T R I C K E D (NGS #2)
Ineryss · 60 chapters · 198,518 words
Tricked
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author.
P R O L O G U E
WARNING:
This book is unedited. LIKE SUPER CRINGE. Kung maraming errors at mga nakakalitong timeline at edad, hindi ko pa naaayos. Read at your own risk.
Tricked
“I’m pregnant.”
Anunsyo ko na ikinatitig niya lamang sa akin. Wala akong makitang pagkagulat, ni ang katiting na emosyon sa kanyang mukha ay hindi ko mahagilap. Hindi ba ito kagulat gulat sa kanya?
“Look, I’m pregnant. At nag pt ako, and it’s positive!” Halos ibaon ko ang pt sa lamesa kung nasaan siya nakaupo. I am always confident on my tricks, I am always eager to play my cards and hoping I’m going to win. Pang-ilang beses ko na rin ba itong dasal na sana mahulog siya sa panglilinlang ko?
Tiningnan niya sandali ang pt, saka rin nag-angat ng tingin sa akin. Nanggigil agad ako. Hindi iyan ang reaksyon na gusto kong makita sa kanya. Or maybe he doesn’t really care…
I am always frustrated why I can’t hardly read him. I’ve been with guys and toy them pero anong meron sa lalakeng ito na kahit anong gawin ko ay hindi ko parin siya makuha ng buo?! I don’t think if his feelings were fake or genuine. Kung peke, tama bang makaramdam ako ng kakaibang sensasyon? Tama bang masaktan ako ng ganito?
“You know nothing happened,” he said coldly.
Nagtaas baba ang aking balikat. Ni hindi ko makayanan ang paninitig niya, kung bakit masyadong madilim ang kanyang mga mata at wala akong mahagilap na liwanag.
“May nangyari! We slept in bed! I’m sore! And I’m pukingㄧ
“Because you’re drunk,” putol niya agad na ikinakuyom ng aking kamao.
He’s just leaning on the swivel chair like a mighty person. At ako, isang hamak na babaeng nababaliw na sa kanya ng husto.
“Pananagutan mo ba ako o hindi?” matigas kong tanong sa kanya. Hindi siya sumagot ngunit ang kanyang mga mata ay nanatili sa akin, walang balak umiwas.
Umawang ang kanyang bibig, napalunok ako ng laway at naghihintay sa kanyang sagot pero ang tanging napala ko lang ay ang buntong hininga niya at ang pagdila niya ng pang-ibaba niyang labi.
“Ipagkakalat ko ’to,” I threatened him.
I can’t think of anything right now. I am always losing my cards. Na sa bawat paglalabas ko ng alas, naglalabas siya ng katapat nito. Nalalamon ako ng buo at ako itong mas nalilinlang.
Tumayo siya. Nakaramdam ako ng takot pero pinatili kong hindi gumalaw sa aking kinatatayuan. Wearing his corporate attire, he towered me. Tumingala ako at halos maliyo nang mapagtanto ang kabaliwan ko sa lalakeng hindi ko matukoy kung seryoso ba o walang pakialam sa nangyayari sa amin, sa aking nararamdaman.
“I don’t want this mess to ruin my career! You know I’m modeling at kung may makakaalam nito ay baka kakalat na iyon na parang virus at pag-uusapan na ng buong mundo!”
I can see how hatred swallowed his gaze. Para siyang nakatingin sa isang maduming bagay at ganoon niya nalang iyon tingnan. Hindi iyon nanatili ng matagal sa kanyang mga mata. His shoulder loosened as he breathe deeply.
Lumunok ulit ako kahit na sobrang hirap nang gawin iyon. Sinikap kong hindi maiyak sa aking kagagahan. Sinikap kong panatalihin ang sariling huwisyo sa aking katawan kahit na malapit na ako nitong abandonahin dahil ang lapit lapit na naman ng lalakeng nagpapawala ng aking katinuan.
I don’t even know what’s our real status but we’re kissing and such! Tinuturing niya lang ata akong isa sa mga babae niya kaya wala akong karapatang magreklamo kung may babae siyang dinidate ngayon. If I need to trick him in any ways I know just to pin him down then I’ll play all my cards just to win him.
Hinawakan niya ang aking baba. Halos suriin ng kanyang mga mata ang kabuuan kong mukha, tila naghahanap ng kasinungalingan roon na ikinukubli ko lamang. His finger lightly caressed my chin while his other hand was on his pocket.
“Alam nating pareho na walang nangyari,” mas malamig niyang tugon na ikinasikip ng aking dibdib.
Sinikap kong magpigil ng luha. Nakakaginaw pakinggan ang malamig at malalim niyang boses. Ang pagiging baliw ko sa kanya ay tuluyan ko ng nasagad at hindi ko na maawat ang sarili sa paggawa ng mga bagay para lang mapaikot siya sa akin, para lang makuha ito ng buo.
“You fucked me that night!” I fired back, almost growling.
Nababaliw na ako at nasasaktan kung bakit ganito siya. He doesn’t want me is that it?! Dahil doon sa babae niya?! Fuck it. I’ll seriously stab her if I see that girl!
“How?” mapanghamon niyang tanong. “How did I do it, hmm?”
Napalunok ako. Kahit anong gawin kong kalkal sa aking memorya ay wala naman akong matandaan.
“B-Basta. Alam ko.”
He bit his lowerlip as he tried to stop himself from smiling. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o nang-iinsulto. Damn him! Damn him!
“May baby na tayo.” I insisted.
“Are you sure you’re ready being a parent?” his brow raised while his cold eyes were judging me.
“Of course!” sagot ko agad, nagagalak sa halip na magtunog galit.
Humalukipkip siya sa aking harapan at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Natingnan ko narin ang aking sarili. I am still wearing my college uniform. Nakaponytail ang aking buhok at may nalalaglag na iilang strands. I know, I am still young. Pero paano ako makakampante kung ang layo layo na naman namin sa isa’t isa? Those news were making me sick! Alam ko ang lahi nila. His cousins were notorious playboys at kung sino sino nalang ang babaeng ikinakama. Kahit ang salitang “loyalty” ay hindi nila alam.
Even Nana, that innocent girl, has a scandal. Hindi ko alam kung paano napigilan ang pagkalat ng mga litratong iyon pero knowing the Delafuente, they’re powerful. I am even shocked about that issue. Pero napagtanto ko ring ganoon talaga siguro ang lahi nila. Nasa dugo ata nila ang mapanglinlang. And I can’t hardly remember how I end up being tricked by his cousin’s charm, by him…
“Any cravings?” tanong niya, umaangat ang isang kilay.
“I want uhm… jelly?” I said out of nowhere. Like what the fuck?
“Ano pa?”
“I’m not yet sure. Wala pa naman akong cravings eh.” kibit balikat ko.
“Okay.” He nodded.
Napakurap-kurap ako roon. Ibig sabihin ba nito…
“Pananagutan mo ako?” My face lightened this time. Parang isang kalangitang makulimlim kanina at nagbabadyang umulan ng malakas ngunit sa nangyayari ay tila nag-iba ang timpla ng panahon.
Tumango siyang muli. “I’ll talk to your Daddy tomorrow. Tumigil ka muna sa pagmomodelo at magfocus sa pag-aaral mo.”
My eyes widened. What?
“You know how I love my modeling career! A-And Daddy will get mad! Ang gusto ko lang naman ay maging seryoso kana sakin dahil magkakababy na tayo! Iyon ang gusto ko ngayon!”
Napunta ang kanyang kamay sa buhok kong nasa gilid. Inangat niya iyon at inamoy, hindi pinapansin ang aking pinupunto.
“Di ka pwedeng magmodelo sa malaki mong tiyan at malalaman rin naman ng Daddy mo ito kaya sasabihin ko na ng maaga,” marahan niyang sabi.
Oh shit.
Hindi ko na marehistro sa aking utak ang kanyang pinagsasabi. I just want him! Gusto kong ako lang ang seryosohin niya. Gusto kong ako lang! And it frustrates me why I am not enough for him. Why I can’t trick him fully.
“I’ll be away for a month. May business trip ako. At para makasigurong hihinto ka sa pagmomodelo, ipapublic ko ang pagbubuntis mo. I’m sure Tito will get mad at me pero pananagutan naman kita. Don’t worry, I’ll talk to them before leaving.”
Hell. I’m dead.
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang kanyang paninitig at ang nakakaakit niyang panghahawak sa akin. He even touched the side of my boob! I swallowed hard as my breathe became heavy. Hindi dahil sa sensasyon kundi dahil sa pagkakaipit sa sarili kong panglilinlang.
“Don’t…” tila ibinulong ko nalang iyon.
“Oh?”
“Paano kung pagbalik mo hindi pa malaki ang tiyan ko? Paano kung namali lang iyong pt at wala palang laman ang tiyan ko?” Tiningala ko ang nakasanayan kong tingin sa kanya sa tuwing nabubulgar niya ako sa isang bagay.
“Then I’ll make you pregnant since that’s what you’re trying to imply.”
“W-What?”
“Bubuntisin agad kita total iyon naman ang plano mo.”
My cheek blushed hard. Damn him for being like this! Ano bang ginawa niya sa akin?! How did he trick me?! Sa pagkakaalala ko wala naman akong gusto sa kanya. Si Chey ang baliw na baliw sa kanya at hindi ako. Pero sa pinaggagawa ko, nahigitan ko pa ang babaeng iyon. I am acting like a crazy woman who chase after him!
Napayuko ako at mariin nalang na napapikit. Parang may kung anong kapangyarihan iyang kanyang mga mata na nakikita ang nilalabas kong baraha. Na kahit anong tago ko, kahit anong panglilinlang ko sa kanya, sa huli ay talo parin ako.
“Stop tricking me,” matigas niyang bigkas habang madilim ang tingin sa akin. “Stop tricking me like how you did to your stupid toys.”
Nagulat ako at napalunok. So this is what he really thinks, huh? Kaya ba niloloko mo rin ako ng ganito? Nililinlang mo rin ako?
How unfair. You’re the one who tricked me from the start. I’m the one who’s tricked by you. I wanted to say that. Pero sa nanlalabo kong mga mata, sa paninikip ng aking dibdib, sa galit na nararamdaman, ay kinimkim ko nalang iyon.
1st TRICKED
T R I C K E D
Strange feeling
Tumakbo ako sa dalampasigan at sinalubong ang hampas ng alon ng dagat. Hinangin ng malamig na hangin ang aking dress nang tumakbo ako pabalik. Humagalpak ako ng tawa nang mapagtantong puro pala mga bata ang nakakasabayan kong tumakbo rito.
“Be careful, sweetie!”
Binalingan ko si Mommy at kinawayan ito. Pinaglalaruan ng hangin ang aking buhok na nakalugay na sa bawat galaw ko ay mas sumasabog ito.
Dad clung his arms around her waist and placed his chin on Mom’s shoulder. Nakasunod ang tingin ni Daddy sa akin. I smiled cutely pero nang makita kong hinahalikhalikan na ni Daddy ang leeg ni Mommy, nasira na ang aking ekspresyon.
“PDA! Get a room!” I shouted.
Namula ang pisngi ni Mommy. Bago pa man masalubong ni Dad ang aking mga mata ay mabilis na akong tumalikod at tumakbo pabalik sa dagat.
Nangolekta ako ng iba’t ibang shells na nakita kong inaalon paalis ng dagat sa dalampasigan. Isa isa kong pinulot ang nakita kong magandang hugis ng shells. I wonder where they came from? Paano ba sila nabuo? Totoo bang may nakatirang lamang dagat sa loob? Bahay ba nila ito?
It’s already summer. Sa susunod na pasukan ay Grade Eleven na ako. I don’t know why college suddenly excites me. Kung bakit naeexcite ako sa mga bagay na alam kong panandalian ko lang namang makakasama.
“These are pretty, Irah!” Mommy complimented my shells when I placed them on the table.
“Thank you, Mommy.” Hinawi ko ang aking buhok at isinabit sa gilid. Some of them were big and some were small. May kulay puti, meron ring parang peach at iyong iba ay nahahaluan na ng ibang kulay.
Naglampungan sa aking harapan sina Mommy at Daddy habang nililinis ko iyon. Inilagay ko ito sa malaking bottle na dala ko. I have plenty of bottles like these in my room. Iyong iba ay may sand pa.
I always enjoy outdoors activity. I’m inlove with the cool wind, the street, the citylights and the noises. Iyon ang mga bagay na nagpapaexcite sa akin para lumabas. Gustong gusto ko ang tunog na nasa paligid ko kaysa doon sa aking kwarto.
Dad checked my diving mask carefully while my eyes wandered around the sea. Nasa gitna ang sakay naming yate at balak naming sumisid pababa.
“May shark kaya sa ilalim, Daddy?”
He smirked a bit. “Maybe.”
Imbes matakot, lumiwanag ang aking mukha. Ano kayang itsura nila sa totoong buhay? May matatalim ba talaga silang pangil? Pagkain ba talaga ang tingin nila sa mga tao? Meron rin kayang baby sharks?
“You’re ready.” Dad patted my head nang masigurado niyang okay na ako saka niya binalingan si Mommy. Ngumuso agad ito at nahihiyang nag-iwas ng tingin. She’s wearing a bikini at nakikita pa ang cleavage. She looks hot right now same with Daddy na topless.
Isinuot na namin ang aming mga diving mask saka sabay na tumalon sa dagat. Dad hurriedly hold my pulse. Hawak naman ni Mommy ang go-pro. She’s already taking some picture. Itinutok niya pa sa amin ni Dad kaya mabilis kong niyakap ang beywang ni Dad at binelatan si Mommy.
Kinuha ko ang go-pro kay Mommy at ako na mismo ang kumuha ng pictures sa mga nakikita ko. There were tiny fishes and seagrasses. May ibang isda pa na sumisiksik roon na halos hindi ko na masundan kung saan sila nagsusuot. Nilingon ko ang dalawa na imbes pagtuunan ng pansin ang ilalim ng dagat, panay ang paghaharutan. Sumimangot ako at gustong umeksena sa dalawa kaso dinedma nalang iyon. I took them a picture saka ko rin ibinalik sa mga nakikita kong isda. Pwede kaya akong magnakaw ng kahit sampo lang? But I don’t have any bottles at ang hirap nilang hulihin. May iba kasi na maliliit lang.
Ako nalang ang nagdry ng aking buhok at nakasuot na ng bathrobe. Nandito na kami sa loob ng hotel. Nag-uupload ako ng mga pictures sa ig ko while I’m hearing Mommy’s soft giggles. Nasa kama silang dalawa ni Dad while nandito lang ako sa sofa, may sariling mundo.
Nagpop-out ang chathead ng aking pinsan. May sinend itong picture. Nasa church sila ngayon.
Tumaas ang aking kilay nang mapagtanto ko kung kaninong dako ito. Kabisado ko iyon dahil doon ako madalas napapalingon.
Agad akong nagtipa ng mensahe. Nagreact pa ako ng angry sa picture.
Why are you sending this to me?
Franca immediately type a reply.
Franca: Akala ko ba crush mo si Toshi?
What the heck? Seriously?!
Ako: Yuck! Since when!
Franca: Noong binato mo ang tsinelas mo sa likod niya?
This girl is too nosy!
Ako: What about that day?
Franca: Simula nang araw na ’yon ang lalim na ng mga titigan niyo sa isa’t isa.
She’s right. Di ko alam kung ba’t natatangay na ang aking mga mata na tingnan siya. Iyong natutuwa ako pag sa tuwing tumitingin ako ay tumitingin rin siya pabalik. Na nalalaman niya agad kung ako na ang nakatingin
Ako: I don’t like him.
Ilang sandali pa ay hindi na ito nakapagreply. Siya lang ata ang mabait na nakukuhang magcellphone sa gitna ng misa.
Nagpalit ako ng dress at nagsuot ng sandals. Maingay ang paligid dahil sa ibang mga turistang naroroon. May iba pa na kaedad ko at naglalaro ng volleyball. Tiningnan ko iyong isang babaeng nakabikini at tumatalbog pa ang harap dahil sa kakatalon. Ngumiwi ako at inilihis ang tingin. Inilipat ko iyon sa mga lalakeng naghahalakhakan. They’re hot. Nakatopless lahat at napakaflashy ng ngiti.
Kung hindi lang nagbeep ang mensahe ni Franca sa akin ay hindi ako matitigil sa kakatitig roon sa isang lalake na panay ang halakhak.
Nagsend na naman ito ng panibagong litrato. Pagbukas ko ay agad na nasira ang aking ekspresyon. Itong si Franca hindi ko alam kung mabait ba talaga o nagbabait-baitan lang.
Ako: Anong pakialam ko diyan?
Franca: They look sweet.
Nagkasalubong agad ang aking kilay.
Ako: Kanino ka ba kampi? Pinsan ba talaga kita?!
Franca: I thought you don’t like Toshi?
Napabuga na talaga ako ng hininga. Nanggigigil ako at gusto ko ng umuwi para lang hilain iyang buhok niya.
Ako: So you’re just fooling us na mabait ka ’no?
Franca: Sinama kita sa prayers ko.
I rolled my eyes heavenwards. Nagtitipa pa ako ng mensahe ay may panibagong picture ulit siyang isinend. Natigil ako sa pagtitipa at napatitig roon sa picture. Chey was giggling while Toshi was beside her, poker face.
Franca: What if sila pala talaga ’no?
Ako: WHY ARE YOU ASKING ME?!
Gigil na gigil ko na iyong natipa.
Franca: Galit ka ba?
Ako: Mainit dito sa beach!
Franca: Ba’t wala kanang new boyfriend? Si Toshi na target mo ’no?
Sa sobrang inis ko sa kanya ay hindi ko na siya nireplayan pa. My shoulder loosened. Pag balik skwela ulit, maghahanap na talaga ako ng panibagong boyfriend. Ayoko na sa ganito. It’s like my heart is tricking me…
After that day, umuwi rin naman kami. Hindi ko alam kung nagkasunburned ba ako o mahapdi lang talaga ang namumula kong pisngi. Namamantal ng pula ang malaporselana kong balat. I don’t mind having a tan skin. For me it’s hot! At ito ang ebidensya sa pag-aaliw ko kaya hindi rin ako nagsisisi.
“Get dress after having your breakfast, okay?” sabi sa akin ni Mommy nang matagpuan niya ako rito sa kusina. Late na akong nagising eh. I’m having my brunch.
“Why?” tanong ko.
“It’s your Tito Trever’s birthday.”
Natigil sa ere ang pagsubo ko ng pagkain. Oh. Hell.
“Nandoon rin ba ang mga Delafuente, Mommy?” tanong ko.
Tumango siya, nasa may ref na at kumukuha ng bottled water.
“They’re always invited. Family friend natin sila. Ng Montiel at Buenaventura.” sabi niya at uminom ng tubig.
Parang umikot ang aking tiyan sa narinig. Family friend. At close pa. Simula bata pa ako, noong maexpose ako sa mundo ni Daddy, isa na sila sa mga nakilala ko. Malaki ang pamilya ng Delafuente at napakarami nila. Di naman ako friendly kaya wala akong naging close. Nagsasalita lang ako kung kakausapin, sasagot kung tatanungin. Pero iyong mga girly talk, mga nonsense nilang pag-uusap… hindi na.
“Why?” nagkasalubong agad ang kilay ni Mommy. Umiling ako at sumubo, nag-iwas ng tingin.
Wala naman akong crush sa kanila noon. Di ko maintindihan iyang lahi nila. Iyong weird na kambal, playboy na si Ken, bossy na si Hiro, cold na si Wayt, suplado na si Toshi at masungit na Grey. Pero kahit magkakaiba ang ugali, pare-parehas silang notorious playboy at malalandi. My exes were far from them. Mga mababait!
Si Nana lang ata ang matino sa kanilang lahat. Takot siya sa mga lalake at walang crush unlike kay Zera na hinahakot lahat ng lalake sa school at kung sino ang matipuhan ay lalandiin. Elle is in between. Pwedeng lumandi pwede ring hindi. Si Franca ang close sa kanila.
I wore a gucci dress paired with flats. Nakabun nalang ang aking buhok at may nalalaglag na iilang kulot na strands. Sobrang pula parin ng aking pisngi na akala mo sinampal ng kung sino kaya isang tube top na dress nalang ang aking isinuot dahil kahit ang aking balat, namumula.
Napansin ko ang pangingilatis ng mga mata ni Dad sa akin habang nasa backseat ako. Si Mommy naman ay may kung anong pinagkakaabalahan sa front seat. Ngumiti ako ng kaonti. Umangat ang kanyang kilay kaya napanguso ako. He doesn’t like my outfit pero di niya naman ako pinipigilan sa mga gusto ko. If I want to wear them then I can wear them.
Tumigil kami sa isang pamilyar na mansyon sa Forbes Park, kung saan din halos nakatira ang lahat. Ang ingay sa loob at ang tumatakas na mga partylights ang nagsilbing ebidensya na nagsimula na nga ang selebrasyon. Nakaramdam ako ng kakaiba sa aking tiyan, na kahit ang aking tuhod ay nanginginig sa hindi ko matukoy na dahilan. Why am I like this? This isn’t my first time attending parties with them! Since bata ako, every month ata ay may mga selebrasyon na nangyayari at palagi kaming nagkakasama pero ba’t ganito?!
“Irah?” tawag ni Mommy sa akin nang matigil ako sa paghakbang. Ang nanghihinalang mga mata agad ni Daddy ang una kong napansin. His arm was snaked around my Mom’s waist while the two botton of his polo were open.
“You okay?” dagdag ni Mommy na ikinangiti ko agad.
“Yep! Nakalimutan ko lang na wala pala akong gift kay Tito!” Natawa ako.
“Palagi ka naman talagang walang dalang regalo. Wala ka namang pakialam sa selebrasyon. Pumupunta ka lang dahil imbitayo tayo,” sabi ni Dad sa akin na ikinalunok ko. Oh great. Ngayon ay naghihinala na iyan sa akin! Why am I so absentminded today?!
Nag-iwas ako ng tingin at naunang naglakad papasok. This is my cousin’s house kaya ba’t ako mahihiya?!
Pagpasok ko, nagkalat agad sila sa openspace. May mga hawak silang baso na may lamang wine at puro na daldalan. Namataan ko pa si Tita Chan na nakikipaghalakhakan kay Tita Shy. Nagwala ang aking dibdib. Ang imahe ng kanyang ina ay nagpakaba sa akin ng husto. He’s really here! And mind you Irah, he’s always present when it comes to gatherings like this. Kailan pa iyon nawala?
“Irah!” tawag sa akin ni Tita Shy saka itinuro ang likod. Tumango ako at nagsimulang maglakad.
So nasa may pool area na naman ang mga anak? Palagi kasi kaming siniseparate sa mga magulang namin. Noon gusto ko talagang naseseparate dahil di ako tatantanan ng pasulyap sulyap ni Daddy sa akin, pero ngayon ay gusto ko nalang humalo sa mga matatanda. I don’t care if I get bored.
Pumasok ako sa bahay para makadaan sa likuran. Namataan ko pa sa sala sina Tito Dos at Tito Trev sa may sofa. May hawak silang mga botilya ng beer at may kung anong pinag-uusapang importante dahil puro mga seryoso.
Gusto ko sanang lumapit at bumati kay Tito Trev kaso ayokong makadisturbo kaya tahimik akong dumaan. Isang sliding door ang kumukonekta sa labas, nakita ko agad sila rito sa loob na nagkakatuwaan na nga. Huminga muna ako ng malalim, mariing pumikit at nagdasal ng kung ano habang kinukuyom ang mga panga. Nakarinig ako ng pagkakabukas noong sliding door kaya mabilis akong dumilat, and there… his image almost faint me.
He’s chewing a bubble gum while wearing a white polo paired with black shorts. Nagkakasalubong ang kanyang kilay at malalim na naman ang titig sa akin.
“I don’t know you’re very religious. Pati pinto dinadasalan,” aniya na ikinainis ko agad.
Why would I even fall for someone as savage as him!
“Tabi!” Itinulak ko siya paalis sa aking daan. Di ko alam kung malakas ba ako dahil nahawi ko agad siya o nagpatangay rin siya. Nagkakasalubong na ang aking kilay habang nagmamartsa papasok. Malay ko ba kung siya pala ang biglang bubungad!
“Wow Irah! Nice!” sumipol si Ken nang mapansin ako. Nang binalingan ko siya ay humalakhak agad ito at sinuklay pa ang buhok paatras. I rolled my eyes at him at umirap.
“Taray!” narinig kong pahabol niyang sabi habang umaalis na ako.
Nakita ko si Trey, may kaakbay na seksing babae at humalakhak habang kausap pa ang ibang lalakeng mga Delafuente. He got another girlfriend?
“Irah!”
Hinanap ko agad ang pamilyar na boses ni Franca. Natagpuan ko ito sa gilid, kasama si Zera, Elle at Daphne. Zera’s eyes settled on my cousin pero nang marinig ang pangalan ko ay awtomatiko agad na napabusangot.
“Nakita mo na si Toshi?” iyon agad ang isinalubong sa akin ng magaling kong pinsang nagbabait-baitan.
Natigil ako sa paghakbang lalo na’t napansin ko ang mabilis na paglingon sa akin ni Chey, nasasapian na ng kung anong demonyo ang itsura at ang pagtataas ng kilay ni Zera na halatang interesado na.
“Don’t tell me you’re having a crush with my cousin?” malakas ang pagkakatanong ni Zera.
Di ko alam kung sadyang nakakairita ang tinis at malakas niyang boses o talagang gusto niya akong inisin ngayon.
“Is that true, Irah?” si Chey na nagkasalubong ang kilay.
Chey is three years older than me. Nananakot ang matatalim niyang mga mata na akala niya naman ay matatablan ako.
“I’m not as cheap as you think. I have high standards when it comes to men,” sabi ko agad na ikinasira lalo ng mukha ni Chey.
“So you’re saying Chey is cheap for liking my cousin?” Binalingan pa ni Zera si Chey na nagdidilim na ata ang paningin sa akin.
Halatang gusto kaming pagsabungin ang demonyitang iyan kaya pinapainit niya lalo ang ulo ni Chey at para may karamay na siya sa pang-aaway sakin. Ang sarap talagang ipabarang ng babaeng iyan.
Imbes sumagot, nagkibit-balikat nalang ako at tumalikod. I changed my mind at ayoko na sa lugar na ito.
“Irah! Saan ka pupunta?” pasigaw na tanong sa akin ng aking pinsan na hindi ko na pinakinggan pa. Sunod sunod na ang aking paghakbang paalis.
“Nagwawalk-out talaga ang mga guilty,” rinig kong sabi ni Zera. To my irritation, lumingon ulit ako.
“I just want to distance myself from toxic people.”
Tumalikod ulit ako, laking gulat ko nalang nang mapagtantong may tao na sa aking harapan, nakapamulsa at malalim ang tingin sa akin. Nakaramdam agad ako ng kaba pero di ko na iyon pinahalata pa at nilagpasan nalang ito. I need to get rid of this strange feeling. Ayoko rito.
2nd TRICKED
T R I C K E D
Bully
Pagkaalis ko doon sa pool area, nadatnan ko agad dito sa sala sina Mommy with her friends. Tita Addison glanced at me nang makita ang presensya ko.
“Irah!”
Napatingin narin ang iilan sa akin. Nakapaskil pa sa mukha ni Tita Shy ang pagngisi nang naglakad ako papalapit sa kanila.
Hinalikan ko ang pisngi ni Tita ganoon rin kay Tita Shy at Tita Chanelle.
“What happened to your cheeks? Nagpa tan skin ka?” tanong ni Tita Addison.
“You know she’s obsessed with outdoor activities, Addi. Ayaw magpaawat niyan pag nasa labas,” ani Mommy
“Bagay naman sa kanya kahit namumula siya. Sana nga in the near future ay magkaanak rin ako ng babae,” si Tita Chan.
I just smiled a bit. Doon lang ako umalis sa kanilang harapan nang magtawanan ulit sila dahil sa naudlot nilang topic.
Lumabas ako at kumuha nalang ng makakain. I am not friendly like my cousin Franca kaya siya lang talaga itong may mas maraming nakakasalamuhang kaclose niya sa mga ganitong gatherings. Iyong si Nana, kahit mabait iyon at pwede ko namang pakitunguhan kaso mailap rin. She’s always with her cousin Wayt. Para silang tuko na hindi mapaghiwalay. I can’t imagine myself tagging along with North and South. Para na rin akong nakakulong sa ganoong sitwasyon dahil alam kong magiging limitado ang mga kilos ko.
“Happy birthday, Tito Trev.” I greeted him nang madatnan ko siyang nagpapaypay ng barbeque.
He smiled at me at binigyan ako ng dalawang luto na. Tinanggap ko iyon, sandali itong hinipan at isinubo ang isang hiwa ng karne.
“Thanks, Irah. You look great. Nasobrahan kana naman ata sa pagbababad sa init.”
“Di naman ako masyadong conscious sa sarili ko Tito kaya okay lang kahit na umitim ako. At least I enjoyed it.”
“Mana ka talaga sa iyong Mommy.” Humalakhak siya.
Luminga-linga ako. Nagkalat ang matatanda rito sa labas. Binalikan ko ulit ng tingin si Tito Trev na seryoso na sa pagpapaypay.
“Ako na po, Tito. You need to have fun total it’s your birthday.” Kinuha ko sa kanya ang pamaypay kahit na hindi pa ito nakakasagot. I need to do something para maaliw ko ang sarili ko! Siguro sa mga barbeque nalang ako makikipag-usap, di pa ako mabobored.
“You sure?” Lumingon siya sa aking likuran saka ibinalik sa akin. “Hindi ka ba nag-enjoy doon sa pool area? Naroon silang lahat. Nandoon rin si Trey.”
“They’re busy talking nonsense Tito. Ayokong makisali,” sabi ko na ikinatawa niya.
“You’re really a mixture of Christienne and Tres. You sound like your father.” Lumingon siya ulit sa aking likod saka ibinalik sa akin, “O siya, just call me if you get bored here.” Kumuha siya ng limang barbeque na ikinangiti ko lang ng maliit.
“I don’t get bored when I’m alone, Tito.”
He laughed again saka rin nagpaalam. Pumwesto naman ako sa harap at nagsimulang magpaypay. Kumawala agad ang usok at kumalat sa paligid. Naaamoy ko na ang lasa ng mga karneng naluluto na. Ganito nalang siguro ang gagawin ko tuwing gatherings, di na ako mabobored, makakaiwas pa ako doon sa mga Delafuenteㄧ
“Three barbeque, please.”
Napaangat agad ako ng tingin sa pamilyar na boses ng lalakeng nakatayo na sa aking harapan. Nagkasalubong ang aking kilay, nairita agad. Oh just great. Kakasabi ko lang na iiwasan ko ang angkan nila.
“Sinusundan mo ba ako?” inis kong tanong na ikinaangat ng kanyang kilay. Naglakad siya sa aking tabi at ibinaliktad iyong ibang barbeque. Naasiwa agad ako nang mapagtanto kong masyado na siyang malapit sa akin sa kabila ng espasyong namamagitan sa aming dalawa.
“Paypayan mo nang malakas,” utos niya.
Nasira ang aking ekspresyon. Bakit nakikipag-usap siya sa akin nang ganito na akala mo close na close kami? Di ko maalala na naging close kaming dalawa. He’s a complete stranger to me and this is my first time having a conversation with him.
Nang hindi ko ito pinakinggan ay naiirita siyang kinuha sa akin ang pamaypay. Akma ko sana iyong kukunin pabalik kaso mabilis na ang kanyang galaw sa pagpaypay, sa sobrang lakas ay napunta na ang ilang usok sa aking mukha sanhi para maubo ako.
“Dahan dahan!” Pinaypayan ko agad ang harapan ko para maalis iyong mga usok na lumalapit na sa akin.
He just smirked. Imbes na pakinggan ang sinabi ko, mas nilakasan niya ang pagpaypay noon at pinapapunta pa sa aking direksyon ang mga usok. Paulit ulit na akong napaatras habang umuubo. I can’t even see clearly! Damn him!
“Damn youㄧ
I was about to cursed him when I lose my balance. Nanlalaki ang mga mata ko at naghihintay nalang na bumagsak ako sa lupa nang mabilis niya ring hinila ang aking beywang at ilang sigundo ay nadikit na ako sa kanya.
He titled his head and whistled. “That was close.” Saka niya ibinalik ang tingin sa akin pagkatapos tingnan ang likuran.
Naramdaman ko kung gaano kainit ang pinapaypayan niya kanina dahil halos ganoon narin ang aking pisngi. I even smelled his manly perfume while my eyes were slowly running down from his white polo. Nanlalaki ang aking mga mata nang mapagtanto kong may hawak pala akong dalawang barbeque. And worst, it stained on his polo.
“Oopse…” I whispered.
Napunta narin ang kanyang mga mata roon na agaran namang ipinagsalubong ng kanyang kilay.
“Oh, fuck.” I heard him whispered. Na kahit ang pagkakahawak niya sa aking baywang ay tuluyan naring lumuwag.
Kinabahan agad ako na baka magalit ito kaya mabilis ko siyang itinulak at inunahan na itong magalit.
“That’s your fault! It you weren’t too naughty hindi kita madudumihan! Akin na nga yan!” Akma kong kukunin sa kanya ang pamaypay nang itinulak niya lang ang aking noo paatras.
“Chill, wild kitten. I know how to wash my clothes. Plus, you’ll burned them if I let you,” aniya at binalingan ang mga barbeque.
My eyes widened and glared at him. Alam ko kayang magpaypay! How dare him! Inirapan ko siya at humalukipkip.
Naging tahimik na siya habang nagpapaypay kaya tumahimik narin ako. Inabala ko nalang ang aking sarili sa hawak kong dalawang barbeque at kinain iyong isa. Ibibigay ko na sana iyong isang hawak ko sa kanya nang mapagtanto kong di naman kami ganoon kaclose kaya di ko nalang ginawa.
“Di ka nag-eenjoy sa loob?” tanong niya at nanatili ang tingin sa pinapaypayan.
Umiling ako. “Hindi eh. I am not as friendly as my cousin Franca.”
Binalingan niya ako, nakaangat na ang isang kilay at may pinupunto na ang paninitig sa akin.
“Sa inyong dalawa ni Franca, ikaw ang mas friendly.”
“I am notㄧ
“Sa school,” putol niya.
Oh.
“Friendly ako sa mga lalake,” sabi ko na ikinalipat agad ng tingin niya sa barbeque.
Hindi na siya sumagot pa kaya kinagatan ko ulit iyong isang slice ng karne. My eyes settled on his arm. Nakarolyo ang suot niyang puting polo kaya malaya kong nakikita ang lumalabas na kulay berdeng ugat roon, dahil narin sa marahas niyang pagkakapaypay at sa bilis ng kanyang kilos. Suddenly, my mind became dirty. Kadiri, Irah!
I blushed when I realized something. Last week lang ako naging nosy kay Toshi at madalas na akong maging stalker niya. Nabalitaan kong marami na siyang naging girlfriend pero never niyang pinatulan si Chey. I wonder why. Magkaedad lang naman sana sila at maganda rin naman ang babaeng iyon. Masyado siyang hibang kay Toshi at bulgar ang nararamdaman niya para sa kanya. Naisip ko lang ang mga posibleng dahilan kung ba’t hindi niya man lang pinatulan ang babaeng iyon.
Napansin ko ang pagkakasalubong ng kanyang kilay habang nililingon ako kaya sinikap kong ikalma ang aking sarili. Tumikhim ako at mabilis na inilipat ang tingin sa mga karne.
“Napapansin ko close kayo ni Chey. Kayo na siguro ’no?” tanong ko bigla.
Hell. Why am I so nosy?
“Hindi,” agad niyang sagot.
“Weh?” Ngumisi ako at tiningnan siya. “Knowing you, you’re a playboy. Eh wala kana atang girlfriend ngayon eh. Siguro nililihim niyo lang.”
Natangay ang aking mata sa kamay niyang pinagbabaliktad na ang iilang mga barbeque.
“Nosy,” aniya na mabilis na ikinatutop ng aking bibig. Bakit nga ba ako nanghihimasok sa buhay niya?! Eh ano ngayon kung may lihim silang relasyon at ayaw lang ipagkalat? I don’t really care!
“I am just curious but it doesn’t mean I’m interested.” Umirap agad ako sa kanya.
Hindi na siya sumagot pa kaya natutop ulit ang aking bibig. Mabilis ng naglalakbay ang aking utak sa ibang dimensyon at naghahanap ng pwede naming pag-usapan. I badly want to open-up a conversation with him para mas maging close kami at mamatay itong awkward na nararamdaman ko. Kaso bago pa man ako makapagsalitang muli ay narinig ko na ulit ang kanyang boses.
“Masyado ka bang nagbabad sa dagat? Narinig ko sa pinsan mo na nagbeach raw kayo nang parents mo.”
Di ko alam kung ba’t bigla akong nasiyahan dahil ang hitsura ko na ang aming pinag-uusapan. Pakiramdam ko tuloy hindi lang ako ang namumuna sa kanyang sarili kundi pati narin siya sa akin ay ganoon rin.
“Yep! Sinusulit ko lang ang summer since pasukan na ulit.”
“Excited?” tanong niya habang kinukuha na iyong mga nalutong barbeque sa isang plato.
“Of course!” I laughed.
Tila ako lang ang nasiyahan sa aking sagot dahil napansin kong nakabusangot na ang mukha nito. Masyado ba akong nacarried-away sa pakikipag-usap sa kanya?
Magsasalita na sana ulit ako nang magbeep ang kanyang cellphone.
Dinukot niya iyon sa kanyang bulsa kaya kinuha ko sa kanya ang pamaypay lalo na’t natuon na sa kanyang cellphone ang kanyang atensyon. Someone’s calling him named Carmella. Nakaramdam agad ako ng kakaiba sa aking tiyan lalo na’t sinagot niya na iyon. Nakatalikod na siya sa akin habang ang isang kamay ay nasa kanyang beywang.
“Hmm, yeah… I’ll fetch you tomorrow.”
Sino yan? Girlfriend? Babae?
Nilingon niya ako saglit kaya mabilis kong pinaypayan ang mga barbeque at nagpanggap na hindi nakikinig.
“Bye…”
Pinatay niya ang tawag saka ulit humarap sa akin. Nag-akma siyang kunin sa akin iyong pamaypay pero iniwas ko agad.
“Girlfriend mo?” nagtunog galit agad iyon kahit na gusto ko lang namang tanungin kung girlfriend niya ba talaga sa mahinahong paraan.
“Yeah,” tipid niyang sagot at akmang kunin sa akin ulit ang pamaypay nang inilayo ko iyon sa kanyang muli.
“You’re a playboy,” sabi ko, bigla nalang iyong lumabas sa aking bibig nang hindi ko namamalayan.
Hindi muna siya sumagot at mas itinuon ang atensyon sa pagkuha sa hawak kong pamaypay. Itinaas ko pa iyon pero sa katangkaran niya ay naagaw niya agad iyon sa akin.
Humalukipkip ako at nainis na. Bakit may girlfriend siya? Darn it, Irah! Hindi siya pwede sa listahan mo! Di mo naman type ang mga nalalayo sa edad mo. Mas gusto ko parin ang mga kaedad ko.
Sa bawat pagpaypay niya ay nililingon niya ako. I frowned even more. Bakit ba siya ganyan? Bakit ba ako ganito? Ano bang nangyayari?
“Oh.”
Napakurap ako nang inilahad niya ulit sa akin ang pamaypay.
“Just do it properly.”
Imbes matuwa, padabog ko iyong kinuha. Kung di ka lang talaga may girlfriend di ako magtataray. What the heck, Irah!
Inis na inis ako habang nagpapaypay. Kulang nalang ay paliparin ko na sa ere ang mga barbeque dahil sa lakas at bilis ng paghampas ko nito sa ere.
Sa di kalayuan, hindi nakaligtas sa akin ang imahe ni Chey na papunta na sa amin. Nagkakasalubong ang kilay at matalim ang tingin sa akin. Oh please…
“Toshi!” she called him.
Nag-angat ng tingin sa kanya si Toshi. Ako naman ay naiblangko na ang ekspresyon ng mukha. Toshi glanced at me, naninimbang ang tingin kaya pasimple kong itinuon ang tingin sa mga barbeque.
“Nandito ka lang pala! Ba’t ka nandito?” tanong ni Chey na nalipat pa sandali sa akin ang tingin.
“Tumulong lang,” tipid na sagot ni Toshi at nginitian rin ito ng tipid.
Chey smiled back. Ang tatamis naman ng ngiti nila. Ang sarap ring paypayan at isali rito sa mga karne.
“Di ka ba marunong magpaypay ng karne, Irah? Sabagay. You’re still young. You need help?” Akma siyang lalapit sa akin kaya nilakasan ko agad ang pagpaypay at ginaya iyong ginawa ni Toshi sa akin kanina. Nauubo siyang umatras dahil narin sa usok na mabilis na sinalubong siya.
“Kaya ko namang magpaypay. Baka pati ikaw malipad ko sa sobrang lakas ng pagkakapaypay ko,” normal kong sabi na gusto sanang ngumiti ng tipid kaso ipinagkakait iyon ng aking labi.
Toshi bit his lowerlip. Parang may pinipigilan na kung ano at namaywang na. Nang magtama ang aming tingin ay pasimple akong umirap. Akala mo naman gwapo.
Chey glared at me. “I just want to help. Sa sobra mong kakapaypay diyan nauna ka atang masunog.” She looked at my skin.
Umangat ang aking kilay.
“How old are you again, Chey? Di mo ba alam ang salitang “tan skin” at naiignorante ka?“
Kinuha ulit ni Toshi sa akin ang pamaypay.
Umalis nalang ako sa kanyang harapan. Nakasalubong pa ng aking mga mata ang naninimbang na tingin sa akin ni Daddy. He’s holding a glass of wine while his other hand was on his pocket. Umiling agad ako na ikinataas lang ng kanyang kilay. I am not flirting! Kahit hindi naman ganoon ang tinutukoy ni Dad, gusto ko paring tuldukan ang iniisip niya sa akin.
Hindi naman ako nag-eenjoy talaga sa mga ganoong gatherings, pero hindi rin naman ako naiinis hindi kagaya ng araw na iyon. Naiinis ako sa balitang nakalap ko mismo sa kanya. Alam ko namang mabilis na nakakahakot ng girlfriend ang magpipinsan na iyon pero hindi lang matanggap ng sistema ko na taken pala talaga siya. At bakit Irah? Pag single mapapasaiyo ba?
“Come on Franca! Malilate na ako!” sigaw ko sa malamya kong pinsan umagang umaga.
“Teka!” Tumakbo siya papalapit sa van.
Nasa loob na ako at nakaupo na. Sinundo ko pa talaga ang isang ito dahil gusto niyang sumama sa photoshoot ko ngayong araw. Gusto niyang manood.
May tatlong bodyguards akong kasama sa bawat lakad ko. Nakakawala lang ako sa mga iyan pag klase na ulit dahil naiirita ako pag may bumubuntot sa akin sa school. At benefits iyon sa akin dahil walang makakareport kay Daddy kung sino na naman ang panibago kong lalake.
“Ang bagal bagal mo,” inis kong sabi sa kanya nang tuluyan itong makatabi sa akin.
“It’s not my schedule anyway. Malate man ako, hindi naman ako ang mapapagalitan…” she smiled at me innocently.
Ang mapagpanggap na demonyitang ito!
Pagdating roon, nakasimangot na agad iyong manager ko. I glared at my cousin Franca who just sat promptly. Nagawa pang ngumiti sa mga dumadaang staffs at iniiwasan ang tingin ko. Damn her.
Palinga linga sa Megs sa aking likuran at mukhang nanantya muna sa aastahin kung may nasiguradong isang bagay.
“Iyong hot mong Daddy, asan?” tanong niya nang huminto ang tingin kay Franca sa sofa.
“May client siya ngayon kaya si Franca ang kasama ko,” sabi ko sa kanya na ikinaasim agad ng kanyang mukha.
“Sayang naman. Kung late ka, iyong Daddy mo dapat ang kasama mo para medyo kumalma naman kaming pinapahintay mo. Kahit iyon nalang,” aniya.
Hinawi ko ang aking buhok at hindi na iyon binigyan ng atensyon. Lahat ata ng mga nakakakita sa aking ama ay bigla nalang mapapaamo at manglalambot. Minsan silang dalawa ni Mommy ang kasama ko sa mga photoshoot ko kaya napapansin ko rin ang pagsimangot ng aking ina dahil pinagkakaguluhan palagi si Daddy.
Sinimulan akong lagyan ng make-up ng make-up artist ko rito. Iyong si Megs na bakla ay ang mentor ko sa aking pagmomodelo. Kilala niya si Lolo kaya hindi rin naging mahirap sa akin ang makapasok sa ganitong larangan dahil naexpose na ako simula noong bata pa ako sa telebisyon. My father is a great lawyer while my Mom is the daughter of Eduardo Valerio, a well-known politician. Malinaw parin sa aking isipan ang paghihirap ko noong naexpose akong anak ni Daddy at apo ni Lolo Eduardo.
Grade Three na ako noon nang makaranas ako ng pambubully. It was my first time and the last. Pumasok ako sa isang all girl’s school at isa iyong pribadong paaralan. Wala akong kaibigan lalo na’t masyado ring seryoso ang aking mukha na kahit ang aking mga mata ay tila palaging nababalutan ng galit.
“Siya daw iyong apo ng nakulong na politician?” Isang grupo ng mga babae na nakaupo sa harapan ang nagsilingunan sa akin.
“Iyong Daddy niya raw ang nagpalaya ng kanyang lolo.”
“Ang sabi pa nga sa akin ni Daddy baka inangkin nalang daw noong Attorney ang anak ng anak noong politician para masalba sa kahihiyan. Ewan ko lang kung totoo.”
“Ibig sabihin hindi niya tunay na Daddy iyong Buenaventura?”
“Baka…”
Nilingon ako nilang muli at naghagikhikan pa. I am always silent dahil priority ko rin ang pag-aaral ko. Ni isa ay wala akong nagiging kaibigan.
Lunch na noong narinig ko silang muli. Naghahagikhikan na sila noong pumasok ako sa classroom dahil naiwan ko ang aking wallet sa aking bag. Naroon sila sa may mesa ng teacher, ang dalawa ay nakaupo roon habang ang dalawa naman ay nakatayo lamang at nakahalukipkip.
Natigil ang aking mga mata sa desk kong puno ng sulat at isang pentlepen pa ata ang gamit doon dahil hindi na iyon mabura.
Luser! Ampon! Bitch! Go to hell!
Iyon ang mga salitang nabasa ko. Humalakhak silang muli kaya napalingon ako sa kanilang dako..
Mangbubully na nga lang mali pa ang spelling ng loser. Kaysa inuuna nila ang pag-aaral, nagagawa pa akong bigyan ng oras ayan tuloy masyadong bobo.
“Sino kaya ang may gawa niyan?” painosenteng tanong noong may maiksing buhok.
“Hindi ko rin alam e,” sabi naman noong isang babae na itinago pa ang pentlepen saka sila muling nagtawanan.
Immatures. Papalampasin ko na sana pero noong nalipat ang aking tingin sa aking bag, ang malaking vandal agad roon ang kumuha ng aking tingin. This is my favorite bag since Daddy gave it to me on my first birthday with him kaya ganoon nalang ang sentimental value no’n sa akin.
Nandilim agad ang aking paningin sa pagkatigil lalo na’t nagtawanan sila lalo. Ang nakasulat na “feeling” roon ay masyadong masakit sa mata.
“Who did this?” kalmado kong tanong at itinuro ang vandal sa aking bag. Iyon lang ang pumukaw ng aking atensyon.
“Hindi namin alam e,” saka sila nagtawanan.
“Pero bagay sa design ng mamahaling bag mo ha. Bigay ba iyan ng stepfather mo-” Napalitan ng pagkagulat lahat ng kanilang mga mukha na kahit ang pagsasalita noong isa dahil sa paghangin ng kanyang buhok gawa noong lumipad na silyang itinapon ko sa kanilang dako.
Sa sobrang lakas noon ay gumawa iyon ng ingay at kahit ang whiteboard ay parang nayupi ng kaonti dahil sa pagkakatama noon.
Nasuklay ko paatras ang aking buhok at kumuha ng panibagong silya. Kinaladkad ko iyon patungo sa kanilang direksyon na hindi na maitsura ang mga mukha. This bully needs to learn…
“Kung makikick-out man ako, at least man lang nayupi ko rin iyang mga mukha niyo,”
Iyon ang nagtulak sa kanila para magsiatras na kahit iyong kamuntik tamaan ay nanlambot pa ang mga tuhod. Ang dalawa ang tumulong sa kanya saka sila nagsitakbuhan. And that was the last time someone bullied and humiliated me.
“I smashed some bullies thats why I got kick-out.” Pagpapakilala ko sa unang klase ko noong nalipat ako sa panibagong school na ikinagulat ng iilan kong kaklase.
Dad wasn’t mad pero nakatanggap rin ako ng pangaral ng araw na iyon sa aking ginawa at nabawasan pa ang aking allowance. Hindi ko rin kasi sinabi ang rason kung ba’t ako nagalit ng husto. I left it untold. Ang sabi ko lang sa kanya, mabwesit ako sa kanilang pagmumukha kaya pinaliparan ko ng silya. Hindi ko alam kung naniwala ba siya sa akin pero mukhang alam niya na may malalim akong dahilan sa kabila ng mababaw kong rason maliban kay Mommy na nakumbinsi ko sa aking pagsisinungaling.
If you weren’t a Buenaventura, then you won’t understand me. Ganoon lang naman iyon kasimple.
3rd TRICKED
T R I C K E D
Belated happy birthday to Yezhxia Gaille Luces. Wishing you all the best in life and happy reading!
Tricky eyes
Pinatay ko ang tawag at hindi ko alam kung pang-ilang beses na iyon sa isang minuto. Ang malapusang mga mata ni Franca ay nahuhuli ko pang sumisilip sa screen ng aking cellphone. Ang istupidang babae ito napakapakialamera talaga.
“Hindi mo sasagutin?” tanong niya sa akin nang pumaibabaw ulit ang isang tawag sa loob ng kotse. Kahit ang personal driver ay napapatingin na sa itaas ng salamin.
“Kung sasagutin, hahaba ang usapan at mas magiging makulit lamang siya. Mag-aassume siyang may chance siya sa akin at lumalandi ako pabalik sa kanya dahil sinagot ko ang tawag niya.” paliwanag ko saka pinasadahan ng haplos ang aking buhok.
Natahimik ito sandali at mukhang may kagagahan na namang tumatakbo diyan sa utak niya.
“Ang dami mong sinabi eh isa lang naman ang ibig sabihin niyan, may gusto kanang iba kaya hindi mo na siya inientertain.”
My nose wrinkled. “Si Toshi na naman ba iyan?”
“Si Toshi lang ba ang lalake sa mundo at siya agad ang naisip mo?” she said innocently with the softest tone of voice.
She’s the kind of person that makes my blood boils easily. Mapagpanggap ang gagang ito.
“I don’t like him, ’kay? Four years ang gap namin, Franca! Para na rin akong pumatol sa isang Sugar Daddy kung ganoon man.” Nag-ikot ako ng mga mata at kulang nalang ay umabot ito sa labas ng planeta.
Imbes sumang-ayon ay marahan siyang natawa. This is what I really hate about her when I’m talking. Kung kailan nanggigil ako sa aking pinupunto ay doon naman aatake ang kademonyohan niya at tatawa na akala mo ay kamag-anak ni Satanas. Parehas lang silang dalawa ni North, mga taga impyerno.
“Nakakadiscourage naman iyang pinagsasabi mo. Siguro hindi mo magawang maghanap ng kapintasan sa kanya kaya ikaw nalang ang nagpapadiscourage sa sarili mo ’no?” humalakhak siyang muli na parang nagpapalayas na ng mga anghel sa kalangitan. That’s how she sounds to me.
“Sinabi ko bang perpekto ang tingin ko kay Toshi?” I glared at her.
“Sinabi ko rin bang si Toshi?” Now her voice were very angelic compared awhile ago.
Ilang sigundong nagtagal ang tingin ko sa kanya. Ang aking mga kilay ay nagkakasalubong na at gusto ng makita ang sungay sa kanyang mga ulo na mukhang tinatago niya sa kung saan.
“Sa sunday, gusto kong sumali roon sa isang choir ng mga Youth na kumakanta sa simbahan. Gusto mo bang sumali?”
“Hindi. May photoshoot ako,” sabi ko.
“Dapat maglaan ka ng oras sa Diyos, Irah. You owe him everything…”
Ngumiwi ako roon. Pag siya talaga ang nagtatopic ng mga religious beliefs niya ay naninindig ang balahibo ko. Napakaactive niya sa simbahan pero di ko talaga alam kung ba’t nakakapangduda parin.
“Isasali nalang kita sa prayers ko,” pahabol niya pa at ngumiti sa akin ng matamis.
Umiling nalang ako at inilipat ang tingin sa labas ng bintana. Agaran namang lumipad ang aking pag-iisip at napupunta na naman sa mga makamundong pagnanasa.
Last night, he told someone named Carmella to fetch her today. Saan naman kaya sila pupunta? Will he date her? O baka naman idederitso niya lang sa hotel? Anong klaseng boyfriend ba ang Delafuenteng iyon? Masyado bang active ang sex life niya? Oh crap, Irah…
Doon lamang nabura ang lahat ng iyon pagkababa namin ni Franca sa kotse. Pumasok kami sa entrance ng malaking Mall para samahan akong bumili ng damit. Dad gave me some extra last night. Ang sabi niya bumili raw ako ng gusto ko kaya heto ako bibili ng damit.
Dumeritso kami sa isang brand na gusto ko. Franca, in her innocent face, followed me silently. Gumagala ang kanyang tingin sa mga damit pero ngingiwi rin. She’s my opposite. Ang aking mga hilig ay hindi niya hilig. Kahit ang pagmomodelo ay hindi niya rin gusto eh may bagay rin naman sana sa kanya.
“That one is better,” aniya nang may hablutin akong puting damit kasabay noong itim na kinuha ko narin.
“Black is more attractive than this one,” sabi ko nang pasadahan ko ng tingin ang kulay itim ba dress. May laces iyon sa likod kumpara sa puti na balot na balot ata ako.
Ang kanyang mga mata ay agarang nanatili sa puting damit. Nalipat ito sa kulay itim pero mabilis ring nalilipat sa puti. “Iyang puti nalang…”
Tinaasan ko siya ng kilay. She likes light colors while I like the dark one.
“Ikaw ba magsusuot?” tanong ko.
“H’wag kang nagbablack. Maldita ka na nga nakaitim ka pa. Para kang tagasundo ng mamamatay…” she chuckled softly.
“Gusto mong sunduin na kita?” Nag-ikot ako ng mga mata at kapwa ibinalik ang dalawang hanger. Hindi na ako nagsalita pa at umabante na, siya naman itong tawang tawa parin.
Tahimik nalang akong namili. May pinagkukuha siyang iilang hanger na nadadaanan niya at itatapat sa aking likod. Minsan ay iiling siya saka muli iyong ibabalik. I don’t know if she’s just teasing me or what dahil puro nalang siya iling at sasabihin pang “ang panget.”
Dalawang damit lamang ang napili kong bilhin saka kami lumabas. Namataan ko pa ang aking bodyguard na tahimik lamang na nagmamatyag sa amin. That’s for my safety.
“Manlilibre ka ba?” tanong niya sa akin.
“Hindi.”
“Eh malaking pera ang binigay ni Tito sa’yo ah?”
“Sa akin, Franca. Hindi sa atin.”
Hinawi niya ang kanyang buhok at iginala ang tingin sa mga fast food na aming nadadaanan. Bumuntong siya ng hininga at ngumuso na ikinaikot ko ng mga mata. Diyan siya magaling, mangonsensya.
Pumunta kami sa isang cafe. She likes sweets kaya pabor ito sa kanya. Wala nga akong kapatid pero may pinsan naman akong pinapalamon.
Nasa entrance palang kami nang may mahagip na ang mga mata ko. Sa hindi kalayuan malapit sa counter noong cafe, naroon ang lalakeng nakasandal sa kanyang upuan at ngumingiti sa babaeng kasama siyang kumakain ng cake.
Ang mga mata ni Franca ay sumunod narin doon hanggang sa mabilis niyang ibinalik sa akin pagkatapos kumpirmahin ang dahilan kung ba’t ako natigilan.
“May girlfriend pala…” bulong niya sa kanyang sarili pero hindi nakaligtas sa aking pandinig. “Gusto mong sa iba nalang?” tanong niya sa nanghahamon na boses.
Iniarko ko ang aking kilay at deri-deritso na ang paglalakad papasok. So what if he’s with his girlfriend? Hindi naman iyan ako kaya manghihinayang parin siya pag nakita niya ako. I look ten times hotter than that girl.
Sa aming pagpasok ay lumipat ang mga mata ni Toshi sa aming gawi. Unti unting nawala ang kanyang ngiti na akala mo ay nakakita ng hindi nakakatuwa. Hindi rin ako natutuwa!
Nanatili ang aking mga mata sa counter. Hindi ako tumigil sa paghakbang kahit sa gilid ng aking mga mata ay iba na ang paninitig niya sa akin, malalim na naman at tila nanghihipnotismo. How I hate that cold and deep stares…
“Tapang tapangan pero deep inside nasasaktan,” pagpaparinig ng dyablo sa aking likuran. Kailan ba ito uuwi sa impyerno?
I glared at her. Isang hirit pa talaga nito papaliparin ko na ang nagbabait-baitang anghel na ito.
Kumurap siya at itinuon ang tingin sa mga nakahelerang cakes sa loob. She pointed a caramel sponge cake at may sinabi pang drink sa lalakeng nang-entertain sa magiging order niya.
“How about yours, Ma’am…” Ngumiti sa akin iyong lalake.
“Cold water,” sabi ko. “Isama mo narin iyong order niya.” Saka ko inilahad ang limang daan. Franca’s eyes twinkled. Ang sarap lasunin.
“Ihahatid nalang po namin sa table niyo, Ma’am.” Nginitian kami nito. Nauna akong tumalikod at sumunod naman si Franca na gumagala na ang tingin sa uupuan namin.
Sa rami ng bakanteng nakita ko, si Franca ay nauuna nang maglakad sa likod ng inuupuan nila Toshi at doon na umupo. Nilingon niya ako at nginitian ng matamis.
“Dito na tayo. Malapit sa counter. Baka mapagod iyong mga maghahatid ng orders natin pag doon pa tayo sa dulo,” at painosenteng ngumiti. Look at this devil smiling…
Hindi na ako umimik pa. It was a two-seated chair at sa likod naman ay ang likod ni Toshi. Nakita ko sandali ang mukha ng babaeng girlfriend niya ata. Tao ba iyan?
Toshi glanced at me. Nakatingala na ito sa akin kaya pasimple kong sinuklay paatras ang aking buhok para mapunta sa likod. Umabante pa ako lalo para makaupo na, binabalewala ang kanyang presensyang hindi ko mabasa.
“Thank you for buying these clothes… Ang spoiled ko talaga pagdating sa’yo,” ang boses ng kasama niyang babae ang nagsabi noon sa mahinhing boses.
“Anything for you,” sabi ni Toshi sa malalim na boses na aking ikinaismid.
“Sugar daddy…” bulong ko sa aking sarili.
Gumagikhik iyong babae at kinikilig na.
Dumating ang aming order. Kinuha ko ang isang baso ng tubig saka iyon ininom. Si Franca naman ay ngumiti pa roon sa lalake para pasalamatan ito sa paghatid ng aming order.
“Patubig tubig kana naman… May nagrereklamo ba sa mga lalake mo na mataba ka?” tanong ni Franca sa akin at inosenteng sumubo.
Narinig ko ang paggalaw ng upuan sa aking likuran.
“Wala akong lalake. I’m single, Franca,” I said clearly.
Imbes maniwala ang gaga ay kumunot pa ang noo nito.
“Eh sino iyong panay tawag sa cellphone mo? ’Tsaka ’di ba ’yan ’yung sa college building na gusto mo? Di ko naman sasabihin kay Tito Tres kung ’yan ang rason kaya ka nagsisinungaling,” sabi niya.
I glared at her. This bitch! Ngayon niya pa talaga napiling dumaldal ng mga ganyan?
Humilig ako sa mesa at binantaan siyang itigil na ang kakadaldal ng kung ano. I even raised the glass of water to warned her but it looks like she didn’t get it. O nagets niya pero nagkukunwari lang talaga.
“Stop playing with boys, Irah. Bahala ka wala talagang magseseryoso sa’yo,” pahabol niya pa at sumubo ulit.
Isang tikhim ang aking narinig sa likuran. Para iyong nang-iinsulto o ano. What the fuck Franca?
Halos ubusin ko sa isang lagok ang natitirang tubig at pinipigilan ang sariling iligo iyon sa mukha ng babaeng nakatutok na ang buong atensyon sa cake. Why am I so deffensive anyway? So what? Marami naman talagang nagkakagusto sa aking lalake ah? Masisisi ko ba ang sarili ko kung masyado akong habulin ng mga lalake? So what if he’s listening? So what if he’s with his girlfriend? So what?
“Playgirl,” bulong ng kung sino sa aking likuran. Kahit hindi ko man ito lingunin, boses niya palang alam kong si Toshi iyon.
I tried to maintain my cool kahit irita na ako.
Paglabas namin ng Mall ay nakita ko rin sa parking lot ang pagpasok ni Toshi mag-isa sa kanyang kotse. The girl is not with him anymore. Seryosong seryoso ang kanyang mukha na ikinatitig ko ng ilang sigundo.
“Ma’am,” tawag sa akin ng aking bodyguard kaya doon ako natauhan.
Dumeritso kami sa bahay nila Franca lalo na’t wala rin ang aking Mommy sa bahay. She’s with Daddy…
Pagkapasok namin sa malaki nilang bahay, ang boses agad ni Tita Addi ang aking narinig. May kausap ito sa cellphone at pangiti ngiti na. Nalipat sandali sa amin ang kanyang tingin saka rin nagpaalam sa kausap nito sa kabilang linya.
“Sige na, Aly… nandito na ang mga bata. Bye,” she smiled a bit saka rin ibinaba ang cellphone.
“Girls…”
Umupo ako sa sofa. Si Franca naman ay sinalubong ang ina saka inilahad ang box na pinabili niya sa aking cake.
“Thanks, honey…” Sinilip ni Tita ang loob saka ngumiti ng matamis.
“You’re welcome,” Mommy,“ si Franca.
“Ako nagbili niyan, Tita. Nagpalibre lang ’yan,” sabi ko na ikinanguso ng aking pinsan.
“Oh, really?” Tita chuckled a bit. “Thank you, Irah…”
“Pero ako naman ang nagsuggest na bilhan ka Mommy…” malambing niyang sabi na ikinangiwi ko.
Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang dalawa at nagsimulang buksan ang aking social media. I wanted to post some selfies on my ig…
Cinrop ko iyong selfie namin ni Franca at hindi siya isinali. Sa aking story naman ay tinakpan ko nalang ang kanyang mukha saka ko naisipang istalk si Toshi.
Tiningnan ko agad ang tag photos at hindi nga naman ako nagkamali, nandoon iyong babaeng binilhan niya ng mga damit. The girl named Carmella has a 5 thousand followers. Elite…
Pinagtuunan ko ng pansin ang bagong post niyang picture at may caption na “I love you, Good bye.” with a broken heart emoji. Umarko ang aking kilay at mabilis na pinindot ang mga komentong nagdadagsaan na lalo na’t mga pictures nila iyon ni Toshi.
Nagbasa agad ako ng comments.
That’s okay Carms! Cheer up. Marami pang lalake diyan.
What’s with the sudden break-up? Isang linggo pa diba kayong mag-on?
Its not your loss, Carmella.
Sabi ko naman kasi sayo mga playboy iyang mga Delafuente.
Gago iyon, Carms.
I grimaced while reading some of the comments. Kung makapayo naman ang mga ito akala mo ang raming alam. Baka nga isa rin ito sa nagpapantasya kay Toshi pero di sila pasado sa standards kaya nanlalait nalang.
Hindi ko na naitago ang aking ngisi nang mapagtanto kong single na ulit ito. Bakit mo hiniwalayan ang babae mo, Toshi? Do you like someone else?
“So, you have another boyfriend?” ang boses ni Tita Addison ang nagpabalik sa akin sa sarili. Nasa aking tabi na ito at ang mga mata ay nalalaglag na sa hawak kong cellphone.
Pasimple ko iyong itinago sa aking gilid saka umiling.
“Wala na, Tita,” sabi ko na kanyang ikinatawa ng marahan.
“Just enjoy your teenage life…” Hinaplos niya ang aking buhok.
“Masyado niya ngang inienjoy Mommy,” si Franca na mismo ang sumagot nang tuluyan itong makababa sa grand staircase nila, nakapambahay na.
Tumabi rin siya sa akin. Ngayon ay napapagitnaan na ako ng mag-ina.
“Ano po pala ang itinawag ni Tita Aly, Mommy?” tanong ni Franca, sinusuklay na ang buhok na balak niya atang iponytail. She’s really nosy.
“Pupunta raw sila rito this Summer. Baka sa susunod na linggo ay nandito na sila.”
Ang pahayag ni Tita ang nakapagpabusangot ng aking mukha. Bantay sarado na naman ba ako? Knowing North! Iyon ang pinakanakakabwesit.
“Dito rin ata binabalak mag-aral ng kambal e,” dagdag pa ni Tita.
Humalukipkip ako. Malinaw pa sa aking memorya ang pambabakod ng dalawa. North is the worst! Ang buang na iyon ay bubwesitin na naman ako dito.
“Hindi kana makakalandi, Irah…” Franca chuckled.
Naging interesado agad ang buong mukha ni Tita.
“Sino?” may panunukso na sa boses na iyon.
“Si Toshi, Mommy. Iyong anak ni Tita Chan-”
“Hindi ko siya tipo, Franca! He’s four years older than me!” giit ko pa at pinutol na talaga ito.
Halos samaan ko na siya ng tingin pero di talaga natatablan at mukhang may sariling pader ang mga mata kaya hindi nakakaramdam ng takot.
“Si Toshi?” Tita Addison chuckled. “Isang Delafuente ang tipo mo?”
Crap.
Nilingon ko agad si Tita at umiling pero si Franca naman itong todo tango.
“Kaso basted si Irah. Toshi has a girlfriend-”
“They already broke-up!” pagmamayabang ko agad na ikinaarko ng kilay ni Tita. Si Franca naman ay kumurap.
“Stalker ka pala sa tinatawag mong sugar daddy e,” panunukso niya sa akin at tumawa pa ng marahan na kahit si Tita ay humagalpak narin ng tawa. Why am I here anyway?
“Hindi naman masama kung malayo ang agwat, Irah,” si Tita.
Mas ibinaon ko ang aking sarili sa sofa. Ang aking tingin ay nasa harapan na talaga habang si Franca ay binabantayan ang bawat reaksyon ko na kahit ang kanyang ina ay ganoon na rin.
Four years gap is too much for me! Mas gusto ko ang mga kaedad ko lang. He’s just interesting… Fine, he’s attractive! Sige, gwapo, hot at makarisma. Fine, fine! He’s ten times hotter than my exes. Iyong standards ko sa lalake ay nakakain niya ng buo at nahihigitan niya. Kung hindi niya lang ako tinititigan ay hindi ako magkakainteres sa kanya. This is all his fault… those tricky eyes…
4th Tricked
T R I C K E D
Belated happy birthday to Merrykris Tagwalo. Wishing you all the best in life and happy reading!
Hate
My cousins are coming. Iyon ang inaabangan ni Mommy at Tita Addison lalo na’t makikita na nilang muli si Tita Aly. Siguro magt-tsismisan na naman silang tatlo sa kung ano ano kaya ganyan sila kaexcited na magsama sama sa iisang subdivision.
“Kasama kaya nila ang mga Lealde?” tanong sa akin ni Franca, nasa tabi ko ito sa simbahan.
Ang aming mga magulang naman ay magkatabi rin. Naririnig ko silang nag-uusap tungkol kay Tita Aly pero ipinagsawalang bahala ko nalang iyon dahil usapan naman nila iyon pero mukhang itong si Franca ay nakikitsismis rin.
Nagkibit ako ng balikat at ipinatili ang tingin sa misa. Sa gilid ng aking mga mata, nakikita ko sa kabilang dako ang pamilya ni Toshi at seryoso rin sa pakikinig.
“Baka pupunta rin si Arih dito,” si Franca na hindi matigil tigil sa kakabulong bulong sa akin.
I didn’t mind her.
“Sigurado ako pupunta ’yon dito pag dito na namalagi sina South at North.”
Umismid ako at nilingon siya. Ang kanyang maamong mukha ay nakasentro rin sa harap pero mukhang lutang ang pag-iisip.
“Kahit ba ’yan poproblemahin mo?” tanong ko.
“Nasabi ko lang naman. Di ko pinoproblema,” aniya.
Nag-ikot ako ng mga mata at saktong nagtama ang tingin namin ni Daddy, ang kilay ay nakataas na sa akin.
“Nasa simbahan tayo,” ani Daddy na akala niya ay nakakalimutan ko kaya nadedemonyo ako at nag-iikot ng mata eh sa totoo lang eh nasa tabi ko ang nangdedemonyo sa akin.
Sumimangot ako at itinuon ang buong atensyon harapan. Si Franca naman itong umaakto na parang walang nangyari at patango tango pa sa sinasabi noong Father, na nakikinig siya ng maayos at hindi bumubulong bulong saakin. Napakamaimpluwensya talaga nito sa impyerno at mukhang malakas ang kapit kay Satanas kaya imbes siya ang napapagalitan eh ako itong palaging nahuhuling nagmamaldita.
Katulad ng nakasanayan ng aming mga magulang, nagtitipon tipon silang lahat sa iisang bahay kasama ang mga Delafuente at Fortalejo. Nasa bahay kaming lahat nila Tito Trev since malaki rin ang kanilang bahay at ito ang malapit pagkapasok sa subdivision. Hindi ko alam kung gaano sila kaclose noong mga teenager pa sila at gumagawa sila ng goals na kahit sa subdivision ay magkakapitbahay silang lahat.
Ang alam ko, hindi naman friendly ang mga Tito ko na Buenaventura. My father doesn’t have any friends, iyon ang sabi sa akin ni Mommy noong teenage life nila, kahit si Tito Dos raw ay wala rin na mana lamang kay Tito Uno na puro babae ang kasama. Kaya naging malapit ang pamilya namin sa mga Delafuente dahil na rin kay Tita Shy, ina ng aking pinsan, na kaclose ni Tita Channelle.
Si Tita Shy ang kaclose ni Tita Addison kaya pati si Mommy ay pinakilala narin lalo na’t close rin naman pala ang mga Montiel sa Delafuente. Iyon ata ang nagsilbing dimensyon ng mga pamilya namin para ituring na parte narin ng pamilya ang bawat isa. Masyado rin kasing friendly ang mga Delafuente kumpara sa lahi naming mabubuhay ng walang kaibigan.
Mausok na naman sa labas gawa ng iniihaw nilang karne at nangingibabaw ang tawanan ng mga matatanda habang nagbabarbeque. Nakikita ko na naman ang mukha ng mga babae at naggu-grupo na para may pagtsismisang walang kwenta.
Namataan ko sa veranda si Cassey, hawak ang kanyang cellphone at nakangiti. Sa pool area ay naroon ata sina Zera at iba pang mga babae kasama na rin siguro si Franca.
Nagkasalubong ang kilay ni Cassey saka ako nilingon.
“Sa lahat ng nandito, ikaw ang halatang pinaka kj,” aniya.
Nagtungo ako sa kanyang inuupuan at tumabi na rin doon.
“Di ako relate.” Hinawi ko ang aking buhok paatras na ikinasabay ng kanyang mga mata roon pero ibinalik rin sa akin.
“Why do you like isolating yourself? Friendly naman kami ah? We won’t harm you,” she chuckled.
Nagkibit nalang ako ng balikat at hindi iyon sinagot. Noong bata pa ako, napapanood ko si Daddy na nakikipagdebatehan sa kabilang kampo para ipagtanggol ang kanyang kliyente. Kasama namin noon si Lolo na kakalabas lang rin ng kulungan. I am too innocent that I hated the police men for putting my grandfather in jail. Para sa akin, sila dapat ang nasa loob dahil sila ang masasama sa aking paningin. The vivid memory flashes back like it was just yesterday.
“Lolo, pag hindi ba naipanalo ni Daddy ang case, matutulad sa’yo iyong client ni Daddy? Makukulong siya sa kulungan ng matagal?” I asked curiously.
Nalaglag sa akin ang mga mata ni Lolo. Ang gilid noon ay kulubot na at masasabi mo talagang matanda ito, tumanda at nastress sa loob ng presinto.
“Ganoon na nga, apo.” Ngumiti siya sa akin pero ang mga mata ay may lungkot na.
“But Daddy is defending him so he’s not bad,” sabi ko.
Mommy is too busy staring at my father kaya hindi na nito napapansin ang pag-uusap namin ni Lolo.
Nalaglag sandali ang mata niya sa kandungan ko kung saan nakaupo si Bun-bun saka niya muling ibinalik sa aking mga mata.
“Your Daddy is just doing his job as a lawyer, hija.”
Nagkasalubong ang aking kilay. “For the money? To get rich?”
Napakurap siya at hindi alam kung paano ipapaliwanag sa akin ang bagay bagay na kumukuha ng aking atensyon. Hinahangaan ko si Daddy sa lahat ng aspeto. Kahit noong nililinlang ko ang lahat na hindi ko alam na siya ang tunay kong ama, humahanga na ako ng husto sa kanya.
I don’t blame my Mom for taking me away from him. Wala akong alam at dapat ay ilugar ko ang aking pag-iisip. But for me, that’s a selfish act. Why would you ranaway from the person you love? Nasaan ang kokote mo? Well, I’m still a child but I hate that kind of mindset.
“Your father is smart, Irah. Hindi ’yan basta basta nangunguha ng kliyente kung alam niyang dehado siya at iyong kliyente ay may kasalanan talaga. Iyang Papa mo, siya ang tipo ng taong walang pakialam sa kikitain niyang pera sa ibibigay niyang serbisyo basta maibigay lang ang nararapat na hatol sa nagkasala. He’s fair. Kung inosente ka at walang kasalanan, sapat na iyong dahilan para hindi ka niya traydurin,” paliwanag ni Lolo.
Ibinalik ko ang tingin sa harap at tinitigang mabuti ang seryoso kong ama, nakasuot ng tuxedo at masyadong nakakatakot ang pagiging seryoso sa kabila ng pagiging kalmado nito. Lahat ng kababaihan rito, pag siya ang nagsasalita ay napapatitig sa kanya. Isa lamang sa mga sinabi ni Lolo ang dumagdag sa listahan ko kung ba’t mas hinangaan ko ang aking ama. He’s a great and loving father.
Alam ko ang rason kung bakit nakulong si Lolo ng matagal at kung bakit naghirap ang pamilya ni Mommy dahil sa nangyaring pangtatraydor sa kanila. Naririnig ko iyon palagi sa kanilang usapan pag naglalaro lamang ako sa gilid at nag-uusap sila ng kung ano ano. Pumapasok lahat sa aking utak ang mahahalaga at importanteng impormasyon na nadadala ko na sa paglaki ko.
Napagtanto kong walang magandang maidudulot ang pagtitiwala ng buo sa isang tao. They’re devils who dressed like angels. They will just trick you. Masyadong mapanglinlang ang tao na akala mo tunay ang ipinapakita sa’yo pero pagtalikod mo ay sasaksakin kana pala.
Iyon ang nagmulat sa akin na ang mundong ito ay pinamumunuan ng mga demonyong sumasapi sa isang tao at walang konsensyang nakakapanakit ng kapwa nila. If you don’t want to get hurt then stay away from them. Hindi ka naman siguro para saktan ang sarili mo kung mag-isa ka lang. It’s okay to be alone…
Kahit si Mommy ay naloko rin. Lahat ng kanyang paghihirap ay nangyari dahil lamang sa pagtitiwala ng husto. Kaya rin siguro nakatatak sa aking isipan na ilayo ang aking sarili sa mga taong mapanglinlang at gayahin ang aking ama para hindi ako maloko.
Ang paglalakbay ko sa aking nakaraan ay natigil lamang nang bumalandra sa aming harapan ni Cassey ang ina ni Toshi, nakangiti ito ng matamis at kumikislap ang mga mata sa aming dalawa. She was holding some box with lots of chocolates.
“Irah, Cassey.” Mas napangiti ng matamis si Tita nang inilapit lalo sa amin ang dalawang box na kanyang hawak sa magkabilang kamay.
Naunang tanggapin iyon ni Cassey habang ako itong tumititig pa. Pinapabigay ng anak niya? Nanliligaw?
“Nagpadala ng package ang lolo ni Toshi at ang raming chocolates kaya pinapamigay ko iyong iba sa inyo. Meron na rin ang mga pinsan niyo,” sabi niya na pumutol ng aking kahibangan.
“Salamat dito, Tita…” si Cassey na itinabi na ang kanyang hawak na cellphone at pinagtuunan ng buong pansin ang mga chocolates.
Tinanggap ko iyon at tipid na ngumiti sa kanya. “Thanks po…”
“Ang gaganda niyo,” humagikhik pa si Tita at mukhang naeengganyo sa kakatitig sa amin.
Natawa rin ng marahan si Cassey habang ako naman ay tanging tipid na ngiti ang naibigay, gusto ring matawa pero naiisip ko na maliit lang naman iyon na bagay.
“Single na ulit ang anak ko. May mga boyfriend kayo?”
Ako agad ang naunang umiling habang si Cassey naman ay napapakurap pa.
“I’m single Tita.” sabi ko.
“Di ko type si Toshi,” bulong pa ni Cassey sa kanyang sarili.
Mas natuon ang buong atensyon ni Tita Chan sa akin.
“Talaga Irah? Gusto mo ireto kita?” pabiro nitong sabi pero para sa akin, pwede ko iyong sagutin agad.
Tumawa ng malutong si Tita sa aming harapan at umiling. “Nagbibiro lang ako. Bata ka pa Irah at ang mukhang hindi rin magugustuhan ng anak ko pag nalaman niyang inirereto ko sa kanya ay apat na agwat sa edad niya.” Natawa siyang muli na akala mo napakalaking biro ng sinasabi niya.
Kahit si Cassey ay natawa narin maliban sa akin na kahit ngiti man lang ay hindi kayang ibigay. Is that even funny?
“I don’t like older men, too…” klaro kong sabi para pagtakpan ang kahihiyang sinasabi ko kanina. “They’re grumpy at hindi marunong makisabay sa mas bata sa kanila. Baka pag magyaya akong lumabas magalit lang kasi nakakapagod lamang iyon para sa kanila.”
Tita Chan stop herself from laughing. Ngumiti siya sa akin at mas lumapit pa. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.
“Iyong Toshi ko, hindi pa naman uugud-ugod Irah…” and she chuckled softly again. “Ang ganda ganda mong bata ka… sayang at di mo type ang anak ko.”
Cassey just smirked. “Kunwari pang single eh may lalake ’yan Tita…”
Ang mga mata ni Tita ay mabilis rin namang nalihis at hindi na gaanong napagtuunan ng pansin ang sinasabi ni Cassey. Nalipat na iyon sa aming likuran.
“Nandiyan ka pala, Toshi.” Lumiwanag ang mukha nito, kasalungat na sa tumakip ng buo kong mukha.
Naunang lumingon si Cassey at sinundan ang paglabas nito sa veranda. Nasa may railings lamang kami, ang isang kamay ay nakahawak sa box na nakalagay sa aking kandungan habang ang isa ay nakahawak sa gilid ng inuupuan.
Bago ko pa man ito malingon ay bumalandra na ang kanyang imahe sa aming harapan. Hinarap siya ng buo ni Tita Chan na may pag-aalala ang mukha lalo na’t basang basa ito. He’s wet…
“Anong nangyari?” tanong ng kanyang ina.
Nag-iwas ako ng tingin at ipinatili iyon kay Tita. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko siyang sinuklay paatras ang basa niyang buhok, ibinabalandra na ang noo.
“Itinulak ako ng kambal sa pool,” sabi niya na ikinahalakhak agad ni Tita.
“Naglalaro na naman siguro ang kambal na ’yon at ikaw ang napagtripan,” si Tita.
“Kami ang naglalaro at ako ang napagtripan, Ma.” ulit niya sa klarong boses.
“Naglalaro kayo?” hindi makapaniwalang tanong ni Tita.
Marahan itong tumango, binasa muna ang pang-ibabang labi saka pasimpleng bumaling sa akin.
“I am not grumpy at marunong akong makisabay sa mas bata pa sa akin.” pagtatama niya sa pamilyar na mga katagang sinabi ko kanina. Nalingon ko narin ito, ngayon ay nakatitigan na.
“Tsismoso,” sabi ko na ikinatawa ni Tita Chan na kahit si Cassey ay ngumisi rin.
“Part 2 ba ito ng away niyo noong nakaraan?” Dinungaw ni Cassey ang aking paanan. “Naka sandals pa naman si Irah.”
Gusto ko sanang mag-ikot ng mga mata pero pinatili ko nalang iyong blangko lalo na’t nasa harapan si Tita.
“Sige na, Toshi… magpalit ka muna ng damit. Magkakasakit ka niyan!” Ngumuso si Tita.
“Ang basa mo,” si Cassey naman at nagawa pang pindutin ang biceps nito. My eyes sharped on her pero ang gaga ay masyadong nadadala sa kakapisil at hindi ako malingon lingon.
Umatras si Toshi kaya doon natigil si Cassey. Gumagala na ang tingin nito sa paligid.
“Manghihiram nalang ako ng damit ni Trey,” sabi nito at umalis rin sa aming harapan. Ang nipis rin naman kasi ng suot niyang puting tshirt. Bumabakat na ang kanyang katawan.
Nagpaalam rin naman si Tita Chan na mamimigay pa ng ibang chocolates. Si Cassey naman itong nagpatuloy sa kakakain ng mga matatamis sa aking gilid.
Tumagilid ang kanyang ulo at sinipat ng tingin ang hawak kong box. Mukhang hindi pa nakontento ang pataygutom.
“Ayaw mo? ’Di ba ay nagmomodelo ka? Akin nalang.” Akma niya iyong kukunin kaya mabilis ko iyong iniwas sa kanya.
“Makontento ka sa meron ka hindi iyong pati akin aagawin mo,” seryoso kong sabi at hindi mawala wala sa utak ang pagpisil niya sa bicep ni Toshi.
Sumimangot lamang siya at umirap. Wala na itong sinabi pa dahil masyado nang nagpapalandi sa mga matatamis na nasa kanyang kandungan. Baboy ata ito sa past life niya kaya ganyan katakaw. Parehas lang sila ni Franca.
Mabilis rin namang nalihis ang aking atensyon dahil sa isang tawag.
“Irah!”
Napalingon ako sa pamilyar na boses ni Kuya Trey. Papalapit na ito kasama ang lalakeng kinikiskis ang buhok na mas gumugulo lang.
Ilang sandaling nanatili ang tingin ko sa kanya saka ko inilipat sa aking pinsan.
“Pakisamahan nga si Toshi sa itaas. Doon sa kwarto ko,” utos niya na ikinaasim ng kanyang mukha.
“Ikaw nalang,” sabi ko.
Awtomatikong umangat ang kanyang kilay. Hawak niya pa ang kanyang cellphone at mukhang may kalandian doon kaya kahit pagpunta sa sariling kwarto ay tinatamad siya.
“Susunod ka o gugulpihin ko ’yang lalakeng gusto mo?” tumawa siya pero may pagbabanta na. Toshi’s brow raised.
“Wala akong gusto,” paglilinaw ko agad.
“Eh sino iyong sinasabi ni Franca na taga college building? What’s his name? Bryce-” Mabilis akong tumayo at nauna nang maglakad. Humalakhak lang si Trey.
“Sundan mo,” sabi niya na hindi ko na nilingon pa dahil narin sa imahe ng lalakeng nararamdaman kong sumusunod sa akin.
Bakit ba ako napapaligiran ng mga kalahi ni Satanas? Ang hilig nilang mamblackmail!
Padabog ang aking paglalakad sa enggrandeng hagdanan. Hindi ko na gusto si Bryce! Oo nagkagusto ako doon dahil ang gwapo nito at palangiti pa, parehas kami ng hilig pagdating sa outdoor activities kaya sobrang naattract ako ngunit naka move-on na ako! Itong si Franca talaga ang naghahasik ng kademonyohan at kahit ano ang pinagkakalat sa mga sugo ng dyablo kong pinsan.
Pagkaakyat ko ay huminto ako at itinuro ang pamilyar na kwarto ni Kuya Trey na nasa dulo.
“Iyan ang kwarto niya,” sabi ko.
Tiningnan niya ito sandali pero ibinalik rin agad sa akin. Humalukipkip ako.
“Samahan mo ako,” aniya na ikinabusangot ko.
“Di ka maliligaw,” matabang kong sabi, ang mga mata ay nalalaglag sa basa niyang mamula-mulang labi.
“You’re just sixteen but you’re already lazy. Feeling old to walk?” he said with the tone of mockery.
“Coming from the twenty year old guy who’s turning twenty-one. Feeling young?” sarkastiko kong sabi na ikinaseryoso ng kanyang mukha.
See? He’s really grumpy. Pero doon sa babaeng kadate niya ngiting ngiti pa. Di ba ako babae?
“Coming from the girl who’s saying she doesnt like old guys.” He crouched a bit. “Magkaedad lang kami ni Bryce. What’s that little girl? Who are you tricking?” he said in his low yet deep voice.
Sa aking pagkainis, itinulak ko ang kanyang dibdib ng marahas para lamang mahawi siya sa aking harapan. Nanggigil agad ako.
“Bryce is outgoing! He doesn’t act like he’s so old unlike you! Grumpy!”
Kumunot ang kanyang noo at tinitigan ako ng malalim. Nandiyan na naman iyang pinakaayaw kong mga mata niya. Para iyong sumisilip sa aking mga mata para lang makita ang aking loob at mabasa ang tumatakbo sa aking isipan.
“I can’t remember doing something bad to you to hate me like this…” kalmado niyang sabi na ikinatigil ko.
Namaywang siya sa aking harapan at itinagilid ang ulo para mas masilip ang aking ekspresyon.
It irritates me when he’s around, alright! Ayoko diyan sa paninitig niya dahil parang nanggagago. It’s like he’s trying to bewitch me…
“Hindi ko naman ata kasalanan kung malayo ang agwat natin sa isa’t isa?” mataman niyang sabi na ikinaangat ko ng tingin sa kanya.
His strong jaw tightened as his piercing eyes bore into mine. Taliwas ang kanyang ipinapakita sa akin kaysa doon sa babaeng namataan ko na kasama siya. Parang ang gaan niya at nakikipagngitian pa kumpara sa akin na nagiging bato agad siya at lumalamig na parang yelong napabayaan sa loob ng ref ng ilang taon.
Umawang ang aking bibig para sana may sabihin pero natutop rin iyon dahil ni isang salita ay natakot na atang lumabas. Crap.
“And you see, I hate younger girls too. They’re childish, immature and annoying,” aniya bago tuluyang tumalikod at iwanan akong nakatayo lamang.
Nalaglag ang aking panga. What did he just called me? Childish? Immature? Annoying?! Fuck you, Delafuente! I hate you, too!
5th Tricked
T R I C K E D
Mapanglinlang
Hindi ko alam kung para saan iyong pag-aaway naming dalawa. Are we that close enough to fight at small things?! Ni minsan nga lang kami nag-uusap ng ganoon pag nagkakasama lamang kami sa isang lugar.
In my entire life, no one questioned my age. Halos lahat ay humahanga pa sa akin dahil sa mura kong edad ay mature na ako at mahilig pa sa outdoor activities sa kabila ng pagiging seryoso ko. How can he even say I’m acting like a child? Nakita niya ba akong nakikipaglaro? Nakita niya ba akong nakikihalubilo sa mga babae at sumasali sa walang kwenta nilang usapan? Sa sobrang inis ko noong araw na iyon, nauna akong umuwi.
“One more shot, Irah!” sigaw ni Megs sa akin pagkatapos nilang tingnan ang aking mga pictures.
“Your resting bitch face is more powerful today. Masyado kang nakakaintimidating sa camera!” pumalakpak pa si Megs sa akin habang nakaupo na ako sa aking silya, pinapaypayan ng iilan at inaayos ang aking buhok.
Ang galit ko kay Toshi ay nadala ko ata at naging maskara na ng aking mukha kaya ganito nalang ako kaseryoso. How dare him say that to me.
“One more minute, Irah!” sigaw ni Megs na ikinapikit ko para burahin ang pinag-iisip ko.
Tumayo na ako at tiningnan ang sarili sa salamin. Isang brand ng perfume ngayon ang aking imomodelo, ang suot na dress ay nakaterno sa kulay noong perfume. Sa bawat gilid ko ay may mga hairpins pa. Sino bang naglagay nito sa akin? Nagmumukha akong bata.
“Pakitanggal nga,” sabi ko roon sa hairstylist ko na ikinakurap niya.
“Pero mas bagay sa’yo pag may ganyan ka sa buhok.”
“Masyadong marami, nagmumukha akong bata,” reklamo ko na ikinakurap ng iilang nakarinig.
“Pero Irah, bata ka pa. Sixteen ka lang at kailangan nating ibagay sa edad mo ang ayos mo.”
Mariin akong napapikit, pilit kinakalma ang sarili. Nagiging unprofessional ako dahil lang sa lalakeng iyon. So what if I’m still sixteen?! At least I’m still young at marami pang taon ang nakalaan para sa akin para masulit ang aking buhay unlike him!
Sinipat ako ng tingin ni Franca na kanina pa tahimik at nanonood lang. Naging ganoon siya sa ilang oras na itinakbo ng aking photoshoot. Ang galit ko naman ay nasa tuktok parin ng aking ulo at isang kalabit sa akin ay sasabog na ako ano mang oras. Nakakagigil talaga ang lalakeng iyon.
“Job well done! Irah, you did great! Ang fierce mo sa mga shots mo!” Pinalakpakan ako ni Megs na kahit ang mga stylist ay pumalakpak narin.
“Salamat.” Iginala ko ang aking tingin at ngumiti para man lang masuklian ang kanilang mga paghihirap lalo na’t nagreklamo pa ako kanina.
“O sya umuwi kana baka hinahanap kana ng fathersu mo. Sabihin mo nangungumusta si magandang ako ha,” kinikilig na sabi sa akin ni Megs, mas nababakla na.
Tumango ako at ngumiti ulit ng tipid sa iba. Pag talikod ko, awtomatikong nabura ang ngiting sumilay sa aking labi at tuluyang naging blangko ang mukha.
Sumunod naman agad si Franca sa akin pagkatapos magpaalam sa iilang staff. Deri-deritso na ang lakad ko patungong parking lot na kahit ang dalawang bodyguard ko ay nakita ko agad na binuksan iyong pinto.
“Bad mood?” tanong ni Franca nang tuluyang makatabi sa akin.
“Kung hihirit ka ng kung akong kagagahan, ngayon palang lumabas kana kaysa ihinto kita sa gitna ng daan.” I warned her.
Imbes matakot, marahan lamang siyang tumawa.
“May pera naman akong pamasahe.”
Dahan dahan ko siyang nilingon at sinamaan ito ng tingin.
“Hindi pa nga kayo nag-aaway na.”
Pumakawala ako ng mahabang hininga at pumikit. Isinandal ko ang aking ulo, pinapakiramdam ang paggalaw ng sasakyan. Kumpara kay Franca na mas matanda sa akin, mas mature pa nga ako sa babaeng ’yan at mas maraming karanasan. Inosente ang mga bata at makulit. Mukha ba akong inosente katulad noong pinsan niyang si Nana na akala mo ay limang taong gulang palang eh mas matanda rin ’yon sa akin lalo na’t kaedaran ni Franca. Just because I’m only sixteen!
“Am I too young?” Naibulalas ko nalang iyon bigla, parang isang gripong may sira kaya tumatagas na palabas ang iilang tubig dahil napuno na sa loob.
“Huh?” si Franca.
Dumilat ako at nilingon siya. “Mas mature pa nga ako sa’yo,” sabi ko.
She chuckled, “Oy… Gusto niya ng tumanda kasi matanda na ang gusto niya…” pang-aasar niya.
What gotten into her mind that I like Toshi? Di ako ganito pagdating sa mga gusto kong lalake. I am sweet and playful! Tumatawa ako at madalas ngumiti. Nabablangko lang talaga ang aking mukha pag nahahalo ako sa mga taong ayokong mapalapit. I can’t even remember smiling when Toshi’s around!
“You know me, Franca. Pag may gusto akong lalake, kumikilos agad ako para mapasaakin ito. Ganoon ba ang inaasta ko sa harapan ni Toshi? Nagiging papansin ba ako at grabe makapang-akit katulad ni Chey?” walang preno kong sabi.
She giggled again. Masasaktan ko na talaga ito.
“Ano pustahan?” malambing niyang sabi na ikinaarko ng aking kilay. Siya lang ata ang babaeng gustong sumali sa Youth sa simbahan pero ngayon ay nanghahamon pa ng pustahan sa akin.
“Anak ni Satanas,” bulong ko na talaga at napailing.
She laughed again. “Seryoso nga, pustahan tayo… Pag hinabol habol mo si Toshi, papasok ako sa kwarto mo at babasagin ko lahat ng mga collection mong jar na may mga shells.”
Nanliit ang aking mga mata sa kanya. Sa lahat ng pagdidiskitahan niya ay iyong mga pinakamamahal ko pa.
“Mas tinuturing ko pa iyong kadugo ko kaysa sa’yo. Iyang mukha mo talaga ang babasagin ko,” pagbabanta ko sa kanya na mas ikinatawa niya lalo.
“Ano game?” sabi niya, hindi pinapansin ang sinasabi ko.
Umismid lamang ako at itinuon sa labas ng bintana ang tingin. Wala akong panahon diyan sa laro laro niya. Asa namang hahabul-habulin ko iyon.
“Pero ang hot nga ni Toshi ’no? Crush ko na ata ’yon…” pabiro niyang sabi na halatang nang-aasar lamang.
Mabilis ko siyang nilingon saka siya humalakhak. Saan ba galing ang demonyitang ito at mukhang pinalayas sa impyerno dahil hindi matukoy ang taas ng kanyang sungay?
Itinuro niya ang aking mukha. “Uy selos! May kayo?” saka siya muling tumawa at nahawakan pa ang kanyang tiyan.
Sa aking inis ay itinulak ko siya hanggang sa mapausog ko ito.
“Itigil niyo nga ang sasakyan! May ihuhulog ako!” sigaw ko na mas lalo niya lang ikinatawa pero tumitili na dahil sa panunulak ko.
“Selos si Irang!” pang-aasar niya na ikinanguso ko na talaga.
“I am not!” sigaw ko, halos idikit na ang kanyang mukha sa bintana.
“Nakita ko sinamaan mo ng tingin si Cassey noong pinindot niya bicep ni Toshi! Selos ka lang kasi di mo nahawakan!”
What the fuck?
“Fuck you, Franca!”
Tumawa siyang muli, mas umusog para pigilan ang sarili sa pagkakadikit roon sa pinto.
“Possessive agad akala mo naman sa kanya! Uy!”
Imbes magalit ng husto ay nahawa na ako sa kanyang kakatawa. Malutong akong pumakawala ng tawa at pumaibabaw na iyon sa loob. Ang dalawang bodyguards ay napapatingin na sa amin, naaaliw na rin.
“No!”
“Oo kaya! Palagi kang tulo laway pag nakikita mo si Toshi! Matanda na pala ha?”
Mas malutong akong tumawa.
“I hate you! Tigilan mo ako!”
“Isusumbong kita kay Tito Tres-”
“No!” pigil ko agad, tuluyang nabura ang liwanag sa aking mukha.
Tumigil ako sa kakatulak sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
“Tigilan mo nga ang pagkakalat ng fake news. Pati kay Kuya Trey sinabi mo pa iyong tungkol kay Bryce.” Humalukipkip ako, tinaasan na siya ng kilay.
Sinuklay niya ang nagulo niyang buhok dahil sa ginawa ko na kahit ang kanyang dress ay nagusot pa.
“Nagtanong lang naman ako kung ilang taon na,” aniya, nasa buhok ang buong atensyon.
“Eh ba’t hindi ako ang tinanong mo eh kami ang madalas nagtetext?”
“You’re not going to spit it. Alam ko dahil iisipin mo lang na may gagawin na naman akong kalokohan,” sabi niya, which is really true. Kung may pinakatuso man sa pamilyang ito, siya talaga ang ituturo ko. Sa sobrang tuso, kaya niyang linlangin ang mga nakapaligid sa kanya sa paraang gusto niya.
“Kaya ka walang boyfriend kasi walang makakatagal sa’yo. Mamamatay kang birhin,” sabi ko.
“Wala akong boyfriend dahil hindi ’yon gusto ni Daddy. Ang sabi niya, after college na daw. And I’m not like you who break rules. Masunurin ako.”
Well, that’s true. Tito Dos is more strict than my Daddy. Si Tito Uno nga ay maluwag naman sa kambal, pero dahil na rin siguro ay nag-iisang anak si Franca at babae pa. Si Daddy kasi ang tipo ng ama na hahayaan kang gawin ang gusto mo pero dapat ay h’wag kang magpahuli kung gagawa ka ng kalokohan. Too bad palagi niya akong nahuhuli.
Pagkauwi namin ni Franca, maingay na ang loob ng bahay. May kampon ng kadiliman na atang nakarating sa bahay kaya ganoon nalang ang pandidilim ng mga mata ko nang makita ko ang imahe ni North, nakangisi agad.
“Inday!” pang-aasar nito at humalakhak agad. Isa rin itong napakadayblo.
I rolled my eyes. South just stared at me for awhile pero agad ring ibinalik sa kinakain niyang pizza.
“Franca, Irah!” Maligalig na sigaw ni Tita Aly sa amin at tumakbo pa papalapit. Humagikhik si Franca at yumakap. Humalukipkip ako sa kanilang gilid at tipid na ngiti lang ang nagawa.
“Tita amoy bukid ka pa po!” pasimpleng pang-aasar ni Franca na ikinahalakhak agad ni Tita Aly at pinagkukurot na ang pisngi nito.
“Kulang nalang ay sabihin mong tagabukid!”
Humalakhak na rin si Tita Addi nang marinig iyon na kahit si Mommy ay tumawa rin. They’re all here. Si Daddy ay nakacorporate attire pa at kumakain rin ng pizza facing Tito Dos and Tito Uno na kumakain din.
“Galing ka sa photoshoot mo?” tanong sa akin ni Tita Aly na ikinatango ko.
“Yes po,” sabi ko sa maliit na boses.
“Talaga?” Nagtungo agad si North rito at nagawa pa akong akbayan. Sumimangot ako.
“Mabubulag ang mga ’yon kakakuha ng litrato sa’yo eh ang pangit mo.” pang-aasar nito na ikinatawa ng lahat.
Sinamaan ko siya ng tingin at itinulak. Pero imbes makawala ako ng husto ay mas diniin pa ako sa kanya.
“Let me go!”
“Di kana dumadalaw sa bukid. Namiss ka ng mga kabayo roon. Iyong mga kamag-anak mo.” Humalakhak siya ng malutong na ikinainis ko talaga lalo.
“Ang baho mo! Lumayo layo ka sa akin!” Mas itinulak ko pa siya pero sa payat kong pangangatawan at sa pagiging magaan ko kumpara sa kanya ay hindi ko man lang ito natinag.
“Sus! Kumpara sa’yo mas mabango pa ako! Purket nagmomodelo ka lang ng perfume!”
Nagulo na ang aking buhok kakapitlag na makawala sa kanya. Naipadyak ko ang aking mga paa lalo na’t iniipit niya na ako sa kanyang braso. He’s chocking me!
Nang wala na akong maisip pang paraan para makawala ay mabilis ko na itong kinagat. He groaned painfully. Baon na baon ang mga ngipin ko roon hanggang sa lumuwang iyon at tuluyan akong nakatakbo palayo.
“Bleh!” Binelatan ko ito at natatawang tumakbo sa dako nila Daddy. North just frowned.
“Tiyanak.” nakasimangot niyang daing habang hinihimas ang braso.
Tumabi ako kay South at nakikain na rin doon. Nilagyan ni South ng sauce ang aking pizza. Buti pa ang isang ito tahimik lang. Mas kasundo ko siya kumpara sa kakambal niyang parang sinapian ng sampong dyablo kaya ganyan nalang kung umasta. Kahit noong bata pa ako, palagi na akong pulutan niyan at ako itong nakahiligan niyang asarin kaysa kay Franca.
May ibang pinag-uusapan ang mga magulang namin at hindi ko na iyon pinakinggan pa. Palingon lingon si South sa akin kaya ilalapit ko ang hawak na pizza at doon niya lalagyan ulit ng sauce.
“Kumusta ang pagmomodelo?” tanong niya.
“It’s fine… Nag-eenjoy ako,” banayad kong sabi saka iyon kinagatan.
“Boys?” Umangat ang isa niyang kilay at naninimbang na ang tingin sa akin.
Umiling agad ako, “I’m single.”
“Sa ngayon? Bukas hindi na?” sarkastiko nitong sabi na ikinasimangot ko.
“Ayoko munang magboyfriend. Nagsasawa na ako,” sabi ko na hindi nakaligtas sa tainga ni Daddy dahil napalingon pa talaga ito sa sofa na inuupuan namin ni South.
They’re a bit far from us. Naroon sila, may iniinom na kung anong wine at may sarili ring topic.
“Oorasan kita at pag lumagpas ’yan ng isang linggo na wala kang nagugustuhan, bibigyan na talaga kita ng premyo.”
“Tingin niyo ba hindi ko kayang huminga sa isang linggo na walang lalakeng nagugustuhan?” I grimaced.
“Ikaw pa,” sigurado niyang sabi at kumagat sa hawak kong pizza. I rolled my eyes.
Si South lang talaga ang nakakausap ko minsan ng matino kahit puro naman iyon pambabara pero may sense naman hindi kagaya ni North na puro walang kwenta ang lumalabas sa bibig pag kausap ako. Franca is inbetween, pwedeng seryoso pwede ring walang kwenta. Si Blanche lang talaga ang pinsan kong masasabi kong tunay na tao. But maybe because she’s still young that’s why she respects me. Isang Buenaventura ang Lola niya kaya hindi na rin ako magtataka kung paglaki niyan ay lumaki narin ang sungay na namamahinga.
Kinagabihan ay nagkaroon ng salo salo sa bahay nila Tita Shy dahil sa pagdating nila rito. May bahay naman sila Tito Uno na ipinatayo rito sa subdivision incase raw na maisipan nilang manirahan dito.
“Ate Irah, paabot po no’n…” Itinuro ni Brey ang pagkaing malapit sa akin. Katabi ko ito, sa kanyang gilid naman ay ang kanyang Kuya Trey.
Kinuha ko iyon at nginitian siya. “Here…”
Ngumiti rin siya ng tipid pabalik sa akin, “thank you.”
She’s just twelve. Palagi lang itong nagkukulong sa bahay nila at may sariling mundo. Siya lamang ang babaeng Montiel habang may dalawa namang lalake, si Kuya Trey at iyong anak na rin ni Tito Kazi na pinsan ni Daphne sa father side.
“Sino ang naiwan sa lupain doon?” tanong ni Daddy kay Tito Uno.
“We have some men…” si Tito Uno.
“Lumalago na ’yung lupain niyo ha. Ang laki ng kinikita at halos umaabot na ng seven digits…” si Mommy naman.
“My wife is just too passionate…” Ngumisi si Tito Uno kay Tita Aly na agaran namang pinamulahan ng mukha.
“Gano’n ko kamahal ang lupain,” si Tita Aly saka sumubo.
Nagtutunugan ang pagsasalpukan ng mga hawak naming kubyertos. Iyon ang nangingibabaw na tunog sa paligid pati narin ang mga boses nila.
“Sino ba sa kambal ang mamamahala ng lupain niyo roon?” tanong ni Tita Addi pagkatapos ilipat lipat ang tingin sa kambal.
Hindi agad nakasagot ang mag-asawa. Naninimbang pa ang tingin ni Tito Uno sa dalawa. South just shrugged while North smirked.
“I volunteer… Mahal ko ang lupain,” ani North at makahulugan na ang sumisilay na ngisi.
“Eh ikaw South? May iba kang plano?” si Tita Shy.
“Architect po ang gusto kong kuning kurso. And they agreed…”
Mag aarkitekto siya? Gusto niyang magdesigns ng building?
“That was my first choice. Balak ko rin sanang maging tanyag na Arkitekto,” si Daddy naman.
Tito Dos chuckled, “at sinong sumira ng pangarap mo?” mapang-uyam ang boses nito na pasimple pang sinipat si Mommy.
“So I ruined it?” agarang sabi ni Mommy, inako na ang pang-aakusang mga mata ni Tito Dos.
“I am destined as a lawyer since I want to complete you,” sabi ni Dad at uminom pa ng tubig.
Tito Dos and Tito Uno both whistled while Tito Trev chuckled including Tito Kazi.
“At ’yung regalong bigay ko sa’yo noong sixteenth birthday mo ay galing sa kanya. Binaliw mo ’yan, Christienne…” pang-aasar pa ni Tito Kazi na nasundan agad ng halakhak ng iilan.
“Kuripot si Tres ah? Imposible,” si Mommy naman.
“Kuripot? Sa lahat ng kliyente ko ikaw ang nakalibre,” ani Daddy na ikinangisi ko.
“Libre basta babae,” sabi pa ni Tito Trev at nagawang ngumisi.
“Oo nga naman… Libreng libre,” halakhak naman ni Tito Uno na pinapatamaan na rin ata si Tita Aly.
“Alam mo na ba’t kita nililibre ng mga napkin mo noon,” si Tito Kazi naman sa kanyang asawa na ikinatawa namin. It’s sweet!
“Ako lang ata ang mahal maningil,” hirit naman ni North at pumaibabaw ang nakakalokong tawa.
“You’re going to lose your girl if you act like that, man…” si Kuya Trey.
Nagkibit nalang ng balikat si North at sumubo, hindi pa rin nawawala ang kampanteng ngisi. Kung sino man ang papatol sa unggoy na iyan ay padadasalan ko na talaga dahil mukhang nawawala na sa sarili at kay North pa nagkagusto.
“Eh si Franca, Dos? May boyfriend na ba? Si Irah itong nakakailang boyfriend na ah…” si Tito Trev na nalipat agad sa akin ang tingin. I know they’re aware about my boys. Kahit ilihim ko man, mabubuko pa rin ako ni Daddy.
“Daddy, ipapakilala ko sa’yo ang crush ko,” sabi ni Franca at may matamis pang ngisi.
Nag-angat ng kilay si Tito Dos.
“Really?” medyo seryoso ang tinig. It’s scary…
“Opo, Daddy…” mukhang nang-aasar na ang demonyita.
