C H A I N E D (NGS #3)
Ineryss · 60 chapters · 212,060 words
Chained
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author.
WARNING:
This story deals with sensitive issues like anxiety and mental illness, spg and the likes. If you cannot handle those, do not read this story.
P R O L O G U E
Chained
WARNING:
This story deals with sensitive issues like anxiety and mental illness, spg and the likes. If you cannot handle those, do not read this story.
Hired
Simula noong bata pa ako, nangangarap na ako ng marangyang buhay. Iyong mamumuhay ka bilang isang prinsesa sa isang magandang malamansyon na bahay at pinagsisilbihan ng mga katulong. Iyong hindi mo na kailangang gawin ang mga bagay na nakakapagod dahil may sariling gagawa noon para sa’yo.
Kumikinang palagi ang aking mga mata sa mahahaling bagay. Mahahaling bag, sapatos, damit, alahas at kung ano ano pa na nagkakahalaga ng mahal at hindi afford ng mga ordinaryong tao.
Lahat naman siguro ay ganoon ang pangarap. Iyong hindi mo na kailangang magcommute dahil may hahatid at susundo sayong sasakyan. Iyong hindi mo na kailangang makipagsiksikan sa palengke dahil afford mo naman sa Mall. Iyong hindi mo na kailangang magtiis sa hulog piso na internet dahil may sarili kayong wifi at may sarili kang gadgets. Iyong kahit ang iyong pinapasukan na paaralan at nakakasalamuha ay mga kauri mong mayayaman.
Masyado bang mataas ang pangarap ko? O masyado talaga akong ambisyosa, katulad nga ng sabi ng iba.
Pumasok ako sa isang Restaurant na namataan kong medyo malapit doon sa magandang paaralan na college building, nagbabakasakali akong baka tanggapin nila ako.
Binuksan noong gwardya ang pinto. Ngumiti ako sa kanya saka ko iginala ang aking mga mata. Sumalubong agad sa akin ang lamig, ang magandang interior design na nagpalaglag sa aking panga.
Kuminang agad ang aking mga mata sa sobrang pagkamangha. Ayan na naman… nabubuhay na naman ang pagiging ambisyosa ko at nag-iisip na naman ako ng kung ano ano. Ano kayang masarap orderin dito?
Binalingan ko iyong grupo ng mga babaeng nagtatawanan at nakauniporme pa. Ayun, ang isa ay naka Balenciaga na bag, iyong isa naman ay Gucci, iyong may mahabang buhok ay naka Hermes at lahat ay nakaiphone. Meron pang nakabrace at puro mukhang mayayaman.
Syempre, kabisado ko ang mga mamahaling bagay dahil iyan ang mga pangarap ko. Okay lang na masabihang ambisyosa at least may pangarap!
Tama na nga iyan! Nagtungo na ako roon sa counter na pwedeng mapagtanungan ng aking pakay.
Inilapag ko roon ang aking folder. Tumingin naman sa akin ang mga babae.
“Yes Ma’am, may I help you?” tanong nito.
“Ah… May vacant kayo?”
Nagkatinginan sila. Sa aking ayos, para rin naman kasi akong kakain. Syempre hindi pwedeng mukhang dukha akong tingnan. Nagdress ako ng maganda at ibinagsak ko ang buhok kong maalon ang dulo. Buti nalang talaga at maputi ako, alagang silka!
“Nandiyan ba si Sir?” tanong noong isa.
“Oo meron… Kaso baka tulog iyon.”
“Teka ichecheck ko sa office niya.” Umalis iyong isa kaya ibinalik ko ang tingin sa dalawang babae.
Ayaw ko talaga sa mga ganitong trabaho. Ayoko sanang magtrabaho ng maaga kaso no choice na ako! Kung hindi ko ito gagawin, baka kinabukasan ay sa kalsada na kami pupulutin. Ayoko namang sa tulay nalang manirahan ’no! Sa ganda kong ito!
“This way, Ma’am…” anang babae na ikinabalik ko sa aking sarili.
Kinuha ko ang aking folder at nagtungo roon sa kanyang tinutukoy. Sumunod ako sa isang pasilyo. Tumigil kami sa isang pinto at siya ang bumukas noon. Ngumiti ako at natuwa sa kanyang ginawa. Gusto ko talaga iyong pinagsisilbihan ako.
Pumasok rin naman ako sa loob. May nakita akong lalake na nakaupo sa may silya, bagot na bagot at nakatuon ang atensyon sa hawak na cellphone. Nagulat ako sa kanyang imahe. Akala ko matanda na ang narito sa loob. P-Pero bakit parang nasa 18 o 19 pa ata ito?
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Ang kanyang mga matang malamig ay malalim agad ang paninitig. Sumenyas siya sa upuan nang walang sinasabi kaya tumango ako at umupo roon.
Hindi ko maiwasang punahin ang kanyang suot. Naka button down white shirt ito, bukas ang dalawang botones at nakikita ang suot na mamahaling kwintas. Sa left wrist naman ay ang kumikinang na rolex. Sa isang taenga ay kumikinang rin ang isang suot na earring at maputi ito, kaso singlamig ng yelo kung makatitig ang kanyang mga mata.
Ang guwapo naman! Siya ba talaga ang may-ari? O baka naman anak? Sinuswerte ata ako ngayong araw!
Inilapag ko ang folder. Bumagsak ang tingin niya roon pero di man lang ginalaw saka siya muling nag-angat ng tingin.
“Bata ka pa ah? Di kami tumatanggap ng minor,” deritso niyang sabi at nalaglag ang tingin sa may parteng dibdib ko.
“Uh… Kaya ko namang magtrabaho… Kahit tuwing gabi lang sana kasi wala akong pangtustos sa pag-aaral ko…” sabi ko habang siya ay wala na sa akin ang tingin at naroon na sa telepono na nagring.
Itinikom ko ang aking bibig. Pinanood ko siyang humilig sa kanyang upuan. Medyo singkit ang kanyang mga matang malamig makatingin pero nakakaakit titigan. Matangos ang ilong nito, ang nakadepinang panga… ang medyo magulong buhok pero bagay naman sa kanya. Badboy looking!
“Yes, Ma. Oo… Babae…” Saka niya ako tiningnan. “Minor… Anong klaseng interview?” Bagot na bagot ang kanyang pagsagot.
“Okay,” tangi niyang tipid na sagot at ibinaba na iyon.
Humilig siya sa mesa at tiningnan ako ng maigi habang ang mga kamay ay nakasalikop na. Naamoy ko kaagad ang manly niyang mamahalin na pabango!
“Gaano ka kasipag?” tanong niya ng deritsahan, na ito na ang interview para makapasok ako.
“Kaya ko pong mag advance ng isang oras bago ang duty ko, Sir,” palaban ko namang sagot.
Nalaglag ang kanyang tingin sa folder. Binuksan niya iyon at binasa ang aking pangalan.
“Marione Santillan?”
Tumango tango ako at ngumiti ng matamis. Isinara niya iyong muli at binalingan ang cellphone niya sa gilid na tumunog.
Dinampot niya iyon at muling sumandal sa upuan, nasa kawalan na ang tingin.
“Oh gutom ka? Oh sige ipapadeliver ko sa’yo ang gitnang daliri ko. Patay gutom,” matigas niyang sabi sa kabilang linya at pinatay na ang tawag.
Ang harsh naman nito.
Pinanood ko siyang may kuning ballpen at papel pero noong akmang magsusulat siya ay inilahad niya iyong dalawa sa akin.
“Write down your sched,” aniya sa tamad na boses.
Lumaki ang aking mga mata at mabilis iyong tinanggap. So hired ako? Ganoon lang?!
“Hired na po ako?” gulat kong tanong.
Tumango siya. “Are you studying?”
“Opo… Pero pwede naman po ako tuwing gabi… Kaya ko,” sabi ko na ikinahawak niya sa kanyang pang-ibabang labi.
“M W F, 7pm to 12pm. T Th S, 4pm to 9pm.”
Mabilis ko iyong isinulat. Tumunog naman ulit ang kanyang cellphone na hindi niya na sinagot.
“Thank you po. Pagbubutihan ko po…” Ngumiti ako lalo ng matamis sa kanya kaso di man lang ito tumitig at tumango lang habang nasa cellphone ang buong atensyon.
“You can leave now. Just start tomorrow,” sabi niya at mukhang pinuputol na ang interview.
Sayang naman… Hindi ba ito mahilig sa babae? At anak pa ng may-ari pa ng Restaurant! Pag siya ang naging boyfriend ko instant yaman agad ako! Ano kayang taste nito?
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Ang supladong mukha ay may ikakasuplado pa pala kaya tumayo na agad ako.
“Thank you po, Sir…” Ngumiti ako sa kanya na ikinatango niya lang at ibinagsak ulit ang tingin.
Bago pa man ako makalabas ay may bigla nalang pumasok. Napatingin ako sa lalakeng naka puting cotton Tshirt, short at tsinelas habang hawak hawak ang magulong buhok na gumulo lalo. Nakapambahay ata ito at wala man lang suot na relo o kung ano mang mamahalin sa kanyang katawan. Wala akong naaninag na mamahaling bagay na suot niya. Ang napansin ko lamang ay iyong kuminang na dalawang earring sa kanyang isang tenga. Iyon lang.
“Nagugutom ako, Waytt…” bigkas niya saka ako tiningnan.
Kumpara roon sa magiging boss ko, siya itong kumikislap ang mga mata at sa mukha palang ay halata na ang pagiging playboy. Eh kasi naman, ngumingisi pa sa akin. Matangos rin ang kanyang ilong at maayos na nakadepina ang panga. Ang katawan ay hindi payat at sakto lamang. Medyo pawisan pa ito. Teka, naglakad lang ba siya? So wala siyang kotse o ano?
“Bumili ka, pataygutom,” sagot noong nagngangalang Waytt sa kanya.
Siya ba iyong tumawag kanina?
Napansin ko kung paano nagtagal ang titig noong kakapasok lamang na lalake sa akin. Binasa niya ang pang-ibabang labi na nakangisi parin ng pilyo sa akin at iba na ang tingin. Ang manyak naman nito.
“Wala akong pera eh,” wala sa sarili niyang sagot at hindi maalis alis ang mga mata sa akin.
“Edi magtrabaho ka. H’wag mo akong gawing sugardaddy mo.”
Humalakhak ito at pinasadahan ng haplos ang buhok. Umirap ako para matigil ang kakatitig niya sa akin. Oo guwapo, mabango at may dating pero aanhin ko naman ang katulad niya kung walang pera? Nagpapalibre pa oh. Siguro kaibigan niya iyan?
“Aalis na po ako…” malambing kong paalam kay Sir Waytt or Waytt na tumango lang at di na ako tiningnan.
Tumalikod na ako. Kitang kita ko kung paano ako tiningnan noong manyak na kaibigan niya at nagawa pang sumipol. Umirap akong muli at lumabas na. Papansin rin! Eh wala ngang pambili ng pagkain tapos nagagawa pang lumandi! Sa mukha palang, halatang palaging nagpapalibre!
Para kasi sa akin ay may dalawang uri ng gwapo. Iyong gwapo lang pero walang pakinabang at iyong gwapo na mayaman pa. Doon ako sa full package, syempre.
Buti pa iyong si Wayt… Pag nagsimula ako rito, magiging maganda ang future ko pag siya ang nabingwit ko! Baka mas maliwanag pa sa Meralco ang magiging kinabukasan ko pag naging kami! Naeexcite na tuloy akong magtrabaho!
1st Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Patay na Patay
Bago tuluyang umuwi, bumili muna ako ng cupcake. Medyo kasya pa naman ang pera ko.
Sayang at di ko man lang natanong ang sahod ko. Siguro ay bukas nalang total magsisimula rin naman ako bukas.
Pumara ako ng jeep at nagbayad ng walong barya sa driver. Tiningnan ko ang labas ng bintana. Ano kayang type ng lalakeng ’yon? Kadalasan rin naman kasi sa mga mayayaman, ang gusto nila ay iyong kapwa nila mayaman. Matataas ang standards nila. Kung hindi man mataas, baka ang parents rin ang mataas at gusto ay iyong katulad nilang may dugong ginto ang mapangasawa ng anak nila.
Di ako naniniwala sa pag-ibig. Para sa akin, kahibangan ang bagay na iyon. Alam ko namang ginagawa lang alibi ng mga tao ang isang pagmamahal dahil ang totoo ay may kailangan lang talaga sila. Marahil ay mahal nila ang babae para matustusan ang kanilang libog. O kaya mahal dahil kailangan lamang ng taong ipaparamdam sa kanila na may halaga sila. Palaging may rason kaya mo mahal ang isang tao.
Hindi katulad sa fairytales sa libro ang pagmamahal sa mundo. Mapait pakinggan pero iyon ang totoo.
“Para,” sabi ko na ikinahinto rin naman noong jeep.
Bumaba ako at inayos ang aking dress. Sumakay ulit ako ng tricycle para makapasok sa Barangay na kinatitirikan ng aming lupa.
Bakante ng nangyari kaninang interview ang utak ko. Ang aking mga mata ay natatangay pa ng magagarang kotse na lumalagpas lamang. Kailan kaya ako makakasakay sa ganyan? Kailan kaya giginhawa ang buhay namin? Iyong wala nang alalahanin, iyong malayo sa nakasanayan ko.
Bumaba rin naman ako at nagbayad. Naglakad nalang ako ng kaonti para makarating sa mismong bahay namin.
“Welcome back, Aioni!”
“Dumeritso kana sa bahay natin, Aioni, naghihintay ang anak nating dalawa!”
Nagtawanan ang mga tambay na topless pa. Sila lang naman ang mga fans ko rito. Araw araw, sa twing dadaan ako ay palagi talaga silang may isinisigaw na akala mo ay nasa stage ako at sila itong hamak na mga supporters ko.
“Mga gago! Di kayo type niyan. Mataas ang standards niyan!” sigaw ng kung sino na di ko nalang pinansin.
Nakarating rin naman ako sa aming gate. Binuksan ko iyon at tuluyan nang pumasok. Pagpasok ko sa bahay ay nadatnan ko agad ang magulong gamit. Pinulot ko ang iilang mga nagkalat sa sahig at inilagay iyon sa sofa. Bumuntong ako ng hininga at mukhang wala na namang tao rito.
Inilapag ko ang aking mga gamit sa mesa at lumabas muli. Nagtungo ako sa malapit na kapitbahay at kumatok kina Aling Guring.
“Tao po…”
Ilang sandali lamang ay may bumukas nga noon.
“Aioni!” Napangiti agad si Aleng Guring sa akin.
“Nandito po si Lucas?”
“Ay oo! Nako, iyong Mama mo mukhang nasisiraan na naman ng bait at nag-iinom na naman! Nakikipagtsismisan doon sa kabilang kanto!” ani Aling Guring at iminuwestra sa akin ang loob.
Pumasok ako at iginala ang tingin. Nakita ko kaagad ang laruan ni Lucas sa sahig at ang mahimbing na natutulog kong dalawang taong gulang na lalakeng kapatid.
“Ano ba iyang Mama mo, di na nag-iisip ng tama! Siguro naalog na iyan dahil sa ginagawa ni Berning noon,” pabiro ngunit galit niyang sabi.
Hindi ako makasagot at pinulot nalang iyong laruan. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan ni Papa ay nalalasahan ko agad ang tabang sa aking bibig.
“Nakatulog po siya sa paglalaro?” tanong ko na ikinatango niya at namungay ang mga mata.
“Kung di lang talaga ako naaawa sa iyo ay di ko na tatanggapin iyang si Lucas sa tuwing iiwan iyan ng Mama mo rito.”
Ngumiti ako kay Aling Guring.
“Salamat po. Hayaan niyo natanggap ako sa trabaho. Pag nakuha ko ang sahod ko ay magbibigay nalang po ako.”
Nilapitan ko si Lucas. Marahan kong inalog ang kanyang braso.
“Lucas…” malambing kong tawag.
“Nako, hayaan mo na. ’Tsaka wala rin naman akong ginagawa rito sa bahay. Alam mo namang nasa trabaho rin ang mga anak ko. Nakakatuwa rin naman kasi iyang si Lucas! Ang supladong bata!” Tumawa si Aling Guring na ikinangisi ko sa kanya.
Si Lucas kasi iyong tipo ng batang snob sa mga taong di niya nakikita lagi.
Gumalaw si Lucas kaya ibinalik ko sa kanya ang aking atensyon.
“Lucas may binili akong cupcake!” sabi ko na unti-unti niyang ikinadilat.
Bumangon ito kaya natawa si Aling Guring. Ngumisi ako sa kapatid na nagkukusot na ng mga mata.
“Ate…” Tiningala niya ako.
“Tara. Uwi na tayo?”
Napunta ang kanyang tingin sa aking kamay at kinuha ang aking laruan. Binuhat ko siya.
“Salamat po, Aleng Guring,” sabi ko nang lingunin ko ito.
“Basta ikaw, Aioni.”
Nilingon ko si Lucas na nasa laruan na ang atensyon. Inayos ko pa ang nagulo nitong buhok dahil sa pagtulog.
“Mag babye kana kay Aling Guring,” sabi ko sa kapatid kong iwinagayway rin agad ang kanyang kamay.
Iwinagayway niya lang ang isa niyang kamay sa tamad na paraan habang ang tingin ay nasa laruan. Tumawang muli si Aling Guring, nawiwili sa kasupladuhan ng aking kapatid.
Lumabas rin naman kaming dalawa. Ramdam ko sa aking bisig ang bigat ng aking kapatid.
“Ba’t ka nakatulog? Napagod ka ba?” tanong ko sa kanya.
Umiling siya at ngumuso. “Gutom…” saka niya hinawakan ang kanyang tiyan.
“Di ka pinakain ni Mama?”
Umiling siyang muli at mas lalong ngumuso habang ang tingin ay nasa hawak na laruan.
Nakaramdam agad ako ng galit. Alam kong hindi rin naman palasalita si Lucas lalo na sa ibang tao. Kung iiwan mo siya sa isang bahay ay tahimik lang siyang maglalaro at hindi sasabihin ang nararamdaman niya. Sa akin lamang siya nagsasabi.
Mahiyain siyang bata at may pagka snob sa iba. Kahit siguro kausapin mo siya ay di ka man lang niya titingnan sa mga mata lalo na kung di ka nito kilala.
Pagkauwi naming dalawa ay inilapag ko kaagad siya sa sofa. Ipinakita ko sa kanya iyong isang cupcake na binili ko na ikinalaji agad ng kanyang mga mata.
Pumalakpak siya. “Cake!”
“Mahal ito! Anong sasabihin kay Ate?” Itinago ko ang cupcake sa aking likod.
“Please… Ate… Thank you…” sabi niya at humawak pa sa magkabilang braso ng sofa saka tumagilid ang kanyang ulo para silipin iyong cupcake.
Tumawa ako at inilabas na iyon. Lumiwanag muli ang kanyang mukha at gumalaw galaw na sa sofa.
Tinanggap niya agad iyon at kinagatan ang icing na mabilis kumalat sa kanyang labi.
“You’re welcome, Lucas! Kiss ni Ate!” Inilebel ko sa kanya ang aking pisngi na mabilis niyang hinalikan. Nalipat iyong icing sa aking pisngi na pinunasan ko nalang at napangiti sa kapatid ko.
“Diyan ka lang ha. Maglilinis lang ako.”
Tumango siya at hindi na ako tiningnan. Bumuntong ako ng hininga at nagtungo sa kusina. Ang mga platong hindi pa nahuhugasan ang agarang bumungad sa akin. Kahit iyong mga pinagkainan sa lamesa ay naroon pa.
Kinagat ko ang aking labi. Kaya ko ’to!
Itinali ko ang aking buhok at nagsimulang maghugas. Iyong ibang plato ay dumikit pa ang mga kaning nanigas na dahil matagal na nahugasan.
Pagkatapos ko iyong hugasan ay nilinis ko narin ang sink. Pinunasan ko iyon para matanggal ang mga mantsa gawa ng dumi.
Nagluto ako ng kanin sa rice cooker at lumabas ulit para linisin ang sala. Naglalaro na si Lucas sa sofa noong paborito niyang laruan na ako rin ang bumili.
“Alam mo ba na may work na si Ate!” masaya kong balita sa kapatid na nag-angat ng tingin sa akin.
“Work?”
“Oo, work! Para yumaman. Para mabilhan ka ng maraming cupcakes!”
Ngumiti agad siya at pumalakpak. “Cake!”
Tumawa ako at ipinagpatuloy ang pagwawalis.
“Tapos bibilhin kita ng maraming toys!”
“Yehey!”
“At damit!”
Mas lalo siyang pumalakpak. Naengganyo ako sa paglilinis at nawawala ang aking pagod dahil sa pakikipag-usap ko sa kanya.
“Hayaan mo… Aakitin ko ’yung boss ko. Mayaman ’yon, Lucas!”
“Cake!” sigaw niya pa.
“Oo bibili tayo ng marami at titira na tayo sa malaking mansyon! Tapos sasakay kana sa totoo at malaking kotse!”
“Yehey!” Pumalakpak naman ang aking kapatid kahit walang naiintindihan basta ay naririnig niya lang iyong paborito niyang cake at kotse na laruan.
Narinig ko ang pagkalampag ng gate. Mabilis akong nagtungo sa labas para pagbuksan ang kumakatok.
Pagkabukas ko noon ay tumambad agad si Mama na nakabusangot. Pumasok siya at dumaan sa aking gilid. Mukhang nakainom pa ata ito ng kaonti.
Isinara ko ang gate at mabilis siyang sinundan.
“Mama di niyo po pinakain si Lucas?”
“Pinakain!” sagot niya sa akin.
“Pero nagrereklamo po siyang gutom siya.”
Marahas niyang ibinagsak ang kanyang sarili sa sofa at hinilot ang ulo.
“Pinakain ko siya! Anong tingin mo sa akin, bobita?!”
Medyo nagulat si Lucas sa kanyang pagsigaw kaya itinigil ko nalang ang pagtatanong. Hinilot niya ang kanyang ulo at isinandal doon sa likod.
“Kumusta ang lakad mo? Nakahanap ka ba ng trabaho?” malumanay niyang tanong.
Tumango ako. “Sa isang Restaurant po.”
“Oh edi mabuti! Ano, malaki ba ang sweldo mo?”
“Di ko kasi natanong…”
Dumilat siya at matalim akong tiningnan.
“Dapat tinanong mo! Baka konti lang ang sahod doon para makapaghanap ka pa ng ibang trabaho!”
“Mama, minor po ako. Buti nga at tinanggap ako roon eh. Mahirap maghanap ngayon ng trabaho na may malaking sahod kung di ka pa tapos sa pag-aaral.”
Pumikit siyang muli at ipinagpatuloy ang paghihilot sa kanyang ulo.
“Mama bukas na raw ako magsisimula. Paano naman si Lucas niyan kung palagi kayong wala rito sa bahay? Sabi ko naman po ako nalang ang magtatrabaho basta ay h’wag niyo lang iwanan si Lucas! Kawawa po siya.”
“Oo na oo na… Nawili lang talaga ako roon kina Delya. Alam mo naman ako… Ang lungkot ko rito sa bahay!” madamdamin niyang sabi.
Sumimangot ako. “Kasama mo naman si Lucas…”
“Haynako Marione! Anong tingin mo sa akin limang taong gulang! Di ko malalabasan ng problema ko si Lucas! Gusto ko iyong may kausap ako… May katawanan… Pagbigyan mo naman ako! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kasayang buhay pagbabawalan mo pa!”
Lumingon si Lucas sa kanya at bumusangot. Marahil ay narinig niya ang kanyang pangalan.
Kahit labag sa aking loob iyang ginagawa niyang pangangapitbahay para dayuhin iyong mga kaibigan niyang tsismosa ay wala rin naman akong magagawa. Ngayon niya lang naramdaman ang ganyang kalayaan, ang nakakapagsaya nang walang nagbabawal sa kanya.
“Wala na sana ang ama mo pero sa tuwing mag-isa ako, nalulungkot ako. Namimiss ata ng katawan ko ang pambubugbog niya.” Mapaklang tumawa si Mama at nailing habang ang palad ay nakapatong nalang sa kanyang noo.
“Bakit mo mamimiss ang lalakeng sinasaktan ka, Mama? Hindi lamang emosyonal kundi pati pisikal!” Napangiwi ako at ramdam ko ang pamimintig ng aking kilay sa sobrang pagkafrustrate.
“Papa mo parin iyon!” Pinandilatan niya ako ng mga mata. “Kahit anong ginawa niya sa akin, galing ka parin sa laman niya! Di ka mabubuo kung di dahil sa kanya!” sumbat niya.
Gumapang agad ang galit sa aking sistema. Bakit ba ang manhid manhid niya? Bakit nagtitiis siya sa lalakeng halatang wala nang natirang pagmamahal sa kanya? I’ve seen his wrong doings! Ama ko nga siya pero ang sakit sakit ng mga pinaggagawa niya. Ipinakita niya sa akin na ang pag-ibig ay isang malaking kahibangan.
“Pero sinasaktan ka parin niya!”
Huminahon ang kanyang mukha at nag-iwas ng tingin sa akin, naguguilty sa kanyang karupukan.
“Mama… Alam mong si Papa ang dahilan kaya tayo mawawalan ng bahay at lupa ngayon! Kung hindi lang siya nalulong sa sugal edi sana ay hindi ang mga ito ang ipambabayad natin sa kanyang mga utang-”
“H’wag mong isumbat lahat sa Papa mo! Wala kang utang na loob sa kanya! Bakit mo isinisisi ang lahat ng ito sa ama mo?” galit niya akong tiningnan.
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Ang galit na nararamdaman ko para sa aking ama ay mas lalo lamang lumaki. At ang pagmamahal na binubulag ang aking ina ay mas lalo ko lamang kinasusuklaman. Ganoon na siya kahibang na kahit sinasaktan lang naman siya, kahit niloloko, kahit ito na ang rason ng aming pagkalugmok ay mahal niya parin!
Alam kong nabuo ako dahil sa kanilang pagmamahalan, kami ni Lucas. Pero hindi ko maintindihan kung bakit nagagawa niyang saktan si Mama, nagagawa niyang lokohin. Hindi ko maintindihan kung bakit tinitiis niya lang rin ang lahat! Kinasusuklaman ko ang pag-ibig. Ipinakita nito sa akin na kaya mong itali ang isang tao at bihagin ito sa pamamagitan lamang ng pagmamahal.
Bakit ka magpapatali sa pag-ibig na maaaring dudurog sa’yo? Kahibangan!
Nagluto ako ng ulam. Si Mama naman ay mukhang nakatulog na roon sa sofa. Si Lucas ay nakaupo sa carpet at nawiwili sa kanyang laruang kotse.
Naalala ko bigla ang pambubugbog ni Papa kay Mama. Palagi kong natatagpuan si Lucas na nagtatago lamang sa may pinto at umiiyak. Ako ang palaging nagpapatahan sa kanya. At sa bawat pagpatak ng luha niyang sinasalo ko ay nadudurog ang aking puso. Mas lalong lumalaki ang galit ko kay Papa, kay Mama.
Galit ako kay Mama dahil nagagawa niyang magtiis sa pagmamahal na papatay sa kanya. Galit ako sa kanya dahil sa kabila ng sakit na ibinubuhos sa kanya na parang asido ay tinitiis niya lamang.
Sila ang sumira ng tingin ko sa matamis na pag-ibig. Wala kang mapapala sa lalake. Kung gusto mo mang matali, doon ka nalang sa maibibigay sa’yo ang lahat ng wala ka. Kahit h’wag nalang iyong pagmamahal na aalipinin ka lang naman.
“School, Ate?”
“School na si Ate para may pambiling toys kay Lucas…” sabi ko habang sinusuklay ang aking buhok.
“Play!” Itinaas niya ang kanyang laruan.
Nang matapos ako ay yumuko ako at pinagpipisil ang kanyang pisngi.
“Sorry pero di pa ako pwedeng makapaglaro sa’yo. Kailangan ko mag school para pag nakapagtapos si Ate ay mapag-aaral kita sa Private School! Gusto mo yon?”
Tumango tango siya at ngumiti, lumalabas ang dimple sa kaliwang parte ng bibig.
“Play, ate!”
Napasimangot ako. Buti pa ito, walang inaalalang iba. Ayoko rin namang matulad sa akin ang kapatid ko. Gusto ko, pag laki niya ay maginhawa na ang kanyang pamumuhay. Gusto kong maging maganda ang kanyang mundo, hindi katulad ng nakagisnan ko.
Pumasok rin naman ako. Grade 11 na ako sa pinapasukang Public School na malapit lang rin dito sa amin.
Nasa gate pa lang ako ay sumipol na naman iyong mukhang engkanto na si Jeric. Inirapan ko kaagad ang kanyang grupo lalo na’t nagtatawanan na. Hindi lang naman mga tambay ang fans ng kagandahan ko, marami rin dito sa eskwelahan.
“Di ka makakapasa sa standards niyan! Mayaman ang gusto niya,” aniya, isa sa mga kaibigan ni Jeric.
“Mabubuhay ko naman siya,” si Jeric at nakipagtawanan sa mga kaibigan niya doon sa bench.
Mapapatay naman kita.
Hindi ko na iyon isinatinig at mas binilisan nalang ang aking paglalakad hanggang sa hindi ko na naririnig ang kanilang usapan.
Wala akong pakialam kung huhusgahan ako ng mga taong nakapaligid sa akin. Wala akong pakialam kung sabihan nila akong gold gidder, assuming, mataas mangarap, social climber, o kung ano ano pang pwede nilang ipangalan sa ugali ko.
Okay sana kung iyang panghuhusga nila ay nagiging pera at matutulungan ako sa aking problema pero hindi naman. Nagfofocus nalang ako sa mga mahahalagang bagay. Iniisip ko ang kapakanan ni Lucas, ang bahay at lupa namin, at ang kagustuhan kong makapagtapos. Bahala sila. Palibhasa mga walang silbi. Puro lang panghuhusga ang alam.
“Mahal na Prinsesa!” tawag sa akin ni Eunecia nang makapasok na ako.
Pabiro kong hinawi ang aking buhok na tumama pa sa kanyang mukha.
“Ang bango natin ngayon ah!” sabi niya at tumawa.
“Syempre alagang downy!”
Humagalpak agad siya ng tawa. “Eh paano naman ang buhok? Mabango rin!”
“Ganoon talaga pag alagang Dove!” Ngumisi ako ng matamis na mas lalo niyang ikinahagalpak.
Tumawa narin ako at umupo sa kanyang tabi. Mabilis siyang humilig sa desk ng aking upuan at tila naghihintay na ng kwento.
“Nag-apply ako at natanggap…” Ngumisi ako sa kanya.
“Expected ko na iyon! Ikaw pa, iba ang kamandag mo! Oh tapos? Kumusta naman?”
“Ayun… Gwapo ang boss ko.”
Lumaki ang kanyang mga mata. “At kailan ka pa nahilig sa lalake Marione?!”
Alam niya ang galit ko sa mga lalake. Alam niya rin ang problemang nagkakapatong patong ngayon sa aking buhay kaya napipilitan akong magtrabaho sa murang edad.
“Naisip ko lang kasi… Pag naging kami noon ay giginhawa na ang buhay namin at no need na akong magtrabaho. Hindi lamang iyon, mababayaran agad ang utang namin at masasalba ang aming bahay at lupa. Ang ganda ng plano ko ’di ba!” Kinindatan ko siya at nginitian ng matamis.
Tumango tango naman siya at manghang mangha.
“Pero papatol ka sa matanda? Grabe… Wala bang asawa ang boss mo at matandang binata ito?”
Tumawa ako at umiling.
“Hindi naman iyon matanda. Anak ata iyon ng may-ari ng Restaurant. Medyo suplado pero pag nakuha ko ang loob noon at nalaman ang mga hilig niya ay mahuhulog din iyon sa akin. Napapaano nga ang mabangis na leyon tao pa kaya,” confident kong sabi.
“Kung ganoon, ireto mo narin ako sa kapatid nang parehas tayong makaahon sa kahirapan!”
Bigla akong napaisip. Meron ba iyong kapatid? Kahit nga girlfriend ay hindi ko alam kung meron ba. Iyong mukhang manyakis niya lang na kaibigan ang nakita ko roon.
“Kaibigan lang eh…” wala sa sarili kong sabi habang nakatingala kakaisip.
“Kaibigan?” Tumagilid ang kanyang ulo at sinilip ang aking ekspresyon. “Gwapo rin ba? Sure ako mayaman din. Doon nalang!”
Umiling agad ako at mabilis na bumalik sa aking sarili lalo na’t naalala ko ang ngisi ng malanding iyon.
“Hindi mayaman eh. Pang average lang. Parang nandiyan lang sa mga kanto, ganoon… Iyong madalas nagpapalibre at pataygutom.”
“Huh? Pang average lang? Hindi gwapo?”
Umiling ako. “Hindi gwapo. At may pagka manyakis pa. Halatang alam mo na… fuckboy.”
Ang kanyang pagkamangha kanina ay mabilis na gumuho at naging iba na ang timpla ng ekspresyon.
“Sayang naman.”
“Halata ngang dumidikit lamang doon sa boss ko kasi mayaman tas may benefit siya. Medyo mayabang pa ang dating. Basta.”
Tuluyan nang nawala ang pag-asa niya at sobra na atang nadiscourage. Humagikhik naman ako.
“Pero iyong boss ko grabe mala Diyos ang kagwapuhan! Ang perpekto ng mukha Eunecia! Tapos may suot pang rolex na relo at ang boses grabe… Siguro pag isinangla ko ang lalakeng iyon ay instant milyonarya agad ako! Amoy palang kasi halatang mamahalin na!” Kulang nalang ay tumili ako sa aking pagkukwento.
“Pag iyon naakit mo ambunan mo nalang ako ng swerte ah!”
“Oh sige ba! Mga isang buwan baka nga patay na patay na iyon sa akin!” Humalakhak ako.
“Gaga. Baka sa isang bywan doon pala sa kaibigan niya ang bagsak mo!” Tumawa narin siya na mabilis kong ikinabusangot.
Bakit naman ako mapupunta sa lalakeng iyon? Hindi ko nga type eh! Hindi niya abot ang standard ko at imposibleng magustuhan ko ang katulad niya.
“Imposible. Magpapaputol ata ako ng ulo kung doon ako mapupunta.” Nailing ako.
2nd Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
You Need Me
Pagkatapos ng klase ay dumeritso na ako roon sa Restaurant na pagtatrabahuan ko. Nagdala nalang ako ng extra at naisipang doon magpalit. Total Martes kaya 4pm ang in ko ngayon. Sayang naman at gagabihin ako ng uwi… Kumusta kaya si Lucas?
Nasa entrance palang ako ay nakasalubong ko agad iyong kaibigan ng boss ko. Nagtama ang aming mga mata. Tumigil siya at sinulyapan ako ng mataman, ang mga mata ay nalaglag pa sa aking dibdib.
“Anong grade ka? Grade 6?” he chuckled wearing his arrogant smirk, a clean and well ironed uniform.
Umangat ang aking kilay. Pinasadahan niya naman ng haplos ang kanyang buhok at tiningnan ang aking uniporme at bumalik muli sa aking dibdib.
“Sa tangkad kong ito? Grade 6?” Mapang-uyam kong tanong.
Tumawa siya at umiling, ang mga mata ay nanginislap na.
“Base on the size of your boob… I think you’re a Grade 6 student.”
Nalaglag ang aking panga at nanlaki agad ang aking mga mata. W-What? Binase niya sa size ng boobs ko?! Manyakis talaga!
Gusto ko biglang pumulot ng bato at batuhin ito kaso ipinatili ko nalang kalmado ang aking sarili. Malalagasan lang ako ng buhok pag nagpastress ako sa kanya.
“Saang school ’yan? Public?” tanong niyang muli, tila nakalimutan ang sinabi niya kanina.
Umirap ako at di ito sinagot. Narinig ko naman ang kanyang halakhak sa aking likuran. Nabubwesit na agad ako. At Mukha bang pang Grade 6 ang boobs ko?! Anong iniexpect niya sa isang 16? At isa pa, matangkad naman ako ah? 5’4 kaya ang height ko!
Uminit agad ang aking ulo. Hindi na nga gwapo, manyakis at bastos pa!
Binati ko kaagad iyong mga magiging katrabaho ko.
“Magandang tanghali…” Ngumiti ako ng matamis sanhi para magsilingunan ang mga iyon.
“Oh… Ikaw iyong bagong hired ni Sir?” tanong noong babaeng nasa 20’s na ata.
Tumango ako. “Yes po…”
“Halika. Ipapakita ko sa’yo ang magiging locker at mga damit mo,” sabi noong babaeng may suot na name plate na Demi.
Nagtungo kami sa kwarto na tanging employees lamang ang pwedeng pumasok. Hinubad ko ang aking bag at inilagay iyon sa bakanteng upuan.
“Total mukhang kasya naman ito sa’yo, ito nalang. Ang sabi ni Sir kahit saan ka nalang daw ilagay kaya pwede kang tagalinis ng mesa pagkatapos kumain ng mga costumer.”
Tumango tango ako habang pinapanood siyang buksan iyong isang locker at may kunin doon.
“Kung masyadong maluwang sa’yo pwede mo namang ipa adjust.”
Ibinigay niya sa akin ang isang malinis na uniporme.
“Ah… Mukhang hindi naman ito maluwang,” sabi ko na ikinatawa niya ng marahan.
“Sa may parteng dibdib.” Itinuro niya ang aking dibdib sanhi para mapatingin ako roon.
Okay… Kaliitan ba talaga? Para kasi sa akin malaki eh. Sakop naman siya ng isang kamay ko ah? Di kasi ako nakapagfoam… Sana pala nagdala nalang ako ng extra kung dibdib ko lang pala ang pupunahin ngayong araw.
Nagbihis rin naman ako. Fit dress ito na above the knee length at may collar ang neckline. May tatlong botones sa parteng dibdib at maganda ang kulay na skyblue. Itinali ko ang aking buhok saka isinuot iyong puting apron sa may bandang beywang lamang. Five star eh kaya expected talaga na maganda rin ang kanilang mga uniporme. Bagay sa akin.
Naglagay ako ng light make-up sa aking mukha. Tiningnan ko ang dibdib ko sa salamin at nadismaya dahil medyo kaliitan nga. Magdadala nalang ako bukas ng foam para medyo magkalaman. Medyo maluwang kasi talaga ang bandang dibdib area, medyo mahangin kasi wala gaanong laman.
Lumabas din naman ako. Kitang kita ko ang malagkit na tingin noong isa sa mga empleyado. Ngumiti ako at nagtungo sa counter.
“Okay lang?” tanong ko habang inaayos ang aking collar.
Tumango iyong Demi ganoon rin ang babaeng nagngangalang Angie.
“Oo okay lang. Ang ganda mo, girl!” komento noong Angie.
Ngumiti ako ng matamis at sinulyapan iyong lalake na tumatango lang rin. So sila ang makakahalubilo ko habang nagtatrabaho ako rito? Edi dapat maging friendly ako…
May ikawalang palapag ang Restaurant at VIP daw iyon. Iyong masyadong rich kid ay doon na ata kumakain. So ang mga rich kid lang, di masyadong maaarte ay dito naman sa ibaba. Mga pa importante naman iyong sa itaas.
“Table 5, Aioni,” sabi noong waiter sa akin pagkabalik niya sa counter.
Tiningnan niya ang aking name plate kung nasaan nakalagay iyong Aioni kaya inayos ko pa iyon at tinanguan siya. Kinuha ko ang pamunas at iyong cart nila kung saan ilalagay ang mga plato saka ako nagtungo roon sa sinasabi niyang mesa.
Nagsimula akong magligpit. Maingat ko iyong ginawa para narin hindi mapagalitan sa unang araw ko. Sa kabilang table ay may naghahagikhikan pa ng mga grupo ng mga sosyalista. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko ang ipinupukol na tingin nila sa akin.
“Sayang at may face sana kaso waitress pala,” sabi ng kung sino at humagikhik.
“May mga babae talaga na magaganda but sad to say di biniyayaan ng magandang estado. Poor girl…” At tumawa na ulit.
Sabuyan ko kaya kayo ng tira-tirang pagkain?
Ipinasok ko iyon sa kabilang tenga at sinipa rin palabas. Nahihiya ako ng kaonti pero sa tuwing nakikita ko ang ngiti ni Lucas sa aking isipan ay nabubura nalang ang aking alalahanin.
Hindi naman ako panghabang buhay na ganito. Darating rin ang araw na hindi na ang mesa ang pupunasan ko kundi ang bintana na ng mamahalin kong kotse. Dadating ang araw na hindi na ako pagtatawanan kundi titingalain na. Dadating ang araw na hindi na ako ang tatanggap ng sweldo kundi ako na ang magpapasweldo. At hindi ko na kailangang silbihan pa ng iba dahil sa susunod, ako naman ang sisilbihan ng lahat.
Napangiti ako roon at mas naengganyo sa paglilinis ng mesa. May pumalit rin naman sa akin doon na isa pang empleyado para ayusin ang table settings lalo na’t medyo nadisarrange ko pa iyong bulaklak sa gitna.
“Kaya pa?” tanong ng babae sa akin nang ipasok ko ang cart sa malaki nilang kusina.
Tumango ako at nagthumbs-up.
“Ang dali lang naman eh! Di nga ako pinagpawisan!” Tumawa ako.
“Eh isang table pa lang kasi. Maya maya pagtungtong ng alas otso mas dadami ang costumer dito,” sabi niya habang mabilis na pinaghuhugasan iyong mga plato.
“Okay lang. Piece of cake,” mayabang kong sagot.
“Ang confident ah!”
Ngumiti nalang ako at lumabas muli lalo na’t tinatawag na naman ako. Grabe… Ganito kabusy rito! Paano ako kukuha ng tyempo para landiin iyong boss ko? At teka nga… Nandito ba iyon? Mukhang nasa office niya lang ata lalo na’t nandito rin iyong kaibigan niya.
Nakalimang table ata ako sa loob ng 30 minutes. Salitan naman lalo na’t marami ring empleyado pero pinagpawisan na agad ako. 6 hours akong ganito lang palagi at wala pang isang oras ay nangangalay na agad ang mga paa ko kakalakad at ang kamay ko kakapunas.
“Lalo na pag weekends, mas maraming tao idagdag pa pag tuwing Sabado!” ani Angie nang mapansin akong nakasandal na sa pader at ramdam na ang pagod.
“Bakit? Anong meron sa Sabado?” tanong ko.
“May mga banda kasi rito. May kumakanta ng acoustic tuwing gabi… Mga gwapo!” hirit niya at kinilig pa.
Ngumiti ako pero di na umabot ang saya sa aking mukha. Di talaga ako magugwapuhan sa isang lalake kung wala akong mapapala. Gusto ko iyong full package eh. Iyong alam ko na may silbi hindi iyong puro mukha lang. Kadalasan kasi sa mga ‘gwapo’ KUNO nila ngayon ay iyong puro lang tindig pero wala namang kwenta. Basura lang sa lipunan at walang alam kundi mang-akit lamang ng mga babae.
Sinulyapan ko ang pasilyo kung nasaan ang office ni Sir Waytt.
“Uy, may gusto ka kay Sir ’no?” Sinundot niya ang aking tagiliran sanhi para maibalik ko ang aking mga mata sa kanya.
“Masyado bang halata?” Tumawa ako at isinabit ang nalaglag na hibla ng buhok na nakatali sa gilid ng aking tenga.
“Grabe di mo man lang tinanggi! Oo girl halatang halata! Walang babaeng hindi magkakagusto roon! Mapa bata o matanda mahuhulog talaga kay Sir! Lalo na sa ama noon! Hottie!” Nangisay siya sa kanyang kinatatayuan.
Nag-imagine agad ako ng mas manly version ni Sir. Laglag panga na nga ako sa anak ano nalang kaya sa pinagmulan ’di ba?
“Wala bang girlfriend si Sir?” tanong ko nang mahimasmasan.
Umiling siya. “Ewan ko kung meron ba o wala pero babaero rin kasi iyang si Sir kahit nuknukan ng kasupladuhan,” halos pabulong niyang sabi at sinulyapan pa ang office ni Sir.
Ah… So road to fuckboy rin pala?
“Eh iyong mga pinsa-” Naputol sa kakasalita si Angie nang sumingit ang boses ni George, isa sa mga waiter ng Restaurant.
“Angie, table 10,” ani George dala dala ang isang menu.
Nagpaalam rin naman si Angie sa akin para magligpit na. Sinulyapan ako ni Greg habang namumula ang kanyang pisngi kaya pasimple ko nalang iniwas ang aking mga mata sa kanya. Di kita type ah.
Sa tuwing napapadaan ako sa pasilyo kung saan matatanaw ang office ni Sir ay hindi ko maiwasang maisip kung naroon ba siya. Di ba iyon lalabas? Di niya ba kakausapin ang mga empleyado niya? O kaya ay kukumustahin man lang? Doon lang ba siya hanggang sa magsara na ang Restaurant?!
Noong nabigyan ako ng 30 minutes break para kumain ay humirit agad ako sa counter kung ano ang pwede kong magawa makapunta lang doon sa office ni Sir o makita man lang ito.
“Hindi ba lalabas si Sir para kumain?” tanong ko kay Demi na busy sa mga wines sa counter.
“Mamaya siguro. Eh tatawag naman iyon at magpapadeliver ng pagkain sa office niya,” sabi niya at ibinalik iyong wine glass sa lalagyan pagkatapos punasan.
Ay.
“Eh paano kung gutom na pala at nakalimutan nang magtawag kasi busy rin siya roon?” tanong ko at sinundan ang mga mata niyang busy sa mga baso.
Sandali siyang natigilan at sinulyapan ako.
“Dalhan ko nalang kaya ng kape?” suhestyon ko.
“Sige… Baka nga gusto ng kape ni Sir,” sabi niya at ibinalik ulit sa mga baso ang mga mata.
Naging malapad agad ang aking ngiti at mabilis nang pumasok sa kitchen. Busy ang cook at may iilan ring empleyado na labas masok kakakuha ng mga orders. Lumapit naman ako roon sa isang chef.
“Uh, coffee raw po para kay Sir,” sabi ko na ikinasulyap nito sa akin.
“Oh… Ikaw iyong bago?” tanong niya suot ang napakalinis na puting unipormi.
Tiningala ko ang kanyang chef hat saka ako tumango.
“Opo…”
Ngumiti siya sa akin at nagtungo roon sa coffee maker. May kinuha siyang tasa saka creamer at mukhang kabisado na ang kape na ihahanda para kay Sir Waytt.
Ang ipinagtataka ko lang ay dalawa ang inihanda niya.
“Para kanino po iyong isa?” tanong ko.
“Para kay Sir Ken…” tangi niyang sagot habang nasa ginagawa ang buong atensyon.
Sir Ken? Ken? Teka… Sino iyon?
“Sir Ken?”
Tumango siya at inilagay na ang dalawang tasa ng kape sa isang tray.
“Oo si Sir Ken. Iyong madalas kasama ni Sir Waytt,” sabi niya at maingat na ibinigay sa akin ang tray.
Ah… Iyong pataygutom na kaibigan ni Sir Waytt. Pinapaboran rin pala iyon dito? Grabe naman pala pag naging kaibigan mo ang isang anak ng Restaurant. Pinapaboran kana rin at pinagsisilbihan…
Paano nalang kaya kung naging asawa ’di ba? Baka luhuran na.
“Salamat po.” Nginitian ko iyong chef na tumango sa akin saka ako naglakad palabas.
Dapat araw-arawin ko ang pagdadala ng kape kay Sir para naman araw-araw ko rin siyang makita hindi iyong hihintayin ko pa ito bago lumabas.
Nagtungo rin ako sa kanyang office. Pinihit ko nalang ang doorknob at narinig ang usapan ng nasa loob.
“Tingin mo kumusta si Nana roon?” tanong noong kaibigan ni Sir.
Hindi iyon sumagot kaya tuluyan na akong pumasok. Nadatnan ko si Sir Waytt sa kanyang swivel chair na may hawak na frame at tinititigan iyon habang iyong kaibigan niyang nagngangalang Ken naman ay nakaupo at nakahilig ang isang kamay sa mesa. He’s just wearing a white polo at medyo magulo ang buhok na akala mo ay sinabunutan ng kung sino na bumagay parin sa kanya.
“Magandang tanghali po, Sir…” sabi ko sa malambing na boses at tinamisan agad ang aking ngiti.
Nag-angat ng mga mata si Sir Waytt sa akin. Nakita ko rin kung paano lumingon iyong kaibigan niya at mabilis akong pinasadahan ng tingin habang nakangisi.
“You didn’t knock,” ani Sir sa baritonong boses at blangko ang ekspresyon.
Ngumiti ako. “Uh, dinalhan ko pala kayo ng coffee, Sir. Kanina ko pa po kasi napapansin na hindi kayo lumalabas…” sabi ko.
“Oh thanks,” sagot noong kaibigan niya at sinenyasan akong ilapag iyon sa mesa.
Hindi ko siya pinansin at ipinatili ang aking tingin kay Sir. Epal.
“I didn’t ask for a coffee. Sinabihan kita?” Umangat ang kanyang kilay at tiningnan ang dala kong tray.
Shit grabe… Nakakatiklop naman ang kasupladuhan nito! Kung di lang talaga siya boss ko at di siya mayaman di ko siya pagtitiisan eh!
Ngumiti ako ng pilit.
“Baka kasi busy po kayo at nakalimutan niyo lang kaya po dinalhan ko na kayo,” malambing kong sabi.
His friend chuckled. Ang manyakis ay nagawa pang suklayin paatras ang buhok at nangingislap na naman ang mga mata.
“H’wag mo iyang pansinin, Miss.” Tumayo siya at pinuntahan ako. Kitang kita ko kung paano lumebel ang kanyang mga mata sa aking dibdib nang tumigil siya sa aking harapan.
“Akin na. Ako na ang maglalapag,” aniya at hinawakan ang aking mga kamay sa tray.
Mas lalong naging malaki ang kanyang ngisi at hinaharangan na ang kabuuang imahe ni Sir sa harap.
Nagpeke nalang ako ng ngisi at binawi agad ang aking mga kamay roon. Kung susupladahan ko siya sa harap ni Sir ay baka maturn-off lamang sa akin at isiping mataray ako.
Kinindatan niya ako bago tuluyang tumalikod at inilapag na iyon sa harap ng mesa kung nasaan si Sir. Nanatili naman akong nakatayo at sinusundan siya ng tingin.
“H’wag mo nang tanggihan. Nag-effort siyang dalhin ang mga kapeng ito kaya dapat tanggapin natin ng maayos. We should respect her effort, man…” he said huskily.
Oh… Ba’t parang may accent ata ang english niya? Hanep ah?
Nakita ko kung paano sulyapan ni Sir iyong kaibigan niyang iniaangat na ang tasa at sumisimsim doon. Umangat pa ang kanyang kilay habang iyong kaibigan niya ay tila makahulugan na ang tinging binibigay.
Umahon si Sir sa pagkakasandal sa swivel chair at ibinalik ang frame sa gilid. Nakita ko agad ang babae roon kasama ang isang batang lalake. Nakangiti ng matamis iyong babae habang ang katabing lalake ay masyadong suplado at nasa babae ang tingin.
Sino iyan? So, may kapatid siyang babae? O baka…
“Pwede mo kaming dalhan ng kape rito araw-araw…” Hinagilap ni Ken, iyong epal na kaibigan ni Sir, ang aking name plate at tiningnan iyon. “Aioni? Tama ba?”
Tumango ako sa kanya at tipid na ngiti ang naibigay.
“Ah… Baka po ayaw na ni Sir? Pwede po ba?” Tiningnan ko si Sir na nasa cellphone na ang tingin.
“Oo pwede,” sagot ng kaibigan niya sanhi para lingunin ko itong muli. Kumindat siya sa akin kaya nag-iwas agad ako ng tingin. Ang epal ng bwesit na ’to!
“Baka di pumayag si Sir, eh,” sabi ko at pekeng natawa.
Tiningnan niya si Sir. “Man, tell her you agreed!”
Tumango lamang si Sir habang wala sa sarili kaya ngumisi muli sa akin ang kanyang kaibigan.
“See?” saka niya binasa ang pulang pang-ibabang labi na nangingislap na kagaya ng kanyang mga mata ganoon rin ang dalawang earring sa kabilang tenga.
“Sige po… Lalabas na ako.” Marahan akong yumuko at nagpaalam na.
Pigil hininga kong nilunok ang inis hanggang sa makalabas at tuluyan iyong ibinuga. Bakit ba umiepal siya? Paano ako makakadiskarte ng maayos kung para siyang tuko na palaging dumidikit kay Sir?
Ano bang gagawin ko sa lalakeng iyon nang matigil sa pagiging epal? At napipikon na ako sa ngisi niya! Akala niya ba ang gwapo niya sa paningin ko? Dapat si Sir mismo ang gustong maghatid ako ng kape araw araw sa office niya hindi iyong nakikisawsaw pa ang kanyang kaibigan.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at naglakad na paalis doon. 30 minutes na nga lang ang break ay di ko pa masosolo si Sir dahil mukhang tambay rin ang gagong iyon dito.
But don’t lose hope, Marione! Isang araw pa lang naman! Baka bukas ay wala iyang kaibigan niyang epal. Bukas ka nalang ulit dumiskarte.
Bumalik ulit ako sa trabaho. Isang oras nalang ang natitira at out ko na kaya mas tinodo ko pa ang lakas ko para naman sa first day ko ay maiwanan ko sila ng magandang impression sa akin.
“Aioni kailangan ka sa VIP. Akyat ka roon,” sabi ni George sa akin nang masulyapan akong nagtutulak ng cart patungo sa kitchen.
Nagtungo siya sa akin at bahagyang inagaw ang cart kung nasaan iyong mga niligpit kong mga plato.
“Ako na riyan. Kailangan ka roon sa VIP,” sabi niya at di pa makatingin sa aking mga mata.
Tumango ako at wala nang sinabi. Pinunasan ko ng konti ang aking noo na medyo pawisan na at inakyat ang ikalawang palapag.
Ano kayang hitsura roon? Sa sobrang curious ko ay mas binilisan ko na ang paglalakad ko makarating lamang agad doon.
Pagdating ko sa itaas ay pinagbuksan agad ako ng guard. Nginitian ko siya saglit saka ako tuluyang pumasok.
Lumaki agad ang aking mga mata sa exterior design ng loob. Puro mga couches ang naririto at tanaw na tanaw pa sa transparent nilang pader ang labas kung saan kumikinang ang mga ilaw at citylights sa malayo. Meron pang liblib na hindi transparent ang pader at may mga landscape na mga abstract paintings.
“Aioni!” May kung sino ang tumawag sa akin.
Natigil ako sa kakamasid at hinanap ang boses ng kung sinong pamilyar lalo na’t kumukulo na agad ang aking dugo.
Natagpuan agad siya ng aking mga mata. Ang kapal naman ng mukha nitong tawagin ako na akala niya ay close kami at siya ang nagpapasweldo sa akin!
Nagkasalubong ang aking kilay habang tinitingnan siya roon sa couch na inuupuan niya. Nakahilig sa likod ang kabyang mga braso habang nakapatong ang isang hita sa isa na akala mo ay isa siyang hari at tinatawag ang kanyang alipin.
Ngumisi siya at hinaplos ang kanyang pang-ibabang labi. Kunot-noo naman akong naglakad sa kanyang kinaroroonan.
“Bakit?” matigas kong tanong na ikinahalakhak niya.
“Ang lambing mo kanina ah? Where’s your soft voice? Naiwan mo narin kasama noong foam mo?” he chuckled at sinuklay paatras ang buhok.
Nanliit agad ang aking mga mata. “Anong foam?”
Nalaglag ang kanyang tingin sa aking dibdib saka niya binasa ang pang-ibaba niyang labi.
“Malaki iyan noong araw ah? Ba’t lumiit? Gumagamit ka ata ng foam sa bra mo,” sabi niya sa baritonong boses at akala mo ay isang normal na damit lamang ang sinasabi.
“Ang bastos mo! Akala mo ba type kitang fuckboy ka?” deritsahan kong sabi na ikinalaki agad ng kanyang ngisi.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “Alam kong hindi. Iyong boss mo ang type mo ’di ba? Iyon ang mas fuckboy.”
Nanatiling nakaawang ang aking bibig habang pinagmamasdan siyang hindi nabubura ang nakakalokong ngisi. At sinisiraan niya ba sa akin si Sir?! Akala niya naman madidiscourage agad ako!
“Type mo ang masungit mong boss,” aniya at humagalpak.
“So what?” inis kong hinanap ang mga mata niyang nangingislap kakatawa.
“Ba’t mo iyon type? Ayaw mo ba iyong kagaya ko? Iyong type ka?” tanong niya sa nakakaakit na boses at tila nanghihipnotismo na ang mga matang mapang-akit at malalim ang tingin.
“Hindi kita type,” diretsahan kong sabi at akmang tatalikod nang magsalita siya.
“Wait. We’re not yet done talking.”
Humarap akong muli at bumuntong ng hininga,halos pigilan ang sariling manggigil sa kanya.
“Close kami ng boss mo. Kung di mo ako pakikitunguhan ng maayos ay hindi mo siya makukuha. Alam mo ba kung anong paborito niya?” Umangat ang kanyang kilay at nanghahamon na ang boses.
Umawang ang aking bibig para sana sagutin ang kanyang tanong kaso napagtanto kong wala rin naman pala akong alam sa kanya, sa boss ko.
Humagalpak agad siya nang hindi ako makasagot at nagawa pang itapon ang ulo sa likod, noong umahon ay sinuklay agad ang buhok.
Ngumisi siya sa akin lalo.
“You need me, Aioni. Di mo makukuha ang gusto mo kung wala ako sa tabi mo,” seryoso niyang sabi ngunit lumalabas ang pilyo at nakakaakit niyang ngisi.
3rd Chained
Chained
Kailan
Nagkasalubong ng husto ang aking kilay sa kanyang sinabi. Ngumisi lamang siya lalo at kinagat pa ang pang-ibabang labi.
“Ayaw mo ba? Ang hirap pa namang paamuhin ng boss mo…”
Matapang ko siyang tiningnan. Humalukipkip ako sa kanyang harapan at taas noong tumayo roon.
“Kaya ko siyang akitin. Ayokong magkautang na loob sa isang…” Humagod ang aking mga mata sa kanyang imahe. Those two open buttons… Those seductive smile at idagdag pa ang mapang-akit na mga mata. Bakit may ganyan siyang mga katangian eh di naman siya guwapo? Iyan ba ang ipinanggagamit niya para mambiktima ng babae?
Humalakhak siya at sinuklay muli ang buhok.
“Nakailang boyfriend kana ba?” Hinagod niya ako ng kanyang mga mata. “And you look like a virgin. Wala ka naman atang experience eh.”
Ay putragis ang lalakeng ito. Ang lala ng bibig niya! Di lang siya manyakis sa mukha kundi manyakis rin pati sa salita!
Totoo naman iyon at dapat hindi ako mainsulto pero naiinis ako dahil kung sabihin niya iyon ay parang isa lamang iyong normal na bagay. Ganito ba talaga siya?
Humilig siya sa kanyang mga hita at ipinagsalikop ang mga kamay. Kahit medyo dim sa parteng ito dahil sa pabago bagong kulay ng ilaw ay malinaw ko paring nakikita ang malalim niyang paninitig sa akin.
“May experience ako,” matigas kong sabi, pilit inaako ang isang bagay na di ko pa naman naranasan.
Bahagyang umawang ang kanyang bibig at tila nagulat pero kalaunan ay ngumisi na naman.
“Kanino?” he asked, almost taunting me like I am just imagining things.
“Pake mo?” Umirap ako. “14 pa lang ako noon… Kaya h’wag mo akong maliitin dahil baka mas expert pa ako kaysa sa’yo.”
Ngumuso siya, kalaunan ay di na nakayang humagalpak. Nagawa niya pang sapakin ang sarili niyang hita at halos gumulong na ata sa sofa kakatawa.
Bumusangot ako at matalim itong tiningnan. Masyado ba akong napasabi ng white lies at di na kapani-paniwala? Fuckboy siguro talaga ito? Marami ata itong experience eh… Pag nagkataon ako lang rin ang namamahiya sa sarili ko dahil para akong nagmamalaki sa taong mas triple na ang experience kaysa sa akin na nagsisinungaling lamang.
Teka, may fuckboy bang mahirap? Anong ipanggagastos niya kung ganoon? O mukha lang talagang siyang fuckboy at loko loko?
Tumikhim ako para kunin ang kanyang atensyon. Pinunasan niya ang gilid ng kanyang mata dahil sa luha kakatawa.
“Tapos kana? Aalis na ako,” sabi ko at akmang tatalikod muli nang tinawag na naman ako.
“Aioni…”
Mariin akong pumikit at nagbilang ng tatlo. Bumuntong ako ng hininga at hinarap ang bastardong ngumingisi na naman ng pilyo.
“Take my offer. Expert ako sa lahat ng bagay. Kahit nga ang dibdib mo kaya kong palakihin. Kaonting masahe lang naman iyan-”
“Shut-up!” putol ko sa kanya at tumalikod na talaga. Tawang tawa siya roon at tuwang tuwa sa pinaggagawa.
Akala niya madadaan ako sa paganyan-ganyan niya? Halatang type ako noon at gusto lang akong iclose para makatsansing! Akala niya di ko kabisado ang mga kagaya niya? Palaging may rason ang mga lalake kung ba’t sila nagkakainteres sa isang babae, kung ba’t bigla-bigla nalang nilang kinakausap.
Kung akala niya ay mauuto niya ako pwes nagkakamali siya. Akala mo naman kagwapuhan jusko ang feeling! Wala akong mapapala sa gagong iyon.
Pagkatapos ng aking shift ay nagbihis rin naman ako. Ramdam ko ang pagod sa buo kong katawan. Sumasakit rin ang aking paa kakalakad kanina.
Bago tuluyang umuwi ay dumaan akong muli sa isang bakery para bumili ng cupcake. Alam ko namang tulog na iyon pero matutuwa siya kinabukasan na may pasalubong ulit ako sa kanya lalo na’t matagal akong umuwi.
Hindi ko nakitang lumabas sa harap si Sir kasama iyong kaibigan niya at mukhang sa likod ata dumaan, deritso sa parking lot. Yayamanin talaga. May sariling kotse at hindi na mamomroblema sa pagcocommute! Pag ako talaga nagka sariling kotse…
Pagdating ko sa bahay, ang mga nakakalat agad na mga damit sa sahig ang bumungad sa akin. Sobra na namang kalat at may nakita pa akong bote ng sanmig. Napasimangot ako at ibinaba sa sofa ang aking mga dala saka ko iyon pinagpupulot.
Siguro pag nakaluwag-luwag na ako ay maghahire na ako ng katulong. Magkano kaya ang sweldo sa mga ganoon? Eh iyong sweldo ko minimum raw eh, bale 350 araw araw tapos 15, 30 pa makukuha. Gusto ko sanang palipasin nalang ang isang buwan kaso wala ring magagamit dito sa bahay kaya kailangan ko agad iyong sweldo ko.
Nagtungo ako sa kusina at hindi na ako nagulat nang madatnan kong walang hugas ang mga plato roon at di pa naliligpit ang pinagkainan.
Noong nandito pa si Papa ay sobrang sigla ni Mama. Madalas ko siyang nakikitang tumatawa at palaging malinis ang bahay lalo na’t iyon ang kanyang pinagkakaabalahan habang hinihintay ang pag-uwi ni Papa. Masigla siya noon kumpara ngayon na masyado nang matamlay at halos wala nang ganang kumilos sa bahay. Alam ko namang nasasaktan siya pero sana naman hindi niya pabayaan ang sarili niya. Kahit ako nalang ang magtrabaho para sa aming tatlo…
Tumulo ang luha sa aking mga mata habang naghuhugas ako. Ito ang ginawa sa kanya ni Papa. Kahit na nakalaya na ang aking ina sa pisikal na pananakit ay tila sinasaktan parin siya ng aking ama sa loob.
Konti nalang ang aking tulog at kailangan ko pang gumising mamayang 5 AM lalo na’t may pasok pa ako. Pag nagkataon magmumukha akong zombie.
Pagkagising ko ay maaga akong naligo at nagluto ng magiging breakfast namin. Kahit si Lucas ay ginising ko narin at pinaliguan ng maaga bago ako pumasok.
Ramdam ko ang simangot niya habang kinukusot ko ang kanyang buhok. Ni hindi siya makatingin sa aking mga mata at tila nagtatampo.
“Galit ka ba kasi di ako umuwi ng maaga? Wala kang kalaro?” tanong ko sa maliit na boses na ikinatango niya naman.
Tumawa ako at kinurot ang kanyang mga pisngi na agaran ring namula.
“Pero may pasalubong akong cake! Tampo ka parin?”
Umahon agad ang kanyang mga mata at lumiwanag na ang mukha.
“Cake?” tanong niya sa nagpipigil na boses.
Tumango ako at ikinalat ang bula sa kanyang parteng leeg.
“Yehey…” Unti-unti siyang pumalakpak kaya natawa ako.
Binilisan ko ang pagpapaligo sa kanya dahil baka malate na ako pag nawili ako sa pakikipaglaro. Binihisan ko ito at pinaupo na sa harap ng lamesa saka ko narin ginising si Mama para makakain narin.
“Ang sakit ng ulo ko…” Reklamo niya habang naglalakad patungong kusina.
“Nagluto ako ng mainit na sabaw, Mama. Uminom na naman kayo kagabi?” tanong ko sa kalmadong boses at inasikaso na si Lucas.
Umupo siya sa bakanteng upuan at tinitigan ang plato. Naglagay ako ng sabaw at kanin sa plato ni Lucas. Hindi narin naman iyon gaanong mainit kaya hindi na siya mapapaso.
Pagkatapos ko iyong gawin ay kumuha rin ako ng bowl at naglagay roon ng mainit na sabaw saka ko inilapag sa harapan ni Mama.
“Sinong kasama mong uminom, Ma?” tanong ko.
“Sila Lydia. Pinuntahan nila ako rito,” sabi niya at dinampot ang kutsara.
Naglagay narin ako ng pagkain sa aking plato. Si Lucas naman ay nagsisimula naring sumubo. May iilang kanin pang dumikit sa gilid ng kanyang pisngi na kinuha ko agad saka ko ibinalik ang aking mga mata kay Mama.
“At si Lucas?” tanong ko.
“Syempre pinatulog ko ng maaga,” matamlay niyang sagot at nagsimula nang humigop ng sabaw.
Natahimik narin ako at nagconcentrate nalang sa pagkain. Kalaunan ay napunta ang kanyang naninimbang na mga mata sa akin.
“Anak… Magkano raw ang sweldo mo?” Ngumiti siya sa akin at tila may pinupunto na iyon.
“Minimum pa ako Mama since kakasimula ko lang,” sabi ko.
“Oh talaga? Sa unang sweldo mo, pwede bang manghingi ako? Bibisitahin ko lang sana ang Papa mo. Dadalhan ko ng pagkain. Kawawa naman iyon doon… di nabibisita…” sabi niya sa kumikislap na mga mata.
Gusto ko siyang pagalitan, gusto ko siyang pangaralan, pero ayoko namang sirain ang umaga niya at ang katiting na saya na nakikita ko. Paulit-ulit narin namin kasing pinagtatalunan ang bagay na ito at alam kong palagi lamang nauuwi sa pagtatalo.
“H’wag mo nalang pong isama si Lucas,” sabi ko.
“Bakit? Baka namimiss niya rin si Lucas-”
“H’wag na, Ma. Ipapasyal ko si Lucas sa unang sweldo ko. Bibilhan ko siya ng laruan,” sagot ko at sumubo.
Natikom ang kanyang bibig at sinulyapan si Lucas sa aking tabi saka niya rin naman ibinalik sa akin.
“Oh sige… Kahit isang libo lang, anak…”
Natigil ako sa pagsubo. “Ma? Hindi ba at masyado iyong malaki? Maggo-grocery pa ako. Magbabayad pa ng tubig at ilaw. At kailangan ko pang mag-ipon para sa utang natin.”
“Sige na Marione. Minsan lang naman ako susuyo sa’yo. Pagbigyan mo na ako.” Inabot niya ang aking kamay at pinisil iyon.
Bumuntong ako ng hininga at hindi na umimik. Hindi ko pa nga nakukuha ang sweldo ko ay pinagpaplanuhan agad ni Mama.
Tumango nalang ako na ikinangiti niya. Ganado siyang humigop ng sabaw at mukhang binibilang na ata sa kanyang utak ang nalalapit na araw na iyon.
“Alam mo, ang mama mo na ang pinaka martyr na kilala ko! Napaka masokista!” ani Eunecia nang mapagkwentuhan na namin iyon sa canteen.
“Sinaktan na nga ng pisikal at emosyonal di parin nadadala! Noong nagpaulan ng karupukan sinalo ata lahat ng mama mo! Ang rupok rupok sa Papa mo!” Nailing si Eunecia habang tinuturo pa sa akin iyong hawak na fry.
Kinuha ko iyon at isinubo. Humilig ako sa mesa at tinitigan nalang ang palabok ko habang nginunguya. Naiistress ako sa pinaggagawa ni Mama.
“Biruin mo? Iyong Papa mo ang rason kaya baon na baon kayo sa utang pero dinaig pa ng bulag ang Mama mo at di man lang nakikita ang kawalanghiyaan ng Papa mo! Eh ’di ba at nahuli mo pa iyong nambababae? Tapos nambubugbog pa ng asawa! Tama lang talaga sa kanya na makulong eh! H’wag niyo na talaga iyong pyansahan!” gigil na gigil na sabi ni Eunecia at kulang nalang ay pumutok ang ugat sa leeg.
Nahawakan ko ang bawat ulo ko. Kulang nalang ay sabunutan ko ang aking sarili sa dami raming inaalala. Naiisip ko palang ang pagkakasangla ng aming lupain, ang bahay naming nanganganib naring makuha sa amin dahil sa utang ni Papa ay sasabog na ata ang aking utak.
Kung pwede lang talagang tumaya ako sa lotto araw-araw at magbabakasakaling swertehin ako ay papatulan ko na talaga.
“Konti nalang mababaliw na talaga ako…” sambit ko at ramdam ang bigat sa aking balikat.
“Alam mo may suggestion ako…” ani Eunecia sanhi para umahon ang aking mga mata at salubungin ang kanyang tingin.
Ngumisi siya sa akin at kumuha ng panibagong fry.
“Ba’t di ka sumali roon sa patimpalak sa tv, iyong namimigay ng jacket. Iyak ka roon tas ikwento mo ang buhay mo. Malay mo ’di ba magviral ka tapos maraming maaaawa at dadagsa ang tulong sa’yo!” Tumawa siya ng malabruha at hinampas pa ang lamesa.
Napairap agad ako. Sa mga ganoong game show ay 50/50 ang tsansa mong mapili bilang kalahok at manalo sa kanilang mga palaro. Sa dami raming taong namomroblema ngayon, sigurado akong may mas malala pang pinagdadaanan sa akin. At ’tsaka mukhang kaya ko pa namang solusyuan.
“Pag no choice na ako ikaw nalang ang ibubugaw ko ha?” sabi ko sa kanya at nginitian ito ng pilit.
Napabusangot naman agad siya at umirap.
“H’wag mo nga akong isali! Kaya nga akitin mo na iyong boss mo para masolusyunan na iyang problema mo! Sabihin mo bago mo siya pakasalan ay kailangan niya munang tubusin ang lupa, bayaran ang utang at bigyan ka ng maginhawang buhay! Barya lang naman ang mga ganyan sa mga mayayaman. Di nila ikakahirap ang pagwawaldas ng kaonting pera.”
Mas lalo lamang akong nainggit sa pinagsasabi ni Eunecia. Ang sarap talaga pag buhay mayaman ka eh. Wala kang problema. Siguro ang tanging problema mo lamang ay kung paano uubusin ang pera mo na sobrang dami na.
“Ang sungit eh… At parang may girlfriend ata… Ewan ko kung kaano ano niya iyong babae sa frame… At iyong Nana ata na nabanggit ng kaibigan niya.”
“Imposible rin naman kasing wala iyong girlfriend ’no! Baka may babae rin iyong kinababaliwan kaya di magawang maging mabait sa’yo. Doon ka nalang kasi sa kaibigan niya total mukhang mabait!”
Sinamaan ko agad siya ng tingin.
“Wala akong mapapala sa manyakis na gagong iyon, Necia. At puro lang kamanyakan ang alam noon! Naiisip ko palang na makikipagclose ako sa kanya sobrang labag na sa loob ko.”
“Ano ka ba, Marione! Close siya noong boss mo kaya dapat kinoclose mo rin! Dapat kinukuha mo ang tiwala niya para mas malaman mo ang mga gusto noong boss mo! Di ka nag-iisip!” Umiling iling pa ito at sumubong muli ng fry.
Umirap akong muli at iniangat ang aking pineapple juice saka ako uminom. Titig na titig naman si Eunecia sa akin habang ngumunguya.
“Feeling ko type ka noong kaibigan ng boss mo kaya madali mo iyong magagamit. Eksperto ka naman sa ganyan kaya madali nalang iyan sa’yo,” aniya.
Inaamin ko manggagamit ako. Pero naninindig talaga ang balahibo ko sa lalakeng iyon. And he’s very annoying! Nabubwesit ako sa pangisi ngisi niya!
“Ayoko ’no. Kaya ko namang akitin iyong boss ko sadyang palagi lang talagang epal iyong kaibigan niya,” sabi ko habang hinahalo akong palabok.
“Bahala ka nga. Basta pag naging kayo ng boss mo irampa mo rito ha! Nang matigil narin iyang mga fans mo kakahabol sa’yo eh wala namang mga pag-asa lalo na iyong engkantong si Jeric!” Humagalpak siya sa kanyang upuan na ikinatawa ko narin.
Isa sa mga masyadong papansin sa akin si Jeric. Simula ata noong nakita ako noon ay hindi niya na ako tinantanan at palagi nalang nagpapapansin.
“Ewan ko nga eh. Hindi rin nadidiscourage kahit anong pagsusuplada ko,” sabi ko at sumubo.
“Syempre maganda ka eh. Buti nalang talaga at biniyayaan ka ng hitsura ’no? Isipin mo, mahirap na nga kayo, baon na baon na sa utang at nanganganib nang mawalan ng tirahan tapos pangit ka pa. Hindi ba at ang saklap ng buhay?”
Sumang-ayon naman ako. “Alam mo naman ang mundo ngayon, pag maganda ka ay papaboran ka agad. Maraming nagagawa ang kagandahan. Pwede mong makuha ang gusto mo dahil sa hitsura mo at pwede mong alipin ang mga taong nakapaligid sa’yo dahil baliw sila sa kagandahan mo.” Ngumisi ako ng pilya at nahuli pa ang pagsulyap ng grupo ng mga lalake sa akin.
Pumalakpak siya at nagawa pa akong bigyan ng fry. Tumawa kaming dalawa at ipinagpatuloy nalang ang pagkain.
Pagkatapos ng klase ay umuwi na muna ako total mamayang 7pm pa naman ang pasok ko sa trabaho. Nasa may gate palang ako ay narinig ko na agad ang tawanan sa loob ng aming bahay.
Hindi nakasara ng maayos iyong gate kaya pumasok nalang ako. Maraming nagkalat na mga tsinelas sa may pinto at mas lalong umingay ang loob.
Nandito na naman ata iyong mga kaibigang tsismosa ni Mama.
“Mama…” tawag ko nang tuluyang makapasok at nadatnan sila sa sofa habang may mga chichirya naman sa sahig at bote ng inumin.
“Oh heto na pala ang anak ko!” ani Mama at may hawak pang baso ng inumin.
Nagsilingunan narin ang tatlo niya pang mga kaibigan, ang mga tsismosang mga tambay tambay lang rin sa kanto para kumalap ng balita na pwedeng ikalat.
“Grabe… Ang ganda talaga nitong panganay mo, Mercy! Tipo pa naman ito ni Joros, iyong panganay ko!” ani Aling Lydia, isa sa mga batikang tsismosa sa aming Barangay.
Ngumiti ako ng tipid sa kanya at hinubad ang aking sapatos.
“Saan pa ba magmamana eh sa akin lang naman!” ani Mama, nagmamayabang.
“Ako sa’yo ipagkasundo mo nalang sa isang Amerikano nang gumanda rin ang buhay niyo! Madaling magugustuhan iyang si Aioni kasi maganda, makinis, maputi, matangkad!” si Aling Delya na parang daga kung makaputak ang bibig.
“O kaya magmodel ka nalang kaya Aioni? Mas malaki ang sahod sa mga ganoon!” si Aling Rosalie naman.
Umiling ako sa kanila at binalingan si Mama na kumukuha pa ng chichirya.
“Ma, si Lucas?” tanong ko at iginala ang mga mata.
“Ah teka…” Gumala rin ang kanyang mga mata. “Nandito lang iyon kanina… naglalaro. Baka lumabas.”
“Mama!” hiyaw ko na ikinakurap ng tatlo.
“Haynako Aioni! Minsan lang nagsasaya ang Mama mo! Hayaan mo na ’tsaka naglalaro lang naman siguro ang kapatid mo sa labas,” si Aling Delya.
“Oo nga, Aioni! Depress itong Mama mo kaya nga dinadamayan namin. At mag t-three years old na iyong si Lucas. H’wag mo na masyadong binibaby,” si Aling Rosalie.
“Uminom ka pa, Mercy… Laklakin mo nang maghilom ang sugat sa puso mo,” ani Aling Lydia naman na nilagyan pa ng alak ang baso ni Mama.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at nagpasyang lumabas. Kinuyom ko ang aking mga kamay at pilit na ikinalma nalang ang aking sarili. Kaya rin ganoon si Mama dahil may mga konsintidor siyang mga kaibigan!
Hinanap ko agad si Lucas sa paligid. May mga bata naman sa kalye pero wala siya roon.
“Nakita niyo po ba si Lucas?” tanong ko roon sa babaeng nagtitinda ng kwek kwek.
“Si Lucas? Iyong gwapo at masungit mong kapatid na lalake? Aba’y oo nakita ko kanina pero bigla nalang ring nawala!”
“Po? Saan niyo huling nakita?”
“Hmm…” Iginala niya ang mga mata. “Ewan ko nga eh. Nako… Uso pa naman iyong puting van at nangunguha ng mga bata! Baka kinuha na iyong kapatid mo!” aniya sa gulat na boses.
“Hindi naman po siguro. Sige salamat…” Saka ako umalis sa kanyang harapan. Iba rin ang bunganga. Di na talaga ako bibili ng kwek kwek niya!
Nagtungo ako roon sa gym at nagbabakasakaling napadpad doon si Lucas kaso bigo akong makita siya roon. Saan naman iyon pupunta? Eh wala nga iyong close na bata rito!
“Lucas!” tawag ko at kabado na. Ilang minuto na ang lumilipas at kahit ano na ang pumapasok sa isip ko.
Napadaan ako sa bahay nila Aling Guring kaya nagbakasakali narin ako roon. Kumatok ako.
“Aling Guring! Nandiyan po ba si Lucas?” sigaw ko para marinig nito sa loob.
Ilang sandali lamang ay bumukas nga ang pinto.
“Oh! Aioni! Akala ko may trabaho ka!” aniya at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. “Oo nandito ang kapatid mo… Nagulat nga ako at pumunta rito! Nawiwili ata siya kakalaro kay Chico!” Tumawa si Aling Guring at sinulyapan si Lucas sa may carpet nila habang hinihila ang tenga noong aso nilang may breed.
Tila nabunutan ako ng tinik at wala sa sariling nahipo ang aking dibdib.
“Alalang alala ako… Akala ko nasaan na kasi wala sa bahay… ’Tsaka mamayang 7pm pa po eh kasi Wednesday ngayon. sabi ko at huminga ng malalim.
Umiling si Aling Guring at dismayado na agad ang mukha.
“Ganoon ba? Ang sabi kasi ng kapatid mo ‘maingay’ raw. Tinatakpan niya pa nga ang mga tenga niya kanina noong dumating iyan dito kaya nahulaan ko agad na baka dumayo na naman iyong mga kaibigan niyang bad influence.”
“Nandoon nga po…” Bumuntong ako ng hininga at hinaplos ang aking siko.
“Ano ba iyang Mama mo napaka pabaya! Purket duguan ang puso ay isasantabi na ang pagiging ina! Kawawa si Lucas at lalong mas kawawa ka dahil ang bata bata mo pa pero ikaw na agad ang tumatayong magulang ng kapatid mo.”
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at sinulyapan si Lucas na ngumingiti habang nakikipaglaro kay Chico. Nilingon niya ako kaya ngumiti agad ako sa kanya at iwinagayway ang aking kamay.
“Hayaan mo Aioni, pwede ko namang tingnan tingnan iyang si Lucas nang hindi ka mag-alala,” sabi ni Aling Guring sanhi para maibalik ko sa kanya ang aking mga mata.
“Salamat po talaga… Hayaan niyo po babawi rin ako pag nakaluwag-luwag na ako.”
“Ano ka ba! Wala iyon ’no!” Sumenyas senyas siya at ngumiti sa akin.
Ngumiti narin ako at hindi nalang umimik. Kailan ba matatauhan si Mama? Kailan niya ba maiisip na mali na ang pinaggagawa niya? Kailan ba siya magpapaalipin diyan sa pagmamahal niya kay Papa? Kailan siya titigil?
4th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Game
Bumalik akong muli sa bahay dala dala na si Lucas. Pagkapasok namin doon ay umiiyak na si Mama habang pinapatahan siya ng tatlo.
“Mahal na mahal ko parin siya…” narinig kong bulong niya habang hinahaplos nila ang kanyang likuran.
“Hayaan mo, marami pang lalake riyan, Mercy! Marami pang pupulot sa alindog mo! H’wag na roon kay Berning!” ani Aling Lydia at tila umiikot narin ang paningin.
“Oo nga, Mercy. Marami pang lalake. Di ka mauubusan!” si Aling Rosalie naman.
Pinanhik ko si Lucas sa kuwarto at hindi alam ang mararamdaman sa dinadanas ni Mama. Siguro ay dala lamang iyon ng alak kaya siya nagkakaganoon. Hindi pa naman ako nalalasing at di ko pa nararanasang uminom kaya wala rin akong ediya. Basta ang alam ko, maraming umiinom lalo na pag nawawasak ang puso.
Bakit ba mas pinipili ng mga tao ang magmahal kahit alam naman nilang masasaktan lamang sila? Para lamang silang naghanap ng sariling bato na ipupukpok sa kanilang mga ulo. Kung alam naman pala nilang masakit, ba’t pa sila pumasok?
Nakipaglaro ako kay Lucas sa kaniyang kuwarto. Gusto ko nalang itong pagurin para makatulog agad at hindi na ako mag-aalala sa pagpasok ko mamaya sa trabaho.
Nakatulog rin naman si Mama dala ng kanyang kalasingan at sugatang puso. Iyong tatlo ay nagsiuwian narin at ako pa itong naglinis ng iniwan nilang kalat.
Tinitigan ko ang maamong mukha ni Mama sa sofa. Naroon pa ang natuyong luha at ang buhok na dumikit sa kanyang pisngi. Naaawa ako para sa kanya pero hindi ko talaga mapunto kung bakit niya ipinaglalaban ang isang bagay na matagal na siyang talo. Bakit niya pinipilit ang isang bagay na halatang hindi naman talaga para sa kanya?
Kinumutan ko na lamang siya roon saka ako nagbihis para makaalis narin.
Paulit-ulit lamang ang ginagawa ko roon kaya paulit-ulit lang rin ang nararamdaman kong sakit sa katawan at pagod. Lalo na tuwing MWF ay halos puyat ako dahil hanggang 12 Midnight ang aking duty roon.
“Oh, humahaba na naman iyang leeg mo,” ani Angie at natawa sa aking pinaggagawa ng Biyernes na iyon habang nakatayo kaming dalawa sa may bandang pasilyo.
“Di pala talaga lumalabas si Sir sa Office niya ’no?” sabi ko habang tinatanaw ang office niya rito sa aming kinatatayuan.
“Oo eh… May pagka tamad lumabas iyang si Sir. Ayaw masyado sa mga matao,” sabi niya.
Eh? Loner? Ayaw sa tao?
“Bakit?” Binalingan ko siya.
Nagkibit siya at tiningnan ang mga costumer na bagong pasok.
“Good Evening, Ma’am,” bati niya at nginitian sila kaya sumulyap narin ako at ngumiti.
“Mana kasi sa ama. Sabi sa akin, grabe rin daw iyong ama niyan…” medyo pabulong niyang sabi.
Tinitigan ko ito ng mataman.
“Tamad?”
Umiling ito.
“Mahilig ring magmukmok at hindi masyadong lumalabas kasama iyong ina ni Sir na nagtrabaho rin dito noon.”
Nagulat ako roon.
“Hindi mayaman ang napangasawa ng ama ni Sir?”
Nagkibit ito. “Ang alam ko lang ay nagtrabaho rin dito bilang encoder ang ina ni Sir eh. Tapos ayun, nagkadevelopan ata ang dalawa lalo na’t iyong ama rin ni Sir ang namamahala rito noon.”
Nagningning agad ang aking mga mata. Bigla akong nabigyan ng pag-asa na hindi lahat ng mayayaman ay namimili ng mayaman. Baka ay may tsansang ulitin naming dalawa ni Sir Waytt ang nangyari sa kanyang parents. Siguro matatanggap rin ako ng kanilang pamilya dahil sa ganito rin naman nanggaling ang kanyang ina.
“Ang ganda noon ni Ma’am Snow. Pag nakita mo iyon sa personal mapapanganga ka talaga. Ang puti-puti, matangkad, basta ang ganda…” Tumingala si Angie at tila nadadala na sa kanyang sinasabi.
Hindi ko na iyon masyadong inisip pa at mas ginanahan lamang sa aking plano na akitin si Sir. Kung nagmana man siya sa kanyang ama, sigurado akong may tsansa ring magkagusto siya sa mga katulad kong empleyado lamang.
May ganda rin naman ako at kaaya aya naman akong tingnan. Hindi naman ako pang-ordinaryong ganda lang ah?
May lumabas sa Office na mabilis kong ikinalingon doon. Bago pa man umakyat ang excitement ko ay mabilis narin iyong nahulog sa lupa nang makita ko ang epal na nakangising si Ken habang may katawagan sa cellphone at ang isang kamay ay nakabulsa sa suot na khaki short.
Napairap agad ako nang makasalubong niya ang aking mga mata. Tumayo ako roon ng tuwid at gusto nalang magtungo sa ibang mga table para maglinis na roon kahit di pa tapos ang iba.
“Lumabas si Sir Ken,” bulong sa akin ni Angie na hindi ko pinansin. Di ko iyan type ’no.
Ilang sandali lamang ay nakarating na nga ito sa aming gawi. Isinabit agad ni Angie ang takas sa gilid ng hibla ng kanyang buhok.
“Hi Sir Ken,” bati niya sanhi para lumingon ito sa kanya.
Kinindatan niya ito at nginisihan. Kulang nalang ay mangisay si Angie sa aking tabi habang si Ken naman ay pasimple pa akong sinulyapan.
“Sige… Mamaya…” he chuckled at saka rin naman nagtungo palabas dahil sa kausap.
Mabenta pala talaga ito sa babae ’no? Simula noong araw na nagtrabaho ako rito ay siya palagi ang bukambibig ng mga empleyado. Minsan rin ay nakakaagaw siya ng pansin ng mga costumer. Friendly ito sa lahat ng babae hindi kagaya kay Sir Waytt na hindi pa halos lumabas.
Siya rin ang halos pinag-uusapan nila Angie. Hindi na ako nakikisali lalo na’t hindi rin naman talaga ako interesado diyan kay Ken. Di ko nga lubos maisip kung bakit halos lahat ata ng kababaihan ay patay na patay agad sa kanya. Di ko talaga makita iyong sinasabi nilang nasa kanya na lahat ng hinahanap ng isang babae. Edi hindi ako babae?
Kaya noong mabigyan ulit ako ng break ay kinuha ko agad ang tsansang iyon na maghatid ng kape sa Office ni Sir Waytt lalo na’t lumabas rin iyong epal niyang kaibigan.
Bago pumasok ay kumatok muna ako. Ilang sandali lamang ay narinig ko rin ang boses nito galing sa loob.
“Come in.”
Napangiti ako at maingat na pinihit ang doorknob para hindi rin mahulog ang tasa na nasa hawak kong tray.
Tuluyan akong pumasok. Nang makita niya ang aking imahe ay umangat agad ang kanyang kilay at nalaglag ang tingin sa hawak kong tray.
Humilig siya sa kanyang mesa at mataman akong tiningnan habang naglalakad ako. Kinagat ko ang aking labi at sinikap na ngumiti habang maingat na naglalakad.
“Dinalhan ko po kayo ng kape, Sir…” sabi ko at inilapag iyon sa kanyang harap.
Napadpad pa ang aking mga mata sa kanyang suot na simpleng itim na Tshirt habang amoy na amoy ko ang mamahaling pabango. Mas lalong lumilitaw sa kanyang mukha ang kasupladuhan lalo na’t ang ayos rin ng kanyang buhok ay mala badboy rin.
“You made this?” tanong niya at kinuha iyong kutsarita.
Umiling ako habang hawak hawak ko ang aking pulso at nakatayo ng tuwid sa kanyang harapan.
“Hindi po… Iyong chef po ang may gawa niyan,” sabi ko.
Tumango siya at nasa kape na ang tingin. Hinalo niya iyon ng maigi gamit ang kutsarita. Napatingin ako saglit sa frame na may katabi ring isa pang frame. May babae na naman siyang kasama roon. Nawawala iyong mga mata ng babae dahil sa malaking ngisi habang hawak nito ang mga pisngi ni Sir Waytt at pilit niyang pinapangiti na nakatingin parin sa kanya.
“Ang ganda naman po ng girlfriend niyo, Sir,” sabi ko, pilit nagbubukas ng topic.
Tiningnan niya saglit ang frame na tinitingnan ko saka niya ibinalik sa akin ang walang kabuhay-buhay na tingin.
“She’s not,” tangi niyang sagot at iniangat ang tasa para sumimsim.
Oh… Hindi girlfriend. Edi pwedeng kapatid? Edi malaki ang tsansa na wala itong girlfriend! Baka naman ay hindi siya kagaya noong kaibigan niyang haliparot sa mga babae. At isa pa, ayaw niya sa mga matao kaya baka ay ayaw niya ring lumandi. Siguro ay pihikan ito sa babae? Ang seryoso niya rin naman kasing tao kaya seryoso rin itong magmahal at ayaw maglaro.
“Edi single po kayo?” tanong ko sa malambing na boses.
Nag-angat siyang muli ng tingin at inilapag ang tasa.
“Mukha ba akong double?” tanong niya sa baritonong boses na ikinanguso ko.
Ang suplado ah! Halatang ayaw pahabain ang topic…
“Hindi naman po…” Bumungisngis ako.
Umangat ang kanyang kilay at tila nabobored na, base narin sa kanyang paninitig.
“You can leave now. May trabaho ka pa,” sabi niya at sinenyasan akong lumabas na.
“Uh, break time ko naman po kaya okay lang…” sabi ko at walang balak lumabas.
Sa hindi ko mabilang na pagkakataon ay umangat na naman ang kanyang kilay.
“Then have a break outside.”
Lumunok ako at tumango. “Sige po… Enjoy your coffee, Sir…” Ngumiti ako sa kanya kaso nagbaba na ito ng tingin sa folder na nasa kanyang desk.
Napabuntong ako ng hininga at nagpasyang lumabas na lamang. Ang hirap pala talagang mang-akit lalo na kung iyong lalake ay singlamig rin ng yelo at sobrang sungit pa. Kung di lang talaga siya mayaman ay hindi ko siya pag-aaksayahan ng oras ’no. Kung wala lang talaga akong mapapala sa kanya ay di ko rin siya papansinin kaso nangangailangan ako…
Nagtungo ako sa cr para ayusin ang aking sarili lalo na’t feeling ko ay nalagas ang mga buhok ko sa sobrang pagkastress kanina sa kanyang harapan. Ni hindi ko man lang siya nakitaan ng pagkamangha sa akin. Ano ba kasing tipo noon sa mga babae?
Nasa may pinto palang ako nang may marinig akong kakaibang ingay na nanggagaling sa isang cubicle. Para iyong ungol na hindi ko masyadong marinig.
Kinabahan agad ako. Imposible namang may multo rito ’di ba? Teka… Napabindisyunan ba ang Restaurant na ito? Kinuha ko iyong map na nasa gilid lamang at dahan dahang nilapitan iyong cubicle.
Kinagat ko ang aking labi at ramdam ang bilis ng kalabog ng aking dibdib. Kung ano man ang masasaksihan ko ngayon, bahala na ang Panginoon sa akin!
Mabilis ko iyong itinulak at iniangat ang map bilang panangga na baka ay atakihin agad ako kaso iba ang bumungad sa akin. Nalaglag agad ang aking panga sa nasaksihan. Nakaangat ang skirt ng babae at halos kitang kita ko na ang kanyang hita habang hawak iyon ng lalake na nakapulupot sa kanyang isang binti. Mapusok silang naghahalikan at gumagala pa ang kamay ng lalake sa katawan niya. Kitang kita ko ang dila ng lalake at kung paano niya kagatin ang pang-ibabang labi nito saka niya panggigigilan ang dibdib.
At hindi lamang iyon kung sino, si Ken iyon!
Dumilat ang babae at nakita ako. Nahimasmasan ang kanyang mukha at mabilis na itinulak si Ken palayo sa kanya. Nakahalf open pa ang namumulang labi ni Ken nang tiningnan niya ako gamit ang mga matang tila lasing na lasing sa isang bagay, ang buhok ay buhaghag at nakabukas na ang dalawang botones ng kanyang suot na puting shirt.
“S-Sorry!” Natataranta kong isinara ang pinto at mabilis na inihagis ang map pabalik sa pinagkuhanan ko saka ako kumaripas ng takbo palabas.
Pulang pula ang aking pisngi at para akong sasabog sa sobrang init noon. N-Nakita ko ba talaga iyon?! Ang epal na haliparot na Ken na iyon, may kalaplapan sa loob ng cubicle!
Mas lalo akong nataranta at mabilis na tumakbo paalis, natatakot na baka ay maabutan ako. Hindi ko maalis sa aking isipan ang nakita ko, ang nadatnan, ang dila ni Ken, ang paggala ng kanyang mga kamay, ang kabuuan niyang imahe, ang nakaawang niyang pulang labi, lahat lahat! Para akong mababaliw at kahit ang aking katinuan ay nauna nang kumaripas ng takbo.
Shit! Parang gusto kong hugasan ang aking mga mata! Hindi lamang siya pataygutom sa pagkain kundi pati narin sa babae! Pataygutom siya sa lahat ng bagay!
“Napano ka, Aioni? At ba’t hinihingal ka ata?” tanong ni Angie nang tumigil ako sa kanyang harapan at yumuko ng bahagya habang nakatukod sa aking mga hita.
“S-Si Ken…” Halos habulin ko ang aking hininga.
“Huh? Si Sir Ken?” tanong niya.
Tumayo ako ng tuwid. Itinuro ko ang cr habang hipo hipo na ang aking dibdib.
“May kasamang babae…” dagdag ko pa.
Tumawa si Angie. “Ay nako! Di na iyan bago rito, Aioni! Si Sir Ken pa!”
Nalaglag ang aking panga at hindi makapaniwalang sanay na sila sa kababuyan ng lalakeng iyon! Hindi ba iyan bawal dito? Pag isinumbong ko naman kay Sir Waytt baka magmukha lang rin akong katawa-tawa dahil normal na pala!
“Bata ka pa kasi Aioni,” si Ate Demi naman nang mabanggit ko rin sa kanya.
Parang ako lamang ang nagbibigdeal. Pinagpawisan pa ako ng husto. Jusko! Di naman purket ako ang pinakabata rito ay ignorante na ako sa ganoong bagay. Openminded naman ako at mali talaga iyon! ’Tsaka may mga ganoon pala talagang babae ’no! Papayag lang na kahit sa Cr ay pwede na nilang gawin! Hindi na talaga nirespeto ang sarili! At ano ba talagang meron diyan kay Ken at halos sambahin na siya ng mga kababaihan! Kung ako ang ginanon niya susuntukin ko talaga siya!
Lumabas rin naman ang dalawa. Nauna iyong babae at normal lamang na bumalik roon sa table kung nasaan ang kanyang mga kaibigan. Maayos na ulit itong tingnan at masyado pang elegante. Duh… Nakita kong nagpakababa siya! Ang amo pa naman sana ng mukha pero may pagka marumi pala.
Sumunod naman doon ang haliparot na si Ken, nakabulsa ang isang kamay habang ang isa ay hinahawakan ang kanyang buhok at inaayos. Napairap agad ako lalo na’t nasa utak ko parin kung paano iyan nagulo kanina. Saksakan ng kalandian!
“Aioni sa table 10,” sabi ni George sa akin kaya tumango agad ako at nagtungo muna sa kitchen para kunin iyong cart.
Nagtungo rin ako roon dala dala iyong pamunas at tulak tulak na ang cart. Nang makarating ako roon ay sinimulan ko agad iyong linisin. Ang katabi naman noon ay ang lamesa noong grupo ng mga babae kung nasaan iyong nakalaplapan ni Ken.
“Ang hot noong nasa counter oh… Nakuha mo ba ang number, Joy?” tanong noong may maiksing buhok sa babaeng nakalaplapan ni Ken.
“Oo… We’ll going to see each other later,” sabi niya at matagumpay pang ngumisi.
Ganon kabilis niyang nasungkit ang babaeng iyon?! Tiningnan ko ng maigi ang babae. Mula sa suot na alahas sa pulso, bag na nasa kandungan, kutis, ang kabuuan, halatang mayaman siya ah? Papatulan niya si Ken na simpleng pataygutom at maharot?! Grabe ang pangit ng taste niya sa lalake!
Nainis ako sa bagay na iyon. Ang rami talagang nagpapaalipin dahil lamang sa ilusyon ng pag-ibig. Iniisip siguro nila na masarap ang kanilang napasukan pero sa huli lalabas rin palang luhaan at nasasaktan.
Itinulak ko na ulit ang cart pagkatapos kong linisin iyong lamesa. Sa counter, nakita ko nga roon si Ken, nakaupo at nakahilig lamang sa likod noon habang kagat kagat ang pang-ibabang labi at nakangisi na naman. Tuwang tuwa siya sa kababuyan niya at di man lang naguilty?
Umirap ako lalo na’t nandidiri ako sa titig niya sa akin. Ano iyan, pagkatapos niya roon sa isang babae ay ako naman ang pagkakainteresan niya? Akala niya naman tatalab sa akin iyang mga panlalandi niya. Hah! Hindi ako uto-uto!
Pinunasan ko ang pawis na namuo sa aking noo at gusto nang humikab dahil sa antok. Pinilig ko ang aking ulo at pilit nilabanan ang antok. Dapat pala nagkape ako kanina… May isang oras pa ako pero parang hinihila na ako pahiga.
“Aioni, kailangan ka sa VIP,” sabi ni Ate Demi nang makita akong naghihikab at hinahaplos ang aking batok.
Tumango ako sa kanya at umakyat din doon. Iyong huli kong akyat dito ay nakausap ko ang haliparot na si Ken, at ngayon na aakyat ulit ako rito ay parang gusto ko nalang umatras. Paano kung nandiyan na naman siya? Paano kung komprontahin niya ako sa nakita ko kanina? Paano kung ka secret affair niya pala iyong babae at gusto akong warningan na itikom ko nalang ang aking bibig. Pag nagkataon, may alas na ako sa kanya! Gagamitin ko agad iyon para isiwalat niya ang mga nalalaman niya kay Sir Waytt!
O baka nga wala siyang pakialam sa bagay na iyon. Halata namang bulgar ang pagiging haliparot niya eh. And he looks proud!
Pagpasok ko roon, naaninag ko kaagad ang nakaupo sa isang couch. Naroon na naman ang akala mo ay boss dito kung makaupo lalo na’t nakabukaka at nakahilig na naman sa likod ng headrest ng sofa.
Kahit medyo dim doon ay ramdam ko ang kanyang paninitig at ang pilyo niyang ngisi. Naglakad ako roon habang panay ang irap.
Wala akong nakikitang table rito na may kalat kundi bukod sa table niya. Hindi na ako umimik at yumuko na roon para ligpitin ang mga kalat. Napansin ko kaagad ang pagkalaglag ng kanyang mga mata sa aking dibdib.
Nainis agad ako at pasimple iyong tinakpan gamit ang isa kong kamay. Humalakhak siya. Sinamaan ko siya ng tingin. Naaalala ko na naman iyong nakita ko kanina sa CR at pinapamulahan lamang ako ng mukha. Ako pa ata itong nahihiya sa kababuyang ginawa niya! Tapos siya itong parang walang ginagawa! Nagpapakaanghel! Hindi dapat ako mahiya dahil siya naman ang marumi rito!
“Oh… Ba’t galit kana naman ata sa akin? Anong nagawa ko?” tanong niya sa inosenteng boses.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
“Kailangan ba talagang gawin mo ang ganoong kahalayan dito? Ba’t hindi mo inuwi? Hindi mo ba alam na may mga taong sensitive at ayaw sa mga ganoong bagay?” matigas kong sabi.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi.
“Hindi ko naman alam na makikita mo pala… Aioni…” sambit niya sa pangalan ko at mas nilandian pa ng kaonti.
“Hindi tayo close. H’wag mo akong matawag tawag sa pangalan ko,” inis kong sabi.
Umirap ako at ipinagpatuloy ang pagliligpit. Umabante siya at humilig sa kanyang mga hita, mataman akong tiningnan sa dim na ilaw.
“Oh baka naman mainit lang ang ulo mo dahil hindi ka napansin ng crush mong boss mo?” sabi niya sa nanunuyang boses.
“Hulaan ko? Pinalabas ka agad ’no?” Tumakas ang mapang-uyam na ngisi sa kanyang labi.
Sinamaan ko siya ng tingin. “So what? May bukas pa.”
Humalakhak siya. “At mauulit na naman bukas. Just take my offer. Baka wala pang isang buwan ay nakuha mo na ang loob noon… Believe me…” Umangat angat ang kanyang mga kilay sa akin.
Tumigil ako sa paglilinis at mataman siyang tiningnan. Kinindatan naman ako ng loko-loko.
“May gusto ka ba sa’kin?” deritsahan kong tanong na ikinagulat niya.
Ilang sandali lamang ay humagalpak siya. Humilig siya sa kanyang baba at kinagat muli ang pang-ibabang labi.
“Malay mo…”
Umirap ako. Napaka loko-loko talaga ng haliparot na ito!
“Sorry pero di ako easy to get katulad ng mga babaeng nauuto mo sa’yo. Di kita type. Wala kang epekto sa akin. Siguro kung ikaw nalang ang natitirang lalake sa mundo ay hindi na ako mag-eexist. Ni isang katangian na hinahanap ko sa lalake ay wala sa’yo.”
Humalakhak siya.
“Then you got a bad taste on boys if it wasn’t me…” and he licked his lower lip.
Nalaglag ang aking panga roon. Too much guts! Masyadong gwapong gwapo sa sarili na akala mo ay gwapo! Napaka feeling!
“I got a good taste on boys because it wasn’t you,” palaban ko namang sabi.
Tumitig siya sa akin, mas lalo lamang lumaki ang pilyong ngisi.
“Napakapalaban mo pero ayaw mo namang tumanggap ng tulong sa akin. Are you afraid you might fall inlove with me? Marupok ka ba sa mga… kagaya kong mapaglaro sa apoy?” tanong niya sa nanghahamon na boses.
His offer is quite tempting. Ang di ko maisip ng husto ay kung bakit gusto niya akong tulungan. Di naman kami close ah! At ano namang mapapala niya?!
“Bakit gusto mo akong tulungan? Siguro may masama kang balak sa akin ’no!” Tinuro ko siya.
Hinawakan niya ang aking hintuturo at binaba iyon. Kinuha ko iyon pabalik.
“Mabait kasi ako. At pinagpapala ang mga mababait, may mga reward silang natatanggap. Gusto ko lang tumulong sa kapwa ko. Don’t be so judgemental.”
Napatagal ang pagkakatitig ko sa kanya. Oo nga naman… kahit mukha siyang fuckboy sa paningin ko dahil alam kong fuckboy naman talaga ito, kalat rin naman dito na mabait siya, palangiti at friendly. Wala nga naman siyang mapapala sa akin. At may advantage pa ako rito. Walang mawawala sa akin.
“Ano, game?” tanong niya.
Pinisil niya ang pang-ibaba niyang labi at naninimbang na sa akin, hinihintay ang magiging sagot ko.
Huminga ako ng malalim at tumango. Wala nang atrasan ’to. Para sa ikakaliwanag ng kinabukasan ko! Para sa mala Meralco na maliwanag ang buhay!
“Game!”
At ang araw na iyon, nakipagkasundo ako sa apo ni Satanas.
5th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Gustong gusto
Sabado. Hanggang 12 Midnight ako ngayon lalo na’t marami ring costumer dahil nga may live acoustic bands.
Mga bandang 8pm ay medyo nagkakagulo sina Ate Demi dahil hindi pa raw dumadating iyong banda na kakanta sa araw na ito.
“Sabihin na kaya natin kay Sir Waytt?” si Angie.
“Sige, sasabihin ko pero hintayin nalang muna natin baka mamayang 8:30 ay nandito na sila,” si Ate Demi.
Sa likod gaganapin iyong acoustic band. May mga lamesa rin kasi roon at parang mini Resto rin, iyon nga lang ay may fountain at ginawang mini stage iyong parang bridge ng pond. Sa ilalim noon ay parang maliit na pool at napapaligiran naman ng mga halaman ang bawat gilid.
Maganda ang labas at masarap tambayan lalo na’t presko ang hangin. Iyon nga lang, ang mga kumakain roon ay madalas ring mga couple o di kaya ay mahaharot na mga babaeng gustong manood ng live na kanta.
Aligaga na si Ate Demi lalo na’t wala parin iyong kakanta sa gabing iyon.
“Nasabi ko narin kay Sir Waytt at kung wala parin hanggang 8:30 ay hindi na raw pababalikin,” sabi niya nang matanong namin ito.
Ang lala rin pala ng ugali ni Sir Waytt. Bukod sa suplado ay konting pagkakamali mo lang ata ay tatalsikin kana agad.
“Meron na raw, sabi ni Sir Waytt.” Balita ni George na ikinagaan agad ng loob ni Ate Demi.
“Sure ako gwapo iyan!” ani Angie na kinikilig na agad.
Kaming dalawa ni Angie ang naassign sa labas para magligpit ng mga kinakainan nila kaya malaya rin naming mapapanood ng harap-harapan ang kumakanta.
May mga costumer parin naman sa loob pero iyong mga matatanda na at walang hilig sa ganitong bagay, gusto lamang kumain at sapat na ang piano at violin bilang tugtog.
May mga umakyat rin naman doon sa bridge na nagmistulang stage para maglagay ng stool at mic. Humahaba naman ang leeg ni Angie at sinisilip ang magpeperform sa gabing ito.
“Malaki ba ang sahod sa ganito?” tanong ko sa kanya.
“Oo… Ang alam ko 10 thousand per night eh,” sabi niya habang patuloy paring gumagala ang mga mata.
“10k?! Ang laki pala!”
“Oo… Tapos unlimited songs eh. At pwede ring magrequest ang mga kumakain. Hanggang 12midnight rin,” paliwanag niya.
Ganoon? Eh kung may banda lang talaga ako at maganda ang boses ko ay sasali narin ako ’no! Sayang rin iyong 10k sa isang gabi lamang. Kaso nga lang paos rin ang labas mo. Pero at least nagkapera!
Ilang sandali lamang ay may lumabas na ngang lalake na may dalang gitara.
“Ay ano ba iyan… Hindi kagwapuhan,” ani Angie at nadismaya.
Tiningnan ko iyong payat na lalake at nakaglasses pa. Pangit nga.
Nagtungo siya roon sa gitna ng bridge at umupo sa isang stool, hindi roon sa stool kung nasaan ang stand ng mic.
“Baka naman hindi siya ang vocalist,” sabi ko.
Hindi na sumagot si Angie at isang singhap nalang ang nagawa habang nakatingin doon sa entrance.
“Oh my gosh…” Natakpan agad ni Angie ang kanyang bibig dahil sa gulat.
Sinundan ko ang kanyang tingin at nakumpirma kung bakit ganoon nalang ang kanyang reaksyon.
Maraming nagsinghapan, maraming tumitig at maraming namangha ng husto kay Ken na naglalakad na suot ang itim na polo habang inaayos niya iyong kabilang sleeve at maong pants. Maayos na nakasuklay paatras ang kanyang buhok ngunit may tumatakas parin talagang iilang hibla at nalalaglag doon sa kanyang noo.
Nakarating siya sa gitna ng stage. Hindi lamang ang mga fairylights na nakalagay doon sa mga fence ng bridge na mala stage ang kumikinang kundi pati narin ang dalawang earring sa isa niyang tenga. Inayos niya ang stand noong mic at umupo roon sa stool habang ang isang paa ay nakaapak sa sahig at ang isang paa ay doon sa ibaba ng stool.
Ngumisi siya at itinapat ang bibig sa mic.
“Magandang gabi sa lahat ng magagandang babae…” Gumala ang kanyang tingin sa kabuuan sanhi para kiligin ang lahat na nakatingin sa kanya.
Niyugyog narin ako ni Angie na nakatayo lamang sa aking tabi. Ako lang ata ang bukod tanging babae rito na hindi naapektuhan. Lahat sila ay halos takasan na ng bait sa simple niyang pagbati. At hetong si Ken, ginagamit ang talento sa kalandian dahil alam niyang maraming marurupok.
Tumawa siya sa mic at sinuklay ang natitirang hibla pabalik sa likuran kaso ay nalaglag rin naman agad iyon pabalik sa kanyang noo.
“I want all the girls to realize there’s a guy out there who’s going to love you…” Hinawakan niya ang stand ng mic habang ang isang kamay naman ay naroon sa mic.
Nagtilian ang mga babae. Kinagat ni Ken ang kanyang labi at tumingin sa aking dako. Napalunok ako.
“May mga lalakeng handang magbago para sa isang babae. Para sa’yo, magbabago ako…” Nakakaakit niyang sabi habang nakatingin sa akin sanhi para mas lalong umingay ang kabuuan.
“H’wag kanang magbago! Tanggap kita!” May kung sinong sumigaw roon sa dulo.
Tumawa si Ken sa mic. “Then wait for me. I’m going to marry you someday,” saka niya iyon kinindatan na mas lalo lamang ikinasabog ng mga babae.
Napairap ako dahil masyado talaga itong malandi. Kahit si Angie ay hindi na matino sa aking gilid at dinaig pa ang naasinang bulate sa kakangisay. Sinenyasan siya ni George at itinuturo iyong isang mesa na lilinisan na hindi niya na ata napapansin. Ako nalang ang nagtungo roon para linisan iyon.
Sa lahat ng mga babaeng pinapabaliw ni Ken, ako lang ata ang di naaapektuhan.
Sinimulan kong ligpitin iyong mga pinagkainan sa isang lamesa. May mga babae pang naiinis sa akin at pinapaalis ako sa kanilang harapan. Nagpanggap akong walang naririnig at lumipat pa sa bandang hindi na nila makikita si Ken sanhi para mas magalit sila ng husto.
“Miss! Umalis ka nga!” sigaw niya sa akin.
Tiningnan ko ito. “Naglilinis ako eh,” sabi ko na ikinaguhit ng galit sa kanyang mukha.
Bago pa ito may masabi ay nagsimula nang magstrum ng gitara iyong kasama niya. Nawala sa akin ang atensyon noong babae at napunta na sa harap. Pamilyar sa akin ang tinutugtog lalo na’t isa iyan sa mga kinakanta noong mga kaklase kong lalake sa eskwelahan. Iyan iyong kanta ng Parokya ni Edgar na Para Sa’yo.
Mas lalo silang nagtilian, dinaig pa ang isang concert na akala mo ay isang iniidolo ang tinitingnan nila.
Narinig ko ang malamig na boses ni Ken. Umalingawngaw agad iyon sa kabuuan.
“Lumayo kana sa akin… Wag mo kong kausapin. Parang awa mo na, wag kang magpapaakit sa’kin…” kanta niya sanhi para mapunta narin ang aking mga mata roon sa harap.
Nakita ko siya. Hawak ang stand ng mic gamit ang dalawang kamay habang nakatayo na roon at hindi na nakaupo sa stool. Namumungay ang kanyang mga mata at sobrang ganda ng timbre ng kanyang boses, na halos lahat ng babae ay para nang nalaglag sa kanya.
“Ayoko lang masaktan ka… Malakas akong mambola… Hindi ako santo…”
Tumingin siya sa akin. Tumakas roon ang ngisi sanhi para kilabutan ako dahil narin sa pagkanta niya noong chorus part.
“Pero para sa’yo… Ako’y magbabago, Kahit mahirap… Kakayanin ko Dahil para sa’yo Handa akong magpakatino Laging isipin… Lahat ay gagawin Basta’t para sa’yo…”
Pumikit siya at tumingala habang hindi parin nabubura ang ngisi roon habang sinusuklay paatras ang iilang hibla ng kanyang buhok. Sandali akong natigilan at pinagmasdan siya. Nangingilabot ako. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa boses niya o dahil may iba pang rason.
Binasa niya ang pang-ibabang labi saka marahang humalakhak. Lumebel siyang muli sa mic at nagsimulang kumanta ulit.
“Hindi ikaw iyong tipong niloloko…” kanta niya at nagawa pa akong kindatan.
“At kahit sulit sana sa’yo ang kasalanan Lolokohin lang kita kaya kung pwede wag nalang… Dahil ayoko nang masaktan ka, Wag kang maniniwala Hindi ako santo…”
Nag-iwas ako ng tingin lalo na’t pumikit na ito. Niligpit ko ulit ang mga plato gamit ang mga kamay kong nanginginig. Sa sobrang ganda ng boses niya ay nanunuot iyon sa bawat kasuluksulukan ng aking sistema. Hindi ko alam na biniyayaan pala siya ng magandang boses? Siguro ay sinadya niyang kumanta rito para makapang-akit ng maraming babae! Hindi siya nakontento roon sa isang kalaplapan niya.
Kinanta niyang muli iyong chorus part. Sa sobrang ganda ng kanyang boses ay hindi ko agad magawang makaalis. Nilingon ko siyang muli at nadatnan ang mga mata niyang namumungay na sa akin, ang ngisi ay mas lalo nang nakakaakit.
“Bakit nakikinig ka pa… Matatapos na ang kanta Baka ikaw ay masangkot Sa mga kasalanan ko…”
Biglang bumilis ang kalabog ng aking dibdib. Tila kinakausap niya ako sa pamamagitan ng kantang iyon kaya natataranta akong nag-iwas ng tingin at mas binilisan ang pagliligpit. Pinunasan ko ang lamesa at umalis rin agad doon dala dala ang kaba sa aking dibdib.
Ba’t naman ako kakabahan? Ba’t naman ako magpapaapekto sa kanya? Eh kanta lang rin naman iyon ah? Wala naman iyong ibig sabihin… Oo wala! At isa pa, maganda lang ang boses niya pero di naman siya gwapo, di rin mayaman. Walang rason para magustuhan ko siya. Di niya naman ako maiaahon sa kahirapan. Wala siyang maitutulong sa akin kaya wala rin siyang pakinabang.
Medyo nahimasmasan ako. Sa loob ay hindi na gaanong naririnig ang boses ni Ken at nangingibabaw rito ang chill lamang na tugtog noong piano. Huminga ako ng malalim at ibinuga iyon.
“Kumusta ang boses ni Sir Ken? Siya ang nagpresentang kumanta ngayong gabi eh…” si Ate Demi pagkalabas ko ng kitchen.
“Ayun, okay lang naman… Medyo entertaining naman ang boses,” sabi ko na ikinahalakhak niya.
“Iyon lang?”
Tumango ako. “Panay ang pang-aakit niya roon sa mga costumer.”
“Makarisma kasi si Sir…”
Makarisma? Ewan ko lang ha pero nasusuka talaga ako pag naiisip kong maraming nagkakandarapa sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan eh! Di ko talaga mahanap! Jusko nababaliw na silang lahat!
Bumalik akong muli roon. Nakikipagharutan na siya sa mga costumer na nagrerequest ng kanta. Panay pa ang kanyang pagkindat at di talaga nabubura iyang mapang-akit niyang ngisi. Nakaupo nalang ito ngayon sa stool at nakasayad ang isang paa sa sahig.
“May boyfriend ka ba?” tanong niya roon sa mic at hawak iyong isang kapiraso ng kulay pink na note, mukhang nagrerequest ng kanta.
Umiling iyong babae. Humalakhak naman siya.
“Imposible… Sa ganda mong iyan?”
Nagsitilian na naman sila. Umirap ako. Si Angie ayon, nakatunganga parin doon.
Nilinis ko naman iyong isa pang table.
“But it’s okay. Reserve yourself for someone who’s worthy to have you. I mean, reserve yourself for me…” he chuckled sexily.
At sumabog ulit ang tilian. Napangiwi ako at natakpan ang aking tenga na para naring mababasag.
Nagsimula ulit siyang kumanta roon. Nanindig na naman ang balahibo sa aking batok dahil sa ganda ng kanyang boses. Nahihila ang aking leeg na lingunin ito kaya bago pa man ako maakit ay umalis na agad ako roon.
Hindi ko mabilang kung nakailang kanta siya sa gabing iyon. Halos magkagulo na ang mga babae sa likod at pati ata parking lot ay ginawa naring tambayan ng iba para lang makinig sa kanya.
11:50 na nung nagpasya siyang tumigil. May mga babaeng nalungkot at nagrerequest pa ng isa pa. Hindi ba matutulog ang mga ito? At pagod na ako kakalinis ha! Pwede bang sa susunod na Sabado naman?
“Sayang! Gusto ko pa sana!” reklamo rin ni Angie na hindi man lang umalis roon at halos lutang buong performance ni Ken.
“Masisira ang likod dahil sa tili ng mga babae. Di ba masakit sa tenga?” tanong ko sa kanya na ikinailing niya.
“Anong masakit sa tenga?” May sumulpot na boses sa aking likuran.
Kapwa namin nilingon ni Angie si Ken na pinupunasan ang kaonting pawis sa kanyang noo. Parang nagkorteng puso naman agad ang mga mata ni Angie.
“Sir… Ang ganda po ng boses niyo!” tili niya na ikinangisi ni Ken.
“Thanks. May tip ka sa’kin.” Humalakhak siya at ibinulsa ang kamay.
Aba… Nagpapatip na purket kumita lang ng 10k!
Tiningnan niya ako. Nag-iwas agad ako ng tingin at umalis na roon. Nagulat nalang ako nang sumunod na pala ito.
“Anong masakit sa tenga?” tanong niya at nakabuntot na sa akin.
“Iyong boses mo, masakit sa tenga!” sabi ko at nilingon siya sa aking likuran.
“Really? Eh nahuli nga kitang nakatulala sa akin habang kumakanta ako.” Ngumisi ang mayabang na haliparot.
Umirap ako sa kanya at itinuon ang tingin sa pasilyong nilalakaran ko patungo sa locker. Magbibihis na ako total maya-maya lamang ay out ko na.
Lumebel naman agad si Ken sa akin. Mabilis kong naamoy ang kanyang pabango na tila nahaluan na ng kanyang pawis. Kaamoy niya si Sir Waytt! Pati ba naman iyon ay hinihingi niya rin?
“So… Are you free tomorrow?” tanong niya.
Huminto ako at kinunutan siya ng noo.
“Purket kumita ka lang ng pera manlilibre kana agad?” Tinaasan ko siya ng kilay.
Humalakhak siya at hinawakan ang magulong buhok.
“No… ’Di ba ay may usapan tayo? Iseset-up kita ng date sa boss mo…”
Unti-unting huminahon ang aking mukha. Talaga? Gagawin niya iyon?
“Sure ka?”
Tumango siya habang kagat kagat ang labi.
“Yep… A deal is a deal. Wala pang isang buwan… May mahuhulog na Aioni…” saka niya ako kinindatan.
Bakit ganoon siya kadesididong tulungan ako? Hindi talaga ako naniniwalang mabait siya at gusto lamang tumulong sa kapwa. Para kasing may something eh…
“Baka bukas puting van pala ang kikitain ko at ibebenta mo pala ako ha!” Pinandilatan ko siya ng mga mata.
Tumawa siya at umiling. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad kaya sinundan niya ako. Pumasok ako sa isang pintuan at akma naman siyang papasok kaya mabilis akong humarang doon.
“Hep! Bawal manyakis at fuckboy sa loob. Magbibihis ako.”
Napatigil siya at tiningnan ang aking palad na nakaharang sa kanyang mukha. Hinawakan niya iyon at ibinaba kaya mabilis ko ring inagaw sa kanya.
“Pwede naman akong tumalikod. O pumikit…” suhestyon niya.
“Sa mukha mo palang…” Umiling-iling ako. “Diyan ka lang!” saka ko marahas na isinara ang pinto.
Inilock ko pa iyon para makasigurado saka lang ako nakahinga ng maluwag. Nagtungo ako sa sarili kong locker at kinuha ang pamalit doon. Simpleng top lamang iyon at fit jeans saka sandals. Naubusan na ako ng mga dress…
Nagsimula akong magbihis. Isinilid ko sa paperbag iyong uniporme ko para malabhan ko rin bukas saka ko inilugay ang aking buhok.
Lumabas rin naman ako. Nagulat pa ako nang madatnan ko si Ken doon, nakasandal habang nakayuko at may sinisipa sa ere ng marahan.
“Ba’t ka pa nandito?”
Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin. Sandali niya akong pinasadahan ng tingin. He looks stunned pero di ko na iyon masyadong pinagtuunan ng pansin. Umabante ako kaya lumebel naman agad siya.
“Dahil may plano ako bukas. At hindi iyon mangyayari kung di natin pag-uusapan ngayon.”
“Eh uuwi na ako. Kailangan bang bukas talaga? Hindi ba pwedeng next week nalang? Ang bilis naman ata?”
Umangat ang kanyang kilay sa akin.
“Ayaw mo?”
Natutop ang aking bibig. Kinabukasan ko na ang pinag-uusapan dito. Pwede nang mabago ang buhay ko anytime. Aangal pa ba ako?
“Gusto…” Umirap ako sa kanya.
“Ihahatid nalang kita para mapag-usapan natin iyon ng maigi.”
Aangal pa sana ako kaso tipid pamasahi narin iyon at pwede nang pambiling cupcake para kay Lucas kaya hindi na ako tumanggi pa.
Sabay kaming nagtungo sa parking lot. Nagulat pa ako nang may pinindot siyang car alarm at ilang sigundo lamang ay umilaw na ang isang itim na kotse. Mayaman siya?!
“Kotse mo?” kalmado kong tanong nang pagbuksan niya ako ng pinto sa front seat.
“Hindi,” sagot niya na ikinadismaya ko agad. Sabagay… imposible namang kotse niya ’di ba?
“Kay Waytt ito… hiniram ko lang.” Ngumisi siya sa akin.
Lahat ba ng gamit ni Sir Waytt ay hinihiram niya? Mula sa pabango, kotse… pati pagkain nagpapalibre. May pagka manggagamit ata ito.
Tuluyan akong pumasok sa loob. Naamoy ko agad ang mabangong air freshener at ang pabango ni Sir na kumakalat doon. Grabe, first time kong makasakay sa isang kotse! Ganito pala ang feeling! Ang lambot pala sa pwet! Sure ako pag nakasakay rin si Lucas sa mga ganito ay magugustuhan niya rin!
Nakapasok narin si Ken sa driver’s seat. Binuhay niya agad ang makina at sinimulang ikutin iyong manibela. So… marunong rin siyang magdrive?
“Marunong kang magdrive?” tanong ko kahit obvious na obvious na.
Nilingon niya ako saglit at sinenyasan akong magseatbelt. Hinila ko naman iyon sa aking gilid at ikinabit doon sa tabi ko.
“Marunong. Magaling akong magdrive,” sagot niya at humalakhak pa.
Napairap agad ako. “Normal na ba talaga sa’yo iyang ganyang ugali?”
“Anong ugali?” tanong niya at hinila iyong clutch saka muling pinaikot ang manibela hanggang sa makalabas na ito ng parking lot.
“Iyang ganyan… Pagiging haliparot ng bibig mo.”
“Ah… Oo eh… Ganito na talaga. Parang ikaw, parang normal narin ata sa’yo ang pagiging suplada.”
“Suplada ako sa mga kagaya mo,” sabi ko.
“Ah… Sa mga gwapo?”
Umirap agad ako na ikinahalakhak niya lang. Too much confidence! Ikakamatay niya iyan.
Inilagay ko ang paperbag sa paanan at hinalungkat ang laman ng aking sling bag. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko siyang tinitingnan ako. Kinuha ko roon ang isang wipes saka ko iyon sinimulang ipunas sa aking mukha para matanggal na iyong makapal na make-up na inilagay ko kanina for work purposes.
Itinali kong muli ang aking buhok para hindi na iyon bumuhaghag. Iyon nga lang ay may pagka messy bun na nga at nalalaglag pa ang ibang hibla.
“Ilang taon kana nga?” tanong niya bigla.
Nilingon ko siya habang pinupunasan ko ng wipes ang kahabaan ng aking leeg.
“16,” sagot ko.
Umawang ang kanyang bibig at tila nabigla.
“I know you’re still minor pero akala ko 17?”
“Eh ikaw ilang taon kana ba? Nag-aaral ka pa ’di ba? Nakauniform ka kasi noong Tuesday.”
“Yep… Third year college. Kami ni Waytt. And I’m 4 years older than you.”
“Wow…” Nagpeke ako ng gulat. “Akala ko 10 years older…”
Tumawa siya at kinagat ang labi. “Akala ko nga rin eh…”
Bwesit talaga! Naalala ko na naman bigla iyong ibinase niya sa dibdib ko!
“Sabi mo nga ’di ba Grade 6?!” Pinandilatan ko siya ng mga mata.
Humagalpak siya. Tiningnan niya ang sarili sa salamin para ayusin ang buhok. Ipinagpatuloy ko naman ang pagpupunas ng wipes sa aking mukha.
“Binase ko lang naman sa…” Nilingon niya ako ng makahulugan pagkatapos ayusin ang buhok.
“ Oo na nga!“ dugtong ko agad dahil sa pagkayamot. “And so what?” Tinaasan ko siya ng kilay.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at sandaling napatitig sa aking mukha.
“Maganda ka pala sa malapitan ’no? Kahit walang make-up,” aniya na ikinakurap ko. Nakakagulat naman ito! Pabigla bigla!
Sinamaan ko agad ito ng tingin. Ngumisi siya at hininaan iyong aircon. Hindi ko alam kung binobola ba ako nito o ano… Pero akala niya naman madadala ako sa mga ganyan. Never!
May dinukot siya sa kanyang bulsa at ibinigay sa akin ang isang cellphone na Android lamang. Si Sir Waytt naka Iphone iyon eh. Iba talaga pag mayaman eh…
“Itype mo ang number mo nang matext kita.”
Tinitigan ko muna iyon. “At bakit?”
“We need to communicate. Ang arte…”
Kinuha ko iyon at umirap muli. “H’wag kang magtext. Tumawag ka kasi wala akong load,” sabi ko habang tinitipa iyon.
“Bibigyan kita,” deritsahan niyang sabi.
“Nakasweldo ka lang ang hilig mo nang manlibre! Baka wala kanang pambabae ah…”
“Saang sweldo?” tanong niya at tila naguluhan sa aking sinabi.
“Iyong pagkanta mo kanina. Sabi sa akin ni Angie 10k per night daw ang kinikita ng mga may gig doon sa Yoonmined…”
“Ah…” Medyo kumalma ang kanyang mukha. “Iyon ba? Libre ata iyon… Ewan ko kung suswelduhan ako eh kuripot iyong boss mo.”
“Huh? Paanong kuripot? Eh panay ka nga tambay sa Restaurant nila at kinakain ang mga gusto mo nang libre. Tapos ang pabango mo… Tapos itong kotse… Mabait kaya si Sir Waytt…”
Tumitig siya sa akin at tila takang taka.
“Gustong gusto mo si Waytt? Eh sinusupladuhan ka lang noon ah?”
Ngumisi ako. Okay na iyong suplado basta mayaman! At hindi ko naman talaga siya gusto na as in patay na patay ako. May rason ang pagkakagusto ko sa kanya. Alam kong ang nararamdaman ko ay mababaw lang naman at hindi ako masasaktan.
“Gustong gusto…”
6th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Hulog Ng Langit
“Dito lang,” sabi ko nang matanaw ko na ang aming gate.
Unti-unti niyang binagalan ang pagmamaneho hanggang tuluyan itong huminto sa mismong tapat ng aming gate.
Nauna siyang lumabas sa akin. Kinalas ko ang seatbelt at akmang bubuksan ang pinto nang naunahan niya na ako sa labas.
Ngumisi siya roon. Umirap ako at kinuha ang paperbag sa paanan saka rin naman tuluyang lumabas. Hinawakan niya agad ang aking braso para alalayan ako.
It feels comfortable. Ang sarap talaga sa feeling noong pinagsisilbihan ka… Iyong tatratuhin ka ng puno ng ingat. Para akong dinuduyan sa ere. Nakikita ko tuloy ang future ko kasama si Sir Waytt habang nakasakay ako sa front seat ng kanyang kotse. Siguro iyon na ang pinakamasarap na feeling…
Isinara niya ang pinto. Tiningnan ko siya. Ibinulsa niya ang mga kamay at sumandal na roon sa pinto saka ako sinenyasang pumasok.
“Ikaw. Umalis kana. Ibalik mo na iyang kotse ni Sir Waytt,” sabi ko.
“Oo naman…” Humalakhak siya saka tiningnan ang aming bahay.
“Sinong kasama mo riyan?”
Nilingon ko ang aming bahay. Madilim ang labas at mukhang tulog narin si Mama. Ang tanging nagbibigay nalang ng ilaw ay ang kanyang kotse at ang nanggagaling sa poste.
“Ako, si Mama at ang kapatid ko,” sabi ko saka siya muling tiningnan.
“Babae? Panganay?”
“Lalake at bunso,” diin kong sagot lalo na’t mukhang umaatake ang pagiging haliparot niya.
Tumango siya kaya binuksan ko na ang gate. Nanatili naman siya roon. Wala ba itong balak umalis?
“Umuwi kana,” sabi ko nang buksan kong muli ang gate.
Tumango siya at tumuwid narin.
“Tomorrow… I’ll just text you…” aniya.
Tumango ako. “Salamat,” mahina kong daing at tumalikod na agad.
Pumasok na ako sa loob saka ko inilock ang gate. Bumuntong ako ng hininga at tuluyang pumasok sa loob.
Tinanghali na ako ng gising kinabukasan at naramdaman ko nalang ang tumatapik tapik sa aking pisngi.
Dahan dahan kong idinilat ang aking mukha at unti-unting nakita ang kapatid kong si Lucas.
“Lucas…” Niyakap ko siya hanggang sa mapahiga ito sa aking tabi.
Nagpumiglas agad ito. “Gising… Ate…” Itinulak niya ang aking mga kamay.
“Maya na… Puyat ako eh…”
“Kain na… Ate…” Mas lalo siyang nagpumiglas hanggang sa tuluyan siyang makawala.
Kinusot ko ang aking mga mata at hinanap ang aking cellphone sa ilalim ng aking unan.
Umupo naman si Lucas sa aking kama at buhaghag na ang buhok habang nilalaro ang kanyang sasakyan.
“Kumain kana, Lucas?”
Umiling siya habang nasa laruan ang mga mata. Mabilis akong bumangon at hinawakan ang kanyang mga pisngi.
“Huh? Bakit?!”
“Alis… Mama…”
Napabuntong ako ng hininga at nahilamos ang mukha. Saan na naman ba pumunta si Mama?
Binitiwan ko ang aking cellphone at kinarga si Lucas palabas ng aking kuwarto. Bumungad agad sa akin ang kalat sa sala.
Nailing nalang ako at inilapag si Lucas sa sofa. Pinulot ko ang mga nagkalat na damit at nagtungo agad sa kusina. Kahit ang mga plato na pinagkainan kagabi ay hindi pa nahuhugasan. Nagluto muna ako ng kanin saka ko iyon hinugasan.
“Ate!” sigaw ni Lucas at nagtatakbo nang hawak ang aking cellphone.
Tiningnan ko iyon at nakita ang isang unknown number. Oo nga pala!
Pinunasan ko agad ang aking kamay at kinuha iyon para sagutin.
“Hello?”
“So… Tuloy ka ngayon?” tanong ng pamilyar na boses.
Mariin akong napapikit at nahipo na ang aking noo. Sumandal ako sa sink at kinagat ang aking labi. Paano ako aalis ngayon eh naglakwatsya na naman si Mama? Hindi ko naman pwedeng iwanan si Lucas. Pero paano iyong date sana namin ni Sir Waytt?!
Dumilat ako at tiningnan si Lucas na hinihila na ang isang upuan at itinutulak na ni Lucas.
“Lucas!” tawag ko at inawat siya sa pag-akyat doon.
Nagpumiglas siya sa isa kong bisig at itinuro pa ang mga hugasin.
“H’wag kanang sumali! Kaya ko na!”
Umiling-iling siya kaya ibinaba ko muna ang aking cellphone at kinarga si Lucas.
“Ate!” sigaw niya at nagpupumiglas na habang hinihila ang aking suot.
“Teka!” tawang tawa ako lalo na’t nakikiliti na ako sa kanyang galaw.
“Oo na! Teka!” Tumawa ako at ipinatong nalang siya roon sa upuan kung saan niya itinapat sa sink.
“H’wag kang malikot ah…” sabi ko.
Tumango naman siya at itinuro pa iyong sponge. Bumuntong ako ng hininga at kinuha iyon saka ko ibinigay sa kanya. Ang tigas rin talaga minsan ng ulo nito!
“Upo… Ate…” Nagawa niya pa akong itulak ng marahan.
Tumawa ako. “Hindi ka marunong maghugas ah!”
Hindi niya na ako pinansin at sinimulang kunin ang baso. Para niya lang iyong pinunasan ng sponge at seryoso na iyong ginagawa na akala mo ay marunong talaga.
Nilapitan ko siya at pumwesto ako sa kanyang likuran. Tiningala niya naman ako at nagawa pang ipunas sa akin iyong sponge. Tumawa ako at ibinaba ang kanyang kamay.
“Pwedeng tumulong?”
Ngumuso siya.
“Please?”
Kalaunan ay tumango rin naman ito at hinayaan ako. Iyon nga lang, ako ang tagaulit sa mga pinaggagawa niya. Mas lalo lamang kaming natagalan pero okay lang dahil mukhang nag-eenjoy rin naman si Lucas.
Doon ko nalang naalala na katawag ko pala si Ken sa aking cellphone. Noong tingnan ko iyon ay akala ko binaba niya na kaso tumatakbo parin iyong oras. Nagsasayang ito ng load ah?
Kinuha ko iyon at itinapat sa aking tenga.
“Hello?”
Tumikhim siya. Nagulat ako at napagtantong naroon pa siya.
“Ba’t di mo ibinaba?” masungit kong tanong na ikinahalakhak niya.
“Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina…”
Kumalma ang aking ekspresyon at sinulyapan si Lucas na nagwawalis na. Iyon nga lang ay isang balat ng chichirya lang naman iyon at hirap na hirap pa siya.
“Ah… Bawal ako ngayon eh. Walang maiiwan sa kapatid ko. Pwede next time nalang?” Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at nanalangin na sana ay may next time pa. Di ko talaga pwedeng iwanan si Lucas! Naaawa naman ako sa kanya kung iiwan ko siya kay Aling Guring. Tuwing sunday na nga lang kami nagkakasama ay aalis pa ako.
“Alright…”
Ibinaba ko rin naman ang tawag. Sinama ko si Lucas palabas ng bahay para makabili kami ng ulam.
Nasa may kanto palang ako ay napansin ko na agad ang paninitig ng iilan. Nasasanay naman ako sa mga ganoon pero parang may iba eh.
Tumigil kami sa tapat ng panindang mga ulam ni Aling Flora.
“Pabili po nito.” Itinuro ko iyong paborito ni Lucas na Chicken Curry.
“Uy… Ikaw pala Aioni…” Kumuha siya ng supot at sandok habang nakangiti sa akin. “Balita ko may mayaman kana raw na boyfriend…”
Kumunot ang aking noo roon. Sino na naman bang nagpapakalat na tsismosa na may boyfriend akong mayaman?
“Ah… Di ko po kasi nabalitaan eh…” Sarkastiko akong tumawa.
“Sus! Kunwari pa ito! H’wag mo nang itago! Purket yayaman na kayo…” Ngumisi siya at ibinigay sa akin iyong supot.
Inilahad ko rin iyong bayad at iniisip kung sinong mayamang boyfriend ang tinutukoy ng mga tsismosang aswang kong kapitbahay.
“Tara… Lucas.” Hinila ko ang kamay ng aking kapatid at hindi nalang sinagot iyong pinaparatang sa akin.
Grabe talaga itong mga fans ko rito. Sa sobrang updated pinagkakalat na na may boyfriend ako at ako itong palaging huli sa balita. Mayaman daw ang boyfriend ko!
Nagbulung-bulungan ang mga nadadaanan namin ni Lucas. Taas noo akong naglakad at hindi sila pinansin. Kawayan ko kaya? O baka gusto nila ng autograph ko? Papicture? Sikat ko talaga!
Nadatnan namin si Mama na papasok palang sa gate. Nang mapansin niya kami ay hinintay niya muna kami roon.
“Oh… Iyan lang ang binili mong ulam?” tanong niya nang makita ang dala dala kong supot.
“Wala pa po akong sweldo, Ma,” sabi ko.
“Anong wala? Hindi ka nanghingi sa mayaman mong boyfriend? Iyon ba iyong boss mo sa trabaho? Nagkakamabutihan kayo? Ganda talaga ng anak ko!” Ngumisi pa siya sa akin at proud na proud.
“Ma! Saan niyo po ba iyan napulot?”
Sabay kaming pumasok sa loob. Si Lucas naman ang naunang pumasok sa bahay.
“Nakita ka raw kagabi ni Lydia! Bumaba ka raw sa isang kotse at may kasama ka raw na gwapong lalake! Iyon ba iyong boss mo, Aioni? Nililigawan ka ba? Pahirapan mo muna ng kaonti! Sabihin mo dalawin ka rito at magdala ng mga pagkain!”
Nag-init agad ang aking ulo nang marinig ko ang pangalan ng tsismosang nagpapakalat noon.
“Hindi iyon ang boss ko, Ma. Kaibigan iyon ng boss ko at hindi sa kanya iyong kotse. Hiniram niya lang iyon para ihatid ako,” paliwanag ko habang pumapasok kami ng bahay.
Kinuha ko ang kamay ni Lucas at hinila ito sa kusina. Sumunod naman si Mama.
“Huh?! Eh ba’t iyon ang pinapakitunguhan mo? Dapat iyong boss Aioni! Wala kang mapapala sa kaibigan niya!”
Inangat ko si Lucas at ipinaupo sa upuan. Kumuha naman ako ng bowl para ilagay iyong ulam. Si Mama naman ang kumuha ng mga plato.
“’Tsaka age doesn’t matter naman! Uso na ngayon iyong mas matatanda na ang mga lalake at malayo ang agwat ng edad sa babae,” ani Mama habang naglalapag ng mga plato sa mesa.
“Bata pa iyon, Ma,” sabi ko.
“Oh ayun naman pala! Gamitan mo ng alindog mo! Jowain mo na agad Aioni nang mailabas na natin ang Papa mo sa kulungan.”
Nanlaki ang aking mga mata roon. Iyon ba ang naiisip niyang plano pag nagkapera kami?
“Mama, paano ang mga utang natin? Paano ang lupa? Ang bahay?!”
“Saka na iyan. Palabasin muna natin ang Papa mo! Baka nangangayayat na iyon doon. Hindi ka ba naaawa?”
Inilapag ko ang bowl sa gitna ng mesa. Si Lucas naman ay tumayo na sa kanyang upuan at nagsasandok ng kanin. Iyong iba ay nalalaglag pa kaya inagaw ko iyon sa kanya at ako mismo ang naglagay ng kanin sa kanyang plato.
“Okay naman ang buhay niya sa loob, Mama. Di naman siya pinapabayaan ng mga pulis doon at nakakakain naman iyon ng maayos. May tulugan naman-”
“Jusko, Aioni! Nagtatanim ka ba ng galit sa ama mo?! Hindi mo siya tutulungang makalaya roon? Mamamatay na ako sa pangungulila sa kanya, anak! Hindi ka ba naaaawa sa akin?!” Madrama niyang itinuro ang kanyang sarili.
Hindi ko siya tiningnan at nilagyan ng sabaw iyong kanin ni Lucas na hindi rin siya tinitingnan at tinatakpan pa ang magkabilang tenga.
“Pag nakalabas ang Papa mo, sigurado akong maghahanap agad iyon ng trabaho at matutulungan niya tayo sa ating mga utang.”
Napairap agad ako. Napakaimposible… At saan ako maghahanap ng 150,000 pang pyansa niya?! Baka nga kailangan ko pang magtrabaho ng dalawang taon sa Restaurant para makaipon lamang ng ganoon kalaking pera! Hindi iyon basta basta ibibigay sa’yo ng tao pag hindi mo naman pinaghirapan!
“Wala tayong malaking pera pangpyansa kay Papa, Ma!”
“Kaya nga jowain mo iyong boss mo-”
Umiling ako kay Mama. “Hindi iyon ganoon kadali, Ma. At kailangan ko pang mag-ipon para sa pag-aaral ni Lucas!”
“Hindi ka talaga naaawa sa akin…” Nabasag ang kanyang boses at nanlalabo na ang mga mata.
Kumalma ang aking hitsura at para na akong malalagasan ng buhok dahil sa sobrang stress. Hinila ni Lucas ang aking suot sanhi para mapaupo ako sa katabing upuan.
Si Mama naman ay umiiyak na habang nagsasandok ng kanin. Tiningnan siya ni Lucas saka niya ako nilingon. Bumuntong ako ng hininga.
Hindi na umimik si Mama pagkatapos ng usapan naming iyon. Buong akala ko pa naman ay masaya na siya sa kalayaan niya iyon pala ay mamimiss niya rin, hahabulin niya rin. Para siyang nakaahon sa impyerno at nagpasyang lumundag nalang ulit pabalik doon.
Wala rin namang kasiguraduhan kung magkakagusto ba sa akin si Sir Waytt. Back-up plan ko lang naman iyon, nagbabasakaling may milagrong mangyari. Ang buo kong plano ay mag-ipon at unti-unting bayaran iyong malaki naming utang.
Alam kong binigyan kami ng palugit pero dadating ang araw na maniningil ulit iyan.
“Ba’t stress na stress ka? At tingnan mo nga iyang eyebags mo! Di mo maaakit iyong boss mo kung ganyan kana ka haggard!” puna ni Eunecia sa aking mukha sa Lunes ng umagang iyon.
Naisandal ko ang aking ulo sa desk. Sasabog na ata ang utak ko sa dami ng pinag-iisip ko.
“Siguro ay inlove ka ’no! Kaya ka siguro di nakatulog kakaisip sa isang lalake ’no?”
“Gaga… Wala na akong panahon sa ganyan. Namomroblema lang ako… Si Mama… Gustong pyansahan si Papa.”
“Huh?! Eh bakit pa! At sino ang paghahanapin niya ng pera, ikaw?! Tama na iyang mga sakripisyo mo, Marione!” Pinitik niya pa ang aking ulo.
Sa sobrang gulo ng utak ko kagabi, kahit ano nalang ang pumapasok.
“Magkano ba ang bentahan ng kidney ngayon?” biro kong tanong.
“Haynaku! Baka gusto mong mamatay ng maaga at ako nalang ang magbibigay sa ’yo,” sabay irap ni Eunecia.
Bumangon ako at sinuklay ng maayos ang aking buhok. Feeling ko nalagasan na talaga ako ng ilang hibla eh. Sobra na akong naiistress!
Humilig si Eunecia sa kanyang desk at tiningnan ako ng maigi.
“Nawawalan kana ba ng pag-asa roon sa boss mo? Di mo maakit ’no? Sinusungitan ka?”
Umirap ako at naalala ang suppose to be date namin kahapon. Ewan ko rin kung anong nakain ni Ken at desperado rin iyon. Wala rin naman akong naiisip na dahilan na mapapala niya sa akin kaya pumayag narin ako.
“Tutulungan daw ako noong kaibigan niya eh…” sabi ko na ikinalaki ng kanyang mga mata.
“Ano?! Tutulungan ka?! Sure ka? Bakit ka tutulungan? Baka naman sa’yo iyan may gusto at gusto ka lang niyang makaclose? Tapos sa huli sa kanya ka pala maiinlove at hindi sa boss mo!” Tinuro niya pa ako at humagalpak agad ng tawa.
Inis kong hinawi ang kanyang kamay. Bumusangot ako at inilabas iyong notebook ko para makapagbasa basa ng mga lessons lalo na’t exam na naman next week.
“Imposible. Noong una kong kita sa kanya wala naman siyang dating. Oo nagwapuhan ako ng slight pero narealize ko hindi naman pala. At kung maiinlove man ako, hindi rin sa kanya ’no. Hindi ko siya type!”
“Ah basta… Lalagariin ko na iyong itak sa bahay para maputulan kita ng ulo pag nagkataon…” Ngumisi siya sa akin ng makahulugan.
Umiling ako at umirap. Iyan talaga ang napakaimposibleng mangyari! Kilala ko ang sarili ko. Hindi ako basta basta magkakagusto sa isang tao. At kontrolado ko ang puso ko. Bato ito.
“Pag napangasawa ko iyong Boss ko di talaga kita aambunan ng swerte,” sabi ko na ikinatawa niya.
“Kung naasawa mo ’di ba?”
Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi nalang ako nagsalita pa at nagconcentrate sa pag-aaral.
Malapit narin namang matapos ang school year. Siguro sa Summer ay pwede na ako mag full time sa Restaurant para mas malaki ang sahod ko. Ang alam ko 500 ang kita sa isang araw kung nag full time ka roon eh. Iyon nga lang ay para mo naring pinatay ang katawan mo sa pagtatrabaho.
Pumasok ulit ako sa Restaurant. Wala raw si Sir at iyong kaibigan niya, busy raw. Sayang naman pero kahit papaano ay nakahinga rin ako ng maluwag ng araw na iyon dahil wala ang haliparot na si Ken.
“Aioni, sa VIP,” sabi ni George sa akin habang nagpupunas ako ng table rito sa baba.
Tumango ako sa kanya at binilisan agad ang paglilinis doon. Si Angie ay nasa kabila naman at todo rin sa paglilinis. Halos lahat ng empleyado ay busy sa kanya kanya nilang ginagawa. Si Angie at si Ate Demi rin kasi agad ang nakasundo ko kasi kadalasan din dito ay puro mga lalake. Konti lang ang mga babae. Mabilis rin naman kasing kumilos ang mga lalake.
Umakyat rin naman ako sa VIP. Medyo marami ring tao roon. Wala namang kalat so nilapitan ko nalang iyong lalake na nasa labas ng transparent glass ang tingin.
“May I know your order, Sir?” tanong ko at kinuha iyong maliit na notes ko para ilista roon ang kanyang napili.
Nag-angat siya ng tingin. Nagulat ako nang makita ko ang kabuaan ng kanyang mukha. Di ko alam pero… biglang pumasok sa isip ko si Ken. Iyon nga lang, mas suplado itong tingnan.
Ay ewan ko ba! Naalog ata ang ulo ko at naiisip ko ang haliparot na iyon! Eh mamahalin ang mga suot nitong isa. At nakalagay pa sa gilid ang latest na iPhone X at sa kanyang pulso ay isang mamahalin ring relo. Amoy mayaman…
“Nakapag-order na ako,” sabi niya sa baritonong boses at tiningnan ang name plate ko. Bigla siyang ngumisi sa akin at iminuswestra ang upuan.
Ewan ko ha… Pero parang… Hindi ko gusto iyong ngisi niya. Hindi naman mukhang manyakis ang dating di katulad noong kay Ken pero parang… ano… may masamang balak? Ano ba itong mga pinag-iisip ko?
“Sit,” utos niya na akala mo ay isang hari.
Lumunok ako. Bigla akong kinakabahan sa kanyang presensya. Di ko naman ito kilala. At bakit niya ako pauupuin?
“Bawal po eh. Nasa rules po namin na bawal umupo kasama ng mga costumer lalo na pag nasa duty…” sabi ko.
“Hindi iyon bawal,” sabi niya.
Huh? Nakadrugs ba ito?
“I have an offer so sit,” utos niyang muli sa malaawtoridad na boses.
Luminga-linga ako. Pag ako napagalitan siya ang sisisihin ko. At medyo curious ako sa offer eh. Eh hindi ko naman ito kilala.
“Sino ka?” tanong ko nang umupo na ako roon.
Base sa kanyang hitsura, kaedad lang ata ito ni Sir Waytt. Kung si Sir Waytt ay masungit tingnan, ito naman ay parang ang suplado. Iyong hindi masyadong mahilig sa babae na ewan… And he looks… bossy… Medyo matino namang tingnan dahil narin sa ayos ng buhok na nakaatras kaso ang suplado lang talaga ng mukha.
“Close ako ng boss mo,” sabi niya at may inilalabas sa kanyang pitaka.
Ah… Close sila ni Sir Waytt. Ito amoy rich kid. At halatang rich kid. Mula sa sapatos at sa damit. Sa gilid pa ng kanyang iPhone ay iyong susi ng kotse. Ang sarap naman nitong asawahin!
Tiningnan ko iyon. Nakita ko agad ang hindi mabilang na mga pera at meron ring mga cards. Nagningning saglit ang aking mga mata pero natangay rin iyon sa inilabas niyang isang check.
Kinuha niya iyong ballpen sa gilid at nagsulat doon ng 50,000.
“I have an offer.” Ipinakita niya sa akin iyong check. “Ibibigay ko ito sa’yo pero kailangan mong sundin ang utos ko.”
Tama nga ako! Bossy nga! At anong utos naman? Bakit ganyan kalaking pera ang kapalit?
Tumango ako, hindi na nagdalawang-isip pa. Paghihirapan ko naman iyan!
Ngumisi siya sa akin at katulad kanina ay di ko na naman iyon nagustuhan. Kahit ang aking kaluluwa ay parang hihiwalay sa tuwing nakikita ko iyon.
Pasimple kong hinaplos ang aking batok lalo na’t tumitindig na ang balahibo roon.
“Ano po ’yon, Sir?”
Humilig siya sa mesa at tiningnan ako ng mataman.
“Seduce Ken,” deritsahan niyang sabi na halos ikinalaglag ko sa aking upuan.
A-Ano?!
“Iyong kaibigan ni Sir Waytt?!” gulat kong tanong na ikinangisi niya lalo ng malaki.
Putragis! Tumindig na lahat ng balahibo ko!
“Make him fall for you. Paluhurin mo sa’yo. Make him say he loves you,” dagdag niya pa na ikinaawang na ng husto ng aking bibig.
Anong trip niya?! Sa lahat ng utos… Sa lahat ng maiisipan niya ay ganito pa? Ganoon ba talaga karami ang kanyang pera na nag-aaksaya siya sa mga walang kwentang bagay?
“Seryoso? Eh bakit ako? Marami naman iyong babae at di ko iyon type!”
“Iyon na nga. I want someone who’s not into him… Mas magagawa mo ng maayos ang bagay na iyon lalo na kung wala ka namang nararamdaman para sa kanya.”
Hindi ako makapaniwala. Nanlalaki parin ang aking mga mata.
“Ayaw mo? I can double the prize if you suceed,” saka niya tiningnan ang aking name plate. “Aioni…” It gives me chill! Naninindig ang balahibo ko sa utos niya.
“Bakit mo gustong akitin ko siya?” nagtataka kong tanong.
“Wala lang. Bored ako,” tangi niyang sagot.
Wow ah! Ang lala niya naman palang mabored! Maglulustay agad siya ng pera!
Iwinagayway niya iyong check sa akin kaya mas lalo lamang akong naakit. Imagine kung times 2 iyan ay singliwanag na ng Meralco ang kinabukasan ni Lucas! At makakapag down na ako sa utang namin! Medyo maiibsan ang mga alalahanin ko! At sobrang dali pa ng utos niya. Akitin lang iyong si Ken at viola, may pera na ako!
Tumango agad ako. “Sige…”
His lips curved. Kinagat ko ang aking labi, halos magdasal na sana ay hindi ako iniengkanto dahil parang ang weird talaga.
“Keep it as our little secret. Walang limit. Kahit dumaan pa ng ilang buwan…”
Wow…
“Talaga?” Kinuha ko iyong baso ng tubig at ininom.
Tumango siya. Inilapag ko iyon at napasulyap sa cheke. Ibinigay niya iyon sa akin.
“Paunang bayad mo iyan. Pag naakit mo siya, makukuha mo ang full payment mo.”
Oh… Ganon lang pala? Ngumiti ako sa kanya ng sobrang tamis at tinanggap iyong cheke.
“Sige. Deal.”
Binasa niya ang pang-ibabang labi at matagumpay na ngumisi. Ayan na naman…
“I know you will agree…” matagumpay niyang sambit at ipinatong ang isang hita sa isa pa, tila isang maharlikang prinsepe na may masamang binabalak.
At sa araw na iyon, nagkaroon ako ng sekreto sa isang lalakeng hulog ng langit.
7th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Bait
He’s uh… weird…
Pagkaalis rin noong hulog ng langit na lalakeng nagbigay sa akin ng 50,000 na may cheke, napagtanto ko kung ba’t ako pumayag doon sa utos niya! Iniisip ko palang na aakitin ko si Ken, iyong putragis na haliparot na iyon ay para na akong mawawalan ng dugo.
Nakita ko siya! With my own two eyes, may kalaplapan! Expert na iyon sa pang-aakit ng mga babae at baka mabaliktad pa ako! Plus, si Sir Waytt ang gusto kong akitin! Paano ko iyon gagawin kung pati si Ken, na kaibigan niya, ay kailangan ko ring akitin?
But the money is just too tempting… Inoffer niya naman ng bukal sa loob ah? At gipit din ako kaya sino ako para tumanggi sa grasya? Siguro narinig na ng Panginoon ang mga dasal ko kaya nagpadala na siya ng savior ko?
“Ano?! As in 50k?! Loka ka Marione?! Sinong lalake ang magbibigay ng ganoon kalaking pera para lang akitin ang isang lalake?!” nagugulantang na sabi ni Eunecia noong Martes na iyon nang makwento ko iyon sa kanya.
Sumandal ako sa puno at tiningala ang mga dahon na nagtatakip sa amin sa sinag ng araw. Nasa lilim kami ng tanghaling iyon, nagrereview.
Inangat ko ang aking kamay at tinakpan ang kaonting sinag na tumakas roon. Ipinikit ko ang aking mga mata habang nag-aalburoto naman si Eunecia sa aking harapan.
“Baka scam ’yan! Baka modus! Baka ibebenta ang laman mo niyan sa black market! O kaya ay sangkot sila sa isang malaking human traficking!”
Ngumiwi ako sa kanyang mga paratang. Tumawa ako.
“Hindi naman siguro…”
“Anong hindi? Hindi mo ba naisip ang rason niya? Dahil lang bored? Hindi ka ba kinikilabutan?!” Nanlisik na ang kanyang mga mata.
Medyo nakakakilabot nga ang lalakeng iyon… Pero tama naman si Eunecia na nakakakilabot nga iyong pinaggagawa niya. Kahit ako, di ako naniniwalang dahil lamang bored siya eh.
Tiningnan ko ang aking notes.
“Gipit ako, Necia. Kailangan ko ang pera lalo na’t malapit narin ang birthday ni Lucas,” sabi ko.
“H’wag mong gastusin! Ibalik mo iyon at umatras ka! Baka sa huli ay pagsisihan mo lang iyang pinasok mo. Tingnan mo nga ang nangyari sa Papa mo!”
Umirap agad ako. “Hindi ko ito inutang, Necia. Kusa niya itong ibinigay!”
“Iyon na nga, kusang ibinigay kasi may utos siya. Pero paano kung di mo napagtagumpayan? Paano kung bawiin niya ang bayad? Saan ka kukuha ng 50k aber?!” Lumagutok sa aking ulo ang hawak niyang ballpen na ikinapikit ko ng mariin.
Hinimas ko iyon at sinamaan siya ng tingin. Tinuro niya ako gamit iyong ballpen.
“Alam kong manggagamit ka kaso hinay hinay… Alam mong pwede kang makarma sa ginagawa mo. Paano kung ikaw na pala ang nagagamit? Paano kung may balak ang lalakeng iyon?” Nanliit ang kanyang mga mata sa akin.
Bigla akong napaisip. Hindi ko rin talaga mawari ang rason niya kung ba’t kailangan kong mapainlove iyong si Ken. I mean, I know he’s a playboy at specialty niya ang paglandi. Pero anong mangyayari kung nahulog siya sa akin? Anong mapapala noong lalake?
“Itatago ko nalang muna ang pera. Hindi ko gagastusin,” sabi ko.
Unti-unting kumalma ang kanyang mukha. Inilahad niya pa sa akin ang kanyang palad.
“Akin na. Ako ang magtatago.”
Tinaasan ko siya ng kilay. Hinawi ko iyon.
“Ako na ang magtatago!”
“Baka gastusin mo iyan! Dami niyo pa namang utang!”
Bumuntong ako ng hininga at sumandal muli sa katawan ng malaking puno. Sana ’di ba ganoon rin ako kayaman noong lalake… iyong kaya lang mamigay ng pera… Iyong nabored lang ng kaonti ay mang-uutos na at maglalabas agad ng 50k.
Bakit ba may mga pinagpala at may mga walang wala? Hindi ba pwedeng pantay pantay nalang ang lahat?
May biglang sumipol sanhi para mapalingon kami ni Eunecia sa grupo ng mga kalalakihang napadaan sa field. Kumaway silang lahat sa akin. Umirap agad ako sanhi para magtawanan sila at nagtutulakan pa.
“Ganda mo Marione!” sigaw ng kung sino.
“Pwede bang manligaw?” sigaw naman noong isa kaya inangatan ko agad ng dirty finger.
Nagsiungulan sila at sabay napa ‘oww’. Pinulot ko ang aking mga notes at binasa iyon. Si Eunecia ang kumaway sa kanila pabalik at nagawa pang magflying kiss.
“Pansinin mo naman ng mga fans mo! Kasali ata iyan sa fansclub ni Jeric!” Tumawa siya.
Umirap lamang ako. Sakit sa ulo lang ang dala ng mga lalake sa buhay ng isang babae. Kung nabebenta lang talaga ang mga nagkakagusto sa akin mayaman na siguro ako ngayon.
“Sa umpisa lang naman masarap ang pag-ibig. Para lang iyang kape na matamis pero pag tumagal na ay kusang lalamig at tatabang,” sabi ko.
“Edi wag kang mangape! Loka loka!” kantyaw niya sa akin.
Pinagkukuha ko iyong libro at hinagis sa kanyang kandungan.
“Mag-aral ka ng mabuti parang babagsak ka ata.” Umiling ako.
Itinago ko nalang muna iyong pera. Wala parin sina Ken at Sir Waytt sa Restaurant. Ang sabi lamang ni Ate Demi ay busy raw ata sa school? Saan kaya nag-aaral si Sir Waytt? I’m sure private school siya. Marami ba siyang friends? Mayayaman din? Nakailang girlfriend na kaya iyon?
Sabado. Para na namang bulate si Angie at nangingisay habang patungo na kami sa likod ng Restaurant.
“Sana si Sir Ken ulit!” Tumingala siya habang nakasalikop ang kanyang mga kamay, tila nagdadasal.
“Imposible. Wala sila eh,” sabi ko.
“Pero wala nang kinukuhang mga banda si Sir Waytt! Ang huling nagperform ay si Sir Ken! May malaking tsansa na siya parin!”
Sinulyapan ko ang naggagandahang mga ilaw na kumikislap sa paligid. Nagbabago na naman iyong kulay ng tubig ng fountain na mas binibigyang tingkad ang paligid. Puno na naman ang mga table at may iba pang nakaupo lamang sa bench, tila may hinihintay.
Simula noong si Ken iyong kumanta rito, tila dinudumog na ng mga babae ang likuran ng Restaurant.
Nahuli ko ang pagsulyap sa akin ni George. Noong magtama ang aming mga mata ay mabilis siyang nag-iwas at itinuon agad sa costumer na nag-oorder.
May mga lalake nang siniset-up ang stage. Si Angie naman ay niyuyugyog na ako habang nakatayo lamang kami rito sa may gilid at naghihintay ng pwedeng gawin. May mga costumer kasi na may kailangan rin kada minuto.
“Sana si Sir Ken! Kilig na kilig ako noong kumanta siya! Grabe ang hot!”
Number 1 fangirl ata ito ni Ken.
May costumer na nagtaas ng kamay kaya nilapitan ko iyon at iniwan si Angie na nangingisay pa parin.
“Yes, Ma’am?” Ngumiti agad ako ng matamis.
“Uhm, can I request some cold water?” Medyo may accent niyang sabi.
Ang ganda rin talaga ng ibang mga costumer dito! At lahat ay patay na patay rin ata kay Ken! Nakakaawa naman ang mga ito at nabibiktima ng haliparot na iyon!
“Okay Ma’am. Anything else?”
Umiling siya at isinabit ang buhok sa tenga. Tumango naman ako at nagpaalam rin. Sinenyasan ko pa si Angie na tigilan na iyong kakangisay dahil nagmumukha siyang sinasapian sa pinaggagawa niya.
Pumasok ako sa loob at nagtungo sa kitchen. Kumuha ako ng isang pitsel na malamig na tubig saka ko iyon inilagay sa tray. Kumuha narin ako ng isa pang baso.
Nasa may pinto palang ako ay nagtitilian na ang mga tao roon. Pumapaibabaw iyon at kamuntik pa akong mawalan ng balanse sa pagbubuhat noong tray.
Hinawakan ko iyon ng maigi. Ngumisi pa sa akin iyong guard dahil sa nasaksihang pagkakataranta ko. Tuluyan akong pumasok at mabilis na tiningnan ang harap hanggang nakumpirma ko nga kung sino ang naroon.
Ken, in his black button down shirt with cherry prints, plus maong pants na kulay itim, and his killer smile, stood infront wearing his annoying smirk. Kumikinang na naman ang dalawang pares ng earring sa isang tainga, tila nakikipagpaligsahan sa kinang ng mga lights doon at kislap ng kanyang mga mata. Naroon siya sa stage, inaadjust ang kanyang mic.
Himala at naka messy hair ngayon ang tipaklong?
Iniwas ko ang aking mga mata sa kanya at maingat na naglakad para ihatid iyong malamig na tubig sa babae.
Humalakhak si Ken sa mic, kahit walang nakakatawa ay natutuwa na naman ata dahil pinagkakaguluhan na naman siya.
“I’m not feeling well these past few days…” sabi niya sa mic gamit ang nakakaakit na boses at namungay pa ang mga mata.
“Aww… Bakit?” sigaw naman ng mga marurupok na mga costumer.
Nakarating narin ako roon sa mesa noong costumer. Inilapag ko iyong tray kaso ang mga mata ay nakaglue man lang sa stage at nakikihiyaw rin.
“Enjoy your water, Ma’am!” masaya kong sabi kaso di man lang ako pinansin.
“Because I missed you girls… And it’s making me sick because its been days since the last time I saw you…” he said huskily and chuckled afterwards.
Sumabog muli ang boses ng mga babae. Kulang nalang ay yumanig dahil sa hirit ng haliparot! At nadala na naman silang lahat! Naniwala naman agad ang mga uto-uto.
Bumalik ako sa lugar ni Angie na isa rin sa mga nangingisay. Tumayo ako ng tuwid doon at tiningnan ng masama si Ken sa stage.
Nagtama ang aming mga mata. Kinagat niya ang pang-ibabang labi habang nakangisi roon. Nagsimula namang magstrum iyong kasama niya. Pamilyar sa akin ang simula at kung hindi ako nagkakamali ay mukhang kanta iyon ng Eraserheads na Ang Huling El Bimbo.
Nagsimula siyang magheadbang habang hawak ang mic at hindi iyon inaalis sa stand. Pumikit siya at hinayaan ang sariling tangayin noong tunog ng gitara. Tumingala pa siya at sinuklay ang buhok, kasabay noon ang pagtuwid niya ng buo at hinawakan ang mic na nasa stand gamit ang dalawa niyang mga kamay habang nakapikit parin.
“Kamukha mo… si… paraluma…” Panimula niyang kanta sa pinaka sexy na boses na ikinalunok ko, tila ibinulong niya lang iyon doon kaya ganoon nalang kaganda ang kanyang boses.
“Noong tayo’y bata pa… At ang galing galing mong sumayaw… Mapa boogy man o chacha… Ngunit ang paborito… ay pagsayaw mo ng El Bimbo…” Dumilat siya. Malalim ang titig at nakasentro na sa akin. “Nakakaindak… Nakakaaliw… Nakakatindig balahibo…” Ngumisi siya at kinagat ang kanyang pang-ibabang labi. Kinilabutan agad ako roon lalo na’t mataman niya na akong tinititigan.
Lumunok ako at pinatili ang aking mga mata sa kanya. Nagheadbang siya saglit saka muling kumanta.
“Pagkagaling sa eskwela ay dederitso na sa inyo… At buong maghapon ay tinuturuan mo ako…” Tumingala siya at sinuklay muli ang kanyang buhok, ang adams apple ay malinaw na malinaw na.
Magkahawak ang ating kamay at kamalay-kamay Na tinuruan ang puso ko, na umibig ng tunay…
“Naninigas ang aking katawan Kapag umikot na ang plaka Patay sa kembot ng beywang mo At pungay ng yong mga mata Lumiliwanag ang buhay Habang tayo’y magkaakbay… At dahang dahang dumudulas…” Kasabay noon ang pagpapadulas niya sa kanyang kamay galing sa mic pababa sa katawan stand. “Ang kamay ko sa makinis mong braso… Ohhh…” Kumindat siya sa akin habang hindi parin nabubura ang pilyong ngisi at nasa akin muli nakatingin, malalim na naman ang titig.
Shit. Putragis! Ewan ko pero nanindig talaga ang balahibo sa batok ko! Nag-iwas agad ako ng tingin at inabala ang aking sarili roon sa isang costumer na nagtaas ng kamay.
“Yes, Ma’am?”
“I need air! Meron ba kayo?! Mauubusan na ako ng hininga!” Pinaypayan niya ang kanyang sarili at mukhang sobrang apektado sa pagkanta ni Ken.
“Ang sexy niya kumanta! Para siyang nang-aakit! Akit na akit ako!” Iyong kaibigan niya naman.
Ngumiti lamang ako roon sa costumer na tinawag pa ako dahil lamang sa kaharutan niya.
“May available po kaming cold drinks, Ma’am,” sabi ko kaso wala na ulit sa akin ang mga mata at nakay Ken na na kinakanta iyong chorus part.
Magaling si Ken mang-akit. Medyo kumbinsido na ako sa parteng iyon. Ang laki ng audience impact niya! At sino bang matinong babae ang magtatapon ng isang libo roon sa stage habang sumisigaw na idate raw siya ni Ken kahit isang oras lang! Ayun, ang walanghiya ay nilandi rin pabalik iyong costumer!
“Baby… One hour is too short for us. You can have all my time…” sabay kindat.
At ayun, para nang tinakasan ng katinuan iyong babae na kahit ang kanyang kaluluwa ay nakita ko talagang bumyahe sa itaas dahil sa pagdadrama niyang nalalagutan siya ng hininga kunwari.
Nagconcentrate nalang ako sa paglilinis ng mga tables.umasok akong muli sa loob ng Restaurant tulak tulak iyong cart ng mga pinggan. Idineritso ko iyon sa kitchen saka ako muling lumabas.
“Aioni!” tawag sa akin ni Ate Demi.
“Po?”
Nagmadali siyang lumapit sa akin dala dala ang isang puting towel at isang mineral water.
“Pakibigay nalang kay Sir Ken, ha,” sabi niya at hindi na hinintay ang aking magiging sagot nang tanggapin ko iyon.
Nanatiling nakaawang ang aking bibig habang tinitingnan ang likod ni Ate Demi na nagmamadaling bumalik sa counter. Ngumuso ako at tiningnan iyon. Bakit ako pa?
Hep, Marione! Anong nirereklamo reklamo mo?! Mabuti nga at ikaw ang inutusan eh. Nakalimutan mo na ba na kailangan mo iyong akitin? Dagdag points iyon sa kanya kung nakikita niyang may care ka!
Kumawala muna ako ng malalim na buntong hininga saka ako nagdesisyong lumabas. May 30 minutes break ito kaya medyo humuhupa ang ingay sa likod. Nasa parking lot ito at nagpapahinga sa isang van. Aba, may special treatment na agad ang vocalist namin!
Nagtungo ako sa parking lot at madaling nakita iyong van lalo na’t iyon rin ang itinuro sa akin noong isa sa mga empleyado.
Nang makarating ako roon ay kumatok agad ako sa may bintana. Tinted iyon kaya di kita ang loob.
Bumukas iyon. Bumungad agad sa akin si Ken, pawisan ang basang buhok na hinahawakan niya at kahit sa kanyang leeg ay dumadaloy narin doon ang pawis.
Ngumisi agad sa akin ang hinayupak. Tiningnan niya pa ang aking hawak.
“Pasok ka,” sabi niya at ngumisi.
Anong nakakatuwa sa ‘pasok ka?’.
Tatanggi na sana ako at sasabihan agad siya ng kung ano ano, pero bago ko pa marecite lahat ng pagtataray ay natutop na agad ang aking bibig lalo na’t naalala ko iyong plano ko. Pasok, Marione! Chance mo na iyan!
Pumasok ako. Isinara niya iyong muli sanhi para mapalingon ako sa bintana. Pag may ginawa ito sa akin sisipain ko talaga iyang gitna niya!
Pasimple akong lumunok. Akala ko talaga madali lang mang-akit! Pero ngayon na nasa harapan niya na ako, bigla akong tumiklop at hindi ko na alam kung paano iyon gagawin.
“Para sa akin?” tanong niya habang hinahawakan iyong isang botones ng button down shirt at mukhang kakalasin niya ata!
Tumango ako.
“Pinapabigay ni Ate Demi,” kalmadong sabi ko.
“Ah… Akala ko kusang loob mo lang.” Tumawa siya at bumaba muli ang isang kamay sa isa pang botones para buksan iyon.
Ibinaba ko ang aking mga mata at binuksan ang mineral. Kaso shet, wala pa akong lakas kaya medyo natagalan ako kakabukas noon! Humagalpak siya kaya nag-angat ako ng tingin. Halos lumuwa ang aking mga mata nang tumambad sa akin ang basa niyang tiyan, ang kumikislap niyang abs! Tuluyan nang nakabukas lahat ng mga botones!
“Ako na.” Kinuha niya sa akin iyong mineral water at siya na mismo ang nagbukas. Isang pihit lang at ayun, bukas agad! Lahat ata ng masikip ay kaya niyang luwagan! Grabe!
Inangat niya iyon at tumingala siya para uminom. Napatitig naman ako sa adams apple niyang gumagalaw. Umawang rin ang aking bibig at natuliro saglit sa kakatitig. Ang hot ba, Marione?
Mariin akong pumikit at pasimpleng ikinalma ang sarili. Ano ka ba! H’wag ka ngang madala sa kanya! May goal ka at doon ka dapat magfocus!
“Ah… Gusto mo…” Kinagat ko ang aking labi. Umangat naman ang kanyang kilay.
Sinulyapan ko ang kanyang basang tiyan. Pagsisisihan ko talaga ito jusko!
“Ako nalang ang magpunas ng pawis sa uh… diyan?” Itinuro ko ang basa niyang tiyan.
Nalaglag rin ang kanyang tingin roon saka umahon muli para tingnan ako, medyo nagulat sa aking sinabi pero agaran rin naman iyong nawala. Dahan dahan siyang tumango at ngumisi.
“Touch me, then…” Hinawakan niya ang aking pulso at iginiya iyon sa kanyang tiyan.
Shit! Kaya mo ’yan, Marione! Para sa kalahating 50k! Tiis ganda!
Sinimulan kong punasan sa may parteng dibdib. Nakahawak parin siya sa aking pulso habang mataman akong tinititigan. Malamig ang loob pero sinikap kong huwag pamulahan ng mukha at mang-init ang pisngi sa aking ginagawa. Openminded ako!
Kinagat niya ang kanyang labi habang nakangisi ng pilyo.
“Lower, Aioni…” he whispered sexily while staring at me deeply.
Lintek! Putragis!
Literal akong napatunganga at natigil sa kakapunas. Ang kanyang kamay na nakahawak sa aking pulso ay iginiya niya naman pababa hanggang sa naramdaman ko ang matigas niyang abs.
Ngumuso ako at napatitig roon. He chuckled annoyingly while biting his lower lip. Sinamaan ko siya ng tingin pero agaran ko ring binawi nang maalala kong hindi ko dapat siya tinatarayan at kailangan ko siyang akitin.
“Lower,” he chuckled again, teasing me.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Iginiya niyang muli ang aking kamay at halos magwala ang mga demonyo sa aking loob nang mapagtantong forbidden place na iyong tinutukoy niyang lower!
Sa aking inis ay itinapon ko sa kanyang mukha iyong tuwalya. Humagalpak agad siya at kinuha iyon sa kanyang mukha.
“Leche ka!” sigaw ko na mas lalo niya lang ikinahalakhak.
Mariin akong pumikit at halos gusto ko siyang sabunutan! Hinila ko agad iyong pinto para lang makalabas na.
“Saan ka pupunta?” tanong niya habang tumatawa parin.
Hindi na ako lumingon pa at padabog iyong isinara. Shit! Di ko talaga kayang hindi magtaray sa lalakeng iyon! Pinapakulo niya talaga ang dugo ko! Shit siya!
Kinikilabutan talaga ako sa lalakeng iyon pag naiisip kong kailangan ko siyang akitin! Sinubukan ko pa lang ayun di ko na agad natiis at gusto ko na siyang saktan! Masisiraan ako ng bait sa pinaggagawa niya!
Nagmartsa ako paalis doon dala dala ang pulang pula kong mga pisngi. Bumalik ako sa kinatatayuan namin kanina ni Angie at doon ibinuga ang hangin na naipon ko kanina.
Ilang sandali lamang ay lumabas narin ulit si Ken roon, ayun bagong bihis at nakangisi na naman habang inaayos ang buhok. Umirap agad ako at gusto nalang matapos ang gabing ito para makauwi na, para di ko na makita iyang pagmumukha niya.
Kumanta siyang muli pero mga tatlong kanta nalang ata at iyong mga request na ng mga costumers. Nag-eenjoy na naman siya sa pang-aakit. Kulang nalang ay magsiluhuran lahat ng mga babae at sambahin siya. Ako lang siguro ang matitirang nakatayo.
“See you on Monday, Aioni!” sabi sa akin ni Angie nang sabay kaming mag time out.
“Sige… See you…” Kinawayan ko siya.
Dumeritso rin naman ako sa locker room at nagpasyang magbihis muna bago umalis. Tanging nipis na dress ang aking isinuot at long sleeve iyon. Itinali ko nalang ang laces na nasa may parteng dibdib saka ko inilugay ang aking buhok.
Inilagay ko ulit iyong uniform ko sa paperbag at lumabas rin. Halos mapatalon ako nang madatnan ko na naman si Ken sa labas, tila isang gwardya na may inaabangan.
Tumuwid siya pagkakasandal sa pader habang nakahalukipkip at ibinulsa ang mga kamay. Umangat ang kanyang kilay habang dahan dahang pinapadausdos ang mga mata sa aking katawan.
Sumipol siya. “You look hot.”
Sinamaan ko agad ito ng tingin. Napakamanyakis talaga! Umirap at at naglakad narin, balak siyang lagpasan.
Lumebel agad ito sa akin. Gusto ko siyang itulak kaso nagpigil nalang ako at naalala ang kasunduan namin ng lintek na hulog na langit kong savior.
“Ba’t ka sumasabay?” tanong ko habang sinusuklay ang aking wavy at medyo sumasabog na buhok na galing sa pagkakatali gamit ang aming mga daliri.
“Dahil may date ulit kayo bukas ng boss mo,” sabi niya.
Medyo huminahon ang aking mukha. Good news!
“Talaga?”
Tumango siya at pinasadahan ng haplos ang kanyang buhok.
“Oo… Pero kung ayaw mo…”
Umiling agad ako. “Gusto ko ’no!”
Naiwang nakaawang ang kanyang mga labi. Itinikom niya rin naman iyon at dahan dahan ring tumango.
“Alright… Hatid na kita,” alok niya.
Tumaas ang aking kilay. “May pag-uusapan na naman tayo?”
Shit, Marione! H’wag pakipot! Kailangan mo pa iyang landiin! Pag nagkataon, nakajackpot ka! Makakamabutihan mo na iyong Sir mo, makukuha mo pa ang prize mo pag naakit mo iyan!
“Okay!” dagdag ko agad bago pa siya may masabi.
Binasa niya ang pang-ibaba niyang labi at nalaglag saglit ang tingin sa laces ng suot kong dress na nasa may parteng dibdib.
“Dapat hindi ka nagcocommute sa mga ganitong oras. Delikado,” sabi niya sa seryosong boses.
Mas mapapanatag siguro ako kung mag-isa ako kaysa siya ang kasama ko ’no! Mas delikado! Kaso wala eh… gipit ako.
“Edi ihatid mo ako lagi.” Umirap ako sa kanya.
Ngumisi siya sa akin. It’s a bit annoying kaya nag-iwas agad ako ng tingin.
“Sige…” sagot niya na ikinanguso ko.
He just… clicked on my bait. Palihim akong napangisi. Patay ka ngayon sa akin. Mapapaluhod talaga kita… Babaliwin kita sa akin.
8th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Victim
Hinatid akong muli ni Ken. Pumapaibabaw na naman sa loob ang pamilyar na pabango ni Sir Waytt. Inatupag ko ang pagtatanggal ng aking make-up sa front seat.
Nagsimula siyang magmaneho. Nararamdaman ko ang pagsulyap niya sa akin paminsan-minsan. Nacucurious tuloy ako kung nagagandahan siya sa’kin. Di rin naman kasi kami as in close. Wala kaming normal na pag-uusap at napagtanto kong palagi iyong bangayan. Napapainit niya agad ang ulo ko at kumukulo palagi ang dugo ko sa kanya. Kahit ata ang sistema ko ay ayaw sa kanya. Hindi siya gusto.
“Pwede ka namang hindi magmake-up habang nagtatrabaho. Mas bagay sa’yo iyong simple lang,” sabi niya.
Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Okay… Ikalma mo ang mga demonyo mo, Marione. Talian mo muna. Magpadala ka muna sa pambobola niya.
“Talaga?” mahinahon kong tanong.
Tumango siya at ngumisi. “Yeah… You’re more prettier without wearing any…”
Without wearing any? Ano? Make-up? Damit? Ano?
Nagkasalubong ang aking kilay. Humagalpak siya. Mabilis agad akong napairap at nabasa ang kanyang kalokohan. Isang sigundo lang ata ang kaya kong limit ng pagiging mabait sa kanya. I really can’t stand him.
“Playboy,” matigas kong sambit at ibinalik ang tingin sa itaas ng salamin.
“Ouch…” Sinapo niya ang dibdib, gamit ang isang kamay habang ang isa ay nagmamaneho.
Mas umirap ako dahil masyado iyong sarkastiko. Tumawa naman siya at pinasadahan ng haplos ang gilid ng kanyang buhok.
Kumuha ako ng panibagong wipes para ipunas sa aking leeg. Sa gilid naman ng aking mga mata ay nakikita ko siyang kagat kagat ang pang-ibaba niyang labi at panay ang lingon sa akin.
“So… May kapatid kang lalake? Iyong Lucas?” tanong niya bigla sanhi para lingunin ko siya.
Isinuklay ko paatras ang aking buhok. Sumunod ang kanyang mga mata roon.
“Bakit mo alam ang pangalan ng kapatid ko?” Stalker ba ito?
“Narinig ko sa phone call… Sumisigaw ka ng Lucas at tumatawa,” paliwanag niya na medyo ikinahinahon ko.
Ah… Iyong tumawag siya at nakaligtaan ko saglit dahil sa kakulitan ni Lucas.
Tumango ako at ibinalik ang mga mata sa salamin.
“Ilang taon na?”
“Turning 3,” sagot ko.
Tumango-tango siya. “Mukhang masaya ka pag siya ang kasama mo. Palagi kang tumatawa.”
Tumigil ako sa pagpupunas ng aking leeg. Binalingan ko siya sanhi para lingunin niya rin ako.
“Siya nalang ang tanging rason kaya ako lumalaban sa buhay. Kung wala siya… baka matagal na akong sumuko.” Ngumiti ako ng mapakla.
Binasa niya ang pang-ibabang labi. Ibinalik ko naman sa loob ng slingbag iyong wipes at isinarado iyong muli.
“Siya lang ang lalakeng nakakapagpasaya sa akin ngayon… Siya nalang,” sambit ko.
Ken remained silent. Ngumuso naman ako at nag-iwas ng tingin at itinuon iyon sa labas ng bintana. Hinahaplos na naman ng mga anghel ang aking puso sa tuwing si Lucas ang topic. Kaya siguro hanggang ngayon ay nakakatiis ako sa hamon ng buhay dahil si Lucas ang nakakapagpalakas sa akin. Sa kanya ako kumukuha ng lakas. Siya ang nasasandalan ko. Gusto ko siyang gabayan. Gusto ko siyang bigyan ng magandang buhay, iyong malayo sa nakagisnan ko. Ayoko siyang nahihirapan…
“He’s lucky to have you,” narinig kong sabi niya.
Hindi na ako umimik at ngumiti nalang roon habang nakatanaw sa labas ng bintana.
Pagkahatid niya sa akin ay nagpasalamat lamang ako at pinauwi na agad ito dahil baka gawin na naman kaming sawsawan ng mga tsismosa rito mamayang umaga.
Kinabukasan, pagkagising ko ay wala na naman si Mama. Namroblema agad ako lalo na’t ito na ang ikalawang araw na iseset-up ako ni Ken ng date kay Sir Waytt. Paano iyon?!
Hinintay ko ang tawag ni Ken para kumpirmahin kung tuloy ba. Pwede ko naman sigurong iwanan si Lucas kay Aling Guring kahit saglit lang. Iyon nga lang ay nakokonsensya rin ako para sa kapatid ko. Pero para naman ito sa kanya… Ginagawa ko ito para sa kanya.
“Ate…” Itinuro ni Lucas ang pitsel ng tubig.
Natigil ako sa pag-iisip dito at sinalinan siya ng tubig. Akma ko na iyong ipapainom sa kanya nang umiling siya at itinuro ako. Kumurap ako at napangiti.
“Ang bait!” Kinurot ko ang pisngi niya at tumawa.
Hinawi niya naman ang aking kamay saka muling sumubo. Ininom ko iyon. Siguro ay nakikita niyang malalim na ang pinag-iisip ko.
May biglang bumusina sa labas sanhi para mapunta ang aking atensyon doon. Ibinalik ko ang tingin kay Lucas at sinenyasan siyang manatili lamang sa kanyang upuan.
Lumabas ako at nagtatakang lumabas. Noong makarating na ako sa gate ay binuksan ko iyon. Nagulat ako nang makita ang isang pamilyar na kotse. Ilang sandali lamang ay bumaba ang bintana noon at nakita ko si Ken, ngumingisi na.
“Ba’t ka nandito?” tanong ko sa magkakasalubong na kilay.
“Susunduin kita sa date niyo,” sabi niya.
Nalaglag ang aking panga. Sinundan ko siya ng tingin doon habang lumalabas. Napansin ko naman ang mga kapitbahay naming napapatingin rito at nakikiusyoso. Halos humahaba na ang kanilang leeg makita lamang ng malinaw ang kaganapan dito.
“Pwedeng pumasok?”
Kumurap ako at ibinalik ang aking mga mata sa kanya lalo na’t kalahati ng aking katawan ay nasa loob lamang ng nakaawang na gate at ang ulo ko lamang ang nakasilip.
Nilakihan ko ang pagkakabukas at tuluyan siyang pinapasok. Hindi pa naman ako nakakapaglinis! Tinanghali ako ng gising dahil sa puyat at pagod!
“Hindi pa ako naglilinis,” sabi ko at iminuwestra ang loob sa kanya.
Tiningnan niya iyon saglit at nagawa pang silipin ang loob. Pumasok ako at inayos ang mga unan sa sofa. Sinenyasan ko siyang pumasok at doon umupo. Ang sarap batuhin ng unan. Anong nakain niya at naisipan niyang pumunta?
“Sinabi ba ni Sir Waytt na sunduin mo ako?” tanong ko, nagbabakasakaling tinutulungan ako ng mga anghel sa langit.
