka pa komportableng kasama siya…” I looked outside the window. “Hindi ako busy sa araw na ’yan. Baka…gusto mong may kasama. Pwede naman ako…”
Fuck. My chest was pounding loudly. Binili ko ito para sana sa kanilang dalawa. Ito ang plano ko noon para pagbatiin sila. Pero iba na ang gusto ko ngayon at gusto ko, si Rin ang magdesisyon. Nagbabaka-sakali nalang na baka ako…ako ang maisip niyang kasama.
I was so nervous that the silence between us worsened, just the stereo of the car playing. At hindi lang iyon basta-bastang kanta, kundi The Only Exception iyon ng Paramore na kusang nagplay ang intro at mukhang naka shuffle sa playlist ko.
“May tanong ako,” he asked confidently.
Hindi niya pa nga sinasabi, triple na ang kaba ko. But still, I tried to stay composed and glanced at him silently.
He looked at me meaningfully, his lips parting to say something, but he held back and shut his mouth. Binasa ko rin ang pang-ibabang labi, mas kinabahan sa sasabihin niya.
The chorus of the song boomed. And like a slow motion, when he lifted his gaze again, looking at me directly, I knew he’s ready to confront me.
“May…naalala ka ba sa akin?”
Namilog ang mga mata ko. He looked at me eagerly, without blinking, demanding an answer.
Umiling ako. “Wala…”
“Ganito ka rin ba kay…Shiloh?” maingat niya akong tiningnan, tila ba nanghuhuli at ayaw akong makawala.
Hindi ko inaasahan ang tanong. I even traced it in my mind.
“Yes.” Totoo naman. But the difference here is that I have no unexplainable feelings for Shiloh, unlike the way he makes me feel nervous and excited.
I feel cornered. Alam ko ang sagot, pero takot akong sabihin iyon.
I’ve always been straightforward. Kaya nga napapahamak ako sa kanya lagi dahil walang preno ang bibig ko. Ni hindi ko namamalayang masasakit na pala ang nasasabi ko.
But it’s different now. Every word I utter in front of him was ten times analyzed in my mind before I’d say it. Iisipin ko pa kung magagalit ba siya, kung masasaktan siya, o kung ano ang mararamdaman niya.
I was now being too careful, like I was in a mall with fragile items, and I didn’t want to commit any mistakes that would break him.
“Kung ganoon…kaya ka ba ganito sa akin kasi…naaalala mo ako kay Shiloh?”
My lips parted unexpectedly. “Bakit kita maaalala kay Shiloh?”
“Noong lasing ka…umamin ka na…gusto mo si Shiloh.”
Nalaglag ang panga ko. Gago? Kay Shiloh? Huh?
“Pero hindi mo tanggap dahil ayaw mo sa mga kagaya namin. At alam mo ring mali dahil…may iba siyang mahal.”
Fuck! All this time…he was thinking that I had feelings for Shiloh? He misunderstood it!
“Hindi, Rin. Hindi si Shiloh ang tinutukoy ko. Wala akong ibang nararamdaman sa kanya. Magkaibigan lang kami,” I explained frustratingly.
Binasa niya ang labi, tumingin saglit sa bintana, ngunit nang ibinalik sa akin, kita ko ang desperasyon niya.
“Gusto ko sanang…huli na ’to. Iniiwasan talaga kita,” pag-amin niya na ikinababa ng balikat ko.
I couldn’t even hide my disappointment right now. I don’t even care if he notices I’m hurt. I haven’t confessed yet, but I could feel the sudden rejection.
“Ayaw ko sanang sabihin ’to pero…alam mo naman na bisexual ako, ’di ba?” tanong niya, ang kislap sa mga mata ay talagang pamilyar sa akin.
Tumango ako habang nawawalan na ng pag-asa. Kahit maingay ang kanta, siya lang ang tanging naririnig ko at ang kabang umuusbong sa dibdib ko.
“Kilala ka kasing straight. Siguro hindi mo lang napapansin ang paligid mo, pero…pinagtitinginan tayo minsan pag ako ang kasama mo. Baka pag may kumalat na mali maling rumors tungkol sa ating dalawa, masira rin ang image mo at mapagkamalan kang bisexual? Sensitibo ka pa naman sa ganoon,” he slightly chuckled, but I knew he meant all the words.
Bumalik agad sa isip ko ang napapansin ko sa coffee project na pinuntahan namin last week. Hindi ko masyadong pinansin dahil para sa akin, wala lang naman ’yon. Hindi ko naiisip, pero nakukuryoso ako sa tuwing may papasok sa cafe na mga students at titingin sa amin ni Brent, saka yuyuko si Rin, akala mo nagtatago na ewan.
Kaya siya maagang nagpaalam noong nakaraan. It’s like he wanted to be distant so badly. Na kahit hatid man lang sa loob, ayaw niya. I didn’t force it because, again, for me, I would always take no as an answer. Hindi ako namimilit.
Kaya ba…kahit kanina…ayaw niya ring pumasok sa loob na kasama ako? Kaya mas gusto niyang doon nalang kami sa parking space na walang tao dahil…tingin niya…kahiya-hiya na makita ng iba na siya ang kasama ko?
Idagdag pa ang pagsuot niya agad sa mask niya nang may dumaang mga tao. At ang…gusto niyang pag-uwi agad ngayon.
All this time, I thought he was just an introvert, and he disliked being part of the crowded room. But I realized he wasn’t. He was just forced to isolate himself because he thinks he doesn’t belong.
“Pansin ko kasi na wala kang pakialam sa paligid mo pag kasama mo ako. Kaya sinasabi ko sa’yo kung…ano ang napapansin ko,” aniya.
“Bawal bang maging magkaibigan ang straight at katulad mo na…bisexual?” tanong ko, marahan at sinisiguradong ramdam niyang bukas ako na pag-usapan ang topic na ito.
“Pwede naman. Ikaw, kung kumportable ka na…maging kaibigan ako.”
“Ikaw? Kumportable ka ba sa akin?” balik kong tanong.
Titig na titig siya sa akin. Kahit mas matangkad naman ako, nanliliit ako sa tingin niya. Binawi niya ang tingin at bumuntonghininga. I was bracing for his answer, but at the same time, I am nervous.
“Hindi ako straight. Hindi ko maiiwasan na…may mga nasasabi ang tao hindi lang sa akin kundi sa mga magiging kasama ko. Gano’n sila ka judgemental sa amin. Ayoko lang na baka gumising ka isang araw na may naririnig kanang pangit na mga rumors tungkol sa’yo dahil lang nakikita nilang malapit ka sa akin,” pag-amin niya.
His distance slowly makes sense to me. Noong tumitingin siya ng art materials, lumilingon siya sa entrance ng cafe sa tuwing may papasok na students saka siya agad lalayo sa akin. I noticed it, but I didn’t put too much meaning on it. I was unconsciously doing the things I like to get his attention, to own it, and to have a moment with him. Just us.
But for Rin, I didn’t realize it was always a bigger picture. It wasn’t just me and him. It was us…against him. He felt alone in the sea of people who might judge him because he’s out—not closeted.
Inuunti-unti ko na magiging bagay din kami kasi parehas ng hilig, parehas ng pinagkakaabalahan, pero masakit na hindi niya ako nakikitang…bagay sa kanya.
“Eh bakit si Brent?” I blurted out uncontrollably. “You’re friends with him. Ilang beses na yata kayong nag-uusap sa university. Sinabi mo rin ba ’to sa kanya? Dumidistansya ka rin ba?”
Natigilan siya sa pangungumpara ko. He looked like he was trying to analyze it too.
“Iba naman kasi si Brent. Friendly talaga ’yon. Hindi lang ako ang friends niya na bisexual. Marami. Pero ikaw…”
I gritted my teeth. I never realized that my own fear would become my own insecurity now. Nakakafrustrate na hindi naman dapat ako ganito kung wala lang akong pangit na pinagdaanan sa mga bading.
“At isa pa, napatawad na kita sa ginawa mo. Sapat na ’yung paghingi mo ng tawad noong nakaraan. Ramdam ko naman na sincere ’yon kaya…pwede kanang tumigil…” aniya.
“Rin…’yung sinabi ni Angela, oo totoo pero nagbago ’yon sa kalagitnaan—”
“Dahil nga may naaalala ka sa akin?” he chuckled, but I could sense he was just trying to mask his real emotion as he tried to stay calm.
Umiling ako. “Hindi nga. Hindi kita naalala kay Shiloh. Wala akong naaalala sa’yo. Lahat ng ’to, ginagawa ko kasi—” I stopped my words as I looked at him desperately.
I’ve seen the fear in his twinkling eyes. He swallowed hard while his chest heaved for an obvious breath.
Mariin akong pumikit, nag-igting ang panga at hirap na hirap sabihin. I fucking wanted you more than this friendship, Rin. But I have a lot of issues to deal with before jumping into this relationship. I don’t want to repeat your ex’s mistakes. Ayokong sa akin mo maramdaman ang…trauma mo sa nakaraan mo.
Dahan dahan akong dumilat, tiningnan siya sa namumungay na mga mata. “Give me a chance to…know you.”
His lips parted, but he looked more scared. I smiled weakly.
“Yes, wala akong karapatang hingin ito. I was an asshole back then. I insulted you. I mocked you. Isa ako noon sa pinahiya ka sa maraming tao kaya…hindi mo ako ngayon mapagkatiwalaan. I contributed to your trauma. I made it worse. But I am willing to know you, Rin.”
His eyes turned glassy. Iniwas niya ang tingin at ipinagkasalubong ang kilay niya. I sighed heavily and closed my eyes.
“Educate me about you. I am willing to listen…I am willing to improve…I am willing to…accept these changes…” I whispered achingly.
Fuck. I am desperate. But I don’t care. Ayokong lumayo siya. Inuunti-unti ko pa. At handa akong subukan ito ngayon. I am willing to risk this to conquer my fear, just so…I would finally deserve him.
“Akala ko ba…ayaw mo sa ganitong usapan na may kinalaman sa mga bading?” he whispered weakly.
“Kailangan kong matuto para…maintindihan kita. Para…maging komportable ka sa akin.”
He sighed heavily, his Adam’s apple moving when he swallowed hard.
“Iba ang naiintindihan ko ngayon sa gusto mo…” he admitted.
“Kasi hindi ko…hindi ko yata kayang makontento sa gusto mo.” I chuckled wearily.
Hindi na siya makatingin sa akin. Pulang pula siya. Gustong gusto kong direktahang umamin, magtanong kung…may pag-asa ba ako, pero pakiramdam ko, masyado ko na rin siyang binibigla. Ayokong magpadalos dalos pero napapangunahan ng pananabik na umamin at takot na baka kung pwede na…pwede pa kaya?
“Gustong gusto kitang kilalanin, Rin. Sana hayaan mo ako na…ipakilala ko rin sa’yo kung…sino talaga ako. Hindi iyong nakilala mo noon na tarantado, kundi ang pagkukusa ko ngayong magbago.”
Chapter 26
Safe
I can fix myself. Alam ko kaya ko iyon. Hindi na kailangang si Rin ang umayos sa akin pag naging kami na. Hindi ko siya hahayaang buohin ako habang nasusugatan ko siya dahil lang basag pa ako.
Malinaw sa kanya ang gusto ko. I want to know him. Kung…hanggang kaibigan muna…tanggap ko ito sa ngayon. I will settle. Pero gusto kong paunti-unti naming kilalanin ang isa’t isa, hanggang sa kusa siyang magdesisyon kung…karapat dapat na ba ako sa kanya.
Siguro nga, marami pa akong kailangan ayusin sa sarili ko. Marami pa akong kailangang patunayan. Marami pa akong hindi naiintindihan sa kanila.
But I am willing to take a step now. I am willing to move forward just to join him and to walk with him. I don’t care if it will be that slow; I just want to be beside him so he won’t feel alone anymore because he has me.
Natulala ako sa loob ng kotse habang ilang minutong pinag-iisipan ang lahat lahat. Nagpaalam na siya, ngunit talagang ang raming bumagabag sa isip ko.
Noong mahimasmasan, pinaandar ko ulit ang kotse ni Tyler. Palingon lingon ako sa front seat, nakikita siya roon sa isip ko at naalala ang pagtawa niya nang magbiruan kami tungkol sa nakita namin kanina—
Tang inang Mavric. Naalala ko tuloy. Kailan pa? Matagal na ba? Baka naunahan pa nito si Brent ah? Talagang sasabitan ko siya ng medalya.
Bumalik ako sa party. Ilang oras din pala akong nawala. Buti naman at hindi ko na nadaanan sa daan ang Land Cruiser at baka talaga magkalakas loob na akong businahan sila.
Marami pa ring tao lalo na sa pool area at meron na ring naliligo. May iilan naman na kaswal lang na nag-iinuman at nagtatawanan. Nakita ko pa si Shiloh na naka squat sa gilid kasama ang pumpkin basket niya at tutok na tutok sa chocolate na pinagbabalatan niya.
Lumapit ako lalo na’t may mga inaabutan siya ng chocolate pag lumalapit sa kanya. His one leg was folded, while the other was resting straight. At katulad ng ginawa niya sa iba, nang tumigil ako sa harap, nag-abot agad siya ng chocolate.
“Rick,” agap niya nang mapagtantong ako iyon. “Gusto mo?”
Umiling ako at yumuko para makalebel siya. Tiningnan ko ang laman ng basket niya. May mga perang papel nga at may five hundred pa kasama ng ibang chocolates.
Nag-amba kong ipasok ang kamay ko at gusto sanang tingnan ang limang daan nang mabilis niya ring ipinasok ang kamay niya, agad na dinakma ang imported na chocolate sa tabi ng pera.
“Paborito ko ’yan. Toblerone nalang sa’yo na maliit?” he bargained, which made me laugh.
“Ah hindi. ’Yung pera sana…”
Kumalma siya at tumango. “Gusto mo? Kunin mo. Bigay lang din ’yan ni Tyler eh.” At talagang mas importante sa kanya ang mga chocolates, huh?
Tingnan mo nga ’yon. Inutus-utusan niya pa si Shiloh pero isa rin pala siyang mabibiktima. Tumikhim ako lalo na’t iba rin naman ang sadya ko.
“May…nasasabi ba si Rin sa’yo?” tanong ko.
“Rin?” medyo lito siya habang binubuksan ulit ang chocolate.
Kinuha ko iyon sa kamay niya para buksan iyon. Tumunganga siya, nakatingin sa pagbubukas ko.
“Si Denver,” ulit ko.
Kumurap siya at tumingin sa akin. “Bakit Rin?”
I shrugged. “Nickname…”
Itinagilid niya ang ulo niya. “Ah…kaya pala nagtatanong siya tungkol sa nickname. Kung…gumagawa ka ba ng nicknames sa friends mo. Sabi ko oo.”
Fuck. So he really misunderstood this?
“Ano pa?” tanong ko.
“Kung mahilig ka ba raw manlibre sa akin? Sabi ko rin oo.”
I swallowed a bit. Totoo naman. Hindi nga lang si Shiloh ang nililibre ko. Pero ang marinig na kahit iyon ay bumabagabag sa isip niya, talaga bang tingin niya…si Shiloh ang nagugustuhan ko? Napaka-imposible ba na pwede akong mahulog sa’yo, Rin? Sabagay…hindi ko rin siya masisisi. Ang pangit din ng una naming mga interactions.
“Pero may sinabi ako,” agap niya.
Umangat agad ang kilay ko, kuryoso. Tumingin siya sa chocolate na hawak ko at hindi ko namalayang hindi ko na pala naipagpatuloy buksan kaya mabilis kong pinunit ang gilid at ibinigay sa kanya.
“Ano?” tanong ko.
“Hindi ka nakikipagshare ng pagkain. Nanlilibre ka lang pero ayaw mong nakikihati sila sa’yo sa pagkain mo?”
Napatitig ako kay Shiloh.
“Napansin ko lang ’yon noong inabot ni Tyler ang drink mo. Tinampal mo ang kamay niya. Hindi ka naman madamot pero may ipinagdadamot ka lagi na pagkain.”
He’s observant. Hindi ko nga ’yon napansin eh. Parang naging normal nalang sa akin.
Magtatanong pa sana ako nang may tumawag sa akin at itinuro ang loob. Si Shiloh, nanatili doon, nakaupo lang at tutok na tutok sa pagkain ng mga nakuha niyang chocolates.
Pagpasok sa loob, nakita ko agad ang mukhang nagkakainitan na grupo laban sa circle namin.
“Mga grupo niyong uhaw lagi sa babae,” rinig ko ang insulto ng isa sa kanila habang masama ang tingin sa mga kaibigan ko.
Iritado akong lumapit. “Ang angas mo ah? Halika nga dito!” Agresibong sabi ko, humakbang na ngunit nahila agad ni Brent paatras.
Mukhang si Mavric ang nasesentro sa away at may kinalaman doon kay Chloe Tejano, ang pinopormahan niyang nursing student.
Sanay ako na composed lagi si Mavric. Ni hindi ito kailanman nagsasabi sa amin ng kung ano-ano, akala mo kaya niya harapin ang lahat kahit mag-isa lang siya, o walang sinasabi sa amin.
But when I saw how he struggled to defend himself, to utter something that scared him, I remembered how Rin opened up to me—how it is hard to face the judgement of the people around you once you are out.
Hindi siya handa. At mukhang hirap din siyang magpaliwanag. Iyon ang oras na napili kong bumoses para sa kanya, handang pagtakpan ’yang tinatago niya.
Noong pinagtatakpan nito si Shiloh at Brent, iritado ako. Pero habang nakikita ko kay Rin kung gaano ka hirap gumalaw sa mundo na maraming masasabi sa’yo dahil lang sa sekswalidad mo, na kahit ang simple mong pakikipagkaibigan sa kapwa mo lalaki ay nabibigyan ng malisya dahil lang bading ka, o bisexual, unti-unti kong naiintindihan kung saan nanggagaling ang takot nila na lumabas.
Sumulpot din si Shiloh sa loob nang umalis na iyong circle ni Verena at kino-confront na ng girls si Mavric. Binulungan ni Brent si Shiloh, siguro sinasabi niya ang nangyari lalo na’t ngayon lang din siya pumasok, dala dala pa iyong pumpkin basket niya.
“Girls are so overdramatic sometimes,” ani Tyler sa umagang iyon nang magising na kaming lahat at nagpasyang magswimming sa pool, topic pa rin ang kaguluhan kagabi.
Si Mavric ang nakaupo sa sun lounger, nakahalukipkip at pangiti-ngiti lang. Nakatayo kami at nakapaligid sa kanya. Kinausap ko na siya kanina tungkol sa nakita ko, at hindi man lang itinanggi hindi kagaya ni Tyler na todo depensa, itong si Mavric, walang pakialam kahit malaman mo.
“Girls lang ba, Tyler? Purket overdramatic, girls agad?” sipa ni Sheena sa kanya.
“O edi ano ’yon? Bakit umiyak si Chloe eh walang sila ni Mavric? Ang ooa niyo rin minsan.” Halakhak ni Tyler habang naantala ang pagpupunas.
“Nakakahiya naman sa’yo! Gasgasan ko ’yang kotse mo hindi ka kaya maging oa?!” si Gabriella.
“That shit is expensive, Gabrielle. I would really overreact,” ani Tyler.
“S’yempre mahal niya pa siguro si Mavric. Gano’n kasi ’yon, asshole! Hindi naman babae palagi pag overdramatic na, or oa. May boys din kayang oa!” si Raya na gusto na ring sabunutan si Tyler.
Tumingin kaming lahat sa pool para hagilapin si Brent na kasama si Shiloh, hindi nakikisali sa amin dito. Tinutulak ni Brent ang salbabida kung saan nakaupo si Shiloh habang umiinom ng juice, kita pa namin ang paglapit niya sa baso niya kay Brent pasipsipin din ito sa straw.
Ito rin kasi ang kakaiba sa circle namin. Hindi ka paghihinalaan kahit sweet ka kay Shiloh dahil natural na sa amin iyon. At itong si Brent, pinagsasamantalahan pa yata ’yon para hindi pagdudahang patay na patay na pala ang gago kay Shiloh.
“Uso kasi sa boys ang pa front na masculine lagi, hindi umiiyak. Nababaklaan. Akala siguro nila healthy ’yan,” si Angela na nailing kaya sa kanya kami muling tumingin.
“Kaya laging nasasabihang overdramatic ang girls kasi hindi kami takot umiyak. Eh kayo?” si Mica na tiningnan kaming lahat na boys.
“Con oh, nagpaparinig si Mica. Umiiyak ka daw, dude. Patingin nga kami kung paano ka lumuluhod sa labas ng gate?” Akbay ni Tyler kay Con kaya siniko siya sa dibdib at nagtawanan kami ulit. Hinampas ko pa ng tuwalya.
“Hindi ka ba umiiyak? Gago,” sita ko.
“Pag walang pera?” Ngisi ni Tyler. “Now you know why I don’t cry?”
Pinagsisipa namin siya sa kayabangan niya kaya natatawa siyang umilag.
“Sus, Tyler. Tingnan natin ’yang angas mo kung makakahanap ka rin ng katapat mong babae.”
“Hinahanap ko nga. Anong department at school kaya ’yan? Sana naman sexy. Morena tapos nursing student.”
“Hayaan niyo na ’yon. I’ll take care of it,” si Mavric na mukhang naririndi na sa topic.
“Kami na magsosorry, Mavric. Pero sa kuya,” bungisngis ng girls.
Mavric only rolled his eyes with a smile on his lips. Ang galing magtago ah? Kung gaano ka daling basahin ang kilos ni Brent, itong si Mavric ang napaka wais talaga ng galaw. Gamay na gamay kahit ang reaksyon kaya hindi mo pagdududahan.
“Baka gusto mo kami na rin kay Chloe, bro?” Tyler suggested and smirked while putting his arm on Ron.
“Mag-isa ka, Tyler.” Halakhak ni Ron.
“Anong sport no’n? Ayaw ba no’n magvarsity?” tanong ko, makahulugan ang tingin kay Mavric.
Pinisil niya ang pang-ibabang labi, pinigilan ang sumisilay na ngiti sa labi. Tang inang kabadingan ’yan. Mas malala pa pala kay Brent.
“Irecruit niyo! Sige na!” pamimilit ng girls.
“Pag narecruit natin ’yon isa lang ang gusto no’n, ang puruhan si Mavric,” halakhak ni Tyler.
The girls then glared at Mavric. “Magsorry kana kasi kay Chloe.”
“Ano naman, Sheena? Sorry for rejecting you? Gano’n?” Hagalpak ni Tyler.
Ayan ang ayaw ko pag marami kang ini-entertain din na babae. Nagiging gulo pa. Suki pa naman ito si Mavric sa gulo pagdating sa girls, parang si Tyler lang din. Eh na guidance ito noon dahil may nakahuli sa kanya na nakikipaghalikan sa library. May nagsumbong yata sa kanila.
“Sorry dahil masyado akong gwapo, baka gano’n?” si Ron sabay hagalpak nila lalo ni Tyler.
Mavric only put his hands at the back of his head and laughed as well. Sinamaan din tuloy siya ng tingin ng girls habang nailing nalang ako, tiningnan ang phone ko para icheck kung may message ba.
“Ayos talaga ’yang wala kayong interes sa girlfriend! Hala maging babaero lang kayo kaysa naman nag girlfriend kayo tapos galawang cheater na!”
Mommy:
Uuwi ka ba today? :(
Nagtype ako ng reply sa nabasa kong text ni Mommy.
Reagan:
Yup, my. Baka maya-maya, babyahe na ako sa Malabon.
Iyon nga ang naging plano ko mga bandang hapon na. I took a photo of myself and sent it to Rin. Suot ko ang hoodie at nasa back seat ng sinakyan kong taxi habang kandong ko ang duffel bag na tanging dala ko.
Reagan:
Uuwi ako sa Malabon. Maybe I’ll be back in the unit tomorrow.
Tinitigan ko ang update ko. Hindi ko alam kung naging malinaw sa kanya ang gusto ko na kilalanin siya, o…desidido siyang layuan ako?
Kabado ako at hindi tuloy mapanatag kaya nagtype ulit ako ng reply.
Reagan:
Buti umuwi ka ng maaga kagabi. May kaonting gulo na nangyari. Pero naagapan naman. Remember Mavric? Nakainitan ang circle nila Verena. Umiyak din ’yung Chloe Tejano na nursing student.
Pinaglaruan ko ang phone ko, naiinip sa reply niya. Nang tumunog ang notification ko sa messenger, tiningnan ko agad iyon kaso si Rio pala.
Daniel Rio Ferrin:
Olats tropapips. Naka in a relationship na si Kittie sa Facebook. Huhu
Humalakhak ako at pinindot ang video call para matawagan siya. Iyon nalang ang pinagkaabalahan ko sa byahe at nangako sa kanya na bibigyan siya ng pera pambili ng sisiw para maibigay niya kay Kittie.
Pagdating ko sa bahay namin, nasa sala na si Mommy, abala sa pakikipag-usap sa kasambahay at pinapahanda ang mga gamit na dadalhin yata mamaya sa sementeryo.
“Ma’am si Reagan,” nguso ng kasambahay nang pumasok ako.
Namilog ang mga ni Mommy, may hawak pang pamaypay at mahaba ang suot na floral dress saka siya masiglang naglakad sa akin.
“Reagan!” nangingiti niyang lapit at yumakap. “Nandito kana! Hay, I miss you so much!”
“Dederitso na tayo sa sementeryo?” tanong ko.
“Yup! Pero mamaya pa. Hihintayin muna natin si Simon?” aniya nang humiwalay siya sa akin, nasa pisngi ko na ang kamay.
Nag-iwas ako ng tingin at marahang tumango, hinawakan ang strap ng duffel bag ko.
“How’s your Halloween party with your friends? Ay nakita ko sa Facebook ni Angela ang mga posted pictures! I liked it. Nagcomment nga ako doon lalo na’t sumayaw ka. Sabi ko ‘hala gumigiling ang baby damulag ko eh dati lang nakadiapers pa siya’ and your friends replied. Baby pictures reveal daw,” natatawa niyang sabi.
Nailing ako kahit natatawa rin. Right. Naka follow si Angela kay Mommy dahil mahilig din ’yon sa fashion at si Angela nga ang pinaghihinalaan niyang tago kong girlfriend.
Nagpasya akong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay namin habang nakabuntot sa akin si Mommy. Nagkwento nalang ako dahil kuryoso siya.
“Ay basagulero siguro ang mga ’yon! Or inggit sila sa inyo kasi mga pogi kayo at nakakahakot ng maraming girls? What if may kalandian din ’yung Chloe sa kabilang circle kaya pinag-initan ang friend mo?” si Mommy na kasing intense na rin ang pagpapaypay sa sarili habang nakatayo sa gilid ko.
Binuksan ko lang ang drawer ko para maghanap ng pamalit. “Ewan ko rin, my. Si Mavric lang ang nakakaalam sa totoong nangyari.”
May sasabihin pa sana siya nang may bumusina sa labas ng gate namin.
“Nandito na si Simon. Teka at bababain ko. Bumaba kana rin mayamaya ah?” Tampal niya sa akin gamit noong pamaypay niya.
I nodded silently. Naglalakad na siya papunta sa pinto ngunit bumalik lang siya sa akin at nakangiti akong niyakap.
“Thank you, Reagan…” aniya bago tuluyang kumawala at nagmamadaling lumabas ng kuwarto ko, lumingon pa sa huling beses at ngiting ngiti.
I sighed and caressed my nape. Here we go, Rick. Kilalanin mo para sa Mommy mo.
Kinuha ko ang towel at lumapit sa bintana para tingnan ang nangyayari sa ibaba. Sa malawak naming garahe, may Fortuner na naka park doon at kakalabas lang ni Simon na nilapitan ni Mommy at hinalikan sa labi. Ngumiti si Simon at pinakinggan ang sinabi ni Mommy sabay tingala ng kuwarto ko na ikinatingala din noong Simon.
Nagkatinginan kami. He smiled and waved his hand. Isinabit ko ang tuwalya sa balikat ko at ikinalma ang napansin kong magkasalubong kong kilay. Iniwas ko ang tingin at naglakad na sa banyo para makaligo.
“’Yung mga kandila, Jelay! ’Tsaka ang mga bulaklak. Pakilagay na agad sa likod ng kotse ni Simon para hindi makalimutan. Baka ’yan pa ang maiwan,” rinig ko ang boses ni Mommy nang bumaba ako, bagong ligo, nakapamulsa sa suot kong khaki shorts at nagpasyang mag itim na hoodie lang na may tatak na US sa harap.
Tumingin si Simon sa akin na nakaupo sa sofa. Lumapit si Mommy at ngumiti sa akin.
“Sige na. Mauna kana doon sa kotse ni Simon.” Tapik niya sa aking balikat.
Tumango ako. Kita ko ang palihim na senyas ni Mommy kay Simon na tumayo rin at sinabayan akong lumabas.
“Hindi kana busy sa Manila?” tanong niya habang hawak ang susi ng kanyang kotse.
Tumango ako sa seryosong paraan. “Kailangan ko ring samahan si Mommy na magsindi sa puntod ni Dad kaya umuwi ako.” At…dinner kasama siya.
“Ayos lang ba na kasama ako roon? I mean, your mom invited me since she told me it’s fine. Ayos lang daw sa’yo?” kumpirma niya, pinatunog ang Fortuner hanggang nag-unlock iyon.
Tumango ako, magkasalubong ang kilay at hindi makatingin sa kanya. Binuksan ko ang backseat at doon pumasok, siya naman sa driver’s seat. Lumingon siya sa akin, muling ngumiti.
“May hilig ka ba?” he asked. “Varsity ka raw eh. Nabanggit ng Mommy mo.”
“Oo,” tipid kong sabi at inilabas ang phone, nangangati na ring suotin ang headphone na kanina pa nakakwintas sa leeg ko.
“Marunong ako magbasketball. Maybe we could play basketball sometimes? Varsity rin kasi ako noong kabataan ko.”
“Hindi nabanggit ni Mommy,” I answered coldly.
“Ah, mailap ka din daw kasi. She said you’re adjusting since close ka sa dad mo?”
Huminga ako, tahimik lang na tumango at sumandal na sa upuan.
“I could see the young Vallejo in you. Kamukha mo ng kaonti,” he chuckled lightly.
“Kilala mo si Dad?” kunot-noo kong tanong.
Bumaling siya saglit sa harap para tingnan ang paglabas ni Mommy at nasa terasa na, hawak pa rin ang pamaypay niya at patuloy na nang-uutos sa kasambahay naming si Gelay.
“Yup. Nakakalaban ko ang dad mo na varsity rin sa university na pinapasukan mo ngayon. Pero hindi kami close ng parents mo o magkakilala talaga.”
I looked away.
“Hanggang sa nagkita kami ulit ng mommy mo years later. Nag-apply siya sa isang apparel brand. I was the current manager during that time, so I hired her right then since…she’s familiar. I mean, her surname is familiar. Vallejo.”
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Baka naman…si Dad ang type niya noon ah?
“Bisexual ka, hindi ba?” kumpirma ko.
“Yup! I got a boyfriend years ago. Si Albert. But we also broke up. Single naman na ako noong pinursue ko ang mommy mo. Don’t worry. I have no cheating record if that’s what you’re worried about,” marahan siyang natawa.
Umawang ang labi ko ngunit itinikom ko rin. Muli akong tumingin sa labas ng bintana, ni hindi maibigay ang atensyon sa phone ko dahil sa pakikipag-usap sa kanya.
“Curious?”
Dahan dahan akong tumingin sa kanya. “Saan?”
“Bisexual? Your reaction is quite…meaningful.”
Ipinagkasalubong ko ang kilay ko. Tiningnan ko si Mommy na nagawa pang magpicture sa phone niya sa terasa. Binasa ko ang labi at muling tumingin kay Simon lalo na’t nanatili ang tingin niya sa akin, tila ba may hinihintay lang na sasabihin ko.
“Paano ka nagkalakas loob na… sumugal sa ganoong pagmamahal?” I asked.
He shrugged casually. “It just happens. I was in love with him and driven by my feelings. That courage made me try things to pursue him.”
“Kahit alam mong maraming homophobic sa paligid?” Kumunot ang noo ko.
“The thing about those times, I was ready to risk whatever I had at that moment. I have no one to please anyway. My parents already died early, and the only ones who took care of me were my grandparents, at mga supportive din. Wala akong kinatakutan…at sarili ko lang ang kalaban ko noong mga panahong iyon dahil ako ’yung hindi handa. Ako ’yung maraming what ifs.”
Titig na titig ako sa kanya, kuryoso.
“I wasn’t really ready to come out during those days. But in order to keep him at those times, I needed to reassure him that I was ready for us. So yeah, I tried. Minsan na nga lang sasaya, ipagdadamot ko pa ba iyon sa sarili ko? Ako nalang ang meron ako, kakalabanin ko pa ba ang gusto ko? I don’t want to become the villain of my own story, you know.”
Napaawang ng bahagya ang labi ko. Wala sa akin ang tingin niya, nasa kawalan at tila ba nakikita sa isip niya ang nakaraan. May kaonting ngiti sa labi niya ngunit ramdam ko na ang pagtanggap niya, ang pag-usad niya.
“But I didn’t regret that. If there is something we all deserve in this world, it is to be loved genuinely. And I gave it to myself. Just fuck society’s standard. This is my life anyway…”
Hindi ako makapagsalita. Namamangha ako. Kahit na may galit ako sa kanya noon at pandidiri, hindi ko ikakailang magaan ang loob ko sa kanya. O baka dahil unti-unti ko ring sinusubukang tingnan siya sa kung sino siya, hindi sa kung ano ang isinisigaw ng isip ko sa kanya dahil lang sa sekswalidad niya.
Tumingin siya sa akin at bahagyang natawa. “But I already moved on from it. Sadyang hindi yata kami ang para sa isa’t isa. But I’m happy to be part of his life. At least I experience it.”
Natahimik ako. Maraming pumapasok sa isip ko pero ayokong komprontahin. Noong tinitigan niya ako, pakiramdam ko alam niya, ngunit gusto niya lang marinig mismo sa tinig ko.
“May…” I stopped in my words.
He smiled and waited for me to talk again. Ipinagkasalubong ko ang kilay at inisip na subukan.
“May nagugustuhan ako. Bisexual din na lalaki,” I confessed bravely and folded my arms.
Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng pagsasabihan ko rito, sa kanya pa. O siguro, alam ko rin na kung may makakaintindi sa pinagdadaanan ko ngayon, alam kong siya iyon.
“So…you’re bisexual too?”
I couldn’t nod. Hindi ko rin alam kung tanggap ko na. O kaya ko nang sabihin na bisexual ako.
“Ah…you’re still confused. That’s normal. Take it easy.” He smiled encouragingly.
Unti-unti ko pang kinikilala ang sarili ko. Siguro dala na rin ng pangit na nakaraan, parang nakalimutan ko na kung sino talaga ako. Unti-unti pa akong bumabangon.
Papalapit na si Mommy sa kotse. Umayos si Simon sa pagkakaupo, pinaandar na ang kotse at tumingin sa akin sa itaas ng salamin, nakangiti.
“Don’t worry, your little secret is safe with me. Thank you for trusting me, Reagan.”
Bumaba ang balikat ko, medyo kumalma at tumingin sa labas ng bintana habang binubuksan niya ang front seat para makapasok na si Mommy. I’m amused that he’s this gentle with me.
“Tara na?” si Mommy na dumungaw pa sa likod. Reagan, ayos ka lang diyan sa likod? Gusto mo ba katabi mo si Mommy?“ marahan niyang tanong.
“Diyan kana, my,” agap ko lalo na’t lilipat na sana siya.
Tumigil siya sa binabalak niya at sumimangot. “Kita mo ’yan, Simon? Ganyan ’yan siya ka snob sa akin. Hay…iba talaga ang nagagawa ng mga may girlfriend na…hindi na clingy sa mommy kasi may iba nang babae na binibaby.”
Tumawa si Simon. “Let him be. Diyan ka nalang sa front seat, love.”
“Hmp! Okay.”
Somehow, after how many years of running away from this, I feel relieved now. I think I don’t need to hide anymore. I felt…safe.
Chapter 27
Congrats
Nagsindi kami ni Mommy ng kandila sa puntod ni Dad. Naka squat ako sa harap, siya naman ay nakayuko lang, at sa likod namin ay si Simon na tahimik na nanood habang nakapamulsa.
Bumababa na ang araw at nag-aagaw na ang dilim sa kaonting liwanag ng paligid. Medyo mahangin at maingay rin dahil may iilan ding binisita ang mga puntod na nandito.
I quietly stared at his gravestone and caressed his name. Sobrang bata ko pa noong namatay si dad. Ito nalang ang kaya kong gawin para maramdamang naaalala ko pa rin siya hanggang ngayon kahit ang totoo, hindi ko na mahagilap sa memorya ko ang mga panahong naabutan ko pa siyang buhay.
My mother caressed my back and tilted her head until it rested on the side of my head. She sighed heavily.
Dad…sayang hindi mo naabutan ang yugto ng buhay ko na ’to. Who would have thought you’d have a son? who would fall in love with a bisexual boy? Ano kayang reaksyon mo? Will you…crucify me? Or hug me tightly and whisper to me that it’s okay? For sure, it’s the latter, right? Supportive ka pa naman.
Bumuntonghininga ako. Bumaling si Mommy sa akin at payapang ngumiti saka niya inilagay ang tikwas ng buhok sa likod ng tainga nang hinangin iyon.
“Do you want a moment with him?” she asked quietly.
I nodded without glancing at her. Hinaplos niya ang pisngi ko saka rin tumayo.
Truth is, I might be longing for a father. Ano kaya ang naging buhay ko kung nandito siya? Hindi naman sa hindi ako kontento na kami lang ni mommy, pero ilang taon ko ring pinanood si mommy na nangungulila sa kanya.
“Parang matino naman…” mungkahi ko nang nilingon ko si Mommy at Simon na hawak kamay na naglakad papalayo.
“Don’t worry, dad. Ako ang bahala sa kanya kung pinaiyak niya,” sabi ko at angat ng kilay nang ibalik ang tingin sa kanyang puntod.
Ngunit nang maalalang hindi lang naman si Mommy ang may nagugustuhan, tumikhim ako.
“Denver Aldrin Ferrin, dad. Kung hindi para sa akin…multuhin mo.”
Seryoso ko iyong sinabi na unti-unti ko pang naisip ang takot ni Rin. “Huwag nalang pala. Baka pag bangungutin at masama ang gising, madadamay na naman ako.”
Ang dami dami kong baong kwento. Maybe I also adapted these kinds of things because of my mom ranting everything about her day every time we’d visit him. Kaya may mga oras din na ako ang ganito, parang batang nagsusumbong.
And even in his gravestone, I could not even tell him what happened to me. Nasa isip ko lang lagi, iniisip ang galit niya kung nalaman niya rin.
I put my elbow against my left leg and tilted my head so I could rest its side against my knuckle. My finger traced his name silently.
“Sasabihin ko rin siguro kay mommy pero maghahanap ng tyempo. Alam mo pa naman ’yan…overprotective. Kaya takot nga ang lahat na awayin ako noong elementary dahil baka hindi bigyan ni mommy ng mga snacks pag bumibisita siya.”
I clearly remember those moments. I was a well-known kid because of my generous mom. Nagpapa party ba naman sa buong classroom tuwing birthday ko. Kaya ayun, doon din talaga ako nagkaroon ng maraming kaibigan dahil walang gustong umaway sa akin. Takot yatang hindi mabigyan ng spaghetti pag birthday ko.
“Pero kaya ko na, dad. Nakwento ko na rin sa’yo na nagpapatherapy ako, ’di ba? Mabait si Doc Jane. Nag text nga ’yon, nangungumusta…”
I ranted about everything that’s on my mind, talked about my friends, my feelings for Rin, and some petty things I just wanted to tell him.
Noong bumalik si Mommy at Simon, sila naman ang binigyan ko ng moment. Naglakad lakad nalang ako, pumunta sa stall ng dirty ice cream na naging suki na ako ng matandang lalaki taon taon kaya doon ako muling tumambay habang kumakain.
“Iyon ang bago ng mommy mo?” tanong niya.
“Oo.” I conversed while leaning against the side of his ice cream stall.
At katulad ng dati, may mga magdadagsaan agad na mga girls, bibili pero susulyap sa akin. Kaya rin natutuwa si Manong na nandito ako eh. Para akong clickbait sa internet na marami siyang naaakit na customers dahil gustong sumulyap sa akin.
“Pasado na bilang tatay mo?” aniya, bahagyang ngumisi.
Nagkibit-balikat ako. Gusto ko sanang sabihin na mas guwapo naman si dad, pero wala namang kompetisyon dito.
I pulled out my phone when it vibrated. Mabilis ko iyong tiningnan at nakita ang chat ni Rin.
Denver Ferrin:
Slr umuwi din ako sa amin.
I smiled when he also sent a photo. It’s just a candle with untouched food. May krus sa harap at may rosaryo pa na nakasabit.
Nangingiti akong nagtype ng reply, tumayo ng tuwid at hindi na mausisa ang mga girls na bumibili rin ng ice-cream.
“Anong flavor?” tanong ni Manong.
“’Yung naka buzz cut po?” one of them joked, and they giggled.
Reagan:
Selfie?
Demanding din eh. Kaibigan ba talaga ako? Akala mo kung sinong boyfriend na uhaw sa mukha niya. Ngumuso ako at pinigilan ang ngiti.
“Ay naku! Masungit ’yan…” si Manong na rinig ko ang sabi sa girls.
Sumulyap ako sa girls habang magkasalubong ang kilay ko. Kumurap sila at nag-iwas ng tingin, medyo nahiya. When my phone chimed, I looked at the screen immediately.
Nagsend nga. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at pinindot agad para ma view.
It was him, his fingers brushing his slightly long hair backwards while showing his forehead as he faked a frown—his red nose crunching.
I zoomed it in, saved it, and put it on my lockscreen. Isang araw lang naman. Papalitan din pag nakauwi na. Baka pag nakita niya mawindang siya na ganito ako ka patay na patay sa kanya.
I laughed at my silly thoughts and tapped the circle button twice until the camera flashed on my screen. Pinindot ko ang front cam at yumuko lang, nakadikit sa labi ang kalahating ice cream na kinakain at ginaya ang reaksyon niya.
I smirked and sent it without hesitation. Mabilis din siyang nagview. Hindi nga lang agad nakareply. Baka naman kinilig?
Bumalik din naman ako sa puntod ni Dad at nagpaalam na kay Manong. Nags-set up na ng tent si Simon kaya tumulong ako.
Ka chat ko nalang yata buong gabi si Rin. Pakiramdam ko nga ang lamig ng hangin na nararamdaman ko minsan sa gilid ko habang nakaupo ay si dad na nakikidungaw sa phone ko at nakikitsismis.
I kept on sending pictures. Kahit si Mommy na nasa loob ng tent ay kinunan ko ng picture, may hawak na japanese nissin cup noodles na paborito namin at chopstick habang nakikipag-usap kay Simon ay s-in-end ko.
Denver Ferrin:
Ganda ng mommy mo. ’Yung dad mo hindi mo kamukha.
I sent my father’s gravestone and captured the small frame where he was in a black-and-white photo.
Reagan:
Meet my dad.
Iyon ang attached reply ko sa picture.
Denver Ferrin:
Patay na ang dad mo?
Reagan:
Oo :(
Denver Ferrin:
Sorry.
Reagan:
Ayos lang. Matagal na rin eh. Bata pa lang ako, nangghost na siya. Medyo red flag.
He reacted with a laugh at my chat. Kinagat ko ang nakangiting labi at nahuli ang pagsulyap ni Mommy sabay bulong kay Simon, nasa akin ang tingin. I immediately stayed serious and read Rin’s text.
Denver Ferrin:
Step-father mo ’yung kanina?
Reagan:
Yup. Si Simon. Boyfriend ni Mommy. Buti pa si Mommy may lovelife.
Gagong parinig ’to. Kahit yata mga patay dito sa sementeryo rinig na rinig ang kakornihan ko. I can even picture my dad smirking at me proudly. Tss. Mahirap landiin, dad. Hibang pa sa ex niyang pangit.
Denver Ferrin:
Mag lovelife kana rin.
Reagan:
Kinikilala ko pa.
Titig na titig ako sa reply ko. Alam niyang kinikilala ko siya. Inisip ko tuloy baka iba na naman ang isipin nito.
Nakita ko ang bulaklak na nakalapag sa lapida kaya kinunan ko ng picture gamit ang flash. Nandadamay pa eh. Para sa patay ’yung bulaklak tapos gagamitin kong props sa kalandian ko. My father would really laugh at me.
I sent it to him and typed another reply when he didn’t reply on my chat and just left me on read.
Reagan:
Paborito ko ’to na bulaklak talaga. Simple lang pero mabango.
Sinungaling. Ako mahilig sa bulaklak? Grabeng para-paraan ’to. Ni hindi ko nga alam anong tawag diyan.
Reagan:
Ikaw? Anong hilig mo na bulaklak?
Galing ah? Naisingit ko pa ’yon? Noong nakita kong nagtype, sa wakas at nagparamdam din.
Denver Ferrin:
White tulips
Really? Nag-isip agad ako kailan ako bibili.
Reagan:
Nakatanggap kana?
Denver Ferrin:
Huh? Lalaki ako
Reagan:
You haven’t received flowers yet? Mom ko tuwing Valentine’s day nagbibigay nga ng bulaklak sa akin. Parang exchange gift kaming dalawa. It’s normal to receive flowers too. Purket lalaki?
Mananapak pa yata ako kung hindi niya tatanggapin ang bulaklak ko pag binigyan ko siya.
Denver Ferrin:
Ah. Hindi ganoon ang mama ko.
Reagan:
Ex mo? Hindi ka pa nabigyan ng bulaklak no’n?
Denver Ferrin:
Di pa
Walang kwenta. Magkano lang naman ang bulaklak ngayon? Ulol. Saan iyong ipinagmamayabang niyang isasampal niya sa akin ang pera niya.
Reagan:
Pangit naman ng ex mo.
Denver Ferrin:
Bakit ikaw? May nabigyan kana?
Aba…tsismoso ah? Tumikhim ako at nagseryoso nang biglang tumayo si Mommy at may dalang cup noodles.
“Heto Reagan. Mainit pa ah…” marahan niyang sabi at inilahad iyon sa akin kasama ang chopstick.
“Salamat my,” sabi ko at tinanggap iyon.
“Gusto mo ng sushi? O iyong tempura nalang at teriyaki? Ilagay ko sa tabi mo?”
I nodded and placed the cup noodles on the side so I could type a reply again. Narealize ko rin wala pa akong nabibigyang bulaklak buong buhay ko bukod kay mommy. Wala ba namang niligawan.
Reagan:
Wala pa. Pero kung may liligawan, magbibigay siguro.
Sumilip si Mommy sa phone ko kaya medyo itinago ko iyon. She giggled and leered at me playfully. Nailing ako, may ngiti sa labi at inilapag muna ang phone para hatiin ang wooden chopstick.
Bumalik si Mommy sa tent lalo na’t nasa harap ko iyon at kumuha yata ng mga pagkain. Tumulong din si Simon at kita ko silang nag-uusap pa, si Mommy na halatang kinwento ang pag-iilag ko ng phone ko.
Hindi na nagreply ulit si Rin kaya nagkaroon ako ng oras na kumain. Baka pag reply ito nang reply di na ako makasubo kaka chat din sa kanya.
Nasa kalagitnaan pa ako ng pagkain nang biglang nagring ang phone ko. Namilog ang mga mata ko nang tumawag siya. Napatayo tuloy ako ng wala sa oras, ang ambang isusubo na teriyaki ay nabitiwan ko pa.
Kaso bago ko pa masagot, ibinaba niya na. Hayop. Nandoon na eh. So I clicked the call button and call him back. Walang bawian dito, Rin.
Naglakad lakad ako, nasa tainga na ang phone. Gago naman, Rick. Sa lahat ng pipiliin mong lugar kung saan ka lalandi sa sementeryo pa?
When he answered it, I immediately cleared my throat.
“N-Napindot ko lang ’yon,” agap niya.
Paasa naman ’to. Bahala siya, hindi ko ’to ibababa.
“Napindot ko rin ang akin?” I chuckled lightly.
Tumahimik siya. Naalala ko tuloy ang pinarinig niya sa aking kanta. Kaya siguro natatahimik ’to lagi pag kausap ko kasi nagagandahan sa boses ko?
“Ibababa ko na,” he whispered.
“Teka lang… mamaya na,” I said and went back to my place.
“Nasa puntod ka ng dad mo,” namamaos niyang sabi.
“Oo nga. Pero makakapagsalita pa rin naman, Rin. Hindi naman ako patay?”
Narinig ko ang pagtawa niya. Malawak ang ngisi ko nang umupo ulit sa tela na inilagay ni Mommy para sa akin, tiningnan ang mga pagkain na hindi ko magalaw dahil pakiramdam ko disturbo rin sa usapan namin.
“Baliw. Naririnig ka ng dad mo,” he said with a slight chuckle.
“Bakit? Takot ka ba na makisali siya sa usapan?”
Muli siyang tumawa. “Ano ako, bata na takot sa multo?”
Takot nga ako sa’yo. I wanted to say it but I know I would only cringe. Baka hukayin ko pa ang libingan ni Dad at tumabi sa kanya sa sobrang kahihiyan.
“Girlfriend mo, Reagan?” boses ni Mommy na ngiting-ngiti. “Pakausap naman…”
“Kaibigan, my,” agap ko lalo na’t tumayo na siya palabas ulit ng tent.
“Ay edi pakausap pa rin!” Mas ganadong lumapit si Mommy at lumapit sa akin, inilalahad ang kamay.
“Mahiyain, my,” sabi ko, tiningnan si Simon na sana man lang awatin niya ’to kaso nakangiti niya lang kaming pinanood.
Iba pa naman ’to si Mommy, baka pag tumayo ako at tumakbo habulin ako. Nakakahiya sa iba rito kung maghahabulan kaming dalawa.
Nang mahawakan niya ang phone ko, hinayaan ko nalang. She immediately smiled and held it in front of her face. May pinindot pa siya roon.
“Hello! Kaibigan ka ng anak ko?”
“Hello po. Ah…opo…” I heard my super friend’s soft voice.
“Hala ang lambot at rahan naman ng boses mo! Kumakanta ka siguro? Kanta ka nga!”
“My,” saway ko.
Ngunit hindi nagpaawat si Mommy, humawak pa sa kamay ko para alalayan ang sariling niyang umupo sa tabi ko. Tumawa lang si Rin sa marahang paraan.
“Nakakahiya po…”
“Kumakanta ’yan, my. Vocalist,” pagmamayabang ko.
“Ay talaga? Kaya pala magkasundo kayo. Mahilig ka sa music, ’di ba, anak?” Lingon niya sa akin at muling tiningnan ang screen. “Ang anak ko, itong si Reagan, maraming instruments. Pag papasok ka sa kuwarto niya, may parte na puro instruments. Mahilig siya sa electric guitar…”
Alam niya na, my. Nauna ko nang ibida ’yon. I folded my arms and looked at Simon who walked toward us, handing the drink to my mom. Inabutan niya rin ako na nasa in a can pa kaya kinuha ko rin iyon.
“Nabanggit niya nga po,” si Rin.
“Punta ka sa bahay namin,” at talagang inuunahan pa ako ni Mommy.
“Po?”
“Punta ka. ’Yung mga friends ni Reagan pumupunta sa bahay namin eh. Kilala mo rin sila Brent?”
“Opo… kaibigan ko rin si Brent.”
“Ay oo! Friendly din kasi ’yon. Paborito ko ’yon sa kaibigan ni Reagan. I mean mababait naman lahat pero gusto ko rin ’yon talaga.”
Nagkasalubong tuloy ang kilay ko. Bakit si Brent ang topic?
“Eh si Shiloh? Kaibigan mo rin ba? Lagi iyong nakukwento ni Reagan din sa akin. Sabay kayong dalawa kung pupunta kayo sa bahay,” si Mommy na medyo naalarma ako.
“Ah opo. Kaibigan ko din po…” mahina ang boses ni Rin.
“Akin na, my. Mahiyain ’yan si Rin,” sabi ko ngunit itinulak niya lang ang kamay kong inilahad sa kanya.
“Hindi mo ’to nakukwento sa akin. Si Shiloh lang ang nabanggit mo.” Pinaningkitan niya ako ng tingin.
Nagkamot ako ng batok. Badtrip talaga. Paano ako didiskarte kung puro sila Shiloh? Iba tuloy ang naiisip ni Rin.
Ang dami nilang pinag-usapan. Normal din kasi talaga kay Mommy na makwento sa mga kaibigan ko. Marami siyang nasasabi. Ganoon siya ka approachable.
Noong matapos silang mag-usap, binalik din ni Mommy ang phone sa akin at muling nagtungo sa tent para muling kumain.
“Ang daldal ng mommy mo. Alam ko na saan ka nagmana,” he said, chuckling a little.
Biruin mo ’yon? Hindi pa ako nanliligaw pero nakausap na niya si Mommy? At nakiki Rin pa sa kanya. Iyon din kasi ang nabanggit ko kanina kaya tinatawag niya na ring Rin.
“Nakukwento ko kasi si Shiloh noon pag umuuwi ako at nang-uusisa si Mommy kung sino ang mga bago kong friends. Eh hindi pa tayo friends no’n?” agap ko, baka kung ano na naman ang isipin niya.
Tumahimik siya sa kabilang linya.
“Den. May limang daan ka ba diyan—”
The call ended right away after hearing the rough voice of someone. Mukhang dad niya iyon ah?
Hindi na siya nagchat sa akin pagkatapos no’n. Si Rio hindi naman online. Mukhang dinidibdib pa rin na naka in a relationship na si Kittie. Eh sabi ko nga, bibilhan ko siya ng sisiw pamalit doon sa pet na inulam nila.
Naging magaan ang araw na iyon at unti-unti ko ring nakikilala si Simon. Kinabukasan, pinagmaneho niya pa ako pabalik sa Green Residences at medyo nakakwentuhan ko rin.
He’s a good listener. Kaya siguro magaan ang loob ni Mommy sa kanya dahil may makikinig na sa mga kwento niya.
Huli ata ang araw na ’yon na nagrereply si Rin sa chats ko. Araw-araw ko chinachat pero hindi na talaga nakapagreply.
Reagan:
Nasa unit ka?
Hindi ko rin siya matyempuhan na. Ewan ko kung naggi-gig ba. Pero pati sa school, hindi ko nga madalas makita. Parang ang ilap ilap at nasa sulok sulok, kulang nalang taguan ako.
Although he still replies, but I could really sense his avoidance. Am I giving you mixed signals, Rin? Pinaliwanag ko na naman, ah?
Denver Ferrin:
Oo. Bakit?
A smile crippled my lips while my chest was banging loudly. I’m suddenly nervous, but at the same time, determined.
Noong nakausap ko si Simon, may tumatakbo na sa isip ko. At sa mga araw na ilap siya, napagtanto ko na baka nga, masyado na siyang nalilito kaya iniiwasan niya ako.
I typed for a reply.
Reagan:
Mag-isa ka?
Denver Ferrin:
Oo.
Reagan:
Okay. Pupunta ako? Can we talk?
Kung…gusto niyang may panghawakan na naiiba siya, o makita niyang seryoso ang nararamdaman ko sa kanya at hindi ako ganito sa iba, then I’ll show him to end those confusions in his mind.
Siguro namulat din ako sa mga pinagsasabi ni Simon. I would never know when I’m ready if I didn’t take a step. So I’ll…risk it now.
“Heto na, pogi,” ang babae sabay lahad noon sa akin.
I smiled and looked at the flower I bought. This would be my symbol to let him know he’s different. At unfair na rin sa part ko eh. Oo, genuine naman na tinutulungan ko siya sa ex niya. Pero gusto ko ring malaman niya ang parte ko.
I drive to Green Residences. Kabadong kabado ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari pero bahala na. Ang importante rito, handa ako.
Pagkapasok sa elevator, nanalamin ako. I even took a picture of myself holding the flower, wearing a baby blue denim jacket, a black inner t-shirt and black pants. Wala sa sarili ko pang inambahang isend ang picture sa kanya buti nalang mabilis akong nakapagpigil dahil baka mabigla siya.
Noong dumating ako sa fifth floor, mas umusbong ang kaba sa akin.
The script in my mind was already ready. The words were already listed, and all I need to do is utter them. Kaya noong dumating ako sa harap ng pinto niya, nag-aalangang kumatok, huminga ako ng malalim at naglakas loob na gawin iyon.
I immediately dropped the flower to the side to hide it. Siguro, ayaw ko ring nandoon ang tingin niya at hindi maka focus sa akin. I already gave him a hint about giving flowers, and I knew he would interpret it that way. Ang kailangan ko nalang ngayon ay…umamin.
So when the door opened, his eyes widening a bit as he wiped off his lips like he was in the middle of eating, I stood in front of him confidently, despite the banging in my chest.
“Reagan,” he panicked when he called me and slipped himself out of his unit. Isinara niya rin ang pinto.
“Anong sasabihin mo?” he asked.
I could sense how he was rushing me, like he was so ready to hide, but here it is now.
Lumandas ang aking dila sa pang-ibabang labi, ang puso kong mabilis ang tibok, at ang mga mata kong hindi mapirmi ang tingin sa kanya. But then, I held my breath and looked at him willingly.
“I think I want to…end your confusion,” I stated.
His lips parted. Kita ko rin ang dahan dahang pamimilog ng mga mata niya.
“Hindi si Shiloh ang nagugustuhan ko, Rin. Ang tingin ko sa kanya, kapatid lang. Noong…araw na pumunta ako sa District One at nagtatanong ako tungkol sa lalaking nahuhulog sa kapwa lalaki, it was because I found out one of my friends is having a feeling for Shiloh. I wasn’t ready to embrace it. Kaya…sa’yo ako nagtanong no’n dahil gusto kong intindihin.”
Natigilan siya, nag-isip-isip at tila ba unti-unti nang nagiging maayos ang gumugulo sa isip niya.
“Noong lasing ako, ang naalala ko, tinawagan ko si Shiloh dahil may gusto akong aminin. Napapansin ko na…nahuhulog ako sa kagaya niyo. Hindi ko lang kayang harapin dahil nga sensitibo ako at hindi handa, noong oras na ’yon, parang ayaw ko rin. Pero hindi iyon si Shiloh, Rin.”
I saw his Adam’s apple move for swallowing, as if he had an idea, and he couldn’t even look at me. So I crouched a bit and picked up the flower. Sinundan niya iyon ng tingin, ang mga mata ay namimilog at natitigilan sa kinatatayuan niya.
“Reagan,” he called nervously, as if he wanted to stop me from whatever I’d say right now.
Alam niya. At sa reaksyon niya, alam kong…malinaw sa kanya ang gusto ko ngayon. So I looked at him eagerly, my lips parting to turn his ideas into words—to confess.
But before I could utter anything, the door of his unit opened inside. Ang amba kong pagsasalita, napalitan ng pagkakasalubong kilay ko.
Arron, who’s topless, made me stop whatever I wanted to tell him.
His ex…is here. In his unit. At ang ikinagulat ko, topless siya, tila ba kanina pa nandito at nadisturbo ko lang sila sa loob.
Natatarantang lumingon si Rin sa likod niya, itinulak si Arron papasok na nag-ambang lumabas.
“Anong kailangan niya?” marahas ang tanong ni Arron, ang tingin ay pagalit nang tingnan ako.
“Pumasok ka muna,” he said, almost pleading.
“Ginugulo ka ba niyan?” Arron was now aggresive, that if Rin said yes, he would immediately throw a punch.
But seeing them together…it was already a hard blow. Lumingon si Rin sa akin saglit sa tarantang paraan, mas itinulak si Arron hanggang sa kusa niyang isinara ang pinto.
Ang mahigpit na hawak ko sa bulaklak at nakalebel sa dibdib ko, halos wala sa sarili kong naibaba. Kung kanina ay abot langit ang aking kaba, ngayon naman ay parang gumuguho ang mundo at nauuna akong bumagsak.
Fuck. Sila na ulit?
Noong tumayo siyang muli sa harap ko, ang kislap sa mga mata ay sumasayaw sa taranta, ramdam ko na ang gusto niyang sabihin.
“Nagbalikan kayo? Binalikan mo na?” I asked and slightly smiled to cover my disappointment—my pain.
His lips trembled, like he wanted to deny it, but I’ve seen the evidence. And he cannot lie about this.
Lumunok siya, nag-iwas ng tingin at halatang guilty. I chuckled and looked to the side, nodding a bit, despite the suffocating feeling in my chest.
He…chose him.
“Ah…kaya pala mailap ka?” I said, like a realization, and made another low chuckle despite his sudden blurry.
Unti-unti ko ring napagtanto ang gusto niya. Kanina, sabi niya, mag-isa siya. Ngunit nandito pala si Arron. Did you mean this, Rin? Is this a sign to make me stop? To let me know…you just get back with the person you really like?
Tang ina, Rick! Umalis ka nalang! Huwag mo nang palalain!
He lifted his head, his eyes looking at me pitifully. Umawang ang labi niya, para bang may gustong sabihin, ngunit nahulog ang tingin sa bulaklak na hawak ko.
Tumingin din ako sa bulaklak. Sayang din kung itatapon. At binili ko naman ito para sa kanya…
“I think I predicted you were happy, so…” I chuckled and lifted his favorite flower that I bought for him.
Ang plano kong umamin…parang bulang naglaho. I couldn’t utter it. Or maybe it was already too late to say it, but…
I’ve… “Congrats, Rin…” fallen…
Kahit namamaos ang tinig, kahit pabasag na iyon, sinikap kong ngumiti, tapangan, lalo na’t ito ang una kong hakbang…ngunit hindi ko inaasahang hindi ito ang magiging huli. I just stumbled on my first try. I failed. And all I need to do right now is stand up and walk…away…
Chapter 28
Sober
Mabagal halos ang lakad ko papunta sa elevator, kahit ang totoo, gusto ko iyong liparin para lang makaalis agad ako roon.
Lumunok ako, kahit hirap, at pumasok sa elevator. Nang sumara iyon, mariin agad akong pumikit at naisandal ang mga kamay sa harap, napayuko sa panghihinayang.
He got back with his ex. Fuck. All this time…he’s taken?
Kinagat ko ang nanginginig na labi, pinigilan ang mga luhang nagbabadyang umagos kahit nararamdaman ko na iyon sa bawat sulok ng aking mga mata.
Alam ko naman sa umpisa pa lang, hindi niya ako pipiliin. Sa umpisa pa lang, may iba na siyang mahal, pero iyong maisampal sa akin, marinig, at…makitang…nasa iba na siya, parang ang hirap tanggapin.
Bakit nga naman ako pipiliin, ’di ba? Ano bang laban ko sa naunang tumanggap sa kanya? Naunang nagparamdam sa kanya na karapat dapat siyang mahalin? Ano bang laban ko kung…siya ang mahal niya?
Wala mang kulang sa akin pero…hindi pa siguro ako sapat sa kanya.
Lumabas ako sa elevator, nakalabas na rin sa Green Residences, pero hindi ko rin alam saan ako pupunta. Nagpalakad lakad ako, pabalik-balik at huminto sa gilid, nailagay ang mga kamay sa likod ng ulo at napayuko para lang huminga, mariin ang pikit na sana…panaginip lang din ang lahat.
Tumayo ako, tumingala sa langit, kumurap-kurap at pinigilan ang nagbabadyang mga luhang nangingilid na. Ano? Iiyakan mo ’to? I bit my trembling lower lip and sighed again, shaking my head out of disappointment as I walked back and forth continuously.
Dapat talaga nabasa ko na iyon sa kilos niya. Na kaya siya mailap sa akin dahil nagkakaintindihan na sila ulit ng ex niya.
At iyon naman ang plano ko sa umpisa ’di ba? Kaya dapat…masaya ako at tanggap ko ’to.
Namaywang ako, muling tumingala at humingos para lang pigilan ang luha sa mga mata ko, ayaw iyong malaglag.
At least you tried, Rick. That’s the best part, right? Ano naman ngayon kung hindi nasunod ang gusto mo? Ganito naman talaga eh. Hindi mo makukuha ang isang bagay kahit pa gusto mo.
I nodded as I licked my trembling lip, trying to understand that this isn’t my fault. Ngunit sa sikip ng dibdib ko, parang ang sarap sarap nalang sumigaw, magwala, at suntukin ang dibdib ko dahil ang sakit talaga.
Tang ina naman!
Inilabas ko ang phone ko, pinindot kung sino man ang matatawagan, lalo na’t hindi ko rin talaga alam saan pupunta.
Pagkatapos ng tawag, yumuko ako at hinawakan ang ulo ko, mariin ang pikit, halos wala na sa sarili.
Hindi ko maintindihan. Wala akong naiintindihan. Kahit gusto kong intindihin ang nangyari, ang paglabas niya sa unit na nagpupunas ng labi, ang paglitaw ni Arron na naka topless, ang rahan ng kanyang tinig nang itulak niya ito pabalik sa loob, ang titig niya sa akin at ang pag-atras niya, lahat ng iyon paulit-ulit sa isip ko ngunit ayokong kilalanin. Ayokong pangalanan.
“Rick,” ang boses ng pamilyar na tinig.
Umangat ang ulo ko at nakita ang trailblazer na kotse sa harap, ang nakabukas na bintana at si Brent sa driver’s seat. Tumayo ako sa pagkakayuko at deritsong naglakad sa kotse niya.
Nang makita niya ang mga mata ko, namilog ang kanya ngunit namungay din at tahimik akong tinitigan.
He opened the door inside and pushed it open. Pumasok ako, isinara ang pinto at huminga ng malalim.
Tahimik siyang nagmaneho. Ang init sa sulok ng mga mata ko nang sumandal ako sa harap ng compartment ay nag-aambang bumuhos. Humingos ako ng tahimik at pinigilan lang na maiyak kahit alam kong gumagalaw na ang balikat ko.
“You okay?” marahang tanong ni Brent.
“H-Hindi ako pinili,” bulong ko, halos basag ang tinig. “Basted…”
Maybe the pain was so raw because this is my first heartbreak after how many years of being single. Hindi ko ito kailanman naramdaman.
Hindi dapat ganito eh. Ayos lang naman sa akin iyon kung binalikan niya. Ayos lang kung…hindi ako ang kaya niyang piliin. Pero tang ina! Ano bang meron sa ex niya na wala sa akin?
“Kaya ko rin namang ibigay ang kayang ibigay noong ex niya sa kanya. Kaya ko rin siyang pasayahin. Kaya ko siyang piliin at ipaglaban ngayon. Kaso talo pa rin. Nauna ba naman…” Idinaan ko sa tawa ngunit napiyok lang ang tinig ko at nabasag.
Tahimik akong pinakinggan ni Brent.
“Hindi patas. May nakaraan na sila. Ako…wala pa akong napapatunayan. Kaya siguro mas pinili niyang balikan kasi kabisado niya na, at mahal niya pa…”
Kung umamin ba ako ng mas maaga, kung nanligaw ba agad ako, may pag-asa kaya? Pagbibigyan niya ba ako? Kikilalanin? Pero sinabi ko naman ah? Umamin ako na gusto kong patunayan sa kanya kung sino talaga ako.
Pero ano nga bang magagawa noon kung…mahal niya pa.
“Gago ang sakit,” daing ko at hinaplos ang dibdib ko.
“You’re in love. It really happens when you’ve fallen, Rick. Either they would catch us, or we’d break.”
Kaya rin siguro ganito kasakit dahil handa kong ipaglaban. Na napatunayan kong hindi na ako takot. Handa ko na siyang hawakan…handang yakapin…handa nang ipagsigawan…
“Wear your seatbelt, Rick,” utos ni Brent na hindi ko pinakinggan.
Bumuntonghininga siya hanggang sa lumapit siya, inabot iyon at kusang isinuot sa akin.
“Lean back,” hila niya sa akin paalis sa harap kung saan ako nakasandal.
Umatras ako hanggang nadikit sa upuan, basa na ang mga mata ganoon din ang leeg at kinalabit lang ang gilid para medyo bumaba ang upuan. Humiga ako roon at humingang muli, tinakpan lang ang mga mata ko para hindi mahuli kahit alam kong ramdam ni Brent ang nangyayari sa akin.
“Should I call the other boys? You wanna drink?” ani Brent.
Tahimik akong tumango. Ilang sandali lang, nasa kabilang linya na si Con.
“Oh sige, Brent. Sasabihan ko rin ang ibang boys. Dito nalang din sa bahay,” rinig ko ang boses ni Con.
“Alright. Thanks, Con. Dederitso ako diyan ngayon pagkatapos sunduin si Shiloh,” si Brent.
Humingos ako, inilabas ang phone ko at magkasalubong ang kilay na binuksan iyon. Binura ko ang messenger app nang walang pag-aalinlangan.
Hindi ako nakontento at binuksan din ang Facebook app ko. Pinindot ko ang search hanggang sa nakita ang pangalan ni Arron doon na pinindot ko rin. Noong mapunta sa account niya, bumungad agad ang in a relationship status niya na maraming likes at comments.
Hindi ko na kailangang kumpirmahin kung ano ang mga naroon para lang mapatunayang totoo ang hinala ko at nagdeact agad.
Noong hindi makontento, binura ko rin ang Facebook app ko. Kaya ko namang hindi muna mag-social media. Nandiyan naman ang Netflix at Youtube.
Pumunta ako sa gallery nang maalalang may s-in-ave niya akong picture, iyong s-in-end niya noong nasa sementeryo ako. Tiningnan ko iyon at pinindot ang delete pero hindi ko magawang burahin.
Ang anghel anghel mong tingnan pero ganito ka pala manakit? Akala ko ba napatawad mo na ako? Akala ko ba bati na tayo? Ba’t nananakit, Rin?
Isinilid ko ulit ang phone papasok sa bulsa at mariing pumikit. Nagpatugtog pa si Brent at talagang nakadagdag pa sa nararamdaman ko. Sa korni palang na intro, gusto ko agad siyang sipain at patigilin.
But the voice caught me off guard. Kaboses ni…Rin.
Dahan dahan kong inalis kamay ko sa nakatakip kong mga mata at bumaling kay Brent na bumaling din sa akin. Medyo nagulat siya sa basa kong mga mata ngunit hindi niya na pinuna pa.
“Anong title niyan?” namamaos kong tanong.
“All I Ever Need by Austin Mahone…” aniya.
Tahimik akong tumingin sa labas ng bintana, dinama ang kantang iyon. Noong matapos muli kong nilingon si Brent.
“Ulitin mo.”
He only arched his brow, and for the first time, we didn’t argue. Ibinalik niya nga agad.
“Wow. I thought you hate these kinds of songs since you find them corny?”
’Yan lang siguro ang hindi. Gago naman. Ganito ba ako ka hibang sa kanya na purket ka boses lang hindi ko magawang ayawan? Ginayuma ba ako?
“Let’s go to my unit first. Susunduin ko muna si Shiloh,” aniya.
Pumunta nga kami sa building ng condo niya. Hindi na nga lang ako lumabas at nagpaiwan nalang sa kotse habang si Brent ay umakyat pa talaga para sunduin. Noong bumaba ang dalawa, lumipat ako sa back seat at doon din sumakay si Shiloh.
Huminga lang si Brent, hindi na pumalag pa kahit magkasalubong ang kilay. Siguro nga, ramdam niya na kailangan ko ng kausap.
“Anong nangyari?” mahinang bulong ni Shiloh, bagong ligo, may hawak pang suklay.
Parang kalabit ang tanong na ’yon. “N-Nakipagbalikan sa ex…” I uttered meaningfully.
His eyes widened. Pumikit akong muli at lumunok kahit mahirap.
“Aamin sana ako,” I chuckled weakly. “Pero naunahan yata. O kahit siguro mauna man, baka hindi rin ako piliin.”
It was my honest reaction. Nasasaktan ako. Ngunit hindi ko rin siya kayang sisihin dito. Ano bang karapatan ko, ’di ba? Inuunti-unti ko pa ngang linisin ang pangit na imahe ko sa kanya para matanggap niya, hindi katulad ni Arron na hinihintay niya lang bumalik. Iyon ang pinagkaiba namin.
At ano bang laban ko sa unang yumakap sa kanya, unang tumangggap, at unang nagparamdam na walang mali sa kanya? Si Arron. Kaya kung mas mahal niya iyon, kaysa sa akin na wala pa namang naaambag sa buhay niya, maiintindihan ko kung mas matimbang na ang pinagsamahan nila kaya niya…binalikan.
Umabante ako at humawak sa likod ng upuan ng backseat para makayuko. Hinaplos ni Shiloh ang likod ko.
Wala nang naging ibang tanong si Shiloh, hindi ko alam kung naguguluhan ba siya, o unti-unti rin siyang may napagtanto. Pero hindi na iyon importante sa akin.
Pumasok ang kotse ni Brent sa malawak na garahe nila Con. Noong lumabas kami at nagkatinginan, kita ko ang biglaan niyang pagkatigil at ang pagparte ng labi.
“What are we gonna drink, Brent? Cuervo nalang ang nasa fridge ko. Isa nalang din ’yon,” si Con.
“Alfonso, Con,” I suggested. “Isang case. May allowance ako.
Handa akong ubusin ang allowance ko sa totoo lang. Ayos lang namang magutom ng isang buwan, e. Akala mo naman talaga makakalunok pa ako pagkatapos ng mga nakita at nalaman ko.
Kaya noong nagsidatingan na rin ang ibang boys, maingay agad si Tyler at talagang ramdam ko na ako ang magiging pulutan ngayong gabing ’to.
“What is it this time, Con? Sino na naman ang pinagselosan?” halakhak ni Tyler sa likod, patalong ibinagsak ang sarili sa sofa at inihiga ang ulo sa kandungan ko lalo na’t ako ang nandoon.
“Hi Rick—what the…” Namilog ang mga mata niya kaya itinulak ko ang ulo sa kandungan ko paalis.
“Hindi ako ang may problema. Siya,” nguso ni Con sa akin.
Sumandal si Mavric sa headboard ng sofa at itinagilid ang ulo para masilip ako. Si Tyler na gulat pa rin, napaupo.
“Brokenhearted,” tango ni Brent sa kanila.
Tyler’s jaw dropped. Si Ron na umupo pa sa balikat ng sofa ay kumunot ang noo, si Mavric naman ay tumitig lang sa akin.
“What the? May nililigawan ka? Wait? Hiniwalayan ka?” Tyler asked cluelessly.
“Basted,” iritado kong sabi at inirapan silang lahat.
“Ano?” Medyo natawa si Ron. “Ikaw babasted-in?”
Invested silang lahat na malaman pero wala akong ganang magkwento. Kaya ang tarantadong si Tyler, bumili ng isang case ng Alfonso para lang mapaamin ako lalo na’t alam nilang madaldal ako pag lasing. Hinayaan ko rin para hindi na ako gumastos pa.
Dumating rin ang sandamakdak na order nilang pizza, bucket chicken sa Jollibee na tatlo pa talaga, at ang mga chichirya na nagkalat na sa bilugang mesa dito sa sala.
Wala pa akong dinner pero sa sobrang sakit at hapdi ng nararamdaman ko, hinawakan ko ang Alfonso na kakabukas lang ni Mavric at tinungga ko na parang tubig lang.
“Mukhang mapapasabak ang atay ko ngayong gabi ah?” si Ron nang hingal kong ilapag ang bote at kalahati nalang, halos tumulo pa sa bibig ko na pinunasan ko lang ng kamay ko.
“Hapdi no’n kung wala man lang chaser. Ayos lang ba ang lalamunan mo, Rick?” si Mavric.
“Eh ang puso mo, Rick? Ayos lang ba?” tanong ni Tyler kaya ipinakita ko ang gitnang daliri ko na ikinatawa nila.
May sarili akong isang bote. Sila lang ang nagpapasahan ng shot lalo na’t paminsan-minsan kong nilalagok ang akin, ni hindi na kailangan ng coke at talagang deri-deritso kong lalagukin, uungol sa init ng daloy nito sa lalamunan ko, ngunit balewala iyon sa akin. Para namang hindi sanay.
Si Shiloh lang ang iba ang iniinom sa amin. Ginawan ng sariling shake ni Brent na hinaluan niya rin ng yakult. Nasa tabi siya ni Brent, may hawak na fried chicken at kumakain.
“Ganito kasi ’yon,” panimula ko.
“Ayan. Lasing na siya,” ani Ron na natatawang siniko ni Mavric.
“Kung paano ka nabasted Rick, a? Hindi ’yung bigla-bigla kang magrerecite ng mga constitutional rights at lalapagan kami ng batas,” natatawang si Ron.
“Gago. Bumili ako ng bulaklak,” kuwento ko, magkasalubong ang kilay habang titig na titig sila sa akin, tahimik na at nakikinig.
“Eh nalaman ko, mahilig pala siya sa white tulips kaya iyon ang ibibigay ko sana. Nagtext pa ako. Sabi ko kung mag-isa ba siya. Sabi niya naman oo. Edi sabi ko rin mag-uusap kami. Kasi nga, handa na akong umamin. Ilang araw ko talagang pinag-isipan e. Ganoon ko ka tagal pinaghandaan at hindi nagpadalos dalos.”
Tumatango si Con, si Brent bumaling lang sa akin pagkatapos may ibulong kay Shiloh, si Mavric na titig na titig, si Tyler na magkasalubong ang kilay at si Ron na nakasandal na sa mesa, halatang interesado.
“Bumili ako. Langhiya. 1500 ang nagastos ko pero nilunok ko. Ano lang ba ’yung makita niya ang effort ko ’di ba?”
“Oo nga, Rick. Ano lang ba kung makita mo ang ngiti ng taong mahal mo? Barya lang talaga ’yan,” madramang dugtong ni Tyler na siniko nila Mavric at tinawanan.
“Tapos pinuntahan ko na siya. Nasa harap pa lang ako ng pinto kabado na talaga ako eh. Parang instinct. Pero pinagpatuloy ko. Kaya noong buksan niya ang pinto, nagpunas pa siya ng labi no’n. Kaso nataranta siya at lumabas. Alam mo ’yung para kang may tinatago sa loob kaya takot kang mahuli? Pero hindi ko pinansin,” iritado kong kuwento.
“O baka naman meron talaga?” singit ulit ni Tyler.
“Duda ako sa nagpupunas ng labi, Rick,” si Mavric na ngumisi sa akin.
“Hmm…may ginagawa yata. Pinasok mo sana, Rick!” si Ron.
“Continue, Rick,” ani Brent na nakahalukipkip na sa upuan niya.
Kinuha ko muli ang isang bote at tinungga. Pumikit ako sa pangit ng lasa no’n, at nang muling ibinaba na, halos tumunog ang kalampag ng babasaging lamesa nila Con. Nag-aalala iyong tiningnan ni Con pero noong wala namang nangyari, muli silang tumingin sa akin, abang na abang sa karugtong.
“Ito na nga. Lumabas siya. Tapos ayon…umamin ako na hindi ’yung pinagdududahan niya ang nagugustuhan ko. Nasa dila ko na talaga ’yon. Aamin na dapat eh. Kaso tang ina, bumukas ang pinto!”
Umigting ang aking panga nang maalala iyon kaya muli kong inabot ang bote at tumungga.
“Gago naman, Rick! Pabitin! Just spit it, man!” sigaw ni Tyler.
I grunted roughly and put the bottle down, wiping off my lips again.
“Nasa loob ang ex niya, topless.” Iling ko.
Gulat silang lahat. Kahit si Shiloh na nag-aambang kumagat, hindi naituloy. Nailing ako at hilaw na napangisi.
“Of course, anong iisipin ko ’di ba? Binalikan niya ang ex niya. Bobo lang ang maniniwalang walang nangyayari sa loob kaya ganoon ’yung asta noong kupal na ’yon. Feel na feel at home.”
“Baka naman kasi wala talaga, Rick?” si Con.
“Malay mo naman nasiraan ng lababo kaya tinawag niya, Rick? Tapos noong inaayos, nabasa siya kaya naghubad?” si Ron na halatang ginagago lang ako.
“That’s possible,” tango ni Tyler, halatang gagatungan iyon. “Malay natin tubero pala ’yon?”
Umirap ako at may ngisi na rin sa labi habang natatawa sila.
“Kahit ako kung mababasa ako maghuhubad ako eh,” ani Mavric na makahulugan ang ngiti.
“’Yung bulaklak, Rick? Ibinigay mo ba?” tanong ni Shiloh, tumagilid lang ang ulo para silipin ako lalo na’t nasa gitna namin si Brent.
“Oo. Sinabi ko nalang…congrats. Hindi na ako umamin,” sabi ko.
Humagalpak si Ron at itinuro si Tyler, tila ba may naalala. Natawa rin si Tyler at nailing.
“Hinampas mo sana sa mukha ng ex niya ’yung bulaklak, Rick?” ani Tyler, medyo nadidistract sa tawa ni Ron at sisikuhin niya agad para lang tumigil.
“Gusto ko nga eh. Hayop ’yon. Papasukin ko sana at susuntukin, kaso wala eh, paiyak na ako. Umalis nalang ako para isalba ang dignidad ko.” Humalukipkip ako, magkasalubong ang kilay habang iniisip iyon.
“Focus on yourself, Rick. I block mo agad sa social media. Tapos mag gym ka. Daan daanan natin sa building nila paminsan minsan para makita niya ang ipinagpalit niya. Iflex mo ang muscles mo. Let’s see kung hindi ’yan magsisi,” payo ni Mavric na hindi ko alam kung seseryosohin ko ba o ikamumukha kong tanga.
“Hayop ka. Kaya siguro puro ka topless lately sa story mo dahil nagpapatakam ka,” bato ni Con sa kanya ng chichirya na sinalo ni Mavric at binuksan nalang iyon kahit may ngiti pa sa labi.
“Bi-in-lock ko lang. Bahala sila,” kibit balikat ko at muling nilagok ang bote ng Alfonso.
“Entertain more girls! That’s the solution to that problem. Baka isipin niya nag-iisa lang siya. Don’t feed her ego!” ani Tyler, hawak pa ang shot na hindi niya matuloy-tuloy inumin.
“Edi pinatunayan lang din ni Rick na karapat dapat siyang basted-in,” ani Shiloh.
Napaisip tuloy si Tyler. Si Brent, nagkasalubong ang kilay at mukha pang guilty.
“Well, baka during that time rin he’s confused, right?” si Brent, tititig nalang kay Shiloh napupunta pa ang mga mata sa labi.
“Confused saan?” natatawang si Mavric, pinaglalaruan na sa kamay ang hawak na phone. “Wala ’yung excuse, right, Shiloh? Dapat ang mga gano’n deritso basted. Babaero eh.”
“At least nagbago. Hindi na tumikim ng babae. That’s the important thing there,” ani Brent.
Nagkamot ako ng ulo, irita kung bakit nasisingit pa ang ganyan! Ako pa rin ba ang topic diyan?! Eh hindi naman ako babaero!
“Ano ako, gago? Titikim ng iba? Eh labi niya nga lang ang gusto kong tikman!” maangas kong sabi kaya natawa silang lahat.
Kanina, ang sama sama ng pakiramdam ko, ngayon na kung ano-anong kalokohan na ang sinasabi nila, nakakalimutan ko tuloy na brokenhearted ako.
Natahimik din ako sa upuan ko at napansing nauubos ko na ang isang bote. Ramdam ko na rin ang alak sa katawan ko.
Siguro, gulat din sila na ako na ngayon ang brokenhearted at hindi si Con kaya talagang sinamantala nila iyon. Panay na ang pagpapatugtog nila ng sad songs habang hindi ko na nararamdaman ang sarili ko, lunod na lunod na sa alak.
Sumabog ang nakakalungkot na intro noong 14 ng Silent Sanctuary at sabay sabay pa silang nagvibe, inangat ang mga kamay at iwinawagayway iyon na akala mo mga bamboo stick na hinahangin.
“Ilang beses ko bang sasabihin na wala nang kwenta ang nakaraan…pero iyong pinipilit…” kanta ni Ron sa madramang paraan.
“Eh nakipagbalikan,” agap ni Tyler na ikinasabog ng tawanan namin at gusto ko nalang siyang sakalin.
Mariin akong pumikit, nasa labi pa ang ngiti at isinandal ang mga kamay sa lamesa para gawin kong unan kahit kumikirot ang dibdib ko.
“I understand that feeling, Rick. Just let it out,” si Con na tinapik pa ang balikat ko.
Bumibirit na si Ron sa kanta sa tumatagal na oras, halos isigaw na iyon at talagang natatamaan ako sa kanta.
“Ibibigay ko ang lahat!” si Ron na pumiyok pa at ikinahagikhik ni Shiloh.
“Baka naman kasi hindi kontento sa bulaklak, Rick. Sinabi mo sana para nabilhan natin ng buong flower farm,” at ang tarantadong hirit ni Tyler.
Sa dumadaang oras, pinatugtog na yata nila lahat ng masasakit na kanta ng Silent Sanctuary. Maluha luha na ako, ngunit sa tuwing iaangat ko ang ulo ko, at makikitang gumigiling pa si Tyler at Ron sa isa’t isa habang tumutugtog ang Pasensya Kana para asarin ako ay talagang napapaatras ang luha ko.
Inabot ko ang pringles at natatawang ibinato iyon sa kanila saka ko muling ipinakita ang gitnang daliri ko.
“Ilalagay ko ’to sa Facebook story ko, Rick,” ani Mavric na nagvivideo pala.
Nang maalala ang phone ko sa bulsa, dinukot ko iyon. Kaso bago ko pa man magawa ang gusto ko, nabawi na agad ni Mavric sa akin.
“No drunk calls, Rick. For sure you would regret your words once you’re sober,” aniya.
Tang ina. Bakit alam niya na may plano akong tawagan si Rin? Inambahan ko pang tumayo kaso umalon ang paningin ko at marahas na napaupo, nasagi pa ang isang bote na sinalo agad ni Brent habang dumeritso naman ang bagsak ko sa sahig, dumulas lang ako sa upuan.
“Rick! Gago, dude!” naalarma nilang tawag at napatayo na, kahit natatawa sila sa pagkakalaglag ko.
Pinilit akong hilain ni Con pero itinulak ko nalang at humiga sa malamig na marmol na sahig. Ang sakit, gago. Dapat talaga hindi ko na ’yon tinitig-titigan para hindi ako nahulog. Wala sana akong ganitong problema ngayon.
Chapter 29
Bracelet
“Rin…”
Mariin akong pumikit nang maramdamang mas lalala yata ang hangover ko. Nasa bahay pa rin kami ni Con. Nagpapalipas lang ako ng sakit sa ulo pero sa naririnig ko parang mabibiak na yata ang bungo ko.
“Rin… huhu… bakit hindi ako—”
“Tang ina mo!” Bato ko ng unan kay Tyler nang marindi sa panggagaya niya sa tinig ko na sinundan agad ng hagalpakan ng mga boys dito sa sala.
Hayop eh. Kanina pa ’yan. Kakagising ko lang, alam ko naman na bubungad ang mga ganito. Pero talagang gago ang isang ’to at hindi na yata ako tatantanan.
Kanina pa lumuluhod si Tyler at nagkukunwaring sumusuka, si Ron na nasa likod niya at nagkukunwaring tinutulungan niya ito.
Iyon ata ang pinaggagawa ko kagabi, base na rin sa mga videos, sa kalasingan ko kulang nalang makipaghalikan ako sa anidoro habang tinatawag ang pangalan niya. Hindi ko alam kung mangingisay ako ngayon sa kahihiyan o si Tyler at Ron ang gusto kong saktan.
Iyon na nga lang din ang araw na uminom ako lalo na’t pagkatapos noon, nagpakalunod naman sa readings. Binasa ko na lahat ang dapat basahin, inaral ang dapat aralin, at kahit ata mga study session pinapatulan ko para lang okyupado ang isip ko.
Isang linggo nga lang din akong naka deactivate at binalik ko agad. Namimiss ko ba naman ang memes sa Facebook. At…nakikibalita rin.
Unang pasok iyon ng December noong nakita ko ulit siya sa school. Hindi naman dapat ako manonood eh total taon taon ko na yatang pinapanood ’yang Christmas tree lighting kaso unang ceremony rin kasi ni Shiloh kaya nanood nalang kami.
Ang gusto ko rin tuwing Desyembre ay iyong bazaar eh kasi ang dadaming masasarap na pagkain. Iyon ang kinaaliwan namin kanina nila Tyler at may mga binili siyang jackets ng F1 kaya nagpalibre ako ng pagkain.
“Dang…bakit overpricing kayo ngayon?” reklamo ni Tyler sa mga students na tinawanan siya.
“Last year hindi sumobra ng limang piso ’yon ah? Pinatungan niyo ngayon,” patuloy niya habang abala akong sumubo noong binili kong potato corners.
“Last year din ’yan ang reklamo mo, Cervando,” puna ng isa sa students na lalaki.
“I know the shits of marketing, bro. Hindi niyo ako maloloko rito. So…may discount ba akong makukuha kung bibili ako ng dalawa?” At ayan na naman siya sa pagiging business-minded niya.
Ibebenta niya kasi ’yang isa at tutubuan. Ganoon siya ka wais at maalam sa pera. Oo maluho minsan at magastos pero kung usapan talagang business at pera luluhuran namin ang isang ’to. Kahit kami nga naiisahan na pala.
“Tyler, bibili lang ako ng gulaman,” paalam ko lalo na’t sumasabit na yata ’yung kinakain ko sa lalamunan ko kakaabang sa kanya matapos. Ang ibang boys, naglilibot libot pa rin eh.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Ako na ang naglibot libot kahit crowded talaga. Pag ganitong event kalahati pa lang ng araw busog na busog na ako. Hindi ako naaakit sa ibang pakulo nila, pero laging nasasabit sa kung ano anong mga pagkain. Dito ako mamumulubi talaga e. Pero at least busog ’di ba?