“Anong pangalan? Saan nakatira?” tanong ni Tito Dos saka ito tumayo.
“Where are you going?” natatawang hinila ni Tita Addi sa dulo ng tshirt nito.
“I’m going to get my gun,” Tito Dos said calmly.
Humagalpak ng tawa si Tito Uno na kahit si Tito Kazi ay nakikipagkompetensya narin ang boses. Ngumingisi lamang si Daddy at Tito Trev.
“I’ll ready your coffin, Dos. Franca will surely blow your mind…” si Tito Uno.
“Lalo na’t hinihigpitan mo pa. Pag ’yan natutong kumawala, bahala ka…” si Tito Trev.
Everyone agreed. Kahit si Tita Addi ay tumatawa nalang. Akala ko ako lang ang nakakasagap ng radar ng sungay ni Franca, marami pala.
“Kaya nga hindi ko hinihigpitan si Irah. Hinahayaan ko siyang matuto sa kanyang pagkakamali,” si Daddy.
“Irah is smart. Siya pa ata ang may kakayahang manloko kaysa maloko,” si Tito Uno.
“Gano’n ang ginagawa mo sa mga lalake kaya pinapatulan ka ’no?” Tumaas pa ng kilay ni North sa akin na ginulungan ko lang ng mga mata.
I am not tricking these boys. Kung gusto ko at gusto ako, kami na agad. Kusa silang maglalakad patungo sa akin.
Ngunit sa nagdaang araw, may lalake atang nililinlang ako gamit ang kanyang mapanghipnotismong paninitig. Alam ko ang galawan ng mga lalake. Kabisado ko ang bawat kilos nila. Hindi nila paglalaanan ng oras ang isang babae kung hindi naman nila tipo na kahit titigan iyon ay hindi nila gagawin. Hindi ako ignorante sa larangang ito kahit na sixteen palang ako.
I’ve been with different assholes! At sa ginagawa ni Toshi, sa malalim niyang paninitig, binibigyan niya ako ng mensahe na may gusto siya sa akin kaya nakukuha ko ang buo niyang atensyon. Iyon ang pagkakabasa ko sa mga ganoon. Tapos aakto siyang hindi tipo ang katulad ko? Sino ngayon ang mapanglinlang?
6th TRICKED
Vote. Comment. Be A Fan. T R I C K E D -PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Angeline Bautista. Happy reading!
Alin ang masakit?
Ako lang ata ang hindi gaanong close sa magpipinsang Delafuente. Kasundo agad ng kambal ang mga lalake at nakikipaglaro na ng basketball sa kanila. Ang planong lumayo nalang kay Toshi ay naaantala dahil sa pambabakod ng mga bwesit kong pinsan at sinasama pa ako doon sa Clubhouse.
Humalukipkip ako sa bench, nandidilim ang paningin sa engkantong tumatawa habang tumatakbo at dinidribble ang bola. Ang pangit kong pinsan ay naaaliw sa kakalaro habang ako, heto bagot na bagot at kulang nalang ay mamatay sa kinauupuan.
Nagtutunugan ang spike ng kanilang mga suot na sapatos habang tumatakbo at gumagawa ng ingay ang bolang pinapatalbog nila ng paulit-ulit. My eyes settled on the ball. Naaagaw iyon madalas ni South kay White saka ito ihahagis sa ring para sa 3point shot.
I am not a fan of sports. Nababagot akong manood sa mga ganitong bagay lalo na kung di naman ako kasali. Ang tanging kumukuha lang talaga ng aking atensyon ay iyong mga bagay na nakakapagpabigay sa akin ng kaba at excitement. I am not afraid to jump on a cliff even if it scares a bit. Gusto iyong naghahalong takot, kaba at excitement. The only thing that can scare me is my Dad. Iyon lang.
Sinuklay ko paatras ang aking buhok at inilipat ang tingin sa nakahawak ng bola. Toshi, in his serious expression, ran on the other corner to shoot it. Bakas sa mukha nito ang kagustuhang makapuntos na kahit ako ay napapatitig narin ng malalim sa bawat galaw niya. His eyes found mine for a second. Para iyong isang mabilis na pangyayari na agad rin namang naputol saka niya inihagis ang bola pero tumama lamang iyon sa gilid ng ring at tumalbog rin palabas. He mouthed the word ‘fuck’ as his strong jaw tightened. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nagpigil ng isang tawa, sakto namang dumako ang madilim niyang tingin sa akin, dismayado dahil hindi nakapuntos. Tinakpan ko ang aking bibig para walang tumakas na mapang-asar na tawa roon na ipinagsalubong ng kanyang kilay. Feeling young huh?
Ganoon lang ang palagi kong ginagawa sa t’wing nanonood ako ng kanilang laro. Pagtatawanan ko siya pag napalya ang kanyang paghagis ng bola na palaging nahuhuli ng kanyang galit na mga mata. Minsan, kahit hindi ko gustong sumama sa aking mga pinsan ay naaaliw nalang ako kakapanood sa kanyang mga mali.
Pagkatapos ng laro ay palagi silang nahuhulog sa bahay ng aking pinsan at isasama kami. Nasa sofa lang ako, patubig tubig at hindi sumasali sa grupo ng mga babae.
Wala rin kasi si Brey dahil tuwing summer ay busy iyon sa kanyang ballet class na palaging sinasamahan ni Tita Shy. While Tito Trev is busy with work kaya sa t’wing nandito kami, iyong katulong lang ang nadadatnan.
Nagbeep ang aking cellphone kaya doon ko itinuon ang buo kong atensyon. May apat na mensahe roon. Dalawa galing sa ex ko, isa galing sa kaklase kong lalake noong third year ako na may gusto sa akin at ang isa naman ay kay Bryce.
Pinasadahan ko lang ng tingin ang mga mensaheng hindi ko na inabalang buksan maliban kay Bryce. That guy is a hottie. Niyayaya ako nitong sumama sa sinalihan niyang drag race na kahit ako ay interesado rin naman. Lilipad sila sa ere habang nakasakay roon sa kanilang motor. I wanted to try that too.
Bryce: Hindi parin pwede bukas?
Ang aking utak ay mabilis ring bumuo ng sariling alibi. Hindi pwede Irah, manonood ka ng basketball bukas at pagtatawanan mo pa si Toshi.
Agad akong nagtipa.
Ako: I’m quite busy, Bryce.
Bryce: But it’s summer? :(
Narinig ko ang halakhak ni North sa dako kaya nakaisip agad ako ng dahilan.
Ako: Nandito na ang mga lalake kong pinsan. Binabakuran na ako.
Bryce: Hindi naman ata iyon problema sa’yo Irah. Well, you can bring them, too. Baka interesado silang manood.
Ngumuso ako. I’m sure North is game pero maliban nalang kay South na mas gugustuhin pang magkulong sa kwarto. Binalingan ko sandali ang kambal sa grupo ng mga lalake. North is laughing with them while South is busy with his phone. Nahuli ko pa ang paglingon ni Toshi sa akin, ang ngisi sa labi ay dahan dahang nabura nang magtama ang aming mga mata. Ilang sigundo iyong tumagal pero iniwas niya rin, ngumisi muli sa usapan nila. How dare him flashed his smile with everyone aside from me? Anong problema niya?
Ibinalik ko ang tingin sa aking cellphone, sa inis ay tumayo nalang para makakuha ng panibagong tubig sa kusina. My glass is already empty. Inilapag ko ang aking cellphone sa mesa saka nagtungo sa harap ng ref. Binuksan ko iyon, ang aking mga mata ay gumala agad sa loob. Ngumiwi pa ako sa mga matatamis saka ko kinuha ang bottled water.
“Please, Irah…” A deep voice shocked me. Nabitiwan ko pa iyong bottled water dahil kabisado ko ang boses na iyon. Tumindig ang balahibo sa aking batok at mabilis na nilingon ang lalakeng nakasandal ang pwet sa dulo ng mesa, nakaekis ang mga paa at hawak ang aking cellphone.
Nagtama ang aming paningin. Iniharap niya sa akin ang screen ng aking cellphone at nabasa roon ang text ni Bryce na kanyang binasa kanina. Laglag panga kong inihakbang ng malaki ang aking mga paa para lang makarating agad sa kanyang kinaroroonan.
“So you’re just denying him? Kayo naman pala,” matabang niyang sabi nang tuluyan akong makalapit. Akma kong kukunin ang aking cellphone pero itinaas niya lang iyon.
“You’re nosy. That’s not your concern!” inis kong sabi at tumingkayad para maabot iyon.
“You’re even mocking me last time when I’m with my girlfriend…” Itinaas niya pa lalo ang kanyang kamay para hindi ko maabot.
I glared at him, “your ex.” pagtatama ko saka humawak sa balikat niya at tumalon ng kaonti para maabot iyon.
“Stalker?” he said, a bit amused.
Nahinto ako sa kakaabot at masama siyang tiningnan. Nahahaluan na ang seryoso niyang mukha ng malisyosong tingin at kahit ang labi ay parang ngingisi na. He raised his brow at me.
“That’s not your concern,” panggagaya niya sa tono ko kanina.
Babayagan ko na talaga ’to pag napuno ako.
Sa aking inis ay iginapang ko ang aking kamay sa kanyang batok. I’ve seen how his adam apple moved as he watched me closely, brows furrowed and shocked. Ngumisi ako at hinila iyon pababa, akmang ilalapit ang mukha pero mabilis ring tumingkayad para hulihin ang aking cellphone.
Mas lumaki ang aking ngisi at hinuli ang mga mata niyang kalebel na ang aking leeg. I laughed softly.
“I got it!” Ipinakita ko pa iyon sa kanya at bumungisngis.
His eyes became more serious as he stared at me. Doon ko lang napagtanto na masyado na pala kaming malapit sa isa’t isa. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako naging sobrang lapit sa kanya. Iyong kulang nalang ay masilip ko ang mga mata niya. He was crouching because of what I did awhile ago just to get my phone. Ngayon ay hawak ko parin ang kanyang batok, kalebel na ang kanyang mukha. His lips were parted a bit while staring at me.
Lumunok ako ng laway at biglang kinabahan. Sa sobrang bilis ng kalabog ng aking dibdib ay napaatras ako, natatakot na baka marinig niya iyon.
Tumayo siya ng tuwid at sumeryoso. Umirap naman ako saka mabilis na umalis roon, nakalimutan ang tunay na pakay sa kusina.
Mabilis akong naghanap ng lugar na ako lang mag-isa, sumandal ako sa pader at nahipo ang aking dibdib. Dahan dahan akong huminga, kinakalma ang puso kong nagwawala. Damn it, Irah! Inlove ka?!
Hindi ako pwedeng magkamali… ganito rin ang pakiramdam na iyon. That day he held my foot gently… the feeling is very enchanting that I can’t calm myself. This is terrible. Nagkakagusto ako sa lalakeng limang taon ang agwat sa akin! Age doesn’t matter. Alam ko naman iyon dahil magkaedad lang sila ni Bryce pero ang ikinaiinis ko lang, parang hindi ako masasalo. Those tricky moves will just hurt me if I assumed things! Dahil kung gusto niya ako, ba’t ganyan siya makitungo sa akin?
Parang sasabog ang aking isip at nakikipagkompetensya pa sa aking utak. Crap, I’m inlove. Itanggi ko man, sa ganitong senyales, bobo ako kung papangalanan ko itong may sakit lang ako sa puso kaya ganito ito kung umasta.
I need a diversion. Kung hindi ko mapipigilan ang puso kong tumibok sa kanya, gusto ko nalang aliwin ang sarili ko para makalimutan iyon. Ayoko ng sumama sa paglalaro nila ng basketball dahil parang hindi sa ring nakakapuntos si Toshi kundi sa puso ko.
Nasa hapag kami, kumakain ng dinner. My parents are talking something cheesy kaya tumatawa ang aking ina na ikakangisi naman ni Daddy. Pagdating sa bahay, wala silang pinag-uusapang trabaho at inaasikaso ang isa’t isa. The last time I saw them fighting ay iyong bata pa ako.
“Why are you silent, baby?” si Mommy, hinaplos ang aking pisngi dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kanya. Hindi ko pa masyadong nagagalaw ang aking pagkain.
Dad eyed me. Bumagal ang kanyang pagnguya at naninimbang ang tingin.
“Nothing,” I smiled flatly. Sumubo ako at iniwasan ang misteryosong tingin ni Daddy. I hate it when he’s like that. Parang wala akong natatago dahil nababasa niya ako. Buti pa si Mommy, ipinagkibit balikat iyon at hindi nagtataka. Ayoko namang iopen-up sa kanila ang maliit na problema ko. I am not vocal when it comes to my feeling. Mas gusto kong kimkimin nalang.
Si Bryce ang katext ko buong gabi. Nanonood ako ng random videos sa youtube at minsan ay nirereplayan ito pag naaalala ko.
Bryce: What made you change your mind?
Ako: I’m bored?
I can picture his handsome face right now, laughing.
Bukod sa mga Delafuente, may mga lalake rin sa school ang sikat dahil sa angking kagwapuhan. Palagi lang talagang nangingibabaw ang angkan na iyon dahil sa kanilang hitsura na parang sumobra sa salitang “perpekto”. Isa narin siguro sa dahilan kung bakit wala akong nagugustuhan sa kanila dahil narin malapit ang aming mga pamilya. Ayoko atang magkaroon ng ex sa kanila dahil masyadong awkward at palagi kaming naiimbithan sa mga gatherings nila. Si Toshi lang talaga ang madalas kong mapansin bukod kay Ken na malandi at humirihit paminsan minsan pero iba parin ang kalandiang taglay ng mga mata ni Toshi. Iyong sa tingin palang ay parang nilalandi kana. Ganoon ang dating noon sa akin.
I don’t care about my cousins being here. Noong bata ako, naalala ko kung paano kami nadisgrasya ni Franca sa kabayo dahil lang tumakas ako sa kadahilanang mamamatay ako sa boredom.
Pagkaalis ng aking mga magulang kinabukasan ay tinakasan ko agad ang aking mga bodyguards. I’m sure nakarating na iyon kay Daddy pero mamaya ko nalang iyon poproblemahin.
“Hey,” Bryce flashes his smirked at me when I get in on his car.
Lumapit siya at hinalikan ako sa aking pisngi. It doesn’t shocked me.
“Asan ang mga pinsan mo? Akala ko ba binabakuran ka?” tanong niya habang hinihila ko ang aking seatbelt.
“Tumakas lang ako,” sabi ko na ikinahalakhak niya.
“Typical of you. Call your parents. Sabihin mo manonood ka ng drugrace.” sabi niya sa akin.
I wrinkled my nose, “Dad has his own ways to find me. Hayaan mo na,” kibit balikat ko na kanyang ikinailing, hindi mabura bura ang nakakaakit na ngiti.
Nagsimula siyang magmaneho. He’s wearing a gray tshirt, revealing the veins on his arm. He got this badboy hair, well defined jaw and a Roman nose. Matangos iyon, para kang matutusok at idagdag pa ang mamula mulang labi. Bryce is the combination of badboy and gentleman. Siya iyong tipong sisiguraduhing safe ka pag magkasama kayong dalawa.
“Bakit kayo naghiwalay noong basketball player?” tanong niya sa akin, tinutukoy iyong ex ko na hanggang ngayon ay gustong makipagbalikan.
Palingon lingon siya sa akin, mukhang interesadong malaman ang dahilan.
“Dad found out…” Sumandal ako sa inuupuan at hinawi ang aking buhok saka siya nilingon, “Ayon, hiniwalayan ko.”
“Iyon lang ang dahilan?” tanong niya na aking ikinatango.
“Marami ang takot sa Daddy ko, Bryce. Last time, may pinabugbog siya, isa sa mga ex ko. Iyong isa naman ay pinahabol niya sa aso. Iyong iba naman ay kusa nalang na lumalayo.”
He chuckled, “so you’re fond of young boys? Kaya ba ilag ka sa akin dahil sa edad ko?”
“Of course not. Ba’t mo naman nasasabing mas gusto ko ang mga kaedad ko?”
“Young boys don’t know how to handle relationships. Kaya nahihiwalayan dahil masyado pang immature. Kung ako iyon, sa ama muna ako magpapagoodshot para pag idinate kita, malaya na tayong dalawa.” and he wink at me, flashing his sweet smile.
I chuckled a bit. See? He’s a perfect match for me. Dapat ganitong lalake ang pinag-aaksayahan ko ng oras hindi katulad noong kahit ngiti ay hindi maibigay sa akin. Magkaedad lang naman sana sila ni Bryce pero ewan ko sa lalakeng iyon… may kung ano talaga diyan sa lahi nila na hindi mo matukoy tukoy.
Dumating kami sa mismong lugar na pagdadausan noong drag race. Nagkalat roon ang mga motorsiklong pang motocross. I got stunned when I saw some stunts while they’re riding on it. Lumilipad nga sila sa ere at babagsak saka mas pabibilisan ang pagmamaneho.
“Wow,” I whispered to myself.
“Isang game lang naman. This is quick,” sabi sa akin ni Bryce habang sinusuot ang kanyang uniporme para hindi maputikan ang suot na damit. Sinundan ko ng tingin ang pagkuha niya roon sa helmet saka niya isinuot.
“Are you fine here?” tanong niya, nilingon pa ang iilang lalake na nagkalat at nasa akin ang tingin. I am just wearing a haltered top and shorts short paired with sandals.
Tumango ako at itinuon ang tingin sa kanyang inihahandang motorsiklo. Malaki iyon at mukhang matulin ang takbo. I never tried riding dangerous motorcycles pero I really want to try a raider! Siguro ang saya rin noong ipapalipad mo sa ere.
“Just sit over there,” may itinuro siyang bench kung nasaan rin ang iilang manonood na mga babae at may isinisigaw na pangalan. Noong makitang may kasamang babae si Bryce, nagsilukutan ang tingin ng iilan at nagsiiwas ng tingin sa kanya.
Magaling si Bryce magpalipad ng motorsiklo. Gumagawa ng kakaibang tunog ang mga sinasakyan nila at matulin ang pagpapatakbo, nag-uunahan sa isa’t isa. Si Bryce naman ang pumapangalawa. Namangha ako ng husto nang gumawa pa ito ng stunts sa tinalunan noong motorsiklo niya. Maingay ang paligid at nagtitilian ang mga babae. Kahit ako ay tumayo narin at nakicheer kay Bryce. Pumapalakpak ako sa t’wing maayos siyang lalanding sa sahig at mabilis na ipapaikot ang kanyang motorsiklo saka matulin na patatakbuhin.
I got so carried away that I forgot to check my phone. Pagkatapos noon ay excited kong nilapitan si Bryce.
“I want to try it!” anunsyo ko agad sa kanyang harapan habang tinatanggal nito ang kanyang helmet, ang isang paa ay nakatukod na sa lupa para ibalanse ang sarili at hindi matumba.
Inayos niya sandali ang buhok niyang nagulo at humalakhak.
“You can’t. This is too dangerous for a girl like you. Hindi mo kayang ihandle ang bigat nito.” sabi niya sa akin na ikinabusangot ko.
“Sige na Bryce. Turuan mo ako. I want to try it! Please!” I pleaded, desidido na.
He stared at me, smiling. “You sure? Ba’t hindi ka muna magpaalam baka bigla nalang akong ipabaril ng ama mo pag napahamak ka.”
Umiling agad ako, “don’t worry about it. Just guide me! Sige na!” Hinawakan ko iyong isang hawakan ng motor na ikinailing niya nalang.
“Fine, get in here.” Umusog siya ng kaonti para bigyan ako ng espasyo sa harapan. My eyes twinkled as I positioned myself. Hinawakan niya ang isa kong kamay para alalayan ako hanggang sa nakaupo na ako sa harap.
“Paano ba ito?” Hinawakan ko ang dalawang handle noong motor sa bawat gilid.
Umabante siya na kahit ang kanyang pabango ay naamoy ko. Ang dibdib nito ay dumidikit na sa aking likod habang binibigyan ako ng instructions.
“Just clutch it slowly or else we’ll fly.” he chuckled on my ears. Tumawa rin ako at tumango tango.
“Ganito ba?” Pinihit ko iyong isang handle na gumawa agad ng ingay saka ko pinihit ang isa pa kaya agad itong umandar, matulin.
“Woah!” Bryce immediately hold the other one to control the break. Humalakhak naman ako, mas pihinit pa para patakbuhin iyon ng mabilis, ang aking buhok ay umaangat na sa ere at sinasalubong ang hampas ng hangin sa akin.
“Slow down!” sigaw ni Bryce at hinawakan narin ang aking kamay para siya mismo ang komontrol noon.
Natuto ako sa ilang minutong pagoapatakbo noon habang nakaangkas si Bryce sa likod. Minsan ay itinataas ko pa ang aking kamay at siya ang magmamaneho, papabilisin ang pagpapatakbo noon.
“I wanna try it again!” sigaw ko, hindi na mabura bura ang pagkamangha sa aking mukha.
“Huh?” Natawa siya habang bumababa sa aking likuran.
“Lagpas isang oras na tayong nagpapatakbo. Let’s eat first…” sabi niya sa akin at kinuha ang aking kamay para tulungan akong makababa.
Sa aking kapilyahan, ngumisi ako sa kanya at pinihit muli ang handle. Mabilis na nawala ang kanyang ngiti kasabay ng pagkawala ko sa kanyang harapan dahil sa matulin kong pagpapatakbo.
“Irah!” sigaw niya sa aking likod, nag-aalala na.
Tumawa ako at mas binilisan pa. Akmang liliko na ako nang mawalan ako ng control. Mabilis na naglaho ang aking ngiti at napalingon na sa likod, nakita ang pagtakbo ni Bryce.
“Bryce!” sigaw ko saka ko mabilis na ibinalik ang aking tingin sa harap. Niliko ko iyon pero napasobra ata ako hanggang sa nabangga ang motorsiklo sa may puno at natumba iyon kasama ko. Mabilis akong napadaing sa hapdi na tinamo sa kung saan pero agaran ring naangat dahil sa malakas na pwersang humatak sa buo kong katawan.
“Your knee is bleeding!” gulat na sabi ni Bryce sa akin na kahit ako ay nalaglag narin ang tingin roon. Ngumiwi ako pero natawa rin kalaunan. Kaonti lang naman iyon. He’s overeacting.
“Ineexpect ko na ang ganitong sugat.” saka ako tumawa na ikinailing niya.
Mabilis siyang tumakbo para magamot iyong tuhod ko. Sinasabihan ko pa siya na h’wag mag-aalala dahil kasalanan ko naman iyon pero masyado siyang nababahala.
Paika ika na akong naglakad. May bandage doon pero maliit lang naman ang sugat ko. Medyo gasgas lang naman.
“Thank you for the meal Bryce. Thank you rin sa experience,” saka ko tinuro ang aking tuhod na ikinasimangot niya.
“Samahan na kita pauwi? I’ll tell your parents what happened. Sasabihin ko kasalanan ko dahil matigas ang ulo mo at di kita napigilan,” aniya.
Tumawa ako at umiling. “No, I can handle them. Hindi na ito bago sa akin at sa kanila. Relax,”
He sighed, “next time?”
Tumango ako, “let’s see again each other next time.”
He licked his lowerlip and smiled at me. Kung ganito lang sana si Toshi…
Pagkauwi ko, ang nakahalukipkip na si Daddy agad ang aking nadatnan. I smiled a bit and went to him.
“Dad,” hinalikan ko ang kanyang pisngi.
“What happened to your knees?” tanong niya.
Ngumuso ako, “naaksidente ako pero konting galos lang.”
His brow raised again. Bumuntong ako ng hininga.
“I know. Tinakasan ko na naman ang bodyguards ko at umuwi ng late. Pero wala akong boyfriend!”
“Talagang wala. Di ka gusto e,” makahulugan niyang sabi saka yumuko para makita ang aking tuhod.
Nalaglag ang aking tingin sa buhok ni Daddy. He really knew… napapansin niya siguro.
“Is he your boyfriend? Or a rebound?” wala sa sarili niyang tanong, tinititigan ang aking sugat.
“Who?” inosente kong tanong, nagmamaang-maangan.
“That guy you’re with on the motocross,” sabi niya na aking ikinasimangot. Kaya ang hirap rin talagang magkagusto ng buo kay Toshi. Pakiramdam ko ay makikisali si Daddy pag nasaktan ako. Our families are close…
“Nah.” I sighed. “Friends lang Daddy,” pag-amin ko.
He didn’t answer.
“Ouch,” daing ko nang hinaplos niya iyong bandage.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Alin ang masakit? Ang sugat o ang sinabi ko?”
Damn, Daddy. Kailangan ba talagang ipamukha? Wala nga ata talaga akong maitatago pagdating sa kanya.
7th TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Renalyn Laniton. Happy reading!
Cliffdiving
I sat on the couch while Daddy is infront of me. Nasa baywany ang dalawang kamay at nakatingin na naman ang mga misteryosong mata sa akin. It’s like he’s peeping me through those deep gaze…
Nag-iwas ako. I got cornered, alright!
“So tell me-
“Daddy, he’s years order than me!” agaran kong deklara, inunahan na ito kaysa marinig ang pangalan ng lalakeng iyon.
Tinikom niya ang bibig at tumaas ang kilay.
“I am too young for him! Kung ano man iyong mga tinginan namin, wala iyon… And he’s not my type,” sabi ko, siguradong sigurado sa sinasabi pero hindi makatingin ng direkta sa kanya.
“Don’t fool me, Irah. Baka bukas naghahabol kana…” pang-aakusa niya na ikinalaglag ng aking panga.
Ganoon ba talaga ang tingin niya sa akin? Na maghahabol ako?
“What?” My eyes widened, “that’s absurd Daddy!” I scoffed.
Nagkibit siya ng balikat. Ngumuso naman ako. Ilang sigundong katahimikan ang nanaig sa aming pagitan. Hindi ba bababa si Mommy rito?
“Your Mom was just fifteen when she started chasing me…” sabi niya pa na ikinatingala ko sa kanya. Nagulat ako roon pero hindi na umabot ang ekspresyon sa aking mukha.
Humalukipkip ako sa sofa at sumimangot. “That’s Mommy…” sabi ko pa.
“And you’re her daughter.”
“But we’re different,” I wrinkled my nose. “I am mature, Daddy. Look at me? ’Di ba hinihiwalayan ko naman agad? At baka katulad lang din ito ng mga nauna. Eh ’di ba… you want me to learn from my mistakes…”
Umangat lamang ang kanyang kilay, hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa aking pinagsasabi o puno na talaga iyon ng pangdududa.
“I’ll just watch you eat your words,” may pinal sa kanyang tinig at sinenyasan akong pumanhik na ako sa kuwarto.
“Good night…” Tumayo ako at hinalikan ito sa pisngi.
Tumango lamang ito, tiningnan akong naglalakad paakyat. I smiled a bit when I glanced at him saka rin nagpatuloy sa pag-akyat. It’s like he’s really sure… Oo inlove ako, fine. Pero never akong naghabol! Ako ang hinahabol. That’s beyond my imagination.
“Anong nangyari diyan?” tanong sa akin ni North kinaumagahan nang sunduin ako nito sa bahay at napansin ang paika ika kong lakad. Si South ay mukhang si Franca ang sinundo.
“Tumakas kana naman?” Tinaasan niya ako ng kilay, yumuko lalo para makalebel ang aking tuhod.
“Don’t touch it!” Umatras ako pero hinila niya lang ang aking paa. Sinimulan niyang iangat ang suot kong leggings hanggang sa makita ang tuhod kong naka patch band aid. Malapit na rin namang gumaling.
“Where did you get this?” seryoso niyang tanong nang tiningala na ako.
“Motocross,” sambit ko na ipinagsalubong ng kanyang kilay.
“Sumasali ka sa drag race?” naging marahas na ang kanyang boses. “Kung gusto mo naman palang magpakamatay, ba’t di mo ako sinabihan? I can do better than this.”
Ginulungan ko siya ng mga mata at umatras. Bwesit rin talaga ang lalakeng ito.
“I got carried away from riding it so nawalan ako ng kontrol,” sabi ko pa at umirap.
Tumayo siya ng tuwid at sinamaan ako ng tingin.
“Palagi ka naman talagang wala sa kontrol. Dahil kung meron pa, sa umpisa palang hindi ka tatakas.”
I made faces. Kalaunan ay nauwi rin iyon sa pagsigaw dahil inakbayan niya na ako at ginulo ang aking buhok.
“Napakawild mo,” sabi niya sa akin habang nagpupumiglas ako.
“Ang boring niyo kasing kasama! Kung sinasali niyo sana ako diyan sa basketball niyo ay mag-eenjoy pa ako,” sabi ko habang natatangay na sa kanyang paglalakad palabas ng bahay.
“Gusto mong sumali? Ano? Ikaw ang ishoot ko sa ring ganoon ba?”
Mas lalo akong nainis at itinulak siya palayo sa akin. Ako na nga itong may sugat ako pa ang inaagrabyado.
Tumawa siya at inakbayan ako lalo.
“Lumayo ka nga! H’wag ako ng pestihin mo!”
“Peste ka rin,” pang-aasar niya na ikinabusangot ko nalang.
Nakasalubong namin ang dalawa at nasa akin agad ang tingin ni Franca, nangingilatis na naman ang mga mata sa suot niyang dress at nakaponytail na buhok. Syempre, hindi ako nagpakita ng isang araw, macucurious talaga ang gaga na iyan dahil lahat nalang ata ng bagay ay binabantayan niya. Ganoon siya kabored.
“Pumayag kang makipagkita kay Bryce?” tanong niya sa akin nang lumebel siya sa paglalakad at nalalaglag pa ang tingin sa aking paa na medyo paika ika.
Tiningnan ko sa likod namin ang kambal na mukhang wala namang narinig saka ko ibinalik sa kanya ang tingin.
“Shut it.”
“Anong ginawa niyo? Ba’t ganyan kana maglakad? Pinasukan kana?” kalmado niyang tanong sa malambing na boses na ikinalaki ng aking mga mata.
“Of course not!” I hissed, “nadisgrasya ako sa motocross namin.”
“Ah…” tumango tango siya saka ulit nalaglag ang tingin sa aking gitna. Naasiwa ako roon at matalim siyang tiningnan.
“Do you want an evidence?” akma kong itataas ang isa kong leggings pero umiling na ito at tumawa.
“Naniniwala na ako. Eh alam ko naman kung sino ang gusto mo…”
Ang demonyitang ito!
Tumuwid ako sa pagkakatayo at iniarko ang kilay.
“Hindi purket marami na akong karanasan sa mga make-outs ay ganoon na ako kasakim sa sex. Wala pa iyon sa utak ko.” paliwanag ko sa kanya.
“Weh?”
I glared at her. Ang hilig talaga nitong magpainit ng ulo. Parehas sila ni North, ang hilig hilig mang-asar at talagang nakakapikon!
“Eh kung makatitig ka nga parang nanghuhubad na.” bulong niya pa, sapat lamang na marinig ko.
Sinasabi ko na nga ba at binabantayan ako ng babaeng ito. She’s really nosy! Pinapakialaman niya lahat ng bagay na pwede namang hindi nalang pansinin.
Hindi na ako nakipagtalo pa at tumahimik nalang. Iba ang takbo ng isip niyan at parang sinusulsulan ng kung anong demonyo kaya ganyan nalang kadumi ang iniisip.
Pagdating sa clubhouse, nagkalat na naman ang magpipinsan. Mabilis kong nahuli ang pasimpleng paglingon sa akin ni Toshi, ang mga mata ay may pinapahiwatig agad. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon sa bleachers kung nasaan ang magpinsang Fortalejo. Zera and her cousins are here too.
Tumabi ako kay Cassey habang si Franca naman ay tumabi kay Nana. May kung ano ano nang binubulong ang aking pinsan sa kanya na hindi ko na pinagtuunan ng pansin.
“Go Toshi!” sigaw ni Chey, ipinapangalandakan na naman ang kalandian.
Nag-ikot ako ng mata at saktong nakita niya iyon. Nag-angat siya sa akin ng kilay kaya mas inarko ko rin ang aking kilay.
Si Cassey ang nakapansin sa titigan namin lalo na’t siya ang nasa gitna.
“Anong problema niyong dalawa?” tanong nito, palipat lipat na.
“Alam mo bang mas ate ako sa’yo?” tanong sa akin ni Chey. Anong pakialam ko doon?
“Hindi,” hinawi ko ang aking buhok papuntang likuran. Umawang ang kanyang bibig kaya inunahan ko agad. “Hindi ako interesado,” saka ko iniwas ang tingin at itinuon sa harap.
May kung ano ano na siyang binubulong na hindi ko na pinagtuunan ng pansin. What’s wrong with her? Nagseselos agad eh hindi naman sila ah? Nagkakamabutihan ba sila? Pero napapansin ko si Chey ang humahabol sa kanya. Hindi ko lang alam kung bakit hindi siya gusto ni Toshi. Kumpara doon sa ex niyang si Carmella, mas maganda pa nga si Chey. What’s wrong then?
“Sasama ka sa amin sa bahay?” tanong sa akin ni Cassey pagkatapos noong laro ng mga lalake.
Umiling ako. Mas prefer kong sumama sa mga pinsan ko.
Humihiwalay sila sa amin ang mga babae at kami lamang ni Franca at Nana ang madalas na sumasama roon sa bahay nila Kuya Trey. Si Franca at Nana ang nagdadaldalan ng kung ano habang nasa sofa ako, mag-isa at katext lamang si Bryce.
Tumayo ako at paika ikang naglakad sa kusina para kumuha ng tubig. Pagbalik ko, napansin ko agad ang magkasalubong na kilay ni Toshi, masama ang tingin sa akin lalo na sa aking paglalakad. Umirap ako at umupo ulit sa sofa. Naririnig ko iyong topic nilang outing. My cousins are suggesting some cliffdiving.
Inabala ko ang aking sarili sa pagreply sa text ni Bryce.
Bryce: Where are you?
Ako: Nasa bahay ng pinsan ko.
Ramdam ko ang pares ng mga matang malalim na naman ang titig sa akin, na pag lilingon ako ay doon ko siya mahuhuling iiwas. Ano bang pinaparating ng lalakeng ito sa akin? If he likes me then he needs to say it hindi iyong dinadaan niya sa mapanlinlang niyang mga mata.
Lumabas ako sa veranda at doon umupo. The cold wind blew my hair as I stroke them backwards. Ang kanilang planong magbeach ay mukhang kasama kaming mga babae. Nakakaya ko namang mag-enjoy kung ako lang. Bakit ba kung bakuran ako ay parang tigreng magwawala agad pag hindi natutukan ng husto?
“Bumigay agad…” pagpaparinig ng kung sinong pamilyar na boses sa aking likuran. Lumingon ako at nadatnan itong nakatayo roon, nasa malayo ang tingin habang ang dalawang kamay ay nasa magkabilang gilid ng kanyang beywang.
Ang kanyang presensya ang nagbigay ng kung anong kakaibang pakiramdam sa aking tiyan. Para iyong punupulupot na kahit ako ay napapalunok nalang.
Iniwas ko ang aking tingin at itinuon sa harap. My hands clutched as I tried to maintain my cool, sinisikap iblangko ang mukha.
Ilang sandali lang ay naamoy ko na siya at nakita ang presensya nito sa aking gilid. Yumuko siya at ipinatong ang mga kamay sa gilid ng aking inuupuan. Ang kanyang mga kamay ay nakasalikop, nasa harap parin ang tingin. Crap…
“Wala ka kahapon…” banayad niyang sabi na ikinalingon ko sa kanya. Ang kalahati ng seryoso niyang mukha ay lubusang nagpamangha sa akin.
“Gumala ako,” sagot ko.
He nodded. “With Bryce?”
Imbes sumagot ay napatitig ako sa kanya. Ba’t iyon ang pumasok sa utak niya? Kung babasahin ko siya, dalawa lang ang dahilan kaya siya ganyan. Tsismoso siya o interesado talaga siya sa akin kaya alam niya ang pinaggagawa ko.
“Oo, nagdate kami.” sagot ko pa, hindi inaalis ang tingin sa kanya na baka ay may mabasa ako at makitang senyales na tama lang na mag-assume ako.
He glanced at me, ang mga mata ay tila bumibigat kaya ganoon nalang iyon kalamya. He placed his hand on his chin as he stared at me.
“Did you enjoyed it?” tanong niya, mas malalim na ang boses.
“Enjoyed what?” itinagilid ko ang aking ulo sanhi para magsilaglagan ang iilang hibla ng aking buhok. Ang kanyang mga mata ay sandaling natangay roon pero ibinalik rin sa akin lalo na’t sinuklay ko iyon paatras.
“Ang nangyari,”
Ang aking mga kilay ay nagkasalubong na talaga. Ano bang iniisip niyang nangyari sa date? Is he thinking dirty stuff? Ganoon ba talaga ako ka easy to get sa kanyang paningin? This bastard…
“Oo naman,” I said flatly.
His deep glares were now intense. Iyong kahit wala siyang sabihin ay may panghuhusga na akong nakikita sa kanyang mga mata. Iyon ang nagpasindak sa akin para iwasan ang kanyang tingin.
“You said you don’t like younger girls…” nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at hindi na makontrol ang sumasabog na damdamin. “then why are you like that to me? Am I not allowed to date the guys I like? Bakit may komento ka?” Nilingon ko siya. “Kung ipagpapatuloy mo iyan, mag-iilusyon talaga akong may gusto ka sa’kin.”
Sa sobrang kyuryusidad ay gusto ko nang ilabas iyon lahat at makakuha ng sagot sa kanya. Gusto kong malaman kung meron bang patutunguhan para matigil ko na ang pag-iilusyon at makawala sa panglilinlang ng kanyang mga kilos.
Hindi agad siya nakasagot at tila may iniisip pa. Tumayo siya ng tuwid na nagpalunok sa akin ng laway. Ang kanyang kilos ay masyadong nakakadala na nagbibigay iyon ng kakaibang dulot sa aking puso.
Inihakbang niya ang mahaba niyang biyas sa gilid at isinunod naman iyong isa hanggang sa makatabi ko na ito. May natitira pa namang espasyo sa aming gilid pero ganoon nalang ang pagbilis ng aking dibdib. Kahit wala pa namang nangyayari, para na akong nalulunod sa labis labis na emosyon.
Yumuko siya at itinukod ang mga kamay braso sa kanyang hita. Ipinagsalikop niyang muli ang kanyang mga daliri sa isa’t isa na akala mo ay dinadasalan ito.
“Young girls are not yet ready for a serious relationship. Nasa stage pa sila ng pagtuklas at paglalaro.”
Ang kanyang sagot ang nagpakirot sa aking puso. Ang laki ng epekto noon na kahit ako ay nadismaya.
“So you don’t like me?” matabang ko ng tanong.
“Hindi sa ganoon-”
“Ganoon iyon. Kung tingnan mo ako ay para akong paslit na bata.” may diin kong sabi.
He sighed.
“Si Tita Aly at Tito Uno nga, five years ang gap nila.” sabi ko sa klarong tinig at puno ng pag-asa. Ang aking ginigiit sa aking sarili na malaki ang aming agwat ay parang nakaharang na lubid na pinutol ko at handa ng tumawid sa lugar na ayokong puntahan.
He wet his lowerlip as I saw the frustration on his face. Sa bawat reaksyon niya, mas bumibigat lamang ang aking pakiramdam. Taliwas sa mga gusto ko ang sinasabi ng aking bibig. Na handa ako nitong traydurin sa oras na si Toshi ang aking kaharap. Ang sinasabi ko sa aking sarili na hindi dapat ay ginagawa ko ng dapat. Iyon dapat.
“You’re still playing…” sabi niya sa dismayadong boses, pinapalabas na dapat ay itigil ko itong pinaglalaban ko dahil taliwas iyon sa gusto niya.
Tangina ka.
“Infatuation lamang ang ganyan. You’re just curious with the things around you. Susubukan mo dahil interesado ka pero hindi mo iniisip kung ano ang nasa dulo. Baka nga pag nasa kalahati kana ng pagtuklas ay hihinto ka rin. You just want to feed your curiousity that’s why you’re interested.”
My eyes became blurry as I absurbed his words. Ba’t ang sakit naman ata? Akala niya ba hindi ko nagegets ang pinupunto niya? Ano ako paslit na bata na kahit iligaw mo sa salita ay hindi mahahanap ang tunay na ibig niyang sabihin? He’s a jerk! Kung hindi niya naman pala ako gusto edi h’wag siyang makatitig sa akin na parang ako ang pinakamagandang babae sa paningin niya!
Inihulog ko ang aking sarili sa lupa hanggang sa makaapak ang aking mga paa roon. His eyes followed me. Sa gilid ng nanlalabo kong mga mata, nakatitig ang lalakeng paasa.
“Paasa,” sambit ko, may diin na at may galit nang nilingon ko siya. I eyed him bitterly.
His lips parted a bit when he saw my eyes. Kinuyom ko ang aking mga kamay at umalis rin sa kanyang harapan. Ang mga matang nanlalabo ay pilit kong kinaklaro paalis sa lugar na iyon. I never been this hurt. Hindi ako makapaniwala na sa simpleng pag-uusap lamang namin ay masasaktan na ako ng husto. Don’t cry, Irah! Sinong pinagluluksaan mo?
Sinaktan niya ako. Iyon ang tumatak sa aking isip. Gago siya at paasa. Kasalanan mo rin naman, Irah! Kung hindi ka nagpapalinlang sa paninitig niya ay hindi ka masasaktan ng ganyan ngayon! Kung hindi mo lang nilagyan ng ibig sabihin at binalewala nalang iyon…
He doesn’t like young girls. In other words, he doesn’t like me. Ano bang panama ng isang kinse anyos sa mga babae niyang kaedad niya. Sakim siguro iyon sa kama kaya iniisip niyang boring ako pagdating sa ganoong bagay dahil masyado pang bata. Na ang katulad kong limang taon ang agwat sa kanya ay hindi mabibigay ang seryosong relasyon na gusto niya. He didn’t even say he likes me! Kung tuldukan niya akala mo naman ay sinabi ko ring mahal ko siya!
Iyon ang naging rason para hindi ako sumabay sa mga pagbabasketball ng aking mga pinsan. Nagmumukmok ako sa aking kwarto at lutang ang isipan. Nawawalan ako ng ganang lumabas. So this is what they called brokenhearted huh? Kinse anyos, nabrokenhearted sa paasang lalake na wala namang sila. Funny isn’t it? Di naman sana kami pero nasasaktan ako. Anong klaseng kahibangan ba ito?
Ang bastardong iyon… pag nakabangon ako sa sakit na ito, magsisisi siya. Ako naman ang mananakit.
Paglabas ko ng kotse ay ang boses agad ni Nana ang pumaibabaw.
“Franca!” Kumaway ito sa aking pinsan, suot ang longsleeve sa gitna ng tirik na tirik na araw. Baliktad talaga ang utak ng mga Delafuente.
Si Franca naman ay kumaway sa kanya pabalik. Ang suot kong seethrough ay nakikita ang panloob ko maliban sa suot kong itim na sunglasses at tinatago ang aking mga matang may galit sa isang lalake na sumulyap sa akin. Anong karapatan mong tumingin ng ganyan? Pagmamay-ari mo ba ako?
Ken whistled when he saw me. Kitang kita ko ang pagsunod ng tingin ni Toshi sa kanya at tila naoffend sa ginawa ng kanyang pinsan. Pero masyado ng lutang si Ken para mapansin ang matalim na tinging iyon at tumatawa na sa mga pinsan niya.
Umismid agad ako nang ibinalik niya sa akin ang kanyang tingin. Don’t own me through your gaze, Delafuente…
Nagkakagulo sila rito sa itaas ng cliff at nagbabalak tumalon sa ibaba. Binalingan naman ako ni South.
“Tatalon ka?” tanong niya na ikinatango ko, lalo na’t ang mga babae ay nagsisibabaan na.
Tumango nalang siya maliban kay North na masama agad ang tingin sa akin.
“Anong tatalon? Gusto mo ihagis kita?” pagbabanta niya, sa lakas ng boses ay nakarating sa iilang magpipinsan.
“Game talaga itong si Irah sa kahit saan! Halika dito!” anyaya sa akin ni Ken, ngumingisi.
Hindi ko pinansin ang loko loko at itinuon ang tingin kay North na nakapameywang na sa aking harapan.
“Kaya nga ako sumama kasi gusto kong magsaya tapos pagbabawalan mo ako,” sabi ko na ikinangiwi niya.
“Humalo ka doon sa mga babae. Kung gusto mong tumalon, h’wag dito masyadong mababa.”
I rolled my eyes. Dinadaan niya sa ganyan pero ang totoo ay nag-aalala lang talaga.
“Hayaan mo siya. Iyan ang gusto niya,” si South naman na umabante na sa iilan para tingnan iyong babaksakan nila.
Umiling si North at nasuklay ang buhok, “ikaw bahala. Total pag nabagok ka wala namang madadamage…” saka siya nagtungo sa grupo ng mga lalake na naghihilaan na at handa ng tumalon.
Humalukipkip ako at sumandal sa kotse. Pinanood ko silang isa isang nawawala at pumapaibabaw ang mga sigaw na susundan rin ng tunog ng tubig na kanilang binagsakan.
Nagawa pang lumingon ni North sa akin, nagbabanta ang tingin, saka ito tumalon.
Noong masigurado kong nawawala na sila isa isa, tumuwid ako ng tayo, hinubad ang suot na sunglasses at naglakad na patungo roon.
Toshi remained on his place. Wala pa ata itong balak tumalon at may ikinakagalit ang mga mata. He looks effing hot but still, paasa parin ang gagong iyan, Irah.
Ngumisi ako sa kanya. “Tumalon kana,” sabi ko pa lalo na’t kami nalang dalawa ang nasa itaas.
Imbes sumunod, mas naging grabe lamang ang tingin niya sa akin. Humalakhak ako.
“Are you scared?” tanong ko sa malambing at mapang-uyam na boses.
Nabasa niya ang pang-ibabang labi at mukhang may kinikimkim na mga salita at ayaw lamang ilabas. Kung ayaw niyang tumalon, edi ako ang mauuna.
“Ako na ang mauuna…” saka walang ano-anoy hinubad ko ang aking suot na seethrough. His brows furrowed as his eyes darkened.
Akma akong aabante para pumwesto na sana nang marahas niyang hinila ang aking braso, halos baliin na ata ang aking payat na braso dahil sa pagkakahawak niya roon.
“Bumaba kana,” sabi niya, may pagbabanta na sa tono ng boses.
Imbes matakot ay natawa ako ng marahan. Who are you to dictate me?
“Are you worried, Kuya?” tanong ko na ikinadilim lalo ng kanyang ekspresyon sa kabila ng ngisi ko. Don’t trick me…
8th TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Lorraine Niar. Happy reading!
Focus
Rinig na rinig ko ang alon sa ibaba at ang tawanan ng magpipinsang Delafuente. Nagkakatuwaan na silang lahat roon at mukhang walang nakakapansin sa presensya naming dalawa na hindi pa tumatalon at nagsusukatan ng tingin.
Binawi ko ang aking braso sa kanya na binitiwan niya rin naman. Bumaling siya sa inihagis kong seethrough sa lupa at pinulot iyon.
“Wear this again,” utos niya na ipinagsalubong ng aking kilay.
Marahas ko iyong hinila sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Ano ba talagang gustong mangyari ng lalakeng ito?
“Bumaba kana,” utos niya ulit, malamig na ang boses at nakikipagkompetensya sa malamig niyang paninitig sa akin.
“Bakit hindi pwede? Dahil bata ako? Dahil malalaki na kayo? Hindi na ako paslit para pagbawalan mo-”
“Dahil delikado!” putol niya sa boses niyang nagpasindak ng husto sa akin. Ang bibig kong naiwang nakaawang sa ere ay mabilis kong itinikom.
“Naiintindihan mo?” matigas niyang tanong, ngayon ay medyo mahina na ang boses.
Umusbong ang galit sa aking sistema. Sa sobrang nagpupuyos na galit ay gusto ko siyang buhatin at itapon sa malayo.
“Pumayag nga ang mga pinsan ko tapos ikaw aarte kang kadugo kita?!” I exclaimed in so much anger, hindi na nakontrol ang nararamdaman sa aking loob. Tumaas baba pa ang aking balikat, gustong magtapon ng bagay sa kanya pero ang tanging naitapon ay iyong seethrough ko.
“H’wag mo nga akong pagbawalan na akala mo ay babae mo ako! Kung concern ka sa akin dahil mas matanda ka at bata lang ako pwes hindi ko iyon kailangan!” galit kong sigaw, sinasaksak lahat ng pwedeng magamit kong salita sa kanya.
Nanatili siyang kalmado sa aking harapan, tinitingnan ang pagsiklab ko, kinakabisado ang bawat lumalabas sa aking bibig at tila pinag-aaralan iyon. Inis na inis ako dahil ganyan siya. Ako itong para nang papatay ng tao sa aking galit pero siya, nakatayo lamang, nakatitig ng malalim at walang matinong reaksyon. Putangina talaga ang lalakeng ito!
Umihip ang malamig na hangin sa aming dalawa at pinaglaruan ang aming mga buhok. His hair deshiveled as he wet his lowerlip. Sinuklay ko ang aking buhok paatras at sa sobrang inis ay mas sinamaan ko siya ng tingin. Nalaglag ang kanyang mga mata sa aking katawan hanggang sa tuluyan iyong nalaglag sa lupa. Pinulot niyang muli ang aking seethrough at inilahad iyon sa akin.
Marahas ko iyong hinila saka iyon itinapon ulit sa kanyang dibdib hanggang sa nahulog iyong muli sa lupa. Sagad na sagad ang aking pasensya dahil sa pambabakod niya pero hindi naman nililinaw sa akin.
Bumuntong siya ng hininga at pinulot ulit iyon saka inilahad pabalik sa akin, katulad ng ginawa niya kanina. Hindi ito nawawalan ng kompustura maliban sa akin na tumitindi lamang ang galit.
Kinuha ko ulit iyon at akmang itatapon sa kanya nang magbitaw ito ng pagbabanta.
“Isang tapon mo pa ulit, pupunitin ko na yan.”
Ang balak ko ay nabura sa aking isipan dahil narin sa kanyang sinabi. Isinuot ko ulit iyon at tinalikuran nalang ito. Hindi ko talaga maintindihan. Gulong gulo ako. Di ko alam kung para saan lahat ng pinaggagawa niya. Kung kaklaruhin ko naman ay itatanggi niya rin at sasabihing ayaw niya sa mga batang kagaya ko. Binabase niya sa aking edad!
Kinuha ko iyong jar sa kotse at bumaba rin, hindi na ito nilingon. Pagkababa ko, nasa akin agad ang tingin ng mga babae.
“Hindi ka tumalon?” tanong sa akin ni Franca ang mga mata ay mabilis na napunta sa aking likod.
Lumingon ako at nakita ang bumababang si Toshi, nakapamulsa.
Ibinalik ko ang aking tingin kay Franca na naroon parin. Ang iilang mga babae ay nakuha na ang atensyon at nasa kanya kanya ng ginagawa maliban sa aking pinsan.
“Maliligo na ako,” saka ako muling umabante at mas binilisan ang paghakbang na baka ay maabutan ako ng taong nasa aking likuran.
Hindi ko na hinubad ang suot na seethrough at lumusong narin sa dagat dala dala ang jar. Ang ibang mga babae ay abala pa sa pagpapahid ng kung ano ano sa kanilang mga katawan para hindi umitim maliban sa akin na sumisisid na.
Iyon ang nagpalamig ng aking ulo. Pinagkukuha ko ang magagandang shells na natagpuan ng aking mga mata at inilalagay iyon sa loob ng jar na aking dala. Umahon ako at tumayo dala dala iyon. Sinuklay ko ang basang buhok paatras habang naglalakad patungo sa dalampasigan.
“Ano iyan, Irah?” tanong ni Blue, Red? Basta, isa sa kambal na Delafuente.
“Jar at shells ata?” sarkastiko kong sagot na ikinakurap niya.
“Jar na may lamang shells iyan,” pagtatama niya sa akin saka lumapit at tinitigan iyon.
Hinawakan niya ang magkabilang tuhod para itukod iyon at yumuko para makalebel ang aking jar. Tinitigan niya iyong mabuti.
“Kinuha mo sa ilalim?” tanong niya.
“Sa ibabaw,” sagot ko na ikinaangat ng kanyang tingin at ang ngising sumilay sa kanyang labi.
Nang mapansin noong isang kambal ang pinaggagawa nito ay nakiusyoso narin sa amin.
“Ano ’yan?” tanong ni Blue? Red? Tanong ng isa pang abnoy.
“Shells, obviously,” sagot ko nalang ng maayos. Namangha narin ito at mas napatitig sa jar, ginaya narin ang posisyon ng kanyang kambal. He’s wearing a red trunks while they’re both topless. Siya siguro si Red at iyong nakablue rin na trunks ay si Blue.
“Kinuha mo sa dagat?” tanong ni Red. Isn’t it obvious?
“I stole it from the sea,” sagot ko naman, mas inangat ang jar at inilebel sa aking dibdib na ikinaangat rin ng kanilang tingin, ang mga mata ay napunta na roon.
Sa di kalayuan ay nagtatakbo na si Ken papalapit sa amin hanggang sa makarating ito sa likod ng kambal at inakbayan ang dalawa na tumuwid na sa pagkakatayo.
“Oh, anong meron dito?” tanong ni Ken.
“Iyan,” itinuro ni Blue ang jar na nakadikit na sa aking dibdib.
Kumurap si Ken, imbes ang jar ang tingnan ay iba ang tinititigan.
“Ang dibdib ni Irah?” mahina niyang tanong sa dalawa, sapat lamang na marinig ko.
Why am I surrounded with stupid people? Lumihis ako ng daan para maiwasan ang tatlong nakaharang. Nagtungo ako sa cottage at inilapag roon ang jar. Naroon parin ang mga babae at mukhang interesado rin ang mga mata sa aking kinuha. Nana is not here. Siya lang ang napansin kong wala. Probably she’s with her cousin again, with White.
“You’re collecting shells?” tanong sa akin ni Daphne.
Tumango ako at inilabas ang aking mga nakuha para malinisan. Ang mga mata naman ni Zera ay naroon narin, kahit si Elle ay nakasunod ang tingin sa aking ginagawa.
May kinuhang isa si Zera at tinitigan iyon. Tiningnan ko siya sandali pero agad ko ring ibinalik sa aking ginagawa. Ang demonyitang ito… Isipin mo na nga lang Irah, pag naging Delafuente ka ay makakaapelyido mo iyan. Mas mabuti talagang magmove-on kana lang kay Toshi kaysa mapabilang sa angkan nila.
Nagsilingunan sila sa aking likod hanggang sa makita ko ang maugat na braso ng isang lalake, naglalahad ng shell.
“I found it somewhere, baka gusto mo.” sabi nito na ikinatitig ko sa kanyang maugat na braso.
“That’s pretty, Kuya Toshi!” compliment ni Elle, namamangha na ang mukha.
Nag-iwas ako ng tingin at hindi iyon pinansin. Zera’s brow raised. Ang mga mata ay nakasubaybay sa akin.
“Ayaw mo?” tanong ni Toshi.
“Ayoko.” sayo. Gusto ko sana iyong idugtong pero parang nag-iinarte na ang dating kaya kinimkim ko nalang.
Inihulog niya lang iyon sa jar na ikinasama ng tingin ko sa kanya. Paglingon ko, nakita ko agad ang hubad niyang pangangatawan, tanging itim na trunks ang suot at basang basa.
Bumaba sandali ang aking tingin pero ibinalik ko rin sa kanya.
“Nakuha ko sa sinisiran mo. Marami pala doon…” paliwanag niya habang kinukusot ang basa niyang buhok na gumugulo lalo.
“Maligo na kaya tayo?” si Elle ang tumayo at mukhang naengganyo dahil sa sinabi ng kanyang pinsan.
Tumayo naman si Daphne at mukhang gusto naring maligo. Nilingon ko si Zera na nasa amin parin ang tingin, naninimbang. Siya lang ata itong nagbibigay ng malisya sa nangyayari maliban sa dalawa na hindi iniisip na maaaring maglandian ang may limang taong agwat.
Ibinalik ko ang aking tingin sa mga shells at pinagkukuha ang ibang buhangin na nasama roon. Tumayo naman si Zera, mukhang balak naring umalis.
Hindi ko narin naramdaman ang presensya ni Toshi sa aking likuran at mukhang sumama na sa mga babae. Napatingin ako roon sa shell na kanyang inihulog na jar nang mag-isa nalang ako. Nilingon ko siyang muli na lumalangoy na saka ko ibinalik ang mga mata sa kinuha niyang shell.
Inilabas ko iyon sa jar at tinitigan. This is pretty. Sa parteng ilalim niya raw kinuha. Kung pupunta ako roon, baka isipin niyang interesado ako. Ngumiti ako ng palihim at nilinis narin iyon.
Ilang sandali lamang ay lumitaw ulit siya sa aking tabi, naglalahad na naman ng panibagong shell.
Nilingon ko siya, halos humarang na ang katawan sa aking imahe rito.
Umaagos ang tubig galing sa kanyang katawan at namumula ang labi.
Inilapit niya iyon lalo sa akin kaya tinanggap ko at iyon ang nilinisan. Ba’t ang gaganda ng nakukuha niya?
Pumunta siya sa aking tabi at tiningnan narin ang iilan kong mga kinuha.
Tahimik ko siyang pinakiramdaman sa aking gilid. Hindi ko alam kung ibinabaon niya lang ba sa limot ang pag-aaway namin kaya lumalapit lapit siya o nang-aasar lang talaga siya.
Tumulong narin siya sa paglilinis ng iba pang shells. Hinayaan ko nalang ito at naging mahinahon sa pumapagitnang katahimikan sa aming pagitan. Just don’t assume things, Irah. Walang magandang naidudulot pag lalagyan mo ng kahulugan iyang mapanglinlang niyang mga kilos.
“Where do you put this?” tanong niya, binabasag ang katahimikan.
“Sa kwarto ko,” sagot ko.
“Marami kanang ganitong koleksyon?”
Tumango ako, hindi na lumingon pa.
“Ano pa bang hilig mo?” tanong niya na ikinalingon ko narin sa kanya. Our eyes met for the nth time. Parang kanila lang ay nagsukatan rin kami ng tingin doon sa itaas at galit na galit pa ako.
“Marami, kuya…” sagot ko sa kalmadong boses na ipinagsalubong ng kanyang kilay.
“Nang-aasar kana,”
Umiling ako, “hindi ah?”
Ibinalik ko ang aking tingin sa ginagawa. Ang aking paglilinis roon ay mas bumabagal at ayaw munang bumalik sa dagat para humanap ng mga shells.
I don’t understand why we fight at small things and end up talking to each other again. Nalilito ako sa nangyayari. Gusto ko ulit mag-assume na may gusto talaga siya sa akin pero sa t’wing naalala ko iyong sinabi niya ay kusang namamatay ang hinahawakan kong pag-asa. Ang namamalaging nararamdaman ko para sa kanya ay lumalaki ata sa bawat pagdaan ng araw at nahuhuli ko ang kanyang mga matang nagnanakaw na naman sa akin ng tingin habang pinapanood ko siyang naglalaro, pumapalya pero todo parin sa pagchicheer si Chey sa kanya.
Bulgar ang pagkagusto ni Chey kay Toshi kumpara sa akin na kinikimkim lamang. Inaalagaan ko ito sa aking loob at pinipigilang lumaki. Kung ayaw niya sa mga batang kagaya ko, si Chey na kaedad niya, ba’t hindi niya magustuhan? Was it because his cousin likes Chey?
Pinagbubura ko ang aking pinag-iisip nang magpahinga muna sila. Si Chey ay agaran namang tumayo, may hawak na pamunas ng pawis at isang gatorade. I watched her went down on the bleachers and ran towards him.
Ngumiti ng maliit si Toshi sa kanya at tinanggap ang binigay nito. Sa gilid naman ay ang mainit na ulong si Grey, matalim ang tingin at humihingal na pinapaliguan ng kantyaw ni Ken sa kakahagalpak ng tawa.
“Hindi na bale kung hindi makashoot ng bola si Toshi… Nakapuntos naman kay Chey! Hindi tulad sa isa diyan…” pang-aasar niya ni Ken na mabilis na tumakbo palayo dahil sa matalim na iginawad sa kanya ni Grey.
Humalukipkip ako at sumandal sa likod na bleachers. Ganoon pala si Toshi. Kahit hindi niya naman gusto ang babae ay pinapaasa niya sa kanyang kilos. He’s tricking them to think that he can like them back when infact the only thing he like is himself. Iyon ang pagkakaintindi ko sa kanya sa paglalim ng aking tingin sa dalawang sakit sa mata.
May kung sinabi si Toshi sa kanya na ikinatango ni Chey, ang kamay ay nasa likod nito at presentableng tingnan sa suot na dress, ang buhok ay nakaponytail at napakaaliwalas ng mukha. She doesn’t even care if she’s hurting the person who likes her. Anak ba ito ni Hudas?
Bumalik rin naman siya sa bleachers, matamis na ang ngiti at nang mahuling nakatingin ako ay mas lumawak ang nang-iinggit na ngisi. What is she bragging about? Na nagmumukha siyang alalay ni Toshi sa paningin ko? Dapat ko ba iyong kainggitan?
Umupo siyang muli, nagawa ulit akong lingunin. Cassey is busy fixing her curly hair while holding her phone. Nasa gilid ko siya.
Kaya noong pumunta ulit kami sa bahay nila Kuya Trey, hindi ko na pinansin si Toshi. I am mad at him again. Ang tinapon kong galit sa kanya ay kinuha kong muli at ibinalik sa aking sistema. He’s a whore. Kung hindi niya dapat gusto, dapat hindi niya inientertain. Siguro crush niya talaga si Chey at inililihim lang iyon, humahanap lamang ng tyempo para masolo niya iyon pag hindi nakatingin ang kanyang pinsan.
Nalunod na naman ako sa aking pinag-iisip. Sa bawat haka-hakang bubuohin ko, mas nadadagdagan lamang ang aking galit. Uminom ako ng malamig na tubig at pilit iyong pinagsisipa palabas. Nakaupo ako rito sa harap ng swimming pool sa veranda, sila naman ay nasa sala at nagtatawanan na naman.
Narinig ko ang pagbukas ng sliding door na kumukonekta sa kusina. Iniluwa roon ang imahe ni Toshi, ang mga mata ay mabilis na napunta sa akin. Nag-ikot agad ako ng mga mata at ininom ang natitirang laman ng tubig.
Umalog ang sofa dahil sa pag-upo niya sa bandang dulo. Sumimangot ako nang napagtantong malapit na naman sa akin ang malanding ito.
Katulad ng nakasanayan niyang posisyon, inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang hita at ipinagsalikop iyon, ang mga mata ay nasa akin.
“You look upset…”
Bumusangot ako at uminom muli ng tubig pero napagtantong wala na pala iyong laman. Napatitig ako ng ilang sigundo sa loob noong baso na walang tubig saka ko inilipat ng dahan dahan ang aking mga mata sa kanya na nakatingin parin sa akin. Nakagat niya ang pang-ibabang labi, akmang kukunin iyon pero inilayo ko.
“Akin na. Kukunan kita ng tubig,” sabi niya na ikinabusangot ko.
“Umalis kana. Bumalik ka doon sa Chey mo,” matabang kong sabi at kusang tumakas sa aking bibig.
Ibinaba niya ang kanyang isang kamay na nakalahad sa akin at itinukod iyon sa kanyang tuhod, ang kamao ay nasa baba na.
“Chey ko?” nagtataka niyang tanong, ang boses ay may halong pang-aasar.
“Oo. Iyong nagbigay sa’yo ng gatorade, Kuya.” diin ko sa huling salita na ikinawala noong mapang-asar niyang tingin.
“Chey and I are just friends-”
“Friends daw.” sobrang tabang kong sabi at pinutol siya.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at tumitig sa akin ng ilang sigundo.
“Single kana di’ba? At maganda si Chey. Kaedad mo pa. Di na ako magtataka kung naging kayo.” normal kong pagkakasabi sa kabila ng humahaba kong nguso.
Umupo siya ng tuwid at humilig sa likod ng sofa.
“Dapat bang idate ko siya?” tanong niya sa akin, parang nanghihingi ng aking opinyon.
“Hindi,” sagot ko agad. “Pero kung gusto mo, edi pwede.” pahabol ko rin lalo na’t kinuha ng nauna kong sagot ang kanyang atensyon.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at itinuon roon sa swimming pool. Mas nagiging kulay asul iyon dahil sa mainit na pagtama ng araw. Tirik na tirik iyon at mas pinapatingkad ang kulay ng tubig.
“What course are you planning to take?” tanong niya, iniiba ang topic.
Hindi ko alam kung ba’t interesado siya sa bagay na iyon. Siguro dahil ayaw niya iyong topic kaya nag-iisip siya ng panibagong pag-uusapan.
“Magf-fourth year pa ako ngayong pasukan. Di’ba gagraduate kana? 4th year college kana at magtatrabaho. You’re going to be busy…” sabi ko.
Sa aking sinabi, napagtanto kong ganoon na kalayo ang agwat namin. Magtatrabaho siya at ako ay magtatapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Kung lumala man ang aking nararamdaman, mas magiging mahirap iyon dahil malayo kami sa isa’t isa. Hindi ko siya makikita at kailangan ko pang magconcentrate sa pag-aaral ko. Siya naman ay magpapakasubsob sa kanyang trabaho. Kaya ko ba ang ganoon?
Hindi ko isinatinig ang aking alalahanin pero nagdulot iyon ng pagkafustrate sa aking mukha. Inangat kong muli ang baso at akmang iinom nang naalala kong wala na pala iyong laman. Tiningnan ko siya at nahuling binabantayan parin ang aking galaw kaya pasimple akong umirap dahil sa pagkakapahiya.
Inagaw niya sa akin ang baso at hinawakan iyon. Nagpumiglas ako at akma iyong kukunin pero humigpit lamang ang pagkakahwak niya roon na kahit ang aking kamay ay hinahawakan niya narin.
Ilang sigundo kaming nagtitigan. Nalaglag ang aking tingin sa kamay niyang walang balak bitiwan ang baso at pagkakaipit ng aking mga kamay saka ko ibinalik sa mga mata niyang hindi man lang lumilihis. Ang pintig ng aking puso ay nagsimulang magwala na kahit ang lubid ng aking galit ay napugto na ata at hindi ko na naman magawang magtaray.
“That’s why you need to focus on your studies while I’m working hard…” seryoso niyang sabi na aking ikinalunok. Ang aking pag-iisip ay naglalakbay na naman sa ibang dimensyon at nagpapalinlang na naman sa kanyang nakakalitong galaw. Ano ba talaga Toshi? Gusto mo ba ako o hindi? Damn it.
9th TRICKED
T R I C K E D
Happy birthday to Jazmine delos Santos. Wishing you all the best in life and happy reading!
Move-on
Toshi’s last words echoed to my ear. Kailangan kong pagbutihin ang aking pag-aaral habang nagpupursigi siya sa pagtatrabaho. Ano ’yon? Is he planning for our future? Na dapat stable na siya saka lamang siya aamin sa akin? But I want an assurance! Ayoko iyong dinadaan niya lahat sa mapanglinlang niyang mga galaw tapos nilalandi siya ni Chey.
Nagngitngit ang aking mga mata kakatingin sa babaeng todo na naman sa panglalandi kay Toshi. Chey’s hourglass like body irritates me alot. Ang hubog ng kanyang katawan ay mas klaro na kumpara sa patpatin kong pangangatawan. She was even curling the tip of her hair while talking with Toshi. Ang dalawa ay nasa dulo, may kung anong pinag-uusapan habang wala pang game.
Iyon ang palaging nagpapainit sa aking ulo tuwing summer pag nasa Clubhouse ako, nanonood ng game. Hindi ko rin naman kasi maipagsigawan ang nararamdaman ko. I am just 15. Baka ngayon nababaliw pa ako tapos bukas hindi na pala. I don’t want to leave a mark. Ganoong cycle ang nangyayari pag may nagugustuhan akong lalake. My feelings for them fades easily. Tila bula na hinangin papunta sa ere at doon rin naglaho ng tuluyan.
“Ni minsan, hindi kita nakitang nakangiti.” si Cassey, kulot parin ang buhok at medyo tan skin.
Humalukipkip ako sa bleachers, ang aking mga mata ay hindi ko maalis alis sa harapan, kung nasaan si Toshi, ngumingiti ng tipid. Di siya ganyan sa akin! Gago talaga.
Nang hindi ako sumagot sa tanong niya ay naisipan niya nalang sundan ang aking tingin. Ang plano kong iiwas ay hindi ko magawa gawa dahil namamagnet na roon ang aking mga mata.
“Ang desperada,” naiiling na komento ni Cassey sa kanyang pinsan. Higad.
Dapat maturn-off ako. Harap-harapan ko siyang nakikitang lumalandi. Dapat itapon ko na ang nararamdaman na ito sa malalim na bangin para imposible ko ng makuha pa. Pero hindi naman ata naaapektuhan iyon, mas lalo lamang lumalaki ang aking galit at ang pagnanasa kong lagyan ng label ang tinginang hindi ko matukoy tukoy. If his eyes are just tricking me, then he needs to stop it!
Iniwasan ko siya ulit, katulad ng ginagawa ko sa tuwing nagagalit ako sa kanya, sa kanila ni Chey. Hinubad ko ang suot kong dress at tumalon sa pool sa bahay nila Kuya Trey. Sasabog na naman ata ako sa aking galit pero wala namang nanglalambing sa akin. Dapat pag nagseselos ang babae, may lalambing. Kaso itong akin, nagselos ako pero hindi naman siya sa akin. Damn it.
Sumisid ako sa ilalim at mas lumangoy pa sa dulo. I don’t mind drowning right now. Nabubwesit ako eh.
Nang marating ko ang dulo ay humawak agad ako sa gilid ng pool para iangat ang aking sarili. Unti-unti akong dumilat, pero halos manlaki rin ang aking mga mata dahil sa lalakeng nakabukaka sa aking harapan, ang tingin ay nasa akin.
Umatras agad ako, napalunok ng laway sa imahe niya. Hinilamos ko ang aking mukha at sinuklay paatras ang aking buhok. Sinamaan ko siya ng tingin. Nandito na naman.
“Mind if I join?”
“Hindi pwede,” sagot ko pero hinila niya na ang tela ng kanyang suot sa likuran, ang mga mata ay nasa akin hanggang tuluyan niya iyong naalis. Ang nanlalabo kong mga mata kanina dahil sa tubig ng pool ay lumiwanag rin dahil sa kanyang tiyan. This bastard is fucking sexy.
Nauna niyang ilublob ang isa niyang paa hanggang sa isinunod niya na ang isa at tuluyang ibinagsak ang sarili. Sandali siyang napunta sa ibaba, kalaunan ay umahon rin. I watched his stroke his hair backwards for a clearer view. Sumimangot ako nang napagtantong ang gwapo niya nga.
“Bakit ka nandito?” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at lumangoy sa kabilang dulo ng pool. Gumalaw rin ang tubig sa aking likuran, sumusunod pala.
“Dahil gusto kong maligo,” klaro niyang sabi.
Huminto ako sa paglangoy at nilingon siya, “gusto mong maligo o gusto mong makasama ako?”
He tilted his head while eyeing me. Umirap ako at lumangoy ulit para makapunto sa dulo kung nasaan ang hagdan noong pool.
Pagkarating ko roon ay humawak agad ako sa handle para maiangat ang aking sarili at makaahon na rito. Aalis nalang ako.
Bago paman ako tuluyang makaalis ay naramdaman ko na ang matigas niyang braso sa aking tiyan. Pumulupot iyon roon hanggang sa hinila niya ako pabalik.
Napahawak ako sa kanyang braso at nagpumiglas.
“Bitiwan mo nga ako! Uuwi na ako!” Pinagsasapak ko iyon. Ang kapal ng mukhang hawakan ako eh may pangiti ngiti pa siya kay Chey!
“Calm down,” sabi niya sa baritonong boses. Nadikit ako sa kanyang dibdib kaya mas nagpumiglas ako.
“Kakalmutin kita pag di mo ako binitiwan!” Nilingon ko siya sa aking likuran hanggang sa makita ko ang kanyang mukha, nasisinagan ng araw at namumula ang mga labi.
“Then do it.” sabi niya, halos ibulong nalang sa akin dahil sa sobrang lapit naming dalawa.
Iniwas ko agad ang aking tingin nang hindi ko iyon makayanan. Bumaba ang aking mga mata sa braso niyang nakapulupot parin sa aking tiyan, sa sobrang liit ng aking beywang ay kaya niya ata akong baliin dahil sa kanyang lakas.
Sinunod ko iyong sinabi niya. Kinalmot ko iyon pero hindi naman gaanong malakas. Pinadaan ko lang sa kanyang maugat na kamay ang aking mga kuko. Nilingon ko siyang muli at nakita ang ekspresyon nito, kalmado lamang.
“It doesn’t even hurt me,” sabi niya.
“Eh kasi hindi ko nilakasan,” umirap akong muli at kinalmot siya ng mahina.
“You’re already playing…”
“Ganoon ako e… kuya.”
He sighed. Ang kanyang hininga ay naramdaman ko pa sa aking balikat. Malamig naman sana ang tubig pero hindi ata ako naapektuhan at kumakalat ang init ng aking pisngi sa buo kong katawan.
Kinurot kurot ko ang kanyang braso, naroon ang tingin. Naramdaman ko namang hinawi niya ang aking buhok sa aking batok at itinulak iyon sa harap ng aking balikat. Sinilip niya ang aking mukha kaya umirap ako, iniwas.
“Nagtetext parin kayo?” tanong niya.
“Huh? Sino?”
“Ah, marami pala…” matabang niyang sabi na ikinaarko ng aking kilay.
“Sino nga?” tanong ko ulit, nilingon na ito.
Tuluyang lumuwag ang pagkakahawak niya sa aking beywang hanggang sa bumitaw iyon. Nauna siyang lumangoy papunta sa gilid ng pool at umahon. Malinaw kong natitigan ang kisig ng kanyang pangangatawan, ang malapad niyang likod at ang paglabas ng ugat sa kanyang mga braso dahil sa pag-angat niya sa kanyang sarili.
Umupo siya roon at humarap muli sa akin. Ang mukha ay kalmado ngunit taliwas iyon sa mga mata niyang nanglilinlang ang tingin.
Nakakasilaw naman ang abs niya…
Tinapik niya ng pangalawang beses ang espasyong nasa kanyang tabi. Ilang sigundo akong tumitig roon saka rin lumangoy. Inangat ko ang aking sarili hanggang sa maupo ako sa kanyang tabi. Ang kulay itim kong mga panloob ay basang basa na.
Ilang minuto rin ang namuong katahimikan sa aming pagitan. Nakatitig lamang ako sa kulay asul na tubig at nasisinagan ng tirik na tirik na araw. Inahon ko ang aking mga binti na nakalublob sa tubig at niyakap iyon. Ang aking baba ay nasa tuhod ko na.
Nag-isip isip ako ng pwedeng pag-usapan. Pero sa tuwing gagawin ko iyon ay palagi ko lang nakikita ang pagngiti niya kay Chey at hindi sa akin. He never treated me like how he treated the girls around him. Minsan naiisip ko kung pinipikot niya lang ba ako dahil bata ako at nababasa niya ang kilos ko na may gusto sa kanya kaya sinasabayan niya ang agos ng aking nararamdaman o gusto niya rin talaga ako. It’s always been the latter. He likes me… Iyon ang palagi kong iniisip kahit na nakikipaggyera sa aking isipan ang kabaliktaran noon.
“May gusto ka ba sa’kin?” tanong ko sa maliit na boses, ang tingin ay nahuhulog na sa aking tuhod at mas piniga ang aking sarili sa mahigpit kong yakap.
Ilang sigundo siyang hindi nakasagot. It stings.
“Nginingitian mo ang ibang babae pero pag ako hindi…” bulong ko pa, mas lalong humihina ang boses.
“At palagi kitang nahuhuling nakatitig sa akin.” dagdag ko pa.
Sa bawat sigundong dumadaan at tahimik lamang siya, mas bumibigat ang aking pakiramdam. Ang bata kong puso ay nadudurog ng unti-unti sa pagmamahal na wala namang kasiguraduhan kung totoo bang meron o sadyang isa lamang malaking ilusyon.
“Kung hindi mo lilinawin, ngayon palang magmomove-on na ako.” Inangat ko ang aking tingin at nilingon ito. Nahuli ko ang paggalaw ng kanyang adams apple, ang mga labi ay nakaawang ng kaonti at malayo rin ang tingin.
“Bata pa ako at marami pang lalake diyan. I’m going to move-on and forget everything about you…” pagbabanta ko pa. Na sana ay gumana iyon at umamin nalang siya.
“I know…” sagot niya na ikinadismaya ko. Gago talaga! Di man lang natakot! Fuck it, Irah! Di iyan matatakot dahil hindi lang rin naman ikaw ang babae sa mundo. It’s not his loss! Well, for me it’s his loss. Pag lumaki ako, sisiguraduhin ko talagang siya naman ang maghahabol sa akin at ako, dededmahin ko siya dahil pinapaasa niya ako ngayon.
Ibinalik ko ang tingin sa pool at dismayado na naman. Ang bigat na ng aking balikat na parang may pasan pasan akong mabigat na bagay at ang dibdib kong naninikip. Damn him for making me feel this way!
“You’re still young and your mind changes from time to time. Ngayon may gusto ka, bukas baka hindi na. Ngayon ay curious ka pa, pero pag natuklasan mo na ay magsasawa kana. Marami pang dadating sa buhay mo na makakapagpabago ng isip mo.” sigurado niyang sabi na ikinainis ko.
Sa bawat pag-uusap namin, pakiramdam ko kaya niya ako pinapayuhan at lumalapit lapit siya sa akin dahil ayaw niyang mapunta ako sa maling landas. Na nagmamalasakit lamang siya dahil magkaibigan ang aming mga magulang at sobrang lapit sa isa’t isa. He’s just concern…
Concern?! Gago siya ba’t hindi siya ganyan kay Franca? Bakit sa akin lang? Bakit lumalapit lapit siya sa t’wing lumalayo ako? Tapos pag kaklaruhin ko ang palagi kong nakukuhang sagot ay iyong mga linyahan niyang bata pa ako at magbabago pa ang isip ko.
Dumagdag lamang iyon sa listahan ko para magalit ng husto sa kanya. Pinapasabog niya ang aking utak at siya itong pinakamahirap intindihin kaysa sa mga subjects na gamay na gamay ko. Nagiging bobita ako pagdating sa kanya at wala atang mahanap na formula diyan sa ibinibigay niyang problema.
Nagmukmok ulit ako sa aking kwarto. Hindi na naman ako sumasama kaya kahit si Franca ay nasa kanilang bahay lang rin ata. I don’t want to see him again. Ayoko na ulit mag-assume sa mga mata niyang mapanglinlang.
May kung sino ang kumatok sa aking pinto kaya doon lamang nabura ang aking pinag-iisip. Hindi ako sumagot, mas niyakap ko lang si Bun-bun na masyado ng maliit para sa akin.
“Irah, sweetie? Can I come in?” boses iyon ni Mommy.
Hindi ako sumagot.
Narinig ko ang pagkakabukas ng malaki ng pinto ng aking kwarto hanggang sa nasundan na iyon ng yabag ng kanyang mga paa.
Umuga ang kama dahil sa kanyang pag-upo sa aking gilid. Nasa likuran ko siya, ang kamay ay humahaplos na sa aking buhok.
“What’s wrong? Ang tamlay tamlay mo ata eh summer naman…”
This is my first summer I acted like a corpse. Tuwing tag-init ay masigla ako dahil sa mga outdoor activities na pinaggagawa ko. Summer ang palagi kong paborito dahil nakakatambay ako sa mga lugar na nagpapaengganyo sa akin. Pero ngayon, pinapangunahan ako ng aking pusong may ikinakadismaya. Hindi ko makuha kuha ang lalakeng natitipuhan ko ngayon at sobrang nasasaktan ako.
“Pwede ka namang mag open-up sa amin ng Daddy mo, Irah… Don’t keep it to yourself… We’re here to listen to you.” malambing niyang sabi hanggang sa ang kanyang baba ay nasa aking braso na. Hinawi niya ang iilang hibla na tumakip sa aking mukha at isinabit iyon sa gilid ng aking tenga.
“Do you want me to call your Daddy?” tanong niya na ikinailing ko lang ng marahan.
She sighed. “Edi saan mo ilalabas iyang kinikimkim mo?”
I didn’t answer. Ni minsan, hindi naman ako nag-oopen up ng problema sa kanila dahil nareresolba ko rin naman iyon ng mag-isa. I hate sharing my thoughts. Gusto kong sarilihin nalang ang aking iniisip dahil ako lang naman ang makakaintindi sa aking sarili.
“When I was at your age, noong nabrokenhearted ako sa Daddy mo, ang mga magulang ko ang takbuhan ko. Palagi kong sinasabi sa kanila ang problema ko dahil napapayuhan nila ako ng tama at hindi ako napupunta sa maling landas gawa ng sarili kong desisyon. Palagi akong humihingi ng bagay kay Daddy, kay Mommy… sa kanilang dalawa at sobrang sarap noon sa pakiramdam. I hope you do that same too, baby… We’re not strangers. Magulang mo kami at gaano pa kaliit iyang problema mo, makikinig kami at hinding hindi ka namin tatalikuran.” Lumapit siya lalo sa akin para patakan ako ng halik sa aking pisngi.
My eyes got watered for some particular reason. Una, dahil napakaliit ng pinoproblema ko at pinag-aalala ko sila, pangalawa dahil nagdadrama ako kung pwede namang baliwalain ko nalang iyon. What’s the bigdeal Irah? Eh ano naman ngayon kung hindi ka niya magustuhan?
“Medyo masama lang ang pakiramdam ko, Mommy…” garalgal kong sabi sa maliit na boses.
Umuga ulit ang kama dahil sa kanyang paggalaw. Ang kanyang palad ay nasa aking noo na, kinikilatis iyon.
“Did you drink some meds? Ilang araw na ba? Pero hindi ka naman mainit?” nag-aalala niyang sabi.
“Wala lang ako sa mood…” dagdag ko pa.
Hindi ko makita ang kanyang ekspresyon dahil nakasentro lamang ang aking tingin sa gilid kung saan rin ako nakaharap.
“Do you want me to sleep in your room tonight?” marahan niyang tanong.
Hindi ako umimik. The last time she slept on my room when I got punished by Daddy. Sa t’wing napapansin niyang matamlay ako pero hindi naman ako nag-oopen up ay sa kwarto siya natutulog. Kahit close na close naman ako sa kanila, may mga bagay paring gusto ko nalang kimkimin.
Humiga siya sa aking likuran at niyakap ako. Mas niyakap ko ng mahigpit si Bun-bun, naiiyak sa pagiging ganyan niya.
“Malapit ng matapos ang summer pero ang tamlay tamlay mo. Kailan ka pa nawalan ng ganang lumabas, Irah?”
Ngayon lang dahil may gagong umaaligid sa labas at pinapaasa ako. Ang kapal ng mukhang makatingin sa akin at lumapit lapit tapos papayuhan lang pala ako. Ba’t hindi siya magpadre?
“Manang mana ka talaga sa Daddy mo,” she chuckles softly. “Napakasecretive niyong dalawa… Ako kahit gusto ko mang kimkimin ang sekreto ko, nadudulas talaga ang dila ko pag iyang Daddy mo na ang kaharap ko. Bobo na nga ako noon mas lalo pa akong nabobobo sa kanya.”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at pinigilan ang sariling mapangiti.
Nanatili ng ilang oras si Mommy sa loob ng aking kwarto. Panay siya daldal sa nakaraan nila Daddy hanggang sa nakatulog ito sa aking likuran. I smiled when I saw her sleeping peacefully. Yumuko ako at hinalikan siya sa noo saka ko ito kinumutan. She might be tired…
Lumabas ako ng kwarto at timing, kakaakyat lamang ni Daddy. Kinakalas na nito ang kanyang necktie at mukhang kakadating lamang.
“Where’s your Mom? Hindi ako sinalubong.” tanong niya na ikinanguso ko.
“Nasa kwarto ko… nakatulog.” nag-iwas ako ng tingin kay Daddy. I know him too well!
“Brokenhearted kana?” tanong niya na aking ikinabusangot. See? He can read me!
“I-I am not…” mas iniwas ko ang aking tingin, sa gilid naman ng aking mga mata ay patuloy lamang siya sa pagkalas ng kanyang necktie.
“Anong sinabi mong alibi sa ina mo dahil matamlay ka?”
Siya nga ata talaga ang CCTV dito sa bahay. Lahat ata ng galaw ay alam niya. No wonder he’s a great lawyer… Wala atang kriminal ang makakalusot sa kanya.
“Wala ako sa mood…” sagot ko sa mahinang boses.
“Wala ka sa mood dahil may sakit ka?” tanong niya, katulad ng sagot ko kay Mommy. “May sakit sa puso?” dagdag niya pa na ikinabusangot ko lalo.
Sumandal ako sa railings ng hagdan at ikiniskis ang paa sa isa ko pang paa. I got cornered again.
“Nagmomove-on na ako, Daddy…” sagot ko.
“Move-on from what? From assuming things?” he fired back.
Nasaktan ako roon. Nag-angat ako sa kanya ng tingin. “But he’s staring at me!”
“Syempre hindi iyon bulag.” sarkastiko niyang sabi na ikinapadyak ng aking mga paa.
“Daddy!”
Naglakad siya muli at nagtungo sa aking kwarto. Sumunod naman ako. He stared at Mom for awhile.
“Ganyan na ganyan siya makatitig sa akin…” sabi ko pa na hindi niya na ata narinig dahil nakay Mommy na ang buong atensyon.
Nilapitan niya ito at binuhat. Umangat naman agad sa ere si Mommy, mahimbing na natutulog kaya mas isiniksik siya lalo ni Daddy sa dibdib nito.
Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto saka rin ito sinundan sa paglabas. He was carrying my Mom like his life depend on her. I even saw him crouched a bit, maybe to give her a kiss.
Ako rin ang nagbukas ng kanilang kwarto. Humalukipkip ako sa may pinto at pinanood si Daddy na dahan dahang inilapag si Mommy sa malambot nilang kama. Kinumutan niya iyon at tinitigan sandali, saka rin siya bumaling sa akin. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.
I am always amazed how my Dad look at my Mom like that. Naiisip ko na iyon talaga ang totoong pag-ibig. His gaze reminds me of Toshi’s deep stares towards me kaya nabigyan ko rin ng kahulugan iyon. But I realized they’re different. My Daddy is very inlove with my Mom… simula bata ako ay saksi ako roon.
Nauna akong lumabas. Umupo ako sa unang palapag ng hagdan at pumangalumbaba roon, ang aking mga palad ay nasa magkabila ko ng pisngi bilang suporta.
Dumaan si Daddy sa aking gilid at bumaba sa ikatlong palapag. Doon siya huminto at sumandal sa railings, ang mga kamay ay nakabulsa na.
Ilang minuto kaming kapwa tahimik, tinitimbang lamang ang isa’t isa. Kahit wala akong iopen-up sa kanya, alam kong nababasa niya ang aking iniisip. Nagmumukha akong kriminal na pinapaamin niya at iniipit sa kanyang mga salita.
“I don’t understand why he doesn’t like me…” Panimula ko.
“Hindi lahat ng lalake, mapapaluhod mo sa’yo.” sabi niya sa klarong boses na ikinasira ng aking ekspresyon.
Natahimik ako at wala ng maisip pa. Ang malinaw lang sa akin ay tumigil sa kahibangang ito bago pa ito lumala. I know myself too well. I am always at my worst when I badly want to own something…
“Prepare yourself tomorrow. We got invited on Abbegail’s birthday party.” sabi niya at humahakbang na ulit paakyat.
My eyes widened. Nagdesisyon na akong umiwas! I don’t want to see him anymore!
“But Daddy!” Tumayo ako at humabol narin sa kanyang likuran.
“No buts. You need to come with us.” sabi niya, nasa harap na ng pinto ng kanilang kwarto at hawak na ang doorknob.
Sumimangot ako, “but I don’t want to see him…” mahina kong sabi.
“Then close your eyes.”
“Dad…”
“Good night, young lady.” saka siya pumasok at tuluyan akong sinarhan ng pinto. Nagloosen ang aking balikat. “Good night…” bulong ko, dismayado. Daddy really wants me to learn from my mistakes huh… I’m really fucked up.
10th TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Jhazmine Anne dela Cruz. Happy reading!
Stand up
Nagkalat lahat ng mga dress na pinagpipilian kong susuotin sa party na iyon. I know it will be held on their house pero alam ko na bongga rin ang suot nila Zera. Tuwing may ganoong okasyon, palaging presentable ang mga babaeng Delafuente na akala mo isang ball ang dadaluhan. Kahit hindi ako nakikisali sa kanilang tipon tipon, ayoko rin namang maleft out sa ayos ko. I want to stand out.
Hmm, magcleavage kaya ako? I look at my boob. Katamtaman lamang ang laki noon, sapat lang sa payat kong pangangatawan hindi kagaya noong si Nana na disesyete na sana pero ang dibdib ay pambata parin.
I wore a tubetop, black clingy dress. Yumakap iyon sa aking katawan at sa may parte ng hita ay medyo maluwang na. Inilugay ko lang ang aking buhok at naglagay ng light make-up. Ang tanging suot kong alahas ay iyong bracelet lamang, wala ng iba. Isang itim rin na pumps ang aking isinuot sa ibaba at nagdala ng maliit na purse para ilaagay ang aking cellphone roon.
Pagkababa ko ng kwarto, umarko agad ang kilay ni Daddy maliban kay Mommy na pumalakpak.
“She really looks like me! Mana sa akin, maganda!” Pagmamalaki pa ni Mommy kay Daddy, nakasuot ito ng simpleng champagne A-line dress at nakastilleto while Daddy’s black polo’s two buttons were unbuttonned, revealing the silver necklace he’s wearing paired with dark pants and shoes.
“Masyadong nagpapaganda ang anak mo,” komento ni Daddy at sinipat ng tingin si Mommy na ngumunguso na.
“Hindi siya nagpapaganda dahil maganda na talaga siya.” giit nito.
Hindi nalang umimik si Daddy, iba na ata ang naiisip sa aking pagpapaganda.
Katabi ko ang regalo sa likod ng kotse habang papunta kami sa subdivision nila. Medyo malapit lang naman iyon pero malalaki at malalawak kasi ang mga bahay rito kaya kung lalakarin mo ay medyo matagal ka talagang makakarating.
Dad is watching me on the mirror in his suspisious eyes. Mabuti nalang at may kung anong dinadaldal si Mommy kaya nalilihis rin ang kanyang atensyon.
Sa tingin niya palang, pinapalabas noon na may kalokohan akong gagawin at pinaghahandaan ko iyon ng husto. Wala naman akong iniisip ng kalokohang gagawin, ang gusto ko lang ay ipamukha sa lalakeng iyon na walang epekto sa akin iyong pinagsasabi niya. That I am not hurt. People will think you’re weak if you let them see how vulnerable you are when it comes to them. I won’t give him the satisfaction to hurt me. Kung marunong siyang manakit, marunong rin ako.
Maingay ang labas ng bahay kahit nasa may bulwagan palang kami ng magarang gate ng bahay nila Nana. Malawak ang espasyo sa loob at doon idinaos ang kaarawan ng kanyang ina. The fairylights look enchanting as my eyes wander around the place.
“Masyado ka atang maganda ngayon ah?” puna ni Franca sa akin nang tumabi siya sa aking gilid. Nakasalubong namin sila sa labas at sabay na pumasok sa loob.
“Normal lang iyan,” pagmamalaki ko at sinuklay ulit ang buhok paatras para hindi iyon tumakip sa aking collarbone. Now, where’s that bastard?
Sumipol si Ken at ngumisi pa sa akin. “Looking hot!” sigaw niya pa na ikinagulong ng aking mga mata. Isa rin ang gagong ito…
Si Franca naman ay naroon na sa harapan ni Nana, nakikipagdaldalan agad at naghahagikhikan na ang dalawa.
“Irah,” tawag sa akin ni Daddy at sinenyasan akong lumapit sa kanila ni Mommy.
Nagtungo ako roon at sumabay sa kanilang paglalakad papunta sa celebrant na si Tita Abbegail. She looks gorgeous, as always…
“Happy birthday, Abbey!” pagbati ni Mommy at nakipagbeso beso rito.
“Salamat, Christienne…” she smiled sweetly.
“Happy birthday po,” bati ko naman at ngumiti ng tipid. She eyed me with amusement on her face.
“Wow you look great, Irah… thank you!”
I smirked proudly. Noong nahuli ko ang mga mata ni Daddy na naninimbang ay doon ko ulit iblinangko ang aking mukha. Wala naman akong binabalak ah? Bakit ganyan siya makatingin?
Binati narin ni Tita Addi at Tito Dos si Tita Abbegail saka ibinigay iyong mg regalo nila. Gumala ang aking tingin, may hinahanap. Where is he? Dapat ay nandito siya lalo na’t nagpaganda ako. He needs to see me in this kind of state…
Pagkatapos nilang bumati ay umupo rin silang apat sa iisang table. Tito Uno and Tita Aly are not yet here kaya pati ang kambal ay hindi pa nakakarating. Humalo naman ako sa table ng mga babae, maliban sa maingay na nakakadalang tugtog, nag-iingay rin si Franca at nakikipagdaldalan kina Cassey. Chey is not around… at hindi ko pa nakikita si Toshi.
“Hindi ka ba kakain?” tanong sa akin ni Cassey nang mapansin niyang iyong tubig na naman ang iniinom ko.
Umiling ako, “may photoshoot ako bukas.” saka nalaglag ang aking tingin sa plato niyang bundok bundok na ang pagkain. I grimaced. Ew, too much carbs.
Sumubo siya at walang pakialam sa laki ng pagkain na ipinasok sa bibig. Ang kanyang mga mata naman ay nasa akin, may balak sabihin pero mas inuna ang pagkain.
“It won’t make you fat if you eat right nowm…” sabi niya pagkatapos iyong lunukin.
“I don’t want to be bloated,” sagot ko pa, sandaling gumala ang tingin. Sa kabilang mesa ay naroon ang mga lalake, pumapaibabaw na naman ang tawanan habang si Nana naman ay naroon sa harapan ng kanyang mga magulang dahil sa pagdating ng aking mga pinsan.
Ibinalik ko ang tingin kay Cassey na sumubo ulit ng malaki.
“Ang payat mo na ah? At ang bata mo pa para magdiet…” komento niya nang maliit nalang ang nginunguyang pagkain.
Uminom ako muli ng tubig hanggang mamataan si Toshi, sa kanyang gilid naman ay ang sumusunod na si Chey at mukhang may kung ano itong sinasabi. Toshi glanced at her without any expression on his face. Si Chey naman ay ngumiti lang ng matamis. Gaga talaga ang babaeng ito…
“Sayang ang pagkain, masarap pa naman…” pagpapatuloy ni Cassey na hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin.
Humalukipkip ako sa aking silya at hindi inalis ang tingin sa dalawa. Chey is wearing a white A-line dress at nakaponytail ang buhok while Toshi is wearing a white polo shirt too, two buttons were open and chewing another bubble gum.
Sanay na ang lahat sa pagdikit dikit ni Chey sa kanya at ako lang ata itong hindi masanay sanay. I’m sure Grey feels the same way too.
Lumihis ang tingin ni Toshi at eksaktong nakasalubong ang akin. Ang magnguya niya noong bubblegum ay bumagal at mas naging malalim ang paninitig sa akin. I got so carried away that I forgot to erase the irritation on my face while looking at them. Ilang sigundo iyong tumagal at tila nag-uusap kami sa pamamagitan ng titig.
May kung anong sinabi si Chey sa kanya saka ito lumihis ng daan at dito na ang punta. Doon lang rin ako nag-iwas ng tingin at pasimpleng sinuklay paatras ang buhok. Where did they go? Naghalikan ba sila? Seriously Irah… Akala ko ba titigil na?
Umupo si Chey at matamis na ang ngiti, sumusubo ng pagkain. Nandiyan na naman iyang ngisi niyang nagmamalaki sa akin. Wala akong pakialam kung iniisip niyang may gusto ako kay Toshi eh siya nga gusto niya rin pero hanggang ngayon ay hindi naman napasakanya. Fair enough…
Pasimple kong nilingon ang kabilang table at nahuli itong lumingon narin sa akin. Ang kanyang ngisi ay nabura ulit nang makita ako kaya nag-iwas rin ako ng tingin. Useless naman talaga ang pagpapaganda kung hindi ka gusto ng gusto mo. Tsss…
“Maglaro nalang kaya tayo?” suhestyon ni Franca at iginala ang tingin. Tumayo siya saka nagtungo roon sa mga matatanda. May kung ano siyang sinabi roon, ang mga kamay ay nasa likuran at matamis ang ngiti sa kausap.
“Anong klaseng laro?” tanong naman ni Daphne, nasa pinsan ko rin ang tingin.
Hinawi ni Zera ang buhok at nasa pagkain rin ang buong atensyon. Isa rin pala itong baboy…
“Baka naman tumbang preso?” sagot ni Elle nang makita ang dala dalang bote ng aking pinsan at bumabalik na rito.
“Thruth or dare, ata.” si Cassey.
Tama nga ang sinabi nito dahil iyon rin ang sinabi ng aking pinsan nang inilapag niya ang dalawang bote. Ang isa ay hard drink at ang isang bote naman ay walang laman. Siya ang naunang mag-ikot noon na itinuro rin si Elle, ang pwet ay nakaturo kay Daphne.
“Truth or dare?” ngumisi na ng makahulugan si Elle nang tinanong iyon kau Daphne.
“Hindi ako kasali ah… Bawal ako uminom…” ngumiwi si Daphne nang tingnan ang inumin.
“Sabi nila pwede daw tayo uminom pero konti lang daw…” si Franca.
“Pumayag sila?” gulat na tanong ni Daphne.
“Oo sabi ko maglalaro tayo tas tumango sila.” paliwanag nito.
“H’wag nalang kayong uminom ni Elle, Daphne. Tubig nalang sa inyo.” si Chey.
Nag-ikot ako ng mata at masyadong naiinis sa kanyang boses. Itinuon ko ang aking atensyon sa aking cellphone. Nakapending roon ang text ni Bryce na hindi ko pa narereplayan kaya iyon ang inatupag ko.
Bryce: How are you?
Bryce: Kumusta ang sugat?
Ako: Nawala na, Brcye. I’m already okay.
“No way! Hindi ko kaya crush iyon! He’s too old!” Humalakhak si Elle at mukhang may ibang topic sila.
“So it’s not true? Di mo iyon crush?” tanong pabalik ni Daphne.
Mukhang naturo ata sa kanya ang bote. Ibinalik ko ang tingin sa aking cellphone habang naririnig ang tawa ni Elle pero nandidiri. Ako lang ba ang hindi nandidiri sa mga may malayong agwat sa aking edad?
Bryce: Just rest first. Stop moving.
Ako: Silly. I’m already fine…
Bryce: You sure?
Ako: Yup
Dumating naman si Nana kaya natigil sandali ang kanilang paglalaro para ipaliwanag ang mechanics noong game. Ibinalik ko ulit ang tingin sa aking cellphone kung nasaan ang panibagong reply ni Bryce.
Bryce: Papatapos na ang summer. Any plans? Pwede kang sumama sa akin.
Ako: Sure!
I need some diversion. Ayoko ng magmukmok sa kwarto at pagluksaan ang puso kong nawawasak ng paulit ulit sa kadahilanang paulit ulit lang rin naman.
Doon lamang nalihis ang aking atensyon nang matapat sa akin iyong bote at ang pwet ay nakatutok na kay Zera na umarko agad ang kilay.
“Truth or dare?” tanong niya sa malademonyong boses.
“Dare,” agad kong sagot. Truth is too boring.
“Hmm… kiss the guy you like this night…” Ngumisi siya sa akin at iba na ang pinapahiwatig ng tingin. Ang mga mata ni Chey ay mabilis ng dumerikta sa akin, nambabanta agad.
“Torrid,” dagdag niya pa at ipinaalala naman ni Franca sa akin na kung hindi ko iyon susundin ay lalagukin ko iyong dalawang shot ng hard drink. Hindi ko maalalang may tinanggihan akong dare. I am always game…
Iyon lang naman pala. Tumayo ako at naglakad na sa kinaroroonan ng mga lalake. Wala na sila sa kanilang table at lumipat roon sa may veranda. Ang iilang lalake ay nakatayo, si Ken ay nakaupo sa railings ganoon rin ang kambal. Toshi was there too, standing cooly.
Sinuklay ko paatras ang buhok at namili kung sino ang hahalikan. I badly want to kiss Toshi but I’m mad at him so why not let’s clarify something else…
Noong tuluyan akong makalapit ay nahinto ang kanilang pag-uusap. Napunta ang tingin sa akin. Hindi ako tumigil sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa dako ni Grey sa kabila ng kakaibang tingin ni Toshi sa akin.
Agad kong hinila ang batok ni Grey at sinalubong ang pagkalaglag ng kanyang labi, diniin ang akin. My hand clutched on his nape as I moved my lips on his lowerlip.
May iilang lalake ang nagmura. Kahit si Grey ay nanlalaki ang mga mata. Not bad… his lips taste sweet…
Humiwalay ako at pinunasan ang aking labi. “This is just a dare. Napag-utusan lang…” saka ko itinuro ang mesa at kung saan nakaupo si Zera.
North’s piercing eyes bore on me. Si South ay kalmado lamang maliban sa iba na gulat na gulat. Sa aking likuran, naroon ang kanyang imahe. Kahit kating kati akong makita ang kanyang ekspresyon ay nagpatuloy na ako sa paglalakad pabalik sa mesa. Lahat sila roon ay natahimik at gulat na gulat.
“So you like my cousin?” tanong ni Zera, pagkaupo ko roon. Pati ang mga babae ay gulat na gulat rin.
“This night? I kinda like his polo…” sagot ko.
Zera didn’t believe it. Iniisip niya atang may iba pa akong dahilan sa paghalik kay Grey. Siya lang rin naman kasi ang kaedad ni Toshi at pinsan niya. Nagselos kaya siya? I wanted him to feel the feeling of getting jealous. Iyon ay kung totoo iyong inisiip kong gusto niya ako.
“Ganyan ka pala talaga kalandi,” matigas na sabi ni Chey, galit na ang mga mata sa akin.
Umarko ang aking kilay. “This is just a game, chill…”
“Laro pero sineryoso mo naman,” mas matabang niyang sabi na ikinasilay ng mapaglarong ngiti sa aking labi. What’s this? Don’t tell me she’s jealous? Akala ko ba hindi niya gusto?
“H’wag mong sabihin pati si Grey ay ipinagdadamot mo?” tanong ko. Ipinagdadamot niya nga si Toshi kahit walang sila tapos ngayon naman ay babakuran niya si Grey kahit hindi niya naman gusto. Are you tricking us?
“You kissed him infront of us. Wala ka bang kahihiyan?” she greeted her teeth as anger conquered her whole face.
“Correction Chey, nakatalikod ako sa inyo, sa iyo,” kalmado kong sagot, salungat sa ipinaparamdam niya sa aking galit nitong nagdaang araw. Ako naman ang mang-iinis.
Ang mga babae ay pabalik balik na ang tingin saaming dalawa. Bakas ang takot sa mukha ni Nana at kanina pa gustong umalis pero pinipigilan lamang ng aking pinsan.
Napabuga siya ng marahas na hininga. “Kaya pala sikat ka sa mga lalake. No wonder…”
I wanted to laugh at her. Gusto kong humagalpak ng malakas at mamatay sa kakatawa kaso isang mahina lamang ang aking napakawalan. Sa kanya pa talaga nanggaling eh sino kaya itong naghahabol at ipinagmamalaki ang kalandian niya sa taong hindi naman siya gusto?
“Who do you want me to kiss then? Si Toshi?”
Iyon ang nagtulak sa kanya para tumayo. Nakakuyom na ang kamao at mas lalong nagalit. Bullseye.
“See?” Nailing ako, “sino kaya itong malandi? Dalawang lalake binabakuran mo? Sa’yo?”
Ginatungan naman agad iyon ni Zera at malutong na ang tawa.
“Kung ako talaga ang sinabihan ng ganyan, sasampalin ko talaga!” sabi nito at mukhang tinutulak si Chey na iyon ang gawin.
Nagwalk-out si Chey at wala ng sinabi pa. Anong pakiramdam ng pang-iinis mo sa akin? Ibinalik ko lang…
Inikot ko ulit ang bote para ituloy ang laro. Pero bago paman iyon huminto ay may kung sino na ang pumulot noon at mabilis na inihagis sa pader. Napatalon ako sa aking upuan dahil sa gulat pero agad ring umayos.
Toshi, in his mad face, eyed me. “Stop this nonsense,” he growled at me.
Naging seryoso narin ang aking tingin at pilit tinatakpan noon ang nararamdaman kong takot. Ito ang kauna-unahang beses na nakita ko ang galit sa kanyang mukha ng ganito kagrabe. Katulad ng aming pagtatalo, nabaliktad naman ang sitwasyon. Ako itong kalmado siyang tinititigan sa kabila ng sumasabog niyang galit. Ako naman ngayon…
Umigting ang kanyang panga at nailing na tumalikod. I even saw him punched the wall while getting something on his pocket.
I swallowed. I never got scared in my entire life but I tried to remain my cool. Nagseselos naman pala pero ba’t ayaw pang klaruhin?! Kasalanan niya rin! Dumidikit dikit rin naman siya kay Chey ah?! Did I acted like that?
Sa gitna ng pagsasayahan, hindi ko magawang sumabay dahil sa isipan kong naglalakbay na. Nakokonsensya ako dahil galit na galit ito at gusto ko itong sundan para pakalmahin. H’wag kang nagpapalinlang sa damdamin mo para sa kanya, Irah! Don’t you dare chase him! Wala kang kasalanan!
Siya ang unang nanakit, gumanti lang ako.
Iyon ang tumatak sa aking isipan. I want him to feel my fustration, too! Hindi ako gusto pero ganoon kung makareact… Kaya kung magalit man siya, hindi parin mabubura sa aking utak na sinabi niyang ayaw niya sa mga babaeng bata pa.
I wonder why do we always want someone who doesn’t want us?
Pagkatapos ng party na iyon ay hindi na ako muling sumabay sa kanila. Dala narin ng iniingat-ingatan kong takot sa nangyari. I am not yet ready to face him. Kung ano man ang rason ng kanyang pagsiklab, hindi ko na iyon problema.
“Slow down, Irah!” Humabol si Bryce sa akin at pumantay sa aking pagpapatakbo sa gitna ng tirik na tirik na araw ng hapong iyon. Tumatalsik naman ang tubig dahil sa pagtatakbo namin sa sinasakyang jetski.
“You’re just slow!” I shouted at him and laughed naughtily as I clutched the speed to make it faster.