Tuluyan siyang pumasok. Ang suot na simpleng cotton white tshirt at khaki short ay nagpapaalala sa akin noong unang pagkikita namin. Maporma siya sa stage pag kumakanta… Siguro mga hiniram na damit niya lamang iyon kay Sir Waytt? Napapansin ko kasi madalas din siyang nakaputing cotton white Tshirt. Iyon ang hilig niyang suotin.
Niligpit ko ang mga kalat. Umupo naman siya roon at humilig sa kanyang mga hita, pinapanood ako.
“Sinong kasama mo?” tanong niya at iginala ang mga mata sa kabuuan ng bahay.
“Si Lucas, nasa kusina kumakain-” Bago ko pa matuloy ang aking sinasabi ay tumakbo na si Lucas sa akin at kalalabas lamang sa kusina.
“Lucas… Kumain ka roon…” Sinilip ko siya sa aking mga hita lalo na’t yumakap siya roon habang sinisilip ang bago sa kanyang mga mata.
“Ang tigas ng ulo mo. Kumain ka roon.” Tinanggal ko ang kanyang mga kamay sa aking mga hita kaso ang tigas noon at mukhang wala na siyang balak bumitaw.
Bumuntong ako ng hininga at sinulyapan si Ken na nakatagilid ang ulo habang nakangisi at sinisilip ang kapatid ko. Mahilig ba siya sa bata?
“Hi, Lucas.” Kinawayan niya ang aking kapatid.
Tiningnan ko si Lucas na masama ang tingin kay Ken. Humagalpak si Ken at nagawa pang itulak paatras ang buhok.
“Mana sa’yo ang kapatid mo. Masama rin makatingin sa akin,” sabi niya sa pagitan ng tawa.
Syempre matalas ang radar nitong kapatid ko.
Naglakad ako kaso ayaw talagang bitiwan ni Lucas ang aking mga binti. Parang ayaw niya akong umalis.
“Lucas,” tawag ko kaso ang kanyang mga mata ay nakay Ken parin, matalim ang tingin.
“Hindi ko aagawin sa’yo ang kapatid mo, Lucas… Nandito lang ako para sunduin siya… Kung gusto mo, sumama ka rin,” sabi ni Ken at nginitian ang aking kapatid.
Kumurap ako nang makitang unti-unting huminahon ang matalim na tingin ni Lucas kay Ken. Ilang sandali lamang ay lumuwag na ang kanyang pagkakayakap sa akin hanggang tuluyan itong bumitaw.
Oh… So iyon ang pinoproblema niya?
Sinenyasan siya ni Ken na lumapit doon.
“Hindi siya lumalapit sa mga gago-” Hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang maglakad si Lucas papunta sa kanya.
Nalaglag ang aking panga na inasal ng aking kapatid. Ngumisi naman si Ken at inangat si Lucas saka niya iyon ipinaupo sa isa niyang hita.
“Good boy. Apir!” Iminuwestra niya ang kanyang palad at nakipag-apir nga kay Lucas.
Hindi ako makapaniwala habang pinapanood ang aking kapatid na tila komportable kay Ken. Tinitingala niya pa ito at mukhang nacucurious sa kanyang mukha. Si Ken naman ay panay ang pagtatanong ng kung ano ano.
Kinuha ko ang pagkakataong iyon para maglinis. Napaliguan ko na si Lucas kanina pa kaya naligo narin ako. So isasama niya si Lucas sa lakad? At mukhang gusto ring sumama ng kapatid ko.
Sabagay, nandiyan naman si Ken. Pwede muna siyang magbabysit sa kanya habang nakikipagdate ako kay Sir Waytt. Ngumisi ako habang iniisip iyon. Naaalipin ko na ata! Konti pa, Marione…
Lumabas ako ng cr at napagtantong kailangan kong dumaan sa sala para makapasok sa aking kuwarto. Malapad ang aming bahay at walang ikalawang palapag. Isa lang rin naman ang banyo rito kaya kailangan mo talagang dumaan sa sala lalo na’t nasa kaliwang bahagi noon ay ang aking kuwarto.
Kinagat ko ang aking labi. Seduce him! Kahit dumaan ka lang with confidence! Tumango tango ako sa salamin habang nagtotoothbrush. Hinayaan ko ang aking buhok na nakalugay at tumutulo pa ang tubig.
Iniyakap ko ang nipis na pink na tuwalya sa aking katawan at hanggang tuhod lamang iyon. Ngumisi ako ng pilya nang tingnan ko ang aking sarili. Imposibleng hindi siya maakit eh pataygutom siya sa babae!
Lumabas rin naman ako ng banyo. Kitang kita ko kung paano siya nag-angat ng tingin sa akin. Pasimple kong dinaanan ng haplos ang aking basang buhok habang naglalakad. Pansin na pansin ko ang nakahalf-open niyang mga labi habang nakasunod ng tingin sa akin. Gusto kong humagalpak sa kanyang harapan dahil sa kanyang reaksyon kaso hindi rin naman nagtagal ang titig na iyon dahil sa ginawa ni Lucas. Tinakpan niya ang mga mata ni Ken!
Ngumuso ako sa aking kapatid. Hindi ko alam na may ganyan pala siyang ugali… Nginitian ko ang aking kapatid na nakasimangot saka ako nagmadaling pumasok sa loob ng aking kuwarto. Nakontento ako sa aking ginawa at nagawa ko pang sumayaw sayaw sa tuwa.
Binuksan ko ang aking drawer at namili ng maisusuot. Kinuha ko iyong mga dress ko at pinaglalagay lahat sa kama. Humalukipkip ako at pinisil ang aking pang-ibabang labi.
Hmm, ano bang magandang suotin sa una naming date ni Sir Waytt? Hindi ko rin naman kasi alam ang taste noon. Gusto niya ba iyong mga simple lang? O iyong may dating at sopistikado manamit?
Tiningnan ko iyong button down na fit dress. Above the knee iyon at kulay black. Dinampot ko iyon at nagpasyang iyon nalang ang suotin.
Binlower ko ang aking basang buhok para mabilis matuyo. Natural na brownish ang aking buhok at dahil sa suot kong itim ay mas lalo iyong tumingkad. Ang aking labi ay purmado, nipis at maliit katulad ng maliit kong baba. Ang aking kilay ay medyo may kakapalan at purmadong purmado, idagdag pa ang kulay light brown kong mga mata. My almond shape of eyes matches my small face and my not so wavy medium length hair.
Naglagay ako ng light make-up at medyo pinapula ang aking mga pisngi. Nagawa ko pang sumayaw sayaw habang inispray iyong nabili kong pabango sa isang botique sa Mall. 99 pesos lamang iyon at sobrang bango! Umikot pa ako sa sobrang tuwa. Magkakaprogress narin ang pang-aakit ko kay Sir Waytt! Sana maganda ang kinalabasan ng unang date namin!
Kinuha ko ang kulay cream na sling bag na katulad ng kulay noong sinuot kong sandals. Tuluyan rin naman akong lumabas at nadatnan si Ken na tinuturuan si Lucas na magbilang habang hawak niya ang pulsp nito at binibilang ang bawat daliri ni Lucas.
Tumikhim ako sanhi para mag-angat siya ng tingin sa akin. His eyes widened. Umawang ang kanyang bibig na kahit ang pagdausdos ni Lucas at pagtakbo papunta sa akin ay di niya na namalayan.
“Ate!” sigaw ng aking kapatid na tumakbo. “Bihis ako!”
Tumawa ako at yumuko para salubungin siya.
“Oo sasama ka basta h’wag makulit ah!” Nginitian ko siya habang kinukurot ang kanyang mga pisngi.
Tumango tango agad siya at nagawa pang hilain ang kanyang suot. Binalingan ko si Ken na nasa akin parin ang mga mata, halos di na kumukurap.
“Bihisan ko lang,” sabi ko na ikinakurap niya at tila bumalik na sa sarili.
Tumango siya at lumunok. Hinawakan ko naman ang pulso ni Lucas at hinila na ito sa kuwarto ni Mama, kung nasaan ang kanyang mga gamit.
Pumasok kami roon. Hinubad ko ang kanyang damit at kinalkal iyong drawer kung nasaan nakatupi ang mga damit niya. Kumuha ako ng kulay dark blue na tshirt at iyong may pagka sky blue na short.
Binihisan ko si Lucas. Pinolbohan ko pa ito habang nakaupo naman siya sa dulo ng kama at inaayos ang buhok niyang gumugulo lang naman.
Sinusuotan ko siya ng sapatos habang kinakausap ko ito.
“Close na kayo noong lalake sa labas?” tanong ko na ikinatango niya.
“Kuya Ken,” bigkas niya.
“Eh masama ’yon! Manyak ’yon Lucas!” sabi ko pa kaso umiling-iling agad ang aking kapatid, tila pinagtatanggol ang paninira ko kay Ken.
“Sama ako kay Kuya Ken…”
Ang bilis naman atang nakuha ng lalakeng iyon ang loob ng aking kapatid? Eh si Sir Waytt kaya? Mahilig rin ba siya sa bata? Pwede kong ipakilala si Lucas sa kanya mamaya… Kung gusto niya lang naman tapos iiwan na namin si Ken.
Lumabas rin naman kaming dalawa ni Lucas. Ken stared at me like I’m a stranger to him. Nakakapanibago ang kanyang malalim na titig. Halos hindi pa ito kumukurap na kahit ako ay medyo na conscious na.
Tumikhim ako.
“Erm, so… uh… tara?” Tumaas ang aking kilay.
Tila natauhan siya at napagtantong nasa kanyang harapan na ako. Tumango siya at tiningnan si Lucas na iniaangat na ang dalawang mga kamay para kargahin ni Ken.
Kinarga niya ang aking kapatid.
“Ang gwapo ah…” Ngumisi siya sa kanya kaso wala man lang reaksyon si Lucas at tiningnan lamang siya, di ko alam kung naiintindihan o may iniisip din siyang iba.
Binalingan ako ni Ken. Akma niyang hahawakan ang aking beywang sanhi para dumistansya agad ako.
“Kaya kong maglakad. Di na ako bata para akayin mo rin,” mataray kong sabi na ikinanguso niya.
“Arte,” saka siya humalakhak sanhi para mapairap ako.
Nauna si Ken. Sumunod naman ako sa kanya. Pagkalabas namin, bumungad agad ang mga fans kong kapitbahay na humahaba ang mga leeg kakasilip sa amin. Nang napagtanto nilang lumabas na kami ay isa isa rin silang nagsialisan at umaktong walang nakikita. Nagkalat na sila roon, ang mga mata ay alistong alisto.
Taas noo kong sinalubong ang mga matanglawin nilang mga mata at mukhang wala lang naman iyon para kay Ken lalo na’t nawiwili kay Lucas.
Nauna niyang buksan ang front seat saka ako sinenyasan na pumasok. Ngumuso ako at nagtungo sa loob. Pinanood ko siya sa labas na ipinapasok din si Lucas sa back seat saka siya umikot at nagtungo sa driver’s seat.
Nilingon ko ang aking kapatid sa likod na gumala rin ang mga mata. Ngumiti ako sa kanya.
“Car…” sabi ko na ikinangiti niya rin.
“Car!” sigaw niya at pumalakpak.
Tuluyang pumasok si Ken sa driver’s seat at nilingon si Lucas na masayang masaya sa likod lalo na’t pumapalakpak pa.
“He’s happy…” sabi niya at binuhay na ang kotse.
“Mahilig siya sa sasakyan,” sabi ko.
“May maganda palang future si Lucas. Mahilig magdrive…” Nanunuya ang kanyang boses at tila iba na ang pinaparating kaya sinamaan ko agad ito ng tingin.
“H’wag mo ngang sinasali ang kapatid ko sa kabulastugan mo! Hindi siya magiging kagaya mo!”
“Chill… Ang highblood mo.” Ken chuckled annoyingly.
Bad influence ’to eh. Baka hawaan niya lang ang kapatid ko sa kalandian niya.
Marahas kong hinila ang seatbelt at ikinabit iyon. May kung anong pinindot naman si Ken sa stereo sanhi para umingay ng kaonti sa loob gawa noong kanta.
Kumalma rin naman ako lalo na’t naaamoy ko na ang pabango ni Sir Waytt na nanunuot sa kasuluksulukan ng aking ilong. Idagdag pa iyong kanta na medyo chill lang rin. Sobrang komportable sa feeling na gusto ko nalang atang sunduin niya ako araw araw para di na ako mahirapan sa pagcocommute. Kaso, hiram lang ang kotse na ito…
“Buti di nagagalit si Sir Waytt na hinihiram mo ang kotse niya,” sabi ko sa mahinahong boses.
“Nagagalit nga eh.” Tumawa siya at pinasadahan ng haplos ang buhok. “Pero spoiled ako roon,” saka niya ako nginisihan.
Spoiled?
“Ang special mo naman pala… Special child,” sabi ko na ikinaangat ng kanyang kilay.
Ngumisi ako. Tumitig siya ng ilang sigundo sa aking labi. Nakahalf-open na ang kanya kaya pasimple ko nalang hinawi ang aking buhok. Nakakailang titig na ba siya sa araw na ’to? Gandang ganda na ata sa akin.
“Saan daw kami magkikita ni Sir?” Pag-iiba ko ng topic.
Itinuon niya rin naman ang kanyang mga mata sa harap ng kalsada.
“Ah… Sa Restaurant daw,” sabi niya.
Nag-imagine agad ako. Nakikita ko siyang napakamanly tingnan, hinihintay ako roon sa aking pagdating at noong makita ako ay magugulat siya sa aking imahe. Tatayo siya at ipaghihila ako ng upuan. Nakakapaso ang kanyang titig sa akin at para na siyang nabighani. Kinagat ko ang aking labi at sinikap na hindi bumungisngis sa aking pinag-iisip.
Nilingon ako ng tsismosong si Ken at tiningnan ang aking reaksyon.
“Excited?”
Tumango agad ako.
“Syempre. Si Sir Waytt na iyon. Ang hot niya kaya. Mayaman pa,” bigla kong nadugtong iyong huli nang di ko na namamalayan.
“Tamad ’yon,” sabi niya.
“Eh ano ngayon? Mukha namang matino si Sir Waytt. Suplado pero at least mukhang seryoso,” pagmamayabang ko.
Ken licked his lower lip at nadadaanan na ng pagkalito ang mukha. He was glancing at me from time to time.
“Masasali ka lang sa mga babaeng napaasa noon… He’s an expert fuckboy, Aioni. Marami nang babae ang napaiyak noon since Elementary palang. Di iyon basta basta nagseseryoso kahit mukha iyong seryoso.”
Sinamaan ko agad siya ng tingin. Tinutulungan ba talaga ako nito? Ba’t parang pinapapangit niya na ang image ni Sir sa akin? Noong mga nagdaang araw eh halos itulak niya na ako kay Sir eh. Ang desperado niyang idate ko si Sir. Pero ba’t iba na ata ang lumalabas sa bibig niya?
“H’wag mo ngang sinisiraan si Sir Waytt sa akin. Lahat naman pwedeng magbago ah? At past niya naman iyon. Wala naman akong pakialam sa mga ganoon…”
“We’re just the same. Pero ba’t…” Hindi niya agad iyon nadugtungan. Kalaunan ay binasa niya nalang ang pang-ibabang labi at ngumisi. “Nevermind.”
Wala akong ediya sa gusto niyang idugtong pero di ko narin masyadong inisip dahil wala rin naman akong pakialam. Hindi naman ako matuturn-off kahit pa sabihin niyang drug Lord iyang si Sir Waytt. I don’t like him as a man. Gusto ko lang na mapa saakin siya dahil may mga rason ako. I got attracted to him because he’s rich. Aminado ako sa bagay na iyon. Money is really my first priority right now at walang lugar sa buhay ko iyang atraksyon ng pag-ibig.
Nilingon ko si Lucas sa likod na nakatingin lamang sa labas ng bintana. Nilingon niya ako kaya nginitian ko ito na ikinalingon din naman ni Ken sa akin.
“Nainggit ako bigla kay Lucas.” Humalakhak siya.
Mabilis na napawi ang aking ngiti at tiningnan siya.
“You smile alot when you’re looking at him. Gusto ko rin naman pag nagtataray ka sa’kin pero mas gusto ko na ata iyong ngumingiti ka rin…” Kinagat niya ang kanyang labi habang nakangisi.
“Playboy.” Umismid ako. Humalakhak siya.
“Alam ko.”
Tinaasan ko agad siya ng kilay.
“Ano bang masarap sa pagiging playboy? Anong meron sa pangongolekta ng babae tapos paaasahin niyo lang naman? Nakakaboost ba ng confidence sa pagiging lalake niyo?”
“Hmm…” Pinisil niya pa ang pang-ibaba niyang labi. “Depende rin naman kasi sa babae. Ako, pag game siya game rin ako. Pag hindi, hindi ko pipilitin. Nirerespeto ko ang desisyon nila.”
Tsss… Motto niya ba ’yan?
“Paano kung inosente at di alam na saksakan ka pala ng landi?” matigas kong tanong.
Marahan siyang tumawa at hinaplos ang kanyang suot na earring.
“Nagiging mahalay ang mga babae pagdating sa akin. I am always a victim of eye-raping, Aioni. Sad isn’t it? Inaabuso nila ang katawan ko sa isipan nila.” Kumindat agad ang haliparot sa akin at sumunod ang kanyang hagalpak.
Too much confidence! Feeling niya talaga lahat ng babae luluhuran siya. Excuse me… I exists! At sa hinaharap, magpapalahi ako ng mga palabang kagaya ko na hindi nadadala sa katulad niya. Bubuo ako ng bagong henerasyon, iyong hindi marurupok.
“Yabang.” Umirap ako at tiningnan ang bintana. Bigla tuloy akong naexcite pag na heartbroken siya nang dahil sa akin.
9th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Bad Taste
Huminto kami sa isang five-star Restaurant. Nagningning agad ang aking mga mata habang tinatanaw iyon sa bintana ng kotse.
“Wow…” halos bulong ko sa aking sarili at hindi na makakurap.
Makakapasok na ba talaga ako sa magarang kainan na iyan? Noon lang kalinderya lang ako eh tapos ngayon… Teka, hindi kaya ako maignorante sa loob? Alam ko naman iyong proper etiquette sa mesa dahil napag-aralan namin iyon pero kinakabahan parin ako!
“Nasa loob na ba siya?” tanong ko kay Ken habang hindi ko inaalis ang tingin doon.
“Papunta pa lang. Pumasok kana roon,” sabi niya.
Kumurap ako at nilingon si Lucas na nakatayo narin sa likod at nakatanaw rin sa labas ng bintana. Ang kanyang mga mata ay nakasentro sa mga kotseng nakapark. Iyon ang mas umaagaw ng pansin sa kanya.
Narinig ko ang paglabas ni Ken sa driver’s seat. Tiningnan ko sa harap ang pag-ikot niya, kung paano niya marahang inayos ang kanyang buhok nang walang kahirap hirap at seryosong nagtungo sa harap ng pinto ng front seat.
Binuksan niya iyon. Inalalayan niya akong lumabas. Nagkatitigan kami saglit lalo na’t naninimbang ang tingin niya sa akin. Umawang ang kanyang bibig para sana may sabihin pero natutop iyon at napalitan na lamang ng ngisi.
“Enjoy,” sabay kindat sa akin.
Umirap ako at nagtungo roon sa likod. Binuksan ko iyon saka ko hinarap si Lucas.
“Papasok lang saglit si Ate ha… Dito ka muna kay Kuya Ken.” Kinurot-kurot ko ang kanyang mga pisngi.
Ngumuso siya at hinawi ang aking kamay kaya natawa ako.
“Wag ka malikot ha…” sabi ko.
Tumango siya at tumagilid ulit ang ulo para silipin ang mga kotse roon. Hinalikan ko ang pisngi ni Lucas para magpaalam na. Binalingan ko si Ken na nakapameywang sa aking tabi habang hindi nabubura ang matamis na ngisi. Noong nagkasalubong ang aming mga mata ay nagawa niya pang itap gamit ang hintuturong daliri ang kanyang pisngi.
“Walang akin?”
Sinamaan ko siya ng tingin at ipinakita sa kanya ang aking kamao.
“Ito ba?”
Humagalpak siya at sinuklay paatras ang kanyang buhok. Inirapan ko siya at nagsimulang maglakad na paalis.
“Bye… Umuwi ka agad sa akin!” sigaw niya pa.
Ako dapat ang nanlalandi sa kanya pero ang haliparot na ito ay sinasama rin ako sa mga babaeng nilalandi niya! But he’s giving you a favor, Marione. Kung nahulog man siya sa’yo at lumagapak edi hindi ka naghirap sa pang-aakit dahil kusa siyang nahulog sa iyong patibong. You’ll get your prize at pwede mo na siyang itaboy para layuan siya. Or pwede mo nalang rin gamitin para may tagasundo ka kahit sa school total nakakahiram naman pala siya ng kotse kay Sir Waytt. Iyon nga lang, hanggang kailan?
Tuluyan akong pumasok. Pinagbuksan agad ako ng guard ng pinto at halos malaglag ang aking mga mata sa sahig nang makita ko ang loob na tila kumikinang dahil sa kagandahan.
“Good afternoon, Ma’am,” bati sa akin ng isang gwardya.
Tiningnan ko siya at ngumiti. Pumasok ako nang tuluyan saka ako sinalubong ng waiter.
“Good afternoon, Ma’am. Do you have a reservation?” tanong niya sa akin.
Umiling ako. “Actually may hinihintay ako eh,” sabi ko.
Tumango naman siya at iminuwestra ang harap.
“This way, Ma’am.”
Hinatid niya ako sa magiging table ko. Gumala naman saglit ang aking mga mata. Parang marmol ang loob at sobrang komportable violin na piniplay. Hindi gaanong maingay at tila nagbubulong-bulungan lamang ang mga kumakain.
Iba talaga pag five star eh… Amoy na amoy mo ang karangyaan. Alam kong five-star rin naman ang Yoonmined at katulad ng unang pasok ko roon ay halos malaglag rin ang aking panga. Naaamaze lang talaga ako ulit dahil may bago na naman sa mga mata ko. First time ko na naman. At may iilan pang kumakaing foreigner!
Pinaghila ako ng upuan noong waiter. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Namula naman agad ang kanyang pisngi. Nagpaalam rin naman ito ng maayos saka ko inabalang tingnan kung ano ang mga nakasulat sa menu.
Uy, may salad… Tiningnan ko ang presyo at halos malula ako sa perang naroon. Grabe ang mahal! Anong klaseng mga damo ba iyan? May halong gold?!
Iginala ko pa ang tingin sa ibang pagkain at hindi ko talaga kinakaya ang mga presyo. Magdiwang ka, Marione! Makakakain ka ng mga gold na pagkain ngayon! Dapat hindi mo kalimutan ang araw na ito!
Lumipat rin naman ako sa dessert. Grabe, isang slice lamang ng mousse cake ay 350 pesos na? Pero sabagay Marione, wala ka sa kalinderya kaya h’wag ka talagang mag-isip ng mumurahin. Nasa isang high class Restaurant ka! Lahat ng nandito ay gold! Mamahalin!
Medyo nabored na ako kakatingin sa menu. Ilang minuto na ang dumaan at wala parin. Tiningnan ko ang may pinto pero wala man lang pumapasok na Sir Waytt doon. Kaka turn off naman na ang babae pa ang naghihintay. Pagpasensyahan mo na ang future boyfriend mo, Marione…
Naghatid na ng tubig ang waiter sa akin. Siya pa ang nagsalin noon sa baso na ikinatuwa ko dahil sa serbisyong ibinibigay. Feeling ko tuloy isa rin ako sa mayayamang nandidito… Feeling ko belong din ako sa kanila.
Nasaan na ba kasi iyong si Sir? Nakakahiya na ah! Kumakain na ang lahat at heto pa ako, nakatunganga at nakakaramdam na ng gutom! Anong kakainin ko rito eh puro lang naman mga kubyertos at iyong iba pang table arrangement… Alangan naman iyong tissue?
Pag itong si Ken pinagloloko ako siya talaga ang makakatikim sa akin.
Siguro ay 30 minutes akong naghintay. Binabalik-balikan pa ako noong waiter at panay tanong kung nasaan na ang hinihintay ko. Siguro ayaw niya lang na mabagot ako kakahintay kaso nababagot na talaga ako! Nakakahiya naman kung tatayo nalang ako bigla at magwawalk-out ’no!
Kinagat ko ang aking labi at kulang nalang ay manggigil. Nagtungo muli sa akin ang waiter kaya sinikap kong ikalma ang aking sarili.
“Gusto niyo po bang mag-order muna, Ma’am?”
Umiling ako at ngumiti. May iilang costumer roon na nililingon ako saglit pero nag-iiwas rin naman.
“Wala pa kasi ang kasama ko,” sabi ko.
“Halos isang oras na po kayong naghihintay…” magaling niyang sabi sa akin.
Kinabahan ako. Mapapatapon ba ako palabas? Baka isipin nilang wala talaga akong pera… Paano nga kung hindi sumipot si Sir Ken? Gagapang talaga ako nito sa kahihiyan!
Umawang ang aking bibig pero bago pa ako makasagot ay may pumaibabaw nang boses.
“We’re late,” ani Ken habang karga karga si Lucas na sobrang suplado ng mukha.
Napakurap ako at hindi alam ang irereact lalo na’t nasa kanya narin ang buong atensyon ng waiter at mukhang nacucurious kung kaano ano ko ito.
Umupo si Ken sa harap at pinaupo si Lucas sa kanyang isang hita. Kinuha niya ang menu saka iyon pinasadahan ng tingin. Lagot ka ngayon. Anong ibabayad mo riyan?! Ang mamahal!
Nagsimulang magsalita si Ken. Halos hindi ko masundan ang pinagsasabi niya lalo ang hihirap rin noong pinagbibigkas niya pero parang ang smooth lamang ng kanyang pagkakasabi.
“1 slice, Sir?” tanging naintindihan ko na tanong noong waiter.
“Make it whole,” sabi niya na ikinatango tango naman noong waiter at isinulat ang kanyang sinabi.
Nagpaalam iyong waiter at maghintay raw muna kami ng at least 20 to 30 minutes.
“Ano iyong pinag-oorder mo?” tanong ko agad sa kanya.
“Italian food,” sagot niya.
Italian? Humilig ako ng kaonti sa mesa para maibulong ang aking mga tanong.
“Masasarap ba ’yon?”
Ngumuso siya at tila natuwa sa aking ginawa. Nang napagtanto kong masyado akong ignorante ay bumusangot ako. Malamang, first time ko! Di naman ako katulad niyang may rich kid na kaibigan kaya siguro namulat narin siya sa mga ganito!
“Masarap… Lalo na ako,” hirit niya pa at humalakhak.
Umirap agad ako at tiningnan si Lucas na inabot na iyong table knife. Hinayaan lamang siya ni Ken at nagawa ring kunin iyong isa pang kutsara saka niya ibinigay kay Lucas, tila pinaglalaro ito.
Oo nga pala…
“Nasaan si Sir Waytt? Bakit ikaw ang nandito? Siguro pinagloloko mo lang ako ’no?” Tinaliman ko agad ito ng tingin at sinikap na hinaan ang aking boses.
Umahon ang kanyang tingin sa akin.
“Ah… Di raw siya makakapunta kasi may emergency sa Restaurant. Busy kasi iyon. Wala siyang time sa’yo,” nanunuya niyang sabi at pilyo na ang ngisi.
Sinimangutan ko siya. Bwesit ito! Para akong pinapaasa! Ang sarap batuhin nitong isang pitsel ng tubig!
“H’wag mong hanapin ang wala, Aioni. Ako ang may oras para sa’yo kaya saakin lang dapat ang buong atensyon mo.” Ngumisi siya.
Napaawang ang aking bibig. Akma ko pang pinulot iyong nakahelerang mga kutsara kaya humalakhak agad. Napaka haliparot talaga!
“Shut up. Di kita type,” matigas kong sabi.
Yumuko siya at may binulong kay Lucas. Ang aking kapatid naman ay parang nakikinig rin sa binubulong sa kanya ni Ken.
“Di raw ako type ng Ate mo. Anong masasabi mo Lucas?” Inosente niyang tanong.
Tumingin naman si Lucas sa akin at nagkasalubong pa ang kilay sanhi para mas lalong sumuplado ang kanyang mukha. Umiling iling siya sa akin.
“You got… a bad taste… Ate,” sabi niya, halos nahihirapan sa pagbigkas.
Nanlalaki ang aking mga mata. Humagalpak naman si Ken at nakipag-apir agad sa aking kapatid na nauto niya.
Dinampot ko iyong table knife kaso kasabay rin noon ay natanaw ko na ang waiter dala dala ang aming pagkain. Sinamaan ko ng tingin si Ken.
“Bwesit ka. Anong pinagtuturo mo sa kapatid ko?” Mariin kong sabi.
“Some facts…” sabay kindat ng hinayupak.
Facts my ass.
Isinerve na iyong pagkain. Hindi ko alam kung ilang dishes iyon at may side dishes pa.
“Purket naka 10k sa isang gabi…” sabi ko at inangatan siya ng kilay.
“Hayaan mo, sa Sabado magpa-part time job ulit ako sa Restaurant ng boss mo nang may pangdate ako sa’yo.” Ngumisi siya habang nilalagyan ng pagkain iyong plato ni Lucas.
Ginaya ko ang kibot ng kanyang bibig at umirap.
“Arte mo.” Humalakhak siya at nilagyan din ng pagkain ang aking plato.
Di ako pamilyar sa mga nakaserve. First time kong makakita ng mga ganitong platings at klaseng pagkain.
Namalayan ko nalang na marami na pala siyang nalagay sa aking pagkain.
“Tama na!” pigil ko sa kanyang pulso.
“Kumain ka ng marami. Ang payat payat mo. Pag dinaganan kita…” Nanunuya niyang sabi kaya sinamaan ko agad ng tingin.
“Papayag ba akong daganan mo ako?”
“Edi hindi. Ayaw mo bang bottom ka? Gusto mo sa taas? It’s okay… Di ka naman mabigat so…” Ngising pilyo na naman siya kaya sa aking panggigigil ay gusto ko na talaga siyang saksakin noong table knife.
Tumatawa siyang hinawakan ang aking pulso para pigilan ako. Wala man lang gaanong effort iyon dahil kahit si Lucas na nakaupo sa isa niyang hita ay di naaapektuhan sa amin. Sumusubo lamang siya ng pagkain at hindi nadidisturbo.
Kumain rin naman ako ng mahinahon lalo na’t pinagtitinginan na pala kami ng ibang costumer dahil sa kawalanghiyaan nitong si Ken. Ang hilig mang-asar! Ipinaglihi ata ito kay Satanas eh. Napakapilyo!
Isinerve ulit iyong dessert. Kitang kita ko ang paglaki ng mga mata ni Lucas at pumalakpak agad. Kahit si Ken ay ginaya rin ang kanyang boses.
“Yehey…” sabay nilang sabi kaya napanguso ako at nagpigil na matawa. He looks childish pero dahil sa tuwa ni Lucas ay natawa narin ako.
Kinuha ko iyong table knife at isang tinidor para hiwain ang cake. Sandaling nalusaw ang aking puso at hindi mabura ang aking ngiti dahil alam kong gustong gusto ito ng aking kapatid. Siguro ay nag-usap silang dalawa roon sa loob ng kotse at pinagtatanong niya si Lucas. Himala nga at napapasalita niya kahit unang beses palang nila itong pagkikita. Lucas is comfortable with him…
Narinig kong may nagclick. Umahon ang aking mga mata para tingnan iyon kaso may mabilis ring ibinaba si Ken at tumikhim. Pinicturan ba ako ng unggoy na ’to?
Busog na busog ako. Si Kin naman ay nakatuon na ang buong atensyon kay Lucas at sinubuan niya ng cake. Ilang minuto ko siyang tinitigan habang nangingislap ang kanyang mga mata at tumatawa pa minsan. Ngayon lang ata ako natuwa sa kanya, iyong interaksyon niya sa aking kapatid… Mahilig siya sa bata?
Nahuli niya akong nakatingin sa kanila at nakangiti. Ngumisi siya agad at tila may pinupunto na naman kaya nabura agad ang aking ngiti.
“Bagay ba?” tanong niya.
“Ang alin?” Nagkasalubong ang aking kilay.
“Ako, maging ama… sa mga anak mo,” at sabay kindat.
Umirap ako. Tumawa siya at ibinalik ang buong atensyon kay Lucas na may icing pa sa gilid ng kanyang pisngi. Pinunasan iyon ni Ken at isinubo rin naman sa kanya. Ngumuso ako para di na muling mapangiti dahil hihiritan niya na naman ako ng kung ano-ano.
Maybe he’ll be a good father… Lumaki kami ni Lucas na hindi masyadong naaalagaan ng ama. Namulat ako na sinasaktan lamang ni Papa si Mama. Ako palagi ang nag-aalaga kay Lucas lalo na’t minsan ay nalalasing si Papa at baka ay ano pa ang magawa niya sa kapatid ko. Kaya siguro komportable si Lucas sa kanya dahil iyon ang hinahanap ng lalake kong kapatid. Nangungulila siya at hindi naranasan ang ganitong pag-aalaga sa isang ama.
Hindi alam ni Ken ang background ng aking buhay. Ang kanyang ipinapakita sa aking kapatid ay kusang-loob hindi dahil naaawa siya rito kundi dahil ganoon talaga siya. Kahit papaano ay may nagustuhan ako sa katangian niya. Okay naman pala ’to eh. Malandi lang talaga.
“Saan na tayo pupunta?” tanong ni Ken habang hinahawakan ang mga hita ni Lucas na nakasakay sa kanyang balikat at nakahawak naman ang aking kapatid sa kanyang buhok.
“Uuwi na kami ’no.” Umirap ako.
Hindi niya ako pinakinggan at tiningala ang aking kapatid.
“Gusto mong maglaro, Lucas?”
Tumango naman agad ang aking kapatid. Gusto ko sanang umapila kaso minsan lang magsaya si Lucas. Ayaw ko namang ipagkait iyon sa kanya dahil lang masyado akong kj. At isa pa, nag-eenjoy siyang kasama si Ken.
Sumunod nalang ako sa dalawa. May malapit din kasing park kaya dumeritso sila doon. Umupo lamang ako sa bench at pinanood sila roon sa may playground. Kinarga ni Ken si Lucas at inilagay roon sa tuktok ng slide ng bahay saka siya tumakbo para abangan ito sa dulo.
Tumawa ang aking kapatid at tumakbo roon sa swing. Kinarga siyang muli ni Ken at ipinasakay roon saka niya tinulak tulak. Kamuntik pang malaglag ang aking kapatid kaso nasalo niya rin naman agad at sabay silang nagtawanan.
Halos inisa isa nila iyong mga playground. Minsan ay kinakarga niya pa si Lucas at pinapaupo sa kanyang balikat saka siya tatakbo sanhi para humagalpak ng tawa ang aking kapatid. Ngayon naman ay naghahabulan na ang dalawa roon. Natawa ako nang nagawa pang magslowmo ni Ken para kunwari ay hindi niya maabutan si Lucas.
Nahuli niya ito kaya yumuko siya at may ibinulong sa aking kapatid. Lumingon si Lucas sa aking gawi saka siya tumakbo. Ano na naman kaya ang iniutos niya?
“Play, ate!” sigaw ni Lucas sa akin at hinila na ang aking kamay.
Tumawa ako at nagpatangay kay Lucas. Nakapameywang naman si Ken at hindi rin nabubura ang ngiti sa labi habang pinapanood kaming dalawa.
Dinala niya ako roon sa itaas ng slide. Kinarga ko siya at iniakyat doon sa bahay saka rin ako sumunod lalo na’t sinisenyasan niya akong sumama sa kanya.
Umupo na kaming dalawa roon habang si Lucas ay ipinaupo ko sa aking mga hita dahil baka mabosohan pa ako ni Ken na naroon na sa ibaba at hinihintay kami.
“Ready?!” tanong ko kay Lucas na tumango at sumigaw rin.
“Ready!”
Sabay naming itinaas ni Lucas ang aming mga kamay at nagawa pa naming sumigaw nang dumaosdos na nga kami pababa. Inabangan rin naman agad kami ni Ken. Noong nasa dulo na ay kinuha niya agad si Lucas at inangat sa ere kaya tumawa lalo ang aking kapatid. Tumayo ako at tumawa rin. Binalingan ako ni Ken habang may pagkamangha sa kanyang mukha.
Nang mapagod din kaming tatlo kakalaro ay naisipan ni Ken na bumili noong ice cream na nasa gilid lamang. Umupo kaming tatlo sa bench maliban kay Lucas na nakaupo parin sa kanyang hita at dinidilaan iyong chocolate ice cream niya.
Papalubog na ang araw. Nakikita ko na sa malayong parte ang unti-unting pagsibol ng mga kulay ng langit. May lumalabas nang kulay orange roon at humahalo sa medyo dilaw na langit. Humampas ang malamig at preskong hangin. Sumabog ang aking buhok kaya isinabit ko iyon sa gilid ng aking tenga habang dinidilaan ko iyong ice cream.
“Nag-enjoy ka?” tanong ni Ken sa akin, ang tingin ay nasa akin.
Tumango ako. “Oo naman… Pag nag-eenjoy si Lucas, nag-eenjoy rin ako.”
“So… You didn’t regret dating me instead?”
Binalingan ko siya. Nasinagan ng kaonti ang kanyang mukha dahil sa mala dilaw na kulay ng kalangitan sanhi para tumingkad siya, halos lumiliwanag na ang bawat parte ng kanyang mukha at mas lalong naging malinaw sa aking mga mata. He’s glowing…
Sa unang pagkakataon ay namangha ako sa kanyang mukha. Mula sa well-defined na panga, sa natural na mamula-mulang labi, sa matangos na ilong… ni isa ay wala kang makikitang kapintasan doon. Idagdag pa ang mga matang napakahayop kung makatitig at ang ngising pamatay, saka iyong dalawang earring na kumikinang dahil natatamaan narin ng liwanag. Mala Adonis na ata ang isang ’to.
“Hindi ito date,” paglilinaw ko sa klarong boses at nag-iwas rin ng tingin sa kanya lalo na’t nanunuya na ang aking lalamunan kakatitig.
Kinagat niya ang kanyang labi at pinipigilan ang ngisi. Hinawakan niya ang aking pulso at biglang itinapat ang aking ice cream sa kanyang bibig saka niya iyon dinilaan.
Nanlalaki ang aking mga mata at inagaw iyon. Sinapak ko ang kanyang braso sa sobra kong yamot.
“Akin ’to! Ba’t mo dinilaan?!” inis kong sabi.
Humagalpak siya at dinilaan iyong ice cream sa gilid ng kanyang labi.
“Dahil mukhang masarap,” aniya sa nanunuyang boses.
Sinapak kong muli ang kanyang braso. Mas lalo siyang humagalpak. Ang bwesit na ito! Puro nalang talaga kalokohan ang alam!
“Loko-loko!”
“You can lick mine, too, Aioni…” saka niya inilahad sa akin iyong ice cream niya.
Sinamaan ko siya ng tingin at kulang nalang ay pumasok na ang aking mga mata kakairap nang hindi ko mabilang kung ilang beses na.
Iyong mga napapadaan ay napapatingin na sa amin. Meron pang nagbubulungbulungan at meron namang rinig na rinig ko ang pinagsasabi.
“Mga kabataan talaga, ang rurupok sa pag-ibig!”
“Halatang minor de edad pa iyong babae pero may anak na ata. Kay aga aga naman bumigay!”
“Syempre ang gwapo rin naman kasi noong boyfriend niya. Iyong anak nilang lalake halatang nagmana sa Daddy. Gwapo!”
Napangiwi ako sa aking mga narinig. Napaghahalataan ata kaming mag-asawa ni Ken at anak namin itong si Lucas. Hindi ata iyon pinapansin ni Ken at ako lamang ang nagbibigdeal lalo na’t ngayon naman ay nakikipag-usap na siya kay Lucas habang nakangiti.
Kumagat narin ang dilim. Nakatulog si Lucas sa likod ng kotse at napagod ata kakalaro kanina. Kahit ako, hindi narin namalayan ang oras dahil sa bwesit na ito at kapwa kami iningganyo ni Lucas.
“Makikipagdate ka pa ulit sa boss mo?” tanong niya sa akin habang nakasentro ang mga mata sa daan.
“Oo naman. Naiintindihan ko na busy siya. Ganoon kasi talaga ang mga successful, busy,” sabi ko.
Umangat ang kanyang kilay at tila hindi kumbinsido sa aking sagot.
“Kahit hindi ka priority? Tanggap mo iyon?”
“Oo nga! H’wag mo ngang guluhin ang isipan ko!”
“Masungit iyon. Susungitan ka lang,” sabi niya, hindi pinapakinggan ang aking sinabi.
Gumalaw ako sa aking upuan. Masama ko siyang tiningnan na nasa daan na ang tingin.
“Kaya nga ’di ba tutulungan mo ako. Sabi mo ’di ba… Hindi ako matuturn-off sa kanya kahit sabihin mo pang pangit ang ugali niya. At least gwapo siya, mayaman…”
Binasa niya ang pang-ibabang labi, a bit annoyed.
“You really got a bad taste,” he said huskily.
Malalim na ang kanyang titig sa daan at mukhang naging seryoso na. Lumunok ako at di na makapagsalita. Gusto ko siyang tarayan kaso parang kakaiba na ang timpla ng kanyang mukha na kahit ang pag-irap ay halos hindi ko na magawa.
Bakit ba bigla bigla siyang nananakot? Marunong pala itong maging seryoso?
10th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Aangkinin Din Kita
Pagkauwi ng bahay, binaha agad ako ng katanungan ni Mama lalo na’t kalat na kalat na naman na may gwapo raw akong boyfriend at pumasok pa rito sa bahay para lang sunduin kami ni Lucas. Gumagawa na naman sila ng sarili nilang version at iyon na naman ang paniniwalaan.
“Magsabi kana kasi ng totoo sa akin, Marione. Boyfriend mo na siguro iyong boss mo ’no? Nakakotse raw eh,” sabi niya habang bumubuntot sa akin papasok sa kuwarto lalo na’t nakayakap si Lucas sa akin at mahimbing parin ang tulog.
“Hindi nga, Mama,” inis kong sagot at dahan dahang ibinaba si Lucas sa kama.
“Anong hindi? H’wag kanang magsinungaling. Bakit ba ililihim mo sa akin eh halatang halata na. Ikaw lang ang nakikinabang diyan sa mayaman mong boyfriend…”
Bumusangot ako. Hinila ko iyong kumot para kumutan si Lucas. Si Mama naman ay naninimbang ang tingin sa akin at hinihintay ang aking sagot.
Hinarap ko rin ito ng buo. Nagtungo ako sa labas para hindi madisturbo ang pagtulog ni Lucas. Sumunod naman si Mama sa akin, desididong makakuha ng sagot.
Nagtungo ako sa kusina at nagsalin ng tubig. Humarap naman si Mama sa akin at mukhang ayaw na talaga akong tantanan.
“Imposibleng hindi mo iyon boyfriend. Bakit ka pupuntahan dito kung ganoon?” Nagkasalubong na ang kanyang kilay at bakas sa kanyang mukha na tama ang kanyang hinala.
“Kaibigan lang ’yon ng boss ko, Ma. Hindi iyon ang boss ko,” paliwanag ko at halos mafrustrate na.
“Edi mayaman rin dahil may kotse! Edi iyon ang boyfriend mo? Okay parin naman kasi mayaman-
“Ma! Hindi nga! Hindi ko siya boyfriend, hindi iyon mayaman at hindi ko siya type! At hindi sa kanya iyong kotse. Kay Sir iyon,” gigil kong paliwanag at halos pumutok na ang ugat sa aking leeg kakapaliwanag.
“Hay nako!” Umiling siya at hinipo ang noo. “Bakit ba nagsisinungaling ka?” Madrama siyang sumandal sa sink at akala mo ay maiiyak na.
“Iyong boss ko ang tipo ko, Ma. Hindi iyon! At huwag ka ngang nagpapaniwala riyan sa mga tsismosa mong group of friends!” Umirap ako at nagsalin muli ng tubig lalo na’t mahahighblood na ata ako.
Uminom ako ng tubig. Si Mama naman ay tila di parin kumbinsido pero mukhang ayaw nang magsalita pa tungkol sa bagay na iyon.
“Iniisip ko naman ang buhay natin, Ma. Hindi ako pupulot ng lalakeng walang pakinabang. Nag-iisip naman ako,” sabi ko pagkatapos ibaba ang baso.
Huminahon ang kanyang mukha at doon lamang kumalma.
“Mabuti iyan, anak… Mamili ka ng mayaman, iyong boss ko nalang… Sige na…”
Hindi na ako umimik pa lalo na’t bigla nalang sumasagi sa aking utak ang seryosong mukha ni Ken kanina, lalo na iyong naroon kami sa park, kung paano nasinagan ang kanyang mukha.
Pinilig ko ang aking ulo at nagpasya ring magpaalam kay Mama para makapagbihis na lalo na’t mukhang nagdedeliryo narin ako.
“Ano?! Hindi ka sinipot ng boss mo?!” Nanlalaki agad ang mga mata ni Eunecia nang makwento ko sa kanya iyong nangyari kahapon.
Nasa canteen kaming dalawa, kakatapos lang noong exam kanina. Medyo mahirap iyong ibang test pero kaya namang sagutan nang hindi nangongopya. Buti nga at sa Friday pa iyong Math dahil alam kong doon talaga bubugbugin ang utak ko.
Tumango ako at sumubo ng pagkain sa aking bibig.
“Sigurado ako niloloko ka lang noong kaibigan noong boss mo. Kunwari iseset-up ka niya ng date sa boss mo pero ang totoo ay siya talaga ang may gustong makipagdate sa’yo,” hula niya.
“Kung iyon man ang plano niya ay panalo parin ako, Eunecia. Parang kusa niyang pinupulot ang inihanda kong bitag para sa kanya. Di ako maghihirap na akitin siya kung ganoon.” Napangisi ako at nalalasahan na ang aking matamis na tagumpay.
Ang kanyang hitsura ay unti-unting kumalma saka siya tumayo at pumalakpak.
“Napakagaling! Ikaw na talaga ang manggagamit… Bibigyan na kita ng korona.” Umupo siyang muli at humilig sa mesa. “Siguro ay owl ka noong past life mo. Ang galing mo kasing kumapit! Social climber na nga gold digger pa!”
“Ganoon talaga ang buhay. Sulitin mo na at dumiskarte kasi walang mapapala iyang pagiging mahiyain. Kung may ganda edi gamitin!” sabi ko.
“Kawawang mga lalake… Nabiktima na Marione.” Umiling-iling siya.
Pilyang ngisi ang lumabas sa aking labi. Kaso nang dumaan sa aking utak iyong mukha ni Ken ay napawi agad ang aking pagdidiwang. Kagabi pa siya namemeste sa aking isip. Ewan ko, pero kahit anong sipa ko, kahit anong hila ko palabas ay naroon parin siya at hindi nabubura.
“Kaso baka sa huli ay wala pala sa’yo ang halakhak ah. Baka ikaw pala iyong nafall at lumagapak,” aniya sa nanunuyang boses.
Imposible akong lumagapak sa kanya.
“Mataas ang standard ko, Necia. Hindi ko siya type. Malabo ang bagay na iyon,” giit ko pa.
“H’wag kang pakasigurado. Iyong Mama mo nga ay Valedictorian naman sana noong high school kaso ang bobo sa pag-ibig. Baka like mother like daughter…”
“Nagpalamon si Mama sa nararamdaman niya kaya siya naaalipin ng pagmamahal pero iba ako. Ako ang nang-aalipin,” sigurado kong sabi.
Tumawa naman siya at sumubo.
“O sige! Sabi mo iyan ha! Pag nahulog ka riyan pugot talaga iyang ulo mo!”
Tumawa ako. Kampante naman ako na mananalo ako rito, na makukuha ko ang premyo ko. I always aim for my goal. Ang hahadlang ay hindi ako magdadalawang isip na sagasaan. 100 thousand! Saan ako pupulot ng ganyan kalaking pera! At least kung pahirapan iyong kay Sir Waytt ay madali lang naman iyong kay Ken. Kusa niyang isinusubo sa akin ang premyo, kusa siyang nahuhulog sa bitag ko.
“Kaso h’wag maging kampante, Marione. Mapanglinlang ang pag-ibig. Walang nananalo pagdating sa bagay na iyon. Lahat bumabagsak. Sa oras na nagmahal ka, delikado na.”
Iyon ang paalala ni Eunecia sa akin. She’s good with words. Minsan ay nagugulat nalang ako sa loka-lokang iyan dahil masyado ring malalalim ang pinagsasabi, palaging may pinupunto. Hindi naman dapat siya mangamba lalo na’t sigurado naman ako sa nararamdaman ko. Kahibangan ang magmahal. Kahibangan ang pumasok sa bagay na iyon. Para kang nangarap ng isang kalangitan kahit ang totoo ay impyerno naman talaga ang iyong kahahantungan.
I learned from my parent’s mistake and I’m not going to repeat it. Hindi ako magpapalinlang sa pag-ibig.
Pumasok akong muli sa trabaho. Pinagpaplanuhan ko pa sa aking utak kung ioopen-up ko ba kay Sir Waytt iyong date sana namin noong linggo. Medyo curious rin kasi ako… At gusto ko ring makumpirma dahil baka pinagloloko lang ako nitong si Ken at ang totoo ay wala naman palang nangyayaring date sa pagitan naming dalawa.
“Dadalhan mo ulit ng kape si Sir?” tanong sa akin ni George nang mamataan akong patungo sa kitchen.
Tumango ako sa kanya, di na nag-abalang tumigil pa kaso nagsalita siyang muli.
“Gusto mo si Sir Waytt ’no?”
Napatigil ako roon. Tumigil ako at nilingon ang seryoso nitong mukha. Nang napagtanto niyang nasa kanya na ang buo kong atensyon ay namumula siyang nag-iwas ng tingin.
“Bakit?” Umangat ang aking kilay.
“W-Wala lang. Napapansin ko kasi sa tuwing nandito si Sir Waytt ay palagi mo siyang dinadalhan ng kape,” aniya sa matabang na boses.
Anong pake niya?
“May mali ba roon?” tanong ko sa medyo inis na boses.
Nagulat siya. Bahagya siyang umiling at di na makatingin sa akin ng deritso.
“Iyon naman pala,” tangi kong sabi at tumalikod din.
May gusto ba iyon sa akin? Selos siya dahil hinahatdan ko si Sir Waytt ng kape? Gusto niya rin bang mahatdan ng kape? Kasi kahit biskwit ay sasamahan ko na at magpapa tong-its narin ako.
“Kape ni Sir?” tanong ni Chef Castro sa akin.
Tumango agad ako at ngumisi.
“Ang sipag sipag mo ah… Baka mapromote ka niyan bigla ah!” pabiro niyang sabi habang hinahanda na iyong kape ni Sir.
Bahagya akong tumawa at sinundan ng tingin ang kanyang kilos.
“Hi, Aioni!” bati naman sa akin noong isang waiter dito.
Ngumiti lamang ako. Sinaway naman agad ito ni Chef Castro.
“Bata pa iyan! Trenta kana!” sigaw niya roon.
“Aray ko naman! Bente palang ako, Chef!” aniya at hipo hipo na ang dibdib.
“Mukha kanang matanda. Tantanan mo si Aioni,” si Chef.
Ngumisi na lamang ako at hinintay iyong kape. Baka pag nahibang ako ay maisipan ko naring bumili noong mga potion na ihahalo lamang sa inumin at maiinlove agad sa’yo iyong iinom! Kaso hindi naman ako ganoon ka desperada dahil baka may side effect pala! What if may malas!
Nagpasalamat ako kay Sir Chef pagkatapos noon. Hinatid ko rin naman iyong pangdalawahang kape. Ibig sabihin, nasa loob rin si Ken.
Kumatok ako saka dahan dahang pinihit ang doorknob lalo na’t dala ko pa iyong tray.
Pagkabukas noon ay tama nga ang hinala ko na naroon din si Ken, nakadekwatro pa at panay ang ngisi dahil sa kanilang topic.
“Magandang gabi po, Sir…” Ngumiti agad ako ng matamis nang mag-angat ng tingin sa akin si Sir Waytt.
Napawi naman ang ngisi ni Ken at kinagat ang pang-ibabang labi.
Inilapag ko iyong muli sa mesa ni Sir Waytt. Nagkasalubong naman ang kanyang kilay habang nakatitig sa akin. Ang gwapo niyang tingnan sa suot niyang long sleeve at may tatak pang Gucci sa parteng dibdib. Nanunuot na naman sa aking ilong ang mamahaling pabango ng future boyfriend ko hindi katulad ni Ken na nakasimpleng puting shirt lamang at malalim na naman ang paninitig sa akin doon sa kinauupuan niyang sofa.
“I thought you’re sick?” tanong ni Sir Waytt sa akin sa baritonong boses.
Napakurap ako. “Po?”
Umangat ang kanyang kilay at walang balak ulitin ang kanyang sagot. Tumikhim naman si Ken.
“Ang kape ko,” singit niya.
Naputol ang topic namin ni Sir Waytt. Kahit nanggigigil ako sa bwesit na epal na ito ay kalmado ko nalang na kinuha iyong tray kung nasaan iyong isang kape at nagtungo sa kanya.
“If you’re sick, you can file a leave for awhile so you can rest,” ani Sir.
Nagningning agad ang aking mga mata roon. Concern siya!
“Wala naman po akong sakit, Sir. At ayoko ring lumiban sa trabaho kasi alam kong makaabala sa ibang empleyado na sasalo sa responsibilidad ko rito,” magalang kong sagot.
Humilig siya sa kanyang upuan at walang gumuhit na kung ano sa kanyang mukha. Hindi man lang ba siya namangha sa sagot ko? Hindi niya ba ramdam iyong ipinaparating kong loyalty sa Restaurant?
“Marami namang empleyado at kung papasok ka at may sakit ka pala ay mas makakabigat ka sa iba dahil mahahawaan mo sila, especially some costumers. That’s what I’m trying to say,” aniya sa seryosong boses.
Lumunok ako at napawi ang inaasahang katiting na liwanag. Bigla nalang iyong nag poof at nabura na ang iniisip kong tsansa sa aming dalawa.
Akala ko pa naman ay concern na sa akin si Sir! Akala ko ay nag-aalala siya kahit slight man lang dahil pumasok ako at may sakit o kung saan niya man iyon nahagilap. Pero shit lang! Mas concern pa pala siya sa iba dahil ayaw niya lang na mahawaan ko ang ilang empleyado at ang mga costumers!
Napansin ko ang pagnguso ni Ken at tila nagpipigil matawa. Namula ako roon at dumaloy ang kahihiyan sa aking mukha. Ang sarap hampasin ng tray!
Wala nang natirang lakas sa akin para manatili sa loob na iyon. Nagpaalam na lamang agad ako dala dala ang pulang pula kong mukha. Nanggigil ako kay Sir. Napakasuplado! Purket ang rami niyang pera, purket siya ang nagpapasweldo sa akin, purket kailangan kong kumabit sa kanya dahil may pangangailangan ako ay gaganonin niya nalang ako! Kung kaya ko lang talagang maghanap ng ibang mayaman, iyong kahit hindi na suplado ay titigilan ko na talaga ang pagpapapansin sa bwesit na iyon!
Lumabas ako saglit sa Restaurant at nanatili roon sa likod para tumambay sa may bandang fountain. Hindi Sabado kaya open space lamang ito at walang masyadong mga mesa.
Nagtungo ako roon sa parang bridge kung saan tanaw na tanaw ang magandang pond sa ilalim noon. Humilig ako sa fence at tiningnan ang mga kumikinang na ilaw. Bumuntong ako ng hininga at naasar na naman sa bwesit kong boss.
Sinipa ko iyong maliit na bato sanhi para malaglag iyon sa pond. Biglang may sumita sa akin kaya halos mapatalon ako sa gulat.
Mabilis akong napatingin sa likuran at nakita ang isa pang nambubwesit sa akin. Sinamaan ko agad ito ng tingin.
“Anong ginagawa mo rito?!”
Humalakhak siya. “Ang init na naman ng ulo mo, purket napagalitan ka lang…”
Umirap ako sa kanya at itinuong muli ang tingin sa harap. Nakakainis talaga! Ang hirap magpapansin sa taong ayaw naman sa’yo. Kung ako lang ang masusunod at wala akong mapapala, di ko siya pag-aaksayahan ng oras. Kung di niya ako gusto, di ko rin siya gusto kaso hindi eh… May kailangan ako.
Ginaya ni Ken ang aking pwesto at humilig rin sa fence na aking hinihiligan, iyon nga lang ay nasa opposite siya nakaharap. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang kanyang pagsuklay sa kanyang buhok.
“Tigilan mo na kasi ang pagpapansin doon,” aniya.
“Pake mo? At may deal tayo! Tumupad ka!”
“I’m just suggesting.”
“Gusto ko ilakad mo ako kay Sir Waytt,” desperada kong sabi.
Nilingon niya ako. “Di ka parin susuko?”
“Hindi ’no!”
Tumingala siya. Bumalandra sa akin ang half profile niya. Kuminang na naman ang dalawa nitong earrings dahil sa liwanag dito.
Kinagat ko ang aking labi at hindi na naman maalis ang aking mga mata sa kanya. Namamagnet na naman ako. Masyado na naman siyang malapit kaya malinaw kong nakikita iyang hitsura niya.
“Huli na iyon, Aioni. I wont let you date him,” seryoso niyang sabi habang nasa kalangitan parin ang mga mata.
Umihip ang malamig na hangin. Napaawang ang aking labi dahil sa kanyang binitiwan. Di niya na ako tutulungan?
“Ano, paaasahin mo ako? Deal natin iyon ah!” inis ko siyang tiningnan.
“Papayag lang ulit ako…” Binalingan niya ako. Ngumisi siya. “But in one condition.”
Lumunok ako roon. Nangingislap ang kanyang mga mata at may ipinaparating na ang titig na iyon.
“Ano?”
Umalis siya sa pagkakahilig sa tent. Biglang kumalabog ang aking puso sa kanyang galaw. Sinundan ko siya ng tingin. Humarap siya sa akin at nagulat nalang ako nang bigla niya akong pinihit paharap.
“I want you…” Itinukod niya ang isang kamay sa kabila na ikinalingon ko roon. Iyon rin ang ginawa niya sa kabila hanggang sa tuluyan niya na akong makulong sa kanyang mga bisig.
Sinamaan ko siya ng tingin at gusto itong itulak kaso hindi ko magawa. Yumuko siya at inilebel ang mga mata sa akin. Binasa niya ang pang-ibabang labi saka ngumisi.
“To date me,” dugtong niya roon sa nauna niyang sinabi.
Nagulat agad ako. Naiisip ko palang na idadate ko siya ay gusto ko na agad siyang patayin.
“Ano?! Ayoko nga!” Itinulak ko siya kaso sinalo niya lamang ang aking pulso.
Tumawa siya at ibinaba iyon.
“Hindi na pwedeng libre, Aioni. Kung gusto mong ilakad kita ay susundin mo rin dapat ang gusto ko. Hindi naman pwedeng ikaw lang ang palaging nasusunod?” sabi niya sa malalim na boses.
Itinulak ko siyang muli kaso masyado siyang matigas, ang kanyang dibdib ay parang bato, ang kanyang kabuuan, na hindi ko man lang ito magawang pagalawin sa kanyang kinatatayuan.
“Kung ayaw mong makipagdate sa akin, pwes bawal ka ring makipagdate sa iba,” bigkas niya sa seryoso at siguradong boses.
Lumunok ako roon. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba ito o ano pero parang pinulupot ang aking mga lamangloob sa aking tiyan dahil sa binitiwang salita.
Heto na naman ang kanyang tingin, ang sobrang lalim niyang paninitig na akala mo ay gusto niya nang masilip ang aking iniisip.
Kinagat ko ang aking labi. Nakita ko kung paano nalaglag ang kanyang mga mata roon, ang nakahalf-open niyang mga labi ay nangingintab dahil sa kakabasa niya.
“Fine. Deal,” sabi ko.
“Anong deal? Di kana makikipagdate sa iba?” pangungumpirma niya.
Nasira agad ang aking ekspresyon. Bwesit talaga!
“Payag na akong makipagdate sa’yo.”
Huminahon ang kanyang mukha.
“Seryoso?”
“Di mo ba narinig?” Umirap agad ako.
Ngumuso siya.
“Umalis ka nga!” Hinawi ko siya sa aking harapan hanggang sa kusa rin naman akong nakawala.
Humalakhak ang loko-loko at bumalik sa kanyang pwesto. Tumalikod akong muli at humilig sa fence saka pinanood ang ilaw sa fountain.
Napagtanto kong may benefits rin naman ako sa pagpayag kong makipagdate sa kanya dahil sa isa pang deal na nagawa ko roon sa hulog ng langit na lalake. Palagi kong nakakalimutang kailangan ko rin palang landiin ang hinayupak na ito. Sa tuwing nagkikita kasi kami ay nahahighblood agad ako. Nabubwesit agad ako at parang ang sarap niya nalang saktan sa sobrang gigil.
“Wala nang bawian. Pumayag kanang makipagdate sa akin,” sabi niya at kagaya ko narin na nakaharap sa fountain.
Sinamaan ko siya ng tingin sa aking tabi.
“Oo na. Isang date lang. Pagkatapos noon wala na.”
Tumango siya at hindi parin nabubura ang ngisi. Para siyang first time na may ididate na babae kaya makikita mo ang excitement sa kanyang mga mata.
“I want a real date, Aioni. Gusto ko iyong tayo lang dalawa.”
May balak ba ito sa akin?
“Susuntukin talaga kita kung may masama kang balak! Basag talaga iyang gwapong mukha mo!”
Humahakhak siya. “Si nagugwapuhan ka sa akin?”
Napaawang ang aking bibig at doon lamang napagtanto ang nasabi ko kanina. Huh?!
“Hindi ’no!”
“You just said it. Memorize ko ang bawat sinasabi mo, Aioni. Lahat ng pagtataray mo nakalista sa utak ko. Ngayon mo lang ako sinabihang gwapo ako. So gwapo pala talaga ako?” Tumagilid ang kanyang ulo at dinungaw pa ang aking ekspresyon lalo na’t iniiwas ko na ang aking tingin sa kanya.
“Pag di ka titigil sasampalin talaga kita!” banta ko lalo na’t namumula na ang aking pisngi.
Imbes matakot ito ay nagawa pang humalakhak.
“Sanay na ako sa pagtataray mo. Wala bang bago? Ayaw mo bang halikan ako?”
Nalaglag ang aking panga. Mabilis kong hinampas ang kanyang braso ng paulit-ulit. Tumawa siya at hinayaan ako.
“Nagsusuggest lang ako, Aioni. Baka lang naman pagod kana sa pagtataray. Pwede kang magpahinga roon at halik muna ang ipalit-”
Natigil siya kakasalita lalo na’t pinitik ko ang kanyang labi. Ngumuso siya.
“Tumahimik kana! Manyak! Fuckboy!” sigaw ko.
“Kung maka bintang kang fuckboy sa akin.”
“At bakit hindi? Akala mo ba di ko nakakalimutan iyong make-out niyo noong costumer sa cr? Nilaplap mo siya!” Tinuro ko ang kanyang mukha.
Hinawakan niya ang aking hintuturong daliri at ibinaba. Binawi ko naman agad iyon sa kanya.
“Matagal na ’yon ah? So you’re thinking about it. Curious ka?” tanong niya sa nanunuyang boses.
Gosh! Iba talaga! Grabe ang confidence nito! Nag-uumapaw talaga sa kaharutan! Feeling niya katulad ako ng ibang babae riyan na napupulot niya at pinapatulan siya na katulad niyang pataygutom sa pagnanasa!
“Eh kung lunurin kita?” Tinaasan ko siya ng kilay.
Bahagya siyang lumapit at pilyong ngumisi. Hindi ako umatras at ipinakita sa kanyang hindi ako takot. Mas lalo lamang siyang ngumisi.
“H’wag na h’wag kang magpapahalik sa akin dahil ipinapangako ko sa’yo… pag naangkin ko ang labi mo aangkinin din kita ng buong buo.”
11th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Playful Eyes
“Hoy tulala ka!” Ang biglaang pagpalo ng ballpen ni Eunecia sa aking ulo ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.
“Ano? Masyado na bang sinakop ng exam ang utak mo kaya ganyan ka ka tulala o may ibang dahilan pa iyan?”
Pinilig ko ang aking ulo at iginala ang tingin sa field. Naalala ko, nandito kami para magpahangin sa ilalim ng malaking lilim ng puno. Kakatapos lang ng panghuli naming exam kanina, iyong Math, at sa totoo lang ay nakipagsagupaan talaga ako ng husto roon para lang makakuha ng malaking marka. May mga tanong na di ko alam na masasali pala sa roon at meron rin namang napag-aralan ko.
Pero hindi iyon ang nagpapatulala sa akin kundi iyong binitiwang salita sa akin ni Ken. Alam ko namang parte lamang iyon ng kanyang kamanyakan pero ang di ko lubos maisip ay kung bakit masyado ko iyong iniisip.
Paano ba siya humalik ng babae? Bakit nababaliw sila sa kanya? Ganoon ba siya ka expert sa bagay na iyon?
Gaga ka, Marione! Ano ba iyang pinag-iisip mo!
Bumusangot ako at pinanggigilang bunutin iyong mga damo sa aking gilid. Ang mga mata naman ni Eunecia ay kulang nalang lumuwa dahil hindi ko man lang ito sinagot.
“Naalog ba ng Math ang utak mo?” sabay angat ulit noong hawak niyang ballpen at akmang ipapalo sa aking ulo.
“May iniisip lang ako. Nanggigigil lang ako sa sinabi ni Ken sa akin noong nakaraang araw.” Umirap agad ako at mas lalo lamang lumala ang aking busangot dahil sa imahe niyang nakangisi ng pilyo sa aking isipan.
Kumurap siya hanggang sa unti-unting huminahon ang ekspresyon at namuo na ang mapanghinala niyang ngisi.
“Ayan na nga ba ang sinasabi ko…” Umiling-iling siya na akala mo ay tama ang kanyang iniisip. “Tama nga ako na sa kanya ang bagsak mo.”
Nalaglag ang aking panga at sa kanya itinapon iyong mga damong nabunot ko. Umilag siya pero may iilan paring damo na napunta sa kanyang buhok.
“Alam mo bang the more you hate, the more you love?” Umilag siyang muli nang tinapunan ko ulit siya ng mga nabunot kong damo.
“Hindi iyan totoo-”
“Sa tagalog pa, the more na hindi mo siya gusto, the more na magugustuhan mo siya.” At ngumisi siya ng matagumpay sa akin.
Sinamaan ko ng tingin ang aking kaibigan. Ilang taon na ba kaming magkasama? Ni minsan ay hindi pa ako nahuhulog sa isang tao lalo na kung malayong malayo naman sa standard ko. Si Ken ay ang lalakeng imposibleng magugustuhan ko. Nasa kanya lahat ng ayaw ko sa lalake. Ayoko sa mga kagaya niyang gago, paasa, playboy at fuckboy. Kompleto siya sa mga katangiang dapat iniiwasan nang hindi masaktan.
Once a playboy, always a playboy. Kawawa ang babaeng mabibiktima niya dahil sila iyong mga tipo ng taong di nagseseryoso. Siguro marunong pero hindi lang sa isa kundi sa marami. At ayokong mapasubo sa ganoong klaseng pag-ibig!
Gusto ko pa sanang ipagtanggol ang sarili ko sa mga paratang ni Eunecia sa akin kaso naramdaman ko nalang ang pagvibrate ng aking cellphone.
Kumunot ang aking noo at dinukot iyon sa aking bulsa. Marahil ay si Mama ito at may emergency sa bahay? Ang sabi ko kasi, tumawag sa akin pag may nangyari roon. O baka naman si Aling Guring? Wala na akong iba pang maisip na mga tao na tatawag sa akin sa ganitong oras kung hindi sila lang.
Tiningnan ko ang number sa screen. Ganoon nalang ang pagbusangot ko nang mapagtanto kung kanino ang unknown number na iyon na hindi ko parin nasisave.
“Sino iyang tumatawag?!” Gumapang agad si Neciang papalapit sa akin. “Iyan iyung friend ng boss mo ’no?! Si Ken yan?!” Tumili na siya.
Tinulak ko siya paalis sa aking tabi kaso nagpumilit parin siyang sumilip sa screen.
“Sagutin mo!” Akma niya pang pipindutin iyong answer button kaya itinaas ko na agad ang aking kamay.
“H’wag ka ngang magulo! Mangdidisturbo lang ito!”
“Paanong mangdedisturbo eh wala naman tayong ginagawa! Kakatapos lang ng exam!” aniya at hindi natatanggal ang mga mata roon.
Namatay ang tawag. Kumurap ako at medyo nahimasmasan sa inis habang si Eunecia naman ay hindi parin umaalis sa aking tabi at panay parin ang pagsilip doon sa screen.
“Pustahan tayo tatawag ulit iyan!” Tinuro niya iyon.
Umiling ako at ibinalik sa aking bulsa ang cellphone.
“Tatawag ulit siya! Pag tumawag siya ulit sigurado akong may gusto talaga siya sa’yo!”
Hindi ko talaga maintidihan iyang panunulak niya sa akin kay Ken. Ni hindi niya nga ito nakita sa personal, at ang palagi ko lang naman sanang binibida sa kanya ay si Sir Wayt.
“Grabe ka naman sa pangit! Si Jeric medyo mahitsura naman pero pinangalanan mong engkanto! Hindi talaga ako kumbinsido na pangit iyang si Ken pag di ko pa nakikita!” aniya noong siniraan ko mula ulo hanggang paa sa kanya si Ken.
Ewan ko kung anong klase ang kanyang mga mata at palaging hindi kami nagkakatugma. Si Jeric, iyong mukhang engkantong panay rin ang pagpaparamdam sa akin, ay di ko talaga makitaan ng kagwapuhan. Iba-iba talaga ang taste ng mga babae.
Tumayo ako at pinagpag ang aking suot na uniporme. Tiningala ako ni Eunecia.
“Oh, saan ka pupunta?”
“Cr. Iihi,” sagot ko.
“Daan kana rin sa Canteen. Bili ka ng makakain,” sabi niya at naglahad ng pera sa akin.
Tumango ako at hindi na nagreklamo pa lalo na’t nawawala narin sa kanyang utak iyong tawag. Nakakadalawang hakbang palang ako ay naramdaman ko ulit ang pagvibrate ng aking cellphone. Mabilis na bumusangot ang aking mukha at nilingon si Eunecia na nakasandal na roon sa puno habang tinitingala ang mga dahong nahuhulog.
Binilisan ko ang paglalakad para makalayo sa aking tsismosang kaibigan. Pag nalaman niyang tumawag muli si Ken ay lalala lamang iyang mga paratang niya sa akin! At ano bang tinatawag tawag ng abnoy na ito?
Dinukot kong muli ang aking cellphone at sinagot iyon habang naglalakad ako patungong CR.
“Ano?” inis kong tanong sa kabilang linya.
Narinig ko agad ang kanyang mahinang halakhak.
“Ba’t galit kana agad?” tanong niya, halos pabulong lang na kahit ang loob ng aking tainga ay nakikiliti roon.
Umirap ako.
“Kasi disturbo ka!” inis kong bulyaw.
“Oh… May klase ka?”
“Kakatapos lang ng exam namin,” sagot ko at hindi na maibalik sa dati ang kilay kong nagkakasalubong ng husto.
“Hmm… And how was it? Nakasagot ka naman?”
Mas lalo lamang akong bumusangot. Naaalala ko bigla iyong pagrereview ko kagabi at sumisingit pa ang walanghiya niyang mukha. Ayokong sabihin iyon sa kanya dahil baka lalaki ang kanyang ulo at kung ano pa ang ibintang sa akin. Wala naman akong gusto sa kanya. At hindi ko rin naman siya iniisip! Siya itong bwesit na sumisingit sa mga pinag-iisip ko! Siya itong sinisiksik ang sarili niya sa loob ng utak ko.
“Oo,” padabog kong pagkakasagot.
“Last exam niyo na?” he asked curiously.
Umawang ang aking bibig at sasagot na sana nang makasalubong ko pa ang mga alagad nitong si Jeric!
“Uy, Marione! Ang ganda natin ah!”
“Hi Marione!”
“Libre ka namin, tara!”
Ang mga bwesit na kutong lupa na ito. Umirap ako sa kanilang apat at lumiko sa aking daanan. Nagsinghapan naman sila at nagtawanan.
“Mas lalo ka talagang gumaganda pag nagtararay ka!” sigaw pa ng kung sino.
Ano bang ikinalat na virus ni Jeric sa mga kalalakihan dito at binubwesit nila akong lahat? Di ko alam kung gusto ba talaga nila ako o naaaliw lang sila sa pang-aasar sa akin dahil mabilis akong nagtataray.
“Marami ka palang admirers diyan?” tanong ni Ken sa kabilang linya na halos nakalimutan ko na kanina.
“Oo, marami akong fans,” mayabang kong bigkas at lumiko.
“Tinatarayan mo lahat ng lalake?”
“Oo. Lahat kayo,” sabi ko.
Tuluyan akong pumasok sa CR. May dalawang babae roon sa harap ng salamin at naghahagikhikan pa. Noong mapansin nila ako ay nakita ko kung paano sikuhin noong isa ang kasama niya sanhi para tingnan rin ako nito sa salamin.
Humalukipkip ako sa gilid lalo na’t may sinasabi na itong si Ken.
“H’wag kang masyadong magtaray sa kanila.”
“Bakit? Eh gusto ko.”
Bumuntong siya ng hininga roon. Wala ba itong klase? Ba’t siya tumatawag? Ano bang pakay nito?
“Tara Audrey. Medyo hindi ko na gusto ang amoy ng loob ng CR,” sabi noong may katamtamang haba ng buhok at hinigit iyong kasama niyang babae.
Sinulyapan ko sila. Umirap iyong isa sa akin na akala mo ay iritang irita sa aking presensya. Hindi na bago sa akin ang mga ganito, iyong mga babaeng bigla bigla nalang nagagalit sa akin kahit di ko naman kilala. Ewan ko ba sa eskwelahang ito… Ewan ko talaga sa mga tao!
“Kumain kana?” tanong ni Ken.
“Tigilan mo nga ako. At bakit ka ba tumatawag tawag?” Naglakad ako patungo sa harap ng salamin.
“Bakit mo sinagot?” Mahina siyang tumawa roon at nakakakiliti na naman iyon sa tainga.
Umawang ang aking bibig pero nang mapagtanto ko ang kanyang tanong ay natutop rin iyon. Bakit ko nga ba sinagot kung alam kong mambubwesit lang ito sa akin.
“Dahil akala ko may maganda kang balita!” Tiningnan ko ng masama ang aking sarili sa salamin at nakita ko ang inis doon.
“Kinukumbinsi ko pa. Eh si Lucas, kumusta? Hinanap ba ako?” Pag-iiba niya agad ng topic.
Oo nga pala, kaninang umaga ay nabanggit siya ulit ni Lucas. Hinahanap na naman siya ng kapatid ko simula noong nagkakilala silang dalawa. Di ko alam kung anong ginawa niya at mabilis na naattach sa kanya ang kapatid ko. Baka paglaki ni Lucas tinaguriang playboy narin dahil sa kakadikit kay Ken.
“Ba’t ka naman niya hahanapin?” Inayos ko ang aking buhok sa harap ng salamin.
“Pupunta ulit ako sa Linggo,” sabi niya.
Tuwing uuwi ako ng bahay ay tulog narin naman si Lucas kaya di ko nasasabi sa kanya iyong sinabi ni Ken. Kahit naiinis ako sa presensya niya, kung natutuwa naman ang kapatid ko ay wala rin akong magagawa kundi hayaan siyang pumunta rito. Kung ako lang ang masusunod, di ko na hahayaang pumunta siyang muli rito dahil pinagt-tsismisan na kami ng mga kapitbahay at pinagbibintangan na akong boyfriend ko raw ito. Nakabingwit na raw ako ng mayaman. Ang dami talagang alam ng mga kapitbahay pagdating sa aking buhay.
Nagpatuloy sa pagkanta si Ken noong sumapit muli ang Sabado. Wala nang tinatanggap na mga banda si Sir Wayt dahil siya na ata ang ipinalit.
“May girlfriend ka ba?” tanong ng costumer at isinigaw talaga iyon habang nasa stage si Ken at nakaupo sa stool suot ang puting polo, maong na pantalon at itim na sapatos.
“Depende kung sasagutin mo ako,” sabay kindat niya roon sa babae.
Nagsitilian na naman ang mga costumer. Nailing nalang ako habang naglilinis noong mga pinagkainan ng iba. Nakakapagtaka nga at wala siyang girlfriend eh masyado siyang babaero. Landi landi lang, ganoon?
Kaya noong nagpasya ulit siyang ihatid ako pauwi ay hindi na ako umangal pa.
“Bakit wala kang girlfriend?” tanong ko habang nagmamaneho ito.
Sinulyapan niya ako saglit pero ibinalik rin sa daan. Medyo magulo ang kanyang buhok at bukas pa ang dalawang botones ng suot niyang polo. Kapansin-pansin na naman ang mga ugat sa kanyang braso lalo na’t nakarolyo pataas ang mga sleeves noon.
“Mas mabuting wala akong sabit para di ka magselos,” aniya sabay ngisi sa akin.
Umirap agad ako. “Ba’t ako magseselos eh pakialam ko riyan sa mga babaeng nilalandi mo?”
Tumawa siya roon at bahagyang sinuklay paatras ang kanyang buhok na gumulo lang lalo.
“Bakit nga,” inis kong tanong muli nang hindi ako makakuha ng maayos na sagot.
Nagkibit siya, ayaw iyong sagutin.
“Pero nagkagirlfriend kana?”
Dahan-dahan niya akong sinulyapan. Nang makita niyang seryoso ang aking mukha ay binasa niya lang ang kanyang pang-ibabang labi at ibinalik ang tingin sa kalsada, tila nafufrustrate sa mga simple kong tanong.
“Kailangan ko ba talagang sagutin ’yan?” Hinaplos niya ang naningintab na mga earrings sa isang tainga niya.
Tumitig ako roon saka ako tumango.
“I don’t date strangers, Ken.”
Nagloosen ang kanyang balikat. Binalingan niya akong muli.
“Kung tingin mo ay playboy na ako, mas playboy ang boss mo, Aioni. Marami na siyang naging girlfriend. Ako, ni isa, wala pa,” pag-amin niya na ikinakurap ko.
Ni isa? Di pa siya nagkakagirlfriend ni isa? So he’s really a pure fuckboy? Buti pa si Sir Wayt ginigirlfriend niya ang isang babae eh siya? Ano iyon, landi landi lang pero wala naman kayong label sa isa’t isa?
“Mas playboy ka. Di mo nilalagyan ng label para mabilis mong mapalitan at wala silang karapatan na magselos. Mas playboy ka dahil di ka nagpapatali,” direkta kong sabi na ipinatili ng kanyang tingin sa daanan.
Hindi na ako nagulat sa nalaman kong iyon. Uso naman talaga iyon sa mga playboy. They’re scared to commit. Takot silang matali sa babae dahil ibig sabihin lang noon ay hindi na sila pwedeng tumikim sa iba pa. Hindi sila nakokontento sa isang putahi. Ganoon sila kapatay gutom na kahit may nakahain nang ulam ay naghahanap parin ng iba.
“Ayoko talaga sa mga babaero.”
Iyon ang huli kong sinabi sa gabing iyon. Hindi ko narin nausisa pa ang sagot ni Ken lalo na’t dumating narin kami sa bahay.
Linggo. Pagkagising ko ay wala na naman si Mama at tanging si Lucas itong nadatnan ko sa sala at nagwawalis na naman ng isang kapirasong kalat na hinahabol habol niya pa lalo na’t hinahangin iyon ng kanyang pagwawalis.
“Good morning, Lucas!” Yumuko ako para makapantay ito at hinalikan ang kanyang pisngi kaso ang suplado kong kapatid ay nagawa pang punasan ang kanyang pisngi.
Tumakbo siya at hinabol muli noong walis niyang dala ang wrapper. Sa kanyang inis ay pinulot niya iyon saka siya tumakbo sa basurahan.
Tumawa ako at sumunod sa kanya.
“Kumain kana, Lucas? Ipagluluto ka ni Ate gusto mo?”
“Ayaw.”
“Huh? Ayaw mo? Tapos kanang kumain?”
Tumango siya at hinila ako sa sofa. Pinaupo niya ako roon saka niya muling kinaladkad iyong walis at naghanap ulit ng kalat.
Tumayo ako at bumalik ulit sa kwarto para kunin ang aking cellphone. Tiningnan ko iyon at walang text ni Ken doon kung tuloy ba ngayon o hindi. Baka susulpot na naman iyon dito ngayon tapos di pa kami nakakaligo ni Lucas.
Bago pa man ako makalabas ay may narinig na akong busina ng kotse. Nandito na naman siya… kani-kanina ay kakabanggit ko lang sa kanya sa isip ko.
Paglabas ko ng kuwarto, si Lucas agad ang napansin ko lalo na’t tumakbo na ito ng mabilis palabas. Sinundan ko agad ito at nakita siya roon sa may gate na nahihirapang abutin iyong tarangkahan.
Tumayo ako sa kanyang likuran at ako mismo ang nagbukas noon. Itinulak agad iyon ni Lucas at excited na lumabas.
“Kuya Ken!” sigaw ng aking kapatid at mabilis na nagtungo sa kanya.
Nagkatinginan kami saglit at nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha kaso mabilis rin iyong naputol lalo na’t nasa harap niya na ang aking kapatid.
Malawak ang ngisi niya nang yumuko siya at sinalubong si Lucas. Mabilis niya itong inangat at kinarga niya agad sa kanyang isang braso, habang ang isa naman ay may kung ano-anong mga dala.
Ngumuso ako at tiningnan ang suot niyang plain black T-shirt, maong na short, itim na sapatos at ang pamatay niyang ngisi na hindi talaga nabubura.
Mas binuksan ko ng malaki ang gate. Sinenyasan ko siyang pumasok lalo na’t dumarami na naman ang mga nang-uusisang mga kapitbahay at humahaba na naman ang mga leeg.
“May pasalubong ako,” ani Ken at iniangat pa iyong dala niya para ipakita kay Lucas.
Pumalakpak ang aking kapatid. Ang kaninang nagsusungit sa akin ay masaya na.
Marami nga siyang dala at kung di ako nagkakamali, iyong isang box ay cake iyon. Ewan ko kung ano pa iyong iba basta ang alam ko ay para ata iyong lahat kay Lucas.
Sinara ko ang gate at nagtungo rin kami papasok. Ibinaba niya si Lucas sa sofa at may hinalungkat siya roon sa malaking paperbag. Nagsisigaw ang aking kapatid dahil sa isang malaking kotse na binili ni Ken sa kanya. At mukha iyong de remote lalo na’t umiilaw.
“Tuloy ba?” tanong ko sa kanya lalo na’t nawiwili siya sa kakaasikaso kay Lucas.
Binalingan niya ako. Tiningnan niya muna ang aking suot saka ibinalik sa aking mukha.
“Hintayin nalang natin ang text niya. He’s busy,” sabi niya at ibinalik ulit ang tingin kay Lucas lalo na’t inaayos niya iyong sasakyan.
Inabala ko nalang muna ang sarili ko sa paghuhugas ng plato. Naiwan naman sila sa sala at rinig na rinig ko ang tawa nilang dalawa saka iyong pagtakbo noong bagong sasakyan ni Lucas.
Ilang sandali lamang ay lumitaw na siya rito. Tiningnan ko siya saglit pero ibinalik ko rin sa platong hinuhugasan ko.
Humilig siya sa gilid noong pinto at humalukipkip doon.
“Kakagising mo lang?” tanong niya at ramdam ko ang kanyang paninitig sa akin.
Tumango ako. Nilingon ko siya at nadatnan itong nakatitig sa parteng legs ko. Sinamaan ko siya ng tingin at tinapunan ng kaonting tubig.
Ngumisi siya at hinaplos ang buhok.
“Nakapantulog ka pa. At magulo pa ang buhok,” aniya, naglalaro na naman ang mga mata sa aking kabuuan.
Tiningnan ko ang aking sarili. Naka satin dress ako na above the knee at wala pa akong suot na bra. Ang nipis na strap noon ay binubunyag ang malalalim kong collarbone at mas lalong naging wavy ang aking buhok dahil sa pagiging magulo nito.
“You look hot,” aniya sabay kagat ng pang-ibabang labi.
“Lumayas ka nga rito!” Sinabuyan ko siyang muli ng tubig na mabilis niyang ikinailag lalo na’t namumula na ang aking pisngi dahil sa kanyang pinagsasabi.
Tumawa siya at umilag.
“Mapapadalas na ata ako rito.” Sumipol siya at tumalikod rin naman.
Sa ilang araw naming pagiging close ni Ken, nasasanay na ata ako riyan sa malandi niyang bibig.
Binilisan ko ang paghuhugas. Nagluto narin ako ng kanin saka ako nagpasyang lumabas ng kusina. Mabilis agad na sumulyap si Ken sa akin, ang mga mata ay hindi na naman matigil tigil sa kakatitig sa aking katawan.
“Nagtext na si Sir?” tanong ko at itinali ang aking buhok.
His playful eyes lingered at me for almost a minute! Kahit anong tingin ko sa kanyang mga mata at huli roon para lang maalis iyon sa aking katawan ay hindi talaga ako nananalo.
“I think… he’s really busy…” aniya, tila wala sa sarili at nakahalf-open pa ang mga labi.
Sinamaan ko siya ng tingin at ipinagpatuloy ko nalang ang pagtatali ng aking buhok. Ako nalang ang kusang umiwas sa kanyang mga mata dahil ako na itong mas kinakabahan sa kanyang paninitig.
“Kumain kana ba? Bibili ako ng ulam kung gusto mo,” aniya nang maglinis ako sa sala.
Wala nga namang ulam. Wala ring maluluto rito. At libre niya naman kaya tumango narin ako.
“Nasa dulo ng kanto, may kalinderya roon,” sabi ko nang tumayo siya at dala dala na iyong susi, desididong lumabas.
“Kalinderya?” tanong niya at tila gusto kong ulitin iyon.
“Bakit? Saan mo ba gustong bumili? Sa Restaurant?” Mapang-uyam akong tumawa at pinulot iyong lumang laruan ni Lucas para maitabi.
Sumulyap saglit si Ken sa aking dibdib pero agaran ring nag-iwas at tumalikod na.
“Bibili nalang muna ako…” aniya sa medyo paos na boses.
Pinanood ko siyang lumabas at nagawa pang guluhin ang kanyang buhok. Takang-taka ko siyang sinundan ng tingin pero itinuon ko rin kay Lucas na nakaupo sa sofa at hawak-hawak iyong remote habang sinusundan ng tingin ang kanyang magarang laruan. Masyado na ata siyang gumagastos ah?
12th Chained
Chained -PfctlyStbbrn
Girlfriend
Medyo natagalan ang pagbalik ni Ken. Namalayan ko nalang na halos 30 minutes ata siyang nawala. Buong akala ko ay di na ito bumalik pero noong pumasok siyang muli at may mga dala nang supot na mukhang binili niya roon sa kalinderya ay nabura rin ang aking pinag-iisip.
“Sa kanto ka lang namili?” tanong ko at nilapitan siya.
Tumango siya at inilahad iyon. Kinuha ko iyon saka ako nagtungo sa kusina. Sumunod naman ito.
Kumuha ako ng mga bowl lalo na’t limang putahe ata ng ulam ang kanyang binili. Hanggang gabi na ata ito…
“Eh ba’t ang tagal mo?” tanong ko nang lumebel rin siya sa aking gilid at tumulong.
Ngumuso siya at nanatili ang tingin sa ulam.
“May ginawa lang saglit.”
Tumaas ang aking kilay. Ngumisi siya sa akin.
“Di ka ba magpapalit ng damit? Wala bang pumapasok na iba rito? Bukod sa akin?”
“Wala,” sabi ko at binuksan iyong isang cellophane na adobo ang laman.
“Marami ka rin palang admirers dito,” aniya.
“Kaya ka ba natagalan dahil nakipagtsismisan ka pa roon sa kanto?” Tiningnan ko siya ng mapanghinala.
“A bit.” Tumawa siya.
Tumigil ako sa paglalagay ng mga ulam at hinarap siya ng buo. Humalukipkip ako sa kanyang harapan. Tumingin siya sa akin saglit pero siya na ang nagpatuloy sa pagbubukas noong mga ulam para ilipat sa bowl.
“Oh, anong mga nalaman mo?”
Umangat ang kanyang dalawang kilay.
“Boyfriend mo raw ako,” he chuckled.
Umirap ako. “Nilinaw mo ba sa kanila?”
Tumango naman siya. Medyo huminahon ako. Mabuti naman! Nang matigil-tigil na sa sa kakagawa ng kwento na hindi naman totoo!
Nagtuloy-tuloy ang pagdalaw ni Ken dito tuwing linggo. Hindi rin namin magawang umalis dahil palagi rin namang busy raw si Sir Wayt at di natutuloy ang lakad kaya hanggang bahay lang rin kaming tatlo.
Si Lucas ang palagi niyang kalaro at pinagdadalhan niya ito lagi ng kung ano-ano. Mas naging malapit na ang loob sa kanya ng kapatid ko at minsan ay tumatawag pa siya para lang makausap si Lucas! Kulang nalang ay sumama ito sa kanya.
Sinilip ko sila rito galing sa kusina lalo na’t nasa sala silang dalawa at umaalingawngaw ang halakhak ng aking kapatid. Nagpupush-up si Ken sa sahig habang nakaupo si Lucas sa kanyang likuran. Kitang kita ko rito ang ugat sa mga kamay ni Ken, kung paano iyon lumalabas dahil sa pwersang iginagawad niya.
Tumigil ako sa pagsilip at ipinagpatuloy ang paghuhugas. So mahilig pala siyang magwork-out kaya siguro ganyan ka toned ang katawan niya? 20 na si Ken, iyon ang alam ko dahil iyon ang sabi niya. Toned na toned ang kanyang mga muscles at tila matigas talagang tingnan. Sa school, kung ikukumpara ko siya sa mga lalakeng nakakasalamuha ko, nakikita ko, katulad nila Jeric ay magmumukha silang mga bata kumpara sa kanyang tindig.
Pinilig ko ang aking ulo at mas binilisan ang paglilinis. Noong matapos na ako ay lumabas rin naman ako. Naabutan ko siyang nagpupush-up parin pero sa pagkakataong ito ay kasama niya na si Lucas at tinuturuan niya na ito. Ang aking kapatid ay nakadikit lamang ang katawan sa sahig at tanging ulo lang ang umaahon sa tuwing umaangat ang katawan ni Ken at gagayahin niya.
Kinuha ko iyong chips sa lamesa na binili niya at binuksan iyon. Umupo ako roon saka ko sila pinanood.
“Go, Lucas!” sigaw ko at sumubo ng chip.
Nilingon ako ni Ken. “Cheer for me, too, Aioni…”
Umirap ako at sumubong muli ng chip. He’s sweating… Basa na ang kanyang noo at dumadaloy pa iyon sa leeg.
Nagmistulang bulate si Lucas doon at minsan ay ang pwetan lang rin ang gumagalaw. Noong napagod ay tumayo siya at pinunasan ang noo niyang wala namang pawis.
“Kapagod!” sigaw niya at umakyat dito sa sofa saka ako tinabihan.
“Ang galing ni Lucas magpush-up! Patingin nga ng braso baka may muscle na?” Tinagilid ko ang aking ulo at sinilip ang kanyang braso.
Pinakita niya naman iyon. “Strong ako!”
Tumawa ako lalo na’t ang payat ng kanyang braso. Pinisil-pisil ko iyon.
“May muscle na si baby Lucas…”
Tumayo naman si Ken at hinihingal ng bahagya. Nameywang siya sa aming harapan kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.
Hinipan niya ang loob ng kanyang putong cotton T-shirt. Ginaya rin siya ni Lucas at hinawakan niya rin ang may parteng leeg ng kanyang damit saka niya iyon hinipan sa loob.
“Baka paglaki ni Lucas makahiligan niya rin ang pagwowork-out dahil sa’yo,” sabi ko.
“Mas mabuti ang ganoon. Di siya mahihirapang maghanap ng girlfriend. Mga babae ang kusang lalapit sa kanya,” mayabang niyang bigkas na ikinatalim ng tingin ko.
“Hindi siya lalaking playboy. Hindi ako papayag,” matigas kong sabi.
Hinawakan ni Ken ang kanyang damit at ginalaw-galaw iyon habang ang isang kamay ay nakapameywang parin. Nalaglag naman ang tingin ko sa bandang tiyan niya pero mabilis ko ring ibinalik sa kanyang mukha na may nanunuya nang ngisi.
“Purket habulin lang ng babae playboy agad? Hindi ba pwedeng friendly?” Pumikit ang isa niyang mata at ginulo niya ng bahagya ang kanyang buhok.
Nawala sa aking isipan ang aking isasagot dahil sa kakatitig sa kanya. Nang nahuli niya ang aking mga mata ay nag-iwas nalang ako ng tingin at dumukot ng chip.
Sa pagiging gala ni Mama tuwing linggo, umuuwi lamang siya tuwing gabi at lasing na. Hindi niya na naaabutan si Ken dito at nagugulat na lamang siya sa mga cake o pagkain na inilalagay ko sa ref. Iyon ang mga pasalubong ni Ken kay Lucas.
Ang pinapaniwalaan niya ay boyfriend ko raw iyon at boss ko raw lalo na’t nakakotse palagi sa tuwing pupunta rito. Sinabi ko nang kaibigan lamang iyon ng boss ko pero hindi parin talaga siya kumbinsido. Palagi niyang iniisip na nagsisinungaling lamang ako at naglilihim ako sa kanya.
“Dapat nagpapaligaw ka muna, anak,” ani Mama sa umagang iyon ng Sabado.
Kumakain kaming tatlo sa hapag. Napansin ni Mama ang dalawang box ng cake sa loob ng cake kaya natopic rin namin ang madalas na pagpunta ni Ken dito.
“Ma… Ilang beses ko bang dapat linawin sa’yo na walang namamagitan sa aming dalawa? Si Lucas nga ang pinupuntahan noon at hindi ko iyon boss, okay!” Nafufrustrate kong paliwanag.
Nag-angat saglit ng tingin si Lucas sa akin lalo na’t narinig niya ang kanyang pangalan. Sinamaan niya kami ng tingin ni Mama pero ibinalik rin naman ang atensyon sa pagkain.
“Eh iyong madalas bumibisita rito, halatang yayamanin. Wala bang balak manligaw sa’yo?”
Nalaglag ang panga ko. Sa tono ng pananalita niya, halatang may balak siyang ipagtulakan ako roon.
“Ma, playboy iyon. At hindi ko siya type. Mataas ang standard ko sa lalake.” Pag-eenumerate ko.
Matamang tumitig si Mama sa akin. Sumubo ako at hindi na matanggal ang frustration sa aking mukha.
“Maging praktikal ka lang. Patulan mo kung may ikakabuga sa buhay. Matututunan mo rin naman iyang mahalin-”
Umiling na ako kay Mama. Walang katuturan ang kanyang sinasabi. Hindi niya kasi kilala ang lalakeng iyon. Kung naging kami ni Ken, anong maipangbubuhay niya sa akin, iyong part time job niyang pakanta kanta sa Yoonmined? Paano kung napaos siya? Edi wala siyang kinita sa araw na iyon.
“Sa Linggo, pag pumunta ulit iyang kaibigan ng boss mo kakausapin ko na iyan,” ani Mama.
“Anong sasabihin mo?”
“Alam mo… Kalat na sa buong Barangay ang relasyon niyong dalawa. Kalat narin na may nangyayari sa inyo rito sa loob ng bahay. Nagsususpetsya nga ang ilan na marahil ay buntis kana kaya hindi kana masyadong nakikita. At bilang ina mo, gusto kong kausapin ang lalake at panindigan ka nalang-”
“Mama!” Napatayo na ako sa gulat.
Tiningala niya ako.
“Ba’t hindi niyo nalang totohanin ang mga tsismis nang hindi ka nagmumukhang marumi sa kanilang mga mata?”
Mariin akong pumikit at napabuntong ng mahabang hininga. Umupo akong muli at hinaplos ang aking noo.
“Eh naglilihim ka rin naman sa akin. Baka kayo na talaga pero di mo lang sinasabi-”
“Wala ngang kami, Ma!” diin kong sabi at dumilat. “Alam mo naman ang mga kapitbahay natin dito. Kahit hindi naman totoo ay pinagkakalat nila! At kahit linisin ko man ang pangalan ko, kung iyon talaga ang tingin nila ay hindi ko na iyon mababago.”
“Edi panindigan mo nalang! Basta ay h’wag ka lang magpabuntis. Bale, experience lang total malapit kana ring mag 17.”
Nanlalaki ang aking mga mata sa pinagsasabi ni Mama. Hindi ko kailangan ng experience sa pag-ibig. Hindi ko kailangan ng boyfriend na kagaya ni Ken. Hindi ko kailangang patunayan ang aking sarili sa mga kapitbahay rito na tama ang mga tsismis na pinapakalat nila.
Pero Marione, paano naman iyong deal mo sa hulog ng langit na lalake? Ano, isasantabi mo nalang iyon basta basta? Ewan ko ba pero nawawala talaga sa isip ko na kailangan ko palang akitin ang lalakeng iyon. Nasasanay akong nagtataray sa kanya lagi.
“Kung gusto ka niya edi gamitin mo!” ani Mama nang di ako sumagot. “Ayaw mo niyan, may supply palagi si Lucas! Baka kahit pag-aaral ng kapatid mo ay aakuin na noon. ’Tsaka malay mo pahintuin ka niya sa pagtatrabaho at siya nalang ang magtatrabaho para sa inyong dalawa,” si Mama.
Panay ang kanyang sulsol sa akin. Paano nalang kung nalaman niya iyong malaking pera na kapalit maakit ko lang si Ken, mapaluhod ko lang ito sa akin? Baka ipagtulakan niya na ako ng buo sa lalakeng iyon.
“Pag gusto ka ng isang tao, handa nilang gawin ang lahat ng iuutos mo, Marione,” sabi ni Mama na kumuha ng atensyon ko.
Oo nga pala, isa rin itong alipin ng pag-ibig.
“Hindi niya ako gusto,” sabi ko at sumubo.
“Imposible.” Nailing si Mama, gumuguhit ang kasiguraduhan sa mukha. “Ba’t di mo subukan? Pag sumunod sa’yo, may gusto iyon sa’yo.”
Napaisip ako saglit. Ano bang utos ko na sinunod noon? Hmm… Ah! Iyong date namin ni Sir Wayt! Pero siya ang nag-offer sa akin ng deal na iyon noong simula palang. Di ko nga alam ba’t biglang nagbago ang isip niya at ayaw niya na akong iset-up ng date kay Sir Wayt at ngayon na inuutusan ko na siya ay may kapalit na, kailangan ko naring makipagdate sa kanya. Nakakalito at ang hirap basahin ni Ken. Di ko alam kung paano tatansyahin ang kanyang mga pinaggagawa.
Kung totoo mang may gusto siya sa akin, eh bakit sa umpisa ay naisipan niya pa akong iset-up ng date kay Sir Wayt? Bakit ganoon nalang siya kadesperado ng mga oras na iyon? Imposible namang may gusto siya sa akin tapos mahuhuli ko siyang nakikipaglaplapan sa isang babae ’di ba? Sigurado akong wala siyang nararamdaman sa akin noong mga oras na iyon. At kung ano man ang kanyang rason kaya niya ito pinaggagawa ay hindi ko alam. Siguro nawiwili lamang siya kay Lucas…
Ang raming tumatakbo sa aking isipan at hindi ako makapaniwalang dahil ito kay Ken. Di ko naman binibigdeal minsan ang mga pinaggagawa niya. Wala naman akong pakialam sa mga pinaggagawa niya pero ewan ko ba, minsan ay nacucurious narin ako. Iniisip ko narin na baka ay may gusto rin siya sa akin. Kung totoo man iyon, pwede ko iyong gamitin para maisakatuparan ko na iyong deal namin noong lalakeng hulog ng langit.
“Oh? Tulala ka?”
Napakurap ako sa biglaang pagtusok ni Angie sa aking gilid. Namalayan ko nalang na kanina pa pala ako natatangay sa aking pag-iisip habang nakatayo rito malapit sa counter at naghihintay ng signal para sa gagawin.
Nang hindi ako sumagot ay madrama siyang bumuntong ng hininga.
“Ang rami na namang tao roon sa likod. Inaabangan na naman ng mga fangirls ni Sir Ken ang pagkanta niya mamayang gabi,” aniya at halos dumaing na sa frustration.
Hindi na ako nagulat kung marami na namang tao.
“Kaso mukhang may girlfriend na talaga itong si Sir Ken, eh,” aniya sa nanghihinalang boses na ikinakurap ko.
Alam kong pag topic nila si Ken ay hindi ako nakikisali. Pero ngayon na siya rin ang dahilan kung bakit tulala ako minsan dahil sa panggugulo niya sa aking isipan ay hindi ko na maiwasang macurious tungkol sa kanya.
“Playboy iyon kaya imposibleng wala,” sabi ko.
Tumango-tango siya. Mas lalo lamang naging matabang ang aking panglasa. Ang gagong iyon ay sinungaling talaga. Ang sabi niya pa ay wala pa siyang nagiging girlfriend pero baka nga ay tinatago niya lamang.
“May babae kasi na madalas pumunta rito at si Sir Ken palagi ang sadya.”
Hindi ako nagulat roon. Tumingin-tingin pa siya sa paligid dahil baka mahuli kaming nagt-tsismisan habang nasa gitna ng trabaho.
“At alam mo, sobrang ganda ng babae! May maalon na buhok, matangkad, makinis, mayaman, at mukhang hindi nalalayo sa kanyang mga edad. Siguro mga nasa 18 or 19 na ata iyon.”
Teka, iyan rin ba iyong nakalaplapan niya sa CR? Iyong nahuli ko? O baka iba pa?
“Nakakagulat ba ’yon? May mga babae ngang kusang dumadayo rito para lang makita siya eh,” sabi ko at pasimple naring iginala ang tingin.
Umiling siya at napatingin sa itaas ng VIP kahit hindi iyon masyadong matatanaw rito.
“Kakaiba iyong babae. Basta… Feeling ko may something sa kanila ni Sir Ken. Marahil ay tagong girlfriend niya talaga iyon. Pag nakita mo rin iyon sa personal mapapanganga ka. Kahit silipin mo nalang doon sa VIP. Magkunwari kang naglilinis…”
Napatingin ako ng buo sa kanya. “Nasa VIP sila?”
Tumango siya. “Doon sila palaging nag-uusap ni Sir Ken sa tuwing nandito iyong babae. Nakakapagtaka ’di ba?”
Ang iniisip kong may gusto si Ken sa akin ay nahulog na sa lupa at tuluyang nabasag. He’s a real playboy! Imposible talagang magkagusto siya sa akin! Kung madali lang naman palang mapaamo ang lalakeng iyon, bakit pa ako uutusan noong lalake na akitin siya ’di ba? Alam niyang mahirap ito at challenging kaya niya siguro naisip na ako ang utusan dahil katulad ng sinabi niya ay hindi ako basta basta nadadala sa playboy na kagaya niya.
At ngayon na may babae siyang dinadala roon ay naiinis ako sa kadahilanang masyado siyang mapaglaro sa babae!
Naging palaisipan sa akin ang sinabi ni Angie. Gusto kong umakyat sa VIP kaso hindi naman ako nakatoka roon kaya hindi ko rin alam kung papayagan ba akong umakyat.
Nakita ko si George. May hawak itong tray ng pagkain at mukhang paakyat kaya humabol ako hanggang sa makapantay ko na ito.
“Paakyat ka ba sa VIP?” malambing kong tanong na ikinakurap niya.
Tumango siya at mabilis na namula ang mukha, dahil lang sa simpleng pakikipag-usap ko sa kanya.
“Para kanino ’yan?”
“Kay Sir Ken,” sagot niya at bumabagal na ang paglalakad.
Tumango-tango ako at ngumiti. Nagulat siya roon at mas lalo lamang pumula ang mukha.
“May kasama siyang babae?”
Hindi siya nag-alinlangang tumango. Kung ganoon, totoo nga iyong tsismis ni Angie sa akin. Iyon na ba ang girlfriend niya? O baka naman isa rin sa mga fling niya?
“Pwedeng ako nalang ang magdala niyan?”
Umiling agad siya. “Bawal, Marione. Mabigat ito at mapapagalitan ako.”
Ngumuso ako. Bwesit.
“Ah… Okay.” Hilaw nalang akong napangiti at hindi na ito sinabayan pa sa paglalakad.
Nilingon niya ako saglit pero tumalikod na ako at bumalik sa aking pwesto. Kainis! Bakit ba ang higpit ng Restaurant na ito! Ang raming bawal! Pero ayoko ring ipagpilitan lalo na’t mamaya ko na makukuha ang sweldo ko sa isang buwan. Baka mamaya niyan masesante pa ako dahil sa kagagahan ko.
Naglinis ako ng ibang mesang pinagkainan habang hindi parin bumababa si Ken at iyong babae na kasama niya roon sa VIP. Palagi akong nakaabang at nakukuryuso narin sa hitsura noong babae base narin sa kuwento ni Angie. Gaano ba kaganda? Baka ganoon ang mga tipo niyang babae?
Isipin mo ngang mabuti, Marione. Pag nagka seryosong girlfriend iyon ay malabo mo nang maisasakatuparan iyong deal mo sa lalakeng hulog ng langit at malabo mo naring makadate si Sir Wayt. Ken is a big loss! Okay lang sana kung magka girlfriend siya eh. Wala akong pakealam sa bagay na iyon kaso madadamay rin ang mga plano ko!
Nafrustrate ako lalo ng husto dahil sa aking pinag-iisip. Anong gagawin ko? Baka naman mali lang si Angie? Baka isa lang iyon sa mga fling ni Ken? Imposibleng magseryoso ang playboy na iyon!
Ilang sandali lamang ay may bumaba na nga galing sa VIP. Nagtutulak na ako ng cart papuntang kitchen kaso naging mabagal rin ang aking kilos dahil sa babaeng kasama ni Ken na bumababa.
Suot ang isang eleganteng dress, kulay itim na pumps at ang maalon nitong buhok, mas lalong humaba ang aking leeg masilip lamang ang mukha noong babae.
Tumigil ako saglit sa pagtutulak. Nanatili ang aking tingin sa kanilang pagbaba hanggang sa tuluyan silang makarating rito. Hawak ni Ken ang kanyang batok habang ang babae naman ay sa kanya nakatingin.
“Marione,” tawag ni George sa akin at may itinuturong isa pang table.
Nang dahil doon ay napalingon agad si Ken sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at ipinagpatuloy ang pagtutulak noong cart para makapunta na ako sa kitchen. Nakita ko kung paano rin lumingon ang babae sa akin hanggang sa nagkasalubong ang aming mga mata lalo na’t nakatingin rin ako sa kanya.
Ang aking kilos ay halos maputol dahil sa mga matang iyon. Tila galit ang madilim na mga matang iyon at masyadong misteryoso para basahin ang malalim niyang tingin. Para iyong naghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng kanyang paninitig na hindi ko lubos mabasa. Pero noong ngumiti siya ng bahagya ay napakurap rin ako.
Ibinalik niya ang tingin kay Ken. “Aalis na ako,” aniya sa mahinhin at napakalambing na boses.
Bumaling sa kanya si Ken at tumango.
“Ihahatid na kita,” marahang sabi niya roon sa babae.
Nilingon ako saglit noong babae. Nginitian niya ako ng tipid, iyong ngiting walang saya, saka sila nagpatuloy sa paglalakad patungo sa likod, sa parking lot.
Anong klaseng ngiti iyon? At bakit niya ako ngingitian? Tama nga si Angie… Ang ganda ganda noong babae iyon nga lang… Ba’t ganoon makatingin? Bakit walang emosyon ang kanyang mga mata?
Pinilig ko ang aking ulo at nagconcentrate sa pagtatrabaho. Ilang sandali lamang ay bumalik rin naman si Ken pero dumeritso rin sa office ni Sir Wayt. Girlfriend niya ba ’yon?
“May chika ako!” ani Angie nang lapitan ako pagkatapos niyang pumasok rito galing roon sa likod.
“Ano?” tanong ko.
“Sure ako girlfriend talaga iyon ni Sir Ken! Nakita ko sila sa parking lot! Hinalikan siya sa pisngi noong babae!” Halos impit na ang kanyang boses, gustong tumili pero sinisikap lamang na hinaan ang boses.
Hindi ko alam kung ano ang irereact.
“Kitang kita ko! Hinalikan niya sa pisngi bago pumasok doon sa isang magarang kotse! Girlfriend niya talaga iyon!” Niyugyog na ako ni Angie.
May parte sa akin ang kumirot. May parte sa akin ang hindi kayang iproseso ang pinagsasabi ni Angie at hindi ko iyon maipasok sa isipan ko. Gusto kong mainis at awayin si Ken pero di ko alam kung ano ang tunay na dahilan.
“Nakita mo ba ang babae? Sobrang ganda ’di ba?” Hinuli ni Angie ang aking mga matang nasa kawalan ang tingin.
Kumurap ako at unti-unting tumango.
“Oo maganda,” tangi kong sinabi.
“Sabi ko sa’yo eh! Sigurado akong girlfriend iyon ni Sir Ken! Imposibleng wala silang relasyon eh kahit nga ako ay natotomboy roon sa babae! Imposibleng pati si Sir Ken ay hindi niya iyon magustuhan ’no!”
Lumunok ako. Hindi ko alam kung anong isasagot at laking tuwa ko nang umalis rin ito dahil may panibagong mga costumer ang dumating na siya mismo ang nag-entertain.
Girlfriend niya ba talaga iyon?
13th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Manliligaw
Noong vacant time ko na ulit ay nagpasya akong maghatid ng kape sa opisina ni Sir Wayt. Pagkapasok ko, nadatnan ko agad doon si Ken na nakaunan ang mga kamay sa likod ng kanyang ulo habang nasa kawalan ang tingin.
“Coffee po, Sir,” sabi ko nang tuluyang makapasok.
Tiningnan ako ni Sir Wayt. Ang titig na iyon ay ilang sigundong nagtagal sa akin at naninimbang pa. Napansin ko ang pagtingin ni Ken sa akin at mukhang bumalik na sa kanyang sarili.
Maingat kong inilapag iyong tray. Nalaglag saglit ang mga mata roon ni Sir Wayt pero mabilis ring ibinalik sa aking mukha. Umangat ang isa niyang kilay, ang mga mata ay malalim na ang tingin sa akin.
“Bigyan mo narin ng kape iyong isa nang madagdagan ang nerbyos,” ani Sir at nilingon si Ken.
Nilingon ko narin ito. Ngumisi si Ken pero medyo matabang. Kinuha ko ang isang tasa ng kape saka ako naglakad patungo sa kanya. Kung wala si Sir Wayt, babatukan ko talaga ito at tatadtarin ng tanong tungkol doon sa babae kaso ayoko namang makita niya ang pagmamaldita ko.
May problema ba siya? Ba’t siya nininerbyos? Baka naman dahil ito sa babae? Siguro nahuli siya noong nagchecheat? O baka nakipagbreak?
“Heto po, Sir…” malambing kong sabi at inilahad iyon kay Ken.
Kinuha niya iyon at tumango lamang sa akin. Sumimsim siya roon, nasa ibang direksyon na ang tingin habang ramdam ko parin ang nananantyang tingin ni Sir Wayt sa akin.
“Proceed to my office later after your work,” ani Sir Wayt sanhi para mapatingin ako.
Naubo naman si Ken at tila nasamid dahil sa sinabi ni Sir. Biglang bumilis ang kalabog ng dibdib ko, naeexcite at kinakabahan.
“Okay po, Sir.” Ngumiti ako sa kanya.
Tumango naman siya habang si Ken ay pabalik balik ang tingin sa aming dalawa.
“Ba’t hindi nalang ngayon? Ba’t mamaya pa?” tanong ni Ken.
Nagkibit lamang ng balikat si Sir Wayt at sinenyasan na akong lumabas. Tumango naman ako at nagpaalam rin.
Umepekto na ba ang pangungumbinsi ni Ken sa kanya na idate ako?! Siguro ay magpapaliwanag siya kung bakit palagi siyang busy? Bahala nang magka girlfriend iyang si Ken basta ay may progress na sa amin ni Sir Wayt. Bahala siya kung mambabae siya. Kung sino man iyon, bahala siya total hindi narin naman nakakagulat ang pagiging sangkot noon sa iba’t ibang babae.
Ginanahan akong magtrabaho sa oras na iyon. Kaya noong sumapit ang gabi at kami ang naassign sa may fountain area ay naging masipag ako sa pag-aaccomodate ng mga costumers.
Lumabas rin naman si Ken at nagtungo sa stage suot ang itim na polo, maong na pantalon, itim na sapatos at ang seryoso niyang mukha. Ngumisi lamang siya noong nasa stage na siya at umupo roon sa stool.
Hindi ko na masyadong binigyan ng buong atensyon ang pinagsasabi niya roon sa mic at puro lang rin naman kalandian sa mga costumers na panay ring sa pagtitilian. Isa sa mga kinanta niya ay iyong Kundiman by Silent Sanctuary.
Hindi ko napagtuunan ng pansin ang iba niya pang mga kanta lalo na’t ang nasa utak ko lang rin ay ang iyong sinabi ni Sir Wayt sa akin. Kaya noong natapos agad ang aking oras sa pagtatrabaho ay mabilis akong nagtungo sa kanyang office.
Bago tuluyang pumasok ay inayos ko muna ang aking sarili. Isinabit ko ang iilang hiblang nalaglag sa buhok kong nakabun tuwing may trabaho.
Noong nasigurado ko nang maayos naman ang aking mukha ay kumatok muna ako saka ko pinihit ang doorknob.
Pagkapasok ko ay nakita ko agad si Sir Wayt, nakahilig doon sa kanyang swivel chair habang pinaglalaruan iyong ballpen. Sinenyasan niya akong umupo kaya isinara ko iyong pinto at naglakad rin patungo roon.
May folder siyang binuksan at ibinigay sa akin ang ballpen. Kinuha ko iyon saka niya rin itinapat iyong nakabukas nang folder sa akin. Contract ba ito? O baka deal rin katulad ng deal namin ni Ken?
May inilapag siyang sobre kaya natuon ang tingin ko roon.
“Sweldo mo,” tanging sabi niya na unti-unting ikinabura ng aking mga pinag-iisip.
Pinasadahan ko ng tingin ang folder at naglalaman lamang iyon ng mga Guidelines tungkol sa aking sweldo. Pinirmahan ko iyong linya kung saan nakalagay sa ibabaw ng aking pangalan at inilapag ang ballpen.
Kinuha ko iyong sobre saka ako ngumiti kay Sir Wayt.
“Salamat po.”
“Ikaw naman ang naghirap niyan. No need to thank me,” aniya sa baritonong boses.
Tumango ako sa kanya at namimilipit na ang aking tiyan, gustuhin ko mang may sabihin pang iba kaso mas pinili ko nalang na itikom ang aking bibig. Sa isang buwan ko rito, medyo nakabisado ko na ang pananalita niya. Ayaw ko namang maipahiya ang sarili ko at baka mabwesit lang ulit ako kaya di ko nalang iniopen-up iyong tungkol sa nakakansela naming date.
Tumayo na ako nang mapansin kong wala na siyang ibang sasabihin pa.
“Salamat po, Sir. Aalis na po ako.”
Umahon ang kanyang tingin sa akin, ang mga mata ay naninimbang na naman.
“Are you single?” Deritsahan niyang tanong na ikinagulat ko.
Tumango agad ako, walang paligoy-ligoy.
“Ah… Okay. Mag-ingat ka sa pag-uwi,” tanging sabi niya at bumaba na ang tingin sa folder.
Ang excitement kanina ay muling nalaglag at napalitan ulit ng pagkadismaya. Grabe naman… Wala na bang mas ihahaba ang usapang ito? At bakit niya naman natanong na single ako? Hindi naman pwedeng wala lang iyon ’di ba?
Bumuntong ako ng hininga at tuluyang lumabas kasama iyong sobre na naglalaman ng sweldo ko. Naisip ko agad ang gagawin sa pera. Ipapasyal ko si Lucas bukas. Matutuwa iyon…
Napangiti ako roon kaso mabilis ring naputol nang marinig ko ang isang pamilyar na boses na ikinatalon ko sa gulat.
“May magandang nangyari?” tanong ni Ken sa seryosong boses.
“Ginulat mo ako!” inis ko siyang nilagpasan.
Sumunod naman ito at lumebel sa aking paglalakad. Nagtungo ako sa locker room. Bago ko pa iyon maisara ay pumasok rin siya kasama ko.
“Pwede ba, Ken! Lumabas ka muna! Magbibihis ako!” Itinuro ko ang pinto.
Imbes na pakinggan ako ay nagawa niya pang sumandal doon sa pader at humalukipkip.
“Anong napag-usapan niyo? Niyaya ka niyang makipagdate kaya ang tamis ng ngiti mo?” seryoso niyang tanong, ang mga mata ay nanatiling nakatitig sa akin.
Ang sarap sanang pakinggan kung iyon ang nangyari kaso hindi! Bwesit… Akala ko talaga may maganda nang progress kaso tungkol lang pala sa sweldo ko!
Umirap ako at binuksan ang aking locker. Inis kong hinablot iyong pamalit ko saka ko siya muling binalingan na seryosong nakatingin sa aking likuran.
“Niyaya ka?” tanong niyang muli, sa pagkakataong ito ay seryosong seryoso na ang boses.
“Lumabas ka nga muna! Magbibihis ako!” Itinuro ko ang pinto at kulang nalang ay ibato ko ang hawak kong damit sa kanya.
“Tss…” Tumuwid siya sa pagkakatayo at pinihit rin ang pinto. Tuluyan itong lumabas na ipinagkasalubong ng kilay ko.
Inilock ko iyon nang makasigurado. Nagbihis agad ako at inilugay na ang aking buhok na naging maalon rin dahil kakagaling lamang sa pagka bun. Inayos ko ang simpleng suot na top, at jeans saka ko isinilid muli sa paperbag iyong uniform para malabhan ko sa bahay.
Paglabas ko, nadatnan ko muli roon si Ken na nakahalukipkip at seryosong seryoso parin ang mukha. Noong magtama ang aming mga mata ay tumuwid siya at hinintay ako.
Naglakad ako patungo sa kanya. Sinamaan ko ito ng tingin.
“Ba’t ang seryoso mo ata?” Tumagilid ang aking ulo at sinilip ang kanyang ekspresyon.
“Di mo sinasagot ang tanong ko,” aniya.
Ngumiwi ako. “Alin?”
Tiningnan niya ako at umangat ang kanyang kilay.
“Nakangiti ka kanina. Niyaya ka ng boss mo?” matigas niyang tanong.
“Iyan ba ang ikinakainis mo? Teka… Sino iyong babae kanina? Girlfriend mo? Nag-away kayo? Siguro nahuli kang nangangaliwa ’no!” Tinuro ko ang kanyang mukha kaso hinawakan niya lang ang aking hintuturong daliri at ibinaba iyon.
“Sasagutin ko ng maayos ang tanong mo kung sasagutin mo rin iyong akin,” mataman niyang sabi.
Nakarating rin kami sa parking lot. Pinindot niya ang alarm noon sanhi para umilaw iyong itim na kotse at tumunog.
Sinundan ko lang siya ng tingin. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa front seat. Pumasok ako roon at sinundan ulit siya ng tingin sa pag-ikot nito.
Tuluyan siyang pumasok at pinaandar iyong kotse. Sumimangot naman ako at padabog na pinagkukuha ang wipes sa loob ng aking slingbag. Sumulyap siya saglit sa aking kilos pero ibinalik rin ang tingin sa harap ng kalsada.
Padabog kong ibinaba iyong salamin at inis na pinunasan ang aking mukha. Kung girlfriend niya man iyon, wala na talagang pag-asang magdidate pa kami ni Sir Wayt at good bye money narin ako roon sa deal namin ng lalakeng hulog ng langit. Naiinis ako sa pinag-iisip ko at naiinis pa ako sa pagiging seryoso ni Ken.
“Girlfriend mo ’yon?” tanong ko nang hindi ko na makaya ang katahimikan.
“Sagutin mo muna ang tanong ko kanina, Marione,” seryoso niyang bigkas at nasa daan lamang ang tingin.
Kinilabutan ako sa pagtawag niya sa buo kong pangalan. Ito ang unang beses na tinawag niya ako ng ganoon. Nasasanay ako sa ‘Aioni’ lang sabay ngisi.
Bumuntong ako ng hininga at sinamaan siya ng tingin. Bakit ba binabaliktad niya ako ngayon?! Ang seryo-seryoso niya kimakabahan tuloy ako!
Humalukipkip ako at sumimangot.
“Binigay niya lang sa akin ang sweldo ko,” mahina ngunit may diin kong sabi. “Di niya ako niyaya,” dagdag ko pa at mas lalong bumusangot.
“Eh ba’t ka nakangiti kanina?” tanong niya sa mahinahong boses.
Nilingon ko siya at pinandilatan ng mga mata.
“Malamang masaya ako dahil may sweldo ako! Sino bang nakasimangot pag natanggap mo na ang sweldo mo?!”
Ngumuso siya at dahan dahang huminahon ang mukha. Dumaing ako sa sobrang inis at halos sabunutan ang aking sarili.
“Akala ko talaga may progress na!” sigaw ko at hinampas ang dashboard.
Binalingan kong muli si Ken, mahinahon na ang kanyang mukha ngayon at walang pakialam kahit na magwala ako rito. Malamang, hindi naman sa kanya ang kotse na ito.
“She’s not my girlfriend,” bigla niyang sabi sa gitna ng paghihimutok ko.
Umirap ako. “Imposible! Di mo iyon pinatulan eh ang ganda noon! Kahit sinong lalake hindi tatanggihan ang ganoong babae. Baliw lang mga hindi papatol sa kanya!”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at pinasadahan ng haplos ang buhok.
“Paano ko siya papatulan kung nababaliw rin ako sa iba?” saka niya ako nilingon at inangatan ng kilay.
Biglang nagwala ang kalabog ng aking dibdib. Sa sobrang pagwawala noon ay ilang sigundong napugto ang aking hininga.
Ibinalik niya ang tingin sa kalsada kaya sinamantala ko iyon para tumikhim at hilain ang parte ng katinuan kong naiwan sa daan.
“S-So… Di mo siya type?” paglilinaw ko.
“Type,” sagot niya na ikinabusangot ko.
“Loko-loko ka! Sumagot ka nga ng maayos!”
“Nagsasabi lang ako ng totoo. She’s my type. I like her.”
Hindi agad ako nakasagot sa kanyang pinagsasabi. Di ko rin gets eh. Type niya at gusto niya pero di niya girlfriend. Nakakalito ah!
“Type mo at gusto mo pero di mo ginirlfriend?” Paglilinaw ko.
Tumango siya at binasang muli ang labi.
“Pinagloloko mo ba ako?” Mariin ko siyang tiningnan. “Gusto mo ’di ba?”
He sighed.
“Ano bang tingin mo sa akin? Igigirlfriend ko dahil lang gusto ko? Dahil lang type ko?” Nilingon niya ako gamit ang seryosong ekspresyon.
Hindi agad ako nakasagot. Malay ko ba sa prinsipyo ng mga playboy na kagaya niya?
“I am not as shallow as you think, Marione. Isa lang siya sa mga babaeng naging tipo at nagustuhan ko pero hindi siya ang mahal ko.”
Kulang nalang ay tumalon na ang aking paghinga palabas ng bintana. Nakakagimbal ang mga pinagsasabi niya na kahit ako ay kinikilabutan. Imposible namang hindi pa siya nagmahal ng babae ’di ba? Imposibleng sa mga nilandi niya ay wala siyang minahal.
Hindi ko na iyon masyadong inusisa pa at pinalabas nalang sa kabila kong tainga.
“Eh ano mo iyon… Fling?” tanong kong muli nang makabawi sa pagkakagulat.
Itinuon ko ang aking tingin sa labas ng bintana. Ayokong marinig iyang isasagot niya.
He sighed again. Umirap naman ako, halos tumirik na ang aking mga mata dahil sa aking pinag-iisip.
“I don’t have any flings, Aioni. That girl awhile ago isn’t my girlfriend. She’s just one of our family friends…”
Dahan-dahan ko siyang nilingon. Mahinahon lamang ang maaliwalas niyang mukha. Nilingon niya rin ako kaya nagtama ang mga mata namin.
“Kung nagseselos ka naman pala, sabihin mo sa akin nang malayuan ko agad.”
Nalaglag ang aking panga. Hinihintay ko ang kanyang pagngisi pero ilang sigundo nalang ang lumipas ay bigo parin akong masilayan iyon sa labi niya.
Ang gagong ito…
Hirap na akong makapagsalita kaya humalukipkip nalang akong muli at bumusangot.
Nilingon niya ako at sinilip ang aking ekspresyon. Umirap ako at tumalikod ng kaonti nang hindi niya iyon makita.
“She wasn’t my girlfriend. Kahit tanungin mo pa si Lucas.”
Mabilis ko siyang nilingon.
“Ba’t mo dinadamay ang inosente kong kapatid sa mga kalandian mo?”
“Try to ask him who’s my girlfriend, then,” he said surely.
Umawang ang aking bibig, pero dahil wala narin akong masabi ay itinikom ko nalang. Ano na naman kayang ginawa niyang sulsol sa aking kapatid? Baka magulat nalang sa lalabas sa kanyang bibig dahil sa pinagtuturo ng unggoy na ito.
Iyon lamang ang naging usapan namin noong gabing iyon. Medyo nakalma rin naman ako nang inamin niyang hindi niya girlfriend. I don’t want him to have a girlfriend, yet! Bawal pa siya noon dahil wala pang progress sa ginagawa niyang pagtulong sa amin ni Sir Wayt. He’s not yet free… Doon na dapat siya mag girlfriend kung okay narin kami ni Sir Wayt.
But no matter how I cage him, one day… he’s going to free himself from my chains. Kusa siyang kakawala sa akin. Hindi ko alam kung ano ang kanyang rason kung ba’t gusto niya akong tinutulungan ngayon at kung bakit siya dumidikit sa akin pero dadating ang araw na kakawala rin siya, kakawala rin ako sa kanya. Dadating ang araw na kusa ko siyang palalayain dahil hindi ko na siya kailangan pa.
Linggo. Umaga palang ay ginising na ako ni Mama, nagtatanong sa aking sweldo kung nakuha ko na ba.
Kumuha ako ng isang libo sa sobre at ibinigay sa kanya.
“Dadalawin ko ngayon ang Papa mo presinto. Ikaw… Wala ka bang ipapabigay? Kahit cake man lang?” tanong ni Mama habang pinipiko iyong pera.
Umiling ako at bumangon. Inayos ko ang aking higaan.
“Ipapasyal ko ngayon si Lucas at iyong sobra ay ibabayad ko sa eskwelahan, Mama. Iyong natira naman ay igogrocery ko.”
“Anak… Kung may sobra ka pa bilhan mo naman ako ng bagong dress!”
Bumuntong ako ng hininga at tumango.
“Titingnan ko mamaya, Ma.”
Ngumiti agad siya ng malapad. “O siya! Maliligo na ako! Bibili pa ako ng dadalhing pagkain para sa Papa mo nang makakain naman iyon ng masarap!”
Nilingon ko ito at nakita siyang masiglang masigla habang naglalakad palabas lalo na’t kumekembot pa ito. Ngumuso ako at nagpigil na ngumiti.
Ako na mismo ang gumising kay Lucas. Masyadong excited si Mama sa kanyang lakad na maaga itong umalis.
“Anong gusto mo, Lucas? May pera si Ate… Gusto mo bilhan kita ng kotse?” tanong ko sa kanya habang sinasabon ko ang kanyang katawan.
Umiling siya habang kinukusot ang buhok niya.
“Ayaw…”
“Ayaw mo? Anong gusto mo?”
“Babae…”
Nanlalaki agad ang aking mga mata at gustong sabunutan si Ken sa kanyang pinagtuturo sa aking kapatid.
“Si Kuya Ken mo ba ang may turo niyan?!”
Tumango ang inosente kong kapatid.
“Babae… Masarap…”
“Hindi, Lucas. Wag ka dapat gumaya kay Kuya Ken na pataygutom sa babae. Bad ’yon!”
Kumurap kurap ang kanyang mga mata.
“Bad?” tanong niya.
Tumango agad ako.
“Oo, bad! Bad iyang si Kuya Ken mo! Pataygutom sa babae! Hindi loyal!”
Umiling siya at ngumuso.
“Loyal…”
“Hindi, Lucas. Marami siyang babae. Marami siyang girlfriend. Pinagsasabay niya lahat!”
Sinabunan ko ang kanyang leeg. Umiling siyang muli habang ngumunguso at kinukusot ang isa niyang mata. Binuhusan ko siya ng tubig saka ko naalala iyong sinabi ni Ken sa akin.
Kaya noong pagkatapos ko siyang banlawan at kinarga ito habang nakayapos sa kanya ang tuwalya ay tinanong ko ito tungkol doon.
“Sino ang girlfriend ni Kuya Ken mo. Kilala mo ba, Lucas?”
Tumango ang aking kapatid nang walang pag-aalinlangan. Ibinaba ko siya sa kama nang makapasok kami sa loob ng kuwarto. Tumayo siya roon at siya mismo ang nagpunas ng kanyang sarili.
“Sino ang girlfriend ni Kuya Ken?”
“Ate!” Itinuro niya agad ako at pumalakpak.
Lumaki ang hugis ng aking mga mata. Ako? Ba’t ako?! Pinagtitripan ba ako ng lecheng iyon?!
“Hindi ako ang girlfriend ni Ken, Lucas,” sabi ko habang nangangalkal ng pwede niyang isuot.
Umiling ang aking kapatid.
“Ikaw!”
“Hindi…”
Tila nainis na ang aking kapatid at bumusangot nalang. Binihisan ko siya at kiniliti ito.
“Gusto mo nang magkaboyfriend si Ate mo?”
Tumango naman siya, walang paligoy-ligoy. Ano bang alam ng kapatid ko sa mga ganitong bagay? Napaka bad influince talaga ng bwesit na iyon! Lagot talaga siya sa akin!
Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan iyon. Hindi rin naman ako nagkamali at may text galing doon kay Ken. Binuksan ko iyon.
Ken: Good morning. ;)
Umarko agad ang aking kilay sa nabasang text. Anong maganda sa umaga kung ang landi na agad ng smiley niya?
Hindi ko iyon nireplayan at naligo narin. Pagkatapos ng isang oras sa banyo ay nagbihis rin naman ako ng A-line strap dress. Izinipper ko ang likod noon at inayos rin ang lace sa may parteng dibdib para higpitan.
Ibinlower ko ang aking buhok, naglagay ng light make-up at ipinagpapasok sa sling bag ang ibang dadalhin ko. Si Lucas naman ay abala sa pagsuklay ng mahaba niyang buhok na nagugulo lamang lalo.
Kakasuot ko pa lang sa aking pumps nang may bumusina na sa labas. Nakagat ko ang aking labi at napagtantong linggo ngayon.
Mabilis kong isinuot ang aking pumps lalo na’t tumakbo na si Lucas sa labas dala dala iyong suklay.
Ikinabit ko iyong lock sa bawat gilid saka ako nagpasyang tumayo. Nasa sala palang ako ay nakita ko na sa may pinto si Ken, buhat buhat si Lucas habang inaayos niya gamit ang kanyang mga daliri ang buhok ng aking kapatid. Sa suot niyang puting polo, faded jeans, itim na sapatos at ang kanyang ngisi ay medyo nagtagal ang aking mga mata sa kanya. Ang iilang hibla ng kanyang buhok ay nakasuklay paatras pero may iilan paring nalalaglag.
Tumigil ako at ngumuso, napagtantong masyado ko na pala itong tinititigan.
“May lakad kami,” sabi ko.
Binalingan ako ni Ken. Kitang kita ko ang pagdaan ng kanyang mga mata sa kabuuan ng aking katawan.
“Total nandito ka rin naman… Baka gusto mong sumama.” Nag-iwas ako ng tingin at bumalik sa kuwarto para kunin ang aking slingbag.
Narinig ko ang hagikhik ni Lucas sa labas. Nagspray ako ng perfume saka ko isinabit sa aking balikat iyong slingbag.
Lumabas rin naman ako. Nasa may pinto parin sila at hinihintay nalang ako.
“H’wag kang magpapalibre sa akin ha. Purket sweldo ko…” Tinaasan ko ng kilay si Ken na ngumisi agad sa akin.
“May pera ako Aioni,” deklara niya.
“Mabuti… Ikaw ang manlibre total mas malaki ang kinikita mo sa part time job mo.”
Tumango siya habang nakanguso, nagpipigil na ngumiti.
“Girlfriend…” daing bigla ni Lucas na mas lalong ikinanguso ni Ken habang ako naman itong sinamaan agad siya ng tingin.
“Bwesit ka. Puro kalokohan ang pinagtuturo mo sa kapatid ko!” Hinampas ko agad ang kanyang braso habang naglalakad na kami palabas ng bahay.
Humalakhak siya habang nauuna. Bumabalandra sa akin ang kanyang malapad na balikat at tila naiiwan sa kanyang dinadaanan ang kanyang pabango na sobrang manly. Hindi ito ang pabango ni Sir Wayt. Suminghot singhot ako saglit pero itinigil ko rin nang buksan niya iyong backseat at ipinasok doon si Lucas.
Narinig ko pang nakipag-apir siya sa aking kapatid saka niya iyon tuluyang isinara. Binuksan niya naman iyong front seat saka niya ako binalingan. Sinamaan ko agad siya ng tingin.
“H’wag mo ngang tinuturuan ng kung ano-ano si Lucas!” bulyaw kong muli.
“They’re all facts,” cool niyang sabi.
“Anong facts?! Tinanong ko siya kung anong gusto niya at sumagot siya ng babae! Tapos dinugtungan niya pa ng masarap!” gigil na gigil kong sabi habang humagalpak naman siya.
“At anong girlfriend?! Di mo ako girlfriend!”
Binasa niya ang pang-ibabang labi saka niya pinasadahan ng haplos ang buhok. Umangat ang kilay niya sa akin, ang mga mata ay nanunuya na.
“So… Pwede munang manligaw?” tanong niya na halos ikinatigil ng aking paghinga.
Ngumuso siya, halos mamutawi na sa labi ang kanyang ngising tinatago. Namula naman ang aking pisngi, pilit na pinapanindigan ang inis sa mukha pero kinakain narin ng hiya.
“Liligawan kita nang maging girlfriend kita.”
14th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Handang handa
Nagulantang ako ng husto sa sinabi ni Ken na kahit noong pagpasok ko sa kotse ay iyon parin ang iniisip ko.
Liligawan niya ako? Ano iyon… May gusto siya sa akin?! Ang playboy na ito ay nahulog sa akin?! Gusto kong humagalpak ng tawa at magbunyi sa aking pagkapanalo pero kinimkim ko na lamang iyon.
Papayag ba ako? Pag nanligaw siya, ibig sabihin ay may tsansang maging kami. At ayoko namang matali sa lalakeng ito! Ayokong magkaroon ng karanasan sa isang playboy pa mismo! Hmm, ganito nalang Marione. Let him court you. Paluhurin mo sa’yo. Show him na ikaw dapat ang palaging masunod sa inyong dalawa. Chain him to you. That’s it!
Nasa daan ang kanyang mga mata habang ang akin naman ay naglalaro sa labas ng bintana, nangingislap at natatangay sa aking pinag-iisip. Kumikinang na sa aking isipan ang 100 thousand. Lasang lasa ko na ang tagumpay sa aking bibig. Ang playboy… gusto akong ligawan! Hayop ka Marione, ang ganda mo kasi!
Nilingon ko si Lucas sa likuran. Kampante lang ang aking kapatid doon at hawak ang cellphone ni Ken habang naglalaro ito ng games.
“Baka kung anong mapindot ni Lucas sa cellphone mo,” sabi ko sa kanya.
Nilingon niya ako saglit. Nagkibit siya.
“Wala masyadong importante riyan. At kung iniisip mong mapadpad siya sa mga porn videos ko… they have passwords,” sabay kindat sa akin at pilyo na naman ang ngisi.
Nanlalaki ang aking mga mata at gusto siyang sapakin, kung hindi lang talaga nagmamaneho ay lumipad na itong kamay ko sa braso niya.
“Nakakadiri ka,” inis kong sabi.
Humalakhak siya. “It’s normal. Hindi ka makakahanap ng lalakeng hindi nanonood ng ganyan, Aioni. That’s our fuel…”
Umirap ako. Fuel my ass. Ano iyan? Mamamatay sila kung hindi manood ng ganyan? Ang sabihin niya ay nag-eexcuse lang talaga siya sa pagiging malandi niya.
“I can delete it, if you want…” aniya sa kalmadong boses.
Kumurap ako.
“Ba’t mo naman idedelete? At anong pake ko diyan?” Tinaasan ko siya ng kilay.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at ngumisi.
“Lahat ng sasabihin mo, susundin ko. Batas ko na ang bawat salita mo.”
Lumunok ako, halos manindig ang balahibo dahil sa binitiwan niyang salita. Batas niya… Pag sinabi ko bang tumalon siya sa pangpang ay gagawin niya? Pag sinabi ko bang pugutan niya ang ulo niya gagawin niya?
Umirap akong muli nang hindi ko makayanan ang aking pinag-iisip. Sumipol si Ken at pasimpleng dinaanan ng haplos ang kanyang buhok.
“Saan mo ba gustong pumunta ngayon? I’ll date you…” aniya habang ang mga mata ay nangingislap pa.
“Huh?! Anong date?! Hindi mo pa nga ako naipagkakasundo ng date kay Sir Wayt! Hindi tayo pwedeng magdate!” bulyaw ko sa kanya.
Umangat ang kilay niya sa akin.
“You can’t date him anymore, Aioni. Nanliligaw na ako sa’yo.”
“Ano?! Hoy Ken! Anong akala mo sa akin easy to get sa’yo! Nanliligaw ka palang pero gusto mo na agad akong itali sa’yo. Wala ka paring karapatan sa akin hangga’t di kita sinasagot. Wala kang karapatan kung makipagdate ako sa iba, kung may magustuhan akong iba dahil hindi pa naman tayo. Malaya parin ako dahil hindi ako nakatali sa’yo. Ikaw lang ang nakatali sa’kin. Ikaw lang ang walang karapatang lumandi sa iba dahil ikaw ang nanliligaw sa akin. Dapat loyal ka sa akin,” sabi ko, walang labis walang kulang.
Dumaan agad ang frustration sa kanyang mukha. Nagulo niya ang kanyang buhok gamit ang isang kamay at binasa ang labing kumikintab dahil nabasa. He sighed deeply. Ngumisi ako ng matagumpay.
“Ano… Di mo kayang maging loyal ’no? Kung ganoon, umatras kana sa pangliligaw. Hindi ako tumatanggap ng mga gago.”
Humagalpak siya, ang isang mga mata ay nagawa niya pang ipikit. Nagkasalubong ang aking kilay at nagtaka sa tinatawa niya.
“Stop judging me, Aioni. Ano bang tingin mo sa akin? Purket mahilig ako sa babae ay hindi na ako marunong magseryoso?” he asked, almost mocking my judgements.
Nanatili ang aking mga mata sa kanya. Pabalik balik naman ang kanya sa akin.
“Hindi ako nagseseryoso sa mga babaeng dumaan sa akin dahil iyon ang gusto ko. Kung gusto kong magseryoso, magseseryoso ako. At kung sinabi kong liligawan kita, totoo iyon. Fuck that loyalty. I can give more than that. Kung gusto mong luhuran kita, luluhuran kita. You get it, Marione Santillan?” he said huskily.
Nalunok ko ang sarili kong laway. Ang aking bibig ay bahagya pang nakaawang sa kanya. Ken stared at me and smirked playfully. Halos dumulas na ako sa aking kinauupuan at mapunta sa ilalim. Namumula ang aking pisngi. Nang-iinit ang buo kong mukha sa hiya. Nadadala ako sa mga salita niya.
“Nafufrustrate lang ako sa sinasabi mong libre ka pa habang ako na itong nakatali sa’yo. Isn’t it unfair, Aioni?” he sighed defeatedly.
Nakagat ko ang aking labi. Kinikilabutan ako sa pinagsasabi niya! Para akong isang balloon na biglang pumuputok sa tuwing nagsasalita siya.
Umirap ako at humalukipkip, ang mga mata ay lumabas na sa bintana at doon nagliwaliw.
“Iyon ang masusunod. Iyon ang gusto ko. Kung di mo iyon matatanggap, pwes tumigil kana ngayon palang.”
I heard him chuckled. Nabwesit ako roon. Feeling ko ginagawa niyang biro ang seryoso para sa akin! Kung pinagloloko talaga ako ng bwesit na ito ay ibabaon ko talaga siya ng buhay!
“Fine… I’m going to wear my chains… Malaya ka muna. Pero pag ako ang sinagot mo, kahit kaluluwa mo itatali ko. Walang makikihati… Walang mangangahas. I’ll chain you…” seryoso niyang sabi.
Mariin akong pumikit at biglang kinabahan sa pinasukan ko. Pakiramdam ko mababaliktad ako ng sarili kong plano ano mang oras. Hindi pwede, Marione! Ikaw ang masusunod!
“Ako dapat ang masusunod!” giit ko at binalingan siya.
“Ikaw ang masusunod at ako ang luluhod,” pag-uulit niya at tumatango-tango pa.
Ang putragis na ito! Di man lang talaga tumutol! Pinapadali niya talaga ang lahat para sa akin. Baka ilang araw lang ang lumipas, pag hindi ko ito sagutin ay maghabol na! Ang haba naman ata ng buhok ko.
Nagpark siya sa parking lot ng isang mamahaling Mall. Nauna siyang lumabas sa kotse at kinarga si Lucas saka ako pinagbuksan ng pinto ng front seat.
Akma niya sana akong hahawakan sa aking beywang nang bahagya akong lumayo at pinandilatan siya ng mga mata.
“Bawal mo pa akong hawakan. Wala ka pang karapatan,” may diin kong sabi.
Kinagat niya ang kanyang labi at tila nadismaya. Kalaunan ay tumango rin naman ito at may binulong sa aking kapatid.
Nakabuntot lamang siya sa akin. Nakapwesto siya sa aking likuran habang nag-eenjoy silang dalawa ni Lucas.
Nagtungo kami sa grocery store. Kumuha siya noong cart at inilagay si Lucas sa maliit na upuan doon.
Inilahad ko sa kanya ang aking kamay.
“Akin na ang cellphone mo.”
Nagkasalubong ang kanyang kilay pero dinukot niya parin sa kanyang bulsa iyon at ibinigay sa akin. Wala na iyong password.
“Tinanggal ko kagabi,” sabi niya nang napansing kumunot ang aking noo roon.
“Nilinisan mo na ’no?”
Tumawa siya at tumango.
“I deleted and blocked some numbers. Baka kasi magalit ka…”
Ngumiwi ako. Pakealam ko riyan sa mga babae niya! Pero mas mabuti nang loyal siya sa akin.
Pinindot ko ang calculator at nagsimulang maglakad habang tinitingnan ang bawat nakahelerang nadadaanan namin.
Nagsimula siyang kumuha ng kung ano-ano. Kahit si Lucas ay nagawa ring humablot at tinulungan niya pang ilagay iyon sa cart. Nanlaki ang aking mga mata at sinamaan silang dalawa ng tingin.
“H’wag nga kayong magulo! Nakabudget ang pera ko at wala akong budget sa mga ganyan!” Pinagkukuha ko iyong kinuha ni Ken kaso pinigilan niya ang aking pulso.
“I’ll pay it.”
“Bayad ako,” sabi rin ni Lucas at nagawa ring kumuha ng isa pang snack.
Nagkatinginan kami saglit ni Ken. Ngumisi siya at kumuha muli ng isa pa.
“Kahit iyong sa’yo, ako narin ang magbabayad.” Umabante siya tulak tulak iyong cart gamit ang isang kamay habang ang isang kamay ay dunampi sa aking likod at marahan akong itinulak para umabante rin.
Umirap ako at mabilis na naunang maglakad para lang makawala sa kanyang kamay. Humalakhak naman ito sa aking likuran.
“Lagot ka talaga sa akin pag sinagot mo ako,” aniya habang tumatawa.
Akala mo naman sasagutin kita! Papaluhurin lang kita sa akin.
Gumamit parin ako ng calculator sa mga pinagkukuha ko. Mula sa shampoo, sabon, bagong toothbrush namin ni Lucas at Mama, alcohol, cotton buds, panghugas ng plato, napkins…
Ngumuso si Ken nang dumampot ako ng dalawang pack noong whisper. Tinaasan ko agad ito ng kilay.
“Regular ka?” tanong niya.
“Oo. Bakit?”
Ngumisi siya. “Ah… Hindi ka pala mahirap buntisin.”
Mabilis na nasira ang aking ekspresyon at sinapak agad ito. Humalakhak siya at kumunot pa ang ilong dahil sa marahang pagpikit.
Umirap ako ng husto sa kanya. Ang raming alam ng bwesit na ito!
Sunod naman ay mga noodles. Kumuha ako noong nissin na ikinakunot ng noo ni Ken.
“Don’t buy too much noodles, Aioni. It’s not healthy.” Pinigilan niya ako sa pagpasok noong tatlo pang noodles. “Magkakasakit kayo niyan ni Lucas.”
Pinanood ko siyang ibalik iyong mga noodles na kahit iyong can goods ay ibinalik niya rin ang iba. Gusto ko sanang umapila kaso may point rin naman siya… baka magkasakit rin ang kapatid ko kung ganoon nalang palagi.
“Anong gulay ba ang kinakain ng kapatid mo?” tanong niya sa akin habang naglalakad na kaming muli patungo sa dulo, kung nasaan ang mga karne at nakaimbak na mga gulay.
“Kalabasa,” sabi ko at nilingon si Lucas na inaarrange iyong iba sa cart.
Si Ken na ang mga namili. Kumuha siya noong mga gulay, isang kilo ng karne, malaking pack ng Virginia hotdog, bacon, ham, sausage at mga tocino. Kahit ano lang ang pinagdadampot niya roon sa malaking ref at ako itong mahihimatay na ata lalo na’t may mga price pa roon na lalampas ata sa budget ko.
“Ang mahal niyan. Tama na.” Hinawakan ko ang kanyang pulso nang may iba pa siyang kinuha.
“Ako ang magbabayad,” paglilinaw niya at ngumisi sa akin.
Bumusangot ako ng husto at umirap. Lumuwag ang aking kamay sa kanya hanggang binitiwan ko siya.
“O sige! Dagdagan mo pa!” sarkastiko kong sabi at umabante. Ayun, tinotoo naman at panay rin ang dagdag.
“Kumain ka rin dapat ng marami. Ang liit pa naman ng…” Pinasadahan niya ako saglit ng tingin. “Ang liit ng beywang mo. Ang nipis ng katawan mo.”
Umirap ako at pinanood nalang siyang magtambak ng kahit ano sa loob ng cart. Pera niya rin naman ang wawaldasin niya… Iyong sweldo niya.
Ngayon ko lang napagtanto kung ba’t malaking cart ang kinuha niya dahil balak niya talaga iyong punuin! Hindi pa siya nakontento at kumuha rin siya ng dalawang kilo noong fries, isang malaking galloon ng hershey ice cream at sampong chuckie! Jusko! Papatayin niya ata kami sa pagkain ni Lucas!
“Anong hilig mo?” tanong niya habang nagdadagdag parin ng chuckie na gustong gusto naman ni Lucas.
Tiningnan ko iyong pineapple juice saka ako ngumuso at itinuro iyon. Nalipat agad ang atensyon niya roon at ginamit na ang dalawang kamay para kumuha ng tig dadalawa saka niya inilagay roon sa cart. Uubusin niya ata iyong sweldo niya kagabi sa grocery namin! Magkano rin iyon… Naka 10k siya!
Lumipat naman kami sa area ng puro tinapay. Sa gilid naman noon ay puro mga palaman at nagawa niya pang kumuha ng dalawang jar ng nutella. Ngumuso ako at sumunod ulit nang umabante na siya.
Pinabayaan ko nalang si Ken sa pinagdadampot niya. Kahit si Lucas ay nakikisali rin sa pagdampot at puro pa iyon walang kwenta lalo na’t natipuhan niya lang talagang kunin tapos hinahayaan lamang siya ni Ken. Bahala nga kayong dalawa! Hindi talaga ako maglalabas ng malaking pera!
Pumila rin naman kami sa counter. Karga karga niya na si Lucas dahil sobrang puno na noong cart. May nagawa pang pumila na dalawang matandang babae sa aming likuran. Itinabi ni Ken ang cart at umalis sa pwesto saka niya pinagbigyang mauna iyong dalawang matanda.
“Ang bait mo naman hijo… Salamat…”
Ngumiti si Ken sa matanda saka niya ipwinesto ang cart sa likod nila. Sumulyap naman sa amin iyong isang matanda at ibinalik muli kay Lucas.
“Kasal na ba kayong dalawa?” tanong niya sa amin.
Umiling agad ako. Si Ken naman ay nagmamayabang na ang ngisi.
“Hindi ko po siya asawa,” sabi ko agad, nililinaw ang naiisip ng dalawang matanda.
Nagulat sila saka tiningnan si Ken.
“Aba, hijo! Kailan mo siya pakakasalan kung ganoon?! Kawawa naman ang anak niyo… Dapat nagpapatali muna kayo sa isa’t isa bago kayo bumuo ng bata.”
“Okay lang naman kung maaga mo siyang nabuntis at mukhang pinaninindigan mo naman. Pero hijo… dapat ay pakasalan mo na.”
Bumusangot ako sa gilid. Si Ken naman ay hindi nabubura ang ngisi maliban kay Lucas na mukhang nababagot na dahil ang suplado na naman ng mukha.
“Baka pagkatapos niya nalang pong mag-aral,” sagot ni Ken sa dalawang matanda.
Sinamaan ko ito ng tingin kaso sinikap niyang iwasan ang aking mga mata at naeengganyo pa ata sa pinagsasabi ng matatanda sa aming dalawa.
“Oh… Basta… Magpakasal kayo ha. Kawawa ang anak niyo kung hindi kayo nakatali sa isa’t isa. At mas mabuti iyong may basbas kayo ng Diyos…”
Tumango-tango si Ken. Pilit naman akong ngumiti nang sumulyap sa akin ang dalawang matanda.
“Ang ganda mo, hija… Kaya ka siguro maagang binuntis ng boyfriend mo para di kana makawala sa kanya.”
Hilaw akong natawa at pasimpleng kinurot si Ken. Narinig ko siyang umungol ng bahagya ngunit tumawa lamag kalaunan.
“Ang gwapo rin ng anak niyo… Mana sa tatay!”
Hindi ko alam kung paano tatakasan iyong dalawang matanda na pinapaliguan na kami ng compliments ni Ken bilang mag couple. Tingin nila ay anak namin si Lucas. Ganoon ba talaga kamanyakis ang mukha nitong si Ken at inaakusahan agad nilang nabuntis ako nito at nagbunga pa?! Turning 3 na si Lucas edi noong katorse palang ako ay nabuntis na ako ni Ken?!
Humagalpak siya nang makalabas kami ng tuluyan sa grocery store. Pinabaggage counter niya muna ang aming mga pinamili lalo na’t balak ko pang bilhan ng damit si Lucas.
“Tuwang tuwa ka naman.” Inirapan ko ito at naunang maglakad.
Humabol siya karga karga si Lucas. Napapansin ko pa ang iilang mga babaeng nadadaanan namin at nagagawa niyang tangayin ang mga mata nito.
“Alam ko namang hindi ka pa pwedeng buntisin kaya si Lucas muna ang baby natin,” nanunuya niyang sabi kaya sa aking inis ay pinaghahampas ko ang kanyang braso.
Tumawa siya ng malutong habang naglalakad kaming dalawa. Pulang pula na ang aking pisngi at nag-eenjoy pa ata siyang bwesitin ako!
“Tumahimik ka nga!”
He pursed his lips. Iyon nga lang ay halatang nagpipigil parin ng ngiti. Akma niya akong hihilain palapit sa kanya sa aking beywang kaya hinawi ko agad ang kanyang kamay.
“Stop touching me, Ken. Wala ka pang karapatan.” Pinandilatan ko siya ng mga mata.
He chuckled at yumuko pa para lang may ibulong sa akin.
“You have the right to touch me,” he said sensually.
Uminit agad ang aking pisngi. Ang kanyang hininga sa aking tenga ay pinapatindig ang aking balahibo. Kinagat ko ng husto ang aking labi at hindi nagpadala sa kanyang pinagsasabi.
Tumuwid siyang muli at si Lucas naman ang kinakausap. Bumuntong ako ng hininga, halos habulin pa iyon dahil sa pagpipigil ko kanina. Magiging ganito ba siya palagi sa akin? Hindi ba pwedeng h’wag nalang siyang magsalita at bawas-bawasan niya iyang pagiging malandi niya? He’s messing up with my system! Minsan, di ko na alam kung paano kumalma!
Pumasok kami sa Department Store. Nagtungo kami sa children’s area. Namili ako ng mga damit ni Lucas na kahit siya ay nagawa naring mamili para sa kapatid ko. Halos lumuwa ata ang aking mga mata nang napagtanto kong doon siya nangunguha sa mga branded na damit. Uubusin niya talaga ang sweldo niya… Bahala siya!
Binilhan ko narin si Mama na kahit iyon ay sinagot rin ni Ken lalo na’t kinuha niya pa iyon sa akin. Napadpad kami sa Women’s area at puro bra ’tsaka panties na ang naroon. Binalingan ko si Ken na nasa bra ang mga mata.
“Kasya ’yan sa’yo,” aniya sa baritonong boses.
Hindi ako sumagot lalo na’t di ko rin alam kung anong bra ang kanyang tinutukoy. Si Lucas ay gumagala naman ang mga mata sa ibang direksyon.
“You’re size 32 and… cup B, right?” tanong niya sa siguradong boses at kumpirmasyon ko nalang ang hinihintay para masigurado niyang tama nga siya.
“Bakit? Ikaw ba ang nagsusuot ng bra at alam na alam mo?” Umirap ako at umabante na.
Sumunod naman siya. “I just know… You have a small boo-”
Tumigil ako at sinamaan siya ng tingin. He pursed his lips at nakaangat na ang dalawang kilay. Iyan ba ang rason kaya palagi niyang tinititigan ang boobs ko?! Kinakabisado niya?! Eh ano ngayon kung 32b ako? At least komportable ako at hindi mabigat sa pakiramdam!
“Tigilan mo nga ang pang-iinsulto sa dibdib ko.” Nauna ako sa counter, sumunod naman siya.
“I am not insulting them, Aioni. I am just saying-”
Naputol siyang muli sa pagsasalita nang batuhin ko siya ulit ng matatalim kong tingin. Inilapag niya iyong basket sa counter at ngumisi nalang sa akin.
Habang abala siya sa counter ay pasimple namang bumaba ang aking mga mata sa aking boobs. Ang expert niya naman ata sa dibdib at nahulaan niya talaga ang size ng bra ko? Ang rami talagang alam pagdating sa kamanyakan!
Kumain rin naman kami pagkatapos. Napagod ako kakalakad at nanghina rin sa mga pinagsasabi ni Ken. Lahat nalang ata ay napupuna niya sa aking katawan.
Nilagyan niya ng plato ang aking pagkain. Bumusangot ako ng husto at pinigilan siya kaso kahit si Lucas ay nakigaya rin sa kanyang ginagawa. Ngumisi siya at nakipag-apir agad sa aking kapatid. Ngumuso na lamang ako lalo na’t nag-eenjoy narin si Lucas sa kakagaya sa kanya.
Pagkatapos rin naman naming kumain ay ipinasok namin si Lucas sa isang playground. Maraming mga bata roon ang naglalaro. Si Lucas naman ay sumakay agad doon sa isang kotse at doon inaliw ang sarili habang kaming dalawa ni Ken ay nakaupo nalang sa may bench at pinapanood siya rito.
Wala sa sarili akong napangiti nang humagalpak ng tawa si Lucas dahil sa babaeng nalaglag doon sa sinasakyang kotse. Pero noong umiyak iyon ay mabilis niyang pinuntahan at tinulungang patayuan. Ngumuso ako sa inasta ng aking kapatid. Sana paglaki niya ay respetuhin niya ang mga babae at h’wag silang paiyakin.
“Minsan ang suplado ng kapatid mo pero may mga oras na nakakatuwa siyang bata,” sabi ni Ken sanhi para lingunin ko siya.
“Tapos tinuturuan mo ng kung ano-ano. Pag iyan lumaking playboy…”
“Hindi niya naman ako nakitang nambababae ah? Ginagaya ng mga bata ang nakikita nila sa matatanda. Inaalagaan naman kita sa paningin niya kaya iyon ang tatatak sa isip niya.”
Sabagay… Kung ano nga ang ginagawa niya ay ginagaya rin ni Lucas. Medyo nagiging role model siya kahit papaano. At ako lang naman ang nakakasaksi ng mga kalandian niya.
Tumahimik ako at sinundan ng tingin si Lucas na pinasakay na roon sa kanyang kotse iyong babaeng nalaglag kanina. Himala at may nakasundo siya? Kahit walang imik ay halata namang nag-eenjoy siya. Sa gilid naman ng aking mga mata ay nakikita ko ang paninitig ni Ken sa akin.
“Seryoso ako sa panliligaw ko sa’yo, Marione,” biglaan niyang bigkas na ikinalunok ko.
Binalingan ko siya. Nakikita ko ang sinseredad sa namumungay niyang mga mata pero ang hindi ko lubusang mapunto ay kung bakit ako pa?
“Kahit basted ka?” Tumaas ang isa kong kilay.
Nagkibit siya. “Edi manliligaw ulit.”
“Kahit basted ulit?”
“I don’t take no as an answer, Marione. Mapapagod ka rin kakabasted sa akin at sasagutin mo rin ako,” he said surely.
Ilang sigundo ko siyang tinitigan. Nasanay ako sa pagiging loko-loko niya kaya sa tuwing nagseseryoso siya ay ganoon nalang manindig ang aking balahibo. Hindi ko talaga alam kung bored lang ba siya, kung nachachallenge lang ba siya sa akin dahil ako lamang itong babaeng hindi nadadala sa pang-aakit niya. O baka may mas malalim pa siyang dahilan.
“Bakit ako? Sa dami-dami ng may gusto sa’yo, doon ka talaga sa babaeng wala namang nararamdaman para sa’yo.”
I saw him swallowed. Umawang ng bahagya ang kanyang labi sa naging sagot ko. Totoo naman talaga. I don’t like him… Kahit katiting, wala akong nararamdaman para sa kanya. Wala sa isip ko ang pakikipagrelasyon at iba ang plano ko sa aming dalawa, hindi katulad ng iniisip niya.
“Just let me court you,” aniya.
“Oo nga. Basta, ako dapat ang masusunod.”
Umirap ako. Ngumisi siya at kinagat ang pang-ibabang labi.
“Handa akong lumuhod. Handang handa…”
15th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Nakatali
Napagod kakalaro si Lucas kaya mabilis rin itong nakatulog. Kinarga na lamang siya ni Ken at ipinanhik sa aking kuwarto. Kinumutan niya ito at tinitigan muna saka rin nagpasyang lumabas.
Pinasok niya rin iyong mga groceries sa bahay. Pinanood ko lamang siyang labas masok at hindi ito tinulungan lalo na’t nag-eenjoy ako sa pagpapahirap sa kanya. Manliligaw eh. Iyon nga lang… mukhang mas nag-eenjoy pa siya sa kanyang ginagawa at hindi naman nagrereklamo.
Iyong iba niyang ipinagbibili ay inilagay ko sa itaas ng cabinet dito sa kusina. Tumingkayad ako ng husto lalo na’t medyo hindi ko gaanong abot kung di ko iyon ginawa. Nagtungo si Ken sa akin at kinuha iyon. Ang kanyang katangkaran ay walang wala kumpara sa akin. Siya ang naglagay noon doon at ngumisi pa sa akin.
“Di mo ata mapapakinabangan ang sarili mo pag wala ako,” mapang-uyam niyang bigkas.
Lumagapak agad ang aking kamay sa kanyang braso.
“Ang kapal!”
Marahan siyang tumawa at kinuha narin iyong iba para ilagay roon. Humilig ako sa may sink at tiningala nalang ang kanyang ginagawa.
Sa labas naman ay narinig ko ang kalampag ng gate. Doon ko napagtantong marahil ay si Mama na iyon.
“Si Mama,” bigkas ko na ikinalaglag ng tingin niya sa akin.
Tumuwid ako ng tayo. “Puntahan ko lang.”
Tumango siya at binasa ang pang-ibabang labi. Ngumisi ako na ikinakunot naman ng kanyang noo.
Paglabas ko, nasa sala pa lamang ako ay nakita ko na si Mama na tila nililingon parin ang labas.
“May kotse sa tapat ng gate natin. Nandito ang boyfriend mo?” wala sa sariling tanong ni Mama habang tinutupi iyong hawak na payong.
“Hindi ko nga iyon boyfriend, Ma,” giit ko sa matigas na boses.
Bumaling si Mama sa akin. Umawang ang kanyang bibig at may sasabihin sana nang napadpad agad ang kanyang mga mata sa aking likuran. Rinig na rinig ko ang kanyang pagsinghap dito, kung paano unti-unting nanlalaki ang kanyang mga mata na akala mo ay may nakitang modelo.
“Magandang tanghali po, Tita,” ani Ken sa aking likuran.
Umawang muli ang bibig ni Mama, halos hirap sa pagbigkas at nakatitig lamang. Tiningala ko ito sa aking likod. Nalaglag ang tingin niya sa akin at ngumuso. Umirap agad ako at bumaling kay Mama na tumitikhim na.
“Oh… Ikaw ba ang boss ng anak ko? Nako… Madalas kang kinukwento niyan sa akin! May crush sa’yo!” sabi ni Mama na ikinalaglag agad ng aking ngiti.
“Ma! Hindi siya ang boss ko!” depensa ko agad.
Napawi ang matamis na ngiti ni Mama. Ang kanyang tingin sa akin ay tila naninimbang na at nanghihingi ng tulong sa kanyang pinagsasabi. Kinagat ko ang aking labi.
“Ah… H-Hindi ba… Siya ba iyong kaibigan ng boss mo?” Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa aking likuran. “Ang gwapo kasi… Medyo nalito lang ako. Magbibihis muna ako…”
Pinanood ko siyang pumasok sa kuwarto at mukhang tinatakasan na ang ginawa niyang kasinungalingan. Di ko naman sinabi sa kanya na crush ko si Sir Wayt ah?
Humarap ako kay Ken na hindi na ata umiimik sa aking likuran. Tiningala ko siya at humalukipkip. Nag-iwas siya ng tingin at nameywang.
“Bukambibig mo pala? Patay na patay ka ata ah?” matabang niyang sabi at halos hindi na ako magawang tingnan.
Tumaas ang aking kilay. Alam niya naman na gusto ko si Sir Wayt at hindi ko itatanggi ang bagay na iyon.
“Hindi ko sinabi kay Mama na crush ko siya. Gawa-gawa niya lang iyon.”
Mabilis na nalaglag ang kanyang tingin sa akin, ang kilay ay nakaangat na ng husto at nanghuhusga na ang iginagawad na tingin sa akin. He licked his lip and flashes a cold smirk.
“Tss… Eh crush mo naman talaga iyon ’di ba?” he said deeply, almost a whisper with a hint of annoyance.
Hindi agad ako nakasagot at tumitig sa kanyang mukha. Kitang kita ko kung paano unti-unting kumakalat ang iritasyon na nanggagaling sa kanyang mga mata hanggang sa ukupahin na noon ang buo niyang hitsura. His shoulder loosened at nag-iwas ng tingin sa akin.
“Tapusin ko lang ang ginagawa ko,” aniya at tumalikod na.
Napakurap ako habang pinapanood siyang bumabalik sa kusina. Nagalit ba ’yon dahil sa simpleng sinabi ni Mama na crush ko ang boss ko?
“Si Lucas, nasaan?”
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa boses ni Mama sa aking likuran. Mabilis ko itong hinarap.
“Mama, h’wag mo ngang binabanggit ang boss ko,” sabi ko sa mahinang boses at nilingon ang kusina.
Kumurap si Mama at napatingin din sa kusina.
“Nagselos ba?” tanong niya sa maliit na boses.
Huh? Selos?
“Ewan ko roon… Basta h’wag mong binabanggit. At hindi ko naman nabanggit sa’yo na crush ko iyong boss ko ah?”
Marahang tumawa si Mama.
“Ah… Gusto sana kitang ibuko para maitulak kita sa kanya kaso hindi pala siya iyong boss mo…”
Nanlalaki ang aking mga mata at natampal ko nalang ang aking noo. Kinagat ko ang aking labi lalo na’t hindi natatanggal sa aking isipan ang inis na mukha ni Ken. Ang bilis niya naman atang nagsusungit ngayon?
“Paano ba naman kasi… Tingnan mo nga ang tindig noon! Sus maryosip ang gwapong binata, Marione! Akala ko nga kung sinong artista na ang nandito sa ating bahay! Modelo ba iyon? O may half?”
Umiling-iling ako. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nabibihag agad ni Ken lahat ng babaeng nakakakita sa kanya sa unang beses palang. Agaran siyang nilulunod ng papuri at kung pwedeng luluhuran ay huhuluran ata siya ng lahat ng mga kababaihan. Hindi ko talaga mahanap ang bagay na kinababaliwan nila sa kanya. Unang kita ko riyan ay nabwesit na agad ako. At ngayong mas napalapit kami sa isa’t isa ay nabubwesit parin ako.
Tinapos ni Ken ang pag-aayos noong mga groceries. Tuwang tuwa pa si Mama at nagpasyang magluto ng tanghalian namin. Hindi niya muna pinauwi si Ken kaya nanatili na muna kaming dalawa sa sala.
Nakapagbihis na ako ng simpleng pambahay. Isa lamang iyong maluwang na T-shirt at maiksing short suot ang tsinelas na ginagamit kong indoor slipper sa loob.
Niyakap ko ang aking mga tuhod na nakaangat dito sa sofa at idinampi roon ang aking baba habang nasa TV ang aking tingin. Sa aking gilid ay nakaupo si Ken na kanina pa walang imik sa akin, ang mga mata ay nasa telebisyon din.
Hindi ko mapunto ang ikinakagalit niya. Marahil ay nagseselos siya dahil nabanggit ni Mama na may crush ako sa boss ko. Inamin niya na sa akin na seryoso siya sa kanyang panliligaw pero di ko naman inaakalang ganyan pala siya kabilis magselos! Ang liit lamang na bagay na iyon! At alam niya naman na gusto ko si Sir Wayt ah! Hindi na iyon lingid sa kanyang kaalaman kaya anong ipinuputok ng butsi niya?
Dahan-dahan ko siyang nilingon. Naroon parin ang iritasyon sa kanyang mukha sa kabila ng pagiging kalmado nito. Ngumuso ako at ibinalik ang tingin sa TV.
Kinuha ko ang remote at inilipat ang channel. Hindi naman ito nagreklamo kaya inilipat ko pa sa ibang channel. Huminto iyon sa lalake at babaeng naghahalikan kaya mabilis na nanlaki ang aking mga mata at sa taranta ay nahulog ko pa iyon. Rinig na rinig ang halikan ng dalawa. Uminit ang aking pisngi at yumuko para kunin ang remote pero naunahan na ako ni Ken.
“Akin na.”
Iniabot ko iyon lalo na’t di ko na gusto ang palabas kaso ang bwesit na ito ay nagawa pang iangat iyon.
Sinamaan ko siya ng tingin. Nilingon ko ang screen ng aming tv at hawak na ng lalake ang panga ng babae para mas lalo lang itong halikan.
“Akin na nga!” sigaw ko at humawak sa isa niyang balikat saka ko inabot iyong remote na inilayo niya lalo.
“Hindi talaga kita sasagutin!” banta ko at sinamaan ito ng tingin.
Nagulat siya hanggang sa unti-unting bumaba ang kanyang kamay at kusang inilahad sa akin ang remote. Ngumisi ako at hinablot agad iyon. Umayos ako sa pagkakaupo saka ko inilipat ang channel.
Humilig siya sa kanyang nakabukakang mga hita at yumuko roon. Tiningnan ko ang kanyang buhok at hindi ko alam kung ba’t nakokonsensya rin ako.
“Gawa-gawa nga lang iyon ni Mama,” inis kong sabi.
“Pero totoo naman iyon ’di ba?” malamig niyang sambit.
Tama nga ako at iyon parin ang inaalala niya! At bakit niya binibigdeal?
Pinanood ko ang kamay niyang ginugulo ang kanyang buhok habang nakayuko parin, nakikipagtitigan sa sahig. Humalukipkip ako sa sofa habang tinititigan ang malapad niyang likod.
“Paghanga lang naman ’yon ah? Sa’yo narin mismo nanggaling… Ikaw nga marami ka ring tipo na babae. Marami kang gusto.”
Umahon ang kanyang tingin at mabilis na hinanap na ang aking mga mata. Nagkasalubong agad iyon.
“Anong meron kung may gusto ako? Karapatan ko iyon dahil hindi pa naman ako nakatali sa’yo kaya wala ka pang karapatan sa akin, Ken.”
Mas lalong nairita ang kanyang mukha. Ang kanyang bahagyang nakaawang na labi ay binasa niya at ngumisi ulit ng matabang.
“Tinatanggalan mo rin ba ako ng karapatang magselos?” tanong niya sa dismayadong boses.
Lumunok ako, nakatitig nalang sa kalahati ng kanyang mukha.
“Wala akong karapatang magselos?” tanong niya sa mas klarong boses at nilingon ako.
Napalunok akong muli sa kanyang malalim na paninitig. Ang galit doon ay ramdam na ramdam ko at tila nagpipigil lamang siya. Bumaba ang kanyang mga mata sa aking labi saka niya binasa ang kanyang labi na kanina pa nakaawang.
“Pinapatay mo ako sa pagseselos, Marione,” sabi niya sa husky na boses.
Naputol saglit ang aking paghinga. Pumulupot ang aking tiyan at para akong umangat sa ere dahil sa kanyang binitiwan na salita. Ang kanyang mga mata ay mas bumaba pa at ngayon ay nakatitig na sa aking leeg. Shit! Kinakabahan ako! Ang bilis ng kalabog ng dibdib ko!
Nang hindi ko makayanan ay mabilis kong ibinaba ang aking mga paa at gusto nang magwalk-out, gusto ko nalang pumunta sa kusina at silipin sa pagluluto si Mama.
Pero bago pa ako tuluyang makalayo roon ay mabilis na akong nahigit ni Ken pabalik. Nawalan agad ako ng balanse at nalaglag sa kanyang kandungan. Humawak ako sa kanyang mga balikat para suportahan ang aking sarili habang ang kanyang kamay naman ay ramdam ko sa aking likod na nakadampi at ang isang kamay ay nasa aking hita na.
Nanlalaki ang aking mga mata habang ang kanya ay wala paring pinagbago, malalim parin at humahalo ang iritasyon doon.
“Gusto mo bang makita kung gaano ako kadesperado sa’yo?” halos pabulong niyang tanong.
His breathe brushed my cheek. Mas lalo lang nagwala ang aking puso at gusto nang magrebelde sa loob. Naninigas ako at nabablangko ang isip ko. Wala akong masabi, di ko alam kung anong gagawin at ang lahat sa akin ay tila naka black-out.
Ang kamay niyang nasa aking likod ay unti-unting dumaosdos pababa hanggang sa tumigil iyon sa aking beywang saka niya iyon ipinulupot doon.
My stomach tightened. He pulled my legs towards him at sobrang lapit ko na sa kanya! Niyayakap niya narin pati ang mga hita ko habang ang kanyang mga mata ay hindi parin iniiwan ang aking mga mata!
Nanginig ako nang niyakap niya na ako. Ang kanyang baba ay nasa aking balikat na. Mariin akong napapikit at hindi na maintindihan ang takbo ng buo kong sistema. Para akong nakukuryente sa loob.
“Gusto ko… Ako lang ang gusto mo,” bulong niya habang ang hininga ay tumatama sa balat ng aking leeg. “I’m desperate, Marione… Ayokong may kahati ako sa’yo.”
Shit. Tumindig ang balahibo sa aking batok dahil sa atake ng kanyang salita. Para akong isang robot na siya ang komokontrol kaya wala akong magawa at di ko man lang kayang umalis sa kanyang kandungan. Dapat ay hindi muna ganito! Dapat siya ang pinapaluhod ko! Dapat siya itong nakikita kong nagmamakaawa sa akin hindi iyong pati ako ay mapapasunod niya narin sa kanya!
Naramdaman ko ang pag-amoy niya sa aking leeg. Shit! Ikaw dapat ang masusunod, Marione!
Kinuha ko ang buong lakas ko at itinulak siya. Mabilis namang lumuwang ang pagkakayapos ng mga kamay niya sa akin kaya umalis agad ako sa kanyang kandungan. Hindi ko alam kung masyado na ba akong malakas o kusa niya akong hinayaang makawala.
Nakita ko ang kanyang mukha, nakangisi na ng pilyo habang ako itong pulang pula.
“Ang bango ng leeg mo,” aniya at kinagat ang kanyang labi habang nagpipigil ng malapad na ngisi.
Jusko! Mababalibag ko talaga ito!
“’Di ba sabi ko w-wala ka pang k-karapatang hawakan ako?!” Itinuro ko siya.
Humilig siya sa sofa na akala mo kung sinong hari at nanunuya na ang kanyang ngisi sa akin. Kani-kanina lang naiinis ito ah?!
“You let me touch you,” he said cooly.
“D-Dahil hinila mo ako!”
Ngumuso siya at tinapik pa ang kanyang hita.
“Bumalik ka nga rito.” Utos niya na akala mo ay hindi siya nagsusungit kanina.
Nalaglag ang aking panga at mas lalo ko siyang tinapunan ng matalim na tingin. Ngumuso siya lalo at nagpipigil na ata ng tawa. Ang paglabas ni Lucas galing sa kuwarto habang kinukusot ang kanyang mga mata at buhaghag ang buhok ang kumuha ng kanyang atensyon.
“Kuya…” sambit ni Lucas sa maliit na boses.
Awtomatiko namang tumayo si Ken at nagtungo sa aking kapatid. Inangat niya ito at kinarga. Yumakap si Lucas sa kanyang balikat at doon ipinahinga ang kanyang ulo habang humihikab.
Hinabol ko ang aking hininga at itinali sa akin ang katinuang kamuntik na akong layasan kanina. Mababaliw na ata ako! Hindi pwedeng ganoon, Marione! Hindi pwedeng nakokontrol ka rin niya! Pag nagkataon ay pwede kang mabaliktad ano mang oras! Dapat ay wais ka! Dapat ikaw ang may hawak ng sarili mong remote control habang hawak mo siya sa kanyang leeg.
Tinawag narin kami ni Mama sa kusina. Ang niluto niyang Menudo na may mga pinya ang bumungad sa amin doon.
“Mukhang close si Lucas sa’yo ah?” puna ni Mama nang nanatili si Lucas sa hita ni Ken at doon napiling umupo.
Ngumiti si Ken habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Lucas.
“Kuya…” ani Lucas at itinuro pa si Ken.
“Kuya mo siya, Lucas?” tanong ni Mama sa maliit na boses.
Tumango si Lucas. “Boyfriend… Ate…” hirap niyang bigkas pero malinaw naman sa aming pandinig.
Nagulat si Mama. Ngumuso si Ken habang ako naman itong tumalim agad ang mga mata sa kanya. Ang rami nang natututunang kalokohan ni Lucas dahil sa kakaturo niya ng kung ano-ano!
“Boyfriend kana ng anak ko?” tanong ni Mama, halatang gusto ring linawin mula sa mismong bibig ni Ken.
Bumagal ang paglalagay ko ng pagkain habang ang aking mga mata ay naninimbang kay Ken. Nilingon niya ako saglit pero ibinalik rin naman kay Mama ang tingin.
“Nanliligaw palang po, Tita.”
Halos masamid ako kahit na hindi pa naman ako kumakain. Inangat ko ang baso at uminom doon. Si Mama naman ay nagulat sa narinig.
“Oh… Manliligaw…” si Mama, kinaklaro.
Tumango si Ken. Ibinaba ko ang baso at pabalik-balik silang tiningnan.
“Pwede po ba?” tanong ni Ken.
Walang hesitasyong tumango si Mama.
“Oo naman syempre! Kung payag si Marione ay payag rin ako! Alam mo ba na maraming nagkakagusto sa kanya rito? Ewan ko nga ba sa anak ko at bakit walang tinatanggap na manliligaw… binabasted niya agad! Ngayon na nakita ko na… Naiintindihan ko na iyong sinasabi nilang mataas daw ang standard nitong si Marione.”
Yumuko ako at inabala nalang ang sarili sa pagsubo. Sumulyap ako kay Lucas na na nagagawa pang subuan ni Ken habang nakikipag-usap siya kay Mama. Masyado na talaga siyang nawiwili sa lalakeng iyan… Pati si Mama ay halatang nag-eenjoy ring kausap si Ken.
Nagpatuloy si Mama sa kakacompliment kay Ken. Ang rami rami niyang sinasabi! Ang rami niya pang tanong!
“Nagmomodel ka ba?”
Bahagyang umiling si Ken. Gusto ko sanang umapila na model iyan ng kalandian niya kaso ay sinikap ko nalang tumahimik. Di ko alam kung ako ba ang may sira sa mata o silang lahat ang kailangang magpatingin sa doktor.
Ano kayang reaksyon ni Eunecia pag nakita niya rin ito sa personal? Kahit siya ay nacucurious narin sa pagmumukha ni Ken lalo na’t nakuwento ko sa kanya iyong reaksyon ni Mama nang madatnan niya ito sa bahay.
“Ang haba na talaga ng buhok mo ha! Noon lang tinutulungan ka pa niyan sa boss mo tapos ngayon lumagapak na sa’yo!” si Eunecia sa hapon ng Lunes.
Ngumisi ako ng matagumpay habang naglalakad kami pabalik ng classroom. Galing kami sa canteen at doon kumain ng lunch. Nakwento ko narin sa kanya ang lahat lahat kaya hindi siya agad makamove-on sa topic namin kanina.
“Gusto ko rin iyang makita sa personal! Papuntahin mo kaya rito?”
“H’wag na no! Ayoko siyang makita.”
“Sus! Grabe ang pagiging hard to get mo! Baka sa mga sumunod na araw niyan malalaman ko nalang ikaw na itong nababaliw ng husto sa kanya!”
Umirap ako sa kanyang paratang sa akin.
“Di ko siya gusto. Ang sabi sa akin noong lalakeng hulog ng langit ay paluhurin ko raw sa akin. Dapat ay patay na patay na ito sa akin kaya iyon ang gagawin ko.” Binuksan ko ang hawak kong bottled water saka ako lumagok doon.
Tumitig naman si Necia sa akin.
“Pag napaluhod mo na… Ano nang mangyayari?”
Isinara kong muli iyon at nginisihan siya.
“Edi nakuha ko ang premyo ko! Tapos!”
Umiling siya, hindi kontento sa aking sagot lalo na’t hindi nabubura ang kyuryusidad sa kanyang nag-aalalang mukha.
“Ang ibig kong sabihin ay ano na ang balak mo kay Ken? Itutulak mo na? Itatapon mo na dahil hindi mo na kailangan?”
Umawang ang aking bibig para sana sumagot agad kaso di ko rin nagawa. Ano nga ba…
Mas lalo lang nailing si Eunecia sa akin. Tumingin siya sa harap at isinabit ang iilang hibla ng buhok sa gilid ng kanyang tenga habang hindi parin nabubura ang pag-aalala roon.
“Kung nahulog ka man sa kanya at nalaman niya ang deal na iyan… Baka kamuhian ka niya, Marione. Depende nalang kung ibabalik mo ang pera at uurong ka sa kasunduan… Mas makukumbinsi mo siyang iba na ang hangarin mo.”
Tumawa ako.
“Ano ka ba, Necia! Bakit ako uurong eh ginusto ko ito? At hindi ako mahuhulog! Malinaw sa akin ang ginagawa ko.”
Namungay ang mga mata niya sa akin. Kumurap ako.
“Ako ang natatakot sa pinaggagawa mo. Baka dumating ang oras na bigla kang singilin sa mga kasalanan mo.”
Natahimik ako. Pilit kong inaalala ang mga rason kung bakit gusto ko itong ipagpatuloy. Alam ko namang mali ang manggamit pero playboy naman si Ken! Hindi rin magtatagal, pag tinaboy ko na siya ay makakahanap na ulit iyan ng ibang babae. Kakalasin ko naman ang tali pagkatapos ng lahat ng ito at kung pwedeng ako mismo ang dumistansya ay gagawin ko.
Pero sa ngayon, hindi pa sapat ang ginagawa ni Ken. Gusto kong makitang patay na patay siya sa akin. Gusto kong mapatunayang nakatali siya sa mga gusto ko. Iyong kahit maluwag ang tali ay wala siyang planong kumalas at tumakas.
16th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Sa Akin Ka Lang Dapat
Nagpatuloy ang panliligaw ni Ken sa akin. Araw-araw ay tumatawag ito at tuwing umaga ay palagi akong nakakatanggap ng text sa kanya. Di naman ako nagloload kaya di ko rin ito narereplayan.
Ken: Good morning gorgeous. ;)
Bumusangot agad ako sa nabasa ko. Nakikita ko ang mukha niya sa isipan ko na kinikindatan ako.
Makulit si Ken sa tawag. Kahit tuwing may klase ako ay nararamdaman ko ang cellphone kong nagvavibrate. Minsan sinasagot ko at pinapagalitan siya na nasa gitna ako ng klase saka siya titigil at tatawag na naman maya-maya.
“Kanina pa ’yan ah?” Tiningnan ni Eunecia ang screen ng aking cellphone nang hablutin ko ito palabas sa aking bulsa pagkalabas ng teacher namin sa Math.
Umiling ako at gigil na pinindot ang tawag saka ako humalukipkip sa aking silya. Naninimbang naman ang mga mata ni Necia sa akin.
“Ano?” inis kong salubong.
Narinig ko itong marahang tumawa.
“Lunch?” tanong niya sa kabilang linya.
“Iyan lang ang itinawag mo?” galit kong bulyaw at pinandilatan pa ito ng mata kahit alam kong hindi niya iyon makikita.
“Chill… Ba’t galit kana naman?”
“Kanina ka pa tumatawag. Hindi ako nakakaconcentrate sa lesson, Ken!”
“Oh… Nadidistract ba kita?” Humalakhak siyang muli.
Bumuntong ako ng hininga at kinagat ang aking labi. Binalingan ko si Eunecia na itinuturo na iyong notebook niya. May assignment pa kaming tatapusin at pupunta pa kaming library.
Iniloudspeak ko ang cellphone at inilapag iyon sa desk para halungkatin sa loob ng aking bag ang aking notebook.
“May assignment pa akong tatapusin ngayon,” sabi ko.
“Kumain ka muna.”
Ngumisi agad si Eunecia sa akin nang marinig niya ang boses ni Ken. Bigla akong nakaisip ng ediya. Total nangliligaw ito… Subukan nga natin kung hanggang saan ang kaya nito at kung seryoso ba talaga?
Ngumisi narin ako kay Eunecia na ikinakurap niya.
“Wala akong pagkain eh. Pumunta ka nalang dito. Dalhan mo ako ng pagkain,” sabi ko na ikinalaglag ng panga ni Eunecia.
Pinakinggan ko ang background. Maingay roon at mukhang nasa eskwelahan rin ito.
“Ano bang mga gusto mo?” tanong niya, hindi man lang nagreklamo.
Pumalakpak si Eunecia nang walang tunog at tila namamangha sa mga sagot ni Ken.
Pupunta talaga siya?
“Uh, gusto ko ng spaghetti bale dalawa ’yung sa jollibee tapos isang box ng Krispy Creme at dalawang lasagna ng greenwich ’tsaka isang box ng pizza. Tapos yung drinks naman gusto ko ’yung pineapple sa Chowking.” Matagumpay akong ngumisi habang si Eunecia naman ay laglag panga na.
Natahimik siya saglit sa kabilang linya. Tumayo na ako at saka kami lumabas dalawa para magtungo sa Library.
In-off ko ang lpudspeak at inilagay ito sa aking tainga. Palingon-lingon naman si Eunecia sa akin, nacucurious kung ano na ang kinahinatnan ng utos ko sa aking manliligaw.
“Kung di mo naman kaya-”
“Kinukuha ko pa ang susi. Papunta na ako,” putol niya sa akin.