Ang amba kong lumapit sa isang cart na puro palamig ay hindi natuloy nang may makita na gumagala kasama ang hindi pamilyar sa akin.
Natangay pa ang tingin ko lalo na’t may nakahawak sa braso niya. Nasa harap sila ng mga makukulay na macaroons at may itinuturo sa transparent glass ang kasama niya.
Iginala ko ang tingin at wala iyong tukmol niyang ex—boyfriend. Ano? Kinakahiya na naman si Rin kaya hindi masama-samahan sa ganito ka crowded na event? Tss.
Gusto ko sanang lumapit at makibili rin kaso ipapahiya ko lang siguro ang sarili ko. Baka isipin niya…nagpapapansin ako sa kanya.
Kaya pumunta nalang ako sa kabilang food cart kahit para na akong asong naghihingalo sa sobrang uhaw. Naghanap nalang ako ng panibagong nagtitinda ng mga juice.
But his image was now glued to my mind. He wore purple long sleeves paired with a white inner t-shirt, baby blue jeans, and white sneakers. Side view niya nga lang ang nakita ko pero kapansin-pansin talaga ang kurba na ng pilikmata at ang tangos pa ng ilong. His slightly long hair would create those curtain bangs on his forehead, which he would brush backwards out of habit until it slowly fell down on the sides.
Diyan siya magaling eh. Ang akitin ako. Fuck, Rick. Itigil mo na ’yan. Kaya ka nagpapakalunod sa alak dahil diyan sa kahibangan mo.
Pagkatapos kong bumili ng drinks, binalikan ko si Tyler na malawak na ang ngisi at mukhang nakuha nga ang gusto.
“Ibebenta ko ’to a week after. Pagkatapos ng bazaar para mukha siyang limited edition kasi hindi na mabibili tapos papatungan ko.” He was yapping about it nonstop habang kinakagatan ko ang biniling plato wrap na tuna flavor.
“Rick! Tyler!” ang boses ni Angela, at sa hawak na maliit na mikropono, alam kong nagmi-mini vlog na naman siya.
Lumapit siya sa amin, ngiting ngiti. Mahirap na takasan.
“Hello guys! Say hi to my Christmas Bazaar Vlog!” si Angela, ngiting ngiti at naka sirintas pa ang mahabang buhok sa bawat gilid.
Ganadong ngumiti si Tyler at kumaway sa harap, kasama niya ang isang babae na humahawak camera. Tiningnan ko lang iyon at kumagat sa hawak kong pagkain habang maligalig si Tyler sa aking tabi.
“What are you eating, Rick? How’s the food, by the way? Ikaw dapat ang tanungin ko about rating the food since for sure you tried all of the food already,” ani Angela.
Nagkibit ako. “Masarap lalo na siguro kung maanghang…tapos malambot ’yung wrap. 8 out of 10.”
“Patikim nga, bro. I’ll judge,” si Tyler na hinawakan ang pulso ko at nakikagat.
Nakangiwi ko siyang tiningnan. Inilayo ko pa ng kaonti at baka sobrang laki ng kagat niya at wala nang matira sa akin.
“Shiloh!” sigaw ni Angela at bigla nalang tumakbo.
Tinanaw ko si Angela na palapit kay Shiloh na patakbo ring lumapit sa kanya habang nakangiti—halos mawala na ang mga mata, may mga niyayakap na kung anu-anong pagkain, sa likod ay ang si Brent sumusunod at may dalang mga drinks, ang alila ni Shiloh.
“Ano ’yang mga binili mo?” tanong ni Angela nang lumapit din kami sa kanila.
“Angela di mo man lang tinapos ’yung interview mo sa akin. Let me promote the jacket at least, ibebenta ko ’to. I need exposure for this,” singit ni Tyler at yumuko pa para makapagsalita sa mic.
Inilayo ni Angela ang mic at itinulak si Tyler saka muling ibinalik kay Shiloh na isa-isang tiningnan ang mga pinagbibili. May macaroons, burger? shawarma, at isang potato corners.
“Masarap ’yang Manhattan burger, Shi,” ani Tyler nang makita rin iyong burger.
Lumapit ako kay Brent at nakiinom sa gulamang binili niya hanggang sa kahit si Tyler, nakiinom na rin kaya ibinigay na ni Brent sa amin at iyong kay Shiloh nalang ang tinira. Ilang sandali lang, kahit si Mavric, Ron at Con, lumitaw na.
Sobrang ingay namin at puro lang yata kami pagkain sa hapong iyon hanggang unti-unti nang kumakagat ang dilim sa paligid, pero ang mga tao, parami pa rin nang parami. May ibang nagpapapictures pa. Kanina, pinagtawanan namin si Mavric dahil may fanboy na nagpapicture. Napagdiskitahan pa nga nila Tyler at nagkunwari rin silang nagpapapicture at nagpapapirma rin kay Mavric.
“Or kiss nalang, bro! Idol kita sobra, Evander! Kahit minsan ang lamya ng tira mo!” ani Tyler kaya halos maglupasay kami sa tawanan nang ginaya niya ang movements ni Mav.
“Patingin nga kami ng tira mo, Mav,” natatawang si Ron.
Namaywang si Mavric at naiiling na napangisi. Ganoon kami ka gulo na kahit ’yung mga gustong lumapit, nahihiya nalang dahil baka nakakadisturbo.
Nagsimula na rin ang event. May mga magpeperform na students. Ayoko sanang manood lalo na’t nababagot ako sa ganyan kaso…
“Magpeperform daw si Denver. Kakanta siya,” rinig ko ang sabi ni Shiloh kay Brent.
Kaya kahit nakakangalay tumayo, nag-abang nalang din. Sa mga ganitong events kasi, mas gusto ko pang lumabas.
Kaya noong siya na, lumabas sa stage na may suot na gitara, ang suot ay ganoon pa rin kanina ngunit may nagbago lang siguro sa paraan ng pagngiti niya, tila ba iyong ngiti niya noong kinakausap niya si Angela at Sadie, napuno agad ng tilian ang paligid.
I squinted my eyes a bit and poked my pinky finger on the left of my ear. Grabeng mga girls. Matatapos siguro ang event na bingi na ako.
But I couldn’t blame them, since the moment he chuckled on the microphone, my heart jumped a little. Ayan na naman ’yang boses niya.
“Ayos pa ba kayo?” he asked with a smile on his lips.
Umangat ang kilay ko. Nagtatanong pa. Nakalimutan mo siguro may winasak kang puso, a? Para sa akin ba yan? Kasi kung para sa akin ’yan hindi ako maayos.
I frowned while watching him. Ni hindi ko na alintana itong pinag-uusapan nila Tyler—ang mga boys at natatawa sila sa gilid ko. Seryoso lang akong nakatingin sa harap.
Sinimulan niyang istrum ang gitara. I took my phone out of my pocket and decided to record. Kanina ko pa naman dapat ito ginawa pero s’yempre boring ang ibang performance. Ipapakita ko ’to kay Mommy total gusto niyang marinig kumanta si Rin.
Itinaas ko iyon at iz-in-oom. Nakita sa camera ko kung paano siya yumuko ng kaonti, nakangiting kinagat ang labi, at tiningnan ang pags-strum niya ng gitara.
“If you know this song…please sing along with me,” marahan niyang sabi.
Intro pa lang, hindi ko alam. Nakakabanas naman. Love song ba ’yan? Pop? Bakit ba kasi nalulong ako sa alternative rock. Nagtilian lalo ang mga girls, halos kiligin.
Bumaling ako kay Brent na nakaakbay kay Shiloh ngunit halos nakayakap na ang kamay sa leeg nito lalo na’t nasa harap niya rin nakatayo si Shiloh.
“Anong kanta ’yan?” tanong ko.
Shiloh was recording too. Bumaling pa siya sa akin at nakita na parehas kami ng ginagawa kaya pasimple niyang itinapat saglit ang phone niya sa akin. I covered my face, but I remembered they’re friends, so…I shamelessly put my hand away. Supportive naman ako pero didistansya nga lang. Ayoko namang maging palaman sa relasyon nila.
“Not sure, but…maybe YK…” ani Brent.
YK? Pop song na naman ba ’yan? Kasi kung oo, talagang hindi ko ’yan alam.
“Never thought about the day that I’d be needin’ more…of this feelin’, I can’t hide it to you anymore…” he sang so smoothly that I swallowed a bit.
Ang lamig at ang rahan ng tinig. Kinikilabutan ako na pakiramdam ko, binubulong niya lang iyon sa tainga ko. Fuck…
Titig na titig ako sa camera, halos hindi kumurap at baka may hindi ako makuhang anggulo. Sa lakas ng kalabog ng dibdib ko, nang nag-angat siya ng tingin at kahit hindi naman sa akin nakatingin, ngumuso ako, nagpigil ng ngiti.
“Bagay sa boses niya. Kaya naman pala sikat na sikat siya sa girls. Kahit ako rin siguro kung babae ako,” si Ron ang nagsabi no’n kaya mabilis kong sinamaan ng tingin.
Nakangiti pa siya noong saglit siyang bumaling sa akin hanggang nakadalawang lingon, napawi ang ngiti at kumunot ang noo.
“What?”
Ibinalik ko lang agad ang atensyon ko at baka hindi ko na mavideohan nang maayos.
“Babe you got that somethin’ special knockin’ on my door, oh….oh….”
I swallowed hard. Mas lalong nanindig ang balahibo ko. Sa lahat ng boses na narinig, sa kanya yata ako tinatablan ng ganito. Partida pinaiyak pa ako niyan ah?
“Baby you know…” His voice became so soft and gentle that everyone started vibing, raising their phones with flashlights on while swaying them in the air.
“Can’t handle this feelin’ babe…”
Nawala ang ngiti sa labi ko. Babe. At sa hindi inaasahan, nahanap ko si Arron sa kabilang banda, nakatingin din sa akin. His brows were furrowed, and he seemed to be glaring at me. Pake niya kung gusto kong magvideo? Event naman ’to. Performance ang sadya ko.
O baka naman takot na aagawin ko? Kung hindi lang ako matino lalandiin ko ’yan. Nasa kabilang unit lang oh? Pwede lang katukin at magpasipsip kay Rio.
Nabadtrip tuloy ako. Naalala ko na naman na taken na pala si Rin.
“Inom na naman? Sino ba ’yang Rin na ’yan? Hindi na ako natutuwa,” reklamo ni Ron nang magkayayaan kaming uminom pagkatapos ng event.
Pagkatapos noong Christmas lighting umalis na ako. Kaya ko bang titigan ang kinang noong mga kumikislap na Christmas lights kung ’yung gusto ko nasa iba? Siyempre hindi. Nakakabulag eh.
Nakita ko ba namang…nilapitan pa ni Arron. Noong tiningnan ko sa Facebook ni Arron, may post na siyang kasama si Rin, nakahalik pa sa pisngi at nakatayo sila sa harap noong Christmas tree sa school. O edi sila na. Isabit ko ’yang Arron niya sa tuktok ng Christmas tree eh. Nakakabanas din.
Hindi katulad noong nauna naming inuman na masyado akong broken, ngayon ay chill nalang. Parang ayoko nang ulitin iyong mga videos na halos halikan ko ang sahig sa sobrang lasing. Idagdag pang magiging pulutan ka agad kinabukasan. Ako pa naman ang profile picture ngayon ng gc at mukha ko noong lasing na lasing ako.
“Ang ganda ba niyan, Rick?” kumpirma ni Tyler. “Para naman malaman ko kung worth it itong pagkasira ng kidney ko ’di ba?”
“Sobrang ganda,” sabi ko at tinanggap ang inilahad na shot ni Mavric nang siya ang naging gunner.
“Patingin nga ng pictures?” si Ron.
I showed my middle finger. “O ito picture.”
Tumawa sila. Nailing si Brent at may ngiti sa labi. Katulad ng sabi ko, hindi ako mahilig magyabang. Saka na kung akin na. Ang pangit naman kung ipagmamayabang ko tapos nasa iba. Baka lumabas pa akong kabit. Nakakainsulto.
“Ayan tayo eh. Ipinagdadamot. Ano ka, si Brent? Hanggang ngayon walang pinapakilala. Baka hindi na totoo ’yang mga kinababaliwan niyo ah?” Nagkamot ng batok si Tyler.
Mavric smirked and looked at Shiloh, who’s silently munching another chicken joy.
“Sumpa talaga ’yan,” natatawang si Ron. “Tingnan mo si Con…”
Saka namin tiningnan lahat si Con na pangiti-ngiti na naman sa phone niya. Napaangat siya ng ulo at unti-unting napawi ang ngiti nang makita niyang siya na ang tinitingnan namin.
“Dude, itigil mo ’yan. Masasaktan kana naman. Huwag ka munang makipagbalikan. Let’s focus on Rick first. Hindi na kaya ng atay ko kung pati ikaw brokenhearted,” reklamo ni Tyler.
“Dalawa raw kasi ang kidney mo, Tyler. Pwede si Rick ang sisira sa isa, si Con naman ang sa kabila,” natatawang si Mavric.
“May bagong post eh. She’s so gorgeous… Look.” Saka niya ipinakita sa amin.
Medyo gets ko si Con talaga. Kahit brokenhearted ako ngayon, kulang nalang ilagay ko sa kisame ’yung picture ni Rin para paggising ko mukha niya agad ang bubungad. Kahit nga sa panaginip siya na ang laman. Kulang nalang ipalit ko ang mukha niya roon sa desktop ng computer ko. Kinakaya ko pa namang si Avril Lavigne…
Ayoko rin talaga siyang makasalubong sa Green Residences. Baka pag makita ko silang dalawa ng boyfriend niya, hilingin ko pang ma trap sila sa elevator ng ilang oras. Kaso naaawa ako kay Rin. Ayos lang kung mag-isa si Arron. Kaso silang dalawa pa. Dagdag sa pag ooverthink ko lang ’yon.
Hindi naman masyadong naging madrama ang pagiging brokenhearted ko dahil may mga siraulo akong kaibigan. Hindi nga lang maka move-on. Edi kung may boyfriend siya, bahala siya. Basta ako…suportado ako kung saan siya sasaya. ’Yun nalang.
Nagpaplano akong umuwi after ng game sa Malabon. Doon din ako mag C-Christmas lalo na’t magiging kasama rin namin si Simon. Kaso malapit na rin ang game kaya iyon na rin muna ang pinagkaabalahan namin. Ibang balita nga lang ang bumungad sa amin na hindi namin inaasahan.
“Tama na, Rick.” Hila sa akin ni Con na itinulak ko palayo.
Natulala ako sa video na napanood namin. Before I could even feel myself, I had already punched the wall countless times. Kung hindi ako pinipigilan ni Con, baka nadurog na ang kamay ko.
Fuck! Angat baba ang balikat ko. Gusto kong magbasag dahil sa nanginginig na galit at sa mga memoryang bumabalik sa isip ko.
“Kailan lang ’yan, Tyler?” tanong ni Ron.
“Hindi ko rin alam. But that’s the reason why he got kick-out. Nangmolestya raw…” ani Tyler.
I grunted unbelievably. Ito ’yung sinasabi niya sa akin pero…hindi niya sinabing ganito kalala! Tang ina!
Sinipa ko ang dingding at muling nagpalipad ng suntok doon. Sa pumulang puting pader, alam kong nasugatan ko na ang kamao ko sa lakas ng suntok ko.
“Rick,” si Tyler ang muling pumigil sa akin.
“Tinawagan ko na si Brent. Papunta na,” ani Mavric nang naglakad papalapit dito dala ang kanyang phone.
Napaupo ako sa sahig, mariing pumikit habang ramdam ko ang panghahapdi sa nasugatan kong kamao. Sobrang ingay ng isipan ko. Parang humalo ang video na iyon sa gabi noong sinusubukan kong sumigaw, o patigilin man lang ngunit patuloy niya iyong ginagawa.
At hindi ko tanggap na wala pa rin kaming magagawa rito. Na may mga demonyo na namang malaya ang konsensya habang ang kanilang mga biktima ang makukulong sa pandidiri sa sarili.
Bakit ba ganoon? Bakit biktima lagi ang nahihirapang humingi ng tulong? Ganito ba talaga ka sahol ang tingin ng ibang mga lalaki sa bakla na bubugbugin sila para lang sa ganoon ka babaw na dahilan kahit hindi naman sila pinakialaman? Fuck!
“Reagan,” muling tawag ng therapist ko nang makita niyang hindi ako maka focus, nakayuko lang at nakakuyom ang kamay kong may bandage na.
The video triggered me, which made me visit the clinic again the next day since I couldn’t sleep a wink. Akala ko…maayos na ako. Akala ko, unti-unti ko nang natatanggap. Pero talagang hindi mo mapipilit ang sarili mong maging maayos agad sa isang bagay na ang hirap kalimutan.
Ilang oras ko ring iniyak ulit iyon sa harap ni Doc Jane. Siguro nga, kahit ilang hakbang pa ang gawin ko, hindi ako lumalayo sa nakaraan dahil bitbit ko naman iyon lagi. Sadyang nakatago lang sa likod ng isipan ko, parang bagyong naghihintay lang na bumuhos.
Maraming nangyari sa mismong game lalo na’t nadala ko rin ang galit ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos ng ginawa namin, pero hindi ko pinagsisihan na nailabas ko ang galit ko sa mga demonyong kagaya nila.
Pagkatapos ng game, kinuha ko nalang din ang gamit ko sa Green Residences para makauwi sa Malabon. Palabas na ako sa unit ko nang makita ko siya ulit.
Pabalik siya at mukhang papasok pa lang. Mabilis agad ang kalabog ng dibdib ko. Nanood ba siya ng game? Nahiya tuloy ako ngayong naaalala ko ang sinasabi ni Tyler na hindi ko naman kailangang maghubad. Ba’t nga ba ako naghubad?
Ngunit sa kabila ng ingay ng isip ko, nanatili akong seryosong nilolock ang unit ko, siya naman, pinapasok na ang susi sa unit niya. Kahit hindi ko lingunin, talagang nakikita ko ang tindig niya.
He’s wearing his usual signature look. But this time he’s in his striped baby pink long sleeve, white t-shirt, jeans, and white sneakers. May suot pa rin siyang gitara sa likod at nakaatras ngayon ang buhok niya. Kung may napansin man ako, iyon ay ang suot niyang bracelet sa kaliwang kamay.
Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung magagalit ako o maiinsulto na parehas iyon ng bigay kong bulaklak. A tulips mixed with white pearls and green leaves. Kung si Arron ang nagbigay, talagang gago ang isang ’yon. Walang originality.
Napabaling siya sa akin at doon ko napagtantong titig na titig pala ako sa bracelet na suot niya. He slowly pulled down the sleeve of his shirt and tried to hide it.
I was so pissed that my brows were already knitting roughly as I walked past him and didn’t utter anything after locking the door of my unit. Kahit mabibigat ang paghakbang ko, sinikap kong hindi na lumingon.
Kahit…Merry Christmas nalang siguro, Rick. Batiin mo. Baka may malisya? Binigyan ko ba naman ng bulaklak. For sure, he already knows my plans during that time. Manliligaw dapat ako. Alam niyang…may gusto ako sa kanya. Pero hindi naman ako gago na magpapapansin kahit alam kong taken at masaya ’yung tao.
“Reagan,” he called.
Hindi natuloy ang sunod kong hakbang at wala sa sariling lumingon sa kanya. Ang bilis bilis ng kalabog ng dibdib ko. Tinawag lang ang pangalan ko pero iba na agad ang dating sa akin.
“Ano ’yon?” sabi ko, pigil na pigil na hindi ipakitang may interes ako sa sasabihin niya kahit kuryoso ako sa sasabihin niya.
“Pinapasabi ni…Rio…Merry Christmas daw…”
Si Rio? Eh ikaw? Wala ka bang sasabihin? Tumango lang ako at pilit na ngumiti kahit alam kong hilaw.
“Ah…pakisabi rin Merry Christmas,” sabi ko, tiningnan pa ang pulso ko at nagkunwari nalang na nagmamadali. “Alis na ako,” paalam ko.
“Ah…oo…sige…” he slightly smiled and pulled his gaze off me.
Tumalikod agad ako, malalaki ang hakbang palayo at baka kung ano-ano pang masabi ko pero…Merry Christmas, Rin. At tama nga si Arron. Ang sakit mo pala talagang mahalin.
Chapter 30
Trigger Warning: Mention of rape
Choice
Tama ba ’yon?
Kanina pa magkasalubong ang kilay ko habang nasa taxi na, iniisip kung tama ba ’yung sinabi ko. Oo nagmamadali naman talaga ako, pero umiiwas din.
Binuksan ko ang phone ko para i-check kung naka deact pa rin si Rio. S-in-earch ko sa Facebook at talagang deactivated pa talaga. Huling post no’n na nakita ko ay brokenhearted. Ang korni ng batang ’yon, pero gets ko rin.
Pero ayos lang ba ’yung sagot ko kanina? Dapat pala binati ko nalang talaga eh. Pwede naman ’yon ah?
Nasa isip ko iyon hanggang sa nakauwi. Kahit nagshower na, natutulala pa ako sa salamin at iniisip iyon. Napatingin ako sa sarili nang mapansing tumutubo na ang buhok ko. Hinaplos ko iyon lalo na’t wala na akong planong magpagupit. Papahabain ko.
“Reagan!” nangingiting bati ni Lola sa hapong iyon nang pumasok ang kotse nila sa bukas na gate at mabilis ko siyang dinaluhan para alalayang bumaba.
Kasama niya si Lolo na isa ring inalalayan ng kasama nilang kasambahay. Inayos niya pa ang suot na glasses para tingnan ako.
Kinuha ko ang kanyang kamay at nagmano na rin. Ngiting ngiti siya sa akin. Ang suot niya ay akala mo sa opisina tatambay kaya ang pormal tingnan at may sombrero pa. Iba ang fashion nito. Akala mo may runway siya lagi sa Chanel kaya ganito manamit. Tapos si Lolo parang napadaan lang at naka tsinelas pa.
“Mama! Papa!” si Mommy na lumabas rin, may pamaypay na naman, at nangingiting lumapit para makahalik.
Kinuha ko ang mga dinala niya na nasa loob at tinulungan ang kasambahay na medyo nahihirapan din doon. Malawak ang ngiti ni Lola habang tumitingin tingin sa akin.
“May regalo ako diyan sa’yo,” parinig ni Lola nang bumalik ulit ako sa kotse para kunin ang iba pa.
“Ako rin,” singit ni Lolo at may pinapahiwatig pa lalo na’t talagang natawa si Lola.
Tuwing Christmas, para silang lumilipat sa bahay namin sa dami ng dala. ’Yung iba naman puro sa akin. Mamaya, dadating din ’yung mga Tita at Tito ko kasama ang mga pinsan ko. Ginagawa talaga nilang gatherings ang bahay namin tuwing Christmas para hindi lang kami ni Mommy tuwing pasko.
Iniisip ko tuloy kung…umuwi rin ba siya? Pabalik siya sa unit niya ah? Uuwi naman siguro ’yon. Christmas eh.
Kaso di ako mapanatag kaya kinuha ko ang phone ko at ch-in-at si Shiloh.
Reagan:
Shiloh?
Maingay na sa sala dahil nandoon na sila Lola at Lolo, nakaupo sa sofa at nakikipagchikahan kay Mommy habang nakasandal ako rito sa kitchen sink, nakatitig sa screen ng phone ko.
Shiloh:
What?
Umismid agad ako. Gagong Brent ’to ah? Siya ba ang hinahanap ko at siya ang sumasagot? Typings at english pa lang alam ko agad na siya ’to. Sino pa ba?
Reagan:
Nasa’n si Shiloh?
Nakikita ko agad ang magkasalubong na kilay ni Brent. Ngumisi ako nang maalala kung paano namin siya inasar kahapon. Lumuhod ba naman…
Shiloh:
Bathroom.
Reagan:
Diyan lang kayo mag C-Christmas? Dumating na ang Mommy mo?
Shiloh:
Not yet.
“Reagan!” tawag ni Lola kaya naisilid ko tuloy ang phone ko sa bulsa para lumapit sa kanila.
Tumabi ako kay Lola. Tumingin si Lolo sa akin, nang-uusisa ang tingin at talagang alam ko kung ano na naman ang mga tanong nila.
“Inimbitahan mo ba ang girlfriend mo?” tanong ni Lolo.
Tiningnan ko agad si Mommy na patay-malisya, kulang nalang umiling sa sobrang guilty. Ano ba ang pinagkukwento niya?
“Ah…wala pa po akong girlfriend, lo. Basted nga eh…” ngisi ko na ikinahalakhak ni Lolo, si Lola ay halos sumimangot, at ang malakas at madramang hiyaw ni Mommy.
“Ano?!” si Mommy na nalaglag ang panga.
“Ay bakit naman nabasted eh ang pogi ng apo ko?” si Lola.
“Nakipagbalikan sa ex, la. Pero mukhang may ano ata ’yung gusto ko, sakit sa mata. Balak ko ngang bilhan ng salamin baka sakaling magbago ang isip pag nasuot niya.”
Malakas ang tawa ni Lolo habang hinampas naman ako ng pamaypay ni Lola. Ngumisi ako at humalukipkip.
“Si Angela ba, Reagan? ’Yung maganda mong kaibigan?” si Mommy.
“Hindi, my.”
“Ay oo nga pala, may rules kayo sa circles niyo na bawal patulan ang isa’t isa. Pero maganda ’yon ah? Fashionista.”
Doon na umikot ang topic. Noong dumating ang kotse ni Simon, saka lang iyon nalihis. Hanggang sa pagdaan ng ilang minuto, sunod sunod na kotse na ang dumadating. Puro Vallejo rin eh. ’Yung side kasi ni Mommy medyo malalayo. Hindi na kayang dumayo.
Nagpost ako sa Facebook ko ng Merry Christmas at isang picture na nasa mesa kaming lahat at nakukuha ang malaking Christmas tree sa gilid ng enggrande naming hagdan.
Ang hirap talagang magpost kung hindi mo friends ’yung gusto mong patamaan. Useless din. Pero p-in-ublic ko pa rin. Malay natin maisipang bisitahin?
I even changed my profile picture. Ako iyon. S’yempre ako talaga. Ang pangit kung hindi? Facebook ko tapos mukha ng iba?
Nakaupo sa hagdan, nakaparte ang mga hita at magkasalikop ang kamay habang seryoso lang na nakatingin sa camera. Wala pa lang segundo, marami agad likes at nagdadagsaan ang comments na tiningnan ko isa isa.
Ronan Slade Veniel:
Aanhin ang keso de bola tuwing pasko kung kontento na ako sayo?
Maverick Evander:
Merry Christmas ang caption pero pang Halloween ang mukha. Pakilabas ng killer smile.
Conrad Norris:
Merry Christmas, Rick! Aanhin ang gifts kung ikaw ang hiniling ko kay Santa?
Tyler Coast Cervando:
Angas ah? Ito na ba ’yung si ‘Huhu bakit hindi ako?’ na nakaluhod sa loob ng banyo ni Con?
Tang ina talaga. Kung limited lang itong middle finger na emoji, naubos ko na siguro dahil iyon ang reply ko sa kanila isa-isa.
Pumasok ulit ako sa bahay nang tawagin ako para magbukas ng gifts. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na niregaluhan ako ng isang set ng brief ni Lolo o ano pero ayos na rin.
“Ito ba ’yung mga brief mo noong kabataan mo at pinapamana mo na sa akin ngayon, lo?” biro ko kaya naghalakhakan silang lahat lalo na’t tumayo pa ako para i-check kung kasya.
May regalo rin sa akin si Simon. Sapatos iyon at pang basketball. Limited edition pa. Si Mommy naman, ang regalo sa akin ay ’yung latest na Playstation. Ako lang ang tinitingnan nila at nagvivideo habang isa-isa kong binubuksan lahat ng regalo.
Si Rin kaya? Gusto ko tuloy umalis bukas para tumingin sa Mall ng pwedeng iregalo. Pero tatanggapin niya ba? At ang pangit naman no’n. Taken tapos reregaluhan ko?
“Ayos lang ’yon ah?” ani Tyler nang kinabukasan, nagkita kaming lahat at pumunta sa Cebu, sa bahay nila Shiloh.
Kasama namin ’yung mga kapatid ni Mavric. ’Yung dalawang bubwit na ang babae ay masyadong madaldal at ’yung lalaki ay medyo snob at tahimik. Magkasalubong pa minsan ang kilay pero kung kakausapin mo naman medyo attentive.
Nasa kandungan ni Shiloh iyong babaeng si Riri, si Jester naman ang nasa tabi ni Tyler at napapagitnaan nila ni Mavric dahil nawiwili si Tyler sa kanya. Para daw silang magkapatid dahil sa buhok. Feeling din.
“Kaya ka talaga nasasampal dude,” malakas na halakhak ni Ron.
Nasa bahay na kami nila Shiloh at inukupa na ang bawat upuan sa harap ng malaki nilang table. Doon ko rin nasingit magtanong kung pwede bang magregalo kahit taken na. The girls don’t agree. The boys don’t think of it as something important that could ruin a relationship. Pero walang kwenta ang opinyon nitong boys kaya sa girls ako maniniwala at baka ikapahamak ko pa ’to. Si Tyler pa lang ang boboses…alam kong hindi na agad maganda eh.
“’Yan ba ’yung nakakalap namin kay Tyler na si Rin? Niluhuran mo raw ang banyo ni Con kakaiyak dahil b-in-asted ka,” natatawang si Gabriella.
Sinipa ko agad sa ilalim ng lamesa ang paa ni Tyler lalo na’t katabi ko siya. Umalog pa ng kaonti ang mesa at sinaway agad kami ng girls, pinaningkitan ng mata na wala kami sa bahay nila Angela para maging ganito ka gulo.
Sa totoo lang, sobrang strict tingnan ng Mommy ni Shiloh. Parang nakakatiklop. Iyong typical Chinese na talagang mabigat ang tingin sa’yo at akala mo alam niya ang patong patong mong kaso kaya ganoon makatingin.
Pero buti nalang marami kami at makakapal lahat ang mukha kaya nawala rin ang takot. Idagdag pang nandito rin ang maingay na mama ni Brent na palangiti at kinakausap kami, isa sa kanila pa panay serve ng pagkain pagdating namin dito, naging komportable naman agad kami.
“Pero pangit din kasi ’yon, Rick. Parang ang bastos sa dating ng boyfriend niya. Alam mong taken tapos…” ani Angela kaya kumalma ako.
I nodded. “Oo eh. Feeling ko rin masusuntok ako no’n.”
“Ayos lang ’yon, dude! Suntok lang naman! Malayo ’yan sa bituka!” si Ron na agad nilang ikinahagalpak ni Tyler at nag-apir.
“Makapal kamo ang mukha niya. Tumabi-tabi muna siya at sagabal siya sa relasyon niyo ng crush mo,” gatong ni Mavric at silang tatlo na ang malalakas ang tawa.
“Ayan! Kaya kayo walang mga girlfriend e!” singhal ni Sadie sa amin, pinagtuturo kami.
“At bakit, ikaw? May boyfriend ka?” It was Brent this time.
Umangat ang kilay ni Sadie, palaban ang ekspresyon. “Purket may lovelife ka maangas ka? Excuse me, sinulot mo ang crush ko kaya wala akong boyfriend ngayon?” Sabay tingin ni Sadie kay Shiloh kaya nag ‘ohhh’ kaming lahat para gatungan ang bangayan ng dalawa na talagang normal na sa amin.
“Agawin mo ang crush niya noon, Sadie. Come on. Flirt with Verena,” biro ni Tyler na ikinahalakhak naming lahat kahit pulang pula si Sadie at medyo natawa.
Tumigil lang kami noong lumabas ang mommy ni Shiloh, may dalang pitsel ng juice at inilapag sa harap namin habang hinahalo pa iyon kaya doon kami tumingin.
“Tita mababait po kami. Bata pa at gusto pang grumaduate…Pangarap ko pang magkaroon ng billboard na naka brief lang sa EDSA. Wala naman siguro ’yang lason ’no?” tanong ni Tyler kaya sumabog agad ang tawanan namin at mabilis siyang binatukan ni Ron.
Shiloh’s mother only smiled at us. Hindi namin alam kung napipilitan bang makibagay o minumura lang kami sa mandarin niyang lenggwahe sa isip niya. Baka isipin niya mga bad influence kami kay Shiloh…
“Sorry po at masyado pong maiingay ang mga aso namin…” hingi ng depensa ni Angela.
Umiling siya at ngumiti lalo. “Ayos lang. Ngayon lang nagdala si Shiloh ng friends dito. Gusto ko ring makilala ang mga naging close niya sa Manila dahil kayo agad ang bukambibig niya noong dumating ang anak ko dito.”
We all looked at Shiloh. Pansin namin na mas tahimik siya sa bahay nila pero nakikisali naman sa usapan kanina pa. Hindi siya makulit dito. Parang robot na de baterya. Kung hindi siguro nabanggit ang pangalan makakalimutan kong kasama pala namin siya.
“Kami agad ang bukambibig. Kami kasi talaga ang totoong mahal ni Shiloh. Ewan ko lang sa isa diyan sa tabi tabi…” pagpaparinig ni Tyler at kamuntik nang sipain ni Brent pero nakapagpigil agad.
“Bonus ka lang talaga Brent. Kontento na si Shiloh sa amin.” Ngisi ko.
“As friends? Ah… as friends…” ulit ni Brent at mukhang may lamang kaya napawi ang ngiti ko. Hayop. Ba’t ba ako bumoses?
Nagtawanan agad sila. Tumayo pa si Tyler at minasahe ang likod ko.
“Tumatapang, Rick. Pakitaan mo nga ng bangis mo? Left hook, right upper cut, tapos luhod ka agad at sabihin mong ’Rin, huhu, bakit hindi ako—” Hindi na naituloy ni Tyler ang sasabihin dahil siniko ko agad kaya mas sumabog ang tawanan.
“Pasensya na po…ganyan talaga sila,” si Gabriella na ang bumoses.
“Hala ang plastik ni Gabriella! Tita demonyo po ’yan. Ako talaga ’yung tunay mabait!” si Mica na inaangat pa ang kamay.
“Ay hindi si Shiloh lang talaga ang mabait sa amin!” si Raya kaya isa isa agad kaming nagtanguan, kahit totoo naman, pero nakakakabang tumanggi at baka hindi na makabalik sa Manila.
“Um-oo kayo! Baka di tayo makabalik ng Manila!” si Ron na isa isa kaming tiningnan.
“Ayos lang daw kay Rick. Eh iba nga ’yung binalikan noong isa,” si Tyler na nagpapawi ng ngiti ko.
Talagang tumayo ako para lang iheadlock si Tyler kaya para na kaming mga nakawalang hayop sa hawla sa sobra naming gulo. Naalis pa si Tyler sa upuan niya at nasa sahig na kaming dalawa.
“Masasanay ka rin, Solene. Ganyan lagi ang nararamdaman ko sa anak ko kaya hinayaan ko nalang. Nakakapagod eh,” si Tita Agatha nang lumabas at natatawang inilapag ang dala niyang kaldereta.
“Tita kami rin po. Pwede bang pakibalik nalang si Brent sa tiyan mo? Pagod na kami,” si Sadie.
“Ikaw pa talaga ang pagod sa ating dalawa ah?” Angat ng kilay ni Brent.
“Bakit sa tiyan ko, Sadie? Hindi ba pwedeng sa bayag ng dad niya?” si Tita kaya tumawa kaming lalo.
Humagikhik si Shiloh at ngiting ngiti si Brent na kinukuha ang itinuturo ni Riri na ulam.
Noong nasa airport pa lang kami, ang seryoso naming nag-usap lahat na maging pormal dahil nga chinese rin. Kaso pag kami kami talaga ang nagsama-sama talagang ang hirap magseryoso. Bibig pa lang ni Tyler, panggagatong ni Ron, isa pang si Mavric, sisigundahan ni Con at boboses din ako, tapos talaga ’yang katahimikan dahil sa mga bibig namin. Si Brent, makikisali minsan pero hindi gaano kaya siya nalang ang inaasar namin para kasali pa rin siya sa biruan.
“Si Brent ang behave,” bulong ni Angela kay Sadie.
“E s’yempre nagpapasipsip,” bulong pabalik ni Sadie pero nilakasan.
Ito rin eh. Kahit girls sa amin kaugali namin. Iba rin talaga ang ingay ng mga ’yan.
Nagpost ako sa Facebook habang patungo na kami sa strawberry farm nila Shiloh. Medyo malayo pala sa totoong bahay nila rito sa Cebu. Nasa may parteng probinsya.
P-in-ost ko ang picture naming boys na nasa kama ni Shiloh, nakadagan kami sa isa’t isa at si Shiloh ang natatawang pumatong sa pinaka itaas, sa ilalim niya ay si Brent kaya sobrang bigat. Gago rin. Ayaw pumayag magpailalim tapos ako ang nasa pinaka ilalim.
“Wala lang ’to sa bigat ng naramdaman mo noong binalikan niya ang ex niya, ’di ba, Rick?” at naririnig ko pa ang boses ni Tyler sa isip ko habang tinitingnan ang picture. Ayaw na akong tantanan.
Maganda ang farm nila Shiloh. Sa harap noon ay nandoon ang resthouse nila na pagmamay-ari pala ng namatay niyang lola noong nakaraang taon, sa mismong birthday niya.
“Ito si Lolo. Patay na rin eh. Namatay siya katulad ng sakit na rason kaya namatay rin si Papa…” kuwento ni Shiloh nang dumating kami at pinagtitingnan ang frames na nandoon sa dingding.
“Oh? Hindi ba’t naoperahan ka rin, Shi? ’Yun ba ’yon?” tanong ni Tyler.
Mabilis ang pagkakasalubong ng kilay ni Brent. “Healthy na ang lifestyle niyan. Hindi ’yan mangyayari. Hindi ako papayag,” ani Brent kaya siya lahat ang tiningnan namin.
Gusto sana naming biruin pero parang ang sensitive ng topic kaya kahit isa, walang bumoses. Ibang usapan na rin eh. Pinagyayakap pa si Shiloh ng mga girls kaya ginaya ni Ron at Tyler at si Brent ang niyakap na pinagtutulak lang sila.
Ang dami dami naming ginawa sa Cebu. Naging powerpoint din ang Facebook ko at puro mukha nila ang mga naroon, o kami na talagang maiingay. Idagdag pang may vlog na naman si Angela at iyon na ang bukambibig niya noong pabalik na kami sa Manila.
“Yung chill lang sana, Tyler. Pero may beat pa rin,” ani Angela na nagtatanong ng music background na gagamitin niya.
“Are You Bored Yet by Wallows featuring Cairo…” si Tyler na pumipikit pikit na sa sobrang pagod lalo na’t nasa van na kaming lahat.
Nagkawatak watak din naman kami. Bumalik ako sa Malabon lalo na’t nagp-prepare na rin para sa New Year. Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang tinitingnan ang nabiling souvenir sa Cebu. Gumala rin kami sa mga Malls doon kaya noong may binili si Tyler, ginaya rin namin nila Mavric. Mahilig yata ’yon sa perfume eh. Masyado kasing mabango. Pero hindi ko alam kaya…nagtanong ako kay Shiloh.
Fuck. Maibibigay ko ba ’to? Bakit pa ba ako bumili? Hindi na ako magtataka kung balang araw magkakasuntukan kami ni Arron eh. Hindi nga ako nanggugulo pero hindi naman maka move-on.
Masaya naman ang New Year ko. Hinintay ko lang din talaga na matapos muna bago ko sasabihin.
“Thank you anak…” ani Mommy nang kami nalang sa bahay at nakauwi na si Simon. Sa dami daming ginawa, hindi ko nga alam kung nakaya ba no’n ang energy ni Mommy.
“Nakikita ko na kinikilala mo talaga si Simon. Alam ko na ginagawa mo ’to para sa akin but still…thank you for trying…” ngiti niya at hinaplos ang pisngi ko.
Nasa sala pa kami at hinatdan niya lang ako ng mango float lalo na’t naglalaro ako ng video games at p-in-ause lang muna iyon para kumain.
“Nagbasketball pa kayo noong nakaraan! Ang saya saya ko. Sobrang napapasaya mo si Mommy,” she conversed in her usual soft and childish way.
Ibinaba ko saglit ang platito. “Wala namang kaso sa akin, my. Kahit noon pa, handa naman ako kung balak mong subukan ulit. Eh suportado naman kita.”
Nagningning ang tingin niya sa akin. “I’m sorry ha…medyo nagbabago ka kasi lately. Pero parang bumabalik kana nga sa dati oh? I know it’s because of the influence of your new found friends, sila Shiloh…pero talagang nanibago ako sa’yo ng ilang taon, Reagan. Kaya natutuwa ako na medyo bumabalik kana ngayon sa dati. Nakikipagbiruan kana ulit sa amin. Kahit ang Lolo at Lola mo, napansin na ang gaan gaan mo rin ngayon.”
Alam ko naman. Ibang iba ako sa dating ako. Pero paunti-unti ko na ring pinapalaya ang sarili ko sa nakaraan.
I sighed before looking at her seriously. “Naalala mo ’yung kinse ako, my?”
Napakurap kurap siya. “Kinse? Noong…hinatid kita sa clinic? Oo naman. Doon ko unang napansin na nagbabago ka eh.”
Tiningnan ko ang paligid kahit alam ko namang naka leave pa ang mga kasambahay dahil nga kakatapos lang ng New Year kagabi. Noong ibinalik ko ang tingin sa kanya, ramdam ko ang kaba at seryoso ni Mommy at nakaabang sa sasabihin ko.
Tiningnan ko ang kamay niya at kinuha iyon. Nahulog ang tingin niya doon. Hinaplos ko ang likod ng marahan gamit ang hinlalaki kong daliri.
“Hindi ba nagparty ako no’n?”
She nodded attentively. “Oo. Tinawagan ako noong kaibigan mo. Nakatulog ka sa house party kaya hindi na kita nasundo. Uminom ka ’di ba?”
I nodded too. Sanay naman kasi siyang sinasabi ko ang lahat sa kanya pero…iyon ang unang beses na may hindi ako sinabi.
“May hindi ako sinabi no’n, my…”
Sumayaw ang kislap sa mga mata niya, titig na titig sa akin. Lumunok ako, inisip ang mga sessions ko kung paano ko iyon kinwento kay Doc Jane. Siguro noon, pag naoopen up ni Mommy, nagagalit ako dahil ayokong harapin iyon. Ayokong isipin. Pero ngayon…handa ako. At unti-unti kong naiintindihan ang emosyon ko, unti-unting naliliwanagan kung bakit ganito ako.
“Hindi ko nakumpirma kay Mike kung na spike ba ’yung punch kaya ang bilis ng tama noong alak sa akin pero may nakilala kasi ako sa gabing iyon.”
At katulad ko, mukhang kahit si Mommy ay natuto na huwag agad akong pangunahan dahil alam niyang naririndi o nagagalit agad ako pag sinasabi niyang baka nga may girlfriend ako sa gabing iyon. Tahimik niya akong tiningnan ngunit sa unti-unting paghigpit ng hawak niya sa akin, nararamdaman kong hinahanda niya ang sarili niya.
“May nakilala akong lalaki. Hindi ko kaedad. Nasa 20’s na. Hindi ko alam na…bakla siya.”
Her eyes widened in disbelief. Sa pagkakasalubong ng kilay niya, sa paglambot ng tingin niya, sa humahalong kaba sa kislap ng mga mata niya, alam kong ramdam niyang masakit ang aaminin ko.
I bowed my head a bit, furrowed my brows and swallowed hard.
“Kaya ayoko kay Simon noon dahil pinapaalala niya sa akin ang pangit na nakaraan ko, my…” malinaw kong sabi kahit ramdam ko agad na mababasag ang tinig ko ano mang oras.
“Ayoko sa mga bisexual, o mga bakla. Basta ayoko sa mga lalaking pumapatol sa kapwa nila lalaki, my. Kaya ayokong kilalanin si Simon at iniwasan ko siya dahil ayokong maalala iyong nangyari sa akin noong…” I lifted my head to look at her wearily. “Noong kinse lang ako.”
Sa nanginginig niyang labi, sa nanlalabong tingin, sinubukan niya akong tingnan sa matapang na paraan. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko, na sa takot niyang bitiwan iyon, baka anong mangyari sa nag-iisa niyang anak.
“My…” I sighed heavily, licked my lower lip and smiled at her weakly. “Nagahasa a-ako no’n…s-sa party… ng…ng bakla…”
Namilog ang mga mata niya. Sa biglaang paglambot ng hawak niya, alam kong gumuho siya bago ko pa siya mahawakan.
“D-Dinala ko iyon ng ilang taon, my… Inisip ko pa na baka simpleng hawak lang kasi…kasi ayokong kumpirmahin na ginahasa ako. Pero naaalala ko, my.”
Hindi siya nagsalita, ngunit sa namumulang mga mata at nanginginig na kamay, alam kong durog na durog siya.
“Pero ayos na ako. Sinusubukan ko. At nakaya ko. Kaya nga kinikilala ko na si Simon kasi…hindi na ako nandidiri sa kanila.” Ngumiti ako kahit na basa na ang mga mata at unti-unting pumapatak ang luha ko.
She looked so shock and hurt. Halos pakiramdam ko, tumigil siya sa paghinga at nawala saglit sa sarili.
“T-Tubig, i-ikukuha kita…” ani Mommy at binawi ang kamay saka siya tumayo, nagmamadaling pumunta sa kusina.
Yumuko ako sa nakaparte kong hita at hinawakan ang ulo ko, pumikit na sana…maging maayos ito. Na sana hindi niya sisihin ang sarili niya.
Sinundan ko siya lalo na’t pansin kong wala na siya sa sarili niya. Nauna siyang pumasok sa kusina, sumunod ako at nasa likuran niya. Nang hawakan niya ang baso, magsalin ng tubig at nabitiwan iyon, huli na para saluin dahil kahit siya, napahawak nalang sa gilid ng sink at nanghihinang napaupo sa sahig habang tinatakpan ang bibig.
Nanginginig ang balikat niya nang daluhan ko siya. Umiling siya, tanging masakit na iyak ang naririnig sa kanya. Buong buhay ko, pamilyar ang iyak na iyon sa akin dahil narinig ko iyon noong namatay si daddy. Ganoon ka sakit ang iyak niya na pinangako kong hindi na iyon mauulit—o sana hindi ko na marinig.
Ngunit ngayon, para kong nakita ang araw na iyon, kung paano siya lumuhod sa puntod ni dad at pasigaw halos ang iyak.
Yumuko ako at tiningnan ang kamay niya kung nasugatan ba, ngunit hinila ako ni Mommy at niyakap ng mahigpit hanggang masubsob ako sa leeg niya.
Pumikit ako at doon umiyak. Humigpit ang yakap niya sa akin, halos kumapit sa akin na para bang nalulunod siya at kailangan niya ng lakas ko dahil masyado siyang nanghihinang lumaban.
“N-Natakot ako…” bulong ko. “Kaya hindi ko masabi s-sayo…”
Mas lumakas ang iyak niya. Akala ko handa akong pakinggan iyon. Handa akong aluin siya. Handa akong ipakita na ayos na ako para tumahan siya. Ngunit mali ako. Hindi ko kaya.
“S-Sinong may gawa?! Sino?!” sigaw niya. “Reagan, makakapatay ako! Sino ang hayop na ’yan?!”
Hindi ako nagsalita. Parang mapupunit ang lalamunan ni Mommy na kahit ako, nasasaktan na marinig ang durog niyang iyak.
“P-Paano mo…nagawang itago ito sa akin… Wala akong nagawa p-para sa’yo…Ina mo ako…ina mo ako, Reagan…” hikbi niya.
Umiling ako.
“Natakot ako, my…” namamaos kong bulong.
Nalulukot niya na ang damit ko at basang basa na rin ang balikat ko ngunit hinayaan ko. Pakiramdam ko, pinatay ako sa isip niya kaya ganito niya ako iyakan.
“Mahal na mahal kita at hindi ko ito m-matatanggap, Reagan. Hinding hindi ako magpapatawad. Walang kapatawaran i-ito. Wala akong pakialam k-kung sa kulungan ang bagsak ko dahil talagang gusto ko siyang patayin…lalo na’t pinatay niya ang anak ko! Pinatay niya ang dating ikaw!”
Unti-unti akong humagulhol at niyakap din siya ng mahigpit.
“Ilang t-taon…ilang taon kong inisip kung anong nangyari sa’yo at ang laki laki ng pagbabago mo, na halos hindi na kita makilala…tapos malalaman ko ito? Pinatay ka niya noon! P-Pinatay niya ang pangarap mo! K-Kinuha niya ang kalayaan mo! Kinuha niya sa akin ang inosenteng anak ko!”
Humikbi ako. Parang nababasag na alaala ng kabataan ko kung gaano ako ka sayang tingnan noon.
“Babawiin natin ’yon. Kukunin natin pabalik ang kinuha niya sa’yo. Mabubulok siya sa kulungan, anak. Hinding hindi ko siya titigilan. Lahat…lahat ng nanakit sa’yo sa gabing iyon, lahat sila…wala akong pagbibigyang makawala. Hinding hindi ko sila patatawarin! Sisiguraduhin ko na pagbabayaran nila iyon!”
I nodded weakly.
“Naririnig mo ba, anak?” Hinarap niya ako, hinawakan ang magkabila kong pisngi kaya nakita ko kung gaano ka basa ang mga mata niya.
I nodded weakly again. “Naririnig ko, my…”
Humaplos ang hinlalaki niyang mga daliri sa bawat gilid ng pisngi ko, bigo akong tiningnan.
“Sorry, Reagan…k-kung naranasan mo iyon. Ang bata bata mo pa… Ginawa ko ang lahat…p-para tumayong ama mo…dahil tayo nalang p-pero nasaan ako…n-noong kailangan mo ako? Pakiramdam ko naging pabaya akong ina…”
Umiling agad ako at ipinatong ang aking kamay sa kanyang kamay. “Wala kang kasalanan…walang may kasalanan no’n, my. Hindi ako nabastos dahil pabaya ka. Hindi ako nabastos dahil sa damit ko. Hindi ako nabastos dahil sa kasarian ko. O dahil sa mukha ko. Nabastos ako dahil ginusto niya.”
Hindi siya nagsalita at nanginginig lamang na umiyak.
“Wala sa atin ang mali, my. Walang ni isang rason ang makakapagpatunay na nasa biktima ang kapabayaan. Ang rapist ay rapist, my. Pinili niya iyon. Walang kahit anong pang-uudyok ang makakapagpabago ng isip ko na naging ganoon sila dahil tinukso ng biktima. Hindi. Ganoon sila dahil marumi ang utak nila. Dahil demonyo sila.”
There is no excuse that would justify the victim being blamed for being assaulted or even harassed. Rapists exist because it is the abuser’s choice—not because they were lured or seduced.
“At ang mga ganoong tao, walang karapatang maging malaya…Walang karapatan, Reagan… Sisiguraduhin kong magbabayad siya sa ginawa niya sa’yo…” aniya sa galit na tinig.
Chapter 31
Concert
“She broke up with me.”
Nalaglag ang panga ko. Nakipaghiwalay talaga si Mommy?
Namaywang siya, magkasalubong ang kilay habang naka puting t-shirt, jersey shorts at puting sapatos habang nasa isang court kami.
I met up with Simon since he seemed bothered. Kasalanan ko rin eh. Hindi na pala siya pinansin ni Mommy simula noong araw na nag-open up ako. Kakauwi ko lang ulit sa Malabon at papatapos na ang Enero, pero hindi ko inaakalang umabot sa langit ang galit ni Mommy na kahit si Simon, nang malaman niya ang trauma ko, ay mabilis niyang hiniwalayan.
Nagkamot ako ng batok. Nakatingala si Simon sa langit at nag-iisip.
“You’re probably part of her decision. Are you okay?” bigla niyang tanong.
“Bakit ako? Hindi ba dapat si Mommy ang tanungin mo niyan? Hindi ko naman sinabihan ’yon na hiwalayan ka niya.”
Nagkibit siya. “I know your mom. If you’re happy, she’s happy. If you’re sad, she’s beyond that. Sinabi mo na ba?”
Huminahon ako at pinulot ang bola na kanina ko pa inaapakan. He alertly looked at me when I started dribbling it. Naglakad ako papunta sa ring ngunit dumepensa siya kaya paliko ko iyong inambahang i-shoot na tinalon niya at hinampas ang bola kaya tumilapon sa gilid.
Hinabol ko iyon at muling sinubukan. Noong nasa harap ko na siyang muli, nag-amba akong pumunta sa kaliwang bahagi at doon siya agad dumepensa kaya maliksi akong lumiko sa kabila, ngumisi sa kanya at patalong ipinasok ang bola sa ring.
“May nakwento lang ako. Hindi kasi ako masyadong komportable sa mga kagaya mo noon. Mga bisexual…”
Namaywang siyang muli habang nilalapitan ko ang tumbler na nasa sahig lamang.
“How about now?”
Nilingon ko siya saglit at binuhos ang tubig sa bibig ko. Noong makalahati, lumapit ako at inilahad sa kanya. Kinuha niya iyon at tumingala rin para ibuhos ang tubig sa kanyang bibig.
“Marami na sa mga kaibigan ko ang mga bisexual. At nakwento ko naman na ’yung nagugustuhan ko bisexual din. Marami na akong nakikilalang nagpapabago ng isip ko na hindi lahat ng katulad niyo, katulad noong unang nakilala ko.”
Pinunasan niya ang labi niya. “Ano bang balita roon sa gusto mo?”
Nagkibit ako at pinaypayan ang tiyan ko gamit ang dulo ng aking jersey.
“Ayon. Masaya yata sa ex niya. Nagbalikan eh.”
“Niligawan mo ba?”
“Hindi ko pa nga ’yon naliwagan b-in-asted na agad ako. Badtrip din.” Pairap ko iyong sinabi.
“Were you two friends or…”
“Enemies? Nilait ko ’yon noong unang kita ko eh. Sabi ko hinuhuthutan siya noong ex niya. Tapos nalaman ko magkapitbahay lang pala ang unit namin. Itong circle ko kasi mababangis. Sasamahan ka sa biruan pero kung may toxic kang ginawa at hindi mo itatama, kick out ka sa grupo. Kaya ayon, noong una takot lang akong maalis kaya ko gustong magsorry. Kaso…”
Naalala ko agad ang mga gabing titig na titig ako sa kanya at kuryosong bababa ang tingin ko sa makintab niyang labi. Doon yata ’yon nagsimula. Ayaw ko lang pangalanan kasi nandidiri ako sa ideya na magkakagusto ako sa kanya, o sa lalaki. Pero habang tumatagal, talagang iba eh. Kaya nga sinubukan ko pa ’yon kay Kia para makumpirma lang.
“Kaso nahulog ka?” siya ang dumugtong at nainip na ata.
Tumango ako. “Dumapa pa nga. Kulang nalang magpush up ako sa sahig kasi hindi na ako makatayo. Tang inang ’yan.”
He slightly laughed.
“Kung naghiwalay sila, handa kana bang ligawan? You’re not comfortable yet, right?”
Nagkibit ako. Sa totoo lang wala na eh. Sa tuwing titingnan ko si Brent at Shiloh inggit na ang nakikita ko kasi kaya ko rin namang maging ganoon kay Rin kung hahayaan niya ako.
Pero oo nga, pangit ang naging tingin niya sa akin at hindi iyon ganoon ka daling burahin sa isip niya. Ininsulto ko pa ’yon. Tapos ngayon biglang mahuhulog? Tanga rin.
“Iba kasi eh. Pag kasama ko ’yon nawawala ang takot ko. Nakakalimutan ko ’yung trauma ko. Parang alam mo ’yon…ang gaan gaan. Ni hindi ko na nga naiisip na pangit ang tingin ng iba sa mga lalaking pumapatol sa lalaki. Pag kami ang magkasama, parang kami nalang ’yung tao. Tapos ’yung lahat puno nalang…o mga hayop.” I chuckled at the thought of it.
“You love him.”
Itatanggi ko ba ’yan? Siyempre hindi? Bakit ba nakakuha ng pang-asar si Tyler sa akin kung hindi ako nahulog kay Rin? Mahal ko ’yon kahit mapanakit.
Mommy:
Reagan nasa’n kana? Uwi na.
Ngumiwi ako nang mabasa ang text ni Mommy. Tanghaling tapat pinapauwi na ako! Kaya ayaw ko talagang sabihin eh. Kasi iba siya mag overthink. Simula yata ng sinabi ko rin iyon, talagang walang araw na hindi siya nagtetext, o sinisigurado niyang nakakausap niya ako.
Masakit iyon sa kanya. Alam ko. Dahil kahit umaga na no’n, sobrang maga ang mga mata niya, na hindi siya nakatulog kakaiyak.
Sino bang ina ang matutuwa kung narinig mo na ang sarili mong anak ay napunta sa ganoon? Sinong ina ang hindi paniniwalaan ang isang anak kung sinabi niyang nabastos siya? Walang ina ang hindi madudurog sa ganoon, dahil kung meron mang ina na isisisi pa sa anak ang nangyari, sila ang walang karapatang mag-anak kung hindi nila kayang iparamdam ang suporta na kailangang kailangan ng isang anak sa panahong diring diri siya sa sarili niya.
“They’re allowing you to participate in the upcoming UAAP, but the case will still continue…” ani Coach sa bagong pasok ng Pebrerong iyon, pinag-uusapan na kung makakalaro pa ba kami o hindi.
Nasa court kaming lahat, tahimik na nakaupo sa bench at pinapakinggan si Coach Josson sa desisyon ng kaguluhan noong nakaraang taon.
“But still, this is not yet the final decision. Mabagal ang usad ng kaso rito sa Pinas sa ganyang mga kaso. Oo may ebidensya, pero hindi natin alam ang koneksyon ng mga batang iyon lalo na’t mga kabilang pala iyon sa mayayamang angkan sa Cebu.”
Sobrang nagkasalubong ang kilay ko. Ito rin ang nakakagalit sa justice system sa Pinas pagdating sa ganitong kaso. Nilalaro nalang ang bigat ng batas. Ilang taon ang ginugugol mo sa abogasiya, nag-aaral ng mabuti para maging ganap na abogado, pero lalamunin ka lang ng mga sakim at gahaman sa pera ng mga gobyernong may gustong pagtakpang dumi ng mayayamang pangalan.
Nawawala na ang bigat ng batas lalo na’t mas nagiging matimbang kung mabigat ba ang pangalan mo sa lipunan, saka ka lang papaboran. Hindi dahil inosente ka, o biktima, kundi dahil mayaman ka at may koneksyon.
Putang inang pagbabago. Ang aangas mangampanya na uunahin ang mamamayan, pero ang totoo, nasa unahan agad ang mayayaman na gusto nilang pagtakpan.
“O edi huwag na maglaro, coach! Nilalaro lang din naman tayo ng mga ’yan!” boses ko nang uminit agad ang ulo ko.
Inakbayan ako ni Mavric at ngumisi sa akin. Umirap ako at humalukipkip.
“Halatang may ebidensya tapos pagdududahan nila? Gago rin. Kaya laging natatakot ang mga biktimang lumabas dahil nasa kanila lagi ang sisi. Ang daming napupuna, ang daming tanong! Mga bobo.”
Walang ni isang pumuna sa akin. Kahit si Brent, seryosong seryoso. Kahit si Coach Josson, nakapamaywang at nag-iisip isip. Kita niya naman na handa kaming umalis kung pangit ’yang pamamalakad niya. Subukan niya. Itatalo ko ’yang game pag hindi niya ito sineryoso. Ibibigay ko agad ang bola sa kalaban. Kahit tulungan ko pang i-shoot niya sa ring! Huwag nang mag-eeffort na makapuntos kung ganitong kagaguhan lang din naman. Pagaguhan nalang.
Sobrang init ng ulo ko pagkatapos ng usapang iyon at noong umalis ako, papunta na sa next subject, kakabihis lang, nabangga pa ng kung sino.
Malakas iyon dahil talagang napaatras ako. Ang magkakasalubong kong kilay ay mas lalong lumala nang makitang si Arron iyon na nakapamulsa at tumigil din, madilim ang tingin sa akin.
I slowly trace my lower lip with my tongue, pissed that I’m in front of the boy whom he chose. Ngunit nangako na ako kay Rin na…hindi na ito mauulit pa. Masasayang ang paghingi ko ng tawad kung bigla-bigla kong susuntukin ang gagong ito.
Sa lahat ng nakaangasan ko, alam ko agad kung galit ba sa akin ang isang tao. And the way his jaw clenched and his eyes looked at me from head to foot, I got insulted. He smirked as soon as he looked at me again.
I smirked back. “Tabi.”
He cocked his head to the side. “Dumaan ka.”
Lumubo ang kaliwang pisngi ko nang tumingin ako sa gilid, nawawalan ng pasensya at napapasalubong ang kilay dahil sa iritasyon sa kabila ng ngisi sa labi ko. Gago ’to ah?
Humakbang ako ngunit humarang siya. Tumama ako sa kanya. Hindi siya umatras at talagang para kaming nasa boxing match na pinaghaharap para sa isang suntukan lalo na’t matapang akong nanatili sa pwesto ko, ayaw ding umatras.
May iilan pang mga estudyanteng napapalingon lalo na’t nasa field kami. Kung magsusuntukan, talagang marami ang makakakita.
“Gago ka ah?” he hissed and pushed my chest aggressively.
Umabante ako agad, siya naman ang itinulak saka ko hinagis ang bag ko sa sahig at tinanguan siya.
“Anong problema mo?” maangas kong tanong kahit may ideya akong tungkol ito kay Rin.
“Akala ko ba ayaw mo sa mga bakla? Bakit malalaman ko ngayong nilalandi mo si Denver?” Mas naging malakas ang pag tulak niya sa akin nang muli akong lumapit.
Gusto kong umisa. Talagang nayayabangan ako rito eh. Kahit man lang mapuruhan ko.
“Arron!” ang pamilyar na tinig niya.
Ilang sandali lang, nasa harap na si Rin. Halos nahulog pa ang dalang mga libro para lang hawakan ’yang boyfriend niya sa braso at hinila niya palayo habang iniilingan niya.
Nanatili ang tingin ni Arron sa akin, nakangisi at napapaatras ngunit gustong sumugod. Tinanguan ko siya para hamunin. Nasaan ang yabang nito?
“Tama na,” giit ni Rin at nilingon ako.
I gritted my teeth. Nakakairita. Nailing ako at naglakad para pulutin ang bag ko. Marahas ko iyong dinampot habang tinuturo ako ni Arron. Walang kwenta ang away na ’to. Ako rin naman ang dehado.
Bukod doon, may iilan nang estudyanteng tumigil para panoorin lang kami. Nagbubulung-bulungan pa.
“Siya ’di ba? Kaya ka nakipaghiwalay? Patay na patay ka diyan eh parang noong nakaraang taon ininsulto ka niyan ah?” ani Arron sa marahas na tinig.
Parang tumigil ang mundo at isa lang ang narinig ko. Kunot-noo kong nilingon si Rin na ngayon ay umiiling kay Arron, tila ba nagmamakaawang huwag nang makipag-away.
“Tang ina. Habang hindi tayo maayos, nanggugulo pala ’yan? Kaya pala umaaligid sa’yo!”
“Arron, tama na,” rinig ko ang banta ni Rin. “Pinaliwanag ko na sa’yo na ’yon na ang plano ko—”
“Dahil nga ano? Dahil diyan?” Itinuro niya akong muli. “Kaya ka nakikipaghiwalay dahil diyan? Ni kilala ’yang mainit ang ulo sa mga bakla tapos magugustuhan mo? Gago…” Natawa siya ngunit talagang ramdam ko na napipikon siya.
Hiwalay na sila? Kailan lang?
“Hiwalay na tayo, tapos na ’yon—”
“Tinapos mo dahil diyan!” Mariin niya akong itinuro, na kung maaabot niya ako ngayon, babasagin niya agad ang mukha ko.
Wala sa sarili akong lumapit at si Rin naman ang hinila. Tang ina! Hiwalay na pala eh!
“Oh? Hiniwalayan ka naman pala?” Muli kong harap sa kanya at maangas siyang tiningnan. “Tanggapin mo.”
Marahas niya akong itinulak at halos bumunggo ang likod ko kay Rin na nauntog pa yata. Nilingon ko saglit ngunit sa galit ko, nang lumapit muli si Arron ay hinila ko agad ang kwelyo ng t-shirt niya at marahas siyang hinigit papalapit sa akin.
“Gago ka ah?” galit kong bigkas.
Hinawakan niya rin ang kwelyo ko at marahas akong tiningnan. Nagkagulo ang ibang estudyante habang pumapagitna na si Rin, hinihila ang braso ko at itinutulak niya naman si Arron.
“Tangggapin mo kung hiniwalayan ka! Huwag mong pilitin!” singhal ko at dalawang kamay ko na ang nakahawak sa magkabilang kwelyo niya.
“Malamang kasi inaabangan mo! Gago ka rin!” sigaw niya pabalik at halos masakal na ako sa higpit ng hawak sa damit ko.
“Tama na ano ba!” si Rin na marahas ang sigaw at ako ang muling hinila. Nagpatangay ako lalo na’t baka masubsob siya kung hindi ako sumunod. Nasa harapan ko na, itinulak ang tiyan ko para lang mapaatras ako habang nakay Arron pa rin ang tingin ko, mayabang siyang nginisihan sa sobrang galit ko.
“Kaya kong agawin pero hindi ko ginawa! Magalit ka kung inagaw ko sa’yo habang kayo pa!” sigaw ko na ikinagulat ng ibang estudyanteng nanonood.
May ibang lalaki na lumapit at hinila na rin si Arron lalo na’t gusto pang lumapit sa akin. Pinagtutulak niya ang mga ’yon ngunit ayaw na siyang pakawalan.
“Gago ka!” sigaw niya.
“Mas gago ka!” I showed my middle finger. “Huwag mo akong yabangan dahil hindi ’yan babalik sa’yo kung talagang inagaw ko ’yan!”
Sa daming nagkumpulan, nang dumating na ang guard ay deritso na kaming pinag-uutusang pumunta sa guidance. Kahit si Rin na nakiawat, nadamay pa.
“What is this all about?” ang tanong na ni isa sa amin, walang sumagot sa harap ng guidance counselor.
Magkatabi ang dalawa ngunit may kaonting espasyo na namagitan sa kanila. Ako ang nasa harap ni Arron. Banas na banas ako dahil kaharap ko pa talaga. Nakasandal ako sa upuan, nakahalukipkip at nakaparte ang mga hita habang masama ang tingin kay Arron na nakapangalumbaba sa kanyang mga hita at masama rin ang tingin sa akin.
“Vallejo?” tingin sa akin ng guidance counselor, na para bang ako ang may kasalanan nito.
I gritted my teeth and rolled my eyes. “Wala, ma’am…”
“Wala? Eh halos magsuntukan kayo. This is against the rules of the school, you know that…” Saka niya rin tiningnan si Arron na nakayuko lang at ayaw magsalita.
Tumingin ako kay Rin na nasa usual na ayos niya. Nakaputing t-shirt, khaki long sleeve shirt na nakabukas lahat ng butones, army pants at puting sapatos. Nang nahuli niya ang tingin ko, iniwas ko agad at lumunok.
“We are still dealing with your basketball brawl, Vallejo…” paalala ni ma’am na ikinayuko ko at hinawakan nalang ang ulo ko.
Hindi naman ako guilty doon. I did that on behalf of Shiloh. Mas mag-guilty ako kung hindi ko nasuntok ’yon.
“Your team is still in the middle of something serious, and you caused another one inside the University,” may pagbabanta sa tinig niya.
Hindi na ako nagsalita pa kahit gustong gusto kong sumagot-sagot. Siguro rin, alam ko na mali naman talagang mag away sa loob ng school. Ayos sana kung nasa labas kami. Pero marami ring students.
Hindi ko na namalayan ang oras dahil parang ako lang ang pinapaalalahanan dahil na rin sa nangyayari sa basketball last year.
Pinalabas din naman kami nang si Coach Josson na ang dumating. Nang makita ako, nailing nalang at parang inaasahan niyang ako ang masasangkot sa ganitong away.
Sa sobrang irita ko, wala sa sarili ko nang natupi ang bawat manggas ng tshirt ko, halos ipangalandakan na ang biceps na kung pinainit ulit ni Arron ang ulo ko, ibabaon ko siguro ito ng buhay.
Nauna akong tumayo at binuksan ang pinto sabay lingon kay Rin na huminto pa at gusto yatang mauna akong lumabas. Itinagilid ko ang ulo ko para lang makita niyang gusto ko siyang mauna.
Mabilis siyang naglakad palabas, si Arron na nakasunod ay siningitan ko agad at pinagsarhan ng pinto.
Iritado iyong bumukas ulit saka ako sinamaan ng tingin ni Arron na inangatan ko rin ng kilay. Bumungad nga lang boys sa labas, hinihintay ako, si Tyler at Ronan na tawang tawa pa noong makita ako, si Mavric na nakangisi sa gilid nila at nakapamulsa, si Brent at Con na seryosong nag-uusap.
Nilapitan ni Arron si Rin kaya lumapit din ako at muling hinila si Rin.
“Rick,” agap ni Tyler at lumapit na rin sila sa akin. “Tama na.”
Ngunit hindi ako nakinig sa kanila lalo na’t wala naman silang alam. Gumalaw muli ang panga ni Arron at masama ang tingin sa akin.
“Huwag mong pilitin kung ayaw nang makipagbalikan sa’yo,” giit ko.
Nalilitong napatingin si Tyler sa amin, si Ron na magkasalubong din ang kilay, si Mav na pinigilan ang ngiti at ngumunguso kakatingin kay Rin, si Con na litong-lito rin habang si Brent ay sa akin ngumingiwi.
“Malamang. Ito ang hinihintay mo eh. Para masulot mo,” si Arron na matabang ang ngiti.
Nagtinginan ang mga boys sa isa’t isa.
“Tama na. Kung gusto niyo pang mag-away, lumabas kayong dalawa at doon magsuntukan,” si Rin na mukhang nairita na.
Kumalma ako. Si Arron, sinikap lang na kumalma ngunit masama pa rin ang tingin sa akin. Nalaglag ang panga ni Tyler, si Ron na napaawang ang labi, si Con na napakurap-kurap, si Brent na napahalukipkip nalang at si Mavric na naiiling na ngumiti.
Tumalikod si Arron at iritadong umalis. Pinanood siya ng mga boys saglit saka nila ibinalik ang tingin sa akin.
“Rin,” tawag ko. “Ayos ka lang?”
Suminghap sila. Nagmura pa si Tyler at napaatras, tinatakpan ang bibig. Tumingin si Rin sa kanila, medyo nahiya kaya sinamaan ko ng tingin ang lima kung bakit nandito sila.
“Si…Denver si Rin?” si Con na halos hindi makapaniwala.
“Gago…si Arron ba ’yung tubero?” tila ba napagtanto ni Tyler ang nangyayari.
Kumunot ang noo ni Rin. Tiningnan din siya ni Tyler. “At ito si Rin… huhu—”
Siniko ni Brent si Tyler. “Shut up, Tyler.”
“Dude, what the hell? I’m shocked. Bawal bang mag overreact? Gulat ako oh!” si Tyler na talagang ayaw magpaawat.
“Ito pala si Rin…” ngiti ni Mavric at talagang gusto ko siyang sakalin kung ba’t tinatawag niyang Rin.
“Aalis na ako,” ani Rin at mukhang nahiya na kung bakit pinagkakaguluhan siya.
May sasabihin pa sana ako kaso naglakad na palayo. Hindi pa lang nawawala sa paningin ko, pinagyuyugyog agad ako ng mga boys habang sumisigaw, akala mo nanalo ako sa lotto o ano.
“Hayop kayo!” singhal ko ngunit natatawa.
“Gago! Anong nakain mo?! Ininsulto mo ’yon ah?!” si Con.
Humalakhak agad si Ron at itinurong muli si Tyler kaya silang dalawa saglit ang nagkagulo lalo na’t sinipa siya ni Tyler at tumakbo si Ron.
Inakbayan ako ni Mavric, malawak ang ngiti. “This is so familiar, Rick. I know this term…Hmm…”
Siniko ko siya, iritado ngunit natatawa rin talaga ako. Oo na. Kabadingan ko ’to. Eh anong magagawa ko, tinamaan eh?
“Komportable ka, Rick?” kuryosong tanong ni Con.
Nagkibit ako. “Iba ’yon. Ewan. Basta.”
Patalon akong inakbayan ni Tyler galing sa likod pagkatapos habulin si Ron. Nilingon ko siya habang nakapamulsa ako at ngiting ngiti sa akin.
“Hiwalay na sila? Ligawan mo. Bilhan mo agad ng flower farm. Impress him, dude,” at talagang pinaglalaban ni Tyler ’yang flower farm na ’yan.
“Haranahin mo, Rick. Magaling ka sa instrument. Maggitara ka while topless,” suhestyon ni Mavric sabay hagalpak nila.
“Sure ako nanood ’yan noong game tapos naakit sa rampa mo,” natatawang pagpapaaalala ni Con na inambahan kong sipain pero umatras agad.
“Kailan lang?” si Brent.
“Noong sinuntok kita. Doon ko lang nalinaw. Medyo in-denial ako eh,” sabi ko.
“Oh? Kaya ba nanligaw ka ng babae no’n? Nasa identity crisis ka?” natatawang si Ron, nasa kabila ko na at umakbay rin.
“Kinukumpirma ko rin. Seryoso ako no’n kay Kia. Pero hindi siya maalis sa isip ko. Kahit si Kia ang kasama ko, parang nakay Rin ang isip ko.”
Nagkatinginan si Brent at Mavric at sabay na natawa.
“Kaya pala ang sama ng tingin mo sa akin noong Christmas lighting. Pinuri ko lang…” si Ron na para bang bumabagabag ’yon lagi sa isip niya kaya hindi makalimutan.
“Puri mong may laman. Heto ka oh.” Pakita ko sa gitnang daliri ko at sakto pang bumukas ang pinto.
“Vallejo,” tawag ni Coach kaya mabilis kong ibinulsa ulit ang kamay. Hayop.
Naging mata ko na yata si Coach, na kung may katarantaduhan pa raw akong gagawin, hindi niya na ako tutulungan. Eh hindi naman ako ang nagsimula no’n! Binangga ako, inangasan, magpapatalo ba ako? Para saan pa ’tong kamao ko kung hindi ko gagamitin?
Pero bukod doon, isa lang ang tumatak sa akin. Hiniwalayan ni Rin si Arron. Kailan lang? Ngayong buwan? Noong nakaraan?
Sa sumunod na mga araw ay nakatitig ako sa number niya, kahit sa messenger, hindi ko pinalampas. Kanina ko pa gustong magmessage pero hindi ko magawa. Kung wala na sila, pwede na ulit, ’di ba? Pero ang ilap niya sa akin. Bakit gano’n?
Si Rio ang s-in-earch ko. Nang makitang wala pa rin ang Facebook, napamura na ako. Ang tibay no’n ah? Isang linggo lang ang nakaya kong magdeact tapos siya simula pa noong December naka deact na. February na oh?
Pero paano ko ba siya kakausapin? Katukin ko kaya sa unit niya? O…
“Shit!” Mabilis ang tayo ko at binuksan agad ang drawer para kunin ang ticket.
Isang ticket lang ang nakuha ni Rin noong hinatid ko siya. Sa pagmamadali niyang magpaalam, iyong isa niyang tinitingnan lang ang nadala niya.
Concert, Rick! Tang ina! Akala ko para sa closure nila ’to ni Arron pero mukhang kami yata ang magkaka closure ah? Oo nga ’no?
The next few days felt like I was expecting my birthday. Iyong nilolook-forward mo dahil may malaking mangyayari. It never left my mind. Lagi kong binibilang ang araw para hintayin ang concert. February 10.
Nakahanda na ang susuotin ko. Kahit ang pabangong hindi ko naman dapat gagamitin muna, binuksan ko na. I wore all of the gifts I haven’t used yet during Christmas. Kahit earring pinatos ko para lang bago rin sa tainga ko.
I’m a fan of bands, yes, but I know I’m not going there for the artist. Nandoon lang ako para magbakasakaling ’yung pinagbigyan ko, sisipot.
Kaya noong sumapit ang concert, 5 a.m. pa lang nakaligo na ako. Hindi naman dapat maagang nandoon eh. Kaso nasa Malabon na rin kasi ako, pinapauwi na ni Mommy at parang ayaw pa akong pabalikin sa unit ko. Pinagbigyan ko para tumigil lang kakaalala.
“Concert?” she asked while preparing for my breakfast. “O date?”
I only smirked. Naningkit ang mga mata ni Mommy at tinangkang abutin ang tainga ko kaya natatawa akong umatras.
“Reagan,” may laman na ang tawag niya sa akin, para bang may party akong pupuntahan at gusto niya agad akong pagalitan.
“Concert nga, my. May tix akong binili last year. ’Yun ang pupuntahan ko.”
“At sinong kasama mo?” Mapangduda niya akong tiningnan.
“Kung sisipot…baka siya…” Iwas ko ng tingin at kinagatan ang hinanda niyang sandwich sa akin kahit hindi ako gutom, busog na busog na sa excitement.
“Siya? Sino?”
I sighed. “Si Rin. ’Yung nakausap mo sa video call.”
Kumunot ang noo niya. “’Yung lalaking…”
Tumayo ako lalo na’t parang iba na ang iisipin niya. I kissed the side of her head.
“Aalis na ako. Uuwi ako siguro after ng concert…”
“Anong oras?” At kahit palabas na ako, sumunod talaga siya hanggang sa kotse.
She looked at me worriedly. Nakabukas ang pinto sa driver’s seat at tinitingnan niya ako ng maigi, na siguro kung dalawa ang ticket na dala ko, sasama siya.
“My…kaya ko ang sarili ko. Alam ko nag-aalala ka pero hindi na ako ’yung batang ’yon. Twenty-two na ako—”
“Baby ka pa rin!” giit niya.
Napakamot ako. “Baby ba ’to? Kaya ko na ngang gumawa ng sariling baby ko para may apo kana—aray!” Natatawa kong ilag sa hampas niya.
“Concert lang ang pupuntahan ko. Sa tangkad kong ’to, ako pa ba ang bibirahin nila? Sila ang matakot sa akin, my. Kaya ko silang balibagin. Subukan nila…”
She sighed heavily. “Bilhan kaya kita noong pepper spray? Or bugbugin mo nalang agad? Papyansahan kita, anak…”
Natawa ako. Ang tagal tagal naming natapos. Ano ba naman itong ina ko. Kulang nalang pumasok sa compartment para masiguradong uuwi pa rin akong buo.
Gusto ko ngang sabihin kay Simon na sana pakalmahin niya, pero pati iyon, tiklop! Sinunod ang gusto ni Mommy na huwag nang magpakita. Nirerespeto niya.
Simon:
Alright. I’ll check on her.
Kumalma ako nang iyon ang reply niya habang nagd-drive na ako papunta sa MOA. Baka kasi pag may sumipot mamaya, gusto kong makipagdate, may makulit nang tatawag tawag at pauuwiin ako ng maaga.
Maraming tao sa Arena noong dumating na ako. I don’t usually get excited about concerts since this isn’t my first time. Kay Avril Lavigne din kasi ‘yung una ko. Sumunod ang Paramore, tapos Linkin’ Park at sa Arctic Monkeys.
Pero pakiramdam ko talaga…first time ko ’to. Kabado ako. Akala mo isasalang ka sa stage at pakakantahin, guesting kumbaga.
Maraming booths ang nasa labas na hindi ko na pinansin pa at dumeritso na papasok para maaga kong mahanap ang upuan ko. VIP rin ang nabili ko kaya malapit sa stage.
Noong umupo na, tiningnan ko agad ang katabing upuan. Pupunta kaya? Kung pumunta siya…iisipin ko talaga na gusto niya ako.
Habang tumatagal, dumadami na ang tao. Palingon lingon ako, hindi mapakali. Naka itim pa ako na t-shirt, itim na vintage-style Champs jacket at jeans. Binuksan ko ang front camera ng phone ko at nagpicture. Ilalagay ko muna sa story baka sakaling…
“Excuse me…” ang marahang tinig na pamilyar sa akin ang kumuha agad ng atensyon ko.
Wala sa sarili akong lumingon sa kakadating lang, dumadaan na sa row na kinauupuan ko, naka cream t-shirt sa loob, puting denim jacket at jeans, halos mapaupo ng maayos nang lumingon siya sa akin.
I noticed I was parting my lips the whole time I was looking at him. Binasa ko ang labi, kinagat iyon saglit, inabangan siyang dumadaan at may nginitian pang babaeng napasinghap sa kanya. Fuck. He’s really here.
Calm down, Rick. Ikalma mo, tang ina! Tumingin ako sa malayo kahit nasa gilid ko na siya at umuupo na.
“Kanina ka pa?” he asked.
Napalingon ako sa kanya. “Uh…oo…”
He nodded and smirked at me, like he could see my nervousness, and he wanted to tease me. Binasa ko ang labi at gustong ipakitang siya itong dapat mahiya sa akin dahil patong patong ang kasalanan niya.
“Buti pumunta ka? Akala ko…” I smirked back to at least ride along with his confidence.
“Akala mo ano?” Angat ng kanyang kilay. Aba…bakit tumatapang ang isang ’to?
Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. Nangungulila nga yata ako na kaonting kibot lang ng labi niya, kaonting angat ng kilay, kahit ang rahan ng boses, kulang nalang mapunit ang labi ko kakangiti.
“Ano?” he clarified.
Iniwas ko ang tingin. “Akala ko nakipagbalikan ka ulit…” seryoso kong bigkas at ipinagkasalubong ang kilay ko.
“Hiniwalayan ko siya. Matagal na.”
Mabilis ko siyang nilingon. Nasa harap na ang tingin niya.
“Kailan?”
“Noong araw na ’yon.”
“H-Huh?” Kumurap ako.
“Tatlong buwan na kaming hiwalay. Hindi naman na ako makikipagbalikan talaga. Wala na ’yon sa isip ko. Sadyang hindi ko lang siya nahiwalayan agad noong araw na ’yon dahil may kumatok sa pinto ng unit ko.”
Kumatok. At kasalanan ko pa pala na naantala ko sila? Edi sana sinabi niya para nagpa late ako ’di ba?!
“Sinungaling. May post pa ’yon noong December ah? Nakita ko ’yon,” giit ko.
“Inistalk mo siya?” Tiningnan niya ako ng makahulugan.
Tumango ako. “Oo. Tinitingnan ko kung tumalab na ba ’yung kulam ko. Baka sakaling bumula na ang bibig. Nakikibalita lang.”
Humalakhak siya. Tumawa rin ako. “Seryoso ako.”
“P-in-ost niya lang ’yon pero old picture ’yon. Pinapabura ko nga. Eh hindi naman na kami. Ewan ko bakit niya p-in-ost ulit.” Kibit balikat niya.
Nalaglag ang panga ko. Gago? Nag eemote ako sa wala? Hayop ’yon ah? Pinapa overthink ako sa pagiging assuming niya?
“Deleted na ’yon. Kahit tingnan mo pa. Pinabura ko ’yon eh,” agap niya at kinulikot ang phone niya.
“Tss. Hindi ko na tiningnan. Nandidilim ang paningin ko. Baka isabit ko lang siya sa tuktok ng Christmas Tree.” Halukipkip ko at nagkasalubong agad ang kilay nang maalala ko ang picture na ’yon.
“Seloso…” bulong niya.
Papalag sana ako pero totoo naman. Nagseselos nga. Iiyakan ko ba ’yan kung hindi?
“Hiniwalayan mo talaga? Kailan lang?” kumpirma ko.
“Noong binigyan mo ako ng bulaklak?” Gumalaw ang mga mata niya para tingnan ako.
Shit.
“Mag-isa lang ako no’n. Bigla siyang pumunta at nakipagbalikan. Tapos bigla kang dumating.”
Ganyan nga, Rin. Magpaliwanag ka. Kunin mo ulit ang loob ko. Diyan ka magaling eh.
“Ba’t mo hiniwalayan?” At talagang hindi ako kontento na gusto kong marinig…
Nagkibit siya, hindi makapagsalita ngunit namumula ng kaonti. Itinagilid ko ang ulo ko para lang makita ng maayos ang mukha niya. Sinamaan niya ako ng tingin ngunit iniwas agad ang tingin.
“Bakit?”
“Tsismoso…” he whispered, but the slight smile on his lips was already showing up.
“Sabihin mo. Assuming pa naman ako.”
He rolled his eyes, but he was already smiling. Kinagat ko ang nakangiting labi, mas itinagilid ang ulo.
“Ano nga?”
Pinanliitan niya ako ng tingin. Ginaya ko iyon para makita niyang matapang din ako. Ako titiklop? Ilang buwan akong nananahimik oh?
Hindi siya nagsalita, hindi rin makatingin sa akin. Tumigil din tuloy ako kakakulit at tumingin sa harap habang may pinapalabas sa malaking screen na pinapanood niya rin.
“Hiniwalayan ko siya dahil may…nagugustuhan akong iba.”
Wala sa sarili akong napabaling ulit sa kanya at halos pumarte ang labi ko. Kahit hindi naman binanggit ang pangalan ko, parang tumalon palabas ang puso ko.
“Sino?”
Lumingon siya sa akin. I swallowed hard. He slightly chuckled and slowly took his gaze off of me. Ngumuso ako at pinigilang mapangiti. Ako? Ako yata eh.
“Ako? Sabi na…” I said shamelessly.
He laughed. I laughed too. Ang saya saya ah? Tapos mamaya nito sasaktan na naman ako.
“Linawin mo, Rin. Bahala ka…iisipin ko ako ’yan.”
“Manood muna tayo,” natatawa niyang sabi.
Anong manonood? Wala akong pakialam sa concert! Pero dahil gusto niya, kumalma nalang din muna ako. At sana naman hindi siya magalit sa akin dahil talagang siya lang ang gusto kong panoorin ngayon.
“Mamaya ka sa’kin…” parinig ko at pairap na ibinalik ang tingin sa harap. Hindi ko siya tatantanan ngayon kung hindi niya sinasabi kung sino ’yan. Humanda siya…
Chapter 32
Fight
Nagsisimula na ang concert. Dumarami na rin ang tao. Sa row namin, puno na. Kanya kanyang picture na ang iilan kaya kunot-noo ko ring tiningnan ang phone ko.
I glanced at him to see if he’s having fun. Hawak niya ang phone niya at abala ring magpicture.
“Gusto mo picture-an kita? Whole body,” I suggested. S’yempre sipsip.
“Huh? Wag na…” medyo natawa siya.
Hindi Rin. Ang gusto ko talaga tayo ang may picture. Kaso ayoko iyong isaboses. Baka sabihin niya masyado akong uhaw sa atensyon. Uhaw nga. Pero nakakapagpigil pa naman.
“Sige na. Pang story mo. Tapos i credit mo sa akin. Pwede mo akong imention…” pasimple kong suhestyon.
Humalakhak siya at umiling. Natatawa rin ako sa kalokohan ko pero seryoso talaga ako. Ilang buwan kong pinagseselosan ’yung picture nilang dalawa kahit dito man lang makabawi ako, ’di ba?
“Ah…sabagay… Useless din. Hindi tayo friends sa Facebook eh.” Angat ng kilay ko ngunit marahan lang iyong sinabi.
“Mamaya nalang. I-aaccept ko,” aniya.
Napabalik tuloy agad ang tingin ko sa kanya sa halip na ibabalik ko na sa harap.
“Talaga?”
He nodded. “Oo. Pa tag lang din ng pictures mo. Mas high quality yata ang sa phone mo.”
Fuck. Happy Valentine’s Day agad sa akin. Gusto yata ako nito eh. Napatingin tuloy ako sa phone ko. ’Yung latest kasi ng iPhone ang gamit ko. Binuksan ko agad ang camera at inilahad sa kanya.
“Ikaw na gumamit. Hindi ako masyadong nagvivideo pag concert talaga.”
Tumingin siya sa phone ko. Kabado pa ako at baka mali na itong ginagawa ko, o sumosobra na ang kakapalan ng mukha ko, pero nang inilapag niya ang kanya at tinanggap iyon, parang aahon ako sa pagkakaluhod dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam kung nakadapa ba ako sa isang ’to o lumilipad na sa sobrang gaan ng pakiramdam ko.
“Ayos lang?” tanong niya.
“Oo naman. Kahit ibato mo ’yan mamaya sa stage. Ayos lang.”
Tumawa siya kaya ngiting ngiti ako. Naroon na agad ang atensyon niya sa phone ko, ginamit iyong pang video sa paligid. Inayos ko pa ang sarili ko at baka mahagip. Baka lang naman…
Noong lumabas na ang banda, hindi na yata siya lumingon sa akin. Ang lakas lakas ng tilian na kahit si Rin, ngumingiti na, manghang mangha.
Pansin ko sa kanya, kalmado siya. Pero may kakaiba sa titig niya na masasabi mong nag-eenjoy siya. Gusto ko sanang disturbohin pero baka maudlot kaya sinikap ko nalang na hayaan siyang ganoon.
“Mga pogi ba?” singit ko at talagang hindi ko mapigilang kausapin siya.
Lumingon siya saglit sa akin, natawa ulit at ibinalik ang tingin sa harap. Bakit pa ba ako nagtanong? Sana nanahimik nalang ako?
Tiningnan ko tuloy isa-isa sa malaking screen. Masyado naman silang malapit pero gusto kong makita ng detalyado lalo na’t sabi ni Rio may crush daw siya sa isa diyan. Ewan ko lang talaga kung sino.
“Fan na fan ako ng music nila,” aniya.
Tumango ako. “Ako rin.”
Lumingon siya muli sa akin, nakavideo pa rin at steady ang hawak sa phone ko.