Natalsikan siya noong tubig na gawa noong pagpapatakbo ko kaya mas humalakhak ako. Nailing si Bryce at humabol narin. I am wearing a safety jacket while he’s just topless. Gamay na gamay niya rin naman kasi ang ganito e.
Ibinaon ko sa limot ang alalahanin tungkol sa galit ni Toshi. Ilang araw na akong lumalakwatsya kasama si Bryce. Noong nakaraan ay nanood rin ako ng motocross kasama siya. I want to kill my feeling for him. Iyon ang gusto kong mangyari.
Humabol muli si Bryce at humarang sa aking daanan. Mabilis ko iyong iniliko at dumaan sa kabila.
“You’re a cheater!” sigaw ko sa kanya na ikinahalakhak nito ng husto.
“Give up! You’re driving too fast!” sigaw niya nang makalebel akong muli. Inilabas ko ang aking dila at mas binilisan lalo. This is not my first time riding a jetski. May karanasan na ako at medyo marunong rin naman kahit papaano.
Nauna akong makarating sa mismong isla na finish line namin.
“I won!” sigaw ko sa matinis na boses at mabilis na nagtatalon sa puting buhangin.
Bumaba rin si Bryce at nameywang, ngumingisi na.
“I let you take over me that’s why you win,” sabi niya pa.
“Then let’s rematch! Doon naman sa kabilang isla!” panghahamon ko at hindi maalis alis ang ngiti.
Humalakhak siya at mas natawa. “You’re driving too fast. Baka pag mapahamak ka ay ako pa ang malagot.”
Humalukipkip ako. I am just wearing a two piece bikini pero natatakpan ng life jacket iyong suot kong puting bra.
“Accident is part of having fun, Bryce… Kung hindi ka madadapa, hindi ka matututong tumayo.” sabi ko na ikinamangha niya sa akin.
Iyan rin ang sabi sa akin ni Daddy noong bata ako at nabangga ko ang aking bisekleta. I was about to cry that time because of the wound on my knees but Daddy kneel his other knee on the ground as he caressed my cheek.
“Kung hindi ka madadapa, hindi ka matututong tumayo.” Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay. “Now stand up and learn from your mistake…”
Ang anim na taong gulang na bata ay nadisiplina sa ganoong paraan kaya natuto at lumaking palaban.
11th TRICKED
T R I C K E D
Belated happy birthday to Gwenstefani Bernardo. Wishing you all the best in life and happy reading!
Ignorant
Si Bryce ang naging kasama ko buong linggo. We’re hanging out at masyado naring nagiging close. Kaedad lang naman sila ni Toshi pero kumpara sa lalakeng iyon, mas nasasabayan ako ni Bryce. Parehas kami ng hilig kaya rin siguro kami nagkakasundo hindi kagaya ni Toshi na masyadong seryoso sa buhay.
“Sasama ka ba bukas sa huling outing nila ngayong summer?” tanong sa akin ni Franca nang samahan ako nito sa aking photoshoot.
Hindi ako umimik at nag-isip isip muna. I don’t want to see him… Pagkatapos noong paghalik ko kay Grey sa kanyang harapan, parang isang dilubyo ang naghihintay sa akin sa dulo dahil sa pinsalang ginawa ko noong araw na iyon.
“Takot ka ’no?” Ngumisi si Franca na ikinaarko ng aking kilay.
“Why would I even get scared?” Pagmamayabang ko.
Hinawi niya ang buhok at tumango tango.
“Oo nga. Eh nagalit ata si Toshi dahil hinalikan mo si Grey at inaway mo pa si Chey. Maybe he got mad kasi nagalit rin si Chey…” hula niya na ipinagsalubong ng aking kilay.
“He got mad because he’s jealous.” pagtatama ko.
Umiling siya, “eh hindi ka naman gusto ni Toshi ah? Napapansin ko mas close na sila ni Chey…”
My eyes shrinked on her. “He doesn’t like her.” buong kasiguraduhan kong sabi.
“I don’t think so. Para sa akin mas bagay sila e…” she said softly.
My blood started to boil. Ang sarap manapak at iwanan sa gitna ng daan.
“Oo bagay sila.” dugtong ko naman. Mga bagay na masarap basagin. I rolled my eyes.
“Mas bagay sila kasi magkaedad lang sila.” dagdag niya pa na ikinasira na talaga ng aking ekspresyon.
It always upset me thinking the gap of our age. Does it really matter? Tanggap ko naman na mas matanda siya ah? I didn’t complain about it. Noong una ay ayoko but when I realized my feelings about him then I already accepted him wholly. Iyon nga lang, hindi pala talaga ako gusto…
Humalukipkip ako sa aking upuan at naghihintay nalang na makarating sa aking photoshoot kaysa naman patulan itong si Franca na gustong gusto ko ng pasabugin ang bibig. Wala ba itong nagugustuhan na lalake at sa akin binibigay ang buo niyang atensyon? Ipagdadasal ko talaga na sana malasin siya sa lovelife niya.
Pagdating roon ay nagsimula agad akong ayusan ng ibang staff. Si Megs naman ay panay daldal tungkol sa aking ama, nagtatanong ng kung ano ano.
“Ano bang paboritong kulay ng Papi mo?” tanong niya habang tumutulong sa pagkukulot ng aking buhok.
Tiningnan ko ang kanyang repleksyon sa malaking salamin.
“Why?”
“Bumili kasi ako kahapon ng underwears… Tapos naisip ko iyong ama mo.” Humagikhik siya. “Sabihin mo nga kasi plano ko bumili ng briefs para feeling ko pinasukan niya narin ak-”
“Kadiri kang bakla ka! Iyang bata pa talaga ang pinagkukwentuhan mo ng mga katarantaduhan!” saway ng isang hairstylist sa kanya at tinapunan ito ng isang curler.
Humagalpak ng tawa si Megs, “bakit kayo? Hindi ba kayo natuturn-on pag nakikita niyo ang Daddy ni Irah? Tindig palang…” mas naging malandi ang kanyang boses.
“Ipasabunot mo nga iyan sa Mommy mo Irah nang matauhan ang gagang iyan,” iyong isa pang staff na nakarinig.
I just smiled a bit. My Mom is too nice to get mad for liking her husband. Siguro magseselos iyon pero ngunguso lang at hindi na magagalit. Dad is more scary when he’s jealous. Noon, nasuntok niya daw ang mga Dada ko dahil umaaligid sila kay Mommy. Si Dada Troye nga takot rin eh. I wonder how are they?
“Ikaw Irah, okay lang ba sa’yo na magkaroon ng kabit ang Daddy mo? Pero kasing ganda ko naman?” Ngumiti si Megs saakin, umarko naman ang aking kilay.
“Hindi naman bobo si Daddy para patulan ka, Megs… Eh losyang kana.” sabi ko na ikinatawa ng mga nakarinig.
Mabilis namang bumusangot ang mukha niya at natigil sa pagtatanggal noong curler sa akin.
“Aray ko ha. Kahit wala akong dibdib didibdibin ko iyan…” Maarte niyang sinapo ang kanyang dibdib at ang isa namang kamay ay sapo sapo ang noo.
“Hindi papatol si Daddy Tres sa losyang at walang pekpek Megs!” sigaw ni Ate Lacy habang inaayos ng aking susuotin.
Mas umingay ang loob dahil sa pagtawa ng lahat at sa naging reaksyon ni Megs na laglag panga na sa pang-aasar sa kanya. Ngumisi narin ako doon at hindi naiwasang makisali sa kanilang mga reaksyon. Nalihis ang aking tingin at napunta kay Franca, nasa sulok nakaupo sa may sofa at tahimik lang habang may pinagkakaabalahan sa kanyang cellphone.
Nagbihis rin naman ako noong susuotin ko para sa imomodelong lipstick. I am wearing a tube, red dress paired with red pumps. Magulo ang pagkakakulot ng aking buhok at nilagyan pa ako ng fake freckles sa aking mukha para mas maenhance ang light na make-up ko at iyong lipstick na ginamit sa aking labi.
Umupo ako sa sahig, sa aking likod naman ay iyong pader na may magandang design para sa gagawing shots.
“Isang fierce look ang kailangan, Irah. And just open your lips a little…” sabi noong photographer na ikinatango ko.
Umupo ako ng patagilid at ipinatong ang aking siko sa aking tuhod, ang isang kamay ay nakahawak sa aking pisngi habang ang isa naman ay hawak iyong brand ng lipstick habang nakaawang ng kaonti ang aking mga labi. Tumingin ako sa ibang direksyon gamit ang malamya kong mga mata at noong ibinalik ko sa camera ay mas nilaliman ko na ang aking titig.
“You look great! Ibang pose naman…” utos nito at patuloy sa pagkuha sa akin ng shots.
Kinagat ko ang aking labi, mas tumingala saka ko sinuklay ang aking buhok, binitin muna sa ere ang aking mga daliri saka ako muling tumingin sa camera at doon pinakawalan ang hawak kong iilang hibla na sumabog rin pababa. Iniba ko ulit ang aking posisyon at idinikit ang aking mga hita sa aking dibdib saka ko ipinatong ang aking ulo sa aking tuhod, mas nilaliman ang tingin kong tila may ikinakagalit.
“Magiging propesyunal na modelo ang batang ito…” komento ni Megs na nagawa pang pumalakpak pagkatapos tingnan ang aking mga shots.
“Pag nasa tamang edad kana Irah, papayag na ba ang Daddy mo na ipartner ka sa mga lalake?” tanong pa noong isa sa mga staff habang binubura na nila ang aking make-up para sa panibagong shot.
“Maybe,” kibit-balikat ko, hindi sigurado lalo na’t hindi pa namin iyon napag-uusapan ni Daddy. I am always game at mature shots with men. Propesyunal naman ako pagdating sa pagmomodelo at sumusunod sa utos. Ang problema nga lang, baka nga ayaw ni Daddy ng ganoon.
I sipped my water while theyre fixing my hair again. Naglalagay na sila ng extensions roon ng kulay chestnut na buhok at inihahalo sa kulot kong buhok na ayos kanina. This time, I need to wear a red tube for my top to expose my navel. Ang ibaba naman ay isang short lang.
“Buti at wala kang boyfriend Irah,” si Megs nang tumulong narin sa pag-aayos sa akin.
Umiling lamang ako.
“Kung meron, sigurado akong magiging hadlang iyon sa pagmomodelo mo lalo na kung nasa tamang edad kana, baka ay mas magiging mature na ang shots mo…” dagdag niya pa.
“Kaya ikaw, maghanap ka ng boyfriend na supportive. Iyong hindi magagalit at hindi seloso. H’wag iyong mga lalakeng malayo ang agwat ng edad sa’yo dahil mga seryoso na ang ganoon at mainitin na ang ulo. Mga possessive,” Ate Lacy even grimaced.
Kahit wala naman itong sinasabing pangalan ay si Toshi agad ang naisip ko. Will he dislike my modelling career if ever we got a chance? Iyon ba ang magiging problema sa aming relasyon? Paano kung nasa rurok na ako ng pagkamit ng pangarap at pinapili niya ako kung ang pagmamahalan ba namin o ang career ko, what will I choose? Isasakripisyo ko ba ang pagmomodelo ko?
Pinilig ko ang aking ulo at sinipa iyon paalis sa aking utak. Stop jumping into conclusions Irah. Kaya ka rin nasasaktan dahil hindi naman kayo pero bumubuo kana ng pag-aawayan niyo pag naging kayo.
Kinunan ulit ako ng shots at sa ibang posisyon naman. Kalahati lamang ng aking katawan ang kanilang kukunan kaya inulit ulit ko lang rin ang aking nakasanayang pose. Ibang klaseng kulay ng pulang lipstick naman ang aking minomodelo pero parehas lamang ang brand.
Ifefeature sa isang magazine ang aking mga kuha kaya pinagbubutihan ko talaga dahil baka sakali ay may makadiskurbi sa aking mas malaking kompanya sa ibang bansa at kunin ako bilang modelo. Gusto kong maranasang rumampa sa malalaking runway suot ang magagandang gawa ng mga tanyag na fashion designer. I want to be professional just like my father whose doing great as a lawyer. Nafefeature rin naman siya sa magazines pero hindi bilang modelo kundi dahil sa mga kasong naipapanalo niya. I want to make them proud. Gusto kong gumawa ng ingay gamit ang apeldiyo ni Daddy sa larangan ng pagmomodelo.
“Look,” ipinakita sa akin ni Franca ang kanyang sariling kuha sa akin kanina habang nagpo-photoshoot ako.
Umarko agad ang aking kilay dahil sa larawang iyon. Hawak noong photographer ang aking baba at iniangat niya para makakuha ng mas magandang shot. He’s just guiding me for a better view pero kung iisipin mong mabuti, parang ang sweet namin doon lalo na’t nagawa ko pang ngumiti.
“I posted it on my ig. Proud ako sa’yo dahil pinsan kita,” sabi niya at ngumiti pa ng matamis.
May 101 likes agad iyon sa loob ng isang oras. Marami pala siyang followers?
Iniwas ko ang tingin at itinuon sa labas ng bintana.
“Finollow ka ng mga Delafuente?” pasimple kong tanong.
“Oo. Naglike pa nga si Ken…”
“Sino pa?”
“Pati si Nana.”
“Maliban kay Nana?” tanong ko ulit, may gustong pangalang marinig.
“Ba’t naman ihaheart ni Toshi eh di ka naman niya love?” mapang-asar niyang sabi saka nasundan iyon ng malambing niyang tawa.
I glared at her.
“I am not asking about him,” may diin kong sabi na mas ikinalaki lang ng kanyang ngisi.
“Weh? Eh parang si Toshi ang gusto mong marinig. Finollow niya ako at hinaheart niya ang pictures ko pero iyong sa’yo hindi.” Pagmamayabang niya pa na aking ikinainis.
“Give me your phone,” inabot ko iyon pero agad niyang iniwas.
“Bakit?”
“I’ll block him. Give me your phone, Franca!” Inabot ko iyon at hinila ang kanyang braso para lang makuha iyon.
Nang maabot ko iyon ay nakaoff na. Binuksan ko ulit at halos saksakin siya ng tingin nang manghingi iyon ng password.
“Anong password?”
Ipinakita niya sa akin ang kanyang hinlalaking daliri. Mabilis ko iyong hinila at akmang ilalagay roon sa gitna ng bilog ng kanyang cellphone pero binawi niya rin.
“Hindi pwede! Privacy ko iyan!” Ngumuso siya pero nagpipigil na ng tawa.
“Open it or else I’ll throw this out!” Binuksan ko pa ang bintana para takutin ito at inilabas ang kanyang cellphone. “Bubuksan mo o ihuhulog ko?” I glared at her.
Imbes matakot ay sinenyasan niya pa akong ituloy ang aking binabalak.
“Okay lang. Manghihingi nalang ako ng pera kay Tito Tres. At pag nagtanong siya kung para saan, sasabihin ko bibili ako ng bagong cellphone dahil tinapon mo ang aking cellphone sa kadahilanang hinaheart ni Toshi ang aking ig post at nagselos ka ng husto.”
My jaw dropped. This devil is so manipulative. Siya ata iyong anghel na inihulog sa lupa dahil sa sungay na meron siya.
“I am not jealous!” Itinapon ko sa kanyang dibdib iyong cellphone niya. Ngumiwi siya sandali at pinulot ang cellphone na nalaglag sa ibaba.
“Pag ako nagka breast cancer ay tatanggalan talaga kita ng nipples…” pagbabanta niya pero humalakhak rin naman agad. I rolled my eyes heavenwards. Parehas lang talaga silang dalawa ni North!
Why did he followed my cousin? I silently checked my ig account and found out he didn’t follow me. Bwesit siya! Kumpara sa mga post ni Franca, mas magaganda naman iyong akin ah? Iyong iba ay aesthetic pa at dslr rin ang aking gamit sa mga outdoor activities ko! Magaganda lahat iyon at karapat dapat iheart. Pero bakit hindi niya man lang naisip na ifollow ako eh palagi niya naman sana akong tinititigan? He’s really a puzzle to me! A passive aggresive person…
Iyon ang panibagong galit na dumagdag sa aking listahan habang namimili kami ni Franca ng bagong bikinis. Kumpara sa akin na nagt-two piece talaga, tanging rashguard lang ay kontento na siya roon.
Pinili ko iyong laces lamang sa likuran lalo na’t maganda iyong kulay. Napunta naman ang tingin ni Franca roon.
“Iyan ba ang susuotin mo bukas?” tanong niya, mukhang interesado.
Kahit hindi ko naman sinagot ang tanong niya kanina kung sasama ako, parang sigurado na na sasama ako.
“I like the color kaya bibilhin ko.” sagot ko.
Tumango siya, tumitig ng ilang sigundo roon pero agad ring nag-iwas ng tingin.
Namili narin ako ng sandals na maipapares ko roon. Kadalasan sa mga koleksyon ko ay iyong mga gamit na nagagamit ko sa aking outdoor activities. Minsan niyayaya ko si Franca sa ganoong mga lakad pero tumatanggi ito dahil hindi niya naman hilig at takot siyang subukan ang aking mga pinaggagawa.
Katext ko si Bryce habang kumakain kami ni Franca sa isang cafe. She’s busy with her cakes while I’m busy with my phone.
Bryce: So tomorrow?
Ako: Hindi ako pwede bukas. May outing rin kami ng mga pinsa ko.
Bryce: Can I join?
Sumubo ako at sandaling nag-isip. Kasama namin ang mga Delafuente…
Ako: My cousins will get mad if they saw you. Baka iisipin noon boyfriend kita.
Sandaling natagalan ito sa pagreply. Uminom pa ako ng tubig at inubos iyon saka ibinalik ang tingin sa cellphone kong nagbeep.
Binuksan ko agad ang text ni Bryce.
Bryce: Aw :( How about next week?
Next week ay may pasok na ah? Nagtipa ako at pumayag nalang since may weekends naman.
Ako: Okay :)
Ngumiti narin ako ng tipid. I enjoyed Bryce’s company pero may nagpipigil lang talaga sa akin na landiin ito ng husto. Hindi pa ako handang magkaboyfriend ulit. Alam ko namang alam ni Dad na sumasama ako kay Bryce pero hinahayaan niya lang ako at hindi rin iyon iniisip na baka ay boyfriend ko nga ito. He’s really sure that I like someone who doesn’t even like me…
“Say hi to the viewers, Irah! H’wag kang busy sa katext mo! Say hi!” Itinutok lalo sa akin ni Franca ang hawak na cellphone kaya nabura ang aking ngiti.
“Take it away, Franca or else I’ll smash you.” pagbabanta ko na kanyang ikinatawa ng marahan.
“Sa mga followers ni Irah sa instagram, hindi talaga siya mabait at pangit po ang ugali niya. Please unfollow her…” sabi niya roon at inilayo agad sa akin ang kanyang cellphone dahil sa plano kong paghablot roon.
“This is live!” sigaw niya, tumatawa.
“I don’t care! Stop filming me!”
“Ayaw mo lang magpadisturbo diyan sa katext mo e,” panunukso niya.
Mabilis niya ring ibinalik ang tingin sa cellphone habang ako ay naggulong nalang ng mga mata. Mukhang nakafront cam na iyon lalo na’t iwinawagayway niya na ang kanyang kamay.
Kinabukasan, maaga nga kaming pinuntahan ng kambal para sunduin. May dala dala pa silang tents dahil mukhang plano nilang mag-overnight roon.
“Magdala ka ng makakapal na mga damit at h’wag iyong puro kinulang sa tela,” sabi ni North sa akin habang nag-iimpake ako ng dadalhin sa aking kwarto. Naroon lamang siya sa may pinto, nakahalukipkip.
“Marunong akong ilugar ang mga ganoong damit, North.” sagot ko at patuloy sa pagpapasok noong mga napili kong dalhin.
Ilang sandali lamang ay pumasok na siya. Umupo siya roon sa tabi ng aking bag. Tiningnan niya sandali ang aking pinagpapasok na mga damit saka itinukod ang mga kamay sa kanyang likuran para ibalanse ang sarili.
“Magdala ka ng desente,” komento niya pa nang makita niya ang huli kong pinasok na bagong biling bikini.
“Those are decents, North.” sabi ko saka iyon isinara.
“Masisilipan kana sa mga ganoong suot, inday.”
“Ako ang masisilipan, hindi ikaw. Get out. I’m done.” Itinulak ko siya para tuluyan itong matigil sa kakareklamo.
Tumayo siyang muli at kinuha ang aking bag para dalhin iyon.
“Tama nga si Toshi, matitigas ang ulo ng mga bata at hindi nagpapapigil sa gusto nila.” Ngumisi siya sa akin at inakbayan ako.
Toshi? He said that?
“Sinabi niya?”
Tumango ito habang lumalabas kami ng kwarto.
Ibig sabihin ay napag-uusapan nila ako? Gustuhin ko mang magtanong kung ano pa ang naging topic nila sa akin ay nagpigil nalang ako. North might think the other way…
“Oo, at sang-ayon rin naman ako. Mas matanda si Franca ng isang taon kaya mas mature rin ito mag-isip, sumusunod agad.” sabi niya pa habang bumababa kami ng hagdan.
Nasira agad ang aking ekspresyon. Iyon ang basehan nila ng maturity?! Just because I am too stubborn?!
“Hindi mo man lang ako pinagtanggol?” mariin ko siyang tiningnan, nadidismaya kung ba’t naging pinsan ko pa ito.
“Totoo naman talaga ah? Para kang bata kaya ganyan ka nalang kakulit, ayaw magpaawat.”
“Do I look like a fucking kindergarten?” I asked in disbelief.
“Hindi. Ang tingin ko sa’yo ay kulang sa buwan at iniluwal ng maaga kaya hindi gaanong nadevelop ang isip,” sagot nito at humalakhak agad.
Tinulak ko siya palayo sa akin pero isiniksik niya lamang ako sa kanya. Sinusumpa ko talaga ang empaktong ito!
“Kumpara kay Franca, mas mature ako mag-isip kaysa sa kanya na isipbata pa.” giit ko pa.
Mas lalo siyang humalakhak, “ikaw mature? You’re just wild and outgoing Irah. Hindi doon binabase ang pagiging mature.”
“Mas marami akong karanasan kaysa kay Franca,” pakikipagtalo ko at hindi matanggap na kinakampihan niya iyong sinasabi ni Toshi. That jerk!
“Hindi purket papalit palit kana ng boyfriend ay mature kana. If you’re mature enough then why does your relation fails?”
Lumukot ang aking mukha. “Because they’re jerk.”
Umiling iling siya, “dahil bata ka pa at nacucurious lamang sa iyong paligid, naiignorante…”
Hindi ko iyon matanggap. Ang kanilang tingin sa akin na masyadong nilalamon ng kyuryusidad kaya mahilig tumuklas ng bagay bagay ay hindi ko matanggap. I am doing it not because I am a curious little girl but because I want to learn new things! I want to feed my own curiousity to discover something interesting. Wala iyong kinalaman sa aking edad! Why are they treating me like I’m an ignorant child? Sinulsulan ata ng bwesit na iyon ang aking pinsan kaya kahit anong pinagsasabi sa akin.
That made me lose my mood. Hindi ko aakalaing magiging ganito ang pananaw ko sa buhay, na dapat ay madagdagan agad ng edad para matigil na iyang kakasabi nilang bata lang ako na may matigas na ulo at gustong nasusunod ang kanyang gusto kaya ganito ang aking inaasal. Toshi is making this a bigdeal. Kung ano man ang kanyang rason kung bakit masyadong pinapakialaman ang buhay ko ay hindi ko na talaga alam.
12th TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Shanneka Eishi Taal. Happy reading!
Galit
Ang pinagsasabi ni North ang namalagi sa aking utak habang nasa byahe kami. Kapwa kami nasa likod ni Franca, si North ang nagmamaneho at nasa front naman si South, nasa bintana ang tingin.
Hindi ko tanggap na isang ignoranteng kinse anyos ang nakikita nila sa mga kilos ko kaya ganito ako kadesperadang subukan lahat nagbibigay aliw sa akin. Kung tutuusin, ako nga lang ata ang may matinong pag-iisip sa aming magpipinsan.
“Di’ba si White at Cassey iyan?” mungkahi ni Franca na ikinatuon ng buo kong atensyon sa kalsada.
Naging mahina ang pagpapatakbo ni North para hintuan ang dalawang naglalakad sa tirik na tirik na araw. Binuksan agad ni Franca ang bintana at dinungaw ang dalawa sa labas.
“Bakit kayo naglalakad?” tanong nito. Pinilig ko narin ang aking ulo para makita ng husto ang imahe ng dalawa sa labas.
“Hop in,” sabi ni North nang walang sumagot sa dalawa. Bakas ang galit sa mukha ni Cassey lalo na’t pulang pula na ang kanyang pisngi, gawa siguro ng sobrang init na panahon. Si White lang ata itong kalmado ngunit nangingibabaw ang suplado sa mukha.
Naunang pumasok si Cassey. Sumunod naman si White na ikinainis niya pa dahil tumabi sa kanya. Sa magpipinsan, si White ang alam kong pinakaayaw niya. I don’t know why and I am not interested to know the reason.
Itinuon ko ang tingin sa labas nang umandar muli ang sasakyan.
“LQ?” Tanong ni North na nasundan agad ng kanyang halakhak.
“Nag-aaway na naman kayo?” Sumali narin si Franca sa pagtatanong. These two are really nosy.
“Kasalanan niya ang lahat!” Sagot ni Cassey, tumaas agad ang boses.
White didn’t bother answering her. Tanging “tsss…” lamang ang aking narinig sa naging sagot noon sa pagsiklab ni Cassey.
“Ang init init pa naman… Nasusunog na ang pisngi mo, Cassey.” Si Franca.
Hindi ito sumagot kaya mas humirit-hirit pa si Franca.
“Gawa ba iyan ng init o ng ibang bagay?”
“Of course it’s hot. Ikaw kaya maglakad sa gitna ng daan at sobrang init?” Tanong ni Cassey, hindi maalis alis ang galit sa tono ng pananalita.
“Ba’t naman ako maglalakad sa gitna ng daan?” Si Franca.
“For you to understand that I get this because of the heat of the sun…”
Silang dalawa lamang ang nagdadaldalan at doon lamang tumahimik noong nakarating na kami sa mismong beach. I got excited pero hindi ko alam kung ba’t may humahalo ring kaba roon. So what if we see each other again after the kissing scene?
Naunang lumabas si Cassey at malalaki agad ang hakbang patungong dagat.
Si Franca naman ay mukhang nacucurious lalo na’t nakay White ang tingin at ibabalik rin agad kay Cassey. Bumaba narin ako. Ang iilang magpipinsang lalake ay busy na sa pagseset-up ng kung ano ano sa gilid. Si Grey ay nagsisimula ng maggrill ng mga makakain habang si Toshi, naroon sa folding table at naglalagay ng mga beers. Noong bumaling ito sa aming dako ay pasimple kong isinuot ang aking itim na sunglasses para hindi makasalubong ang mga mata niyang mapanglinlang.
Si North ang nagtayo ng tent namin ni Franca. Humalukipkip ako sa may kotse at doon sumandal, pinapanood ang kanilang ginagawa. Franca is already talking with Nana. Ang ibang babae naman ay inaayos na ata ang loob ng kanilang tent.
“Irah,” tawag sa akin ng kung sino.
Napalingon ako sa dako ni Grey. Sinenyasan niya akong lumapit. Lumingon sandali si Toshi sa akin, pero iniwas rin at ipinagpatuloy ang pag-aarange noong mga barbeque.
“Ano?” Tanong ko.
“Come here,” sabi nito sa baritonong boses at nameywang pa habang sumesenyas parin na palapitin ako roon.
“Bakit ba?” Tanong ko ulit. Kung nilagyan niya ng label iyong paghalik ko, pwes hindi ko siya type.
“Help us,” sabi niya na ikinasira ng aking ekspresyon.
Nilingon siya muli ni Toshi pero ibabalik niya rin naman sa kanyang gagawin.
“Total wala kang ginagawa. Para hindi ka mabored… Halika dito.”
Binalingan ko si Chey sa dako na masama agad ang tingin sa akin. Nilingon niya ako pero dahil sa suot kong sunglasses ay hindi niya nakita ang aking mga mata. Iyong lalakeng baliw na baliw sa’yo, sa katangahan mo, naghahanap na ata ng iba. Buti nga.
Tumuwid ako at lumapit roon. Ibinigay naman sa akin ni Grey ang pamaypay.
“Do you know how to do it?” Tanong niya sa akin na ikinatango ko.
“Di ako bata,” pagtatanggol ko agad sa aking sarili, sa aking gilid ay naroon ang imahe ni Toshi, walang imik at di ako nililingon.
“You don’t look like a child to me,” at nagawa niya pang guluhin ang aking buhok. Sa aking inis, pinalo ko ang pamaypay sa kanyang kamay.
Tumawa si Grey at nailing. “I’ll just get some utensils…”
Sinundan ko ang likod niyang pumupunta sa kanilang van. Doon lang ulit napunta ang aking tingin sa harapan nang biglang inagaw ni Toshi sa akin ang pamaypay.
Nilingon ko siya at akmang sisigawan ito nang makita ko ang galit sa kanyang mga mata sa kabila ng kalmado niyang mukha. Naitikom ko ang aking bibig at nanliit bigla.
“Umalis ka dito. Doon ka,” sumenyas siya sa kung saang lugar.
“Sabi ni Grey tumulong daw ako-”
“Sabi ko, doon ka.” Mas klaro niyang sabi, ang mga mata ay mas lalong dumidilim at nakakatakot ng tingnan.
Lumingon ako sa ibang parte ng lugar at pasimpleng lumunok. Sinuklay ko ang aking buhok at sinikap na ikalma ang sarili.
“H’wag mo nga akong itaboy na parang bata-”
“Isa.” Matigas niyang sabi sa akin kasabay ng hanging umihip sa aming dalawa. Tumakip ang buhok sa aking mukha habang ang kanya naman ay sumasayaw na sa ere. Ang lamig na dulot ng hangin ay walang panama sa kanyang paninitig. Sobrang lamig noon sa kabila ng galit sa kanyang boses.
Laking pagpapasalamat ko sa aking suot na sunglasses at hindi niya makikita ng maayos ang aking mga matang nadidismaya na.
“Kung galit ka dahil sa paghalik ko kay Grey-”
“Fuck.” He cursed harshly as his strong jaw tightened. Umawang ng kaonti ang kanyang labi para humigop ng hininga saka binasa ang pang-ibabang labi.
Noong tingnan niya akong muli ay natakot na ako. Doon ko napagtanto na ang lalakeng nasa aking harapan ay masyado na ngang matanda para sa akin. He won’t understand me… I won’t understand him.
“Doon.” Itinuro niya ang mga tent kung nasaan ang mga babae, nasa akin ang tingin. “Pumunta ka doon at wag ka dito.” Utos niya na akala mo ay nagbibigay ng direksyon sa isang bata para maintindihan iyon ng maayos.
I greeted my teeth as I tried to maintain my cool. Hindi niya naman ako tinataboy ah? Minsan nga ay ako nalang ang umaalis sa lugar na nasaan siya at siya rin ang lumalapit sa akin. He’s really mad?
I need to be thankful. Di na siya lalapit sa akin at itataboy niya pa ako pag magkalapit kaming dalawa. Ganoon siya ka affected na kahit ang aking presensya ay kinasusuklaman niya na ata.
“I don’t need a stubborn brat here. We don’t need your help,” sabi niya, ngayon ay mas klaro at may diin ang mga salita. Ang mukha ay niyayakap na ng kung anong emosyon, pagkadisgusto.
“Si Grey ang tumawag sa akin at hindi ikaw ang ipinunta ko.” Pinantayan ko narin ang galit ng kanyang boses at may diin iyong sinabi.
His face darkened. Ang galit ay mas gumuhit sa mukha. “Ang hilig mo talagang lumandi.”
That shocked me. Kahit siya ay nagulat sa sinabi pero itinikom nalang ang bibig. Iyon ang nagpaatras sa akin. Ang aking mga mata ay nanlalabo narin at ayokong may malaglag roon na dapat ay hindi naman. His words are like bullets. Na magsalita lang siya ng masakit ay masasaktan na ako at masusugatan agad. Ganoon ang epekto ng kanyang mga salita sa akin.
Nagmartsa ako paalis. Nakasalubong ko pa si Grey na huminto, may dalang box at mukhang mga kasangkapan ang gamit pero hindi ko na iyon inusisa pa.
Hindi niya ako kailangang itaboy dahil hindi ko narin naman gustong mapalapit sa kanya! If he only know how I badly want to stay away from him! Kung pwedeng magtayo ako ng sariling mundo para lang hindi malanghap ang iisang hangin na nalalanghap niya ay gagawin ko! Kung hindi niya ako gusto, pwes hindi ko narin siya gusto.
Pumasok ako sa tent at kinalkal ang aking bag para kunin ang jar na dala. Natigil ako sandali at nahubad ang suot na sunglasses. Sinuklay ko ang aking buhok paatras at nakagat ang pang-ibabang labi, nagpipigil na sumabog sa galit lalo na’t nanlalabo parin ang aking mga mata. Iniisip niya bang lumalandi lang ako?! Yes Irah, because you kissed his cousin infront of him!
I clutched my things while I’m trying to calm myself. Fuck you, Toshi Delafuente! Mauuna ka ring mamamatay sa ating dalawa dahil mas bata ako sa’yo! I wish you rot in hell!
Naitapon ko ang isang damit sa sobrang inis. Nanggigigil ako at ang sarap maglakad pauwi para lang hindi na ito makasama sa isang lugar. Akala mo kung sino!
Nagmukmok ako ng ilang minuto sa loob ng tent. Nakabukas iyon at natatanaw ko pa sila Ken na inilulublob na iyong isa sa kambal at humahagalpak ng tawa roon. Ang plano kong lumusong na sa dagat para manguha ng shells ay naisantabi ko dahil sa galit na pumaibabaw.
Kahit nasa dagat ang aking tingin, hindi ko maalis alis sa isipan ang kanyang pananaboy sa akin kanina. It’s like he’s really disgusted to be with me in a one place. Na wala akong gagawing matino dahil bata ako.
“Ba’t ka nandito?” Biglang lumitaw si Franca sa harapan.
Iniwas ko ang aking tingin sa kanya at niyakap ang aking mga binti. Ipinatong ko sa aking tuhod ang baba roon at halos halikan na iyon.
“Ba’t ka nagmumukmok?” Kumurap siya at binalingan ang jar na nasa aking gilid.
“Maligo na tayo… Maliligo narin kami nila Daph at Nana.” Tuluyan siyang pumasok at lumuhod sa aking gilid para kalkalin ang kanyang gamit.
Hindi ako kumibo at ipinatili ang tingin sa labas. Sinarado niya iyon saka siya naghubad ng dress para makapagpalit ng susuotin.
“Inaway ka?” Tanong niya sa akin at panay sipat sa akin ng tingin habang nagbibihis.
“First time ata kitang makitang magmukmok dahil lang sa lalake-”
“Hindi ako nagmumukmok.” giit ko agad at matalim siyang tiningnan.
Kumurap siyang muli saka hinila ang itim na rashguard para tuluyang matakpan ang kanyang tiyan.
“Eh ba’t nandito ka sa loob? Kailan mo pa inayawan ang dagat?” Tanong niya at iyong pang-ibaba naman ang sinusuot.
I rolled my eyes, “hindi ko inaayawan.”
“Eh ba’t nandito ka?” Pangungulit nito at binuksan ulit ang tent. Tumayo siya saka lumabas.
“Tara na…”
I sighed. Ano na naman bang pinagluluksaan mo Irah? Stand up! Learn from it! You’re better than this, Irah. Don’t act like you don’t have any experience from the boys you dated.
Hinubad ko lang ang aking dress lalo na’t suot suot ko na iyong two-piece na pangligo ko. Tanging laces lamang ang nagiging lock noon sa likod.
Dala dala ko iyong jar na walang laman para maaliw ako habang naliligo. Ken whistled when he saw me.
“Ang hot ng panahon! Ang sarap sumisid sa ilalim…” Makahulugan nitong sigaw na agad rin namang ikinasigaw ni North sa doon sa tapat ng grill kung nasaan rin ang iilang mga lalake.
“Fuck off, man. Pinsan ko iyan.” Halakhak ni North.
“Compliment lang naman…” Ngisi ni Ken.
Pasimple akong bumaling roon at nakita ang tingin ni Toshi sa akin. Nang mahuli ko ito ay iniwas niya rin at tinungga iyong hawak na beer. Fuck you!
Deritso na ang sisid ko at pumunta agad sa malalim na parte. Malinaw ang tubig kaya mabilis akong nakakahanap ng mga shells. May isa akong pinulot saka ako umahon at sinuklay ang aking buhok. Huminga ako para habulin ang hinihingang pinigilan ko kanina sa ilalim.
Sa di kalayuan, nakita ko na naman roon si Toshi. Malalim ang paninitig, nakahilig sa inuupuang folding chair at sa kabilang kamay ay hawak ang beer. Umirap ako at sumisid muli.
Sa kabila ng mainit at tirik na tirik na araw, malamig ang tubig at mukhang hindi nagpapatalo. Ayaw nitong mahawa sa init ng araw na mukhang balak sunugin ang mga bagay na malapit sa kanya. At gusto kong ganoon rin ako. I want to stay cool despite of the hot anger he’s giving me. Ayokong magpaapekto roon sa sinasabi niya sa akin. Gusto kong iparating sa kanya na malayo ang agwat namin sa isa’t isa at hindi iyon mababago. Mawawala rin naman ang kanyang init at papalitan siya ng buwan. Pero ang tubig, mananatiling malamig. At gusto ko, ganoon ako sa kanya. Malamig na.
Umahon akong muli at halos habulin ang hininga sa tagal ng pagkakasisid ko sa ilalim. Hinilamos ko ang aking mukha at sinuklay ang buhok. Nakasalubong ko agad ang tingin ni Toshi na nasa may dalampasigan na, nakatayo at nakahubad ang pang-itaas na damit.
Lumangoy ako pabalik dahil alam kong sa mga malalalim na parte siya sumisisid. Tumayo ako at naglakad dala dala ang aking jar. Umupo ako sa medyo balikat ko nalang na tubig saka doon nilinis ang mga shells.
Maingay ang iilan habang naliligo. Hindi ko na inusisa ang pinaggagawa nila isa isa at itinuon ang buong atensyon sa mga shells na nakahot ko. Medyo nadismaya ako dahil hindi iyon kasing ganda noong kinuha niya pero sinipa ko nalang iyon palabas. Pag-uwi ko, itatapon ko ang mga shells niya.
Naramdaman ko ang paglangoy ni Franca sa aking gilid. Nakita ko pa ang paa niya sa ilalim na gumagalaw saka siya umikot at nagtungo sa aking likuran. Ibinalik ko ang tingin sa mga shells at isinilid ulit sa loob ng jar pagkatapos kong malinisan ng maayos kasabay ng pag-ahon ni Franca sa aking likuran. Ganoon nalang ang pagkagulat ko nang nasama sa kanyang pag-ahon ang aking bra.
Nilingon ko ito sa aking likuran at nakita itong lumalangoy na ulit pabalik roon sa mas mababang parte ng tubig.
“Fuck you, Franca!” Sigaw ko ng malakas at mabilis na niyakap ang sarili kong dibdib. Shit!
Mas natatawa itong lumayo sa akin.
“Damn you! Give it back!” Galit na galit kong sigaw at gusto na siyang saktan.
“Wala sa akin! Siguro nandiyan lang iyon sa tabi tabi!” Sagot niya sa akin na ikinalaglag ng aking panga. How can I even find it if I’m wearing nothing but my panty! Damn it! Makakapatay na talaga ako!
“Find it!” Sigaw ko sa kanya.
“Bakit ba kasi ganoon ang suot. Ayan tuloy aksidente kong nahila…” Rason niya na lubusang ikinadilim ng aking tingin sa kanya.
Iginala ko ang tingin sa paligid at hinanap iyon sa malinaw na tubig. Kitang kita ko na ang mga bato sa ilalim pero iyong bikini ko ay hindi talaga!
Sa hindi kalayuan, may biglang pinagkaguluhan ang kambal lalo na’t may inangat na kung ano si Ken. My eyes widened when I saw my familiar bikini!
Mabilis rin iyong hinablot ni Toshi sa kanila at may kung anong sinabi roon saka siya naglakad sa aking dako. I swallowed. He’s holding my brassiere…
Nag-iwas ako ng tingin at mas niyakap ang dibdib. Huminto siya sa aking harapan, nalalaglag na sa akin ang tingin.
Gusto kong magsalita pero walang lumabas na kahit anong letra doon. I don’t want to say a single word to him. Ayoko ng mag-aksaya ng laway sa kanya.
Ipiniko ko ang aking mga hita at idinikit sa aking dibdib saka ko inilahad sa kanya ang isa kong kamay, ang isa naman ay sinisikap na takpan ang buo kong dibdib.
“Anong napapala mo ngayon sa kakasuot ng ganito?” Matabang niyang tanong.
Inis akong nag-angat ng tingin sa kanya. Lahat nalang ba ay may komento siya?
“Akin na para makaalis kana sa aking harapan. Ayaw mo akong makasama sa iisang lugar di’ba dahil lumalandi lang naman ako? Edi lumayo ka rin.” Galit kong sabi sa kanya at gustong hablutin ang aking bra.
Sandali siyang tumitig at naninimbang ang tingin. Inilahad niya rin iyon sa akin, mas sumeryoso ang mukha.
Hinablot ko iyon ng marahas.
“Brat.” Sabi niya saka ako tinalikuran. Inis ko lang na tiningnan ang malapad niyang likod. Sana iyon na ang huli niyang lapit sa akin.
Umahon agad ako nang maikabit ko iyon ng maayos at sinipa ng malakas ang tubig sa galit ko narin kay Toshi at para makarating iyon sa dako ni Franca.
Ayoko na.
Kaya kinagabihan, imbes makiupo sa pagtitipon nila roon sa harap ng bonfire ay nasa kabilang dako ako ng kakahuyan. Ang tanging flashlight na aking gamit ay nasa aking cellphone. Maliwanag naman ang buwan at mukhang iniilawan rin ako.
I don’t want to be with him in one place. Lahat nalang ng naririnig ko sa kanya ay puro masasakit. Anak ata sa labas ang lalakeng iyan dahil mabait naman si Tito Jhope. Kahit nga si Tita Chanelle ay sobrang bait. Kung kaninong demonyo man siya nagmana, sana sunduin na ito.
Niyakap kong muli ang aking mga binti habang ninanamnam ang malamig na hangin at tila niyayakap ako. Buti pa ang hangin nakakaramdam…
May kung anong ilaw ang lumapag sa aking gilid. Pagtingin ko ay isang lantern na iyon. Inis akong napatingala at nakita ang mukha ng lalakeng iniiwasan ko. Ba’t ba siya nandito? Aawayin niya na naman ako?
“Why are you here?” Tanong niya at ibinulsa ang mga kamay. Nakarolyo ang sleeves ng puting polong suot nito at kalmado ang mukha.
“Bumalik ka doon dahil nandito ako. Ayaw mo namang malapit tayo sa isa’t isa di’ba?” Matabang kong sabi at nahahaluan narin ng galit ang boses.
Nagkasalubong ang kanyang kilay. “Bumalik ka doon. Makihalo ka.”
Hindi ko siya pinakinggan at ibinaon ang labi sa mga kamay kong nakapatong rin sa aking tuhod. Tanging mga mata ko nalang ang nakikita at mas idinikit ang mga hita sa aking dibdib.
I heard him sighed. Ilang sandali lamang ay nakalebel ko na ang kanyang mga mata dahil sa pagluhod niya ng isa niyang paa. Ang kanyang mga mata ay parang sinasalamin ang buwan na gusto akong silawin.
Dumako ang kanyang mata sa aking kamao kaya marahan niyang hinaplos ang likod noon.
“Bumalik kana,” masuyo at banayad na ang kanyang boses. Na isang batang nagtatampo ang kanyang kausap kaya kailangan niyang maging kalmado.
“Ayaw mo namang nandoon ako di’ba? Lalandi lang naman ako. Ikaw ang bumalik doon at iwan mo ako.” sabi ko sa maliit kong boses, sapat lang na marinig niya.
He sighed again. Nalipat ang kanyang tingin sa aking kamay na nakakamao parin saka niya iyon dahan dahang binuksan. Lumambot at lumuwag iyon, hinayaan siyang gawin ang gusto niya. Sige Irah, magpakarupok ka at kalimutan ang galit. Bumigay ka agad!
Kinuyom kong muli ang aking kamao dahil sa pangaral ko sa aking sarili. Umusog ako para humarap sa ibang direksyon para hindi na ito makaharap pa. Nasa gilid ko na ito nakaharap. Sa gilid ng aking mga mata, namumungay parin ang kanya at may kislap na ang mga matang mahilig akong linlangin.
“I’m sorry,” bulong niya. Hinawakan niya ang hinliliit kong daliri at iyon ang sinimulang ibuka sa pagkakakuyom ko. “Nadala lang sa galit…” Paliwanag niya, mas mahinahon na ngayon.
Hindi ako umimik at walang kibo pero maliban sa kamao kong tuluyang nanlambot at lumuwang muli. Natunaw agad ang puso kong matigas kanina. Ang galit ay tuluyan ng nasama sa alon at lumalayo na sa akin.
Namatay ang lantern kasabay ng pagyakap ng dilim sa aming paligid. Lumingon ako, pero bago ko pa makita ang nangyayari sa ilaw ng buwan, may sumalubong na sa aking mukha para takpan ang aking tingin at ang aking labi.
Umihip ang malamig na hangin. Nakatulala ako at natigilan sa paghalik ni Toshi sa akin, nakapikit at dumidikit sa akin ang malambot na labi. Lumipad ang aking buhok sa ere kasabay ng katinuan kong hindi ko narin maabot at mukhang lumalayo na sa akin. H-He gave me a peck?
13th TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Yzah S. Evangelista. Happy reading!
Equal
Hindi ako nakatulog ng maayos. Pabaling baling ako sa higaan hawak hawak ang labi ko. It wasn’t my first kiss at all. Pero iyon ang kauna-unahan kong halik na masyadong matamis. It was just a peck, Irah! Di nga gumalaw! Lahat ata ng nililista kong galit sa kanya ay tuluyan ng nabura at nakalimutan ang rason kung ba’t ko dapat ito layuan.
Mariin akong napapikit at sinapo ang dibdib na kanina pa nagwawala. Goddamn it… I can’t contain my feelings! Mabilis na halik palang, Irah! Iyon lang ang ibinigay sa’yo tapos kung kiligin ka ay akala mo naman hinalikan ka talaga ng buo. But still, our lips met! Halik na iyon! Kahit hindi naman gumalaw, halik parin!
I wanted to scream in the middle of the night. Gusto kong mambulabog at gisingin silang lahat sa sayang yumayakap sa akin. I never felt this kind of feeling towards someone. Iyong sapat na ang isang halik para lang paamuhin ang nagwawala kong sarili. Just that and I’m already okay! Crap.
Kinabukasan, mas maaga akong nagising. Kinukusot pa ni Franca ang kanyang mga mata ay pinalo ko na agad ito ng unan.
“Aray,” sumimangot siya at tiningnan ako. Tumawa lamang ako at naunang tumayo.
“Labas na. Ako na ang magliligpit ng higaan.” Sabi ko saka hinila ang kumot para tupiin iyon.
Kumurap siya at kinurot pa ang kanyang sarili.
“Nananaginip parin ba ako?” Tanong niya saka muling tumingala sa akin at tiningnan ako sa ginagawang pagtupi.
“Labas na Franca! We’re leaving…” Sabi ko pa sa kalmadong boses.
Tumayo siya at ngumuso. Takang taka ang mukha nito pero sinunod rin ang aking gusto. Mas binilisan ko pa ang aking kilos at iyong sa kanya naman ang tinupi. Inayos ko rin ang nagkalat na mga damit at pinasok iyon sa kanya kanya naming bag.
Naroon lamang siya sa may pinto ng tent, humihikab at nakatingin sa aking ginagawa.
“Hindi pa gising si Irah?” Narinig kong tanong ni North. Kumurap si Franca at hindi alam ang isasagot dahil mukhang hindi rin makapaniwala sa nakikita.
“Ang babaeng ito kahit kailan feeling prinsesa talaga-” Natigilan si North nang dungawin ako sa nakabukas na pinto ng tent.
“Morning! I already fixed our things. Ikaw nalang bahala sa tent, North…” Ngumiti ako sa kanya at pinagdadala ang gamit palabas. Ibinigay ko kay Franca ang kanyang gamit na litong lito parin. Kahit si North ay natigilan narin sa aking inaasal.
“Hawakan mo muna,” sabi ko kay North at ibinigay ang aking gamit. Hinawakan niya naman iyon, bakas sa mga mata ang kalituhan saka ulit ako bumalik sa loob para kunin ang mga unan.
Paglabas ko ay kinuha ko ulit kay North ang aking bag.
“Tara, Franca…” Tawag ko sa pinsan kong tulala parin.
Tumango siya at umabante narin, sinabayan ako sa paglalakad.
“Kahapon lang ang tamlay mo ah?”
“Matamlay ba ako kahapon?” Tanong ko narin, tuluyang nakalimutan ang galit na tinanim ko kahapon.
Nagtataka siyang tumango. Ipinagkibit ko iyon ng balikat saka pumasok sa loob pagkatapos pagbuksan ni South ng pinto.
Humikab siyang muli habang papasok kaya pinalo ko ng unan ang kanyang mukha. Tumawa rin naman agad ako na ikinanguso niya.
“Ang weird mo,” sabi nito.
Umirap nalang ako at ibinaling ang tingin sa harap. Naroon si Toshi, nakikipagngisihan kay Grey at nagawa pang mag-apir ng dalawa pagkatapos may gawing kalokohan sa kambal. He looks happy…
Sa sayang nararamdaman ko sa araw na iyon ay nakisali pa ako sa pagsasaya ng magpipinsang Delafuente nang iniwan nila si Ken at pinaharurot ang kanilang kotse. Tumakbo ito, tanging boxers ang suot. Sumipol narin ako gamit ang nakasanayan kong ‘witiwiw’ noong bata pa ako saka nakihalakhak. Ganoon ako kasaya dahil lang sa nangyari.
Pasukan na. Huli kong nakita si Toshi ay kahapon noong sa simbahan. Katulad noong nakasanayan ko ay pasulyap sulyap lamang ang nangyari lalo na’t kasama namin ang aming mga magulang.
“Iba na yan…” Pagpaparinig sa akin ni Daddy nang mahuli ulit akong nagnakaw ng tingin sa lalakeng nakikipagtawanan na sa kanyang mga pinsan pagkatapos noong simba. Papalabas na kaming lahat pero si Daddy, hindi ko namalayang nakasunod parin ang tingin sa akin.
Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. Pasimpleng lumingon sa akin si Toshi kaya nakagat ko ang pang-ibabang labi at binalingan ulit si Daddy na nag-aangat na ng kilay.
“Brokenhearted. Move-on. Aasa ulit. Kabataan…” Nailing-iling pa si Daddy sa akin habang naglalakad narin kami palabas. Mommy is too busy chitchatting with Tita Addi kaya hindi na naririnig ang sinasabi ni Daddy.
Daddy, I still want to love him… Hindi naman napipigilan ang pagtibok ng puso. Para ka narin noong nagpigil ng hininga at gusto nalang mamatay.
Mommy is going to visit my GrandMa that day kaya hindi na kami nakasama sa pagpunta nila sa bahay nila Kuya Trey pagkatapos ng simba dahil dumeritso na kami sa puntod ni Lola.
“I’m Irah Buenaventura. 15.” Pagpapakilala ko sa aking sarili sa aking upuan sa unang klase ng umaga sa Lunes.
My classmates stared at me for a moment. Namamangha ang mga lalake at ang mga babae naman ay hati ang ekspresyon. Wala akong kakilala sa kanila at wala ring balak makipagkaibigan. Sa may bintana nalang ako umupo at lumilipad na naman ang utak kakaisip sa gabing iyon. The sweet feeling is still on my lips. Hindi iyon nabubura at kabisado ko parin ang pakiramdam ng oras na iyon. Nang dahil doon, umaahon na ang kabiwan sa aking sistema at gusto ng higitan ang meron kami. He won’t kiss me if he doesn’t like me…
Kaya pagkatapos noong klase at lunch na ay mabilis akong nagtungo sa college building. I just want to clarify things! And I want to see him!
Nasa may gate palang ako nang harangin ako ng gwardya.
“Bawal pumasok ang mga highschool sa loob, Miss.” Sabi nito sa akin.
“May kakilala naman ako sa loob…” Sabi ko.
“Kahit na. Bawal parin. Bumalik kana sa highschool building.”
Nadisyama ang aking mukha. Dinungaw ko pa ang loob at naghanap ng kakilala pero wala naman akong matagpuan.
“Mabilis lang naman. I’ll leave my ID…” Saka ko hinubad iyon pero umiling iling agad.
“Kami ang mapapagalitan, Miss. Kabilin-bilinan sa amin na h’wag magpapasok ng mga highschool students.”
Gusto kong ipagmalaki na family friend namin ang mga Buenaventura pero bago ko pa man iyon masabi ay may boses na akong narinig sa aking likuran.
“Why are you here?” Tanong sa akin, boses palang ay alam ko kung kanino na iyon.
Nilingon ko ito at nagtataas na ng kilay sa akin. May dala itong lunchbox at katulad ko, nakauniporme rin.
“Papasok ako at pupuntahan ang pinsan ko,” rason ko sa kanya. “Eh ikaw?” Saka bumaba ang aking tingin sa lunchbox niya. Where’s her cousin?
“Pinsan rin. Sino pa ba?” Mataray nitong sagot sa akin saka umabante sa gwardya.
“Daddy told me it’s okay to get inside since it’s lunch…” Paliwanag niya roon sa gwardya na nabura ang pagtutol sa mukha.
Binalingan rin ako ni Zera. “Papasukin niyo narin ang isang iyan. Her parents are our family friends.” Saka siya naunang pumasok.
Kunot-noo ko siyang sinundan ng tingin na dumadaan sa entrance. Why is she being nice to me all of a sudden? Nakakapangilabot tuloy.
“Pasok na po, Ma’am…” Sabi noong gwardya sa akin na umiba na ang pakikitungo dahil sa sinabi ni Zera.
Hindi ko na iyon inalala at tuluyan naring pumasok. Kumpara sa highschool building, mas malaki ang college building ng BTSU. Maganda rin ang loob at nagkalat ang iilang estudyante na naiiba ang platings ng palda kaysa sa mga taga highschool. Ang kanilang collar ay patulis at isang necktie ang suot kumpara sa amin na ribbon.
Sumuyod ang aking mga mata sa kabuuan. Doon ko napagtantong wala akong number ni Toshi at hindi ko alam ang kanyang classroom. May klase ba siya ngayon? Who am I going to contact? Ni isa sa mga Delafuente ay wala naman akong numero. Kung manghihingi rin ako sa kambal kong pinsan ay magtataka ang mga iyon.
“Irah?” May kung sino ang tumawag sa akin na ikinalingon ko agad.
“Grey,” bulong ko sa aking sarili habang tinitingnan itong naglalakad na papalapit sa akin.
“Why are you here? Ang pinsan mo ang sadya mo?” Tanong niya sa akin na ikinaiwas sandali ng aking tingin sa kanya. I wanted to say no pero may parte rin sa akin ang ayaw iyong isagot dahil baka maghinala siya. Kumpara sa imahe ni Toshi, mas maangas itong tingnan at bulgar ang galit hindi katulad ni Toshi na iniipon ata lahat sa loob at nagagawang maging kalmado.
“Ah, iba ang sadya…” Pagpaparinig niya sa akin na ikinabalik ng mga mata ko sa kanya.
“Mauna na ako,” sabi ko nalang at tinalikuran ito.
“First row on the left, third room.” Sabi nito sa akin. Tumigil ako at nilingon ito ngunit ang likod nalang ang naabutan dahil tuluyan ng tumalikod.
Napatingin ako sa direksyon na kanyang ibinigay. Kaninong classroom ang naroon? Sa mga pinsan ko ba?
Sinunod ko iyong sinabi niya. Nacucurious rin ako kung sino ang nandoon at iyon ang sinabi niya sa akin. Hindi ako pumasok sa kanilang hallway at doon sa labas lumabas. May mga bintana ang bawat nadadaanan ko at nakikita ko at walang tao roon, mukhang nasa mga classroom.
Lahat ng binatana ay nakasara pero nakikita naman ang loob. Tiningala ko ang malaking puno na nasa kabilang banda ko lang. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad at iginala muli ang tingin sa loob.
Hanggang balikat ko ang mga bintana at tanaw roon ang mga nakalinyang classroom na puro nakasara ang mga pinto. Tahimik lamang ang kanilang hallway dahil narin siguro sa nagaganap na klase. Tiningnan ko ang sunod na classroom at napagtantong iyon na ang pangalawa. Mas umabante pa ako at katulad noong naunang classroom ay sarado rin ang pinto. First row on the left, third room. Ibig sabihin, sa sunod ng classroom ay iyong tinutukoy ni Grey.
Mas bumilis ang aking paghakbang para makarating agad roon. Humahataw na ang aking puso habang nakahawak ako sa pader, pinapadaan doon ang aking mga daliri.
Huminto ako nang makaabot ako sa isang bintana. Nakasara iyon kaya tumitig ako ng ilang sigundo sa nakasarang pinto. Ibig sabihin, iyan ang classroom ni Toshi?
Kung papasok ako sa mismong hallway at kakatok sa pinto, ano namang sasabihin ko? I will disturb the class. I’m just here to see him. Iyon lang naman ang plano ko.
Umupo ako sa aking kinatatayuan at ipinatong ang aking mga palad sa aking pisngi para bigyan iyon ng suporta. I sighed. Why did I came here without thinking what would happen? Nadala ata ako sa rumaragasa kong excitement at naiwan na ang aking utak sa kung saan.
Bumukas ang isang bintana sa itaas kaya mabilis akong tumayo para makita iyon. Ganoon nalang ang aking gulat nang makita ang imahe ni Toshi, nang makita ako ay hindi man lang nagulat.
“This is a college building,” sabi niya sa akin at nilingon pa ang paligid. Lumingon narin ako sa aking likuran. May iilang estudyanteng dumadaan pero nagmamadali rin para makapunta sa kabilang hallway.
Ibinalik ko ang tingin sa harap. Nakatukod na ang kanyang mga siko sa bintana at doon humilig. Ipinagsalikop niya ang kamay na nakalabas, nasa akin ang tingin.
“Did you ditch your class?” Tanong niya na ikinailing ko agad.
“It’s lunch…”
Umangat ang isa niyang kilay. “At bakit ka nandito?”
“May pinuntahan ako…” Sagot ko, kalmado lamang. I wanted to say I came here to see him pero mukhang nagbago ang ihip ng hangin at nawalan ako ng lakas na sabihin ang tunay na dahilan.
“Who?”
Kumurap ako at nahulog ang tingin sa mahabang suot nito na necktie. He looks so manly in his uniform…
“Sino?” Ulit niya nang mapansing natatagan ako sa pagsagot.
“Uh… About that night… Iyong hinalikan mo ako,” tinitigan ko siya ng mabuti at kinabisado ang lalabas na ekspresyon sa kanyang mukha.
Hiniwalay niya ang isa niyang kamay sa pagkakasalikop at itinukod iyon saka ipinatong ang kamao sa kanyang pisngi.
“What about that kiss?” Tanong niya sa akin.
“You kissed me… Ibig bang sabihin noon, may gusto ka sa akin?”
Ilang sigundo siyang tumitig sa akin habang ako naman ay kinakabahan na sa magiging sagot nito. Bumagsak sandali sa suot niyang relo ang kanyang tingin saka muling nag-angat sa akin.
“Did you have your lunch already?” Pag-iiba niya ng topic na ikinasimangot ko. Bakit ba ayaw niyang sagutin ang tanong? He’s always passive aggressive and it really fustrates me…
Umiling ako. Sa kasabikan kong pumunta rito ay nakalimutan ko ng unahin ang pagkain. He sighed.
“Ba’t hindi ka kumain?” Tanong niya. Bago pa man ako makasagot ay humawak na siya sa magkabilang gilid ng bintana at ipinatong ang isang paa roon sa pinatungan ng kanyang siko kanina. Inangat niya ang kanyang sarili hanggang sa iyong kabilang paa niya naman ang sumampa. Una niyang iniapak ang isang paa pababa sa sahig at sinunod ulit ang isa hanggang sa tuluyan siyang makalabas.
“Ihahatid kita palabas kaya bumalik ka sa classroom mo.” Sabi niya na ikinabusangot ko.
“Don’t you want to see me?” Mahina kong tanong na sapat lamang para bumaling siya sa akin.
Nagkasalubong ang kanyang kilay at mukhang may tumatakbo sa isipan nito. Iyon ang pinakaayaw ko. Hindi ko magawang basahin ang kanyang iniisip. Kung iyong mga lalakeng nakasalamuha ko ay napapaikot ko pa sa aking kamay at napapabaliw sa akin, iba si Toshi. Iyong siya ang mas may kakayahang manglinlang kaysa siya ang linlangin.
“I came here to see you,” pag-amin ko. Na sana ay mahulog siya sa aking pinagsasabi at aminin sa akin na natutuwa siyang makita ako.
He sighed. “Let’s go…” Hinaplos niya ang aking siko na ikinadismaya ko. Iyon lang? Sa lahat ng sinabi ko iyon lang ang makukuha kong sagot?
“Toshi?” Isang malambing na boses ng babae ang tumawag sa kanya sa bintanang nakabukas.
Kapwa kami napalingon roon at nakita ang babaeng may maamong mukha. Sa pagkakaestima ko, kaedad lang noon si Chey. She has a soft feature as I stared at her curiously.
“May klase pa ah?” Tanong nito sa malambing na boses at takang taka akong tiningnan. Nahuhulog ang iilang hibla sa kanyang balikat dahil sa pagtagilid niya ng kanyang ulo para mas tingnan akong mabuti.
“Sino ’yan?” Tanong niya at binalingan si Toshi na nasa akin narin ang tingin.
“Go back inside, Floren…” Banayad niyang utos sa babae na ngumuso nalang at tumango.
“Hihintayin kita.” Sabi noong babae saka ako tiningnan ng huling beses. She stared at me innocently. Walang galit roon pero takang taka.
“Tayo na,” sabi ulit ni Toshi sa akin na pumukaw ng aking atensyon para umiwas ng tingin roon sa babae. Sino iyon? Bakit ang lambing ata nila kung mag-usap sa isa’t isa?
Iniwas ko ang aking braso sa kanya at naiinis na naunang maglakad. Why do I have this feeling that there’s something wrong? Sila ba noon? Pero hinalikan niya ako!
“Why did the guards let you in?” Narinig kong tanong nito habang humahabol sa aking paglalakad at gustong pumantay sa akin.
Mas binilisan ko ang paghakbang, nakakaramdam ng inis roon sa pakikipag-usap niya sa babae.
Hindi ko sinagot iyong tanong niya at hindi na naman maipinta ang aking mukha. Is that his girl?
“Irah,” tawag niya sa akin na nagpabagal ng aking paglalakad dahil sa boses niyang nagbabadya ng kung ano.
Tuluyan siyang pumantay sa akin. Tumagilid ang kanyang ulo para masilip ang ekspresyon kong hindi ko na magawang pakalmahin.
“How did you get inside?” Tanong niya.
“Pumasok sa entrance,” matabang kong sagot at gustong bilisan ulit ang paghakbang pero bago pa man ako makaabante ay hinawakan niya na ang aking braso para pigilan ako.
“Highschool girls are not allowed to go here…” sabi niya, may pinupuntong ibang bagay.
Sinuklay ko paatras ang aking buhok at tiningala siya. “Bukas, hindi na ako babalik.” Saka ko hinila ang kanyang kamay paalis sa aking siko at binilisan ulit ang paghakbang.
Nasaan na iyong inasal niya noong gabing hinalikan niya ako? Ano iyon? Nakonsensya lamang siya sa sinabing masasakit na salita sa akin at iyon ang kabayaran? That’s not a friendly kiss to me! May kahulugan iyon! Alam ko dahil iba ang halik na iyon.
Naninikip lamang ang aking dibdib sa bawat mabibigat at malalaking hakbang na aking ginagawa makaalis lang agad sa eskwelahang iyon. Derideritso ang lakad ko palabas na sinundan nalang ako ng tingin noong gwardya. Nakakuyom ang aking mga kamao at nagngingitngit na naman ang tingin dahil sinira niya lang ang excitement ko. Kaya nga dapat niyang nililinaw para hindi ako umaasa!
Wala na akong nilingon na mga estudyante at derideritso ang pasok sa highschool building. Ang mga nakakakita sa akin ay tumititig nalang at matatakot dahil sa yumayakap na ekspresyon sa aking mukha.
Pagdating sa classroom, nasa may pinto palang ako ay nagsikuhan na iyong grupo ng mga lalake na kaklase ko.
“Ayun, pre…”
“Lapitan mo dali. Hingiin mo ang numero.” Sabi pa noong isa at itinulak iyong isang lalake. Dalawa ang tumayo para salubungin ako. Pero nang dumako ang tingin sa aking likuran ay isa isa rin silang natigilan.
Linagpasan ko ang mga ito at dumeritso sa aking silya. Mabilis kong ibinagsak ang aking pwet sa upuan at mas bumusangot. Paasa talaga!
“Kuya niya?” Narinig kong tanong noong isa sa mga lalakeng sumalubong sa akin kanina.
“Delafuente iyan,” sagot naman ng isa na kumuha ng buo kong atensyon.
Ilang sandali lamang ay may nakita na akong imahe sa aking gilid. Sandaling nabura ang galit sa aking mukha nang tiningala ko ito at makumpirmang siya nga. Ang iilan kong mga kaklaseng babae ay namamataan ko pang niyuyugyog ang isa’t isa dahil sa kanyang imahe.
“Eat your lunch,” sabi niya sa akin at binalingan iyong grupo ng mga lalakeng nagsiatrasan rin naman.
“Ba’t ka pa sumunod? Umalis kana total may naghihintay sa’yo.” Inis kong sabi at humalukipkip sa aking silya.
May dinukot siya sa kanyang bulsa at inilabas ang kanyang pitaka. Nagkasalubong ang aking kilay nang maglabas siya ng kulay dilaw na papel na pera roon at inilahad sa akin.
“Bumili ka ng pagkain mo.” sabi niya sa kalmadong boses.
“May pera ako.” giit ko pa.
Bumuntong siya ng hininga at tumalikod rin. Sige umalis kana total may babaeng naghihintay sa’yo di’ba?
Sa aking inis ay niyakap ko nalang ang aking bag at ibinaon roon ang aking mukha. Ano Irah? Pupunta ka pa roon? Halata namang ayaw niyang lagyan ng label ang nangyayari dahil may babae siya! Baka nga ay girlfriend niya iyon! Damn him! Edi sana hindi niya nalang ako hinalikan! Sana hinayaan niya nalang akong galit!
“Bumalik!” Sigawan noong mga kaklase kong babae. Nag-angat ako ng tingin hanggang sa nakita ko ang imahe ni Toshi, may dalang tray at may mga pagkaing laman.
Pagdating niya sa aking harapan ay tumuwid ako sa pagkakaupo. Kinuha niya iyong bag ko saka inilagay sa katabing upuan at inilapag sa aking desk ang tray. I stared at the food for awhile. May tatlong klase ng pagkain roon at may apple pa. May bottled water rin siyang binili.
“Ubusin mo ’yan. I still have my classes.” Kinuha niya ang apple at kinagatan iyon saka ibinalik sa aking tray. Tumalikod rin naman siya at naglakad na paalis, hindi na hinintay ang aking sasabihin.
Pabalik balik ang tingin ko sa kanyang likod at sa tray. Sa kanyang pagkawala ay panibagong pag-asa na naman ang sumilay sa akin. Kinuha ko iyong apple at kinagatan ang parteng kinagatan nito.
“Boyfriend niya iyong si Toshi Delafuente?” May narinig akong isa sa mga kaklase ko.
“Di’ba matanda na iyon?” Dagdag pa ng isa.
I didn’t mind them. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang katiting na pag-asang pinanghahawakan ko. I need to do something to pin him down. Hindi pwedeng ganito. Dapat hindi lang ako ang mabaliw sa kanya kundi pati siya sa akin. It should be equal.
14th TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Glaebornel Challsea Servano. Happy reading.
Loyal
“Napapadalas ata ang pagpunta mo rito?” Tumaas ang kilay saakin ni Zera nang mahuli na naman ako sa hapong iyon na papasok sa College building.
“Pupuntahan ko si Franca,” pagsisinungaling ko na mas ikinaangat ng kanyang kilay.
Tumingin lamang iyong gwardya sa amin, nang balingan ko ay ngumiti. I smiled a bit, too. Pampagoodshot baka sa susunod ay hindi na ako papasukin noon.
Naunang pumasok si Zera. Ilang sigundo akong tumitig sa kanya na lumingon pa sa akin sandali pero umirap lamang at nagpatuloy sa paglalakad. She’s bringing her lunchbox again with her. Where’s Elle?
Isinantabi ko nalang ang aking pag-iisip at pumasok. May iilang estudyante ang nagkalat sa paligid. Katulad ng kanilang uniporme ay naiiba na naman ako at lutaw na lutaw ang pagiging highschool.
May grupo ng mga lalakeng nagtatawanan at mukhang papunta na sa next subject. Siniko noong isa ang kaibigan niya at sinipat ako ng tingin. Kahit ang dalawa niyang kaibigan ay nasa akin narin ang mga mata.
“You’re a pedo. Bata pa iyan. Highschooler…” Reklamo noong isa at nakamot ang batok. Nagtawanan muli sila saka ako nilagpasan. Inirapan ko iyong lalakeng kumindat sa akin. Akala niyo naman papatol rin ako sa inyo?
Naglakad ako sa pamilyar kong dinaanan. Katulad noong pagpunta ko kahapon ay sarado na naman ang mga bintana maliban doon sa isa na binuksan ni Toshi noong nakaraan. Is he expecting me? O baka naman naiwan lamang na nakabukas.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang pinapasadahan ng haplos ang puting pader at sinisilip ang bawat bintanang nadadaanan. Huminto ako sa mismong nakabukas saka roon dumungaw. Sarado iyong pinto ng classroom nila Toshi at mukhang nasa gitna na ng klase. If I wait here for an hour ay malilate ako sa isa kong subject.
Humawak ako sa may bintana at dumungaw muli, halos pumasok na ang aking ulo sa loob dahil sa pagkakatingkayad.
Bumukas bigla ang pinto kaya doon ako tumuwid ng tayo. Sandali kong nakita ang loob, ang prof na nasa desk at ang mga estudyanteng nakaupo roon, lalo na si Toshi na nasa notes ang tingin at may kung anong sinusulat. My face lightened at akma itong tatawagin kung hindi lang iyon sumara. Bumusangot ako at binalingan iyong mga estudyanteng lumabas.
The other one who’s staring at me is familiar. Napawi ang kanyang matamis na ngiti dahil sa topic nilang magkakaibigan nang dumako sa akin ang kanyang mga mata. Kahit iyong dalawa niyang kaibigan ay nasa akin na ang tingin.
“Ikaw iyong batang kasama ni Toshi, ’di ba?” Tanong niya sa akin.
Tumuwid ako ng pagkakatayo at humalukipkip. Bata? Seriously? Eh lamang ako ng ganda sa’yo.
“Toshi’s cousin?” Iyan si Zera?“ Medyo namamanghang sabi noong kaibigan niyang may maiksing buhok.
Umiling ito, “No… Zera is a barbie-like girl… She looks like her Mom, Tita Scarlet Gail…” Ngumiti pa ito, may pagmamalaki ang boses.
Umarko ang aking kilay sa impormasyon. She’s close with Tita? Nakiki Tita ata ito?
Binalingan niya akong muli saka nagtungo sa malapit na bintana. Mas nakita ko ng malinaw ang soft feature niya. Ang malambot at makintab niyang itim na buhok at ang side bangs na kanyang hinawi.
“Anong pangalan mo?” Tanong niya sa akin, ngumiti ng matamis.
Iniwas ko ang tingin sa kanya at ipinunta sa pinto ng classroom. Hindi ba lalabas si Toshi?
“Floren, tara na… Ihing ihi na ako…” Reklamo noong may katamtamang buhok niyang kaibigan at nasisira na ang mukha.
Nilingon niya ito sandali, “mauna na kayo. Susunod ako.”
“Sige…” Saka nila ako tiningnan at umalis rin.
Ibinalik niya sa akin ang kanyang tingin. Humilig siya sa bintana at inilagay ang palad sa kanyang pisngi.
“Gusto mong tawagin ko si Toshi?” Malumanay niyang sabi na ipinagsalubong ng aking kilay.
May dalawang uri ng malandi. Iyong malanding maldita at malanding palakaibigan. Sa mukha ng babaeng ito, para sa akin, malandi siya, hindi maldita at hindi palakaibigan, malandi lamang.
“Anong relasyon mo kay Toshi?” Tanong ko, disididong malaman ang ugnayan ng dalawa.
Marahan siyang natawa at umapoy ang pisngi sa pula.
“He’s my…”
“Floren,” may baritonong boses ang tumawag sa kanya sa likuran na kapwa namin ikinalingon. Kumurap ako at lumiwanag ang mukha sa imahe ni Toshi.
Tumuwid sa pagkakatayo iyong Floren at medyo umalis sa aking harapan para mas makita ang aking imahe.
“Iyong batang hinatid mo kahapon, nandito ulit. She’s looking at you…” Paliwanag nito.
Sumeryoso agad ang tingin sa akin ni Toshi, na may ginawa na naman akong mali at nahuli niya na naman ako. I smiled a bit to erase lighten up the mood pero hindi man lang ngumiti pabalik.
Lumapit narin siya at hinawakan ang siko ni Floren. Nalaglag agad ang aking tingin roon.
“Ako na ang bahala sa kanya. Pumasok kana sa loob.” Sabi niya sa banayad na boses na ikinanguso noong babae.
“Ihahatid mo siya ulit? Pero nasa gitna pa ng klase. Matatagalan kana naman…” Concern nitong sabi na ikinarolyo ng aking mga mata. Sabihin mo nalang na gusto mong masolo hindi iyong irarason mo pa ang subject.
Nakita iyon ni Toshi pero binalingan rin agad ang babae.
“Pumasok kana.”
Tumango iyong babae at binalingan ako. She smiled at me prettily and I hate it.
Sinigurado niya munang nakapasok na iyong babae saka niya ako binalingan. Lumapit siya lalo sa may bintana at humilig roon. He was crouching just to level his eye contact on me.
“Lunch?” Tanong niya na ikinabusangot ko agad.
This passive aggresive guy is getting on my nerves. Wala siyang sinasabi sa akin na magpapalinaw ng mga nangyayari sa aking paligid at kung umakto sa aking harapan ay tila concern lamang na nakakatandang kapatid. Na ako itong makulit na kinse anyos at matigas ang ulo.
“Sino ba iyon?” Tanong ko.
Nilingon niya sandali ang pintong nakasara na saka ulit ako tiningnan.
“Si Floren,” sagot niya sa akin, kalmado lamang.
“Ano mo?” Matigas kong tanong.
“Klasmeyt,” sagot niya naman na ikinasira agad ng aking mukha.
He’s playing safe! He touched her arm and it doesn’t look like a friendly act to me. May malalim silang ugnayan kaya ganoon sila kaclose. Hindi purket kinse lamang ako ay mabibilog na agad ako, mauuto.
Hindi ko maitago ang simangot sa aking mukha. Pagdating sa kanya, nagiging bulgar ako. Mabilis akong mainis, magalit, masaktan… mabilis rin niya akong napapasaya. I am always an aloof person. Ni hindi ako palakaibigan at hindi ko gustong nakikihalo sa mga babae. Pero pagdating kay Toshi, lahat ng kinikimkim kong emosyon ay mabilis niyang nahihila palabas at nakikita ang tunay na ako. Malayong malayo sa nakasanayan ng mga taong nakapaligid sa akin bilang babaeng seryoso at walang pakialam sa ibang tao.
Katulad ng ginawa niya kahapon ay lumabas siyang muli sa bintana. Pumantay siya sa akin at sinenyasan akong maglakad na.
I want to calm down. Ayokong pairalin ang selos sa aking sistema at mag-inarte ulit. Ayokong isipin niyang masyado na naman akong nagpapatangay sa mura kong edad at hindi alam kung paano kokontrolin ang emosyon, padalos dalos sa desisyon dahil sa nararamdamang kumakain sa akin ng buo.
“Did you have your lunch?” Tanong niya habang nakabulsa ang mga kamay.
Umiling ako, hindi na kumibo pa, nasa itim na sapatos ko ang tingin.
I heard him sighed. “Hindi ka ba nagdadala ng lunchbox?”
Umiling ulit ako, yumuyuko lang at tumatakip ang nalalaglag na mga buhok sa aking gilid para tumabon sa aking mukha.
Naramdaman ko ang kanyang kamay na hinawi ang aking buhok at isinabit iyon sa gilid ng aking tenga. Tumagilid ang kanyang ulo para masilip ang aking ekspresyon.
“Ano bang gusto mo?” Banayad niyang tanong.
Umiling ulit ako. Ano ba kasi ang relasyon niya doon sa babaeng iyon? It’s really hard to find out when he doesn’t want to spit it. Kung meron lang talaga akong koneksyon sa loob ng kanilang classroom…
Naging tahimik ako, kinokontrol ang galit na nararamdaman kaya nagiging matabang na ang pakikitungo sa kanya. Wala rin naman kasi siyang kinaklaro pero pinapaasa niya ako. His act towards me is not as friendly as his other cousin. Malalagyan ko talaga iyon ng meaning dahil sobra pa iyon sa pagkakaibigan. Si Ken nga humihirit pero hindi naman ganito. Iyon ang sasabihin ko talagang normal na pakikitungo ng isang lalakeng nag-iisip na kaibigan ang tingin sa akin. But this guy? He’s the opposite.
Naging tahimik siya sa aking gilid kaya nilingon ko ito. Lumingon rin siya pabalik. Sumimangot ako at itinuon ulit ang tingin sa harapan. Nagtataka rin tuloy ako kung ganito ba ang pakikitungo niya kay Chey a tuwing hinahabol siya nito kaya nabaliw sa kanya ng husto iyong babae. Hindi niya kasi kinaklaro kaya nabibigyan ng kahulugan ang pinaggagawa niya. Masisisi niya ba kaming mga babae eh mas matindi pa kami sa isang dictionary? Para sa amin, lahat may meaning. Tingnan lamang kami, ngitian lang, pwede na kaming mag-assume na may gusto ito sa amin kahit ang totoo ay friendly lang naman talaga ang isang tao. Kung hindi mo lilinawin, pwes h’wag kang magreklamo kung ba’t kami masyadong assuming.
“Sabihin mo nga? Ayaw mo bang pumupunta ako rito?” Tanong ko sa kanya nang mag-angat ulit ako ng tingin.
Umiling ito na lubos kong ikinainis at panibagong sakit ang umusbong sa aking puso. Gago talaga ito! Halatang may pinagtatakpan rito!
“Sige. Bukas na bukas. Hindi ako pupunta.” Sagot ko agad, desidido.
Tumango siya. “Sige.”
Fuck you ka! Leche! Bwesit!
“Hinding hindi na ako pupunta rito at hindi na kita sisilipin sa bintana!” Galit kong sabi, tumitigil na sa paglalakad para lang masabi iyon ng malinaw.
Huminto siya at humarap sa akin. Sumandal siya roon sa pader at humalukipkip.
“Sige.”
Nagngitngit agad ang aking mga mata dahil sa galit. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Why can’t I trick him? Ako pa ata itong mas nalilinlang sa t’wing ako itong nagbabalak na linlangin siya sa mga reverse psychology ko. Can’t he read in between the lines?! Baliktad kami mag-isip! Baliktad di’ba ang utak mo Toshi?!
“You won’t see me again,” pagbabanta ko na ikinaarko ng kanyang kilay. Na iyon na ang kasinungalingang nagawa ko na hindi niya kayang paniwalaan.
“Malapit lang ang bahay niyo sa bahay namin.” sagot niya na ikinaliit ng aking mga mata.
“Pero hindi ka naman pumupunta! Pagkatapos mo akong halikan! Paasa!” Putol-putol kong sigaw.
Hindi gumuhit ang gusto kong reaksyon sa kanyang mukha. Wala roong pagkagulat, wala roong bahid ng sakit, walang emosyon at kalmado lamang ang tingin sa akin. Na ako itong nagiging araw at sobrang init ang ibinubuga sa dagat na kahit anong gawin ko, malamig parin ang tubig at palaging salungat sa akin na palaging sumasabog sa galit.
“Pag ako napagod sa’yo…” Daing ko pa, hindi agad iyon madugtungan.
Click on the bait for once Toshi! H’wag kang puro kilos, lagyan mo naman ng salita!
“Kaya nga h’wag kanang pumupunta rito para hindi ka mapagod.” Sagot niya na ikinakulo talaga ng dugo ko.
Hindi iyon ang gusto kong tingnan niya! Wala ba itong utak? College na sana!
Tatandaan ko talaga ang araw na ito! Ang paghahabol ko sa kanya at pagpapaasa niya sa akin. Pag nasa tamang edad ako, sisiguraduhin kong siya naman ang maghahabol na sobra pa sa isang aso at sisiguraduhin kong ako naman ang magiging siya, malamig at walang pakialam sa kanya.
Sa aking inis ay naglakad nalang ako paalis sa kanyang harapan. Huminto ako at tiningnan siya sa aking likod na sumusunod narin.
“H’wag kanang sumunod!” Sigaw ko, puno na ng galit.
“Pag susunod ka sa akin, aasa lang ulit ako!” Klaro kong sigaw na sana ay magets niya at sumunod nalang para umasa ulit ako na may pag-asa kaming dalawa.
Huminto siya sa paglalakad. Mas tumalim naman ang aking tingin. See?! Jerk!
Sa aking inis ay tumakbo ako palayo, paalis. Pagdating ko sa eskwelahan, pagpasok ko sa gate ay wala siya sa aking likuran. Hindi man lang ako sinundan…Dismayado akong pumasok sa classroom at hindi na alintana ang gutom. Mangangayayat na talaga ako nito. Brokenhearted na nga, wala pang kain. Kawawa ka, Irah.
Natuon rin naman ang buo kong atensyon sa mga subjects ko nang hapon na iyon. Isinantabi ko ang alalahanin ko kay Toshi at pinairal ang aking utak sa klase. Walang maitutulong ang tibok ng aking dibdib sa klase. Ayoko namang pati sa pag-aaral ko ay pasang-awa ako katulad ng kalagayan ko sa lalakeng iyon. Paasa siya kasi naaawa lang sa akin. Ayaw akong ireject, pero hinahayaan akong bumagsak sa kanya, mahulog. Ang sarap bitayin.
“Hi Irah!” Kumaway sa akin iyong kaklase kong lalake habang inaayos ko ang aking mga gamit para makauwi na.
“Irah, pansinin mo naman ako!” Sigaw noong mukhang alimango.
Sinuot ko ang aking packbag at nagpatuloy na sa paglalakad. Uuwi na ako.
“Hatid na kita. Saan ba bahay niyo?” Makulit na tanong noong alimango kong kaklase at pumantay pa sa akin.
Hindi ako kumibo at mas pumantay sa akin.
“Sige na.” Inakbayan niya ako.
Sa aking galit ay mabilis akong humarap sa kanya, hinawakan ang magkabilang balikat nito saka hinila papalapit sa akin at sinipa ang kanyang gitna sa pamamagitan ng aking tuhod. Iyong mga kaklase kong lalake na tumatawa sa kanyang ginagawa ay natigil nang makita itong namilipit sa sakit at nakaluhod na sa aking harapan, hawak hawak ang parteng tinamaan ko.
“A-Ang s-sakit…” Daing niya at bakas sa mukha ang nararamdaman.
“Hindi ako magdadalawang-isip manakit ng gago.” Saka ko tiningnan iyong iba ko pang mga lalakeng kaklase na napalunok ng laway.
Inangatan ko sila ng kilay saka ko sinuklay paatras ang aking buhok at tumalikod na. Ayan, tumigil rin sa pagsunod. Ganoon dapat mambasted.
Madali lang naman akong kausap. Kung gusto kita, tingin mo maghahabol ka pa? I’ll cut the chase and claim you fully. Pero itong ginagawa ni Toshi? Pinapahabol ako sa kanya na parang asong nakatali at nasa kanya ang hawak kaya kinakaladkad ako. Hintayin mo lang pag nakawala ako sa tali. Hinding hindi na talaga ako maghahabol. Kakaripas ako ng takbo at sisiguraduhin kong hindi mo ako maaabutan.
Habang naglalakad palabas ay tumunog ang aking cellphone. Tawag iyon at nanggagaling kay Bryce.
Sinagot ko agad iyon.
“Yes, Bryce…”
“Where are you?” Tanong nito sa malalim na boses.
Iginala ko ang tingin sa aking paligid kahit na alam ko namang wala siya roon. May iilang estudyante akong namataan na nakatitig sa akin at mabilis ring nag-iwas ng tingin.
“Palabas na ng school. Pauwi na…” Sagot ko.
“Mind if I fetch you?”
Buti pa ito…
“Ikaw bahala. Pauwi lang rin naman ako.” Sabi ko sa kanya.
“Alright. Papunta na.” He chuckled.
Nakagat ko ang aking labi at napangiti. Kung ganito lang sana si Toshi…
Namatay rin ang tawag kaya lumabas na ako. Iginala ko ang tingin at ilang sandali lamang ay huminto na nga ang pamilyar ni kotse ni Bryce.
Binuksan niya iyon sa loob.
“Hey,” I smiled a bit when I saw him, nakabukas na ang mga botones ng suot na puting uniporme at nakikita ang puting panloob na tshirt.
Pinasadahan niya ako sandali ng tingin saka siya natawa.
“Bagay ang uniporme sa’yo. Para kang bata.” Pang-aasar nito na aking ikinabusangot.
“What do you expect on a 15-year old Bryce?” Mataray kong sagot na mas ikinahalakhak niya. Magsi-16 rin naman ako ngayong taon ah? Bata parin?
“Maganda parin naman…”
Alam ko. Sagot ko sa aking isipan at kinimkim nalang iyon. Hinila ko ang seatbelt habang ipinagpatuloy niya naman ang pagmamaneho.
“Ihahatid kita ng 6 so tell your parents about it.” Paalala niya sa akin na hindi ko pinakinggan.
Itinuon ko ang tingin sa labas ng bintana at nag-iimagine na naman ng kung ano. What’s the feeling of seating on the car of his passenger’s seat while he’s driving? Ganoon rin ba ang magiging reaksyon niya sa akin katulad ng kay Bryce? O tititigan niya lang ako katulad ng ginagawa niya at hindi isasatinig ang pinag-iisip.
Bryce likes me. Alam ko iyon. Sa kanyang mga ginagawa halatang nagpaparating siya ng isang magandang motibo sa akin. Na hindi siya katulad noong mga nakakarelasyon ko na natatakot harapin ang Daddy ko at kaya niyang humarap kung kinakailangan. Who wouldn’t fall for a guy like him? Oo gusto ko naman siya. Pero iyong pagkagusto ko kay Toshi ay ibang iba. Malayong malayo sa nararamdaman ko para kay Bryce.
“Do you want to eat or you have another plan?”
“Let’s drink…” mahina kong sabi, hindi maalis alis ang tingin sa labas.
“Huh?”
Binalingan ko siya, “uminom tayo.”
Napakurap siya sa aking sinabi. “You want to get drunk?”
Tumango ako. “I mean hindi ko binabalak malasing. Kahit iyong mild lang. And then let’s go somewhere refreshing…” Suhestyon ko na mukhang ikinakalma ng kanyang mukha.
“Will your parents allow you?” Tanong niya na ikinatango ko.
“I am allowed to do what I want. H’wag lang magpahuli,” I chuckled.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at nailing narin, may matamis ng ngiti.
“You’re a very wild girl… Ang hirap mong ihandle.” Komento niya na ikinakibit ng aking balikat.
“You’re not worthy if you can’t handle me at my worst.” Sabi ko na ikinatawa niya. Palingon lingon ito sa akin habang nagmamaneho.
“Witty.” Saka siya kumindat.
Ngumisi lang rin ako at itinuon ulit sa labas ng bintana ang tingin. He’s not worthy if he can’t handle me at my worst. Then who’s worthy for you, Irah? That jerk named Toshi?
Nagdrive-thru si Bryce para bumili ng aking makakain. Ang sinasabi kong uminom at mild lang ay isang coke ang binili sa akin. Natawa nalang ako dahil sa kanyang pinag-iisip.
Gusto ko sanang pumunta roon sa private property ni Daddy kung saan tanaw na tanaw ang kabuuan ng syudad pero ipinangako ko rin kasi sa aking sarili na iyong makakama ko habang buhay ang dadalhin ko roon. That place is very important for my Daddy. Binili niya iyon para ipreserve ang memorya nila ni Mommy. Siguro, naniniwala siya na ang makakasama mo roon ay makakasama mo na habangbuhay.
Ipinark ni Bryce ang kanyang kotse sa isang mataas na lugar. Hinubad niya ang seatbelt kaya iyon narin ang aking ginawa.
“How’s your day in school?” Tanong niya sa akin habang inilalahad ang fries. Kumuha ako ng isa roon at kumagat.
“Okay naman. My classmates were friendly. Ako lang ata ang hindi,” sagot ko at ipinatong ang magkabilang paa sa itaas noong dashboard.
Bryce chuckled. “Baka naman may mga gusto sa’yo tapos nagsusupdala ka?”
“Hindi ako nagsusuplada. Suplada talaga ako.”
Tumawa siyang muli. Ang tawa ay masyadong nakakaaliw na kahit ako ay napalingon na sa kanya. Binigyan niya muli ako ng isang stick ng fries kaya kinagatan ko iyon.
“I want to say stop entertaining boys but your choice still matter the most. May the best man win…” Puno ng sinseredad niyang sabi na ikinalipat ng aking tingin sa harapan.
Kung hindi ko lang talaga pinagpapansin ang paninitig ni Toshi sa akin at hindi nagpalinlang sa kanyang mga mata, siguro si Bryce na ang boyfriend ko ngayon. Masyado na ata akong loyal at ayaw munang pumasok sa panibagong relasyon kung hindi lang naman iyon si Toshi. What a nice mindset, Irah! Tsss.
15th TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Louise Angielyn Pallasigui. Happy reading!
Stupid jerk
Hindi ko na namalayan ang oras sa pakikipag-usap kay Bryce. Kahit saan saan lumilipad ang aming topic at tungkol iyon sa mga outdoor activities na gagawin ulit naming magkasama. He was planning for a hiking. Noon pa man, gusto ko rin iyon tapos magtetent kami sa mataas na parte noong bundok sa harapan ng isang bonfire. Pero ang gusto ko, hindi si Bryce ang kasama ko ganoong magandang alaala.
“Thank you for driving me home, Bryce.” Sabi ko pagkatapos kong tanggalin ang seatbelt na nakayakap sa aking katawan.
“Ikaw pa. Gusto mo samahan na kita sa bahay niyo?” Nilingon niya ang loob ng subdivision.
Umiling agad ako. “I’m going to be safe. At malalakad lang naman eh,”
“You sure? Ayaw mong magpahatid papasok?”
Umiling ulit ako. “Kaya ko na. Thank you,” I smiled at him.
Ngumiti naman siya pabalik at tiningnan akong buksan ang pinto para tuluyang makalabas. Kumaway muna ako saka rin ako pumasok.
It was already 8:05. Medyo madilim na ang paligid pero may mga poste ng ilaw naman at iyong ilaw na nanggagaling narin sa bakuran ng iilang mga bahay. Malapit na ako at bumubuo na ng dahilan sa aking isipan kung ba’t ako ginabi nang matigilan rin ako dahil madilim na ang labas ng aming bahay. Shit, Irah! You forgot your curfew!
“Oh, no!” Napatakbo na ako para mabilis makarating sa may gate. Hinihingal pa ako at nagbabakasakaling mali ang aking iniisip.
Nagdoorbell agad ako ng paulit ulit para iparating na nandito na ako. Hell! Lagot ako!
Tiningnan ko ang aking cellphone kung may natitira pa bang battery para tawagan si Mommy pero shut down na iyon!
Nagdoorbell ulit ako. Paulit ulit kong naririnig ang boses ni Daddy sa aking utak na tuwing may klase, dapat 7 palang ay nasa bahay na ako. Kung sasabihin ko namang may projects akong ginawa kaya late natapos ay malalaman niya paring nagsisinungaling ako.
May sumilip roon sa gate. Laking tuwa ko nang mamukhaan ko ang mga matang iyon.
“Manang, kindly open the gate. Hindi ko kasi namalayan ang oras…” Paliwanag ko.
Hindi ko na nakita ang mga mata nito at ang labi niya na ang ipinakita sa akin.
“Sorry po Miss Irah pero kabilin bilinan ng ama niyo na hindi na po pwedeng buksan ang gate.”
Fuck. Sinasabi ko na nga ba…
“Pakitawag nalang si Mommy…”
“Sabi niya rin po na h’wag na silang disturbuhin ng asawa niya.”
Sumimangot ako. “Saan ako matutulog kung ganoo-”
“At kung nagtanong raw po kayo kung saan ka matutulog ang isasagot ko daw po ay maghanap ka ng sarili mong bahay total hindi mo raw nirerespeto ang batas rito.”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nakikita ang imahe ni Daddy sa aking isipan na sinasabi iyon. Natingala ko ang punong inaakyatan ko sa t’wing may pinupuslit akong boyfriend ko sa kwarto. Pagkatapos kasi ng araw na iyon ay pinalagyan rin nito ng tinik ang dinadaanan ko kaya imposible narin akong makaakyat roon.
I know Dad too well. Oo hahayaan ka niyang gawin ang gusto mo. Sige gumala ka at umuwi ng late pero h’wag ka ring magreklamo sa magiging parusa mo.
“Pasensya na talaga Ma’am… Kami po ang masesesante…” Nalulungkot nitong sabi.
“It’s okay.” Nasuklay ko ang aking buhok at medyo lumukot ang ekspresyon. Mukhang wala akong choice ngayon kundi mangapitbahay.
Nagtungo ako sa bahay ng pinsan ko. Pagdoorbell ko palang, si Franca agad ang bumukas. She was smiling like she really knew what happened.
“Asan gamit mo?” Tanong niya sa akin at nagawa pang lumingon sa aking likuran.
“Anong tingin mo sa akin, naglayas?”
“Akala ko pinalayas ka ni Tito Tres e…” Saka siya ngumisi at nang-aasar agad ang tingin. “Kanina pa kita hinihintay. Tumawag kasi siya kanina at sinabi niyang makikitulog ka raw rito dahil wala kanang uuwian ngayong gabi.” Paliwanag nito habang pumapasok kaming dalawa sa kanilang loob.
See? My Dad has his own ways to pin me down. Hindi pa ako nakakagawa ng mali ay pinagpaplanuhan niya na ang parusa ko. Ganoon siya kaadvance dahil alam niyang marami talaga akong kalokohan.
Nadatnan ko si Tito Dos at Tita Addi sa may sofa. Tita Addi was seating on his lap while she’s eating some popcorns.
“Nandito na po ang lumakwatsya kaya wala ng uuwiang bahay…” Sabi niya sa kanyang mga magulang na napunta rin agad sa akin ang tingin. I glared at my cousin who just chuckled softly.
“Your Father punished you?” Tanong sa akin ni Tito Dos na ikinatango ko.
“Ayaw po akong papasukin ng maid sa bahay dahil inutusan ni Daddy.” Sagot ko na ikinahalakhak ni Tito.
Tumabi si Franca sa mag-asawa at dumukot ng popcorn sa hawak ng kanyang ina.
“Iba rin talaga ang takbo ng utak ni Tres.” Si Tita Addi na tumatawa narin.
“You’re welcome here, Irah. Kahit dito kana rin umuwi bukas at h’wag nang bumalik sa bahay niyo. I’m sure he’ll fetch you…” Ngumisi si Tito Dos sa akin na ikinanguso ko. Pag pinairal ko ang katigasan ng aking ulo, mas bibigyan lamang ako ng leksyon ni Daddy.
“Baka pag ginawa ko iyon ihahatid niya na rito ang mga gamit ko.” Sabi ko.
“Exactly. My Franca will like your stay here.” Nilingon niya ang kanyang anak na ngumiti agad sa kanya ng matamis. He even pinched her nose that made her giggle even more.
Pasimple kong nairolyo ang aking mga mata. Hindi ko gustong makasama ang babaeng iyan araw araw dahil puro sakit sa ulo lang rin naman ang naibibigay niya.
“Kumain kana, Irah?” Tanong ni Tita Addi na ikinatango ko.
“Umakyat na kayo sa kwarto niyo, Franca. Samahan mo ang pinsan mo.” Utos ng kanyang ama na ikinatango rin naman nito.
“Good night, Mommy! Daddy!” Tumayo siya at isa isa silang hinalikan. Nag-iwas ako ng tingin at sinikap na hindi mainggit. Hindi man lang ako nakapag good night kay Mommy at Daddy. Maybe I’ll just text it?
Pumasok rin naman kami sa kwarto ng aking pinsan. Malaki iyon at sobrang cute pa noong design ng kanyang bedsheet. Her room is too girly that it irritates me.
“Bakit ka ba kasi nalate? Ba’t mo nakalimutan ang curfew mo? Kailan ka pa naging absentminded?” Tanong niya sa akin habang hinuhubad ko ang aking uniporme.
Gusto kong sabihin na masyadong lutang ang aking pag-iisip dahil kay Toshi pero hindi nalang iyon isinatinig dahil alam kong tutuksuhin niya lang ako at pagtatawanan.
“I’m with Bryce. Hindi ko namalayan ang oras.” Sagot ko sa kanya saka nagtungo sa kanyang walk-in closet para manghalungkat ng maisusuot.
“Bryce? Nagkakamabutihan parin kayo kahit hindi mo naman siya gusto?” Tanong niya sa akin, nasa aking likod na at sinundan ako rito.
Inisa isa ko iyong mga nakahanger niyang bistida. Kinuha ko ang isang long sleeve na pantulog niyang bistida at iyon ang hinila. Isinuot ko iyon saka hinila papasok sa aking ulo at natagpuan ang mga mata niyang naghihintay sa aking sagot.
“Nagyayaya siya kaya sumama ako,” sagot ko pagkatapos ipasok sa aking mga kamay ang sleeves.
“Hindi purket pinapaasa ka ni Toshi ay papaasahin mo rin si Bryce.”
“Hindi ko siya pinapaasa.” Giit ko at tiningnan siya ng masama. “Si Toshi lang ang paasa dito. Hindi ako.”
Tumango tango siya pero hindi naman nakukumbinsi ang mukha. Nauna akong lumabas at bumuntot ulit siya sa akin. Wala naman sana akong kinukwento sa kanya tungkol kay Toshi pero mukhang marami na namang napapansin ang gaga. Kung saan niya napulot ang pinagsasabi niya, hindi ko na aalamin.
Umupo ako sa gilid ng kanyang kama at tumunganga sa aking cellphone. Nagtipa ako ng mensahe kay Mommy at Daddy.
Ako: Goodnight.
“Ang sweet mo naman,” humalakhak si Franca habang inaayos ang kumot. Sumilip ata ang pakialamerang ito!
“Nasanay lang ako.” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
She just giggled. Umirap ako at kinuha ang isang unan. I suddenly miss my Bun-bun! Bukas na bukas, uuwi ako ng maaga. Kahit bahay naman ito ng pinsan ko, mas masarap parin sa feeling kung nasa bahay ako. Para narin akong naglayas.
Nagawa ko na iyon noong naririnig ko ang pagtatalo ni Mommy at Daddy. Hindi ko maibulalas ang nararamdaman ko bilang isang bata kaya idinaan ko nalang sa paglalayas. Mommy is just too stubborn that time… Pinapahabol niya si Daddy sa kanya kahit na humihingi na ito ng kapatawaran. Hindi ko maintindihan ang kanyang rason pero hindi ko rin siya magawang kamuhian dahil alam ko, may malalim siyang dahilan. Maybe my Daddy hurt him kaya lumaki rin ako sa pag-aakalang patay na siya. Iyong mga sinasabi palang ni Dada Troye sa akin ay tandang tanda ko pa.
“Where’s my Daddy, Dada? Mommy told me he’s gone. Does it mean he’s already dead?” Tanong ko habang pinapaliguan ng hapong iyon si Bun-bun sa bathtub. Nasa aking likuran naman si Dada, hawak iyong shampoo.
“Nasa hell ang Daddy mo, Irah. Bad kasi kaya itinapon doon.” Sagot niya sa akin na hindi ko pinaniwalaan.
My Daddy is not bad.
“But why?” Nilingon ko si Dada na pinaglalaruan na ang shampoo at lumalabas roon ang iilang bula.
“Kasi iyong Daddy mo, sinuntok ang Dada Klint mo kaya nagalit si Lord at pinarusahan siya. Sinunog na iyon sa impyerno.” Wala sa sarili niyang sagot at mukhang nag-iimbento lamang.
Ibinalik ko ang tingin sa aking stufftoy na basang basa na. I really don’t understand it. Pag nakikita ko si Ysha na sobrang close kay Dada Klint ay nakakapangselos. I wish I have my own real father. I wish Mom can give me my own father. That’s a lie.
Iyon ang pinakagusto ko kaya natulak rin akong maglayas. Naaalala ko pa ang mukha noon ni Daddy noong lumabas siya sa kanyang kotse nang makita ako sa daan, umiiyak at dala dala si Bun-bun habang may suot na backpack kung saan nakalagay ang iilan kong paboritong damit.
“D-Daddy…” I cried harshly when I saw him running towards me without any shoes on. Mukhang kakagising lamang nito.
“Daddy!” I ran towads him. Bata pa ako noon pero naalala ko parin ang sakit.
“Why did you left your Mom? She was so worried… I am so worried…” Bulong niya sa akin habang mahigpit akong niyayakap.
Palihim kong nakikita ang lahat ng mga yumayakap na emosyon kay Daddy noong bata pa ako. I saw him cried while having a fight with Mom and I saw him worrying too much just because I left the house. Napagtanto ko noon na hindi madali ang pag-ibig. Na dapat hindi ako magseryoso para hindi masaktan ng ganoon katindi. Kaya lumaki rin akong pinaglalaruan ang mga lalake sa aking paligid. Hindi ko sila magawang seryosohin at hindi ako natatakot bitiwan ang relasyon alam ko namang walang patutunguhan sa umpisa pa lang. Bakit ka papasok sa ganoong bagay kung sa huli ay mang-iiwan ka rin naman pala? Iyon ang naisip ko dahil sa nasaksihan ko sa aking mga magulang. Masyado iyong masakit at ayokong maulit ang ganoon.
Itinulog ko nalang ang tumatakbo sa aking isipan. Sumabay narin ako kay Franca papasok ng eskwelahan. Nauna akong ihatid roon.
Pagkapasok ko, nag-iwas agad ng tingin iyong lalakeng nakatikim sa akin kahapon. Nagsitawanan agad ang kanyang mga kaibigan at nagpaparinig ng nabasted ko raw agad kahit hindi pa nanliligaw.
I am always serious when it comes to my studies. Nakakaparticipate naman ako at nakakasagot sa mga tanong. I want to maintain my high grades at gustong grumaduate ng Valedictorian katulad ni Daddy noong highschool pa siya.
Noong lunchtime, pinag-isipan ko pang mabuti kung pupunta ako sa college building. H’wag kanang mag-aksaya ng panahon sa lalakeng iyon Irah. Gago iyon, paaasahin ka lang.
Iyon ang iniisip ko pero nahuli ko nalang ang aking sarili na lumalabas na naman ng eskwelahan at tinatahak ang pamilyar na daan patungong BTSU College building. At isa pa, nabanggit rin sa akin ni Bryce kahapon na may kaklase siyang Delafuente noong pasimple akong nagtanong kung may naging kaklase ba siya sa magpinsang iyon o kung kaklase niya si Kuya Trey. Hindi na ako nagtanong pa dahil ayoko rin namang magtanong tungkol kay Toshi. Sapat na iyong mga nalalaman ko. He’s a jerk.
Sinilip ko ulit ang bintana na bukas. Mukhang iniiwan nalang itong nakabukas dahil may nag-eexpect ng presensya ko.
Bumukas ang pinto noon. Lumabas ang presensya ni Bryce, seryoso ang mukha. Noong magkasalubong ang aming mga mata ay napakurap ito.
“Irah?” Nagtataka ang boses na iyon at hindi ata inaasahan ang aking presensya.
Napatingin ako sandali sa pintong nakaawang ng kaonti at malapit ng sumara. Humaba ang aking leeg masilip lamang si Toshi pero agaran rin iyong sumara.
“Nandito ka ba para makita ako o may iba kang sadya?” Tanong niya at nagtungo na papalapit sa akin.
“Si Kuya Trey… Hinahanap ko.” Rason ko nalang.
“Hindi ko siya kaklase sa subject na ito. Do you have his number? Samahan kita sa pagpunta classroom niya.” Akma siyang lalabas narin roon sa bintana kaya mabilis akong umiling.
“No thanks, Bryce.” Tipid akong ngumiti.
Natigil siya sa binabalak niyang paglabas at inihilig nalang ang mga braso roon.
“Isn’t it your lunchtime? Kumain kana?”
I want to say no pero ayoko namang baka magyaya itong librihin ako. Knowing this guy… Masyadong nag-aalala sa akin at nagpapagoodshot.
Tumango ako at nalihis ang mga mata dahil sa dalawang estudyanteng lumabas roon. Kapwa sila may hawak na pinagpapatong na mga libro at mukhang inutusang ibalik iyon sa kung saan. Matamis ang ngiti noong babae habang may sinasabi sa kanya na ngumingiti rin pabalik, nadadala sa sinasabi nito.
My heart sank in the deepest sea as I tried to collect my own thoughts. What’s with them, seriously?! Bakit sila ang magkasama? Sila lang ba ang estudyante sa loob? Sila ba?
Floren glanced at us. Nalihis ang kanyang tingin at napunta narin sa akin habang naglalakad sila papunta sa kanang bahagi ng pasilyo. Kahit si Toshi ay natangay narin ang tingin at napunta sa akin. Mabilis na nabura ang ngiti sa kanyang labi. I don’t know what to react. Gusto ko siyang tawagin pero kasama niya naman iyan at nasa aking harapan pa si Bryce. At isa pa, sinabi ko kahapon na hindi na ako babalik pa. At ayaw niya rin namang pumupunta ako rito.
His eyes were cold and dark at the same time. May kung ano siyang sinabi kay Floren na tumango rin at nagpatuloy sa paglalakad. See it for yourself Irah total ayaw mo namang tumigil sa kahibangan mo edi sige, indahin mo ang sakit.