“Nagets mo ba ang mga pinagsasabi ko kanina? Gusto ko doon mo sila bilhin mismo sa binanggit ko.”
“Alright… Masusunod.”
Palaban!
“At dapat wala pang 30 minutes ay nandito kana,” pahabol ko pa.
“Okay. Papasukin ba kita?” Narinig ko ang kanyang marahang paghalakhak, tila binibigyan ng ibang kahulugan ang sinabi.
“Oo. Hanapin mo ako,” inis kong sagot saka pinatay ang tawag.
Namula ang aking pisngi at gusto siyang sakalin sa kanyang pinagsasabi. Tinitigan naman ni Eunecia ng husto ang aking mukha.
“Oh? Namumula ka? Hulog na hulog kana ba?” Ngising aso na ang aking matalik na kaibigan habang inaasar ako.
Hinawi ko ang aking buhok at umirap sa kawalan.
“Hindi ’no. Nakakabwesit lang talaga ang bibig.”
“Pero infairness masunurin sa’yo! Ngayon palang panalo kana roon sa deal niyo noong lalake. Ba’t di mo nalang aminin kay Ken tungkol sa deal at aminin mo naring nahulog kana sa kanya at gusto mo nalang siyang maging boyfriend?”
“Hindi pwede! Ayoko ng bwesit sa buhay ko, Necia. Mahahigh blood lang ako araw-araw sa tawag at text noon! Idagdag pa ang ngisi ng bwesit na iyon…” Nailing ako at natampal ang aking noo.
Bigla niya naman akong sinundot sa tagiliran kaya napaigtad ako.
“Bakit… Nakakainlove ba ang ngisi at napipikon ka agad?” Humagalpak siya.
“Hindi!”
“Sus! Eh pinapamulahan ka nga ng mukha pag kausap mo eh! Lalagariin ko na iyong itak sa bahay dahil mukhang malapit na iyong araw na gigilitan kita ng leeg,” sigurado niyang sabi.
Bumusangot ako. “Gago iyon, Eunecia. Fuckboy na nga tapos playboy pa! At mayaman ang gusto kong maging boyfriend ’no. Wala akong mapapala kay Ken.”
“Huh? Eh perfect match naman kayo ah? Gago siya, manggagamit ka. May sparks kayong dalawa!”
Sinamaan ko ito ng tingin. Tumawa siya.
“Ang sparks naming dalawa ay parang kuryente na pag ipinagtabi ay pwedeng magka short circuit, pwedeng maground. Hindi match,” giit ko.
Nagpatuloy ang kakatukso ni Eunecia sa akin kay Ken hanggang sa makarating kami sa nasa bukana na kami ng library. Ang kalalabas lamang roon na si Audrey, kasama na naman iyong kaibigan niya, ang nakasalubong namin ni Eunecia.
Awtomatikong tumaas ang kanyang kilay nang magtagpo ang mga mata namin. Kumulo rin naman agad ang aking dugo nang maalala ko iyong araw na narinig ko siyang pinaparinggan ako sa Cr.
“Hi Eunecia,” bati ni Audrey at nginitian pa ng matamis ang aking kaibigan.
Kumunot ang noo ni Eunecia pero kalaunan ay nagawa ring ngumiti ng tipid. Umirap agad ako. Kitang kita ko naman ang naging reaksyon niya sa ginawa ko.
“Nakakapagtaka talaga… Ano bang meron sa’yo at maraming nagkakagusto? Nakakaattract ba ang masama mong ugali? Ang pagiging gold digger mo?” si Audrey na sinasabi iyon sa normal na boses.
Nagkibit lamang ako, wala nang sinabi pa at hinawakan ang braso ni Eunecia para hilain ito papasok sa library. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Audrey sa aking likuran.
Bahala siyang maimbyerna sa akin. Bahala siyang magtaray. Akala niya naman papatulan ko siya? Oo may mataray rin ako pero di ako cheap ah! Wala akong mapapala sa mga ganyang away.
“Ang init talaga ng dugo noon sa’yo,” si Eunecia nang tuluyan na kaming nasa loob.
“Ewan ko sa kanya. Wala ata siyang problema kaya ako ang pinoproblema niya,” sabi ko at nagtungo na sa pasilyo ng mga librong hinahanap ko.
Bumuntot naman si Eunecia sa akin.
“Eh ’di ba ex niya si Jeric?” halos pabulong nalang na sabi niya.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
“Huh? Ex niya si Jeric?” Halos humagalpak ako sa pagtawa kaya kinagat ko agad ang aking labi. “Iyong engkantong patay na patay sa akin?”
Tumango si Eunecia. Tinakpan ko ang aking bibig para di tumakas ang nakakaloko kong tawa. Kaya naman pala galit sa akin!
May kinuhang libro si Eunecia at binuklat iyon. Humarap naman ako sa iilang librong nakahelera habang nililingon ko siya minsan.
“Naging sila talaga?” tanong ko, pigil ang tawa.
Tumango siya. “May hitsura naman si Jeric. Basketball player iyon tapos si Audrey member naman ng Dance Troupe…”
Hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang sinasabi ni Eunecia sa dalawa at nagfocus doon sa kinuha kong libro. Alam ko namang maganda iyang si Audrey pero tumatagas talaga sa kanya ang insecurity sa akin. Iyon lang ba ang ipinuputok ng butsi niya? Dahil lang ako na ang gusto noong ex niya?
“At baka dahil galit siya sa’yo dahil maraming nagkakagusto sa’yo. Eh alam mo naman si Audrey, popular rin iyon sa mga kalalakihan lalo na’t magaling sumayaw. Tapos ikaw simpleng pagtataray lang ang ginagawa mo nanghahakot kana ng mga lalake rito,” ani Eunecia nang pakinggan ko siyang muli.
Mayabang akong ngumisi, hindi na nagsalita pa at hinintay siyang makapili ng libro.
“Eh balita ko di pa ata nakakamove-on si Audrey kay Jeric kaya talagang tataas ang sungay noon sa’yo.” Sinulyapan niya ako saglit.
Hinawi ko ang aking buhok at tiningnan ang librarian na tinitingnan na kami sa ilalim ng suot niyang eyeglass.
“Baka next time pwede ko siyang pagbigyan. Pag bored ako papatulan ko siya…” pabulong kong sabi.
Marahang tumawa si Eunecia at nailing na lamang. Hindi rin naman kasi ako warfreak. Para saakin nakaka low class ang mga ganoong babae. Ewan ko ba at hindi rin ako naaapektuhan sa mga masasakit na salita nila sa akin. Kahit pa siguro ipagkalat nila ang mga panglalait sa akin ay wala akong pakialam doon. Bahala silang mamroblema dahil hindi ako apektado.
Hiniram namin iyong librong napili namin at nagpasya rin namang lumabas. Hindi pa kami nangangalahati sa paglalakad pabalik sa classroom ay humarang na agad itong si Jeric kasama pa iyong dalawa niyang barkada. Naka jersey ang tatlo habang nakaipit naman ang bola sa pagitan ng beywang at braso ni Jeric.
“Oh? Marami ka bang assignments? Gusto mo tulungan na kita, babe?”
Hindi ko iyon pinansin at lumiko sa kanilang gilid. Tumawa ang iilan niyang mga kabarkada habang si Eunecia naman ay nagawa pang kumaway sa kanila.
“Ang sungit talaga ng babe mo!” isa sa mga barkada niya.
Humabol sila at sumabay pa si Jeric sa aking gilid habang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo.
“Baka mabigat ’yang libro… Ako na ang magdadala.” Inilahad niya ang kamay niya sa akin kaya sinamaan ko agad ito ng tingin.
“Baka gusto mong ihampas ko ’to sa’yo?” pagbabanta ko.
Binawi niya agad ang kamay sa gulat at nakamot na ang kanyang batok. Si Eunecia naman ay nakikipagdaldalan pa roon sa dalawang lalake na nasa kanyang tabi at ang isa ay nasa likuran pa.n
“Kailan mo ba ako papansinin, Marione? Loyal naman ako sa’yo ah?”
“Tigilan mo nga ako.” Umirap ako at mas binilisan ang paglalakad kaso nilalakihan niya rin ang kanyang hakbang kaya nagkakasabay talaga kaming dalawa.
Malapit na kami sa classroom nang may sumigaw ng pangalan ko.
“Ayon si Marione oh!”
Napatingin ako sa pinanggagalingan ng boses at ganoon nalang ang pagkagulat ko nang makita ang maraming babae sa tapat ng aming pinto, tila may mga pinagkakaguluhan.
May bukod tanging kumuha ng atensyon ko roon lalo na’t matangkad ito at sobrang pamilyar pa. Ang kanyang matalim na mga mata ay wala sa akin kundi nasa aking katabi.
Umalis siya roon sa kumpol ng mga babae na binigyan rin naman agad siya ng espasyo para makadaan. Tumigil ako sa paglalakad at bumusangot.
“Hayop ba’t ang guwapo?!” ani Eunecia na napamura na sa aking tabi at tumigil nang makita ang imahe ni Ken na naglalakad na papunta sa aming dako.
Nakasuot ito ng malinis na uniporme at sa mukha palang noon ay halatang pumapasok ito sa pribadong Unibersidad. Napakalinis niyang tingnan na kahit medyo magulo ang buhok pero nakabalandra naman ang noo ay bagay naman sa kanya. Iyon nga lang… hindi nabubura ang iritasyon sa kanyang mukha at mas lalo lamang iyong kumakalat sa tuwing dumadako ang kanyang tingin sa aking gilid.
Noong unang beses ko siyang nakitang nakauniporme sa Restaurant ay hindi naman ako nagugwapuhan. Ewan ko ba kung ba’t ngayon ay tila lumalala ang hitsura nito at nasa sukdulan na ata ang pagiging gwapo. Kailangan ko na bang magpatingin sa doctor?
Tumigil siya sa aming harapan. Iyong dalawang lalake na barkada ni Jeric ay mabilis pang napaatras dahil sa kanyang imahe. Mas matangkad siya kumpara kay Jeric na nagmukha agad na payatot sa aking paningin dahil kay Ken.
Nalaglag ang panga ni Eunecia sa aking gilid habang tinitingala si Ken. Sa sobrang pagkawindang niya ay nahulog niya pa ang libro.
“A-Ay!” si Eunecia at pinulot rin agad iyon.
Tumagilid ang aking ulo at sinilip sa kanyang likuran ang mga babaeng nagkukumpulan sa aming pinto habang ang mga mata ay nakay Ken, nang-uusisa.
“Iyan ba ang boss mo?” tanong sa akin ni Eunecia.
Umiling ako, halos hindi mahugot ang aking boses lalo na’t naaamoy ko rin ang kanyang pabango na kumakalat na ata sa buong lugar. Tinotoo niya talaga!
Kitang kita ko ang pagdilim ng mukha ni Ken nang marinig ang tanong ni Eunecia. Gumalaw ang kanyang panga at binasa ang pang-ibaba niyang labi saka hinawakan ang kanyang buhok.
Nagmura muli si Eunecia sa aking tabi. Sila Jeric naman ay hindi parin umaalis sa aking gilid at nakay Ken rin ang buong atensyon.
“Sino sila?” malamig na tanong ni Ken saka inisa isa ng tingin ang tatlo.
“Sino ’yan, babe?” tanong ni Jeric sa akin na ipinagsalubong ng mga kilay ni Ken at sinamaan pa ito ng tingin.
“Hoy shoo! Umalis na kayo!” Pinagtataboy ni Eunecia ang tatlo hanggang sa napaatras na ito.
“Babe? Akala ko ba…” paglilinaw ni Ken sa matigas na boses at nasa akin na ang matalim na mga mata.
“Ikaw ba ang pinagkakaguluhan nila?” tanong ko at sinaman ng tingin ang mga babaeng hindi parin umaalis doon sa pinto ng aming classroom.
Hindi niya ako pinakinggan at nasa tatlo parin ang kanyang mga mata na tinataboy na palayo ni Eunecia. Umabante ako at naglakad na kaya doon bumalik sa akin ang buo niyang atensyon at sinabayan ako.
“Akala ko ba wala kang mga kaibigang lalake? At kailan pa naging babe ang pangalan mo?”
Nilingon ko ito. Hindi parin humuhupa ang pagsasalubong ng kanyang kilay at halata pa ang frustration sa kanyang mukha.
“Hindi ko mga close ang mga iyon. Sumabay lang talaga,” sabi ko at ibinalik ang tingin sa mga babaeng nagugulat parin sa imahe ni Ken.
“Eh ba’t di mo tinarayan? Sana tinaboy mo,” pagalit niyang sabi.
Ngumiwi ako at tiningnan ang mukha niyang problemadong problemado.
“Ang laki naman ata ng problema mo,” sabi ko.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi.
“Pati iyong bestfriend mo… napagkamalan akong boss mo… Bukambibig mo pala talaga?” Umangat ang kanyang kilay sa akin.
“Ewan ko sa’yo. May assignment pa akong tatapusin. Bahala ka.”
Binilisan ko ang aking paglalakad hanggang sa makarating ako sa classroom. Humabol rin naman siya at nagsinghapan pa ang mga babae.
“Manliligaw mo Marione?”
“Saan mo ’yan nakilala?”
“Model ba ’yan? Ba’t ang gwapo?”
“College students pala ang type nitong si Marione. Kaya pala ni isa walang pinapansin dito.”
“Akala ko nakakadiri iyong may malaking agwat pero ang hot pala tingnan…”
Hindi ko sila sinagot saka ako tuluyang pumasok. Ang kumuha agad ng aking atensyon ay iyong desk kong napuno ng pagkain. Patong patong iyon doon at nagmistulang bundok na kahit ang aking mga kaklase ay napatingin agad sa akin.
“Hi! Ako si Eunecia! Ikaw pala si Ken! Iyong manliligaw ng kaibigan kong si Marione!” Halos pasigaw ata iyong sinabi ni Eunecia sa aking likuran lalo na’t pumaibabaw ang kanyang boses o sinadya niya talagang lakasan.
Nakarinig akong muli ng mga mga singhapan. Ang iilan ko namang mga kaklase ay binabaha narin ako ng mga tanong. Nagkakagulo na silang lahat dahil lamang sa imahe ni Ken! Parang first time nilang makakita ng tao!
Hinila ko agad ito paalis lalo na’t pinagkakaguluhan parin siya ng ibang mga babae. Dinala ko ito sa labas saka ko ito sinamaan ng tingin.
“Grabe… Ba’t ka pinagkakaguluhan? Dinaig mo pa ata ang artista ah?”
Hindi nagbabago ang kanyang ekspresyon. Tila may ikinakainis parin saka siya nameywang at nag-iwas ng tingin sa akin.
Napansin ko naman ang itim na kotse rito sa labas ng gate na madalas niyang ginagamit. Idagdag pa ang mga estudyanteng napapasulyap parin sa kanya.
“Hoy.” Tinusok ko ang kanyang tiyan gamit ang aking hintuturo na ikinalingon niya sa akin.
“May gagawin pa ako. May assignment ako,” pagalit kong sabi saka siya tumango at dinukot na ang susi sa kanyang bulsa.
“Alis na ako,” malamig niyang tugon na ikinakurap ko.
Nasaan na iyong palangisi at pilyong si Ken? Nilalamon na naman ba ng inis niya at nangingibabaw na naman ang pagiging suplado niya?
“Ihahatid nalang kita pabalik,” sabi niya at hindi parin makatingin sa akin.
Ngumuso ako nang napagtantong marahil ay nagseselos naman at halos hindi mapanondigan ang galit. Ganiyan siya pag may ikinakaselos eh. At hindi ako makapaniwalang ang katulad niyang playboy, ang pilyo at malanding si Ken ay mabilis palang magselos!
“Kainin mo lahat ng binili ko,” sabi niya pa at tila hinihintay lamang ang pagkilos ko.
Bumuntong ako ng hininga at medyo nakaramdam ng konsensya. Ang sarap niyang pahirapan pero sa tuwing ganyan siya ay naaapektuhan talaga ako. Dapat wala akong pake diyan sa pagseselos niya. Dapat siya lang itong namomroblema sa akin kaso pati ako namomroblema narin.
Hinila ko ang kanyang braso. Binalingan niya ako at nagpatangay rin naman sa aking panghihila lalo na’t tahimik siyang sumusunod sa akin.
Tumigil kami sa tapat ng kotse.
“H’wag mo na akong ihatid.” Humalukipkip ako sa kanyang harapan.
“Tss… Baka iba pa ang maghatid dyan sa’yo. Marami ka pa namang fans.” Nag-iwas siya ng tingin at sobrang tabang na ng pananalita, idagdag pa ang mukha niyang supladong suplado niya.
“Ang seloso mo.” Umirap ako.
Kinagat niya ang kanyang labi at wala parin sa akin ang mga mata. Di ko alam kung ba’t gusto kong humagalpak sa mukha niya.
Hindi siya kumibo at nasa ibang direksyon parin ang mga mata.
“Bumalik kana nga sa eskwelahan niyo. Wala kana bang pasok?”
“Meron,” tipid niyang sagot.
“Oh… Edi bumalik kana.”
Nagloosen ang kanyang balikat saka niya ako sinulyapan. Namumungay ang kanyang mga mata at hindi parin nagbabago ang ekspresyon.
“Ihahatid na nga kita,” sabi niya.
“H’wag na nga! Nakita mo ba kung paano ka pinagkaguluhan ng mga babae sa loob?”
“Hindi. Nabubulag ako sa pagseselos ko,” pag-amin niya at ibinulsa ang mga kamay, ang mga mata ay nasa ibang direksyon na naman.
Ngumisi ako sa kanyang sinabi pero mabilis ko ring binura saka ako tumikhim.
“H’wag mo na akong ihatid,” sabi ko na ikinatingin niya sa akin.
Umawang ang kanyang bibig para sana may sabihin kaya inunahan ko na.
“Naiinis ako dahil pagkakaguluhan kana naman doon. Sa akin ka lang dapat,” matigas kong sabi at sinamaan siya ng tingin.
Nagulat siya. Namula naman ang aking pisngi at halos hindi ko na maipirmi ang mga mata ko sa kanya.
“Ano?” Lumapit siya lalo sa akin, halos ukupahin ang natitirang espasyo sa aming gitna.
“U-Umalis kana nga!” Namula ako lalo at nagawa ko pa itong itulak para lang hindi siya makalapit ng husto sa akin.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at tumakas na ang ngisi. Ang walanghiyang ito! Kani-kanina lang ang supla-suplado tapos ngayon nakangisi na.
“Ulitin mo muna ang sinabi mo.” Humalakhak siya at hinuli ang aking kamay.
Mabilis ko iyong binawi at sinamaan siya ng tingin.
“Bwesit ka alam mo ’yon?”
Pumikit ang isa niyang mga mata habang hindi nabubura ang ngisi at pinasadahan ng haplos ang kanyang buhok.
“Alam ko. At alam ko naring pagmamay-ari mo na pala ako.” Humagalpak siya na halos ikinasunog ng aking mukha sa sobrang hiya.
“Ewan ko sa’yo!” Hinawi ko siya paalis sa aking harapan saka ako kumaripas ng takbo pabalik sa loob kahit na naririnig ko pa ang kanyang halakhak at tinatawag ako.
Gaga ka Marione! Ba’t mo iyon sinabi?! Lalaki na ang ulo ng bwesit na iyon! Di ko rin talaga alam kung ba’t bigla bigla nalang iyong lumabas sa aking bibig. Eh hindi naman ako nagseselos sa mga babaeng iyon! Ang akin lang… Napupurwisyo rin ako dahil pinagkakaguluhan siya! May assignment pa akong tatapusin tapos nandito pa siya at gumagawa rin ng eksena kaya nahahati ang atensyon ko, nadidistract ako sa ginagawa niyang gulo!
Baka namisinterpret niya iyong sinabi kong sa akin lang dapat siya. Ang ibig ko lang namang sabihin ay nililigawan niya ako at nakatali na siya sa akin kaya dapat sa akin lang siya! Hindi ako inlove sa kanya ’no!
Sinabunutan ko ang aking sarili sa sobrang gigil sa aking pinag-iisip. Namumula pa ako sa kahihiyan at hindi ko talaga alam kung ba’t nasabi ko iyon!
Nagvibrate ang aking cellphone sa loob ng aking bulsa kaya dinukot ko iyon.
May text ang hinayupak.
Binuksan ko iyon at halos napamura ako ng malutong na kahit ang buo kong mukha ay nagmistula nang kamatis sa sobrang pula.
Ken: Sa’yo sa’yo lang ako, Aioni ;)
17th Chained
Chained
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Eunecia Santos. I’m wishing you all the best in life and happy birthday! Iloveyouu.
Mahal
Pagbalik ko sa classroom ay nilalantakan na ni Eunecia ang mga pagkain na binili ni Ken doon sa aking desk. Dumako agad ang tingin sa akin ng aking mga kaklase. Buti iyong mga babaeng nagkukumpulan kanina sa may pinto ay nagsialisan narin.
“Binili niya nga lahat ng sinabi mo!” sigaw ni Eunecia sa akin habang may hawak na donut sa magkabilang kamay niya.
Nagtungo ako roon at tiningnan ang mga pagkain isa-isa.
“Hindi ko ’to kayang ubusin, Necia. Ibigay mo nalang iyong iba sa mga kaklase natin,” sabi ko.
“Sure ka? Pero mauubos ko ’to.” Dumampot siyang muli ng isa pang donut.
Hindi ko na siya masyadong pinagtuunan ng pansin at nagconcentrate nalang sa paggawa noong assignment ko. Binigay niya naman iyong ibang pagkain sa mga kaklase ko.
“Boyfriend niya ’yon Eunece?” Narinig kong tanong ng kaklaseng babae namin.
“Manliligaw palang ni Marione. Ang guwapo ’no? Alagad ’yon ni Adonis. Mala Diyos ang tindig ’di ba?”
“Oo ang guwapo! Nakanganga lang ako kanina sa harapan niya.”
Naghagalpakan sila roon habang namimigay ng pagkain si Necia. Naalala ko naman bigla ang text ni Ken na ikinapula agad ng aking pisngi.
Pinilig ko ang aking ulo at nagconcentrate ulit. Parte lang iyon ng pagiging magaling niya sa salita lalo na’t playboy siya, Marione… Ngayon ka pa ba maaapektuhan? At anong nakakakilig doon? Teka… Di naman ako kinikilig ah? Saang parte ang nakakakilig doon? Para sa akin, mas nakakakilig parin ang mga lalakeng loyal!
Wala naman talaga akong preference sa love since di ako masyadong mahilig sa mga fairytales or lovestories lalo na’t lumaki akong saksi sa pait ng pag-ibig ng aking magulang. Wala rin akong karanasan sa ganoon dahil simula noon ay kinamuhian ko na ang mga bagay na nauugnay sa pag-ibig. Panandaliang kilig lang naman iyan tapos bukas sasaktan kana. Papatayin ka sa kilig pero papatayin ka rin sa sakit.
Kahit dumaan na ang isang linggo simula noong bumisita si Ken sa aming eskwelahan ay dinadagsa parin ako ng mga tanong ng mga babae sa tuwing nakakasalubong ako sa hallway. Hindi ako sumasagot kaya si Eunecia ang madalas na pinagtatanungan nila.
“Inlove na inlove kasi kay Marione iyong lalake… Hindi na iyon lilingon sa iba eh,” si Eunecia nang harangin siya ng tatlong mga babae para lang tanungin tungkol kay Ken.
Nailing na lamang ako habang dala-dala ang aking bottled water para salinan iyon ng tubig.
“May isa na namang nagfefeeling popular diyan…”
Boses palang, hindi na ako nagtaka nang matagpuan ko agad ang imahe ni Audrey kasama iyong kaibigan niya.
“Kawawa iyong lalake at nagkakagusto sa isang manggagamit at gold digger pa na kagaya mo,” dagdag niya habang nakahalukipkip.
Haynako! Ba’t ang raming nasasabi nito?
Umirap na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sayang lang ang laway ko kung mag-aaksaya ako. Bahala siya diyan.
Hindi lamang ang mga babae ang nagkakagulo kundi pati narin sila Jeric na panay rin ang pamemeste sa akin.
“Di mo naman iyon sasagutin ’di ba?!” si Jeric. “Pera nalang ang kulang sa akin at matatalbugan ko na ’yon Marione! Konting tiis nalang…”
Hay bwesit!
Linggo. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakapahinga rin ako sa mga kaklase kong para nang bubuyog na bulong nang bulong at mga tsismosa kong schoolmate, idagdag pa si Audrey na sobrang laki ng problema sa akin. Kasalanan ko ba kung nagkakagusto sila sa akin at hindi sa kanya? Kasalanan ko ba kung pinanganak akong maganda?
“Ate… Punta si… Kuya Ken?” tanong ni Lucas nang magising ako.
Nagkalat ang polbo sa sahig ng aking kuwarto at sobrang rami pa noon sa leeg ni Lucas idagdag pa sa pisngi niyang nagmarka ang kanyang mga daliri dahil sa pagpahid rin ng polbo roon.
“Siguro… Lucas,” sabi ko at pinunasan ang kanyang pisngi kaso hinawi niya agad ang aking kamay.
Mabilis siyang bumaba sa aking kama at nagtatakbo na palabas. Bumuntong ako ng hininga saka bumaba narin sa aking kama. Grabe! Pati ang kapatid ko ay sobrang nawiwili narin sa kanya! Naalala ko pa ang mga lintanya ni Eunecia sa mga nagdaang mga araw.
“Anong problema ng mga mata mo at sinasabi mong pang kanto lang ang hitsura ni Ken?! Jusko Marione halos maduling ako kakatitig sa kanya! Ang linis niya, ang bango, ang guwapo at sobrang perpekto! Hindi ko maintindihan iyang mga mata mo!” Nailing siya sa akin.
Eh anong magagawa ko iyon ang tingin ko kay Ken. Kung silang lahat ay nakikita ang positive side niya, ako naman ay puro negative side niya ang nakikita ko. Alam ba nilang nahuli ko iyan sa Cr na nakikipaglaplapan?! At di ba nila alam na sobrang playboy niyan? ’Tsaka hiram lamang ang kotseng iyon at di talaga siya mayaman. Idagdag pa ang mga matang hayop makatitig! Certified manyakis!
Gusto kong ipagkalat iyon sa lahat ng babaeng nahumaling agad kay Ken kaso nakalimutan kong ako pala ang nililigawan noon. At ayaw ko ring may malaman sila sa kanya ’no. Mas mabuting ako lang.
Pagkalabas ko ng kuwarto, natagpuan ko si Lucas sa may pinto at sinisilip ang aming gate. Ngumuso ako. Isa pa ito, alagad narin ata ni Ken!
Bumalik ako sa aking kuwarto at tiningnan iyon. Hindi rin naman ako nadismaya dahil sa text ni Ken sa akin.
Ken: Good morning sunshine! ;)
Anong gusto mong bilhin ko ngayon?
Wala ka bang cravings?
Anong cravings ang pinagsasabi niya? Wala akong load kaya hinayaan ko nalang ang kanyang mga text. So pupunta siya rito?
“Lucas, pupunta raw si Kuya Ken.” Balita ko sa aking kapatid pagkalabas ko.
Nilingon niya ako at lumaki agad ang kanyang ngisi. Pumalakpak siya saka nagtatalon sa saya. Tumawa ako. Pasalamat rin talaga itong si Ken at gusto siya ng kapatid ko kung hindi ay di talaga siya makakapasok dito.
Nagluto muna ako ng kanin saka ako nagpasyang maligo. Nagshashampoo palang ako ay narinig ko na ang busina sa labas. Mabilis na kumalabog ang aking dibdib at nagawa ko pang lumunok. Nandito na siya…
Binilisan ko ang pagkukusot ng aking buhok. Hindi ko naman inilock ang gate para makapasok agad siya. Buti nalang talaga at nagdala na ako ng pamalit. Ayoko nang rumampa sa labas habang nakatuwalya! Ayokong matunaw sa malalim na paninitig ng manyak na iyon.
Natauhan agad ako sa aking pinag-iisip. Ba’t naman ako kakabahan sa presensya niya?! Hoy Marione, si Ken lang iyan! Kailan ka pa naapektuhan diyan?!
Bumagal ang pagkusot ko sa aking buhok. Sa labas naman ay naririnig ko na ang hagikhik ni Lucas at ang boses ni Ken.
Bumuntong ako ng mahabang hininga at pinukpok ng marahan ang aking ulo para lamang maalis ang pinag-iisip ko. Get on your senses Marione!
Nagbihis rin naman ako ng undies at maluwang na kulay gray na Tshirt at short saka ako lumabas ng banyo habang pinupunasan ng tuwalya ang basa kong buhok.
Bumaling agad si Ken sa akin na naroon sa sofa habang sa kanyang isang hita ay nakaupo roon si Lucas na kumakain ng cupcake at napupunta na sa gilid ng labi ang icing doon.
“May binili akong ulam,” aniya habang ang mga mata ay di na naman matanggal sa akin.
Tumango ako at natawa sa mukha ni Lucas lalo na’t mas kumalat sa kanyang bibig iyong icing.
“Ang takaw mo Lucas!” Nagtungo ako sa aking kapatid at yumuko para makalebel siya. Pinunasan ko iyon habang ramdam ko ang pagkalaglag ng mga mata ni Ken sa akin habang kinakagat ang labi.
Lumunok ako at di nakayanan ang kanyang paninitig. Sinundan niya ako ng tingin at ngumisi.
“Pwede ka pa rito.” Tinapik niya ang bakante niyang nakaparteng hita.
“Tigilan mo ako.” Umirap agad ako at tumalikod.
Humalakhak si Ken. Lumunok akong muli at halos hipuin ko ang kalabog ng dibdib kong sobrang nagwawala. Nakakapugto ng hininga at para na akong mahihimatay sa sobrang lakas.
Shit. Ano bang nangyayari?!
Nagtungo ako sa kusina at dinala roon ang kanyang mga dinala. Ipinasok ko sa ref iyong isang box ng cupcake na binili niya kay Lucas saka ko inihanda iyong ulam na binili niya.
Napainom ako ng isang basong tubig nang wala sa oras para lang pakalmahin ang aking sarili. Nakikita ko na naman sa isipan ko ang pagngisi niya kanina. Gusto ko nang hugutin palabas ang aking utak at linisan ito para lang matigil sa kakaisip kay Ken dahil pakiramdam ko ay mawawala na talaga ako sa aking sarili!
Kaya noong kumakain kami ay sobrang tahimik. Ang tangi lang pumapaibabaw ay ang ingay ng kubyertos.
“Nasan ang mama mo?” tanong niya, ang mga mata ay nakasentro agad sa akin.
“Lumabas. N-Nasa mga kaibigan niyang tsismosa,” sagot ko saka sumubo at halos iwasan ang kanyang mga mata.
“Kanina hindi lock ang gate. Kayo lang ni Lucas dito kaya dapat naglalock ka.”
Sinalubong ko ang kanyang mga mata.
“Alam ko kasing dadating ka kaya hindi ko nilock.” Umirap agad ako at sumubong muli.
Ngumuso siya at nagpipigil na naman ng ngisi kahit halatang tumatakas iyon sa kanyang labi. Nagsimula nang mamula ang aking pisngi at di ko alam kung para saan ang bagay na ito.
“Hinihintay mo ako?” tanong niya sa nanunuyang boses.
Sinamaan ko agad siya ng tingin.
“Hinihintay ka ni Lucas,” giit ko at sinulyapan ang kapatid kong nakaupo sa hita niya na tahimik lamang na kumakain.
Ngumisi si Ken at bahagyang pinasadahan ng haplos ang kanyang buhok.
“Practice lang naman ’to…”
Tinaasan ko siya ng kilay. Nagkibit siya at binasa ang pang-ibabang labi.
“Sa susunod ay maiiwan ka rin sa bahay kasama ang anak natin habang nasa trabaho ako. I can’t bring you in my work, Aioni. You’re a distraction…”
Natanga ako ng ilang sigundo habang nakatitig lamang sa kanya. Ang aking pisngi ay awtomatikong namula.
“A beautiful Marione Santillan in my office, wearing a tight dress with those killer heels, is a torture. A beautiful Marione Santillan under me wearing nothing will probably going to kill me…” He chuckled softly.
Doon lamang rumehistro sa aking isipan na kamanyakan niya kaya mabilis ko siyang sinapak. Humagalpak siya ng tawa at tuwang tuwa sa naging reaksyon ko.
“H’wag mo nga akong isali sa mga makamundo mong pagnanasa! Di ako katulad ng mga babae mo, Ken,” giit ko at halos saksakin siya gamit ang matatalim kong tingin.
Tumango siya at napadpad ang tingin sa gilid ng aking labi. May kung ano siyang kinuha roon saka niya sinubo na ikinalunok ko.
“Stop comparing, Aioni. Hindi ka talaga katulad nila dahil hindi ikaw sila. They will never beat my one and only Marione Santillan.” Kumindat sa akin ang loko-loko na sobrang ikinapula ng buo kong mukha.
“T-Tigilan mo nga ako sa mga pambobola mo!” Umirap ako at nagsalin ng tubig.
Kinagat ni Ken ang pang-ibabang labi habang kumikislap ang kanyang mga mata na nakasentro lamang sa akin. Nanginginig na ako rito sa aking kinauupuan. Bigla kong gustong umatras sa kanya, palayo. Papatayin ako ng isang ’to!
Siya ang pinaglilinis ko sa bahay at siya pa ang naghuhugas. Hindi naman siya nagrereklamo at tila nag-eenjoy pa dahil parte raw ng kanyang buhay ang bawat utos ko na kailangan niyang sundin.
Minsan, kahit hindi ko utos ay kusa niyang ginagawa lalo na kay Lucas. Siya pa mismo ang nagninailcutter sa kuko ng kapatid ko! Palagi nalang akong natatauhan sa tuwing nakatitig ako sa kanila habang nakangiti.
“Habang tumatagal mas lalo ka atang nagiging blooming ah? May lovelife ka ba?” tanong sa akin ni Angie sa Sabado ng gabing iyon.
Hinawakan ko ang sarili kong mukha lalo na’t titig na titig siya sa akin.
“Mas lalo kang gumaganda. Inspired ka ba?” Tumawa siya at hindi maalis sa akin ang mga mata.
Umiling agad ako.
“Sa kakatubig ko ’yan,” sabi ko at nag-iwas ng tingin.
Tumawa si Angie at tinantanan rin naman ako lalo na’t marami na namang mga costumer sa araw na iyon.
Namalagi sa aking isipan ang napuna sa akin ni Angie. Mukha ba akong inspired? At kanino naman ako maiinspired, kay Ken? ’Tsaka purket blooming may lovelife na?! Hindi ba pwedeng maalaga lang ako sa sarili ko?
Ayoko sa mga pinag-iisip ko lalo na’t hindi ko na gusto ang kutob ko sa nangyayari sa akin. Hindi ka naman siguro nafafall ’di ba, Marione? You can’t love him back! Para ka naring naglagay ng patibong sa biktima mo at ikaw lang rin pala ang mahuhulog! Siya lang dapat ang nakatali sa’yo! Pag nahulog ka sa kanya, sigurado akong mahirap nang kalasin ang tali na iyon.
Kaya noong kumanta na si Ken sa labas ay nagpa sub nalang muna ako at nanatili nalang sa loob. Ayoko siyang makitang kumakanta. Ayokong marinig ang boses niya. Ayokong nakakasalubong ang mga matang iyon at maisip na nakatingin lamang siya sa akin. Ayoko iyong kinakabahan ako! Ayoko nito.
“Oh? Ba’t ikaw ang nandito?” Puna sa akin ni Mary, isa sa mga empleyado rito.
“Naiingayan ako sa labas,” sabi ko.
“Huh?” Tumawa siya. “Eh ang swerte mo nga kasi isa ka sa naka duty roon. Malaya mong makikita ang performance ni Sir Ken. Ang guwapo niya kaya.”
Isang tipid nalang na ngiti ang aking ibinigay at nagtungo rin sa isang table na lilinisan ko. Lahat nalang ba ng mga babaeng nakapaligid sa akin ay siya ang magiging bukambibig?
Papunta na ako sa kitchen nang tinawag ako ni Ate Demi at inilalahad sa akin ang isang mineral water ’tsaka puting tuwalya. Doon palang ay nagets ko na agad. Shit talaga! Di pa pwedeng iba nalang ang gumawa niyan?
Gustuhin ko mang magreklamo pero ayoko namang mag-inarte lalo na’t parte ng trabaho ko ang sundin ang utos ng mga nakakaangat ang posisyon sa akin. Kung noon ay game na game ako sa mga ganito, ngayon ay nalalagyan ko na ng malisya ang pagiging mag-isa naming dalawa ni Ken sa iisang lugar. Pakiramdam ko ay mapupugto ang aking hininga at mahihimatay ako ano mang oras.
Nagtungo rin ako sa labas. Nakita ko agad si Angie na itinuturo iyong Van sa parking lot kung nasaan si Ken. Tumango ako at mahigpit na nahawakan iyong mga dala.
Ngayon mo dapat patunayan sa sarili mo na wala siyang epekto sa’yo Marione! Dapat kontrolado mo ang bawat parte ng katawan mo. Dapat ikaw ang masunod hindi iyong ikaw ang pinapasunod ng katawan mo!
Kumatok muna ako sa tinted na bintana. Ilang sandali lamang ay bumukas rin naman iyon.
Halos malaglag ang aking panga nang bumungad sa akin ang pawisang si Ken at nakakalas lahat ng botones ng kanyang suot na itim na polo. Inaayos niya ang kanyang magulo at medyo basang buhok habang sinisenyasan akong pumasok.
Shit! Lechugas! Atras Marione! Gyera iyang papasukan mo! Wala kang armas! Atras!
“Heto na. May gagawin pa ako,” matigas kong sabi at inilahad na iyong mineral water saka tuwalya sa kanya.
Imbes na iyon ang kunin ay hinawakan ni Ken ang aking pulso at hinila ako papasok. Shit!
“H-Hoy! Bawal mo akong hawakan! Nanliligaw ka pa lang!” Natataranta ko iyong kinalas at halos nakita ko ang paghiwalay ng katinuan ko sa akin na kumakaripas na ng takbo paalis.
Tumawa si Ken at isinara iyong pinto. Nanggigil agad ako lalo na’t dumirekta pa ang aking mga mata sa basa niyang tiyan kung saan bakat na bakat ang kanyang abs.
“I haven’t seen you… Nasaan ka?” tanong niya habang kinukuha na sa akin iyong mineral water.
Umirap ako at nag-iwas ng tingin.
“N-Nasa loob. Di ko na kaya ang ingay rito k-kaya doon na lang ako magtatrabaho sa loob,” sabi ko.
Umangat ang kanyang kilay. Tinatakpan niya nang muli iyong mineral water at nakakainis dahil basa ang kanyang labi.
“Edi mawawalan ako ng rason na kumanta kung di pala kita makikita rito?”
Mabilis na namula ang buo kong mukha na kahit ang aking tainga, pakiramdam ko ay nasusunog narin iyon.
“T-Tumigil ka nga!” Sinamaan ko siya ng tingin.
Ngumisi lamang si Ken habang nagpupunas na ng pawis sa kanyang leeg gamit iyong malinis na tuwalya, ang mga mata ay malalim na naman ang titig sa akin.
“Madalas kana atang mamula ah?” Puna niya saka umangat ang kanyang kamay at hinaplos pa ang aking pisngi na akala mo ay may binubura roon.
Napatalon ako sa gulat dahil sa kanyang ginawa. Sumimangot ako at nag-iwas ng tingin habang ang aking mga kamay sa aking kandungan ay humihigpit na ang hawak doon.
“Di ka naman makapal magmake-up,” aniya sa kalmadong boses at sobrang normal lamang ng inaasta habang ako itong sasabog na ata.
Ngumuso ako at gustong hawiin ang kanyang kamay kaso ewan ko kung ba’t sobrang hirap noon. Tila nagugustuhan ng aking pisngi ang kanyang panghahaplos.
Tumagilid ang ulo ni Ken at sinilip ang aking eskpresyon. Kumunot ang kanyang noo saka bumaba ang kanyang kamay sa gilid ng aking leeg at doon ako hinawakan ng marahan.
“You’re so red, Aioni…”
Bwesit talaga! Mamamatay na ata ako. Bumibilis na naman ang kalabog ng dibdib ko at halos hindi ko na makontrol ang sarili ko.
“M-Mainit!” Reklamo ko at sinikap na hawiin ang kanyang kamay.
Nagtagumpay ako roon kaso bigla siyang umusog sa akin palapit.
“Mainit?” Nagtataka niyang tanong at pinaypayan ako gamit ang kanyang kamay.
“Oo… Mainit. K-Kaya ako namumula!” Pagsisinungaling ko.
Mas nilakasan niya ang pagpaypay sa akin gamit lamang ang kanyang kamay.
“Weird. Naka full blast na ang aircon,” aniya saka mas lumapit pa.
Shit. Amoy na amoy ko na siya at hindi iyon nakatulong sa sitwasyon ko dahil namula ako lalo ng husto.
“Kahit ang leeg mo namumula.” Umangat ang kanyang kilay at napadpad ang mga mata sa aking leeg.
Bulgar na bulgar iyon sa kanya lalo na’t naka bun pa ang aking buhok kaya wala talagang nakatakip na iilang hibla.
“Mainit kasi!” Umirap ako at gustong pagtakpan ng pagtataray ang kahihiyan.
Ken leaned closer and tilted his head. Ang kanyang isang kamay ay natigil sa kakapaypay at napunta sa aking beywang para hawakan ako roo. Bago ko pa maisip ang kanyang gagawin ay naramdaman ko nalang ang hininga niya sa kahabaan ng aking leeg na naglalakbay roon paakyat at pababa habang hinihipan niya iyon.
Putragis. Ka. Ken.
Tumayo ang balahibo sa aking batok at nagwala ang buo kong sistema. Ang aking tiyan ay parang hinuhukay na kahit ang aking hininga ay napugto ng ilang sigundo.
Nakagat ko ng malakas ang pang-ibaba kong labi at sobra na akong naaapektuhan sa ginagawa niyang pag-ihip mula sa gilid ng aking tainga pababa sa aking panga at bababa rin sa aking leeg. Sa sobrang weird ng nangyayari sa aking kabuuan ay kusa akong napakapit sa kanyang braso.
Nanggigil ako roon at gusto siyang kalmutin. Idagdag pa ang labi kong dudugo na ata at ang mga paa kong nanginginig. Shit! Di ko na talaga alam! Mababaliw na ata ako!
I heard him chuckled lalo na’t tumama pa ang kanyang hininga sa balat ng aking leeg. Ganoon parin siya kalapit sa akin!
“Kumapit ka nang mabuti baka mahulog ka ng tuluyan,” he whispered sensually.
Doon ko napagtanto na sobrang higpit na pala ng pagkakakapit ko sa kanya. Mabilis akong bumitaw at itinulak siya palayo kaso hindi ito natinag. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakapulupot ng kanyang braso sa aking beywang.
“A-Ano ba, Ken.” Gusto ko sana iyong isigaw kaso nagmistulang malambing na ang dating noon.
Hinanap niya ang aking mga mata hanggang sa natagpuan ko rin ang kanya na namumungay na. Tumitig siya ng husto sa akin. Kumalabog ang dibdib ko lalo.
“Sa oras na nalaman kong mahal mo ako, handa kong isuko lahat ng meron ako masunod lang ang gusto mo.”
Kinilabutan ako at halos maligaw sa kanyang titig.
Mukhang may matatalo…
18th Chained
Chained
PrfctlyStbbrn
Ignorante
Humikab ako habang inaayos ang aking mga gamit papasok sa aking bag. Ilang oras lang ba ang tulog ko?
“Di ka ba natulog?” Puna bigla ni Eunecia sa akin sa Miyerkules ng umagang iyon.
“Ilang araw kanang sobrang napupuyat ah? Kaya ang hirap talagang ipagsabay ang pag-aaral at pagtatrabaho,” aniya.
Mahirap nga. Pero mabuti sana kung iyon ang nagpapapuyat sa akin kaso hindi! Ilang araw na akong binabagabag ni Ken sa aking isipan! Di naman ako ganito noon. Nakakatulog rin naman agad ako pagka uwi ko sa bahay pagkatapos ng trabaho kaso sa mga nagdaang araw ay ang hirap nang matulog dahil sa pumapasok sa isipan ko.
Noong nakaraan ay dinalaw ako ni Ken sa isipan ko habang ang kanyang suot na polo ay nakakalas pa lahat. Minsan ay bigla bigla nalang siyang lalabas sa isip ko habang nakangisi kaya imbes na dalawon ng antok ay para akong kiti-kiting inaasinan lagi sa aking kama dahil nadidisturbo na palagi ang aking pagtulog.
Sigurado ako pag binanggit ko ito kay Eunecia ay magbubunyi siya. Ibig sabihin lamang nito ay may epekto na ang bwesit na iyon sa akin. At ang nakakainis pa, minsan ay ang hirap niya nang tarayan! Ang hirap hirap niya nang sungitan. Madalas pa akong pamulahan ng pisngi at pinagtatakpan nalang iyon sa pamamagitan ng pagtataray.
Kinuha ko ang aking bottled water para salinan iyon ng tubig sa labas. Sumunod naman agad si Necia sa akin at bumuntot narin.
“May napapansin ako…” Panimula niya at naninimbang na ang tingin sa akin.
Kinabahan agad ako kaya pasimple akong nag-iwas ng tingin at itinuon nalang iyon sa aking dinadaanan.
“Ano?” tanong ko.
“Hindi kana masyadong nagkukwento tungkol sa boss mo. Hindi mo na dinadalhan ng kape? Nakalimutan mo na ba ang plano mong akitin ang boss mo?”
Para ulit akong natauhan sa isang kahibangan. Ngayon ko lang naalala na hindi ko na nga dinadalhan ng kape tuwing break time ko si Sir Wayt. Mas nagfofocus nalang ako sa pagtatrabaho roon at pilit binabakante ang utak ko ng kung ano-ano lalo na’t pinipeste iyon palagi ni Ken.
“Busy kasi siya,” palusot ko at pinaglaruan ang handle noong bottled water ko.
Tiningnan iyon saglit ni Eunecia pero kumunot rin ang kanyang noo at ibinalik sa akin ang mga mata.
“Busy siya o ikaw na itong nagiging busy sa iba?” Sumilay agad ang nanunuyang ngiti sa labi ni Eunecia.
“Busy ako sa pagtatrabaho roon, Necia. Minsan nawawala na sa isip ko lalo na’t nag-iipon rin ako eh alam mo namang ako lang ang naghahanapbuhay sa pamilya namin. Idagdag pa ang papalapit na birthday ni Lucas! Pinag-iipunan ko pa iyon kaya nawawala na talaga sa isip ko iyang plano ko minsan dahil sa dami-dami ng iniisip ko!” Pagalit kong sabi at kulang nalang ay magdabog na sa paglalakad.
Humagalpak siya ng tawa.
“Kalma baka sumabog ang puso mo!” aniya habang walang tigil sa kakahalakhak. “Ang haba naman ng explaination mo eh ang simple lang noong tanong ko. Deffensive!”
Namula ako sa sobrang inis ng kanyang paratang. Umirap ako.
“H-Hindi ako deffensive! Nagpapaliwanag lang ako dahil baka iba pa ang isipin mo riyan!”
“Nagbabaka sakali lang naman ako. Baka ikaw itong panay ang isip ng kung ano-ano kaya napaparanoid kana. Pinagtatakpan mo nalang siguro ang sarili mo ’no?!” Tinuro niya ako at kulang nalang ay gumulong na siya kakatawa.
Ngumuso ako at sobrang nayamot sa pinagsasabi niya. Binilisan ko pa ang aking paglalakad para lang hindi ko na marinig iyang mga lintanya niya.
“Nafa-fall kana ’no? Mahal mo na ’no?! Kaya siguro puyat na puyat ka kakaisip mo sa kanya!”
Hindi ko na kinaya at tumakbo na talaga ako mapalayo lang kay Eunecia. Mas narinig ko ang malutong niyang hagalpak at mukhang hindi na nakahabol sa akin.
“Guilty na guilty ka!” sigaw niya na binalewala ko.
I am not guilty! Talagang naririndi na ang aking tainga sa mga paratang niya sa akin! Hindi ko na alam kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko sa kanya kung nilalagyan niya rin lahat ng kahulugan ang nangyayari sa akin.
But admit it to yourself, Marione! Makakapagsinungaling ka sa iba pero hindi ka makakapagsinungaling sa sarili mo! You’re…
Halos mapatalon ako sa gulat nang magvibrate ang aking cellphone sa aking bulsa. Naging mabagal ang aking pagtakbo hanggang sa naglakad na lamang ako habang dinudukot iyon.
Kinuha ko ito at tiningnan ang screen na ikinabalandra agad ng pangalan ni Ken. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at hindi ko maiwasang mapangisi.
Sinagot ko iyon saka ko sinikap na ibusangot ang aking mukha.
“Ano?”
“Nasa eskwelahan niyo ako,” sagot niya na ikinalaki agad ng aking mga mata.
Mabilis kong iginala ang tingin at halos mataranta na.
“Ba’t ka na nandito?! Di naman kita pinapapunta ah at wala akong pinapabili!” singhal ko.
Narinig ko ang marahan niyang halakhak.
“Nasa labas ako ng gate. Binilhan kita ng ice cream.”
What? Ice cream?
Medyo kumalma ako nang mapagtantong wala siya rito sa loob. Baka pagkaguluhan na naman siya rito eh napaka higad rin ng ibang mga estudyante rito at pinagpipyestahan agad ang mga dayo na guwapo sa kanilang paningin!
“I’ll wait you.”
Ngumuso ako at natagpuan nalang ang aking mga paang naglalakad na pala patungo sa gate. Kusa na ata itong lumiko at alam na alam ang pupuntahan.
“Hindi ko naman iniutos ’yan ah?” sabi ko.
“Gusto kitang makita kaya bumili narin ako,” he chuckled.
Namula agad ako sa simple niyang sinabi. Punyeta ka talaga Marione! Kamatis ka ba at ang hilig mong mamula?!
Pinatay ko ang tawag at ibinulsa na iyon. Binilisan ko pa ang paghakbang para makarating lang agad sa gate. Pinalabas rin naman ako ng guard lalo na’t lunch time pa kaya pwede pang lumabas.
Nakita ko agad ang pamilyar na itim na kotse. Nagtungo ako roon sa may front seat hanggang sa kusa iyong bumukas sa loob.
Ngumisi agad siya nang makita ako. Pumasok ako ng tuluyan dala dala iyong bottled water kong walang laman.
Ang napuna ko agad ay ang plantsado niyang puting polo at ang pagiging malinis niyang tingnan na kahit ang kanyang pabango ay naamoy ko rin. Ngayon lang ako sumang-ayon sa mga sinasabi ng mga babae na mas nakakaturn-on ang mga lalakeng maayos na nakauniporme, mabango at malinis tingnan.
Plus his two earrings! Kumikinang na naman iyon at sobrang flashy sa aking mga mata.
“Kumain kana?” tanong niya habang binubiksan niya iyong cup ng hersheys ice cream.
Tumango ako. “Tapos na. Kumuha lang ako ng tubig,” sabi ko habang nakabusangot.
Ibinigay niya iyon sa akin kasama ang isang plastic na kutsara. Inilagay ko sa aking kandungan ang walang laman na bottled water at tinanggap iyon.
Humilig naman si Ken sa upuan niya habang nakatitig sa akin.
“Eh ba’t nakabusangot kana naman? Naiinis kana naman sa’kin?” Nanunuya ang boses na iyon at pilyo pa ang sumisilay na ngisi sa labi.
“Si Eunecia… Inaasar ako.” Sumimangot ako at sumubo ng ice cream.
Dumaan saglit ang pagtataka sa kanyang mukha.
“Hindi dahil sa akin? Hindi na ba kita naaasar? Di kana ata nagiging leyon?”
Sinamaan ko agad ito ng tingin pero hindi rin iyon nagtagal lalo na’t di ko kayang makipagtitigan sa kanya habang dinidilaan niya ang gilid ng kanyang labi.
“Anong gusto mo… magtaray ako lagi?” Umirap ako at inilaglag ang tingin sa ice cream.
“Oo. Doon ako nasanay eh.”
Walanghiya talaga ang bwesit na ito! Pasalamat nga siya at hindi ako nagtataray!
Umirap na lamang ako at di na nagsalita pa. Sumubo ako ng maliit at kumain ng tahimik doon habang ramdam ko ang paninitig niya sa akin at nakakainis niyang ngisi. Nakakabwesit talaga!
“You even prioritize me more than your bottled water,” he chuckled softly.
Natigil ako sa pagsubo at tiningnan ang bottled water kong walang laman. Di ko naisip iyon ah? Dapat pala pinaghintay ko ito ng 30 minutes!
“Do you miss me?” tanong niya sa nakakaakit na boses.
Ngumiwi ako sa kanya. Ba’t ko siya mamimiss eh palagi nga siyang laman ng utak ko at nakikita ko pa siya araw-araw tapos siya pa ang naghahatid sa akin pauwi! Paano ko siya mamimiss?
“Hindi,” matigas kong sabi at umirap.
Ken chuckled at nagawa pang pasadahan ng haplos ang buhok. Nag-iwas rin agad ako ng tingin at ayaw siyang tingnan sa mga mata.
Tumahimik siya kaya kinabahan agad ako at nacoconscious na sa aking upuan. Ibinaba ko iyong salamin sa itaas at tiningnan ang sarili kong mukha. Wala namang madumi at maayos naman ang aking buhok. Iyon nga lang, namumula talaga ng kaonti ang aking pisngi.
Nilingon ko si Ken at naabutan siyang kinakagat kagat ang labi habang nakatitig lamang sa akin. Pilit ko siyang sinamaan ng tingin kaso marahan lang siyang natawa sa aking ginawa.
“You’re way cuter now… trying to act like a mad kitten.”
“Tigilan mo ako.” Umirap akong muli at pilit ikinubli ang ngiti.
“Iyong mga pagtataray mo sa mga nakaraang araw ay parang pilit nalang and it’s very adorable…” sabi niya sa malalim na boses.
Yumuko ako at hinayaan ang iilang hibla ng aking buhok na malaglag sa gilid ng aking mukha. Mas mabuting ganoon nang matakpan ko ang aking sarili sa kanyang mapanuring mga mata.
Hindi nagtagal at nahawi niya rin iyon. Isinabit niya iyon sa gilid ng aking tainga na ikinalunok ko. Sumasayaw na ang aking mga mata at hindi makatingin sa kanya. Palagi kong binabawi ang aking tingin sa tuwing magkakasalubong iyon.
Inabot niya ang aking pisngi para lang haplusin iyon at marahang kurutin. I pouted. Sumubo nalang ako at hinayaan siya kahit hindi ko talaga siya matingnan sa kanyang mga mata. I always fail…
He’s making me nervous! Sobrang lala ko na sa kanyang harapan na hirap na hirap na akong tingnan ito sa kanyang mga mata dahil pakiramdam ko ay matutunaw na ako. Maling mali na talaga ito at di ko na alam kung paano ibabalik sa dati ang aking sarili. Hindi ko na alam kung paano ko hihilain ang sarili ko sa pagkakahulog sa malalim na parte ng bangin.
“Sinagot mo na ba iyong si Ken, anak?” tanong ni Mama sa umaga ng Huwebes.
Umiling ako habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Lucas. Walang pasok ngayon lalo na’t holiday kaya wala ring trabaho. Mabuti naman nang makapagpahinga rin ako.
“Infairness sa batang iyon pursigido ah! Simula noong nanliligaw iyan sa’yo palagi nang puno ang ref natin ng kung ano-ano. Tataba ata si Lucas dahil sa kanya.”
Hindi ako umimik at sumubo lamang ng pagkain. Binalingan ko pa si Lucas na tahimik lang ring kumakain.
“May kaya naman iyon kaya ba’t hindi mo nalang sagutin? Sayang rin kung napagod iyan sa kakaligaw sa’yo,” ani Mama at naninimbang na ang mga mata sa akin.
“Ayaw ko muna siyang sagutin, Ma,” sabi ko.
“Ikaw bahala, anak. Basta ang sinasabi ko lang ay h’wag mong hayaang mapagod dahil sayang rin ang stock ng mga pagkaing dinadala niya rito. Sigurado akong nakakatipid ka rin sa kanya.” Ngumiti si Mama sa akin at sumubo.
Kinurot ang puso ko sa pinagsasabi ni Mama. Hindi ko na nagugustuhan iyong depenisyon niya sa pagiging manliligaw ni Ken sa akin na kahit ako ay naiinis na sa aking sarili kung ba’t ganito dapat. Pwede naman siguro iyong manligaw nang hindi gumagastos, ’di ba?
“Walang kaya si Ken, Ma. At ayoko namang iasa sa kanya ang obligasyon natin dito sa bahay,” matabang kong sabi at sumubo.
Kumurap si Mama at napawi ang ngiti.
“Eh Marione, syempre ang gusto ko parin na maging boyfriend mo ay iyong mayaman. Iyan rin naman ang gusto mo ’di ba? Kaya nga hindi pasado ang mga lalake sa’yo rito dahil tambay lang ang mga iyon at pangit pa.”
Nainis agad ako roon na kahit ang aking pagnguya ay bumagal na. Bigla kong inaayawan ang sarili kong katauhan. Ayokong abusuhin si Ken. Ayoko na sa bagay na iyon. Gusto ko lang ngayon ay wala akong maging sabit. Iyon lang.
“Hindi naman mayaman si Ken kaya hindi pera ang habol ko sa kanya, Ma. Sadyang di ko lang talaga type ang mga lalake rito,” paliwanag ko at halos kontrolin ang boses kong magtunog galit.
“Pero halata namang may kaya iyang si Ken! Tingnan mo nga… napaka galante tingnan! At ang rami pang dinadalang pagkain dito! Marami iyang pera!” si Mama.
Binitiwan ko ang kubyertos at tumitig ng mataman sa aking ina. Itinago ko sa aking kandungan ang isa kong kamay na nakakuyom na.
“Ma… Nagpapart time job iyon kaya may pangtustos sa mga kapritso ko, kaya may nawawaldas siyang pera. Pero wala talaga iyong kaya. At iyong kotse… hindi iyon kanya. Hindi siya mayaman,” giit ko.
Tumawa si Mama at nagsalin ng tubig. Umiling siya. Pinanood ko naman itong umiinom at mukhang siya nalang ang kumakalma para sa akin.
“H’wag ka ngang magalit. Hindi ko naman inaapi iyang si Ken. Ang akin lang ay baka mapagod siya sa panliligaw sa’yo. Baka bigla nalang tumigil eh kalat pa naman rito na patay na patay sa’yo ang mayaman mong manliligaw. Ang sabi pa nga nila Lydia ay baka sa kanya tayo makakaahon sa kahirapan.”
Nag-iwas ako ng tingin at halos isubo ko narin pati ang kutsara. Ang mga bwesit na tsismosang ito, kahit ano-ano nalang talaga ang pinagkakalat! Si Lucas naman ay nasa akin na ang mga mata at mukhang nagtataka sa aming usapan ni Mama dahil nababanggit si Ken.
“Hindi nga siya mayaman, Mama! Pagsabihan mo nga iyang mga kaibigan mo na h’wag magkalat ng mga mali-maling balita!”
Nagulat si Mama sa aking pagsiklab. Tumayo na ako lalo na’t nawalan narin ako ng ganang kumain.
Gusto kong baguhin ang pananaw ni Mama sa panliligaw ni Ken sa akin. Ayokong isipin niyang ginagamit ko ito. Naiinis ako sa tuwing pinapamukha niya sa akin na ganoon dapat ang gawin ko. Gusto kong tanggapin niya si Ken kahit wala itong pera, kahit walang kaya sa buhay. Kaya rin siguro lumalaki ang apoy dahil tumutulong rin siya sa pagtatapon ng kahoy! Imbes na tigilan ang kumakalat na mga tsismis ay sinusulsulan niya pa kaya tingin tuloy ng lahat dito ay mayaman iyon! Lumalabas tuloy na kaya ko pinapaunlakan ang panliligaw ni Ken dahil mayaman ito.
Tandaan mo, Marione… Kaya ka pumayag na manligaw si Ken sa’yo para paluhurin at pabaliwin siya sa’yo. Baka nakakalimutan mo iyong deal mo sa hulog ng langit na lalake? Ginamit mo si Ken para makuha ang perang iyon.
Iyon ang nagpafrustrate sa akin buong araw. Naiinis ako sa pinagsasabi ni Mama at naiinis ako sa deal na pinasukan ko na kahit noong naglilinis ako ng bahay ay halos magdabog ako. Umalis naman si Mama at nagtungo na sa kanyang mga kaibigan kaya si Lucas lang ang naging saksi ng inis ko.
“Mukha bang ginagamit ko lang si Ken, Lucas?” tanong ko sa kapatid kong nagwawalis ng invisible na mga dumi.
Tiningala niya ako, hindi naiintindihan ang aking sinasabi.
“Eh ano namang mahuhuthot ko sa lalakeng iyon eh nagpapart time job nga lang!” Umirap ako sa ere sa sobrang inis.
“’Tsaka pwede ko namang ibalik iyong pera at umurong nalang sa deal, ah? Oo nga naman Marione…” Tumango-tango ako sa sarili kong naisip.
Shit. Ano? Sigurado na talaga? Magsisikap nalang siguro ako sa pagtatrabaho at mag-iipon nalang ako kaysa gamitin si Ken! Bahala na!
Natigil ako sa ginagawa kong paglilinis at tuluyan akong umupo sa aming sahig.
“Lucas! Nahulog na nga ata ako!” sigaw ko at nangisay sa sahig.
Tumakbo naman si Lucas sa aking likod at pilit akong pinapatayo.
“Tayo, ate!”
Umiling ako saka ko siya hinarap at niyakap.
“Nahulog na talaga ako! Ang hirap nang magpigil sa bwesit na ’yon! Nahulog na ako, Lucas! Tulungan mo naman si Ate!” Nagpanggap akong umiiyak kaya hinawakan niya ang aking balikat at pilit akong pinapatayo.
“Tayo, ate!”
Umiling ako at ipinakita sa kanya ang umiiyak kong mukha kahit wala namang luha. Ipinadyak niya ang kanyang paa sa inis at pinatayo akong muli kahit hindi niya naman kaya ang bigat ko.
“Mapuputulan talaga ako ng ulo ni Eunecia!” sigaw ko.
Ang lubos kong kinasusuklaman na salita ay isinampal na sa akin ng tadhana at ang masaklap pa ay nahulog ako sa lalakeng kinaiinisan ko ng husto! Eh wala naman sana siya sa standards ko! Wala naman akong gusto sa kanya! Anong nangyari?! Paano ako nabaliktad ng sarili ko?!
I hate to admit it pero hindi naman ako bobo para hindi malaman ang sarili kong nararamdaman. Ang pagiging weird ko nitong mga nagdaang araw ay dahil iyon sa kanya, dahil may ndedevelop na sa loob ko. Ang daling itanggi na hindi ako nahuhulog pero ang hirap panindigan lalo na kung nararamdaman mo naman. Ang hirap paniwalain ang sarili mong puso sa kasinungalingang ginagawa mo para kumbinsihin ang iyong sarili kahit sobrang obvious na.
Sa gabing iyon ay tumawag pa si Ken kaya halos ikalma ko ang aking sarili. Walanghiya talaga siya! Hindi niya alam na hirap na hirap ako dahil sa kanya!
“Ano?” mataray kong salubong sa kabila ng malakas na kalabog ng aking dibdib.
Narinig ko agad ang kanyang marahang tawa. Napapikit ako at sinisikap na hawakan ang natitirang katinuan sa akin. Kalma, Marione… Mahahalata ka niyan!
“Anong oras ka matutulog?” tanong niya.
Tiningnan ko ang screen ng aking cellphone at nakita sa itaas ang 8:00 pm na orasan. Ibinalik ko ulit iyon sa aking tenga.
“Uh, 10?”
“Hmm… So may dalawang oras akong makipag-usap sa’yo.”
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Bwesit ka! Anong ginawa mo sa akin?!
“Oo,” medyo paos kong sagot dahil sa bumabara sa aking lalamunan.
“Tulog na si Lucas?”
Tumango ako at tumagilid. Niyakap ko iyong unan saka ko ibinaon ang aking labi roon.
“Oo… Tulog na,” kalmado kong sagot.
“Ikaw… Nasa kuwarto kana?”
Tumango ako. “Oo… Nakahiga na.”
Hindi agad siya nakasagot pero ramdam ko naman ang kanyang presensya sa kabilang linya dahil naririnig ko ang kanyang paghinga.
Tumikhim ako at nag-isip ng topic. Ngayon ko lang narealize na wala talaga akong alam sa kanya.
“Eh ikaw… Wala kang gala?”
“Meron pero di ako sumama,” sagot niya.
“Ah… Saan ba dapat?”
“Bar,” tipid niyang sagot na ikinanguso ko.
Bar?
“Bar? Iyong may mga sumasayaw na mga babaeng nakahubad?”
Tumawa siya ng marahan.
“Magkaiba ang Bar at Club, Marione.”
Umirap ako sa kawalan.
“Malay ko ba diyan sa pinupuntahan mo. Eh ganoon pa naman ang mga hilig mo… Mga babae…”
Nadismaya ako sa sarili kong sinabi. Nakakapanggigil agad sa tuwing naiisip kong maraming babaeng nagkakagusto sa kanya. Ano kayang nangyari sa akin noong unang araw at di ko agad siya nagustuhan? Edi sana kung napaaga ay naagapan ko na agad hindi katulad ngayon na sobrang lala na.
“Chill… Ikaw nalang ang hilig ko ngayon,” aniya sa husky na boses.
Hindi ko napigilang hindi mapangiti pero may parte rin sa akin ang gustong sampalin ang aking sarili dahil masyado akong maharot sa inaasta ko.
“Mabuti,” sabi ko.
He chuckled. Kapwa kami tumahimik. Nakontento ako sa pakikinig sa kanyang hininga at naiimagine siyang inaantok ang mga mata pero gusto parin akong kausap.
“Anong… Anong suot mo?” tanong niya bigla na ikinakurap ko.
“Huh? Ngayon?”
“Uhuh… Ngayon.” Halos paos ang boses na iyon at hindi ko maintindihan kung bakit.
Tiningnan ko ang aking sarili.
“Naka nipis na bestida lang ako para hindi mainit.”
Hindi agad siya nakasagot pero naririnig ko ang kanyang hininga. Tumaas ang aking kilay.
“Minamanyak mo ba ako sa isipin mo?” matigas kong tanong sa kanya.
Tumawa siya ng marahan. “More than you know, Marione…” bigkas niya sa nakakaakit na boses na ikinalunok ko.
Ayokong usisain ang bagay na iyon pero sobra na naman akong namumula. Sana bago ako nahulog kay Ken ay nagka experience muna ako sa ibang lalake para hindi ako naiignorante sa mga ganitong bagay! Sa sobra ko ring bitter ay di ako nagbabasa ng mga love story o manood man lang. Kung alam ko lang na mabibiktima pala ako ay namili nalang sana ako ng gugustuhing lalake noon para naman may experience rin ako ’di ba!
19th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Galit
Sa gabing iyon ay nagawa niya pa akong kantahan ng Marry Me by Train. Sobrang lamig ng kanyang boses at idagdag pa ang medyo paos na bedroom voice niya.
Kahit anong kapit kong h’wag mahulog, kahit anong sikap kong humawak sa natitirang katinuan sa akin ay tuluyan na akong nawalan ng pag-asa. Baka hindi lang siya ang kusang lumuhod sa oras na ito dahil pati ako ay nanginginig narin ang mga tuhod at handa nang sumuko ano mang oras.
Nagtuloy-tuloy ang pakiramdam ko sa bawat araw na lumipas. Hindi naman nawala ang pagiging persistent niya sa pangliligaw sa akin at minsan ay nagtatalo na kami sa isang bagay.
“Hindi nga ako nagpapabili kaya h’wag kanang bumili ng kung ano-ano!” inis kong sabi sa kabilang linya.
“Anong kakainin mo kung wala akong bibilhin? And I want to see you… Kahit mabilis lang.”
Nahipo ko ang aking ulo at sobra nang nafufrustrate lalo na’t kung ano-ano pa ang sinasuggest niya kanina na bibilhin niya. I want him to stop from buying anything for me! Napagkakasya niya pa ba ang allowance niya kakagastos?
“May pera ako at bibili nalang ako sa canteen. H’wag kanang pumunta rito kasi magkikita naman tayo mamaya.”
Hindi ako makapaniwalang namomroblema na ako sa pagiging magastos ni Ken sa akin. Dismayado si Eunecia dahil sa tinanggihan kong mga alok na pagkain ni Ken pero nakontento naman ako at mas magaan pa ang aking pakiramdam doon.
Alam kong aminado ako sa sarili kong nararamdaman at kinikimkim nalang iyon. Nagawa ko pang magresearch sa google ng mga symptoms para lang talaga depensahan ang aking sarili na mali ang iniisip kong nahuhulog lang ako kaso mas sinampal talaga ako ni Google.
Tuluyan na talagang naputol ang litid ng pagtitimpi ko kay Ken. Sa inaraw-araw na pang-aakit noon ay bumigay rin ako. Parang isang kahoy na tinutupok ng apoy ay naging malambot rin at naging marupok.
“Umamin kana lang kasi na mahal mo na iyong tao,” si Eunecia nang mapansin akong nakatingin sa labas ng bintana.
Natauhan ako at nagkunwaring binuklat iyong libro sa aking desk. Hindi ko pa sinasabi sa kanya ang totoo na nahuhulog na ako pero hindi ko narin masyadong dinidepensahan ang aking sarili sa tuwing aakusahan niya ako ng kung ano-ano.
“Basta, iyong pera ay ibalik mo at h’wag mong gastusin. Sabihin mo roon sa hulog ng langit na lalake na di mo kailangan ang pera niya.” Umupo siya sa aking tabi habang may hawak na sandwich.
Bumili nalang siya ng makakain lalo na’t hindi ko hinayaang pumunta si Ken dito at magdala ng kung ano-ano para sa akin. College na iyon at baka nauubos ko na ang kanyang pera dahil lang sa mga walang kwentang kapritso ko.
Humilig si Eunecia sa kanyang desk at mataman akong tinitigan.
“Pag nalaman ni Ken ang deal ay magagalit iyon. Iisipin niyang ginagamit mo lamang siya dahil sa pera.”
Tila nangongonsensya ang boses ni Eunecia kaya kahit pasadahan ko ng tingin ang libro ay wala akong maintindihan sa nakasulat doon.
“Ang sabi nila, iba pa naman magalit ang mababait na tao.”
Sinamaan ko siya ng tingin. Kumagat siya sa kanyang sandwich ay nailing pa.
Pero may parte sa akin ang natatakot na. Anong gagawin ko? Balak ko naman talagang ibalik ang pera pero paano kung malaman ni Ken iyong tungkol sa deal? Baka mag-iba ang tingin niya sa akin. Kung kailan nahulog na ako doon naman ako mababaliktad ulit.
“Marione,” tawag sa akin ni Ate Demi sa Lunes na iyon.
Nagtungo ako sa may counter. Ibinigay niya sa akin ang isang tray na may dalawang frappe kasama ang umiilaw na numero.
“Sa VIP room ’yan,” aniya.
VIP? Sino ang nandoon?
Ewan ko pero sa tuwing napapadpad ako roon ay kung sino-sino nalang ang nakikilala ko. Doon nangyari ang deal namin ni Ken at doon rin nangyari iyong deal namin noong lalakeng hulog ng langit na hindi ko parin mapangalanan.
Naisip ko na baka si Ken at iyong napagkamalan kong girlfriend niya pero imposible dahil wala ngayon sina Sir Wayt at Ken dito. Nagtext lamang siya sa akin na pupunta siya mamaya para ihatid ako pauwi.
Binuksan ng guard ang pinto roon saka ulit bumungad sa akin ang loob ng VIP.
Medyo dim pero hindi naman gaano at nakikita ko parin naman ang paligid. Hinanap ko agad ang umiilaw na table saka ko napansing nasa may couch area iyon.
Nagtungo ako roon at inilapag sa kanilang mesa iyong tray. Tiningnan ko ang dalawang costumer na nasa akin na ang mga mata. Kambal?
“May kailangan pa po ba kayo, Sir?” Ngumiti ako sa dalawa na titig na titig sa akin.
Base sa pananamit, sa pabangong nalalanghap ko, sa mamahaling relo, sa iPhone na nasa mesa at may susi pa ng kotse ay mga rich kid na naman ang mga ito.
“Marione…” tawag noong lalakeng nakasuklay paatras ang buhok at may iilang hibla ang nalalaglag.
Tiningnan ko siya at nakitang nasa name plate ko na ang kanyang mga mata.
Nagkatinginan silang dalawa at kapwa napangisi. Kumunot ang aking noo lalo na’t naninimbang na sa akin ang kanilang mga mata nang dumako ulit iyon sa akin.
“Oo… May kailangan pa kami,” sabi noong medyo magulo ang buhok at nakangiti na sa akin.
“Ano po ’yon, Sir?” tanong ko.
Dinampot niya ang kanyang iPhone.
“Pwede papicture?”
Ngumuso iyong kakambal niya at nagpipigil nang tumawa.
“Ako rin, Miss…”
Kumunot ang aking noo sa dalawa. Alam ko namang may hitsura ako pero iyong magpapicture sila sa akin ay parang sobra na ata.
“Costumers are always right.”
“And left,” dugtong agad noong may pagka messy hair.
“Top.”
“And bottom,” iyong isa ulit ang dumugtong.
Naghagalpakan silang dalawa at nagawa pang mag-apir sa isa’t isa. Ngumiwi ako habang palipat lipat ang aking mga mata sa dalawa. May masamang epekto rin talaga ang pera eh… Nababaliw na siguro sila kung paano gagastusin ang kanilang pera kaya pati ang pag-iisip ay naaapektuhan na.
Tumayo iyong isang lalake habang iyong isa naman ay itinututok na sa akin ang cellphone. Wala na akong nagawa lalo na’t tumabi narin ito sa akin at nagawa pa akong akbayan pero hindi naman kami sobrang lapit, sakto lang.
Tumawa iyong lalake at nagthumbs-up pa pagkatapos kaming kunan saka siya tumayo at nagpalit ulit silang dalawa ng pwesto.
“Salamat, Miss…” Ngumiti sa akin iyong nakaatras ang ayos ng buhok.
Tipid akong ngumiti at nagpaalam rin naman.
“Isend mo sa kanya nang masiraan siya ng bait!” Narinig kong sabi noong isa na hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin.
Naging abala rin naman ako sa baba. Umalis narin ata iyong kambal sa VIP lalo na’t noong bumaba sila ay sila agad ang naging usap-usapan sa grupo ng mga babaeng costumer dito sa ibaba.
Ilang sandali lamang ay dumating rin si Ken. Natagpuan ko nalang itong nakikipag-usap kay Ate Demi roon sa counter. Magkasalubong ang kanyang kilay at tila naiirita habang si Ate Demi ay humahagalpak.
Paglabas ko ng kitchen ay wala na si Ken sa counter. Tinawag akong muli ni Ate Demi at binigyan ako ng tray.
“Dalhin mo kay Sir Ken sa VIP. Mainit ang ulo noon,” aniya at ngumisi pa sa akin ng makahulugan.
Kinuha ko iyong tray na may isang frappe. Habang papunta ako roon ay hindi ko magawang hindi isipin ang sinabi ni Ate Demi na mainit ang ulo nito. May problema siya? At ang aga niya naman ata rito?
Pagpunta ko roon ay sumalubong nga ang hindi maipinta niyang ekspresyon. Nagtungo ako sa kanyang gawi at inilapag ang tray.
“Ang aga mo. Akala ko ba mamaya pa?” tanong ko.
Tiningnan niya ako saka dumako ang kanyang mga mata sa aking balikat. Dumilin ang kanyang mukha at kumalat ang iritasyon sa kabuuan noon. Kumunot naman ang aking noo. Anong problema nito?
“Ba’t ka nagpapicture?” tanong niya sa nagtatampong boses.
Huh? Picture? Iyong sa dalawang lalake na kambal? Teka… Alam kong may CCTV dito pero ba’t niya nalaman? Nagsumbong ba si Ate Demi? Pero ano namang alam ni Ate Demi sa amin ni Ken? M-May alam ba iyon?
Hindi agad ako nakaimik kaya binasa niya ang pang-ibabang labi at humilig na sa kanyang nakaparteng mga hita.
“Mga costumer naman ’yon,” sabi ko habang hindi makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.
Gusto ko siyang pangaralan na wala pa siyang karapatang magselos sa mga lalakeng lumalapit sa akin dahil hindi pa kami katulad ng ginagawa ko sa tuwing nagseselos siya kaso hindi narin ako makaimik sa tuwing nakikita ko ang inis sa kanyang mukha. Pakiramdam ko ay kasalanan ko pa ang bagay na iyon dahil hinayaan ko itong magpapicture sa akin eh pwede naman sana akong tumanggi.
Isa rin talaga sa pinakaayaw ko sa pag-ibig ay iyong pagiging alipin ng sarili mong nararamdaman. Ngayon ako na itong nafufrustrate sa pagiging tahimik niya habang hinahatid ako pauwi.
Kasalanan ko ba ’yon? Gusto kong magtaray at singhalan siya na itigil na iyang pagiging suplado niya dahil wala naman iyong kahulugan sa akin at sa kanya parin naman ako nababaliw pero nilalamon ako ng mga pinag-iisip ko. Baka bigla nalang akong mapaamin. Masyado pang maaga… Natatakot akong umamin…
Nanatili nalang ang tingin ko sa labas ng bintana at inaliw ang aking sarili sa mga kumikislap na mga ilaw. Ang tangi lamang nangingibabaw sa loob ay ang namumuong katahimikan sa aming pagitan.
Ang hirap pala pag gusto mo ang isang tao. Affected ka rin sa mood niya at nakakafrustrate pa sa tuwing tahimik lang ito at hindi ka pinapansin.
“Sa susunod na may magpapapicture sa’yo tumanggi ka,” aniya sa malamig na boses.
Binalingan ko siya. Ang kanyang mga mata ay nakasentro lamang sa kalsada kaya nagtagal ang paninitig ko sa kanya.
Wala akong masabing iba kaya tumango nalang ako.
“Kung pwede ay suntukin mo,” dagdag niya pa saka ako tiningnan.
Sumimangot agad ako.
“Paano kung sinuntok ako pabalik? Anong laban ko?”
“Suntukin mo tapos tumakbo kana palayo,” sabi niya na akala mo ay madali lamang iyong gawin.
Ngumiwi ako at gusto pang magreklamo kaso naaaliw rin ako sa kanyang ekspresyon. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at mas nafrustrate lamang. Wala na siyang iba pang sinabi pero sapat na iyon para magets ko ang pinanggagalingan ng pagkainis niya.
“Ang rami na atang lumalapit sa’yo na mga guwapo diyan sa Restaurant ah? Mag-apply narin kaya ako?” si Eunecia nang makwento ko sa kanyang may kambal na nagpapicture sa akin.
Hindi ako sumagot at ipinagpatuloy na ang pagsusulat habang namamahay naman sa aking utak ang mukha ni Ken na iritang irita. Napangiti ako roon ng wala sa oras.
“Napakaseloso pala ni Ken? Buti at di niya sinuntok.”
Nagkibit ako. “Di niya na naabutan. Umalis rin kasi agad iyong dalawang costumer.”
Binura ko iyong gilid ng drawing ko sa ibaba ng description na isinulat ko. Tiningnan saglit ni Eunecia ang aking drawing pero nalunod rin ito sa pangingisay.
“Ang hot siguro niyang magalit! Paselosin mo pa kaya ng todo?”
Nasira ang aking ekspresyon sa kanyang suhestyon. Hindi ko na nga kaya sa tuwing naiinis iyon tapos gagalitin ko pa? At ayoko naring gumawa ng mga bagay na ikakagalit niya ’no. Gusto ko iyong iwasan. Ayoko ng sakit sa ulo dahil mababaliw na naman ako kakaisip kung ano ang aking gagawin humupa lang ang kanyang inis.
“Ang pangit naman ng drawing mo,” puna niya roon nang hindi na ako sumagot sa kanyang sinabi.
“Ba’t hindi mo trabahuin iyong sa’yo?” Umirap ako at ipinagpatuloy na ang aking ginagawa.
Simula noong naging malinaw na sa akin ang nararamdaman ko para kay Ken, simula noong nalaman kong nahulog na ako sa kanya ay tumigil narin ako sa kakadala ng kape kay Sir Wayt na kahit iyong binuo kong atraksyon para sa kanya ay nakalimutan ko na.
Kaya noong inutusan ulit ako ni Ate Demi na dalhan ng kape si Sir Wayt sa kanyang office ay doon ko lang naisip na mag-iisang buwan na pala simula noong tumigil ako sa kakadala.
Kumatok muna ako saka ko iyon binuksan. Pagpasok ko ay tumambad agad siya sa akin na nakaupo roon sa kanyang swivel chair habang nakasalikop ang mga kamay at nasa akin agad ang mga mata. Ang manly niyang tingnan sa kanyang suot na powder blue na polo, itim na pantalon at kahit hindi ko makita ang kanyang sapatos ay alam kong kulay itim rin iyon.
Minsan lang rin kasi siya rito at mukhang busy rin sa ibang bagay. Buti at nandito siya ngayon.
“Heto na po ang kape niyo, Sir,” sabi ko at inilapag iyon.
“Have a seat. Mag-usap muna tayo,” sabi niya na ikinakurap ko.
Bago ito sa pandinig ko ah? Noon lang ay sinisenyasan niya agad akong lumabas.
Tumango ako at umupo roon. Mataman niya naman akong tinitigan sa kabila ng malamig niyang mga mata.
“Di mo na ata ako dinadalhan ng kape?”
Umawang ang aking bibig at naghanap agad ng mairarason. Gusto niya pala?
“Ah…”
Dinampot niya ang ballpen sa desk at pinaikot-ikot iyon sa kanyang kamay.
“Busy kana sa iba?” he accused me.
Nagulat ako.
“H-Hindi naman po sa g-ganoon, Sir. Uh, marami po kasing costumer at um… minsan lang po kayo rito.” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at idinako ang aking mga mata sa tasa.
Binasa niya ang pang-ibabang labi, ang mga mata ay nasa akin parin.
“Are you free tomorrow?”
Umahon muli ang aking tingin sa kanya. Umawang ang aking labi at hindi agad nakasagot.
“Dinner?” dugtong niya pa na ikinagulat ko.
Niyayaya niya ba akong makipagdate sa kanya?! Jusko! Bakit ngayon lang nangyayari ang lahat ng ito?! Sana kung noon pa siya gumaganyan sa akin ay hindi na siguro ako mahuhulog kay Ken at matutuon ang buo kong atensyon sa kanya!
Hindi agad ako nakasagot at gusto ko pang gisingin ang aking sarili dahil baka nananaginip lamang ako. Kaso noong tumayo siya at umikot patungo sa aking harapan ay nagsimula nang kumalabog ang aking dibdib dahil sa kaba.
Yumuko siya at itinukod ang mga kamay sa magkabilang upuan. Inilebel niya ang kanyang mga mata sa akin at halos amoy na amoy ko na ang kanyang pabango.
“We can date… If you want,” he said huskily.
Para akong natanga ng ilang sigundo. Halos lumipad ang aking katinuan at naging blangko ang aking isipan. Wala akong mahanap na tamang sagot.
Yumuko siya lalo at kulang nalang ay ilapit sa akin ang kanyang mukha.
“Hindi mo naman siguro ako tatanggihan ’di ba? I’m your boss…” he said, taunting.
Lumunok ako at gusto siyang itulak, katulad ng payo sa akin ni Ken pag may lalapit na lalake sa akin. Pero boss ko siya! At ito ang pinapangarap ko noon… Kaso… Kaso wala na sa isip ko ang plano na iyon. Tuluyan na iyong naglaho simula noong gumuho ang binuo kong atraksyon para sa kanya. Iba na ngayon.
Gumalaw ang kanyang mga mata at napunta sa pinto pero hindi iyon naging rason para lumayo siya sa akin. Ngumisi siya at mas lalo lamang yumuko, halos halikan na ako.
Nanliit ako sa aking kinauupuan dahil sa aking pag-atras kahit imposible ko na iyong magawa. Pero bago pa man magtama ang aming mga labi ay may marahas nang pumasok hanggang sa nahawi nalang agad si Sir Wayt sa aking harapan.
Bumungad sa amin ang galit na galit na si Ken lalo na’t nakakuyom pa ang kanyang mga kamao. Mabilis niya akong hinila patayo at sinamaan ng tingin si Sir Wayt.
“Putangina, Wayt. Ano ’to?” galit niyang tanong sa matigas na boses at itinago ako sa kanyang likuran.
Sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Ken sa aking pulso, pakiramdam ko ay madudurog na ang buto ko.
Sumilip ako sa balikat ni Ken. Nakita ko si Sir Wayt na nakasandal na sa kanyang desk habang nakakrus ang paa at nanunuya ang ngisi kay Ken.
“Oh? Eh ’di ba at itinutulak mo pa ako sa babaeng ’yan? Gusto mong idate ko siya ’di ba? What’s making you mad?” Humalakhak siya pero sobrang nakakaloko na iyon, tila gustong putulin ang pasensya ni Ken.
“Putangina niyo. Ba’t niyo ako pinagtitripan?” si Ken, halos manginig na sa galit.
Ngumisi lang si Sir Wayt at nagkibit. Umiling si Ken at hinila na ako palabas doon.
“Isang tulak mo pa sa akin sakanya, aagawin ko na siya,” ani Sir Wayt na hindi ko mapunto ng husto.
Gusto ko mang magtanong tungkol roon kaso hindi mahitsura ang mukha ni Ken sa galit habang nagmamaneho na at gusto na akong ihatid pauwi. Kasalanan ko na naman ba? Eh kahit ako wala akong ediya sa mga nangyayari!
“Nakakapagtaka at niyaya niya akong magdinner…” bulong ko sa aking sarili na hindi nakaligtas sa kanyang pandinig.
Sumulyap siya sa akin.
“Pumayag ka?” matabang niyang tanong at sasabog na ata kung mali ang aking sagot.
Umiling agad ako, halos lamunin ng sarili kong kaba sa sobrang bilis ng kalabog ng aking dibdib.
His eyes sharped on the road. Lumalabas pa ang ugat sa kanyang braso at nagmumura na habang kumakalat sa kanyang kabuuan ang sobrang iritasyong nararamdaman.
“Inutusan lang ako ni Ate Demi na dalhan siya ng kape. At noong p-pumasok ako… S-Sabi ni Sir Wayt ay mag-usap muna kami. Eh empleyado niya ako k-kaya tama lang na sumunod ako sa bawat utos niya. T-Tapos a-ayun… N-Niyaya niya akong…”
Nagloosen ang kanyang balikat at gumalaw ang kanyang panga. Gamit ang isang kamay ay napunta iyon sa ilang botones ng kanyang polo at kinalas iyon para makahinga siguro.
“Tangina.”
Hindi nakaligtas sa akin ang kanyang mura. Lumunok ako at gusto nalang lumabas sa kanyang kotse pero ayaw ko rin naman siyang iwanang galit sa akin. Shit! Nafufrustrate na naman ako!
“E-Eh malay ko ba-”
“Sa umpisa palang talo na agad ako dahil alam ko namang siya ang gusto mo!” putol niya sa akin.
Nalaglag ang panga ko. Bigla niya nalang iyong isinigaw. Ginulo niya ang kanyang buhok at nailing. Kumislap ang basa niyang labi na kahit ang earring na kanyang suot ay kumislap narin dahil sa tumamang liwanag sa kanyang mukha kaya mas malinaw kong naaninag ang nagbabagang galit sa kanyang mga mata.
“Patay na patay ka roon at sobrang nakakainis dahil alam kong walang maiiwan sa akin pag kusa kang nagpahila sa kanya!”
Ngumuso ako at nanliit na sa kanyang pagsiklab. He has a point though. But that was before! Bwesit rin talaga! Kung hindi lang talaga ako nalalamon ng kanyang galit ay papatulan ko siya kaso wala, tiklop na tiklop ako ngayon!
Nagmura pa siya habang ako itong tahimik nalang sa aking kinauupuan, hinihintay siyang kumalma. Napansin kong malapit na kami sa bahay pero ayoko pang umuwi. Ayoko siyang iwan. Ayokong ganito.
“Saan ka pupunta pagkatapos akong ihatid?” tanong ko at nilingon siya saglit.
Hindi siya umimik at nanatili ang mga mata sa daan.
“Ayoko pang umuwi,” sabi ko na ikinalingon niya sa akin. Nag-iwas ako.
Noong nainis rin siya dahil doon sa nagpapicture sa akin ay pumunta siya sa isang Bar at doon nagpakalma. Inamin niya iyon sa akin sa kabila ng iritasyon sa kanyang mukha at ngayon na galit na galit siya, alam kong doon ulit ang baysak niya.
“Ihahatid na kita-”
“Sasama nga ako!” giit ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. Bumusangot rin ako ng husto. Hindi pa kami okay ah?! P-Paano kung maglasing siya ng husto at mabangga?! Edi nakonsensya pa ako! Kasalanan ko pa!
“Sasama ako sa’yo kaya h’wag mo muna akong ihatid pauwi,” matapang kong sabi sa kabila ng panginginig ng aking paa.
Hindi na siya umimik at mukhang ayaw naring makipagtalo pa. Nag-iwas ulit ako ng tingin at nakagat ang aking labi. Ano bang gagawin ko?!
20th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Roses
Naging tahimik si Ken pero hindi parin nabubura ang iritasyon sa mukha. Ipinatili ko naman ang aking tingin sa labas lamang ng bintana. Kahit hindi ko narinig ang kanyang pagpayag sa sinabi kong sasama ako ay mukhang wala rin siyang balak na iuwi na ako lalo na’t iniliko niya na iyon.
Kahit papaano ay bumuti ang aking pakiramdam dahil sinunod niya parin ako kahit galit na galit na ito. Kanina pa ako nag-iisip ng matinong gagawin pero ni isa ay walang matinong pumapasok sa aking isipan. Ano bang alam ko sa panunuyo ng lalake?! Ano bang alam ko sa ganitong bagay?! Shit. Ang ignorante ko sobra…
Natauhan nalang ako sa aking pinag-iisip nang ihinto niya sa isang parking lot ang kotse. Pinatay niya iyon saka siya naunang bumaba at umikot agad para pagbuksan ako ng pinto.
Sa kaba ko kanina sa kanya ay hindi na ako nakapagpalit man lang at iyong uniporme parin sa Restaurant ang aking suot.
Gumapang ang lamig sa akin gawa ng hangin habang tinatanaw ko iyong ilaw na tumatakas sa isang Bar. Nababasa ko rito ang malaking kumikinang na 3DBar. So… Diyan siya palaging pumupunta?
“Wear this.” Naramdaman ko ang mainit na gawa ng ipinatong niyang jacket sa aking balikat.
Isinuot ko iyong sleeves sa aking mga kamay at medyo mahaba pa iyon kaya tuluyang nawala ang aking mga daliri. Hanggang hita ko iyon kaya medyo naging maayos ang aking pakiramdam at hindi na nilalamig pa.
“Diyan ka palaging pumupunta?” tanong ko habang naglalakad na kami papunta roon.
Tumango siya, nakabulsa lamang ang mga kamay at walang balak umimik. Nakakainis rin talaga pag nagsusuplado na itong si Ken, mahirap suyuin!
Habang papalapit na kami ng tuluyan ay mas lumakas ang tumatakas na tugtog sa loob. Marami ang labas masok na mga kaedad ni Ken at sobra pang gaganda ng suot ng iba. Teka… Tambayan ba ito ng mga mayayaman? Nilulustay niya ba ang pera niya rito?
Napunta ang tingin sa akin noong mga bouncer at handa na ata akong harangin pero isang senyas lang ni Ken ay nagsitanguan na ang dalawa at hinayaan akong makapasok. Wow… Ano ’yon? May code ba rito? Senyas senyas lang ganon? Suki ba siya rito kaya libre narin akong pumasok kahit na minor ako?
Nang tuluyan kaming makapasok sa loob ay nalaglag agad ang aking panga. Dim ang paligid at naglalaro ang mga neon lights sa paligid. Sobrang ingay ng loob dahil sa malakas na pinapatugtog noong DJ sa itaas ng stage at parang nababaliw na ang iba habang sumasayaw doon, tila tinatangay na ng musika.
Malamig ang loob at ang bawat pader ay may malalaking salamin. Sa kaliwang bahagi ay may mga couches habang sa dulo naman ay may napapansin akong counter. Sobrang ganda ng kabuuan na hindi ko magawang itigil ang mga mata ko sa kakagala.
First time kong makapasok sa ganitong lugar! Napapanood ko naman ang ganito sa TV pero iba parin pala talaga pag sa personal! Bigla akong naeexcite at ang sarap makisali roon sa kumpol ng mga tao at sumayaw rin sa pagsisigawan nila habang sinasabayan iyong kanta.
Nakuha ng aking atensyon ang kamay ni Ken sa aking beywang.
“Mawawala ka rito kung hindi kita hahawakan,” bulong niya nang tiningala ko ito.
Mukha ba talaga akong ignorante? At saan naman ako magsusuot dito eh sinamahan ko nga lang siya.
“Omg Ken!” May kung sinong sumigaw na boses ng babae hanggang sa may iilan nang napalingon sa aming gawi.
“Krisha.” Ngumiti si Ken sa babae.
Nagtitili naman iyon at mabilis na lumapit. Napabitaw si Ken sa akin nang yumakap iyon sa kanya. Tumawa siya at hindi na gumanti ng yakap saka siya naunang kumalas.
“Where were you?! Hindi kana madalas dito ah?! I missed you so much!” Iyong babae nang harapin siya nito.
“Gosh, Ken!”
May iilan na namang mga babaeng dumating at dinagsa na siya. Umatras ako habang pinapanood siyang pinagkakaguluhan. May iba pang mga lalake na nakikipag-apir sa kanya at nagbubungguan sila ng balikat.
So, madalas nga siya rito? At friends niya ang mga sosyal na iyan? Pangarap ko namang mapabilang sa mga mayayaman pero sa oras na ito ay nanliit ako bigla lalo na noong dumako ang tingin noong isa sa mga babae sa akin, iyong tinawag niyang Krisha. Ang kanyang mga mata ay napunta sa suot ko sa loob ng jacket.
“Who is she? Don’t tell me you’re dating a waitress, Ken?” Tumawa iyong babae at halata ang pang-iinsulto.
Bumaling si Ken sa akin at inilebel akong muli sa kanya. Nagulat ang mga babae sa paghapit niya sa aking beywang. Ang iilang mga lalake naman ay tila nacucurious.
“Courting, Krisha,” pagtatama ni Ken sa babaeng nalaglag ang panga.
Nagsipulan ang mga lalake kaya mas lalong umingay. Ang mga babae naman ay hindi makapaniwala na kahit dim ang paligid ay kitang kita ko ang iritasyon sa kanilang mukha.
“That’s why you’re busy! You got some chains!” Humalakhak iyong lalake kaya ngumisi rin si Ken at nakipag-apir.
“I’m proud to wear them,” sagot niya sa matigas na ingles.
Pinakilala niya ako sa mga lalake pero di ko narin nasundan ang mga pangalan. Iyong mga babae naman ay halatang napilitan lamang lalo na’t bakas rin sa kanilang mukha ang pandidiri na akala mo ay nadudumihan sa akin. Masyado nilang pinagtutuunan ng pansin ang aking suot.
Hinila siya ng ibang mga lalake at dinala sa isang couch. Sumulyap siya sa akin pero sinenyasan rin siya noong mga babae na sila na ang bahala sa akin kaya natangay rin ito ng tuluyan. Kitang kita ko ang pagtayuan ng iilan pang mga naroon nang makita ang imahe ni Ken at tuwang-tuwa na sila. Lahat ata ng nandito ay puro mayayaman. At mukhang kilala siya halos ng lahat.
“Saan ka napulot ni Ken?” biglang tanong noong Krisha sa akin. Nakahalukipkip ito at sa kanyang likuran ay iyong tatlo pang babae na nagtatawanan.
Hindi ako sumagot sa kanya at sinulyapan muli si Ken na may ipinapakilala na atang babae sa kanya. Umiiling siya pero nakabakas ang ngisi sa labi.
“Imposibleng seryoso si Ken sa’yo. I mean… I don’t want to offend you pero Ken will never court a girl, a cheap looking girl…” Tumawa siya na akala mo ay isang malaking biro iyon.
“Kidding me? Baka naman biro lang ni Ken iyong sinabi niyang nililigawan niya?” Iyong blonde naman sa kanyang likuran.
“And I’ve seen his girls! Imposibleng bumaba ang taste niya sa babae…” Hinead to foot ako noong Krisha, ang ngisi ay nakakaloko na.
“Ken is not cheap. He’ll never date a waitress. Loko-loko iyon kaya maybe he’s just fooling around! You know… Matagal siyang nawala kaya siguro ay binibiro tayo,” iyong may kulot na buhok.
“Matataas ang standards nila ni Wayt. This is so impossible… Baka naman napagtripan lang?” Saka sumulyap si Krisha sa akin.
Nagsitawanan silang apat. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa pinasok ko. Ito ba ang mundo niya? Marami siyang kaibigang mga may kaya at sobra pa makapang-insulto. Marahil ay mga kaibigan rin ito ni Sir Wayt na naging close niya narin dahil magkaibigan rin naman silang dalawa. Kaya siguro hindi na mahirap sa kanya ang makipagsalamuha sa mga mayayaman dahil may kapit siyang anak ng may-ari ng isang Restaurant.
Sumulyap narin siya sa dako ni Ken lalo na’t hindi naaalis ang aking mga mata roon dahil sa babaeng halatang may gusto sa kanya. Umiling-iling iyong Krisha.
“Nakakaawa ka naman. This is Ken’s world… He can easily get a hot chic and dispose you anytime. Baka napaglalaruan ka lang eh playboy pa naman iyan. We know him for being a chic magnet and hindi na nakakapagtaka kung sino-sino nalang ang babaeng nadidikit sa kanya.”
“But for the first time ha, may waitress na nasali,” the blonde girl said, almost mocking me.
Hindi ko na hinintay ang susunod nilang sasabihin at kusa na lamang akong tumalikod. Hindi narin ata napansin ni Ken ang pag-alis ko dahil busy rin naman siya sa kaka intertain doon sa babaeng pinapakilala ata sa kanya kaya nauna nalang akong lumabas. Nanunubig ang aking mga mata at hindi ko maintindihan ang ikinakagalit ko sa oras na ito. Ginusto kong sumama kaya dapat ay panindigan ko.
Pinalis ko ang luhang tumulo. Sanay naman ako sa mga pang-iinsulto sa akin pero ba’t parang ang sakit na ngayon? Apektadong apektado ako habang pinapamukha nila sa akin na imposibleng pumatol si Ken sa isang cheap na kagaya ko, sa isang waitress lamang.
Pwede ko namang sabihin na marahil ay naiinggit lamang sila sa akin dahil ako ang nililigawan kaso nakakapangliit talaga. Palibhasa mayayaman! Eh lamang lang naman sila sa pera pero lamang naman ako sa ganda! Tinadtad nga sila ng make-up pero talbog ko parin sila!
Pinalis kong muli ang luhang lumandas sa aking pisngi at sobrang nainis sa aking pinag-iisip. Gumala ang aking tingin at papara na sana ng taxi kaso napagtanto kong hindi naman ako mayaman kaya kailangan ko talaga ng tricycle ngayon. Meron ba niyan dito? Eh halatang puro taxi lang ang pumaparada sa lugar na ito! Hindi ba nila alam na baka ay may mapadpad na walang kaya sa buhay sa lugar na ito at tricycle lang ang afford?
Naglakad ako habang dala-dala ang bigat ng aking nararamdaman. Gusto kong humagulhol sa sakit ng dibdib ko. Bwesit na pag-ibig! Kaya ayoko talagang pumasok sa bagay na ito dahil sasaktan ka lang! Kaso paano rin naman ako makakalabas kung nakakulong narin ako?
“Marione!” sigaw ng pamilyar na boses.
Mas lalong lumandas ang mga luha sa aking mga mata kaya mas nilakihan ko ang aking hakbang habang niyayakap ang sarili sa gilid ng daan. Bahala siya! Uuwi na ako!
Ilang sandali lamang ay may humablot na sa aking braso. Nagpumiglas agad ako.
“Uuwi na ako!” sigaw ko sa sobrang pagkafrustrate, idagdag pa ang mga mata kong nanunubig.
Umawang ang kanyang labi nang makita ang aking mga mata. Ang galit doon ay biglang naglaho.
“Bumalik kana roon!” Itinulak ko siya. “You don’t date cheap girls, ’di ba?!” Nalaglag agad ang malalaking luha sa aking mga mata. Halos masugat ang aking puso sa isinasampal kong salita sa akin.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at mataman na akong tinititigan.
“Ano bang sinasabi mo?” tanong niya, halos nagtataka sa aking pag-iyak.
Umiling ako at pinunasan ang aking mga luha.
“Ewan ko rin! Pakialam mo kung ano ang sasabihin ko!” Tumalikod ako at nagmartsa ulit paalis kaso hinila niya akong muli.
“Bwesit ka! Tigilan mo nga ako! U-Uuwi na ako at bumalik kana roon sa mga sosyal mong kaibigan!” Hinawi ko ang kanyang kamay.
Dismayadong dismayado ako. Sana… Sana hindi ko nalang hinayaan ang sarili kong mahulog sa kanya. Sana wala akong pinoproblema ngayon. Sana hindi nalang ako pumayag sa kasunduan. Sana hindi nalang ako nasilaw sa pera para wala akong rason na dumikit sa lalakeng naging rason ng pag-iyak ko ngayon.
“Ihahatid na kita,” aniya sa kalmadong boses.
Umiling akong muli at itinulak siya. Sobrang bigat ng dibdib ko. Sobra akong nasaktan.
“H’wag na nga! Uuwi na ako mag-isa! B-Bumalik kana lang doon sa babaeng pinakilala nila sa’yo total mukhang masaya ka naman sa kanya! At mukhang hindi naman iyon cheap kaya pasok iyon sa standard mo!” Umagos lalo ang aking mga luha at sinalo ko nalang ang bawat patak noon para punasan.
Lumambot ang kanyang tingin at seryoso nang nakatitig sa akin.
“Ano bang sinabi nila sa’yo?” seryoso niyang tanong at tumulong sa pagpupunas ng aking luha.
Tinabig ko ang kanyang kamay kaso hindi siya tumigil sa pagtulong sa akin hanggang sa ako na lamang ang tumigil at siya nalang itong sumasalo sa bawat luhang papatak at mabilis niyang pupunasan paalis sa aking pisngi gamit ang kanyang hinlalaking daliri.
May mga salita talagang tatagos sa’yo lalo na kung sobrang sakit na. Sa lahat ng ibinatong mga salita sa akin, dito talaga ako nanghina. Parang sinasampal nila sa akin na hindi ako deserving na babae kay Ken. At sa nakikita ko kanina, marami nga namang nagkakandarapa sa kanya na mas higit pa sa akin kaya ano mang oras ay handa niya akong palitan. Baka nga ay tama rin iyong Krisha na napagtripan lamang ako ni Ken.
Naramdaman ko nalang ang biglaan kong pag-angat sa ere dahil sa pagpangko niya sa akin gamit ang kanyang mga braso. Tinakpan ko ang aking mukha at tahimik na umiyak. Bwesit talaga! Kung naging mayaman na ako ay babalikan ko ang apat na iyon at sasampalin ko sila ng gold bars ko!
Pumasok siya sa front seat at inadjust iyong upuan hanggang sa umatras iyon. Nasa kandungan niya parin ako habang ang kanyang kamay ay nakayapos sa aking beywang at ang isa pang kamay ay nasa ilalim ng aking mga hita at nakapulupot din doon.
Tumigil na ako sa pag-iyak pero ramdam ko ang pamumugto ng aking mga mata. Isinandal ni Ken ang kanyang baba sa aking balikat habang hinahaplos ang aking likod.
“Sila ba ang nagsabi noong sinabi mong hindi ako nakikipagdate sa cheap na babae?” masuyo niyang tanong sa akin, na gusto niyang magsumbong ako sa kanya nang maaway niya ang mga iyon.
Hindi ako umimik. Sobrang hapdi ng aking puso. Nasugatan ito at sobra akong nasasaktan. Sa sobra kong ignorante sa bagay na ito, isang tapon lang sa akin ng salita ay mababasag na agad ako.
“They’re right. I don’t date cheap girls, Marione…”
Kinagat ko ang aking labi at mariin nang pumikit. Akma ko siyang itutulak kaso mas humigpit ang yakap niya sa akin, tila isang batang inaalo niya para tumigil lang sa kakaiyak.
“I don’t date cheap girls that’s why I never dated them,” he said huskily.
Parang hinukay ang aking tiyan. Ang mga paru-parong nakakulong sa hawla ay tuluyang nakawala at lumilipad-lipad na sa kabuuan noon kaya sobra na akong nakikiliti.
“Sana pala inuwi nalang kita sa amin…” bulong niya sa akin na ikinainit ng pisngi ko.
“Akala ko ba iinom ka?” matabang kong tanong gamit ang garalgal na boses.
“Kanina… Ngayon hindi na.”
Hindi ako umimik at ginanahan sa kanyang pabango na nanunuot sa aking ilong lalo na’t sobra akong dikit na dikit sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam ng yakap niya… Sobrang komportable sa kandungan niya habang nakayapos ang kanyang mga kamay sa akin. Kaya siguro kahit si Lucas ay nawiwili rin sa kanya dahil ganito ang pakiramdam.
Pumikit ako at nagsisi sa binalak kong plano. Ito na ba ang karma ko at kusa akong nasasaktan sa sarili kong pakulo? Kusa akong nasusugatan sa paghawak ko ng nadudurog kong puso.
Hindi rin nagtagal ang katahimikan dahil sa mahinang pagkanta ni Ken habang panay parin ang paghaplos sa aking likuran.
“Ikaw na ang may sabi, na ako’y mahal mo rin…”
Tumindig agad ang aking balahibo sa aking batok dahil sa sobrang ganda ng kanyang boses. Ang puso kong nahihiwa ay unti-unting nagagamot ng kanyang boses.
“At sinabi mong, ang pag-ibig mo’y di magbabago… Ngunit bakit, sa tuwing lumalapit ika’y lumalayo…”
Napadpad ang kanyang mukha sa aking leeg at doon niya na isiniksik ang kanyang sarili.
“Puso’y laging nasasaktan pag may kasama kang iba…”
Halos makiliti ako sa kanyang boses na tumatama sa aking balat lalo na’t nagwawala narin ang kabuuan kong sistema. Masyado niya nang binabaliw ang kasuluksulukan ko at unti-unti nang lumuluwang ang mga turnilyo. Baka tuluyan na talaga akong takasan ng bait nito.
“Di ba nila alam… tayo’y nagsumpaan, na ako’y sa’yo at ika’y akin lamang…”
Mas lalong humigpit ang yakap ni Ken sa akin. Pumikit ako at hindi alam kung ba’t naluluha na naman ako sa kanyang kanta. Masyadong malamig ang kanyang boses na tila hinihele ako sa ere. Nabura ang aking alalahanin at nahinto ang hapdi sa aking puso.
Naghahum na lamang siya habang bumibigat na ang talukap ng aking mga mata at inaantok na ako. Masyado akong napagod sa pag-iyak at anong oras narin ba?
Nagising nalang ako kinabukasan sa aking kuwarto. Suot ko parin ang jacket ni Ken ganoon rin ang uniporme. Wala na akong maalala kagabi. Basta ang alam ko nakatulog ako sa kandungan niya.
Tinanong ko si Mama tungkol doon nang matyempuhan ko siya lalo na’t nanghihingi rin ito ng pera para dalawin muli si Papa sa kulungan.
“Si Ken ang bumuhat sa’yo. Nakatulog ka raw,” sabi niya habang nakasunod ang mga mata sa pagkuha ko ng pera sa aking pitaka.
“Nag-away ba kayo? Ba’t namumugto iyang mga mata mo?” Tiningnan niya iyon ng mabuti. “Nako… Di pa nga kayo ay ganyan na.”
Hindi ako umimik. Naglahad ako ng isang libo sa kanya. Ngumiti naman agad si Mama.
“Marami kana bang naipon, anak? Galante talaga iyang manliligaw mo-”
“Mama,” putol ko agad.
“Oo na, oo na.” Tumayo siya. “Maiwan na kita rito.”
Pinanood ko siyang lumabas ng aking kuwarto at sobrang saya na naman. Umupo ako sa aking kama at sandaling nagmuni-muni. Namumugto parin ang aking mga mata at naalala ko iyong pag-iyak ko kagabi.
Nagpapasalamat talaga ako at wala ring pasok ngayon kaya pwede ko pang ipahinga itong mga mata ko hanggang sa mawala ang panumugto nang hindi rin maging agaw-pansin mamaya sa Restaurant. Mahilig pa naman akong punahin ni Angie. Baka ano na naman ang masabi noon.
Nakipaglaro lamang ako kay Lucas sa araw na iyon. Hindi ko pinapansin ang text ni Ken lalo na’t wala rin akong load. Ayoko lang talaga iyong basahin kahit na naririnig ko ang pagbeep noon hanggang sa tumawag na talaga ito.
Hindi ko iyon sinagot kahit nakailang ring na. Tumayo pa si Lucas at nagawa iyong ituro pero sinabi ko nalang na wala lamang iyon kaso mukhang nasasanay na si Lucas.
“Kuya Ken!” sigaw niyang muli at itinuro ang aking cellphone.
Ngumuso ako at tumayo para puntahan iyon. Tinitigan ko ang pag ring nito saka ko ito itinago sa drawer. Nahihiya ako sa nangyari kagabi. Nakita niya akong umiyak! Masyado na talaga akong napuno kagabi kaya hindi ko na kinaya. Eh ano naman kung umiyak ako? Baka mang-asar lamang iyon!
Ilang oras lang ang lumipas pagkatapos noong tawag ay may bumusina na. Nauna pang tumakbo si Lucas palabas kaya tumigil rin ako sa paghuhugas ng plato at sumunod na roon.
Nasa may pinto palang ako, natigilan na ako nang makita ko si Ken sa nakabukas na gate, nakasandal doon sa itim niyang gamit na kotse habang may hawak na isang bouquet ng mga rose.
Kumalabog agad ang aking dibdib, halos magwala iyon nang tuluyan siyang tumuwid sa pagkakatayo at naglakad patungo sa akin habang ang isang kamay ay nakabulsa sa suot na maong na pantalon at sobrang guwapo sa suot na denim jacket habang puting Tshirt naman ang pangloob.
Bumagsak ang aking mga mata sa kanyang sapatos at halos hindi na naman siya matingnan nang huminto siya sa aking harapan.
Inilahad niya iyon sa akin. Bumalik si Lucas sa loob at para kaming binibigyan ng oras na mapag-isa.
“I’m sorry,” sabi niya na ikinaahon ng aking tingin sa kanya.
Tinanggap ko iyon at kunot-noo siyang tiningnan. Ibinulsa niya naman ang kanyang mga kamay.
“Para saan?” Tumaas ang aking kilay. “May ginawa ka ba sa akin kagabi habang tulog ako?” Sinamaan ko agad ito ng tingin kahit na sobrang hirap gawin noon.
He chuckled at bit his lower lip. Kalaunan ay namungay rin naman ang kanyang mga mata.
“Nagsisi ako kung ba’t pa kita dinala sa lugar na iyon. O dapat di nalang kita iniwan,” aniya sa sobrang sincere na boses.
Ngumuso ako nang maalala ang nangyari sa Bar na iyon. They mocked me for being a waitress. Cheap daw ako. Ganoon ba ka high ang tingin nila kay Ken na wala nang karapatan ang katulad ko na ligawan ng katulad niya? Purket guwapo ito ay kulang nalang sambahin narin nila.
Inamoy ko iyon habang mataman akong tinititigan ni Ken. Bahagya akong ngumiti.
“Salamat,” mahina kong sambit pero sapat lamang na magulat siya.
Niyaya ko siyang pumasok saka rin ako tumalikod at nagtungo sa kusina dala-dala iyong bulaklak pati ang pisngi kong pulang-pula. Nagiging kakulay ko na ata ang mga rosas.
Sumunod siya sa akin pero nanatili lamang doon sa may pinto habang nakahalukipkip at nakasandal sa gilid. Pinanood niya akong ilagay iyong bulaklak sa vase.
Nilingon ko siya at bahagyang natawa nang sumandal rin si Lucas sa kanyang mga binti habang ginagaya ang paghalukipkip ni Ken.
He sighed.
“H’wag mo nang uulitin iyong kagabi. Ang sarap manakit ng babae dahil sa iyak mo,” seryoso niyang sabi na ikinapawi ng aking tawa.
Wala na talaga akong kawala. Nalalantad na sa kanya ang lahat sa akin. Sa kabila ng pagiging mataray ay ang mabilis ko namang pag-iyak sa mga bagay-bagay lalo na sa hindi ko kontroladong sitwasyon.
21st Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Masasayang AlaAla
Hiyang-hiya ako sa pag-iyak ko. Dapat ay kinimkim ko nalang at sa tuwing naiisip ko na nagawa niya akong yakapin ng ganoon sa kanyang kotse ay nilalamon agad ako ng kahihiyan at nangingisay na. Iyon ang unang beses na sobra kaming close sa isa’t isa, literal!
“Grabe ang selosa mo pala?” ani Eunecia nang kinwento ko sa kanya sa Lunes ng umaga.
Namilog ang aking mga mata nang iba ang naging komento niya sa aking kuwento. Ang gusto kong marinig ay iyong tama lang na magwalk-out ako dahil masyadong masasama ang pinagsasabi sa akin kaso iba na itong pinaparatang ni Eunecia sa akin.
“Hindi ako selosa,” giit ko at pinandilatan siya ng mga mata.
Ngumiwi si Necia habang may ginagawa sa kanyang notebook. Pumangalumbaba ako at nahawakan ang magkabila kong pisngi.
“Pero ang weird ’no? Ang raming sosyal friends ni Ken. Malay mo anak pala iyan ng Presidente at tinatago lang sa’yo. At kung hindi naman sa kanya iyong kotse, eh bakit marunong siyang magdrive? Ibig sabihin may lisensya siya?”
Bigla akong natigil sa sarili kong drama at naisip ang sinabi ni Eunecia. Oo nga ’no? Pero android nga lang ang cellphone noon eh. At minsan nakatsinelas lang…
“Baka naman nagpractice lang dahil close sila ni Sir Wayt at pinapahiram siya minsan,” sabi ko.
Medyo nakumbinsi naman agad ang mukha ni Eunecia.
“Pero sabagay… Friendly nga naman siya sabi mo. At mukhang naliko narin naman ’yang plano mo. Aatras kana sa deal ’no?”
Hindi na iyon tanong kundi kumpirmasyon nalang na tama ang kanyang iniisip. Tumango ako at nag-iwas agad ng tingin lalo na’t nakapaskil na ang nanunuyang ngisi sa kanyang labi.
“Handa kana bang mawalan ng ulo? Puputulin ko na ba?” Akma niyang hinawakan ang aking leeg kaya mabilis ko agad iyong hinawi at natawa.
“Libre nalang kita,” alok ko.
Nasira agad ang kanyang ekspresyon at nailing.
“Alam mo kasi, halata namang mahuhulog ka talaga diyan kay Ken! Expected ko na talaga iyan kasi sabi mo ’di ba playboy… At ang mga playboy expertise nila ang mga babae. Wala silang hindi kayang gamayin pagdating sa babae na kahit ikaw na mataray ay kayang kaya kang palambutin noon! Eh ang ignorante mo pa naman sa pag-ibig.”
“Oo alam ko… Ignorante ako.” Umirap ako at naisandal na ang aking ulo sa desk.
“Pero sana ’no seryoso na talaga siya. Kasi paano kung… tama pala iyong alam mo na…”
Umahon muli ang aking tingin sa kanya. Nagkatitigan kami.
“Na pinagtitripan ka lang pala?”
Napalunok agad ako roon. Nanghahapdi na ang aking puso at para iyong sinabuyan ng asido sa sinabi niya.
Natahimik ako. Naninimbang naman ang tingin niya sa akin. Inayos ko ang aking nagulong buhok at humilig sa desk.
“Pag nalaman mo… Anong gagawin mo?” tanong niyang muli.
Nagkibit ako. Hindi ko pa talaga iyon naiisip. Ang inaalala ko lang ngayon ay ang kahihiyang pag-iyak ko. Ang nangyari roon sa kotse… Ang pagkandong ko at nakatulog pa ako. Pero itong mga what ifs ni Eunecia ay di talaga sumagi sa isip ko.
Paano nga… kung niloloko o pinagtitripan niya lang pala ako? Kaibigan iyon ni Ken at mas kilala niya ito kaysa sa akin na ilang buwan pa lang naman ang pagsasama. Wala nga akong alam sa background niya at saksi lamang ako kung paano siya lumandi sa babae. Expertise niya iyon… magaling siya pagdating sa babae. Siguro naman… seryoso siya ’di ba?
“Mabilis lang naman magmove-on.” Nagkibit ako.
“Mabilis? Sure ka? Eh tingnan mo nga si Audrey halos mamunga na ang itinanim na galit sa’yo dahil hindi pa nakakamove-on kay Jeric. Kung mabilis lang pala ang prosesong iyon bakit marami ang hirap makatalikod sa nakaraan?”
Ang pinaka ayoko talaga minsan dito kay Eunecia ay masyado niyang kinakalkal ang isang bagay hanggang sa napapaisip kana rin ng malalim.
Nagkibit nalang ako ulit at hindi na masyadong pinag-isipan ang bagay na iyon. Mukha namang seryoso si Ken… Ramdam ko naman. Pero expert siya, Marione… Mapapaniwala ka talaga noon agad sa dami-dami na ng babaeng dumaan sa kanya ay madali ka nalang hawakan.
Bwesit rin itong si Eunecia, ginugulo ang isip ko!
Noong sumapit ang 3rd birthday ni Lucas ay si Ken ang kasama kong namili ng mga party hats at prizes para sa binabalak kong party para sa aking kapatid. Noong nakakaluwag pa kami sa buhay at hindi pa nababaon sa utang ay enggrande rin iyong unang birthday ni Lucas kaso noong 2 years old na siya ay halos mangutang nalang kami makabili lamang ng isang maliit na cake para sa kanya.
Siguro kung walang kinasangkutang pagkakautang si Papa at hindi siya ganoon ay maayos pa siguro ang buhay namin ngayon. Pero sa mga nangyayari ay nakokontento rin naman ako basta ang mahalaga ay maayos lamang si Lucas. Nangangarap parin naman talaga ako ng maayos na buhay, iyong matatawag na talagang may kaya na pero hindi ko nalang siguro iyon iaasa sa ibang tao. Ayokong madungisan ako sa mga mata ni Ken. Natatakot ako na baka isipin niyang ginagamit ko nga siya. Importante na sa akin ngayon ang iniisip niya tungkol sa akin.
“Mahilig si Lucas kay Iron Man kaya iyon nalang siguro ang theme,” sabi ko habang namimili kami ni Ken noong design ng paper hats.
Masaya naman ang naging takbo noon. Tuwang tuwa si Lucas sa surprise birthday para sa kanya lalo na’t marami ring mga bata sa bahay. Wala siyang masyadong kinakausap pero halata namang nag-eenjoy rin siyang makipaglaro sa iba. Sinagot ni Ken ang pa catering at pasimuno pa noong mga magician para aliwin ang mga bata.
“Grabe ang raming handa! Iba na talaga ang buhay nitong si Marione simula noong nagka boyfriend ng mayaman!” ani Aling Lydia habang kumukuha ng pagkain at punong-puno na ang kanyang paperplate.
“Sinabi mo pa! Matalino rin talagang bata itong si Marione at ginamit ang ganda para makapang-akit ng mayaman!” si Aling Rosalie naman.
“Hindi po mayaman si Ken,” depensa ko agad lalo na’t ilang araw narin akong nanggigigil sa kumakalat dito.
“Weh? Iyon hindi mayaman? Imposible! Mayaman iyon!” si Aling Lydia.
“Tinatanggi lang iyan ni Marione kasi baka may mainggit at agawin sa kanya.” Tumawa si Aling Rosalie.
Hilaw na ngiti nalang ang naibigay ko at iniwan sila para asikasuhin ang iba pang bisita. Maya-maya ay dumating rin si Ken sakay sa itim na kotse at dumating na may dalang malaking regalo.
Napunta sa kanya lahat ng atensyon ng mga kapitbahay at nagbubulung-bulungan pa ang iba. Ba’t ko pa ba inimbita ang mga ito?
Ang mahalaga ay masaya si Lucas, Marione. Hayaan mo nalang iyang sasabihin nila. Total okay rin naman ang daloy niyo ni Ken.
Mabilis ang pasok ng Christmas at New Year. Wala noong Christmas si Ken lalo na noong New Year pero naiintindihan ko naman na may mga lakad rin sila ng kanyang pamilya. Nag-enjoy rin naman kaming tatlo nila Lucas kahit sa bahay lang kami nagcelebrate. Tumatawag rin naman siya kaya okay narin.
“Ang bango ata ng bagong pasok ng bagong taon sa’yo!” ani Eunecia nang pumasok ako.
“Downy parin ba iyan?” Inamoy-amoy niya pa ako.
Bahagya akong lumayo at umiling. Noong December, habang namimili ako ng regalo, naisip ko ring bumili ng mga make-ups and perfume. Nagustuhan ko iyong amoy ng pabango na bench na raspberry kaya bumili ako. Bumili rin ako ng mga skin care at mga body scrub total medyo malaki rin naman iyong bonus ko.
“Iba talaga pag inspired eh!”
“Gaga. Oh heto.” Ibinigay ko sa kanya iyong dala-dala kong paperbag.
Gumuhit naman agad ang tuwa sa kanyang mukha at kinuha iyon. Binilhan ko siya ng regalo total may extra pa naman ako.
“Mabaho ba ako at perfume ang niregalo mo?” Tumawa siya nang dukutin doon ang So In Love na pabango ng bench na binili ko.
“Alam ko kasing maiinggit ka sa pabango ko kaya binilhan narin kita. Ayokong magkaamoy tayo,” sabi ko.
Tumawa siya. “Thank you! H’wag kang mag-alala bukas bibilhan din kita!”
Umirap ako at umiling nalang.
“Hindi ako nanghihingi. Itabi mo nalang ang pera mo.” Inayos ko ang aking gamit habang nag e-spray na si Eunecia noong bago niyang perfume sa kanyang katawan.
“Bibigyan naman ako ni Mama ng pera,” aniya. “Pero maiba ako… May regalo ka ba sa boyfriend mo?”
Namula agad ang aking pisngi sa pinangalan ni Eunecia kay Ken. Hindi ko pa naman ito sinasagot pero may balak na ako…
“Meron. Nandito,” sabi ko at tinapik ang aking bag.
Ngumisi siya. “Hindi naman iyan condom ’di ba?”
Nalaglag ang aking panga at mabilis siyang sinapak. Humagalpak agad ito ng tawa.
“Sa lahat ng maiisip mo condom talaga?” mahina kong bulyaw at sinamaan siya ng tingin.
Pulang-pula na ang buo kong mukha. Wala sa isip ko ang ganoon! Hindi ako handa sa ganoon dahil bata pa ako.
“Oh bakit? Birthday mo na sa March 10 ah?” sabi niya na akala mo ay nababasa niya ang aking isipan.
Umiling ako at mas lumala lamang ang tingin ko sa kanya.
“Hindi condom ang regalo ko, Necia. Panyo lang iyon na nabili ko sa bench,” sabi ko sa matigas na boses.
Nanlalaki ang kanyang mga mata.
“Huh?! Bakit panyo?! Di mo ba alam na malas ang magbigay ng ganyang regalo!” Hinawakan niya ang aking braso na akala mo ay bigdeal talaga ang bagay na iyon.
“Nagpapaniwala ka sa ganyan eh hindi naman ’yan totoo.”
“Hindi. Totoo talaga, Marione. Iyong kuya ko kasi niregaluhan ng panyo ng girlfriend niya kaya ayun mga ilang buwan nagbreak sila kasi napaiyak ni Kuya iyong babae.”
Ngumiwi ako sa kuwento niya. Hindi naman siguro. Ano namang koneksyon ng mga regalo sa relasyon ’di ba? Kung manloloko ang lalake manloloko talaga iyan.
Pero mamaya igogoogle ko.
Noong lunch break ay tumawag rin si Ken na nasa labas siya kaya dinala ko agad iyong nabili kong regalo para sa kanya.
Paglabas ko ay gumala agad ang aking tingin. May itim na kotse sa nakasanayang pinagpaparkingan ni Ken kaso hindi naman iyon ang kotse ni Sir Wayt. Kabisado ko rin ang plate number noon eh.
Ngumuso ako at dinukot ang aking cellphone. Baka naman papunta palang?
Biglang bumusina iyong itim na kotse at halos mapatalon pa ako sa gulat. T-Teka… Siya ba ang nasa loob?
Nagtungo ako roon kahit hindi ako sigurado. Nang bumukas ang front seat noon at nakita ko si Ken doon ay naisip ko kaagad kung kanino ito.
Pumasok ako ng tuluyan. Nakauniporme ito at hindi ko alam kung anong bago sa kanya pero gumwapo siya. Ilang araw ko lang itong hindi nakita tapos ganon agad?
Umabante siya at inamoy ako. Bahagya akong nadikit sa upuan lalo na’t masyado siyang malapit.
“Ang bango mo ata?” Umangat ang kanyang kilay at ngumisi sa akin.
Ngumuso ako.
“Bumili ako ng ano… perfume sa bench. Iyong raspberry…” Nag-iwas ako ng tingin.
“Mabango,” aniya.
Ngumiti ako at inilahad sa kanya iyong binili ko rin.
“Ano ’to?” Kumislap ang kanyang mga mata at natawa pa sa aking ibinigay na maliit na paperbag.
Umirap ako at itinuon ang tingin sa labas.
“Regalo.”
Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko siyang kagat kagat ang pang-ibabang labi at excited iyong binubuksan.
“Mahal ’yan ah! Bench ’yan!” pahabol ko agad dahil baka laitin niya.
Ngumuso siya at nagpigil ng ngisi nang makuha na iyon sa loob. Para siyang ngayon lang nakakatanggap ng regalo na makikita mo talaga sa mukha niya ang tuwa.
“Hindi ko sana ibibigay kasi… sabi ni Eunecia malas daw ang nagbibigay ng panyo sa boyfriend… Papaiyakin ka raw noon.” Pumula ang aking pisngi sa pagpapaliwanag habang hindi makatingin sa kanya ng deritso.
“But I am not your boyfriend yet, Aioni,” aniya.
Kinagat ko ang aking labi at napasimangot ng husto. Oo nga naman! Bwesit!
“E-Eh malay ko ba! I-Iyon ang s-sabi ni Eunecia!”
Tumawa siya at umabante. Nagulat ako nang bigla nalang dumampi ang kanyang labi sa aking pisngi para gawaran ako ng halik doon.
“I like it. A lot.” Ngumisi siya at bumalik ulit sa kanyang pwesto habang kinukuha na iyong price noong panyo.
Namula agad ako sa simpleng halik sa pisngi. Unang kiss ko iyon! Di ko pa nga siya sinasagot nanghahalik na! Hindi ko nalang isinatinig total may balak narin naman ako… Siguro… Uh, next month? Sa Valentines sana para maging memorable naman sa akin ang araw na sobrang bitter sa akin.
May kinuha siya sa likod na paperbag at inilahad iyon sa akin. Kinuha ko iyon.
“Pinag-ipunan ko ’yan,” sabi niya pa.
Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. Ayokong buksan. Ayokong makita niya ang reaksyon ko na tuwang-tuwa sa kanyang regalo. Kahit ano naman ay tatanggapin ko basta galing sa kanya.
“Salamat.” Nag-iwas akong muli ng tingin.
Sobrang sarap pala talaga mainlove. Kung noon ay halos isumpa ko ang pagmamahal, ngayon naman ay kulang nalang lumipad-lipad ako sa ere dahil sa saya. Kaya siguro ang raming nababaliw sa pag-ibig! Kaya siguro maraming gustong matali kahit alam nilang masasaktan sila dahil iyon lang rin ang makakapagpasaya sa kanila.
Binuksan ko sa classroom ang regalo ni Ken sa akin. Wala naman siyang sinabi kung ano ang laman nito pero ang sabi niya ay pinag-ipunan niya.
“Ang ganda!” sigaw ni Eunecia nang buksan ko iyong box.
Tumambad sa amin ang isang gold bracelet na puro heart shape ang desinyo at parang nakatali lamang sa isa’t isa para hindi makalas. Kinuha ko iyon at medyo nipis lamang pero may kabigatan ng kaonti.
“Feeling ko totoong gold ’yan,” komento ni Eunecia.
“Pinag-ipunan niya ’to eh,” sabi ko at ikinabit na iyong lock.
Tiningnan narin ni Eunecia ang aking pulso. Nariyan na naman ’yang pagdududa niya sa katauhan ni Ken. Palagi niyang iniisip na baka ay mayaman daw.
Hindi na naman talaga bigdeal iyon sa akin. Pero kung ako ang masusunod, mas gusto ko nalang na hindi siya mayaman. Hindi ko nga alam kung bakit minahal ko iyon eh. Di naman ako nagugwapuhan. Hindi ko rin type. Idagdag pa iyang pagiging playboy niya eh wala naman akong hilig sa mga ganoong lalake. I don’t have an idea why I suddenly fell…
At simula noong nahulog ako ay doon ko na nakita iyong mga magagandang bagay sa kanya. Nagugwapuhan na ako at mas lalo ko pang naappreciate ang bawat features niya. Kahit iyong pagiging malandi ng dila niya ay di ko na masyadong binibigdeal. Idagdag pa ang estado sa buhay. Kung may kaya man sila o wala, wala narin ata siguro akong pake roon. Basta, bigla ko nalang siyang nagustuhan. Nahulog ako sa kalagitnaan ng pagkabwesit ko sa kanya.
Buwan ng Pebrero. Hindi na ako nagulat noong pagkapasok ko sa eskwelahan ay may nakasabit nang mga korteng puso sa bawat lugar. Hindi narin ako nagulat noong may mga nakasuot ng pula at may nakikita pa akong couple na naglalampungan sa may bench.
Walang klase dahil sa isang program. Wala akong masyadong interes sa program lalo na’t ang bitter ko pa noon pero ngayon ay gusto kong manood.
Maraming activities at isa na roon iyong mga booth nila. Nakita ko pa si Audrey na maraming dalang rose at mukhang binigyan noong mga nagkakagusto sa kanya.
Umirap agad siya sa akin nang magtama ang aming mga mata. Kung hindi lang talaga ganyan ang pakikitungo niya ay icocompliment ko na siya na pinakamaganda sa araw na ’to kaso pumasok ako eh. Pangalawa nalang siya.
“Ang ganda ng dress mo ah! May mangyayari bang maganda ngayong araw?” Sinundot-sundot na ako ni Eunecia sa aking beywang.
Napaigtad ako kaya mabilis ko siyang pinigilan.
“Wala. Masama bang magsuot ng pulang dress eh Valentines naman?” Umirap ako.
Humalakhak siya.
“Hoy! Baka nakakalimutan mo noong nakaraang ay halos sungkitin mo pa ang mga korting puso sa classroom dahil inis na inis ka! Ikaw nga lang ang nakablack sa araw na iyon!” sigaw niya.
Ngumuso ako at nagpigil na matawa. Kaya siguro may mga estudyanteng nagugulat sa ayos at suot ko ngayon dahil tila nakikiuso rin ako sa Valentines.
Pinasadahan ko ng tingin ang aking dress. Isa iyong above the knee na midi dress at may disenyong maliit na butterfly na nagkalat sa kung saan saan. Ang parteng dibdib ay masyadong fit at may ribbons pa roon habang litaw na litaw ang aking collarbone dahil sa square neckline noong collar ng damit at ang sleeves ay short puffed naman. Nagsuot ako ng match na sandals ’tsaka mini backpack purse na kulay itim.
Ngayon lang rin ako nag half-ponytail sa medium length kong buhok at medyo lumalabas pa ang pagiging wavy ng kaonti ng ibaba noon.
Isn’t this too much? Ngayon ko lang rin napagtanto na masyado ko atang pinaghandaan ang Valentines day.
Dumaan sa inuupuan namin ang grupo ni Jeric pero nagulat nalang ako, ganoon rin ang ibang estudyanteng naroon, nang bigla itong humandusay sa sahig.
“Jeric! Tumayo ka! Napano ka pre?!” Tinulungan agad siya ng mga kaibigan niya.
Tumayo si Eunecia at nakiusyoso habang ako itong gulat na gulat parin lalo na’t ngumingiwi siya sa sakit habang sapo ang kanyang dibdib.
“Ang sakit ng puso ko…” daing ni Jeric saka siya dumilat at tumingin sa akin. “Nahulog ako pero di ako sinalo ng taong gusto ko.”
Naging maingay agad ang kanyang mga kaibigan at nagsi ‘ohhhh’ pa habang ang iba ay natawa sa kanyang paandar. Bwesit talaga!
“Ang sakit…” pagdadrama pa ni Jeric at tumayo narin. “Ang sakit na mas gusto niya ang iba kaysa sa’yong nandito lang naman sana palagi para sa kanya.”
Nag ‘ohhhh’ ulit ang kanyang mga kaibigan sa kanyang likuran kaya naaliw rin ang iba pang mga estudyante. Kahit si Eunecia ay nakikisali roon sa ‘ohhhhh’ ng mga kaibigan ni Jeric.
Tumawa si Jeric kalaunan at kinindatan ako.
“Grabe, ang ganda mo Marione! Sayang ’yang ganda mo kung mapupunta ka lang sa maling lalake.”
At nag ‘ohhhh’ na naman ang mga hinayupak kaya napupunta sa akin ang atensyon ng lahat imbes sa stage kung saan may nagaganap na pagkanta ng ‘Akin ka nalang’ by Parokya ni Edgar.
“Sayang nga ako kung mapupunta lang ako sa’yo,” sabi ko sabay irap.
Mas lumakas ang ‘ohhhh’ ng mga estudyante dahil may mga lalakeng nakisali na talaga na nakarinig noon at may nagsitayuan pa habang si Jeric ay umaakting na akala mo ay pinagsakluban ng langit at lupa.
“Durog na durog ako…” Umiling-iling siya at mas madrama pa iyong sinambit.
Hindi lang naman pati sa classroom ang may ganoon dahil noong pumasok ako sa Restaurant ay may mga dekorasyon naring pang Valentines. Iyon nga lang mas maganda at mas elegante tingnan ang mga nandito kaysa sa eskwelahan.
“Ang ganda ah!” puna agad ni Ate Demi sa akin.
Ngumiti ako ng bahagya. Nahuli ko pa ang paglingon agad sa akin ni George at nakaw tingin na sa aking kabuuan lalo na’t may costumer siyang inaasikaso.
“Sobrang ganda mo naman ata, Marione!” si Angie nang nakita narin ako.
Tumawa lamang ako ng bahagya at tinakasan ang pagpapaligo nila ng compliments sa akin. Nagbihis ako ng uniporme at nasayangan sa aking half ponytail dahil kailangan ko na ulit i bun ang aking buhok. Siguro pagkatapos nalang ulit ng trabaho…
Napangiti ako ng wala sa oras nang maalala ang aking balak. Sapat narin naman ang ginawa niya. Hindi ko rin kasi maintindihan kung para saan ang panliligaw. Pero sa nakikita ko mukhang sincere naman si Ken. Gusto kong maging memorable ang Valentines sa akin. Gusto kong palitan iyon ng masasayang alaala.
22nd Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Warning: SPG
Mahal Na Mahal
Hindi ko alam kung nariyan na ba si Ken pero bigla bigla rin naman iyong sumusulpot kaya inabala ko muna ang aking sarili sa pagtatrabaho. Iyon nga lang panay chika itong si Angie sa akin.
“Ang tamis tamis talaga ng amoy mo! Naligo kana ba ng perfume sa araw na ’to?” puna niya nang dumaan ako sa aking gawi at humabol lamang ito para makipagdaldalan.
“Hindi ah.” Tumawa ako ng bahagya.
“Anong hindi eh ang ganda ganda mo pa at sobrang nag-ayos ka ata! May date ka ’no!”
Umiling ako at pinamulahan ng pisngi. Hindi kalat sa Restaurant na ito ang tungkol sa amin ni Ken. Siguro si Sir Wayt ay may ediya na at medyo weird si Ate Demi minsan lalo na’t iba rin ang kanyang ngisi sa akin sa tuwing binabanggit niya si Ken pero mukhang sila lang naman ata ang nakakapansin sa kinikilos ni Ken.
Hindi rin naman siguro masyadong bigdeal dahil hindi naman si Sir Wayt ang nanliligaw ’di ba? Si Sir Wayt lang naman ang importanteng tao rito. Para lang talagang side kick itong si Ken at buntot ng buntot sa kanya.
Natakasan ko rin naman ang kadaldalan ni Angie lalo na’t dumarami ang mga costumer. Hanggang 9 lang rin naman ang duty ko ngayon lalo na’t Huwebes.
Pansin ko ang paninitig ni George sa akin pero kung mahuhuli ko naman ay mabilis na mag-iiwas ng tingin. Alam ko namang may gusto siya sa akin at halata naman iyon sa kinikilos niya. Minsan ay naiirita na ako sa tinging iyon pero di ko nalang masyadong binibigdeal total di rin naman siya makulit sa akin.
Nakasalubong ko siya sa kitchen. Kitang kita ko ang pagpula ng kanyang pisngi at nagawa pang tumabi para paraanin ako lalo na’t nasa may pinto kaming dalawa.
Dumaan ako nang hindi siya tinitingnan kaso bigla itong nagsalita.
“Happy Valentines, Marione,” aniya.
Nilingon ko siya at tipid lamang na nginitian saka ako tuluyang pumasok.
Hindi rin naman kasi talaga ako paasang tao. Pag di ko gusto ang isang lalake ay mararamdaman niya talaga iyon. Hindi ko siya bibigyan ng rason para umasa na may pag-asa siya sa akin.
Kaya rin siguro hirap akong akitin si Ken noong una at palagi ko lang itong natatarayan dahil hindi ko naman talaga siya gusto noon. Si Sir Wayt na binalak kong akitin ay nasusupladuhan lamang ako. Sa kanya lang ako naging malambing pero ipinapamukha niya lamang sa akin na isang hamak lang akong empleyado at boss siya. Ganoon ang dating sa akin sa tuwing pinapalabas niya agad ako.
Pero may maganda rin namang kinahantungan ang lahat. Masarap sa pakiramdam iyong mahal mo rin iyong mahal ka. Hinusgahan ko si Mama sa pagiging baliw kay Papa pero unti-unti nang nagiging malinaw sa akin na hindi rin naman ganoon kadali ang pag-ibig. Dadating talaga sa puntong magmumukha kang tanga dahil mas sinusunod mo na ang puso mo.
Tinawag ako ni Ate Demi. Pumunta ako sa counter at bumalandra na naman ang malapad niyang ngisi habang inilalahad sa akin ang isang wrapped na mga rosas.
“May delivery ka,” aniya at mas tumamis pa ang ngisi sa akin.
Ngumuso ako at namula ang pisngi habang tinatanggap iyon. Masyadong malaki ang bulaklak kaya nakaw pansin talaga sa mga nandito.
“Sabi ko na nga ba at may boyfriend itong si Marione!” sigaw ni Angie.
Sinaway agad siya ni Ate Demi lalo na’t may mga costumer pa. Tiningnan ko iyong maliit na card na may nakasalulat na ‘Happy Valentines’ at ang nakasanayan niyang smiley na kindat. Kinagat ko ang aking labi at sinikap na hindi mapangiti ng malapad. Inamoy ko pa iyon at nakumpirmang kay Ken talaga galing dahil ganito rin iyong binigay niya sa akin last year.
“Meron pa,” sabi ni Ate Demi at ibinigay ang isang box na chocolates at puro korteng puso pa iyon dahil sa transparent na plastic cellophane noong harap.
Impit na tili ang nagawa ni Angie sa aking tabi. Kulang nalang ay lumutang ako sa ere sa sobrang sarap ng pakiramdam.
“Ang swerte naman nitong si Marione at mukhang may lalakeng patay na patay sa kanya,” ani Ate Demi at tila nagbibigay ng kakaibang mensahe sa akin.
Sinulyapan ko siya saglit. Ngumisi siya at nagthumbs-up pa sa akin. Ngumuso ako at tiningnan ulit ang bulaklak.
“Pinapunta mo sana rito iyang boyfriend mo, Marione! Nacucurious na talaga ako!” si Angie sa aking tabi na nasa mga hawak ko rin ang tingin.
Nagtungo ako sa locker room para ilagay iyon. Chineck ko narin ang aking cellphone at nakatanggap nga ako ng mensahe kay Ken.
Ken: Let’s date.
Nasapo ko ang aking puso dahil sa umaapaw na kaligayahan. Ngayon lang ako naging masaya buong buhay ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya…
Tumatak sa aking isipan ang huli niyang text na hihintayin niya ako sa parking lot. Ginanahan ako sa pagtatrabaho at binati na ang mga costumer ng Happy Valentines day habang nakangiti ng matamis. Hindi ko masyadong ugaling ngumiti sa iba lalo na sa mga hindi ko kakilala pero masyado akong masaya at gusto kong manghawa.
Sana… Sana ganito nalang palagi. Sana mali ang iniisip ni Eunecia at sana maging maayos ang takbo naming dalawa.
Kaya noong pagkatapos ng aking duty ay excited akong nagbihis sa locker room at inilugay muli ang aking buhok na nalagyan na ng mas maraming waves dahil sa pagkaka bun noon. Ini half ponytail ko iyong muli at tanging liptint nalang ang inilagay sa aking labi.
Inilagay ko sa paperbag iyong uniporme at dinala narin palabas iyong bulaklak ’tsaka isang box ng chocolate.
“Ang ganda ganda ng isa diyan palibhasa may kadate!” pagpaparinig ni Angie sa akin nang lumabas ako.
Nauna pa kasi akong matapos sa kanya kaya siya itong nahuli.
“Maghanap ka rin ng kadate.” Tumawa ako ng bahagya.
“Kung di lang talaga mahirap abutin si Sir Ken at si Sir Wayt isa sa kanila ang ididate ko ’no!”
Mahirap ba talagang abutin si Ken? Isa pa naman ito sa mga tumitili sa tuwing kumkanta si Ken sa fountain area.
Siguro dahil narin sa kanyang hitsura at sa angking kagwapuhan ay ganoon nalang siya kung tingalain ng mga babae. Ang swerte ko naman ata at ako pa ang nililigawan at sa akin patay na patay?
Nagpaalam rin naman ako kay Angie na kahit si Ate Demi ay kakaiba pa ang tingin sa akin lalo na iyong sinabi niya.
“Mababaliw iyon sa’yo lalo. Hinay hinay lang sa pagpapaganda Marione. Patay na patay na nga sa’yo papatayin mo pa ng husto.”
Tumawa na lamang ako at nailing. Alam nga ni Ate Demi ang pinaggagawa ni Ken. Kung sakaling naging kami man, ayoko nang ibulgar pa rito dahil baka paliguan lang nila ako ng asar.
Nagtungo rin naman ako sa parking lot. Bumusina agad ang itim na kotseng umiilaw kaya nagtungo ako roon.
Bumukas ang front seat sa loob. Tuluyan akong pumasok saka bumungad ang imahe ni Ken sa akin suot ang isang gray na polo, itim na panloob, maong na pantalon at itim na sapatos.
“Salamat pala dito.” Ipinakita ko sa kanya ang aking mga hawak.
Hindi agad siya nakasagot at naka half-open pa ang labi habang nakatitig sa akin. Ngumuso ako at medyo naasiwa sa tinging iyon kaya pasimple akong umirap.
“H’wag ka ngang tumititig.” Umismid ako at nagkunwaring busy sa paglalagay ng mga iyon sa aking kandungan.
Binasa niya ang labi at pinasadahan ng haplos ang buhok. Nakasuklay iyon paatras ngunit may iilang kumpol na nalalaglag, katulad ng nakasanayan ko at minsan rin naman ay magulo ang ayos.
“Ang ganda mo ata?” aniya at binuhay na ang kotse.
Namula ako pero sinikap kong h’wag nang magreact ng husto.
“May date ako eh,” sabi ko at ibinaba iyong salamin para tingnan ang aking sarili.
Sumulyap siya sa akin.
“Oh… Kanino?” Umangat ang kanyang kilay.
Inayos ko ang iilang hibla sa gilid ng aking buhok habang pasulyap-sulyap naman ito sa akin.
“May nagyaya sa akin.”
“Ako?” sagot niya agad.
Bumusangot ako. “Bakit… Ikaw lang ba ang may gusto sa akin?”
Umawang ang kanyang labi. Kalaunan ay binasa niya iyon at dumaan ang kaonting iritasyon sa mukha.
“Tinext kita. Sabi ko ididate kita ngayon. Di mo nabasa?” Nilingon niya akong muli, nawawalan na ata ng pasensya.
Pabiro akong umiling. Mabilis namang tumalim ang kanyang mga mata kaya kinagat ko ang aking labi.
“Second batch ka nalang,” sabi ko pa, nawiwili sa pang-aasar sa nakabusangot niyang mukha.
Hindi siya umimik at mukhang sineryoso na ang aking biro kaya humagalpak ako.
“Biro lang!”
“Tss…” masungit niyang sabi.
“Ikaw lang naman ang nanliligaw sa akin ah?” Nag-iwas ako ng tingin at itinuon sa labas ng bintana.
“Pero maraming may gusto sa’yo,” bulalas niya sa nagtatampong boses.
Kinagat ko ang labi ko at binalingan siya.
“Pero ikaw lang naman ang gusto ko,” mahina kong sambit.
Mabilis siyang lumingon sa akin, kunot ang noo at tila nagulat pa.
“Ano ’yon?”
Andiyan na naman ’yang kailangan pa talagang ulitin kahit narinig naman! Ba’t ba uso sa mga Pinoy ang pagbibingi-bingihan?
Umirap ako. “Wala.”
“Narinig ko.”
“Narinig mo naman pala!” Mas lalo lang akong namula at umirap muli.
Tumawa siya. “Ang ganda mo.”
Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi na ako masyadong nacoconscious sa kanya at mukhang nasasanay na talaga ako sa nararamdaman ko. Ayoko namang masyado akong obvious na patay na patay rin sa kanya! Ayokong bigla nalang akong maging maamong kuting dahil sa pagkakalagapak ko sa kanya.
Tumigil kami sa isang convenience store. Kapwa kami bumaba roon. Wala nang masyadong tao dahil malapit naring mag 1 am.
Pumasok kami. Namili siya ng drinks habang kumuha naman ako ng chichirya kahit wala akong ediya sa pupuntahan namin.
Pagdating sa counter ay inilapag niya iyong tatlong beer at tatlong Del Monte Pineapple.
“Sa’yo yang pineapple?” Pabiro kong tanong.
“Sa’yo yan. Minor ka pa. Bawal ka nito.”
Nagsalita ang hindi pumatol sa minor?
Bumusangot agad ako at umirap nalang. Ano kayang lasa ng beer? Alam ko mapait eh. At bakit magbebeer siya? Ba’t siya maglalasing?
Kaya noong nakapasok na ulit kami sa kotse ay inusisa ko agad ito.
“Ba’t ka magbibeer? Ba’t gusto mong malasing? Sinong magdadrive? Alangan naman ako,” sabi ko habang binubuhay niya ang kotse.
“You can drive… you know…” saka siya natawa ng nakakaloko.
Mabilis kong pinalipad ang aking palad sa kanyang braso. Namula ako ng husto na ikinahagalpak niya.
“Bwesit ka!”
Kinagat niya ang labi at nagmaneho rin naman. Sinulyapan ko ang nadadaanan namin at hindi ko na masyadong alam iyong lugar. Hindi rin ito papunta roon sa 3DBar. Hindi rin sa mga Restaurants eh mukhang paakyat kami sa isang tuktok.
Doon lamang siya huminto nang malapit na kami sa isang cliff. Nanlalaki agad ang aking mga mata nang matanaw ko ang nagniningning na mga City lights. Mas maganda pa ata ang ganitong date kaysa sa Restaurants!
Nauna akong lumabas sa sobrang pagkamangha. Sumunod naman si Ken dala-dala ang aming pinamiling pagkain.
“Mga bwesit kayo!” sigaw ko ng ubod ng lakas at natawa sa sarili kong kagagahan.
Sana marinig iyon ng mga tsismosa naming kapitbahay, mga taong may galit sa akin at iyong mga sosyal na friends ni Ken.
Umupo kami sa ulo ng kanyang kotse. Binuksan niya sa akin iyong pineapple habang siya naman itong nagbe-beer.
“Hindi ’to nakakalasing kaya h’wag kang mag-alala. Makakapagmaneho parin ako,” sabi niya sabay tungga noon.
Kumalma naman ang aking ekspresyon at tinungga rin ang aking pineapple. Bumuntong ako ng hininga at tumingala habang nakapikit. Bahagya akong ngumiti, noong pagdilat ko ay natanaw ko agad ang mga bituing kumikislap at parang nanonood sa aming dalawa ni Ken.
“Sana may dumaang falling star,” bulong ko kasabay ng paghampas ng hangin sa aking buhok sanhi para sumabog iyon.
Si Ken mismo ang umayos noon. Nilingon ko naman siya para hindi siya masyadong mahirapan sa pag-aayos noon.
“Bakit? May hiling ka?” tanong niya.
“Oo. Lahat naman siguro may mga wishes.”
Umangat ang kanyang kilay at tumitig sa akin.
“Anong hiling mo?”
Nagkibit ako. “Ba’t ko sasabihin sa’yo? Falling star ka ba?” Umirap ako at tumawa rin kalaunan.
Masyadong masarap sa pakiramdam ang hangin na nakokontento lamang kaming dalawa sa kakatitig sa City lights. Sobrang ganda ng dilim dahil sa liwanag na nabibigyan noon ng tingkad at kumikislap pa.
Inilapag ni Ken ang kanyang beer sa aming gitna at humilig sa likod gamit ang kanyang siko. Inilapag ko rin ang aking pineapple juice at akmang pupulutin iyong beer kaso hinawakan niya agad ang aking pulso.
“Bawal ka niyan.”
Tinaasan ko rin siya ng kilay.
“Pwede.” Kinalas ko ang kanyang kamay kaso masyado iyong mahigpit.
Nakipagtitigan ako sa kanya. Hinahangin ang kanyang buhok kaya bahagya iyong nagugulo. Lumuwag ang kanyang pagkakahawak sa akin nang napagtanto niyang masyado nang malalim ang titigan naming dalawa.
Hindi siya nakontento sa distansya ng aming mukha kaya umahon siya sa pagkakahilig at mataman akong tinitigan ng malapitan.
Matapang kong tiningnan ang kanyang mga mata sa kabila ng kumakalabog kong dibdib at hindi nakakayanan ang sobrang lapit namin. Dumako ang kanyang kamay sa aking pisngi at hinaplos iyon habang nangingislap ang kanyang mga mata. Dahan dahan siyang ngumisi kaya mabilis akong bumusangot at hinawi ang kanyang kamay.
“Hindi ko na nagugustuhan ’yang ngisi mo ah. Baka ano na ’yang iniisip mo.”
Mas lalong lumawak ang kanyang ngisi kaya sobrang tinaliman ko na talaga ito ng tingin. Baka mamaya niyan iba na pala ang takbo ng utak nito!
Naalala ko ang aking plano kaya ibinalik ko sa harap ang aking tingin.
“May… Ano… Sasabihin sana ako,” mahina kong sabi at napaglaruan na sa isa’t isa ang aking sandals.
“Hmm?”
Kinabahan agad ako at nakalimutan kung paano na iyon isasaboses. Mariin akong napapikit lalo na’t sobrang niyayakap narin ako ng kaba.
Noong dumilat ako, nagulat nalang ako sa nakabalandra niyang mukha sa akin.
“L-Lumayo ka nga! Di ako nakakapag-isip ng maayos dahil sa’yo!” Itinulak ko siya kasi ang bwesit na ito ay nagawa pang hawakan ang aking pulso.
“Anong sasabihin mo?” Halos hulihin niya ang mga mata ko para lang mapaamin ako.
Nag-iwas ako at gustong bawiin ang aking kamay kaso masyado niya iyong hinahawakan.
“Hindi ka naman siguro nagkakagusto sa iba ’di ba?”
Nagulat ako at mabilis siyang sinapak. Tumawa siya.
“H’wag nalang kaya kitang sagutin?!” Tumayo ako ng tuwid at nag-akmang magwawalk-out kaso mabilis rin akong nahila ni Ken.
“Not so fast, Marione.”
Nalaglag ako sa kanyang likuran at doon napasandal. Pinihit niya ako paharap hanggang sa nagkasalubong muli ang aming mga mata.
“Makikinig ako. Ano ba ’yon?” Hinawakan niya ang aking beywang para ipirmi ako kahit wala naman akong balak na umalis ulit.
“Bwesit ka.”
Umangat ang kanyang kilay. Bumusangot ako.
“At sinasagot na kita.” Ngumuso ako, halos masunog ang mukha dahil sa sobrang pula.
Ken’s eyes widened. Halatang gulat na gulat ito kasabay ng mga mata niyang singkislap na ng mga bituin.
“Ano? Ulitin mo, Marione.”
Suminghap ako at kulang nalang ay malagutan ng hininga. Sinapak ko ang kanyang dibdib.
“Hirap na hirap na nga ako tapos magbibingihan ka pa! Kasalanan mo na ’yan!” Itinulak ko siya kaso imposible na akong makawala sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa aking beywang.
Tumitig siya sa akin at tila naghihintay na sabihin ko iyong muli. Hay! Bakit ba kailangan pang ulitin?!
“Sinasagot na nga kita kahit bwesit ka-”
Natakpan ang aking bibig dahil sa biglaan niyang paghalik sa akin. Nanatiling nakaawang ang aking labi dahil sa gulat na kahit ang aking mga mata ay nanlalaki.
Namungay ang mga mata ni Ken. Hiniwalay niya sa akin ang kanyang labi at hinaplos ang aking pisngi habang nakahalf open ang kanyang labi.
“So… Girlfriend na kita?” he asked, still amused.
Tumango ako kahit na masama ang tingin ko sa kanya dahil inuulit-ulit niya pa. Ken chuckled softly and brushed his hair. Kinagat ko ang labi ko.
“Wala kanang karapatang kagatin ang labi mo dahil tapos na ang pagpipigil ko sa’yo.” Inilapit niyang muli ang kanyang mukha sa akin at hinagkan ako.
Shit. First kiss ko ito! At hindi ako marunong! Pumikit ako habang pinapadaan niya ang kanyang labi sa labi kong nakaawang lamang.
Humawak ako sa kanyang braso at kumapit ng mahigpit doon.
“Nagsinungaling ako noong sinabi kong may experience ako… W-Wala talaga akong experience at hindi ako…” Nahiya ako sa aking inamin.
Wala siyang naging reaksyon. Para bang hindi man lang ito nagulat at may sarili siyang pinapaniwalaan.
“And do you think I’m going to buy those kind of excuses? Marunong akong bumasa ng babae. Alam ko kung sino ang inosente sa hindi,” aniya at siniil ako ng halik. Sa pagkakataong ito ay malalim na ang atake ng kanyang labi.
Humawak siya sa aking baba at siya mismo ang gumigiya noon sa kanya. Pumikit ako, hindi alam kung anong gagawin sa unang halik namin.
Nawiwili na sa kakahalik si Ken sa akin at tumigil lamang para bigyan ako ng tsansang huminga. Pag nakita niyang okay na ulit ako ay aatakihin ulit ako ng halik.
“Gayahin mo lang ako,” sabi niya habang walang sawa akong hinahalikan.
Gayahin? Paano ba? Paano ba papagalawin ang labi? Mapapahiya ako nito!
Bahagya niyang sinipsip ang pang-ibaba kong labi at nakahawak na ang kanyang kamay sa gilid ng aking leeg. Tila nabuhay ang namamahingang mga maliliit na hibla ng buhok sa buo kong katawan.
Para akong sinaniban ng kung ano at hinayaan nalang ang labi kong gumalaw katulad ng ritmo ng kanyang labi. Ginaya ko iyon at lasang lasa ko roon ang kanyang ininom ngunit masyado ring mainit ang kanyang mga halik na kahit ako ay nawiwili rin.
“Ang sarap mong halikan,” sabi niya sa pagitan ng halikang iyon.
Para narin akong nalalasing at gusto naring makipaghalikan nalang sa kanya buong araw. Para nang nasipa ang aking hiya at nahulog na sa bangin.
Biglang umulan ng malakas. Kapwa kami nagulat ni Ken at nagkatitigan pa.
“Umuulan!” sigaw ko sabay hagalpak ng tawa.
Hinila niya agad ako papuntang backseat. Ilang sigundo lamang ang dumaan ay kapwa na kami basang-basa.
Tumawa ako ng husto habang pumapasok kami. Ngumisi naman si Ken at ginulo ang basang buhok.
“May tuwalya ako,” sabi niya at may kinuha roon sa mismong likod.
Tama nga siya at mukhang bago pa iyon. Kulay pink ito at halatang pambabae.
“Sa’yo ’to?” Pinunasan ko ang aking buhok.
“Binili ko para sa’yo,” sabi niya habang kinakalas isa-isa ang botones noon lalo na’t basang basa rin ito.
Bakit may mga pinagbibili siyang ganito para sa akin? Ano pa kayang binili niya? Magtatanong na sana ako kaso kamuntik narin akong masamid sa sarili kong laway nang bumalandra sa akin ang topless niyang katawan.
Bigla akong nahirapang lumunok at hindi ko pa magawang bawiin ang aking mga mata sa abs niya. Gaano kaya ’yan katigas? Tusukin ko kaya? Boyfriend mo naman na iyan, Marione! H’wag kanang mahiya! Eh hindi lang naman ito ang unang beses na nakita mo siyang ganyan.
Sumulyap siya sa akin habang hinuhubad niya iyon ng tuluyan. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Shit! Bakit ba umulan pa?!
Nang matapos siya ay inagaw niya sa akin ang tuwalya at siya na mismo ang nagpunas sa akin. Tumitig lamang ako sa kanya. Nakakabingi ang katahimikan sa loob kahit na sobrang lakas ng ulan sa labas.
“Kailangan mo ’tong hubarin,” paos niyang sabi at sinulyapan ang dibdib kong bumabakat na ang suot na bra.
Sa sobrang nipis rin kasi ng tela ay bumakat rin agad iyon sa aking katawan dahil sa pagkabasa ko.
Tiningnan ko siya habang nakatitig siya sa akin, hinihintay ang kilos ko. Bumalandra ang kalahati ng aking hita kaya iniangat ko nalang iyon para sana tanggalin kaso nagbago agad ang isip ko.
“Hindi ako nagshort-”
Isang singhap ang sumunod nang umabante si Ken at siniil akong muli ng halik. Masyadong na namang malalim ang atake niya na ramdam ko agad ang init ng kanyang bibig.
“Ken.” Para na akong nagdedeliryo habang bumababa ang kanyang halik sa aking panga at nagtungo pa iyon sa gilid ng aking leeg.
Ramdam ko ang panggigigil niya sa akin. Ang kanyang labi ay parang wala nang balak tumigil sa paghalik at halos gustong daanan ang kahabaan ng aking leeg.
Napatingala ako at hindi na alam kung paano siya pipigilan dahil maski ako ay walang balak siyang patigilin.
“Hindi ko na kayang tumigil, Marione…” daing niya at tila nahihirapan sa pagpipigil.
Hindi ko alam kung ano ang nainom ko o kung nakakalasing rin iyong Pineapple dahil ako na mismo ang kumuha ng kanyang kamay at inilagay iyon sa aking dibdib.
“H’wag kang tumigil…”
Nagulat siya sa aking sinabi at tila naputol na nga ang kanyang pagpipigil dahil sa pagbilis ng kanyang kilos. Ilang sandali lamang ay hinila niya ang isang hita ko at iginiya ako sa kanyang harapan hanggang sa napunta ako sa kanyang kandungan.
Naramdaman ko kung paano ko napugto ang kanyang pasensya dahil sa umbok na dumedirekta na sa aking gitna lalo na’t doon na ako nakaupo.
Ang isa niyang kamay ay pumasok na sa loob ng aking dress habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa aking batok para diininan ang aming halikan.
Naramdaman ko ang malaki niyang palad sa aking maliit na dibdib at gumalaw na iyon doon. Kinagat ko ang aking labi nang mang-init na ako sa kanyang ginagawa.
Ken’s kisses are very addicting! Hindi ko na alam kung saan ako magcoconcentrate lalo na’t masyado na siyang halimaw sa paghalik sa akin.
Tumigil ako para habulin ang aking hininga. Nalaglag ang aking tingin sa kanyang kamay na gumagalaw sa ilalim ng aking dress na sobrang ikinapula ko.
“Remove this.”
Tumigil siya sa paghawak noon para lang hilain ang laylayan ng aking dress. Tinulungan ko siya hanggang sa nahubad ko iyon ng tuluyan.
Ken stared at me deeply with so much desire. Makikita mo ang nag-aalab na tingin niya sa aking leeg at bumabyahe pa iyon pababa.
Niyakap ko ang aking dibdib sa kahihiyan pero inalis lamang iyon ni Ken hanggang sa naramdaman ko ang pagbyahe ng kanyang kamay sa aking likod at kinalas ang lock noon gamit ang isang kamay.
Lumuwag agad iyon. Ganoon kabilis ang kanyang kamay na hindi man lang ito nahirapan. Masyado na akong expose at sigurado akong doble-dobleng kahihiyan ang aabutin ko mamaya pag bumalik na ako sa huwisyo.
Hinalikan niya akong muli sa aking leeg habang ang kanyang isang kamay ay namimisil sa aking dibdib at ang isa naman ay nasa aking pwetan at doon rin namimisil.
Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang pagtakas ng aking boses kaso masyadong hudas si Ken at alam na alam ang gagawin.
Tumakas ang ungol sa akin nang bumaba sa aking dibdib ang kanyang halik. Ramdam na ramdam ko ang dila niya roon at halos maghanap ako ng makakapitan.
Bumaba ang kanyang mga kamay sa aking pwetan at itinulak niya iyon sa kanyang gitna sanhi para mas lumakas lamang ang aking ungol at hindi na makayanan ang sensasyon.
Palipat lipat ang kanyang halik sa aking dibdib habang gumagalaw narin ang kanyang balakang at siya pa mismo ang kumukontrol ng aking pwetan.
“K-Ken!” sigaw ko nang hindi ko na makayanan ang kanyang ginagawa.
Tumigil siya sa paghalik at tinitigan ako habang nakaawang ang kanyang bibig at mas lalo akong dinidiin sa kanyang gitna.
Napaliyad ako at ramdam ko ang pagkabasa ng aking maselang parte. Napahawak ako sa kanyang balikat at naisandal na ang aking ulo roon.
“Ako lang dapat ang gumawa nito sa’yo. Naiintindihan mo ba, Marione?”
Umawang ang aking labi nang naramdaman ko na ang daliri niya sa aking gitna at nanghahaplos roon. His fingers stroke my folds expertly.
Nakagat ko ang kanyang balikat. Wala na akong maisip na dahilan dahil para na akong sasabog kung wala akong gagawin.
“Ako lang ang may karapatan nito. Ako lang ang may karapatang halikan ang buong katawan mo. Ako lang at wala nang iba.”
Tumindig ang aking balahibo dahil parang batas na iyon na dapat masunod.
Kumapit ako at napadaing na ng malakas nang pumasok ang kanyang daliri roon.
Gamit ang isang kamay ay iginalaw niya ang aking balakang habang gumagalaw rin ang aking daliri. He’s doing it for me to meet his fingers!
Tumigil siya at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kinarga niya ako at inihiga na habang nasa aking paanan naman ito.
Hinila niya ang aking panty. Nagulat ako nang inihulog niya ang isa kong hita sa upuan at ang isa naman ay isinampay sa headrest sanhi para bumukaka ako ng husto. Bago ko pa ito napigilan ay hinalikan niya na ako roon.
Napaliyad ako at nahawakan ang kanyang buhok. I want him to stop but a part of me wants him to continue. Ipinirmi niya ang aking balakang at mas hinalikan ako roon. My toes curled when his tongue played with my sensitive part.
I’m almost at the edge. Nalalasahan ko na ang dulo sa aking bibig pero noong malapit na ako ay bigla siyang tumigil. Sobra akong nadismaya na nagawa ko talagang dumilat para lang tingnan kung ano ang problema.
Pero nang makita ko itong naghuhubad, kung paano niya idinirekta ang kanya sa aking lagusan ay halos mahimatay ako.
Shit! Nakita ko! At hindi ko alam kung makakaya ko ba iyon! Kinagat ko ang aking labi at mariin nang napapikit, halos hinihintay nalang si Kamatayan na sunduin ako dahil sigurado akong papatayin ako nito sa sakit.
Masyado naman atang mabilis ito?! Kakasagot ko palang tapos bumukaka na agad ako! At kahit anong lista ko ng Do’s and Dont’s sa aking isipan, pakiramdam ko isang halik lang ni Ken ay ako mismo ang pupunit ng sarili kong listahan.
“I’ll slow down, I promise…” sabi niya sabay tulak noon.
Putragis!
Slow down?! Asaan ang slow down doon na bigla bigla niya nalang itinulak! Eh kung ako kaya ang sumaksak sa kanya at sabihin kong dadahan-dahanin ko lang rin?!
Yumuko siya at pinaliguan ako ng halik. Umagos ang likido sa gilid ng aking mga mata nang tinangka niya na namang itulak ang kanyang sarili.
“Shh… baby…” Hinaplos niya ang aking pisngi habang nararamdaman ko ang kanyang daliri sa aking dibdib na namimisil doon.
“Ang s-sakit…” daing ko at gusto nang isara ang aking mga hita.
“Sa umpisa lang ’yan, Marione… Mamaya, mawawala rin. Sshh…” Hinalikan niya ako ng paulit-ulit habang ako naman itong nakafocus sa sakit noong gitna ko.
Buong akala ko ay tapos na ang pagpasok niya pero noong itinulak niyang muli ang kanyang sarili ay humalinghing na talaga ako sa sobrang sakit. Pakiramdam ko ay napunit ang buo kong katawan na kahit anong gawin niyang paghalik sa akin ay mas mangingibabaw ang sakit.
“Bwesit ka!” Humagulhol ako, halos hindi makadilat.
Pinaliguan niya ako ng halik sa buo kong mukha. Sobra pang nangangalay ang aking isang binti na isinampay niya sa headrest kaso hindi ko naman maibaba lalo na’t hawak iyon ng isa niyang kamay para pumirmi.
Ken started to move in a slow pace. Halos madislocate ang aking mukha sa kirot na kumakalat lamang sa buo kong katawan.
“H’wag kang gumalaw!” sigaw ko nang hindi ko makayanan ang sakit.
“Mawawala rin ’yan,” he assured me and kissed the side of my lips.
Mas lalo lang akong naiyak nang hindi siya tumigil sa paggalaw. Lagot talaga ito sa akin pagkatapos nito!
Naramdaman ko ang kanyang mga daliri roon at sinasabayan ng kanyang paggalaw. Unti-unting humalo ang kakaibang sensasyon. Naroon parin ang sakit pero sa bawat paggalaw niya pero may mas nangingibabaw na.
Kinagat ko ang aking labi at pumakawala ng daing. Nang mapansin niyang nakakaadjust na ako ay unti-unti nang bumilis ang kanyang galaw.
The feeling is unbearable that I can’t help not to moan deliriously. Ken pounded on top of me harshly. Ang aking ulo ay tumatama na sa itaas ng paulit-ulit dahil sa walang tigil niyang pag-ugoy sa aking katawan pero hindi ko na iyon alintana at tiniis na lamang matugunan ko lang ang gusto niya. I don’t mind…
Hinabol ko ang aking hininga. Mas lumakas ang aking halinghing dahil sa isang bagay na malapit ko nang makamit. One more pushed and I felt my climax. Naramdaman ko nalang ang kung anong sumabog sa akin pero hindi parin tapos sa paggalaw si Ken sa aking ibabaw.
Dumilat ako gamit ang inaantok kong mga mata at nakita siyang kagat kagat ang pang-ibabang labi habang mariing nakatingin sa akin. Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Mariin siyang pumikit at bahagyang umawang ang bibig at mas bumilis pa ang galaw na kahit ang aking balakang ay umaangat na ata.
Ngayon ko napagtanto kung gaano siya kahalimaw sa bagay na ito. Sobrang pula na ng kanyang dibdib at leeg na kahit ang ugat doon ay lumalabas na at naliligo narin sa sariling pawis.
“Mahal na mahal kita, Marione…” he said as he groaned harshly.
I felt him convulsed. Ngumiti ako at walang pinagsisihan.
“Mahal na mahal rin kita,” sambit ko at hindi ko alam kung narinig niya ba.
23rd Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Tanga At Alipin Ng Pag-ibig
Pagdilat ng aking mga mata ay naaninag ko na ang liwanag sa labas. Nakayapos naman ang braso ni Ken sa akin at mahimbing pang natutulog sa aking tabi habang nakatagilid lamang lalo na’t unan ko ang kanyang isa pang braso.
Dahan-dahan kong ibinaba ang kanyang kamay paalis sa beywang. Gusto kong tumakas sa kanyang yakap at magbihis na. Nakahubad parin ako maliban sa kanya na may suot nang boxer ulit.
Nagtangka akong bumangon kaso dumilat siya ng dahan-dahan at tiningnan ako.
“Magbibihis na ako,” sabi ko habang tinitingala ito.
Bumalik siya sa pagpikit at niyakap ako lalo. Ang aking boobs ay mas nadiin sa kanyang dibdib kaya sinapak ko ito.
“Ken!”
He chuckled softly on my ears. Kinilabutan ako roon lalo na’t dumadampi pa ang kanyang hininga sa aking balat.
“Kagabi pa ’yan ah? Gusto mo pa ba?” he teased using a raspy voice.
Sa aking inis ay kinagat ko ang kanyang balikat. Ken groaned painfully. Lumuwag ang kanyang pagkakayakap sa akin kaya bumangon agad ako at natawa.
“H’wag kang dumilat!” Banta ko at mabilis na pinagpupulot iyong damit ko na kahit saan niya lang itinapon kagabi!
Nakita ko sa sahig ang aking panty kaya mabilis ko iyong isinuot at pinulot narin ang aking dress.
Luminga-linga ako at hinanap ang aking bra nang hindi ko iyon matagpuan. Shit! Nasaan na iyon?!
Binalingan ko si Ken na nakahilig na sa isa niyang kamay habang tinitingnan lamang ako, lalo na ang aking katawan.
Niyakap ko ang aking dibdib.
“Nasaan ang bra ko?”
“Kailangan mo pa ba iyon?” Mapang-uyam niyang tanong.
Naningkit ang aking mga mata at gusto siyang saktan kaso ayoko namang tumambad sa kanya ang aking dibdib. Tumawa siya at bumangon.
Niyakap niya ang aking beywang at hinalikan ang aking balikat.
“I love you,” saka niya hinalikan ang gilid ng aking ulo.
Hindi agad ako nakasagot. Ngayon lang rumehistro sa akin na kami na pala. Kami na. At isinuko ko na agad ang sarili ko sa kanya sa unang gabi palang. Paano na ang mga susunod na araw? Ano… Ganito ako karupok?
“Ang bra ko, Ken,” daing ko at winawala ang topic.
“Idederitso nalang kita sa bahay niyo ngayon. Hayaan mo nalang iyon dito.”
Nalaglag ang aking panga at tiningnan ang kanyang mukha sa aking balikat na namamahinga.
“Nababaliw kana ba?! Paano kung makita iyon ni Sir Wayt?!”
“Better.” Ngumisi siya. “Pag nagtanong sasabihin ko sa maganda niyang empleyado ang bra na iyon.”
Tumawa siya sa aking likuran kaya kinurot ko na talaga ang kanyang braso. Imbes masaktan ay naaliw pa ata ito.
“Hanapin mo na kasi!” gigil kong sabi.
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at gumala na ang tingin. Sumilip pa siya roon sa likod at bumalandra pa sa akin ang malapad niyang likod.
Suminghap ako at hindi makapaniwalang boyfriend ko na talaga ito. Doon lamang ako natigil sa kakatitig nang may dinampot siya roon at ipinakita sa akin ang aking kulay cream na bra.
Akma ko iyong kukunin sa kanya kaso pumwesto rin siyang muli sa aking likuran at siya mismo ang nagsuot noon sa akin at nagawa pa iyong hilain paakyat.
“May nawawala pa ata…” aniya habang sumisilip sa aking harapan.
“Ano?”
“Nawawala ang dibdib mo. Teka… Hanapin ko lang.”
Sa aking inis ay kinurot ko na talaga ito ng malakas. Mariin siyang pumikit at tumawa na habang kagat kagat ang labi. Alam niyang wala ako noon ipapamukha pa talaga!
“That hurts… Aw…” he muttered between his chuckles.
Umirap ako at isinuot narin ang aking dress. Tumulong naman siya sa aking likuran sa pag-aayos noon na kahit ang aking buhok ay inayos niya narin. Niyakap niya akong muli at ipinahinga ang kanyang baba sa aking balikat.
“Magbihis kana. Ihatid mo na ako,” sabi ko at dinungaw ang kanyang mukha.
“Later.”
“Anong later eh umaga na, Ken! Purket wala kaming pasok ngayon ay wala na akong gagawin sa bahay. At mag-aalala si Mama sa akin dahil hindi ako nakauwi!”
Dumilat siya at tiningnan ako. Ang lintik na ito ay masyado rin talagang mapang-akit ang mukha! Magulo ang kanyang buhok at medyo naniningkit pa ang mga mata.
“Ang sarap mong hindi iuwi.” Hinalikan niya ako sa aking labi.
Sumimangot ako. Nawiwili na ito ah! Kagabi pa talaga ’to!
“Kailangan ko nang umuwi kaya iuwi mo na ako.”
Ginulo niya ang kanyang buhok at dumaan ang frustration sa mukha.
“Pwede bang mamaya na? Five minutes?”
“Anong five minutes!” Lumayo na ako ng tuluyan kaso ang bwesit na si Ken ay nagawa pang kargahin ang aking mga hita hanggang sa ilaglag niya ako sa kanyang kandungan.
“Ano ba, Ken!” sigaw ko lalo na’t nakaboxer pa lamang siya at topless parin!
Hindi siya nakontento sa aking posisyon at ipinaharap pa talaga ako ng buo sa kanya. Naalala ko bigla ang posisyon ko kagabi na ikinapula ng aking pisngi.
Humawak ang kanyang mga kamay sa parteng pwetan ko at ipinagsalikop ang kanyang mga kamay doon para hindi ako mahulog. Kumapit naman ako sa kanyang mga balikat at tinutubuan na ng hiya.
“I want you to stop from working, Marione,” seryoso niyang sabi.
“Huh? At bakit? Anong kakainin namin kung-”
“I can afford. Sa’yo na ang allowance ko.”
Naiwang nakaawang ang aking bibig dahil sa biglaan niyang pagsingit. Tumawa ako nang marealize ko ang kanyang sinabi.
“Nababaliw kana. Edi ikaw naman ang hindi makakagraduate?”
Bumuntong siya ng hininga at tila nafufrustrate na. Napunta ang aking mga mata sa kanyang buhok at inayos iyon habang seryoso naman siyang nakatitig sa akin.
“Sa’yo nalang iyong sweldo ko sa pagpapart time job basta huminto ka lang.”
Masyado nang desperado ang kanyang boses kaya natigil na talaga ako sa pag-aayos sa kanyang buhok. Kumunot ang aking noo at nagtagal ang aking mga mata sa kanya. Kahit anong hanap ko na baka ay nagbibiro lang ito ay wala namang bakas sa kanyang mukha na nagbibiro lamang ito.
“Dahil parin ba ’yan sa pagseselos mo kay Sir Wayt? Eh isinuko ko na nga ang virginity ko sa’yo.”
Ngumuso siya habang ako naman itong iniinda ang pamumula ng aking mukha.
“Ayokong tumigil, Ken. At hindi purket boyfriend na kita ay pagbabawalan mo na ako sa bagay na iyon. Nag-iipon rin ako para sa kinabukasan ni Lucas.”
Idagdag pa ang aming mga utang! Pag tumigil ako sigurado akong hindi lang gutom ang aabutin namin at baka pati sa bahay ay palayasin narin kami lalo na’t buwan buwan pa namin iyon binabayaran.
Bumuntong siya ng hininga at mukhang suko na sa pangungumbinsi sa akin. Umabante siya saka ako hinagkan. Napunta ang kanyang mga kamay sa magkabila kong pisngi.
“Ipangako mo, pag nakapagtapos ako at may trabaho na ay hinding hindi kana magtatrabaho. Bubuhayin kita… Si Lucas… Kahit ang Mama mo,” seryoso niyang sabi habang nakatitig sa akin.
Hindi ko maintindihan kung ba’t bigla nalang siyang naging ganyan pero tumango nalang ako.
“Sige. Pag sapat na ang sweldo mo,” sabi ko nalang para lang makawala na sa kanyang kandungan dahil baka masunog na naman ang aking mukha sa kahihiyan.
“Stop escaping. Kanina pa ’yan ah?” Puna niya at pinigilan ako sa pag-alis na kahit ang aking mga paa ay sinalo niya.
Napabuga ako ng hininga. Ano bang gusto niya? Ganito nalang palagi? At hindi niya ba alam na nakakatunaw iyang titig niya? Baka mamaya malagutan nalang ako ng hininga dahil masyado kaming malapit!
“Ken uuwi na ako. Kung hindi ka pa magmamaneho bababa na talaga ako at maglalakad na.” Nagtangka ulit akong bumaba at sa pagkakataong ito ay hinayaan niya na akong makawala.
“Sa bahay niyo nalang muna ako,” sabi niya.
Ako na mismo ang kumuha noong damit niyang nakasabit sa headrest at ibinigay iyon sa kanya.
“Huh? Di ka uuwi?”
Umiling siya at pinulot ang pantalon.
“Total wala ka namang pasok…”
Naging matagal ang paninitig ko sa kanya at tinitimbang ang kanyang sinasabi. May balak na naman ba ito? Alam ko kung gaano iyon kasakit at wala na akong balak na umulit pa! Huling beses na iyon dahil hindi naman siya marunong magdahan-dahan.
“Bawal na ako sa ganoon. Last mo na ’yon.” Umirap ako at dumaan sa gitna ng kanyang kotse para makapunta sa front seat.
Lumabas naman si Ken at doon dumaan sa pinto saka pumwesto na sa driver’s seat. Ibinaba ko ang salamin para ayusin ang buhok kong nagulo. Ganoon nalang ang panlalaki ng aking mga mata nang may makita akong pulang marka sa aking leeg.
Binalingan ko si Ken na hinihila na iyong clutch at nagkakasalubong ang kilay.
“Anong last?”
“Ba’t mo ako minarkahan?!” Halos sabay naming tanong sa isa’t isa.
Tiningnan niya lang ang itinuro kong marka habang inaayos niya ang kanyang buhok.
“Anong sinasabi mong last ko na?” paglilinaw niya sa kanyang tanong at binabaliwala ang akin.
Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi at sumimangot sa salamin. Paano ko itatago ito eh konting hangin lang siguro ay malalantad na agad! Hanggang kailan ito? Mawawala na ba ito sa lunes? Hindi naman pwedeng magsuot ako ng band-aid edi mas mapapansin na may tinatago ako?
“Marione,” tawag niya nang hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin.
Pilit ko iyong binura sa aking kamay kaso useless at nasa balat talaga iyon. Para iyong henna na permanent sa iyong katawan.
“Anong last ko na?” Ulit ni Ken at panay ang lingon sa akin habang nagmamaneho na.
Naningkit ang aking mga mata sa kanya at hindi makapaniwang iyon pa talaga ang pinoproblema niya.
“Iyong kagabi! D-Di kana makakaulit!”
Umangat ang kanyang kilay na akala mo ay isang biro ang sinasabi ko.
“Kaya mo?”
Huh? Ako pa ngayon ang tinatanong niya niyan eh kaya ko namang mabuhay nang hindi gumaganyan! Anong tingin niya sa akin, adik sa ganoon?!
“Ba’t ako? Eh ’di ba dapat ikaw?” Sinamaan ko siya ng tingin.
“Baka ikaw…” Ngumisi siya at nanunuya na iyon. “Remember… Sinabi mong h’wag akong tumigil.”
Kulang nalang ay sumabog ako sa kahihiyan. Gusto ko siyang saktan sa pagpapaalala noon sa akin at gusto ko nalang lamunin ng upuan dahil sa nagbabalik na mga alaala sa akin.
A-Ako ba talaga iyon?! Pineapple juice lang naman sana ang ininom ko pero ba’t parang ako pa ang nalasing kagabi?! Kasalanan naman iyon ni Ken dahil masyado niya akong hinalikan! Nawili rin ako!
“Saan mo ba gustong gawin ulit ang bagay na iyon-”
“Tumahimik kana nga?!” Pulang-pula na ako at gusto ko na siyang hagisan ng kung ano.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at ngumisi habang naaaliw sa pagsulyap sa akin.
“Hindi naman masakit ang ikalawang ulit-”
“Shut-up, Ken!” sigaw ko talaga na ikinahagalpak niya.
Bwesit! Walanghiya! Lechugas! Hiyang-hiya na nga ako at nag-eenjoy pa talaga ang loko-loko na ’to sa pang-aasar sa akin!
Sa aking inis ay hindi na ako kumibo sa kanya buong byahe. Pagdating namin sa bahay ay sumunod pa agad sa aking likuran kaya hinampas ko pa ito. Tumawa siya at sumunod parin.
Kumatok ako sa gate. Si Ken naman ay nanatili sa aking likod at hinahawi ang aking buhok doon.
Ilang sandali lamang ay binuksan iyon ni Mama at nagulat sa aking imahe.
“Saan ka galing? Akala ko ay tulog ka pa!” ani Mama at sumulyap agad sa aking likod.
“Magandang umaga po, Tita,” bati ni Ken kay Mama na ngumiti rin naman.
“Ah…” Nilingon ko saglit si Ken sa aking likod pero ibinalik ko rin kay Mama. “Sa trabaho. Ano kasi… Tumulong ako sa pagdedecorate at sobrang rami pa ng costumer kaya natagalan ako, Mama,” pagsisinungaling ko.
Tila nakumbinsi ko naman ito at mas nilakihan pa ang pagkakabukas ng gate. Pumasok kaming dalawa ni Ken.
“Wala ka bang pasok ngayon, Marione?” tanong ni Mama nang makapasok kaming tatlo sa bahay.
Umiling ako at dumeritso sa kusina. Si Ken naman ay umupo roon sa sofa.
Sumunod si Mama sa akin.
“May pera ka pa ba diyan? Dadalawin ko lang sana ulit ang Papa mo…”
Binuksan ko ang ref at inilabas doon ang aking bottled water. Lumabas rin naman ako sa kusina at nagtungo sa aking kwarto. Sumunod naman si Mama.
Kinuha ko ang aking pitaka sa drawer at inilapag ang bottled water sa mesa.
“Mama, kailangan ba talagang bawat buwan mo dalawin si Papa?” tanong ko habang naglalabas ng isang libo at inilahad iyon sa kanya.
“Kung ako lang ang masusunod ay araw-araw nga sana eh.” Pagod siyang ngumiti sa akin.
Hindi na ako nakipagdebate pa dahil alam ko kung saan lang ito mahuhulog at ayoko nang makipagtalo lalo na’t pagod pa ako.
Siguro kung ako ang nasa sitwasyon ni Mama, kung ako iyong sinaktan ng pisikal at emosyonal ay hindi ko alam kung kaya ko pa bang makita si Ken pagkatapos ng lahat. Siguro ay wala nang natirang pagmamahal si Mama sa kanyang sarili at naibuhos na iyong lahat kay Papa kaya wala na itong pakialam kahit magmukha siyang tanga.
Mabilis ang pag-alis ni Mama. Gumising narin naman si Lucas at dumeritso pa agad kay Ken nang mapansin niyang nandito ito.
Antok na antok ako. Kulang ang aking tulog kagabi at mahapdi pa ang gitna ko. Sinisikap ko nalang maglakad pero kumikirot parin talaga.
Pinapangako ko talagang di na makakaulit itong si Ken! Kulang nalang ay lumpuhin niya ako!
Siya ang umasikaso kay Lucas at nagawa pa akong tulungan sa bahay. Noong sumapit ang hapon ay hindi ko na talaga nakaya at bumabagsak na ang aking mga mata.
“Matulog ka nalang muna,” si Ken nang mahuli ang ulo kong pagewang gewang na habang naghuhugas ng plato.
Humikab ako at umiling.
“Mamaya nalang.”