“Akala ko si Avril Lavigne?”
Kumurap ako. “Ah oo. Dream girl ko noon. Ganda niya eh.”
Titig na titig siya sa akin. At anong sinabi ni Rio?
“Noon, Rin. Noon. At kahit pa magpapansin ako doon, wala akong pag-asa sa kanya…” agap ko.
“Pero magpapapansin ka?” hirit niya.
Umiling agad ako. “Hindi…’Yung music niya talaga ang gusto ko.”
“Pero dream girl mo.” At bakit tunog selos, Rin?
“Oo. Pag tulog ako. Pero pag gising, wala na. Nakakalimutan ko na siya.”
Humalakhak siya at mukhang ayaw nang makipagtalo sa akin. Tumawa rin ako pero kabado ng kaonti. Mapalitan nga ang desktop ng computer ko. Kahit sa laptop mukha pa naman ni Avril Lavigne. Sa kwarto ko meron din akong banner niya eh. Matanggal nga ’yon.
Noong high school ako, kamuntik na akong bumili ng boxers na may mukha niya, ganoon ako ka fan. Pero hindi ko ginawa siyempre.
“Hello Manila…” ang vocalist na ikinatili agad ng lahat.
Ngumuso si Rin, kagat ang pang-ibabang labi. Umismid ako. Nag hello lang… Gusto kong magdabog pero pag ’yan nagalit sino bang kawawa? Ako pa rin naman.
Nagsimula na silang kumanta. Nagvivibe si Rin at nagvivideo pa kaya ang ginawa ko, kinuha ko sa kamay niya para mas maenjoy niya.
“Ako na ang magvivideo,” sabi ko.
Hindi na siya nakapalag lalo na’t nasa kamay ko na. Tumingin lang siya kung tama ba ’yung pagkakakuha ko saka siya tumingin ulit sa harap.
Minsan, naririnig ko siyang kakanta. Sa kanya, nakikivibe lang siya. Pero sa akin, parang siya ’yung nagcoconcert at ako ang nakikinig dahil mas gusto ko pa yatang mapakinggan ang boses niya kaysa sa concert.
Pag binubuksan niya ang maliit na bag niya, napapatingin din ako roon. May hinahanap siya kaya kahit ako, kahit hindi alam ang hinahanap niya, nakikitingin din sa bag niya.
“Anong meron?” tanong ko.
“Ah…alcohol…”
Ibinaba ko saglit ang phone ko at kinuha ang bag ko na maliit. Binuksan ko iyon at inilabas ang maliit na alcohol ko.
“Tubig, gusto mo?” Saka ko rin pinulot ang mineral water na nakalapag lang sa paanan ko.
“Tissue?” aniya.
Tumango ako at naglabas ng wipes. Kumunot ang noo niya, nagkasalubong ang kilay ngunit bumabalandra ang ngiti sa labi.
“Ano pang nandiyan sa bag mo?” Tumingin siya doon, parang gusto pang sumilip.
“Ano pa bang kailangan mo? Meron ako lahat. Dinala ko talaga ’yung buo naming bahay…”
Tumawa siya. “Uh…Suklay?”
Napawi ang ngiti ko. “Sakit mo ah? Mukha ba akong nagsusuklay, Rin?”
Humalakhak siya. “Akala ko kasi meron ka lahat…”
“Maliban sa suklay,” giit ko ngunit natatawa rin. Buti nalang si Rin. Kung ibang tao ’to bungi na ’to.
“Uh…menthol?”
Tumango agad ako at inilabas iyong menthol na binili ko. Inilahad ko iyon sa kanya na talagang ikinagulat niya.
“Ang liit ng bag mo pero ang daming laman…” puna niya.
“Naalala mo ’yung maarte kong ina? Kung kasya siya rito baka pumasok din ’yon.”
Tumawa agad siya. “Ah…oo ’yung mommy mong madaldal na makulit.”
“Oo ’yon. Sinabi ko nga huwag na. Baka ano…makadisturbo.” Sa date natin. Pero hindi ko sasabihin. Kapal din eh.
Iniwas niya ang tingin at pigil ang ngiti habang isinusubo ang menthol. Ginaya ko na rin iyon.
“May kailangan ka pa? Sabihin mo lang. Meron ako lahat. Snacks? Meron din ako. Salamin? Meron. Polbo? Meron din.”
Namimilog ang mga mata niya, hindi makapaniwala. Umabante siya at talagang sumilip sa bag ko na nasa kandungan ko. Kinagat ko ang labi, napasandal sa upuan at hinayaan siyang dumungaw roon.
“Halatang excited ka sa concert ah?” aniya nang bumaling ulit sa akin, hindi nawawala ang ngiti sa labi niya.
Nakanguso akong tumitig sa kanya lalo na’t ang lapit ng mukha niya. Damn… the freckles.
“Oo. Sa sobrang excited ko, napanaginipan ko na nasa concert na ako. Ano nalang ’to ngayon, recap. Pero napanood ko na ’to lahat sa panaginip ko. Tingnan mo mamaya, kakanta ’yan sila ng The Man Who Can’t Be Moved.”
Ang pigil niyang ngiti ay sumabog sa tawa. I laughed along with him, caressing my nape. Hayop na tawa ’yan, nakakanginig ng kalamnan. Kaya gusto kong patawanin lagi eh.
Pag lalo siyang malapit, mas lalo akong nahuhulog. Sa lakas ng kalabog ng dibdib ko, para iyong sumasabay sa beat ng drum na sumasabog ngayon. Hindi ko alam kung doon ba ’yon galing o talagang hinahampas ngayon ang dibdib ko.
“Tama na, Rin. Manood kana ng concert,” natatawa kong sabi lalo na’t ang tagal niyang natapos tumawa.
“Tumahimik kana nga muna. Mamaya mo na ako kausapin,” natatawa niyang sabi at pinunasan ang luha sa mga mata niya.
I nodded while stifling my smile. Sige ba.
Ilang minuto ko ngang pinagtiisang hindi siya kausapin. Nagvideo nalang ako ng tahimik kahit ang totoo, mas gusto kong itapat ang camera sa kanya. Nakikita ko naman ’yan lagi sa internet, HD pa roon. Itong katabi ko minsan lang magpakita. Dinaig pa ang artista eh. Buti pa nga ang artista mas-search mo sa internet, ito si Rin nagtatago yata sa banga kaya ang ilap ilap.
“Gotta stand my ground even if it rains or snow… If she changes her mind, this is the first thing she will go…” ang pumapaibabaw na kanta na sinabayan din ni Rin.
Wala sa sarili kong naitapat ang camera sa kanya, saktong sumabog ang chorus part ng kantang iyon at wala sa sariling lumingon si Rin, natawa at tinakpan ang mukha niya.
His words were swallowed by the loud chorus, but I heard them properly when he mouthed them. His gentle voice mingled with the beat of the music, and his words…echoed in me more than the fading music in my mind.
“Itigil mo nga ’yan,” aniya at marahan na namang natatawa.
“Ang ganda mo tumawa,” I complimented and slightly laugh too.
Sinamaan niya ako ng tingin, inabot iyon at gustong iwala sa kanya.
“Reagan!” tawag niya at pilit ang galit ngunit pigil ang ngiti.
“Bakit? Naririnig naman sila sa video. Pagod na ako sa mukha nila, Rin. Nasa internet ang mga ’yan,” sabi ko.
He leered at me even more, but when he realized I was taking a video, he would cover his face again. Mahiyain talaga ang isang ’to. Guwapo naman siya, maganda rin. Pero allergic sa camera.
Inalis ko iyon at itinapat nalang ulit sa harap para makaconcentrate siya ulit kahit ako naman ang nagwawala at gusto ko siyang asarin ulit.
Hati na ang atensyon niya sa huling thirty minutes ng concert. Nahuli ko pa siyang titig na titig sa stage, nakangiti at nagniningning ang mga mata habang nagpapaalam na ang banda.
Kaya noong umulan ng confetti, nang tumingala siya at sinubukang saluin ang iilan habang nakatayo na kaming lahat para sa huling kanta, parang bumagal siya sa paningin ko.
Nasundan ko ang bawat kilos niya. Kung paano kumislap lalo ang mga mata niya, mas tumamis ang ngiti sa pula niyang labi, at akala mo nasa kanya ang ilaw dahil lumiliwanag siya habang natatawa niyang sinalo ang bawat pag-ulan ng makukulay na confetti.
Nakaparte na ang labi ko. Hindi na rin nagvivideo. Nakapamulsa lang, sa halip na nasa harap ang tingin, sa halip na marinig ang malakas na kanta nila, iba ang nasa isip ko. Ibang tugtog para bagayan ang pagbagal niya sa paningin ko. Tugtog na nagpapaalang hulog na hulog ako sa kanya.
“Rin,” I called unconsciously.
I should wait, alright. Hindi naman ako atat, pero ewan ko…
Bumaling siya muli, nasa labi pa ang ngiti, may pulang confetti na sa pisngi niya, halos halikan ang freckles at mayroon na rin sa kanyang buhok. But I am more concerned about the confetti on his cheek, so I leaned a bit, crouched to level him, and took the confetti off his cheek.
Kumurap siya at hinayaan ako ngunit nakita ko ang pagkakataranta ng mahaba at makurba niyang pilikmata dahil sinubukan niyang sundan ng tingin ang kilos ko. I smiled. He’s nervous?
“’Yung bulaklak…” I whispered uncontrollably, grabbing my chance.
He lifted his gaze. Kabadong kabado ako, malakas ang hataw ng dibdib ngunit sa dami ng pagkakataong gusto ko itong gawin, sa daming araw na hindi ko nagawa, ngayon na nandito siya sa tabi ko, gusto kong walang masayang na bawat sigundo…bawat minuto…bawat oras…
“Nagustuhan ko,” agap niya. “Pati ’yung…bracelet.”
Ako naman ang napakurap, nalito kung ano ang ibig niyang sabihin.
“Huh? Bracelet?”
He nodded and showed his pulse. Namilog ang mga mata ko nang makita iyong bracelet na sinamaan ko ng tingin dahil akala ko…
“Kasama ito sa bulaklak. Nasa loob. Hindi mo alam?”
Nalaglag ang panga ko. “Meron?”
He chuckled again and nodded. “Ito nga.”
My eyes dropped on his pulse. Gusto kong hawakan pero baka masyado akong mabilis kasi sa totoo lang, tsansing lang din ang gagawin ko. Kamay niya talaga ang sadya ko.
“Bagay sa kamay mo,” I complimented while my heart was already banging loudly. He has worn it since December…
“Bagay nga.” He smirked at me like he had something in his mind, and it wasn’t the bracelet anymore.
“Bakit mo sinuot?” tanong ko.
“Kasi bigay mo?” He answered honestly.
I swallowed hard. The song wasn’t done yet and he should be having fun, vibing with the music, but I don’t think I could really wait.
The confetti was still pouring like snowfall, dancing in the air. Ngunit sa tuwing sa kanya na ako titingin, talagang bumabagal. Bawat tingala niya, bawat ngiti, at ang muli niyang paglingon sa akin sa mabagal na paraan, mas lalong lumalakas ang pintig ng puso ko at wala sa sarili nalang akong tititig sa kanya.
It was probably my frustration watching him from afar, keeping a distance because he couldn’t choose me. Kaya ngayong napakalapit na, gusto ko siyang abutin, hawakan at…angkining akin.
I crouched a bit, almost inching on his face. Hindi siya gumalaw, tila naghihintay lang sa kung anong lalapat sa mukha niya. My eyes dropped on his lips, but I stopped midway.
“Maniniwala ka ba kung…sinabi kong may pulang confetti sa labi mo?” I whispered.
His brows furrowed slightly, his tongue checking his lips and licking it.
“Wala naman…”
I laughed and shut my eyes. “Dumidiskarte ’yung tao. Makiramdam ka naman, Rin…” biro ko kaya nagtawanan kaming dalawa.
“Ano bang…gusto mong sabihin? Kanina ka pa eh,” namamaos niyang bigkas at hindi pa makatingin sa akin, ngunit laging nahihila pabalik ang tingin.
I looked at his lips again until I drunkenly pulled my eyes back on his. I caught him swallowing a bit, his eyes flickering at me.
“Pwede na bang manligaw?” namamaos kong bulong sa labi niya.
His eyes widened a bit. Seryoso ko siyang tiningnan, hindi na makangiti, hindi alam kung bakit ang sakit ng kabog ng dibdib ko, at gusto kong paulit-ulit na ibulong sa kanya.
Ayos lang kahit masabi ko lang ’to. Ayos lang kung sa oras na ’to, babasted-in niya ako. Siguro mapapagod din ang tadhana sa amin dahil lagi kong nananakawin ang bawat sigundo na malapit siya sa akin.
I bowed my head a bit, swallowed hard, waiting for his answer.
“Ikaw ang bahala…” he whispered hoarsely, which made me look at him immediately.
Ngumuso siya, tumingin sa harap at pulang pula. Namilog ang mga mata ko, halos hindi na makapagsalita.
Hinahayaan niya akong manligaw? Pero iba ang rinig ko sa sagot niya. Para na akong sinagot! Tang ina. Malala talaga ang tama ko sa isang ’to. Kahit ang mga poporma rito tatamaan sa akin eh. Hindi pa sinasagot pero nagseselos na agad ako sa mga aaligid at magtatangkang manligaw. Sana naman wala akong karibal ’di ba?
“Ayos lang?” I asked.
“Magpapapigil ka ba? Parang hindi eh…”
I shrugged. “Desisyon ako, Rin. Ipipilit ko.”
Natawa siyang muli, tila ba hindi niya na rin pinipigilan ang sarili niyang ipakita sa akin kung ano ang nararamdaman niya. Lalo na’t noon, ilang beses kong nahuhuling pipigilan niya ang sarili niyang matawa sa akin, o kahit mapangiti.
“Hindi kita inagaw sa ex mo pero aaminin ko na…abang na abang akong maghiwalay kayo.”
He swallowed again. Sobrang ingay ng paligid namin, ang mga nanonood ay kumakanta, tumatalon talon, iwinawagayway ang kamay nila para sa huling kanta, ngunit kami ni Rin, nag-uusap at hindi na makasabay.
Walang ni isang makakakuha ng atensyon ko ngayon, maliban sa ngiti niya. ’Yun lang ang nakikita ko, at kahit ang tawa niya, iyon lang ang pumapaibabaw.
“Akala ko ba tinutulungan mo ako?” nanunuya niyang tanong.
I shrugged. “Oo. Noong una. Genuine ’yon. Pero noong November iba na talaga ang tama ko sa’yo. Noong araw ng mga patay, patay na patay na ako no’n sa’yo…”
His eyes widened, and it seemed like he had seen a ghost in front of him. Ngumuso ako at hinaplos ang batok ko.
“Kinwento nga kita kay Dad. Kung hindi ka nakakatulog ng maayos, o malamig ang pakiramdam mo minsan, baka si Dad ’yon. Nagsumbong ako eh.”
His laugh went out of his mouth like a bomb again. Napapikit na siya kakatawa at nahawakan ang tiyan niya.
“Pag di mo ako hinayaang manligaw, isusumbong kita roon, Rin. Hindi ka naman siguro matatakutin, ’di ba?” I joked.
“Ang gago talaga ng humor mo,” aniya at umiiling na, sobrang tamis ng ngiti sa labi.
I frowned. “Seryoso ako.”
He only smirked at me, playful and carefree. “Oo nga. Hindi kita pagbabawalan. Manligaw ka, Vallejo.”
I wanted to whistle since he looked hot on that part. Oo na, Rin. Manliligaw na. Nanginginig pa oh.
I wasn’t on myself anymore when the concert ended. Sinasabayan ko lang siya na lumabas, hawak pa ang mineral water na kalahati lang ang ininom niya, at palingon lingon ako sa kanya.
Ang dami daming tao. Hindi naman sa aagawin siya, o may biglang sasaksak sa kanya, pero talagang ayokong alisin ang atensyon ko sa kanya. Kung pwede lang hawakan ang kamay…baka ginawa ko na kanina pa.
“Ayos ka lang?” tanong niya at natatawa na naman sa akin.
“Bakit? Para bang asong sunod nang sunod sa’yo at hindi mapakali?” hirit ko. Tipo nito ang mga golden retriever eh.
“Huh?”
“Nasa’n ang tali? Ako na ang maglalagay sa leeg ko, Rin,” biro ko kaya natawa siya agad.
Lumulundag lundag ang puso ko sa bawat minuto. Kulang nalang lapagan ko ng red carpet at sambahin ang bawat hakbang niya.
Niyaya ko siyang kumain para naman busog ko siyang iuuwi mamaya. Ni hindi ko naiisip na nanliligaw ako. Gusto ko talaga siyang pakainin pero siguro ang kaibahan lang ngayon, kumpara noong nililibre ko siya, bawat subo niya, nakatingin ako.
Sa MOA lang din kami kumain. Medyo nakakabisado ko na ang hilig niyang pagkain kaya madali lang mamili kung saan. Hindi na kailangang magtanong eh halata namang ang isasagot niya ako ang bahala.
“Noong araw na ’yon, nakipagbalikan si Arron. Hinihintay kita na dumating…pero siya ’yung bumungad sa pinto ko,” kuwento niya nang umupo na kami at hinihintay lang maserve ang pagkain na in-order namin.
Siguro, pansin niya rin na kuryoso ako roon kaya nagpapaliwanag siya.
“Bumili ako ng bulaklak eh,” namamaos kong sagot. “Kasalanan talaga ’to ng tulips. Sana pala hindi nalang ako bumili. Edi sana nauna ako sa unit mo.”
He slightly laughed again. Tumingin ako saglit sa pulso niya at nandoon pa rin ang bracelet na bumagay sa kaputian niya.
“Nakipagbalikan siya sa’yo noong araw na ’yon? Siya?” kumpirma ko.
He nodded. “Oo. Nagulat din ako. Noong nakipagbreak kasi siya, umalis lang siya bigla. Parang hindi malinaw. Gusto niya ng space. Hindi namin napag-usapan ng maayos kaya parang may naputol lang.”
I tried to listen, despite how irritated I am that we were talking about that fucker.
“Kaya noong pumunta siya sa unit ko, nakikipagbalikan, pag-alis mo, kinausap ko siya nang masinsinan. Plano ko na talaga ’yon. Hindi ko lang magawa agad dahil mailap siya sa akin. Hindi ko na rin naisip no’n na makikipagbalikan pala siya. Kaya ako na ang tumapos. Ako na ang nagsabi na…hindi na pwede.”
Titig na titig ako sa kanya.
“May nararamdaman ka pa ba noong nakipaghiwalay siya sa’yo? Naalala ko patay na patay ka eh.”
Nagkibit siya at sumandal sa upuan niya, humalukipkip. Medyo na conscious ako kaya sumandal din ako sa upuan ko. Ganyang galawan pa lang…parang alam ko na agad sino ang masusunod lagi pag sinagot ako.
“Hindi ko rin alam. Nakumpirma ko lang na hindi na talaga siya sa araw na ’yon…” aniya at tumingin saglit sa paligid.
Tumingin din ako sa paligid. May mga iilang galing din ata sa concert at kumain sa restaurant na pinasukan namin. Naalala ko tuloy na lagi siyang nakaobserba sa paligid niya. Sana naman medyo komportable siya ngayon.
“Kailan? Noong…” balik ko sa topic kaya tumingin siya ulit sa akin.
“Noong nasa unit ko siya, alam kong wala na ’yon. Pero unang boyfriend ko kasi siya. Mabait si Arron. Hindi siya toxic. Minahal namin ang isa’t isa. Sadyang…hindi lang siya naging handa. Hindi naging ganoon ka buo ang pagtanggap niya sa amin dahil maraming nasasabi ang nasa paligid namin.”
Iyon ang lamang ni Arron na alam ko. Doon ako walang laban. Ngunit hindi iyon sapat na rason para panghinaan ako ng loob.
Handa ako. Handang handa ako, Rin. Kahit pa halikan kita sa maraming tao, kaya ko ’yon. Hawakan ang kamay mo. O kahit ipangalandakan kang…akin.
“Bakit mukhang hindi pa ’yon nakaka move-on?” iritado kong sabi nang maalalang nagkainitan kami.
Nagkibit siya. Tumingin ako sa labi niya at naalala ang araw na ’yon.
Fuck. Ang sakit sakit din kasi na nakita ko silang magkasama. Kahit kung sino naman siguro, kung nakita mong nandoon sa loob ang ex niya, topless pa—tang inang bakit nga topless ang kumag na ’yon?
“At topless pa. Bakit naghubad? Sira ang aircon sa unit mo? Oo at oo lang ang sagot, Rin. Pakiayos.”
Tumawa siya. Gusto ko ring tumawa pero masakit talaga. Hindi ko kayang isipin anong ginawa nila sa loob. Kahit ’yung pagpupunas ng labi bumabagabag sa isip ko.
“Habit niya ’yon. Topless pag…nasa unit ko siya,” he explained when he noticed my furrowed brows.
I nodded and looked away. Tang inang selos ’to. Sumakto pa na papalapit na ang waiter at ilalapag na ang order namin. Paano ko ’yan lulunukin ngayon? Bigla akong nabusog.
Kinuha ko ang phone ko at muling binuksan ang camera.
“Pwedeng magpicture?” tanong ko.
“’Yung pagkain? Sige…” Umatras pa siya para hindi masali.
Nababasa niya ba ang naiisip ko na gusto kong kasali siya? Ngunit nakalapag ang phone niya, kita ng kaonti ang lockscreen na siya mismo kaya sinali ko iyon sa picture.
Sinikap ko nalang na huwag nang isipin kung ano man ang ginawa nila ni Arron sa loob. Wala akong karapatan sa oras na ’yon.
Gusto ko siyang tanungin kung sino ’yang gusto niya pero parang hindi ko na kayang marinig. Sa totoo lang, nakaramdam ako ng insecurity kay Arron. Hindi naman ako pangit. Matangkad ako. Mestizo. Matangos din ang ilong ko. Maganda ang tindig ko, s’yempre varsity. Pero hayop na lalaking ’yon. Anong meron sa kanya na pakiramdam ko ang pangit ng tingin ni Rin sa akin?
“Flex your biceps, Rick. They’re sucker for that. Post pictures, like a mirror shot. Legs open, topless. Show you can fight,” at kahit ang boses ni Mavric sa isip ko, rinig na rinig ko.
Bakit pa kailangang pasikatan ng katawan para sabihing kaya kong lumaban? Suntukan nalang! Dalawa ang kamao ko oh? Ibalibag ko siya eh.
Chapter 33
Friends
Marami nang tumatakbo sa isip ko habang kumakain kami. I’m curious about his schedule. Gusto ko talagang kunin pero hindi ko alam. I don’t wanna sound like a creep for suddenly asking about his break times. Problema ko na dapat ’yon.
Ang dami dami ko pala talagang hindi alam sa kanya. Iba rin kasi si Rin. Kilala mo siya pero parang ang misteryoso. Bukod sa ang kalmado niya, hindi mo alam kung sumasabog ba ito, o may mga ayaw siya na ikakasama ng loob niya.
Si Rio talaga ang pag-asa ko. Nasaan na ba ang batang ’yon? Kailangan niya akong kwentuhan sa kapatid niya.
Pero ito rin naman ang proseso ng panliligaw. Kikilalanin ko siya, aalamin ang ayaw at gusto niya. Pagsisilbihan… Susundin… Magiging alalay…
“Nabusog ka?” tanong ko nang lumalabas na kami sa restaurant at hinawakan niya saglit ang tiyan niya.
Tumango siya at ngumiti. “Thank you. Masarap pala ’yung pagkain nila.”
I smirked at him. “Marami akong alam na mga restaurants na masasarap ang pagkain. Pag break time mo, isa-isahin natin ’yung mga kainan sa Taft Avenue. ’Yung malapit muna sa school para hindi tayo ma late sa subjects natin.”
Naks. Ang swabe no’n ah?
Naglalakad na kami sa parking lot lalo na’t dala ko ang Range Rover ko na kulay pula. Mukhang nag-iisip isip siya kaya pinindot ko ang susi at pinagbuksan siya sa front seat.
Tahimik siyang pumasok. Sinigurado ko pang naroon na siya, nakaupo, limang sigundo muna ang pinatagal saka ko isinara. Mabilis ang ikot ko sa driver’s seat at bumaling sa kanya na nags-seatbelt na.
Pinaandar ko ang kotse at itinapat ang aircon sa kanya. Madalang kong gamitin ito lalo na’t ang hassle talaga ng parkings sa school. May bayad pa na five hundred yung parking, at isang libo madalas ang napapa gas ko kaya huwag nalang. Kaya nga nagcondo para makatipid tapos papatayin lang pala ako sa gasolina.
“May two hours akong break time minsan…” ani Rin na mukhang tapos na iyong isipin. “Sasabihin ko lang sa’yo pag break time ko.”
I nodded right away. Nang maalala ang paper bag sa likod, lumingon ako doon at inabot iyon. Lumingon din si Rin at bahagyang umatras, medyo umiiwas dahil ang lapit ko.
“Noong nag Cebu kami…” I started as I showed him the black paper bag. “May binili talaga ako roon. Hindi ko alam kung maibibigay ko sa’yo pero…”
Namilog ang mga mata niya at wala sa sarili iyong tinanggap.
“Hindi ko lang binigay dahil baka magalit ang boyfriend mo. Sabi rin ng girls pangit eh. At nirerespeto ko talaga kayo, Rin.” Kayo? Siya lang kamo. Kasi kumukulo agad ang dugo ko kay Arron.
Kita ko ang pamimilog ng mga mata niyang buksan niya iyon at mukhang nagulat siya na alam ko.
“Nagtanong ako kay Shiloh,” agap ko. “At…napansin ko na ibang perfume na yata ang suot mo ngayon. Naamoy kita kanina noong sumilip ka sa bag ko. Hindi na parehas noong suot mo pag magkasama tayo sa 7-eleven.”
Mas nagulat yata siya sa sinabi ko na napalingon siya sa akin.
“Nakilala mo ang pabango ko?”
Tumango ako. “Oo. May tester kasi yan na inamoy ko. Alam ko ’yan talaga ang pabango mo dahil naaamoy kita lagi noon.”
Napakurap kurap siya, titig na titig sa akin. Tumikhim ako at hinaplos ang batok ko.
“Creepy ba?”
Umiling agad siya. “Hindi. Nagulat lang ako na…marami kang napapansin sa akin.”
Kung alam mo lang. Kahit ang pagiging matakaw mo sa manok alam ko. ’Yang kislap sa mga mata mo pag malungkot ka, alam ko. Kahit ang ngiti mo, alam ko kung totoo ba o hindi. Kabisado ko ’yon.
Nakakabisado na kita, Rin. At kakabisaduhin pa kita para alam ko kung paano kita aalagaan ng tama.
Muli niyang itinuon ang atensyon sa paper bag at tahimik iyong binuksan habang pinapanood ko siya.
“Ubos na ’yung ganito ko eh. Halos isang taon ko rin iyong tinipid,” he chuckled while taking the pink bottle out of the white box.
“Edi sakto pala na binigyan kita?” I smirked proudly.
Bumaling siya, napapangiti sa akin at ibinalik agad sa perfume.
“Her burberry. Ang bango bango kasi nito. Regalo sa akin ni Tita kaya tinipid ko…” aniya at nagspray pa sa pulso niya.
Mabilis ang pagkalat ng amoy noon sa kotse ko.
“Paamoy,” sabi ko kahit na amoy na amoy ko naman.
Ibinigay niya sa akin ang pulso niya. Umabante ako at lumapat pa ang tungki ng ilong ko sa pulso niya.
“Mabango… Bagay sa’yo ’yung amoy. Hindi masyadong matamis.”
“Oo. Mahilig ako sa vanilla na medyo floral. Kaso hindi ko ito mabili-bili talaga kahit may trabaho ako kasi ang mahal niya,” aniya at nagspray sa gilid ng leeg niya.
Tumingin ako saglit doon. Gusto ko sanang magmakaawang amuyin din doon kaso nagpigil ako. Para nang tanga eh. Nanliligaw pa lang…
“Ano pa bang mga gusto mong bilhin na hindi mo magawa?” tanong ko at nagsimula nang magdrive at baka abutin kami ng hating gabi sa parking lot.
“Wala naman masyado. Hindi ako materialistic.”
Mukha nga.
“Pero binilhan mo raw ng kotse ’yung ex mo? Rumor ’yon sa school,” pasimple kong singit habang nasa daan ang tingin at marahan lang ang pagmamaneho.
He sighed defeatedly. Kinabahan agad ako at pakiramdam ko may mali na naman akong nasabi.
“Ikwento mo, Rin. Makikinig ako. Mali ko rin na isa ako sa naniwala agad sa tsismis na ’yon,” agap ko.
Ilang sigundo siyang natahimik at tumingin sa labas ng bintana kaya hinayaan ko muna. Medyo traffic na sa labas pero hindi ganoon ka grabe.
“Isa ’yan sa dahilan kaya siguro narindi si Arron at napuno. Eh marami na rin kasing kumakalat tungkol sa amin. Nasisira rin ’yung image niya na piniperahan niya ako. Hindi naman. K-Kagustuhan ko naman ’yung—”
“Na gumagastos ka sa kanya?” dugtong ko nang bumaling ulit sa kanya.
He slowly nodded. “Pina repair namin iyong kotse ng tito niya. Hindi naman ganoon ka sira kaya hindi gano’n ka laki ang nagastos. Uh…binayaran ko.”
My eyes widened. “Binayaran mo?” ulit ko.
He nodded. “Oo. Pero hindi ko siya binilhan ng bago. Hindi niya ako piniperahan. Kusang loob ko ’yung…tulong,” aniya at itinuon lalo ang tingin sa gilid ng bintana.
Parang kakaiba yata ang isang ’to. Bigay nang bigay kahit mauubusan na siya. Kahit pamilya niya, sa kanya umaasa. Siya na nga ang nagpapaaral sa kapatid, siya pa ang nagbibigay sa pamilya niya.
“Hindi sa nanghihimasok ako ah? Pero nagtitira ka pa ba para sa sarili mo?”
He looked so shocked at my question. Wala sa sarili siyang napabaling sa akin na para bang may nasabi ako na hindi dapat. Tingnan mo na.
“Mali ’yan, Rin. Oo, maganda na tumutulong ka. Hindi lang sa pamilya mo, sa magiging boyfriend mo, o kung sino sino pa diyan. Pero magtira ka para sa sarili mo. Huwag mong ibigay lahat.”
Pinisil niya ang mga daliri niya. Nasa kandungan pa rin ang paper bag at ang perfume na itinabi niya na.
“Maganda ang tumulong, Rin. Pero tumulong ka sa hanggang saan lang ang kaya mong ibigay. Hindi iyong kahit wala kana, alam mong mauubos kana, handa ka pa ring magbigay.”
Natahimik siya. Bumaling ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa harap.
“Dalawa pa ba ang kidney mo? Baka nabenta mo na ang isa para lang tumulong ah?”
Namilog ang mga mata niya at muling natawa. Kumalma ako at napangiti nang mawala ko ang pagiging seryoso niya.
“Baka may tahi kana sa tagiliran ah…”
Umirap siya, naiiling ngunit natatawa pa rin. “Dalawa pa naman.”
“Tingin? Iangat mo nga ang t-shirt mo. Nagdududa ako eh.” Itinagilid ko ang ulo ko at sinilip ang tagiliran niya kaya sinamaan niya ako ng tingin.
“’Tsansing ka lang eh,” aniya at may pigil na ngiti na naman sa labi na ikinalawak ng ngiti ko.
Ibinalik ko tuloy sa harap ang atensyon ko at baka mabangga pa kami tapos nakangiti akong matatagpuan ng pulis sa driver’s seat.
“Magtira ka sa sarili mo, Rin. Hindi mali na unahin mo ang sarili mo. Walang mali kung makasarili ka. Kung kaya mong magbigay, ibigay mo hanggang saan lang ang kaya mo, hindi iyong hanggang maubos ka.”
Muli siyang sumeryoso. Ramdam ko naman na marami siyang problema, hindi lang sa mga taong nakapaligid sa kanya, sa mga nasasabi ng iba sa kanya, kundi pati na rin sa pamilya niya.
“Kanta talaga ’yan. Love yourself by Justin Bieber,” singit ko.
Muli siyang natawa. Ngumiti ako kahit nag-aalala talaga ako. Isang gabi pa lang na kasama ko siya habang nanliligaw na ako, parang gusto ko nang akuin lahat ng problema niya at ako nalang ang poproblema noon.
Kahit noong nahatid ko siya, sa unit na ako natulog lalo na’t ayoko nang umuwi sa Malabon, iniisip ko pa rin na ayos lang ba siya. Sana pala hindi nalang ako nagtanong.
“Umuwi ka!” si Mommy na sumisigaw na sa kabilang linya nang tawagan ko siya sa gabing iyon.
“My, antok na ako. Ang layo layo ng Malabon. Baka mabangga pa ako sa daan,” sabi ko kahit ang totoo, babantayan ko talaga ’yung kabilang unit. Hindi ko alam kung manliligaw ba ako o guwardiya.
“Wala kang kasama diyan, anak… Kung ano ano ang pumapasok sa isip ko. Hindi ako napapanatag.”
“May nililigawan ako. Dumidiskarte ako rito, my. Ang pangit kung nalaman niyang mama’s boy ako. Turn off na ’yon ngayon.”
“At sino?! Sinasabi ko na nga ba! Hindi talaga concert ’yon eh! May ka date ka talaga!”
Natawa ako. “Ipapakilala ko. Pero double date tayo nila Simon.”
“Ano? Hiwalay na kami—”
“O edi hindi mo makikilala. Pangit naman third wheel ka lang sa date namin?”
Tumahimik siya. Pigil ang ngiti ko habang iniisip na kaya ko silang pagbatiin ni Simon. Halata namang mahal niya ’yon. Nadala lang siya sa takot niya dahil nalaman niya ang trauma ko.
“Bisexual si Simon, anak. Hindi siya magiging matimbang sa akin kung may takot ka sa mga ganoong tao. Handa ko silang talikuran para sa’yo…” marahan niyang bigkas na ikinababa ng balikat ko.
“Mana ako sa’yo. Parehas tayo ng type, my…” bigkas ko, medyo idinaan iyon sa tawa. “Matutulog na ako. Goodnight…”
“Reagan. Ano!—”
Pinatay ko na agad ang tawag. Gets niya na ’yon. Pero s’yempre ipapakilala ko naman si Rin sa kanya. Balak ko ngang ipakilala sa buong angkan ng Vallejo, pati kina Lolo at Lola. Nag-aabang ’yon na may ipapakilala ako sa kanila.
Panatag naman ako sa pamilya ko. Iba rin kasi ang mga ugali noon pagdating sa akin. Basta gusto ko, gusto rin nila. Kaya alam ko na hindi kailangang mag-alala ni Rin sa mga ganito dahil kung mahal ko siya, mamahalin din siya ng pamilya ko.
Walang palya ang text ko sa mga sumunod na araw. Mag gogood morning, hihintayin siyang lumabas sa unit, at sabay kaming pupunta sa school. Iyon na ang naging routine ko.
Lahat ata ng araw ko, siya ang iniisip ko. Lahat ng mga napapansin ko sa kanya, gusto kong bagayan. Gusto kong intindihin.
“Moisturizer po ’yung madalas na pinapahid sa lips kaya kumikintab, sir,” ang babae sa Watsons nang wala sa sarili akong pumasok at natulala sa mga lipstick na ewan.
Nabanggit ’to ni Shiloh eh. Moisturizer sa labi. Makintab kasi minsan ang labi ni Rin. At ang sabi ni Shiloh, ginagamit ’yon para sa dry lips. Baka kaya lagi siyang naggaganito dahil binabalatan niya, o madaling masugat.
“Vaseline po ’yung marerecommend ko, sir. Maganda ’to sa labi at malambot din gamitin,” patuloy ng saleslady lalo na’t pinipisil ko ang pang-ibabang labi, natutulala talaga kung ano ang bibilhin ko.
“O sige. ’Yan nalang…” sabi ko.
Ngumiti ang saleslady at kumuha pa ng maliit na basket para sa akin.
“Ano pa bang hinahanap niyo, sir? Para ba ’yan sa girlfriend niyo?” nawiwili niyang tanong at sumunod sa akin. Gusto kong sungitan pero wala akong alam sa mga gamit dito. Baka bumibili ako ng kung ano ano pero hindi pala magagamit ni Rin. Sayang din.
“Ah hindi. Nililigawan ko pa lang. At lalaki ’yon. Boyfriend, kung sasagutin ako,” sabi ko.
Namilog ang mga mata niya at naging iba agad ang tingin sa akin pero mas lalong lumawak ang ngiti niya.
Sa totoo lang, hindi na talaga ako nahihiya. Kung may nagtanong, s’yempre sasagutin ko. Pangit din kung itanggi. Kahit sa school, medyo kalat na iyong away namin ni Arron na dahil kay Rin. May iba sa school, hindi naman gulat kung may bisexual lalo na’t may mga org na LGBTQ na nirerespeto ng ibang students pero siguro, hindi nila inaasahan na sa angas kong ’to, kilalang varsity at akala mo ang siga siga, bisexual pala. Hintayin nila kung si Brent at si Mavric ang lumabas. Kahit si Tyler, hindi na ako magtataka eh.
“Ay sir, tutulungan kita sa skin care niya! Ano bang balat niya, sir? Sensitive skin ba siya? Dry? Oily?” patuloy ng saleslady.
Gago? Ano ’yon? May gano’n?
“Basta maputi, miss. Makintab ang labi. Mabango.” Tangi kong sabi at hindi alam kung sapat ba iyon para matulungan niya ako.
“Tanungin mo kaya kung ano ang skin type niya, sir? Baka kasi allergic siya sa ibang products. Sayang din…” aniya.
Talaga? Meron palang gano’n? Kinuha ko tuloy ang phone ko palabas sa aking bulsa para ma text si Rin.
Reagan:
Anong skin type mo, Rin?
Naglibot libot muna ako at kumuha ng nail cutter. Pansin ko kasi ang ayos ng kuko niya.
“Ito. Ano ’to, miss?” Pakita ko sa isang stick na ewan at parang lapis. Lagi kong nakikita ito sa girls eh, lalo na kila Angela. Sana pala nagtatanong tanong ako at baka gusto rin ni Rin ng mga ganito.
“Ah! Para ’yan sa kilay, sir. Ito naman…para sa labi. Lip pencil. Tapos ito… eyeliner…” Pakita niya sa iba’t ibang lapis na ikinangiwi ko.
Tang ina. Anong mga lapis ’yan? Monggol 1, 2, 3 kaya iba iba ang shade? Parehas lang ba ’yan lahat?
“Magagamit niya ba ’yan? Baka sinisalestalk mo lang ako para makabenta ah? Pag di niya ’yan magagamit ibabalik ko ’yan dito.”
Tumawa siya. “Ay sir! Madalas girls ang may gamit nito! Pero may boys rin na mahilig mag make-up, sir. Lalo na ’yung mga feminine. Nagm-make-up ba siya?”
Parang hindi eh. Ang natural kasi ng features no’n.
“Teka…” Inilabas ko ulit ang phone ko at ipinakita ang lockscreen ko.
Namilog ang mga mata niya. “Hala! Parang hindi na kailangan ng make up! Ay ang guwapo! Ang kurba ng pilik mata niya! Ay ito sir! Ito!” May dinampot siyang ewan kung ano rin ’yan.
“Curler ’to para sa pilikmata, sir. Para kumurba lalo ang pilikmata niya. Baka magustuhan niya.”
Inilapit ko ang basket ko sa kanya para malagay niya. Pag itong saleslady na ’to niloloko ako para makabenta magr-rate talaga ako ng isang star sa app nila. Papakyuhan ko rin.
Rin:
Sensitive.
Ipinakita ko agad sa saleslady ang reply ni Rin kaya inalalayan niya agad ako sa mga products na para sa skin type niya. Hayop na mga skin care ’yan. Ba’t ang dami? Hindi ba ’yan pwedeng idaan nalang sa hilamos?
Pero pursigido rin ako. Maliit na bagay lang naman ’to. Kahit yata ’yung salt scrub na kahit hindi ko naiintindihan, pinatos ko na. Magdidildil nalang siguro ako ng asin sa susunod na mga araw. Mauubos ang allowance ko nito. Ang mamahal.
Bumalik din naman agad ako sa school para sabay kaming umuwi. Break time ko kasi at hinihintay ko lang ang last subject niya.
“Bumili ka?” Namimilog ang mga mata ni Rin nang pumasok na siya sa front seat ng kotse ko at ibinigay ko agad ang tatlong malalaking bag noong Watsons.
“Oo. Kanina. Noong nag text ako sa’yo,” sabi ko habang pinapaandar na ang kotse.
“Ang dami nito ah? Lagpas na ’to—”
“Binili ko kasi kaya ko. Huwag mo nang problemahin,” putol ko sa kanya lalo na’t ayoko rin talagang marinig ang presyo.
Nanliit ang mga mata niya sa akin ngunit natatawa siya. “Bakit mo ’to naisip?”
“Maalaga ka kasi sa sarili. Pansin ko lang. At…mukhang wala nang natitira sa sweldo mo. Wala kang nabibili para sa sarili mo. Kaya ako na. Kung may pera ka, itabi mo nalang ’yon, o ipunin mo.”
Titig na titig siya sa akin, hindi ko alam kung nagugulat ba siya sa akin, o medyo natakot ko.
“Mali ’yung inisip ko noon na piniperahan ka lang ng lalaki. At ayokong kahit piso, may ilabas ka sa akin. Gusto kong…patunayan na mali ’yon. Na mali ako. At sa’yo ako matututo no’n…”
I wanted to correct that insult and turned it into a lesson—a reflection of my past mistake that I only needed to change my perspective, just like what my therapist told me.
Naiisip ko na agad na magt-trabaho ako sa summer para makatulong sa kanya. Ewan ko nga lang kung papayag ba si Mommy, pero bahala na. Siguro pagbabanda rin ang papasukan ko. Eh iyon naman ang trabaho rin ni Rin.
Malapit na ring magsimula ang summer. Kakatapos lang din ng finals. Pigang piga ako at tuyong tuyo talaga ang isip ko, pero ang una ko talagang plano ay mag trabaho.
“Baka uuwi ako sa Cavite…” ani Rin nang huling araw na namin iyon sa school, may pinoproseso nalang bago ang summer.
Kami halos ang magkasama simula noong niligawan ko siya. Pag nauuna ako, naghihintay ako sa labas ng room niya, at naging dayo na sa building nila kaya talagang kalat na kalat na pinopormahan ko siya.
Wala yata akong pakialam sa tsismis. Ano ngayon? Siguro noon, dahil din hindi ganoon ka lawak ang pag-unawa ko dahil na rin sa trauma ko, ayokong nadadawit sa kahit ninong bisexual, o bakla.
Pero ngayon, kung nasaan si Rin, kahit gaano kadilim, sasamahan ko siya.
“Ihatid na kita sa inyo,” suhestyon ko nang papunta na kaming parking lot.
May sasabihin pa sana siya pero narinig ko ang hiyaw ni Tyler at ni Ron, pati ang halakhak ni Mavric ay sumasama.
“Rick!” tawag ni Tyler at malawak ang ngiti, ang tatlo na naglalakad na papunta sa akin.
Sinenyasan ko silang lumayo dahil manggugulo lang sila.
“Bro miss na kita! Noon kami lang ang ka cuddle mo, ngayon nasa iba kana!” sigaw ni Tyler sabay halakhakan ng tatlo at nagsi-apir.
“Kami ang nag-alaga sa’yo noong lasing ka! Binuhat ka pa naming lahat noong makatulog kana sa banyo dahil ayaw naming doon ka humiga sa malamig na tiles tapos ngayon na masaya kana, iiwan mo kami!” dagdag ni Ron na talagang gusto ko nalang silang takbuhin at pagsisipain.
“Ako pa ang nag-flush noong suka mo, Rick!” si Mavric na ikinasabog lalo ng tawanan nila.
Tang inang mga gago! Binanggit pa talaga! I wanted to show my middle finger, but I stopped myself. Napangisi lang akong naiiling, iginiya si Rin papunta sa parking lot na nakatingin pa rin kila Tyler at napapangiti rin.
“Huwag mo silang pakinggan,” agap ko at gusto agad itanggi ’yang pinagsasabi nila.
“Naglasing ka?” He tried to confirm.
“Huh? Bakit naman? Maangas ako.”
“Friend ko ’yang si Cervando sa Facebook. Nakita ko ’yung story niya na sumusuka ka sa anidoro at tawang tawa sila sa’yo, tapos pinakyuhan mo lang,” sabi niya na ikinatigil ko talaga. Nakakaoffend ah?
“Friend kayo ni Tyler sa Facebook?” Nagkasalubong ang kilay ko nang iyon ang mas kumuha ng atensyon ko.
“Oo.”
“Sinong nang-add? Ikaw?” Aba’t gago ’yon ah? Inunahan pa ako sa Facebook?
Kaka accept niya lang sa akin noong February. Eh noong lasing ako, December pa ’yon.
“Siya.”
“At bakit mo in-accept?”
“Kasi in-add niya ako?” May naglalarong ngiti sa labi niya, mapang-asar.
Talagang nasira ang ekspresyon ko. “In-add din kita ah? Ang tagal na no’n…”
“Galit sa’yo si Arron kaya iniiwasan kita. Ayoko siyang…mag overthink…” aniya nang nasa parking lot na kami at pinagbuksan ko na siya sa front seat.
Pero ganoong boyfriend pala siya? Hiwalay na sila sa mga oras na ’yon pero ayaw niya pa rin akong i-accept dahil iniisip niya rin ’yung mararamdaman ng boyfriend niya? Cute ah. Ako na ang makakaranas niyan sa susunod.
Isinara ko ang pinto at umikot agad. Nags-seatbelt na siya noong pumasok ako kaya inabot ko lang ulit ang paper bag sa likod.
Kahit na hindi naman iyon ang unang beses, at hindi ko na yata mabilang kung ano ano ang pinagbibili ko, nagugulat pa rin siya.
“Ano na naman ’to?” kuryoso niyang tanong at binuksan iyon.
“Naalala ko lang ’yung stuff toy sa kuwarto mo. Kaya binilhan kita ng plush bunny. Mukhang mahilig ka sa rabbit.”
Namilog ang mga mata niya nang ilabas niya iyon at bahagyang natawa.
“Ano ako, bata?!” Pero ang reaksyon niya, akala mo batang nagbubukas ng regalo.
I only smirked. Ang korni ng naiisip ko. Baby ka, Rin. Pero ayokong isaboses. Kinikilabutan ako na ganito ako sa kanya.
“At ’yung rabbit… hindi naman ’yon akin. Bigay lang din.”
Napawi ang ngiti ko. Nagmaneho na ako at parang mandidilim ang paningin ko sa sagot niya. Sana pala inupakan ko ’yon noong nasa kuwarto niya ako. Nakita ko ’yon eh.
“Sino ba ’yan? Sabihin mo niyayaya ko siyang makipag sparring. Usap lang.”
Tumawa siya sa hirit ko. Ngumiti ako kahit seryoso naman talaga ako. Kumalma nga lang nang ikinandong niya iyon na parang anak namin. Binagalan ko tuloy ang pagmamaneho ko.
“Kamukha mo siya, Rin,” sabi ko habang palingon lingon sa puting bunny.
Inangat niya iyon. “Dahil maputi? Wala siyang buhok. Uh…”
“O at least alam natin sino ang ama, ’di ba? Mana sa tatay, tapos mana sa’yo ang kutis!” Akala niya siguro mapipikon ako? Hindi! Siya lang ang tatanggapin kong ganyan kasi pag iba ang aasar sa akin, talagang hindi na makakangiti na kompleto pa ang ngipin.
Tumawa siya saglit at tiningnan ang buhok ko na hinaplos ko rin tuloy. “Pero humahaba na ang buhok mo. Pinapahaba mo? Bagay naman sa’yo ang buzz cut.”
At inamin din! Akala ko pa naman napapangitan sa akin!
“Ano bang gusto mo? Pahabain ko o…” Palingon lingon na ako sa kanya.
“Ikaw. Ano bang plano mo sa buhok mo?”
“Pahabain. Para hindi kana lumingon sa iba.”
“Eh paano kung lumingon ako sa buzz cut kasi naaalala kita?”
“Pwede naman ’yon. Kalahati kong buhok buzz cut, tapos ’yung kalahati taper fade. Parang doble cara.”
Tumawa siya ng malakas. Kahit ako, natawa rin ako sa kalokohan ko at parang hindi ko maimagine. Pero kung gusto ni Rin wala akong magagawa.
“Gagawin mo ’yan?” At talagang nanghamon pa oh?
Ito ’yung napapansin ko sa kanya. Mapang-asar siya. Kung may sinabi ka, hahamunin ka pa. Kaya nga ayokong nagbibiro ng kung ano ano at baka gusto niyang totohanin ko.
Suot niya ang ngiti niya sa labi na hindi niya napansing nasa Cavite na kami. Tagaroon siya eh. Mabuti nga at napilit kong ihatid na.
May pinasukan kaming subdivision. Itinuro niya lang sa akin kung saan ako dadaan.
“Dito lang. Huwag na mismo sa tapat ng bahay namin,” agap niya at medyo taranta pa.
Nagpark ako sa gilid mismo ng malaking bahay, sa tabi ng bahay na tinitingnan niya at mukhang bahay nila.
“Ako muna ang lalabas. Dito ka lang,” ani Rin at naunang lumabas.
Tahimik ko siyang pinanood na lumabas. Naglakad siya roon at lumilingon sa akin. Gusto ko sanang businahan pero baka magulat kaya pinanood ko nalang siyang pumasok sa gate.
Sa isang malaking bahay, may lumabas na batang babae na may suot na tainga ng pusa, mga nasa edad ni Rio at may inaakay na aso. Tumingin ito sa sasakyan ko at mukhang nakukuryoso siya, siguro lalabas.
Iniatras ko ng kaonti ang kotse ko at baka magalit na nakaharang ako sa gate nila. Saglit lang din naman.
Lumabas ang batang babae na hindi na dala ’yung aso at sinasamaan ng tingin ang kotse ko. Naglakad siya sa mismong bintana at kumatok kaya binuksan ko.
“Ah…bawal ba—”
“You’re friends with the house climbers?” tanong niya at nakaangat pa ang kilay.
Natanga ako sa accent niya. Ang arte arte magsalita. Halatang spoiled ’to.
“House climbers?” paglilinaw ko.
“Yeah. Akyat bahay. House climbers…” Anong pinagsasabi ng batang ’to?
“Nakakotse at ganitong porma ko, akyat bahay?” pilosopo kong sagot.
Humalukipkip siya. “The last time someone climbed our gate, he’s wearing a Ferrari jacket, and he drives a nice car. House climbers are wise nowadays. It’s part of their modus, like what my Kuya Jasver said.”
Chapter 34
Trouble
Lumapit si Rin at Rio sa akin, ang batang babae ay umirap agad at pumasok na pabalik sa loob ng bahay, si Rio ay natatangay pa ang tingin sa likod nito at pasulyap-sulyap.
Ah… mukhang ’yan nga si Kittie. At itong bahay na ’to ay iyong nakwento niyang bahay noong crush niyang babae na may kapatid na crush din ni Rin na si Jasver.
Lumabas ako ng driver’s seat para makausap sila. Tumingin si Rio sa akin kaya ginulo ko ang buhok.
“Nagdeact ka?” tanong ko.
Tiningnan ni Rin si Rio.
“Ah. Oo. Kaso nakalimutan ko na ’yung password ko kaya hindi ko mabuksan ulit. Hindi ko rin matandaan ang password ng gmail ko.”
“Ba’t ka ba kasi nagdeact?” tanong ni Rin kaya nagkatinginan kami ni Rio, mukhang ayaw ipaalam.
Kinuha ko ang wallet ko at naglabas ng five hundred. “Bili ka nga ng meryenda doon.”
Mabilis akong tiningnan ni Rin, umiling. “H-Huwag na. Hindi rin ako magtatagal dito. May kukunin lang akong gamit at pupuntahan ko si Papa para…”
“Huwag mo na ’yung puntahan, kuya. Umiinom ’yon sila nila Manong Arnold,” si Rio na inaabot ang limang daan sa akin.
“Bumili ka ng kahit ano. Snacks mo,” utos ko kay Rio.
Tumango siya at hindi nadala sa paniningkit ng tingin ng kapatid niya. Tumingin si Rio sa akin.
“Samahan mo si kuya kung pupuntahan niya si Papa,” habilin niya.
“Rio,” tawag ni Rin na hindi naman pinansin ng kapatid at naglakad na paalis para sundin ang utos ko.
“Sino bang kapatid niya? Ikaw o ako? Bakit parang mas nakikinig siya sa’yo,” reklamo ni Rin nang tingnan namin si Rio na naglalakad na paalis, sumulyap pa ulit sa bahay na malaki. Iba ang tama ng batang ’to kay Kittie. Eh ang arte naman no’n. Nagkakaintindihan ba sila?
Ah…kaya pala gustong gusto niyang maging academically achiever, huh? Nabanggit niya ’yon eh. Baka naman kasi dahil englishera si Kittie.
Bumuntonghininga si Rin at sumulyap din sa malaking bahay. Umangat agad ang kilay ko. At sinong tinitingnan niya diyan?
“Kapitbahay…” I smirked to tease him. Ang kapal ng mukha kong mang-asar ah pero ako rin ang mapipikon nito pag pinatulan niya.
Ibinalik niya ang tingin sa akin at nahuli pa yata akong sinasamaan ng tingin ang mga halaman sa gate nila, na para bang ang laki laki ng hinanakit ko sa bahay na kahit ang mga bulaklak, walang lusot sa galit ko.
I adjusted my gaze until it softened when I looked at him again. Sa tingin pa lang ni Rin, halatang nababasa niya ako e.
“Noon ’yon,” he explained, like that would be enough to wipe off this jealousy I am feeling. At noon? Tang ina. Totoo nga. Nagustuhan niya.
I nodded calmly. “Noon. Past is past.”
Rin smirked at me. “Tabang ah?”
Ayusin mo, Rick! Nanliligaw ka oh? Pag nakita niyang seloso ka, hindi ka niyan sasagutin!
“Samahan na kita. Saan ba ’yon?” balik ko sa sinabi niya nang maalalang pupuntahan niya ang papa niya.
I’ve seen the panic in his eyes when I looked like I was so eager to come with him.
“Hindi na. Dito ka lang. Babalik ako agad,” he insisted.
Ngunit hindi ako panatag. Ayokong mag-isa siyang pumunta roon. Lalo na’t sa habilin ni Rio, talagang may sapi ng demonyo ’yang ama niya pag lasing. Idagdag pang nahuli ko ang labi niya noon na may gasgas. At iyong pamumula ng collarbone niya. Sinasaktan siya.
Kahit na gusto niya akong pabalikin sa kotse, nagpumilit akong sumama. Mukhang lalakarin lang naman at nasa kabilang bahay yata, siguro nasa kabilang kanto, pero talagang sinabayan ko siya.
“Ako lang ang papasok at sa labas ka lang,” ang desisyon niya nang mapagtantong singtigas ng bato ang ulo ko.
“Sige.” I nodded while he was looking at the house with a red gate. Kita namin ang labas at may mga tawanan ng mga lalaki roon na mukhang nag-iinuman nga.
Naglakad din si Rin patungo roon. Tanaw ko rito ang pagpasok niya sa gate na de bakal, nakikita naman ang labas at ang mga kaedaran ng papa niyang nagv-videoke ng Air Supply na kanta lalo na’t iyon ang binibirit nila.
Kita rito sa labas ang ingay ng apat na lalaki sa loob, puro topless at malalaki ang mga tiyan, dalawa ang payat na nakasabit sa balikat ang t-shirts. May mga bote ng beer na nagkalat sa table, may mga pulutan silang chichirya at ang pakete ng mga sigarilyo na naroon din.
I’ve seen these kinds of people a lot during those days when I would hang out with my old circle. Tatay ni Roger, ganito. Nag-iinom at niyayaya pa kami. Doon din ako nahilig lalo manigarilyo eh kasi binibigyan ako.
Although I knew that some of them were friendly, especially those fathers who appreciated their son’s friends, these men seemed different.
“Oh! Ang dalaga mo, Ramil!” kantyaw ng may hawak na mikropono at natawa pa.
Nagkasalubong ang kilay ko. I could hear the offensive jokes while Rin was nearing them, like he’s used to it already.
Tumingin ang isa sa akin. “Oh? Bakit mukhang hindi na ’yan ’yung pinsan ni Jasver? Pinalitan mo na ’yon?”
May napagtanto agad ako, pero sa iritasyon ko na parang nagiging pulutan ng biro si Rin, talagang gusto kong pumasok kahit hindi ako pinapatuloy para lang tumayo sa likod niya at bantayan siya.
Isa sa apat na iyon, iyong brusko at maraming tattoo sa katawan, nakasabit sa balikat ang itim na t-shirt at humihithit ng sigarilyo, madilim agad ang ekspresyon habang nakatingin kay Rin, alam ko na iyon ang papa niya lalo na’t nilapitan niya rin.
Papa niya ’yan? Gago. Parang kakalaya lang sa preso at patong patong pa ang kaso dahil mukhang kabilang sa sindikato o ano.
“Pa…” Rin called, handing his hand for a gesture, but his father only glanced at me, his eyes glaring like he wanted to murder me while puffing his cigarette.
“Pasok ka, brad!” Isa sa kanila ang nang-imbita kaya kinuha ko ang tsansang iyon na pumasok agad.
Rin glanced at me, panicking a bit when I welcomed myself in. Nakaupo sa monoblock chair ang ama niya, kasama ng dalawa pa na nakaupo rin na parang mga kanang kamay niya, at ang isang lalaking nakatayo dahil hawak ang mikropono, isa rin sa mukhang alagad ng papa ni Rin.
“Kumakanta ka ba? Dito sa Imus Cavite, pag hindi ka kumanta, hindi kana makakalabas ng buhay,” at biniro pa ako.
Ngumisi ako at umiling. “Ah…Hindi po.”
“Huwag mong takutin ang bata!” singhal ng isa saka ako nginitian. “Makakalabas ka pa rin naman dito. Pero deritso sa damuhan o ilog.”
Naghalakhakan sila, tila ba ginagawa nalang biro iyong kumakalat na balita tungkol sa Cavite.
“Ito na ang bago mong boyfriend, Denver? Naku! Ang laking tao nito ah? Kaya mo ba ’to? Sa pwet ’yan ’di ba?” Isa sa kanila ang nagsabi no’n bago nagtawanan, maliban sa ama ni Rin na mas dumilim ang ekspresyon.
Rin looked at me worriedly. Sa bote ako napatingin. Kung babasagin ko ’yan sa ulo nila, makatulog kaya agad? Bastos nito ah?
That was the first time I tried to control my anger. Binalik-balikan ko pa sa isip ko ang mga payo ni Doc Jane kahit ang totoo, kaonting kalabit sa akin, tatlo na ang tanim na mga halaman sa gilid dahil ibabaon ko talaga sila sa lupa ngayon pag hindi sila tumigil diyan sa biro nila.
“Magmano ka sa papa mo! Papa mo ’yan!” turo ng isa sa kanila sa papa ni Rin.
Hindi naman ako takot. Hindi rin kinakabahan. Lalo na’t sa mga nalaman ko, nawala ang respeto ko sa kanya bilang ama ni Rin. But still, I walked toward him to show him I’m serious here.
“Sir,” sabi ko at inilahad ang kamay.
Tumingin siya sa kamay ko. Si Rin, hinawakan na ang braso ko, hinila ako ng bahagya pero hindi ako natinag. His father only looked at my hand, blew out the smoke, and crashed the tip of the cigarette into the ashtray.
“Sino na naman ’to? Hindi ka talaga matigil-tigil diyan sa kabaklaan mo?” malamig niyang tugon at si Rin ang tiningnan, ayaw tanggapin ang kamay ko.
“Dalaga na kasi ang anak mo, Ramil! S’yempre magboboyfriend na!” his friends teased, and they laughed more.
“Para rin pala itong si Jasver si Denver. Tourist attraction sa Cavite. Dinadayo eh,” ang lalaking pinapaypay na sa katawan ang t-shirt niya.
Sumulyap si Rin sa akin, tinitingnan ako saglit at ibinalik din sa ama niyang hawak na ang pakete ng sigarilyo at kumukuha ng panibago.
“P-Pa. Pumunta lang ako para magpaalam na baka hindi ako makauwi—”
“May isang libo ka ba riyan? Dagdagan mo nga itong inumin namin. Bumili ka rin ng pulutan. Pinanglalalaki mo lagi ’yang pera mo kaya nauubos. Hindi kana nakakatulong sa bahay,” iritado niyang putol kay Rin at muling sumulyap sa akin, na ako ang dahilan kaya nauubos ang pera ng anak niya.
Ibinulsa ko ang kamay na hindi niya tinanggap.
“Hindi pa ako ginagastusan ni Rin, sir,” sagot ko kahit ang totoo, gusto ko siyang murahin ng malutong.
“Oh? Mukha ngang galante. Sapatos pa lang oh,” isa ang pumuna. “Limited edition ’yan eh.”
“Shot ka muna! Heto, umupo ka.” Ang may malaking tiyan at tumayo pa, ibinibigay sa akin ang upuan niya ganoon din ang hawak na baso na may beer.
Umiling ako at ngumiti ng tipid. “Magmamaneho ako e. Salamat…”
Tumingin din si Rin sa akin at parang hiyang hiya na sa nangyayari.
“Shot ka! Sige na!” he insisted and walked toward me. “Si Ramil, kilalang kilala ’yan dito sa Cavite. Magpakitang gilas ka. Ano, manliligaw ka ba, o boyfriend?”
Siguro kung hindi ako matangkad, inakbayan na ako. Nasa 5’9 lang yata.
“Nanliligaw,” sambit ko.
Mas iritado akong tiningnan ng papa ni Rin, nagsisindi na ng sigarilyo na nasa labi. Pakiramdam ko, sa isip niya, pinaplano niya na kung paano ako aabangan sa kanto. Ramdam na ramdam ko e.
“Manliligaw! Haranahin mo nga itong dalaga ni Ramil! Teka, ano ngang kanta ’yon? ’Yung wanderpul? Wanderpul tonayt? Si Eric ’yon eh.” Ang lalaking binubuksan na ang song book. “Ah! Ito! Sa’yo ’to, brad!” Turo niya sa akin. At hayop na ’yan. Anong wanderpul?
“Ah…hindi ko po alam ’yung wanderpul…” tanggi ko.
“Inumin mo na. Para namang hindi lalaki! Laki laki mong tao tapos hindi ka iinom?” patuloy ng isa na panay lahad ng basong hindi ko tinatanggap.
“It’s lit in the ebning…” madamdaming kanta ng isa nang tumugtog na nga iyong sinasabi niyang wanderpul nang hindi ko rin tanggapin ang mikropono.
“Ipakanta mo sa bisita, Arnold! Sawang sawa na ako riyan sa boses mong palaka!” sigaw ng nakaupo at kulang nalang agawin ang mikropono.
“Bumili ka roon. O baka kasya sa isang case ’yang pera mo diyan.” Ang papa ni Rin na itinuro siya gamit ang sigarilyo at napailag agad si Rin, para bang papasuin siya dahil umatras din kaya nabangga sa dibdib ko.
Galit na galit ako pero kinontrol ko dahil dayo lang ako rito at baka lumabas akong may butas na ang tagiliran. Hindi ako makapaniwalang ganito ang ama niya. Hindi umuuwi ang anak niya rito, at ngayong binibisita sila, ganito ang ipaparamdam kay Rin.
Hindi ko alam kung alin ang mas masakit. Iyong wala kang ama dahil namatay ng maaga, o may ama ka nga, pero para namang ikaw ang papatayin sa araw araw na pakikitungo niya sa’yo.
Walang nagawa si Rin kundi ang bumili. Sinamahan ko siya. Panay pa hingi ng tawad sa akin dahil sa nasaksihan ko. Wala namang kaso sa akin iyon. Ang akin lang dito, huwag saktan si Rin.
“Ako na,” sabi ko nang naglalakad na kami sa malapit na tindahan.
“Huwag na. Ako na,” agap niya nang maglabas ako ng pitaka.
“Ako na, Rin. Bibilhan ko ng isang case para makaalis na tayo at manahimik ’yang ama mo.”
Namula siya at kita ko ang paggalaw ng panga niya. Hindi ko alam kung nahihiya ba, o nagagalit siya. Mabilis nga lang nawala ang ekspresyong iyon nang may tumawag sa kanya sa tindahang nilapitan namin. Mga nasa apat na babae ang naroon, mukhang nagt-tsismisan.
“Wala na pala talaga kayo ni Arron? Sino naman ’to? Kaibigan ba ’to nila Jasver?” ngiting ngiti na tanong ng babaeng may hawak pang bata na natutulog.
Ngumiti lang si Rin. Deritso ako sa tindera at yumuko ng kaonti para makita ko ito.
“May isang case kayo ng beer?” tanong ko.
Tinitingnan nila ako mula ulo hanggang paa. Kahit ang suot kong relo, tiningnan din nila. Noong ibinalik kay Rin, halos asarin na siya.
“Galante ah? Kaya mo ba iniwan si Arron?”
“Close ba ’to ni Jasver? Mga guwapo lahat ang kaibigan no’n eh. Kasali ba ’to?”
“Totoo pala talaga ’yung tsismis na mahilig ka sa guwapo?”
“Ay Denver! ’Yung mama mo pala, may mahabang listahan dito simula pa noong nakaraang buwan! Laging sinasabi sa akin, babayaran raw pag nakauwi kana. Sinabi niya na ba? Four thousand ’to eh,” ang tindera na biglang tingnan si Rin habang hinahanda ang isang case.
“P-Po?! Gano’n ka laki?” Namimilog ang mga mata ni Rin.
“Oo! Minsan si Rio ang panay utang pero snacks lang naman ang kinukuha. Kaso ang tagal tagal na kasi kaya natambak. Maningingil nga sana ako eh. Kailangan ko ring pang grocery…”
Tiningnan ko si Rin na problemadong problemado.
“Pwede po ba sa susunod na week nalang? Magsisimula pa kasi ’yung gig ko. Kakatapos lang ng…”
“Magkano po ba lahat ’yon?” singit ko at binuksan ang wallet ko.
“Reagan,” mabilis na tawag ni Rin sa akin, humawak pa sa bicep ko.
Mas ganado tuloy akong maglabas ng pera dahil pansin ko napapahawak siya sa akin para pigilan ako.
“Ay teka…itototal ko ulit. Nagdagdag kasi ’yon si Rio ng bigas noong nakaraan…” ang tindera na nagmamadaling pumasok pabalik sa kanyang tindahan.
Ngiting ngiti ang mga babaeng patuloy kaming tinitingnan.
“Swerte mo ata, Denver. Himala at hindi ikaw ang gumagastos. Ganyan nga! Patunayan mong hindi dapat bakla ang gumagastos lagi sa lalaki!”
Hindi ako nagpapigil na bayaran ang utang. Umalis din kami roon dala ang isang case na binili ko, hinatid lang doon pabalik sa ama ni Rin na iritado lagi ang tingin sa akin. Mabuti nga at hinayaan din kaming umalis agad, siguro dahil nawili rin sa binili kong isang case.
Pinapasok niya ako sa bahay nila. Walang tao. Mukhang wala ang mama niya. Tahimik lang akong nakaupo sa sofa nila, tumitingin tingin sa maliit nilang bahay. May sala, dalawang kuwarto na nasa harap, isang kusina na maliit.
Hindi naman ako maarte sa paligid. High school, mulat ako sa ganito dahil sa dati kong circle. At sana, iyon ang maramdaman ni Rin, na wala akong pakialam kung saan siya nanggaling, kung ano ang estado niya sa buhay, o kung ganito ang pamilya niya.
Hindi niya naman ito pinili. Hindi niya ito kayang kontrolin. Maswerte lang ako dahil ang parents ko, talagang siniguradong magsisimula ng pamilya na financially stable. Pero ang mga kagaya ni Rin na hindi biniyayaan ng mga magulang na hindi pa handa sa responsibilidad na pinasukan nila, hindi niya ito kasalanan.
Hindi niya dapat ikahiya ang isang bagay na sa umpisa pa lang, hindi niya naman pinili.
“Kung ano-ano pala ang pinag-uutang niyo roon kay Aling Grace,” si Rin na halos buntonghininga na ang pagsasalita nang pagalitan si Rio na yumuyuko at magkasalubong ang kilay.
“Sa condo ka pumunta, Rio. Summer naman. Doon ka muna. Unlimited ang pagkain ko roon,” anyaya ko na ikinaangat agad ng ulo ni Rio, medyo kumalma at na excite.
Ipinakita ko ang palad ko at mabilis siyang nag-apir saka kami nagngisihang dalawa. Nga lang, sinamaan kami ng tingin ni Rin kaya kahit ako, napayuko tuloy habang napapawi ang ngiti ni Rio. Hayop. Nagyayaya lang eh. Nasali pa.
Kinuha lang ni Rin ang gamit niya at hindi rin nagtagal sa bahay nila. Nasa kotse na kami nang may matanaw akong papadating. Naka itim na t-shirt, katulad kung paano ako magsuot na nakatupi ang bawat manggas hanggang dulo ng balikat, at may hawak na tali ng malaking German Shepherd.
Natanong ko naman kay Mavric, at napagtanto ko rin kanina. Pero iyong makita, parang nakakagulat pa rin.
“Jasver,” I said, like I had cracked a code.
Tiningnan ni Jasver ang kotse ko na umaalis na sa gilid ng bahay nila, magkasalubong ang kilay. Lumabas pa ang kapatid niyang babae, itinuro ang kotse at mukhang nagsumbong.
Rin only looked away. “Bata pa ako no’n.”
Nakakaselos ah? Pero ayos lang.
“Tipo mo pala ’yung maaangas?” biro ko kahit parang gusto kong magdabog.
“Hindi naman. Golden Retriever vibes nga ang tipo ko,” aniya.
I nodded calmly. Oo nga naman. Gusto niya ’yung kalmado lang. Hindi overreacting. Hindi madaling magalit. Positibo. Kaya ko naman ’yan. Ang dali dali lang niyan eh.
“Ayos lang ’yan, Rin. Hindi naman ako seloso. Kahit marami kang crush noon, ayos lang,” kalmado kong sabi kahit ang totoo, parang bulkan na kumukulo ang dugo ko.
Pero ayos lang talaga sa akin. Mabigat sa loob pero kaya pa namang dalhin. Isa pa, ayaw ko rin talagang makita niyang ang higpit ko. Mas mabuti iyong siya lagi ang nasusunod para walang away. Batas ko siya. Kahit hindi pa naipapasa ng congress, susundin ko agad ’yan pag si Rin na ang nagsabi.
“Kailangan kong magsikap na magtrabaho para sa pang-aral ni Rio,” ani Rin nang mapag-usapan namin ang gig niya.
Naaawa talaga ako kay Rin. Gusto ko siyang alisin sa pamilya niya, lalong lalo na sa mga magulang niya. Pakiramdam ko, wala siyang kakampi sa bahay nila. Si Rio lang pero bata pa.
Kahit hindi siya magkwento sa akin, ramdam ko ang bigat ng problema niya. Hindi ko alam kung paano niya kinakaya pero namamangha ako na ang tapang tapang niya.
Since summer started, just like he said, he is now busy with his gigs. Gusto ko talagang tumulong pero hindi ko pa nasasabi kay Rin.
Tapos na rin naman akong magpaalam kay Mommy. Hindi pumayag pero wala siyang magagawa. Gagawin ko ang gusto ko. Hindi rin naman ’yon papalag kung ginawa ko na talaga.
“Para saan?” Alala ko ang usapan namin ni Mommy noong umuwi ako sa Malabon at kinwento ko.
Hindi ko alam kung bakit hindi niya na nabanggit ang topic namin noong nakaraan. Maybe she was trying to set it aside because it was triggering for me. Pero seryoso ako na ipapakilala ko si Rin. Dadalhin ko ’yon dito sa Malabon.
“Para magkapera my. ’Yun naman ’yon eh,” sabi ko habang naghihiwa siya ng prutas at pinapanood ko dahil baka malingat siya, daliri niya na ang mahiwa.
“Oo nga. Pero para saan? May gusto ka bang bilhin? Dahil ba ’yan sa nililigawan mo? Kasya naman ang allowance mo pang date ah? O baka naman ibabahay mo kaya naghahanap kana ng malaking pera.”
Naituko ko ang mga siko ko sa counter ng kitchen bar namin.
“Ihihingi ko pa ’yon sa’yo? Pang date tapos ikaw gagastos?” Ngumiwi ako.
“O eh saan mo ba ’yon hihingin? Sino bang Mommy mo? May iba ka pa bang mommy? Kaya nga ako nagtatrabaho para may maibigay ako sa’yo. Anong silbi ko bilang mommy mo kung papabayaan kita?” At ang arte talaga kamo ng ina ko.
Nahaplos ko ang batok ko. “Pera na ako ang nagsikap, my. Ano ’yon, bibigyan ko siya ng pera na hiningi ko galing sa’yo? Edi sana inampon mo nalang ’yon!”
“Ako na ang bahala sa date niyo.” Ngiti niya na talagang ikinangiwi ko.
Hayop naman. “Mukha na akong mama’s boy. ’Yung nililigawan ko ang independent. Nagtatrabaho. Hindi umaasa sa parents. Tapos ’yung nanliligaw palamunin? Hindi lang palamunin, mama’s boy pa? Itali mo nalang ako, my! Gawin mo nalang akong aso mo!” madrama kong sabi para masabayan ’yang kaartehan niya kaya hindi niya napigilang matawa.
Namaywang siya at naniningkit na ang tingin sa akin, sinubukan lang magseryoso. “Eh ano ba dapat Reagan? Anak na lalaki kita kaya mama’s boy!”
“Ah wala wala! Ipopost kita sa Facebook para mabash ka sa internet. Magbasa basa ka ng comments para makita mo na pangit na ’yan ngayon.” Talikod ko sa kanya at humalukipkip ngunit inabot ba naman ang tainga ko kaya natatawa akong tumingin ulit sa kanya.
“O edi ibash ako! Wala siguro silang mama kaya naiinggit! At kung gusto mo ng pera, ibenta mo ’yung ibang property na pinamana ng dad mo sa’yo.”
Doon ako kumalma. Well, I wanted to make good use of those lands in the future. At baka mawindang si Rin kung ilang milyon ang ibibigay ko ngayon. Baka sabihin no’n na may illegal business ako. Baka rin multuhin ako ni Dad sa kalokohan ko pag binenta ko ang lupang pinamana niya.
Kaya ngayong nakikita kong nagsisipag si Rin na magtrabaho, ang swerte swerte ko pala talaga sa parents ko. Ayaw ni Mommy dahil gusto niya, focus lang muna ako sa pag-aaral. Si Rin, kahit ayaw niya, kailangan niyang gawin dahil marami ang umaasa sa kanya.
Friendly at kilalang kilala si Rin sa District One. Halos lahat din ata ng girls pinapansin siya. Para siyang mga may fangirls at napapahagikhik pag ngumingiti siya pabalik.
But I tried to calm down. It’s pretty entertaining to watch him do something that he enjoys, which is singing. Nag-iiba siya pag nasa stage siya. He’s playful and seductive. Napapansin ko ’yon na mas madalas siyang ngumiti pag kakanta siya.
Susulyap siya sa akin at makukuryoso kung anong ginagawa ko. Kaya pag naaabutan niya akong titig na titig sa kanya, minsan nagvivideo pa, matatawa siya.
I posted it on my Facebook story. Pero hindi siya kasali. Baka sakalin ako ni Rin na nanliligaw pa lang, siya na ang laman ng stories ko. Pahapyaw ko lang ginagawa. Pero boses niya ang nangingibabaw.
Kalat naman sa school na pinopormahan ko siya e. Para iyong virus na hindi na ma-kontrol ang pagkalat. But I don’t really care at all. So what? Eh mahal ko e. Kailangan ko bang ibulsa ang nararamdaman ko at itago sa dilim? Syempre ipagmamayabang ko ’yan.
Tumigil saglit si Rin sa pagkanta, bumaba ng stage, at mukhang kinausap siya ng waiter. I was just watching him move around.
May lumapit na lalaki sa kanya at mukhang kinausap siya. Hindi ko alam kung lasing na ba o may sadya sa waiter na kausap ni Rin. But the way he looked at him, his hand reaching for his arm, I stood up.
“Number lang naman.” I heard the slurry voice of the idiot.
“Sir,” ang waiter na mukhang inaawat kung ano mang espiritu ng alak ang sumasanib sa kanya.
“Hindi ikaw ang kinakausap ko,” maangas na sabi ng lalaki sa waiter.
“Bakit? Ako nga ang kausapin mo,” singit ko at tumayo sa likod ni Rin.
I was like a sudden demon being summoned out of the darkness in Rin’s horrified reaction when he glanced at me. Parang mas kabado siya na ako ngayon ang lumitaw kaysa sa ginagawa ng lalaki sa kanya.
Tumingin ang lalaki sa akin. He even lifted his gaze a bit because I’m taller than him.
“Anong kailangan mo?” I asked seriously and stepped forward, almost blocking Rin from his sight.
“Oh…” Napaatras siya, natawa at medyo kinabahan habang iniaangat ang mga kamay. “Bro, calm down…”
I laughed. Calm down? Hindi pa ako galit! Siya kamo ang kumalma at baka pulutin ko siya at ihagis palabas.
Napatingin ang waiter sa akin saka rin tumingin kay Rin.
“Ayos na pala, Denver. Hayaan mo nalang. Kalimutan mo na,” agap ng waiter na lalaki, halos mautal pa at mukhang kahit siya, natakot.
Umangat ang kilay ko at nilingon si Rin. “Ayos ka lang?”
Kumurap siya saka ako tiningnan. “Bumalik kana sa upuan mo. At huwag kang tumayo. Sinisindak mo sila.”
Napangiwi ako. Ako pa ngayon ang may kasalanan na nasisindak ang mga ’to?
“Ayos lang ako. Normal lang ’yon pag nasa Club talaga ako. May mga ganoon at…kaya ko naman…”
“Hindi rin. Hindi iyon ayos sa akin. Kung sanay kang mabastos, sa akin hindi ko ’yon palalampasin. Hindi dapat ikaw ang nag-aadjust sa ganoon.” Sila ang mag-aadjust dahil kung hindi, panga nila ang maaadjust kung binastos nila si Rin.
He grabbed my arm and walked me to my table, like he really wanted to see me sit on my seat again.
“Ayaw ko lang na napapaaway. Baka mawalan rin ako ng trabaho,” aniya nang hinila pa ang upuan para lang ipakita sa akin na umupo na ako dapat.
I took the seat. He calmed down, as if I didn’t look intimidating anymore because I looked small. Humalukipkip ako, isinuot ang hoodie sa aking ulo.
“Huwag kang pumatol. Ako na,” I said seriously.
Namilog ang mga mata niya at natawa. “Gago ka talaga.” Iling niya ngunit nangingiti.
“Sana namana mo ’yung angas ng tatay mo. Kahit ’yun nalang,” sabi ko kaya tumawa siya, inabot ang tainga ko at gusto pa ata akong pingutin!
Hinuli ko iyon, nangingiti na. “Aray. Nananakit.”
“Huh? Hindi ka pa nga sinasaktan!” Mas lalo siyang natawa sa maarte kong reaksyon.
Malawak na ang ngisi ko. Hawak ko ang kamay niya at ang lambot no’n. I never thought holding him like this would immediately make me excited.
“Denver,” tawag sa kanya ng waiter at itinuturo na ulit sa stage.
Lumingon siya roon kaya nilingon ko rin, inaangatan ng kilay dahil disturbo. Tinanguan siya ni Rin saka ibinalik ang tingin sa akin, naabutan ang titig ko sa lalaki kaya hinilamos niya ang isang kamay sa akin.
“Ano ba. Gangster ka ba at masyado kang maangas?” He pointed out until my gaze calmed down again.
Hindi ko namamalayan eh. Nasanay na talaga ako na ganoon ako tumingin. But damn…I’m suddenly distracted. Hinilamos niya sa akin ang palad niya! Ang bango bango ng kamay.
“Huwag kang tumayo,” he warned, taking his hand slowly off me. Ginawa pa akong baldado.
Pabalik na siya sa stage nang magsalita ako ulit. “Paano kung nauuhaw ako? Ano, gagapang, Rin?”
He glanced at me and glared playfully. I raised my hands and showed him I wouldn’t try any stunts that would put him in trouble. May ngiti sa labi niya nang alisin niya ang tingin sa akin, naroon na sa stage at naghahanda ulit para kumanta.
Kinagat ko ang nakangiting labi at aksidente pang nakita ang pamilyar na kakapasok lang na si Arron na ikinapawi ng ngisi ko. Kahit wala pang nangyayari, amoy na amoy ko agad ang gulo. At bakit siya nandito?
Chapter 35
Creep
He occupied the table next to me. Nasa akin ang tingin niya nang hinila niya ang upuan at inukupa iyon. I leaned against my seat, crossed my arm, and glanced at him with an arched brow.
Arron ordered some drinks for himself, just like mine. At kahit ang pulutan ko, nakita ko pang nilingon niya sa table ko. Nahihiya pa ang isang ’to! Lumipat nalang din siya sa table ko kung gagayahin niya lahat at makipag-inuman na rin sa akin!
Napapatingin si Rin sa aming dako. Kita ko sa mga mata niya ang kaba na maaaring bigla kaming magbibirahan ni Arron pag nalingat ang tingin niya. Kung hindi ako aangasan ni Arron, nakakasigurado naman akong hindi ko masasapak ang isang ’to.
“Bakla ka pala,” aniya. Tang inang papansin ’to. Close ba kami? Umpog ko siya eh.
“Nagsalita rin ang bading,” I murmured and sipped on my own beer.
Halata namang inaasar niya ako. Lalo na’t sa pagkulo ng dugo ko, talagang nakakapikon. But again, I don’t want to start a fight here. Pag gumawa ako ng gulo, lagot ako kay Rin.
I know how to manage my anger. Talagang minsan, nauuna lang ang galit sa akin at hindi ko namamalayang natangay na pala ako. Ngayon lang siguro ako natututong kontrolin dahil naalala ko lagi ang sinasabi ni Doc Jane. Emotions are just temporary. Kung ano man ang nagawa mo habang galit ka, iyon ang magmamarka, hindi ang galit mo kundi ang desisyon mo habang galit ka.
“I heard you’re courting him,” he said, striking up another conversation.
Humalukipkip ako, nasa harap ang tingin. Rin looked at me like I should be the one who’s adjusting here, or my anger. Eh ako ang tinabihan, Rin! Anong magagawa ko? Kung lumipad ang kamao ko ngayon sa mukha niya, kasalanan niya dahil ang lapit lapit niya sa akin.
Nagkibit ako. “Single eh.”
He barked an insulting laugh. “Oh? Kahit noong hindi naman ’yan single mukhang pinormahan mo rin ah? Kaya nga naumay sa akin at nakipagbreak.”
Nagkasalubong ang kilay ko at bumaling sa kanya. He smirked at me, so I looked at his lips. Makangisi pa kaya ’to kung bubungalin ko siya?
“Kung hiniwalayan ka niya, hindi ba’t isipin mo kung anong ginawa mo para maging ganoon ang desisyon niya?”
“Hiniwalayan ako dahil nanggulo ka, Vallejo,” he said. “Knowing the circles you are in…”
Gago ah? Anong kinalaman no’n? Past ni Brent na laging pinag-uungkat! Nagbabago na ’yung tao oh! Oo nga gago si Brent noon sa girls, hindi lang naman siya, pero nakakaumay na lagi kaming napagbibintangan ng kung ano ano dahil sa mga mali namin sa nakaraan.
Parang ako rin. Oo galit ako noon sa bakla. Nang-iinsulto ako. Pero sinikap kong magbago dahil mali iyon. Ano, hindi counted? Kailan pa binilang ang mali? Tama lang ang dapat binibilang ah?
Kapwa nasa harap ang tingin namin, kay Rin na kumakanta at pasulyap sulyap sa aming banda.
“Ininsulto mo. Halos pandirihan mo. Tapos ngayon, hindi mo lang sinulot, inabangan mo pa,” patuloy niya.
Tss. Anong sulot? Mata niya sulutin ko eh. Hindi nga lang ako makapalag sa iba niyang sinabi dahil totoo rin naman.
He scoffed when I didn’t answer him. “Paanong hindi ko malalaman eh like ka nang like ka sa mga post ko? Kapal din ng mukha mo.”
Halos maibuga ko ang iniinom ko. Anong like? Bakit ko ila-like? Gago. Mang-i-stalk nalang mag-iiwan pa ng ebidensya. Ah… kaya naman pala nagpopost ng picture nila kahit hiwalay na dahil alam niyang binibisita ko ang wall niya. Nagyabang ang wala nang karapatan.
“Sinisigurado ko lang na alam mong may handang sumalo sa kanya kung ginago mo,” hirit ko kahit hindi ko naman alam ’yang tinutukoy niyang na like ko.
Ramdam ko ang tensyon sa aming dalawa. Kahit ang kamao ko, nangangating lumipad sa mukha niya. Kaya ko namang patunayan kay Rin na wala siyang magiging problema sa init ng ulo ko dahil sariling problema ko ito. Kaso itong si Arron ang talagang nakakapanggigil.
“Uy Arron! Nandito ka ah? Binabantayan mo si Denver?” biglang puna ng isang lalaking medyo malambot ang tinig ganoon din ang kilos. Gusto ko sanang sabihing bakla rin pero ako nga itong ang siga siga, sobrang angas, pero baliko pala.
Tumawa lang si Arron. Hinampas siya sa braso noong lalaki bago ito umalis. Hindi lang ata iyon ang unang beses na may pumansin sa kanya, lalo na’t mukhang kilala siyang… boyfriend ni Rin.
“Namiss ko kayo ni Denver dito! Huwag kayong maghiwalay para hindi laging matamlay si Denver,” isang babae naman ang nagsabi no’n.
“Ah… hiwalay na kami,” ani Arron na ikinamilog ng tingin noong babae. “Sinusuyo ko pa ulit.”
“Ay totoo pala talaga ’yung rumor? Naririnig ko rin dito eh. May pumuporma raw na bago kay Denver. Maangas at matangkad daw. Nakalimutan ko ’yung pangalan pero kilalang varsity player daw.”
Arron only shrugged. Nagkakasalubong na ang kilay ko lalo na’t alam ko namang ako ’yung tinutukoy noong babae.
“Schoolmate,” tipid na sabi ni Arron.
“Gago pala siya eh! Sulutero! Ang kapal naman ng mukha!” Wala akong narinig kundi boses lang ni Rin na kumakanta.
Arron only smiled. Magkasalubong naman ang kilay ko at medyo hindi na maganda ang timpla ng mood ko. Oo makapal talaga ang mukha ko, pero hindi ko ’yan sinulot! Kahit pa kaya ko iyong gawin, dumistansya ako! Gago nitong mga ’to ah? Pag-umpugin ko silang dalawa e!
Ramdam kong pasimple akong inaangasan ni Arron sa pamamagitan noon. Kulang nalang siya ang magkusang isampal sa akin iyon na sa aming dalawa, nauna siya. Hindi naman na matimbang sa akin na siya ang nauna, pero lugi rin talaga. Lalo na’t sa aming dalawa, mas kilala na siyang naging boyfriend ni Rin.
Natahimik ako sa upuan ko. Nagsusuntukan na ang insecurity at galit sa akin. Nakakapangliit.
“Alam mo ba ang pinapasok mong relasyon, Vallejo?” muli niyang tanong.
Bumaling ako sa kanya. “Sa’yo pa talaga nanggaling, ah?”
“Kilalang kilala mo ba si Denver? ’Yung problema niya sa pamilya, alam mo ba?”
“Alam ko.”
“Talaga? Kaya mo bang harapin si Tito Ramil?”
Kinaya! Nilasing ko pa nga. Binilhan ko ng isang case. Sa susunod na haharapin ko ’yon, isang truck ang bibilhin kong beer para hindi na makabangon habang buhay. Gago rin eh.
“Eh ’yung dahilan kaya siya baliko. Alam mo ba?” hirit niya na kumuha ng pansin ko.
Hindi ko ’yon alam. Hindi makwento si Rin sa totoo lang. Nalalaman ko lang pag kusa kong inaalam. At hanggang ngayon, kahit nililigawan ko na siya, parang tuldok lang ng buhay niya ang alam ko.
Mas lalong dumagdag iyon sa panliliit ko. Hindi ko alam kung nagagalit ba ako ngayon kay Arron o… naiinggit na.
“Sinasabi ko sa’yo. Hindi mo siya kilala. Walang nakakakakilala sa kanya kundi ako lang.”
My jaw clenched, and I chugged down my own drink in one shot.
“Iba ang mundo ng LGBT, Vallejo. Hindi sapat na kaya mo siyang ipangalandakang sa’yo. Hindi sapat na tanggap mo siya ng buong buo. Dahil kung pumasok ka diyan na hindi mo tanggap ang sarili mo, wala pa rin.”
“Huwag mong ipasa sa akin ang mali mo. Ikaw ’yan. Hindi ako.”
“Noon ’yon. Kaya ko na ngayon.” Tila ba may pinapahiwatig siya roon.
O edi lumaban kamo siya ng patas! Kung balak niyang pormahan ulit, huwag siyang madaya. Pero ewan ko ba, pakiramdam ko, matatalo niya ako ano mang oras dahil lamang siya sa akin.
Kaso hindi ito kompetesyon. Hindi ako nakikipagkompetensya sa kahit nino mang mga pumoporma kay Rin. Gusto ko lang siyang tratuhing tama, gustong kilalanin, at gustong… akin. ’Yun lang naman.