Napalingon narin si Bryce sa dako nila pero mabilis ring lumipat sa akin. Nag-iwas narin ako ng tingin at ibinalik kay Bryce. Bahala nga siya…
“Mukhang nangangamoy balikan ang dalawang iyon.” Sabi ni Bryce na kumuha ng aking buong atensyon. Balikan? Ibig sabihin…
“That’s his ex?” I asked bitterly.
Tumango naman si Bryce, hindi napapansin ang tabang sa aking boses.
“Florento Brion is Toshi’s ex…”
Ang pangungumpirma nito ang lubos na pumukaw ng aking atensyon. So ex talaga? Kaya pala ganoon nalang sila kaclose. Ganoon nalang kalambing ang kanilang pag-uusap dahil may nakaraan pala ang dalawa.
“Ganoon ba? I am not really close with Toshi. His parents are just our family friends,” sagot ko sa kalmadong boses, sinisikap na kimkimin ang umuusbong na galit sa buo kong sistema.
“Mukhang nagkabalikan ata ang dalawa but I am not sure. Nagkakamabutihan kasi ulit sila. Base on what I see…” Paliwanag niya na ipinatili kong mahinahon pero sa aking loob ay gusto ko ng sampalin si Toshi. How dare him kissed me when he has a girlfriend?! Kung hindi niya man girlfriend at nagkakamabutihan sila, bakit niya pa ako nilalapit-lapitan at binibigyan ako ng mga maling akala? Ang gagong iyon nililinlang pala talaga ako!
“Wala akong pakialam sa kanila.” Sagot ko lang, mas naging blangko ang mukha sa kabila ng pagsabog ko sa loob. It hurts. The pain stings in my heart that I just want to stab the guy who caused me pain.
Sa aking nalaman ay umatras ang pagnanasa kong pumunta ulit roon. Maaga akong nagpasundo, dismayado at pinagpaplanuhan na naman kung paano magmomove-on. Gago talaga siya!
Natanaw ko pamilyar na kotseng huminto sa aking harapan paglabas ko ng gate. Ngumuso ako at agad na binuksan ang pinto ng backseat.
“I miss you, Irah!” Salubong sa akin ni Mommy at nilingon agad ako sa likuran.
Ngumiti ako ng tipid saka binalingan si Daddy na tiningnan ako sa ibabaw ng salamin.
“How’s your sleep, baby?” Tanong sa akin ni Mommy, excited sa aking kwento.
“It’s fine. Malikot si Franca at nakurot ko dahil bigla nalang akong niyayakap.”
Mommy chuckled. “Si Franca kahit natutulog ang sweet sweet parin…” Nilingon niya si Daddy na nasa daan ang atensyon habang nagmamaneho saka siya ngumuso. “I told your Dad to let you in kagabi pero ang tigas.”
“She wouldn’t learn from her mistakes if we’ll spoiled her too much.” Sagot ni Daddy.
“I’m sorry…” Sabi ko sa mahina pero sapat lamang para marinig.
Napatingin si Daddy sa itaas ng salamin kaya ngumuso ako. Mom smiled at me sweetly.
“Umuwi kana lang ng maaga para hindi kami masyadong nag-aalala. Lalo na iyang Daddy mo… And you know what, he cancelled his meeting on his client just to fetch you early, sweetie.” Pambubulgar ni Mommy at matamis na ang ngisi.
Ngumuso ako, pinipigilang mapangiti narin. Really?
“Namove iyon sa ibang araw kaya nacancel.” Pagtatama naman ni Daddy na ikinahalakhak ni Mommy.
“Hindi! You’re guilty for punishing our baby kaya gusto mong bumawi.” Pang-aasar ni Mommy at nilapit lapit pa ang mukha sa kanya.
Dad’s brow furrowed as he glanced at her. Nagpatuloy si Mommy sa kakaasar sa kanya at minsan ay ako na naman ang pagtutuunan ng pansin.
“Don’t deny it, Daddy…” Pagsabay ko narin kay Mommy para asarin ito.
“Hindi iyan aamin, Irah. Kikimkimin niya iyan total doon siya magaling.” Tumawa si Mommy ng marahan na ikinangisi ko narin. Dad is really good at hiding his real feelings.
Kahit paano, nabawasan ang bigat ng aking dinadala dahil sa dinnerdate naming tatlo noong gabing iyon. Ayokong magpahalatang may problema sa akin dahil mabilis iyong nadedetect ni Daddy.
I know parents are great when it comes on giving advices. Pero hindi ko naman alam kung paano mag-oopen up eh hindi naman ako vocal.
“Matamlay kana naman ah? Nagtatampo ka sa Daddy mo?” Tanong sa akin ni Mommy nang pumasok siya sa aking kwarto para dalhan ako ng gatas.
Sinuklay ko ang aking buhok paatras para hindi iyon tumakip sa aking mukha.
“I’m fine, Mommy…”
Inilapag niya iyon sa bedside table at umupo sa aking gilid. Sinuklay niya ang aking buhok kaya mas umusog ako para mapalapit sa kanya lalo.
“Wala ka bang ikukwento sa akin tungkol sa school? May gwapo ka bang kaklase? May crush ka?” Ngumisi si Mommy sa akin at makahulugan na ang tingin.
“They’re all jerks, Mom. Kahapon ay may nasipa ako sa gitna niya kasi inakbayan ako bigla.” Sumbong ko na ikinalaki ng kanyang mga mata.
“Really?!”
Tumango ako. “Yep! Napaluhod siya sa harapan ko at sising sisi…”
Mom chuckled while clapping. “Napakapalaban talaga ng anak ko! Iba talaga ang dugo ng Daddy mo, mararahas…”
Nakagat ko na ang pang-ibabang labi at napangisi.
“Hindi ko rin kasi type, Mommy. Kung type ko iyon ay hahayaan ko siya pero hindi eh… Mukhang alimango.” Umirap ako na ikinatawa ni Mommy.
“Poor guy… Nabasted.”
Ngumisi ako at nasuklay ulit ang aking buhok. Ang kamay ni Mommy ay nalipat sa aking pisngi at hinaplos iyon. Namumungay na ang mga mata nitong nangingislap at may matamis na ngiti.
“Have a good sleep okay?”
Tumango ako sa kanya hanggang sa lumapit siya lalo sa akin at hinalikan ako sa noo.
“Good night…”
“Good night, Mommy.” Sagot ko sa maliit na boses.
Mom stood up. Tinitigan ko muna itong lumalabas ng kwarto saka rin ako pumakawala ng isang buntong na hininga. What now, Irah? Nagkakamabutihan na pala sila. Kahit hindi man iyon sabihin ni Bryce sa akin, hindi ako bulag para hindi mapansin ang kakaiba sa kanilang dalawa. Masyado pa nga siguro akong bata para sa kanya kaya kahit linlangin ko siya sa mga salita ko ay hindi siya nadadala.
That stupid jerk…
16th TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Lyndy Mae Getuaban. Happy reading!
Be careful!
“Sasama ka sa Clubhouse? Magbabasketball sila.” Anyaya sa akin ni Franca sa hapon ng linggo.
I wanted to come and watch him… Pero sa tuwing naiisip kong nagkakamabutihan sila noong Floren at pinapaasa niya ako ay nawawalan ako ng ganang makita ang pagmumukha niya. Sayang ang pagiging gwapo niya kung manloloko lang siya ng isang babae.
“Hindi. May lakad kami ni Bryce.” Sagot ko kahit hindi pa naman ako sumasang-ayon sa pangingimbita sa akin ni Bryce.
“May iniiwasan ka lang ata e,” pabulong bulong niyang sabi na hindi nakaligtas sa aking tenga.
“Lumabas kana nga kung ayaw mong itulak kita paalis.” Galit kong sabi sa pinsan kong tumawa lamang, walang balak umalis.
“It’s Sunday. Dapat mga pinsan mo ang kasama mo hindi ibang tao.”
Ngumiwi ako saka ito nilingon. Umupo siya sa aking tabi rito sa sofa at tiningnan ang magazine na nakalapag roon. May iilang modelo roon na binabasa ko ang profile kanina.
“Di’ba ay may youth kang sasalihan? Bakit nandito ka sa bahay?”
“Sa susunod na linggo nalang siguro,” sagot niya at nilipat ang pahina.
Itinuon ko nalang ang aking tingin sa screen ng aking cellphone. I am busy updating my IG. Iyon lang naman ang pampalipas ko ng oras tuwing nasa bahay ako.
“Oo nga pala, noong nakaraang araw sa College building… Nakita ko si Toshi may kasamang babae. May bago na siyang girlfriend?” Tanong niya sa akin habang nasa magazine parin ang tingin.
Tumigil ako sa pagtitipa ng kung anong caption sa ipopost kong picture at naisip na baka si Floren na naman iyong kasama niya. Nagkabalikan na ata sila.
“Papalit palit naman daw iyon ng girlfriend. Hindi na ako magtataka kung may girlfriend siya.” Matabang kong sagot at dinugtungan ang naudlot kong tinitipa.
“Okay lang sa’yo?”
Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. “I am not the girlfriend. Wala rin kaming relasyon. Bahala siyang ubusin lahat ng babae total fuckboy naman iyon.”
“Kung makasabi ka ng fuckboy eh akala mo naman naikama ka niya.” Marahan niyang sabi sa akin.
Sa aking inis ay pinalo ko sa kanya iyong malambot na unan sa aking gilid na ikinatawa lamang nito.
“Fuckboy ang datingan niya. Iyon ang tinutukoy ko Franca.” Matigas kong sabi.
“Galit ka lang ata sa kanya kaya mo siya inaakusahan ng ganyan.”
I rolled my eyes heavenwards. Goddamn it. Mawawalan ako ng pasensya sa babaeng ito. Lingong linggo ay pinapainit talaga ang aking ulo. Ano bang natututunan nito sa simbahan at mukhang lumalala lamang?
“Umalis kana nga lang dito.” Hinablot ko sa kanya ang magazine para itaboy na talaga ito.
Sumimangot siya sa akin. Umirap ako at inilagay sa aking tabi iyong magazine.
Ilang araw narin akong hindi pumupunta roon sa College Building. Nasa eskwelahan lang ako, tuwing lunch ay tumatambay sa library para magbasa ng libro lalo na’t tahimik rin at walang manggugulo sa akin.
Sa bawat pahina ng aking babasahin ay palaging sumasagi sa aking utak ang mukha ni Toshi. Bakit ba gustong gusto niyang tumatambay sa utak ko? Ang paasang ito pati roon ay nililinlang ako.
“I-Irah…” Isang boses ng nanginginig na lalake ang naging dahilan para mag-angat ako ng tingin.
Mabilis niyang inilahad sa akin ang isang stufftoy. Kumurap ako at ilang sigundong napatitig roon.
“P-Para sa’yo…” Nahihiya nitong sabi.
Kinuha ko iyon at tinitigan.
“S-Sana magustuhan mo…” Huli nitong sabi bago kumaripas ng takbo palabas. Kumunot lamang ang aking noo at muling ibinalik ang tingin sa isang bunny. This is cute.
Sanay na akong nakakatanggap ng kung ano ano sa mga admirers ko. Simula noong elementary ako ay palagi akong nabibigyan ng mga cute na bagay mula sa mga lalakeng may gusto sa akin. Lalo na pag Valentines Day ay dagsaan rin ang nagbibigay ng chocolates.
Lumabas ako dala dala iyon at bumalik sa aking classroom. Hindi palang ako tuluyang nakakapasok ay may kung ano na silang pinagkakaguluhan roon. Ang mga babae kong kaklase itong panay ang hagikhik at mukhang kinikilig.
Hindi ko iyon pinansin at pumasok ng tuluyan. Nakakatatlong hakbang palang ako ay tumigil rin dahil sa imahe ng lalakeng nakaupo sa desk ng aming teacher. Nakapangalumbaba siya roon habang nakasalikop na naman ang mga kamay habang nakatitig sa sapatos niyang ginagalaw niya ng dahan dahan.
“Andito na si Irah, Kuya!” Sigaw noong isa kong kaklase na ikinalingon nito sa akin. Tumuwid siya sa pagkakaupo at nalaglag agad ang tingin sa aking hawak na stufftoy.
Nagkasalubong ang aking kilay. Imbes kiligin dahil sa kanyang imahe ay kinain agad ng galit ang buo kong sistema. Ba’t siya nandito? Umiiwas na ako at hindi siya pinupuntahan tapos ngayon, siya naman ang pupunta punta rito?!
Ibinaba niya ng tuluyan ang kanyang mga paa sa sahig. Bago pa man ito may magawang hakbang ay mabilis na akong tumalikod at tumakbo palayo.
Humahataw ng husto ang aking dibdib habang malalaki ang hakbang at sobrang bilis. I don’t want to see him! Galit ako sa kanya! May babae siya at pinapaasa niya ako!
“Irah!” Matigas ang kanyang boses na mukhang sumusunod sa akin.
Mas binilisan ko ang aking pagtakbo at pumasok sa isang pasilyo para maghanap ng pagtataguan. Nakita ko ang bodegang nakabukas kaya iyon ang kinuha kong pagkakataon para makapagtago roon.
Nabuhayan ako ng loob nang makapasok agad ako. Mabilis kong itinulak ang pinto at sumandal roon para hindi siya makapasok. Ni hindi ko na nasuri ang kabuuan ng lugar at iyong mga nagkalat na gamit dahil sa kagustuhan kong itago ang sarili sa kanya.
May kumalampag sa doorknob sa labas kaya hinawakan ko iyon ng mahigpit at sumandal sa pinto para pigilan ang pagbukas noon.
“Open the door,” matigas nitong sabi habang pinapalo iyon.
“Umalis kana! Galit ako sa’yo! Ayaw kitang makita!” Sigaw ko ng ubod lakas para lang umabot iyon sa kanyang tenga.
“Just open it.” Kinalampag niya ulit ang doorknob at nagawa pang itulak iyong pinto.
Naalarma agad ako at iginala ang tingin para maghanap ng pwedeng ipangharang roon. Napatingin ako sa nakatambak na sirang upuan sa gilid at mabilis iyong tinakbo para buhatin.
Pero bago ko pa man iyon madala sa harap ng pinto ay bumukas na iyon ng marahas. Nanlalaki ang aking mga mata nang makita ko ang kanyang imahe.
“Lumabas ka nga!” Binuhat ko ang upuang binabalak kong buhatin kanina at iyon nalang ang itatapon sa kanya sa aking inis kahit alam ko namang imposible ko iyong magagawa.
Lumapit siya sa akin at hinila ang upuan gamit ang isa niyang kamay. Sinipa niya iyon papunta sa iba pang mga upuang sira na ikinalaki ng aking mga mata.
“Let’s talk.” Sabi niya sa akin, bakas sa boses ang kagustuhang makausap ako.
Sa aking galit ay hinampas ko ang kanyang dibdib. Kahit sobrang tigas noon at hindi ko naman siya natitinag ay hindi ako nagpasindak. Itinulak ko siya palayo sa akin.
“Ba’t hindi iyong babae mo ang kausapin mo?! Ayoko na sa’yo!” Itinulak ko siyang muli kahit na kulang ang aking lakas para matinag ko ito.
Hinawakan niya ang aking siko at hinuli iyon. Mas lalo lamang akong nagpumiglas at itinulak siya.
“N-Napakapaasa mo… P-Pagkatapos mo akong halikan noong gabing iyon…” Nanlumo ako sa aking sinabi at mas nagtanim ng galit ko sa kanya. Na dapat ko itong kamuhian dahil wala naman siyang naidudulot na maganda sa akin. Lahat nalang ay puro sakit!
“Sakit ka lang sa puso!” Sigaw ko sa kanya at tiningala ang mukha nitong nagiging maamo na naman, kalmado sa kabila ng aking pagwawala.
Nakuyom ko ang aking kamay sa kanyang suot at gusto na iyong hilain, gustong punitin.
“Gago ka, Toshi… Paasa ka.” Klaro kong sabi, gustong gusto siyang saktan sa aking mga salita at gumanti sa ginawa niyang pananakit sa akin.
Naninimbang lamang ang kanyang malalalim na titig. Naiinis ako dahil ganyan palagi ang napapala kong reaksyon. Naiinis ako dahil nagagawa niyang ngumiti sa ibang babae pero sa akin ay hindi. Naiinis ako sa kanya!
“Bitiwan mo ako. Galit ako sa’yo at ayaw kitang makita.” Itinulak ko siya ulit. Sa pagkakataong ito ay napahakbang ko siya palayo sa akin.
“Isang habol mo pa, iisipin ko na talagang may gusto ka sa akin.” Pangbabanta ko at humakbang rin paalis.
I hate him. Iyon na ang itinatak ko sa mga araw na hindi ko siya nakikita at nagmumuni-muni ako ng kung ano. Galit ako sa kanya dahil paasa siya at gago siya. Galit ako sa kanya dahil wala siyang nililinaw sa akin pero nakakalito ang kanyang kilos.
Handa na akong buksan ang pinto nang marahas niya iyong isinara. Tumingala ako at nakita ang kamay niya roon, nakatukod at pinipigilan iyong bumukas.
Yumakap ang galit sa aking mukha at hinawakan gamit ang dalawang kamay para hilain ang doorknob at makalabas na.
“Palabasin mo ako!” Sigaw ko at mas binuhos lahat ng lakas ko.
Hinawi niya ako gamit ang isa niyang kamay at iniharap sa kanya. Ang isang kamay ay nasa aking itaas parin, nakatukod roon.
“Calm down for awhile…” Masuyo niyang sabi na ikinalabo ng aking mga mata dala narin ng matinding galit na binabaon ko sa nagdaang araw.
“Ang sabi sa akin ni Bryce ay ex mo raw iyong si Floren! K-Kaya siguro ayaw mong p-pumupunta ako roon dahil nakipagbalikan kana sa kanya!” My shoulders starts to rock slowly as I tried to fix my shaky voice.
“K-Kaya ayaw mong nandoon ako d-di’ba…” Tiningala ko siya gamit ang mga mata kong ilang sandali nalang ay bibigay na. Parang mga ulap na makulimlim at nagpipigil lamang ng ulan.
“W-Wala ka namang sinasabi-”
Natigil sa paglabas ang mga salitang gusto ko pa sanang sabihin nang bigla siyang yumuko at salubungin ang aking mga labi. Kunot-noo ito at nakapikit, pinapatahimik ako sa pamamagitan ng pagdikit niya sa kanyang labi.
Humiwalay siya at namumungay na ang mga mata nang dumilat. Nanatili siyang nakayuko at pinapantayan ang aking tingin.
“P-Paasa ka talaga… H-Hinalikan mo rin naman ako noong gabing iyon di’ba?” Tanong ko sa kalmadong boses pero hindi nawawala ang malabong mga mata.
He sighed and lean forward again to reach for my lips. Unti-unti ng natutupok ang pader na itinayo ko gamit ang aking galit. Sa pagkakataong iyon ay matagal niyang idinikit ang labi niya sa akin.
Noong humiwalay siya ay idinikit niya na ang kanyang noo sa akin at hinaplos ang aking pisngi.
“Kung paasa ako, maghababol ba ako sa’yo?” Tanong niya, halos tumama na ang labi nito sa akin dahil sa sobrang lapit.
My mind got blank for a couple of seconds. Ibig sabihin…
Mariin siyang pumikit at tila may dinadalang mabigat na bagay. Kumurap kurap naman ako. Hindi alam kung narinig ba iyon ng malinaw o nag-iilusyon na naman.
“And Floren is not my girlfriend. Yes, she’s my ex but that’s it. Hindi ako nakipagbalikan sa kanya.” Pag-amin niya na aking ikinagulat.
“Pero close kayo. Hinawakan mo pa ang kanyang siko. Nginingitian mo siya at malambing ka sa kanya makipag-usap.” Kalmado kong paliwanag, hindi inaalis ang tingin sa kanyang mga matang namumungay parin.
“Did you see me kiss her?” he asked in his deep voice.
Umiling ako. Nahulog ang tingin sa kanyang labi.
“Bakit mo iyan sinasabi sa akin ngayon? Bakit hindi noong pumupunta ako doon? Tinataboy mo pa ako…” Sabi ko sa maliit na boses.
“Ayoko lang na nandoon ka.” Itinulak niya ang aking baba kaya napaangat ulit ako ng tingin. Marahan niyang hinaplos iyon na ikinapungay narin ng aking mga mata.
“Ayokong pumupunta ka doon pero noong hindi kana pumupunta, nakakamiss pala…” bulong niya sa aking labi at inatake iyong muli sa marahang galaw at nakakadala.
Nahila na ang talukap ng aking mga mata pababa at nahulog sa pagpikit. Tumitindig ang balahibo sa aking batok sa bawat paglapat ng kanyang halik, mabagal at may pinaparating.
Ang aking kamay ay umakyat at humawak sa kanyang batok. May kung ano nang kakaiba sa aking tiyan na hindi ko lubusang maipaliwanag. Para iyong pinipiga at kinikiliti dahil sa halik na ibinibigay niya sa akin.
He breath deeply as he stop again. Inaantok na ang aking mga mata nang tiningnan ko siya.
“Lahat ng ito, lalagyan ko ng meaning. Maghahabol ulit ako.” Pag-amin ko sa kanya.
“Do I have to kiss you more so that you understand?” He asked hoarsely.
Lumapat muli ang kanyang labi saka nagsimulang gumalaw ang kanya. Nagsimula iyon sa ibaba at lumipat sa itaas na labi saka muling ibabalik sa ibaba sa mabagal na ritmo. Ang aking katinuan ay tuluyan na akong nilayasan. Damn it, Toshi!
“H’wag kanang pupunta roon.” Sabi niya sa banayad na boses.
“Bakit? Dahil ayaw mong makita ko kayong naglalandian?” Inis kong sabi pero kalmado lamang ang mukha.
“Ako na ang pupunta rito. Hintayin mo nalang ako.”
My face lightened as my lips parted a bit. Sa sobra kong gulat at pagkamangha ay hindi ko na alam kung totoo ba ang aking naririnig.
“Talaga?”
Tumango siya saka binasa ang pang-ibabang labi.
“Pero kaklase naman kayo… Magkikita parin kayo.” Sumimangot ako dahil sa matindi kong pagseselos sa babaeng iyon.
“I’ll move my subject. Gagawin kong bakante ang oras na ito para mapuntahan ka rito.”
Para na akong sasabog sa saya. Di ko na alam kung paano kokontrolin lahat ng iyon at pipigilan ang sarili kong naghuhuramintado na. Paano niya ito nagagawa sa akin? Para siyang nagpapasok ng libo-libong bultahe ng kuryente sa buo kong katawan at malaya roong dumadaloy para sakupin ang buo kong sistema. The feeling is just too foreign for me. This is the first time I feel like I’m going to explode.
Tumayo siya ng tuwid at sinipat ng tingin iyong stufftoy na nalaglag ko sa pagpasok ko rito kanina. Pinulot niya iyon at pinagpagan.
“Why are you bringing some stufftoy inside your room?” Tanong niya sa akin habang inaalis ang dumi roon.
“Bigay iyan noong isa sa mga admirer ko rito.” Sagot ko at inilagay ang mga kamay sa aking likod, inipit roon sa pinagsasandalan kong pinto.
Mabilis na nagbago ang kanyang ekspresyon kasabay ng paglipad ng stufftoy sa kung saan dahil inihagis niya iyon bigla.
“Why did you throw it?! Bigay iyon sa akin!” Sinimangutan ko siya pero sa kabila noon ay kinukubli ang tuwa.
“That’s annoying. Di kana bata para sa mga ganoong bagay.”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at ngumisi. “Selos ka lang e,”
Umangat ang kanyang kilay. Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay at lumalalim na naman ang tingin sa akin. Mas lalo akong ngumisi.
Nabura na naman ang pinagsusulat kong galit sa aking isipan. Handa akong punitin at itapon ang papel kung saan nakalista ang mga galit ko sa kanya at ibaon iyon sa limot sa pagkakataong ito. Sige, tanga na kung tanga pero anong magagawa ko? Tanga nga talaga ata lahat ng natututong magmahal.
“Anong oras ka pupunta rito bukas?” Tanong ko sa kanya paglabas namin sa bodega. Gustuhin ko mang manatili pa roon ay ayaw niya na.
“Maybe before 12.”
“Talaga?” Namamangha kong tanong na ikinatango niya.
“Let’s eat lunch together.”
Lumipad na talaga ang kalahati ng aking katinuan at parang tinatangay iyon sa kabilang dimensyon. Nasapo ko ang sarili kong dibdib, nag-iingay iyon ng husto dahil lang sa sinasabi niya.
“Sige… Maghihintay ako…” I said merrily. Nasa likod ko na ang aking mga kamay, magkahawak at hindi mabura bura ang matamis na ngiti sa aking labi.
“I’ll just call you.”
“Pero wala ka namang number ko…” Ngumuso ako.
Inilahad niya sa aking kamay at mukhang may hinihingi ng isang bagay sa akin. “Your phone.”
Mabilis kong binitiwan ang isa kong kamay at dinukot sa aking bulsa iyong aking cellphone. Ibinigay ko iyon sa kanya.
Binuksan niya iyon. Mas lumapit ako at pinindot ang anim na numero para maunlock iyon. Isa isang nagsilabasan ang mga icon pati na ang wallpaper ko na nakabikini at nakatingala sa langit.
Toshi’s brows furrowed as he stared on the screen of my phone for awhile. Bakas sa mukha ang pagkakaasiwa roon. Ayaw niya ba sa ganoon?
“Ayaw mong nakabikini ako?” Tanong ko sa kanya na ikinabasa niya ng pang-ibaba niyang labi.
“You’re too young for offensive clothes…”
“But I’m a model. Paglaki ko, ganoon rin ang mga photoshoots ko.” Paliwanag ko na mas ikinatalim ata ng titig niya roon.
“I’ll change your wallpaper tomorrow.” Sabi niya saka cinlick iyong isang icon.
Bumukas iyon at lumabas ang mga numero. Nagsimula siyang tumipa ng iilang number roon saka iyon iphinonebook sa kanyang pangalan. Ibinalik niya iyon sa akin kaya kinuha ko iyon at tinitigan muna ng matagal. May number niya ako! Oh gosh, Irah!
Wala akong mapagkumparahan ng saya. Pakiramdam ko lumulutang ako sa ere at hindi maalis alis sa aking isipan ang lahat ng nangyari. Malinaw sa akin na hindi iyon panaginip pero sa sobrang ganda ay napapaniwala akong natutulog lamang ata ako ng mahimbing.
Noong araw na iyon ay maaga akong nagpasundo sa aming driver at 5 palang ay nasa bahay na. Toshi told me I need to go home early kaya sinunod ko agad iyon. Tumunganga agad ako sa aking cellphone at nagtipa ng mensahe.
Ako: Nakauwi na ako :“)
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at binitiwan ang aking cellphone. Niyakap yakap ko si Bun-bun at nagbabalak ng labhan ito.
Noong tumunog iyon sa isang tawag ay para na akong mahihimatay sa pagkakagulantang. Mabilis ko iyong dinampot at sinagot.
“H-Hello…” Medyo nautal pa ako kaya tumikhim ako para lang alisin ang bumabara sa aking lalamunan.
I heard his deep dreath on the next line. Nasapo ko ang aking dibdib para kontrolin ang nagwawala kong puso.
“Nasa bahay kana?” Tanong nito sa baritonong boses na ikinalunok ko. Hindi ako makapaniwalang ganito kalamig ang kanyang boses sa kabilang linya.
“Uhm, oo… Nasa kwarto na ako.” Sagot ko at sumandal sa headboard ng aking kama.
“Ikaw? Nasa bahay ka?”
“Nasa eskwelahan pa. Uuwi rin ako mamaya.”
Hindi ko alam kung bakit masyado akong natutuwa sa kanyang sinasabi. Na para akong isang maybahay na naghihintay sa pag-uwi ng kanyang asawa habang nasa trabaho ito.
“May klase pa kayo?”
“Yeah… Pero patapos narin. Why? Do you want to see me?” His voice became deeper as he said those words in a low voice. Parang ibinulong niya nalang iyon.
“Oo… Sana… Gusto ko.”
I heard him breath deeply. Na kahit ako ay iyon narin ang nagawa. Malalim akong napahinga at nasapo ang sariling dibdib para pakalmahin ulit ang pusong gustong wasakin ang aking ribcage.
“Pupuntahan kita sa bahay niyo? Gusto mo?” Tanong niya, nanghihingi ng permiso sa akin.
“Oo.” Wala sa sarili kong sagot pero nang maalala si Daddy ay nabura rin agad iyon. “Hindi! I mean… H’wag nalang. Daddy will get mad at me if he found out I am involve with boys again while I’m studying…”
“Boys…” Matabang niyang ulit sa aking sinabi kanina.
Napisil ko ang pang-ibabang labi at kinabahan agad.
“I mean…” I said trailing while I’m looking for some answers.
“I’ll hang this up now. I’ll call you again later.” Sabi niya na ikinalungkot ko.
“S-Sige…”
Namatay ang tawag. Sa aking inis ay natampal ko ang aking bibig. Anong boys Irah? Marami ba si Toshi?! Kung kailan okay na diyan ka naman gagawa ng kapalpakan! Be careful!
17th TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Jonah Domingo. Happy reading!
Plans
“Morning Mommy! Morning, Dad!” I greeted them both early in the morning. Suot ko na ang aking plantsadong uniporme habang dala dala ko ang isang suklay pagkababa ko ng hagdanan.
“Good morning, baby…” Mom smiled at me sweetly when I kissed her on her cheek. Kahit si Daddy ay ganoon rin ang aking ginawa saka ako umupo sa kanilang harapan.
“You look…” Napatingin sandali si Mommy kay Daddy saka ako muling binalingan. “Happy…”
Ngumisi ako kay Mommy at sinimulang maglagay ng pagkain sa aking plato. Toshi’s text woke me up! Good morning iyon at sapat lamang para buhayin ang aking katawang lupa.
“Excited lang ako sa school.” I said cheerfully while Daddy’s eyeing me. Bumabagal na ang pagnguya nito at mukhang naninimbang na ang tingin.
“Really? May event na ba sa school?” Si Mommy naman.
Tumango ako. “May sasalihan akong quiz bee pangdagdag grades.”
Mom’s face lightened. Si Daddy ay nanatili paring nakatitig sa akin, tinitimbang ang bawat pinagsasabi ko. Mag-aaral naman ako ng mabuti Daddy… I promise to you that I will do good. Kaya kahit h’wag muna akong magboyfriend at magdahan dahan muna ay payag ako.
“Good luck, sweetie. I’m sure kaya mo iyan. Eh ikaw pa matalino ka.” Pagmamayabang ni Mommy na ikinangisi ko at sumubo.
Uminom ng tubig si Daddy at ibinaba rin ang baso, nasa akin parin ang tingin.
“Umuwi ng maaga at matulog ng maaga.” Sabi ni Daddy na ikinabagal ng aking pagnguya. 7pm naman ang curfew ko. That’s okay…
Alam kong para iyon sa ibang bagay pero ayoko rin namang katulad noong mga nagdaang karanasan ko sa lalake ay maging pakpak ang isang ito dahil sa katigasan ng ulo ko.
“Okay.” I smiled at Daddy at sumubo ulit. Mom smiled too, nahahawa na sa akin.
Lumitaw naman iyong katulong at inilapag sa aking gilid ang pinapahanda ko.
“Heto na po ang lunchbox niyo, Miss Irah…” Sabi nito na ikinangiti ko ng matamis.
“Thank you!”
Ngumiti rin ito sa akin pabalik at yumuko na ng marahan para makapagpaalam. Noong itinuon ko ang tingin ko sa harap ay nahuli ko ang aking mga magulang na nagkatinginan.
“Hindi ka kakain sa cafeteria?” Nagtatakang tanong na Mommy na ikinailing ko.
“Crowded, Mommy. Mas gusto ko nalang sa classroom para walang disturbo.” Palusot ko na ikinakurap niya lang, hindi magawang makumbinsi at titig na titig sa aking lunchbox. Sumubo akong muli at nag-iwas ng tingin sa kanilang dalawa.
Mas lalo lang naging misteryoso ang mga mata ni Daddy at hindi na makitaan ng kung ano. Nagdududa siya at alam na alam ko ang ganoong tingin. Sigurado akong ilang oras lang, malalaman niya rin ang gusto niyang malaman.
Totoong may quiz bee akong sasalihan sa school pero isa rin sa ikinakaexcite kong pumasok ay iyong sinabi ni Toshi sa akin na pupuntahan niya akong tuwing lunch.
I was very excited that I am already looking forward on it. Date ba iyon? Kakain kami. O kahit magtitigan lamang kami ay kontento na ako.
Wala akong ediya kung ano ang nakapagpabago ng kanyang isip para maging ganito. Did he realize my worth? Nakita niya na ba ako sa paraang gusto ko at hindi bilang kinse anyos na nagpapatangay sa kanyang kyuryusidad? He likes me! That’s affirmative! Gusto niya ako at sapat na iyon para linawin ang lahat. And Floren is not his girlfriend. Baka ang aming pagiging malapit ay mapadpad na sa malalim na relasyon.
I listen to my class attentively. Inspired akong magbasa ng mahahabang story sa english subject namin at ako pa ang kauna-unahang naglapag ng libro sa disk ng aking teacher.
“Ang talino talaga ng babaeng ’yan…” Narinig kong bulong ng kaklase ko pagkaupo ko sa aking upuan.
“Hindi na ako magtataka kung siya ang magiging Valedictorian ngayong school year.”
That’s my goal, too. Gagawin ko ang lahat para mapunta sa lugar na iyon at maging proud sa akin si Mommy at Daddy. I want to show the people around me whose accusing me that I flirt alot with boys that I got a brain too. Hindi katulad ng iba diyan, pag sa landi ay matalino pero pagdating sa klase ay palaging zero.
The bell rang for our lunch. Iyon ang nagpabilis ng aking galaw para ipagpapasok ang aking mga gamit sa loob ng aking bag. My heartbeat went fast as I gathered my thoughts. Nandiyan ka kaya siya? Totoo bang pupunta siya? Will I see him today?
Inilabas ko ang lunchbox na aking dala. Some of my classmates laughed at it.
“Lunchbox? Ano ito public?” Narinig ko ang isang tinig ng babaeng binibigdeal ang bagay na iyon.
Sinuklay ko paatras ang aking buhok at binalingan ang grupo nilang kumurap dahil sa aking paglingon.
“You’re asking stupid questions. Pagtuunan mo nalang ang pag-aaral mo para hindi ka napaghahalataang bobo.” Sagot ko na ikinaawang ng kanyang bibig at gulat na gulat sa aking pagsagot.
“Sabi ko naman sa’yo Buenaventura iyan…” Bulong ng isa pa na hindi ko na pinagtuunan ng pansin at ibinalik sa aking gamit.
Why do people mind the things that don’t concern them? Anong napapala ng mga ganoon? What a toxic mindset.
“Irah! May naghahanap.” Sigaw ng aking kaklase habang nakatayo ako at nagiging mabagal ang pagpapasok ng gamit dahil sa aking pinag-iisip.
Kumurap ako at napatingin sa labas. Nakita ko siya roon, nakasandal sa gilid ng pinto at nakahalukipkip, naghihintay sa akin. Umangat ang isa niyang kilay kaya nakagat ko ang aking labi, pinipigilan ang malaking ngiti.
Nakalimutan ko ang pagliligpit ng aking gamit. Ang iba ko namang kaklase ay nasa kanya na lahat ng tingin. Toshi’s manliness is just too attractive for me. Katulad noong mga naging ex ko, masasabi ko talagang mga kaedad ko iyon at patpatin. Bryce is right… A boy is no good for me. I need a man, like him…
Nilapitan ko siya dala dala ang aking lunchbox at naamoy agad ang pamilyar niyang pabango. It was like a mixture of something mint and his natural sweat…
“Tara,” hinaplos niya ang aking siko para kunin ang aking atensyon. Libo-libong bultahe agad ang naglakbay sa loob ng aking katawan at binibigyan ng kiliti ang bawat parte noon.
Tumango ako at hindi matanggal tanggal ang ngiti. Parang noong isang linggo lamang ay ako itong pumupunta punta sa College building.
Habang naglalakad, napansin ko na wala siyang dala.
“Asan ang sa’yo?” I checked him kahit na alam kong wala talaga.
“I forgot to bring it. Bibili nalang.” Sabi niya na aking ikinasimangot. I am too excited at hindi ko talaga nakalimutan. Kagabi palang, pinasabi ko na sa katulong na magdadala ako ng lunchbox kaysa sa nakasanayan kong bumili sa cafeteria.
“Kinalimutan mo,” dismayado kong sabi na kanyang ikinakurap.
“Bukas, hindi ko kakalimutan.” Paninugurado niya.
Tumango ako at itinuon ang tingin sa harap. May thoughts wandered from somewhere when he stop midway.
“Bibili lang ako. Just wait me here.” Tiningnan niya ang malapit na cafeteria na ikinatingin ko narin doon. Tumango ako sa kanya at umupo roon sa may bench.
This is my first time eating using a lunchbox. At first time ko ring maging ganito kaexcited sa pagkain. I am always on my diet gawa narin ng aking pagmomodelo. Pero kung magpapatuloy ang pagsasabay naming dalawa tuwing lunch, hindi ako magrereklamong kumain ng marami makasama lamang siya.
“Ang hot noong Delafuente na bumibili sa cafeteria. Napadpad dito sa Highschool Building!” The girl squelled.
“Oo nga. Ang gwapo ’no? Tapos ang tangkad at ang bango! Dumaan sa gilid ko kanina!”
“Maybe he’s here because of his cousins. Last year ganoon rin naman sila. Dumadayo rito dahil may mga pinsan. Iyong dalawang babae na fourth narin ang tanging natitira rito…”
“Oo. Alangan naman nandito dahil may pinupormahan. Balita ko sa mga girlfriend niya mga kaedad niya lang.”
Nagdilim ang paningin ko sa dalawang babaeng madaldal. What’s the bigdeal? Five years gap is not that bad at all. Inggit lang kayo dahil hindi kayo ang pinupormahan at hanggang hanga nalang.
Pagbalik ni Toshi ay hindi ko na maitago ang pagkabusangot. May hawak siyang plastic na tupperware kung nasaan ang kanyang mga pagkain.
Tumayo ako. Pumantay naman siya sa akin at hindi matigil tigil ang paglingon sa aking mukha.
“Ano na naman?” Tanong niya sa kalmadong boses.
“Wala.” Matabang kong sagot at mas bumusangot. Ang mga babaeng iyon…
Naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking pisngi kaya agad akong nag-angat ng tingin.
“Your eyes look like you’re going to kill someone…” He bit his lowerlip and pinched my cheek lightly again.
“Hindi ah…” Ibinaba ko ang kanyang kamay at huminahon dahil sa haplos na iyon.
Pumunta kami sa isang mataas na bahagi ng building. May susi siya lalo na’t mukhang ipinagbabawal ang pagpunta roon dahil baka gawing tambayan ng mga magsyota.
Nagtungo ako sa isang bench na naroroon at inilapag ang lunchbox. Nagsquat ako sa sahig at ganadong binuksan iyon. Carbs…
Nilingon ko si Toshi na nasa pagkain ko narin ang tingin. Nakasquat rin ito sa aking tabi at magkadikit pa ang aming mga tuhod.
“Kailangan mo iyang ubusin.” Sabi niya agad na para bang nababasa niya ang nasa aking utak.
Tumango ako. “Oo naman…” Saka ko binalingan ang kanyang pagkain at binuksan iyon.
Masarap sa pakiramdam ang ihip ng hangin habang kumakain kaming dalawa. I got contented with the small things I’m doing when he’s with me. Naiisip ko, noong mga girlfriend niya, ganito rin ba? I saw him going out with his girlfriend and buying her stuff. Ganoon ba siya? Magiging ganoon rin ba siya sa akin?
“Tuwing Sunday ay free ako,” sabi ko sa kanya.
“Do you have plans?” Tanong niya sa akin.
Umiling ako, “wala eh… Pero gusto kong lumabas kasama ka.” Kinagat ko ang aking kutsara at napangiti ng kaonti. I really want to spend time with him.
“I have some projects to do,” sagot niya na ikinakurap ko.
“Huh? Uhm, Saturday?”
“Klase,” sagot niya rin na ikinapatay ng excitement sa aking loob.
“Busy ka palagi?”
Tumitig siya sa akin. Ang ekspresyon ay hindi ko na naman mabasa at hinahangin ang buhok. Toshi’s eyes were deep and tantalizing. Naroon iyong tingin palang ay nanlilinlang na. Kumpara sa mga mata ng aking mga pinsan na madilim at misteryoso, iyong kanya ay parang puno ng sikreto sa kabila ng mga mata niyang nakakaakit titigan.
“Maglalaan ako ng oras. Tell me if you have some plans…” Sagot niya na ikinakurap ko sa paninitig sa kanyang mga mata. His deep brown eyes is just too attractive.
“Kung kailan ka nalang free,” sagot ko at sinuklay paatras ang buhok na sumasabog gawa ng hangin.
He’s a busy person. Alam ko naman iyon lalo na’t graduating siya at nagbabalak ng magtrabaho. Alam ko na sa limang taong agwat namin ay mas marami na siyang priority sa buhay. Don’t be such a brat, Irah! Isantabi mo iyang mga plano mo at makontento!
Ngumiti ako ng tipid nang malaglag ang aking tingin sa suot niyang uniporme. Ilang sigundong namalagi roon hanggang sa inilipat ko rin sa aking pagkain. Apat na taon… Kailangan ko pa ng apat na taon para mag-aral at makakasama ko na siya palagi. Pero sa apat na taong iyon, hindi naman ako makakasigurado na aayon sa gusto ko ang magiging takbo ng panahon. What if he’ll get tired dealing with a young girl who thinks about nothing but fun? Paano kung maghanap siya ng kaedad niya nalang na katulad niyang kinabukasan ang iisipin?
My thoughts made me stop from saying something. Mabagal akong sumubo, napagtantong ang ganitong agwat ay mas mahirap pala.
“I’ll finish my project and let’s go out. Saan mo ba gusto?” Narinig kong tanong niya.
Mabilis ko siyang nilingon, namamangha. “Let’s do outdoor activities!” Excited ko ng nasabi iyon at nakakalimutang dapat ay unahin niya ang kanyang priorities kaysa sa akin. Nangingibabaw ang matindi kong pagnanasang makasama siya araw araw kahit sa maliit na oras lamang.
“Sige…” Binasa niya ang pang-ibabang labi at tumango. Napangisi ako roon at ganadong kumain ulit.
Kahit may nalalabing araw pa namang dadaan, nag-iisip na ako ng pwedeng gawin. Siguro iyong pinaggagawa rin namin ni Bryce. Those were fun!
Araw-araw, pinupuntahan niya nga ako para sumabay ng lunch sa akin. Nagdadala narin siya ng kanya saka kami aakyat patungong rooftop. I am having fun with him just by sitting on the ground and talking with stuff. Ngayon lang ako naging ganito kahinahon at gustong sundin ang gusto ng isang tao kaysa ako ang palaging masunod at maging agresibo.
Nahihiya ako sa kanya. May parte sa akin ang palaging nacoconscious pag nasa harapan ko siya. Iyong nakasanayan kong kilos sa harap ng isang lalake ay hindi ko magawa gawa dahil baka ay mturn-off siya. I do naughty stuff! Kaya kong pumaibabaw bigla at manghalik! Pero tinubuan ako ng hiya sa tuwing nakikita ko si Toshi. I want to show some modesty as a girl. Gusto kong siya ang unang gumawa noon. Gusto ko iyong mararahan niyang halik at puno ng pag-iingat. Gustong gusto ko ang ganoon…
“Bukas sasali ako sa Youth. Suportahan mo ako sa simbahan, Irah…” Si Franca ay nangungulit na naman ng hapon sa Sabado.
“May lakad ako bukas, Franca.” Sabi ko at inalis ang panghihila niya sa manggas ng aking suot.
“Date?” Ngumuso siya at konti nalang ay sisimangot na.
“Lakad iyon na nagngangalang wala kang pakialam doon.” Pagdiin ko sa mga salitang gusto kong iklaro sa kanya.
I am busy answering my assignments tapos biglang susulpot ang babaeng ito sa bahay at didisturbohin ako.
Tiningnan niya ang iilan kong notes pero ibinalik rin sa akin. Nakasquat ako sa carpet at seryoso sa pagsusulat habang nasa gilid ko siya, ang malapusang mga mata ay nananatili na naman sa akin ng matagal..
“Sinong kadate mo? Si Bryce?” Tanong niya sa akin na hindi ko ikinakibo. Mamatay siya kakahula.
“Imposibleng si Toshi eh may babae iyon…”
I stop from writing and glanced at her.
“Who?”
Ako ba iyan? Kumalat ba na pumupunta si Toshi sa Highschool Building?
“Ewan… Pero kalat sa building namin dahil nga Delafuente. Lahat ng mga mata ng estudyanteng babae roon ay nasa kanila. Narinig ko lang na may babae siyang kasama palagi doon sa College Building.” Sabi niya.
Natigil ako sa pagsusulat. That’s not me. Tumigil na ako sa pagpunta roon at siya na ang pumupunta sa akin. Kung sinabi nilang sa Highschool building ay hindi ako magdududa, pero sa College building? Is that the bitch named Floren?
“Kaedad niya lang ata at mukhang ex daw?” Dagdag niya pa na ikinadilim ng aking mga mata. Ex. Iyong gagang ex niya nga.
Ibinalik ko ang tingin sa aking notes at nagpatuloy sa pagsusulat. Halos idiin ko na ang ballpen na kung mang-aasar talaga itong si Franca ay masasaksak ko siya. Relax, Irah… Baka naman gawa gawa lamang. Toshi is hanging out with you! At ex nalang daw iyon!
Huling text ko kay Toshi ay kanina pa. Ipinaalam ko sa kanya na gumagawa ako ng assignments pero hanggang ngayon ay wala pang reply. May klase parin siya sa oras na ito, Irah…
Kumapit ako sa kanyang mga salita. Itinatak ko sa aking isip na hindi naman iyon totoo at tsismis lamang. I don’t want to ruin my mood that night. Gusto kong matulog ng mapayapa ng gumising na maganda para sa aming lakad.
Gabi na noon nang tumawag siya sa pagod at malalim na boses.
“Natapos mo na ang assignments mo?” Tanong niya sa akin na ikinatango ko naman kahit hindi niya iyon makikita.
“Tapos na… Ready na ako bukas.” Sabi ko sa tono ng excitement.
“Anong oras ba?”
“Uhm, may church kami bukas tapos 9 iyon matatapos at di’ba ay may gagawin ka? So kahit 2pm nalang…”
“Sige…”
Napangiti ako sa aking kaloob-looban. Madalas ko siyang nakakausap tuwing gabi at minsan ay pinapakinggan nalang namin ang paghinga ng isa’t isa. I have never been so patient in my entire life… Gusto ko, nakukuha agad agad. Sanay ako sa ganoon. Na ako na mismo ang lumalabag ng rules ni Dad dahil sa kagustuhan kong makuha ang isang bagay na hindi muna pwede. Iyon rin ang rason kaya hinahayaan niya ako dahil alam niyang useless lang naman ang mga paaalala kung matigas raw ang aking ulo. Mga surprise punishments nalang ang kanyang inihahanda na hindi ko talaga naiiwasan.
I wore my black dress early that morning for our church. Lumingon ako sa kabilang bahagi at nakita roon si Tita Chanelle kasama si Tito Jhope habang sa gilid naman ng mag-asawa ay ang kanilang anak, seryoso ang mukha at nasa harap ang tingin.
Itinuon ko ang tingin sa harapan at seryoso naring tinitigan ang mga Youth na kumakanta na akala mo ay mga anghel sa langit na umaawit. Iyan ang gustong salihan ni Franca at gustong kumanta rin. I can’t imagine her standing and singing using her angelic voice. Palagi kasing umaapoy ang tingin ko sa babaeng iyon.
Pagkatapos ng misa ay nagkalat na ang mga tao sa iba’t ibang bahagi ng simbahan at nakikipag-usap sa iilan. Sumuyod agad ang aking mga mata para hanapin si Toshi. Palagi siyang nandoon sa may pinto kasama ang mga pinsan niya at mag-uusap ng kung ano.
“Basketball mamaya?” I heard Ken’s voice.
Naglakad pa ako para mas makalapit.
“Di ako pwede. Maraming gagawin.” Sagot naman ni Toshi at mukhang ito lang ang tumanggi.
Nasundan agad iyon ng halakhak ni Ken. “Saan ka maraming gagawin? Sa kama ba iyan?”
Natigil ako sa paghakbang at nilingon ang aking mga magulang sa aking likuran. Kausap ni Mommy si Tita Addi at Tita Aly. Nandoon narin si Tita Chanelle sa kanilang grupo.
“Kakatapos lang ng simba pero ang utak mo di ata natablan ng misa.” Si Toshi iyon.
“Madumi iyan. Sa lahat ng bagay.” Si White naman.
“Eh balita ko nagkakamabutihan ulit kayo noong ex mo? Floren is a hot chic! Di ka nakamove-on ’no?” Malinaw na detalye ni Ken na ikinaurong ng aking lakad papalapit.
Toshi just smirked, hindi na isinatinig ang pag-iisip saka siya pinaliguan ng kantyaw ng kanyang mga pinsan. Bumaling siya sa kanyang paligid at natagpuan ang aking mga mata. His smile suddenly fades as his lips parted a bit. Nag-iwas ako ng tingin at tumalikod, pabalik sa daanan.
Sa gitna ng ingay sa paligid ay sobrang ingay narin ng aking utak. Anong klaseng reaction iyon? Hindi niya man lang nilinaw sa mga pinsan niya ang totoo. Iyon rin ang narinig ko kay Franca. What if they’re secretly dating? What if he’s busy with someone else?
Nilamon ako ng pag-iisip at nagngitngit sa galit. Hindi ko alam kung saan maniniwala. Tumitindi ang aking insecure sa aking edad at nabubwesit sa age gap naming dalawa.
“Sa bahay na tayo maglunch.” Si Tita Addi iyon, inaanyaya ang aking mga magulang.
“May gagawin ka, Irah?” Tanong sa akin ni Mommy.
Pinatay ko ang aking cellphone saka umiling.
“Nothing important.” Matabang kong sagot, tinatapon ang excitement na kagabi ko pa pinaghahandaan.
18th TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Janela Esguerra. Happy reading!
Equal
Hindi natuloy ang lakad na pinaghahandaan ko noong araw na iyon. May phone was off the whole day. Nasa bahay lamang ako at nagbabasa nalang ng aking mga libro para sa magiging lesson namin sa darating na linggo.
Hindi ko alam kung paano kukumpirmahin ang balitang mga nakalap. Maybe there’s really going on between them pero baka ay wala rin. Palaging si Toshi lang ang nakakaalam at ako ay hindi alam kung saan mangangapa ng sagot. I hate it when he’s being so passive aggressive. Paano ako makakakuha ng sagot kung palaging ganoon ang inaasta niya. Kinaklaro sa akin na gusto niya rin ako pero hindi naman nililinaw ang namamagitan sa aming dalawa. Isa lang ba ako sa mga babae niya? Dagdag koleksyon?
“Irah, magdadala ka ba ng lunchbox mo?” Tanong sa akin ng mayordoma sa aming bahay. Kakababa ko lang sa kwarto at bihis na bihis na para pumasok.
I am mad at him for not telling me about the real thing between him and Floren. Hindi niya man lang sinabing “huwag kang magselos, loyal naman ako sa’yo” kahit ganoon man lang sana…
“Sige po,” sagot ko at lumabas rin ng bahay, dala dala ang isang apple at iyon lang ang gustong kainin.
Kahit galit ako, gusto ko parin siyang makasama sa lunch time. Kahit galit, gusto ko siyang makasabay kumain. I want to show him that I’m mad and I am jealous. Crap!
Binibilang at binabantayan ko ang bawat lumilipas na oras para hintayin ang lunch time. Ayokong icheck ang aking cellphone at gusto kong maghanap siya ng paraan para makausap ako. If he’s sincere on his feelings then he’ll find ways… Ganoon ang mga lalakeng hindi gago.
But what I thought tricked me again. Ang panglilinlang ko ay nabaliktad ata at kalahating oras na ng lunch na iyon pero hindi parin siya dumadating. Tumunog ang aking tiyan dahil sa gutom dala narin ng kinain kong tanging apple lamang para sa aking agahan.
Tiningnan ko ang patay na cellphone at gusto iyong buksan para icheck kung may text ba siya. Damn it. Ako na naman ba ang nalilinlang?
Tumayo ako at malalaki na ang hakbang makalabas lamang ng tuluyan sa classroom. Sa aking pagmamadaling makapunta agad sa College Building ay hindi ko na naiwasang tumakbo.
Ang kabaliwan ko ay umaakyat na ata sa dulo ng aking ulo at ako na itong gumagawa ng hakbang imbes ako ang galit! Siya ang may kasalanan at dapat ay sinusuyo niya ako pero hindi, nagtitigas tigasan rin ata iyon!
Dala dala ang aking lunchbox ay mabilis akong pumasok sa entrance ng pamilyar na College building. Hindi ko na nagawang lingunin ang gwardyang binati ako at deri-deritso na ang hakbang papasok.
Hindi palang ako nangangalahati sa pagsilip ng kanilang hallway sa labas ay nakita ko na ang kanyang imahe kasama si Floren. My eyes darkened as I stop midway from walking. Sapat na ang nakita kong pagngiti ng matamis ng malanding babaeng iyon saka ako tumalikod, baon baon ang nanlalabong mga mata dahil sa galit at ang puso kong kumikirot dahil sa nararamdamang sakit.
Pinaasa na naman ako. Nilinlang na naman at nagpalinlang rin. Kahit alam kong gago siya, nagpadala parin ako sa bugso ng aking damdamin at hinahayaan ang sariling gibain ang pader na itinatayo ko para magsilbing harang sa kanya.
Pagbalik ko sa classroom ay itinabi ko nalang iyon at walang ganang ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. I don’t want to cry just because I got tricked again. Hindi iyon sapat na rason para mag-aksaya ako ng luha. Gusto ko paring tulungan ang sarili kong hindi malunod sa sakit. Ba’t ka nagseselos Irah? Kayo ba?
Nagsimula rin naman ang klase. Ang gutom ay nakalimutan ko sa galit na humahalo sa aking sistema. Kaya noong matapos iyon ay desidido agad akong umuwi para makatulog ng maaga.
Paglabas ko, isang imahe na ng lalake ang sumalubong sa akin. Natigil ako sa paglalakad at nawala sa isip ang pag-uwi ng maaga. Mabilis ang aking hakbang at desididong iwasan ito. You’re really confusing me, Toshi!
Pagdating ko sa classroom ay wala ng tao roon. Rinig na rinig ko ang yabag ng kanyang mga paang sumusunod sa akin. Walang magagawa kung ilalock ko ang sarili sa loob dahil alam kong mabubuksan niya rin naman.
“Irah,” Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking siko. Sa aking galit ay humarap ako at tinapon sa kanya ang aking bag. It didn’t hurt him. Alam ko iyon. Na kahit anong gawin kong pananakit ng pisikal ay hindi ko siya masasaktan dahil sa tigas ng kanyang pangangatawan. Na wala ang lakas ko kumpara sa kanya.
“Umalis kana nga lang! Kung busy ka at walang oras na maibigay sa akin, edi sana hindi mo nalang ako dinadamay!” Sigaw ko sa sobrang galit at sa selos na yumayakap sa akin. That’s not the issue. Pero iyon parin iyon. May oras siya kay Floren pero sa akin wala!
His deep eyes stared at me for awhile. Naninimbang na naman ang mga mata sa sitwasyon. Pinulot niya ang aking gamit at inilapag iyon sa desk saka siya nameywang sa aking harapan.
“Why did you cancel our plans yesterday?” Tanong niya, iniiba ang topic.
“Dahil nagbago ang isip ko! Wala ka namang oras di’ba!” Sigaw ko.
Mariin siyang napapikit at umawang ng kaonti ang labi para suminghap. Binasa niya iyon, dumilat muli hanggang dumerikta sa akin ang mga matang nagbabanta ng kung anong dilubyo.
“Naglaan ako ng oras para makasama ka ng araw na ’yon. Tapos icacancel mo dahil nagbago ang isip mo?” Mariin niya akong tiningnan at may diin ang bawat salitang binibitawan.
Umawang ang aking bibig para depensahan ang aking sarili pero sa nakikita kong seryosong ekspresyon ay nilamon ako ng kaduwagan. Natutop iyon at hindi natagalan ang kanyang malalim na paninitig.
Nag-iwas ako ng tingin at naglakad na. Kinuha ko ang aking bag para tuluyan siyang iwan.
“Uuwi na ako.” Matabang kong sabi at plano ng lumabas. Kaso hindi ko palang ito nalalagpasan ay hinawakan niya na ang aking braso at hinila ako sa kanyang harapan. He didn’t even move. Nanatili siya sa kanyang kinatatayuan at masyado ng nagiging suplado.
“Don’t you walk out with me when I badly want to see you.” Matigas niyang sabi at nagpipigil ng galit ang boses.
Natigil ako sa kanyang harapan, nanliliit sa sarili at nadidismaya dahil sa umuusbong na takot.
Binitiwan niya ang aking braso at nameywang muli. Ang aking mga mata naman ay nanatiling nakalebel sa kanyang balikat, kung hanggang saan lamang ako sa kanya.
“Look at me,” utos niya sa malamig na boses na ikinaangat ng aking tingin, iyon lamang ang gumalaw para tingnan siya pero mabilis ring bumaba. Ni hindi ko magawang tumingala at ayokong makita ang kabuuan niyang mukha.
“Isa.” Pagbibilang niya na ikinasimangot ko. Dahan dahan akong tumingala hanggang sa nahulog ang kanyang labi sa akin. My eyes widened as I felt his soft lips on me. Nakadikit lamang at mukhang may gustong burahin.
Bumusangot ako noong humiwalay na siya. Iyon lang ang kahinaan mo Irah?
He breath deeply as his shoulder loosened. Ang isa niyang kamay ay umangat sa aking buhok at iyon ang hinaplos haplos.
“Pinatay mo ba ang cellphone mo?” Masuyo niyang tanong at kalmado na ang boses.
Tumango ako.
“Why?”
“Dahil gusto kong suyuin mo ako. Gusto kong maglaan ka ng oras sa akin. Kaso busy ka sa iba. Wala kang oras sa akin…” Pag-amin ko sa maliit na boses pero klaro lamang.
“Iyon lang ba ang ikinakagalit mo sa akin?”
“At nagseselos ako.” Tumingala ako, mas lalong ipinakita ang busangot kong mukha.
“Nagseselos ako dahil may panahon ka sa iba tapos sa akin wala.”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi, hindi tinitigil ang paghawak sa iilang hibla ng aking buhok.
Sandali siyang tumahimik. Pinapakiramdaman lamang ako nito at nasa akin ang tingin. Humawak ako sa kanyang necktie at iyon narin ang pinaglaruan. I can smell his addicting scent that I just want to be with him forever. Nababaliw na ako ng husto na kung nililinlang niya lamang ako dahil masyado pa akong bata ay magpapalinlang ako. I love him that it chokes me if he’s not close to me…
He sighed. Itinigil niya ang paghawak sa aking buhok at naibulsa ang dalawang kamay. Bago ko pa man maiangat ang aking tingin ay naramdaman ko na ang kanyang ulo sa aking balikat. Pinatong niya iyon roon na ikinakurap ko.
“Let’s be patient with each other. Intindihin mo ako at iintindihin kita. Let me know everything about you and I’ll give my everything to work this out…” he said deeply as his his other hand snaked around my waist and gently pushed me closer to him.
He sighed again as I felt his breath on the skin of my neck. Mukhang fustrate na fustrate ito sa isang bagay na nakakapagbigay ng bigat sa kanyang balikat.
“I don’t want to steal your teenage life, Irah. Gusto kong gawin mo ang gusto mo. Have fun… Mag-aral ka ng mabuti. Susubaybayan kita at maghihintay ako sa paglaki mo. Let’s take things slow until we both reach our dreams… Pwede ba ’yon?” Marahan niyang tanong na lumusaw ng aking puso.
Am I too tight? Napasobra ba ako sa pagseselos? Masyado ba akong demanding? My eyes suddenly watered for some particular reason. Mariin akong napapikit at nadismaya dahil parang ako pa itong nagiging pabigat sa kanya. Palagi kong pinapairal ang aking selos at hindi iniintindi ang sitwasyon. Palagi kong nakakalimutan na may priority pa siya bukod sa akin.
I thought I’m already mature enough to handle my feelings but I think I’m really wrong…
Naisiksik ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. Ang kanyang ulo ay umalis sa aking balikat at nasa ibabaw na ng aking ulo.
“I… I got carried away…” Bulong ko at pumiyok pa. God… Nababaliw na talaga ako sa lalakeng ito. Everything is just too foreign to me. Nagmamadali ako at palaging atat sa aming dalawa. Ganoon ako kauhaw sa kanyang atensyon na hindi ko lang ito makita ay nagagalit na ako.
“Gusto ko lang naman… M-Makita ka araw araw. Iyon lang naman…” Parang bata kong sumbong at napahawak ng mahigpit sa harap ng kanyang uniporme.
“You’re one hell of a clingy girl and I don’t know why I’m addicted to it…” he said deeply that made my heartbeats go wild.
Ang pag-ibig na iniiwas-iwasan ko para hindi masaktan ay gusto ko ng pasukin at matutong magseryoso. So what if I’m just 15? We’ll take it slow until I graduate and until we both our dreams. Hindi naman panghabang-buhay ay bata ako ah?
Iyon ang palagi kong nililista sa aking isipan. May pinanghahawakan na naman akong mga salita niya para mas kumapit pa na merong kami pagkatapos ng lahat ng ito. He’s just concern about my future. H’wag munang magmadali dahil marami pa namang panahon at hindi naman ito ang katapusan sa aming dalawa.
Isinantabi ko ang aking pagseselos kay Floren at kinontrol ang sariling nararamdaman. Lahat ata ng una kong karanasan sa pag-ibig ay nakay Toshi. It was my first time getting jealous. First time kong sumabog sa galit dahil lang hindi ako nabibigyan ng kakarampot na hinihingi kong oras. Nabobobo ako palagi at napapairal ang bugso ng aking damdamin. My heart is always tricking my mind to let my feelings rule me. Na iyong nararamdaman ko dapat ang nangingibabaw at nakakalimutang isipin ang mga rason para hindi agad sumabog.
Naging pasensyosa akong tao. Hindi ako nagyayaya kahit gusto kong lumabas at hinihintay nalang kung may oras ito. I got busy with my studies too at iyon narin ang aking naging priority. We’re texting and calling each other at tuwing lunch ay sabay kaming kumain palagi. Kahit ganoon nalang muna Irah… Have patience…
Gabi noon nang bumungad sa akin ang balitang nandito raw iyong anak ng family friend nila Tita Aly at Tito Uno sa bukid. Alam kong ang mga Lealde iyon. I am not really close with the two. Arih, the younger one and her brother Latch, aren’t close to me. Si Franca lamang ang madalas na kausap ni Arih noong mga summer na pumupunta kami roon sa t’wing pinapatapon ako ni Daddy dahil nahuhuli akong nagboboyfriend na.
“Kumusta naman ang mga magulang niyo, Arih?” Tanong ni Tita Aly habang nasa iisang hapag kaming lahat para iwelcome ang pagdating ng dalawa at mukhang ibinilin kay Tita Aly.
Umangat ang kilay ni Tito Uno sa asawang nagtatanong.
“Okay lang naman po, Tita…” Ngumiti ito ng matamis at sumubo rin.
Tahimik akong kumain. Minsan ay pinagtutuunan ng pansin ang pag-uusap nila pero madalas ay wala akong naririnig dahil sa lutang kong pag-iisip. Ang tanging nakalap ko lang na impormasyon ay nandito ang dalawa para tingnan ang eskwelahang papasukan ni Latch sa koleheyo. He’s planning to take his college here.
“Pwede kayo sa bahay. Para naman may kasama si Franca.” Si Tito Dos.
“Ikaw Latch pwede kang sa bahay…” Si Tito Uno.
Iyon ang mga naabutan kong pag-uusap nila nang bumalik ako sa aking sarili. Franca and Arih were both giggling. Kapwa excited ang mga loka loka dahil magdadaldalan na naman ng kung ano ano.
Chineck ko ang cellphone na nasa aking kandungan at nakita ang text roon ni Toshi. I bit my lowerlip as I tried to hide the smile on my lips.
Toshi: What are you doing?
Nagtipa agad ako ng mensahe. Ni hindi ko na napagtuunan ng buong pansin ang mga kasama ko sa hapag. Naririnig ko ang kanilang mga boses pero hindi ko napapasok sa aking kokote ang kanilang pinagsasabi.
Ako: We’re having a dinner. Nandito ang magkapatid na Lealde.
Uminom ako ng tubig at inilapag ulit sa aking kandungan ang aking cellphone. Namataan ko ang mga mata ni Daddy, seryoso ang tingin at hindi makitaan ng kislap ang misteryosong mga mata. I gulped and looked away. Dad please… I’ll do good on my studies just don’t interfere. Mahal ko na siya. Sobra…
“May boyfriend kana ulit?” Tanong sa akin ni Arih nang maiwan kami ng mga matatanda sa lamesa. Parehas lang talaga silang dalawa ni Franca, mga tsismosa.
Nasa may veranda na ang aming mga magulang. Nakahinga rin ako ng maluwag dahil nakawala ako sa mga mata ni Daddy. They’re drinking some wine while talking something serious.
“Wala.” Sagot ko.
“How about you, Arih?” Pagbabalik ng tanong ni North sa kanya. South ate silently while Franca is eyeing them.
Nalaglag muli ang aking tingin sa kandungan at nakita ang reply roon ni Toshi. Kinuha ko iyon saka ko tiningnan sandali si Arih na sinasagot ang tanong ni North.
“Wala.” Kalmado nitong sabi.
North’s evil laughed echoed the place. Ganoon ang dating ng mga tawa nila ni Franca sa akin, nangdedemonyo.
“Wala? As in walang gusto sa’yo?” He asked her with the tone of mockery.
Binuksan ko ang reply ni Toshi at nagconcentrate sa pagtipa ng mensahe para sa kanya.
Toshi: Lalake?
Ako: Babae at lalake.
“May gusto siya sa akin.” Giit naman ni Arih, nanghahamon na ng kung ano sa palaban na boses.
North leaned on his seat cooly as he stared deeply on her.
“Sino?” Si Latch naman, mukhang curious narin sa tinutukoy ng kapatid.
“Ba’t ko naman sasabihin? Sekret ko iyon.” Sagot ni Arih at nagawa pang sulyapan si North na hindi na mabura bura ang kakaibang ngisi.
Naunang tumayo si South dala dala ang kanyang plato kaya tumayo narin ako. Binitbit ko iyon saka ako sumunod kay South. Allergic talaga ako sa mga ganoong usapan. Hindi ko nahahanap ang pake ko sa topic nila.
Pumunta ako sa likod ng kanilang bahay kung nasaan ang magagandang bulaklak at umupo sa may bench. Tumunganga ulit ako sa aking cellphone.
Toshi: Lalake? Kaedad mo?
Ako: Mas matanda siya sa akin ng isang taon.
Natagalan ito sa pagreply kaya ginala ko muna ang aking tingin sa bulaklak. Kung magiging kami ni Toshi, matututo ata ako sa salitang kalmado.
Ilang sandali lamang ay isang tawag na ang aking natanggap. Sinagot ko agad iyon.
“Kaedad mo?” Bungad niya agad.
Tumango ako saka inangat ang magkabila kong binti para ipatong iyon sa bench. Niyakap ko iyon gamit ang isa kong paa saka inilagay ang aking baba sa aking tuhod.
“Oo… Si Latch.”
“Does he look attractive to you?”
Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang tanong.
“Hindi na ganoon ang taste ko. Iyong mga may limang agwat na sa akin ang edad.” Sagot ko at nagawa pang ngumisi.
Sandali siyang natahimik. Is he jealous?
“Selos ka ’no?” Panunukso ko.
“Hindi.”
“Suplado kasi si Latch. Ayoko sa ganoong mga lalake dahil parang matatanda na at hindi ako masasabayan.” Paliwanag ko kahit hindi naman ito nagtatanong.
“Kung ganoon, suplado ako?”
Umiling ako, “hindi ka suplado pero matanda kana.” Pang-aasar ko sa kanya at pinigilan ang sarili sa pagtawa ng malutong.
I heard him breath deeply. Nakikita ko narin ang kanyang mukha sa aking isipan. Kalmado ngunit may ikinakabahala.
“You’re just too young. Minor de edad.” Panunukso niya naman sa akin na ikinasimangot ko.
“At least I’m mature…”
“Mature? Can’t remember.”
“I am! Iniintindi na kita. Busy ka at hindi na ako nagseselos. Hindi na nga ako nagdedemand ng oras sa’yo…” Mas niyakap ko ang aking binti at ibinaon ang labi sa aking tuhod. Ang lamig na gawa ng hangin ay nararamdaman ko narin pero wala akong balak umalis roon. I want to stay a bit longer and talk to him while facing the beautiful garden.
“Ayaw mo na akong makita?” Tanong niya sa banayad na boses na ikinanguso ko agad
“Gusto syempre!”
“Then we’ll see each other tomorrow…”
My lips curved as I contained my feelings inside me. Gusto kong magtatalon sa saya at sumigaw ng ubod na lakas pero idinaan ko nalang iyon sa isang mahabang hininga.
“Fuck…” I heard him cursed deeply.
“Huh?” Napakurap ako at natigil.
“Wala.” Sagot nito.
Ngumuso ako at sinisikap na hindi ibulalas ang gusto ko ngayon. I want him beside me and it’s very fustrating. Hindi ako sanay na hindi nakukuha ang gusto ko. I always make some ways… Pero dahil kay Toshi, nagtitiis ako. Nakokontento.
“Ikaw lang mag-isa sa kwarto mo?” Tanong ko sa kanya.
“Yeah…”
“Ah…” Sagot ko at namula ang pisngi dahil sa kadumihan ng aking utak.
I heard him breath deeply again. Nakagat ko ang pang-ibabang labi.
“Malambot ang kama mo?” Mahina kong tanong.
“Yeah…” He answered in a hoarse voice.
Napisil ko ang aking pang-ibabang labi habang pinipigilan ang sariling utak sa paggawa ng kung ano-anong imahe roon na nagpapainit ng aking pisngi.
He sighed heavily again. Mukhang nafufustrate ito sa isang bagay. Ngumisi ako at natutuwa sa pagiging ganoon niya. May epekto ako?
“Pwedeng pumunta?” Pagbibiro ko na ikinamura niya ng malutong. Humagalpak ako ng tawa at tuwang tuwa sa pagkamatay ng tawag. May epekto ako sa kanya at iyon ang lubos kong ikinakatuwa ng lubusan. Now it’s equal.
19th TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Ruth Ellayne Aporo Selda. Happy reading!
Guard yourself
P.E. Class kaya ganado akong pumunta kasama ng iilan kong mga kaklase sa gymnasium. This is the last subject before lunch. Isa sa paborito kong subject ay ang P.E. dahil doon ko rin nailalabas ang pagiging active ko sa outdoor activities.
Lahat ata ng sports ay lalaruin namin sa buong school year kaya naeexcited rin ako lalo na’t game ako sa lahat. Sa first grading ay volleyball, second grading ay pingpong, ang third ay basketball and fourth, stage performance. I am not really good at shooting balls but I know someone can help me about that…
“Kagrupo diba tayo?” Tanong sa akin noong isang kaklase kong may maiksing buhok. Tumango ako sa kanya kaya nilingon niya iyong mga kagrupo niyang nasa amin rin ang tingin.
“Doon daw tayo…” Itinuro niya ang parteng iyon kaya nagsimula akong maglakad.
Alam kong ilag sa akin ang aking mga kaklase at nagdadalawang-isip na kausapin ako. I never been so friendly when it comes to my classmates. Tanging sa guro lamang ako nakakapag-interact. I don’t really trust easily…
Umupo ako roon sa bleachers na ikinaiwas ng tingin ng iilan sa akin at mukhang naiintimidate sa aking imahe. Iyong boys pa ang naglalaro at susunod naman kaming mga babae.
Napunta ang tingin ko sa kaklaseng lalake na maangas na pinalo ang bola at mabilis ring tumalbog papuntang kabila ng net. He even smirked.
“Uh… I-Irah…” Isa sa mga kaklase kong babae ang tumawag sa akin sa likuran. Nilingon ko ito sa likod at tumingala.
“Yes?” Tanong ko.
“Anong relasyon niyo ni Toshi? Boyfriend mo?” Tanong nito na ikinatingin narin ng iilang mga kaklase sa akin. So they’re all his fangirls? Humahanga sila sa lalakeng iyon? Who wouldn’t Irah…
“Not yet. Pero papunta na kami roon. We’re taking it slow.” Pag-amin ko na ikinamangha ng kanilang mga mukha. Ang iilan naman ay mukhang gumuguhit ang inggit sa mga mukha.
“Pero diba five years ang gap niyo?” Iyong isa naman, sinasamantalang magtanong ng kung ano ano sa akin dahil sumasagot ako at kalmado ang ekspresyon.
“Ikaw ba, pag nagkagusto ang isang Toshi Delafuente sa’yo, tatanggihan mo?” Umangat ang isa kong kilay sa kanya.
“Hindi ’no!” Agaran niyang sagot, biglang nadala sa aking tanong.
Kumurap siya at nahihiyang nag-iwas ng tingin. Ang iilan kong mga kaklase ay mukhang sang-ayon rin sa naging sagot nito. Palihim rin palang malalandi tapos kung mandiri bulgar na bulgar.
“Ako tatanggihan ko siya. Kuya na kaya siya.” Umirap pa iyong babaeng nambara sa akin noong tungkol sa aking lunchbox. This garbage is still existing? Hindi parin pala ito sinusundo ng truck ng basura.
Siniko siya ng isa niyang kaibigan at mukhang inaawat ito sa pagmamaldita.
“Wala rin namang pag-asang magustuhan ka niya…” Pasimple kong sagot at itinuon ang tingin sa harap habang ang iilan ay pinagtatawanan na ito.
I’m a bit friendly today huh? Nakikipag-usap ako sa kanila. I just want to brag, that’s all…
“Oh, pumwesto na kayong mga babae rito!” Pumito ang aming P.E. teacher at sinenyasan kaming pumalit sa pwesto ng mga lalakeng umaalis na roon.
Tumayo ako at nagtungo roon. Pumwesto ako sa pinakalikod. Napatingin pa sa akin ang iilang kong kaklaseng babae na pasimple akong nginitian kaya nag-iwas ako ng tingin. One second they’re friendly, the other minute they’re already talking at your back. Don’t get trick, Irah…
“Kay Irah tayo!” Isa sa mga kaklase kong lalake sa bleacher ang sumigaw noon.
“Go Buenaventura!” Palakpak naman ng grupo ng mga lalake. Binalingan ko sila at nginitian ng tipid.
“Oy shet pre, nginitian ako!” Sigaw noong isa at nagawa pang sakalin iyong katabi niya.
“Feeling ka, ako ’yon!” Iyong isa naman.
Itinuon ko ang tingin sa harap ag nag-inat ng kaonti. Tinitigan ko ang bolang nasa kabilang net at hindi inalis ang tingin roon. Aim for the ball and hit it hard. Iyon ang itinatak ko sa aking utak saka narinig ang pagpito ng malakas at sumunod ang tunog ng pagpalo noon papunta sa amin.
Sa sobrang lakas ay agarang napunta sa aming likuran. Tumakbo sa aking gawi at tumalon ng kaonti saka pinalo ang bola gamit ang dalawa kong mga braso. The ball jump and change its direction. Napunta iyon sa isa kong kaklase kaya mabilis niya rin itong pinalo.
Palipat lipat ang bola na sa twing hahampasin ito ng malayo ay ako agad ang humahabol sa aking gawi na mabilis kong pinapapunta sa harapan para mahampas noong isa kong kaklase.
Pumapaibabaw ang ingay ng mga lalake at sinisigaw ang aking pangalan. Medyo lumalabas narin ang aking pawis dahil sa bilis ng aking kilos at sa pwersang ibinibigay ko roon sa bola.
Pumito ang aming guro at itinuro ang aming grupo dahil sa pagkakapuntos. Nagsimula silang magtilian at nagsisitalunan na, nagagawang makipag-apiran. Nakingisi narin ako sa iba.
“Ang galing ni Irah!” Sigaw ng isa sa mga lalakeng kanina pa nag-iingay.
I just smirked. Magaling talaga ako sa lahat ng bagay…
“Ilipat niyo si Irah sa harap!” Sigaw ng isa kong kaklase na ikinasang-ayon naman ng iilan lalo na’t malakas rin akong humampas.
Umabante ako at nakipagpalit ng pwesto. Isang round nalang ng game ang kailangan…
Lamang ang aming puntos sa kasagsagan ng game. Naliligo na ako ng pawis ganoon rin ang kaklase ko. Nagiging agresibo naman ang kabilang kampo at matatalim na ang tingin sa amin. May mga tao talagang siniseryoso ang laro.
Sa gilid ng aking mga mata ay may nakita akong imahe ng lalakeng kakarating lamang. Umupo siya sa bleachers hawak ang isang bottled water habang ang mga siko ay nakalagay sa magkabilang hita. Ngumuso ako at nilingon ito. He’s here!
Pumito muli ang aming P.E. teacher kaya ibinalik ko ang tingin sa bola. Sa gilid ng aking mga mata ay naroon siya, malalim ang tingin sa akin. Narinig ko ang mga kaklase kong kinikilig pero hindi ko na iyon masyadong pinagtuunan ng pansin at gusto agad magpa-impress sa kanya.
Tumalbog ang bola papuntang kabilang net kaya pumwesto agad ako at sinundan ang bolang pinaghahampas ng kabilang kampo. Hinampas noong nasa harap ang kaya mabilis ko itong binlock at akmang papaluin ng malakas kaso may tanga akong kagrupo at sinalubong rin ang bola. Nagkabanggaan kaming dalawa at kapwa agad natumba kasabay ng bolang tumalbog sa sahig.
Nagsigawan ang kabilang grupo habang ang aming grupo naman ay gumawa ng dismayadong ingay. Sinamaan ko ng tingin ang babaeng bumangga sa akin.
Nakita ko ang pagtuwid ng pagkakaupo ni Toshi at mukhang nakuha ang buong atensyon dahil sa pagkakasalampak ko sa sahig. Damn, my butt hurts! Tumayo ako at hindi tinulungan iyong tangang kaklase ko.
“Kay Diana iyong bola pero nakisawsaw ka.” Galit na sabi noong isang kagrupo ko. Nilingon ko ito at nakita na naman ang mukha ng babaeng palagi nalang may nakokomento sa akin.
“It was my turn.” May diin kong sabi habang pinapagpagan ang aking pwet.
“O-Oo… Kay Irah iyon… Pasensya na…” Iyong isa ko namang kaklase na nakabangga sa akin. Yumuko ito na kakatayo lang rin at nahihiya na sa kagagahan.
“Nagpapapansin ka kasi nandito ang lalake mo.” Malakas ang boses nito na kahit ang aking mga kaklase ay nagsitinginan na sa akin, hinuhusgahan ako sa pamamagitan ng kanilang mga titig.
“Okay lang iyan! Hindi pa tapos ang game! Tie lang!” Sigaw noong isa kong kagrupo.
Nagngitngit agad ako sa galit, dala ng pamamahiya nito sa akin. Malaki ang maidadagdag nito sa aming grades. Kung mahina ang kokote mo sa subject ay dito ka bumawi.
Naging blangko na ang aking mukha at tumatak sa aking isipan ang ginawang pamamahiya ng aking kaklase. This bitch will surely pay.
“Irah! Ang bola!” Sigaw ng iilan kong mga kaklase. Isang puntos nalang…
Mabilis kong sinalubong ang bola at hinampas iyon hindi para malipat ito sa kabilang kampo kundi para sumabit lamang sa net. Napadaing ang aking mga kagrupo nang nalaglag ang bola sa aming sahig at ang kabila naman ay nagsigawan na.
“Natalo tayo!” Sigaw ng iilan kong mga kagrupo.
“Sayang… Plus 3 sana iyon at direct to the card!” Iyong isa naman.
Lahat ay sinisisi ang sarili pero maliban sa isa kong kaklase na halatang ako ang sinisisi. Bumaon sa akin ang matalim niyang tingin kumpara sa mga mata kong nagiging madilim na.
“Sinadya mo iyon ’no? Pinatalo mo ang grupo natin!” May diin niyang sabi na ikinaangat ng aking kilay.
“So what? Nag-aalala ka dahil alam mong wala kang utak at hindi ka makakaexcel sa lessons?” Inangatan ko ito ng kilay.
Natigil ang iilan kong kagrupo at nagulat sa nadiskurbihan.
“S-Sinadya niyang ipatalo?” Bulong noong isa.
Mas tumalim lamang ang tingin sa akin noong kaklase kong umakyat na ata sa ulo ang galit sa akin.
“Tinraydor mo kami! Ang tuso mo!” She fired back, growling at me.
“I don’t consider you as my team anyway. Gamitin mo nalang ang utak mo sa klase para makabawi. Kung meron man…” Ngumisi ako at sinuklay ang buhok paatras.
Laglag panga ito na kahit ang iilan kong mga kagrupo ay nanlulumo na. Hindi kami napagtutuunan ng pansin rito ng aming guro dahil sa nanalong team na nililista nito at nagdidiwang parin sa kabila.
“Nasali ata tayo sa galit niya kay Althea…” Iyong isa ko pang kaklase.
“Ang sakit niyang gumanti.”
“Si Althea naman kasi… Binabangga pa si Irah. Ayan tuloy nadamay tayong lahat.”
“Matalino si Irah at kahit hindi siya manalo rito ay makakaya niyang isalba ang grado niya sa lessons. Pero tayo… Malaking kawalan na ito.”
“Si Althea kasi!”
Iyon ang usap-usapan ng aking mga kagrupo bago ako naglakad paalis lalo na’t dinismiss narin kami ng aming guro para sa aming lunch. Ibinalik ko lang naman ang pamamahiyang ginawa niya. Sinaktan niya ako kaya sasaktan ko siya sa paraang alam kong kahinaan niya. Eh bugok iyon.
Blangko na ang aking mukha noong nagtungo ako sa gawi ni Toshi. Hindi ko alam kung narinig niya ba lahat ng usap-usapang iyon. I don’t care. Kasalanan iyon ng isa kong kaklase. She insulted me! And worst, nanonood si Toshi!
“Natalo kayo.” Sabi niya nang huminto ako sa kanyang harapan.
“Okay lang. Babawi ako sa exam.” Kalmado kong sagot na ikinalalim ng titig niya sa akin.
“Sinadya mong ipatalo?” Tanong niya sa akin.
“Yes.” Humalukipkip ako sa kanyang harapan.
Kumunot ang noo nito pero agaran ring nawala. I get worst when I’m mad. Aminado ako sa ugaling taglay ko. Kaya kong baliktarin ang isang tao kahit kakampi ko pa ito. Iyon ang napapansin ko sa aking sarili at lumalabas talaga sa t’wing nagagalit ako.
He sighed and open the bottled water for me. Ibinigay niya iyon saka niya tinapik ang kanyang gilid para doon ako paupuin.
Sinunod ko iyon at umupo roon. Tumingala ako habang nilalagok ang tubig. He stared at me for awhile. Mukhang may tumatakbo na sa isipan nito at wala na naman akong ediya.
“That’s your team…” Banayad niyang sabi, mukhang hindi maalis alis sa kanyang utak ang aking ginawa.
Inilapag ko ang bottled water at nilingon siya.
“Pag sinaktan ako, mananakit rin ako. Kahit pa may ugnayan kaming dalawa. Tuso na kung tuso… Ganoon talaga pag isa kang Buenaventura.” Kibit-balikat ko.
Nag-iwas siya ng tingin sa akin at binasa ang pang-ibabang labi. Gusto kong ipaalam iyon sa kanya para hindi niya maisip ang gaguhin ako. I want him to know that I can do worst. Kung nililinlang niya man ako, he needs to stop because I’ll seriously do the same too.
“Ang sarap nito. Did your Mom cook this?” Namamangha kong tanong sa pagkain niya.
Tumango siya. “Did you like it?”
“Yep! I like it!” Masaya kong sambit at kumagat muli.
Ipinatong niya ang kanyang siko sa bench at idinikit ang kamao sa gilid ng ulo. Kapwa kami magkaharap habang nasa gitna namin ang mga pagkain imbes na nasa bench. I wanted to face him… I wanted to see his whole face. Gusto kong nasa akin ang buo niyang atensyon dahil alam ko ganitong oras lamang kami nagkakasama ng medyo matagal.
Sumubo ako habang lumalalim ang tingin niya sa akin. Sinubuan ko narin ito at ngumiti ng matamis na ikinangisi niya rin naman. Umihip ang malamig na hangin sa aming dalawa at nilipad ang aming mga buhok. Isinabit ni Toshi ang iilang hiblang tumakip sa aking mukha saka marahang pinisil ang aking pisngi. Sapat na iyon para paapuyin ang aking pisngi, para tangayin ako ng aking nararamdaman sa kanya at dalhin iyon sa ere na kahit ako, pakiramdam ko ay lumulutang rin ako.
“I like you… Alot. Gustong gusto kita at ayokong paasahin mo ako…” Pag-amin ko sa kanya, nakagat na ang pang-ibabang labi.
“Alam ko kinse lang ako… But I can be the best girlfriend in the future…” Nalaglag ang aking mata sa pagkaing nasa sahig at napabuntong ako ng hininga. “Just don’t hurt me…”
Naging tahimik ito sa aking pag-amin. Yes I am tricking him through my words pero hindi sa paraang ikakasama niya kundi isang babala na dapat hindi niya ako saktan.
“You are really still young…” Sabi niya sa baritonong boses na ikinakurap ko. Tumitig ako sa kanya. Ang kanyang mukha ay seryoso na naman.
“Dapat handa kang masaktan pag pumasok ka sa isang relasyon, Irah. Hindi iyon maiiwasan.”
“I know… Pero gusto ko lang na iwasan iyon para hindi tayo magbreak.” Banayad kong sagot.
“That’s impossible.” Napatingin siya sa ibang dako. “Hindi palaging masaya ang pag-ibig. Hindi ito isang laro na pag hindi mo ito nagustuhan ay bibitawan mo na. Kung hindi ka handang masaktan, hindi iyan pagmamahal.”
Nalaglag ang aking tingin sa sahig. Sa kanyang sinasabi, parang ang bata ko pa talaga dahil sa pananaw ko sa pag-ibig. Ang gusto ko lang namang iparating ay h’wag niya akong linlangin! But it looks like the table turned upside down… Ngayon ay ako pa itong nakakain ng buo.
“But I got hurt these past few days because of you… Handa na ako.” Sabi ko sa maliit na boses.
Hindi siya sumagot at mukhang malayo na naman ang nararating ng kanyang utak. Kinabahan ako roon. Pakiramdam ko ay may nagawa na naman akong hindi niya nagustuhan. Mas pinapamukha ko lang sa kanya na isa akong batang mabilis matangay ng kanyang damdamin at nagiging padalos dalos agad sa binibitiwang desisyon.
“You’re not yet ready for it.” Sabi niya na ikinalunok ko. W-Wait…
“Handa na ako!” Nakuyom ko ang aking mga kamao habang tinitingnan siya sa dismayado kong mukha.
Mukhang hindi niya iyon narinig dahil may mas malalim na itong iniisip. Mas nabahala ako. T-Tapos na ba? Naisip niya bang kahibangan ang magkagusto sa babaeng malayo ang agwat sa kanyang edad?
“You can’t stop this! Eh hindi pa naman tayo tapos magb-break agad!” Lumukot na ang aking hitsura at kabadong kabado sa maari niyang bibitiwang desisyon.
“Silly…” Tiningnan niya ako at hinawakan ang aking baba. Ginagalaw galaw niya iyon kaya napasimangot ako, natatangay ang ulo sa kanyang galaw at napapailing.
I always got carried away with my feelings when it comes to him. Minsan, ang hirap talagang kontrolin at sumasabog agad ako. Sa tingin ko ay nahigitan ko na ata ang kabaliwan ni Chey sa lalakeng ito.
“I gotta go now…” Hinaplos niya ang aking siko nang huminto kami sa paglalakad patungo sa aking classroom. Sumimangot ako at tumango.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at tumagilid ang ulo para suriin ang aking ekspresyon.
“Mamimiss na naman kita…” Sabi ko sa maliit na boses.
Hindi siya sumagot pero hindi inaalis ang tingin sa akin. This man towered me like I am just too small and too fragile compared to his hard like a rock body.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at mas lumalim lamang ang paninitig sa akin.
“Concentrate on your studies. And avoid insulting your classmates. Mapapaaway ka niyan…”
“Sila ang naunang mang-insulto sa akin!” Mas bumusangot ako habang nakatingala sa kanya.
“Just don’t mind it. ’Kay?” Masuyo niyang sabi na ikinanguso ko at tumango ng marahan.
Nilingon niya ang aking classroom saka ibinalik sa akin. Ang aking mga mata naman ay nasa kanyang dibdib. I wanted him to hug me at gusto ko ring yakapin siya pero kinain ako ng hiya sa aking pinag-iisip at namula ang pisngi.
“Get in now…” Banayad niyang sabi na ikinaakyat ng dahan dahan ng aking mga mata sa kanya.
He bit his lowerlip as he stared at me. “What is it?”
Umiling ako ng dahan dahan at ibinaba ulit ang tingin. Napunta iyon sa mga daliri kong pinaglalaruan ko.
Napunta rin ang kanyang kamay roon at hinawakan ang hinliliit kong daliri.
“Ano na naman?” Masuyo at banayad niyang tanong.
“I want…”
Umangat ang kanyang kilay sa sinasabi kong hindi ko madugtungan.
“You want…” Panggagaya niya, mas malalim ang boses kumpara sa akin.
“I want a hug.” Sabi ko sa maliit na boses at sinundan agad ng busangot habang iniiwas ang aking tingin sa kanya.
Hindi siya umimik pero sapat na ang pagpulupot ng kanyang kamay sa aking beywang saka ako itinulak ng bahagya papalapit sa kanya.
Nadiin ako sa kanyang dibdib at lalong nanuot sa aking ilong ang nakasanayan kong pabango nito. Napahawak ako sa kanyang uniporme roon kasabay ng mas paghigpit ng kanyang isang braso sa aking beywang, tuluyan akong niyayakap.
He breath deeply as he squeezed me harder. Sapat na iyon para paliparin ang sarili ko sa pakiramdam na ibinibigay ng mainit niyang yakap sa akin. I am crazy inlove with this man… Damn it, Irah…
Iyon ang baon baon kong saya hanggang nakauwi ako. Habang hinihintay ko ang tawag niya noong gabing iyon ay napagdiskitahan kong linisin ang aking kwarto. Hindi ko na iyon iniasa pa sa katulong at nagkusang ayusin ang aking bedsheet saka iniarrange ng maayos ang aking mga gamit.
Pagkatapos ng klase ay nasasanay akong pumupunta rito si Franca para mambulabog pero mukhang hindi pupunta ang gaga dahil nandoon rin naman si Arih sa kanilang bahay. I’m sure they’re having fun. Palagi naman talaga akong may sariling mundo at napapasaya ang aking sarili sa pamamagitan ng outdoor activities. But this time… the feeling is too different. Nagiging masaya ako sa maliliit na bagay na ginagawa namin ni Toshi. Masaya na ako buong araw dahil lamang sa yakap na iyon. Masayang masaya ako…
May kumatok sa aking pinto at ilang sandali lamang ay bumukas na iyon. Nadatnan ako ni Daddy na hawak hawak ang feather dust at inaalis ang alikabok sa shelf kung nasaan ang aking mga paboritong libro.
“You’re cleaning…” Humalikipkip siya at sumandal sa pinto.
“Yep! Umuwi ako ng maaga e… At tapos na ako sa assignments ko kaya naisipan kong maglinis.”
His brow furrowed like it’s a bad thing for him.
“Inspired?” His other brow raised.
I chuckled softly. “Hindi ah… Tungkulin ko naman talagang linisin ang sarili kong kwarto Daddy. I’m sure Mommy will be happy if she find this out.”
Hindi siya agad sumagot roon. Ngumiti ako sa kanya at ibinalik ang tingin sa aking shelf.
“Alam mong lahat ng bagay ay may kasalungat. Oo sobrang saya mo ngayon at nagpapadala sa bugso ng iyong damdamin. Pero pag nasaktan ka, anong matitira sa’yo Irah?”
Natigil ako sa paglilinis at nabura ang ngiting pumaskil sa aking labi kanina. Sinampal na naman ako ni Daddy ng katotohanan.
“Is falling inlove a bad thing, Daddy?” I asked in a low voice.
“I want you to learn from your mistake but I am still your father. I’d rather hurt you with my words than make you believe that fairytales do exist. Guard yourself and stop being vulnerable with your feelings.”
Napayuko at nahawakan ng maluwag ang feather dust hanggang sa tuluyan iyong malaglag sa sahig. Narinig ko ang pagkasara ng pinto at ang huling salitang binitiwan ni Daddy na nagpamulat sa akin sa reyalidad.
“H’wag kang magpalinlang nang lubusan sa damdamin mo.”
20th TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Alliana Marie Maranan. Happy reading!
Ibahin mo ako, Irah
Daddy is right. Masyado na akong nagpapalinlang sa aking nararamdaman kaya ipinapakita ko na ang lahat kay Toshi. Kulang nalang ay ipagsigawan ko ang damdamin ko para sa kanya dahil sa aking kahibangan. Naiignorante ako sa pag-ibig na ngayon ko lang naramdaman. Malayong malayo ito sa mga nakakarelasyon ko na parte lamang ng aking paglalaro at pagtuklas sa bagay bagay.
Dad is letting me to fall inlove. Pero minumulat niya rin ako sa kahihinatnan ng pinapasok ko. He doesn’t want me to get hurt. Alam ko namang iyon ang pinupunto niya. Na hindi natutulad sa libro ang pagmamahalan ng mga tao sa reyalidad. Minsan, mas marahas pa ang mundong totoo kaysa sa libro dahil hindi lahat ng pagkakataon ay may happy ending ang pagtatapos sa dulo. Hindi palaging pinagtagpo kayo dahil nakatadhana kayo katulad ng nasa libro pero para lang bigyan ka ng leksyon kaya siya dumaan sa buhay mo.
Bryce texted me that Saturday in the afternoon. Nagyayaya itong lumabas. Toshi is quite busy with his paperworks kaya hindi ko siya nakatext sa araw na iyon dahil ayoko ring makadisturbo.
Bryce: Are you free? You look so busy these past few days…
I am Bryce. With someone else…
Nagtipa ako ng mensahe pagkatapos kong matulala ng ilang sigundo roon.
Ako: Sige. I am done with my assignments and I have nothing to do since its Saturday.
Ilang sandali lamang ay mabilis ng nagreply si Bryce.
Bryce: Great! I’ll fetch you.
Ako: See you later.
Hindi pa naman kami ni Toshi at ibig sabihin noon ay pwede parin akong mang-entertain. I don’t want him to think that I am so into him. Bigla akong natakot roon sa babala ni Daddy sa akin na masyado akong nagpapadala sa aking damdamin. I am not sure if Toshi will hurt me or not kaya gusto kong manigurado. Ayokong isipin niyang masyado na akong seryoso at masyado nang nalilinlang sa kanyang ipinapakita sa akin.
Tumakas ako ng bahay pero nakabuntot naman ang mga bodyguards sa akin kaya hindi narin ako nagpapaalam kay Daddy dahil sila na ang gumagawa noon.
“Hindi kana pumupunta sa College building. Inaabangan pa naman kita…” Sabi ni Bryce pagkatapos kong ikabit ang seatbelt sa aking gilid.
“I got busy with my studies, Bryce…” Palusot ko.
“I know. Kumusta naman ang pag-aaral mo? May naging kaibigan kana?” Tanong niya, palipat lipat ang tingin sa daan at sa akin.
Umiling ako. “You know I’m only friendly with the people I like…”
He chuckled. “So you really like me?”
“Yeah… A bit.” Pag-amin ko na ikinahalakhak niya.
“A bit…” Pag-uulit niya pero may lungkot ang boses.
“May nagustuhan kanang iba?” Tanong niya sa akin na ikinailing ko. I am always a secretive person.
“Umaasa ka sa akin ng malaki?” Tanong ko pabalik imbes sagutin ang kanyang sagot.
“Tumatanggap ako ng pagkatalo. Alam ko namang may mga bagay sa mundo na hindi aayon katulad ng gusto mo.” Pahayag niya na ikinaiwas ng aking tingin. Limipat iyon sa labas ng bintana. You can’t trick that man that’s why you’re tricking someone else, Irah? Nililinlang mo itong masusuklian mo ang kanyang nararamdaman sa’yo sa pamamagitan ng pakikipagkita mo sa kanya.
“Buti ka pa tumatanggap, ako hindi. Kung talo ako, babawi ako.” Pagbibitaw ko ng salitang iyon na ikinatawa niya.
“You need to accept your fate, younglady. Bata ka pa nga…”
I glared at him. He just flashed his smile and stared at the road afterwards. Hindi iyon parte ng pagiging bata ko kundi parte iyon ng pagkatao ko. Hindi ako iyong tipong ipagkikibit balikat nalang ang lahat. Gusto kong makita sa mukha ng isang tao ang ipinaramdam niya sa akin. Palagi akong namamaliktad at hindi papayag na ako ang palaging nasa ibaba.
Nagtungo kami sa isang field kung saan gaganapin iyong exhibit ng mga motorsiklo na gagamitin nila sa motocross. May iilang babaeng nagsikuhan agad nang makita si Bryce at nakita akong kasama nito.
“Bryce!” Isang babae ang tumawag sa kanya.
“Anya!” Ngumiti narin si Bryce.
Lumapit ito lalo sa kanya. “Nandito ka rin pala?!”
“Yeah… Kasali ako sa event.” Saka nilingon ni Bryce ang iilang player na nagsusuot na ng mga safety helmets nila.
“Ang cool naman! Edi marunong kang magpalipad ng motorsiklo?!”
Bryce chuckled. “Yeah…” Nilingon niya ako at itinulak ng marahan ang aking likod para umabante ako at pumantay sa kanya.
“Irah, this is my classmate Anya…”
Nalipat ang tingin sa akin noong babae na mabilis na nabura ang ngisi. So this girl likes him? Halata naman sa reaksyon.
“Girlfriend?” Tanong nito at matabang na ang binibigay na ngisi.
Umiling si Bryce. “She’s not. But I hope so…” Saka niya binasa ang pang-ibabang labi at ngumiti sa akin ng matamis.
Kumurap iyong babae at ilang sigundo nang napatitig sa akin. She looks familiar to me pero hindi ko na hinalungkat sa aking utak kung saan ko ito nakita. Hindi naman importante.
Katulad noong una kong panonood ay ganoon parin ang pakiramdam na nakukuha ko. Nakipalakpak rin ako nang magland ng maayos sa lupa ang pagpapatalon ni Bryce sa sinasakyang motorsiklo. Sobrang ingay ng paligid dahil sa pagchicheer.
Napapansin ko iyong nagngangalang Anya na nililingon ako bawat sigundo. Pag titingnan ko ito pabalik ay mag-iiwas rin ng tingin at ibabalik ang pagchicheer kay Bryce. What’s her problem? Selos?
Huminto si Bryce sa aking harapan at itinukod ang paa sa lupa habang inaalis ang helmet na suot. Buhaghag na ang buhok nito na sinuklay niya paatras saka niya ibinigay sa akin iyong helmet.
“Wear it.”
Kinuha ko agad iyon at naexcite. Hinawakan niya ang magkabilang handle ng motor at nilingon ako sa likod habang umaangkas roon. Humawak ako sa magkabila niyang balikat at tinulungan ang aking sariling umangat.
“Humawak ka ng mahigpit sa beywang ko.” Utos niya sa akin noong tuluyan akong makaupo.
Sinunod ko agad iyon at niyakap siya ng mahigpit. Ilang sandali lamang ay kumaripas na ng takbo ang motorsiklo na nagpahiyaw sa akin.
“I’ll do some stunts!” Sigaw niya na ikinalaki ng aking mga mata.
“Seryoso?!” Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya at ramdam ang mararahas na hampas ng hanging sinasalubong namin.
Bago pa man ito makasagot ay napasigaw na ako sa halo halong kaba at tuwa nang umangat sa ere ang motorsiklo. Para naring umangat ang aking puso at nahulog rin nang maglanding iyon sa lupa at kumaripas agad ng takbo.
Kapwa kami napasigaw at natawa. Mas lumakas ang kanyang pagpapatakbo kaya kumapit ulit ako ng mahigpit.
“We’ll try another hill. The bigger one…” Sabi niya sa akin na ikinasinghap ko.
Bago pa man ako makasagot ay lumipad muli sa ere ang motorsiklo at sa pagkakataong iyon ay nakita ko ang kabuuan ng paligid. Humalo muli ang takot, kaba at excitement sa aking loob at hinihintay na mahulog ulit sa lupa. Napatili ako nang tuluyan kaming bumagsak.
“Nakakakaba!” Sigaw ko habang tumatawa.
Bryce chuckled. Unti-unti nang bumabagal ang pagpapatakbo nito.
“That’s why don’t ride this one without me… Mapapahamak ka.” Sabi niya.
“Alam mong matigas ang ulo ko!” Natatawa kong sabi na ikinailing niya at nilingon ako sandali pero agad ring ibinalik sa harap.
“Ang hilig mo sa disgrasya.”
Masyado akong natangay sa pagsasaya na nakalimutan ko ng tingnan ang aking cellphone. Doon ko lang iyon nacheck noomg nakasakay na ulit ako sa kotse ni Bryce. Papunta kami ngayon sa isang Restaurant para kumain. 6pm pa naman…
Nakaramdam ako ng kaba nang makita ang text ni Toshi sa screen ng aking cellphone. Mabilis ko iyong binuksan.
“Bukas ay may exhibit ulit. Kung gusto mong sumama ay sabihin mo lang.” Sabi ni Bryce habang nagsisimula ng magmaneho.
Nilingon ko siya saglit pero ibinalik ko rin sa aking cellphone para makapagtipa ng mensahe.
Toshi: Where are you?
Nag-aalangan akong magtype ng kung ano pero sa huli ay isinend ko rin ang aking palusot.
Ako: Nasa bahay.
“Sasama ka ulit saakin bukas?” Tanong ni Bryce nang hindi ko siya sinagot.
“Depende Bryce. Baka may plano ring iba ang parents ko lalo na’t Sunday…” Sagot ko sa kanya na ikinatango niya.
“Okay… Pero kung wala ay itext mo lang ako.”
Tumango ako sa kanya at hindi na nakasagot dahil mabilis na nahulog ang aking tingin sa aking cellphone dahil sa reply ni Toshi.
Toshi: Talaga? Sa sofa niyo nagliliparan iyong mga motorsiklo?
Crap.
Ilang sigundo akong napatitig roon at pinapakiramdaman ang dibdib kong kumakalabog na ng husto. Kumpara sa naramdaman kong kaba kanina ay mas mawawalan ata ako ng hangin sa nararamdaman ko ngayon. He caught me lying!
Pero saan niya naman nalaman ang pinaggagawa ko?
Nagtipa ako ng mensahe pero bago ko pa man iyon masend ay may panibagong lumitaw nang mensahe.
Toshi: Go. Home. Now.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nakita ang kanyang mukha sa aking isipan, nagpipigil na naman ng galit kaya putol putol na ang sinasabi para bigyang diin ang bawat salita.
“You okay?” Tanong ni Bryce sa akin na ikinakurap ko.
“Uh yeah… Pero pwede bang ihatid mo na ako pauwi Bryce? Dad texted me. Umuwi na daw ako.” Pagsisinungaling ko na ikinakumbinsi rin naman agad ng mukha nito lalo na noong nabanggit ko ang aking palusot.
“Sige. Pero hindi ka ba nagugutom? Magdrive thru nalang tayo?” Alok niya na ikinailing ko.
“H’wag na. Sa bahay nalang ako kakain.” Sinuklay ko ang aking buhok paatras at nalipat ang tingin sa labas ng bintana. He’s mad! Ano ngayon, Irah?
Naging tahimik ako sa gitna ng byahe. Ramdam ko naman ang paglingon ni Bryce sa akin bawat sigundo at mukhang nag-aalala rin sa aking inaasal.
Pinasalamatan ko siya noong makababa na ako ng tuluyan sa kanyang kotse saka ako tumakbo papasok ng subdivision. Kahit hindi ko pa naman curfew ay gusto ko na agad makauwi ng bahay.
Pagkapasok ko ay mabilis akong umakyat sa aking kwarto at nagpalit ng pambahay. Humilata ako sa kama at inatupag agad ang aking cellphone. Should I call him? Anong explaination ang sasabihin ko? Na nadala ako sa pagsasaya at wala namang nangyari sa aming dalawa ni Bryce kaya hindi dapat siya magselos. It doesn’t sound nice to me, Irah.
Iyon ang inatupag ko hanggang sa ang tangi kong natipa ay ang kanyang pangalan lamang.
Ako: Toshi…
Ilang sigundo iyong hindi nakareply. Humilata ako sa aking kama at tumagilid. Nakita ko ang pagtitig ni Bun-bun sa akin, nang-aakusa ang mga mata na may kasalanan akong nagawa.
“But we’re not official yet!” Sigaw ko kay Bun-bun na alam ko namang walang ginagawang masama sa akin.
Bumusangot ako at napatihaya sa kama. Natampal ko ang aking noo saka napatitig sa ceiling. I can picture out his serious face and his strong jaw getting tight.
Nilingon ko muli ang aking cellphone at bigong makatanggap roon ng mensahe sa kanya. Umupo ako sa aking kama saka ko ito tinitigan ng maayos. Kung hindi ka tatawag, magtatampo rin ako!
Iyon ang gusto ko noong gabing iyon bago ako tuluyang nakatulog. Pagkagising ko, ni isang mensahe ay wala talaga akong natanggap! Nakabusangot ako sa umaga, sa mismong hapag.
“Hindi maganda ang tulog mo?” Tanong sa akin ni Mommy, bihis na bihis na para sa simba mamaya.
Dad’s eyes settled on me. Umiling ako at sumubo.
“I have my period, Mommy. Nastain siya sa bedsheet ko.” I lied…
“It’s okay, baby… Palalabhan ko nalang agad mamaya sa katulong.” Ngumiti siya sa akin. “H’wag nang mainit ang ulo ha? We’ll eat some ice cream later…”
Tumango ako kay Mommy at sumubo. Si Daddy naman ay naninimbang parin ang tingin sa akin at mukhang idinadaan sa paninitig ang paghuhuli niya sa aking kasinungalingan lalo na’t umangat pa ang kanyang kilay.