“Tsss… Mamaya papasok ka pa sa trabaho ah? Ako nalang ang tatapos nito.” Kinuha niya sa akin iyong sponge.
Isang angat lang sa akin ay nakaalis na ako roon sa aking pwesto at siya na ang pumalit.
“Matulog kana,” sabi niya habang tinutukoy na iyong paghuhugas.
Gusto ko mang umapila ay hinayaan ko nalang rin si Ken. Natulog ako dahil hindi narin talaga kaya ng aking mga mata at feeling ko sobra akong napagod. Ang sarap matulog buong araw!
Pagkagising ko ay malinis na ang buong bahay! Tumambad pa si Ken sa akin doon sa sofa na natutulog habang nakasandal lang sa headrest at sa kanyang tabi ay ganoon rin si Lucas na natutulog rin habang hawak ang cellphone ni Ken at sa kanya naman nakasandal ang aking kapatid.
Ngumisi ako habang pinapanood silang dalawa na kapwa pa naka half-open ang mga labi at himbing na himbing ang tulog. Iisipin ko talaga na mag-ama sila.
“Ano ’yan? Lamok parin ba ’yan o iba na?” Puna ni Eunecia sa aking leeg sa umaga ng Lunes na iyon habang nagrereview kami sa lilim ng puno.
Malapit na naman ang final exam kaya busy na kami sa pagrereview. Ang gusto ko talaga ngayon ay huminto muna itong si Ken sa kakapunta sa akin dito tuwing lunch time dahil masyado niya na akong dinidistract! Kahit doon sa Restaurant ay ganoon din! Di ko na alam minsan kung magaling ba talaga siyang kunin ang atensyon ko o ako agad itong nadidistract sa kanya.
“At ibang iba na ang ngiti mo ah! May kailangan ba akong dapat malaman sa masugid mong manliligaw?” Itinuro niya ako at nang-aakusa na ang mga mata.
Tiningnan ko siya saka ako luminga-linga saglit dahil baka may makarinig sa sasabihin ko. Luminga-linga rin si Eunecia kahit wala naman siyang ediya.
“Kami na ni Ken. Sinagot ko siya noong Huwebes,” mahina kong sabi na agarang ikinalaki ng kanyang mga mata.
“K-Kayo na?!”
Sinenyasan ko agad itong h’wag maingay. Ayoko na namang matsismis dito lalo na’t alam ko na palagi akong suki rito sa mga tsismis.
Tumango ako para kumpirmahin iyong tanong niya kanina. Natakpan niya ang sariling bibig at hindi parin humuhupa ang panlalaki ng kanyang mga mata.
“At nagpahalik ka agad sa leeg? Sa unang araw niyo bilang magcouple? Ang rupok mo naman!” Naging maliit ang kanyang boses at tila hindi makapaniwala.
Bumaba agad ang aking mga mata sa hawak kong libro hindi para magreview kung hindi para makaiwas sa kanyang titig. Anong sasabihin ko? Na sobra pa? Na bumigay agad ako? Na hindi na ako V? Si Marione Santillan na halos sumuka sa pangdidiri sa pag-ibig ay bumigay rin naman pala agad dahil lang sa isang lalake? May parte sa akin ang ginusto ang nangyari pero may parte rin sa akin ang natatakot.
Hindi agad ako nakasagot at masyadong naligaw sa aking pinag-iisip na hindi ko na namalayang matagal na palang nakatitig si Eunecia sa akin.
“Ginawa niyo na ’no?” bigla niyang tanong.
Wala man siyang banggitin, hindi ako bobo para hindi iyon magets.
“Normal lang naman iyon sa couple,” tanging sagot ko at hindi na nagawang itanggi pa.
Halos marinig ko ang kanyang mahinang pagmumura. Napaisip narin tuloy ako kung tama pa ba lahat ng ito.
“Sumusunod kana ata sa yapak ng Mama mo. Tanga at alipin ng pag-ibig,” aniya.
Napalunok ako roon. Ang ipinangako kong hindi ko tutularan ay kusa ko rin palang sinundan. Para akong namili ng tuwid at baluktot na daan at mas pinili iyong baluktot dahil para sa akin iyon ang tuwid. Ganoon na ata kabaliw ang desisyon ko ngayon sa buhay.
“Pero mahal ko naman siya at… mahal niya rin ako,” sabi ko sa malinaw na boses.
Umiling-iling si Eunecia.
“Eh paano iyong deal? Umayaw kana ba roon? Bago mo sana sinagot ay pinutol mo muna iyon at ibinalik iyong pera.”
“Gagawin ko ’yon dahil iyon ang plano ko noong namulat ako sa nararamdaman ko para sa kanya, Necia.”
Medyo kumalma rin naman ang kanyang ekspresyon at tinanguan ako.
“Hindi ko lang talaga alam ba’t kinakabahan ako sa pinaggagawa mo,” aniya at nailing.
Ano bang mangyayari? Baka masyado lang siyang nag-iisip ng kung ano-ano? At sisiguraduhin ko naman na hindi ko gagastusin iyong pera. ’Tsaka kung malaman man ni Ken iyong naging deal ko sa lalakeng hulog ng langit ay aamin rin naman ako sa kanya na nahulog rin ako sa gitna ng aking plano.
At sino bang tangang babae na isusuko agad ang sarili kung di niya pala mahal ’di ba? Iyon palang ay sapat nang dahilan iyon na totoo ang sinasabi ko na nahulog na ako.
“Seryoso naman si Ken sa akin,” sabi ko lalo na’t hindi matigil tigil si Eunecia sa pagsulyap sa aking leeg.
Hinawi niya ang iilang hibla na tumakip sa kanyang mukha dahil sa hangin kaya ginaya ko narin siya at isinabit rin ang akin sa gilid ng aking tainga.
“Seryoso nga pero hanggang kailan? Alam mo naman sigurong magkaiba ang falling inlove sa staying inlove ’di ba? Paano kung pagkatapos ka niyang makuha ay maghahanap rin siya ng bago?”
Sumimangot ako sa mga tanong niya. Ang akala ko si Ken itong mangdidistract sa akin ngayong final exam pero nasa harap ko pala si Hudas at ito ang nangdedemonyo sa aking isipan.
Wala akong naisagot dahil hindi ko rin alam paano dedepensahan ang aking sarili lalo na’t maski ako ay iyon narin ang ikinakatakot.
“Pili ka. Wala kang ulo o masiraan ka ng ulo?” Humagalpak agad si Eunecia.
Bwesit. Umirap ako at inihulog na ang aking mga mata sa libro. Hindi parin talaga niya ako tinatantanan diyan sa magpapapugot ako ng ulo. Hindi ko naman plinanong mahulog ah? Bigla-bigla lang naman talaga.
“Pero malay mo ’di ba, seryoso pala talaga sa’yo…” aniya.
Hindi ako umimik. Ayoko nang masyadong pag-usapan. Kung ano man ang mangyari, hihintayin ko nalang. Pero kakapit ako sa sinasabi ni Ken na mahal niya ako. Iyon ang panghahawakan ko.
24th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Duties
Nagconcentrate nalang muna ako sa pagrereview. 1 week akong naging busy sa school at nakakausap lamang si Ken pag nasa Restaurant na ako lalo na’t siya parin ang naghahatid sa akin pauwi.
Wala pa naman akong desired course sa college… nalilito pa ako. Minsan ay kinakatok ko nalang ang ulo ko dahil mukhang hindi na gumagana ng maayos at masyado nang nabubugbog.
Nagdadala rin ako minsan ng mga notes sa Restaurant para pumuslit sa pagbabasa pag vacant time ko na. Sa fountain madalas ang aking tambayan lalo na’t doon lang rin ako nahahanap ni Ken.
Nagulat nalang ako nang may biglang humalik sa aking noo. Tumingala ako at nakita ang imahe ni Ken na mukhang kakarating lamang.
“Masyado ka atang busy sa pagrereview ah?” Tumabi siya sa akin sa inuupuan ko rito sa stage.
“Exam na namin sa Wednesday.”
Kinuha niya iyon sa akin kaya hinayaan ko lamang ito. Tiningnan niya ang bawat pages.
“You have a clean penmanship,” aniya.
“Bakit? Sa’yo ba mukhang may future maging doctor?” Ngumisi ako at binawi iyon sa kanya.
“Future mo lang,” sabay kindat sa akin.
Umirap ako at nainis na sa kanyang panghaharot. Ayan na naman… Madidistract na naman ako nito!
“Umalis kana nga! Di ako makakaconcentrate!” Itinulak ko siya para sana lubayan na ako kaso masyado rin itong matigas.
“Dito lang ako. Di na ako manggugulo,” sabi niya at nagawa pang tumayo saka siya lumipat sa unang baitang noong stage at doon umupo.
Napunta ako sa kanyang gitna lalo na’t doon na siya pumwesto habang nakabukaka. Niyakap niya ako roon at nagawa pang ipahinga ang kanyang baba sa aking ulo.
Tiningala ko ito.
“Pag ako bumagsak…”
He chuckled at hinalikan ang aking ulo.
Hindi na siya umimik kaya ipinagpatuloy ko ang pagrereview habang tahimik niya lamang akong niyayakap.
Pabalik-balik nalang ang pagbabasa ko pero hindi na iyon pumapasok sa aking isipan dahil nadidistract naman ako sa pabango ni Ken. Naamoy ko siya at idagdag pa ang yakap niya! Hindi talaga magandang kasama ito sa iisang lugar!
Bumuntong ako ng hininga at sinukuan nalang iyon. Siguro ay bukas nalang ulit ako magrereview sa classroom.
Inilagay ko ang buo kong bigat sa kanya at isinandal narin ang aking ulo sa kanyang balikat.
“Tapos na?”
“Bukas nalang ulit. Nabubwesit ako at walang pumapasok sa isip ko.”
Narinig ko ang nakakakiliti niyang tawa. Nang hindi siya nakontento sa aming posisyon ay kinarga niya na ang aking mga hita hanggang sa ibinagsak niya ako sa kanyang kandungan.
Ito ang paborito niyang posisyon naming dalawa at minsan ay iyong nakaharap naman ako ng buo sa kanya. Buti nalang at ganito lang… Iyong nakatagilid lamang dahil baka matunaw na naman ako sa kahihiyan.
Nagmuni-muni ako habang nakasandal sa kanyang balikat. Binabagabag na naman ako noong mga haka-haka ni Eunecia kay Ken. Ayoko namang magtanong dahil baka sabihin niya na control freak akong girlfriend at masyadong clingy! Sadyang hindi lang talaga maalis sa isip ko ang mga nangyayari.
“Paano kung…” Hindi ko agad iyon nadugtungan pero naramdaman ko ang paghahanap niya sa aking mga mata.
Sinalubong ko iyon.
“Paano kung magkaroon ako ng kasalanan sa’yo… Uh… Mapapatawad mo ba agad ako o…” Sumasayaw na ang aking mga mata sa kanya. Ramdam ko ang kaba sa aking dibdib at hinihintay ang magiging sagot niya.
“Anong klaseng kasalanan? If you’re cheating then I guess I just need to deal with your other men. Ipapadispatsya ko nang wala akong kahati sa’yo,” sabi niya sa baritonong boses na ikinalaglag ng panga ko.
Anong gagawin niya? Ipapapatay ganoon? Ang loko-lokong ito!
“Hindi baliw! Iyong medyo mild pa… Tapos magsosorry naman ako at aaminin ko naman na mali ko. Uh… Magagalit ka parin?”
Kumunot ang kanyang noo at naninimbang na ang tingin sa akin.
“May kasalanan ka ba?”
Umiling agad ako. “W-Wala! Kunwari lang naman!”
Tila nag-isip ito sa aking sinabi. “Hmmm… Anong klaseng kasalanan ba?”
Ngumuso ako at yumuko. Anong klaseng kasalanan ba iyon? Nakipagdeal ako sa isang lalakeng hindi ko naman kilala at binansagan ko lang na hulog ng langit para akitin kaya at paluhurin sa akin dahil nasilaw ako sa kinang ng perang inoffer niya. Iyon lang naman… Mild lang naman ata iyan? At hindi ko naman ginamit ang pera! I think he’s going to forgive me for this.
“Ano bang kasalanan ang hindi mo mapapatawad pag ginawa ko sa’yo?” Lumunok ako sa sarili kong tanong.
Sumeryoso naman ang kanyang mukha habang ang mahigpit nang nakayapos ang kanyang kanang kamay sa aking mga hitang magkadikit.
“Marrying someone who’s not me. Being with someone who’s not me. Having a child and the father is not me. Baka makapatay ako, Marione…” he smirked at me but there’s no humor on it.
Parang iyon ang tatlong deadlist sin na kailangan kong iwasan para hindi siya sumabog sa galit sa akin. Kung ikukumpara sa tunay kong kasalanan sa kanya ay sobrang mild lang naman pala! At wala naman akong iba eh siya nga lang itong nagpamulat sa akin sa pag-ibig.
“Ang seloso mo naman ata? Baka di natin alam sa future ex nalang pala kita,” mapang-uyam kong sabi at ngumisi agad sa kabila ng madilim niyang ekspresyon.
“You mean… Your ex boyfriend because I am already your husband?”
Humagalpak ako.
“Ang kapal! Paano kung ex lang. Tapos iba ang asawa ko. Mayaman… CEO sa isang kompanya! May maraming kotse… Maraming pera!”
Nagtagis na ang kanyang bagang sa simple kong biro sa kanya. Ilang taon na ba ito at ang dali niya na atang inisin?
“That’s still me,” sigurado niyang sabi sa kabila ng iritasyon sa mukha.
Umiling ako. Mataman naman siyang tumitig sa akin.
“Hindi ah… Eh kaedad ko lang at-”
“Stop it. Di na ako natutuwa,” putol niya agad na ikinatawa ko.
“Bakit… Teka, ilang taon kana ba? 18?” Ngumisi ako habang nawiwili sa asar na asar niyang mukha.
Bumusangot siya at niyakap ako ng mahigpit.
“Or 19? Hindi ka naman siguro 20 ’no? Masyado nang matanda sa akin ang 20 eh.”
Ken groaned on the skin of my neck. Humagalpak akong muli at natuwa sa pang-aasar sa kanya. Minsan ko lang ito magantihan lalo na’t siya itong madalas mang-asar sa akin! Ngayon na masyado siyang seryoso ay susulitin ko na!
“Don’t own me too much. Baka hindi naman pala ikaw ang para sa akin,” I said, taunting.
“Tama na. Masakit na yan.” He squeezed me. “I want to own you because you’re mine. Sisiguraduhin kong walang magmamay-ari sayo at ako lang,” he said finality.
Nariyan na naman iyang mga salita niyang parang itinataga niya sa bato at akala mo ay batas narin ng buong mundo. Madali lang talaga itong pikunin dahil masyadong seloso! Biruin mo lang ata ng ibang lalake ay magagalit na agad!
Gamit ang hintuturong daliri ay isinulat ko sa gilid ng kanyang panga ang ‘Seloso’. Hinayaan niya naman ako sa aking ginagawa lalo na’t ginagawa ko ring unan ang kanyang balikat.
“I think we should get married after your debut,” out of nowhere niya nalang iyong binigkas.
Hindi ako sumagot at tinitigan lamang ang gilid ng kanyang mukha. Naghihintay ako na may idugtong siya roon na nagbibiro lang ito pero nang hindi nagbabago ang seryoso niyang mukha ay bumangon na ako sa pagkakasandal.
Hinarap ko siya habang nakahawak sa kanyang mga balikat.
“Bakit?”
Umangat ang kanyang kilay at tila naiunsulto sa simple kong tanong.
“Dahil hindi ko na nagugustuhan ang mga biro mo. Parang may pinaparating ka ata riyan sa mga cryptic message mo,” inis niyang bigkas na ikinangisi ko.
“Binibiro lang kita! Ba’t ang bilis mo naman atang mapikon sa bagay na iyon?”
He sighed heavily. Marahan niyang ginulo ang kanyang buhok at binasa ang pang-ibabang labi. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako. Mabagal iyon at sobrang tamis ng hagod ng kanyang mga labi. Noong humiwalay siya ay namula na ang aking pisngi at gusto nang tumayo palayo sa kanya dahil hindi ko na naman kinakaya ang ganito kalapit.
“Mahal mo ba ako?” tanong niya nang biglaan na ikinagulat ko.
Hindi pa ba obvious iyon?! Magpapahalik ba ako kung hindi? Makukuha niya ba ang V ko kung hindi?
“I’m desperate,” saka niya pinatakan ng halik ang gilid ng aking labi hanggang sa naglakbay ang nakakakiliting halik na iyon patungo sa aking panga at napunta sa gilid ng aking tainga.
He licked the side of my earlobe. Nakiliti ako roon kasabay ng paggalaw ng aking balikat.
“Mahal mo ba ako, Marione?” tanong niya at sa pagkakataong ito ay nanunuyo na ang boses na iyon, tila nagmamakaawa na.
“O-Oo naman kahit n-nakakabwesit ka!” Pag-amin ko sa namumulang mukha.
Ngumuso siya at nagpigil na ng ngisi.
“Pag niyaya kitang magpakasal sa akin ng maaga, papayag ka ba?”
Gosh! Nababaliw na ba siya?!
Namilog ang aking mga mata at walang maisagot doon. Oo gusto ko pero hindi, hindi pa ako handa! Isn’t it too early?! Ano iyon, nadivirgined noong 16 at kinasal noong 18 years old na? Tapos ano, buntis na noong 19 years old at Mommy na pagsapit ng 20?! I cannot!
“Oo o hindi lang, Marione,” sabi niya pa at tila naiinip na sa aking sagot.
Kinagat ko ang aking labi at wala sa sariling tumango, halos hindi ko na nabuo ng maayos ang aking sagot at ang ulo ko nalang ata ang kusang nagdesisyon. Ngumisi siya at hinawakan ang aking pisngi saka hinaplos iyon.
“Ano bang ginawa mo sa’kin at patay na patay ako sa’yo?” bulong niya sa nakakaakit na boses saka muli akong hinalikan.
Ano rin kayang ginawa niya sa akin at nababaliw narin ako ng husto sa kanya. Minsan, sa sobrang saya ay nakakatakot narin dahil baka bukas iba na pala ang kapalit. Di ko maiwasang isipin na hanggang kailan ang sayang ito at baka bigla nalang may mangyari.
Maybe I am just paranoid? It’s my first time falling inlove, deeply, madly and crazily. Hulog na hulog ako at sobrang nakakatakot dahil sa lalake pang hindi ko halos kilala ang buong pagkatao.
But I can feel Ken’s sincerity. Pwede niya naman akong idespose pagkatapos noong nangyari sa aming dalawa pero nanatili naman siya ah? He wasn’t playing. Hindi mangyayari ang bagay na sinasabi ni Eunecia at noong mga kaibigan niya. Lahat naman tayo pwedeng magbago. Gago siya noon seryoso na ngayon. Parehas lamang kaming dalawa.
Dumating rin ang exam. Naging maayos naman ang aking pagsagot dahil ilang araw akong nagreview para dito. Iyon nga lang nangangalabit pa itong si Eunecia at nanghihingi ng sagot sa ibang bahagi ng test paper. Puro kasi tsismis ayan tuloy.
“Nakakagulat ang exam!” aniya pagkatapos naming sumagot at nagpasyang lumabas.
“Gulat ka?”
Tumango-tango siya at nanglumo.
“Parang dinaanan ng tide iyong test paper ko. Malinaw kong nakita na babagsak ako.” Nasapo niya ang noo at dismayadong-dismayado na.
Natawa ako ng bahagya. Binalingan niya ako.
“Nakasagot ka ba roon sa Problem Solving sa Math?”
Tumango ako. “Oo naman. Ilang araw rin akong nagreview ’no.”
Halos magwala siya habang naglalakad. Nagawa niya pang sabunutan ang buhok na akala mo ay nawawala na sa sarili. Nailing nalang ako at itinuon ang tingin sa harap. Nahagip pa ng aking mga mata ang talim na tingin ni Audrey na umirap rin sa akin kalaunan.
Hindi parin ba iyon nakakamove-on sa galit niya sa akin? Ang tibay niya naman ata?
Nilagyan ko muna ng tubig ang aking bottled water saka kami dumeritso sa canteen para bumili ng pagkain.
“Hi Marione!” May kung sinong grupo ng mga lalake ang sumigaw noon sa isang mesa.
Hindi ako lumingon at nagpatuloy sa pagtingin noong mga pagkain. Si Eunecia naman ay nasa aking gilid at nagbibilang rin ng barya.
“Libre na kita,” sabi ko saka ko dinukot iyong isang daang papel sa aking bulsa.
Napakurap siya at ngumisi. Itinuro ko iyong Chicken Curry ganoon rin si Eunecia na itinuro rin iyong pritong manok. Ibinigay ko iyong pera at bumili narin ng isang softdrink para sa kanya.
Kinuha ni Eunecia iyong tray kung saan inilagay ang aming mga order at ako nalang ang nagdala noong softdrink.
“Iba talaga pag may trabaho eh,” aniya.
Umupo kami sa bakanteng mesa at inilapag doon ang aming mga dala.
“Maiba ako… Sasama ka ba sa outing sa March 3?” tanong niya habang ginagalaw na ang kanyang kanin.
Nagkibit ako.
“Sumama tayo! Total matatapos narin naman ang eskwela. Ilang buwan na naman tayong di magkikita niyan.”
Sumubo ako. Sumubo rin siya ngunit nasa akin parin ang mga mata.
“Sige na, Marione. Total may trabaho ka naman. Ang alam ko sa beach ang pinaplano ni Ma’am Lungay eh. Masaya ’yon dahil marami tayo!”
“Bakit, friends mo lahat ng Grade 11?”
Umiling siya at sumimangot. “May iba naman na kilala ko ’tsaka masaya parin ’yon. Ikaw kasi masyadong introvert.” Umirap siya.
Binitiwan ko ang kubyertos at binuksan iyong bottled water ko. Uminom ako ng tubig doon. Wala na ang mga mata ni Eunecia sa akin at panay nalang ang pagsubo.
Ibinaba ko iyon saka ako bumuntong ng hininga. Friendly kasi siya kumpara sa akin. Eh ako, sapat lang na may isang kasama at di na kailangan iyong marami. Kahit nga mag-isa ako ay di ako magrereklamo.
“Oo na. Sasama na tayo.”
Lumiwanag agad ang kanyang mukha at ang laki na ng ngisi. Umirap ako at sumubo.
“Wala nang bawian! ’Tsaka magpaalam kana sa boyfriend mo baka iyon rin ang hindi pumayag.”
Kailangan pa bang magpaalam sa lalakeng ’yon?
“Ba’t ako magpapaalam? Lakad ko naman ’to hindi kanya,” sabi ko.
Nailing siya at nasapo ang noo.
“Haynako! Ba’t ka ba nagkaroon ng boyfriend eh ang ignorante mo sa pag-ibig!” Humilig siya para lang makalebel ako ng husto. “Syempre dapat kang magpaalam para di siya mag-alala sa’yo. Tungkulin mo iyan as a girlfriend. Dapat updated siya sa’yo lagi.”
“At bakit naman? Di nga ako nangingialam sa lakad niya.”
Mas lalong nasira ang kanyang ekspresyon sa aking sinabi. Totoo naman talaga. Di ko nga inaupdate ang sarili ko sa mga pinaggagawa niya. Eh lakad niya naman iyon ba’t ako makikialam?
“Alam mo sa pagiging carefree mo maaagawan ka talaga. Paano kung gumagala ang boyfriend mo sa kung saan-saan nang di mo alam? Hello… Di lang ikaw ang babae sa mundo! Paano kung may nakilala iyang babae? Edi ikaw na nga itong walang alam ikaw pa ang naagawan!”
Sinamaan ko siya ng tingin dahil masyado nang malakas ang kanyang boses. Masasapak ko na ’to.
“A cheater is a choice, Eunecia. Kahit itali mo ang isang lalake, kung kagustuhan niyang magloko, magloloko siya.”
Nagulo niya ang buhok at parang nakukunsimisyon na sa akin.
“Oo nga pero dapat ay hindi ka masyadong open! Guard your terretory, Marione! Ano ka ba! Ang lalake ay hindi isang aso na kung iiwan mo sa bahay ay mananatili sa’yong naghihintay! Wala nang ganoon ngayon! Dapat bilang girlfriend niya alam mo kung anong pinaggagawa niya at vise versa iyon.”
Ngumuso ako habang nakatitig sa gigil niyang pagpapaliwanag. So, kailangan kong sabihin kay Ken na pupunta ako ng outing?
“Eh wala akong load,” sabi ko.
Nanlalaki ang kanyang mata sa maliit kong problema.
“Napakawalang silbi talaga ng cellphone mo. Try mo kayang magpa load? Nakakaya mong hindi magtext kay Ken?”
Tumango ako. “Tumatawag naman siya at nagkikita naman kami sa Restaurant ah?”
Bumuntong siya ng hininga at masama na ang titig. Sumubo ako at nafufrustrate narin sa kanyang mga lintanya sa akin.
“Dapat marunong kang magreply, Marione. May cellphone ka pero wala namang load. May boyfriend pero kung umasta ka akala mo walang nagmamahal sa’yo! Maging updated dapat kayo sa isa’t isa! Boyfriend girlfriend duties, ganoon!”
“Oo na, oo na, tumahimik kana. Sumasakit ang ulo ko.” Napainom na ako ng tubig.
“Ang sarap mong pugutan ng ulo!” Nailing siya at halos isama na ata ang kutsara sa kanyang bibig.
Kahit noong uwian na ay iyon ang paalala niya na magload ako at itext si Ken. Ang rami nga noong text sa akin na di ko na nirereplayan. Araw-araw may pa good morning, mga paalala na kumain ako at kung ano-ano pa. Malay ko ba kailangan palang magreply eh sa wala akong load!
“Ano pong unli ng 10 pesos?” tanong ko sa tindera noong tindahan.
Binigyan niya ako noong papel noong Smart.
“Tingnan mo riyan, hija…”
Tumango ako ng bahagya at hinanap iyon doon. So unli text nalang sa isang araw? Bakit iuunli pa eh isang text lang naman? Bakit ba ako nagpapasulsol kay Eunecia?
Ginawa ko nalang iyon para di ko na marinig ang reklamo niya bukas.
Kaya habang papunta ako ng Restaurant ay nagcocompose ako ng text.
May outing kami sa March 3.
Hindi ko muna iyon isinend at ilang beses ko pang tinitigan. Noong nakarating na ako sa tapat ng Restaurant ay binura ko siyang muli at nagtype ng panibago.
May outing kami sa March 3!
Kinagat ko ang aking labi. Tama na ’yan.
“May outing kami sa March 3.”
Halos mapatalon ako sa boses ni Ken sa aking tabi. Bigla nalang itong sumulpot at nakikibasa sa aking text na di ko pa nasesend!
“Ang aga mo ata?” Kumunot ang noo ko at tiningala ito.
“Exam lang,” aniya habang inaayos ang buhok at suot na naman ang kanyang malinis na uniporme.
“Ah…” Ibinalik ko ang tingin sa aking cellphone at isinend iyon sa kanya.
Narinig kong magbeep ang kanyang cellphone. Ngumuso siya at kinuha agad iyon para lang icheck. Ngumisi siya na akala mo ay di niya pa nababasa iyon kanina.
“You don’t text… This is so unusual…” aniya habang nasa screen ang atensyon at tinititigan ang simple kong text.
Umirap ako at humalukipkip.
“Sabi ni Eunecia itext kita at… magpaalam.”
I heard him chuckled. Namula naman ako. So bigdeal?
“Napaka good influince naman ng bestfriend mo sa’yo. You should do this always…” Iniyapos niya na ang kanyang kamay sa aking tiyan kaya napaatras ako ng bahagya at napasandal sa kanyang dibdib.
“A-Anong always! Mauubos pera ko kakaload!”
“I’m going to send you some load. Sapat na ang pang 1 month?” tanong niya habang nasa screen parin ang atensyon.
Hindi ako umimik pero nagvibrate nalang bigla ang cellphone ko. Nang tiningnan ko iyon ay may natanggap na nga akong load at pang 1month pa!
“Text me always.” Hinagkan niya ang aking ulo na ikinabusangot ko.
Always? Anong ipagpapaalam ko sa kanya?
“Anong…” Tiningala ko siyang muli. “Anong itetext ko sa’yo?”
Ngumuso siya at nagpigil nang matawa. Sinamaan ko pa ito ng tingin dahil parang pinagtitripan pa ako! Eh di ako sanay magtext! Buong buhay ko sino naman ang lalakeng itetext ko?
“Like…” Yumuko siya at may binulong sa akin. “Come over. Walang tao sa bahay,” and he chuckled annoyingly.
Umirap ako at gusto siyang suntukin. Eh halos sumusulpot nga lang siya roon! Ba’t ko pa kailangang itext! At talagang wala namang tao sa bahay. Maski ako wala doon eh.
“Hindi kana kailangang itext dahil sumusulpot ka roon!” giit ko.
“Hmm… How about late night talks? I badly need that. We can you know… video call.” Ramdam ko ang kamay niyang marahan nang hinahaplos ang flat kong tiyan.
Kailangan pa ba noon eh tuwing gabi magkasama rin naman kami sa Restaurant.
Umiling ako sa kanyang suhestyon.
“Wala akong social media.”
“I know… Gagawan kita so we can video call.”
Ngumiwi ako pero di na ako nagreklamo sa kanyang balak. Bahala siya.
Kaya noong nasa trabaho ako ay nasa kanya ang cellphone ko habang naroon naman siya sa VIP at iyon ang pinagkakaabalahan. Akala ko sapat na iyong magkita lang kayo pag couple na. Hindi ko alam ang rami-rami palang requirements! Dapat magtext, magvideo-call, iupdate ang isa’t isa! Sumasakit ang ulo ko.
25th Chained
Chained
PrfctlyStbbrn
Sa Akin
“Tao kana, congrats! Nakababa kana sa bundok!” Pumalakhak ng husto si Eunecia sa aking harapan na akala mo ay proud na proud.
Ngumiwi ako. Noong sinabi kong ginawan ako ni Ken ng social media accounts lalo na’t may pang-internet rin iyong load ko na libre niya ay tuwang tuwa na siya. Eh wala naman akong hilig sa mga ganitong bagay. Umikot na ata ang buhay ko sa problema namin sa bahay at kung paano iyon masosolusyunan.
“Tingnan mo iyong ginamit na profile ni Ken! May ganito ka palang picture?!” Ipinakita niya sa akin ang isang stolen picture ko habang nag e-slice ng cake at bahagyang nakangiti.
Nagpatuloy ulit siya sa kakacheck sa aking facebook na ginawa mismo ni Ken. Humilig na ako sa desk at tinititigan lamang siyang aliw na aliw.
“In a relationship ka pa!” Tumawa siya at ipinakita ulit sa akin iyon.
“Wow… Ang famous pala ni Ken sa fb ’no?” Ipinakita niyang muli ang isang account na may pangalang Justin Ken.
Nagpatuloy si Eunecia sa kanyang ginagawa at bigla nalang hahagalpak ng tawa.
“Tingnan mo! May pinost ka pa sa timeline niya na I love you tapos nagreply siya ng I love you, too! Ang raming reacts ng reply niya!” Para na siyang gugulong sa kakatawa.
Hindi ako ’yon ah? Di ko pa ginagamit ang account na ’yan simula noong ginawa niya.
“Akin na nga ’yan!” Binawi ko iyon at halos ayaw niya pang ibigay.
“Teka, nasa block list ako! Ang rami niyang binlock!”
Inagaw ko iyon lalo sa kanya na halos ikinabusangot niya. Ibinulsa ko iyon pagkatapos kong iclose iyong icon ng facebook.
Humalukipkip siya at sumimangot.
“Ang kj!” saka rin natawa. “Pero ang sweet ni Ken ah! Siya pa ang manager ng account mo. Patay na patay…” Umiling-iling siya at may pa tsk tsk pa.
“Ewan ko sa kanya,” tanging sinabi ko.
Bigla niya namang pinagyuyugyog ang aking braso.
“Tinitext mo na ba?”
Naalala ko naman iyong simple kong text kanina noong gumising ako.
“Oo… Kaninang umaga.”
“Nag good morning ka?” Ngumingisi na siya sa akin.
Umiling ako. “Nagtext ako ng ‘Gising na ako’. Inupdate ko lang siya.” Umirap ako at hinawi ang kanyang kamay.
Sobrang napangiwi siya sa aking sinabi.
“Ano ka ba! Dapat good morning! Tapos hintayin mo ang reply at replayan mo ulit!”
“Gaga! Edi wala na akong magagawa sa bahay kaka text! At inaasikaso ko pa si Lucas! ’Tsaka tama na iyong inupdate ko siya ’no! Tigilan mo na nga!”
“Nakakahiya ka naman! Ignorante!” singhal niya at sobrang dismayado.
Anong nakakahiya roon eh si Ken rin ang may sabi na pwede kaming mag video call ah? ’Tsaka iyong sinasabi niyang late night talks! Eh di ako mahilig magtext kaya anong magagawa ko? Hello… Di ako expert sa ganito, sa lalake. Anong learnings na makukuha ko eh halos kinainisan ko rin ang pag-ibig?
“Puro kasi pera ang iniisip mo,” aniya.
Hindi matigil tigil si Eunecia sa kakapangaral sa akin. Para niya na akong tinututor at love ang subject naming dalawa. Kumpara kasi sa akin, hibang siya sa mga love stories at ang rami niya pang binabasang libro na tungkol rin sa ganoon. Eh ako, kahit nga movie hindi ko kayang panoorin magbasa pa kaya? Ito rin siguro ang rason kaya wala akong masyadong learnings sa mga ganyan. Wala akong naaadopt sa pinapanood o binabasa ko. Si Mama lang itong mahilig sa teleserye at kung si Lucas naman ay puro cartoons. Kung ako lang ang masusunod doon naman ako sa paano yumaman ’no.
Kaya noong inihatid ako ni Ken pauwi sa bahay ay tinopic ko na iyong kinukulit sa akin ni Eunecia tungkol sa outing.
“Iyong text ko na may outing kami…” sabi ko.
“March 3?”
Tumango ako.
“Saang beach ba?”
Nagkibit ako dahil maski ako ay walang alam. Eh si Eunecia lang ang nagyayaya sa akin kaya sasabay lang rin ako sa kanya. Iniisip ko pa nga si Lucas… Binabantayan naman siya ni Mama lagi pero di ko maiwasang mag-alala lalo na’t alam ko ay mahilig rin manulsol iyong mga bad influince niyang kaibigan. Ang sarap talagang isampal sa mga iyon na ina na si Mama at dapat ay di nila itinutulad sa kanilang puro tsismis at pag-iinom lang rin ang inaatupag. Kailan ba matatauhan si Mama?
“Aioni,” tawag sa akin ni Ken kaya natauhan ako sa pinag-iisip ko.
Binalingan ko ito. Kanina pa ata ito nagsasalita.
“Ihahatid na kita sa March 3.”
“H’wag na ’no! Sabay nalang kami ni Eunecia.”
“Edi ihahatid ko kayong dalawa.”
“H’wag na! Gagawa kana naman ng eksena!” Humalukipkip ako at bumusangot.
“Or at least tell me where…”
Ano na naman kayang binabalak ng loko-lokong ito.
“Itetext ko sa’yo.”
Tumango siya at nakontento naman sa aking sinabi. Oo nga pala, ano nga ulit iyong nginangawa ni Eunecia sa akin kanina? Na di niya masearch ang fb ni Ken at ang akin?
“Anong nangyari sa fb ko? ’Di ba ginawan mo ako?”
Tumango siya. “I deactivated it for awhile. But we can still video call through messenger.”
Ah… Bakit?
“Bakit?” tanong ko.
“Daming nag f-friend request sa’yo na puro lalake. At iyong Jeric…” Tumalim agad ang kanyang tingin sa kalsada, halos masira ang ekspresyon dahil sa binanggit na pangalan.
Si Jeric?! May social media rin pala ’yon? Oo Marione. Hindi naman lahat kagaya mong tagabundok sabi pa ni Eunecia sa akin. Noon pa man kinukulit niya na ako sa ganyan para magchat daw kami kaso hindi ko talaga nakahiligan. Okay sana kung wala akong inaalala eh. Okay sana kung katulad nila ang pamilya namin. Katulad nila ang buhay namin na hindi masalimuot. Kaso hindi. Sa sobrang rami ng gagawin ko, wala na talaga sa isip ko ang ganyan. At ngayon lang naman iyan nauso ang social media eh noon nga hindi.
“Idelete mo nalang eh di naman ako mahilig sa ganyan,” sabi ko.
“I need to tag you on our photos together.”
Akala mo naman talaga may picture kaming dalawa!
Hindi na ako masyadong nakipagtalo pa sa ganoong bagay at hinayaan nalang siyang gawin ang gusto niya lalo na’t sobrang antok at pagod ko narin, minsan ay nakakatulog pa ako sa front seat.
Noong sumapit ang aming outing ay nakipag video call pa si Ken sa akin. Pinagtalunan namin iyong mga pinagdadala kong damit.
“Bakit ba? Hindi naman ikaw ang susuot ah?” sabi ko sa kanya roon sa screen habang nagtutupi ako ng mga dadalhin.
At anong susuotin ko pangligo? Hindi naman pwedeng mag long sleeve ako sa tirik na tirik na araw! Pagdating sa fashion ay updated ako ’no! Eh mahilig ako tumingin sa mga magazines lalo na iyong palabas sa TV na tungkol sa mga damit.
“Wala kang rashguard?” tanong niya at ayaw talagang tantanan ang bikini ko.
Umiling ako.
“16 years old girls don’t wear bikini’s Marione,” aniya sa matigas na boses at nakadirekta na sa akin ang mga mata.
Umirap ako at gustong ibalibag ang aking cellphone. Problema niya sa suot ko?
Pumasok naman bigla si Lucas dito dala iyong laruan niya at humilig pa sa kama. Sinilip niya roon si Ken na nag-aayos ng buhok sa camera.
“Kuya!” sigaw ni Lucas.
Ibinigay ko kay Lucas iyong cellphone.
“Kayo muna ang mag-usap Lucas. Nabubwesit ako,” saka ko ito sinenyasan na lumabas muna.
Lumabas naman si Lucas dala-dala iyong cellphone. Ipinagpatuloy ko ang paglalagay ng damit sa mini backpack purse ko. Isang seethrough na dress, kulay cream na bikini at undies na ang naroon. Kumuha narin ako ng isa pang dress na masusuot ko pagkatapos. Nipis naman ang mga tela kaya nagkasya iyong lahat sa loob. Huli kong inilagay ang toothbrush, sabon, wipes, perfume at sunblock saka ko iyon isinara.
Lumabas ako at hinanap si Mama sa bahay kaso hindi ko na naman matagpuan. Lumabas ba siya? Eh kakasabi ko lang na may pupuntahan akong outing ah!
Iniwan ko muna si Lucas at nagtungo roon sa bahay nila Aling Lydia. Nasa may pinto palang ako ay narinig ko na ang tawanan nila roon.
Kumatok ako. Ilang sandali lamang ay binuksan iyon ni Aling Rosalie.
“Oh… Marione!” Ngumiti siya sa akin at tiningnan ang loob. “Mercy! Nandito ang maganda mong anak!”
Napangiwi ako nang mapadpad ang aking mga mata sa hawak niyang bote ng isang inumin.
“Pasok ka muna,” si Aling Rosalie.
Hinubad ko ang aking tsinelas at nagtungo sa loob. Naroon si Mama, may hawak na baso at nakikipagtawanan kina Aling Lydia at Aling Delya.
Bigla pang sumulpot iyong anak na lalake ni Aling Lydia na si Joros. Ngumisi agad ito sa akin at kumalay. Isa rin ito na tambay sa kanto at panay ang sitsit sa akin pag dumadaan ako.
“Ma…” Nagtungo ako roon.
“Oh? Aalis kana? ’Di ba may outing kayo ngayon?” tanong niya at naglahad sa akin noong chichirya.
Hindi ko iyon tinanggap.
“Si Lucas, walang kasama sa bahay…” sabi ko.
“Ihatid mo nalang dito si Lucas eh tuwing may pasok ka nandito rin naman iyon!” si Aling Delya.
“Oo, ihatid mo nalang dito si Lucas, Marione. Sabay na kaming uuwi mamaya,” ani Mama at sumubo ng chichirya.
Ano bang klaseng… ina ito?
Hindi ko nalang isinatinig ang nasa isipan ko at nagpasyang magpaalam dahil hindi ko narin nagugustuhan ang amoy nila roon dahil sa kanilang iniinom. Hindi naman pwedeng tumambay si Lucas doon at malanghap rin iyon! Idagdag pa iyong paninigarilyo ni Aling Delya! Ganito ba araw-araw sa tuwing nasa eskwelahan ako?
Bumalik ako sa bahay. Nadatnan ko si Lucas sa may sofa at nakikipag-usap parin kay Ken. Ang dalawang ito ay di parin tapos.
Lumuhod ako sa kanyang harapan para makalebel ito.
“Lucas, sama ka nalang kay Ate. .. gusto mo?” Ngumiti ako at kinurot ang pisngi ng aking kapatid.
Tumango naman agad ang aking kapatid. Buti pa nga! Kaysa naman doon siya kina Mama eh hindi rin naman siya mag-eenjoy. Baka nga matulog lang ito.
Pinagpaalam ko na siya kay Ken saka lang natigil ang video call. Doon lamang ako naligo rin pagkatapos kong paliguan at ayusan si Lucas.
“Hi Lucas! Ang guwapo guwapo mo naman!” Lumapit agad si Eunecia at pinagkukurot ang pisngi ng kapatid kong nakabusangot sa kanya.
Sinulyapan ko ang dala niyang isang tupperware ng mango float.
“May dadalhin palang pagkain?” tanong ko.
Tumawa siya at tumango. “Malamang! Anong kakainin mo roon, buhangin?!”
Malay ko ba! Eh kanina nga lang ako nakapag-impake! Nawawala lagi sa isip ko lalo na’t nakakatulog na agad ako pagkauwi sa bahay.
“Hati nalang tayo nito pero bayaran mo ako mamaya ha!” sabi niya na ikinatango ko.
Gumala ang aking tingin at naghanap na ng masasakyan.
“Tumatambay na naman ang Mama mo sa mga tsismosa niyang kaibigan at nag-iinuman na naman?” Napairap si Eunecia at mukhang hindi na iyon tanong na kailangan kong sagutin.
Ibinaba ko si Lucas saka ko inayos ang maliit niyang backpack sa likod.
“Haynako! Kaya ka walang panahon sa sarili mo kasi pasan pasan mo ang problema ng pamilya niyo! Eh ate ka lang naman sana ni Lucas! Hindi naman sana ikaw ang ina!” Pumara siya ng tricycle habang panay na naman ang panenermon.
“Ate ako kaya obligasyon ko,” tanging sabi ko at nalaglag ang tingin kay Lucas na gumagala ang mga mata sa dumadaang mga sasakyan.
Umiling siya at pinauna ako sa front seat noong tricycle. Pinaupo ko nalang si Lucas sa aking kandungan na tahimik lang rin habang si Eunecia ay hindi pa ata tapos sa kakareklamo.
“Sa mga ganyang edad mo dapat nga nagsasaya ka pa eh. Naalala ko pa eh hindi ka talaga sumasama sa mga field trip noon. Abala ka lagi sa problema niyo sa bahay.”
“Tama na nga.” Tinakpan ko ang tenga ni Lucas at sinamaan ng tingin si Eunecia.
Ngumuso nalang siya at sinulyapan ang aking kapatid saka niya kinurot ang pisngi nito kaso supladong hinawi ni Lucas ang kanyang kamay.
Dumating rin naman kami roon sa isang Resort. Hinawakan ko ang kamay ni Lucas habang naglalakad kaming tatlo papunta roon sa grupo nila Ma’am Lungay. Ang rami palang sumama…
“Si Marione!” Itinuro agad ako ng isa sa mga lalake kaya nagsilingunan na ang lahat.
“Ang rami mong fans.” Hagikhik ni Eunecia na ikinasimangot ko.
Nasa amin na ang mga mata nila at hinihintay nalang kaming makalapit. Nakita ko pa ang talim ng tingin ni Audrey sa akin pero nang mapagtantong nakatingin narin ako ay umirap agad.
“Grabe! Ang guwapo pala ng kapatid mo, Marione!” Isa sa mga babaeng schoolmate ko ang nagsabi noon.
“Oh… Buti at dinala mo,” si Ma’am Lungay.
“Wala po kasing maiwanan sa bahay,” sabi ko at tiningnan si Lucas na walang imik at malamig ang tingin sa mga babae kong schoolmate na panay ang kaway sa kanya.
“Halika! Ako ang future husband ng ate mo! Lapit ka sa’kin!” Sinenyasan ni Jeric ang aking kapatid kaso hindi siya pinansin kaya nagsitawanan ang lahat.
“Hindi kasi ikaw!” kantyaw ng kanyang kaibigan sa kanya.
“Kawawa ka naman, Jeric! Ayaw na nga sa’yo ni Marione pati kapatid niya ayaw rin sa’yo!”
“Mag comeback nalang kasi kayo ni Audrey!” May kung sino rin ang sumigaw noon na hindi ko na tiningnan.
“Tapos gawa kayo ng baby!” Isa sa mga varsity na lalake na mas lalong ikinatawanan ng lahat. Sinaway sila ni Ma’am Lungay kaya doon lang natigil ang asaran.
Halos matuon ang buong atensyon nila kay Lucas. May iba na hindi gaanong namamansin sa akin pero pag mapapatingin kay Lucas ay awtomatiko agad na mapapangiti kahit hindi naman nagsasalita ang aking kapatid at supladong suplado ang mukha.
Mga nasa singkwenta ata kaming lahat at may iba na humabol lamang. Nahati kami sa bawat cottage at napasama pa kami ni Eunecia roon sa cottage nila Audrey kasama sina Jeric at iba niya pang barkada. Bale nasa kinse ata kami sa isang cottage at iyong iba ay nasa tabi lang rin ng aming cottage na umukupa rin.
“Sana dinala mo iyong manliligaw mo, Marione,” isa sa mga kaklase kong babae.
“Busy eh,” tanging sagot ko habang nilalagyan ng pagkain iyong paperplate ni Lucas na nakatayo pa rito sa upuan ng cottage.
“Ate, swimming…” Itinuro ni Lucas iyong dagat na kumikintab pa dahil sa init na tumatama at litaw na litaw ang kulay nitong asul.
Tumawa agad si Eunecia na kanina pa nasa aking tabi habang binubuksan iyong malaking tupperware ng kanyang mango float.
“Malulunod kayong dalawa ng ate mo, Lucas. Di siya marunong lumangoy!” kantyaw sa akin ni Eunecia.
“Di ka marunong lumangoy?” singit agad ng kakarating lang na si Jeric at topless pa.
Hindi ako umimik lalo na’t ramdam ko rin ang talim ng tingin ni Audrey sa akin na nasa kabilang upuan.
“Oo, hindi ’yan marunong! Turuan mo Jeric!” si Eunecia.
“H’wag na. Pwede namang sa mababaw lang kami ni Lucas mamaya,” sabi ko at sinubuan ang aking kapatid.
“Pwede ko namang kargahin ang kapatid mo, Marione. Kahit nga kayong dalawa sa bawat bisig ko eh,” pagmamayabang ni Jeric na ikinaingay agad dahil sa panunukso sa amin.
“Nagdadala pa ng bata tapos magiging pabigat pa sa iba,” pagpaparinig ni Audrey habang umaalis ng cottage.
Walang masyadong nakarinig noon dahil busy sila sa pangangantyaw kay Jeric pero hindi iyon nakaligtas sa akin lalo na’t malapit lang rin ako sa labasan.
Sinundan ko ito ng tingin. Pag ako napuno sa kanya sa kakataray niya sa akin lulunurin ko siya mamaya riyan sa dagat. Gusto ata nitong patulan ko eh? Pati pagdala ko sa kapatid ko binibigdeal niya pa.
“Uy Jeric tingnan mo oh! Ang sexy ni Audrey! Naghuhubad na ng dress!” Itinuro siya ng isa sa mga kaibigan na lalake ni Jeric.
Sumulyap saglit si Jeric kaso ibinalik agad sa akin ang mga mata.
“Mas sexy pa si Marione dyan. Di pa nga naka bikini ang sexy nang tingnan eh.”
Mas lalo tuloy kaming inasar dahil sa mga walanghiyang hirit ni Jeric sa akin. Kaya pinag-iinitan rin ako niyang ex niya lalo na ng ibang babae rito dahil feeling nila kinukuha ko ang atensyon ng mga lalake.
Sabay kaming nagbihis ni Eunecia. Sinuot ko iyong see through na dress at sa ilalim naman noon ay ang bikini kong kulay cream.
“Grabe! Kaya ang raming nababaliw sa’yo!” ani Eunecia nang sulyapan ako habang tinatali ko ang aking buhok.
“Baliw,” bahagya akong tumawa at sinulyapan si Lucas na tinitingala lamang ako. Topless lang rin ang aking kapatid at may suot na summer short.
Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at nagfocus na sa pagtatali ng aking buhok. Si Eunecia naman ay lumuhod na para makalebel ang aking kapatid na nakahawak pa sa laylayan ng aking dress.
“Lucas… Grow-up faster please! Hihintayin talaga kita! Mabubuhay naman kita kasi may work na ako niyan at sagot ko narin ang pag-aaral mo!”
“H’wag mo ngang demonyohin ang kapatid ko, Necia!” saway ko.
Lumabas rin naman kami roon habang panay parin sa panghihirit si Eunecia sa aking kapatid na kulang nalang ay irapan siya. Gusto niya pa nga sanang hawakan rin ang kamay nito kaso binawi agad ni Lucas at sobrang nakabusangot pa.
May narinig akong nagsipulan habang naglalakad kami sa dalampasigan patungo sa dagat. Tumingin ako sa pinanggagalingan noon at nakita ko agad ang ibang mga lalake na ang laki na ng ngisi sa akin.
“Ang hot mo, Marione!” sigaw ng kung sino.
“Gago ka Luis, babae ko yan ah!” sigaw naman ni Jeric kaya halos ang ingay na naman nila.
Sa kabila ng pamumuri ay humahalo naman roon ang matalim na tingin ng ibang babae sa akin lalo na ni Audrey. Tumawa pa si Eunecia nang mapansin rin iyon.
Hindi ko nalang masyadong pinansin ang mga drama nila at nakipaglaro na kay Lucas. Tumatakbo kaming dalawa papalapit sa alon saka rin kami tatakbo pabalik pag tumatama na ito sa aming mga paa.
“Marunong pala siyang tumawa ng ganyan?” May kung sino akong narinig at pinagti-tsismisan ata kami ni Lucas.
Si Eunecia naman ay nagsisimula nang lumangoy sa suot niyang one piece na bikini. Payat naman kasi ito at medyo may pagka morena. Idagdag pa ang itim niyang buhok na medium length.
Lumapit si Jeric sa amin at nakisali rin sa paglalaro. Hindi naman nagreklamo si Lucas dahil nawiwili narin ito sa ginagawa.
“Tara, Lucas! Swimming tayo!” anyaya ni Jeric at lumuhod pa para makalebel ang aking kapatid.
Umiling agad ito at hinawi pa ang kamay na nakahawak sa kanyang pulso.
“Ang sungit naman nitong kapatid mo, Marione!” Tumawa si Jeric at tumayo habang kinakamot ang batok.
“H’wag mo kasing kausapin. Allergic ’yan sa’yo,” sabi ko at tumawa.
Ngumuso si Jeric at mas lalong nagkamot ng batok.
“Marione! Nandito ang boyfriend mo!” Narinig kong sigaw ni Eunecia habang umaahon na ito.
At dahil masyadong malakas ang kanyang boses ay narinig na iyon ng iilan naming schoolmate na sinundan agad ang itinuturo niya.
Napalingon ako roon at nakita si Ken na topless lamang at suot ang isang summer short. Nakikipagtawanan ito sa kung sinong mga lalakeng kasama niya habang nakasuot siya ng itim na glasses at bahagyang inaayos ang buhok, ang isang kamay ay nakabulsa naman.
Nagmistula silang mga artista dahil halos sila nalang ang tinititigan ng mga babae rito. Kahit ako ay hindi maisara ang nakaawang kong bibig.
“Kuya Ken!” sigaw ni Lucas sanhi para lingunin niya kami rito.
Nabitiwan ko agad ang kamay ng aking kapatid dahil sa pagtakbo nito papunta kay Ken na nakangisi narin sa kanya.
“Boyfriend mo na?” tanong ni Jeric habang nakay Ken narin ang mga mata.
Hindi ako umimik at pinanood si Ken na kargahin si Lucas. Iyong tatlo niyang kasamang mga kaibigan ay nasa akin na ang mga mata at tila ako pa ang topic kaya sumulyap si Ken sa akin, napapawi ang ngisi nang lumipat iyon kay Jeric.
“Hi Ken! May pa bikini ang girlfriend mo!” Tumawa si Eunecia nang nakarating na ito sa aking harapan.
Nginisihan niya ang aking kaibigan saka siya sumulyap sa aking katawan. Lumunok ako pero pinatili ko ang tingin ko sa kanya.
“Ba’t ka nandito?” tanong ko.
“May outing rin kami,” sabi niya at tinutukoy iyong tatlong lalakeng kasama niya na umiiling pa at makahulugan ang mga ngisi.
Pansin ko ang paglapit ng iba kong mga schoolmate para lang makita sila ng malapitan. Si Ken naman ay nagawa pa akong hilain sa beywang palayo sa tabi ni Jeric.
“I told you not to show too much skin,” saka niya sinulyapan si Jeric. “Lalagyan ko pa ba siya ng pulang marka nang makita mong sa akin ang babaeng ito?” Ngumisi siya ng nakakaloko kay Jeric na nagawa pang umatras at tila nasindak.
Nang-init ng husto ang pisngi ko dahil mahigpit na ang pagkakahawak niya sa aking beywang at nadidikit pa ako sa kanya.
Shit! Hinila ko agad siya palayo roon at nagpatianod naman ito kaso hindi niya parin tinatantanan si Jeric.
“Dumistansya ka at baka masapak kita.” Mas ngumisi siya ng nakakaloko at nagawa pang humalakhak kaso wala nang bahid na tuwa roon sa sobrang tabang.
Namilog ang aking mga mata at halos kaladkarin ito makaalis lang agad kami roon.
26th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Warning: SPG
Punishment
Nakahalukipkip ako sa harapan ni Ken habang matalim itong tinitingnan ganoon rin siya na nakapameywang sa aking harapan at iritang irita sa aking suot. Si Lucas naman ay nasa aming gilid lamang at pinaglalaruan iyong buhangin.
“H’wag ka ngang nang-aaway rito!” sabi ko at sinulyapan ang mga schoolmate ko roon sa may dagat.
Nakita ko roon ang tatlo niyang kaibigan na nanghihirit pa sa ibang mga babaeng naka bikini.
“Ang tigas ng ulo mo,” aniya kaya bumalik ang tingin ko sa kanya.
Iritado niyang tiningnan ang aking see through . Sa sobrang talim ng kanyang tingin ay para na iyong tumagos sa aking loob.
“Eh ikaw nakatopless ka pinakialaman ba kita?”
Ngumisi siya ngunit matabang na naman iyon. Binasa niya ang pang-ibabang labi habang pinapasadahan ng haplos ang kanyang buhok at nasa ibang bahagi na ang tingin.
Hindi na siya nakasagot agad at parang nagmumuni-muni na. Ang aking mga mata ay pasimple pang bumababa sa kanyang katawan. Iba rin talaga ang isang ’to, malamodelo ang tindig at sobrang guwapo pa ng mukha. Kaya siguro ang confident niyang magtopless kasi alam niyang may maipagmamalaki siya.
“May tshirt akong dala. Iyon nalang ang suotin mo,” sabi niya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.
“Ayaw ko nga, Ken! Komportable ako rito,” giit ko at nakipagtitigan na sa kanya.
Naka half-open na ang kanyang labi at halatang nafufrustrate. Nang makita niyang wala akong balak na sumunod ay nagulo niya na ang kanyang buhok.
“Hindi ko gusto ang ganyan, Marione!”
“Eh gusto ko ang ganito!” Pulang-pula na ako sa pakikipagtalo sa kanya dahil lang sa aking damit.
Hindi ko alam kung ilang minuto rin namin iyong pinagtalunan dahil ayaw niya rin akong tantanan. Doon lamang kami natigil nang tinawag na ako ni Eunecia.
“Babalik na kami ni Lucas,” sabi ko at sinulyapan ang kapatid kong nakayuko na habang seryosong sinusundan ng tingin iyong maliit na crab.
“Hindi ka mag-eenjoy kung babantayan mo si Lucas. Isasama ko nalang siya.”
Ibinalik ko ang mga mata sa kanya.
“May cottage rin kayo?”
Umiling siya. “Naka check-in kami.”
Sa resort? Nilibre lang ba ito noong mga sosyal niyang kaibigan? Isa roon ang namukhaan ko sa Bar eh. Buti at wala iyong mga babaeng uminsulto sa akin.
May dinukot siyang kung ano sa kanyang bulsa at may ibinigay sa aking dalawang entrance.
“Kung gusto mong pumasok mamaya sa loob nasa pool’s area lang kami ni Lucas. Ibigay mo nalang ang isang entrance sa bestfriend mo.”
Wala akong masabi at tinanggap iyon. Tumango nalang ako. Nilapitan niya naman si Lucas at kinarga itong muli. Nagawa pa akong balaan.
“H’wag mo ’yang hubarin.” Tinutukoy niya iyong see through kong dress.
Bumalik ako sa dalampasigan. Iyong mga kaibigan niya namang lalake ay nagawa pang magpaalam sa akin at babalik na ata sila sa loob ng Resort.
“Grabe ang gugwapo naman noong kaibigan ni Ken! Ireto mo kaya ako sa isa,” ani Eunecia nang lapitan ko ito.
“H’wag ka sa mga ’yon. Mga fuckboy sila.”
“Kung makapagsalita akala mo naman hindi pumatol sa fuckboy…” Ngumisi siya sa akin kaya tinalsikan ko agad ito ng tubig.
Hindi ako masyadong pumunta sa ilalim at hanggang doon lang sa natitingkaran ng mga paa ko. Namumutla naman si Jeric sa tuwing napapasulyap sa akin at mukhang natakot nga kay Ken.
Ang ilan sa mga kaklase ko ay kinulit pa ako tungkol sa mga kaibigan ni Ken at madalas ay si Ken talaga ang tinatanong nila. Saan ko raw ito napulot at kung kami na ba lalo na’t inanunsyo pa kanina ni Eunecia na boyfriend ko ito sa sobrang lakas ng kanyang boses.
Kahit si Ma’am Lungay ay nagawang purihin si Ken.
“Ang guwapo noong boyfriend mo. Parang modelo…”
Ngumiti ako ng tipid at hindi alam ang isasagot. Ang binansagan kong typical na mala kanto ang hitsura noon ay mala modelo ang tingin ng iba. Aaminin ko na mapanglait naman talaga ako noong una kong nakita iyang si Ken. Nacucurious tuloy ako kung ano ang unang impression niya sa akin noong nakita niya ako.
May mga pagames si Ma’am Lungay at may pinapamigay rin siyang prize kaya mas naging hyper sila. Si Eunecia ay sumali pa roon sa volleyball at nanalo naman ang kanilang team. Hindi ako mahilig sa sports kaya nasa gilid lang ako, nakikicheer.
“Pagandahan naman ng bikini! 500 ang premyo ng mananalo sa pinaka magaling rumampa at may audience impact!” ani Ma’am Lungay sanhi para magsigawan ang mga lalake.
“Marione! Sumali ka!” sigaw ng kung sino hanggang sa sunod sunod na ang sumigaw ng aking pangalan.
“Sumali ka dali! Hubarin mo na ’yan!” Hinila narin ni Eunecia ang aking suot at nagagawa pa akong itulak papunta sa gitna.
Umiling agad ako. Hindi ako magaling rumampa at isa pa… kabilin-bilinan ni Ken na h’wag ko itong hubarin.
“Sayang ang 500!” ani Eunecia at mas hinila pa ang aking dress para mahubad ko na iyon.
Oo nga naman… Sayang ang 500! Dagdag ko na iyon sa ipon ko. Mahirap rin iyong hanapin sa panahon ngayon ah.
Hindi na ako pumalag at tuluyang hinila ang laylayan ng aking see through dress. Maraming nagsigawan at nagsipulan dahil sa aking ginawa.
“Marione! Marione! Marione!” Nangingibabaw ang boses ng mga lalake kakasigaw kahit hindi pa ako rumarampa.
Isa sa mga sumali ay si Audrey. Sakto naman ang tugtog ay iyong kanta ni Bazzi na Beautiful kasabay noon ang pagrampa niya suot ang two piece bikini na kulay itim. May nalaglag pa ang panga nang nagawa niyang ngumisi ng nakakaakit at nagflying kiss sabay ikot.
“Sus! Mas matatalbugan mo pa ’yan,” ani Eunecia at umiling-iling pa.
Maraming pumalakpak kay Audrey at may iba pang akala mo ay nainlove na dahil sa kakatitig sa kanya. Napatingin naman ako sa dibdib nito. Medyo kalakihan kumpara sa akin…
Sumunod naman iyong isa pang schoolmate ko na volleyball player. Rumampa siya sa suot niyang 1 piece na bikini at maganda rin ang hubog ng kanyang katawan.
Mga lima na ang nakakarampa at wala nang bumalak na sumali kaya halos itulak na ako ni Eunecia. Huminga ako ng malalim saka nagsimulang rumampa habang seryoso lamang ang aking mukha.
“Shit! Ang ganda talaga!” May kung sinong sumigaw noon.
“Marione!”
Pumapaibabaw ang aking pangalan kaya bahagya kong hinila ang tali ng aking buhok sanhi para bumagsak iyon at pasimple kong sinuklay paatras. Mas lalo lamang lumakas ang sigawan ng mga lalake dahil sa aking ginawa. Sa kalagitnaan ng aking pagrampa ay nahagip pa ng tingin ko sa di kalayuan si Ken, naroon siya karga karga si Lucas at sobrang dilim ng ekspresyon habang narito ang kanyang mga mata. Parehas sila ni Lucas na nakabusangot.
“Ang sexy!”
“Grabe ang hot! Mas mainit ka pa sa sinag ng araw, Marione!”
“Babae ko ’yan!” si Jeric iyon, sumisigaw at nakikicheer rin.
Hindi ko magawang ngumiti lalo na’t sobra rin akong napapaso sa titig ni Ken sa di kalayuan. Pinagdasal ko nalang na sana ay h’wag na siyang sumugod dito at manatili nalang doon.
“At ang nanalo ay si…” Ngumisi si Ma’am Lungay habang pinapasadahan kami ng tingin at hawak na iyong 500.
“Si Marione, Ma’am!”
“Si Marione!”
“Marione!”
Hindi magkamayaw ang mga lalake sa pagsigaw ng aking pangalan. Sobrang nakakabingi iyon at nakakabasag ng tainga. Sumulyap pa si Audrey sa akin at galit na naman ang mga mata.
“Walang iba kundi si Marione!” Nagtungo si Ma’am Lungay sa akin at inilahad iyong 500.
Ngumiti ako at nagpasalamat. Tumalon-talon pa si Eunecia habang pumalakpak at nakikisali sa iba ring sumisigaw dahil sa aking pagkapanalo.
“Papicture kami, Aioni!” Mah grupo ng mga lalake ang biglang lumapit sa akin.
Bago pa ako makaalis ay nakatutok na sa amin ang picture kaya pinagbigyan ko nalang total nag-effort rin sila sa pagchicheer sa akin. Be friendly to your fans sometimes, Marione…
Ang raming nagpapicture sa akin na mga lalake. Sinulyapan ko ang kinatatayuan kanina ni Ken at wala na siya roon. Siguro ay bumalik na ulit iyon sa loob.
Mga bandang 4pm na noong nagpasya kaming pumasok ni Eunecia sa loob ng resort. Ang plano rin naman nila ay mag-overnight dito.
“Ang sarap talaga sa feeling pag may kaibigang rk. Nalilibre ka!” ani Eunecia nang sabihin ko sa kanya na nagcheck-in sila Ken sa Resort.
Ibinigay namin sa guard iyong ticket na ibinigay sa akin ni Ken kaya tinatakan kaming dalawa sa may pulso.
Gumala ang aking tingin at hindi maiwasang hindi mamangha sa paligid. Halatang pangmayaman talaga ang loob!
“Wow! Ang ganda naman dito!” ani Eunecia at katulad ko rin na manghang mangha na.
“Nasa pool daw sila eh,” sabi ko at iginala ang tingin.
“Ayun oh, may signage papunta sa pool area.” Itinuro ni Eunecia ang isang signage.
Iyon ang sinundan namin para makapunta sa Pool. Noong makarating kami roon ay kulang nalang lumuwa ang aming mga mata sa sobrang ganda ng kabuuan. May mga pine trees sa paligid, mga lounge chairs at nagkalat ang mga tao suot ang magaganda nilang bikini’s. May nakita pa akong mga foreigners na naliligo rin.
“Kaya hindi rin talaga kita masisisi kung ba’t nangangarap kang yumaman eh. Kahit ako gusto ko naring maging mayaman. Ang sarap pag ganito ang buhay mo,” bulong sa akin ni Eunecia.
Gumala ang aking mga mata at hinanap si Ken. Wala ata siya rito…
“Ayun ang boyfriend mo oh!” Itinuro ni Eunecia iyong dulo.
Napunta ang aking mga mata roon sa kiddie pool. Nakaupo sa gilid si Ken habang tinitingnan si Lucas na nag-eenjoy sa pagligo sa gilid noong mushroom. Naroon siya nakasilong habang sinasalo ang tubig na nalalaglag sa parang payong doon.
Siniko ako ni Eunecia.
“Mukhang badtrip.” Saka niya nginuso ang ekspresyon ni Ken.
Lumunok ako at kinabahan. Naglakad kami papunta roon. Dumeritso siya sa kinaroroonan ni Lucas habang ako naman itong huminto at tumayo sa gilid ni Ken.
Napansin niya agad ang aking presensya. Tiningala niya ako at nagawa pang tingnan ang suot kong bikini na ikinatagis ng kanyang bagang. Nag-iwas siya ng tingin at itinuon ulit ang atensyon sa kawalan.
Ngumuso ako nang hindi man lang ako nito pinansin. Umupo narin ako sa kanyang tabi at sinilip ang kanyang ekspresyon.
Wala siyang imik kaya kahit ako ay hindi narin alam kung paano ito kakausapin. Sa sobrang suplado ng kanyang mukha, baka hindi niya rin ako sagutin ng maayos dahil sa iritasyong kumakalat sa buong hitsura.
Bigla siyang tumayo kaya mabilis ko itong tiningala. Naglakad ito paalis kaya tumayo narin ako at tiningnan si Eunecia. Itinuro ko si Ken na ikinatango niya naman, nagegets na ang aking pinupunto.
Tumakbo ako at mabilis na itong hinabol. Hindi ko alam kung saan ito pupunta lalo na’t nakakalayo narin kami sa Pool’s area. Pumasok siya sa isang kuwarto kaya sumunod rin ako.
Iniwan niya iyong bukas, na tila alam niyang nakasunod ako. Sumilip ako roon sa may pinto at nakita siya roon sa may kama, nakatayo habang may kinakalkal sa isang bag.
Sumulyap siya sa aking kinatatayuan kaya tumuwid agad ako ng tayo. Inilahad niya sa akin doon ang isang Tshirt niya. Nagtungo ako sa loob at dahan-dahang lumapit.
Kinuha ko iyon saka siya tiningnan na nag-iwas agad ng tingin.
“Galit ka?” tanong ko sa malambing na boses.
“Magbihis kana,” malamig niyang tugon na ikinanguso ko.
“Galit ka eh.” Hinaplos ko ang kanyang braso na ikinatalon niya sa gulat.
Mabilis kong binawi ang aking kamay at nagulat narin dahil para itong napapaso sa aking haplos.
Nagtagis ang kanyang bagang at binasa ang kanyang pang-ibabang labi.
“Nag-enjoy ka naman sa pagrampa mo habang nakabikini?”
Kinagat ko ang aking labi dahil hindi talaga nawawala ang tabang sa kanyang boses.
“Oo. Nanalo nga ako ng 500.”
Hindi makapaniwala niya akong nilingon. Ngumisi ako at tumingkayad para dampian ng halik ang kanyang labi.
“H’wag kanang magalit. Ililibre kita.”
Nagkasalubong ng husto ang kanyang kilay, litong-lito na. Tumingkayad akong muli at hinalikan siya sa labi. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang tapang na ito kaso ayoko lang talagang galit siya sa akin.
“Sa akin ka nalang sana rumampa at dodoblehin ko pa,” aniya sa galit paring boses.
Umirap ako.
“Katuwaan lang rin naman iyon, Ken. Ang sabi mo mag-enjoy ako.”
“Pero hindi sa ganoong paraan,” giit niya.
Bumuga ako ng hininga at humalukipkip na sa kanyang harapan. Umiling siya at sinuklay paatras ang buhok.
“Alam mo, bahala ka diyan.” Itinapon ko sa kanyang dibdib ang tshirt at nagmartsa na palabas.
Siya na nga itong sinusuyo, siya pa ang galit! Bahala nga siyang magalit! Napipikon narin ako!
Nasa may pinto na ako at akma nang lalabas kaso mabilis niya ring hinila ang aking beywang at pinabalik ako sa loob. Isinara niya agad ang pinto at isinandal ako roon ng marahas kasabay ng pagtulak niya sa kanyang sarili sa akin. Ang balak kong manlaban ay tuluyang nahinto nang siniil niya ako ng malalim na halik.
“Tingin mo palalabasin ulit kita sa ganyang suot, Marione?” he growled while kissing me.
Narinig ko ang pagkalock ng pinto at kung paano dumampi ang kanyang kamay sa aking dibdib saka niya iyon minasahe.
Halos habulin ko ang aking hininga sa sobrang lalim ng kanyang atake. His tongue played with mine habang ang kanyang kamay na nakapulupot sa aking beywang ay tuluyan nang bumaba sa aking pwet at pinanggigilan iyon.
I can’t concentrate anymore. Lalo na noong gumalaw siya sa aking gitna ay mas lalo akong nawala sa aking sarili. He was grinding his thing between my thigh at sobra akong nangingilabot sa bagay na iyon! Alam kong may pinapahiwatig na ito lalo na’t ramdam na ramdam ko ang kanya.
His kisses travel on my jaw up to the side of my earlobe. Sobrang nakiliti ako nang maramdaman ko ang dila niyang nanunukso roon habang ang kanyang kamay ay tuluyan nang nahubad ang top kong bikini.
My tip hardened when he pinched it. Sobrang sensitibo na ang bawat parte ng aking katawan at halos dumugo na ang aking labi sa kakakagat lalo na’t pinipigilan ko ang aking ungol.
“Ken,” I muttered between my soft moans when his kisses went to the valley of my breast.
Shit! Hindi ko na ’to kaya! Alam kong mahuhulog na naman kami sa bagay na iyon kaso hindi ko alam kung paano siya patitigilin.
His other hand went to the side of my inner thigh. Isang tulak lang ng aking hita gamit ang kanyang paa ay naiparte niya na agad ang isa’t isa habang hinahaplos na ako roon.
Ibinaba niya lang ang natitirang saplot doon at isang apak lang ay tuluyan na iyong napunta sa sahig.
“You need a punishment for being so stubborn…” bulong niya sa paos na boses.
My eyes shut close, almost begging for something. Shit! Ano na Marione! Akala ko ba huli na iyon?!
His touch are killing me for so much anticipation! Panay lang ang paghaplos niya sa inner thigh ko at walang balak pumunta sa gusto ko! Mababaliw na ako rito!
“K-Ken!” sigaw ko sa sobrang frustration.
“Say what you want…” he said seductively.
Kinagat ko ang aking labi. Bakit ba pinapahirapan niya ako? Dahil ba ito sa nangyari kanina? Dahil hindi ko siya sinunod?
“Touch me… lower,” I pleaded.
Dumilat ako at tiningnan siya gamit ang inaantok kong mga mata. Ang kanyang mga mata ay nag-aalab na naman at sobrang lalim ng pagkakatitig sa akin.
I felt his finger between my thigh. Umawang ang aking bibig at pumakawala ng halinghing humaplos siyang muli sa ilalim ng aking hita. He watched me deeply as he stroke me. Humawak ako sa kanyang balikat at hindi na makayanan ang kanyang ginagawa.
He inserted his finger that made me cry in so much pleasure. Nasa akin parin ang kanyang mga mata, tinititigan ang aking reaksyon sa kanyang ginagawa at sobrang nangingilabot ako sa bagay na iyon. This is a torture!
Bigla siyang tumigil at kinarga ako. Ilang hakbang lang saka niya ako pinaupo sa dulo ng kama at lumuhod na sa aking harapan.
“Part your legs,” utos niya at tiningnan ang gitna ng aking hita.
Lumunok ako at dahan-dahan iyong ginawa.
“Wider, Marione,” he said firmly, tila hindi nakokontento sa pagkakabukaka ko.
Kinagat ko ang aking labi at sobrang namula nang kusa ko pang lakihan ang pagkakabukaka sa kanyang harapan. Hiyang hiya ako at gusto nang magtalukbong ng kumot!
Bago ko pa man macompose ang aking mga iniisip ay bigla nalang siyang yumuko at hinalikan ako roon. Napatukod ako sa likod at halos maitapon ang aking ulo habang nakaawang ang aking mga labi.
His tongue is just too much! His kisses is just too much! Hawak niya ng mahigpit ang bawat hita ko at sinisiguradong subsob na sobsob ang bibig niya roon habang lumalalim ang kanyang paghalik.
My mind got blank. My stomach churned. Para na akong mawawalan ng ulirat nang maramdaman kong muli ang kanyang kamay roon. Bumagsak ako sa kama at hindi na nakayanang humilig.
“Hmmm…” Ken groaned while licking me.
Nanindig ang aking balahibo at hindi nakakatulong ang kanyang ungol sa nangyayari dahil mas lalo lamang akong nahihibang. Rinig na rinig ko ang kanyang ginagawa sanhi para sumabog rin ako.
I heard him muttered some curses. Hinang hina ako at hinahabol na ang aking hininga. Ang aking mga hita ay nakaapak parin sa sahig habang bagsak na ang kalahati ng aking katawan sa kama.
Dumilat ako para tingnan ang ginagawa niya. Nakita ko itong naghuhubad ng pang-ibaba niyang saplot na ikinapikit kong muli. Mukhang masisilayan ko ulit si kamatayan.
I felt his tip between my thigh as he lowered himself on top of me. Kinagat ko ang aking labi at napahawak na sa bedsheet. Binigla niya iyong pinasok kaya ramdam kong muli ang hapdi at kirot na bumalot sa akin. It still hurts! Parang hindi masanay sanay ang akin sa kanya!
Hinawakan niya ang magkabila kong hita at hinila para ipulupot iyon sa kanyang beywang kasabay ng paggalaw niya. Umangat ang aking balakang at hindi ko na maramdaman ang kama dahil sa kanyang ginawa. Hinawakan niya ang aking beywang at siya mismo ang kumontrol noon sa bilis ng kanyang galaw while he’s meeting his own thrust.
Ken groaned like a wild animal as his speed change into a fast pace. Sa sobra niyang ingay ay tila lumabas na ang kanyang boses sa labas ng bintana na kahit ako ay nawalan narin ng pakialam kung may makarinig man.
Kapwa kami pawisan at hinihingal nang marating naming dalawa ang isang pagsabog. Buong akala ko ay tapos na iyon ngunit nang dinala niya ako sa shower at nag-umpisa ulit sa simula ay hindi na ako makatanggi. Kahit buong araw ata naming ulit-ulitin iyon ay hindi ako magsasawa. Hindi ko alam kung ano na itong nakain ko at palagi na akong handa sa kanya.
Nakahawak na ang kanyang kamay sa aking beywang habang pabalik kami sa Pool. Suot ko narin iyong puting Tshirt niya na hanggang hita ko lalo na’t imposible narin akong makapag two piece bikini dahil sa sobrang raming inilagay na marka niya ss aking katawan. Sinigurado niya talagang hindi na ako uulit sa pagrampa ng ganoon!
“Did you enjoy it?” tanong niya sa akin na akala mo laro ang ginawa namin kanina kaya nagtatanong siya ng feedback.
Namula ako at sinamaan siya ng tingin. Kinagat niya ang kanyang labi at nagpigil ng ngisi.
“Kasi ako, nag-enjoy ako. Sobra…” Inilapit niya ako lalo sa kanya at hinalikan ang gilid ng aking tainga.
Nakuryente agad ako sa kanyang ginawa kaya sinapak ko ito nang matigil tigil na siya sa pang-aakit sa akin. Ang bilis ko pa namang matablan!
“Tumahimik ka nga!” saway ko kaso ang loko-lokong ito ay ginaya pa ang kibot ng aking bibig.
“Bwesit ka!” Mas pinaliguan ko siya ng sapak habang naglalakad kaming dalawa.
Humalakhak si Ken at hinuli ang aking mga kamay. I hate him! Alam na alam niyang hiyang hiya na ako ay aasarin pa talaga ako ng husto.
“Touch me, lower…” Ginaya niya ang aking boses sanhi para mamilog ang aking mga mata.
Inabot ko ang kanyang buhok at sinabunutan iyon. Pumikit ang isa niyang mata habang hindi parin nabubura ang ngisi.
“Ow… That hurts…” Hinawakan niya ng aking pulso at ibinaba iyon.
Umirap ako at humalukipkip. Kaya talaga pinagsisisihan ko rin iyon dahil alam kong gagamitin niya iyong pang-asar pag nasa tamang huwisyo na kaming dalawa.
Inakbayan niya ako at isinubsob sa kanyang dibdib na topless parin saka niya ako pinatakan ng halik sa aking ulo.
“Mag-overnight kaya tayo?”
Doon ko napagtantong may trabaho pala ako ngayon! Halos dalawang oras kaming nawala at pati ang pag-uwi ay nawala narin sa aking utak! Eh wala nga akong planong mag overnight dahil kasama ko rin si Lucas.
“Paano ang trabaho ko?” Bumusangot na ako ng husto habang tinitingala siya.
“Sasabihan ko si Ate Demi na excuse ka muna dahil may ginagawa tayong importante.” Ngumisi siya sa akin ng makahulugan.
“Anong sinasabi mong importante, baliw! Edi mapapagalitan ako ni Sir Wayt.” Umirap ako.
Nagkibit siya. “He won’t.”
Sandali muna akong nag-isip. Useless rin kung papasok pa ako dahil kaninang 4pm pa dapat eh. Baka masesante ako nito dahil hindi man lang ako nagpaalam ng advance.
“Nag-eenjoy ako dito. Uulit pa tayo mamaya-”
Pinaliguan ko siya muli ng sapak na ikinahagalpak niya ng tawa. Masisiraan na talaga ako ng bait sa manyak na ito! Eh ang sakit sakit pa nga at gusto niya na naman ulit?!
27th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Pineapple Juice
Pagdating namin sa pool ay natanaw ko agad si Lucas kasama si Eunecia na tumatawa. Nilapitan ko ang dalawa lalo na’t hindi na mahitsura ang mukha ng aking kapatid.
“Napano ’yan? Anong ginawa mo?” tanong ko kay Eunecia at sinundan ng tingin ang kapatid kong inangat na ni Ken saka ito kinarga.
Humagalpak si Eunecia, tuwang-tuwa.
“Tinukso ko siya na crush niya iyong babae! Sabi ko girlfriend niya!” Itinuro niya iyong 2 years old lang ata na nasa may mushroom at tuwang tuwa sa tubig na nahuhulog.
“Loka-loka ka talaga. Wala naman siyang alam sa ganyan. Nabubwesit ’yan sa’yo dahil ang ingay mo,” sabi ko.
“Ang suplado ni Lucas, Aioni! Pakiramdam ko nga ay sasapakin na ako!” Namilog ang kanyang mga mata at tinanaw si Lucas na dinadala na ni Ken doon sa malaking pool.
Bumalik rin naman ang kanyang mga mata sa akin at nagawa pang tingnan ang aking suot.
“Oh? Nakapagbihis kana ata? At bakit ang tagal niyo?” Ngumisi agad siya ng makahulugan.
Umirap ako at tumalikod na, gusto nalang takasan ang mga mata niyang may pinapahiwatig.
“May ginawa kayo ’no?” Humabol si Eunecia sa akin.
“Tigilan mo nga ako!” Namula ng husto ang aking mukha sa kanyang paratang.
Inamoy-amoy pa ako ni Eunecia habang naglalakad kami kaya halos bilisan ko ang aking paglalakad matigil lamang siya.
“Amoy lalake ka ah! Dikit na dikit ka ba sa boyfriend mo at lumipat narin sa’yo. Marupok!” Tinusok ko ang kanyang tagiliran kaya natatawa akong tumawa makalayo lamang.
Humabol si Eunecia sa akin. Nasa may 5ft na si Ken habang si Lucas naman ay nasa kanyang likuran at doon nakakapit sa kanya habang lumalangoy ito.
Umupo ako sa gilid ng pool at hinayaang bumabad ang aking mga hita. Si Eunecia ay mukhang nakalimutin narin akong asarin dahil sa mga lalakeng nakatopless na halos ikinaningning ng kanyang mga mata.
Napatalon ako nang may malamig na kamay ang humawak sa aking binti. Ibinalik ko ang tingin sa harap at nakita ang nakangising mukha ni Ken.
“Let’s swim.” Hinawakan niya ang aking hita at hinihila na ako papunta sa kanya.
Umiling agad ako at bahagya siyang itinulak.
“Hindi ako marunong lumangoy!” sabi ko.
“Hahawakan naman kita.”
“Ayoko!”
Ken chuckled and pulled me more. Tumili ako nang tuluyang malaglag sa tubig ngunit mabilis niya rin namang hinawakan ang aking beywang para mapanatiling nakalutang.
Yumapos agad ang aking mga kamay sa kanyang leeg. Tumawa pa si Lucas sa kanyang likuran lalo na’t naroon rin siya nakakakapit.
Natanaw ko rin ang mga kaibigan niya sa dulo na may mga kausap na babae. Nailing na lamang ako. Kaya rin siguro ang playboy nitong si Ken dahil mga ganoon rin naman ang kaibigan niya. Nahawaan ata ito eh.
Sobrang nag-enjoy si Lucas ng araw na iyon dahil halos ayaw niya nang umalis sa tubig kahit gabi na. Sobra siyang naaaliw sa ginagawa ni Ken na lumalangoy pa sa malalalim habang naroon parin siya sa kanyang likod.
“Marunong palang tumawa ng malutong si Lucas? Sa sobrang suplado niya akala ko di na marunong eh,” ani Eunecia habang umuupo na lamang kami sa gilid ng pool at nanonood sa mga lumalangoy.
“Pag kasama niya si Ken masaya siya,” sabi ko.
“Paano pag nagbreak kayo?” biglaan niyang sabi kaya nilingon ko ito.
“Hindi kami magb-break,” depensa ko agad.
Ngumisi siya sa akin. “Ang tapang mo na ah? Hindi naman halatang inlove na inlove ka ’no?”
Umirap ako at sinulyapang muli sina Ken at Lucas na kapwa naghahalakhakan. Hindi lang naman loob ko ang nakuha ni Ken kundi pati narin sa kapatid ko. Alam kong masasaktan siya pag sakaling… umabot nga kami sa ganoong punto ni Ken. Pero sisiguraduhin ko naman na hindi kami mahuhulog sa ganoon. I love him… Gusto ko, siya na ang kasama ko palagi, kahit habangbuhay ay payag ako.
Hindi natuloy ang gusto ni Ken na overnight lalo na’t nagyaya narin akong umuwi. Walang kasama si Mama sa bahay at nag-aalala ako dahil hindi naman ako nakapagpaalam na mag-oovernight kami. Hindi ko rin nasabing isasama ko si Lucas at baka hanapin niya rin.
Hinatid narin namin si Eunecia sa kanila dahil mukhang pati ito ay napagod dahil nakatulog agad sa back seat. Pagkatapos namin siyang ihatid ay dumeritso rin agad si Ken sa aming bahay.
Natapos narin ang klase. Ang tanging inasikaso namin ni Eunecia ay ang clearance namin lalo na’t pahirapan ring makapagpapirma sa mga teacher.
“Nakakabwesit si Sir Magno! Akala mo kung sinong artista at nagpapahabol pa para lang sa pirma!” Reklamo niya habang pumapadyak sa paglalakad dahil sa galit.
Tiningnan ko ang sarili kong clearance. May limang kulang pa ako at ganoon rin ang aking problema. Pinapahabol rin kami ng mga teachers.
“Ba’t hindi nalang nila pirmahan agad?! Bakit kailangan pa tayong pahirapan!”
Puputok na ata ang kanyang kilay sa sobrang galit. Kumpara kasi sa akin, iyon nalang ang kanyang kulang at noong nakaraang araw niya pa hinahabol si Sir Magno na hindi niya natityempuhan dito sa eskwelahan.
Nagvibrate ang aking cellphone kaya ngumisi agad ako at nakalimutan ang pag-aalburoto ni Eunecia. Dinukot ko iyon at tiningnan ang text ni Ken.
Ken: Tapos na ang pagpapaclearance mo?
Nagtipa agad ako ng mensahe.
Ako: Hindi pa. Nakikipaghabulan pa kami sa mga teacher.
“Sana niyaya nalang ako ni Sir na makipaglaro eh mukhang ako ata itong taya at pinagtataguan niya ako!” Mas lalong nag-alburoto si Eunecia, halos sipain na iyong bato na nadaanan niya.
Ngumisi lamang ako sa kanya at ibinalik ulit ang tingin sa aking cellphone dahil sa reply ni Ken.
Ken: Okay. Saan mo gustong kumain mamaya?
Half day lang rin kasi ngayon at babalik ulit bukas para magpapirma ng clearance. Mukhang hindi ko na naman ito matatapos kaya bukas nalang ulit.
Ako: Ikaw bahala. Isama natin ni Eunecia. Ang init ng ulo niya.
“Ba’t ang chill chill mo ata? Eh lima pa iyang kulang mo ah.” Pinuna niya na talaga ako.
“Nagtext si Ken. Kakain kami. Sumama ka nalang nang mabawasan yang stress mo.” Tumawa ako sa kanya.
Unti-unti namang kumalma ang kanyang mukha nang marinig ang aking sinabi.
“Ang sarap naman ata ng buhay mo. Wala ka na ngang bagsak, may boyfriend ka pa.”
Tumawa lang ako lalo sa kanyang mga lintanya.
“Ganoon talaga pag nasa tamang tao ka, di ka naiistress,” sabi ko.
Umirap siya sa akin at mukhang naririndi na dahil sa mga linya ko tungkol sa pagiging inlove ko kay Ken.
Nakasalubong namin si Audrey na nakatingin rin sa kanyang clearance at tila namomroblema. Nang makita ako ay awtomatiko agad na tumaas ang kanyang kilay.
Nandito na naman ang bwesit na ito. Akala mo kung sinong inagawan at ako ang pinag-iinitan!
Si Ken ang tagasundo sa amin sa mga araw na sobrang busy kami ni Eunecia sa aming clearance. Palagi itong nanglilibre na nakakapagpakalma sa init ng ulo niya. Kaya noong napirmahan ni Sir Magno ang kanyang clearance ay halos lumipad na ito sa sobrang saya. Natapos ko rin naman iyong akin sa sumunod na araw kaya naging kampante rin ako noong Summer na.
Natuwa ako noong wala nang pasok dahil ako na ang nagbabantay kay Lucas sa bahay. Si Mama naman ay hindi talaga matigil-tigil sa pangangapitbahay at uuwing lasing.
Tapos narin ang pasukan nila Ken kaya araw-araw ay nasa bahay rin ito at nagdadala ng kung ano-anong pagkain. Siya ang rason kaya palaging puno ang ref namin ng kung ano-ano eh.
Noong sumapit ang birthday ko noong March 10 ay naghanda lamang ako ng kaonti sa bahay. Wala naman akong mga kaibigan sa kapitbahay kaya hindi na ako masyadong gumastos. Inimbita ko lang si Eunecia pati si Ken na may dala pang regalo sa akin.
Binigyan niya ako ng kwintas na may pendant na paro-paro. Binibiro pa ako ni Eunecia na hoholdapin niya raw ako at iyong bracelet ’tsaka kwintas ko raw ang kanyang pupuntiryahin dahil gold kuno.
May pa cake rin naman sa Restaurant noong birthday ko. Binati ako nila Ate Demi, Angie, mga chef, si George at iyong iba pang mga empleyado na hindi ko masyadong close. Sa cake naman ay nakalagay ang bati sa akin ni Sir Wayt na pinag-initan pa ni Ken at ayaw niyang kumain ako noon. Pati kaibigan niya pinagseselosan!
“Happy birthday, Aioni. Ang tagal mo namang mag 18. May naaatat na.” Tukso sa akin ni Ate Demi at humagalpak pa.
Ngisi nalang ang naisagot ko kay Ate Demi. Alam ko namang alam niya eh at feeling ko pati si George ay naghihinala narin dahil panay rin ang titig niya sa akin sa tuwing nasa VIP si Ken at ako ang nagseserve roon. Ewan ko, wala naman siyang sinasabi pero naguguilty agad ako.
Ang wish ko sa araw na iyon ay sana magtuloy-tuloy ang saya at magtagal kaming dalawa. Hindi na ako hihiling ng karangyaan, katulad ng hinihiling ko sa tuwing birthday ko at sa pagkakataong ito ay humiling ako para sa sariling kasiyahan. Wala naman sigurong masama kung isantabi ko muna ang una kong pangarap ’di ba? Minsan lang rin naman ako maging masaya kaya gusto kong sulitin at humiling na sana ay panghabang buhay na.
Wala naman kaming naging problema sa 1month namin ni Ken. Wala parin namang nagbabago at mas lalo lang talaga siyang nagiging manyak. Minsan ay natatawa nalang rin ako dahil maski ako ay hindi talaga marunong umayaw.
Hinalik-halikan niya ako habang nakasandal ako rito sa pader sa loob ng kusina.
“Teka, Ken! Baka pumasok si Lucas dito at makita tayo!” Huminto ako sa paghalik ngunit bumaba lamang ang kanya sa aking leeg na ikinasinghap ko dahil narin sa mga kamay niyang namimisil na sa aking dibdib.
“He’s playing… Busy si Lucas sa iPad niya,” aniya at ramdam ko pa ang kanyang ngisi.
“Iyon pa ang purpose ng pagbigay mo ng iPad sa kanya?!” Hinanap ko ang kanyang mga mata kaso napunta na ang kanyang atensyon sa gilid ng aking tainga at doon ako hinalik-halikan habang ang isang kamay ay dumaosdos naman sa aking pwetan.
He chuckled on my ear. Nakuryente ako roon at napakapit nalang sa kanyang balikat.
Naeechapwera na ni Lucas ang iba niyang mga laruan pati na iyong regalo ni Ken sa kanya na malaking kotse at nasasakyan niya dahil masyado siyang inispoil nito. Ang sabi ko ay tigilan niya na ang kakabili at baka inuubos niya na ang kanyang allowance o iyong sweldo niya sa part time job niya sa Restaurant kaso ang hinayupak ay ngingisihan lang ako at sasabihing gusto niyang nagwawaldas ng pera para sa amin.
Okay sana kung sobrang yaman nila kaso hindi! Nakikikapit pa nga siya riyan sa kaibigan niyang si Sir Wayt at pinapagamit siya ng kotse pero hindi naman habangbuhay na kanya iyon ’di ba? Ang spoiled niya rin talaga kay Sir eh.
“Masyado kana atang inispoil ni Sir at pati bago niyang kotse ay pinapahiram niya parin sa’yo,” sabi ko nang sunduin niya ulit ako sa trabaho ng Sabado ng gabi.
Ngumisi siya at hindi na gaanong nagkomento. Sa tuwing napag-uusapan namin ang ganitong bagay ay tikom ang kanyang bibig kaya naiwawala rin agad namin ang topic.
Pinindot ko ang stereo at sumabog agad ang isang kanta na may nakakaindak na beat. Naalala ko bigla iyong pinasukan naming bar.
Nilingon ko si Ken at nginisihan. Kunot-noo naman siyang napasulyap sa akin.
“Saan kana naman pupunta?” tanong niya sa akin.
Humagalpak ako ng tawa. Iyong huli kasi gumanito ako ay nagyaya akong magroadtrip. Pinagbigyan niya naman ako. Ang sarap palang magroadtrip tuwing gabi at puro street lights ang nadadaanan mo idagdag pa ang chill na kanta sa stereo.
“Punta tayo sa 3DBar,” sabi ko.
Nagkasalubong ang kanyang kilay.
“You’re not allowed to drink, Marione,” matigas niyang tugon na ikinasimangot ko.
“Purket magbaBar iinom agad?! Di pa pwedeng… gusto kong sumayaw?”
Nanlaki ang kanyang mga mata. Ngumisi ako sa kanya lalo.
“Tara!”
“Hindi pwede. Anong sasayaw?”
“Noong huli ko kasing punta roon ay sobrang saya! Bawal bang maexperience? Eh ikaw nga labas masok ka pa roon! Gusto ko ring mag-enjoy!”
Hindi nabubura ang iritasyon sa kanyang mukha kaya hinaplos ko ang kanyang braso na halos magpagulat sa kanya.
“Sige na… Mabilis lang naman. Umuwi agad tayo. Hindi ako iinom ah!”
Tiningnan niya akong muli.
“Maraming lalake roon,” giit niya.
Nandiyan na naman iyang pagiging seloso niya! Eh hindi naman ako pupunta roon para lumandi at mang-akit! Feeling niya ba lahat ng lalake ay may balak na agawin ako sa kanya?
Napugto agad ang pasensya ko sa pangungumbinsi sa kanya. Humalukipkip nalang ako at hindi na umimik. Ang laki talaga ng problema niya pagdating sa mga matataong lugar. Feeling niya naman magpapaakit ako? Eh patay na patay na nga ako sa kanya at stiff neck ata ang labas ko pag lumingon ako sa iba!
Ginulo niya ang kanyang buhok at iniliko na ang manibela. Ngumuso agad ako, nagpipigil ng tawa pero hindi ko talaga nakaya at napahagalpak na ako.
“Ikaw naman ang isasayaw ko!” sabi ko sa kanya kaso ang talim na ng tingin sa daan.
Ang suplado rin talaga nito minsan! Inabot ko ang kanyang pisngi at kinurot kurot iyon kahit na gusto niyang hawiin ang aking kamay.
“Ang seloso naman ng boyfriend ko…”
“Stop it,” malamig niyang sabi at kinuha ang aking kamay kaso hindi ako nagpaawat sa pangungurot.
“Ang seloso mo. ’Yan ba ang nangyayari pag 21 na? Masyado nang seryoso sa buhay dahil tumatanda na?”
Mas lalo ata siyang nainis sa aking sinasabi dahil sa paniningkit ng kanyang mga mata. Umayos ako ng upo at nagpasyang maglipstick nalang na akala mo ay hindi ko siya napikon ng husto.
“Hindi pa ako matanda,” giit niya.
Tumango naman ako at ibinaba iyong salamin.
“At masyado pa akong bata,” sabi ko habang binubuksan iyong takip ng aking lipstick.
I can feel his frustration. Sobra akong nag-eenjoy sa kanyang ekspresyon at nagawa ko pang sabayan iyong kanta na Toothbrush by DNCE. Iyon ang madalas na tumutugtog sa kanyang stereo kaya nakakabisado ko narin.
“Coz I just… I just… can’t let you go… Will you, give me something I never know…” Sabay kindat sa kanya na ikinahalakhak ko rin dahil sa naging reaksyon niya sa marahang pagsuklay ko ng aking buhok habang sumasayaw ng kaonti sa beat.
Nakita ko ang paglabas ng kanyang ugat sa braso, tila kinokontrol ang sarili at ang paghinga niya ng malalim sabay hawi ng kanyang buhok.
“Stop seducing me or else titigil tayo sa gita ng daan,” aniya habang binubuksan ang dalawang botones ng kanyang polo.
Umirap ako ng patawa at nagconcentrate nalang sa paglalagay ng lipstick. Sa kanya ko lang rin naman natutunan ang mga ganyan ah? Ang sarap rin kasing asarin!
Noong nakarating kami sa bukana ng 3DBar ay naexcite agad ako. Buti nalang talaga at medyo maganda ang nasuot kong midi dress na above the knee at kulay black iyon habang nakatali ng mahigpit sa aking likod. Nakalugay ang aking buhok at litaw na litaw ang aking malalalim na collarbone dahil sa square neckline noong bandang collar.
Nakapasok ulit ako nang hindi sinisita nang makita ng mga bouncer ang kasama ko. Ang cool talaga! Ano kayang code ang nandito?
Katulad noong unang pasok ko ay sumalubong agad sa akin ang ingay ng paligid. Sobrang lakas ng beat ng isang kanta at sumisigaw pa ang iilan masabayan lamang iyon.
“Ken!” May tumawag agad sa kanya.
Ilang sandali lamang ay nakarating rin ang lalake sa aming harapan.
“Himala at napadpad ka?” Tumawa iyong lalake at napunta sa akin ang tingin. “Oh… Kaya pala.”
“Saglit lang kami,” sabi ni Ken at nakipag-apir pa sa kanya.
Gumala ang aking mga mata at napapansin kong may babae nang nakatingin sa akin kahit sobrang dim ng paligid at naglilipana pa ang mga neon lights sa bawat sulok ng Bar. Amoy na amoy ko ang matamis na pabango at ang lamig noon kaso ramdam ko rin ang talim ng tingin sa akin ng iba.
Marami ang tumatawag kay Ken habang naglalakad kami patungo sa counter. Ang kanyang kamay naman ay mas humihigpit sa aking beywang at sinisiguradong hindi ako makakaalis sa kanyang tabi.
“Hi Ken!” May kung sinong babae ang kumaway sa kanya na tinanguan niya lang at ngumisi ng kaonti.
Ngumuso ako at napairap doon. Umupo ako sa stool habang siya naman ay humilig sa counter.
“1 beer please,” order ko roon sa bartender na tila nagulat pa sa aking imahe.
Umiling si Ken sa kanya.
“Pineapple juice lang,” sabi ni Ken na ikinabusangot ko.
Lumapit siya sa aking tainga at binulungan ako roon dahil masyadong maingay.
“Pag naglasing ka, sa kama ang bagsak nating dalawa,” saka niya ako pinatakan ng halik doon.
Ang unfair ha! Eh kahit hindi nga ako naglalasing bumabagsak parin kami roon!
Hindi sinunod noong bartender ang aking sinabi at naglapag ng Pineapple juice sa aking harapan. Ngumisi si Ken nang makita ang ekspresyon ko na natamaan pa ng neon light. Niyakap niya ako sa aking likuran at hinalikan ang aking pisngi. Tumagilid ang aking ulo at nakabusangot na inangat iyong baso saka ako uminom.
“Hi Ken! I heard what you did to Krisha and her friends! Why are you so mean all of a sudden?” May babaeng humalakhak sa kanyang gilid.
Dumungaw ako roon at nagkasalubong agad ang aming mga mata. Nagulat siya at ibinalik ang tingin kay Ken na ngumisi lamang.
“Oh… Is that…”
“Girlfriend,” si Ken na mismo ang dumugtong.
Nagpaalam rin naman agad iyong babae. Sinundan ko pa ito ng tingin at tinaasan ng kilay si Ken na nagkibit lang. Ang raming babae ah! Pero ano raw? Anong ginawa niya sa mga kaibigan niya?
Sumabog muli ang isang kanta kaya niyaya ko siyang sumayaw roon. Nailing siya habang ngumingisi lalo na’t panay ang aking pagtawa.
Hinila niya lamang ako at idinikit sa kanya. Ang isa niyang kamay ay nasa aking beywang, nakapulupot habang ang isa naman ay nasa aking pwetan. He kissed me tenderly habang nalalasing pa ako sa tugtog at gustong sabayan ang beat.
Magaling sumayaw si Ken sa dancefloor at hindi ko maiwasang mamangha. Kaya siguro madalas siya rito dahil marami siyang naaakit sa ganyang moves niya!
“Ken is back in the house! Welcome back, lover boy!” sigaw ng DJ sa mikropono na mas ikinaingay ng kabuaang Bar.
Maraming humiyaw habang si Ken ay niyayakap ako sa aking likuran at ayaw akong pakawalan. Nakikiliti pa ako sa kanyang tawa sa aking tainga.
Ganito pala siya kasikat dito? Ginawa niya ba itong bahay at araw-araw ay nandito siya noon?
Hinila rin naman ako paalis doon ni Ken dahil masyado naring crowded. Sa bawat nadadaanan naming couch ay binabati siya at binibigyan noong maliit na inumin with lemon.
“Ipakilala mo naman kami sa babaeng nagpabaliw sa’yo ng husto!” sigaw noong lalake na hinintuan naming couch.
“H’wag na. Sa akin nalang ’yon.” Tumawa si Ken at ibinalik iyong maliit na baso na wala nang laman. Sinipsip niya iyong lemon habang ang isang kamay ay nasa beywang ko parin.
“So possessive!” Tumawa iyong isang lalake na kumikinang pa ang earrings sa bawat pagtama ng lights.
“Ang raming umiyak na babae noong nalaman nilang taken na ang chic magnet at ultimate playboy sa magpipinsang-”
“Stop it, man!” Tumatawang binara ni Ken iyong isa pang lalake at nag-apir nalang sila.
Ako ang nahihilo sa dami ng bumabati at nakikipag-usap sa kanya! May mga babae pang ngumingiti pag kay Ken nakatingin pero pagdating sa akin ay bubusangot agad.
Lumabas rin naman kaming dalawa at nahulog rin sa kanyang kotse habang hinahalikan niya ako ng matindi sa front seat. Nakababa na ang upuan at dikit na dikit ako roon dahil nasa ibabaw ko si Ken at mukhang may binabalak na naman.
“You shouldn’t grind like that…” aniya habang ang halik ay bumabyahe na sa aking leeg.
“Ikaw rin kaya!” Nakagat ko ang aking labi nang dumako ang kanyang kamay sa gitna ng hita ko. Shit!
“A-Ang raming babaeng p-pumapansin sa’yo doon!” Isinaboses ko iyon kahit hirap na hirap ako dahil sa kanyang ginagawa. Ang kanyang halik ay nasa aking dibdib na at tuluyang naibaba ang aking damit.
“Stop worrying… Itatali rin naman kita sa akin. Ikaw lang ang babaeng luluhuran ko at susuotan ng singsing,” he chuckled at isang hawi lang sa telang sagabal sa aking gitna ay naramdaman ko na agad ang kanyang kamay roon.
Nawala agad ako sa sensasyon at tuluyang nadala sa init ng katawan. Iwas-iwasan ko kaya ang pineapple juice at mukhang pinapalasing ako?
28th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Awang Awa ako Sa’yo
Ang tawag agad ni Eunecia sa umaga ng Linggong iyon ang bumungad sa akin pagka gising ko. Sobrang ingay ng aking cellphone at akala ko kung si Ken.
“Good morning! Kumusta? Hiwalay na ba kayo?” Bungad niya sa akin nang sagutin ko iyon.
“Bababaan kita gaga ka!” Umirap ako na ikinahagalpak ng kanyang tawa.
“Oh? Kayo parin? Ang laking achievement niyan ah! Wala ka bang palechon?”
“Sige maligo kana at nang maihaw kita.”
“Kung makapagsalita akala mo walang utang sa akin! Baka nakakalimutan mong utang mo sa akin ang ulo mo?”
Nahipo ko ang aking noo at tamad na humilig sa headboard ng aking kama. Pumasok naman si Lucas sa aking kuwarto, nakapajama pa at nagtungo roon sa drawer ko para kunin ang kanyang iPad.
Tumabi siya sa akin at sumandal sa aking gilid kaya niyakap ko ito.
“Palagi parin kayong magkasama? Di siya nanlalamig?” tanong niya sa akin.
Bakit ba hanggang ngayon ay pinagdududahan niya si Ken? Eh binansagan na nga itong lover boy sa 3DBar. A playboy that turns into a loverboy ika nga nila.
“Tigilan mo nga ang kakaisip ng kung ano-ano kay Ken. Palagi kaming magkasama at alam ng lahat na taken na siya,” pagmamayabang ko.
“Ah… Palaging magkasama. Edi palagi rin kayong nasa kama?”
Namula agad ang aking pisngi at naisip ang nangyari kagabi sa loob ng kotse.
“Natahimik ka? Totoo ’no?! Ang rupok mo! Pag ikaw nabuntis…”
Doon ko napagtantong walang gamit na proteksyon si Ken sa tuwing ginagawa namin iyon. Pero hindi naman ako nangangamba. He’s you know… expert.
“Expert siya,” mahina kong sabi at bahagyang tinatakpan ang tainga ni Lucas kahit wala naman itong maiintindihan.
Humagalpak siya sa cellphone. Napikon agad ako dahil parang iba na iyang iniisip niya.
“May pinaglalagyan pa naman ang marurupok. Pero sabagay, parang may kaya naman si Ken. Mabubuhay niya kayo ng baby niyo.”
Kinilabutan ako roon. Pero imposible namang mabuntis ako eh sumasakit na nga ang puson ko at mukhang dadating na ata ang period ko.
“Tumahimik ka nga Eunecia.”
“May nalaman kasi ako at napuyat ako kakastalk sa fb ni Ken… Iyong Justin Ken niya. Ano nga palang apelyido ng boyfriend mo?”
Sandali akong napaisip. Ano nga ulit ’yon?
“Ewan… Wala ata siyang apelyido,” tanging sagot ko.
“Jusko! Pati apelyido di mo alam?! Ikaw lang ata itong nagboyfriend ng lalakeng unknown! Paano kung kasali pala iyan sa malaking sindikato? O baka galing sa angkan ni Barac Obama?”
“Nababaliw kana Eunecia!” Dumilat ang aking mga mata at nai-stress na sa kanyang pinagsasabi.
“Eh napansin ko sa fb niya ang madalas nagcocomment ay iyong Delafuente ba ’yon? Ang rami nga eh. Nagstalk rin ako sa instagram, nagbabakasakaling may social media rin sila doon at meron akong nahanap na isa! Feeling ko mga pinsan niya ’yon…”
Delafuente? Ba’t parang familiar… Parang nakita ko na ’to sa kung saan pero di ko lang matandaan.
“Ang alam ko only child lang ’yon,” sabi ko.
“Kung tama ang hinala ko na mga pinsan niya iyong panay comment sa facebook niya ay mayaman talaga iyang si Ken. Ang gagara ng mga post sa ig! Panay ang punta sa ibang bansa at may kanya kanya pa atang mga kotse! Tapos ang gugwapo rin ng mga lalake niyang pinsan! Nahiya nga ako noong istalk ko iyong isang babae sa ig. Parang may dugo nang maharlika! Nakalimutan ko lang ang pangalan eh.”
Napaisip ako saglit kung may nakwento ba sa akin si Ken na may mga pinsan ito kaso kahit anong halughog ko sa aking isipan ay wala akong mahanap na ganoon at puro kalandian lang naman ang lumalabas sa bibig noon.
“Baka friends niya lang na mga sosyal rin,” sabi ko.
“Hindi eh… Nandoon kasi siya sa bawat pictures. Gamitin mo kasi iyang ginawang social media ni Ken sa’yo at may ediya ka naman sa binoyfriend mo! Ibigay mo nalang kaya si Ken sa akin total may mas alam pa ata ako sa kanya?”
Umirap agad ako. Purket nangstalk lang? Nakita ko narin ang mga kaibigan ni Ken at mga rk talaga iyon. Baka sila lang ang napagkamalan niyang mga pinsan ni Ken.
“Baka nagkakamali ka lang. Itigil mo na nga ’yang pang-estalk mo!”
“Bakit ayaw mong tanggapin na baka ay mayaman sila Ken? Ayaw mo niyan… Eh pinapangarap mong magkaboyfriend ng mayaman ’di ba?”
Bumuntong ako ng hininga at tiningnan ang nilalaro ni Lucas sa kanyang iPad.
“Isipin mo ngang mabuti… Iyong mga regalo niya sa’yo mga totoong gold ’yan pustahan tayo.”
“Eh may part time job siya-”
“Ba’t hindi mo isangla iyang mga regalo niya nang malaman natin kung magkano ang halaga? Mahal ang mga gold na alahas, Marione! Akala ko ba baliw ka sa mga mamahaling bagay? At idagdag pa ang kotse niya. Sige sabihin nating kay Sir Wayt iyon pero nagmamaneho siya ibig sabihin may lisensya sya. At bakit magkakalisensya siya kung wala pala siyang kotse ’di ba? Heto pa! Wag ka munang sisingit!”
Natikom ko agad ang aking bibig lalo na’t binabalak ko sanang umapila.
“Nakita ko sa ig noong babae na inistalk ko noong Christmas at New York ay nasa Canada sila. Naroon rin si Ken at nakaakbay sa mga lalake na feeling ko ay mga pinsan niya! Hindi lang sila may kaya, Marione… Mayamang mayaman sila dahil kung totoo na Delafuente nga siya, ibig sabihin ay may koneksyon siya roon sa Donya na nagmamay-ari ng malaking eskwelahan at mamahaling sasakyan! Sa sobrang rami ng nalilink na business sa mga Delafuente di ko alam kung ilang milyon milyon ang kinikita ng angkan nila. May hospital, may condo units, Restaurants at kompanya sa ibang bansa, Bar…”
Nanindig ang aking balahibo. Sumasakit ang aking ulo at nahihilo ako sa kanyang pinagsasabi. Mariin akong pumikit at hindi alam kung maniniwala ba o ano. But that’s too much! Mga maharlika na ata ang ganoon!
“Tumahimik kana nga… Baka nagkakamali ka lang,” sabi ko habang nakapikit parin.
“Pustahan ulit? Pag mayaman si Ken mga paa ko naman ang puputulin mo!” Humagalpak siya sa kabilang linya.
“Bahala ka riyan. Noong huling nagbitaw ako ng salita ay naging totoo lang…”
“Maniwala ka nalang kasi! Ba’t hindi mo tanungin si Ken sa mga sinabi ko? Kumpirmahin mo.”
Kumalabog bigla ang dibdib ko. Kung mayaman sila… Ano naman ngayon ’di ba? Pero natatakot lang talaga ako dahil alam ko namang pangit ang naging first impression niya sa akin. Isa akong manggagamit at halatang gold digger. Natatakot ako na siya mismo ang manghusga sa akin.
“May tanong pa ako.”
“Ano?”
“Iyong pera… Nabalik mo na ba roon sa hulog ng langit na lalakeng sinasabi mo?”
Oo nga pala… Isa rin iyon!
“Hindi pa.” Kinagat ko ang aking labi at para nang mababaliw sa mga pinagsasabi nitong si Eunecia.
“Ibalik mo na! Baka diyan ka pa magkaproblema!”
“Paano ko ibabalik eh hindi na nagpapakita iyong lalake sa Restaurant?”
“Hagilapin mo! Baka pag nalaman ni Ken iyang deal at ginastos mo ang pera isipin pa noon na ginamit mo talaga siya.”
“Oo na! Ibabalik ko na! Tumahimik kana nga! Sumasakit na ang ulo ko sa pinagsasabi ko sa’yo.”
Tumawa siya roon.
“Buntis ka lang ata eh…”
Pumintig na ang aking ulo sa sobrang gigil ng mga paratang ni Eunecia sa akin. Sa aking inis ay binabaan ko siya ng tawag. Gaga talaga! Eh parating na ang period ko tapos sasabihin niyang buntis ako? Baka nga bukas ay dinudugo na ako dahil panay sakit na ng puson ko.
Hindi pupunta si Ken ngayon dahil nagpaalam iyon sa akin kagabi na may pupuntahan daw siya. Tumango naman agad ako dahil sinabi niya sa akin iyon habang nasa gitna kami ng… at ayon di ko na tinanong kung saan deri-deritso tango nalang.
Nagmuni-muni ako sa araw na iyon. Siguro nga ay may kaya sila Ken. Pansin ko rin kasi naka iPhone na iyon eh. Pero malay mo naman naipon niya iyon sa kinikita niya sa part time job niya sa Restaurant ’di ba? Sobrang familiar rin talaga sa akin iyong Delafuente kaso hindi ko lang talaga alam kung saan ko hahagilapin sa utak ko ang bagay na iyon.
Pagod ako buong araw. Napasobra ata kami kagabi at ngayon ko lang nararamdaman ang pananakit ng balakang ko! Sobrang nakakahawi rin naman kasi ang mga posisyon ni Ken! Dapat siguro isuggest ko sa kanya na magpahinga muna kami sa ganoong bagay? Kahit mga ilang month lang?
Lumabas ako ng bahay at nagpasyang bumili ng ulam namin ni Lucas. Nanggigil na naman ako nang may mamataang isa sa mga tsismosa rito noong pabalik na sana ako.
“Aioni!” tawag ni Aling Syntia sa akin, isa sa mga notorios na tsismosa rito.
Bumagal ang aking paglalakad at nilingon ito. Tinawag pa talaga ako eh nabubwesit ako sa mga tsismosang kagaya niya.
“Po?” Ngumiti ako ng tipid sa kanya.
“Balita ko ang yaman yaman mo na ah? Ang swerte mo naman at nagka boyfriend ka ng mayaman!”
Parang puputok ang ugat sa aking ulo sa sobra kong pagpipigil na h’wag magalit. Kung ano napuno masasapak ko talaga ang bunganga nito.
“Hindi naman-”
“Sus! Ikaw talaga! Eh ang rami ngang pera ni Mercy! Panay ang pagsusugal at ang laki pa ng tinataya! Balato naman diyan!” Tumawa siya ng pabiro sa akin kaya ngumisi lang rin ako.
“Sige po, aalis na ako,” sabi ko at deri-deritso nang lumakad pabalik sa bahay dala dala iyong supot na binili kong ulam.
Nagsusugal si Mama? At maraming pera? Saan naman iyon kukuha ng pera? Eh imposible namang binibigyan iyon ni Ken eh di nga sila nagkakaabot sa bahay.
Hindi ko nalang iyon masyadong binigdeal dahil alam ko naman ang ugali ng mga tao rito, ang hilig magkalat ng mga balitang hindi totoo!
Lunes. Pumasok ulit ako sa Restaurant. Makahulugan agad ang tingin sa akin ni Ate Demi at parang may something doon lalo na’t nakakailang sulyap na sa akin.
Nagbihis ako ng uniporme at lumabas rin habang inaayos ang buhok kong naka bun na. Nagawa ko pang humikab at nakasalubong ulit ang mga mata ni Ate Demi. Umayos ako at pinunasan ang kaonting butil ng luha dahil sa aking paghikab.
“Kailan daw uwi ni Ken?” tanong bigla ni Ate Demi sa akin nang magawi ako sa counter.
“Ah… Di ko po alam eh,” sabi ko kasabay ng pagsulyap sa akin ni George, makahulugan na naman ang tingin.
“Ah… Sige, hintayin mo nalang,” sabi ni Ate Demi sa concerned na tono.
Tumango ako at nagpasyang maglinis na ng mga table. Namataan ko pa si Angie na may kakaiba ring sinisenyas sa akin at itinuturo ang VIP. Siguro ay may iti-tsismis na naman iyan.
Kaya noong wala na masyado kaming inaasikasong dalawa ay nilapitan na agad ako nito.
“Nasa VIP ang girlfriend ni Sir Ken,” bulong niya sa akin.
“Girlfriend?” Ulit ko dahil ang alam ko, ako ang girlfriend ni Ken.
Tumango-tango si Angie at nagawa pang igala ang paningin para hindi kami mahuling nagt-tsismisan lamang dito.
“Oo… Iyong pinaghihinalaan kong girlfriend ni Sir Ken… Iyong nakita kong hinalikan siya sa pisngi noong babae… Iyong maganda!”
Ah… Iyong sinabi rin sa akin ni Ken na family friend lang daw nila. Narito siya?
“Kanina pa iyon nasa VIP. Siguro hinihintay si Sir Ken kaso wala rito eh. Siguro ay nag-away sila ’no?” panghuhula niya at nagawa pang humagikhik.
“Pag naging single iyang si Sir Ken ako talaga agad ang papalit! Ang hot pa naman noon!”
Hindi ako kumibo lalo na’t pumapantig narin ang aking kilay sa inis sa babae. Bakit niya pinuntahan dito? Anong kailangan niya kay Ken? Hindi niya ba alam na taken na ito? Gusto niya bang sugurin ko siya sa itaas at ipanglandakan sa kanya na girlfriend ako?
Kinalma ko ang aking sarili. Tinawag naman ni Ate Demi si Angie at pinahatid ng order doon sa VIP. Himala at hindi ako ang inutusan?
Inabala ko ang sarili ko sa paglilinis ng mga mesa. Noong bumaba si Demi sa VIP ay sinenyasan na naman ako nito. Nakita ko rin ang pagsulyap ni Ate Demi kay Angie kaya pinaningkitan ko ito ng mata nang matigil siya sa kakasenyas sa akin dahil baka mapagalitan pa kami.
Nag-iwas nalang ako ng tingin kay Angie at dumeritso na sa kitchen. Pag labas ko, sinalubong agad nito.
“Jusko, girl! Hinahanap ka noong girlfriend ni Sir Ken! Pinapatawag ka sa akin at pumunta ka raw sa itaas! Anong ginawa mo? Magkakilala ba kayo noon?” Sunod-sunod na ang kanyang pagsasalita na maski ako ay nagkasalubong na ang aking mga kilay.
“Angie, kanina pa ’yan ah?” Puna sa amin ni Ate Demi at lumabas na talaga sa counter.
Umayos agad sa pagtayo si Angie at natutop ang bibig. Sumulyap naman si Ate Demi sa akin.
“Bumalik na kayo sa trabaho niyo,” sabi niya.
“Kaso Ate Demi iyong costumer sa VIP hinahanap si Aioni… Paakyatin ko raw,” sabi pa ni Angie sa aking gilid.
“Sabihin mo busy! Maraming ginagawa si Aioni. Bumalik na kayo sa trabaho. Pag ito nalaman ni Sir Wayt na puro lang kayo daldalan…”
Tumango-tango naman agad si Angie at nagtungo na agad sa costumer na aasikasukan. Nagtataka naman ako kung bakit ako kilala noong babae at anong kailangan niya sa akin. Sinulyapan ako ni Ate Demi at pinapabalik na sa aking trabaho kaya tumango nalang ako.
Laman iyon ng isipan ko. Paano kung alam pala noong babae na girlfriend ako ni Ken at baka aawayin niya ako? Hindi pa naman ako mahilig makipagsabunutan!
Ilang sandali lamang ay may bumabang sopistikadong babae sa hagdan ng VIP. Napatingala ako roon at nakita ang eleganteng babae na nakita ko narin noong unang beses dito.
Nagtama ang aming mga mata. Ang pamilyar niyang madilim, malalim at misteryosong mga mata ay nakakaakit titigan. She smiled at me innocently, taliwas na naman sa mga matang walang buhay.
Hindi ko magawang ngumiti pabalik kaya pasimple ko nalang na ibinalik ang tingin sa mesang nililinis ko.
Ilang sigundo ang nakalipas ay may naamoy na akong halimuyak ng pabango ng isang babae. Halatang mamahalin ang perfume na iyon dahil hindi iyon basta bastang naamoy lamang sa gilid gilid.
“Hey…” A soft voice called me.
Tumigil ako sa paglilinis at hinarap ang eleganteng babaeng nasa harapan ko na. Nalaglag saglit ang aking mga mata sa kulay peach na A-line dress niya at ang pumps niyang gold ang laces.
“Marione?” Tiningnan niya iyong name plate ko.
Tumango ako pero bago pa man may masabing iba ay sumulpot na si Ate Demi.
“Excuse me Ma’am… Do you need anything?”
Binalingan niya si Ate Demi. Kitang kita ko kung paano dumilim lalo ang mga matang iyon pero taliwas sa labi niyang kumurba at binigyan ng inosenteng ngiti si Ate Demi.
“I just need a minute with her. Kanina ko pa siya tinatawag kaso mukhang… pinagbabawalan mo?” malambing niyang sabi pero iba ang atake ng boses.
Napaawang ang bibig ni Ate Demi, magsasalita na sana pero walang masabi.
Tumawa ng marahan ang babae.
“Natatakot ka bang kausapin ko siya?” Mas lumambot ang kanyang boses.
Nagkatinginan kami ni Ate Demi. Tinanguan niya ako at mukhang pumapayag na sa gusto ng babae.
“Iwanan mo nalang muna ’yan Aioni… Sumama ka muna,” sabi niya.
Tumango ako at sinulyapan ulit ang babaeng nginitian akong muli sabay hawi ng mabagal sa kanyang buhok papunta sa likuran kaya bumalandra ang malalim na collarbone nito dahil narin sa nipis noong strap ng kanyang dress.
“Thank you,” aniya.
Ngumiti naman ng pilit si Ate Demi at parang napilitan lamang na payagan ako. Naunang naglakad iyong babae at sumunod ako sa kanya. Sinulyapan kong muli si Ate Demi sa aking likuran na halata sa mga mata ang pag-aalala.
Ang raming tumatakbo sa isipan ko. Base narin sa pananalita at hinhin ng babaeng ito ay hindi naman ata ito marunong mang-away? Hindi niya naman siguro ako sasabubutan bigla ’di ba? ’Tsaka ang hindi lang talaga sigurado sa akin ay kung mabait ba ito o ano… Kakaibang kakaiba kasi…
Pumasok kami sa VIP. Nagtungo siya roon sa table malapit sa transparent glass at sinenyasan rin akong ukupahin iyong bakanteng upuan sa harap niya.
Tahimik akong umupo. Sinundan ko ang galaw niya, kung paano niya pinulot iyong baso ng tubig at ininom iyon ng may poise dahil narin sa hinliliit niyang nakatayo pa.
Inilapag niya iyong muli at pinulot ang table napkin saka marahang idinampi sa kanyang labi. Ibinalik niya iyon sa pwesto at humilig na sa mesa, ang mga matang madilim, malalim at misteryoso ay nakadirektang muli sa akin.
Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan. Maganda nga ito at sobrang liit pa ng mukha. Ang labi ay natural na pula at ang pisngi niyang nadidipina sa tuwing ngumingiti ng bahagya. She looks like an living angel with a presence of hell…
“Dederitsuhin na kita,” aniya sa malambing na boses.
Nanatili akong walang imik, nakatitig lamang sa kanya.
“Kailan mo ititigil ang deal mo kay Hiro?” she asked me.
Kinilabutan ako roon. Feeling ko may dumaan na multo sa aking likuran at nanindig ang balahibo sa aking batok.
Alam kong nakipagdeal ako sa isang lalake pero hindi ko alam kung sino si Hiro…
“S-Sino si Hiro?” tanong ko na marahan niyang ikinatawa, tila natutuwa o may iba pang rason iyon.
“Seriously… Wala ka ba sa tamang pag-iisip noong pumayag kang makipagkasundo sa kanya? Hindi mo man lang tinanong ang pangalan…” Mas lumambot ang kanyang boses at hindi ko alam kung maiinsulto ba ako sa ‘wala sa tamang pag-iisip’ kung ganoon naman ang atake ng kanyang boses.
Isinabit niya ang ilang hibla sa kanyang tainga at mas lalo lamang dumidilim ang mga matang tila ililigaw na ako sa impyerno.
“Di ko alam kung kanino ako maaawa… Kay Ken ba o sa’yo…”
“Ano bang kailangan mo?” matapang kong tanong nang hindi ko narin makayanan iyang mga pinagsasabi niya.
“Nagtatanong nga ako kung kailan mo ititigil iyong deal pero di mo naman sinasagot…”
Wala akong maisagot doon at sobra akong nabablangko. Idagdag pa ang dibdib kong sobrang lakas ng pintig. Para akong mahihimatay na ewan dahil sa mga tanong niya. Ba’t niya alam? Sino ba siya?
“Ba’t ka pumayag makipaglaro sa taong magaling maglaro?”
Bwesit! Ba’t hindi niya deritsuhin? Napuputol na ang pasensya ko. Hindi ako mahilig sa reverse psychology at h’wag niya akong binibitin dahil baka siya ang mabitin ko patiwarik.
“Deritsuhin mo nga ako,” matigas kong sabi.
Tumawa siya ngunit iba na ang tunog noon at masyado nang matabang. Kalaunan ay sumeyoso ang kanyang mukha at madilim akong tiningnan.
“Pinagpupustahan ka lang ng magpipinsan,” deritso niyang sabi na ikinatigil ko.
Nagkasalubong ang aking kilay. Hindi ko maibigay ang tunay na reaksyon na hinihingi niya.
“Oh… You didn’t know?” she asked sweetly. “Di mo alam na magpinsan si Ken at si Hiro?”
Nanindig na ng husto ang aking balahibo at para akong binuhusan ng malamig na isang timba ng tubig at naliligo na ng yelo dahil sa reaksyon ng aking katawan.
“Hindi lang ikaw ang may deal kay Hiro. May deal rin sila ni Ken at pinagpustahan ka lang.”
Tumaas-baba ang aking paghinga. Umiling ako at ayaw maniwala sa kanyang sinasabi sa akin. Imposible… Mas matatanggap ko pa na ako ang nakipagdeal doon sa tinatawag niyang Hiro pero kung pati si Ken…
“At alam mo ang kapalit pag nahulog ka? Ang Mustang na kotse ni Hiro na pinag-iinitan ni Ken. Iyon ang makukuha niyang premyo pag nahulog ka.”
Umagos na ang malaking luha sa aking mga mata. Nakatitig nalang ako sa kanya at hindi alam ang irereact dahil pinapangunahan rin ako ng puso kong pinupunit sa sobrang sakit.
“Naaawa ako sa’yo… You’ve been fooled and don’t tell me nahulog ka rin sa deal niyo ni Hiro? Matatalo ka…” Tumawa siya ng marahan at hinawing muli ang buhok.
Nanginginig na ang aking labi at gusto ko nang magwala sa sobrang sakit. Tumataas baba pa ang aking balikat at hindi ko na makontrol ang mga luha kong sunod sunod na tumatagas.
May kinuha siya sa kanyang maliit na purse at inilahad sa akin ang isang panyo. Hindi ko iyon tinanggap.
“Alam mo… Ako sa’yo… Ipapamukha ko kay Hiro na hindi ka natalo sa deal niyo. I’m sure di mo alam ang tunay na katauhan ni Ken ’no? Oh… How sad… He knows how to play victim kaya sinigurado niyang wala kang makukuha sa kanya dahil pinapalabas niyang wala siyang pera. But infact… he’s living a luxurious life. Masyadong mayaman ang kinabibilangan niyang angkan kaya kahit sa katuwaan nilang magpipinsan ay kotse ang pustahan.” Umiling-iling siya at nalungkot pa habang tinitingnan akong kulang nalang ay lumuha na ng dugo.
“Wayt knows their deal kaso hinahayaan niya kasi ganoon talaga silang magpipinsan… Pinaglalaruan lang ang mga babae… Minamanipula… Inaakit pero ang totoo ay ginagawa lang nilang past time…”
Humikbi na ako at hindi na nakayan ang aking mga narinig. Ang buong akala ko… Buong akala ko ay ako itong may deal na kailangang itigil pero ang putanginang iyon ay may deal rin pala sa lalakeng tinatawag kong hulog ng langit kahit ang totoo ay kampon naman ni Satanas!
“Binalaan ko naman si Ken to stop playing but he said na nabobored daw siya rito sa Restaurant kaya gusto niya ng past time…” Bumuntong siya ng hininga at nailing ng bahagya.
“You should get on your senses… Awang-awa ako sa’yo.”
29th Chained
Chained
PrfctlyStbbrn
Hinding Hindi Na
Halos manghina ako nang bumaba ako sa VIP. Hinahabol ko ang aking hininga at panay pa ang agos ng aking mga luha.
Si George agad ang nakapansin sa akin kaya mabilis niya akong dinaluhan.
“Marione?!”
Tumigil ako sa paglalakad at sinapo ang aking dibdib na sobrang naninikip na. Kulang nalang ay mapaluhod ako habang umiiyak ngunit mabilis akong nahawakan ni George.
“Ate Demi si Marione!” sigaw ni George at kinarga ako.
Mabilis kong napansin ang pagkakagulo nila. Tumakbo na si Angie sa akin habang sinusugod ako ni George sa kitchen.
“Anong nangyari sa’yo? Marione!” sigaw ni Ate Demi nang ipinaupo ako ni George.
Pinaypayan agad ako ni George ganoon rin si Angie na tumutulong dahil halos habulin ko na ang aking hininga kakaiyak. Para akong malalagutan ano mang oras.
May chef na naglahad sa akin ng tubig kaya kinuha ko iyon at ininom. Si Ate Demi naman ay bumakas na ang pag-aalala sa kanyang mukha.
“G-Gusto ko nang m-magresign,” sabi ko sa pagitan ng aking hagulhol.
“A-Ano?! Bakit?! Anong nangyayari, Marione!” Hinawakan ni Ate Demi ang aking mga balikat pero umiling lamang ako at mas humagulhol.
Para akong nasampal ng sarili kong laro! Ano iyon, habang nakikipaglaro ako sa kanya noon ay nakikipaglaro rin siya sa akin?! Umaakto pa siyang walang kaya para wala akong makuha sa kanya?! At ako pa itong napaglaruan ng husto dahil ako itong nahulog sa dulo! Ang putanginang iyon!
“Pag isipan mo ito ng mabuti, Marione… Hindi ka dapat padalos dalos. Hintayin mo muna si Ken at-”
“Magreresign na ako Ate Demi!” putol ko sa kanya nang banggitin niya ang pangalan na nagpadilim ng paningin ko.
Bwesit siya! Hindi lang loob ko ang kinuha ng gagong iyon at pati ang loob ng kapatid ko dahil lang sa pustahan nila at sa premyo na kotse! Kaya pala bigla bigla nalang iyong lumalapit lapit sa akin, iyon pala ay may binabalak na! Ano nalang ang magiging impact nito sa kapatid ko?! Ayokong… Ayokong bumalik ang dati!
Tama si Eunecia… Tama siya! Sana… Sana nakinig nalang ako. Sana hindi ko nalang pinairal ang pagiging marupok ko! Sana ay hindi nalang ako nagpadala sa pinapakita niya sa akin! Sana ginalingan ko nalang sa paglalaro nang hindi ako itong natatalo!
Umuwi ako araw na iyon na may dalang langitngit. Sa sobrang galit ko kay Ken, makita ko lang siya ngayon ay gusto ko na siyang saktan ng pisikal. Ibinigay ko… lahat lahat! Pati sarili ko… Halos mabaliw ako kakaisip na baka magalit siya pag nalaman iyong deal hamin noong Satanas na bwesit na iyon pero malalaman ko nalang na player 1 pala siya at ako itong player 2!
Halos masuka ako sa aking pinag-iisip. Sobrang sakit ng ulo kong pumipintig at idagdag pa ang mga luha kong walang tigil sa pag-agos. Pakiramdam ko mahihilo ako ano mang oras.
Binayaran ko ang taxi na sinakyan at napansin agad ang kaguluhan sa labas ng bahay. May mga tao roon at naririnig ko pa ang sigaw ng aking ina.
Pinagtinginan agad ako ng mga tsismosang kapitbahay nang nagmadali akong pumasok.
“Ma! Anong nangyayari?! B-Bakit nandito sa labas ang mga gamit natin?! Si Lucas?!”
Natatarantang gumala ang aking paningin at hinanap ang kapatid ko lalo na’t naririnig ko ang nakakabinging iyak nito.
“Anak! Pinapalayas nila tayo sa ating bahay! Anak!” Halos humagulhol ang aking ina sa aking harapan, hawak hawak ang aking mga bisig.
“A-Ano?” Tiningnan ko iyong mga lalakeng naglalabas na naman ng mga gamit.
“Sandali lang! Nagbabayad kami rito kaya hindi niyo kami pwedeng paalisin!” Inagaw ko iyong upuan na kinakaladkad ng lalakeng may malaki ang katawan.
“Wala kaming natatanggap na bayad Miss at nagagalit na ang amo namin. Ang sabi niya, kung wala kayong pambayad ay pwersahan nalang daw kayong paalisin dito,” sabi noong lalake na ipinagtaka ko ng husto.
Tiningnan ko si Mama na tinakpan ang kanyang mukha at umiyak lalo.
“Pero pinapabayaran ko lagi kay Mama ang bahay na ito! Nagtatrabaho ako para may maibayad kami rito tapos sasabihin niyong wala kayong natatanggap?!”
Mas lalong lumakas ang iyak ni Mama at umiling-iling na. Hindi ko alam kung ano na ang uunahin ko. Kung aagawin ko ba ang mga gamit, itulak paalis ang mga tao o puntahan sa ilalim ng lamesa ang kapatid kong umiiyak ng husto.
“Sorry,Sorry anak! H-Hindi ko binayad ang p-pera! Sorry!” Pag-amin ni Mama na ikinalaglag ng aking panga.
“Ano? Ma?!”
“Sorry! Akala ko kasi marami kang pera dahil-”
“Anong marami?!” Nasabunutan ko ang aking buhok sa sobrang galit.
“Umalis na kayo rito, Miss…” sabi noong lalake.
“May ikakabayad ako!” sigaw ko at mabilis nang tumakbo sa aking kuwarto. Hinanap ko agad sa drawer ang aking ipon at iyon nalang ang gagamitin kaso kahit anong halughog ko sa aking pinaglagyan ay wala talaga roon.
Pumasok si Mama sa aking kuwarto.
“Ma! Nakita mo ba iyong pouch dito na kulay pink-”
“Marione…” Tinawag ako ni Mama at halos manlumo ako sa kanyang tingin.
“K-Kinuha ko k-kasi… A-Ano…”
Bigla kong naalala iyong balita sa akin noong tsismosa na ikinahina ko.
“Pinangsugal mo?” Nanliit ang aking boses at hindi ko na alam kung anong magagawa sa oras na ito.
Tinakpan ni Mama ang kanyang mukha at mas umiyak sa aking harapan.
“Sorry, anak! Sorry!”
Tumakas ang malakas na hagulhol sa aking bibig. Sa sobrang lakas noon ay halos mabingi ako sa sarili kong boses. Parang bigla kong pinasan ang buong mundo sa aking balikat at sobrang nakakangalay na.
“Bakit ka ganyan, Ma?!” Pinagpapadyak ko ang aking mga paa.
“Ate!” sigaw ng kapatid ko at mas lumakas narin ang kanyang pag-iyak.
Napatingala ako at para nang mababaliw sa patong patong na problema. Sa sobrang bigat ng aking nararamdaman ay gusto ko nalang bumagsak, gusto ko nalang mawalan ng malay.
“Ano… May ikakabayad ka ba, Miss?” tanong noong lalake.
Hindi agad ako nakasagot pero nang maalala ko iyong pera ng Satanas na iyon ay mabilis kong hinalungkat ang isa ko pang wallet sa aking bag at inilabas doon iyong cheke.
“Ito po…” Ibinigay ko iyong checke. “Kung kulang pa ’yan! Ito pa!” Hinubad ko narin ang bracelet na regalo sa akin ni Ken at isinama ko narin iyong kwintas.
Nang makita noong lalake ang pinaglalahad ko ay sinenyasan niya ang iba na tumigil sa paghahakot ng aming gamit palabas.
“Hintayin niyo nalang ang tawag ni Boss kung magkano ang halaga ng lahat ng ito,” sabi niya.
Tumango ako. Doon lamang sila nagsilabasan kaya pinuntahan ko agad si Lucas sa ilalim ng lamesa habang tinatakpan ang mga tenga at nanginginig sa takot.
“Lucas… Si Ate ’to…” Inabot ko siya at halos maalala ang mga araw na umiiyak siya rito habang nag-aaway ang magulang namin.
“Halika…” Malambot kong tawag sa nanginginig kong kapatid.
Dumilat si Lucas. Hinila ko siya palabas doon kaya gumapang naman ito palabas. Mabilis ko siyang niyakap at doon ako humagulhol sa kanyang balikat. Para akong mamamatay sa sakit. Bumabalik lahat ng pakiramdam… Lahat ng hinanakit ko sa pamilyang ito… Kay Papa… Kay Mama… At ngayon ay nadadagdagan na naman.
“T-Tahan na…” Hinaplos ko ang likod ni Lucas na hindi matigil sa kakaiyak ng husto.
Hinarap ko siya at pinunasan ang kanyang malalaking luha.
“Tahan na… Lucas…” Tumutulo narin ang aking mga luha habang tinitingnan ang kapatid kong hinahabol narin ang hininga kakaiyak.
Niyakap ko siyang muli ng mahigpit at halos madurog ang aking puso sa nangyayari. Ayokong… Ayokong bumalik siya sa dati! Masaya na dapat si Lucas… Gusto kong manatili siya sa pagiging ganoon dahil pinapatay ako sa tuwing nakikita ko siyang ganito.
Ilang oras ko siyang pinakalma. Inaliw-aliw ko pa ito ng kaonti para lang matigil ito sa pag-iyak. Tumahan narin naman ito at tulala nalang sa sofa habang kinakarga namin ni Mama papasok ang mga gamit. Tumigil na ang aking mga luha ngunit hindi parin nawawala iyong hapdi sa loob ng puso ko.
Wala akong imik habang si Mama naman ay pasulyap sulyap sa akin.
“Anak… Pasensya na talaga-”
“H’wag ka nalang magsalita, Ma,” matabang kong sabi at nilagpasan ito.
Pumipintig pa ang aking ulo at hindi ko alam kung anong masasabi ko dahil sa sumasabog kong damdamin.
Tinulungan naming ipasok iyong cabinet. Sobrang bigat pa noon! Ang mga bwesit na iyon, pagkatapos hakutin palabas ang mga gamit ay hindi man lang ibinalik sa loob.
May biglaang bumusina sa aming bahay. Natigil ako sa pagbubuhat at tila umakyat agad ang aking dugo. Napalingon agad si Lucas sa may gate at humahaba na ang leeg.
“Diyan ka lang, Lucas,” banta ko saka ako tumalikod at nagtungo sa gate.
Nakita ko ang paglabas ni Ken sa kanyang bagong kotse. Siguro ay iyan na iyong sinasabi sa akin noong babae na naging premyo niya sa pustahan nila dahil hulog na hulog na ako sa kanya.
Nagdilim agad ang aking mga mata nang makita ko siya.
“Sinabi sa akin ni Ate Demi-”
Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya. Sa sobrang lakas noon ay naiwang nakaawang ang kanyang bibig at nahinto sa pagsasalita dahil sa pagtagilid ng kanyang ulo.
“Alam ko na ang lahat kaya h’wag mo na akong paikot-ikotin sa’yo dahil hilong-hilo na ako!” sigaw ko kasabay ng mga luha kong pumatak agad.
“Ano bang sinabi ni-”
“Alam ko na ang lahat! Pinagpustahan niyo lang naman ako ng pinsan mo ’di ba?! Mga gago kayo!” Itinulak ko siya sa tindi ng aking galit.
Bahagya siyang nagulat. So, totoo nga?
“Oo pinagpustahan ka namin pero-”
Sinampal ko siyang muli. Sa rami ng sakit na naramdaman ko ngayon, gusto kong ibuhos sa kanya ang lahat.
“Well game over! Edi ikaw na ang nanalo! Total pinagpustahan ka lang rin naman ng pinsan mo! Nakuha ko na ang premyo ko! At tingin mo ba minahal talaga kita?” Tumawa ako ng mapakla sa kabila ng luhang umaagos.
“Pwes naggagamitan lang naman pala tayo eh!”
Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mukha, kung paano tumalim ang tingin niya sa akin.
“Anong pustahan?” matigas niyang sabi at marahas na hinawakan ang aking pulso, sa sobrang higpit noon ay parang madudurog ang aking buto.
Marahas kong binawi ang aking kamay sa kanya na pinakawalan niya naman agad.
“Oh… Hindi mo alam? May pustahan kami noong pinsan mong nagngangalang Hiro na pahulugin daw kita sa akin! Akitin daw kita! At mukhang tumalab naman dahil patay na patay ka sa akin pero hindi ko naman alam na pati pala ako ay kasali rin sa laro niyo! Ang galing niyo namang dalawa!”
Iba na ang galit na yumakap sa kanyang mukha. Sa unang beses, ngayon ko lang nasaksihan ang galit na iyon nang marinig niya ang aking mga sinabi. Hindi ako nagpatinag. Total tapos narin ang lahat ng ito. Ginastos ko na ang pera at makukuha niya naman ang premyo niya.
“Kunin mo na ang Mustang mo total mukhang nanalo ka rin naman… Sinuko ko nga ang sarili ko sa’yo eh. At nanalo rin naman ako dahil nagawa mo pa akong liwagan. Tama na siguro ang laro na ’to ’di ba?”
Umawang ang kanyang labi. Suminghap siya at nailagay ang mga kamay sa likod sa kanyang ulo. Ngumisi siya habang nakatingin sa taas at halos mapatalon ako nang bigla niyang sinipa ang kanyang gulong.
“Putangina.” Ginulo niya ang buhok at nakagat ang pang-ibabang labi, idagdag pa ang tumataas-baba niyang mga balikat.
Hindi ako nagpatinag dala narin ng aking galit.
“Umalis kana! Tapos na tayo!” sigaw ko at akmang tatalikod nang hinila niya ako.
Sa aking inis ay sinampal ko siyang muli. Kung pwede lang akong pumulot ng malaking bato at ipukpok sa kanya ay gagawin ko talaga.
“Makinig ka nga muna sa akin!” sigaw niya.
“Ba’t ako makikinig sa lalakeng walang alam gawin kundi ang magsinungaling?!” Nagpumiglas ako sa kanyang hawak.
“Oo pinagpustahan kita pero totoo iyong sinabi kong mahal kita!”
“Putangina ka! Tumahimik ka! Tapos na ang laro kaya tigilan mo na ako!” Itinulak ko siya, halos hugutin ko ang aking lakas mailayo ko lang siya sa aking harapan.
“Ayusin naman natin ’to hindi iyong nagdedesisyon ka agad para sa ating dalawa!”
“Ayusin mo mag-isa dahil mukhang ikaw ang may sira!” Mas lalo ko siyang itinulak.
“At salamat pala sa mga bigay mong regalo… Ang mamahal pala noon. Sinangla ko na total ang habol ko lang naman talaga ay pera. Kaya nga nilihim lihim mo ’yang pagkatao mo sa takot na magamit kita ’di ba?!”
Bumaba ang kanyang mga mata sa aking pulso na kahit ang aking leeg ay tiningnan niya rin. Ngumisi ako.
“H’wag mong sabihing nagseryoso ka rin sa laro niyo ng pinsan mo at nahulog ka sa akin?”
Pinalis ko ang aking mga luha at parang baliw na tumawa. Nailing ako, pilit tinatakpan ang panghahapdi ng aking puso.
Nagloosen ang balikat ni Ken. Namungay ang kanyang mga mata sa akin.
“Noong sinabi kong mahal kita, mahal kita.”
“Putangina ka,” ganti ko.
Kinagat niya ang labi at nanlumo na. Hindi ako nagpadala sa aking nakikita dahil alam ko na ang tunay na siya. Mapanglinlang iyang lahi nila at hindi na ulit ako magpapauto.
“Gusto kong ayusin natin ’to… Ayaw kong makipaghiwalay sa’yo.”
Umiling ako. Sa sobra kong galit sa kanya ay para na naman akong mahihilo. Ayoko siyang makita. Galit na galit ako at gusto kong ito na ang huli.
“Umalis kana at ayaw na kitang makita pa. Salamat sa 1month,” matabang kong sabi bago tuluyang pumasok.
Nakasalubong ko agad si Mama na mukhang nakikinig sa amin. Namumungay ang kanyang mga mata sa akin at mukhang naaawa pero nilagpasan ko nalang ito.
Ayoko nang pag-usapan pa ang nangyayari. Gusto ko nalang magmove-on at kalimutan ang lahat ng ito.
Patay na ang aking cellphone. Hindi ko na iyon binuksan pa dahil ayokong matadtad ng kanyang tawag. Pumunta ako sa Restaurant kinabukasan. Marami agad ang nang-usisa sa akin kung anong nangyari pero hindi na ako nag-abalang magkwento pa. Nagresign nalang ako at gusto nang maghanap ng ibang trabaho.
Binuhos ko ang mga araw ko sa paghahanap ng maaapplayan. Kahit taga map ay papatulan ko na ata magkatrabaho lang ako. Sumusulpot si Ken sa bahay pero tinataboy ko agad ito. Kung pwede ay batuhin ko pa iyang kumikinang niyang kotse ay gagawin ko talaga.
Palagi niya akong kinukumbinsing makipag-usap sa kanya pero nakikita ko lang ang pagmumukha niya ay nanggigigil na agad ako. Para akong bulkan na sasabog sa tuwing naaamoy ko siya. Kahit ang pasa na nakita ko sa kanyang mukha at hindi ko alam kung saan niya nakuha ay gusto kong dagdagan. Bahala siya kung kanino siya nakipagsuntukan!
Sa isang linggo ng paghahanap ng trabaho ay may nagpapasok rin naman sa akin. Laking tuwa ko nang tinanggap ako sa isang Bar. Hindi gaanong malaki ang sweldo pero pwede narin iyon. Total may experience narin naman daw ako lalo na’t nagmakaawa pa ako na papasukin nila dahil wala na kaming kakainin kung wala akong mahahanap na trabaho. Pinagtitiisan ko na nga lang ang nalalanghap kong sigarilyo sa iilang customer na panay ang buga noon.
Alam kong malayong malayo ito sa experience ko sa Yoonmined. Malinis doon at sobrang nakakarelax ang paligid habang dito naman ay sobrang ingay at hindi rin masyadong kagandahan ang lugar. Hindi lamang tao ang kanilang customer dahil pati ang mga lamok ay nakakadayo narin. Wala akong karapatang magreklamo ngayon. Inaalala ko si Lucas… Ayoko namang mamatay sa gutom ang kapatid ko. Siya nalang ang pinanghuhugutan ko ngayon ng lakas.
“Hi miss!” May kung sinong lasinggero ang humaplos ng aking pwet na nagpatalon sa akin sa gulat sa Biyernes ng gabing iyon.
Matalim kong binalingan ang lalakeng customer at hinampas agad ang mukha nito noong tray na hawak ko. Isang kalabit lang ata sa akin, sa init ng aking ulo ay makakapatay agad ako.
Sumigaw ito at akma pa akong aabutin kaya umatras agad ako. Dahil sa gulong nangyari ay dumalo narin iyong Manager at kinausap ang costumer na galit na galit sa akin dahil dumugo pa ang kanyang ilong.
“Hinampas niya ako ng tray!” sigaw niya at akmang lalapit sa akin kaso humarang na ang ilang bouncer.
“Dahil pinisil mo ang pwet ko!” singhal ko sa kanya.
Nang marinig iyon ng aking manager na lalake ay sinenyasan niya agad ang mga bouncer na palabasin ito.
“Okay ka lang?” tanong ng aking Manager na lalake.
Tumango ako at nagpaalam na babalik na agad sa aking trabaho. Nitong mga nagdaang-araw ay nabubwesit agad ako sa mga taong nasa paligid ko. Ayokong kinakausap ako.
Iyon ang nagpapainit ng aking ulo sa Bar na iyon dahil sa mga lasing na nanghahawak! Minsan ang sarap nalang saksakin ng ice peak ang mga mata.
“May gusto bang kumanta diyang customer?” sabi ni Ayna, iyong vocalist namin dito.
May kung sinong tumayo na customer na hindi ko na pinagtuunan ng pansin pa dahil sa pagbibigay ng isang bucket ng beer doon sa isang mesa.
Nagtilian ang mga manonood. Halos lahat ata ng atensyon ay napunta roon sa nagpresentang kumanta.
“Shit ang pogi!”
“Pahingi naman ng number!”
“May girlfriend ka ba? Ako nalang pwede!”
Sobrang ingay nilang lahat habang ako itong nabubwesit sa malalaking lamok na panay ang kagat sa akin. Pinaghahampas ko ang aking braso na kahit ang aking legs ay hindi nakaligtas sa lamok.
“Miss… Pahingi kami ng ice,” sabi noong lalake na tinanguan ko at sinapak ulit ang aking braso.
Namamantal na ang ilan kong katawan. Nagsimula ulit akong maglakad pabalik sa loob para kumuha ng ice.
“Anong pangalan mo pogi?” Narinig kong interview ni Ayna sa nagpresentang kumanta.
“Ken… Justin Ken,” bigkas ng kung sinong pamilyar ang boses sa akin.
Tumigil ako at nilingon agad ang stage. Nakita ko roon si Ayna at ang lalakeng katabi niya na nakaupo rin sa itim na stool habang ang isang paa ay nakaapak sa sahig. Pormahan palang, ang hayop na mukha agad ni Ken ang tumambad sa akin.
Nandito ang hayop kong ex!
Nagtilian ang mga babae dahil sa pagsambit niya ng kanyang pangalan habang ako itong nanggigigil na at gusto siyang batuhin ng bote.
“Oh… Single or taken?”
Itinapat ni Ayna ang mikropono kay Ken para marinig ang sasabihin nito.
“Taken…” Saka gumala ang mga mata ni Ken at tila may hinahanap.
Ilang sandali lamang ay nagtagpo ang aming mga mata. Matalim ko siyang tiningnan habang maingay naman ang mga costumer at sumisigaw ng sayang.
“Taken by Marione Santillan,” anunsyo niya na itinatili ng mga babae.
Mabilis na napatingin si Ate Ayna sa akin.
“Oh… Boyfriend ka pala ng bago naming empleyado na si Aioni?”
Tumango si Ken, ang mga mata ay nasa akin parin.
“Ex ko na siya!” sigaw ko saka nagmartsa paalis roon.
Naghiyawan ang mga costumer at marami ang natawa sa aking isinigaw. Totoo naman talaga! Ang kapal ng gagong iyon na sabihin sa akin na taken parin siya eh naghiwalay na kami! Hinding hindi na ako makikipagbalikan sa kanya!
“May kasalanan ka siguro ’no?” Narinig kong tumawa si Ayna sa mikropono.
Kinuha ko na iyong bucket ng ice at hindi na pinakinggan ang kanilang usapan. Sumulyap pa sa akin iyong manager namin kaya pinagbutihan ko nalang ang aking trabaho.
Paglabas ko ay pumaibabaw na ang malamig na boses ni Ken sa kabuuan. Ang rami kong naappansing mga babaeng kinikilig habang pinapakinggan ang beat ng kanta ni Ken na tinutugtog ng banda. Nangilabot agad ako dahil alam na alam ko ang kantang iyon… Ang lyrics noon ay tila nagpapatama pa.
Sinulyapan ko ito ng saglit. Nakapikit ito habang dinadama ang kanyang kanta na Bumalik kana sa’kin by Silent Sanctuary.
“Magaan na ba ang ’yong paghinga, bumalik kana sa’kin… Klaro na ba ang isip sinta? Bumalik kana sa’kin… Hindi kana nagparamdam… Buhat ng cool off ako’y nahibang…”
“Sige na please, h’wag nang mainis bumalik kana sa’kin… Sorry mahal ika’y nasaktan bumalik kana sa’kin… Bumalik kana sa akin…”
Noong dumilat siya ay nagtama ang aming mga mata. Namumungay ang kanya at punong puno ng pagsusumamo. Mabilis agad akong nag-iwas ng tingin at ayaw magpadala sa namumungay na mga matang iyon.
“Pakipot ka pa eh ikaw na nga ang sinusuyo. Feeling maganda,” mataray na pagpaparinig sa akin noong isa sa mga babaeng costumer.
Nag-init agad ang aking ulo at kung maaari ay hampasin ko rin siya noong dala-dala kong tray pero inangatan ko nalang ng kilay.
“Ikaw ba ang ginago at kung makacomment ka akala mo ikaw ang nasaktan? Feeling girlfriend?” sarkastiko kong tanong habang nakaangat ng husto ang aking kilay.
Nagulat siya sa aking sinabi. Halos tumayo na ito at manghahamon na ata ng gulo na inawat agad ng kanyang mga kaibigan. Umirap naman ako at nagwalk-out.
“H’wag mo sana akong ipagpalit… Tayo nalang ulit!”
Pumapaibabaw ang kanta ni Ken, ang boses niyang tila nagsusumamo. Nagtawanan pa ang iilang mga empleyado rin at sumulyap sa akin.
“Patawarin mo na. Kawawa naman… Gabi-gabi na ata iyang nandito?”
“Oo nga eh… Nakakailang bucket ng beer din iyon.”
Hindi ko pinakinggan ang kanilang sulsol sa akin. Inis na inis parin ako at sobra pang naiistress sa mga nangyayari. Kaya noong pauwi na ako at nakita ko na naman itong nakaabang sa akin ay tumaas na ata ang aking dugo at nasa tuktok na ng aking ulo.
“Hindi mo ba talaga ako titigilan?! Saan ba ang hindi malinaw sa’yo na tapos na tayo at wala nang tayo?!”
Nagulat siya sa aking sigaw ngunit kalaunan ay nabura rin iyon. Nagtangka siyang lumapit kaya umiling ako at pumulot na talaga ng pwedeng ibato sa kanya.
“Babatuhin na talaga kita!”
Bumuntong siya ng hininga at tumigil sa kanyang kinatatayuan.
“Bumalik kana sa’kin Marione… Tayo nalang ulit. Ayoko nang ganito! Nababaliw ako kakaisip na nagtatrabaho ka sa Bar na iyan!” Ginulo niya ang kanyang buhok at dumaan agad ang frustration sa mukha.
“Masiraan ka sana ng bait!” sigaw ko at nagtangkang lagpasan siya kaso mabilis niya akong hinila.
Sinampal ko agad siya ng ubod ng lakas. Katulad ng kanyang reaksyon sa tuwing ginagawa ko iyon ay tumititig lamang siya sa akin habang nakaawang ng kaonti ang kanyang mga labi. Ang kanyang mga mata ay tila pagod na ngunit gusto parin akong suyuin ng paulit-ulit kahit pinagtatabuyan ko lamang ito.
“Bored kana ba ulit at gusto mo ulit akong bilugin?! Wala kanang mapaglaruang babae?” Itinulak ko siya na ikinaatras niya.
Hindi ko alam kung ganoon na ba ako kalakas o siya itong nanghihina na.
“Kahit… Kahit ihatid nalang kita pauwi,” aniya habang namumutla.
Umiling ako at naglakad nalang palayo. Sumakay ako ng tricycle at hindi na pinansin ang kotse niyang nagawa pa talagang sumunod.
“Sindikato siguro iyan na nangunguha ng bata… Baka akala nila bata ka pa, Miss…” sabi noong driver nang mapansin naring sinusundan kami noon.
Hindi iyan sindikato pero pumapatol nga ng bata. Hindi niya na ulit ako mabibiktima. Hinding hindi na.
30th Chained
Chained
Hatred
Panay ang pagsakit ng aking ulo idagdag pa ang aking tiyan na kumikirot rin, nakikisabay sa puso kong humahapdi. Para na akong masisiraan ng bait lalo na’t hindi parin tumitigil sa panunuyo si Ken eh nabubwesit lang naman ako.
Kahit pa siguro araw-arawin niya ang pagkanta roon sa pinagtatrabahuan kong Bar, kahit na maging suki siya roon at pagmasdan ang bawat kilos ko ay mananatili ang binuo kong pader sa pagitan namin.
Kahit gusto siyang makita ng kapatid ko, kahit alam kong siya ang palaging inaabangan nito sa may pinto, buo na ang aking pasya na h’wag nang papasukin ulit ito sa buhay ko.
Kung meron mang nagbago sa mga lumipas na araw iyon ay ang kawalan ng sigla ni Lucas. Ibang iba na siya simula noong mangyari ang araw na iyon. Namamataan ko nalang ito sa sofa, nakaupo lang at tulala sa kawalan habang tinatanaw ang gate na akala mo ay may hinihintay. Nasasaktan ako para sa kapatid ko at gusto kong may masisi sa lahat ng nangyayari sa amin. Kinakausap ko siya ngunit bumabalik siya sa dati, hindi umiimik at palaging walang sigla, ni hindi naglalaro.
“Lucas… Nagwowork si Ate para mabilhan kita ng cake ha… D-Di ba gusto mo ’yon?” Tumagilid ang aking ulo at sinilip ang mukha ng aking kapatid.
Walang buhay ang kanyang mga mata at nakatanaw lamang sa labas ng gate na kahit anong kuha ko ng kanyang atensyon ay tila wala siyang naririnig.
Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Tiningnan niya ako kaya napangiti agad ako. Ramdam ko naman ang paglabas ni Mama sa kusina at narito ang tingin sa aming dalawa.
“Si Kuya?” tanong niya sa akin.
Halos mapunit ang aking boses. Ito ang unang beses na nagsalita siya pagkatapos noong pagsugod ng mga lalake rito. At sa unang bigkas ay si Ken agad ang hinahanap niya.
“Ah… B-Busy kasi s-si K-Kuya mo…” Nanlabo agad ang aking mga mata nang makita ko kung paano nadismaya ng husto ang aking kapatid.
Hindi na siya umimik pa at ibinalik ulit ang tingin sa may gate. Mabilis kong pinalis ang mga luhang nalaglag. Paano ko naman ipapaintindi sa kapatid ko ang lahat? Paano ko sasabihin sa kanya ang sitwasyon namin ni Ken? Maiintindihan niya ba kung sinabi kong hiwalay na kami?
Niyakap ko siya at hinagkan ang kanyang ulo. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagpupunas ng luha ni Mama at pumasok rin agad pabalik sa kusina.
Hindi na ako muling kinausap ni Lucas sa araw na iyon. Palagi nalang itong nagmumukmok at sobrang nadudurog ang aking puso sa tuwing may naririnig siyang bumubusina sa labas kahit hindi naman iyon kotse ni Ken ay tatakbo agad siya at sisilip sa gate.
Ang hirap kimkimin ng sakit kung sobrang hinihiwa na ang puso mo. Ito ba… Ito ba ang aking kabayaran ko sa pagiging ambisyosa ko? Sana hindi nalang ako nangarap ng mataas kung ganito rin pala kalakas ang pagkakabagsak ko.
Umaga iyon ng Biyernes. Kahit nahihilo ako ay sinikap kong tumayo para makapasok sa trabaho. Panay narin ang pagsakit ng aking likod pero hindi ko nalang iyon pinapansin. Pinipwersa ko nalang ang aking katawan kaysa magmukmok rito.
Nakasalubong ko si Mama na ngumiti pa sa akin.
“Anak… Nagluto ako… Kumain ka ng agahan,” sabi niya kaso nag-iwas lamang ako ng tingin.
“Hindi na,” sabi ko at naglakad na.
“Pero Marione… Ilang araw kanang nagpapalipas ng gutom! Kumain ka man lang kahit maliit…”
Iyon marahil ang dahilan ng pagsakit ng aking tiyan. Hindi ako halos kumakain at binubugbog ang sarili sa pagtatrabaho. Gusto kong ibaling ang buo kong atensyon doon para hindi maisip ang mga nangyayari. Sobra na akong naiistress at kaonting nakakabwesit lang sa akin ay sumasabog na agad ako sa galit.
“Kung galit ka sa akin, h’wag mo namang idamay ang sarili mo dahil nasasaktan ako! H’wag mo namang pabayaan ang sarili mo!” sigaw ni Mama na ikinatigil ko.
Nangilid agad ang luha sa aking mga mata. Galit na galit parin ako sa kanya dahil sa ginawa niyang pagwaldas ng pera. Ngayon, ni piso ay walang natira sa amin. Lahat ay nawala na. Kahit ang aking ipon na pinaglalaanan ko sa future ni Lucas ay winaldas niya.
“Ang putla putla mo na at namamayat kana! Alagaan mo naman ang sarili mo! H’wag kang tumulad sa akin na purket niloko lang ng lalake ay nagiging pabaya na-”
“Tama na, Ma! Tumahimik kana!” Nilingon ko siya habang umaagos ang aking mga luha.
“Pagod na pagod na pagod na ako kaya pwede ba pagpahingahin niyo naman ako?! Ang rami ko nang iniisip kaya sana ay tumahimik nalang kayo!”
“Pero anak… Ang akin lang naman ay kumain ka! Nag-aalala na ako sa’yo!” Nag-amba siyang lumapit sa akin kaso umatras lamang ako.
“Marunong ka palang mag-alala eh napaka pabaya mong ina!” sigaw ko, halos lamunin na ng galit.
Nagulat siya sa aking sinabi na kahit ako ay nagulat rin. Natakpan niya ang kanyang bibig at humikbi habang tinatanaw ako. Ang bigat na ng ulo ko at unti-unti pang nanlalabo ang paningin ko. Sobrang pagod na pagod ang aking pakiramdam. Gusto kong magpahinga at ayoko nang makarinig ng kung ano-ano pa dahil mas lalo lamang akong sumasabog sa matinding galit.
“Ayoko sana manumbat ma! Ayokong manumbat pero bakit gano’n? Bakit ako ang pumasan ng responsibilidad na dapat ay ikaw ang gumagawa?! Bakit ako?! Ang aga aga kong namulat sa estado ng ating buhay at ako ang nagkakayod para lang maitaguyod ang pamilya natin?!”
Hindi nakaimik si Mama. Umangat baba ang aking balikat habang sunod sunod ang pagpatak ng aking luha.
“Hindi ko magawa ang mga gusto ko bilang bata! Minulat niyo ako ng maaga sa reyalidad na hindi para sa akin ang pagsasaya! Gusto ko sanang mamuhay ng normal pero ang bigat bigat ng responsibilidad na ibinigay niyo sa akin na dapat ay kayo ang gumagawa!”
Namuo ang luha sa kanyang mga mata habang sunod sunod na ang aking hikbi.
“Kailanman hindi ko naisip ang tumalikod sa responsibilidad dahil mahal ko kayo! Si Lucas! Mahal na mahal ko ang kapatid ko higit pa sa sarili ko, Ma! Mahal na mahal ko ang pamilyang ito! Handa kong sirain ang sarili kong pangarap para lamang mabuo ang pangarap niyo!”
Yumuko si Mama at tinakpan ang kanyang bibig. Huminga ako ngunit halos hindi ko mapigilan ang iyak na kumakawala dahil sa sakit ng nararamdaman. Para akong nasa bingit ng kamatayan sa sunod sunod na emosyong humahampas.
“Kinakaya ko ang lahat kahit ang bigat bigat. Tumatayo akong ina ni Lucas dahil nabubulag ka sa pananakit ni Papa sa’yo. Naiintindihan ko, Ma… Nauunawaan ko na masakit sa’yo. Pero kailan mo kami uunawain na hindi lamang ikaw ang nasasaktan dito? Hindi lang ikaw ang nangangapa. Hindi lang ikaw ang nagpupumilit mabuhay araw araw para lumaban. Ako rin, Ma… Alang-alang sa kapakanan ng kapatid ko nagsusumikap ako! Lahat ng ito ay hindi para sa aking sarili kundi para sa pamilyang ito!”
“Hindi ako nagrereklamo kailanman pero hindi ibig sabihin hindi ako napapagod, Ma! Nakakagod! Pagod na pagod ako!” hikbi kong lalo at nanginig sa pag-iyak.
“Kung nasaktan ka ni Papa… higit kaming nasasaktan ni Lucas dahil nakikita namin kung paano nadudurog ang pamilya natin. Hindi lamang pera ang kailangan namin, Ma… Kailangan din namin ng magulang. Kailangan namin ng unawa niyo! Kailangan ko rin iyon!”
“Aioni…” hikbi ni Mama at sunod sunod ang pagpatak ng luha.
“Hindi ko pinangarap na mabuhay nang ganito, Ma… At ayokong ganito ang makasanayang buhay ni Lucas kaya ako nagpapakahirap. Ikaw… naisip mo ba ni minsan ang lahat ng ito?! Naiisip mo ba na may anak ka pa rin? Naiisip mo bang kailangan ka rin namin? Ma… paano mo kami nababalewala ng ganito?”
Bigo siyang yumuko. Pumipintig na ang aking ulo at halos manlabo na ang aking mga mata dahil sa luha. Ang hirap na kimkimin ng lahat. Hindi ko na kayang manahimik at hindi ilabas ang aking saloobin bilang anak.
“Alam ko… A-Alam ko sobra akong naging pabayang ina sa inyo ni Lucas… Alam kong marami akong naging pagkukulang sa inyo k-kaya gusto kong bumawi. Gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko, Marione…” Nanginginig niyang bigkas.
Kinapa ko ang aking ulo dahil habang hinihila na sa akin ang sarili kong huwisyo. Hindi ko na halos matingnan ng maayos si Mama. Ilang sandali lamang ay umikot na ang aking paningin idagdag pa ang panlalabo ng aking mga mata. Bago ko pa maramdaman ang aking sarili na parang lumulutang ay tuluyan na akong nawalan ng malay.
Nagising na lamang ako sa isang puting kuwarto. Hinang hina ako at hindi ko alam kung anong ginawa ko para mapagod ng ganito. Parang ni isang sigla ay wala akong mahagilap sa aking katawan.
May pumasok sa loob. Natanaw ko agad si Mama na kausap iyong doctor. Nang mapansin nilang gising ako ay nagtungo agad si Mama sa akin at umupo sa aking tabi.
“Anak… Kumusta ang pakiramdam mo?” Hinaplos niya ang aking pisngi. “P-Pinag-alala mo ako…” Nanginig ang kanyang labi at isa-isang naglaglagan ang luha roon.
Binalingan ko ang doctor. Wala akong maramdaman na emosyon ngayon. Sa sobrang pagod, kahit siguro iyon ay sinukuan na ng katawan ko.
Nagpunas ng luha si Mama at binalingan rin ang doctor.
“Kinausap ko na ang Mama mo tungkol sa kalagayan mo pero may itatanong lang ako sa’yo,” aniya habang may tinitingnang folder.
Hindi ako umimik. Nanatili lamang ang aking tingin sa kanya.
“Naninigarilyo ka ba, hija?”
Umiling ako. Tumango naman ang doctor at may kung anong pinagkakaabalahan sa hawak na folder.
“So, you’re a second hand smoker. Hmm… Did you experience some traumatic events when you were a child?”
Traumatic events?
Marami siyang naging bukambibig tungkol sa anxiety at depresyon na nakukuha sa naranasan noong bata pa pero hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin dahil iniisip ko rin ng husto kung meron ba akong ganoon.
“A family issue can bring a trauma to a child, too.” aniya. “Sa edad mo, hindi malayong bumalik lamang iyon at natrigger dahil sa mga nangyayari.”
Mas humagulhol si Mama, ang iyak ay pumapaibabaw na sa kabuuan. Wala akong maintindihan kung para saan ito. May sakit ba akong nadevelop?
“You really need a rest, hija,” sabi niya.
“Doc… Ano pong… Ano pong sakit ko?” tanong ko sa kanya sa paos na boses.
Tumitig siya sa akin. Si Mama naman ay ngumiti ng pilit at hinaplos ang aking pisngi.
“You’re 5 weeks pregnant…”
Nagulat ako sa sinabi ng doctor. B-Buntis… Buntis ako?
Nahipo ko ang aking tiyan. Sa lahat ng pagod, sa lahat ng sakit, hindi ko alam kung bakit namutawi ang ngiti sa aking labi.
“Ma… Buntis ako?” tanong ko kay Mama na tumango-tango habang panay parin ang pagtulo ng mga luha.
May parte sa akin ang natakot. May parte sa akin ang kinakabahan pero nangingibabaw ang saya. Para akong nagkaroon ng anghel sa impyerno kong mundo.
“Mabubuhay ko siya ng mag-isa… M-Magsisikap ako… Magiging mabuti akong ina sa kanya.” Tumulo ang aking luha habang hindi mabura ang ngiti sa akin at nakatingin sa aking tiyan.
Niyakap ako ni Mama. Hinagkan niya ang aking ulo.
“Anak… Kaya mo ’to… N-Nandito lang ako s-sayo.” Bulong ni Mama sa akin at tila kinokontrol ang iyak.
“M-Ma… Matutuwa si Lucas… May playmate na siya!” anunsyo ko sa aking ina na mas humigpit lang ang yakap sa akin.
Binalingan ko ang doctor na nakatitig sa akin.
“Doc…” tawag ni Mama sa kanya.
Pabalik balik ang tingin ko sa dalawa. Huminga ng malalim ang doctor.
“I’m happy to see you getting excited with your baby… But I’m sorry to tell you Ms. Santillan… We didn’t locate any heartbeat of the child inside you.”
Naguluhan ako. Wala akong maintindihan.
“Pero… Okay naman po ang baby ’di ba? K-Kung pahinga lang po…”
Suminghap ang doctor.
“I’m sorry to say this but you lost the child, Ms. Santillan.”
Umawang ang aking bibig. Sa sobra kong pagkalito, sa gulat, ay umahon na ako sa pagkakahiga.
“Anak…” Umiyak si Mama at pilit akong pinapatigil sa paggalaw.
“A-Anong nawala? E-Eh kakasabi niyo lang na… Na buntis ako?” Tumulo na ang sandamakmak na luha sa aking mga mata.
Nag-iwas ng tingin ang doctor sa akin.
“Ma! Anong nawala?!” Sumigaw ako at nagpumiglas. “Paanong nawala?!”
Lumakas ang aking hagulhol at nayakap ang aking tiyan. Para na akong sumisigaw sa labis na sakit.
“Paanong… Paanong nawala?!” Halos mapunit ang aking lalamunan sa pagsigaw.
Niyakap ako ng mahigpit ni Mama. Nakakabinging iyak ang nagawa ko at hindi alam kung paano tatanggapin ang balitang iyon. Paulit-ulit na pinupunit ang puso ko na kahit ang aking iyak ay kulang pa para ilabas ang lahat ng iyon.
Bakit anak… Bakit di mo ako binigyan ng tsansang maging ina sa’yo?! Bakit… Bakit ka bumitaw agad?! Ba’t mo ako iniwan?!
Masyado ba talaga akong masamang tao na kahit ito ay ipinagdadamot sa akin? Hindi ba ako deserving sa bagay na ito?
I lost my precious child… I lost my angel…
Ang kaonting liwanag na nakita ko kanina dahil sa balitang iyon ay tuluyan ring nilamon ng dilim. Sana… Sana pati ako ay kinuha narin ng langit. Bakit niya pa ako iniwan? Bakit niya iyon ibinigay sa akin kung babawiin niya rin?
Si Eunecia ang dumadalaw sa akin ng madalas. Nang nalaman niya ang balitang iyon ay humagulhol siya ng husto at niyakap ako ngunit ako lamang itong tulala nalang sa kawalan.
Sa rami ng sakit na naramdaman ko, namanhid na ata ako at kamatayan nalang ang hinihintay.
I am begging for my death everyday, hoping it will end all the pain.
Lagpas dalawang linggo na ata akong nasa hospital. Bumabalik naman ang lakas ng katawan ko pero ako itong walang sigla. Kahit ang pinagsasabi ng doctor ay hindi ko na pinakinggan dahil noong nakinig ako, nagsisi lang ako.
“May gustong bumisita…” ani Eunecia sa umagang iyon ng Miyerkules.
Ngumiti siya sa akin hanggang sa pinapasok si Lucas. Ang aking kapatid ay napatingin agad sa akin. Hindi siya nagsalita pero deri-deritso lamang ang kanyang lakad patungo sa akin.
Sinundan siya ni Eunecia at ipinatong sa upuan. Tumayo naman ang aking kapatid at niyakap agad ako. Wala siyang ibang sinabi pero sapat na ang yakap na iyon para tumulo ang aking mga luha.
“Nandiyan pa ang kapatid mo, Aioni… Nandito pa kami sa’yo.” Pinalis agad ni Eunecia ang luhang tumulo.
The pain I felt is unbearable. Ito iyong klase ng sakit na mas gugustuhin mo nalang na mamatay na kaysa mabuhay pero para ka namang pinapatay.
Hindi ako masyadong nagtagal sa hospital at nagpasya rin akong ilabas ako roon. Nalaman ko pa kay Mama na isinangla niya iyong iPad ni Lucas para may pambayad dito.
“Sinabi na ba ng Mama mo sa’yo?” tanong sa akin ni Eunecia.
Nandito siya sa bahay at nagbabalat ng apple para sa akin. Gusto kong gumalaw-galaw at bumalik sa dati kaso nagagalit agad ito at pinapaupo ako para magpahinga.
“Ang alin?” tanong ko.
“Na… Sinampahan niya ng kaso ang ex mo?”
Hindi ako makaimik doon. Wala akong maibigay na angkop na ekspresyon.
“Baka bukas ay ihahain na iyong kaso at may warrant of arrest na,” si Eunecia na tila hindi rin siguro sa pinagsasabi.
“Mukhang si Ken ang sinisisi ng Mama mo sa lahat ng nangyayari sa’yo Aioni. Lalo na’t humantong ka pa sa ganitong kalagayan. Ang sabi niya sa akin ay doon niya kukunin ang hustisya ng pagkawala ng…” Hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin.
Wala akong ediya sa binabalak ni Mama pero gusto kong may masisi rin ako. Gusto kong maramdaman rin ni Ken ang sakit na naramdaman ko pero sa ibang dahilan. Gusto kong magluksa siya na parang siya lamang iyong nawalan.
But maybe, he will never accept the child… Kung nabuhay man ang aking anak ay hinding-hindi ko rin hahayaang makalapit siya sa amin.
Umuwi si Mama na may dalang supot at mukhang galing ito sa palengke.
“Magluluto ako ng sinabawang ribs ngayon!” Anunsyo niya at ngumiti agad sa akin.
“Nakasahod agad ako roon sa inapplayan kong trabaho. Tuwing linggo ko rin kasi nakukuha ang sweldo ko.” Aligaga si Mama papuntang kusina habang nagkukwento.
Sa mga nagdaang araw ay palagi na siyang nasa bahay, kung wala man ay busy rin doon sa trabaho niya sa isang Bakery. Tindera siya roon at kumikita ng 2k sa isang linggo. Buti nalang at Summer kaya hindi masyadong magastos dahil wala pang pasukan. Iyon nga lang, sa susunod na buwan ay magsisimula na ulit.
Nabalitaan ko nalang sa mga sumunod na araw kay Eunecia na dinampot na raw ng mga pulis si Ken at nadetain na sa prisinto. Hindi ko alam kung paano iyon ginawa ni Mama at napagbigyan siya ng korte na gawaran ng warrant of arrest si Ken kaya noong nagpasya akong sumama ay iyon ang naging topic namin.
“Minor de edad ka at pwedeng palabasing rape ang ginawa niya sa’yo, Marione! Ang sinabi ko ay pinilit ka lang ng gagong iyon kahit hindi mo naman gusto.”
Iyon ang paliwanag ni Mama sa akin kaya pinaburan agad siya ng batas dahil mali talaga iyon. Kahit pa sabihing ginusto ko, kahit pa itanggi ko ang sinasabi ni Mama, wala paring silbi ang opinyon ko dahil Guardian ko siya at minor de edad ako.
Pagdating namin sa presinto, hindi na ako nagulat nang madatnan ko ang mga pinsan ni Ken doon. Iyon nga lang ay marami pala talaga sila, lalo na ang mga lalake.
Nakita ko si Ken sa loob ng detention, naroon siya sa mga rehas at nakahilig doon na akala mo ay nasa sariling kuwarto lamang siya dahil nagawa pang ngumisi sa akin ng nakakaloko.
“Siya ba iyong rason kaya sinuntok ni Ken si Hiro?” tanong ng isa sa mga babaeng pinsan.
Nag-iwas ako ng tingin at napatingin sa lalakeng nahahawig kay Ken na kaedad lang ata ni Papa at ang babaeng nasa gilid niya suot ang isang eleganteng dress.
“Nandito sana kami para areglohin iyong kaso na isinampa niyo sa anak naming si Ken. Pwede ka ba naming makausap, Madame?” Iyong Daddy niya ang nagsalita sa aking ina.
“Hindi naman kailangang palakihin pa ito kung pwedeng idaan nalang sa usapan,” iyong Mommy niya na sinulyapan ako sa malamig na tingin.
Tiningnan ako ni Mama. Tumango ako sa kanya para sabihing okay lang na maiwan ako rito kahit na sobrang nakakaintimidate ang iginagawad na tingin nila sa akin.
Sinundan ko ng tingin ang pag-alis ni Mama kasama iyong mga magulang ni Ken na kahit ang iilang pulis ay sumunod narin at naiwan kami rito sa detention. Ang kanyang halakhak agad ang pumaibabaw pagkatapos ng matinding katahimikan.
“Paanong rape ang nangyari eh nakarami tayo? We both enjoyed it, Aioni,” aniya sa nakakalokong boses.
Hindi ako umimik sa bagay na iyon lalo na’t nakikita ko rin ang mukha ng lalakeng nakipaglaro sa akin, iyong nagngangalang Hiro habang si Sir Wayt naman ay nasa kanyang tabi, malamig ang tingin sa akin at nakahalukipkip doon sa pader.
Tumawang muli si Ken at nailing sa kabila ng katahimikan ng kanyang mga pinsan. Hindi ko na sila inisa-isa dahil lumalaki lamang ang galit sa aking sistema.
“Ikaw lang ata itong natutuwa na nandiyan ka sa loob.” Bumusangot ang isang babae habang ang nakaakbay sa kanyang pamilyar na lalake ay seryosong nakatingin sa akin.
Pati pala ang kambal na nagpapicture sa akin ay mga pinsan niya rin? Shit. Sobra akong napaglaruan nang hindi ko alam.
“Of course Elle. Sino bang hindi matutuwa sa magandang balita?” Tumaas ang kilay ni Ken sa akin.
Anong magandang balita ang tinutukoy ng hayop na ’to?
“Alam kong buntis ka kaya hindi ka makakatakas sa akin dahil paninindigan kita.” Mas lumapad ang kanyang ngisi.
Parang may tumakas na demonyo sa impyerno at sumapi na sa akin nang marinig ko ang kanyang sinabi. Gulat ang kanyang mga pinsan at napatingin pa sa aking tiyan. Humanda.
“Wala kang paninindigan dahil wala na ang bata,” giit ko.
He smirked evilly.
“You can’t lie, Marione. Hindi ako gumagamit ng proteksyon sa’yo at alam kong buntis ka-”
“Putangina ka! Wala kang anak sa akin dahil ipinalaglag ko na!” sigaw ko ng ubod ng lakas na nagpapawi ng kanyang ngisi.
Ang iilan sa mga lalake niyang pinsan na nakahilig lamang sa pader ay napatuwid sa pagkakatayo. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa aking isinigaw.
“What?” Matalim ang tingin sa akin ng babaeng kaedad ko lang ata. “Pinaabort mo?”
Pumaibabaw ang mga mura ng kanyang lalakeng pinsan, gulat na gulat. Lahat ay matatalim na ang tingin sa akin at parang mga leyong aatake agad pero nagpipigil lamang ng husto.
“Kung iyon lang ang paraan para makawala ako sa pagkakatali sa kanya ay gagawin ko!-”
Natigil ako nang kumalampag ang rehas dahil sa ginawang pagsuntok ni Ken.
“Anong ginawa mo sa anak ko, Marione?!” sigaw niya sa loob at sinipa ang rehas.
“Hinding hindi ako papayag na magkaanak sa akin ang isang hayop na katulad mo-”
Hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang may lumagapak na kamay sa aking pisngi.
“You’re too much! Paano mo nagawa ang bagay na iyon?!” galit niyang sigaw na inawat agad ni Hiro.
“Enough, Zera.” Malamig niya akong tiningnan.
“She’s too much, Kuya! Pati bata!” Nabasag ang kanyang boses sa isinigaw. “We shouldn’t let her get away with this! Dapat ay h’wag nalang tayong makipag-areglo dahil may kasalanan rin naman siya!”
Tila sumasang-ayon sila sa babaeng nagsalita dahil sa naninimbang na tingin at galit na yumayakap ngunit nakukuha rin ang atensyon dahil kay Ken. Mas lalong kumalampag ang rehas dahil sa kanyang pagwawala sa loob. Pinagsusuntok niya iyon at pinagsisipa na kahit ang kanyang kamao ay dumugo na.
The hatred I felt is unbearable. Kulang pa ’yan… Kulang pa lahat ng sakit na naramdaman ko. Ngayon, ikaw naman ang magluksa at mamatay sa kakaisip na ako mismo ang nagpalaglag ng anak mo.
“Sana ay ibinigay mo nalang sa amin ang bata,” galit na sabi noong may kambal na lalake at sobrang dilim narin ng ekspresyon.
“Pwede kaming lumaban sa kaso pero pinili naming makipag-areglo dahil alam namin ang naging sitwasyon niyo ng pinsan namin. But after hearing all this things… You will never like if we fight back, Miss. Baka mabaliktad pa namin ang kaso at ikaw ang mabubulok sa presinto,” isa sa mga lalake ang nagsalita, puno ng awtoridad ang boses.
“Kung ganoon, gawin niyo! Total… Total diyan naman kayo magaling! Edi sige! Gamitin niyo ang pera niya at baliktarin ang kaso!” sigaw ko at walang takot silang pinasadahan ng tingin.
Hindi na nila ako masisindak sa ganito. I’ve been through hell. Kahit siguro si Satanas ay kaya kong harapin ngayon sa isang bagay na namatay sa aking loob.
Nailing ang iilan sa kanila.
“Then we’ll do it! Let’s give this bitch the hell she deserves from us,” iyong Zera.
“Stupid,” ani Sir Wayt, sobrang talim narin ang tingin sa akin sa kabila ng kalmadong ekspresyon
Pinanindigan ko ang pagiging matapang ko. No one can scare me right now. Ubos na ubos na ako at sagad na sagad na. Pumaibabaw ang malakas na hagulhol ni Ken sa loob ay napaiwas na ako ng tingin.
“Anong… Anong ginawa mo sa anak natin?” tanong niya habang nakasandal sa rehas at umaagos pa ang dugo sa kanyang kamao.
Umiyak ang babaeng nakaponytail na niyakap agad noong isang may kambal.
“Ganoon ka kagalit sa akin na nagawa mong… Nagawa mong patayin ang bunga ng pagmamahal ko sa’yo?” Umahon ang tingin ni Ken sa akin, ang mga mata ay pulang pula at umaagos ang mga luha.
“Putangina, Marione! Sana ako nalang ang pinatay mo!” sigaw niya at sinuntok ulit ang rehas.
“Where’s your conscience?!” sigaw ng babaeng nakaponytail na pulang pula na ang mga mata habang mariin ang titig sa akin.
Bigong lumuhod si Ken sa loob at napayuko sa sahig habang umiiyak. Ito ang unang beses na narinig ko siyang umiyak na kahit ang aking mga luha ay pumatak na. Mabilis ko iyong pinalis habang ramdam na ramdam na bigong tingin ng mga pinsan niya sa akin.
“Minahal kita… Buong-buo iyon na pinangarap kong magkapamilya sa’yo! Sana ako nalang ang sinaktan mo kaysa dinamay mo pa ang anak ko!”
Nakagat ko ang aking labi dahil sa panginginig noon. Ang tapang na gusto kong panindigan ay unti-unti akong nilalayasan dahil sa naririnig ko. Bumabalik sa akin ang sakit na naramdaman ko noong una kong nalaman ang totoo, ang pagkawala ng anak ko.
Nagwalk-out ako. Hindi ko kinaya ang kaganapang iyon. Humagulhol ako at lumabas ng presinto.
It’s a selfish act. Bunga iyon ng matindi kong galit sa kanilang angkan na kung pwedeng gumawa nalang ng kasinungalingan masaktan ko lamang sila ay gagawin ko. Wala na akong pakialam kung ako na ang pinakamasamang tao sa paningin nila. Nawalan na ako ng pake sa daming nangyari.
He will hate me for this… At siguro, sapat na iyon para tigilan ako ni Ken. Sigurado akong sa sobrang laki ng kanyang galit sa akin, ng kanyang mga pinsan, hindi niya narin gugustuhing makita ako… nilang lahat.
31st Chained
Chained
PrfctlyStbbrn
Malas
Naareglo ang kaso. Hindi na ako magtataka kung bakit hirap na makulong ang hayop na ’yon dahil narin sa yaman ng kanilang pamilya. Pagkatapos rin kasi ng pagwawalk-out ko ay hindi na ako bumalik.
Ang sabi ni Mama ay nagbayad lang daw ng malaki ang mga magulang ni Ken para sa mga nagawang pinsala ng kanilang anak. Hindi ko alam kung ano nang nangyari pagkatapos ng pag-alis ko pero ayoko naring malaman.
“Ang kapal ng mga mukha nilang magalit sa’yo eh hindi naman nila alam ang totoo! Mga bwesit na mayayaman! Gagamitin talaga agad ang pera pag hindi na kayang lumaban ng patas!” ani Eunecia nang magtungo itong muli sa bahay.
Tulala lamang ako habang nakatanaw sa labas ng aming bintana at niyayakap ang aking mga binti. Naririnig ko ang kanyang lintanya kaso walang pumapasok sa aking utak.
“Mabuti nang iyon ang ipinalabas mo nang masaktan rin iyang si Ken! Kung tutuusin ay sila naman ang may malaking kasalanan dito! Mga gago sila!”