Nasa kanya pa rin ang desisyon kung sino ang sasagutin niya. Malaya siyang pumili. Malaya siyang hindi ako sagutin kung…may mas nagparamdam sa kanya kung paano siya mamahalin ng tama. At kung hindi man iyon ako, s’yempre magdadabog ako pero hindi ko rin ipipilit.
“Hindi niya ba nasabi sa’yo na nasa’yo lahat ng trauma niya sa ama niya?” Itong si Arron, ang kapal kapal ng mukhang makipag-usap sa akin.
Fuck. I don’t like this. Gusto niyang sagarin ang pasensya ko at talagang kuhang kuha niya ang pintig ng mga ugat sa ulo ko.
“Naninigarilyo ka hindi ba? May pilat ’yan sa may parteng collarbone dahil pinaso siya ng sarili niyang ama. Kaya nakakainsulto na ang ipinalit niya sa akin ngayon ay ang taong nagpapaalala sa kanya kung bakit minsan, ayaw niya nang mabuhay,” aniya at iritado akong tiningnan.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Naaalala ko iyong pamumula ng collarbone niya pero hindi ko alam na…ganito kalala.
“At tingin mo gagawin ko ’yon sa kanya? Tingin mo pagbubuhatan ko siya ng kamay?” malamig kong tanong.
Ngumisi siya. “Nananakit ka raw ng bakla eh. Kalat ang pagiging homophobic mo, Vallejo. Baka sa susunod nito, makita ko nalang siyang may pasa sa mukha dahil uminit ang ulo mo.”
My hand turned into a fist. Hindi ko alam kung kusa bang naging madilim ang paligid o sadyang ang tingin ko iyon sa kanya. Sa iritasyon ko, hinablot ko ang kwelyo niya at hinila siya para sa bwelo kong suntok.
Mabilis ang pangyayari. Sinipa niya ang upuan ko kaya natilapon ako palayo sa kanya. Ngunit mabilis ang tayo ko at sumugod muli palapit, ganoon din siya na tumayo at sinalubong ang galit ko.
“Tang ina ka talaga!” I shouted angrily.
“Ikaw pa ang galit ngayong ikaw ang nanggulo!” sigaw niya pabalik.
Marami agad ang lumapit at gusto kaming awatin. Sa sobrang galit ko, may nasiko pa yata ako. Tatlong bouncer ang umawat at kahit ang kanta ay natigil dahil kulang nalang, magsidamputan kami ng mga gamit ni Arron para ihampas sa isa’t isa.
Sobra akong nainsulto. He’s putting words in my mouth—son of a bitch! Kilala niya ba ako para husgahan ako dahil lang sa mga mali ko sa nakaraan? Tang ina! Ginagawa ko ang lahat para magbago, para mapatunayan kong karapat dapat ako kay Rin! Oo, kinakahiya ko ang pangit kong mga mali noon, na homophobic ako. Pero alam niya ba kung bakit? Alam niya ba ang nasa likod noon? Hindi!
Maybe it was my frustration and insecurities acting up that my anger ruled over, and I just want to beat the shit out of him. Hindi ko tanggap na galing mismo sa kanya ang mga insultong iyon na isa ring may mga mali! Isa ring hindi perpekto, at isa ring hindi naalagaan ng maayos si Rin.
“Sorry po talaga,” hingi ng depensa ni Rin nang maawat kami.
Kapwa kami may hawak na ice pack ni Arron, matalim ang tingin sa isa’t isa habang nakaupo at si Rin ang nakatayo, kinakausap ang manager na may sarili ring ice pack lalo na’t may pasa sa pisngi.
Hindi ko man lang namalayan iyon. Siguro noong nakiawat siya sa amin, isa sa nasiko at natamaan kaya ngayon galit na galit na.
“Den… alam mong naawa ako sa’yo kaya hinahayaan kitang magtrabaho rito, pero kung ganito, I’m sorry, but I might fire you.”
Kapwa naapangat ang tingin namin ni Arron. Kita ko ang panlulumo ni Rin. Tumingin sa amin ang lalaki na manager, dismayado ang tingin at naiiling na idinikit ang ice pack sa pisngi.
“Sir John…” marahang tawag ni Rin at nangungusap ang nagmamakaawang tingin. “Kailangang kailangan ko po ang gig na ’to…”
“Sir,” tawag ko at tumayo.
I’ve seen how his lips parted, wanting to say anything, but he stopped and hesitated. Nilingon ako ni Rin, sinamaan ng tingin kung bakit ako tumayo, ngunit pakiramdam ko, kasalanan ko rin talaga.
“Humihingi ako ng tawad sa gulo, sir. May hayop kasi ang bibig diyan sa tabi tabi,” sabi ko na ikinasama ng tingin ni Arron.
“Nagsalita rin ang hindi hayop,” aniya sa galit na tinig at siya naman ang sinamaan ng tingin ni Rin kaya tumahimik lang.
“Pero huwag niyo pong tanggalan ng trabaho si Rin dahil dito, sir. Ako naman ang may kasalanan. Ako ang magbabayad no’n… hindi si Rin.”
Umangat ang kilay ng manager ni Rin. Kung kanina ay dismayado, ngayon, sa kinang ng mga mata, para bang may naisip siyang solusyon sa ginawa naming gulo ni Arron.
“Labag sa loob ang desisyon ko na tanggalin si Denver dahil para ko na ’yang alaga rito sa District One. Siya ang pinaka batang pinayagan kong tumugtog dito dahil naaawa rin ako sa kanya. At bilang manager, ayaw ko ng gulo sa club na ito. Pero…” Tiningnan niya ako ng makahulugan, kahit si Arron.
I should not jump to conclusions, alright. ’Yan ang natutunan ko kahit papano, na hindi purket malambot ang kilos ng isang lalaki, bakla na. Pero hindi ko maiwasang punahin dahil amoy na amoy ko na ang manager ni Denver ay…bading.
“Ano ’yon, sir?” agap ko.
“Sir John. Name ko ’yan. Pero pwede ring Ma’am Johnnie,” mas malambot niyang bigkas at ngumiti. Gago. Sabi na.
“Ikaw ah! Basagulero ka! Tingnan mo ang ginawa mo sa cheek ko,” halos pairap niya iyong sabihin.
Gusto kong ngumiwi sa totoo lang. Kung nakilala niya ang dating ako, tutuluyan ko pa siya eh. Pero dahil unti-unti ko ring tinatatak sa isip ko na hindi lahat ng bading ay katulad noong bumastos sa akin, kumalma ako.
“Dagdagan ko ba sir? Papantayin ko lang ’yung pamumula para mukhang may blush on ka,” biro ko kahit gusto kong totohanin talaga.
Humalakhak siya. Ngumuso ako at medyo natuwa na nagets niya ang biro ko kahit ang tarantado pakinggan. Ngunit nang sinamaan ako ng tingin ni Rin, napawi agad ang ngiti ko.
“Biro lang, sir,” hingi ko agad ng depensa.
“Ay gusto ko ang bibig ng isang ’to, Denver! Ito ba ang ipinalit mo kay Arron?”
Umismid si Arron. “Homophobic ’yan, sir.”
“Homophobic?! Totoo ba ’yon?!” Angat ng kilay sa akin ni Sir Johnnie.
Noon! Tang ina, noon! Pero kung si Arron lang naman din ang bading, oo talagang homophobic ako. Wala pa ’yang ginagawa, gusto ko na agad bangasan ’yan.
“Galit ka rin sa akin, ’di ba? O edi homophobic ka rin!” Bintang ko kay Arron e s’yempre, bisexual ako.
“Ay totoo?! Ano ka, bisexual?” kumpirma ng manager ni Rin, nagniningning na agad ang tingin sa akin.
“Oo, sir. Nanliligaw kasi ako kay Rin…”
“Rin? Who ’yan?” maarte niyang tanong.
“Ah…” Tiningnan ko si Rin na bumuntonghininga. “Si Denver…”
Namilog ang mga mata niya at pasimpleng kinurot ang tagiliran ni Rin na ikinabusangot ko. “Ay bakla ka! Ang haba talaga ng hair nitong junakis ko!”
Ngumuso lang si Rin at namula. Sa daloy ng usapan, sa pagkalma ng manager at mukhang close naman kay Rin, medyo kumalma ako na madadaan lang pala sa usap.
“Gusto ko kayong dalawa ni Arron ang magtrabaho rito ah? Para kung mag-away ulit kayo, alam niyo nang dalawa na pati si Denver, matatanggal dahil sa inyo. O total pinag-aagawan niyo ’yan, ngayon ko makikita kung sino ang mas karapat dapat sa junakis ko.”
Iyon ang huling sinabi noong manager ni Rin bago kami pinakawalang tatlo. Kaya ngayon, ang desisyon ni Rin ay…
“Bakit kasali pa siya? Pwede naman siyang waiter nalang at ako lang ang guitarist mo. Hindi na natin kailangan ng drummer,” iritado kong reklamo nang gusto niyang si Arron ang drummer niya.
Nasa front seat ko na siya at pauwi na kami sa Green Residences. Noong lumabas kami kanina sa District One, kinausap niya pa saglit si Arron. Hindi ko rin mapagbawalan dahil wala pa naman kaming label. Nanliligaw pa lang ako.
“Ewan ko sa inyo,” may tabang sa tinig niya at nakapikit na, mukhang nastress sa gulo kanina.
Tumikhim ako at tumahimik nalang. Patay.
Napadaan tuloy ako sa 7-eleven bago siya ihatid. Kailangan ko atang palaklakin ’to ng ice cream para man lang mawala ang bad mood. Kasalanan ko rin talaga kasi ’yon.
“Pagod kana ba? Ice cream muna tayo,” anyaya ko.
Dumilat agad siya nang marinig iyon. Ipinapark ko na rin ang kotse at doon niya lang din namalayang nasa tapat na kami ng 7-eleven. Tahimik lang din siyang sumama sa akin, pero alam mong galit talaga dahil nagpaiwan sa labas at umupo na, hindi man lang ako sinamahan.
I bought our usual snacks. Noong lumabas ako, tahimik lang siyang nakahalukipkip at hindi ko na naman mabasa ang ekspresyon niya. Inilapag ko ang mga binili na tiningnan niya at hinayaan akong gawin iyong madalas kong ginagawa sa oreo at ice cream.
Tumingin siya sa mukha ko at sinamaan iyon ng tingin. Nahaplos ko tuloy ang labi ko. May kaonting gasgas eh.
“Makipagsuntukan ka pa. Dapat hindi na kayo inawat eh. Kulang pa ang gasgas sa mukha mo,” irita niyang sabi. Galit nga ang isang ’to.
“Inangasan ako, Rin!” sumbong ko. “Sinabi niya, siya lang daw ang nakakakilala sa’yo, at pinagbintangan niya akong pagbubuhatan kita ng kamay. S’yempre uminit ang ulo ko, gumalaw ang kamao ko, at ayon na…”
“Sinabi niya ’yon? Ang gagong ’yon.” Mas nanliit ang mga mata niya sa sumbong ko. Inaway ba naman ako! Siya ang lagot ngayon, hindi ako.
“Oo. Marami siyang sinabi. Hindi lang ’yon.”
“Ano pa?”
“Pati ’yung rason kaya ka…bading.” Nag-iwas ako ng tingin.
Bumaba ang balikat niya, medyo nawawala ang iritasyon sa mukha. “Sinabi niya ba?”
Umiling ako. “Hindi eh.” Saka ko inilagay sa harap niya ang oreo cup na may ice cream na. Sa gilid noon ay ang tatlong magnum na classic.
“Kahit nakakagalit si Arron, siguro naiinggit din ako sa kanya. Mas kilala ka niya…“I smiled flatly.
Napaahon ang tingin niya. I smirked to at least show I’m okay.
“Pero kaya nga ako nanliligaw kasi gusto kitang kilalanin, higit pa sa kung paano mo nakilala ang sarili mo, Rin. Gusto kong patunayan na may parte pa sa’yo na hindi mo pa alam. Gusto kong…ilabas ang meron ka na hindi mo pa nakikita, o nadidiskubre.”
He stared at me unbelievably, his lips parting while he looked so stunned. Kinagat ko ang labi ko.
“Pasensya na kung…uminit ang ulo ko at nasuntok siya. Pasensya rin kung kamuntik kanang matanggal sa trabaho mo dahil sa akin, pero pangako, Rin. Huling gulo na ’yon.”
His shocked eyes calmed down a bit. I smiled a little, which made his gaze crawl down my lips.
“Gusto kitang bagayan, hindi lamang sa itsura, kundi pati sa ugali, Rin. Gusto kong…bagay tayo. Gusto kong maging karapat dapat sa’yo…” maamo kong pahayag.
His freckles turned a bit red when he flushed. Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti kahit na nanliliit talaga ako para sa sarili ko—naiinggit kay Arron, ngunit ayaw kong magpalamon sa insecurities ko. Ayokong bitiwan ito. Ayokong umatras. Gusto kong patunayan na kahit ang sarili ko, kaya kong talunin para lang maipanalo ko ang sa amin.
“Hintay lang. Babagayan kita. Na kung…maging tayo man, hindi ka mahihiya na ako ang boyfriend mo dahil alam kong hindi ako gago. Na…maiinggit sila hindi dahil tayo, kundi dahil napunta ka sa matinong tao.”
His face lightened, and he ended up laughing. Umiling siya, pairap iyong ginawa pero may ngiti na sa labi habang nagsisimula nang magscoop ng ice cream kaya ginaya ko rin.
“Talaga? Sinasagot mo na ako? Boyfriend mo na ako?” hirit ko at ngiting ngiti, sumusubo na rin.
Mas tumawa siya at itinuro ako gamit ang maliit na wooden spoon. “Wala akong sinasabi! Huwag mo akong patawanin. May kasalanan ka.”
Napawi tuloy ang ngiti ko. “Hindi na nga uulit oh! Gumalaw lang talaga ang kamao ko. Biglang lumipad. Huli na noong pinigilan ko. Nasuntok ko na siya. Nakakairita eh.”
“May…nangyari kasi sa bahay namin,” bigla niyang sabi na ikinakurap ko.
Tahimik ko siyang tiningnan at nagscoop ako ng oreo pero nasa kanya ang buong atensyon. Mukhang may sasabihin siyang importante.
“’Yung mama ko kasi, ang hilig magpatuloy ng kung sino-sinong kamag-anak sa bahay namin. S’yempre, pagkakatiwalaan mo kasi nga kadugo mo. Pero…”
My heart skipped a beat. Hindi ko gusto kung saan ito patungo, at pakiramdam ko, hindi ako magiging handa na marinig iyon.
Bumuntonghininga siya, tila ba hindi kayang ipagpatuloy ang madilim na nakaraan niya. “Pero may kapatid ako,” agap niya. “Si Kuya…”
I nodded since I knew. May nakita akong frame sa bahay nila eh. Tatlo ’yon sila. Bata pa sila at ang liit liit pa ni Rio roon.
“Siya ang rason kaya nakaya kong magpatuloy at lumabas. Parang siya ang sarili kong therapist. He…saved me.”
Medyo napanatag ako kahit papano. Ang malamang may kakampi siya sa bahay nila, na may pinanghuhugutan siya ng lakas ang nagpapawi ng pag-aalala ko.
“Na walang mali sa akin at dapat ipagmalaki ko ang sarili ko. Kaya noong college ako, tuluyan akong lumabas. Dahil ’yon sa suporta ng kuya ko.”
“Nasa’n na ba siya? Hindi ko siya nakita sa bahay niyo.”
“Busy ’yon eh. Naglilingkod na sa simbahan. Kaya nga ’yung parents ko, ayaw na rin manghingi sa kanya.”
“Sakristan?”
Tumango siya. “Oo. Sobrang bait no’n ni Kuya. Itinaguyod niya rin ako noong high school pa ako. Kaso may nangyari kasi kaya huminto na siya sa trabaho niya. Pero hindi na kasi ako kayang pag-aralin ni Kuya sa kolehiyo. Buti nalang nandiyan si Tita at siya na ang gustong magpaaral sa akin.”
I smiled. “May pinagmanahan ka pala eh. ’Yung ginawa niya sa’yo, ginagawa mo ngayon kay Rio. Proud ’yon sa’yo, Rin.”
Kita ko ang pagmamalaki sa kanyang ekspresyon. “Ipapakilala kita sa susunod.”
Tumango ako. “Sige ba. Pwede bang humingi ng favor sa kanya? Pakisabi na isama niya ako lagi sa prayers niya. Dami ko na ring kasalanan eh. Dinagdagan ko pa ngayon.”
“Pwede naman na magsimba nalang tayo,” suhestyon niya.
Doon umikot ang topic namin. Medyo nakakatuwa na may mga nalalaman ako tungkol sa kanya, at kung sino ang takbuhan niya. Marami rin akong natututunan kay Rin. Buti nalang, iyong gulo na kamuntik nang maging rason ng pagkawala ng trabaho niya, naagapan.
“Ano?! Reagan, alam mo bang bawal magtrabaho ang mga bata? Nag-aaral ka ng abogasiya! Alam mo dapat ’yan!” At heto na naman tayo sa madrama kong ina.
Umuwi ako sa Malabon para kunin ang dalawa kong electric guitar dahil iyon ang gagamitin ko this weekend. Kaso si Mommy, pakiramdam niya, iaahon ko ang buong bansa sa hirap kaya sobrang bigat sa kanya ang marinig na may trabaho na ako.
“Child labor. Below fifteen years old. Turning twenty-two na nga ako. Laki-laki kong tao binibaby mo pa rin.” Halos umirap ako habang pinapanood niya akong ilagay ang mga gitara ko sa guitar bag.
“Eh baby ka nga! Baby ka anak!” giit ni Mommy at sumisimangot sa akin. Grabeng kadramahan ’to.
“At kung hindi ako nagtrabaho roon, mawawalan ng trabaho ang nililigawan ko. Ito ang kondisyon noong manager para hindi siya talsikin bilang vocalist. Papapasukin lang ako sa club na ’yon pero bilang empleyado.”
“Ano na naman ba kasing ginawa mo?” tanong niya at tumulong pa sa pagzizipper.
Nakipagkwentuhan nalang ako saglit at sinabi ang buong nangyari. Baka kung hindi ko sabihin, kulitin niya lang ako lalo at hindi pumayag. Sinabi ko rin na may nasuntok ako na hindi na ikinagulat ni Mommy pero sinermonan din ako.
Tarantado rin kasi itong si Arron, halatang gusto akong angasan. Alam niyang hindi ako magpapatalo, sinusukat pa ang pasensya kong singnipis ng sinulid.
“Sa likod nalang siya, Den. Doon sa pinakamalayo.” Parang ngayon, nakikipagpatentero na naman itong hayop na ’to sa init ng ulo ko.
Sabado. Dala ang electric guitar ko, naka sleeveless black t-shirt lamang at pants, kasama ko na naman si Rin na naka striped baby pink longsleeve at puting t-shirt sa loob, si Arron naman na suot ang nakakabanas niyang pagmumukha. Tang ina talaga ng gagong ’to, daig pa ang kumukulong mantika kung painitin ang ulo ko.
“Bakit ako ang sa likod? Ano ’to, find your height?” Masama ko siyang tiningnan. Siya kamo ang lumayo layo at baka masiko ko siya.
“Sa kaliwa kita, Arron. Si Reagan naman ang sa kanan ko.” Ang desisyon ni Rin na hindi na namin kinontra pa. “At mamaya, manonood si Sir John. Babantayan niya kayo.”
Arron and I just glared at each other. Medyo marami pang tao ngayon kumpara noong nakaraan. May mga girls na nagugulat at bakit nandito ako, may hawak nang electric guitar na kulay black and white, kasama si Rin na ina-adjust ang mic na gagamitin niya, si Arron na nakaupo na rin sa harap ng drum.
I could see the hype we created in the crowd. May mga nagsisilabasan na ng phone nila at nagpipicture. Ang manager ni Rin, nakahalukipkip na nga sa gilid at pinapanood kami.
“Creep ’yung unang kanta,” Rin reminded.
Tumango ako lalo na’t madaling madali lang ito sa akin. Sa sobrang obsessed ko noon sa electric guitar, halos lahat yata ng kanta ay inaral ko na.
Medyo dim na ang paligid at tanging neon lights ang gumagala. Arron was relaxed in his seat while holding the two drumsticks, waiting for the signal.
I bit the pendant of my dog tag necklace out of an unconscious habit when I’m trying to focus on something as I looked at my electric guitar, ready to strum it once the intro starts.
“Hello…” ani Rin sa mikropono at ngumiti.
Nagtilian agad ang girls. Sinundan ko pa ng tingin kung saang table ang mas pinaka malakas. Nagsasalita si Rin at may mga kinikilig din talaga.
Noong magsimula na, nauna si Arron na mag drum. Swabe ang pagtango ni Rin, medyo nakikisabay sa ritmo ng tugtog, nakahawak sa mikropono at nasa kaliwa ang tingin, kay Arron. Tss.
“When you were here before… couldn’t look you in the eye…” Halos malamig ang hagod ng kanyang tinig nang magsimula siyang kumanta—halos nakakalasing—na ikinalunok ko. Fuck.
I tried to wait for my turn patiently. At nakakairita na si Arron ang nililingon niya, tila ba sinasabayan niya lang ang pagtugtog nito, pero sa tuwing lilingunin din siya ni Arron at ngingitian, talagang nangangati na ang kamay kong kunin ang atensyon ni Rin. Naglalandian pa talaga sa mismong harap ko.
“I wish I was special…” There you go. He finally sang the signal. “So fucking special…”
I strummed my electric guitar for my turn, almost aggressive, my brows knitting snobbishly, until Rin turned his head just to glance at me. Ganyan nga, Rin. Dito ang tingin sa akin.
“But I’m a creep…” kanta niya at sinabayan ko iyon ng pagtugtog sa aking electric guitar, sa sobrang lakas, nilamon ang tunog ng drum. Hah.
Iritado si Arron, napansin din kung paano ko kinuha hindi lang ang atensyon ng mga nanonood sa amin na nagsisinghapan at humiyaw pa, kundi pati na rin ang buong atensyon ni Rin na hindi na makatingin sa kanya, nasa akin na lamang.
“What the hell am I doing here?” patuloy niyang kanta, nasa akin pa rin ang tingin at pasimple akong sinisenyasan na hinaan.
I only gave him a smirk and strummed my electric guitar cockily. Sa akin lang ang tingin, Rin. Huwag na kasing lumingon sa iba. Kitang seloso ’yung manliligaw mo…
Chapter 36
Trigger Warning: Homophobic remarks
—
Shelter
“Ang lakas mong maka gitara,” pangaral ni Rin nang matapos kaming magperform at dinaig ko pa ang nagconcert sa sobrang ganado kong magstrum kanina.
“Ayan, pagalitan mo ’yan. Bida bida,” singit ni Arron na nakahalukipkip sa gilid kaya sinamaan ko ng tingin.
“Pagd-drum mong ang lamya. Ikaw ang ihampas ko e—Aray.” Napadaing ako nang hinawakan ni Rin ang hikaw ko sa tainga at pinisil iyon. Bumusangot ako at ipinagsalubong ang kilay ko.
“Team tayo, Reagan. Dapat nasasabayan mo kami. Ikaw nalang halos ang marinig kanina,” ani Rin na talagang naniningkit ang tingin sa akin.
I frowned at him. Bakit ako ’yung pinapagalitan dito? So hindi kami magkakampi? Team nga, pero kanina, kung makangiti sila sa isa’t isa, para pa akong sampid sa gilid. Edi sana nag duo nalang sila kung hindi nila ako isasali sa tinginan nila, ’di ba?
“Nasa’n na ang maangas na rockstar?” rinig ko ang marahang tinig ni Sir John nang pumasok dito sa backstage.
I grunted and shut my eyes while holding my head annoyingly.
“Sir, pasensya na po. Pinagsasabihan ko na—”
“Ay ayos lang naman ang performance! Baka akala niya solo graded kaya nagpapakitang gilas sa first day of work niya,” natatawang si Sir.
Umahon tuloy ang tingin ko nang makahanap ng kakampi.
“Mas magandang diyan niyo idaan ang pag-aaway niyo ni Arron kaysa masira ang mga gamit sa club at magbasagan kayo ng mukha. Hindi madadamay si Rin, hindi rin ako magkaka blush on bigla,” ani sir na ngiting ngiti sa amin.
Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. Ngunit sa tuwing magkakasalubong ang kilay ni Rin kung ba’t ako natutuwa, seseryoso agad ako. Hayop ’yan.
“Pero medyo maganda ang first day niyo ah? Maraming good reviews dahil sa pagtugtog niyo. Alam niyo naman minsan ang mga girls, mahilig sa pogi. Maganda ’yan. Pwede na kayong maging banda…” ngisi ni Sir na kapwa namin ikinaismid ni Arron. Naging banda pa!
“Dapat may pangalan kayo eh. Hmm…” Tiningnan niya kami ni Arron. “The Rivals! Ayan bagay!” Palakpak niya.
Tang inang ka kornihan ’yan. “Rick&Rin nalang dapat sir. Mas bagay,” hirit ko at ngumisi kay Rin na napapahilot na naman sa noo niya.
“At nasaan si Arron diyan?” si Sir.
“Edi Rinrick and friends?” Nagkibit ako.
“Gagong ’to. Akala mo talaga sinagot na.” Pairap na sabi ni Arron.
Siguro nga, ang nagpipigil lang sa aming dalawa na magbasagan ng mukha rito ay dahil kapwa namin suportado ang trabaho ni Rin. Doon rin ako bilib ng kaonti kay Arron dahil suportado niya si Rin. Kung hindi lang siya ex ni Rin, magkakasundo kami. Pansin ko kasi parang marami kaming pagkakatulad. Halimbawa nalang ang kulo ng dugo namin sa isa’t isa.
Naging routine ko na iyon tuwing Sabado at Linggo. Ang maganda rin sa desisyon ni Sir John, nakadepende sa dami ng tao ang magiging sahod ni Rin. Kaya ako, todo promote tuloy sa social media na doon na pumunta tuwing Sabado at Linggo. Pati rin yata si Arron, iyon ang ginawa kaya puno na halos minsan ang District One at nagiging in demand pa kaming tatlo na tumugtog.
“Ang laki, sir,” gulat na sabi ni Rin nang sa unang kalahating buwan, inabot na ang sweldo niya.
“Pinaghirapan mo ’yan. Alam kong mas stress ka kaysa sa dalawa dahil para kang may tinitingnang dalawang makukulit na bata. Pag nalingat lang ang tingin, magsusuntukan na,” si Sir na tiningnan kami ni Arron at inilahad din ang sobre sa amin.
Kinuha ko agad ang akin, ganoon din si Arron. At para bang parehas kami ng iniisip dahil sabay pa naming inabot iyon kay Rin.
“Ang ganda talaga!” hagikhik ni sir nang makita ang tensyon sa amin ni Arron.
“Tumigil na nga kayong dalawa,” ani Rin at ipinagtutulak ang sobre namin.
“Hindi ko ’to kailangan, Rin. Sumali lang naman ako para rin makatulong sa’yo. Kaya sa’yo na ’to,” sabi ko.
“Idagdag mo sa ipon mo. Sa’yo pa naman umaasa ang buong pamilya mo,” si Arron.
Ayaw nga lang tanggapin ni Rin ang pera. Kahit anong pilit namin, talagang ayaw. Ito rin ang pansin ko sa kanya. Pakiramdam niya, kaya niyang mag-isa. O ayaw niyang maging pabigat, o kahit tumanggap ng tulong dahil parang nagiging responsibilidad siya ng ibang tao.
Nasanay siyang buhatin ang sarili, kahit ang problema ng pamilya nila, siya ang umaako. Kaya siguro hindi siya sanay na may handang tumulong sa kanya dahil buong buhay niya, nakaya niyang maging mag-isa.
“Magsasapatos muna ako,” ani Rin nang buksan niya ang pinto ng unit niya at pinatuloy ako sa Linggong iyon.
Magsisimba kami, katulad ng sabi niya. Pag sinabi ko ito kay Mommy, magugulat ’yon. Ilang taon ko ring iniwasan eh. Siguro nga, noong nangyari iyon sa akin, kahit sa Panginoon, nagtampo ako. I am not religious; only my own mother is. She always takes me to church, prays for my safety, and asks for guidance, but it still happened.
Ang bata ko pa no’n at hindi ko itatangging kinwestyon ko rin kung bakit hinayaan niya iyong mangyari. Na bakit hindi niya pinakinggan ang mga dasal ni Mommy, o sadyang namimili siya.
Pero iba ang impluwensya sa akin ni Rin na kaya niya akong pauwiin pabalik sa kanya. Siya ngayon ang dahilan kung bakit gusto kong magdasal na sana, kahit ito nalang, ibigay niya sa akin.
“Dadalhin mo ba ang anak natin?” biro ko nang makita ang rabbit sa kama niya at nakaupo roon, katabi noong isa pang rabbit na alam ko kung sino ang may bigay.
“Huh? ’Yung rabbit?” tanong niya at bahagyang natawa.
“Hindi mo pa rin pinapangalanan?” tanong ko.
“Uh, wala pa akong maisip. Ikaw, meron ka bang naiisip?”
Nag-isip isip ako. Rin… Reagan… R… “Robert?”
Humalakhak si Rin at gusto pa atang ibato sa akin ang isang sapatos niyang inambahan niyang susuotin.
“Ang bantot mo naman mag-isip! Paano kung babae ’yan?” Nanliliit ang mga mata niya pero ngiting ngiti.
“O edi Roberta…”
“Ako na ang mag-iisip!” giit niya at suko na ata sa suhestyon ko.
“Ama rin ako! Huwag mo naman akong tanggalan ng karapatan, Rin.” Ngumiwi ako na ikinatawa niya lang lalo.
Mas lumawak tuloy ang ngiti ko. Hindi pa ako sinasagot pero nauna pa ’yung anak. Sabi na… baka sa isip ni Rin kami na talaga kaya nakalimutan niya lang ako sagutin?
“Papasok ako Rin ah. Kukumustahin ko lang,” sabi ko at humahakbang na papasok sa kuwarto niya.
Hinayaan ako ni Rin habang abala siya sa sala na maghanda para sa lakad namin lalo na’t ang dami niya pang ginagawa. Umangat agad ang kilay ko at dinampot ang rabbit na bigay ni Arron. Pati ba naman dito nakikisiksik siya.
Nilingon ko si Rin na inaayos na ang sarili sa harap ng salamin kaya pasimple kong hinagis ang isang rabbit.
“Sampid lang ’yon. Ikaw ang totoong anak,” sabi ko nang tingnan ang rabbit na bigay ko sa kanya.
“Reagan, tara na,” ani Rin kaya lumabas din ako sa kuwarto niya, nagawa pang sipain ang rabbit na nasa sahig papunta sa ilalim ng kama.
Maaga kami sa malapit lamang na simbahan. Sayang nga lang, ’yung kapatid niya, mukhang hindi naka duty lalo na’t tinawagan niya kanina. Siguro sa ibang araw na rin.
Tahimik kami ni Rin at ramdam ko ang pagiging seryoso niya habang nakikinig sa sinasabi ng Pari sa harap. Patingin-tingin ako sa kanya minsan at nakukuryoso, siguro napansin niya iyon kaya lumingon siya.
“Bakit?” bulong niya.
“Nagtataka lang ako, Rin. Madalas, ang mga relihiyosong tao ang nagsasabi na hindi tanggap ang mga bakla sa langit, dahil nga sabi nila, kasalanan ang kabaklaan sa mata ng Diyos.”
“At nagtataka ka kung bakit nagsisimba ako?” he chuckled.
I slowly nodded.
Ngumiti siya at tumingin sa harap. “Wala akong problema sa relihiyon. Ang ayaw ko lang ay ang maling pagtuturo ng ibang tao tungkol sa bibliya.”
I looked at him quietly.
“Ang Diyos na alam ko, hindi mapanghusga. Hindi tumatalikod, at hindi namimili ng mamahalin. Alam ko, anak niya ako. Tanggap niya ako. Mahal niya ako. Iyon ang nakasulat sa bibliya na pinapaniwalaan ko.”
Bumaling siya sa akin. “Ang mga taong ginagamit ang pangalan Niya para mang-insulto, mang-apak, at manakit dahil lamang hindi pasok sa kanilang paniniwala ang desisyon nila, sila ang totoong masama.”
My lips parted a bit, amused that he made sense. I would always hear those remarks that people would use Him to justify their own judgements despite hurting and mocking someone’s choice. The wrong teaching of religion, like what Rin said, is infuriating.
“Relihiyoso lang naman ang ibang tao kung pasok sa paniniwala nila. Pero kung sila ang nakakagawa ng kasalanan, nakakalimutan nila na mali ’yon at handang gumawa ng ikakasakit ng damdamin ng iba,” aniya.
I don’t really know religious people with contradictory actions. Siguro si Rin, marami siyang kilalang ganoon.
“May kilala kang ganoon?” I asked.
“Kadugo ko.” Idinaan niya iyon sa tawa, pero ramdam ko ang pait. “Mahilig mangunsinti ng mali. Ayoko sa ganoon.”
Bigla kong naalala ang kuwento niyang naputol lamang. It’s probably connected since I could feel how heavy it sounded to him.
“Kapag ibang tao ang nakagawa ng mali, o hindi naaayon sa paniniwala, ang daming sinasabi. Pero kung mismong kapamilya…biglang nagiging bulag at bingi. Dapat patawarin nalang at hindi naman siguro sinadya,” he slightly laughed flatly.
Ramdam ko ang bigat noon, ngunit ayoko siyang piliting magsalita. Ayoko siyang piliting ilabas iyon.
“Eh nagpapatawad daw kasi ang Diyos, Rin,” sabi ko para pagaanin ng kaonti ang seryosong usapan.
Umirap siya ngunit may ngiti sa labi. “Makinig na nga tayo sa misa. Sino ba ang Pari rito? Mas madaldal ka pa.”
Mabilis kong ipinagdikit ang mga labi ko at humalukipkip, seryoso ang tingin sa harap. Akala mo talaga hindi rin siya nagsalita eh mas marami nga siyang sinabi.
I looked at the front seriously. Sa totoo lang, hindi ko na matandaan kung kailan ako nagdasal. Naniniwala naman ako na may Diyos, pero minsan, hindi ko ipagkakailang nakakalimot ako na tawagin siya.
I intertwined my fingers to at least pray silently while staring at the cross as the preaching of the pastor echoed in the whole church. I haven’t prayed for anything in life because I grew up having everything, and I am thankful for it. But if I were to ask for just one thing, it might be the love I found during my darkness.
Alam ko, hindi ako karapat dapat sa kanya. Maraming mas higit sa akin, alam ko iyon, pero kahit hindi niyo siya ibibigay sa akin, magsisikap akong kunin siya hanggang sa maging karapat dapat ako sa mga mata mo.
Nilingon ko si Rin na tahimik na nakikinig at halos mapagtanto ko kung paano niya ako binago. He created this gentleness in me that I didn’t know I could be this peaceful…free from the chaos in my mind.
Lumingon siya sa akin at ngumiti. I couldn’t smile back. Seryoso lang ang titig ko dahil sa mga naiisip ko. God, let me have this love. Pwede bang akin nalang? Wala na akong ibang hihilingin, kahit ito nalang.
Dumagdag sa routine namin ang pagsisimba. Kung papayag si Rin, sa susunod, kasama sana si Mommy. Kung pwede nga dalhin ko nalang siya sa bahay at ipakilala kay Mommy. Pero kung sinagot na siguro ako ni Rin.
Mommy:
Okay, Reagan! I’ll set up a dinner date para makilala ko siya anak. Don’t worry, pumayag naman ang friend ko na maging date ko muna. No choice.
Sus. Ginawa pang friend. Sabi ko naman kay Mommy, komportable ako kay Simon. At ito talaga ang kondisyon ko lalo na’t gusto ko nang ipakilala si Rin ng pormal kay Mommy. Sana nga pumayag eh. Hindi ko pa nga lang masabi lalo na’t mas focus ngayon si Rin sa gig namin.
Sa isang buwan na kasama ko si Arron sa mga gig ni Rin, talagang walang palya na umiinit ang ulo ko sa kanya. Hindi na nga lang ako ang napapagalitan ni Rin, pati na rin si Arron. Ginawa ba naming kompetisyon lagi ang instruments namin. Magd-drum siya ng malakas, maggi-gitara rin ako ng malakas.
Pero sabi nga ni Sir John, mas ayos na itong ganito kaysa nagbabasagan kami ng bungo ni Arron. Kaya kong makipagsuntukan diyan kahit umagahin pa kami, kaso damay si Rin eh. Kaya kahit kating kati minsan ang kamao ko na dumapo sa mukha niya, nagpipigil nalang din.
Medyo nasasanay na rin ako na kasama namin ’yang ex niya sa banda. Magkakasundo lang yata kami ni Arron sa parteng ayaw namin parehas na matanggalan ng trabaho si Rin. Kung may impluwensya man siya sa akin, siguro tumatak sa akin ang sinabi niyang ayaw ni Rin sa mga taong nagpapaalala sa kanya sa ama niya.
Kahit gusto kong bangasan ang pagmumukha ni Arron, hindi ko rin maitatangging may punto nga siya.
“Oh? Rick!” ang pamilyar na sila Roger nang naghahanda na ako para sa tugtog namin mamaya.
Dumarami na ang mga tao. Medyo crowded na nga at mas marami na ang mga kaedad namin dahil na rin siguro nakikilala na tumutugtog kami rito. Kahit pa itanggi ko o hindi ko sabihin, alam ko namang maimpluwensya rin talaga ang pangalan ko dahil sa school na pinanggalingan ko, sa circle na kinabibilangan ko, at sa pangalan ko na rin mismo. Vallejo ba naman…
Umangat ang kilay ko nang mapagtantong nandito ang old circle ko, sila Sotto, Rodney at Roger.
“Pre!” Rodney quickly stood up and went to me, patting my back like we had no issue from the past.
Tumango ako at ibinigay ang kamay ko para makipagbungguan ng balikat sa kanya saka ko nilingon ang iilan, si Sotto na ngiting ngiti at ipinakita ang kamao saka ako nakipag fist bump din.
“Totoo pala talaga ’yung bali-balita na tumutugtog ka rito? Kasama mo raw ’yung bading na si Ferrin eh…” ani Rodney.
I know their attitudes. They use the term gay as an insult, or it sounded like mocking, that the word gay is something to be ashamed of. O siguro nga, naging ganoon na ang dating ng salitang iyon dahil sa reaksyong binibigay ko. Tiningnan ko siyang insulto noon, kahit ang totoo, wala naman talagang bigat ang salitang iyon, sadyang naging mabigat lang dahil binibigyan ng kahulugan sa pangit na paraan.
“Ah oo…” I nodded while looking at the cup Sotto was holding.
“Shot, tol. Namiss ka namin!” aniya.
Inabot ko iyon at sinimsim ang shot.
“Totoo ba, Rick? Dami naming naririnig eh. May lalaki ka raw na pinopormahan?” Halos matawa si Rodney nang akbayan niya ako.
“Parang kailan lang galit na galit ka pa pag nababanggit ang bakla tapos…bakla ka rin?” si Sotto na medyo natawa rin.
“O eh, ano naman ngayon?” sagot ko at inilapag ang baso sa table nila.
Nagtinginan si Sotto, Rodney at Roger, na para bang may nakakatawa.
“Ay barbie!” malambot na bigkas ni Sotto sabay bali ng kamay niya at pasimple silang nagtawanan.
“Bakit? May problema ba kayo roon?” I smirked flatly and looked at them.
“Ang angas angas mo kasi, Rick. Parang ang hirap paniwalaan na papatol ka sa lalaki…” natatawang si Sotto.
Kung galing ka sa mundo ng mga lalaking iisa lang ang tingin sa bading, na malalambot na lalaki at nangangarap na maging babae, talagang nagiging katatawanan iyon. S’yempre, alam ko kung paano tumatakbo ang isip namin pagdating sa mga bading. Para silang mababang uri ng mga lalaking patapon na ang buhay kaya nagdesisyon nalang na magpakabakla, at ganoon talaga kasahol ang tingin ng mga straight na lalaki sa bakla minsan.
Ngunit ngayong pinasok ko ang mundong hindi ko kayang tanggapin noon, mas nakita ko rin mismo kung bakit ang mga lalaki ay na kinamumuhian, kinasusuklaman at madalas na natatawag na bobo dahil sa baluktot na paniniwala nila.
“Anong nakakatawa?” tanong ko at pilit lang kinontrol ang init ng ulo ko. Nangako na ako kay Rin. Hindi na ako makikipag away.
“Eh hindi ba’t may trauma ka sa bakla? O baka naman gumaganti ka ngayon kaya gusto mo nang tirahin sa pwet ’yang Ferrin—”
Ilang sigundo lang, nasa sahig na si Roger at nakakuyom na ang kamao kong dumapo sa bibig niya kanina kaya siya nalaglag sa upuan niya. Namilog ang mga mata ni Sotto at Rodney na ngayon ay itinulak agad ako, pumapagitna dahil sa nagliliyab kong tingin kay Roger.
“Bastusin mo pa!” Hamon ko at pinatunog ang mga daliri ko, maangas na tinanguan si Roger.
“Vallejo!” Ang pamilyar na tawag ni Arron at tinapik ang balikat ko. “Gago ka talaga. Gusto mo bang madamay si Denver sa katarantaduhan mo?” sita niya.
Pinatayo ni Sotto si Roger na ngayon ay nagpupunas ng dumugong labi. Pinagtitinginan na kami at lumalapit na naman ang bouncer sa amin habang naiiling ang waiter, tila ba hindi na nagtaka nang makitang ako na naman ang nasangkot.
“Anong pambabastos eh totoo naman! Kaya ka nga galit sa mga bakla dahil tinira ka sa pwet, hindi ba? Tapos ngayong sasabihin kong pumatol ka sa lalaki, anong gusto mong isipin ko? Eh titirahin mo naman talaga ’yan sa pwet! Maliban nalang kung ikaw na naman ang titirahin—”
“Aba gago ka ah!” si Arron na mas nauna pang sumugod kay Roger at siya naman ang bumubwelo ng suntok.
Nagmura si Rodney at Sotto habang pumapagitna ngunit nasiko ni Arron hanggang sa sila na ang nagkakainitan at nagtutulakan. Ilang sigundo lang, kaming dalawa na ni Arron ang nakikipagsuntukan kay Roger at pinagtutulungan din kami ni Sotto at Rodney na isa isa na rin naming inaangasan ni Arron. Ang mga bouncer na lumapit, mabilis kaming inawat habang nagawa ko pang pulutin ang upuan at ipinalipad sa kinatatayuan nila Roger.
Malala ang kaguluhan lalo na’t hirap kaming maawat ni Arron at gustong pagtulungan si Roger na pinoprotektahan ni Sotto at Rodney kaya nasusuntok na rin namin ni Arron. Sa sobrang galit ko, gusto ko agad ibaon ng buhay kahit pa naiisip ko na magagalit si Rin sa gagawin kong ito. Parang mas gusto kong magalit siya pero at least naupakan ko sila.
“Kayo na namang dalawa?” Just like what happened last month, Arron and I ended up in front of the manager again.
“Magkakawrinkles ako sa inyo! Hindi kayo nakakatulong sa beauty rest ko! Gusto niyo bang mawalan ng trabaho si Denver dahil sa inyo?” singhal ni Sir John sa amin at maarteng hinahaplos ang kilay niya.
“Sila ang nauna, sir. Ang babastos ng bibig. Kahit tanungin mo pa si Arron. ’Di ba?” Siko ko sa kanya nang tulungan niya ako.
Tumango agad si Arron. “Oo sir. Rinig na rinig ko. Kaya rin nakisuntok ako eh. Mga homophobic.”
Umiba agad ang timpla ng ekspresyon ni sir John, tila ba sapat na ang sinabi namin para kampihan niya kami sa gulong sinimulan.
“Sir, binastos ’yung empleyado mo. Payag ka no’n?” sulsol ko. “Pag si Rin tinanggal mo sa trabaho dahil dito, illegal dismissal na ’yon. May kaso pa naman ’yan pag idinaan sa legal na usapan.”
Napakurap kurap si Sir John. Kahit si Arron, ngumiwi sa akin. “Mga law students talaga oh…”
“Eh ano bang sinabi ng mga ’yon. Isumbong niyo sa akin!” agap ni Sir John.
“Sabihin mo.” Siko pabalik sa akin ni Arron.
“Tirahin daw sa pwet, sir. Nagtatrabaho ako ng marangal dito oh. Nabastos pa! S’yempre sinali ba naman si Rin, uminit agad ang ulo ko.” Halukipkip ko.
“Aba! Ang babastos ah! Teka nga…” At mukhang kumulo rin ang dugo ni sir na nagmartsa na palabas ng munting opisina rito sa back stage kung saan kami pinatawag.
Nagkatinginan kami ni Arron sa isa’t isa. Pag ito nakaabot kay Rin, ewan ko nalang. Pero bastos din naman kasi ang bibig ng mga ’yon. Kaya nga ayoko nang humalo sa kanila dahil mga insensitive.
Tumayo ako at nagpasyang lumabas. Mukhang malilate yata si Rin kaya hindi pa nakakarating. Pero sa kaguluhan din, wala munang kumakanta at ang pumapaibabaw lang ay ang tugtog habang kumakalma na rin naman ang paligid.
Lumabas ako at pumwesto sa smoking area. Wala sa sarili kong inilabas ang pakete ng sigarilyo, kumuha ng isa at inilagay iyon sa gitna ng aking labi, inaambahan nang sindihan nang maalala ko ang sinabi ni Arron.
Gusto ko naman talaga itong itigil noong nalaman ko ang trauma ni Rin sa Papa niyang mahilig manigarilyo. Nga lang, mahirap din talaga itigil agad lalo na kung nakasanayan na ng katawan mo at hinahanap hanap na ng baga mo. Kung tinigil mo agad, magkaka hika ka pa, o hirap nang makahinga.
Pero kaya naman ’tong dahan-dahanin, alang alang kay Rin. Hindi ko nga lang mabibigla agad.
Natigilan ako at hindi iyon kayang kalabitin kahit kating kati talaga akong humithit. Hindi ganoon ka daling itigil ito lalo na’t nakasanayan na ng katawan ko. Parang hinahanap hanap lagi lalo na pag marami akong iniisip.
“Ayaw ni Denver sa naninigarilyo,” ang pamilyar na tinig ni Arron at mukhang sumunod.
Iritado ko siyang tiningnan. “Hinithit ko ba? Ikaw ang sindihan ko e. Doon ka nga.”
Sa halip na lumayo, pumwesto siya sa gilid ko at kinuha ang sigarilyo sa aking kamay. Inilahad niya ang palad at napagtanto ko kung ano ang hinihingi niya. Sa magkasalubong kong kilay, ibinigay ko ang lighter. Mabuti ’yang siya ang manigarilyo nang maturn-off na si Rin sa kanya.
Sinindihan niya iyon at sa paraan ng paghithit niya, alam kong hindi niya ito first time. Tumingala siya at ibinuga iyon habang tahimik kong tiningnan ang screen ng phone ko, sinilip lang at baka may text si Rin.
“Mga kaibigan mo ’yon?” tanong niya.
“Hindi na. Matagal ko na silang hindi nakakasama simula noong napalapit ako sa circle ni Brent.”
“Jarsdel,” makahulugan niyang sambit. “’Yung babaero.”
Ngumiwi ako sa kanya. “Noon nga. Tang ina mo rin e.”
Medyo umismid siya pero kumalma din agad. “Pansin ko nga. Mas matino naman ’yung Jarsdel kumpara doon sa mga gago kanina. Babaero lang talaga pero matalino ’yon eh.”
“Sino ba kasing nagsabing hindi matino ang circle ko? Ikaw lang naman. Akala mo naman kasali ka sa circle namin kung makajudge ka.”
Umangat lamang ang kilay niya. “Close kasi ’yan kay Denver kaya irita ako diyan. Pinagselosan ko rin eh.”
Ah… kaya naman pala ang pangit ng tingin sa circle namin. May halong inggit pala.
“Hindi mo ba ’yan pinagseselosan? Imposibleng hindi,” aniya.
Nagkibit ako. “Pinagselosan na rin.”
He smirked at me. “Nasaan ang karapatan?”
I smirked back sarcastically. “Ito.” Saka ko ipinakita ang gitnang daliri ko.
He shook his head and blew the smoke out of his mouth. Hindi nga ako nanigarilyo pero mamamatay naman bilang secondhand smoker. Pasimpleng assasination ba ’to ng kupal na ’to para masolo si Rin?
Natahimik kami habang naririnig namin ang ingay ng iilan na labas pasok sa District One. Tumingala ako sa madilim na langit habang yumuyuko si Arron, patingin tingin sa sapatos niya.
“’Yun ba ’yung rason kaya homophobic ka noon?” marahan niyang tanong.
Tsss. Tang inang tsismoso ’to. Kaya nga ako lumabas kasi naaalala ko rin, at gusto nalang sanang idaan sa paninigarilyo.
“Ano bang tingin mo? Trip trip ko lang ang galit ko?”
“Malay ko ba. Natural sa mga straight ang gawing insulto at katatawanan ang pagiging bakla ng isang tao,” aniya at pinitik ang sigarilyo kaya nalaglag ang abo nito.
“Hindi na ako ’yon. Nagbago na ako. At kay Rin ko ngayon iyon pinapatunayan,” seryoso kong paliwanag.
He nodded and puffed the cigarette again. Ilang sigundong katahimikan ang pumagitna sa amin. Ngunit sa ilang araw na lagi kaming nagkakainitan, ngayon lang ata kami naging kalmado.
“Ang tapang mo. Buti nakakaya mo nang makipaghalubilo ngayon sa mga bakla.”
Nagkibit ako. Hindi na kailangang itanggi iyon lalo na’t alam kong rinig na rinig niya ang sinabi ni Sotto. At isa pa, kahit gago itong si Arron, alam ko namang matino ito.
“Totoo na medyo kinahiya ko iyong parteng nagkagulo tayo sa cafe dahil nga nakipagrelasyon ako sa bisexual. Handa naman ako. Minahal ko rin. Pero iba pa rin talaga kung naririnig mo na ang nasasabi ng ibang tao at nakikita mo na katatawanan sa iba ang ganoong relasyon. Medyo nawala ang confidence ko. Nahiya ako,” kuwento niya nang ayaw kong bumoses sa akin.
Tahimik ko siyang tiningnan. He slightly smiled and looked up while shaking his head disapprovingly. Lumingon siya sa akin.
“Pero ang nakakatawa rito, kung mauulit man iyon ulit, handa pa rin akong tumindig para kay Denver at protektahan siya. Handa akong magpalamon sa hiya.”
Tumango ako at napayuko, wala sa sariling tinitigan ang sapatos ko.
“May mali rin naman ako. Minsan kinakain ako ng insecurities ko. Pakiramdam ko, lahat ng lalaking nasa paligid namin, gusto siya. Bisexual siya eh. Parang lahat din ng lalaki sa paligid niya, magugustuhan niya. Pero hindi ko rin namalayang mas nakikita ko pa ang ibang tao kaysa sa kanya at sa relasyon namin kaya hindi ko siya naalagaan ng tama.” Buti inamin niya rin.
“Gago ka. Pinahaba mo pa,” sabi ko na hindi niya na medyo pinagtuunan ng pansin. Pero aminado akong gago rin naman ako noon, pero katulad ko na natututo, ganoon din si Arron.
“Oo. Kaya nga siguro gusto kong bumawi at patunayang kaya ko na, pero noong kailan handa na rin ako, huli na,” may bahid na sakit ang kaonting tawa niya.
Gusto ko siyang yabangan na tama lang iyon sa kanya, na dapat maramdaman niya rin ’yan. Pero diyan ako galing at hindi ko pa alam kung nakalabas na ako, o hanggang dito lang din talaga ako sa buhay ni Rin. At naiintindihan ko siya sa parteng ito.
Noong maubos niya ang isang stick at tumunog ang phone ko, ang tawag ni Rin na bumabalandra, pumasok din kaming dalawa. Pagpasok pa lang namin pabalik sa loob at masama agad ang tingin ni Rin na kakarating lang, pakiramdam ko makukurot na naman ako sa tainga. Baka nga hilain pa ang hikaw ko.
“Oh,” si Arron na inilahad pabalik sa akin ang lighter ko.
Tinanggap ko iyon. Ngumisi siya. “Ingatan mo total nasa’yo…”
Tiningnan ko ang lighter, sa halip na ikuyom ang kamay para mahigpit iyong kimkimin, malaya ko iyong hinawakan saka ko siya tinanguan.
“Ano na namang gulo ang pinasukan niyong dalawa?” tanong ni Rin nang lapitan ko siya, si Arron, dumeritso sa drums at inayos iyon.
“Aray! Aray! Hindi na ako uulit! Ang basagulero ko talaga.” Inunahan ko na agad ang linya niya at hinawakan ang sarili kong hikaw sa tainga, pinisil iyon kaya sa halip na magalit si Rin, natawa agad.
“Hindi ako nagbibiro.” Pinanliitan niya ako ng mga mata sabay abot ng tainga ko.
“Seryoso rin naman ako, Rin. Hindi ito biro,” giit ko at sinalubong ang kamay niya, nililihis nalang ang topic para hindi niya malaman ang pambabastos nila sa kanya.
Malakas ang hataw ng dibdib ko nang hawakan ko ang kamay niya. Lumunok ako lalo na’t tumingin pa siya saglit ngunit nang hayaan niya ako, halos wala sa sarili ko siyang hilain palapit.
“Sorry, Rin…” namamaos kong bulong at naisandal ang ulo sa kanyang balikat.
Gusto ko namang magbago eh. Gusto kong payapa ang magiging buhay niya pero hindi ko talaga maiiwasang sumiklab sa ganitong bagay. Hindi ko maiwasang kontrolin ang galit ko. Hindi ko maiwasang mapangunahan lagi ng sariling galit pagdating sa madilim kong nakaraan.
Siguro, ang nagpapakalma lang sa akin ngayon ay ang katotohanan na hindi na lamang sarili ko ang pinoprotektahan ko. Siya rin. Hindi lamang emosyon ko ang nagiging matimbang sa akin, kundi pati na rin ang nararamdaman ng ibang tao. Hindi katulad ng dati na pakiramdam ko kalaban ko ang mga kagaya nila, ngayon, sila na ang kasama ko sa labang ito.
Sa unang pagkakataon…hindi lamang ang sarili kong bagyo ang nakikita ko sa likod ng matingkad na asul na langit…kundi pati na rin ang makulimlim na nakaraan ng iba. At naiintindihan ko na ngayon… Nakikita ko na hindi ako nag-iisa.
Bumuntonghininga siya at hinaplos ang likod ko. “Ayos ka lang ba?”
My mood shifted. Sa rahan ng tanong, nakakasigurado akong hindi siya galit at mukhang nag-aalala na. So I shook my head and slowly intertwined my fingers with his, nervous that I might be invading his personal space, but instead of pushing me away, he lets me cling to him like a bird who found its nest—its own shelter from the raging storm.
I shook my head weakly, trying to appear like a kid who wants to be held by his mother so badly. “Hindi, Rin. Hindi ako maayos…”
“Tapang tapang niyan kanina manuntok. Ngayon akala mo naman aping api,” rinig ko ang demonyong si Arron na talagang nakakabasag ng gabi.
Gusto ko sanang iahon ang ulo ko, kaso pinigilan ni Rin at itinulak lang ulit sa balikat niya.
“Huwag mo nang sagutin. Magkakainitan na naman kayong dalawa,” banta niya at isinubsob ako pabalik doon. Makapal nga siguro ang mukha ko dahil sa leeg pa ako sumiksik, pigil ang ngiti at gustong humalakhak sa tuwa na ganito ako kalapit sa kanya. Paano ba ’yan…ako na naman ang kinampihan.
Chapter 37
Family
“Kinakabahan ako.”
Kakapark ko lang sa Sofitel Hotel. Si Mommy kasi, mahilig kumain sa Spiral buffet. Kaya noong pumayag si Rin, nagset agad siya ng dinner date kasama si Simon sa kakapasok lamang na buwan ng July, bago ulit magsimula ang pasukan.
“Mabait ’yon si Mommy,” sabi ko habang hinuhubad na ang seatbelt at kita ko sa ekspresyon niyang kabado talaga siya. Buti nga at pumayag ’to kumpara noong niyaya ko siya para sana sa birthday celebration ni Mavric. Talagang nahihiya siya.
He opened his small bag and took out the lip moisturizer I also bought for him. Pansin ko, iyon ang madalas niyang dalhin kumpara doon sa isa. Paborito niya atang gamitin ang Lucas Papaw.
Sobrang maalaga siya sa sarili niya. Kahit ngayon, amoy ko ang pabangong bigay ko rin. Kulang nalang ako na rin ang bumili ng mga damit niya pero nakakapagpigil pa naman. Kaso mas gusto ko talaga mga damit ko ang suotin niya. Jacket ko. Varsity uniform ko. Nagpipigil lang akong sabihin minsan pero pangarap ko na atang makita siyang suot ang damit ko.
Napatitig ako sa nangingintab niyang labi, medyo naiinggit na nauna pang lumapat doon ang binili ko para sa kanya kaysa sa…
“Reagan,” tawag niya at nahuli pa akong nakatitig sa labi niya na nagpakurap sa akin.
Inaya ko rin siyang lumabas lalo na’t nadidistract ako sa kintab ng labi niya. Baka masampal niya na ako kung nakailang sulyap ako roon.
Nasa hagdan na kami noon nang inabot niya ang braso ko at mahigpit akong hinawakan doon. Medyo nagulat ako.
“First time ko dito,” bulong ni Rin at gumagala ang tingin, namamangha sa paligid.
“Talaga?” tanong lalo na’t hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na akong napasok dito. Ang hilig din kasi ni Mommy na kumain-kain sa malalaking restaurant kaya hindi na masyadong big deal sa akin ang mga ganito.
Tumango siya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko, gustong bumitaw nang mapagtantong hinahawakan niya ako, ngunit kinuha ko ulit ang kamay niya at ibinalik doon. Halatang kabado.
Ito ang napapansin ko sa kanya pag kinakabahan siya. Medyo napapakapit sa braso ko. Siguro nga, noong naghiwalay sila ni Arron, bumaba talaga ang confidence niya. Ngunit napagtanto kong wala akong masisisi sa nangyari, katulad nalang din ng natutunan ko sa therapy ko. Hindi iyon kasalanan ni Rin, o kahit ni Arron. Sadyang may mga bagay na hindi natin kayang kontrolin sa paraang gusto natin.
“Naubos na natin ’yung kainan sa Taft, sa mga hotels naman tayo…” suhestyon ko na ikinamilog ng mga mata niya.
“I mean hindi naman tayo magc-check in, Rin. Sa restaurants lang. Gusto rin kitang dalhin sa Okada…” agap ko at baka iba na ang maisip niya.
“Mahal ’yon,” aniya habang nakababa na kami sa hagdan.
“Hindi kita dadalhin doon kung hindi ko afford. May trabaho ako ah?” Ngisi ko kahit naglalaro na sa isip ko ang mga property ni dad na balak kong pagkakitaan.
Umirap siya ngunit may kaonting ngiti na sa labi. Ayaw mong tanggapin ang pera, huh. Gagastusin ko nalang para madala kita sa mga hindi mo pa napupuntahan, Rin.
We immediately spotted my mom. Naka sleek ponytail ang buhok, white dress na hapit na hapit sa katawan niya at ang pearl earrings niya, sa kanyang tabi ay si Simon na naka itim na buttoned-down shirt at slacks.
Nauna kaming mapansin ni Mommy, tiningnan agad si Simon at agarang may ibinulong na talagang kapansin-pansing kami ang pinag-uusapan nila.
“Ang ganda ng mommy mo,” si Rin na halos napasinghap.
“Sikat ’yan. Pero huwag kang ma-intimidate. Pag nakausap mo ’yan, mas feeling close pa ’yan agad sa’yo,” sabi ko habang iginigiya ko na siya roon sa table nila Mommy.
“Reagan!” tawag ni Mommy nang tuluyan kaming mapalapit.
“Mom… si Rin,” I introduced and looked at Simon, who’s stifling his proud smile. “Simon…”
Simon stood a bit and offered his hand. Si Mommy, nasa akin pa ang mga mata pero wala sa sarili ring tumayo at umabante pa para ma beso si Rin.
“H-Hello po,” nahihiyang sambit ni Rin.
I smirked at him. Hah. Humanda ka sa mga susunod na araw. Sa buong Vallejo kita ipapakilala.
“Ikaw pala si Rin… ang pangalang nasa likod ng pangingialam ni Reagan sa mga toiletries ko,” makahulugang sabi ni Mommy na ikinapawi ng ngiti ko.
“My—” agap ko, pinipigilan siyang magkwento pero mukhang ang ina ko, para nang machine gun ang bibig at deri-deritso nang nagsalita.
“Alam mo ba ang ginawa niyan, ’yung mga skincare ko, pinakialaman niya sa banyo! Paanong hindi ko malalaman eh nabasa! Itatanggi pa eh kami lang naman ang dalawa sa bahay?” si Mommy na wala sa sarili pang inangkla ang kamay sa braso ni Rin habang pinaghihila ko ng upuan.
“Rianne,” tawag ni Simon kay Mommy. “Paupuin mo muna.”
Napagtanto rin iyon ni Mommy kaya nangingiti niyang hinayaang makaupo habang bumabalik na siya sa sarili niyang upuan, gustong gusto pang makipag-usap.
“Eh sabi kasi ni Reagan sa akin, ’yung nililigawan niya, mahilig sa skincare kaya nakuryoso siya sa mga toiletries ko. Pansin ko nga maganda ang balat mo. Anong brand ang ginagamit mo?”
“Ah…” Nilingon ako ni Rin. “’Yung mga binibili po ni Reagan sa akin sa Watsons…”
Namilog ang mga mata ni Mommy sabay tingin sa akin. “Huh? Si Reagan? Eh wala nga ’yang alam sa skincare! Kung ano ang ilalagay ko sa banyo niyan noon, gagamitin niyan. Kulang nalang kahit ’yung feminine wash ko pagkamalan niyang foam wash sa mukha!”
“Inaral ko ’yan, My. Salt scrub, lip moisturizer, pati ’yung pang kilay na Mongol 123, alam na alam ko ’yan,” pagmamayabang ko na ikinaliit ng tingin ni Mommy sa akin, si Simon na medyo natatawa, si Rin naman na napapayuko at nahihiya para sa akin.
“Anong Mongol 123!” si Mommy na inaamba pang ibato sa akin ang maliit niyang purse.
“Kumuha muna kayo ng pagkain. Mamaya na ituloy ang kwentuhan,” udyok ni Simon bago pa dumaldal ulit si Mommy at wala nang katapusan iyon.
I nodded and looked at Rin. Tumayo siya at nag excuse pa sa kanila na aalis muna kami.
“Parang artista ang Mommy mo. Ang bango bango niya rin,” ani Rin nang igiya ko muna siya sa Asian food.
“Naliligo ’yon ng perfume, e. Pag papasok ka sa kuwarto no’n, may collections siya ng mga iba’t ibang scents. Magkakasundo kayo kung kaartehan lang sa katawan ang pag-uusapan.”
“Kaya pinakialaman mo ang toiletries niya?” medyo natawa siya.
“Ipapakita ko kasi sana sa’yo baka gusto mo. Noong nasa Malabon ako, nasira kasi ang shower sa banyo ng kwarto ko kaya nakiligo ako sa banyo niya. Eh nakita ko kaya pinagbubuksan ko. Kaso napasukan ng tubig kaya galit na galit siya.”
“Anong mga toiletries ba ’yon? Anong brand ang ginagamit niya?”
“La Mer.”
Mas namilog ang mga mata niya. “La Mer?! Reagan ang mahal no’n… Kaya naman pala galit na galit siya.”
Nagkibit ako nang nauna kaming huminto sa paborito kong section lalo na’t gusto kong ipatikim sa kanya ang mga paborito kong pagkain dito na alam kong magugustuhan niya.
“Ito masarap ’to. Pag nandito ako, nagpapaluto ako lagi ng seafoods na may garlic butter,” sabi ko habang kumukuha ng mussels, crab, at iyong shrimps.
“Pansin ko talaga sa’yo ang hilig mo sa pagkain. Marami kang alam sa pagkain,” ani Rin na pinapanood ako sa pinaggagawa ko.
“’Yung mommy ko mahilig kasi akong dalhin sa kung saan saang resto kaya nakalakihan ko na,” saka ko hinawakan ang pulso niya para bitbitin siya kung saan namin iyon ipapaluto.
“Naalala ko nga masarap kang magluto. Masarap ’yung manok na niluto mo…” ani Rin na ikinakurap ko.
“Talaga? ’Yung chicken Alfredo? Nagustuhan mo ’yon? Turo ’yon ni Mommy sa akin. Kung dadalhin kita sa Malabon, mas marami kang matitikman na luto ni Mommy. Lalo na kung may events sa bahay. Nagluluto rin si Mommy ng mga specialty niya,” pasimple kong singit sa mismong pakay ko talaga.
Tumango lang siya at tinitigan ang paglahad ko sa puting plato sa chef at sinabi kong lutuin iyon sa garlic butter.
Puno ang plato namin ni Rin ng Asian food noong bumalik na kami sa table. Si Mommy, kakaupo pa lang, dinaldal agad si Rin.
“Ang lambot naman tingnan ng buhok mo. Anong shampoo mo?” tanong agad ni Mommy.
“Tsubaki po… Uh… bili rin ni Reagan…” sabay tingin ni Rin sa akin.
“Maalam ako sa skincare, my. Sa akin ka magtanong,” pagmamayabang ko.
“Shampoo ang pinag-uusapan, Reagan. Makakarelate ka ba doon?” si Mommy na ikinapawi ng ngiti ko. Tumawa si Simon at pigil na ngiti naman si Rin kahit kita ko ang tumatakas na ngiti sa labi niya.
“Eh ano itong nasa ulo ko, my? Wig?” Ngiwi ko lalo na’t tumutubo na oh! Hindi ko pa lang talaga napapagupitan pero balak ko rin na gawing blowout taper ’to.
“Ay oo nga anak. Mahaba na ang buhok mo. Nasanay na ako roon sa ilang taon mong buhok. Kaya pala ang pogi pogi mo na ulit,” bawi agad ni Mommy.
Si Simon naman at si Rin ang natawa ngayon. Kumalma ulit ang ekspresyon ni Mommy at nangingiting tiningnan si Rin na ginagalaw na ang pagkain niya. Sumubo ako at pinagmasdan din si Rin na sumubo na, napapatingin sa pagkain at kita ko na nag-eenjoy siya sa pagkain.
“Tsubaki… Maganda ba ’yon? Lagi pa naman akong nagpapa treatment,” ani Mommy at hinaplos ang tuwid at bagsak niyang buhok.
“Ano po ba ang shampoo niyo? Depende rin po kasi ’yon sa porosity ng buhok niyo. Ang akin po kasi, low porosity ako kaya ’yung mga ginagamit kong products ay ’yung bagay lang sa buhok ko,” paliwanag ni Rin na kapwa ikinakunot ng noo naming tatlo. Ayan na naman siya sa mga skincare na hindi ko alam.
“Porosity? What’s that?” si Mommy na kuryoso.
“Ah… ’yung kakayahan po ng buhok niyong mag absorb ng products. ’Yung iba po kasi, kunwari high porosity sila tapos ang ginagamit nilang products ay para sa low porosity, ’yun po ’yung dahilan minsan kaya nagiging dry or frizzy ’yung buhok nila sa mga products na ginagamit nila. Hindi naabsorb ng buhok ’yung ingredients kasi hindi akma sa buhok po…”
Tuwang tuwa si Mommy sa mga nakukuha niyang impormasyon kay Rin. Kahit kami ni Simon, sinubukan din namin iyong test para malaman kung anong porosity ng buhok namin. Sa isang baso na may tubig, ilalagay mo lang ang kaonting strand ng buhok mo tapos hihintayin ng limang minuto. Pag lumubog, high porosity. Pag nanatili sa itaas, low porosity. Pag nasa gitna, healthy raw ang buhok. Olaplex pa naman ang ginagamit naming brand ng shampoo sa bahay lalo na’t ’yun na rin ang nakasanayan ni Mommy.
Ilang minutong nakalipas, tumayo ulit kami ni Rin para kumuha ng panibagong pagkain. Kung kanina nahihiya pa siya, ngayon ganado na siyang nagtuturo at kuryoso sa mga pagkain. Mukhang nakaka adjust na rin at nahahawa sa kakapalan ng mukha ko.
“Kayo na ba?” ang agarang tanong ni Mommy pagbalik namin, kakaupo pa lang, dinadaldal na agad si Rin.
“Hindi pa, my. Nanliligaw pa rin ako,” agap ko lalo na’t baka isipin ni Rin na dinala ko siya rito para mapressure siyang sagutin agad ako.
“Punta ka sa Malabon, Rin.” At naki Rin pa ang magaling kong ina na feeling close. “Ipapakita ko mga baby pics ni Reagan. ’Yung naka diaper siya.”
“Birthday nito this month, my. July 4,” sabi ko.
“Ilang taon kana niyan?” si Simon.
“Twenty-one na po,” ani Rin.
“Isang taon lang pala ang agwat niyo ng anak ko. Ano bang plans mo sa birthday mo? Icelebrate natin sa Malabon. Punta ka sa bahay, Rin,” udyok ni Mommy na ikinanguso ko lalo na’t magandang ideya iyon.
I looked at Rin carefully. As much as I wanted to say no to my mom, who is shy, I also wanted the formality here. Tradisyon na siguro yata iyon na pag may nililigawan ka, ang unang magandang gawin ay dalhin siya sa bahay at ipakilala sa pamilya mo. At gusto ko rin talaga iyon para makita niyang seryoso ako rito. Na hindi ito basta panliligaw lang.
Rin opened his mouth to talk, but he closed it again hesitantly. My mother clapped cheerfully, as if she had already heard his answer.
“Silence means yes! After ng celebration mo with your family, punta ka agad sa bahay ha. Pwede kang magdala ng kahit sino. O kapatid mo ba. Meron ka bang kapatid?” my mom asked curiously.
“Meron, my. Dalawa. Sakristan ’yung panganay tapos close sa akin ’yung bunso. Parehas kami ng gupit at humahaba na rin ang buhok,” I bragged and smirked.
Ayaw ko na nga lang ikuwento ang tungkol sa Papa ni Rin na binilhan ko ng isang case ng red horse at kamuntik kong sadyaing ma alcohol poison. Baka kurutin ako ni Mommy sa tagiliran. Kaso kung nalaman niyang binubugbog si Rin no’n, baka nga makidagdag pa siya ng isang case.
Bumaling din si Mommy sa akin, nangingiti. “Talaga, anak? Gustong gusto mo pa naman ng kapatid noon. Request mo ’yan eh.” Sabay baling kay Rin ulit. “Itong si Reagan kasi, only child. Pero may kapatid sana siya kung hindi lang ako nalaglagan. Sayang nga. Sobrang stress ko rin kasi no’n…” medyo hilaw na ang ngiti ni Mom na kahit si Simon, napatitig sa kanya.
“Kaya po pala parang mahilig si Reagan sa bata… Close po siya sa kapatid ko.”
My mom smiled enthusiastically. “Ay oo! Iba ’yan mambaby talk ng bata. ’Yung mga pamangkin niya, paborito siya kasi ang lambing ni Reagan. Mana kasi ’yan siya sa dad niya. Alam niya na ba Reagan?” Muling tingin ni Mommy sa akin.
Tumango ako. “Oo, my…”
Bumuntonghininga si Mommy. “’Yung dad niya kasi…cold ’yon. Nonchalant din.”
“’Yung mga seryoso po?” si Rin.
“Ah hindi! I mean literal na malamig na. Literal ding hindi na nagsasalita,” ani Mommy habang natampal na ni Simon ang noo niya, ako naman ang natawa dahil inside joke namin ’yon ni mommy.
“Sayang nga ’yung huli ko sanang baby sumama sa dad niya. Daddy’s girl siguro,” patuloy ni Mommy sa joke niya at halatang pinapagaan nalang ang mabigat na nangyari sa pamilya namin.
Kita ko kay Rin ang pag-aalangan niyang magsalita. Hindi alam kung makikisimpatya ba o tatawa sa joke ni Mommy. Si Simon, napapainom nalang ng tubig at mukhang napapaisip kung ano ang nagustuhan niya sa ina ko.
“Pwede mo pa naman akong bigyan ulit ng kapatid, my…” singit ko at sumubo ulit.
“Matanda na ako. Baka maging lola na ako pag dalaga na siya o kaya binata. Hindi na ako maganda tingnan niyan sa pictures,” reklamo niya.
“Maganda pa rin ’yan,” ani Simon na ikinabaling ng ulo ni Mommy sa kanya, kontrolado ang ekspresyon. “Kahit nasa 80’s kana siguro, maganda pa rin naman…”
Umirap si Mommy habang nagkatinginan kami ni Rin at natawa. Korni pero totoo rin.
“80’s? Menopause na ako niyan! Baka nga patay na eh!” si Mommy na talagang walang preno ang bunganga.
“Shh, love,” saway ni Simon.
“Heh! Anong love?!” pilit na galit ni Mommy. “Magkaibigan lang tayo.”
“Pag sinagot ako ni Rin, lagi kaming magdidate. Edi paano ’yan, thirdwheel kana nga, single ka pa at walang ka date. Maiinggit ka sa amin ni Rin, my,” asar ko.
Her face heated. Simon chuckled lightly when he looked at my mom’s blushing ears.
“Available naman ako lagi. Pwede mo akong yayain ulit sa dates. Kahit as a friend pa ’yan, papatulan ko,” ani Simon kaya humalakhak ako. Nagpigil lang ng ngiti si Mommy, nagkunwaring busy sa food kahit namumula na.
“Ako nga noon ginawa akong superfriends!” sabi ko.
“Hanggang ngayon pa rin naman ah,” at nagkalakas loob pa talaga si Rin na asarin ako kaya tawang tawa si Mommy, ipinakita ang palad niya at natatawang nakipag-apir si Rin.
It was a funny and wholesome dinner. Sa tumatagal na oras, ramdam ko na mas nagiging maluwag na si Rin at mabilis agad na nakagaanan ng loob ni Mommy. Wala naman talaga siyang problema lalo na pag nakikita niyang masaya ako. Hindi niya iyon kukwestyunin.
“Mag-ingat kayo pauwi, Reagan. Magdrive ka nang maayos,” ani Mommy nang lumabas na kami at nasa parkling lot na.
Tumango ako at pinanood siyang lumapit kay Rin, niyakap ito saglit at nakipagbeso-beso saka niya nginitian ng matamis. Nakikita kong may binulong-bulong siya kay Rin at sa reaksyon ni Rin, alam kong maganda ang sinabi ni Mommy.
“Sa birthday mo ha…” paalala ni Mommy.
Tinapik ni Simon ang balikat ko. Tiningnan ko si Mommy ulit saka muling tiningnan si Simon.
“Ako ang bahala. Ihahatid ko nang maayos,” aniya, na tila ba nababasa niya ang iniisip ko.
I nodded and thanked him. Nang makita ni Mommy na nakikipag-usap ako kay Simon, magaan ang loob, lumambot ang tingin niya at napangiti. She shouldn’t worry about me anymore. I am already far from my fifteen-year-old self. Hindi naman sa kampante akong hindi na mauulit ang ganoon, pero sisiguraduhin kong hindi ako mababali ng kahit nino man hangga’t hindi ko nakukuha ang hustisya na kailangan ng batang ako.
Mommy:
Proud lagi si Mommy sa’yo anak. Salamat at pinakilala mo sa akin si Rin :’) Big boy na talaga ikaw huhu
Ang text ni Mommy na ikinangiwi ko habang nagmamaneho na ako. Hindi ko nalang nireply-an at baka mabangga pa kami. Ngunit napangiti rin ako sa una niyang sinabi. She’s proud. I am too, Mom. I’m proud of myself for conquering my fear…
“Sobrang friendly ng mommy mo ’no? Sobrang anghel at ang bait bait,” ani Rin nang magmaneho na ako pabalik sa Taft at medyo natatagalan dahil sa kaonting traffic.
“Sabi ko sa’yo magugustuhan mo ’yan. Iba ’yan si Mommy eh. Ligalig na maarte pero ubod ng bait. Basta wala ka lang kasalanan sa akin,” sabi ko at natatawa noong maalala na mas galit pa siya noon sa mga nambubully sa akin noong kinder ako. Hindi ko na maalala, pero si Mommy, tandang tanda pa rin iyon.
“Maswerte ka sa pamilya. Parang kakampihan ka nila lagi at paniniwalaan ka…” ngiti niya.
I nodded with a small smile on my lips. “Ride or die ko ’yan si Mommy eh. Handa ’yang pumatay para sa akin.”
His lips curved for a smile. Tumango siya at payapang tiningnan ang harap lalo na’t sa kabila ng gabi, lumiliwanag ang paligid dahil sa mga ilaw na galing sa kotse at mga establisyemento sa gilid.
“Eh ’yung mama mo? Close ba kayo?” tanong ko nang mapagtantong hindi talaga makwento si Rin sa pamilya.
Nagkibit siya at tumingin sa labas ng bintana. “Hindi masyado…”
He doesn’t want to talk about it. Kahit noong nasa simbahan kami, ramdam ko na may nagawa ang mama niya na ayaw niya. Mahilig mangunsinti. Ayaw ni Rin sa ganoon. At nababasa ko agad kung anong klaseng tao siya. Handa siyang tumindig sa hustisya at gawin ang tama.
“Matigas talaga ’yan si Kuya. Mukha lang ’yan malambot pero iba ’yan manindigan,” ani Rio nang niyaya ko siyang magpapagupit kaming dalawa habang si Rin ay nasa laundry shop at susunduin din namin mamaya.
Pinapunta ko lalo na’t gusto ko ring bigyan ng pambili niya ng school supplies. Alam ko naman na bibigyan siya ni Rin, pero mabuti na rin iyong may extra siya at hindi kumulang ang pera niya.
“Ayaw nga sa kanya ng side ni Mama dahil maldito daw si Kuya. Hindi sila pinapansin eh. Mataas daw ang tingin ni Kuya sa sarili purket nag-aaral sa malaking University. Lagi iyong ginagamit sa kanya na akala mo raw kung sino sinong mayaman kung umasta. Pero hindi ’yon totoo. Hindi lang nila tanggap na hindi nila kayang hilain pababa si Kuya,” patuloy niyang kuwento habang magkatabi lang kaming ginugupitan at kapwa nakatingin sa salamin.
I smirked proudly. Palaban pala itong si Rin eh. Mukhang hindi nagpapaapi sa pamilya.
“Maldito si Rin? Baka ikaw pa. Pero si Rin, ang anghel no’n ah?”
“Mas takot nga ako kay Kuya kaysa sa isa kong kapatid. Galitin mo si Kuya para makita mo.” Nandamay pa oh! Kitang gusto ko ng tahimik na buhay, mandadamay.
Blowout taper ang gupit ko na ginaya rin ni Rio. Parehas pang mestizo, makapal at magkakasalubong ang kilay, mas mukha pa kaming magkapatid kaysa sa kanila ni Rin.
“Salamat boss,” bigay ko ng bayad at may kasama na ring tip.
“Salamat din sa tip, boss! Bagay sa’yo ang gupit mo. Pogi mo, boss,” ang lalaking tumanggap ng bayad na ikinangiti ko.
“Tigil mo ’yan. Pumapatol ako sa lalaki. Sa suntukan nga lang,” biro ko kaya tumawa siya.
“Pumapatol ka naman talaga ah?” ani Rio nang pumapasok na kami ulit sa kotse ko para sunduin ang kapatid niya.
“Alam mo ’yung bisexual?” tanong ko at sabay naming isinara ang pinto.
“’Yung kabaklaan lang ni Kuya,” aniya habang hinihila ang seatbelt.
“Bisexual. ’Yung nagkakagusto sa babae at lalaki,” turo ko at pinaandar na ang kotse ko.
“Ah… parang ikaw? Nagkakagusto kay Avril Lavigne, pero gusto rin si Kuya?” Ngumisi siya sa akin, na tila ba alam niya na ang sekreto ko noon pa lang.
“Alam mo pala? Kailan mo napansin?” tanong ko at nagsimula ring magdrive, tiningnan ang rearview mirror para i-check ang likod habang dahan dahan akong umaalis sa parking space ng salon.
“’Yung pinapauwi mo agad si Kuya kasi kasama niya si Kuya Arron. Nagseselos ka no’n eh. Alam ko ’yon kasi nagseselos din ako sa lumalapit kay Kittie,” at talagang nagawa niya pang ikumpara sa kanya, huh? Ang batang ’to, manang mana pa yata ang kakapalan ng mukha sa akin.
“Nililigawan ko nga eh. Pag sinagot ako ng kapatid mo, kapamilya mo na ako. Kaya kung may problema ka, sa akin ka rin tumakbo.”
“Naks. Akala ko lamok lang ang marunong sumipsip, ikaw din pala. Nagpapalakas ka lang kay Kuya eh.” Halatang laking kalye talaga ang batang ’to.
Ngumisi ako sa kanya, palingon lingon lang. “Tropapips mo nga ako, ’di ba? S’yempre, kanino pa ba ako sisipsip sa pamilya niya? Edi sa’yo. Close kayo eh.”
“Pag ikaw iniwan mo si Kuya, hindi na kita papansinin habangbuhay,” banta niya eh hindi pa nga sinasagot ’yung tao oh!
Pero tumango ako. Kahit sa kamatayan handa ko ’yang sundan si Rin. Hindi ko ’yan iiwan. Mamamatay muna ako bago ko ’yan gagawin.
Sa bandang Taft Avenue lang nagpa laundry si Rin, malapit lang din kung saan kami nagpagupit ni Rio. Ipinark ko lang sa parking space ang kotse at naunang lumabas si Rio. Noong sumunod ako, pinasadahan ng haplos ang bagong gupit na buhok at nahanap agad si Rin na lumingon sa amin, kita ko ang dahan dahang panlalaki ng mga mata niya.
The girls who were sitting on the bench elbowed each other with meaningful eye contact. Alam ko ang mga ganyan pero wala nang tatalo sa reaksyon ni Rin na ikinanguso ko, pinigilang mapangiti lalo na’t kita ko sa pamimilog ng mga mata niya at pagkatigil niya na naguguwapuhan siya sa bagong ayos ng buhok ko.
“Ang lala talaga nitong kabadingan ni Kuya—Aray,” natigil ang bulong bulong ni Rio nang hinawakan ko agad ang tainga at baka mahiya pa ang kapatid niya. Panirang ’to. Paglakarin ko kaya ’to pauwi sa Cavite.
Tumikhim si Rin at umusog ng kaonti kaya doon ako umupo sa tabi niya. Hinaplos niya ang batok at tumingin sa kabilang direksyon ngunit kita ko ang pamumula ng tainga niya.
“Nagpagupit ako,” I stated, to fish for a compliment from him at least.
Tumango siya at lumingon sa akin, pahapyaw lang na tiningnan at nilingon ulit ang kabilang direksyon. “Ah oo…” namamaos niyang sabi.
I crouched on my parted thighs and glanced at his face. “Bagay ba?” tanong ko at dinaanan ng haplos ang buhok ko.
He glanced at me again, nodded, and took his eyes off me immediately. “Bagay naman…” Sabay hawak niya sa tainga niyang namumula.
Umangat ang kilay ko. Ngayon ko lang ata napansin ito sa kanya. I glanced at Rio, who’s busy on his phone while standing on the side of the entrance. Nang makita niyang nakatingin ako, sumenyas agad at may sinasabi.
“Kinikilig,” he mouthed.
My brows shot up. Ganito siya kiligin? I confidently took my phone out to check what happened to my face to make him blush this way. Pagbukas ko pa lang ng camera, nakita ko agad ang batang ako, ngunit mature version lang na medyo maangas nang tingnan.
“Gumwapo lalo,” bulong ni Rin at nakahawak pa rin sa tainga, nasa kabilang direksyon ang tingin.
“Sino?” I tilted my head while biting my lowerlip, stifling my big smile. Tang ina!
Namula siya lalo. Sinamaan pa ako ng tingin ngunit natatawa akong nilingon.
“Para naman akong walang pangalan nito,” sambit ko, nangingiti siyang tiningnan. “Sino, Rin?”
He chuckled and shook his head, avoiding my eyes again.
“Mahilig ka sa guwapo, ’di ba? Eh ba’t hindi ka man lang makatingin sa akin?” I tilted my head more to see his face, but he was really blushing hard.
“Tigilan mo nga ako sa kayabangan mo, Reagan,” namamaos niyang sambit, ang kamay ay nasa tainga pa rin.
“Pag sinagot mo ako at magiging boyfriend kita, araw araw tayong magtititigan, Rin. Hindi naman pwedeng ganyan,” singit ko at halatang atat maging boyfriend.
“Baka nga ikaw ang tiklop eh.” Angat ng kilay ni Rin at tila ba may pinapahiwatig doon.
Malawak ang ngisi ko. Anong klaseng tiklop ba ’yon? Kasi kung luluhod lang, nakadapa pa nga oh?
“Sino nga ang gumwapo lalo? Nandiyan ba?” I looked in the direction he kept looking.
Tumingin siya sa akin at nagulat na masyado akong malapit sa kanya. My eyes widened too. Umatras agad ako at baka pag bumangga ang labi niya sa akin, sisihin pa ako. Hindi naman sa uhaw na uhaw akong mahalikan pero makakapaghintay ako sa ganyan!
Tumikhim siya. “Ikaw nga…” he said gently, caressing his nape again.
I nodded and didn’t tease him anymore. Parang ako pa yata ang aatakihin sa puso dahil sa lapit namin kanina. Ano nalang kaya kung sinagot ako ni Rin at clingy na siya sa akin? Kaya ko ba iyon?
Noong sumapit ang birthday niya, wala atang handa sa kanila lalo na’t sa mismong araw na iyon, pumayag siyang sumama sa akin sa Malabon. S’yempre binitbit din namin si Rio. Gusto ko ngang imbitahan ang mga boys at girls kaso baka ma overwhelm si Rin. Kami kami nalang siguro muna.
“Bahay niyo tropapips?” tanong ni Rio nang bumubukas na ang malaki naming gate pagkatapos kong bumusina.
“Oo,” sabi ko at nakita agad sa loob ang mga kotse na nakapark. Huh? Nandito sila Lola at Lolo? Hindi lang sila…
“Ang laki naman! Mansyon na yata ’yan eh!” ani Rio na manghang mangha.
Kaonti pa lang naman din ang nakakapunta sa bahay namin. Mostly ang boys lang, ’yung kabilang sa circle ko. Walang ganitong reaksyon sa kanila dahil nga mga ka lebel ko lang din kaya hindi ko masyadong nakikitang big deal sa iba ang ganito ka laking bahay. Ngunit nang makita ang reaksyon ni Rio, mas lalong nabubuksan ang isip ko na talagang lumaki akong mas prebilihiyo kaysa sa kanila.
“May sarili akong bahay at lupa, Rio. Dadalhin ko kayo roon. Pamana ’yon ni Dad sa akin,” sabi ko habang ipinapasok na ang kotse.
“May sarili kang bahay at lupa?” nagugulat na tanong ni Rin.
“Alam ko ’yang kabayong logo sa kotse oh! Mustang ’yan eh!” turo ni Rio sa kotse ng Lolo ko na hindi ko na pinansin pa at pinagtuunan ang kuryosong tanong ni Rin.
“Oo naman. Bata pa lang ako Rin, may sarili na akong properties. Pinaka unang apo rin kasi ako ng mga Vallejo.”
“Kuya sagutin mo na si tropapips para secured na ang future natin!” ani Rio kaya lumawak ang ngisi ko habang naniningkit agad ang mga mata ni Rin sa kapatid.
“Mahiya ka nga, Rio.”
“Ayos lang sa akin kahit perahan mo ako, Rin. Matutuwa pa ako na ako ang peperahan mo. Basta ako lang, kahit ubusin mo ang kayamanan namin, ayos lang!” biro ko na ikinatawa namin ni Rio at nag-apir agad, si Rin naman, napapailing nalang at natatawa rin.
Tingnan mo nga naman ang glow-up ko. Dating galit na galit sa mga baklang piniperahan lang ng mga lalaki, ngayon magdadabog pa yata ako kung hindi ako ang peperahan ni Rin. Kahit lustayin niya lahat ng kinikita ko, ipagpapasalamat ko pa ata ’yon total para sa kanya naman ang pagtatrabaho ko.
Lumabas si Mommy sa malaki naming terasa at inabangan kami, ngiting ngiti habang may dala pang party hat. I sighed when I realized she had prepared more than I expected. Hindi ata salo salo ang mangyayari kundi party talaga.
“Mommy mo ’yan?! Parang artista!” si Rio na gulat na gulat na naman.
Rin looked nervous when I went out of the driver’s seat and opened the door for him. Lumabas din si Rio at hindi mapirmi ang mga mata sa nakapark na kotse, halatang naeengganyo.
“Nandito yata ang buong Vallejo, Rin… Mukhang inimbitahan lahat ni Mommy ang buong angkan namin at nagheld ng malaking party. Ayos lang ba?” tanong ko.
He nodded despite his nervousness. “Ayos lang. Siguro nakakahiya lang na ako ’yung may birthday pero ako pa ’yung dumayo at walang ambag.” He chuckled a little.
“You are now part of our family, Rin. Mahal kita, at ang pamilya ko, handang yakapin ang mga taong mahalaga sa akin. Wala kang dapat ikahiya dito,” udyok ko at inilagay ang kamay ko sa likod niya.