He’s mad at me and he didn’t text back Galit narin ako dahil hindi niya ako nireplayan. Mamaya sa simbahan, iirapan ko siya.
Iyon na ang itinatak kong plano. Habang nasa gitna ng misa ay pasulyap sulyap ako kung saan sila madalas nakaupo ng kanyang mga magulang pero hindi ko ito magawang irapan dahil hindi naman tumitingin pabalik. Magsosorry dapat ako kagabi kung nagreply lang siya at tumawag siya! Kaso hindi naman kaya galit narin ako.
“Sayang yung word of God kung hindi ka nakikinig…” Bulong sa akin ni Franca nang mahuli akong panay ang lingon.
“I am listening,” sagot ko sa mahinang boses at sinipat ng tingin si Daddy na nasa harapan lang naman ang atensyon.
“Ba’t ka panay lingon kay Toshi? Nasa simbahah ka pero pasimple kang lumalandi.” Marahan at malambing niyang sabi na ipinagsalubong ng husto ng aking kilay. Kahit si Arih na katabi lamang nito ay napatingin narin sa akin.
“I am not flirting.” May diin kong sabi pero mahina parin ang boses.
Ibinalik niya ang tingin sa harap.
“Eh hindi ka naman nililingon pabalik.”
Sa aking inis ay hindi ko nalang ito pinatulan at itinuon nalang ang buong atensyon sa harap. Noon naman pag nililingon ko ito ay lumilingon agad sa akin pabalik pero ngayon mukhang pinapanindigan talaga ang cold treatment na binibigay niya sa akin simula kagabi.
Edi hindi ko rin siya papansinin!
Pagkatapos ng misa ay isa-isa ring nagsitayuan ang iilan. My eyes automatically find his image. Naroon, ngumingisi na naman sa mga pinsan niya at may akong kademonyohan na naman atang pinag-uusapan.
I remained on my seat, crossing my both arms. Sa labas naman ng aking inuupuan ay naroon na naman ang mga magulang ko at nakikipag-usap kay Tita Chanelle na marahang humahalakhak. Iyong anak mo Tita, di ako sinusuyo…
But it’s your fault, Irah! I shouted that to my mind. Pero dapat pag ang babae galit, dapat suyuin! Sino ba kasing nagsumbong sa kanya?! I am just having fun!
Franca sat beside me. Si Arih naman ay naninimbang ang tingin habang nakatayo lamang at nanonood sa akin.
“The church is over. Di ka nakaget-over sa misa?” She asked me in a soft voice.
“Layuan mo nga ako Franca.” Inis kong sabi at inirolyo ang mga mata.
Arih grimaced when she saw my reaction. Ngumuso lamang si Franca at tumayo saka binalingan si Arih.
“Tara…”
Umirap ako at itinuon ang tingin sa ibang dako. Just say sorry to him, damn it. Wait what? Ba’t ako magsosorry? We’re not yet couples! Kung ginirlfriend niya lang sana agad ako edi ako mismo ang magbabakod sa sarili ko.
“Let’s go, Irah.” Tawag ni Daddy sa akin kaya napatayo ako. Where are we going?
“Saan tayo Dad?” Tanong ko sa kanya at napatingin kay Mommy na nauuna na kasama sila Tita.
“Sa bahay ng lalake mo.” Sabi niya at nilingon ang grupo nila Toshi. Bumusangot ako. Wow… Kung kailan galit ako at nagpapakipot ay doon pa ang aming destinasyon.
Lumabas ako sa may upuan at lumebel kay Daddy.
“Bakit doon?” Nakasimangot kong tanong.
“Imbes itangging hindi mo siya lalake ay iyan pa talaga ang una mong concern.” Nailing iling si Dad, nakabulsa ang mga kamay habang sumasabay ako sa kanyang paglalakad.
I winced. Oo nga naman! Pero hindi rin naman siya maniniwala.
“I want to go home…” Daing ko nang makitang papalapit na kami sa labas at kung nasaan ang pinto. Naroon parin sila, nag-uusap ng kung ano.
“Saan ka uuwi? Eh sarado.” Si Daddy.
“Magdodoorbell ako.” Sabi ko pa na ikinalingon ni Dad sa akin, umaangat na ang isang kilay.
I sighed. I have no choice but to come with them.
Sinikap kong lagpasan ang mga magpipinsan sa abot ng aking makakaya. Hindi ko ito nilingon dahil hindi rin naman ako nilingon! Babae ba siya?! Dapat ba siya ang sinusuyo?!
Pagdating sa kanilang bahay ay hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang aking sarili. Nakikita ko ang kambal na Delafuente sila sa pool area na sabay na tumalon kaya umangat ang tubig. Nagkakatuwaan ang magpinsan roon at mukhang humahalakhak na tila nagtatawag ng pokpok. Bumusangot ako at umupo sa sofa. Nasa may veranda sila Daddy at tumutungga na naman ng beer tapos nag-iihaw ng mga karne sila Mommy. Mas mabuti rin namang ganito kaclose ang aming pamilya para kung nalaman nilang may relasyon kami ni Toshi ay matutuwa sila. Tita Chanelle likes me!
Bumukas ang sliding door na kumukonekta sa labas. Kumpara kina Kuya Trey na kusina ang papasukan mo, dito ay ang sala. Kitang kita rito ang pinaggagawa nila sa pool lalo na ang pagpasok ni Toshi, basa at sumeryoso agad ang mukha.
Our eyes met for a second. He was dripping wet as he stroke his hair backwards to expose his forehead. Umawang ang aking bibig para sana may sabihin pero natutop rin nang mag-iwas siya ng tingin at nilagpasan ako. I swallowed as I followed him with my eyes. He’s really mad at me!
Sinundan ko siya ng tingin na umaakyat na sa hagdan, mukhang patungo sa kanyang kwarto. Awtomatiko akong tumayo at hindi nakaya ang pagmamatigas. Tumakbo ako at hinabol ang aming distansya.
Nadatnan ko siya sa may hagdan pero dahil malalake ang kanyang hakbang ay mas nauna itong makaakyat kumpara kong nangangalahati palang.
Pagdating ko ay iginala ko agad ang tingin at nakita siya sa kaliwang pasilyo, pumasok na sa isang kwarto. Mabilis akong tumakbo para maabutan ang pinto at laking tuwa ko naman na hindi niya iyon isinara.
Natigil ako roon at sinilip siya sa loob. Nakatalikod siya, nakaharap roon sa kanyang veranda at kitang kita ko ang paghila niya sa puting cotton shirt na hinila niya sa likuran saka walang ano-ano’y hinubad iyon. My lips parted a bit when I saw his back. It’s so big and well-defined…
Lumingon siya sa akin at nadatnang nakaawang ang aking labi. Nagkasalubong ang kanyang kilay kaya mabilis ko iyong itinikom at tumikhim.
“You need something?” Tanong nito at nag-iwas rin ng tingin, naglalakad na sa ibang dako.
Pumasok ako ng tuluyan pero nasa may pinto lamang. Sumandal ako sa pader habang iniipit ang magkabila kong kamay sa likod.
“Di ka nagreply sa akin kagabi.” Kalmado kong sabi at hinanap ang kanyang imahe sa loob ng isang walk-in.
“I slept early.” Sabi nito, malamig ang boses.
“Eh ba’t sa umaga…” Ngumuso ako at itinagilid ang ulo para masilip siya roon pero bigo ko itong makita.
Hindi siya sumagot. Noong nakalabas na ito ay bihis na bihis na. Ang kanyang mga mata ay hindi ko na mabasa. Malamig na iyon na pag tinitigan ako ay mararamdaman ko agad.
Nanatili na itong walang kibo at naglalakad na papunta sa akin. I am assuming he’ll lock me with his arms but I was wrong when he passed through me. Bumusangot agad ako at humabol.
“Sige! I’ll date him again if you keep on ignoring me!” Pagbabanta ko nang lumabas rin ako.
Tumigil siya sa paglalakad saka ako binalingan, ang mga kamay ay nasa bulsa parin at ang mga mata ay singlamig na ata ng yelo at tanging ulo lamang ang gumalaw para tingnan ako sa kanyang likuran.
“Don’t scare me like I’m a 15 year old boy who’ll stoop down just to please you. Ibahin mo ako sa mga naging lalake mo, Irah.” Malamig niyang sabi saka rin nagpatuloy sa paglalakad.
My jaw dropped as I watched his back slowly getting away. What the fuck?
21st TRICKED
T R I C K E D
Canada
Ito ang unang pagkakataon na may lalake akong hindi napasunod sa akin at hindi ko mapaamo sa pamamagitan ng mapanglinlang kong mga salita. Ang batas ko ay napalitan na ng kanya at dapat iyon ang masunod.
It sting. His cold treatment and cold stares sting like a bee inside my heart. Hindi na ito nagtetext o pumupunta man lang tuwing lunch. It’s like he suddenly disappeared. Ganoon ba siya kagalit na nakakaya niya akong tiisin? But maybe natitiis niya ako dahil may iba rin naman siyang pinagkakaabalahang babae. Iyon ang palaging tumatakbo sa utak ko sa mga araw na ilag siya sa akin.
Kahit si Bryce ay hindi ko muna nirereplayan. Natatakot ako na baka madagdagan lamang ang aking kasalanan. Na kahit alam ko namang hindi malalaman ni Toshi na nirereplayan ko ito ay ayaw ko parin.
Nagmukmok nalang ako sa aking kwarto. Walang planong lumabas at palaging wala sa mood. Gusto ko, pag tumawag siya para kumustahin ako ay masasagot ko agad siya na nandito lang naman ako sa bahay, hindi lumalabas at hindi nakikipagkita kay Bryce.
Narinig ko ang kotseng kakarating lamang. Inaasahan kong ilang sandali lang ay aakyat rin sila sa kwarto pero dumaan ang ilang sigundo ay mukhang nagtagal sila sa sala. Sa aking kyuryusidad ay bumangon ako. Ayokong maramdaman na naman ni Daddy na nagmumukmok ako at nagdadrama na naman lalo na si Mommy dahil mag-aalala lamang siya.
Nadatnan ko sila sa may sala, kapwa seryoso at may pinag-uusapan. Pababa palang ako ng hagdan ay naririnig ko na ang boses ni Mommy.
“Help them, Tres. Mas mapapadali ang kaso kung ikaw ang hahawak.” Si Mommy.
My Dad loosened his necktie. Naging interesado agad ako sa pinag-uusapan ng dalawa.
“Jimin doesn’t want any help. Galit sa mga Buenaventura dahil sa ginawang panglilinlang ni South sa kanyang anak.”
My eyes widened. What?! My cousin tricked Nana?!
Napabuntong ng hininga si Mommy at mukhang apektado sa issue.
“May namamagitan kay South at Nana?” Hindi ko na nakayang magtanong pa. Dad glanced at me na kahit si Mommy ay nag-angat na ng tingin.
“Hindi mo napanood ang kumalat na scandal ni Nana, Irah?” Tanong sa akin ni Mommy na ikinalaki ng aking mga mata.
That innocent girl has a scandal?! Akala ko ba sobrang bait noon? What happened? Baka naman may mali. That girl is just too..
“At galit ang mga Delafuente sa Buenaventura ngayon.” Si Daddy naman. Dumirekta agad sa akin ang tingin na nababahiran na ng pagbabanta.
“Baka naman may mabigat na explinasyon si South rito…” Si Mommy.
What did you do, South?!
Nanatili ako sa may hagdan at masyado pang nagugulantang.
“Kung ano pa man iyon, mas mabuti narin sigurong umiwas nalang muna tayo sa kanilang angkan lalo na’t sumasabog pa sila sa galit.”
Ang sinabi ni Daddy ang nagpataas ng balahibo sa aking batok. W-What?
“P-Pero wala naman kaming kinalaman sa issue ni Nana, Daddy…” Paliwanag ko sa mahinahon ngunit kabadong boses. Hindi ko na magawang itikom ang aking bibig at may nasasabi narin.
Tumango si Mommy sa akin. “Oo nga Tres. Mababait ang mga anak ng magpinsan. Hindi naman siguro nila magagawang gumanti dahil sa ginawa ni South kay Nana.”
Tumango narin ako sa sinasabi ni Mommy. Dad, please don’t…
“Kahit gaano kabait ang isang tao, pag nasaktan ay mag-iiba ang takbo ng utak.” Si Daddy na nagpatikom sa aking dalawa ni Mommy.
Nanikip ang aking dibdib at hindi makayanan ang gusto nilang iwasan namin ang mga Delafuente. Ngayon pa ba ako iiwas Daddy? Labas kami doon sa issue at hindi naman ganoon ang pagkakakilala ko sa magpipinsan!
Pero sa kabilang banda ay may umusbong na takot sa aking sistema. Mapanglinlang ang kanilang angkan. Iyon agad ang tumatak sa aking isipan. Ang mga mata nila ay nambibihag at may kakayahang paasahin ka, paniwalain na gusto ka nila pero taliwas naman sa iniisip mo ang totoo.
Gusto kong lumabas ng bahay at pumunta kina Franca pero ayaw naman akong payagan ni Daddy. Wala rin akong natatanggap na balita at inaupdate ako sa nangyayari. Kung kailan gusto ko ng makisali ay doon rin naman nila ako kinalimutan. Anong nangyari sa labas? Anong panglilinlang ang ginawa ng aking pinsan sa inosenteng babaeng iyon?
I wanted to watched the viral video pero deleted na. Mukhang kumikilos na agad ang angkan nila para burahin iyon. Tanging mga post lamang ang nasasabi ko na nakikipaghook-up raw si Nana sa isang sikat na singer. Huh? Sinong singer?
I was so blind with the things around me. Sigurado akong alam lahat ni Franca dahil lahat naman ay pinapakialaman noon.
Kinaumagahan ay maaga akong gumising para makasabay ng agahan sina Mommy at Daddy at marinig ang kanilang pag-uusap. I’m sure si Nana parin ang magiging topic nila.
“Kawawa naman iyong bata…” Sabi ni Mommy sa malungkot na boses, halata ang pagiging matamlay.
Hindi sumagot si Daddy at sumubo lamang ng pagkain. Kahit ako ay hindi nag-aangat ng tingin at nagpapanggap na nasa pagkain ang buong atensyon.
“Matutuldukan naman sana iyong issue kung hindi rin binaliktad noong sikat na singer si Nana. Dapat sinabi niyang walang nangyari. Pero pinapamukha pa na die hard fan lamang si Nana at habol nang habol sa kanya.” Inis ng sabi ni Mommy na ikinabagal ng aking magnguya.
So she got tricked?
“Ganoon talaga ang mga babaeng habol ng habol, maloloko.” Si Daddy naman at sinipat pa ako ng tingin.
Nag-iwas ako ng tingin at uminom ng tubig. Ayokong saluin iyon kahit na natatamaan ako.
“Pero kay South nila lahat isinisisi. Hindi naman ganoon ang pagkakakilala ko sa batang iyon…” Si Mommy, binabalewala ang pagpaparinig ni Daddy sa akin.
“Nilinlang ni South ang mag-asawa na nililigawan niya si Nana pero hindi pala. Hinatahid niya ito doon sa singer kaya sa kanya napunta lahat ng sisi.” Si Daddy.
What? May nangyayaring ganoon? They’re seeing each other? Naalala ko bigla iyong sinasabi ni Franca sa akin na iba na ang kilos ni South. If only I payed attention…
Bumuntong ng hininga si Mommy na kahit ako ay pasimple narin iyong ginawa para ilabas ang nagpapabigat sa aking dibdib. They caused trouble! Madadamay kami dito!
“Avoid them.” Si Daddy na nilingon agad ako. Kahit si Mommy ay nasa akin narin ang tingin.
“Hindi na iyon kailangang gawin ni Irah eh ilap rin naman siya sa magpipinsan. May sariling mundo ang ating anak, Tres.” Mom chuckled softly.
Ngumiti ako ng tipid at uminom ng tubig, gustong alisin ang bumabara sa aking lalamunan.
“Kung papairalin mo ang katigasan ng ulo mo at ayaw mong makinig, sige… Hahayaan kita.” Pahabol pa ni Daddy na ikinakunot ng noo ni Mommy. I’m so sure wala siyang naiintindihan. Pero sa boses ni Daddy, alam kong may patutunguhan talaga ang katigasan ng ulo ko pag pinairal ko ang sarili kong desisyon.
Hindi ako umimik at sumubo lamang ng pagkain. Toshi won’t do such things! Ang alam ko, ang angkan namin ang mahilig sa gantihan. Pero ang angkan ng mga Delafuente? I don’t think so…
Pumasok ako ng eskwelahan. Ni isang text man lang kay Franca ay wala akong natatanggap! That girl has really has her own way to boil my blood! Kanina pa ako text ng text! Si Toshi naman ni isang text ay wala na.
For the first time, I got against with Daddy. Mali siya. Galit lang si Toshi sa akin dahil sa kasalanan ko at iyon lamang, hindi na kasali roon ang galit niya sa angkan namin.
Hindi ko makaya ang pagiging tahimik ng paligid. Sa eskwelahan, ni isa ay walang nagtatopic noong issue. Masyadong tahimik at naaayon lahat sa gusto ng mga Delafuente na hindi ko na makayang walang alam.
Lunch noon nang lumabas ako. Kaso sa may gate palang ay hinarang na ako ng mismong gwardya.
“Saan ang punta?” Tanong nito na ipinagtaka ko. Mas maniniwala pa ako na sa College building ako hindi makakapasok pero sa highschool building, palagi naman akong pinapalabas!
“Sa labas.” Sagot ko na ikinailing iling nito.
“Bumalik ka sa classroom mo. Bawal lumabas.” Sinenyasan pa ako nitong umalis na.
My jaw dropped. What did you do, Daddy?!
Tiningnan ko ang pader ng mga nadadaanan ko at imposible talagang maakyat iyon kung balak mong lumabas. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at dismayadong bumalik sa classroom. How about Zera and Elle? Pero magtataka ang dalawa kung lalapit ako sa kanila. Dammit!
I was so frustrated. Kung nagpatuloy ito, baka madamay kaming dalawa ni Toshi.
Asang-asa na ako sa kanya at baliw na baliw na. Noong mga araw na gustong gusto ko siyang makita ay hindi ko na nagagawan ng paraan dahil bigla nalang nagbago ang takbo ng araw. Parang may itinayong pader ang mga Delafuente sa kanilang angkan na kahit ang aming angkan ay gusto nalang umiwas para pahupain ang gulo.
Ang nakasanayan kong pagsisimba at pagpunta sa bahay ng mga Delafuente ay nabago na. Minsan, nagkakaroon na ng ibang schedules si Mommy at Daddy tuwing linggo. Kung tatambay man sa isang bahay ay doon lang rin kina Tito Trev. Ni isang Delafuente ay nagmistulang mga bula, ni isa ay wala na akong nakikita.
“Where’s Arih?” Tanong ko kay Franca noong linggong iyon.
“Umuwi na.” Tipid niyang sabi at busy sa kanyang cellphone. Panay ito post ng masasaya nilang outing ng kanyang magulang.
“Why?” Tinagilid ko pa ang aking ulo para lang masilip ang kanyang mukha.
Nagkibit siya ng balikat na ikinalukot ng aking ekspresyon. Kung kailan gustong gusto ko siyang dumadaldal ay doon naman siya tatahimik!
“Wala ka bang sasabihin sa akin?” Inis ko ng tanong.
“Anong sasabihin ko?” Kumurap siya at inosenteng nag-angat ng tingin sa akin.
“Iyong mga napapansin mo. ’Di ba marami ka namang napapansin?”
“Huh? Marami ba?” she chuckled softly. Sa aking inis ay matalim ko na talaga itong tiningnan.
“You’re always nosy. I’m sure marami.”
Umiling siya at ibinalik ang tingin sa cellphone. “Wala ah…”
Oh great! Ang sarap na talagang manakit para lang sabihin niya lahat sa akin. Busangot na busangot na ako dahil ni katiting na impormasyon tungkol sa mga Delafuente ay wala akong mahagilap.
“Pero may napapansin ako…” Pahabol niya, nasa cellphone parin ang tingin.
“Ano?” Huminahon ang aking mukha at tinitigan siya ng maigi.
“Si Toshi, nakikita ko sa eskwelahan palaging kasama iyong babae na ex niya daw? Parang sila na ata…”
Parang nahulog sa lupa ang aking puso na hindi ko na mapulot dahil tuluyang nagkapirapiraso. Kinlaro na ni Toshi sa akin ang namamagitan sa kanilang dalawa. Ang sabi niya ay mananatili niyang ex ang babaeng iyon!
“Nagkakamabutihan kami ni Toshi at sinabi niya sa aking hindi siya makikipagbalikan roon.” Giit ko.
Kumurap siya at napunta na sa akin ang tingin.
“Pero sa nangyayari sa angkan natin… Baka gagantihan ka ni Toshi at paaasahin ka ng husto at doon ka saktan dahil alam niyang baliw na baliw ka sa kanya.”
My eyes shrinked in disbelief. That’s not true!
“Hindi ganoon si Toshi!” Pagdedepensa ko.
Nilingon ko sandali ang aming mga magulang sa labas na nagkakatuwaan at ang kambal na wala rito, si Kuya Trey na mukhang hindi mahagilap ng aking mga mata sa sulok ng bahay saka ko muling ibinalik kay Franca.
“Ang sabi niya ay magdahan dahan muna kami.” There, I spit it. Sa aking galit na matuldukan lamang iyang pagdududa niya kay Toshi.
“Dahan dahan saan?” She asked curiously.
“Sa aming dalawa. Na dapat ay hindi magmadali.” Sagot ko.
“Pero kung iyon ang plano niya, ba’t masyado na silang close noong ex niya? Ba’t hindi siya naghahanap ng paraan para makita ka? Nagtetext parin kayo?”
Umawang ang aking bibig para sumagot agad pero natutop rin dahil ni isang mensahe ay wala na akong natatanggap at lagpas isang buwan na! Damn it.
“Wala ka noong binugbog ng magpipinsan si South dahil nalaman nila ang totoo. If you just see their anger… Kahit ako matatakot at maiisip na gagawin nila ang lahat makaganti lamang.”
Ayaw ko mang paniwalaan ang sinasabi sa akin ni Franca, may nagtutulak sa aking maniwala roon. Na kaya na pinutol ni Toshi ang lubid na namamagitan sa amin para saktan ako sa pamamagitan noon. Pakiramdam ko ay ayaw niya narin sa akin at nagbago ang tingin sa aming angkan dahil sa ginawa ni South.
Ang nabuong friendship ng aming mga pamilya ay mukhang naputol rin dahil sa nangyayari. Araw araw ay nasasaktan ako sa mga naririnig kong impormasyon kay Franca na palagi na silang magkasama ng babaeng iyon. Umiikot nalang ang aking mundo sa pag-aaral lalo na’t humigpit rin ang pagbabantay sa akin.
Kinumpirma ko iyon kay Bryce lalo na’t siya lang rin ang nirereplayan ko sa mga lalakeng may gusto sa akin at katulad ng sinabi ni Franca, iyon rin ang sinabi ni Bryce sa akin.
Bryce: Oo. Palagi silang magkasama ni Floren. Why?
Hindi ko na iyon magawang replayan dahil sa dibdib kong naninikip. Nanlalabo ang aking mga mata at pilit ko nalang pinipigilan ang pagpatak noon. Para akong sasabog sa sakit at napagtagpi-tagpi lahat ng sinasabi sa akin ni Franca. Toshi is using my feelings for him to hurt me, to get even. Kahit sinisipa ko sa aking isipan na hindi naman iyon totoo, sa nangyayari, doon lamang nahuhulog ang aking pag-iisip at wala ng iba.
Sumapit ang pasko at bagong taon na ni isang mensahe ay wala parin akong natatanggap. Naging misteryoso na ito sa akin at hindi ko na mabasa ng tuluyan. Kung sana ay hindi ko lang pinairal ang pride ko noong nasa bahay nila ako at humingi nalang ng tawad ay baka naayos rin namin agad iyon. Pero kahit na nagkaayos man kami, sa nangyaring kaguluhan ay baka naiwan rin agad ako sa ere.
Grumaduate ako ng Valedictorian. It’s a goal for me pero pakiramdam ko ay may kulang parin. Pakiramdam ko ay may nawawalang parte sa aking loob at hindi ko magawang maging masaya ng buo.
“Hurry up, Mommy!” Nauna akong lumabas ng hotel at excited sa dagat. Dala dala ko ang isang jar habang suot ang aking bikini at isang seethrough na dress.
“Wait!” Humabol narin si Mommy sa akin hanggang sa makalabas kami ng Hotel.
My memories in Canada were blurry to me. Ilang taon pa ako noong nandito ako at wala na akong maalalala. Mom gave birth to me in Canada. Nandito kasi si Dada Marco na may pamilya narin. Sila ang nakalakihan ko rito kaya hindi rin ako gaanong naninibago sa paligid.
“Tingnan mo doon oh! May gwapo Irah!” Niyugyog pa ako ni Mommy para tingnan ko iyong lalakeng nakatrunks, maputi at mukhang kaedad ko lamang.
“Fuckboy iyan Mommy…” Sabi ko para lang matigil siya sa kakatingin roon.
“Ay sige, iba nalang.” Tumawa siya at iginala ulit ang tingin.
Hinubad ko ang aking seethrough at inilagay iyon sa upuang inupuan ni Mommy.
“Di ka pa maliligo?” Tanong ko na ikinailing niya at ininom iyong citrus juice sa gilid ng table.
“Maliligo na ako. I’ll find some shells…”
Tumango naman ito at ngumiti. “Sige. Basta h’wag ka masyadong lumayo.”
Tumango tango ako at mabilis na ang paglalakad patungo sa tubig. Balik na ulit sa dati ang aking buhay. Iyong walang Delafuente na umaaligid pero ang hindi lamang nagbago ay ang naiwang damdamin ko para sa kanya. Naroon parin iyon na sa bawat paglipas ng panahon ay lalo lamang lumalaki. I can’t even find a guy as attractive as him. Ang standards ko ay palaging nalalaglag kay Toshi. Na kung hindi naman siya ay hindi ko na agad tipo kahit na gwapo naman ito at may tindig.
Paglingon ko sa inuupuan ni Mommy ay naroon narin si Daddy. Mukhang nagkakatuwaan na naman ang dalawa at nakikita ko pa ang pag-angat ng kilay ni Daddy kumpara kay Mommy na tawang tawa na. Maybe she’s teasing him again… And Daddy looks like he’s jealous…
“What’s that?” Sumalubong ang panganay na anak ni Dada Marco sa akin pagkapasok ko ng kanilang bahay. Dumeritso kami sa kanilang bahay lalo na’t may house party mamayang gabi dahil birthday ni Tita Elisha, Dada Marco’s wife.
“Obviously.” Inangat ko iyon para makalebel niya. “Ano bang tingin mo?”
He chuckled and brushed his hair backwards.
“Ang maldita.” he tsked and smirked.
Ngumiwi ako sa kanya at itinulak ito paaalis sa aking daanan. Sumunod naman ito sa akin sa may countertop kung saan ako umupo.
Kumuha ako ng tissue saka isa isang inilabas ang mga shells para malinisan ko.
“Collection?” Tanong niya na ikinatango ko.
Umikot siya at pumasok sa loob. Nagsisimula na itong maghanda ng kung anong sandwich.
“Are you going to stay here until summer ends?” Tanong niya na ikinailing ko rin.
“May modelling career ako sa Pilipinas kaya kailangan naming umuwi next week.”
Tumango tango siya. “So you’re a model? E payatot ka.”
Natigil ako sa paglilinis at inangatan ito ng tingin.
“Pwede ba, Valenz…”
He chuckled and raised his both arms.
“H’wag mo akong hinihirit-hiritan sa pagiging playboy mo dahil hindi kita tipo.” Sinamaan ko siya ng tingin na nagawa pang sumipol.
“I am just teasing you. Chill…” Inabante niya ang platong may gawa niyang sandwich saka rin umalis sa aking harapan.
Nag-ikot ako ng mga mata at ipinagpatuloy ang ginagawa. Kahit anak siya ni Dada Marco ay hinding hindi ko siya magugustuhan. Hindi lamang dahil nangangamoy playboy kundi dahil narin loyal ako.
Taglay ni Valenz ang katangkaran at ang foreign features na maaaninag sa mukha. Tuwid ang englis nito at may accent pero marunong rin namang magtagalog, base narin sa nakakasalamuha niya araw araw sa bahay na ito.
Mag-isa nalang ako at natuon na ang buong atensyon sa paglilinis. Bumagal ang aking galaw at nalipat ang tingin sa ibang direksyon nang biglang pumasok sa aking isipan ang mukha ni Toshi noong binigyan niya ako ng shells. I missed him…
Is he really planning to get even? Iyon ba talaga Toshi? If you can hurt me through this then you’re wrong. I am not yet fully hurt. Hindi kita hahayaang maging masaya sa babaeng iyon kung binabalak mo akong saktan sa pamamagitan nito. Guguluhin ko kayong dalawa.
Kinagabihan ay sobrang ingay na nga ng bahay. May mga inimbitahan rin kasing kaklase si Valenz. May iilang babae pero mga babae rin ata nila. They’re holding some red plastic cups at mukhang may pinagkakatuwaan dahil nakapalibot sila sa iisang mesa.
“Who’s that chick?” Narinig kong tanong noong kaibigan niya nang bumaba ako ng hagdan sa suot kong itim na backless.
“She’s a demon, Slate.” Sabi ni Valenz doon sa kaibigan niya, nagawa pang sapakin ang dibdib nito. Kapwa ko inirapan ang dalawa at tuluyang bumaba. Nagsalita si Hudas…
Ang raming tao at mukhang nasa bakuran sila Dada Marco kasama si Mommy at ang iilan pa. Ang nandito sa loob ay iyong mga inimbitahan ni Valenz at inaangkin ang sariling party ng kanyang ina. May namataan pa akong magcouple na nagmimake-out sa kabilang parte ng bahay.Napakaliberated talaga ng mga tao rito.
Nagtungo ako sa may pinto at nakasalubong iyong panibagong mga bisita. Matangkad iyong lalake at may kasamang babaeng may freckles ang mukha. Iyon agad ang napansin ko bago ko ibinaba ang aking tingin at naiinis sa sobrang ingay ng paligid, hindi na gaanong pinagtuunan ng pansin ang kanilang mga mukha.
“Chain and Lewiss are here!” Sigaw ni Valenz na mas ikinagulo nila sa loob.
Nauna silang pumasok kaya tumabi muna ako, humalukipkip.
“Where’s your cousin named Cana, Lewiss?”
“She doesn’t like this kind of stuff. Don’t worry, next time…” Iyong babaeng may freckles ang sumagot.
Hindi ko na sila pinakinggan pa at lumabas nalang lalo na’t naghihiyawan sila sa loob. Kumpara sa labas na mahinahon lamang at mga matatanda lahat ang nag-uusap usap.
“Ayaw mo sa loob?” Salubong sa akin ni Dada Marco na ikinailing ko.
“Crowded.”
Tumawa siya. “Sa edad mo, dapat nga ay mahilig ka sa mga ganyan. What did your Mom do to you to isolate yourself like that?”
“Ayoko lang talaga Dada… They’re strangers.”
“Mana ka talaga sa Daddy mo, hindi friendly.”
Friendly lang ako sa mga taong gusto ko. Isasatinig ko sana iyon pero kinimkim nalang.
22nd TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Faith Maura Solinap. Happy reading!
Condo
Umikot ang buo kong summer sa aking pagmomodelo. Tuwing summer lang rin kasi ako nagkakaroon ng photoshoot at mga break dahil hindi pinahihintulutan ni Mommy na mahalo ito sa schedule ko tuwing may pasok. Daddy is just supporting me. Wala naman siyang reklamo pero bawal pa ako sa mga mature na shots. Iyon lamang ang kanyang problema at kung hindi ay mahihinto talaga ako.
“Anong kukunin mong kurso?” Tanong sa akin ni Franca habang sinasamahan niya ako sa aking photoshoot.
“Business Finance,” sagot ko sa kanya habang nakatunganga ako sa aking instagram.
“Finance?”
Tumango ako. “That’s for my future purposes. Para pag nagtayo ako ng business ay hindi ako mahirapan sa pagmamanage ng sariling pera.”
Hindi na ito umimik pa at nasa sariling cellphone narin ang buong atensyon. Magsesecond year narin ito at doon parin sa BTSU planong ipagpatuloy ang pag-aaral. Mukhang labas ang kanilang eskwelahan sa galit nila sa aming angkan at hinahayaan parin kaming mag-aral roon. Hindi ko alam kung napatawad na ba ni Tito Jimin ang aking pinsan kaso nasa ibang bansa narin pala sila kasama si Nana.
Simula noong nalaman ko ang issue ng aking pinsan at ni Nana ay napapansin ko ang pagiging seryoso lalo ni South. Tuwing gabi ay palagi itong umaalis at ang sabi ni Franca sa akin ay nagmamaneho lamang daw, gumagala. Kung nilinlang man ng aking pinsan si Nana, ba’t mukhang mas apektado ito sa nangyayari?
North looks terrible but he seems like okay? I don’t know if he really is pero sa nangyayari ay mukhang ilag ang dalawa sa isa’t isa. Hindi ko alam kung ano talagang nangyayari at anong klaseng gulo ito dahil maski si Franca ay tikom ang bibig. Hindi ko nalang rin inalam pa dahil wala rin naman akong maitutulong.
Noong sumapit rin naman ang aking 16th birthday ay isang outing lamang ang aking hiningi at hindi na isang party. Sino namang iimbitahin ko eh wala naman akong mga kaibigan?
Si Mommy at Daddy ang palagi kong nakakahang-out. My Lolo, Mommy’s father is busy with politic issues kaya rin hindi ito nakakasama. Bumalik siya sa paglilingkod sa bayan dahil iyon talaga ang gusto niya. While my other Lolo and Lola we’re having a vacation too! Sobrang tanda narin kasi nila kaya mas pinili na nilang manirahan sa isang lugar na may preskong hangin at maraming puno. They don’t like the city anymore…
“Maganda naman ang katawan mo ah? Ang payat mo nga. Bakit kailangan pa ito?” Franca complained while we’re heading inside the gym.
“I want to tone my body. Gusto ko ng magandang posture hindi iyong simpleng payat lamang, Franca.” Paliwanag ko sa kanya, hindi ito nililingon sa aking likuran at deri-deritso ang pagpasok.
“Magbubuhat ka ng barbells? Gagayahin mo sila?” May pagkagulat sa kanyang boses nang tuluyan kaming makapasok at nakita niya ang iilang mga lalakeng nagbubuhat ng mga equipments.
I rolled my eyes. Saan ba naglalakwatsya ang kanyang pag-iisip at mukhang wala ito sa matinong pag-iisip?
Hindi ko siya sinagot at nagsign-in ako roon sa harap ng counter. The girl politely smiled at me.
“Kailangan niyo po ng instructor Ma’am?” Tanong noon sa akin na ikinatango ko.
“Yes, please…”
May sinenyasan siya sa kung saang dako saka ako itinuro. Napalingon ako at nakita ang isang lalakeng maskulado.
“Dito tayo, Ma’am…” Iminuwestra noong lalake ang magiging lugar ko roon.
Inilapag ko ang dalang gymbag sa may upuan at binalingan sandali si Franca na tahimik na umupo sa tabi noon. She doesn’t look interested pero mukhang nagmamatyag naman.
Hinubad ko ang aking tshirt at iniwan ang sports bra. Ang pang-ibaba naman ay tanging leggings at isang komportableng sapatos.
“Ano bang balak niyong work-out, Ma’am?” Tanong noong lalake na may maamong mukha.
“I want to tone my tummy and my butt.” Paliwanag ko sa kanya na ikinatango tango naman nito, nanunuri sa aking katawan.
Tinalian ko ang aking buhok para hindi iyon maging sagabal habang nagwowork-out ako. Iyong instructor ang nagga-guide sa akin sa mga gagawin ko.
“Bend a little…” Hinawakan niya ang bandang balikat ko at ang aking paa para maabot ko iyon sa aking ulo pero hindi naman ako sobrang flexible kaya ramdam ko ang sakit noon sa aking tiyan.
Humiga akong muli, nakakulob at nirelax ang katawan katulad ng kanyang sinabi saka muling inangat ng sabay ang aking ulo at mga hita sa ere.
Franca is taking some pictures while I’m bending my body. I’m sure mamaya niyan ay dadaan na naman ang aking mukha sa feeds dahil nagpost na naman ng kung ano anong pinagkakaabalahan ko.
Nagparegister narin ako sa gym na iyon para maging myembro doon at mamaintain ko ang aking work-out. This is a good help for my modelling career and I really want to take good care of my body.
Dumagdag iyon sa routine ko noong summer. Once a week lang naman akong pumupunta sa gym para hindi rin gaanong mabugbog ang aking katawan lalo na’t bata pa naman ako. Kailangan ko lang talagang imaintain at normal rin naman ang aking diet. Gusto ko rin sanang isama si Mommy para kaming dalawa but they’re really busy.
Katulad ng memorya ko noong nakaraang taon sa College building ng BTSU, pagkapasok ko sa Umaga ng Lunes na iyon ay ganoon parin ang bumungad. Mas lalo lang malinis at bagong pintura ang iilang pader para mas tumingkad ang kulay. My sight wandered around the place. A 16 year old girl who’s now a first year college student. That’s not really bad at all…
“Buenaventura? Kaano ano nila North at South?”
“Pinsan daw…”
“Eh di’ba close sila sa mga Delafuente?”
“Oo family friend.”
I heard some gossips about my surname. Malawak ang corridor at nagkalat ang mga estudyanteng napapatingin sa akin. I need to separate with Franca dahil magkaiba kami ng sched. Sayang nga at graduate na si Toshi. I never got a chance to be with him in a one place.
I should be mad at him for being cold to me. But my longing were more powerful than my hatreds. Hindi naman kami kaya hindi ko rin siya pwedeng diktahan na ibigay sa akin lahat ng kanyang oras. Maybe I’ll just need to wait for a perfect moment. Wala rin naman kasi akong ediya kung nasaan siya at isa pang rason ay ayokong makaapekto ang kung ano sa aking pag-aaral. I need to take college seriously.
Habang naglalakad papunta sa aking unang subject ay may pamilyar akong nakasalubong. Ang isa ay tumatawa habang ang isa ay seryoso lamang. Our eyes met for an instance.
Napawi ang ngisi noong isa. Iniwas ko ang aking tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Kahit noon pa man, ganoon naman talaga ang trato ko sa magpinsang Delafuente. Kilala ko lamang sila sa kanilang pangalan at ganoon rin sila sa akin. We don’t talk at all. Si Toshi lang talaga ang madalas kong nakakausap.
Pagkapasok ko sa una kong subject, pamilyar na babae agad ang aking namataan, isa sa magiging kaklase ko. Lumingon siya at nakasalubong ang aking mga mata. Her brow raised pero kalaunan ay umiwas rin ng tingin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at umupo sa kanyang likuran lalo na’t gusto ko ring katabi ko ang bintana.
I smelled her scent. Pamilyar iyon at isa sa mamahaling perfume na ginagamit ko noon pero nagswitch ako. Zera and I have the same taste when it comes to fashions and such. Kaya rin siguro noong bata kaming dalawa ay napapansin namin ang isa’t isa dahil sa mga pagkakaparehang gamit namin.
“You’re going out with my Kuya Toshi?” She asked me in her usual voice, soft yet stern.
“Not anymore.” Sagot ko lang at itinuon ang tingin sa laman ng aking bag. Inilabas ko ang ballpen at notebook roon para makapagtake down notes ako mamaya.
“You really need to stop. You’re not my Kuya’s type.”
Literal na umarko ang aking kilay at napatitig sa kanyang buhok. Hindi ito lumilingon at nasa harapan rin ang buong atensyon habang nakasandal sa kanyang upuan.
“Pampalipas oras ko lang rin naman iyon. Just to kill time…” Paliwanag ko at ayaw magpatalo sa lumalabas sa kanyang bibig.
“Such a waste.” She murmured.
Hindi na ako sumagot pa at nalunod sa malalim na pinag-iisip ko. I’m not his type? Really? How about the kissing part Toshi? Of course, Irah. Kissing is just a normal thing for them. What do you expect on those expert playboys?
At ba’t ba ako maniniwala rito kay Zera? I know her too damn well. She’s mean. Kung pwedeng gumawa gawa siya ng kwento para lamang makapanakit ay gagawin niya.
Sa sumunod na subject ay kaklase ko na naman si Zera. We just look at each other like we’re both strangers saka rin mag-iiwas ng tingin. Hindi kagaya noong highschool pa kami na nagdedebatehan at nagsisiirapan, ngayon ay nag-aangatan nalang ng kilay. I don’t really hate her and I don’t like her either. It’s always inbetween. Kung ano man ang away na namagitan sa amin noon, parte lang iyon ng pagiging bata.
Ang aking break time ay ginugol ko sa loob ng library. I did some advance research on my upcoming lessons lalo na’t nagdrop na ng lessons ang ibang Prof.
Nag-uusap kami ni Zera pero maliliit lamang at hindi na nag-iimikan pagkatapos. Last time, she borrowed a pen to me. The other day, ako naman ang nanghiram ng marker. Kung may nagtatanong sa amin kung close kami, parehas lamang ang sagot namin. Hindi.
Sa library rin ang palagi kong bagsak tuwing breaktime. Tahimik kong nililipat ang mga pahina nang bigla nalang may umupo sa aking harapan. I wouldn’t mind a joiners pero tumikhim ito para kunin ang aking atensyon.
Naging linya agad ang aking mga kilay nang makita ko ang imahe ni Hiro. Sa mga magpipinsan, isa siya sa masasabi kong hindi friendly pagdating sa babae. Madalas ko na ngang nakakasama sa subjects ko ang kapatid niya tapos pati ba naman rito sa loob ng library?
Gumala ang aking tingin sa paligid at nakita ang iilang bakanteng upuan. Ibinalik ko ang aking tingin sa kanya at nakita itong seryosong nakatitig sa libro pero mukhang hindi naman iyon binabasa.
“Nandito ka para magpapapansin?” Tanong ko na ikinaangat ng mga mata niya. Iyon lamang ang gumalaw para tingnan ako.
Hiro’s feature were a bit different compared to Toshi. Siya itong nakapaskil sa mukha ang pagiging arogante at mababasa sa mga mata ang pagiging dominant. He acts like a prince who has nothing but his charms.
“Assuming.” Sabi niya na ikinaangat ng aking kilay.
“Maraming upuan pero sa harap ko pa mismo napili mong umupo. Are you trying to seduce me with your looks?”
He stared at me for awhile. Bumagsak rin muli ang kanyang mga mata sa libro at inilipat ang pahina.
“Ganito mo rin ba tratuhin si Toshi? Or you’re more tamed?” Tanong nito sa kalmadong boses na ipinagsalubong ng aking kilay.
Pinagti-tsismisan ba ako ng magkapatid na ito kaya parehas sila ng bukambibig na pangalan. Kalat sa kanila? O sila lang ang nakakaalam?
Hindi agad ako nakasagot kaya muli siyang nag-angat ng tingin sa akin.
“I see… So he’s your weakness?”
Tumalim ang tingin ko sa kanya. He placed his hand on his chin and stared at me lazily.
“Missing him?”
Sa magpipinsan, si Hiro ang hindi ko lubusang maintindihan. He got this manipulative stare that would confuse you if he stares at you. Palagi iyong may pinupunto na may alam siya tungkol sa’yo kahit na hindi naman kayo gaanong close.
May kinuha siya sa kanyang bulsa at inilapag sa aking harapan.
“Toshi’s condo unit.” Sabi niya pagkatapos ilapag ang isang card.
I stared at it for awhile. What’s this? Is he helping me? Pero sa nangyayari sa aming pamilya ngayon, hindi ko rin masasabing concern lamang siya. Kung may binabalak man siya, ano naman ang mapapala niya?
“Why are you giving that to me? I don’t need it.” Iniusog ko iyon papalapit sa kanya.
“Pinapabigay ng pinsan ko.”
Kumurap ako sa kanyang sinabi saka siya ngumisi.
“I’m amused seeing some emotions on your dark and mysterious eyes everytime you hear his name.” Tumagilid ang kanyang ulo at kakaiba na ang tingin. “Inlove?”
Hindi ako makapaniwalang mas nosy pa siya kumpara sa kanyang kapatid na pinagtutulakan pa ako palayo kay Toshi. Palagi noong pinapaalala sa akin na hindi ako type at kung ano ano pang mga salita na maaari kong ikaturn-off.
But Hiro, smirking and telling me some shit is seriously creepy.
Tumayo siya at yumakap muli ang pagiging seryoso sa kanyang mukha.
“Just throw it if you want.” Sabi niya lang saka rin umalis.
Okay? He’s acting weird. So Toshi told him to give this to me? For what reason? Pwede niya naman akong puntahan mismo ah?
I don’t want to get trick by that creepy Delafuente. Kung ano man ang pakulo nilang dalawa ay hindi ako kakagat. But the excitement I felt is just too much! It’s unbearable! I wanted to see him… Gusto ko siyang tanungin kung anong nangyari at naging cold siya sa akin. He left me hanging. Nasaan na iyong mga paasa niyang salita pagkatapos ay bigla niya akong iiwan sa ere na kahit ako ay hindi alam ang rason? Gago talaga.
I kept the card. Ilang araw ko iyong tinititigan at pinag-iisipan kung pupuntahan ba. My mind were bombarded with so many thoughts. Ano Irah? Maghahabol kana naman?
It was a foolish act to chase someone who don’t even want to be with you. But I just can’t let him be happy with that girl after what he said to me! He said we need to slow down! Pero hindi kasama sa plano namin ang pagiging cold niya! You really got the nerves to trick me huh…
Nagdoorbell ako sa pamilyar na numerong nakikita ko sa itaas. Malaki at maraming floors ang building na aking pinuntahan. As far as I know, the Delafuente owned a condominium. Hindi ko alam kung ito ba iyon pero base sa aking obserbasyon ay mukhang sa kanila nga.
It was already 5 pm. By 4 ay tapos na ang aking mga subjects. College na ako kaya hanggang 10 na ang aking curfew.
Ilang sandali lamang ay bumukas iyon. Napakurap ako sa imahe ng lalakeng bumulaga sa akin. He’s wearing a sweat pants and a plain black tshirt paired with a black indoor slipper. Ang buhok ay medyo magulo pero maayos namang tingnan.
Sa kanyang reaksyon, masasabi ko talagang hindi niya ineexpect ang aking imahe. His brows furrowed as his face was embrace with so many questions.
“I asked your condo unit on your cousin.” Pagsisinungaling ko.
“Who?” He asked in his baritone voice. Damn…
Ipinagkibit ko iyon ng balikat at ngumisi. So Hiro lied? Anong rason niya? Damn it. They’re really manipulative!
Tumagilid ang aking ulo at sinilip ang loob. Mukhang mag-isa lamang siya.
Ibinalik ko muli ang tingin sa kanya. Mukhang may gusto itong sabihin pero katulad noon ay tahimik niya lamang akong pinagmamasdan, kunot noo parin at pinapakiramdaman ako.
“Sige. I need to go.” I smiled at him and turn my back.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at sana ay gumana ang aking iniisip. Kung wala siyang pakialam sa akin ay hahayaan niya akong umalis. Na sa bawat paglalakad ko ay bumibigat lamang ang aking pakiramdam dahil hindi ko naririnig ang kanyang boses.
“Irah.” Tawag niya na ikinatigil ko agad. Sino ngayon ang hindi aasa kung sa tuwing hinahabol kita ay humahabol ka rin pabalik?
And for the nth time, my heart trick my mind again. Go for it.
Lumingon ako, itinago ng husto ang damdamin, ang nararamdaman kong inis at galak na nagkakahalo na naman dahil sa kanya.
“Hmm?”
Sumenyas siyang bumalik ako kaya iyon ang aking ginawa. Gusto kong tumakbo para makarating agad sa kanyang harapan at yakapin ito pero sinikap kong magpigil. Sa nangyayari sa aming pamilya ngayon, sa sinasabi ni Daddy na baka ay gumanti sila, sinikap kong magdahan dahan. I wanted to know everything and I wanted to prove that Daddy was wrong about him.
Binuksan niya ng malaki ang pinto kaya pumasok ako. Nauna siyang maglakad at nagtungo sa sofa. Malaki ang loob ng kanyang condo at kitang kita ang labas dahil sa transparent glass na may mahahabang kurtina na ngayon ay nakahawi. The color were mixed with black, white and gray, mula sa carpet na itim, sa sofa na gray at sa kurtinang kulay puti.
Gusto kong magtanong ng marami sa kanya. Gusto kong klaruhin agad lahat pero palagi kong naririnig ang paalala ni Daddy sa akin… They might get even.
“May kasama ka rito?” Tanong ko na ikinailing niya.
“I am busy with work at mag-isa lang. Kakauwi ko lang.” Paliwanag niya sa akin, kalmado ang mukha at hindi ko na naman mabasa ang iniisip.
By looking at him, his body proportion really change. Na sa bawat pagdaan ng panahon ay magbabago siya at masasampal sa akin ang reyalidad na nagkakagusto ako sa lalakeng malaki ang agwat sa akin.
Naroon siya sa sofa, pinagkukuha ang kanyang gamit saka siya tumingin sa akin. Nagets ko agad iyon at nagtungo roon para umupo.
“Hungry?” Tanong niya na ikinailing ko at tipid na ngiti ang naibigay.
Tumango siya saka binasa ang pang-ibabang labi. Sinundan ko siya ng tingin, ang malapad na likod at ang kabuuan ay mukhang nagbago na.
Pumasok siya sandali sa isang kwarto dala dala iyong mga gamit saka rin naman lumabas. Umupo siya sa aking harapan at katulad ng kanyang nakasanayan kong posisyon niya ay itinukod niya ang magkabila niyang siko sa kanyang mga hita saka ipinagsalikop ang mga kamay.
Naging tahimik ako ng ilang sigundo. Siya naman ay nasa sahig lang rin ang tingin, mukhang malalim rin ang iniisip.
“First year college kana…” Panimula niya.
Tumango ako at sinisikap na pigilan ang puso kong humahataw na naman sa mga simple niyang sinasabi. When will I see those storm he keep on hiding? Gusto ko talagang dumating ang araw na sumabog siya. Na makita ko lahat lahat ng emosyong kinukubli niya.
“How’s your subjects?” Tanong niya sa baritonong boses.
“Mabuti naman…” Sagot ko at hinawi ang aking buhok paatras.
Tumango tango siya saka binasa ang pang-ibabang labi.
May namuong katahimikan ulit sa aming pagitan. Humalukipkip ako sa sofa, tinitigan siya ng matagal. Umangat naman ang isa niyang kamay at hinahaplos na ang kanyang panga. Kinagat niya sandali ang kanyang labi pero papakawala rin ng malalim na hininga.
“Why did you come here?” He asked with the tone of curiousity.
“Dahil namiss kita?” Hindi ko siguradong sagot at sapat lamang iyon para magsalubong ang kanyang kilay. Ang mukha ay niyayakap na ng pagkalito.
“You’re not sure…” Humilig siya sa likod ng sofa at nakipagsabayan sa paninitig sa akin.
“Namiss kita kaya ako nandito.” Pag-uulit ko na ipinagsalubong lalo ng kanyang mga kilay.
Nang hindi niya nakayanan ang aking mga mata ay suka siyang sumuko at nag-iwas ng tingin. Itinukod niya muli ang mga siko sa kanyang hita at nahilamos ang kanyang mukha. What’s making him so frustrated?! Bakit ba wala siyang sinasabi sa akin?
“At nandito ako dahil pinangakuan mo ako noon Toshi! You told me we’ll slow it down! Pero bigla bigla kang magiging cold at hindi na magpaparamdam!” Sigaw ko na. Hindi nakaya ang ikinukubli ko. I wanted to clear things out. Palagi nalang akong pinapatay ng aking damdamin para sa kanya pero siya itong tila walang pakialam!
Nahilot niya ang ulo at napaawang ang bibig para bumuga ng hininga. Lumukot ang aking ekspresyon.
“Why do you keep on chasing me like you’re madly inlove with me and then you’ll end up with another man?” Now his voice was hard and stern. Nang mag-angat ito ng tingin ay may galit na.
“Ano ba talaga Irah? Nakikita kong baliw na baliw ka sa akin pagkatapos malalaman ko may kasama kanang ibang lalake!” His voice thundered as anger were shown on his face.
“Dahil hindi pa naman tayo noon! Wala ka namang kinaklaro.”
“Tangina.” Humalakhak siya pero wala na akong marinig na pagkatuwa roon. Naibagsak niya ang sariling ulo sa likod ng sofa at doon nahilamos ang mukha.
Lumunok ako ng laway at nahawakan ng mahigpit ang aking palda. Doon ako kumuha ng lakas at sinikap itago ang takot.
Nailing siya at tumayo. Ang isang kamay ay nasa beywang na. He got his smirk without any humor as his strong jaw tightened.
“That’s understable! Dapat ay hindi kana nakikipagkita sa kahit sino dahil nagkakamabutihan na tayo!”
“Then why did you stop from pursuing me?!” Tumayo narin ako at pinantayan ang kanyang galit.
Sandaling huminahon ang kanyang mukha at nag-iwas ng tingin. Binasa niya ang pang-ibabang labi saka nailagay ang dalawang kamay sa kanyang batok.
“Bakit ka tumigil?” Mahinahon kong tanong, ang mga mata ay namumungay na.
“Dahil hindi mo naman ako siniseryoso.” Matabang niyang sagot na ikinalunok ko ng laway. Iyon ang tingin niya sa paghahabol ko na parang baliw sa kanya? Laro ang tingin niya sa pinaggagawa ko?! Crap…
23rd TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Venus Ilacer. Happy reading!
Bisita
Nanlumo ako sa kanyang sinabi. Lahat ng aking kagagahan at kabaliwan, tingin niya ay isang laro lamang. Nang makita niyang natigil na ako ay nagloosen ang kanyang balikat na kahit ang mukha ay huminahon.
“Ang akin lang, h’wag kang nakikipagkita sa iba.” Mataman niyang sabi at kalmado na hindi katulad kanina.
“Isang pagkakamali ko lang ay titigil kana agad? You didn’t even let me explain…” Mariin ko siyang tiningnan.
“It’s confusing…” Pabulong niyang sabi saka nahipo ang batok.
Namungay ang aking mga mata at nag-angat ng tingin sa kanya. Sinalubong niya ang aking tingin, ang mukha ay seryoso na naman.
“Ano bang nakakalito?” Naguguluhan ko naring tanong.
Umiling siya at nakagat ang pang-ibabang labi. Nalaglag ang aking tingin sa kanyang braso at hinawakan iyon. Namungay narin ang kanyang mga mata at mariing napapikit. He pushed his head back as he swallowed hard. May epekto naman pala ako sa kanya pero bakit nagpipigil siya sa lahat?
“Can we…” I bit my lowerlip, “Can we start again?” Naging mahina na ang aking boses.
“This time… I’ll get serious… Kung ayaw mong mang-entertain ako ng iba hindi ako mang-eentertain.” Sabi ko.
“You don’t have to ask about it. We’ll start.” Seryoso niyang sabi na nagbigay ng kung anong kiliti sa loob ng aking tiyan.
My eyes twinkled when I heard those words. Nag-angat agad ako ng tingin sa kanya.
“We will?” I asked calmly.
Kinuha niya ang aking kamay sa kanyang braso saka niya unti unting pinadausdos ang kanyang mga daliri sa aking palad at hinaplos ang likod noon.
Nalaglag ang aming mga mata sa aming kamay. He was caressing it gently like his life depend on it. Na isa akong babasaging bagay na dapat niyang ingatan. Ganoon ang nakukuha kong pakiramdam sa kanyang haplos na nagpapatunaw ng aking puso.
He nodded as he smiled. “We will.”
Nabigyan ulit ako ng pag-asa nang dahil doon. Na sa t’wing maghahabol ako ay may napapala naman ako. Kung hindi ako gumawa ng unang galaw ay baka hanggang ngayon ay puro pantasya nalang ako.
I look like a desperate bitch. I know. I never done this with someone else. Iyong mabaliw sa lalakeng hindi ko alam kung seryoso ba sa akin o pinaglalaruan lang ako. Palagi akong natatangay ng sarili kong nararamdaman at palagi akong nagpapatangay. I am letting myself drown in my own feelings for him. Matino naman ang aking pag-iisip at alam ko namang katangahan ang ganito pero anong magagawa ko… hulog na hulog na ako at nababaliw na ng husto.
We’ll start again. At sa nagdaang araw ay malinaw na sa akin ang katagang iyon. Ni isang lalake ay wala na akong inientertain sa school kahit na minsan ay ibinubugaw pa ako ni Zera. Alam niyang nagkikita kami ng kanyang pinsan dahil mukhang may ediya rin siya sa nangyayari. Maybe Hiro told her about it. Ewan ko ba sa dalawang iyan…
“I-Irah…” Isang kaklase kong lalake sa Economics ang bumalandra sa aking harapan habang kumakain ako sa cafeteria. Namataan ko pa ang paglingon ni Zera sa kabilang mesa at pasimple akong sinulyapan rito.
Ibinalik ko ang tingin sa lalakeng pinapamulahan ng pisngi. Hinimas niya ang kanyang batok at ngumiti sa akin. I heard Zera’s devil laugh. What did she do?
“Crush mo pala ako…” Panimula noong lalake at nagawa pang tumawa dahil sa kilig.
Nagkasalubong na talaga ang aking kilay lalo na’t lumalakas na ang malademonyong tawa ni Zera. Siya na naman ang may pakulo nito? Binubugaw na naman ako.
“Free ka mamayang hapon? Ililibre kita.” Nagagalak na sabi nitong lalake na medyo tan skin at may mukha pero walang hitsura.
“Don’t you know that Zera is a bitch and a liar?” I glanced at her side, raises my brow and eyed the guy again. “Shoo.” I gestured him to leave.
Ang lalake ay nalaglag ang panga at namula ang pisngi. Sa sobrang pagkakapahiya ay deri-deritso na ang lakad nito palabas.
Nasuklay ko ang aking buhok paatras at nailing nalang sa bwesit na babaeng mahilig akong ireto sa kahit sinong jologs dito. Elle is somehow tamed and a bit nice unlike that whore named Zera.
Ilang sandali lamang ay nasa aking harapan na ito. Inilapag niya ang kanyang tray at ngumisi sa akin.
“Gwapo non ah?” She said sarcastically.
I rolled my eyes. “H’wag mong pinapasa sa akin ang mga taste mo sa lalake.”
Hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin at sumubo pa ng pagkain sa aking harapan. Nalaglag ang tingin niya sa aking pagkain saka rin napangiwi.
Hindi naman ito umimik pero hindi ko na magawang magbasa ng maayos dahil nandito siya. Si Elle kasi ay hindi match ang breaktime sa kanya kaya siguro ako ang pinipeste. Kaklase ko ito sa huli kong subject pero hindi kagaya ni Zera ay hindi talaga ito namamansin sa akin. She’s treating me like I’m a complete stranger to her at ganoon rin naman ako sa kanya.
Sinarado ko ang libro at inilagay iyon sa aking gilid. Kinuha ko ang tinidor at nagsimulang kumain. I ordered low calories food. Ni kanin ay wala ako.
Ilang sandali lamang ay pumaibabaw ang tawa ni Ken sa may entrance. Literal na naigulong ko ang aking mga mata habang si Zera naman ay bumusangot, mukhang hindi nagugustuhan ang nakikita sa aking likuran.
“Si Zera oh,” si Ken.
“Oh may kaibigan kana Demonisse?” Tanong pa nito nang tuluyang makalapit sa aming gawi. Sa gilid ng aking mga mata, nakita ko ang dalawa nilang imahe.
Nakita ko ang pagkakagulantang ni Ken nang makitang ako iyon. Nahawakan niya pa ang kanyang dibdib at umaktong sobrang nakakagulat ito sa kanya.
“Ano ’to? Magbestfriend na ang dalawang pinaglihi kay Satanas?” Ken chuckled.
Hiro just stared at us. Naasiwa ako roon, sa mga Delafuente na nakapaligid sa akin kaya di ko na tinapos ang aking pagkain at tumayo na.
I don’t want to meddle with them. Kahit na okay ang aming mga pamilya o may away pa, normal parin ang pagtrato ko sa kanila. Ayoko lang talagang naaattach sa kahit sino.
Gabi na noong nadatnan ako ni Daddy na nasa sofa at sinasagutan ang sarili kong mga assignments. Sa gilid ko naman ay naroon ang aking cellphone, naghihintay sa text ni Toshi.
Kakauwi lamang nito galing sa isang hearing at nakaformal attire pa. Tumabi siya sa akin habang kinakalas ang necktie at nakatitig narin sa aking pinaggagawa.
“How’s your hearing, Dad?” Nilingon ko ito sandali saka ko rin ibinalik ang tingin sa librong kinukunan ko ng sagot.
“It went well. Where’s your Mom?”
“Nasa kusina po. She told she’ll prepare something for me while I’m doing my assignments.” Sabi ko.
Lumingon siya sandali sa may kusina pero ibinalik rin sa akin ang tingin. Sa gilid ng aking mga mata alam ko ng may alam na naman siyang hindi ko alam na alam niya.
“You’re chasing that man again.” Sabi niya sa baritonong boses. Walang galit at wala namang nahahalong ibang tono. Normal niya lang iyong sinabi.
Ngumuso ako at natigil sa pagsusulat. Nilingon ko siya at sumimangot.
“But you’re not doing anything to stop me. Why?”
Iyon ang ipinagtataka ko kay Daddy. Sa tuwing nahuhuli niya akong may bagong lalake o boyfriend ay gumagawa agad siya ng paraan mailayo lamang iyon. Pero simula noong naibaling ko ang buo kong atensyon kay Toshi, mukhang hinahayaan niya na ako. And it’s scaring me… It’s like he’s up to something…
“Hahayaan kitang matuto sa pag-ibig sa pamamagitan ng karanasan mo.” Sabi niya, ang mga matang dumerikta sa akin ay masyado na namang misteryoso.
“W-What do you mean Daddy…” Napunta ang aking mga mata sa paghila niya sa kanyang necktie at binuksan ang dalawang botones ng polo.
“For you to learn it in a hard way. Maybe you’ll stop if you get hurt.” Umangat ang isa niyang kilay ay ang sapatos naman ang pinagtuunan ng pansin para hubarin iyon.
I wanted to chuckled. Gusto kong matawa ng mapakla at amining nasasaktan na ako pero parang ayaw akong hayaan ng aking boses na pumakawala ng ganoong reaksyon.
“Why would I even stop? I want him…” Pag-amin ko.
“Does your want wants you?” He asked me with the tone of mockery.
Nag-iwas ako ng tingin kay Daddy at napunta ang mga mata sa kandungan ko. Wala akong maisagot roon dahil ang lahat ay wala pa namang kasiguraduhan sakin. Does he really wants me?
“Don’t chase love. Let love chase you younglady.” Dagdag pa ni Daddy na alam niya lahat ng pinaggagawa ko.
I swallowed. I’m wrong again, right? I guess I’m good at everything but I’m bad at love. Doon ata ako bumagsak.
I sighed. “Itinigil ko naman. Sabi mo layuan ko siya. Isang taon na iyon Daddy. But look at me? Para iyong isang sakit na hindi ko mahanapan ng lunas at kumakalat sa sistema ko. He’s like a virus!” I said firmly.
Nailing si Daddy. Nakadekwatro na para hubarin naman iyong isang sapatos.
“Kung gaano kalalim ang pagmamahal mo sa isang tao, ganoon rin kalalim ang sugat na matatamo mo pag sinaktan ka nito.” And then he glanced at me. “Just make sure I won’t see you crying. Just make sure Irah…” Paalala niya at may pagbabanta na ang boses kasabay ng pagdilim ng kanyang mukha.
Natakot ako sa binitiwang salita ni Daddy. Kahit mas kalmado si Daddy kumpara kay Tito Dos, alam kong nakakatakot parin itong magalit. Ayokong dumating ang araw na matulad si Toshi sa mga lalakeng nasaktan niya dahil lamang nahuli nitong nilalandi ko. But Toshi is way older than them! They’re jerk!
“You’re home!” Pumaibabaw ang boses ni Mommy sa likod ng sofa. Paglingon ko ay nakayuko na ito, hawak ni Daddy ang likod ng ulo ni Mommy at mukhang naghahalikan na ang dalawa.
Itinuon ko ang tingin sa aking ginagawa at nagsimula ulit magsulat. Maeetchapwera na naman ata ako…
“You look tired. Masahiin kita?” Tanong ni Mommy sa malambing na boses.
Inilapag ni Daddy sa aking tabi iyong kinuha niyang bowl na hawak nito saka ko binalingan ang mga nakalagay na cookies roon.
“Sa kwarto nalang.” Si Daddy.
Kapwa ko sila nilingon. Namumula na ang pisngi ni Mommy habang si Daddy naman ay inangatan pa ako ng kilay.
“Natapos mo na ang assignments mo, Irah?” Pag-iiba nito ng topic.
Umiling ako. “Pwede niyo na akong iwan dito. I’ll be fine.” Sabi ko dahil mukhang nakapaskil narin sa mukha nito na gusto niya ng magsolo ni Daddy.
“Patulong ka kaya sa Daddy mo…” Si Mommy habang ang mga kamay ay namamahinga na sa balikat ni Daddy.
“Nope. I can handle this, Mommy.” Sabi ko.
“Hindi rin kita tutulungan. That’s your duty as a student.” Si Daddy naman.
“Pero tinutulungan mo ako noon ah?!” Pasigaw na sabi ni Mommy. Ngumisi ako. So she’s really a slowpoke? Ang sarap rin siguro maging slow at magpatulong ng aking assignments kay Toshi kaso ayokong dumagdag sa mga ginagawa niya lalo na’t kaya ko namang sagutan iyon.
Tiningala siya ni Daddy. “Pag di kita tinulungan, babagsak ka.” He said surely.
“Hey! Don’t say that infront of our daugther! Matalino rin kaya ako…” Ngumuso si Mommy nang mag-angat rin ako ng tingin sa kanya.
“Matalino sa paggawa ng mali?” Pagtatama ni Daddy na ikinasimangot talaga ni Mommy ng husto.
“Grabe kana ha! Bahala ka nga diyan!” Akmang aalis na si Mommy nang bigla nalang siyang hinila ni Daddy. Nahulog ito papunta rito sa sofa hanggang sa mapaupo na siya sa kandungan ng aking ama.
“Ba’t hindi natin ito pagdebatehan sa loob ng kwarto?” Daddy smirked as he hold her both legs and gave her a peck.
Mabilis kong pinagsasara ang aking notebook at libro saka ito pinagpapatong. Ipinatong ko narin iyong hinandang cookies ni Mommy para sa akin at tumayo na.
“Good night, Mommy Daddy!” Saka rin ako tumalikod para wala ng masaksihan na kung anong pinaggagawa nila.
“Good night, Irah!” Sigaw ni Mommy bago natikom ang bibig.
Sa napapansin ko kay Daddy, kahit pagod ito sa trabaho ay nabibigyan niya pa naman ng oras si Mommy. And my Mommy is so lucky to have a husband like my Daddy. Naisip ko tuloy kung ba’t hindi iyon magawa sa akin ni Toshi. Ganoon ba siya kabusy?
Pagpasok ko ng kwarto ay sakto rin namang tumawag si Toshi. Mabilis kong nailapag ang aking mga dala saka iyon sinagot. Ang ngiti ay agad na gumuhit sa aking labi.
“Hey!” Nauna kong bati.
“Why are you still awake? What time is it?” Pagod ang boses nito at medyo malalim.
Ngumuso ako. “May ginagawa kasi akong assignments.”
“Done?”
“Hindi pa. Pero malapit na.”
“I’ll just call you later. Tapusin mo na muna.” Sabi niya na ikinasimangot ko.
“May ginagawa ka parin?” Tanong ko sa bigong boses.
“Kakauwi ko lang. Marami akong ginawa kanina kaya late na ang mga reply ko.” Paliwanag niya.
“If only I was there… Pwede kitang masahiin!” Sabi ko na ikinatahimik nito ng ilang sigundo sa kabilang linya.
“Tatanggalin ko ang pagod mo.” Dagdag ko pa na ikinabuntong nito ng malalim na hininga.
“You’ll do that?” He asked in his deep voice.
“Syempre. And I’ll be gentle…” Pilya kong sabi saka rin humalakhak.
“Just finish your assignment first and we’ll talk again later.” Sabi niya na agad rin namang ikinabura ng ngiti sa aking labi.
“Sige…”
“Okay.” Saka niya pinatay ang tawag.
I don’t know why it suddenly hurt me. He’s acting hot and cold. Minsan pakiramdam ko parehas kami ng nararamdaman pero minsan naman ay ako lang itong mag-isang umaasa. Or maybe I am just overthinking. Maybe kaya ako paranoid kasi wala namang kasiguraduhan sa aming dalawa.
Binilisan ko ang pagtapos ng aking assignment at agad na tumunganga sa aking cellphone. Sa bumibigat kong mga talukap, sinikap kong maghintay sa kanyang tawag sa oras na kakatuntong lamang ng alas-onse. Nagising nalang ako kinabukasan na umaga na at ni isang text o tawag ay walang natanggap.
Nagtipa nalang ako ng mensahe para batiin ito ng good morning saka rin ako naghanda sa aking pagpasok.
Ikawalang subject na noon nang makatanggap ako ng mensahe sa kanya. Mabilis rin naman akong nagreply nang makita ko ang prof na abala sa pagsusulat.
Toshi: Hey, morning. Hindi na kita natagawan kagabi dahil nakatulog na ako.
Iyon naman pala…
Ako: It’s okay! I know you’re tired!
Hindi narin naman agad ito nakareply kaya nagconcentrate ulit ako sa aking subject. Panay naman ang paglingon sa akin ni Zera sa isang subject namin kung saan ay katabi ko ito at kanina ko pa napapansin iyang mga mata niyang napapatingin sa akin ng bawat minuto.
Natigil ako sa pagsusulat ng kung ano at inangatan siya ng kilay.
“Ano?”
Umiling siya. “Hindi lang ako masanay sanay sa pangit mong mukha.”
Inarko ko agad ang aking kilay.
“Talaga? Eh ba’t sanay na sanay kang dalhin ang pangit mong mukha?”
Hinawi niya ang kanyang buhok at hindi man lang gumuhit ang pagkainsulto.
Itinuon ko ulit ang aking tingin sa aking notebook at nagpatuloy sa pagsusulat.
“Bakit blooming ka? Wala ka namang kalandian dito ah?” Tanong niya ulit, ngayon ay mukhang seryoso na.
“It’s a secret. I don’t trust ugly people.” Kalmado kong sabi at hindi na ito tiningnan pa.
“That’s sad. You don’t trust yourself…” she said softly.
I just rolled my eyes. Nawala nga si Franca sa aking tabi pero may pumalit naman, mas klaro ang sungay sa ulo at isang tunay na demonyita.
“Nagpapaloko ka kay Kuya Toshi eh may iba iyon.”
Natigil ako sa pagsusulat at nilingon ito. She just smiled at me sweetly.
“Nagmumukha kana ngang tanga, niloloko ka pa. That’s so sad…” She even fake a sad face.
Zera is mean. Iyon ang pagkakakilala ko sa kanya. Gagawa ito ng kwento makita niya lang na nasasaktan ka. At sa araw araw na nakakausap ko ito ay nasanay na ako.
“Do I have to fake some tears now?” Sarkastiko kong tanong na ikinaikot agad ng kanyang mga mata.
Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat saka ko ibinalik sa kanya iyong hiniram kong libro. Tinatamad akong kunin iyong akin sa locker room.
“Nasa second paragraph ang sagot sa first question. Ang second at third question ay nasa 5th paragraph, ang fourth ay ipaliwanag mo lang iyong title at ang fifth ay nasa third paragraph.” Sabi ko habang ibinabalik ang aking notebook sa loob ng aking bag.
Pinasadahan niya ng kanyang mga mata ang kabuuang pahina saka ito ngumuso.
“You don’t have to tell me. I know the answers.” Pagmamayabang niya pa.
Umiling ako. “I know you don’t.”
Hindi niya na iyon pinakinggan pa at sinunod iyong pinagsasabi ko. Hinayaan ko nalang ito saka ako tumunganga sa aking cellphone para replayan ang bagong text message roon ni Toshi.
Toshi: Baka 6 pa ako makauwi. I’ll just bring some foods.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nilingon sandali si Zera sa aking tabi na busy na sa pagsagot.
Nagtipa agad ako ng mensahe.
Ako: Mauuna nalang ako sa condo mo?
Toshi: Yeah.
Alam ko na ang kanyang passcode dahil nitong nagdaang araw ay palagi akong pumupunta roon. Isang linggo na kaming nagkikita at nakokontento na naman ako sa araw na magkasama kaming dalawa kahit na kakarampot lamang ang aming oras sa isa’t isa. I don’t know if Daddy has an idea pero hindi narin ako magtataka kung nalaman niya nalang iyon bigla.
Nauna nga akong nakarating sa kanyang condo. Halatang hindi siya madalas dito dahil hindi gaano nagagalaw ang kanyang mga gamit maliban sa kanyang kwarto. Inayos ko nalang iyong bedsheet saka rin nagmadaling lumabas nang may magdoorbell. Is that him? That’s impossible, Irah. Ba’t siya magdodoorbell sa sarili niyang condo unit?
Pagkabukas ko, ang nakangiting mukha agad ng isang babae ang bumungad saakin. Paunti-unti, kitang kita ko kung paano naglaho ang ngiti sa kanyang labi.
Nagkasalubong agad ang aking kilay at mabilis na pumasok ang maraming tanong sa aking isipan. My face darkened as my eyes stared at the girl I hated the most.
Humalukipkip ako at sumandal sa may pinto. Kumurap siya, napalunok at hindi na maipirmi ang tingin.
“It’s you… I thought I smelled garbage.” Casual kong sabi na nagpawala ng kulay ng kanyang mukha kanina.
“S-Si Toshi?” Tanong niya, bakas sa boses ang kaba.
“Di’ba ex kana?” Magaspang at may diin agad ang pagkakabitaw ko noon. My brow raised as she tried to avoid my gaze.
Itinago niya ang dalang pagkain na mas lalong ikinaangat ng aking mga kilay. Sinuklay ko ang aking buhok paatras at isinandal ang aking ulo sa gilid noong pinto.
“Nakapagtapos ka di’ba? Hindi niyo napag-aralan sa algebra ang halaga ng isang ex?” I asked her bluntly while I lazily look at her from her head to foot. She’s wearing a plain creamy dress paired with flats, nakayapos ang mga buhok at may suot na nipis na make-up. She has a body proportion like a glasshour but it doesn’t really bother me at all. Pag malaki na ako at kasing edad niya, baka malamangan ko pa.
She swallowed and eyed me. Pagod siyang ngumiti.
“Di’ba ikaw iyong pumupunta sa college building? Mukhang college kana rin ah?” Nahulog ang kanyang tingin sa suot kong uniporme at nag-angat muli ng tingin.
“I don’t like beating around the bush so lets get this straight to the point. Toshi is pursuing me. Nandito ako kasi nagkakamabutihan na kami ulit kaya ibig sabihin, wala kanang lugar sa buhay niya. H’wag kanang pumunta rito.” Klaro at may diin kong pagbibitaw ng mga salitang iyon saka isinara ang pinto, huling nakita ay ang mukha niyang putlang putla.
Sumandal ako roon at bumuga ng hangin pagkatapos suklayin ang aking buhok. Wala silang relasyon at iyon na ang malinaw sa akin dahil kung girlfriend siya ay dapat nagalit na ito. So I guess those were just rumors. Wala silang relasyon. Tapos.
24th TRICKED
T R I C K E D
Komplikado
Naging tulala ako ng ilang sigundo sa loob ng condo ni Toshi habang inaalala ang pagpunta rito ni Floren. Why did she know his condo unit? Nagkikita parin ba sila? But it seems like Floren is still his ex. Iyon parin ang label niya sa buhay ni Toshi dahil sa inasal nito sa aking harapan. Seems like she’s just like me, naghahabol rin.
Narinig kong may pumipindot na sa passcode sa labas kaya mabilis akong nagtungo sa may pinto. Pagkabukas niya noon ay napakurap na lamang siya nang makita ako sa harapan.
Bumusangot ako at humalukipkip sa may pinto. Akma siyang papasok kaya mabilis akong humarang at mas lalong bumusangot.
“Ano na naman?” Tanong niya, malambing at medyo pagod ang boses na kahit ang ulo ay tumagilid na para masilip ng buo ang aking ekspresyon.
“Floren went here.” Panimula ko na ikinaangat ng kanyang kilay.
“And?”
“At pinaalis ko. I told her we’re dating.”
Wala siyang naging reaksyon roon. I don’t know if he doesn’t care about it o ayaw niya lang magpahalata.
Akmang papasok siya sa kabila kaya mabilis ulit akong humarang roon. He sighed and crouched a bit just to level me.
“I wouldn’t pursue you if we’re dating.” Pag-amin niya saka hinawakan ang aking baba. “You look like you’re so jealous…”
Tumango ako. “I am.”
He chuckled and pushed his head towards me. Ang kamay ay nasa likod na ng aking ulo para itulak rin iyon papalapit sa kanya saka niya ako dinampian ng isang halik. My both arm loosened as I felt his gentle lips moving slowly.
Umatras siya hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa loob saka niya isinara ang pinto gamit ang kanyang paa at doon rin tumigil sa paghalik sa akin.
Lasing na lasing pa ako sa kanyang halik nang mapagtanto kong ginawa niya lamang iyon para linlangin ako at makapasok siya.
Ipinakita niya sa akin ang dalang plastic bag. “I brought some foods. Let’s eat.” Ngumisi siya at binasa na ang pang-ibabang labi. Umirap naman ako.
“I am not hungry.” Nauna akong magtungo sa sofa at umupo roon.
Narinig ko naman ang yabag ng paa niyang patungo na sa countertop.
“Nabusog ka sa kakaselos mo?” Sambit niya habang hinuhubad ang itim na coat. I rolled my eyes when I saw his well defined back. Tanging nipis na puting tshirt nalang ang natitira.
“I am more prettier than her. Pag nasa tamang edad na ako, mas malalamangan ko pa ang katawan noon kaya ba’t naman ako magseselos?” Inis kong sabi saka muli siyang sinipat ng tingin sa harap ng countertop.
He was there, preparing the food. I even saw him licking his thumb and found my eyes watching him closely. Lumunok ako ng laway at nag-iwas ng tingin saka ipinatili ang nakabusangot na mukha.
Ilang sandali lamang ay nagtungo na siya sa aking inuupuan at tumabi sa akin.
“I’ve seen your photoshoots. Pinagpapatuloy mo parin pala iyang pagmomodelo mo?” Pag-iiba niya ng topic.
Gustuhin ko mang pag-usapan naming dalawa si Floren ay isinantabi ko nalang rin iyon. We might end up arguing at small things kaya h’wag nalang.
“Oo naman. Gusto mong manood ng live sa susunod na summer?”
“Titingnan ko. You know I’m busy…” Rason niya na ikinawala ng sumilay na liwanag sa aking mga mata. Yeah… He’s busy.
Tumango ako at tipid na ngumiti. Tiningnan niya ang relo saka niya rin inilipat sa akin ang tingin.
“You need to go home early. Ihahatid kita ng 8 para magawa mo ang mga assignments mo at makatulog ka ng maaga.” Paliwanag niya na halos ikangiwi ko.
I don’t know if it’s just my strong intuition o may iba pa talaga siyang plano mamaya kaya maaga niya akong pinapauwi. Sa pagpunta ni Floren dito kanina, nasigurado kong nagkikita pa nga silang dalawa hanggang ngayon.
“Matutulog ka ng maaga dahil pagod ka?” I asked him with so much curiousity.
Umiling siya. “I need to finish some documents.”
Dumako ang aking tingin sa braso niyang maugat at kinuha iyong bowl kung saan niya inilagay iyong pagkain. Inangat niya ang kubyertos saka ako sinubuan. Tahimik akong kumain, ang mga kamay ay nakahalukipkip parin.
Toshi bit his lowerlip while watching me. Nang hindi siya makontento ay humarap siya ng buo sa akin, ang isang hita ay nakapiko na sa may sofa, iyong isa naman ay nakasayad sa sahig habang ang isang kamay ay nakapatong na sa headrest ng sofa at ipinatong ang baba roon, malalim ang tingin sa akin.
“Do you think I have some plans later?” He whispered deeply as his eyes lazily darted on my lips.
Ngumuso ako at naging mabagal ang pagnguya.
“Hindi ah… Alam ko namang sobrang busy ka lang talaga sa trabaho mo.” Matabang kong sagot pagkatapos kong lunukin ang aking kinakain.
Naging tahimik siya ng ilang sigundo at mukhang natatangay na naman ng kanyang pinag-iisip. Binalingan ko siya at humarap narin ng buo. Nag-indian squat ako saka nalaglag ang aking mga mata sa kanyang tuhod. Napunta ang aking kamay roon at gumawa ng maliliit na bilog ang aking daliri.
Bumuntong siya ng hininga at itinukod ang magkabilang kamay sa kanyang likuran.
“How’s your school?” He asked in a hoarse voice as his eyes were filled with something dark.
Nagpatuloy ako sa kakaguhit ng bilog roon at itinukod ang isang siko sa isa ko pang hita saka ko inilagay ang aking kamao sa gilid ng aking ulo.
“It’s fine… Binubwesit na naman ako ng pinsan mong si Zera.”
Ngumisi siya. “She’s your enemy since you were kids.” Tumagilid ang kanyang ulo at mukhang nasisiyahan sa aking sinabi. “Looks like you two are getting close…”
Sumimangot ako. “She’s pissing me off. Hinding hindi kami magkakasundo.”
“Kung tatanungin ko si Zera, baka iyan rin ang kanyang sagot.”
“I don’t like having a friend. Wala naman silang maitutulong sa pag-aaral ko.” Sabi ko pa at sinuklay ang aking buhok paatras pagkatapos ay ibinalik ulit iyon sa tuhod ni Toshi para gumawa roon ng panibagong bilog.
“But at least you have someone to talk to.” Sabi niya.
I wrinkled my nose. “I can survive without talking to someone for a day.”
Bumangon siya at tumuwid ng pagkakaupo. Ginaya niya ang aking posisyon hanggang sa magkalebel na ang aming mga mukha. Natigil ako sa pagguhit ng bilog roon at napalunok nang mapagtantong ang lapit lapit na ng kanyang mukha.
Ilang minuto kaming natahimik at tinitigan lang ang isa’t isa. Binasa niya ang pang-ibabang labi, umawang sandali ang bibig saka suminghap ng hangin. Damn this sexy bastard…
“I’ll fetch you on Sunday. Where do you want to go?” Tanong niya sa malalim na boses.
“Kahit saan lang.” Sagot ko, titig na titig sa kanyang labi.
Umangat ng kanyang kilay hanggang sa naramdaman ko narin ang kanyang kamay sa aking tuhod, katulad ng aking ginagawa ay marahang kumakalmot ang kanyang mga kuko roon at gumagapang na sa aking hita.
“Where?” His sexy stare were sending fire inside me. Lumunok ako at nalaglag ang tingin sa kamay niyang nasa gitna na ng aking hita at pumapasok na sa loob ng aking palda.
“Sa beach?” Hindi sigurado kong sagot, nawawala na sa sariling katinuan at hindi makapag-isip ng matino.
Binasa niyang muli ang pang-ibabang labi habang ang mga mata ay tila lasing na sa isang bagay. My breath hitched when I felt his hand travelled on the lower part of my legs. Kung kanina ay nasa ibabaw iyon, ngayon ay nasa ibaba na at naglalakbay roon.
“Sa malalalim na parte ba?” Tanong niya sa malalim at namamaos na boses.
Tumango ako at umawang ng kaonti ang labi nang maramdaman kong malapit na iyon sa parte na pinakasensitibo kong katawan.
“Sa malalim… N-Na parte ng dagat.” Pagtatama ko at nahuhulog na sa sensasyong nangyayari.
He smirked evily and stop midway. Nagkasalubong ang aking kilay at hindi alam kung anong mararamdaman. If was so frustrating that I wanted to punch him!
“Kailangan mo ng umuwi.” Sabi niya pa na ikinabusangot ko. Wow! After seducing me?!
Inangatan niya ako ng kilay kaya tumango nalang ako ng marahan. Umayos ako sa pagkakaupo at handa ng tumayo nang hinila niya akong muli at isinandal ako sa headboard ng sofa. His lips crashed with mine and started to nibble my lowerlip gently.
Naipulupot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg at mas binigyan siya ng laya sa aking labi. I tried to mimic his gentle movements as I gripped his hair, slowly stroking it.
Ang isa niyang kamay ay nalaglag na sa gilid ng aking beywang at nagsimulang humaplos roon. He was tracing the side of it as his other hand caressed my cheek.
“Fuck…” He moaned inside my mouth as his hand went down to my butt and molded it.
Ramdam ko na ang pagbigat ng aking hininga sa bawat pagtagal ng aming paghahalikan at sa ginagawa niyang panghahaplos sa aking katawan. Umawang ang aking bibig para huminga kaya lumipat ang kanyang halik sa aking panga na mas ikinatingala ko.
“We can’t do it.” He whispered to me as he showered kisses on the side of my jaw up to the side of my ear.
“Why not?” I asked nonchalantly, trying to hold my sanity but seems like I failed.
“You’ll know soon.” Saka siya bumalik sa aking labi at hinalikan muli ako ng marahan, nakakadala at napakatamis na halik.
It was frustrating to me. Gustong gusto kong higitan iyon pero may parte sa akin ang nahihiyang magfirst move kay Toshi. Para akong naging isang ignorante at walang karanasan sa make-out. He was so expert and he really know how to send shiver down my spine. Damn it!
Hinatid niya ako pauwi ng bahay. Kahit nakukulangan sa nangyari ay nakontento nalang ako. There’s always a next time, Irah! Hindi ko naman alam na pati roon ay magdadahan dahan pala kami. Okay!
“Sleep early.” Sabi niya pagkatapos tanggalin ang aking seatbelt.
“Oo naman.” I smiled at him. “Tatawag ka pa pagkauwi ko o hindi na?”
“I will. But make sure by 9, you’ll sleep.”
Tumango ako. “Sige.”
He licked his lowerlip and lean closer to give me a kiss.
“Good night.”
“Good night…” Sagot ko narin at nakagat ang pang-ibabang labi.
Sobrang saya ko noong gabing iyon na kahit nadatnan ko si Daddy sa sofa, nakahalukipkip roon at mukhang hinihintay ako ay hindi ko mabura bura ang ngiti sa aking labi.
“Daddy…” I went to him and kissed his cheek. Tumuwid ulit ako ng tayo at tiningnan ang pangalawang palapag ng bahay. Tulog na ata si Mommy.
Ibinalik ko ang tingin sa kanya na hindi nagbabago ang kalmado ngunit seryosong ekspresyon. Ngumuso ako at itinago sa pamamagitan noon ang ngiting hindi ko magawang burahin.
“Ano na namang kasinungalingan ang irarason mo kaya ka ginabi ulit?” Tanong niya.
Iyong magsisinungaling ka palang dapat pero hindi mo pa nagagawa ay nahuli kana agad. Yeah… That’s my Daddy.
“I am not planning to lie. Ginabi ako kasi galing ako sa condo ni…” I said trailing while eyeing him. Ayokong palampasin ang guguhit na ekspresyon sa kanyang mukha lalo na’t alam kong may ediya siya sa sasabihin kong pangalan.
“Nino?” Tanong niya at mukhang tinutulak lamang ako para sabihin iyon.
“Ni Toshi.” Sagot ko sa mahinang boses at nahaplos ang aking siko, ang isang paa naman ay nahimas na sa kabila.
“That guy is already working. Ikaw nag-aaral ka palang. Kung magkasakitan man kayo, mas lamang siya dahil nakapagtapos na siya at hindi iyon magiging sagabal sa pag-aaral niya kumpara sa’yong estudyante palang.” Pag-iisip na naman nito ng advance at kinakalkula agad ang sitwasyon.
“Sinisigurado ko naman na hindi ko mapapabayaan ang pag-aaral ko Daddy. Eh noon nga nagboboyfriend ako pero matataas parin naman ang grades ko. I don’t see this as a hindrance to my studies, Daddy.” Nagkibit pa ako ng balikat at siguradong sigurado na hindi ito makakahadlang sa aking pag-aaral.
“Don’t compare your fake love with this, Irah. Pag nasaktan ka ngayon, hindi mo mapepeke ang emosyon mo at mararamdan iyong kabuuan mo.” Naging madilim ang kanyang mukha at nakikipagkompetensya na sa langit ang mga matang ni isang kislap ay wala na namang mahanap.
“Why are you making me feel that being inlove is the worst thing, Daddy? You and Mom look happy. Don’t ruined my imagination please…” Pagmamakaawa ko sa mga matang namumungay na.
Tumayo ito ng tuwid at ibinulsa ang mga kamay sa sweat pants na suot. Ang itim na tshirt ay walang pinagkaiba sa mukha niyang nagiging madilim lalo.
“Lahat ng nahuhulog ay nababasag. At lahat ng nagmamahal ay nasasaktan, Irah. Get on your senses.”
Daddy never failed to ruined my imagination. Na sa tuwing nakikita niya akong masaya ay palagi niya akong sinasampal sa katotohanan. Gusto kong ipamukha kay Daddy na mali ang iniisip niya sa kahihinatnan nito, na hindi ito makakaapekto sa aking pag-aaral at hindi niya ako sasaktan. My father is just worried about me. Alam ko naman iyon pero sa t’wing nagsasalita siya ay nasasaktan talaga ako.
Sa nagdaan na araw ay naging busy ako sa mga sunod sunod na projects sa bawat subjects. Iyong bigla nalang nagkaisa ang mga prof at tambakan kami ng mga gawain lalo na’t bakante kami sa Linggo!
Asan kana Irah?
Irah nandito na kami sa park.
Ikaw nalang ang hinihintay namin.
Sunod sunod ang chat noon sa gc namin habang papunta pa ako roon. Kasama ko ang dalawa kong bodyguard na bubuntot na naman sa akin.
Nagsend lamang ako ng picture sa harapan kung saan nakikita ang daanan at isinend iyon. Hindi na ako nagtipa ng mensahe at inunang magtext kay Toshi.
Ako: May practice kami ngayon sa Fil 1 subject pero mabilis lang naman. Good morning!
I sent it and smiled. I know he’s still sleeping. Tuwing linggo ay palagi iyong late nagigising dahil bumabawi siya ng tulog. Dapat nga ay rest day niya ito pero nagyaya siyang lumabas kaya ayoko ring tumanggi dahil iyon talaga ang gusto ko, ang makasama siya sa isang araw man lang sa isang lugar.
Nakakasama ko naman siya noon sa mga outing pero nakapaligid rin naman kasi ang aming mga pinsan. Doon sa College building ay laking tuwa ko talaga at tutok rin ang dalawang kambal sa pag-aaral at hindi na ako masyadong pinagtutuunan ng pansin. Maybe they realized that I am already a grown-up lady. Si North lang naman talaga itong grabe makapangbakod pero pagkatapos noong nangyari noon ay naging malamig bigla ang dalawang kambal.
Pagdating ko roon ay nakabusangot na ang iilan. Sinuklay ko lamang ang aking buhok paatras at pinasadahan ang iilan ng tingin.
“Magsimula na tayo. Nandito na si Irah.” Sabi noong babaeng may maiksing buhok. Can’t remember her name.
“Ito ang script mo. Nandiyan narin iyong mga scenes mo.” Sabi noong kaklase kong nagngangalang Miguel at nagpresentang maging lider ng aming grupo.
Pinasadahan ko ng tingin iyong ginawa nilang script. Some lines were a bit cringey to me. Ang baduy naman.
“Pwedeng magdagdag ng impromptu na mga linya?” Tanong ko kay Miguel na nagulat pa at ang iilan kong mga kaklase ay nagsilingunan sa isa’t isa.
“May hindi ka ba nagustuhan sa linya mo? Asaan diyan?” Tanong niya at medyo pinapamulahan ng mukha nang lumapit lalo sa akin para silipin ang aking hawak.
“Lahat.” Sabi ko na ikinagulat ng iba kong mga kaklase.
“L-Lahat?” Nauutal na tanong ni Miguel na ikinatango ko.
“Hindi naman ganito ang linya at hindi rin akma sa sitwasyon. The Prof might think na alien ako sa ating drama dahil sa ganitong linya.” Paliwanag ko.
Umismid iyong isang babae pero ang iilan ay namamangha sa aking eksplinasyon. Tumango tango naman si Miguel at nahihiyang ngumiti sa akin.
“Sige, Irah. Ikaw bahala kung anong ipapalit mo. Total grupo naman tayo… Mas mabuti iyong may nasasuggest ka.” Nahipo niya ang kanyang batok at medyo pinamulahan ng pisngi na mas lalong nagpaismid roon sa kaklase kong may kulot na buhok.
Nagsimula kaming magpractice sa aming drama na hango sa isang nobela pero kailangan ay baguhin namin ang linya noon pero ganoon parin ang plot. Ako iyong babaeng pinagtaksilan ng kanyang kairog at nagdesisyong magpakamatay. That’s so tragic. Kung ako ito sa reyalidad, mas gusto kong iyong kabit ang mamatay.
“Cecilia, hindi ko iyon magagawa sa’yo!” Pagsisinungaling ni Miguel at may pangalang Pedrito sa drama.
Iginuhit ko ang galit sa aking mukha at sinampal siya. Ang iilan ay nagulat sa aking ginawa dahil wala naman iyon sa script.
“Taksil!” Sigaw ko.
Nabahiran rin ng pagkagulat ang mukha ni Miguel at nahimas pa ang pisngi dahil sa lakas ng aking pagkakasampal.
“Wala iyon sa script ah?” Hirit noong babaeng kanina ko pa namamataang umiismid.
“Mas gusto ko iyong may sampal para mas instense!” Iyong may maiksing buhok naman na pabor sa akin.
Tumango si Miguel at ngumiti na. “Gusto ko rin… Kahit masakit ng kaonti.” Tumawa siya ng marahan na ikinabusangot noong babae.
“Ganoon ka ba magalit Irah?” Iyong isa kong kaklaseng lalake na kasama sa aming drama.
Umiling ako. “That’s too shallow.” Saka ko sinuklay ang aking buhok paatras.
Hindi ko alam kung anong magagawa ko kung ako ang pinagtaksilan. Ba’t ako mananampal? Masyado iyong mababaw para saktan ang isang lalakeng pinatay ka sa sakit. I might do something worst.
Sa kalagitnaan ng pagpapractice ay narinig ko ang pagbeep ng aking cellphone. Ilang oras narin ang kinain ng aming pagpapractice para lamang masaulo at makabisado ang bawat scene namin dahil bukas na ang presentation.
Noong nagdesisyon kaming magpahinga muna ay mabilis kong chineck iyon at nakita ang text ni Toshi saka ang oras na eksaktong alas tres ng hapon. We got carried away…
Toshi: Anong oras matatapos?
Ako: Hindi ko alam. This might take long.
Sa estima ko sa aming script ay nangangalahati palang kami at pag nagkataon ay gabi na kami matatapos.
Toshi: We’ll just move it.
Sa aking nabasa ay gumuhit agad ang pagkadismaya sa aking mukha. Lahat nalang ng lakad na pinagpaplanuhan naming dalawa ay hindi natutuloy. Kung hindi siya ang may gagawin, ako naman ang meron. Palaging hindi nagkakatugma ang aming schedule at palaging nakukulangan sa oras.
Ako: Uh, sa susunod na linggo nalang?
Natagalan siya sa pagreply kaya binalingan ko ang mga kagrupo kong kumakain na ng sandwich at mukhang nabili roon sa may food store na malapit. Nakita ko pa ang pag-alok sa akin ni Miguel na inilingan ko lamang at tipid na ngiti saka muling nalaglag ang tingin sa aking cellphone.
Toshi: I’m not free next Sunday. May 2 weeks kaming business trip.
May kung anong namuo sa aking lalamunan at hindi ko iyon magawang alisin agad. Two weeks?
Hindi ko na nagawang magreply roon dahil narin tinawag na ako ng ilan para simulan ulit ang practice. Ang aking pag-iisip ay nahati at napunta ang iba sa kanyang pag-alis. Ang komplikado pala talaga…
25th TRICKED
T R I C K E D
Seloso
Dalawang linggo ngang hindi nagpaparamdam si Toshi sa akin. Palagi kong chinicheck ang aking cellphone sa kanyang text o tawag pero ni isa ay wala akong natatanggap. Maybe he’s really busy that he forgot to leave a message for me.
The frustation I’m feeling is just too much to handle. Two weeks palang ay para na akong namatayan sa aking loob at hindi makayanan ang pangungulila. Palagi kong binibilang ang araw at palaging nalulungkot pag naiisip kong may ilang araw pa akong hihintayin. Hindi rin naman kasi talaga kami nagkakaroon ng sapat at mahabang oras para sa isa’t isa.
Hindi ko naisip ang mga ganitong sitwasyon sa pakikipagrelasyon dahil hindi rin naman tumatagal ang mga karanasan ko sa pekeng pag-ibig. Mabilis na nagiging kami kaya mabilis ring natatapos. Ito ang kauna-unahang magdahan dahan muna ako bago kami pumasok sa ganoon. Na dapat ay unahin muna ang mga priorities at isantabi ang pag-ibig.
“Your face looks like a trashcan.” Puna ni Zera nang mamataan akong bumusangot bigla.
“Are you saying that I need to throw you inside me, garbage?”
Pinasadahan niya ng kanyang daliri ang buhok. Sinuklay ko rin paatras ang akin at inikot ikot sa dulo ng aking buhok ang daliri.
“Namimiss mo ang isang taong hindi ka naman miss.” Ngumisi siya sa akin at halata na naman sa tono ng pananalita ang pang-iinis.
“He’s busy.”
“Busy? O di ka lang talaga priority?” Tumawa siya ng kaonti at hindi na mabura bura ang malademonyong ngisi.
Eksakto ring pumasok ang Prof kaya iyon ang nagtulak sa ilang estudyanteng tumuwid ng upo. Ganoon narin ang ginawa ko at tinuon sa harap ang buong atensyon kahit na nililipad na naman ang aking utak sa kung saan.
Alam ko namang hindi ako ang mas priority ni Toshi. Busy siya sa kanyang trabaho at doon nakasentro ang buo niyang atensyon. Gusto kong magdemand ng oras sa kanya katulad noong ginawa ko noong highschool pa ako pero ayoko rin namang maulit ang pangyayaring iyon. Gusto kong intindihin siya ngayon sa abot ng aking makakaya. Gusto kong malaman niyang handa ako at seryoso sa nangyayari sa amin.
Noong naging kaklase ko na si Elle sa kabilang subject ay tahimik lamang ito at nasa labas rin ang tingin. Magkaiba ata ang kurso ng dalawa kaya hindi rin magawang maging magkaklase sa bawat subject.
Pagkatapos kong maglunch sa aking breaktime ay nagtungo rin ako sa library para doon magpalipas ng oras katulad ng aking ginagawa araw araw. Binasa ko iyong isang nobela na gawa ng isang tanyag na manunulat sa larangan ng nobela. Nakahiligan ko ang libro simula noong bata pa ako at simula noong naging parte na ng buhay ko si Daddy. He always buy me books and novels! Ang sabi niya ay basahin ko raw dahil magaganda iyong paglaanan ng oras kung wala akong magawa. Nalaman ko rin kay Mommy na mahilig daw si Daddy na magbasa ng libro kaya iyon rin ang pumukaw ng aking atensyon sa pagbabasa hanggang sa nakasanayan ko narin.
One key to being a good writer is to keep reading. Iyon ang katagang nakasulat sa unang pahina at sa ibaba noon ay ang pangalan noong manunulat. Sa aking kyuryusidad sa pamagat ay nagpatuloy na ako sa pagbabasa at hindi rin naman namalayan ang oras. Gusto ko narin hiramin ang libro para maipagpatuloy ko ang pagbabasa sa bahay.
Doon lamang ako natigil noong may bumakante ulit ng aking harapan. Binalingan ko ang babaeng pinasadahan muna ang kanyang buhok ng kanyang kamay saka itinuon ang buong atensyon sa hawak na salamin at nagsimulang magmake-up sa aking harapan.
“This is a library.” Sabi ko sa kanya.
“I know nerd. Malaki ang nakasulat na library sa labas at nabasa ko pagpasok ko kanina. Thank you for reminding me.” Ngumisi siya at nalipat saglit ang mga mata sa akin pero ibinalik rin sa hawak na salamin.
I rolled my eyes heavenwards. Nagpatuloy siya sa kakamake-up sa aking harapan habang ipinagpatuloy ko naman ang pagbabasa. Kaklase kami sa susunod na subject kaya rin siguro sumasabay ito sa akin. Pero alam ko namang ang tunay niyang pakay ay bwesitin ako. She always diss me and I’ll diss her back. Iyon palagi ang aming pag-uusap na sobrang walang kwenta pero nagsasayang parin kami ng mga laway sa isa’t isa.
“Naalala mo iyong kaklase nating si Fierra?”
“Iyong pangit.” Sabay naming bigkas saka kami nagtinginan.
“Oo iyong pangit na panay lingon sa akin. She’s annoying!” Nasira ang kanyang ekspresyon at marahas pang ibinagsak ang salamin niya sa lamesa. Gumawa iyon ng ingay na ikinalingon ng iilan rito na kahit iyong librarian ay nagkakasalubong na ang kilay pero noong makitang si Zera iyon ay nagsiiwasan rin sila ng tingin.
“Not as annoying as you.” Sabi ko saka nilipat ang pahina.
Inihilig niya ang kanyang mga braso sa mesa at nagkasalubong ang kilay.
“You’re annoying, too.” Wika niya sa kalmadong boses na ikinaangat ng aking kilay.
“Kailan kita kinulit-”
“It’s annoying everytime you breathe.” Ngumisi siya at nakapaskil na naman sa buong mukha ang pagiging demonyita.
Itinikom ko ang bibig kong umawang sa ere dahil sa kanyang pagsabat at ibinagsak ang tingin sa aking libro.
“At least I’m doing something nice unlike you. Dagdag ka lang sa maraming basura sa bansa.”
Tumawa siya. “Eh ba’t nauuna kanang mabulok sa ating dalawa?”
“Syempre. Walang plastic na nabubulok.” Sagot ko.
Akmang may sasabihin pa ito nang may biglang pumaibabaw na malakas na boses.
“Sinong pinagpaplanuhan niyong patayin at nagmemeeting kayong mga demonyita rito?” Gulat na sumulpot ang imahe ni Ken sa aming harapan. May hinahawakan itong libro at mag-isa lamang. He’s wearing the usual uniform but the two buttons of his white polo were open. Iyong buhok naman ay inayos ata pero ginugulo niya rin. He has the mixture of a playboy and a gentleman at the same time.
Nailing iyong librarian at mukhang walang balak sawayin ang malakas na boses ni Ken.
Humalukipkip si Zera sa kanyang upuan at hinawi ang buhok paatras. Inilapag naman ni Ken ang libro sa harapan nito saka humawak sa likod ng upuan, ang isang kamay naman ay nakatukod sa mesa.
“Friendship na talaga kayo?” Nakangising tanong ni Ken at ibinabalandra ang mapang-akit niyang ngiti. Napapansin ko pa ang iilang babaeng napapalingon sa aming gawi dahil lamang sa pagdating nito.
“Ba’t ka nandito? Sa lahat ng maiisip kong pupuntahan mong lugar, ito ang pinakaimposible.” Si Zera.
Tumawa si Ken, pumapaibabaw na ang halakhak sa kabuuan ng library. Ang mga signage na “Keep Quiet” at “Minimize your voice” ay nababalewala na.
“May utak rin naman ako pero limitado lang talaga kaya hindi ko gaanong ginagamit, Princess.” Pang-aasar nito lalo na’t nasira agad ang mukha ni Zera sa itinawag nito sa kanya. That’s her first name. She’s Princess Zera Damonisse Delafuente. Bored ata iyong mga magulang niya kaya ang dami niyang pangalan.
“Wala kang utak. Puro bungo lang.” Si Zera na ikinahalakhak ulit ni Ken. Ang babaw naman ng lalakeng ito. But at least he always laugh unlike Toshi… Doon lang ata tatawa kung may nakakatawa na talaga.
“Mas matalino kaming mga lalake. Dalawa kaya ulo namin-”
“Mr. Delafuente.” Putol ng librarian sa kanya na ikinangisi lang ni Ken at hinawakan ang kumikintab na isang pares ng earring sa kanang bahagi ng kanyang tenga.
“Am I too loud? Nadisturbo ko ba kayo?” Magalang niyang tanong sa mga babaeng mabilis ring umiling.
“Magbasa lang kayo diyan…” Saka nalipat ang kanyang tingin sa isang babae. “Miss pakisulat iyong number mo sa libro. I’ll call you later.” And then he winked.
Sabay kaming nag-ikot ng mga mata ni Zera at nahuli pa iyon ni Ken. Nagulat na naman ito.
“Magkapatid ata kayo…”
Ibinalik ko ang tingin sa aking libro at hindi na ito gaanong pinagtuunan ng pansin. Umalis ito sandali at mukhang gumagala na sa bawat pasilyo ng library, may hinahanap na libro.
“Babalik iyan dito at magpapatulong dahil maski siya ay hindi alam kung anong hinahanap. Puro ulo, walang utak.” Mungkahi ni Zera, nasa kanyang pinsan ang tingin.
Bumalik nga si Ken at nagkakamot na ng batok. Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Zera.
“See?”
Hindi na ako magtataka dahil close naman ata silang lahat na magpipinsan at kabisado na ang isa’t isa.
Natuon rin ang buo kong atensyon nang nagtungo na si Ken sa aking gilid.
“Alam mo ba ’to, Irah?” Inilapag niya sa akin ang nakabukas niyang mga libro saka itinuro ang isang paragraph at mukhang iyong manunulat na tinutukoy pamilyar sa akin.
“Di ko kilala ang tinutukoy na manunulat diyan. Puro babae lang naman ang nasa utak ko. Walang lalake.” Pagbibiro niya at ngumisi pa. Inangatan ko siya sandali ng kilay. Paano kaya ito nakapagkolehiyo sa ganyang utak?
“Can you help me?” Tanong niya sa banayad at malalim na boses.
Inilapag ko ang aking binabasang libro at isinara iyon saka ko itinuro ang manunulat na hinahanap niya.
“Sikat siya sa larangan ng nobela at marami siyang naipublished na libro. Iyang nobelang nandiyan ay iyong una niyang naipublish at naging best selling book noong panahon niya.” Paliwanag ko na ikinalaglag ng kanyang panga.
“Wow… You really got a brilliant brain…” Komplimento niya na ikinasuklay ko ng aking buhok paatras.