Ang mga sumunod na araw ay naging impyerno sa akin. Hirap akong makatulog at palagi nalang umiiyak sa gabi. Ang bigat bigat ng aking pakiramdam at hindi alam kung paano iyon maiibsan.
Pinakunsulta ako ni Mama sa espesyalista dahil minsan ay nawawalan na ako ng ganang bumangon at kahit kumain ay hirap na ako.
“Normal lang sa pasyente na makaexperience ng anxiety at depression in her case. Miscarriage is a big impact to her… Pag di nasubaybayan ang pasyente ay maaaring lumala rin ang kanyang mental health.”
Isa iyon sa sinabi ng doktor. May binigay rin itong gamot sa akin para sa aking pagtulog at para makalma ko ang aking sarili sa tuwing sinusumpong ako ng matinding breakdown. Umaabot ako sa puntong gusto ko nalang magpakamatay.
“Tama na anak! Tumigil kana! Bakit mo ba ’to ginagawa sa sarili mo?!” Humagulhol ng iyak si Mama nang magising na naman ako sa hospital.
Ang huli kong naaalala ay ininom ko iyong detergent sa aming banyo. Hindi ko na alam kung paano ko pahuhupain ang sakit na iyon nalang ang nakikita kong rason. Ang rami ko nang ginagawa na kahit alam kong nakakasama sa akin ay wala na akong pakialam.
Umiyak ako ngunit walang boses na tumatakas sa aking bibig. Tulala akong muli sa kawalan at nawawalan na ng pag-asa.
“Kasalanan ko ang lahat ng ito. K-Kung hindi lang siguro ako naging pabayang ina sa’yo… Kung tinutukan ko lang sana kayo ni Lucas… Hindi ko alam na lumalaki ka lang pero bata ka pa! Ipinasa ko sa’yo ang responsibilidad ko kahit na dapat ay sa akin iyon!” Mas niyakap ako ng mahigpit ni Mama habang humahagulhol siya sa aking balikat.
Kahit si Eunecia ay nagmakaawa na sa akin na tigilan ko na ang pinaggagawa ko sa sarili ko. Isa siya sa mga umiiyak para sa akin at awang-awa sa akin.
Doon lang ako natigil sa pananakit sa aking sarili nang tumuntong ka ng 7years old si Lucas.
He cried infront of me… Doon lamang ako natauhan at humagulhol sa kanyang harapan. Siya ang madalas kong nilalabasan ng aking mga luha. Sa kanya ako palaging kumakapit pero nang makita ko siyang nahihirapan narin para sa akin ay doon lang ako natauhan.
Marami ulit akong ininom na gamot para sa depresyon na nilalamon ako palagi. Labas pasok lang ako sa hospital at minsan ay naiisip ko nalang na baka sa Rehab talaga ako nababagay. I refrain from hurting myself… Pero useless rin iyon dahil naninirahan sa loob ko ang sakit.
My 6 years was really a bad experience. I struggled to let go with my past and I’m still chained, hoping to free from it.
I made someone believe that I killed his child just to free from his chains… just to get my revenge. Ganoon kasalimuot ang buhay ko noon na kahit ilang taon na ang lumipas ay napag-iiwanan parin ako.
Bumuntong ako ng hininga habang tinitingnan ang nakalistang ipon sa aking notebook. Pumipintig na naman sa sakit ang aking ulo kakaisip kung saan ako kukuha ng pera para ipangdagdag doon.
“Uminom kana ng gamot mo, Ate?”
Ang malamig na boses ni Lucas ang kumuha ng aking atensyon. Bahagya akong ngumiti sa kapatid kong medyo matangkad na sa edad niyang siyam.
“Kumusta ang school?” tanong ko sa kapatid kong masungit na nagtungo sa medicine kit sa pader.
Kumuha siya ng iilang tableta roon at pumasok ulit sa kusina. Nang lumabas siya ay may dala nang isang basong tubig at seryosong seryoso na ang mukha.
Inilahad niya sa akin ang tableta. Kinuha ko iyon at isinubo saka ko kinuha ang baso at lumagok ng tubig.
Sinulyapan niya ang aking papel habang ang kamay ay nakatukod na sa likod ng aking upuan at ang isa naman ay nasa mesa.
“Bakit ba inaalala mo ang ipon mo eh hindi pa naman kinukuha sa atin ang lupa? ’Tsaka hinuhulug-hulugan naman iyon ni Mama,” aniya.
“Mas mabuti na ’yong handa, Lucas.” Isinara ko iyon lalo na’t ang talim na ng tingin ng kapatid ko roon.
Mabilis ang pagtangkad ni Lucas. Naalala ko pa noon eh sobrang liit niya pa. Ngayon, halos nasa 5ft na ata ang kanyang height eh sobrang bata niya pa naman sana.
“Dapat huminto ka nalang sa pagtatrabaho at bumalik sa pag-aaral, Ate.”
“Eh wala naman akong pangarap.” Tumawa ako. “Sayang lang ang gagastusing pera kung hindi ko rin alam kung ano ang gusto kong kurso.”
His face darkened. Mas nagiging klaro ang features niya sa tuwing galit siya. Ang buhok niyang V cut ay medyo magulo idagdag pa ang nakadepina niyang panga at ang matangos niyang ilong. Sobrang itim ng kanyang mga buhok ganoon rin ang mga mata na pag nasisinagan ng araw ay mag-iiba agad ang kulay. Lumalaki siyang may maipagmamalaking pisikal lalo na ang guwapo nitong mukha.
“Mag doktor ka nalang para magamot mo ang sarili mo,” suhestyon niya na ikinatawa ko.
“Okay na ako, Lucas.”
“Iba ang okay na sa nagpapanggap na masaya,” giit niya at tumalim agad ang tingin.
Ngumuso ako. Simula noong lumaki iyan ay walang araw na hindi niya ako pinapangaralan. Kahit ang pag-inom ko ng gamot ay monitor niya. Hindi na siya iyong Lucas nabibaby ko pa. Mas lumaki siyang suplado, masungit at malamig ang tingin sa nakapaligid sa kanya.
“Okay na nga ako,” giit ko.
Binasa niya lang ang labi at nailing.
“Ang tigas parin ng ulo mo. May mga trabaho naman si Mama at si Papa kaya dapat ay nag-aaral ka nalang.”
May maliit nang negosyo si Mama. Marahil ay ginamit niyang puhunan iyong ibinayad na perang pinang-areglo sa amin kaya hindi rin siya nahihirapan sa pagbabayad ng hospital bills ko.
Si Papa naman ay nakalaya sa pagkakakulong ng apat na taon. Hindi kami masyadong nag-iimikan pero mapapansin ko naman ang pinagbago niya. Hindi niya na sinasaktan si Mama at wala na itong bisyo. Malayong malayo na ang aming pamilya sa nakasanayan ko noong mga bata pa kami ni Lucas pero pakiramdam ko ay may kulang parin. Palagi akong may hinahanap na hindi ko parin matagpuan hanggang ngayon. Hindi ako nakakasabay sa mabilis na pag-usad ng panahon kahit na 22 years old na ako.
Naging mahirap kasi sa akin ang pag-aaral sa kolehiyo. Tinapos ko lamang iyong Senior high ko pero dahil lumalala ang aking pakiramdam sa tuwing napapaligiran ako ng mga tao ay mas pinipili ko nalang magmukmok sa bahay.
Minsan iniisip ko kung ano na ang naging buhay ni Ken pagkatapos ng mga nangyari dahil hindi na talaga kami nagkita noon. Ang huli kong naalala ay ang nakakabingi niyang iyak sa loob ng detention. I blamed him for all the damages… Ipinaramdam ko rin sa kanya ang sakit na naramdaman ko at nagbabakasakaling mapalaya ang aking sarili sa sakit pero kahit ngayon ay parang nakakulong parin ako sa kahapon.
“Mukhang tumatagal ka sa trabaho mo ngayon ah?” ani Euencia nang mapadpad ito sa pinagtatrabahuan kong Dental clinic.
Sekretarya ako ng isang dentista. Hindi kalakihan ang sahod pero sapat lang naman para makapag-ipon ipon.
“Mag t-two months kana atang nandito. Buti naman at na break mo na iyong record mong hanggang 1 month lang.” Tumawa siya habang binubuksan iyong mga pagkain na dinala.
Nagtatrabaho sa isang Hotel si Eunecia. Kumpara sa akin na hindi na nag-aral ng kolehiyo, siya naman itong nakapagtapos at may maganda nang trabaho. Isang taon narin siya roon at natutuwa ako sa nangyayari sa kanyang buhay.
“Tahimik rin kasi rito at minsan ay wala si Doc dahil sa madalas niyang paglabas ng ibang bansa. Nagmomonitor lang naman ako ng mga pasyente niya at pinapaalalahanan sila sa schedules nila,” sabi ko.
Tumango-tango siya.
“Sabagay… Gusto mo rin naman talaga iyong mga trabahong hindi masyadong matao. Pero hindi ka ba nalulungkot na palagi kang mag-isa dito?” Inilahad niya sa akin ang kubyertos.
Kinuha ko iyon at umiling. Mas sanay ako sa ganoon… Gusto ko iyong hindi masyado maingay. Iyong wala masyadong tao.
Naninimbang ang kanyang tingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at sumubo na ng maliit.
“Umiinom ka parin naman ng mga gamot mo ’di ba? Kumakain ka sa tamang oras? Nag aalarm ka dapat para di mo nakakalimutan,” aniya sa seryosong boses.
“Monitor ako ni Lucas,” sabi ko at ngumisi. “Noong nakaraang araw sinermonan ulit ako eh.”
“Ang tigas kasi ng ulo mo! Kahit ako baka pukpukin kita ng martilyo! Ikaw lang ata itong tinatamad kumain at huminga!” Ramdam ko ang galit sa kanyang boses at ang pag-alala sa kanyang tono.
Isang pagod na ngiti lang ang aking nagawa at hindi na pinatulan pa ang kanyang sinasabi.
“Nako… Pag nalaman ko talaga na isinugod ka ulit sa hospital ako na mismo ang tatapos sa buhay mo!” Naiiling niyang nilagyan ng maraming kanin ang aking plato at nagkakasalubong naman ang kilay.
Sa rami rin kasi ng record ko sa hospital, dinaig ko pa ang class record sa pagiging perfect attendance ko roon. Siguro ay nawawala na nga talaga ako sa sarili ko noon. Doon lamang bumuti-buti ang aking pakiramdam noong lumalaki na si Lucas at nililigo na ako ng pangaral.
“Pero maiba ako… Ayaw mo bang bumalik ng pag-aaral? May maayos na trabaho naman ang mga magulang mo ngayon ah?”
Umahon ang aking mga mata sa kanya. Naninimbang iyon.
Umiling ako, wala nang ganang mag-explain.
“Ayaw mo niyan… Pag nakapag-aral ka ay may makukuha kang maayos na trabaho, iyong malaki ang sweldo. Eh ’di ba ay gusto mong tubusin ang lupa niyo?”
Tama naman si Eunecia pero wala rin akong ganang mag-aral. Matagal ko nang sinukuan ang mga pangarap ko na kahit ngayon ay hindi ko parin alam kung bakit buhay parin ako. Wala na akong masyadong plano at binabakante ko nalang ang isipan ko sa pagtatrabaho para maidivert ko ang sarili ko. Nagiging diversion ko ito para may pagkaabalahan rin ako araw-araw kaysa ang magmukmok sa bahay.
Isang katahimikan ang namayani sa aming pagitan. I always don’t like to talk. Sinasabi ko naman sa kanila na okay na ako but a part of them doesn’t believe me. Kahit ako, hindi ko rin alam kung okay narin ba talaga ako.
“Wala ka namang kasalanan sa lahat ng iyon. Hindi mo ginusto ang nangyari sa’yo.”
Iyon lagi ang sinasabi nila sa akin, ni Mama, ni Eunecia… The doctor even explained to me that it wasn’t my fault but my mind failed to accept it. Mahina ang aking katawan noong mga oras na iyon at idagdag pa ang hindi magandang paligid na nakakasama lalo sa pagbubuntis ko. Siguro ay lumala iyon noong nagtrabaho na ako sa Bar at nalalanghap ang sigarilyo roon. Ang isa pang sinasabi ng doctor na naging cause ng miscarriage ko ay ang traumatic events na nagtrigger lalo sa aking katawan. My body is not yet ready for a baby… physically, emotionally…
Pero kahit anong paliwanag sa akin ng doktor, may parte sa aking utak ang sinisisi rin ako sa mga nangyari. I was very immature and very young. Masyado akong nagpadala sa sakit na gawa ng pag-ibig kaya di ko nakontrol ang aking sarili na kahit ang pagkaka delay ng aking period noon ay hindi ko na namonitor. If I was just extra careful… If I just pay attention more… Maybe I’m with my anger right now.
Pinalis ko ang luhang kumawala nang balikan ulit ng aking utak ang kapabayaan ko noon. Paano ko makakalas ang tali na kinukulong ako sa nakaraan kung ako mismo ang ayaw kumawala? Pain is the only thing that’s making me feel that I am still alive. Iyon nalang ang nagsasabi sa akin na buhay parin ako hanggang ngayon.
Naalala ko iyong gabi na narinig kong sinumbatan ni Mama si Papa.
“Alam mo ba ang naging epekto ng pag-aaway natin sa mga anak natin?! Isa sa mga rason kaya nalaglag ang anak ni Marione dahil sa trauma niya noon na binuo natin sa kanya! Gabi-gabi… Sa tuwing binubugbog mo ako dahil nahuhuli kita sa pambababae mo ay nasa mesa silang dalawa ni Lucas… umiiyak! Akala ko nagpapakatatag siya para sa kapatid niya pero ang totoo ay siya ang labis na naaapektuhan sa lahat ng ito! K-Kaya kung hindi ka parin magtitino, ngayon palang ay lumayas kana sa pamamahay na ito dahil hindi ko na isusugal ang kalusugan ng anak ko sa pag-ibig na papatay sa aming tatlo!”
Dahil sa nangyari sa akin ay narealize ni Mama ang kanyang pagkukulang, ang kanyang mga kasalanan sa amin ni Lucas. And she made him realize that we needed them as our parent. My father beg his chance infront of me on his knees while crying.
“Ang rami kong pagkukulang! Ang rami rami kong kasalanan sa inyo! Kung naging mabuting ama lang ako ay hindi ka siguro mapupunta sa sitwasyong ito!”
I cried while hearing my father’s apology. Lumaki akong may dalang mabigat na loob sa kanya. Lumaki akong kinamuhian ang pag-ibig dahil sa nakikita ko sa bahay sa tuwing nag-aaway sila. They created a bad impression to me that love is nothing but chaos. Kaya noong nahulog at nasaktan ako, hindi ko rin alam kung paano iyon ihahandle dahil wala rin namang mga magulang na gumagabay sa akin.
Pero siguro, iyon marahil ang paraan ng Diyos para maayos ang aming pamilya. But isn’t that too much? I always wonder if losing a child is enough to make my mother realize her duties as a parent.
Iyon lamang ang positibong nangyari sa lumipas na taon… Nag-aaral ng maayos si Lucas, may negosyo si Mama at may trabaho naman si Papa. Pero ako, heto at naririnig ang kadenang nakatali sa aking nakaraan.
Seasons change… leaving me behind.
May kumatok sa clinic kaya mabilis kong inayos ang aking sarili at natigil sa pag-iisip ng kung ano-ano. Ang alam ko ay may dadating na pasyente ngayon si Doc Suarez at may kukunin.
Binuksan ko iyon. Tumambad sa akin ang pamilyar na lalakeng napapadpad din dito. He smiled sheepishly while scratching his back.
“Ah… Aioni… May iniwan bang ano rito si D-Doc?” Namumula ang kanyang pisngi at hindi makatingin ng deritso.
Tumango naman ako at ibinigay iyong package para sa kanya. Inilahad ko iyon na ikinangiti niya.
“Kumain kana ba?” biglaan niyang tanong at sinipat ang loob lalo na’t mag-isa lamang ako.
“Tapos na. Makakaalis kana. May gagawin pa kasi ako,” sabi ko at nag-iwas ng tingin.
Nahihiya naman siyang tumango kaya isinarado ko na ang pinto.
Isa lamang siya sa mga pasyente ni Doc na nagpaparamdam ng motibo sa akin pero palagi kong pinaparamdam sa kanila na hindi ako interesado sa kanilang gusto. Hindi ko kinamumuhian ang pag-ibig katulad noon pero natuto lang ako na hindi talaga dapat magmadali sa bagay na iyon.
Minsan, iyon rin ang bukambibig sa akin ni Eunecia lalo na’t may boyfriend narin ito.
“Siguro ay babalik ang sigla mo kung maiinlove ka ulit. Ang saya-saya mo kasi noon noong inlove ka kay alam mo na…”
Tinitigan ko lamang siya habang ngumingisi naman ito sa akin.
“Pero sa tamang lalake naman sana ’di ba. Gusto kong makita ka ulit na tumatawa at nakikipagpustahan sa akin kapalit ang ulo mo. Namimiss ko na kasi… Eh alam mo naman, hanggang ngayon ay nilalagari ko parin iyong kutsilyo dahil utang mo parin sa akin iyang ulo mo.”
Umiling lamang ako sa pinagsasabi niya at tipid na napangiti. Humagalpak naman siya at tuwang tuwa sa kanyang kalokohan.
Hindi ko na alam kung ano ang pakiramdam ng mainlove lalo na kung ang nangingibabaw lamang sa pinagdaanan ko sa pag-ibig ay iyong sakit na naramdaman ko. I am not closing any doors but they’re not available yet.
Pagkatapos dumalaw ni Eunecia ay umalis rin naman ito. Sa hapong iyon ay dumating rin naman si Doc Suarez galing sa kanyang trip sa Hong Kong. Minsan lang rin kasi ito napapadaan dito at kung nandito man ay kasama niya iyong isa sa mga lisenced nurse niyang si Jessy. Ngayon ay mag-isa lang siya.
“Kumusta ka naman dito, Aioni?” tanong niya habang hinuhubad iyong coat.
“Okay naman po, Doc. Medyo marami po ang pasyenteng nagtatanong kung kailan ang balik mo,” sabi ko.
Tumango siya at bumaba ang tingin sa aking beywang. Tiningnan ko ang orasan at binilang ang pagtakbo noon. Gusto ko nang umuwi lalo na’t bumibigat na ang aking paghinga.
“Heto… May pasalubong pala ako sa’yo.” May kinuhang box si Doc Suarez at ibinigay sa akin.
Base sa kahon noon ay mukha iyong relo na mamahalin. Hindi ako pwedeng magkamali lalo na’t nababasa ko pa ang brand noon.
Palagi niya akong binibigyan ng mamahaling bagay pero tinatanggihan ko iyon dahil rin ayoko nang tumanggap ng mga gamit na hindi ko rin komportableng tanggapin. Siguro kung noon ay maakit ako pero sa mga nangyari, natuto na ako na ang mga bagay na ibibigay sa’yo ay hindi palaging libre. Baka may kapalit iyon at dadating ang araw na sisingilin ka nalang bigla.
Ayoko nang manggamit dahil alam ko ang pakiramdam noong ikaw na pala iyong ginagamit. My past taught me to work hard for myself without using someone to get on top.
“Para saan po ’yan, Doc? Ang mahal po niyan…” sabi ko.
Tumayo siya at nagtungo sa aking gawi. Inilapag niya iyon at ngumiti sa akin.
“Pwede namang Eric nalang, Aioni,” aniya at napadpad na ang tingin sa aking dibdib.
I was never comfortable being around with men pero dahil gusto ko ring labanan ang takot ko ay sinusubukan kong makipagsalamuha. Palagi kong iniisip na hindi naman lahat ay may masamang binabalak sa’yo.
Pero sa sulyap na iyon ay gumana agad ang aking utak sanhi para kabahan ako dahil sa aking pinag-iisip. Kumalabog ang aking puso at tiningnan ang relo. Kahit hindi pa tumuturo ang maliit na kamay sa anim na bilang ay tumayo na ako at dinampot ang aking bag.
“Uuwi na po ako, Doc,” sabi ko at akmang lalabas kaso humarang na siya sa aking daanan.
“Huh? Eh kakarating ko lang…” sabi niya at humakbang na papalapit kaya naamoy ko agad ang alak sa kanya.
Mabilis na gumala ang aking tingin at bago niya pa ako malapitan ng husto ay sumigaw na ako. Sa sobrang lakas noon ay may dumalo agad na gwardyang nagbabantay lamang sa labas.
“Ma’am… May problema po ba?” tanong niya na ikinatigil ni Doc sa paggalaw sa kanyang kinatatayuan.
Nanginginig akong tumakbo paalis doon. Sa aking takot na baka ay hablutin ako ay deri-deritso na ang aking paghakbang makalayo lang agad sa lugar na iyon.
Mabilis na nalaglag ang malalaking luha sa aking mga mata. Humihikbi ako habang sinasalo ang bawat pagpatak noon sa aking pisngi.
Ganito nalang ba palagi ang takbo ng buhay ko? Wala na ba talagang mangyayaring maganda? Ba’t ang malas ko naman ata?
32nd Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Pagsisisi
Sapo-sapo ang sariling dibdib ay umuuwi akong may bigat na namang dinadala. Ang mga luha ay sinikap ko nalang kimkimin lalo na’t tumigil narin ang sinakyan kong jeep sa aming barangay.
Bumaba ako habang malalim ang iniisip. May naririnig akong bumabati sa akin pero di ko na napagtutuunan ng pansin. Wala na naman akong trabaho. Maghahanap na naman ako nito ng panibago kong pag-aabalahan. Ayoko nang bumalik doon.
“Oh… Aioni, maaga ka ata?” si Mama nagbukas ng gate para sa akin.
“Nagresign na ako sa trabaho,” sabi ko nalang bilang alibi.
“Huh? Bakit?” Sumunod agad si Mama sa akin.
Umupo ako sa sofa at doon na naghimutok. Si Mama naman ay tumabi na sa akin.
“Anong nangyari? Makikinig ako… Ikwento mo sa’kin.”
Nangilid agad ang luha sa aking mga mata. Ganoon ako kasensitibo na tanungin lang ako kung anong nararamdaman ko ay maiiyak agad ako.
“Para saking…” Tumulo na ang aking luha kahit hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin.
Suminghap ako at halos habulin ko ang aking hininga. Ang hirap hirap magsalita.
“Para kasing babastusin ako noong…”
Niyakap ako ni Mama. Mariin akong pumikit at sobrang bigat na naman ng aking pakiramdam.
“H’wag kanang bumalik doon. Pwede namang dito ka n-nalang sa bahay, anak… K-Kung hindi mo pa talaga kaya ay h’wag mong pilitin…”
Gusto kong maging matapang para sa sarili ko. Gusto kong bumalik sa dati ang buhay ko. Iyon naman ang payo ng doktor na paunti-untiin ko raw hanggang sa masanay ulit ako. Kaso paano ko iyon gagawin kung tinatraydor ako ng isip ko at ng nakapaligid sa akin?
“Kaya naman naming magtrabaho ng Papa mo p-para sa pamilyang ito, Marione…”
Suminghap ako at hinabol ang aking hininga. Gusto kong magtrabaho para may diversion ako kaysa ang magmukmok dito. Pakiramdam ko rin kasi pag nandito ako sa loob ng bahay ay marami na namang papasok sa aking utak at baka ano na naman ang magawa ko sa aking sarili.
“Hindi ba talaga pwedeng… m-magpahinga nalang ako? Pagod na pagod na pagod na ako, Ma… Gusto ko nang magpahinga. Hindi ko na talaga kaya-”
Mas humigpit ang kanyang yakap sa akin. Umiling-iling ito.
“Ba’t ka susuko ha? Marione pagsubok lang ang lahat ng ito! Kaya ito ibinibigay sa’yo dahil alam ng Diyos na matapang ka! Kaya h’wag kang magpadala riyan sa mga pinag-iisip mo… N-Nandito ako… Si Papa mo… Si Lucas… Ang kaibigan mong si Eunecia… Nandito kami sa’yo. Di ka naman nag-iisa…”
I cried nonstop. Parang iyon nalang ang nagagawa kong matino sa mga araw na lumilipas. Iyak nalang ang tangi kong nagagawa. Doon nalang ako magaling… Doon ako palaging bumabagsak. Nagagawa ko minsang maging masaya pero sa pag tapos ng panahon ay pupunasan ko rin ang mga luha sa aking mga mata. Kasabay ng pagkawala ng munting anghel sa akin ay nawalan narin ako ng pag-asa, nawalan ako ng kwenta.
“Ma, Ate…”
Ang boses ni Lucas ang pumaibabaw. Pasimple kong pinalis ang aking luha hanggang sa naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin.
“Sino ang umaway sa’yo at susugurin ko,” si Lucas sa aking tabi.
“Pumunta kana sa kusina, Lucas. Icheck mo iyong niluluto kong chicken curry at baka malambot na ang patatas noon,” ani Mama sa garalgal na boses.
Isa sa mga natutunan ko sa tuwing may problema ako ay iyong ilabas iyon sa kanila para mabawasan ang bigat ng aking loob. Noon ay ayaw ko kaso sa araw-araw rin na pag-aalaga sa akin ni Mama, sa araw-araw niyang pakikipag-usap sa akin ay medyo nasasabi ko narin sa kanya ang aking mga saloobin. Masarap pala sa pakiramdam ang ganoon…
Ilang araw muna akong nanatili sa bahay at pinalamig nalang muna ang aking isipan. Ang hirap rin kasing maghanap ng trabaho lalo na kung hindi nakapagtapos ng college…
Noong nalaman rin ni Eunecia na wala na ako sa tinatrabahuan ko ay sumugod agad ito sa bahay. Siya ang nakakuwentuhan ko noong araw na iyon at hindi na ako nagtaka nang sumabog siya sa galit.
“Aba gago! Magpabunot kaya ako ng bagang doon tapos sasampalin ko agad siya sabay takbo! Di ko siya babayaran! Manyakis pala!”
“Wala namang ginawa sa akin kaso… Nag-overthink at nagpanic ako,” sabi ko.
“Kahit na! Iba parin ang instinct nating babae pagdating sa mga ganyan! Buti nga at sumigaw ka baka napano kana roon sa loob! Itago mo nalang kasi iyang ganda mo!” ani Eunecia at bumusangot ng husto habang naglalagay ng sauce sa kanyang pizza.
Bumuntong ako ng hininga. Ang hirap narin talagang magtiwala… Hindi mo na natutukoy ang mga tao ngayon kung masama ba ang hangad sa’yo o mabuti bang mga tao. Lahat ay ibabase mo nalang sa pagbabaka sakali na hindi ka nito sasaktan.
Dumating si Lucas galing sa eskwela at may dala-dala pang isang flyer. Nilingon ito ni Eunecia at kinawayan habang ngumingiti ng matamis.
“Hi Lucas…” malambing niyang bati kaso tumango lang ang kapatid ko at nagtungo sa aking tabi.
“May nakita ako kanina. Baka interesado ka ate.” Ibinigay niya sa akin iyong flyer.
Kinuha ko iyon at tinignan. Si Eunecia ay dali-dali namang dumikit lalo sa akin para makisilip.
“Substitute teacher for a month? Kindergarten?”
Lumunok ako at tinitigan ang picture ng mga bata.
“Baka gusto mo lang ng may mapagkaabalahan,” sabi ni Lucas at hinila ang isang kamay noong bag niyang nakasabit sa kanyang balikat.
“Oh ’di ba at mahilig ka sa bata, Aioni?! Iyan nalang! Kung makukulit ay paluin mo lang ng sinturon tapos titigil rin naman sa pagiging malikot,” pagbibiro niya na ikinatalim ng tingin sa kanya ni Lucas.
“Edi na depEd si Ate.”
Tumawa si Eunecia. “Biro lang naman Lucas…”
“Tsss…” Tumalikod ang aking kapatid at nagtungo na sa kanyang kuwarto. Binulungan naman agad ako ni Eunecia.
“Kung alam ko lang na ganyan kasuplado iyang kapatid mo sa akin nilunod ko nalang iyan sa pool noong bata pa siya. Ako pa naman sana ang nagbabantay sa kanya noon…”
Tumitig ako sa flyer at hindi pinagtuunan ng pansin si Eunecia na parang bubuyog sa aking tabi.
Mahilig naman ako sa bata pero simula rin noong nangyari sa akin ay doon ako nahinto sa pakikipaglaro kay Lucas dahil nawalan rin ako ng gana.
“Gusto kong subukan,” sabi ko at nilingon si Necia na nakabusangot parin, dinadamdam ang pagsusuplado ng aking kapatid.
“Huh? Magsasubstitute teacher ka?”
Tumango ako. “Isang buwan lang naman… Okay narin iyon bilang experience,” sabi ko.
“Eh… Ikaw… Kung gusto mo…”
“Gusto ko,” malinaw kong sabi.
“Oh sige… Sasamahan kita roon bukas.”
Maaga nga akong sinamahan ni Eunecia sa nasabing kindergarten na eskwelahan. Pagpasok namin doon ay bumungad agad sa akin ang mga batang nagtatakbuhan.
“Ang kukulit! Ang sarap isabit sa flagpole isa-isa!” ani Eunecia habang sinusundan ng tingin ang iilang mga bata.
“Hi Ate ganda!” May lalakeng kumaway sa akin na ikinangisi ko.
“Hi…” Mahina kong bati.
“Pati ba naman sa bata ay tatalab ang alindog mo?!” si Eunecia.
Nagtungo kami sa office. Ipinakita ko lang iyong flyer nila at available pa nga ang posisyong iyon. Buti nalang at nagdala ako ng resume ’tsaka ilang papeles ko kaya hindi rin ako nahirapan sa pagpasa. Nagfill-up lang ako noong ibinigay nila sa aking papel saka ako binigyan ng instruction.
Apat na oras lamang ang klase at ang kailangan lang ay sundin ko iyong manual kung nasaan nakapaskil ang kanilang mga activities. Nagturo agad ako sa araw na iyon, bale practice ko lang habang may nagmomonitor sa aking teacher.
Sa una ay kabado ako kaso noong naimagine ko ang kabataan ni Lucas at inisip na si Lucas lang silang lahat ay nawili na ako sa pagtuturo. Ni hindi ko na namalayang nakikisabay na pala lahat ng bata sa pang gagaya sa akin habang tinuturuan ko sila ng bawat tunog ng mga hayop.
“Very well done, Miss Santillan! You can start tomorrow!” sabi ng guro na nagmonitor sa akin na ikinatuwa ko.
Masarap sa pakiramdam ang mapaligiran ng mga bata. Siguro kung nakaligtas lamang ang aking anak ay ganito rin siguro iyon kakulit? I am still sensitive with my baby kaso iba rin ang sayang namumutawi sa aking puso habang nakikita ko ang mga batang paslit.
Iyon na ang panibago kong diversion. Natuwa naman si Mama nang mapansing ganado ulit akong bumangon para pumasok sa trabaho. Kahit tuwing kumakain kami sa hapag ay iyon ang nagiging topic nila Mama.
“Eh kung gusto mo naman pala ng bata ay bubuntisin ko nalang siguro ulit ang Mama mo,” ani Papa.
Hindi agad ako nakangiti roon. Si Lucas naman ay napasulyap pa sa akin habang si Mama ay hindi alam kung tatawa ba o ano.
“Ay ewan ko sa’yo, Mahal! Ayoko nang mag-anak dahil gusto kong magconcentrate sa dalawa!” ani Mama at tumawa.
Napagtanto ni Papa ang kanyang sinabi na kahit ang pagsenyas ni Mama sa kanya gamit ang kanyang mga mata ay hindi nakaligtas sa aking paningin. Si Lucas naman ay nilagyan pa ng karne ang aking plato kaya doon nalaglag ang aking tingin.
“Baka mawili sa’yo ang mga bata at ikaw na ang gusto nilang maging teacher sa buong taon,” sabi ni Lucas.
“Oo nga eh… Baka pag pinagbutihan ko… Malay mo mahire ako roon bilang regular,” sabi ko at ngumiti ng tipid.
“Galingan mo nalang, Aioni! Eh ikaw pa mahilig ka naman sa bata,” si Mama.
Tumango-tango na lamang si Papa at iniiwasan nang magsalita.
“Manglibre ka ng cake sa una mong sweldo,” ani Lucas sa baritonong boses.
“Oo naman!” saka ko kinurot ang kanyang pisngi kaso hinawi agad ang aking kamay. Ngumisi ako sa kanya.
Gumawa ako ng mga pang-activities sa gabing iyon para may magamit akong makulay na visual aid habang nagtuturo ako ng mga hayop at ang pangalan ng mga ito. Iginuhit ko iyong iba at ako rin ang mismong kumulay saka ko sila idinikit sa Cartolina.
Nakagawa ako ng sampong hayop. Sa ibaba naman noon ay nilagyan ko ng mga pangalan. Ang sarap rin atang iguhit ang mukha ng ex ko total hayop naman iyon.
I sighed. Stop being bitter, Marione… Kaya hirap ka ring makalabas sa nakaraan dahil pati ikaw ay mahilig mo ring balikan ang isang bagay na matagal na sanang tapos.
Kinabukasan ay iyon nga ang iprinisenta ko sa maliliit kong mga estudyante.
“Butterfly ’yan, Ma’am?” tanong sa akin ni Eljay, base sa suot niyang malaking ID at itinuturo iyong drawing ko.
Tumango ako. “Very good!”
Nagtaas naman agad ng kamay iyong babae na naka pigtail ang mga buhok at may suot na name plate na Cheska.
“Bakit po ang bird may pakpak, ang butterfly may pakpak pero magkaiba parin ang tawag sa kanila? Eh ’di ba same lang naman silang lumilipad?”
Napakurap ako sa sarili niyang tanong. Kahit ako ay sandaling napaisip.
“Hmm… Siguro sinadya silang gawing magkaiba ng Panginoon pero parehas parin silang may talentong lumipad. Kahit magkaiba ang hitsura, pantay rin naman silang biniyayan ni God ng talent.”
“Eh bakit sa trees nakatira ang bird tapos sa flowers naman ang butterfly? Hindi po ba pwedeng same nalang sila ng tirahan?” si Rhea naman.
“Iba iba kasi si God magbigay ng blessings. Si Butterfly bagay naman sa flowers at doon siya masaya ganoon rin si bird na tahanan din ang trees.”
Baka nga may maganda ring plano sa akin ang Diyos. Hindi ko pa man nahahanap ang nababagay sa akin, alam ko ay may inilaan siyang blessing na para talaga sa akin at sasaya ako. Maybe I just need to wait and deal with my weakness first? Sisikapin ko nalang munang magpakatatag… Hihintayin ko ang araw na iyon… O sana man lang umabot ako sa araw na ’yon ’di ba? Sana maabutan ko pa…
Hindi natapos ang pagtataasan ng kamay ng mga bata para lang ilabas ang kanilang mga tanong sa sobrang kyuryusidad. Isa isa ko pa silang pinapili ng gusto nilang hayop at iacting iyon sa harapan habang pinapaliwanag ang silbi ng isa’t isa.
Kahit papaano ay gumaan ang loob ko habang nagtuturo sa mga bata. Masaya silang kausap dahil kahit saan lamang iyon napapadpad.
Nakaupo lamang ako sa desk noon habang nagcocolor sila nang may kumatok sa pinto. Tumayo ako binuksan iyon saka bumungad ang isang lalake sa akin na mukhang teacher din dito.
“Ah… Ma’am… Pwedeng makahiram ng chalk?” Nahihiya siyang ngumiti sa akin at hinahaplos pa ang kanyang batok.
Tumango naman ako, wala nang gaanong sinabi pa at kumuha ng chalk. Ibinigay ko iyon sa kanya.
“Ang ganda naman ng substitute ni Ma’am Lingocon. Sana ikaw nalang ang palaging nandito,” pabiro siyang tumawa.
Ngumiti lamang ako ng tipid at nagpaalam sa kanya na isasara ko na iyong pinto.
“Uy… Boyfriend ni Ma’am!” Tukso sa akin ni Alfred.
Nakitukso narin ang iba kaya umingay ang loob.
“Hindi ko ’yon boyfriend. At alam niyo ba ang meaning ng boyfriend?” tanong ko habang bumabalik sa aking desk.
“Opo! Iyong pwedeng magkiss!” sagot ni Jericho.
Kinilig ang iilan habang ang mga babae ay nagsesenyasan pang masama raw iyon.
“Ano po ang boyfriend?” si Anya na tumigil narin sa pagcocolor at tinitingnan na ako.
Umawang ng bahagya ang aking mga labi. Ano nga ba ang tawag sa mga ganyan? Paano ko ba padadaliin ang pag-eexplain sa ganoong bagay?
“Sila yung mga lalakeng…” I paused for a moment. Naalala ko ang mga araw namin ni Ken noong naging boyfriend ko siya.
“Sila iyong mga lalakeng makakapagpasaya sa’yo, Anya.” Ngumiti ako sa kanya.
“Edi boyfriend niyo po kami kasi napapangiti ka po namin?” si Richard naman kaya natawa ako.
“Oo… Pwede rin!”
“Oh! Boyfriend ako ni Ma’am ah!” sigaw niya pa na kahit ang iba ring mga batang lalake ay nakikigaya na sa kanya.
Naging busy ulit sila sa pagkukulay habang ako naman ay lumilipad ang utak sa ibang dimensyon. May girlfriend na kaya siya? Or maybe he’s already married since he’s already 26… Baka nga ay masaya na iyon at ako lang talaga ang napag-iwanan ng panahon.
Shut-up, Marione… You’re just 22.
Bata pa nga ako… Maagang natuto at maagang nabigo pero ang mahalaga ay natututo rin akong tumayo kahit paunti-unti muna.
“Gusto mong makipagblind date?” tanong sa akin ni Eunecia sa Linggo ng umagang iyon.
Sumama siya sa amin na magsimba pero habang nangyayari ang misa sa harap ay iyan ang topic niya sa akin.
“Hindi ako mahilig sa ganyan,” pabulong kong sabi.
“Nagbabakasakali lang naman akong gusto mo eh naghahanap ng ka date iyong work mate ko,” mahina niyang sagot.
Nanatili ang aking tingin sa harap.
“Pass ako,” sabi ko.
Akala ko ay tumigil na ito pero noong matapos ang misa at lumalabas na kami sa aming upuan ay iyon na naman ang kanyang bukambibig.
“Baka lang naman magbago ang isip mo at maging interesado ka. Mabait naman iyon at guwapo!”
Sumulpot naman bigla si Lucas sa aming likuran, nakay Eunecia agad ang tingin.
“Tigilan mo nga ang kakabigay ng lalake kay Ate. Papaiyakin lang siya ng mga ’yan,” galit niyang sabi na ikinapawi ng ngisi ni Eunecia.
“Eh Lucas, mabait iyon-”
“Bakit, lahat ba ng lalakeng mabait hindi na marunong manakit?” Lucas fired back, almost growling.
Naiwang nakaawang ang mga labi ni Eunecia. Ako naman ay tahimik siyang tinitingnan habang nakapamulsa at umaabante na. Pinuntahan niya sina Mama at Papa doon sa dulo.
“Aray… Mukhang ang lalim ng hugot ni Lucas. Mukhang may kinikimkim na galit ang bata ah?” Sinulyapan ako ng makahulugan ni Eunecia.
Alam kong malalim mag-isip ang kapatid ko at sobrang sungit pa kaso sa bawat binibitiwan niyang salita, sa pagiging galit niya sa mga lalakeng nagtatangkang lumapit sa akin, hindi ko maiwasang isipin kung dahil ba ito…
“Nagtatanim ba siya ng galit sa ex mo? Naaalala niya parin ba ang ex mo?” Hindi narin naiwasang itanong ni Eunecia sa akin ang bagay na iyon.
Nag-iiwas ako ng tingin sa iilang mga taong lumalagpas sa amin at sinusulyapan ako paminsan-minsan. Humawak ako sa braso ni Eunecia at tiningnan ang mga sandals ko.
Noong nakalabas na kami ng tuluyan sa simbahan at hindi na masyadong siksikan ay doon lang ako nakahinga ng maluwag.
“Feeling ko may kinikimkim na galit si Lucas sa lalakeng iyon, Aioni… Ikaw nga malaki ang impact sa’yo ng lahat. Imposibleng wala ring naging impact ang mga nangyari kay Lucas,” aniya.
Sinulyapan ko si Lucas na nakasunod na kina Mama at Papa. Ang mga mata nito ay walang kabuhay-buhay at pumapaibabaw ang supladong mukha. He’s already 9… Posible bang maalala niya pa ang lalakeng naging parte ng mundo niya noong tatlong taong gulang pa lamang siya?
“Nako… Baka pag nakita iyon ni Lucas ngayon ay manununtok na iyan. Parang galit na galit sa lalakeng mabait eh,” si Eunecia na umiling-iling na.
Lumabas narin ng tuluyan sina Mama at Papa. May kung sino pang kinakawayang babae si Mama na mukhang kakilala niya.
“Kakain kaming tatlo sa labas. Gusto niyong sumamang dalawa?” tanong ni Papa sa amin.
Umiling si Eunecia.
“Balak po sana naming magsine ni Marione. Minsan lang kasi kami nakakagala eh ngayon lang ito lumalabas-labas kaya ididate ko muna. Nanakawin ko po saglit ang anak niyo.”
Tumawa si Mama kay Eunecia. Si Papa naman ay tumango-tango maliban kay Lucas na tinititigan lamang kami.
“Mabuti pa nga, Eunecia! Gumala kayong dalawa! Oh heto…” Dumukot si Mama ng pera at naglahad ng tatlong daan sa akin.
“Bumili ka ng damit mo. O kung anong gusto mong bilhin,” si Mama nang tanggapin ko iyon.
“Ililibre ko rin naman si Aioni, Tita!”
“Mag-enjoy kayo,” si Papa.
Tumango-tango si Eunecia at handa na akong kaladkarin paalis sa harapan ng aking pamilya. Ipinasok ko sa loob ng aking slingbag iyong pera.
“Sasama ako,” singit naman ni Lucas.
“H’wag na, Lucas. Di makakapag-enjoy iyang ate mo kung bubuntot-buntot ka sa kanya. Sumama ka nalang sa amin ng Papa mo,” si Mama at hinila pa ang braso ni Lucas.
“Dito ka nalang, Lucas,” sabi ko na ikinadilim lamang ng kanyang ekspresyon.
Sinulyapan niya si Eunecia na ngumunguso.
“H’wag mong siniset-up sa kung sino-sinong lalake ang ate ko,” diin niyang sabi.
Tumawa si Mama at ginulo ang buhok ni Lucas. Kahit si Papa ay nailing nalang habang si Eunecia naman ay nasapo pa ang dibdib sa madramang paraan.
“Grabe si Lucas… Kung pagsalitaan niya ako para akong recruiter ng mga pokpok at nambubugaw ng babae sa lalake… Ang sama sama ng batang iyon, Aioni…” Nagpunas siya ng invisible tears niya habang nakasakay kami sa jeep.
Umiling ako at inayos ang nipis na kadena noong slingbag ko sa aking balikat. Namataan ko pa ang isang lalakeng panay ang sulyap sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin at itinuon sa harapan noong babaeng may karga-kargang bata.
Tumingin sa akin ang bata kaya unti-unti akong ngumiti sa kanya. Siguro ay 5 months pa ata ito dahil narin sa kanyang kabuuan.
“Hi baby…” mahina kong bulong at tinamisan ang aking ngiti.
Humagikhik ito at gumalaw ang mga kamay at paa na tila naexcite sa aking pagbati. Sumulyap sa akin ang ina nito at ngumiti kaya mas lalo akong natuwa.
“Ang ganda naman…” si Eunecia na nasa bata narin ang tingin. “Siguro kung nabuhay iyong sa inyo ng ex mo ang ganda rin ng batang iyon.”
Unti-unting napawi ang aking ngiti sa bata. Si Eunecia naman ay tila hindi napansin ang pagkatigil ko at inabot-abot pa iyong kamay ng batang humahagikhik parin.
I sighed on my thoughts. Iyan rin palagi ang iniisip ko sa tuwing gabi. Ano kayang naging hitsura niya? Babae ba siya… Lalake… Kanino siya nagmana?
Iwinala ko iyon sa aking utak dahil pinapalungkot lamang ako. Habang papasok kami ni Eunecia sa malaking Mall ay iba naman ang kanyang bukambibig.
“Curious lang ako… Kung si Lucas mukhang may tinatanim na galit sa ex mo, ikaw ba…” Ilang sigundong namalagi ang tingin niya sa aking may pinapahiwatig.
“Galit parin naman,” nagkibit ako. “Pero mas galit ako sa sarili ko.”
Mas galit ako sa sarili ko dahil masyado agad akong nagpadala sa emosyon ko. It’s easy to blame someone for your pain but it’s hard to admit that you’re at fault, too. Sa sobra kasing sakit ng nangyayari, sa sobrang galit, gusto mong maipasa iyon sa iba, gusto mong may masisi kahit ang totoo ay produkto lang naman iyon ng sarili mong pagkakamali.
Palagi akong napapaisip kung paanong hinintay ko nalang muna si Ken sa araw na iyon at pinakinggan ang side niya. May kasalanan rin naman ako dahil pumayag ako sa deal pero ba’t galit na galit rin ako? Siguro di ko lang talaga matanggap na nabaliktad ako at feeling ko ay pinaglaruan lang ako. Ako rin naman ang kumaladkad sa sarili ko sa lugar na iyon. Idagdag pa ang hormones ko lalo na’t buntis pala ako at ako lamang ang hindi aware.
Pero sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi. Ang nakaraan ay mananatili nalang sa nakaraan. Hindi mo pwedeng ibalik pero pwede mong balik-balikan. Ala-ala nalang ang mapanghahawakan mo at pagsisisi sa lahat ng pagkakamali mo.
33rd Chained
Chained
PrfctlyStbbrn
Too Much
Sa araw na iyon ay nanood kami ng sine ni Eunecia. Siya ang namili ng pagkain habang naiwan naman akong tinitingala ang mga now showing.
May biglang lumapit sa akin, kitang-kita ko ang imahe nito sa gilid ng aking mga mata kaya lumingon agad ako.
“You look familiar…” aniya.
Tiningnan ko rin ang babaeng hindi ko mamukhaan sa suot niyang haltered top, fit jeans at black boots. Ang kanyang buhok ay naka bun kaya litaw na litaw ang collarbone at makinis ang balat. Kaso kahit anong haluglog ko sa aking isipan kung sino ito ay hindi ko talaga kayang maalala.
“Remember me? I am one of Krisha’s friend! I heard… you and Ken… broke-up?” Marahan siyang tumawa.
Hindi ako umimik at tinitigan lamang ito. Isa pala ito sa sosyal na friends ni Ken noon.
“Third party ba ang dahilan? Did he cheated on you?” Patuloy niyang tanong habang ako naman ay nililingon ang kinaroroonan ni Eunecia na bumibili parin ng pagkain habang sa gilid ay isang lalake rin na inuuna pa noong tindera.
“Oh… You’re with someone…” Tumigilid rin ang kanyang ulo at tinatanaw na ang tinitingnan ko. “Sige… Bye!” Ngumiti siya sa akin at kumaway nalang.
Bumuntong ako ng hininga at ibinalik ulit ang mga mata sa mga palabas. Noong dumating si Eunecia ay nakabusangot na.
“Bwesit talaga! Ako ang nauna pero mas pinagtuunan pa iyong lalake! Mga babae talaga mas priority ang paglandi.”
Pumasada ang aking mga mata sa iba pang palabas. Si Eunecia naman ay tumingala narin.
“Sikat na pala ang ex ko at may movie na siya,” sabi ko sa kanya.
“Huh? Talaga?! Artista na?!”
Tumango ako at itinuro iyong palabas na mabilis niyang sinundan ng tingin.
“The Animal…” basa niya at nang mapagtanto ang aking tinutukoy ay humagalpak rin.
Iyon ang pinagtawanan niya ng husto habang pumapasok kami sa sine. Ngumisi narin ako at nahahawa sa kanyang malutong na tawa.
Tuwing linggo ay niyayaya talaga ako ni Eunecia na gumala. Noon kasi ay palagi ko itong tinatanggihan dahil hirap rin akong lumabas ng bahay kaya ngayon na nakikita niyang lumalabas-labas ako ay hinihila na agad ako at dinadamay sa mga lakad niya.
Tumagal ako sa pagiging substitute teacher ng mga Kinder. Naging masaya ang mga araw ko roon at naging close narin sa mga bata. May iilang teacher doon na kilala narin ako pero hirap rin talaga akong kumausap dahil masyado akong nilalamon ng mga pinag-iisip ko.
“Dito kana, Aioni!” Tinawag ako ng isang P.E. teacher na babae habang dala-dala ko ang tray sa canteen.
Ang balak kong umupo roon sa dulo lalo na’t bakante rin ay hindi natuloy dahil marami narin silang tumatawag sa akin.
“Dito kana! Halika…” Isa sa mga babae ring teacher dito.
Bahagya akong ngumiti at nagtungo sa kanila. Inilapag ko ang tray ko roon saka ko binakante iyong isang upuan.
“Mas maganda ka pala sa malapitan ’no? Kaya siguro ang raming nagkakagustong teacher sa’yo na mga lalake,” iyong P.E. teacher na tinitigan agad ako nang makaupo na ng tuluyan.
“Idagdag pa si Julius na bukambibig ka!” Tumawa iyong isa pang babae na naka hairpin.
Isang tipid na ngiti ang aking naibigay sa kanila at inabala ang aking sarili sa pagkain.
“Napakapihikan rin naman kasi nitong si Aioni sa lalake. Natatakot ngang manligaw si Julius dahil baka basted daw agad.”
Sumubo ako at sumulyap sa ibang bahagi. Hindi naman sila natapos sa topic nila tungkol sa mga lalakeng may gusto sa akin.
Sa isang araw, nauubos narin ang chalk ko roon sa classroom dahil pabalik balik ang panghihiram nila sa akin tapos babalik ulit at isasauli pero may iba talagang ipagpapabukas pa. Gusto ko nalang sanang magdonate ng isang kahong chalk nang hindi na bumalik-balik.
“Ma’am Aioni, si Rj tinutukso ako!” sigaw ni Alice na umiiyak na nang pumasok ako sa classroom sa umaga ng Huwebes na iyon.
Mabilis ko siyang nilapitan at yumuko sa kanyang harapan para makalebel ko ito. Pumapatak ang kanyang mga luha habang kinukusot ang mga mata.
“Rj… Anong ginawa mo kay Alice?”
Nag-iwas agad ng tingin si Rj.
“S-Sabi niya may sungay daw ako!” sigaw ni Alice.
“Eh mukha naman talagang sungay yang buhok mo! Kabi-kabila pa!” si Rj.
Nagloosen ang aking balikat habang naririnig ang iyak ni Alice kaya niyakap ko nalang ito. Tila nakonsensya naman si RJ at tumahimik nalang habang pinapatahan ko si Alice.
Sa tuwing nagkakaroon ako ng ganoong eksena sa mga bata, pakiramdam ko ay may napupunang puwang sa akin, may nadadagdag sa hinahanap-hanap ng katawan ko. Siguro ay nangungulila lamang ako sa nawala sa akin kaya ganito ako kalambot pagdating sa mga bata.
Palabas na ako noon at pauwi na nang makita ko ang iilang mga teacher na may pinagkakaabalahan sa waiting shed. Hindi ko nalang sana papansinin kaso isa sa kanila ang nakita ako.
“Aioni, halika! Baka interesado ka rito,” sabi niya at sinenyasan akong lumapit doon.
Nagtungo ako at nakita agad ang mga flyers na pinagkakaguluhan nila. Binigyan ako ng isa ni Ruby.
“Baka interesado ka eh ’di ba dalawang linggo ka nalang dito at matatapos na ang pagiging substitute mo? Baka gusto mo ng bagong trabaho,” aniya.
Kinuha ko iyon at tiningnan. Isa iyong kompanya na hiring ng mga bagong empleyado.
“Hindi ako nakapagtapos ng college eh. Baka di rin ako matanggap,” sabi ko at ibinalik iyong flyer kaso umiling siya at itinulak iyon.
“Malay mo ’di ba… Sayang at malaki ang sweldo. May mga posisyon naman siguro para sa’yo.”
Tiningnan ko ang iba pang may kung anong pinagt-tsismisan at humahagikhik.
“Kung hindi nga lang ako full time teacher magbabaka-sakali ako riyan eh,” isa sa mga P.E. teacher ang nagsalita.
“Try mo Aioni… Malay mo.”
Dinala ko iyong flyers pauwi. Habang nasa jeep ako ay iyon ang tinitingnan ko. Binasa ko ng maayos iyong mga Requirements nila. Marami namang posisyon doon kaso babagsak ako sa mga requirements at experience. Hindi sapat ang mga trabahong iyon para pumasa ako sa sinasabi nilang experience. At isa pa, baka di rin sila tatanggap ng Senior high lamang ang natapos lalo na’t malaking kompanya ata ito. Sayang at ang lalaki pa naman ng sahod…
Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko agad si Mama na kausap iyong mga kaibigan niya, sina Aling Rosalie at Aling Delya.
Kitang-kita ko ang pagsulyap nila sa akin. Nag-iwas lamang ako ng tingin at nagmano kay Mama saka ako nagdesisyong pumasok.
“Aasikasuhin ko muna ang anak ko… Baka gutom na,” ani Mama.
“Masyado ka namang nagpapaka busy eh hindi naman baldado iyang si Aioni, Mercy! Minsan na nga lang kaming mangyaya sa’yo… Purket nagkanegosyo ka lang di kana namamansin,” si Aling Rosalie iyon.
“Haynako ang drama niyo… Umalis na nga kayo.” Tumatawang sabi ni Mama.
“Sus! Iyang anak mo rin naman kasi ang may kasalanan. Kung hindi lang maagang lumandi edi hindi sana iyan masasaktan. Tapos aaktong ganyan? Magdadrama dahil lang sa lalake? Ipasok mo nalang ’yan sa Mental-” Isang lagapak ang nagpahinto sa pagsasalita ni Aling Delya.
Mabilis akong tumayo sa pagkakaupo sa sofa at sumilip sa may pinto. Nakita ko si Mama na hinahawakan ni Antie Rosalie habang tumataas baba ang kanyang mga balikat at si Aling Delya naman ay gulat na gulat habang hawak ang pisngi.
“H’wag na h’wag mong pagsasalitaan ng kung ano ang anak ko sa harapan ko, Delya! Ni hindi na nga ako nagrereklamo riyan sa mga pangt-tsismis niyo ng kung ano-ano sa buhay namin at pakikisawsaw niyo pero iyong harap-harapan mong babastusin ang anak ko sa akin aba’y makakatikim ka talaga!”
“Tama na, Mercy… Nagbibiro lang naman ’yang si Delya. Aalis na kami…,” ani Aling Rosalie at hinila na si Aling Delya paalis.
Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig doon. Paglabas ko ay nasa loob na si Mama, hinahabol ang kanyang hininga.
Nagtungo ako sa kanya lalo na’t nanginginig ito sa galit. Ibinigay ko iyong baso na kinuha niya naman at uminom doon.
“Ang mga bwesit na ’yon…” Nahipo ni Mama ang dibdib.
“Hindi niyo nalang sana pinatulan. Wala rin namang epekto sa’kin ang sinabi nila.” Nagkibit ako.
“Anong hindi?! Eh ang sakit ng sinabi! Hindi kasi nila alam kung anong nangyari sa’yo!” Nahilot ni Mama ang sentido.
Alam kong tinitsismis parin ako ng iilan dito. Marami akong naririnig na karma ko raw ito dahil mataas akong mangarap… na naghangad ako ng ganoong lalake eh ganito lang naman ako. May iba rin na sinasabing tinakbuhan daw ako dahil masyado ko nang ginagamit iyong lalake kaya hindi rin nagtagal sa akin. Walang nakakaalam na nakunan ako dahil inilihim din iyon ni Mama. Baka nga hanggang ngayon, ang pinapaniwalaan ni Ken ay pinalaglag ko talaga ang anak niya lalo na’t pagkatapos ko iyong sinabi, ni anino niya ay di ko na nakita.
“Ibenta nalang kaya natin itong lupain? Lumipat tayo sa malayo…” ani Mama habang kumakain kami sa hapag ng gabing iyon.
Natigilan si Papa sa pagsubo at sinulyapan ang aking ina. Si Lucas naman ay naninimbang rin ang tingin.
“Oh… Eh nandito ang trabaho ko. Nandito ang negosyo natin… Ang pag-aaral ni Lucas,” si Papa.
Binalingan ako ni Lucas. “May nangyari sa trabaho mo?”
Umiling ako at sumubo. Medyo kumalma naman ang kanyang ekspresyon sa aking sagot.
“Naisip ko lang naman…” si Mama.
“Kung ibebenta natin ang lupa, saan naman tayo lilipat? Mamomroblema na naman tayo ng bahay at lupa eh baon pa nga tayo sa utang kakabayad sa lupa,” si Papa.
“Kaya nga ipaubaya nalang natin ng tuluyan ang lupa at magsimula nalang sa umpisa. Umalis nalang tayo rito pag may sapat nang ipon at may nahanap na tayong malilipatan,” si Mama.
“Saan naman tayo lilipat, Ma?” tanong ni Lucas kahit na hindi naman sigurado iyong paglilipat namin ng bahay.
“Gusto mo rin bang lumipat?” si Mama.
“Kung lilipat… edi lilipat. Pwede naman akong magtransfer,” si Lucas.
Sumulyap si Papa sa akin.
“Eh ikaw Aioni… Gusto mo ba?”
Tumango ako, walang pag-aalinlangan.
“Substitute lang rin naman akong teacher. Dalawang linggo nalang ay babalik na iyong tunay na teacher nila,” sabi ko.
“Sana sa malayo, Ma,” si Lucas.
“Hindi pa naman sigurado eh. Naisip ko lang talaga na maganda siguro iyong magsimula tayo sa ibang lugar, ’di ba?”
Umikot doon ang aming topic. Pinagpaplanuhan nila Mama at Papa na ibenta nalang siguro ang bahay at ipaubaya nalang ng tuluyan sa pinagsanglaan nitong lupain doon sa pinagkautangan namin at kunin nalang iyong hinuhulog-hulog ni Mama na pera. Sabi ni Papa ay maghahanap na raw siya ng pwedeng paglipatan namin. Siguro ay napagod narin si Mama kakabayad sa lupain at gusto niya nalang mag-ipon para sa paglipat namin.
Nakaupo ako sa labas ng bahay habang yakap-yakap ang aking mga hita. Laman ng utak ko ang plano nilang paglilipat. Bigla namang sumulpot dito si Lucas na may dalang jacket. Ibinigay niya iyon sa akin at imupo sa aking tabi.
Nginitian ko siya ng bahagya at isinuot iyon. Humawak siya sa magkabilang gilid ng upuan saka tumingala sa langit.
“Sang-ayon ka ba sa plano nila?” tanong niya.
Tumango ako. “Oo… Wala naman akong maiiwan dito, Lucas.”
“Eh iyong Eunecia?”
Nagkibit ako. Pwede naman kaming magkita tuwing linggo? ’Tsaka baka kailangan ko rin talaga ito. Kung sakaling matuloy man, okay rin iyon dahil makakapagsimula rin ako. Doon ulit ako maghahanap ng pagkakaabalahan ko.
“Sa ngayon… Tutulong nalang siguro ako sa pag-iipon nila Mama para mapabilis ang paglilipat,” sabi ko.
“Gusto ko nga ring rumaket, Ate. Magpunas kaya ako ng kotse sa parking lot?” Pagbibiro niya at ngumisi pa kaya hinampas ko ang braso.
“Hindi ka naman palaboy para gawin ’yon!”
“Pera parin iyon,” sabi niya na ikinailing ko ng husto.
“Mag-aral ka ng mabuti para sa future mo.”
“Eh paano naman ang future mo?”
Sandali akong natigilan. Nagtagal naman ang kanyang mga mata sa akin.
“Sasabihin mo na namang wala kang future?” Umangat ang kanyang kilay.
May naalala ako saglit sa ginawa niyang iyon pero binura ko nalang sa aking isipan. Tumingala ako at nakita ang mga kumikinang na bituin. Sana naman ginawa nalang akong bituin ng Panginoon. Sana di nalang ako nabuhay. Mas masarap siguro sa feeling iyong manirahan sa Langit at kumislap kislap lang.
“Mag-apply ka nalang kayang regular teacher, Ate?”
“Senior high lang ang tinapos ko, Lucas.”
“Maraming offer ngayon ang mga nakapagtapos ng Senior High…”
“Marami naman… Kaso, minsan di ko rin gusto talaga iyong trabaho. Hindi ako magaling…”
“Tss… Ikaw lang naman kasi ang nag-iisip na hindi ka magaling, na hindi mo kaya.”
Hinalikan ko ang aking mga tuhod. Iyan pa kasi talaga ang hinahanap ko, kung saan talaga ako magaling. Pero sa ngayon, wala talaga akong pangarap para sa sarili ko. Wala akong masyadong goals… Walang masyadong interest sa future… Wala masyadong plano sa buhay. Nawawalan rin kasi ako ng gana. Minsan naiisip ko kung bakit pa ako magpapagod sa kakatrabaho sa future ko eh baka bukas niyan wala na ako? Okay na siguro ang ganito… Ayoko nang maghangad pa ng kung ano-ano. Tatanggapin ko nalang ang dadating at tatanggapin ko rin kung walang dadating.
“Napaka negative mo kasi…” ani Lucas nang dumaan ang katahimikan.
“Purket nadapa ka lang wala kanang ganang tumayo. Eh ganoon naman talaga ang buhay… Hindi naman palaging masaya.”
Naluha ako pero sinikap ko iyong kimkimin.
“Okay lang namang mapagod. Okay lang magpahinga. Pero hindi okay iyong sumuko ka nalang bigla dahil lang hindi mo na kaya.”
Pumikit ako at naramdaman na ang mainit na luhang tumulo sa aking mga mata.
“Hindi lang naman ikaw ang may mabibigat na problema, Ate. Baka may iba riyan na mas malala pa pero lumalaban parin.”
Suminghot ako sa kanyang sinabi. Pasimple kong pinalis ang mga luha.
“Sinusubukan ko naman Lucas… S-Sinubukan kong bumalik sa dati… K-Kaso… Hindi ko na talaga maintindihan… H-Hindi na ako masaya.” Nabasag ang aking boses at mas nalaglag ang luha sa aking mga mata.
“Ang hirap… Ang hirap nang maging masaya. Parang gusto ko nalang magpahinga.” Humikbi ako habang pinupunasan ko ang aking mga luha.
Hinaplos niya ang aking likod. Sa gitna ng dilim ay nakikisabay rin ang kanyang ekspresyon habang nakatitig sa akin.
“Pero sisikapin ko kasi ayokong nalulungkot din kayo dahil sa’kin. Pero pag di ko na talaga kaya… S-Sana hayaan niyo nalang akong magpahinga-”
“Tumahimik kana nga, Ate,” galit niyang putol sa akin.
Tumahimik ako at inabala ang sarili sa pagpupunas ng luha.
“Paano ka magiging masaya kung kinukulong mo rin ang sarili mo sa kalungkutan?”
Hinabol ko ang aking hininga. Narito na naman iyong pakiramdam na ang sarap nalang umiyak ng sobrang lakas. Ang sarap magsisigaw at ang sarap nalang magwala.
Tumayo si Lucas. Noong bumalik na ito ay may dala nang baso ng tubig at ang gamot ko. Ibinigay niya iyon sa akin at hinaplos ulit ang aking likod.
Tahimik akong umiyak sa labas. Tahimik akong tumingala sa langit at tinatanong kung kailan matatapos ang lahat. Alam kong may plano sa akin ang Diyos pero parang ang hirap na minsang lumaban.
Ilang oras rin ang lumipas bago ako nahimasmasan. Itinulog ko nalang iyon at kinabukasan ay pumasok ulit sa trabaho.
“Ma’am Aioni… May gift po ako sa’yo,” sabi ni Alice sa umaga ng Lunes na iyon habang may tinatago sa kanyang likuran.
Lumuhod ako sa kanyang harapan at ngumiti sa limang taong gulang na bata. Ang kanyang buhok ay nakatali ngayon suot ang kanyang malinis na uniporme.
“Ano ’yon?”
Humagikhik siya at mabilis na inilabas sa kanyang likod ang isang pang-ipit.
“Heto po para match po tayo!”
Marahan akong tumawa. “Ang cute naman nito Alice…” Kinurot ko ang kanyang mga pisngi na ikinahagikhik niyang muli.
“Isuot mo nga sa akin…” Isinabit ko ang buhok sa gilid ng aking tainga.
Kinuha niya naman iyon sa pagkakaipit sa lalagyan noon at pumwesto sa aking gilid. Maingat niya iyong inilagay sa aking buhok habang hindi naman nabubura ang ngiti sa aking labi.
“Salamat, Alice…” Niyakap ko siya at hinalikan ang kanyang ulo.
“Ang ganda niyo po Ma’am Aioni… Sana po paglaki ko maging katulad niyo po ako kaganda.”
Humarap ako sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi.
“Bakit naman gusto mong maging ako? Eh paglaki mo pwede ka namang maging model kasi ang cute cute mo. O pwede kang maging nurse… teacher…”
Umiling siya at ngumuso.
“Gusto ko po maging katulad niyo po ako paglaki ko, Ma’am Aioni…”
Tumawa ako.
“Oh sige na… Basta, paglaki mo ay h’wag mo akong kalimutan ha.”
“Opo!”
Isa si Alice sa mga nagbibigay ng saya sa akin sa eskwelahan. Naeexcite akong pumasok dahil nakikita ko ang matingkad niyang ngiti. Kaya noong ilang araw na itong absent ay hindi ko na mapigilang hindi magtanong sa ina nito. Itinext ko nalang iyon lalo na’t may iniwan namang number sa bawat card nila.
Ako: Okay lang po ba si Alice? Si Ma’am Aioni ito.
Ilang sandali lang ay nagreply agad ito sa akin.
Unknown: Hi po, Ma’am! Opo… Na dengue po kasi si Alice. Nasa hospital po kami, Ma’am. Pero pag nakalabas na si Alice ay papapasukin ko rin po.
Kinabahan agad ako sa kanyang sinabi. Ilang sigundo ko pa iyong tinitigan saka ako nagtipa ng mensahe.
Ako: Pakisabi po na magpagaling siya. May regalo sana ako sa kanya.
Unknown: Sige po, Ma’am. Maraming salamat po.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at tiningnan ang binili kong pangtali ng buhok para sa kanya. Magiging okay rin siya, Aioni… H’wag kang mag-alala.
Isang linggo ring absent si Alice kaya hindi ako masyadong makapagconcentrate. Pati si RJ ay nagtatanong narin sa akin kung nasaan na raw si Alice dahil miss niya nang awayin. Nagtawanan pa kaming lahat noon habang pinagsasabihan ko siya na h’wag nang paiyakin si Alice.
Kaya noong Lunes na hindi parin ito pumasok ay bumisita na talaga ako sa hospital. Dala dala ko iyong regalo ko sa kanya at iyong pinapabigay na card ni RJ. Humihingi siya ng tawad sa pang-aaway niya rito na kahit ang iba niyang mga kaklaase ay may pinadala ring chocolates.
Nagtanong lang ako sa nurse kung saan ito nakaconfine at sinabi naman sa akin ang number ng kuwarto niya. Nasa 3rd floor iyon kaya doon ako nagtungo.
Naglalakad na ako sa isang pasilyo nang may mamataan akong mag-asawang umiiyak.
“Alice! Bakit mo naman iniwan si Mama?!” Halos magwala ito habang umiiyak.
“Alice! Anak ko!”
Tumigil ako sa paglalakad at nabitiwan ang hawak hawak na pangtali ng buhok. Nanginig agad ako at deri-deritso na ang pagbuhos ng aking luha habang bumabalik sa aking alaala ang sinasabi ni Alice na gusto niyang maging kagaya ko paglaki niya na kahit ang pag-iyak ko sa balitang nakunan ako ay humalo na sa aking isipan.
Napahawak ako sa pader at halos mabingi na sa iyak ng isang inang sinisigaw ang pagkawala ng kanyang anak. Ano bang nangyayari sa buhay ko?! Lahat nalang ba… Lahat nalang ba ng mapapalapit sa akin at mamahalin ko ay kukunin agad sa akin?! Wala ba talagang matitira? Wala na ba talaga akong karapatang sumaya?!
Nangarap pa siyang maging ako… Ipinapamukha ba talaga sa akin ng tadhana na malupit ang mundo sa akin? This is just too much! Palagi nalang akong pinapatay sa sakit. Palagi nalang akong nawawalan…
My chest hurts alot. Sobrang sikip ng aking dibdib. Habol-habol ko ang aking hininga at hindi na alam kung paano kokontrolin ang iyak. The pain is just too much that it caused me to passed out.
34th Chained
Chained
PrfctlyStbbrn
Successful
Hindi na ako nagtaka noong nagising ako sa isang puting kuwarto. Nagtama agad ang mga mata namin ni Mama. Namumugto iyon at halata ang pagod sa mukha.
“Anak…” paos niyang tawag at hinaplos ang aking pisngi.
Sariwa pa sa aking isipan ang nalaman ko. Dumaloy agad ang luha sa aking mga mata.
“Namatay ’yung p-paborito kong estudyante M-Ma-” Namamaos kong sambit at nawawalan na naman ng pag-asa. Gusto kong saktan ang sarili ko ngunit pagod na pagod ang buo kong katawan at sobrang hinang hina ko na.
“Shh… Magpagaling ka muna… Tama na muna ’yan, Marione…” Lumuha siya habang pinapatahimik ako.
Sa may pinto naman, nakita ko si Lucas doon, nakahalukipkip at sobrang lamig ng ekspresyon habang nakatingin dito. Pumikit akong muli at umiyak. Ang bigat bigat na naman ng aking pakiramdam.
Ang sabi ng doktor ay nagcollapse ako dahil sa pagod, mentally… Dahil daw roon ay nakakaramdam ako ng pagod physically. Ang rason daw noon ay dahil sa anxiety ko. Hindi na kinaya ng aking utak at idagdag pa ang pagbaba ng blood pressure ko, ang takot at sobrang emosyon kaya nawalan na ako ng malay.
Alice’s death worsen my situation. Tila bumabalik ako sa umpisa. Para na akong mababaliw sa mga pinagdadaanan ko.
Nakapikit ako noong oras na iyon pero naririnig ko ang pag-uusap ni Mama kasama iyong doctor. Dalawang araw na akong nandito at hindi pa ako magawang idischarge dahil sa mga iba’t ibang klase ng examinations na ginawa ko kanina katulad ng lab test, blood pressure at kung ano-ano pa na hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin. Mukhang para na naman iyon sa mental illness ko na natrigger na naman dahil sa nangyari.
“Maraming uri ng depression at ang nararanasan ng pasyente ay isa sa mga common na nararanasan sa kanyang edad, dahil narin sa napagdadaanan. She’s experiencing a severe depression called Melancholia. A patient with severe Melancholic depression might affect her mood, her appetite, her loss of interest in her daily activities, feeling of excessive guilt and hopelessness. Ang mga may ganitong kondisyon na pasyente, pag hindi naagapan ay maaaring lumala at maapektuhan ang kanyang pag-iisip. She really needs a proper psychotherapy to monitor her mental health.”
“May iniinom namang anti-depressant ang anak ko, Doc… Pero ba’t parang wala paring epekto? Lumalala siya sa umaga at palaging umiiyak. Minsan ay hindi na gustong matulog…”
“Taking too much antidepressant is really not a good medication for a severe depression, Madame. Maaaring mag increase ang suicidal thoughts ng pasyente kung naadik ang kanyang katawan sa gamot na iyon. We’ll give her a psychotherapy para matulungan rin siya kung paano ito ihahandle ng maayos.”
I was diagnosed with major depressive disorder with melancholic features pagkatapos kong dumaan sa mga tanong na halos ikaiyak ko habang sumasagot sa doctor. Marami siyang advice sa akin katulad ng exercise, yoga, at pag-inom ng tubig para iwas dehydration narin.
Sa psychotherapy o talk therapy, doon ko naibubuhos lahat ang matindi kong emosyon, doon ko rin nailalabas ang mabigat kong dala-dala at pinapayuhan nila ako kung paano iyon ihahandle.
Kung hindi nakatulong sa akin ang talk therapy o psychotherapy ay maaari na raw akong dumaan sa ECT o Electroconvulsive therapy para sa aking kondisyon. Ganoon na siguro kalala ang pumapasok sa aking utak na kailangan na akong kuryentehin sa ulo para sa mild seizure ng aking utak. Effective naman daw ang ganoon at safe pa kung sakaling kinakailangan ko na talaga.
Isang linggo na namang umikot ang aking araw sa hospital para sa aking MDD treatment. Advisable pala talaga sa ganitong kondisyon na imonitor ng isang expert na psychologist dahil kung hindi ay maaaring lumala lamang ang kondisyon ng may mga ganoong mental illness.
Nadischarge rin naman ako pagkatapos ng isang linggong pamamalagi roon dahil sa aking proper medications. May mga schedule parin naman ako para sa aking talk therapy para rin mamonitor ang aking kalagayan.
Hindi naging maganda ang impresyon ko sa isang lalakeng doctor kaya binigyan ako nila ng babaeng therapist para sa aking talk therapy. Sa kanya ko minsan naibubuhos ang lahat lalo na’t may mga tanong rin itong nagpapaiyak sa akin.
“Kung ano man ang nasa iyong nakaraan na hindi mo mabitiwan ay kailangan mo nang harapin, Aioni. Your condition might get worst if you didn’t confront your past. You need to free yourself from your own chains…” aniya.
Bumuhos ang aking mga luha. Alam ko… Alam kong nakakulong parin ako sa nakaraan. I am still guilty… I am still chained with my regrets and guilts. Hirap parin akong magmove-on dahil hindi ko rin naman alam kung paano ako makakalaya.
“Hindi ko po kasi alam kung…” Halos habulin ko ang aking hininga kaya sinenyasan agad ako ni Ma’am Rhian, ang aking therapist na mag enhale exhale.
Ginawa ko iyon para ikalma muna ang sarili.
“Relax… Don’t stress yourself too much and avoid from overthinking. Ang isang problema ay hindi masosolusyonan ng maayos kung masyado mong poproblemahin. Breathe first and try to think in a positive way.”
Tumango ako at iyon ang sinunod. Kinalma ko muna ang aking sarili at binura ang mga naiisip kong negative thoughts.
“Ayon sa record mo ay nakunan ka at nakaranas ng traumatic events noong bata ka pa dahil narin sa family background niyo. And in your case… living in guilt will really worsen your mental illness. Binaon mo ang sakit ng nakaraan kaya hindi ka makausad sa iyong kasalukuyan.”
Pinalis ko ang aking mga luha. Tumango-tango ako at sang-ayon sa bagay na iyon. Inaamin ko na iyon talaga ang problema ko. Iyon ang nagpapalala ng depresyon ko. I am overthinking and living in guilt with my chains…
“Alam mo hija, hindi ka makakawala kung wala sa’yo sa susi. Kaya siguro hindi mo makalas ang tali ng kahapon dahil hindi ikaw ang kailangang magpalaya ng iyong sarili. Did he hurt you so bad?”
Wala akong naging sagot doon at tumitig lamang sa mukha ng therapist ko habang sunod sunod na ang buhos ng aking mga luha. Remembering my past pains me alot. Sariwang-sariwa palagi ang sakit na akala mo ay nangyari lamang ito kahapon.
“Go on… Ilabas mo… Stop hesitating… H’wag mong ikulong ang mga salitang gustong kumawala.”
Iyon ang nagtrigger sa akin para humagulhol.
“Ginago niya po ako! Dalang dala po ako na mahal niya ako kaso malalaman kong napaglaruan lang pala ako! Sila ng pinsan niyang gago!” singhal ko at nadala na sa aking emosyon.
“Galit na galit po ako na hindi ko na nakontrol ang sarili ko kaya… k-kaya napabayaan ko ang sarili ko at hindi ko man lang nalaman na buntis na pala ako! K-Kasalanan niya iyon pero feeling ko kasalanan ko rin ang lahat!” Bumuhos lalo ang aking mga luha at tinakpan ang aking mukha. “Nawala ang b-baby ko d-dahil sa kapabayaan ko! Ako ang may kasalanan ng lahat!”
Mas grumabi ang aking iyak at pakiramdam ko ay nagdurugo na naman ang aking puso. Hinayaan ako ng aking therapist na humagulhol at kulang nalang ay magwala.
“Paano kung ang lalakeng nanakit sa’yo ay makita mo ulit? Magagalit ka ba? Susumbatan mo ba siya? Sasabihin mo bang nang dahil sa kanya ay naging miserable ang buhay mo? Iyon ba?”
Marahil ay magagalit ako kaso sa mga taong nagdaan, pagod na pagod na akong magalit! Pagod na pagod na akong masaktan ng paulit-ulit. I just want to rest from everything…
“Sisikapin kong… Sisikapin kong pakinggan muna siya…”
Tumango-tango siya sa akin.
“And?”
“At gusto kong…” Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. “Gusto kong humingi ng tawad dahil nagsinungaling ako… K-Kung iyon lang po ang paraan para makalaya na ako ng tuluyan sa nakaraan ko ay gagawin ko po dahil sobrang pagod na pagod na pagod na akong dalhin ang bigat na pinapasan ko. Pagod na akong magalit… Masaktan… Magtanim ng sama ng loob… Pagod na pagod na po ako…”
My therapist smiled at me.
“It will be hard for you but your desicion is right, Aioni. You really need to confront your past. Kung ano man ang makakapagpagaan ng loob mo ay gawin mo. Hindi solusyon ang paghihiganti sa isang tao na gumawa ng masama sa’yo. If you chained yourself from your anger then you will never win the fight. Free yourself and start forgiving the people who caused you pain… Start forgiving yourself, too.”
Gumagaan palagi ang aking pakiramdam at parang nababawasan ang dinadala kong bigat sa tuwing nagkakaroon ako ng talking therapy o Psychotherapy. Nabibigyan niya ako ng mga advise kung paano magcocope-up sa ganoong sitwasyon at kung paano ko na ihahandle ang aking emosyon.
I think I am almost there… Unti-unti nang natatanggal ang ilang mga kadenang nakatali sa aking buong katawan. Ang kulang nalang ay ang kadenang nakagapos sa aking puso. Siguro, kung iyon ang matatanggal ko ay tuluyan na akong makakawala. Iyon nga lang, paano ko nga iyon gagawin kung wala naman sa akin ang susi.
Hindi na ako pinayagan ni Mama na bumalik sa paaralang iyon dahil baka lumala lamang ang aking pakiramdam lalo na sa nangyari kay Alice. Tuwing umaga ay palagi niya akong niyayayang magjogging kahit na wala naman akong gana.
Isa rin si Eunecia sa mga nangungumbinsi sa akin na magyoga. Siya ang partner ko sa mga ganoong bagay lalo na’t umaga palang, bago ang kanyang trabaho ay pinupuntahan na ako. Si Lucas naman ang tagagising sa akin para sigurado talagang wala akong kawala sa mga pinaplano nilang exercise.
“Alam mo ba na nadepress narin ako… Kaso ako lang ang nagsabi na depress ako ha. Kasi naman, nakakadepress ’yung grade ko noon sa college! Kaso sa nakikita ko ngayon sa’yo ang OA ko pala eh hindi naman ako na diagnose ng mismong doctor talaga… Para kong ginagawang biro iyong mental illness at sinasabing depress ako kahit ang liit na bagay lang noong kinakalungkot ko. Hindi pala dapat ginagawang biro ang ganyang kondisyon. Ayoko nang magself-proclaim sa mga ganyang bagay dahil baka pag naging totoo ay hindi ko rin kayanin,” ani Eunecia habang binabali niya ang kanyang buto sa aking harapan at pilit nagbebending.
Wala akong imik lalo na’t nararamdaman ko narin ang aking pawis habang nagyoyoga sa isang mat. May instructor naman na nag guide sa akin kanina kaya medyo hindi rin ako nahihirapan.
Nagpatuloy sa pakikipag-usap sa akin si Eunecia ng kung ano-ano tungkol sa aking kondisyon.
“Normal ka parin namang tingnan iyon nga lang ay pumayat ka lalo sa height mong 5’5. Tapos ang putla putla mo pa at hindi na ako sanay sa kinikilos mo minsan. Ang hirap kayang magsalita at feeling ko walang buhay ang kausap ko!” Umiling-iling si Necia habang nagpaplanking na sa mat.
Kinuha ko ang bottled water sa aking tabi at ininom iyon. Wala akong masyadong maisip na sasabihin sa kanya. May namataan pa akong lalakeng nagt-treadmill na ngumisi sa akin kaso iniwas ko nalang ang aking mga mata at bahagyang inayos ang nakaponytail kong buhok.
Isang buwan akong ganoon ang routine. May mga iniinom parin naman akong tableta pero minsan nalang talaga.
Ayoko na sanang bumalik ulit sa hospital. Napapagod na akong makipag-usap sa doctor dahil parang may sira na talaga ako sa ulo sa paulit-ulit na routine. ’Tsaka baka maubos lamang ang ipon ni Mama eh pinagpaplanuhan pa naman sana naming lumipat.
“H’wag mo nang alalahanin ang bayarin sa hospital, Aioni! Bayad narin naman ang hospital bills mo simula noong maconfine ka. Ang sabi lang sa akin ay may nagbayad na raw ng hospital bills mo pero ayaw magpakilala eh. Sa kabila ng nangyayari ay may hulog ng langit parin talagang mga tao sa paligid…” ani Mama na ipinagtaka ko.
Huh? Sino namang sasagot ng hospital bills ko? May naiisip akong isang tao pero imposible. Galit iyon sa akin at baka nga ay sabihin pa noong tama lang sa akin ito, na karma ko ito dahil sa ginawa ko sa kanya. Hindi na iyon mabait… sigurado ako.
“Nariyan na naman iyang hulog ng langit ah! Baka mamaya niyan taga impyerno na pala! Kapag nalaman ko talagang may nangmamanipula na naman sa buhay mo nako dalawang ulo na talaga ang lalagariin ko! Sumusobra na iyan ha!” Nagwala na si Eunecia nang malaman rin ang tungkol sa hospital bills na binayaran ng kung sino.
“Baka naman tumulong lang talaga,” sabi ko at pilit binura ang negatibong pag-iisip.
“Haynako!” Nagdabog na siya at hindi na maituloy ang sasabihin.
Isa sa mga payo sa akin ng aking therapist ay bakantehin ko ng positive thoughts ang aking isipan kaya iyon ang palagi kong pinapractice. Bale parang bahay rin kasi raw iyong utak ng isang tao. Itapon sa basurahan ang kalat at h’wag hayaang nakatambak lamang dahil kung hindi ay magiging magulo ang paligid at mawawalan na ng space kaya nahuhulog sa pag-ooverthink.
“Change your thoughts and the behavior will follow. Bakit ka ba nadedepress? Simply because you’re ovethinking too much! And what’s the cause of overthinking? Stress! Your body feels weak dahil sa signal ng utak na kumakalat sa buong sistema mo. Pag nag-iisip ka ng nakakaiyak ay maiiyak ka rin. Pag nag-iisip ka ng nakakalungkot ay malulungkot ka rin. Pag nag-iisip ka ng problema ay mas lalo lang mamomroblema. Pero kung nag-isip ka ng masasayang bagay ay sasaya ka rin. You need to control your thoughts because your thought controls your behavior and emotions. Kung ang katawan ay kailangan ng exercise ang ating utak ay kailangan rin ng ganoon. Be positive.”
Napagtanto kong tama nga naman ang therapist ko. Marami akong natututunan sa bawat session kaya sinisikap ko naring maging positive lang.
Sa mga lumipas na araw ay unti-unti na namang bumabalik ang aking sigla at gusto ko na ulit magtrabaho. Naglinis ako ng aking buong kuwarto sa araw na iyon nang makita ko rin iyong flyer na itinago ko sa aking bag. Ito iyong flyer sa eskwelahan.
Tiningnan ko iyon. May hiring parin kaya? Gusto kong lumabas labas ulit at magtrabaho. Gusto kong may mapagkaalabalahan ulit ako.
Try it, Aioni… Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan ’di ba?
Kaya sa umaga ng Biyernes na iyon ay nahuli ko nalang ang sarili kong tinatanaw ang matayog na building ng kompanyang pag-aapplayan ko ng trabaho. Dala ko lahat ng aking requirements habang humihinga ng malalim at pilit nag-iiisip ng positibo.
I wore a black fit pencil skirt matched with collared white shirts habang ang aking buhok naman ay naka bun to look formal. Wearing my killer heels ay pumasok ako at hindi na nag-alinlangan pa.
Kaya mo ’yan, Marione… Think positive!
Nagtungo ako sa front desk at nagtanong lang kung hiring pa ba.
“Actually tapos na ang hiring Ma’am…” sabi noong babaeng nasa front desk habang tinotingnan ang aking dalang requirements.
“Ah, kayo po si Miss Marione Santillan?” tanong niya at binasa ang aking pangalan.
Tumango ako at bahagyang ngumiti, ramdam ang kalabog ng aking dibdib.
“Proceed nalang po kayo sa 20th floor at hanapin si Miss Ramiro sa conference room, Ma’am. Siya po ang magsasabi kung may available position pa ba.” Ibinigay niya ulit sa akin ang aking requirements.
“Sige… Salamat.” Ngumiti ako ng tipid at nagtungo na sa floor na sinabi sa akin.
Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin doon sa elevator. Huminga ako ng malalim at pilit ngumiti. Think positive… Kung hindi ka matatanggap o kung wala nang posisyon para sa akin ay maghahanap nalang ulit ako! Tama ’yan, Marione…
Noong bumukas ang floor ay lumabas rin agad ako dala dala ang tapang na binuo ko sa aking isipan. Nagtungo ako sa isang conference hall at nagtanong nalang doon kung nasaan si Miss Ramiro?
“I’m not really sure kung may bakante pang posisyon but maybe meron pa naman…” sabi niya habang naglalakad kami sa isang pasilyo patungo sa elevator.
“Kahit tagalinis nalang po… Kaya ko ang ganoong trabaho,” sabi ko sanhi para bumaling siya sa akin.
Pinasadahan niya ako ng tingin at bahagyang natawa.
“Are you sure? Sa ganda mong iyan? Don’t worry… Ipapasa kita sa boss nang siya narin ang magpasya kung saan ka ilalagay since wala naring vacant talaga… Ipagdasal nalang natin na good mood iyon.” Kinindatan niya ako.
Tumango ako bilang sagot at nagsimula nang kabahan. Strikto ba ang boss niya? Tiningala ko nalang ang floor at binibilang ang bawat numero na lumalagpas doon.
Tumigil iyon sa 40th floor. Nasa pinakamataas na ata kami ng building ng kompanya. Pasimple akong huminga ng malalim habang tinatahak muli namin ang isang pasilyo. Nagtungo kami sa isang office na mukhang pinakamalaki rito.
Kumatok si Miss Ramiro saka niya itinulak ang pinto para papasukin ako.
“Goodluck sa job interview,” sabi niya at ngumiti ng matamis.
“Salamat,” tanging sagot ko at hindi man lang makangiti pabalik dahil sa pamumutla at kabang umaahon sa aking dibdib.
Nagsimula akong pumasok. Malamig ang loob habang ang aking mga mata ay awtomatikong napunta sa dulo kung nasaan ang isang lalakeng nakaupo ngunit nakatingala. His face was very pleasured like he’s enjoying it… Na kahit na ramdam niyang may nakatingin na ay wala siyang pakialam sa kahit sino.
Hindi ko alam kung saan ako unang magugulat. Sa pamilyar niya bang mukha o sa nakikita ko sa ilalim ng kanyang desk lalo na’t may babaeng nakaluhod doon habang may ginagawang kababalaghan sa kanya. I can even hear her moans while she’s busy doing him!
Ilang sigundo akong naparalisa at hindi man lang magawang gumalaw. His ruthless face turned to me. Nagtama ang aming mga mata at sa loob ng anim na taon, sa mga araw na iniisip ko kung ano ang aking magiging reaksyon kung nagkita kami ulit ay tila nabura na sa aking isipan.
His aggressive stares were telling me that I am not welcome, yet he manage to keep his composure inspite of his dark expression.
May parte sa akin ang gustong umatras at lumabas. I shouldn’t be in here! Paanong ang ex ko ay ang magiging boss ko pa sa pagtatrabahuan ko?! Baka dito na talaga ako mamamatay.
Stop- Marione! Think positive! Hindi ba at kailangan mong palayain ang sarili mo sa nakaraan? Heto na… Nandito na siya. Siguro ang tadhana na ang gumawa ng paraan para matapos na ang paghihirap ko sa loob ng anim na taon. Confront your past… Aioni… Tama na ang anim na taon at umpisahan mo nang kalasin ang tali sa’yo!
Tumayo ang babae habang narinig ko naman ang pagzizipper niya. His eyes remained at me, giving me the coldest stares.
“Leave,” malamig niyang tugon sa babae na marahil ay sekretarya niya ngunit hindi man lang inaalis ang mga mata sa akin.
His deep stares were too much to handle. Those pair of dark brown eyes with a hint of anger… Ang nakasanayan kong mga matang kumikislap noon ay tila kinain na ng dilim na parang isang kalangitang ni isang butuin ay walang mahagilap dahil sa nagbabadyang kidlat.
The girl licked her lip seductively at nagawa pa akong sulyapan habang naglalakad siya palabas.
“Disturbo,” she frowned at me.
Lumunok ako at hindi na alam ang gagawin. Ramdam ko ang panginginig ng aking paa at nawawalan na ng kulay. Pero kahit na ganoon ang aking nararamdaman sa loob ay nakaya ko parin itong tingnan sa mga matang walang buhay. Para akong nakatitig sa lalakeng hindi ko kilala na kailangan ko pa itong titigan ng husto para lang makumbinsi ang aking sarili na siya iyon.
Maraming dumaan sa aking isipan. Saan ba ako mag-uumpisa? Anong sasabihin ko pag tinanong niya ako ng kung ano-ano? Stop overthinking! Calm down for awhile, Aioni…
“Have a seat.” Itinuro niya ang upuang nasa kanyang harapan.
Lumunok akong muli at naglakad papunta roon habang siya ay nakasandal sa kanyang upuan, malalim ang titig na tila galit idagdag pa ang ayos ng buhok niyang naiiba na sa nakasanayan ko. Clean cut na iyon at nakasuklay paatras, nakabalandra na ang noo suot ang isang tuxedo.
I tried not to burst from my emotions. Sinikap ko munang isantabi ang nakaraan para maiwasan ang mental breakdown ko. I need to think of something else… Kailangan ko munang bakantehin ng iba ang aking isipan kaysa makita niya ang naging damage ng nangyari sa aming dalawa noon.
Umupo ako roon at inilapag sa desk ang aking folder na dala. He loosened his tie while his expression didn’t change. He’s more serious than before. His ruthless expression is quite intimidating… And he really changed alot. Ang nakasanayan kong loko-loko ay parang hindi na siya. Baka nga ay kamukha niya lang ang ex ko eh. He’s very far from the guy I fell inlove with. Parang hindi na ito marunong ngumiti dahil sa namamahingang galit sa mukha.
Binuksan niya ang aking folder at doon nagconcentrate habang magkakasalubong ng husto ang kanyang mga kilay. I can even smell his manly perfume while I’m watching his rolex watch on his wrist. Ang aking mga mata ay napadpad pa sa kanyang leeg at nakita roon ang isang silver necklace revealing how he’s living a very luxurious life from those things.
Successful na siya at ako lang ata ang naiwang bumagsak sa lupa. Naghirap ako sa putikan habang siya itong tila nakatira na sa langit dahil sa sobra niyang taas ng narating.
Stupid, Marione! He’s already living a luxurious life from the start! Mayaman na talaga sila kaya hindi na nakakapagtaka ang kanyang posisyon ngayon.
35th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Cruel
Tahimik ko lamang siyang pinagmamasdang nirereview ang aking papers. I should talk to him, alright… Pero mukhang ang hirap bumwelo kung ganito na pala siya kaseryoso. At hindi iyon magandang timing. Baka ang sabihin niya ay siya ang pinunta ko rito. I am here for a work! Nagkataon lang talagang siya rin pala ang boss.
“So… Hindi ka nakapagtapos ng college?” Umahon ang kanyang tingin, ang boses ay masyadong matigas at seryoso na napaiwas agad ako ng tingin.
Tumango ako at mahigpit na hinawakan ang aking skirt. Naikuyom ko na ang aking mga kamay roon.
Sumandal siyang muli sa kanyang upuan at inangat nalang iyong Resume ko. He looks bored yet he manage a serious face.
“For what reason? Financial?” he asked, almost insulting.
Tumango akong muli at ayaw nang ungkatin ang background ko sa hospitals kaya nahirapan akong magcollege. I don’t want him to know my real condition. Ang gusto ko ngayon ay makatyempo kung paano ko siya kakausapin ng maayos.
“How come? Hindi pa ba naging sapat iyong perang ibinigay ng pamilya ko noong naghain kayo ng kaso?” pabulong niyang sabi ngunit halatang nagpaparinig lamang.
Hindi ako sumagot doon. Nagpatuloy naman sa pagpasada ang kanyang mga mata sa hawak na papel.
“And you have no experience in Companies. Hindi ka nakapag OJT man lang?”
Ni hindi niya man lang ba naisip na di nga ako nakapagcollege? Is it his pride talking, or his anger? Kung alin man ang pumapaibabaw ay nahihimigan ko na agad ang parusang ipapataw niya sa akin.
Umiling ako habang nakatitig sa likod ng papel na tinatakpan ang kanyang mukha. Mas gusto ko atang iyon ang makita ko kaysa makita ang galit sa kanyang mga mata.
“Hmm… So how did you spend your whole 6 years? You’re just busy dating on Malls?” Iba ang naging atake ng tanong na iyon kahit sinabi niya iyon sa baritonong boses. Kulang nalang ay akusahan niya ako ng kung ano-ano.
Hindi ko alam kung saan niya iyon napulot. Ang natatandaan ko lang ay nagMa-Mall lang naman ako pag nagyayaya si Eunecia sa akin. I spent my whole 6 years for treating my mental illness, Ken. I spent my whole 6 years inside the hospital. Iyon ba ang gusto niyang marinig kaysa pinagbibintangan niya ako ng kung ano-ano?
It wasnt part of my interview to cater his insults. Ang sasagutin ko lang ay ang connected sa trabaho. Baka pag iyon na ang naging topic ay mahirapan lang rin akong huminga. Plus, he’s mad… Pag sasabayan ko iyan ay baka manumbat lamang siya at sumabog narin sa galit.
“A Senior High Graduate without any experience. Nakapagtrabaho ka sa Restaurants… Bar, Clinic, school… pero ba’t parang hindi ka tumatagal sa mga trabaho mo?” Ibinaba niya ang papel at nagtama ang aming mga mata. “Nilalandi mo ba ang mga boss mo at nauuwi ka sa pagreresign dahil tinatakbuhan mo na?” His brow raised at me.
I manage to stay calm inspite of his sudden attacks. Ang simpleng salita ng panghuhusga ay hindi na tatalab sa akin sa rami ng sakit na pinasan ko.
“Hindi po ako comfortable sa trabaho ko kaya minsan ay nauuwi sa pagreresign.” Bumaba ang aking tingin sa aking kandungan.
Tumagilid naman ang kanyang ulo at humilig na ang isang kamay sa armrest ng kanyang upuan habang hinahaplos ang baba.
“So you’re saying to me that you can easily resign after working pag hindi mo masyadong nagustuhan ang iyong trabaho, ganoon ba? At gusto mong tanggapin ko ang isang tamad na empleyado sa kompanya ko?”
I can feel his hatred, his anger in each words. Matalim ang kanyang tingin at madilim ang ekspresyon. Umahon muli ang aking mga mata sa kanya.
“Pagbubutihan ko naman po at ibibigay ko ang best ko para sa posisyon…”
He stared at me for awhile. Tiningnan ko siya ng ilang sigundo sa mukhang kalmado sanhi para mag-iwas siya ng tingin kasunod ng paggalaw ng kanyang panga.
“You don’t fit in any positions base on your background. Hindi naman pwedeng mag-apply ka at puhunan lamang ang mukha at katawan para makapang-akit ng boss mo? If you’re after me then I am telling you… I have high standards, Miss Santillan. Hindi ako basta basta mahuhulog sa isang empleyado lamang,” he said firmly while eyeing me.
Tila may bumara sa aking lalamunan. Nabablangko ako at nanghahapdi pa ang aking mga mata pero nagawa kong kumalma sa kanyang harapan sa kabila ng panginginig ng aking mga paa.
Alam kong kasalanan ko ito. I made him a monster… I created a demon inside him. Pwede ko namang sabihin agad lahat ngayon sa kanyang harapan pero masyadong bumubuhos sa akin ang labis na emosyon. Baka konting kalabit nalang ay magb-breakdown na ako.
And for sure, he’s gonna use this opportunity to crash me.
“Trabaho naman po ang pinunta ko rito, Sir…” paliwanag ko at iyon lamang ang nakayang sabihin.
Mataman niya akong tinitigan sa mga matang nag-aalab parin ang galit at ang sobrang seryoso ng kanyang mukha. Hindi na ako magtataka kung sinasadya niya akong insultuhin para ibalik sa akin ang ginawa ko noon sa kanya.
Marahil ay isa rin siya sa hindi pa nakakamove-on sa nakaraan. Pero kung ang baon-baon ko ay pagsisisi siya naman ay baon-baon ang sobrang galit para sa akin. Hindi kami magkakasundo sa gusto ko kung salungat ang kanyang pinapakita sa akin. Para siyang nagdala ng armas sa gyera na ang tangi kong dala ay sarili ko lang. Ganoon siya kahanda at ka agresibo na saktan ako.
Humilig siya sa kanyang mesa at ipinagsalikop na ang mga kamay.
“Ang tanging bakanteng posisyon lamang na nababagay sa’yo, base narin sa’yong background, ay janitress. Do you know how to mop a floor?” he asked with so much mockery.
Ganoon na ba talaga kakitid ang utak ko na kailangan niya pa iyong itanong para lang maintindihan ko ang ginagawa ng isang janitress? Calm down, Marione…
Walang hesitasyon akong tumango. Kung iyon lang ang maibibigay niya sa akin ngayon ay tatanggapin ko. Pagkatapos nito, pag nakahingi na ako ng tawad, pag nakaipon na kami ng husto ay lilipat narin naman kami. Ito nalang siguro muna ang aayusin ko bago kami mag-umpisa ulit sa simula. I need to make ammends with my past first… I need to free myself from his chains first…
“Ang tangi mo lang gagawin ay mag map ng sahig. Hindi na kasama roon ang pang-aakit sa boss mo. Know your place in this company,” he said with finality.
Tumango ako. This ruthless man is planning to kill me with his insults. His words cut like knife but I need to endure it… Ano ba kasing tingin mo, Marione… Pagkatapos mong saktan ang isang tao ay ngingitian ka pa sa paglipas ng panahon? Remember… you told him you killed his child! Ngayon ay pagdusahan mo na ang ginawa mo. Wala kanang magagawa sa bagay na iyon dahil tapos na.
May isinulat siya sa isang maliit na papel at ibinigay iyon sa akin. Naroon na ang schedule ko at full time pa ata ako. 10 am hanggang 8 pm ang trabaho ko. May 40 floors at iyon ang lilinisan ko sa loob ng isang araw.
Pagkatapos niyang ilahad iyon ay nagpaalam rin naman ako ngunit di niya na ako masyadong pinagtutuunan ang pagsasalita ko dahil busy na siya sa telepono habang tinatawag ang kanyang sekretarya.
Pagkalabas ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanginginig na naman ako at nanlalabo na ang aking mga mata. Tinakpan ko ang aking bibig at mabilis na nagtungo sa malapit na cr.
Doon bumuhos ang aking mga luha habang tinitingnan ko ang aking sarili sa salamin. I tried everything just to hold back my tears awhile ago at mukhang ngayon, na mag-isa nalang ako, ay di ko na talaga kinayang itago.
Ano bang iniexpect mong pakikitungo niya sa’yo? His hatred towards you is the product of your lies, Marione… Alalahanin mo lagi ang mga sessions mo… Dapat ay kontrolado mo ang pag-iisip mo nang hindi ka rin padalos dalos.
Kumuha ako ng tissue sa gilid at pinunasan ang aking luha. Ngumiti ako ng pilit at nag-isip ng masasayang bagay. Ang mahalaga, may trabaho kana. Kahit mahirap isipin mo nalang na para rin naman ito sa ikakabuti mo.
Lumabas rin naman ako nang maikalma ko ang aking sarili. Tumigil ako sa elevator at pinindot iyong gilid. Naghintay ako sa pagbukas nito.
Nang bumukas na iyon ay pumasok rin naman ako nang may humabol doon. Dalawa kaming nasa loob at nang lingunin ko ang kanyang gawi ay nakita ko agad ang isang pamilyar na lalake.
Imbes na magalit ay nanatili akong kalmado. Nagsimula ulit akong mag-isip ng positibong bagay. I accepted wholeheartedly that I was at fault, too. Kung hindi rin siguro ako pumayag na makipagsundo sa kanya ay hindi niya ako mamamanipula ’di ba? At isipin mong mabuti Marione… Napakinabangan mo ang ibinigay niyang pera dahil hindi kayo napalayas sa bahay. Marahil ay blessing in disguise narin ang nangyari.
Napanatili kong kalmado ang aking sarili dahil sa aking iniisip. Ang sarap sa pakiramdam na napapakinabangan ko ang mga session ko sa aking therapist… Matutuwa sa akin si Ma’am Rhian.
May pinindot siyang floor saka ibinulsa ang.mga kamay at bumaling sa akin. Hindi ko namalayang ilang sigundo na pala akong nakatitig kaya nag-iwas agad ako ng tingin.
Katulad ng kanyang pinsan ay malaki narin ang pinagbago ng pisikal nitong hitsura. Hindi ko na inisa-isa iyon sa aking utak at naghintay nalang sa pagbukas ng floor.
“Okay kana?” biglaan niyang tanong sa baritonong boses.
Napalingon ako sa kanya. Ang kanyang mga mata ay nakasentro na sa itaas at tinitingnan ang pagtakbo noong numero ng floors.
Hindi ko alam kung para saan ang cryptic na tanong na iyon. Imposible rin namang alam niya ang kalagayan ko ’di ba?
Tumango ako. Tiningnan niya naman ang kanyang relo.
“Hmm, it’s already lunch. Don’t skip it,” aniya.
Medyo nagtataka ako sa kanyang sinasabi pero tumango akong muli at bahagyang ngumiti.
“Salamat,” sabi ko.
He licked his lip at nagkibit ng balikat.
“Maliit na bagay lang ang lahat ng iyon. Take care of yourself.”
Kasabay naman noon ang pagbukas ng elevator saka siya naunang lumabas. Naiwan pa akong tulala saglit pero nang matauhan ay lumabas rin ako. Weird…
Umuwi rin naman ako sa araw na iyon dala-dala ang magandang balita. Hindi ko alam kung maganda ba iyon pero parang ganoon narin.
“Kumusta ang pag-aapply mo? Ano… May posisyon ka bang nakuha? Nasa office ka ba? Sekretarya? O baka nasa lobby ka?” Sunod-sunod na ang tanong ni Mama habang nasa harap kami ng hapag.
Ang kanilang tingin ay naninimbang lahat sa akin. Kung sasabihin kong janitress, baka umapila lang sila at pahintuin ako.
“Sekretarya ako roon, Mama,” sabi ko na ikinangiti niya agad.
Sumubo ako ng pagkain at hindi na umabot ang ngiti sa aking labi.
“Sinasabi ko na nga ba! Eh ikaw pa… Ang ganda ganda mo kayang bata!”
“Komportable ka naman ba?” tanong ni Papa.
Tumango ako at mabagal na nginuya ang aking pagkain.
“Eh ang boss mo ate, mabait?” si Lucas.
“Oo… Halatang mabait,” tangi kong sabi at kinuha iyong baso ng tubig saka ako uminom.
“Mabuti ’yan Marione… Malay mo ay diyan ka pala magtatagal,” ani Mama.
Hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin ang kanilang mga komento para hindi na humaba ang topic. Ayoko nang mag-alala sila ng lubos dahil iyon nalang ang naibibigay ko sa kanila. Gusto kong harapin ito nang mag-isa. Gusto kong subukang tumayo sa sarili kong mga paa sa problemang ito.
Nalipat rin naman ang usapan sa pag-aaral ni Lucas. Maganda ang grades niya dahil doon rin nakatuon ang buo niyang atensyon.
Nang malaman rin ni Eunecia ang pagkatanggap ko ay tumawag agad ito noong gabing iyon.
“Ano… Iyong boss mo, anong feeling mo? Mabait naman? Hindi asal Satanas? O manyakis tingnan? Pag may mali kang napansin sapakin mo na agad at magresign kana kaysa ikaw ang unang saktan niyan!”
Bumuntong ako ng hininga at niyakap ang sariling mga binti habang nakaupo sa aking kama.
“Mabait naman siya. Mukha namang desente tingnan. Mabait…”
“Baka sa umpisa lang ’yan ha! Baka sa susunod na mga araw ay lalabas na ang tunay na kulay! Sundin mo nalang kasi iyong payo kong magdala ka ng asido para pag pinagtangkaan ka ulit ay isang saboy mo lang tapos agad!”
Ngumuso ako sa kanyang pinagsasabi. Ang loka-lokang ito…
Hindi ako umimik at dinama ang dilim ng aking kuwarto. Kanina ko pa hinihintay na matulog kaso hirap rin ako. Ang rami na namang tumatakbo sa isip ko.
“Gusto mo naman ang trabaho mo roon? Ano bang posisyon mo? Sekretarya ka ba?”
“Oo… Gusto ko naman. Okay lang naman siya,” sabi ko.
“Mabuti naman at gusto mo…”
Pumikit ako habang nararamdaman ang pag-agos ng aking mga luha. Pasimple ko iyong pinunasan. Dinadalaw na naman ako ng kalungkutan at di ko na naman mapigilan ang mga luha ko.
Nagpaalam rin ako kay Eunecia na matutulog na ako at pumayag rin naman ito. Pinaalalahanan niya lang akong h’wag kalimutan ang gamot ko.
Sikapin mong kayanin, Marione… Magpakatatag ka lang. Tulungan mo rin ang iyong sarili para gumaling kana ng husto.
Kaso sa kabila ng mga positibo kong iniisip ay humahalo talaga ang kalungkutan. Panay ang buhos ng aking mga luha kaya mas niyakap ko ang aking sarili. Ang dilim ng aking kuwarto ay para akong pinapatahan ngunit parang hindi parin sapat.
Kinabukasan ay pumasok rin naman ako sa kompanya. Si Miss Mika Ramiro ang umasikaso sa unang araw ko at binigay sa akin ang magiging uniporme ko.
“Napagbuntunan ka ata ng galit ni Sir Ken at ginawa ka talagang janitress,” aniya habang tinutour niya ako sa bawat floor.
“Mainit ang ulo noon kahapon… Pero palagi naman talagang mainit ang ulo noon. Sa isang araw nakaka sesante iyan ng tatlo. Konting mali lang magagalit na agad iyan at mawawalan kana ng trabaho. Ang bilis sumiklab.” Nailing siya at tiningala ang floor dito sa loob ng elevator.
Bumukas iyon kaya lumabas kaming dalawa. Tumatak naman sa akin ang kanyang sinabi na mabilis nang sumiklab sa galit si Ken at palaging mainit ang ulo. Ang layo niya na nga sa dating siya…
“Ang usap-usapan nga rito ay baka dahil tumatanda na itong binata kaya mabilis mag-init ang ulo.” Tumawa siya habang nililingon ako.
“Wala siyang girlfriend?” tanong ko.
Umiling siya. “Sa sobrang sungit noon mukhang wala. Eh sa tinagal tagal ko rito wala namang babaeng dinadala iyan dito. Minsan naman good mood pero madalas talagang wala sa mood. Good mood lang iyon pag nasa paligid ang mga pinsan niya. Kaso kung kami kami lang, sobrang nakakatakot kausapin.”
Gumala saglit ang aking mga mata sa bawat pasilyo pero natigil rin at binalingan ulit si Ma’am Mika. Hindi na ba iyon friendly? Eh naalala ko sa sobrang friendly noon lahat at ang babae ay nilalandi niya na.
“Hindi siya friendly?”
Tumawa siya at umiling.
“Nako… Iyan talaga ang malabong mangyari. Ni hindi kami noon nagawang ngitian! Palaging seryoso si Sir Ken.”
Base nga sa pagkikita namin kahapon ay sobrang seryoso na ito at nambabato pa ng mga masasakit na salita. Para siyang bulkan na kaonting kalabit lang ay sasabog na agad.
“Mas naaappreciate ko pa nga ang kasupladuhan ni Sir Hiro eh. Buti pa iyon parang chill lang hindi kaya kay Sir Ken na kulang nalang ay magwala. Sayang at sobrang guwapo pa naman… Siya nga ang una kong naging crush rito kaso masyado rin akong natakot dahil ang sungit kaya ayun tumigil narin ako.”
Iyon ang naging bukambibig niya habang tinutour ako sa kabuuan ng building. Sa sobrang rami ng floors, feeling ko mahihimatay ako sa pagod.
“May mga ibang janitors naman dito na tutulong sa’yo,” ani Ma’am Ramiro nang mapansin niya siguro ang pagbuntong hininga ko.
Nagsimula ako sa lobby. Ramdam ko ang tinginan ng iilan at may iba pang mga lalakeng bumubulong pero hindi ko nalang pinansin at nagconcentrate. Hinati rin naman ang floors na lilinisan ko kaya hindi rin masyadong mabigat. Iyon nga lang, napapansin ko at ako lang ata ang naglilinis. Akala ko ba may mga katulong akong janitors?
Lunch na pero nakakalimang floors palang ako. Ramdam ko ang pawis at para na akong naliligo. Kung hindi lang may biglaang sumulpot ay hindi ako titigil sa pagma-mop.
“Kumain ka muna,” aniya at naglahad ng paperbag sa akin.
Ilang sandali kong tinitigan ang hawak ni Hiro. Ang isang kamay nito ay nakabulsa habang nasa akin ang kanyang mga mata.
“Don’t starve yourself. Baka mahimatay ka,” aniya at ngumisi sa akin.
Naramdaman ko ang pagtindig ng aking balahibo sa aking likuran. Nariyan na naman iyang ngisi niyang nakakakilabot at tila may ipinapahiwatig na iba.
Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba iyon. Bakit ang bait niya naman ata?
“Boss rin ako rito. I can fire you anytime I want if you didn’t take this.”
Tinitigan ko iyon ng ilang sigundo saka ko tinanggap.
“Salamat,” sambit ko sa maliit na boses at nag-iwas ng tingin.
Saka rin naman ito umalis na akala mo ay wala siyang ibinigay sa akin. Sinundan ko lamang ito ng tingin at nahulog rin ang mga mata sa loob ng paperbag.
Pagkain ang laman noon. May isang apple, isang ulam na puro gulay, may baby back ribs, kanin at isang pack ng vitamins.
Wala akong ediya kung bakit ganoon ang kinikilos ni Hiro. Gusto ko mang tumanggi sa mga binibigay niya ay hindi ko rin magawa lalo na kung may mataas rin siyang posisyon dito. Wala naman ring lason…
“Himala at mabait si Sir Hiro sa’yo,” ani Ma’am Ramiro nang dalhan niya ulit ako ng paperbag at ipinapabigay raw ni Sir Hiro.
Wala akong naging imik sa kanyang sinabi pero naging palaisipan iyon sa kanya.
“Baka ay gusto ka ni Sir! Eh ang ganda mo rin naman kasi… Alam mo bang hindi iyon basta basta namamansin! Suplado iyon!” namamangha niyang sabi.
I don’t know what gotten into his mind to be like this to me. Noong nagbigay siyang muli ng pagkain at siya mismo ang naglahad ay kinumpronta ko na ito.
“Para saan ’to? May deal na naman ba?” tanong ko, hindi na napigilan ang kyuryusidad.
Nagkibit siya.
“I don’t want our employee to starve in death. Hindi ako kagaya noong isang boss mo. I am not cruel to you,” aniya at umalis rin. “Ubusin mo ’yan.”
Wala akong nakuhang matinong sagot. Maybe he just really care, huh?
Hindi naman naging lingid sa aking kaalaman na pinapahirapan ako ni Ken. I know he’s doing this purposely para pahirapan ako dahil kahit iyong ibang janitors ay hindi niya masyadong pinapatrabaho. Ako itong nalalagpas sa sarili kong oras dahil parang napupunta na lahat sa akin ang iba nilang floors. Nabanggit rin kasi sa akin ni Ma’am Ramiro na hindi pinapalinis ni Sir Ken ang ibang janitors pero di niya alam ang dahilan. Halata namang gusto akong pahirapan ng lalakeng iyon.
Mahirap mag map araw-araw. Ang naging kaibigan ko roon ay iyong mop na madalas kong kasama sa bawat floor na pupuntahan ko. Hindi naman kasali ang opisina ni Ken sa nililinisan ko pero nagulat nalang ako nang pinatawag ako roon.
Kumatok ako sa pinto ng kanyang opisina dala-dala iyong mop. Nang walang sumagot ay binuksan ko iyon at tumambad na naman sa akin ang isang eksenang pamilyar. Nakaupo sa kanyang kandungan ang kanyang sekretarya habang hinahalikhalikan siya noon sa kanyang leeg at bahagyang gumagalaw sa kanyang ibabaw. Ken remained unbothered with her kisses while he’s looking at me coldly.
Lalabas nalang sana ako kaso nagtama ang sumenyas siyang pumasok ako habang ang ekspresyon ay masyado paring seryoso. Palihim akong huminga ng malalim at pumasok rin ng tuluyan habang hindi parin tumitigil sa kanyang kandungan iyong sekretarya niya.
“Palabasin mo na muna ’yan, Sir Ken… Disturbo lang ’yan,” she murmured.
“The janitress doesn’t mind. Ang trabaho niya lang naman ay maglinis dito at hindi makialam ng buhay ng iba,” ani Ken sa matigas na boses.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa mop at nagsimulang magtrabaho habang hindi sila tinitingnan. Ano bang gusto niyang patunayan sa ginagawa niya?
36th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
Mas Komportable
Tahimik akong naglilinis habang naririnig ko ang hagikhik ng kanyang sekretarya. Hindi ko alam kung masyado na bang pagod ang katawan ko na magreact sa kanilang pinaggagawa at hindi ko nalang iyon pinansin.
Huminto ako sa pagma-mop at inayos saglit ang pagkakatali ng aking buhok. Bahagya akong tumingala at ramdam ang pawis sa aking leeg lalo na’t kanina pa ako nagtatrabaho.
“Get off,” Ken hissed annoyingly.
Binalingan ko sila. Magkasalubong ang kanyang kilay habang pinapaalis sa kanyang kandungan ang kanyang sekretarya.
Nag-iwas ako ng tingin at ipinagpatuloy ang pagtatali ng aking buhok. Pinalabas niya naman iyong sekretarya niya kaya ang talim agad ng tingin sa akin at ako na naman ang sinisisi sa naudlot nilang landian.
Naiwan kaming dalawa sa kanyang office. I mop the floor silently. Parang nangangati ang leeg ko na lingunin ito pero pinatili ko ang mga mata sa sahig.
Narinig ko ang paggalaw ng kanyang upuan. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko siyang nakasandal sa kanyang mesa habang malalim ang paninitig sa akin.
“Akala ko ba malinaw sa’yo ang trabaho mo?” tanong niya sa galit na boses.
Umahon ang aking mga mata at natigil sa ginagawa. Nanatili ang tingin ko sa kanya at hinihintay ang kanyang idudugtong.
“Kalat sa buong floor ang landian niyo ng pinsan ko. Di ka makalapit sa akin kaya siya ang pinupunterya mo? O baka naman may plano na naman kayong dalawa?” Umangat ang kanyang kilay sa akin habang nakahalukipkip doon.
Naiirita na ako sa kanyang pinagsasabi. Alam kong galit siya sa akin pero iyong kahit ano nalang ang ibintang niya ay sobra nang napuputol ang aking pasensya.
“Hindi ko siya nilalandi,” giit ko at halos manginig sa sariling galit.
His face darkened. “Don’t fool me. We both know you’re fond with your boss… How much do you need this time?”
Mahigpit kong nahawakan ang mop. Tumatakbo na sa aking isipan na linisin narin ang kanyang bunganga dahil ang rumi na. Sinusubukan kong unawain ang pinanggagalingan ng galit niya at sinusubukan ko ring ibaba ang aking galit pero kung magpapatuloy ang pagiging ganyan niya ay hindi ko na alam kung paano magpipigil.
Kinagat ko ang aking labi at tumalikod. I clutched my chest while taking a deep breath. Nanginginig na ang aking balikat at gusto ko nang humagulhol. Para na naman akong pinagsasakluban ng langit at lupa habang umaagos na ang aking mga luha.
Bago niya pa marinig ang aking iyak ay tuluyan na akong lumabas doon. Hinabol ko ang aking hininga at mabilis na tumakbo papuntang cr. Doon tumakas ang sunod-sunod kong hikbi habang mariing pumipikit dahil sa sobrang hapdi ng aking puso.
Putangina niya!
Mali ’yan, Marione! H’wag kang magpadala sa galit mo! You will regret your decision if you let your anger take over again. Sshhh… Breathe in… Breathe out.
Nanginginig ako habang binabalikan ang mga sessions ko kung paano pakakalmahin ang aking sarili. Taas-baba na ang aking balikat at nang hindi ko na makaya ay dinukot ko na talaga ang tabletas na nasa aking suot.
Isang tableta ang mabilis kong nilunok at nanginginig na uminom ng tubig. Naghilamos narin ako at sinikap na humingang muli.
Ilang oras akong nanatili roon para lang ayusin ang aking sarili. Doon lamang ako nagpasyang lumabas nang pakiramdam ko ay maayos na ulit ang aking paghinga. Binura ko ang galit at binlangko ang aking isipan. Tama na, Marione… Baka masiraan kana talaga ng bait sa lahat ng ito.
Habang papunta ako sa ibabang floor ay nakasabay ko pa iyong sekretarya ni Ken na mukhang pabalik narin. Tiningnan niya ako ng may disgusto habang hawak ko ang mop at tahimik na naghihintay ng pagbukas noong pinto ng elevator.
“Tingin mo ba tatalab kay Sir Ken ang pagpapapansin mo?” galit niyang sabi.
Hindi ako umimik. Masyado na akong pagod at kung papatulan ko pa ang isang ito ay baka mahampas ko na talaga nitong mop.
“Di ko alam kung paano mo binibilog ang utak ni Sir Hiro at kay bago-bago mo nakakabingwit kana agad ng lalake. Janitress ba talaga ang inapply mo o paglandi?”
Para na namang mapupugto ang aking pasensya at naiirita na naman ako ng husto. Bumukas ang floor kaya lumabas nalang agad ako dahil baka masaksak ko na sa kanya iyong dulo ng mop.
Iyon ang pumagod sa akin sa araw na iyon. Noong umuwi ako ay hindi na ako kumain pa at nagpasyang magkulong nalang sa kuwarto. I cried silently in the middle of the dark. Pinalis ko ang mga luha at inilista ang mga bagay na makakapagpagaan ng aking sarili.
Kailangan kong makipag-usap kay Ken at humingi ng tawad. Kung hindi niya man iyon matatanggap ay bahala na siya basta magawa ko lamang ang parteng iyon. Siguro kahit iyon nalang saka ako magreresign dahil hindi ko narin kaya ang lahat.
I am trying to be strong. Ang sabi ko sa aking sarili ay titiisin ko ang lahat kaso kung ganoon palagi araw-araw ay mamamatay na siguro ako. Ayokong magbreakdown sa kanyang harapan. Ayokong makita niya na hinang-hina na ako. Ayokong mabigyan ko siya ng rason na madali niya nalang akong madudurog.
Ken is not the person I felt inlove with anymore… Hindi na siya ang lalakeng nagturo sa akin kung gaano kasarap magmahal. He both taught me the real taste of love and pain. Kung gumaganti siya sa akin ngayon, sigurado akong magtatagumpay talaga siya.
Natuwa ako nang Linggo noon at hindi ko kailangang pumasok sa trabaho. Nagyaya naman agad si Eunecia na pumunta kami sa gym para sa aking yoga session. Tumanggi ako dahil napapagod na ako kaso kulang nalang ay kaladkarin niya ako.
“Ba’t parang nagsisimula kana namang magmukmok? Hindi ba maganda ang takbo ng pagtatrabaho mo?” tanong niya sa akin habang nasa loob ako ng gym.
Hindi ako umimik at seryosong huminga habang nararamdaman ang aking pawis. Isa sa mga payo sa akin ni Ma’am Rhian ay mabisa rin daw ang Meditation para sa akin. Iyon ang gusto kong gawin kaso nakalimutan kong may maingay akong kasama na akala mo ay bubuyog na panay ang pagsasalita.
“At hindi kana naman ba natutulog? Ba’t nagkaka eyebugs ka?”
Dumilat ako. “Pagod lang ng kaonti sa trabaho,” sabi ko.
“Marami bang utos ang boss mo? Dapat pinasa mo rin sa kanila ang Medical record mo nang may alam rin sila sa pinagdadaanan mo!”
“Hindi naman pwedeng gawin kong excuse ang bagay na iyon, Necia. At hindi ko pinapublic ang mental illness ko. Baka isipin nila may sakit pa ako sa utak,” sabi ko at pinunasan ang aking pawis.
“Eh ano bang tawag sa mental illness, Aioni? Alangan naman sakit sa dibdib eh wala ka noon.” Humagalpak siya kaya binato ko ito ng matalim na tingin.
“Biro lang… Ang bilis mo talagang mairita!” Tumawa siya at tumayo sa pagkakaupo roon sa mat.
Bumuntong ako ng hininga at kinuha ang aking bottled water. Uminom ako roon habang siya naman itong humahagalpak parin ng tawa. Ang babaw rin talaga ng kaligayahan.
Noong hapong iyon ay dinaluhan ko ulit ang session ko sa aking Psychotherapy. Ikuwenento ko kay Ma’am Rhian ang naging takbo ng pagtatrabaho ko at kung paano ko naging boss iyong ex ko. Sinabi ko rin sa kanya na galit ito sa akin at hindi maganda ang pakikitungo. Sa kalagitnaan ng aking pagkukwento ay naiyak pa ako.
“Mahal mo pa ba?” biglaan niyang tanong na nagpagulat sa akin.
Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam… Hindi ko matukoy kung may pagmamahal pa bang naiiwan sa loob ko.
“Kaya nga masyado kang nasasaktan dahil minahal mo rin ng lubusan,” aniya.
“Your ex’s might still rooting from his past. Marahil ay katulad mo, hindi parin siya nakakamove-on sa ginawa mong pananakit sa kanya. He’s anger and irritability is a sign that he’s not yet over with the pain you caused to him. You’re both chained with each other…”
I sighed heavily. So ano… Magtitiis ako sa galit niya? Hanggang kailan? Hanggang magsawa siyang saktan ako at mas piliin nalang na makipag-usap ng maayos sa akin? Buhay pa ba ako pag dumating na ang araw na iyan?
Ang advice sa akin ni Ma’am Rhian ay ipaliwanag lahat kay Ken. Okay sana kung ganoon iyon kadali. Okay sana kung isang kalabit ko lang doon ay maayos niya akong kakausapin kaso hindi! He’s always at his rage when I’m around. Para ako itong nagpapatrigger ng galit niya kaya kahit ano nalang ang lumalabas sa kanyang bibig.
Ginamit ko iyong binigay na Notebook ni Ma’am para magsulat ng nararamdaman sa mga gabing hindi ko na naman maintindihan ang aking sarili. Nakakatulong daw kasi ang pagsusulat kaya doon ko inilalabas rin ang nasa isipan ko.
Gusto ko mang h’wag nalang pumasok sa umagang iyon ng Lunes ay pinilit ko parin ang aking sarili dahil baka good mood na iyong si Ken. I should talk to him at least… Kung hindi na talaga, sumuko ka nalang Marione… Maghanap ka nalang ulit ng trabaho at hayaan mo nalang ang gagong iyon.
“Good morning!” Bati sa akin ni Mika nang pumasok ako.
Siya ang madalas na namamansin sa akin dito maliban rin kay Hiro. Minsan kasi ay parang wala iyon sa kompanya pero bigla bigla nalang susulpot.
Nagtungo ako sa aking locker room at nagbihis na ng uniporme. Itinali ko ulit ang aking buhok saka ko kinuha ang mop sa storage room.
“Kumakalat ang loveteam niyo ni Sir Hiro sa buong building ah? Uy… Ang ganda mo talaga!” Bahagyang tinusok ni Mika ang aking tagiliran.
Napaliyad ako roon at ngumuso.
“Wala kaming relasyon ni Hi- Sir Hiro,” sabi ko at nagconcentrate sa pag ma-mop ng sahig.
“O baka crush ka ni Sir! Simula noong dumating ka rito wala iyong absent sa pagbibigay ng lunch sa’yo ah? Minsan sa akin ka pa nga pinapamonitor na suguraduhing kumain ka. Pag nagtapat iyon sabihin mo agad sa akin ha! Fan niyo akong dalawa!” Humagikhik siya habang nailing naman ako.
Dapat sabihan ko na si Hiro na itigil na iyang ginagawa niya dahil kung ano-ano na naman ang binabato sa akin ng kanyang pinsan.
Natigil ako sa pagm-mop nang may umapak noon na naka killer heels. Unti-unting umangat ang aking tingin at nakita ang naka red na fit dress na sekretarya ni Ken. Ngumiti siya sa akin ng matamis at naglakad rin naman paalis.
Bumusangot agad si Mika sa aking tabi.
“Sa lahat ng sekretarya rito, sa babaeng iyan rin talaga ako nabubwesit. Kung makaasta kasi akala mo girlfriend ni Sir Ken!” galit niyang sabi at sinundan iyon ng tingin.
“Matagal na siya?” tanong ko.
“Hindi pa naman. Kakasesante lang kasi noong huling sekretarya ni Sir kaya siya ang bagong pumalit. Mga nasa tatlong buwan na ata iyang nagtatrabaho pero ang feeling na agad!”
Alam ko ang pagiging chic magnet ni Ken sa babae. Iyon ang hindi nagbago sa kanya, ang lapitin parin siya ng mga babae na madali niyang nakukuha.
Natigil rin naman ang pag-uusap namin ni Mika nang nagtungo na ako sa susunod na floor na lilinisan ko. Noong sumapit ulit ang lunch time ay sumulpot na naman si Hiro na may dala-dalang paperbag.
“Naiissue na ako na nakikipaglandian lang daw ako sa’yo dahil sa ginagawa mong pagbibigay sa akin ng pagkain. Plano mo bang…”
Umangat agad ang kanyang kilay. “I am not a child to play tricks on you, Marione. Wala akong plano,” sabi niya sa baritonong boses.
Napatitig ako sa kabuuan niya. He’s wearing a corporate attire at ang mga mata niyang tila nangmamanipula sa tuwing tititigan mo.
“Eh bakit ang bait mo? Hindi pa naman ako nakakalimot at ang huli kong natatandaan ay ang nangyaring kasuhan noon. Galit kayong lahat sa akin ’di ba?”
Nagkibit siya. “Sila galit. Ako hindi.”
Nagkasalubong ang aking kilay. Tila nabored na ito sa pagtayo kaya sumandal na siya sa pader at iniekis ang kanyang mga binti habang pinapaikot iyong paperbag.
Ipinatong ko ang aking baba sa dulo ng mop kung saan rin nakahawak ang magkabila kong mga kamay.
“Ba’t di ka galit?”
Nagkibit siya at pinasadahan ng haplos ang gilid ng kanyang buhok. Ngumisi lamang siya sa akin at mukhang wala na namang balak sabihin sa akin ang isang bagay.
Kinilabutan ako at napangiwi. He’s creepy and weird!
Inilahad niyang muli sa akin ang paperbag.
“You’re so weak. Iniinom mo ba ang binibigay kong Vitamins?” Mataman niya akong tinitigan.
Nag-iwas ako ng tingin at tinanggap iyong paperbag.
“Ba’t naman ako magv-Vitamins eh healthy naman ako,” sabi ko.
“We both know you’re not,” tangi niyang sabi at iniwan na naman akong mag-isa.
Hindi ko mapatigil si Hiro sa pagiging ganoon. Tuwing hapon at tanghali ay sumusulpot talaga iyon para magbigay ng pagkain sa akin. Palagi na kaming tinutukso na kahit saang floor ako maglinis ay inaasar na agad ako nila kay Hiro.
I think he doesn’t like me. Wala naman siyang ibang sinasabi kundi ay magbigay lang ng pagkain at paalalahanan akong kumain sa tamang oras saka inumin iyong Vitamins niya. Namimisinterpret lang talaga nilang lahat lalo na’t binibigyan rin nila ng kahulugan.
Napatawag akong muli sa office ni Ken sa Biyernes ng hapong iyon. Ang buong akala ko ay madadatnan ko na naman na nakapatong ang kanyang sekretarya sa kanya pero mag-isa lamang siyang may inaasikong papeles sa loob.
Nagsimula akong maglinis doon habang hindi umiimik para hindi siya madisturbo. Sa sobrang katahimikan ay kung ano-ano na ang pumapasok sa aking isipan at naalala ang sinabi niya sa akin noong kami pa. Hindi parin nabubura sa isipan ko ang sinabi niyang iyon.
“Sa susunod ay maiiwan ka rin sa bahay kasama ang anak natin habang nasa trabaho ako. I can’t bring you in my work, Aioni. You’re a distraction…”
“A beautiful Marione Santillan in my office, wearing a tight dress with those killer heels, is a torture. A beautiful Marione Santillan under me wearing nothing will probably going to kill me…”
Am I distracting him right now? Am I a torture to him right now? O lahat ng sinabi niyang iyon ay dala lamang ng pang-aakit niya sa akin dahil sa kanilang pustahan? Kung hindi man, baka ay napalitan narin ng galit.
Stop thinking absurd things, Marione! Anong maganda sa naka janitress na uniporme at pawisan pa? You’re not even wearing any killer heels. ’Tsaka imposible narin naman iyang maakit sa’yo.
Suminghap ako at gustong burahin ang aking mga pinag-iisip. Para parin akong nananalangin na makuha ko ang atensyon niya. Nawawala na talaga ako sa sarili ko. Baka kailangan ko na talagang ipa ECT ang aking utak nang mabura narin lahat ng pinag-iisip ko.
Iyon ang laman ng aking isipan habang pasimple ko siyang sinusulyapan. Magkasalubong ang kanyang kilay at tila may ikinakairita. Buti at wala ang kanyang sekretarya ngayon?
Mabilis kong binawi ang aking tingin nang mag-angat rin siya ng tingin sa akin. He was a bit annoyed kaya itinuon ko ang buo kong atensyon sa paglilinis ng sahig.
Binawi niya narin ang kanyang tingin at itinuon sa kanyang ginagawa. Isang matinding katahimikan ang namayani habang kumakalabog naman ang puso ko.
I am not expecting anything after what we’ve been through together. Magiging masaya na siguro ako kung maayos lamang namin ang naging problema namin noon at bumalik narin sa kanya kanyang mga buhay. I’ll be glad if he’ll have his new girlfriend… I am hoping he’ll find his happiness again. Kahit hindi na ako, kahit iba na, matatanggap ko na iyon.
Besides… We deserve to be happy… I am not sure if I’ll love another man again pero kahit iyong magkaayos nalang muna kami ni Ken ay matutuwa na ako. Para iyong tinik na matagal nang nakabaon sa aking loob na pag natanggal ay sobra nang masarap sa pakiramdam.
“Kumain kana?” biglaan niyang tanong habang ang mga mata ay nasa papeles parin. His voice was a bit rough at parang pinilit lang ang sarili para tanungin ako.
Bago pa man ako makasagot ay may kumatok na sa pinto. Natutop ang aking bibig at tiningnan ang pagbukas noon.
Sumilip si Mika at ngumisi pa sa akin ng makahulugan.
“I’m sorry to disturb you for awhile, Sir Ken pero may ipinapabigay lang po si Sir Hiro kay Aioni,” ani Mika at inilahad na sa akin ang isang paperbag.
Nagtungo ako sa kanya at kinuha iyon. Hindi pa napigilang kiligin ni Mika habang nagpapaalam na. Sinilip ko iyon at nakita ang ibang klase ng ulam habang hindi naman nawawala ang apple roon. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang matalin na tingin ni Ken sa aking hawak.
“Seems like you two are getting close? Lumalalim na ba ang paglalandian niyong dalawa sa isa’t isa?” Umangat ng husto ang kanyang kilay.
“Mabait lang talaga siya sa akin,” sabi ko na ikinabago agad ng kanyang ekspresyon.
“So you like him?” he asked with his annoyed face.
Nagkibit ako. “Mas nakakaattract po sa lalake ang mabait sa babae.”
He licked his lowerlip at naging matalim na ang tingin sa akin.
“Edi type mo siya?” May halong tabang at inis na ang boses na iyon.
I remembered what he said to me.
“Akala ko po ba trabaho lamang ito at bawal makialam ng buhay ng iba?” Panggagaya ko sa binitiwan niyang salita sa akin noong mga nagdaang araw.
Nagulat siya. I’ve seen how his jaw moved. Para siyang nagalit at natigilan sa aking sagot. Nag-iwas ako ng tingin at ipinagpatuloy ulit ang ginagawa. His eyes remained on me. Hindi ko nalang iyon pinansin.
“Itabi mo na ’yan. Dapat hindi mo iniaasa sa ibang tao ang pagkain mo,” masungit niyang sabi.
Binalingan ko siya. “Hindi ko naman to hinihingi sa kanya,” sabi ko.
Hindi niya ako pinakinggan at kinuha na iyong telepono. May kung ano siyang sinabi roon saka niya rin iyon binaba at sinulyapan ulit ang hawak kong paperbag.
Ibinaba ko muna iyon at nagpatuloy sa paglilinis. Naramdaman ko ang muli niyang pagsulyap pero mabilis niya ring binabawi at pinapasadahan agad ng haplos ang buhok na akala mo ay naiirita sa isang bagay.
May pumasok sa loob. Ang nakangiti niyang sekretarya ang bumungad habang may dala-dalang tray. Sinenyasan lamang ni Ken na ilapag iyon sa mini table doon sa harap ng sofa na sinunod naman agad ng kanyang sekretarya.
“Sir, h’wag ka pong nagpapagutom. Tama na muna ’yang pagtatrabaho,” sabi niya at nagtungo rin kay Ken.
“That’s not mine. I’m still full,” ani Ken na nasa mga papel parin ang buong atensyon.
“Huh? Edi kanino?”
Nag-angat ng tingin si Ken sa akin. Nakikita ko iyon sa gilid ng aking mga mata.
“Have your lunch first. Tama na muna ’yan,” aniya sa baritonong boses.
Tumigil ako sa pagm-mop at nilingon siya. Nalaglag rin naman agad ang kanyang tingin sa ginagawa habang ang kanyang sekretarya ay matalim na ang tingin sa akin.
“H’wag na po, Sir. Itong bigay nalang ni Sir Hiro ang kakainin ko,” sabi ko na mabilis na ikinaangat ng kanyang tingin at halatang galit na.
“Oh ayaw naman pala? Nag-iinarte pa ang janitress na ’yan. Ikaw nalang ang kumain niyan Sir Ken-”
“Iyong ipinaorder ko sa’yo ang kainin mo,” giit niya at hindi pinansin ang kanyang sekretarya.
Ilang sandaling nanatili ang tingin ko sa kanya. Halata ang sobrang iritasyon sa kanyang mukha na pag hindi ko siya sinunod ay sisiklab lamang siya.
“Ipakain niyo nalang po sa sekretarya niyo. Tapos na po ako sa paglilinis,” sabi ko at lumabas rin doon dala-dala ang mop ’tsaka ang paperbag ni Hiro.
May narinig akong tila nalaglag sa loob na ikinatalon ko pa dahil sa gulat.
Mas komportable pa ata akong kainin ang binibigay ni Hiro ngayon kaysa sa binibigay ni Ken at baka iyon na talaga ang may halong lason. Kung hindi niya ako pakikitunguhan ng maayos ay wala ring rason para sundin ko agad ang mga gusto niya. Ginagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko at sapat na iyon.
37th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Jhazmine Anne dela Cruz. Happy reading! If you want some dedications just comment your full name below. Happy reading, everyone!
Wife
Sumandal ako sa pader sa sobrang pagod habang hindi tumitigil sa pagm-mop ng araw na iyon. Para na naman akong naliligo ng pawis. Ito na ang nagiging exercise ko araw-araw at palagi akong pawisan.
Malapit narin akong mag-isang buwan sa kompanyang ito at hindi parin nagbabago ang pakikitungo ni Ken sa akin. Sukdulan na ata ang itinanim niyang galit sa akin na nakasanayan ko na iyon araw-araw sa tuwing napapatawag ako roon sa office niya at nadadatnan ko siyang hinaharot ng sekretarya niya.
May sumulpot na janitor, isang lalakeng medyo may edad na at ngumiti sa akin kaya natigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano. Marahan akong yumuko para itago ang aking mukha at nagpanggap na tinititigan ang aking mga paa.
“Ako naman dito, Aioni… Magpahinga kana roon,” sabi niya.
Umahon ang aking ulo at tiningnan ito.
“Okay lang po,” sabi ko sa mahinang boses.
“Ay hindi pwede. Inutusan ako ni Sir Hiro na palitan ka rito nang magkabreaktime ka. Ako ang masesesante.” Marahan siyang humalakhak habang nagsisimula nang mag-mop.
Utos ni Hiro?
Nailing ang matanda at bumakas ang pagkalito sa kanyang mukha.
“Hindi ko rin maintindihan ang magpipinsang iyan. Ang isa ang utos sa akin ay h’wag akong maglinis sa mga floors na nililinisan mo tapos iyong isa naman ay bigla akong iaassign sa mga floors na nililinisan mo. Iyong dalawa parang nagiging demonyo at anghel sa’yo…”
Wala akong naging sagot doon dahil aware rin naman ako sa pinaggagagawa ni Ken. Bumuntong ako ng hininga at isinabit ang iilang hiblang tumakas na sa nakaponytail kong buhok sa gilid ng aking tainga.
Sinulyapan ako ng matanda. Nag-iwas ako ng tingin.
“Ang tahimik mo pala talagang bata ’no?”
Pilit akong ngumiti sa kanya. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Minsan, may mga araw na gusto kong ganito lang.
“O sige na… Magpahinga kana roon at ako na rito. Pawisan kanang bata ka. Baka magkasakit ka pa niyan,” sabi niya.
Tumango ako. “Salamat po,” sambit ko at kinuha narin ang mop na nakasandal sa pader.
Nagtungo ako sa storage room at ibinalik muna ang mop. Bumaba ako sa unang floor nang makasalubong ko si Mika.
“Uy, pinapatawag ka ni Sir Hiro sa cafeteria. Punta ka raw doon. May date ata kayo ah?” Kinilig siya sa aking harapan.
“Ngayon?” tanong ko.
Tumango-tango siya at hinila na ako patungong cafeteria. May ganoon rito sa malaking kompanya nila at doon madalas kumakain ang mga empleyado.
Pagdating namin doon ay nakita namin agad si Hiro na nakaupo lamang sa isang bakanteng mesa habang may mga pagkain na roon. Sumulyap siya sa akin. Bumuntong muli ako ng hininga at nagpahila kay Mika.
“Oh Sir… Sinundo ko na si Aioni.” Humagikhik si Mika habang pinaghihila ako ng upuan.
May iilang empleyadong pinagtitinginan kami rito at halatang nagbubulung-bulungan pa ang iba. Mukhang ang tsismis ay mas kinumpirma lang naming totoo dahil narin sa pangyayaya ni Hiro sa akin dito.
Umupo ako sa harapan niya na nakapamulsa pa suot sa kanyang itim na slacks, naka corporate attire na naman at nasa akin ang tingin.
“Maiwan ko na kayo,” ani Mika at kinikilig na umalis.
Binalingan ko si Hiro. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa kanya dahil sa tuwing pinagsasabihan ko rin naman ito ay hindi naman siya nakikinig at panay parin ang pagbibigay ng pagkain sa akin.
“Kumain kana,” sabi niya at sinenyasan pa ako.
Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang pinag-oorder. More on gulay iyon dahil tatlong klase ang nakikita ko. May dalawa namang klase ng karne at sa gilid ay isang apple at saging tapos isang tubig.
Inangat ko ang kubyertos at tiningnan siyang muli.
“Ikaw?”
Nagkibit siya. “I’m full.”
Tumango ako at nagsimulang galawin ang pagkain. Nakatitig lamang siya sa akin at hindi ko na naman mabasa ang kanyang mga mata. Supladong tingnan si Hiro na akala mo ay walang pakialam sa kanyang paligid. Para siyang isang Prinsepeng papakialaman lamang ang gusto niyang pakialaman. Imposible naman sigurong may gusto siya sa akin ’di ba? Ang tanging nararamdaman ko lang kasi sa ginagawa niya ay… awa?
“Inumin mo ’yung binigay kong Vitamins nang hindi ka masyadong maputla,” sabi niya.
Kumurap ako habang mahinang ngumunguya.
“And drink lots of water. Stay hydrated nang hindi ka mahilo.”
Marahan akong tumango at ayaw nang makipagtalo pa. Sa tinatagal tagal niyang pagiging ganito simula noong nandito ako ay nasanay narin ako katulad ng masamang trato ni Ken sa akin. Minsan ay sumasabay nalang ako sa agos at wala nang pakialam kung ang dulo ay bangin na pala. I am willing to fall and hurt myself after breaking.
“Ano bang hilig mo?” tanong niya bigla sa kalagitnaan ng aking pag-iisip.
Sandali akong nag-isip ng hilig ko pero sa mga nagdaang taon ay sinukuan ko narin talaga lahat. Wala akong makitang paglalaanan ng interes dahil nawawalan agad ako ng gana. Kahit nga ang pag-aaral ay sinukuan ko na. Ni ang pangarap kong mabili ang aking mga gusto, ang yumaman, ay isinantabi ko nalang at binitiwan na parang isang balloon na agaran rin namang pumutok sa kawalan.
“Wala eh,” sabi ko at sumubo muli.
“Pagtatrabaho lang ang gusto mo?” Umangat ang kanyang kilay at kung makapagsalita ay akala mo ang rami niyang alam.
Bahagya akong tumango at isinabit ang nalaglag na hibla ng aking buhok sa gilid ng aking tainga.
“It’s better if you have a good diversion… Something that calms you.”
Pamilyar sa akin ang kanyang sinasabi. Isa rin iyan sa payo ni Ma’am Rhian sa akin kaya nga binigyan niya ako ng notebook para maging libangan ko dahil wala talaga akong mahanap na paglalaanan ng aking interes. Minsan kasi, sa tuwing sumasaya ako sa isang bagay, natatakot narin ako dahil alam kong panandalian lang naman iyon. Kukunin rin naman sa akin ang kasiyahang iyon kaya mas mabuting maging malungkot nalang palagi kaysa iyong ang saya-saya mo tapos bigla-bigla ka nalang hahagupitin ng kalungkutan.
Umiling ako at sumubong muli. He eyed me curiously.
“Ibang-iba kana noong una nating pagkikita. Para kanang patay ngayon kung gumalaw.”
Nalaglag ang aking tingin sa pagkain. Anong gagawin ko kung pati ako ay nawawalan narin ng ganang gawin ang pang araw-araw sa buhay. I am weak emotionally, physically and mentally. Sa sobrang pagod ay minsan ang sarap nang mahimlay at h’wag nang gumising pa.
Itinulak niya iyong baso ng tubig kaya kinuha ko iyon at ininom. Tumunog naman ang kanyang cellphone at tila may tumatawag. Tinitigan niya lamang iyon at nagawa pang ngumisi saka siya nailing. Ibinulsa niya iyon at hinayaan.
Hindi ko na rin inusisa pa at nagpatuloy nalang sa pagkain habang ramdam ko parin ang iilang empleyadong nakatitig sa amin.
Ilang sandali lamang ay sumulpot dito ang pamilyar na imahe ni Ken dala-dala ang sobrang seryoso niyang pagmumukha.
Sumulyap siya sa amin. Mas lumawak ang ngisi ni Hiro at nagawa pang basain ang pang-ibabang labi niya habang ako naman itong naninindig ang balahibo dahil sa nakakakilabot na hatid ng ngising iyon. Para siyang nag-eenjoy sa mukha ng pinsan niyang hindi na maipinta dahil sa sobrang dilim ng ekspresyon. Kulang nalang ay kumulimlim ang buong paligid habang nakatingin si Ken dito at nakapamulsa.
“Sir! Nandito po ako!” Tawag ng kanyang sekretarya na nakikipaghagikhikan doon sa isang mesa.
Hindi man lang ito nilingon ni Ken. Marahas niyang hinila ang kanyang tie at tumalikod saka nagawa pang sipain iyong malapit na upuan sanhi para gumawa iyon ng ingay.
Hiro chuckled evilly while holding his hair. Tiningnan ko siya ng makahulugan kaya umiling ito na akala mo ay nababasa niya ang iniisip ko.
“Walang deal. Hindi kita ipapahamak,” aniya habang ngumingisi. “Finish your food.”
Sa mga araw na iyon ay mas naging maingay lamang ang tsismisan na may something raw talaga sa amin ni Hiro. May iba namang sinasabi na inaakit ko raw ito. Isa rin sa may galit sa akin ay ang sekretarya ni Ken na si Jelsen Legaspi. Lagi ko siyang nahuhuling matalim akong tinitingnan at sa tuwing pinapatawag ako sa office ni Ken para maglinis doon ay nagagalit na agad ito.
“Tigilan mo nga ang pagiging malandi mo at feeling mo lahat ng lalake rito ay makukuha mo. Binibigyan ka lang ng lunch ni Sir Hiro ay nagfefeeling kanang maganda eh janitress ka lang naman! Sir Ken is not as cheap as you think at hindi mo siya maaakit sa panglalandi mo,” galit niyang sabi sa akin nang hinarang niya ako sa pagpasok sa loob ng opisina.
Sobra na agad akong nairita na balak ko nang ihilamos sa kanyang mukha ang mop na hawak ko kaya umatras agad ito at namimilog na ang mga mata sa gulat dahil sa ginawa kong pag-angat noong mop.
“Tumabi ka. Pag di ko nagawa ang trabaho ko ikaw ang ingungudngod ko sa sahig.” Mariin ko siyang tiningnan.
Masyado naring napupugto ang pasensya ko sa babaeng iyan. Okay sana kung totoong inaakit ko talaga kaso halos iwasan ko na nga ang Ken na iyan sa buong building na ito tapos ako pa ang pagbibintangan niya ng kung ano-ano? She’s irritating me alot.
Umirap ito at umalis sa aking harapan. Pinanood ko siyang naglakad paalis kaya hinugot ko ang aking hininga at pilit munang ikinalma ang sarili.
Ganoon palagi ang atake ni Jelsen sa akin. Gumagawa raw ako ng problema rito at pinapainit ko raw ang ulo niyang boss niya. Ano namang ginawa ko? Hawak ko ba ang ulo noon at kontrolado ko?
Isa iyon sa mga laganap na tsismis sa buong building. Madalas nang mag-init ang ulo ni Ken at ang sabi nila ay may alitan raw ang magpipinsan ngunit mukha namang chill lang itong si Hiro at nakita ko pa itong pasipol sipol pa habang nakapamulsa na akala mo ay supervisor lang dito.
“Nandito si Mrs. Delafuente…”
“May problema kaya?”
“Ba’t bigla siyang napadpad dito?”
Ang paglitaw ng isang eleganteng babae ang nagpukaw ng atensyon ng mga empleyado sa kompanyang iyon. Nasa lobby ako noon at nagma-mop nang pumasok ang babaeng naka itim na coat, itim na slacks, puting panloob at itim na glasses. Her hair was in a high ponytail while holding her luxurious signature bag.
Her image screams beauty. Halos matigil ang lahat sa ginagawa para lang sulyapan siya at magbigay galang sa kanyang pagdaan.
“Mukhang may nangyayari nga dahil pumunta na talaga si Ma’am…” bulong sa akin ni Mika habang tinitingnan namin ang babaeng deri-deritso lamang ang paglalakad.
Pumapaibabaw ang tunog ng kanyang stellitos at masyado pang intimidating ang ekspresyon.
“Sino siya?” tanong ko.
“Siya ang asawa ng CEO ng kompanyang ito at ina ni Sir Hiro,” pabulong na sabi sa akin ni Mika at hindi parin maalis alis ang tingin sa dinaanan nito.
Ina ni Hiro? Ah… Kaya pala parang ang intimidating at mukhang snob? And she looks very elegant with a barbie features. Mukha pa siyang bata. Iyong parang walang problema kaya ang fresh tingnan…
“May tatlo kasing Chief Executive Officer sa kompanyang ito na binubuo ng Alvarez Empire at angkan ng Delafuente. Bale ang third generation na ngayon ang namamahala… Noong ikinasal kasi ang ina ni Sir Wayt ay nagmerge na ang kompanya ng Delafuente at Alvarez ay lumaki lalo. Ang ikatlong henerasyon na mga anak katulad ni Sir Hiro, isa sa mga chief executive ng kompanyang ito, na anak ng CEO na si si Jin Delafuente, si sir Ken, anak ng kapatid ni Sir Jin, na isa rin sa mga chief executive at ang panghuli ay si sir Wayt, ang naging anak ni Miss Snow Alvarez, na isa rin sa mga chief executive. Ang tatlong magpipinsang iyon ang chief executive ng kompanya at isa rin sa kanila ang magiging CEO pag bumaba na sa pwesto si Sir Jin.”
Eh ang alam ko may kapatid ring babae si Hiro ah? Iyong malditang sumampal sa akin na nagngangalang Zera.
“Iyong babaeng kapatid kasi ni Sir Hiro mukhang walang hilig sa kompanya. Iyong iba niya namang pinsan, katulad noong kambal ay iyong condo units ata ng pamilya nila ang pinapamahalaan. Sa rami nilang magpipinsan konti lang ang nakabisado ko kasi ang alam ko rin iyong iba ay nasa ibang bansa rin. Kung nakita mo lang iyong isa pa nilang pinsan na sikat na fashion designer na si Miss Cana mahuhulog talaga ang panga mo sa sahig. Minsan lang kasi sumusulpot ang mga babae nilang pinsan dito dahil mukhang busy rin ang mga iyon.”
Nasagot rin naman ni Mika ang bumabara sa aking isipan. Hindi na nakakagulat dahil si Eunecia narin ang nagsiwalat sa akin noon na sobrang yaman pala ng kanilang angkan. Malay ko ba noon na marami pala siyang pinsan. Siguro masyado na akong nagfocus noon sa naipaparamdam ni Ken sa akin kaya kahit siguro mahirap siya o mayaman ay nawalan na ako ng pakialam basta ang mahalaga ay mahal ko siya.
Sa araw na iyon ay dumating rin si Sir Wayt. Hindi ko siya masyadong nakikita rito pero noong nalaman ko kay Mika na isa pala siya sa chief executive ng kompanya ay parang may bumabara na sa aking lalamunan. Marahil ay siya rin ang nagmamanage noong Restaurant nila kaya siguro busy siya at hindi ko masyadong nakikita rito?
Galit rin kaya siya sa akin? Ang naalala kong reaksyon niya noong kasagsagan ng kaso ay tinawag niya lamang akong ‘stupid’. Halos sila ni Hiro ang hindi gaanong sumisiklab pero mahahalata mo sa mga mata ni Sir Wayt ang galit ng mga oras na iyon sa kabila ng pagiging kalma.
Sinulyapan niya lang ako noong mgtama ang aming mga mata habang nasa lobby ako, katulad ng pagiging malamig niya noon ay ganoon parin at walang pinagbago. Iyon nga lang ay mas nahubog na ang kanyang katawan at mas naging manly plus his new look. Ano bang kinakain ng mayayaman at sa paglipas ng panahon ay mas lalo lamang silang gumaguwapo?
“Mukhang may meeting ata…” ani Mika dahil sa mga nagdadatingan.
Umalis rin naman ako sa lobby at hindi na masyadong inisip ang pagdating ng ina ni Hiro. Ang tanging nakalap ko lang kay Mika na dakilang tsismosa talaga ay nasermonan ang magpipinsan.
Nagpasya akong umakyat pa sa itaas para maglinis rin doon sa conference room nang madatnan ko ang ina ni Hiro na mukhang paalis na rin. Ang binabalik kong umatras ay nauwi sa paghinto. She’s not wearing her glasses anymore. Nakasabit nalang iyon sa panloob niyang puting damit at kumucompelement sa kulay ng kanyang suot na itim na coat. Her eyes were like Hiro’s pair of eyes. Tila nangmamanipula ang misteryosang mga mata.
She glanced at me kaya marahan akong yumuko para magbigay galang. Hindi naman sana kami masyadong malapit sa isa’t isa ay naaamoy ko ang pabango niya.
“Oh… Ang ganda mo namang janitress…” she said softly.
Nag-angat ako ng tingin kaso nagsisi rin nang makita ko ang kanyang ngiti. Parang may dumaan na multo kaya kinilabutan agad ako sa ngiting iyon, katulad ng ngisi ni Hiro ay ganoon ang pakiramdam noon.
“No wonder…” makahulugan niyang sabi at naglakad narin papasok sa elevator. Nakita ko pa itong isinuot muli ang kanyang itim na glasses at balik na sa blangko ang ekspresyon ng mukha.
Anong klaseng mag-ina ba sila at nakakatindig balahibo ang mga ngiti at ngisi nila?
Sumunod rin naman ang boses ng magpipinsan na lumalabas narin sa conference room kaya nagpanggap nalang akong nagma-mop.
“Bahala kayong mag-agawan sa posisyon mga loko-loko,” ani Sir Wayt at naunang umalis. Ni hindi na nagawang sumulyap sa akin.
Naririnig ko ang pagmumura ni Ken at ang pasipol-sipol ni Hiro. Tila sasabog na naman sa inis si Ken habang si Hiro ay kulang nalang ngisihan siya.
Masisiraan siguro ako ng bait kung tatlong Delafuente ang makakaharap ko araw-araw sa kompanyang ito. Baka bumagsak na talaga ako sa Mental dahil hindi ko narin mapunto iyang mga pinaggagawa nila.
Wala akong naging ediya sa naging takbo ng meeting at kung bakit usap-usapan iyon sa buong kompanya na pinagt-tsismisan na naman ng iilang empleyado. Kaya noong lumapit muli sa akin si Mika at ang palad pa ng ngiti alam ko na agad na may ibabalita na naman itong tsismis sa akin.
“Alam mo ba ang nalaman ko?!” Hinawakan niya ang aking mga balikat at halatang sobrang excited.
“Isa sa magpipinsan ang magpapakasal!” anunsyo niya na ikinatigas ko.
Di ko alam kung bakit may biglang bumara sa aking lalamunan at hindi ko magawang ngumiti man lang dahil sa sinasabi ni Mika. Nakatitig lang ako sa tuwang-tuwa niyang mukha.
“Kung sino raw ang mauunang magpapakasal sa magpipinsan ay siya ang magiging CEO ng kompanya! Gosh! Baka yayain kang magpakasal ni Sir Hiro ah!” Tumawa siya ng husto at kinikilig na.
Wala akong ibang inisip kundi ay magpapakasal rin ba si Ken para makuha iyong pwesto bilang CEO. Baka pinaubaya niya nalang kay Hiro? O kaya kay Wayt? I really don’t know…
“Baka si Sir Ken,” hula ko. “Eh mukhang may something sila noong sekretarya niyang si Jelsen.”
Mabilis na dumaan ang disgusto sa kanyang mukha.
“Yuck! Hindi pwedeng iyon ang pakasalan ni Sir Ken! Magreresign talaga ako!” she said dramatically.
“Bakit… Eh maganda ’yon ah,” walang buhay kong komplimento at hindi na umabot ang sigla sa ekspresyon.
“Hindi naman mukhang inlove si Sir Ken doon! Malay mo may kinalolokohang babae iyang si Sir Ken at kaya ganyan kasungit dahil hindi pa nakakamove-on. Natigang na ata.” Ibinulong niya nalang ang huling sinabi sa akin at humagalpak.
My cheeks heated for some particular reason but I remained silent about her speculations. Hindi lang naman siguro ako ang dumaan na babae sa mahigit anim na taong lumipas ’no? Maybe she met someone… And they broke-up… Baka nga nakailang ex na iyan at ngayon ay pinagpaplanuhan naring gawing girlfriend ang kanyang sekretarya.
Well maybe… Labas narin naman ako sa personal life niya… Kung sino man ang babaeng pinupursue niya ngayon ay wala na akong balak alamin pa.
If whoever his wife will be… I hope she’ll make him happy.
Doon lang natigil ang pag-uusap namin ni Mika nang mabanggit ang pangalan ko sa intercom at pinapapunta sa office ni Ken para maglinis doon.
Pagpasok ko sa loob ay nadatnan ko siya sa kanyang mesa. Naroon siya, nakatitig lamang sa kawalan habang nilalaro ang ballpen sa isa niyang kamay.
Sumulyap siya sa akin at umayos sa pagkakaupo. Nag-iwas naman ako ng tingin at nagsimula nang mag-mop ng makintab na sahig.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko siyang nakatitig lamang ng malalim sa akin habang pinaglalaruan parin iyong ballpen.
Nakita kong umawang ang kanyang bibig pero natutop rin iyon at nauwi sa pagkagat niya ng pang-ibaba niyang labi. May sasabihin ba siya?
Ken stared at me for a couple of minutes while I’m working. Wala siyang ibang ginagawa sa kanyang upuan kundi iyon lang at hindi niya man lang mapagtuunan ng pansin ang mga papel na nakahelera roon.
“Tapos na po. Aalis na ako,” malamig kong tugon at handa nang lumabas nang tumayo siya.
“Did you have… your lunch?” tanong niya sa baritonong boses.
Tumigil ako at nilingon ito.
“Kakain palang po, Sir,” magalang kong sagot na ikinabasa niya ng pang-ibaba niyang labi.
“I bought some food pero di ko naubos. Sa’yo nalang,” sabi niya at may kinuhang paperbag sa ilalim ng kanyang desk.
Napatitig ako roon lalo na’t si Hiro lang naman ang may ugaling magbigay sa akin ng mga pagkain na nakalagay pa sa paperbag.
Naglakad siya patungo sa mini table at inilapag ang paperbag doon saka siya nag-iwas ng tingin.
“Stay for awhile… Maglunch ka muna,” he said softly, ibang-iba ang boses sa mga nakaraang pakikipag-usap sa akin.
Ilang sigundo akong nakatitig doon at hindi alam ang gagawin. Ken bit his lowerlip and played with it habang nakapameywang na.
“I’m asking you nicely…” dagdag niya pa.
Nagtama ang aming paningin nang nilingon ko siya. Unti-unting kumalakas ang kalabog ng aking dibdib at nabitiwan ko na ang pagkakahawak sa handle ng pinto.
“Sige…”
Mabilis na dumaan ang gulat sa kanyang mukha. Nang napagtanto niya ang kanyang naging reaksyon ay mabilis rin iyong nabura. Dahan-dahan siyang ngumuso, tila nagpipigil na ng kung ano habang sinisikap na iseryoso ang mukha.
38th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Samantha Winona Cayabyab. Happy birthday! I’m wishing you all the best in life and may God bless you. Happy reading!
Tanggap Ko Na
Tahimik akong nakaupo sa sofa habang pinapanood si Ken na ilabas iyong mga pagkaing nasa loob ng paperbag.
Hindi naman matanggal sa aking isipan iyong sinabi sa akin ni Mika na magpapakasal ang magpipinsan para sa posisyon. Siya kaya… May balak ba siya?
Ibinigay niya sa akin ang kubyertos. Kinuha ko naman iyon at tipid na napangiti.
“Salamat,” sabi ko.
Ken nodded with his serious face. Umalis siya sa aking harapan. I watched him drag some chair towards me. Tumigil siya sa aking harapan at doon pumwesto.
I ate silently while he’s watching me. Nagtatama minsan ang aming mga mata pero mabilis ko ring binabawi.
Nakakabingi ang katahimikan. Masyadong malaki ang kanyang opisina na kahit bumulong lang ata ay maririnig na lalo na’t kahit ang centralized aircon ay bahagya kong naririnig. Kahit ang sarili kong pagnguya ay naririnig ko na.
“Marione,” tawag niya sa akin ng seryoso kaya kinabahan agad ako.
Itinuro niya ang kanyang pisngi. Kumurap ako at hinawakan rin ang aking pisngi. May kung ano siyang dinukot sa kanyang bulsa at inilahad sa akin ang isang panyo.
Kinuha ko iyon at tipid siyang nginitian saka ko iyon ipinahid sa aking pisngi. Ibinalik ko rin naman agad iyon sa kanya nang mapagtanto kong pamilyar ang panyong iyon. Kinuha niya iyon sa akin at ibinulsa.
That handkerchief was my gift to him… O baka naman… Magkatulad lang? Pero ba’t niya naman itatago? Galit siya sa akin.
Isang katahimikan ulit ang dumaan habang binabagabag naman ako ng aking pinag-iisip. What if a part of him still… Hindi… Imposible iyan, Marione. Mali iyang iniisip mo. But I should tell him right now!
Ibinuka ko na ang aking bibig pero bago pa makapagsalita ay naunahan niya na ako.
“I have an offer,” he said directly.
Natutop ang aking bibig at nawalan ng planong isaboses ang aking balak.
Mataman niya akong tinitigan at tila tinitimbang pa ang aking reaksyon. Masyadong malaki ang kanyang opisina na kahit bumulong lang ata ay maririnig na lalo na’t kahit ang centralized aircon ay bahagya kong naririnig.
“Empleyado ka naman dito kaya imposibleng hindi mo narinig iyong balita,” sabi niya at mukhang may pinupunto na.
Tumango ako at hindi muna sumubo. Pakiramdam ko kasi ay mabibilaukan na ako sa susunod niyang sasabihin.
Humilig siya sa kanyang mga hita at ipinagsalikop ang mga kamay. Masyadong malalim ang kanyang titig na kahit ako ay hindi na makakurap.
He licked his lowerlip. “Marry me.”
Umawang ang aking bibig. Seryoso naman siyang tumingin sa akin.
Tama ba ang naririnig ko? Niyayaya niya akong…
“Pero ba’t ako?” Wala sa sarili kong tanong sa sobrang kyuryusidad. “Dahil ex mo ako at may past tayo?”
His face darkened, tila hindi nagustuhan ang aking sinabi ngunit mabilis ring ikinalma ang ekspresyon.
“I just need the position. After that then you can file an annulment. Just name your prize.”
Hindi ko alam kung anong nararapat na emosyon para rito. I am confuse… I am shocked.
“10 million,” sabi niya nang hindi na ako nakapagsalita. “Is that enough or… kulang pa?” Umangat ang kanyang kilay.
Kaya niya ba ako pinakain dito para sa bagay na ito? To offer a marriage?
“Kung ang ikinakabahala mo ay pagsasama nating dalawa… Then pwede namang sa kabilang kuwarto ka lang at sa kabila naman ako. Kung naging okay na ang posisyon ko ay pwede kanang magpa annul at sabihin nalang nating hindi tayo nagkasundo,” sabi niya na akala mo ay ganoon lamang kadali ang pinagsasabi nito.
Wala akong maintindihan sa lahat lahat. Naririnig ko naman siya pero di ko iyon napapasok sa aking utak.
“Di pa ba sapat ang 10 million? Naliliitan ka ba?”
“Hindi naman ito dahil sa pera,” giit ko at kumuyom na ang mga kamay sa aking kandungan.
Bumaba saglit ang kanyang mga mata sa pagkain ngunit bumalik rin sa akin.
“Ayaw mo na ng pera?” he asked with mockery.
Parang piniga ang aking dibdib pero sinikap kong tingnan siya ng kalmado. I remained my composure while eyeing him.
“O baka naman…” His eyes darkened. “Si Hiro ang gusto mong yayain kang magpakasal? Tingin mo ba mahal kana noon purket dinadalhan ka lang ng pagkain?”
“Hindi,” matigas kong sagot. “Ganyan rin naman ang gawain mo ’di ba? Nagdadala ka ng pagkain kahit hindi mo naman mahal.”
Naputol na ang aking pagtitimpi sa sinasabi niya sa akin kaya hindi ko narin nakontrol ang aking bibig. Dumaan agad ang galit sa kanyang mukha, kung paano nag-iba ang kanyang ekspresyon at tila nainsulto sa aking sinabi.
“At kung papipiliin man ako ngayon… Mas gusto ko pang matali kay Hiro kaysa matali sa lalakeng katulad mo.” Tumayo ako.
Tumalim ang tingin niya sa akin at nilamon na ng iritasyon ang buong mukha.
“Mayaman ka naman ba’t hindi ka nalang bumili ng babaeng papatulan ka? O ba’t hindi nalang iyong sekretarya mo ang yayain mo total mukhang close naman kayo? Baka mas kaya niyang lunukin ang pagiging asawa mo total mukhang expert na ’yon sa paglunok,” makahulugan kong sabi saka naglakad na paalis.
Kahit anong paalala ko sa aking sarili na kailangan kong humingi ng tawad sa kasinungalingang binuo ko noon, na kailangan ko siyang suyuin nang makapag-usap kami ng maayos, ay napuputol na agad ang aking pasensya at naiirita sa kanyang inaasta.
“Aalis na po ako,” matabang kong sambit at sinikap na maglakad palabas ng kanyang opisina.
Nanghina ako ng husto nang tuluyang makalabas. Nasapo ko pa ang aking dibdib at mariing pumikit para pakalmahin muli ang sarili. Parang mapupugto na naman ang hininga na kailangan ko pang tumigil para lang habulin ang aking hininga.
He’s just too much! Hindi purket nasilaw ako sa pera noon ay ganoon parin iyon ngayon! Akala niya ay mapapasunod niya na agad ako sa kanyang gusto basta ay hainan niya lamang ako ng pera. I am not after for his money, to tell him frankly! Kung hindi lang talaga ako nahihirapan sa pinagdadaanan ko ay hindi ko siya pag-aaksayahan ng oras.
It made me stress. Kahit anong sikap kong h’wag nang palalain ang aking iniisip ay nalulunod na naman ako. Hindi na naman ako makaahon sa mga pumapasok sa aking isipan. I write down my frustrations on a paper to calm myself. Doon ko inilabas ang lahat, ang inis ko kay Ken, ang aking saloobin, na halos mabutas na iyong papel sa aking panggigigil.
May kung sinong sumipol kaya natigil ako sa pagsusulat sa aking notebook dito sa hagdanan. Tiningala ko kung sino iyon at nakita ang imahe ni Hiro na nakapamulsa na naman.
“Diary?” Umangat ang kanyang kilay.
Ibinalik ko ang tingin sa aking notebook at isinara iyon.
“Vacant time ko kaya…”
“Hindi kita pinagbabawalang magbreak. Did you already have your lunch?”
Marahan akong tumango at iniakyat sa sunod na baitang ng hagdan na inuupuan ko ang aking mga binti para maging malapit sa akin at mayakap ko iyon ng maayos. I placed my chin under my knee.
Bumaba si Hiro at umupo sa aking tabi. His legs were spread wide apart habang humilig naman siya sa likod ng sunod na baitang. Para siyang mayabang na Prinsepe sa pagkakaupo niya.
“Don’t you know that loneliness is just as lethal as smoking 15 cigarettes per day?”
Hindi ako umimik. Handa narin naman ako. I can die right now if God won’t forbid.
“Is he making you sad?”
Hindi ulit ako umimik. I am not yet comfortable sharing my thoughts with him. Paano kung mamaya niyan bigla nalang ulit siyang mamaliktad? Baka mamaya niyan pagsisihan ko na naman. Mas maganda siguro kung kimkimin ko nalang…
“Sometimes, the person that’s making you sad is the only person that can make you happy.”
Napalunok ako roon. Sumasakit na naman ang aking puso. Hindi ko na naman maintindihan kung bakit nag-oovereact na naman ito.
“Hindi naman ako malungkot,” sabi ko nang mabura iyang iniisip niya na may taong nagpapalungkot sa akin. Iniisip niya rin bang nandito ako dahil kay Ken?
“At nandito ako dahil sa trabaho. Di ko naman alam na…”
“Alam ko.” Ramdam ko ang kanyang ngisi na kahit hindi ko siya lingunin ay sapat na ang paninindig ng aking balahibo.
Bakit ba parang ang dami niyang alam? May pinaplano na naman ba siya? Hindi kaya ay mauulit na naman ang noon? Paano kung nahuhulog na pala ako sa patibong? Walang wala na ako at hindi ko alam kung ano pang mawawala sa akin sa oras na ito. Buhay ko na ba?
Naramdaman ko ang panginginig ng aking balikat at para na naman akong maiiyak sa aking iniisip. Stop- Marione! Think positive!
Pero paano ako mag-iisip ng maayos kung nilalamon talaga ako? Paano ko titigilan kung doon naman ako madalas nahuhulog?
“You should stop overthinking. Kaya kita nilalapit-lapitan dahil nagmamalasakit lang ako,” pag-amin niya na akala mo ay nababasa niya ang nasa aking isipan.
Ganoon na ba kalakas ang pinag-iisip ko? I should stop… I should stop from overthinking too much!
Mariin akong pumikit at naramdaman na ang pag-agos ng aking mga luha. Ano ba… Ano bang gagawin ko matigil lang ang pakiramdam na ito?! Ano bang nagpapabigat ng loob ko?! Bakit… Bakit bigla bigla nalang akong nagiging ganito?!
Marahil ay napansin na ni Hiro ang aking panginginig kaya bigla itong tumayo at umalis. Buong akala ko ay iniwan niya lamang ako para makapag-isip isip pero nang bumalik ito na may dalang tubig ay nagulat ako.
Seryosong seryoso na ang kanyang mukha habang inilalahad iyon sa akin. Kinuha ko iyon at ininom. Pinalis ko ang aking mga luha at nagpeke ng ngiti.
“M-Minsan naiiyak nalang ako bigla. Nadadala lang talaga ako sa emosyon ko,” paliwanag ko para hindi agad siya mag-isip ng kung ano-ano.
“Gusto mo bang magleave muna? This place will worsen your-”
Umiling ako. “Wala naman akong sakit para magleave. N-Naiyak lang talaga,” sabi ko at nag-iwas ng tingin.
Mas lalo siyang sumeryoso. Hindi ko na mabasa ang tumatakbo sa kanyang ekspresyon. Tumayo rin naman ako at nagyayang bumalik na sa aking trabaho.
Hiro was silent while walking with me. Ang sabi niya ay ihahatid niya ako sa floor ng pagtatrabahuan ko. Habang naglalakad kami sa pasilyo ay hindi ko maiwasang lingunin ito.
“Salamat pala dito.” Inilahad ko sa kanya ang kanyang bottled water at bahagya siyang nginitian.
“Sa’yo nalang ’yan. Mas mabuting may dala kang tubig palagi,” sabi niya at hindi iyon tinanggap.
Tipid ulit akong ngumiti sa kanya at itinuon ang tingin sa harapan nang maaninag ko ang matalim na tingin doon ni Ken habang seryosong seryoso ang pagmumukha. Napawi ang munti kong ngisi.
Bigla namang yumuko si Hiro at may kung anong binulong sa akin.
“May sasabihin ako…”
Nilingon ko siya. Doon ko napagtantong ang lapit na pala ng kanyang mukha.
“Ano…” tanong ko habang magkasalubong ang aking kilay.
Ngumisi lamang siya. “Nothing,” sabay tayo ulit ng tuwid.
Naiwang naninindig ang balahibo sa aking batok at hindi magets ang kanyang mga galawan.
Pasulpot-sulpot si Hiro sa pinagtatrabahuan ko kaya minsan ay nakakapag-usap kami ng maliliit lamang na bagay. Ayun rin kasi sa therapist ko na maganda raw iyong nag-oopen up ako sa ibang tao kahit paunti-unti lamang. Nakakagaan daw iyon sa pakiramdam. Hindi siya masyadong madaldal kaya rin siguro limitado lang minsan ang topic namin, iyong gusto niya lang pag-usapan at wala rin siyang binabanggit tungkol sa nakaraan.
“Mag-iisang buwan kana sa susunod na linggo na pinagtatrabahuan mo! Nagugustuhan mo ba roon?” tanong sa akin ni Eunecia sa Linggong iyon nang magkita kaming muli.
Nasa Mall kami at hinihintay lamang iyong boyfriend niya dahil manlilibre raw iyon.
“Okay naman. Medyo nakakapagod pero okay lang,” sagot ko.
“Ano ba ’yang sagot mo! Hindi ba iyong… masaya ka sa trabaho mo?”
Tumango ako. “Oo… Masaya ng konti.”
Umirap na ng husto si Eunecia sa akin, marahil ay napapagod na sa aking mga walangbuhay na sagot.
“Basta kung may problema ay magresign kana agad ha. Sa bahay ka nalang kasi!”
Mas mamamatay rin ako sa boredom sa bahay. Mas okay talaga iyong busy ako.
Nagpaalam muna ito saglit na magc-cr kaya naiwan ako sa may tapat ng National Bookstore para hintayin ang kanyang boyfriend. Ilang sandali lamang ay may lalake ring dumating at tila may hinahanap.
Nakasuot ito ng fit na grey T-shirt, maong na pantalon, itim na sapatos na may check pa sa gilid at nakabalandra ang noo dahil sa ayos ng kanyang buhok. Plus, he looks really neat.
Napatingin siya sa akin kaya nag-iwas agad ako ng mga mata. Lumapit siya sa aking dako.
“Ikaw si… Marione?”
Bumaling ako sa kanya at bahagyang tumango.
“Ah… Ako si Dustin. Boyfriend ni Eunecia.” Naglahad siya sa akin ng kamay.
Tinanggap ko iyon pero agaran ko ring binawi ang aking mga kamay at ngumiti ng bahagya.
“Nagcr lang si Necia. Puntahan nalang natin,” sabi ko na ikinatango niya naman.
Nagsimula kaming maglakad patungo sa girls restroom. Tahimik lamang siya sa aking tabi ganoon rin ako. Wala namang nakukwento si Necia sa akin tungkol sa kanyang boyfriend pero feeling ko maayos ang takbo ng relasyon nila.
Sa rami ng tao sa Mall, may pamilyar na nakasalubong ang aking mga mata. Ang kanyang mga braso ay nakapulupot sa kung sinong lalake at nang mapagtantong nakita ko sila ay mabilis siyang bumitiw doon.
Boyfriend niya ba ’yon? Nilalandi niya na nga si Ken tapos may boyfriend siya?
Binura ko rin naman ’yon sa aking isipan. Ano rin namang pakialam ko kung may lovelife siya? Nagtataka lang ako dahil sinasabihan niya akong malandi tapos siya pala itong may boyfriend na pero nagagawa pang pumatong kay Ken.
Masayang tingnan si Eunecia sa kanyang boyfriend. Panay ang kanyang halakhak at makikita ko talaga ang pangingislap ng kanyang mga mata.
I missed the feeling of being inlove… to be honest. Iyon ang ikinalungkot ko sa araw na iyon pero hindi ko nalang masyadong pinahalata kay Eunecia. These days, lumalala na naman ang pag-iisip ko ng kung ano-ano. My therapist warned me to slow down from overthinking dahil baka ikalala na iyon ng aking kalusugan. Maaapektuhan ang aking katawan sa sobrang pang-aabuso ko sa aking utak.
It’s tiring…
Lunes. Pumasok ulit ako. Dala-dala ko na iyong bottled water na bigay ni Hiro sa akin ganoon rin ang aking notebook para may mapaglabasan man lang ako ng aking emosyon pag sakaling ang rami ko na namang iniisip.
Nagsimula akong magmop sa 5th floor. Medyo maganda rin iyong pumapaibabaw na tugtog at magaan lamang sa tainga. May pagka ballad iyon at para kang hinihila ng antok.
Noong lunch ay pinatawag ulit ako ni Ken sa kanyang opisina. Nagdadalawang isip pa akong hindi pumunta dahil hindi okay iyong naging usapan namin noong huling pagkikita kaso boss ko parin ito kaya sa huli ay bumagsak rin ako sa kanyang opisina.
Nadatnan ko ang sekretarya niya roon sa loob at minamasahe siya. Kitang kita ko kung paano bumababa ang kamay ni Jelsen at tila may gustong puntahan kaso hinawi lamang iyon ni Ken at iritang-irita.
“Give this papers to Miss Ramiro. Sabihin mo na ipafinalize na kay Hiro,” sabi niya at inilahad iyong folder.
Kinuha naman iyon ni Jelsen at sumulyap pa sa akin.
“Pwede namang si Aioni nalang ang magbigay total mukhang close sila ni Hiro-”
“Putangina,” galit niyang putol kay Jelsen na ikinaputla nito.
Kahit ako ay napalunok sa kanyang pagmumukha. Ken’s eyes sharped at her.
“Ano bang utos ko?” galit niyang tanong.
“Yes S-Sir Ken…” Malambing niyang sagot sa kabila ng panginginig at nagmadali ring umalis.
Matalim pa akong tiningnan ni Jelsen, ang mga mata ay tila may pinaparating habang tinatahak niya ang daan palabas. Nang maiwan niya kaming dalawa ay ipinagpatuloy ko na ang pagm-mop.
Niluwagan ni Ken ang kanyang tie at marahas ang pagkakabuga ng hangin habang pinapasadahan ng haplos ang gilid ng kanyang buhok. Nang hindi niya nakaya ay bigla niya nalang hinwi ng marahas iyong gamit sa kanyang desk kaya gumawa iyon ng ingay dahil sa pagkalaglag.
Napatalon ako sa gulat. Ang kanyang galit ay kumalat na sa kanyang kabuuan saka siya tumayo at nahilamos ang mukha. Nakaharap ito sa transparent na high walls kung saan natatanaw ang labas habang nakatingala siya at tila kinakalma ang sarili.
Nagtungo ako roon sa kanyang mesa at nilinis ang kalat. Lumingon siya sa akin gamit lamang ang ulo. Nakita ko ang nag-aalab na galit sa kanyang mga mata.
“Ilan ba lahat ng lalake mo?” biglaan niyang tanong na ikinakunot ng aking noo.
“Anong-”
“Habang nakikipaglandian ka rito sa pinsan ko ay nakikipaglandian ka rin sa kung sino-sino,” he growled at me.
Natigil ako sa pagpupulot noong kalat at kunot-noo siyang tiningnan. Hinilamos niyang muli ang mukha at bumuga ng marahas na hininga. I heard him muttered some curses and stared at me like I did a crime.
“Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong nilalandi-”
“Don’t lie to me! Nakikita ko kayo ng pinsan ko at may mga nagsasabi sa akin na kung sino-sino lang ang kadate mo!” Tumaas ang kanyang boses na ikinagulat ko. Para iyong kidlat na bigla bigla nalang sumasabog na matagal niya nang kinimkim at ngayon lamang naipalabas.
Taas baba ang kanyang balikat dahil sa matinding galit. Nagsisimula naring sumikip ang aking dibdib at para na akong kakapusin ng hininga dahil sa matinding kaba.
“Kaya hindi mo matanggap tanggap ang offer ko dahil nawiwili kana sa pinsan ko! Why? Did he offer a bigger amount? Sabihin mo nang matriple ko!” sigaw niya na ikinabuhos na aking mga luha.
Masyado nang mabigat ang kanyang binibintang na kusa na iyong nagsilaglagan sa aking mga mata.
“Sa kanila kana ulit magpapabuntis at ano? Ipapalaglag at patayin mo ulit-”
“Tama na!” sigaw ko ng ubod ng lakas nang hindi ko na nakayanan ang kanyang mga salita. Iyon amg nagpahagulhol sa akin.
Tumaas baba ang aking balikat at mas lalo lamang bumuhos ang aking mga luha.
“Ang…” Nasapo ko ang aking dibdib habang hinahabol ko ang aking hininga. “Ang sakit s-sakit na…” Ngumiwi ako at nayakap ang aking tiyan. Para na iyong pinupulot at idagdag pa ang paghinga kong hindi ko na mahagilap.
Gusto ko nang isiwalat ang lahat kaso hirap narin akong bumigkas. I want to tell him everything for him to stop from accusing me! But the pain is just too much that it’s killing me.
Napaluhod ako habang namimilipit sa sobrang sakit ng aking tiyan. Umiyak ako ng husto at sumigaw dahil sa sakit.
“Marione?” Ken hurriedly went to me at tila natauhan sa kanyang galit.
Akma niya akong iaangat kaso itinulak ko siya. Bumuhos lamang lalo ang aking mga luha. Gusto kong humagulhol, gusto kong isigaw kung gaano na kasakit ang aking nararamdaman, ang kanyang pinagsasabi kaso sobrang hirap narin akong huminga na sunod-sunod na ang pagtaas baba ng aking balikat.
Dahil wala na akong lakas ay mabilis akong naangat ni Ken at kinarga ako. Tumakbo ito palabas habang sumasambit ng mura. Mariin akong pumikit at hindi na makayanan ang sobrang kirot ng aking tiyan na niyakap ko na iyon.
May narinig akong nagkakagulo pero masyado na akong nanghihina. Nanlalabo na ang aking mga mata at hirap na hirap narin ako sa paghinga habang nakaawang ang aking bibig para lang kumuha ng hangin.
“Marione!”
Gusto ko nang magpahinga… Sana, sana pagbigyan niyo na ako sa hiling ko… Gustong gusto ko nang sumuko. Pwede bang sumunod nalang ako sa anghel ko? For the nth time… I’m begging for my death… Just please… If I can’t make it this time… I’ll gladly accept my fate. Kung hanggang dito nalang talaga ay tanggap ko na.
39th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Karisma Nicole Junasa. Happy reading!
Sa Isang Kondisyon
Isang pamilyar ulit na kuwarto ang bumungad sa akin nang magkamalay ako. Ang mukha ni Mama ang mabilis kong nakita, ang mga matang namumugto at ang pagod niyang ngiti.
“Kumusta ang pakiramdam mo?” Paos niyang tanong at hinaplos ang aking pisngi.
Buhay na naman ako… Ganoon ba ako katapang para paulit-ulit nalang akong magising… O baka ay hindi ko pa talaga oras?
Niyakap ako ni Mama at humagulhol sa aking balikat.
“Anak naman… Para na akong aatakihin sa puso sa labis na pag-alala sa’yo…”
Sa ibang sulok ng kuwarto ay nakikita ko si Lucas, mugto ang mga mata at nakatingin sa kawalan. Pumapaibabaw ang iyak ni Mama habang nanghahapdi naman ang aking mga mata. Dumaloy agad ang luha roon na ikinapikit ko nalang.
Pagod na pagod na naman ang buo kong katawan. Gusto kong magtanong kung anong nangyari pero halata namang nawalan ako ng malay pagkatapos noong sobrang pananakit ng tiyan ko at idagdag pa ang pagkapos ng aking hininga.
“One of the physical symptoms when the patient is depressed is stomach pain, Madame. You’re not just mentally ill when you’re depressed, mararamdaman at mararamdaman rin ng katawan mo ang pinagdadaan mo emotionally. The patient might experience some physical symptoms like headaches, stomach ache, cramps and irritability. But we’ll still check her since base on her past medical records ay na miscarriage ang pasyente noon. An incomplete miscarriage maybe one of the cause why she’s suffering stomach pain due to infection. Marahil ay may naiwan pang pregnancy tissues sa kanyang uterus at iyon marahil ang sanhi noon. We’ll just give her some antibiotics and some medicine for her stomach pain.”
“Maraming salamat po, Doc…”
“She needs a proper bed rest for now. Kailangan iyon ng pasyente.”
Hindi na ako dumilat habang nag-uusap sila ng doctor. Ilang araw na naman ba ako rito? Hospitals made me sick. Feeling ko minsan ang lala na ng sakit ko kaya pabalik balik nalang ako rito. Gusto ko nang lumabas ulit at bumalik nalang sa normal.
Habang binabantayan ako nila Mama, si Lucas na nag-aabsent pa at si Papa na nakikipagsalitan kay Mama para makapahinga ito ng maayos sa pagbabantay sa akin, napaisip ako na masyado na akong nakakaabala sa kanila. Masyado na akong nagiging pabigat. Ayoko na nang ganito. Pagod na pagod na akong makita silang nasasaktan dahil sa akin.
Maybe God didn’t want me to rest yet because my family will never make it. Sila ang lumalaban para sa akin at kung susuko lamang ako ay kasama ko silang babagsak. Iyon ang nagpaiyak sa akin ng husto. Tama na ang anim na taon, Marione… Sikapin mo nang lumaban para sa pamilya mo. Kahit iyon nalang ang gawin mong motivation para h’wag sukuan ang sarili.
Bumisita si Eunecia at may dalang isang basket ng apple kaya lumabas muna sila Mama para kumain.