He swallowed hard, but he still nodded while blushing. My mom already stepped out of the terrace excitedly as she ran to us while showing us the party hat she was holding. Rabbit pa! Para dito pala iyong tinatanong niyang theme ng party! Nagtanong ba naman ng hilig ni Rin, edi sabi ko rabbit!
“Rin! Happy birthday! Halika! Suotin mo ’to oh! Bagay sa’yo ’to!” Mommy showed the party hat cheerfully, and I couldn’t help but smile at how special this day would be for him. Sa wakas…maipapakilala ko rin sa buong angkan ko.
Chapter 38
Mutual
Ipinasuot ni Mommy kay Rin ang kulay baby pink na party hat na bumagay sa suot ni Rin. Kulay blush pink na denim jacket, sa loob ay madalas niyang sinusuot na puting plain white t-shirt, army green pants at puting sneakers. Alam ko na puting t-shirt lagi ang nasa loob kaya nag puting shirt din ako at khaki pants. Kahit si Rio ay naka puting buttoned-down shirt din, masyadong gaya gaya sa akin.
“Matchy tayo ng suot, Rin!” ani Mommy at ipinagmayabang ang kulay pink na silk dress niyang hanggang paa niya ang haba. She even bragged the slit on the side, revealing her legs, which made Rin laugh a bit.
“Ang ganda niyo po, Tita…” ani Rin.
“Ay Mommy na ang tawag mo sa akin sa susunod ah!” sabik na sabi ni Mommy.
“Si Rio, my. Bunso nila Rin,” pakilala ko.
My mom looked at Rio with widening eyes. “Hala! Parang naging kamukha mo nga anak dahil sa buhok! Hello! Ang chootie mo naman!” At pinisil pa talaga ni Mommy ang pisngi habang seryoso si Rio.
“Hello po,” bati ni Rio sa magalang na paraan kaya ngumisi ako. Tanggal ang sungay natin ah?
“Pasok na kayo. Atat na atat pa naman sila na makita si Rin. S-in-end ko kasi sa GC na dadalhin mo ang nililigawan mo anak, tapos sabi ko, maghahanda ako. Lumapag ang mga pupunta dahil magpapaparty ako. Eh lumapag lahat! Edi nagdesisyon akong malaking party nalang,” kuwento ni Mommy, hawak ang pulso ni Rin at hinihila niya na papasok habang nakapamulsa akong nakasulod sa likuran nilang dalawa, si Rio sa tabi ko na tahimik lang.
Pag usapang party talaga, laging lumalagpas si Mommy sa ganoon. At ang buong Vallejo, suportado ang mga ganyan ni Mommy, lalo na kung ako ang usapan.
Lumingon si Rin sa akin, sinisiguradong nakasunod ako sa kanya. I nodded to assure him I wouldn’t leave his back wherever my mother would take him. Kaya noong bumukas ang malaki naming pinto, nalalaglag ang mga balloons at confetti, si Rin na bahagyang ipinatayo ni Mommy roon at pinalakpakan, natawa kaming dalawa ni Rio dahil para siyang nawawalang bata na sinundan ng tingin ang mga balloong nalalaglag.
My clan then stood up in their fancy clothes together with Simon, who’s proudly smiling for us. Si Lolo lang ulit ang naka plain white t-shirt at malawak ang ngiti sa tabi ng Lola kong overdressed na naman at naka pink na malaking sombrero pa.
Nandito ang limang Vallejo kasama ang mga asawa nila. Nandito rin ang iilan kong pamangkin na maliliit pa lang, mga pinsan kong anim na teens, at isang kaedad ni Rin. Puno halos ang sala namin na naging party venue dahil sa decorations, at kahit ang enggrandeng hagdan, hindi pinalampas ni Mommy lalo na’t may balloons din doon.
“Happy birthday to you!” my mother started singing cheerfully, coaxing the others to sing along with her.
Sinenyasan ako ni Mommy at itinuro ang cake kaya nagmamadali akong lumapit para makuha iyon sa kasambahay na sinisindihan na. They continued singing while I held the two-layered cake for Rin with a cute little rabbit sitting on it while it was surrounded by pink circles.
“Ginawa mo namang bata, my!” reklamo ko nang mapagtanto iyon na ikinatawa ng angkan namin, patuloy pa rin ang pagkanta.
“Birthday mo? Ba’t ikaw ang nagrereklamo!” natatawang sabi ni Mommy, nakavideo na habang lumalapit ako kay Rin na may pinupunasan sa bawat sulok ng mga mata niya, tinatakpan minsan ang bibig pag tatawa.
I cleared my throat and smiled at him as soon as I stopped in front of him. Doon ko nakita ang kinang sa mga mata niyang tila luhang pinipigilan niya lang tumulo habang hindi nawawala ang ngiti niya.
“Happy birthday, Rin,” I greeted with a smile.
His eyes turned glassy as he nodded a little, looking at the cake like it was the most genuine thing he had even seen in his entire life.
“Shh! Huwag kang umiyak. Mahal ang skincare,” biro ko kaya natawa siya at hinampas ang braso ko. I laughed and leaned the cake closer to him so he could blow it.
“Magwish ka muna,” sabi ko lalo na’t nag-aamba na siyang hipan at inilayo ko lang.
“Reagan naman!” saway ni Mommy nang makita ang ginawa ko kaya kahit ang mga nanonoof sa amin, natawa.
“Hindi pa nagwiwish, my! Hindi ako papayag,” sabi ko at dahan dahang ibinalik ulit sa harap niya ang cake.
“Natupad na,” ani Rin, natatawa akong tiningnan.
I grinned. Talaga?
“Huh? Hindi mo pa ako sinasagot ah?” I frowned at him when I realized it.
“Bida bida ka naman anak! Birthday mo?” my mother interrupted again, and even my clan reacted to it.
“Hayaan mo Reagan, hindi matatapos ang araw na ’to nang hindi ka sinasagot niyan. Magpapakitang gilas tayong mga Vallejo diyan kay Rin,” one of my Titos said, so I glanced at them, and they raised their wine glass as a support.
“Rinig mo ’yon, Rin? Mga abogado pa naman ang nandito. Idaan nalang natin ito sa legal na usapan…” pagmamayabang ko na ikinaingay lalo nila sa likod.
“Kung hindi madadaan sa legal na usapan, may mga murang gayuma ngayon sa probinsya. Huwag kang mag-alala apo,” parinig ni Lolo kaya nagtawanan agad ang lahat.
Rin laughed along with us, unable to blow out the candle because of their jokes. Kinagat ko ang pang ibabang labi, natatawa na rin sa nangyayari.
“Shh muna! Hindi niya na mahipan ang kandila eh!” saway ni Mommy kaya tumigil ang angkan ko sa kakasabi ng kung ano ano.
Rin looked at the candle and blew it out. Pumalakpak si Mommy ganoon din ang buong Vallejo at pinuno siya ng batian. Kahit si Rio na nagvivideo, hawak ang phone ko lalo na’t iyon ang pinaka utos ko sa kanya, napapangiti rin.
Kinuha ng kasambahay ang cake sa kamay ko para ilagay na sa gitna ng mahabang table. Sinundan pa saglit iyon ng tingin ni Rin habang iginiya ko na siya papalapit sa mga Vallejo na abang na abang sa kanya. My cousins were grinning at me proudly, cheering like I just won the lottery. Well, I did. Ngiti pa lang ni Rin ngayong araw, alam ko panalo na ako.
Lumapit kami sa mahabang table nang magsiupuan na ang lahat. The fancy-looking decoration of the long table was filled with wine glass, gold and white plates, and the pink roses were aligned in the middle, matching the champagne pink tablecloth.
“Ito ba ’yung bumasted sa’yo, Reagan?” tanong ni Lolo nang sila ang una naming nilapitan kaya kabado akong nilingon ni Rin, hindi ako mahawakan sa tainga dahil maraming nanonood na kapamilya ko.
“Magmano ka,” bulong ko kaya naglahad agad ng kamay si Rin.
Sumunod din si Mommy sa amin, bitbit si Rio at ipinapakilala rin.
“Mano po,” si Rin na nakangiting ibinigay ni Lolo ang kamay.
“Tingnan mo nga naman ang tipo ng mga Vallejo. Mahilig sa magaganda at guwapo. Itong batang ’to, nilahat na. Maganda na nga, guwapo pa,” ani Lolo nang tingnan nang maayos si Rin.
When my grandma looked at me, she pulled my nape for a hug, so I crouched to accommodate her. Humihingos pa nga.
“La…” haplos ko sa likod niya. “Huwag kang umiyak. Baka isipin ni Rin sa angkan natin madadrama tayo.”
My grandma then chuckled as soon as she let go of her tight hug, cupping my cheeks.
“Malaki na ang apo namin. May boyfriend na…” she said proudly in her teary eyes.
Ngumuso ako. “Baka hindi kita mabigyan ng panibagong apo, La.”
“Eh ano naman ngayon?! Masyado na kaming matanda para may panibagong baby ulit! Eh baby ka pa rin naman sa mga mata namin!” At lumabas rin ang totoo. Batang paslit talaga ang tingin nila sa akin.
After hugging me, she then gave her full attention to Rin and hugged him too.
“Mabait ’yan si Reagan… Hindi ka niyan sasaktan. Alam naming lahat ng Vallejo ’yon dahil baby namin ’yan,” maluha-luhang sabi ni Lola, akala mo naman aagawin ako sa kanilang lahat at nagpapaubaya na silang ibigay ako kay Rin.
“Nakikita ko nga po,” ani Rin at sasagutin na yata ako ngayong gabi! Naks. Ang kapal ng mukha ko.
“Mahilig ba siya sa briefs, Reagan? ’Yun pa naman ang ipinambalot ko. Buy 1 take 1 kasi ’yung niregalo ko sa’yo noong December. Kung hahanapin mo nasaan ang isa, alam mo na kung ano ang ipinambalot ko ngayon.” Talagang ipinagmayabang iyon ni Lolo kaya napuno ng halakhakan sa buong bahay namin.
“Pa naman!” si Mommy na nagreklamo at mukhang may category pa kahit sa gifts na hindi na naman sinunod ni Lolo.
“Salamat, Lo! At least couple underwear pala kami ni Rin!” ngisi ko kaya mas lalong lumala ang tawanan. Kinurot tuloy ako ni Rin.
Si Rio, nakaupo na sa tabi ng mga pinsan ko at siya ang inientertain. Kahit ang mga pamangkin ko, nilalapitan siya at binibigyan nila ng chocolates. Isa-isa kong pinakilala si Rin sa mga Tito at Tita ko. Todo pakitang gilas din naman ang lahat.
“Pag sinagot mo ’yang si Reagan, may discount ka sa hospital kung saan ako nags-surgery. O pwede na rin libre total magiging kapamilya kana namin,” si Tito Luis, ang asawa ni Tita Lili na kapatid ng ama ko na nakipagkamay din kay Rin habang nakaupo.
“Doctor,” I said to Rin, and he looked so amused. Lahat naman kasi ng Vallejo, may mga lisensya. Maliban nalang sa akin na driver’s license pa lang ang meron.
“I’m your Tita Lili! Kapatid ako ng Papa ni Reagan. Kung may nang-away sa’yo, o kahit ano man, ako ang tawagin mo sa lahat ng abogado na nandito. I am the best when it comes to handling cases,” si Tita Lili na tumayo para makipagbeso beso na sinundan agad ng pagmamayabang ng tatlo pang Vallejo na puro rin mga abogado.
“Nakakahiya sa naipanalo kong kaso noong nakaraan,” si Tito Alfred na iniangat pa ang champagne flute nang bumaling kami sa kanya.
“Ako ang kunin mo pag usapang pera, Rin! Specialty ko ’yan bilang isang corporate lawyer,” si Tito Edward na nagthumbs up.
“Kung usapang underground cases, s’yempre may pambato rin ang mga Vallejo diyan! Si Kuya na ang bahala kung usapang lupa lupa rin. Teritoryo niya ’yan!” biro ni Tito Alfred, tinutukoy si Papa, kaya nagtawanan ulit.
“Nasa dugo niyo na yata ang ganitong biruan,” bulong ni Rin. Wala eh. Idinadaan nalang namin sa biro ang pagkamiss kay Dad para hindi kami malungkot.
Umupo rin naman kami ni Rin nang magsimula nang kumain. Katabi ko siya at sa gilid ko naman si Rio. Puno ang mahaba naming table ng mga inilalapag na pagkain habang patuloy ang pagtatanong tanong nila ng kung ano-ano kay Rin at sa pamilya niya.
“Wow! Sakristan! Nasa lahi niyo pala ang pagiging mabait!” si Tita Lili. “Pansin sa galaw mo eh.”
“What’s your family name, hijo?” tanong ni Lola.
“Vallejo,” singit ko kaya natatawa akong siniko ni Rin.
“Ferrin po…” aniya.
“Ferrin? Kinda familiar,” si Mommy. “Parang may kasaling ganiyang apelyido sa mga binigyan namin ng scholarships noon sa dating brand apparel na pinagtatrabahuan ko.”
“Scholar nga po si Kuya noong college siya. Nagtatrabaho rin po siya sa isang brand apparel noon bago siya nag quit dahil mas p-in-ursue ang paglilingkod sa simbahan,” kuwento ni Rin.
“Oh! Maybe that’s him. Kasi kung oo, ang liit nga naman ng mundo! Imagine, dating scholar namin, kapatid pala ng magiging boyfriend ng anak ko!” pagmamayabang ni Mommy.
“Close kayo, my?” tanong ko.
“Ay close naman ako sa lahat ng employees ng brand apparel. Kilalang kilala ako bilang friendly. Pamilyar lang siya sa akin,” ani Mommy.
“Kilala ka nga rin po ata ni Kuya eh. Naalala ko po kasi may magazine siya noon na ikaw po ’yung cover. Na feature ka po ata. Mahilig kasi si kuya sa fashion din,” ani Rin.
“Oh? Bisexual din ba? O bakla?” kumpirma ni Tita Lili.
“Pwede ba ’yon bilang sakristan?” agap ni Tito Alfred.
“Ah, straight po si Kuya,” paliwanag ni Rin. “Pero suportado niya po ako sa pagiging bisexual ko. Siya rin ang rason kaya ako nagkalakas loob lumabas…”
“Supportive family. That’s nice. Importante ’yan sa part ng LGBT. “Yung nakukuha nila ang suporta sa mismong bahay nila,” nangingiting sabi ni Tito Simon.
“I heard from Rianne you like skincare? How about make-up? I actually owned a brand. Baka alam mo ’yon. Kung may mabuksan kang gift na puro make-ups, that’s my own brand…” si Tita Stephanie, ang asawa ni Tito Alfred.
“Ay Steph alam mo ba anong tawag ni Reagan sa pang kilay? Mongol 123 daw!” sumbong agad ni Mommy kaya sumabog agad ang halakhakan.
“’Yung lapis ba ’yan? ’Yung pinangsasaksak sa bida bida mong seatmate noong kinder ka pa dahil nangunguha ng baon?” hirit ni Tito Edward.
“Galing pa talaga sa isang Attorney! Mahiya ka naman, Ed! Nananaksak ka pala ng lapis!” si Tito Luis.
“Baseless accusation. You can’t hold someone accountable for something I didn’t do, you know,” mayabang na itinaas ni Tito Edward ang mga kamay.
We all made an ‘ohh’ reaction while Rin grinned amusingly.
“Halatang kapamilya mo nga sila,” bulong ni Rin sa akin.
“I rest my case, Attorney,” si Tito Luis na ikinatawa namin.
“Halimaw ’yan si Tito Alfred sa korte. Lahat ng hinahawakang kaso, naipapanalo. Kahit ilang death threats na ang natatanggap, babasahin niya lang ’yon na parang love letter ng mga nareject niya kaya tumatahol,” bulong ko kay Rin.
Pero ang kwento nila, mas malala raw iyon si Dad. Pangalawa lang si Tito Alfred. Kaya nga nakakaengganyong sumunod sa yapak nila…huwag lang kay Dad dahil ayaw ko pang iwan si Rin.
“Kaya itong si Reagan, kung magkakaroon ng attempted homicide na kaso, hindi ako pwedeng maging litigator nito. Dalawa kaming makukulong dahil tutuluyan ko ’yang tinangka niyang patayin. May ginawa siguro kay Reagan kaya galit na galit,” ani Tito Alfred, siguro binubuksan ang mga naririnig niyang pakikipagsuntukan ko noon sa kung sino sino pag umiinit ang ulo ko dahil sa mga bastos na biruan.
“Puro kunsintidor lahat kay Reagan ’yang mga ’yan, Rin,” si Mommy na nilalagyan ng pagkain ang plato ni Rio kahit puno na iyon.
“Nagpaparinig talaga ’yan sila na pag hindi mo raw sasagutin, sa presinto ka nalang daw magpaliwanag, Rin,” hirit ni Lolo kaya sumabog ulit ang tawanan.
Rin seemed to be having fun with the conversation. Namumula na nga minsan kakatawa at hindi nawawala ang ngiti sa labi, kulang nalang mapunit. Hindi na matapos tapos ang katuwaan at kahit sa gitna ng pagkain ni Rin, inutusan na agad ni Mommy na tumayo roon sa panibagong mesa, kung saan nakalagay lahat ng regalo para mabuksan niya isa isa.
“Samahan mo Reagan at baka nahihiyang tumayo,” utos ni Lola sa akin nang pinagtulungan na si Rin na papuntahin sa harap.
I stood up and coaxed him to stand up as well.
“Kuya kung nahihiya ka, ako nalang ang magbubukas,” presinta ni Rio na naging katatawanan agad.
“Rio,” tawag ko at sinenyasan siyang kunin ang regalo ko sa kotse. Tumayo agad siya at sinalo ang itinapon kong susi sa kanya.
Noong tumayo si Rin sa harap ng table, kita ko ang gulat niya nang mapagtantong ang dami ng bubuksan niya. Puro ba naman paperbags ng mga kilalang mamahaling brands at iyon na yata ang ginawa nilang pambalot.
“Akin lahat ’to?” bulong niya sa akin.
“Ikaw ang may birthday. Kung sa pasko pa, parang ikaw ’yung star.” I grinned to lessen his nervousness.
Epektibo naman yata dahil sa bawat tawa niya, pansin ko na naiibsan agad ang kaba sa mga mata niya.
“Unahin mong buksan ang regalo ko! Briefs ’yon!” pagmamayabang ni Lolo.
Natatawa si Rin noong isa isa niyang binubuksan, binabasa muna ang naka indicate sa papel na puro greetings at kaonting pa welcome sa kanya sa pamilya namin, saka niya bubuksan ang paperbag. Halos pare-parehas lang din yata ang regalo sa kanya. Skincare, branded na mga jackets, sapatos, at may nagbigay din ng rolex sa kanya.
“Lo! Akala ko ba briefs! Couple underwear na sana kami!” reklamo ko nang mapagtantong siya ang nagbigay ng rolex.
“Biro lang ’yon! Sinuot ko na pala ’yung buy 1 take 1 na pares! Butas butas na ’yung binili ng Lola mo eh. Nakakahiya naman kay Rin kung ireregalo ko pa, ’di ba? Suot ko nga ’yung isa ngayon. Suot mo rin ba ’yung iyo?” And everyone ended up laughing again.
“Mana ka ata sa Lolo mo pagdating sa kalokohan,” bulong ni Rin.
Ginabi na ang selebrasyon ni Rin sa dami ba namang nangyari at ayaw siyang tantanan. Idagdag pa ang picture taking at ginawa ba namang artista si Rin, isa-isa silang nagpapapicture! Ako na manliligaw, nahuhuli.
11p.m. na rin noong nagpasya nang magsiuwi sila Tita at Tito, isa isang niyayakap si Rin at kung ano ano pang sinasabi sa kanya, halos ayaw nang tantanan.
“Basta ah? Gawa ka ng video habang sinusubukan mo ’yung make-ups? Gagawin kitang modelo ko,” rinig ko pa ang sabi ni Tita Steph na nangingiting ikinatango ni Rin. Naging modelo pa ng make-up?
Everyone’s overwhelmed, maybe because they are waiting for this moment. High school pa lang ako, hinihintay talaga nila na may dadalhin ako at ipapakilalang girlfriend. Ngayong college ko na nagawa at lalaki pa. Pero walang nagbago sa reaksyon nila. Ramdam ko kung paano nila tinanggap ng buong buo ang sekswalidad ko, ni hindi man lang ako kinwestyon, o nagulat, na para bang handa nila akong suportahan kahit pa butiki ang ipakilala ko.
“Dito na kayo matulog ha? Rin! Rio! May guest room naman. Huwag nang magdrive. Gabi na,” paalala ni Mommy nang bumalik na ulit kami sa loob pagkatapos magsilabasan isa isa ng mga kotse ng angkan namin.
“Tita. Maraming salamat po,” ani Rin na ikinangiti ni Mommy at nilapitan siya agad.
“Nag-enjoy ka ba? Nagustuhan mo? Kasi kung hindi magrerent talaga ako ng hotel at doon kita ulit papahandaan. Gusto mo ’yon?”
“Hindi na po! Ang enggrande nga po ng ginawa niyo. Salamat po…” si Rin na natatakot na yata sa magagarbong pakulo ni Mommy.
“First time magcelebrate ni Kuya ng birthday,” ani Rio kaya napatingin kami sa kanya.
“Huh? Paanong first time?” takang tanong ni Mommy.
Pinapaningkitan ni Rin ang kapatid ng tingin kaya nahaplos ni Rio ang batok.
“Ah… First time po sa ibang bahay…” agap ni Rio kaya kumalma ang ekspresyon ni Mommy at tiningnan ulit si Rin.
“Si Reagan kasi, maarte na masyado. Ayaw nang hinahandaan. Medyo namiss ko lang. Ayaw na ata sa mga themed party sa bahay at gusto nalang ng pera,” reklamo ni Mommy.
Huling birthday ko ata na ganito rin na may themed party ay noong fourteen ako. Ang dami ring balloons no’n pero ang theme naman ay Minecraft. Mahilig ako sa ganoon noon eh.
Si Mommy na ang naghatid kay Rio sa guest room. May computer set naman doon kaya hindi siya mabobored.
“Pwede ka sa kuwarto ko, Rin. Siguro sa guest room nalang din ako kasama si Rio total malaki naman ’yon doon,” sabi ko nang mapagtantong dito nga pala sila matutulog ngayong gabi. Gusto ko mang sabihin na malaki ang kama ko, kasya kaming dalawa, ako ba ang may birthday at ang kapal kapal ng mukha ko?
“Eh ano bang balak mo? Matutulog lang naman ah?” ani Rin habang iginigiya ko siya sa kuwarto ko.
I swallowed a bit. “Oo nga. Pero baka mabastusan ka pag naghubad ako bigla. Topless kasi ako matulog…” namamaos kong paliwanag.
“Oo nga. Matutulog lang naman,” he highlighted while we both stood up in front of my room, and I slowly opened the door.
“Hindi mo naman siguro ako tuturuang magzumba?” tanong niya na ikinasabog agad ng halakhak ko. Tang inang Mavric ’yon ah? Naalala ko na naman.
“Pero ayos lang ba kung dito rin ako? Kasi kung oo, dito lang ako siyempre…” I smiled and showed my spacious room.
“Oo naman. Kuwarto mo ’to. Ayos lang,” agap niya at nagtinginan pa kami ng makahulugan kaya parehas tuloy kaming natawa.
Bumungad agad ang malaking kama na puting bed sheet at mga itim na pillowcase ng aking malalaking unan na nakasandal sa malaking puting headboard ng aking kama.
We stepped in. Isinara ko ang pinto habang naglilibot ang tingin niya. Sa totoo lang, mas malaki pa ang kuwarto ko kumpara sa unit ko sa Taft Avenue. Para siyang presidential suite na may sarili ring balkonahe at malaking wardrobe. Sa kaliwa ay ang double sliding door na may puting kurtina at medyo sumisilip ang malaki kong balkonahe sa labas. Sa kanan na may ash gray na carpet, nandoon nakadisplay lahat ng mga instruments ko. Mapa keyboard na nakalagay sa stand, dalawang electric guitar nakadikit lang sa puting pader at may pirma pa ng mga pinuntahan kong concerts noon kaya hindi ko ginagalaw at ang…
Mabilis kong tinakbo ang poster ni Avril Lavigne at tinanggal iyon. Hayop.
“Ayos lang. Girl crush ko rin ’yan,” agap ni Rin pero dahil sa sinabi niya, mas tinanggal ko lalo. Girl crush naman pala!
“Wala na. Hindi na ako fan. Ayoko pala sa mga blonde,” ngiwi ko at itinupi ang poster kong kulang nalang halikan ko noon.
Tumawa si Rin at nilapitan ang instruments ko. Hinaplos niya ang keyboard at hindi na iyon pinatunog pa. Ngunit halatang wala roon ang buo niyang atensyon dahil lumipat siya agad sa iba kong instruments at pinagtitingnan iyon.
“May pirma ka ng Paramore?” gulat na tanong ni Rin nang tingnan ang isang electric guitar na nakadisplay.
“Oo. Noong nag concert sila dito sa Pinas, bestfriend kasi ni Mommy ’yung organizer ng concert kaya pinasuyo niya ako. Hindi ko ’yon kasalanan kung pinaboran ako ah? Si Mommy ang sisihin mo,” agap ko ngunit ngumiti lang siya.
“Eh ito? Kaninong pirma ’to?”
“Ah! Arctic Monkeys. Ayan naman, talagang dumalo ako sa ibang bansa no’n. Kasama ko si Tito Alfred. Ewan ko kung anong ilegal ang ginawa at nagulat nalang ako, nasa harap na ako nila at pinipirmahan ang gitara ko.”
“Ilegal?” he echoed. “Ang spoiled mo naman yata sa angkan mo. Halatang ibibigay lahat ng gusto mo.”
“Biro lang, Rin. Tropa talaga ’yon ni Tito Alfred. Rockstar kasi ’yang Tito ko sa gabi. Siya sana ang fifth member kung hindi lang siya napaos,” kuwento ko na ikinatawa ni Rin at hinampas ako sa braso.
I bit my lower lip while grinning. Naglibot libot pa siya sa kuwarto ko at tumigil sa shelf na puro libro na makakapal at tungkol lang lahat sa Law. Title pa lang eh. Tumingin tingin lang siya saglit doon pero umalis din at naglakad lakad. Ano ba ’to. Nakakakaba naman at parang nag-iimbestiga.
Huminto siya sa harap ng balkonahe kaya sinundan ko siya roon. I opened the sliding door and revealed my big balcony. Naalala ko bigla iyong mga gabi sa balkonahe sa Green Recidences. Ang gabi na namangha ako sa kanya habang tahimik niyang tinititigan ang buwan.
He laughed a little while stepping toward the railings of my balcony. Nangingiti ko siyang sinundan lalo na’t alam kong naalala niya rin.
He stopped and rested his hands on the railings, looking up again. Gusto ko sanang tumayo sa likuran niya pero tumabi nalang ako at nakangiti ring tiningala ang bilog na buwan.
“Pamilyar ba?” tanong ko, marahang natawa.
He chuckled too and nodded gently. “Oo. Parehas tayong may malalim na iniisip noong gabing ’yon pero parehas na nakatanaw sa buwan.”
“Mali, Rin. Ikaw lang ang nakatingin sa buwan. Ako ’yung nakatingin sa’yo…”
His lips parted as he glanced at me.
“Narinig ko ’yon. Nagpiano ka kaya lumabas ako dahil gusto kong damhin ’yung tinutugtog ko. Napapakalma ako sa mga iniisip ko,” patuloy ko.
His eyes flickered for a reason, just like earlier, like tears—not with sadness but out of joy.
“July din ’yon… Birthday ko,” he confessed solemnly.
This time, my lips parted. He sighed heavily, at ease, as he smiled languidly and looked up to watch the moon again.
“Nag wish ako no’n… Nakakatawa lang na…parang dininig niya ako.”
“Ano bang hiling mo no’n?” I asked curiously.
Nagkibit siya at ngumisi sa akin. “Guwapong boyfriend.”
Hindi ko alam kung niloloko ba ako nito o ayaw lang sabihin sa akin. But speaking of boyfriend…
“Ayaw mo ba ’yang tuparin ngayon?” I teased.
He laughed and leaned closer, which made me alert. Naharang ko agad sa harap ang kamay ko kahit na hindi naman malalaglag, sinigurado ko lang agad na mahahawakan ko siya kung sakali man.
“Manang mana ka nga sa angkan mo,” he said while laughing, turning his back, and completely leaning against the railings.
Tumayo ako ng tuwid at pumwesto sa harap niya. I saw the amusement in his face because I was suddenly confident in this. Humalukipkip siya, pigil ang ngiti ngunit titig na titig sa akin.
“Ano ba ’yung hiling mo na natupad na?” tanong ko.
He looked away, so I rested one of my hands to lock him up. Tumikhim siya at sa kabila naman lumingon kaya inihawak ko rin ang isang kamay sa isa pa hanggang sa wala siyang nagawa kundi ibalik sa akin ang tingin niya. Akala niya siguro makakatakas siya…
“Guwapong boyfriend nga,” giit niya ngunit natatawa.
My laugh mingled with his. “Parang hindi eh…”
“’Yun nga. Ang guwapo mo nga eh…” Inuuto pa ata ako.
“Pero hindi pa naman boyfriend. Guwapong manliligaw lang…” I answered hoarsely.
“Boyfriend na nga…” he whispered and smirked at me.
“Ako ang birthday gift mo sa sarili mo?” I asked unbelievably.
Umihip ang malamig na hangin. Natatawa niyang isinuklay ang kamay niya sa buhok paatras at halos mamangha ako sa nakikita ko. My heartbeat was raising so fast as I tried to grip my exploding emotion.
“Seryoso, Rin. Huwag mo akong binibiro kundi isusumbong kita sa angkan ko,” natatawa kong sabi at sinundan ang pag-iwas ulit ng mga mata niya.
He licked his lower lip and looked at me with a smile on his lips. “Plano ko talagang sagutin ka sa birthday ko. Kaya oo, may guwapo na akong boyfriend.”
I cursed under my breath. Kahit wala namang fireworks, pakiramdam ko, may sumabog sa madilim na langit dahil sa malakas na kalabog ng dibdib ko. It was comforting and euphoric.
“Tayo na?” I confirmed.
He nodded while his soft laugh echoed in my ear like a lullaby that couldn’t put me to sleep. Hindi yata ako makakatulog ngayong gabi at dilat na ngingiting tititig sa kisame. Sinagot na ako!
“Edi tuwing birthday mo, Anniversary rin natin…” sabi ko.
He nodded silently and smirked again. “Laki ng ngiti ah?”
I grazed my tongue at my upper teeth, laughed out of joy, and rested my head against his shoulder. Siya ang may birthday pero akin yata ang araw na ’to.
“Baka na pressure ka lang ah?” I whispered with my uncontrolled smile, my hand falling off the railings until I slowly crawled it on his waist.
“Naaatat nga eh. Ayaw lang kitang sagutin agad eh ang yabang mo pa naman,” ani Rin na mariin kong ikinapikit at humalakhak na idiniin ang aking mukha sa kanyang leeg habang humihigpit ang pagkakapulupot ng aking braso sa kanya.
“Kaya mo naman pala akong tiisin?” I whispered teasingly against his neck, my lips stretching for a wide smile.
“Hindi na, Reagan. Hindi ko na kaya…” he whispered back.
Humalakhak ako lalo sa leeg niya, ang isa kong kamay na nasa railings, nanghihinang bumagsak at yumapos na rin sa baywang niya para yakapin siya ng mahigpit. Sa tagal tagal kong nilagyan ng espasyo ang pagitan namin, sa wakas, pwede ko na siyang yakapin na parang akin. Talagang akin na…
“Mutual pala tayo eh. Parehas tayong sabik sa isa’t isa,” pag-amin ko sa namamaos na tinig.
“Mas halata ka nga lang,” aniya na hindi ko rin maitatanggi.
“Oo, Rin. Sabik na sabik talaga akong maging boyfriend mo. Ikaw na ’yan eh…”
Chapter 39
A big credit to Rodel Jammang, a licensed nurse and BL author, who provided me with the right information about HIV. Thank you so much!
WP account: JomGamerland
———
Affection
Hindi lang ata ako ang masaya kinabukasan, dahil kahit si Mommy, tuwang tuwa at nagtatalon pa akong niyakap. At ang magaling kong ina, itinawid agad ang balita sa buong Vallejo kaya ang Facebook account ni Rin, dinumog nila.
I even posted a picture on that day too. My family members were all tagged, including Rin and Rio, and I made a simple ‘Happy Birthday, Rin’ as a caption. Everyone greeted him on the comment section. Naka custom din kasi ang post ko at puro lang friends ang nakakacomment, pero ang likes at share, marami.
Kahit ang cover photo ko, pinalitan ko ng picture naming dalawa ni Rin. Ang profile ko, kami rin dalawa. Ni hindi ko pinalampas na wala siya sa story at t-in-ag ko siya sa isang picture na si Rio ang may kuha, s’yempre kasali pa rin ako.
It was bombarded with lots of reaction not just from my friends. Alam ko namang dudumugin agad iyon, at s’yempre, hindi naman talaga magpapahuli ang mga hayop na kaibigan ko. Nangunguna pa nga ang pinakahayop.
Tyler Coast Cervando:
Relatives mong sinabing wala daw handa pero nagpost agad at ayaw ka lang talagang imbitahan be like:
Atty. Alfred Vallejo replied:
Sino ka ba? Vallejo ka ba?
Ronan Slade Veniel:
Takot na takot ka ba sa take-out na hindi ka talaga nang-imbita? Napaghahalataan ang pagiging patay-gutom sa pagkain, Rick.
Atty. Alfred Vallejo replied:
Pumunta ka sana para ikaw ang naibalot ko sa sako.
Conrad Norris:
Mass report niyo ’to. Dapat sa ganitong mga tao tinatanggalan ng karapatang makapag post sa Facebook. Mga makasarili.
Atty. Alfred Vallejo replied:
Sino ka ba para unahin namin kaysa sa sarili namin?
Marcella Angela Mercedes:
Traitor!!!!!!!!! Ang mga ahas akala ko nasa gubat lang, nasa circle mo din pala!!!!!
Atty. Alfred Vallejo replied:
Same feathers flock together.
Ako Si Rio II:
walang kredits! sana binlurd ko nalang pag pic o hindi ko sinali ulo niyo pakyu
Atty. Alfred Vallejo replied:
Rio send mo nga sa akin ’yung picture kong naka pakyu. Ipoprofile ko. Pangit ng naka suit. Parang naghahanda nang humiga sa kabaong.
Atty. Alfred Vallejo replied:
*Credits yon. Sino ba ’yang seatmate mo at parang ang bobo ng kinokopyahan mong bata ka?
Ako Si Rio II replied:
ok po tito hehe gwapo ka don
Ako Si Rio II replied:
nasa gin na po ng pamilya namin
Shiloh Ching Escarra:
Congrats! Hbd Denver. Ano flavor ng cake mo?
Atty. Alfred Vallejo replied:
Lasang nasa tamang tao na raw.
Reagan Aldric Vallejo:
Mapapansin mo talaga pag nakakaangat kana sa iba kung puro haters agad ang nasa comment section. Pinoy nga naman oh? Ang hilig manghila pababa.
Hindi lang doon natapos ang pang-iinis sa akin ng mga kumag dahil minimention nila si Rin sa mga story nila, bumabati ng Happy Birthday, pero ang video ay noong nagdadrama ako sa banyo nila Con. Tang inang mga ’to. Oo, maaasahan mo ’yan sila pag brokenhearted ka, pero ang mga gago, sasamahan ka lang ata para mavideohan ka sa mga araw na ikakasira ng dignidad mo pag lumabas sa internet.
Kahit sa messenger, ang iingay ng mga girls. May alam naman na sila dahil naririnig din nila. Kinumpirma ko rin iyon na nililigawan ko si Rin noong tanungin nila ako, pero ang mas hindi yata talaga makapaniwala hanggang ngayon ay si Angela.
Angela Marcella Mercedes:
Akala ko buhok mo lang ang kumakapal, pati rin pala ang mukha!
Angela Marcella Mercedes:
Sinabi ko kaibiganin mo. Hindi ko sinabing angkinin mo ang crush ko?!?! Tapos ngayon kayo na talaga?!?!
Angela Marcella Mercedes:
Pinatuloy kita nang maayos sa bahay, pinakain, tinratong pamilya, tapos aahasin mo ako! Sinaksak mo nalang sana ako Rick!
Angela Marcella Mercedes:
Pero bagay kayo. Papicture ako sa inyong dalawa ha? May stolen picture ka pa namang kumakain ka sa birthday ko tapos kita kami ni Denver na isinasayaw niya ako. Foreshadowing na pala ’yon na dapat nilason kita sa araw na ’yon Rick!
“Anong hinahanap mo?” dungaw ni Rin sa laptop niya nang makigamit ako.
Nasa unit niya ako lalo na’t dito ako kakain. Kakauwi lang namin pagkatapos ihatid si Rio sa Cavite. Si Mommy, ayaw pa sana kaming pakawalan. Buti nalang sinabi kong babalik din kami ni Rin at madalas namin siyang bibisitahin. Gusto pa yatang kahit si Rin, doon nalang din tumira.
“’Yung birthday ni Angela. Sabi niya may stolen picture daw ako habang sumasayaw kayo at kumakain ako sa gilid. Gusto kong tingnan,” sabi ko at s-in-earch ang pangalan ni Angela sa Facebook.
At mukhang hindi na kailangang kalkalin iyon dahil nangunguna na agad. Sh-in-are ni Angela na may caption na ‘throwback’ at smiley face na pinagtawanan agad ng lahat. Picture ko nga iyon na sumusubo pa ng pagkain at gabundok ang nasa plato ko habang matamis ang ngiti nila sa isa’t isa at akala mo kung sinong couple na nagcecelebrate ng anniversary nila kung makasayaw.
“Rin…” I tapped my lap, pulling his waist to coax him on what I wanted. “Upo ka.”
Kabadong kabado ako. Ilang buwan ko rin kinimkim ang mga ganitong iniisip ko. Pero isa ’to sa mga nagpapangiti sa akin gabi gabi na ikakandong ko agad siya pag sinagot ako. ’Yung kiss, huwag na muna. Hindi pa ako handang mamatay.
Tumalikod siya at umupo sa kandungan ko. At siguro nga, lahat ng madilim sa nakaraan ko, kayang paliwanagin ni Rin sa oras na siya ang kasama ko.
And for the first time, my trauma doesn’t feel like a nightmare. It vanished—as if it never existed—when he claimed the position I once hated to share with anyone.
I sighed peacefully and shut my eyes as I leaned my forehead against his nape—my hand crawling around his waist until I hugged him—finally.
“Ang bango ng buhok mo ah? ’Yung shampoo ko ba ’yan na binili ko sa’yo?” I asked softly.
He leaned against my chest while I locked him in my arms and placed my chin on his shoulder as I continued to read the comments on the picture.
“Hindi. ’Yung hair perfume na regalo ni Tita sa akin. ’Yung gisou.” At may kahati na nga ako na mangspoil kay Rin.
Inamoy ko ang buhok niya at ipinalupot ang kamay sa kanyang baywang. Si Rin ang nagpatuloy na tingnan ang comments at natawa sa hirit nila Tyler doon na nangunguna na naman sa kalokohan.
Tyler Coast Cervando:
Magbalot ng handa sa birthday o sulutin ang last dance ng may birthday.
Conrad Norris:
Katakot magcomment baka magreply ulit ang Tito ni Rick.
Ronan Slade Veniel:
Akala ko handa ang tinatarget lock. ’Yung last dance pala ng debutant.
Tinitigan ko ang picture namin ni Rin. Sa totoo lang, bagay silang tingnan ni Angela. Sa tindig pa lang kasi ni Rin, kahit kalahating mukha lang ang kuha sa kanya sa picture, sobrang guwapo niya dahil maaliwalas ang mukha, nakaatras pa ang buhok at nakangiting nakatitig kay Angela na namumula kakatingin sa kanya.
“Guwapo ka dito,” turo ko at hinaplos ang screen ng mukha. “Panira lang si Angela.”
He laughed softly. “Ganda niya nga eh.”
“Anong sabi mo?” tanong ko at inambahang ireport ang picture nila.
“’Yung suot niyang gown, maganda,” agap ni Rin, biglang bawi.
I rolled my eyes and hugged him tightly. “Tss. Suki ka sa last dance eh. Kahit si Sadie, ikaw ang gustong last dance na hindi mo lang sinipot.”
“Bakit? Sikat ka sa girls noon ah? Wala bang nagyaya sa’yong maging last dance nila?” tanong niya.
Paano ako yayayain kung mukha na akong mambabalibag sa mga panahong iyon? Kalat na kalat rin ang pagiging snob ko. Kakausapin lang ako, magkakasalubong na agad ang kilay ko.
“Wala. Si Mommy lang at si Lola ang naranasan kong isayaw noon. Pero bata pa ako no’n. Napagdiskitahan lang pag may mga occasions…”
“Pero gusto mong maranasan?”
I slowly nodded and buried my face against his neck even more. “Oo, Rin. Tapos papaikot-ikutin ko hanggang maging trumpo—aray!” Hagalpak ko nang makurot pa sa tagiliran.
Humiwalay siya sa akin kaya nakangiti ko siyang sinundan na ngayon ay tumayo na sa harap ko. He cleared his throat and offered his hand.
“Isasayaw kita,” he said and smiled.
My lips parted. Unti-unti kong naiintindihan ang mga girls noon kung bakit gusto nilang maging last dance si Rin, o kung bakit maraming nagkakagusto sa kanyang girls. Lalo na’t sa nakikita ko ngayon, kahit alam ko namang kami na, pakiramdam ko nahuhulog ulit ako sa hindi na mabilang na pagkakataon.
Ibinigay ko ang kamay at tumayo. Halos sundan niya ang pag-ahon ko hanggang sa akin na siya nakatingala.
“Sa lahat ng naisayaw ko, ikaw ang pinakamatangkad,” he chuckled.
“Ako na kasi ang dulo, Rin. Huli na akong isasayaw mo.” I smirked back and lifted his hand so I could turn him around.
Natatawang umikot si Rin. Iiikot ko pa sana kaso baka mahilo at magalit kaya natatawa ko siyang hinila ulit palapit sa akin at iginiya ang kanyang kamay sa aking balikat.
“Walang kanta,” reklamo ko at napagtantong para kaming tanga na sumasayaw ngunit walang tugtog.
He pulled out his phone out of his pocket and decided to play a music. Sa marahan palang na tugtog nang inilapag niya iyon, natatawa kong nailagay ang kamay sa bawat gilid ng aking baywang. Ang korni naman!
“Ikaw at Ako,” he said and offered his hand again while the intro of TJ Monterde’s song resonated all throughout his unit.
Instead of taking his hand, I pulled his waist closer to me as I chuckled happily. It was romantic, though I am not a fan of gestures like this, and I didn’t expect it would be this comforting when it was him whom I’d dance with…
Our laughs mingled with each other’s voices. The cold wind blew gently on the white curtain, making it dance a bit as I lifted his hand again and turned him around while our silhouette reflected on the curtains.
“Ikaw at ako… tayo’y pinagtagpo…” he started singing with a smile on his lips until I grabbed him close to me again, my lips mirroring his smile.
Yumuko ako at nangingiting pinatakan ng halik ang kanyang labi. His eyes sparkled until his gaze softened. When his lips parted, I took that as an opportunity to brush my lips with his, giving him a passionate kiss.
Malakas ang kalabog ng dibdib ko at hindi na rin napapawi ang ngiting sumusugat sa labi. Rin chuckled and tilted his head until he kissed me deeply. God…
“Huwag na tayong sumayaw, Rin,” bulong ko kaya parehas kaming natawa lalo na’t nagkakasundo kaming maghalikan nalang.
“Debut mo ’to! Maraming nanonood!” biro niya at nahawa na yata sa katarantaduhan ko.
“Huwag mo silang pansinin. Handa lang naman ang ipinunta nila. Maghalikan pa tayo.” I chuckled as I lifted his chin, kissing him more.
Unlike those months when he seemed distant to me, mysterious, and reserved, I slowly saw how he’s keeping a boundary for himself. Ibang iba siya pag nakilala mo na, nakakasama, at nakakausap ng masinsinan. He’s gentle, soft-spoken, genuine, and he easily worries.
Ang sarap magmahal ni Rin. Alagang alaga rin ako. Pakiramdam ko, malalanta ako kung may isang araw lang na hindi kami magkikita. Mamamatay na agad sa gutom, o magkakasakit pag hindi ko siya kasama. Ganoon na ang dating sa akin pag wala siya sa tabi ko.
Huling tugtog namin ni Rin sa last week ng July bago ang pasukan lalo na’t scheduled nalang ang ibibigay ni Sir John kay Rin. Nag offer din kasi si Mommy na pag-aralin si Rio, silang dalawa ni Simon ang magpapaaral sa kanya at mukhang ililipat siya sa isang private school. Kaya ang ipon ni Rin, hindi nagalaw at gusto ni Mommy na mas magfocus nalang siya sa pag-aaral.
Alam kong nahihiya siya sa pamilya ko at ilang beses niya pang tinanggihan ang offer. Pero mas pursigido si Mommy na kung papayag lang siguro ang parents nitong si Rio, kukupkupin na ni Mommy. Kaso si Rio, nahihiya rin. Kunwari pa ’tong batang ’to, ayaw niya lang talaga umalis sa Cavite dahil sa kapitbahay niyang si Kittie.
Kaya sa huling beses sa linggong iyon, bago ang party na binabalak ng circle ko sa bahay ni Angela, tumugtog kami ulit sa District One lalo na’t dumadami na rin ang nasasanay sa amin.
Nagtatawanan kaming dalawa habang may binubulong bulong ako sa kanya, papalapit kami sa stage hanggang makita namin si Arron na inaayos ang drum niya, ang tingin ay bumaba pa sa pagkakahawak ko ng kamay ni Rin.
I saw how his brows furrowed a bit, his shoulders loosening. Tiningnan saglit ni Arron ang pag-aayos niya sa drum niya, pero halatang nadistract siya sa pagkakahawak ko sa kamay ni Rin na muli niya kaming nilingon.
“Huling gabi na ’to, ’di ba?” he confirmed, eyed our hands again, and tried to be unfazed about it.
“Bakit? Aalis kana sa banda natin?” I conversed smoothly to lessen whatever he felt at the moment.
“Hindi na ako fit sa The Rivals. Magmumukha na akong thirdwheel.” Ismid niya, siguro nagkaroon na ng ideya na kami na.
“Kung may Fast and Furious. Tayo naman ’yung Past and Future,” biro ko na mas lalong ikinangiwi ni Arron at si Rin, hinampas pa ako sa dibdib. Bati na kami niyang ex niya ah?
Tumayo ng tuwid si Arron at nagpaalam sa amin na lalabas daw muna.
“Saan ka pupunta? Iiyak? Patingin nga ng hagulhol,” asar ko na ikinataas ng gitnang daliri niya.
“Pupuntahan ko si Sir John. Papapalitan ko ang pangalan natin ng Arron and the Others,” pilit ang biro niya ngunit alam kong gusto niyang iparamdam sa akin na…tanggap niya…kahit masakit.
Gusto ko pa sanang asarin pero hinayaan ko nalang lalo na’t nakapamulsa nang lumalabas. Rin sighed and looked at me. Tumango ako at dahan dahang binitiwan ang kamay niya. Alam naming pareho ni Arron ang pakiramdam na ’yan dahil diyan din naman ako galing kaya hindi ko rin malaro talaga.
“Kausapin mo muna. Ako na ang mag-aayos dito,” sabi ko.
Ayaw ko sana, gusto kong pagbawalan si Rin na kausapin ’yang ex niya dahil takot din ako na baka maagaw siya sa akin, o magkabalikan sila kung nalingat lang ako ng tingin. Ngunit naalala ko ang sinabi ni Arron sa akin na nagpalamon siya sa insecurity niya at ayokong mangyari din iyon sa amin. Siguro, sinabi iyon ni Arron sa akin bilang leksyon na rin para makita ko kung ano ang mawawala sa akin kung magiging ganoon din ako.
Aaminin ko, noong sinagot ako ni Rin, marami agad akong mga iniisip, na baka ipagpapalit din ako ni Rin katulad ng nangyari sa kanila ni Arron. Pero unti-unti ko ring napagtanto na hiniwalayan niya si Arron hindi dahil nakahanap siya ng pamalit, kundi dahil pangit ang naging epekto ng relasyon sa kanilang dalawa ni Arron. Parehas silang nagkaroon ng insecurities, parehas na hindi maidaan sa usapan ang pinag-aawayan, at parehas na hindi kayang manindigan.
And just like Arron said to me, he is now under my care. And I want this relationship to be fresh for Rin. I want him to forget that his insecurities exist until he realizes that there is always room for improvement in the eyes of those who want to see you grow…
And Rin… I hope the loud noise of my world will be enough to silence the chaos in your mind…
“Bukas ulit,” sabi ko nang ihatid siya sa mismong tapat ng unit niya, nakaharang sa bukas na pinto at nangingiti siyang tinitingnan pagkatapos naming tumugtog.
He nodded and smiled, too. “Salamat at hinayaan mo akong kausapin si Arron. Pero hindi mo kailangang magselos dahil wala naman—”
“May tiwala ako sa’yo, Rin,” agap ko na ikinatigil niya, medyo nagulat na kampante ako.
“Nagsisimula pa lang naman tayo. At wala akong kakompetensya sa atensyon mo dahil alam ko wala namang kahulugan ang tingin mo sa kanila.”
His eyes widened even more until they slowly relaxed, which made him chuckle a bit. Nahawa ako sa ngiti niya habang naiiling siyang napangiti sa akin.
“Nagpapakitang gilas ka ba? Baka sa umpisa ka lang ganito ah?”
“Oo. S’yempre bago pa. Hintayin mo pag tumagal na tayo saka ko ilalabas ang totoong baho ko,” biro ko na kapwa namin ikinahalakhak.
I saw how he became relaxed even more, as if it made him realize he doesn’t need to explain things all the time because I trust him.
“Ayos lang. May mga perfumes ako. Pababanguhin nalang kita,” biro niya rin na ikinahalakhak ko. Natututo oh!
Parehas na matamis ang ngiti namin habang titig na titig sa isa’t isa. I cleared my throat and leaned closer.
“Goodnight…” I whispered while nearing his face.
He watched me carefully, without even blinking, as if he were patiently waiting for my lips to touch his. At dahil hindi siya gumagalaw, hinila ko ng bahagya ang baywang niya papalapit sa akin hanggang sa kusa siyang lumapit at nagkaroon ako ng tyempo na mas halikan siya.
With my half-lidded eyes and my lips smiling, I brushed my lips with his softly. Napahawak siya sa balikat ko, halos napahingang malalim, tila ba nakiliti sa halik ko.
“Goodnight, Reagan,” he whispered back hoarsely, with an obvious smile on his lips too.
Maybe I was a bit greedy for this, so I pulled his back more until he was crushed with mine, and I kissed him deeply. He kissed back, his hands snaked around my nape, and he tilted his head for better access with my mouth.
Magkasalubong halos ang kilay ko, tuloy tuloy ang halik sa kanya, sabik ngunit hindi nagmamadali at halos sambahin ang labi niya.
We both stopped and looked at each other seriously. Hinihingal siya ng kaonti, ako naman ay namumungay ang titig sa namumula niyang labi. When my gaze slowly rose up to look into his eyes, our soft laughter mingled with each other.
“Matulog kana nga,” he said, pushing me a bit.
I frowned and pulled him more until I rested my head on his shoulder while my arm tightened on his waist.
“Sa kwarto mo nalang ako matutulog. Masarap ang tulog ko noong nandito ako, Rin…”
“Baka iba ’yang iniisip mo ah,” aniya.
I laughed while he pulled me in. Yes! Malawak ang ngiti ko habang hinihila niya ako sa kwarto niya. Binitiwan niya lang ako noong inayos niya agad ang kama niya kaya pinanood ko siya.
“Sa sofa nalang si Bert,” sabi ko nang tingnan ang stuffed toy na bigay ko sa kanya.
He looked at me cluelessly. “Sinong bert?”
Itinuro ko ang stuff rabbit. “Bert. Short for Robert.”
Itinapon niya agad ang unan sa akin na sinalo ko at lumapit din sa kama niya.
“Rhey ang pangalan niya.”
“Rhey? Cute ah. Rick. Rin. Rhey,” ngisi ko at pabagsak na hihiga na sana sa kama pero pinigilan niya lang.
“Mag half bath ka muna. Ako ang susunod,” aniya at kumuha pa ng towel na magagamit ko.
Inamoy ko ang sarili ko. Mabango naman ako. Pero galing din kasi kami sa labas kaya tumayo ako at sinunod ang gusto niya. Gusto ko sanang humirit na sabay nalang kami pero baka sabihin niyang ang bilis bilis ko. Kakasagot pa lang sa akin pero yayayain ko agad maligo?
Pinahiram din ako ni Rin ng mga damit niya. Hindi na ako nagreklamo pa. Kahit pagkatapos ko, noong matapos din siya na medyo mas matagal kumpara sa akin, dinamay pa ako sa skincare niya.
“Mukha naman akong si shrek nito na may buhok,” reklamo ko sa kulay green na clay na pinahid niya sa mukha ko at ipinasuot pa sa akin iyong rabbit niyang headband.
“Huwag ka ngang magulo. Hindi pa tapos,” aniya kaya inilagay ko ulit ang mga kamay ko sa likod ng ulo ko bilang unan, pumikit at hinayaan siyang paglaruan ang mukha ko.
“Isali mo na rin ang buong katawan ko, Rin. Nakakatanggal ba ’to ng libag at maitim na budhi? Kasi kung oo, irerecommend ko ’to sa buong angkan ko,” biro ko.
Humalakhak si Rin at sigu-sigundo nalang yata akong sinasaway na huwag malikot dahil ang tagal tagal niyang matapos. Pag nag gaganito ang mga girls at dinadamay rin ang boys, ilag na ilag pa ako. Ayoko dahil nga nababadingan ako. Pero ngayon, nagsuggest pa akong lagyan niya rin ako noong pinapahid niya sa labi ko para parehas kami.
Araw araw na iyong naging routine namin dahil na rin magkatabi ang unit. Mas lagi akong tambay sa unit niya dahil alagang alaga ako rito ni Rin. Pero sa pagluluto, ako lagi ang maaasahan. Itong isang ’to, nasanay yata na bibili lang ng pagkain o oorder. Parang nagmamadali lagi.
Pero mas nakikita ko kung sino talaga siya. Ayaw niya ng makalat. Ayaw niya rin ng hindi organized na kuwarto. Hindi siya napapanatag pag may kaonting gulo lang. Buti nagkakasundo kami pagdating sa pagiging malinis lalo na’t malinis din naman akong tao. Hindi nga lang ako marunong mag organized. Basta malinis, ayos na. Si Rin kasi, malinis na organized.
Pagkatapos ng skincare, tahimik ko siyang pinanood sa kama niya habang may hawak siyang gitara at kumakanta. Parehas kaming nakasquat. Pigil ang ngiti ko habang pinagmamasdan siya ngunit hindi talaga kayang hindi ngumiti dahil sa lambot ng tinig niya.
“Ikaw naman,” agap niya at inilagay sa kandungan ko ang gitara niya.
My brows shot up. Although I knew how to play the guitar, I am more into electric.
“Kumakanta ka?” he asked curiously while I adjusted the tuners of his guitar and started strumming its strings.
I crunched my nose. “Hindi eh.”
“Pero malalim at malamig ang boses mo. Nasubukan mo na ba kumanta?”
Umiling ako. “Hindi rin. Mga alternative rocks kasi madalas ang tinutugtog ko. Baka pag kumanta ako masira lang ang mood ko.”
Tumawa si Rin at niyakap ang mga binti niya. “Kumanta ka…”
I cleared my throat and started strumming that song he said sounded like mine. Tumatak sa akin ang kantang iyon dahil iyon ang pinanghahawakan kong isa sa paborito kong memorya sa kanya. Na may nagpapaalala sa kanya tungkol sa akin.
“Today is a winding road that’s taking me to places that I didn’t want to go…woah…” kanta ko sa malalim at mababa kong tinig sa marahang paraan.
Namilog ang mga mata niyang kumikinang sa pagkamangha. I licked my lower lip, smiled at him, and continued to strum the guitar to sing the remaining parts.
“Today, in the blink of an eye, I’m holding on to something, and I do not know why… I tried…” ngiti ko, naalala kung paano ko kinabisado ang kantang ito dahil sinabi niyang kaboses ko.
“I tried to read between the lines, I tried to look in your eyes… I want a simple explanation for what I’m feeling inside… I gotta find a way out…” I looked at him, my voice becoming gentle and soft.
“Maybe there’s a way out…” Saka dumausdos ang tingin ko sa labi niya, halos ibulong na lamang ang pagkanta.
Titig na titig siya sa akin, tila ba nahipnotismo sa tinig ko—nahuhulog ng malalim sa boses ko. Before I knew it, Rin leaned closer, tilted his head and brushed his lips with mine. Napangiti ako at nakangiting hinila siya papunta sa kandungan ko habang itinatabi ko na ang gitara sa gilid at hinayaan siyang angkinin ang pwestong iyon.
I laughed while kissing him. Masyado akong masaya na siya ang nagkusang humalik sa pagkakataong ito, at tila ba alipin ako na hinihintay lang na mapagbigyan niya. And it’s satisfying.
Hindi katulad noon na naaalibadbaran ako sa mga umuupo sa kandungan ko, ngayon, kusa ko siyang hinila at nagmamakaawang maupo siya roon, na gusto ko, angkinin niya rin iyong kanya—teritoryo niya.
His hands were wrapped around my nape while my hand other hand was wrapped around his waist, and the other was resting on his leg as we kissed leisurely. Malakas ang kalabog ng dibdib ko, hindi dahil kinakabahan, kundi dahil sa pananabik ko sa bawat hagod ng labi niya.
“Suot ko pa naman ’yung brief na bigay ni Lolo ngayon,” bulong ko sa pagitan ng halik namin kaya sumabog ang halakhak ni Rin sa labi ko.
“Totoo, Rin. Gusto mo bang makita?” I laughed and looked at him resting his head on my broad shoulder.
“Ang angas mo talaga. Patingin nga!” hamon niya at natatawang inangat ang ulo niya.
When our eyes locked, we ended up laughing again.
“Tapos makita mo si Avril Lavigne ang design ’no? Mapapatawad mo ba ako, Rin?”
Para na yatang mamamatay si Rin kakatawa at hinampas pa ako. “Hubarin mo ’yan!”
“Tss. Para-paraan. Gusto mo lang makita eh. Tulog pa, Rin.” I smirked playfully.
“’Yung brief mo nga!” giit niya kahit hindi na matigil kakatawa.
“Paano kung hindi ako nagbibiro, Rin! Kaya hindi ako sumasabay maligo sa’yo kasi tinatago ko ’yung design ng brief ko?”
Hinang hina siya sa balikat ko kakatawa. Tumigil na nga lang ako lalo na’t niyakap niya na ’yung tiyan na at sumasakit na yata.
“Biro lang. CK talaga ’to. At oo, bigay ’to ni Lolo.” Saka ko ibinaba ng kaonti ang sweatpants para lang makita niya ang tatak sa garter.
“Mahal ang CK,” ani Rin.
“Ano ba ang brief mo? Patingin nga.” I smirked at him.
He leered at me. Umangat agad ang kilay ko. Bastos ang iniisip nito!
“Sabi ko brief. Hindi ko sinabing bayag—”
“Reagan!” agap niya at tinakpan pa ang bibig ko, namumula na natatawa.
Kinagat ko ang palad niya kaya inalis niya agad at hinampas muli ang balikat ko. Noong naging kami ni Rin, sa totoo lang, hindi pa namin napag-uusapan ang mga ganitong bagay. Ewan ko ba, pag magkasama kami, puro lang kami tawanan at asaran. Nakikita pa nga lang ako nito, natatawa na agad. Hindi na kailangang kilitiin o ano dahil mabilis siyang bumungisngis pag magkasama kami.
Kaya ngayong usapang brief, naiisip ko tuloy…
“Rin, may aaminin pala ako,” mahinahon kong sabi.
Tumingin siya sa akin, nasa labi pa ang ngiti.
“Noong kinse kasi ako…”
His smile vanished. I cleared my throat.
“Na-clinic ako. Uh, UTI. Alam mo ba ’yon?”
He nodded. “Urinary Track Infection.”
“Rare ang ganito sa lalaki, pero mas prone daw sa girls. Nagka UTI kasi ako noon. Gusto ko sanang bumalik ulit sa clinic ko para magpa check-up.”
He immediately nodded. “Gusto mo bang samahan kita bukas? At uh… baka hindi ka komportable sa akin dahil nagkaroon na ako ng unang boyfriend. Kung gusto mong makasiguradong malinis ako, magpapa check-up din ako.”
Umiling ako. “Wala akong iniisip na ganyan sa’yo, Rin. Kung ano man ang naging relasyon niyo ni Arron noon, basta ba may consent, hindi big deal sa akin. Kung virginity ang usapan, mas lalong wala akong pakialam sa ganyan.”
“Pero libre lang naman magpa test eh. Wala namang masama roon. Kahit alam kong…malinis ako, gusto kong panatag ka,” aniya.
It was a serious topic, and we both ended up deciding to just take a test for our safety. Sa kilalang clinic ako nagpatest kung saan din ako dinala ni Mommy noon. Noong lumabas ang result at kapwa naman kami negative, kapwa malinis, saka kami napanatag.
“Marami na rin kasing misconceptions ngayon tungkol sa HIV. Some think that you could get this through saliva, urine, or even sweat. Hindi iyon totoo. The HIV can’t survive in acidic kaya imposible siya sa pawis,” the doctor elaborated.
Tahimik kaming nakinig at seryosong tumatango. The doctor smiled at us.
“Kaya sana, makita ng ibang couple kung gaano kahalaga ang condoms. Some people thought that if they’re taking preparation methods, hindi na sila risk of transmission of HIV. Ginagawa nila iyong excuse for bare sex. But the anus is not really designed to take the penis, unlike the vagina, which is why HIV is more prone to men-to-men contact. Mas madaling masugat ang loob ng anus na pwedeng mag cause ng bleeding na magiging sanhi ng contamination sa mga taong positibo pala ng HIV,” patuloy ni Doc.
Mahalaga kay Rin iyon, pero ramdam ko na mas sinisigurado niyang panatag ako. We also ended up receiving some advice on how to clean properly before and after sex. Ngayon ko mas nakita kung gaano ka importante ang contraceptives, kung bakit hindi dapat mahiya na gumamit ng ganoon, o hindi iyon ipagsawalang bahala lang. It was made for a reason, not just to avoid unwanted pregnancies but also for your own safety.
Hindi rin kami nahiyang magpa test ni Rin, kahit alam naman naming parehas kaming malinis, pero mas maganda talagang makasigurado, lalo na’t bumabagabag lagi sa akin na…ang rumi rumi ko.
Ngunit sa mga therapy sessions ko, tinigilan ko na ang kakasisi sa sarili ko, o kakaisip na marumi ako. At sa mga ipinaramdam sa akin ni Rin, alam kong kaya ko na iyong gawin sa komportableng paraan.
I’ll finally do it with affection—to have some control over it—and with someone I care about—not forced or controlled, but with love and permission.
Chapter 40
Trigger Warning: Mention of rape, traumatic experiences, mention of suicide, homophobia, and mature contents. This is a heavy chapter, so read at your own risk.
——————
Happy
“It takes a lot of courage to do the activities that once became your trauma, Reagan. It’s not that easy,” si Doc Jane nang bumisita ako ulit para sa isang consultation.
It took me months to agree on her advice, which is to listen to others’ traumatizing pasts. It would only be an open forum where all of the patients involved agreed to participate and share their experiences with those who battled to survive as well.
Kasama ito sa cognitive reframing ko. Hindi ko rin kasi kayang madaliin lalo na’t ang sensitibo ko noon sa ganitong usapin pero ngayong kaya na, kahit halos kalahating taon ang inabot ng paghahanda para sa session na ito, ipinaalam ko agad kay Doc Jane na handa na ako para rito.
Hindi ko pa ito nasasabi kay Mommy, o kahit kay Rin. Ito rin ang gusto ko, na tutulungan ko muna ang sarili ko, saka ako hihingi ng tulong sa kanila.
Sa isang spacious na room, mga upuan na okyupado na ng iilan, isa na lamang ang bakante. Hindi lamang mga lalaki, kundi may babae rin. Hindi lamang mga ka edad ko, may mga mas matatanda rin sa akin, o mas bata pa.
I was shocked when I realized that most of those who are present inside the room are all…survivors of…sexual assault. At ang nakakagalit na…talagang mas marami ang babae kaysa sa lalaki.
“Who wants to go first?” tanong ni Doc Jane, ang nasa gitna at may note pad sa kandungan niya.
May nag-angat ng kamay. Napatingin kami sa lalaki na gustong mauna at tinanguan ni Doc Jane.
“Hi… I’m Eric Mendoza. Thirty years old. I was… molested by a man…”
Namilog ang mga mata ko, kahit ang mga lalaking naroon, mga tatlo kami, napayuko nalang. I gritted my teeth.
“Mahirap maging part ng LGBT lalo na kung ang tingin din sa’yo ng ibang lalaki, kabastos bastos ka dahil bakla ka. Na akala nila, pag bakla ka, hindi ka marunong humindi. Na gusto mo lagi ang mga sekswal na mga bagay pagdating sa mga lalaki. Stereotyping na kumbaga,” he stated carefully.
Yumuko ako, tumango, at tahimik na nakinig. He shared his experience from its root up until how he slowly copes. At katulad ko, nagkalakas loob lang din na magpatherapy dahil…nilalahat niya na. Hindi na siya komportable sa mga lalaki.
“Dether…Reagan… Tim…” tawag ni Doc Jane sa amin. “Who wants to share their experiences?”
May isang nag-angat ng kamay na tinanguan ni Doc Jane.
“Dether Gonzales. I was only thirteen when a gay man assaulted me. Pinsan ng kapatid ng mama ko…” he confessed.
Tiningnan ko ang reaksyon ni Eric, ang namolestya ng lalaki, at sa paglambot ng tingin niya, sa pagpipigil ng luha, alam kong nakikisimpatya siya.
“Noong eigtheen ako, nasampahan ako ng reklamo dahil nambugbog ako ng bakla. Para sa akin noon, salot sila. Lalo na’t halos sa mga baklang nakikita ko, ang babastos ng bibig at akala nila, kaya nilang bilhin ang mga lalaki, o idaan sa pera ang gusto nila dahil tingin nila, papatulan sila kung mayaman sila,” ani Dether na medyo nakikisimpatya ako dahil ganyan din ako noon.
Eric bowed his head and covered his mouth. Nagpatuloy si Dether at ramdam ko ang bigat ng pinagsasabi niya dahil nakakarelate ako, na kahit iyong Tim, nang matapos si Dether, siya rin ang sumunod na mag open up.
“Ten years old lang ako noon. Twenty-two na ako ngayon. Akala ko nakalimutan ko na. O naka moved on na total ang tagal na no’n eh. Pero hindi pala. Akala ko, introvert lang ako, nerd kumbaga. Nasa sulok sulok, ayaw makipag-usap, hirap makihalubilo, pero ang totoo, natatakot ako lagi. Pakiramdam ko noon, lahat ng mga tao, mapa babae, lalaki, kaya akong bastusin. Nagkakalakas loob lang ngayon na magpa consult dahil may sumusuporta sa akin… ang nobya ko,” he smiled.
Ngumuso ako. Bigla kong na miss si Rin, pero sinikap kong mag focus. At dahil sa reaksyon ko, napatingin tuloy si Doc Jane sa akin. Badtrip. Para akong estudyanteng nahuli na hindi nagtataas ng kamay kaya ako tuloy ang tinawag.
“Kinse ako noong nangyari ’yon. Nasa isang party, nakainom at… may baklang pumatong,” I shared comfortably despite how it felt so heavy, my voice cracking a bit.
Eric looked at me apologetically.
“Tingin ko rin sa LGBT noon, marumi at salot. Natatawa ako noon sa ipinaglalaban nila laging karapatan kahit na sila naman ang naunang kunin ang karapatan ko. Umabot ako sa puntong lahat ng bakla, nakakaaway ko. Pinandidirihan ko. Iniinsulto ko. Pero sa mga sessions ko kay Doc Jane, unti-unti kong nakikitang may mga bakla rin palang biktima ng mga kagaya kong lalaki. Na…hindi ako nag-iisa, at hindi lahat ng iniisip ko sa mga bakla, iisa.”
Doc Jane smiled at me.
“At bisexual ako. May…boyfriend ngayong…bisexual din na lalaki,” I stated bravely, to which all of them smiled.
“Gusto niyong makita? Lockscreen ko. Baka kasi ayaw niyong maniwala,” agap ko, inaambang kunin palabas ang phone ko habang natawa silang lahat. Kahit si Doc Jane, natawa rin sa hirit ko.
“Komportable ka, bro?” tanong ni Dether.
“Oo naman. Ininsulto ko pa ’to noon… pero mahal ko na ngayon,” I bragged, which made them laugh a bit. Kinabahan tuloy ako at baka pagalitan ako ni Doc Jane na pinapatawa ko sila eh dapat seryoso ’to. Kahit si Eric, ngiting ngiti na habang nagpupunas ng luha, gumagaan ang loob dahil sa paandar ko.
Nagpatuloy ang session at ang mga girls naman ang nagkaroon ng pagkakataong magshare.
“I am Alexa… Eighteen years old. I was molested by a lesbian…” ang sumunod na babae. Kita ko ang ibinigay ng reaksyon ng isang babae na naka all black, may mga piercings, at mukhang nakikisimpatya agad sa paraan ng pagkakatitig niya.
At noong siya nga ang sumunod, she boldly expresses she’s a lesbian who was also assaulted by a woman. Alexa’s eyes widened, and she immediately looked at her apologetically.
“I became a player. Most of my exes became my punching bag. Na pare-parehas lang sila noong ex ko. Hindi ko namamalayan, nap-project ko sa kanila ang trauma ko noon,” she continued sharing, which is Arissa.
At ang mga sumunod, mas nakakanginig ng kalamnan dahil talagang…malala ang naging trauma.
“I attempted suicide thrice. Ayaw ipa laglag ng parents ko ang bata. Diring diri ako. Ayokong maging ina sa bunga ng madilim kong nakaraan. Pero relihiyoso ang parents ko. Ayaw nilang magkaroon ako ng kasalanan…at huwag idamay ang batang bunga ng…gahasa…” the third woman who shared her experience which made us teary-eyed.
“Hindi ko kayang magpatawad. Labas pasok na rin ako sa ward…dahil nga ang tingin sa akin ng pamilya ko, nababaliw na. Pero…tanging ako lang ang nakakaalam kung gaano ka bigat ang nangyari sa akin…tanging ako lang…dahil akala nila…pag lilipas lang ang napakaraming taon…kaya mo nang kalimutan iyon at magpatawad. Pero hindi. Kahit hanggang kamatayan ko, babaunin ko ang pilat…at sa libing ko…alam kong hindi iyon ang unang beses na namatay ako.”
Hindi ko namalayang tumulo na rin ang luha ko. The quiet sobs were heard in the room as she bravely shared her experience, causing her to hate men…loathe them to death…and wish that the world would exist again without us.
“Ito lang ang tanging kuwarto na napasukan ko…nakaya ko…sa kabila ng may lalaki…dahil ang sabi ni Doc Jane…lahat ng nandito…maiintindihan ako…makikita ako bilang biktima…” she cried weakly.
Gusto kong tumayo, yakapin siya, o kahit lumuhod sa harapan niya para humingi ng tawad sa kung sino mang putang inang lalaking gumawa noon sa kanya lalo na’t alam ko kung gaano kasakit ang ganoong karanasan. Na kahit buhay ka, pakiramdam mo, nasa hukay na ang kalahati mong katawan at araw-araw mong hinihiling na sana matapos nalang ang ganoong pakiramdam.
We were all in tears. We all wanted to console her, but we paused and let her cry in front of us, like a brave soldier who battled to live despite having no weapons—just herself—and yet she survived—just barely—but enough to show us how deep the wounds she managed to carry—and we are all so proud of her. I am so proud of her.
Ang mga natitirang girls, puro na lalaki ang nang assault at halos hindi ko kayang pakinggan ang sinapit nila. Doon ko mas nakita kung gaano ka pangit ang mindset ng ibang tao pagdating rin sa mga babae. They were limited to dressing in public places, but how come some victims of rape were fully clothed and assaulted in their own homes? They were taught to never entertain strangers, but some of their perpetrators were their relatives and family members.
You could tell how fucked up society is when most of the victims were blamed for something they couldn’t control, rather than raising a generation where everyone could freely walk without getting harassed.
Pagkatapos ng open forum, hinayaan kami ni Doc Jane na maki-interact. Si Dether at Tim ang naunang lumapit sa isa’t isa saka ako tiningnan at nilapitan kaya nagkamayan kami. We talked about things, or how we tried to move forward, until we decided to go to Eric. Noong umiyak siya, nagtinginan tuloy kaming tatlo at mabilis na umatras. Gago.
“H-Hindi! Emosyonal lang ako na ito ang unang pagkakataong naaawa ako sa lalaki… na… hindi ako natatakot,” maluha luha niyang paliwanag at bahagyang natawa.
Mabilis kong kinapa ang pants ko at naglahad ng panyo. His eyes turned glassy that he ended up shaking uncontrollably, looking at the handkerchief.
“Ang sabi ni Doc Jane, kung may umiiyak, huwag daw bigyan ng panyo,” bulong sa akin ni Tim.
“Chivalry ’to. Na may mga lalaki pang kagaya natin,” bulong ko pabalik.
Maluha luhang tinanggap ni Eric ang panyong inilahad ko, at sa gaan ng pakiramdam ko, napagtanto kong ito rin ang unang beses na…nakisimpatya ako sa umiiyak na bakla. Doon ko napagtantong malayo na ako, o kaya ko nang pumasok sa mundo nila, makihalubilo, at walang iisiping pare-parehas lamang sila. Alam kong hindi.
And even those nights where I would just punch a gay who would clumsily touch me, those days where I would mock and insult them for just existing, those times where I would show my disgust, slowly faded as it was now filled with a memory just like them—but this time, it was gentle and comforting.
At alam ko, lahat ng nandito sa kuwartong ito, unti-unti ring nakikita na…may mga natitira pang pag-asa. Na marami kaming nakakakita sa madidilim na nakaraan at kahit ikubli iyon sa ngiti, kung bigla mang umulan, mauunawaan namin…maiintindihan…na may mga bagay na hindi kayang kontrolin at kailangan lamang magpatuloy, kahit mabasa, manlamig…unti-unting magpapatuloy…
Doon natapos ang session. Mas namulat din ako. Para akong naging ibang tao, na kahit ang mga nakapaligid sa akin, kung kaya kong pakitaan ng kabutihan sa kabila ng mga ngiti nila, gagawin ko. Lalo na’t wala naman talagang may alam kung ano ang pinagdadaanan nating lahat. Walang may alam kung paano kinakaya ng iba na magpatuloy at mabuhay, o maging mabuting tao araw-araw, sa kabila ng pagkakamali sa nakaraan, mga bagyong pinagdaanan, na kahit dala dala pa rin, pinipilit lang itago sa likod ng masiglang ngiti.
Sobrang importante rin ng consent. Tingin ng iba ngayon, na kahit boyfriend o girlfriend mo na, o kahit kasal na, may karapatan kang gawin ang gusto mo dahil nga pagmamay-ari mo ang isang tao, o may relasyon kayo.
However, consent should not be restricted despite the label in a relationship, marriage, or the opportunity given—unless it wasn’t stated rationally—with the absence of alcohol and the legal age of the significant others to participate in sexual activity.
Lust might be an addictive feeling, but it could also be the most traumatizing thing when consent is absent and force is used.
At nakakaputang ina na basic lamang ito, na dapat ang pagtanggi ay sapat na bilang sagot na hindi dapat, ngunit ang tingin ng iba, isa itong tungkulin na dapat mong ibigay sa partner mo. Na wala kang karapatang tumanggi lalo na’t may label na, o kasal na kayo, kahit pa wala sa kondisyon ang katawan at pag-iisip mo.
May mga kaso ng rape na nababasura o naisasawalang bahala, hindi lamang sa pangit na justice system ng Pinas, kundi dahil sa kakarampot na kaalaman ng iba tungkol sa consent, at ang takot ng mga biktima na humingi ng tulong dahil sila pa ang napapasama at nakukwestyon.
Reagan:
Mahal, pauwi na.
It was the text I sent to him excitedly. Na ang gusto ko agad, makita siya ngayon at sumandal sa balikat niya. Kaya noong buksan niya ang pinto nang magdoorbell ako, gumaan agad ang loob ko.
“Kumusta?” Rin asked as soon as he opened the door of his unit.
I smiled and pulled him for a hug. Pumikit ako at ibinaon ang mukha ko sa leeg niya. “Ayos na…”
He caressed my back gently. “Pahinga ka muna…”
“Kaya nga niyayakap kita,” I chuckled softly.
Hinila niya ako papasok, hawak ang kamay ko, at halos yakapin ko pa siya patalikod dahil ayokong humiwalay sa kanya na ikinahalakhak niya.
His laugh…my own comfort and home.
“Nakipagkwentuhan lang sa labas…” I murmured, which made him face me, caress my cheek, and look at me gently.
Hindi naman kasali si Rin sa open forum, pero mas lalong naging maingat ako na sana, kahit ano mang mangyari sa aming dalawa, hinding hindi ko siya masasaktan. Hindi ko siya mapapaiyak. Hinding hindi iiwan…
I realized the empty chair earlier. Doc Jane didn’t remove it for a reason. It was a symbol that anyone could occupy it, anyone could be a victim, and who knows who it was.
“Mukhang maganda ang topic niyo,” aniya sabay hila sa upuan.
Umupo ako kahit na hawak ko pa ang kamay niya at nagsasalin siya ng tubig, palingon lingon sa akin.
“Hindi ka man lang ba magtatanong kung sino? Paano kung nakipagkita na pala ako sa iba?”
He chuckled and put the pitcher down, pushed the glass of water toward me, and smiled.
“Temper mo lang ang problema ko sa’yo, Reagan. Wala nang iba.”
My eyes widened.
“Panatag ako sa’yo,” he added.
Ngumuso ako at sa halip na uminom, ang kamay niyang hawak ko, naangat ko para mahalikan.
Kuryoso ako kung seloso ba si Rin, o umabot na rin ba siya sa puntong nagselos siya. Siguro nga, sa aming dalawa, ako ang seloso. Kung pwedeng ibaon sa lupa ang mga kakausap sa kanya, gagawin ko siguro. Pero s’yempre, hanggang isip ko lang ’yon.
“Ayan na ang ahas!” sigaw ni Sadie nang dalhin ko nga si Rin sa mismong party bago ang pasukan at nakatambay sa pool area ang mga girls.
Hawak ang kamay ni Rin, pagkapasok pa lang sa gate nila Angela, pinagtinginan na agad kami. Most of those who were invited came from different universities at s’yempre, alam kong ebidensya na ito sa mga rumors na pinopormahan ko si Rin.
“Ang dami talagang pumupunta sa party niyo ’no. Mga elite din kasi kayo sa school kaya dinadayo,” bulong ni Rin, palingon lingon na naman sa paligid.
He looked so overwhelmed that it was plastered on his shocked—gorgeous face. Hindi naman ito ang una na dumalo siya sa invites, pero ito ang unang dalo niya na kami na. Na kasali na siya sa amin.
Hindi ko man lang nasagot ang bulong niya dahil nagsidagsaan agad ang mga girls sa amin, lalong lalo na si Angela na kulang nalang itulak ako sa pool. Alam na nila simula noong nililigawan ko si Rin eh. Kalat ba naman sa school ang pamomorma ko lalo na’t ang kapal ng mukha kong pumunta sa building nila at hintayin lagi si Rin. Idagdag pang ginawa naming dating places ang kainan sa Taft Avenue noon at maraming nakakakita sa amin. At ngayon na hawak ko na ang kamay, alam kong iniisip na ng lahat na kami na.
“Denver! Sabihin mo sa akin ang totoo! Bakit si Rick?!” Sadie whined in front of him dramatically.
“Denver, sigurado ka talaga na si Rick! Baka ginayuma ka!” si Angela na ikinangiwi ko.
“Anong meron kay Rick na wala ako noon! Ayaw mo ba sa may buhok?” ang matinis na tinig ni Sadie. Kung pwede ko lang sabunutan ’yang mahaba niyang buhok…
“Hot kasi ni Rick noong naka buzz cut siya. Ano nalang ngayon… mas guwapo pala si Rick pag mahaba ang buhok. Para nang playboy tingnan,” hirit ni Patricia at ngumisi pa sa akin.
Mabilis akong sinamaan ng tingin ni Sadie, kulang nalang kalmutin ako sa mukha.
“Ang kakapal ng mukha niyo ni Brent! Magkaibigan nga kayo! Sinulot niyo ang crush namin!” sigaw ni Sadie at naniningkit ang mga mata.
“Buti nalang si Rade ang crush ko. Imposibleng may papatulan ’yon sa circle natin. Galit nga ata ’yon kay Mavric dahil pinormahan ang kapatid niya,” natatawang si Gabriella.
“Ano nalang kaya ’yung crush ko. Galit na galit kay Brent at sa boys,” si Mica.
“Tapos sinulot pala lahat ng boys ’no?” natatawang sabi ni Raya.
“Imposible ah! Hindi ’yon papatol sa kahit sinong boys na nasa circle ni Brent. Straight ’yon eh!” pagtatanggol ni Mica.
“Ilalaban ko diyan si Rade kahit tagilid! Hindi rin ’yon papatol!” ang ikinakampanya ni Gabriella sa gabing iyon na mismong naging nakaw atensyon din.
At kakasimula pa lang ng klase, landian ba agad nila ang bumungad sa akin sa parking lot. Halos ngumiwi ako nang makitang pumapasok na ang ulo ni Mavric sa kotse noong Tejano, kulang nalang higupin niya.
“Aga aga,” reklamo ko na ikinalingon ng dalawa sa akin.
Ang aga kasi ng first subject ko, si Rin, mamaya pa ’yon kaya naiinggit tuloy ako na mag-isa lang na papasok at ganito pa ang bubungad sa akin. Pero sanay na rin ako sa dalawa lalo na’t kumpara kay Brent at Shiloh, mas bulgar talaga itong si Mavric at Tejano. Mga story pa lang n’yan sa instagram halatang uhaw na uhaw sila sa isa’t isa.
Sinasama ko rin lagi si Rin sa grupo at unti-unti na siyang nakakasabay lalo na’t maluwag luwag na ang schedule niya dahil madalang nalang mag gig. Si Rio, niregaluhan pa iyon ng iPad ni Mommy at ang unang ginawa agad ng batang ’yon ay mag-download ng Roblox at Minecraft. Ang sabi niya, makikipaglaro raw siya kay Kittie.
Noong unang monthsary namin ni Rin, nagcelebrate kami sa Straight Up ng Seda Hotel na restaurant nila. Maganda ang view lalo na’t nasa rooftop kami at tanaw ang lights ng mga naglalakihang building na naging citylights. May picture siya no’n na may hawak siyang champagne flute, nangingiting itinakip sa mukha niya, suot ang kulay olive green na jacket, puting t-shirt sa loob at ang matamis niyang ngiti habang tanaw ang magandang view na kumikislap na mga ilaw sa kanyang likod.
Kahit si Mommy, hiningi ang picture na iyon at naki greet din sa amin lalo na’t nilagay ko sa story ko kaya nainggit. Ang ibang Vallejo, lagi na kaming inaasar na kung magdidate, sila raw ang thirdwheel.
Sobrang gaan ng mga araw namin. Walang naging problema sa oras dahil tuwing gabi, sinisigurado namin na magkasama kami.
“Bumalik na tayo!” natatawa niyang hila sa akin lalo na’t nagdadalawang isip pa kami kung pupunta ba sa 7-eleven, o uuwi nalang pabalik sa unit namin nang mapagpasyahang mag i-ice cream sana roon.
Hinubad ko pa ang jacket ko para ipayong sa kanya kaso sa sobrang lakas, talagang nabasa pa rin kami. Hawak ko ang kamay niya at tumakbo lang kami pabalik habang kapwa natatawa sa kamalasan namin. Kung mag-isa lang ako, baka nagdabog na ako. Pero sa halip na magalit, sa tuwing naririnig ko ang halakhak ni Rin, nahahawa rin ako.
Dumeritso kami sa unit ko, doon napagpasyahang magbihis. Nang buksan ko ang pinto, nangingiti ko siyang hinalikan, sunod sunod habang hinahapit ang kanyang baywang.
“Basa tayong dalawa, Reagan,” natatawa niyang sagot ngunit humahalik pabalik at nasa batok ko na ang kamay.
“Oo nga. Basa nga…” I chuckled meaningfully and shoved my tongue in his, pulling him closer to my body.
Hinila ko ang t-shirt sa likuran para mahubad iyon. Hinubad din ni Rin ang t-shirt niya habang kinakalas ko na ang pants ko na ginaya niya rin. Ngayon ko lang siya nakitang topless, ganoon din siya sa akin.
His eyes went down to my tattoo while mine drifted to his collarbone just to check. Gumalaw ang panga ko nang makitang may pilat nga siya roon. Hinaplos ko iyon habang unti-unting nagiging seryoso ang ekspresyon ko.
“Si Papa, kung nalalasing, pinapaso ako ng sigarilyo. Ganoon siya ka galit na bakla ako,” he chuckled, like it was just normal to him.
“Kahit ama mo siya, wala siyang karapatang saktan ka, Rin,” giit ko.
He smiled a little. Yumuko ako at pinatakan iyon ng halik, na kung pwede ko lang mabura iyon, gagawin ko. Itinagilid niya ang kanyang ulo kaya dahan dahan kong pinatakan ng halik ang balikat niya paakyat sa leeg niya.
I scraped my teeth against his soft skin, sucking it a little, which made him breathe heavily. Bumaba ang kamay ko at hinuli ang kamay niya saka ko iyon dahan dahang iginiya sa akin.
“Gusto ko, Rin. Wala naman tayong kain at…alam naman natin paano ’yon gagawin,” I whispered and let him process what I wanted right now.
“Sigurado ka?” he asked concernedly when his palm was already resting on my bulge.
“Hinahawakan mo na nga,” sabi ko habang sumisilay ang ngiti sa labi.
“Eh pinahawak mo!” giit niya, natatawang yumuko.
“Edi kung sinabi kong…isubo mo, isusubo mo?”
Humalakhak si Rin. Natawa rin ako sa kabastusan ko pero mas naaaliw ako na para lang kaming mga ignoranteng kuryoso sa isa’t isa.
“Kung gusto mo, gagawin ko,” matapang na sabi ni Rin at palaban pang nag-angat ng kilay.
“Talaga?” namamaos kong bulong at tuloy tuloy na hinagod ng halik ang kanyang labi.
He nodded while responding to my kisses, and his palm was now caressing it. I furrowed my brows and muttered some curses under my breath while he continuously palmed it, and I am enjoying every bit of it.
Kaya noong lumuhod si Rin, halos namilog ang mga mata ko. Gusto ko siyang hilain patayo ngunit nang pinatakan niya ng halik ang hita ko, nanghihina ko siyang tiningnan roon.
“Pwede kong hawakan?” aniya nang tingnan ang tattoo ko.
Tumango ako at ngumisi. Lumandas ang mga daliri niya sa balat ko, ang tingin ay naroon habang marahan niya itong dinaanan ng haplos. I swallowed a bit when I realized it was stimulating. Nag-angat siya ng tingin at nakita pa ang paglunok ko kaya natawa siya.
“Humihinga ka pa ba?” he asked tauntingly when he looked up to check my reaction.
I rolled my eyes while smiling. “Malapit nang malagutan ng hininga, Rin.”
Humalakhak siya at muling bumagsak ang tingin sa tattoo ko.
“Pwede bang…halikan?” he asked.
I swallowed and nodded. Of course, Rin. Of course…
Nasa akin ang mga mata niya nang inilapit niya ang mukha niya roon, ipinarte ang labi at marahan iyong inilandas sa mismong balat kung nasaan ang tattoo ko na nagpasinghap sa akin. He slightly smirked and grazed his lips more, kissing it like he wanted to worship every part of me.
Parang nagliliyab sa init ang katawan ko at mas lumalaki ang pagnanasa na makita siyang gawin iyon.
His lips traveled below my navel, which made me grunt a bit.
“Ano bang gusto mo?” he asked while planting soft kisses on it.
I am not a saint. I might have zero experiences because I am uncomfortable when it comes to sexual things, but Rin asking what I want is such a turn-on. I didn’t know his submission would fuel my desire to fantasize about his mouth in mine.
He lifted his gaze and grazed his teeth on my skin, like a hungry animal who is tamed enough to wait patiently unless I tell him so, unless I unleash him out of his cage.
So I guided his face in front of my boner, taking it out and letting him know what I wanted.
“Gusto mo?” he asked. Despite how it was already presented to him, he still manages to ask for my fucking consent, and I can’t believe I am so turned on because of it.
I nodded slowly. His eyes were on me when he planted a kiss on my shaft, which made my lips parted as I looked at him helplessly.
He didn’t touch it, just his lips grazing on its skin—kissing it slowly. Gumalaw ang panga ko at halos mangatal ang paghinga habang pinagmamasdan ko siyang maingat iyong hinahalikan, tila ba gusto niyang ilaan lahat ng oras niya para sambahin iyon.
I have never experienced receiving head because some of the girls I encountered were aggressive and wild. Kaya ngayong dinadahan-dahan ako ni Rin, halos magliyab ang katawan ko at mas lumalaki ang kagustuhan kong gawin niya lahat ng gusto ko.