Kinuha niya ang isang upuan saka tumabi ng upo sa akin. Inihilig niya sa mesa ang isang kamay habang ang isang kamay ay nakahawak na sa likod ng aking upuan.
“Tell me about this book, Irah.” He flashed his seductive smile while his eyes settled on me.
“Read at your own risks. I’m not good at helping someone.” Sabi ko sa kanya na ikinahalakhak niya.
Hinawakan niya ang pang-ibabang labi at pinisil pisil iyon, ang mga mata ay nang-aakit na katulad ng mga mata ni Hiro at Toshi, ng mga Delafuente.
“I’m only good in bed.” he whispered sexily that made my brow to raised. Umabot na ata ang kalandian nito sa utak at kumalat na. Naulanan ata ito at hindi agad nakainom ng gamot kaya ganito ang takbo ng utak.
Doon lamang nalihis ang aking atensyon nang tumunog ang isang camera. Zera smirked.
“I’ll send this to him. Para naman may pag-awayan kayo.”
Ang babaeng ito!
“May boyfriend kana naman?” Nagtatakang tanong ni Ken. “Gago ang mga lalake ngayon. Sasaktan ka lang niyan.” Umiling-iling pa siya at may pa ‘tsk’ ‘tsk’ pa.
Malutong na natawa si Zera at kinukuha na lahat ng atensyon ng mga estudyanteng nandito. Gago naman talaga kayong mga Delafuente. Gusto ko iyong sabihin pero nang makita ko ang malaking orasan sa itaas at nakadikit sa pader ay isinarili ko nalang.
“Nasa first page ang description tungkol sa author. Kung manghihingi ng isang example ng librong gawa niya ay iyang title nalang ng librong binabasa ko. Genre, tragic. Summarization ay nasa likod at ang taong nailimbag ang libro ay nasa unang pahina.” Pagpapaliwanag ko saka ako tumayo.
Kumurap si Ken. “Aalis kana?”
“May klase ako.” Kinuha ko ang dalang malaking purse at lumabas na sa aking upuan.
Tumayo rin naman si Zera kasabay ko.
“Thanks.” Ngumisi siyang muli na ikinatango ko nalang at naglakad rin paalis. Zera was on my side, bragging the picture she took awhile ago.
“Pag nakita ito ni Kuya Toshi, aawayin ka.” She dissed.
“At pag nag-away kami, malalagot ka.” Pagbabanta ko rin sa kanya na ikinangisi niya lamang.
Lunes na ng gabi noong makatanggap ako ng mensahe kay Toshi na kakarating niya lang sa Pilipinas. Ang antok ay mabilis akong nilayasan saka ako napabangon sa aking kama.
Hindi pa ako nakakapagtipa ng reply para sa kanya ay tumawag na ito. Mabilis ko iyong sinagot, kagat kagat ang pang-ibabang labi kasabay ng puso kong nagwawala dahil sa excitement sa kanyang boses.
“I miss you-” Naputol rin ang aking boses dahil sa bigla niyang pagsabat.
“Close na pala kayo ni Ken?” Tanong niya sa matabang at pagod na boses.
Mabilis kong naisip ang pagpatay sa aking isipan kay Zera. Ang hilig talaga akong bigyan ng sakit sa ulo ng babaeng iyon!
“Not really. Nagpatulong lang siya noong nakaraang araw sa akin ng lesson niya.” Sabi ko.
“You two look sweet on the picture.” He said deeply.
“Hindi ah. Siya ang tumabi sa akin.”
Natahimik ito saglit sa kabilang linya hanggang sa isang malalim na buntong hininga ang sumunod. It was so sexy that I swallowed hard. I missed his breath and his voice!
“It’s late. May pasok ka pa bukas. Sleep now.” Tila pabulong niya na iyong sinabi dahil sa sobrang hina at lalim ng boses. Pumikit ako, naiimagine ang pagbulong niya noon sa aking tenga.
“Pagod ka?” Tanong ko sa mahinang boses.
“Yeah. Jetlag.”
“Sige… Magpahinga ka nalang. Matutulog narin ako.” Dismayado kong sabi pero walang magawa dahil iyon naman ang kanyang gusto.
“Okay…” He murmured.
Ang aking excitement kanina ay namatay rin naman. I badly want to talk to him pero mukhang mas mahalaga sa kanya ang pagpapahinga at pagod na pagod kaya ayaw niya akong kausap. Or maybe it’s the other way around. Maybe he really doesn’t care…
Matagal akong nakatulog dahil sa aking pinag-iisip. Nagiging puzzle na naman si Toshi sa akin at nawawalan na naman ng ibang bahagi kaya hindi ko mabuo-buo. When will I find that missing piece? Kailan ko siya mababasa?
Pagkatapos ng aking klase sa Martes na iyon ay nagtungo agad ako sa condo niya para hintayin siya roon. I waited until 8pm. Tinext ko siya na nandito na ako at hihintayin ko siya pero hindi naman nagrereply.
9pm na noong makatanggap ako ng mensahe sa kanya.
Toshi: Nasa condo ka pa? I’ll be late. Marami akong tatapusing files.
Mariin akong napapikit at nakagat ng malakas ang pang-ibabang labi habang hinahaplos ang aking noo. Ano ba Toshi?! Palagi nalang ba akong manglilimos ng oras mo?!
Ilang sandali kong pinakalma ang aking sarili para wala akong masabing masakit sa kanya. I really wanted to complain. Unti-unti ko nang pinaniniwalaan ang sinasabi ni Franca sa akin na gaganti sila. He’s hurting me real big time! Parang ako na itong naghahabol hindi dahil pinaasa niya na naman ako sa kanyang mga salita kundi dahil natatangay na naman ako sa katangahan ko.
Sinikap kong hindi malaglag ang butil ng mga luhang pinipigilan ko. I’m not going to cry. Iyon ang ipinangako ko sa aking sarili sa t’wing nasasaktan ako sa kanya. If Dad find this out then I’ll be in trouble…
Hindi nalang ako nagreply at umuwi na ng gabing iyon. Laking tuwa ko noong hindi ko nadatnan si Daddy sa sala. Dumeritso ako sa aking kwarto at itinulog nalang ang mga alalahanin.
So this is what it feels like when the person you like is five years older than you. He’s already working while you’re still studying. He’s already building his own dreams while you’re still reaching yours. Palagi akong nahuhuli at siya ang palaging nauuna. Isa sa rason kung ba’t mas gusto ko ang aking kaedad dahil sabay kaming magtatapos at aabutin ang aming mga pangarap. My Daddy is one year older than Mommy kaya nagiging tutor niya pa ito at nagiging magkaklase pa sila noon. Maybe they fell inlove with each other because of their closeness. Nahulog sila sa isa’t isa at mas lumalim ang nararamdaman dahil palagi rin silang magkasama.
Sa amin ni Toshi, parang palabo nang palabo. I don’t know if he really likes me or he’s just fooling around, he’s just tricking me because I’m madly inlove with him. Iyon ata ang rason kaya masyado siyang kampante sa akin dahil alam niyang maghahabol rin naman ako sa huli. Na kahit h’wag niya akong bigyan ng atensyon ay maiintindihan ko at magtitiis ako dahil nga alam niyang baliw na baliw ako sa kanya.
“Inaway ka niya?” Ngumisi siya sa akin nang makita niyang iba ang timpla ko sa Miyerkules ng umaga.
Hindi ako kumibo at inilabas ang libro na pagkukunan ng quiz noong Prof namin sa Homeroom.
Kumurap si Zera at mas lalong napangisi dahil sa nakumpirma sa akin.
“Nag-away nga.” Masaya niyang sabi na hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin
Is he acting cold because he’s jealous? Naalala ko iyong araw na nagselos siya kay Bryce. Ilang araw niya akong hindi pinansin noon hanggang sa nawalan kami ng komunikasyon sa isa’t isa at natuluyan na siya sa pagiging malamig niya. Parang isang tubig na lumalamig sa loob ng ref, napabayaan roon kaya tumigas at naging yelo na. Kung hindi mo ito kukunin at pababayaan, kung hindi mo susuyuin, hindi rin naman matutunaw. Ganoon ba dapat Toshi? Kailangan bang ako ang palaging magmukhang asong ulol sa ating dalawa?
Paglabas ko ng gate noon para umuwi nalang sana ay sakto namang may humintong pamilyar na itim na kotse sa aking harapan.
Bumukas iyong pinto, hindi bumababa ang bintana.
Pagkasilip ko ay ang imahe na ni Toshi ang naroon. Gusto kong magdiwang at ipaskil sa aking mukha ang excitement pero nang maalala ko ang pinaggagawa niya nitong nagdaang araw ay isinara ko agad ang pinto at nagsimulang maglakad paalis sa harap ng kanyang kotse.
Umandar rin iyon at sinundan ako habang naglalakad. Bumukas ang bintana noon, ang mga mata ay nasa akin na.
“Get in, Irah.” Utos niya sa matigas na boses na ikinabusangot ko.
Mas binilisan ko ang paglalakad at hinanap ang pamilyar na kotse namin para magpahatid na pauwi. Ang sarap niya tuloy ipabugbog sa mga bodyguards ko!
Pumantay rin naman ang kanyang kotse sa akin at matalim na ang mga mata.
“Papasok ka ba o lalabas ako diyan?”
“Then do it!” Panghahamon ko at umirap muli.
Huminto nga ang kotse. Mas binilisan ko ang aking paglalakad nang marinig ko ang pagkakasara ng marahas noong pinto pero bago paman ako makaalis agad ay nahila niya na ang aking braso. Kinaladkad niya ako pabalik sa daan saka niya binuksan ang front seat at pinapasok ako roon.
Humalukipkip agad ako at ibinusangot ang mukha. Ganito nalang talaga palagi! Kung kailan ayoko siyang puntahan ay para niyang nababasa ang aking kilos at ako ang pinupuntahan niya!
“Seatbelt.” Sabi niya.
Umirap ako at hindi ito pinakinggan. Kung pwede lang talagang sa leeg niya itali iyong seatbelt! Nakakapanggigil.
Bumuntong siya ng hininga at umabante sa akin para hilain iyong seatbelt sa aking gilid. I smelled his manly perfume that made me calm for awhile. Sa aking harapan ay naroon ang kalahati ng kanyang mukha, ang seryoso ngunit kalmadong ekspresyon ay masyadong nakakaakit.
“Dapat ako ang galit, hindi ikaw.” Malamig niyang sabi na ikinakunot ng aking noo.
Matagumpay niyang naikabit sa gilid ang seatbelt saka itinukod ang kamay sa sandalan ng kanyang upuan, ang kamao ay nasa gilid na ng ulo habang malalim ang tingin sa akin.
“Di mo kinukwento na close pala kayo ng mga pinsan ko.”
Iyon lang?! Iyon ang ikinakagalit niya?! Kaya rin siya cold?!
“Sinabi ko na sa’yo na nagpatulong lang si Ken sa akin.”
“Sige. Sabi mo eh.” Nagkibit siya ng balikat, nailing at kinakagat kagat na ang pang-ibabang labi habang ang mukha ay nababahiran ng kung anong ekspresyon.
Hinubad ko muli ang seatbelt na ikinalingon niya sa akin lalo na’t nagsisimula na siyang magmaneho.
“Ihinto mo ang kotse. Uuwi nalang ako kung aawayin mo lang naman pala ako.” Hinawakan ko ang handle ng pinto at binuksan iyon pero nakalock na iyon sa kanyang gilid.
“Kung ganoon, ihahatid kita.” Matabang niyang sabi at bakas narin sa mukha ang inis.
“H’wag na! I have my driver!”
“Ihahatid kita.” Seryoso niyang sabi.
“H’wag na kasi!”
“Ihahatid.”
“Hindi nga!”
“Oo nga.”
“H’wag mo nga akong ginagaya! Stop the car Toshi!” Sigaw ko sa ubod ng lakas na ikinatalim ng kanyang tingin sa daan.
Mas binilisan niya ang kanyang pagmamaneho, ang panga ay umigting na at ang ugat sa isang kamay ay nagsisilabasan habang humihigpit ang kanyang pagkakahawak roon sa steering wheel.
“Nakakainis ka!” Naikuyom ko ang aking mga kamay at naipadyak ang mga paa dahil sa galit na lumamon sa akin.
“Namiss rin kita.” Sambit niya na ikinalingon ko sa kanya.
“Ang sabi ko nakakainis ka.” Paglilinaw ko na ikinalingon niya sandali sa akin pero ibinalik rin sa kalsada.
“Avoid my cousins.” Seryoso niyang sabi na ikinakurap ko. So he’s really jealous?
“I am not close with them from the first place-”
“Kung lumapit sa’yo, lumayo ka. Ayokong nadidikit ka sa kanila.” Matigas niyang sabi at pinutol ako.
Natikom ko ang aking bibig at napatitig sa panga niyang umiigting lang lalo. Ang isang kamay ay nagtungo na sa dalawang botones at binuksan iyon saka siya huminga ng malalim at tila may isang mabigat na bagay na pinapasan.
“So you’re jealous?” I whispered.
Hindi siya sumagot pero malinaw sa mukha ang bumabalot na inis. He was looking at the road like he hates it too much.
“Seloso.” Marahan akong tumawa at naiwan ang galit sa gitna ng daan dahil sa pagkamangha.
Palagi nalang talaga akong nababaliktad at nalilinlang. Damn it, heart. Why do you let the one you love tricked you like this? At ako naman na tanga, nalulusaw agad.
26th TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Mara Torrefranca! Happy happy birthday dagangg! Tampo ka pa naman kahapon kasi di ako nakaupdate ng lima huhu. But still, I want to greet you! Iloveyouu!
Eighteen
Tahimik kong itinuon ang buong atensyon ko sa labas ng bintana ng kanyang kotse. Hindi ko alam kung ihahatid niya ba talaga ako sa bahay o dederitso kami sa kanyang condo. Hindi ko naman siya nababasa kaya ang hirap ring hulaan.
“How’s your day?” Kalmado niyang tanong sa kabila ng mga kilay kong nagkakasalubong.
“Fine.” I answered flatly.
Tumahimik siyang muli at mukhang doon na matatapos ang aming pag-uusap kaya mabilis akong nag-isip ng pwedeng idagdag para mas humaba pa ang aming pag-uusap.
“Eh ikaw? Ang trabaho mo?” Tanong ko pabalik.
“Ganoon parin. Marami akong ginagawa.”
“At pinuntahan mo pa ako. Dapat di ka nalang nag-abala.” Matabang kong sagot sa kanya at taliwas sa sinasabi ang gusto.
“That’s why I want to treat you. Masyado akong busy. I know that.”
Naging kalmado ang aking mukha at nilingon ito na wala naring galit ang bumabalot na eskpresyon sa kanyang mukha.
“We have our priorities, Irah.” Pagpapaalala niya na akala nito ay nakalimutan ko ang bagay na iyon at nag-iinarte na naman ako.
“Alam ko.” Sagot ko.
His shoulder loosened. Bumuntong siya ng hininga at namumungay na ang mga mata sa daan. Nakita ko muli ang ekspresyong nagpapataka sa akin. He looks so frustrated and worried at the same time. Gustuhin ko mang malaman kung bakit ganoon siya, wala rin akong maisip na dahilan.
Ipinark niya sa isang five star Restaurant ang kanyang kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto saka kami bumabang dalawa. His eyes darted on my uniform kaya nalaglag narin ang aking mga mata roon. Oh crap… Nagmumukha talaga akong bata kumpara sa kanya na nakacorporate attire pa.
Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking likuran at marahan iyong itinulak para igiya ako sa paglalakad. Ngumuso ako, nasisiyahan sa galaw niya. We look like couples…
This is our first time eating on a Restaurant. Nasanay kasi akong nasa condo lamang kaming dalawa at inihahatid niya rin naman ako. Maybe he’s bribing me dahil alam niyang magiging busy na naman siya sa susunod pa na mga araw.
Naglahad na menu ang waiter. Seryoso niyang pinasadahan ang mga pagkain roon habang ang aking mga mata naman ay palipat lipat sa kanya.
“What do you want to eat?” Tanong niya saka nag-angat ng tingin sa akin at nahuli ang aking mga mata.
Mabilis kong ibinaba ang tingin sa menu.
“Uhm…” Pinasadahan ko isa isa ang tingin noong mga pagkain at walang makitang low calorie. “Tubig ’tsaka…” Napisil ko ang aking mga labi. What should I eat?
“Tubig ka nang tubig. Ako na.” Nailing siya at tinawag na iyong waiter.
“Eh kasi tuwing summer ako may photoshoot. Ayoko namang sirain ang katawan ko dahil makakaapekto iyon sa pagmomodelo ko.” Paliwanag ko sa kanya.
Bumaling siya sandali sa akin pero agad ring inilipat sa waiter na nasa kanyang harapan na. May pinagsasabi siyang pagkain roon na sinusulat naman noong waiter sa kanyang hawak.
Pag-alis noong waiter ay natuon rin naman saakin ang buo niyang atensyon.
“So you’re going to continue your modelling career?” Tanong niya.
Tumango ako na ipinagsalubong ng kanyang kilay. I’ve seen how his shoulder loosened as he tried to loosen his tie. Sumandal siya sa upuan at malalim na ang tingin sa akin.
“Your Dad allowed you?” He asked.
Tumango ulit ako. “Suportado niya naman ako basta wala muna noong matured shots.”
He licked his lip and avoided my gaze for a second. Inilapag niya ang kanyang kamay sa mesa, ang hintuturong daliri ay tumatapik na.
“Wala muna dahil wala ka pa sa tamang edad. At kung nasa tamang edad na, pwede na?” Umangat ang kanyang kilay at sobrang tabang ng pagkakasabi.
I nodded slowly. “Maybe…”
Hindi nakaligtas sa akin ang pag-igting ng panga nito at ang paggalaw ng kanyang adams apple. Humilig ako sa mesa at hinawakan ang aking leeg, ang siko ay nakatukod na sa mesa para mas matitigan siya ng husto.
“Ayaw mo sa mga modelo?” I asked curiously. The look on his face says it all…
“I don’t hate it. Ngayon lang.” Mataman niyang sabi na aking ikinanguso.
“So you hate me?”
Nagkibit siya ng balikat at kinuha ang tubig. Sumimsim siya roon, nasa akin ang mga mata saka rin iyon inilapag pabalik.
“You hate it?” I asked softly, trying to catch his eyes.
Binasa niyang muli ang labi saka bumangon sa pagkakasandal at humilig narin sa mesa. I didn’t expect it but I tried to maintain my cool. Hindi parin ako masanay sanay sa t’wing masyado siyang malapit. Para kong nawawala ang aking sarili na kahit ang aking pag-iisip ay nabablangko na.
“But since you love it…” Naging malalim ulit ang tingin sa akin at nakaawang ng kaonti ang mga labi.
“I love it.” Dugtong ko sa sinabi niyang hindi niya agad nasundan.
Itinikom niya ang bibig at tumango tango. His words were kept inside him. Wala na itong sinabi pa at bumalik sa pagkakasandal sa upuan.
It wasn’t clear to me. Pero ang alam ko, sa sagot niyang iyon ay ayaw niya. He hates it. Maybe for some reasons…
Memorable sa akin ang araw na iyon dahil first time naming kumain sa labas. Dala dala ko ang saya sa sumunod na araw at pakiramdam ko, naglevel-up kami. Ang mga oras na hindi kami nagkasama ay napunan niya na ata. An hour with him feels like forever. Iyon palagi ang pakiramdam ko sa t’wing magkasama kami.
It’s too much. My feelings for him is too much that it’s driving me crazy.
“Irah.” Ngumisi si Red sa akin nang mamataan ako rito sa library. Nagkasalubong ang aking kilay lalo na’t tumabi na ito sa akin.
May iilang estudyante na ang napapalingon sa amin. Ano bang nangyayari sa mga Delafuente at dumidikit dikit saakin?
“Papicture.” Inilabas niya ang kanyang cellphone at naging busy roon sa paghahanda noong camera.
Nagkasalubong ang aking kilay. “For what?”
“Papicture lang.” Saka niya itinutok ang kanyang cellphone sa aming dalawa at lumapit sa akin lalo.
I got so distracted that I just stared at him while he’s smiling widely, bragging his white teeth.
Tumayo agad siya at malaki na ang ngisi nang makita ang kinalabasan noon.
“Sige, salamat Irah!” Kumaway siya sa akin na ikinaingay ng bulong-bulungan sa paligid.
Kumunot ang aking noo pero itinuon ko rin ang aking tingin sa libro. Ilang sandali lamang, si Blue naman ang dumating. Kumpara sa nakangising si Red kanina, ang isang ito ay ngumiti ng matamis at swabe ang galaw.
Pumunta ito sa aking likod at mabilis na itinutok ang cellphone sa aming harapan.
“Pwedeng ngumiti ka?” Bulong niya sa akin.
Okay?
“What’s happening?” Tanong ko sa kanya nang nilingon ko ito sa aking gilid. Narinig ko ang pagclick ng camera at ang paghalakhak niya.
“Nagagandahan kami.” Tumayo rin naman siya ng tuwid at tiningnan ang shots. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at nagningning na ang mga mata.
“Sige. Salamat.” Sabi niya, ngumiti sa akin saka rin tumalikod, ang tingin ay nasa cellphone.
Kahit anong halungkat ko sa aking isipan ay wala akong maisip na matino. Sabagay, hindi naman talaga matino ang kambal na iyon.
May gusto sa kanya si Caden?“
“Siguro… Eh nagpapicture pa eh.”
“Marami naman talagang may gusto kay Irah eh ang sabi sabi pa ay friendly lamang daw iyan sa mga lalake.”
Ikinibit-balikat ko nalang ang mga estudyanteng pinag-uusapan ako at ang pagpapapicture ni Blue o Caden sa mas sikat niyang pangalan rito. Iyong tumatawag lamang sa kanya ng Blue ay ang mga pinsan at malapit sa kanya.
Ganoon rin kay Red na mas kilalang Kaizen dito.
Nag-eexpect ako ng panibagong Delafuente na lulutang pero hindi babae ang aking inaasahan lalo na’t si Zera na ang lumitaw sa aking harapan, nakapaskil na naman ang ngising namana kay Satanas.
“Did you enjoy your popularity?” Excited niyang tanong nang umupo na siya sa aking harapan, may bitbit pang sandwich.
“Ano na naman bang ginawa mo?” Tinaliman ko siya ng tingin.
Hinawi niya ang kanyang buhok saka rin itinuon ang pansin sa pagbabalat noong sandwich niya. Oh please, Delafuente. No foods allowed.
“Concern kana sa pinaggagawa ko? Sorry but I have so many fans. H’wag kana dumagdag.” Kumagat siya roon na ikinarolyo ng aking mga mata.
“Don’t exaggerate it. Anong ginawa mo?” Naningkit na ang aking mga mata sa kanya. She’s really the worst!
Itinuro niya ang kanyang bibig na may kinakain ito at gumesture gesture pa na hindi siya makapagsalita kaya sa sobrang inis ay itinuon ko nalang ang tingin sa aking libro. Mabulunan sana ang demonyitang iyan.
Pagkatapos ng aking subjects ay dumeritso rin naman agad ako sa condo ni Toshi. Nasasanay na akong maghintay roon ng isang oras at gumagala lamang sa loob na kahit ang mga gamit niya ay kabisado ko na. Iyong maliliit na detalye ay nakukuha ng aking atensyon katulad noong mini table niya kung saan nakatransparent glass iyon at nagkalat roon ang mga litrato nilang magpipinsan na nagkakatuwaan. Marami siyang litrato kung saan tumatawa siya kasama ng iilan sa mga outings nila. Meron pa iyong umakbay si Grey sa kanya at kapwa sila maangas na pumorma pero sa gilid ay naroon si Ken, nakasilip at ngising ngisi.
Bumukas ang pinto kaya nahinto ako sa kakatitig sa mga litrato at itinuon sa atensyon ni Toshi.
Napatingin siya sa akin sandali pero natuon rin sa kanyang sapatos na hinuhubad. His serious face was intimidating today. Para itong bad mood na ewan.
Kung ikukumpara sa five years ago niyang mga pictures na nandito ay malayong malayo ang kanyang asta doon kaysa sa nakasanayan ko. He always hold back with his expression and take things seriously. Siguro dahil sa kanyang edad at mature na kaya seryoso na siya sa buhay kaya ganito na siya umasta, malayo sa memorya niya noong nakikipagkulita siya sa kanyang mga pinsan at humahagalpak pa ng tawa.
I really want to be with the real Toshi. Para kasing palaging may pader sa aming dalawa at may mga pintong hindi ko pwedeng pasukin sa kanyang buhay. Minsan ay malamig siya at minsan naman ay maligamgam. Iyon palagi ang nararamdaman kong pakikitungo niya sa akin. Wala iyong sobrang init, iyong tipong mararamdaman ko siya at ang kanyang buong pagkatao.
Tumabi siya sa akin at seryoso ang mukha sa pagtatanggal ng botones noong suot na coat. Tumulong ako sa huling tatlong botones kaya natigil siya sa pagbubukas noon at sumandal nalang sa sofa, pagod ngunit matabang ang ekspresyon.
“You look so tired…” Sabi ko habang isa isa nang inaalis ang pagkakabotones..
“Kinukulit ka ng kambal?” Tanong niya at nagkakasalubong na ang kilay.
Natigil ako sa huling botones at umangat ang tingin sa mga mata niyang madilim.
“Kanina. Nagpapapicture sila sa akin noong nasa library ako.”
Huminga siya ng malalim at nagulo ang buhok gamit ang isang kamay. His lips were red as he licked it and breathe again.
“Si Zera ata ang may pakana.” Dagdag ko pa.
Bumagsak ang kanyang ulo sa headboard noong sofa dahil sa pagtingala at doon na sumandal. Mariin siyang pumikit habang hinihilot ang sintido.
“Hindi ako lumapit sa kanila.” Paglilinaw ko dahil baka iyon ang ikinakafrustrate niya.
Ilang minuto siyang ganoon, mukhang kinakalma ang sarili at nakapikit lamang. Tinitigan ko siya ng malalim hanggang sa kusa nang umangat ang aking kamay at dinaanan ng haplos ang kanyang matangos na ilong. My finger travelled on his jaw and traced it using my finger. Gumalaw ang kanyang adams apple at unti-unting nagmulat ng mga mata, malamya na ang tingin na tila inaantok.
Hinuli niya ang aking kamay saka iyon ibinaba. Ang isa niya namang kamay ay nahulog na sa aking beywang saka ako hinila papalapit lalo sa kanya. Ipinatong ko ang dalawa kong hita sa isa niyang hita saka nalaglag ang aking tingin sa kamay naming dalawa na namamahinga na roon. He was caressing the back of my hand while his other hand was placed on his temple.
“Zera sent me the pictures. Alam kong pakulo niya iyon pero nakakapangselos parin.” Pag-amin niya, ang mga mata ay nalaglag sa aming mga kamay.
“Zera is just teasing you.” Kalmado kong sagot na ikinatango niya, binabasa ang labi.
“And I’m very teased…” He whispered deeply.
Kumurap ako, hindi na alam ang sasabihin. Inalis niya ang kamaong nakadikit sa gilid ng kanyang ulo at lumapit lalo sa akin. Isinandal niya ang kanyang noo sa aking balikat, ang isang kamay naman ay nasa aking likod na at pinupunterya ang dulo ng aking buhok, pinaglaruan iyon.
“Let’s just get married.” Sabi niya, ang boses ay pagod ngunit malinaw ang pagkakabigkas.
“Huh?” I chuckled, trying to meet his gaze but he just pushed me until I got squeezed on him.
“Ikukulong nalang siguro kita sa bahay ko.” Wala sa sarili niyang bulong na ikinatawa ko lalo. I would love to! I really want to be your wife, Toshi!
“Sige.” Sagot ko narin, hindi alam kung seryoso o nagbibiro lang rin ako.
“Pag graduate na ako, dito na ako titira. I’ll wait you until you go home. I am not good at chores but I can learn. Ipagluluto rin kita.” Sabi ko sa malambot na boses.
He pressed his face on my neck and felt his hot breathe on my skin as he chuckled. Napanguso ako.
“Baka pag-uwi ko, sabog na iyong kusina.” Mapang-uyam niyang sabi na ikinasimangot ko.
“Ang sama mo!” Sinapak ko ang kanyang likod na ikinatawa niya ulit ng marahan.
“Hindi talaga kita ipagluluto ng breakfast pag ganyan ka sa akin.” I rolled my eyes.
“Hmm… I don’t mind eating you early in the morning.” His deep voice sent shivers down my spine as I gasped. Bakit ang dumi ng utak ko?
Bumangon siya sa pagkakasandal sa aking balikat at humarap ng buo sa akin. I slightly smiled when I saw his face.
Ang kamay niyang nasa aking likod ay lumipat sa aking leeg at nanghahaplos na ang hinlalaking daliri sa aking panga.
“You’re still a baby afterall. Sweet sixteen…” He smirked at me as I frowned even more.
“Wait until I grow! I’ll surely blow your mind.” Pagmamayabang ko kasabay ng paglapit niya lalo hanggang sa naramdaman ko ang kanyang labi sa akin.
Toshi’s gentle kisses is my addiction. Doon ko kasi nararamdaman na mahal niya ako kahit na minsan ay kinukwestyon ko iyon kung tunay ba o laro lamang. Doon niya ako nalilinlang sa pamamagitan ng kanyang halik na parehas kami ng nararamdaman sa isa’t isa. Doon ko nararamdaman na may gusto siya sa akin sa tuwing nagseselos siya sa mga pinsan niya. Doon siya nagiging mainit sa akin at ang kinikimkim na emosyon ay kusang tumatakas palabas.
Ganoon nga talaga siguro pag mahal mo ang isang tao. Parang mga labahing pinaghalo halo sa isang washing machine ay pinapaikot ikot ang iyong damdamin. Minsan ay galit, nakakainis, nakakapangselos at nasasaktan ka. Halo halong emosyon na kahit ikaw ay gusto nalang itigil ang pagpapaikot noon para makahinga ng maluwag.
I celebrated my Christmas and New Year with my family and relatives. Lumilipas ang araw at baon baon ko ang kakarampot na saya dahil alam kong matatapos ang taon na may hinihintay ako. Naiintindihan ko ang gusto ni Toshi sa paglipas ng mga taon. He wanted me to finish my studies first before we become official. Matagal man, nakokontento rin ako sa araw araw na nagkakausap kami.
Palagi parin siyang busy pero sa tuwing nagkakausap na kami ay doon rin napupunan ang pangungulila ko sa kanya kahit na hindi naman mahaba ang oras na iyon. Napapahalagahan ko ang oras dahil sa kanya.
“Ang iksi nito.”
Summer na noon nang magreklamo siya sa isa kong photoshoot at nafeature ako sa isang magazine. Nakatayo ako roon at suot ang isang puting polo na halos makita na ang aking panty dahil sa sobrang iksi. Minomodelo ko ang isang perfume na may temang “seductive.” Ang buhok ko roon ay magulo at kagat kagat ko ang dulo ng manggas noong sleeves habang hawak ko iyong perfume mismo.
“It wasn’t. ’Tsaka nakacycling ako diyan.” Paliwanag ko sa kanya habang katabi ko ito sa sofa.
Hindi niya ako pinakinggan at nilipat ang pahina. His brows furrowed as his face darkened when he saw my next picture. Dahan dahan niya akong nilingon, matalim ang tingin at nagbabadya na ng galit ang mukha.
I smiled proudly. “Ganda ko diyan ’no?”
“Do you think it’s funny?” He sound upset.
Tumawa lamang ako at kinuha iyong magazine sa kanya. Handa ko na iyong ilayo kaso inagaw niyang muli sa akin at gusto pa atang tingnan ang iba.
“H’wag mo na nga lang tingnan kung maiinis ka lang naman pala.” Sabi ko.
“Gusto kong tingnan.” Saka niya ulit inilipat ang pahina sa ikatlong page.
Natigil siya roon at napatitig na. Napanguso ako nang mapagtantong iyon ang pinakadaring kong pose sa tatlong pictures. Suminghap siya at nahilamos ang mukha. Nag-iwas naman ako ng tingin at mas lalong ngumuso.
“Mahal na mahal mo talaga ang pagmomodelo mo ’no?” Matabang niyang tanong at nahihimigan ko na ang inis roon.
Toshi doesn’t like me being a model. Para sa kanya, para ko daw binibenta ang aking sarili sa mga lalakeng may maduduming utak at pag-iisipan ako ng madumi pag nakita ang aking pictures. I got so angry on what he said that time to me that I walked out. Pero hinabol niya rin naman ako kaya nagkabati rin.
He’s aware that I am obsess with my modelling career na tuwing summer ay ako naman ang walang oras sa kanya dahil iyon ang inaatupag ko. May photoshoot rin kasi ako tuwing sunday eh iyon lang ang araw na wala siyang trabaho.
“I have no choice but to support you.” Sabi niya pagkatapos titigan ng ilang minuto ang aking mga litrato, bumuntong pa ng hininga.
I got used to our label sometimes. Nakakalimutan kong hindi pa pala kami at kinikilala pa namin ang isa’t isa. Ang pinakaayaw ko lang talaga kay Toshi ay sa tuwing galit ako at hindi ko makuha iyong gusto kong ekspresyon sa kanyang mukha. Palagi siyang blangko sa akin na parang isang tanong sa testpaper at hindi ko mahanap-hanapan ng sagot kaya mas lumalaki lamang ang aking galit.
“Mahal mo nga ang trabaho mo.” Sagot ko pabalik sa kanya.
“My work is different from your modelling career.”
Akma kong kukunin iyong magazine pero inilayo niya lamang sa akin at nalaglag muli ang tingin roon sa front page. I am already 18 kaya legal na ako na medyo mature iyong mga shots ko. Hindi naman iyon sobrang daring pero sapat lamang ang mga litrato para kainisan ni Toshi dahil sa mga nakikitang balat roon.
Humalukipkip ako at sumandal sa dulo ng sofa, nakaharap na ng buo sa kanya.
“Anong pinagkaiba roon? Parehas lang naman tayong kumikita ng pera. Iyon nga lang mas expose ako.” Paliwanag ko.
“Iyon na nga… Expose ka.” May diin niyang sabi roon sa aking sinabi.
I wanted to laugh but I just smirked. Napakaseloso naman ng lalakeng ito…
27th TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Chloe Mae Boncalon. Happy birthday! Wishing you all the best in life and iloveyouu! Happy reading, everyone.
Mindset
“May good news ako, Irah!” Balita sa akin ni Megs sa umaga nang magtungo ako sa gaganapin kong photoshoot ng linggong iyon.
“Hmm?” I smiled while looking at him on the mirror. Ang iilang hairstylist ay nasa aking likod na at inaayusan ako pero nakukuha narin ni Megs ang kanilang atensyon.
“Nakatanggap ako ng email kahapon sa isang sikat na magazine sa ibang bansa! Kukunin ka daw na modelo! Kung pwede, pag nakapagtapos ka ng pag-aaral ay sila raw ang maghandle sa career mo!”
My face lightened.
“Really?!” Sa sobrang pagkakagulantang ko ay napatayo narin ako sa upuan.
“Talaga, Megs?!” Iyong hairstylist ko naman.
Ang iilang mga staff na nandito ay nagiging interesado narin.
Tumango tango si Megs! “Magiging international model na itong alaga natin!”
I got so carried away that I forgot if my Daddy and Mommy will let me pursue my dreams outside the country. Na kahit si Toshi ay hindi ko rin naisip kung papayag ba.
Sa nagdaang taon ay namayagpag rin ang aking pangalan sa ibang bansa at nagiging sikat ako sa larangan ng modelo rito sa Pilipinas. Marami rin akong naachieve at maraming pinto at nagbubukas sa akin dahil sa bango ng aking pangalan pagdating sa pagmomodelo. Palagi akong indemand dito sa Pilipinas dahil narin nadadawit ang aking pangalan kay Lolo at Daddy na kapwa rin gumagawa ng ingay kaya napopromote narin ako at mas nagkakaroon ng maraming sponsor.
Nawala ang ngiti sa aking labi at ang pagdidiwang sa aking sistema nang mapagtanto ang mga bagay na iyon.
“Oh? Hindi ka ba masaya? Diba ito ang pangarap mo Irah?” Si Megs.
Bumalik ako sa pagkakaupo. Ang iilang hairstylist ay nasa akin narin ang tingin, naninimbang ang mga mata sa magiging reaksyon ko.
“I’m not yet sure if Daddy will approve it.” Sabi ko na ikinangiwi ni Megs.
“Spoiled ka naman sa parents mo, Irah! At isa pa, pagkatapos pa naman ng pag-aaral mo kaya hindi rin iyon magiging balakid sa ngayon.” Paliwanag niya.
Wala paring label sa amin ni Toshi pero kung umasta kami sa isa’t isa ay parang kami na. I told him that after I graduate, maglalaan kami ng oras sa isa’t isa. I told him I’ll rest on my modelling career at magfofocus kaming dalawa sa aming relasyon dahil ang sinabi niya ay pagtutuonan niya rin ako ng pansin.
“Sa ibang bansa iyon Megs, you know my parents. They’re overprotective.” Sagot ko.
“They love you, Irah! Susuporta ang mga iyon lalo na’t mahal na mahal mo ang pagmomodelo mo. Pangarap mo ito, h’wag mong sayangin ang oportunidad.” Si Ate Claud naman na hairstylist ko.
I just give them a smile. Yes it’s my dream but being part of Toshi’s world is really my dream now. I don’t want to be so busy like him. He promise to me he’ll give me more time pag nakagraduate na ako at gusto ko, iyon rin ang maibigay ko dahil iyon talaga ang kulang sa aming dalawa. I wanted to grow and to be mature enough for our relationship. Hindi ko kaya iyong long distance dahil ilang taon narin kaming nagtitiis sa kakarampot na oras na pinagsasaluhan namin.
But on the other hand, if he approves with it then I’ll grab that opportunity. Nandito rin kasi ang trabaho ni Mommy at Daddy. Ayaw nila akong lumalabas ng bansa mag-isa dahil hindi nila ako matututukan. But if Toshi is with me, maybe they’ll change their mind dahil may kasama naman ako.
Dumeritso ako sa isang gym pagkatapos ng aking photoshoot. Nadatnan ko naman doon ang kanina pa text nang text sa akin kung nasaan na ako.
Bumaling siya sa akin, pawisan na habang tumatakbo sa treadmill. Hinubad ko ang aking tshirt at tanging sports bra nalang ang naiwan. Inilagay ko sa isang upuan ang aking gym bag saka rin nagtungo sa katabing treadmill kung nasaan siya.
“Ba’t ang tagal mo?” Tanong niya sa akin.
“May natanggap akong good news.”
Mukha itong hindi interesado pero alam kong gusto niya paring malaman.
Nagsimula akong maglakad roon hindi kagaya sa kanya na tumatakbo na sa treadmill.
“Nakatanggap ako ng offer sa ibang bansa sa pagmomodelo ko.” Sabi ko sa kanya na ikinaangat ng kanyang kilay.
“It doesn’t seem a good news to you.”
“I don’t know if your cousin will like this news. Ayaw niya nga sa pagmomodelo ko e.” Paliwanag ko sa kanya na ikinasira ng kanyang ekspresyon.
“Tarantado siya kung hindi siya papayag. Ayaw niya niyan, mas makakapambabae siya dahil wala ka sa tabi niya.” She smirked at me.
Nairolyo ko ang aking mga mata. This bitch is really a sly. Halatang concern ayaw lang talagang aminin. She’s aware that I love my modelling career dahil ibinubuhos ko rin talaga ang aking oras tuwing summer sa aking pagmomodelo. Palagi ko pang minimaintain ang aking figure at sinisiguradong hindi lalagpas ang aking timbang na 45kg sa tangkad na 5’4. I am already 18 now.
“Hindi niya iyon kaya.” Giit ko.
Itinigil niya ang kanyang treadmill hanggang sa huminto iyon. Bumaba siya roon at nagtungo sa kanyang gymbag. Kinuna niya ang bottled water roon at nagtungo rin sa aking harapan.
“Don’t you know that bitch named Floren is working on the same company with Kuya Toshi?” Zera said in her cold yet stern voice.
Umarko ang aking kilay. “They’re just friends.”
Umiling siya, gusto na naman akong pasabugin sa inis. Medyo pinalakasan niya iyong galaw ng treadmill hanggang sa tumatakbo na ako.
“Ex niya iyon. At kung ano ang ex ni Kuya Toshi at palagi kaming magkasama sa iisang lugar syempre lalandiin ko siya total wala pa namang label sa inyong dalawa. It’s been what, almost 4years?” She chuckled bitterly.
“Magtatapos muna ako Zera. That’s our plan.” May diin kong sabi..
Pinunasan niya ang pawis sa kanyang noo habang hindi nabubura ang ngising may pinapahiwatig. May nalalalaglag ng ilang hibla sa nakabun niyang buhok pero hinawi niya lamang iyon at isinabit sa gilid ng tenga.
“Walang label para makalandi siya sa iba. Yun iyon.” Giit niya. “Ang talino mo sa klase pero ang bobo mo sa pag-ibig. Nakakaawa.” Nailing iling pa ito.
I grimaced at that. I want to disagree but I know I’m really stupid when it comes to Toshi. Nalilito ako sa tama at mali na kahit ang aking utak ay hindi ko nagagamit ng maayos. Palaging nangingibabaw ang aking puso, palagi ako noong nalilinlang at mas nangingibabaw ang nararamdaman ko para sa kanya kaysa sa ibang bagay.
I did some yoga after running to relax my muscles. Tinutulungan ako noong instructor ko rito habang si Zera ay tapos na ata at nakahalukipkip nalang roon sa upuan, ang tingin ay nasa akin.
“Bakit hindi ka gumawa ng paraan para malagyan ng label? Bahala ka… Mauunahan ka noong Floren.” Sabi niya.
Umangat ako sa pagkakakulob at naramdaman na ang aking paa sa likod ng aking ulo. Hinawakan noong instructor ko ang aking likod para mapirmi iyon at mas mabend ko ng maayos ang aking sarili.
“I already did that years ago kaso hindi naman gumagana kaya hininto ko rin at nakontento nalang.” Sagot ko sa kanya habang binibilangan ako ng instructor ko ng sampong sigundo bago muling ibaba ang aking ulo at mga paa.
“Habol ka nang habol pero hanggang ngayon hindi parin kayo. Ano iyan, fun run na walang finish line? Napagod kana nga, wala ka pang napala.” Sabi niya.
Bumuntong ako ng hininga at ibinabang muli ang aking ulo saka mga paa. Ipinahinga ko ng limang sigundo saka ako muling nagbend.
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Zera. She’s right but a part of me failed to process her words. I don’t think I will get tired… May napapala naman ako kahit nakakapagod. I am happy when we’re together. Nakokontento ako sa label na iyon dahil malaki ang kasiyahang nakukuha ko.
“Fool. I thought you’re different since you’re a Buenaventura. Pero mukhang katulad ka lang noong mga babaeng bobo at desperada sa pag-ibig kaya nakokontento ka sa ganyang set-up.” Matigas niyang sabi.
Natapos iyon kaya tumayo ako at nagtungo sa kanyang gawi. Kinuha ko ang kanyang bottled water at uminom roon. Humalukipkip naman siya.
“Don’t act like you’re the smartest between us. Nabobobo lang ako dahil nagmahal ako. Ikaw kahit hindi ka magmahal bobo kana talaga.”
Umupo ako sa kanyang tabi at iniangat ang isa kong paa, nakaapak na sa upuan.
Ilang minuto kaming natahimik at sabay nalang na napabuntong hininga.
“Manlilibre ka?” I asked her.
“Tara.” Nauna siyang tumayo kaya sumunod narin ako.
Zera and I are not friends since we both don’t want that kind of relationship between us. Kaming dalawa ang nagpaplastikan at hindi nababutthurt dahil hindi rin naman kami magkaibigan. Harap harapan naming sinisiraan ang isa’t isa at hindi na iyon sinasabi sa ibang tao. We’re mean to each other but I kinda get used to it.
“Nakita mo si Floren doon?” Tanong ko sa kanya habang kapwa kami namimili ng damit sa isang sikat na brand ng mga damit sa isang malaking Mall.
“Yeah… Mas maganda at mas sexy pa sa’yo. Mabait pa at nginingitian ako. I kinda like her for my Kuya Toshi.” She said nonchalantly, trying to piss me off.
Sinuklay ko paatras ang aking buhok saka kinuha ang isang hanger. Mabilis na dumirekta ang kanyang mga mata roon at inagaw sa akin.
“Ang cheap rin pala ng mga taste mo. I am way hotter than that girl.” Banayad kong sabi at tiningnan siyang itinatapat iyong nakuha ko sa kanyang katawan.
“Pero sapat lang si Floren para maakit si Kuya Toshi. You’re busy with your modelling career tuwing summer at busy naman siya sa trabaho niya. He has needs, Irah. Lalake iyon syempre…” Makahulugan niyang sabi at isinampay na ang damit sa kanyang kamay at mukhang nagustuhan iyon.
“Floren is fuckable.” Dagdag niya pa na ikinangiwi ko.
Hindi agad ako nakasagot at itinuon ang tingin sa mga nakahanger. Umabante ako, bumuntot sa kanya na nasa unahan ko lang.
“Bali-balita pa naman doon na sila daw. I asked Kuya Toshi but he told me they’re not. Pero sa mga empleyado doon, tingin nila ay naglilihim lang ang dalawa dahil sweet daw sila.” Nilingon niya ako. “Kung ako si Kuya Toshi mas gugustuhin ko nalang na si Floren ang igigirlfriend kaysa sa’yo na nag-aaral pa.” Ngumisi siya sa akin saka ibinigay ang isang hanger na napili niya.
I remained silent. Itinapat ko iyong damit na ibinigay niya sa akin at nakontento sa nakita ko. Sa aking utak naman ay sobrang rami nang tumatakbong haka haka na baka hanggang ngayon ay nililinlang parin ako ni Toshi. Hindi ba siya napapagod kung ganoon? And he seems sincere! Ayoko mang magpadala sa sulsol ni Zera at kademonyohan na, may parte sa akin ang natatangay sa alon at napupunta sa gitna ng dagat, nalulunod sa aking pinag-iisip.
“Pumunta ka doon kung ayaw mong maniwala sa akin.” Panghahamon niya pa.
I got drained with Zera’s speculations. Hanggang sa pag-uwi ko ay baon baon ko ang aking mga nalaman. Summer is almost over at magiging busy na naman ako sa pag-aaral ko kaya mas lalo lang akong nafufrustrate dahil tuwing linggo nalang kami nagkikita pag may klase ako. Hindi na ako naghihintay sa kanyang condo lalo na’t minsan ay nag oovertime siya roon. Pati ako ay nahahawa sa sinasabi ni Zera na subsob siya hindi sa trabaho kundi kay Floren. Iyon ang palagi niyang pinapamukha sa akin.
Ang lubusan ko ring ikinaiinis ay ba’t di niya man lang nakwento sa akin na magkatrabaho pala sila ng ex niya!
“Hey! You’re home!” Mommy went to me and hugged me from my back.
Napangiti ako ng tipid nang mag-angat ako ng tingin sa kanya sa likuran ko kung saan ako nakaupo sa sofa.
Umikot si Mommy at tumabi sa akin. She’s sweaty at mukhang nagpapalipas ng oras rito sa bahay.
“Zera went here. Pumunta siya rito pero nakaalis kana. Nagkita kayo?” Tanong niya habang pinupunasan ang leeg, ang iilang hibla ng buhok niyang nakaponytail ay nalalaglag na.
“Yep. Naggym kaming dalawa at nagpalibre ako sa kanya ng mga damit.” Ipinakita ko sa kanya ang paperbags na dala ko.
Kinuha ni Mommy ang isang paperbag at binuksan. Sinilip niya ang loob saka rin namangha sa nakitang damit doon.
“Wow… She really has a good taste when it comes to clothings.”
“I chose that, Mommy.” Sabi ko kahit ang totoo ay pinagkukuha ni Zera iyong mga napili ko at ang ibinigay sa akin ay iyong mga napili niya.
Umiling iling siya. “This is Zera’s fashion taste. Hindi naman ganito ang mga damit na binibili mo.” Ngumiti siya sa akin na ikinaiwas ko ng tingin. Fine, kabisado niya ako…
Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone at mukhang mamaya pa ang dating ni Daddy.
“Anyway Mommy, may kompanyang gustong maghandle sa akin pag nakagraduate na ako ng college. They want me as their model…”
Hindi palang ako nangangalahati sa paglalahad ng aking balita ay gumuhit na ang excitement sa mukha ni Mommy.
“Really?! Wow! Your dream is coming true! Anong kompanya iyan?” Tanong niya sa nagniningning na mga mata.
“Sa ibang bansa Mommy. Hindi dito sa Pilipinas.” Dagdag ko pa na dahan dahang ikinabura ng liwanag sa kanyang mukha.
“Oh…” She whispered.
I sighed. “Malaki iyong opportunity pero kung ayaw niyo naman ni Daddy then maybe I’ll just decline the offer-”
“No, no… We can work on that Irah. Pwede akong sumama sa’yo para mapanatag ang Daddy mo.” Putol niya sa akin.
Umiling ako. “Mommy, mas hindi ako papayagan ni Daddy pag tayong dalawa ang lumabas.”
Natigil sandali si Mommy at nag-isip isip.
“May dalawang taon pa naman Mommy. I can still make up my mind. H’wag mo nalang munang banggitin kay Daddy. Ayaw ko rin kasing lumabas…” Pag-amin ko na kanyang ikinakurap.
“But I thought you badly want to be a successful model? That’s a big break for you, Irah. Magiging known ka hindi lang sa Pilipinas kundi pati narin sa ibang bansa.” Mom explained.
I remained silent and left my thoughts untold. That’s not what I really want now. Oo pangarap ko naman iyon pero mas matimbang parin talaga sa akin ang mga pangarap namin ni Toshi. Iyon ang mas mahalaga sa akin ngayon.
Sunday, wala akong photoshoot sa umaga kaya imbes kasama si Zera na gumala ay nagtungo ako sa condo ni Toshi. Franca is quite busy too kaya minsan nalang kami nagkakasama noon. Kaming dalawa ni Zera ang madalas na nagkakasama lalo na’t parehas rin naman kasi kami ng course kaya nagiging magkaklase kami palagi bawat taon.
Pagdating ko sa kanyang condo ay tulog pa ito, nakakulob at topless na naman. I smiled naughtily as I walked silently towards his bed. Dahan dahan akong umakyat hanggang sa makarating ako sa kanyang likod at umupo roon.
Toshi grunted when he felt my weight. His hair were a bit messy while his head moved a bit to change it’s position. Marahan kong dinaanan ng kalmot ang kanyang likod at tumawa dahil sa kamay niyang gumalaw para hulihin ang aking kamay.
“Good morning!” I greeted him.
“Hmm…” He murmured.
Tumigil ang kanyang kamay sa paghuli sa aking kamay at nanatili sa kanyang ulo. Ipinagpatuloy ko naman ang aking ginagawa, pinaglalakbay ko na ang aking mga daliri sa kanyang batok at ibababa agad sa kanyang likod.
“Mamayang 3 pm pa ang photoshoot ko kaya dumeritso ako dito.” Sabi ko.
Gumalaw siya kaya iniluhod ko ang aking mga tuhod para hindi masama sa kanyang paggalaw. Humilata siya hanggang sa makita ko ang kabuuan niyang mukha at ang tiyan niyang matigas. Umupo akong muli roon. Hinilamos niya sandali ang kanyang mukha saka inilagay ang isang kamay sa likod ng kanyang ulo, ang isang kamay naman ay humawak na sa aking hita.
“Dito ka lang ba sa condo mo? Matutulog ka buong araw?” Tanong ko sa kanya nang dahan dahan nang magmulat ang mga mata niyang naniningkit pa.
“How can I sleep if you’re on top of me, doing naughty things…” He said hoarsely.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at hindi napigilang ngumisi.
“Then sleep again.” I told him as my fingers traced the line of his abs. I’ve seen how his adam’s apple moved as he swallowed.
Napunta ang kanyang mga mata sa aking daliri hanggang sa dahan dahan niya iyong iaakyat sa akin. I smiled naughtily until my fingers stop on his nipple. Akma ko iyong hahawakan nang bumangon siya hanggang sa nalaglag ako sa kanyang gitna.
Bago paman ako makapagsalita ay lumapat na ang kanyang mga labi sa akin. He was giving me a chaste kiss while holding my waist. Noong tumigil siya ay namumungay na ang aking mga mata.
“Sasamahan kita sa photoshoot mo and let’s eat dinner after.” Sabi niya na nagpaliwanag ng aking mukha.
“Really?”
Tumango siya, may tipid na ngiti ang labing mamula mula dahil sa aming halikan.
“Malapit na ang pasukan kaya sigurado akong magiging busy ulit tayong dalawa.” Hinawi niya ang aking buhok papuntang likod at sinuklay iyon paatras, katulad ng ginagawa ko.
He stared on my hair for awhile. Na sa tuwing nahuhulog ang kanyang sinusuklay sa aking balikat ay sumusunod rin ang kanyang mga mata. Ang isa namang kamay nito ay nakatukod sa likod.
“Busy na naman ako…” Malungkot kong bulong.
“Third year kana. One more year little girl.”
Bumusangot ako. “I got a big offer outside the country. Pag nakapagtapos ako ng pag-aaral ay gusto nila akong ihandle. Malaki iyong oportunidad at iyon ang pangarap ko…”
Natigil siya sa pagsuklay sa akin at naging malalim agad ang paninitig. Ang mukhang kalmado kanina ay naging seryoso na. Ang mga matang inaantok ay tila gising na gising na ngayon.
“And?”
“And I want to decline the offer dahil hindi ata papayag ang parents ko at dahil narin mapapalayo ako sa’yo.” Sabi ko sa mahinang boses na ipinagsalubong ng kanyang kilay.
Toshi remained silent for a minute. Naninimbang ang mga mata nitong nasa balikat ko ang tingin. Hindi ko alam kung good news ba iyon para sa kanya o bad news. But base on his expression, I think it shocked him a bit.
“You don’t need to give-up your dreams just to pursue this, Irah. We can work on that while you’re reaching your dreams. I’ll help you build it.”
Umiling agad ako. “Ayoko. Sa ibang bansa iyon Toshi.”
“Pero hindi naman pwedeng isantabi mo ang pangarap mo dahil lamang dito?” Matabang niyang sabi.
“But I’ll be very busy! Ayoko ng long distance at hindi ko kaya ang ganoon! I am trying to do good on my studies para makapagtapos ako at maging malaya na.” Nafufrustate kong paliwanag sa kanya na ikinayuko nito at gumalaw na ang balikat dahil sa paghinga ng malalim.
“Ayokong malayo sa’yo.” Giit ko na ikinaahon ng kanyang tingin sa akin.
“You can’t just throw the things you love the most just because things are hard…” He muttered seriously.
Umawang ang aking bibig pero natikom rin dahil sa kanyang sinabi. I am not throwing it! Siniset-aside ko lang muna at inuuna ang mas importante sa akin at mas makakapagpasaya.
“That kind of mindset hurts.” Dagdag niya, nag-iiwas na ng tingin at hindi ko na naman mabasa.
28th TRICKED
T R I C K E D
Drunk
Toshi left those words puzzled. Gustuhin ko mang linawin niya iyon pero mukhang wala narin itong balak na ipaunawa sa akin ang kanyang sinasabi. That kind of mindset hurts him… Ayaw niya bang siya ang gawin kong priority? Hindi ba siya natutuwa sa ganoon?
My summer ended just like what happened 2 years ago. Pasukan na naman at dagdag ulit sa aking frustration. Two more years…
Palagi ko iyong sinasabi sa aking sarili araw araw. Nabubuhayan ako ng loob sa t’wing naalala ko na may patutunguhan ang lahat ng ito. I just want a label. Gusto kong makasigurado sa relasyon namin at naiinis na ako kakaselos pero wala naman akong karapatang pagbawalan siya sa mga bagay bagay. Wala akong karapatang magdemand ng oras dahil hindi naman kami. Somehow, Zera is right… Pag walang label ay pwede ka ngang lumandi sa iba. I can’t believe sumasang-ayon ako sa demonyitang iyon.
“Nakakasawa na talaga. 3 years na tayong magkasama.” Zera complained when she sat beside me. Kakapasok lamang nito sa unang araw ng klase sa umaga at mga mukha na naman namin ang sumalubong sa isa’t isa.
Hinawi niya ang buhok at inilapag sa desk ang purse. Sandaling umangat ang aking kilay nang mapansin ko ang bagong brand ng kanyang purse.
“You’re using the same bag with me.” Puna ko at mas inangat ang kilay na ikinatigil niya sa paghawi ng kanyang buhok at tumagilid ang ulo para silipin ang aking bag sa gilid.
“What the hell? Ano tayo twins? Ang pangit mo ah.” Nandidiri niyang sabi.
“Twins tayo. Palagi kitang naaalala pag nasa cr ako eh. You resemble with my shit alot.” I fake a sweet smile to her.
“It’s disgusting but I’d rather get flushed than staying inside you.” She muttered and make faces to me. Nagmake faces rin ako at ginaya ito pero kalaunan ay itinigil ko nang mapagtantong nagmumukha narin akong may sayad sa utak kagaya niya.
Chineck ko ang aking cellphone at medyo napangiti nang makita ang mensahe roon ni Toshi. I greeted him good morning at ngayon lamang ako nakatanggap ng mensahe. It takes an hour to reply for a single word huh?
Toshi: Morning.
“Kinikilig kana sa ganyan?” Napangiwi si Zera habang sinisilip ang aking cellphone. Napakanosy talaga ng babaeng ito!
“Kung walang naggogood morning sa’yo, h’wag mo akong isali sa kabitteran mo.” Sabi ko habang nagtitipa ako ng mairereply.
Suminghap siya ng marahas sa aking gilid at nag-iikot na ng mata. Zera is good at hiding her emotions. Doon lang ata ako bumilib sa kanya. She’s good at faking herself kaya nga plastic iyan eh… hindi nabubulok.
Isinend ko agad ang natipang mensahe para kay Toshi. Hindi na ako mag-eexpect na magrereply agad ito.
Ako: Nasa school ako. It’s my first day! :’)))
Tinitigan ko ng ilang sandali ang smiley na naroon saka rin naman gumaya si Zera sa akin at tinitigan iyon.
“Where’s the horn? Nakalimutan mo ang sungay.” Kalmado niyang sabi.
“I don’t need that. I type it using my middle finger.” Saka ko iyon ipinakita sa kanya.
She wrinkled her nose. “Ang cheap cheap mo pala pagdating kay Kuya Toshi. Nagpapakababa kana dahil lang mahal na mahal mo siya. And worst, he doesn’t seem interested…” Umiling iling siya at pekeng sumimangot, sinapo ang dibdib. “Ouch…” She said softly.
“I’d rather feel the pain than feel nothing. I’m inlove. That’s inevitable.” Kibit-balikat ko, hindi nakakaramdam ng kirot sa kanyang sinasabi dahil malinaw naman sa akin ang aking kagagahan.
Humilig siya sa mesa at itinukod ang siko roon, ang palad ay nasa ilalim na ng baba.
“Ayoko nang mainlove.” Komento niya na ikinalingon ko narin. I am not as nosy as her kaya hindi ko rin pinapakialaman ang kanyang buhay pag-ibig o kung ano ano pang pinagkakaabalahan niya.
Noong breaktime namin ay kaming dalawa rin ang magkasama pero sa pagkakataong ito ay nakamatch na namin ng breaktime si Elle. I really don’t know how to describe her but compared to Zera, she’s more friendly.
“Ang ganda mo, Irah!” Elle smiled at me sweetly habang inilalapag ang tray sa aking harapan.
“H’wag mo siyang pinaplastic. Wala rin siyang pakialam sa sasabihin mo.” Si Zera na kinukunan ng pagkain ang tray ni Elle.
Kumurap ito at tumitig sa akin, mabilis na naglaho ang pagkamangha sa mukha at seryoso na.
“Oh, talaga? Wala rin naman talaga akong nagagandahan dito kundi sarili ko lang.” Ngumiti siya at sumubo na ng pagkain.
So she’s just faking her compliments?
May dumaan na grupo ng mga babae na ikinangiti agad ni Elle at naroon na sa kanila ang tingin. Zera is already eating at ako, nabubwesit dahil dalawa na silang nasa harapan ko.
“Hi Elle! Sasama ka sa amin later?” Tanong noong may mahabang buhok sa kanya.
“Sure!” Ngumiti siya ng matamis katulad noong ngiti na ipinakita niya sa akin kanina.
Natuwa naman agad iyong tatlo at lumiwanag na ang mga mukha.
“See you mamaya sa next subject, Elle!” Iyong isa namang nakaponytail.
“See you!” Mas matamis na ang ngiti at malambot na ang boses niya habang sinusundan ng tingin ang tatlo. Noong ibinalik niya ang tingin sa harapan ay mabilis rin itong sumeryoso at nagawa pang ngumiwi.
“Ayoko na atang pumasok sa isa kong subject.” Seryoso niyang sabi at sumubo narin ng pagkain.
“Plastic.” Sambit ko na na ikinatango tango ni Zera.
“Sobra.”
Mapanglinlang ang kanilang angkan. Iyon lamang ang aking napatunayan. Baka nga iyong kambal niyang kapatid ay nagpapanggap lang rin na abnormal? Si Nana na nagpapanggap na inosente? But one thing is for sure… They’re good at tricking the people around them. Tsk tsk.
Nakakasabay na namin si Elle bawat break time namin ni Zera. Habang patagal nang patagal, mas nakikilala ko ito. Siya na ata ang pinakaplastic na babaeng nakilala ko. Ang sabi ni Zera, kung hindi mo kayang magtaray, magbaitbaitan ka nalang daw. At sinunod naman iyon ni Elle. Hindi ko talaga alam kung anong meron sa angkan nila at napapaisip ako kung nasobrahan ba sila sa aruga o nakulangan.
Hinawakan ko ang trey at akmang lilipat na ng table nang inangat narin ni Zera ang kanya, balak sumunod sa akin at ganoon rin si Elle na ginaya si Zera at balak itong sundan.
Marahas akong bumunga ng hangin at pabagsak na umupong muli. Iyon ang huli kong attempt na maglipat ng lamesa at h’wag silang makasama sa pagkain pero tinigil ko rin dahil bubuntot lang naman sila.
“Anong mas gusto mo Irah, masampal ng katotohanan o masabunutan ng kasinungalingan?” Tanong sa akin ni Elle, isa sa mga out of this world niyang pinoproblema sa t’wing nakakasabay namin ito.
Hindi agad ako sumagot at sumubo ng pagkain. Tumitig naman siya, nagiging mabagal na ang pagnguya at interesado sa sagot ko.
“Where did you get that?” Gumuhit ang kyuryusidad sa aking mukha. She’s a plastic and a weirdo!
“Naisip ko at lumabas sa bibig ko?” Di niya sure na sagot na ikinatampal ko sa aking noo. I can’t imagine myself being with her everyday.
“Sagutin mo na.” Sabi niya pa, ayaw akong tantanan.
Nilipat ko ang tingin kay Zera na tutok na tutok naman sa kinakain.
“Masampal ng katotohanan.” Sagot ko.
Agaran siyang humalakhak, ang mga mata ay nawawala at sobrang tawang tawa sa aking sagot. Okay?
“Sasampalin ka ng katotohanan! Imposible naman iyon ah! They’re not humans!” At tumawa siya lalo.
Nang makita niyang wala akong reaksyon at nakatitig lamang sa kanya ay saka lamang ito natauhan.
“Fine, it’s not funny.” Saka siya sumubo.
Di ko alam kung maiinis ako sa kanya o matutuwa na ewan. Makulit ito at kahit ano ano ang pumapasok sa kanyang isipan pagkatapos ay siya lang rin ang tatawa dahil siya lamang ang nakakarelate. She easily laughs at small things at sumasang-ayon palagi kay Zera.
Noon napapansin ko talagang mas close ang dalawa at hindi nasasali si Nana sa kanila. Mas close si Nana at White, si Ken naman napapansin kong close kay Hiro at White, ang kambal ay close sa isa’t isa, si Grey at Toshi na nagkakaintindihan pero pag pinagsama silang magpipinsan ay makikita mo rin talaga ang closeness.
Nilamon ako ng kyuryusidad kung nalaman nilang nagkikita kami ni Toshi. Kahit matabas ang dila ni Zera at binubwesit ako ay mukhang hindi niya naman pinagsasabi sa kanyang mga pinsan ang nangyayari sa aming dalawa ni Toshi. Parang sila lamang ng kapatid niya ang may ediya which is really creepy. Para kasing marami silang napapansin…
Hapon na noon at pauwi na dapat ako. Nagtipa ako ng mensahe para isend iyon kay Toshi. Nagbabasakali akong pwede akong pumunta sa condo niya at hintayin siya. Or maybe matagal na naman siyang makakauwi? But it’s Saturday…
Ako: Anong oras ka uuwi?
Nakagat ko ang labi at tumayo muna sa may gate para hintayin ang reply nito.
Ilang minuto ang dumaan. Sinipat ko ng tingin ang sundo ko sa di kalayuan saka ko ulit tiningnan ang screen ng aking cellphone.
“Di ka pa uuwi?”
Napatingin ako sa aking likuran at pasimpleng nasuklay ang buhok paatras. Zera, in her serious face showed up.
Umiling ako. “Maya maya.” Saka ko tiningnan ang aking cellphone na ikinalaglag narin ng kanyang tingin roon.
Humalukipkip siya at nag-angat ng kilay.
“Susunduin ka ni Kuya Toshi?” She asked.
“He’s busy ata.” Sagot ko at nilingon ang aking sundo.
Napalingon rin siya sandali doon pero inilipat rin sa akin.
“You called him?”
Umiling ako. “I texted him.”
“Text lang? Ang yaman yaman niyo pero wala kang pangtawag?”
Ngumiwi ako. “Maybe he’s busy.”
“Kung di niya sasagutin hindi siya busy. Pero kung sinagot, edi hindi. Bobo.”
Nag-ikot ako ng mga mata at pinindot ang icon para matawagan ito. Inilagay ko ito sa aking tenga, si Zera naman ay nasa akin parin ang tingin.
Nakailang ring iyon hanggang sa may sumagot.
“Hello?” Isang malambing na boses ng babae ang sumagot noon.
Ang nakaawang kong bibig ay natutop at nakalimutan ko ang dapat na sabihin sa kabilang linya dahil sa hindi inaasahang boses.
“Hello?”
Nagkasalubong ang aking kilay at walang ano-ano’y pinatay iyong tawag. Zera chuckled.
“Babae ’no?”
Suminghap ako at sinikap na pigilan ang sariling nagpupuyos sa galit. Is that Floren?
“If she sound bitchy then that’s Floren.” Sabi niya, na nababasa niya ang ekspresyon sa aking mukha at nakapaskil roon ang tanong ko sa aking isipan.
Damn it.
“Manlilibre ako. Do you want to drink?” She tilted her head just to see the anger in my face.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko na talaga alam kung ba’t ganito nalang ako kapasensyosa. I should give up! Wala namang naibibigay na mabuti ang pag-ibig na ito sa akin! Palagi nalang akong sinasaktan pero hindi naman napapasaakin!
Para akong bulkan na nagbabagyang sumabog pag hindi ko kinontrol ang aking galit. Sumama ako kay Zera at sumang-ayon roon sa ediya niyang uminom kami. Pwede naman akong uminom pero h’wag magpalasing. Dahil pag nalasing ako ay h’wag nalang akong umuwi ng bahay. Iyon ang sabi ni Daddy sa akin noong nagtanong ako kung pwede ba akong magBar.
Napangiwi ako sa inuming aking nilagok ng buo. Ang aking lalamunan ay parang dinaanan ng kung anong mahapding tubig kaya hindi ko napigilang mapangiwi.
“Ang bulgar mo namang masaktan.” Nasira ang ekspresyon ni Zera habang pinapanood akong sunod sunod ang lagok sa inumin na medyo light lamang.
Humilig siya sa countertop at nasa pisngi na ang palad para suportahan iyong pagkakatukod ng kanyang siko. Nailing ako at nagsalin ulit sa maliit na shotglass.
“Hindi naman kayo ah? Toshi is still single, technically… Masyado ka namang assuming.”
“Just shut up, Zera. Alam kong bobo at tanga ako sa pinsan mo. You don’t have to slap it in my face. Ilang beses ko na iyong sinasampal sa akin pero hanggang ngayon hindi parin ako nagigising.” Umiling ako.
“Then maybe you really need a real slap in the face. Baka pag sinampal kita ng kahoy ay matauhan kana.” Kalmado niyang sabi.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nilagok muli ang panibagong inumin na aking sinalin roon. Para na iyong kumakalat sa aking sistema at binibigyan ako ng mainit na pakiramdam, sumasabay sa init ng aking ulo.
“Trey told me, nasa dugo niyo ang pagiging tuso. But looking at you right now… Ampon ka?”
Nagsalin ako ng panibago at nilingon siya.
“Anong Trey, Kuya Trey. He’s four years older than you.” I grimaced.
“Di ka nga nagkukuya kay Kuya Toshi. Plus, we’re not bloodrelated. Di ako magalang sa mga di ko kadugo.” Sabi niya at ngumiwi pa nang nilagok ko muli ang aking isinalin.
Umikot ang aking paningin at numungay na ang aking mga mata nang balingan ko siya.
“Ako di ako magalang sa mga di ko kauri.” Sagot ko at tiningnan ang dancefloor. Crowded iyon at masyado ring maingay ang paligid.
“I really don’t like you for my Kuya Toshi.” She whispered as her eyes wandered from somewhere.
Mapakla akong ngumisi. “I don’t like you for my Kuya Trey, too.” Sasaktan ka lang noon at gago rin naman iyon, papalit palit ng girlfriend. Hindi ko na iyon idinugtong at hinayaan nalang mamalagi sa aking isipan.
Noong bata pa ako, I promise to myself na gagayahin ko si Kuya Trey. Magpapalit palit ako ng boyfriend. Pero ngayon, napagtanto kong walang magandang naidudulot ang mga lalake sa isang babae. Nagtataka tuloy ako kung ba’t sinasabi nilang masarap mainlove kung ang kapalit naman noon ay papatayin ka sa sakit pagkatapos mahulog isang taong hindi mapapasa’yo.
“Kuya.” Bumusangot agad si Zera, nasa aking likuran ang tingin.
Paglingon ko, sa namumungay kong mga mata ay malinaw kong nakita si Hiro, nakapamulsa at seryosong seryoso ang tingin.
“Tayo.” Malamig na utos niya sa kanyang kapatid. Mabilis namang tumayo si Zera at nagtungo sa kanyang kapatid.
“Why are you here?” Tanong niya, nilingon ako sandali pero ibinalik rin sa kapatid niya.
“Susunduin ka.” Sabi niya lang.
Ibinalik ko ang tingin sa harapan at hindi na sila gaanong pinagtuunan ng pansin. I just realized I’m an only child… Walang magsusundo sa akin at tanging bodyguards ko lamang ang nandiyan. Kung alam ko lang na ganito pala kasakit ang pag-ibig, nanghingi nalang sana ako ng kapatid na lalake sa magulang ko para may sumuntok sa gagong lalakeng nagpapaasa sa akin. But on contrary, maybe I’m destined to be alone because I can handle myself well. Para narin makatayo sa sarili kong paa.
“Give her more shots.” Sabi ni Hiro doon sa Bartender at binigyan niya pa ito ng pera.
“You’re being nice to me again… It’s creepy…” Sabi ko.
Sinipat niya lang ako ng tingin sandali pero nag-iwas rin at wala nang sinabi. Nilingon ko naman si Zera na nakahalukipkip at nakasimangot.
Nawala silang dalawa at hindi na ako nag-abalang isipin pa kung nasaan sila. Itinuon ko ang buo kong atensyon sa panibagong inuming inilapag. Naiiba iyon sa nauna at mukhang hard drink iyon. Total libre naman, then I’ll just enjoy it.
Umaalon na ang aking paningin at sobrang init na ng aking katawan. Wearing my college uniform, I tried to stand up pero ang aking mga tuhod ay parang mababali ata kaya nawawalan ako ng balanse at pagewang gewang na.
“Fuck, I’m drunk…” Nasapo ko ang noo at natawa rin sa kagagahan dahil mukhang wala na naman akong uuwiang bahay.
Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad. Tinutulak ko ang mga taong sagabal sa aking daanan hanggang sa umikot ang aking paningin at pakiramdam ko ay umiikot narin ang paligid. Nahawakan ko ang aking noong pumipintig at halos hindi na maibalanse ang aking sarili.
Bago pa man ako mapasalampak sa sahig, umangat na ako sa ere. The familiar scent suddenly pushed me to open my eyes. Kahit hilong hilo, sinikap kong tingnan ang mukha ng lalakeng nagmamay-ari ng pamilyar na pabangong iyon.
Mas lalong sumanib ang alak na ininom ko at hilong hilo na. Wala pumapasok sa aking utak at hindi ko magawang sundan ang nangyayari. Pumipintig sa sobrang sakit ang aking ulo at naaalala lamang ang paligid pag nagsusuka na ako. The place is quite familiar to me pero kahit anong halungkat ko sa aking isipan kung paano agad kami nakarating roon ay hindi ko talaga maalala.
“Here.” Isang baso ng tubig ang inilahad sa aking gilid.
Lumingon ako roon at natagpuan ang madilim ngunit kalmadong ekspresyon ni Toshi.
Kinuha ko iyon at ininom. Iniluwa ko sa sink ang huling tubig para imumog iyon. Nahipo kong muli ang aking ulo saka ako napasandal, hilong hilo parin ako.
“Akala ko ba umuwi ka ng maaga?” Tanong niya sa akin, sobrang tabang ng boses.
“Akala ko nga rin uuwi ako ng maaga.” Mapakla akong tumawa nang maalala ang tunay na dahilan kung ba’t ako naglalasing.
“You’re suppose to take your studies seriously, Irah.” Mariin niyang sabi sa akin, tanging fit na puting polo nalang ang suot at nahubad na ang coat.
Nailing ako, mapaklang tumawa.
“Ginagaya lang naman kita. You know how much I adore you… Sumasideline lang rin ako.” Matabang kong sabi at tiningnan siya ng malamig sa kabila ng mga mata kong namumungay.
His brows furrowed as curiousity embraced his face.
“Ano na naman ba ito?”
“Ba’t di mo itanong sa babae mo?!” I accused him.
“Sino?” Matigas at nalilito niyang tanong.
Napahagalpak ako ng tawa. “Marami ba kami?” Nahawakan ko ang aking tiyan at mas tumawa pa. His face darkened as he stared at me intently..
“Do you think I’m fooling around, Buenaventura?” He said deeply.
Sumeryoso narin ako at tumayo na ng tuwid.
“Uuwi na ako.” Tumalikod ako at akmang hahakbang na kung hindi niya lang talaga ako hinila.
“Let go of me!”
“Hindi ka pwedeng umuwi sa ganyang kalagayan!”
“Why?!” I laughed bitterly. “You got time to care about me?” Malamig kong tugon na ikinaluwag ng kanyang pagkakahawak sa aking braso. His strong jaw tightened as his stare became deeper and deeper.
“Dito ka matutulog.” Sabi niya at kinaladkad na ako sa kabilang dako ng kanyang condo.
“Ayoko! Uuwi ako!” I tried to pulled my hand from his grip pero masyado iyong mahigpit.
“Uuwi ako!” Sigaw ko ng ubod ng lakas at nagpabigat pero wala man lang iyong epekto sa kanya.
“Let go!” Sinapak ko ang kanyang malapad na likod para mabawi ko ang isa kong pulso kaso nang humarap ito sa akin ay laking gulat ko nalang sa aking pag-angat sa ere. Masyadong mabilis ang kanyang kilos na kahit ako ay hindi ko na nasundan at tanging galit na mukha lamang nito ang aking nakayang pansinin.
He slammed me on his bed and kissed me deeply. Ang aking plano ay unti-unting nabubura dahil sa atake ng kanyang labi sa akin. Mainit iyon at masyadong malalim, malayong malayo sa mga halik niyang nakasanayan ko.
“You and your stubbornness…” He whispered to my lips without breaking our kisses.
Natangay ako ng aking pagnanasa at gumanti narin, nakakalimutang dapat ay galit ako at magpakipot man lang pero agad ring bumigay.
I felt his tongue dive inside me. Naiyapos ko ang aking mga braso sa kanyang leeg at marahang sinabunot ang kanyang buhok gamit ang isa kong kamay habang ang isa naman ay nasa kanyang panga, humahaplos roon.
“Let’s settle this argument through this. Total pinapainit mo ako…” Bulong niya at naglakbay ang kamay sa aking dibdib. My mouth formed o when I felt his hand molded it. Natigil ako sa paghalik sa kanya at natatangay na noong sensasyon dahil sa kanyang palad.
He parted my legs while kneeling his other legs between me. Naroon na iyon at nagiging sagabal para hindi ko iyon maisara. Damn it, is he going to…
“Anong ikinakagalit mo?” Tanong niya habang lumalandas ang halik sa aking panga, ang isang kamay ay binubuksan na ang botones ng aking blusa.
“S-Someone answered your phone. Babae-” Isang halinghing ang aking nabitiwan nang maramdaman ko na sa loob ng aking blusa ang kanyang kamay na namimisil misil sa tuktok ng aking dibdib.
His tongue travelled on my jaw until it went down.
“Uminom ka dahil doon?” Tanong niya muli.
Inaantok kong idinilat ang aking mga mata at tiningnan siyang inilebel ang sarili sa aking dibdib. Umakyat ang kanyang tingin sa akin at saka iyon sinimulang sambahin.
I pushed my head backwards as I felt his tongue swirling all over it. His other hand travel down to my navel until he found my sensitive part. Hinawi niya lamang ang aking palda paakyat at natagpuan niya na iyon.
He started to caressed it with my clothes on. The sensation is too much for me that I can’t help not to shut my mouth.
Sinikap kong itukod ang aking mga siko sa kama para hindi tuluyang mapahiga roon. Lumebel siyang muli sa akin at hinuli ang aking labi, hinalikan ako ng mapusok.
“Hmm, that’s why you taste like jealousy.” He breathe deeply as his hand found its way in.
Natigil ako sa paghalik sa kanya pabalik at napaawang lalo ang aking bibig dahil sa daliring nanunukso na. Inipit ko ang aking mga hita pero dahil naroon ang kanyang isang hita, nakatukod sa gitna, imposible kong naisara iyon at mas lalo lang naging mapangahas ang kanyang daliri.
My mind shattered as I clutched the bedsheet hashly for an explosion. Parang yumanig ang aking mundo at nanginig ang aking mga hita, naibagsak ang aking sarili sa kama at hingal na hingal.
“Hahayaan kitang malasing pero sa pamamagitan lamang ng mga halik ko, Irah… Wala nang iba.” Bulong niya sa namamaos at malalim na boses bago ako tuluyang nawalan ng malay.
29th TRICKED
T R I C K E D
Guilt
The pain in my head woke me up. Umikot agad ang aking paningin kaya nagmamadali akong bumalikwas ng kama at deri-deritso ng tumakbo patungong cr.
Naririnig ko ang aking sariling pagduwal sa loob habang hinahawakan ko ang aking mga buhok at hindi iyon masali sa sink. Pait ang lasa noon at hinuhukay pa ang aking tiyan para lamang may maisuka.
Pinaandar ko ang tubig saka hinilamos ang sarili. Kung hindi ko lang naamoy ang pamilyar na pabango ng aking suot ay hindi babalik sa aking isipan ang nangyari kagabi. Wala ako sa bahay…
Natingnan ko ang sarili kong mukha sa salamin hanggang sa nalipat iyon sa may pinto dahil sa paglitaw ni Toshi. Sandali akong napatitig sa topless niyang katawan at tanging boxers lamang ang suot saka ko rin iginapang ang tingin sa inilahad niya sa akin.
“Para mawala ang kalasingan mo.” Sabi niya.
Kinuha ko ang tableta saka ako yumukong muli para makainom ng tubig at malunok iyon ng buo. Nang mag-angat akong muli ng tingin sa kanya ay nakahalukipkip na siya at nasa pwetan ko ang tingin.
Tumayo ako ng tuwid na ikinaangat rin naman ng tingin niya sa akin.
“What happened?” I asked him curiously.
“Wala kang maalala?” Tanong niya sa nanunuyang boses, mas malalim na ang titig sa akin.
Bumalik sa aking alaala ang nangyari kagabi pero malabo iyon at medyo hindi detalye. Putol putol lamang. I’m curious if we really did it. Hindi ko rin kasi maalalang may nangyaring pasukan kahit akong kalkal ko sa aking isipan. But I am still throbbing down there… I can still feel it…
Umiling ako ng dahan dahan. Umangat naman ang kanyang kilay at mukhang hindi sang-ayon sa aking sagot.
Tumuwid siya sa pagkakatayo at nagtungo sa aking likuran. Niyakap niya ako roon at ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat. Ang isang braso ay nakapulupot sa aking beywang habang ang isa naman ay hinawi ang aking magulong buhok para makita ang aking leeg.
Hinalikan niya ang balat noon saka ako muling tiningnan sa salamin.
“Idedetalye ko ba ’to?” Sinipat niya sandali ng tingin iyong pulang marka sa aking leeg saka rin ibinalik sa aking mga mata sa salamin. His deep and sexy stare is too much that I swallowed.
“You did that?”
Tumango siya at iniyapos ang isa pang kamay sa aking tiyan. He’s hugging me tightly from the back as he pressed his lips on my neck.
Ngumuso ako nang mapagtantong ito ang unang beses na inumaga ako rito. Bahala na sigurong mapagalitan pag-uwi basta lang naging masaya ’no, Irah?
Nakalimutan ko ang tinanim kong galit kagabi at hindi na matanggal tanggal ang matamis na ngiti habang sumusubo ng pagkain. Kumakain kami ng agahan sa kanyang balkonahe. Bukas ang transparent door habang sumasayaw ang kurtina at hinahangin ganoon rin ang aking buhok.
“Paano mo nalamang nandoon ako sa Bar niyo?” Tanong ko sa kanya.
“Hiro called me. Magkasama raw kayo.” Umangat ang kanyang kilay na ikinabusangot ko.
“Si Zera ang kasama ko ’no.” Giit ko.
“Kaya pala magkasundo kayo dahil parehas kayong matitigas ang ulo.” Umiling siya at sumubo ulit.
Ngumuso ako at akmang susubo kaso nalalaglag iyong mahaba niyang sleeves at natatakpan na ang aking kamay. Binitiwan ko ang kubyertos saka iyon inayos kaso palagi iyong bumababa.
“Let me.” Inilahad sa akin ni Toshi ang kanyang kamay.
Inangat ko iyon saka ibinigay sa kanya. Maingat niyang inirolyo ang mga sleeves saka binotones ang magkabila para sumikip iyon sa parteng siko. Iyon rin ang ginawa niya sa isa pa. I stared at him. He was doing it gently with his serious expression.
Ganoon nga siguro ako kababaw pagdating sa kanya dahil sobra sobra na akong pinamulahan ng mukha. Ang aking isipan ay nilamon ulit ng damdamin ko para sa kanya. So what if I’m chasing him? So what if I look stupid loving him? Ano bang pakialam ko sa sasabihin ng iba sa akin? Hindi naman sila ang nasasaktan, ako. Hindi sila ang pumapasan, ako. Sino rin ba ang tangang babaeng maghahabol sa lalakeng hindi niya naman gusto? Kahit papaano ay hindi parin naman talaga ako sobrang bobo dahil hinahabol ko ang lalakeng gusto ko.
I stayed inside his condo wearing his polo. Ayoko itong hubarin at gusto kong naamoy siya sa aking katawan.
Kapwa kami nakakulob sa kanyang kama habang tinitingnan ko ang kanyang album.
“Nakapunta kana sa bukid nila Tita Aly?” Nilingon ko siya at tinuro ang pamilyar na mansyon nila South roon.
Tumango siya, ang kamao ay nasa gilid ng ulo habang nakaharap sa akin.
“That was 5years ago. Binisita namin si Tita Aly roon.”
Oo nga pala, his Mom and Tita Aly are cousins. So second cousin niya rin sina South at North.
Inilipat ko ulit ang pahina. Wala ang tingin niya roon kundi nasa gilid ng aking mukha. Hinawi niya ang iilang hibla ng aking buhok at isinabit iyon. Nilingon ko siya sandali at ngumiti saka rin ibinalik sa album.
“Ang hilig mo pala sa yakult noon?” Natatawa kong pinasadahan ng tingin ang mga baby pictures niyang may hawak na yakult. Nakanguso ito at namumula ang mga labi.
Ginawa niyang unan ang kanyang mga braso at humiga roon ng tuluyan. Ang baba ay nakapatong na sa braso.
“Yeah… Paborito ko ata iyon noong bata ako.”
“Eh ngayon ano na ang paborito mo?”
Hindi agad ito nakasagot kaya nilingon ko siya. Itinagilid niya ang kanyang ulo hanggang sa ang pisngi niya na ang ipinahinga niya sa kanyang braso at nakaharap na sa akin ng buo.
Isinara niya ang album saka hinila ang aking beywang. Umangat ng kaonti ang suot kong polo niya at nalantad ang aking pwet kaya hinila niya rin iyong dulo ng polo para matakpan.
“Wala na.” Sagot niya.
Ginaya ko narin ang kanyang posisyon at humarap rin sa kanya ng buo.
“Bakit wala na?” Tanong ko.
“Your likes changes from time to time. Maraming mga bagay sa mundo na magpapamulat sa’yo na may mas masarap pa naman doon sa paborito mo.” Makahulugan niyang sabi, ang kamay ay namahinga nalang sa aking beywang.
“May standard ka ba sa babae?” I asked randomly.
Tumagilid siya at itinukod muli ang isang kamay sa kama. Ang kamao ay nakadikit na naman sa gilid ng ulo. He pushed me closer to him until I occupied the space between us.
“Wala akong standard. If I like the girl then I don’t care if she’s ugly, poor, fat or young. I’ll embrace her flaws…”
Napangisi ako sa kanyang sinabi. “So you really don’t care about my age? I am still young compared to you. 23 kana…”
“Turning,” he corrected me, ang mga kilay ay nagkakasalubong.
“Matanda ka parin.” I chuckled softly.
Nailing lamang siya at itinago ang kanyang mukha sa aking leeg. Masyado siyang clingy ngayong araw na ito…
“H’wag kanang iinom ulit.” Bulong niya roon.
Ngumuso ako. “Ikaw kaya ang may kasalanan.”
“Kung galit ka sa’kin, sabihin mo. Ako ang magpapakalma sa’yo hindi iyang alak. Mas malalasing kita…” Ang kanyang kamay ay dumaosdos na sa aking pwetan hanggang sa naglakbay iyon sa aking hita at iniangat niya iyon, ipinatong sa kanyang hita.
“But you’re busy…” Sagot ko sa maliit na boses.
“May patutunguhan rin naman ang lahat at sa ikakabuti rin naman natin iyon.”
Tumango ako at nakagat ang pang-ibabang labi. Mukhang pinairal ko na naman ata ang pagseselos ko at padalos dalos na naman sa aking desisyon…
Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at inamoy amoy iyon. He smelled like mint with a combination of his natural scent.
“Ang bango…” Bulong ko roon na ikinayuko niya para silipin ang aking mukha. Pinisil pisil niya ang aking pisngi saka rin ako niyakap ng mahigpit.
“C-Can’t breathe…” Itinulak ko siya kaso bigla nalang siyang pumaibabaw sa akin hanggang sa maramdaman ko ang buo niyang bigat.
“Toshi!” I tried to pushed him pero ang loko loko ay tumawa lamang sa aking leeg.
“Iyan ang napapala ng mga masyadong payat. Daganan lang para nang magkakapira-piraso.” Hinawakan niya ang aking beywang saka siya ulit humiga at ako naman ang napunta sa kanyang ibabaw.
Ngumuso ako at hinawi ang aking buhok para makita siya ng malinaw. Tumulong narin siya sa paghawi noon. Sinuklay niya ito paatras habang ang isang braso ay nakapulupot parin sa aking beywang.
Itinukod ko ang magkabilang siko sa kanyang dibdib saka ko hinawakan ang magkabila kong pisngi. Siya naman ay nagpatuloy sa kakasuklay sa akin, titig na titig sa aking buhok.
“Ang sarap mong alagaan…” Bulong niya na hindi nakaligtas sa aking pandinig.
“Ang sarap mo rin.” Sagot ko saka ako humalakhak. Toshi bit his lowerlip as he tried to hide his smirked. Nang hindi niya nakaya ay humalakhak narin ito at nagawa pang bumaliktad para mahulog ako ulit sa kama.
Buong araw kaming nagkulitan roon at sinulat ang bawat oras. Nabura lamang ang aking pagsasaya pagkauwi ko sa bahay lalo na’t ang nag-aalalangg mukha agad ni Mommy ang sumalubong sa akin pag-uwi ko noong hapong iyon.
“Dapat tinext mo kami ng maaga na hindi ka pala makakauwi. We’re so worried…” Hinaplos ni Mommy ang aking buhok at nababasa ko na sa kanyang mga mata ang galit ni Daddy. I’m ready for this but still, I’m scared…
“I’m sorry Mommy. I lose track with the time because-”
“Because you’re drunk.” Si Daddy na ang dumugtong noon, kakababa lang sa hagdan.
Napalunok ako ng laway at dahan dahan itong nilingon.
“Dad I’m sorry-”
“Cellphone.” Inilahad niya sa akin ang kanyang palad na ikinadismaya ng aking mukha.
“Tres…” Si Mommy naman, hawak na ang aking braso.
“Irah. Your phone.” Seryosong sabi ni Daddy na ikinalunok ko muli.
“But Daddy, masyado na ata akong matanda sa ganitong punishment.” I tried to calm my voice as I smiled bitterly.
“And you’re still acting like a 4year old kid.” Sabi niya.
Hindi nagbabago ang mga mata ni Daddy. Mas lalo lamang iyong dumidilim at humahalo na ang pagiging misteryoso noon sa kabuuang hitsura.
“Daddy…”
“Don’t make me repeat my words, younglady.” Nagbabanta niyang sabi.
Nanlumo ako. Iyon nalang ang natatanging komunikasyon ko kay Toshi pag busy ito. I’m sure he knew I’m with him kaya ngayon ay humahadlang siya. Pinagdududahan niya na naman ito na may masamang balak sa akin dahil sa alitan ng aming pamilya.
“Ang galit ng mga Delafuente ay labas na sa amin, Dad. What you think is wrong, that’s absurd!” I spat.
Ibinulsa ulit ni Daddy ang kanyang kamay at naging malalim lalo ang tingin sa akin. Mommy looks confused pero humigpit lalo ang pagkakahawak sa aking braso.
“Hindi ka susunod?” Nananantya na ang boses na iyon.
Nanubig ang aking mga mata, dala ng takot sa kanyang galit at ang parusa na alam kong naghihintay sa akin. He’s just being unfair!
“Tres, she’s safe. Nakauwi naman siya. H’wag mo nang pagalitan.” Mommy hugged my shoulder. Napakapit narin ako doon at sinikap na hindi malaglag ang mga luhang pinipigilan.
“It’s okay Mommy. I deserve the punishment but I didn’t regret breaking the rules.” Matabang kong sabi na ipinagsalubong ng kilay ni Daddy.
Lumunok ng laway si Mommy at umiling sa akin, may pinaparating na ang tingin.
“Go to your room now.” Si Mommy na naputol rin naman.
“Are you trying to mock my rules in this house, Irah?” Dad asked me, galit na ang boses.
“Tres!” Si Mommy.
I clenched my fist. “Hindi ba kayo nainlove? Bakit ang unfair naman ata ng pamamalakad mo-”
“Don’t you dare compare your shallow feelings with ours!” Putol ni Daddy sa akin na kapwa namin ikinatalon ni Mommy. Nanubig ang aking mga mata nang makita ang tingin niya sa aking nagbabanta.
Mariin siyang napapikit at napatingala. Hinilot niya ang kanyang sintido saka inilahad sa akin ang kanyang kamay.
“Give. Me. The. Damn. Phone.” Putol putol niyang sabi at pilit kinokontrol ang galit.
Tumango tango si Mommy sa akin at inuutusan akong sundin nalang ito. Nagtungo ako ako sa kanya at isinurrender ang aking cellphone. Ilang sandali lamang ay lumagapak na iyon at nagkapirapiraso dahil sa pagtapon niya noon sa pader. My phone crashed into pieces as I shut my eyes, trying to control my tears.
“Go to your room now, Irah!” Mommy said, almost begging.
Umiling ako kay Daddy kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata at mabilis na tumakbo paakyat ng aking kwarto. Pagkapasok ko ay naibagsak ko agad ang aking katawan sa kama at mabilis na ibinaon ang aking mukha sa unan para hindi tumakas ang luhang kanina pa gustong lumabas.
Is this even shallow? Kung ano man ang tunay na ikinakagalit niya ay hindi ko na matukoy. Hindi na ako bata para pagsabihan pa. Alam ko naman ang mga nakakabuti at nakakasama sa akin. Ngayon lang ata sa tanang buhay ko na nagalit ako sa kanya.
I didn’t complain when he decided to add my bodyguards. Tuwing pagkatapos ng aking klase ay susunduin na ako na kahit tuwing linggo ay bawal narin akong gumala. It’s been what, 3 weeks na akong grounded! Patay pa ang internet connection sa bahay kaya kahit ang aking social media ay hindi ko nabubuksan. He was so cold to me at palaging si Mommy lamang ang aking kausap. Ang sabi niya ay pagod lamang daw si Daddy at nadamay ako. They’re both worried to me that day lalo na’t nalaman nilang wala ako sa bahay nila Franca. Iyong mga bodyguards ko ata ang nagbalitang nasa isang condo ako at binabantayan ako sa labas. I know it’s my fault pero hindi ko lang mapigilang hindi magalit dahil parang hinahadlangan na ni Daddy ang kasiyahan ko.
“Did you text him that I’m grounded and Dad broke my phone?” Salubong ko kay Zera nang umupo ito sa aking tabi.
“Why would I even text Kuya Toshi? Para narin kitang tinulungan pag ginawa ko iyon.”
“Just do it. Baka isipin niya cold ako.” Sabi ko pa na ikinatawa niya lang.
“Does he care?” She smirked.
Hindi ko rin talaga maasahan ang babaeng iyan. Wala ata akong choice kundi hintaying makuha ang aking cellphone. Kahit si Mommy, kahit anong kumbinsi kay Daddy ay ayaw ibalik sa akin ang aking cellphone. Minsan hindi ko na alam kung ano ang tunay na ikinakagalit niya.
“Suwail ka kasing anak. Ba’t hindi mo gayahin si Franca, sobrang bait.” Pangaral sa akin ni Zera nang malaman niyang sinira ni Daddy ang aking cellphone.
Nandito ulit ako sa cafeteria kasama silang dalawa ni Elle. She’s just nodding, sang-ayon sa kanyang pinsan.
“Bakit, mababait ba kayong mga anak?” Inangatan ko sila ng kilay.
“Never kaming nag-away ni Daddy. Pero one time nagtalo kami.” Ngumuso si Elle. “Pinabalatan ko kasi sa kanya iyong shrimp kaso sinubo niya agad sa bibig niya kaya nagtalo kami. Ang babaw ’no?” Tumawa na naman siya pero pagkatapos noon ay sumimangot rin. “Di na ako magsasalita.” Sumubo ulit ito.
“May Daddy ba na natutuwa pag nalamang naglasing ang anak nilang babae? Kung ako Daddy mo pinalayas na kita. Ipapakaladkad ko sa’yo ang mga gamit mo at maghanap kana ng sarili mong tirahan total matigas naman ang ulo mo.” Si Zera.
Ngumiwi lamang ako at hindi na sumagot pa. Ayokong ijustify ang pagkakamali ko dahil tama rin naman si Daddy. Nadala lamang ako sa aking galit ng oras na iyon at ngayon ay nakokonsensya na dahil sinagot ko siya. Maybe I’ll just suffer the consequence.
Niyakap ko ng mahigpit si Bun-bun habang nakahiga sa aking kama. Someone knocked kaya nalipat sandali ang aking tingin roon pero ibinalik ko rin sa tinititigan kong frame na nasa bedside table ko. It’s our family picture when I was a little girl. Nakagown ako roon, karga karga ni Daddy at sa aking gilid ay si Mommy naman.
May narinig akong yabag ng mga paang pumasok. Nang mapagtantong si Daddy iyon ay agad kong ipinikit ang aking mga mata at nagpanggap nalang na tulog.
“Your phone.”
Narinig kong sabi nito kaya mabilis akong nagmulat ng mga mata. Nang makita kong wala naman siyang inilalahad sa akin ay napasimangot ako.
“Where?” Iginala ko ang tingin sa kanyang kabuuan at nagbabasakaling may ilalabas siyang cellphone sa mga kamay niyang nakabulsa sa kanyang sweat pants pero nagkamali ako.
“Ba’t kita bibigyan eh may kasalanan ka.” Sabi niya.
I sighed. Bumangon ako at umupo sa kama. Sinuklay ko paatras ang magulo kong buhok saka ko niyakap ang mga tuhod kong nakadikit sa isa’t isa.
“You tricked me…” I whispered.
“Mabilis ka lang talagang mauto.” Makahulugan nang sabi ni Daddy at mukhang may pinapatamaan.
Yumuko ako at nakiskis sa isang paa ang isa pa. Nanatili akong tahimik habang pinoproseso ang sinabi niya sa aking utak. Alam ko namang gusto niya lang akong mamulat sa pinaggagawa ko.
Umupo siya sa kama at nasa aking tabi na. Kinuha niya si Bun-bun saka iyon tinitigan.
“Napapasaya ka ba ng lalakeng iyon?” He asked me with his baritone voice.
Tumango ako.
“Ginagago ka?”
Hindi agad ako nakareact roon. Anong sasabihin ko, oo? Wala rin naman kasing malinaw sa aming dalawa ni Toshi. I am still confuse.
“Mukhang gago iyon.” Pag-uulit niya sa mas malinaw na pahayag.
“How can you be so sure, Daddy?” I glanced at him, looking defeated with his accusations.
“Dahil lahat ng lalakeng nanggagago, may babaeng nagpapakabobo.”
I pouted. Masyado na ba talaga akong nagmumukhang bobo? Pagkatapos mong sagut-sagutin ang ama mo, Irah… Oo.
Yumuko siya at itinukod ang mga braso sa kanyang hita habang pinaglalaruan si Bun-bun.
“I am not against with your love for him. Kahit ako ang magpakasal sa inyong dalawa ay payag ako. Buntisin ka niya payag ako. Itanan ka niya payag ako. You don’t have to worry about my approval because I will always support you.”
Itinago ko ang aking mga mata sa aking braso at nakagat ang pang-ibabang labi para magpigil ng kung ako. I really hate deep conversation with my parents. Palagi akong natutulak sa pag-iyak. Nagiging emosyonal nalang ako bigla.
“But you see baby, you will never have to force anything that’s truly meant to be. Kahit pa hindi ka maghabol, kahit wala kayong komunikasyon, kahit buong mundo ang humadlang, kung kayo, kayo.” Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking likod. Suminghap ako at kinontrol ang mga matang nagpipigil na ng kung ano.
Ilang sigundo siyang tumahimik hanggang sa naramdaman ko ang kanyang yakap sa akin. He pushed my head towards him and kissed my head.
Doon ako napahikbi. Napahawak ako sa kanyang suot at humagulhol sa kanyang dibdib.
“I-I’m sorry, D-Daddy… N-Nasagot kita… I-I’m sorry…” I cried harsly on his chest as I buried my face. Inilabas ko ang aking pagsisisi roon at ang pasan pasan kong bigat dahil nasagot ko siya at napag-alala ko sila ni Mommy.
“Sshhh… Making a mistake is normal, Irah. Walang perpektong anak at wala ring perpektong magulang. Kahit ako, may mali rin naman dito.” Sinuklay suklay niya ang aking buhok na ikinahagulhol ko lang lalo.
“S-Sorry…” I whispered between my sobs.
“I’ll just buy you another phone. H’wag nang umiyak. Nasusugatan mo ang puso ko.” Dinungaw niya ang aking mukha at pinunasan ang pisngi ko.
Lumayo ako ng kaonti sa kanya at tumulong narin ako sa pagpunas sa aking mga pisngi.
“Look at your Bun-bun. He seemed upset to me. Di ako nginingitian.” Kunot noo niyang tinitigan ang stufftoy kong nakapoker face.
Tumawa ako ng marahan kaya ngumisi narin siya at ibinigay iyon sa akin. Hinaplos niya ulit ang aking pisngi at nagloosen ang balikat.
“Kaya siguro pinapaasa ka dahil ang pangit mong umiyak.”
“Daddy!” Bumusangot ako at sinamaan siya ng tingin pero natawa rin.
“Isusumbong kita kay Mommy. I’ll tell her you told me na pangit akong umiyak eh mana ako sa kanya.”
“Sige magsumbong ka. Di na kita bibilhan ng cellphone.” Umangat pa ang kanyang kilay na ikinanguso ko. Mukhang nasa lahi nga ata namin ang nanggigipit.
But on the other hand, masaya ako dahil napakawalan ko na iyong guilt na dala dala ko sa aking dibdib.
30th TRICKED
Vote. Comment. Be A Fan. T R I C K E D -PrfctlyStbbrn
Duty
“You have a new phone. An Iphone X…” Napatitig si Zera sa kinukulikot kong bago kong cellphone. Daddy bought it to me yesterday noong nasa Mall kami at nagfamily dinner rin kami sa isang Restaurant.
“Daddy bought it to me.” Sabi ko.
“You’re a spoiled brat.” Ngumiwi siya saka rin inatupag ang loob ng kanyang bag.
“And so are you.”
“Not as spoiled as you.”
“Mas brat ka.” Sabi ko pabalik.
“Spoiled spoiled spoiled.” She chant nonchalanty while putting her things on her desk.
“Brat brat brat.” Ginaya ko siya.
Sabay kaming nag-ikot ng mata. Ang nonsense naman nito pero di ko alam ba’t ko pa iyan pinapatulan. Maybe that devil used a black magic to tricked me. Tss, absurd.
It’s almost a month. Sinisikap ko talagang h’wag suyawin ang parusa ni Daddy sa akin at dumederitso ako ng uwi. Binigyan niya ako ng cellphone dahil mahalaga raw ito lalo na’t tuwing hapon ay tinatawagan pa ako ni Mommy to checked on me.
Daddy is right. Dadating rin naman talaga tayo sa stage ng ating buhay na maaawkward na tayo sa kanila. May araw na kakamuhian mo ang mga magulang mo dahil sa mga desisyon nila na hindi naaayon sa gusto mo. But at the end of the day, you need to accept that you’re at fault and they’re just trying to guide you. Iyon naman talaga ang role ng isang magulang.
“Bati na kayo ng Daddy mo?” Tanong sa akin ni Elle pagkatapos maglapag ng tray sa aming table. Isa pa ang babaeng ito, nosy…
Hindi ako sumagot at inilagay sa gilid ang aking cellphone.
“Ang ganda ng cellphone mo. Patingin!” Ipinakita niya sa aking mukha ang kanyang palad. Umangat ang aking kilay.
“Kumain ka nga.” Ibinaba ni Zera ang kanyang kamay kaya doon lamang ito natigil. May sinasabi na ito na kung ano ano sa mahinang boses pero mukhang siya lang ang nakakaintindi at siya lang rin ang nakakarinig.
Ken and Hiro showed up. Humalakhak agad ang kanilang pinsan nang makita kaming tatlo sa iisang lamesa.
“May bagong recruit ang mga pinaglihi kay Satanas!” Natatawang hagalpak ni Ken na ikinatawa rin ni Elle para makisabay.
Sobrang ingay na ni Ken at kung ano ano na ang pinagsasabi sa aming mesa. Kumukuha pa ito ng pagkain kay Elle na halos siya na ang nakakaubos while Hiro just stood up, looking so mysterious with his serious face.
“You have friends.” Bulong niya at sapat lamang iyon para marinig ko.
“They’re not. Mga nosy sila.”
Inangatan niya lamang ako ng kilay kaya pasimple akong umirap. I suddenly got close with the Delafuente cousins at ewan ko ba, it’s a bit weird and comfortable at the same time. Sa mga nangyayari, kung pinipeke man nila ang mga ito ay wala rin naman akong maisip na igaganti nila. Maybe our father were just paranoid that they will get even. I don’t want to label this as a good friendship pero sa kanilang ipinapakita ay senyales lamang iyon na hindi nila binibigdeal ang nangyaring eskandalo. Their parents raised them well. At sa pagkakakilala ko sa mga Delafuente, mababait sila.
Pero may parte parin sa akin ang narereserve at h’wag nagtitiwala agad dahil lamang naging family friend pero sa nangyayari sa amin ni Toshi, I should give them the benefit of the doubt at least.
Toshi and I were texting again. Tuwing gabi, bago matulog, siya ang nakakatext ko.
Ako: I miss you…
It took him long to reply. Mahigit isang buwan na at hindi pa kami nagkikita. Inilapag ko muna ang aking cellphone sa gilid at binuksan ang mga librong nakahilata sa aking kama. Bukas ay half day lamang kami dahil may exam. Tatlong araw ang examinations so ibig sabihin bakante ako sa tatlong hapon.
My phone beep kaya iyon ang nagtulak saaking balewalain ang libro at unahin ang cellphone. I giggled when I read his text.
Toshi: I miss you too.
Mabilis akong nagtipa ng mensahe. Kumulob ko sa aking kama at may libro pang nahulog sa sahig dahil sa biglaan kong paggalaw.
Ako: Exam namin bukas. Half day ako. Can we meet?
I got so excited with the thought of meeting him again at nakalimutan ko na ang ibang bagay. Nang mabasa ko ang kanyang text ay napalis rin naman agad ang iniingat ingatan kong matamis na ngiti sa aking labi.
Toshi: I have my work, Irah.
Akma akong nagtipa ng mga letra pero natigil rin dahil sinisira na naman noon ang aking pagsasaya. May trabaho nga pala ito.
Nang matagalan ako sa pagreply lalo na’t nakatitig lamang ako sa screen ng aking cellphone ay nabasa ko agad ang panibago niyang text.
Toshi: You done studying? May exam ka bukas. Set aside your phone first and just concentrate on it.
I heaved a sigh.
Ako: Okay :)
Itinuon ko nalang muna ang buo kong atensyon sa pag-aaral ko sa mga lessons na lalabas sa exam bukas. Pag naiisip kong sobra niyang busy ay parang may nalalasahan akong pait sa aking bibig at kumakalat nalang iyon sa buo kong sistema. Sa dami ng pumapasok sa aking utak, minsan ay gusto ko nalang dukutin iyon palabas dahil alam kong hindi rin naman iyon gagana sa kanya.
Zera was so serious answering the test paper early in the morning. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko siyang kinakagat minsan ang tuktok ng kanyang ballpen at lilingunin ako.
“What number?” I asked her in a low voice.