“Ba’t ang hilig mong lumabas pasok dito sa hospital? Masyado kana bang naaattach sa kama nila rito at binabalik-balikan mo?” tanong niya habang nagbabalat ito ng apple.
“Ang dami-dami ko nang naaabala,” mahina kong sambit habang nakatitig lamang sa kawalan.
Natigil si Eunecia sa pagbabalat ng apple.
“Kaya nga tulungan mo rin ang sarili mo. Alam mo bang pwede kitang gilitan ng leeg ngayon pero di ko ginagawa kasi alam kong hindi mo pa oras. May plano pa ang Diyos sa buhay mo kaya h’wag ka namang sumuko, Aioni! Tama na iyang pag-iisip ng kung ano-ano! Hindi iyan makakabuti sa kalagayan mo at makakasama lang iyan,” aniya.
Pumikit ako. Lahat sila ay iisa lamang ang bukambibig sa akin, ang lumaban ako. Nagpapakatatag sila sa akin kaya ano ang karapatan kong sumuko?
Isa sa mga bumisita sa akin ay si Mika. May dala siyang isang basket ng prutas. Hindi ko na inalam kung sinong nagpapabigay noon dahil alam ko namang si Hiro iyon. Maraming dumadating na pagkain sa aking kuwarto. Ang sabi ni Mama ay bigay raw ng hospital. Ngayon ko nga lang napansin na masyadong maganda ang loob at parang nasa isang Private hospital ata ako.
Hindi ko magawang itanong sa kanya kung nasaan si Ken dahil sa pagkakaalala ko ay siya ang naghatid sa akin dito. Mukhang iniiwasan rin naman nilang magtopic sa akin ng kahit ano na kahit si Mama, kahit halatang curious ay hindi talaga magawang magtanong sa akin. Nagkita ba sila?
I regain my energy again. Sa loob ng isang linggong bed rest, walang humpay na check-up sa akin, ay tuluyan rin naman akong gumaling. Marami ulit akong resita incase na sumakit muli ang aking tiyan lalo na’t isa na iyon sa komplikasyon ng aking katawan dahil sa aking depression.
“You should surround yourself with positive people, Aioni. Avoid the person who’s making you depress if that’s the only way to make you feel better. Makakasama lamang siya lalo sa kalusugan mo. Cut the toxic people in your life.”
Iyon ang payo noong Psychiatrist na nagcheck sa akin sa hospital na iyon. Ano, gigilitan ko ng leeg si Ken dahil mukhang siya itong toxic sa buhay ko? Iyon ba ’yon?
“There are many things you can cope-up with loneliness. Kung marami kang friends ay dalasan mo ang pakikipag interact sa kanila. Reach out to them to boost your confidence. A family talk can help, too. Compliment yourself and apply some reserve psychology in your head to avoid from overthinking. If things are hard then smile and say you’re a strong person.”
So I’m guess I’m back to square one, huh? Minsan ay nalilito narin talaga ako. Noong bumalik ulit ako sa aking therapist ay nagkaroon ako ng matinding confrontation. Kinwento ko iyong nangyari sa amin ni Ken at kung paano ako inatake ng anxiety ko at ang pananakit ng tiyan ko.
“Before you cut them in your life, make sure you have unfinished business with them. Ang problema kasi sa’yo ay namumuhay ka parin sa guilt. Don’t forget the pain Aioni. What you really need is acceptance. Kailangan mo lang matanggap na may mga bagay na hindi na kailangang balikan at baguhin…”
Napupunto ko naman ang pinanggagalingan ng depression ko. It’s because I am still living in guilt. Hindi ko parin matanggap ang pagkawala ng anak ko. Parang habangbuhay ko iyong pagsisisihan at habangbuhay kong dadalhin ang sakit.
“It will really help you if you grieve with that person… Makakatulong sa’yo ng malaki kung siya mismo ang magpaparealize sa’yo na wala kang kasalanan. Kaya mo inaako ang lahat dahil pinaparamdam niya rin sa’yong kasalanan mo.”
I sighed with defeat. Kahit siguro anong takas ko ay para akong nakatali na mismo kay Ken. Hindi solusyon ang pag-iwas at pagtakas kahit gaano na kasakit ang pinagsasabi niya sa akin. Gusto ko parin namang makipag-usap sa kanya ng maayos pero pagod narin ako. Siguro ay susundin ko nalang iyong isa pang advice sa akin na tanggapin ang lahat na may mga tao talagang hindi mo na kailangang papasukin sa buhay mo.
Iyon na ang plano ko, ang magresign sa pagbalik ko. Kaso noong aksidente kong narinig sa magulang ko na nawalan ng trabaho si Papa dahil nabankrupt na iyong kompanyang pinagtatrabahuan niya at isa siya sa mga tinalsik ay nagbago ang isip ko.
“Anak gusto mo bang ienroll kita sa isang Youth Camp? Total wala ka namang trabaho… Baka gusto mong may mapagkaabalahan ulit?” tanong ni Mama nang kumakain kami sa gabing iyon ng Martes.
Simula noong naconfine ako sa hospital na iyon ay wala nang imik si Lucas sa akin. Pansin ko rin ang galit niya pero pag tinatanong ko si Mama ay wala namang sinasabi. Ang tahi-tahimik niya at naninibago ako.
“Wala akong balak magresign, Ma,” sabi ko sanhi para mag-angat ng tingin sa akin si Lucas. Mabilis na dumaloy ang iritasyon sa kanyang mukha.
“Ba’t hindi ka magreresign, Ate? Lalala lang ang pakiramdam mo roon!”
“Lucas,” tawag ni Papa sa kanya.
Hindi nagbago ang ekspresyon ni Lucas.
“Bakit ka babalik? Marami pa namang trabaho na pwede mong applayan iyong walang gago-”
“Lucas!” galit na tawag ni Papa.
Tumaas baba ang balikat ng aking kapatid at sa galit ay marahas itong tumayo saka lumabas ng kusina.
Sinundan ko ito ng tingin. Si Mama naman ay nahipo ang noo at unti-unting bumuntong ng hininga. Hinawakan ni Papa ang kanyang balikat.
“May kailangan ba akong malaman, Ma?” tanong ko at seryosong tinitigan ang aking ina.
“Nagkita si Lucas at iyong…” Hindi madugtungan ni Mama ang kanyang salita. Nakapikit parin ito habang hinihilot ang ulo.
Si Ken? Nagkita sila sa hospital? Hindi ko naman siya nakita roon at ni minsan ay hindi siya bumisita.
Tumayo narin ako at sinundan na ang aking kapatid. Nadatnan ko ito sa labas ng aming bahay, nakaupo roon sa bench at nakayuko habang may kung anong sinisipa-sipa.
Tumabi ako sa kanya at sinilip ang kanyang ekspresyon.
“Bakit hindi ka agad nagresign noong nalaman mong nandoon pala ang lalakeng nanakit sa’yo, Ate?” matigas niyang tanong at inilabas na agad iyon.
“Pwede naman akong umiwas, Lucas… Anim na taon kaming hindi nagkita. Anim na taon akong nagsisikap na gamutin ang sarili ko pero hindi ako makakatakas sa nakaraan kung hindi ko pa napapatawad ang sarili ko. Ang sabi ng therapist ko ay makakatulong daw sa akin kung haharapin ko ang taong naging rason ng lahat kaysa ang tumakas. Kasi pwede naman akong tumakas ulit kaso hindi ko matatakan ang sakit, Lucas… Nasasaktan parin ako sa nangyari sa akin.”
Hindi siya umimik pero sa panginginig ng kanyang balikat ay alam kong umiiyak na ito. Gusto kong ipaintindi sa kanya ang nangyayari sa akin. Bata pa si Lucas. Kahit sabihin kong para itong mature umasta, alam kong bata parin siya sa loob.
“Galit ako sa gagong ’yon kaya ayokong bumalik ka sa kanya,” giit niya sa matigas na boses.
“Hinintay ko siya noon ate… Sa tuwing umiiyak ka, sa tuwing nahihirapan ka… hinihintay ko siya dahil alam kong mapapasaya ka niya. Kaso sa anim na taong lumipas… ni anino niya ay hindi man lang nagpakita!”
Kinagat ko ang aking labi at umagos na ang aking mga luha. Tama nga ako na dinala niya hanggang ngayon ang nangyari sa amin noon.
“Lucas may sinabi kasi akong masakit sa kanya-”
“Kaya sinasaktan ka rin niya?!” putol niya.
Pinalis ko ang luhang tumulo.
“Bakit mo babalikan ang taong hindi ka naman nagawang ipaglaban? Bakit mo siya babalikan kung siya naman ang nang-iwan?”
Parang nahulog ang aking puso sa kanyang sinabi. Mas lalo lamang umagos ang luha sa aking mga mata. Niyakap ko ang aking kapatid.
“Sshhh… H-Hindi ko naman siya binabalikan. Sadyang… Sadyang gusto ko lang humingi ng tawad, Lucas… Gusto ko nang makawala sa nakaraan at hindi ako makakapagsimula ng maayos kung nakatali parin ako sa sakit ng kahapon. Bata ka pa kaya naiintindihan ko ang galit mo.”
“Siya dapat ang humingi ng tawad sa’yo!”
Bumuntong ako ng hininga. “H’wag kanang magalit. Ayokong pati ikaw ay nadadamay sa sarili kong problema, Lucas.”
Alam ko namang mature na si Lucas mag-isip pero ayoko ring kasama ko siya sa pinagdadaanan ko. Ayokong lumaki siyang pasan pasan ang bigat ko dahil may sarili rin naman siyang buhay. Hindi ito ang pinangarap ko sa kanya noong bata pa siya.
I tried to cheer myself up, para sa pamilya ko, para kay Lucas, para sa mga taong nagmamalasakit sa akin at kaibigan na hindi nagsasawang sabihin sa akin na marami pang rason para mabuhay ng masaya. Siguro kaya rin hindi ako magawang talunin ng depresyon dahil kasama ko ang pamilya ko sa pinagdadaanan ko. Pwede ko namang pasanin mag-isa pero tinutulungan nila ako. Naalala ko iyong sinabi ni Ma’am Rhian na madalas ang pinagmumulan ng depresyon ay ang pamilya. Ang matinding problema sa bahay ay maaaring maging rason ng pagiging depressed ng isang bata at ayokong sapitin iyon ni Lucas dahil sa ibinibigay kong problema sa kanya. Maswerte ako dahil hindi lahat ng mga magulang ay maiintindihan ang depresyon ng isang anak. Marahil ay sasabihin nilang simpleng pagmumukmok lamang sa kuwarto o tamad lang talaga kaya nawawalan ng ganang gumalaw. Pero kung pamilya mo mismo ang umiintindi sa’yo at nagpapalakas ng loob mo, unti-unti mo talagang kakayaning tumayo.
It gave me hope to fight again. Sapat na siguro ang anim na taong pagluluksa? Sisikapin ko nang baguhin ang mindset ko. Kailangan naming mag-umpisa lahat.
Pumasok akong muli sa trabaho. Kahit ayaw na sana ni Mama at Papa lalo na ni Lucas ay nagpumilit parin ako. May kailangan pa akong gawin…
Tatlong linggo akong nawala sa kompanya at ang sabi ni Mika ay pwede naman akong bumalik pag kaya ko na ulit. Even if it’s complicated, I’m still going to try.
“Uy bumalik na si Aioni!” Isa sa mga empleyado ang sumigaw noon.
Mabilis na tumakbo si Mika papunta sa akin at niyakap agad ako lalo na’t kinuha noon ang bawat atensyon nila.
“Mabuti naman at bumalik ka! Ang hirap pag wala akong nakikitang magandang janitress!” aniya na ikinangiti ko ng tipid.
“Kailangan ko kasi ng pera kaya hindi pwedeng hindi magtrabaho,” sabi ko nalang.
May mga lalakeng empleyadong nakikiusisa at pasulyap-sulyap sa akin pero di magawang lumapit. Bumabati lamang sila ng welcome back at panay pa ang tukso sa akin kay Hiro kaya raw ako bumalik dahil namiss ko.
Lahat sila ay natutuwa sa pagbabalik ko pero maliban sa isa. Nahuhuli ko lagi ang mga mata ni Jelsen na matalim ang tingin sa akin pero agaran ring iirap. Hindi ko nalang iyon pinansin total sanay narin ako sa ganyang mga ugali. Naalala ko tuloy si Audrey. Mapapagod rin naman iyan at titigil rin sa pagmamaldita.
I tried my best to be positive. May dala naman akong plano at hindi ko alam kung tama ba iyon. Humahalo na lahat sa utak ko ang pinag-iisip ko kaya hindi ko na alam kung tama pa ba ang isang bagay o dadalhin lamang ako sa kapahamakan. But it’s the only way I know to cope-up with the situation. Try it!
“Jusko Aioni halos atakihin ako sa’yo noong isinugod ka ni Sir Ken sa hospital! Pinag-alala mo kaming lahat!” ani Mang Carlito, isa sa mga janitor dito.
“Okay na po ako. Masakit lang talaga ang tiyan ko noon…”
Hindi nawawala ang pag-aalala sa kanyang mukha na kailangan niya pa akong suriin mula ulo hanggang paa.
“Na food poison ka?”
Umiling ako. “Simpleng sira ng tiyan lang po,” sabi ko at hinila na ang aking mop. “Magtatrabaho na po ako.”
“Sure kang okay kana?”
Nilingon ko ito at tinanguan. Hindi naman malala iyong nangyari sa akin dahil nagamot rin naman agad ako. Advice nalang sa akin ngayon ay h’wag na masyadong magpadala sa stress. At sigurado ka bang hindi ka maistress sa binabalak mo, Marione?
Ang napansin ko sa araw na iyon ay marami nang janitors ang nagtatrabaho sa mga floors ko kaya minsan ay napapadali narin. Nakakapanibago nga at hindi man lang ako pinagpapawisan. Para nalang akong nagbibitbit ng mop pero wala masyadong malinisan dahil sinasalo na agad iyon ng iba.
May sweldo pa ba ako nito?
Hiro isn’t around kaya wala akong masyadong nakausap ng araw na iyon. Si Mika na ang madalas na nagbibigay ng lunch ko at minsan ay tumatambay ako roon sa hagdan na wala masyadong dumadaan para magpalipas ng oras at magmuni-muni. I enjoyed myself being alone. Iyon na ang nagiging comfort zone ko at ang sabi ng aking therapist ay nakakatulong rin naman daw ang mapag-isa ka dahil mas napagtutuunan mo ng pansin ang iyong sarili. Mas nagkakaroon ako ng peace of mind kaysa humarap sa mga taong pakiramdam ko ay tahimik lang akong hinuhusgahan.
Palagi kong hinihintay na mapatawag sa office ni Ken kaso noong araw na dumating ako rito at nagtrabahong muli ay hindi man lang ako nito pinatawag sa kanyang opisina. Alam kong nandito lang naman siya kaso hindi kami nagkikita. Paano ko iyon sasabihin sa kanya, kung ganoon?
Friday. Limang araw nang hindi sumusulpot si Hiro pero palagi namang present ang mga pa lunch na binibigay sa akin ni Mika. Hindi na nga ako sure kung sa kanya parin ba iyon o…
“Tawag ka ni Sir Ken sa opisina niya, Aioni,” sabi niya nang maghatid sa akin ulit ng lunch.
Bigla akong kinabahan. Ito na ang hinihintay ko… Magkakausap na ulit kami.
“Galit?” tanong ko.
Tila nag-isip ito. “Ewan ko… Di ako sure kung good mood o bad mood iyon. Hindi ka naman siguro pagagalitan eh ano namang kasalanan mo?”
Tumango na lamang ako kay Mika. Dala-dala ko iyong paperbag at nagtungo sa kanyang office. Noong kumatok ako ay narinig ko agad ang baritonong boses niya sa loob na pinapapasok ako kaya bumuntong muna ako ng hininga at lalabas nalang siguro pag sisiklab siya sa galit. I need to avoid him when he’s mad… Ayoko nang breakdown sa kanyang harapan.
Nang pumasok ako ay tila umaliwalas agad ang kanyang mukha suot ang all black niyang suit. Naroon siya sa kanyang swivel chair at nagawa pang umayos sa pag-upo nang pumasok ako.
Tumigil siya sa paglalaro ng kanyang ballpen habang nakatingin sa akin ng seryoso. Ang napansin ko kaagad ay ang kaliwang kamay niyang nakabandage. Anong sinuntok niya? O baka naman may ibang rason kaya nakabandage iyon?
Tumayo siya at naglakad patungo sa akin. Lumunok ako at nagawang umatras hanggang sa masandal ako sa pinto sanhi para tumigil siya at namutla sa simple kong ginawa.
May namagitang espasyo sa amin. Nakatitig lamang ako sa kanya habang mahigpit kong hinahawakan ang paperbag.
Naka half-open ang kanyang labi at tila natatakot sa mga simple kong galaw dahil narin sa lumalandas sa kanyang ekspresyon.
“I just want to know if you’re…” Nag-iwas siya ng tingin at hinaplos ang batok. “If you’re okay…”
Tumango ako. “Simpleng sakit sa tiyan lang naman ’yon. Baka may nakain lang akong iba,” paliwanag ko ng maayos.
He stared at me for a moment. Ang kanyang mga mata ay namumungay at parang gusto akong lapitan ngunit nag-iwas na lamang siya ng tingin. Tila nagpipigil lamang siya ng husto na h’wag akong lapitan.
“Pwede kang kumain dito sa loob…” marahan niyang sabi.
Ang huli kong naalala ay ganito rin siya kakalma noong inaya niya akong kumain dito kaso bigla-bigla nalang siyang sisiklab at pagsasalitaan ako ng kung ano-ano.
“Sa labas nalang,” sabi ko na mabilis niyang ikinatingin sa akin.
Kumuyom ang kanyang kamay ngunit ibinulsa niya iyon. Binasa niya ang pang-ibabang labi at tumitig sa akin.
“I’ll be silent. Di kita didisturbuhin kung iyan ang gusto mo,” he said softly, almost begging.
Tinitigan ko muna siya ng ilang sigundo. Nag-iwas siya ng tingin.
“I promise… I’ll be good this time. Nadadala lang ako sa galit ko kaya kahit ano na ang sinasabi ko,” he sighed heavily.
Napansin ko agad ang pamumula ng kanyang mga mata ngunit mabilis niyang iniwas ulit iyon. Pinasadahan niya ng haplos ang buhok at kinagat ang labi.
“Pero kung… Mas komportable kang wala ako sa paligid mo ay pwede kang kumain sa cafeteria,” he said on a shaky voice.
Nalilito ako sa kanyang pagiging mahinahon at tila takot sa akin. Para akong isang babasagin na ayaw niyang masyadong lapitan o tingnan man lang dahil baka bigla akong mabasag na kahit ang kanyang boses ay sinisikap niyang hinaan, iyong sapat lamang na marinig ko siya.
“Tungkol pala sa offer mo,” sabi ko nang dumaan ang nakakabinging katahimikan.
Bumaling siya sa akin.
“Pumapayag na ako.”
Kitang kita ko kung paano siya nagulat. Nag-iwas ako ng tingin. Iyon lang naman ang pinagmumulan ng galit niya, iyong hindi ko pagpayag kaya kung ano-ano na ang lumabas sa kanyang bibig. I’ll help him with his desired position in this company to free myself from his chains. Baka sa pamamagitan noon ay maging kwits na kami. Iyon nalang ang naiisip kong solusyon para makapagsimula ulit ng umpisa.
Pagkatapos ng pagtulong ko sa kanya ay pwede na akong kumalas hindi lamang sa buhay niya kundi sa mundo niya. Sa sobrang pagod, kusa ko nang sinasalubong ang problema at gusto itong harapin nang matapos na.
“Pero sa isang kondisyon,” sabi ko na ikinalunok niya. Nanatili ang kanyang tingin sa akin, halatang interesadong interesado sa magiging kapalit noon.
“Pagkatapos ng lahat sana… Sana… Sana palayain mo na ako. Sana ito na ang huli na magkikita pa tayo.” Bumuhos agad ang aking mga luha pero mabilis ko iyong pinalis at nagpeke nalang ng ngiti.
Nagloosen ang kanyang balikat at tila nanghina sa aking kondisyon. Ito nalang ang naiisip kong plano. I’ll help him to fill his anger… Iyon nalang ang kabayaran ko kung hindi niya ako mapapatawad para pagkatapos ng lahat ay pwede na akong kumalas.
Bago man lang kami magsimula sa ibang lugar ay at least alam kong may nagawa rin akong magandang bagay sa kanya sa kabila ng ginawa ko. Pagod narin akong magreach-out dahil sa tuwing sinusubukan ko ay palagi lang namang pumapalpak kaya ganito nalang siguro.
Sana nga ay umayon lahat sa aking plano.
40th Chained
Chained
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Arianne Mae Agura Formilleza. Happy reading!
Mrs. Delafuente
Lumabas rin naman ako pagkatapos ko iyong sabihin. Medyo gumaan ang aking pakiramdam sa ginawa ko. Siguro mahihirapan ako ng kaonti pero sanay naman ako roon ’di ba? This is a crucial strategy dahil hindi ko naman alam ang mangyayari sa mga araw na matatali ako sa kanya but at least after all the chains then I’m already free. Iyon naman ang sisiguraduhin ko na palalayain niya ako.
Ang sabi ko sa kanya ay sabihin niya lang sa akin kung kailan at handa akong pumirma. At isa pa, ang sabi niya rin naman noong una ay pwedeng itago kaya parang normal lang ang lahat. Siya ang may kailangan sa akin kaya dapat linawin ko rin sa kanya ang mga gusto ko.
“Ano bang mga gusto mo?” tanong ni Ken nang mapadpad akong muli sa kanyang opisina para pag-usapan iyong offer niya.
He changed a bit these past few days. Palagi siyang kalmado at pag pinapatawag ako sa kanyang opisina ay palagi nalang siyang mag-isa. We never talked about our past. Maybe ayaw niya rin munang pag-usapan? Siguro pag handa na siyang mag-open-up sa akin ng nakaraan namin ay doon ko narin sasabihin.
I was sitting on the large sofa while he’s sitting infront of me. He was eyeing me closely, bawat galaw ko ay sinusundan niya na para bang wala siyang gustong mapalampas na gagawin ko.
“Hindi naman siguro ako aasal na asawa mo total magpapakasal lang naman ako sa’yo para makaupo ka bilang CEO ’di ba?” tanong ko na hindi niya agad nasagot.
“Gusto ko ganito parin tayo. May gap sa isa’t isa. Gusto ko, gusto kong walang magbago. Gusto ko pag annul na tayo ay wala nang pakialamanan,” dagdag ko pa.
Namutla siya roon at nagloosen ang balikat. Seems like he can’t even agree with my own rules. Ni hindi man lang siya tumatango at nakatitig lamang sa akin. Mas pinagbibigyan niya pa nga ng atensyon ang pagsubo ko at ibabalik ulit sa labi ko ang mga mata pag nagsalita na ako.
“Am I not allowed to go near you?” May pagsusumamo na ang boses na iyon.
“Pwede. Pero pag annul tayo hindi na pwede,” matapang kong sabi na ikinaawang ng kanyang labi.
Dinilaan niya iyon at nahulog ang mga mata sa sahig. Ilang sigundo siyang tahimik kasabay pa ng unti-unting pagloosen ng kanyang balikat. His eyes were sad but he still manage to look okay.
“And how about my conditions? Pwede rin bang may kondisyon ako?” masuyo niyang tanong sa akin, tila nananalangin nalang na pumayag ako.
Tumango ako. Humilig siya sa kanyang mga hita at ipinagsalikop na ang mga kamay.
“I want you to live with me. Hindi kita papansinin dito sa kompanya kung gusto mo at didistansya ako sa’yo rito pero ang gusto ko ay sa akin ka umuwi,” seryoso niyang sabi na ikinalunok ko.
Wala sa sarili akong tumango. We’re just going to marry for the sake of his position. At ako naman para matulungan niya and after this pwede na akong kumawala.
“Separate ba ang…”
Tinitigan niya ako ng husto sa balak kong sabihin. I couldn’t even use the exact word without blushing!
“Kuwarto? Kung… Kung gusto mo. Separate,” sabi niya at tila nadidismaya pa.
Pero siya mismo ang nagsabi noong una na separate. I tried to be open-minded.
“At walang…”
Ken stared at me deeply. His eyes were almost piercing through my soul na ako na mismo ang nag-iwas ng tingin dahil hindi ko na makayanan.
“Walang ano?” he asked me curiously, almost a whisper.
Ngumuso ako at nalaglag ang tingin sa pagkain. I shouldn’t blush! Eh dapat na walang ganoon at linawin ko dahil baka magulat nalang ako parte na pala iyon ng gusto niya. Hindi naman ako katulad ng sekretarya niyang pwedeng pumatong sa kanya ng kahit anong oras. Hindi namin mahal ang isa’t isa kaya hindi dapat namin gawin ang bagay na ’yon.
“Walang… mangyayari,” sabi ko at naramdaman ang pamumula ng aking pisngi.
Ken licked his lowerlip.
“Kung gusto mo… Sige… Wala,” sagot niya.
Medyo gumaan ang aking pakiramdam pero ba’t parang ako lang lahat ang may gusto sa mga ginagawa naming rules? Ano ba ang mga gusto niya?
“Ikaw… Ano bang rules mo? ’Yon lang?” tanong ko.
Tila nag-isip ito. Inabala ko naman ang aking sarili sa paggala ng tingin sa pagkain. Medyo kinakabahan ako sa mga rules niya pero may karapatan naman siguro akong humindi? Isali ko nalang rin kaya sa rules na bawal siyang magalit? O ako nalang ang umiwas ng ikakagalit niya for the mean time.
“Can we eat together?”
Tumitig muna ako sa kanya. Nang napansin niyang hindi agad ako nakasagot ay napayuko siya.
“Pero kung saan ka komportable doon na ako,” sabi niya, halos bumuntong na ng hininga dahil sa agarang pagbawi.
Kumurap ako at hindi iyon inaasahan sa kanya. And where’s his cruel side?
“Pwede naman sa… sa bahay… Pwede tayong sumabay kumain,” sabi ko na ikinaahon agad ng kanyang tingin.
“Pero pwede rin bang dito kana kumain lagi sa office ko? You can sit here and I’m not going to disturb you. Pwede kang lumabas anytime at pwede ka ring pumasok. I am not going to cause any troubles. Pagbigyan mo lang ako minsan na…” He sighed heavily and look down. “Na makita ka rito.”
Hindi ko alam pero parang pinupunit ang puso ko sa tono ng pananalita niya. Kung noon ay puro pang-iinsulto at ramdam ko ang kanyang galit, ngayon naman ay namamayani ang takot at panunuyo sa kanyang boses.
Ilang sigundo akong nakasagot. Lumunok siya at namutlang muli.
“But if it’s not okay to you then I’m fine with it,” aniya.
Tumango agad ako. “H’wag na nga. Kung palagi akong nandito ay madidisturbo ko lang kayo ng sekretarya mo,” sabi ko.
“I can fire her,” mabilis niyang dugtong na ipinagsalubong ng kilay ko.
Nag-iwas siya ng tingin at ngumuso. “Maybe you’re not comfortable with her so… I’ll just work without any secretary.”
Huh? Ang gusto ko ay normal lang ang lahat. Ayoko namang tanggalan niya nalang bigla iyong tao ng trabaho. Kahit nabubwesit ako sa babaeng iyon ay inaalala ko rin ang pamilya niya. Baka may pinapaaral siya? Baka may umaasa sa kanya.
“Hindi pwede,” sabi ko na ikinabalik ng kanyang mga mata sa akin. “Sekretarya mo siya at mananatili akong janitress dito. Gusto kong maging lihim ang lahat ng ito para pag nagfile kana ng annulment-”
“But what if I don’t want an annulment?” seryoso niyang tanong na ikinaawang ng bibig ko.
Nang makita niyang unti-unti nang nagbabago ang aking ekspresyon ay tumango-tango agad siya.
“Sige… Kung ’yon ang gusto mo,” he sighed defeatedly.
Bumuntong narin ako ng hininga. Namutla siya sa aking ginawa at inilahad agad sa akin iyong tubig. Kinuha ko iyon at ininom kahit na nagtataka ako ng kaonti sa kilos niya.
“Pwede kanang lumabas kung… kung gusto mo.” Tumayo agad siya at lumalayo na sa akin pabalik doon sa kanyang mesa.
Bakit ba palagi niyang sinasabing kung gusto ko? Hindi ko nalang iyon pinagtuunan ng pansin at lumabas na. Noong nasa may pinto ako ay nilingon ko pa ito at nahuli siyang mabilis na nag-iiwas ng tingin saka nahulog na roon sa kanyang mesa. He looks very worried…
Hindi ko sinabi ang plano ko sa mga magulang ko lalo na kay Lucas dahil alam kong hindi sila sang-ayon sa desisyon ko. Hindi sila matutuwa pag nalaman nilang nagpatali ako sa lalakeng halos sumira na ng buhay ko. Pagkatapos nito ay matutulungan ko rin naman sila. Magsisimula kaming lahat sa umpisa at iisipin ko nalang na napromote ako sa trabaho at naging tagong asawa na ng magiging CEO ng kompanyang pinagtatrabahuan ko.
Alam ni Eunecia ang pagkikita ni Lucas at ni Ken sa hospital pero di niya lang rin masyadong inoopen-up sa akin dahil baka mastress lang ako lalo. Naging tsismisan pala nilang dalawa iyon ni Mama kaso hindi na pinarating sa akin dahil nga masuado nilang inaalala ang kalagayan ko.
Pero ngayon na sinabi ko sa kanya ang lahat lahat pati iyong plano ko ay tila naputol narin ang kanyang pagtitimpi na iwasang mapag-usapan si Ken.
“Ay gaga! Ikaw na ba talaga ang humuhukay sa sarili mong libingan?! Alam ko namang mentally ill ka Aioni pero iyong ex mo ay may sira rin ata sa ulo dahil kahit ano-ano nalang ang pinagbibintang sa’yo! Nababaliw kana ba talaga?!”
Humalukiplip ako. Nasa isang Restaurant kami lalo na’t linggo at nagyayaya na naman itong gumala kaya noong kinwento ko na mula sa unang pagkikita namin ni Ken, sa mga pinagsasabi niya sa akin ay hindi na ito halos kumakalma.
“Susugurin ko talaga ’yan! Kung magalit siya akala mo naman kasalanan mo pa ang lahat lahat?! Eh kasalanan niya rin kasi binuntis ka niya ng maaga!” gigil niyang sabi sanhi para lingunin na kami ng iba.
Nahilot ko ang aking sentido.
“Tapos ngayon sasabihin mo sa aking papakasalan mo? Jusko Aioni, mukhang hindi na therapist ang kailangan mo kundi isang magaling na exorcist dahil nasasapian kana ata sa mga pinaggagawa mo! Nadedemonyo na ba iyang utak mo?!”
“Tingin ko makakatulong ito sa akin, Necia. Pagkatapos ko rin naman siyang tulungan ay magfafile agad kami ng divorce. Para lang naman itong trabaho na may sweldo na pwede rin akong magresign pag natapos na,” sabi ko na ikinasira lang ng kanyang ekspresyon.
Uminom siya ng isang basong tubig at nailing. Nahipo niya pa ang kanyang noo at tila problemadong problemado.
“Paano kung nainlove ka ulit sa kanya? Paano kung sa kalagitnaan ng plano mo ay mahulog kana naman? Edi pag hiniwalayan kana niya ay ikaw na naman ang lalabas na iniwanan! Grabe ka, Aioni!” Mariin niya akong tiningnan.
Bumuntong ako ng hininga. Alam ko crucial dahil hindi ko naman nakikita ang mangyayari sa pagsasamang iyon pero sisikapin kong huwag. Alam ko naman ang limitasyon ko ngayon. And I told him to stay on his boundary at sumang-ayon naman si Ken doon.
“Sabi ko naman na h’wag niya akong papansinin sa kompanya,” paliwanag ko.
“Eh paano pag nasa iisang bahay na kayo? Paano kung lasing ka at lasing siya tapos may nangyari sa inyo? Paano?”
Her what if’s are just too much to handle! I already learned from the past at hindi na naman ako ignorante sa mga ganitong bagay.
“Hindi ako maglalasing, Necia,” giit ko.
“Baka magising ka nalang sa isang umaga na nakapatong pala sa’yo.” Umirap siya ng husto at akala mo ay puputok na ang ugat sa leeg.
Namilog ang aking mga mata.
“Malinaw ang usapan namin na walang mangyayari,” nafufrustrate kong paliwanag.
“Paano nga kung nangyari? Hindi mo naman alam ang mga mangyayari. Hindi mo nga ginustong mahulog noon pero nahulog ka. Tapos ngayon magpapatali kana naman sa lalakeng naging rason kung bakit halos mamatay ka?”
Ako nalang ang huminga kay Necia dahil hindi niya narin makalma ang sarili. I remained silent and compose my own thoughts. Inisip ko ng mabuti ang mga mangyayari. Feeling ko kaya ko naman total wala ring pakialamanan. I just need this! Kailangan kong magkaroon ng closure sa kanya nang unti-unti na akong makawala. Iyon lang naman ang gusto ko. And after that ay tapos na! I’m free! Lalayo na kami sa isa’t isa.
Bumusangot ng husto si Eunecia ng araw na iyon. Hindi narin magbabago ang isip ko. If my plan fails then I’ll accept it. Ganoon naman talaga… Hindi naman madali ang mabuhay pero kailangan mo paring subukan. If it fails then just accept it. Siguro ay hindi talaga nakalaan iyon para sa’yo. Hindi naman lahat ng pagkatalo ay ibig sabihin na kulang pa ang ibinigay mo. Maybe you failed because it wasn’t really meant for you. And failures comes with great lessons. I just want to be positive and stop complaining about it.
“Ano pa bang magagawa ko kundi ang sumuporta nalang…” she said defeatedly after a minute of silence.
Bahagya akong ngumiti. “Salamat.”
Humigop siya ng hangin at nasapo ang noo.
“Dapat balot na balot ka roon nang walang mangyari! At palagi kang maglock ng kuwarto mo! Kung pwedeng magtabi ka ng kutsilyo sa pagtulog ay gawin mo.”
Ngumuso ako. I think Ken will not do such thing… Ni halos ayaw nga noong hawakan ako. I don’t know why but I wish it will remain that way. Mas maganda siguro iyong hindi kami mag-iimikan?
Siya ang umasikaso ng papeles at ang tanging ginawa ko lamang sa araw na iyon ay pumirma sa marriage contract para lang magpatunay na kasal kaming dalawa. Wala siyang inimbita ganoon rin ako at ang tanging witness naming dalawa ay si Eunecia.
Wearing a simple white dress with my half ponytail hair, I watched him signed the paper with a serious face on our civil marriage. Parang may bumabara sa aking lalamunan at nasasaktan sa isang bagay but I remained my composure.
Ken is wearing a simple white polo, rolled till his arms, two buttons were open revealing his gold necklace, slacks, and black shoes. His clean cut hair were perfectly in places at nakakaagaw pansin rin ang dalawang earrings na kumikinang sa kanyang tainga. Sa anim na taong lumipas, mas lalo lamang siyang gumwapo at sobra nang manly tingnan. Mukhang hindi niya naman napabayaan ang kanyang sarili. Para ngang doon niya ibinuhos ang kanyang atensyon sa nagdaang taon.
Pagkatapos niyang pumirma ay ibinigay niya sa akin ang ballpen. Kinuha ko iyon at yumuko para pumirma narin at halos manginig pa ang aking mga kamay. A part of me doesn’t want to do it pero nagpatuloy ako sa pagpirma kahit na nanlalabo na ang aking mga mata na mabilis ko ring pinalis. Nag-iwas ng tingin si Ken sa akin at ibinulsa ang nakakuyom niyang kamao.
Nagsuotan lamang kami ng singsing at doon na natapos. This is it! We’re… We’re already married.
“Congrats. Mag-asawa na kayo,” ang tanging sinabi ng nagkasal sa amin.
Tumayo si Eunecia at nag-alangang pumalakpak.
“Wala bang… kiss…” Narinig kong bulong ni Necia na hindi ko nalang pinansin.
Kanina, noong nakita niya si Ken ay parang nawala bigla ang kanyang galit. Ang naalala ko ay may bitbit siyang isang maleta ng hinanakit sa kanya at panay pa ang kanyang pag-aalburoto. Ngunit noong makita niya na itong muli sa loob ng anim na taong lumipas ay kitang kita ko kung paano unti-unting nalaglag ang kanyang panga.
“Ipaalala mo nga sa akin kung bakit ako galit sa guwapong iyan at mukhang nagkakaamnesia ako…” Eunecia whispered with amusement.
Sino ba naman kasing hindi matutulala kay Ken? Guwapo ito, may tindig at mala Adonis pa, matangkad, successful, at napakaperpektong tingnan. He can chained all the girls around him with his charms just by fixing his hair.
Masyadong mabilis ang nangyari sa araw na iyon. Sinabihan niya lang ako na kunin ko ang aking mga gamit at lumipat sa kanya. Ipapasundo niya ako around 6 pm kaya 4pm palang ay nasa bahay na ako habang tinutulungan ako ni Eunecia na mag-impake.
“Anak… Ba’t biglaan naman? Eh paano na ang schedule mo sa therapist mo? At paano kung sumpungin ka ulit o sumakit ang tiyan mo? Hindi ba pwedeng hindi ka nalang sumama sa business trip niyo?” ani Mama habang tinitingnan kami ni Eunecia sa pag-iimpake.
Wala si Papa. Ang alam ko ay naghahanap siya ng trabaho at baka di narin ako makapagpaalam dahil mamayang gabi pa iyon uuwi. ’Tsaka baka ay dadalaw-dalaw rin ako rito? Sasabihin ko nalang kay Ken na kung pwede ay tuwing weekends?
Nagsinungaling na lamang ako kay Mama. Ang sabi ko nalang ay matagal akong mawawala dahil sa biglaang business trip ng kompanya at kailangan ay sumama ako roon.
“Sayang rin naman ang sahod ko Ma. Dagdag narin ’yon sa binabalak nating magsimula ulit,” sabi ko at nagkatinginan kami ni Eunecia.
“Oo nga Tita… ’Tsaka may medical assistant naman ata roon para kung may mga emergency ay maagapan agad,” si Necia na tinutulungan din ako sa pag-aalibi.
“Tatawag ako, Ma.” Nilingon ko ito sa aking likuran.
Bumuntong siya ng hininga at tumango rin naman. Lumabas siya saglit pero bumalik rin dala-dala ang aking mga gamot.
“H’wag mong kalimutang uminom sa tamang oras! At pag sumakit ulit ang tiyan mo h’wag mo na hintaying lumala pa. Uminom agad ng gamot,” si Mama.
Tumango ako sa kanya. Tumitig siya ng ilang sigundo at tila may sasabihin pa.
“’Tsaka ano pa, Ma?”
“Eh ’di ba at doon nagtatrabaho ang ex mo? Paano na ’yan? Hindi ba…”
Natigilan si Eunecia sa pagtutupi ng aking damit at nagkatinginan pa kami.
“Mahal mo pa ba ’yon, anak?” tanong ni Mama, tila ngayon lang nagkaroon ng tsansang tanungin ang bagay na iyon sa akin.
Hindi ako kumibo. Wala rin kasi akong maisagot sa tanong na iyon.
“Alam mo noong mga panahong nangungulila ako sa Papa mo… Noong sinaktan niya ako ng husto, ang Papa mo lang rin pala ang makakapagpasaya sa akin. Baka katulad mo, iyong taong nanakit lang rin sa’yo ang makakapagpasaya sa’yo,” ani Mama at pagod akong nginitian.
Naninimbang na ang tingin ni Eunecia sa akin. Alam kong nasa isip na nito ay nagmana lamang ako kay Mama na marupok sa pag-ibig pero sa aming dalawa ni Ken, hindi narin naman ako naghahangad ng babalikan.
“Basta kung saan ka masaya anak susuportahan ka namin…” si Mama.
I smiled a bit at her.
Ang prinoblema ko nalang ng araw na iyon ay si Lucas. Hinintay ko ang kanyang pag-uwi galing sa eskwelahan. Noong dumating siya, ang una niyang tiningnan agad ay ang mga bagahe ko. Nagkasalubong ang kanyang kilay at inihulog na ang bag sa sofa.
“Sinong aalis?” tanong niya saka napunta ang tingin sa akin lalo na’t bihis na bihis na ako.
“May…” Nagkatinginan kami ni Eunecia. “May business trip kasi ang kompanyang pinagtatrabahuan ko, Lucas…” paliwanag ko ng maayos.
“Ilang araw? Isang linggo? Dalawa? Tatlo?”
“Baka… Ano… Isang buwan o mahigit?”
Dumilim agad ang ekspresyon ng aking kapatid. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at kinuha ang kanyang bag. Sinundan namin ito ng tingin na naglakad na papasok sa kuwarto.
“May bakante pa naman siguro sa isa mong bagahe, Aioni. Doon mo nalang ipasok ang kapatid mo,” pagbibiro ni Necia.
“Hindi iyan sanay na mawawala ka ng ilang araw rito sa bahay. Alam mo naman iyang kapatid mo…” si Mama.
Sinundan ko ito. Kinatok ko ang pinto bago tuluyang pumasok. Nadatnan ko siya sa kama niya, tahimik na nakaupo roon habang nakatitig sa kawalan.
Nagtungo ako sa kanyang harapan at yumuko para makalebel ito.
“H’wag kang mag-alala sa akin. Dala ko naman ang mga gamot ko,” sabi ko at sinikap na ngumiti.
“Kasama mo ba siya roon?”
Kahit wala siyang banggitin na pangalan ay gets ko na agad kung sino ang tinutukoy niya. Tumango ako.
“Ano pa bang magagawa namin eh matigas naman ang ulo mo,” inis niyang sabi ngunit halatang bumibigay na.
Niyakap ko siya. Pumikit ako at dinama ang mga luha.
“Ginagawa ko ito para sa ikakabuti ng lahat, Lucas…”
“Basta uminom ka ng gamot sa tamang oras at kumain ka rin sa tamang oras, Ate.”
Ngumiti ako at pinalis ang aking mga luha. Tumango-tango ako at hinarap siya.
“Oo… Di na ako magtitigas-tigasan ng ulo.” Kinurot ko ang kanyang pisngi.
Sa araw na iyon ay sinundo rin naman ako ng isang SUV sa bahay. Ang sabi ko nalang sa kanila ay sa kompanya iyon na pinagtatrabahuan ko. Nagawa pang kumaway-kaway sa akin ni Eunecia na akala mo ay aabroad ako sa malayong lugar ganoon narin si Mama habang sa kanyang tabi ay ang kapatid kong malamig ang tingin sa akin sa bintana.
Doon ko lamang iyon isinara nang tuluyan na nga itong umalis. Bumuntong ako ng hininga sa loob at tiningnan iyong driver na nagawa akong sulyapan sa itaas ng salamin.
“Ako po si Rodulfo Ma’am… Ang magiging personal driver niyo simula sa araw na ’to,” sabi ng matanda sa akin.
Tumango ako at tipid na ngumiti.
“Ako po si Aioni,” sabi ko.
“Nice to meet you, Mrs. Delafuente,” sabi niya na ikinapula ng aking pisngi.
Parang hindi magsink-in sa akin na kinasal na nga kami sa papel ni Ken. Tumunog ang kanyang cellphone at pinindot niya nalang iyong harap ng stereo.
“Nasundo mo na ang asawa ko Mang Rodulfo?” Ang pamilyar na baritonong boses ni Ken ang pumaibabaw sa kabuuan ng sasakyan.
Lumunok ako at kinilabutan sa kanyang itinawag sa akin. Nagawa pang sumulyap ng matandang driver sa akin at ngumiti.
“Opo boss… Nasa likod na po siya ng sasakyan.”
I heard him sighed on the background.
“Sige. Magdahan dahan ka nalang sa pagmamaneho,” sabi ni Ken.
“Opo boss…”
Pumikit ako at naisip ang magiging araw ko kasama si Ken. Ano na ba itong napasukan mo?
41st Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Shella Castillo Enorio. Happy reading!
His Pa
st Time
Huminto rin naman ang SUV sa isang matayog na building. So… Nakatira sa isang condominium si Ken?
Pumasok ito sa isang malaking parking lot. Ang aking mga mata naman ay nasa labas ng bintana at sumusuyod sa kabuuan.
Huminto ito. Hinawakan ko ang sling ng suot kong mini packbag at handa nang lumabas nang maunahan rin ako ni Mang Rodulfo sa pagbubukas ng pinto noon.
Bahagya ko siyang nginitian at nagtungo sa likod ngunit pinigilan niya ako.
“Ako na po ang maghahatid ng mga gamit niyo sa itaas, Ma’am. Ihahatid nalang po muna kita kay Boss…”
Tumango ako at sumang-ayon nalang. Tahimik akong sumunod sa kanya habang gumagala naman ang aking mga mata nang tuluyan kaming pumasok. Sumakay kami ng elevator at huminto sa isang floor.
Tahimik ang lugar at ang tanging naririnig lamang ay ang paglalakad. Maganda ang bawat pasilyo at hindi ko mapigilang hindi isipin ang mukha ng loob ng condo ni Ken.
Nagdoorbell kami sa isang pinto. Lumunok ako, halos naghuhuramintado na ang sistema sa kabila ng pagiging kalmado.
The door opened. Bumungad sa akin ang nakaitim na cotton Tshirt na si Ken, gray na sweatpants at isang indoor slipper. His hair were a bit disheveled kaya hinawakan niya iyon ng bahagya.
“Ihahatid ko nalang dito ang mga gamit ng asawa mo, boss…” ani Mang Rodulfo na tinanguan ni Ken.
Napalunok ako roon sa simpleng ‘asawa mo’.
“Salamat,” sabi niya saka bumaling sa akin.
Nagpaalam na si Mang Rodulfo. Nilakihan naman ni Ken ang bukas noong pinto at iminuwestra ang loob. Naglakad ako papasok, ang mga mata ay agarang natanaw ang mga nagniningning na Citylights sa glass curtain walls lalo na’t hindi nakasara ang mahahabang kurtina sa bawat gilid habang sa gitna naman noon ay isang transparent door papunta sa veranda.
Narinig ko ang pagsara ng pinto. Nilingon ko siya saglit na tahimik lang rin saka ko ibinalik sa malaking kabuuan ng kanyang unit.
Para na itong penthouse sa sobrang gara. May countertop pa with black cabinets, at ang may pagka cream na ceiling na may nakalinyang mga maliliit na lights kaya halos kuminang na ang aking mga mata. Carpetted ang sahig, sa gitna ay may large cream couches with small black and gray pillows at na pinapalibutan ang isang mini table. Sa bawat gilid naman noon ay may magagandang lampshades habang sa likod naman ay ang malaking itim na book shelf. Sa kabilang dako ay isang four seated table at sa itaas noon ay may magandang chandelier na nakasabit sa ere.
Halatang lalake talaga ang nakatira dahil narin sa mga kulay ng paligid. Hindi iyon masakit sa mata at nakakarelax pa ang hindi gaanong maraming gamit at ang tanaw na tanaw na Citylights. May mga abstract painting sa pader at iyong maliliit na picture frames.
“That’s your room,” ani Ken na bahagyang nagpatalon sa akin sa gulat.
Masyado akong namamangha sa paligid na nakalimutan ko na ang presensya niya sa aking likuran.
Sumulyap ako sa kanya at tumango. Binasa niya naman ang pang-ibabang labi at nag-iwas ng tingin.
Dumating rin si Mang Rodulfo dala-dala ang aking mga gamit. Iyon ang pinagkaabalahan kong ayusin sa magiging kuwarto ko. Medyo malaki iyon at may malaki ring kama sa gitna. Carpetted ang sahig na kulay latte at match rin siya sa kulay ng kumot ko ganoon narin ang headrest ng aking kama ngunit kulay puti naman ang bedsheets ’tsaka iyong dalawang malalaking unan. Ang dalawang maliliit na unan ay kulay latte rin, ganoon narin ang curtains sa maliit kong bintana. Sa bawat gilid noon ay may mga lampshade at isang mini cabinet naman na may nakapatong na vase sa tabi ng aking kama.
Hinubad ko ang suot na mini backpack at inilagay iyon sa itim na mala sofang upuan sa tabi ng bintana.
May walk-in closet ako pero walang tv o shower. Ang tanging meron lang ay isang comfort room. So… Nasa sa labas ako maliligo? Ano ’to? Rarampa akong nakatuwalya?
My cheeks blushed while I gather my thoughts with me. Ano ba ’yang pinag-iisip mo Marione?! Malay mo may sarili siyang banyo niya sa loob ng kanyang kuwarto.
Pinaghahanger ko ang aking damit sa loob ng walk-in. Kaonti lang naman ang aking mga gamit kaya hindi ko rin naukupa iyong iba pang space.
Parang noon lang, nangangarap akong tumira sa ganito karangyang bahay. Ganito kaganda ang pinapangarap kong kuwarto… Lahat ng nangyayari ay ang mga pangarap kong binitiwan ko noon at nakontento nalang sa meron ako na kahit ang paghinga ay halos sukuan ko na. Ni hindi ko na nga naisip na magkikita pa ulit kami ni Ken… Hindi ko naisip na dadating rin ang araw na matatali akong muli sa kanya at makakasama pa ito sa iisang lugar. Ang raming nangyayari na natatakot na ako sa mangyayari sa susunod na araw.
Umupo nalang ako sa aking kama pagkatapos kong mag-ayos. Iginala ko ang aking mga mata at wala pala masyadong magagawa rito sa loob dahil lahat ata ng pwede mong pagkaabalahan ay nasa sala lahat.
Halos mapatalon pa ako sa gulat nang may kumatok sa pinto ng aking kuwarto. Tumayo ako at inayos pa ang aking sarili saka nagtungo roon.
Huminga ako ng malalim saka iyon binuksan. Bumungad naman si Ken na nakapameywang habang kagat-kagat ang labi.
“We’ll have our dinner.”
Gusto kong tumanggi. Gusto kong h’wag nalang kumain kaso naalala ko iyong tangi niyang hiling na makasabay ako rito. Dahan-dahan akong tumango na ikinaliwanag agad ng kanyang mukha at nag-iwas ng tingin sa akin.
Sinundan ko siya roon sa table. Nakabukas parin ang high curtains kaya sobrang ganda na tingnan ng glass walls dahil makikita mo ang kumikinang na mga Citylights. Siguro ay sinadya niya ring dito ipwesto ang kanyang lamesa dahil maganda ang spot.
Tahimik niya akong pinaghila ng upuan. Lumunok ako sa simpleng ginawa niya at napisil ang aking mga kamay. Umupo ako roon at pinasadahan ng tingin ang mga pagkain. More on veggies rin pero may beef kaldereta naman.
Umupo siya sa aking harapan at nagsalin ng tubig sa isang baso. Itinulak niya iyon papalapit sa akin. Kinuha ko iyong kubyertos at nauna nang galawin ang pagkain dahil baka maisipan niya rin akong lagyan. Masyado nang awkward kung titingnan ko lang siyang pinagsisilbihan ako na akala mo ay totoo talagang mag-asawa.
Sobrang tahimik ng paligid. Ang tangi lang nangingibabaw ay ang tunog ng centralized aircon dito sa sala na kahit hindi naman gaanong kalakasan ay naririnig ko na at ang kubyertos na ginagamit namin. Baka nga kahit ang aking iniisip ay maaari niya naring marinig dahil sa sobrang tahimik!
Tumikhim siya at nagpunas ng table napkin.
“Bukas… Pwede kang magpahatid kay Mang Rodulfo sa pagpasok mo sa trabaho kung di ka komportableng sumabay sa akin,” aniya.
Tumango lamang ako bilang sagot at sumubo. Mas mabuti ngang ganoon dahil sa tuwing nandiyan siya ay para akong malalagutan ng hininga sa imahe niya.
“Pwede ka ring magpasundo kung gusto mong maunang umuwi.”
Tumango akong muli. May dinukot siya sa kanyang bulsa at inilapag ang kanyang cellphone.
“And I need your number in case of emergency…” Nalaglag agad ang kanyang mga mata sa pagkain at doon na nagconcentrate.
Ibinaba ko ang kubyertos at kinuha ang kanyang cellphone. Dahan-dahan namang umahon ang kanyang tingin, ang labi ay naka half-open pa habang sumusulyap sa pagtatype ko ng aking number.
Ibinigay ko iyon sa kanya. Kinuha niya iyon at ngumuso, halos pigilan na ang sarili sa pagngiti habang pinapanindigan ang seryosong mukha.
Sumubo akong muli at inabala nalang ang sarili sa pagkain. Hindi ko alam kung masyado ba talagang mabagal ang usad ng oras at pakiramdam ko ay sobrang tagal naming dalawa roon sa hapag ng mesa. Wala rin naman akong maitopic at ayoko ring makipag-usap dahil parang mabubulan ako kahit sa sarili ko pang laway.
Hindi ako halos makatulog nang gabing iyon. Halos gumulong na ako sa aking kama at kung ano-ano na ang aking posisyon ay bigo parin akong makatulog. Ito naman ang madalas kong problema at hinihintay nalang na dalawin ng antok kaso naninibago rin siguro ako lalo na’t alam ko, sa tabi ng aking kuwarto ay ang kanyang kuwarto.
Bumalikwas ako sa kama at nagpresentang lumabas habang nakabalot ng comforter at ang tanging nakikita lamang ay ang aking mga mata. Lumabas ako at luminga-linga pa dahil baka nasa paligid lamang si Ken pero nang wala naman ito ay deri-deritso na akong pumunta sa veranda.
Nakabukas iyon kaya pumasok nalang ako. Umupo ako sa isang armchair na kahit ang aking mga paa ay isinali ko na dahil kasya lang rin naman ako saka ko niyakap ang aking mga hita. Ang hampas ng hangin ay masarap sa pakiramdam lalo na’t nababalot ako ng comforter.
Tahimik kong pinagmasdan ang nagniningning na mga bituin idagdag pa ang kumikinang na mga Citylights.
Bumuntong ako ng mahabang hininga. Niyayakap na naman ako ng kalungkutan at hindi ko na naman alam kung bakit. Maybe it’s because of my choice… Masyado na naman akong nag-ooverthink na maaaring lumiko ang aking plano at mahulog ang lahat ng ito sa hindi ko iniexpect.
Minsan talaga gusto kong may yumakap ng mahigpit sa akin, may bumulong sa akin na h’wag akong masyadong mag-alala, mangamba, o mag-isip ng kung ano-ano. Pero alam ko namang sarili ko lang palagi ang nagcocomfort sa akin sa tuwing nadadown ako sa mga bagay na ako lang rin ang gumawa.
“Can’t sleep?”
Napalingon ako sa pagpasok ni Ken sa veranda. Gumagalaw ang kanyang buhok dahil narin sa hanging tila pinaglalaruan iyon habang suot parin iyong black na cotton Tshirt, gray sweatpants at indoor slipper.
Tumango ako sa kanya. Lumapit siya sa fence at humilig doon saka ipinagsalikop ang kanyang mga kamay habang ang tingin ay nasa malayo na.
“Ganoon ba palagi?” tanong niya sa baritonong boses.
“Oo. Mahilig lang sigurong magpuyat ang mga mata ko,” paliwanag ko sa kalmadong boses.
He sighed. Nakikita ko rito sa inuupuan ko ang side profile niya at hindi talaga maitatangging guwapo ito. Medyo malayo rin naman siya sa akin, halos pumwesto na sa dulo dahil sa namamagitang malaking espasyo sa aming dalawa.
“Ilang oras lang ang tulog mo?” tanong niya, wala parin sa akin ang mga mata.
Noong fresh pa sa akin ang lahat ay halos inaabot ako ng 4am na kahit anong pikit ko ay hindi ko magawang matulog. Minsan pakiramdam ko ay nakapikit lamang ang aking mga mata pero hindi talaga ako nakakatulog dahil narin sa ingay ng aking isipan. Ngayon nakakatulog narin naman ako iyon nga lang ay limang oras lang ata kaya sa tuwing nagigising ako ay mabilis akong naiirita at minsan ay pakiramdam ko sobrang pagod ng buo kong katawan.
“Lima?”
Bumaling siya sa akin. Namumungay ang kanyang mga mata, tila may gustong sabihin pero hindi nalang isinasatinig.
“You should get more sleep. Nakakasama sa katawan ang hindi pagtulog ng walong oras.”
Hindi ako umimik. May mga sleeping pills naman akong iniinom noon kaso hindi rin naging maganda ang side effect noon sa akin kaya itinigil ko narin. May mga araw kasing hindi na ako nakakatulog noon at halos patayin ko nalang ang aking sarili dahil sa sobrang pagod.
Narinig ko pa sa aking isipan ang payo ng therapist ko noong pinagbawalan niya na ako noong sleeping pills.
“You can do some yoga and meditations to help yourself sleep at night, Aioni. Kaya ka naiistress kasi hindi healthy ang lifestyle mo.”
Itinigil ko ang pag-iisip ng kung ano-ano at pumikit nalang para namnamin ang sariwang hangin na niyayakap na ako, parang nakikisimpatya sa kalungkutan ko.
Medyo awkward pa ang unang gabi ko sa kanya. We barely talk at minsan ay nag-iiwasan rin agad kami ng tingin sa tuwing nahuhuli namin ang mga mata ng isa’t isa. Parang may nabuong pader sa pagitan namin, malayong malayo na sa naging relasyon namin noon. Ni hindi ko nga halos matandaan na ang lalakeng nakakasama ko ngayon sa isang bahay ay ang lalakeng nagpahulog ng husto sa akin noon. Ang mga paru-parong naramdaman ko ay tuluyan nang nakawala sa kanilang kulungan at wala na atang balak bumalik sa aking tiyan.
Nagising ako ng 8:30 ng umaga. Bumalikwas ako at sandali munang natulala sa kawalan. Ilang minuto ay nagpasya rin akong tumayo.
Kinuha ko ang aking tuwalya at isinabit sa aking balikat. Kinuha ko narin ang aking toothbrush at iyong bottled water na may laman nang tubig.
Iniinom ko iyon habang lumalabas ng aking kuwarto kaso ang bumungad sa akin sa countertop ang naging rason para ibuga ko agad iyon at nauubong pinunasan ang aking bibig gamit iyong tuwalya.
Ken is topless early in the morning! His broad shoulder and well toned muscles were even flexing at tila may pinagkakaabalahan doon. Nakakagulat ang malapad niyang likod at medyo buhaghag niyang buhok.
Lumingon siya sa akin, ang kilay ay nagkakasalubong habang ako naman itong gustong gumapang pabalik ng aking kuwarto dahil sa kahihiyang nangyari sa akin.
“Okay ka lang?” tanong niya.
Tumango-tango ako habang panay parin ang ubo dahil sa pagkasamid. Halos takpan ko nalang ang aking bibig gamit ang tuwalya lalo na’t namumula narin ako.
Humarap siya ng buo at humawak doon sa countertop. Halos igala ko ang aking mga mata para lang hindi masulyapan ang matigas niyang tiyan.
“I made your breakfast. Kumain ka muna tapos mauna kana ring maligo,” sabi niya habang dala-dala na iyong niluto niya roon sa lamesa.
Tumango-tango nalang ako at dinala narin doon ang aking sarili.
Inilapag ko ang aking bottled water at toothbrush sa gilid. Medyo nahimasmasan na ako sa pagkakasamid at ngayon, ang pinoproblema ko naman ay ang namumula kong pisngi dahil sa bumabalandrang tiyan niya sa aking harapan.
We ate silently. Katulad kagabi ay naging ganoon rin ang umaga ngunit topless lang talaga siya at buhaghag pa ang buhok. Masarap ang kanyang luto kaso hindi ko na maisatinig dahil feeling ko mabibilaukan na naman ako.
Nahuli ko siyang sumulyap sa akin kaya tumingin rin ako pabalik. Ilang sigundo ang titigang iyon habang ngumunguya siya ng marahan hanggang sa kapwa rin kami nag-iwas ng tingin sa isa’t isa.
So ganito palagi ang magiging umaga ko? Madadatnan ko siyang nakatopless habang nagluluto, makakatitigan ko habang kumakain at makikita ko araw-araw. Oh, goodluck…
Nauna akong matapos kaya nagpaalam nalang akong maliligo na. Tumango naman siya at sinundan pa ako ng tingin.
“You can leave your toothbrush inside our bathroom,” sabi niya habang papunta ako roon.
Our… Our bathroom.
Dumeritso na ako papasok at doon ibinuga lahat ng hanging pinigil-pigilan ko kanina. Sumandal ako sa pinto at nasapo ang dibdib. Isang araw palang pero ganito na… Isang araw palang at wala naman sana kaming imikan pero kung maghuramintado ang sistema ko ay parang sasabog narin ako.
Iniligo ko ang pinag-iisip ko. Malaki ang loob ng bathroom. May shower at sa tabi noon ay isang malaking bath tub. Doon ako pumasok sa shower room na may transparent glass pa.
Sinikap kong burahin sa isipan ko ang nakatalikod niyang imahe kanina ay hindi ko talaga magawa. Hindi ko naman sana iniisip pero bakit pumapasok sa isipan ko? Parang kusa noong pinapasok ang aking teritoryo.
I tried to calm down. Isinuot ko iyong isang bath robe na kulay puti at kinusot ang basa kong buhok gamit ang aking tuwalya. Nagtoothbrush narin ako sa loob at sinunod ang payo niyang iwan nalang iyon dito. May isang toothbrush lamang doon at mukhang sa kanya iyon.
This scene is quite familiar at mukhang narinig ko na sa mga pinapatugtog niyang kanta noon sa kanyang stereo. I think its toothbrush by DCNE. Gaga ka, Marione! That song is inspired with se- Bumuntong na ako ng hininga bago pa iyon masabi ng buo sa aking isipan.
Paglabas ko ng banyo ay nadatnan ko siya sa sofa, nakahalukipkip doon at tila hinihintay lang akong pumasok.
“Ikaw naman,” sabi ko habang kinukusot parin ang basa kong buhok.
Kitang kita ko kung paano niya ako nilingon with his half-open mouth. Ang kanyang mga mata ay nagawa pa akong pasadahan ng tingin mula pababa. Parang ang bigat ng aking mga paa at sinisikap ko nalang humakbang papunta sa aking kuwarto. His stares are just so intense! Para na akong madadapa sa kanyang paninitig!
I wore a simple leggings and white top that morning. Total pagdating ko lang rin naman sa trabaho ay magpapalit rin ako ng uniporme ng pang janitress. Nauna narin ako sa kompanya at nagpaalam nalang sa kanya habang nasa banyo pa ito. He agreed at hinayaan akong maunang umalis. Nagpahatid ako kay Mang Rodulfo, katulad ng kanyang habilin.
Hindi ko isinuot ang wedding ring namin at itinago lamang iyon. Wala namang pinagbago sa pagtatrabaho ko dahil wala rin namang nakakaalam na pinakasalan ko ang isa sa mga Chief executive ng kompanyang ito. Mabuti naring hindi nila alam dahil ayokong makakuha masyado ng atensyon. It is quite a bothersome to me… too much attention with strangers is a bothersome.
Nakatatlong floors ako ng umagang iyon bago ko narinig ang pangalan ko sa intercom at pinapatawag ako sa office ni Ken. Naalala ko na lunch na pala.
Nagdadalawang-isip pa ako kung pupunta ba o hindi pero sabi niya rin naman hindi siya manggugulo kaya nagtungo rin ako roon.
Nakasalubong ko bigla si Jelsen na kakalabas lang ata sa office ni Ken dala dala ang isang tray na walang laman at ang nakabusangot niyang mukha. Nang makita niya ako ay awtomatikong tumaas ang kanyang kilay.
Naglakad siya patungo sa aking gawi habang tumatalim naman ang kanyang mga mata sa akin.
“Sabihin mo nga, sinabi mo ba kay Sir Ken ang nakita mo sa Mall? Siniraan mo ba ako sa kanya kaya ang cold cold niya na sa akin?” matigas niyang sabi at mas kumalat ang galit sa buong mukha.
“Wala akong kinukwento dahil hindi naman kami nag-uusap,” paliwanag ko sa matabang na boses.
She smirked at me at nagawa pa akong ihead to foot.
“Ano… Si Sir Ken na ang pupunteryahin mo dahil wala na si Sir Hiro? Kaya ngayon na alam mong nagkakamabutihan kami ay sisiraan mo ako?”
Huh?
“Nakikita mo naman siguro ’di ba? Hindi ka naman siguro bulag… Malinaw naman siguro sa’yo na gusto ako ni Sir Ken. Naiinggit ka ba dahil hindi ka nakakahalik sa kanya?” Tumawa siya ng nakakaloko at hinawi ang buhok.
Nanatiling magkasalubong ang aking kilay. Naririnig ko naman siya pero parang hindi ko maintindihan o sadyang hindi lang talaga kapani-paniwala kaya kahit ako ay hirap iyong intindihin.
“H’wag na h’wag mo akong kakalabanin dito Aioni. Kay bago-bago mo palang pero kung umasta ka ay akala mo kung sino kanang maganda. Janitress lang ang posisyon mo sa kompanyang ito,” giit niya sa nanlilisik na mga mata.
Sinikap kong h’wag mapugto ang aking pasensya at h’wag magpadala sa kanyang sinabi. Pero pag sobrang nakakairita na talaga ay ipapalunok ko na sa kanya ang wedding ring naming dalawa. She’s talking nonsense.
Nagkibit ako. “Okay,” saka rin ako umalis sa kanyang harapan dala-dala ang aking mop.
Hindi ko na ito nilingon pa at deri-deritso na ang lakad papunta sa office ni Ken.
Feeling ko kailangan niya ng psychiatrist dahil mukhang hindi niya alam ang pinagsasabi niya. Ba’t siya galit na galit eh hindi naman ako nakikialam sa namamagitan sa kanila ni Ken? At kung meron man ay labas na ako roon. Sinabi ko pa nga na h’wag niyang sisantehin tapos kung makapagsalita akala mo naman aping-api siya. Pasalamat siya at hindi ako pumapatol sa ganyan kakitid na utak.
Kung cold man si Ken sa kanya ay hindi ko na iyon kasalanan. She needs to accept that she’s just one of his past time…
42nd Chained
Chained
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Christine Jade Capurihan. Happy reading!
Selosong Asawa
Bumuntong muna ako ng hininga bago tuluyang pumasok sa loob ng office ni Ken. Pagpasok ko ay nadatnan ko siya sa kanyang swivel chair, nakaupo at pinaglalaruan na naman ang kanyang ballpen, tila may hinihintay. Nang magtama ang aming mga mata ay mabilis siyang umayos sa pagkakaupo.
“Nagpadala ako ng pagkain. You can have your lunch here…” sabi niya sa mahinahong boses.
Tiningnan ko ang kanyang mini table at napuno nga iyon ng pagkain. Tumango ako at tipid siyang nginitian.
“Salamat,” sabi ko.
Ngumuso siya at nagpigil ngumiti. Masyadong maaliwalas ang kanyang mukha kumpara sa nakasanayan kong palaging madilim na akala mo ay kikidlatan na ako ano mang oras.
Umupo ako roon. Pinanood ako ni Ken na kahit ang pagdampot ko ng kubyertos ay nakasunod ang tingin sa akin.
Noong sinabi niyang hindi siya manggugulo habang nasa loob ako ng kanyang opisina ay tinupad niya nga. Tinitingnan niya lang ako at pag magpapaalam na ay tatango siya siya sa akin saka magloloosen ang kanyang balikat.
Medyo nasasanay ako sa ganoong set-up. Hirap kaming mag-imikan sa isa’t isa at palaging may namumuong katahimikan. Siguro isa lang talaga sa amin ang hindi parin nagrereach-out. Minsan nahihirapan ako dahil baka katulad noon ay sumiklab lamang siya. Iyon na ang tumatak sa aking isipan. Paano kung sa pagbubukas kong muli ay magbago ang kanyang timpla? Hindi ko minsan mapunto si Ken at iyon ang nakakatakot sa kanya. Parang madali lang sa kanya na mangmanipula ng isang babae kung gusto niya.
Miyerkules ng hapon. Nahuli kong muli ang aking sarili sa kanyang office at tahimik lang na kumakain.
Si Ken naman ay hawak hawak ang kanyang cellphone at may pinagkakaabalahan doon.
Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone sa aking bulsa. Hindi ko iyon chineck.
Inilapag ni Ken ang kanyang cellphone at pabalik balik na ang pagsulyap sa akin. Bahagyang nakaawang ang kanyang bibig at ibinalik muli ang tingin sa kanyang cellphone.
Ilang sandali lamang ay tumikhim siya. Napunta ang tingin ko sa kanya.
“Maybe you can check your phone…” aniya.
“Huh? Eh bawal kasi magcellphone tuwing may trabaho,” sabi ko.
Halos sumimangot na siya pero sinikap niyang hindi iyon lumandas sa kanyang mukha.
“It’s lunch… Mamaya ka pa naman magtatrabaho,” sabi niya, halos mafrustrate.
Tumango ako sa kanya. Ngumuso agad siya at halos lumabas na ang munting ngiti na pinipigilan niya lang saka mabilis na sineryoso ang mukha. Nahulog ang kanyang tingin sa mga papeles na nagkalat at doon ibinaling ang atensyon.
Chineck ko naman ang aking cellphone. Nakatanggap ako ng text sa isang unknown number at may simpleng text.
Unknown: Hi
Nagkasalubong ang aking kilay. Wala naman akong binigyan ng aking number maliban kay Ken. Imposible rin namang si Mang Rodulfo ito.
Sumulyap ako kay Ken na busy na at seryoso ang mukha. So… Baka hindi siya ito? Hayaan mo na nga lang…
Ibinaba ko ang aking cellphone at sumubong muli. Tumigil naman si Ken sa kanyang ginagawa at sumulyap sa kanyang cellphone saka napunta sa akin.
“Pwede kang magreply,” sabi niya.
Nagkasalubong ang aming mga mata. So siya nga iyon?
Kinuha kong muli ang aking cellphone. Tumunganga naman si Ken sa kanyang cellphone at tila may hinihintay na roon.
Tumitig ako ng ilang sigundo roon. Ano bang pwedeng ipangreply sa Hi? Nagtipa narin ako.
Ako: Hi rin.
Kinagat ni Ken ang kanyang labi nang magbeep ang kanyang cellphone. Mabilis niya iyong dinampot.
Inilapag ko naman ang akin at sinikap na hindi mapangiti sa kanyang inaasta. Ano bang nasa utak niya?
Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko siyang nagtitipa. Pasimple ko namang sinusulyapan ang aking cellphone.
Nagbeep iyon. Hindi ko muna dinampot para tingnan kaso tumikhim na itong si Ken.
Dinampot ko ang aking cellphone at chineck ang kanyang reply.
Unknown: How’s your lunch?
Nagtipa ako.
Ako: Okay lang.
Hindi ko pa nabibitiwan ang aking cellphone ay nagbeep agad iyon.
Unknown: May gusto ka pang kainin? Do you want some dessert?
Sumulyap ako sa kanya. Nakatingin lamang siya sa kanyang cellphone na hawak niya kagat-kagat ang pang-ibabang labi habang hawak niya pa iyon kaya ibinalik ko rin ang tingin ko sa akin.
Ako: H’wag na
Sumandal ako sa headrest ng sofa at nakatunganga narin sa aking cellphone. Hindi parin ako bihasa sa pagtetext dahil siya lang rin naman noon ang nakakatext ko. Pagkatapos ng anim na taon ay doon rin natigil ang pagiging active ko sa cellphone na kahit ang kanyang ginawang social medias sa akin ay hindi ko na ginalaw pa. Wala rin naman akong binigyan ng number ko, ngayon lang ulit…
Hindi na ako nakareply sa huling text niya dahil nagpaalam narin akong lumabas sa kanyang opisina.
Nagtungo ako sa floor na nakaassign sa akin sa araw na iyon dala dala ang aking mop. Ang saglit na kasiyahang naramdaman ko kanina dahil sa palitan namin ng text ay mabilis ring nawala.
Ayokong maattach ulit sa kanya dahil alam ko naman na matatapos lang rin ito. Wala itong pinagkaiba noon. Ang deal ay parang naging contract lamang na may tungkulin kami sa isa’t isa at pagkatapos noon ay tapos narin ang namamagitan sa aming dalawa. Kung naattach ako sa kalagitnaan ay baka ako na naman akong mahirapang bumitaw. Hindi ko naisip sa pagpayag sa offer na ito na masyado paring sensitibo ang buo kong sistema sa kanya.
H’wag ko mang ipakita, ikubli ko man o itanggi, hindi ko maipagkakailang nasa loob ko parin ang naramdaman ko kay Ken. Marahil ay binalutan lamang iyon ng kung ano-anong lumot dahil sa nagdaang taon pero nanatili iyon sa aking loob, pinaglipasan man ng panahon ay hindi iyon lumisan.
I should stop from getting attach to him too much.
Noong matapos ang aking trabaho ay nagpasundo rin ako ng maaga kay Mang Rodulfo pauwi. Nauna ako sa kanyang unit total alam ko rin naman ang password.
Nagkulong agad ako sa aking kuwarto. Nagpalit lang ako ng pambahay at umupo sa aking kama. Ilang minuto akong nakatunganga roon hanggang sa narinig kong may pumasok narin.
I sighed heavily. Niyakap ko ang aking mga binti at isinandal ang aking baba sa aking tuhod. This marriage is purely fake… Hindi naman ganito ang tunay na mag-asawa… At hindi ko naman kailangang pwersahin ang aking sarili dahil sa umpisa palang ay malinaw na sa aming dalawa na hindi namin kailangang gampanan ang ginagawa ng mag-asawa. We can create some boundaries… Walang pakialamanan.
Nagbeep ang aking cellphone. Namalayan ko nalang na masyado na pala akong natatangay sa aking pinag-iisip na lumuha na ako. Pinalis ko iyon at dinampot ang aking cellphone.
Unknown: Dinner?
Nagtipa ako habang nararamdaman ang pag-agos ng aking luha.
Ako: Hindi na. Busog ako.
Inilapag ko iyong muli at pumikit. Mas niyakap ko ng mahigpit ang aking sarili. This won’t work… Alam kong siya ang rason ng pagiging emosyonal ko pero sumubo parin ako. May parte sa akin ang gusto na namang maggive-up pero isinawalang bahala ko nalang iyon. Narito na naman iyong feeling na parang nawawalan ako ng pag-asa sa lahat ng bagay.
Nagbeep ulit iyon. Tiningnan ko nalang ang screen.
Unknown: Magluluto ako.
Inayos ko nalang ang sarili ko sa nagdaang minuto. Ano bang iniiyak-iyak mo, Marione? Akala ko ba ay susubukan mo?
Kaya noong kumatok na siya sa aking pinto ay sinikap kong hilain ang sarili patayo. Nasa kondisyon niya na makasabay man lang akong kumain dito. Total hindi pa ako inaantok…
Paglabas ko ay nakahanda na ang lamesa. Nagtungo ako roon at umupo. Tahimik parin kaming dalawa at nagsusulyapan lang sa isa’t isa. Nakasuot na siya ng puting cotton Tshirt ’tsaka itim na sweatpants. Ang kanyang buhok ay bahagyang magulo pero bagay parin naman sa kanya.
We both ate silently, katulad ng nangyayari sa tuwing nagkakasabay kami. Seryoso ang kanyang mukha habang sumusubo.
“Uh, sa linggo… Gusto ko sanang umuwi sa amin,” sabi ko sanhi para maging mabagal ang kanyang pagnguya.
Naninimbang na ang kanyang mga mata sa akin.
“Babalik lang siguro ako sa Lunes?” sabi ko.
Uminom siya ng tubig, hindi halos kumibo habang sinusundan ko ng tingin ang kanyang kilos.
“Total wala namang pasok sa linggo,” dagdag ko pa.
Pinulot niya ang table napkin at pinunasan ang bibig saka siya seryosong sumulyap sa akin. Bumaba naman ang aking mga kamay sa aking kandungan at doon ako kumapit sa tela ng aking damit.
“I was planning we can buy some things this coming Sunday. Bibilhan sana kita ng mga damit mo.”
Umiling agad ako.
“H’wag na. May mga damit pa naman ako at wala naman akong kailangang gamit ngayon,” sabi ko.
He licked his lip. Hindi halos makatango sa aking sinabi.
“How about a new phone?”
Umiling ako.
“A dog?” Umangat ang kanyang kilay.
Umiling ulit ako.
“Sandals? Bags? Jewelries?”
“H’wag kang masyadong gumastos para sa akin. Sayang ang pera mo,” sabi ko na ikinaloosen ng kanyang balikat.
“You can use my money since you’re my wife, Marione,” he said firmly.
Bahagya akong suminghap sa itinawag niya sa akin.
“Pero hindi mo naman ako tunay na asawa,” sagot ko na ikinagalaw ng kanyang panga.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Hindi narin naging maganda ang pakiramdam ko kaya nagpaalam nalang akong mauuna nang matulog. Tumango lamang siya at hinayaan ako.
Sa gabing iyon ay hirap ulit akong matulog dahil sa rami ng aking pinag-iisip. Pabalik-balik sa aking isipan kung tama ba iyong mga naging sagot ko kanina. Tama iyon pero may parte na naman sa akin ang guilty. Masyado nang maingay ang aking utak na hindi agad ako dinalaw ng antok.
Sumapit ang linggo. Kahit hindi naging maganda ang pag-uusap namin at hindi naman siya pumayag, umaga palang ay umalis na ako habang tulog pa ito. Total nagyayaya rin si Eunecia na lumabas kaya nakipagkita rin ako sa kanya.
“Kumusta buhay mag-asawa! Ano… May salpukan nang nangyari?” Ngumisi siya sa akin at iba na ang kanyang tingin habang nasa isang Restaurant kami.
“Wala ’no.” Namula ako sa kanyang paratang lalo na’t sumasagi pa sa isipan ko ang imahe ni Ken tuwing umaga.
Lumaki ang kanyang mga mata at itinuro ang aking mukha.
“Eh bakit namumula ka?! Kabisado kita… Marupok ka!”
Naiinis kong ibinaba ang kanyang darili.
“Wala nga. Hindi naman kami masyadong nag-iimikan at palagi lang akong nasa loob ng kuwarto. Nagkikita lang kami roon tuwing kakain,” paliwanag ko.
Unti-unting nabura ang ngisi niya.
“Talaga? Ang boring niyo naman palang mag-asawa.”
Matamlay kong ginalaw-galaw ang aking pagkain.
“Dahil hindi naman kami tunay na mag-asawa,” sabi ko sa pagod na boses.
Umiling-iling si Eunecia.
“Sus… Takot ka lang mainlove ulit sa kanya eh.”
Tiningnan ko siya. Hindi ako makakibo. Ewan… Di ko alam… Basta ay natatakot ako sa isang bagay at ayoko nang lumala pa iyon.
“Hindi ’yan totoo,” sabi ko at nag-iwas ng tingin.
“Totoo! Sinungaling ka pa naman! Lahat ng sinabi mo sa akin ay kabaliktaran ang nangyayari. Totoo na natatakot kang mainlove ulit sa kanya,” giit niya.
Pumangalumbaba ako at nawalan na ng ganang sumubo. Mas lalong nailing si Eunecia.
“Mahirap pa namang pigilan ang nararamdaman! Pag nakasurvive ka sa depresyon mo sa pag-ibig ka rin mababaliw ng husto!”
Mariin akong pumikit at gustong takpan ang bibig niya. I’m going to stick to my plans… Nakaka isang linggo na akong kasama siya at kontento naman ako sa ganoong set-up. Siguro ay kaya ko pang magpatuloy. Kakayanin kong magpatuloy.
“Alam ko sinabi ko sa’yong h’wag kang magpaka rupok sa kanya pero kung sa kanya ka rin naman sasaya ba’t di mo subukan, Aioni?” Naging mahinahon na ang boses ni Eunecia.
Mabilis na umagos ang aking mga luha. Pinalis ko agad iyon. Iritang irita na ako sa sarili ko na naiiyak agad sa mga maliliit na bagay na pwede naman sanang hindi nalang iyakan.
“Baka tama ang Mama mo na katulad ng nangyari sa mga magulang mo ay ganoon rin kayo ni Ken. Baka pwede niyong ayusin ang nakaraan niyo at magsimula ulit…”
Suminghot ako at dumilat. Nagtama ang mga mata namin. Namungay ang kanya.
“Sabihin mo nga… Nawala na ba talaga ang pagmamahal mo? O kaya ka palaging nalulungkot dahil hanggang ngayon ay nangungulila ka lang sa kanya… Baka kaya ganyan ka kalungkot dahil mahal mo parin siya at iniisip mo lang na hindi na pwede dahil sa nangyari.”
Bumigat ang aking pakiramdam at gusto ko nang humagulhol sa harapan niya. Nanlalabo na ng husto ang aking mga mata. Kinagat ko ang aking labi habang nararamdaman ang pag-agos ng aking mga luha.
“Mahal mo parin siya, Aioni,” giit ni Eunecia sa seryosong boses.
Para akong mababaliw sa tumatakbo sa aking isipan. Oo, hindi… Ewan ko! Oo pero hindi pwede… Hindi na pwede dahil alam ko ang kahahantungan naming dalawa. Ayoko nang maulit ang sakit, ang lahat lahat! Kontento na ako sa ganito dahil baka pag sinubukan ko ulit ay hindi ko na kayanin pa pag bumagsak ulit ako.
“Takot na ako… Nakakatakot siyang mahalin… Ayoko nang maulit ang lahat dahil alam kong hinding-hindi na kami magwowork-out.” Nahawakan ko ang aking ulong namimintig na naman.
“Eh kasi palagi mong pinapangunahan ang mangyayari, Aioni! Paano ka makakausad kung sinisira mo agad sa isipan mo ang isang bagay na hindi mo pa nga sinusubukan!”
Kinagat ko ang aking labi. Ang hirap… Di ko alam…
“Kulang kasi kayo ng pagmamahal sa isa’t isa kaya ang lulungkot niyo,” si Eunecia.
My what ifs are killing me. Sa sobrang rami noon sa aking utak ay gusto ko munang tumigil sa pag-iisip. Gusto ko munang pagpahingahin ang aking isipan dahil alam kong hindi rin naman magbabago ang aking desisyon. I’m not even sure if the feeling is still mutual or what… Malinaw sa akin ang sinabi ni Ken noong inalok niya iyong offer. He needs me for his position at siya pa mismo ang nagbitaw ng mga kondisyon noong una na pwedeng h’wag nalang ipublic at walang pakialamanan. At mukhang nakamove-on na siya sa aming dalawa dahil sa interaksyon niya sa kanyang sekretarya. Galit nalang ang nararamdaman niya para sa akin at ako itong hindi malinaw kung ano na ang nararamdaman ko para sa kanya.
Lumabas kaming dalawa roon. Ang aking plano naman ngayon ay umuwi saglit sa bahay at umuwi rin sa unit ni Ken ng alas dyes y media. Alam ko kasing tulog na siya sa mga oras na ’yan.
“Ako talaga ang nahihirapan sa pinaggagawa mo sa buhay mo,” ani Eunecia habang papunta kami sa loob ng Department store.
Hindi ako umimik. Ayoko nang magsalita dahil paulit-ulit ko na naman iyong iisipin hanggang sa bibigat lamang ang aking nararamdaman.
“Eunecia!”
May kung sino ang tumawag sa kanya kaya tumigil kami. Nilingon namin ang lalakeng malapad ang ngisi at naglalakad na papunta sa akin.
“Uy Rio!” Lumaki narin ang ngiti ni Eunecia. “Anong ginagawa mo rito? Sinong kasama mo?”
“Ah ako lang. May bibilhin sana akong damit at… nakita kita…” Saka ito sumulyap sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin at itinuon iyon sa ibang lugar.
“Ah talaga? Akala ko may kadate ka!”
“Wala nga eh… Baka may maipapakilala kang available…”
“Oo meron! Ito!” Hinawakan ni Necia ang aking pulso kaya napalingon akong muli sa lalake na nahihiya nang ngumiti sa akin. “Ito available ito!”
Tiningnan ko ng makahulugan si Necia kaso hindi niya man lang pinansin ang titig ko.
“Siya si Aioni, kaibigan ko at halos 7 years nang single! Pihikan kasi siya sa lalake at alam mo na… medyo may pagka tahimik! Mataray ’to pero di na masyado.”
Lumiwanag ang mukha noong nagngangalang Rio at tila natutuwa sa deskripsyon ni Eunecia sa akin. Gusto kong tampalin ang bibig ng aking kaibigan kaso naglalahad na iyon ng kamay sa akin.
“Ako pala si Rio…” Ngumiti siya ng matamis.
Si Eunecia naman ay pinandidilatan pa ako ng mga mata at may kung ano-anong sinisenyas.
Naglahad narin ako ng kamay.
“Hi,” bati ko at tipid na ngumiti.
Humalakhak siya. “Para ka namang pusa sa boses mo…”
Pumalakpak si Eunecia. “Bagay kayo!”
Mabilis kong binawi ang aking kamay lalo na’t nagawa niya pang pisilin iyon. Nahipo niya ang kanyang batok at ang isa naman ay may dinudukot na sa kanyang pantalon.
“Pwedeng… mahingi ang number?”
Bago pa ako makapagsalita ay inunahan na ako ni Eunecia.
“Ay oo pwedeng pwede! Itext mo ’yan o kaya tawagan mo kasi hindi siya marunong makipagtext!” aniya habang kinukuha ang cellphone nito at tinitipa na ang aking number.
Marahang tumawa si Rio.
“Ang cute mo naman pala.”
Nag-iwas nalang ako ng tingin. Humanda talaga sa akin itong babaeng ito pag kami nalang dalawa. Ba’t niya ako bigla biglang binubugaw? Alam niya namang wala akong interes sa kung sino-sino ngayon.
Nagpaalam rin iyong kaibigan niya kaya bago ko pa ito masermonan ay bigla niya naman akong hinila patungong comfort room.
Masyadong mabilis ang kanyang paglalakad na nakapasok agad kami roon. Hindi pa siya nakontento at hinila ako sa loob ng cubicle.
“Ano bang ginagawa mo-”
“Sinusundan tayo ng asawa mo!” putol niya sa akin at nanlilisik na ang mga mata.
Natigilan ako at hindi agad naproseso ang kanyang sinabi.
“Kanina… Paglabas natin sa Restaurant ay nakita ko siyang sumusunod!” Halos sumigaw siya.
“Paanong… Eh hindi naman ako nagpaalam kay Ken noong umalis ako,” sabi ko.
“Haynako! Sinusundan ka niya! Imposibleng magkamali ako dahil nakabisado ko na ang hitsura niya noong kasal niyo! Pinagnasaan ko kaya iyon ng mahigit isang minuto sa isipan ko.”
Ngumiwi ako. Malala narin talaga ang babaeng ito.
“Kaya ba binugaw-bugaw mo ako?” Nanliit ang tingin ko sa kanya.
Tumawa naman ang loka-loka.
“Nacucurious lang kasi ako kung siya parin iyong dating seloso! Pag nagselos siya confirmed Aioni! Mahal ka parin noon!” Hinawakan niya ang aking mga balikat at nagawa pa akong alugin.
Inilayo ko agad siya sa akin. Nauna akong lumabas. Hindi ko alam kung anong sapat na reaksyon pero nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin ay pulang pula na ako. Nakita kong lumabas narin si Necia at mapalad na agad ang ngisi.
“Basta balitaan mo ako kung may nangyaring patungan ha!”
Nalaglag ang aking panga. Tinusok niya pa ang aking tagiliran saka siya humagalpak ng tawa.
“Marupok ka pa naman! Naalala mo noong naging kayo ay nangyari agad sa inyo! Tapos ngayon nasa iisang bahay na kayo… Imposibleng sa araw-araw niyong pagsasama roon walang mangyari! Ipupusta ko na talaga ang atay ko!”
“Tigilan mo nga! H-Hindi na iyon mauulit at walang mangyayari sa amin dahil hindi naman kami mag-asawa.” Mas lalo lamang akong namula nang maalala ang araw na iyon.
“Pero kung ayaw mo talagang mainlove sa kanya edi ibaling mo nalang ang atensyon mo kay Rio. Malay mo maka survive ka sa set-up niyo ni Ken dahil may lalake kang inientertain. Bale gamitin mo muna ganon…”
“Hindi na ako nanggagamit ng tao para lang sa sarili kong interes, Necia. Ayoko na ng ganoon,” giit ko habang tinitingnan siya sa salamin.
“Hindi naman sa gagamitin mo siya. Eh okay naman si Rio. Matangkad, moreno, guwapo, medyo may kaya iyon ’tsaka mabait pa!”
Umiling ako at binuksan iyong gripo.
“Hindi ko siya gusto,” sabi ko habang naghuhugas ng kamay.
Itinuro niya agad ako sa salamin, ang mga mata ay nang-aakusa na at nasa akin parin.
“Oh kita mo na… Pati ikaw ayaw mong bigyan ng chance si Rio! Ikaw lang rin kasi ang ayaw kumawala sa nakaraan mo. Ikaw ang ayaw magmove-on kasi ang totoo ay ayaw mong bitiwan ang pagmamahal mo kay Ken. Mahal mo parin talaga iyon!”
Hindi na ako nagsalita sa kanyang paratang. Ayoko lang talaga munang maiugnay ang sarili ko sa kung sino-sino. Hindi ko alam kung nafall out of love na ba ako kaya wala akong magustuhan o ano.
“Hindi ko lang talaga sila gusto,” sabi ko nang lumabas kami ni Necia.
Iginala ko pa ang aking tingin dahil baka sumusunod siya pero hindi naman at wala rin ito sa likuran namin. Bumalik rin ang atensyon ko kay Necia nang magsalita ito habang naglalakad kaming dalawa.
“Oo kasi si Ken parin ang gusto mo. Hinahanap mo ang katangian niya sa mga lalake at pag nabigo kang makita iyon ay hindi mo na agad guato. Uso naman ang move-on pero ayaw mo talagang makiuso. Ikaw talaga itong gustong matali sa kanya.”
Hindi ako nakaimik. I’m such a fool if I disagree with her. I just can’t… move-on from us.
“Goodluck sa pag-uwi mo mamaya. Baka galit na galit na iyong selosong asawa mo.” Humalakhak si Necia na ikinailing ko nalang ngunit may sumibol nang kaba sa aking dibdib.
43rd Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Patricia Cruz. Happy reading!
Chains
Pagkatapos ng lakad namin ni Necia ay nagpasya rin naman akong umuwi muna sa amin kahit saglit lang. Bumili ako ng paboritong cake ni Lucas at ulam para doon narin ako magdinner.
Mga bandang 6pm na noong dumating ako sa bahay namin. Si Mama ang bumukas noong gate at nagulat pa noong makita ako.
“Anak!” Tuwang-tuwang pahayag ni Mama.
“Dumalaw lang ako saglit Ma… Nakapagpaalam kasi ako sa boss ko na uuwi muna ako saglit,” sabi ko habang pumapasok kami sa bahay.
Lumitaw narin si Papa na nakaapron pa at tila nagluluto.
“Oh, sakto ang dating mo at nagluto ako,” sabi niya.
Ibinigay ko kay Mama ang aking mga dala.
“Bumili narin ako ng ulam,” sabi ko.
Ibinigay rin ni Mama iyong mga dala ko kay Papa. Kinuha naman iyon ni Papa. Umupo ako sa sofa at naghubad ng aking sandals.
“Teka. Tatawagin ko lang ang kapatid mo at nasa court iyon. Nagbabasketball,” si Mama na lumalabas na.
Sinundan ko ito ng tingin pero ibinalik ko rin kay Papa.
“Nawiwili si Lucas sa pagbabasketball simula noong wala ka rito. Iyon na ata ang libangan niya,” paliwanag niya.
Talaga? Mabuti naman at may pinagkakaabalahan siya.
“Alam mo bang gusto rin noong mag-enroll sa taekwondo,” ani Papa habang bumabalik na sa kusina.
Nagkasalubong ang aking kilay. Tumayo ako at itinabi ang aking sandals saka sinundan si Papa sa kusina.
Nadatnan ko siyang inilalabas ang aking pinamili at inilalagay iyon sa bowl. Sumulyap siya sa akin.
“Kumusta naman ang trabaho mo? Okay ka naman ba roon? Maayos ba ang tinutulugan mo?” Sunod-sunod niyang tanong.
Umupo ako.
“Okay naman, Papa. Mababait naman ang mga naroon,” sabi ko.
Tumango siya at kumalma sa aking sagot.
“Eh ba’t matamlay ka parin? Wala bang nangyayaring maganda?”
“Pagod lang siguro ako sa naging lakad namin kanina ni Necia sa Mall, Papa…”
“Eh iyong… ano… balita ko… katrabaho mo raw?” Nag-iwas siya ng tingin at nagtungo roon sa kanyang niluluto.
Ilang sandali akong hindi nakaimik. Anong isasagot ko? Na nakatira na ako roon sa condo niya at araw-araw ko siyang iniiwasan? Na lumalala lamang ang aking pinag-iisip dahil sa mga nangyayari?
“Hindi kami nagpapansinan,” tanging sagot ko at inayos rin iyong mga plato sa mesa.
“Ganoon ba…”
Hindi na ako umimik hanggang sa dumating rin si Mama, umiiling.
“Nako… Baka may girlfriend kana roon ha, Lucas! Kay bata bata mo pa!” Tumatawang sambit ni Mama habang papasok.
Sumunod naman ang aking kapatid na pawisan at medyo magulo pa ang buhok habang nakabusangot pero nang makita ako ay umaliwalas rin ang mukha.
“Ate…”
“Anong girlfriend?” tanong ko, pabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa.
Bumusangot ulit si Lucas. Tumabi ito sa akin. Si Mama naman ay nagtungo roon sa ref.
“Ang raming tumitiling babae roon sa court habang naglalaro si Lucas! Binibiro ko na kaya siguro madalas siya sa court dahil may girlfriend na-”
“Wala nga, Mama,” giit ni Lucas at pinutol ang aming ina.
“Baka meron na, Lucas?” Tumaas narin ang aking kilay kaya umiling siya at halos guluhin ang buhok.
“Oh… Okay lang sa akin kung may girlfriend na si Lucas,” si Papa naman na pinapatay na ang stove.
“Wala nga!” si Lucas na iritang irita na sa aming mga paratang.
Tumawa si Mama at naglapag noong dala-dala niyang isang pitsel ng tubig sa gitna ng mesa.
“Nako si Lucas nagbibinata na ata!” si Mama at nagawa pang lumapit para sana kurutin ang pisngi niya ngunit umiwas lang ang kapatid ko.
“Ang gwapo gwapo mo pa naman. Pumili ka ng babaeng mala dyosa katulad ng Mama mo, Lucas,” si Papa.
Namula ng husto si Lucas at sobra nang sumimangot. Umupo narin sila Mama at Papa habang nagtatawanan sa reaksyon ng aking kapatid.
Doon lang nila iniwan iyong topic noong hindi na umimik si Lucas at wala na atang balak alisin ang iritasyon sa buong mukha. Ang suplado rin talaga nito! Ang bilis bilis mapikon!
“Kumusta sa trabaho ate? Umiinom ka ba ng gamot sa tamang oras?” tanong niya.
Tumango ako at bahagyang ngumiti.
“Oo naman…”
“O baka nakakalimutan mo ha?” Sumubo siya at kakaiba na ang tingin sa akin.
“Umiinom ako ng gamot ko, Lucas,” sabi ko.
Binalingan niya si Mama na kausap si Papa. May sariling topic ang dalawa at tungkol ata roon sa kapitbahay namin.
“Ma, sabi ko naman sa’yo bilhan mo na ako ng cellphone nang matext ko lagi si Ate sa gamot niya,” ani Lucas.
Ngumisi naman agad si Mama. Si Papa naman ay binalingan kami.
“Ang sabihin mo para lang may pangtext ka sa girlfriend mo! O siguro may crush kana ’no?” Humalakhak si Mama.
Awtomatikong bumusangot si Lucas at nailing nalang. Ibinalik niya ang atensyon sa kanyang pagkain.
“Bata pa si Lucas, Ma…” sabi ko para tulungan ang kapatid kong pikon na pikon na. “Pagkatapos ng trabaho ko ako na ang bibili ng cellphone sa’yo Lucas,” sabi ko.
“Talaga, ate?”
Tumango ako. “Basta mag-aral ka dapat ng mabuti.”
“Nag-aaral iyan ng mabuti. Ang tataas ng marka niyan,” si Papa naman.
Seryosong kumain si Lucas nang tiningnan ko na ito. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa magandang balita na nalalaman ko sa kapatid ko. Buti at tutok siya roon kaysa sa ibang bagay. May mga kabataan kasi ngayon na sobrang nababaliw na sa kung ano-anong video games.
Umikot ang aming topic sa trabaho ko at kay Lucas. Minsan naman ay nalilihis ang topic nila Mama at nagtatawanan silang dalawa ni Papa. Naalala ko bigla ang sinabi ni Necia tungkol sa kanilang dalawa.
Siguro ay may mga tao talagang deserve ang second chance ’no? Pero paano kung naibigay mo iyon sa maling lalake at noong dumating na ang deserving ay hindi mo na nabigyan ng tsansa dahil natakot kana? May mga ganoon bang kaso? Ano na ang mangyayari?
Napansin ko lang ang oras noong nagtext si Mang Rodulfo sa akin.
Mang Rodulfo: Ma’am, anong oras ko po kayo susunduin?
Alas dyes na pala. Nawili narin kasi ako sa mga kwento ni Mama na kung ano-ano lang habang kumakain kami ng cake kaya hindi ko na namalayan ang oras.
Nagtipa ako ng mensahe.
Ako: Maya-maya po.
Sumulyap si Lucas sa akin. Ibinulsa ko naman ang aking cellphone.
“Hindi ka rito matutulog, Ate?”
Nang marinig rin nila Mama at Papa ang kanyang tanong ay napabaling na sila sa akin, interesado sa aking sagot.
“Ah… Hindi eh,” saka ako sumubo ng kaonting cake. “Maaga pa kasi ako bukas…”
“Eh gabi na. Baka mapano ka pa sa daan,” si Papa.
“May susundo naman sa akin,” sagot ko.
“Kailan ka ulit pupunta rito, anak? Sa Linggo ba ulit?” si Mama.
Bahagya akong tumango. “Baka payagan ulit ako.”
“Bakit? Strikto ba ang boss mo?” si Lucas.
Umiling agad ako. “Hindi naman. Minsan kasi may mga lakad rin iyon tuwing Linggo at isinasama ako.”
“Baka naman crush ka ng boss mo, Aioni,” si Mama na kakaiba na ang ngisi sa akin.
Hindi ko na iyon pinatulan baka lumaki lang at iyon na naman ang maging laman ng kanilang topic.
Nagpasya rin naman akong umuwi noong alas dyes y media na. Dumating rin si Mang Rodulfo at sinundo ako kaya kinawayan ko nalang sila sa loob ng bintana.
Bumuntong agad ako ng hininga nang isara ko na ang pinto. Naramdaman ko naman ang pagsulyap ni Mang Rodulfo sa akin sa itaas ng salamin.
“Okay lang po kayo, Ma’am?” Tumango ako.
“Opo.”
Itinuon ko ang tingin sa labas ng bintana nang hindi na umimik si Mang Rodulfo. Iniisip ko na baka ay tulog na si Ken pag-uwi o sana nga ay tulog na siya pag nakauwi ako. Medyo kinakabahan lang ako sa sinasabi ni Eunecia sa akin na maaaring galit si Ken. I can’t deal with him when he’s mad. Okay sana kung mapapantayan ko ang galit niya nang hindi ako nagmemental breakdown sa harap niya kaso alam kong isang salita niya palang sa akin ay nanghihina na agad ako.
“Ma’am, hindi naman sa nakikialam ako sa inyong mag-asawa pero simula po kasi noong hinatid kita sa pinagtutuluyan ni Boss ay hindi ko kayo nakikitang nagkakasabay pumunta sa trabaho. Hindi ko rin kayo nakikitang sweet. Okay lang po ba kayo?”
Kinuha ng sinabi ni Mang Rodulfo ang aking atensyon. Nagtama ang aming mga mata sa itaas ng salamin.
“O baka naman po fix marriage lang, Ma’am? Eh ang alam ko uso iyon sa mga mayayaman eh,” aniya.
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o ano. Pero malinaw sa akin ang napag-usapan namin ni Ken na sa aming dalawa lamang iyon.
“May hindi lang po pagkakaunawaan,” sabi ko.
“Ah ganoon po ba? Dapat pinag-uusapan niyo iyan, Ma’am…”
Tumango ako at bahagyang ngumiti. Iniwas ko narin agad ang aking tingin pabalik sa bintana para wala na siyang masabi pa. Hindi narin naman ito sumagot pa hanggang sa maihatid niya na ako sa condo ni Ken.
Mag-isa akong umakyat at hindi na nagpahatid kay Mang Rodulfo total maliwanag rin naman. Binati pa ako noong gwardya na bahagya ko lang nginitian at dumeritso na sa elevator.
Ang rami na agad na tumatakbo sa aking isipan. Kung tama man si Eunecia, ano namang ikakagalit niya kung may nakakamayan akong lalake ’di ba? Eh siya nga nakikipaglampungan pa sa sekretarya niya nagalit ba ako? Iyon nalang siguro ang isusumbat ko sa kanya at magwawalk-out agad ako nang matapos na.
Kabado ako noong huminto na ang floor at bumukas iyon. Hindi naman ako siguradong gising pa si Ken dahil halos 11pm na ng gabi pero sobra paring kumakalabog ang aking dibdib.
Sinapo ko ang aking dibdib at nakagat ang pang-ibabang labi nang tumigil ako sa pinto ng condo ni Ken. Humigop ako ng mahabang hininga habang nagtitipa ng kanyang passcode sa gilid saka ko rin agad iyon pinakawalan nang bumukas iyon.
Dahan-dahan akong pumasok. Bago ko pa mahila ang aking sarili patungo sa aking kuwarto ay nadatnan ko na siya sa sofa, naroon siya nakahilig sa kanyang mga hita habang ang isang kamay ay nakahawak naman ng beer.
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa kanyang imahe suot ang puting cotton Tshirt at itim na sweatpants. Ang kanyang buhok ay magulo at sobrang seryoso pa ng kanyang mukha.
Ilang sigundo akong natigilan habang mahigpit ang pagkakahawak sa sling ng aking bag.
Umahon ang kanyang tingin sa akin, medyo madilim ang ekspresyon ngunit kalmado lang naman.
“Hindi ka nagpaalam,” malamig niyang tugon.
Nag-iwas ako ng tingin at bahagyang inihaplos ang aking paa sa kabila.
“Tulog ka pa kasi kaya hindi na kita ginising…”
He sighed at yumuko para guluhin ang buhok. Lumunok ako, kinakabahan na sa kanyang inaasal. Pwede naman akong magwalk-out at iwan nalang siya rito pero hindi ata nakikicooperate sa akin ang aking katawan. Naninigas ako sa kanyang maaaring pagsiklab.
“I followed you. Nakita kitang nakipagkamay sa kung sinong lalake. Anong balak mo roon?” Mas lalong naging matabang ang kanyang boses. Inamin niya rin talagang sinundan niya ako.
Pero hindi katulad ng atake niya noon sa akin, ngayon ay mahinahon lamang at mapapansin mo ang pagpipigil sa kanyang boses. Hindi ko alam kung dahil ba pagod na ito dahil disoras na ng gabi o ano.
“Lakad ko iyon, Ken. Dapat hindi mo pinapakialaman ang mga sariling lakad ko. ’Di ba walang pakialamanan?” Nanliit ang aking boses at halos lumabas na ang aking puso dahil sa labis na kalabog noon.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at inilapag ang beer sa harap ng mesa.
“Pero asawa kita-”
“Sa papel. Sa papel lang. H’wag mo akong… H’wag mo akong itali sa’yo na akala mo ay pagmamay-ari mo na ako dahil alam nating dalawa kung ano ang tunay na rason ng kasal na ito,” putol ko sa kanya.
His eyes sharped at me ngunit mabilis ring nalaglag ang kanyang tingin sa sahig at hinawakan ang kanyang ulo. Ginulo niya iyon na kahit ako ay ramdam na ramdam ang kanyang iritasyon.
Nang hindi na siya umimik ay sinikap ko nang humakbang kahit na sobrang bigat na ng aking mga paa.
“So, wala na naman akong karapatang magselos? Kahit hindi kita totoong asawa, hindi parin pwedeng magselos?” tanong niya sa dismayadong boses.
Tumigil ako sa paghakbang at sinulyapan siya.
“Bakit ka magseselos eh hindi nga ako nagseselos sa inyo ng sekretarya mo-”
“Pwes magselos ka!” sigaw niya at tumayo na.
Sa aking gulat ay napaatras ako habang namimilog ang aking mga mata. Nakaawang ang kanyang basang labi hanggang sa unti-unting namungay ang kanyang mga mata nang makita ang gulat at takot sa akin.
Tumataas baba ang kanyang balikat, pilit kinokontrol ang sarili sa pagsiklab hanggang sa ginulo niya na ang kanyang buhok. Handa naman sana ako sa magiging komprontasyon naming dalawa pero sa umaahong pangamba sa akin, alam kong may uungkatin siyang nakaraan namin na alam kong ikakabuhos agad ng aking mga luha.
“Ba’t ako magseselos eh wala naman akong karapatan-”
“May karapatan ka Aioni. I am giving you all the right to get jealous and own me because that’s what I want you to act as my wife!” He said firmly with his pained voice.
My heart pounded harshly. Masakit iyon at parang sinasalakay ang bawat sulok ng sistema ko.
Umiling agad ako. “Hindi na pwede ang gusto mo, Ken. Wala ito sa kasunduan natin. Alam mong pagkatapos nito ay magpapaannul rin tayo-”
“Putanginang annulment ’yan! I can give-up my damn position just to be with you! Gustong gusto ko nang matali sa’yo. Iyong walang halong pagpapanggap! Iyong may karapatan ako sa’yo! Iyong hindi ako natatakot na hawakan ka na baka ay mabasag kita. Alam mo ba kung gaano kita kagustong yakapin bawat sigundo pero natatakot ako dahil baka masaktan lang kita?” Bumuhos agad ang kanyang mga luha.
“Sa tuwing nakikita kitang malungkot… gusto kitang pasayahin. Sa tuwing nakikita kitang natatakot, gusto kitang yakapin. Sa tuwing ang tahimik mo gustong gusto kitang bulungan na nandito lang ako sa tabi mo pero paano ko gagawin ang lahat ng iyon kung ako ang rason lahat ng paghihirap mo?!”
Umagos ang aking mga luha habang tinitingnan ang mga mata niyang tila pagod na pagod na sobrang pula pa. Kinagat niya ang kanyang labi. Tiningnan niya ako, bigong-bigo na.
“Hindi ko na matiis na wala akong karapatan…” Mas lalong namungay ang kanyang mga mata at halos ibulong na lamang iyon.
“Ang gago ko noong naniwala ako sa sinabi mo.” Tuluyang nabasag ang kanyang boses at panibagong batalyon ng luha na naman ang umatake.
Tumaas baba ang aking balikat dahil sa aking pag-iyak. Gusto kong may sabihin pero pinapangunahan narin ako ng emosyon ko.
“Ang gago ko noong hindi ko inalam ang totoo. Sa sobrang galit ko sa’yo, nagpatali ako sa kasinungalingan mo.” Mariin niya akong tiningnan.
Suminghap ako. Kailan niya pa alam? Sinong nagsabi? Si Lucas ba? Si Mama? Kailan pa?
Doon lamang nabura ang aking mga katanungan nang mag-amba siyang lumapit sa akin. Katulad ng reaksyon ko sa tuwing ginagawa niya iyon ay mabilis akong napaatras. Tumigil siya at suminghap. Umagos muli ang kanyang mga luha.
“Bigyan mo ulit ako ng tsansang patunayan ang sarili ko sa’yo-”
Umiling akong muli. “Hindi na pwede ang hinihingi mo. Hindi tayo pwede!” giit ko na ikinadismaya niya ng husto.
“Bakit hindi pwede?” Halos manlumo siya sa sariling tanong. “Bakit hindi na tayo pwede?”
“Dahil nakakatakot kang mahalin! Noong nahulog ako sa’yo ay pinaglaruan niyo lang pala ako! Noong akala ko ay totoong totoo na ang lahat ay nagising nalang ako sa kasinungalingan mo! At dahil sa sobra kong galit… sa matindi kong galit sayo ay pinabayaan ko narin ang sarili ko kaya kahit ang anak ko-” Pumiyok ako at para nang mapupugto ang hininga.
Nag-akma siyang lumapit pero umiling lamang ako habang hinahabol ang aking hininga. Iyon ang mas nagpaputla sa kanya at bigong bigo akong tiningnan. Nakikita ko sa kanyang mukha ang kagustuhang lapitan ako pero ayaw niya ring ipilit.
“Hindi na tayo p-pwede dahil hindi tayo magwowork-out.”
Pumikit siya at halos damahin ang umaagos na mga luha, tila nawawalan na ng pag-asa. Binasa niya ang pang-ibabang labi at tumingala.
“I want my second chance, Marione… I want my second chance…” May pagmamakaawa na sa kanyang pananalita.
Umiling lang ulit ako habang humihikbi. Pilit kong nililista ang mga hindi pwede sa aking utak at magiging kahihinatnan namin dahil pakiramdam ko sa oras na ito ay kayang kaya niyang baliin ang desisyon ko. Kayang kaya niyang pumasok ulit sa buhay ko at ako na mismo ang magbukas ng pinto. Ganoon ulit kalaki ang kanyang tsansa na saktan ako.
“Please… Bigyan mo ako ng pangalawang tansa.” Nahulog siya sa kanyang mga tuhod na ikinagulat ko.
Para siyang nawalan ng lakas kaya lumuhod nalang ito.
“Mas gugustuhin ko nalang na paluhurin mo ako sa’yo kaysa hilingin mo sa aking umalis ako sa tabi mo!” sigaw niya at naitukod na ang mga kamay sa sahig habang nakikita ko ang pagpatak ng mga luha niya roon.
“Please… Please! I want my second chance! I’m sorry!” Mas lumakas ang kanyang hagulhol at yumuko na roon habang nakabaon ang kanyang mga mata sa kanyang bisig.
Natakpan ko ang aking bibig. Hinang hina ako at hindi alam ang gagawin habang pinagmamasdan itong umiiyak. Wala iyong pinagkaiba sa unang iyak niya noon, parehas na masyadong malakas at masyadong masakit marinig.
“Sising sisi ako! Buong akala ko ay ginawa mo iyon sa anak nating dalawa! Paniwalang paniwala ako na nakatali parin ako sa galit ko sa’yo kahit lumipas man ang panahon!”
Humakbang ako papalapit sa kanya, unti-unti.
“Galit na galit ako pero mahal na mahal parin kita!”
Mas lalong bumilis ang aking paghakbang hanggang sa makarating ako sa kanyang harapan. Bago pa ako makayuko para patayuin ito ay kusa siyang umahon at niyakap agad ang aking mga hita.
“I’m sorry! I’m really sorry!” Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking tiyan at umiyak ng husto roon.
“I want your chains! I want to chain myself to you! Please.. Give me a chance to fix this. .. Hayaan mo akong pagbayaran ko ang mga kasalanan ko sa’yo.” Tiningala niya ako habang umaagos ang mga luha.
Natakpan ko ang aking mukha. Sobra sobra na ito. Hindi ko na naisip na gagawin niya ito para lang hingiin ang isang bagay na hindi ko inaasahang hihingin niya.
“May kasalanan rin ako sa’yo K-Ken…”
Tumayo siya at ibinaba ang aking pulso. Nagpaubaya ako dahil hinang hina narin ako sa lahat ng kanyang sinabi.
“Bigyan mo ako ng karapatang patunayan sa’yo ang lahat, Marione… Please…” Hinawakan niya ang aking mga pisngi. Kapwa luhaan ang aming mga mata habang tumititig sa isa’t isa.
“Hayaan mong ayusin ko ang sinira ko sa’yo. Kahit limos nalang… Kahit h’wag mo nang suklian…” He wiped my tears while whispering.
“Baby, I want your chains… I want you back…” He said softly while raining small kisses on my eyes.
Halos malunod na ako sa kanyang mga sinasabi. Iyong kakaahon ko palang ay lulunurin niya na ulit ako sa kanyang pinagsasabi na kahit ang huminga ay parang di ko na kaya. Sumasabog ang nararamdaman ko sa bawat atake niya!
“Kahit ako nalang ang hayaan mong bumalik sa’yo… Hindi kita pipiliting suklian ang gusto ko at tatanggapin ko kung ano lang ang maibibigay mo. Kahit ako nalang ang manglimos ng pagmamahal sa’yo pabalikin mo lang ulit ako sa buhay mo,” he said on his strained voice, almost begging.
“P-Paano kung sa kalagitnaan ay magbago na naman ang lahat, Ken? Hindi mo alam kung paano ko sinaktan ang sarili ko mamatay lang ako sa sobrang sakit ng p-pinagdadaanan ko…”
“Sshhh…” Hinaplos niya ang aking pisngi. “Hindi kita itatali sa akin kung gusto mo, Aioni. Kahit ako nalang ang hayaan mong mahalin ka… Kahit h’wag mo nang suklian… I’m begging…”
Para nang hinaplos ng anghel ang aking puso. Ito iyong klase ng iyak dahil sa labis na takot na sumubok. Para itong isang magnanakaw na gustong pumasok sa aking bahay at nangangakong walang nananakawin kaya ganoon nalang kung magduda ako. Alam kong may kukunin siya. Alam kong masasaktan lang ulit ako pero may parte sa akin ang labis na nangungulila sa kanya. May parte sa akin ang gusto siyang papasukin. May parte sa akin ang ayaw tumutol.
Pumikit ako habang dinadama ang kanyang pagsalo sa aking mga luha at mabilis iyong pinupunasan gamit ang kanyang hinlalaking mga daliri.
“Paano kung hindi parin nagwork?” bulong ko, halos manalanangin ng isang imposible.
“We’ll work…” he said clearly.
“Paano nga kung h-hindi!” giit ko habang nafufrustrate na.
“Then I’m allowing you to free yourself from my chains… Kahit masakit, bibitiwan kita kung gusto mo talagang lumayo sa akin. Kahit alam kong hindi ko kaya… Kakayanin ko dahil iyon ang gusto mo. Kusa akong bibitaw kahit madurog mo ako.”
44th Chained
Chained
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Kaira Denise Zapanta. Happy reading!
Kiss
Tahimik nalang akong nakatingin sa kawalan habang pinoproseso ko lahat sa aking utak. Nakaupo ako sa stool ng countertop. Pagkatapos noong pinagsasabi ni Ken sa akin ay parang nanghina ako pero may parang tinik ang nakuha sa aking dibdib na matagal nang nakabaon. Ang kadenang nakagapos sa akin ay unti-unti nang lumuluwag. Pwede na akong umalis ano mang oras dahil nakuha ko na ang kapatawarang gusto ko.
But a part of me wants to see him making efforts. A part of me wants to be heal by him. A part of me still wants to wear his chains. Marahil ay tama nga si Eunecia, ako itong ayaw lang talaga sigurong kumawala sa kanya kaya hirap na hirap rin akong magmove-on.
May inilapag siyang tubig sa aking harapan. Nalaglag ang tingin ko roon. Umupo siya sa tabi ng stool habang nakaharap sa akin at ang kanang braso ay nakahilig sa countertop. He watched me closely while I’m drinking a glass of water.
Hindi ko mapirmi ang aking mga mata at parang mabibilakuan sa pag-inom ng tubig. Ken’s deep brown eyes were almost telling me that he will never leave me this time. O baka naman ako lang ang nag-iisip noon?
Ibinaba ko ang baso ng tubig. Umangat ang kanyang kamay at bahagyang pinunasan ang gilid ng aking labi na ikinanguso ko, halos manigas sa kanyang munting haplos.
Hindi ko alam kung namumugto ba ang aking mga mata pero halatang kakagaling ko lang talaga sa iyak while his eyes were tired and weary. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon iyon sa ibang parte.
“Nakapagdesisyon kana ba?” he asked me slowly.
“H-Huh?” Nilingon ko siya.
“Bibigyan mo ba ako ng pangalawang pagkakataon?”
Halos maputol ang aking hininga. Akala ko ay tapos na ang topic na ito. Akala ko ay nakasagot na ako kanina, akala ko malinaw na ang lahat pero hindi pa pala.
Kinagat ko ang aking labi at nahulog ang mga mata sa kandungan. Ano bang ibig sabihin ng hinihingi niya? Anong second chance ba? Second chance para sa aming dalawa? O second chance para mapatawad ko siya?
Bumuntong siya ng hininga at humilig sa countertop gamit ang isa niyang kamay. Nakatagilid na ang kanyang ulo habang tinitingnan parin ako.
“I’m still going to pursue you, anyway…” bulong niya, sapat lamang na marinig ko.
Gumala ang aking mga mata. Hindi naman ako nakaharap ng buo sa kanya ngunit nakikita ko siya sa gilid ng aking mga mata, namumungay ang kanya at naghihintay lamang ng sagot ko.
“Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na alam mo na pala?” I asked him curiously.
I saw him licked his lowerlip.
“I got jealous… Ayoko lang na baka sa kalagitnaan ng pagiging malamig natin sa isa’t isa ay naagaw kana pala ng iba.”
Lumunok ako ngunit masyado na iyong mahirap dahil parang may nakabara sa aking lalamunan. Inamin niya lang kanina na mahal niya parin ako. Ang rami rami niyang inamin at ang lahat ng iyon ay para akong lulunurin. Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat pero sa kanyang iyak, sa nakakabingi niyang hagulhol ay masyadong mahirap na hindi paniwalaan.
Naging tahimik nalang ako at wala nang masabi. Ayoko nang sumagot doon sa tanong niya total alam kong traydor rin minsan ang sarili ko. Kung sinabi kong hindi, baka isang haplos lang sa akin bumigay rin agad ako. Ganoon parin ang epekto niya sa akin at walang nagbago roon.
Nang napagod siya sa kakahilig ay ginawa niya nang unan ang kanyang mga braso roon habang nakatingin parin sa akin. Ngumuso ako.
“Ayaw mo bang maging sekretarya ko?” tanong niya.
Umiling ako at sumulyap sa baso. Hinaplos-haplos ko iyon at iyon ang pinaglaruan.
Hinuli niya ang aking kamay at iginiya iyon sa kanya. Sinundan ko lamang iyon ng tingin, walang balak bawiin hanggang sa pinatakan niya iyon ng halik. Medyo matagal iyon at masuyo na kahit ang init ng kanyang labi ay nadama ko.
“I’m going to win you back,” he said surely.
Namula ang aking pisngi at nag-iwas muli ng tingin. Alam kong mananalo siya… Masyado nang nipis ang litid ng pagpipigil ko at ano mang oras ay baka bumigay rin ako sa kanya. Para akong isang ice cube at siya naman ang apoy. Sa tuwing lumalapit siya ay natutunaw na agad ako.
“Matulog kana,” he whispered deeply.
“Saan?” tanong ko.
Nagulat siya sa aking tanong. Doon ko lang napagtanto na parang binibigyan ko pa siya ng choices na mamimili ako.
Shit… Ano ’yan? Pagkatapos mong marinig lahat lahat ng gusto mong marinig ay may paganyan kana? Ayaw mo nang humiwalay sa kanya?
“Saan mo ba gusto?” tanong ni Ken sa masuyong boses.
Namula ang aking pisngi.
“Sa k-kuwarto ko,” sagot ko agad nang makabalik sa sariling kahibangan.
Ken licked his lowerlip and nodded. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala siyang sinabing kalokohan lalo na’t ngayon na magkabati na kami ay parang balik na ulit sa lahat ang dati.
Hindi naman ganoon kadali ang lahat. Maybe we’ll go through some process pero at least nabigyan na namin ng tsansa ang isa’t isa na sabihin ang saloobin namin sa nangyari noon. Siguro ay mag-eenjoy nalang ako sa pace ng aming buhay. I’ll be extra careful right now.
Gusto ko nang bumaba sa aking stool at pumunta sa aking kuwarto pero hindi niya parin binibitiwan ang aking kamay. Pinaglalaruan niya ang aking mga daliri at wala rin akong balak agawin iyon sa kanya.
He sighed heavily. “I missed this…”
I can feel his frustrations. Gusto ko mang sabihin na miss ko rin siya ay kinimkim ko nalang. Besides, ang sabi niya ay patutunayan niya sa akin kaya ibibigay ko ang tsansang iyon sa kanya. Didistansya lang siguro muna ako.
Tinanaw pa namin ang isa’t isa habang hawak ang kanya-kanyang doorknob ng aming kuwarto.
“Goodnight,” sabi niya.
Tumango ako at bahagyang ngumiti ng tipid. Hindi ko na nagawang bumigkas pabalik at pumasok nalang ako kaso nang marinig ko ang yabag ng kanyang mga paa ay hindi rin ako natuloy at dinungaw siyang muli.
Malalaki na ang kanyang hakbang palapit sa akin. Bago pa ako makapagsalita ay niyakap niya na ulit ako. Bumuntong siya ng mahabang hininga sa aking ulo habang humihigpit naman ang kanyang yakap.
It felt so warm. Para akong maiiyak na ewan na gusto kong ganito nalang palagi.
“You sleep, okay? Stop worrying too much…” Hinalikan niya ang aking ulo.
I think I’ll get addicted to this… I’ll get addicted to his tight and warm hugs… I’ll get addicted to him. Parang mas mababaliw ako sa kanya ngayon kaysa noon.
Pinakawalan niya rin naman ako ngunit hinawakan niya pa ang aking kamay at bahagya iyong hinaplos. Nangingislap ang mga mata niyang nakatingin sa akin, tila ayaw na akong papasukin pero sinikap nalang na bitawan ang aking kamay.
“G-Goodnight,” bati ko at nauna nang binuksan ang aking pinto saka ako pumasok sa labis na kaba.
Sumandal muna ako sa pinto nang tuluyan ko iyong maisara. Sinapo ko ang dibdib kong kumakalabog. Pumikit ako. He deserves a second chance… We both need to heal and free ourselves from the chains of guilt. Napagod na akong magalit. Napagod narin akong mag-inarte. I just want to be fair. Mahal ko parin siya at kung gusto niyang h’wag nalang kaming magpaannul… papayag ako.
Noong nagising ako ay 11am na. Anim na oras akong nakatulog at hindi ko man lang namalayan ang alarm ko. Ganoon ako kahimbing…
Chineck ko ang cellphone ko at ang raming missed calls kay Eunecia. Marahil ay makikibalita lang iyon lalo na’t iyon rin ang bukambibig niya sa kanyang mga pabahang text sa akin.
Eunecia: Ano na? Baka naman gusto mong magkwento?
Eunecia: May nangyari ba?
Eunecia: Nagselos ba? Sumabog ba sa galit? Baka kung ano-ano na namang sinabi niyan sa’yo
Eunecia: Naghalikan ba kayo? HOY PARANG AWA MO NA MAGKWENTO KA NAMAN!
Eunecia: Pagod ka siguro ’no kaya di ka pa gising?!
Natampal ko nalang ang aking noo at nakikita ang loka-loka sa isipan kong humahagalpak na ng tawa. Parte na ata ng mundo niya ang makialam sa buhay ko at gusto niyang updated rin talaga siya.
Hindi nalang ako nagreply dahil sigurado akong hindi na ako tatantanan noon. Baka maubos ang buong araw ko kakadecline ng kanyang tawag.
Paglabas ko ay wala roong tao pero may naririnig akong pumapaibabaw na kanta sa isang silid. Sinuklay-suklay ko ang aking buhaghag na buhok gamit ang aking mga daliri at nagtungo sa pinangggalingan ng ingay.
Hindi pa ako masyadong nakakagala sa kabuuan ng condo niya. May mga parte parin dito ang hindi ko pa napupuntahan.
Tumigil ako sa isang nakaawang na pinto habang dala-dala ang aking bottled water na may laman nang tubig. Sumilip ako sa loob at nakita ko nga si Ken doon. Topless habang pawisan at nagbubuhat ng barbel. Ang silid na ito ay isang gym dahil narin sa mga equipments na nasa loob.
Lumunok ako nang makita ko kung paano nagflex ang kanyang mga muscles at kahit ang kanyang likod ay tila nahubog narin. Nakatalikod siya habang nakaharap doon sa transparent glass na nakabukas ang mahahabang kurtina.
Unti-unting bumaba ang aking tingin sa kanyang pwetan. Tumagilid pa lalo ang aking ulo ngunit kasabay noon ang kanyang paglingon. Mabilis akong natauhan at tumuwid agad ng tayo saka nag-iwas ng tingin.
Ibinaba niya naman ang barbel at dinampot ang malinis na tuwalya. Isinabit niya iyon at nagtungo sa akin.
Halos manliit ako sa aking sarili. Sa tuwing topless siya kung umasta ako ay parang first time ko siyang makitang ganyan! I realize I am just too skinny… Basta ang laki-laki rin kasi ng katawan ni Ken. He’s very manly and tall compared to me… Para parin akong… teenager? I don’t know. Iyon talaga ang tingin ko sa sarili ko dahil ang payat ko.
He crouched a bit and leaned closer to me. Namilog agad ang aking mga mata sa binabalak niyang gawin ngunit nang mapagtantong nagiging uneasy ako ay tumigil siya at mataman nalang akong tinitigan lalo na’t magkalebel na kaming dalawa.
“I was about to kiss you when I remember you’re not yet ready for this. Aren’t you?” he whispered.
Kumunot ang noo ko. Hindi ako makapagsalita at tumitig lang sa kanya.
“Ba’t mo ako hahalikan eh…” Lumunok ako.
Tumango-tango agad siya at tumuwid na. Pilit ko namang kinakalma ang naghuhuramintado kong sistema. Malalagutan na ata ako ng hininga.
“Pag okay na tayo… Can I kiss you more often?”
Namilog ang aking mga mata. Ano ba ’yang mga pinagsasabi niya! Pulang pula na ako at walang masabi.
Kinagat niya ang kanyang labi at sinilip pa ang aking ekspresyon.
“Humihingi lang ako ng permiso baka kasi pag bigla kitang hinalikan masampal mo ako.” He chuckled.
God… He’s… He’s just too…
“E-Ewan ko sa’yo.” Umirap ako at tumalikod dala ang pulang-pula kong pisngi.
Mabilis naman siyang humabol at umaaktong akala mo ay walang sinabi sa akin habang inaayos niya ang kanyang medyo basa at magulong buhok.
“Walang pasok sa kompanya?” tanong ko nang maibsan ang kaba.
“I can’t leave you while you’re sleeping. Pwede tayong pumasok mamaya o pwede ring magleave nalang muna ngayon,” sabi niya habang pinupunasan ang tumutulong pawis sa kanyang mukha.
Tumango ako at nahulog pa ang tingin sa kanyang matigas na tiyan. Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Inilahad ko sa kanya ang aking bottled water.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko siyang ngumuso at nagpigil na naman ng ngiti saka iyon tinanggap. Binuksan niya iyon at uminom.
“I made you some breakfast,” sabi niya at isinara muli iyong bottled water.
Tumango ako at naunang maglakad sa mesa. Pinaghila niya agad ako ng upuan nang makarating rin siya roon. Nagtungo naman siya sa countertop at may pinagkaabalahan doon. Tiningnan ko ang nakahawing mga kurtina at makikita ang kabuuan ng syudad sa labas. Ito ata ang unang umaga ko na kalmado lamang ako at wala gaanong iniisip. Para akong dinuduyan kaya ganito kagaan ang aking pakiramdam.
Inilapag niya rin naman iyong mga niluto niya. Sinundan ko lang ng tingin ang pinaggagawa niya habang nilalagyan ng pagkain ang aking plato. Tiningala ko siya at hinawakan ang kanyang pulso nang ang rami niya nang nilagay. Nakita ko ang dumaang gulat sa kanyang mukha dahil sa paghawak ko sa kanya.
“Tama na. Di ko na ’yan mauubos,” sabi ko.
“Okay…”
Binitiwan ko siya. Sinalinan niya naman ng pineapple juice ang baso ko. Sa tuwing nakikita ko iyan ay naaalala ko talaga ang mga memories namin lalo na’t iyan pa ang sinisisi ko noon dahil parang nawawala ako palagi sa sarili ko sa tuwing umiinom ako niyan.
Tumabi rin naman siya sa akin nang matapos siya sa kanyang ginagawa.
“Do you know how to bake?” tanong niya bigla.
Tumigil ako sa pagsubo at nilingon siya. Umiling ako. Eh wala naman kaming oven sa bahay. Gusto ko nga sanang matuto noon lalo na’t mahilig si Lucas sa cake kaso di namin afford ang mga ganoong kasangkapan.
“Baka gusto mong may pagkaabalahan ka rito para hindi ka nagmumukmok sa kuwarto mo. May guide ka namang libro kaya hindi ka rin mahihirapan,” sabi niya.
“Siguro sa ibang araw nalang pag wala akong naisip gawin,” paliwanag ko.
Tumango naman siya.
“I have so many plans but I guess you wouldn’t like some of it.” Nagkibit siya.
“Ano?”
Tumitig siya sa akin, umangat pa ang kanyang kilay.
“I was just thinking if… If we’re okay we can do something in each places. We can kiss on the counter area, on the living room, here, or inside the gym area… Or in my room…”
Noong sinabi niyang aayusin niya ako, hindi ko naman alam na pati pala ang manyak niyang pag-iisip ay maayos narin! Bumabalik na siya sa kanyang sarili at ako itong hindi masanay sanay! I told myself I’ll give him a hard time. Pero kung ganyan ang mga atake niya, ako ang nahihirapan sa pinaggagawa niya.
“Bakit ba ’yan lang ang nasa isip mo?” tanong ko at nagulat dahil nakaya ko pang magsalita.
Kinuha niya ang aking baso at doon uminom. I stared at him unbelievably.
“Naisip ko lang kagabi… Hindi ko naman kayang hindi mo ako mahalin pabalik kaya gusto kong mahulog ka rin sa’kin. I’ll do anything to make you fall inlove with me.”
Unti-unti nang nasisira ang aking ribcage dahil sa kalabog ng aking dibdib. Parang siguradong-sigurado siya pero ang hindi niya alam, matagal na akong nahulog sa kanya. Noon pa man, mahal ko na talaga siya. Siguro inisip niya rin na hindi tunay ang isinukli kong pagmamahal sa kanya noon dahil nga may deal rin kami ni Hiro pero minahal ko siya at mahal ko parin siya.
“Paano kung hindi?” wala sa sarili kong tanong at sumubo.
“I’m still going to do my best until you fall inlove with me. So madly inlove that you’re going to beg for your own chains…” Ngumisi siya sa akin, tila pursigido sa kanyang mga naisip.
Namula ang aking pisngi at pasimpleng umirap, wala nang iba pang magawa dahil alam kong doon talaga ako mahuhulog.
Nakontento ako sa aming topic sa oras na iyon. Ang namumuong pader sa aming pagitan ay unti-unti nang gumuguho. Ayoko ring pilitin ang sarili ko at umayon nalang sa mga nangyayari. Kung pwedeng dahan dahan muna ay papayag ako. But being around him gives me peace… Unti-unti na akong nahihila sa sarili kong karupukan.
Nararamdaman ko ang effort ni Ken sa mga lumipas na araw. Hindi niya na ako pinapatawag sa office niya pero madalas niya na akong pinupuntahan sa floor na pinagtatrabahuan ko para hatdan ako ng lunch ko. I told him to stop doing it kaso hindi rin naman siya nagpapapigil kaya heto ako ngayon sa may hagdan, kumakain habang tinatanaw ko siyang nagma-mop suot ang all black niyang suit at nakabukas pa ang dalawang botones ng panloob na polo without his tie.
“Meron pa doon oh…” Itinuro ko ang parte ng hindi niya naaabot.
Umangat ang kilay ni Ken sa akin. “You’re enjoying this aren’t you…”
Sumubo ako at bahagyang nagpigil ng tawa.
“Pagkatapos mo riyan linisan mo rin ’yung labas ng windows ng building ha.” Pagbibiro ko.
Nagkasalubong ang kanyang mga kilay. Sumubo naman ako at ipinatiling seryoso ang aking mukha kahit na gusto ko nang humagalpak. Sa araw-araw na paganyan-ganyan niya ay natutulak akong asarin ito.
May mga dumaang empleyado. May kung ano silang pinag-uusapan pero nang makita ang imahe ni Ken ay nagulat sila lalo na’t may hawak pa itong mop.
“Good afternoon, Sir…” Isa sa mga lalake ang bumati at nagsikuhan naman ang iba.
Tumango lang si Ken sa kanila at tiningnan ang mga footsteps. Sinisigurado niyang hindi madudumihan ang kakamop niya lang na sahig.
“S-Sir… Ako na riyan!” May lalakeng nag-ambang lumapit at agawin ang mop kaso umiling lang si Ken.
“I can do this. Bumalik na kayo sa mga trabaho niyo,” seryoso niyang sabi.
Nagsitanguan naman agad ang tatlong empleyado at nagawa pa akong tingalain dito sa stairs na pinag-uupuan ko. Sumubo ako at walang ibinigay na reaksyon sa kanila.
“Anong nangyayari?” Narinig kong bulong noong isang empleyado habang naglalakad sila paalis at nagawa pang lumingon ulit.
Nailing si Ken at ipinagpatuloy ang ginagawa. Nagawa niya pa akong sulyapan habang komportable akong nakaupo, ang mga paa ay namamahinga lamang at sa gilid ko ay ang paperbag na puno ng mga pinagdadala niyang pagkain. He even gave me a box of chocolates!
“Can I get a reward after this?”
“Huh?”
Itinuro niya ang kanyang pisngi. “A kiss from you will make me feel better.”
Umirap ako kaya sumimangot siya.
“Fine…” At nagmop ulit siya ng marahas na akala mo pati iyong tiles ay gusto niya nang tanggalin.
Ngumuso na lamang ako.
Ken never complained when it comes to my orders. Katulad noong nanliligaw siya sa akin ay ganoon parin siya kung umasta. And he’s always good mood with his employees now. Iyon ang tsismis na lumalaganap sa buong kompanya at idagdag pa ang pagiging janitor niya.
“Nababankrupt na ba ang kompanya at imbes na maghire ng panibagong janitor ay si Sir nalang ang sumasalo?” Napaisip si Mika sa Lunes ng umagang iyon nang nasa cafeteria kaming dalawa para doon kumain.
“Part time job na ata ni Sir Ken ang pagiging janitor.” Humagalpak siya ng tawa.
Nagkibit lamang ako at hindi masyadong nagsalita. Unti-unti naman siyang lumingon sa akin at kakaiba na ang tingin.
“Eh ano naman iyong kumakalat na balita na si Sir daw ang sumasalo ng mga trabaho mo? At dinadalhan ka pa raw ng mga pagkain…”
Nagkibit ulit ako na ikinabusangot niya.
“Tsismis lang,” tangi kong sinabi.
Unti-unting kumalma ang kanyang ekspresyon pero halatang may bumabagabag parin sa kanya.
“Pero kakaiba talaga si Sir sa mga nagdaang araw eh… Ang kalma kalma at good mood palagi! Marunong nang ngumiti at ito na ata ang buwan na ni isa ay walang nasesesante! Parang ang bait bait niya bigla at sa tuwing dumadaan iyon sa lobby ay ngumingisi na siya sa tuwing binabati namin ng Good morning!”
Hinalo ko iyong spaghetti at hindi masyadong pinagtuunan ng pansin ang kanyang sinasabi. Masyado silang nagugulat sa pagbabago ni Ken pero sa akin ay para lang bumabalik ang nakasanayan kong Ken noon. Iyong kalmado at palangisi. He’s the friendly ‘type’ of person kaya ang rami ring nagkakagusto na babae sa kanya. Pero kahit nga noong ang suplado niya na rito ay marami paring baliw eh. Isa na roon si Jelsen na sa tuwing nagtatama ang aming mga mata ay tinataliman agad ako ng tingin. Ako nalang ang umiiwas dahil ayoko ring kami na ang matsismis. Nagsabunutan dahil lang napugto na ang pasensya ng isa.
Biglang nagbeep ang aking cellphone. Sinilip ko iyon at nakita agad ang text ni Ken sa screen.
Ken: Where are you?
Nagtipa ako ng mensahe habang si Mika ay tumitingala parin sa kawalan at mukhang palaisipan talaga sa kanya ang pagbabago ni Ken.
Ako: Cafeteria. Kumakain.
Sumunod agad ang kanyang reply.
Ken: I bought you some lunch. You need to eat this.
Kinagat ko ang aking labi. Sumulyap ako kay Mika na hinahalo nalang ang aking spaghetti dahil hindi ko na natuloy iyon.
Nagtipa ulit ako ng mensahe.
Ako: Lumabas ka nalang tapos ibigay mo sa mga street children.
Hindi na agad ito nakareply kaya inabala ko nalang rin ang sarili ko sa pagkain. Ang rami pang kuwento ni Mika sa akin at hindi ko na maintindihan kung saan na siya napadpad.
“Bwesit na bwesit ako sa feelingerang iyon! Kung makaasta akala mo talaga kung sino eh!” Nanggigigil niyang sabi na ikinakunot ng noo ko.
“Sino?” tanong ko nang hindi ko na mahabol ang iba niyang sinabi kanina.
“Sino pa ba ang feeling dito? Si Jelsen lang naman.” Umirap siya.
“Ah…”
Wala na akong masyadong komento pa. Besides, hindi rin naman bago sa akin ang pagiging feelingera ng babaeng iyon. Kulang na nga lang ay ipamukha niya sa akin ang isang bagay na di naman sa kanya.
Nakuha ng grupong empleyadong mga babae ang aking atensyon dahil sa kanilang paghahagikhikan.
“Nakakainlove si Sir Ken… Ang bait-bait!”
“Oo nga eh! Nakangiti pa siya roon sa mga street children na binigyan niya ng pagkain!”
“Hay ang swerte ng babaeng pakakasalan niya! Kahit masungit iyon minsan nakakainlove na nga eh ano nalang kaya ngayon na nakakaloose na ng panty ang ngisi?”
Hindi ko naiwasang hindi mapangiti sa aking narinig. Sinunod niya nga iyong sinabi ko. Bigla naman akong itinuro ni Mika sa gulat na mukha.
“Ngumiti ka!”
“H-Huh?”
“Nakita kitang ngumiti! Marunong ka pala?! Ano bang nangyayari at good mood ata kayong lahat?” Takang-taka na siya.
Umiling nalang ako sa kanya. Syempre masaya ako kaya ngumiti ako.
45th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Krisha Mae Macahia. Happy reading!
Sa’yo Lang
“Walang nangyari? Kahit kiss? As in wala?”
Hindi ako tinigilan ni Necia noong magkita kaming muli. Kulang nalang ay sugurin niya ako sa condo ni Ken. Sabado at nagpahatid lang ako kay Mang Rodulfo dahil nakikipagkita siya sa akin pagkatapos ng trabaho ko. Nasa isang cafe kami at noong makaupo na ako sa mismong harap niya ay sunod-sunod na agad ang kanyang tanong.
Bumuntong ako ng hininga. “Wala nga. Nag-usap lang.”
Lumukot ang kanyang ekspresyon.
“Edi… Hindi siya nagselos? Eh ba’t ka raw niya sinundan?”
Hindi ko alam kung alin ang sasagutin sa dalawa. Nagkibit ako at sumubo noong slice ng cake na nilibre niya sa akin. Ang tangi niya pang nagagalaw ay ang kanyang frappe dahil masyado akong pinagtutuunan ng pansin.
“Ewan ko,” tangi kong sagot kaya mataman na siyang tumitig sa akin.
“Anong pinag-usapan niyo?”
Humalukipkip ako sa aking upuan. Bumabakas naman ang frustrations sa kanyang mukha. Siya talaga ang number 1 na tsismosa sa buhay ko.
Hinawi ko ang aking buhok at nag-iwas ng tingin.
“Ang sabi niya mahal niya pa raw ako-”
Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin ay tumili na siya. Ang mga customer dito ay pinagbabato agad kami ng matalim na tingin kaya sinenyasan ko siyang h’wag maingay. Tinakpan niya naman ang kanyang bibig pero nangingisay parin sa kanyang upuan.
“Ganon naman pala! Eh anong sagot mo? Sinabi mo bang mahal mo rin siya?” Namilog na ang kanyang mga mata, desperadang desperada sa aking sagot.
Kinagat ko ang aking labi at umiling. Ang ngisi sa kanyang labi ay agarang nabura. Sumimangot siya ng husto at dismayado na ang tingin na iginagawad sa akin.
“Huh? Ano pang inaarte arte mo? Magpapakipot kana naman? Dapat sinabi mo nalang rin nang kapwa na kayo sumaya! Nang matapos na ’yang kadramahan sa buhay niyong dalawa! Nabubwesit na ako ha…” Nahipo niya ang kanyang noo at tila nastress.
“Hindi naman ganoon kadali ’yon, Necia. Kailangan naming magdahan dahan…”
“Anong dahan-dahan? Dahan-dahang ipasok?” she concluded.
Nanlaki ang aking mga mata at gusto nalang siyang batuhin ng tinidor. Humagalpak siya.
“Kailangan naming magdahan-dahan sa mga bagay-bagay,” giit ko, halos taliman siya ng tingin.
Tumango-tango siya at iniangat ang mahabang baso noong frappe niya.
“Fine, fine… Magdahan-dahan kayong dalawa. Edi okay na kayo?” Sinipsip niya ang straw noong frappe.
I’m not sure if we’re really okay but I guess we’re doing good. Nakakapag-usap kami ng normal at unti-unti nang nawawala ang ilang sa pagitan naming dalawa. Napapadalas ang pag-uusap namin tuwing nasa condo niya kami ng kung ano-anong bagay. Nararamdaman ko narin ang dating Ken but the matured one. He already knows when to throw his jokes at mas seryoso siyang tao ngayon kaysa noon. He’s fully a man now, unlike when we’re in a relationship.
Mature naman siya noon but he’s more mature now. Ewan ko kung may napapansin ba siyang pagbabago sa akin o ano but I’m happy… Masaya ako ngayon at kontento sa nangyayari.
Nagbeep ang aking cellphone kaya mabilis ko agad iyong tiningnan. Ang tsismosang si Necia ay nagawa pang sumilip na kahit inilalayo ko ay gusto niya talagang makita.
Ken: You done?
“Grabe naman iyang asawa mo! Kakakita palang natin binabawi kana agad! Ipinagdadamot kana,” ani Necia nang mabasa ang text ni Ken.
Hindi ko siya sinulyapan at nagtipa nalang ako ng mensahe.
Ako: Hindi pa.
Itinuro pa ni Necia ang aking mukha at mukhang aasarin na naman ako.
“Nagpipigil ka ng kilig oh!”
Umirap ako sa kanya at ngumuso nang hindi matawa sa kanyang mga paratang sa akin.
Bago ko pa man iyon mailapag ay nagreply na agad ito. Si Necia naman ay parang malikot na uod sa aking tabi at gusto na naman iyong silipin.
Ken: I’m going to fetch you later, baby.
Nakagat ko ang aking labi. Parang bumabalik ang mga paru-paro sa aking tiyan na matagal nang naglayas. Ngayon ay naroon na ulit sila, gumagala sa bawat sulok kaya nakikiliti ako.
“I’m going to fetch you later, baby… Baby!” Diin ni Necia sa huling sinabi ni Ken at halos ipagsigawan iyon sa buong cafe.
“H’wag mo ngang basahin!” Inilayo ko iyon sa kanya lalo na’t namumula na ang aking pisngi!
“Baby ka pala niya eh! Akala ko wife! Inispoil kana naman ata ng SugarDaddy mo!” Tinusok-tusok niya ako sa tagiliran habang nanlalaki naman ang aking mga mata.
“Anong sugardaddy? Nababaliw kana.” Halos murahin ko si Necia dahil sa mga customer na pinagtitinginan na kami rito dahil sa kaingayan niya.
Tumawa siya lalo at halos matapon pa ang hinahawakan niyang frappe dahil sa kalikutan.
“May pa fetch fetch pa. Aso ka pala eh!” Hinampas niya ang table namin at mas lalong humagalpak.
Parang matatanggal na ang mga kilay ko at ako itong naiistress sa reaksyon ni Necia. Itinuon ko ang tingin ko sa aking cellphone at nagtipa roon ng mensahe habang ang kasama kong loka-loka ay mamamatay na ata sa kakatawa sa aking tabi.
Ako: Okay
“Ang boring mo paring katext! Buti at napagtitiisan ka ni Ken.” Nailing iling siya nang silipin ulit ang munti kong reply.
“Tigilan mo na nga ako.” Bahagya ko siyang itinulak dahil hindi na humuhupa ang pamumula sa aking pisngi.
Umayos naman siya sa pagkakaupo at hinalo halo iyong frappe gamit iyong straw.
“Pero kung ako siguro ang sinuyo-suyo ni Ken unang araw palang bibigay agad ako sa kanya. Nakakatuliro kaya ang ganoong mukha, ang ganoong tindig at mala Adonis na ang kabuuan! Jusko… Baka palagi akong nalalagutan ng hininga sa tuwing magkakatinginan kami at magiging kamatayan ko ang malalim niyang titig!” Para na siyang nagdedeliryo at tumitingin tingin pa sa kawalan.
Base on my experience ay nakakatuliro nga si Ken. Siya kasi iyong tipo ng lalakeng masarap titigan pag hindi nakatingin sa’yo pero pag siya ang tumitig ay sobra ring nakakalusaw. Pakiramdam mo ay ang ganda mong babae para makuha ang buo niyang atensyon. Ideal siya ng lahat na kahit sino mang babaeng makakita sa kanya ay papangarapin at gugustuhin talaga siyang maging boyfriend.
“Buti at binigyan mo siya ng chance…” aniya, sumeryoso na ulit ang boses na nagpabalik sa aking sarili.
Isinabit ko ang tumakas na hibla ng aking buhok sa aking tainga at kinuha narin ang aking frappe.
“Narealize ko lang… Hindi rin natin masisisi ang galit ni Ken sa’yo kasi kung pagbabasehan sa side niya, namatayan rin naman siya. At ang masaklap pa, pinaniwala mong sinadya mo pa talaga. Kaya siguro ganoon siya kagalit sa’yo eh noong kayo ni Ken parang hindi naman siya nagpapanggap eh.”
Nagkatinginan kami.
“At sa side mo rin, hindi mo talaga kinaya kaya umabot ka sa puntong sinasaktan mo na ang sarili mo dahil nalunod ka sa depresyon. Kaya kung iisiping mabuti, wala namang may kasalanan talaga. Bawat side ay nawalan.”
Nagloosen ang aking balikat. Kaya rin siguro hindi ko magawang magtanim ng galit kay Ken dahil tinanggap ko agad ang kamalian ko maliban sa kanya na pinaniwala ko sa isang kasinungalingan kaya siguro ako ang sinisisi niya.
“Malay mo ’di ba, this time mas tumibay lamang ang relasyon niyong dalawa dahil sa napagdaanan niyo. Marami rin naman kayong natutunan sa nangyari kaya pag nagkabalikan ulit kayo, alam niyo na kung paano ihahandle ang isa’t isa,” sabi niya at sumipsip ulit sa frappe.
Wala akong masabi. Sumipsip nalang rin ako sa frappe at nag-isip ng kung ano-ano. Kung magwowork man kami ni Ken… edi mabuti. Pero paano kung hindi na kami magwork-out?
“Paano kung hindi na kami magwork-out?” Naibulalas ko na ang aking iniisip.
Umirap naman agad si Eunecia sa akin.
“Bakit hindi magwowork-out? Walang relasyong hindi magwowork-out kung mahal niyo ang isa’t isa at may tiwala kayo. Ang mga relasyong hindi nagwowork-out ay iyong mga hindi balanse. Pag balanse tingin mo may mag-isang malalaglag? Kung marunong bumalanse ang isa sa inyo, kahit mabigat na, kahit gusto nang sumuko noong isa, sisikapin noong bumalanse na ibigay ang buong lakas niya hindi ka lang malaglag.”
Tumitig ako ng seryoso kay Necia. Umaandar na naman itong biglaan niyang pagiging malalim. But she’s right… If Ken didn’t ask for a chance hindi ko rin naman ipipilit ang meron sa amin. Makokontento nalang ako sa lahat. I am still scared but this time, someone’s holding me. Si Ken ngayon ang nagpaparamdam sa akin na wala dapat akong ikatakot dahil kasama ko siya. He’s always assuring me that we’ll work. He’s always assuring me that everything’s going to be okay.
Siya ang bumabalanse sa aming dalawa. Ako itong palaging mahina pero siya ang malakas. Ako ang gusto nalang bumitaw pero siya ang gusto paring kumapit. Ako itong negative at siya ang positive. We’re opposite yet balance.
Sinundo rin naman kami ni Ken sa tapat ng cafe. Nagawa pang tusukin ni Necia ang aking tagiliran na ikinatalon ko.
Ken went out on his car wearing a fit long sleeve, rolled till his arm revealing his rolex and his well exposed forehead.
“Ang suwerte mo nga naman…” bulong sa akin ni Necia at natulala na.
Itinikom ko ang nakaawang kong labi. Binuksan ni Ken ang backseat.
“Ihatid kana namin,” sabi niya kay Necia na mabilis namang tumango at iniwan agad ako para pumasok doon.
“Ang bango mo.” Humagikhik pa siya nang dumaan sa gilid ni Ken at tuluyang pumasok.
Mariin akong tumingin kay Necia para sana awatin ito kaso si Ken lang itong nililingon niya. Umiling si Ken habang nakangisi at pinasadahan ng haplos ang gilid. Sumulyap naman siya sa akin kaya ikinalma ko agad ang aking ekspresyon.
“Did you have fun?” tanong niya sa kalmadong boses.
“Kumain lang kami,” sabi ko at nag-iwas agad ng tingin.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at binuksan narin iyong front seat. Pumasok naman ako roon nang walang sinasabi at noong dumaan ako sa kanyang gilid ay tama nga si Necia, sobrang bango nga ng lalakeng ito.
Pumasok rin naman si Ken sa driver’s seat. Sa gitna ng byahe ay napapansin ko pa ang patikhim tikhim ni Necia sa likuran. Noong nilingon ko ay itinuturo niya si Ken at lumalabi ng kung ano-ano. Pinagpapantasyahan niya na naman ata.
Umirap nalang ako sa kanya at itinuon ang aking tingin sa labas ng bintana.
Tumigil rin naman kami sa isang malaking apartment. Nagboboard ba siya?
“Salamat Ken… Aioni. Mrs. Delafuente…” Pang-aasar niya habang lumalabas.
Sinamaan ko ito ng husto kaso lumabas narin sa backseat.
“You’re welcome,” ani Ken nang dumungaw si Necia sa aming bintana.
“Nagboboard ka?” tanong ko nang manibago sa paligid.
Umiling siya at ngumisi. “Boyfriend… Pupuntahan ko lang. Namimiss ko kasi.” Tumawa siya at kumaway narin.
Pinapasok muna namin ito saka ako nagyayang umalis. Ang rupok rin talaga ng babaeng iyon… Gabi na tapos pupuntahan niya pa.
“Ikaw, kailan mo ako mamimiss?” biglaang tanong ni Ken sa akin sa gitna ng katahimikan.
Binalingan ko siya.
“Wala naman akong boyfriend. Wala akong mamimiss,” sabi ko na halos ikinasimangot niya dahil sa pagtama ng ilaw sa dinaanan naming street lights.
“How about your husband? Do you miss him? Mahigit dalawang oras rin kayong hindi nagkasama,” aniya habang pabalik balik ang tingin sa daan.
Nagkibit ako. “Konti.”
“You’re mean, Mrs. Delafuente,” sabi niya sa matigas na accent na ikinalunok ko.
Naninindig talaga ang balahibo ko sa Mrs. Delafuente. Gusto ko man iyong h’wag pansinin at h’wag magpaapekto ay namumula agad ang aking pisngi.
Hindi na ako makasagot lalo na’t nagwawala na naman ang mga paru-paro sa aking tiyan. Para silang nadisturbo roon kaya ganoon nalang kalikot.
“Anyway… My birthday is coming this June 23. I don’t have any plans so maybe you can suggest something.”
Birthday niya? June na ngayon ah? So tatlong linggo nalang birthday niya na.
“Ilang taon kana niyan?” tanong ko na agarang ipinagsalubong ng kanyang mga kilay.
“27.”
Ngumuso agad ako. “Ang tanda mo na pala.”
His eyes sharped at me. “I am not yet in my thirties…”
“Matanda parin ah. 22 lang ako at next year pa ako magt-twenty three. Ang bata ko ka kumpara sa’yo na malapit nang mag 30.”
Papunta na sa simangot ang kanyang mukha dahil sa nakikita kong iritasyon. Naalala ko tuloy noong inasar ko rin siya sa kanyang edad ay ganyan rin ang kanyang reaksyon.
“Kaya mo pa bang magpaparty? O baka kailangan mo lang ng pahinga niyan dahil baka-”
“Tss…”
Kinagat ko ang aking labi at nagpigil ng tawa.
“Kaya siguro ang bilis bilis mong sumabog sa galit ’no? Signs of aging lang pala-”
“Stop it, Aioni.” Mas lalong sumuplado ang kanyang mukha.
Tumagilid ang aking ulo at sinilip ang kanyang ekspresyon.
“May puting buhok kana nga oh…” Ngumisi ako at pabirong itinuro ang kanyang buhok.
Ken glanced at me. Tumitig siya sa aking labing nakakurba. Mas lalo lamang siyang nairita roon.
“Fuck, your smile is just so fucking sexy…” He sighed deeply.
Kumurap ako at natigilan sa aking narinig. Pumula ang aking pisngi at tumigil na sa pang-aasar sa kanya. Hindi ko nalang talaga nakokontrol ang sarili ko at nawiwili narin akong asarin siya. Palagi kasi akong namamangha sa guwapo niyang mukha na mas lalo lamang nagiging guwapo sa tuwing nagsusuplado siya.
Naging awkward para sa akin ang katahimikan. Ngumuso na ako at nagpigil ng ngiti habang nakatanaw sa labas ng bintana. Si Ken naman ay namumungay ang mga mata sa kalsada.
“I want to kiss you,” bulong niya na hindi nakaligtas sa aking pandinig.
Lumunok ako at mas grumabi lamang ang kalabog ng aking dibdib. Ang mga paru-paro sa aking tiyan ay parang nasunugan dahil masyado narin silang nagwawala sa loob. Pasimpleng kumuyom ang aking mga kamay sa aking kandungan at humawak sa tela ng aking dress. I heard him muttered some curses, almost stopping himself from doing such thing.
Sasagot ba ako sa sinabi niya? Pero di naman siya nagtatanong ah? At ano namang isasagot ko? Oo pero dapat saglit lang? H’wag na! I think it’s a trap. Maaadik lang ako at baka ako pa ang magmakaawa sa kanya na halikan niya ulit ako.
The first time he kissed me, something happened. Pinamulahan lang ako lalo ng pisngi dahil sa pinag-iisip ko.
Dumating rin naman kami sa kanyang condo at halos hindi na ako makaimik. Isang hila niya lang sa suot na damit sa kanyang likuran gamit ang isang kamay ay nahubad niya na agad ito.
Lumunok ako at hindi alam kung dederitso na ba sa aking kuwarto o magpapahangin nalang muna sa veranda. Ang ganda narin kasi ng citylights doon.
“S-Sa veranda lang ako,” sabi ko at dumeritso na roon, ni hindi na hinintay ang kanyang sagot.
Pagkarating ko roon ay pumakawala agad ako ng hininga. Malalagutan na ata ako ano mang oras dahil sa pagpipigil ko. Hinubad ko lang ang aking sling bag at inilagay iyon sa gilid saka ako nagtungo roon sa malambot na armchair.
Iniangat kong muli ang aking mga paa at ipinagkasya ang sarili roon. Masarap ang hampas ng hangin at para akong dinuduyan, idagdag pa ang kumikislap na mga Citylights. Para silang mga bituing nahulog sa madilim na parte ng lugar na iyon.
Ilang sandali lamang ay pumasok si Ken rito, nakasuot na ng itim na sleeveless shirt at isang sweatpants, katulad ng nakasanayan niyang suotin.
Deri-deritso ang paghakbang niya patungo sa akin gamit ang seryosong mukha.
Bago ko pa mahulaan ang balak niyang gawin nang tumigil siya sa aking harapan ay umangat na ako sa ere dahil sa kanyang pagkarga sa akin at siya mismo ang umupo roon.
Parang tumalon ang puso ko sa labas ng veranda ganoon rin ang katinuan kong kanina ko pa itinatali sa akin. Hindi ko magawang pumalag man lang at hinayaan ko nalang ito nang walang sinasabi.
Isinabit niya ang aking mga paa sa arm rest ng upuan habang ang kanyang isang kamay ay nakapulupot sa aking balikat at ang isang kamay naman ay pumulupot na sa aking beywang.
Nangingibabaw ang isang komportableng pakiramdam ko noon sa tuwing nasa kandungan niya ako at malapit kami sa isa’t isa. Parang kahapon lamang iyon dahil ganito iyon kainit, ganito kakomportable pero may kasama nang pangungulila.
“I just need this to… calm myself,” sabi niya nang malaglag ang tingin sa akin.
Kumurap ako at magtatanong na sana kung saan pero nang maramdaman ko ang kung anong matigas na bagay sa kanyang gitna, kung paano niya ako niyakap ng mahigpit at ibinaon ang mukha sa aking leeg at huminga ng malalim doon ay kinilabutan na ako. He’s… He’s turned on!
“I think this won’t work…” paos niyang sabi. “You smell so good…” he chuckled softly.
“Tumigil ka nga.” Kinagat ko ang aking labi at namula.
He sighed again. Lumunok naman ako pero tila kay hirap na dahil parang ang rami nang bumara roon.
Pinaliguan niya ng maliliit na halik ang ilalim ng aking mata. Ang balak kong kumapit sa kanyang balikat ay napunta nalang sa kanyang braso.
Mariin siyang pumikit at parang napaso sa simple kong pagkapit doon lalo na’t tumigil rin siya sa paghalik.
“Bumalik kana sa akin, Aioni…” bulong niya na puno ng pangungulila.
Hinanap ko ang kanyang mga mata at humarap na sa kanya. Dumilat siya. Kumikislap na iyon at parang sinasalamin ang mga Citylights sa malayo.
“Nasa’yo na ako, Ken. Ano pa bang gusto mo?”
“Para kasing ang layo mo parin…” Umalis ang kanyang kamay sa aking beywang at napunta na sa aking pisngi. Hinaplos haplos niya iyon habang nakatitig ako sa kanya.
“I can wait until you’re ready again. Makakahintay naman ako hanggang sa mahalin mo narin ako pero minsan naiinip ako at gusto kong ngayon na. Gusto ko ngayon mo ako mahal, bukas… Sa susunod na araw, buwan, taon… Hanggang sa tumanda tayong dalawa. Gusto kong mahal mo na ako para mapakasalan na kita ng totoo.”
Singpula na ata ng kamatis ang buo kong mukha. Parang may party na sa loob ng aking tiyan at maraming imbitadong mga paru-paro kaya sobrang nakakakiliti na.
I want to tell him I love him but I just couldn’t speak the right words. Napapangunahan ako ng pagkamangha, ng gulat, ng emosyon ko kaya natatahimik ako.
Isinabit niya ang ilang hiblang sumabog sa gilid ng aking tainga dahil sa hampas ng hangin sa akin habang malalim parin ang kanyang paninitig sa seryosong ekspresyon.
“Alam kong mag-asawa tayo pero nagpakasal lang tayo dahil sa mga kondisyon. Gusto kong magpakasal ulit tayo dahil mahal natin ang isa’t isa. Gusto ko, ako lang ang mahal mo… Gusto ko, sa akin ka lang. Gusto ko, baliw ka rin sa akin katulad ng pagkabaliw ko sa’yo na hindi mo kayang mabuhay kung wala ako sa tabi mo.” Kinagat niya ang labi at tila nafrustrate.
“Tangina ang desperado ko sa pagmamahal mo.” Mas lalo siyang nafrustrate.
Kinagat ko ang aking labi, nawiwili sa kanyang ekspresyon.
“Noong anim na taon… Hindi ka man lang ba… Nahulog sa ibang babae?” tanong ko sa maliit na boses.
Binasa niya ang pang-ibabang labi. Ang kanyang kamay ay dumako na sa aking baba at doon na humahaplos.
“Hindi na ako nakaahon noong nahulog ako sa’yo. That’s my biggest downfall…” pag-amin niya sa malungkot na boses.
Napaiwas ako ng tingin doon. Kung naghirap ako sa anim na taong nakalipas, marahil ay naghirap rin siya sa ibang paraan.
Tama nga ako na ginawa niya lang past time iyong sekretarya niya. Pero may parte sa akin ang kumikirot sa tuwing naalala kong nadadatnan ko sila sa opisina niya na may kung ano-anong ginagawa. Naisip ko bigla kung dumating ba siya sa punto na gusto niya nalang makabuntis ng ibang babae para punan ang pangungulila niya sa magiging anak niya sana.
“Eh paano naman iyong sekretarya mo? Mukhang marami kayong ginagawa at nag-eenjoy kayo sa isa’t isa.” Naging matabang ang aking boses at halos umirap sa inis.
Ngumisi siya at tumagilid pa ang ulo para silipin ng buo ang ekspresyon kong gusto kong itago sa kanya.
“Were you jealous?”
“Hindi!” agap ko. “Hindi rin ’no.”
Kinagat niya ang labing nakangisi at pinaglandas ang hintuturong daliri sa linya ng aking ilong.
“I never fuck her. Iyong nadatnan mo, iyon lang ’yon.”
Mariin ko siyang tinitigan. Tumaas pa ang dalawa niyang mga kilay at mukhang siguradong sigurado.
“Ikaw lang ang naging huli ko sa kama,” pag-amin niya na awtomatikong ikinapula ng aking pisngi habang ang kanyang hintuturong daliri ay naglakbay na sa aking panga.
Bumaba ang kanyang tingin sa aking labi. Lumunok ako.
“Imposibleng sa anim na taon wala kang ginalaw eh sa pagkakaalala ko uhaw ka sa babae.”
“Ganyan parin pala ang tingin mo sa akin?” Umangat ang isa niyang kilay. “Hindi ako uhaw sa babae, Aioni. Sa’yo lang ako nauhaw ng husto.”
46th Chained
Chained
-PfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Kathy Jane Lugo. Happy reading!
Turn on
Hindi ko mabura bura ang ngiti ko noong gabing iyon nang makahiga na ako sa aking kama. Parang noong nakaraan lang ay umiiyak iyak pa ako pero ngayon ay kulang nalang umabot sa aking tenga ang ngiti ko.
Linggo. Hindi nagyaya si Necia sa akin kaya wala rin akong naging plano noong araw na iyon. Ang balak ko nalang sana ay pumunta sa bahay kaso hindi muna ako nagpaalam kay Ken dahil baka may plano rin siya…
Sa umagang iyon ay nadatnan ko nalang siya sa loob ng countertop, topless, magulo ang buhok at tila may niluluto na naman dahil naaamoy ko rin ang isang masarap na pagkain.
Dala-dala ang aking bottled water ay tahimik akong naglakad papunta roon kaso hindi pa ako tuluyang nakakarating sa kanyang dako ay lumingon na agad ito sa akin.
Tumigil ako sa paglalakad. Ngumisi naman siya.
“Good morning…”
Kumalabog agad ang aking puso dahil lang sa simpleng pagbati niya at may kasama pang ngisi. Iyon na ang naging rason kaya halos hirap na akong ibuka ang aking bibig.
“Good morning…” mahina kong pagbati.
Kinagat ni Ken ang kanyang nakangising labi saka ako pinasadahan ng tingin. Nagpanggap nalang akong walang nakikita sa ginagawa niya at nagtungo na sa harap ng ref.
“Do you have any plans today?” tanong niya.
“Uh… Wala naman,” sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya.
Nakita ko siyang sumulyap sa aking pwetan. Simpleng pajama prints at loose tshirt lamang ang aking suot, idagdag pa ang buhaghag kong buhok.
“Gusto mong sumama sa’kin?”
Isinara ko ang ref pagkatapos lagyan ng tubig ang aking bottled water. Binalingan ko siya na umangat rin naman ang tingin.
“Saan?”
Nagkibit siya. “Anywhere you like.”
“Huh? Akala ko ba may lakad ka?” Uminom ako ng tubig at sumandal sa kanyang malaking douboe door ref.
“Yun na nga. May lakad ako kung sasama ka. Pero kung hindi ka sasama ay wala akong lakad. I’ll stay here… with my wife.”
Mabilis kong naibuga ang aking ininom. Nauubo kong pinunasan ang aking labi habang humalakhak naman si Ken at hinila na ang aking beywang.
Sinapak ko ang kanyang dibdib at sinamaan ito ng tingin habang umuubo parin ako ngunit hindi man lang siya natinag at nagawa pang punasan ang aking baba.
“Nanggugulat ka.” Mas lalo ko siyang tinaliman ng tingin.
Kinagat niya ang labing nakangisi at nagpatuloy sa pamumunas. Masyado siyang malapit na naaamoy ko ang natural niyang bango sa umaga.
“What should I call you then if you’re not comfortable with it… Hmm, baby?”
Halos magmura na ako sa kanyang harapan. Balak niya ba akong lunurin ngayong umaga sa mga atake niya? Kung ganoon sana hindi nalang pala ako nagising at sumakabilang buhay nalang agad kaysa paunti-unti niya akong papatayin sa kanyang mga salita.
“I-Iyong niluto mo.” Itinulak ko siya at nagpeke nalang ng inis.
Sinulyapan niya iyon saka niya ibinalik ang tingin sa akin at bigla nalang akong hinawakan sa aking beywang. Umangat ako sa ere hanggang sa ipinaupo niya ako sa gilid ng kanyang niluluto.
Bumalik na ulit siya sa harap ng pinagkakaabalahan niya at nandito naman ako sa tabi, hawak hawak ang bottled water ko habang nakatingin sa kanyang fried rice na maraming rikados.
“Wala ka bang lakad ngayon? Kung meron ako nalang ang sasama sa’yo,” sabi niya sa baritonong boses habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa kanyang niluluto.
Umiling ako. “Wala nga…”
“Dito nalang tayong dalawa?” tanong niya sa nanunuyang boses, tila may ipinapahiwatig na.
Sandali akong nag-isip. Buong araw kaming nandito lang? Ano naman ang gagawin namin? Titigan?
Hindi agad ako nakasagot. Pinanood ko pa siyang ilipat sa isang bowl iyong niluluto niya. Nagtungo rin siya sa harap ng ref at binuksan iyon saka kumuha ng dalawang itlog.
Bumalik siyang muli sa kanyang pwesto. Nag-isip isip naman ako ng pwedeng puntahan kung sakaling matuloy ang lakad namin. Hindi naman ako eksperto sa mga magagandang lugar dito eh kaya wala rin talagang pumapasok sa isip ko.
“How about we buy some things? Wala ka bang gusto?” tanong niya habang piniprito na iyong itlog.
Tiningnan ko ang kanyang perfect na sunny side-up.
“Wala…” sagot ko.
May pinindot siya sa gilid ng electric stove at mukhang tapos na sa kanyang ginagawa. Buong akala ko ay aasikasuhin niya na iyong sunny side-up sa kawali kaso nagtungo rin siya sa aking harapan at itinukod na ang magkabila niyang braso sa bawat gilid ko.
“Gusto mo lang bang dito tayo? If you’re not going to suggest anything then we’ll end up in my room today, Aioni…” He smirked sexily, biting his lowerlip.
Shit… Wala na talaga akong maisasalbang katinuan sa araw na ito at lahat ay tinakasan na ata ako na kahit anong kadena ko sa kanila ay kusa parin silang kumakawala dahil sa pinaparamdam ni Ken. He’s going to be my heart’s death…
“Makakapagpigil naman ako kaso namimiss ko rin talaga ang pag-iingay mo. Lalo na pag nasa ibabaw mo ako.”
Nasunog na ang buo kong mukha habang marahang tumatawa si Ken. Gusto ko siyang pagmura-murahin kaso kahit ang aking boses ay bigo ko nang mahagilap.
Umangat ang isa niyang kamay at hinaplos ang aking pisngi.
“You’re so red…”
Suminghap ako at hinawi ang kanyang kamay.
“M-Mainit!” sigaw ko at itinulak rin siya.
Umatras siya. Hindi ko alam kung ganoon iyon kalakas o kusa talaga siyang umatras. Ngumisi pa siya at tila nag-eenjoy sa nakikita niya sa aking mukha.
Bumaba rin naman ako roon at umalis dala-dala ang bottled water. Dinala niya rin naman sa mesa ang kanyang mga niluto saka kami roon kumain. Naging topic niya ulit ang lakad namin sa araw na ito. Umaandar ang pagiging manyakis niya kaya nagyaya nalang talaga akong magMall kahit wala naman akong gustong ipabili basta lumabas lamang kaming dalawa.
I wore a vintage ruffled high waist tie midi dress and ponytailed my hair while he’s wearing a denim polo paired with pants and shoes. Hindi ko alam kung nakailang sulyap ako sa kanya noong nagmamaneho na siya pero di ko talaga mapigilan dahil ang guwapo niya.
Nagtungo kami sa malaking Mall. Ito ang unang beses naming pumunta sa Mall nang magkasama. Noong kami pa ay kumakain naman kami sa labas katulad ng Restaurants pero hindi talaga kami nakakagala sa mga ganito. Ni hindi ko nga maalala kung nagdate kami noon eh.
Oh right… Nagdate kami noong Valentines at iyon nga, sinagot ko siya tapos may nangyari… Namula ang aking pisngi dahil doon kasabay pa ng pagsulyap ni Ken sa akin habang naglalakad kami.
Iginapang niya ang kanyang kamay sa aking beywang hanggang sa madikit ako sa kanya.
“You’re blushing,” bulong niya sa aking tainga.
“May naalala lang,” sagot ko at kinabahan na naman sa lintek na kamay niyang nakapulupot na ngayon sa aking beywang.
“Tayo ba ’yan?” panghuhula niya at halos siguradong sigurado pa.
“Bakit mo naman nasabi?” Nagkasalubong ang aking kilay.
Nagkibit siya at ngumisi. Umirap nalang ako at itinuon sa ibang bahagi ang tingin.
Pansin ko na maraming napapatinging babae sa kanya. Sa kanya lang talaga at hindi na umaabot ang mga mata sa akin. Sanay naman akong palagi talaga siyang agaw atensyon kaso minsan nabubwesit narin ako kung bakit kailangan pa talaga siyang titigan ng matagal.
Pumasok kami sa isang apple store. Gumala ang aking tingin sa mga cellphone na nakadisplay roon habang si Ken naman ay nilapitan na ng mga saleslady.
“Yes Sir…” malambing tawag sa kanya noong isa.
“I want the latest model,” ani Ken.
Tumango-tango naman agad iyong babae. Bibili siya ng new cellphone?
Halos tatlong saleslady ata ang umasikaso sa kanya o sadyang nakikisawsaw lang talaga iyong dalawa lalo na’t minsan ay tutunganga lang sa harapan ni Ken.
Tahimik lang ako sa kanyang tabi habang chinicheck niya iyong nirequest niyang model. Tumingin naman ako sa iba pa habang busy siya roon at halos mahimatay nang makita ang presyo ng bawat cellphone nila. Ito na talaga ang pangarap kong cellphone noon pa man at alam kong mahal talaga pero pag harap-harapan mong makikita ang presyo ay ang sarap magmura. Gold siguro?
“Baby…” Biglang tawag ni Ken sa akin sanhi para lumingon ako.
Nakita ko siyang hawak iyong cellphone na nakatutok sa akin saka siya marahang tumawa. Bumusangot agad ako nang napagtanto ang kanyang ginagawa.
“Ay girlfriend?” May kung sino ang nagsabi noon at dismayadong dismayado ang boses.
Ang sarap icorrect na asawa pero nagpigil nalang ako ng damdamin.
“Look…” Ipinakita ni Ken sa akin ang screen at nakita ko roon ang slowmo kong video na lumilingon sa kanya noong tinawag niya akong baby hanggang sa bumusangot ako at narinig ang marahan niyang tawa sa background.
“I need to save this,” aniya habang kagat kagat ang labi.
Binili niya nga iyon. Lumabas rin naman kami pagkatapos niya iyong bayaran lalo na’t ang tatalim narin ng tingin ng ibang saleslady sa akin at nagagawa pa akong ihead to foot.
“Here.” Ibinigay niya sa akin iyong paperbag ng bagong bili niyang cellphone.
Kumurap ako. “Huh?”
“This is yours,” simple niyang sabi.
Nanlaki ang aking mga mata. “Eh hindi naman ako nagpabili ah.”
“Kaya nga binilhan na kita.”
Hindi agad iyon rumehistro sa aking isipan. Masyado akong nagugulantang na siya nalang ang humawak noon.
May cellphone naman sana ako at kahit matagal na ’yon ay gumagana pa naman kahit papaano. At hindi rin naman ako mahilig magcellphone dahil wala parin akong social medias o kung ano pa man kaya hindi ko rin alam kung magagamit ko iyon.
“Hindi ko rin ’yan magagamit,” sabi ko nang isatinig ko ang iniisip ko.
“Then I’m going to text you every minute so you can use it. Or maybe I’ll call…”
Wala akong kawala. Ang galing niya talagang maghanap ng rason para lang magamit ko.
Pumasok ulit kami sa isang mamahaling store. Namangha agad ako sa mga damit na nakita ko habang si Ken naman ay nasa ibang direksyon din ang tingin.
“You’ll look good on this.”
Nilingon ko ang kanyang tinutukoy at nakita ang isang strapless silk na dress, halos kita na ata ang panty pag yumuko.
“Pang gala?” Ngumisi ako sa kanya na ikinaangat naman ng kanyang kilay.
“No. You can’t wear this in public,” matigas niyang sabi.
“Edi saan?”
Kumalma naman ang kanyang ekspresyon at unti-unting napanguso.
“Honeymoon?” he suggested.
Umirap agad ako at umalis sa kanyang tabi kaya humalakhak siya. Bwesit rin talaga! Kung bawat minuto niyang paiinitin ang pisngi ko sigurado akong sunog na sunog na ang buo kong mukha.
May mga binili siyang damit para sa akin total ayaw ko ring mamili kaya siya na ang gumawa. Binili niya rin iyong silk na pulang dress na sinasabi niyang pang honeymoon daw! He’s crazy!
Lumabas rin naman kami habang panay ang tanong niya sa akin kung ano pa ang gusto ko.
“Ba’t hindi mo nalang bilhin ang buong Mall, Ken?” sarkastiko kong sabi at umirap.
“Or I can build a new Mall for you if you like…”
Nailing nalang ako at hindi makapaniwala sa kanya. Ayoko na siyang mamili pa ng kung ano-ano sa akin. Ewan ko ba pero may parte sa akin ang parang natatakot na. Noon ay ganito rin siya at natatakot akong baka ang susunod na mangyayari ay katulad rin noon. Or maybe I’m just paranoid?
Nalihis lamang ang aking atensyon sa kanya nang may makita akong pamilyar na lalake at may kasamang babae.
Tinitigan ko pa iyong babaeng nakayapos ang mga kamay sa kanyang braso pero kahit anong hanap ko ng anggulo ng aking kaibigan ay hindi talaga siya iyon.
Sino ’yang kasama ni Dustin?
“Who’s that?” tanong ni Ken nang tingnan niya narin ang aking tinitingnan. “Kakilala mo?”
Tumango ako ngunit hindi masyadong sigurado kaya umiling rin agad ako. Kumunot ang kanyang noo at sumulyap siyang muli kay Dustin.
“Isa sa mga nakadate mo noon?” Naging matabang ang kanyang boses kaya umiling agad ako.
“Wala akong dinidate noon at boyfriend iyan ni Eunecia na may kasamang babae,” giit ko na unti-unti niyang ikinakalma.
Sinulyapan niya ulit ang dalawa. Tumalim naman ang tingin ko kay Dustin.
“Niloloko niya ba ang kaibigan ko?” galit kong tanong.
“Maybe his cousin?” sagot ni Ken ngunit di rin sigurado.
“Pinsan? Ganyan ka clingy?” Tinaasan ko siya ng kilay.
“I’m clingy to my cousins at ganoon rin sila.”
May kung ibinulong si Dustin sa babae na ikinapula nito saka ko nakita kung paano niya hinalikan ang pisngi noon.
“But not like that…” ani Ken nang makita narin iyon.
Nasira na ang aking ekspresyon. Nag-akma akong sumugod doon para sana komprontahin si Dustin kaso naging mahigpit na ang pagkakahawak ni Ken sa aking beywang.
“No…”
“Kailangan ko siyang kausapin, Ken! Hindi naman pwedeng niloloko niya ang kaibigan ko,” matigas kong sabi ngunit hindi ako binitiwan ni Ken at nagawa pa akong kaladkarin paalis doon.
“Ako na ang bahala pag napatunayan nating nagloloko nga siya. Relax…” ani Ken habang inilalayo ako roon.
Nagpupuyos na ako sa galit at nanginginig narin ang aking balikat para sa aking kaibigan. Ginagago niya ba si Necia?!
Kaya noong pumasok na kaming dalawa sa loob ng kotse ay tinawagan ko agad ito. Panay ang sulyap ni Ken sa akin habang nakabusangot ako at matalim ang tingin sa kawalan.
“Hey… I told you I’m going to handle him.” Hinaplos niya ang aking pisngi.
Pumikit ako at sinikap na humugot ng hininga. Noong sinagot na ni Necia ang tawag ay umayos agad ako sa pagkakaupo.
Ang narinig ko agad ay ang singhot niya sa kabilang linya.
“Oh? Napatawag ka?” Garalgal ang kanyang boses at halata ang pag-iyak.
Nagloosen na ang aking balikat. Kumirot ang aking puso at gusto ko nalang suntukin ang gagong iyon.
“Nasaan ka? Pupuntahan kita…”
Sa aking sinabi ay humagulhol agad siya sa kabilang linya. Ibinaba ko na ang tawag at sinabihan si Ken na pumunta kami sa kanilang bahay.
Pagdating namin doon ay walang tao at mukhang mag-isa lang siya. Nadatnan ko siya sa kanyang kuwarto, ni hindi pa ata bumabangon lalo na’t magulo parin ang kanyang kama at ang kanyang suot ay iyong dress na isinuot niya kahapon noong nagkita kami.
“Gago siya! Naabutan ko siya roon sa apartment niya! May nakapatong na babae sa kanya tapos rinig na rinig ko pa ang mga ungol nila! Masyado siguro silang nasarapan sa pinaggagawa kaya nakalimutan nang maglock!” Galit na galit na kuwento sa akin ni Necia habang pinupunasan ang mga luha niyang bumubuhos.
Nilingon ko si Ken na nakahalukipkip sa may pinto at nakatingin ng seryoso sa amin. Tumuwid siya at dinukot ang kanyang cellphone, tila alam na ang gagawin.
Ibinalik ko ang tingin kay Necia.
“Nakita ko si Dustin kanina sa Mall… May kasamang babae,” sabi ko.
“Marahil ay iyong bago niya! Sana nilapitan mo man lang at sinampal nang naiganti mo ako!”
Kinuha ko iyong box ng tissue na nangangalahati na at ibinigay sa kanya. I am not good at comforting kaya ang ginawa ko nalang ay niyakap siya.
“Ang sakit ng sinabi ng gagong ’yon! Boring daw ako at mas nag-eenjoy pa raw siya roon sa higad niya! Ipinagpalit niya ako dahil magaling sa kama iyong babae!”
“May sira sa utak si Dustin. Ipinagpalit ka sa babaeng mukhang prinitong tuyo,” galit ko naring sabi.
Marahang natawa si Necia sa kabila ng hagulhol. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at umupo sa kanyang kama. Sumulpot naman si Ken na tila may kausap sa cellphone.
“What’s the full name of your ex?”
“Dustin Reyes.” Walang hesitasyong sagot ni Necia habang bumabalot ang galit sa buong mukha.
“Anong gagawin mo?” tanong ko kay Ken.
“Ipapabugbog ko,” sabi niya sa baritonong boses na ikinagulat ko.
Noong sinabi niyang siya na ang bahala kung napatunayan niyang nagloko si Dustin hindi ko alam na ganito pala ka lala. May uutusan ba siya?
“Ipayupi mo ang mukha! At gusto ko mabalian siya ng buto bwesit siya!”
Tumango naman si Ken at may kinausap ulit sa cellphone. Ibinalik ko ang tingin kay Necia na humagulhol ulit.
“Natigang na ata siya kakahintay sa akin kaya hindi niya na natiis at pumatol na sa iba!”
Pinakinggan ko lang ang mga hinanakit niya habang umiiyak siya sa aking harapan. I am not good at giving advices! Narealize ko tuloy iyong mga panahong umiiyak ako at pinapatahan niya ako. Ngayong siya na ang umiiyak sa aking harapan ay nakakafrustrate pala lalo na kung wala kang magawa.
“Tama lang na hindi mo binigay sa kanya ang sarili mo, Necia,” sabi ko.
Huminto na siya sa kakaiyak pero namumugto naman ang kanyang mga mata. Ako nalang mismo ang naglinis noong mga tissue at ang iba pang mga gamit na kumalat sa kanyang sahig. Nagsimba naman ang kanyang parents kaya wala rito.
Dinalhan ko narin siya ng pagkain sa kanyang kuwarto dahil may iniwan namang pagkain sa mesa na hindi niya parin ata ginagalaw simula noong umaga. I want her to eat. Kahit ano-ano na ang sinabi ko para lang gumanda ang kanyang pakiramdam dahil ayoko ring matulad siya sa akin noon.
“Ang sabi ko naman sa’yo cheating is a choice. Kahit gaano ka kaloyal sa kanya, ibigay mo man ang lahat, kung siya talaga ang hindi kontento sa’yo ay useless rin,” sabi ko habang pinapanood ko siyang kumain.
“That’s right,” sang-ayon naman ni Ken na nasa may pinto parin at nakahalukipkip lang.
“Ang sarap ngang gilitan ng leeg noong babae niya kagabi at ako pa ang pinalayas dahil siya na raw ang bagong girlfriend!”
“Sinuntok mo sana nang makatulog,” sabi ko at bahagyang nilingon si Ken na ngumuso at tila nagpipigil matawa.
“Hindi ko sinuntok pero binato ko sila noong electricfan,” si Eunecia.
Ngumisi ako. Nang makita niya ang aking ngisi ay natawa narin siya.
“Naisip ko nga ang lakas ko pala noong oras na ’yon. Buti at di nagdilim ang paningin ko at hindi iyong tv ang napagdiskitahan ko.”
“O kahit itinapon mo nalang iyong buong appliances,” sabi ko naman na ikinahagalpak niya.
“Oo nga eh…”
Medyo nahimasmasan rin ako nang makita siyang nakakatawa na. Si Necia lang naman ang bukod tangi kong kaibigan kaya ang malamang ginagago siya ay nakakapang-init ng ulo.
Doon lang namin siya iniwan noong okay na siya at sinabihan niya na kaming umuwi na lalo na’t gusto niya raw munang mapag-isa at iiyak lahat ang sakit. Ken told me she needs it to make her calm.
Iyon ang inisip ko habang pauwi kaming dalawa ni Ken sa condo. Sobra akong nanggigigil kay Dustin na gusto ko rin siyang saktan.
“Ang kapal ng mukha niyang sabihin kay Necia na boring ito eh parang ang kaibigan ko pa nga ang nagtitiis sa kanya. Hindi naman siya kaguwapuhan. Ni wala nga siyang dating para sa akin!” galit kong sabi na ikinalingon niya sa akin.
“Necia is still lucky they already broke-up.”
Humalukipkip ako at pinagmasdan ang daang unti-unti nang kinakain ng dilim. Ang plano kong pumunta sana sa bahay ay hindi narin natuloy dahil nawala na sa ako mood.
Ipinatong ni Ken ang kanyang kamay sa aking hita at ipinahinga roon habang pinapakalma ko naman ang sarili kong nagpupuyos sa galit. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong galit buong buhay ko. Naiinis talaga ako sa mga lalakeng manloloko at gago.
“Bakit ba ang dali niyong matukso?” Hindi ko na naiwasng itanong iyon sa kalagitnaan ng aking iritasyon.
“Depende ’yon sa lalake.”
“Anong depende? Depende sa nakahain sa inyong harapan? Kung maganda at sexy papatulan?” Tumaas na ang aking kilay at para nang puputok ang ugat sa aking leeg dahil sa sobrang pagkairita.
Ken licked his lowerlip.
“I’ve been with different girls for the past six years pero di naman ako natukso sa iba. Marahil ay hindi ganoon kainlove iyong ex ni Necia sa kanya kaya natukso sa iba,” aniya.
“Eh paano naman iyong sobrang inlove at natukso tapos sasabihing pagkakamali lang daw at di sinasadya.” Hindi nawala ang iritasyon sa aking mukha habang si Ken naman ay pabalik-balik lamang ang tingin sa daan at sa akin, tila nafufrustrate rin sa aking ekspresyon.