“Rin,” I whimpered as I watched his lips touch the tip, almost shoving it in, but he would just let his lips slide back on my shaft.
“Ano, Reagan?” he asked, and his tongue grazed on its length.
I growled and lifted my head with furrowed brows. I could vividly feel how he slowly untangled my fear of being in someone’s mouth, not because it wasn’t my thing but because I would sometimes think I’m dirty.
“Isusubo ko?” tanong niya na halos magpanginig sa akin.
I nodded in the middle of the heat—excitement was ruling, while my fantasies were now taking over. And to feel his lips kissing the tip before shoving his mouth in, I was already grunting loudly.
Yumuko ako para lang makita kung ayos lang ba siya, kaya nang matagpuang nakatingin siya sa akin, nangungusap ang tingin at sinisiguradong mas gusto ko ito, halos mawala ako sa sarili.
I combed my fingers into his soft hair, gripping it enough to guide him and control it according to how I liked it—just enough to please me and not hurt him.
Nakatitig ako sa kanya, at si Rin, kahit naluluha, desidido. I bit my lower lip and slowly thrust it; my brows furrowed sensually while the tip of my shaft was hitting his throat.
“Tang…ina…” I cursed breathily when I could almost taste my climax in my mouth.
When I felt my release, I immediately pulled it out of his mouth and let it splash on the floor as I growled like a hurt beast. Noong nagkatinginan ni Rin at natawa pa. Nailing ako at pinatayo siya.
“Nasagad ko ata. Masakit ba sa lalamunan?” I asked concernedly and caressed his soft lips.
Umiling siya. I held his hand and pulled him to my room. Hawak ko ang kamay niya at kumuha ng tissues para sa kanya. Noong hinarap siya, pinahiran ko agad ang labi niya.
“Buti nalang nasa unit mo si Rhey. Hindi niya makikitang gagawan natin siya ng kapatid,” ngisi ko na ikinatawa niya agad.
“Gagayahin mo ang kaibigan mo? Tuturuan mo rin ako ng zumba?”
Humagalpak ako at halos kumalas pa yata ang init ng katawan ko. Gagong Mavric talaga!
“Hindi talaga ako marunong, Rin. Wala akong experience sa totoo lang. Hindi kita matuturuan,” pag-amin ko.
His eyes widened.
“Mukha lang akong fuckboy pero zero body count ’to!” giit ko, na ang naranasan ko noon ay hindi ko maituturing na parte ng body count ko. Wala iyong consent.
“Edi…anong gusto mo?” tanong niyang muli na nagpapataas ng balahibo ko at mas lalo akong…tinitigasan…
Noong sinagot niya ako, sa gabing iyon, may panaginip ako. Hindi ko naman sana siya pinagnanasaan, pero sinungaling ako kung itatanggi kong wala akong pantasya sa aming dalawa.
“Ikaw ang sa itaas,” I said.
“Top? Position?” he confirmed.
Umiling ako. Unti-unting namilog ang mga mata niya. Alam kong nahuhulaan niya ang gusto ko ngayon. I want to be at the bottom of this. It was a fantasy and a control for myself that I could always decide what I wanted when it came to sexual things.
“Gusto mong…”
I nodded and shut my eyes. “Napanaginipan kita. At gusto kong maging totoo ’yon, Rin. Gusto kong makita kang…nasasarapan sa akin.”
Noong dumilat ako, kita ko na nagulat siya sa pasya ko, ngunit ramdam ko rin na gusto niya. Binuksan ko ang maliit na drawer sa bedside table at inilabas doon ang gel at condom. Umupo ako sa gilid ng kama at hinila siya patungo sa akin.
“Sigurado ka ba?” namamaos niyang tanong, nakaluhod na sa bawat gilid ng aking hita.
“Oo naman. Baka pag ako…hindi ka makakalakad bukas,” ngisi ko at kinagat ang gilid ng condom para mabuksan iyon.
Umirap si Rin at lumalandas ang ngiti sa pulang labi. “Ang yabang mo.”
I kissed his throat and grazed my teeth on his skin. “Galingan mo. Graded performance mo ’to, Rin.”
Humalakhak siya at kinuha ang condom sa akin. He even pulled his boxers off while smirking at me. Tiningnan ko siyang ginawa iyon at hindi ko maiwasang isipin na…malaki rin siya.
I reclined my body, my hands resting on the mattress of the bed, as I watched him put it into his erect shaft while he was kneeling in between my parting legs. Tourist attractions nga talaga ’to sa Cavite. Pwede na siyang ilagay sa museum bilang sculpture sa sobrang perpekto ng hubog niya.
Ngumuso ako habang pinapanood siyang ganoon. Lumalandas ang tingin ko sa magkakasalubong niyang kilay, titig na titig sa ginagawa niya saka dumulas ang mga mata ko sa hubog ng katawan niya. My member twitched that it caught Rin’s attention and looked at me. I licked my lips and shut my eyes, lifting my head while chuckling. Fuck…
“Titig na titig ah?” natatawa niyang sita.
Nangingiti akong dumilat, binasa ang pang-ibabang labi at hinila ang baywang niya palapit lalo sa akin.
“Marunong ka ba? Baka hindi. Pwede naman tayong manood ng tutorial tapos gayahin natin. Step by step,” anyaya ko.
“Marunong ako,” he said confidently, and he leaned closer for a swift kiss.
“Talaga?” I smirked while responding to his kisses.
He nodded again. “Top ako…”
“Wow. Honor student naman pala. Hayaan mo Rin, bukas na bukas, ipagluluto kita ng pansit para ma celebrate natin—Aray!” natatawa kong daing nang kinurot niya ako sa braso.
I wrapped my hand around his shaft while chuckling. Dumaing siya at nanghininang naisandal ang ulo niya sa aking balikat.
I pleasured him for a while. And every time our shafts touched, we’d both moan.
Nasa isip ko na ang mukha niya at iyon nalang yata ang gusto kong mangyari agad. I want to pleasure myself by seeing him feel good while…making love to me.
Kaya humiga rin ako ng tuluyan. Kumuha siya ng unan at inilagay pa sa likod ng balakang ko. Bawat kilos niya, nakasunod ang tingin ko sa kanya. Eksperto ah?
“Ah!” I moaned dramatically, which made him burst out laughing.
“Wala pa nga!” Muli niyang hampas sa akin at napahiga na ang ulo sa aking dibdib.
Natatawa kong hinalikan ang gilid ng ulo niya. “Ah wala pa ba? Akala ko tinusok mo na ako. Excited lang umungol.”
Ang tagal naming nagawa iyon. Mas marami pa yata ang usap at tawanan namin kaya halos makalimutang nasa gitna pala kami ng ganoon. Nakailang subok kami habang sinisikap ko nang magseryoso saka namin tuluyang nagawa.
I know it would hurt when he slowly penetrates me, but the gel helps me feel a little ease despite how it hurts. But seeing him gently do it, brows furrowed, his half-lidded eyes looking at me drunkenly, the pain doesn’t even matter at all.
Itinulak ko siya pababa sa akin para lamang masagad niya iyon nang tuluyan. He grunted weakly and gasped, shutting his eyes weakly as the rasp in his moan told me that it pleasured him.
Maybe it wasn’t the sex that was turning me on, but the sensuality of his expression when I watched him. My first ugly memory was now clouded by his own reaction—dominating my nightmare and completely replacing it with his.
“Rin…” I called, to remind myself of who I was doing it.
I urged him to move, but at the same time, I was moving as well. I was rocking myself—enjoying it without even blinking, as I wanted to record every second of it in my memory so it would dominate those ugly parts.
My hands were on his butt cheek as I squeezed it firmly. His hands were on the headboard of the bed, and his eyes were looking down on me. I slowly rise and tease his parted lips with my lips, my tongue slightly entering, but I would only graze on his lower lip until I would suck and bite it.
He whimpered frustratingly. I chuckled against his lips and pushed him to ram it deeper again.
“Rick,” he whispered helplessly.
“Hmm?” I responded and glided my hand to the sides of his waist, caressing it upward till I thumbed his aroused nipples. He whimpered weakly and slammed himself a bit, pulling it slowly and pushing it hard.
I whimpered and shivered. Mabigat rin ang paghinga ni Rin ngunit ramdam ko ang gigil niya lalo na’t hinalik-halikan niya ang aking leeg, halos kagatin iyon, at sisipsipin na tila ba uhaw na uhaw siya sa akin.
“Bilisan mo, Rin,” I whispered when I couldn’t take it anymore as well.
Like a wish granted, I felt his pace change. Nanghihina akong bumagsak at pinanood siyang titig na titig sa akin, nakaparte ang labi at hinihingal habang sunod-sunod ang kanyang galaw.
I took one of his hands and kissed its back as I stared at him without blinking. “I’m so in love with you, Rin…”
Namamaos siyang napadaing at tila ba nanghina sa sinabi ko na naibaon niya iyon. I cursed when he hit something that felt so good.
Para akong mababaliw sa panonood sa kanya na kailangan ko ring hawakan ang akin. I wrapped my hand around my shaft and watched his sensual face while I could almost feel my climax.
I have never been this turned on in my entire life. I’ve never been this thirsty to taste someone—to watch them on top of me—to feel pleasured on someone’s sensual face while they were doing it with me. But to see him almost at the edge, shutting his eyes—veins protruding—lips parting—it was the most sensual thing I’ve seen that made me realize sex could be this comforting when both consent and love were offered.
It was the first time I never felt disgusted—just love and passion—and the comfort of doing it with him over and over again.
“Umiiyak ka ba?” Namilog ang mga mata ni Rin pagkatapos namin iyong gawin. “Namumula ang mga mata mo.”
I pulled his naked body toward me as I buried my face against his neck, chuckling happily. “Na-enjoy ko, Rin. Five-star ka sa akin…”
He slightly laughed, but I could sense his concern. “Masakit ba? Sorry… ikaw kasi sinagad mo! Ang angas mo eh.”
I laughed hoarsely. “Nanggigigil kasi ako sa mukha mo. Ang ganda mong panoorin, Rin…”
I couldn’t utter any dirty talk to fuel him earlier because I wasn’t comfortable with it, but I realized that I don’t need words to express how much I want him—how thirsty I am for him—because I’ve seen how happy he was to do it with me.
“Nagustuhan mo?” he asked gently.
I nodded and shut my eyes. “Bumili tayo ng maraming condoms. Gawin nga natin itong hobby. Exercise tuwing umaga. Stretching…”
He slightly chuckled, but he was nodding too. “Healthy nga ’yung nagzuzumba tayo araw-araw eh.”
Humalakhak ako at kinagat ang leeg niya. “Ubusin natin lahat ng position. Pero ikaw pa rin ang top s’yempre.”
It was also the first time that I felt comfortable talking about things related to sex without getting triggered. At sa mga sumunod na araw, mas naging open ako kay Rin sa mga ganoon. Minsan, nagiging inside joke pa namin ang term na zumba dahil kaming dalawa lang ang nakakaintindi noon.
Ngiting ngiti akong namimili ng condom at kinuha ang malaking size para kay Rin. Minsan kasi, naiisipan namin pag bored lang. Pero noong sinimulan namin iyon, sunod-sunod na yata naming ginagawa. Nakakailang rounds na rin. Exercise namin araw-araw kumbaga.
Rinrin:
Birthday ni Kuya next week. Balak ko siyang isurprise sana. Siguro sa Palawan. Sumama ka mahal. Ipapakilala kita.
I smiled when I read his text. Nagtype ako ng reply.
Reagan:
Sasabihin ko kay Tyler na rerentahan ko ’yung isa niyang yate roon. Birthday gift ko nalang sa kuya mo para mas maenjoy niya ang birthday celebration niya.
Chapter 41
Trigger Warning: Mention of Rape
and violence
———————
Chaos
Noong malapit na ang birthday ng kuya ni Rin, ramdam ko na talagang pinaghandaan niya lalo na’t may malaking celebration at dinagdagan ko lang ng pagrerent ng yate ni Tyler. Iyon ang surprise namin sa kanya na siya lang, depende kung sino ang iimbitahan niya sa celebration niya sa Palawan.
Pero ang handa ay gaganapin sa bahay nila lalo na’t gusto rin imbitahan ni Rin ang mga old friends ng kapatid niya, at ang mga close nilang kapitbahay. Kahit si Mommy, inimbitahan niya rin.
Ang plano ni Rin, solo ng pamilya nila ang Palawan o hahayaan ang kapatid niyang magdesisyon kung sino ang makakasama niya. Clearly, the celebration would also be the bridge for my mother to slowly know his family too.
“Mabait naman si Papa talaga sa ibang tao. Ayaw niya lang talaga sa bakla kasi ang tingin niya, pariwara daw ang isang tao kung bakla. Alam mo ’yon, typical na tingin ng iba sa mga myembro ng LGBT kasi wala raw ganoon sa bibliya at parang sinusuway mo na ang Diyos,” aniya nang nasa isang malaking grocery store kami ng isang Mall, namimili ng mga ihahanda sa birthday ng kuya niya.
Hindi ako maalam sa dekorasyon talaga lalo na’t si Mommy naman lagi ang nakatoka sa mga parties. Pero ang makita ko kay Rin kung gaano siya ka pursigidong handaan ang kapatid niya, magpa-party sa bahay nila, kitang kita ko kung gaano niya kamahal ang kapatid niya.
“Baka sa paglipas ng panahon, Rin, matatanggap din tayo. O kahit huwag niya nang tanggapin basta huwag ka nalang saktan,” sabi ko habang tulak tulak ang cart at nakasunod ako sa kanya.
Gusto rin sana naming imbitahan ang mga boys, kaso ang pangit naman no’n at hindi kami ang may birthday pero kami pa ang mas maraming pinag-iimbita. Baka kasi pag makaabot na naman sa kumag na ’yon, kung ano anong kadramahan na naman sa internet ang gawin.
Isa pa, magugulo ang mga ’yon. Naiisip ko pa lang na Cuervo ang hahanapin ni Tyler na inumin, parang mas magandang huwag nang imbitahan talaga ang mga ’yon. Akala mo naman kaibigan nila iyong may birthday. Hindi naman.
Sa sumunod na araw, mas naging busy nga siya sa paghahanda ng birthday celebration para sa kapatid niya. Gusto ko nga sanang maagang pumunta para tumulong kaso ayaw ni Rin dahil bisita raw ako.
“Nasa thirties na raw ’yon, My,” sabi ko nang magtatanong si Mommy at namimili ng regalo.
Nasa isang Mall kami, dumaan muna para makabili bago tumulak sa Cavite.
“Perfume nalang din kaya, Reagan? Tapos bili tayo ng isa pang cake. Nag pa catering naman si Rin ’di ba? Iyon din ang sabi ni Rio sa akin nang tumawag ako kagabi para imonitor kung nakikinig ba ’yon sa tutor niya.”
Pumayag ako sa perfume lalo na’t wala rin talaga akong maisip na iregalo roon. Iyong yate lang ni Tyler na isang araw niyang magagamit sa Palawan ang ibinigay ko para naman hindi na ako mahirapang mamili pa.
Pagkatapos mamili ng gift, nagdrive na rin ako patungong Cavite. Kabado ako sa totoo lang. Ewan ko ba. Siguro dahil ipapakilala ko rin si Mommy at sana naman, maging maayos ang tingin ng pamilya niya sa amin, o ang tingin ni Mommy sa tatay ni Rin.
Binalaan ko nga si Mommy at baka kung ano ano ang masabi pag nandoon na kami. But she is friendly. She knows how to blend in. Maarte lang talaga siyang tingnan dahil sa paraan ng pananamit niya, katulad ngayon na naka fit na white dress at sleek ponytail na buhok, ang lagi niyang ayos at ang gold chain earrings niya na parehas sa suot niyang kwintas. Pero alam kong hindi siya matapobre lalo na’t lumaki akong nakikitang wala siyang nasasabi sa mga pamumuhay ng ibang tao dahil malambot din ang puso niya.
As soon as I parked the car on the side of their house, my nervousness grew bigger. Tanaw sa labas ng bintana ang labas ng bahay nila na may karaoke na, may table at nandoon lahat ang nakita ko noong kasama ng Papa ni Rin na nadagdagan pa yata ng dalawa pang lalaki. I saw his father smoking while topless, his black t-shirt hanging on his broad shoulder while his tattoos were exposed as he looked at our car.
“Are you sure this is a safe place, Reagan?” tanong ni Mommy at mukhang nakatingin na rin sa Papa ni Rin.
“Ah…Papa ’yan ni Rin, my,” sabi ko habang kinakalas na rin ang seatbelt.
She calmed down. “Oh? Ampon ba si Rin?”
“My.” Ngiwi ko lalo na’t mapapahamak pa yata kaming dalawa dahil diyan sa bibig niya.
“It’s an innocent question! Hindi sila magkamukha!” giit ni Mommy.
I hushed her to at least keep those kinds of opinions to herself. Pero alam ko naman na magaling makibagay si Mommy.
Lumabas kami sa kotse at natanaw agad ang babae na may suot na simpleng dress, ang buhok ay maalon, maputi rin, at lumapit sa papa ni Rin sabay batok dito. Kita ko kung paano tinalakan kaya nagsusuot agad ng t-shirt ang papa ni Rin.
“Oy brad! Hello!” Kaway agad ng lalaking nakausap ko noong nandito din ako. I nodded at him and smiled.
“Halika rito! Inom tayo! Samahan mo kami!” anyaya nila na inilingan ko at idinaan lang sa ngiti. Ang papa ni Rin, mabigat pa rin ang titig sa akin, hindi na nagbago, at tila ba kinikilatis ang buong pagkatao ko.
“Ikaw ba si Reagan?” nangingiting lapit sa akin ng mama ni Rin.
I nodded politely and handed the box of cake. “Happy birthday po pala sa kuya ni Denver…”
“Salamat! Naku, nasa church pa ang anak ko pero pauwi na ’yon dito kasama ang mga churchmate niya! Mommy mo?” Sabay tingin niya sa gilid ko.
My mother smiled and leaned closer for a greeting. Nagulat ang mama ni Rin dahil talagang bumeso si Mommy.
“Nakakahiya teka ang bango mo! Ang baho ko kumare!” Natatawa nitong atras.
“Oh no no! It’s okay!” si Mommy na ang demure pang tumawa at sana bawasan ang kaartehan…
“Kuya!” masiglang tawag ni Rio na kakalabas lang ng bahay, may hawak pang bote ng isang softdrink at paperplate, mukhang papalabas.
“Nasa loob si Kuya. Inaasiko ang ibang bisita ni Kuya Denden. Pasok ka. Ihatid ko lang ’tong pagkain sa kabila tapos babalik agad ako,” aniya at nagmamadali pang suotin ang tsinelas.
I smirked at him. At saan niya ihahatid ’yan? Ginulo ko ang buhok niya nang dumaan siya sa gilid ko, bumati pa saglit kay Mommy na kausap ang mama niya saka rin nagmamadaling lumabas ng bahay.
“Pasok kayo! Pasok! Nasa loob din si Denver…” ang mama ni Rin na inaanyaya na kaming pumasok ni Mommy at hawak pa ang kamay niya.
“Naks. Bestfriend na kayo, my?” I chuckled as I followed her from behind.
As soon as we entered the small space of their living room, the sofa was already occupied with people in their thirties mixed with their neighbors. Sa isang pader, may nakalagay na Happy Birthday Paolo na puno ng designs katulad ng balloons at ang malaking mesa na puno ng pagkain.
I spotted Rin, who’s in his simple white t-shirt, while handing a paper plate to a little girl. Ngumuso ako at gustong matawa na ang simple niyang tingnan dito sa kanila pero ang boyish.
“Dito kayo oh,” ang mama ni Rin na hinatid si Mommy sa bilugang table at pinaupo sa isang couch, mukhang nakareserba talaga iyon para sa amin.
“Den, nandito na ang boyfriend mo! Ako na diyan, anak. Asikasuhin mo muna,” tawag ng mama niya kaya napatingin tuloy sa akin ang iilang bisita.
Lumapit ako sa kanya lalo na’t may ginagawa pa yata siya sa kusina nila. Mas magulo roon lalo na’t may isang buong malaking lechon pa ang hindi nailalagay sa lamesa, ang mga nagkalat na paperplate na nilalagyan niya ng mga iba’t ibang pagkain lalo na’t may mga bata ring pumapasok at mukhang iyon ang binibigyan niya.
I smiled, went to his side, and kissed the side of his head. Tumigil siya saglit sa ginagawa para hayaan ako saka ko siya inangatan ng kilay.
“Tulungan na kita,” alok ko.
Umiling agad si Rin. “Madudumihan ka. Samahan mo lang ang Mommy mo roon sa table. Dadating pa ’yung mga churchmate ni Kuya at iba niyang friends…”
Ayaw ko sanang umalis at tumulong kaso desidido si Rin na doon lang ako sa table kasama si Mommy na kinakausap na ng mama ni Rin. Their house is just so open for their neighbors that I noticed someone would just walk in from time to time.
“Uy Ancent! Nasa kusina ang anak ko. Pasukin mo,” his mother said to the newly arrived woman, which I find too…boyish.
Tumango siya at ngumiti sabay tingin sa akin habang papunta na sa kusina. Ang mama ni Rin, pinalo ang braso ko.
“Ex ’yan ng anak ko rito sa amin. First girlfriend niya. Soccer player din ’yan katulad ng anak ko noon.”
My brow raised. Alam ko na may mga naging girlfriend si Rin pero hindi ko alam na kapitbahay lang din. Aba…
“My nauuhaw ako,” I said, excusing myself and walked to their kitchen again.
Nadatnan ko si Rin na nagbibigay na ng paper plate at nag-uusap yata sila dahil may mga naririnig akong pangalan. I cleared my throat kaya lumingon silang dalawa sa akin.
“Nauuhaw ako,” sabi ko at lumapit kay Rin, kahit ang totoo, uhaw talaga sa atensyon niya ang nararamdaman ko ngayon.
Gumalaw si Rin at kumuha ng basong tubig habang nagkakasukatan kami ng tingin noong babae.
“Hi,” bati niya at sinuklay ang buhok paatras.
Tumingin si Rin sa amin. “Ah…Reagan si…”
“Ancent.” Sabay lahad ng kamay.
Tumango ako at nakipagkamay ngunit binawi ko rin. She cleared her throat and looked at Rin.
“Sabihan ko sila na pinapapunta mo sila rito mamaya. Nasa bahay lang kami nila Jasver ngayon,” sabi ng babae.
Tumango si Rin saka din ito nagpaalam dala iyong mga pagkain. Humalukipkip ako at umangat ang kilay. May nakwento naman siya sa akin talaga. Kahit sila Jasver, nakwento niya na rin. Nakakasama niya raw ’yon sa soccer noong senior high pa lang sila kaya rin kilala siya ni Tyler dahil nags-soccer din si Tyler noon. Nakakagulat ngang malaman na magaling pala siya sa soccer, pero hindi lang na pursue ang varsity noong kolehiyo na dahil mas inuna na ang pagg-gig.
“Ba’t ka biglang pumasok?” natatawang bigay niya sa tubig ng baso.
“’Yun ba ’yung bestfriend?” I pointed out meaningfully.
Kinurot niya ang dibdib ko. “Kung ayaw mong makita sila Jasver, sa kuwarto tayo mamaya. Isa pa, hindi pupunta ang mga ’yon.”
Kuwarto. I smirked meaningfully. Pinaningkitan niya ako ng mga mata at bahagyang natawa. I laughed too and brushed my hair backwards. Mamarkahan nga ang mga sulok ng kuwarto niya mamaya…
Habang tumatagal, mas lalo nang dumarami ang mga tao. Medyo kabado ako para kay mommy lalo na’t alam kong ibang iba ito sa nakasanayan niyang parties, pero ang makita siyang natutuwa sa mga batang labas masok na may party hats at mga balloons, naaaliw siya roon.
“Si Rio nasaan?” tanong ni Mommy.
“Nangangapitbahay ang batang ’yon lagi, kumare. Crush niya ’yung conyo na bata sa tabi ng bahay namin, si Kittie,” kuwento ni Tita.
Hindi ko nga namamataan si Rio, huli iyong lumabas siya at hindi pa rin nakakabalik. At sa pagdaan ng mga oras, mas dumarami pa ang dumadating na talagang ikinakagulat ko.
Ang alam ko, friendly daw talaga ang kapatid ni Rin dahil mabait. Tumutulong na rin ako sa pag-aasikaso ni Rin dahil naaawa na ako sa kanya. Kahit ayaw niya, talagang bumubuntot ako para alalayan siya sa mga ginagawa niya.
When another group of friends entered, Rin welcoming them, I froze a bit when one of them seemed too familiar. Malambot ang galaw niya, ngumingiti kay Rin nang kausapin sila, hanggang wala sa sariling napunta ang tingin sa akin.
His eyes widened. It was a confirmation to me that…he remembered me too.
“Excuse me,” aniya at agarang tumalikod, nagmamadaling lumabas.
It was my adrenaline rush taking over. Hindi ko namalayang sumunod ako hanggang sa natagpuan ko siya sa likod ng bahay, naroon sa harap ng mga bulaklak nila Rin at naglalabas ng paketeng sigarilyo.
Natagpuan ko pa ang tingin ng tatay ni Rin, nakaupo at tahimik na sinundan ako ng tingin habang naninigarilyo at desidido akong nagtungo sa likod ng bahay nila.
The familiar man glanced at me, his eyes widening. “Kung magtatanong ka tungkol sa amin ni Mike, wala akong maibibigay na sagot sa’yo.”
Mike’s boyfriend. Yes. Ang kahalikan niya na tanging may…koneksyon sa bumaboy sa akin ng gabing iyon. Sinubukan kong tanungin si Mike tungkol doon noon bago sila lumipat ng ibang bansa, ngunit sinabi ni Mike na nakipaghiwalay raw sa kanya.
“Hindi ko kilala ang dinala niya, Reagan. He cut off his communication with me. Siya lang ang nakakakilala sa lalaking iyon,” ang alaala ko kay Mike noong sa mga sumunod na araw, pagkatapos kong magpa clinic, nagtanong ako kay Mike.
I could still remember my rage on that day that I couldn’t do anything. I was just fifteen. Sa takot ko rin, ano bang magagawa ko kung nahanap ko nga. Kahit ang CCTV sa bahay nila Mike sa gabing iyon, naka off dahil ayaw niyang may tingnan ang parents niya pag nakauwi na. Natatakot din akong ipagsabi iyon dahil ayokong kumalat at gawin siyang katatawanan.
But this is different now. I’ve learned to stand up for myself and to fight for the justice that I deserve without forgiving.
“Nasaan si Dennis? Iyong kaibigan mo?” tanong ko sa matigas na tinig.
Naririnig namin ang pumapaibabaw na katuwaan, ang tawanan ng mga batang naglalaro at naghahabulan pa, ang videoke ng papa ni Rin kasama ang kanyang mga kaibigan, at ang kakarating lang na van na hindi ko mapagtuunan ng pansin dahil sa reaksyon na ibinigay niya sa akin.
“Bata ka pa noon… Alam kong mali ang nangyari sa inyong dalawa at—”
“Mali? Alam mo ba ang ginawa niya?” I cut him off desperately.
Napaatras siya sa takot at tumingin sa paligid. “Look. Wala na siyang pera. If you are after him for a bigger amount, hindi kana niya mabibigyan dahil matagal na siyang tumigil magtrabaho.”
Nanginginig ako sa galit. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya, kung bakit pakiramdam ko, ang nangyari sa amin noon ay tila ba ginusto ko at…nagpapabayad ako. Iyon ang dating ng pagkakasabi niya!
“Sinabi sa akin ni Dennis na binalikan mo raw siya at nanghihingi ka ng malaking pera sa kanya, kung hindi, babaliktarin mo siya at ipapalabas mong rape ang nangyari sa inyo kahit ang totoo, ikaw raw ang nagyaya.”
My jaw dropped. Higit na sa galit ang yumayakap sa akin. Ang kapal ng mukha ng putang inang iyon na baliktarin ako para lang linisin ang pangalan at kababuyan niya!
“Ang sabi niya, namimilit ka at ginusto mo—”
Tang ina!
“Nasaan siya?” giit ko at humakbang para makita niyang sigurado ako, na wala akong pakialam sa mga rason niya at ang gusto ko ngayon, magkaharap kaming dalawa.
Mas lalo niya akong tiningnan sa naguguluhang ekspresyon. “Kung kilala mo si Denver…imposibleng hindi mo alam kung nasaan si Dennis…”
I froze a bit when he mentioned Rin. At ngayon ko lang din napagtanto na nandito siya…ibig sabihin…
“Bakit mo tinatanong kung nasaan siya kung…nandito ka ngayon sa bahay nila?” dagdag niya na nagpakilabot sa akin.
Natigilan ako. Before I even knew it, I heard more voices from behind, and Rin’s voice was mixing with the noises of the newly arrived visitors.
“Kuya!” si Rin na ikinalingon ko at nakitang sinasalubong ang kakalabas lang na mga bisita sa isang van kasama ang pamilyar na lalaking hinding hindi ko makakalimutan ang tindig.
“Kapatid ni Dennis si Denver,” aniya na mas nagpakilabot sa akin.
Pakiramdam ko sa oras na iyon, gumugunaw ang buong mundo at wala akong maramdaman sa paligid ko. Their voices were blurred out, almost unrecognizable, as I stepped uncontrollably toward the group of people who are now greeting Rin one by one.
Nangingiting tumingin si Rin sa akin sa paglapit ko.
“Reagan si…” His voice trailed off when he saw my hand into a fist, my expression darkening with pure rage. “Reagan?”
Dire-diretso kong nilapitan ang lalaking nakatingin na rin sa akin, napapawi ang ngiti at napaatras. Before he could even attempt to get away from me, I already pulled his t-shirt and punched him hard.
Tumili ang lahat. May mga umatras, meron ding gustong lapitan ang pagkakatumba ni Dennis ngunit muli ko siyang sinugod, hindi ko na hinayaang patayuin pa at sunod-sunod ang suntok na ginawa ko.
Everything blurred out to me. Nandidilim ang paningin ko sa galit at ayoko siyang tigilan hangga’t hindi ko nawawasak ang mukha niya. May mga nagtangkang umawat sa akin ngunit sa lakas ko, wala man lang makatigil.
“Pigilan niyo, Diyos ko!”
I aimed for his face. Nanlalaban siya, itinutulak ako, ngunit sa lakas ko, hindi niya napigilan ang sunod sunod kong suntok. A forceful grip pulled me from him as he coughed with blood and rolled to the ground weakly. Nagpumiglas ako at gustong kumawala sa kung sino man ang mas nahigitan ang lakas ko ngayon.
“Kumalma ka!” the familiar voice of Rin’s father gripped me even more.
“Hayop ka! Tang ina mo! Tingin mo hindi kita papatayin?!” agresibong sigaw ko habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng papa ni Rin.
“Reagan!” Rin blocked my vision, cupping my face. “Kumalma ka. Anong nangyayari? Bakit mo sinasaktan si Kuya?”
It was like a sudden realization to me. Nang magkatinginan kaming dalawa, sa kabila ng galit, bumuhos ang mga luha ko. Kapatid niya…kapatid ni Rin ang sumira ng buhay ko.
“Anong nangyayari?” marahan niyang tanong, nangungusap ang mga matang gulong gulo akong tiningnan.
“Reagan!” litaw ni Mommy sa harap ko, nag-aalala at hinaplos ang braso ko. “Anak…”
Rin’s father restrained me. Nagpupumiglas ako, umiiyak, gustong manlaban at ilagay na sa kamay ko ang sariling hustisya dahil alam ko, hindi ito magiging sapat sa akin para magpatawad. Hinding hindi magiging matimbang ang kahit sino ngayon, at nakakatakot na kahit si Rin, kaya ko siyang talikuran ngayon.
“Anong nangyayari? Anak…sabihin mo sa akin…” si Mommy na ikinulong ang mukha ko sa mga palad niya para siya lamang ang matingnan ko.
“Reagan,” haplos ni Rin sa braso ko, kinukuha ang atensyon ko.
I was beyond livid. God knows there would be no enough words to calm me down right now.
“Rin,” I called disappointedly. “Ang kapatid mo…”
He looked at me patiently, and whatever I said right now, no matter how painful it would be, he would believe me.
“G-Ginahasa niya ako,” sumbong ko sa basag na tinig.
Kita ko ang gulat sa mukha ni Rin. Ang nahawak niyang kamay sa akin ay nanlalambot na nahulog pababa. And even the sudden shift of my mother’s expression—from worried turned into horror.
“Kinse lang ako no’n noong..ginawa niya iyon. Sa isang party ng kaibigan ko mahal…kung saan ako nalasing…” I explained, wanting to shout it all to make him see that I was scarred because of it, but I’ve always been gentle to him.
Nanginginig niyang natakpan ang bibig, nanlalambot na napayuko at tumakas agad ang sunod sunod na hikbi.
“Hayop na batang ’to,” ang marahas na tinig ng Papa ni Rin na pinakawalan ako, itinapon ang nakaipit na sigarilyo sa labi at mabilis na nilapitan ang anak niyang pinagtutulungang itayo ng tatlong mga lalaki.
My mother pulled me for a hug as I cried on her shoulders. Akala ko, iyak ko lang ang nangingibabaw, ngunit ang marinig rin ang kay Mommy, at ang hikbing tumakas kay Rin, mas nadurog ako.
I cannot believe this! They’re connected! Ang nakarelasyon ko…ang nagbigay sa akin ng trauma…at ang umayos sa akin para malampasan iyon…ay magkadugo!
“Putang ina kang bata ka! Anong ginawa mo?!” agresibong hinila ng papa ni Rin ang anak niya at inambahang susuntukin ngunit mabilis na pinigilan ng asawa.
“Ramil! Anak natin ’yan!” sigaw ng mama ni Rin, niyakap ang baywang nito at pinigilang lumapit kahit na nahihila na nito ang kwelyo ng suot ni Dennis na inaalalayan ni Rio at pinipigilang saktan ang kapatid.
“’Yang putang inang anak mo, nanggahasa!” sigaw ng papa ni Rin na alam kong ikinagulat ng lahat.
Kung kanina ay tumutulong si Rio sa pagpapatayo, kita ko ang gulat niya at mabilis na binitiwan ang kapatid, lumipad ang tingin sa akin at gulat na gulat.
Hindi ko nasikmura nang mapagtanto kong malapit ako sa pamilya ng…gumahasa sa akin. I gagged from my intense realization that I pushed my mom a bit and stepped to the side to puke. Naitukod ko ang mga kamay sa pader, sunod sunod ang pagsusuka ng sarili kong laway sa may halaman habang parang sirang plaka sa isip ko ang lahat lahat…
I’m in a relationship with my rapist’s brother? Fuck! I gagged even more, my insides twisting like thinking about everything is just too disgusting to even digest. Bumabaliktad ang sikmura ko na kapatid lang…tang ina…
“Anong ginahasa, Ramil?! Maniniwala ka ba na kaya iyong gawin ng anak nating si Dennis! Sakristan siya! Alam ng buong tao rito kung gaano kabait ang anak natin! Hindi niya iyon kayang gawin!”
“How dare you stand with your son’s disgusting behavior!” my mother argued infuriatingly. “Mabubulok ang anak mo sa presinto at sisiguraduhin ko iyon! Kung kakampihan mo, pwes may lugar rin ang kagaya mong kunsintidor sa presinto!”
I cried while puking, my head spinning for whatever reason. The voices in my head during the night he had done it echoed like a broken record I couldn’t stop from playing.
“Dennis! Umamin ka! Ginahasa mo ba?!” sigaw ng ama ni Rin at sinusubukan itong lapitan ngunit pinipigilan ng ina ni Rin.
“Hindi niya iyon kayang gawin, Ramil! Nahihibang kana ba?! Hindi bakla ang anak nating si Dennis! Hindi siya matatanggap sa simbahan kung ganoon siya!”
“Tang ina wala akong pakialam ngayon sa simbahan! Oo lang o hindi!” his father demanded thunderously.
I glanced at them with my blurred vision. Sa dagat ng mga taong nagkakagulo, nakatayo si Rin sa gitna, nanginginig at hindi alam kung lalapit ba sa akin, na biktima ng sarili niyang kapatid, o dadaluhan ang kapatid na tinitingala niya.
When our eyes met, my tears triggered to fall. I don’t even think I could step toward him right now and hug him without feeling disgusted. I am heavily disgusted!
“Ano?! Hindi ka aamin o kusa kitang kakaladkarin sa presinto?!” his father threatened.
Lahat ay nakatingin kay Dennis. May mga umaalalay pa at mukhang iyong ka churchmate niya habang ang labi nito ay may sugat na, dumudugo rin ang ilong dahil sa suntok ko.
“Pa… lasing kami noong nangyari iyon…” he admitted in a cracking voice.
It triggered Rin’s cry, like a confirmation that he really did it with me. Kahit si Rio, natulala at namumula ang mga mata.
“Narinig mo Ramil! Lasing sila! Kaya bakit niya isisisi sa anak natin iyon at pagbibintangang nanggahasa?” ang mama ni Rin na talagang desididong kampihan ang kababuyan ng anak. “Kung nasa huwisyo si Dennis, sigurado akong walang mangyayaring ganoon! Kilala natin ang anak natin! Hindi niya iyon magagawa!”
“My son was only fifteen when it happened for God’s sake! Naririnig mo ba ang sarili mo?! A grown man should not engage in sexual activity with a minor, and yet, he still did!” ani Mommy sa matinding galit.
“Kapwa nila iyon ginusto kumare—”
“Kapwa?! Ganyan ba ang tingin mo sa rape, na kahit pumayag ang isang bata sa gusto ng isang matanda, matatawag na tama dahil ibinigay niya ang pahintulot niya?! I will file a case and let’s see if the law would agree to your reasoning in the court!”
Natahimik ang mama ni Rin at hindi na kayang magsalita dahil alam niyang sasagutin siya ni Mommy. Galit na galit ako. Si Rin, halos wala na sa sarili at hindi man lang ako malapitan, nasa gitna ng nangyayaring gulo, hindi alam kung sino ang kakampihan, o kung sino ang paniniwalaan.
Nakakainsulto! Kung nagsakristan siya para humingi ng tawad sa Diyos para sa ginawa niya, pwes hinding hindi ko iyon matatanggap! Anong karapatan niyang magbago, pumasok sa simbahan at maglingkod sa Diyos para pagtakpan ang kadumihan niya, na para bang sapat na iyong kabayaran para sa nagawa niya sa akin! Hinding hindi ko siya mapapatawad! Walang kapatawaran ang ginawa niya!
“Nakakahiya kang bata ka! Si Denver ang dinisiplina ko dahil ayoko riyan sa mga bakla bakla na ’yan, pero ikaw pala na lalaking lalaki ang gagawa ng kahayupan na ’to?!” ang sigaw ng Papa ni Rin, itinuturo ang anak sa matinding galit.
Umiling si Dennis, nanginginig na sa pag-iyak.
“Hindi t-totoong ginahasa ko siya, Pa… Nanghihingi siya sa akin ng m-malaking pera at pag hindi ko naibigay…palalabasahin niyang rape dahil alam niyang dehado ako…dahil bata pa lang siya no’n…” aniya na talagang ikinakulo ng dugo ko.
“Magsabi ka ng totoo! Paano ka peperahan ng mga ’yan kung ang yaman yaman! Sabihin mo ang totoo kung hindi malilintikan ka sa aking bata ka! Wala akong anak na rapist!” his father shouted angrily.
I saw a bottle on the side that I picked up out of rage despite my shaking hand. Maybe my therapies never had gotten into my mind at all, because I am more willing to let my anger rule over me than to forgive and to let justice do its thing.
Sa matindi kong galit na nagsisinungaling siya, inambahan ko siyang lapitan ngunit niyakap ako ng mahigpit ni Mama, umiiling sa akin at hinawakan ang kamay ko kung saan ko hawak ang bote.
“Reagan…” my mother cried, shaking her head to stop me for my violent reaction.
“Sinira mo ang buhay ko!” sigaw ko sa nababasag kong tinig.
He looked at me apologetically. “Humihingi ako ng tawad na hinayaan kong lumagpas tayo—”
“Kinse lang ako no’n! Tang ina! Alalang alala ko ang ginawa mo! Inaalok mo pa ako ng pera na tinanggihan ko! Hindi mo ako tinantanan ng gabing iyon para lang maituloy mo ’yang binabalak mo!” putol ko sa rason niyang hinding hindi ko tatanggapin.
Umiling siya sa akin, tumutulo ang mga luha at umiiyak pero hindi ako naaawa sa kanya. Kahit pa lumuhod siya, ni kapirasong awa, wala akong mararamdaman ngayon.
“Nakakadiri ka… Dahil sa’yo…kailangan kong pagtiiisan buwan buwan ang pagpapatherapy dahil gusto ko nang isumpa lahat ng mga kagaya mo! Sinira mo hindi lang ang buhay ko kundi pati ang isip ko!”
Rin’s uncontrollable cry echoed. Ang ama ni Rin, naikuyom lalo ang kamay dahil sa galit. Kahit ang mama niyang nakayakap sa ama na galit na galit ang tingin kay Dennis, umiiyak na isinandal ang ulo sa dibdib nito. Si Rio, tumalikod at nanginginig ang balikat.
“Hindi ako makatulog gabi gabi dahil sa takot na baka sumulpot ka ulit sa dilim at gawin iyon sa akin! Nagawa kong putulin ang buhok ko dahil ayokong may magkakagusto ulit na demonyong kagaya mo sa akin! Binago mo ako! Pinatay mo ang dating ako!”
Bumalik lahat sa isip ko, ang mga taong halos igapang ko ang sarili ko para lang makausad sa ginawa niya, gabi-gabing kinukwestyon at nandidiri sa sarili kung bakit iyon nangyari sa akin.
Ang mga nanonood, kita ko ang bigo nilang tingin sa akin. Si Dennis, nanginginig ang labi kakaiyak, halatang gustong manlimos ng simpatya na sana ay kampihan siya ng mga kakilala niya.
I pointed at him with my shaking hand; despite the rage, the trauma still lingers, and it was activated because I couldn’t forget that traumatizing night… when he was panting, moaning, and calling me deliriously.
“Sana naisip mo…” I stopped as I tried to formulate my words because of my broken voice. “Bata lamang ako noon at nasa wastong edad kana…. Ngunit hindi. Dahil ang mga kagaya mo, utak demonyo. Kung tingin mo patatawarin kita, kahit pa ikakamatay ko ito, babaunin ko hanggang libingan ang galit ko sa’yo. Hinding hindi mo makukuha sa akin ang kapatawarang ikakagaan ng loob mo,” giit ko.
Yumuko si Dennis at tanging iyak na lamang ang naisagot. I hope guilt will eat him alive and live his life miserably, triple the pain he inflicted on me.
“Hinding hindi kita patatawarin, magkamatayan man. Sasampahan kita ng kaso,” I declared desperately.
Kita ko ang gulat sa mukha ng ina niya, tila ba handa agad gawin ang lahat para iurong ko iyon. Kahit ang mga nakarinig, tila hindi makapaniwala. Si Dennis, umiling pa sa akin, nag-aambang lumapit ngunit pinigilan lang.
Kung wala man sa mga taong ito ang maniniwala na biktima niya ako dahil mas kilala nila si Dennis, na hinding hindi niya iyon kayang gawin sa akin, pwes wala akong pakialam. Ang mahalaga sa akin, putulin lahat ng koneksyon ko sa kanya, at sampahan siya ng kaso na nararapat sa mga kagaya niya.
My mother nodded at me proudly and hugged me as she cried. “Nandito si Mommy, Reagan… Kakampi mo ako. Ako ang bahala, hmm? Hinding hindi nila mababaliktad ang katotohanan. Sisiguraduhin ko iyon…” she whispered like a lullaby in the middle of this chaos as she caressed my back.
Chapter 42
Hello, irys! This is the last chapter! See you in Epilogue!
Love
“Alfred…” tawag ni Mommy sa phone call, nanginginig ang tinig at umiiyak.
“Rianne…” seryosong tanong ni Tito.
“Help me. Reagan needs our help…” she cried.
Pumikit ako, nakakuyom ang mga kamay habang umaagos ang luha ko. Nakaukit sa akin ang panlulumo ni Rin, kung paano gumuho sa kanyang mga mata ang mundong iniingatan naming dalawa.
As soon as we went home, everyone was already there. Siguro, nang marinig ni Tito Alfred na umiiyak si Mommy, ibinalita niya agad sa kanila.
They all looked at me like I survived death because of their bloodshot eyes. Si Lola ang naunang tumayo, humahagulhol na lumapit sa akin.
“Sinong nanakit sa apo ko?” naiiyak niyang tanong nang niyakap niya ako.
Mariin akong pumikit at humagulhol sa balikat niya. It was like I time-traveled during the time it happened, and all I ever wanted was someone’s shelter to whisper to me I was not alone. I felt so small, fragile, and unheard that I needed them to protect me… I needed them to be my source of strength.
“Nandito si Lola, Reagan… Hindi ka namin iiwan…” bulong niya at mahigpit akong niyakap sa kabila ng iyak niyang humahalo.
They all crowded me. Ang iilan kong Tito, ginugulo ang buhok ko, si Lolo na mahigpit ang hawak sa balikat ko, nanginginig sa galit.
“Bakit naman ganito? Ang bait bait mong bata… bakit nila nakayang gawin iyon?” hikbi ni Lola.
“Ang malas malas niya. Pamilya pa ng mga abogado ang binangga. Kahit sa impyerno ’yan magtago, hindi natin ’yan tatantanan, Reagan,” banta ni Lolo.
My relatives help with processing the case. Marami silang d-inrop na kaso para lang tutukan ang akin, na iyon ang importante ngayon at umusad agad.
But despite how it was now pursued, I felt caged. I couldn’t function well. Ni hindi ko mapasukan ang mga subjects ko at halos isang buwan din akong tulala, na kahit ang pangungumusta ni Doc Jane, hindi ko na pinansin.
My mother’s support was the strongest. Lagi siyang tumatabi sa akin na matulog, kahit na ang laki laki ko na, sinisigurado niyang gigising akong may kasama, o may makakausap.
“Birthday mo na bukas. Wala ka bang plans? Ayaw mo ng party? O mangibang bansa muna tayo?” tanong niya sa buwan ng Oktobre.
Ang mga boys, nangungulit ’yon lagi kay Mommy na gustong bumisita, gustong makibalita, lalo na’t mukhang nakaabot din sa kanila ang nangyari. The confrontation in Cavite was so scandalous that I would not be surprised for sure if one of them had reached the news.
But if there is someone who needs to be ashamed here, it should be that rapist. Kaya kong maglakad ng nakaangat ang noo kahit malaman ng lahat na biktima ako ng gahasa.
“Huwag na muna, My. Wala akong gana,” sabi ko na ikinapanlumo niya.
I tried to open my phone since I haven’t checked it for a while. Siguro…may gusto rin akong gawin. Kahit iyon nalang. And to see his text with the others, I knew I needed this…
My shoulder loosened as soon as he said a meaningful word, but I am willing. I know that given signal. I understand it so well because we talked about it in the past.
Noon, may usapan kami, na kung maghihiwalay man, gusto niya, isa isa kaming magbigayan ng gamit, at isa isa namin iyong…sunugin…habang nakatingin kaming dalawa. Na kung may gusto man kaming iwan na memorya, isa lang. Iyon ay ang mga nasa isip namin…
Ayokong ibalik niya ang mga binigay kong gamit, o sunugin man, ngunit…ang desisyon ko, kung may isang tanging alaala man siyang iiwan sa akin, na hinding hindi niya magagalaw, iyon ay ang mga alaala ko sa kanya.
I cannot burn it; no matter what I’ll do, I need to carry it.
I met up with him in a perfect place, just like how we planned it—the beach—which he couldn’t go no matter how he tried because he knows he’s too busy.
He always wanted to visit the beach. He said if there would be a nice ending in his life, he wanted something worth memorable.
And Rin is really right. Because during my travel alone, nagkaroon ako ng tsansang mag isip-isip. Na pwede ka pang umatras, o huwag tumuloy, ngunit pag patungo kana, wala kanang magagawa kundi ang pumunta roon dahil sayang din kung aatras lang.
“Pag sa beach…alam kong hindi kita maaalala agad pag nandoon ako kasi…kahit sadyain kong pumunta roon, sa ilang plano kong gawin, hindi ako lagi natutuloy. Ilang taon ko na ngang hindi nabibisita eh…” I remembered his reason.
Ipinangako ko pa iyon, na dadalhin ko siya sa dagat. At nakakatawa na madadala ko nga siya roon, mapapapunta ko siya roon ng kusa, para lamang maiwan namin ang isa’t isa.
I packed what I needed to give back to him and headed to his favorite beach, where we decided if we wanted to end things. Handa ako ngayong umalis. Kung saan ko man hinuhugot itong lakas ko, siguro nga, dahil ganito ko siya ka mahal na kahit ang mga hindi ko kayang gawin…makakaya ko.
Sporting the favorite look he said to me, I wore my all-black colors, because that’s what he said. He likes me when… I’m dressed all black. Naka leather jacket, itim na vneck tshirt sa loob, at itim na pants, I drove to the beach we planned.
He said his favorite time was during the golden hour. Gustong gusto niya ang oras na iyon. Ako naman, ang sabi ko, tuwing gabi, dahil mas payapa iyon. And funny that after the golden hour…his favorite…was mine…when his time was conquered by my own darkness—the night.
Ginto ang kulay ng paligid. Malamig ang simoy ng hangin. Payapa ang paligid. Gusto kong matawa na…maiyak dahil unti-unti kong napagtanto kung bakit gusto niya ang oras na ito. It reflects him. Calm…peaceful…and nostalgic.
Mabilis ko siyang nakita, sa suot na pink striped long sleeves, alam ko, puti ang tshirt na iyon, jeans na paborito niya habang tahimik na nakaupo sa dalampasigan, tila may hinihintay habang pinapanood ang kalmadong paghampas ng alon.
I sighed heavily; my steps slowed down as I walked toward him. Hindi siya lumingon nang tumigil ako sa gilid niya, namulsa at tiningnan ang dagat.
I slowly sat beside him, as quiet as possible, bended my knees, and looked at the calmness of the beach. He smiled weakly; his eyes—in my periphiral vision—are softer than…that night.
Wala akong masabi. Wala rin siya. He is probably processing things. And… I am too. Because I know, no matter how we solve this through communication, this problem cannot be solved with just words. It won’t.
And maybe there are things that not even the communication could fix. It might help, but it would not still solve…unless one of you leaves.
“Sayang ’no? Nagkakilala tayo sa maling panahon…” his first words.
I gritted my teeth. He has always been calm. And I am the opposite. I am like the waves in his peaceful sea…untamable and aggressive.
“Aalis ako sa school mo. Balita ko…hindi ka pumapasok eh,” he conversed.
I cannot concentrate. Kahit ngayon, hindi pinoproseso ng isip ko na…kapatid niya si Dennis. Imagine if I hadn’t attended any of my therapy; I would probably…blame him too. I would not hesitate to get mad at him, to ruin him too…
But if there was what I learned during those sessions, it was to never inflict the same trauma on someone else who has nothing to do with your own.
“Anong plano mo?” I asked curiously.
He smiled a little. “Ipagpapatuloy ko naman sa ibang school… eh ikaw?”
I stared at the blue sky. “Ipagpapatuloy ko rin siguro kung…kaya na.”
“Maging abogado ka. Gusto kong mabalitaan ’yan sa susunod,” aniya.
I sighed heavily when I pictured out a life without him. Akala ko, makakasama ko siya sa mga yugto ng buhay ko. Akala ko, walang rason ang makakapagpabago ng isip ko…ngunit nagkamali ako. Hindi ko kayang ipaglaban ang isang pagmamahal na ikakaguho ko.
“Hindi ko kayang magpatawad,” I spoke strongly.
During that time I found out that it was his brother; I could not even think of Rin as an enough reason to at least reconsider forgiving… because I know, during those traumatizing nights I tried to endure all of those ugly memories visiting me, it was only me who fought. It was only me who saved myself…
It was my own battle. I am the only one who knew how hard it was to move forward with your broken pieces.
“Naiintindihan ko. Bilang kapatid ni Kuya…bilang kapamilya…masakit ang…desisyon mo. Hindi ko tanggap na…hindi mo siya kayang patawarin lalo na’t mahal na mahal ko siya.”
I remembered how he broke down in front of me as soon as I told him what his brother did to me. Ang sabi ni Rin sa akin, ang kapatid niya ang rason kaya siya nagkalakas na lumabas, nagkalakas na lumaban, at nagkalakas na magpatuloy.
And how ironic that it was also his brother who ruined my life, traumatized me, and scarred me for a lifetime. Binuo niya ang kapatid niya habang winasak niya ang akin.
My throat tightened. There was something stuck in there that I couldn’t utter, but he eventually laughed that turned into a…crack.
“Pero…bilang tao na nakikita ang paghihirap mo…ang nasa likod ng pagiging marahas mo…kamumuhian kita kung…papatawarin mo siya…” hikbi niya.
My tears fell quietly. Titig na titig ako sa alon ng dagat, hindi makalingon sa kanya na umiiyak. Hindi dahil tinuruan ako ni Doc Jane na hayaan ang isang tao na iproseso niya ang sarili niyang emosyon, kundi dahil…alam kong madudurog lang ako lalo.
He might be looking at the sea, but I am looking at the blue sky, hopeful that…this won’t end. That darkness would not find its way to fill it, because I know it would be a reminder that it is my time to end things.
“Ang sakit ng ginawa niya…na ang taong tumulong sa akin noong mga panahong kailangan ko ng makakapitan, ay ang taong nagbigay ng bangungot sa’yo. Ang taong…sumuporta sa aking magpatuloy…ay ang taong pumutol ng kapayapaan mo…”
I shut my eyes and swallowed hard, licking my lips while my tears fell uncontrollably. Mabigat sa dibdib na parehas naming naiintindihan, parehas na nakikita ang mali ng kanyang kapatid, at parehas na kailangang manindigan…kahit pa kapalit noon na kailangan naming magparayang dalawa.
Gusto kong manalangin, na kahit ngayon lang, manatiling bughaw ang langit. Manatili kaming ganito, nakaupo at tahimik, kahit hindi nagsasalita, alam ko na nasa tabi ko lamang siya.
“Wala iyong kapatawaran, Rin. Kung meron man, sarili ko lamang ang mapapatawad ko, lalo na’t ang ginawa niya ay sinira ang isang bagay na hindi niya na kayang ibalik,” I said gently.
Umiling siya. “Hindi ganoon ang tingin ko kay Kuya. Perpekto siyang kapatid. Nakita ko ang paghihirap niyang iahon kami sa kahirapan, ginapang ang pag-aaral ko noong high school ako, at ang suporta niya sa akin.”
My jaw clenched, but I let him talk.
“Pero alam ko rin ang nangyayari sa’yo, Reagan. Nakita ko iyon. Kahit lagi kang hirap na sabihin sa akin ang totoo, alam ko ang nangyari sa’yo. Galit ka sa mga kagaya ko noon dahil sa trauma mo. At naniniwala ako sa’yo…”
There was a painful tug in my heart that I couldn’t name. I know how hard it was for him to accept the truth that he needed to let go of not just his brother…but also the love he found… He would lose both.
And I would lose him too…
We stayed watching his favorite time…the golden hour…slowly consumed by mine…the darkness. Mas naging malamig ang hangin, ngunit parehas na kaming tahimik. Mas agresibo na ang pag hampas ng alon, kumpara kanina, at ang langit…kahit anong titig ko…nanatiling itim…
“May…gusto kang sunugin?” I asked.
He nodded; despite his bloodshot eyes, he looked determined. “Pictures. Hindi ko kayang sunugin si Rhey eh… Itatapon ko nalang.”
Itatapon. Gusto ko sanang bawiin pero…baka di ko rin kaya.
I stood up without hesitation. Inihanda ko ang bonfire. Tumulong siya sa akin sa paglalagay ng mga kahoy at ako mismo ang nagsindi noon. Nagbiruan pa kami noon na baka panay kami tawa, o may isa sa amin ang aatras, ngunit parehas kami ngayong desidido, na hindi ko lamang ito desisyon dahil suportado niya ako.
Iniiwasan ko siyang tingnan sa mga mata lalo na’t…kahinaan ko iyon. It was my favorite part of his face, because that is where I’ve seen the real him on that night when we were on each other’s balcony. Doon ko nasilip iyon na…baka nga mali ang mga iniisip ko sa kanya.
When the fire lit up aggressively, consuming the woods, we both stood up and stared at it for a while. Tiningnan ko ang mga hawak niyang polaroid pictures. Marami iyon lalo na’t balak sana naming punuin ang buong dingding ng kuwarto namin.
“Paano ang kisame, mahal?” I heard my words on that day while he held the pictures. “O ibang designs nalang diyan?” I joked while hugging him from the back, my face buried against his neck.
Humalakhak siya. “At ano naman? Pictures mong naka brief lang?”
“Sige na. Ikaw na ang masusunod. Lahat naman ng desisyon ko pangit para sa’yo.”
“E ano ba ang nasa isip mo?”
“Hello Kittie—”
“Huwag kanang magdesisyon.”
I only laughed and held those photos he wants to put on the wall.
“Tulungan na kita,” kuha ko sa pictures na hawak niya para umpisahan namin iyong sunugin, sa kabila ng mga halakhak naming pumapaibabaw sa isip ko, ang memoryang idinidikit namin iyon sa mga pader.
It was like replacing the happy memories with something that we would not hold onto. It was his way to cope with the breakup, and mine was to…leave.
When I held some of the pictures, I couldn’t even look at them one by one. Nauna ko iyong itinapon sa apoy, at si Rin, tahimik na pinapanood ang desisyon ko. Gusto ko siyang utusan na…itapon na rin isa isa, ngunit hindi niya ginawa.
Each of the photos contains our happy memories together. I threw it one by one, without even looking at the photos, while he stared at me quietly. When I noticed that I only have one photo left…I was about to throw it but I ended up gripping it for a while. And unexpectedly, Rin threw all the photos in his hands, with no single one left to hold on to, finally giving it all up.
My jaw clenched. Suportado niya ako at…nakikita kong desidido siyang umalis, walang panghawakan na kahit isa, hindi dahil tinataboy ko na siya, kundi dahil ayaw niyang manatili sa lugar na ikakaguho lamang naming dalawa.
I nodded and bowed down. Tumingin siya sa dagat kahit nanginginig ang balikat niya, at alam ko kung bakit, o anong rason, lalo na’t ang dahilan niya na kung maghihiwalay man kami, sa magandang lugar para ma distract siya, o may pagbalingan siya saglit.
“Tapos na…uuwi na ako. Gawin mo ang nararapat,” he stated in his strongest will to utter the words.
I was silent. My words were all stuck in my throat. Ang rami kong gustong sabihin, ang rami kong gustong ipaintindi sa kanya, ibulong sa kanya, ngunit hindi ko magawa. Lalo na’t ayaw ko rin siyang pigilan, ayaw kong baguhin ang isip niya.
But if there was something I only wanted right now, maybe to have another last glimpse…
“Mahal…” I called achingly.
His shoulders loosened and he broke down in front of me. Napaluhod siya, takip ang labi, at nanghihinang umiyak. Sa sobrang sakit noon, alam kong naputol ang hinahawakan niyang tapang.
“Hindi ko kaya…” he whispered weakly.
I knelt to level him as I cried. Hindi ko rin kaya. Fuck. God knows how I prayed for this. God knows how I wanted this more than he wanted me. But we both know that this love would never outweigh the trauma that his brother caused to me.
“Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa’yo. Reagan… Sinira ka niya…” he cried achingly.
“Duming dumi ako… na sarili kong kadugo…sarili kong kapatid na tumulong sa akin sa mga panahong wala akong makakapitan…ay ang nagbigay ng takot sa ibang tao…sa lalaking hinahangad kong makawala sa madilim niyang nakaraan…”
I cried with him, that this isn’t a hate decision because our egos were crushing but because…the realization that we won’t fit with each other’s world. Hindi kami para sa isa’t isa, kahit ipilit namin, mas isasampal lamang sa aming dalawa na mali ang unahin ang pagmamahal kaysa sa sarili namin.
“Kaya kung sa akin ka kakapit ngayon para hindi ituloy ang kaso, dahil kapatid ko siya, dahil mahal mo ako, kusa kitang bibitiwan, Reagan. Ayaw kong humadlang na ipagpatuloy mo ito,” nanghihina niyang sambit sa gitna ng iyak.
My hand turned into a fist. I have decided to let him go the moment I traveled here. I have decided to stop us and just move forward after this, but I realized that it would never be easy.
“Magpatuloy ka, nang wala ako…at magpapatuloy rin ako…nang wala ka…” matapang niyang sabi nang tumayo siya, nag-aamba nang umalis, na tapos na at wala nang kailangan pang pag-usapan. I know how his mind works because he is heartless at times.
Noong sinabi sa akin ni Rio na matayog siyang manindigan, na hindi maaabot ng kahit nino kung siya man ang lumayo, alam ko…kahit ako…hindi siya mahahawakan pa kung tumalikod na siya.
I told myself, if I would bid goodbye, I would never hold him in my arms because I might lock him there forever, but if this would be the last…if he was going to slip in my life, if he would never come back…then I would own this time selfishly to at least hug him.
I pulled him so fast, the only strength left, and hugged him for the last time. Lumakas ang hikbi niya, humalo sa iyak ko, nang yakapin niya ako pabalik at humagulhol na ibinaon ang mukha sa leeg ko.
“Wala kang kasalanan, mahal…” I whispered weakly to at least lessen his burden. “Unahin mo muna ang sarili mo…at humihingi ako ng tawad na hindi kita kayang ipaglaban ngayon.”
Humigpit ang yakap niya, mas nabasag ang iyak, at umiiling.
“Naiintindihan ko… Naiintindihan kita… Kung isa ako sa magpapabigat ng nararamdaman mo ngayon, kung isa ako sa magpapaguho sa’yo…aalis ako, Reagan,” bulong niya sa nanghihinang tinig.
I am a mess. This isn’t the kind of storm you could endure just by protecting yourself with an umbrella. Because no matter how he would try to stay, I would only hurt him.
“Mahal na mahal kita, Rin…” I whispered languidly in the middle of our cries.
His cry worsened. “Mahal na mahal din kita…” daing niya habang ang kamay ay mahigpit ang hawak sa jacket ko, ang isang kamay, nakapulupot sa akin.
“Hindi mo alam kung…paano mo ako isinalba…noong mga panahong hindi ko na maisalba ang sarili ko,” bulong niya.
You were the only gentle reminder of my cruel world, Rin…
I lifted his face until our eyes met. Like a scene I’d see in movies when it was close to its end, our happy memories flashed. But not us, just his eyes, on how those cold, mysterious eyes I’d stare at during those nights I find him like a puzzle, until it adjusted to how it softened when I tried to know him…it twinkled when I shot my shot…it smiled when he laughed…it shined when he was with me…
And these eyes, the weak and bloodshot, are when…I knew we tried our best to save us, but in order to survive, we needed to save ourselves first.
It was a hard decision for the both of us. And yet we both understood that it was the only thing we could do right now. We cannot force this love. We cannot have it yet.
If the sky would allow us to heal from what had broken us, if I would have the courage to find another love…I pray it would be like this.
Epilogue
Hello! This is the last chapter of Behind the Blue Skies. I know that this is the heaviest story among all the installments in the Sac Series, but thank you for being patient and comprehending the real message of this story.
It took me months to finish this, probably half of the year, because I was having a hard time writing this as it holds a special place in my heart. But today, I am proud that I finally got the courage to complete the story.
Happy reading, Irys! See you on the next installment!
Trigger Warning: Self-harm, suicidal ideation, mention of rape, violence, and homophobic remarks.
Calmed
Birthdays weren’t special to me anymore, not until someone made me realize why it should be celebrated.
Ipinangako ko iyon sa sarili ko, na sa araw ng kaarawan niya, ipaparamdam ko rin sa kanya ang ipinaramdam niya sa akin noong kaarawan ko…ang unang beses na may nag-effort para bigyan ako ng selebrasyon.
With my shaking hand, in the middle of the night, after staring at the darkness of the sky, I lit up the small candle I bought together with the cake that was supposed to be his…
Sitting on the sofa was the stuff toy he gave to me, which became our daughter, si Rhey. Sa nanlalabong mga mata, tiningnan ko siya.
“Birthday na ng Papa mo…” I croaked with the tears dripping down my cheeks.
Humingos ako, kinayang huwag humikbi kahit nanginginig na ang balikat ko, tiningnan ang apoy ng kandilang sumayaw dahil sa hanging pumasok galing sa balkonahe, kasabay ng kurtinang nagpapaalala sa akin kung paano kami sumayaw sa gabing iyon.
“Happy birthday, Reagan…” I tried to sing it with my weak voice, clapping and looking at Rhey, that we could still celebrate her father’s birthday without his presence.
Nanginginig ang labi ko, inabot si Rhey at pinaupo sa harap ng cake para kunwari, sabay namin iyong hihipan. Iniisip ko, nasa harapan namin siya, lumiliwanag ang mukha habang nakangiti, ngunit sa halip na iyon ang maisip ko, tumatatak sa isip ko ang durog niyang ekspresyon at malumanay na hinagpis sa mga mata niya nang umiyak siya sa akin.
I broke down on the table and cried…regretting why…out of all people…why him? Parang pinipiga ang dibdib ko. Akala ko, naiyak ko na lahat. Akala ko, sapat na ang sakit, ngunit sa lumilipas na mga araw, palala lamang nang palala.
Hindi ko kayang umalis kahit ang layo layo na ng tinakbo ko.
“Mahal…” tawag niya sa nadudurog na boses na ikinapanghina ko.
Hindi ko man lang magawang humakbang palayo, tumalikod at umalis, sunod-sunod ang hikbi at gustong isumpa ang sarili kong kapatid kung paano niya nakayang sirain ang buhay ng isang tao.
Akala ko, malakas na ang loob kong magpakita pagkatapos ng halos isang buwang paghahanda, na baka matapang kong mapapanindigan ang desisyon dahil hindi lamang ito para sa akin, kundi para rin sa kanya. Ngunit ang kinikimkim kong bigat, sumabog nang tuluyan.
He…was the reason why I chose to love myself, to look at my flaws like it was an art that wouldn’t outshine my whole being… He was that man who made me accept myself wholly.
Ngunit hindi ko inaasahang ang lubos na sisira sa kanya, ay ang taong hinubog ako noong mga panahong durog na durog ako.
“Kuya, salamat!” Halos magtatalon kong niyakap ang laruang bigay niya na lagi kong nakikitang nilalaro rin ng mga lalaki kong kaibigan noong limang taong gulang pa lamang ako.
Bata pa lamang, si Kuya na ang kakampi ko sa lahat. Siguro dahil sa bahay, siya rin ang laging nagpapapawi ng mga hinaing ko.
“Makakapaglaro kana kasama ang mga kapitbahay,” nangingiti niyang bida at ginulo ang buhok ko.
May kapitbahay kaming may kaya sa buhay. Malaki ang bahay nila na katabi namin at lagi kong nakikitang marami siyang laruan kaya hindi ako makasabay sa tuwing niyayaya niya akong makipaglaro. But today, I am now confident enough to approach him and show him my own toy.
Pinatuloy ako sa bahay nila ng kasambahay nang magdoorbell ako sa malaking gate at hinatid papasok. May malawak sila na hardin sa likuran ng bahay nila at madalas iyong dinadayo ng mga bata rito para doon maglaro. Para silang may sariling clubhouse dahil may swing din at slides.
Pagkapasok sa bahay nila, nalaglag ang panga ko nang makitang…walang wala ang dala kong laruan sa mga laruan niya na nasa carpet lang, at mukhang ang iba ay bago pa yata dahil nakakahon. My toy would probably feel an outcast once I will put it beside them.
Pero kung may kumuha man ng atensyon ko, iyon ay ang malaking berdeng puno na kumikinang at may mga regalo sa ilalim nito.
“Bakit kayo may ganyan?” kuryoso kong tanong nang pababa na si Jasver, may bitbit pang panibagong laruan at nakakahon pa rin iyon, hindi pa niya yata nabubuksan.
“Christmas tree? Meron kaming ganyan dahil magpapasko na,” paliwanag niya.
Hindi ko maintindihan pero…naguguluhan ako kung bakit wala kaming ganyan sa bahay.
“Christmas tree? Oo meron kami. Bakit? Wala kayo?” si Ancent, isa sa kalaro namin ni Jasver na tagarito lang din nang tanungin ko siya sa nakita ko sa bahay nila Jasver nang lumabas kami para makipaglaro pa sa iba.
Umiling ako. “Wala. Kailangan bang meron no’n tuwing pasko?”
“Oo naman. Sa ilalim no’n, doon ilalagay ang mga regalo na matatanggap mo tuwing pasko,” aniya.
I asked more of my other friends, and they answered they have it every Christmas. Inalala ko kung paano kami nagC-Christmas. My parents said it wasn’t really important since what mattered the most was the New Year.
“Kuya… Hindi ba tayo pwedeng magcelebrate ng pasko na may Christmas tree at mga regalo?” tanong ko kay Kuya Dennis nang makauwi ako galing sa laro.
Kumpara sa bahay nila Jasver, maliit lamang ang amin, sapat lamang na may masilungan kami. Simple lamang din ang aming mga gamit na gawa pa sa kahoy ang iilan, at ang sahig, hindi man lang naka tiles kumpara sa bahay nila Jasver. Kahit ang ilaw, isang maliit lang na bumbilya hindi katulad noong malaking ilaw sa bahay nila.
“Hindi na importante ’yan sa pamilya natin kasi wala tayong pera para doon, Denver,” aniya, na iyon ang totoong dahilan kung bakit hindi kami nagcecelebrate noon.
Nang mapansin niyang tumahimik ako, ngumiti siya sa akin.
“Hayaan mo, pag nakapagtapos ako ng pag-aaral, maghahanap agad ako ng trabaho at bibilhan kita ng pinaka una mong Christmas tree para maranasan mo na magcelebrate ng pasko.”
My eyes widened that I smiled and nodded cheerfully. Growing up with my brother, I know I would be fine since I have him. Alam kong hindi niya ako pababayaan. Marami siyang mga pangako sa akin na tinutupad niya, na kahit nadagdagan man kami ng isa pang kapatid ay hindi niya kakalimutan ang mga pangako niya sa akin.
Noong thirteen na, mas nakita ko na walang kakayahan ang mga magulang ko dahil kahit ang mga okasyon na dapat naghahanda, problema ang inaalala ng pamilya namin. The houses around us were covered with Christmas lightings, and even the bushes were designed with colorful lights. Unlike our dark house…
“Bakit walang ilaw sa inyo?” tanong ni Jasver nang lumabas siya sa bahay at naroon ako sa gilid, paskong pasko, may dalang tatlong kandila dahil…
“Ah… naputulan kami ng kuryente,” sabi ko at tiningnan kung gaano katingkad ang bahay nila dahil puno iyon ng Christmas light at mga parol na umiilaw.
“Talaga? Hindi ba kayo nagbayad ng kuryente niyo?” kuryoso niyang tanong at sinilip pa ang madilim naming bahay.
Umiling ako, hinigpitan ang hawak sa kandila at medyo nahihiya sa bagay na iyon. “Sige…pasok na ako…” paalam ko lalo na’t hindi ko kayang tagalan ang ganoong pag-uusap.
Close naman kami, pero siguro noong mga bata pa, at minsan lang sila rito, lalo na’t tuwing summer naman, nasa Siargao sila lalo na’t may lupa yata sila roon. Ang alam ko rin, kaya mayaman ang pamilya nila dahil sa amo ng Papa niya sa isang malaking construction business. Iyon ang sabi-sabi rito na nakalap ko, na magarbo raw mamigay iyong amo ng Papa niya.
“Talaga? Naku nakakahiya!” si Mama sa labas at mukhang kausap ang Mama ni Jasver.
“Si Jasver din ang nagbanggit. Paskong pasko. Kawawa rin ang mga bata kung magpapasko sa madilim,” rinig kong sabi nang sumilip ako sa pinto hanggang nakita ko si Jasver sa pader ng bahay namin, patalong pumasok sa bakuran at may dalang extension wire.
“Denver! Papasukin mo si Jasver,” tawag ni Mama kaya lumabas ako para lang salubungin si Jasver.
I would always be amazed by his appearance for some reason because he has that serious air that intimidates me sometimes.
“Buti nalang maputi ka. Para kang flashlight,” natatawang biro ni Jasver nang lapitan ko siya at nahihiyang pinatuloy.
Hinatid ko siya sa mismong may saksakan, na kahit ang bata kong kapatid na si Rio, walong na taong gulang, nakiusyoso rin. Noong umilaw ang buong bahay, sa mismong gabi ng paskong iyon, nakita ko na ngumisi siya at tumingala…
“Kuya, titig na titig,” sita ni Rio na talagang ikinakurap ko.
Ginulo ni Jasver ang buhok ni Rio. “Di kasi kita kagwapuhan ko kanina sa dilim, Rio.”
Tumawa ako at nailing. “Yabang…”
“Sa bahay na kayo mag pasko. Sinabi ko na kay Mama. Marami naman kaming handa…”
Ngumuso ako at pigil ang ngiti. Umangat ang kilay ni Jasver sa akin at buhok ko naman ang ginulo. Kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit…
“Doon na daw tayo kina Jasver magpasko!” ani Mama nang umalis sila Jasver at pumasok siyang muli sa bahay, ngiting ngiti.
“Ligo ako muna, ma,” agap ko at gustong mag-ayos, medyo nahiya dahil ang bango niya kanina.
Kahit sa bahay lang naman nila, pwedeng simpleng t-shirt na pambahay lang, talagang sinuot ko ang pang-alis at nagcologne na rin. Ang polbong tinago-tago, ginamit ko, na kahit si Rio, nang pumasok sa kuwarto ko, naabutan pa akong sinasampal sampal ang magkabila kong pisngi.
“Kuya crush mo si Kuya Jasver?” inosente niyang tanong nang humilig sa de-kahoy kong kama, walang kutson.
Namilog ang mga mata ko at kung pwedeng tampalin ko ang bibig niya, gagawin ko.
“Hindi, Rio,” sabi ko.
My brother’s expression turned suspicious even more. “Eh nagpopolbo ka nga lagi bago dadaan sa bahay nila Kuya Jasver. Ngayon, nagpopolbo ka ulit kasi pupunta tayo sa bahay nila Kuya Jasver. Crush mo siya,” giit ng makulit kong kapatid na gusto ko nang kurutin.
“Anong crush? Sino?” si Papa na kakadating lang, may dalang cellophane at mukhang lechon manok pa iyon, kita ko ang pagiging kuryoso sa ilaw sa bahay namin.
“Si Kuya nagpopolbo, Papa. Crush niya si Kuya Jasver,” turo ni Rio sa akin.
“H-Huh? Rio lalaki si Jasver! Lalaki ako. Bawal ’yon. Hindi ako bading,” agap ko lalo na’t kabadong kabado ako sa reaksyon ni Papa na magkasalubong ang kilay.
“Kakalaro niya yan ata sa labas, Pa. Kung ano-anong natututunan,” depensa ko pa.
Matagal ang titig ni Papa sa akin at sa kaba ko, pakiramdam ko…may nakikita siya sa akin na ayaw ko lang aminin. Sinalubong siya ni Mama at sinabi na doon nalang kakain kila Jasver kaya nalihis din ang atensyon.
Noong bata pa ako, iba ang tingin ko kay Jasver. Namamangha ako kasi malaki ang bahay nila, pero nakikipaglaro siya sa amin at iniimbitahan lagi sa bahay nila para laruin iyong magagara niyang laruan. But when he grew up, he seemed so different compared to me. Maangas ang pormahan niya, at ang guwapo ng mga galawan niya…
“Dito, Denver,” tawag ni Jasver sa tabi niyang upuan at sa kalabog ng dibdib ko, hindi ko alam kung bakit kabado ako. Umaalingawngaw rin sa isip ko ang sinabi ni Rio sa akin. Bakit niya naman nasabing…may crush ako kay Jasver?
Malaki ang pamilya nila. Tatlo din silang magkakapatid. Ang bunso ay halos kaedad ni Rio, isang babae, at ang panganay ay mismong si Jasver.
Umupo ako sa tabi niya, sa gilid ko naman, ang mismong babae niyang kapatid na si Kali, ngumunguso at namumula kakatingin sa akin. Sinitsitan siya ni Jasver at inangatan ng kilay.
“Umalis ka diyan, Kali. Si Arron diyan,” sita niya.
Sobrang conscious ko sa gabing iyon. Hindi ko alam kung dahil ba malalaki na kami, hindi na katulad noong kabataan na wala pang mga hiya, o dahil din ibang iba ang estado nila sa amin at pinatuloy pa kami na dapat ay sa pamilya lamang nila.
Ilang minutong makalipas, may pumasok na kotse at mukhang may relatives sila na dumating, ang sabi ni Jasver, pinsan niya raw. May dalawa kaming kaedad ni Jasver sa kanila, isang babae at isang lalaki na sinasabing si Arron na tumabi sa gilid ko.
Tumingin iyong Arron sa akin. “Pinsan? Saang kamag-anak ’to?”
“Kapitbahay. Close friend namin nila Ancent,” si Jasver.
“Pupunta ba ’yon dito?” Ngumisi siya kay Jasver at mukhang may ibang pinapahiwatig.
“May ibang crush ’yon. Mahilig sa soccer player,” ani Jasver.
Tumawa iyong Arron at muling sinipat ako ng tingin. He tilted his head and smiled. Kinunot ko lamang ang noo ko habang nahuhuli ko ang tingin ni Rio sa harap, nanunuya akong nginitian kaya pasimple kong sinamaan ng titig para tigilan niya ako diyan sa asar niyang napupulot niya sa kanto.
Noong matapos ang noche buena, niyaya ako ni Jasver sa kuwarto niya kasama ang pinsan niya. Nandoon kaming lahat na lalaki habang may pinapakita si Jasver kay Arron.
“Ito ba ’yung drum mo sa Siargao?” tanong noong Arron na pinapakialaman ang buong set na drums ni Jasver.
“Hindi. Regalo noong amo ni Papa. Bago ’yan.”
“Nagd-drum ka?” tanong ko kay Jasver na nakapamaywang, pinanood si Arron na umupo roon at susubukan yata dahil hawak na ang dalawang stick.
Tumango siya. “Oo. May banda ako sa Siargao. Ako ang drummer.”
Namangha ako na hindi ko namalayang titig na titig ako sa kanya. Napansin iyon ni Jasver at natawa.
“Bakit? Hindi ba kapani-paniwala? Gusto mo marinig?” Hindi pa lang ako nakakasagot, lumapit na siya sa drum niya kaya tumayo iyong Arron at siya ang umupo.
He started playing his drums expertly. Nagulat ako na…talagang magaling at marunong siya. Hindi ko alam kung malakas ba ang paghampas niya o…ang kalabog na iyon ay nanggagaling na rin sa dibdib ko.
“Kuya…bading ka?” tawag ni Rio nang matulala ako sa bahay habang naghuhugas ng pinggan at nahuli niya atang ngumingiti ako, kakaisip ko sa pagd-drum ni Jasver, tumatak na sa isip ko.
At ganoon nalang ulit ang kaba ko nang lumabas si Papa sa cr, may dalang dyaryo, topless at mukhang doon nanigarilyo dahil masama sa kalusugan ni Rio kaya nagtatago. Ang tattoo niya sa dibdib ang laging nagpapasindak sa akin.
“Ano ba ’yang sinasabi mo, Rio?” tanong ni Papa, medyo pagalit na ang boses.
Kabadong kabado ako. Hindi naman totoo, pero sa tuwing inaasar ako ni Rio, at sa tuwing titingnan ako ni Papa na para bang totoo iyon, namumutla ako.
“Sabi ni Jepoy mukhang bading daw si Kuya kasi maputi siya. Inasar niya ako,” sumbong ni Rio, tinutukoy ang kapitbahay na madalas niyang nakakalaro sa labas, anak ni Manong Arnold.
“Bakit, Denver? Bading ka ba?” seryosong tanong ni Papa, umuupo na sa dekahoy naming upuan at nasa akin ang tingin.
Mabilis ang iling ko. “Inborn naman ’tong pagiging maputi ko, Papa. Hindi naman ibig sabihin na kung maputi ang lalaki, bading na.”
“Siguraduhin mo lang. Ayaw ko sa bading bading na ’yan. Kita mo naman ’yung anak ni Bobbie. Kung makagastos sa lalaki nakalimutan na ang sariling pamilya. Nagsusuot pa ng maiiksing damit at naglilipstick. Hindi na nahiya, ka lalaking tao…”
Natahimik ako at ibinalik ang atensyon sa hinuhugasan ko. Hindi ko alam kung bakit…mas kinabahan ako sa pagtutol ni Papa.
“’Yang mga bading na ’yan, ang babastos pa ng mga bunganga at kung sino-sinong pinagpapantasyahang mga lalaki sa kalye. Mga nakakadiri,” patuloy na lintanya ni Papa.
Hindi naman lahat. Gusto ko iyong isaboses pero hindi ko magawa dahil baka sabihin niyang…pinagtatanggol ko sila at bading din ako.
When I was turning fifteen, fortune started knocking on our door, and it was a new hope in our family because of my brother’s newfound work.
“Ako na ang magpapaaral sa’yo, Denver. Natanggap ako sa isang malaking clothing apparel! Malaki ang sweldo ko,” ani Kuya Dennis na labis na ikinatuwa ko.
It was a sudden turn of our lives. Kung noon, halos hirap kami sa pagkain, ngayon, nakakapag lechon manok na kami sa isang linggo at nakakabili na rin ng soft drinks tuwing kakain. Para iyong fiesta sa pakiramdam ko lalo na kung may pansit, na kahit sina Mama at Papa, tuwang tuwa kay Kuya.
“Ma, Pa, huwag na kayong magtrabaho. Ako na ang bahala sa pamilya natin. Tumigil kana rin sa kakalabada ma, baka malanta na ’yang kamay mo kakakuskos,” ani Kuya na malawak na ikinangiti ni Mama.
“Anak, huwag ka sana munang mag girlfriend! Hindi ako handa!” si Mama na inabot ang kamay niya.
“Hindi po. Pag-iipunan ko pa ang kolehiyo ni Denver, ma…” natatawang sabi ni Kuya habang si Papa naman, tumingin sa akin.
“Mag criminology ka,” aniya.
Criminology sana ang gusto ni Papa na kunin ni Kuya noon pa man. Kaso mas p-in-ursue ni Kuya ang hilig niya sa fashion designing. Kaya ngayong ako na ang magkokolehiyo, malaki ang pinanghahawakan niyang expectation sa akin na susunod ako sa yapak niyang hindi niya natupad.
Both of my parents don’t belong to a wealthy clan. Si Mama, kahit may dugong banyaga, laking hirap siya at hindi rin nakapagtapos ng pag-aaral, katulad ni Papa na nangangarap noong magkolehiyo pero hindi rin nagawa dahil kapos sa pera.
Sa totoo lang, hindi ko nakikita ang sarili ko sa Criminology. At hindi ko alam kung…matutuwa ba si Papa kung tinanggihan ko iyon.
“May napupusuan kana bang kurso, Denver?” tanong ni Mama.
My father’s eyes looked at me critically. Marahan akong tumango.
“Journalism po sana…”
“Dahil ba mahilig kang magsulat ng poetries?” ngiti ni Kuya, siguro nakita ang mga likha ko sa notebook ko.
My father sighed heavily and reached for the big bottle of soft drink. Nauna niyang buhusan ang nakababata kong kapatid na si Rio, hawak ang paa ng manok na nginangatngat niya.
“Ano bang mapapala mo riyan sa kurso na ’yan? Hindi ’yan indemand. Mag pulis ka. Mas malaki ang sweldo mo no’n,” ani Papa.
“Maraming pwedeng pasukang trabaho kung journalism ka po, Papa…” mahina kong sabi.
“Ayaw mo bang magtrabaho muna kagaya ng Kuya mo, Denver? Makakahintay naman ang kolehiyo. Tingnan mo ang kuya mo, nakakatulong sa pamilya natin,” si Mama.
“Eh kasi po nakapagtapos na siya, Mama. Hindi ka po makakapasok agad sa trabaho rito sa Pinas kung hindi ka college graduate.”
“Oo nga. Pero apat na taon pa ’yon. Magastos din. Isipin mo ang kuya mo. Mabibigatan siya roon. Libo libo ang gastusin pag kolehiyo kana,” ani Mama.
“May kakilala akong namimigay ng scholarship kung mag c-criminology ka. May kumpare ako. Ipapasok kita doon,” agap ni Papa.
Tiningnan ako ni Kuya at naninimbang ang tingin sa akin. Umiling siya at ngumiti, ramdam ko na hindi dapat ako mag-alala roon dahil gagawan niya ng paraan para masunod ang gusto kong kuning kurso sa kolehiyo.
Hindi ko na iyon masyadong iniisip pa lalo na’t alam ko na magiging maayos ang takbo ng buhay ko basta nandiyan si Kuya. But something happened that made me question the house that supposed to shelter and protect me…
“Ang pogi mo naman. Sayang at mag pinsan tayo,” biro sa akin ng pinsan kong babae na si Emily, sa side nila Mama.
Noon pa man…alam kong baluktot na ang paniniwala ng pamilya ko sa bagay bagay. Oo, relihiyoso si Mama lalo na si Papa, tuwid ang pananampalataya, ngunit hindi iyon nagagamit minsan.
“Sigurado ka ba sa ibinibintang mo, Denver? Bakit niya naman gagawin iyon?” tanong ni Mama nang manginig ako sa pag-iyak.
“Hinawakan niya ako, Ma. Naramdaman ko,” hikbi ko.
“Pinsan mo ’yon, Denver… At babae,” giit ni Mama, na ang isang babae ay walang kakayahang mambastos.
Kakaiba na ang napapansin ko kay Emily simula noong dumating siya rito sa bahay namin. Taga probinsya siya kaya dito pinatuloy sa amin dahil gusto niyang dito maghanap ng trabaho.
Pinapatabi siya sa akin ni Mama sa kuwarto dahil kawawa naman kung sa sala lang matutulog. Malaki naman ang higaan ko at magkadugo naman pero sa tuwing tulog na ako, nararamdaman kong nanghihipo siya…o dinidikit niya ang sarili niya sa akin sa tuwing nakikihati sa kumot ko.
Natahimik si Mama at medyo nabigla sa galit ni Papa.
“Gusto mo bang sampahan ng kaso?” biglang basag ni Papa sa katahimikan.
“Ramil!” nagugulat na tawag ni Mama. “Naririnig mo ba ang sarili mo? Sariling kapamilya, sasampahan ng kaso? Ano nalang ang sasabihin nila roon sa probinsya? Na purket nandito tayo sa syudad, para na tayong kung sino? Maidadaan naman ’yan sa usapan at baka hindi lang sinasadya ni Emily! S’yempre malikot pag natutulog, hindi na namamalayan siguro kaya kung saan saan na siya nakakahawak sa katawan ni Denver!”
Alam ko, hinding hindi masusunod ang gusto ko. Mas kahiya-hiya kay mama ang sasabihin ng mga kapamilya namin sa probinsya, kaysa ang gawin ang tama. At tingin ni Mama sa nangyari, hindi ganoon ka laki total…hipo lang naman.
“Ayan din kasi ang mali sa’yo, nagshoshorts ka pag matutulog. Alam mong may katabi kang babae, sana nag pajama ka,” puna ni Mama.
Iritadong napabaling si Papa sa kanya. “Kahit pa maghubad ’yang anak ko, o bumukaka diyan habang tulog, walang may pakialam doon dahil bahay natin ito, Elise. Huwag mo siyang pagsabihan kung ano ang susuotin niya rito.”
Natahimik si Mama nang ilang sandali, medyo nagulat sa galit na boses ni Papa. Ngunit nang tingnan ako, nangungusap agad ang tingin niya sa akin.
“Patawarin mo nalang, Denver,” kumbinsi ni Mama. “Baka hindi naman sinasadya ni Emily. Huwag na nating ipaabot sa demandahan, anak. Nakakahiya rin kung kakalat ’to. Masisira ang pamilya natin. Baka ipagkalat pa ng iba na may manyakis tayong lahi. At nakakaawa rin ang pinsan mo kung makukulong siya…”
Mas bumuhos ang luha ko. Mas kaawa-awa ba ang pagsasampa ng kaso sa nambastos sa’yo kaysa ang pagkasira ng isipan ng biktima? Mas matimbang ba ang reputasyon ng pangalan ng aming pamilya kaysa ang tumindig sa tama?
Walang nagawa si Papa sa gusto ni Mama, ayaw na ring palakihin iyon. At ang masaklap pa, kahit ang pamilya ni Mama sa probinsya, ginawa lamang iyong katawa tawa.
“Para hawak lang…” asar ng pinsan kong babae, taga probinsya rin, at nagpasyang bumisita rito para kunin si Emily. “Eh baka kasi nagugwapuhan sa’yo, Denver.”
Ang nakakadiri pa, laging laman ng pulutan nila iyon sa probinsya, pinagkalat ang nangyari at ako ang pinagmumukhang may mali. Dahil naka shorts ako… na ka-lalaking tao, ganoon ang suot.
“Ang sabi niya rin kasi, mukha ka raw may gusto sa kanya. Tinatanggap mo raw ang mga bigay niya,” dagdag niya habang natatawa na ikinatayo ko, nakakuyom ang kamay, nag-aambang lumapit at hinila ang damit niya.
Sa tangkad ko, halos masubsob siya palapit sa akin. Iba ang nararamdaman kong galit. Hindi ako makapaniwalang naging katatawanan pa ang ginawa sa akin ni Emily kaysa pandirihan siya.