Pasimple niyang ipinakita ang middle finger niya kaya nag-ikot agad ako ng mga mata.
“My middle finger means one.” she whispered, smiling innocently.
One? Unang numero sa test paper? Maganda lang talaga ang babaeng iyan…
Nailing ako at nagmiddle finger rin sa kanya. She arched her brows.
“My middle finger means first letter. It’s a, stupid.”
“That’s my first choice. Naninigurado lang ako.” Bulong niya pabalik na ikinailing ko nalang.
Nakailang lingon siya sa akin at nakailang bigay rin ako ng sagot sa kanya. Kulang nalang ay ibigay ko sa kanya ang aking testpaper para lamang kopyahin niya lahat. Did she even study? O baka naman hindi iyan nag-aral at umaasa lamang sa akin.
Pagkatapos ng examination ay sabay rin naman kaming nagtungo sa cafeteria.
“Unang numero sa test paper nagtanong kana agad. Did you even study?” I asked her.
“Nagbasa lang. Di naman ako nagtanong sa ibang subjects ah? Mahina ako sa Math.” Pag-amin niya.
Medyo mahina rin naman ako sa Math pero pag pinag-aaralan ko naman ay nakukuha ko. Sa tanang buhay ko, hindi ko pa ata nagagawang magtanong ng sagot sa aking katabi. At sa tanang buhay ko hindi ko pa nararanasang ibahagi sa iba ang answers ko.
Inilapag namin ang aming mga tray sa table at sabay na umupo. Sinuklay ko paatras ang aking buhok at sandaling inatupag ang aking cellphone para icheck ang text doon. Kumawala ang matamis na ngiti sa akin nang mabasa ang text roon ni Toshi.
Toshi: Goodluck on your exam.
Nagtipa agad ako ng mensahe, hindi muna ginalaw ang aking pagkain maliban kay Zera na sumusubo na.
Ako: I think I did well. Kakatapos lang namin and I’m having a lunch right now.
Tumikhim si Zera kaya iyon ang umagaw ng aking atensyon. Binura ko agad ang ngiti sa aking labi at iblinangko ang mukha.
“Free ka mamayang hapon. Ba’t hindi mo nalang puntahan si Kuya Toshi.” Suhestyon niya na ikinakurap ko.
“Hindi ko alam kung saan siya nagtatrabaho.” Sagot ko saka inilapag ang cellphone sa aking gilid.
“I know.” She smirked.
Tinitigan ko muna siya ng ilang sigundo. Mas lumawak pa ang kanyang ngisi.
“Since tinulungan mo ako sa exam, ibibigay ko sa’yo ang address ng kompanyang pinagtatrabahuan ni Kuya.”
My face lightened but I tried to maintain my cool. Baka kasi binibiro na naman ako niyan. Kumpara sa kanyang kapatid, mas makukumbinsi pa ako kung si Hiro ang nagbigay ng address sa akin dahil alam kong totoo talagang nandoon si Toshi, pero itong si Zera, baka iligaw niya lamang ako. And knowing what I did awhile ago… I’m sure napansin niya iyon.
“I don’t trust you. H’wag na.” Ginalaw ko ang aking pagkain na ikinahalakhak niya.
“Alam mong ililigaw kita ’no? You know I’m going to get even.” Mas lalo lamang siyang natawa at pumapaibabaw ang boses sa cafeteria.
“Mali ang ibang answers na ibinigay mo sa akin. You stupid.” she added.
So I’m right? She’s just pretending she doesn’t know some of the answers. Kalahati ng ibinigay ko ay tama at kalahati naman ay mga mali.
“For you to study at h’wag umasa sa akin. Alam mo naman pala ang sagot nagtatanong ka pa.” Sumubo akong muli.
Hinawi niya ang buhok at humalukipkip. “I don’t trust you either kaya nagstudy ako.”
“Kinukulit mo lang talaga ako sa gitna ng exam.” Pinaningkitan ko siya ng mata.
“I hate the silence… Di ako nasasanay na walang nakakausap.” Kibit balikat niya. Malamang sa sobra niyang daldal at bawat minuto ay nag-aaksaya talaga ng laway. We’re the opposite. I really don’t talk much at all…
Umikot ang aming pag-uusap sa examination at minsan ay nalilihis nalang sa mga walang kwentang bagay.
Pagkatapos naming kumain ay sabay rin kaming lumabas. She told me sabay raw kaming pumunta sa kompanya ni Toshi total wala siyang gagawin.
“Baka busy rin iyon.” Sabi ko pa habang tinatanaw ang labas ng bintana kung saan ko nakikita ang iilang gusali na nalalagpasan namin.
“It’s lunch. May isang oras silang break time. Ikaw kung gusto mong pumasok, maghihintay lang ako sa labas.” Sagot niya, nasa cellphone ang atensyon.
Nagtaxi lamang kaming dalawa at balak rin namang umalis pagkatapos. I really don’t want to get inside. Ayokong makadisturbo sa kanya. I can wait until Sunday!
Kakaparada lamang ng taxi sa gilid at tanaw na tanaw ko na ang malaking entrance noong kompanyang pinagtatrabahuan ni Toshi. So this is where he works?
Pumasok nalang kaya ako? I’ll surprise him.
“Oh it’s Kuya Toshi!” May itinuro si Zera sa loob ng taxi kaya sinundan ko narin iyon at nakita nga ito.
Nabura ang pinag-iisip ko sa aking isipan nang makita ko itong nakangiti sa babaeng kausap niya. Floren, in her red top and black skirt said something to him. Tumigil ang dalawa sa may labas. Toshi’s other hand was on the pocket wearing his corporate attire.
“What are they talking?” Narinig kong tanong ni Zera na naroon rin ang tingin.
“Maybe Kuya Toshi is enviting her to make love to him…” Panghuhula nito at nilalagyan ng linya ang sinasabi ni Toshi kay Floren at sobrang tamis pa ng kanyang ngisi, bumabahid ang tuwa sa buong mukha.
Gustuhin ko man siyang awatin ang pinagsasabi ni Zera pero noong tumango tango si Floren ay hindi ko na ito nagawang pagtuunan ng pansin dahil sa namamanghang mukha ni Toshi at mabilis itong niyakap. I got so stunned on what he did that even Zera grimaced.
“See? Floren agreed to make love with Kuya.” Ngumisi pa siya sa akin, taliwas ang ekpresyon sa yumayakap sa aking mukha.
Nagngitngit ang aking mga mata at nilamon na ng dilim ang aking pag-iisip. I can’t think of something nice right now. Ang palaging rumirehistro sa aking utak ay ginagago ako ni Toshi. Anong pinag-uusapan nilang dalawa at ganyan nalang kasaya si Toshi. Para niya itong tinanong kung pwede bang sila at tumango naman iyong gaga o pwede ring iyong sinabi ni Zera dahil mukhang makatotohanan naman.
My mind got bombarded with so many questions as I taste the bitterness in my mouth. Hatred swallowed me. Kailan ba ako seseryosohin ng gagong iyon?!
“Sabi ko naman sa’yo palagyan mo ng label. But maybe it’s too late… Mukhang sila na e. Poor heart…” Zera even tap my chest and fake a sad face.
Hinawi ko ang kanyang kamay roon sa aking inis. I need a label. Kung hindi iyon ibibigay sa akin ni Toshi ay pipilitin ko siya.
Iyon ang inisip ko buong hapon pagkauwi ko ng bahay lalo na’t dumeritso narin si Zera pauwi. She’s just going to tease me if we didn’t separate ways. Mas mabuting malayo sa akin ang babaeng iyon dahil alam kong marami siyang maigagatong sa akin lalo na’t nasaksihan niya ang kagaguhan ni Toshi.
Sa dami ng sakit na humiwa sa aking puso ay hindi na ata ito bago sa akin. Ang puso kong sinusugatan niya at siya mismo ang gumagamot ay sinugatan niya na naman ulit. Sa paulit-ulit na sakit, minsan ay namamanhid nalang ako.
My phone rang while I’m in the middle of thinking. Nabura ko ang aking pag-iisip dahil sa tawag ni Zera. Ngumiwi ako at walang balak iyong sagutin pero sa huli ay pinindot ko rin ang answer button.
“I just called to laugh at you.” At humagalpak nga ito ng tawa. “Masarap bang magago?”
“Fuck you, Zera.” I hissed.
“Dapat noong nalasing ka ay nagpabuntis ka nalang. In that way, magkakaroon kayo ng label.” Natatawa niyang sabi at mukhang nagbibiro lamang pero sa aking utak ay iba na agad ang tumakbo.
“Something happened…” I whispered.
“Huh? Nagsex kayo?” Deritsahan niyang tanong sa akin.
“Tsismosa ka. Mind your own sex life.” I fired back.
“Yuck! You already did it?” she asked with the tone of disgust.
“It’s a secret. Di ako magkukwento dahil alam kong masama ang ugali mo.”
“H’wag talaga dahil ipagkakalat ko lang sa buong school na di kana virgin. I’ll tell them you’re hooking up with my Kuya Toshi na may girlfriend na named Floren.” she dissed.
“Then do it. At least you have something new to spread rather than spreading your legs.” Pagbibiro ko sa seryosong boses.
“Ha. Ha.”
“Ha. Ha.” Panggagaya ko sa kanyang tono pero kalaunan ay tumahimik rin kami sa kabilang linya.
I breathe deeply. This is my first time sharing my pain and my thoughts with someone I hated the most since I was a kid. And I know Zera feel the same way towards me.
“Ano nang plano mo?” she asked me in a stern voice.
Umiling ako, may naiisip na kahibangan pero hindi ko alam kung gagana ba.
“Wala ka rin namang karapatang masaktan ah? You can’t call it cheating since di naman kayo. He’s free. Kung ako sa posisyon ni Floren I don’t see it as a mistake. Di naman kayo.” Pag-uulit niya pa.
“Papalagyan ko na ito ng label.” I said with finalty, withdrawing her negative thoughts.
“I’ll pray for your loss.” she said sweetly.
Pinatay ko ang tawag at mabilis na napahiga sa pagkakaupo sa aking kama. Mariin akong napapikit at hinilot ang aking ulo. Dapat ay nag-aaral ako ngayon pero heto ako, nilalamon na naman ng kung ano anong kademonyohan.
I got eager to labeled it. I can’t remember what really happened that day pero alam kong may nangyari! I was throbbing down there! At may parte sa aking isipan ang bumubulong sa akin na may nangyari talaga ng gabing iyon. It’s more than kiss! Natanggal pa nga ang aking bra.
“Pupunta ka sa kompanya?” Zera asked me after our second day examination.
Nasa aking gilid siya, nakahalukipkip at pinapanood ako.
Tumango lamang ako saka ko inangat ang aking hand bag para handa ng umalis.
“What are you going to do?” she asked me curiously while following me.
Tumigil ako sa may pinto at may dinukot sa bulsa saka iyon ipinakita sa kanya. Her eyes widened. Bago niya pa iyon bigkasin ay inunahan ko na.
“I bought it online.” Sabi ko saka ulit iyon ibinulsa.
She look at me like she’s very disgusted. “I don’t think Kuya Toshi will click on that bait.”
Nagkibit ako ng balikat, tuluyan ng nilamon ng aking kademonyohan sa pag-ibig.
“We do crazy things when we’re inlove.” I patted her shoulder. “Kung balak mo akong isumbong at ibulgar ang aking kagagahan, then never show your face to me again.”
“Duh. Kahit di kita isumbong I’m sure papalpak ka. Kuya Toshi is not stupid to get trick on that kind of trick.”
Alam ko. Pero nagbabasakali parin ako. Ang kalahati ng aking utak ay hindi na ata matino kaya kahit ang ganitong kagagahan ay napasok ko na. Gusto ko lang naman siyang magseryoso sa akin. I want him to ditch that girl kung ano man ang namamagitan sa kanila! He’s pursuing me! Hindi ako makakapayag na pagsabayin niya kami!
Sumugod ako sa kompanya, nakauniporme pa at dala dala iyong positive na pregnancy test. Just click on the bait Toshi! Let’s end fooling each other!
Nagtanong ako sa kanyang opisina doon sa front desk na tinawagan rin agad ito. Sinamahan niya akong pumunta roon hanggang sa makapasok ako ng tuluyan sa kanyang opisina.
Tumitig sa akin ang lalaking nakaupo sa kanyang swivel chair, nakasandal roon at kalmado ang ekspresyon ngunit seryoso ang mukha.
“I’m pregnant.” Anunsyo ko.
Sa aking galit sa nakita kahapon ay padabog ko nang naibagsak ang pt sa kanyang lamesa nang tumitig lamang siya sa akin. Alam ko, alam kong hindi ito kapani-paniwala but at least he’ll say something that will calm me. I just want to label this! Nabubwesit na ako kakaisip sa relasyon nilang dalawa rito ni Floren!
Imbes mahulog sa aking panglilinlang ay mukhang nabaliktad na naman ako. Taliwas na naman sa aking gusto ang kinalabasan ng kanyang ekspresyon. Ako itong para nang sasabog sa aking frustration at siya itong kalmado lamang. Why are you like this, Toshi?
“Stop tricking me,” he blurted out with his dark stare. “Stop tricking me like what you did to your stupid toys.” diin niya roon na ikinagulat ko.
Iyon ang aking napala sa pagdadrama ko kanyang harapan. My eyes watered as I stared at him. Maybe… we’re really destined to meet but not to be together. Ang kanyang sinabi ang nagtulak sa mga luha kong malaglag. Umawang ang kanyang bibig nang makita iyon at suminghap.
Pinalis ko agad ang aking luha. Naipon na ang aking hinanakit sa kanya, ang aking nakita kahapon, ang mga araw na nagdaan at palagi siyang busy, lahat lahat ng fustration ay parang naging bloke nang pinagpapatong patong sa aking mga balikat kaya lalo lamang bumibigat ang aking nararamdaman.
He sighed and went to me closer enough. Umiling ako at itinulak siya.
“Tingin mo paglalaro lamang itong akin… H-Ha Toshi? Just because I’m still young then you’ll make a fool out me! Just because I’m so inlove with you then you’re going to trick me!” Sinuntok ko ang kanyang dibdib pero bigo akong magawa ang bagay na gusto ko. Ni hindi ko man lang ito natinag. Kumislap ang kanyang mga mata pero agad rin iyong naglaho. Lahat nalang ng bagay na gusto kong makita sa kanya ay ipinagkakait niya.
Ramdam ko ang namamasa kong talukap ng aking mga mata dahil sa luhang gusto kong alisin roon. Bumuntong siya ng hininga at tumulong sa pagpunas pero itinulak ko siyang muli.
“Ano na naman ba ito, Irah? Ano na naman bang pakulo ito?” he whispered to me as he tried to wipe my tears again.
“Hindi mo ako siniseryoso! Nandito ka sa opisina mo at umaakto kang busy pero ang totoo ay may babae ka naman! Y-You have no time for me but you have so many time to flirt!” Mas umiyak ako ng husto at bigo nang punasan ang panibagong luhang lumabas roon.
He looked shock pero nawala rin naman agad iyon sa kanyang mukha at hinawakan ang aking braso para ipirmi ako sa kanyang harapan. Nagpumiglas ako para makawala pero sa kanyang lakas ay nanatili ako sa kanyang harapan.
“W-Wala kang nilalagay na label dahil ang totoo, ayaw mo lang namang seryosohin ako at p-para makalandi ka rito…” I cried more. Sinapo ko ang aking dibdib at hindi na mapigilan ang mga luha. Ang tinatago kong sakit sa nakita ko kahapon at mga balitang nakakalap ko rito na sila daw ni Floren ay tumatagas na na parang tubig sa gripong may sira. Lumalabas na iyon at hindi ko na kayang ikubli.
He sighed again and pulled me towards his desk. Nagpumiglas ako pero bigo ko iyong mabawi hanggang sa inangat niya ang aking beywang at pinaupo ako roon.
Kinuha niya ang tissue sa gilid saka ako binigyan.
“Hindi ko nilalagyan ng label dahil nag-aaral ka pa-”
“Liar!-”
“Irah just listen!” Putol niya rin sa akin dahil sa ginawa ko.
“Totoo naman!” I spat. “Manloloko ka. Ginagago mo lang talaga ako…” Pinunas ko sa aking mga mata ang tissue.
Inilagay ni Toshi ang magkabila niyang kamay sa bawat gilid at itinukod roon. Yumuko siya saka muling bumuntong ng hininga.
“So you want a label?” he asked me, almost a whisper.
Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa kakapunas sa aking luha.
Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay may panibago nang kislap roon. Kinuha niya sa akin ang tissue pero inagaw ko rin iyon kaya napunit iyon sa aming harapan. Umiling siya at suminghap singhap.
“Anong oras ang uwian mo bukas?” Tanong niya habang pinupunasan ang aking pisngi gamit ang kanyang kamay.
Humingos ako at sinamaan lamang siya ng tingin. Nililinlang na naman ako nito! Pagtatakpan niya na naman ang aking galit ng iba!
“Tell me.” Ang kanyang kamay ay bumaba na sa aking baba at iyon naman ang hinaplos. His eyes were sparkling with something else while bitterness embraced my eyes.
“Why?” I asked coldly.
Lumapit siya lalo at hinalikan ang gilid ng aking labi. It was so gentle and whispered to me.
“Duty as your boyfriend.”
My eyes blinked as my face calmed down. W-What?
31st TRICKED
T R I C K E D
Official
Para akong nabingi ng ilang sigundo at tumitig pa ako ng matagal kay Toshi. Namungay ang kanyang mga mata nang lumayo siya sa akin ng kaonti. Ang aking mga luha ay natuyo na at nakalimutang umiyak ako dahil sa aking narinig.
“Boyfriend?” I repeated his words.
Tumango siya. “Yes.”
I blinked again. Am I not dreaming? Nilalagyan niya na ng label?
“I mean… Couple na tayo?” I asked again, still shocked.
He nodded and bit his lowerlip. Ang kanyang kamay ay bumalik sa paghaplos sa aking pisngi at natutuwa sa kakatingin sa aking ekspresyon.
“Really?” Tanong kong muli, na kung pwede ay kurutin ko ang aking sarili ay gagawin ko.
Imbes sumagot ay lumapit si Toshi sa akin, ang isang kamay ay nakahawak sa aking braso habang ang isa ay tuluyan nang sinasakop ang maliit kong pisngi at hinawakan iyon para halikan ako.
It was a gentle kiss yet the sweetest among his kisses. Nahulog ang aking mga mata sa pagsara at sinabayan ang hagod ng kanyang mga labi.
Ipinatong niya ang kanyang noo sa akin at huminga ng malalim. Hinalikan niya ang aking mata habang nanghahaplos ng paulit ulit ang hinlalaking daliri sa aking mga pisngi, binubura ang luha roong kanina pa napalis.
“You have no idea how I’m holding back, Irah. Naghihintay ako sa tamang panahon… But you crying infront of me, begging for attention… damn it… Gusto ko rin ito. Gusto kitang akuin ng buo pero nagpipigil lamang ako.” his eyes shut harshly as he bit his lowerlip.
Inaantok ang mga mata kong napatingin sa kanya.
“Wala ka naman kasing sinasabi. Pakiramdam ko may tinatago ka sa akin. Palagi kang busy dito.” Mahina kong sabi.
Dumilat siya.
“Then let’s make an agreement. No more secrets. I’ll update you everyday and you’ll do the same. I’ll call you every hour and we’ll text each other.” Seryoso niyang sabi na ikinakurap ko.
“But I thought you’re busy?”
Nalaglag ang kanyang mga mata sa aking kandungan at hinuli ang aking kamay roon. Napatingin narin ako doon at sinundan ang marahang galaw ng kanyang kamay, kung paano niya hinawakan ang aking hinliliit na daliri saka iyon pinaglaruan.
“I’ll spare some time this time. I’ll work on this.” sabi niya na ikinasinghap ko.
Umangat muli ang kanyang tingin sa akin at nginitian ako. Siya mismo ang nagsuklay sa aking buhok paatras at sinusundan ang pagkakalaglag noon sa aking balikat.
“Where did you get that positive pregnancy test?”
“I bought it online…” Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. Rumirehistro sa aking isipan ang kagagahan na hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba dahil masyado iyong nakakahiya pero pasasalamatan rin dahil ngayon ay kami na.
He chuckled. “Nothing happened and then you’re pregnant.” Humalukipkip ito sa aking harapan. Mas tiningala ko siya para makita ang kabuan niyang ekspresyon na bigla nalang sumeryoso.
“Pag totoong buntis ka talaga, ibig sabihin ay hindi ako ang ama.” Malamig niyang tugon at naririnig roon ang pagbabanta.
“I just bought it nga sa online store… Ang gusto ko lang naman ay magseryoso ka sa akin-”
“So you think I am just playing? Ano ako highschool na papalit palit ng babae dahil sa kalibugan?” He said bluntly that made me pout. Noong highschool ako papalit palit ako ng lalake pero hindi iyon ang rason ko ah!
“I just thought…” Lalo na’t nakita ko kayo ni Floren! I want to include that pero ayoko ring sirain ang mood naming dalawa. Mas lalo lamang akong magagalit pag binanggit ko iyon.
“Selosa.” He smirked at me.
Ngumuso ako at umirap. Eh siya nga napakaseloso rin naman! Pati mga pinsan niya pinagseselosan!
Kinuha niya iyong telephone sa aking gilid saka iyon inilagay sa kanyang tenga. May dinial siya roon at ibinalik ulit sa akin ang tingin. May sinasabi siyang tungkol sa kanyang lunch roon at pinapahatid niya ata rito sa itaas. Habang kausap niya iyon ay pinaglaruan ko naman iyong string ng telephone. Inikot ikot ko ang aking darili roon habang pinapakiramdaman ito sa aking harapan. Toshi hold my chin for awhile. Itinulak niya iyon paangat saka niya ibinalik ang telepono sa lalagyan nito at pinatakan ako ng halik.
“Let’s have ur lunch here.” Sabi niya na ikinatango ko, napangiti agad ng matamis.
Habang naghihintay noong lunch namin ay inabala ko naman ang sarili sa kakatingin sa kanyang office. Umupo rin ako sa kanyang swivel chair at binuksan isa isa ang mga drawer roon. Puro iyon mga folders at may iilan namang clip at kung ano ano pang gamit pang trabaho.
Nilingon ko ang kanyang malapad na likod sa ibang banda ng kanyang opisina. Nasa harap siya ng isang computer at may seryosong tinitipa roon. But it’s lunch… Ganoon ba siya kabusy rito?
Napansin niya ang aking tingin kaya natigil siya sa pagtitipa at nilingon ako. Sinenyasan niya akong lumapit. Tumayo agad ako at nagtungo roon.
“Are you bored?” he asked me as he hold my hand.
Umiling ako. “Hindi ah…”
Hinila niya ako lalo saka niya inatras ng kaonti ang swivel chair niya at iginiya ako papasok roon sa harapan. Kumurap ako at sinundan ang galaw, kung paano niya ako pinaupo sa kanyang isang hita at muli niyang inabante ang swivel chair. Napahawak ako roon sa desk kung nasaan ang computer habang ang kanyang mga braso naman ay nasa bawat gilid ko na, nagsisimulang magtipa ulit.
“Are you okay with this? Di ka nabobored?” he asked me again as he placed his chin on my shoulder.
Umiling ako. “Kasama naman kita kaya di ako nabobored…”
“Knowing you, you always want to have fun.” he said in his baritone voice.
“Hindi ah! Yes I’m obsess with outdoor activities pero kaya ko rin naman ang ganito, iyong walang ginagawa…”
“Let’s have a trip next time.” Hinalikan niya ang aking balikat na ikinalingon ko na sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
“When?” I asked with the amusement on my face.
“Sunday.” sagot niya.
“Talaga?!”
“Yep.”
Doon lamang kami natigil nang ihatid ang pagkain sa loob. Sa sobra kong saya na kami na ay nanatili ako roon. I watched him do his stuff habang nakaupo ako sa sofa. Minsan ay lilingunin niya ako pero ibabalik rin naman sa kanyang ginagawa.
Doon nalang rin ako nagreview sa aking magiging exam bukas. Minsan ay magsisilingunan kami sa isa’t isa at sabay na matatawa. This is what they call distraction for your studies. Totoo nga… May parte sa akin ang gustong gustong magreview pero may parte rin sa akin ang gusto nalang ay makipagtitigan sa kanya.
Tinabihan niya ako at tiningnan ang aking notes. He scanned some of my writings at mukhang nakumbinsi naman ito sa kanyang nasasaksihan dahil tumatango tango pa ito.
“You have a nice penmanship.” Komento niya saka iginapang ang isang kamay sa aking hita at doon ipinahinga.
Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib at tiningnan narin ang aking notes. Damn, ang bango talaga…
“Left handed ako eh.” Sabi ko na ikinabagsak ng kanyang mga mata sa akin.
“I am a right handed…”
Tiningala ko siya. “Edi pangit ang penmanship mo?”
“Ken is left handed too pero parang binagyo ang notebook noon at parang pirma ng doktor kung magsulat. Hindi mabasa.” Sabi niya na ikinatawa ko. That jerk is really good at flirting around at mukhang nagloloko lamang sa klase katulad ng pagloloko niya sa mga babae.
“Maybe he’s destined as a doctor.” Sabi ko
“Sa utak meron noon mas nakatadhana iyong magpadoktor. Loko loko.” Nailing siya at pinasadahan ang ayos ng kanyang buhok. I stared at it for awhile. Nang mapansin niya iyon ay tumikhim rin naman ako at ibinalik nalang sa aking notes. Now tell me how can I study when he’s beside me?
We’re official. Kami na ni Toshi at malinaw narin ang lahat sa akin. Maaga akong umuwi ng bahay at hindi pa ako nakakapasok sa aking kwarto ay tumunog na ang aking cellphone dahil sa kanyang tawag. Mabilis ko iyong sinagot.
“Hey… Papasok pa ako sa kwarto.” I chuckled.
“This is harder than I thought. I miss you…” he sighed that made me frowned.
Pinihit ko ang pinto ng aking kwarto saka ako pumasok sa loob. Mom and Dad is nowhere to be found inside the house kaya mukhang hindi pa nakakauwi ang dalawa.
“I miss you too. Hihintayin kita bukas ng lunch.” sabi ko habang hinuhubad ang botones ng aking blouse.
“Okay. What are you doing now?”
“Uhm,” napatingin ako sa blusa kong nakabukas na ang tatlong botones. “Naghuhubad.”
He was silent for a moment kaya pinagtuunan ko ng pansin ang natitirang botones.
“Ng alin?” his voice was a bit ragged na isinawalangbahala ko nalang.
“Blouse, Toshi…” I teased him using my soft voice.
Natahimik ulit ito kaya inilapag ko ang aking cellphone at pinindot ang speaker para marinig ko iyon ng mabuti.
“Done?” he asked.
“Not yet. Hinuhubad ko pa ang bra ko.”
I heard him cursed. Tumawa ako at nagtungo sa loob ng walk-in para makapagbihis ng pambahay. Kumuha ako ng pajama at sando saka muling bumalik sa may kama para makausap siyang muli.
“Anong oras ka matatapos sa trabaho mo?” Tanong ko habang hinuhubad ko na iyong aking palda at sinusuot ang pajama.
“Until 10pm.”
“Ang tagal naman. Baka…” I said trailing, trying to keep my jealousy inside me. Think positive, Irah! Calm yourself.
“Then let’s videocall later while I’m working.”
“Sige!”
Ang aking mga pagdududang ikinulong sa aking kalooblooban ay nakapyansa narin at tuluyan nang lumaya. Mahalaga ang tiwala sa relasyon at iyon ang ibibigay ko kay Toshi dahil alam kong iyon ang kailangan namin ngayong dalawa lalo na’t kapwa kami busy.
Minsan ay nakakareply siya ng matagal pero mabilis rin naman itong tumatawag para kumustahin ang aking oras. Tuwing breaktime ko ay sinusundo niya ako sa eskwelahan para sabay kaming kumain dalawa sa labas. Hindi katulad noon na sobra niya talagang subsob sa trabaho, ngayon ay naglalaan na siya ng oras sa akin.
“Ganoon naman talaga pag fresh pa ang relasyon. Ang sweet sweet pa, mainit pa. Pero dadating ang araw na lalamig rin yan. Magiging matabang rin ang timpla hanggang sa magsawa na kayo sa isa’t isa.” Pagpaparinig sa akin ni Zera nang mahuli akong ngumingisi sa pagrereply kay Toshi habang nasa isang subject kami. Malapit narin namang matapos kaya ginamit ko na ang aking cellphone total tapos na ako roon sa pinapasagutang problem solving.
“Inggit ka lang.” sabi ko, hindi siya masyadong pinagtuunan ng pansin ang pagiging killjoy nito.
Binasa ko muli ang panibagong text ni Toshi at mabilis na nagtipa ng maisasagot.
Toshi: I’m on my way.
Ako: Magdidismiss narin ata kami.
“Di na naman tayo maglalunch ng sabay?” she asked me when the Prof stood up and picked up his things.
Umiling ako. “He’s on his way. Namimiss mo na akong kasabay?” Inangatan ko siya ng kilay. Isang linggo narin kasi kaming hindi nagkakasabay dahil hindi naman pumapalya si Toshi sa pagpunta rito para sabay kaming maglunch.
Umirap siya. “Don’t assume things. Isang linggo na akong ganadong kumain dahil hindi kita kasama.”
“That’s all for today. Dismiss.” Sabi noong Prof na kapwa namin ikinalingon ni Zera sa kanyang dako.
Tumayo narin ako at excited na niligpit ang aking mga gamit. Pinagpapasok ko iyon sa aking bag at ganoon rin ang ginagawa ni Zera sa kanya.
“Sure ako hindi lang sa’yo consistent si Kuya Toshi. Marami kayo.” She dissed me.
“Maghanap ka ng lalakeng maloloko para di ka nabibitter. But too bad no one will love you for being a devil.” Sinuklay ko ang aking buhok saka nagsimulang maglakad. Lumebel naman siya sa akin, ang suot na dress ay sumasabay sa kanyang paglalakad at mas nagmumukha itong maputla dahil sa kulay nude niyang dress. She’s wearing some flats and her hair were in high ponytail.
“Now you know Kuya Toshi doesn’t really love you, devil.”
Nagsiirapan lamang kaming dalawa saka rin naghiwalay paglabas. Lumaki agad ang aking mga hakbang makalabas lang agad ng building. I’m really glad at hindi parehas ang break time ko sa kambal na mga pinsan ko kaya hindi rin nila ako mababakuran ng maayos. Kahit bakuran man ako, hindi rin naman ako magpapapigil. They always have no choice but to let me.
Pagkalabas ko ng gate ay natanaw ko agad pamilyar na kotse ni Toshi. Ang kulay itim na Bugatti Veyron ay nakaparada sa hindi kalayuan.
Hindi ko alam kung tatakbo ba ako papunta roon para makapasok agad pero nang gumalaw ito at mukhang ako ang pupuntahan ay sinikap kong manatili sa aking kinatatayuan. Noong huminto ito ay binuksan ko agad ang front seat at mabilis na pumasok.
I hurriedly went to him and hugged him tightly. Toshi’s hand snaked around my waist as he chuckled and kissed me.
Kulang nalang ay mapunta na ako sa kanyang upuan habang nagtatawanan kaming dalawa pero hindi pinuputol ang halik at kapwa tinitingnan ang isa’t isa. Umabante siya saka ako pinaupo ng maayos sa aking upuan at itinukod ang isang kamay sa bintana habang ang pagkakayapos naman ng aking mga kamay sa kanyang leeg ay mas lalo lamang humigpit.
“Masyado kang nagpapahalatang namiss mo ako.” He smirked and gave me a peck.
“Ikaw rin!” Sabi ko naman, unti-unti nang niluluwagan ang pagkakakapit ko sa kanyang leeg.
Hindi nito suot ang coat at tanging puting polo na lamang ang naiwan. The sleeves were rolled till his arm while the two buttons were opened. Ang maayos nitong buhok ay nagawa ko pang guluhin.
Lumayo rin naman siya at sinama ang paghila noong seatbelt saka niya iyon ikinabit sa aking gilid. Pinanood ko siyang hilain rin ang seatbelt niya saka ito nagsimulang magmaneho.
Buti nalang talaga at wash day kaya nakadress ako na pinaresan ko ng flats at nakalugay lamang ang medyo maalon kong buhok sa dulo.
Inayos ko ang ribbon na nakalaces sa parteng dibdib ko at mas hinigpitan iyon. Napatingin naman si Toshi sa aking ginagawa.
“What’s that?”
“Inaayos ko lang. My cleavage is almost showing.” Sabi ko sa kanya.
“Do you want me to fix it?” Nanunuya ang boses na iyon kaya pinaningkitan ko agad siya ng mga mata. The last time I let him fixed the collar of my blouse, he just did something naughty. Nag-iwan pa siya ng marka sa aking leeg kaya ang talim rin ng tingin ni Zera sa aking leeg noon dahil alam niyang may tinatago akong marka sa aking buhok.
“Hihilain mo lang ito.” Umirap ako at ipinagpatuloy ang pag-aayos.
“Not my fault. You’re wearing accessible clothes.” He even shrugged.
“Eh noong naka P.E. ako…” I eyed him as he glanced at me, looking so innocent.
“Wala akong maalala sa ganyan.” Pagmamaang-maangan niya na ikinapula ng aking pisngi. Sumunod roon ang kanyang halakhak nang makita ang aking ekspresyon. Umirap agad ako at nag-iwas ng tingin. Inaasar na naman ako…
“I need to put some mark since I’ll be away for a month. I have a business trip.” Banayad niyang sabi na ikinabalik ng aking tingin sa kanya.
Oo nga pala, nabanggit niya iyon noong araw na naging kami, noong noong sumugod ako sa opisina niya at gumawa ng kasinungalingan.
Itago ko man ang aking lungkot ay mukhang nabasa niya parin iyon sa aking mukha. Kaya siguro hindi siya pumapalya sa nagdaang mga araw dahil alam niyang iiwan niya ako ng ilang araw.
“Ang tagal naman…” Bulong ko saka inilipat ang tingin sa labas ng bintana. I clutched the hem of my dress as I tried to maintain my cool. Makakasama niya ba roon si Floren?
“Babawi rin ako pag-uwi.” Naramdaman ko ang paggapang ng kanyang kamay sa aking kandungan at hinuli ang aking kamay. Ipinagsalikop niya iyon sa isa’t isa na ikinabuntong ko ng hininga.
“Sinong kasama mo?” Mahina kong tanong.
“I’ll be alone. Ako ang naatasang iclose ang deal roon sa isang investor at makipagnegotiate sa kanilang kompanya. Malaking pera rin ang nakasalalay roon kaya hindi na ako nakatanggi.”
I tried to smile. “Alam kasi ng boss mo na maaasahan ka niya.”
He smiled back as he glanced at me. Inangat niya ang aking kamay at dinala iyon patungo sa kanyang labi. He kissed the back of my hand for a minute.
“Wait me okay? And please, stay away from my cousins.” Paalala niya na ikinanguso ko.
Di naman alam ng kanyang mga pinsan na kami dahil ayaw niya ring ipaalam. He told me they’re annoying. Iinggitin lamang daw siya ng mga iyon.
May tatlong araw pa naman bago siya tuluyang umalis. Pero sa t’wing naiisip ko na halos isang buwan ko siyang hindi makikita at hindi makakasama ay sumisibol agad ang lungkot sa aking loob. Para na ako noong hinihele sa kalungkutan sa t’wing iniisip kong magkakalayo kaming dalawa. I just want to see him everyday…
Huminto ang kotse sa madalas namin kainang Restaurant. Sinipa ko agad ang aking pinag-iisip para hindi iyon makaapekto sa aming araw pero mukhang napansin niya na.
“Mabilis lang naman ang araw. Di mo namamalayang nandito na ako.” Masuyo niyang sabi at mukhang pinapagaan ang aking loob.
Hindi ako sumagot at inalis ang aking seatbelt. Inalis niya rin iyong kanya saka inatras ang kanyang upuan at hinarap ako ng buo.
“Gustuhin man kitang isama pero di pwede, Irah. You have your school…”
Tumango ako, sinisikap intindihin ang kanyang sinasabi pero pinapangunahan ako ng aking damdamin. Hindi ko matanggal ang namamahingang lungkot roon.
“Look at me.” Hinuli niya ang aking mga matang ipinagkakait ko sa kanya.
I sighed heavily and frowned. Dahan dahan kong itinuon ang aking mga mata sa kanya pero mas niyakap lamang ako ng aking pangungulila kahit nasa aking harapan pa naman ito.
“Come here.” He pulled my hand to pull me closer to him.
Nagkasalubong ang aking kilay pero nagpatianod rin sa kanyang gusto. Masikip roon at hindi ko alam kung magkakasya ba kaming dalawa pero noong hinawakan niya ang aking beywang at iginiya ako paupo sa kanyang kandungan paharap sa kanya ay napunto ko rin ang posisyong gusto niya.
Nakaluhod ako sa kanyang harapan habang ang aking pwet ay nakaupo sa kanyang mga hita. Niyakap ko siya at ipinahinga ko ang aking ulo sa kanyang kanang balikat.
“Mabilis lang iyon. I’ll call you from time to time.” He whispered on my head as he smelled it.
“Promise?” I whispered.
His other hand tightened on my waist as the other caressed my hair, stroking it backwards.
“Promise.” he murmured and kissed my head.
Ang kanyang kamay ay napunta sa aking baba saka niya iyon itinulak pataas. Bumagsak agad ang kanyang tingin sa akin para salubungin ang mga mata kong namumungay. He crouched a bit just to reached for my lips and give me a peck.
Bumuntong ako ng hininga. He sighed and kissed me again as his lips went down on the lower part of my lips and started to nibble it gently.
Inangat ko ang aking pwet sa pagkakaupo hanggang sa mas mataas na ako. I hold on his shoulders for support as my hair fell on the both side and covered his face. Hinawi niya iyon at isinabit sa gilid ng aking tenga para hindi masama sa aming paghahalikan.
Noong umupo akong muli ay hinawakan niya ang aking pwetan at itinulak lalo para madiin ako sa kanya. I felt his tongue inside me as he found its way in and started to play with mine, swirling and roaming around.
I pressed my boob on his chest as our kisses went deeper. Noong maghiwalay kaming dalawa para habulin ang hininga ay kapwa na namumungay ang aming mga mata at nakaawang ang mga bibig para suminghap ng hangin. His eyes were dim and sleepy.
Lumapit siyang muli sa akin at hinalikan ako ng marahan. Hinawakan niya ang aking pisngi saka ulit bumuntong ng hininga.
“Okay kana?” Masuyo niyang tanong na ikinatango ko at binigyan siya ng maliit na ngiti.
“Gusto ko lang magdrama para malambing…” Pag-amin ko na ikinangisi niya at naiiling na pinasadahan ang buhok.
“My girlfriend really knows how to trick me…”
Natawa narin ako, ninamnam ang labi niyang dumikit muli sa akin para patakan ako ng halik.
32nd TRICKED
T R I C K E D
Unforgettable
It was Saturday on the evening. Ramdam ko ang paninitig sa akin ni Franca rito sa kanilang bahay. Nandito rin sina Mommy at Daddy, kausap sila Tita Aly, Tita Addi at Tita Shy while they’re preparing the table outside. Katulad ng nakagawian, sila Daddy naman at sila Tito ang nag-iihaw at nagpiprepare ng mga pagkain. Daddy is a good cook lalo na si Tito Trev.
“What?” Inangatan ko ng kilay ang malapusang mga mata ni Franca sa akin. We don’t really hang-out these past few days. Di narin kasi ito sumasama sa gym sa akin at noong Summer minsan ko lang nahihila sa aking photoshoot. I don’t have an idea what’s making her busy at ayaw ko rin alamin.
Umiling siya ng dahan dahan pero nahulog ang tingin sa aking cellphone.
“Bago na naman ang cellphone mo. May lalake ka?” she accused.
Ngumiwi ako at nasuklay ang aking buhok paatras. Ginaya niya rin iyon pero iyong mga hiblang nalalaglag lamang sa buhok niyang nakabun. Her gray dress matches the color of her flats.
Nagkibit ako ng balikat at hindi na siya sumagot nang magbeep agad ang aking cellphone sa reply ni Toshi. Pasimple kong nabasa ang text niya roon para sa lakad namin bukas.
Toshi: Gusto mong maghiking?
Iyon ang suhestyon ko sa kanya nang tinanong niya ako kung anong gusto kong gawin. Of course I suggested some outdoor activities where I can have fun with him!
Ako: Oo. Magdala tayo ng tent. And I want to swim, too!
Iyon talaga ang pangarap kong gawin pag nagkaroon ako ng matinong boyfriend. Iyong mga exes ko kasi puro lamang make-out ang nangyayari at hindi kami nakakagala dahil narin ninanakaw ko lang naman ang oras na dapat ay aking uwian na. I am not allowed to have a boyfriend kaya tinatago ko talaga kay Daddy noon dahil alam kong bugbog sarado lamang sila sa mga bodyguards ko.
Toshi: Overnight?
Ako: Yes, please! I’ll ask my Daddy’s permission this time para di ako mapagalitan. Please :’(((
Tinapik ako ng kung sino sa aking likuran. Nang nilingon ko iyon ay si Kuya Trey pala. His eyes darted on my phone as his brow raised.
“Doon na daw tayo.” Itinuro niya ang likod ngunit ang mga mata ay nasa aking screen parin. Pasimple ko iyong ibinaba para itago.
Franca stood up at mukhang nagets na ang pinupunto ni Kuya Trey. Tumayo narin ako at tipid na ngiti ang ibinigay sa aking pinsan na nagkakasalubong na ang kilay.
“You have a boyfriend?” Lumebel siya sa akin sa paglalakad.
Tiningala ko ang katangkaran ni Kuya Trey at hindi alam kung tatango ba o iiling na lamang. They’re nosy. Makakaabot lamang ito sa kambal at ako na naman ang pakikialaman nila. And I’m not sure kung maganda ba ang magiging reaksyon nila pag nalaman nilang isang Delafuente ang boyfriend ko at halos limang taon pa ang agwat sa aking edad.
“Ikaw nga may girlfriend…” Pamamaliktad ko at ngumisi, napatingin sa suot niyang denim polo.
Toshi is older than him. Wala akong masyadong alam sa nangyayari ngayon sa buhay niya but I’m sure he’s still into his playboy acts just like my memories on him when I was young. I’ve seen him collect some girls and toy them.
Ngumisi lamang si Kuya Trey at kinurot ang aking pisngi. I grimaced and pulled his arm away from me.
“I am single. Nakakapagod magpapalit palit ng babae.” Ibinulsa niya ang kamay at tumingala, nagiging mabagal na ang aming paglalakad patungo sa harap ng bahay.
“Imposible Kuya. Walang girlfriend pero I’m sure may nilalandi ka.” I gawk at him.
Hindi niya natingnan ang aking ekspresyon dahil nailing nalang ito at may matamis ng ngisi. Nahipo niya ang noo habang ang isang kamay ay nasa beywang na. So meron? Kinikilig ba ito?
Tumigil siya sa may bandang pinto ng bahay kaya tumigil rin ako. Tinanaw ko mula rito ang mga magulang naming nagngingitian sa isa’t isa habang may pinag-uusapan. Naroon na ang iilan kong pinsan, nakaupo sa harap ng mesa.
Binalingan ko si Kuya Trey na nakaawang ang bibig at mamula mula iyon dahil sa pagbasa niya.
“May sasabihin ka?” I asked him.
Napunta ang kanyang tingin sa labas, ang kamay naman ay nasa batok na.
“How’s Zera?”
Nagkasalubong sandali ang aking kilay at naisip ang mukha ng demonyitang iyon. Naglalandian ba silang dalawa? Ba’t niya kinukumusta? And that girl is giving me a hard time with Toshi. Kahit ano ang sinisend na picture sa kanya kaya minsan ay pinagmumulan namin ng away.
“Walang pinagbago. Mahilig paring mangolekta ng lalake.” Kalmado kong sabi na ikinakurap niya, ibinalik sa akin ang tingin.
“She’s already 18.” Umangat ang kanyang kilay.
“Kaedad ko lang naman siya so bata rin since bata nga ang tingin mo sa akin.” I justified.
Naligaw sandali ang kanyang mga mata pero ibinalik rin sa akin. Sinuklay ko paatras ang aking buhok saka inikot ikot ang aking daliri sa dulo ng iilang hiblang nalaglag sa aking harapan.
“She’s my classmate and it always irritates me when she meddle with our classmates. Naglalandian kasi sila sa harapan ko. She’s friendly when it comes to boys.” Kabit balikat ko at pormal iyong sinabi na ikinawala noong pagdidiwang sa mukha ni Kuya Trey.
“She caused nothing but trouble. Interisado siya sa mga ganoon pampalipas oras niya kumbaga.” Dagdag ko pa at nakita ang pag-igting ng panga ni Kuya Trey. Kwits.
“Kayong dalawa! Halina kayo dito!” Tawag sa amin ni Tita Shy kaya nginitian ko ng tipid si Kuya na hindi na mabasa ang ekspresyon saka ako naunang pumunta roon.
Tumabi ako kay Franca at Brey. She smiled at me na nginitian ko rin pabalik. Binalingan ko sandali sa gilid si South na seryo-seryoso ang mukha at sa harap naman ay si North na kalmado lamang.
Close naman kaming lahat pero hindi katulad noong bond ng magpipinsang Delafuente na nagtatawanan sa maliliit na bagay at nagkakasiyahan. We have our own world and we really don’t hang-out often with each other. May sarili kaming mga hilig na hindi namin pagkakasunduan. Kung hindi nagyaya iyong magpipinsan noon ay hindi kami magkakaroon ng ganoong experience. Tuwing gatherings lang rin kasi kami nagkakasama at hindi mahilig pagtsismisan ang isa’t isa unlike sa mga Delafuente na updated ata sa buhay ng bawat isa.
Habang kumakain ay inaatupag ko ang aking cellphone. Our parents are talking about something else at ang iba kong pinsan ay kanya kanya rin ang pinagkakaabalahan. Some were just eating silently at sumasali minsan sa usapan ng parents namin.
I checked Toshi’s last message.
Toshi: Okay. Mag-overnight tayo. Let’s just go home early since you still have your class.
I smiled while typing a reply.
Ako: Okay! Thank you.
Nagtungo ako sa panibagong numero at nagtipa ng mensahe sa babaeng palagi akong binubwesit.
Ako: Kuya Trey asked me about you.
Sumubo ako ng pagkain at itinabi muna iyon lalo na’t nililingon ako ni Daddy. Naalis rin naman iyon saakin nang may sabihin sa kanya si Tito Dos. They’re talking serious matter unlike their wives. Nagtatawanan sila Tita na kahit si Mommy ay namumula na sa kakatawa.
Nagbeep ang aking cellphone kaya mabilis ko iyong tiningnan. It was Zera.
Demonisse. Siniraan mo ako ’no?
Nagtipa agad ako ng mensahe.
Ako: Oo naman. Ba’t kita ibibida sa kanya?
Demonisse: I’ll pray for your break-up with Kuya Toshi..
Ako: Di ka pakikinggan sa langit.
Demonisse: Let’s see.
Itinabi ko muli ang aking cellphone at sumubo. She’s really sure that we’ll break-up. Okay naman kami ni Toshi at wala akong maisip na dahilan para maghiwalay kaming dalawa. I am trying to be mature enough. Iniintindi ko ang kanyang sitwasyon at hindi na ako gaanong nagrereklamo kung busy siya. Hudas rin talaga itong si Zera at palagi kaming inoorasyunan ni Toshi na maghiwalay.
But I’m curious if she still likes Kuya Trey? Madaldal si Zera pero hindi naman siya makwento sa buhay niya at sa nangyayari sa kanya. Wala rin akong masyadong alam… She just love to pissed me off.
Nag-inuman na naman ang parents namin habang ako ay nakaupo lamang sa loob ng sala at kausap si Toshi sa aking cellphone. We’re always talking random things. Kung saan saan lamang iyon napapadpad at minsan ay natatahimik nalang kaming dalawa.
Toshi sighed after being silent for a second. Iginala ko naman ang tingin sa living room, naghahanap ng pwedeng magandang tingnan.
“I miss you…” he whispered deeply that made me blushed.
“I miss you too.” Mahina kong sabi at nag-indian squat sa aking sofa. Kinagat kagat ko ang aking pang-ibabang labi habang pinaglalaruan ang dulo ng aking buhok.
“Pauwi na ako. Kakatapos ko lang.” sabi niya. Naririnig ko rin sa kabilang linya ang kanyang paglalakad.
“Ingat ka…” I whispered.
“I will. Tapos na ang dinner niyo?”
“Yep. Nasa loob ako kasi nag-iinuman sila sa labas.”
“Typical of you. Hindi nakikihalo sa iba.” He chuckled.
“So you’re watching me?” Ngumisi narin ako.
“A bit.”
“A bit ka diyan! Palagi kitang nahuhuling tinitingnan ako. Liar.” I rolled my eyes while I can’t erase the smile on my lips.
He chuckled again. Nakagat ko lalo ang pang-ibabang labi at pinipigilan ang pagsabog dahil sa boses niyang sobrang sarap sa aking pandinig.
“Irah.” Dumungaw si Franca sa may pinto na ikinabura ng aking ngiti.
“Bakit?”
“Tinatawag kana ng Daddy mo. Umuwi na raw kayo.” Sabi niya ngunit ang mga mata ay nasa cellphone ko.
Tumayo ako.
“Itetext nalang kita pag nasa bahay na ako.” Sabi ko sa kabilang linya at sinuot ang aking flats.
Franca stayed on the front door while eyeing me.
“Sige. Take care.”
“You too.”
Naputol ang linya kaya mas binilisan ko ang paghakbang. Franca stared at me as I passed through her.
“Kayo na?” biglaan niyang tanong kaya nalipat ko ang tingin sa kanya.
“Nosy.” Tanging sagot ko saka rin ibinaling ang tingin sa labas ng veranda. And there I saw my Daddy carrying my Mom in a bridal style.
Nagtungo narin ako roon. Namataan ko pa si Tita Shy na tulog na tulog narin unlike kay Tita Addi na nakikipagtawanan pa kay Tito Dos na nakabusangot lamang. Her cheeks were red at siya nalang ang lumalagok noong inaagaw na wine glass sa kanya ni Tito.
Mas binilisan ko ang paglalakad at hinabol ang likod ni Daddy. Noong makapantay ko na ito ay ako na mismo ang naghubad noong heels ni Mommy. Ako rin ang nagbukas ng front seat ay inadjust iyong upuan niya para hindi ito mahilo sa byahe.
Dad put her down gently. Pumasok narin ako sa likod at sinundan ng tingin ang amang umiikot na papunta sa driver seat. This is a perfect timing to ask for his permission. Nadala na ako noong hindi ako nakapagpaalam at natulog sa condo ni Toshi.
Binalingan niya muna ako sa likod saka niya ibinalik kay Mommy na kinabitan niya na ng seatbelt. Nailing siya habang binubuhay ang kotse.
“Uhm, Dad…” I called him softly.
Tiningnan niya lamang ako sa itaas ng salamin at hindi na sumagot pa, naninimbang sa akin ang mga mata.
“Uh… Pwedeng mag-overnight ako bukas?”
“Boyfriend?” he asked using his baritone voice.
I swallowed. Alam ko namang kahit wala akong sabihin kay Daddy ay malalaman niya talaga iyon. I don’t know if he’s mad because I didn’t introduce him o katulad lang rin ito ng mga nauna kong karelasyon na pag nahuli niya sa akto ay ipahihiwalay niya na sa akin.
“Y-Yeah…” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. May mga malalaking bahay na kaming nalalagpasan sa loob ng subdivision. He’s just driving slowly at nasa 40 lamang ang acceleration noong pagpapatakbo niya. Maybe because Mom will get dizzy…
Hindi siya sumagot pero may kinuha siya sa dashboard. Ibinigay niya ito sa akin na ikinalaki ng aking mga mata nang mapagtanto ko kung ano iyon.
“W-What’s this…” Gulat kong tanong.
“Condom.” Normal niyang pagkakabigkas na ikinapula ng aking pisngi.
“I mean, alam kong condom itong hawak ko Daddy pero ang ibig kong sabihin ay ba’t mo ako binibigyan ng ganito?” Pabalik balik ang aking mata sa kulay bughaw na parisukat at ibabalik ulit ang tingin sa itaas ng salamin.
“Para hindi ka mabuntis.” Sagot niya muli na ikinangiwi ko na talaga.
“Dad!” Mas namula ang pisngi. I can’t believe he’s giving me this!
“Oh? Dalaga kana. Pwede kanang mabuntis ano mang oras dahil may boyfriend ka. Binibigyan kita niyan kung sakaling…”
“Jesus Christ Daddy! We’re not going to do it!” Napasigaw na talaga ako lalo na’t sobrang pula na ng aking pisngi. This is so awkward!
“Shh, lower down your voice.” Binalingan niya si Mommy at hinuli ang kamay nito saka niya hinawakan.
Ngumuso ako at ibinalik ang tingin sa condom. Should I keep this?
“We won’t do it…” I whispered.
“Manigurado ka. Marupok ka pa naman.” Nang-aasar na ang kanyang boses na ikinabusangot ko.
“You’re unbelievable, Dad.” I scoff in disbelief.
Inangatan niya ako ng kilay sa may salamin.
“Tatanggapin mo yan o hindi kita papayagan bukas?”
Ngumuso agad ako. “Tinanggap ko naman ah?” Mahina kong sabi.
Umiling iling pa siya sa akin at iba na ang tingin. Nag-iwas agad ako ng tingin at halos malukot na iyong hawak ko dahil sa pagkuyom ko ng aking kamay.
“H’wag kang pumasok sa ganyang bagay kung hindi ka pa naman handang magpakasal. Giving in means you’re letting that person dominate your life. Kung hindi ka handang magcommit, pwes ireserba mo ang isang bagay na dapat ay sa mapapangasawa mo lang ibibigay.” seryosong sabi ni Daddy na ikinalunok ko ng laway.
“I’ll keep that in mind, Dad.” Bulong ko, nagbabasakaling umabot nalang iyon sa kanyang tenga.
“Mapanglinlang ang pag-ibig, Irah. Minsan hindi mo matukoy ang pagmamahal ng isang tao kung peke ba o totoo. Hindi mo rin matukoy kung pinaglalaruan ka lang o seryoso sa’yo. Tuso ang pag-ibig kaya h’wag puro puso at gamitin mo rin ang utak mo.”
Nilingon ko si Daddy hanggang makita ko ang misteryoso niyang mga matang nasa akin na ang tingin. Tumango ako, walang masabi dahil sa lalim ng kanyang pinagsasabi.
Itinatak ko iyon sa aking utak. Tuso ang pag-ibig. Alam ko naman iyon. I am aware that love is the most dangerous feeling in this world. Kaya nitong baguhin ang isang tao at kaya nitong itulak ang mga taong gumawa ng bagay na alam nilang makakasama sa kanila. Love can manipulate you. Pwede ka nitong pasabugin sa galit at saktan ng todo. Na kahit alam mo naman ang tama at mali, pati ikaw ay nagagawang maging bobo dahil lamang nagmahal ka ng isang tao.
“Kahit gaano ka katalino sa nakapaligid sa’yo, babagsak ka parin pagdating sa taong mahal mo.”
Iyon ang linya ni Daddy na hinding hindi ko malilimutan noong 10 years old pa ako at tinanong ko siya kung may subject ba siyang nilagapakan. Isa rin iyon sa rason kung ba’t ayaw kong mainlove noon dahil ayokong bumagsak. I want to be on top like my Daddy. I want to achieve and I don’t want to fail. Pero ngayon, kinain ko rin ang aking mga salita. Sa sobrang lagapak ko, hulog na hulog na ako.
Excited kong pinagpapasok ang mga importante kong gamit sa aking pack bag na maliit lamang. Nagdala ako ng isang pamalit at extra pads kung sakaling magkaroon ako.
“Aalis na ako, Dad, Mom…” Pinaghahalikan ko sila isa isa sa kusina nang madatnan ko silang dalawa roon. Mom is holding her head at ngumingiwi habang nilalagyan ni Daddy ng mainit na sabaw iyong bowl. Nakaputing dress na pantulog pa ito na hanggang paa at buhaghag ang buhok. Kitang kita ang kanyang malalalim na collarbone dahil tanging nipis na strap ang humahawak ng kanyang suot while Dad is wearing a cotton white shirt…
“Wait, it’s Sunday. And it’s too early. May lakad ka?” Mom asked me.
Tumango ako. “Nagpaalam na po ako kay Daddy at mag-oovernight ako Mommy.” Paliwanag ko habang sinusuklay ko ang aking basang buhok.
“Pinayagan mo?” Tanong ni Mommy kay Daddy na tumango lang.
“Kahit hindi mo iyan payagan, may mga paa parin iyan at aalis lamang. Alam naman nating mana ang anak mo sa’yo at matigas ang ulo.”
“Hindi matigas ang ulo ko!” Si Mommy na nasira agad ang ekspresyon.
“Then why are you so drunk? Sinabihan kitang konti lang pero mukhang isang bote ata ang pagkakaintindi mo sa konti.”
Ngumuso si Mommy saka ibinalik ang tingin sa akin. Halatang guilty na ito.
“Mag-enjoy ka ha.” si Mommy.
Tinanguan ko ito at ngumisi. Mag-eenjoy talaga ako Mommy!
Tiningnan ako ng makahulugan ni Daddy kaya kumaway na ako sa dalawa at mabilis na umalis sa kanilang harapan pars makaiwas sa mga mata ni Daddy.
Katamtaman pa ang init ng umagang iyon paglabas ko ng tuluyan sa aming bahay. The leaves of our garden moved as I opened the front gate at sinalubong ako ng malamig na hangin.
“Mag-ingat po kayo, Ma’am Irah…” Yumuko ng marahan sa akin ang katulong at humarang sa gate kung saan ako lumabas.
“Thank you!” Kinawayan ko rin ito at tuluyang tumalikod sa gate na sinasara na noon.
Hinawakan ko ang magkabilang string ng aking suot na pack bag at nilakihan ang hakbang para makalabas agad ng subdivision. Nag half jog pa ako sa sobrang excitement at hawak hawak parin ang suklay.
Natanaw ko ang kakalikong kotse na ikinangisi ko ng malaki dahil pamilyar iyon at kabisado ko narin ang plakard. Napatakbo na ako at halos gusto ng salubungin ang kotseng papunta sa aking dako. Tinted iyon kaya di ko siya gaanong makita sa loob.
Bumusina siya. Iyon ang naging hudyat ko para tumabi sa daanan at hintayin na lamang ito sa gilid. I watched his car closely as my heart started to went wild. Ang aking pagkasabik sa kanya ay hindi nagbabago at palagi lamang lumalaki, lumalala.
Noong makahinto ay kotse ay bumukas rin iyon. Pumasok agad ako at halos itapon ang aking sarili sa kanya, hindi na ito natitigan pa ng husto sa pagmamadali kong makapasok at mayakap agad ito.
His hand gripped on my waist as he chuckled on the skin of my neck, pressing his face on it. Marahan narin akong natawa at hindi na pinagtuunan ng pansin ang top kong umangat dahil sa aking marahas na galaw. Isiniksik ko ang aking mukha sa kanyang kabilang balikat at kulang nalang ay higupin ang kanyang amoy.
“Kaya gustong gusto kitang sinusundo… You always act like we havent seen each other for a year.” He whispered to me.
“Ang haba kaya ng aking tulog. Parang isang taon akong natutulog tuwing gabi.” Sumimangot ako at tiningala siya.
Yumuko siya para patakan ako ng halik at sinuklay paatras ang buhok kong medyo basa pa.
“You smell like flowers early in the morning…” Pinisil niya ang aking pisngi na ikinangisi ko.
We talked last night naman but I just can’t get enough! Palagi talaga akong nakukulangan na sa t’wing nakikita ko siya ay nabubuhay lahat ng namamahinga sa aking loob at mas lalong naeexcite. I always feel like it’s our first meeting! Hindi ko magawang makabisado ang kanyang kabuuan kahit na ilang taon ko na iyong itinatatak sa aking utak. Palagi parin akong namamangha sa kanyang kakisigan, sa kanyang imahe.
“Let’s go?”
Tumango naman agad ako at lumayo na sa kanya. Umayos ako sa pagkakaupo saka hinila ang damit kong naangat. It’s a white croptop na konting galaw ko lang ay nakikita na ang aking pusod. Inayos ko ang dulo ng itim na highwaist short saka rin hinila ang seatbelt. Nilingon ko siya na lumingon rin naman pabalik at kapwa kami napangisi. Damn, this day will be one of my unforgettable moment for sure!
33rd TRICKED
T R I C K E D
Wild
Masarap ang sariwang hanging pumasok nang binuksan ko ang bintana ng kotse ni Toshi. The wind is so refreshing that I couldn’t help not to put my head out and spread my arms with delight. Mas itinaas ko iyon at tumingala pa para mas manamnam ang hanging sumasalubong sa akin at pinaglalaruan ang buhok kong sumasabog.
Pumasok akong muli saka umayos ng upo at natatawang inayos ang aking buhok. Nailing naman si Toshi, ang ngisi ay nasa labi at nililingon ako.
“Ganoon talaga ang gawain ko lalo na pag nasa back seat ako. Minsan kaming dalawa ni Mommy ang lalabas sa bintana. Sa front seat siya tapos sabay naming itataas ang aming mga kamay.” Paliwanag ko habang sinusuklay ang aking buhok gamit ang aking mga daliri.
“You’re close with both side?” he asked me.
Tumango ako. “Noong bata pa ako close ako kay Mommy lalo na’t hindi ko nakasama si Daddy noong lumalaki ako. Kaya siguro bumabawi rin si Daddy sa mga taong pagkukulang niya sa akin.”
Nilingon niya ako, kunot noo.
“Hindi mo siya nakasama noong iniluwal ka?”
Tumango ako.
“Ganoon rin ako eh.” sagot niya na ikinakurap ko.
“Hindi mo rin nakasama si Tito Jhope?”
Tumango siya saka ibinalik ang tingin sa daan.
“I don’t have a picture with my Dad when I was a baby.”
Ilang sigundong namahinga ang aking mga mata sa kanya. I understand his side dahil kahit ako, noong bata ako, tuwing may activity sa school at kailangan ng picture ganoong picture na akay akay ka ng iyong ama ay wala kang mairepresenta. Palagi akong naiiba dahil ang aking mga kaklase ay ibinibida pa ang mga pictures nila with their Dad when they were a baby. Ako noong baby ako tatlong lalake ang nagsilbing Dada ko. Iyon ang aking dalang litrato kung saan akay akay ako ni Dada Marco, si Tito Troye na hawak ang aking babyron at si Tito Klint naman na isang laruan ang hawak. I was sleeping peacefully on Tito Marco’s arms that moment and they look so happy smiling from ear to ear! Siguro ganoon rin ang magiging reaksyon ni Daddy sa akin…
“Galit ako kay Daddy noon. Sinusulsulan rin kasi ako ni Dada Troye na kampon iyon ni Satanas at masama ang ugali kaya di ako magawang panindigan. But when I found out the truth…” Napangiti ako ng tipid at naibagsak ang aking mga mata sa aking kandungan. “I really cried… Noong first meet namin ni Daddy sobrang linaw pa sa memorya ko. He saw me crying and ran towards me to hug me. Nakita ko roon na ang aking ama ay iniiyakan ako.”
I sighed heavily. I treasured those memories alot. Noon tanggap ko na, na walang maibibigay na ama sa akin si Mommy at masaya naman ako kina Dada. But when I found out the truth, doon rin nabago ang aking isipan. I really wanted a father. I wanted someone who can carry me like I’m his princess. Palagi akong naiinggit sa mga kaklase ko sa Canada na walang ginawa kundi inggitin ako at sinasabihan pa akong malandi si Mommy kaya hindi alam kung sino ang ama ko.
“A father will always be a father. Kahit gaano kakomplikado ang sitwasyon, paninindigan at paninindigan nila ang bata. Iyon ang weakness ng mga lalake.” si Toshi na seryoso na ang tingin sa daan.
I know. Daddy even broke-up with her girlfriend and told me those feeling were just fake compared to my Mom.
Sinikap kong iwala ang topic para hindi mahaluan ng lungkot ang aming byahe. Nagpatugtog ako ng magandang kanta sa stereo at nakisabay roon sa kanta. Toshi will just chuckled while I’m trying to sing.
Nakarating rin naman kami sa aming destinasyon. The leaves of the trees were swaying as my eyes wandered around the place. Nasa ibaba pa kami at mukhang sobrang taas nga ng aming aakyatin para makapunta roon.
Pinagkukuha naman ni Toshi ang gamit sa likod ng kotse. Isang malaking travel bag ang kanyang isinuot sa kanyang likod at may dala pa siyang malaking box na mukhang mga pagkain ang laman.
Lumabas ang kanyang mga ugat sa kamay at malaya ko iyong nakita dahil rin sa suot niyang walang sleeves na itim na tshirt. His hair were swaying as he closed the door and glanced at me. Ngumuso ako dahil masyado siyang malakas tingnan kumpara sa dala kong tanging backpack. Ang liit pa nga noon…
“Anong maitutulong ko?” Sinilip ko ang kanyang mga dala at mukhang lahat iyon ay mabigat.
“Just walk properly. I’ll stay on your back.” Saka niya tiningala ang aming aakyatin.
“Dapat di ka nagshort.” Ngumiwi siya nang ibinalik sa akin ang tingin at hindi na maganda ang tingin sa aking mga hita.
“I’ll walk properly. Plus, I’m comfortable with this…” Sabi ko nang malaglag rin ang aking mga mata sa aking suot.
Sinenyasan niya akong maglakad na kaya nauna akong pumunta sa makahoy na parte. Nagtutunugan ang mga sangang naaapakan ng aking timberlands at hawak hawak ko pa ang straps ng aking bag habang umaakyat.
Nilingon ko si Toshi sa aking likod na mukhang hindi naman nahihirapan sa kanyang dala.
“Watch your way, Irah.” Pagbabanta niya. I just wrinkled my nose and chuckled.
Pinagpatuloy ko ang paghakbang at minsan ay tumatakbo pa ako na ikakagalit niya. I even hid myself from the tree just to surprise him kaso noong makarating ito sa aking dako at lumabas ako roon ay hindi naman ito nagulat. I wanted to help kaya pumwesto rin ako sa kanyang likod at itinulak siya para gumaan ang kanyang dala kaso huminto lamang ito para di ko siya matinag.
“Keep going!” Mas itinulak ko siya na ikinalingon niya sa aking likuran.
“Ang kulit mo.” Hinawakan niya ang aking pulso at hinila ako sa kanyang tabi saka niya iginapang sa aking beywang ang kanyang kamay para madikit ako sa kanya.
“There…” sabi niya at mukhang nakontento na sa aking kinalalagyan sa kanyang tabi.
Habang naglalakad ay inatupag ko ang aking cellphone. I filmed our way while walking. Tinatapat ko pa ang camera sa kanya na ikakangisi niya at dadampian ako ng halik. Noong mapagod rin ako sa kakakuha ng video ay inilingkis ko nalang ang aking mga kamay sa kanyang beywang at makikipag-usap sa kanya.
Halos isang oras ata ang aming nilakad hanggang sa makarating kami sa mismong destinasyon. My eyes widened when I saw the falls. Manghang mangha ako at gusto na agad lumusong habang si Toshi naman ay nakaupo sa damuhan, hingal na hingal at naliligo ng pawis habang ang mga kamay ay nakatukod sa likod.
The place were more on green because of the trees and the glass. Ang falls ay galing sa itaas ng mabatong bahagi ng kagubatan at sa paligid ay mga puno na. Sa ibaba noon ay parang isang jacuzzi ang nabubuo. Tumingala ako para sundan ang tagas ng tubig at mukhang pwede kang mag cliff diving pag nakaakyat ka sa itaas. The water was cryster clear and sparkling because of the raise of the sun as the cold wind blew, complementing the heat.
Kami lamang dalawa roon kaya solong solo namin ang lugar.
Habang tinatayo niya ang tent ay kinunan ko naman ng litrato ang paligid. Kinunan ko rin siya ng litrato at saktong nag-angat siya ng tingin sa akin, malalim ang tingin habang topless.
Pumasok ako sa tent pagkatapos niya iyong itayo para makapagbihis ako. Pumasok rin si Toshi dala ang isang pagkain na luto na at nakasilid sa isang plastic tupperware.
Sinubuan niya ako habang busy ako sa paglabas ng aking mga gamit sa aking harapan. Inangat ko ang isang sando na ikinaangat ng kanyang kilay.
“I bring some extra shirts.” sabi niya saka ako muling sinubuan. He was squatting infront of me…
“Meron naman ako.” I told him as I picked up my things.
“Ang nipis niyan. Mamayang gabi malamig. You didn’t bring some jacket?” Sinuri niya ng mabuti ang aking mga gamit at naasiwa ng husto dahil sa nakikita.
Umiling ako. “Nipis na dress at sando lang ang dala ko eh. ’Tsaka pangloob…”
Nalipat sa kung saan ang kanyang tingin na ipinagsalubong ng kanyang kilay. Hindi niya na pinagtutuunan ng pansin ang aking sinasabi kaya sinundan ko agad ang kanyang tinititigan dahil rin sa kanyang reaksyon.
Ganoon nalang ang panglalaki ng aking mga mata nang mapagtanto ko kung ano iyong tinititigan niya. Mabilis ko iyong dinampot at pulang pula na ang mukha para itago iyon sa aking likuran.
His eyes sharped at me as he showed his hand.
“Akin na.”
Umiling ako. “Si Daddy ang nagbigay nito sa akin!” Ramdam ko ang init ng aking pisngi as mas itinago iyon sa aking likod.
“Hindi ka nakadala ng jacket pero nakadala ka noon. Iyon ang isusuot mo?” Nanunuya niyang tanong na ikinabusangot ko.
“Si Daddy nga ang may bigay nito sa akin-Toshi!” Napasigaw na ako nang mabilis niyang hilain ang aking braso.
Nagpumiglas ako at mas ikinuyom ang aking kamay para di niya iyon makuha kaso sa kanyang lakas ay nagtagumpay rin siya sa kanyang gusto.
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at nayakap ang mga binti saka nailagay ang aking baba sa tuhod. My cheeks burned in heat even more when he stared on it. Nagawa pang baliktarin para suriin ng mabuti.
“Sinabi ko naman kay Daddy na di ko gagamitin…” mahina kong sabi.
“You can’t use this because this is for boys, Irah.”
Ngumuso ako. “Alam ko naman na para iyan sa inyo. I mean…” Naputol ang aking boses at kinain ng hiya dahil sa aking naiisip na kadumihan. Damn it, Irah…
Umangat ang kanyang kilay sa akin saka niya iyon ibinulsa. Ngumuso ako at naibaon ang labi sa aking tuhod, halos halikan na iyon.
“Wala sa utak ko ang gumamit ng proteksyon sa’yo.” sabi niya na ikinalunok ko ng laway at nag-iwas ng tingin.
“N-Naninigurado lang naman si Daddy-”
“And I have no intention to take you tonight.” Pahabol niya na ikinabalik ng aking mga mata sa kanya. Nahiya ako bigla dahil parang lumalabas na ako pa itong mas handa sa kanya at may pa condom condom pa ako pero wala naman pala! Wala naman talaga, Irah! This is my Daddy’s fault! Isusumbong ko talaga iyon kay Mommy. Pinahiya niya ako! This is so embarrasing…
“Baka pag ginawa natin iyon, totohanin ko na iyong pt mo.” he said firmly as his eyes wandered from somewhere.
Dahan dahan ko na talagang naitago sa aking tuhod ang buo kong mukha. Yes, I know Toshi! I look like a retarded girl claiming I’m pregnant kahit walang nangyari! Oo na, ako na ang desperada at nababaliw sa’yo!
“Hey…” I felt his hand on my finger as he lightly touch it. Ngumuso ako at hindi na gustong ipakita sa kanya ang mukha kong inaapoy sa kahihiyan.
He chuckled and pulled me closer to him. Inangat niya ang aking mga binti, ang isang kamay naman ay nasa aking likuran na saka niya ako inilagay sa kanyang kandungan. I hurriedly buried my face on his chest.
“I can use it if you want…” he whispered to me erotically that made me gasped.
“H’wag mo nga akong asarin!” Hinampas ko ang kanyang braso na ikinahalakhak niya, ang isang kamay ay mas humigpit sa aking beywang at hinawakan pa ang aking dibdib. Shit ka talaga!
“I’ll teach you how to put it inside me…” Dagdag niya pa sa mas malalim at masuyong boses na ikinagalaw galaw ko dahil sa tiyan kong tila pinipilit at ang mga katawan kong nagrereact sa kanyang pinagsasabi. Nagpumiglas ako sa kanyang bisig at itinulak siya na ikinahalakhak niya lalo, hinuhuli ang aking kamay habang tuwang tuwa sa aking ekspresyon.
“Pag ako nang-asar sa’yo…” sinamaan ko siya ng tingin at binantaan itong tumigil na pero ngumisi pa talaga!
“I can fight my urge, Irah.” normal niyang sabi at itinukod ang magkabilang kamay sa likod para balansehin ang sarili.
Ngumisi ako na ikinakurap niya. Hinawakan ko ang bawat dulo ng aking suot at walang ano ano’y hinubad iyon. I saw how his lips slowly part a bit and swallowed. His eyes stared at it for awhile, kalaunan ay dahan dahan ring umakyat sa akin.
Tumayo ako at akmang huhubarin narin ang aking short nang hinawakan niya ang aking hita, tiningala ako at may pagpipigil sa mga mata.
“Don’t…”
“Huh? Maliligo ako, Toshi. Wala na akong masusuot na short mamaya kung babasain ko ito.” Natatawa kong sabi sa ekspresyon niya.
His lips pursed as he swallowed hard this time. Gumapang siya palabas, bumuga ng marahas na hangin na ikinatawa ko lalo. Asar rin naman pala!
Tuluyan ko iyong hinubad saka lumabas narin ng tent. May kinakalkal siya sa dalang bag kaya nagtungo ako sa kanyang likod at niyakap ito. He stiffened for awhile as he felt my skin on his back.
“Maligo na tayo.” sabi ko at itinagilid ang aking ulo para makita ang kanyang pinagkakaabalahan.
Humarap siyang muli sa akin kaya bumitaw ako. Isinuot niya sa akin iyong puting malaking damit na hanggang hita ko pa. Yumuko siya at hinawakan ang aking baba para patingalain ako at salubungin ang kanyang labi. Mabilis lamang iyon at nakakabitin pa.
His eyes were now dim as he stared at me. Napakurap ako at hinawakan ang kanyang braso, hinaplos iyon at tumingkayad para halikan siyang muli. The kiss lasted for a minute. Marahan iyon at sobrang tamis.
“H’wag mong sagarin ang pagtitimpi ko dahil hindi lang iyon ang maisasagad ko sa’yo pag naubos ang pagpipigil ko.” he said to me sexilly and touched the corner of my boob as I swallowed, trying to calm myself as his kisses travel on my jaw up to my ear.
Tumigil siya sa aking tenga, ang isang kamay naman na nasa aking likod ay bumaba pa sa aking pwetan at marahan iyong pinisil.
“Don’t tempt me or else I won’t stop making love to you until morning.” he whispered to me sensually and kissed the side side of my earlobe.
My throat ran dry as it sent shiver all over me. Nasusunog na ang aking pisngi sa sobrang init na kahit ang paglunok ay hirap pa ako. It was too much to bare that my knees tremble hard as I hold his arm tightly to balance myself.
Inangat niya rin naman ako at ngumisi rin sa akin. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin, sinisikap itago ang mukhang parang kamatis na kahit alam kong makikita niya naman iyon.
Sobrang lamig ng tubig nang kapwa kami malublob ni Toshi roon. Napayakap ako sa kanyang leeg habang ang kanyang mga kamay naman ay nasa aking beywang.
“Ang lamig!” sigaw ko at natatawang ibinaon ang aking mukha sa kanyang leeg.
“I feel warm…” he chuckled softly and hug me tightly.
Bago pa man ako makareact ay inilubog niya ang kanyang kabuuan hanggang sa nasama ako. Kapwa namin inahon ang aming mga ulo at basang basa na. Hinilamos ko ang aking mukha saka ito nakitang sinuklay paatras ang basang buhok at lumapit ulit sa akin, ang kamay ay humawak na sa aking pulso para hilain ako sa ibang parte.
“Gusto kong pumunta doon!” Itinuro ko ang itaas na parte ng falls. Kailangan naming umakyat sa batuhan para makarating roon sa tuktok.
Tumingala narin si Toshi, ang mukha ay nasinagan ng araw saka niya inilabas ang dila para basain ang pang-ilalim na labi. Ako nalang ang nag-iwas ng tingin at tumingala muli.
“Masyadong delikado.” komento niya na ikinanguso ko.
“Hindi ah! Mukhang matitigas naman ang mga bato at may daanan naman oh!” Itinuro ko ang pwede naming daanan na safe naman.
“Tara!” Nauna akong lumangoy papunta roon bago pa ito makapalag.
I heard him cursed as he went to me. Natatawa akong humawak sa unang bato at mabilis na inangat ang aking sarili para hindi ito makahabol.
“Irah!” tawag niya na ikinatawa ko lang.
“Stop worrying kuya!” pang-aasar ko at humawak sa panibagong bato para umangat muli.
Naglakad agad ako sa gilid at nilingon siyang humahabol na sa akin, ang mga ugat ay lumalabas sa braso sa t’wing inaangat ang kanyang sarili. Lumipat ako sa panibagong malaking bato at humawak muli sa malaki, ang paa naman ay aking ipinwesto sa kabilang dako para tuluyan akong malipat sa itaas.
Narinig kong nagmura ulit si Toshi, kinakabahan sa aking ginagawa pero hindi ako nagpapigil hanggang sa tuluyan akong nakarating sa itaas. Nagtatalon agad ako.
“Yehey! First ako!”
Mabilis ring nakarating si Toshi sa aking harap at naiiling na hinila ang aking beywang papalapit sa kanya. Tumawa ako habang tinitingnan niya ang ibaba. Katamtaman lang naman ang taas noon pero masyado na siyang napapraning.
“You’re giving me a heart attack.” he grunted. Tumawa lamang ako nang mas lalo niya akong itinulak sa kanya.
“Let’s jump!” Hinawakan ko ang kanyang braso at marahan iyong inalog habang tinitingala ko ang mukha nito.
“It’s too dangerous, Irah.” matigas niyang sabi, mukhang galit pero kalmado lang naman.
“Sabay tayo. Sige na! It’s fun!” Tiningnan ko muli ang ibaba at pumwesto paharap.
Hindi ko alam kung saan kabado si Toshi. Kung takot ba ito sa heights o takot na mapahamak ako. I think it’s the latter. Noong nagcliffdiving sila ng mga pinsan ko tumalon nga siya roon. Ako lang ang hindi nakatalon dahil nagalit rin siya noong araw na iyon.
“Ang tigas ng ulo.” Umiling-iling siya at inilipat ang kamay sa aking pulso. Kinain ako ng excitement nang humarap narin siya at handa nang tumalon kasama ko.
“Ready?” he asked me as I nodded repeatedly. Nakapaskil na sa akin ang tuwa at gustong gusto nang ilaglag ang sarili sa ibaba.
“One, two, three-” Fuck, Irah!“ sigaw niya ng malakas nang hinila ko agad ito pababa at hindi na hinintay ang kanyang hudyat. Sumigaw narin ako sa sobrang saya hanggang sa mariin rin akong napapikit dahil sa pagbagsak naming dalawa sa tubig na gumawa ng malakas na ingay. Nalubog kami sa ilalim hanggang sa sabay rin kaming umahon.
“Fuck, you shouldn’t-” naputol na ang kanyang lintanya tungkol sa aking ginawa dahil mabilis kong hinila ang kanyang batok at siniil ito ng halik.
“Fuck it…” he whispered to my lips as I felt his hand on my cheek and kissed me back.
Tumawa lamang ako pero hindi niya pinalampas ang aking halik at kinuha ang pagkakataong iyon para laliman iyon. I felt his tongue dive deeper as he groaned, his eyes were shut closely frustrated because of what I did.
Humiwalay siya, ang mga mata ay malamlam na. Hinabol ko pa ang aking hininga pero nagawa ko paring tumawa dahil sa kapilyahan kanina. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi habang inaalis roon ang hiblang tumatakip sa aking mukha.
“You’re such a wild baby…” sabi niya at hinalikan ulit ako.
34th TRICKED
T R I C K E D
Flight
Kapwa kami nakakulob sa loob ng tent at nasa harap ang tingin. Bukas ang pinto noon habang pinapanood namin ang pagaspas ng tubig pababa at gumagawa ng kakaibang ingay.
Ang aking mga binti ay nakataas at gumagalaw, nakikipaglaro sa binti niyang ganoon rin na bumabangga sa akin at parang naglalaro ang mga iyon.
“Ang ganda dito ’no?” Nilingon ko ito sa aking tabi at nakita ang nakakamangha niyang side profile, his thick brow, pointed nose, strong jaw… lahat ata iyon ay gusto kong halikhalikan at angkining akin.
Tumango siya at lumingon narin sa akin. Our eyes met like it was really destined to look at each other. Na kung titingnan niya ako ay titingnan niya rin ako pabalik at palaging sasalubungin ang aking mga mata.
“Sana ganito nalang palagi…” I whispered to myself as I smiled sweetly at him.
“We can do this often after you graduate.” Suhestyon niya at sinubuan ako noong kalahati ng chocolates na kanina pa namin kinakaing dalawa.
Ngumuso ako habang nginunguya iyon. Sinuklay niya ang aking buhok para malipat iyon sa kaliwang bahagi at makita niya lalo ang aking mukha.
“Ang tagal pa eh…”
“That’s okay. Magtatagal rin naman tayo.” sigurado niyang sabi at sinubuan narin ang sarili noong isang square ng chocolate. Inipit niya muna iyon sa gitna ng kanyang mga ngipin at inilapit sa akin ang kanyang mukha.
Napunto ko agad ang gusto niya kaya nilapit ko lalo ang aking labi sa kanya para kagatin iyon at kunin. Kaso bigla niya nalang iyong ipinasok sa kanyang bibig at tanging pagbabanggaan lamang ng aming mga labi ang nangyari. Humalakhak siya habang magkadikit ang aming mga labi na ikinabusangot ko.
“Bilis nating mauto ah?” he even arched his brow at me.
Lumayo ako ng kaonti sa kanya at umirap.
“Nauuto mo ako dahil nagpapauto naman ako.”
Humalakhak ulit ito at dinudurog na iyong chocolate sa kanyang bibig.
Kapwa na kami nakabihis. Ang tanging suot ko lang ay iyong panibago niyang malaking tshirt at umaangat pa iyon sa aking pwetan dahil sa aking posisyon.
“One more.” sabi niya at inulit iyong pakulo niya kanina. Inipit niya iyon muli sa gitna at lumapit ulit sa akin.
I stared at it for awhile. Kahit alam kong uutuin na naman ako nito ay nagpatangay parin ako sa aking karupukan at lumapit muli. And for the second time, Toshi tricked me.
“Ang daya mo!” Sabi ko habang hindi inaalis ang aking labing nakadikit sa kanya.
Nabalot ulit ng tuwa ang kanyang mukha at pumakawala ng halakhak. Ibinangga ko ang aking binti sa isa niyang binti na hinuli lamang iyon at inipit ito sa gitna ng kanyang mga paa. I wiggled my foot as I pushed his chest lightly. Mas lalo siyang humalakhak at sobrang natatangay na sa pang-aasar sa akin.
Sa aking inis, itinulak ko siya ng malakas para matumba ito hanggang sa mahiga siya roon. I smirked evilly as I parted my legs and sat on his stomach. Unti-unting napalis ang kanyang ngiti nang makita ang aking posisyon. Bago pa man ako nito maalis roon ay yumuko na ako at hinawakan ang kanyang pisngi.
Ang iilang hibla ng aking buhok ay nalaglag na sa bawat gilid habang hinahalikan ko ito. I gripped his hair as I delved my tongue inside his mouth. Hinanap ko ang ipinagkakait niyang kapiraso noong tsokolate at kinuha iyon sa pamamagitan ng aking dila. His brows furrowed as his eyes shrinked at me. Nang mapagtagumpayan kong ilipat iyong tsokolate sa akin ay natatawa na akong lumayo sa kanya.
Bigla nalang itong tumagilid hanggang sa mahulog ako sa kanyang bisig, ang isang binti nito ay idinagan niya na sa dalawa kong mga hita at ngumingisi na sa akin.
“Naughty…” Naiiling niyang pinasadahan ang kanyang buhok at hindi na mabura bura ang matamis na ngiti.
“Inaasar mo ako eh…”
“Pikon ka kasi.”
Ngumuso ako at pinagpatuloy ang pagdurog noong tsokolate sa aking bibig. Nalipat ang kanyang mga mata sa aking ibaba kaya napatingin narin ako doon. Ang aking suot ay umabot na sa aking tiyan at nakikita na ang aking panty lalo na ang aking pusod. Umangat ang kanyang kilay at mukhang pinag-iisipan pa kung hihilain iyon pababa o hahayaang ganoon nalang.
“You’re showing too much skin.” komento niya sa malalim na boses at tumitig ng ilang sigundo roon. Ang hitang nakadagan sa akin ay nagsisilbing pangtakip ng aking kulay cream na panty.
“I’m a model. That’s natural.” kibit-balikat ko pa na ikinabalik ng kanyang mga mata sa akin.
“Why don’t you just hire me as your photographer and work for me as my model.”
“Huh? Pwede ba ’yon?” Tumawa ako.
He nodded as he licked his lowerlip. “I’ll publish it on magazines and I’ll buy them all for you. Mas gusto ko ata ng ganoon…”
Mas natawa ako lalo. Siya naman itong kalmado at seryoso rin at the same time. Bigdeal talaga sa kanya ang pagmomodelo ko.
“You can’t do that.” I told him as he shut his eyes harshly and bit his lowerlip because of frustration. Ibinaba niya ang kanyang ulo at isiniksik ang mukha sa aking leeg. He breathe deeply as he groaned.
“I think I have no choice but to buy all the magazines and stop them from spreading.” sabi niya na ikinatawa ko.
“Possessive mo, kuya…” I teased him.
Iginapang niya ang kanyang kamay sa aking beywang at niyakap ako lalo. Nandiyan na naman iyang sobrang higpit niyang yakap na ang hirap huminga ng maayos.
“Ang h-higpit-” Naputol agad ang aking boses dahil sa aking paghinga ng malalim. Napahawak ako sa kanyang suot na damit at iyon ang pinanggigilan.
“Toshi…” Tawag ko na sana ay luwagan niya na ang yakap.
“I am. Really possessive… I really want to own you so bad that it scares me I might choke you. Baka sa sobrang higpit, ikaw mismo ang bumitaw sa pagkakakapit.” bulong niya at huminga ulit ng malalim.
Natigil ako roon at kumurap. Tiningala ko siya, hinanap ang mga matang ipinagkakait niya sa akin.
“I am talking literally, Toshi. Not with us.” I laughed a bit.
Gets ko naman ang mga sinasabi niya. I can read in between the lines. Oh, God! You really don’t know how much I want you! Kung pwedeng magpakasal na ay payag agad ako.
“Natatakot lang ako.” Lumuwag iyon pero siya naman ang mas sumiksik sa akin. I can’t believe he’s so clingy!
Tumawa ako at hinayaan siya.
“Takot ka saan?”
“Sa mga desisyon mo.”
“Huh?” Hinanap ko ulit ang kanyang mga mata at tumingala pero itinago niya iyon sa aking ulo. Ibinalik ko nalang ang aking mga mata sa kalebel kong leeg niya.
“Nevermind.” Hinalikan niya ang aking ulo at sinuklay ang aking buhok.
Ngumuso ako. Hindi niya na naman nililinaw. Nandiyan na naman iyang mga salita niyang hindi ko magets. Kahit matalino ako, pagdating sa kanya ay bobo ako kaya naman sana ay sabihin niya nalang lahat.
Sumapit ang gabi. Ang mga napulot niyang tuyong sanga at mga dahon ang sinilaban niya sa gitna para magsilbing pampainit naming dalawa. We stayed inside the tent while he’s hugging me from behind, resting his chin on my shoulder. May nakapulupot sa aking kumot at sa aking likod ay siya rin, nagsisilbing pangalawa kong kumot.
Ayaw kong matapos ang gabi. Iyon ang tumatakbo sa aking isipan na kung pwede ay hindi nalang kami gumalaw at ganoon nalang palagi na sana huminto rin ang oras at paboran kaming dalawa kaso hindi pwede. Kahit siguro itigil ko ang aking paghinga ay magpapatuloy parin ang pagtakbo ng oras.
“Pwedeng ihatid kita sa airport?”
He chuckled and squeezed me. “You can’t.”
“Sige na! Please…”
“Mas mahihirapan akong umalis niyan kung ihahatid mo ako. Baka bumaba lang ako sa eroplano at ihatid ka pauwi.” Marahan niyang sabi saka hinalikan ang aking balikat.
Bumuntong ako ng hininga at sumandal sa kanya. Nasa kanya na lahat ng aking bigat habang malalim na ang aking titig sa apoy na umaabot ang init rito.
“Dapat sumama nalang ako.”
“You can’t leave your school, Irah. Babalik rin naman agad ako.” sabi niya pero kahit ang kanyang boses ay dismayado rin.
Tumahimik ako ng ilang sigundo at nag-isip isip ng pwedeng dahilan pero alam kong kahit ang aking parents ay hindi rin papayag kung iiwanan ko ng mahigit isang buwan ang aking pag-aaral dahil lang gusto kong sumama kay Toshi. Baka bumagsak na ako pag ganoon.
“Sasalubungin nalang kita sa airport.” malungkot kong sabi.
Muli itong humalakhak habang hinahaplos ang aking leeg gamit ang dulo ng kanyang ilong.
“Dadalhan nalang kita ng maraming pasalubong.”
Mas lalo lang akong bumusangot. Nilingon ko ito.
“You can’t bribe me with stuffs like that, Toshi.”
“I know…” Hinalikan niya ang aking noo saka rin isinandal ang kanyang noo roon pagkatapos iyong gawin.
“Bibilhan parin kita. Hindi dahil gusto mo kundi dahil gusto ko. I want to spoil you with things. Gusto kong magwaldas ng pera sa’yo…” Namungay ang kanyang mga mata na parang madilim na kalangitan ay pinapalibutan na ng maraming bituin.
Hinawakan niya ang aking pisngi at may kung anong binura sa aking labi. He sighed again.
“God… I’m already smitten. Mababaliw na ata ako.” He chuckled softly as his lazy eyes bored on me.
Namungay narin ang aking mga mata. Nakaawang ang aking mga labi, ginagaya ang labi niyang nakaawang rin ng kaonti at dahan dahang lumalapit sa akin.
Pumikit ako at nagpatangay narin. Naramdaman ko ang malambot niyang labi na marahan nang humahaplos at gumagalaw sa akin. Parang pinipilipit ang aking tiyan at nahihiwagaan na sa aking nararamdaman na mas lalo lamang nagiging grabe. I wanted to cry. Gusto kong maiyak sa saya at sa tuwa. Ito ang pinapangarap ko simula noon pa. Na sana hindi lang ako ang mabaliw sa kanya at ganoon rin siya sa akin.
Nagising nalang ako sa kanyang mga bisig kinaumagahan dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa aming tent. Kanina pa pala ito gising pero hindi man lang ako ginising.
“Morning,” akma niya akong hahalikan kaya mabilis kong tinakpan ang aking bibig.
Umiling ako at pinandilatan siya ng mga mata. Di pa ako nagtotoothbrush!
Umangat lamang ang kanyang kilay at hinila ang aking pulso saka ako hinalikan. Ngumuso ako nang humiwalay rin naman agad ito.
“Ihahatid na kita pauwi.” Sabi niya na nagpakurap sa akin. Oo nga pala…
Kahit labag sa aking loob, tumayo ako at tumulong sa pagliligpit. Ang bigat ng aking pakiramdam dahil pakiramdam ko, ito na ang huling beses na magiging ganito kami. Para sa akin, sobrang tagal ng araw at para na akong mamamatay kakaisip na hindi kami magkikita.
Kahit noong nasa byahe na ay nandoon parin iyong pakiramdam na hindi ko maalis alis. Okay lang na malate ako sa klase at sa second subject nalang pumasok basta makasama ko lang ng matagal si Toshi. Okay lang…
“Hey…” Ginapang niya ang kanyang kamay at hinuli ang akin saka iyon ipinagsalikop sa isa’t isa. Isang kamay nalang ang ginagamit nito sa pagmamaneho.
Nilingon ko siya at sinikap na ngumiti ng pilit. Gusto ko nalang atang dumikit sa kanya habang buhay.
“Ingat ka ha.” Sabi ko, sinisikap kontrolin ang aking boses na bibigay na ata.
Umawang sandali ang kanyang labi, walang balak magsalita saka ibinalik ulit sa daan. Pabalik balik ang kanyang tingin sa akin.
“Ayaw mo bang umalis ako?” Banayad niyang tanong na ikinailing ko, ang mga mata ay para nang bibigay.
“Gusto mong hindi nalang ako umalis?” Tanong niya muli, na nasa akin na nakadepende ang magiging lakad niya ngayong araw.
He can’t Irah! That’s his job!
“Mamimiss lang naman kita…” Nag-iwas ako ng tingin at lumuwag ang pagkakakapit sa kanyang kamay pero hindi niya iyon hinayaang bumitaw sa akin. Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak roon.
“I’ll call. I promise.”
Tumango ako, hindi nakokontento sa ganoon. Iba parin iyong magkikita kami! Iba parin iyong araw araw ko siyang nakikita!
Tumigil ang sasakyan sa pamilyar na gate na ikinabigat ng aking dibdib. Nandito na ako…
Kinalas ko ang aking seatbelt habang pinapanood niya akong gawin iyon. Bakas rin sa kanyang mukha ang pagtutol pero mukhang nagpipigil lamang.
“Sige… Ingat ka doon. Salamat sa oras.” Pagod akong ngumiti at hindi man lang ito matingnan sa mga mata.
“Hey…” Hinuli niya ang aking na pilit kong iniiwas sa kanya.
Noong hindi niya talaga iyon maabutan ay siya na mismo ang gumawa ng paraan at hinawakan ang aking baba. Natigil ako sa pag-iwas at pagod na napatingin sa kanya.
“Malilate kana…” Tinanggal ko ang kanyang kamay sa pagkakahawak sa akin at nag-iwas muli. I don’t want to stay here! Para kasing bibigay ako. Baka lumuhod na ako sa kanyang harapan at pigilan ito sa pag-alis.
“Bye.” Hinalikan ko nalang ang kanyang pisngi at binuksan ang pinto. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagkadismaya niya pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin at tuluyan nang lumabas.
Sapo ang dibdib, isinara ko ang pinto at hindi na lumingon pa. Nagtungo na ako sa may gate, hindi na lumingon pa at nagdoorbell nalang sa bahay. Bumukas rin naman iyon kaya pumasok ako.
Parang nanginginig ang aking tuhod sa paghakbang. Kahit iyong pagbati sa akin ng katulong ay hindi ko na pinakinggan at pumasok na sa bahay. Narinig ko naman ang pag-alis ng kotse ni Toshi. Mariin akong pumikit, nanghihina na at nanginginig. God… I am going crazy!
“Toshi…” Sambit ko at mabilis nang lumabas ng bahay. Pumipintig ng mabilis ang aking puso habang tumatakbo pabalik sa gate.
“Toshi!” Sigaw ko ng ubod ng lakas at naiiyak na.
Paglabas ko ay nasa unahan na ang kanyang kotse. Hinabol ko iyon at sumigaw. Nanlalabo na ang aking mga mata at gustong maabutan ito kahit na imposible ko iyong magawa dahil sa hina ng aking pagtakbo..
Huminto bigla ang kotse. Nabuhayan ako ng loob at mas binilisan ang paglalakad. Nakita ko siyang lumabas at tumakbo rin para salubungin ako.
Nalaglag ang butil ng luha sa aking mga mata hanggang sa makarating siya sa akin at mahigpit agad akong niyakap. Kulang nalang ay ibaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib, sinisikap na hindi humagulhol at umangat na sa ere.
“Fuck…” He breathe deeply as he hug me tightly. “I’m going to miss you…”
“Hihintayin kita. Please, tumawag ka… Please…” I pleaded.
“I will.” Humiwalay siya at hinawakan ang aking mga pisngi. Hinalikan niya ang aking noo saka ulit ako niyakap.
“Don’t cry, please… Baka magdesisyon akong yakapin ka nalang buong araw at hayaang malate ako sa flight ko.” bulong niya sa akin at halatang nahihirapan rin.
Tumango ako at nagpigil.
Kahit sobrang bigat ng aking pakiramdam ng araw na iyon ay tiniis ko parin. He left, I cried silently. Ganoon na ako kabaliw na umiyak ako pag-uwi ko sa bahay at nagkulong sa aking kwarto.
Pumasok rin naman ako kahit wala akong gana. Nilagyan ko nalang ng concealer ang aking mga mata para hindi iyon mahalata.
“Did you cry?” Ang tsismosang si Zera ang nagtanong sa akin.
“Di ka pa naman patay kaya ba’t ako iiyak?” Sagot ko saka iniwas ang tingin sa kanya.
Nasa kalagitnaan kami ng klase. Hindi ko man lang mabasa ng maayos iyong novel na pinapabasa sa amin para sa magiging quiz mamaya habang si Zera ay nagagaws pang kumain ng sandwich.
“Di mo na ako maiiyakan dahil sa ating dalawa, mauuna kang mamamatay.”
Inangatan ko lang siya ng kilay na ikinangiti niya ng matamis pero naglaho rin saka kumagat ng kanyang kinakain.
“Ano nga kasi?” tanong niya muli.
Nag-iwas ako ng tingin at itinuon sa librong binabasa nalang sa aking isipan.
“May business trip si Toshi. He’ll be gone for a month-”
Naputol ang aking boses dahil sa malutong niyang halakhak. Nagkasalubong ang aking kilay na kahit ang iilang mga kaklase namin ay nilingon na ito.
“Ang oa! You cried just because he left? I don’t know you’re shallow!” Pinunasan niya ang luha at naiiling pa.
“Single can’t relate. Wala kasing nagmamahal sa’yo.” Umirap ako.
Nag-ikot siya ng mga mata at ipinagpatuloy ang pagkain. Nalunod naman ako sa pagbabasa pero kalahati ng aking utak ay nanalangin na sana tumakbo ng mabilis ang oras at bukas na bukas ay umuwi na si Toshi.
Tumatawag siya tuwing gabi kaya sinisikap ko talagang magpuyat pero minsan ay natutulugan ko talaga ito. Hindi akma ang aming oras sa isa’t isa dahil umaga roon at gabi naman rito. Gising siya ngunit tulog ako. Nagtatrabaho na siya pero ako ay kakatapos lamang ng klase. Palaging hindi magkakatugma kaya minsan ay nakakafrustrate rin.
“Nagbabalak kaming maggym ni Zera this sunday since wala naman kaming gagawin.” Sabi ko kay Toshi nang tumawag ulit ito.
“How about Franca? Si Zera na ata ang kasama mo.”
“Franca is busy. Fourth year na iyon kaya minsan nalang rin kami nagkakausap dahil graduating na siya.”
Kinukwento ko sa kanya ang mga plano ko sa araw at ganoon rin naman siya. Kahit gustong gusto ko pa siyang kausap, minsan ay iyong talukap ng mga mata ko nalang ang bumibigay at hindi ako magawang paboran dahil sa labis na antok.
“Puyat ka nang puyat eh maghihiwalay rin naman kayo.” Pambungad sa akin ni Zera nang humikab ako sa pangalawang subject sa Sabadong iyon.
Hindi ko iyon pinatulan at binuksan ang aking libro para basahin iyong advance quiz sa susunod na subject.
“Nambababae na doon si Kuya Toshi. And I’m sure, may ka sex na siya roon.” she said bluntly.
Nasira agad ang aking ekspresyon.
“He’s busy with his work. Tigilan mo ang kakasira sa kanya.” Inikutan ko siya ng mata.
“Bahala ka… Sure ako may ka one night stand na si Kuya ngayon.”
Para nang aakyat sa aking ulo lahat ng dugo sa aking katawan dahil sa pinagsasabi ni Zera. Siya talaga iyong masarap putulan ng dila. Purket sawi sa pag-ibig ay mandadamay.
Sunday. Katulad ng napagplanuhan naming dalawa ay nagtungo ako sa gym. Wala pa siya roon kaya nagtreadmill nalang muna ako.
Nakatanggap ako ng mensahe sa kanya. Naikot ko nalang ang aking mga mata nang mabasa ang kanyang text at nireplayan ito ng isang salita lamang.
Zera: I’ll be late ata. Something came up! Hahabol nalang ako eh alam mo namang hindi kita priority.
Ako: Traitor.
Isinaksak ko ang earphone sa aking magkabilang tenga saka medyo binilisan ang pagtakbo sa treadmill. May kadate ata iyon.
Pawis na pawis ako noong huminto ako sa pagtakbo at nagtungo sa aking gymbag. Kinuha ko ang pamunas sa aking pawis at binuksan ang bottled water. Chineck ko pa ang oras sa aking cellphone at inistema iyon. Toshi is probably sleeping right now. Mamayang gabi pa iyon tatawag.
Isang linggo narin ang dumaan simula noong umalis siya. Natupad niya naman iyong tumatawag siya palagi sa akin pero bawat sigundo ay namimiss ko na agad ito.
“Irah?” A familiar voice called me.
Nilingon ko ito at nakita ang lalakeng ngumisi na nang makumpirmang ako nga iyon.
“Bryce.” Sambit ko sa kanyang pangalan na mas ikinatamis lamang ng kanyang ngiti.
35th TRICKED
T R I C K E D
Real Buenaventura
Inalis niya ang gymbag na nakasabit sa kanyang balikat saka iyon inilagay sa tabi ng aking gymbag. Bryce changed alot. Mula sa kanyang tindig ay mukhang tumangkad pa ito at mas naging built-in ang katawan dahil siguro sa kakawork-out.
Ang napansin ko agad ay ang new cut ng kanyang buhok. May dalawang linya ang gilid noon habang nakasuklay paatras ang buhok at binabalandra ang noo. He got two piercing on the left side of his ear, making him to look like a frigging badboy.
“How are you?” Pinasadahan niya ako ng tingin at nagningning agad ang mga mata, mas lalo pang ngumisi sa akin.
“I’ve seen your photoshoots. Sikat kana.” Humalakhak siya.
Ngumiti narin ako. “I’m doing well and um, I already have a boyfriend.” Deritsahan kong sabi na unti-unting ikinawala ng liwanag sa kanyang mukha.
Namweywang siya sa aking harapan at ilang sigundong natigilan, tinitimbang ang aking sinabi.
“A serious one?” Tanong nito na ikinabusangot ko.
“Oo naman. This one is different, Bryce.” Pinunasan ko ang aking leeg na ikinatitig niya sandali roon pero kalaunan ay umakyat rin sa aking mga mata.
“Good for you…” Tumango-tango siya. “I’m glad at mukhang nasa mukha mo nga ang saya. You look inlove…”
I chuckled. “I am.”
Nabasa niya ang pang-ibabang labi at natawa narin. Kung ano man ang nabuo sa amin ni Bryce noon ay nakaraan na iyon. I can labeled it as a good memories between us two. Mabait rin naman kasi si Bryce at sa kanya narin nanggaling na tumatanggap ito ng pagkatalo. Sadyang di ko lang talaga masuklian iyon.
“Madalas ka dito?” tanong niya sa akin habang may binubuhat na itong barbell.
“Tuwing summer dito ako madalas. Pero pag may klase na, minsan lang. Ngayon lang ulit ako nakapunta rito dahil lumabas ng bansa ang boyfriend ko.” paliwanag ko sa kanya.
“Madalas na ako dito e noong July lang.”
So he’s here every weekends? Nag-aaral narin kasi ako niyan at tuwing linggo ay iba ang aking schedule lalo na noong naging kami ni Toshi. Palagi na akong nasa kanyang condo o kaya ay lalabas kaming dalawa tuwing linggo.
Ginawa ko ang aking routine sa gym. Inaalalayan parin naman ako ng instructor habang nakakadaldalan ko si Bryce. He’s already working at single parin.
“May mga nakakafling ako pero wala eh, tinitigil ko rin.” Sabi niya saka tumayo at pinunasan ang pawis.
Someday, he’ll find someone for him. He’s nice and gentleman! I’m sure masarap siyang maging boyfriend dahil maalaga ito.
Sabay rin naman kaming lumabas sa gym para umuwi na.
“Uuwi na ako.” Pagpapaalam ko sa kanya nang limang oras na ang dumaan at walang Zera parin ang lumulutang.
Hinawakan agad ni Bryce ang aking braso para pigilan ako sa pag-alis.
“Lunch?” he asked me.
Umiling ako. “I can’t Bryce. My boyfriend will get mad.”
Nabitiwan niya ang aking braso at mukhang suko na sa pangungulit sa akin.
“Lucky guy…” he smirked and licked his lowerlip. Ngumisi nalang rin ako.
“I’m done playing.” sabi ko.
Pinasadahan niya ang kanyang buhok at tumango nalang, hindi parin mabura bura ang ngiti na hindi na umaabot sa kanyang mga mata.
Kapwa namin nilingon ang kakadating kong sundo saka niya ulit ibinalik sa akin.
“So… see you again? If ever na mapadpad ka rito?”
Tumango ako. “Sure.”
“Okay… Bye…”
“Bye.” Ngumiti narin ako ng tipid saka rin ito tinalikuran.
Kahit pa sabihing friendly lang naman si Bryce at wala namang malisya kung kumain kaming dalawa pero para sa akin, alam kong pag nalaman iyon ni Toshi ay magagalit siya ng husto. I know that guy too well. Sobrang seloso…
Ayaw ko rin kasing isipin ni Toshi na hindi ako nagseseryoso sa aming dalawa kaya nang-eentertain parin ako. Kaya nga sinabi ko na agad kay Bryce para putulin ang anong koneksyon na namamagitan sa aming dalawa sa pagkikita naming muli. I want him to know that I’m already taken.
Exam ulit kaya medyo naging busy narin ako sa pag-aaral. Dalawang linggo na ang dumadaan at palagi akong naeexcite sa mga araw na lilipas ulit dahil alam kong uuwi na siya.
Katulad ng nakagawian ni Zera ay nagtatanong na naman sa akin ng sagot. I tried giving her the wrong one pero nagbabago rin ang aking isip at ibinibigay nalang ang tama.
“Piniga ang utak ko. Ang swerte swerte mo Zera kasi kaklase mo si Irah. Eh ako, puro mga bugok iyong seatmate ko.” Pumangalumbaba si Elle sa kanyang upuan at pumaskil sa mukha ang pagkadismaya.