“There will never be a mistake when it comes to cheating, Aioni. Walang matutuksong lalake kung nakatali ang puso niya sa iba. Necia should find someone who’s only turned on with her…”
Nahimasmasan ako. May point nga naman siya…
“Eh ikaw… Ba’t di ka natutukso sa iba?” I asked curiously.
Ngumisi siya.
“If the girl is not you then I don’t think if she’s enough to turn me on. She needs to be my wife first to turn me on. I mean she needs to be Marione Santillan… the only woman who can turn me on.”
Suminghap ako, halos malagutan na naman ng hininga.
Oh dear God… send help.
47th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Wenzie Marie Rapista. Happy reading!
Close Friend
Wala pang isang linggo, nabalitaan na agad namin ang nangyari kay Dustin. Isinugod ito sa hospital dahil nabalian ata ng ribs at basag pa ang mukha. Ganoon kalala ang pagkakabugbog sa kanya na gusto nilang magfile ng kaso pero walang mapagbintangan dahil sa sobrang linis ng pagkakautos ni Ken. Ang pinagdidiskitahan nila ngayon ay si Necia.
“If he’ll file a case then I’ll recommend our family friend to hold the case since he’s a great lawyer,” sabi ni Ken sa akin sa kampanteng boses.
Hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy niya pero base sa kalma ng kanyang pananalita halatang magaling ang kanyang tinutukoy.
Hindi rin naman natuloy iyong pagpafile, marahil ay natakot rin siguro. Sa dami rin ng connection ni Ken, ako nalang ang naaaawa sa sasapitin ni Dustin kung sakaling pinalaki niya ito.
Si Necia naman ay tila inienjoy ang pagiging single at nagbabalak pang magpaganda. Niyayaya niya akong magSalon daw kami sa Linggo dahil magpapabangs raw siya. Marami siyang mga plano noong tumawag siya sa akin na sinang-ayunan ko nalang dahil rin parte iyon ng pagmomoving-on niya. I need to comfort her in my own ways. Hindi man ako kasing galing niyang mang advice, at least mararamdaman niya ang presence ko kahit pakinggan ko nalang ang mga hinaing niya.
Naging usap-usapan naman sa kompanya ang nalalapit na birthday ni Ken. Marami akong naririnig na tuwing birthday pala nito ay nagpapa party lang ang mga Delafuente ngunit hindi man lang umaattend si Ken.
“Sana ngayon na good mood si Sir ay makasama man lang natin siya ’no.” Isa sa mga empleyado ang narinig ko noong kumain kami ni Mika sa cafeteria ng Miyerkules.
“Don’t worry… Try kong magsuggest kay Sir baka sakaling pumayag. Malakas naman ako sa kanya,” si Jelsen iyon at kumindat pa sa kanila.
“Eh ano iyong kumakalat na may something daw kay Sir Ken at Aioni?”
“Tsismis lang ’yon! Hinding hindi papatol si Sir Ken sa isang janitor ’no. He’s just being extra nice…” Tumawa si Jelsen at nakita ko pa sa gilid ng aking mga mata ang pagsulyap niya rito sa akin.
“Para rin naman ’yang tsismis noon tungkol kay Sir Hiro na may gusto raw kay Aioni. Kung gusto siya, eh nasaan na ngayon si Sir Hiro? Siguro ay natauhan na iyon at nandiri ng husto kaya kahit ang makita siya ay ayaw niya na,” dagdag niya pa at halatang nilalakasan ang boses para marinig ko.
Dalawang mesa lang naman ang namamagitan sa amin kaya imposible talagang hindi ko sila marinig. Nanatili akong kalmado habang hinihintay si Mika na matapos na sa pangunguha ng pagkain at pumunta na rito.
“Grabe ka naman kay Aioni, Jelsen…” Isa sa mga babaeng empleyado ang sumita sa kanya.
“Kung alam niyo lang ang totoo ay hindi niyo magugustuhan ang tunay na ugali niyan! Sinisiraan niya ako kay Sir Ken purket pinapalinis siya roon! Nag-iilusyon ata ang malandi na ’yan na mapapalitan niya ang pwesto ko at naiinggit dahil simpleng janitor lang siya rito. Eh si Sir Ken pa nga mismo ang naglagay sa kanya sa posisyong iyan…” I can sense her raging anger.
Hindi ko alam kung paano ko naipanatiling kalmado ang aking sarili sa kabila ng mga insultong ibinato niya sa akin. Siguro dahil alam ko ang totoo at siya ang nagmumukhang bobo sa harapan ko. I can mock her right now but I keep my silence. Dadating ang araw, pag napuno na ako sa kanya ay may kalalagyan talaga siya.
Dumating rin naman si Mika at inilapag ang kanyang tray na may bundok na pagkain.
“Dinamihan ko na kasi napapansin ko sa mga kinakain mo ang kokonti! Girl hindi mo dapat tinitipid sa pagkain ang katawan mo dahil baka konting pitik lang sayo mabali na lahat ng mga buto mo!” Pinaglalagay niya ang ibang pagkain sa mesa at iniaalis na iyon sa tray habang nanlalaki ang kanyang mga mata sa akin.
“Minsan kasi wala akong gana,” sabi ko at hinayaan siyang lagyan ng kanin ang aking plato.
“Huh?! Minsan?! Eh parang madalas kang walang gana! Kung hindi ka ata hahatiran ng lunch ay di ka kakain! Dapat di mo nakakalimutang kumain!” aniya.
Pinasadahan ko ng haplos ang nakaponytail kong buhok habang pinagmamasdan siyang naglalagay ng kung ano-ano sa aking plato.
“Oo nga pala… May napansin ako sa’yo these days… Bumublooming kana…” aniya at tinitigan pa ako. “Iba na ang kislap ng mga mata mo ngayon hindi katulad noon na parang ang lungkot lungkot mo palagi. Inlove ka ba?”
Uminom ako ng tubig at iniwasan ang mga mata niyang gusto na atang makita ang aking iniisip para mabasa ako.
“Medyo nag-eenjoy na ako sa pagm-mop ng sahig dito.” Ngumisi ako sa kanya pagkatapos kong ilapag ang baso.
Mas lalo siyang napatitig sa’kin.
“Grabe ang ganda mo pag ngumingiti… Ang sexy tingnan ng pagkurba ng labi mo…” Tila natulala siya kaya ngumuso ako.
“Kaya siguro bumabait ang mga masusungit na Delafuente sa’yo ’no? Pag si Sir Wayt na talaga ang nabalitaan kong naging mabait sa’yo pinagpala ka talaga! Iba na ang level ng ganda mo!”
Kumurap ako at naalala ang mga panahong nagtatrabaho ako roon sa Restaurant. Palagi nga namang seryoso si Sir Wayt at ang lamig pang makatingin. Siya iyong tipo ng lalakeng hindi mo alam kung tititigan mo ba dahil masyadong guwapo o iiwasan nalang dahil parang masyado ring maldito. He’s very intimidating among all his cousins I encountered.
“Simula noong nagtrabaho ako rito ni minsan di ko talaga iyon nakitang ngumiti! Palaging seryoso!” si Mika habang sumusubo.
Nagbeep ang aking cellphone kaya pasimple ko nalang iyong dinukot.
Nakita ko ang text doon ni Ken na ikinakagat ko ng aking labi.
Ken: We’ll go home together.
Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Mika at nasa cellphone ko na ang buong atensyon.
“May boyfriend ka ’no?” Nag-akma siyang tumayo at sumilip kaya mabilis ko iyong idinikit sa aking dibdib.
“Wala ’no.” Mas lumaki ang aking ngisi at hindi na makapagconcentrate sa pagtetext.
“Anong wala? Eh blooming ka at panay na ang ngiti mo! Iba na ’yan!” Umayos siya sa pagkakaupo.
Umiling lamang ako at ibinalik ulit ang atensyon sa aking cellphone. Nagtipa ako ng mensahe.
Ako: Okay
“Taray ng bago mong cellphone, iPhone! Mas malaki ba ang sahod ng janitress kasi lilipat na talaga ako!” aniya.
Natingnan ko narin ang aking cellphone. Si Ken rin naman kasi ang may pakana nito. Siya rin ang naglipat noong mga numbers na nakasave sa dati kong cellphone total kay Mama, Papa, Necia at sa kanya lang naman talaga ang nasa phone book ko. He even added some games and such.
“Binigay lang sa’kin,” sabi ko.
“Match kayo ni Sir Ken… Ganyan rin ’yung kanya. Siguro…”
Iniwasan kong makasalubong ang nanunuyang titig sa akin ni Mika. Sumubo nalang ako ng pagkain saka ulit nagbeep ang aking cellphone. Nakita kong muli ang text niya roon.
Ken: Cafeteria?
Nagtipa ako.
Ako: Yup. Kumakain ako ng lunch.
Ken: Can you come to my office after that?
Ilang sigundo akong tumitig doon. Hindi na kasi ako masyadong nagagawi sa opisina niya para hayaan siyang magconcentrate aa kanyang trabaho at ayaw ko ring makadisturbo.
Simula rin kasi noong bumabalik na siya sa normal, palagi na akong kabado sa tuwing kami lang dalawa roon. Ewan ko ba o masyado lang talaga akong paranoid?
Ako: Huh? Bakit?
Mabilis na nagrereply si Ken at mukhang nakatunganga lang sa kanyang cellphone kaya hindi ko rin mabitaw-bitawan ang akin dahil sa biglaang pagsulpot ng kanyang reply.
Ken: I want you to sit on my lap.
Halos masamid ako sa sarili kong laway nang mabasa ang kanyang text. Kinuha ko agad ang basong tubig at uminom doon. Si Mika naman ay tila nacucurious parin kung sino ang katext ko lalo na’t ngising aso na ito.
“Bakit?” tanong ko sa kanya.
Bahagya siyang umabante at mas lumapad ang ngisi.
“Siguro girlfriend ka ni Sir Ken ’no?” bulong niya.
Namilog ang aking mga mata. Ibinaba ko sandali ang aking cellphone at hindi alam kung paano itatanggi ang kanyang paratang.
“Hindi ’no,” giit kaso kaso hindi nagbabago ang kanyang ekspresyon.
“Eh sa lahat ng empleyado rito, sa’yo mas extra nice si Sir Ken… Biruin mo sinasalo niya minsan ang trabaho mo at nagm-mop ng sahig. Tapos dinadalhan ka niya ng pagkain at minsan ay lumalabas pa ito para lang bumili. Eh noong mga nagdaang araw madalas kang napapatawag sa office niya… At ngayon iyan namang bago mong cellphone na match pa kay Sir Ken.” Lumapad ang ngisi ni Mika na parang siguradong sigurado siya sa kanyang pinagsasabi.
“Girlfriend ka niya ’no? Aminin mo nalang… Secret lang natin.” Humagikhik siya.
Kinagat ko ang aking labi. Ako rin naman kasi iyong tipo ng taong hindi masyadong nagshishare ng secrets sa iba. Nasanay akong kay Necia ko lang kinukwento ang lahat dahil sa mga taong lumipas ay siya lang rin ang nakagaanan ko ng loob.
Napansin ata ni Mika ang pagkakatigil ko kaya ngumuso na siya.
“Oh sige na… Di ko na ipipilit na aminin mo pero ipipilit ko parin na may something sa inyo ni Sir.” Kumindat siya sa akin at sumubo.
Nailing nalang ako at ibinagsak ulit ang tingin sa cellphone kong nasa kandungan ko na. May panibagong text si Ken.
Ken: I am just telling you my fantasies right now.
Nagtipa ako ng mensahe.
Ako: Hindi ko gagayahin ang sekretarya mo.
Nainis agad ako nang maisip ko ang araw na iyon. Nakakandong sa kanya si Jelsen habang hinahalikhalikan siya nito sa kanyang panga at marahan pang gumagalaw sa kanyang ibabaw. Ngayon lang rumehistro ang galit sa aking sistema. Kung noon ay wala akong pakialam kung sino man iyang kalandian niya sa oras na iyon, ngayon naman ay makakaputol na ata ako ng ulo kung nakita ko ulit sila sa ganoong posisyon.
Nagreply ulit si Ken.
Ken: Iba ’yung atin. I’m going to kiss you down to your jaw, your neck… your collarbone…
Nanindig ang balahibo sa aking batok. Lumingon pa ako sa likod para masiguradong walang dumaang multo. Uminom ulit ako ng tubig habang si Mika ay ngising aso na naman sa akin at tumataas taas pa ang mga kilay na tila may ediya siya kung sino ang aking katext.
“Ang pula pula mo,” aniya at humagalpak. “Nakakainggit naman… Sana lahat may boyfriend.”
Bumusangot ako at ibinagsak ulit ang aking mga mata sa screen ng aking cellphone. Ramdam ko pa ang panginginig ng aking mga daliri, parang natatakot nang magtipa dahil sa maaaring ireply ni Ken.
Ako: Hindi ako pupunta.
Iyon ang aking reply kahit may parte sa akin ang gusto nang tumayo at hinihila na sa kanyang office. Parang ang sarap kumaripas ng takbo papunta sa kanya.
Stop it! Baka kung saan pa kayo mahulog sa pinaggagawa niyo! Marupok ka pa naman!
Narinig ko ulit ang glass na ringtone ng text ng aking cellphone na ikinatigil ng aking pinag-iisip.
Ken: Sunduin kita?
Napalinga-linga ako, halos kabahan sa kanyang mga naiisip.
Ako: Hindi pwede! Di ako sasabay ng uwi sa’yo kung magpapakita ka rito.
Ilang sigundo siyang natagalan. Nakatunganga nalang ako sa aking cellphone at di na ginagalaw ang aking pagkain.
Nang magreply ito ay mabilis ko agad na binasa.
Ken: Call? I badly need it.
Ano bang nangyayari sa kanya?
Ako: Hindi pwede. Nandito ako sa harap ni Mika.
Ken: So?
Ewan ko kung maiinis ba ako o matatawa sa kanyang ‘so’ na tila nagsusuplado na naman. Sunod-sunod na ang kanyang text.
Ken: Just leave her. Go somewhere…
Ken: I need to hear your voice.
Ken: Either you come here in my office or we’ll call.
Kinagat ko na ang aking labi. Hindi na ako nagdalawang isip na tumayo kaya napaangat narin ng tingin si Mika sa akin.
“Oh… Tapos kana?” tanong niya at sinulyapan pa ang aking pagkain.
“Uh, rest room lang ako,” sabi ko.
“Gusto mong magpasama?”
Umiling agad ako at umalis na sa aking upuan. Nagring naman agad ang aking cellphone dahil sa tawag ni Ken kaya binilisan ko na ang aking paglalakad.
Shit! Ba’t ba ako nagpapatangay sa mga kalokohan niya?
Nakailang ring iyon at doon ko lang sinagot noong makapasok na ako ng tuluyan sa restroom.
“Ken?” tawag ko sa kanya.
I heard his deep breathe… almost panting. Kinilabutan ako roon at napasandal na sa sink dahil sa epekto ng malalim niyang paghinga sa aking sistema.
“Ano ’yon?” tanong ko sa mahinang boses dahil baka may makarinig pa sa akin.
I heard him muttered some curses. Nagkasalubong na ng husto ang aking kilay.
“I just want to hear your voice right now,” he said hoarsely.
Bumusangot ako at humalukipkip.
“Bakit? Anong kalokohan mo?” I whispered.
“Namimiss na kitang halikan…” He groaned.
Nanginginig na ang aking tuhod. Ang laki ng epekto ng paos niyang boses sa tainga ko. Para akong matutunaw sa sahig at mawawala sa aking katinuan ano mang oras.
“Namimiss ko na ang labi mo… Lahat… Namimiss ko na…” He breathe heavily again.
Napakapit ako sa sink habang pinapakinggan siyang tila nahihirapan sa isang bagay.
Unti-unti pa naman kaming nag-aadjust sa isa’t isa pero may mga bagay lang talaga noon na hindi agad namin pwedeng ibalik nalang bigla. We broke-up. At hindi pa kami ulit… We’re still trying to heal our wounds.
Pero itago ko man sa kanya, alam kong may namimiss rin ang katawan ko. Alam kong namimiss ko rin lahat ng iyon noon. Palagi naman talagang masarap sa pakiramdam pag siya ang kasama ko.
“Miss rin kita,” wala sa sarili kong pag-amin, hindi inaasahang iyon ang maibibigkas.
I heard him groan harshly. Namilog ang aking mga mata dahil pamilyar sa akin ang ganoong boses niya. He muttered some curses while breathing heavily.
“You’re going to kill me…” Hinang-hina niyang bulong sa kabilang linya.
Kinagat ko ang aking labi at napangisi.
“Talk more, please…” masuyo niyang sambit sa boses na paos na paos parin.
“Hmm…” Nag-isip ako. I heard him groaned again.
“Come on…” Hus voice hitched.
“Wala na akong maisip…”
“How about you describe yourself right now?”
“Huh? Nakajanitress na uniform malamang,” sabi ko.
Hindi ko alam kung natawa ba ito o ano but I heard him muffled a small chuckle.
“So without undies?” he whispered sensually.
Pumula agad ang aking pisngi. “May suot ako. Kulay black.”
“A lace?” he muttered.
Ano ba itong topic namin? Ang nonsense at ang… awkward. Pinagpapantasyahan niya ba ako?
“Oo. Mabilis mapunit at medyo see through.” Ngisi ko.
He cursed violently and groaned afterwards. Kinagat ko ang aking labi at nagpigil ng tawa.
“Maluwang rin kasi sa akin ang uniform kaya komportable. Naiinis lang talaga ako pag pinagpapawisan ako kasi dumidikit siya sa balat ng katawan ko.”
Naging tahimik nalang siya roon at tila nakikinig nalang.
“Ah lowbat na pala ako. Bye!”
“Fuck, Aioni wai-”
Pinatay ko agad ang tawag at nagawa ko pa iyong ioff. Humagalpak ako ng tawa at tuwang tuwa sa aking nagawa. May ediya ako sa kalokohan niya! I’m sure maiinis ’yon sakin mamaya.
Lumabas ako ng comfort room na hindi matago tago ang aking tawa. May mga empleyadong napatingin sa akin kaya ngumuso nalang ako at sinikap na h’wag nang matawa pa.
Doon ko na in-on ang cellphone ko noong tapos na ang trabaho ko. Maraming text doon si Ken pero di ko na inisa-isa lalo na’t natatawa na naman ako sa kalokohan ko sa kanya.
Kaya noong nagtext siyang magkita kami sa parking lot at doon niya ako hihintayin, natawa na agad ako noong makapasok ako sa kanyang front seat.
“Who taught you to be naughty?” Halos sumimangot siya nang hilain niya ang clutch ng sasakyan at nagsimula nang magdrive.
Nagpigil na ako ng tawa dahil halatang inis na inis narin ito.
“Binabaan mo ako sa ikawalang round ko,” aniya, tila nagtatampo.
Tama nga ako sa hinala ko. Eh wala naman akong alam sa ganoon! Kaya siguro noon gusto niyang nakikipagvideo call sa akin o kaya ay tumatawag siya sa akin? Pero wala naman akong maalalang ganito. Ngayon lang.
“Kanina sa cafeteria topic nila ang birthday mo.” Pag-iiba ko nalang ng topic.
Bumaling siya sa akin, kalmado na ang ekspresyon ngunit seryoso parin.
“Nalaman ko na di ka pala umaattend sa mga birthday celebrations mo?”
Tumango siya at binasa ang pang-ibabang labi.
“Ngayong taon… Ganoon parin ba ang plano mo?” tanong ko.
Hinila niya ang kanyang necktie hanggang sa matanggal iyon. Sunod niya namang ginawa ay binuksan ang dalawang botones. Pilit ko nalang iyong binalewala kahit ang hot tingnan.
“Depende sa’yo, sa gusto mo,” aniya.
“Eh ba’t ako? Di ko naman ’yan birthday.”
Binalingan niya ako.
“I want you to decide. Kung nasaan ka, doon ako. Kung anong gusto mo, doon ako. Kasi kung ako ang masusunod baka di mo rin gusto.”
“Bakit… Ano bang plano mo?”
Kinagat niya ang labi. “A trip… With you…”
Sumimangot ako. “Nakakaawa pakinggan ’yung mga hiling ng empleyado mo. Dapat pagbigyan mo kasi nagtatrabaho rin naman sila ng maayos.”
He sighed heavily and nodded.
“Fine… Ano bang gusto nila?” Tiningnan niya ang kalsada sa namumungay na mga mata. Isang kamay nalang ang ginagamit niya sa pagdadrive.
“Na makasama ka sa birthday mo?”
Umangat ang kanyang kilay. Nakita niyang seryoso ang aking mukha kaya unti-unti rin naman siyang tumango.
“Okay. How will I do it?”
“Uh… Naalala mo iyong outing namin noong highschool? Okay rin kung ganoon nalang kasi enjoy rin naman,” suhestyon ko na ikinatango niya na agad, wala nang reklamo reklamo pa.
“What else?”
Nag-isip pa ako. “Makipag bond ka sa kanila sa araw na ’yan… Kung may games sumali ka dapat. At h’wag kang masyadong nagsusungit kasi mahahalata ang edad mo niyan.”
Napasimangot agad siya roon. Kinagat ko ang aking labi at nagpigil ng tawa.
“Nakakailang asar kana ba sa akin sa araw na ’to?”
Ngumisi ako sa kanya. Tumitig siya sa aking labi at kalaunan ay nafrustrate lamang siya saka niya ginulo ang buhok.
“Pagbigyan mo sila kahit isang araw lang,” dagdag ko.
“Okay… Pero dapat pagbigyan mo rin ako.” Umangat ang kilay niya sa akin.
Nagkasalubong na agad ang aking kilay.
“Ano?”
“We’ll have a trip after the celebration. Just the two of us…”
Suminghap ako. Hindi agad makasagot.
“Pagbibigyan ko sila kung pagbibigyan mo rin ako.” Nagkibit siya.
Ilang sandali akong nagmuni-muni. Total birthday niya rin naman ’yan kaya pagbibigyan ko nalang. He’s making me happy these past few days kaya dapat ako rin sa kanya. Ayoko iyong isipin niyang ang layo layo ko kahit magkasama lang kami. I am trying to welcome him again… Gusto kong maramdaman niya rin ang presensya ko.
“Sige,” sagot ko na ikinagulat niya.
“Really?” Hindi makapaniwala ang kanyang mukha.
Tumango-tango ako. Pinasadahan niya ng haplos ang gilid ng kanyang buhok at ngumisi na habang nangingislap ang mga mata.
“I’ve never been this so excited on my birthday. Ang sarap siguro kung araw-araw birthday ko nang araw-araw ka ring pumapayag sa mga gusto ko…” Humalakhak siya, tuwang-tuwa.
“Edi tatanda ka agad?”
“Who cares?” Inangatan niya ako ng kilay. “Basta kasama kita sa aking pagtanda.”
Namula ako roon. Ang galing talaga!
“I’ll book a flight later for our trip.”
Iyon na ang naging topic ni Ken sa buong byahe. Ako pa ang pinapapili niya kung saang lugar ko gusto. Marami siyang choices like Palawan, Boracay, Samal Island, or mag Cebu raw kami pero feeling ko mag-eenjoy ako sa Samal Island since noong nagresearch na ako ay sobrang ganda ng mga beach doon.
Samal Island is located in Davao City, the Land of Promise… Ayun kay google. Ang raming positive feedback ng lugar na iyon na nawili narin ako sa pagsesearch.
“May relatives kayo roon?” tanong ko.
Umiling siya. “Pero may bahay iyong grandparents ng family friend namin doon. May kompanya ang Lolo ng close friend ko sa Davao habang may Mall naman ang Lola niya.”
“Talaga?”
Tumango siya.
“Half Chinese kasi ang Lola niya at maraming business ang mga Chinese sa Davao kaya siguro doon rin naisipan ng parents ng lola niya sila na magtayo ng Mall.”
Okay… Pag usapan talaga ng mga sosyal friends niya wala na akong nasasabi dahil alam kong lahat sila ay nakakalaglag panga ang pamumuhay hindi kagaya naming baon palagi sa utang.
“So… Doon tayo tutuloy sa close friend mo?” tanong ko. Hindi rin naman halatang excited rin ako ’no?
Umiling siya at tuluyang ipinark ang sasakyan.
“I’m not sure if she’s in Davao…” aniya at pinatay na ang kanyang sasakyan.
She? Ah… Babae… At close friend?
Lumabas siya at pinagbuksan ako ng pinto ng front seat. Nanatili naman sa aking isipan iyong close friend niya.
“Babae?” tanong ko agad nang pagkatapos niyang malock ang sasakyan.
He nodded while staring at me suspisiously. Humawak siya sa aking beywang at naglakad kami.
“O isa sa mga babae mo noon?” matabang ko nang tanong na ikinanguso niya, halos magpigil ng ngisi.
“Close friend, Aioni,” paglilinaw niya na ikinataas ng aking kilay.
“Ah… Kaya pala ang dami mong alam sa kanya.” Nag-iwas ako ng tingin.
“Because we’re close,” aniya.
Hindi na ako sumagot at tahimik nalang habang siya naman ay pinaglalaruan ang kanyang labi. Pinipisil pisil niya iyon at hindi naaalis ang nanunuya niyang tingin sa akin.
Pumasok kami sa elevator. Humalukipkip ako.
“Jealous… Hmm?” bulong niya sa aking tainga.
Umirap ako. “Hindi ’no.”
“But I want you to get jealous…” He enhaled deeply on the skin of my neck.
Kinilabutan ako at parang mahihimatay sa kanyang ginagawa. Pinanindigan ko ang inis ko kahit na nagtatalo sa aking isipan ang paglingon para makalapit man lang ng kaonti sa kanyang labi.
Bumukas ang elevator kaya nauna na agad akong lumabas. Sumunod naman siya at humalakhak pa habang ako itong madadapa na ata dahil sa panginginig ng tuhod ko.
Nauna ako sa pinto ng kanyang condo. Itinipa ko agad ang passcode noon kaso napatalon nalang ako sa gulat nang nagawa pang patakan ni Ken ng halik ang gilid ng aking leeg.
“Selosa…” aniya at siya mismo ang nagpatuloy sa pagtatype noong password lalo na’t wala na akong imik.
48th Chained
Chained
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Virgenith Tonalete. Happy reading!
Match
“Nakumbinsi ko na si Sir! Ang sabi niya ay papayag daw siya na makasama natin siya sa birthday niya! At sagot niya pa raw lahat! Iti-treat niya raw tayo sa isang Resort!”
Iyon ang narinig kong anunsyo ni Jelsen sa mga empleyado sa cafeteria ng hapong iyon ng Biyernes.
Halos liguin siya ng papuri ng mga nakakarami at tila manghang mangha silang lahat sa sinabi nito.
“Ang lakas mo talaga kay Sir Ken, Jelsen! May gusto siguro sa’yo…”
“Baka girlfriend kana ni Sir Ken ha hindi mo lang sinasabi…”
“Paano mo ba inaakit si Sir Ken at mukhang konting sabi mo lang ay pagbibigyan kana agad!”
“Well… Ganoon talaga. Hindi naman ako katulad ng iba riyan na sipsip…” Pagpaparinig niya.
Ngising tagumpay si Jelsen at proud na proud sa kanilang pinagsasabi. Kung ako ang babasag ng saya niya, sasabihin ko na noong Miyerkules palang ay buo na ang pasya ni Ken dahil nga iyon ang request ko. At kung may sipsip man sa aming dalawa, siya iyon.
I remained silent. Si Mika naman ay iritang irita sa mga boses na naririnig.
“Totoo ba ang sinasabi ng feeling na ’yan?” tanong ni Mika sa akin.
Nagkibit ako at naramdaman ang pagsulyap ni Jelsen dito.
“Oo totoo, Mika. Kinausap ko si Sir Ken kanina at sinabi kong sana makasama natin siya sa birthday niya. Pumayag agad siya. Alam mo naman… Malakas ako sa kanya.” Ngumiti siya ng matamis.
Ngumiwi si Mika at umirap. Lumipat naman ang tingin ni Jelsen sa akin.
“Invited ka rin Aioni… Total janitress ka naman at medyo may silbi sa kompanya…” Humagikhik siya na kahit ang ilang kasama niya ay nagawa ring tumawa. . “H’wag mo namang apihin si Aioni, Jelsen!”
“Oo nga, Jelsen. Hayaan mo nalang sumama…”
“Kawawa naman si Aioni kung hindi siya kasali.”
“Syempre oo naman! Mabait ako kaya hindi ko isusulsol kay Sir Ken na h’wag nalang siyang isama! Total… Ang sabi ko rin kay Sir Ken na sana kasama lahat,” ani Jelsen sa nagmamayabang na boses.
Tinitigan ako ni Mika ay may kung ano pa siyang pinaparating doon, halatang nabubwesit na sa pakikinig kay Jelsen. Inabala ko nalang replayan ang mga munting text ni Ken sa akin.
Ken: What are you eating?
Ako: Pagkain
Bidang-bida si Jelsen sa mga empleyado at panay ang pamumuri sa kanya dahil sa ginawa niya. Hinayaan ko nalang total mas mabuti naring wala sa akin ang atensyon nila dahil baka mairita rin ako.
“Ang feeling nitong si Jelsen. Hindi talaga ako kumbinsido na napapalambot noon si Sir Ken eh… Baka naman ikaw ang may gawa ha?” ani Mika.
Ako ang palagi niyang pinagbibintangan pagdating sa mga kilos ni Ken. Hinahayaan ko nalang at hindi na kumikibo.
Lahat ay excited sa paparating na birthday ni Ken. Kahit si Necia, noong magkita kami noong Linggo ay gusto ring sumama.
“Baka ipahamak mo lang ako,” sabi ko nang pinilit niya na ako habang nasa isang food chain kami.
“Ba’t kita ipapahamak? Ano namang gagawin ko?”
“Hindi nila alam ang tungkol sa amin ni Ken, Necia,” giit ko.
Kumunot ang kanyang noo. “Bakit? Di kayo proud sa isa’t isa?” Pero kalaunan ay naliwanagan rin. “Ah… Di pa pala kayo bati noong pumayag ka sa offer niya. Pero sigurado akong nagbago na ang desisyon ni Ken at hindi kana hahayaang makawala sa kanya ’no. Mabubulgar rin na asawa ka niya.”
“Kung mabulgar man, ayokong manggaling sa pagkakadulas ng bibig mo. Kilala pa naman kita… Baka bigla bigla ka nalang sapian ng kung anong demonyo at sumigaw-sigaw ng kung ano.” Tinaliman ko siya ng tingin.
Humagalpak siya ng tawa. Ang bagong ayos ng kanyang buhok na may pa bangs na ay bahagya pang nagulo.
“Wala ’no! Kay Ken nalang ako manghihingi ng permiso na sumama ako total sure akong papayag agad iyon.” Ngising aso na siya sa akin habang kinukuha ang suklay sa kanyang bag.
Nailing ako. “Oo na… Basta h’wag kang gumawa ng kalokohan.”
Tumango-tango siya at sinuklay ang bangs niyang nagulo ng bahagya. Bagay sa kanya at mas lalong umaliwalas ang mukha niya. Nasa bawat side naman iyong bangs niya kaya hindi rin masyadong sagabal tingnan. Medyo short hair narin siya. Gumanda siya lalo.
“Bagay sa’yo ang buhok mo,” sabi ko na ikinatigil niya sa pagsusuklay.
Ngumisi siya. “Ang ganda ko na ba? H’wag mo akong ipakita kay Ken baka lumiko ’yon at ako na ang magustuhan…” Nanunuya niyang sabi na ikinairap ko.
“Hindi naman ikaw ako,” kampante kong sagot.
Namilog ang kanyang mga mata.
“Ang yabang mo! Purket baliw na baliw sa’yo ang tao…”
Ngumisi lamang ako sa kanya at hinawi ang aking buhok.
Kumalma naman ang kanyang ekspresyon at tiningnan ang aking buhok.
“Magpagupit ka rin kaya? Ang haba na niyang buhok mo,” aniya.
Hinawakan ko narin ang aking buhok na medyo wavy parin.
“Ayoko. Di naman ako brokenhearted,” sabi ko na ikinabusangot niya agad.
“Aray… Akala mo ba brokenhearted ako? Nagmomove-on ako ’no!” giit niya.
Naging ganoon lang ang aking routine sa mga nagdaang araw. Magkikita kami ni Necia tuwing linggo at pumupunta rin ako saglit sa bahay para magdala ng pagkain. Maayos parin ang pag-aaral ni Lucas at okay parin sina Mama at Papa.
Nagpaalam narin ako sa kanila na baka ay hindi ako makakapunta next week lalo na’t birthday na noon ni Ken at kinagabihan ay aalis rin kami patungong Davao.
“Maaliwalas ata ang mukha mo, anak,” ani Mama nang tinitigan ako ng husto.
Kumurap ako. Kahit si Papa at Lucas ay napabaling narin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at ginalaw ang aking pagkain.
“Oo nga, Aioni… Parang ang gaan mong tingnan ngayon,” si Papa.
“Inlove ka, Ate?” biglaan namang tanong ni Lucas na ikinalaki ng aking mga mata.
Tumawa si Mama. “Aba’y sana, Lucas! Nang sumaya naman iyang Ate mo! Ilang taon narin ’yang single kaya h’wag mo nang bakuran!”
Nakitawa narin si Papa habang si Lucas lang ang nakatitig sa akin ng seryoso. Sumubo ako at hindi alam kung anong isasagot na tama sa kanila.
“Kung may nanligaw sa’yo papuntahin mo naman sa bahay nang makilala namin ng husto,” si Papa.
“Kanino?” tanong muli ni Lucas at hindi parin nagbabago ang seryosong ekspresyon.
Uminom ako ng tubig. Nang hindi ko na matanggal ang kanyang tingin sa akin ay kinurot ko nalang ang kanyang pisngi.
“Wala ’no…” Ngumisi ako.
“Tss…” Tinanggal niya ang aking kamay at nakabusangot na sumubo.
Alam kong unti-unti na kaming bumabalik ni Ken sa dati pero ayoko naman silang biglain. Siguro ay pag naging maayos na talaga ang lahat… Kung napatunayan kong tama na ang aking desisyon ay saka ko nalang sasabihin sa kanila ang totoo.
At isa pa, nagbabalak kaming lumipat. Hindi ko pa iyon natatopic kay Ken. Hindi ko alam kung saan kami makakahanap ng murang lupa para patayuan ng bahay lalo na’t kulang pa ang aming mga ipon.
Iyon ang naging laman ng utak ko sa mga nagdaang araw. Minsan ay nabubura lamang pag nag-uusap kami ni Ken pero sa tuwing nagma-mop ako ay iyon talaga ang iniisip ko. H’wag nalang kaya kaming lumipat? Isuggest ko nalang kaya kay Mama na doon nalang kami? Pero naiintindihan ko naman ang mga rason nila kung ba’t gusto ni Mama na umalis kami sa lugar na iyon.
Friday. Tatlong araw bago ang birthday ni Ken. Maaga kaming umalis ng trabaho dahil nagyaya siyang magMall para may magamit daw ako.
“Marami naman akong damit,” sabi ko habang pumapasok kami sa malaking Mall.
“Gusto ko ako ang mamili ng susuotin mo,” aniya.
“Huh?”
“I want to spoil you so…” ani Ken habang pumapasok kami sa isang botique.
Tiningnan ko saglit ang saleslady na sumalubong sa amin at kumikinang na ang mga mata saka ko ibinalik kay Ken.
“Marami pa naman akong damit,” sabi ko habang natatangay ang mga mata sa babaeng hindi pa rin inaalis ang tingin kay Ken.
“Magb-beach tayo. You need new clothes to wear. Ano bang gusto mong suotin doon? Hmm, rashguard?” suhestyon niya.
“Ayokong magrashguard,” giit ko.
Napaangat ang kilay ni Ken, lalo na’t mukhang hindi siya sang-ayon sa naiisip kong gustong suotin. Iyong saleslady naman ay umatras nalang at mukhang na awkward dahil hindi makasingit.
Lumayo ako ng kaonti sa kanya at nagsimulang gumala sa store. Sumunod naman siya.
“So magbibikini ka?”
“Exactly, Ken. Hindi naman iyon simbahan para maging balot na balot ako,” sabi ko sabay tingin noong naka hanger na damit.
He frowned. “Pwede ka lang magbikini kung inarkilahan ko ang buong Resort at tayo lamang dalawa,” aniya.
Crazy!
Bumili siya ng tatlong pares ng board short at binilhan niya rin ako ng dress na medyo comfy suotin sa beach na ako mismo ang pumili.
Di ko rin talaga gets ang mga lalake. Gustong gusto nilang tumititig sa mga babaeng nakabikini pero pag hinainan mo na ng ganoon aayaw na. Ang hirap rin nilang ispelingin minsan.
Hindi lamang mga damit ang nadiskitahan niyang bumili at pati narin relo ay bumili rin siya.
“May rolex ka naman ah?” mungkahi ko nang makita ko siyang sinusulyapan ang mga nakadisplay sa loob ng transparent glass ang mamahaling mga relo na may brand na Cartier.
“It’s for you since you’re not wearing our wedding ring and I’ll match it with mine,” seryoso niyang sabi, ang mga mata ay naroon lamang.
When he said he’s going to spoil me, hindi ko masyadong inisip ang ganitong bagay. Ngayon na nakikita ko na ang presyo na nasa anim na digits ay mahihilo na ata ako.
Gusto kong umapila kaso masyado na siyang tutok doon. Pero ang cute rin kung match kami… Ngumuso na lamang ako sa kanyang tabi.
Hindi ko alam kung ilang araw kami sa Davao pero mukhang lalagpas kami dahil noong nag-impake na ay pinadala niya ako ng maraming damit. Nasa gilid siya, nakaupo habang pinagmamasdan ako sa aking ginagawa.
“Ilang araw ba tayong mawawala?” tanong ko habang sinusulyapan niya ang bawat damit na tinutupi ko habang nakatayo.
“Hmm, 1 week? Or we can extend if 1 week isn’t enough-”
“Huh? One week?! Baliw ka ba!” Halos hampasin ko siya noong dress ko. “Paano ang kompanya?”
“Hindi ko naman ’yon pwedeng dalhin, Aioni. Mabigat ’yon.” Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko kaya napairap nalang ako.
“Lumabas ka nga,” inis kong sabi na ikinahalakhak niya.
Dinampot niya ang aking dress at tumulong sa pagtutupi.
“Sinabi ko na na magleleave tayo kaya may sasalo na ng mga trabaho natin. And my cousins are there. I’m not sure if Hiro is there too pero nandiyan naman si Wayt. Ipapamove ko nalang muna ang ibang meetings,” sabi niya.
Medyo humupa ang aking alalahanin at nasentro ang buong atensyon kay Hiro.
“Oo nga pala… Di ko na nakikita si Hiro sa kompanya. Nasan na siya?”
Awtomatikong umahon ang kanyang tingin sa akin nang binanggit ko ang pangalan ng kanyang pinsan.
“Na fall kana ba sa pinsan ko?” Umangat ang kanyang kilay at bumakas ang iritasyon sa mukha.
“Sino bang hindi mafafall kay Hiro eh mabait na nga guwapo pa-”
“So inaamin mong nafall ka nga?” Tumigil siya sa pagtutupi at nakatuon na sa akin ang buong atensyon.
Kinagat ko ang aking labi, nawiwili sa kanyang ekspresyon. Noong nakaraan lang ay siya pa itong panay banggit noong close friend niya. Tapos pag ako naman ang bumanggit ng pinsan niya naiinis agad.
“Slight?” pagbibiro ko na ikinatalim agad ng kanyang tingin.
“You’re kidding me,” aniya sa madilim na ekspresyon.
Mas kinagat ko ang aking labi at nagpigil nang matawa. Kinuha ko sa kanya ang aking dress at ako na ang nagtupi noon.
Tumahimik na siya roon at pinagmamasdan nalang ang aking galaw, bakas sa mukha ang pagtatampo at mukhang naghihintay lamang ng panunuyo.
Nagpanggap akong busy sa pag-iimpake at hindi pinansin ang kanyang ekspresyon kahit gusto ko nang humagalpak. Kaya ang sarap ring asarin eh…
Natapos nalang ako sa pagliligpit sa aking kama, naayos ko rin ang bedsheet, natupi ang kumot at naarrange ang aking mga unan pero di parin umiimik si Ken na nakahalukipkip nalang sa gilid ng bintana ko habang seryoso ang ekspresyon. Nagmistula siyang estatwa roon.
Naguilty ako ng kaonti kaya hindi ko narin nakaya ang hindi siya pansinin.
“Hindi ko siya crush ’no,” giit ko.
“Eh ano ’yung slight?” matabang niyang tanong.
Umupo ako sa aking kama at humalukipkip narin habang nakasandal sa headboard habang diretso ang tingin sa kanya.
“Pwede namang mabura ang slight.”
“Tsss…” Halos umirap na siya noong inilipat niya ang tingin sa ibang direksyon.
Ngumisi ako sa kanyang pagsusuplado. Mabilis niyang ibinalik sa akin ang kanyang mga mata kaya binura ko agad ang aking ngiti.
“You’re hurting me,” pag-amin niya sa malungkot na boses.
Tuluyang nabura ang pag-eenjoy ko at naging seryoso narin.
“Hindi nga ako nafall kay Hiro,” giit ko at nafufrustrate narin.
“Noon kay Wayt, ngayon naman kay Hiro. So when is my turn?” seryoso niyang tanong at bakas ang sakit sa tono ng pananalita.
Balak ko lang naman sanang mang-asar… Nakalimutan kong ang bilis niya na palang magseryoso.
Suminghap siya at ginulo ang buhok. Namungay naman ang aking mga mata noong tumayo na siya ng tuwid at balak na atang umalis.
“Nevermind,” aniya sa malamig na boses saka naglakad palabas ng aking kuwarto.
Kinagat ko ang aking labi at nasapo ang aking noo. Anong nagawa ko… shit! Hindi ko naman sinasadyang mahulog sa ganoon!
Medyo cold si Ken sa akin pero nagagawa parin naman akong pansinin. Dinibdib niya talaga ata iyong joke ko tungkol sa kanyang pinsan. I told him it was just a joke kaso ayaw niya nang tanggapin.
Kaya noong sinundo namin si Necia sa Sabado ng umaga ay naramdaman niya agad ang katahimikan sa pagitan namin ni Ken.
“Oh… Parang may malamig na hangin atang nakisakay rito ah,” ani Necia sa likuran.
Walang umimik sa amin ni Ken. Tahimik niya lang na pinaandar ang kanyang kotse at itinuon ko naman ang aking tingin sa labas ng bintana habang natatangay ang aking mga mata sa nadadaanan naming building.
Nagbeep ang aking cellphone. Napatingin agad si Ken doon at tila interesado sa nagtext sa akin.
Tiningnan ko ang screen at nakita ang text ni Necia.
“Sinong nagtext?” malamig niyang tanong.
“Si Necia,” sabi ko sabay pakita ng screen.
Nag-iwas rin naman siya ng tingin at itinuon na sa daan habang seryoso parin ang mukha.
Nilingon ko si Necia sa likuran na nagkakasalubong ang kilay dahil sa inaasta naming dalawa. Itinuro niya ang kanyang cellphone kaya inabala ko siyang replayan.
Necia: Nag-away kayo?
Ako: Nagsusungit siya sa’kin kasi binanggit ko ang pangalan ng pinsan niya.
Necia: Yun lang?! Ang seloso talaga niyang asawa mo! Nilambing mo ba?
Kinagat ko ang aking labi at nagtipa ng reply.
Ako: Hindi
Narinig ko ang marahas na paghinga ni Necia sa likuran, tila nanggigigil na naman sa akin.
Necia: Akin na nga lang ’yang asawa mo! Ako nalang ang lalambing diyan! Kahit hindi siya galit lalambingin ko parin siya!
Ngumuso ako. I know I am not good at those things pero may parte parin sa akin ang masyadong reserve, iyong ayaw pang masyadong nacacarried away kay Ken. Para akong nag-iingat na hindi mabasag… Ewan ko ba.
Ako: Gaga ka.
Tumikhim tikhim si Necia kaya nalingon ko ito. Nakita ko siyang iniangat ang kanyang paa at hinaplos ang likod ng upuan ni Ken. Tinaliman ko siya ng tingin kaya tumawa siya. Umirap ako at umayos ng upo.
Nagbeep ang aking cellphone.
Necia: Lambingin mo na! Tigang yan ng anim na taon tapos pinapaselos mo pa.
Namula agad ako roon at gusto nang batuhin si Necia sa aking likod. Sumulyap naman si Ken sa akin.
“Sinong katext mo?” tanong niyang muli at nagkakasalubong na ng husto ang kilay.
“Si Necia nga,” giit ko at ipinakita muli ang screen.
Nakontento naman siya at ibinalik ulit ang tingin sa harap. Humagalpak naman ng tawa sa likuran ang loka-loka.
Buong byahe kaming nagpapalitan ng text ni Necia habang walang pinagbago ang ekspresyon ni Ken kahit na noong dumating na kami sa Resort kung saan gaganapin iyong blowout niya sa mga empleyado.
“Ang hot naman ng asawa mo kahit ang sungit tingnan,” bulong sa akin ni Necia nang lumabas na kaming tatlo.
Sino bang hindi matatangay ang tingin sa kanya? Sa suot niya palang na button down blue shirt, ang tatlong botones ay nakabukas at medyo expose ang dibdib, board short at boardwalk slipper ay mapapasinghap ka talaga pag dumaan ito sa harapan mo. Idagdag pa ang kanyang buhok na medyo magulo, iyong tipong hindi niya na nagawang ayusin pa pero bagay parin sa kanya. Ang gwapo niya sa kahit saang anggulo. Sobrang hot nga kahit na ang sungit niyang tingnan dahil sa seryosong ekspresyon.
Doon lamang naputol ang aking paninitig nang magring ang kanyang cellphone at dinukot niya agad iyon sa kanyang bulsa.
“Go ahead,” ani Ken. “Mauna na kayong dalawa sa loob.” Tiningnan niya ang screen, tila may tumatawag.
Tumango nalang ako at nalaglag ang tingin sa kanyang cellphone. Sino ’yan at kailangan naming mauna ni Necia para lang di namin marinig?
Napansin niya ata ang pagtitig ko roon. Buong akala ko ay tatalikod na siya at lalayo kaso nagulat nalang ako nang ipinakita niya sa akin ang screen.
“It’s my mother,” sabi niya kahit na nasa mukha parin ang pagsusungit.
Natutop ni Necia ang kanyang bibig at tila nagpigil ng tili habang pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa. Tumango naman ako lalo na’t namumula narin ang aking pisngi saka ko kinaladkad si Necia papasok.
“Kahit magkaaway kayo ang rurupok niyo parin pala sa isa’t isa ’no?” Humagalpak siya.
Kinagat ko ang aking labi at ramdam ang pamumula ng aking pisngi.
“Siya lang naman ang nagsusungit,” sabi ko sabay irap sa kawalan.
“Nakakainggit ha! Ang layo layo ni Dustin sa inaasta ni Ken. Pasalamat ka nga at masyadong seloso ang asawa mo kumpara sa ex ko na never ata talaga nagselos! Kaya nga ikaw palagi ang niyayaya ko tuwing linggo dahil sa tuwing yayayain ko siya ay ang rami niyang dahilan. Tinakot ko pa na makikipagdate ako sa iba kaso ang sinabi lang na mag-enjoy ako at magpahatid pauwi. Gago ’di ba!”
Napangiwi ako roon. Kung ikukumpara nga si Ken ay ang layo-layo niya sa inaasta ni Dustin. Kahit pinsan pagseselosan at sinusundan pa ako tuwing lakad ko kahit na si Necia naman talaga ang kasama ko.
“Nakita mo na talaga ang lalakeng para sa’yo…” aniya habang papasok kami sa loob.
Ngumisi lamang ako sa kanya, feeling proud.
Hindi mahirap hanapin kung saang cottage ang mga empleyado sa kompanya dahil si Mika agad ang nakita ko. Mukhang sumama ata lahat ng babae na empleyado, iyong mga kaedaran ko lamang saka may mga lalake rin naman.
“Aioni!” sigaw pa ni Mika at kinawayan ako.
“May kaibigan ka naman pala sa trabaho mo,” ani Necia.
“Siya lang rin ang pumapansin sa akin,” sabi ko at bahagyang nginitian si Mika.
May mga lalakeng sumulyap sa akin. Iginala ko naman ang tingin sa cottage at nakita ang grupo ni Jelsen.
“So may haters kana naman?” si Necia.
“Meron,” sagot ko at isinabit sa gilid ng aking tainga ang sumabog na buhok dahil sa pagsalubong ng hangin.
Pagdating namin sa kanilang harapan ay pinasadahan agad ako ng tingin ni Mika.
“Ang ganda mo ah! Ang sexy mong tingnan!” Tinitigan niya ako ng husto sa suot kong chiffon crop top lace short sleeve blouse na kulay puti. Nakaribbons ang lace noong parteng dibdib habang sa ibaba naman ay maong short at simpleng boardwark slippers.
“Salamat,” pabirong sagot ni Necia at tumawa kaya binalingan siya ni Mika.
“Hi!” Kinawayan niya ito. Kumaway naman pabalik si Necia.
Inayos ko ang ay kung sino pang sumipol.
“Ang ganda-ganda mo naman, Aioni…” Isa sa mga lalakeng empleyado.
“Anong sabi mo?” Biglang pumaibabaw ang boses ni Ken sa aking likuran.
Mabilis na napunta ang tingin nila roon. May mga babaeng nagsinghapan at sobra na kung makatitig.
“Happy birthday, Sir Ken!” si Jelsen agad ang tumayo kaya nadedma na iyong sinabi ni Ken kanina.
May iilan naring bumati sa kanya. Pinagkaguluhan siya ng mga empleyado sa aking likuran at lahat sila ay nagbibigay ng regalo habang nakikipagpicture sa kanya.
“Hmm… Parang match ata kayo ng suot ah?” ani Mika nang tabihan ako.
Sumulyap si Necia at tumawa. Palihim ko agad itong sinamaan ng tingin.
“Purket magkaparehas na ng suot nagdidate na?” sabi ko na hindi niya man lang pinakinggan at busy sa pabalik-balik na tingin sa akin at kay Ken.
“Match rin kayo ng slipper. Hmm…” Mas nagduda ang nanunuyang titig ni Mika sa akin at bawat detalye ata ay tinitingnan niya.
“At di na nakarolex si Sir Ken… Parang ngayon ko lang siya nakitang magsuot ng kulay gold na relo. Cartier ’yan ah?” Saka siya sumulyap sa aking palapulsuhan.
Bago ko pa man maitago iyong akin ay mabilis nang nanlaki ang kanyang mga mata nang makita iyon.
“Ngayon ka lang rin nagsuot niyan ah?! At Cartier rin ’yang relo mo.” Mas naghinala na siya habang si Necia naman ay ngumingisi sa aking tabi, mas pinapahalata ang pagdududa ni Mika.
“May kasama pang love bracelet na gold at Cartier din. Future CEO ata ang boyfriend mo eh at mukhang nasa tabi-tabi lang,” si Mika na hindi parin matapos tapos sa kakapuna.
Itinago ko na ang aking pulso. Hindi ako nagbigay ng reaksyon at sumulyap muli sa dako ni Ken na pinapaligiran parin ng mga babae.
“Bagay sila ’no?” Inosenteng sabi ni Necia na agaran namang ikinatango ni Mika.
“Oo girl, sobra! Magkakasundo tayo! Parehas tayo ng taste!” At nag-apir pa silang dalawa.
Hindi naalis ang tingin ko sa dako ni Ken na busy parin sa pag-entertain sa mga babaeng empleyado niya, kahit ang mga babaeng hindi siya kilala ay napapasulyap na sa kanya. Sunod sunod silang nagpapapicture. May iba pang hinahawakan siya sa braso sa tuwing at nakangisi naman siya sa bawat babae, nagpapakafriendly.
Alam kong ako ang may pakulo nito pero ang sakit pala sa mata na ang raming humaharot sa kanya.
“Tama na tama na baka hindi na makahinga si Sir Ken! Lumayo na kayo!” ani Jelsen habang tinutulak sila isa-isa.
“Ang damot mo Jelsen!” Tumatawang sabi ng iba.
“Parang di ko ata gusto ang haliparot na ’yan. Sino ’yang mukhang hito, Aioni? Ba’t kung makadikit kay Ken akala mo girlfriend?” Inis na tanong ni Necia.
Nang marinig iyon ni Mika ay napaapir na naman ito kay Necia.
“Gusto na talaga kita!” Naghalakhakan silang dalawa habang pumapagitna ako rito sa cottage.
Nang sumulyap dito si Ken ay pasimple nalang akong nag-iwas ng tingin.
Si Jelsen ang naging topic ng dalawa habang ako naman ay tahimik lang na sumusulyap sa may boardwalk at tinitingnan ang mga dumadaan doon.
“Ayan kasi pinaselos mo kaya siguro pinapaselos kana rin…” bulong sa akin ni Necia. “Anong masasabi mo na nakasuot ka ng relo pero wala naman siyang time sa’yo?” Humagikhik agad si Necia.
Kumuyom ang aking kamay na nasa aking kandungan lamang. Nanggigil narin talaga ako sa rami ng babae roon at parang gusto kong lumapit para hilain siya kaso may parte rin sa akin ang gusto nalang manood.
Umiling iling naman si Mika.
“Kung ako ang girlfriend ni Sir Ken di ko talaga hahayaang dumikit dikit ang kung sinong babae sa kanya.”
“Kung ako rin ang girlfriend ni Ken, ihahagis ko talaga pabalik sa dagat ang malanding hito na kumikirengkeng sa kanya.”
At sabay nila akong nilingon sa inosenteng mukha.
“Eh ikaw Aioni…” si Necia.
“Kumusta ang pagpipigil na h’wag manakit ng mga babaeng makakati?” Nanunuyang tanong ni Mika at sabay silang naghagalpakan sa aking tabi.
Kinagat ko nalang ang aking labi. Bahala siya.
49th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Andrea Olaes. Happy reading!
Akin
Binalewala ko nalang ang mga nakakairitang sulsol sa akin ng dalawa lalo na’t naiinis lang ako lalo. Nagsimula na ang pa games ngunit si Jelsen ay di parin nagagawang umalis sa tabi ni Ken.
“Sir anong prize pag kami ang nanalo?” tanong ng kung sino, isa sa mga kaibigan ni Jelsen sa kompanya.
Nagpasya kasi silang magbanana boat. Boys laban sa girls. Marami silang mga games na pinagsasabi at lahat ng iyon ay inaprobahan naman agad ni Ken, walang pag-aalinlangan at sagot niya pa lahat ng gastusin.
“Money,” sagot ni Ken.
“Pero sumali ka ha!” ani Jelsen na nasa tabi niya lamang at nagawa pang humaplos sa kanyang braso.
Tumango naman agad si Ken at nagawa pang sumulyap sa akin habang nakatayo lamang ako sa gilid kasama nina Necia at Mika na panay ang hagikhik sa kung ano.
“Sure,” sagot ni Ken sanhi para maghiyawan ang mga babae.
“Ang lakas talaga ni Jelsen… Nakakainggit.”
Tumawa lamang si Jelsen kahit halatang gustong gusto niya ang pang-aasar sa kanya ng iilan. Si Ken naman ay hindi na iyon pinansin dahil may kausap narin itong lalake na mukhang magpo-provide noong kailangan namin.
“Sarap hampasin ng surfboard nang magising sa pagfefeeling,” ani Necia.
Sumali kaming lahat sa banana boat nang mabura rin ang iritasyong namamayani sa akin at baka matotoo ko ang narinig kong sinabi ni Necia. Nagtanggal nalang ako ng inis sa pamamagitan noon.
Nawala rin naman ang inis sa sistema ko nang lumubog kaming lahat sa tubig dahil sa pagkakahulog namin sa aming sinasakyan. Nagtawanan ang iilan habang nauubo naman akong hinilamos ang aking mukha. Gawa ng lifeguard na aking suot ay hindi ako lumubog at nagpalutang lutang lamang.
Nagtawanan kami ni Necia nang magtama ang aming mga mata at isa rin siya na basang basa sa pagkakahulog.
Nanalo ang boys sa banana boat riding. Maraming nadismayang mga babae pero nag-enjoy rin naman kaya hindi narin nagsisihan.
“May isa kasi riyan nagsama pa ng hindi naman empleyado… nagdala pa ng pabigat ayan tuloy,” pagpaparinig ni Jelsen habang umaahon kaming lahat.
Sumulyap ako sa kanya. Umirap siya at naiinis na hinawi ang basang buhok habang naglalakad patungong cottage.
“Teka… Ako ba ang pinaringgan noon? Awatin mo ako at baka maililibing ko ’yon sa buhangin!” si Necia.
“Hindi kita aawatin,” sabi ko at tiningnan si Ken na nakikipaghalakhakan sa mga empleyadong lalake.
At least he’s happy… Bahala na muna iyang pag-iinarte ni Jelsen. Ayoko ring gumawa ng gulo kaya di ko nalang papatulan.
Hindi natigil ang panggigigil ni Necia kay Jelsen na kahit si Mika ay nakisali narin. Silang dalawa na itong parang bubuyog na panay ang pagbubulung-bulungan nila ng kung ano-ano.
“Support kita girl. Ako hahawak ikaw bubugbog.” Narinig kong sabi ni Mika.
“Ire-wrestling ko yan. Hahatiin ko ang bibig niyan at babalian ng ngala-ngala nang matigil siya sa kakabunganga,” si Necia.
Nagkasalubong na ang aking kilay sa dalawa. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano lalo na’t ilang minuto palang silang nagkakilala ay ang close na agad nilang dalawa.
Nahuli ko ang pagsulyap ni Ken sa akin. Noong tumingin narin ako pabalik ay nag-iwas rin naman siya at ibinalik sa mga kasama niya ang atensyon.
Sumunod naman ay ang volleyball. Girls laban sa boys. Tuwang tuwa si Necia lalo na’t marunong siya noon habang ako itong ngumingiwi dahil hindi naman ako mahilig sa sports.
“Dapat iyong isali lang iyong mga empleyado talaga. Unfair sa iba na empleyado na hindi makakaparticipate dahil may sumasawsaw na tagalabas. Hindi sila makakapag-enjoy.” Pagpaparinig na naman ni Jelsen nang magtipon tipon ang mga babae.
Napatingin ang mga babaeng empleyado sa akin lalo na’t ako lamang ang nagdala ng tagalabas. Pwede ko namang sabihin na inaprobahan iyon ni Ken kaso baka ibigdeal lang nila.
“Sumusobra kana ata Jelsen,” si Mika na mismo ang sumita.
Tumaas ang kilay ni Jelsen na nakahalukipkip lamang at litaw na litaw ang suot niyang pulang bikini.
“I am just saying…” aniya.
“Eh kung ikaw ang gawin kong bola?” Hindi na napigilan ni Necia ang kanyang inis.
Nalaglag naman ang panga ni Jelsen at naging matalim agad ang tingin sa kanya.
“Necia,” tawag ko.
Sumimangot siya habang si Jelsen ay hindi na humuhupa ang inis at nasa akin agad ang mga mata.
“Alam mo bang isang sulsol ko lang kay Sir Ken ay pwede na kayong paalisin ng kaibigan mong bastos sa Resort na ’to. Nagdala ka pa talaga ng kaibigan mong mala skwater ang ugali!”
“Anong skwater? Gusto mo sapakin kita!” si Necia naman ang nag-akmang lumapit kaya mabilis kong hinila lalo na’t napaatras pa si Jelsen.
“See! Oh my gosh skwater!” aniya.
“Napakaimmature mo, Jelsen,” si Mika naman.
“Ako pa ang immature? Siya ang nagsisimula ng gulo. Kulang nalang saktan niya ako! Isusumbong ko talaga to kay Sir Ken-”
“Feeling! Ang sarap mong hampasin ng katotohanan! Kung makaasta akala mo girlfried. Girlfriend ka? Girlfriend ka?” si Necia na tuluyan naring sumabog.
Inawat ko siya lalo na’t si Mika ay walang balak tumulong at mukhang gusto pa ata niyang lapitan ni Necia si Jelsen. Nagkakagulo na kaming mga babae hanggang sa nakuha na namin ang atensyon ng mga boys. Nakita ko kaagad ang paglalakad ni Ken patungo rito.
“Humanda kayo!” Pagmamayabang pa ni Jelsen nang makita narin ang paglapit ni Ken.
Nagloosen ang aking balikat at gustong matawa sa nangyayari kaso ipinatili ko nalang na seryoso ang aking mukha. Tumigil naman si Ken sa aming harapan.
“Ba’t parang nagsisigawan kayo rito?” tanong niya at napunta agad sa akin ang mga mata.
Mabilis na lumapit si Jelsen sa kanya at nagawa pang ipulupot ang kamay sa kanyang braso. Tumalim agad ang aking mga mata roon habang nakakunot naman ang noo ni Ken.
“Iyang kaibigan ni Aioni gumagawa ng gulo, Ken…” Naging malambot agad ang kanyang boses at idinikit pa ang dibdib sa braso ni Ken.
Nang mapansin ni Ken ang masama kong titig doon ay unti-unti niyang kinalas ang kamay ni Jelsen.
“For what reason?” tanong niya at nagawang tingnan si Necia na umirap agad.
“Ang sabi kasi ni Jelsen bawal sumali ang tagalabas kung hindi empleyado, Sir,” si Mika mismo ang nagsalita lalo na’t tikom ang bibig ng iilan.
Binalingan ni Ken si Jelsen.
“Everyone can join, Jelsen. Wala akong pinagbabawalan,” paliwanag niya.
Sumimangot si Jelsen.
“Okay, sorry… Namisinterpret lang siguro nila ang ibig kong sabihin. But anyway… Hayaan mo na. Ayaw naman naming masira ang birthday celebration mo,” ani Jelsen sa mahinhing boses at hinaplos ulit ang braso niya.
Bago pa ako makagawa ng kung ano ay tumalikod nalang ako at nagwalk-out.
“Aioni, saan ka pupunta?” tawag sa akin ni Necia.
“Cottage. Iinom…” tangi kong sagot at hindi na sila nilingon pa.
Nagtungo ako roon. Bumuntong ako ng hininga at halos dumilim na ang aking paningin sa inis. Para akong sasabog na ewan na hindi ko makontrol.
Kinuha ko ang mini packbag ko sa cottage at inilabas doon ang aking bottled water. Uminom ako roon para man lang mabawasan ang init ng aking ulo.
“You should have fun, too.”
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ng boses ni Ken dito sa cottage. Sinamaan ko agad ito ng tingin. Umangat ang dalawa niyang kilay sa akin.
“What’s with the dark stares?” he chuckled.
“Bumalik kana roon sa sekretarya mo. Mag-enjoy kayong dalawa,” sabi ko at umirap.
Sumulyap siya sa dalampasigan kung nasaan ang iilan saka muling ibinalik sa akin. Bigla naman akong nagsisi sa binitiwan kong salita at gusto nalang iyong bawiin.
“I was having fun watching you…” aniya.
Sus… Kani-kaninang umaga lang ang supla-suplado nito ngayon namamansin na. Umupo ako at tiningnan ang boardwalk.
Pumasok naman siya at pumwesto sa may pinto saka siya humalukipkip doon.
“And you told me to entertain them so… that’s what I’m doing,” aniya.
“Eh parang iyong sekretarya mo lang ata ang inientertain mo,” matabang kong sabi, hindi na nakayang hindi iyon isaboses. Wala na akong pakialam kung pagbintangan niya akong nagseselos dahil totoo naman talaga. Sasabog na ako sa sikip ng dibdib ko.
“Inientertain ko sila lahat, Aioni,” he clarified.
“Tsss… Edi bulag ako?” Nilingon ko siya.
Ngumuso siya at nagpigil ng ngisi. Hindi ko alam kung anong ikinakatuwa niya rito. Umirap akong muli at itinuon ang tingin sa boardwalk.
“You’re jealous,” he said, trailing.
“So?” Mataray kong sagot at narinig ang kanyang hagalpak.
Ang talim na ng tingin ko sa boardwalk, kaso nang maramdaman ko ang halik niya sa aking pisngi ay unti-unting namungay ang aking mga mata, hindi na mapanindigan ang galit.
“Uwi na tayo?” Masuyo niyang bulong sa akin na ikinatindig ng aking balahibo sa aking batok.
Kumuyom ang aking kamay at ipinatili ang tingin sa malayo.
“Ba’t tayo uuwi eh selebrasyon mo ’to sa birthday mo,” giit ko.
“Bukas pa ang birthday ko, Aioni. Sinunod ko lang naman iyong request ng asawa ko na pagbigyan ang mga empleyado sa gusto nila…” he whispered softly while touching my chin.
Halos maputol ang aking hininga. Malayo naman ang cottage sa dalampasigan kaya imposible kaming makita pero ayoko ring pigilan si Ken sa pagiging clingy sa akin at bahala na sila kung makita man nila kaming dalawa.
Iginiya ni Ken ang aking mukha paharap sa kanya. Bumusangot akong muli at ipinakita ang aking inis. Kinagat niya ang nakangisi niyang labi. Nasa harap ko siya, marahang nakayuko.
“We can go home now and just wait for our flight tonight, you know…” Hinaplos haplos niya ang baba ko.
Gusto ko… Gusto ko ang ediya niya kaso ayoko ring maging unfair sa mga empleyado na nag-eenjoy na kasama siya. Kung papairalin ko ang pagiging immature ko katulad ni Jelsen ay maraming madadamay. First time nila itong makabonding si Ken kaya ibibigay ko iyon sa kanila.
Umiling nalang ako ng marahan.
“Ayokong maging kj,” sabi ko.
“Well… I’m kj. Kung payag kang iuwi agad kita ngayon ay aalis na tayo,” he said surely.
Nagloosen ang aking balikat.
“H’wag na. Nag-eenjoy ka nga eh…” sabi ko.
“Mas mag-eenjoy ako kung tayong dalawa.”
Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. Pabiro nalang akong umirap at inalis ang kanyang kamay sa aking baba dahil para na akong bulkang Mayon na sasabog anytime.
Tumayo ako at ibinalik ang aking bottled water sa mini packbag ko.
“Bumalik na tayo. Mukhang magsisimula na ang volleyball…” sabi ko na ikinasimangot niya.
“Palagi mo talaga akong tinatakasan sa tuwing tayo lang dalawa ’no? Ang hilig mong mambitin…”
Ngumisi lamang ako sa kanya at naunang naglakad pabalik sa dalampasigan.
Nakihalo akong muli sa mga babae. Si Ken naman ay naglakad narin patungo sa mga lalake. Mukhang nagpaplano na sila ng magiging strategy sa laro at napagdesisyunan narin kung sino ang nasa harap, gitna at sa likurang linya.
“Sino ba ang Jelsen na ’to at kung makaasta akala mo lider? Inilagay ako sa likod eh dapat sa harap ako kasi magaling akong manghampas ng bola. Siya pa hampasin ko eh,” bulong agad ni Necia sa akin nang makalapit ako roon.
Masyado na silang seryoso sa pagpaplano na naroon na ang buo nilang atensyon. Ang laki rin naman kasi ng pa prize ni Ken. May pa 50 thousand siya sa mananalong grupo.
“Hayaan mo nalang. H’wag mo nang patulan,” sabi ko at sumulyap kay Mika na ngising aso agad sa akin.
“May nakita ako…” aniya, tila may ipinaparating na ang boses na iyon.
Ipinagkibit ko nalang ang kanyang tinutukoy.
Noong nagsimula na ang game ay halos mapasinghap ang mga babae nang topless na lahat ng mga boys, lalo na si Ken na board short nalang ang suot at ibinabalandra ang hard rock abs niya.
“Ang gwapo mo Sir!”
“Sir ang daya mo! Sinasadya mo atang maghubad para madistract kami sa laro!”
“Sir naman! Marurupok kami!”
Ngumisi lamang si Ken kagat kagat ang kanyang labi habang inaayos ang buhok.
“Nangangamoy 50 thousand!” hiyaw ng mga boys at nag-apir.
Umupo ako sa buhangin at nanood muna total di ako kasama sa first game. Nagsimula ang kanilang laro at ang lakas agad ng hampas ng boys na mabilis iyong lumipad sa pinakalikuran.
Tumalon naman agad si Necia at hinampas iyong bola na mabilis ring lumipat sa kabilang net. Sa sobrang lakas ng kanyang hampas ay walang nakaabot noon.
Tumili agad ang mga babae lalo na sina Mika at Necia na naghawakan pa ng kamay habang nagtatatalon. Ngumisi ako at pumalakpak.
“Go Necia!” Cheer ko.
Umungol ang iilang mga lalake sa pagkadismaya maliban kay Ken na nasa akin ang tingin habang nakapameywang. Nginisihan ko siya ng pilya at nagthumbs-down pa ako.
“Boo…” kantyaw ko na ikinailing niya at lumalaki na ang ngisi habang pinapasadahan ng haplos ang buhok.
Nagsimula ulit ang game. Naging tutok na ang mga lalake at hindi hinahayaang makarating ang bola kay Necia. Nagpapalitan na sila ng hampas na kahit si Ken ay nagfe-flex narin ang muscle dahil sa kanyang galaw.
“Go Necia!” sigaw ko kasabay noon ang paghampas niya ng bola at mabilis agad ang paglipad noon pabalik.
Katulad ng nangyayari sa kanyang malakas na hampas ay bigo iyong mahampas pabalik ng mga lalake at nagdive pa iyong isa sa buhangin.
Pumalakpak ako ng husto habang nagtilian lalo ang mga babae.
“Ang galing mo girl! Ang lakas mong humampas! Hampasin mo kaya ’yung isa riyan nang ma stiff neck!” pagbibiro pa ni Mika at sabay silang nagtawanan.
Tumalim ang tingin ni Jelsen ngunit binura rin ang inis at sumulyap nalang kay Ken.
Nakakapuntos rin naman ang mga lalake pero madalas talaga ay sa girls at sa tuwing napapatingin si Ken sa akin ay nag t-thumbs down agad ako sabay boo.
Nanalo ang mga babae sa volleyball. Ni hindi na nga nagawang mag swap dahil sa ganda noong laban nila na kahit ako ay hindi narin sumali total wala rin talaga akong hilig sa volleyball. Baka imbes hampasin ko ang bola ay ilagan ko lang.
Marami ang pumuri kay Necia maliban kay Jelsen na sobrang bitter at nakakailang irap na. Kumain rin naman kami sa isang buffet sa Resort. Kasama ko sina Mika at Necia sa isang table habang may iilang babae naman ang nakihalo sa amin.
“May galit na naman kasi inagawan mo ng spotlight,” ani Mika at tumatawa pa habang ginagalaw ang kanyang pagkain.
“Nakakagigil ’yon… Akala mo kung sino,” si Necia naman.
Sumulyap ako sa table ni Ken. Nakita kong may iilang babaeng lumalapit sa kanya at parang kinakausap siya. Kumunot ang aking noo. Medyo malayo rin kasi ang table nila kaya hindi ko masyadong marinig.
“Napaka chic magnet rin talaga nitong si Sir Ken eh. Kahit saan ata ilagay ay may babaeng maaakit,” si Mika nang mapatingin narin doon.
Iniwas ko ang aking mga mata at sumubo nalang. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag-alis noong dalawang babae na lumapit kay Ken.
“Sayang… Taken na ata kaya ayaw mamigay ng number.” Narinig kong sabi noong isa nang mapadaan sila sa aming table.
Sumulyap sa akin si Necia at ngumisi. Nag-iwas naman ako ng tingin at uminom ng pineapple juice.
“Loyal…” pagpaparinig naman ni Mika at mukhang sigurado na talaga sa kanyang pagdududa.
Pagkatapos kumain sa Restaurant ng Resort ay dumeritso rin ang lahat sa pool at doon na ipinagpatuloy ang kasiyahan. Medyo papalubog narin kasi ang araw at ang usapan namin ni Ken, 7pm palang ay nasa condo na ulit kami para magprepare na sa pag-alis lalo na’t 3am ang flight namin at para makatulog rin daw ako.
“Yung asawa mo pinapaligiran na naman ng mga babae. Ano… Gusto mong lunurin natin isa-isa?” Suhestyon sa akin ni Necia nang masulyapan namin si Ken sa kabilang dako na pinagkakaguluhan na ata ng mga babae at isa narin doon si Jelsen.
Binalewala ko nalang iyon. He’s having fun so okay lang. Total masosolo ko rin naman siya sa flight namin patungong Davao.
Nanatili lamang kami ni Necia sa 5 ft. Iyong iba ay ang gagaling pa sumisid kaso hindi rin naman ako makarelate. Marunong si Necia kahit papaano hindi katulad ko na magmumukha lang nalublob na pusa habang natatarantang umahon.
“Sir, overnight po ba ito?” Isa sa mga babaeng naroon ang narinig kong magtanong sa kanya.
“Kung sino ang gustong mag-overnight ay pwede since nabayaran ko na ito hanggang bukas,” sagot ni Ken.
“Talaga? Edi mag-oovernight tayo? Kumuha ka rin ng room?” si Jelsen iyon.
“May kinuha akong rooms pero dalawa lang. Kung may mga babaeng gustong mag-overnight pwede kayo roon sa isang room at ang isa ay para naman sa lalake,” si Ken.
“Eh ikaw? May sarili kang room? Pwedeng doon narin ako?” Pabirong tumawa si Jelsen pero halatang sinadya niya iyong sabihin.
Sumulyap ako roon. Ken stroke his wet hair backwards at binasa ang pang-ibabang labi saka siya umiling.
“No… I have a flight tonight. Baka mawawala ako ng isang linggo. I’m going to Davao,” paliwanag niya.
“Ay talaga Sir? Business trip? Baka kailangan mo ng sekretarya roon Sir free naman ako,” ani Jelsen.
Umiling lamang si Ken at tila ayaw nang pag-usapan. Ang sarap ngisihan ni Jelsen at ipagmalaki sa kanya na ako ang kasama nito kaso isinarili ko nalang iyon. Noong marinig rin iyon ng tsismosang si Necia ay umangat agad ang kilay sa akin. Tumango nalang ako saka ko siya sinabuyan ng tubig at natawa.
Umupo nalang ako sa gilid ng pool at hinayaang ilublob ang kalahati ng aking binti sa tubig. Tiningnan ko si Ken at nakikihalo na sa mga lalake hanggang sa may mahagip ang aking paningin. Sa rami ng tao, may namukhaan pa akong isa na sinundan ko pa ito ng tingin para lang makumpirma ang iniisip ko.
“’Di ba si Audrey ’yan?” tanong ko narin kay Necia nang umahon siya at tumabi sa akin.
“Huh? Saan?” tanong niya.
Nginuso ko si ang babaeng kakaahon lamang at naglalakad na sa gilid habang hinahaplos ang basang buhok suot ang isang one piece na bikini.
“Oo nga ’no? Audrey!” tawag niya agad sa malakas na boses sanhi para maglingunan ang ilang babae sa amin.
Hindi nga naman kami nagkamali at lumingon narin si Audrey. Mabilis pang tumaas ang kanyang kilay saka napadpad ang mga mata sa akin.
Isang ikot niya nalang at mapapadaan niya sa amin. Tumigil siya sa aming dako hanggang nakita namin ito sa malapitan. Mas tumangkad siya at mala modelo na ang tindig. Gumanda siya lalo ngunit mataray parin talaga.
“Eunecia? Aioni…” sambit niya.
Napalingon ako saglit kay Mika na umahon narin at tumabi sa akin habang nakay Audrey ang mga mata. Ibinalik ko sa kanya ang aking atensyon lalo na’t nagsalita ulit ito.
“You’re both here.” Humalukipkip siya saka nagawang tingnan ang aking suot lalo na’t ako lang ang nakasando tsaka short habang ang dalawa kong katabi ay nakabikini.
“Gumanda ka lalo pero ba’t parang ang baduy mo naman atang manamit?” aniya habang nakataas ang kilay sa akin.
Hindi ko tuloy alam kung compliment ba iyon o ano…
“Sino ’yan?” bulong sa akin ni Mika. “Parang familiar ng slight…”
“Ang famous mo sa facebook. In-add kita kaso natabunan na ata ng iba. Sikat kanang modelo…” ani Necia na hindi ko man lang nabalitaan.
Talaga? Model na siya?
“I’ll confirm you later.” Saka ulit siya bumaling sa akin. “How are you, Aioni? Kayo parin ba noong hot mong boyfriend?” Ngumisi na siya sa akin.
Dahan-dahan naman akong nilingon ni Necia at iba na agad ang ngisi. Ngumuso ako saka tiningala si Audrey.
“Ano nga ulit ang pangalan noon? Is it? Klent? Kent?” Nagkasalubong ang kanyang kilay habang may inaalala hanggang dumako ang kanyang tingin sa pool.
“Oh… I remember… It’s Ken at magkasama pala kayo. Kaya pala hindi ka naka bikini…” aniya habang nakay Ken na ang tingin at umaahon narin sa pool.
Rinig na rinig ko ang singhap ni Mika sa aking tabi. Hindi lamang siya ang nang-uusisa sa aming usapan at pati narin ang iba pang empleyadong babae.
“Ah… Hiwalay na kami,” agad kong sabi sanhi para maibalik niya ang tingin sa akin.
“Talaga? Eh halos luhuran kana niya noon. Did my prayers work?” sarkastiko niyang sabi at pilyang tumawa.
Umismid ako. Si Necia naman ay pasimple pang tumitikhim.
“Sabi ko na nga ba may something talaga sa inyo ni Sir Ken! Naging kayo pala noon!” sigaw ni Mika sa aking tabi, nadala na ata sa gulat.
Sa gilid ng aking mga mata, napansin ko agad ang pagsulyap ng lahat ng mga empleyado sa akin. Nakita ko naman si Ken na naglalakad na sa gilid ng pool habang ang isang kamay ay nakatusok sa kanyang kaliwang tainga at bahagyang ginagalaw ang ulo. Kinagat ko ang aking labi at hindi na maawat ang kalabog ng aking dibdib.
“Got to go… Jeric is already mad…” Ngumiti siya ng makahulugan at tuluyang naglakad paalis.
“Huh? Nagkabalikan sila ni Jeric?!” Gulat namang sabi ni Necia sa akin.
Bago ko pa iyon masagot ay narinig ko na ang tanong ng iilan.
“Naging kayo ni Sir Ken noon, Aioni?” Isa sa mga kaibigan ni Jelsen ang nagtanong.
“Ex ka ni Sir Ken?”
“Huh? Naging kayo?”
Matalim naman ang tingin sa akin ni Jelsen at halatang nagulat rin sa nalaman.
“Girl! Ipupusta ko talaga ang buong angkan ko! Sigurado na talaga akong may relasyon kayo!” bulong naman ni Mika sa aking tabi, halos mangisay na.
Umawang ang aking bibig at hindi alam kung anong isasagot sa lahat ng kanilang mga tanong. Pero bago pa ako makasambit ng salita ay may naramdaman na akong tumutulong tubig sa aking itaas habang ang kanilang mga mata ay nasa aking likod narin.
Tumingala ako at nakita si Ken na nakayuko na sa akin. Yumuko siya at bumulong.
“We need to go…”
Nahulog si Mika sa tubig dahil sa pagtili habang si Necia naman ay humagalpak na ng tawa. Marami ang nanlalaking mga mata sa ginawang pagbulong ni Ken sa akin, sa pagpwesto niya sa aking likod at topless pa habang nakasuklay paatras ang buhok at seryosong seryoso sa kanyang sadya sa akin.
Namula ang aking pisngi. Nanlalaki ang mga mata ng mga babaeng empleyado habang laglag panga naman ang iilan lalo na si Jelsen.
Nang walang nakuhang sagot si Ken sa akin ay nagulat nalang ako sa pagkakaalis ko pagkakaupo. Hinawakan na ni Ken ang magkabila kong beywang at inangat ako paalis doon.
“Ay jusko!” Tili narin ni Necia at nahulog narin sa tubig. Sabay na silang nagtitili ni Mika.
Nanginginig ang aking tuhod nang tumayo ako habang ngumisi lamang siya at bumulong ulit.
“Uwi na tayo…” masuyo niyang bulong ulit.
Wala sa sarili akong tumango, halos mamatay na sa kanyang pabulong-bulong sa akin sa maraming tao.
Binalingan ko ang dalawa na parang mga baliw at kapwa ngising aso sa akin.
“Alis na kami… I mean… Uh, ako… Alis na ako,” sabi ko, hindi na halos magawang ayusin ang pagsasalita.
Sabay namang tumango ang dalawa at kumaway pa.
“Mag-enjoy kayo sa lakad niyo!” ani Mika.
“H’wag niyo kaming alalahanin dito! Mag-eenjoy rin kaming mga single,” si Necia at sabay ulit silang nagtilian.
Natatawa akong umiling habang pumupulupot naman ang kamay ni Ken sa aking beywang habang iginigiya na ako paalis, walang pakialam sa mga nanonood.
Kagat-kagat ang aking labi, hindi ko mapigilang mapangisi at pasimpleng nilingon ang mga babaeng nakasunod ang tingin sa amin lalo na si Jelsen na namumutla sa sobrang inis. Lapit-lapitan niyo man siya, sa akin parin ang bagsak niya. Akin parin siya.
50th Chained
Chained
-PrfctltStbbrn
This chapter is dedicated to Jenelyn Tinga. Happy reading!
Addiction
Nagbihis rin naman kami at umalis rin doon. Kahit noong nasa kotse na ay hindi ko mabura-bura ang aking ngisi at naiimagine ko parin ang naiinis na mukha ni Jelsen kanina. I am not being mean to her pero ang sarap rin pala sa pakiramdam mang-inggit lalo na kung iyong iniinggit mo ay katulad niyang assuming masyado.
“Kanina pa ’yang ngiti mo ah?” ani Ken nang mapansin niya iyon.
Pabalik balik ang tingin niya sa akin at sa kalsada habang nagda-drive siya gamit ang isang kamay.
“Wala lang.” Umirap ako at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. Kinagat ko nalang ang aking pang-ibabang labi nang matigil ako sa aking ginagawa.
Pansin ko ang pagiging seryoso niya kanina pa. Sumeryoso narin ako at nililingon ang ekspresyon niya paminsan-minsan.
“Ihahatid nalang muna kita sa condo. I need to come home for awhile,” aniya.
“Huh? Bakit?”
“Babalik rin agad ako. Or you want to… come with me?” Nilingon niya akong muli.
Hindi agad ako nakasagot. Naiisip ko palang na mamemeet ko ang parents niya para nang lalabas ang puso ko sa kaba.
“Gusto mong sumama?” he asked me seriously.
Bahagya akong umiling. “Hintayin nalang kita sa condo.” Saka ako nag-iwas ng tingin.
“Babalik din ako agad. I just need to talk to my Mom,” sabi niya.
Tumango ako at naging tahimik na buong byahe. Iniisip ko kung ano ang pag-uusapan nila ng Mama niya na ang seryoso ng kanyang ekspresyon. Maybe she found out we’re back? Baka may galit parin sa kanya ang Mama niya kaya ngayon na nalaman niyang nakatira pa ako sa condo unit ni Ken ay nagalit na ito.
Or maybe I am just overthinking? Baka ay hindi naman siguro… But I can’t help thinking about it. Parang buong oras ko siyang kailangang isipin hangga’t hindi ako nakakakuha ng matinong sagot kay Ken. Gusto kong magtanong kaso alam kong privacy niya rin iyon.
I sighed silently. Naninikip lang ang dibdib ko sa pag-iisip ng kung ano. Kahit noong makarating na kami sa condo ay hindi na ako halos umimik.
“I’ll be back soon, Aioni,” sabi niya nang nag-amba na akong pumasok sa kuwarta.
Tumango ako at bahagyang ngumiti habang sinisilip ko nalang siya sa nakaawang na pinto.
“Okay… Hihintayin kita,” sabi ko.
Kaya noong umalis siya inabala ko ang aking sarili sa pagchecheck ng aking bagahe dahil baka ay may nakalimutan lamang ako roon para may magawa lang. Inilabas kong iyon lahat at nagsimulang magtupi.
“Undies… Check! Sunblocks, toothbrush, check! Hmm… Feeling ko may nakalimutan ulit ako.” Saka ko ulit inisa isa ang aking mga damit. “Dress… Long sleeves…” Huh? Ba’t puro long sleeve ang nandito?
Nagtungo ako sa aking walk-in at naghanap ng pwedeng ipamalit sa long sleeves na si Ken ata ang may pakana.
Nakita ko iyong bago niyang bili na silk na dress at sinasabi niyang panghoneymoon namin. Namula ang aking pisngi at wala sa sarili akong napanguso. Should I bring this? May parte sa akin ang nahihiya pero malakas parin ang loob kong kinuha iyon sa hanger at nagpasyang dalhin. Siguro naman hindi kami magkatabi matulog ’di ba? And this is comfortable to wear at night!
Marami akong kinuhang mga damit roon at pinalitan ng bago. Sa kalagitnaan ng aking pagtutupi ay nagbeep ang aking cellphone. Dinampot ko iyon sa aking gilid at chineck. Napangisi agad ako nang mabasa ang text ni Ken.
Ken: What are you doing?
Nagtipa ako ng reply.
Ako: Chinicheck ko lang ang mga dala ko baka may naiwan ako.
Binuksan ko narin iyong text sa akin ni Necia na kanina pa ata.
Necia: Nakakabwesit itong si Jelsen pinagyayabang na naman na ex kana lang daw. Baka kaya ka bumalik sa kompanya kasi gusto mo lang makipagbalikan at nagiging friendly lang daw si Ken. Pag ako nainis ipapalunok ko na talaga sa kanya ang wedding rin niyo!
Tumaas ang aking kilay. Bahala nga ang gagang iyon. Hindi ko nalang nireplayan si Necia at ipinagpatuloy ang aking pagtutupi.
9pm na noong matapos ako. Isinara ko na ulit ang maliit kong maleta at nagpasyang magtungo sa labas dala-dala ang aking cellphone at bottled water.
Nagtungo ako sa veranda. Umupo ako sa armchair at tiningnan ang nagkikislapang mga Citylights. Ang huling text ni Ken sa akin ay kanina pang 8pm. Maybe he’s busy?
Namamalayan ko ang bawat pagdaan ng oras. 9… 10… 11… 12… Bumuntong ako ng hininga at chineck ulit ang aking cellphone. Wala paring text. Akala ko pa naman sabay kaming sasalubong sa birthday niya. Ba’t kaya ang tagal niya?
Inangat ko ang aking mga binti at niyakap na ang aking mga hita. Isinandal ko ang aking baba sa aking tuhod at ramdam na ang lamig dala ng hanging humahampas sa akin.
Ganito pala kalungkot pag mag-isa nalang ako. Nasanay naman akong wala siya sa anim na taong lumipas pero noong bumalik siya at pinapasok ulit ako sa mundo niya ay hindi na ako masanay-sanay na wala ang presensya niya. Sa mga araw na nagdaan ay palagi kaming magkasama. Nasasanay na akong maamoy ang pabango niya sa paligid, nasasanay akong kasama ko siya rito, sa kahit saan…
Namalayan ko nalang ang pag-agos ng aking mga luha. Ganoon na ata kalungkot ang aking nararamdaman na naiyak nalang ako. Pinalis ko iyon at kinagat ang aking labi. Ilang oras palang kaming hindi nagkikita parang naninikip na ang dibdib ko. Paano kung ganito na bukas at sa mga sumunod na araw?
Napapikit nalang ako at pinalis ang panibagong luhang umagos sa aking mga mata. Stop overthinking, Marione… Mas malulungkot ka lang lalo kung iyan ang iisipin mo.
Mahal na mahal ko na talaga siya… Being around him is my comfort zone. Being chained to him is my happiness…
Sinapo ko ang aking dibdib at napayuko nang nanikip agad iyon. Huminga ako ng malalim at kinuha ang aking bottled water para uminom ng tubig. Siya na talaga ang magiging rason ng kamatayan ko pag hindi ko nakokontrol ang emosyon ko.
Ilang sandali lang ay nagbeep na ang aking cellphone. Mabilis ko iyong chineck at napangiti na kaso nang makita kong si Mang Rodulfo iyon ay napawi agad ang aking ngisi.
Binasa ko ang kanyang text.
Mang Rodulfo: Ma’am si Sir Ken po nabangga. Nasa hospital ngayon.
Mabilis akong napatayo at natakpan ang aking bibig. W-What? Anong nangyari? Ba’t siya nabangga? Sa aking taranta ay tumakbo na agad ako palabas habang tinatawagan si Mang Rodulfo.
“Hello Ma’am-”
“Pakisundo po ako ngayon agad, please! Paki… Pakihatid po ako-” Pumiyok ang aking boses at nabasag.
“O sige po, Ma’am… Kumalma lang po kayo!”
Tumango-tango ako habang bumababa sa hagdanan. Sa aking pagkataranta ay dito na agad ako dumeritso kaysa mag elevator!
Nanginginig ako sa takot at panay pa ang pagbuhos ng aking luha sa pag-aalala. Ang rami nang tumatakbo sa isipan ko. Okay lang ba siya? Hindi naman siguro malubha ang kalagayan niya, Marione… Be positive!
Noong dumating si Mang Rodulfo ay hindi na ako nagdalawang isip na sumakay agad. Inutusan ko pa ito na sana ay bilisan niya ang pagmamaneho para makarating agad.
“Ma’am, kumalma lang po kayo,” sabi niya nang mapansin ang aking panginginig at panay pa tulo ang aking mga luha.
I tried to calm myself. Hininto ko muna ang pag-iisip ko pero hindi talaga nawawala ang kaba at takot ko pag hindi ko agad nakita ang kalagayan niya.
Noong makarating kami sa hospital ay nauna pa akong tumakbo papasok. Tinanong ko agad kung saang kuwarto naconfine si Ken at mabilis ulit na tumakbo roon.
“Ma’am! Hintay po!” sigaw ni Mang Rodulfo sa aking likuran, halos hindi makasabay sa akin dahil sa bilis kong tumakbo.
Nang makita ko na ang room na hinahanap ay walang hesitasyon ko iyong binuksan. Tumambad sa loob ang hindi ko mabilang na taong may pinapaligiran. Isa-isa nila akong nilingon dahil sa biglaan kong pagbukas noon hanggang sa nakita ko ang pamilyar na mukha ng mga pinsan ni Ken.
Isa-isa silang nahawi hanggang sa nakita ko si Ken na nakaupo sa kama at chinicheck ng nurse na ngingingisihan niya pa.
Nagloosen ang aking balikat at gumala ang tingin sa kanyang katawan. He’s not enjured! Wala siyang gasgas at wala ring dumudugo sa kanya! Para akong nabunutan ng tinik kahit na nasa akin ang kanilang mga mata.
Lumingon si Ken sa akin na ikinapawi ng kanyang ngisi. Kinagat ko ang aking labi at pinagmasdan siyang tumayo.
“Hey… Ba’t ka pumunta rito?” tanong niya, tila nagulat sa aking presensya.
Mabilis kong sinapak ang kanyang dibdib kasabay ng pag-agos ng aking mga luha.
“A-Alalang-alala ako!” sigaw ko. “A-Akala ko… Akala ko kung ano n-nang nangyari s-sa’yo! A-Ang tagal mong b-bumalik t-tapos m-malalaman ko n-nalang na…” Hinabol ko ang aking hininga habang tumataas baba ang aking mga balikat.
Hinawakan niya agad ang aking mga pisngi at pinahiran ang aking mga luha.
“Sshh… Hindi ko na kasi namalayang ang bilis ko na pala habang pauwi na ako sa sobrang pagmamadali…”
Sinapak ko ulit ang kanyang dibdib sa aking inis. Ngunit, marahil ay dala narin ng panghihina ay napakapit nalang ako sa kanyang dibdib. I cried harshly.
“N-Nakakainis ka!” Pumaibabaw ang nakakabingi kong iyak, dala ng matinding pag-aalala at takot ko kanina.
Pinatakan niya ng halik ang aking pisngi.
“I’m sorry…” bulong niya sa akin at niyakap ako. “I’m sorry…”
“N-Naiinis ako sa’yo…” Humagulhol ako lalo sa kanyang dibdib nang maibaon ko ang aking mukha ko roon. Ang balak kong itulak siya ay nauwi nalang sa pagkapit sa kanya. Ngayon lang tumalab ang pagod sa aking mga tuhod na nanginginig dahil sa pagtakbo ko ng mabilis para lang mapuntahan agad siya. Siguro kung hindi niya ako niyayakap ngayon ay mapapaluhod na ako.
Hindi ko mapatahan ang aking sarili. I was so scared… Kahit na okay na siya, pakiramdam ko, ilang sandali lamang ay mawawala agad ito. Parang panandalian lamang… Malalaman kong nariyan siya sa aking tabi pero mamaya ay sasabihin agad sa akin na wala na pala.
Kinarga niya na lamang ako habang ibinabaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg. I rested my head on his shoulder habang nakapikit at nakikinig sa kanila.
“You’re really an asshole. You left her alone,” pagalit na pagkakasabi ng isa sa mga babae niyang pinsan.
“Ayaw niya ring sumama, Zera.”
“Kahit na! Dapat ay isinasama mo siya palagi,” she insisted.
“Maybe Aioni knows you’re there kaya hindi siya sumama. Ayaw niya sigurong makita ang babaeng sumampal sa kanya six years ago-”
“Shut-up!” putol noong Zera sa isa niya pang pinsang lalake.
“Too bad. Mas concern pa sila sa’yo kaysa sa babae mo.” Someone chuckled.
“Sino ba kasing may plano ng pa surprise?”
“Si Tita Julie. Sa kanya ka magreklamo.”
“Akala ko sa susunod na linggo pa ang celebration.”
Hindi ko na magawang lingunin ang kanyang mga pinsan dala narin ng hiya. Pinanatili kong nakatago ang aking mukha sa leeg ni Ken at ayaw silang silipin. Nagtuloy-tuloy ang kanilang pagdedebatehan na hindi ko narin nasundan. Nakakapagtaka lang na ni isa ay wala man lang pumalag nang makita ako. Ni isa ay walang nagreact nang mapadpad ako rito. At sa tono ng kanilang pananalita, parang concerned pa sila.
“We need to go. May flight pa kami mamayang 3am…” ani Ken.
“I brought a car. Ihatid ko nalang kayo.” Isa sa mga pinsan niya.
“Hindi na. Nandiyan naman si Mang Rodulfo,” sagot ni Ken.
Nagpaalam rin naman siya sa kanyang mga pinsan. Nanatili akong tahimik hanggang sa makasakay kami at nasa kandungan niya lamang ako.
I was mad at him for a certain reason pero nangingibabaw na ang panibagong pakiramdam sa akin. Dala lang siguro ng takot at pangamba ko kanina kaya pakiramdam ko ay sobra akong nanghihina. I really thought I’m going to lose him… Akala ko… Akala ko mawawalan na naman ako. Akala ko may kukunin na naman sa akin dahil masyado kong minamahal. Iyon ang nagpatakas ng hikbi sa aking bibig dahil sa aking naiisip.
“Aioni?” Dinungaw niya ako, marahil ay inakala niyang tulog lamang ako.
“I’m sorry. Hindi na mauulit. Hindi na kita iiwan…” he whispered, halos marinig ko ang kanyang pagsisisi roon at niyakap na ako ng mahigpit.
Hindi ako sumagot. My chest hurts so bad. Parang hindi na ako kontento sa simpleng ganito. Niyakap niya ako ng mahigpit nang mapansing sumiksik pa ako sa kanya.
“Parang mababaliw kanina si Ma’am sa sobrang pag-aalala sa’yo, boss… Ang bilis palang tumakbo!” ani Mang Rodulfo.
“Dapat hindi niyo nalang sinabi. I texted you to infrom her I’m coming-”
“Eh boss, pati ako nataranta narin noong nabasa ko ang text mo! English kasi iyong kalahati kaya iyong tagalog lamang na dulo na sinabi niyo ang sinabi ko kay Ma’am. Nablangko narin ako sa sobrang pag-alala, boss…”
Ken sighed heavily. Pinatakan niya akong muli ng halik at sinuklay ang aking buhok.
“I thought you fell asleep while waiting. Lowbat na ako kaya nagpasuyo nalang ako na itext si Mang Rodulfo na pauwi na ako.”
Kung alam niya lang na umiiyak ako roon habang hinihintay siya. I feel so lonely… Nilalamon ako ng pag-iisip ko at hindi pa siya nagrereply.
Kahit na sanay naman akong magpuyat ay hindi na talaga ako dinalaw ng antok. Gising na gising ang buo kong diwa. Ayoko nang umalis sa kanyang mga bisig at hindi niya rin naman ako ibinaba hanggang sa umakyat kami patungo sa kanyang condo.
Doon niya lamang ako ibinaba nang makapasok kami sa kanyang kuwarto. Naramdaman ko ang malambot niyang kama at nahulog rin ang aking mga mata sa aking kandungan. I don’t want to talk. Nanghahapdi parin ang aking mga mata sa kakaiyak at kung magsasalita lang ako ulit ay baka mauwi lang iyon sa hagulhol.
“Magbibihis lang ako.” Pinatakan niya ng halik ang aking ulo.
Umahon ang aking tingin nang naglakad na siya papunta sa kanyang walk-in. Hindi iyon nakasara at nahuhuli ko rin siyang nililingon ako bawat sigundo habang nagbibihis siya.
Noong lumabas siya roon ay nakasuot na ito ng itim na hoody at may dala naring jacket.
“Wear this.” Inilahad niya iyon sa akin.
Kinuha ko iyon at tahimik na isinuot. Pinagmasdan niya lamang ako ng mataman. Noong matapos ako ay yumuko siya para makalebel ako.
Namungay ang kanyang mga mata.
“Did I scare you?” Hinaplos niya ang aking pisngi.
Tinitigan ko siya sa nanlalabo kong mga mata. Parang kaonting tanong niya lang ay bubuhos na agad ang aking mga luha. Ang sikip sikip sa pakiramdam. Ayoko nang… Ayoko nang mawalan. Natatakot na akong mawalan dahil pag nangyari ulit iyon sa lalakeng mahal na mahal ko ay hindi ko na ata kakayanin. Hinding hindi ko na makakayang tumayo pa. I might end up begging for my death again.
Naramdaman ko nalang ang pag-agos ng aking mga luha. Ken sighed and leaned closer to me.
“I’m sorry…” he whispered on my lips. “I’m really sorry… Hindi na ulit kita iiwang mag-isa.”
Pumikit ako. Slowly, I felt him brushed his lips with mine. Saglit lamang iyon at huminga siyang muli ng malalim, tila nilalamon ng konsensya.
“I’m sorry if I scared you. I’m sorry…” He brushed his lips again and this time, his lips move gently, kissing me softly.
Kahit mabababaw lamang ang halik na iyon at parang pinapagaan lamang ang aking nararamdaman ay pinulupot na ang aking tiyan at tila unti-unti nang nabubuhay ang mga paru-parong nagluluksa kanina sa aking kalungkutan. Nabibigyan na ulit sila ng sigla kaya gumagala na naman sila sa aking loob.
Hinalikan niya ako ng walang tigil sa mabagal na ritmo, ang kanyang labi ay nanghahagod at unti-unting binubura ang aking alalahanin, ang aking takot at pangamba kanina. Napapalitan na iyon ng panibagong sensasyon at nabubuhay ang pananabik sa akin.
“I’m not going to leave you anymore,” he said between his shallow kisses.
I mimicked his lips. He breathe heavily when he felt my lips move. Hinaplos niya ang aking pisngi at unti-unti nang nilalaliman ang kanyang halik. Itinukod niya na ang isa niyang kamay sa aking gilid at bahagyang tumayo para mas mahalikan ako ng maayos.
Bumabalik sa akin ang pamilyar na pakiramdam. Parang kahapon lang noong nahalikan niya ako… Parang kahapon lang ang lahat na hindi parin nagbabago ang epekto ng halik niya sa akin. Matamis parin iyon at sobrang sarap sa pakiramdam. Ang epekto ng kanyang halik sa akin ay naroon parin ngunit sa pagkakataong ito ay mas lalo lang atang grumabe. Para akong bulkan na sasabog ano mang oras.
Masyado nang malalim ang kanyang halik na hindi na ako makahabol pa, halos hirap nang makaahon sa bawat hampas ng kanyang halik. Humiwalay ako at kumuha ng hangin habang tinititigan niya lamang ako, ang labi ay nakaawang at hinihintay lang na matapos ako sa paghabol sa aking hininga.
Noong inatake niya ulit ako ng halik ay hindi ko na kinaya. Nawalan na ako ng balanse at nahulog sa paghiga ngunit hindi ako hinayaan ni Ken at sinalo niya agad ang aking likod para ipirmi ako sa pagkakaupo.
“You can’t lay in bed, Aioni… Baka hindi na ako makapagpigil.” Ramdam ko ang kanyang frustration habang sinasabi niya iyon.
“Bakit?” Nafrustrate narin ako. “Ayaw mo ba?” tanong ko sa gitna ng kanyang paghalik, nadidismaya sa kanyang pagpipigil.
Ken groaned with my response. Mas lalong humigpit ang pagkakayapos niya sa aking beywang at lumalim lalo ang kanyang halik. He murmured some curses while kissing me torridly.
“We have a flight to catch,” he said out of frustration, trying to stop himself by doing such thing.
Huh? Flight? Hindi ko na iyon naiproseso ng maayos sa aking utak lalo na’t nadala narin ako sa paggalaw ng labi ni Ken.
Mababaliw na ata ako. Ayoko nang tumigil kami sa paghahalikan. Gusto ko ganito nalang palagi. He’s just so good at it… Ang galing galing niyang humalik, ang galing galing niyang magpabaliw. He knows how to kiss a girl expertly, making them want for more… And I’m one of his victim… I am so drawn with his kisses that it will surely frustrates me if he stop!
May nagdoorbell sanhi para tumigil ako sa paghalik. Ken shut his eyes, still frustrated while his lips were part a bit. Tumagilid ako at sinilip ang likod kahit imposible ko namang masilip iyon.
“May tao,” sabi ko.
Sunod-sunod na ang doorbell na ikinabuntong niya ng hininga. Dumilat siya sa mga matang binalot ng pagnanasa at pinatakan nalang ako ng mabilis na halik saka siya tumayo ng tuwid.
“Bubuksan ko lang,” aniya at tumalikod rin.
Sinundan ko siya ng tingin. Narinig ko pa itong magmura at ginulo ang kanyang buhok. Hinawakan ko naman ang aking labi at isinara ang mga binti kong nakaparte na pala. Natulala ako ng ilang sigundo, naliliyo parin sa kanyang halik at parang hindi parin nakakababa sa pagkakaangat sa ere.
“Eh boss, tinext niyo ako na kunin ang mga gamit niyo at malapit na ang flight niyo ng asawa niyo,” paliwanag ni Mang Rodulfo.
Pumasok si Ken sa kuwarto, sobrang suplado ng mukha pero kalmado lang naman. Kinuha niya ang aming mga gamit namin at ibinigay kay Mang Rodulfo.
Nagpalit lang ako ng pants hanggang sa umalis rin kami at nagtungo sa Philippine Airlines. Pinanood ko nalang ang pagliit ng mga building habang nakaupo na kami sa first class seat.
“You can sleep on my shoulder,” ani Ken at kinuha ang aking atensyon.
Nilingon ko siya. Umiling ako.
“Di ako inaantok,” sabi ko.
“You sure? We had a long day, Aioni… You need to rest.” Isinabit niya ang ilang hiblang tumakas sa aking tainga.
Ngumuso ako. Sa rami-rami ng nangyari, sa mabilis kong pagtakbo, sa pag-iyak ko ng husto kanina, ewan ko at ba’t hindi ako nakakaramdam ng pagod. O baka naman dahil iyon sa kanyang halik?
Kinuha ko nalang ang aking tali para i bun ang buhok kong sabog kanina pa. Ni hindi man lang ako nakapagsuklay at ngayon ko lang napagtanto na tumakbo ako papuntang hospital at nakapantulog lamang.
Kinuha niya sa akin ang aking tali at siya ang nag-ayos ng aking buhok kaya humilig nalang ako sa kanyang tapat at yumuko para maayos niya iyong magawa. Umahon ng bahagya ang aking tingin para silipan siya na nahuli niya agad kaya pinatakan niya ako ng halik sa aking noo.
“Done,” aniya at umangat pa ang dalawang kilay nang tingnan niya ang aking buhok.
Hinaplos ko iyon at napabusangot nang mapagtantong buhaghag ang pagkaka bun niya dahil may nalalaglag pang ibang hibla. He chuckled at isinabit nalang ulit iyon sa gilid ng aking tainga.
“I’m not good at it but you look perfect.”
Hindi ko napigilang mapangisi. Ngumisi siya pabalik at umabante ng bahagya saka ako pinatakan ng halik, nawiwili na ata.
“You have the sweetest lips and it’s my favorite.” Hinawakan niya ang aking baba saka niya iyon ginalaw-galaw. Noong akma niya akong hahalikan ulit ay natatawa na akong lumayo para asarin siya.
Halos sumimangot siya at hinila akong muli palapit. Umiling-iling ako kaya nagsilaglagan na ang ilang hibla ng aking buhok. Ken stared at me. Mas ngumisi ako.
“I want to marry you again.” Bigla niyang sabi sa gitna ng malalim niyang paninitig.
“Huh?”
“Let’s get married again…” Mas malinaw niyang sabi at ipinagsalikop ang aming mga kamay.
“Eh kasal na tayo ah?”
Binasa niya ang pang-ibabang labi, mas sumeryoso.
“I want a real marriage, Aioni. Gusto kong makita kang naglalakad patungo sa’kin habang hinihintay kitang naghihintay sa altar. Gusto kong masaya ka sa pagpapakasal sa akin. Gusto kong hindi ka napipilitan. Gusto kong kusa kang pupunta sa akin dahil mahal mo ako hindi dahil may pabor ako sa’yo.”
Natigilan ako. Para na naman akong umaangat sa ere dahil sa sayang lumulukob sa buo kong pagkatao. Hindi ko alam kung akong nasa akin ko para maging ganito siya kabaliw sa akin pero hindi ko rin mapunto kung anong meron sa kanya at ba’t ako nababaliw ng husto sa kanya.
He eyed me with so much hope, wanting a response. Tumango ako na ikinaawang ng kanyang labi.
“Really?”
“Oo…” Tumawa na ako, hindi nakaya ang labis labis na saya.
He breathe heavily and leaned closer to me for another kiss. If I’ll get chained for this kind of addiction to this man, then I’m going to surrender for being so guilty!
51st Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Yzah S. Evangelista. Happy reading!
Warning: SPG
Davao City
Nagising nalang ako dahil sa nakakakiliting haplos sa aking pisngi. Nang unti-unti kong idinilat ang aking mga mata ay bumungad agad ang mukha ni Ken sa akin na nakakatitig lamang.
Kumurap ako. Nasa Davao na kami? Dahan-dahan ko pang iginala ang aking mga mata sa medyo dim na kuwarto. Maganda ang kabuuan at hindi ko na maalala kung paano kami nakarating dito.
“Nasaan tayo?” tanong ko nang ibinalik ko sa kanya ang aking mga mata.
“Marco Polo Hotel.”
Ah, nasa hotel na kami…
“You slept 14 hours straight…” he said huskily.
Napaawang ang aking labi. Ganoon kahaba ang tulog ko?! Masyado atang napasarap ang pagtulog ko…
“Hindi na kita ginising dahil ang himbing ng tulog mo. I think we need to kiss more so you can easily sleep,” he smirked.
Ngumuso ako at lumapit pa ng husto sa kanya. Hinawakan niya ang aking beywang at iniyapos na roon ang kanyang kamay habang nakaunan naman ako sa isa niya pang braso. Sa sobrang lapit namin ay humahaplos na ang aming mga ilong sa isa’t isa. Pinaglaruan ng kanyang kamay ang aking buhok habang malalim ang titig ng mga mata niyang namumungay.
“Did you remember what you said to me on the airplane?”
“Alin?”
“Na papakasalan mo ako?” Naninigurado ang boses na iyon.
“Sinabi ko?” Inosente kong tanong at kumurap pa na ikinasimangot niya.
“Yes… You agreed…” Umangat ang kanyang kilay.
“Wala akong maalala…”
He groaned and buried his face on my neck. Tumawa ako sa kiliti noon at hinuli ang kanyang mga mata kaso niyakap niya lang ako.
“Inaasar lang kita.” Kinagat ko ang labi kong nakangisi. Dinungaw niya ako, nagkakasalubong na ang kilay.
“Hindi na magbabago ang isip ko kagabi,” dagdag ko pa sanhi para ngumuso siya at nagpigil ng ngisi.
Humarap siyang muli sa akin at hinaplos ang aking pisngi na kahit ang kanyang hintuturong daliri ay hinahaplos niya sa linya ng aking ilong, sa bawat parte ng aking mukha na tila kinakabisado niya habang nakaawang ang mga labi.
“Hindi ko alam ang mangyayari sa buhay ko kung hindi ako matatali sa’yo…”
“Ganoon din ako,” pag-amin ko na unti-unting ikinasilay ng kanyang ngisi. Pinatakan niya ako ng halik sa tungki ng aking ilong, pumikit ako at ngumiti.
“One lucky girl. You’re going to marry me,” bigkas niya sa matigas na accent na ikinadilat ko at sinapak ang kanyang braso.
“Yabang!” Tumawa ako. Umangat naman ang kanyang dalawang kilay.
“Bakit? Maswerte ka at sa akin ka maitatali. You got a good taste… Malas mo kung sa iba,” he said cockily.
“Ano ’yan? I got a bad taste on boys if it wasn’t you?” Panggagaya ko sa kanyang pananalita noon na ikinangisi niya.
Bigla niyang iniyapos ang dalawa niyang braso sa aking beywang at dinala ako sa kanyang ibabaw. Tumili ako at sinakap siya na sinundan rin ng aking tawa kalaunan.
“Precisely, Aioni. You got a bad taste if you won’t marry me,” aniya habang isinasabit ang iilang hiblang nalalaglag na sa kanyang mukha sa gilid ng aking tainga.
“Ewan ko sa’yo.” Umirap nalang ako at nag-ambang tumayo kaso mabilis siyang bumangon at hinuli ulit ang aking beywang sanhi para bumagsak akong muli sa kanyang ibabaw.
“Ano ba! Magc- CR ako!” Natatawa kong sinapak ang kanyang mga kamay na nakapulupot.
“Dapat hindi ka tumatakas pag nasa kama tayong dalawa,” aniya sa nang-aakusang boses. “I still want a cuddle…”
Huminto ako sa pagpupumiglas at ginawang unan ang kanyang balikat. Tiningala ko siya. Pinatakan niya ng halik ang aking noo. Tumingin ako sa magandang ceiling at natahimik. Gusto ko na talaga ng ganitong buhay… Kahit simple lang siguro, basta kasama ko lang ang taong papasayahin ako habang buhay. Makokontento na ako roon.
Pinakawalan niya rin naman ako kaya nagtungo rin ako sa Cr. Bumuntong nalang ako ng hininga at wala sa sariling napangiti. Kinagat ko ang aking labi at umihi na. Pagkatapos noon ay naghilamos rin ako at nagtoothbrush. Noong lumabas ako ay nadatnan ko siyang may kausap sa telepono at nagpapadeliver ata ng pagkain.
Sumulyap siya sa akin. May huli pa siyang sinabi roon at ibinaba rin. Kanina pa ata siya nagising lalo na’t naka puting cotton Tshirt nalang ito at ang paborito niyang sweatpants habang ako naman ay suot parin iyong suot ko kagabi.
Nagtungo ako sa aking bagahe at binuksan iyon para makapagpalit ng komportableng damit. Gusto ko ring maligo! Nacoconscious ako lalo na’t nasa iisang kuwarto kaming dalawa. Akala ko kasi separate… Tapos nagising pa akong katabi ko siya. Komportable naman sa pakiramdam pero tinutubuan talaga ako ng hiya.
“Maliligo ka?” tanong niya sa akin nang mapansing kumukuha ako ng damit.
Tumango ako.
“Let’s just swim later. May pool sila rito,” aniya at itinukod na ang mga kamay sa likod.
“Okay,” tangi kong sabi at itinabi iyong kinuha kong damit.
Tinapik niya ang kanyang lap. Nagkasalubong naman ang aking kilay.
“Come here and sit on my lap.”
Namilog agad ang aking mga mata.
“A-Ayoko nga!” Umirap ako at nagtungo sa ibang bahagi para lang iwasan siya. Nagtungo ako roon sa may bintana at bahagyang hinawi ang kurtina para makasilip.
Natanaw ko ang magandang paligid sa madilim na gabi at pinapakislap ang mga ilaw sa kabuuan. May nasulyapan pa akong kulay blue na malaking building. Paglingon ko ay nasa likod ko na si Ken.
“Ano ’yon?” Itinuro ko iyon sa glass ng bintana.
Niyakap niya ako sa likuran at ipinahinga ang kanyang baba sa aking balikat.
“I think it’s a school. Ateneo,” sabi niya na ikinabalik ng aking tingin doon.
Ah… Private school! Gumala pa ang aking tingin sa ibang paligid. May kung ano rin akong natanaw na kumikislap kislap sa malayong parte. Parang nasa tuktok iyon ng kung anong building.
Idinikit ko ang aking mga kamay sa bintana at yumuko para masilip ang ibaba. Ang taas pala namin… Nakikita ko ang maliliit na mga tao roon na akala mo ay mga langgam lang.
“Tingnan mo ang liliit.” Tumawa ako at nilingon siya. “Parang ang sasarap tirisin…”
Pinatakan niya ng halik ang aking leeg kaya bahagya akong tumagilid habang tumatawa parin.
“You should laugh more often, Aioni. Ang sarap sa tainga ng boses mo…” aniya.
Ngumiwi ako. Mas lalo namang humigpit ang kanyang yakap sa akin kaya nagawa ko naring isandal ang aking ulo sa kanyang balikat.
“Aalis ba tayo ngayon?” tanong ko habang ang aking mga kamay ay nakahawak na sa kanyang bisig.
“Hmm… We’ll leave tomorrow. May pupuntahan muna tayong Subdivision to get my cousin’s car at dederitso na tayo sa Samal Island.”
Nilingon ko siya. “May bahay ang pinsan mo rito?”
“He bought a house in Woodridge Subdivision maybe to stalk someone who’s living there…”
Huh? Para lang mangstalk?! Grabe talaga sila magwaldas ng pera! Hindi ako makapaniwalang bumili pa ng bahay para lang mangstalk?
“Taga Davao ang babae noong pinsan mo?” tanong ko.
“No but she studied here in Ateneo…”
Okay? So nag-aaral dito at nakatira roon sa Woodridge kaya sinundan ng pinsan niya at bumili pa ng bahay para mang stalk. Ang creepy naman!
“Ang lala ng pinsan mo.” Umismid ako.
He chuckled. “Ganoon talaga kami pag natamaan.”
Tumigil rin naman ako sa kakatingin sa bintana nang dumating rin ang pagkain. Masarap ang mga iyon at dahil nga gutom rin ako hindi ko na napigilang mapakain ng marami. Naaaliw naman si Ken sa kakatingin sa akin habang ngumingisi at minsan ay susubuan pa ako.
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo rin kami sa kanilang pool area. Malawak iyon at kakaonti lamang ang tao at ang ganda ng buong paligid. Naglakad kami patungo roon sa pool.
Hindi na ako nagtaka noong maraming napalingon kay Ken na tanging board short lamang ang suot habang ako ay nakaone piece ngunit may seethrough namang suot na dress.
“Why did you left some of your clothes?” tanong niya, nagkakasalubong ang kilay habang tinitingnan ang aking suot.
Kanina pa namin ito pinagtalunan sa kuwarto. Tinakasan ko na nga lang siya palabas kaya humabol rin agad.
“Eh ang tagal mo kagabi kaya pinalitan ko na… And puro long sleeve ang pinaglalagay mo.” Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
He frowned while staring at my bikini. Ngumisi ako at inayos ang aking buhok para mai-bun iyon.
“So damn stubborn,” galit niyang sabi at idinikit ako sa kanya.
Tumawa ako sa kanyang dibdib habang tinitingala ang kanyang seryosong mukha. Umiling siya at nabasa nalang ang pang-ibabang labi.
“Di ako marunong lumangoy kaya at least man lang mabawi sa suot ko,” paliwanag ko.
Hindi naalis ang iritasyon sa kanyang mukha. Tumigil kami sa lounger. Umupo siya roon habang tinitingala ako na inaayos ang aking buhok.
Hinila niya ang aking mga hita hanggang sa umabante ako at napunta sa nakaparte niyang mga hita. Inipit niya agad ako roon kaya nalaglag ang aking tingin sa kanya. Para niya akong ipinagdadamot sa lahat na gusto niyang makita nila na sa kanya lamang ako.
“Maligo na tayo,” sabi ko at hinubad na ang seethrough kong dress.
Gumalaw ang kanyang panga at matalim nang nakatitig sa akin. Ngumisi lamang ako at hinila siya. Tumayo naman siya at nagpatianod kahit na nakabusangot.
“So kj… 27 kana pala ’no since birthday mo ngayon. Happy birthday Mr. KJ…” Tumawa ako.
“Stop it or else kakaladkarin kita pabalik sa kuwarto,” he whispered and kissed my earlobe.
Lumayo ako dahil sa kiliti. Tinawanan ko siya kaya nailing lamang ito, ang mga mata ay nanatili sa akin sa kabila ng mga babaeng nakatingin sa kanya.
Halos tumili na ako sa pool nang dinala niya ako sa malalim na parte. Yumakap ako ng husto sa kanyang leeg at aliw na aliw naman siya sa pang-aasar sa akin dahil sa kanyang halakhak sa aking leeg.
“Ngayon ka mang-asar ng edad ko…” Nanunuya ang kanyang boses.
Bumusangot ako at gusto siyang kurutin baka maisipan niyang bitiwan ako kaya hindi ko nalang itinuloy.
Doon lang ata ako kumalma noong napunta na ako sa 5ft at abot ko lang ang tubig dahil nakakasayad ang aking mga paa sa sahig.
Noong mapagod rin ako kakalangoy ay umahon rin naman ako at nakasunod naman agad si Ken sa akin. May mga babae pang sinisitsitan siya at nagkakahikhikan sila roon sa lounger.
Bumagal ang aking paglalakad para makarating agad si Ken sa aking tabi at katulad ng inaasahan ko ay pumulupot ang kanyang kamay sa aking beywang. Nginisihan ko ang mga babaeng napawi ang mga ngiti.
“Balik na tayo sa kuwarto,” pagpaparinig ko sa kanila at sinulyapan si Ken na sinusuklay paatras ang basa niyang buhok.
“Ayaw mo nang maligo?” tanong niya, wala atang pakialam sa kanyang paligid.
Tumango ako. Naiirita lang ako sa mga babaeng aakitin na ata si Ken sa kanilang mga two piece bikini.
“Okay,” tangi niyang sagot at bumalik rin kami.
Nauna ako sa banyo noong makapasok kami sa kuwarto. Noong siya na ang pumasok ay hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagtitig niya sa katawan ko lalo na’t nakatapis lamang ako. Pumasok rin naman siya sa loob kaya nagpasya rin akong magbihis.
Habang iniisa-isa ko ang aking damit, ngayon ko lang napagtanto na isang pantulog lang ang nailagay ko at iyong silk na sleeveless dress pa na binili ni Ken!
Namula ang aking pisngi at parang umatras ang kayabangan ko noong nagpasya akong dalhin ito. Ngayon lang nagsisink-in sa akin na tabi pa kaming matulog at nasa iisang kuwarto.
Sa kabila ng hiyang nararamdaman ay isinuot ko parin iyon. Tiningnan ko ang aking sarili at halos mapamura nang sobrang iksi pala noon! Isang maling galaw ko lang ata ay lalantad na ang aking panty!
Nagpasya akong mangalkal ng damit ni Ken at hiramin ang kanyang mga Tshirt kaso bago pa ako makapunta sa kanyang bagahe ay bumukas na ang Cr.
Shit!
His lips parted when our eyes met. Bumaba agad ang kanyang tingin sa aking suot at halos nakita ko ang kanyang paglunok.
“Ah… S-Sinukat ko lang at magbibihis rin. Ang iksi pala.” Umirap ako at gusto nang hilain ang sarili na inaanod na ng kahihiyan.
Binasa niya ang labi. “Well… You look great on it. Tayo lang rin namang dalawa,” aniya sa namamaos na boses at hindi maiwas iwas ang tingin sa akin.
Iyon na nga! Tayo lang dalawa kaya dapat magbihis ako. But a part of my mind likes the fact that he’s staring too much at me. Isang komportableng cotton short nalang ang kanyang suot at isang puting cotton Tshirt naman sa itaas.
Sa sobrang haba ng tulog ko, hindi na ako magtataka kung matagal rin akong antukin ngayon. At isa pa, sa nangyayari ay parang wala nang balak na dumalaw ang antok sa akin.
Sinuklay ko ang basa kong buhok habang si Ken naman ay may kausap sa kanyang cellphone. Mabilis lang naman iyon dahil ibinaba niya rin at nagtungo sa aking kinaroroonan.
Nagtungo siya sa akin. Walang kahirap-hirap niya akong kinarga at ipinaupo sa kanyang kandungan. Siya na ngayon ang nakaupo sa dulo ng kama. Ang isa niyang kamay ay nakapulupot sa aking beywang habang ang isa naman ay inagaw sa akin ang suklay at siya ang tumuloy sa pagsuklay sa akin. Humawak naman ako sa kanyang mga balikat at tinitigan ang kanyang mukha.
“Sino ’yon?” tanong ko.
“Pinsan ko. Tinanong kung nandito na ba tayo,” aniya at sumulyap sa strap ng aking suot na dress.
Tumango ako. Naalala ko kagabi, nakita ko sila… Ni hindi ko na naisa-isa ang mga naroon kagabi dahil sa labis na kaba. Ang ipinagtataka ko nalang ay bakit ganoon sila kakalmado noong makita ako. Hindi na ba sila galit sa akin? Alam narin ba nila ang totoo?
“Hindi galit ang mga pinsan mo sa’kin?” Hindi ko na naiwasang itanong iyon.
Tumigil siya sa pagsuklay.
“They’re not, I guess…”
Kinagat ko ang aking labi at nalaglag ang tingin sa neckline ng kanyang suot.
“Ikaw ba… Are you still mad at them?”
Umahon ang aking tingin at mabilis na umiling. Sa rami ng nangyari sa akin, hindi na ako nagtanim ng galit sa ni isa sa kanila. I was blaming myself for all the damages. I regretted for being too young and immature.
“Hindi rin. Akala ko nga sila ang galit sa akin dahil…” Napatitig ako sa kanya. Ken watched me seriously.
“Dahil nagsinungaling ka?”
Tumango ako sa kanya. Hinaplos niya ang aking baba at pinatakan ako ng halik, mabilis lamang.
“Stop worrying. No one is mad at you.”
It made me stop from ovethinking. Iyon lang rin kasi ang bumabagabag sa akin ngayon. May parte sa akin ang kinakabahan dahil baka galit sila sa akin. Na baka ayaw na nila para sa akin sa pinsan nila. Na sila rin ang humadlang. But hearing those words… It made me stop from worrying too much. Kung magkakausap kami ulit siguro hihingi ako ng tawad kasi alam kong nasaktan ko rin sila noong sinabi ko ’yon.
“Makikita ko ba sila ulit?” tanong ko.
“Yeah, of course… May magaganap na party sa kompanya at dadalo silang lahat kaya makikita mo sila ulit. They’re all coming…”
Kahit hindi pa naman bukas ang araw na iyon ay parang kinakabahan na ako. Baka nga hindi pa kompleto iyong nakita ko kagabi sa hospital at marami pa sila.
“Ilan ba kayo lahat?” tanong ko, nilalamon na ng kyuryusidad.
Itinabi ni Ken ang hawak na suklay at humawak na sa aking hita. Bahagya niya pang hinila ang laylayan ng aking suot para matakpan lamang ang lumalantad kong legs at doon ipinahinga ang kanyang kamay.
“11,” aniya na ikinalaglag ng panga ko. Ang rami!
“Ako, si Hiro, Wayt, Toshi, Grey, iyong kambal, at may apat na babae sa amin.”
“’Yung Elle at Zera?”
Tumango siya. “’Yung dalawa pa ay nasa ibang bansa but they’re coming.”
“Anong mga pangalan?”
“Nana and Brandish…”
Sa rami nila, hindi ko alam kung paano sasauluhin ang lahat sa kanila. Nakita ko na si Elle, Zera, Sir Wayt, Hiro at iyong kambal pero may ilan sa kanila na nakita ko narin pero hindi ko alam ang pangalan.
“May mga pamilya narin?”
Tumango siya, nakatitig lamang ang namumungay na mga mata.
“Toshi is already married and he’s going to be there too with his wife including Nana with her husband. Hindi ko na iisa-isahin besides… you’re going to meet them one by one. Nanunuya na ang kanyang ngisi sa akin.
Mas lalo lang kumalabog ang aking dibdib. Kahit nasabi niya nang walang may galit sa akin, may parte parin sa akin ang kinakabahan.
Nasa iba na ang tingin ni Ken at nasa parteng dibdib ko na.
“You’re not wearing any bra…” Umangat ang kanyang kilay at nakatitig na sa bumabakat doon.
Inalis ko ang aking mga kamay sa kanyang balikat at nag-akmang bumaba kaso hindi niya ako hinayaang umalis sa kanyang kandungan.
“Magbibihis lang ako,” sabi ko sa kanya.
“No…”
Kakaiba na ang tingin niya sa akin. His eyes were dim and filled with desire.
“I want them expose since we’re alone,” he said on a strained voice.
Kinilabutan ako at nakaramdam narin ng kakaiba. He smirked at me.
“Horny?” He watched my aroused peak.
Namilog ang aking mga mata at bago pa man ako makapagsalita ay siniil niya na ako ng halik. Parang pinulupot ang aking tiyan nang gumalaw ang kanyang mga labi sa nakakaliyong paraan.
He cupped my breast while his thumb played with my peak. Alam kong malayong malayo ang mangyayari sa naging halikan namin sa kanyang kuwarto dahil sa kanyang haplos at lalim ng kanyang halik, lahat ng iyon ay tila may pinaparating.
His tongue played with my insides. Tuluyan nang tumakas ang natitirang katinuan sa akin na wala na akong pakialam kung saan man ito patungo. Parang nangungulila ang aking katawan sa kanyang haplos at gusto kong maramdaman ulit ang sensasyong iyon.
Tumigil siya sa pamimisil at nalaglag ang kamay sa aking exposed na hita. Lumandas ang kanyang kamay sa loob at umaakyat na papasok sa aking suot.
Dinaanan niya ng haplos ang aking tiyan hanggang umakyat rin iyon sa aking dibdib. I felt him squeezed my breast as I whimpered. Tumigil ako sa paghalik sanhi para bumaba ang kanyang halik sa aking panga patungo sa aking leeg. Tumingala ako para mabigyan siya ng access doon.
Ilang minuto siyang nagconcentrate sa pamimisil ng magkabila kong dibdib. Isinandal ko nalang ang aking ulo sa kanyang balikat at nasilip ko sa loob ng aking dress ang ginagawa niya roon.
Tumigil rin siya at bumaba ang kamay sa aking panty. Hinila niya lamang iyon hanggang sa tuluyan niyang naibaba at hinaplos ulit ang aking hita na nagpatindig ng aking balahibo lalo na’t alam ko na ang kanyang balak.
My anticipation for his touch is just too much to bear! I can feel my wetness! Hiyang hiya na ako ngunit ayoko ring tumigil siya. He caressed my inner thigh. My breathe hitched when he’s almost there.
Napayakap na ako sa kanya nang itinulak niya ang aking hita para mas makarating siya sa gusto niya. I whimpered when I felt his finger on my folds.
“This is how wet you are, hmmm…” He said sensually as he ran his finger between my fold.
Hindi ko na napigilang dumaing. I heard him chuckled. Humawak ang kanyang kamay sa aking batok. Umahon ako sa pagkakasandal sa kanyang balikat saka ko siya hinalikan.
He slid his finger back and forth. He sucked my lowerlip as I moaned deliriously. Napunta ang isa niyang kamay sa kanyang likuran at hinila ang kanyang suot hanggang sa nahubad iyon.
“I don’t think I can slow down,” aniya at isang inihulog na ako sa kama.
Naiwang nakasabit ang aking mga hita habang ang kalahati ng aking katawan ay nakahiga. Bago pa ako makabangon ay pumaibabaw na agad si Ken at hinalikan akong muli.
“Fuck, I missed this…” He kissed me more while he’s grinding his hard thing on my exposed wetness.
Nawawala na ako sa sarili at hindi ko narin maiwasang salubungin ang kanyang galaw. Kung hindi niya lang siguro ako hinahalikan ay ang lakas na ng aking daing.
Bumaba ang kanyang halik sa aking dibdib. My eyes shut harshly when I felt his tongue on my aroused peak, swirling all over it. He’s kissing me there alternately while I’m already crying mess.
His finger slid on my folds again and started to move expertly. Kinagat ko ang aking labi, halos ko naring sabunutan ang aking sarili dahil sa kanyang pinaggagawa.
“Lower, Ken…” I pleaded.
Hindi niya rin naman ako binigo at kusang bumaba ang kanyang halik. Hinawakan niya ang magkabilang binti at nagulat nalang ako nang piniko niya iyon saka niya isinampa sa bawat gilid ng aking kama. Nagmistula akong palakang nataob sa aking posisyon! Bago pa man ako makaangal ay hinalikan niya na ako sa gitna na ikinapanghina ko.
“Keep your feet on the bed, Aioni,” aniya at napunta na ang isang kamay sa aking pwetan.
He started pushing my butt just to meet his tongue while I felt his finger on my entrance. Medyo masakit nang naramdaman kong ipinasok niya iyon but the pain subsided when he move his finger and kissing me nonstop down there!
Nangingilabot ako sa kanyang ungol at naliligo na ako ng pawis. Ilang minuto siyang naroon at sinisikap ko nalang na manatili sa pinaglagyan niya ang aking mga paang namimilipit na kanina pa. Umaangat na ang aking balakang sa tuwing idinidiin niya iyon sa kanya. I can almost taste my climax. I am almost there until he stop!
Dumilat ako at sobrang nafrustrate pero bago pa ako makapagreklamo ay marahas niya nang naitulak ang kanyang sarili sa akin sanhi para mapahiyaw ako sa sakit at humahalong kakaibang pakiramdam doon.
Ken murmured some curses as he started to move. Ngumiwi ako nang makaramdam ng hapdi at parang nastretch ang aking loon ngunit sa bawat paggalaw niya ay may humahalo nang ibang pakiramdam doon. Hinawakan niya ang aking mga beywang at iginiya iyon sa ritmong gusto niya na kahit ang aking balakang ay aangat na ata dahil sa rahas ng kanyang ginagawa.
“Ugh!” He groaned harshly and pounded even more. Humahalo narin ang aking ungol sa kanya na kahit may makarinig man noon ay wala na ata kaming pakialam.
Ang kanyang mga ugat sa leeg ay lumalabas na habang naliligo siya sa pawis. His pace change. Mabagal na iyon ngunit dumidiin na sa akin lalo ang kanya. Our lips parted until we both made it.
“I love you, Marione.” Hinihingal niyang sambit ng bumagsak sa akin.
“Mahal na mahal rin kita, Ken…” I smiled, pouring all the love he deserves.
52nd Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Ashley Gail Capistrano. Belated happy birthday! Wishing you all the best in life and happy reading!
Pearl Farm Beach Resort
Hindi ko mabilang kung nakailan kami sa gabing iyon pero ang malinaw lamang sa akin ay ramdam ko ang panghahapdi ng gitna ko noong gumising na ako. Sayang nga at hindi namin naabutan ang buffet sa kanilang Restaurant eh ang aga rin kasi. Nagpadeliver nalang si Ken ng pagkain sa aming kuwarta at sabay pa kaming naligo lalo na’t may bathtub rin ang malaking room na kinuha niya.
Sa araw na iyon ay nagtungo kami sa Woodridge Subdivision para may magamit siyang kotse lalo na’t dederitso rin kami sa Samal Island. Malalaki ang mga bahay roon at halatang sobrang higpit ng bantay. May nadaanan pa kaming Clubhouse.
Ang napansin ko sa Davao City ay sobrang linis ng paligid. Hindi masyadong traffic at parang ang safe ng paligid. Siguro kung matutuloy man ang paglilipat namin, dito ko pipiliing tumira. Pero alam ko namang ang gusto rin ni Mama ay sa probinsya raw. O baka nga hindi na matuloy eh…
Malaki ang pinuntahan naming bahay sa Woodridge Subdivision. Nalaglag nalang ang aking panga at napaisip kung balak ba noong pinsan niyang magtayo na ng pamilya lalo na’t sobrang laki rin noon. May malawak na garage, 3storey, mala mansyon na ang datingan at hindi ako makapaniwalang mag-isa lang ang pinsan niya roon. May caretaker naman ang bahay kaya namamaintain rin ang kalinisan.
“Saan ang bahay noong babae niya?” tanong ko nang buksan na ni Ken ang pinto noong itim na kotse.
“I’m not sure where…” aniya. “Baka iyang sa harap,” wala sa sarili niyang sagot lalo na’t gumagala ang kanyang mga mata sa kabuuan ng kotse, tila chinicheck iyon.
Tumigil ako sa pang-uusisa at pinagmasdan nalang si Ken sa kanyang ginagawa. Pinasok niya sa likuran ang aming mga gamit at binuksan rin ang front seat para sa akin.
May lumabas pang aso galing sa bahay. Napaatras ako lalo na’t tumahol iyon at masyadong hyper na tumakbo patungo kay Ken. Nawala ang atensyon ni Ken sa kotse at ngumisi sa aso. Yumuko siya at hinawakan ang ulo noon.
“Namimiss mo ba ang amo mo?” tanong niya sa aso na tumingkayad pa at dinidilaan ang kanyang mukha.
Ken chuckled while playing with the dog. Kinarga niya pa iyon saka siya nagtungo sa akin. Umiling agad ako at gusto pang umatras kaso sa aking likuran ay ang malapad nang gate.
“Hindi ako dog lover!” sabi ko. “Natatakot ako!”
Ken just laughed with my reaction.
“Come on. Hindi ka niya kakagatin.” Mas lalo pang lumapit si Ken sa akin habang nakanganga naman iyong aso at tila humihingal. Anong breed ba nyan? Mukhang cute kaso baka mangagat rin.
I stop from moving. Pumikit ang aking isang mata nang ilapit iyon lalo ni Ken sa aking mukha, halos magkalebel na kami. Naitago ko ang aking mga kamay sa aking likod at kinagat ko pa ang aking labi hanggang sa dinilaan ako noong aso sa aking pisngi.
“Bad dog! You licked my girl…” Inilayo niya agad sa akin iyong aso at tila kinakausap na ito ng seryoso.
“She’s mine, ’kay?” seryoso niyang sabi sa aso na dinilaan lang rin siya.
Tumawa ako at hinaplos ang kanyang balahibo.
“Akin na…” sabi ko kay Ken na nakikipagtitigan na sa aso.
Ibinigay niya rin naman iyon sa akin. Medyo may kabigatan pero naaaliw ako sa mabalahibo niyang katawan at kulay brown pa.
“Hi…” Lumiit ang aking boses habang kinakausap ang aso.
Nameywang si Ken habang pinagmamasdan ako. Sumulyap ako sa kanya saglit. Ngumisi siya kaya ngumiti rin ako at ibinalik ang tingin sa aso. Ang napansin ko agad ay ang suot nitong kwintas na may pendant na Paris at isang maliit na bilog na may nakaukit na pangalan.
“Franky?” Basa ko roon. “Franky ata ang pangalan niya.”
“Maybe.” Kibit-balikat ni Ken at ibinalik ulit ang atensyon sa kotse.
Nawili ako sa aso. Well trained kasi iyon at kung tatawagin mo siya at ilalahad mo ang kamay mo ay ilalagay niya agad ang kanyang kamay. Napakamasunurin naman nito…
“We’re leaving, Aioni,” ani Ken at tiningnan na ako rito sa terrace kung saan ako nakaupo.
Sumimangot ako at tiningnan si Franky. Nang makita niya ang aking reaksyon ay umangat ang dalawa niyang kilay at nagtungo na sa akin.
“Gusto mo ng aso? Ibibili kita pag nakabalik na tayo sa Maynila,” sabi niya nang tumigil siya sa aking harapan at itinukod ang magkabilang kamay sa gilid ng aking inuupuan.
Umiling ako. Nalulungkot lang dahil maiiwan na namang mag-isa iyong aso. Ba’t hindi nalang siya isinama?
“Ba’t di siya isinama ng pinsan mo sa bahay nila?” tanong ko.
“I don’t know… Hindi ko nababasa ang takbo ng utak ng lalakeng ’yon.”
Ibinaba niya na ako roon sa aking kinauupuan. Ibinaba ko narin si Franky na nagawa pa akong tingalain saka ito lumapit muli sa akin. Tumili ako nang mabilis akong kinarga ni Ken sa kanyang bisig.
“No, she’s mine…” ani Ken at naglalakad na patungo sa kotse.
Tumawa ako at iniyapos ang aking kamay sa kanyang balikat saka ko tiningnan si Franky na humahabol sa amin.
“Gusto niya ata ako,” sabi ko. “Lalake pa naman.”
Ken opened the front seat at maingat akong ipinasok doon. Hindi niya muna iyon isinara lalo na’t tumingkayad agad si Franky at tumatahol na. Kinarga siya ni Ken. Kumaway ako habang nakasimangot.
“Hindi ka pwedeng third wheel sa aming dalawa, Franky. Baka makalimutan kong aso ka at maihaw kita,” pagbibiro ni Ken habang naglalakad pabalik sa terrace.
Tumawa ako at nailing. Ibinigay ni Ken si Franky sa babaeng caretaker at ipinasok na sa loob ng bahay saka siya bumalik dito.
Kaya noong buong byahe, habang patungo kami sa Samal Island ay ang aso ang naging topic namin. Wala rin kasi talagang aso sa kanyang condo. At isa pa, feeling ko kaya ko namang mag-alaga ng aso. I never tried having a pet kasi wala rin talaga sa utak ko ang ganoong bagay. Para sa akin hassle lang dahil makalat sila. O baka biglang manganak at dumami ang lahi kaya mas hassle. Pero ngayon, parang okay rin pala…
“Bibilhan kita,” ani Ken.
Tumango ako at napatingin narin sa pinasukan namin. Natanaw ko agad ang malaking barge na sasakyan namin para tumawid patungong Samal. Nagiging mabagal na ang takbo ni Ken lalo na’t may ginagawa pang checkpoint dahil narin sa nagkalat na mga Army sa paligid.
Chineck lamang saglit ang aming loob at hinayaan na kaming makausad. Tumigil muli si Ken para magbayad ng aming entrance saka ulit nagderi-deritso sa loob noong malaking barge.
Maraming tao ang naroon, marahil ay magbe-beach din. Sa mga pictures rin kasi na nakita ko sa google ay sobrang ganda talaga. Ang balak nga namin ngayon ay mag Island hopping para maisa-isa ang bawat Isla.
“Hindi tayo lalabas?” tanong ko nang hinuhubad niya na ang kanyang seatbelt.
“No…” Ngumisi siya sa akin hanggang sa itinulak niya ang kanyang upuan paatras at tila may ipinapahiwatig na.
Tumaas ang aking kilay at hindi ko narin naiwasang tumawa. I know that look too well. Bago ko pa man iyon naisatinig ay hinila niya na agad ako papunta sa kanyang kandungan.
“Ken…” Marahan ko siyang itinulak. “May mga tao,” sabi ko nang humawak na siya sa aking beywang at inilapit ang kanyang mukha sa aking leeg.
Tumagilid ako, para mabigyan siya ng laya roon.
“The window is tinted. They won’t see us and we’ll just kiss, anyway…” aniya habang hinahalikan na ang kahabaan ng aking leeg.
Kinagat ko ang aking labi at kinikilabutan na sa kanyang hiningang lumalapat sa aking balat. Umabot ang kanyang halik sa aking panga hanggang sa dumako iyon sa aking labi at marahan akong hinalikan.
Pumikit ako, nagsisimula na namang matangay sa nakakaliyo niyang halik. Ang isa niyang kamay ay humawak sa gilid ng aking leeg.
“Akala ko ba kiss lang?” Puna ko nang naramdaman ko narin ang isa niyang kamay na nasa botones na ng suot kong dress.
Ngumisi siya. “I’m going to kiss your collarbone, too.”
Umirap ako pero may parte sa gilid ng utak ko ang gustong gusto rin naman ang nangyayari. Noong naaksidente siya, doon ko tuluyang natibag ang namamagitang pader sa amin. Ako na mismo ang gustong mapalapit lagi sa kanya. Ako ang gustong maramdaman siya palagi sa tabi ko. I’ve never been so clingy… ngayon lang talaga. And I think he likes it alot.
Nagsisimula nang umandar ang barge habang hinahalikan ako ni Ken sa parte ng aking dibdib. Kinagat ko nalang ang aking labi at pilit pinapanatili ang katinuan sa aking loob. Ang mga paru-paro sa aking tiyan ay nagambala naman ang pahinga at nagwawala na ulit.
Napahawak ako sa kanyang mga balikat nang naramdaman ko ang isa niyang kamay na nakapasok na sa loob ng aking hita. Ken stared at me deeply while his lips were part a bit. Namula ang aking pisngi nang lumiyad ako sa simple niyang haplos sa tela ng aking suot na panty.
“You’re turned on.” Umangat ang kanyang kilay at kasabay ng paggalaw ng kanyang daliri roon sa isang nakakakilabot na haplos.
Nahihiya akong nag-iwas ng tingin kaso hinawakan niya ang aking baba at iginiya sa kanya ang aking labi. His kisses were slow and addicting! Isinasabay niya ang galaw ng kanyang kamay sa marahang hagod ng kanyang labi sa akin and it’s really frustrating!
“Ken,” tawag ko at napahigpit na ang pagkakahawak sa kanyang balikat, halos maibaon ko na ang aking kuko roon.
He chuckled on earlobe. “Chill… You’re still sore. I was rough last night so I’m just helping you to feel better.”
Mariin akong napapikit. Masyado na akong napaghahalataan! Oo nga pala… Buong akala ko nga ay magw-wheelchair nalang ako sa tindi ng mga nangyari but I guess he will always have this kind of effect on me… Hinding-hindi rin ata ako magsasawa.
Patuloy lamang ang kanyang paghagod doon sa mabagal na paraan. Hiyang hiya naman ako sa malalim niyang paninitig at tila gustong gusto ang nakikita sa aking ekspresyon.
“You don’t have to be frustrated since we’ll do this more everyday on our trip.”
Kinilabutan ako roon. Unang gabi pa nga lang namin iyon kagabi rito sa Davao at nakarami na agad. Naiisip ko pa lang ang mga susunod na araw ay iba na ang epekto noon sa akin. Naaadik narin ata ako sa kanya ng husto. Hindi naman ako ganito noong kami noon pero ewan ko ba… siguro parte narin ang pangungulila sa kanya sa nagdaang anim na taon.
Dumaong narin naman ang barge. Doon lang rin kami nahinto at nagsimula na ulit siyang magmaneho habang ako naman ay gumagala ang mga mata sa labas ng bintana, gustong tingnan ang bawat paligid na nadadaanan namin.
“Saan tayo dederitso ngayon?” tanong ko sa kalagitnaan ng byahe.
“Sa Pearl Farm Resort muna tayo.”
Tumango agad ako at nagawa pang magresearch sa google tungkol roon. Masyado akong excited na tiningnan ko na agad ang hitsura ng sinasabi niyang Resort.
Namangha ako sa mga pictures. Ayun rin kasi rito ay isa ang Pearl Farm sa pinakasikat na Resort dito sa Island Garden City of Samal iyon nga lang ay may kamahalan rin talaga. Kaya noong makarating kami at bumungad sa akin ang sobrang linaw na tubig ay hindi ko na naiwasang mapasinghap.
“You like the place?” tanong ni Ken na wala sa sarili kong ikinatango, halos hindi ko na siya malingon pa.
Kumuha siya ng isang room para sa aming dalawa. Pinili niya iyong Sunset Suite. Naging busy naman ako sa kakagala ng aking mga mata at pagkuha ng pictures gamit ang aking cellphone habang patungo kami roon sa magiging kuwarto namin.
Nasulyapan ko narin ang malawak nilang infinity pool. Para iyong nasa gitna ng malinaw na dagat at tanaw na tanaw mo talaga ang kabuuan ng dagat. Kahit hindi naman ako marunong lumangoy, parang ang sarap agad lumusong sa tubig. Nakakakuha rin ng pansin iyong Parola Bar, ang tawag roon ayon sa babaeng nag-accomodate sa amin. May tatlo iyong palapag at mukhang maganda ang view pag nasa mismong tuktok ka lalo na’t may boardwalk pa na tatahakin at iyong Parola Bar ang dulo noon, idagdag pa ang mga nagkalat na palm trees sa paligid.
Ito na ata ang Beach Resort na pinakamagandang napuntahan ko. Parang paraiso ang paligid at ang sarap magpalunod sa malinaw na kulay ng tubig. Bigla akong nainlove sa mismong syudad!
Si Ken nalang ang gumigiya sa akin sa paglalakad habang patungo kami sa aming kuwarto. Kausap niya naman iyong babae na nag-eexplain ng kung ano-ano habang inaacommodate kami kaso hindi ko na napagtuunan ng pansin. I just can’t get enough! Gusto ko na agad suyurin ang kabuuan ng Resort at kunan ng picture ang bawat parte noon.
Pumasok narin kami sa kuwarto. Iyong lalake naman ay inilalagay ang aming mga gamit sa gilid. Hindi na ako nagtaka nang bumungad rin sa akin ang magandang loob. Gawa sa makintab na Mahogany ang sahig, may transparent door sa harap na kumukonekta sa veranda, maganda ang ceiling, ang desinyo ng kabuuan ay sobrang ganda.
“Kung may kailangan po kayo Sir tumawag lang po agad kayo,” aniya sa malambing na boses.
Tumango si Ken. “Thanks.”
Nagtungo ako sa veranda. Ang sariwang hangin agad ang sumalubong sa akin at pinaglaruan ang nakalugay kong buhok. Ilang sandali lamang ay naramdaman ko na sa aking likuran ang mainit na yakap ni Ken. Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat at ibinigay sa kanya ang buo kong bigat.
“Seems like you really love the place.” Inamoy niya ang aking ulo at hinalik-halikan ako roon.
“Sobra. Ang ganda rito…”
Humigpit ang kanyang pagkakayakap sa akin.
“We’ll stay here for 3 days if you want…”
Tumango agad ako at nilingon siya. Hinagkan niya ang aking pisngi.
“We’ll make some good memories here… We’ll have fun…”
Iyon nga ang ginawa namin ni Ken sa pananatili roon. Nagtungo muna kami sa Aqua Sports Center para matry namin ni Ken iyong Kayaking. Ang challenge noon ay paunahang makarating sa kabilang Isla, iyong Malipano Island, sa pamamagitan lamang ng kayak. Kahit na tinuruan naman ako kung paano kokontrolin ay sobrang hirap parin, idagdag pa ang hangin kaya napupunta ako sa maling direksyon. Palaging nauuna si Ken na sanay sa ata sa mga ganitong activities kaya siya ang nanalo at pinagtawanan pa ako.
Sunod naming ginawa ay jetski. Sumakay nalang ako sa kanyang likuran. Nakasuot ako ng lifejacket sa suot kong spaghetti strap at shorts short habang si Ken ay naka board short lamang.
Tumatalsik ang tubig sa bilis ng kanyang pagmamaneho at mahigpit naman ang pagkakayapos ng aking mga kamay sa kanyang beywang. Kulang nalang ay lumipad ang aming jetski sa bilis niya!
Umupo nalang ako sa puting buhangin noong sinubukan niya iyong water-skiing. May insructor naman pero mukhang sanay rin ata si Ken sa mga ganitong aktibidad kaya mabilis agad niyang nagawa iyon ng maayos. Vinivideohan ko nalang siya habang kinakaladkad siya roon at mahigpit ang hawak niya sa tali. Kahit ang wind-surfing ay hindi niya pinalampas. Ako ang natatakot sa mga pinaggagawa niya pero mukhang nag-eenjoy naman siya kaya nag-enjoy rin akong panoorin siya.
Noong naisipan niya naring mag scuba diving ay isinama niya na ako sa pagsakay sa nirentahan niyang speed boat. Kasama namin ang isang instructor para sa pagsisid nila sa ibabang bahagi ng karagatan.
“Matagal ka ba roon sa ibaba?” tanong ko habang inihahanda niya na ang kanyang gears sa pagsisid.
“Not really. You scared?” Ngumisi siya habang ikinakabit na sa kanya iyong tank.
Sumimangot ako. “Bumalik ka agad baka may shark diyan sa ilalim bahala ka…” Humalukipkip ako rito sa likuran.
Malutong siyang humagalpak. Kahit iyong insctructor ay napangisi.
“Aahon rin agad ako.” Yumuko siya at pinatakan ako ng mabilis na halik.
Huli niyang isinuot ang kanyang mask at handa nang sumisid. Kinunan ko nalang siya ng litrato para may mapagkaabalahan ako. Noong bumaba na sila ng tuluyan ay nakita ko pa sila sa ilalim ng dagat lalo na’t ang linaw ng tubig.
Siguro kung marunong akong lumangoy ay sasama ako kaso wala rin ata akong guts eh. Sapat na iyong kayak na ginawa ko na tinangay pa ako sa maling direksyon at iyong Jetski na pinalundag ng husto ang puso ko.
Umahon rin naman agad sila mga ilang minuto ang lumipas saka kami bumalik. Ginabi na kami sa rami ng aming ginawa at nauwi rin kami roon sa Maranao Restaurant para kumain. Panay pa ang pagtingala ko dahil namamangha ako sa mga ilaw na nakasabit doon.
Masarap ang kanilang mga pagkain. Hindi ko na talaga napigilang hindi kumain ng marami lalo na’t ang rami ring order ni Ken.
Sa huli ay doon rin kami nagpalipas ng oras sa Parola Bar. Kumikinang na ang paligid dahil sa mga matitingkad na ilaw sa paligid. Nasa ikatlong palapag kami kaya tanaw na tanaw rin dito ang pagbabago ng kulay noong infinity pool na nagiging berde at asul. Marami ring nagkalat na mga ilaw sa boardwalk at sa iba pang paligid kaya tumitingkad na ang bawat sulok sa gitna ng madilim na gabi.
“Ayaw mo bang subukan iyong water-skiing?” tanong ni Ken habang pinapaikot-ikot ang ice cubes sa loob noong baso na iniinom niyang drinks.
Umiling ako at hinawakan narin at kumuha noong isang slice ng inorder naming Pizza Margherita.
“Ayoko. Mahina ang puso ko sa mga ganyan. At takot rin ako sa heights…” Kinagat ko iyong dulo ng pizza.
“So, ayaw mong sumubok ng ibang activities?”
Umiling ako. “Nag-eenjoy akong panoorin ka.”
Ngumisi siya at humilig sa mesa. Napadpad naman ang aking mga mata sa nakabukas na mga botones ng kanyang polo, sa ibaba ay isang khaki shorts at timberland habang ako ay nakasuot ng long sleeve button down dress na above the knee at nakaribbon ang likuran. Ang kanyang buhok ay medyo magulo pa lalo na’t natuyo lang iyon habang ang akin naman ay naging messy hair na ang pagkaka bun noon at may nalalaglag pang ilang hibla, hindi ko na nasuklay ng maayos sa pagmamadaling lumabas agad.
“Hmm… Mas gusto mo ba iyong activity nating dalawa?” Nanunuya na ang kanyang ngisi at malalim narin ang boses.
“Alin? Iyong Jetski? Kayak?”
Umiling siya. Kinagat ang labing nakangisi.
“Iyong pinapasigaw ka…”
“Huh? Jetski nga?” Lalo na’t tili lang ako ng tili sa likod niya.
Hinawakan niya ang aking pulso at iginiya iyon sa kanyang baba para kagatan iyong hawak kong pizza.
“Iyong isa pa, Aioni. Iyong paborito nating ginagawa…” He said erotically, sending shiver down my spine.
Awtomatikong namula ang aking pisngi. Sinamaan ko siya ng tingin.
“You owe me a 5 rounds later in bed since natalo kita sa Kayak.” Kinindatan niya ako.
Namilog ang aking mga mata.
“H-Hindi natin iyon napag-usapan ah!”
“Well I won so ako ang may karapatang maglapag ng premyo,” he said cooly.
“Kahit na!” Kinagat ko ang aking labi at namula na ng husto ang aking mga pisngi.
Binasa niya ang labi at inayos ang buhok. Kinuha ko iyong baso na may lamang Pineapple juice at nilagok ko iyon, halos ubusin na dahil sa kabang nararamdaman ko sa pinagsasabi niya.
“Then lets play something you’re good at. Any sports?”
Umiling ako at bumusangot na saka inilapag ang baso. May gym kasi rito, Basketball, Tennis, Badminton Court, Butik at Ylang Ylang Spa. Eh hindi naman ako marunong mag basketball kaya wala rin. Medyo marunong ako sa Badminton lalo na’t itinuro iyan noong Highschool palang ako kaso ayun nga hindi rin gaanong expert.
“How about swimming?” Inosente niyang tanong kaya mas lalo lamang tumalim ang aking tingin.
Ken chuckled. Ang guwapong mukha ay mas lalong umaliwalas kahit na namumungay ang mga mata at medyo namumula pa ang pisngi at gitna noong kanyang ilong. Napansin ko nga rin na simula noong dumating kami rito, pinagtitinginan agad siya ng mga babaeng nadadaanan namin na kahit mga foreigners na babae ay napapasulyap sa kanya. Ganoon siya ka attractive!
“Edi hindi ka makakabawi sa akin?”
“Eh magaling ka naman ata sa lahat.”
No. Magaling talaga siya sa lahat ng bagay! Lahat ata ng sports ay kaya niyang ipanalo ng walang kahirap-hirap. Sa katawan niya pa lang… Sa muscles niya, sa tone ng kanyang katawan, halatang ang rami niyang alam! He’s really into sports and outdoor activities!
Sumimsim siya noong wine at inilapag rin iyon pagkatapos. Kumuha ako ng panibagong slice ng pizza. Iyon lang talaga ang nilalantakan ko maliban sa ibang pagkaing nakalatag dito.
“Kung sakaling nanalo ka… Ano ba ang premyo na gusto mo?”
Tumingala ako at nag-isip saglit.
“Hmm, kahit ano?” tanong ko.
“Anything for my baby,” he said huskily.
Ngumuso ako at nag-isip pa. Siguro pag sinabi kong kotse ay bibilhan niya agad ako ng brand new car. Kung house and lot naman ay siguradong ibabahay niya agad ako. Kung pera… Baka nga hindi siya magdadalawang isip na bigyan ako. I can ask anything… Since he’s spoiling me too much with luxurious things… But they don’t matter to me anymore. I am already rich because he loves me. Iyon ang pinakamamahaling bagay na natanggap ko at ang magiging kayamanan ko na ibinaon niya sa aking puso. I’m contented because I have him.
Nainip na ata siya sa paghihintay niya kinuha niya na ang aking palad at hinaplos-haplos iyon. Kumukomplemento ang mga mata niyang nagniningning sa liwanag habang nakatitig sa akin ng seryoso.
“God… Why are you so beautiful?” he whispered, very amused.
Natigil ako sa pag-iisip. Inangat niya ang aking palad at dinampian iyon ng halik habang nakasentro parin sa akin ang mga mata. I can’t think straight… Alright!
“Teka lang… Dinidistract mo ako. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos.”
Ngumuso siya at nagpigil ng ngisi.
“Oh, I’m sorry…” he chuckled and tilted his head.
Inabala niya ang paglalaro sa daliri ko habang inisa-isa ko naman sa aking isipan kung saan ko siya malalamangan. I’m really desperate to win! Gusto ko ako naman ang ngumisi sa kanya ng pilya! Gusto ko ako naman itong yayabangan siya. Kaya noong may kalokohan nang pumasok sa aking isipan ay napangisi na agad ako.
“Pag nanalo ako… Wala kang halik sa akin sa loob ng isang buwan.”
Awtomatikong nagkasalubong ang kanyang kilay, tila hindi nagustuhan ang aking sinabi. Natawa ako sa kanyang reaksyon lalo na’t apektadong apektado siya.
“You’re kidding…”
Umiling ako at inosenteng ngumiti.
“Hindi ’no. Kaya maghahanap ako ng activity na magaling ako para matalo kita at hahamunin agad kita!”
“Then try me.” Kampanti niyang sabi, siguradong sigurado na hindi ako magwawagi.
Kung sa sports lang, talo niya na agad ako. Pero may bukod tanging laro na magaling ako. Doon ko siya tatalunin at hahamunin ko siya bukas nang makatikim rin sa akin ang mayabang na ito.
Sa pagbalik namin sa aming kuwarto, hindi na ako nagtaka noong inatake niya agad ako ng halik. He pinned me on the wall, squeezing my left boob while grinding slowly, rubbing his erection between my thigh! Alam kong sisingilin niya ako sa kanyang premyo at sa sarap ng kanyang halik, sa kanyang ginagawa, ibibigay ko ata iyon ng walang paligoy-ligoy.
“Ugh, Aioni… I want to do this until morning.” Tila lasing ang kanyang boses dahil sa sensasyon.
“Ako rin,” wala sa sarili kong sagot, natatangay na naman sa tamis ng kanyang halik.
Nangininig ang kanyang kamay noong inisa-isa niya ang botones ng aking dress at isang hila lang sa ribbon noon sa likuran ay lumuwag agad iyon sa aking katawan. Kinarga niya ang aking mga hita at ipinulupot sa aking beywang habang lumalalim ang kanyang halik. Isang hila lang sa tali ng nakaponytail kong buhok at lumugay agad iyon sa aking balikat kasabay ng pagbagsak niya sa akin sa sofa.
Naroon na siya sa aking paanan. Isinabit niya lang sa headrest ng sofa ang isa kong hita at itinulak naman iyong isa hanggang nalaglag ang aking paa sa sahig at nagmistula na naman akong palakang nataob sa kanyang harapan. The moment he kissed me down there, I already lost it.
53rd Chained
Chained
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Tonee Rose Fajardo. Happy reading!
Poser
Maganda ang gising ko sa umaga lalo na’t naabutan pa namin iyong Buffet sa kanilang Restaurant. Kumain kami roon pagkatapos ay nagpasama rin si Ken sa akin sa gym. Dala-dala ko pa ang isang bottled water habang nakalingkis ang kanyang kamay sa aking beywang suot ang isang black na sleeveless at short. Nakasimpleng sando naman ako at leggings habang nakaponytail ang aking buhok dahil mag-eexercise rin daw ako.
“You just have to run,” ani Ken habang siniset iyong treadmill na tinayuan ko.
“Iyong parang jogging lang…” sabi ko.
He nodded and licked his lip.
“Mas mabuti iyong hindi ka lang sa kama pinagpapawisan ng husto,” makahulugan niyang sabi at nagawa pang humalakhak habang binabato ko siya ng matalim na tingin.
I did some jogging. Si Ken naman ay nagli-lift ng mga barbell. Nahuhuli ko pa siyang sumusulyap sa aking pwetan na ikinairap ko nalang. Pervert.
Umabot na ang pawis sa aking sando ilang minuto lamang ang nakalipas na kahit ang aking leeg ay basa rin. Uminom ako ng tubig saka lumapit si Ken sa akin, pawisan narin kaya pinainom ko rin ito.
Hindi siya nakonkento sa gym at gusto niya pang maglaro ng tennis.
“Hindi ako marunong nito… Matatalo mo lang ako at pagtatawanan ulit.” Bumusangot ako habang ibinibigay niya sa akin iyong racket.
Tanggap ko pa sana kung table tennis kaso ang ganitong klaseng tennis ay hindi! Hindi nga ako magaling sa badminton!
“Just try…” aniya.
Suminghap ako at pumwesto. Ngumisi naman siya at iniikot-ikot pa sa palad ang handle ng racket habang umaatras palayo. Nariyan na naman iyang mayabang niyang ngisi!
Ako ang una niyang pinatry. Kaso imbes paluin ang bola, nakakagulat at lumipad agad ang aking racket dahil iyon na ang naihagis ko sa ere.
Humagalpak si Ken. Naiinis kong itinapon sa kanya iyong bola na mabilis niyang pinalo ng racket at lumipad agad iyon sa ibang direksyon. Iyong racket ulit ang pinulot ko para sana iyon ang itapon kaso itinaas niya na ang kanyang mga kamay.
“Baby… Take it easy!” Aniya habang kagat-kagat ang nakangising labi at nag-eenjoy sa kapalpakan ko.
“Ayoko na. Hindi naman ako marunong.” Binitiwan ko iyon at umirap.
Nagtungo rin naman siya sa akin at nagawa pa akong kargahin sanhi para magpumiglas ako.
“How about Badminton?”
Iyon na naman… Iyon na naman ang kinainisan ko dahil tagapulot nalang ako ng shuttlecock. Naliligo na ako sa pawis pero ni isang puntos ay hindi talaga ako nakakuha! He’s just so good at it na gusto ko na ulit siyang batuhin ng racket.
“Jump higher!” sabi niya nang nasa akin na ulit ang shuttlecock.
Lumundag ako ng malakas kaso imbes na mapalo iyong shuttlecock ng aking racket ay tumama iyon sa aking ulo. Natatawang tumakbo papalapit sa akin si Ken. Binitiwan ko ang racket at sumuko na ulit.
“Does it hurt?” He chuckled and kissed my forehead.
Hindi naman masakit dahil shuttlecock lang naman iyon pero dahil maarte akong asawa ay tumango ako at sumimangot kaya pinaliguan niya ako ng halik sa buong mukha.
Kahit hindi ako nananalo sa kanya ay nag-eenjoy rin naman akong makipaglaro idagdag pa roon sa Basketball na hindi ko talaga magawang agawin iyong bola sa kanya. Nahihila ko lang ang kanyang sleeveless pero ang bola hindi at ninanakawan pa ako ng halik sabay takbo papunta sa ring para ishoot iyon.
Sa rami ng pinaggagawa namin ay hiningal rin ako at nagpasyang magpahinga.
“When we get back to Manila, we’ll exercise more since you really need it.”
Oh… Ngayon ko lang naalala na hindi na pala ako masyadong nakakapag gym simula noong pumasok ako sa kanilang kompanya. Kaya rin siguro palagi akong pagod at walang energy dahil kulang sa exercise unlike ngayon na si Ken na itong nagiging personal trainer ko.
Palagi kaming tambay sa Infinite pool. Doon kami madalas maligo at ginagawa pa naming tambayan ang isa sa mga lounger chair doon habang nakaupo ako paharap sa kanya at nakasandal ang kanyang likuran sa upuan.
“Ugh… This is so unfair!” He groaned when he lost, again.
Humagalpak ako ng tawa at pinitik ang kanyang noo. Pumikit ang isa niyang mata sa ginawa ko lalo na’t nanalo na naman ako sa aming laro at hindi pa talaga siya nakakahalik sa akin!
“Ulit!” panghahamon ko at ipinwesto na ang aking kamay.
“Unfair… Hindi man lang ako nananalo. You’re good at this huh…” He licked his lowerlip.
“Akala mo magaling ka sa lahat?” Ngumisi ako sa kanya at nagyayabang na.
Ngumuso siya. “Well… I think you’re using some black spell or what…”
“Hindi ’no! Walang daya rito! Ulit!” Kinuha ko na ang kanyang kamay at ipinwesto sa harap ng kamay kong nakakamao na.
He sighed at naging kamao narin ang kanya. Ngumisi ako.
“Bato bato pik!” Naggunting agad ako habang siya naman ay papel kaya humagalpak ako lalo.
Ken groaned for the nth time. Sobra na siyang nafufrustrate dahil hindi siya nananalo at hindi nakakahalik sa akin habang ako ay nakakailang pitik na sa kanyang noo. Tawang tawa ako habang nakapwesto sa kanyang harapan at nakaupo sa kanyang kandungan. Napapikit na siya, halos hindi matanggap na natalo ko ulit siya.
“This is a torture…” bulong niya.
“Bawal mo na akong halikan…” sabi ko sanhi para dumilat siya at halos sumimangot na.
“No… I like kissing you…” Humawak siya sa magkabilang beywang ko.
Nalaglag saglit ang tingin ko sa nakabalandra niyang abs lalo na’t naka board short lamang siya habang nakahaltered tank naman ako na stripes at high waist bikini, revealing half of my stomach. Naka bun ang aking buhok kaya litaw na litaw na naman ang malalalim kong collarbone at masyadong nadedepina ng aking suot ang payat kong pangangatawan lalo na ang aking maliit na beywang.
Nakipaglaro ulit siya sa akin noon kahit na natatalo lang naman siya at humahagalpak ulit ako pero mukhang naeenjoy niya na ang pagkatalo niya. Feeling ko nga minsan ay sinasadya niya nalang.
“Parang nagugustuhan mo pa ata ang pagkatalo mo,” sabi ko at pinitik ulit siya sa noo. Namumula na iyon dahil ilang ulit ko naring napitik.
Nagkibit siya. “Papalubog na ang araw at ang ganda na ng sunset sa likod mo pero mas lalo lang gumanda dahil nakikita kitang tumatawa.”
Natigilan ako. Ngayon ko lang napagtanto na papalubog na pala ang araw. Hinila niya ang aking braso hanggang sa madikit na ako sa kanyang katawan. Itinulak niya ang aking ulo sa kanyang balikat at ipinahinga niya iyon doon habang ang isang kamay ay pumulupot na sa aking beywang.
Sinilip ko ang magandang papalubog na sunset at tama nga si Ken, nag-aagaw na ang orange na kulay sa pulang kulay at sobrang ganda noong tingnan. Ipinulupot ko narin ang aking mga kamay sa kanyang leeg at hinayaan ang buo kong katawan na humiga na sa kanyang ibabaw. It felt warm… Ngayon ko lang naramdaman ang ganito na parang ayaw mo nang matapos ang araw at ganoon nalang kayo habang buhay.
Hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo. Ipinikit ko ang aking mga mata at nanalangin na sana ay bigyan ako ng lakas para ipaglaban siya. Hindi na ako hihiling na sana ay palagi kaming masaya, katulad ng hiling ko noong kami pa, ngayon ay gusto kong humiling ng lakas na kahit hindi na kami masaya, ay kaya ko paring manatili sa tabi niya.
I wasn’t happy anymore that’s why I chose to leave. I chose to hurt him. But this time, I want to stay… Mananatili ako sa tabi niya kahit umabot sa punto na hindi na ako masaya. Mananatili ako sa tabi niya kahit na masakit na. Imbes na bumitaw, gusto kong lumaban at kasama siyang harapin iyon. Natutunan ko na sa isang relasyon, dadating ang araw na aabot kayo sa puntong hindi na kayo masaya. Dadating ang araw na susubukin kayo ng tadhana at normal lang ang ganoon. Hindi naman purket hindi kana niya napapasaya ay mang-iiwan kana ’di ba?
Itinagilid ko ang aking mukha at isiniksik na iyon sa kanyang leeg.
“What’s wrong?” Hinaplos niya ang kanyang balikat.
Umiling ako. “Masaya lang ako.”
Ilang sigundo siyang hindi nakasagot pero sapat na ang paghinga niya sa aking buhok dahil sa kanyang buntong hininga.
“I’m glad you’re happy with me…”
Gusto ko siyang yakapin pa ng mahigpit pero natatakot ako na baka hindi na siya makahinga pag gagawin ko iyon kaya isiniksik ko nalang lalo ang mukha ko sa kanyang leeg. I heard him chuckled.
“Sana ganito ka lagi… I really want your tight hugs… I want you to rest your chin on my shoulder… I want your breathe on the skin of my neck… I always want you so close to me like your life depends on me. God… I just want this…” he whispered and kissed my head.
Namutawi ang ngiti sa aking labi. Ito na talaga ang hilig niya. Gustong gusto niyang nasa kandungan niya ako at niyayakap ko siya o niyayakap niya ako. Parang protektadong protektado ako sa magulong mundo dahil nasa bisig niya ako at walang makakapanakit sa akin ni isa. I want this, too…
Sa tatlong araw na pamamalagi roon ay nagawa rin namin lahat ng gusto naming gawin. Sa huling gabi namin ay mas lalo lamang naging memorable sa akin ang papalubog na sunset ng Miyerkules ng tanghaling iyon habang nasa loob kami ng kuwarto at nag-iimpake na.
“Sa susunod naman ay iyong birthday mo ang aatupagin natin,” ani Ken habang tinutulungan ako sa aking mga damit.
“Next year pa naman… Malayo pa,” sabi ko habang nakaupo sa dulo ng kama suot ang isang fresh picked mustard yellow floral prints backless maxi dress na mahaba lalo na’t hanggang paa ko iyon kaya nagsuot ako ng sandals na may kaonting wedge.
“Do you have any plans?” tanong niya.
He’s wearing a button down black shirt paired with pants and shoes. Isang sulyap lang ang ginawa ko sa kanya saka ko rin ibinalik sa aking mga damit.
“Wala eh. Nasanay narin akong hindi gaanong pinaghahandaan ang birthday ko.”
Nakita ko ang pagkatigil niya.
“Hindi ka ba nagcecelebrate noong mga nagdaang…”
Umiling na agad ako. “Hindi. Naghahanda naman ng kaonti si Mama pero hindi rin ako masaya.”
It made him swallow.
“Kahit noong 18th mo?”
Umiling ako at kinagat ang aking labi. Walang nangyaring maganda sa loob ng anim na taong lumipas sa akin.
“Hindi…”
“Hindi ka nakipagsayaw? Wala kang 18th roses?”
“Wala.” Mapakla akong tumawa, napagtantong wala nga talagang naging magandang memorya sa akin ang taong lumipas.
Namungay ang kanyang mga mata. Ibinalik ko ang pagtutupi at hindi nalang masyadong binigdeal ang topic. Birthday lang rin naman iyon… Hindi naman siguro kabawasan sa pagiging ganap na dalaga kung hindi ka nakapagdebut ’di ba?
Napakurap ako nang maglahad siya ng kamay sa akin, ang isang kamay naman ay nasa likod.
“Ano ’yan?” Natawa ako ng marahan sa kanyang ginawa.
“I’m asking you for a dance, Aioni…”
Mas lalo akong tumawa. “Huh?”
Nagkibit siya. “Isasayaw nalang kita para ako rin ang maging unang sayaw mo.”
Ngumisi ako kay Ken at tinanggap ang kanyang kamay. Mabilis akong napatayo at nadikit agad sa kanya dahil hinila niya na ako. Tumawa ako at napahawak sa kanyang balikat.
Tumawa ako ganoon rin siya, tila natatawa rin sa aming pinaggagawa pero hindi kami tumigil. Itinaas niya ang isa kong kamay at inikot ako kasabay ng pagsunod ng aking damit sa akin, tila sumasayaw rin sa ere. Noong humarap akong muli sa kanya ay ipinatong ko ulit ang aking mga palad sa kanyang balikat habang bumalik naman ang kanyang mga kamay sa aking beywang.
He started swaying me while humming a familiar song. Alam ko, kanta iyon ng Parokya ni Edgar na Your Song.
“It took one look and forever lay out in front of me One smile, then I died Only to be revived by you…”
God, I missed his voice… He was singing it while staring at me with those sleepy eyes. Ang boses niyang malalim na ngunit ang sarap pakinggan at nakakatindig pa ng balahibo.
“There I was thought I had everything figured out goes to show just how much I know bout the way life plays out…”
Iniyapos ko ang aking mga kamay sa kanyang leeg at niyakap siya. Ipinahinga niya naman ang kanyang baba sa aking balikat habang nararamdaman ko ang dulo ng ilong niya sa gilid ng aking leeg.
“I take one step away and I find myself coming back to you my one and only one and only you…”
Napapikit ako at mas niyakap siya ng mahigpit. Naghum na lamang siya at ibinaon na ang kanyang mukha sa aking leeg habang ang isa niyang palad ay lumalandas sa likod ko.
It was one of our most memorable day… Bago man lisanin ang lugar na iyon ay nakapagbaon kami ng masasaya at magagandang ala-ala. Umaga noong umalis kami roon at nagpasya nang mag Island-hopping. Sa rami ng isla sa Samal Island ay hindi ko na halos nakabisado ang bawat pinuntahan namin. Basta ay puro nalang ako picture, kaming dalawa ni Ken. Maganda rin iyong Club Samal at malawak rin ang pool, ganoon rin ang Cavanico, Villa Amparo, Kaputian, at Isla Reta. May Private Resort din doon, iyong Secdea na may malawak ring pool pero hindi rin kami masyadong nagtagal. Iyon ang mga paborito kong hinintuan namin ni Ken na Isla pero para sa akin ay pinakamaganda talaga ang Pearl Farm dahil doon rin kami nakabuo ng mga ala-ala.
Anim na araw kami sa Samal Island at bumalik lang ulit sa Marco Polo para doon na magpalipas ng ilan pang araw. Bibili raw muna kami ng souvenirs at magpapalipas ulit ng tatlong araw sa hotel para gumala sa syudad saka rin kami uuwi.
“This will look good on you,” ani Ken at itinapat sa akin ang isang dress na nakahanger.
Nasa Forever21 kami ng isang Abreeza Mall. Sumasakit narin kasi ang paa ko sa dinala kong sandals at gusto ko sana ng komportableng flats kaya pumunta kami ni Ken dito para mabili niya ako. Kaso mukhang gusto niya narin atang mamili ng kung ano-ano.
“Gusto mo?” tanong niya nang pasadahan ko rin iyon ng tingin.
Tumango ako at ngumiti. Halos lahat na ata ng mga damit ko ay siya ang namimili. Gusto niya rin iyong ganoon, na siya ang namimili at hinahayaan ko nalang since I like his taste, too.
Bumili narin ako ng komportableng flats. Panay naman ang text ni Necia, nanghihingi ng pasalubong. Kahit iyong Tshirt lang daw na may I love Davao.
Ang Davao City ay Durian Capital kaya madalas rin sa mga pasalubong na mga candies ay Durian flavor. Hindi pa ako nakakakain noon pero hindi naman ako nacucurious… Bibilhan ko nalang si Necia para siya ang tumikim.
Ginabi na kami sa pamimili ng kung ano-ano ni Ken para rin may madalang pasalubong. Binilhan niya rin ang mga pinsan niya pero more on Candies rin na Durian flavor at tag-iisang pack sila. Iyon ang pinagtawanan ko lalo na’t namimili pa siya ng maliit na supot ko kahit tig iisang piraso nalang daw. Eh ang liit nga noong isang piraso at para lang tableta.
Pagkatapos namin sa Abreeza ay lumipat rin kasi kami sa SM Lanang at doon na nagpasyang kumain sa Vikings. Doon ko lang naramdaman ang pagod noong nasa front seat na ako at tinatanaw ang mga buildings na nadadaanan namin. Sa gitna ng byahe ay may tumawag pa kay Ken kaya pinindot niya nalang iyong sa may stereo niya.
“Ken?” Isang marahang boses ang tumawag sa kanya.
Napalingon ako kay Ken.
“It’s my cousin,” aniya, tila binubura na ang namumuo sa aking isipan kahit wala naman.
Tumango ako at tumingin doon sa stereo. Sinong pinsan? Parang hindi pamilyar sa akin ang boses at sobrang rahan.
“Oh… Nakakadisturbo ako?” tanong nito.
“Hindi naman, Nana. We’re heading back to Marco Polo. Ba’t ka napatawag?”
“Just want to ask if when kayo uuwi since lagpas isang linggo na kayo riyan. Wayt told me isang linggo lang daw eh? Mag-eextend pa kayo?”
Nilingon ako saglit ni Ken. Tahimik ko rin siyang sinulyapan.
“Susukatan ko pa siya, Ken…”
“I think we’ll go home tomorrow. Kasama mo si…”
“Si Brandish? Yes.” She chuckled softly.
“Is that Ken?” May isa pang boses na babae ang sumabat.
“Yep! Uuwi na raw sila bukas.”
“Well great! See you soon!”
“Don’t cause too much trouble, Brandy…” ani Ken sa namumungay nang mga mata.
Tumawa iyon sa kabilang linya.
“Ken, I’ll hang up na baka nakakadisturbo na kami. You two take care okay? Love you both!”
“Love you, too…” Ken murmured.
Namatay narin iyong tawag. So Nana is the sweetest of her cousins? At mukhang mas magaan ang personality niya kaysa kay Zera at Elle. She talks softly at para iyong boses ng anghel.
“She’s excited to meet you,” aniya.
“Iyong Nana?”
Tumango siya. “Susukatan ka raw niya ng Wedding gown mo at hindi na nga nagpabayad sa akin. Regalo niya nalang daw sa’yo.”
“Huh… Talaga?” Marahan akong natawa.
“Yes. She’s a fashion Designer in Canada at may clothing line na iyong CANA. May mga sikat na modelo nang nagsuot ng damit niya at nafefeature rin sa Magazine.”
Namangha ako roon. She has a famous cousin?! T-Tapos iyon pa ang gagawa ng Wedding gown ko? Halos lumipad ang kalahati ng aking kaluluwa sa ere at hindi alam kung anong angkop na reaksyon ang ibigay.
“Kinakabahan ako sa mga pinsan mo… Lalo na roon kay…”
“Zera?” Hindi na iyon hula dahil parang sigurado siya.
Tumango ako ng marahan. Kung noon ay nakaya kong magtaray sa harapan nilang lahat, ngayon baka matunaw na ako. Kaya ko parin namang ipagtanggol ang sarili ko kung inapi ako pero mahirap rin talaga kung ang kakalabanin mo ay ang kadugo pa ng mahal mo. You’ll lose…
“Ganoon talaga siya. She’s not really friendly pero marunong naman iyong makibagay.”
Of all his cousins, iyong Zera rin kasi ang nagawa akong sampalin. Ganoong kilos palang alam kong kakaiba na talaga ang ugali. Pwede rin naman akong sampalin noong Elle sa galit niya sa sinabi ko pero umiyak lang siya unlike Zera na sumugod talaga.
“You’ll get used to them, don’t worry…”
Sana nga… I just need to calm down… Ngingiti tapos sasagot ng maayos. Marunong rin naman akong makibagay pero pag nabubwesit talaga ako ang sarap agad i uppercut.
Nagkulong lamang kami sa kuwarto noong gabing iyon, wala masyadong ginagawa at pinaghahandaan nalang ang pag-uwi bukas. Hindi na pala siya masyadong active sa social media niya pero sa IG siya madalas at nagpopost lang ng pictures.
Nakahiga ako sa kanyang dibdib at nakayakap sa kanya habang tinitingnan ang pinaggagawa niya sa kanyang IG.
“I’ll post this,” sabi niya, tinutukoy iyong picture ko sa Infinity pool sa Pearl Farm habang nakaupo sa gilid noong pool at nakatalikod sa kanya. Nagmistula akong silhouette dahil narin mas nahighlight ang magandang sunset. Nakaside view ako at naka bun ang buhok at sobrang liit ng aking beywang na naexpose na dahil sa top kong may pagka fit na haltered croptop.
Napansin ko sa mga post niya puro lang mga getaways ng pinsan nila. Ang saya palagi nilang tingnan.
“Where’s your phone?” tanong niya.
Bumangon ako at kinuha sa loob ng aking mini backpack ang aking cellphone. Ibinigay ko iyon sa kanya kaya hinila niya ulit ako, pabalik sa pwesto ko kanina.
Ang cellphone ko naman ang pinakialaman niya at inilapag niya nalang sa topless niyang katawan iyong kanya. Kinuha ko iyon at tiningnan ang pinost niyang picture ko. May simpleng caption siyang ‘Perfection’ at ilang minuto palang ay naka lagpas agad siya ng 100.
Tiningnan ko ang iilang comments doon dahil mukhang binabaha na.
leilaveme: Who’s that? Omgg you’re in Pearl Farm Davao?
shinxxx: Aww… You’re finally posting someone.
crazygirl: This is so pretty! I like her messy bun! Who’s this?
jadeortega: Ang ganda ng sunset at ang silhouette ni girl! Perfection nga!
lilythepretty: I’m jealous but finally… you’re posting your girl!
sarryamparo: The last time you posted a girl was 6 years ago. Lol I am such a stalker. K bye!
Hindi ko na nakayang isahin ang mga comments dahil mas lalo lamang nagdagsaan sa bawat minuto. Inilapag ko nalang ulit iyon dahil nahihilo rin ako sa mga nababasa ko. Puro pa babae…
Tiningnan ko ang ginagawa niya.
“Iyan ba ’yung IG ko noon?” tanong ko nang may pinipili na siyang new profile.
“Yes and I’ll manage your account.” Hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo lalo na’t nakapatong rin ang kanyang baba roon.
Pinanood ko siyang iupload ang mga pictures na kinuha ko sa Pearl Farm at sa iba pang pinuntahan namin sa Davao. Kahit iyong videos niya ay ginawa niyang highlights sa myday.
“Ano ’yan? Fan account mo?” Tumawa ako nang nagpost pa siya noong mga stolen pictures ko sa kanya.
“Para walang masyadong magfollow sa’yo.”
Tumawa ako. “Eh hindi rin naman ako mahilig sa social media.”
“That’s better.” Saka niya inistalk ang kanyang account at nilike iyong post niya at nagcomment ng ‘I love you’.
Sinapak ko ang kanyang braso at natawa sa kanyang ginagawa. Ilang sandali lamang, nagulat ako noong naka ilang likes iyon at may reply pa. Kadalasan ay sa mga pinsan niya ata lalo na’t nagmemention pa.
redorangeyellow mentioned bluegreenwhite, nanananana, zeradamnu, hirodoesntcare, greyashton, waytd, iamtoshi, ellemnop.
redorangeyellow: Guys the poser is back.
bluegreenwhite: hi poser
iamtoshi: Man… You’re too effort.
greyashton: I salute you poser.
nanananana: See you soon!
waytd: smh
greyashton mentioned waytd: Which head are you shaking?
iamtoshi mentioned greyashton: He doesn’t have any.
wayt mentioned greyashton and iamtoshi: smd
iamtoshi: ?
greyashton: Smd? Gawa gawa ka.
waytd: Di niyo maisip kasi kayo talaga ang walang ulo.
greyashton mentioned waytd: I’m going to report your account, fucker.
zeradamnu: Follow back
Medyo natawa ako sa bangayan ng kanyang mga pinsan sa comment section ng comment ko lalo na’t ang bilis napikon noong greyashton. Alam ata nila na si Ken ang nagpost noon. Hindi ko alam kung bakit pero nakakatuwa sila.
Tumigil na ako sa pagbabasa lalo na’t inioff narin iyon ni Ken.
“Sleep…” Tumagilid siya kaya nalaglag na ako sa kanyang tabi habang nakapulupot ang kanyang bisig sa aking leeg at doon na ako niyayakap kaya sobra nang nasiksik ang mukha ko sa leeg niya.
Lumebel ako sa kanya at iniyapos narin ang aking mga kamay sa kanyang leeg. Humawak ako sa kanyang batok. Magkalebel na ang mga mukha namin. Nagtitigan lamang kami. Noong hindi ko na nakayang labanan ang malalim niyang paninitig ay nauna rin akong pumikit.
“Goodnight, Aioni…” bulong niya at hinalikan ang aking noo.
54th Chained
Chained
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Mary Joy Checa. Happy reading!
Kalmado Lang
Hapon na noong magland ang eroplano sa airport. Nakauwi na kaming dalawa ni Ken at si Mang Rodulfo pa ang sumundo sa amin. Ramdam ko ang pagod ng byahe pagkapasok namin sa loob ng condo ni Ken.
Napatili ako nang bigla nalang akong kinarga ni Ken. Humawak ako sa kanyang balikat.
“Ililipat ko na sa kuwarto ko ang mga gamit mo,” aniya habang naglalakad siya papasok.
“Huh?”
Pinihit niya ang doorknob. Nilingon ko si Mang Rodulfo sa aming likuran na pinapasok ang mga gamit.
Hindi niya isinara ang pinto. Naglakad si Ken patungo sa kanyang king size bed at inilapag ako roon. Hindi ko agad binitiwan ang kanyang leeg kaya itinukod niya ang kanyang mga kamay sa bawat gilid para hindi ako madaganan habang nakayuko.
“Sleep… I know you’re tired.” Hinaplos niya ang aking pisngi.
“Eh ikaw? Di ka matutulog?”
Umiling siya. “May aasikasuhin lang muna ako. I’ll join you later here in bed.”
“Trabaho?”
Tumango siya at pinatakan ako ng halik sa noo. Pumikit ako at linuwagan na ang pagkakayapos sa kanya habang ang kanyang labi naman ay napunta na sa aking labi at marahan akong hinalikan.
Iyon ata ang naging rason para makatulog ako ng mahimbing sa kama ni Ken, idagdag pa ang pabango niyang amoy na amoy ko sa kama, sa unan at sa kumot. Noong nagising ako ay umaga na. Ang haba na naman ng aking tulog at sobrang gaan na naman ng aking pakiramdam.