“Denver!” si Mama ang pumigil nang inambahan kong iangat ang kamao ko, si Kikay, namimilog at namumutla sa pagkakagulat. And even my younger brother witnessed my rage, and he stepped out of our house fearfully.
Kinamumuhian ko ang side ni Mama. Nandidiri ako sa baluktot nilang paniniwala. Ayaw ko sa kanila, hindi lamang sa mga pinsan niyang bastos at ginagawan pang katatawanan ang ginawa ni Emily sa akin, pati iba sa kanila, sinisisi ako sa nangyari. Kahit mga bata, bastos ang mga bunganga.
“Buti nga sa’yo. Kamuntik magahasa,” ang sabi ng isa kong pinsang lalaki nang magkaalitan kami at iyon agad ang nasabi niya sa sobrang galit sa akin dahil nakarating sa kanya na kamuntik kong suntukin si Kikay, ang kapatid niya.
Hindi ako kailanman sumabog. Hindi kailanman nanumbat, hindi kailanman pumatol sa mga sinabi nila sa akin, sa mga katatawanang ginawa nila sa akin, ngunit ngayong harap-harapan akong binastos, parang bulkang sumabog ang pagtitimpi ko.
Oo nga at bata lamang siya, sampong taong gulang, ngunit kaya ganito ang lumalabas sa bibig niya dahil kahit ang mga nakakatanda na dapat ay wawasto sa mali niyang paniniwala, sila rin namang pasimuno.
“Kuya!” natatakot na tawag ni Rio nang sa nandidilim kong tingin, paulit-ulit kong inuntog ang ulo ng pinsan ko sa semento naming pader.
“Anong sabi mo? Ulitin mo nga?” tanong ko, gigil na gigil, na kahit nagkakagasgas na ang noo niya, parang may halimaw na nakawala sa akin at hindi ko mapigilan ang sarili ko.
“Denver!” ang kapatid na babae ni Papa ang umawat sa akin, niyakap ako. “Anong sinabi mo Carlito?!” sigaw ni Tita Lora sa kanya.
“B-Biro lang naman ’yon!” iyak ni Carlito, hawak ang noong may gasgas na, medyo dumugo.
“Anong biro?! Saan mo ’yan natutunan? Mali ’yon! Hindi mo dapat binibiro ang mga nakaranas ng pambabastos, Carlito,” pangaral ni Tita Lora sa kanya.
Humagulhol ako sa balikat ni Tita. Bakit nila ako binibiro roon? Bakit parang ang gaan lang sa kanila ng nangyari? Ni hindi ko na nga maipakulong, ginawa pa nilang katatawanan iyon! At sa gabi-gabing umiiyak ako, sa tuwing naalala ko, pakiramdam ko, hindi man lang nagsisi si Emily.
“Ano ’to?” hawak ni Kuya sa pulso ko nang mahuling may mga gasgas ako roon sa sumunod na mga araw.
Umiling ako at hinila pababa ang damit ko para itago iyon. “Wala… nakakalmot ko kaya nagmamarka.”
“Denver…mali ’to,” ani Kuya, nanlambot ang tingin sa akin. “Alam kong mabigat ang pinagdadaanan mo, masakit ang nangyari, pero hindi solusyon ang pagkitil sa buhay…”
Mali nga. Alam ko iyon. Ngunit anong magagawa ko kung minsan, mas nakakalma ako sa ginagawa ko sa sarili kong katawan para lamang maibsan ang bigat. Para lamang maalala ko na…walang may karapatang saktan ako, hawakan, kundi ako lang mismo.
“Kuya… pagod na pagod na ako,” sumbong ko, na kahit ang mga luha ko, sunod-sunod ang pag-agos.
Yumuko ang kapatid ko at mahigpit akong niyakap. Mariin akong pumikit, sa bigat ng pakiramdam, ngayon lamang may yumakap sa akin, ibinubulong na kahit papano, may kasama ako.
“Walang nakakaintindi sa nangyari sa akin…”
“Naiintindihan kita, Denver. Kakampi mo ako. Si Kuya na ang bahala… Pangako ko ’yan. Basta itigil mo lang ’yan. Kumapit ka lang sa akin. Ako na ang papasan niyan para sa’yo…”
Si Kuya ang naging sandalan ko. Siya ang lagi kong nalalapitan. Siya ang kakampi ko sa lahat. Siya rin ang takbuhan ko. Binilhan niya pa ako ng piano para sa tuwing nangangati ang kamay kong may gawin sa pulso ko, doon ko na lamang ibaling sa keyboard ang mga daliri ko.
My brother gave me a diversion so that death would never cross my mind again. Kay Tita Lora nalang din muna ako pinatuloy sa Manila at doon ako pinag-aral ni Kuya sa pribadong paaralan noong Senior High na para lang makalimutan ko ang nangyari sa bahay.
“Hayaan mo, Denver. Kung nabigyan ako ng visa doon sa Switzerland at pinakasalan na ako, ikaw agad ang tutulungan ko,” pangako ni Tita Lora na tumatak sa isip ko.
She is my father’s sister. Sadly, she couldn’t bear a child that’s why she likes me so much. I am her favorite nephew.
“Seminaryo? Paano ang pagtatrabaho mo?” kabadong tanong ni Mama nang magpasyang huminto si Kuya sa pagtatrabaho noong seventeen na ako.
“Ma… Gustong gusto ko pong maglingkod sa simbahan. Pangarap ko ito dati pa,” ani Kuya, kahit hindi ko maalalang may binanggit siyang ganoon.
My mother couldn’t question his decision because he’s talking about his fate. Si Papa, tahimik lang din, hindi nagbibigay ng komento dahil mabuti naman iyong gawain.
“Kung ’yan talaga ang gusto mo. Total, nandito pa naman si Denver…” si Mama na tila ba nabuhayan ng loob.
I could already sense the new responsibility given to me now that my brother has decided to take another path. Ngunit marami nang nagawa si Kuya para sa pamilya namin. Sapat na iyong pinaaral niya ako sa high school.
Kaya habang nag-iimpake siya, pumasok ako sa kuwarto niya. Mabilis siyang napabaling, tila ba balisa. Kumalma siya nang makita ako at ngumiti.
“Tatawag naman ako,” aniya nang umupo ako sa kama niya.
“Ayos ka lang, kuya? May problema ba?”
Namilog ang mga mata niya. Mabilis siyang umiling at ngumiti. Pansin ko kasi, malaki ang ibinawas ng timbang niya, at parang hindi siya mapakali. Hindi makwento si Kuya. Ngunit masipag siya, mabait, at siya na halos ang bumubuhay sa amin kaya bilib na bilib ako sa kanya.
“Ikaw na ang magsisilbing panganay dito kaya magsikap ka… Pasensya na at…hindi na kita mapapaaral sa kolehiyo, Denver,” bigo niyang bigkas.
Umiling ako dahil sa totoo lang, hindi ko naman pinapapasan ang responsibilidad na iyon sa kanya. Magsisikap nalang akong makakuha ng scholarship. Ngunit alam kong hindi talaga sapat iyon dahil mahal ang matrikula lalo na sa kolehiyo. Aanhin ko ang scholarship kung wala akong panggastos araw-araw? Lalo na’t ang mga nakukuha namin sa 4Ps ay hindi na rin sakop ang pang kolehiyo ko.
Doon na rin ako unti-unting natutong maghanap ng trabaho at natutong pumasok sa mga gig total marunong naman akong kumanta. Hindi naman ako matatanggap agad dahil sa edad ko, pero mabuti nalang at mabait ang manager ng isang bar na si Sir John.
Ang pera ko na pang gig, inipon ko para kung maka graduate agad ako sa Senior High, iyon ang gagamitin ko para makapagkolehiyo agad. Kaso nga lang, nagkasakit si Rio.
“Ayos lang, ma… Mag-iipon nalang ako ulit,” sabi ko, na naiintindihan ko ang sitwasyon namin.
Nauunawaan ko naman. Pero may parte sa akin ang gustong may marinig sa mga magulang ko. May parte sa akin ang nanglilimos ng mga salitang hindi ko pa narinig sa kanila.
Naiinggit ako sa mga kaedaran ko sa totoo lang. But because my brother had already stepped out of the house, I am now obligated to continue what he built first for our family. Ako na ang nagsisilbing panganay, lalo na’t lalaki rin, kailangan kong magtrabaho para sa pamilya namin.
“Hindi uuwi si Jasver ngayong summer?” tanong ko kay Ancent nang tumambay kami saglit sa tindahan habang umiinom ng coke.
She smirked at me. “Miss mo?”
My expression twisted. “Maganda kasi sana kung sa bahay nila tumambay ngayong summer. Mas maraming magagawa sa bahay nila.”
“Subukan mo sa bahay namin. Mas marami tayong magagawa,” natatawang biro ni Ancent na ikinangiwi ko at sinipsip ulit ang straw ng aking soft drink.
“Punta nang punta sa Siargao. May chica ata doon…” aniya.
“Chica?”
“Babae,” si Ancent na humilig sa tindahan at nang-aasar ang ngiti sa akin. “Asar namin ’yon sa kanya ni Revi eh pabalik balik doon sa Siargao.”
May lahing spanish kasi ang pamilya nila. Pero…babae? May girlfriend na siya?
“Cha-chat ko. Sasabihin ko umuwi kana at namimiss ka ni Denver—”
“Tigilan mo nga ’yan,” putol ko at nailing.
“Sabi ng kapatid mo may gusto ka raw dito na kapitbahay eh,” mas tumamis ang ngiti ni Ancent, tila ba nakaabot na sa kanya ang mga tukso ni Rio sa akin.
“Bata pa naman kasi tayo noon. Ang uhugin mo pa. Pero ngayon na malalaki na, nagagandahan na ako sa’yo,” I immediately created an alibi.
Her eyes widened that she laughed unbelievably. It was my first try to have a girlfriend, at least. Hindi ko alam dahil ba nakukulitan ako kay Ancent dahil lagi niya akong inaasar kung nagtatanong ako kay Jasver, o dahil masyado akong guilty na ayaw kong isipin niyang gusto ko si Jasver. Kaya para patahimikin, g-in-irlfriend ko.
Kumalat iyon sa amin na kami na ni Ancent. Maganda naman kasi talaga si Ancent. Kaso ang boyish lang ng pormahan minsan kaya nagugulat ang iba na babae pala talaga.
“Bakit si Ate Ancent ang g-in-irlfriend mo eh si Kuya Jasver ang crush mo,” at sa lahat yata ng hindi ko makukumbinsi, si Rio.
“Tigilan mo ako, Rio. Pag nakaabot ’yan kay Jasver…”
“Ang alin?” Biglang sulpot ni Jasver, bagong gupit at nakatupi ang bawat manggas ng itim na t-shirt sa bawat dulo ng balikat niya habang inaangatan ako ng kilay.
I glared at Rio to warn him. Ngunit sa mabilis na kalabog ng dibdib ko, alam ko, hindi na ito normal.
I was in denial about it. Ang pagkakagusto ko kay Jasver ay pagkamangha lamang sa kanya simula noong bata pa ako dahil mabait siyang kalaro…at noong lumaki, hindi ko makakalimutang siya ang nagbigay ng liwanag sa bahay namin sa gitna ng paskong pinaka matingkad na araw sana sa bawat pamilya.
I knew that attraction was normal for a friend, as I don’t want to color it with something else. I was…probably in denial…but I know, at the back of my mind, I had a small admiration looming over the years—turning it into something colorful about myself—defining I might be just one of the rainbow community.
Turning nineteen ako noon, tandang tanda ko kung paano ko inaming…ganoon nga ako. When Tita Lora finally got her Visa, married someone in Switzerland and got a stable job, she reached out to my father and told him, she would shoulder my whole college fee.
My father has always been a good brother, that’s why his sister wants to help me instead, at least in exchange for the good things he did to her when they were young. Iyon ang sabi ni Tita Lora sa akin na masasabi kong mabait si Papa kahit mukhang siga.
Sa isang malaking prestihiyosong paaralan ako sa Maynila nag-aral, isa sa pinaka kilala at malaking unibersidad kung saan nagkaroon din ako ng tsansang makapasa sa scholarship program kaya hindi ganoon ka bigat iyon.
Break time ko iyon at nagpasyang lumabas para bumili ng maiinom. I noticed a tall man who entered, wearing the lace of the ID I am wearing as well, while he looked pissed about something. I couldn’t take my eyes off him for some reason. Siguro dahil maangas siyang tingnan at may naaalala ako, o dahil na rin kapansin pansin ang tindig niya at akala mo modelo ng malalaking sikat na brands.
Sanay na ako sa mga ganoong lalaki lalo na’t nagkalat sila sa university na pinasukan ko. There were a lot of elites in the school and the hallway would look like a runway because of the way everyone carries themselves. Ngunit iba ang dating niya. Kahit hindi naman siya malapit sa akin, naaamoy ko siya.
Noong tinawag ako at nag-aamba nang kunin ang inumin ko, medyo nagulat ako na iyong matangkad, naka buzzcut, naunang kunin ang order ko. Medyo nakakaturn-off. Guwapo nga, bingi naman.
I didn’t argue anymore because he looked like he would punch me once I complained even more. He has that intense gaze, which would warn you to stop talking, or else you will lose one of your teeth if you didn’t shut your mouth. Guwapo nga, mukha namang basagulero.
I looked at his own name on my drink. Aldric. Napagkamalan niya dahil medyo magkatunog ang pangalan namin. Kinunan ko iyon ng picture at gustong magparinig mamaya sa Facebook ko.
“Angela likes you so much. Crush na crush ka kaya ikaw ang gusto niyang maging last dance niya,” si Brent nang sumulpot dito.
Kilala ko siya noong Senior High dito sa Maynila. Varsity siya sa school at malaki ang circle kaya nagkaroon kami ng common friend dahil may hiningan din siya ng number na kaibigan ko noong mga panahong iyon.
“Baka may gig ako sa gabing ’yan,” sabi ko kay Brent na nakatuko ang mga kamay sa mesa ko, ngumunguso saglit sa kabilang table at ibabaling lang ang tingin sa akin sa tuwing nagsasalita na ako.
Sa kabilang table, nandoon ang iba pang kaibigan niyang inuukupa ang table noong Aldric na medyo bobo at nang-agaw ng drinks na hindi naman sana sa kanya. But I let it slip since he seemed hotheaded. Baka pag ipinilit ko, maghamon na ng suntukan.
“Angela actually said you can perform on her birthday, and she will pay you for that. That girl is desperate,” marahan siyang natawa at pinasadahan ng haplos ang buhok.
Napunta ang tingin ko sa table ng kaibigan niya at nahuli ang tingin nito. Inangatan niya pa ako ng kilay, tila ba nanghahamon ang tingin at pasimple akong inaangasan. Yabang. Bingi naman.
Pumayag ako sa gusto ni Brent dahil na rin naisip ko na pagbigyan nalang ang kaibigan niya.
Iyon nga ba?
“Sino nga ’yang naka buzz cut?” the girls on the table asked when I joined them on Angela’s eighteenth birthday party.
At siya pa ang naging topic sa table kung saan ako pinahalo dahil may kakilala rin na babae. Lahat ng atensyon ay nasa anim na matatangkad na mga lalaking sumasayaw ng isang rap na kanta. Kahit iyong maangas na kumuha ng drink ko, natatawa sa kahihiyan nila at pansin kong napipilitan lang.
I’ve seen how he laughed and danced smoothly, which I found amusing since his snobbish aura diminished for a while, making him look like a happy little kid who found a perfect playground for himself. Ganoon siya ka saya tingnan na hindi mo iisiping kaya niyang manigaw…o manakit man lang.
“This one? ’Yung mukhang badboy?” natatawang pakilala ni Brent nang mahila niya ito, magkasalubong na ang kilay at busangot, may dala pang kutsara.
Maybe he reminds me of Jasver because of his snobbish expression that I found him interesting, or… it was something I couldn’t control again.
I’m guilty. Nasa wastong edad na ako at naiintindihan ko na kung ano ang nararamdaman ko. At hindi ko alam kung bakit…pakiramdam ko, nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki.
I wanted to deny it, but when I accepted Angela’s friend request on Facebook and she was live, instead of looking at the girls, I found myself checking the boys behind them. Natatakpan siya ng kaonti habang nakaupo sa mesa kasama ang iilang boys at kumakain sila ng pizza, habang ang mga girls ay nakatayo sa harap ng phone at kumakanta.
“Hey I just met you, and this is crazy! But here’s my number, so call me maybe!” maligalig na kanta ng mga girls at may binabanderang number sa isang papel.
The girls were too loud from singing and dancing, as if they were in a music video, while the boys were busy talking and munching their piece of pizza.
Tumagilid ang ulo ng nakabuzz-cut kaya nakita siya sa camera. Nahulog ang suot niyang hoodie saka niya dinaanan ng haplos ang buhok, titig na titig sa camera. He showed his middle finger which made me laugh. Ang angas talaga.
Tumayo na iyong Cervando na pamilyar sa akin at nakasama ko sa soccer noong Senior High pa lamang ako, saka niya kinuha ang phone at itinakbo papunta sa boys.
Rinig ang hiyawan ng girls habang natatawang ipinasa noong Cervando sa boys, kinuha noong medyo kulot din, hinila ang t-shirt niya at ipinakita ang abs kaya humalakhak ang boys. Noong inambahang abutin ni Angela, ipinasa agad na muling ikinagalaw ng camera hanggang sa bumalandra ang front cam, mukha noong naka buzzcut na hinaplos ang buhok at magkasalubong ang kilay na tumingin sa camera.
Halos pigilan ko ang paghinga kahit alam kong hindi niya naman ako nakikita. But the way he lazily looked at the camera using his expressive eyes, I was too stunned to even take my eyes off him.
“Hi,” he said seriously in a little rasp.
I swallowed hard.
“Rick akin na! Isusumbong kita kay Keycee!”
“Tss. Sino ba siya?” He even rolled his eyes snobbishly with a smug on his face.
Inambahang abutin ng girls ang phone sa kanya kaya tumayo ito at itinaas ang kamay niya. Noong natatawa siyang tumingala, siguro natutuwa sa pang-aasar sa girls, ngumuso ako.
The live was three straight long, but my attention was only glued to his small interactions when he would show his middle finger, furrow his brows and push the camera out of his face, and laugh with the boys’ jokes that made me realize I stayed on that live because of him.
Kaya ko pang itanggi ang kay Jasver, pero ito…alam kong huling huli ko ang sarili ko.
“Kuya, alam kong mali…” bigo kong pag-amin nang hindi ko na kayang itago pa. “Pero hindi ko mapigilan na magkagusto sa lalaki.”
After how many years of running away, denying that I am not what society condemned, I finally got the courage to admit that I might be bisexual.
“Papatayin ako ni Papa kung nalaman niya. Natatakot ako, kuya. Alam mo kung gaano siya ka galit sa bakla…”
My brother sighed. “Denver, huwag mong isipin ang sasabihin sa’yo ng nasa paligid mo. Kung ganoon ang tingin ni Papa sa ibang bakla… ikaw…patunayan mo sa kanya na may katulad mo na matino. Na hindi lahat ng akala nilang bakla, bastos at…salot.”
Si Kuya lagi ang takbuhan ko sa tuwing kinakain ako ng konsensya. Sa tuwing nasisikipan ako sa pagtatago. Kung magpapakatotoo ako, alam kong mabibigo ko si Papa at magagalit siya sa akin.
Minsan, gusto ko iyong kusang aminin, ngunit sa tuwing may naririnig ako, mas nanliliit ako sa sarili ko na talagang nakakadiri ang tingin ng iba sa amin.
“You know, Rick is actually a full package. But I heard a lot of rumors about him for being homophobic. He always has beef with the gays…” ang usapan ng mga girls sa sinalihan kong club sa school para magpakain ng mga stray cats.
May kuting kasi kami sa bahay, si Milo. Iyon nga lang, dahil hindi napapakain, nangangapitbahay nalang. Si Rio din namann kasi, hinahayaan niyang tumawid at kunwaring hahanapin sa bahay nila Jasver dahil nandoon ang batang kapatid ni Jasver na si Kittie, mukhang crush niya.
Tumingin ako sa mga babae ngunit binawi rin. Kilalang kilala ko ang pinag-uusapan nila.
“Maybe he’s one of them? Just closeted?” biro ng isa at bahagyang natawa.
Hindi na bago sa akin ang ganoong rumor kay Reagan, lalo na’t sa mga kakilala ko ring bakla sa school, kilala nila si Rick na inaangasan daw sila at iniinsulto. They even mocked him for taking law, but he is closed-minded.
My curiosity for him during my first-year college was just a phase I wanted to bury down together with my little secret that I am bisexual. It was the least thing on my mind since I know I might hurt my family if I come out as…gay.
At nakaka turn-off din magkagusto sa kanya. He’s violent. Ayoko sa mga ganoong lalaki.
Tuwing summer, binubuhos ko lagi ang oras ko sa pagtatrabaho. Iba ang gig ko sa District One, iba rin sa mga kaonting raket kung saan kinukuha ako sa mga maliliit na okasyon para kumanta. Malaki ang nakukuha ko sa lahat lahat ng trabaho, pero dahil hindi lamang iyon para sa sarili ko kundi para sa buong pamilya, doon ko nakita na sapat lamang ang sahod ko para makatulong ako sa aming pamilya.
“Ibili mo ’yan ng handa mo bukas ha! Bili ka ng cake. Sarili mo muna,” si Tita Lora nang makipagvideo call at binigyan ako ng three thousand.
Nahihiya ako lagi kay Tita dahil ang bait bait niya sa akin. Kaya kahit ang bigay niya, itinutulong ko nalang din ang iba sa pamilya namin para naman mapunta iyon sa magandang bagay.
Nakaupo sa sala, binibilang ang lahat ng perang nakuha, itinatabi ang iba kong hinahati para kay Rio, para kay Mama…para kay Papa…hanggang sa nakita ko na isang daan nalang ang natitira sa akin, hindi pa kasya…
Binasa ko ulit ang text ni Mama.
Mama:
Denver. May utang na 3k sa tindahan anak. Kumuha ako ng isang sakong bigas at umutang din ng beer ang Papa mo. Baka may extra ka diyan.
Noong maalalang kasya lang din ang bigay ni Tita Lora sa akin para sa tindahan, may parte sa akin ang biglang nadismaya.
Nanginig ang kamay ko, at sa hindi malamang kadahilanan, humikbi ako. Bakit ang hirap hirap ibigay sa sarili ko ang gusto ko? Para akong pinagdadamutan mismo ng tadhana. Kulang pa ba ang trabaho ko na…kahit para man lang sana sa sarili, wala nang natitira? Ni wala man lang akong naitatabi para sa birthday ko para bukas… o kahit cake man lang sana…hindi man lang kasya.
Ang babaw ko ba para iyakan ito? Na sana kahit cake lang… kahit iyon nalang ang maibigay ko sa sarili ko total kaarawan ko, kahit iyon nalang…pero ang hirap hirap. Hindi ko naman pwedeng unahin iyon at ipagpaliban ang mas importante…lalo na’t alam ko, kahit si Mama, sasabihin lang na marami pa namang taon. Na baka next year, pwede ulit na doon nalang bumawi.
Kuya:
Den, sorry. Hindi ako matutuloy.
Mas lalo akong nanlumo ako sa text ni Kuya. I expected that he would come here and bring something at least so we could celebrate my birthday. Ang sabi niya kanina, nasa MOA na siya. Nangako siya eh. Ngunit baka nga parusa ito ng langit sa akin na gaya ng sabi nila, hindi kami tanggap at makasalanan ang pagiging bakla.
Binitiwan ko ang pera sa lamesa at umupo sa harap ng keyboard ko saka nagpasyang tumugtog. I promised myself that if I cannot control my hands from hurting myself, I would rather play piano. I would rather distract myself with less torturing… less physically painful…
Ako na yata ang pinaka miserable sa gabing iyon sa unit. Minsan…naiisip ko nalang na baka kung tumalon ako sa balkonahe…matatapos din lahat ng bigat…lahat ng iniisip ko.
Unexpectedly, the balcony on the other side wasn’t empty. May nakatayo roon at naninigarilyo. Hindi lamang kung sino, kundi ang lalaking pumatid sa akin sa kakatago ko sa sekswalidad ko.
Ang plano ko sa gabing iyon, kahit ang tumatakbo sa isip ko, hindi ko man lang magawa dahil ayoko namang may makakakita sa maaaring gagawin ko.
I silently watched the moon and wondered why I always get the end of the stick. May…nagmamahal ba sa akin? May handa bang tumakbo ngayon patungo sa akin kung sinabi kong pagod na ako, at hindi ko na kaya kaya gusto ko nalang tumalon sa building na ’to?
Kaya kong magtrabaho para sa pamilya ko. Kaya kong magparaya sa pangarap ko at unahin muna ang kapatid ko. Kaya kong ibigay lahat ng pera ko dahil alam kong mas kailangan iyon ng pamilya ko. Pero…paano naman ako? Bakit pakiramdam ko, walang may kayang gumawa higit sa kaya kong ibigay para sa iba?
My thoughts were blocked when he suddenly offered his stick, coaxing me to smoke with him. Tinggihan ko iyon dahil hindi naman ako naninigarilyo. Ang rami ko na ngang problema, magdadagdag pa ba ako ng problema sa baga?
“Takot ka sa akin?” he asked worriedly.
Nagulat ako sa tanong niya. For some reason, the rumors I heard about him that he was hurting those gays don’t make sense to me because of his gentleness.
Ibang iba ang kislap ng mga mata niya sa gabing iyon. Ibang iba ang katahimikan niya. He looked like the loneliest man on earth. Hindi ko nga alam kung sino ang mas miserable sa amin sa gabing iyon.
Nagmamadali nga lang siyang umalis nang may tumawag sa kanya. Sa mismong limang minuto bago sumapit ang kaarawan ko, naiwan akong mag-isa sa balkonahe. I looked down to check if I could do it now, and if someone would interrupt me, I would take it as a sign that…
“Baka gusto mong sumama?” biglang tanong ng pamilyar na tinig ng kung sino.
Natigilan ako at wala sa sariling napalingon sa nagyaya. It was Aldric, the least person I expected to pop out, who showed up on the front door of his balcony again, panting a bit, as if he just ran back to invite me.
“Sa bahay ng kaibigan ko. Iinom kami. Baka gusto mo?” agap niya.
“Hindi ako umiinom,” tanggi ko.
“Talaga? Bait ah…” he smirked and gestured that he was now leaving.
Ngumuso ako, muling tiningnan ang ibaba ngunit narinig ko ulit ang boses niya.
“Talagang ayaw mo?”
Nagulat ako lalo na’t tumalikod na siya kanina, ngayon, sumilip pa sa bukas na pinto ng balkonahe niya. I shook my head again and laughed a little. He frowned a bit and rolled his eyes.
“Bibilhan kita ng cake sa birthday mo, ayaw mo pa rin?”
Funny cuz…it’s already twelve midnight. It’s my birthday…and he got a silly thought to buy me a cake…
Maybe God has really His ways to show me that I needed to fight more so I could…have that birthday cake. And Reagan didn’t know that our small interaction saved me…
Sir Johnie:
Kung gusto mo ng malaking kikitain Den, kumuha ka ng banda mo. Mas malaki ang bigay pag banda.
Instead of celebrating my birthday, my own gift to myself is to try it again. To find hope that I could do it.
Jasver:
Baka nasa Siargao ako niyan. Si Arron, sasabihan ko.
I tried asking him if he still plays drums and he might be interested in joining me to play in District One, pero tuwing summer din kasi, napapansin ko umuuwi sila sa probinsya nila. Mabuti nalang at iyong pinsan niyang si Arron, ang pamilyar na pinakilala niya sa akin noon, ay marunong din palang mag drum at pumayag naman.
“Same school pala tayo pero bakit hindi kita nakikita?” Arron interrogated as soon as we met up and started practicing our songs for tonight’s gig.
“Busy ako sa club na sinalihan ko sa school, may org din lalo na’t journalism ako at…”
“Girlfriend?” he added and chuckled while slightly playing with the drumstick.
Umiling ako. Umangat ang kilay niya habang napunta naman ang tingin ko sa kinakandong kong gitara. My chest was beating so fast, nervous for what I was about to say…
“Bi…” I uttered in a whisper.
“Hmm?” Medyo hindi niya yata ako narinig.
Lumunok ako, titig lamang sa gitara ko, naiisip na…ito ang magiging unang beses na lalabas ako sa isang tao kung sakali man. Hindi ba ako nahihiya na sa kanya ko mismo aaminin? But…I wanted to…try at least.
“Bisexual,” I uttered bravely despite the loud banging in my chest.
Nabibingi ako sa sarili kong boses, hindi ko alam kung…narinig niya ba o nagulat siya.
“Ah…bisexual.” He nodded calmly, without taking it as an insult…but rather a simple word to describe someone who’s attracted to their same gender.
Somehow, I find him comforting. Siya na ang kasama ko sa mga gig at…hindi ko namamalayang nahuhulog ang loob ko sa kanya. He is straight, no experience, while I was already starting to get bold on my own sexuality.
“Anong pakiramdam na bisexual?” tanong ni Arron nang matapos na ang gig namin at kumakain kami. “You sway both ways. Boys and girls. Daming choices.”
“Kung kuryoso ka, subukan mo sa akin,” kibit ko na ikinamilog ng mga mata niya.
During my relationship with Ancent, I adapted some of her funny pick-up lines that I would sometimes use. I had a girlfriend after her too. Boyish din. Napapansin ko, attracted ako sa mga maangas tingnan pero magaan sa pakiramdam pakitunguhan. Jasver…Aldric…and now…Arron. Gusto ko rin siguro sa pakiramdam na napapaamo ko ang mga ganoon. Na…ako ang nasa ibabaw. Ako ang dominant.
At sa malawak na ngisi ni Arron, naiiling at halatang pinipigilan lang ang sariling matawa, alam kong medyo gumagana sa kanya ang mga hirit ko. Ramdam ko na kaonting interes pa ang ipapakita ko, bibigay siya sa akin.
He pulled out his phone and placed it in front of me. “Number,” aniya.
It started like that. Hanggang sa kahit tapos na ang gig, pasukan na ulit, tuloy tuloy na ang pagtetext namin at tumatawag na rin siya. We’re mutual. Ramdam ko iyon sa paraan ng pakikipag-usap niya lalo na’t may mga araw na talagang pinapahiwatig niya na.
“Pero hindi ko alam kung kaya kong…” he stopped when we talked about sexual things in a phone call.
“Top? Kung ayaw mo, ako nalang. Kaya naman kita,” I fired my jokes smoothly, which made him laugh.
“Hayop ah? Ang inosente ng mukha mo tapos ganyan ka kabangis? Totoo pala talaga ang naririnig kong balita sa inyo sa Cavite? Sige nga… Gawin mo nga sa akin,” natatawa niyang hamon.
“Sa boyfriend ko lang ’yon gustong gawin,” agap ko.
“Edi gawin mo akong boyfriend para magawa natin,” hamon niya.
“Huwag kang iiyak ha?” biro ko na ikinahalakhak niya.
We were so smooth with each other. Ang mga nakaw tingin namin lagi ay may kahulugan na at alam naming dalawa na parehas kaming may nararamdaman sa isa’t isa. He was thirsty to explore, and I was ready to feed his curiosity. Siya ang unang naging boyfriend ko…unang sinubukan ang mga kinakatakutan ko…
He was a match to light my fire… and I am the water to end his thirst.
Tinitigan ko ang ceiling nang matapos ang gabing iyon, ang unang karanasan ko. Somehow, there was a guilt at the back of my mind, as if…I disappointed someone for being in a relationship with a boy. Hindi mawala sa isip ko ang mga mata niya nang mahuli kami ni Arron na naghahalikan sa elevator, lalo na’t ang gulat at disgusto sa mga mata niya, halatang halata.
But because of Arron, I somehow forget that those homophobics would matter. He loves me.
Daniel Rio Ferrin:
Kuya, may kumakalat na tsismis dito. Kayo daw ni Kuya Arron. Lintek. Nahawa ba sa kabadingan mo?
I immediately called my little brother to ask about it.
“Parang alam na rin ni Papa, Kuya. Galit na galit ’yon noong nakaraang araw. May hawak pa ng bote ng gin at sinisigawan niya ako na pag gagaya ako sa’yo, ibibigti niya ako patiwarik habang nasa loob ako ng sako. Hindi ako na offend total mga halaman ang kaharap niya. Akala niya siguro ako eh naka green t-shirt ako,” natatawang kuwento ni Rio.
I could feel my father’s wrath. I know that he would be angry, but I am willing to face him. Kaya noong Disyembre, nang umuwi ako sa Cavite para sa pasko, sa halip na selebrasyon ang matikman, ang galit ni Papa ang sumalubong sa akin.
“Hindi kana nahiya! Nagiging katatawanan na ako rito sa Imus dahil diyan sa kalokohan mo! Ano, gagaya ka roon kay Jepoy, naging bakla, may batang lalaking binastos? Magiging ganoon kana rin?!”
Kalat sa amin ang ginawang kabulastugan ni Jepoy. Noon pa man, hindi na naging maganda ang tingin ni Papa sa mga bading dahil halos ang mga bading dito sa amin, agresibo at talagang…nambabastos.
“Pa, hindi ako ganoon—”
“Anong hindi! Eh may boyfriend kana! Tingnan mo na ’yang pinaggagawa mo! Nagiging pariwara na ang buhay mo! Kaya pala ayaw mong mag Criminology dahil bading ka!” sigaw niya, inaambang pulutin ang isang upuan at gustong ihampas sa akin ngunit pinigilan lang ni Mama.
Tumahimik ako, tinanggap lahat ng insulto niya, lahat ng mga salitang iyon, na akala ko sanay na ako dahil lagi ko naman iyong naririnig sa iba, ngunit ang manggaling sa mismong pamilya ay mas doble pala ang sakit.
“Tama na ’yan, Ramil! Paskong pasko oh?” si Mama.
“Hindi ka nalang sana umuwi rito! Wala akong anak na salot!” my father shouted and threw the seat aggressively on the side, making my shoulder jump a bit.
Siguro, matatanggap din naman ako. Na ang pagkakaroon ng anak na bakla ay magiging swerte din sa kanila dahil kilala naman kaming masisipag, may matayog na pangarap, at marunong dumiskarte. But for my father, I was the living shame in his family name.
“Ang dalagita ni Ramil!” kantyaw nila Tito Arnold nang sunduin ko si Papa, sa mismong New Year lalo na’t pinapauwi na siya ni Mama sa bahay.
“Pa…uwi na raw…” tawag ko sa kanya, yumuko at inambahan siyang patayuin.
My father glared at me, took the cigarette out of his mouth, and pinned it against my peeking collarbone. Humiyaw ako sa sakit, at sa sobrang diin, ramdam ko na bumabaon ang apoy sa balat ko.
“Magtino ka! Kung hindi, higit na rito ang gagawin ko pag pinahiya mo pa ako lalo!” hiyaw ni Papa habang inaawat siya ng mga kainuman niya.
I went home with a burn on my collarbone. Kahit humupa man ang sakit, alam ko, ang pilat na iyon ang magpapaalala sa akin na hindi ako tanggap ni Papa…
“Pag hinaluan ko ba ng zonrox ang gin ni Papa, malalason siya, Kuya?”
Nagulat ako sa sinabi ni Rio habang pinapanood niya akong gamutin ko ang paso sa balikat ko.
“Rio, gusto mo bang makulong?” giit ko na ikinaismid niya.
“Si Papa nga hindi naman nakukulong eh mali naman ang ginagawa niya.”
“Mamamatay si Papa pag ginawa mo ’yon. At hayaan mo na, mabait naman si Papa sa’yo.”
“Kasalanan talaga ’to ng mukha ni Kuya Jasver. Dapat magkaroon siya ng malaking tigyawat sa noo para pumangit siya.” Nangsisi pa.
Nanliit ang mga mata ko sa kanya. “Anong sinasabi mo?”
“Crush na crush mo ’yon, ’di ba? Nagpopolbo ka pa nga pag pupunta tayo noon sa bahay nila tuwing pasko. Pag dumadating na sila, dumadaan daan ka pa sa bahay nila para silipin siya.”
Hindi ako makapaniwalang…naaalala niya pa rin.
Despite how my father loathes me, masaya ako na tanggap ako hindi lamang ni Kuya Dennis, kundi pati na rin ni Rio. Hindi na ako naaapektuhan pa dahil sapat na ang mga taong mahal ako para mas ipakita ko sa iba na tanggap ko na ang sarili ko.
Si Arron din ang naging sandalan ko. Sa kanya ko sinasabi ang mga hinaing ko kay Papa, at sa kanya rin ako madalas mag open-up. Isa siya sa mga kakampi ko nang malaman niya ang ginawa sa akin ni Papa na kulang nalang, sumugod siya sa amin at gusto niyang makipagsuntukan kay Papa. Kaso alam kong hindi niya naman talaga iyon kayang gawin dahil baka siya pa ang mabugbog pabalik ni Papa sa laki ng katawan no’n.
“Gusto mong lumabas?” hawak ni Arron sa kamay ko, nasa unit ulit kami, topless siya at nakaupo kami sa sofa.
When I couldn’t give another birthday gift for myself, I wanted to try it again. And this time, I want to step out.
Tumango ako. “Sa susunod na school year…”
Kita ko ang ekspresyon niyang hindi sigurado, pero dahil gusto ko, unti-unti siyang tumango at sinuportahan ako. Nag-uumpisa na rin naman kaming humakbang lalo na’t siya na ang laman ng stories ko sa social media. Pero siguro, iba pa rin talaga kung…naririnig mo na mismo.
“Anong sabi mo?!” ang matinding pagsiklab ni Arron at hinigit na ang kwelyo ng kung sino sa table nila Brent.
It was our first day in a public place to show everyone that we are a couple—we are dating. Ngunit sa hindi inaasahan…ang taong mismong nagbigay sa akin ng pag-asa sa gabing iyon, ay ang taong nang-iinsulto sa akin ngayon.
I was hurt. Lalo na’t noong pinigilan ko si Arron na suntukin siya, kita ko ang ibinigay na pandidiri at disgusto niya sa akin, na ako ang dumi sa malinis niyang paligid, ako ang salot sa…payapa niyang mundo.
But then, I expected this. There will be judgements once you are out. And I promise to myself I will stand with Arron; I will protect him too. Sinamaan ko si Aldric ng tingin at ipinarating na hindi ako madudurog sa mga kagaya niya.
“Gagong ’yon! Akala mo kung sino!” galit na saad ni Arron nang tuluyan ko siyang mahila palayo sa kanila.
“Hindi mo na sana pinatulan. Baka nagbibiruan lang—”
“Biruan? Anong biruan sa sinasabi nilang gipit ako kaya sa bakla ako kumakapit? Biruan ’yon?” he said aggresively and pulled his arm back to him when I tried to touch him.
Nagulat ako sa galit ni Arron. Gusto ko siyang hawakan ulit, ngunit dahil sa paglayo niya sa sarili niya sa akin, unti-unti akong…nanliit.
“Kailan kita pinerahan? Sino ba kasing nagpapakalat na binilhan mo ako ng kotse? Edi pag-iipunan ko ’yung pinanggastos mo at ibabalik ko!”
“Arron hindi na kailangan—”
“Babayaran ko nang maisampal ko sa mga ’yon na hindi kita piniperahan!”
I shut my mouth. Kakaalis lang namin sa parking lot, ngunit hindi ko man lang siya magawang hawakan dahil sa galit niya. Ito ang unang beses na sumiklab siya, galit na galit at ramdam ko na napikon siya ng mga insultong narinig niya sa kanila.
I was already used to the insults since I could hear them everywhere. I already prepared myself for it. But maybe for Arron, who just tried to step out because he has me, slowly realized he wasn’t prepared for it.
Denver:
Hindi ka pupunta rito?
After that incident in the cafe, he became distant. Ramdam ko ang lamig niya, at kahit ang yayain ako sa labas, hindi niya na ginagawa.
Arron:
I’m busy. Let’s just call.
He…was slowly trying to hide me. Oo, alam ko naman na pinoprotektahan niya ako kaya tinatago niya na ako ngayon sa likod niya, pero hindi ko maiwasang…ang isa sa rason niya ay dahil…nahihiya na rin siya.
“Bawal siyang hawakan,” sita ko sa nag-aambang estudyanteng kargahin sana ang pusa.
Isa iyon sa ipinagbabawal namin lalo na’t may iba sa pusa, baka mangalmot pag napasobra ang lambing. Ang lalaking maputi, nakasuot ng green hoodie, singkit ang mga mata, medyo sumimasangot sa pagbabawal ko.
“Bakit bawal?” And despite his innocent face, his gaze seemed judging.
“Ah…may club kami na may mga estudyanteng nag-aalaga sa kanila at nagpapakain.”
Kita ko ang pagiging kuryoso niya. “Pag sumali ba ako, pwede ko na silang hawakan at pakainin?”
Doon ko napagtanto kung bakit siya pamilyar. Siya iyong kasama nila Brent sa table na iyon na maputi at singkit na lalaki, ang pinaka maliit na kaibigan ng matatangkad na kilalang varsity sa school. Si Shiloh.
Nakagaanan ko agad siya ng loob dahil magaan siya kausap at medyo nagiging madaldal na. Sa akin niya madalas sabihin ang hinanakit niya kay Brent lalo na’t unti-unti na kaming nagiging close.
“Alam mo ’yon, pakialamero. Ang laki ng katawan pero napaka kulang sa pansin,” muli niyang lintanya sa akin habang nakayuko siya, may hawak na cat treats at pinapakain sa pusang si Kaki.
Nag-away yata sila dahil ang strawberry na Mogu Mogu niya na ipinalamig niya sa ref, ininom daw ni Brent.
“Parang ’yung kaibigan niya rin. Ang laki ng katawan pero ang bobo,” ismid ko nang maalala ang nangyari sa cafe kaya nagkalabuan kami ni Arron.
Alam ko naman na ang nangyari sa cafe ay isang sampal sa kanya. Ni ayaw niya nang nakikita kaming magkasama sa school. Ayaw niya akong puntahan sa classroom ko at mas gustong sa uwian nalang, sa unit ko, o di kaya sa District One.
“Ay bakla, kinakahiya kana,” kahit si Sir John, iyon na rin ang tingin sa madalas na pag-iwas ni Arron sa akin. “Kaya ang hirap makipagrelasyon sa straight talaga. Sila ang unang nahihirapang tanggapin ang sarili nila.”
I could already see the breakup nearing. I could feel it. Lalo na’t sa mismong gabing iyon, nang hindi siya sumipot at sa text lang idinaan ang gusto niya, alam ko na agad na masyadong mabigat para sa kanya ang napasukan namin at ayaw niya nang malagay ulit sa ganoong sitwasyon.
Arron:
Magpahinga muna tayo. I’m sorry, but I need some space, Den.
Mabigat sa akin ang gusto niya ngunit tanggap ko…unti-unting nauunawaan kahit masakit na ang unang tumanggap sa akin bilang ako, ay ang taong tinalikuran din ako.
Shiloh:
Gusto raw humingi ng tawad ni Rick.
At itong gagong ’to, ang kapal din ng mukha. Kainin niya ang sorry niya. Nguyain niya total naman maangas siya. Panindigan niya nalang ’yang kabobohan niya.
Denver:
Huwag na, Shiloh. Hindi ako komportable sa kanya. Pakisabi na rin.
And weeks later, that buzz-cut guy who insulted us was now taking accountability for his mistake. Hindi lang naman siya ang nang-iinsulto sa amin, marami actually. Pero siguro nga, mas masakit lang pag galing kay Aldric dahil umasa ako na ang kaonti naming pag-uusap sa gabing iyon ay sapat na para maging mag kaibigan kami.
“Oh? Napano ’yang labi mo? Sinuntok ka ng papa mo?” usisa ni Mama nang maabutan ako sa bahay at kinuha ang iilan kong gamit para sa unit nalang manatili.
When my father found out about the rumor that I bought Arron a car, my father was so furious that I got a rough beating from him. Umuwi ako dahil birthday ni Papa, pero suntok lamang ang napala ko.
Pumasok nang tuluyan si Mama sa kuwarto at umupo sa kama ko. “Ano ’yung naririnig namin ng Papa mo, binilhan mo pala ng kotse iyong pinsan ni Jasver na si Arron.”
“Ma, hindi ’yon totoo. Umambag lang ako sa pagpapaayos,” sabi ko na ikinaiba ng reaksyon niya.
“At magkano?”
I couldn’t answer it. Malaking halaga iyon at alam kong magagalit lamang siya. Extra ko naman iyon. Ipon ko. Mababawi ko rin ’yon sa kikitain ko ulit sa gig. Birthday gift ko lang din kay Arron nitong taong ito.
“Kung itinulong mo pa ’yon rito sa bahay natin, edi sana hindi ka ngayon pinagpipyestahan ng tsismis. Hindi rin siguro magagalit ang Papa mo sa’yo. Sa halip na kami ang unahin mo…” ramdam ko ang kontroladong galit at tampo ni Mama sa ginawa ko.
I gritted my teeth. Unahin? Eh buong buhay ko…simula noon, sila naman na ang inuuna ko.
“Isang beses lang naman ’yon—”
“Piniperahan ka lang niyan, Den. Matutulad ka lang kay Jepoy. Tingnan mo nga ’yon, sa sobrang pagkakabakla, kahit ang bata kaya nang bastusin dahil walang pumapatol na lalaki at wala naman siyang pera. Tingnan mo ang kinahantungan, nakulong.”
Isinara ko ang zipper ng aking bag at hindi makapagbigay ng opinyon doon. Pagod na akong marinig ang paulit-ulit nilang pangungumpara sa akin sa baklang si Jepoy, na tingin nila, magiging ganoon din ako.
Bumuntonghininga si Mama at kinuha ang pitaka kong nasa kama nakalapag. “Baka meron kang limang daan? Wala nang pambiling bigas bukas.”
“Wala na, Ma…”
“Wala na kasi inubos na noong lalaki mo?” dugtong niya at iritado na.
Kinuha ko ang pitaka ko sa kanya at hindi na sinagot pa ang sasabihin niya. Ang natitirang dalawang libo ay pamasahe ko nalang at allowance ko.
“Nakakapagbigay ka naman lagi, Den. Pero simula noong naging ganyan ka, hindi kana halos nagbibigay. Minsan, konti nalang,” ani Mama, tumayo at sinundan akong lumabas ng kuwarto.
Lahat ng sweldo ko, binibigay ko sa kanila. Minsan, wala nang bawas dahil alam kong mas kailangan nila iyon dito sa bahay. Pero nasa third year na ako. Kahit pa scholar, may mga gastusin pa rin sa school na hindi na sakop ng scholarship ko.
“Wala na akong pera, ma—”
“Alam kong meron ka pa diyan at ipinagdadamot mo lang dahil ibibigay mo ’yan sa lalaki mo.”
“Ma, wala na nga. Itong natira rito, pamasahe ko ’to—”
“Ang damot damot mo na. Eh minsan nga limang libo pa ang binibigay mo linggo linggo. Kaya nagagalit ’yang Papa mo sa’yo dahil inuuna mo na ang ibang tao kaysa sa pamilya natin!”
Nanlabo ang tingin ko. Ito ang unang beses na wala akong maibigay…unang beses na gusto kong magdamot hindi dahil pagod na ako sa kanila, kundi dahil walang wala ako ngayon.
“Ma! Ngayon lang ako tumanggi! Ngayon lang!” medyo tumaas ang boses ko, na sana maintindihan niya ako kahit ngayon lang. “Walang wala ako ngayon, ma! Hindi naman kasi pwedeng magtrabaho ako lagi kasi inaalala ko rin ang grades ko!”
“Sus! Dinadahilan mo pa ’yang college mo! Ang sabihin mo, ginagastos mo diyan sa panlalalaki mo! Kaya galit na galit sa’yo ang papa mo dahil sa halip na tumulong ka ngayon sa atin, sa hirap ng buhay, nasisingit mo pa ’yang kabaklaan mo—”
“Wala nga akong binibigay na pera sa kanya! Bakit ba ang hirap niyong paniwalaan iyon! Iyong binigay ko noong nakaraang linggo sa’yo, ’yun na ang buo kong kinita, ma! Ang natira sa akin, sapat nalang para allowance ko—”
“Huwag kang sinungaling! Eh wala ka ngang ginagastos sa pag-aaral mo! Lagi kang pinapadalhan ng Tita Lora mo. Tingnan mo nga, kahit condo unit, doon ka niya pinatira para lang hindi ka gumagastos sa pamasahe mo, tapos ngayon, ito nalang sana ang ambag mo sa pamilya natin, pagdadamutan mo pa kami!”
“Ma! Wala na nga… Wala na akong pera. Lahat ’yon, inubos ko na sa inyo. Lahat ng kinikita ko, binibigay ko sa inyo! Lahat lahat! K-Kahit p-pambili ko nga lang sana ng luho ko, ng mga gusto ko, hindi ko magawa dahil mas binibigay ko sa inyo—”
“Oh, eh ba’t parang sinusumbat mo pa ngayon ’yan sa amin! Ba’t parang kasalanan pa namin ngayon na kami ang nanghihingi sa’yo! Saan ba dapat kami manghingi? Nagpapasalamat nga kami na ikaw ang meron tapos ngayon, isusumbat mo ’yan—”
“Hindi ko sinusumbat ma! Ang gusto ko lang, makita mo na wala na akong pera! Tumatanggi ako ngayon hindi dahil madamot ako, kundi dahil wala akong maibigay!”
“Wala na dahil inubos mo sa lalaki na ’yon! Ayan ang sinasabi sa’yo ng Papa mo eh! Hindi kana nagtino, Den! Binigyan mo na nga ng kahihiyan ang ama mo dito sa atin, tapos ngayon, nanunumbat ka pa na inuubos namin ang pera mo?”
Kailanman, hindi ko narinig sa kanila na proud sila sa akin na ako ang nagtatrabaho para sa amin. Kahit yakapin man lang sana ako, iparamdam sa akin na natutuwa sila sa ginagawa kong pagtatrabaho para sa amin, pero kahit iyon, hindi nila nagawa.
“Ngayon lang ako tumanggi, ma…kasi walang wala na ako. Isang beses lang akong tumanggi dahil pagod na ako…” mahina ngunit bumuhos na ang mga luha ko. “Pagod na akong ipagsabay ang pag-aaral at pagtatrabaho…Pagod na akong maghanap lagi ng raket para lang mapag-aral ko si Rio…d-dahil ganoon ka importante ang tingin ko sa edukasyon…Pagod na akong patunayan ang sarili ko sa inyo…Pagod na pagod na ako…ma…” hikbi ko.
“Lagi niyo nalang sinasali ang pagiging bakla ko. Lagi niyo nalang pinapamukha sa akin na…miserable tayo dahil ganito ako. Oo, siguro nga salot ang tingin niyo sa akin kaya ganito tayo ka malas sa buhay, pero ma…ginagawa ko lahat. Lahat lahat. Pagod lang ako ngayon…at isang beses lang…kahit ngayon lang, gusto kong magpahinga, ma.”
Hindi ako kailanman nagreklamo sa kanila. Hindi kailanman nanumbat, o kahit pinagdamutan man lang sila. Alam ko, sobra sobra na ang ginagawa ko para sa amin dahil ganoon ko sila kamahal…pero napagtanto kong…hindi nila ako kailanman tinanong kung maayos pa ba ako.
“Ni…hindi niyo nga ako makamusta…kung kumakain pa ba ako sa wastong oras, kung sapat pa ba ang tulog ko sa isang araw. Naaalala niyo lang ata ako pag…gusto niyo ng pera,” iyak ko, na sa sobrang bigat ng kinikimkim ko, hindi ko iyon maiwasang sabihin sa kanya.
Nagulat si Mama, natitigilan.
“Tigil-tigilan mo ako diyan sa drama mo. Ayan ang ginawa ng pagiging bakla mo! Para kanang babae na ang bilis bilis umiyak! Masyado kang emosyonal kaya kaonting bagay lang, gusto mo na agad magpakamatay. Gusto mo na agad sumuko! Naglalaslas agad!”
“Kayo ang unang pumatay sa akin bago ko pa maisipang gawin iyon sa sarili ko, Ma…” Nanginginig ang balikat ko, na sa wakas, nagkaroon ng pagkakataong ilabas ang nararamdaman ko sa pamilyang ito.
“Unang beses…isang beses lang ito… Sa unang beses nagdamot ako, kasi iyon nalang ang meron ako, ang gusto kong itira sa sarili ko, pero galit na galit na kayo! Gusto niyo na agad ako itakwil! Para bang ang bigat bigat ng hinihingi ko sa inyo kahit ito ang unang beses na pinili ko ang sarili ko bago kayo!”
“Oo, pamilya tayo! Pero pamilya lang naman tayo kung kayo ang may problema! Kasi kung ako na…ako nalang mag-isa. Wala kayo para sa akin. Sarili ko lang lagi ang kakampi ko…laban sa inyo na dapat kayo…ang kakampi ko…kasi pamilya ko kayo.” Nanlalabo ko siyang tinitigan, hinang hina na bakit… “Bakit, ma? Bakit mag-isa ako lagi kung laban pala ito ng pamilya natin?”
“Pero hindi, ma. Kakampi niyo lang naman ako kung kayo ang may kailangan sa akin, kasi kung ako na ang humingi ng tulong, ang walang wala, naglalaho kayo bigla. Pinaparamdam niyo agad sa akin na ako dapat ang lumutas ng problema ko.”
Sa mga gabing iniiyak ko mag-isa ang problema ko, sa mga araw na kahit unawa at suporta lang sana nila…kahit iyon…wala akong naramdaman.
“Inubos niyo ako sa panahong kailangan kong magtira man lang kahit kaonti para sa sarili ko…”
My mother remained silent.
“Naalala niyo lang yata ako pag may problema kayo eh.” Punas ko sa luha ko, ngunit bumuhos iyon lalo.
“Oo, nagpapasalamat ako na nakakatulong ako sa pamilya natin. Nagpapasalamat ako na may naibibigay ako sa inyo kasi naiintindihan ko ang sitwasyon natin…pero…ma…paano ako? Kailan ko uunahin ang sarili ko?” I looked at her weakly.
“Gustong gusto kong magdamot sa inyo! Gustong gusto ko kayong talikuran at piliin ang sarili ko! Pero…ano pa bang ipagdadamot ko kung…naubos niyo na? Kung wala nang natira? Paano ko kayo tatalikuran kung…sa umpisa pa lang…mag-isa naman talaga akong lumalaban. Kayo…kayo ang matagal na akong tinalikuran. Kayo…na dapat pamilya ko…dapat nandiyan para sa akin…nakakaintindi sa akin…kakampi ko…kayo pa mismo ang sarili kong kalaban…”
“Sana nga naging madamot ako. Sana…inuna ko nalang ang sarili ko…sana pinili kong isalba ang sarili ko kung kayo lang din pala mismo ang hihila sa akin pababa!”
“Inangat ko kayo…inuna ko kayo…pero bakit naman ganito? Bakit sa tuwing pipiliin kong dalhin ’yang problema natin, nilulubog niyo ako? Ang bigat bigat niyong mahalin!”
“Kailanman ma, hindi ito naging laban ng pamilya natin. Naging sariling laban ko ito. Ako ang bumuhat…ako ang naghirap…at ako ang naubos…dahil ako lang ang mag-isang lumalaban…”
Nanlambot ang tingin niya at nangilid ang mga luha sa mga mata.
“Mag-isa lang ako kahit pamilya tayo…kasi pamilya lang tayo pag kayo ang may kailangan sa akin…”
It has been my realization since day one I tried to shrug off because, for me, I need to help my family. It is a duty of a child to help their parents—which is what society kept on barking, since all their lives as parents, they spent their time taking care of the kids. Kaya pag lumaki na, dapat marunong nang tumulong.
Kagustuhan kong tumulong, kagustuhang iahon sila sa kahirapan, pero akala ko ba, tatalikuran kana ng lahat maliban sa pamilya mo? Pero bakit sila pa mismo…sila pa ang unang tatalikod sa’yo kung wala kanang maibibigay?
“Si Mama, umiyak din. Ang sabi niya lang, marunong kanang sumagot sagot. Hindi raw ganoon ang pagkakakilala niya sa’yo,” ani Rio na pumunta agad sa unit ko nang malaman ang pagsuntok sa akin ni Papa.
Iyon ang unang beses na nasabi ko sa kanya lahat ng mga kinikimkim ko dahil hindi naman siya nagtatanong kung ano ang nararamdaman ko. At…sa halip na maunawaan kung saan iyon nanggaling, mas nakita niya pang kabastusan iyon bilang isang anak na sumagot sa magulang mo.
“Ilang taon ko nang ininda ang masasakit nilang sinabi sa akin, at ngayon na nagkalakas loob akong sabihin, ako pa ang naging bastos,” buntonghininga ko, pinigilan nalang ang luha dahil sa nag-aalalang tingin ni Rio sa akin.
“Ikaw pa nga ang mas naging magulang kaysa sa kanila, Kuya,” ani Rio na medyo pagalit ang tinig. “Si Mama, mas mabait pa sa ibang tao. Si Papa, puro na inom ang nasa isip. Bagay nga silang dalawa.”
Kung may totoo mang nakakakita ng paghihirap at sakripisyo ko, si Rio iyon.
Siya minsan ang pinanghahawakan ko na hindi ko kayang saktan ang sarili ko dahil kailangan pa ako ng kapatid ko. Paano nalang ang kapatid kong si Rio kung…nawala ako?
On that night, I decided to distract myself again and chose to play the piano instead. Lagi kong pinapagod ang kamay ko sa pagpapiano sa halip na…gamitin iyon para saktan ang sarili ko.
But every time I wanted to jump off the balcony, he would always be there…like a reminder from Him that he would never let me give up.
Bakit ba sumusulpot siya roon lagi sa tuwing may mga ganito akong naiisip? At katulad noong unang naroon siya, hindi niya ako nabibigong patawanin dahil sa kabobohan niya.
“Pangit,” kutya ko sa picture na ipinakita niya, kahit ang totoo, namamangha ako na talagang ibang iba siya noong mahaba pa ang buhok niya.
He was so desperate that he showed more. Kagat ang pang-ibabang labi, magkasalubong ang kilay, ramdam ko ang kagustuhan niyang matawag na guwapo. Ang kapal din ng mukha. Nang-insulto siya pero ngayon nanlilimos ng puri.
Ngunit kahit nakakairita siya sa gabing iyon, sa ikalawang beses, napigilan niya na naman ako sa balak ko sa balkonahe. Lalo na’t naroon lang siya sa gabing iyon, kahit na pumasok na ako.
Naging makulit na siya sa sumunod na mga araw. Kahit sa Facebook, inaadd niya na ako. Hindi ko alam kung talaga bang sincere siya, o dahil lang may sinasabi si Shiloh sa kanya kaya sinusunod niya.
Rio:
Kuya, may pang exam na ako. Alala mo ’yung sabi mo mukhang siraulo mong kapitbahay? ’Yung maiksi ang buhok? Pinahiram niya ako.
Nagulat ako roon. Si…Rick? Bakit niya naman tutulungan ang kapatid ko? Bakit niya pinahiram? At…paano niya nalamang problemado ako sa exam ni Rio? Napaka pakialamero talaga no’n.
Denver:
Baka nanghingi ka roon ah? Rio hindi ko ’yon kasundo. Hindi kami magkaibigan.
Rio:
Lah mas lalong di kami magkaibigan, kuya. Makapal ang mukha ko pero di ako manghihingi do’n ah? Sabi niya kasi narinig ka raw niyang problemado kaya pinahiram niya ako.
Napakatsismoso pa.
Wala tuloy akong choice kundi i-unblock siya para ma-message ko. At sa mismong trabaho ko sa District One, pumunta pa siya.
May napapansin naman ako. Lalo na’t sabi ni Shiloh sa akin, nanliligaw sa kanya si Brent. He was open to me about his low-key admiration for Brent. Hindi ko inaasahan, pero si Brent kasi, openminded. He appreciates everyone. Kaya noong malaman kong nagugustuhan niya pala si Shiloh, hindi na ako nagtaka.
“Paano mo nalaman na ganyan ka? I mean…signs na…nagugustuhan mo ang kapwa mo lalaki?” he asked curiously that my suspicions about him and Shiloh grew even stronger.
Pakiramdam ko gusto niya si Shiloh. Lalo na’t mukha siyang miserableng tingnan ngayon, at baka naman nalaman niya na ang tungkol kay Shiloh at Brent. Close pa naman sila ni Shiloh. Baka…sa sobrang close niya kay Shiloh, hindi niya namamalayang nahuhulog na pala siya. Baka parehas lang din sa akin noon kay Jasver?
He looked so frustrated and problematic that he even offered he would help me out with Arron. Siya na yata ang pinaka tsismosong lalaki na kilala ko. Napaka pakialamero pa.
“O edi si Rio? Bakit ikaw ang nagpapaaral doon? Bakit hindi ang parents mo? Bakit? Anak mo ba si Rio?” At kahit ang sarili kong problema sa pamilya, pinakialaman niya na rin.
May parte sa akin ang naiinis sa kanya dahil hindi niya naman naiintindihan ang kalagayan ng isang mahirap dahil lumaki siya sa may kayang pamilya, may mga relatives na mayayaman, hindi katulad ng pamilya namin.
I tried to defend my parents that it wasn’t their fault because they were also victims of poverty. Ngunit alam kong sa likod ng isip ko, ilang beses ko na ring hiniling na sana, hindi na lamang sila nagkitang dalawa. Na sana, hindi nalang nagplanong mag-anak kung parehas silang walang pambuhay sa magiging pamilya nila.
Choice ko naman na pag-aralin si Rio. Ayokong mapariwara siya lalo na’t sa lugar namin, talagang may mga batang kaedad niya na bad influence at gusto ko siyang ilayo sa mga iyon. Siguro naging mayabang ako dahil gusto kong sundan ang yapak ni Kuya Dennis sa akin noong pinag-aral niya ako sa pribadong paaralan noong high school ako, kaya gusto ko, si Rio ganoon din. But I didn’t know that I would also carry the burden of our family. I would shoulder everything…while I was a student myself.
Hindi ko inaasahang makakausap ko siya sa mga ganito ka seryosong usapan. Doon ko rin unti-unting napapansin sa kanya kung gaano siya ka sensitibo pag usapang bakla. Lalo na’t sa mga rumors niya sa school, puro bakla ang nakakaaway niya, at minsan, nakakasagutan pa sa mga debate. Laman din siya ng confessions sa page ng school sa Facebook na laging pinapatulan ni Reagan sa Twitter.
May pinagmumulan naman kasi ang galit ng isang tao. At ramdam ko na…may malaking nagawa sa kanya ang mga katulad namin na…natitrigger siya. Alam kong…biktima lang din siya na sinubukang protektahan ang sarili niya.
“Kuya, crush na crush pala no’n si Avril Lavigne,” kuwento ni Rio lalo na’t nagiging close na sila at nandito siya sa unit ko.
Simula noong nagpa buzzcut din siya, para na silang naging magkapatid dahil kung umasta si Rio, akala mo kadugo niya iyon. Pinapagalitan ko siya tungkol doon lalo na’t ininsulto ako ni Reagan noon at ayokong insultuhin niya ulit ako sa bagay na ito. Kaya ko naman ang kapatid ko. Sadyang may mga araw lang na naaapektuhan ako pag wala akong nakukuhang extra na gig.
“Siya ba ang ginaya mo diyan sa haircut mo?” tanong ko kaya hinaplos niya ang sarili niyang buhok.
“Pa buzzcut ka rin kuya para trio tayo!” suhestyon niya na ikinangiwi ko.
“Halata naman na crush mo ’yon. Gano’n kaya ang type mo. ’Yung mala Kuya Jasver… Mga varsity. Matatangkad tapos parang mananapak.”
Ipinalo ko sa kanya ang unang nasa sofa. Noon pa man, ganito na ang bibig niya. Ngayon, hindi na siya matigil kakaasar sa akin. Wala naman akong nararamdaman kay Reagan, siguro noong…unang kausap ko sa kanya sa balkonahe, pero saglit lang ’yon at nabaling agad kay Arron.
Kaya ngayong wala kami ni Arron at humihingi ng space sa akin, gusto kong magfocus nalang muna sa sarili. Ayaw ko ring isipin niyang pinagsasamantalahan ko ang sitwasyon namin para…magkagusto sa iba. Nirerespeto ko ang sa amin ni Arron dahil iyon din ang unang relasyon ko na nagpakatotoo ako sa sarili ko.
Kaso may napapansin talaga ako kay Reagan. Lalo na ngayon na panay siya send ng pictures. Kulang nalang, kahit ang paghakbang niya, kunan niya ng picture at i-send din sa akin. Makapal talaga ang mukha ng isang ’to. Wala na ring hiya.
“Close ’yon sa kaibigan mong si Brent,” sita ni Arron nang lumabas kami sa District One para makapag-usap ng masinsinan. At Kahit siya, unti-unti nang napapansing umaaligid si Reagan…
“Humihingi lang ng tawad…”
“Humihingi ng tawad? O iba na ang hinihingi niyan?” iritado niyang sabi.
Sobrang seloso ni Arron. Isa ito sa problema namin noong kami pa. Titingnan lang ako ng lalaki, tingin niya, papatulan na ako. Ang iba kong mga lalaking kaibigan, pinagdududahan niya ring gusto ko. Kahit si Brent…tingin niya noon, crush ko. Si Reagan siguro, oo. Noong sa birthday ni Angela. Pero na turn-off din naman ako sa kanya dahil homophobic siya.
Masakit na…ang nangyari sa cafe ay sinisisi niya sa akin dahil lumabas kami. Na baka naiwasan iyon kung…hindi kami exposed. Hakbang ko iyon sa sarili ko na kaya ko. Pero dahil sa nararamdaman ni Arron ngayon, hindi ko maiwasang…manliit.
Unti-unti na rin akong nahihiya. Ayokong makita akong may kasamang ibang lalaki dahil pakiramdam ko, magiging katulad din ang reaksyon nila kay Arron, ikakahiya rin ako. At alam ko…si Reagan, pag nakarinig siya ng rumor na gagawan kami ng kwento dahil nagiging close na kami, mandidiri siya.
Sigurado akong…mandidiri siya.
Pinagbigyan ko ang request niya noong Halloween dahil gusto ko ring linawin na sana, huli na iyon. Na ayoko nang napapalapit kami. I envied their bond in Brent’s circle, but I know I don’t belong. I don’t fit.
At si Reagan, hindi man lang napapansin na sa tuwing kasama niya ako, pinagtitinginan kami. Baka nga pinagtatawanan na kami sa isip nila. Hindi ko alam kung kaya kong makita ulit sa mukha niya ang pandidiri kung pupunahin na kaming dalawa. Ayokong makita ulit iyon sa mukha niya dahil masakit.
Kaya kung ano man ang gusto niya sa akin, siguro mas mabuting ihinto nalang. Baka ako rin ang makatrigger sa kanya dahil parte ako ng kinamumuhian niyang mga bading.
“Educate me about you. I am willing to listen… I am willing to improve… I am willing to…accept this changes…” he whispered pleadingly that made me question the friendship he wanted from me.
At…gusto niyang magbago para makilala ko kung sino talaga siya? Naiintindihan niya ba ang mga ito? The proud and confident law student Reagan Aldric Vallejo is willing to…kneel?
Hindi ako mapakali. Tinitigan ko ang concert ticket na binigay niya. He really meant to help me with Arron. Pero bakit kakaiba? Hindi ko alam. May kakaiba sa kilos at rahan ng boses niya. Oo, ganoon din naman siya kay Shiloh dahil kaibigan niya iyon, pero bakit parang…iba na ang pinapahiwatig niya?
“Ang swerte ni Belen doon talaga sa anak niya,” si Mama na nagkukwento noong umuwi ako para sa araw ng mga patay lalo na’t nakagawian din ng pamilya namin na maghanda ng kaonti at magsindi ng kandila para sa parents ni Mama. “Call center agent! Nagpaparenovate na sila ng bahay.”
“Si Kuya Denver ma, papatayuan niya tayo ng mansyon sa susunod. Mas malaki pa doon kila Tita Belen,” pagmamayabang ni Rio na pinaghuhugas ng plato lalo na’t tinutulungan ko si Mama sa paggawa ng biko, si Papa naman, nandoon sa kapitbahay at makikipag-inuman siguro.
“Hay…ewan ko dito sa kapatid mo, Rio. Baka mauna niya pang patayuan ng bahay ’yang lalaki niya kaysa sa atin. Hindi na ako aasa,” biro ni Mama.
Hindi ako kumibo at itinuon lamang ang atensyon sa bigas na hinuhugasan ko.
“Hindi, ma! Mayaman ’yung bagong lalaki ngayon ni Kuya. Ako nga ang nililibre no’n lagi—”
“Rio, hindi ko ’yon lalaki,” giit ko sa kapatid at sinamaan siya ng tingin.
“Totoo ba ’yan? Kasi kung mayaman ’yan, mabuti nang mapakinabangan na ’yang pagbabakla bakla mo. Kung magiging ganyan ka lang din naman at hindi kana titino, mabuti pa nga at sa mayaman nalang,” ani Mama habang nangingilatis ang titig niya sa akin.
“Ma…hindi ako no’n magugustuhan. Hindi ’yon bading. At hindi naman purket bading, peperahan na ng lalaki…”
“Eh sino ba kasing matinong lalaki na papatol din sa bading, Denver? Isipin mo nga ’yang mabuti?”
Kaya minsan…nagsisisi ako pag umuuwi ako sa bahay. Sana hindi nalang. Lalo na’t tuwing nandito ako, mas nararamdaman ko kung gaano ka bigat ang sitwasyon ko. Kahit na sanay naman na ako, sa tuwing nanggagaling sa pamilya ko ang insulto, kusa akong bumabaon sa lupa kahit anong ahon ko sa sarili ko.
I silently cried on that day. Gustong gusto kong matanggap ako, ngunit kailangan ko ring magpakababa sa sarili ko para indahin ang mga salita nila. Aksidente ko pang natawagan si Reagan dahil ka chat ko siya noong oras na ’yon at nasa sementeryo siya.
Kaya noong tumawag siya, pinakilala ako sa Mommy niya, medyo kumalma ako. Pinatay ko nga lang ang tawag nang sumulpot si Papa at nanghihingi ng limang daan para bumili ng red horse dahil gusto niyang uminom dito sa bahay.
“Hayaan mo ’yan si Mama at Papa, Kuya. Basta ako… alam ko na gusto ka ni tropapips,” ani Rio nang tabihan niya ako sa labas ng bahay namin noong mapag-isa ako sa gabing iyon.
Si Reagan, magkakagusto sa akin? Imposible.
“Straight siya, Rio. Huwag mo siyang pag-isipan ng ganyan dahil lang nagiging mabait siya sa atin,” payo ko.
“Hindi, kuya. Nababading siya sa’yo. Ramdam ko. Kahit ipahula pa natin siya sa manghuhula. Lalabas ’yang kabadingan niya sa’yo.”
Inambahan kong pingutin ang tainga niya kaya lumayo agad siya. Nasa likod naman lagi ng isip ko. May mga araw na nararamdaman kong kakaiba na ang kinikilos ni Reagan. Marahan siya sa akin, laging ngingiti at…nagiging makulit na, ngunit ayaw kong pag-isipan iyon ng iba dahil alam ko rin kung gaano niya kaayaw sa mga kagaya namin.
Sa mga kwento ni Shiloh sa akin, ganoon din daw siya sa friends niyang mga lalaki, nanlilibre minsan, makulit, pero may ginagawa siya sa akin na…hindi ko maintindihan. Parang may pinapahiwatig siya lagi, may gustong ipaalam sa akin na hindi niya lang agad masabi.
Noong huling kausap ko si Arron, gusto niya lang manghingi ng space, at sa tuwing binabalak ko siyang kausapin dahil gusto ko na ring huwag nang umasa pang babalik siya, na baka maaayos din namin, sa mga panahong wala siya, marami akong realizations. Mas…nakita ko kung anong klaseng pagmamahal ang gusto ko. At masakit sa akin na ako ang rason kaya nawala ang self confidence niya.
May kumatok sa pinto ko habang hinihintay ko si Reagan lalo na’t may sasabihin daw siya. Kabado ako sa totoo lang. Hindi ko alam pero madalas siyang magpahiwatig at…baka…
Binuksan ko ang pinto, inaakalang siya ’yon, ngunit nakita kong si Arron pala, namumungay ang tingin.
“Arron,” I called unexpectedly.
Before I could even utter something, he stepped in, pulled my waist, and kissed me. Sunod sunod ang halik niya habang magkasalubong ang kilay ko, hindi naiintindihan…ngunit isa lamang ang malinaw sa akin. Wala na akong maramdaman sa halik niya.
When he realized that I wasn’t responding, he pulled away. “I…want us back.”
Namungay ang tingin ko. Bago ko pa man masabi na ayoko na, may nagdoorbell na. And it was Reagan…
When he confessed, I stepped backward. Natakot ako dahil maling mali na…umamin siya. Lalo na’t tinatak ko sa isip ko na hindi niya naman ako magugustuhan. Kaya ngayong pinatunayan niyang mali ang iniisip ko sa kanya, natakot ako sa sarili ko.
“Congrats, Rin,” aniya sa garalgal na tinig, matapang na ngumiti kahit ramdam kong nasasaktan siya.
It was the most gentle moment that I’d seen him vulnerable—in his weakest point, as he tried to look alright…
And the flower he handed to me is a confirmation that…he is here to court me. Lalo na’t iyon ang sinabi niya, na magbibigay siya ng bulaklak sa taong gusto niyang ligawan.
“Para saan ’to? Duda talaga ako sa isang ’yon, gusto ka no’n!” ani Arron nang natulala akong pumasok, topless na siya at hawak pa ang phone ko.
Kinuha ko sa kamay niya ang phone ko at naglakad patungo sa mesa para ilapag doon ang bulaklak. Sumunod si Arron, iritado.
“May gusto ’yon sa’yo. Dapat iwasan mo ’yon. Ngayong nagkabalikan na tayo, ayokong napapalapit ka doon—”
“Nagkabalikan?” I cut him off since he misinterpreted it. “Arron, hindi tayo nagkabalikan,” paglilinaw ko.
He froze a bit, his brows furrowing in confusion. “Denver…”
“Alam ko na…space lang ang hiningi mo sa akin noong araw na ’yon. Ilang buwan kong binigay iyon sa’yo, pero sa kalagitnaan ng pag-iisip ko habang wala ka, marami akong narealize…”
He swallowed hard. “Natagalan ako…”
Tumango ako. “At napagod ako, Arron. Napagod ako kakahintay sa’yo…na baka maalala mo ako sa mga lumilipas na araw.”
Bumaba ang balikat niya. Kailanman, hindi niya ako sinaktan ng pisikal, o kahit man lang pagbuhatan ng kamay. He was gentle, but I didn’t know it would never be enough to ease me…
“Naiintindihan kong kinain ka ng insecurity mo, Arron. Bago ito sa’yo at hindi kita masisisi kung sa kalagitnaan, naduwag ka. Natakot. Pero noong mga araw na hiniling kong sana makapitan man lang kita, binitiwan mo ako.”
Binasa niya ang labi, nanlulumong yumuko saglit at tila bang napagtanto niyang mali ang nagawa niya.
“I’m sorry… I was so lost. Kinain ako ng…mga naiisip ko.”
I smiled weakly. “Hinintay kita…”
He lifted his head up. “Kaya…nandito ako ngayon, Den…” Sinubukan niyang abutin ang siko ko pero inilayo ko na ikinaputla niya.
“Hindi…ganitong pagmamahal ang gusto ko…” I confessed my realizations. “Noong wala ka, mas nakilala ko ang sarili ko kung ano talaga ang gusto ko. Hindi ko iyon isinusumbat na nagkulang ka sa akin, Arron. Siguro nga…baka sa maling tao ko lang talaga hinihingi iyon.”
His lips parted. I was pouring my heart out to let him know my truth. To make him realize that not all people are…strong enough to stay…to hold on…to wait in the distant.
“Hindi kita itinaboy, Arron. Kusa kang lumayo…” pagpapaalala ko.
He was welcome in my life. He can always knock. The door is not even closed, but he chose…not to step in. He chose to remain outside…
Kaya kaninong mali ba kung sa kalagitnaan ng nakabukas na pintong inilaan ko sa kanya, napagod ng tuluyan at isinara, saka siya…bumalik…kung kailan pagod na akong pagbuksan siya.
“Baka wala sa atin ang mali… baka… hindi lang talaga tayo para sa isa’t isa,” I chuckled a little despite my weary voice.
Natahimik siya, hindi na nakatingin sa akin. Ang kamay niya, nakakuyom na rin.
“Gusto kong…opisyal na makipaghiwalay sa’yo. Hindi man humantong sa paraang gusto natin pero…naging masaya ako sa’yo, Arron.”
Mahirap mag move-on. At pansin ko iyon kay Arron sa mga sumunod na araw. Pansin ko na…gusto niyang patunayan ulit. Gusto niyang magbalikan kami. Sinusuyo niya ako. Ngunit pinal na ang desisyon ko.
Disyembre noong…nagkita ulit kami sa mas malapitan ni Reagan. He looked so distant, composed, and less interested. Kaswal ang paraan ng pakikipag-usap niya sa akin at halatang nagmamadali, tila ba may mas importante siyang hahabulin kaysa ang makipag-usap sa akin.
“Pinapasabi ni…Rio…Merry Christmas daw,” sabi ko kahit ang totoo, gusto kong batiin siya.
“Nadamay pa talaga oh,” reklamo ni Rio nang puntahan niya ako sa unit lalo na’t may mga ibibigay ako.
“Mas close naman kayo,” sabi ko nang makwento sa kanya iyon at baka ichat siya ni Reagan. Minsan pa naman naninigurado ’yon.
Kinuha ko ang binili kong hamon, isang cake na may Merry Christmas na customized saka iyon inilahad kay Rio. Itinuro ko rin ang tatlong paperbag na nakahanda sa sofa, mga regalo na binili ko sa kanila.
“Ibigay mo rin itong pera kay Mama at Papa. Twelve thousand ’yan. Sa’yo ang two thousand.”
Tinanggap iyon ni Rio pero nasa akin ang buong atensyon, wala masyado sa pera. “Hindi ka sasama sa akin pauwi, Kuya? Saan ka mag C-Christmas?”
“May gig pa ako mamayang gabi. Sayang din. Malaki ang ibibigay sa akin.”
“Eh Christmas naman. Magtatrabaho ka pa rin?”
“Kung hindi, anong ipangbabaon mo sa pasukan, huh?”
Iritado niya akong tiningnan. “Kuya, pwede ko lang ma jogging papuntang school. Ilipat mo na rin ako sa public. Ayoko sa mga kaklase ko. Ang aarte.”
“Huwag nang maraming sinasabi. Umuwi kana…” Hawak ko sa magkabilang balikat niya at itinulak na siya patungong pinto.
“Uwi ka, kuya. Baka magmumukmok ka lang dito,” aniya.
Totoo namang may gig talaga ako. But the client suddenly cancelled it and decided to move it on the next day. Wala tuloy akong choice kundi manatili nalang sa unit. Sa totoo lang, ayokong umuwi. Siguro, kahit pa wala talaga akong gig, iyon pa rin ang irarason ko, na may gig ako.
Hindi ko na nakikita ang bahay namin sa paraang ikakagaan ng loob ko pag umuwi ako. Siguro mas gusto ko nalang piliing mag-isa, kaysa ang marinig ang mga sasabihin ng pamilya ko sa akin.
Mag-isa sa unit, mas pinili kong buksan ang Facebook ko. My feeds were filled with photos celebrating Christmas with their families. Binuksan ko ang messenger ko at nangunguna ang bati ni Shiloh kaya napangiti ako.
Shiloh Ching Escarra:
Merry Christmas! Gift ko sa’yo :)
I laughed at his cute art for me. He drew me in a simple way, but it teared me up. Hindi ko alam kung dahil ba nag-iisa ako ngayon, o naalala niya lang talaga akong bigyan ng regalo.
Denver Ferrin:
Thank you, Shiloh. Merry Christmas din. Isisave ko ha?
Ang sunod niyang reply ay voice message na. At nakakagulat na si Brent iyon.
“Friendship over, Denver. Traitor,” ani Brent sa voice message niya at narinig pa ang marahang hagikhik ni Shiloh.
Naalala ko si Reagan kaya napasugod agad ako sa Facebook at s-in-earch siya. Bumungad agad ang bagong profile niya at mukhang nasa hagdan siya ng bahay nila. Nagpost din siya ng ilang pictures kasama ang family niya. Halatang nag-enjoy siya.
I never really thought of Reagan falling for me. Iniisip ko pa lang ang mga rumors tungkol sa pagiging homophobic niya, alam kong ang pagkakagusto sa isang lalaki ang hinding hindi mangyayari sa kanya.
But I couldn’t believe that…he would fall for me.
At kahit si Arron, nakakalahata na rin.
“Tingnan mo nga.” Ipinakita niya sa akin ang phone niya nang matyempuhan niya ako sa school.
“Paanong hindi ko pagdududahan eh kahit mga shared post ko nila-like! Napaka stalker! Kaya napapapost ako ng mga throwback pictures natin,” at si Arron, nakahiligan na yatang asarin si Reagan.
May kutob naman talaga akong may gusto siya sa akin. Nahalata ko iyon noong dinalhan niya ako ng tulips, ngunit ang makita ngayong nagpapapansin siya sa ex ko, pina floodlikes si Arron, hindi ko na magawa pang ipagtanggol ang isang ’yon.
“Hayaan mo na, Arron. Isa pa, wala siyang kinalaman sa atin,” agap ko nang makita kay Arron ang pagdududa niya.
“Kaya ba nandoon siya sa District One?” As if he slowly realized something.
My eyes widened, and I feel so nervous. “Tinutulungan niya lang tayong magkabati no’n…”
“Tinutulungan?” Medyo natawa siya. “Parang hindi naman yata, Denver. Kasi kung tinutulungan niya tayo, bakit parang lumayo lalo ang loob mo sa akin? Iba ang ginagawa niya! Ikaw ang pinapahulog niya dahil alam niyang magkahiwalay tayo! Alam niyang hindi tayo maayos at idinaan niya lang sa comfort para kunwari concern!”
Nagduda ako. Hindi… Imposible. Ramdam ko na gusto niya lang kaming pagbatiin noong mga araw na ’yon. Ngunit nahulog lamang sa kalagitnaan…lalo na’t iyon ang inamin niya noong pumunta siya sa unit ko.
“Gagong ’yon! Sabi na! Ramdam na ramdam ko ang ibang balak no’n sa’yo! Kaya mo ako hiniwalayan dahil nahulog ka rin sa kanya!” giit niya.
Kung sinabi kong mas una kong nagustuhan noon si Reagan bago siya, alam kong makakadagdag lamang iyon sa hinanakit niya. But I never fell for Reagan during those months when I tried to move on from Arron. Lalo na’t akala ko rin, si Shiloh…
“Arron, plano ko na iyon bago pa niya maisipang tulungan tayong magbati. Natagalan lang ako dahil mailap ka sa akin!”
But he didn’t listen. Galit na galit si Arron kay Reagan. Kahit anong paliwanag ko, ipaintindi sa kanya na hindi si Reagan ang rason…ayaw niyang maniwala.
I somehow feel guilty. Oo nga at hindi naman si Reagan ang rason kaya nakipaghiwalay ako kay Arron, pero ngayong may…sumisibol na nararamdaman para sa kanya, may parte sa akin ang natatakot dahil masasaktan ko si Arron.
But did Arron even feel the same way when he distanced himself from me? Naisip niya bang masasaktan niya ako sa ginagawa niya? It’s been months… I moved on from us. Noong nakipaghiwalay na ako noong Nobyembre, wala na akong natitirang nararamdaman sa kanya.
I didn’t know when my attraction for Reagan him came back. Noong Disyembre ba noong gusto kong bumati man lang. Noong Enero at hinahanap ko ang presensya niya? O noong…Pebrero at sa paparating na Valentine’s Day, naiisip ko kung may yayayain man lang ba siyang i date.
There was a part of me to be selfish… A part of me wants to choose happiness over my fear and worries. Ano rin bang mapapala ko kung magpapadala ako sa mga iisipin ng ibang tao sa akin? Pangit naman talaga ang iniisip nila sa akin. Ano pa bang kailangan kong patunayan?
When I asked God to give me a love that would change my life and inspire me to be better, He gave it to me.
“Manligaw ka Vallejo,” I uttered the words bravely when I showed up at the concert.
May takot ako. Marami akong what ifs sa amin kung sasagutin ko siya. Paano kung matutulad lang din ito sa una kong relasyon kay Arron, o sa kalagitnaan, mahihiya din siya. But I was wrong. Because he never showed any sign that I should be worried about the things I overthink, he showed me what real love would look like if I invested in the right man.
It spread in the university. Paano ba naman, inaabangan ako lagi sa labas ng classroom pag break time niya. Minsan, nagdadala pa ng bulaklak. Ganoon ka kapal ang mukha niya na natatawa ako minsan sa kanya.
“Saan mo na naman ’to pinitas?” biro ko nang tanggapin ko iyon.
“Sa hardin ’yan ng lola ko. Pinipitas ko lang. Baka makalbo nalang ’yon hindi mo pa rin ako sinasagot,” biro niya rin na pakiramdam ko, totoo na.
Isa ito sa gusto ko sa kanya. Pag kasama ko siya, parang ang gaan sa pakiramdam. Hindi ko naaalalang marami palang studyanteng nanonood sa amin. Unti-unting bumalik ang kumpyansa ko sa sarili. Unti-unting natatanggap kung sino ako…
Kaya kahit gustong-gusto ko siyang sagutin na, hinintay ko ang birthday ko para sa unang pagkakataon, may magandang regalo naman akong maibigay para sa sarili ko. Those birthdays that I would ask for hope—at least to continue living—I found it now.
Because no matter how blue the sky is, someone would always see what’s behind it—your storm. And despite hiding in the sun, my own darkness has finally been seen.
“Ikaw pala ’yon! Naaalala na kita! Ikaw ito!” si Tita Rianne, ang ina ni Reagan, nang umaga pa lang at kakagising ko sa kanilang bahay, dinadaldal niya na agad ako.
“Second name mo ang Aldrin! Binilhan ka ng anak ko ng cake noon! Two years ago!”
Nagulat ako sa picture. My name was there, and the flavor of the cake reminds me of my favorite ice cream flavor.
“Hala! Noon ka pa yata gusto ng anak ko! Bakit ngayon lang naging kayo? Binasted mo ba siya?”
When his mother held a celebration for my own birthday, I cried happily. It was my inner child’s dream to experience a birthday party at least, or even to have my own cake. At ang mama ni Reagan, tatlong layered cake pa ang ibinigay sa akin…kahit ang mga regalo na lagi kong kinaiinggitan noong bata pa ako, na sana makatanggap din ako, naranasan ko sa mismong pamilya nila.
“Kuya… kahit cake lang. ’Yung cupcake, kuya…” rinig ko ang munting tinig ng limang taong gulang kong sarili, pinipilit si Kuya Dennis dahil kaarawan ko no’n, ngunit dahil baon sa utang ang pamilya, wala man lang akong handa.
“Meron akong mga coins. Bibilhan kita ng cupcake sa tindahan tapos lagyan natin ng kandila. Pwede na ba ’yon?” alala ko pa si Kuya Dennis na iyon lang ang nakaya na ikinatuwa ko.
Kaya iba ang tingin ko sa cake dahil…buong buhay ko…kailangan ko munang lumaki para magkaroon ng sarili kong cake dahil hindi iyon afford ng parents ko.
“Hindi niya naibigay sa’yo kaya kinain nalang namin,” ani Tita Rianne habang pinipigilan ko lang na mahula kakatitig sa cake na may hiwa na, sa gilid, si Reagan na magkasalubong ang kilay, hawak ang kapiraso ng cake at nakabusangot.
My First…cake… I got my first cake unexpectedly and my name was there too! This is my own cake!
“Morning,” bati ni Reagan, ang boyfriend ko, kakababa lang at hinagilap agad ako sa sala.
Lumapit siya sa Mommy niya, humalik sa pisngi at lumapit din sa akin, yumuko at gusto sanang humalik kaso sumilip ang Mommy niya. Bumuntonghininga si Reagan at tumayo nalang kaya medyo natawa ako.
“Mahiya ka anak!”
“Bakit ako mahihiya? Sinagot na ako, ma,” he bragged and smiled.
“Totoo?! Oh my gosh, anak!” tili ng Mommy niya, niyakap si Reagan na tumawa, lumapit din sa akin at humalik sa pisngi. “Ibabalita ko sa buong Vallejo! Matutuwa sila!”
Rick laughed while taking the seat beside me. This is his happy world. Binigyan niya ako ng pagkakataong maranasan ko kahit isang araw man lang kung ano ang pakiramdam ng may masayang pamilya, suportado ka at pinapahalagahan…
“Nag breakfast kana? Aga mong nagising ah?” puna niya at hinawakan pa ang baba ko.
Bago ko pa man masagot, si Rio na kakagising lang, nagreklamo agad. “Aga aga. Kabadingan agad…”
“Sinagot na ako. Tumalab na rin ang kulam, Rio,” pagmamayabang ni Reagan.
I couldn’t take my eyes off him. At sa tuwing nahuhuli niya, ngunguso siya at pipigilan ang ngiti kahit tumatakas na sa labi niya.
Maybe I don’t need someone who could shelter me in the heat of the sun, but I also need someone to dance with me in the middle of the rain…and I found that comfort in his arms.
Mainit ang hagod ng yakap niya sa gabing iyon nang mauna siyang makatulog nang mahimbing sa unang gabi namin habang pinagmamasdan ko siya.