Sa araw ng Sabadong iyon ay nagpasya akong umuwi sa bahay para ihatid ang mga pasalubong. Nagpasya namang sumama si Ken.
“Sasama ka?” tanong kong muli habang tinitingnan ko siyang ibinubotones ang suot niyang button down shirt.
Tumango siya. Lumapit ako sa kanya at tumulong sa pagbobotones kaya tumigil siya roon at nameywang nalang sa dalawang mga kamay.
“Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila Mama sa’yo… Lalo na si Lucas,” sabi ko habang nasa akin ang kanyang tingin.
“I understand. Let’s just tell them we’re planning to get married…”
Ngumuso ako. Eh may wedding ring na nga kami. Suot-suot na namin iyong dalawa simula pa noong nasa Pearl Farm kami. Para tuloy lumalabas na engage kami at tapos na siyang magpropose.
Inisip ko ang magiging reaksyon ni Lucas dito. Alam ko noong huli naming pag-uusap tungkol kay Ken ay galit na galit siya rito. Hindi ko alam kung pati ba ngayon… Si Mama ay parang hindi naman nagtatanim ng galit kay Ken. Si Papa naman… hindi rin ata galit.
“Anong iniisip mo?” tanong niya, tila napansin na ang pagkakatigil ko.
Kumurap ako at ipinagpatuloy ang pagbubutones. Umangat naman ang kanyang kilay.
“Mind sharing?”
“Naisip ko lang si Lucas…”
“I can handle him. Stop worrying…”
Nagloosen ang aking balikat at bumuntong ng hininga. Tumango ako at ngumiti. Alright… I should stop worrying. Mapapagod lang rin ako kakaisip ng kung ano-ano at maaapektuhan na naman ang mood ko. I want to be positive! Alam kong magiging maayos rin naman ito dahil masaya naman kami ni Ken. Siguro ay maiintindihan rin nila ’di ba…
Naging tahimik ako buong byahe. Hinuhuli nalang ni Ken ang aking kamay at ipinagsalikop niya iyon sa isa’t isa.
“We’ll buy a dog later. Ano bang ipapangalan mo?”
Iyon ang kumuha ng buo kong atensyon. Akala ko nawala na sa isip niya kasi kung hindi niya rin ini-open up iyon ngayon ay hindi ko na narin maalala.
“Hmm… Wala akong maisip. Siguro magsesearch ako mamaya sa google.”
“Do you want a boy or a girl?” tanong niya, pabalik-balik ang tingin sa akin at sa kalsada.
“Lalake, katulad ni Franky.”
Tumango-tango siya.
“Just name it Doggy…”
Tumawa ako sa kanyang suhestyon.
“Ang common naman! Gusto ko medyo unique.”
“Hmm… Teddy?”
Umiling ako. Buong byahe ay ganoon lamang ang aming topic at hindi ko alam kung saan niya pinagkukuha ang kanyang mga naiisip. Doon lamang siya natigil sa pags-suggest nang huminto na kami sa tapat ng bahay.
Gumapang ang kaba sa akin. Si Ken naman ay kinukuha na sa backseat ang mga pinamili naming pagkain kanina. Bumili rin siya ng chocolate cake eh… Para kay Lucas.
Ako ang kumatok. Pumwesto naman si Ken sa aking likuran at nagawa pang halikan ang aking buhok.
“Relax. Hindi pa naman ako namamanhikan.” Tumawa siya sa aking buhok na ikinabusangot ko.
Tiningala ko siya para simangutan. Tumaas naman ang dalawa niyang kilay at napunta rin ang tingin sa harap lalo na’t nangingibabaw na ang tawa ni Mama habang lumalabas.
Binuksan ni Mama ang gate. Nang makita ako ay mas lumapad ang kanyang ngiti hanggang lumipat ang kanyang tingin kay Ken.
“Magandang hapon po,” bati ni Ken sa magalang na boses.
Umawang ng bahagya ang bibig ni Mama pero kalaunan ay tumango rin.
“Nandito pala kayo… Eh ang Papa mo kasi anak nangingiliti kaya ang gulo naming dalawa sa loob. Pasok kayo…” Mas nilakihan ni Mama ang pagbukas noong gate.
Ngumuso ako at nilingon si Ken. Kalmado lamang siya, ni hindi nakikitaan ng kaba sa mukha.
Tuluyan kaming pumasok sa loob. Nakita ko agad si Papa na nakaapron at napatingin kay Ken. Wala siyang naging reaksyon, ni gulat ay hindi man lang nakita sa mukha at kalmado lamang ang ekspresyon.
“Magandang hapon po,” bati ni Ken kay Papa na ikinatango niya.
“Magandang hapon rin,hijo…” ani Papa.
Umupo ako sa sofa. Inilahad ni Ken ang mga pinamili namin kay Mama na agaran niya namang tinanggap at nagtungo sa loob ng kusina pagkatapos magpasalamat.
Hinubad ko pa ang aking flats ganoon din si Ken na maghuhubad narin sana ng sapatos nang tumabi ito sa akin.
“Nako, h’wag mo nang hubarin ang suot mo, Ken. Baka madumihan rin ang paa mo eh hindi pa naman tiles itong sahig namin.” Tumawa si Mama na kakalabas lamang sa kusina.
“Okay lang po,” ani Ken at nagpatuloy sa paghuhubad.
“Teka… May tsinelas ako rito… Ito nalang ang suotin mo.” Pumasok si Papa sa kuwato nila ni Mama at lumabas nang may dalang pangloob na tsinelas.
Inilagay niya iyon sa paanan ni Ken. Tumango si Ken at nagpasalamat.
Magaan ang pakikitungo nila kay Ken. Hindi ko alam kung ako lang ba itong nag-iisip ng kung ano-ano o sadyang paranoid lang talaga ako.
“Mama… Si Lucas?” tanong ko.
“Ah… Nasa court na naman. Nagbabasketball. Teka at susunduin ko.” Lumabas rin si Mama.
Si Papa naman ay nagpaalam at bumalik sa kusina para ihanda iyong mga pinamili. Binalingan ko si Ken na tahimik lang na nakaupo sa tabi ko habang nakahilig ang mga kamay sa kanyang hita at nakasalikop ang mga daliri sa isa’t isa.
Noong huling punta niya rito ay medyo kasya pa siya sa bahay sa paningin ko lalo na’t ang simple niya ring manamit noon. Puting Tshirt lang at short ang madalas niyang sinusuot at tamang tama lang ang katawan para sa isang binatang lalake.
Pero ngayon, napagtanto kong masyadong maliit ang bahay para sa kagaya niyang sanay sa mga malalaking lugar. Masyado na siyang manly at hindi pa nababagay ang kanyang magarang suot sa aming bahay. Makikita mo talaga sa kanyang kabuuan na hindi lamang siya basta basta. Maaamoy mo sa kanya ang karangyaan at sa suot palang ay masasabi mo talagang may malaking posisyon ito sa industriya.
“Tutulungan ko lang si Papa,” sabi ko at nagpasyang tumayo.
Tumango naman siya at lumandas sa labi ang kaonting ngiti.
“I’ll be fine here…”
Ngumuso ako at tumayo na. Nilingon ko pa siya habang naglalakad ako papasok sa kusina. He looks really fine and very handsome. Nagmukhang pangit ang couch dahil sa pag-upo niya. Hindi bagay sa kanya ang ganoong upuan. Mas bagay sa kanya iyong pang Prinsepe.
Pumasok rin naman ako sa kusina. Nadatnan ko si Papa na seryosong inaayos ang pinaglalagay sa lamesa. Puro magagandang plato rin ang inilagay niya roon sa placemats, iyong mga gamit namin na nilalabas lamang pag may importanteng bisita.
“Oh… Ba’t ka nandito? Doon kana lang, Aioni. Kaya ko rito. H’wag mong iwan ang boyfriend mo,” ani Papa habang maingat na inilalapag iyong malaking bowl na may lamang Kaldereta.
“Tutulong ako, Pa…” Nagtungo ako sa ref at naglabas doon ng isang pitsel ng malamig na tubig.
“Kaya ko naman dito,” aniya.
Ngumiti nalang ako ng bahagya at inilagay sa gitna ang pitsel.
“Mukhang masaya kang tingnan ah?” Dinungaw ni Papa ang aking mukha.
Kumurap ako, hindi inaasahang iyon ang sasabihin niya imbes na punahin ang presensya ni Ken.
“Talaga, Papa?”
Tumango siya. “Iba na ang kinang sa mga mata mo. Natutuwa ako at masaya kang tingnan…”
Nagloosen ang aking balikat at hindi ko na naitago ang ngiti. Hindi kami masyadong nag-uusap ni Papa, minsan lang pag may tanong siya at sasagutin ko. Inaamin ko na hanggang ngayon ay tila may namamagitan paring pader sa aming dalawa. May parte parin sa akin ang ilag.
“Boto ang Mama mo sa lalakeng ’yan kaya boto rin ako kahit siya ang naging rason ng paghihirap mo noon. Tingnan mo nga kami ng Mama mo… Akala ko nga sa mga ginawa ko ay hindi niya na ako matatanggap kaya nagsumikap ako na magbago para sa kanya, sa inyo… dahil gusto kong makasama habangbuhay ang Mama niyo, Aioni. At nakikita ko naman ang sarili ko sa lalake… Nakikita ko ang determinasyon niyang manatili sa buhay mo. Nakikita ko ang pagmamahal niya sa’yo. Kaya kahit sinaktan ka niya noon alam kong sa kanya ka parin sasaya.”
Kinagat ko ang aking labi at iniwasang tumulo ang mga luha kong nagbabadya nang lumabas. Hinaplos ni Papa ang aking likod at ngumiti.
“Pasensya na kung isa rin ako sa mga lalakeng naging rason ng paghihirap mo noon… Babawi ako sa abot ng makakaya ko, Aioni. Hinding hindi na ako gagawa ng bagay na ikakadurog ng pamilya natin.”
I nodded while wiping my tears. Sapat na ang lahat, Papa… Wala na akong hinihiling sa’yo dahil nakikita ko rin naman ang determinasyon niya at ang pagbabago niya para kay Mama. It gave me hope again that falling inlove with the person who hurt you is not wrong… Wala namang mali sa pagmamahal. Ang mali lang doon ay hindi mo susundin ang gusto ng puso mo dahil lang pinapairal mo ang utak mo.
Your mind will always speak what’s right for you but your heart will always choose what’s going to make you happy.
Nasa punto ako ngayon ng buhay ko na mas sinusunod ko ang puso ko kaysa sa utak ko dahil alam kong doon ako sasaya at iyon ang tama.
“Pawis na pawis ka tapos nandiyan ang Ate mo! Magbihis ka lalo na’t may bisita tayo,” si Mama iyon, pinapangaralan si Lucas.
Lumabas ako ng kusina. Nakita ko agad ang pagsulyap ng nakasleeveless at pawisan kong kapatid kay Ken habang hawak hawak niya ang basa niyang buhok.
Nagkatinginan silang dalawa. Si Mama naman ay pabalik-balik narin ang tingin sa kanila.
“Wala ka bang sasabihin sa Kuya Ken mo?” ani Mama kay Lucas na seryoso na ang ekspresyon.
Nalipat ni Lucas ang tingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Ngumuso siya at dahan-dahang inilipat kay Ken ang tingin.
“Welcome sa pangit namin bahay,” ani Lucas sa malamig na boses na ikinalaglag ng panga ni Mama.
Ngumisi si Ken at tumango. Tuluyan namang naglakad si Lucas habang ginugulo na ang basang buhok.
“Pasensya na sa batang ’yan, Ken…” ani Mama habang at nagpasyang sundan ito.
“Pinapakain naman sana kita ng maayos ah?” Natawa si Mama sa kanyang sinabi, ganoon narin ako sa sinabi ni Lucas kanina.
“Totoo naman ah? Diba Ate?” tanong niya nang tumigil siya sa pinto ng kuwarto ko, kung saan na siya natutulog, para magbihis.
“Oo… Konti,” sambit ko at tumawa.
Nailing si Mama. “Nakakahiya kayong dalawa sa bisita. Hala, magbihis kana!” Itinulak ni Mama ang likod ni Lucas.
Sumulyap ako kay Ken na hindi narin nabubura ang ngisi. Ngumuso ako. Si Mama naman ay pumasok na sa kusina para tumulong kay Papa.
Nabura ang pinag-iisip ko kanina pa. Okay na sa akin ang pinakita ni Lucas kay Ken. Siguro ay hindi narin siya galit? Masaya ako dahil ganito ang pakikitungo nilang lahat sa kanya. Akala ko kasi ay magkakaproblema ako pag naisipan ko nang dalhin si Ken dito sa bahay pero mali ako.
Nauwi rin kaming lahat sa hapag. Bagong bihis na si Lucas suot ang isang malinis na Tshirt, habang nasa harap siya naming dalawa ni Ken katabi roon si Mama at si Paa naman sa gitna.
“Ate, ang pula pula ng pisngi mo. Nasobrahan ka sa ligo?” Puna ni Lucas sa aking pisngi.
Sumulyap narin sina Mama at Papa sa akin.
“Ah… Galing kami ni Ken sa ano… Sa Davao. Napasobra ako sa pagbababad sa mga pinuntahan naming beach doon…”
“Talaga? Maganda ba roon, Aioni?” si Mama na manghang-mangha na ang mukha.
Tumango ako at ngumiti.
“Opo. Nag-enjoy ako.” Ngumisi ako at sumulyap kay Ken na nasa akin rin ang tingin habang mabagal ang pagmuya.
“Halata nga eh namumula ang balat mo,” ani Papa at sumubo.
“Halos ayaw niya nang umalis sa tubig kahit hindi naman marunong lumangoy. Nag-eenjoy siya sa gilid ng pool,” ani Ken na ikinahagalpak ng tawa nila Mama at Papa.
Sinamaan ko agad ito ng tingin. Ngumisi siya sa akin.
“Di niyo ako sinama,” ani Lucas sa seryosong boses.
“Makakadisturbo ka lang sa kanilang dalawa kung sumama ka,” si Mama.
“Next time, Lucas. Babalik kami ng Ate mo roon at tayong lahat ang pupunta,” sabi ni Ken na agarang ikinalaki ng mga mata ni Mama.
Hindi nagbago ang ekspresyon ni Lucas at hindi man lang sumulyap kay Ken.
“Sige,” simple niyang sagot at sumubo.
Napangisi ako sa aking kapatid at sumubo nalang. Nakita ko naman ang pagsulyap ni Mama sa aking daliri. Ngumisi lamang siya at walang sinabi.
Naging maganda ang usad ng kanilang pag-uusap. Nakakapagtaka nga at parang hindi ito ang una nilang pag-uusap sa mahigit anim na taong lumipas. Ang gaan-gaan ng pakikitungo nila sa isa’t isa at wala pa silang masyadong tanong tungkol sa aming dalawa ni Ken. Ang iniexpect ko pa ngayon ay tatanungin nila ako ng kung ano-ano at ipapaliwanag ko sa kanila ang lahat kaso wala man lang nagsasalita sa bagay na iyon.
Noong natapos kaming kumain ay iyong dessert naman ang inilapag ni Mama sa mesa. Si Lucas na itong kumakain ng cake habang prutas naman ang nasa aking plato.
Natapos na iyong isa nilang topic kaya ako naman ang nagkaroon ng tsansang magbukas ng panibago.
“Ah… Ma, Pa… Lucas… Gusto ko sanang sabihin sa inyo na… n-nagpakasal kami ni Ken.” Ipinakita ko sa kanila ang suot kong singsing.
Walang nagulat. Tumitig lamang silang tatlo roon na kahit si Lucas ay hindi man lang nagtagal ang tingin sa singsing at ibinalik ulit sa kanyang kinakain.
“And we’re planning to get married again. Gusto kong pakasalan si Aioni sa simbahan… Gusto ko pong naroon kayong lahat,” paliwanag ni Ken.
Doon lamang nagulat si Mama. Napangiti pa si Papa at ipinatong ang kamay sa kamay ni Mama sa lamesa saka sila nagkatinginang dalawa, halos malalaki ang ngiti.
“Ang gandang balita niyan! Gusto kong makita si Aioni na nakasuot ng wedding gown…” ani Mama na mangiyak-ngiyak.
Ngumisi si Ken at kinagat ang labi. Hindi ako makapaniwalang mas nagulat pa si Mama sa plano ni Ken kaysa sa isiniwalat ko sa kanila.
“Kailan ka ba mamamanhikan, hijo?” tanong ni Papa.
“Next month po. Balak kasi ng mga pinsan ko na naroon sila sa araw na ’yon kasama ang buong angkan ng Delafuente lalo na’t uuwi rin si Lolo para pormal rin kayong makilala.”
Umahon ang panibagong kaba sa aking puso. Kabado pa nga ako roon sa gaganaping party sa kompanya at may panibago na namang kaba! Makikilala ko ang buong angkan nila, hindi lamang ang mga pinsan kundi buong angkan na talaga!
Ang balak ni Ken ay malaking salo-salo sa open space ng kanilang bahay. Halatang kabado rin sina Mama at Papa pero nangingibabaw ang excitement kay Mama. Sa loob ng anim na taong lumipas, mas nagulat pa sila na ikakasal ulit kami kaysa sa pagbabalikan naming dalawa.
Pagkatapos naming kumain ay naging abala na sina Mama at Papa sa mga pasalubong namin galing sa Davao. Si Lucas ay binilhan ni Ken ng Nike shoes na magagamit niya raw sa pagbabasketball niya. Dalawa iyon, kulay itim at kulay gray naman ang isa.
Noong nakikipag-usap si Ken sa aking mga magulang tungkol sa trip namin sa Davao ay pinuntahan ko si Lucas na nagkukulong dito sa aking kuwarto at tinitingnan iyong sapatos na binili ni Ken para sa kanya.
Nang mapansin niya ako ay mabilis niya iyong itinabi at nagkunwaring walang pakialam sa pasalubong ni Ken. Ngumuso ako at umupo sa kama, paharap sa kanya.
“Si Ken ang pumili ng mga ’yan,” sabi ko.
Hindi siya umimik at inayos lamang ang buhok. Iginala ko ang tingin sa aking kuwarto. Puro niya na gamit ang mga narito at kulang itim narin ang bedsheet. Halatang lalake na ang umuukupa dahil sa mga desinyo at kulay ng gamit.
Ibinalik ko sa kanya ang tingin.
“Hindi kana galit sa kanya?” tanong ko.
Nag-iwas siya ng tingin at kinuha iyong spinner. Iyon ang pinaglaruan niya sa kanyang kamay.
“Masaya ka namang tingnan,” aniya sa matabang na boses.
“Sobra. Masaya ako sa kanya, Lucas,” pag-amin ko na ikinaahon ng mga mata niya sa akin.
Tumango siya. “Alam ko. Ganoon naman talaga ang epekto niya sa’yo. Kaya nga noong wala siya ay sobra ka ring nalungkot.”
I sighed.
“Akala ko nga kontento na ako pag wala siya. Pero dahil wala akong choice sa anim na taon, Lucas… Ang tanging choice ko lang noong mga araw na iyon ay makontento. Pero ngayong bumalik siya, may pagpipilian na ulit ako. Kung makontento nalang ba habangbuhay na wala siya o makasama ulit siya.”
“At pinili mo na ngayon ang makasama siya dahil may choice kana,” dugtong niya sa siguradong boses.
Tumango ako. “Kaya siguro pumayag akong magpakasal sa kanya dahil may parte sa akin ang nangungulila ng husto. Sinisigaw lang ng utak ko na dapat akong pumayag para makausap siya ng maayos at mapaniwanag ang lahat sa kanya kaso alam kong sa puso ko, pumayag ako dahil gusto ko parin siyang makasama kahit nasaktan ako ng husto.”
Nagloosen ang kanyang balikat at yumuko. Marahan siyang tumango, tila iniintindi ang aking sinasabi.
“Alam ko namang mahal ka niya… Ang kinaiinisan ko lang talaga ay bakit hinayaan ka niyang maghirap sa loob ng anim na taon.”
“Lucas… Ang anim na taong iyon ay binigyan ako ng magandang leksyon na babaunin ko habangbuhay. Hindi na ako magiging matapang ngayon kung hindi dahil sa pagiging mahina ko noon. Nadapa ako noon kaya natuto na akong tumayo ngayon. Marami akong natutunan at ipinagpapasalamat ko ang lahat ng iyon dahil kaya ko nang maging matapang ngayon.”
Bumuntong siya ng hininga. Ngumiti ako.
“Maiintindihan mo rin ang lahat pag nahulog kana sa isang tao, Lucas… Dadating ka sa punto ng buhay mo na mawawalan ka ng pakialam sa lahat ng desisyon mo sa buhay masunod lamang ang gusto ng puso mo. Magbabago ang pananaw mo, ang pangarap mo, ang gusto mo… Magbabago ang lahat ng tingin mo dahil lang sa isang tao…”
Tumango-tango siya. Lumapit ako sa kanya at gusto sana siyang yakapin kaso ay hinawakan niya agad ang aking mga balikat.
“Malaki na ako, Ate.” Bumusangot siya ng husto sa pinaplano ko.
“Huh? Ang oa mo!” Tumawa ako at gusto sana siyang yakapin kaso ang lakas niya rin kaya hindi ko nagawa.
Kinurot ko nalang ng malakas ang dalawa niyang pisngi.
“Eh halos noong bata ka ayaw mo pa ngang lumayo sa akin!”
Nagpumiglas siya sa pagkakarukot ko kaya tumawa nalang ako. Tumayo rin naman ako at tinantanan na ang mga pisngi niyang pulang-pula lalo na’t sobrang suplado na ng kanyang mukha.
“Baka tama nga si Mama, may girlfriend kana…” pang-aasar ko.
May dinampot siyang unan kaya nagsisigaw agad akong lumabas habang humahagalpak ng tawa. Sumulyap agad si Ken sa akin, nakaangat ang kilay.
“Ang pikon ni Lucas,” sabi ko.
“Sinabi mo pa, Aioni! Ewan ko sa batang ’yan! Ang supla-suplado!” si Mama na suot na iyong tshirt na I love Davao, ganoon rin si Papa sa kanyang tabi.
Naging masaya ang pananatili namin ni Ken sa bahay sa loob ng limang oras. Noong malapit nang gumabi ay nagpaalam rin naman kaming dalawa na uuwi na. Hindi na sila nagtanong, ang tangi lamang sinabi ay bumisita ulit doon.
“Ang weird…” sambit ko habang nasa front seat na.
“Weird ang alin?” tanong ni Ken.
“Ang weird nila. Akala ko kasi mahaba-habang paliwanag ang gagawin ko at magugulat silang lahat sa ating dalawa kaso…”
Nagkatinginan kami. Nakaangat na ang kanyang kilay.
“Kaso ano?” dugtong niya.
“Kaso parang… Ang gaan ng pakikitungo nila sa’yo. Pati si Lucas hindi man lang nagwalk-out o nagreklamo sa presensya mo sa bahay.”
Kinagat niya ang labing nakangisi at isinentro ang tingin sa daan.
“Bakit naman sila magagalit sa akin eh mabuti naman akong asawa sa’yo. Pinapakain kita ng maayos, binibihisan, inaalagaan… Masarap ang buhay mo sa’kin kahit pinapagod kita minsan.” Ngumisi siya ng makahulugan.
Namula agad ako at napairap sa huli niyang sinabi.
“Boto sila sa’kin, Aioni. They don’t have a bad taste unlike you years ago…” he said, taunting.
“Huh? Anong years ago? Eh ikaw rin naman ang naging boyfriend ko noon ah?”
“Pero kay Wayt ka unang nagkagusto. You really got a bad taste Mrs. Delafuente…”
Ngumisi ako at inabot ang kanyang pisngi. Kinurot ko iyon kahit na umiilag siya, akala mo nagtatampo na ewan habang nakabusangot.
“Eh pinsan mo naman si Sir Wayt ah? I don’t have a bad taste on boys, you know…”
Matalim niya akong nilingon, halos mabasa ko sa kanyang mga mata ang hindi niya pagsang-ayon.
“You got a bad taste on boys if it wasn’t me…” he said seriously.
Tumawa ako. “Gaano ka ba kasi kasarap at ipinagyayabang mo talaga ang sarili mo?”
Biglang kumurba ang kanyang labi at ngising aso na ito.
“Ano… Hubad na.”
Nalaglag ang aking panga. Nanunuya na ang kanyang ngisi sa akin, tila nag-eenjoy sa aking ekspresyon.
“I’ll give you a free taste since you’re curious,” aniya.
“Hindi ako curious,” giit ko.
Umangat lamang ang kilay at sinulyapan ang aking katawan. He’s giving me this weird look… Halatang nanghuhubad na ang tingin.
“Oh ayan, huhubarin ko na…” Pang-aasar ko at ibinaba na ang isang strap ng aking dress.
Nagkasalubong agad ang kanyang kilay. Pabiro ko namang binuksan ang zipper ng likuran na ikinamura niya. Humagalpak ako ng tawa nang mabilis niyang ipinark sa gilid ang sasakyan.
“Mababangga tayo sa pinaggagawa mo,” aniya sa matigas na boses at iniangat ulit ang aking strap pabalik.
Tumawa ako, tuwang-tuwa sa magkasalubong niyang kilay.
“Stop it…” Halos sumimangot siya habang izinizipper ang aking likuran.
“Sinong nagsimula?” Inirapan ko siya habang hindi ako matigil sa pagtawa.
Hinawakan niya ang gilid ng aking leeg at umabante para lang mahalikan ako.
“Wala pa tayo sa bahay. Let me drive or else I’ll to drive you instead…” Maliliit na halik nalang ang iginawad niya sa akin at ibinubulong iyon sa nakakaakit na paraan.
Itinigil ko rin naman ang pang-aasar sa kanya dahil baka matagalan na kami sa gitna ng daan.
Sa mga sumunod na araw ay balik na ulit kaming dalawa sa pagpasok sa kompanya. Imbes na si Mang Rodulfo ang maghatid sa akin, sabay na kaming pumasok sa araw na iyon. Sabay rin kaming naligo… Sabay na kami sa lahat ng bagay at sa kuwarto niya na ako palaging natutulog.
Ngising aso agad si Mika nang masulyapan akong pumapasok. Nauna nang umakyat si Ken.
“Magandang umaga, Aioni!” Bati sa akin ng iilang empleyado.
Sinulyapan ko sila at nginitian ng matamis. May iilan pang bumati sa akin na tinanguan ko nalang, hindi na bumati pabalik lalo na’t lumalakas na ang tikhim na Mika.
“Saan ka galing, Aioni? Mukhang namumula ka ah?” tanong niya, halos nilalakasan ata ang boses.
“Davao,” simple kong sagot na mas ikinalaki ng kanyang ngisi. May tiningnan siya sa aking likuran pero agad niya ring ibinalik sa akin.
“Oh… Sa Davao ka pala galing? Eh sa Davao rin pumunta si Sir Ken. Magkasama pala kayo!” Mas pumaibabaw ang boses ni Mika kahit na nalapitan ko na ito ng tuluyan.
May bulung-bulungan na sa ibang empleyado at hindi matanggal ang tingin sa akin. Nailing nalang ako at ngumisi sa kanya. Ilang sandali lamang ay nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagdaan ni Jelsen.
“Oh Jelsen… Batiin mo naman ang future wife ni Sir Ken,” inosente niyang sabi rito na ikinatigil ni Jelsen at makikita mo ang paglandas ng iritasyon sa kanyang mukha.
“Quit it, Mika. What’s so special? She’s just an ex,” may diin niyang sabi, halos tingnan ako ng may disgusto sa mukha.
“Magandang umaga, Ma’am Aioni,” bati ng grupo ng mga empleyadong napadaan at nagbigay galang agad sa akin.
Matamis akong ngumiti at tumango. Nairita lamang lalo si Jelsen sa aking inasta habang kinagat naman ni Mika ang kanyang labi, nagpipigil na humagalpak.
Ganoon ang inasta ni Jelsen sa mga araw bago ang party. Halos lahat ay binabati na ako sa tuwing makakasalubong ako sa kompanya maliban sa kanya. Palagi siyang galit at kulang nalang ay sumabog sa sobrang pagkairita sa akin habang ako itong kalmado lamang.
Maraming tanong mga mga empleyado sa akin pero ni isa ay wala akong sinasagot at ngumingiti lamang ako ng matamis. Isa iyon sa kinaiinisan ni Jelsen sa akin dahil hindi ko sinasabi ang totoo at nagfefeeling pa raw ako na merong something kahit wala naman kaya hindi ko raw nililinaw. Bahala siyang sumabog ang isip niya kakaisip kung anong namamagitan sa amin ni Ken. Hahayaan ko munang magpatuloy ang pagpapantasya niya sa ngayon total sa susunod na araw ay party na rin naman. He’s going to bring me as his date… As his wife.
“Dapat maging mabait kana kay Aioni, Jelsen. Baka totoo talaga iyong tsismis na nagkabalikan na sila…” Isa sa mga empleyado ang narinig ko sa cafeteria.
“Nagpapaniwala kayo sa feeling na ’yan. Ex na siya. Kung totoo ngang may sila ni Sir Ken, ba’t janitress parin siya? Ba’t ako parin ang sekretarya? Kung ako ang girlfriend ni Sir Ken ay sesesantihin ko talaga ang babaeng malapit sa boyfriend ko kaso hanggang ngayon ay nasa posisyon parin ako. Hindi ko siya paniniwalaan. Alam kong isa lang siya sa mga babaeng nilandi ni Ken,” she insisted.
Ganyan palagi ang kanyang bukambibig sa akin. Kung sino talaga itong mga mang-aagaw, sila pa itong matatapang. Umiling lamang si Mika habang ako naman ay nagpatuloy nalang sa pagsubo. Lahat sila, maliban kay Jelsen, ay naniniwala nang may something sa amin ni Ken maliban sa kanya.
Hindi na ako umimik hanggang sa bigla nalang silang natahimik. Lumapad agad ang ngisi ni Jelsen at may kinawayan kaso nagulat nalang ako nang may umihip na malamig na hininga sa aking tainga. Paglingon ko ay sobrang lapit na ng mukha ni Ken.
“I texted you… Sabi ko sabay tayong kakain…” Itinukod niya ang magkabilang kamay sa bawat gilid ko, ang mukha ay masyadong malapit na sa akin.
“Huh? Nagtext ka pala?” Dinukot ko ang aking cellphone.
He nodded and licked his lowerlip. Sumulyap ako kay Mika na halos nagpipigil na ata ng hininga habang nakatitig sa aming dalawa, halos lumuwa na ang mga mata.
“Sabay nalang tayo mamaya sa condo mo,” sabi ko na ikinasamid ni Mika at halos malaglag pa sa kanyang upuan.
Ramdam ko ang bulungan ng mga empleyado pero binalewala ko iyon lalo na’t hindi ko madedma dedma si Ken na masyado paring malapit sa akin. Hinaplos ko ang kanyang pisngi.
“Bumalik kana sa office mo… Utusan mo nalang ang sekretarya mo na dalhan ka ng pagkain, okay?” Pasimple kong sinulyapan si Jelsen na hindi na mahitsura ang mukha.
Ken sighed defeatedly. Pinatakan niya ako ng halik sa aking pisngi na ikinasinghap ni Mika, idagdag pa ang mga nanonood sa amin na hindi na ata kumukurap.
“Enjoy your lunch.”
Tumango ako at ngumiti ng matamis. Tumuwid rin ng tayo si Ken at ibinulsa ang mga kamay saka pinasadahan ng tingin ang mga empleyado.
“Enjoy your lunch, everyone…” Saka niya sinulyapan si Jelsen. “Jelsen, pagkatapos mong maglunch pakidalhan narin ako sa opisina ko.” Utos niya rito na ikinangisi ko ng matamis at sinulyapan itong namumutla na sa pagkakapahiya pero nagawa paring tumango.
Sumulyap pa ng huling beses si Ken sa akin hanggang sa tuluyan itong lumabas. Ibinalik ko ang tingin sa aking pagkain at umaktong walang nangyari kahit na sobrang tahimik na ng buong paligid at nasa akin na naman ang kanilang mga mata.
Pinaypayan naman ni Mika ang sarili, halos habulin ang hininga at gusto na atang tumili.
“OMG! Nagkabalikan na nga kayo! Hindi kana ex! Kayo na ulit! Girlfriend ka ni Sir Ken OMG! Ang haba ng buhok mo girl! Sunud-sunuran pa sa utos mo!” Pahestiryang sigaw ni Mika na ikinatawa ko nalang.
Sa gitna ng pagkakagulantang ng lahat, may bukod tanging tumayo at nagwalk-out dala-dala ang mukha niyang nilamon ng inis. Sumubo ako at tumamis lalo ang ngiti. Hindi purket tahimik ako at hindi lumalaban sa mga taong nang-iinsulto sa akin ay hindi na ako marunong lumaban pabalik. Sa ibang paraan ko siya lalabanan… Iyong alam kong sasabog siya sa galit habang ako naman ay kalmado lang.
55th Chained
Chained
PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Princess Maningas. Happy reading! Happy birthday Jeon Jungkook!
My Greatest Possession
“Your gown is already here,” ani Ken sa Biyernes ng tanghaling iyon.
Mabilis akong lumabas sa kanyang kuwarto at nakita ko itong may hawak hawak na malaking plastic at binubuksan na ang laman noon.
“Bakit mo pinapakialaman?” sigaw ko at mabilis na nagtungo sa may sofa.
“What? I need to see it myself…” Tuluyan niyang inilabas ang isang gown na nakahanger pa.
“Why is this so…” Hindi niya agad nadugtungan ang sasabihin dahil inagaw ko na iyon. Nagkasalubong ang kanyang kilay.
“It’s fine, Ken! Maganda ito,” giit ko at itinago iyon sa aking likod.
Umangat agad ang kanyang kilay. Ngumisi ako at tumalikod na kaso ay mabilis niya akong kinarga at kapwa kami natumba sa sofa hanggang sa napaupo ako sa kanyang kandungan.
“I want to see it. Isukat mo.” Kinuha niya sa akin iyong hanger at hinila na ang laylayan noong suot kong spaghetti strap.
“Huh? Dito mo ako paghuhubarin?!” Mabilis kong hinawakan ang kanyang pulso.
“Bakit? Ano pa bang ikinakahiya mo sa akin? I’ve seen you naked many times, you know.”
Mabilis akong namula at sinapak ang kanyang braso. Tumayo ako sa kanyang kandungan at kinuha muli iyong hanger. Humilig siya sa headrest ng sofa at nasa akin na ang mga mata, nakabukaka na naman at tila naghihintay na hainan lamang ng makakain.
“It’s backless,” aniya.
Tumango ako. It’s a half sleeve maxi long brown tulle gown at backless sa likuran with ribbons para magsilbing zipper sa bandang likod. Maganda ang harap noon lalo na’t parang may bordadong bulaklak sa may parteng dibdib at transparent nalang ang may parteng cleavage. Iyon ang pinanggigigilan ni Ken ng husto noong sinukat ko na iyon ng buo.
“Your back is very expose…” aniya sa aking likuran habang itinatali ang pa ekis na laces doon, ang tanging tumatakip sa aking likod.
“Hayaan mo na. Total may mask naman eh,” sabi ko lalo na’t ang theme ay masquarade party.
He sighed on my nape. Pinatakan niya ako ng halik doon na ikinangisi ko.
“I guess I’ll hug you more tomorrow to cover your back…”
Tumawa ako at tinampal ang kanyang braso. Pinihit niya naman ako paharap hanggang sa makita ko ang nakaangat niyang kilay.
“God… I’m going to murder someone if they stare at you too much.” He groaned with so much frustration.
Kinagat ko ang aking labi habang hindi nabubura ang aking ngisi sa nasisilayan kong iritasyon sa kanyang mukha.
“Po… sse…ssive…” I traced his jaw using my fingertip.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at mataman na akong tinitigan. Mas humigpit lamang ang kanyang pagkakahawak sa aking beywang habang ang isang kamay ay lumandas na sa aking likuran, unti-unting hinihila ang lace para tuluyang kumalas sa kanyang pagkakaribbon.
“I am. Is it wrong if I only want you for myself?” Inilapit niya ng husto ang mukha sa akin at hinaplos ang tungki ng kanyang ilong sa aking pisngi.
“Is it wrong if I want to own you so bad?” bulong niya sa aking tainga at hinalikan ako roon.
Umalon agad ang aking tiyan sa nakakakiliti niyang halik doon. Lumunok ako at nilingon siya. Inatake niya agad ako ng halik hanggang sa natumba kaming dalawa sa sofa. Nakapatong na siya sa akin habang lumalalim ang kanyang halik.
“Ken! Masisira ang dress ko!” Tumawa ako sa gitna ng aming halikan at tinapik tapik ang kanyang braso.
He’s already out of control when he started squeezing my boob. Sinabayan ko na ang hagod ng kanyang labi lalo na’t tinutupok narin ako ng pang-iinit na nag-uumpisa nang maglakbay sa buo kong katawan.
“Then take this off…” he said sensually while moving on top of me. “I want you naked right now.”
Gosh… Talagang doon na ata ang punta ko sa oras na ito!
Dapat ay hindi ako magpupuyat sa gabing iyon kaso sa pinaggagawa ni Ken ay inabot kami ng magdamag. Hapon na noong magising ako at naghanda nalang sa magiging party sa araw na iyon.
Kabado ako habang nilalagyan na ako ng make-up. Nagpa room service lamang si Ken dahil nga wala naring oras kung lalabas pa kaming dalawa. Nasa banyo pa siya, naliligo habang ako itong mini make-up-an na.
“Girl ang ganda mo!” sabi noong baklang nagmimake-up sa akin.
Bahagya akong ngumiti sa kanya sa salamin. Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Ken roon na nakatapis lamang ang kalahati ng kanyang katawan habang kinukusot ang basang buhok.
Kitang kita ko ang pagkalaglag ng panga ng bakla. Ngumuso ako at sinundan ito ng tingin na nasa akin narin ang mga mata. Bumaba pa ng dahan-dahan ang aking tingin sa rock hard abs niyang sobrang expose plus that vline below his abdomen… Konting hila lang ng tuwalya ay maeexpose na siya ng husto.
Hindi ko napansing nakaawang na pala ang aking bibig kaya mabilis ko iyong isinara at ibinalik sa kanyang mga mata ang aking atensyon. He smirked at me cockily and I really hate it when he knows he’s getting my full attention. His wel built body is just too much to handle!
“I’ll just change on your room,” aniya sa nanunuyang boses.
Tumango ako at tumikhim.
“Okay…” Medyo naging paos na ang aking boses.
Ibinalik ko ang tingin sa harap ng salamin at kitang-kita ko rin ang pagkatigil ng bakla, halos manlaway sa malapad na likod ni Ken habang naglalakad na ito palabas.
“Putangina. Ba’t ang gwapo?! Ang hot! Wooh! Ang hirap huminga!” Tili niya nang makalabas rin ng tuluyan si Ken.
Ipinakita ko sa kanya ang aking kamay. Kuminang agad doon ang suot kong wedding ring namin. Tumikhim naman siya at mukhang hinihila na pabalik sa kanyang sarili ang kanyang katinuan.
“Grabe ka naman, girl! Ang swerte swerte mo! Itinali mo agad sa’yo ah! Sigurista ka… Ayaw kong maagawan…” Ngising aso na siya sa akin habang dumadampot ng BB cream.
Bukambibig siya noong bakla habang nilalagyan ako ng make-up. Inayos niya naman ang aking buhok. Naka messy braid iyon at ang tanging nalalaglag lamang na hibla ay ang mga may curls sa bawat sides. Litaw na litaw ang aking collarbone at sobrang lalim noon dahil narin sa istilo ng aking buhok. Halos hindi ko na mamukhaan ang aking sarili pagkatapos akong ayusan.
Manghang mangha ako sa aking smokey-eye na bumagay sa kulay ng aking mga mata. Perfect shape rin ang aking itim na mga kilay at mas lalong nadepina ang maliit kong mukha dahil sa contour na nilagay niya. Medyo kaonting blush-on lamang ang nilagay sa aking mukha at ganoon rin ang aking labi na hindi gaanong makapal ang kulay pulang lipstick.
“Ikaw na girl! Luhuran ang dyosa!” Pabiro pa siyang lumuhod sa aking harapan. Tumawa ako at pinasadahan ng haplos ang aking buhok. Naramdaman ko pa ang pearls ng hairpin na nilagay niya roon.
Isinuot ko rin ang aking long gown. Pumasok naman si Ken na nakasuot na naka tux na at naka all black pa habang inaayos ang kanyang necktie. Naka expose na naman ang kanyang noo dahil sa ayos ng buhok niyang clean cut nakasuklay paatras. Sumulyap agad sa kanya ang bakla at halos lumuwa na naman ang mga mata nang makita niya ito.
Nagtama ang aming mga mata. His lips part a bit when he stared at me deeply. Kinagat ko ang aking labi, halos matunaw sa kanyang paninitig. Kung sobra niya nang gwapo sa mga araw na palagi kaming magkasama, ngayon ay wala na akong mapagkumparahan mg kanyang kagwapuhan. Para siyang isinulat sa libro sa ubod perpekto niya at hinigit lamang palabas doon.
“Ako na,” sabi niya sa bakla nang makarating sa aking likuran.
Tumango naman agad ang bakla at umalis doon. Pumalit si Ken at siya mismo ang umayos ng lace doon habang tinitingnan ako sa salamin.
“Wow…” he whispered with amusement. “Wala pa nga tayo roon, gusto na agad kitang iuwi nang masolo kita buong gabi.”
Makahulugan ko siyang tiningnan sa salamin lalo na’t nasa gilid lamang ang bakla pero parang walang pakialam si Ken kung ano ang iisipin nito sa kanyang pinagsasabi.
Pinatakan niya ng halik ang aking balikat habang nasa akin parin ang malalalim niyang tingin.
“Ang ganda mo, Aioni…” he whispered.
Ngumisi ako, hindi na naitago ang lumulutang na saya sa kanyang pamumuri sa akin. Humarap rin ako sa kanya nang matapos niyang iribbon ang likuran ko. Inayos ko naman ang kanyang necktie na hindi niya naipagpatuloy na ayusin kanina.
“So damn gorgeous…” Hinagkan niya ang tungki ng aking ilong.
My nose wrinkled. “Tama na… Nalulunod na ako. Wala akong masabi.”
“Wait until the party is over. I’m sure you’re going to lose your voice screaming my name while I’m on top of you…” He whispered and chuckled on my ear.
Pulang-pula na ang aking pisngi. Kinurot ko ang kanyang tagiliran kaya mahina siyang napaungol at naipikit ang isang mata.
“May tao,” mahina kong sabi at sinamaan siya ng tingin.
Nilingon niya ang bakla na titig na titig na sa aming dalawa.
“Can you leave us for awhile?” sabi niya na ikinalaglag ng aking panga.
Umiling ako at umalis sa kanyang harapan.
“Crazy,” sambit ko at kinuha ang maliit na gold purse ’tsaka ang gold mask ko. Dinampot ko narin ang aking pumps at hindi na iyon isinuot pa habang naglalakad ako palabas ng kanyang kuwarto.
Ilang sandali lamang ay humabol na agad si Ken sa akin. Napatili ako nang biglaan niya akong iniangat. Ken chuckled and kissed me.
Hindi niya ako binitiwan hanggang sa nakarating kami sa elevator pababa. Nakarating kami sa parking lot na karga-karga niya parin ako sa kanyang mga bisig. Panay ang kanyang paninitig, halos ayaw na atang alisin ang kanyang mga mata sa akin.
Narinig ko ang pagtunog ng kanyang kotse. Naglakad siya patungo roon at binuksan ang front seat saka niya ako maingat na ipinasok doon. Sinigurado niya munang maayos ako sa loob at nagawa pa akong halikan. Kinagat ko na lamang ang pang-ibaba kong labi. Isinara niya rin naman ang pinto at pinanood ko siyang umikot patungong driver’s seat.
Nagseatbelt ako. Pumasok naman si Ken at sumulyap muli sa akin. Isinara niya ang pinto at sinimulan nang buhayin ang kotse habang panay ang lingon sa akin.
“Stop it! Ang creepy mo!” Tumawa na ako at itinulak ang kanyang pisngi para matigil sa paninitig sa akin.
“Well, can’t help it.” He licked his lowerlip. “Ang hirap mong hindi tingnan…”
Umirap ako at inilapag sa aking paanan ang pumps na kulay beige at sa kandungan ko naman ang mask na tanging mga mata ko lamang ang matatakpan ganoon rin ang aking purse na tanging cellphone lamang ang laman.
Tumunog ang kanyang cellphone na nakakonek sa stereo. Pinindot niya lang iyon sa harap at sumabog na ang boses ng kanyang pinsan.
“Where the heck are you?” Sir Wayt’s baritone voice filled the whole car.
“Papunta na,” kampanteng sagot ni Ken at nilingon ulit ako. Umiling nalang ako at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. Ako ang nahihilo sa ginagawa niyang pabalik-balik ang tingin sa akin.
“Papunta saan? Sa banyo?” Iritado nitong bigkas.
“I’m already driving,” ani Ken.
“Driving who?” si Wayt.
“Papunta na ako diyan,” sagot ni Ken sa kalmadong boses at gusto nang matawa.
“Wayt? Si Ken ba ’yan? Ako na ang kakausap.” Isang malambing na boses ang pumaibabaw sa kabilang background.
“Tss… Such a pussy,” ani Sir Wayt.
Kailan kaya iyon nasa mood? Ba’t parang palagi siyang may ikinakagalit na ewan?
“Naiinip na si Wayt. Anyway, papunta na ba kayo? Drive slowly, Ken,” aniya.
“Thanks Nana. Malapit na kami.”
“Okay! Take your time. Hayaan mo si Wayt. Alam mo naman iyon…”
Sumulyap ako kay Ken. Sumulyap rin agad siya sa akin. Masyado itong kalmado tingnan at wala lang ata sa kanya ang inasta ni Wayt. Siguro sanay narin siya.
Nakarating rin naman kami sa venue. Isinuot ko na ang aking mask para mapawi ang kabang umaahon sa akin. Mas confident ata ako kung nakatakip ang kalahati ng aking mukha dahil hindi nila ako masyadong makikilala.
Naunang lumabas si Ken. Kinuha ko ang aking pumps. Binuksan niya ang pinto ng front seat at kinuha rin iyon sa akin saka siya yumuko para isuot iyon sa aking paa.
Maingat niyang ikinabit ang lock noon habang nasa akin ang tingin.
“Nervous?” tanong niya.
“Konti,” sabi ko.
Iyong isa naman ang isinuot niya sa akin. Noong natapos niya na iyong ilock ay nagawa pang lumandas ng kanyang kamay paakyat sa aking binti. Tumaas ang aking kilay. Ngumisi siya at tumayo rin naman saka naglahad ng kamay sa akin.
Kinuha ko iyon. Inalalayan niya akong tumayo at inilagay agad ang kamay sa gilid ng aking beywang. Isinara niya iyong pinto saka niya ako sinulyapan.
Tuluyan rin naman kaming pumasok. Napalunok nalang ako nang sumalubong sa amin ang mga media at nakakasilaw na ang liwanag ng kanilang camera habang naglalakad kami patungo sa red carpet.
“Pwedeng interview lang saglit Mr. Delafuente?”
“Kayo na po ba ang susunod na magiging CEO? Kayo ba ang papalit kay Sir Jin?”
“Sino ang kadate mo ngayon Mr. Delafuente? Siya ba ang rumored girlfriend mo na ipinost mo sa social media account mo?”
“Kailan ka magpapakasal Mr. Delafuente?”
Ken remained silent. Nagugulantang pa ako sa mga ibinabato nilang tanong pero ipinatili ko nalang ring kalmado ang aking sarili. Wala siyang sinagot ni isa sa kanila at nilagpasan lamang ang mga ito na parang hangin. Siguro ay sanay na siya sa mga ganitong bagay.
Nakita ko agad ang mga bisita sa magarang function hall kung saan sila nagkalat. May iba na naka mask pero kadalasan ay wala katulad ng mga matatanda na at mga board directors ata ng kompanya. Wala akong ediya kung nandito na ba lahat ng kanyang mga pinsan lalo na’t hindi ko rin maisa-isa ang mga naroon.
“Sino ’yang kasama ni Sir Ken?”
“Balita ko may ipapakilala raw na babae ngayon eh.”
“Si Aioni ba ’yan?”
“Mukhang si Aioni pero mukhang hindi rin.”
“Girlfriend ni Sir Ken?”
Isa iyon sa mga bulung-bulungan na nadadaanan namin. Binalewala ko nalang iyon at tahimik lang sa tabi ni Ken.
Hindi ko na nasundan ang nangyari lalo na’t marami rin ang lumapit sa kanya para bumati. May mga napapasulyap sa akin pero inilalayo rin agad ako ni Ken kaso may panibagong sasalubong ulit sa amin. Nakipagkamayan siya, batian ng kaonti at magpapaalam ulit siyang aalis.
Nakarating rin naman kami sa isang table. Hindi ko na halos mabilang ang nakaupo roon pero nasa amin lahat ng kanilang tingin.
Ipinaghila ako ng upuan ni Ken. Tahimik lamang na sumulyap ang iilan sa akin at itinuon din sa harap stage lalo na’t may umakyat nang lalake roon suot ang isang tuxedo at seryoso ang mukha.
Hindi ko alam kung dahil ba napapaligiran na ako ng kanyang mga pinsan kaya wala na akong masyadong maintindihan sa sinasabi noong lalake sa harapan o sadyang hirap lang talaga akong makapagconcentrate lalo na’t namamahinga pa ang kamay ni Ken sa aking hita.
Nagpalakpakan sila at sumulyap dito. Pumalakpak narin ako kahit wala akong alam.
“Stay here… I’ll call you later,” bulong niya sa akin at tumayo na.
Tumango lamang ako habang pumapalakpak saka siya sinundan ng tingin. Inayos niya ang kanyang tux at nakapamulsang naglakad patungo roon. Iilan sa mga pinsan niyang babae na naka mask rin ay nagawa pang sumulyap sa akin.
“Nice hair.” Iyong may suot na tube dress ang nagsabi noon.
Bahagya akong ngumiti, halos hindi na makapagsalita at tiningnan si Ken sa stage na nagsasalita na sa mikropono.
Tumitig lamang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Wala rin akong magets pero mukhang nagpapasalamat siya sa mga dumalo at bumati. Ah… Birthday celebration niya pala ito.
“As a future CEO of this company, I would like to introduce my beautiful wife… Miss Marione Santillan.” Itinuro ni Ken ang aking dako kasabay ng spotlight na tumama sa aking kinauupuan.
Halos malunok ko na ang sarili kong laway sa labis na kaba.
“Stand-up and remove your mask.” Ang pamilyar na boses iyon ni Zera.
Sa aking kaba ay tumayo rin naman ako at kinuha ang mask na aking suot. Gumala ang aking mga mata sa nagkalat na mga bisita na nakaupo sa kani-kanilang mga mesa at bahagyang yumuko para magbigay galang. May iba pang laglag panga sa aking imahe pero hindi ko mamukhaan dahil sa mga mask na kanilang suot.
May naririnig rin akong napasinghap pero natabunan agad iyon ng palakpakan. May kung ano pang sinabi ni Ken sa mic pero hindi ko na napagtuunan ng atensyon dahil nilalamon narin ako ng hiya sa kabila ng pagiging kalmado ko.
Umupo akong muli.
“No wonder Ken is crazy over her. She’s gorgeous.” Isa sa mga babaeng nasa mesa ang nagkomento noon, hindi pamilyar sa akin ang boses lalo na ang mga mata niyang misteryosa at malalim ang tingin. Naka high ponytail ang kanyang buhok at naka tube dress rin na kulay gold.
“I slapped her six years ago,” ani Zera sa babaeng katabi niya.
“You’re a bitch,” iyong babae na sumulyap muli sa akin sa suot niyang silver na mask.
Nanginginig na ang aking paa sa kaba habang naroon parin si Ken sa stage at nagbibigay pa ng speech. Namamangha ako sa kanyang kagwapuhan lalo na’t pinapatingkad lamang siya ng ilaw doon at ngumingisi pa siya paminsan-minsan sanhi para mas lalo siyang gumwapo. Ako lang ata ang hindi nakikinig at natatangay lang sa kanyang hitsura sa lahat ng nandito…
Bumaba rin naman siya roon. Isang masigarbong palakpakan ang sumabog at nakipalakpak narin ako kahit wala akong masyadong nagets. Purely business na ata iyon…
May ilang lamesa siyang dinaanan at nagkamayan pa sila roon.
“Are you okay?” Isa sa mga babaeng pinsan ni Ken ang nagtanong noon.
Tumango at bahagyang ngumiti. Nakasuot ito ng gold mask at elegante rin ang suot na dress lalo na’t kumikinang pa iyon sa bawat pagtama ng ilaw sa kanya. Ang kanyang buhok ay naka half ponytail at sobrang lambing pa ng kanyang boses.
“H’wag kang mahiya sa amin. Hindi ka naman namin aawayin o ano.” Marahan siyang tumawa sa malambing na boses.
Dumating rin naman si Ken sa aking tabi. Medyo naibsan ang kaba sa akin.
“Someone wants to meet you,” ani Ken at inalalayan na akong tumayo.
Hindi na ako masyadong nagtanong pa. Para nang tumakas ang aking boses at puro tango nalang ata ang magagawa ko sa gabing ito.
Nagtungo kami sa isang mesa, kung nasaan umupo iyong lalakeng nagsalita kanina sa stage na CEO ng kompanya. Ang namukhaan ko agad sa mesang iyon ay ang Mommy ni Hiro lalo na’t hindi iyon naka mask at sobrang elegante sa suot niyang red dress. She’s stunning!
“Ma,” tawag ni Ken sa babaeng napaka elegante ring tingnan sa suot niyang white dress na yumayakap at hinuhubog ang kanyang katawan.
Nagkasalubong agad ang aming tingin. Ngumiti agad siya sa akin at tumayo pa para mas makaharap ako.
“Hi…” Bati niya sa akin at niyakap ako.
Hindi agad ako nakasagot. Kinagat ko ang aking labi at nahihiyang ngumiti pabalik nang makaharap ko siyang muli.
“Hi po… T-Tita,” bigkas ko na ikinatawa niya ng marahan.
“Pwede namang Mommy nalang… Anyway… I’m glad my son finally introduced you! You’re very gorgeous, hija…” aniya.
“Thank you po.”
She smiled at me. Kahit ang Daddy ni Ken na pamilyar sa akin lalo na’t nakita ko na ito noon ay mas lalo lang naging manly. Nasa mga mid 40’s na ata ito pero mukhang kapatid lang ni Ken dahil narin mukha pang bata.
“Sigurado akong seryoso na talaga ang anak ko sa’yo dahil pangalawang beses kana niyang pinakilala sa amin,” aniya at naglahad ng kamay sa akin.
Nahihiya akong nakipagkamay dahil masyado na akong naiintimidate. Para silang mga artista sa aking paningin at ako itong baguhan sa industriya na nagugulantang pa sa kanilang imahe.
“The girl behind Ken’s raging anger… Pero magaling talagang pumili ng mga babae ang mga bata.” Iyong nagsalita ay ang katabi ng Mommy ni Hiro.
“Alangan naman pumulot lang ng kung sino-sino, Jin?” sagot noong kaedaran niya lang rin at sobrang seryoso ng mukha.
“Tito Jin, this is Aioni,” pagpapakilala ni Ken sa akin doon sa CEO ng kompanya.
“She’s Tita Sky, Tito Jin’s wife, Hiro and Zera’s parents,” paliwanag ni Ken na ikinatango ko.
“Nice to meet you po.” Marahan akong yumuko para magbigay galang.
“Nice to meet you,” sabi ng Mommy ni Hiro sa akin sa kalmadong boses at hindi na umabot ang ngiti sa labi.
“Si Tito Suga at Tita Snow, Wayt’s parents.”
Ganoon rin ang ginawa ko sa sunod na mag-asawang pinakilala sa akin ni Ken. Natulala ako sa nagngangalang Snow na mala anghel kung makangiti lalo na’t ang amo-amo rin ng mukha. Kaya rin pala ang pamilyar ng kinikilos ni Sir Wayt at kamukhang-kamukha niya pa ang Daddy niya. May pinagmanahan…
Wala raw roon ang iba niya pang mga Tito at Tita. Ang alam ko lang ay kompleto silang lahat sa pamamanhikan. Ang kompleto lamang ngayon ay kanyang mga pinsan. Kaya bago muna ako maipakilala ulit sa kanila ay nagpaalam muna akong magcr para macheck ang aking mukha lalo na’t namamawis narin ang aking kamay sa kaba na nararamdaman ko. Masyadong mabibigat na tao ang ipinapakilala ni Ken sa akin at ramdam ko pa ang panginginig ng aking tuhod. They’re all very intimidating! Para akong masusuka na ewan sa matinding kaba.
Nasa may bukana palang ako ng girl’s restroom ay nakita ko agad sa loob ang pamilyar na babaeng nakatayo sa harap ng salamin habang pinupunasan ang kanyang pisngi at tila umiiyak ito lalo na’t nakahubad pa ang kanyang suot na mask.
Napalingon siya sa akin. Nakita ko agad ang galit sa kanyang mga mata. Hindi man lang ako nagimbal doon at nagpatuloy ako sa paglalakad papasok. Tumigil ako sa kanyang tabi at hinubad ko ang aking mask. Tiningnan niya ako ng matalim sa salamin.
“May problema ba?” Kalmado kong tanong sa kanya.
Ngumisi siya ng nakakaloko at napailing.
“Iba ka rin talaga ’no? Kung makaasta ka akala mo talaga ang taas taas mo na.”
Umangat lamang ang aking kilay. Nailing siya at sinuklay paatras ang nakalugay na tuwid na buhok at litaw na litaw pa ang kanyang cleavage sa suot na long gown.
“Tingin mo ba hindi ko alam na kaya ka lang naman pinakasalan ni Sir Ken dahil sa posisyon niya sa kompanya. Tapos kung makaasta ka ngayon, akala mo kung sino kang maganda. Sigurado akong isa ka lang rin sa mga babaeng pagsasawaan niya.” Mas tumalim ang tingin niya sa akin sa mga mata niyang namumula na.
“Eh ano ngayon kung isa lang ako sa mga babaeng pagsasawaan niya? Anong ikinakagalit mo? Butthurt ka ba dahil parehas tayong past time niya lang pero ako ang piniling pakasalan?”
Mas humalo ang galit sa iritado niyang mukha.
“Kung kayo, sisiguraduhin kong aagawin ko siya sa’yo. Lalandiin ko siya ng husto at maaakit siya sa akin… Makikita mo kung paano ko siya maaagaw sa’yo.”
Nagkibit lang ako.
“Edi landiin mo. Ang tanong, papatol ba siya sa kagaya mo? Ikaw ang ginawa niyang pampalipas oras dahil wala pa ako sa kompanya noong mga panahong nilalandi mo na siya. Pero anong nangyari? Ba’t isang kita lang sa akin ay nakalimutan niya na agad na may sekretarya pala siyang katulad mo? O baka naman… No choice nalang siya kaya pinatulan ka niya?”
Naging kamao ang kanyang mga kamay. Lumandas ang luha sa kanyang mga mata at halatang nasasaktan na. Pinalis niya iyon at humarap na ng buo sa akin.
“Kung hindi mo sana ako siniraan sa kanya ay ako ang pakakasalan niya! Nilason mo ang utak niya! Nakamove-on na dapat siya at nagugustuhan niya na ako!” singhal niya at itinuro ako na ipinagsalubong lang ng aking kilay.
“Tingin mo talaga sobrang ganda mo ’no? Hindi mo ba alam na kaya ka lang naman pinatulan ni Ken dahil gusto niya lang may mapagbalingan ng atensyon habang naghahanap siya ng paraan para makamove-on sa akin? Kahit gumiling ka pa ng gumiling sa kandungan niya, kahit halikan mo pa ang buong katawan niya, hinding hindi ka niya nagawang papatulan dahil alam mo kung bakit? My husband will never date a cheap bitch like you.” Ngumisi ako ng matagumpay.
Sunod-sunod na ang pag-agos ng kanyang mga luha. Tumaas-baba narin ang kanyang balikat sa galit. Akma niya akong sasampalin kaya sinamaan ko agad siya ng tingin.
“Sige gawin mo at ibabagok talaga kita sa pader. Baka di kana magising pag ako ang gumanti sa’yo,” pagbabanta ko sanhi para matigil sa ere ang kanyang kamay sa takot.
“Kung makapagsalita ka eh janitress ka lang naman! Gaano ka kakampante na hindi ka lang ginagamit ni Ken para sa posisyon? Baka pag napunta na siya sa pwesto ay itapon ka rin niya na parang basura kaya ngayon palang lumugar kana kung saan ka nararapat,” she fired back, almost growling.
Hinawi ko ang aking buhok.
“Sabihin mo ang gusto mong sabihin pero kahit anong gawin mo… nakatali na siya sakin ngayon. Asawa ko siya at sekretarya ka lang niya. Sa kompanya niya lang mataas ang posisyon mo pero sa buhay niya, mas mataas parin ang posisyon ko sayo. Ako ang pinili. Ako ang mahal. Ako ang pinakasakan. H’wag mong ipagmayabang na malakas ka sa kanya dahil kung tutuusin, mas lamang parin ako dahil dala-dala ko ang apelyido niya. Kaya sino ngayon ang kailangang lumugar sa ating dalawa?”
Her eyes sharped at me even more. Kumuyom na ng husto ang kanyang mga kamay at kaonting kalabit nalang ata ay mananampal na. I flashes an annoying smirk that will make her mad even more.
“Oo nga pala… Tungkol doon sa pagpaparinig mo sa akin na kung bakit hindi man lang kita pinapasesante kung ako ang girlfriend niya at kung hindi man lang ako nagseselos. Alam mo kung bakit?” Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ba’t ako magseselos sa’yo eh hindi naman tayo magkalebel? Ang layo-layo natin sa isa’t isa. I am confident that my husband will never cheat on me. At sino ka ba para pagselosan kita?” Tumawa ako ng marahan.
“You bitch!-”
“Dalawang bagay lang naman… Kailangan mo akong lamangan o kailangan mong maging ako para makuha ang buong atensyon niya. But you see, you failed on those two… Masyado akong kampante na hinding hindi siya maaakit sa kagaya mo lang. At alam mo kung ba’t hindi kita pinapasesante? Dahil gusto kong makita mo na masaya siya sa akin. Gusto kong makita mo kung gaano siya kabaliw sa akin nang matauhan ka sa pinagsasabi mo.” Diin ko sa bawat salitang iyon.
Nalaglag ang kanyang panga. Ngumisi akong muli sa kanya at akma nang tatalikod kaso humarap rin akong muli.
“Oo nga pala… Nakalimutan ko lang ibigay iyong premyo ko sa panlalandi mo sa asawa ko.” Saka ko siya sinampal ng malakas na ikinawala ng kanyang balanse.
Her eyes widened in disbelief. Napahawak na siya sa sink para hindi matumba nang tuluyan sa aking ginawa. Tapos na ang mga araw ng pang-iinsulto niya at pagpaparinig sa akin. Ako naman ngayon ang titirisin siya sa bawat salitang alam kong ikakaguho niya.
“Magsilbing aral ito sa’yo nang matakot ka naman sa banta ko. H’wag ang asawa ko ang trabahuin mo kung ayaw mong maglakad ka sa kompanya nang walang ulo.” Inangatan ko siya ng kilay saka ako tuluyang naglakad paalis doon, iniwan siyang sobrang nagulat sa aking ginawa.
“Mamatay ka sa inggit,” huli kong sinabi.
Naglakad ako pabalik. Narinig ko ang kanyang yapak sa aking likuran, humahabol.
“You motherfucker! Hindi pa tayo tapos mag-usap!” sigaw niya sa nanggagalaiting boses at marahas pang hinawakan ang aking braso.
Hinarap ko siya at malakas ko iyong hinawi sanhi para mawalan siyang muli ng balanse at mabangga iyong waiter na may dala-dalang mga wines na tumilapon sa kanyang suot, ang iba naman ay nabasag agad sa sahig na sigurado akong kumuha ng atensyon ng iilang malapit lamang sa amin.
Namilog ang mga mata ni Jelsen nang makita niya ang dibdib ng kanyang dress hanggang pababa na namantsahan na ng wine lalo na’t nakaputi siya. Tinulungan agad siyang makatayo ng waiter.
“Ma’am, pasensya na po…” Paghingi ng paumahin noong waiter.
“How dare you…” she gritted her teeth, gigil na gigil na sa akin dahil sobrang sama na makatingin.
Tinitigan ko lamang siya ng blangko. Marahil dala ng matinding galit ni Jelsen sa akin ay tumayo agad siya at sumugod na papunta sa akin.
“How dare you do this to me!” Akma niya akong hahablutin pero bago niya pa iyon magawa ay may malapad nang likod ang humarang sa akin. Itinago na ako ni Ken sa kanyang imahe.
“Jelsen. Anong nangyayari?” tanong ni Ken.
Hindi lamang siya ang dumalo sa akin dahil pati ang kanyang mga babaeng pinsan ay nagsitayuan na at nakapaligid narin sa akin.
“Did she hurt you?” tanong ng pinsang babae ni Ken sa akin, iyong may malambing na boses. Kahit si Zera ay tahimik na sumusulyap sa akin kasama ang hindi pamilyar na isa pang babae sa akin, halatang suplada katulad ni Zera habang ngumunguya ng bubble gum.
Umiling ako at sinilip si Jelsen sa balikat ni Ken. I saw her wiping her tears.
“Ken, umamin sa akin si Aioni sa loob ng cr! Ginagamit ka lang niya… P-Pinagtanggol kita k-kaso hindi siya nagpaawat. Inamin niya sa akin na kaya ka niya pinakasalan d-dahil mayaman ka! Ginagamit ka lang ng desperadang iyan!” sigaw niya.
Gumalaw ang aking panga. Gusto kong hawiin si Ken at sampalin ito sa kanyang kasinungalingan pero nanatili akong nakatayo roon lalo na’t kalmado lang rin naman si Ken, hindi man lang nagugulat sa kanyang mga kasinungalingan.
“Ken… Maniwala ka…” Jelsen pleaded while crying.
“Look who’s more desperate,” ani Zera at nakaangat na ang kilay.
“Isa sa naging babae ni Ken noon?” tanong noong ngumunguya ng bubble gum.
“Ewan…” Kibit noong babaeng sumulyap sa akin at sobrang nag-aalala ang mukha.
“I’m going to puke if pinatulan siya ni Ken,” sabi noong babaeng ngumunguya ng bubble gum. Mas bitchy itong tingnan kaysa kay Zera.
“Ken…” si Jelsen sa nagmamakaawang boses.
“Stop it Jelsen. I think marami kang nainom,” ani Ken sa kalmadong boses.
“No! Totoo ang sinasabi ko! You need to believe me! H’wag kang maniwala kay Aioni na sinisiraan lang ako sa’yo dahil alam kong ikaw na ulit ang punterya niya dahil wala na si Sir Hiro! Believe me Ken! Marione is a bitch!”
Hinawakan niya ang kamay ni Ken kaso marahas niya lang itong hinawi na para bang nadidisgusto siyang mahawakan ni Jelsen sanhi para mawalan siyang muli ng balanse. She’s already sitting on the ground at gulat na gulat sa ginawa sa kanya ni Ken.
“Kindly take her out,” utos ni Ken sa mga nagsulputang guards sa matigas na boses.
“Shoo, bitch.” Iyong babaeng kumakain ng bubble gum at naggesture pa.
Nalaglag ang panga ni Jelsen. Namutla siya ng husto lalo na’t hinawakan na siya noong mga gwardya patayo at handa nang kaladkarin palabas. Tiningnan lamang siya ng mga pinsan ni Ken ng disgusto sa mukha. Lahat ay parang kampi sa akin at walang naniniwala sa kanya.
Bumuntong ng hininga si Ken at bumaling sa akin. Tahimik ko siyang tiningnan pabalik.
“You okay?” tanong niya.
Marahan akong tumango. Ang iilang mga nakapanood ay nag-iwas narin naman ng tingin at ipinagpatuloy nalang ang pagkain. Ang iba naman ay tila walang napansin sa nangyaring komusyon at may sari-sariling mga topic sa mesa lalo na’t nasulyapan ko pa ang parents niyang nakikipagtawanan sa kanyang mga Tito at Tita.
Sinapo ko ang aking dibdib at bumuntong ng hininga. Nang mapansin iyon ni Ken ay sinenyasan niya agad iyong waiter na magdala ng tubig. Hinila niya iyong bakanteng upuan na sa lamesang walang tao at doon ako pinaupo. Pinalibutan naman ako ng mga babae niya pang pinsan.
“Ken okay lang ba siya? She looks pale.” Natataranta na ang boses noong pinsan niyang kanina pa concern sa akin.
“Don’t worry, Nana. She’s okay… Mabilis lang talaga siyang mamutla pag may sumisigaw sa kanya.”
Dumating rin naman ang waiter. Kinuha ni Ken ang basong tubig at inilahad sa akin. Nanginginig pa ang aking kamay noong ininom ko iyon kaya tinulungan niya lamang ako. Hinaplos niya ang aking likod.
Inilapag ko iyon sa mesa pagkatapos. Sinikap ko nalang na ikalma ang naghuhuramindato kong puso. Masyado akong nagulat sa nangyari.
“May sakit siya sa puso? Is she sick?”
“Brandish,” saway sa kanya ni Ken.
“What? I was just asking… And she looks really pale.”
“Why did you invited a psychopath bitch in your party, Ken?” si Zera, naiinis na ang boses.
“I didn’t know this will happen,” paliwanag ni Ken.
May iilan na ang lumapit sa amin dito, isa sa kanyang mga pinsan at mukhang nacucurious.
“What happened? She’s pale, Ken,” sabi noong pinsan niyang matangkad at nasa beywang ng kasamang babae ang kamay, iyong may misteryosong mga mata. She’s staring at me coldly and she doesn’t look friendly to me.
“Are you okay?” tanong niya sa akin.
Tumango ako sa kanya. Masyado na akong nacoconscious sa sobrang rami nila sa aming harapan na hindi ko na naiwasang mapakapit sa pulso ni Ken. They’re very intimidating…
“I’ll call Grey to check her,” sabi noong lalake.
“H’wag na Tosh… Baka pati sina Mama mag-alala lang pag napansin nila tayo rito. Maybe we’ll just go home so she can rest.”
“Mabuti pa nga, Ken… Siguro next time nalang namin siya kakausapin. It’s a wrong timing…” Malungkot na sabi noong Nana.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at nahulog ang aking mga mata sa aking kandungan. Gusto kong sabihing okay lang naman ako, na ayaw ko pang umuwi at gusto ko rin silang makausap kaso naninikip ang dibdib ko sa nangyayari. And they’re all concern. Baka kaonting kalabit nalang sa akin ay umiyak na ako.
“Pakibantayan lang muna siya. Magpapaalam lang ako,” ani Ken na ikinatango naman ng mga babae.
Pinatakan niya ako ng halik sa aking ulo at umalis rin naman para magpaalam. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri habang nasa akin ang kanilang mga mata.
“You should have just punch her ugly face, you know,” sabi noong tinawag na Brandish ni Ken sa matigas na accent ng ingles.
Naglahad muli ng baso ng tubig si Zera sa akin. Seryoso lamang siyang nakatingin at hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon. I smiled sheepishly at tinanggap iyon.
“Guilty…” sabi noong babae na katabi noong tinawag ni Ken na Tosh, Toshi?
“I’m just trying to be nice.” Umirap si Zera sa babae at nag-iwas ng tingin sa akin.
Para sa akin ay hindi naman bigdeal ang nangyari pero sa pagiging concern nila feeling ko tuloy mababasag ako ano mang oras kaya natataranta rin silang lahat. Hinintay ko pa naman ang araw na ito para makausap sila kahit papaano kaso mukhang uuwi rin agad kami ni Ken.
“We’ll just catch-up next time! We’ll set a date, don’t worry,” ani Nana nang magpaalam narin si Ken sa kanila.
I nodded cheerfully. Nginitian ko nalang sila dahil mukhang ilag na naman sa akin ang aking boses. Ken was so worried he keeps on staring at me. Ako itong nag-aalala dahil baka mabangga na kami.
Naisip ko bigla iyong sinabi ni Jelsen sa kanya. Alam ko namang hindi iyon totoo pero may parte sa akin ang nag-iisip na baka ay naniwala si Ken. Iyon lang ang nagpapasikip ng aking dibdib na gusto ko na agad umiyak.
Ipinikit ko nalang ang aking mga mata sa kalagitnaan ng byahe. Hindi rin umimik si Ken, iniisip na marahil ay natutulog ako pero ang rami-rami ko na namang iniisip.
If he’s going to believe her then I have no choice… Hindi ko naman siya mapipilit na paniwalaan ako. Iyon ang ipinakita kong impression ko sa kanya six years ago at hindi malabong maisip niya rin ang bagay na iyon dahil sa biglaan kong pagpayag. But what if he’s thinking the other way around, Marione?
Para nang sasabog ang aking utak sa aking mga haka-haka kaya itinigil ko nalang muna ang pag-iisip noong kinarga niya na ako palabas ng kotse. I think we’re already here.
Naririnig ko ang yabag ng kanyang mga paa. Ang pag-akyat namin at ang pagpasok namin sa kanyang condo dahil sa lamig na sumalubong. Niyakap ko siya at ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg.
“Hey… I’m worried… Talk to me,” he whispered.
“Okay lang naman ako. Iniisip ko lang iyong sinabi ni Jelsen sa’yo.”
Umupo siya sa isang komportableng upuan at itinungtong ang aking mga binti sa armrest noong armchair. Pagdilat ko, nakita ko na ang nagniningning na mga Citylights.
Niluwagan niya ang kanyang necktie. Kinagat ko ang aking labi at napunta ang atensyon doon.
“Iyon ang inaalala mo?”
Malungkot akong tumango. Hinubad niya naman ang coat at iyon ang ipinatong sa akin para matakpan ang aking likuran saka niya ako niyakap. Isinandal ko ang ulo ko sa kanyang balikat at nadidikit na ako sa kanyang leeg. Gustong-gusto ko ang ganitong yakap niya. Mainit iyon at komportable na natatangay ang lahat ng alalahanin ko palayo.
“I’ll fire her tomorrow,” sabi niya.
“H’wag na, Ken. Okay lang naman ako.”
“Tsss… Hindi ko alam ang magagawa ko sa kanya kung sinaktan ka niya, Aioni.”
Bumuntong ako ng hininga sa kanyang leeg. Medyo naramdaman ko ang reaksyon ng kanyang katawan sa ginawa kong iyon.
“Hayaan mo nalang. H’wag mo nang tanggalin,” sabi ko.
“I’m going to hire you as my personal secretary. Iaassign ko nalang siya sa iba kung iyon ang mas ikakagaan ng pakiramdam mo.”
Tumango ako. He squeezed me more.
“I just hate it when someone’s hurting my baby…” he said to me on a low baritone voice while raining some small kisses on my cheek.
“Walang makakapagpabago ng isip ko, Aioni. Diktahan man ako ng buong mundo, siraan ka man ng lahat sa akin, nakatali na ako sa salita mo. Noong sinabi mong mahal mo ako, iyon na ang paniniwalaan ko buong buhay ko.”
Kumalma ako. Ang mga iniisip ko kanina ay nagmistulang mga bulang naglaro sa ere at napalitan ng masarap na pakiramdam sa loob.
Hinuli niya ang aking mga mata. Nakahiga na ako sa kanyang braso habang tinitingala siya.
“I’m only chained to you, Aioni… Sa’yo lang ako makikinig. Sa’yo lang ako maniniwala. Sa’yo lang ako luluhod. Sa’yo lang ako.”
Kinagat ko ang aking labi at hindi naiwasang mapangisi. Hindi lang naman siya ang nakatali. Kahit ako ay hirap nang makawala sa nararamdaman ko para sa kanya. Para iyong kadenang nakapulupot sa puso ko na mahirap nang kalasin, mahirap nang kumawala. My heart is already chained to him…
He leaned closer to kiss me. Marahan ang hagod noon at nahihila ang aking mga talukap sa pagpikit. Humampas ang malamig na hangin sa amin. Umalon ang aking tiyan nang lumalim ang kanyang halik.
“Bumalik nalang kaya tayo sa party mo? Baka magalit sa’kin ang mga pinsan mo dahil napauwi ka nang dahil sa akin,” sabi ko nang humiwalay siya.
“They’re not. Besides… I already did my part… Masaya na sila na inexpose na kita.”
Hinalikan niya akong muli at gumapang pa iyon papunta sa aking tainga.
“And besides… I told you I’ll bring you home early,” he whispered sensually. “Ang raming tumititig sa’yo. Ang rami mong kinukuhang atensyon. I’m a possessive husband. I easily get jealous when they’re staring too much at my wife…”
Humalakhak ako sa kiliti na hatid ng kanyang bulong at sa kiliti na nararamdaman ko sa aking tiyan dahil sa mga paru-parong nagambala na naman ni Ken.
Umangat ako sa ere dahil sa pagtayo niya. Hinagkan niya akong muli at naglakad na papasok sa kanyang kuwarto. Inilapag niya ako sa malambot niyang kama at itinukod ang kanyang mga kamay sa bawat gilid para hindi ako madaganan.
“Is it okay if I’m very possessive?” tanong niya habang lumalandas ang kanyang kamay sa aking leeg pababa.
Tumango ako, natatangay na naman sa simple niyang haplos.
“Hindi kita nasasakal?” He lowered his body to me.
Umiling ako nang dumaloy ang kuryente sa kabuuan ng aking katawan. Paano ako makikipag-usap ng maayos sa kanya kung ganyan siya?
“You like it when I’m owning you too much?” He squeezed my boob.
Kinagat ko ang aking labi at tumango. Umangat ang kanyang mga kilay. Iniluhod niya ang kanyang isang tuhod sa gitna ng aking mga hita. I know what he’s planning to do!
“I am so addicted to you… You’re my greatest possession I only want for myself,” he whispered and claimed my lips.
Special Chapter
Chained
This chapter is dedicated to Mira Pastrana. Happy reading!
Untold Part of Justin Ken Delafuente
Humalukipkip ako sa sofa habang pinapanood si Nana na sinusukatan si Aioni. I volunteered to do it but she just pushed me and told me to stop being so clingy.
Ngayon, wala akong magawa kundi panoorin nalang ang measuring tape na hawak ni Nana at pinapalipot niya na sa maliit na beywang ng aking asawa.
“Ang liit ng beywang mo…” ani Nana at isinulat iyon sa notes na nasa table na malapit lamang sa kanila.
Aioni just smiled sheepishly. Sa tuwing may compliments si Nana sa kanya ay nahihiya lamang siyang ngumiti at hindi na nagsalita.
Dumako naman si Nana sa chest part. I licked my lowerlip and stared at her deeply. Dahan-dahan akong nilingon ni Nana noong nagtangka na siyang sukatin ang dibdib nito.
“You’re staring too much, Ken. Nadidisturbo mo kami.” Nana pouted.
Umangat ang aking kilay. Kahit si Aioni ay napalingon na sa akin. Her eyes lingered on me for awhile.
“I am just staring at her quietly, Nana,” sabi ko, hindi halos mapunto ang tinutukoy niyang disturbo.
“Magbasa ka nalang kaya riyan? May magazines naman akong inilapag para iyan ang pagtuunan mo ng pansin. Nandiyan iyong mga gustong gusto niyong tinititigan ni Wayt na mga bikini bodies…” sabi niya at ibinalik ang tingin sa dibdib ni Aioni.
Sumulyap ako saglit sa mga magazines na nakalapag sa mini table sa aking harapan ngunit umahon rin agad ang tingin ko kay Aioni na tahimik lang na nakamasid sa akin. Damn, she really looks sexy even when she’s not smiling.
Isang sulyap nalang sa kanyang pwet at dinampot ko na ang magazine. Fuck. What’s wrong if I stare too much? Nana is… overeacting.
I lazily scan the pages. Nakalatag agad doon ang sinasabi ni Nana na mga babaeng may suot na bikini’s and such. I stared on someone’s legs. Ilang sigundo kong tinitigan ang gap sa pagitan ng hita nito pero mabilis ring umangat ang aking tingin nang itinaas ni Aioni ang kanyang buhok at nakita ko ang kanyang batok. Suminghap ako at ibinagsak ulit ang tingin sa magazine nang nilingon akong muli ni Nana.
Maaga siya rito sa condo para sukatan si Aioni. My girl is not really talkative pero mukhang hindi naman siya na-aawkward kay Nana. I can see how she’s trying to be attentive to her just by listening to my cousin. Kahit ano-ano ang kinukwento ni Nana at natatakot na ako dahil ang rami niyang throwbacks noon sa highschool days ko.
I know I flirt alot when I was young. Naisa-isa ko ata lahat ng chics noon sa iba’t ibang eskwelahan. I flirted Joana Gutierrez, Hailey Chavez, Rica Monteverde and many more. Sila ang mga popular girls noon sa ibang school. Lahat ay mga elite at may katawang pamatay talaga na pag dumaan sa gilid mo ay hindi mo maiiwasang lingunin. Naalala ko pa kung paano ko iyon palaging pinagyayabang sa mga pinsan ko.
“As expected. She replied…” I smirked cockily, showing the screen of my phone to my cousin.
Sumulyap rin si Wayt doon. Nasa gym kami ng school. Dito kami tumatambay para rin makapagbasketball, nagpapalipas ng oras.
Umangat ang kilay niya. Tumawa ako at tinapik ang kanyang balikat.
“Hailey Chavez. Ang hottest chic sa kabilang school.” My smirk grew even wider.
“Akala ko ba iyong Joana ang target mo?” malamig niyang tanong, umaangat na ang kilay habang nakahilig sa likod ng bench at pinapahupa ang pawis dahil sa paglalaro kanina.
Nagkibit ako. “She’s already in my list, man. Mas maganda kung maraming choices sa menu. Nakakabusog ang ganoon lalo na’t ang sasarap ng pagpipilian mo.” I chuckled at nalipat ang tingin sa bagong grupo ng mga babaeng nagtungo rito sa gym. I whistled.
Wayt just stared at me coldly. Ngumiwi ako at napagtantong bato ang kausap ko kaya ibinalik ko ulit ang atensyon sa aking screen lalo na’t wala siyang sagot sa sinabi ko.
Later that day, napormahan ko rin iyong Senior sa kabilang private school na all girls at isang dancer na si Rica Monteverde. She got a really nice ass…
“May girlfriend ka ba?” she asked after our intense night.
Sumulyap ako sa kanya. Niyayakap niya ang kanyang hubad na katawan at tanging kumot lamang ang bumabalot. Sabog ang kanyang buhok at hindi ko pa magawang hindi tingnan ang bumabakat niyang dibdib doon.
Yumuko ako at pinatakan siya ng halik.
“Kung may girlfriend ako, wala ako ngayon sa kama mo.”
Ngumiti siya at namula ang pisngi. Girls are really cute when they blush. Sa galing kong mangbola, naging normal nalang sa akin ang makita silang namumula sa mga salitang binibitiwan ko.
Patalon-talon lamang ako sa iba’t ibang mga babae bawat buwan. That’s how my life runs. Mas makapal pa sa libag ang nananalaytay na kalandian sa akin.
“May irereto ako sa’yo… Iyong isa sa mga kaibigan ni Rica. She’s hot, man…” sabi ko kay Hiro nang makasabay ko itong papasok sa eskwelahan sa Lunes ng umagang iyon.
Tamad siyang sumulyap sa akin, makikita mo agad sa mukha na hindi man lang interesado sa pinagsasabi ko.
“Come on! Sayang ’to,” sabi ko at inakbayan ito.
“Shut up.” Kinuha niya ang aking kamay paalis sa kanyang balikat.
Kumpara kay Wayt na pag nagkukwento ako ng babae ay nagkakainteres agad at nagtatanong pa ng size ng dibdib, itong si Hiro talaga ang hindi mo makikitaan ng interes. Siya itong tahimik lang at walang pakialam hindi katulad ni Wayt na tahimik pero pag hinainan mo ng magandang babae, alam mong kakagat agad sa bitag. Si Hiro… baka mabalibag niya lang.
“Are you gay, man?” I chuckled.
Hindi siya sumagot pero sapat na ang pagdidirty finger sa aking mukha.
My highschool life was really fun. Noong college na ay medyo seryoso na ako sa pag-aaral at hindi na gaanong nambababae. Let’s just say… nakakadalawa nalang ako sa isang buwan hindi katulad noong highschool na limang babae ang katext ko sa isang araw at hindi pa counted iyong nakakalampungan ko sa 3DBar.
“Good morning, Naia.” I flashes my smirk on that Friday morning to Tito Vince’s daugther, Shanaia.
Katulad ng asta niya ay tinitigan niya lang ako. Inayos ko ang basa kong buhok at sumabay sa kanya sa paglalakad habang nakasabit ang isang kamay ng bag sa aking balikat. Napansin ko ang pagbagal ng kanyang hakbang, hindi katulad kanina na tila nagmamadali.
“May basketball ulit kayo mamaya sa Club?” tanong niya.
Tumango ako at ngumiti. “Yes. Manonood ka?”
Nagkasalubong ang kanyang kilay.
“Sinong mga… nandoon?”
“Hmm… My cousins and your cousins of course. Hindi mawawala si Chey dahil fan na fan iyon ni Toshi.” I chuckled.
“Sino pa?”
Kumunot ang noo ko. Pero nang maalala ko ang mga Buenaventura ay kumalma rin naman ang aking ekspresyon.
“Irah? Franca? Don’t know…” Nagkibit ako.
Tumango naman siya at nahulog ang mga mata sa sahig. I even smelled her sweet perfume. Sayang… Kung hindi lang talaga family friend… But we’re good friends so…
Kinuha ng pagbagsak ng kung ano sa sahig ang aking atensyon. Napalingon ako roon at nakita ang babaeng yumuyuko para damputin ang mga libro at gamit niyang nagkalat.
Bumagal ang aking paghakbang at nilingon si Naia na naroon narin ang tingin.
“Sige, mauna na ako…” sabi niya, tila nababasa ang nasa isip ko.
Tumango ako at ngumiti kaso hindi na ako nilingon pa. Tiningnan ko lang itong naglakad na saka ako bumaling muli sa pamilyar na babae.
“Lemme help you,” sabi ko at dinampot ang iilan niyang gamit.
Nag-angat siya sa akin ng tingin. Tiningnan ko rin ito at nakita si Franca.
“Ken.” She smiled at me.
Pinulot ko pa ang iilan niyang mga gamit. Bahagyang nagkasalubong ang aking kilay dahil sa kanyang bango at nasulyapan ko pa ang collarbone niyang sumisilip sa neckline ng kanyang uniporme. Damn… Why am I filled with temptations?
Close ako sa mga babaeng anak ng mga family friend namin. Kahit iyong si Brey, kapatid ni Trey ay kumikibo rin naman sa akin. Hindi sa trip ko rin siya lalo na’t bata pa pero friendly lang talaga ako pagdating sa mga babae. Kaya siguro may iba na namimisinterpret ako. They always labeled my friendliness to ‘flirting’. Pero mukhang wala rin namang pinagkaiba ang dalawa. I am friendly to someone I want to flirt and extra nice to someone I want in my bed.
“Nakita kita kanina! Isusumbong kita kay Tito Dos na pinupormahan mo si Franca,” ani Elle, ang dakilang sumbongera sa lahat ng bagay.
“I just helped her.” Inakbayan ko siya kaso nagpumiglas agad.
“Liar! You’re flirt.” Umirap siya at lumayo na sa akin.
“Dinidiskartehan mo si Franca?” sulpot naman ni Blue.
Umiling ako at binasa ang aking labi.
“Narinig ko kay Elle. Hinaplos mo raw ang kamay.”
“Nagpapaniwala ka sa kapatid mong…”
Hindi ko na nadugtungan lalo na’t sumeseryoso na ang tingin. Nagkibit nalang ako. Even my cousins think I’m such an asshole!
Noong sumabog ang scandal at lumabas ng bansa si Nana ay nawalan narin ng interes si Wayt na lumandi. He has no girlfriends at hindi na masyadong nangchi-chic. Hindi ko alam kung iyon ba ang rason o may iba pa pero ilag na sa babae ang pinakamatinik sa lahat.
I got curious, of course. Kabisado ko ang mga babaeng pinormahan niya dahil isa rin naman ako sa mga tagareto pero this time, parang bigla niya nalang inaayawan ang nasa menu na mga nakahiligan niya naman sana noon.
We were in third year college when I started to get so curious about it.
“Tagtuyot na ata. This is terrible. I think Wayt is having a mental breakdown on his sex life,” bulong ko kay Hiro sa umagang iyon habang naglalaro kami ng video games sa kanilang bahay since his parents are out, including Zera that little demon.
“I think he’s going through some depression…” dagdag ko pa sa malungkot na boses.
Sinapak niya ako ng unan. Tumama pa iyon sa mukha ko kaya napabaling ako sa kanya.
“Tumitigil lang siya sa mga kalokohan. Normal na ang ganoon,” sabi niya.
“Hindi normal ang ganoon! That’s Wayt…” diin ko pa sa pangalan nito.
“Sinabi ko bang hindi siya si Wayt?”
“Man, you’re no fun. Ang sinasabi ko ay hindi normal ang pagiging ilag niya sa babae. Parang di na siya tinatayuan ng-”
“You shut-up.” Sinupalpal niya ang aking bibig ng panibagong unan.
Hinawi ko iyon at lumaki ang aking mga mata.
“It’s not normal!” giit ko na ikinailing niya.
“Bahala ka. Pakialaman mo nang masapak ka.”
I am used to it. Kaya sa tuwing nasaan si Wayt ay naroon ako, nagmamatyag. Nagcecellphone pero walang katext. Busy raw siya pero walang ginagawa. Wala man lang akong alam… O baka nabasted? Sino ba iyong huli niyang pinormahan? Ang alam ko si Catherine Villanueva iyon… Kahit hindi siya magkwento alam kong nagustuhan niya ang babaeng ’yon. Magtatagal ba ng isang linggo kung hindi?
Saturday that morning, I went to their Restaurant. Iyon ang sideline niya para may allowance siyang malaki, nagtatrabaho roon para sa mga luho niya na hindi nagagawang bigyan ni Tito. Bata palang siya ay pinaghihirapan niya na ang kanyang mga gusto. He’s buying expensive things through his hardwork.
Pagpasok ko sa kanyang opisina, nadatnan ko siyang tinititigan ang isang babaeng nag-aapply ng trabaho. Tiningnan ko rin ito. Makinis… Maganda… Payat… Hindi gaanong malaki ang hinaharap pero ang sexy tingnan ng labi, iyon nga lang suplada. Panay ang irap sa akin at mukhang si Wayt ang tipo. It doesn’t matter to me. She’s not my type either. I have no interest on her.
“Ang ganda noon ah? Hinire mo?” Ngising aso na ako, nagbabakasakaling may epekto iyon sa kanya.
Tumango siya at sumulyap sa frame nila ni Nana. Oh… He hired some chic.
“Minor,” sambit niya na ikinahagalpak ko. He sounds disappointed.
“Oh bakit? She’s hot.”
“Well yeah.” Nagkibit siya at tamad na kinuha ang kanyang cellphone.
That’s it! Mukhang may pag-asa pa akong masalba ang lalakeng ito sa tagtuyot. I’ll prove to Hiro he’s wrong about him. Kaya naging bukambibig ko na sa kanya iyong babae na palagi akong iniirapan at si Wayt ang tipo.
“You need to believe me. He hired her. Maganda… pasok sa standards kaso lang suplada…” sabi ko sa kawalan.
“Quit it. Hindi mo na iyan basta-basta maibubugaw katulad ng ginagawa mo noon. Bato na ’yan,” si Hiro, halatang minamaliit na naman ako.
“I’ll prove you wrong, man. You’re hurting my ego.” Sinapo ko ang aking dibdib. Binasa niya ang kanyang labi at nakaawang.
“Let’s bet, then,” panghahamon niya.
“Damn you! Minamaliit mo talaga ako!” Sinapak ko ang kanyang dibdib na ikinangisi niya.
“Mustang. If you suceed then you’ll have your prize. Be both know you’re going to fail so…” sabi niya na kumuha na ng buo kong atensyon.
He knows I’m dying to have my own car right now and it’s really tempting.
“Fuck you. Anong tingin mo… matatalo ako sa’yo kaya pinupusta mo ’yang sasakyan mo?”
Damn him! Hiro is getting on my nerves. Makikipagpustahan talaga ako sa kanya! Minamaliit ako ng gagong ito.
“Then do it.” Nanunuya na ang ngisi niya sa akin na ikinainis ko lang.
“I’ll do it. Give me a month at magpapaalam kana talaga sa kotse mo. Fuck you.”
Hindi nabura ang kanyang ngisi kaya sinupalpal ko ng unan. Sa lahat talaga ng mga pinsan ko, itong isang ito ang hirap kong basahin. Siya itong mahirap prediktahin. Close kami pero hindi rin siya mahilig magkwento at masyadong pa private life. Dinaig niya pa ang kambal na may sariling mundo.
Lumapit-lapit ako sa babae. Her name is… Aioni, Marione Santillan, the tiger. Sa tuwing nagtatama ang tingin ay irap agad ang aking nakukuha. Ibang-iba siya sa lahat ng nakasanayan kong mga babae na ngingitian ako. She acts like Zera and Elle. Iyong palaging naiirita sa presensya ko and it’s really frustrating.
“Fuck… Hindi ako makapaniwalang may mga babaeng ang hirap suyuin.” Halos pumutok ang ugat sa aking ulo nang sinabi ko iyon kay Hiro.
Binigyan niya ako ng beer. Tinungga ko iyon.
“Nasaan ngayon ang kayabangan mo?” ani Hiro, tinatapakan na naman ang ego ko.
“1 month. Makikita mo… Wayt will date her and he’ll fall. I’m sure of it.”
“Okay, cupid.” He mocked me.
Tarantado talaga. Pag ako nanalo papaluhurin ko talaga siya at pahahalikin sa mga paa ko.
Malinaw ang plano ko. Kakagat si Aioni sa plano kong iset-up siya ng date kay Wayt dahil gusto niya rin naman ito at libre ko naman iyong ibibigay. I will not ask anything in return. I just need to teach Hiro a lesson and of course I need to win in order to get his beloved car. Premyo ko nalang iyon para mapamukha ko sa kanyang natalo ko siya sa isang bagay.
Normal lang naman sa amin ang mga pustahan kaya hindi na ito bago. But this time, Hiro is playing… Nakakapagtaka nga at pumupusta na eh isa siya sa hindi mahilig sa ganitong katuwaan at kami lang ng kambal ang nagkakasundo sa ganitong bagay. Si Wayt pana-panahon. Pwedeng sumali ngayon pwedeng hindi. And Grey is just too serious for this kind of stuff. Si Toshi nakikisali rin at hindi naman iyon kj.
Noong walang bandang dumating sa gabi ng Sabado ay nagpresinta nalang akong kumanta. Just to kill time since marami ring magagandang babaeng kumakain doon. Maybe I can choose…
Aioni is curious while I’m helping her. Sa matalim niyang titig, nababasa ko agad sa kanyang mga mata na hindi niya ako pinagkakatiwalaan. She glared at me like he’s ready to murder me anytime. No one dares to look at me like that, younglady.
I need to be close to her. Inihahatid ko pa ito.
“I need to borrow your car,” sabi ko kay Wayt sa gabi ng Sabadong iyon.
Umangat agad ang kanyang kilay.
“Palalakarin mo ako?” sarkastiko niyang tanong.
“Hiro texted me. He’ll fetch you. Iinom kayo?”
Hindi na siya sumagot at kinuha ang kanyang susi.
“Ibangga mo nang mapatay kita.” Saka niya iyon inilahad sa akin.
I chuckled. “I’ll be extra careful.”
“Wala pa namang nagtatagal na bagay sa’yo,” he mocked.
Tsss.
Kung hindi ko lang talaga nabangga iyong kotse ko noong nakaraang taon ay hindi ma mat-trauma si Mommy na bilhan ako ng panibago. At siya ang batas ng bahay kaya iyon din ang desisyon ni Dad. Isang sabi lang ni Mommy batas na agad iyon ng buong bahay. I can’t argue with that or else they’re going to fight.
Iyon ang unang araw na inihatid ko si Aioni sa kanilang bahay. She was busy wiping her face to remove her make-up. Pasulyap-sulyap naman ako sa kanya, namamangha sa mukha niyang wala nang kolorete. Itinali niya ang kanyang buhok into a messy bun kaya naexpose agad ang mahaba niyang leeg at ang malalalim niyang collarbone.
Ang ganda niya. I am not really a fan with simple beauties but she really blown my expectation. Ang ganda niyang titigan, iyong kahit buong araw mong titigan ay mas lalo lang siyang gaganda.
“Ilang taon kana nga?” tanong ko.
“16,” sagot niya.
My lips part a bit. Fuck. When Wayt said she’s a minor ang ineexpect ko ay 17 pa. 16? And I am 21. Now I’m really bothered.
I got her number. Nahuli ko nalang ang sarili ko sa umaga na ang pangalan niya agad ang aking hinanap sa contact list.
Oh… I need to tell her they’re going to date today. Yayayain ko nalang siguro si Wayt at iiwan ko silang dalawa. Nice idea!
“Hello?” Malambing ang bungad ng kanyang boses sa kabilang linya.
Her voice bothered me again for a minute. Lalo na iyong narinig ko siyang tumawa at may binabanggit na Lucas. It’s my first time hearing her laugh and it really tickles me. Shit. This is not good… This is not really good.
Hindi siya natuloy sa araw na iyon at ewan ko ba kung ba’t nakahinga ako ng maluwag na hindi ko na kailangang itulak siya kay Wayt. It’s frustrating… I think I’m going to have a problem. Masyado ko atang minaliit ang Satanas na Hiro na iyon. He’s the manipulative kind of a person and I’m getting curious now… Bakit hindi ko naisip na hindi naman siya mahilig makipagpustahan? Anong dahilan ng lahat ng ito?
Isinawalang bahala ko iyon. The next Sunday I went to Aioni’s house to fetch her. Nagtatalo na naman sa isipan ko ang umayon dapat sa plano ang lahat o umayon nalang iyon sa gusto ko ngayon.
Marione Santillan, wearing a towel made me lose my senses. Fuck. I’m really dead. I… I kinda like her. This like is just too much that it irritates me whenever she’s with someone else. Parang tatalon ang puso ko palabas sa tuwing nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya at agad niya akong iirapan.
Lumabas na siya ng kotse at nagtungo sa Restaurant. Tiningnan ko ito sa bintana.
“Damn… She’s hot.” I muttered.
Tiningala ako ni Lucas. “Hot…” Pag-uulit niya sa aking sinabi.
Itinuon ko ang tingin ko sa kanya.
“Gusto mo bang maging boyfriend ako ng Ate mo?”
Hindi siya sumagot at tila hindi gets ang sinasabi ko.
“Gusto mo ng car?” tanong kong muli sanhi para tumango-tango siya.
“Okay. Ako na ang boyfriend ng ate mo.” Ngumisi ako sa kanya.
“Boyfriend?”
Tumango ako. “Oo boyfriend Lucas. ’Yung may car.”
Pumalakpak siya at tuwang-tuwa dahil nabanggit ko na naman ang laruang gusto niya.
“Sabihin mo sa ate mo ako ang boyfriend niya ha…”
Tumango siyang muli, kahit hindi gets.
“’Yang ate mo walang taste sa lalake. Ang pangit kong pinsan ang gusto.”
Kay Lucas ko ibinuhos lahat ng pagkadismaya ko. I even taught him to say ‘you got a bad taste’ which is really true. Inulit-ulit ko rin kay Lucas na ako ang boyfriend ng ate niya.
Nagtext si Wayt noong araw na iyon. I forgot I told him to meet Aioni right now. Fuck. Mission abort.
Wayt: Saang Restaurant ba? Nang matigil kana sa pangungulit.
Nagtipa ako ng mensahe. Too bad I change my mind…
Ako: Ah. May sakit pala si Aioni. Next time nalang.
Next time… If there’s a next time huh? I wouldn’t allow it anymore. No one will date my girl. She belongs to me. Sa araw na ito, mamarkahan ko siyang akin at sa akin lang siya mahuhulog.
Sa mga dumaan na araw ay nakasentro nalang ang buo kong atensyon sa kanya. She doesn’t text much, no social medias and she has a lot of admirers in school. Matutuwa na sana ako na sinusungitan niya lang naman lahat kaso gusto ko ay sa akin lang siya nagtataray. I am starting to be possessive as fuck and it’s really frustrating when the girl likes someone else.
Nahuli ako ni Hiro sa classroom na ngumingisi pagkatapos kong tawagan si Aioni. Tinarayan lang ako pero ang sarap marinig ng boses niya. Kung noon ay natuturn-off ako sa mga babaeng nagsusungit, ngayon ewan ko ba kung ba’t sobra akong natuturn-on.
“What’s with the smile?” Sumandal siya sa pader at ibinulsa ang mga kamay.
Nailing ako at kinagat ang labi kong nakangisi. She wasn’t even my type from the first place. She looks like a tiger to me with those glares. Nagagandahan ako pero hindi ko naman nasabi sa sarili ko na gusto ko siyang maging girlfriend. Sa mga araw na magkasama kami, sa mga araw na nakikita ko kung sino talaga siya, parang bigla akong napatid at nahulog sa kanya.
Nabura nalang ang pinag-iisip ko nang sipain ni Hiro ang armchair ko at napatalon pa ako sa gulat. Ganoon ako ka occupied.
“Damn! What’s your problem?” Imbes magalit ay napangisi ako.
Umangat ang kanyang kilay. “Ikaw ata ang may problema. Kanina ka pa ngumingisi.”
Umiling ako at sinuklay paatras ang aking buhok. Sumandal ako sa kinauupuan ko saka tumingala.
“She’s one hell of a girl, man… I’m falling hard.” I whispered.
“Iyong Aioni?”
Tumango ako, wala na sa sarili. I don’t care anymore.
“At ang deal?” Nanunuya ang kanyang boses.
“Fuck your deal. She’s my girl.” I muttered seriously.
Humalakhak siya. Tinapik niya ang aking balikat at nasulyapan ko pa ang kanyang ngisi. Tanginang gago ’to!
“You’re creepy! Go the fuck away from me!” Sinipa ko siya kaso umilag agad at humalakhak lalo.
Wala na akong inalalang iba pa. I want to pursue her. I want to court her. I want her mine. Kahit walang reply ang mga good morning ko, ang mga text ko bawat lunch ay okay lang. I understand her… She doesn’t text too much.
Habang may gusto siyang iba, heto ako at nababaliw naman sa kanya. Fuck it.
“Bar… Tommorow.” Anyaya ni Hiro.
Umiling ako. “Pass.” Nasa bahay ako nila Aioni bukas.
Pagkarinig noon ni Wayt ay awtomatikong umangat ang kanyang kilay.
“May lagnat ka?”
Ngumisi si Hiro. “O baka inlove…”
“Inlove? Sino?” Tumingin si Red sa akin.
Nandito kami ngayon sa Clubhouse. Gabi na pero nagkayayaang magBasketball saglit.
Humilig ako sa bleachers at pumikit. Dumadaloy na ang pawis sa katawan ko.
“The asshole,” si Hiro, ibinabalita na sa iba ang pagiging inlove ko.
Alam kong kakalat na ito dahil sa tabil palang ng dila ng kambal ay makakarating agad ito sa mga pinsan naming babae at si Elle naman na sumbongera ay ibabalita kay Zera. And then it’s going to spread like a virus.
“Tangina? Seryoso?” si Blue na humagalpak na.
Dinukot ko ang aking bagong cellphone na Android. I should stop from watching porns inside the cr to save my phone but I’m okay with my Android right now.
Nagtipa ako ng mensahe at binalewala ang mga loko-loko na pinagpipyestahan na ang pagiging inlove ko.
Nagtipa ako ng mensahe kay Aioni.
Ako: Are you sleeping?
Why am I even asking? Kahit dilat pa ’yon di iyon magrereply.
“Loverboy!” sigaw ni Blue at humagalpak muli.
Ngumisi lamang ako at ibinulsa na ang aking cellphone.
“Paano na ang mga babae mo?” si Red.
Nagkibit ako at humilig sa likuran. Nagkatinginan ang kambal, kalaunan ay naghagalpakan na. Ngumisi naman si Hiro at walang pakialam si Wayt na umiinom ng gatorade. Busy na si Toshi at Grey sa kanya-kanyang trabaho kaya kami kami nalang ang madalas magkasama.
Hindi sila natigil-tigil sa pang-aasar sa akin. What’s wrong if I’m madly inlove? Mga gago.
The next day, someone showed-up in the Restaurant. Madalas naman siya rito lalo na’t iniimbitahan ko rin siya paminsan-minsan to treat her a meal since we’re close. Pero ang kanyang presensya ngayon ay bahagyang nagpagulat sa akin.
“You’re here…” Umupo ako sa kanyang harapan dito sa VIP.
“Um… Malapit lang kasi rito ang pinuntahan ko. Nagpasya nalang rin akong dito nalang kumain,” sabi niya.
Tumango ako at nilingon ang may pinto. If Aioni sees us I’m going to say we’re just friends. Shut-up Ken. That girl doesn’t care, anyway.
Napatingin siya sa tiningnan ko pero ibinalik rin naman sa akin.
“Balita ko… May part time job ka raw dito?”
Napatingin akong muli sa kanya. Tumango ako.
“Pero walang sweldo. Kuripot si Wayt.” I chuckled.
She smiled. Napatitig ako sa kanya saglit pero iniwas ko rin ang aking mga mata. Ngayon ko lang napagtanto na hindi na kami masyadong nagtetext… I mean… Hindi na ako masyadong nagrereply. Ang rami-rami ko nang hindi nirereplayan at doon naman ako sa babaeng ni isang text hindi marunong.
“Busy ka ba rito?” I can sense her sadness.
Tiningnan ko ang kanyang mga mata. Those cold eyes… She has those pair of eyes that will lost you in the woods just by staring at her. Ang malalim na titig na iyon ay nang-aakusa at tila nang-aakit sa madilim na parteng bagay. She got those pair of eyes from their clan. Lahat sila ay ganoon ang mga mata.
I licked my lips and leaned on my seat. Bumibigat ang balikat ko. I feel like I’m in a hot seat.
“Uh… Yes. I’m a bit busy here,” sabi ko.
She still smiled.
“Hindi kana kasi nagrereply sa’kin.” Kahit hindi nabubura ang ngiti, nararamdaman ko ang lungkot.
Her voice made me swallowed. Putangina ka, Ken. What did you do to her? I can’t remember… Did I flirt too much? Baka… Baka namisinterpret niya na ang lahat. Those were just friendly gestures since we’re close. God. Her Dad will probably kill me for this. I’m going to die because of this…
“Babawi ako next time. I’m sorry.”
Tumango siya at tila iniintindi nalang ang sinasabi ko. Kinagat ko ang aking labi, hindi alam kung paano pagagaanin ang kanyang loob. Should I say I’m planning to court someone? I think it’s not a good idea. Fuck.
Tumayo siya. Umawang ng bahagya ang aking mga labi. I’m going to die.
Tumayo narin ako. Sumunod ako sa kanya. Paglabas namin ay nakita ko kung paano niya sinulyapan si Aioni. Imposibleng may ediya siya… She smiled at her and turned to me.
“Aalis na ako,” mahinahon niyang sabi.
“Hatid na kita,” sabi ko na ikinatango niya.
Inisa-isa ko ang mga araw na naging close kami. I can’t remember I kissed her lips. Hindi naman… We’re just texting and I’m inviting her for some dinner. Sobra akong nakokonsensya sa bagay na hindi ko matukoy-tukoy. Wala pa nga siyang sinasabi sa akin, parang mamamatay na ako sa pag-iisip kung may kasalanan ba ako. I know their background. Isang mali lang at malaki na ang kabayaran. Hindi basta-basta ang angkan nila. Tuso silang lahat at kayang mambaliktad ano mang oras. Base on our experience from her cousin years ago.
“I’m sorry,” bigkas ko nang makarating kami sa parking lot.
Kumurap siya at marahang natawa.
“Para saan?” Mahinahon parin ito. Hindi ko alam kung ako lang ang paranoid o ano.
Nagkibit ako. “I don’t know… Just want to say sorry.” Damn… I am so guilty.
Ngumiti siya. “Di mo naman ako girlfriend ah? You’re free and… you’re not chained to me.”
There… Fuck it. She really knows. Hindi ko alam kung paano pero masyado na akong natutuliro. It’s better to say sorry than to cause a war…
“We’re good friends,” sabi ko na ikinatango niya.
“I know…” she chuckled softly.
Fuck. Why am I still worried? Siya talaga ang tipo ng babaeng ang hirap hirap prediktahin at basahin.
Lumapit siya sa akin at dinampian ako ng halik sa aking pisngi. My shoulder loosened.
“Goodbye, Ken…” She smiled at me.
Tumango ako at hindi na magawang makangiti.
“Take care…”
I admit, I like her from the start. She’s just one of the girls I used to like. Kaso iba na ngayon. I’m inlove and this feeling is very different from what I felt to her, to other girls. Kay Aioni ko lang naramdaman ang ganito. Iyong tipong hindi mo tipo pero nahulog ka ng todo. If this isn’t love then I don’t know what the fuck this thing is. Obnsession?
Maybe I am just paranoid. Tama naman siya… Hindi kami. We’re just great friends but something is really off and I don’t like it.
I courted Aioni. Ganoon na ako kaseryoso na gusto ko nang ako mismo ang tumali sa sarili ko sa kanya. I don’t know if she already likes me but I don’t really care. Basta ay gusto ko siyang ligawan.
Ako: Putangina niyong dalawa!
Huminga ako ng malalim pagkatapos iyong isend sa kambal. Naiinis na ako ng husto at pati rin pala si Wayt ay nakikisali narin sa trip nila. I am losing my temper. Nilalamon ako ng selos. Ang sasarap katayin lalo na’t nagsend pa talaga ng picture sa akin. I almost crash my phone into pieces.
“So fucking inlove.” Sumipol pa si Hiro nang malaman ang mga nangyari.
Hindi ako umimik at nagsulat sa aking notes. Alam kong trip talaga nila ang ganito lalo na kung may girlfriend na ang isa sa amin. Ngayon na ako naman ang nabibiktima ay napagtanto kong kaya pala kami ganadong mang-inis noon kina Toshi at Grey dahil sumasabog sila sa selos. Ngayon naman, pakiramdam ko talaga makakapatay na ako. Noong umulan ata ng pagiging seloso ay sinalo ng angkan namin ang lahat ng iyon.
“Hi boyfriend ni Aioni! Binisita mo na naman ba?” Isa sa mga kapitbahay nila iyon.
Tumango ako at ngumisi. The last time they asked me if what’s our relationship I told them I am her boyfriend. Bahala nang maissue siya rito basta sa akin. Kaysa iyong nababalitaan kong maraming nagkakagusto sa kanya. Gusto kong malaman nila na hindi na siya pwede. Na may nagmamay-ari na.
“Nako… Ang swerte-swerte naman ni Aioni! Kaya walang pumapasa riyan kasi ang gusto ay mayayaman talaga!”
I know. Hindi naman iyon lingid sa aking kaalaman. He likes Wayt because he’s rich. She doesn’t like him because he finds him attractive… She likes him because my cousin is rich. Dapat ay maturn-off ako sa bagay na iyon but he thinks I’m not rich that’s why she acts normally when it comes to me. Iba siya makitungo kay Wayt, iba sa akin. And I want her to fall inlove with me not because I’m rich but because she likes me.
Kaya noong naging kami ay nagagalit siya pag masyado akong nagbibigay ng mamahaling bagay. Mahal niya ako kahit na wala sa akin ang hinahanap niya sa isang lalake.
I’ve never been so whipped before. Ngayon lang talaga ako naging ganito sa isang babae. She wasn’t on my menu. She’s the cook. She can feed me all the taste I want. Nasa kanya lahat.
Wala ako sa Restaurant noong nagtext sa akin si Ate Demi. Alam niya ang relasyon namin ni Aioni at siya ang madalas kong pinapabantay kay Aioni pag may ginagawa akong importante at hindi makakapunta sa Restaurant.
Ate Demi: Nandito iyong bait-baitan at gustong kausapin si Aioni.
Napatuwid ako sa pagkakaupo. Anong ginagawa niya roon? Nagtipa agad ako ng mensahe.
Ako: Uuwi na ako.
Iyon ang nag-udyok sa akin na umuwi agad. Ate Demi doesn’t like her. I don’t know why but she doesn’t like her vibe. At hindi ko alam kung ba’t masama rin ang kutob ko. God, no… Wala akong maisip na kasalanan sa babaeng iyon para baliktarin niya ako.
“Ken. The dinner is not yet over. Stay for awhile,” ani Mommy, hindi nagegets ang pagmamadali ko.
“Ma. Kailangan kong pumunta sa Restaurant,” sabi ko at nilingon ang ama kong naninimbang ang tingin.
“What?” she laughs. “Oh baby… Gaano ka ba kaseryoso roon sa part time job mong-”
“Ma… Nandoon ang girlfriend ko. I really need to go.” Napalingon akong muli sa ama kong hindi man lang nagulat. I am asking for a help!
“Huh? Girlfriend? Girlfriends? Huh?”
I sighed heavily. Tumayo na ako.
“Wait, Ken-”
“Hayaan mo na. May girlfriend na ang anak natin,” ani Daddy.
“Di mo sinabi sa akin. Kailan pa?”
I was in a hurry. Iyon nalang ang narinig ko sa aking ina. Tumawag si Ate Demi. Pinindot ko agad ang stereo.
“Ken! Nasaan kana ba?! Umiiyak si Aioni! Gusto nang magresign at umuwi na!”
I murmured some curses. Tinawagan ko siya ngunit patay ang kanyang cellphone Nanginig ako. Gumalaw ang aking panga at mas binilisan ang pagmamaneho. Hindi ko alam kung anong magagawa ko ngayon sa oras na nasira kaming dalawa.
What did you say to her, Franca?
Special Chapter
Chained
This chapter is dedicated to Tracy Lyn David. Happy reading!
Untold Part of Justin Ken Delafuente
Most Precious Thing
Dumeritso na agad ako sa kanilang bahay. Nadatnan ko pa sila ng mama niya na nagbubuhat ng mga gamit papasok sa loob. Ang agaran kong napansin ay ang pamumugto ng kanyang mga mata. Namutla ako roon nang makita ang galit sa kanyang tingin.
Hindi pa ako tapos sa pagsasalita ay sinampal niya na agad ako ng malakas.
“Alam ko na ang lahat kaya h’wag mo na akong paikot-ikotin sa’yo dahil hilong-hilo na ako!” Malakas niyang sigaw.
“Ano bang sinabi ni-”
Sinampal niya akong muli. Tumataas-baba ang kanyang balikat dahil sa matinding galit.
“Alam ko na ang lahat! Pinagpustahan niyo lang naman ako ng pinsan mo ’di ba?! Mga gago kayo!”
Nagulat ako roon. She told her? Fuck.
Sa tuwing magpapaliwanag ako ay sampal ang abot ko. Hindi ako natatapos sa pagsasalita dahil nauuna ang kanyang galit.
“Well game over! Edi ikaw na ang nanalo! Total pinagpustahan ka lang rin namin ng pinsan mo! Nakuha ko na ang premyo ko! At tingin mo ba minahal talaga kita?” Tumawa siya ng nakakaloko.
Iyon ang mas nagpagulat sa akin. Anong… Anong pustahan?
“Oh… hindi mo alam? May pustahan kami noong pinsan mong nagngangalang Hiro na pahulugin daw kita sa akin! Akitin daw kita! At mukhang tumalab naman dahil patay na patay ka sa akin pero hindi ko naman alam na pati pala ako ay kasali rin sa laro niyo! Ang galing niyo namang dalawa!”
Iyon ang nagpasabog sa akin ng husto sa galit. Aioni broke-up with me. Sa sobrang tindi ng lumulutang na galit sa aking sistema ay sinugod ko na agad si Hiro na nasa gym noong mga oras na iyon kasama ang aking mga pinsan.
“Putangina ka! Binaliktad mo ako!” I punched him straight on the face.
Nagtilian ang mga babae. Napaatras naman ang iilan kong mga lalaking pinsan. Wala rito sina Grey at Toshi kaya wala masyadong aawat. Hindi ako nakontento sa isang suntok at sumugod muli. Nawalan siya ng balanse at napahilig na sa sahig.
“Tama na, Ken!” Umawat ang kambal pero marahas kong hinawi ang kanilang mga kamay. Nakawala naman agad ako.
Sumugod akong muli. Tumayo si Hiro at sinalubong rin ako ng suntok. Nagtilian muli ang mga babae. Napaatras ako sa sobrang lakas noon. Dinilaan niya ang gilid ng kanyang labing dumugo at seryoso akong tinitigan.
“Stop it! Ano ba! Kuya!” sigaw ni Zera.
“Kuya Grey! Nagsusuntukan si Hiro at Ken dito sa Clubhouse!” Narinig ko ang boses ni Elle na may kausap na sa kabilang linya. Nanonood lamang si Zera ngunit halatang nag-aalala ganoon din si Wayt na nasa bleachers lang at bumubuga ng usok ng sigarilyo.
“Sarili mong pinsan minamanipula mo! You’re a fucking dirty player!” Nag-amba akong sumugod pero hinawakan ako muli ng kambal.
Nameywang si Hiro at tumingala habang gumagala ang dila sa labi niyang pumutok sa aking suntok. Nakadalawa ako sa kanya.
“Ano?! Putangina, Hiro! Sa lahat ng gagaguhin mo ako pa!” Nagpumiglas akong muli.
“Wayt!” Tawag ni Blue.
Humilig lamang si Wayt sa kanyang mga hita.
“Bitawan niyo. Hayaan niyong magsuntukan,” aniya.
Hindi umimik si Hiro. Marahas kong binawi ang aking mga kamay sanhi para makalas iyon.
“Pag may nangyaring masama sa kanya, baka makalimutan kong pinsan kita.” Matalim ko siyang tiningnan bago ako tumalikod.
Kung ano man ang rason ng pangmamanipula niya sa akin, siguraduhin niyang hindi mapahamak si Aioni.
I talked to Franca at ang tanging malinaw lang sa akin ay kasalanan ni Hiro. Ano bang ginawa ng gagong iyon at pati ako ay nadamay sa galit ni Franca? Ang rami kong tanong pero ayaw ko narin silang problemahin. Itinuon ko nalang ang buo kong atensyon kay Aioni.
Araw-araw ko siyang sinuyo kahit palagi niya lang akong tinataboy at sinasampal. I want her back. I want to fix our relationship. Wala akong pakialam kung pinagpustahan rin nila ako. I just want her!
Naging ilag ako kay Hiro. Nakarating na kina Toshi at Grey ang pagsusuntukan namin pero di ko parin alam ang rason ng pangmamanipula niya sa akin. He needs to have a fucking good excuse for this.
Ilang araw ay hindi ko na nakita si Aioni sa Club na kanyang pinasukan. Noong nagtungo ako sa kanilang bahay ay wala rin siya roon. Para akong mababaliw sa bahay kakaisip kung nasaan siya.
“Ano bang pinag-awayan niyo ni Hiro, Ken?” tanong ni Mommy.
Hindi ako umimik. Nasa tabi ko na siya.
“Magbati na kayo.”
Hindi pa ako nakakasagot ay may nagdoorbell na. Tumayo si Mommy at nagpaalam na bubuksan iyon. Nahilamos ko ang aking mukha at hindi alam kung saan hahanapin si Aioni. Did she find a new job?
“Ken…” Namumutla na si Mommy nang tawagin ako.
Kumunot ang aking noo. May hawak siyang papel at halos manginig siya sa takot.
“M-May ginahasa ka?”
Napatayo ako roon sa gulat. Nakita ko ang iilang mga pulis sa may pinto.
“Iniimbitahan po namin kayo sa prisento, Sir. Sinampahan ka ng kaso ni Mrs Santillan sa panggagahasa ng kanyang minor de edad na anak. Maaari kang kumuha ng abogado at ang iyong sasabihin ay pwede naming gamitin laban sa inyo.”
Natanga ako ng ilang sigundo. Ni hindi ko na namalayan ang pagdampot nila sa akin. Putlang-putla ang aking inang nakasunod at may tinatawagan na sa cellphone.
Nadetain ako pagdating sa kulungan. Malakas ang kasong isinampa sa akin lalo na’t minor de edad si Aioni. Imbes na kabahan ay napangisi ako nang wala sa oras nang marinig kong nagbunga raw.
Nagsidatingan ang iilan kong mga pinsan ganoon rin ang aking ama.
“Hindi kana ba talaga makapaghintay na grumaduate man lang bago ka gumawa ng kalokohan?” ani Dad.
“Ken, you raped a child!” si Mommy, kanina pa putlang putla.
Nagkatinginan ang aking mga pinsan.
“She’s my girlfriend, Ma,” sabi ko.
“Your girlfriend is a child,” giit ng aking ama.
Hindi ako nakasagot habang nakahilig dito sa rehas. Nailing ang aking ama at may tinawagan na sa kabilang linya. Tahimik namang sumusulyap sa akin ang aking mga pinsan.
“Ang sabi ni Tres, pwede raw nating idaan sa areglo ang kaso kung papayag ang biktima. We’ll just pay for the damages,” ani Dad.
“Paano kung hindi makipag-areglo, JK?! Ano… Makukulong si Ken?!” Tumaas na ang boses ng aking ina.
“Sinabi ni Tres na kung hindi madadaan sa areglo ay iaakyat natin sa judge para malitis. He’ll help us, don’t worry… But for now, we need to convince them nang hindi ito umakyat sa korte.”
Lumabas saglit ang parents ko para kausapin iyong pulis. Doon na umingay ang mga pinsan ko.
“Nagsawa kana bang manghimas ng babae at gusto mo namang subukan ang malamig na rehas?” si Wayt na ikinahagalpak agad ng kambal.
“Ano bang nakain mo at pumatol ka sa bata, Ken?” tanong ni Grey.
“May problema ka ba sa ganoong bagay, Grey?” Depensa naman agad ni Toshi kahit hindi siya ang tinatanong.
Nasira ang ekspresyon ni Grey sa pagiging guilty ni Toshi at binalingan akong muli.
“So desperate. I can’t believe you’ll end up forcing a girl-”
“She’s my girlfriend, Grey,” putol ko sa kanya.
“Ex,” pagtatama ni Wayt.
Bumuntong ako ng hininga. Nagsipuntahan naman ang kambal sa akin para magpapicture.
“Memorable day ito kaya dapat may souvenir tayo!” si Red.
“Wacky naman!” si Blue.
Ngumisi ako nang magclick ang kanilang camera.
“Tangina niyong dalawa. Don’t post it on social media or else he’ll gone viral!” si Toshi na hinila pa ang kambal palayo sa akin.
Doon lamang sila natigil nang pumasok ulit ang aking parents. Dumating na raw ang nagfile ng kaso. I think this is a blessing in disguise… I’m going to see her again.
Kinausap ng parents ko ang Mama ni Aioni para areglohin nalang. Nakita kong muli si Aioni but there’s something different about her. Walang buhay ang kanyang mga mata kahit na napapalibutan iyon ng galit.
Noong sinabi niyang nawala ang baby namin ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa. The pain is just too much.
Naareglo ang kaso at nabuhusan agad ng tubig ang apoy bago pa kumalat. Namatay ang issue katulad lamang noong naging issue noon kay Nana lalo na’t kahihiyan ito sa aming pangalan. But I don’t care anymore. Ang mga araw na lumipas ay naging madilim para sa aking pagluluksa. Nalunod ako sa sakit at galit at sa bawat araw na dumadaan ay mas lalo lamang iyong lumalaki sa aking loob.
Mag-isa kong nilagok ang smirnoff na hawak habang nakaupo sa stool ng counter sa 3DBar. Nagiging tubig nalang sa akin ang mga alak ngunit ni isa ay walang nakakatanggal ng sakit.
“Ken! Dude! Nice to see you again!” May tumapik ng aking balikat.
Pamilyar ang boses sa akin pero hindi na ako nag-aksayang lumingon.
“Break na kayo ’no? I told you, dude… Girls are just pain in the ass. At isa pa, waitress lang naman ’yon. You can find another girl-”
Hindi niya na naituloy ang kanyang sinabi dahil sa mabilis kong pagpalo ng bote ng smirnoff sa kanyang ulo dala ng matindi kong galit.
Nahinto ang tugtog dahil sa hiyawang pumaibabaw.
“You son of a bitch!” Nag-amba akong sumugod kahit na nakita ko na ang dugo sa kanyang ulo pero masyadong nangingibabaw ang aking galit at gusto ko pa siyang paulanan ng suntok.
“Sir, tama na.” Pinigilan agad ako ng mga bouncer.
Marahas kong pinaghahawi ang kanilang kamay at sinipa ko ang stool. Fucking asshole.
Ganoon palagi ang eksena. Palagi akong nadadawit sa gulo dahil sa init ng aking ulo. I tried to calm down pero sa tuwing nababanggit siya sa akin ay para akong bulkang sasabog.
No one dares to mention her name again, even my cousins. Ayokong makarinig ni isang balita sa kanya. Nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay na kahit sa mga babae ay hindi narin ako nagkainteres.
Tumitig ako sa kawalan habang gimagamot ni Grey ang aking kamao.
“Kailan ka titigil sa pagiging basagulero mo? Pag may nakabasag na ng ulo mo?” aniya at naramdaman ko pa ang kirot ng aking sugat lalo na’t marahas na ang kanyang kilos.
“Control your anger, Ken. Hindi ka pwedeng ganito. Matatakot si Nana sa’yo. Our cousin is coming back this month. Ano… Iyan ang ibubungad mo?” Tumalikod siya sa akin at may inasikaso roon sa gilid.
Sumulyap ako sa suot niyang puting coat. Nana is coming back?
“Alam kong masakit ang pinagdaanan mo pero kung palagi kang ganito ay baka sa susunod sa morgue na ang bagsak mo. Hindi ka pinalaking basagulero.” Nilagyan niya ng bandage ang aking kamay.
“Can’t help. Nakakapang-init ng ulo ang sinabi noong gagong iyon kagabi.”
Hindi ko alam kung sino na naman iyong nakasuntukan ko sa Bar. Hindi ko rin matandaan ang sinabi niya at nasuntok ko agad. Lasing ako.
“You need to stop being a pussy,” dagdag niya at nakaangat na ang isang kilay.
I licked my lowerlip. Naiirita na agad ako sa simpleng pangaral lang. Gusto kong magsalita at isigaw na h’wag nalang akong pakialaman pero nagpigil ako. Mababasag ang mukha ko pag si Grey ang pinasabog ko sa galit.
Sinikap kong bumalik sa sariling ako. I don’t know how to do it but I tried to calm down for the sake of Nana.
Nasa bahay kaming lahat para salubungin si Nana sa pagdating niya. I nodded to her. Napawi ang kanyang ngiti nang napagtantong hindi man lang ako ngumiti pabalik.
Ilap ako sa mga pinsan ko at ngayon lang ulit kami nagkaroon ng tsansang maging malapit. Pagkatapos ko kasing grumaduate ay nagpasya na akong sa condo tumira. Baka masuntok ako ng ama ko pag nahimatay si Mommy kung nakita akong umuuwing may dugong dala dahil sa pakikipag basag-ulo.
Sumulyap si Hiro sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at kumuha ng party hat para isuot. So I just need to act that I’m okay huh?
It work. Wala namang napapansin si Nana na kakaiba. Ang ikinakagalit ko lang ng araw na iyon ay ang lalakeng nakikipaghalikan sa kanya.
Kaya noong mahuli ako sa balita at nalamang buntis si Nana ay sumiklab ako sa galit. Sila naman itong kalmado lang.
“Hindi niyo sinabi sa akin,” galit kong sabi pagkatapos naming makausap sa loob ng bahay si South.
Walang umimik.
“Ano? Hindi na ako parte sa pamilyang ito?” Tumawa ako ng nakakaloko.
Sumulyap sila sa akin.
“Bakit namin sasabihin sa’yo kung hirap kang kontrolin ang galit mo?” si Red, seryoso na ang tingin sa akin.
Binasa ko ang aking labi lalo na’t nakakuyom na ang aking kamao.
“At isa pa, pagbubuntis ang topic, Ken. Eh marinig mo nga lang ang tungkol sa ex mo halos makapatay kana sa galit,” si Blue.
Natigilan ako ng ilang sigundo.
“Tama na. Umuwi nalang tayong lahat total nandoon naman si South,” si Toshi.
I understand their point, somehow. Kahit na umakto akong okay na alam kong hindi ko sila maloloko. Baka rin makasama ako sa pagbubuntis ni Nana pag sumisiklab ako sa kanyang harapan.
Kaya bago pumasok sa trabaho ay nagdadala ako ng prutas sa kanya. Busy na kaming lahat sa kanya-kanyang trabaho pero hindi ko maisantabi ang pag-aalala ko.
“Ang weird mo na talaga!” ani Nana nang dumalaw akong muli at nagdala ng isang basket ng prutas.
“What’s weird about this?” Inilapag ko iyon sa counter at sinimulan siyang balatan.
Umupo siya sa stool. Kinabahan agad ako sa kanyang kilos.
“Careful,” sabi ko.
“Ang weird mo!” Nana chuckled softly.
Kumalma rin naman ako nang maayos na ang kanyang upo. Binalatan ko siya ng apple.
“Eh hindi ka naman ganito noon ah? You used to bully me…”
Ngumisi lamang ako. Old days.
Doon ko lang siya iniwan noong dumating na ulit si South. Pagkapasok ko sa kotse ay napapikit nalang ako dahil sa mga luhang nagbabadya. Humingos ako at ikinalma ang sarili.
Sayang… Sayang at hindi ko man lang naalagan si Aioni noong buntis siya. She didn’t gave me a chance to become a father to our child. It’s one of my dreams… Taking care of her while she’s pregnant.
I breathe heavily as I wipe my tears. Fuck. I badly need a drink right now.
After a year ay iyong issue naman ni Irah ang sumabog. Uuwi si Toshi kaya sinikap ko nalang na makihalubilo lalo na’t ayaw ko ring masyado silang nag-aalala sa akin.
Years had past. I can’t even remember how I spent my whole 6years. As usual… May party na naman ata akong hindi dadaluhan. I just hate to socialize since it’s hard to control my temper. Ang bilis kong mairita.
Ibinuhos ko nalang ang buo kong atensyon sa pagtatrabaho. Naging isa ako sa mga Chief Executive ng kompanya na pinamamahalaan ni Tito Jin. Balak niya nang bumaba sa pwesto sa mga susunod na taon kaya isa rin sa amin ang magmamana ng posisyon.
“Hi Sir… Ito na po ang kape niyo,” ani Jelsen, ang bago kong sekretarya.
Tumango ako at sinenyasang umalis na ito sa aking harapan. I’m not good with girls anymore. Ang huli kong sekretarya ay napatalsik ko lang nang nagpumilit akong masahiin.
“You need to stop being so ill-natured, Sir Ken. We’ll lose our employees if you keep on being like that.” Isa sa mga board directors ang pinagsabihan ako noong may pinatalsik akong isa pang empleyado dahil hindi agad naisubmit sa akin ang documents.
Hindi na ako umimik lalo na’t may katandaan narin ang babaeng ito. Pag tumagal ang pag-uusap namin baka mag-init lang ang aking ulo at may mabitiwan akong salitang ikaka stroke niya pa.
After six years ay nakatanggap ulit ako ng balita tungkol kay Aioni. Isa sa mga tambay noon sa 3DBar ang nagbalita lamang sa akin na nakita niyang may kadate si Aioni sa isang Mall at manonood ng sine. Nagalit ako ng husto roon. She’s fucking happy now while I’m still chained on our past. Ano ito… Ganoon lang kadali sa kanya ang magmove-on at ako itong hindi parin natatanggap ang lahat? Bullshit!
Tulala lang ako noon sa opisina nang may tumawag galing sa lobby.
“Good afternoon, Sir. May humabol po na applicant, Sir…”
“Tell them to leave. Tapos na ang hiring,” sabi ko.
“P-Papunta na po siya sa opisina niyo, Sir.” Nanginginig na ang boses nito at halatang kabado sa pakikipag-usap sa akin.
“Ba’t mo diniretso sa akin?” matigas kong tanong at nahipo ang noo kong nagsisimula na namang uminit.
“S-Sabi po kasi ni Sir Hiro pag may nag-apply na Marione Santillan ay ipaderitso ko raw po sa inyo…”
Natigilan ako sa narinig na pangalan. She’s here? At si Hiro na naman. Putangina talaga.
Ibinaba ko ang telepono at saktong pumasok si Jelsen para magsubmit ng reports. Hinila ko ang kanyang braso na ikinagulat niya.
“S-Sir…”
“Suck it. I’ll pay you big.”
Hindi siya nag-alangang lumuhod sa aking harapan. Si Aioni ang naging huli ko sa lahat ng bagay at ngayon na nakita ko siya sa loob ng aking opisina pagkatapos ng mahabang taon ay iyon ang nagtulak sa akin na makarating sa rurok ng pinapagawa ko sa aking sekretarya. She turned me on… Fuck it! After everything ganito parin ang epekto niya sa akin na hinding-hindi ko mahahanap sa kani-kaninong babae lang.
Ininterview ko siya. Katulad noon, sa tuwing haharap siya sa isang boss ay kalmado lamang ang kanyang boses. Sinikap kong ituon ang buo kong atensyon sa kanyang resume kahit na gusto ko siyang titigan. You can’t just come back to me like nothing happened years ago, woman. You can’t seduce me with your pretty face to get on me again. I am not going to fall for it.
She changed alot and grew into a fine woman. Mas lalo siyang pumayat at nahubog na ng husto ang katawan. Mga nasa 5’5 or 5’6 na ata ang height nito idagdag pa ang dibdib niyang may kalakihan narin ng kaonti. Her face is still the same yet she matured lot. Noong unang kita ko palang sa kanya ay nagandahan na ako at ngayong nagkita ulit kami ay hindi ko na halos matanggal ang mga mata ko.
When I told her years ago that she’s going to be the death of me then I really mean it. Sa tuwing hinahayaan kong halikan ako ni Jelsen sa aking leeg at marahang gumigiling ay naiirita lamang ako lalo na’t nakikita kong wala namang epekto sa kanya at ako pa itong apektadong-apektado noong nakita ko ang kanyang pagtingala para ayusin ang kanyang buhok. Fuck it! This is so fucking unfair!
Balot na balot naman sana siya sa suot niyang janitress na uniporme pero wala parin. Ang tindi parin ng epekto niya sa akin at bigla nalang akong tinablan ng tigang sa lumipas na anim na taon. Fuck!
“Ano na naman bang binabalak mo? Grow-up you childish!” Kinwelyuhan ko na si Hiro sa aking labis na pagkairita.
Ngumisi lang ang gago sa akin.
“Tingin mo ba pinapunta ko siya rito para sa’yo? Hindi ba pwedeng para sa akin?”
Nagkasalubong ang aking kilay. Mariin ko siyang tiningnan.
“You’re the one who needs to grow-up. Napaglipasan kana ng panahon at ikaw lang itong hindi nakakamove-on.” Kinalas niya ang kamay ko sa kanyang leeg.
Ilang sigundo akong natigilan habang pinapanood ko siyang inaayos ang sarili. Wala akong balita sa lahat lalo na’t nagfocus ako sa trabaho ko. Imposibleng gusto niya si Aioni? I’m sure he’s just doing this to piss me off.
Sinikap kong hindi matablan sa pinaggagawa ni Hiro pero sa tuwing naririnig ko ang tsismis tungkol sa kanilang dalawa sa kompanya ay sumasabog lang ako sa galit. Ang sarap niyang bugbugin.
Noong nakarating rin naman ang balita kay Tita Sky ay hindi na ako nagtaka noong pumunta siya sa kompanya. Kaso mukhang iba rin ang kanyang sadya.
“Kung sino ang mauunang ikakasal, siya ang papalit sa pwesto ni Jin total hindi naman siguro bago sa inyo na bababa na siya sa pwesto,” ani Tita at kampanteng nakaupo habang nakatayo kaming tatlo.
Walang umimik sa amin. Walang kaso sa akin kung hindi ako ang magiging CEO. Sino namang papakasalan ko?
“Anyone?” Pinasadahan kami ng tingin ni Tita.
“Ako, Ma…” si Hiro na ang nagpresinta.
Napatingin ako sa kanya. Ngumisi naman si Tita Sky at hindi ko na iyon nagugustuhan.
“Hmm… Sino naman ang pakakasalan mo?” Ipinatong ni Tita ang kanyang hita sa isa pa.
Matalim kong tiningnan si Hiro. Nagkibit siya at ngumisi.
“Someone I like, Ma…”
Kumuyom agad ang aking mga kamay. Gusto ko nang sugurin si Hiro kaso pumaibabaw ang nakakakilabot na halakhak ng kanyang ina.
“Oh son…” Nailing si Tita.
“Nananadya ka ba talaga?” Matigas kong tanong sa kanya.
Umangat ang kanyang kilay. Si Wayt naman ay sumandal nalang sa pader at tila handa nang manood ng boxing.
“Nananadya? Is it wrong if I marry her?” Nanunuya na ang boses na iyon.
Binasa ko ang aking labi. Para nang puputok ang ugat sa aking kamao.
Ngumisi si Hiro sa akin.
“Nasa kanya lang naman iyon kung papayag siyang magpakasal.”
Gumalaw ang aking panga. Konti nalang ay makakalimutan ko na talaga ang presenya ni Tita sa labis kong pagtitimpi.
“Kung napunta sa akin ang posisyon, iaalis ko agad si Aioni sa pagiging janitress at gagawin ko siyang sekretarya ko total nabanggit sa akin ni Wayt na masarap daw siyang magtimpla ng kape?”
“Gago ka. H’wag mo akong idamay,” ani Wayt.
Tumalim na ang tingin ko kay Hiro. Alam kong magaling siyang pumutol ng pasensya at nagtatagumpay talaga siya.
“And Aioni fits on being my secretary. I’m going to enjoy my stay here in my office if she’s around-”
Hindi niya na naipagpatuloy ang sasabihin niya nang kinwelyuhan ko na ito. I pinned him on the wall and glared at him.
“Ken,” malabing na tawag sa akin ni Tita Sky. “What’s the matter? She’s not your girlfriend anymore.”
Nanunuya na ang ngisi ni Hiro sa akin.
“Oo nga naman… Wala kanang karapatang magalit. Wala kanang karapatan sa kanya,” aniya na ikinainit lang lalo ng aking ulo.
“Fuck you, Hiro. I’m going to punch you if you touch her.” Mas idiniin ko ang aking mga kamay sa kanyang kwelyo.
Tumayo si Tita Sky at naglakad sa aming gawi pero hindi niya ako inawat. Humikab naman si Wayt at nailing.
“6 long years and you’re still fighting. Sino bang bakla sa inyong dalawa at ang tagal matapos ng away niyo?” Mag-isang kinausap ni Wayt ang kanyang sarili.
Nasa gilid naman si Tita Sky at nasa akin ang mga mata.
“Kung gusto mong magkaroon ng karapatan pwes yayain mong magpakasal nang hindi ka maunahan ng anak ko sa mga balak niya sa ex mo.” Ngumisi siya.
Tumayo ang aking balahibo. Idagdag pa ang pagngisi ni Hiro ay mas lalo lang akong nangilabot. Unti-unting lumuwag ang aking kamay sa kanyang leeg.
“Imposibleng magpakasal si Aioni sa kanya, Ma. Mabilis nang sumiklab sa galit si Ken at iyon ang pinakaayaw ni Aioni sa lalake. Gusto niya iyong mga chill lang…”
Kung makapagsalita ang gagong ito akala mo sobrang close na nila. Well obviously…
“Ken can do that, I guess…” si Tita.
Pinagkakaisahan ba ako ng mag-inang ito? But Tita Sky has a point. Magkakaroon lang ulit ako ng karapatan kay Aioni kung hawak ko siya ulit. Putanginang Hiro!
“Ikaw Wayt?” Binalingan siya ni Tita.
Nagkibit si Wayt. “Pass, Tita.”
“So this is settle! Total mahilig kayong mag-away dito sa kompanya ay bibigyan ko kayo ng mapagkakaabalahan pa rito.”
Ayaw ni Wayt na sumali pa. Hiro is really game when it comes on pissing me off. Doon siya magaling.
I tried to be good on her. Sinikap kong kumalma lalo na’t aayawan nga naman ako ni Aioni kung sisiklab lang ako.
“Si Aioni nakita ko noong nakaraan sa Mall may kasamang lalake. May kadate.” Balita ni Jelsen na ikinaahon ng panibagong galit sa akin.
Hindi ko na nakontrol ang aking sarili lalo na’t tinanggihan niya pa ang offer kong kasal. Ano, mapaglaro na siya sa lalake? Patalon-talon na siya sa kahit sino-sino? She’s acting like a playgirl and it’s pissing me off!
Kaya noong nagkasagutan kami at nakita ko siyang namimilipit na sa sakit ay doon lang ako natauhan. Mabilis ko siyang isinugod sa hospital at halos mawalan ako ng kulay noong nawalan siya ng malay.
“Ken-”
“Grey! She passed out! Please! Save her! Please!” Halos maiyak na ako noong sumugod ako sa hospital.
Mabilis namang kumilos ang aking pinsan at inasikaso agad siya. Nanatili ako sa labas habang naghihintay. What happened to her? Yakap yakap niya ang kanyang tiyan habang namimilipit kanina.
Lumabas si Grey. Mabilis akong tumayo.
“Anong problema? Okay na ba siya?”
“I’ll show you something later,” aniya sa seryosong boses.
Kinabahan ako roon habang naghihintay ng results. May inutusan rin siyang kunin ang Medical Records ni Aioni sa huling hospital na pinasukan nito. Wala akong maintindihan at naghihintay nalang ng paliwanag sa pinsan ko.
“This is her Medical Records from her doctor, Ken.” Ibinigay niya iyon sa akin.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga nakasulat doon at takang taka ako kung ba’t ang rami niyang records sa hospital.
“You don’t have to worry right now since she’s already okay. Ang pananakit ng kanyang tiyan ay dala lamang ng sintomas ng depresyon lalo na’t iyon rin ang nakasaad sa kanyang huling records.”
Nangilabot ako sa aking mga nabasa. Hindi lang isang beses ang naging record niya kundi hindi iyon mabilang. Sa loob ng anim na taon ay labas pasok lang siya sa hospital.
“She fooled us. She didn’t abort your child. Nakunan siya. At ang mga nakalista riyan ay naging bunga ng pagkawala sa kanya noong anak niyo. She suffered from a severe depression, Ken. Umabot siya sa puntong umiinom ng kung ano-ano at sinasaktan ang kanyang sarili dahil sa nanyari.”
Nanghina ako ng husto at bumagsak agad ang malalaking luha sa aking mga mata. I fell from my knees while shaking.
“She’s very weak and sensitive right now, Ken. Isang salita lang ay pwede siyang matrigger at mababasag mo agad siya. If you can’t control your anger then as her doctor I suggest you really need to stay from my patient. You’re not good for her health…” Dismayado niyang bigkas.
Naikuyom ko ang aking kamao at nasuntok ang tiles. Tumulo ang mga luha roon habang lumalakas ang aking hagulhol at walang tigil iyong sinuntok kahit na kumukulay pula na ang puting tiles dahil sa dugo sa aking kamao. Fuck! Ang tanga ko! I accused her! Ako ang naging rason kaya siya inatake kanina. Sinigawan ko siya ng kung ano-ano! I almost… I almost killed her. Ako ang magiging rason ng kamatayan niya! She’s suffering because of me.
Gusto kong tumakbo papunta sa kanyang kuwarto pero natatakot na akong lumapit. Napapansin ko ang kawalan niya ng buhay pero hindi ko naman inaakalang may dinadala siyang mabigat! I’m blinded with my anger towards her! Itinali niya ako sa isang kasinungalingang namunga ng matinding galit para sa kanya!
“Doc! Doc! Saan po ang room ni Marione Santillan?”
Umahon ang aking ulo nang marinig ko ang pamilyar na boses. Mahapdi pa ang aking mga mata nang makasalubog ko ang tingin ng Mama niya.
“K-Ken?” Nagulat siya nang makita ako.
Ang kasama niyang batang lalake na anim na taon kong hindi nasilayan ay matalim agad ang tingin sa akin nang marinig ang itinawag sa akin ng kanyang ina.
Tumayo ako, bigong-bigo.
“Tita… Lucas,” banggit ko na mabilis na ikinasiklab ni Lucas.
“Gago ka! Ikaw ang nanakit sa Ate ko! Ikaw ang rason kaya siya labas pasok sa hospital! Sinira mo ang buhay niya!” Sinuntok niya agad ako sa balikat, iyon lang ang nakayang abutin sa akin.
I cried weakly.
“Lucas… Hindi ko sinasadya.” I tried to hold him pero sinuntok niya lang akong muli sa balikat.
“Bakit ka nandito?! Papatayin mo na ba talga ang ate ko?! Anim na taon kang hindi nagpakita tapos lilitaw ka ulit?!”
Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at gusto siyang yakapin ngunit hindi siya nagpaawat. Bumuhos na ang kanyang mga luha sa matinding galit.
“H’wag mo nang balikan ang Ate ko kung sasaktan mo lang ulit siya!” sigaw niya at itinulak ako ng malakas.
Natakpan ng kanyang ina ang kanyang bibig habang umiiyak. Tinapik naman ni Grey ang aking balikat. Walang tigil na sa pagbuhos ang aking mga luha at ang sikip pa ng aking pakiramdam. I deserve this… I deserve their hate…
Umalis ako sa araw na iyon. I don’t know how to treat her anymore. Panay lang ang buhos ng aking mga luha na kahit nabalitaan kong okay naman siya ay hindi ako makalma hangga’t hindi ko siya nakikita.
Natauhan ako sa pagiging tulala sa veranda ng aking condo nang may nagdoorbell.
Tumayo ako at pinunasan ang luhang tumutulo kanina pa. Sinilip ko ang maliit na bilog kung sino ang nasa labas at nakita ang aking pinsan. Binuksan ko iyon.
“Tama nga si Grey.” Pumasok siya ng tuluyan at ipinakita sa akin ang hawak niya. “Nagdala ako ng beer. Let’s have a drink.”
Isinara ko ang pinto. Nagtungo kaming dalawa sa veranda at doon nagpasyang uminom. Tiningnan niya ang isa kong kamao na nakabandage at tumaas lamang ang dalawa niyang kilay, tila nasanay nang makita iyon sa aking kamay.
Tinungga ko ang beer at napatingin sa malayong parte.
“Matagal mo nang alam ang kalagayan niya?” malamig kong tanong.
“Ngayong taon lang.”
Nilingon ko siya. “Why didn’t you tell me?”
Nagkibit siya at lumagok. Nanatili ang tingin ko kay Hiro. Hinahangin pa ang kanyang buhok at nakasentro ang tingin sa harap.
“Ayaw mong makarinig ng kung ano tungkol sa kanya ’di ba?” aniya pagkatapos uminom.
Nanubig agad ang aking mga mata. Lumagok akong muli ng beer.
“Then why are you flirting her?” tanong ko.
“I am not flirting. Come on… You’re just jealous.” Ngumisi siya.
“Tsss…”
Saglit kaming natahimik. Dumaan pa ang ilang minuto bago siya mulig nagsalita.
“I’m going to stay away from her from now on since I’m sure you’re going to take good care of her.”
“If she’ll give me a chance…” bigo kong sambit. “I can’t even come near her…”
“Bumawi ka nalang. Girls are weak. Physically and emotionally. Kaya nga ang bilis nilang maloko.” Nailing siya at sinuklay ang buhok paatras.
Hindi ako umimik. Sa loob ng anim na taon ay palagi kaming nagkakainitan ni Hiro. Ilang beses na ata kaming nagsuntukan. Ngayon lang ulit kami nagkakausap nang hindi umiinit ang aking ulo sa kanya. Dapat nga ay pasalamatan ko pa ito sa ginawa niyang pag-aalala kay Aioni habang sumasabog ako sa galit.
“Guilty ka ba kaya mo siya ulit dinala sa akin?” I glanced at him.
“Kailangan niyo ang isa’t isa. I am just doing your child a favor. Alam kong sasaya siya kung magkakabalikan ang mga magulang niya.”
Awtomatikong tumulo ang aking luha. Tumingala ako sa kalangitan. Ang laki ng kasalanan ko… Baby, I’m sorry if I let your Mom suffer for 6 years long. Cheer-up for Daddy. I’ll get her back.
Inumpisahan kong bumawi sa kanyang mga magulang. Tuwing nasa cafeteria si Aioni para kumain ay pumupunta ako sa kinaroroonan ng kanyang Mama. Hindi naman ako tinataboy nito at maayos rin ang pakikitungo niya sa akin.
“Alam ko kasing sasaya si Aioni sa’yo kaya gusto kitang bigyan ng tsansa,” aniya.
Ganoon rin ang kanyang ama. Natanggal pa ito sa trabaho kaya binigyan ko ng posisyon sa kompanya kaso tumanggi siya.
“Hindi na muna ako tatanggap ng tulong sa’yo baka isipin ni Aioni na ginagamit ka namin.”
Iyon rin ang bukambibig ng kanyang ina noong nakwento niya sa akin na nagbabalak silang bumili ng lupa at ibenta nalang ang sariling lupa. Tinanggihan niya rin ang tulong kong bilhan sila ng bagong lupain.
“Ayokong isipin ng anak ko na pinagsasamantalahan ka namin. Ayokong makadagdag sa pinapasan ng anak ko kaya h’wag ka nalang munang magbigay ng kung ano-ano.”
I understand their side. Alam ko ang background ng kanyang pamilya noon pa man at nakakatuwa dahil mukhang nagsusumikap na ang kanyang mga magulang para mapabuti lang si Aioni.
Kay Lucas ako nahirapan. Kakaiba siyang bata at hindi mo basta-bastang makukuha ang loob. Bumibisita ako sa kanya sa eskwelahan kaso madalas niya akong itaboy. Naaalala ko sa kanya ang pagsusuplada ni Aioni.
Ilang araw ko siyang hindi sinukuan hanggang sa napagod na ata siya at bumigay rin.
“H’wag kang mag-alala sa Ate mo dahil inaalagaan ko naman siya ng ng mabuti.”
Nanatili ang tingin niya sa malayo at sobrang suplado ng mukha habang nakatayo lamang maliban sa akin na nakasandal sa ulo ng kotse ko.
“Siguraduhin mo. Pag umuwi ang Ate ko na umiiyak ay hinding hindi kama makakalapit ulit sa kanya.”
Tumango ako. Ang 2 years old na batang tinuturuan ko lang magsalita ng kung ano-ano noon ay may sarili nang desisyon. Lumaki siyang matapang para sa kapatid niyang mahina.
Aioni created a monster inside me yet she’s the only person who can tame them either. Sa lahat ng mga nalaman ko, tuluyan na akong pinalaya sa galit ko para sa kanya at naghilom narin ang sugat gawa ng nakaraan. Nag-iwan iyon ng marka pero simbolo iyon ng natutunan ko sa nangyari sa aming dalawa.
Our past made us strong. Mas lalo ko siyang minahal at mamahalin sa araw na lilipas habang kami ay nakatali sa isa’t isa habangbuhay.
Hinawakan ko ang kanyang kamay sa ilalim ng mesa at binulungan siya sa gabi ng Sabadong iyon. Naganap na ang pamamanhikan at hindi parin mawala-wala ang kanyang kaba.
“Relax… They won’t bite you.” I kissed the side of her head.
Bumaling siya sa akin at medyo namumutla pa. I want to kiss her pero baka mas lalo lamang siyang tubuan ng hiya.
“Kinakabahan ako ng slight,” she whispered to me.
Oh… My poor girl… I want to put her on my lap and hug her. She’s very intimidated with my Uncle and my grandparents lalo na’t nandito lahat. Kahit na sina Uncle Rico, Uncle Dwight, Uncle Rence at si Lolo Jasper, lolo namin ni Hiro, kasama ang kanilang mga asawa.
“H’wag kang kabahan sa magiging kaapelyido mo.” I smirked at her.
Pasimple lamang siyang umirap. Kinagat ko ang aking labi at naaakit na naman sa kanya.
We just talked smoothly. They treated them with so much respect. Hindi naging basehan ang estado sa buhay para ibigay sa kanila ang respetong nararapat dahil ibinibigay iyon ng kusa ng aming angkan kahit na wala silang maipagmamalaki sa industriya. My parents are fine with it lalo na’t sabi rin ni Lolo ay ang side ng lalake ang dapat gumastos ng lahat kung kaya naman. Alam rin nila ang kalagayan ni Aioni at hindi ko iyon inilihim dahil ayoko ring masyadong kabahan sa kanila ang asawa ko at pakakasalan ko ulit sa simbahan. This time, it’s going to be a real Wedding Ceremony.
“Jasper, anong masasabi mo at magkakaapo kana sa tuhod ano mang oras? You’re going to be so old like us…” tanong ni Uncle Rico na ikinahagalpak ng tawa.
May apo narin kasi sa tuhod si Lolo Rico lalo na’t buntis si Nana ganoon rin si Uncle Alex na meron naring apo sa tuhod. Toshi’s wife is not yet pregnant since they’re travelling too much. Gusto ata muna nilang sulitin ang paglabas sa iba’t ibang bansa.
Sumulyap si Lolo sa akin.
“Are you already planning, apo?”
Umiling ako. “I think Aioni is not yet ready, Lolo. At marami pa kaming binabalak bago muna magkaroon ng anak.”
“May trabaho ka ba, hija?” si Lola.
Napatingin si Aioni sa akin. Kahit ang kanyang mga magulang ay naninimbang ang tingin sa kanilang anak. I put my palm on her legs and squeezed it.
“Ah… Sa kompanya po ni Ken. S-Sekretarya po, Ma’am…” she answered politely.
Ngumuso ako. Good girl…
“Hindi na kami magtataka kung ba’t ka naging sekretarya. Napagdaanan na namin iyang lahat, hija…” si Lola Katelyn na ikinatawa naman ng mga babae.
“Why are you complaining? Pag kumuha rin naman kami ng sariling sekretarya gigyerahin niyo rin kami. Pag kayo ang ginawang sekretarya galit parin,” si Lolo Rico na ikinapuno ng tawanan sa mahabang mesa.
“Under kana ba masyado Ric?” si Uncle Dwight na ngumingisi.
Sumama agad ang tingin ni Auntie Katelyn kay Uncle Rico.
“Shut-up Dwight. Pag naging away namin ito mamaya babalian kita ng tuhod nang matuluyan iyang pagiging uugod-ugod mo,” si Lolo Rico.
Mas lalo kaming nagtawanan.
“Kawawang mga under sa asawa. Buti ako…” si Tito Rapmon na sumulyap agad kay Tita Celina na nagtaas ng kilay. “Ganoon rin… Masunurin. Umiwas dapat tayo sa away nang hindi patulugin sa labas ng bahay.”
Nagsihagalpakan na kaming lahat. Aioni’s parents were laughing too. Umirap pa si Tita Celina na handa na atang saksakan ng tinidor kanina si Tito Rapmon kung namali ng sagot.
“Umiwas sa away nang humaba ang buhay,” ani Lolo.
“Oh? Iyan ba ang sekreto niyo?” Tumawa si Tita Mercy, ina ni Aioni na nawiwili narin.
“Yes, Madame,” ani Tito Dwight.
“I already tried sleeping outside. Ang lamig pala ng tiles no?” si Uncle Alex.
“Kinakawawa mo naman masyado ang sarili mo. Sa sofa ka natulog ah?” sambit ng kanyang asawa.
“Baka mamaya Alex doon kana talaga patutulugin. Ginagawan mo ng issue ang asawa mo,” si Uncle Rico naman.
Aioni keeps on laughing. Nawala na ata ang kanyang kaba dahil sa naging takbo ng pag-uusap. Noong bumalik ulit sa amin ang topic ay naging magnda na ang kanyang pagsagot. Nahahalata ko ring hindi na masyadong nahihiya ang kanyang mga magulang kumpara kanina na medyo kabado rin. Lucas is just silent pero nag-eenjoy naman siya sa pagkain ng dessert.
Maganda ang pagtatapos ng dinner. Niyakap si Aioni isa-isa nila Tita at Auntie para iwelcome sa aming angkan and she even praised her for being strong. Ang kanyang parents naman ay nakipagkamayan kina Tito at Uncle ganoon din si Lolo. Si Lucas ay puntirya ng aking mga babaeng pinsan lalo na ni Nana.
“Kahit may edad na iyong mga Uncle at Lolo mo ang kikisig paring tingnan ’no?” bulong sa akin ni Aioni nang tabihan ko siyang muli pagkatapos siyang kausapin ni Mommy.
Tumango ako. Kumikislap ang kanyang mga mata at mababasa mo ang saya sa kanyang mukha. She really changed and improve these days. Nakakatulog na siya ng mahaba, hindi na sumasakit ang kanyang tiyan at may lakas narin siyang tingnan hindi kagaya noon na makikita mo sa kanya ang kawalan niya ng gana sa buhay. I gave her another reason to live happily while she gave me the courage to fight for us.
“Gusto ko pagtanda nating dalawa ganyan din tayo,” bulong niya nang niyakap ko siya sa kanyang likuran.
I rested my chin on her shoulder and hug her more. She really calms me.
“We’ll be like them…” sabi ko at inamoy ang kanyang leeg. Her scent is already driving me crazy.
“Tatanda tayong masaya?” She tilted her head a bit.
I brushed my lips on the side of her earlobe.
“Tatanda tayong magkasama,” bulong ko.
I saw her smile as her cheek blushed lightly and that’s the most precious thing ever to me…
E P I L O G U E
Chained
You are at the end of the story! Thank you so much for your warm support stubborn readers. Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko itong sasabihin pero maraming salamat at hinayaan niyo akong mag-improve sa bawat works na inilalabas ko at sa walang sawa niyong pagsuporta sa akin. Isa na naman ito sa panibagong success ko sa pagsusulat lalo na’t marami rin akong natutunan. See you on my next story! I also want to hear your feedbacks about CHAINED. Just comment below. I want to read your thoughts, too.
This chapter is dedicated to Teodelane Apruebo. Happy reading!
Good Memories
“Careful baby… Watch your step.”
Ngumuso ako at gusto nang itulak si Ken sa pagiging paranoid niya. Nakaalay siya sa akin habang naglalakad ako at hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis.
“Kaya ko naman- Ken!” Napatili na ako nang bigla niya akong kinarga sa kanyang bisig.
Napahawak ako sa kanyang balikat. Halatang alalang-alala ang kanyang mukhang kinakain ng frustration.
“I’m really scared, Aioni…” Kagat-kagat niya ang pang-ibabang labi habang patungo kami sa banyo.
“Ibaba mo nga ako…” Ginalaw ko ang aking mga paa.
Tuluyan kaming nakapasok sa loob. Doon niya lang ako inilapag sa tabi ng bathtub. Humalukipkip ako at tiningnan siya ng maigi.
Namumungay ang kanyang mga mata sa akin. Gusto ko siyang pagalitan o ano pero alam ko kung bakit siya ganito. Kung aawayin ko lamang siya dahil sa pagiging ganyan niya ay hindi rin iyon makakatulong.
Nagloosen ang aking balikat. Ilang sigundo kaming nagkatitigan. Naaawa na ako sa ekspresyon ng asawa kong palaging nininerbyos dahil sa akin.
Ngumisi ako nang hindi ko na makayanan ang kanyang ekspresyon. He looks really worried!
“Exercise rin naman ang ginagawa kong paglalakad. Gusto mo bang mahirapan ako sa pagbubuntis? Baka ma cesarian ako pag hindi ako masyadong gumalaw-galaw-”
Nahilamos niya agad ang kanyang mukha, ang labi ay nakaawang na.
“No… I don’t want that… Mamamatay ako sa labis na pag-aalala…”
Tumalon ako ng kaonti ng isang beses. Namilog ang kanyang mga mata at mabilis akong niyakap. Tumawa ako sa kanyang balikat lalo na’t sunod sunod na mura na ang kanyang nasambit.
“Stop scaring me!” Hinalik-halikan niya ang aking ulo sa labis na kaba.
Humagalpak ako ng tawa habang kinakain siya ng takot at putlang putla na. Kung palagi siyang ganito ay mas gaganahan akong asarin siya.
“6 weeks pa lang, Ken! Paano nalang kung lumobo na ang tiyan ko… Magkakalagnat ako, magsusuka, mahihilo… Marami ang pwedeng mangyari at kung ganyan ka palagi ay baka magkakatotoo iyong sinasabi ni Grey na mas mauuna ka pa sa hospital kaysa sa akin.” Tumawa na ako.
Noong nakaraang linggo lamang namin nalaman na buntis ako lalo na’t bigla akong nahilo habang naghahanda akong pumunta sa kolehiyong Unibersidad na pinapasukan ni Lucas. Hindi ko alam kung anong nangyari, noong nagising nalang ako ay putlang putla na si Ken at ngumingisi naman ang kanyang pinsan sa kanya.
“See? I told you she’s fine,” ani Grey na kulang nalang ay asarin na ang kanyang pinsan.
Hinalikan agad ni Ken ang aking noo. Ramdam ko ang kanyang pag-aalala lalo na’t ilang sandaling namalagi ang kanyang labi roon. Bumuntong siya ng hininga at tila nabunutan ng tinik.
“Congrats, Aioni… You two are having a baby,” walang paligoy-ligoy na anunsyo niya.
Namilog ang aking mga mata. Niyakap ako ni Ken na ikinakaba ko agad. Pamilyar ito… Pamilyar na pamilyar ito.
“K-Kumusta ang baby? M-May heartbeat ba ang baby ko? Okay lang ba siya? N-Nasa tiyan ko parin ba siya-” Nanginginig na ako noong hinawakan ni Ken ang magkabila kong pisngi.
“Sshh… You’re both safe. We’re having a baby… Sa wakas…” Ngumisi siya at namumula na ang kanyang mga mata.
“Yes. You don’t have to worry anything. May irerefer ako sa’yong babaeng Ob-gyn doctor mo nang makalma rin si Ken lalo na’t pinag-iinitan na ako,” aniya habang nanunuya na ang ngisi sa kanyang pinsan.
Nabunutan ako ng tinik. Hinaplos ko ang aking tiyan at hindi ko alam kung paano kokontrolin ang labis na saya. Tumulo nalang ang aking luha habang hindi mabura-bura ang tamis na ngiti sa aking labi.
Sa anim na taong lumipas, nakapagtapos na ako ng pag-aaral sa kursong Business Ad. Finance ang aking kinuha para may alam ako sa business. Suportado ako ni Ken sa lahat ng bagay. Sa loob ng anim na taon, wala siyang naging pagkukulang sa akin. Ni hindi siya nagbago simula noong ikinasal kami.
Tuwing nagsusuka ako at namumutla sa umaga ay si Ken ang palaging nagpapanic at mabilis na tinatawagan si Grey. Hinihipo ko ang aking ulo habang siya ay pabalik-balik ng lakad at ang isang kamay ay nasa beywang pa.
“Ken… Normal lang ’to,” sabi ko nang maibsan ang kanyang kaba.
Nilingon niya ako saglit.
“Maputla siya,” ani Ken sa kabilang linya.
Lumapit ako sa kanya. Kitang-kita ko kung paano niya binantayan ang lakad ko. Tumingkayad ako at idinikit ang aking tainga sa kanyang cellphone.
“Normal lang ’yan sa pagbubuntis kaya kumalma ka. Baka hindi pa kabuwanan ng asawa mo ay mas mauna kanang isugod sa hospital,” ani Grey at umalingawngaw sa kanyang background ang tawa ng kanyang asawa.
Sumimangot lamang si Ken at nagpaalam na sa kanyang pinsan. Sa mga sumunod na araw ay naging ganoon na siya ka pursigidong bantayan ako. Nagleave na siya sa kompanya ng anim na buwan na akala mo ay siya itong buntis at kailangan ng marital leave sa trabaho eh ako naman sana…
I understand his side. Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng takot naming dalawa. Parte ito ng trauma ko at takot niya. Masakit mawalan kaya ngayong binigyan kami ng Panginoon ng anghel sa pangalawang pagkakataon ay gusto naming siguraduhing karapat-dapat na kami. Kaya ko nang maging ina sa pisikal at emosyonal. Palagi naming binibisita ang aming OB-GYN doctor para matigil rin si Ken sa pagiging paranoid dahil ako narin itong natatakot sa kanya at baka mauna na nga siya sa hospital.
“Pwede bang hindi nalang siya gumalaw-galaw?” tanong niya kay Doc Reyes.
“Don’t worry too much, Mr. Delafuente. Healthy naman ang baby base sa ultrasound niya at maayos siya sa loob.”
Ngumisi ako kay Ken. “Healthy nga kasi…”
Huminahon na ang kanyang mukha nang sumulyap siya sa akin. Ibinalik niya ulit iyon sa doktor at mukhang may panibago nang tanong sa sobrang seryoso ng mukha.
“Doc… Ano bang mga position ang safe sa kanyang pagbubuntis sa kama?”
Namilog ang aking mga mata. Hindi nagbago ang ekspresyon ng doctor habang seryosong seryoso naman si Ken at ako lang ata ang ginapangan ng hiya.
“Safe naman ang lahat ng position total hindi pa kalakihan ang tiyan ng asawa mo,” ani Doc Reyes.
Gusto kong sapakin si Ken sa labis na hiya. Pulang-pula na ang aking pisngi at halos dumugo na ang aking labi sa aking pagkagat. Nagawa pang makahinga ng maluwag ni Ken, tila nakontento na sa sagot ng doktor.
Ngumisi sa akin si Doc Reyes, tila napupunto ang aking pamumula.
“You don’t have to be embarrased about it since it’s normal, Mrs. Delafuente. Your sexy time is part of your marriage life…”
Imbes makatulong iyon ay mas lalo lamang akong namula. Tinitigan ako ni Ken. Ngumuso ako at nag-iwas.
Alam kong safe iyon dahil iyon rin ang sabi ni Ken sa akin pero iyong magtanong siya ng position sa doktor mismo ang sumasabog sa hiya. Kaya noong topic nila ang kung ano-anong position ay nanatili akong tahimik.
“Ikaw na pala ang madalas na papatong sa akin, hindi na ako,” ani Ken habang nagmamaneho na.
Namula agad ang aking pisngi. Sa aking inis ay sinapak ko talaga ang kanyang braso.
“Nakakahiya ka!” sigaw ko sa pulang-pulang mukha.
“Ano? Nag-iingat lang ako,” aniya at halatang nagpipigil lang na ngumisi.
“K-Kahit na! Pwede ka namang hindi magtanong total expert ka sa ganoong bagay…” Sinamaan ko siya ng tingin at halos pumutok ang ugat sa aking noo.
“I am not expert when it comes to you, Aioni. Yes, I can pleasure you, I can satisfy you but I will never be an expert. Ibang usapan na pagdating sa’yo,” aniya sa seryosong boses.
Di ko alam kung nagbibiro lang ba siya o ano. I know he bed so many women before me. Malawak na ang expertise niya sa babae kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi niya.
“Sinungaling.” Umirap ako.
“I am saying the truth…” Marahan siyang tumawa. “Don’t you know that you’re my weakness? A pregnant Marione Santillan is my weakness…”
Hindi agad ako nakaimik lalo na’t tumalon na agad ang aking puso at nagsuicide na palabas sa aking ribcage. Sinikap kong hindi mapangiti roon.
Sumimangot ako at humalukipkip. Iritang irita parin ako ako. Umiinit ang aking ulo kahit na gets ko naman siya. Basta ay galit ako. Idagdag pa ang kahihiyan kanina.
“Bawal na ang Missionary-”
“Ken!” Tinakpan ko na ang aking mukha.
Marahan siyang tumawa. “Wala namang kaso sa akin kung ayaw mo muna sa anim na buwan pero alam kong mataas ang libido ng mga buntis. I need to satisfy your needs, Aioni… Besides, I’m scared when you’re mad you know… I can’t stand watching horror movies.”
Nalaglag ang aking panga at mabilis siyang nilingon na nanunuya na ang ngisi. Anong sinabi siya? Pang horror movies ang eksena pag galit ako?
“So sinasabi mong aswang ako?” Tinaasan ko siya ng kilay.
Mabagal lamang ang kanyang pagmamaneho at nasa daan nananatili ang kanyang tingin.
“Hindi ka aswang pero mahilig kang mangalmot tuwing gabi.” Makahulugan niyang sabi na ikinapula ng aking pisngi.
“A-Akala mo naman sa tuwing kakalabitin kita ay iyon na ang ibig kong sabihin… Hindi ba pwedeng chinicheck ko lang kung tulog ka ba o hindi?”
Humagalpak siya. Nainis ako lalo ng husto at hindi ko na matanggal ang aking mga mata sa gwapo niyang mukha. Nagfi-flex pa ang kanyang muscles sa paghawak ng manibela.
“Ang buntis na galit kong asawa ang kahinaan ko. Isang kalabit lang ay hindi na ako pwedeng tumanggi…” Nanunuya na ang kanyang boses kaya mas lalo lang akong bumusangot.
Halatang inaasar na naman ako! Pag ako gumanti magsusuplado agad siya!
Hindi na ako umimik. Sobra na akong nainis sa kanya at plano kong buong araw na hindi siya iimikan. Niyaya ko nalang si Necia na kumain kami sa labas. Hinatid niya naman ako at nanatili lamang sa parking lot para bantayan ako at masundo agad ako.
“Grabe! Tinanong niya talaga ’yon?! Akala ko uso lang sa mga lalake ang nagtatanong kung safe ba ang ganoon tuwing buntis pero kakaiba si Ken at position talaga ang tinanong!” Humagalpak si Necia, ang mahabang buhok ay halos magulo na dahil sa sobrang pagtawa.
Humalukipkip ako at tiningnan ang pagkain. Ngumiwi ako sa kanyang carbonara at nakakaramdam agad ako ng duwal kaya uminom nalang ako ng tubig.
“Ibang klase talaga ’yang asawa mo!” aniya habang inaayos ang strap ng kanyang dress.
“Ewan ko. Nanggigigil nga ako lagi at gusto kong awayin.” Umirap ako at inilapag ang baso.
“Pinaglilihian mo lang talaga kaya ganyan kainit ang ulo mo sa kanya.”
Hindi eh… Iba talaga ang inis ko kay Ken. Naiinis ako dahil masyado siyang gwapo pero nakakapang-init rin ng katawan dahil masyado siyang gwapo. Guilty lang talaga ako roon sa pangangalabit ko sa kanya pero naiinis lang ako at ipinapamukha niyang ako na itong masyadong uhaw pagdating sa kama. Kung noon ay nakakaya ko namang walang nangyayari, ngayon ay hindi na. Kulang nalang ay magmakaawa akong hubaran niya at hawakan lahat ng parte ng katawan ko. Nagliliyab agad ako sa init pag magkatabi lamang kaming dalawa at amoy na amoy ko siya. Kailanman hindi ako naging ganito kagrabe pagdating sa ganoong bagay pero ngayon kulang nalang ay lumuhod ako kay Ken mapagbigyan niya lang ako! Ako na ang natatakot kung normal pa ba ito o ano…
“Pero normal lang naman sa buntis ang pagiging marupok sa kama, Aioni,” aniya na akala mo ay nababasa niya ang iniisip ko.
May anak na siya kaya alam kong napagdaanan niya narin ang bagay na ito. Iyon nga lang ay hindi ko rin naman talaga tinatanong sa kanya kung ano iyong mga cravings niya noong buntis siya dahil mukhang ako itong naiiba ang cravings… Si Ken ang palagi kong gusto.
May gusto akong kainin pero mas gusto ko kung siya ang kakain sa akin. Gosh… Ang halay halay na ng utak ko.
Nagyaya rin naman agad akong umuwi lalo na’t gusto ko naring makita si Ken kahit na galit ako sa kanya. Ito iyong kinaiinisan ko sa sarili ko. Naiinis ako sa kanya pero mas naiinis ako kung hindi ko agad siya nakikita. Ayaw ko siyang imikan pero ayaw ko ring hindi niya ako iniimikan. Gusto ko ako lang ang galit at ayaw kong galit siya.
Ngumisi agad siya nang maglahad ako ng paborito niyang kape na Americano.
“Thanks, baby.” Hinagkan niya ang aking ulo.
Hindi ako umimik at pumasok nalang agad sa front seat. Hinila ko ang aking seatbelt at kinuha iyong pillow para ilagay sa tiyan ko lalo na’t 3 months na rin iyon…
Pumasok siya sa driver’s seat. Humalukipkip ako. Hindi ko alam kung anong ikinakagalit ko pero gusto kong galit ako sa kanya. Naiinis talaga ako kanina pero ngayon na nakita ko na siya ay naiinis na naman ako.
Hindi muna siya umalis at ininom iyong binigay ko sa kanya. Sumulyap ako ng palihim. Naka dark pants, fit tshirt na gray, bakat na bakat ang biceps, clean cut na buhok, nakakaakit na pabango, at ang mukha niyang sobrang gwapo. Bumaba pa ang aking tingin sa kanyang adams apple na gumagalaw na dahil sa pag-inom. Tumikhim ako at inayos ang sarili ko dahil parang malalagutan narin ako ng hininga.
Buong byahe akong tahimik. Noong dumating kami sa bahay ay yumapos agad ang kanyang kamay sa aking likuran. Ang galit kong singlamig ng napabayaang tubig sa loob ng ref ay agarang natunaw na akala mo ay nailagay na iyon sa mainit na kawali.
Hinalikan niya ang aking balikat. Umirap ako pero hindi naman ako nag-iinarte sa kanyang halik lalo na’t hindi ko siya itinutulak.
“Galit kana naman. Gusto mo bang pumatong kana sa’kin?” Marahan siyang tumawa sa gilid ng aking tainga.
Ang init ng aking ulo ay kumalat agad sa buong katawan ko lalo na’t ang isang kamay ni Ken ay nanghahaplos na sa aking dibdib.
“Umalis ka nga sa likod ko. Naiinis ako sa’yo.” Pagalit ko iyong sinabi para lang maramdaman niya na galit talaga ako.
Imbes makinig ay pinaulanan niya na ng halik ang aking balikat. Lumunok ako sa paninindig ng balahibo sa aking batok. Ano? Iniexcuse mo lang ang galit mo para masuyo ka ng ganito, ’no? Magaling Marione… Magaling.
“Galit ako, Ken,” mariin kong sabi at nanatiling nakahalukipkip.
Ipinatong niya ang kanyang paa sa malapit na sofa at ipinatong narin ang aking hita sa kanyang hita sanhi para umangat ang aking dress papunta sa aking balakang. Alam ko ang plano niya at nanginginig na agad ang aking tuhod sa antisipasyon.
“Yes… You’re angry and wet…” Hinaplos niya ang gitna ng aking panty.
Napapikit agad ako at naisandal ang aking ulo sa aking balikat dahil sa haplos na iyon. Masyado akong expose sa kanya dahil sa pagkakasampay ng aking isang hita sa hita niya habang ang isa niya namang kamay ay namimisil parin sa aking dibdib.
“Nagtatalo na tuloy sa isipan ko kung bubuntisin ba kita ulit pagkatapos mong manganak. I kinda like your attitude when you’re pregnant. I like it alot when you only crave for me…” he chuckled on my neck.
Kinagat ko ang aking labi nang hinawi niya na ang aking panty at hinaplos na ako roon. I moaned softly. Di bale na kung aasarin niya ulit ako basta gusto ko ang pakiramdam na ipinaparamdam niya sa akin ngayon.
“A-Akala mo ba madadaan mo ako sa ganito?” Lumuwag ang aking mga kamay at gusto ko nang kumapit sa kanyang braso.
Natawa siya sa pagliyad ko. He’s really enjoying this! Nakakakiliti pa ang hagod ng dulo ng kanyang ilong sa aking panga at kung paano niya ako hinahalikan sa gilid ng aking tainga. Nangingilabot na ako.
Kaya noong nahimasmasan ako ay hindi na mabura-bura ang ngisi ni Ken habang kagat-kagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi ko siya tiningnan at nagpatuloy ako sa pakikipaglaro kay Shoushoo.
“Lalabas tayo mamaya… Mamamasyal tayo at hindi natin isasama ang isa diyan…” Pagpaparinig ko habang nasa counter siya at naghahanda ng meryenda.
“Sasama rin naman ako.” Nagkibit siya at sobra akong nainis sa pangisi-ngisi niya sa akin.
Umirap ako at nagbago rin naman ang ekspresyon noong tiningnan ko ulit si Shoushoo kahit na sa aking isipan ay nakikita ko parin ang gwapo niyang mukha.
Ang mga plano kong lakad mag-isa ay hindi rin naman natutulpoy dahil sa huli, kaming dalawa rin ang lumalabas. Naglalakad kami sa park habang pinapasyal ko si Shoushoo. Mas gusto ko naman talagang magkasama kami palagi kahit naiinis ako sa kanya pero minsan ay may lakad talaga siyang bawal akong sumama.
“Sabi ni Kuya Ken bawal ka raw tumayo,” ani Lucas nang nagpasya akong tumayo sa sofa.
Nagmadaling tumayo si Lucas. Tiningala ko pa ito lalo at ang tangkad niya na. Mas matangkad na siya sa akin ngayon eh 5’6 pa naman sana ako.
“Ano bang kukunin mo? Ako na,” sabi niya sa baritonong boses.
Nilingon ko ang countertop at itinuro ang apple. Nagtungo naman agad siya roon. Kinuha niya iyon at nagdala narin siya ng bottled water.
“Ano pa, Ate?” tanong niya sa seryosong boses pagkatapos iyong ilahad sa akin.
“Ano bang sabi sa’yo ni Ken?” Tinaasan ko siya ng kilay.
Kinamot niya ang kanyang batok sanhi para umangat ang suot niyang tshirt at nareveal ang kanyang tiyan na medyo may abs na. Taekwondo player si Lucas at malapit nang maging black belter lalo na’t siya na ang nakaassign na turuan ang mga first timer. Naalala ko pa iyong binugbog niyang lalake na magnanakaw ay nacomatose pa ng ilang linggo.
“Wala naman,” aniya at pinulot iyong magazine na tinitingnan ko kanina lalo na’t may mga magagandang babae roon.
Kinagat ko ang apple habang nakatitig sa kanyang mukha. Seryoso niyang inililipat ang pahina at bumababa pa ang kanyang mga mata. Bumuntong siya ng hininga at inihulog iyon sa mesa.
“May girlfriend kana ’no?” Ngumisi ako sa kanya.
“Wala Ate,” simple niyang sagot at dinukot ang cellphone.
Napadpad ang tingin ko sa kanyang buhok. Nakasuklay iyon paatras kahit na may ilang hiblang nalalaglag at umaabot sa kanyang maiitim at makakapal na kilay. Matalim ang kanyang mga mata kung makatingin na tila ba may ikinakagalit siya dahil sa pagiging seryoso pero kalmado lang naman ang boses. Balita ko pa rito ang raming nagkakagusto sa kanyang babae.
“Oo nga pala Lucas. Sa public ka parin ba mag-aaral?” tanong ko.
Ibinulsa niya ang isa niyang kamay sa suot na short at seryosong nakatingin sa screen ng cellphone.
“Oo. Mas mura sa public,” aniya.
“Huh? Eh afford ko namang pag-aralin ka sa private ah? May business naman ako na boutique. Malaki ang kinikita noon, Lucas… Hindi mo na nga tinanggap iyong offer sa’yo ni Ken pati ba naman akin tatanggihan mo?”
Hindi niya ako nilingon. Hinaplos niya ang buhok paatras hanggang sa nanatili ng ilang sigundo ang kanyang kamay sa kanyang batok.
“Pera niyo naman ’yan, Ate. At kasya naman ang pera ni Mama at Papa sa pag-aaral ko. Kung nagipit edi diyan na ako hihingi sa’yo.”
Ngumuso ako. Kung noon ay pinapangarap kong bigyan siya ng maginhawang buhay, ngayon, sa paglaki niya, hindi ko napaghandaan na may sarili narin pala siyang desisyon pagdating sa araw na ito. Hindi ko pwedeng ipilit sa kanya ang mga gusto niya dahil doon rin naman siya masaya sa ginagawa niya. Hindi ko naisip noon na baka ayaw pala ni Lucas sa mga plano ko sa kanya at akala ko sasaya siya kung nabigyan ko siya ng maginhawang buhay.
Ang tanging tinanggap niya lang atang mamahalin sa amin ni Ken ay iyong mga regalo namin tuwing birthday niya. Puro iyon sapatos sa pagbabasketball niya at cellphone rin. Noong biniro ko siyang bibigyan ko siya ng kotse pag naging Valedictorian siya sinabihan niya agad ako na mas gusto siyang pagtrabahuan ang una niyang pangarap na kotse kaysa basta-basta lang iyong ibigay sa kanya.
Maingat akong inalalayan ni Ken habang lumalabas ako sa front seat ng kanyang kotse. Ipinulupot niya sa aking beywang ang kanyang kamay pagkatapos isara ang pinto. Sa gilid naman ng kanyang kamay ay naroon ang basket ng bulaklak na binili namin kanina.
Gumala ang aking mga mata sa paligid. Tahimik doon. Kung may mga tao man ay hindi sila gaanong nag-iingay.
Huminto kami sa isang lapida. Inilapag ni Ken ang basket doon at sandali iyong hinaplos.
“4 months na ang tiyan ng Mommy mo…” Panimula niya.
Isinabit ko ang ilang hibla ng aking buhok sa gilid ng aking tainga habang tinitingnan si Ken na nakayuko at tinititigan ang lapida. Seryoso ang kanyang mukha at bahagyang sumasayaw ang buhok dahil sa hampas ng hangin. Nakasuot siya ng puting button down shirt, dark jeans at itim na sapatos.
“Pag nanganak na ang Mommy mo… ikaw agad ang una naming bibisitahin para makita mo ang kapatid mo,” ani Ken habang may munting ngiti sa labi.
Wala akong naging imik habang nakikipag-usap siya sa anghel naming namayapa na. Alam kong may kaonting kirot parin ang naiwan sa aming mga puso. Hindi na iyon matatanggal kahit pa lumipas ang panahon at mananatili iyong sugat na naghilom lamang pero may iniwan paring bakas.
Naging tahimik si Ken. Ilang sandali lamang ay tumayo rin siya ng tuwid at niyakap ako sa aking likuran. Isinandal niya ang kanyang baba sa aking balikat saka niya ipinagsalikop ang aming mga kamay.
“I think our angel is happy…” bulong niya sa akin.
Nilingon ko siya. “Talaga?”
Tumango siya, ang mga mata ay namumungay na.
“We’re having another angel. Our baby is happy for us…”
Namutawi ang ngiti sa aking labi at nahulog muli ang tingin sa lapida.
“Mahal ka namin…” bulong ko kasabay ng paghampas ng malamig na hangin sa amin ni Ken at tila nakikiyakap narin.
“At sana napatawad mo si Mommy…” Halos mabasag ang aking boses.
Humigpit ang yakap ni Ken sa akin at hinalikan ang aking pisngi.
“Walang may kasalanan sa nangyari, Aioni…”
“Kahit wala akong kasalanan, gusto ko paring humingi ng tawad kasi hindi natin siya nabigyan ng tsansang makasama tayong dalawa…” Nanunubig na ang aking mga mata.
Pinalis ni Ken ang luha. Kahit matagal na, ang rami ko paring what if’s sa utak ko. Mga baka sakali na alam kong hindi na magkakatotoo.
“Hanggang ngayon tinatanong ko parin sa sarili ko kung kanino siya nagmana. Kung lalake ba siya… Babae… Kaso palagi akong nahuhulog sa pagtatanong sa kanya kung bakit… Kung bakit bumitaw agad siya.” Tumulo ang panibagong luha sa aking mga mata.
Isiniksik ako ni Ken sa kanyang dibdib at itinago ako roon habang niyayakap niya ako ng mahigpit. Sinilip ko ang lapida habang tahimik na umiiyak.
Masakit parin hanggang ngayon… Parang habangbuhay na akong nakatali sa sugat ng pagkawala niya. Walang gamot doon, walang lunas… Hindi na natin mababago ang nakaraan at ang tanging magagawa nalang ay tanggapin ang katotohanan.
“Everything happens for a reason. The important thing is, we learn from our experience. Natuto tayong humingi ng tawad sa mga taong nasaktan natin at patawarin ang mga taong nanakit sa atin. We grow from our mistakes and it made us strong. Iyon ang importante ngayon, Aioni… Hindi natin alam kung ano ang rason ng Panginoon pero ang mahalaga ay may natutunan tayong leksyon.”
Bumuntong ako ng hininga at tumango. Hinawakan niya ang aking baba hanggang sa magtama ang aming mga mata.
“We’ll create good memories, Aioni. We’ll shower our baby with so much love… Aalagaan ko kayong dalawa at hinding-hindi ko hahayaang may mananakit sa inyo.”
Tumango ako at pumikit habang nakangiti. Hinalikan niya ang aking noo na nagpawala agad ng aking mga alalahanin.