I traced his nose and caressed his red lips. For some reason, I worried a lot about him. We made love like he was finally free from his worries, cried because he experienced what it is like to be loved gently, and now…slept like he has never been this peaceful…
Pumikit ako, nanalangin na sana, maibigay ko lahat kay Reagan ang nararapat na pagmamahal sa kanya, na mahupa ko lahat ng nagpapabigat sa kanya.
When I hoped to find love, I only wished for myself, but when I met him, suddenly, all of my prayers were now about him…
At sa bawat araw na lumilipas, wala akong ibang hiling kundi sana, hayaan Niyang manatili pa ako nang matagal sa tabi niya.
“Tss. Anong hiwalay? Subukan mong makipaghiwalay, hinding hindi mo na makikita si Rhey,” banta niya habang nakaupo kami sa sahig ng unit ko at iniisa isang tingnan ang mga Polaroid pictures na gusto niyang idikit namin sa pader.
Tinanong ko siya kung ano ang gagawin niya pag nag hiwalay kami, kaso si Reagan, wala pa nga, nagdadabog na.
“Payag ka no’n hihiwalayan niya tayo?” At pati si Rhey na stufftoy na itinuring niya na talagang anak namin, dinamay niya pa at ginalaw ang ulo para pailingin.
“Kita mo na, pati bata ayaw sa ginagawa mo, Rin. Pag tayo naghiwalay, kawawa ’to. Puti pa ’to ngayon kasi kompleto pa tayo, pero kung makikipaghiwalay tayo, magiging madilim ’to dahil hindi na makakaligo!”
Natatawa kong itinapon sa kanya ang ibang polaroid. “’Yung matino kasi! Ginagago mo nalang ako lagi!”
His brows were now completely furrowed. “Mahal…tingin mo masasagot kita nang matino kung alam kong masisiraan ako ng bait kung naghiwalay tayo? Ayoko. Kung si Rhey hindi papayag, mas lalong ayoko.”
My laugh echoed in our unit. Umabante siya, hinahalik-halikan ako, gusto akong kumbinsihing bawiin iyon. Sa halip na idikit ang mga pictures sa pader, nahulog pa kami sa halikan hanggang lumalim.
We continued talking about our impossible breakup. Pero kung mangyayari, gusto naming sunugin ang mga memories para wala nang kapitan.
“Kahit si Rhey? Grabe ka sa bata, Rin. Sariling anak, susunugin!” And we would always end up laughing because of his silly jokes.
No… I could never hurt him. I would rather break my heart than break his.
Humalakhak ako nang pumaibabaw siya, nakahiga na ako sa sahig habang kinikiliti niya ako dahil sa asaran namin. He crouched until his lips were on me while laughing until I pulled him closely to me, flipped our position till I was the one hovering him, and ran my hand through his t-shirt.
“Rin,” he called weakly.
Wala kaming problemang dalawa…
“Ang kapatid mo…” he sobbed disappointedly.
Kaya bakit…
“G-ginahasa niya ako…”
Bakit ang kapatid ko pa?
Hindi ako makapaniwala. Si Kuya…ang mabait kong kapatid…ang tumulong sa akin noong mga panahong nawawalan na ako ng pag-asa, siya ang humila sa akin sa mismong hukay ko. Kaya bakit…
“Bakit mo ’yon nagawa, kuya?” tanong ko, bigo at nandidiri na sariling kapatid ko mismo…
Umiling si Kuya sa akin. “Hindi. Pinagbibintangan lang ako,” giit niya, nag-ambang lumapit sa akin ngunit umatras ako.
Tinakpan ko ang bibig ko, gustong pigilan ang hikbi ngunit tumatakas ang masakit kong iyak sa loob ng aming bahay. Si Mama, nasa may pinto at pinipigilan si Papa na naroon din, nakatayo at madilim ang mukha na nakatingin sa malayo. Tahimik at tulala naman si Rio na nakaupo sa sofa namin. Nakaalis na lahat ng bisita, kahit si Reagan at ang Mama niyang nagbabantang idedemanda si Kuya. Ipapakulong nila ang kapatid ko.
“Lasing kami noon… Maniwala ka Denver… Hindi ko sinasadya… Akala ko… gusto niya…” Halos hirap siyang magpaliwanag, tila ba nagmamakaawa na siya ang makitang biktima rito.
“At bakit mo naisip na gusto niya?” singhal ni Papa sa labas, galit ang tingin dito, gustong sumugod ngunit pinipigilan lang ni Mama. Sa laki ng katawan ni Papa, alam kong pag hindi pinigilan ni Mama, kawawa si Kuya.
“Tinanggap niya ang alok ko… interesado siya sa pera…kaya…kaya akala ko…”
He tried to bribe him with money… Reagan got exploited. My brother, in his legal age, bribes a minor in exchange for…his disgusting wants!
“Pero hindi ako nakapagbigay ng mas malaki kaya gusto niya akong habulin ngayon at…”
Ngayon ko lang napagtanto na si Kuya…siya ang nasa likod ng maruming tingin ni Reagan sa mga bakla. Siya ang dahilan kaya galit na galit si Reagan sa mga bakla…
“Alagad ka ng simbahan, Kuya,” bigo kong sabi na ikinatigil niya. “Kahit pa sabihing pumayag siya, wala siya sa tamang isip! Lasing siya at minor de edad noong panahong iyon!”
“Lasing na lasing din ako, Denver! Wala rin ako sa katinuan ko! Tingin mo ba kaya ko iyong gawin sa isang bata! Sa halos kaedad na ng kapatid ko?!” sigaw niya pabalik. “Kung alam ko lang na babaliktarin ako, hinding hindi ako papayag na mangyari iyon sa amin!”
Kinilabutan ako. Kaedad ko lang din si Reagan noong mga panahong iyon… kaya paano niya nasikmurang bigyan ng interes ang isang batang walang kalaban laban sa kanya?
Noong ginalaw ako ng pinsan ko, hinipuan, sa kanya ako umiiyak. Sa kanya ko ipinakita kung gaano ako nadurog noong mga araw na iyon, kung paano ako gumuho, ngunit ang taong tumulong sa akin, humila sa sarili kong libingan, may biktima ring sinira ang buhay.
“Sino ang nasa ibabaw?! Sino ang tumira? Siya ba o ikaw?!” biglang sigaw ni Papa.
“Ako…ako papa…” pag-amin ni Kuya na gusto kong maduwal sa pandidiri.
“At napasok mo?! Tumigas ang sa’yo?!” si Papa na dire-diretso ang tanong.
Hindi nakasagot si Kuya. Sumugod si Papa sa loob, at sa pagkakataong ito, hindi na napigilan ni Mama. Hinila agad ni Papa ang kwelyo ng t-shirt ni Kuya Dennis hanggang natumba si Kuya dahil nakasuntok na ni Papa. Dumalo si Mama, sumigaw at hinila ang baywang ni Papa, habang kami ni Rio, natutulala at pinapanood silang nagkakagulo, si Kuya ay nakahiga na, hawak ang kamay ni Papang nakahawak sa kwelyo ng t-shirt niya, at si Mama naman ang hawak ang kamao ni Papa na nasa ere na ulit, gusto siyang suntukin.
“Ramil!” pigil ni Mama, takot na baka si Papa ang makapatay kay Kuya sa matinding galit niya.
“Tang ina mo! Gagamitin mo pa ang alak bilang rason! Huwag mo akong bilugin! Kung lasing ka at wala na sa huwisyo, bakit mo naipasok, Dennis? Lasinggero ako at alam ko na hindi tinatayuan ang ari ang isang lalaki lalo na kung lasing na lasing!”
Sunod-sunod ang hikbi ni Kuya, alam kong nahuli siya.
“Sa presinto mo ’yan ipaliwanag ngayon! Magsasampa ng kaso ang mga iyon sa iyo dahil sa ginawa mo! Kaya kung tingin mo ikaw ang tama, ipaglaban mo ’yang gusto mo! Pero tandaan mo ’to, Dennis, mag-isa ka sa labang ’yan dahil hinding hindi kita kikilalaning anak!” sigaw ni Papa sa galit na tinig.
Umiling si Kuya. “Ayokong makulong… masyado pa akong bata… ayoko…”
Pero ang winasak niyang buhay ni Reagan, naisip niya ba sa mga panahong iyon?
“Ano pang magagawa mo ngayon kung desidido ang mga iyon na magsampa?” si Papa.
“Ramil! Naiisip mo ba ang matinding gulo na ito sa pamilya natin?! Kung nakulong si Dennis, kakalat na talagang rapist siya! Madadamay tayong lahat dito! Kahiya hiya ito!”
“Tang ina, rapist ang anak mo! Mas mahiya ka bilang ina niya kung kakampihan mo ’yan!” galit na pakikipagtalo ni Papa kay Mama.
“Pero may magagawa pa tayo! Kung kinumbinsi natin ang pamilya nila na areglohin nalang ang kaso…alam kong papayag ang mga iyon! Hihingi tayo ng tawad!” si Mama.
’Yun lang? Kapalit ng pagkasira ng buhay ng isang tao…tingin nila, isang patawad lang, pag inamin mo ang kasalanan mo, sapat na iyon bilang kabayaran? Ganoon ba kababaw ang tingin ng iba sa abuso na kaya iyon ng salitang patawad?
Biglang lumapit si Mama sa akin, nagmamakaawa ang titig. “Denver, anak… boyfriend mo ’yon. Maniniwala ’yon sa’yo… Kumbinsihin mo na huwag nalang sampahan ng kaso ang kuya mo.”
Napayuko si Rio, hinawakan ang buhok niya at narinig namin ang kanyang hikbi. Dumaloy ang luha sa mga mata ko. Umuulit ang nakaraan…at sa ikalawang beses…gusto nilang manahimik ang biktima alang alang sa ikakalinis lamang ng pangalan ng mga madadamay…
“Ma… si Kuya ang may mali. Bakit mo siya kinakampihan?” bigo kong tanong.
“Oo nga…mali ang Kuya mo…pero makukulong siya, Denver. Kaya mo ba ’yon? Makapangyarihan ang pamilya nila, mayaman… Paano kung sa loob ng presinto, pag-initan ang kapatid mo? Ipapatay nila sa loob? Paano?”
“Nababaliw kana Elise!” si Papa.
“Para ito sa pamilya natin! Para hindi tayo mapahiya! Kung pwede na tayong lahat ang humingi ng tawad, gagawin natin!” giit ni Mama nang lingunin si Papa.
Ako… ako ang gusto ni Mama na gumawa ng paraan sa pinasukang gulo ni Kuya.
“Denver… ayokong makulong… Hindi ko kayo kayang iwanan…” hikbi ni Kuya, niyakap ang mga paa ko, malakas ang iyak at nagmamakaawang…siya ang kampihan ko. “Mahal na mahal ko kayo ni Rio. Hindi ko kayo kayang iwan… Ayokong makulong… Ngayon lang ako humihingi ng tulong sa’yo… kaya sana…tulungan mo ako…”
I have always favored the good over evil. But can I favor the evil this time that once showed me all the good things in this world?
Araw-araw, walang palya si Kuya sa pagmamakaawa sa akin, na sana, siya ang panigan ko dahil pamilya naman kami. Kami kami lang din ang magtutulungan. Na buong buhay niya, binuhat niya ang pamilya namin kaya ngayong siya ang may malaking problema at hirap siyang buhatin iyon, tulungan namin siyang pasanin iyon.
Bata pa lamang ako, siya na ang naging pag-asa ko sa madilim naming bahay. Siya ang tumayo kong ama at ina noong hindi kayang panindigan ng sarili naming mga magulang ang tungkulin nila. Siya ang nagbigay sa akin ng lakas noong hinang hina na ako. Siya ang isa sa rason kaya buhay pa rin ako.
I know that he is asking to pay for all those good things he has done to me in return this time. He wanted me to see his efforts to help me during my own darkness. Kaya kung…hindi ko siya tutulungan…ang magiging tingin niya ba roon ay…wala akong utang na loob?
Maiintindihan ba ng langit kung…may parte sa akin ang naaawa rin sa aking kapatid?
I smiled faintly as I stared at the sky while waiting for Reagan to show up. I was in my greatest dilemma. Kailangan kong mamili…at isa lamang ang dapat isalba. Ngunit kahit sino man doon, alam kong ikakaguho ko ang desisyong babago ng buhay ko.
Kung pwedeng buhay ko nalang ang ialay ko kapalit ng ikakagaan ng loob ni Reagan, gagawin ko.
Did I pray too much for Reagan that…You send him to me so that in order to get his justice, he needed to enter my life first?
Siya… siya lamang ang meron sa akin. Kung bibitiwan ko siya, para ko na ring binitiwan ang kapiraso ng sarili ko na bumuo sa akin noong mga panahong wasak na wasak ako.
“Magpatuloy ka…nang wala ako…at magpapatuloy rin ako…nang wala ka,” bulong ko kahit sa likod ng aking isip, mahigpit akong nananalangin na sana, hindi siya mawala sa akin.
Ayokong magpatuloy nang wala siya…
Siya na lamang ang meron sa akin.
Bakit… bakit laging ako ang kailangang magparaya at magpaubaya? Bakit kailangan laging ako ang magsakripisyo?
“Naiintindihan ko…Naiintindihan kita… Kung isa ako sa nagpapabigat ng nararamdaman mo ngayon, kung isa ako sa magpapaguho sa’yo, aalis ako, Reagan…” Mahigpit ko siyang niyakap, sa kabila ng mga salitang iyon, alam kong kabaliktaran ang nasa isip ko.
Gustong gusto kong manatili. Mahal…Gustong gusto kong huwag umalis… Pwede bang…yakapin mo ako nang mahigpit? Ayokong umalis…
The waves were calmly rushing to the shore, the cold wind solemnly hugging us, and the twinkling stars became the witnesses of how our love ended in the midst of the night. It was the greatest love I ever held in my arms…
Pumikit ako, na kung hindi pwede ngayon, baka sa ibang pagkakataon, malaya ko siyang mamahalin. Na sana, may maghatid sa akin patungo sa kanya…
“Birthday ko ngayon. Pwede bang…batiin mo ako, Rin?” hiling niya nang tumayo na kami, nag-aamba nang magpaalam sa isa’t isa.
He was still holding my hand, as if a little kid were begging to take him wherever I would go because he was afraid he might get lost. I nodded and smiled.
“Happy birthday, Reagan…”
His lips stretched for a warm smile, his eyes filled with tears as he nodded and smiled warmly.
“Mag-iingat ka…” he reminded.
I nodded again. “Ikaw rin…”
He bowed a little, sighed heavily, and controlled his tears to stop dropping but failed.
“Alagaan mo ang sarili mo,” he reminded.
I looked at my hand he was holding. Gusto kong hilain, ngunit gusto ko pang marinig ang mga sasabihin niya.
“Magmahal ka ulit. Huwag kang matakot sumugal… Magiging maswerte ang mga makikilala mo…” I reminded him to let him know I was eager to leave.
He lifted his head, shut his eyes for a while, sighed heavily, and nodded.
“Ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko, Reagan. Maraming salamat at ipinaramdam mo sa akin kung paano dapat ako mahalin nang tama…”
His grip on my hand tightened. He looked at me while his tears continued to fall.
“Kaya kung…mababalitaan kong may mahal kanang iba sa lumipas na taon, magiging masaya ako para sa’yo,” bulong ko sa namamaos na boses.
He bowed, his shoulders rocking when he held my hand and kissed my fingers tenderly.
“Kung sino man ang magmamahal sayo, sana maalala mo kung paano kita minahal, Rin. Na…ganoong pagmamahal ang nararapat sa’yo,” he whispered solemnly.
It was the best love I ever received. The love I would look up to, the love that would never be forgotten over the years… A love worth keeping for.
I slowly pulled my hand from his grip. Lumuwag ang pagkakahawak niya, na kailanman, hindi ako nakakulong sa kanya, malayang umalis… malayang piliin siya…
I whispered everything, but still, I couldn’t whisper my truth. I couldn’t tell him to stay, to fight with me, to run away and leave everything behind…
And for the first time that I became selfish… it was only to myself when I couldn’t even take what I really wanted.
I wanted to kneel and ask Him to change our path, to turn back the time, and to let us have our own time in another timeline. Ngunit kung isang kahilingan lamang ang kaya niyang ibigay… hihilingin ko ang ikakapayapa ng isip ni Reagan…
“Ano…nakausap mo na ba?” abang ni Mama nang makauwi na ako.
I nodded and headed to my room. Si Rio, tahimik ang tingin sa akin habang si Mama ang sumunod.
“Anong sabi? Pumayag?”
I nodded again. “Tapos na, Ma. Magpapahinga lang muna ako…”
Her face lightened, and she smiled at ease. “Maraming salamat, Denver. Alam mong para ito sa pamilya natin.”
Para sa pamilya, pero hindi kailanman naging para sa akin kahit parte ako ng aming pamilya.
“Pakisabi kay Kuya na kakausapin ko siya. May gusto lang ipagawa ang side ni Reagan,” sabi ko lalo na’t si Kuya, nagtatago na.
“O sige! Sasabihin ko. Matutuwa iyon!”
It was a hard decision, but I’ve already done my part for this family.
Nakipagkita ako kay Kuya sa isla sa Mindanao kung saan siya nagtatago. Sa takot niyang damputin siya ng pulis, pagkatapos ng gabing iyon sa mismong birthday niya, pinatakas agad siya ni Mama.
“Nakausap mo raw?” si Kuya nang pumasok ako sa maliit na inn kung nasaan siya.
Tahimik akong tumango, hindi makatingin sa kanya. Hinawakan niya nang mahigpit ang mga kamay ko at ngumiti. Napatitig ako sa labi niya. Kilalang kilala ko iyon. He would always give me that smile when I’d done something he was proud of…when he knew I did what’s best.
“Maraming salamat, Denver… Hayaan mo, babawi rin ako. Hinding hindi ko ito makakalimutan.”
“Kuya… naalala mo ba iyong unahin ko ang sarili ko?” paalala ko.
Tumango siya.
“Ito ang desisyon ko. At…alam kong…kailangang may isakripisyo para makuha ang sarili kong kapayapaan…pero alam ko…ito ang nararapat…”
Bago niya pa man mahulaan iyon, pwersahang bumukas ang pinto na ikinagulat niya. Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay niya habang natataranta siyang gustong tumayo at tumakas. Bigo niya akong tiningnan, at sa galit na humalo, alam kong hindi niya inaasahan na…ako mismo ang sasaksak sa kanya sa likod.
“Denver…” he called before the police officers pulled him down, pinned him to the ground forcefully, and restrained him.
Nanlalaban siya, ang ulo ay humarap sa gawi ko, habang tahimik ko siyang pinanood na hinuhuli ng limang pulis. I’ve seen the betrayal in his eyes, the disappointment, the regrets that he trusted me…
Sa isip ko, iba lamang ang nakikita ko sa mga mata niya. It was those times when I was a kid who would run to him and cry in his arms while he would promise I would be okay, as long as I had him.
“Denver!” sunod sunod na tawag ni Kuya nang itayo siya, nakaposas, habang nanatili ako sa upuan ko, walang kibo, hindi lumingon kahit katiting.
Kuya, this is what you taught me… To always fight for what’s right…and I grew up how you molded me… You became my role model, kuya… But you also became a lesson to test me on how far I would stand for my moral…
I could hear their deafening voices behind me almost fading, my tears fell down as I cried and bowed my head. Bakit kailangang pamilya ko lagi ang hihila sa akin pababa? Bakit kailangang pamilya ko lagi ang kalaban ko?
Hindi ko maintindihan. Nagsisisi ako kung bakit…bakit hinayaan ko ang mga salita ni Kuya noon sa akin na isalba ako sa bawat bingit ng kamatayan ko kung may inilaan na pala siyang kabaong sa akin sa dulo. Nagsisisi ako na hinayaan niya akong makatakas sa kamatayan ko kung papatayin niya lang pala ako.
“Bakit Denver? Sarili mong kapatid, hinayaan mong ipakulong?! Dahil ano, minahal mo ang lalaking iyon?! Mas pinili mong ipagtanggol ang lalaki mo kaysa sa sarili mong kadugo?!” At kahit si Mama, wala man lang pinagbago.
“Nahihibang kana! Sinira mo ang pamilya natin para sa isang lalaki dahil diyan sa kabaklaan mo!”
“Matagal nang sira ang pamilya natin noong mas pinili mong pagtakpan ang ginawa sa akin ng kadugo mo, ma!” And for the first time, the voice she had stolen from me years ago, I took it back…
Namilog ang mga mata niya, hindi inaasahang maririnig iyon sa akin.
“Ma… ako… ako ang unang tinanggalan niyo ng hustisya…ako ang unang biktimang hindi niyo pinakinggan at tinanggalan ng boses para lumaban!”
Alam ko, wala nang natitira sa akin. Isinuko ko na ang lahat. Kaya ano pa bang ikakakatakot ko kung inabandona ako ng sarili kong ina kung…matagal niya na akong tinalikuran.
I cried in front of her. “Naisip mo man lang ba kung gaano ako ka takot sa mga panahong iyon, Ma? Sa sarili kong itinuring na tahanan…na akala ko walang mananakit sa akin, na ang mga magulang ako ang magiging kakampi ko, pero mali… Kayo… kayo ang unang tumalikod sa akin!”
She has never heard my loud cries. She had never been worried. She… as a mother… never cared. She only cared about her reputation in this family.
“Mabigat ang nangyari sa akin, ma… Para akong mababaliw. Hindi ako noon makaligo, makalabas ng bahay, at iniisip kong mali ko…dahil naka shorts ako… at ang mga kadugo mo…ginawa pa nilang katatawanan! Nandito ka lamang sa bahay no’n, ma… Ngunit pakiramdam ko…wala akong kakampi. Pakiramdam ko, sinisisi niyo ako. Pakiramdam ko, kasalanan ko…”
Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang mga ito noon lahat dahil natatakot ako. Siguro, kaya desperado akong ilaban ang hustisya ni Reagan dahil alam kong walang lumaban sa sarili kong hustisya noong ako ang nanghingi.
“Kaya ka nagtatanim sa akin ng galit, Denver? Kaya mo ito ginagawa lahat sa amin dahil may galit ka sa amin?!” she argued back, her strained voice told me that she was more livid because I said my side.
“Noong eighteen ako, ’yang Lolo mo, nagtangka rin akong ibenta, Denver! Kapalit ng pera! Tinangka nila akong ibenta ngunit tumakas ako at mas sumama sa ama mo! Pero nakita mo bang nagtanim ako ng galit sa sarili kong magulang?! Hindi! Nakita mo bang inabandona ko ang Lolo mo, hindi!”
“At ’yun ang mali mo, Ma! Dahil hinayaan mo sila! Hindi purket magulang…hahayaan mong tanggalin nila lahat sa’yo! Ang hustisya, ang kalayaan, pati ang boses mo! Dahil ano, ma? Dahil magulang sila at sila ang bumuhay sa atin? Dahil kasalanan sa mata ng Diyos ang talikuran ang sarili mong pamilya?! Na dapat laging sumunod sa mga magulang kahit sila na mismo ang sumisira sa isip natin?”
Nilapitan niya ako, hinila at kinaladkad palabas habang itinutulak paalis.
“Kung gusto mong magrebelde, kung tingin mo ikaw ang tama, umalis ka sa tahanan ko! Lumayas ka! Hindi ko pakikinggan ang opinyon ng isang anak lamang! Umalis ka!” sigaw niya at ibinato sa akin ang iilang gamit ko sa matinding galit.
It has always been hard to voice out as a child. Because they would always view it as a disrespect. But I took it as an opportunity to finally free myself. To finally cut the chain of my own traumas that came from my own home.
Malaya na ako… kahit mag isa… malaya na…
“Hindi mo ako kailangang palayasin sa isang tahanang kailanman ay hindi ako naging parte, ma…” hikbi ko.
“Wala na akong anak simula ngayon. Kakalimutan na kita. Ipagtitirik kita ng kandila. Patay kana sa isip ko,” she threatened angrily, her eyes in bloodshot.
Matagal mo na akong pinatay, ma…
I lost a lover… a family… a home…
I lost everything.
Noon, lagi kong iniiyak sa Kanya kung bakit ibibigay Niya sa akin ang ganoong kasiyahan kung babawiin din pala. Pero sa lumilipas na araw, buwan, at mga taon…unti-unti kong nahanap ang sagot.
“Kumusta na kaya ang Papa mo?” tanong ko kay Rhey na nakaupo sa kama ko.
Sinabi ko noon kay Reagan na ibibigay ko si Rhey, ngunit ang totoo, ito lamang ang hindi ko magawang alisin sa buhay ko na nagpapaalala sa kanya sa anim na taong lumipas.
“Sana masaya siya. Masaya naman tayo kahit wala siya, ’di ba?”
Kung alam lang ni Reagan ang mga nangyari sa buhay ko, siguro maiisip niyang tama ang naging desisyon namin noon.
“Pag ’yan sumagot,” biglang sulpot ni Rio na ikinagulat ko, nakasandal sa nakabukas na pinto, ang mga kamay ay nakabulsa sa pants, suot ang duffel bag niyang naka slant ang strap sa kanyang balikat hanggang baywang.
Nasa college na siya at ako ang nagpapaaral. Tumikhim ako at dinala si Rhey sa labas lalo na’t nakagawian ko na yata siyang isama sa bawat gagawin ko. Ang mga kalokohan noon ni Reagan na lagi niyang isasama si Rhey sa lahat ng gagawin namin, nakasanayan ko na rin. He treated this as our baby…
Ipinaupo ko siya sa sofa habang ngumingiwi lagi si Rio sa akin, pero nasanay na rin. Minsan, siya pa nga ang kumakausap diyan pag ramdam kong namimiss niya rin si Reagan.
“Mawawala ako ng ilang araw kaya dito ka lang sa condo ko,” sabi ko kay Rio na tumingin agad kay Rhey at nagbibirong nakipag-apir.
“Apir! Maiiwan ka sa akin! Lagot kang bata ka. May matitiwarik na naman at lalambitin sa ere…” Pangisi ngisi niyang kurot sa tainga ni Rhey.
I leered at my brother. “Huwag na huwag mo ’yang gagalawin, Rio!”
Tumawa siya at hinaplos ang buzzcut niyang buhok na lagi kong kinakainisan. He looked up to him silently, and even now, I could feel that he became his own role model.
“Nga pala, Kuya…” tikhim niya at inilabas ang cellphone niyang regalo ko sa kanya.
“Kung siya ’yan, huwag mo na akong balitaan…” agap ko at pinagtuunan ng pansin ang pagkain na inihanda niya sa lamesa.
Umismid siya sa akin. “Edi hindi!” Sabay lingon kay Rhey at iniharap niya ang phone niya sa mukha nito. “May balita ako sa Papa mo. May iba na! Babae! Kita mo ’yan?”
Wala pang isang sigundo, nahablot ko na ang cellphone ni Rio at pigil hiningang tiningnan ang screen ng phone. Rio smirked at me.
My shoulder loosened as soon as I saw his picture, in a suit and tie, looking so serious like his signature look, as he was featured in a magazine for being an…outstanding attorney in their clan.
“Biro lang…” Halakhak ni Rio at nagawa pang ihagis si Rhey sa ere na sinalo niya agad. “Papa mo, Attorney na! Mama mo? Wala kang mama kasi mga bading sila!” he childishly chanted.
Hindi maalis ang titig ko sa picture. A small smile crept on my lips as I caressed the screen of my phone. Ang layo layo ng narating mo, mahal…
“Tingnan mo ang kabadingan ng isa mong Papa, Rhey…” si Rio na ipinaharap pa sa akin si Rhey kaya ibinalik ko sa kanya ang phone niya at kinuha si Rhey na kakawawain niya na naman at gagawing laruan.
“Ang tarantado ni Kuya Arron. Biniro niya raw ’yon na reretohan niya ng babae, noong pumayag, kamuntik niya raw bugbugin si tropapips!”
Nababalitaan ko rin naman kay Arron si Reagan noong mga taong naghiwalay kami. They became close. Si Arron, Brent at Shiloh ang common friends namin sa mga taong lumipas. Noong nag law school siya, si Brent at Shiloh, maayos ang updates sa akin. Kay Arron lang ako laging kinakabahan dahil parang tinatarantado niya ako lagi.
Ilang beses kong nababalitaan kay Arron na may girlfriend na si Reagan… at mala Avril Lavigne daw kaya patay na patay kaya sinasabi ko nalang din kay Arron na kung makikibalita man, sabihin niyang may boyfriend na rin ako.
After that breakup, we never reached out to each other. But we would silently communicate through our playlist. Music has been our bridge for the past years…
“Tinanggap mo ang offer, kuya?” tanong ni Rio nang maalala ang opportunity na natanggap ko.
Journalism has always been a passion to me during in high school when I couldn’t express the loud words in my head. I have always been fond of writing to express truth behind the lies of this society.
I became the voice of the suppressed…
When I pursued it during college, I found an inspiration along the way…
“Kasi kung tatanggapin mo, edi sa ibang bansa na tayo titira? Nandoon ang company nila ’di ba?”
I was given an opportunity to work under a big company in States as a writer. Pinag-iisipan kong mabuti. Malaki rin naman ang trabaho ko rito pero iba pa rin talaga ang offer internationally.
I opened my laptop and wanted to write and email, but my internet is just so slow, so I decided to answer them after the wedding of my friend.
Nag-impake na lamang ako sa gabing iyon lalo na’t hindi ko alam kung ilang araw kami sa Mindanao para sa kasal ng katrabaho ko sa isang firm.
“Ipapakilala kita mamaya pag dumating ’yon,” si Iris, ang ikakasal na journalist din nang tumuloy kami sa isang Hotel malapit lamang sa kung saan gaganapin ang kasal pagkatapos ng mahabang byahe.
The bride and the groom wanted a shoot after their wedding in the famous tourist spot in Impasug-ong Bukidnon, Communal Ranch. Mahilig kasi ang dalawa na mangabayo lalo na’t laking province ang napangasawa niya kaya gusto nila ng memories din doon.
And since I am the one who would sing at their wedding, I couldn’t refuse the offer, even her continuous request to get to know someone she knows. Gusto niya akong ireto.
Sa ilang taon na nagfocus ako sa career ko bilang journalist, wala akong naging panahon para maghanap ng iba. Hindi ko kaya. Lalo na’t alam ko, humakbang man ako palayo kay Reagan sa gabing iyon, naiwan ko sa kanya ang puso ko.
I don’t think love would impress me the way it did back on the days I was in a relationship with Reagan. It was the love I don’t want to replace nor seek in someone else’s arms because I am contented of being able to experience it.
Maganda sa Bukidnon. Sa kalagitnaan ng byahe kanina, hindi ko maiwasang mamangha sa probinsya. Siguro…gusto ko ring manatili pa ng ilang araw rito lalo na’t nakasanayan ko na rin namang mag travel minsan ng ako lang, may dalang camera at inaaliw ang sarili sa mga nakikita kong views.
I slept for the entire day until we arrived at Impasug-ong Bukidnon, Communal Ranch, for the intimate celebration of the wedding. The whole place was designed simply, but you would see how the view of the spot made everything perfect for the bride and groom.
Hindi ganoon ka rami ang bisita, ngunit lagpas dalawampo ata kung bibilangin din. There was a white aisle, while on the sides were lined bushes of flowers that served as the pathway of the bride for her walk later. Mga puti ang upuan na nakahelera sa limang linya bawat gilid, at sa harap ay ang altar na may kurbang mala gazebo na puno rin ng bulaklak.
Overall, the place looked so perfect for the couple. Noong nagsisimula na ang seremonya, tumayo ako sa gilid, nakaputing tuxedo, sa gitna ay ang altar, at sa kabila naman ay ang pagtayo ng groom.
“Nasaan ang best man?” I heard them whisper.
Tiningnan ko ang relo at limang sigundo nalang, magsisimula na. When a car arrived, someone went out in his tuxedo and hurriedly went to the venue—my heart stopped for a while.
“Rick!” the best man called in a hurry.
Nagsilingunan ang bisita sa kakadating lang na matangkad na lalaki, dire-diretso na ang hakbang papunta sa harap. I was so stunned that I couldn’t believe I was seeing him after so many years at someone else’s wedding…
When our eyes locked, I’ve seen the shock on his face because his gaze stayed on mine while he was walking toward the groom.
“Sorry, medyo na…late…” he said in his deep voice. His eyes stayed at mine confusingly until he slowly took it away, looking at the groom with his furrowed brows.
Tinapik ang balikat niya at nginitian na ayos lang. The ceremony then started. Everyone is already in their places. Sa buong ceremony, habang tumutugtog na, kumakanta ako, tuliro ako at ramdam ko ang mga nakaw tingin sa gilid ng mga mata ko ng kung sino.
I felt nervous, and I couldn’t concentrate. I wanted to glance at the side to check if he was really looking at me, but I held back. Ang rami kong tanong sa isip ko, kung bakit nandito siya, at hindi makapaniwalang…kaibigan lang siya ng groom, ang magiging asawa ni Iris na isa ring kaibigan ko.
The bride then stood on the edge of the aisle for her entrance. Medyo mahangin na habang papalubog na ang araw. Her white wedding dress slightly danced while the whole place turned golden as the violin started playing. The violin started for the familiar intro of Blue by Yung Kai.
“Your morning eyes… I could stare like watching stars…I could walk you by, and I’ll tell without a thought…” I sang softly.
“You’d be mine…Would you mind if I took your hand tonight…” patuloy ko, habang ang bride, nagsisimula nang humakbang…
Everyone’s eyes were on the bride walking the aisle…except for one person. My gaze then turned to the side to check if he was even looking at the bride and I caught him looking at me instead…
“Know you’re all that I want this life…” patuloy kong kanta, nahuli muli ang tingin niya, at siguro, medyo na guilty, pasimpleng yumuko, ngumuso, at pinilit na magseryoso kahit na tumatakas ang ngiti sa labi.
I concentrated on my singing despite the loud banging in my chest. Hindi ko pwedeng hayaan ang sarili kong emosyon ngayon lalo na’t ayaw ko ring sirain ang araw ni Iris.
That’s why when it successfully ended, lubos ang pasasalamat ko na hindi man lang ako napiyok kahit ilang beses kong nahuhuli ang mga nakaw tingin niya sa akin sa buong ceremony, na sa halip na maging best man ng groom, kahit tingin man lang sa bride, wala. Nalilingat at nakatingin sa kumakanta…
His actions would always be funny to me since then. Noon pa siya ganyan. He would always curiously stare at me and look at me like I was an abstract art he wanted to decipher.
Everyone clapped for the newlywed couples as they kissed. Nagbatian agad ang bawat pamilya, nagngingitian at nag-uusap habang nahuli kong muli ang tingin niya sa akin habang may papalapit na babae sa kanya.
I took my eyes off him when I realized he might not be alone. Oo nga naman… Bakit ko iisiping sa ilang taong lumipas, wala siyang girlfriend? Of course… he has. ’Yan ang sabi ni Arron sa akin.
“Ipapakilala kita mamaya. Magugustuhan mo ’yon,” nangingiti niyang kindat sa akin.
Maybe I should just accept it and try? Lalo na’t ito na ang senyales na hinihintay ko. Pag nakita ko siyang masaya, magiging masaya na rin ako.
“Sige, kikilalanin ko…” sabi ko kahit may munting umaahong sakit galing sa nakaraan.
But I don’t want to dwell on those sad memories. I am happy to see him happy with someone else.
Curious by the clear pond sitting in the middle of the Communal Ranch with a lonely tree on the side, I walked toward it. Tanaw mo ang mga berdeng bundok habang humahalik ang asul at matingkad na langit. The color of the sky reflected on the pond, and I was more stunned when I stopped and stared at it in awe.
Naaalala ko…tuwing kaarawan niya, madalas na akong bumisita sa dagat. And I would rather go to the beach during my birthday just to sit on the shore and look at the crashing of the waves. Iyon lagi ang nakagawian ko para takasan ang masakit na alaala sa nakaraan kahit kailanman, hindi ko sila pinakawalan…
I sighed heavily and smiled with ease. He seems okay over the years…
“Kumakanta ka pa rin pala,” I heard a familiar voice that I glanced at my back.
Lumapit siya nang tuluyan, nasa magkabilang bulsa ng slacks ang kamay at nakatingin sa asul na langit nang huminto siy at tumabi sa gilid ko.
I nodded a little and smiled. “Oo. Hindi ko na mahinto. Request din ng bride na kaibigan ko kaya…mahirap tanggihan.”
He arched his brow and glanced at me with amusement. “Kaibigan mo pala ang asawa ni Calvin. Kaibigan ko siya. Magkakilala kami sa isang firm.”
I nodded and looked at the pond to stop myself from saying anything that I would regret.
“Bagay sa’yo…”
I blink twice and glance at him, confused. Hinaplos niya ang tainga niya. “’Yung buhok mo… bagay sa’yo…”
I realized that…he was talking about my new look compared to my old look during our college days. Mas mahaba sa dati kong buhok at hanggang balikat. I put it into a half ponytail for today’s ceremony while there were curtain bangs on the sides.
His look right now reminded me when he got his new haircut. Maganda ang tindig niya noon pa man, at sa porma niya ngayon, isang dangkal na ang haba ng buhok at nakabalandra ang noo, hindi ko maiwasang punahin na talagang…guwapo siya.
There was silence between us. For some reason, I couldn’t help but smile for our closure. It might be unplanned and unpredictable, but this is the best place to…meet someone who was part of my past.
Masaya ako na nagkita kami ulit. May kanya kanya nang buhay, may kanya kanya na ring plano at kontento sa narating.
His clan was desperate to lock my brother behind bars for the rest of his life during the hearing of his case. When my brother was convicted—guilty beyond reasonable doubt—I silently cheered for his justice. Masakit man ang pataw na parusa kay kuya, pero hangad ko na makita ng kapatid ko kung gaano ka bigat ang ginawa niyang mali.
Iyon din ang naging hakbang kong umalis sa bahay. Pinalayas man ako, itinakwil, ngunit alam kong matagal ko nang hinangad na makalabas sa pamilya namin. I silently cut them off. Nagbibigay pa rin ako pero hindi na katulad ng dati na halos abusuhin ko ang sarili kakatulong sa kanila.
Hindi ko rin alam kung kaya ko bang bumuo ng sarili kong pamilya lalo na’t mas masaya ako ngayong pagbigyan muna ang aking sarili. Ako na muna…
“Balita ko…may boyfriend ka raw?” basag niya sa katahimikan na medyo nagpagulat sa akin.
Nangalay na marahil kakatayo, umupo na siya at tinitingala na lamang ako. So I slowly sat on his side as well, looking at the blue sky, as I couldn’t help but think of this time as a given opportunity to tell him things.
“Balita ko rin…may girlfriend kana,” I answered.
“Sinong may sabi? Si Arron?” Nakatingin siya sa akin, nasa likuran na ang mga kamay na itinuko niya sa malinis na sahig.
“Mala Avril Lavigne daw. Patay na patay ka…” bulong ko, hindi alam kung tunog tampo ba lalo na’t napatingala siya at natawa.
“Gagong ’yon…”
I pursed my lips.
“Oo… May anak na nga kami ngayon… Kulay ginto rin ang buhok. Mana sa mommy,” he announced happily while the smile was still kissing his lips.
I nodded despite how my heart sank quietly. I was breaking…happily.
“Ikaw ba?” He tilted his head.
“May…kinikilala… May nililigawan…”
He nodded without giving too much expression about it. “Sabagay… magugulat siguro ako kung single ka sa anim na taong lumipas.”
I clutched my hand and wore my little smile during our conversation. I am genuinely happy for him. Lalo na’t kung mauulit man ang gabing kailangan ko siyang pakawalan para lang makita siyang payapa…bibitawan ko siya kahit alam kong may ibang hahawak sa kanya sa paglipas ng maraming taon.
Masaya ako sa narating niya, sa pagmamahal na nahanap, at sa pagkikita namin ulit. Noong naghiwalay kami, alam ko, imposible naman talaga na maitutuloy namin ang relasyon naming dalawa kahit pa lumipas ang napaka raming taon.
It was my brother who scarred him. A family by blood. Alam kong palalalain ko lamang ang sitwasyon noon kung ipipilit ko man ang meron sa amin.
The wedding reception was held in the overview looking in Bukidnon. Gabi na at maingay ang venue dahil sa kainan at ang pakulo ng mga MC. I could see Reagan at someone else’s table beside a woman who kept on talking to him—probably his girlfriend or his wife since he said…they already have a kid.
Lumapit si Iris sa akin, malawak ang ngiti at hinila na ako.
“Halika… ipapakilala na kita…”
She held my hand and pulled me to the table of Reagan. Medyo nagulat ako ngunit tumayo ang isa pang babae sa table nila Reagan at nakangiting nakatingin sa amin.
“Iris,” the woman called.
“Genesis!” maligalig na bati ni Iris kaya ang mga nasa table nila, nasa lima, kasama si Reagan, napatingin na rin sa paglapit namin.
I looked at the woman. She is actually cute. Nasa five feet four ang height at maputi. The girlfriend of Reagan whispered something to him. Si Iris, kinakausap na ang babaeng ngumingiti na rin sa akin.
“Mauuna akong uuwi mamaya ha,” the girl said which Iris nodded.
Tumikhim si Iris, ngumiti sa akin, handa na akong ipakilala sa babae lalo na’t tumitingin na rin sa akin. I was bracing on offering my hand to the girl, but…
“Attorney Vallejo…” Iris called and tapped his shoulder. “May ipapakilala ako…”
Nalilito kong tiningnan ang pagtayo ni Reagan, may ngisi sa labi.
“Ah…ito na ba ’yon?” He looked at me from head to foot with satisfaction.
Anong…
Iris laughed and slapped his bicep. “Magtino ka! Kaibigan ko ’to! Mabait ’to!”
I was so confused while Reagan was smirking.
“Matino ako! Walang sabit! Hindi ako babaero noong college, ah?” He even raised his hand to show he meant his words.
“Pakita nga ng ebidensya, Attorney!” Isa sa lalaki na nasa table nila.
“Ito ebidensya.” He showed his middle finger that everyone laughed.
“Hindi ba’t bisexual ka at ayos lang sa’yo ang lalaki? Bisexual din kasi ang kaibigan ni Calvin at nagpapareto ng mahinhin na bisexual na lalaki kaya naisip agad kita. Sobrang guwapo, ’no? Bagay sa’yo,” Iris whispered.
Pero…akala ko ba…
“Nakailang reto na kami diyan kay Attorney Vallejo, sa sobrang arte, ang daming sumuko. Sana habaan mo ang pasensya mo…” sabi ng babae na…akala ko…girlfriend niya.
Kinurot ni Iris si Reagan. “Ano? Pasado ba? Kasi kung hindi, ang kapal naman ng mukha mo eh ang guwapo at ganda nitong kaibigan ko!”
Reagan shrugged, but there was a playful smile on his lips. “Pasado na… Medyo bagay sa akin…”
I rolled my eyes, but I couldn’t help to smile. He didn’t change.
The truth is, that night at Angela’s party, I imagined a different scenario. Brent introduced him to me, and instead of Keycee, it was me who held his hand…shook it…and uttered my name.
But tonight…seems like my past imagination is already served in front of me. And I don’t want this moment to slip in my hand…
“Denver Ferrin, a journalist,” pakilala ko at inilahad ang aking kamay sa seryosong paraan.
His smirk grew even wider that he shook my hand and tilted his head while wearing his smug. “Attorney Reagan Vallejo…”
“Naks! Bagay nga. Journalist at Attorney!” muling biro ng lalaki sa table nila kaya napuno kami ng kantyaw sa mga bisita.
“Ilipat niyo sa ibang table para magkakilala agad! Itali na ’yang si Attorney!” May kung sinong sumigaw at ang groom pa mismo.
“Kahit walang warrant of arrest, susuko ako!” gatong niya sa mga biro kaya humiyaw lang lalo ang mga bisita.
And suddenly, everyone was now eager to isolate us from them. May tinawag na si Iris na waiter at may isang table na gustong kami lang doon ni Reagan. Hindi ko halos maproseso ang nangyayari ngunit hindi ko itatangging hindi ako nahahawa sa tawanan lalo na’t isa rin ako sa gustong sabayan ang mga biro nila.
“Ako pala ang liligawan mo?” He laughed as soon as we occupied the seat on our own table.
“Akala ko ba…” nalilito ko siyang tiningnan, medyo natatawa rin.
He took his phone out of his pocket and showed the screen of his phone, which is a golden retriever puppy.
“Mana kay Avril Lavigne. Blonde rin.” At ang tinutukoy niyang anak, isang tuta?
Gusto kong tawagan si Arron at murahin kung ano man ang kalokohan nilang dalawa ni Reagan. I cannot believe I didn’t think that he would always come up with his silly jokes! But then, I relaxed on my seat and tried to stay composed when I was already floating…
“Wala kang…girlfriend?” I asked and looked at the woman who kept on talking to him earlier. Mukhang kami ang topic sa bawat table dahil lumilingon sila sa amin at panay ngiti.
Reagan shook his head. “Wala. Nagpapareto lang ako kay Calvin. Eh…nakwento niya na…may kaibigan daw si Iris na mahinhin na bisexual. Noong…pinakita niya ang picture mo, nagulat ako…”
I shut my eyes and wanted to burst out laughing. Ang gusto kong kilalanin…ay walang iba kundi siya?
“Aatras sana ako kasi kamukha ng ex ko, kaso nalaman ko kay Iris nagpapareto ka rin daw. Kaya…pumayag na ako… Kikilalanin pa lang naman.” Ngunit makahulugan ang ngiti sa kanyang labi.
Kumalma ako at nangingiting napairap. He calmed down as well, tilting his head with a smile on his lips.
“Marami akong magandang nabalitaan sa’yo. Sa nakikita ko, mukhang ang ganda nga,” aniya na nagpabaliktanaw sa akin kung gaano na ako kalayo.
I’ve reached the top, Reagan…
I got my dream life far from the toxicity of the family I used to have. I bought my own car too. I also bought my own condo unit. I could provide for Rio’s whole college course, and we could travel to different countries now.
Hindi na ako umiiyak pag nakukuha ko ang aking sweldo dahil kahit hindi muna ako magtrabaho ng ilang araw, mapapanatag pa rin ako na may makakain kami ni Rio.
Naging masaya ako…kahit puno ng pangungulila, ngunit mas inalagaan ko ang buhay na ipinaranas mo sa akin noon.
Maybe my greatest achievement in life was the moment when I would no longer play the piano out of pain. I would now play it to remind me that I was saved twice, that I survived those nights, and I will survive even more.
I…finally got the courage to change the melody of my own life, Reagan. And once you would hear it, it wasn’t a loud cry anymore. It became my own lullaby, where I could finally sleep peacefully at night.
“Nakaya kong…hindi ibenta ang kidney ko,” At sa lahat ng nasa isip ko, iyon ang binanggit ko na ikinatawa niya.
It was an inside joke that I might even sell my own kidney because he thinks I was so selfless.
“Tingin?” He tilted his head more; the smile kissing on his lips was so playful that I laughed too.
I pulled up my shirt to go with the flow of his silly jokes, but a sudden shout disturbed us.
“Bakit may tinginan nang nangyayari diyan! Mahiya naman kayo sa bagong kasal kung mauuna pa kayo!” And followed by their laughs.
Natawa rin kaming dalawa ni Reagan lalo na’t napalingon kami sa kanila. It was a happy night where I’ve seen how the years didn’t even change him.
No. He changed. But just the best version of himself. He looked so free and peaceful.
To free ourselves from their continuous teasing, we decided to go to the other parts of the overlooking venue. Pumwesto kami sa parte kung saan tanaw namin ang citylights sa malayo at ang mga bituing kumikislap sa gitna ng gabi habang kapwa kami nakayuko sa railings.
“Sabi ni Arron, masaya ka raw. Binalita niya rin sa akin na may boyfriend ka,” aniya habang nasa harap ang titig niya.
“Binalita niya rin kasi na…may girlfriend kana kaya…sinabi ko ’yon. Ayokong isipin mong hindi ako masaya.”
He laughed and shook his head. “Sinabi ko lang ’yon na sabihin sa’yo pag sinabi mong may iba kana. Pero mas naging focus din kasi ako sa law school. Noong makapasa, nagfocus agad ako sa mga kaso. Mentor ko ba naman si Tito Alfred…”
I smiled while hearing his cute story about his past. He sighed at ease.
“Naging mahirap noong wala ka pero…nakaya ko.”
I listened carefully.
“Noong makuha ko ang hustisya, wala na akong ibang ipinagdasal kundi ang makamit mo ang pangarap mo. Nakamit ko na ang pangarap ko kaya sana, sa’yo naman,” he uttered solemnly.
“Wala na ako sa bahay namin,” kuwento ko, nangingiting nakatingin sa buwan. “May stable akong trabaho, nakatanggap din ng offer internationally, may sapat na ipon para hindi na kailangang pagurin ang sarili, at…nakakapagcelebrate na rin ng birthday. Kaya ko na ring bumili ng marami kong cake. Kahit araw-araw…kaya ko na. Hindi na ako nag-guilty gumastos sa ibang bagay nang hindi iniisip kung may matitira pa ba sa akin.”
He smiled gently. “At skincare?”
I nodded and laughed happily. “Higit pa sa skincare. Eh ikaw?”
“Nakakatulog na ako kahit patay na ang ilaw…” His brows shot up proudly.
Namilog ang mga mata ko. Ngumuso siya.
“Payapa na ang mga gabi ko…” he confessed quietly.
Tumingala ako, mas napangiti nang masigla.
I remember that I would sometimes pray that if I were given a chance to find another love, I wanted someone who would laugh with me in the middle of my rainy nights… To share my own blanket while sipping our hot coffees… To fall in love peacefully…
Kung sa paglipas ng panahon, tadhana mismo ang gumawa ng paraan, hiniling ko na sana, kung makikita ko man siya ulit, iyong malaya na kaming dalawa sa nakaraan. Lalo na’t pinangako ko, kung ako pa rin ang pipiliin niya, kahit hindi niya ako hihilain, kusa akong maglalakad patungo sa kanya.
Kusa ko rin siyang pipiliin…
“Anong…mararamdaman mo kung…” Galing sa pagkakatitig sa buwan, nilingon ko siya at nahuli ang titig niya sa akin. Bigla akong may naalala sa nakaraan at ngayon lamang napatunayan na…kahit ang buwan…hindi kayang kunin ang atensyon niya sa akin.
“Akala ko ba liligawan mo ako?” marahan niyang tanong.
I licked my lips, mirrored his smile, and tilted my head. “Wala bang magagalit?”
He licked his lips too. He looked away for a second, but I tilted my head to capture his eyes. Natatawa niyang ibinalik ang tingin sa akin nang mapagtantong matapang kong hinuhuli ang pag-alis ng titig niya.
“May…anak talaga ako… Pamilyado akong tao… Teka…” He pulled his wallet out of his pocket and showed a picture. “Kung hindi sila magagalit, papayag ako.”
Namilog ang mga mata ko. A tear dropped on my eyes out of joy when I saw the photo he kept. Kami iyon kasama si Rhey na nasa gitna habang nakadikit ang pisngi namin sa bawat pisngi ni Rhey.
“Hindi ko ito pinakawalan noong…sinunog natin lahat. Hindi ko pala kaya,” he laughed brokenly, and even his eyes mirrored the twinkling tears in mine…
“Hinihintay ka ni Rhey… Hindi ko siya itinapon,” I whispered hoarsely, my tears dropping on the side as I weakly laughed.
His eyes widened until the tears pooled gradually, and his lips stretched for a peaceful smile as he nodded at me.
“Uuwi na…” garalgal niyang sabi.
Napayuko ako, nanginig ang labi, sa kabila ng saya, hindi ako makapaniwalang bubuhos ang luha ko at tatakas ang mga hikbing hindi na kayang pigilan pa.
I bowed and cried. He held my forearm and slowly pulled me toward him while hushing me. Kahit lumuluha rin, ang munting ngiti sa labi niya ang nagpatahan sa akin, na sa wakas…hindi na namin kailangang mamili kung alin ang mas matimbang…kung alin dapat ang mas higit… at kung sino dapat ang isasalba…
“Nakauwi na, mahal…” he whispered languidly.
And after so many lonely nights, the cold felt warm for the first time. Our storms have finally calmed, Reagan…
Special Chapter
Happy 2nd Anniversary, SAC SERIES! Here’s a small gift I made to give you a glimpse of what happened after the timeline of Chapter 42! Again, I’ll write a longer version of this that covers their entire future together.
Thank you so much for being brave enough to finish this book. Happy reading, irys!
————
“Anak niyo ba ’yan? May ganyan din akong ibinigay sa kanya noon. Stuff toy din ’yon,” kuwento niya kahit hindi ko naman tinatanong.
Sinamaan ko siya ng tingin at ipinasok ulit sa bulsa ang polaroid picture nang makisilip siya para tingnan ang kanina ko pa tinititigan. Gagong ’to.
“Nakaka-move-on na yata siya eh. Ikaw na lang ang napag-iiwanan…” aniya at sinimsim ang rum sa tabi ko, ang tingin ay nasa dance floor.
I chugged down my own drink and furrowed my brows bitterly. “Sino bang nagsabing napag-iiwanan ako? Kung hindi ako busy sa law school, tingin mo hindi ako magg-girlfriend?”
Dahil totoo naman. Nasingit ko lang naman ang lovelife noong college dahil magaling ako mag-multi-tasking! Ngayong nasa law school na ako, ipapatong ko pa ba ’yang lovelife? Sakit na nga sa ulo ang lectures ni Tito Alfred, magdadagdag pa ba ako ng isa pa?
Kinuha niya palabas ang phone niya at may ipinakita sa aking chix. Interesado ko iyong tiningnan kahit sa totoo lang, nakakawalang gana kumilala talaga.
“Ito. Mahinhin ’to. Patay na ang Papa kaya magkakasundo kayo. Pwedeng doon kayo mag-click, parehas na napag-iwanan. May ex din ’to pero ayon, pinagpalit siya. Relate ka rin dito, bukod sa sinulot mo ang ex ko na ex mo na rin ngayon, ang kapal talaga ng mukha mo…”
Tang inang ’to, namemersonal. Hindi maka-move-on!
“Akin na ang number. Kikilalanin ko. Baka naman kasi gago din ang ex niyan, hindi siya naalagaan ng tama at kinakahiya pa,” sabi ko at dinampot ang phone kong nakataob sa countertop, katabi ng alak na kaming dalawa lang ni Arron ang lumalaklak.
“At papatulan mo talaga? Ayan, diyan ka magaling, ang mang-abang kahit hibang pa sa ex! Kikilalanin mo pa talaga?” Sinamaan niya ako ng tingin.
“Eh irereto mo sa akin eh. Malamang! Akin na. Kung kikilalanin ko ’yan, sa akin na ’yan mahihibang at makakalimutan niya agad ang ex niya.” Ibinigay ko sa kanya ang phone ko kaso itinulak niya palayo.
Umismid siya sa akin. “Ilayo mo nga ’yan. Bugbugin kita eh. Gi-girlfriend ka pa eh ang busy-busy mo nga. Reply mong sa susunod na araw pa. Huwag na.” At siya pa ngayon ang mas galit? Eh s’yempre, sino ba siya para reply-an ko agad?
I placed my phone back on the countertop. “Anong height niyan?” seryoso kong tanong.
“5’8. Modelo, eh…”
“Ah… Gusto ko kasi ng mga petite girls. Alam mo ’yung pag tumayo sa may puno, para nang nuno sa punso? Cute ng mga gano’ng babae eh…” Ngisi ko at sinimsim ang maiinom.
“Parang noong nakaraan lang, naghahanap ka ng matangkad, na kung pwede mala-kapre sa tangkad. Ngayon naman mala-nuno sa punso. Huwag ka nang mag girlfriend! Dami pang alibi, ayaw na lang sabihing hindi pa nakakamove-on…” Iling niya at nagsalin ng panibagong inumin sa baso niya.
I licked my lips and smiled bitterly. Isang sulyap sa dancefloor, mga girls na sobrang wild kung gumiling, muli kong ibinalik sa harap ang atensyon.
“Pag nakibalita sa akin…sabihin mo masaya na ako. Na patay na patay ako sa girlfriend ko na mala Avril Lavigne. Gets niya na ’yon. Alam niyang dream girl ko ’yan…” Sa pagtulog nga lang.
Pero maniniwala ba si Rin doon? Pa-edit kaya ako para mas makatotohanan tapos i-cover photo ko sa FB? Deactivated nga lang ang FB ko. Ginawa ko ba namang album namin ang account na ’yon, kaya paano ko bubuksan, ’di ba?
Arron nodded seriously and licked his lower lips. I sipped on my drink with contentment. Tama ’yan. Makaka-move-on din siya. Baka kasi hindi pa nagmomove-on sa akin. Ayoko namang paasahin o ano, pero noong naghiwalay kami, sigurado akong wala na siyang babalikan—
“Kahit sabihin ko siguro, wala na siyang pakialam. May boyfriend na ’yon eh…”
I choked on my own drink and coughed. Tarantadong ’to! Kitang umiinom ang tao!
“Gago…” Irita niyang pinunasan ang braso niya nang matalsikan. I snatched his handkerchief from his hand and wiped it on my mouth. Disgusto niya akong tiningnan.
“May boyfriend na siya?” muli kong tanong.
“Oo nga. Meron na. Matangkad din. Nagbabanda. Lumalabas nga minsan sa TV. Mukhang kasali sa sikat na banda. Kahit bumalik ka, wala kang pag-asa sa bago…” aniya, pasimpleng tumingin sa dancefloor.
Hayop na banda ’yan. Hindi na talaga nagbago ang taste ni Rin. O baka naman…
“Baka naman blueprint ko lang?” sabi ko, itinagilid ko pa ang ulo ko para matingnan siya ng mabuti.
“Ang kapal din talaga ng mukha mo. Ano tingin mo, ikaw lang ang lalaki sa paligid? At baka nga ako ang pinagbasehan no’n. Drummer eh… Vocalist din.”
“Vocalist ka ba? Kanta nga nang masakal kita.”
He licked his lower lip again, back in his serious mode, as if he were reminiscing about something on his mind. “Aprobado nga sa akin. Nakikita ko kasi minsan ’yon sa simbahan, nagdadasal. Lumuluhod luhod pa ’yon.”
Medyo nakakapangduda. Hindi ’yong lalaki na nagdadasal, kundi si Arron mismo na nasa simbahan. Eh ngayon nga, linggong-linggo, dinemonyo ba naman akong uminom. Kaya parang ang hirap paniwalaan. Ibang-iba siya sa pinsan niyang si Kael, hindi pala-inom. Itong isang ’to, ang lakas mangyaya, pero ako ang pagagastusin. Hayop.
“May picture ka ba? Patingin nga. Baka mamukhaan ko,” sabi ko at ibinaba ang baso.
“Wala. Pero kung nagkita kami ulit, pipicturan ko sila. Basta huwag kang umiyak, ah?” He smirked tauntingly.
I rolled my eyes and snorted. “Ako pa ang iiyak? Sa dalawang taon, nakaya ko. Kahit umabot pa ng anim na taon eh…”
“Yabang. Akala mo talaga wala akong compilation videos niya na humahagulhol pag nalalasing at gustong puntahan ang ex niya…” aniya na gusto kong sikuhin ang mukha.
I shook my head and poured another drink for myself. Siguro, dala ng marami nang naiinom, mahirap nang magsinungaling.
“Kung inaalagaan naman siya ng tama, ayos lang. Masyado pa naman ’yong workaholic, kahit pagkain niya minsan nakakalimutan kaya dapat monitored niya. Kung hindi niya bibigyan ng bulaklak buwan buwan, ano pang silbi ng pagiging boyfriend niya ni Rin? At sana naman mas guwapo sa akin ang ipinalit niya. Dahil kung hindi lang, ano pang saysay no’n?” I said bitterly while pouring myself a drink.
Arron furrowed his brows seriously. “Artistahin ang mukha. Walang wala sa mukha mo… Pangbillboard ang mukha no’ng bago niya.”
Sarap din talaga pektusan nito sa ngala-ngala. Hindi ko nga alam kung paano ako nakakapagtimpi sa gagong ’to. Alala ko, noon lang, gustong gusto ko siyang bangasan. Pero ngayon, sarap nang ilibing ng buhay eh.
“Eh si Rio? Kumusta ’yon?” mahinahon kong tanong nang maalala ang batang ’yon, ang tanging kakampi ni Rin sa bahay nila.
His expression soured. “Pangit yata ang naging epekto sa batang ’yon ang nangyari. Nababalitaan ko…medyo napapariwara. Nasasangkot sa mga…” He sighed and sipped on his shot.
Nakakabitin naman ’to magkwento! Ayaw ituloy! Pero sa bigat ng nararamdaman ko, parang ayaw ko ring marinig. Tinulungan ’yan ni Mommy eh. Pero si Rio ang kusang tumanggi at nabalitaan na lang namin, kahit ’yung tutor niya, hindi na sinisipot. Umalis na rin sa eskwelahan na fully paid na sana hanggang maka-graduate siya ng high school.
Sana naman, nagamit ni Rio ang mga itinuro ko sa kanya noong kami pa ng kapatid niya at madalas ko siyang leksyunan tungkol sa mga batas para may alam din siya kung sakaling malagay siya sa ganoong mga sitwasyon. Pansin ko kasi wais na bata, sa kalokohan nga lang. Halata kasing laking kalye din talaga.
Hindi ko kayang ipagpatuloy ang koneksyon sa mga Ferrin kahit man lang kay Rio. Kay Rin nga, ang bigat-bigat na…lalo na’t kapatid nila…ang putang inang hayop na ’yon na nakakulong na rin.
Noong hearing, gustong gusto ko ’yong bangasan. Binaliktad pa ako ng hayop. Ginusto ko raw, ako ang nangyaya, at ako pa mismo ang tumira sa kanya. Sa sobrang kalasingan ko no’n, wala akong maalala pero malinaw sa akin iyong pumatong siya! Isa sa nagamit na ebidensya ay iyong record ko sa clinic noong kinse lang ako.
Mabigat sa akin ang hearing. Parang paulit-ulit akong sinasaksak; kailangang harapin ang nangbaboy sa akin; kailangang ipaglaban ang hustisya na ilang taon kong hindi nahawakan.
At ang nakakakulo ng dugo…siya pa ang lumabas na nagpapaawa, biktima lang din, at hindi ginusto ang nangyari. Alalang-alala ko ang sinabi niya no’n sa hearing…
“Sising-sisi ako sa nangyari sa aming dalawa, dahil kung hindi lang ako lasing, hindi ako papayag. Pero biktima rin ako, kung siya, nandidiri sa nangyari sa amin, ako rin…hindi ko ’yon ginusto. Alak ang kumontrol sa akin. Noong nasa huwisyo na ako, hindi ko nasikmurang…hinahawakan niya rin ako…at ang malala, ka-edad lang siya ng kapatid ko. Diring-diri ako na…ilang beses ko ring pinagtangkaang saktan ang sarili ko, ilang beses na naglaslas, at ilang beses na gusto na lang mamatay. Pero dahil naniniwala akong mapagpatawad ang Diyos, na naiintindihan niya ang nangyari sa akin at may karapatan pa rin akong mabuhay, naging sakristan ako…para ipakitang…pinagsisisihan ko lahat lahat…”
Tang inang sinungaling na ’yon. Ang kapal ng mukhang gamitin ang mental health niya para matakasan ang ginawa niyang kababuyan, para lang ipakitang nagdudusa siya at biktima din! Ito ang nakakagalit sa mga katulad nilang manipulative. Sila na nga ang nakasakit, pakiramdam nila, sila pa ang dapat kaawaan at intindihin, na may rason sila kaya ’yon nagawa.
Madalas na mga katulad nila, magaling magpanggap at gumawa ng istorya. Ang galing din magpaawa. A thick-faced narcissist who would use their mental health to guilt-trip and gaslight their victims. Fucking disgusting!
Nakakatawa talaga ang mga taong may dalawang mukha. Isa na kilala bilang sakristan—mahal ng publiko at iniidolo, isa naman ang demonyo—utak rapist, mapangmanipula, at hindi kayang panindigan ang mali. At ang masaklap, may mga taong nabulag sa ipinakita niyang kabaitan na patuloy siyang ipagtatanggol at iidolohin pa rin.
Kaya noong nanalo kami sa kaso, pakiramdam ko, may parte sa akin ang nakalaya. May parte ang gumaan…
Kung may isa pa man akong gusto ngayon, bukod sa hustisyang nakamit ko na, ay ang makalaya na rin sa nakaraan. Lalo na’t gabi-gabi kong napapanaginipan ang tabing dagat, ang apoy sa harapan namin, ang mga ala alang sabay na sinunog namin…
“Kung ako rin ang nasa posisyon mo…baka mabaliw ako,” marahang halakhak ni Arron, pait ang ngiti at nailing. “Sakit niyan…”
“Diring-diri ako… Ewan. Lahat ng memorya ko kay Rin, natabunan ng pandidiri. Hindi ko masikmura. Pag naaalala ko na magkapatid sila, para akong maduduwal. Isipin mo ’yon, kadugo niya lang.”
Tumango si Arron. “Buti nga…nakaya mo siyang bitiwan. Kasi sa nakikita ko sa relasyon niyo noon, akala ko nga…”
“Kailangan ko talaga siyang hiwalayan. Hindi ko itatangging hindi lang ako nandiri sa kanya, kundi pati na rin sa relasyon namin. Kahit sa sarili ko, para akong bumalik sa unang araw na nangyari ’yon. Ang kaibahan lang, mas matapang ako ngayon. Mas kayang tumindig para sa sarili at kayang lumaban.”
I chose justice over the love I found because it was what I needed the most. I might have abandoned the love that once sheltered me, but I knew I fought for what’s best for us.
“Kahit ngayon, ang bigat pa rin sa pakiramdam. Hindi ko siya kayang silipin man lang. Ayoko siyang makita kahit…gabi-gabi siyang laman ng panaginip ko. Para akong minumulto ng nakaraan eh.” I laughed sarcastically.
Arron sighed and sipped on his drink again. Maingay pa rin ang paligid, pero hindi ko halos maramdaman ang iba dahil sa pinag-uusapan namin ni Arron.
“Hindi ko nga alam kung sinadya ba ng isip ko na ’yung gabing ’yon ang lagi kong napapanaginipan, o iyon ang mas pinili Niya kaysa ang ipakita sa akin iyong gabing diring-diri ako sa sarili…”
Lalo na’t walang gabi na hindi siya dumaan sa panaginip ko. Walang gabi na hindi nagbago ang kulay ng langit sa gabing iyon. Walang gabi na…hindi naging marahan ang hampas ng alon habang…paulit-ulit kong naririnig ang halinghing ng tawag ko sa kanya.
Mahal…
Or maybe, the reason why I kept on dreaming about it is because I couldn’t let go of the only memory I could grasp when we were still together.
Gabi-gabi, bumabalik ako sa oras na ’yon, sinusubukang ibahin, sinusubukang ilaban…hindi kayang lumisan.
“Minumulto ka ng araw na ’yon dahil alam mo sa sarili mong may gusto kang baguhin…” aniya.
Tumango ako. “Oo rin. Kung…nilaban ni Rin, baka…” Unti-unti kong nakita sa isip ko na baka…naging iba ang takbo ng buhay namin at baka…kami pa rin.
“Hindi rin. Kilala ko ang isang ’yon. Matayog manindigan ’yon. Selfless. Alam niyang kung sinabi niyang takasan niyo ang lahat, papayag ka. Kaya nga mas pinili niyang umalis dahil alam niyang iyon lang ang paraan para hindi mo kailangang mamili.”
I glared at Arron for saying he knew him too well. Kilalang kilala pero hindi inalagaan ng tama?! Pero kumalma rin dahil may tama rin siya.
Wala yatang oras na hindi namin nagagawang pag-usapan ni Arron ang tungkol dito, kahit nga pinsan niyang si Kael, tahimik lang din na makikinig pag kaming tatlo ang magkakasama at binitbit siya ni Arron.
Pero napapansin ko, mas magaan na siya ngayong pag-usapan, hindi tulad noon na parang kalabit lamang ng gatilyo sa akin ang usapin tungkol sa nakaraan ko, na hindi ko man lang magawang idetalye ang ibang bagay, pero ngayon, nagagawa ko na. Nasasabi ko na ng mas detalyado sa iba.
Shiloh:
Hindi ka na naman sumipot.
I smiled as soon as his message flashed on my screen early in the morning. Sa halip kasi na sumipot sa imbitasyon nila kahapon, sinipot ko na lang ang anyaya ni Arron.
Reagan:
Busy sa law school, Shiloh. Nagsusunog na ako hindi lang ng kilay kundi pati buhok haha
Reagan:
Next time na lang ulit :)
Shiloh:
Nag-aalala kami sa’yo :(
Totoo naman na busy talaga ako sa law school. Puro lang ako basa ng libro dahil ayaw ko namang walang masagot sa recit. Pero talagang…iniiwasan kong sumipot lalo na sa mga ganitong okasyon at niyayaya ako ng grupo ko. Magmumukha akong bida-bida na single tapos sila may mga partners na. Masaya naman ako para sa kanila, pero hindi ko rin maiwasang mangulila talaga dahil may…nadala rin naman ako noon eh.
Na dapat…kasama rin siya. Kabilang siya sa grupo namin. Parte siya.
“Edi sana ako na lang ang dinala mo para may partner ka.” Rinig ko ang seryosong suhestyon ni Arron sa isip ko. “Ayos lang sa akin. Alam ko naman talaga na makapal ang mukha mo. Hindi ka nga nahiya sa akin noong inagawan mo ako noon…”
Kaya siguro kami nagkasundo ni Arron dahil nakikita ko ng kaunti ang sarili ko sa kanya. Kaunti nga lang. S’yempre mas guwapo pa rin ako. Ihampas ko siya eh.
Binibiro pa ako lagi ni Arron na kaming dalawa na lang ang lumabas, o uminom na lang daw kami. Kahit nakakabanas ang pagmumukha niya, pero noong naghiwalay kami ni Rin, naging malapit kami ni Arron. Ewan ko nga kung bakit.
Shiloh:
Huwag mong solohin, Rick. Pwede kang tumakbo lagi sa amin kung pakiramdam mo minsan, wala ka nang matakbuhan. Nandito kami lagi para sa’yo :((
I swallowed hard. Naging mabigat sa akin ang pagtanggap noon. Hindi lamang si Rin ang nawala sa akin noong gabing iyon kundi pati ang sarili ko. I abandoned all of my friends too.
Naalala ko, kamuntik ko pang makasuntukan si Kael dahil nakainitan ko si Tyler. Alam ko naman anong namamagitan sa kanila dahil nahuli ko ’yang kupal na ’yan sa Cavite at nabanggit din ni Rio sa akin, pero sa oras na ’yon, kahit siguro pagtulungan pa nila akong lahat, makikipagsuntukan ako. Matira matibay.
Kaya noong…nakita kong iniiyakan na ako ni Shiloh, doon ako unti-unting lumambot. Unti-unti kong naalala na kaya ako nakipaghiwalay kay Rin para isalba ang sarili ko kahit ang totoo, namatay ako ng tuluyan sa gabing iyon. Kaya siguro hindi ako kailanman nakausad sa amin dahil hindi lang ang memorya namin ang naibaon sa hukay, kasama rin ako…
Kaya minsan, nahihiya na talaga ako sa kanila. Hindi lang pag-aalala ang naibigay ko sa kanila kundi pati na rin sakit sa ulo.
Arron:
Amoy suka ang kotse ko hayop ka. Lagi na lang.
I smirked and sent a photo of my middle finger.
Reagan:
Ulol. Ayaw pang aminin na sariling baho mo ’yan. Pagbibintangan pa ako oh?
Binuksan ko rin ang GC ng boys at maingay na nga ang mga kumag, dala na rin ng tampo sa akin na hindi na naman ako sumipot.
Tyler Coast:
Nasa kabit niya na naman. Pinakita sa akin ni Mikael na magkasama ang dalawa. Tayo ang nauna, pero ngayon, tayo na ang hindi pinipili.
I reacted haha on Tyler’s chat. Tang inang clingy na ’to.
Ronan Slade:
Karibal mo lang noon, first choice mo na ngayon.
Brent Jarsdel:
Let’s set another schedule. Just us with Rick.
Tyler Coast:
Isend mo nga dito ’yung vm ni Shi na umiiyak para tubuan naman siya ng konsensya. Masyado na akong nangungulila kay Rick. Hindi na ’to nakakatuwa.
Maverick:
I miss you, Rick. Kung nandito ka, paramdam ka naman.
Tyler Coast:
Kahit galawin mo lang ang baso, Rick.
Conrad Norris:
Busy yata sa law school. Siya na lang ang ipag-set natin next time para matuloy. No pressure haha.
Conrad Norris:
Rick, bukas agad kung pwede.
Napangiti ako kahit mabigat sa dibdib na nakakaramdam sila ng ganito. Noong college kami, kahit busy sa acads, nahahanapan naman namin ng oras na magkita-kita o magtipon-tipon.
Ngayong graduate na ang lahat ng boys, kahit si Shiloh, hirap na kaming magkita-kita. O…hirap na akong makipagkita.
Alam ko naman na may ideya silang lumalayo talaga ako. Paano ba naman, noong naging kami ni Rin noon, madalas ang ingay ng grupo ko, kasali na si Rin. Isa siya sa humahalakhak sa mga kalokohan, isa siya sa nakikipagtawanan at biruan, isa siya sa amin…
“Patingin nga…” natatawang abot ni Rin sa phone ni Tyler nang binibida niya na naman iyong kuha nilang mga video noong nalasing ako at pinagtatawanan nilang lahat ngayon.
“Huwag na, mahal…” marahang pigil ko, niyakap siya sa likuran at natatawang ibinaon ang mukha ko sa leeg niya.
“Sabuyan niyo nga ng asin baka kulam lang ’yang ginawa ni Rick at makalaya pa si Denver sa kanya!” sigaw ni Sadie, nasa pool at naiinggit na naman.
“Saan mo ba binili ang kulam mo, Rick? Ba’t parang ang effective, ah? Hulog na hulog sa’yo si Denver.” Sumabay pa talaga si Gab sa asaran na kakaahon lang sa pool at pinipiga ang basang buhok.
“Inutusan niya lang ang lolo niya eh,” natatawang hirit ni Rin, nakisabay sa biruan kaya mas lalong nag-ingay ang girls.
“Nahawa ka na rin kay Rick! Bad influence siya sa’yo, Denver! Red flag!” si Sheena.
Humalakhak ako sa leeg niya, mas hinigpitan ang yakap. “Malakas din kasi ang kapit ko sa taas. S’yempre nagpapasipsip si Dad kay Lord. Gabi-gabi ba naman kitang pinagdadasal na mahulog sa akin…”
“At kung hindi?” Nilingon niya ako kaya nakangisi kong inahon ang mukha ko.
“Edi ipapasundo kita kay Papa. Ano pang silbi na nandito ka pero ayaw mo sa akin?”
“Gago ka talaga!” natatawa niyang hampas sa braso ko.
“Laki ng ngiti, Rick!” biglang saboy ni Tyler ng tubig sa amin.
Mabilis kong hinila si Rin sa gilid ko kaya ako ang nabasa. Sinigawan ko pa dahil wala pa naman akong nadalang pamalit ni Rin! Kaso noong si Shiloh na ang natatawang sumaboy ng tubig kay Rin, wala na kaming nagawa kundi sumali sa pool.
Sumigaw agad si Tyler nang tinapon ko ang sarili ko sa kanya at inipit ang leeg niya sa braso ko. Nauubo siyang nanlaban hanggang pati si Ron, tinapon na ang sarili sa amin, at para kaming mga batang nagw-wrestling sa pool.
Natatawang tumingin si Rin, hinaplos ang basang buhok paatras, at hinila ang sumandal sa gilid ng pool habang nilalapitan siya ng mga girls na nasa circle namin. Kahit pa nakikipagkulitan ako sa boys, laging nahahati ang atensyon ko dahil agaw-pansin sa akin ang ngiti niya, basang buhok na nakaatras, at ang swabe niyang panghuhuli ng tingin ko sa kanya at marahang hahalakhak.
“Mga ahas…” singit ko sa topic ng mga girls at swabeng ipinalupot ang braso ko sa baywang niya, ang baba ko ay nasa balikat niya na.
They glared at me playfully. “Rick, aso ka ba, ha? Kanina ka pa sunod nang sunod kay Denver! Hayaan mo namang makipagbond sa amin!”
“Kayo pa ang galit? Eh kayo na nga ang nakikihati sa atensyon niya sa akin?” Saboy ko ng tubig sa kanila na pinagsisihan ko agad dahil pinagtulungan nila akong sabuyan pabalik.
“Hindi ako si Arron pero ang kapal naman ng mukha mo?!” si Angela na hindi ko narinig. Nabingi ako saglit.
“Rick madamot! Para ka ring si Brent!” si Sadie nang hilain ko na talaga palayo si Rin sa kanila.
Kung si Brent hindi nanlalaban pag kinukuha si Shiloh, pwes sa akin makikipagbasagan pa ako ng ulo!
“Dito tayo, Rin. Pangarap ko talagang may makahalikan sa pool eh. Uso kasi ’yon sa movies. Gusto kong maranasan,” sabi ko kahit ang totoo, inggit talaga ’to sa post ni Arron noon sa Facebook niya.
“Ako…sa dagat talaga. Tagal ko nang…hindi nakakabalik sa dagat. Ang busy ko kasi.”
“Talaga? Sayang. Hindi ka nakasama noong birthday ni Mavric. Nagsiargao kami no’n. Ang ganda ng mga dagat doon…”
“Medyo nahihiya pa eh. Buong circle niyo ba naman ang makakasama ko…” marahan siyang natawa.
Kinakantyawan kami kanina ng girls, pero kalaunan, hinayaan na kaming mapag-isa dahil naaliw din sila sa ibang bagay. Ang boys naman, maingay pa rin at nasa pool lang din.
“Saang dagat ba ang gusto mong puntahan? Gawa tayo ng list tapos bisitahin natin isa-isa,” sabi ko habang nilalapit ang katawan niya sa akin.
“Pwede rin. Tapos may bonfire habang pinapanood natin ang alon ng dagat. Nakaupo tayo sa dalampasigan habang nag-uusap. Gusto ko ’yon…” may sabik sa boses niya at halatang excited.
“Overnight. Tapos gumising tayo ng maaga para makita ang sunrise. O kaya panoorin din natin ang sunset hanggang gumabi. Ang ganda no’n.” I smiled.
He nodded gently. Kahit hindi niya aminin, nakikita ko sa ekspresyon niya na gustong-gusto niyang maranasan iyon.
“Dala tayo ng tent…” aniya na ikinangisi ko.
“Hindi ba ’yan aalog kung nagstretching tayo?”
Humalakhak siya at pinisil ang tainga ko. Nakangisi akong pumikit. Noon, nandidiri ako pag usapang bastos talaga, pero kay Rin, sobrang komportable ko.
Simula noong inside joke namin na zumba, stretching na rin ang ginagamit namin pag nag-uusap kami dahil kami lang din ang nagkakaintindihan.
“Seryoso ako, Rin. Paano kung sa sobra nating likot, matangay na tayo ng alon at magising na nasa gitna na tayo ng dagat? Dahil lang nasobrahan tayo sa tent?”
“Angas-angas mo tapos ganyan ang naiisip mo?” Humalakhak siya.
I smirked and leaned closer, scoring for a kiss. Swabe ko lang na hinagod ang aking labi sa labi niya hanggang may sigawan agad.
“’Yung aso natin nakawala! Kinakagat si Denver! Itali niyo nga ’yan!” sigaw ni Sadie na sobrang tsismosa talaga.
“Denver wala pa ’yang vaccine! Uso pa naman ang rabies ngayon!” si Angela, halatang inggit.
Ipinakita ko ang gitnang daliri ko habang natatawa si Rin. Noong ibinalik ko ang atensyon sa kanya, muli siyang lumapit at humalik. I smiled and kissed back, indulging myself in it. Hindi na kami nahihiya sa mga friends namin dahil mga supportive din naman kasi ang mga ’yan.
“Dadalhin kita kahit saang dagat mo gusto, Rin. Panoorin natin ang bawat paglubog ng araw…hanggang gumabi. Tapos isasayaw kita sa dalampasigan at magiging saksi ulit ang mga bituin…” I whispered with a smile.
Humalakhak siya. “Ang corny!”
“Oo nga… sasayaw tayo hanggang mag-umaga…”
Rinig ko ang munti niyang halakhak sa isip ko. Ang ngiti niyang nakakahawa. At ang kislap sa mga mata niya na kahit ang bituin sa langit, hindi kayang pantayan ang ningning noon.
Kaya sa tuwing nakikita ko ang dagat, siya lagi ang naaalala ko. Lalo na tuwing kaarawan niya. Dagat mismo ang…nagiging takbuhan ko. Ang mismong…anibersaryo rin sana naming dalawa.
Watching the calmness of the sea mirror the golden hues of the sunset, I slowly strummed my electric guitar. The wind blew as the memories in my mind flashed like I was watching a movie that ended a long time ago…
“Cause when you are with me…I’m free… I’m careless, I believe… Above all the others we’ll fly… This brings tears to my eyes…” I hummed softly.
Tumingala ako sa langit, ipinagkasalubong ang kilay. The sunset would always remind me of Rin’s vision once we visit the beach. He wanted to watch it so bad while we’re on the shore…his head resting on my shoulder, and my lips pressed on his forehead.
I closed my eyes, and I imagined it perfectly as I continued strumming my electric guitar, humming the song as I tried to visualize a future that doesn’t exist, a dream that feels real, a memory that no one could ever take away from me.
Mahal… kumusta si Rhey? Tinapon mo rin ba? Sana pala kinuha ko na lang. Kumakain ka ba ng maayos? May pang-skincare ka kaya? Hindi ba nauubos ang sweldo mo sa pamilya mo? Sana naging magaan ang mga araw para sa’yo…
Hirap pa rin akong makatulog gabi-gabi, Rin. Pero noong nakulong ang kapatid mo, may isang gabi na nakatulog akong patay ang ilaw. Balak kong ituloy-tuloy. Medyo kinakabahan pa ako minsan, pero hindi na ganoon ka takot, Rin…
I sniffled and sighed heavily. Tang ina. Paano nga naman ako makakaahon sa aming dalawa kung ako mismo ang ayaw bumangon. Paano ko siya kakalimutan kung ako mismo ang…ayaw makalimot.
He is not just an inspiration; he is the devotion for why I chose to live… to breathe… to keep going. Ang korni pakinggan pero kahit lumulubog ako minsan, pag naalala kong kailangan ko siyang isuko para lang makausad kami, umaahon ako sa lungkot. Lahat ng pangamba ko, nawawala. Siya ang lakas ko…
Kaya kung sino man ’yang putang inang gagong hayop na makikilala niya at sasaktan lang siya, lumayo-layo siya sa krimen dahil kung may hahawak sa kaso niya at ako ang makakalaban ng abogado niya, kakawawain ko talaga. Matitikman niya ang pagsusunog ko ng kilay ngayong law school…
“Yabang ah? Para ngang hindi na tayo makakalabas ng buhay dito sa law school,” natatawang sabi sa akin ni Calvin nang mapag-usapan namin ang tungkol sa recit kanina.
Kilala ako na nakikipagsagutan din talaga kay Attorney, ang prof namin. Minsan nga, kahit mali na pala, kung kaya kong ipaglaban, ilalaban ko. Makapal na mukha talaga ang puhunan ko sa mga recit ko, at sa awa naman ng Diyos nakakasagot ako. Hindi ko nga lang sigurado minsan kung tama ba ang mga sagot ko.
“Aldric!” Inis na bungad bigla ni Polene, binagsak ang makakapal na libro sa lamesa at sinamaan ako ng tingin. “Ano ’yung sinabi mo kay Lauren? May anak ka?!”
“Huh?” Maang-maangan ko. “Biro ko lang ’yon ah? Pero meron naman talaga… stuff toy nga lang—Aray!” Daing ko nang lumagapak sa aking braso ang makapal na libro.
“Oh my God, you asshole?! Nagpapareto ka ba talaga?! Sabi ni Lauren, tinanong mo daw siya kung kaya niyang maging ina ng anak mo?! What the hell?!”
Humalakhak si Calvin at nailing. “Ganyan din ang nangyari noong nireto ko ’yan kay Joanna. Sabi niya gusto niya ng mga mestiza. Tapos biglang morena daw pala ang hilig niya.”
“Gago ka talaga! Guwapo ka nga pero tarantado! Pinapaasa mo ’yung girls!”
Anong pinapaasa? Sila ang nangrereto tapos ako ngayon ang napapasama? Sinabi ko naman sa kanila na bukas akong kumilala, pero itong mga ’to, kulang na lang ibenta ako kung kani-kanino.
May iba, sinusubukan ko naman talagang kilalanin. Pero minsan, talagang may nangyayari lang na hindi natutuloy. Katulad ngayon…
“Sakit ng tiyan ko, Cal. Dahil ata ’to sa siomai na kinain ko…” reklamo ko kay Calvin nang papasok pa lang kami sa mall, tumutunog na ang tiyan ko.
“Gago ka. Alibi mo na naman ’yan. Sinamahan na nga kita tapos aatras ka bigla!” Akbay ni Calvin sa akin, mahigpit akong hinahawakan.
“Hindi. Masakit talaga ang tiyan ko. Tang ina, baka mapahiya ako sa harap niya pag hindi ko ’to inilabas ngayon. Sige na… C-Cr muna ako. Ikaw na muna ang mang-entertain!” Tapik ko sa balikat niya.
Umuwi ako agad no’n at binalitaan na lang ako ni Calvin sa nangyari. Ang nakakatawa pa, ’yung Iris, natipuhan siya. Kakilala ’yon ni Judson eh. Journalism ang kurso, at mahilig makipag-blind date kaya ako na naman ang napagdiskitahang ireto.
Pero dahil single itong si Calvin at pasok pala sa tipo ni Iris, silang dalawa ang nagkamabutihan. Naks. Naging cupid pa ako, oh.
“Dapat ako ang best man sa kasal niyo ni Iris ha? Kung hindi sumakit ang tiyan ko, hindi sana mabubuo ang lovelife niyo,” sabi ko pa nang malaman kong sila na pala sa mga sumunod na araw. Ang bilis-bilis tinamaan ng gago.
“Nabanggit mo noon na bisexual ka, ’di ba? May kasama siyang kaibigan noong meet-up eh. Bisexual ata ’yon. Mukhang matitipuhan mo ang gano’n. Hinhin eh… Matangkad at maputi. Ang gandang lalaki rin.”
Umangat agad ang kilay ko. Ayan na naman sila sa reto na ’yan.
“Ayoko ng mahinhin. Siga at basagulero talaga ang tipo ko—”
“Pero di ko na ipapareto sa’yo. Baka ma-badshot pa ako kay Iris kung tinarantado mo na naman ’to. Kaibigan niya pa naman…” Iling ni Calvin at mukhang pagod na sa akin kaya inunahan na agad ako.
Hindi tago sa mga kaibigan ko sa law school na bisexual ako. Swabe ko lang ’yung sinabi noong nakukulitan na ako sa reto-reto nila sa akin at puro pa girls kaya sinabi ko sa lalaki rin dahil papatol naman ako kahit pabiro ko pang sinabi na sa suntukan nga lang. Hindi ko inaakalang tanda pa pala ni Calvin ang preference ko sa mga lalaki at sineryoso niya.
“Saka mo na ireto sa’kin yan kung nagtagal kayo ni Iris.” Kasi parang imposible eh. Panay ba naman away… “Ayoko namang makikain sa kasal niyo na single pa rin ako. Pakisabi sa kaibigan ni Iris, magsusunog muna ako ng kilay. Saka ko na siya popormahan kung attorney na ako,” sabi ko habang namimili ako ng kakainin at nasa labas kaming dalawa.
“Gago.” Natawa siya. “Ayan ka na naman sa mga alibi mo. Huwag na. Magfocus ka na lang sa law school. Pihikan din daw ’yon. Ayaw sa reto.” Ayan ang gusto ko, parehas sa akin na hard to get. Edi meant to be pala kami?
“Seryoso nga! Sabihin mo kay Iris ipakilala niya sa akin kung single pa rin ako at handa na siyang kumilala.”
Binibiro ko lang talaga si Calvin at walang interes diyan sa kaibigan ni Iris para lang matigil silang lahat kakareto sa akin. Kaya minsan, sinasabi ko na sa iba na may hinihintay akong pormahan dahil ayaw pang tumanggap ng reto noong kaibigan ni Iris. Kapal din ng mukha ko.
Kaya noong naka-graduate na sa law school, naging ganap na abogado, at nagpaplano nang magpakasal ang dalawa, muli akong kinulit ni Iris. Ayaw din talaga akong tantanan nito eh.
Iris sent a photo.
Paano ba ’yan, Attorney Vallejo. Single ka pa rin at single pa rin ang friend ko. Ipapakilala kita sa kanya ha? Handa na siyang magpareto. Siya rin ang kakanta sa kasal namin ni Calvin! ;)
Nagtype ako habang loading pa ang picture.
Reagan:
Ah vocalist? Sayang naman. Dancer kasi ang gusto ko hahaha
Hindi ko pa ‘yon nasi-send nang mag-full load na ang picture hanggang luminaw iyon. Kahit side view iyon, nahihiyang ngumingiti, nakilala ko agad. Iris’ friend is none other than…Rin.
Nalaglag ang panga ko sa picture. Tang ina? Si Rin ang kasama niya four years ago noong…nakipagmeet-up sa kanya si Calvin at umuwi lang ako? Gago…
I immediately erased my reply and typed another one. Nanginginig pa ang daliri ko at para akong nakikipag-unahan na mapili.
Reagan:
Pakilala mo nga sa akin. Ganda ah? Ganito talaga ang mga tipo ko eh. Mahinhin, matangkad, maputi, at mukhang bagay sa akin :D