“Malas ko nga eh. She’s giving me wrong answers.” si Zera na nagawa pa akong lingunin.
“Di naman ako nag-aaral para isalba ka sa kabobohan mo. I am studying for myself. Not to feed your empty brain.” sabi ko saka sumubo.
Inilagay niya ang kamay sa leeg at itinukod ang siko sa mesa, kakaiba na ang tingin sa akin at ang ngising may hatid ng kilabot.
“Mas gugustuhin kong wala iyong laman kaysa masyado akong matalino na kahit ang pagpepeke na buntis ako ay sumagi narin sa aking utak. Isn’t that too stupid?” she smirked evilly.
Bumusangot nalang ako at sinamaan siya ng tingin. I know Zera, it’s stupid. Damn it.
“May ganyang babae?!” si Elle na namimilog na ang mga mata. “Ang desperada naman ng ganyan. Mauubusan ba siya ng lalake?” May disgusto niyang sabi na ikinahalakhak lamang ni Zera.
“Meron Elle. Nasa paligid. Kamukha ni Irah.” si Zera na ginatungan pa talaga.
“Talaga?” Sumuyod naman agad ang mga mata ni Elle at naghanap ng kamukha ko. “Wala naman…”
“You’re saying I’ve got an empty brain but this girl… she got no brain at all.” Umiling nalang si Zera sa inasal ng kanyang pinsan.
Gusto ko sanang maoffend kaso totoo rin naman kaya ipinagkibit-balikat ko nalang. Ang importante, masaya kami ni Toshi.
Isang oras lang ata kami nagkakausap ni Toshi sa loob ng isang araw at katulad niya ay bininilang niya rin ang bawat paglipas ng araw. Excited rin ito katulad ko.
“Can’t wait to spend some night with you again…” he said hoarsely.
“Can’t wait too…” Tumagilid ako sa pagkakahiga sa aking kama at inimagine nalang na siya si Bun-bun at niyakap iyon ng mahigpit. But this stufftoy is not as warm as Toshi’s body. Naaamoy ko ang kanyang pabango pero dahil iyon sa tshirt niyang suot suot ko. Kahit nilabhan ko iyon ay naiwan parin ang kanyang halimuyak roon na umaabot sa aking ilong at hindi agad mawala wala.
“Make some plans. We’ll do it again.”
“Do what?” Medyo humalakhak ako lalo na’t iba ang dating sa akin noon.
“We’ll hang-out.” Pagtatama niya at mukhang nababasa ang aking pinupunto.
“Ah…” Mas lalo akong tumawa. Kahit wala namang nangyayari ay gusto ko lang talaga itong inisin.
He sighed heavily as I heard him cursed.
“Don’t do this, please…”
“Huh? Wala ah…” Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nagpigil ng tawa.
“If only I can travel and be with you tonight, I’ll surely get on top of you and kiss you nonstop…” he said sexilly in his low voice sending some chills in me.
“Gusto ko rin.” Wala sa sarili kong bulong at naiimagine na iyong sinasabi niya.
“I want to kiss you now.” He sighed.
Nadismaya rin ako nang mapagtantong walang ibang paraan para magawa namin iyon. We can’t kiss each other even if we badly want to do it. Mas lalo lamang akong nangungulila at nalulungkot.
Sunday. Nagtungo ulit ako sa gym para magbawas ng timbang. Noong magkasama kasi kami ni Toshi ay puro nalang ako kain. Katulad noong nakaraang linggo ay nadatnan ko ulit si Bryce roon. May kausap itong babae at matamis ang ngiti sa kanya.
Dumeritso ako sa nakasanayan kong lugar roon at napansin ang pagtama ng mga mata ni Bryce sa akin. Inilapag ko ang aking gymbag sa upuan at nakita sa gilid ng mga mata ang kilos ni Bryce na may kung anong sinabi sa babae na tumango saka rin ito nagtungo sa aking gawi.
Iniyapos ko ang aking mga buhok at itinali iyon para hindi maging sagabal. Nakarating rin naman si Bryce sa aking harapan, nakaputing fit na tshirt at nakapaskil na naman sa mukha ang ngisi.
“You’re here.”
Hinubad ko sa kanyang harapan ang aking tshirt na ikinakurap niya. Nalaglag sandali ang kanyang tingin sa aking sports bra pero agarang inakyat sa aking mga mata.
“Damn hot,” he whistled.
Binalingan ko iyong babaeng kinakausap niya na lumilingon sa aming dalawa saka ko ibinalik kay Bryce.
“Iyon na ang bago mo?” I asked him.
Tumawa siya at umiling. “Just being friendly. First time niya rito kaya inientertain ko.”
Nagtungo ako sa nakasanayan kong treadmill saka nagsimulang maglakad lakad muna roon. Hindi ko namalayang sinundan ako ni Bryce at pumunta narin ito sa aking gilid, pinanood ako ng mabuti.
“Hindi ako bago rito, Bryce. I don’t need your full attention.”
Tumawa siya. “Di kita nilalandi ha. Just checking on you.”
Ngumisi narin ako. “Well, I’m fine. Balikan mo na iyong babae.”
“Dito muna ako. That girl is quite annoying. She’s asking me if we can date after this. Iniimbita pa ako sa kanyang condo.” Nailing siya saka binasa ang pang-ibabang labi.
“Di’ba iyon naman ang mga gusto mo? Wild?” Inangatan ko siya ng kilay.
“May respeto ako sa babae, Irah. Ako nalang ang iiwas dahil mukhang manyak iyon.” tumawa pa siya.
“Sa inyong dalawa mas mukha kang manyak, Bryce.” I chuckled.
“Ouch…” Ipinikit niya ang isang mga mata na akala mo may iniindang masakit sa dibdib dahil sinapo niya pa iyon.
“Minamanyak ba kita noon? You hurt me…” Mas gumuhit ang sakit sa kanyang mukha kaya itinapon ko iyong tuwalyang nakasabit sa gilid ng handle noong treadmill na sumapol sa kanyang mukha.
“Lumayas kana nga! Puro ka kalokohan.” Natatawa kong sabi.
“But you’re having fun.”
Nailing ako, pero ang nakapaskil na ngiti ay dahan dahan ring naglaho dahil sa babaeng lumitaw na sa aming harapan.
Nagkasalubong ang kilay ko na kahit si Bryce ay napakurap na lalo na’t pamilyar sa kanya ang babae.
“Can we talk, Irah?” Floren asked me softly.
Nagkatinginan kami sandali ni Bryce. Wala akong ediya kung ano ang pag-uusapan naming dalawa pero sigurado akong sangkot rin naman si Toshi rito.
Nasa akin ang kanyang mga mata. Hindi iyon nalilihis at desididong kausapin ako ng masinsinan. Itinigil ko ang pagtakbo noong treadmill saka ako nagtungo sa upuan para magpalit ng damit.
Nauna siyang maglakad palabas. Binalingan ko sandali si Bryce na takang taka saka ko rin sinundan ito.
Pumasok kaming dalawa ni Floren sa malapit na cafe. Ang aking mga mata ay nagngitngit na nang maalala ko ang araw na nakita ko silang dalawa ni Toshi. I wanted to set aside the hatred I felt towards her pero hindi ko talaga maiwasang hindi mainis sa kanya kahit wala pa itong ginagawa.
“Anong gusto mong kainin? Ililibre kita.” she smiled flatly to me.
Umiling ako. “Let’s just finish this talk, Floren. H’wag nating plastikin ang isa’t isa dahil hindi ako magaling roon.” Walang paligoy-ligoy kong sabi na ikinabura ng kakarampot na ngiting iniingat-ingatan niya sa kanyang labi.
Nahawakan niya ang kanyang tiyan at hinimas iyon, bakas sa mukha ang pagpipigil. Napunta ang buo kong atensyon roon at tinitigan ang kanyang tiyan. She’s wearing a baggy shirt paired with leggings and flats.
“Mag-oorder lang ako.” sabi niya saka dumeritso sa counter.
Somethings off with her. She looks pale at hindi ko rin nagugustuhan ang sobrang pag-iingat niya. She looks so fragile… and skinny.
Umupo ako sa bakanteng table at nalunod sa pag-iisip ng kung ano. Does she know that I am Toshi’s girlfriend? But I’m sure kumalat na iyon sa kanilang opisina dahil napapadpad ako roon minsan.
Kahit anong halungkat ko sa aking utak ay wala akong magandang maisip na pag-uusapan namin. We’re not even close. Kilala lang namin ang isa’t isa sa aming mga pangalan pero hanggang doon lamang iyon. Kung ano man ito, iba ang kutob ko at hindi ko iyon gusto.
Umupo siya na may dala dalang tray. Maingat niya iyong inilapag saka muling hinawakan ang kanyang tiyan para umupo. Ang aking mga kilay ay muling nagkasalubong. Is she…
“Kayo naba ni Bryce?” tanong niya habang inilalapag ang isang plato sa aking harapan. Binilhan niya parin ako ng makakakain.
“We’re just friends.” Tipid kong sagot, pinag-aaralan itong mabuti.
Her pale lips stretched as she smiles.
“Eh di’ba hanggang noon ay lumalabas kayo?” tanong niya habang sumusubo ng cake, ang mga mata ay nasa akin.
It doesn’t sound good to me. Para niya akong pinapaikot sa isang tanong at gusto lamang akong hulihin. Inangat ko ang aking kilay at seryoso siyang tinitigan.
“Hindi mo ba alam na kami ni Toshi, Floren?”
Natigilan siya, kalmado naman pero halata ang tensyon sa kanyang mga mata.
Napunta muli ang kanyang kamay sa tiyan at hinawakan iyon. Para siyang may pinoprotektahang babasaging bagay sa loob kaya ganoon niya nalang iyon hawakan.
“Toshi is my boyfriend-”
“And he’s the father of the child I’m carrying, Irah.” Putol niya sa akin sa matigas ngunit mahinang boses na ikinaawang ng aking bibig sa ere.
Para akong nabingi ng ilang sigundo. Na kahit ang aking utak ay naging blangko. She’s joking, right?
Natawa ako. “Oh please… That’s the funniest joke I ever heard.” Mas tumawa ako ng malutong. That’s absurd!
Nabahiran ng galit ang kanyang mukha pero nagpipigil parin.
“Hindi mo ba talaga alam ang rason kung ba’t ka pinatulan ni Toshi?” Nanliit ang kanyang mga mata sa akin.
Sumandal ako sa upuan at sinikap na magtimpi. Gusto kong marinig lahat ng kanyang isisiwalat bago ako tuluyang sumiklab sa galit. Kung kanina lamang ay tumatawa ako, ngayon ay mabilis ko ring naseryoso ang aking mukha.
“Masyado kang desperada sa kanya kaya ka niya pinatulan. I told him to stop playing on you pero ang sabi niya sa akin ay ititigil niya rin naman at gusto ka lang bigyan ng leksyon para tumigil kana sa kakahabol sa kanya lalo na sa ginawa noong pinsan mo sa pinsan niya pero sa nangyayari, naaawa na ako sa’yo dahil asang asa kana.”
Walang gumuhit na kahit anong ekspresyon sa aking mukha at blangko siyang tinitigan. If this bitch is trying to trick me then she won’t suceed. Mas magaling akong manglinlang kaya h’wag mong akuin ang korona ko, babae.
“Simula noong college pa si Toshi ay hinahabol mo na siya di’ba? Hindi ka ba nagtataka kung ba’t ka niya biglang pinatulan? Why don’t you ask him about me? I am already 1month pregnant, Irah! And please, just please, ikaw nalang ang tumigil!” Malakas niyang sigaw na ikinalingon ng iilang mga tao sa amin.
My emotions crashed violently as I tried to hold my anger inside me. Ayokong may magawang ikakasama nito lalo na’t buntis siya. Bago pa man ako sumabog sa galit ay tumayo na ako at deri-deritso ang paglabas. Fuck you, Toshi! Fuck you to death! Kung nalaman kong totoo ang pinagsasabi ni Floren, you’ll surely regret tricking me!
Hindi ko na namalayan ang luhang tumulo sa aking mga mata nang sumakay ako sa nakaparadang sundo ko at nagpahatid na pauwi. Gusto kong humagulhol sa iyak pero dahil sa matinding galit ay nagmistula akong bato. Para akong mababaliw sa aking iniisip at hindi makapag-isip ng matino. She knew about the scandal of our family! Kung gawa gawa niya lang iyon, ba’t masyadong tugma sa mga nangyayari? Oh damn it Toshi Delafuente!
Gusto ko munang klaruhin ang lahat. Gusto kong makasigurong totoo lahat ng sinasabi ni Floren bago ako gumawa ng desisyong pagsisisihan ko lamang sa dulo kung mali pala ang aking hinala. This is a big slap to me. Buntis siya at alam ko na paninindigan ni Toshi ang bata. We both came on that situation! Parehas kaming lumaki na walang ama. Iniisip ko palang iyon ay kinakain na ako ng hinanakit at galit na may bata na namang matutulad sa amin.
Hindi siya tumawag kinagabihan kaya mas lalo lamang sumikip ang aking dibdib at hindi ko nakayang umiyak. Kung totoo ang lahat ng ito, kung pinatulan niya lang ang pagiging desperada ko at ginagamit na rason ang eskandalo ng aming pamilya, ngayon palang ay sisiguraduhin ko ng ito ang pinakamaling desisyon na nagawa niya sa kanyang buhay. I’ll surely show him how I play it better!
Panay ang paglingon sa akin ni Zera nang pumasok ako at walang imik. Sinusubukan niyang magbato ng kung ano anong salita sa akin pero nanatili akong walang imik. Na kahit ang aming break time ay hindi ako sumabay at nagtango ako sa library para makapag-isa.
Kakaupo ko palang nang mamataan ko sa kabilang table ang magpipinsang may pinagkakaguluhang libro. It was Ken and Blue, base narin sa nunal nitong nasa tuktok ng kanyang ilong na hindi mo makikita kay Red.
“Magpatulong nalang tayo kay Grey, Ken. Bobo ako sa mga ganito.”
“Busy iyon.” si Ken na seryosong seryoso sa paglilipat ng pahina na kahit ako ay hindi na nila napansin rito.
“Edi kay Toshi nalang.” si Blue.
“Mas busy iyon. Kumakayod na iyon sa pagtatrabaho lalo na’t buntis ang girlfriend.”
Ang sinabi ni Ken ang kumuha ng aking atensyon. Parang may dumaang asido sa buo kong katawan na kahit ang aking mga mata ay nanlalabo na.
“Huh?”
“Oo loko loko. Buntis si Floren. Iyong ex niya. Nagkabalikan ata ang dalawa.” Mahinang sabi nito at nag-iingat na walang makarinig.
“Nakabuntis-”
Agad niyang tinakpan ang bibig nito.
“Pinapasekreto iyan sa akin ni Toshi kaya itikom mo rin ang bibig mo.”
Kumawala na ang hikbi sa aking bibig. Bago pa man ako lingunin ng dalawa ay derideritso na akong lumabas, takip takip ang bibig kong hindi ko na mapigilan.
So it’s really true? Kay Ken na mismo nanggaling, Irah! Maybe fate was on my side that they want me to wake up from my senses. Sa lahat ng maririnig ko, iyon pa talaga!
Bumuhos ang mga luha sa aking mga mata habang malalaki ang aking hakbang palabas ng eskwelahan. Para akong mamamatay sa sakit na yumayakap sa akin at ang lumulutang na galit sa aking loob. I badly want to hurt him. Gusto ko siyang saktan ng pisikal at murahin ng paulit ulit dahil sa kanyang ginawa. Ang gagong iyon! GAGO TALAGA SIYA!
Umuwi ako ng maaga baon baon ang galit na aking nararamdaman. Nagngitngit ako sa sobrang galit at kulang nalang ay gibain ang buo kong kwarto. My things scattered on the floor including the long curtains. Sumigaw ako at kulang nalang, pati ang aking sarili ay saktan ko na.
Ang putanginang iyon ay ginamit ang pagmamahal para saktan ako! He took advantage because I’m so fucking inlove with him! Pinunasan ko ang aking pisngi kahit na hindi ako matigil sa paghagulhol. I promise to myself, even if he get on his knees for a chance, to beg for his forgiveness, I’ll show him the real Buenaventura. Heartless!
36th TRICKED
T R I C K E D
Trigger
Early in the morning, I’ve seen how Daddy eyed me as I ate my breakfast. Sinikap kong umaktong normal kahit na alam kong may mapupuna sa akin si Daddy. Ang aking ginawang kalat sa aking kwarto ay ako rin ang naglinis buong gabi. I can’t fall asleep knowing someone tricked me. Ang galit ay kumalat na sa aking sistema at masyado na akong nadedemonyo.
“Maaga kang umuwi kahapon. You cut your subjects?” Tanong ni Daddy, umaandar na ang pagiging lawyer sa akin.
Tumango ako at sumubo. Kumurap naman si Mommy nang malaman iyon.
“Bakit, Irah?” si Mommy.
“I’m a bit sick kahapon, Mommy.” Gusto kong pumatay ng tao. Idadagdag ko sana iyon pero kinimkim ko nalang.
Dad’s brow raised while Mommy stood up and reach for my forehead.
“Are you okay now? Hindi ka naman mainit. Did you take your meds?” nag-aalalang tanong niya na ikinatango ko at ngumiti ng matamis.
“I already did Mommy. Thanks.” I smiled flatly.
Hindi niya agad maalis alis ang kanyang mga mata sa akin. Nagawa niya pang lingunin si Daddy at may kung anong sinenyas rito na ikinailing lang rin ni Daddy.
If my father found out Toshi tricked me I’m sure he’s going to regret this. But I won’t allow my Dad to do the vengeance for me. Gusto kong ako mismo ang manakit sa kanya. Gusto kong baliktarin ang Delafuente na iyon at ipamukha sa kanyang hindi niya ako masasaktan sa pamamagitan nito. Damn you, Toshi. Damn you.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam rin ako sa dalawa. Bago pa man ako makasakay sa SUV na maghahatid sa akin ay lumabas narin si Daddy. Inaayos niya ang sleeves ng kanyang polo para irolyo iyon ng maayos.
“I’ll drive you.” si Daddy sa baritonong boses.
“H’wag na Daddy.” sabi ko saka nilingon si Mommy na nasa kanyang likuran narin at hinaplos ang likod noon, na tila may inaalis na dumi.
Dad just raised his brow and glanced at my mother. He whispered something that made her blushed and nodded right away. Kumurap ako at nakaramdam ng tabang sa aking bibig. Ngayon ay sobrang nabibitter na ako at hindi na ata naniniwala sa tunay na pag-ibig. Bullshit.
Sinundan ko ng tingin si Daddy na nagtungo sa malaki naming garahe at pinatunog ang kanyang itim na Ford na kotse. I sighed and glanced at Mommy.
“Bye, baby!” Kumaway siya sa akin at mukhang tuwang tuwa na.
“Bye, Mom.” I smiled and went to my Dad’s car afterwards.
Balak ko sanang sa backseat para makaiwas sa mga tingin ni Daddy sa akin pero siya na mismo ang bumukas ng front seat.
“You can’t hide it to me. Get in.” Matigas niyang sabi sa kabila ng kalmado niyang mukha.
I went inside the front seat at hinila ang seatbelt. Binuhay naman ni Daddy ang makina habang binubuksan ng dalawang bodyguards ang malapad naming gate. Humalukipkip ako at nilingon ang bintana. Bumusina si Daddy at binuksan ang bintanang katabi ko. Mom smiled sweetly on us. Daddy just nodded saka rin ibinalik ang tingin sa pagmamaneho at tuluyang ipinalabas ang kotse.
Sa gitna ng byahe ay tahimik lang ako. I don’t want to open-up. Pwede namang isumbong ko nalang kay Daddy si Toshi at silang dalawa na ang bahalang magtuos but my horn just can’t accept it. I want my own eyes to see the pain Toshi caused me. Gusto kong saksi ako sa pananakit ko sa kanya katulad ng kanyang ginawa sa akin.
“You cried yesterday.” he said calmly as his eyes were fixed on the road and driving using his one hand.
“I didn’t-”
“So your bodyguards are liar?” He raised his brow.
Natutop ang aking bibig at nag-iwas ng mga mata sa kanya.
“May sipon ako, Daddy. I was sick at panay hingos ako kahapon kaya siguro inakala nilang umiiyak ako.” I reasoned out.
Sandaling natahimik si Daddy. Ako naman ay ayaw nang ialis ang tingin sa labas ng bintana. Gusto kong humagulhol sa kanyang harapan and cried for help pero wala na ata akong manahap na luhang ilabas sa aking mga mata. Lahat ng iyon ay nailabas ko na kagabi at ayoko nang mag-aksaya pa ni katiting na butil sa aking mga mata.
“He hurt you?”
Napalingon ako kay Daddy at pumakawala agad ng tawa.
“Of course not!” Pagmamaangmaangan ko.
It’s a big slap to me. Lahat ng paalala sa akin ni Daddy ay nagiging sampal sa akin. Hiyang hiya ako sa kanya dahil pinamukha ko pang mali siya sa iniisip niya kay Toshi. Na papatunayan kong hindi iyon makakayang gawin sa akin ng gagong iyon. I even break my Daddy’s rule just to be with him. Ang kapal ng mukha niyang linlangin ako!
Kitang kita ko ang paglabas ng mga ugat sa kamay ni Daddy dahil sa paghawak niya ng mahigpit sa manibela. His eyes were now dark and intense as he stared on the road.
“Galingan mo sa pagpapanggap. Pag nahuli kitang umiiyak, ako mismo ang maghahamon ng gyera sa angkan nila, Irah. I warned you.” Dad’s deep voice filled the car.
Oo galit ako kay Toshi. Sobrang galit ako sa kanya pero iyong isali ang aming mga pamilya rito at gumawa ng pangalawang eskandalo ay kalabisan na. Plus, Mommy treasure her new friends alot. May bond na silang nabuo nila Tita Chanelle at ayokong maapektuhan iyon. I don’t want this mess to cause another heartbreak for my Mother. Labas sila dito.
“Thank you for driving me, Daddy.” I kissed his cheek when he stop the car from the entrance.
Tumango siya.
“Want me to fetch you later?”
“Sure!”
Kinalas ko nang tuluyan ang seatbelt at binuksan ang pinto. I smiled at him sweetly saka rin ako lumabas. Mariin akong napapikit at pilit ibinaon sa limot ang sakit, ang pagbabanta ni Daddy at sinikap na maging normal.
Zera was being nosy again. Sobrang daldal nito na kahit ako, nagiging matabang na ang pakikitungo sa kanya. She’s a Delafuente. I suddenly despise them. Ang kanilang angkan ay mapanglinlang at mapagpanggap. I hate them.
“Ganda ni Irah, oh!” I heard one of my classmates shout to me when I went inside for my next class.
Kitang kita ko ang paglingon ni Zera sa aking gawi. Ngumiti ako ng sobrang tamis sa lalakeng nagsabi noon sa akin. Zera raised her brow.
“I’ll report this to my Kuya.” Aniya pagkaupo ko sa kanyang tabi.
“Ikaw bahala.” Sagot ko lang, hindi na ito nagawang tingnan at nasa nilalabas kong libro ang buong atensyon.
She blinked twice and stared at me. Walang gana kong ibinaling ang aking atensyon sa inilapag na libro at nagbasa na.
Nasa pangatlong subject na noong tumunog ang aking cellphone. Kung noon ay naeexcite ako sa pagtunog noon dahil alam kong siya iyon, ngayon, para akong isang bangkay na kahit katiting man lang na emosyon ay walang maramdaman. Hindi ko iyon sinagot. Naging tahimik si Zera pero mukhang may napapansin na sa akin. I don’t care.
Nakakailang tawag si Toshi sa akin at lahat ng iyon ay hindi ko sinasagot. I have my own alibi. Busy ako kakaaral at busy ako kakadedma sa kanya. Minsan, sa aking inis ay pinatayan ko ito ng cellphone.
Isang linggo akong naging ganoon kalamig sa kanya. Kahit ang kanyang mga text ay hindi ko na binabasa at deritso bura na. I don’t want a break-up yet. Hell, no way! Ganon ganon nalang?! I’ll break him first before breaking up with him. That’s the real meaning of break-up. Break him.
Lahat ng ex na nagtetext sa akin ay nirereplayan ko na. Isa si Jason sa pinaka matagal kong nakarelasyon noon. Tumagal kami ng isang linggo dahil narin todo todong paglilihim ang ginawa ko kay Daddy.
Jason: Nasa labas na ako.
Kinuha ko ang aking purse at lumabas na ng classroom. Nakita ko pa ang pagsunod ng mga mata sa akin ni Zera pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Ilang araw narin akong ilap sa kanya.
Paglabas ko ay iginala ko agad ang tingin sa may parking lot. May bumusina sa akin at kumaway pa iyon sa labas ng bintana kaya malalaki na ang aking hakbang makaabot lang agad roon.
Pumasok ako sa front seat. Gusto kong mamangha sa kagwapuhan ni Jason at sa tanskin niyang kulay, ang ngisi na nakakaakit at perpektong hitsura pero binalot na ako ng hinanakit sa mga lalake at ang tingin ko lang sa kanilang lahat ay mga gago. Pare-parehas lang naman sila.
“Can’t believe you replied on my text! It’s been a year… Wow…” Hindi makapaniwala niyang pinasadahan ang kanyang buhok at ngiting tagumpay na.
I can’t believe I wasted 4years chasing that asshole. Ba’t nga ba ako nagseryoso sa pag-ibig kahit na sa umpisa palang ay nagmumykha na akong tanga noon? Wow, I got blind for years…
“Namiss kasi kita.” I chuckled and stroke my hair backwards.
Natangay ang kanyang mga mata roon at napaawang ng kaonti ang labi. Sa kanyang tingin sa akin, alam ko na agad. Hinila ko ang kanyang tshirt at hinalikan na ito. My lips crashed on his as he moaned.
Mabilis na lumalim ang halikang iyon. My mind got blank as I can’t feel such thing. Fuck those gentle kisses!
Tumunog ang aking cellphone. Jason got drowned on my kisses that he never let me to break it. I moaned as I tried to look at my phone’s screen.
“Wait…” Tumawa ako nang mapagtantong si Toshi ang tumatawag. The devil is calling!
“I’ll just answer this.” I told him.
Sa lahat ng aking ex, si Jason ang pinakaagresibo. Naalala ko pa noong nilagyan niya ako ng hickey at nahuli ni Daddy. Pinabugbog niya ito pero mukhang ngayon ay hindi parin madala dala dahil ako na ulit ang nang-aakit.
Sinagot ko ang tawag. Jason’s kisses travel on my jaw as his hand fumbled on the buttons of my blouse.
“Wait, Jason…” Tumawa ako at inalis ang kanyang kamay roon saka ko inilagay ang cellphone sa aking tenga.
“Hello?”
Hindi agad ito sumagot. Mad?
“Where are you?” Matigas agad ang boses noon at mukhang may galit nang lumulutang.
“School. Wait! Later nalang. I’m busy studying!” Alibi ko at hinuli ang kamay ni Jason na gumagala na sa aking tiyan pababa.
Imbes patayin ang tawag ay hinawakan ko lamang iyon at nakipaghalikan kay Jason. I let a soft moan escaped my mouth as I grasped on his hair and deepened our kisses. Sinadya kong pumakawala ng maraming ungol at nilakasan ang aking tinig para mas klarong marinig iyon sa kabilang linya. Do you think you’re the only guy who can pleasure me, Toshi? Then you’re wrong.
“Fuck it, Irah.” Jason groaned when my kisses went hotter and deeper. Wala itong ediya at nalulunod lamang sa pagnanasa habang ako naman ay nalulunod na sa galit.
Namatay ang tawag at sapat lamang iyon para ngumisi ako ng malademonyo. Who’s tricking now?
Naging ganoon ang aking routine araw araw. Lahat ng mga lalakeng sumusubok na landiin ako at kung tipo ko naman ay pinapatulan ko. Nasa may library ako noon nang may makamake-out ako at si Ken pa mismo ang nakakita. Noong magkatinginan kaming dalawa ay ngumisi lamang ako at sinuklay paatras ang aking buhok. Report this to your cousin and please send my middle finger to him.
I cheated not just once, twice, but thrice that week. Ang kanyang tawag sa gabi ay hindi ko sinagot at natulog ako ng mapayapa. Noong umaga ay naka 100 misscalls ako sa kanya. Wow! He must be very triggered on my moans while kissing someone! Siguro nakaabot narin sa kanya ang mga kapilyahan ko rito.
Nagreply lamang ako para kunwari ay inosente ako sa lahat ng nangyayari.
Ako: I’m sorry I slept early. Sobrang busy ako sa school e.
Nag-iikot ako ng aking mga mata habang tinitipa iyon ng sobrang tabang. Can’t even remember I fell inlove with this jerk.
Ngayon Toshi, anong pakiramdam noong mga ginagawa mo sa akin noon at ibinabalik ko na sa iyo ngayon?
Hindi ko na binasa ang kanyang reply na kahit ang kanyang pagtawag ng umagang iyon ay hindi ko na sinagot. Anong oras ba roon sa kanila ngayon? Dapat ay tulog siya. Hmm…
“Did you two break-up?” Zera asked curiously when I sat beside her.
“You know how much I love your cousin. Can’t do that.” I smiled flatly as she stared at me.
“You’re cheating on him. Bali-balita sa school iyong affair mo sa Senior.”
“Make-out lang naman iyon. Just don’t tell it to your cousin. Marupok ako. Natukso.” Kalmado kong sabi na ipinagsalubong talaga ng kanyang kilay.
Magugustuhan ko talaga kung ibabalita rin ni Zera ang mga pinaggagawa ko sa pinsan niya. Gusto kong iparating sa gagong iyon na hindi ako nalulungkot rito habang wala siya at mas nag-eenjoy pa ako. Ngayon, tingnan natin kung sino ang mas magaling manglinlang.
Nawalan na ako ng pakialam na kahit h’wag nalang itong umuwi ay payag na ako. Baka pag umuwi ang gagong iyon, sa galit ko sa kanya ay ako rin ang lumayo at ayaw na manirahan sa iisang bansa na tinitirahan niya. Mula kuko hanggang ulo niya ay kinamumuhian ko.
But a part of me wanted to see him personally. Gusto kong malaman ang naging reaksyon niya sa lahat ng aking pinaggagawa. Did it hurt him? Kung hindi man lang siya nasaktan dahil hindi niya naman ako minahal, at least man lang naisampal ko sa kanya ang katotohanang hindi ako baliw na baliw sa kanya dahil nagawa ko pang magloko.
Linggo kaya dumeritso ulit ako sa gym. And as usual, naroon na naman si Bryce. He was so friendly with the girls pero noong dumating ako ay sa akin rin dumeritso. He’s already dripping wet as he’s trying to wipe the beads of sweat on his forehead.
“Irah.” Ngumisi siya na ikinangiti ko narin ng matamis.
Nilingon ko sandali iyong mga babaeng napapatingin sa kanya saka ko ibinalik ang tingin kay Bryce. Mukhang dinadayo na ata ang gym na ito ng mga babae dahil sa kanya.
Kinuha ko ang towel at ako mismo ang nagpunas ng basa niyang noo. Napakurap ito, medyo nagulat pero hinahayaan lang ako.
“Anong ginagawa mo?” Natawa siya.
“Wiping your sweat, obviously, Bryce…” I told him softly as my eyes settled on his forehead.
Humalakhak siya. “Alam ko Irah. Pero akala ko ba…”
Nagkibit ako ng balikat. “Wala naman siya dito. I’m sure that asshole is having fun, too.” I concluded.
He whistled. “Did you two fight?”
“Hindi pa eh. Baka pag-uwi pa noon.” Kalmado kong sabi na ikinahalakhak niya lalo.
“You’re really hard to handle, younglady. Kung ako ang boyfriend mo, baka sumabog na ako sa galit at mapauwi agad dahil sa pinaggagawa mo rito.”
“Iyon nga ang gusto ko eh. Iyong sumabog siya sa galit at kung pwede pati siya ay sumabog narin.”
Nailing si Bryce sa akin, nameywang at tumatawa. He thinks I’m joking. I’m not Bryce. I want that jerk to disappear in my sight right away. Magsama sila sa impyerno at doon magparami.
Imbes may sarili akong instructor, si Bryce ang hiniling kong alalayan nalang ako. He agreed since he’s having fun talking with me. Para narin daw h’wag umasa iyong mga babaeng matatalim ang tingin sa akin at pakiramdam nila ay inaagawan ko ang mga ito. Pagandahan muna tayo bago kayo mag-inarte nang ganyan sa akin.
I was doing some sit-ups while Bryce is holding my knees and trying to stop it from spreading. Sa bawat pagbangon ko ay naaamoy ko ang natural na pabango ni Bryce at sinasalubong pa ako ng matamis na ngiti nito kasabay ng pagkinang noong dalawang earring sa iisang tenga nito na makikita lamang sa kaliwang bahagi.
“Your boyfriend really needs to come home immediately if he doesn’t want to lose his girl.” Aniya
“He’s still going to lose me. I won’t fight for this.” kalmado kong sagot kahit na may halo na iyong tabang.
Binasa ni Bryce ang pang-ibabang labi at ngumisi lamang. Sa gilid naman ng aking mga mata ay nakita ko ang pagpasok ni Zera. Nakita ko ang paglipat ng kanyang tingin sa aking direksyon kaya noong bumangon ulit ako ay pinatakan ko ng mabilis na halik si Bryce saka muling huminga, tumawa na.
“Damn…” Wala sa sarili nitong mura.
Bumangon ulit ako para bigyan siya noon pero bago pa lumapat ang aking labi ay nahila na ako ni Zera. Her cold eyes were intimidating as she gripped on my arm and pulled me away.
Nakaladkad niya ako palabas lalo na’t nagpatianod lang rin ako. Tanging sports bra lamang ang aking suot at leggings pero ni kahihiyan ay hindi dumapo sa akin kahit na ang katiting na emosyon.
Humalukipkip ako, pinapantayan ang malalim niyang paninitig.
“Why are you bitching around like you’re not in a relationship with my Kuya?” She hissed at me.
Hinawi ko ang buhok na nakaponytail at itinulak iyon papunta sa aking likod.
“What’s making you mad? Do you really think I’m a faithful girlfriend?” I said coldly.
Kumurap siya at nagkasalubong ang kilay.
“You’re so strange…”
“Then nice to meet you. This is me. Irah Buenaventura.” I smiled flatly at her and turned my back right away. Bumalik ulit ako sa loob, kinalimutan ang kanyang presensyang iniwan ko sa labas. Fuck them all.
That day, Zera went cold to me. Hindi na ako nagtaka dahil hindi rin naman talaga kami magkaibigan. Kung ano man iyong binuo naming dalawa, naibaon ko narin iyon kasama ng aking pagmamahal sa kanilang angkan. We talked but not as often as we used to. Parte lamang iyon ng subject at hindi na umaabot sa personal na buhay o pagbabarahan sa isa’t isa.
I isolate myself with the people who become close to me, to the Delafuente cousins. Nakakasalubong ko minsan sa hallway si Hiro pero hanggang doon lang dahil kahit ang aking mga mata ay hindi ko na hinahayaang salubungin ang kanya.
“Di ka maloloko kung di ka nagpaloko.” Narinig kong sabi niya nang dumaan siya sa aking gilid. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ang likod nitong patuloy na humahakbang at nakapamulsa pa.
Kasabwat ba ang lalakeng iyon? Did he plan this, too? Siya ang nagbigay sa akin noong condo ni Toshi. Did he do that to give his cousin the opportunity to get their revenge on us?
Kung ano man ang dahilan ng lahat nang iyon ay ayoko nang alamin. Mga sinto sinto sila at may sira sa pag-iisip, mga manlilinlang.
Kung noon ay sobrang lungkot ko pa dahil sa araw na aking binibilang at sobrang natatagalan sa isang buwan, ngayon na natapos na iyon at mukhang napaaga pa ito sa pag-uwi ay wala akong maramdaman ni kakarampot na saya. I just heard it from Zera. Ang sabi niya ay nakauwi na si Toshi at ang gusto niya ay makipaghiwalay nalang ako. She told that to me coldly, immitating my tone towards her.
Nabuhay pa pala ang gagong iyon at nakauwi nang mapayapa sa kabila ng mga ritwal ko sa kanya na sana ay mamatay nalang ito.
“Enough. Uuwi na ako.” I smiled to the basketball player who got drunk from my kisses. Nasa lockers kami ng mga lalake at dito naghahalikan pagkatapos ng aking huling subject sa araw na ito.
“Baby please, mamaya na… Let’s continue.” Hinawakan niya ang aking beywang at hinaplos haplos iyon, ang mga mata ay namumungay na.
Hinarang ko agad ang aking kamay sa kanyang labi nang akma niya akong hahalikang muli.
“My Daddy’s curfew is more important than your kisses.” sabi ko at inilayo ang aking sarili sa kanya.
Hindi ko na hinintay na magpaalam ito sa akin at ako na mismo ang tumalikod. I can’t even remember his name. Basta it starts with letter A at sikat siyang varsity player. May hitsura rin naman at isang elite rin sa school kaya okay narin.
Paglabas ko, nasa gate palang ako at ginagala ang mga mata para hanapin ang aking sundo ay may pamilyar ng kotse na kumuha ng aking atensyon. My brow raised as I watched his car went to my direction. So my jerk boyfriend is really back and fetching me?
Huminto ito sa aking harapan. Tanging bintana ang bumukas. Ngumisi agad ako ng matamis.
“I miss you!” I told him and tasted the hatred in my mouth as I said those words. Miss my ass.
Nilingon niya ako. Sa sobrang seryoso ay nabasa ko agad ang galit sa kanyang mga mata lalo na noong makita ang aking imahe. His stares were dark and intense as his strong jaw tightened. Bakas sa buong mukha ang pagod pero mas nangingibabaw ang hinanakit sa akin.
“Get in.” he spat.
Binuksan ko naman iyon at ngumisi nalang imbes na makaramdam ng takot. What’s making you mad hmm? Did I play it well to trigger you?
37th TRICKED
T R I C K E D
Heartbreak
Para akong masusunog sa nagliliyab kong galit na inaalagaan ko sa aking loob at lalo lang lumaki nang makita ko ang kanyang imahe. Naghahalo ang poot at hinanakit ko sa lalakeng halos luhuran ko na at kulang nalang pati ang aking sarili ay isuko ko sa kanya.
Narinig ko siyang magmura at marahas na hinampas ang manibela na nagpapitlag sa akin. Sinikap kong kumalma, nilalabanan ang kaba at inalala ang dahilan kung ba’t galit na galit ako sa kanya.
“Napaaga ata ang uwi mo? Akala ko sa susunod na linggo pa. You’re early.” Nilingon ko siya at nginitian, taliwas sa gusto kong gawin sa oras na ito.
Hindi siya sumagot. Kumuyom ang kanyang kamao sa manibela na kahit ang kanyang panga ay umigting ulit. Binalot ng galit ang mga mata niyang mariin ang tingin sa kalsada.
Itinuon ko ulit ang tingin sa labas ng bintana. Ang tanging ingay lang sa loob ay ang pabulong niyang mararahas na mura. Noong tumigil ang kotse niya ay nauna pa akong lumabas. I’ll get my things on his condo unit. Iyon agad ang gusto kong gawin.
Tumakbo ako para lamang makarating agad at wala nang balak magtagal. Nasusuka ako sa kanya at ayoko siyang makasama sa iisang lugar. I loath him to death!
Nauna akong makarating sa kanyang condo at pumasok agad roon. Dumeritso ako sa kanyang kwarto para kunin ang pakay ko kaso hindi palang ako nakakarating sa loob noon ay marahas niya nang nahablot ang aking kamay at hinarap ako sa kanya.
“What are these marks, Irah?” galit niyang tanong at mabilis na hinawi ang aking leeg, halos malantad na ang kalahati ng aking dibdib dahil sa pagkakahila niya roon.
His blazing eyes stared at it like I commited a deadliest sin and needs to be punished. Gusto kong humagalpak at tumawa ng malademonyo dahil sa kanyang galit pero kinimkim muna iyon.
Nalaglag narin ang aking tingin roon. Ang pagkakahawak niya sa aking braso ay sobrang higpit na pakiramdam ko ay mababali na iyon dahil sa binibigay niyang lakas.
“Oh…” Sinuklay ko ang aking buhok paatras at ngumisi sa kanya. “Mosquito bites.” Normal kong pagkakasabi.
Nanliit ang kanyang mga mata. Sa kanyang galit ay hinila niya ako palapit sa kanya.
“Don’t. Fucking. Fool. Me.” putol putol at puro pagalit ang pagkakabigkas niya noon.
“Edi h’wag kang maniwala.” Tinaasan ko siya ng kilay at binawi rin ang aking braso. “I’ll get my things. Di ako pwedeng magtagal rito.”
Umabante ulit ako paalis sa kanyang harapan pero sa pangalawang beses ay nahila niya akong muli at marahas na ibinalik sa aking kinatatayuan kanina. I can sense his raging anger because of the veins on his neck. Ganoon na siya kasabog at ako itong kalmado lamang.
Binitiwan niya ako at nameywang sa aking harapan. Mariin siyang pumikit at tumingala, hinilamos ang mukha saka nailagay sa likod ng kanyang ulo ang mga kamay.
“I heard your moans. At ang rami kong natanggap na balitang kahit sinong mga lalake ang kahalikan mo sa eskwelahan niyo! What’s this? Ipapasok mo ako sa bulsa mo?! Tangina naman, Irah! You cheated on me!” he growled angrily.
Napatalon ako sa gulat dahil sa kanyang pagsigaw pero nanatiling kalmado at seryoso ang aking pagmumukha. Ni hindi ako kumukurap matitigan lamang ng matagal ang galit niyang mukha. Iyan lang ba Toshi? I want to see the pain in your eyes!
Tumawa ako, “ako? I was busy studying Toshi-”
“Fuck it!” Sinipa niya ang babasaging aparador na mabilis na gumawa ng ingay. Tumataas baba ang kanyang balikat at nakakuyom ang kamao, halos hindi na makontrol ang galit.
Napaatras ako dahil narin sa gulat at nalaglag ang tingin sa mga gamit na naroon at nagkalat na sa sahig. Mariin ulit siyang pumikit, marahas na ang paghinga at pinasadahan ng haplos ang buhok.
Umabante siya sa akin, nagbabanta ang mga mata at kulang nalang, pati ako ay itapon niya narin at wasakin.
“Sino ang mga lalake mo?” may diin niyang tanong.
“Wala nga! Nagpapaniwala ka agad sa mga naririnig mo! And this is just a mosquito bite!” Pagsisinungaling ko. Total dito naman siya magaling, ba’t hindi natin gayahin?
Nailing siya at tumingala muli. Nakita ko ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi saka muling ibinalik ang dalawang kamay sa likod ng kanyang ulo para doon humawak. He exhaled deeply. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at mukhang may pinipigilan na na kung ano sa kanyang mga matang nagsisimulang mamula.
“Wow… I got tricked!” he chuckled with so much pain in the eyes. “Ako itong sinasabihan mong gago pero ikaw itong nanggagago!” he growled at me.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nagsimula naring manlabo ang aking mga mata. Ang kapal rin naman ng mukha mong gago ka! I almost give in to you… Halos magmukha akong baliw sa’yo tapos gagaguhin mo lang ako? At ako itong pagsasabihan mong nanggago?!
I always wanted a storm like this. Gusto ko talaga siyang makitang sumabog pero sa nakikita ko ngayon, akala ko ay hindi ako maaapektuhan ng ganito. A part of me feels scared but I am eager to hurt him in any ways.
Tumulo ang luha sa aking mga mata pero mabilis ko rin iyong pinunasan at nag-iwas ng tingin sa kanya. Nalulunod narin ako sa aking emosyon na kahit anong kimkim ko ay sumasabog talaga palabas.
“Why are you even crying? Don’t act like I’ve hurt you when you’re the one who’s hurting me! Fuck.” Sinipa niya ulit iyong panibagong gamit sanhi para mabasag iyon. Kulang nalang ay magwala na ito sa aking harapan para lang ipakita ang galit niya sa akin.
“Sana hiniwalayan mo man lang muna ako bago mo iyon ginawa-”
“THEN LETS BREAK UP NOW!” sigaw ko kasabay ng pagbuhos ng aking mga luha. Natigilan siya at nanigas, ang mga labi ay naiwang nakaawang.
“Let’s break-up!” pag-uulit ko sa matapang na boses.
Nagloosen ang kanyang balikat nang makita ang mga luha kong walang tigil sa pagbuhos. Tumataas baba na ang aking balikat dahil sa aking pag-iyak habang mariin ang tingin sa kanya, halos kasuklaman ang kabuuan nito.
“I tried being a good boyfriend to you, Irah…” masuyo niyang sabi, ang mga mata ay mas lalong nagiging pula.
“Then surprise! I got bored on you! Akala ko masarap kang boyfriend dahil marami kanang experience sa babae! But I realize you’re too old and opposite for me! You’re busy and workaholic! Anong mapapala ko sa’yo?” Tinitigan ko siya ng may disgusto sa aking mga mata. Diring diri ako sa kanya hindi dahil sa aking pinagsasabi kundi dahil nagawa kong pumatol sa lalakeng magkakaanak na.
Suminghap siya, napaawang muli ang bibig at mas lalong nanlabo ang mga mata. Tumitig siya ng ilang sigundo sa akin pero hindi rin iyon nakaya saka ito tumingala at pumikit. He pressed his eyes as he licked his lowerlip, trying to control something.
“Thats why you cheated on me?” garalgal niyang tanong sa mahinang boses.
“Akala mo ba seryoso talaga ako?” I laughed. “I’m just inlove with you but it doesnt mean I get serious about it!”
“Fuck…” Tumalikod siya at yumuko. I’ve seen how his shoulder moved as he tried to breathe deeply. Gusto kong makita ang pag-iyak niya pero may parte sa akin ang h’wag nalang iyong tingnan. Ang aking puso ay parang pinupunit sa sobrang sakit. Sinikap kong pigilan ang paghagulhol kahit na ang aking mga luha ay hindi na matigil sa pagbuhos.
“I don’t want a break-up.” Malamig niyang tugon sa pagod at basag na boses.
“Hindi mo ba naiintindihan ang pinaggagawa ko Toshi! I cheated because I am not happy with you anymore! I want a break-up!-”
His loud curses made me shut my mouth. Lumipad sa ere ang babasaging vase na nagpatalon sa akin dahil rin sa pagkabasag noon sa dingding. I got so shocked that I step backwards away from him. Tanging likod lamang ang aking nakikita pero umaakyat at bumababa na iyon ng marahas.
Kinuyom niya ang kanyang kamao at nilingon ako, ang mga mata ay masyado nang matalim na pakiramdam ko ay masusugatan na ako sa titig na iyon.
“Then go. I don’t need a slut in my life.” The tears his holding back poured like a waterfalls. Kahit ako, naiyak narin, umagos iyon at ginaya na ang kanyang mga mata.
Umiwas siya ng tingin at tumalikod muli. Iyon ang kinuha kong pagkakataon para umalis roon. Humakbang ako sa nanginginig kong mga tuhod at halos habulin ang hininga dahil sa kakahagulhol. Tinakpan ko ang aking boses. I shouldn’t cry! Ito naman ang gusto mo di’ba Irah? Now you’re free from that asshole! Tama lamang iyan sa kanya.
My mind screams vengeance but my heart is aching to death. Para itong nagluluksa at taliwas sa gusto ng aking utak. Minahal ko siya higit pa sa sarili ko! Kahit magmukha akong tanga ay naghabol parin ako! But damn this! Pagkatapos ng ginawa niya sa akin, ang aking nararamdaman sa kanya ay nilipad na ng hangin at hindi ko alam kung makukuha ko pa iyong muli.
Akala ko madali lang… Akala ko hindi ako masasaktan… Akala ko pag nakita ko siyang umiiyak ay makukuha ko ang gusto ko… But why does it hurts so bad?
May parte sa aking utak na bumalik sa kanyang condo at humingi ng tawad. Pero mas nangingibabaw ang aking galit kaysa sa pagmamahal. Kinain na ng dilim ang aking puso at nakakalimutan na ang dinidikta nito sa akin.
Pagkauwi ko ay nagkulong agad ako sa aking kwarto. Tumahan na ako ngunit naninikip lamang ang aking dibdib at ano mang oras, pakiramdam ko ay hahagulhol ako.
Someone knocked on my door. Nanlabo agad ang aking paningin. I want somene’s shoulder to cry right now. Kahit ngayon lang sana…
“Irah… Papasok ako.” It was my mothers voice. Tumalikod ako sa may pinto para hindi niya makita ang aking kabuuan habang nakaupo ako sa aking kama.
“What do you want for dinner?” she asked me softly.
Hindi ako sumagot. Nalaglag ang butil sa aking mga mata pero agad ko iyong pinalis.
“Hey…” Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking likod na nagtulak sa aking humagulhol. I don’t know a heartbreak will be like this! I am so emotional at konting tanong lang sa akin ay magbe-breakdown na agad ako.
“Irah?” May pag-aalala na ang boses ni Mommy.
Hinawi niya ang aking buhok habang tinatakpan ko ang buo kong mukha.
“Anong nangyari? Ba’t ka umiiyak?”
Tumaas baba ang aking balikat. I feel like drowning to my own tears. Ang sakit. Sobra.
Umalog ang aking kama at mukhang umupo na ito sa aking harapan. Hinawakan niya ang aking pulso saka iyon hinaplos.
“I’m worried, Irah. Please, say something… Do you want me to call your Dad-”
Mas lalo lamang akong humikbi at niyakap agad ito. I buried my face on her shoulder as my shoulder rocked repeatedly. Ang aking iyak ay pumaibabaw sa loob ng aking kwarto mukhang tumakas na palabas ang iilan dahil sa sobrang lakas noon.
“S-Sinaktan niya ako p-pero ang sakit rin pala… I thought… I thought it’s enough if I see him c-crying…” Habol habol ko ang aking hininga habang sinasambit ang mga iyon.
“W-What? Who? Wait? You have a boyfriend?” Gulat nitong tanong.
Tumango ako at mas ibinaon ang mukha sa kanyang balikat.
“We broke up.” Garalgal kong sabi na ikinatigil ni Mommy.
The memories awhile ago flashes in my mind like a whirlwind. Mabilis iyon at sobrang linaw na mas lalong nagpapabigat ng aking dibdib. Ang kanyang umiiyak na mukha at may baong baong galit na tingin ay nakatatak sa aking isipan.
Hinaplos ni Mommy ang aking likuran ng paulit ulit. She even squeezed me.
“I’m not good at giving advices just like your father but I can be your handkerchief, sweetie. Umiyak ka lang. Nandito ako para magpunas ng luha mo…” she whispered to me softly that triggered me to cry even more.
Nasapo ko ang aking sariling dibdib at kulang nalang ay ilabas ang aking puso para tumigil lang iyon sa kakakirot. Huminga ng malalim si Mommy at may kung ano naring pinunasan.
“Sinaktan n-niya ako… K-Kaya sinaktan ko rin s-siya… Pero b-ba’t ganon… Ba’t nasasaktan parin ako…”
Hinimas niya lalo ang aking likod na kahit ang aking buhok ay pinasadahan niya ng haplos. Humiwalay ako at hinarap ito. She smiled to me with her teary eyes.
“Ang anak ko… may mahal na pala pero di ko man lang alam.” she chuckled and wiped my own tears. May nalaglag ring luha sa kanyang mga mata pero hindi nabubura ang matamis na ngiti.
“Pero may kutob ako na may kakaiba sa’yo. These past few days you changed. Napakamasunurin mo sa amin at nakapaskil pa sa mukha mo ang saya. Mahal na mahal mo ata iyon…” Hinaplos niya ang aking pisngi at pilit inaalis ang mga luhang walang pigil sa pagbuhos roon.
Hinila niya ako ng marahan at niyakap muli. Bumuntong ulit ito ng mahabang hininga.
“If your father find this out-”
“Mommy please! Don’t…” Garalgal kong sabi.
“Kahit ako ay kinakabahan pag nalaman niya ito Irah. You know your father.”
“Let’s just keep this… Ayokong malaman ni Daddy.”
She sighed again. “Ganoon talaga pag inlove Irah. Papaiyakin ka talaga niyan.” Sabi ng ina kong hindi nga magaling magbigay ng advice.
But her hug calms me for a moment. Kahit papaano ay natatanggal ang bigat sa aking dibdib. I didn’t expect I’ll share this with my Mom. Ayokong sinasali ito sa problema ko dahil alam kong iiyak lang rin siya kasama ko. Noong bata pa ako, tinatak ko sa aking isipan na ayoko na itong makitang umiyak pa. Kaya rin siguro gusto kong sinosolo nalang ang aking problema at si Daddy lamang ang nakakahalata.
Ilang oras rin kaming nanatili ni Mommy sa loob ng aking kwarto. Noong inanunsyo ng katulong sa labas na nakauwi na si Daddy ay mabilis rin kaming nagpunas ng luha. My swollen eyes are just too obvious to hide this to my own father. Kahit nga hindi iyon mamugto, alam ko ay malalaman niya paring may problema.
“Ako nang bahala. Magpapalusot tayo.” Sabi ni Mommy habang tumatayo na at inaayos ang sarili.
Tumango ako at hinayaan ito sa kanyang naisip kahit alam kong papalpak rin naman siya. Sa aming dalawa, siya ata ang pinaka mas nababasa ni Daddy.
“Magtalukbong ka ng kumot. Sasabihin ko natulog ka ng maaga dahil masama ang pakiramdam mo.” Hinila niya ang kumot at tinabunan ang aking kabuuan. Luminga linga ako, wala nang makita pa.
Lumabas rin naman si Mommy kaya humiga nalang ako. Kahit may parte sa aking naniniwalang mabubuko kaming dalawa ni Mommy, kahit ngayon man lang ay mapaniwala namin siyang dalawa.
“Tres! I told you we cried dahil may pinapanood kaming movie at nakatulog siya sa bigat ng nararamdaman!” I heard my Mom’s reason while some heavy footsteps barge inside my room. I sighed. Oo nga naman Irah, mabubuko talaga kayo dahil alam mo namang hindi magaling ang ina mo sa mga palusot. Sinong makakatulog sa kakaiyak ng husto dahil lamang sa isang palabas!
Ang aking kumot ay biglang nahawi. I saw my father’s serious face when our eyes met. His brows furrowed as his jaw tightened.
Wala na itong sinabi at malalakas na ang hakbang paalis. Mabilis akong tumayo.
“Dad! Wait!” Hinabol ko ito.
Damn it!
Si Mommy ay natataranta naring humabol sa akin. Nasa may pasilyo palang kamo at kalalabas lamang ng aking kwarto habang si Daddy ay nasa enggrandeng hagdanan na namin.
“What’s happening Irah?!” Mom asked worriedly. Nagawa niya pang hawakan ang aking braso.
“Mom! Daddy knew! He might…” hindi ko nadugtungan ang aking sasabihin na kahit siya ay nanlalaki na ang mga mata.
Tumakbo akong muli, si Mommy naman ay ganoon narin sa aking likuran.
“Lock the gate! Please!” Sigaw ko sa mga katulong sa ibaba na hindi agad nakakilos dahil sa takot sa mga mukha nang makita ang imahe ni Daddy na sobrang bilis narin ng galaw at parang may pupuntahang gyera.
“Tres!” tawag ni Mommy.
Mas binilisan ko ang aking paghakbang sa hagdanan at kulang nalang ay lumipad. I didn’t even mind wearing my indoor slipper!
“Dad!” Tawag ko sa kanya dahil sa malalaki niyang hakbang palabas ng bahay at sa mga kamay niyang nakakuyom.
“Lock the gate!” Sigaw ko roon sa bodyguard na napaatras nang makita rin si Daddy na lumalabas ng pinto at may bitbit na galit ang mukha. They’re all scared my father might throw some punch at them if they block his way.
Laking gulat ko nalang nang hinugot niya ang baril noong bodyguard na nadatnan niya. Nagsitindigan ang balahibo sa aking batok at nakaramdam na ako ng takot. Oo, galit ako pero iyong mapasabog ni Daddy ang kanyang ulo ay hindi na kasali!
“Oh my God, Tres!” Lumakas na ang sigaw ni Mommy. “Lock the gate!” Natataranta narin niyang sigaw. Ang aming mga katulong ay nagsisitago narin na kahit ang mga bodyguards ay takot na awatin ang aking ama.
Mabilis iyong inilock ng gwardya bago pa man tuluyang makarating si Dad roon. Sinipa niya agad iyon at tinaliman ng tingin ang gwardyang kumaripas ng takbo.
“Open the gate!” sigaw niya sa gwardya naming nasa may hardin na at nagtatago.
“Daddy!” Niyakap ko ang kanyang beywang na ikinabuhos agad ng aking mga luha nang madatnan ko na ito. Para akong mahihimatay sa takot lalo na sa hawak niyang baril. I know he’s capable of doing such things! Ang aming angkan ay walang kinakatakutan pero iyong umabot ang aking ama roon dahil sa aking kagagawan ay hindi na ako papayag!
“Please! H’wag na! I-It’s my fault!” I cried harsly on his back while pleading.
“P-Please… H’wag na…”
“Let go Irah.” he said coldly to me.
Umiling ako. Mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang beywang.
“No! Please!”
“I already warned you not to show your eyes to me when you cry. Bitaw.” Hinawakan niya ang aking kamay para kalasin iyon.
“Tres!” Mabilis naring humarang si Mommy sa harap niya. “Please! Put the gun down! H’wag kang padalos dalos sa galit mo!”
“Dad please! Ako ang may kasalanan! I cheated on him!” Sigaw ko na ikinaloosen ng kanyang balikat. Mom even covered her mouth as her eyes widened when she heard my reason.
“Ako…” Napiyok ako at bumuhos lalo ang mga luha habang lumuluwag na ang pagkakayapos ng aking kamay sa kanyang beywang. Napayuko ako at naisandal ang aking ulo sa kanyang likod.
“Ako ang may k-kasalanan… I… I cheated…” Mahina kong bulong dahil sa iyak kong hindi ko na matigil pa.
Sinipa niyang muli ang gate na ikinabitaw ko sa kanyang beywang at tinakpan ang sarili kong bibig para pigilan ang aking hagulhol. I don’t want another war between our family. Labas sila doon! At lalong ayokong makulong ang aking ama dahil lamang napatay niya ang gagong iyon! Mas gugustuhin kong paniwalain si Daddy na ako ang may kasalanan rito kaysa malaman niya ang totoo. Alam kong totoohin niya ang sinasabi niya!
Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para kunin ang baril na hawak hawak ni Daddy dahil sa pagkakatigil nito sa aking sinabi. Mabilis kong binalingan ang bodyguard na nagtungo agad sa akin para kunin iyon.
Mom hurriedly hug my father.
“Tres naman! A-ayokong makulong ka!” Takot na takot niyang sabi at nanginginig ang mga labi.
Natakpan ko ang sarili kong mukha at napasalampak sa sahig. God, what have I done? Dahil lang sa walang kwentang pag-ibig na ito ay mukhang makakapatay pa ang aking ama.
Pumapaibabaw ang aking iyak at iyak ni Mommy. Nagpapaligsahan kaming dalawa habang si Daddy naman ay tahimik parin at pilit na kinokontrol ang galit.
May kung sino ang humawak sa aking pulso at ibinaba iyon. Sa nanlalabo kong mga mata, nakita ko ang ama kong nakaluhod ang isang tuhod sa aking harapan at pinunasan ang aking pisngi. Hinaplos niya iyon ng ilang sigundo habang si Mommy naman ay nasa gilid at umaakyat baba parin ang balikat dahil sa kakaiyak.
“Kahit mali mo, kampi parin ako sa’yo.” he whispered to me.
Hindi na ata mauubos ang aking mga luha dahil sa panibagong luhang tumakas sa aking mga mata. Dad pushed my head towards his shoulder as I hugged his neck tightly. I wanted to scream and said everything to him. Gusto kong siraan ang gagong iyon sa ama ko na may binuntis ito at ginirlfriend lamang ako para makapaghiganti sa aming angkan pero para sa aking ama, para kay Mommy na sobra sobra ring nasasaktan dahil sa posibilidad na mangyayari kay Daddy sa oras na nakulong ito ay kikimkimin ko nalang. Alam kong natrauma na si Mommy dahil sa nangyari noon at ayokong ibalik ang sakit na iyon. Alam ko ring kaya nagpigil si Daddy dahil alam niya ang magiging epekto nito sa aking ina.
Binuhat ako ni Daddy. Itinago ko naman ang aking mukha sa kanyang balikat.
“I am not afraid for a bloody war just to protect this family, Irah. Always keep this in mind… Ito na ang huling beses na mapipigilan niyo ako ng Mommy mo dahil kung naulit pa ulit ito, hindi na ulit magpapapigil sa inyo.”
Mariin akong napapikit at nagbitaw ng pangako sa aking sarili ng araw na iyon. I’ll promise to you Daddy, I’ll guard myself now. Kung pwedeng gawin kong bato ang aking puso maiwasan lamang ulit ang pangyayaring ito ay gagawin ko. This is the last time I’ll cry because of heartbreak.
38th TRICKED
T R I C K E D
Happy birthday Angelene Candari! Alam ko di mo to makikita kaya dito kita binati HAHAHAHAH ang baboy mo! Anyway happy reading everyone!
Disgusting
Minsan, may mga nawawala na hindi naman kawalan. Minsan, kailangan nating malunod para matutong lumangoy. I got drowned with the ocean of emotions… Sa sobrang pagkalunod ay natuto rin akong lumangoy at isalba ang aking sarili.
Ang kanyang pagkawala ay tinuruan lamang ako kung paano mamuhay mag-isa. It thought me being alone is better than having someone who claimed he loved you but in fact he didn’t fall, at all… I fell alone and break myself alone…
May days went darker and darker. Para sa akin normal naman iyon pero may kulang parin, parang hindi masanay ang aking sistema. Ang mundong itinayo ko sa aking isipan sa aming dalawa ni Toshi ay bumagsak at naiwan akong mag-isa.
Tumingala ko sa kalangitang walang maaninag na liwanag nang Biyernes sa Summer na iyon. Mukhang nagluluksa ata ito sa kung ano dahil sa nangyari noong nakaraang isang taon. It doesn’t bother me at all. For me, I’m happy because I’m already a graduate student and a Magna Cum Laude. I used the pain as my inspiration. Ayokong malaman niyang sinira ko ang aking buhay dahil lamang sinaktan niya ako. This is my life. At hindi na siya kasama sa mga pangarap ko. Wala na siyang lugar sa buhay ko. I won’t let my mourning kill my future.
Noong Fourth Year college ako, huling baitang ng aking pag-aaral sa kolehiyo, ay mas malamig pa sa paparating na Disyembreng iyon ang naging takbo ng aking mga araw. May mga subjects akong kaklase si Zera, si Elle, pero hindi narin gaanong umiimik ang dalawa.
Patungo na akong library noon at papalabas na ng classroom nang mamataan ko si Elle kasama si Zera. Nagkasalubong ang mga mata namin ni Elle pero agad ring nag-iwas na kahit si Zera ay umaaktong hindi ako nakita. I still remember the day Zera confronted me about the issue.
Nasa library ako noon at umiiwas na sa kanila. Kahit tuwing breaktime, lumalabas na lamang ako para kumain sa malapit na cafe at doon nagpapalipas ng oras.
Maraming napasinghap dahil sa paghampas ni Zera sa dalawa niyang kamay sa table kung nasaan ako nagbabasa ng libro. Ang aking mga mata ay awtomatikong umangat sa kanya. She doesn’t seem mad pero bakas sa mukha ang pagiging seryoso, ang mga mata ay hindi kalmado.
“You cheated and broke-up with my Kuya. And now you’re avoiding me. What’s this Buenaventura?” she muttered seriously.
Nalaglag ang aking mga mata sa librong binabasa at inilipat ang pahina. Ngumisi siya, gumuhit ang inis sa mukha at walang ano anoy kinuha ang hawak kong libro at itinapon iyon sa kung saan. Nag-angat ako muli ng tingin, sa gilid ng aking mga mata ay nasa amin na ang tingin ng lahat, ng librarian na hindi alam kung aawatin ang Delafuenteng ito o hahayaan nalang.
“Nasaan na iyong kabaliwan mo sa pinsan ko? Did you purposely did this to trick him?! Ano bang nasa angkan niyo at masyado kayong mga tuso-”
Sa aking inis ay tumayo ako ng marahas na gumawa ng ingay dahil sa upuang padarag na nahawi.
Her eyes remained on me. Marahas kong hinila ang aking bag sa mesa, handa ng umalis pero mukhang gusto niyang may marinig sa akin.
“Your cousin has no good for me, Zera. At kung magkakabalikan man kami, makakasama lang rin iyon sa kalusugan niya. I’ll be a poison to him.” I said flatly.
Her eyes shrinked in disbelief. Iniwas ko ang tingin sa kanya at nagwalk-out ng araw na iyon. Iyon narin ang naging huli naming pag-uusap at naging estranghero na sa isa’t isa.
Napangiwi ako sa mga alaalang baon baon ko parin kahit na mahigit isang taon na ang nakalipas. Nalaglag ang aking mata sa shot glass at inalog alog iyon para magsalpukan ang mga yelong nasa loob. Nalalasahan ko ang pait hindi lang ng inumin kundi pati ng nakaraan. Nailing nalang ako sa lalakeng kinamuhian ko ng husto dahil sa panlilinlang nito sa akin.
“That’s enough, Irah.” Kinuha ng kung sino sa akin ang shot glass. “May photoshoot ka pa mamayang 3. Pupunta kang lasing doon?”
Sinuklay ko ang aking buhok paatras at pumangalumbaba sa inuupuang stool rito sa kung saang Bar sa France. Sa namumungay kong mga mata, nilingon ko ang lalakeng nakatayo sa aking gilid. Siya ang tumapos noon, ang isang kamay ay nasa beywang.
“I am not yet drunk. Plus, I am professional when it comes to my shots, Bryce.” I told him as my eyes lingered on the denim polo he’s wearing. Ang pangloob na itim na damit ay litaw na litaw dahil narin sa nakabukas na mga botones noong polo.
Inangatan niya lamang ako ng kilay at inilapag ang inumin roon. May kung anong banyaga siyang sinabi sa bartender na tumango naman. I know how to speak French too pero mas nagtatagalog ako rito para sila ang magmukhang bobo at hindi ako hiritan. A fuckboy is trying to get me using his charms. I already got tricked with the expert. Natuto narin…
“Lets go.” Hinawakan niya ang aking braso at inalalayan akong umalis roon. Sa mga taong hindi naman pamilyar sa akin, nakita ko ang dalawang bodyguards ko na umaaligid lang. Si Bryce ata ang amo ng dalawa at itong lalakeng ito ang mas mahigpit.
I felt his hand on my waist as he leveled on me when I finally felt my feet on the floor.
“Mapapagalitan kana naman noong estriktong manager na French. Mumurahin ka noon.” Nakangising sabi ni Bryce sa akin habang lumalabas kami sa maingay na Bar.
“Di niya rin naman ako maiintindihan pag nagtagalog ako. Fair.” Kibit-balikat ko na ikinahalakhak niya.
Last year, maraming dumating na oportunidad sa akin at nagbukas na mga pinto dahil sa nakamit kong tagumpay sa pag-aaral sa kolehiyo. May iba na trabaho lamang roon sa Pilipinas at may kinalaman sa natapos kong course at may iba ring may kinalaman sa aking pagmomodelo. Of course, I pursued my dream as a model. I also got invited with big events. Palipat lipat lamang ako ng bansa pero minsan sa Canada parin ako bumabagsak dahil narin naroon si Dada Marco. Doon ako nakikituloy para mapanatag rin si Mommy lalo na’t hindi sana sila payag sa pangingibang bansa ko dahil narin sa trabaho ni Daddy.
I can still remember my first time outside the country without my parents by my side. It was lonely pero nasanay rin naman ako lalo na’t tumatawag rin naman sila at kinukumusta ako.
Sila ang naghatid sa akin sa airport at ang mahihigpit na yakap ni Mommy ang baon baon ko sa pag-alis tangay ang isang malaking bagahe sa aking dibdib na di ko magawang bitawan. It wasn’t love. Kulang lahat ng pananakit ko at minsan naiisip ko pang balikan ito para lang paiyakin ulit. I just can’t get enough with the pain that I want him to crawl in my cruelty. Kung pwedeng sunugin ko siya sa nagbabaga kong galit ay gagawin ko talaga hanggang matupok siya ng apoy na pinalaki niya sa aking loob.
“I’m going to miss you…” Mom hugged me tightly as she caressed my hair.
“Me too…” Pabulong kong sabi, nananalangin nalang umabot sa kanyang tenga at marinig iyon ng malinaw.
“Mag-ingat ka doon ha…”
Tumango ako at binalingan si Daddy na seryosong nakatayo, nakapamulsa at tinitingnan ako sa mga misteryosong mga mata. I know they’re against on my decision. Pero siguro, sa nangyari, mas gusto rin nilang may new environment ako. Palagi nalang kasi akong nasa bahay pagkatapos noong nangyari. Umikot ang aking oras sa paaralan at noong summer ay sa pagmomodelo ko naman.
What happened triggered me to isolate myself. Nakakatakot masaktan lalo na’t nabibilang ka sa angkan na mga agresibo. Di na pinaalam ni Mommy ang nangyari ng araw na iyon sa iba lalo na kay Tito Dos dahil alam kong mas lalala lamang ang sitwasyon. Nanatili sa loob ng bahay ang nangyari at hindi na lumabas pa.
Mom faced me with her teary eyes. Ngumiti siya ng matamis at sinuklay suklay ang aking buhok, ang isang kamay naman ay nakahawak sa aking braso.
“Susunod kami roon pag okay na ang mga hawak na kaso ng Daddy mo ha. Marami kasi siyang client kaya hindi rin namin pwedeng iwanan. Ikaw lang mag-isa doon…”
My mother was in awe that time. She’s torn between letting me pursue my dreams or making me stay with them. I wanted to become the best of me. Kahit mahirap dahil mawawalay ako sa kanila ng ilang buwan, gusto ko rin namang gawin ang mga bagay na alam kong mapapabuti ako.
“I’ll update you pag nandoon na ako.” Sabi ko, may galak ang boses pero hindi na umabot ang ekspresyon sa mukha.
Niyakap akong muli ni Mommy. She squeezed me hard.
Pagkatapos ng mahigpit na yakapan namin ni Mommy ay doon ko lang rin itinuon ang buo kong atensyon kay Daddy.
“Dad…” I called him.
Tumango naman ito. Ngumuso si Mommy. My sly father…
Nagtungo narin ako sa kanya at niyakap narin ito. I felt him crouched a bit and kissed my head as his other hand went to my back, caressing.
Kapwa lamang kami tahimik pero sapat na ang yakap na iyon para iparating sa akin ang lahat.
Nabura lamang ang mga pag-iisip na iyon nang mas isiniksik ako ni Bryce sa kanya, ang kanyang labi ay nasa aking buhok na. He sniffled on my hair as he chuckled.
Tumingala ako at inangatan ito ng kilay.
“Some of the girls who stares at me with you think I’m already taken…” Humalakhak siyang muli, masyadong natutuwa sa mga paninitig ng mga babaeng natatangay niya sa kanyang imahe habang palabas kami.
“Coz you really act like you’re my boyfriend.” sabi ko na ikinatamis lamang ng kanyang ngisi.
I met Bryce last three months in America. Naroon siya dahil narin sa isang kliyente. It wasn’t really important. Iyon ang palagi niyang sinasagot sa akin sa t’wing kasama ko siya at tinatanong ko kung paano na iyong trabaho niya. Pinagyayabang sa akin ang kanyang funds na mabubuhay na raw siya at naghihintay na lamang ng aasawahin.
Habang nasa byahe ay pumikit nalang muna ako para sana makaidlip pero katulad ng nangyayari, binabalikan lamang ako ng nakaraan. I got so bitter that I forgot to put some emotions on myself last year. Can’t even remember the people I talked with… Para akong nasilang muli at nakalimutang turuan kung paano lagyan ng emosyon ang bawat sasabihin, bawat galaw at bawat eksena sa aking buhay. Hindi na ata ako sa sili pinaglihi kundi sa bato na.
“Don’t sleep, Irah…” Marco whispered to me and caressed my hair.
“I won’t…” I murmured.
“Bahala ka… Mapapalitan ka talaga noong isang French na modelong nagmamagaling rin.” I heard him chuckled.
Nag-ikot talaga ako ng mga mata kahit na nakapikit naman ako. Nasa likod lamang kami ng kotse at ang dalawang bodyguard ko ang nasa harap. Ang isa ay tagamaneho ang isa ay nasa front seat naman.
“Di rin naman kawalan ang kompanya nila kung iyong babaeng iyon ang pipiliin nila. I’ll leave and find a better one. I won’t beg for my chance.”
He sighed and poke my head.
“Brat.”
Walang ediya si Bryce sa nangyari sa akin pero nasasanay rin siyang umiinom ako sa malalim na dahilan at hindi niya nalang inuungkat. He’ll just stay by my side and let me drowned with the memories. It wasn’t good at all. Ewan ko nga ba at ba’t namamalagi ang isang bagay sa ating utak kahit na gustuhin nating kalimutan ay sobrang hirap talaga. Can someone please invent something that would kill and forget the pain forever? But on contrary, pain makes me feel alive…
“Irah fucking Buenaventura!” Ang nagbabagang galit nga noong bading na manager ang sumalubong sa akin.
“You’re fucking latè!” he spat angrily using a hard accent. Napalingon pa si Bryce sa akin at sinenyasan ako gamit ang kanyang mga mata na tama nga ang kanyang hinala.
Kahit ang iilang modelo at mga staff na naroroon ay natigil sandali pero agaran rin namang nagsibalik sa kanilang ginagawa, natatakot na baka masali.
Marami na itong lintanya habang naglalakad ako patungo roon sa mga make-up artist at hairstylist ko para ayusan ako, hindi na pinagpapansin ang pagbubunganga nito. Si Bryce naman ang kumausap sa kanya at nagpapaligsahan na ang dalawa sa banyagang pamilyar sa akin ngunit hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin.
“Very unprofessional…” Nailing iling iyong babaeng may blondeng buhok at isa sa mga gusto ko talagang kaladkarin sa impyerno. Ang mahaba nitong biyas at ang tanging bathrobe na suot nito ang agaw pansin sa akin kumpara sa kanyang mukha. She’s a blonde girl who talks shit to me.
I just raised my middle finger while I’m looking at her on the mirror. Nailing lamang ito at tumalikod, kumekembot kembot pa. She got used to my middle finger who’s more friendly than me. Mas marami silang interactions nito kaysa sa bibig ko.
Pangalawa na akong kinunan ng shots dahil nga nalate ako. But at least I’m giving my best. Wala silang mairereklamo sa mga pose ko at palagi akong angat kaya kahit magloko ako, hindi rin nila ako magawang bitawan dahil nga magaling ako. Nabubwesit lang talaga sila dahil may sarili raw akong batas at parang ako pa itong amo.
“Irah!” Tawag sa akin noong photographer at sinenyasan akong pumwesto na.
Some of the staff glanced at me just to watch my movements. Hinubad ko ang tanging bathrobe na suot, revealing the piece of clothing I wore for our mature shots. Katulad ng kanilang mga reaksyon sa aking katawan, kung paano ko dalhin ang aking sarili, natikom ang kanilang bibig at nakalimutang late akong pumunta rito.
“Badass.” Sumipol ang isa sa mga staff na hindi ko na pinagtuunan ng pansin.
I am not really naked pero ang nipis na suot ko ay nagmukhang nakahubad lamang ako dahil narin sa tela noong kakulay ang aking maputlang balat. My hair got disheveled when I stroke it to the other side.
Sunod sunod ang click ng camera nang magtungo ako sa gitna at nagsimulang magpose. They never taught me what to do. Kusa akong gumagawa ng sariling pose na ikinakakontento naman nila. I got labeled as the fierce model for having a fierce and strong expression when it comes to my photoshoots. Wala ata akong shot na nakangiti o masaya ako dahil kahit ako, hindi na iyon maibigay. A part of me forgot to be happy. Masaya naman ako sa nangyayari pero hindi na iyon umaabot sa aking mukha lalo na sa aking labi. Namamahinga na lamang iyon sa aking loob.
Nilingon ko si Bryce na nakapameywang at tinitingnan ang aking shots roon sa computer kung saan inaayos na ang mga nakuhang pictures.
Binigyan ako ng isang inumin noong staff na tinanggap ko rin naman saka binalingan ang photographer na nawiwili pa sa kakatitig roon sa mga shots niya sa akin.
“How was it?” Tanong ko sa malamig na boses, nilingon niya ako.
“As usual, you nailed it.” he smiled at me proudly. Tumango ako at nakontento rin, katulad ng nakasanayan ko sa aking mga photoshoots.
Nagtungo ako sa kinaroroonan ni Bryce. Sinipat niya sandali ang aking kabuuan saka sinenyasan iyong staff na kunan ako ng bathrobe. Nakisilip narin ako sa aking mga litrato.
“You look great in here…” Itinuro noong nag-eedit ng aking picture iyong isa kong shot na nakaawang ng kaonti ang aking labi habang ang dalawa kong mga kamay ay nakahawak sa aking pisngi. Para akong walang saplot na suot roon dahil narin hanggang dibdib lamang iyon.
“It looks like you’re naked.” Dagdag niya pa sa matigas na accent.
I sipped on the water as I watched my photos. Kung isa akong estranghero, sasabihin ko talagang masyado iyong daring at mahuhulog ang aking pag-iisip sa ibang bahagi at iisiping wala itong saplot. But still, pupurihin ko ito dahil sa perfection.
Ipinatong ni Bryce ang inabot na bathrobe sa kanya sa aking balikat. Isinuot ko iyon sa tulong niya.
“Mga mukhang manyakis pa naman ang iilan dito.” pagtatagalog niya at ngumisi sa akin habang hinahawi ang buhok kong napasok sa loob ng kwelyo noong bathrobe.
“Including you,” pagbibiro ko sa seryosong tono ng pananalita na ikinahalakhak niya.
“Ako na naman, Irah? I didn’t even touch you romantically!”
That’s true. We never kiss nor do something naughty. Ang pinakaintense na nagawa niya lang siguro ay ang hawakan ang aking beywang. Iyon lang ang masasabi kong medyo romantic…
“Ayaw mo e,” kibit ko ng balikat saka sinipat ng tingin ang panibagong mga litratong inaayos ngayon noong lalake na malalim na ang paninitig sa aking shots.
Sinuklay ni Bryce ang aking buhok gamit ang kanyang mga daliri. Ang ngisi ay hindi parin nabubura at nasa gilid ng aking mukha ang tingin.
“I can wait, I told you…” Puno ng sinseredad niyang sabi.
Hindi ako nakaimik roon. I don’t mind having him my boyfriend. Pero kung ako ang masusunod, ayaw ko munang matali sa mga lalakeng masyadong malayo ang agwat sa akin. Alam ko namang seryoso talaga si Bryce at mabait pero alam ko sa sarili kong masasaktan ko lamang ito kaya di ko rin magawang pangakuan ito na alam kong mapapako lamang.
It was my last shots in France bago tuluyang lumipad pabalik sa Canada. Hihintayin ko muna ang paglabas noon sa magazine saka ako aalis. My phone is always bombarded with big events at ang iilan roon ay pinipili ko nalang kung saan ako mas makakabenefits.
“Look at this old hag glancing at you…” Hinawakan ni Bryce ang aking siko para kunin ang aking atensyon na kahit saan na naman napapadpad.
We’re sitting on a fine Restaurant at hinihintay na ang aming makakain. My thoughts wander somewhere as memories keep on flashing back like it happened yesterday.
Binalingan ko ang lamesang tinutukoy ni Bryce at nakita nga ang matandang nahuli ko ngang nakatitig sa akin. He smiled on me and raised the glass of wine he’s holding. Imbes ngumiti pabalik ay ibinaling ko ang tingin kay Bryce na nagkakasalubong ang kilay.
“Malakas ata ang karisma ko sa mga may edad na.” sabi ko sa baritono kong boses na ikinangiwi niya.
Humilig siya paabante sa mesa.
“So you’re saying na may edad na ako?”
“I am not saying you’re already 25 but compared to me, you’re really old.”
Nailing siya at nabasa ang pang-ibabang labi. He stared at me with a sweet smile on his face.
Naasiwa ako roon kaya itinuon ko nalang ang aking tingin sa ibang direksyon. Allergic na ata ako sa matatamis na bagay na kahit ang ngiti ni Bryce ay natatabangan ako.
“Kailan ko ba makikita ulit ang ngiti mo? Why are you hiding it? Kulang nalang ay maging estatwa ka. Where’s your emotions, Irah?” he asked me curiously as he tried to meet my gaze.
“I left it.” Tipid kong sagot at hinimas himas ang leeg ko kung nasaan namamahinga ang aking palad, ang siko ay nakatukod sa mesa
“Hmm…” Hinawakan niya ang aking baba at iginiya na talaga iyon para matingnan ko siyang muli.
“If this changes will make you better then I don’t really mind. Nasanay narin.” sabi niya, ang mga mata ay nangingislap.
Hindi ako umimik roon at ibinalik sa labas ang tingin. Ang pait ng kahapon ay kumalat na ata sa aking sistema. Nasusuka ako kakaisip sa aking nakaraan at nakayang mahalin ang lalakeng iyon. Para akong nagising sa bangungot na akala ko ay isang magandang panaginip. It’s disgusting!
39th TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Catherine Lacara. Belated happy birthday! Wishing you all the best in life and Iloveyouu!
Happy NEW YEAR everyone!
Hindi kita iiwan
The runway is already set when I arrived at the venue. Lahat ng mga modelo ay nagkakagulo na sa likod ng stage at abala narin sa gaganaping pagrampa.
Nailing ang ilang staff at wala nang sinabi sa akin, sinenyasan nalang iyong tatlong mag-aayos sa akin nang matyempuhan ang aking presensya.
“Why are you late again?” tanong noong babaeng nag-aayos sa aking buhok habang ang isa ay nasa aking mukha na, iyong isa naman ay hinuhubaran na ako ng damit sa aking likod na tanging zipper lamang ang tumutulong para yumakap iyong damit sa aking katawan.
My dress fell on the floor. Inihakbang ko paalis ang aking mga paa roon saka iyon pinulot ng mag-aayos sa aking suot.
Hindi na ako sumagot roon sa tanong ng aking hairstylist dahil ang kanyang atensyon ay napunta narin ng buo sa kanyang ginagawa. Wearing my undies, I watched myself on the mirror, showing no emotions on my face, remembering why I earned some eyebugs.
Hindi ako masyadong nakatulog. Simula noong pangyayari, binabagabag parin ako ng kung ano ano. Ang aking isipan ay hindi ko magawang bakantehin at parating lumilipad sa kung saan. Na kahit iligaw ko man ang mga alaalang iyon sa madilim na parte ng aking utak, babalik at babalik parin sila para salantain ako.
I am not okay, but I’m trying to look great. My fragile heart is still wounded. Daddy was right. Kung gaano kalalim ang pagmamahal mo sa isang tao, ganoon rin kalalim ang sugat na matatamo mo pag sinaktan mo ito. Na kahit anong gamot ko, kahit anong tahi ko na sana ay maghilom nalang iyon, hindi ko parin mabura bura ang iniwang bakas ng pananakit niya sa akin.
Ganoon nga talaga ako kabaliw sa kanya na sa nagdaang dalawang taon ay hindi ko man lang magawang maging masaya para sa sarili ko. Para parin akong nagluluksa na kahit anong libing ko sa aking nararamdaman para sa kanila, umaahon parin ang lahat ng emosyon na ginising niya sa akin. I am still mad and I am still disappointed. Kung hindi lang talaga malandi ang lalaking iyon, baka ngayon ay kinasal na kami! Damn him.
“Five minutes more!” sigaw noong isang staff na encharge sa stage.
Ang senyas na iyon ang mas nagpabilis ng kilos ng tatlong babaeng pinagtutulungan akong ayusan. Sa matindi kong iniisip, hindi ko na namalayang dinamitan na pala ako. Nipis lamang iyon at lantad na lantad ang aking dibdib. Iyon ang kumuha ng aking atensyon at kulang nalang ay rumampa akong naka bra at panty nalang. Who would buy a piece of clothing like this? Pang porn na ba ito?
Kahit na nagrereklamo ang aking utak sa damit na suot, may parte naman sa akin ang tinutulak akong maglakad nalang ng maayos at dalhin ito ng mabuti. This will be my last runway in France, anyway. Mamayang madaling araw ay uuwi rin naman kaming dalawa ni Bryce sa Canada. I might stay there for some months. Marami rin kasing project na naghihintay sa akin roon.
Pagkatapos akong ayusan ay pumwesto rin naman ako sa backstage lalo na’t ako ang mangunguna sa paglabas. I lift my head up and anticipate for the signals. My goal for this runway is to catch their attention. Wala rin naman kasi sa damit ang panlaban ko. Nasa pagrampa ko at kung paano ko iyon dalhin para makumbinsi ang mga nanonood na maganda ang damit na iyon.
Umusok ang stage nang bumukas ang nasa harap ko at nabulgar ang runway, ang mga panauhin na naririto ang tingin. Sumabog ang isang tugtog na nakakadala at ang mga ilaw na tila sinasabayan rin iyong beat.
Nagbilang ako ng limang sigundo bago tuluyang lumabas, seryosong rumampa at nasa harapan lamang ang tingin.
My cold expression sat on my face like it was destined to be that way. Na iyon lamang ang pwedeng ekspresyong bumakante sa aking mukha para makipagsabayan sa mga mga kong madilim at nagiging misteryoso na. I walked with elegance as my hair moved with me.
Ang mga manonood ay nagsimulang pumalakpak, nalulunod sa kakatitig sa akin at walang pinapalampas na kahit katiting na galaw ko. Pagdating ko sa harap ay agaran rin akong umikot para makabalik sa back stage at mabihisan muli sa panibagong damit na irarampa.
Ang sumunod na ipinasuot sa akin ay isang transparent na damit. My boob were exposed aside from my peak. Kaya noong pagrampa kong muli, mas lumakas ang palakpakan na kahit si Bryce ay malalim na ang titig sa akin kung saan ito nakaupo, ang mga mata ay hindi matanggal tanggal sa dibdib kong kitang kita.
“Give a strong expression, you bitch! You don’t walk like that! Are you a corpse? Do you want me to bury you on the runway?” Dinuro noong estriktang baklitang French ang isang modelo na kanina ko pa napapansing parang lasing kung maglakad.
Yumuko lamang ito, umiling habang binibihisan ng mabilis noong staff. Mainit ang ulo ng manager na noong mapansin ang mga mata kong naroon ang tingin ay naging madilim rin ang ekspresyon sa akin.
Kung hindi mo talaga mahal ang pagmomodelo mo, baka ay hindi mo makaya ang mga salitang ibubuhos nila sa’yo pag nakitaan ka nila ng mali. Sa backstage nangyayari lahat ng kapalpakan at nagliliparan pa ang mga mura rito kung hindi mo pinagbutihan sa runway. The client might give a negative feedbacks about the models at maaaring madamay ang damit na dinadala nito.
“You whore!” sigaw na naman nito sa isa pang modelong kakabalik lamang at natapilok sa gitna.
“Do you want me to break your neck, instead? Do it properly!” galit niyang sigaw habang iyong isa ay binibihisan na, halos nalantad narin ang dibdib dahil sa pagkakahubad agad noong damit nito.
Hindi ko na pinapansin ang iilang nagkakagulo sa backstage dahil rin ako na ulit ang susunod na rarampa. I walked with ease and with poise. Para akong nakalutang sa ere na kahit ang aking sarili ay hindi ko na maramdaman dahil sa kawalan ng emosyon.
“I love her style!” May kung sinong kliyenteng tumuro sa akin noong mapadaan ako sa kanilang inuupuan habang inuulan ako ng mga palakpak.
“She’s my fave…” Narinig ko ulit iyon sa audience.
Gumawa ako ng pag-ikot na ikinasabay rin ng damit kong suot at saka ako taas noong naglakad, ang mga kamay ay nasa magkabilang beywang na. I even spotted Bryce, clapping harshly while smirking.
Kinain rin ng mahigit tatlong oras ang pagrampa saka ito nagtapos sa standing ovation at kahit iyong fashion designer ay nagagalak sa aming performance. Iyong manager lang kasi ang masyadong mahigpit at gustong perpekto ang magiging lakad namin lalo na’t malaki ang ibabayad sa kanya pag nagkataon.
“You did great.” Inakbayan agad ako ni Bryce nang matyempuhan ako rito sa backstage na nakaroba palang.
“Thanks.” I smiled flatly.
Ininom ko ang hawak kong bottled water habang ang aking mga mata ay gumagala sa iilan na pagod ang mga mukha pero halatang nasiyahan naman sa performance.
Si Bryce naman ay naging abala rin sa pagkuha ng aking mga gamit.
“Sinabihan ko na iyong manager na hindi ka sasama sa party niyo mamaya dahil may hahabulin tayong flight patungong Canada.” Sabi niya, hawak hawak na ang paperbag at nakasuot na sa balikat ang aking slingbag na kumikinang ang mamahaling brand noon sa harap.
Syempre, siya ang kumakausap noon dahil malandi rin ang baklang French na iyon. Minsan, pag kinakausap siya ni Bryce ay humahawak agad ito sa braso niya, matamis ang ngiti at may papisil pisil pa roon. Sabi pa nga ni Bryce sa akin ay inalok raw siya nitong pumunta sa condo niya pero tumanggi ito at sinabing may lakad kami. Ako ang palaging ginagawa niyang alibi kaya rin pinag-iinitan ako ng manager na iyon at minumura.
May mga araw rin namang maganda ang timpla ng mga manager. Noong nasa America ako, sobrang sarap ng pakikitungo nila sa akin lalo na noong management mismo. Kahit ang aking mga rampa roon ay malinis kaya rin umingay agad ang aking pangalan at pinapakitunguhan ako ng maayos. Iyon nga lang, wala rin akong naging kaibigan o kaclose dahil naiinggit ang iilang modelo sa akin kung ba’t ganoon agad ako kung paboran. Ako palagi ang nangungunang lumalabas ng runway sa akin palagi napupunta ang mga damit na magaganda at mas maayos dalhin. Ang pinakadaring ata na nasuot ko ay ngayon.
“I already sent the money on your bank account. Come back okay?” Ngumiti ng matamis sa akin iyong Manager na French.
“I’m not yet sure since I have so many projects in Canada.” sagot ko na medyo ikinawala ng kanyang pagdidiwang.
“Well, take care…” medyo matabang niya ng sabi saka binalingan si Bryce sa di kalayuan, nakapameywang at tumatango roon sa modelong may matamis na ngisi.
Lumingon sa amin si Bryce at ngumiti. Ngumiti agad ito pabalik at kuminang ang mga mata.
“He’s really friendly…” sabi nito sa matigas paring accent.
“And good in bed.” Dugtong ko na mabilis niyang ikinalingon sa akin. “He’ll drive you crazy. Hard and rough.” I told him naturally as he swallowed, lips parted a bit. Inggitin natin si bakla total ilang araw narin akong minumura nito.
“I t-thought you two are…” Tinuro niya ako at napatingin saglit kay Bryce, bakas ang pagtataka sa mukha.
Sinuklay ko ang buhok paatras, nilingon rin saglit si Bryce pero ibinalik agad sa kanya.
“We’re having sex when we’re bored. You know… to exercise our body.” I said bluntly as I watched his jaw dropped.
Ilang sigundo itong natameme. Doon niya lang rin natikom ang bibig nang lumapit si Bryce sa akin at inilapit ang bibig sa aking tenga para bumulong.
“Narinig ko ’yon…” sabi niya saka iginapang ang kamay sa aking beywang.
“Iinggitin ko lang si bading total type ka.” sabi ko sa kanya na ikinatawa nito sa gilid ng aking tenga.
Tumikhim ito na ikinalingon ni Bryce sa kanya. Silang dalawa nalang ang nag-usap habang ako naman ay humihikab na, nakukulangan ulit sa aking tulog.
May iilang kliyente na nagbigay sa akin ng mga bulaklak at kadalasan ay gurang na talaga. Mas malala ata iyong nasa America ako dahil nasa 50’s iyong humihirit sa akin. Hindi na talaga nahiya ang mga Lolo na ito at kung makalandi akala nila ay nasa 20’s pa.
Umalis rin naman kami roon. Ang halakhak ni Bryce ang umalingawngaw sa kotse at tuwang tuwa sa aking sinabi.
“Damn Irah… You’re still wild!” Tumawa siyang muli habang nasa back seat kaming dalawa at hindi mabitaw bitawan iyong sinabi ko kanina.
Humalukipkip ako. “I did that for you. Gusto mong kulitin ka noon lalo at baka gahasain ka pa pag namataan ka niyang mag-isa?”
Bakas sa kanyang mukha ang tuwa na kahit hindi na ito tumatawa ay makikita mo parin ang galak roon.
“So you cared?” Humawak siya sa aking hita at ipinahinga roon ang kanyang kamay.
Hindi ako sumagot at nag-iwas ng tingin sa kanya. Sa gilid ng aking mga mata ay mas lumawak lamang ang kanyang ngisi. Na kahit anong basa niya sa kanyang labi ay hindi mawala wala ang matamis na ngising iyon. He’s so flustered and it’s very visible!
“Sagutin mo na kasi ako para mapunta tayo sa ganoon…” he said romantically as he combed the side of my hair.
My Daddy told me, If you’re not ready for marriage then never commit with someone. Iyon narin marahil ang aking rason kung ba’t hanggang ngayon ay hindi parin ako bumibigay sa mga panunuyo ni Bryce. He’s always sweet and caring. Never ko atang naramdaman sa kanya ang mga pinaramdam sa akin ni Toshi. Iyong kawalan ng oras, iyong pakiramdam na hindi ako mahal, mga emosyong sumugat sa aking puso na hindi ko nararanasan kay Bryce dahil marahil ay bato narin ang aking puso.
Pero hindi lang naman iyon ang emosyong hindi ko naramdaman kay Bryce. I never got excited with his lips. Iyong tititigan ko lang ay macucurious na ako kung anong lasa at kung pwede ay ako nalang ang humalik agad. I’ve never been so happy with him. Oo nagkakasundo kami pero iyong nadama ko kay Toshi, malayong malayo sa pinaparamdam sa akin ni Bryce. Ang yelo sa aking loob ay kumalat na, na kahit masyado siyang mainit ay hindi iyon magiging sapat para lusawin ako. Baka sa aking lamig, ako pa ang makapatay noong kanyang apoy imbes ako ang tunawin nito.
“Iniinggit ko lang naman iyong bading.” sabi ko habang pinagmamasdan ang mga malalaking gusali na nalalagpasan ng aming sinasakyan.
“Kahit ako nainggit rin sa sinabi mo… Hindi naman totoo pero nainggit parin ako dahil kung sabihin mo iyon, akala mo ay ginawa talaga natin.” Pumakawala ulit siya ng malutong na halakhak.
“I saw you talking with that model. Halatang tipo ka noon. Dapat pinatulan mo nalang.” wala sa sarili kong sabi.
Napunta ang kanyang kamay sa aking ulo at itinulak iyon pahiga sa kanyang balikat. Hinayaan ko ang aking sarili na magpatangay sa kanyang galaw.
“Were you jealous?” bulong niya sa aking ulo na kahit ang kanyang labi ay nararamdaman ko na roon, ang kanyang pag-amoy sa aking buhok at ang paggapang ng kanyang kamay sa aking beywang.
“Kung nagseselos ako, baka di na makangiti iyong modelong iyon sa gagawin ko.”
Humalakhak siya.
“Kailan ka magseselos kung ganoon?”
Hindi ako nagseselos dahil wala rin naman akong maramdaman ni katiting na pagmamahal sa kanya. I wanted to say that. Gusto kong iparating na mahirap punan ang kanyang pinupuno sa akin dahil naubos ko na iyon sa lalakeng sinayang lamang at sinaktan ako.
Hindi ako umimik. Hinayaan ko ang talukap ng aking mga mata para sumaya at naghihintay na dalawin nalang ng antok.
“Kahit hindi pa tayo, gusto ko paring malaman mong sa’yo lamang ako.” he chuckled with so much sinserity in his words.
“Just rest your heart first. If it falls, I’ll catch it and take good care of it just like how I take good care of you…” he whispered to me.
Bryce can melt you with his words. Yes it sound sweet but I can’t feel such thing. Hindi binibigay ng aking sistema ang reaksyon na gusto ni Bryce. Taliwas iyon palagi.
Ang puso kong basag ay hindi na ata mahuhulog dahil baka magkapira-piraso lang ulit ito. I know he’s trying to fix it but I already did while hurting myself. I picked up my broken heart alone and hurt myself alone. Kung si Bryce ang paliligpitin ko noon, masasaktan ko lang siya. He might get hurt picking up my scattered heart but I can’t even help him heal his wounds because I am in pain, too.
Madilim na ang langit noong makarating kami sa Airport. Madaling araw na noong makasakay kami sa iroplano kasama ang dalawa kong gwardya. Doon lamang ako natulog at ipinahinga ang kabuuan kong pagod na pagod. Iyon ang nagpapatulog sa akin. Na kahit ilang oras man lang ay makalimutan kong buhay pa pala ako.
Dinalaw na naman ako ng lalakeng hindi mawala wala sa aking utak na kahit sa aking panaginip ay palagi itong bumibisita. I saw him crying and begging for a chance. Palagi ko siyang nakikitang umiiyak na kung hindi man ganoon, iyong mga memorya naming masasaya ang bumabalik. Those intimate kissing scenes… Na kahit pagkagising ko ay ramdam ko na ang pagkabasa ng maselang parte ko.
I never got a chance to experience wild things with him. Oo naranasan na naming gumala at mag-enjoy, pero iyong mag-enjoy sa kama… ba’t hindi man lang kami umabot sa ganoon? He’s really playing safe… Baka mabuntis niya rin ako kaya mas minabuti niyang hanggang ganoon nalang ang mangyari sa aming dalawa.
Noong magising ako ay nakaland na iyong eroplano. Sinalubong ako ng pangungulit ni Bryce na kumain muna kami sa malapit na Restaurant bago niya ako ihatid doon sa bahay ni Dada Marco lalo na’t natulog akong walang kain.
“I am not hungry, Bryce.” sabi ko sa kanya habang ginigiya niya ako papasok sa namataan naming malapit na Restaurant. Nagpaiwan lamang ang dalawang bodyguard ko sa labas, mukhang busog na at kumain na roon sa eroplano habang mahimbing ang aking tulog.
“H’wag mo akong tanggihan, Irah. Di naman ikaw ang pinapabayad ko.” sabi niya pa.
“Pero di nga ako gutom.” giit ko pa kahit na nagpapatangay rin naman ako sa kanya.
“I am not worried with you. Concern lang ako sa mga alaga mo sa tiyan mo.” He even touch my flat tummy and rub it.
Inangatan ko siya ng kilay na ikinatawa niya. Inalis niya rin ang kamay roon at isiniksik lamang ako sa kanya.
“Kumain ka para pag dinaganan ka, hindi ka mabali.” makahulugan niyang sabi at ngumingisi pa.
“Di ako mababali dahil hindi rin naman ako payag na nasa ilalim. Gusto ko, ako ang nasa ibabaw.” sabay ko narin.
He was so amused that he got silent for awhile. Sinalubong kami noong waiter at iginiya sa magiging lamesa namin. Pinaghila niya ako ng upuan at inalalayang umupo saka rin siya pumwesto sa aking harapan.
“How dominant…” he whispered and licked his lowerlip.
Hinawakan ko ang aking leeg saka itinukod ang siko sa mesa at mataman itong tiningnan.
Nahahati ang kanyang atensyon sa menu at sa akin. He always choose the food we’ll eat. Kabisado niya narin kasi ang aking mga hilig kaya siya na ang nagdedesisyon. Nanatili akong tahimik at tinititigan lamang siya. Bryce licked his lowerlip and swallowed. Ngumiti siya sa akin ng matamis saka siya sumandal sa upuan pagkaalis noong waiter dala dala ang naging order nito.
“If you think you can tease me easily then you got it wrong, Irah.” He chuckled. “Di lang naman iyon ang habol ko sa’yo. I want a serious one.”
Nahimigan ko agad ang pagiging seryoso niya. Nasa akin ang kanyang tingin habang inaayos niya ang pagkakarolyo ng sleeves noong suot na puting polo, pinapaalala sa akin ang lalakeng nakasanayan kong ganoon ang ayos.
“I am not teasing you. I am still on my seat, Bryce. Di pa naman ako nakakandong sa’yo.” I said nonchalantly as my eyes wandered from somewhere.
Tumawa si Bryce na ikinabalik ng aking mga mata sa kanya.
“You act so cold but your words can burn, Irah. Why are you like that?” Humilig siya sa mesa para mas maging malapit sa akin.
“That jerk is stupid for setting you free. Kung ako ang naging boyfriend mo, ikakadena kita sa akin at sisiguraduhin kong hindi ka makakawala.” He said as his stares became deep.
Humilig narin ako papalapit sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang panga at marahan iyong hinaplos. I watched his adam apple moved as he swallowed hard.
“Pag ako rin ang girlfriend mo, bantay sarado ka ng mga mata ko.”
My fingers trailed down on the side of his jaw as my lips parted a bit to watch my move. Hinila ko pabalik ang aking mga mata sa kanya at nakita roon ang pagnanasang pinipigilan niya. I smirked coldly and pushed myself on the chair to lean cooly.
“I’m dangerzone Bryce. Nakakasakal akong magmahal at masyadong agresibo. Baka di ka makahinga at bumitaw rin.”
Imbes seryosohin ang aking banta, ngumiti siya. Ang pagkakagulat kanina ay nalabanan rin at nakabalik na sa sarili.
“Hindi lahat ng lalake, gagaguhin ka. Oo mapapagod, pero handa akong magpahinga sa tabi mo. Hindi kita iiwan.”
40th TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Mikaela Roisa Mangaring Pring. Happy reading!
With who?
Hapon na noong makarating kaming dalawa ni Bryce kasama ang dalawa kong bodyguads sa bahay ni Dada Marco. Ang mayabang na si Valenz agad ang humila sa akin palayo kay Bryce kaya tinulak ko rin ito palayo saakin.
“Kakadating palang ni Irah bubwesitin mo agad.” Natatawang sabi ni Dada Marco nang mapansin ang eksena sa veranda.
Ngumisi si Bryce at nameywang sa gilid. Magkaibigan naman sila ni Valenz lalo na’t hindi rin ito ang unang beses na pumunta siya rito kasama ko.
Mas matangkad ng kaonti si Valenz kaysa kay Bryce pero lamang si Bryce pagdating sa tindig. He got a massive body at may mas ikakabuga ang katawan kumpara kay Valenz na not so muscular pero sakto lang naman para maglaway ka.
Noong nakaraang dalawang buwan ay sinamahan ako ni Bryce rito bago ako tumulak noon sa Singapore para daluhan iyong isang event ng sikat na fashion designer roon. Iyon rin ang naging daan para makilala niya sila Dada Marco.
“Kumusta pagiging aso natin? Hanggang buntot parin?” Tinapik ni Valenz ang balikat nito at nginisihan.
Nailing si Bryce, yumuko habang ngumingisi. Si Dada Marco naman ay binibigyan ng instruction ang mga bodyguard kung saan nila ipapasok ang mga dalang bagahe.
“Tumawag kanina ang Mommy mo rito. Sinabi kong hindi ka pa dumating kaya medyo naparanoid iyon saglit lalo na’t di ka daw makontak.” Tumawa si Dada Marco habang pumapasok kaming dalawa sa loob ng bahay. Si Bryce naman ay kausap parin si Valenz sa labas.
Wala narin kasi akong oras icharge ang cellphone ko sa dami ng mga nangyari sa France. Maybe they contacted my bodyguards…
“She’s always like that, Dada.” sabi ko saka iginala ang tingin sa loob ng bahay. Ang pamilyar na mga kasangkapan ay naroon parin maliban sa kulay ng mga mahahaba nilang kurtina na mukhang napalitan na naman.
The houses here were far different from ours. Pero parehas rin namang comfy saakin. Dada Marco decided to live here dahil narin sa kanyang wife na dito niya rin nakilala. He’s very close with my Mom at noong paglabas ko, siya ang tumayong Dada ko talaga. Magkaibang magkaiba ang parenting ni Daddy at ni Dada Marco. I’m very spoiled with Dada Marco at palagi kaming naglalaro. He can’t even say no to me. While Daddy… he’s a bit stiff and serious pero iyong bond naman namin ay through watching movies at pinagluluto niya ako. Plus, he can say no to me at may limitasyon talaga lahat ng mga bagay na hinihingi ko. Iniisip niya palagi kung makakabuti ba iyon o hindi. Pero kahit magkaiba, I love them both.
Umupo ako sa sofa at isinandal ang aking ulo sa headboard. Ang aking kamay naman ay ipinatong ko sa gilid ng balikat noong sofa. Dada Marco sat by my side as he watched me closely with an awe in his face.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Ang pagod ay dumadaloy parin sa aking katawan at ramdam na ramdam ko iyon. Kahit ang antok ay naroon parin.
“You seemed off. May problema?” Dada carecessed my hair.
Umiling ako.
He chuckled. “Ang layo layo mo na sa batang inaalagaan ko noon. That playful Irah…”
“Ang dami ko kasing ginagawa, Dada.” Hinilot ko ang aking sintido.
“Maybe you should rest while you’re still here. Saan ba ang next mong lokasyon?”
“South Korea.”
May management kasi doon na naghahandle ng mga models at gusto nilang magworkshop ako. Pag pumasa ako, baka makasign rin ako ng kontrata at maging isa sa mga modelo nila. That entertainment is big.
“So ilang months ka rito?” tanong niya.
“2 month ata.” I murmured.
Narinig ko ang boses ni Valenz na pumapasok na. Dumilat ako sa malalamya kong mga mata at nakita rin si Bryce sa sumunod. He even gestured na aalis na ito.
“You’re not planning to stay until dinner?” I asked him.
Umiling siya. “Magkita nalang ulit tayo bukas. Just call me.”
Pabalik balik ang tingin ni Valenz sa aming dalawa. Nakahalukipkip pa ito at parang may pinag-aaralan sa aming mga galaw.
“May guestroom naman, Bryce.” si Dada Marco.
Umiling si Bryce at ngumiti.
“It’s okay Tito. Magchecheck-in nalang ako.”
Valenz raised his brow at me. Tinaasan ko rin ito ng kilay. Anong iniisip niya sa aming dalawa?
“Take care.” sabi ko sa mahinang boses na ikinatango nito at ngumisi.
Nagpaalam siya sa dalawa saka rin naman umalis. He’s always like that. Ayaw niyang humahalo ng room sa akin at nagchecheck-in lang sa kabila. Nasobrahan sa pagiging gentleman.
“Gentleman.” pagpaparinig ni Dada Marco sa akin at may makahulugan nang ngisi ang labi.
“You should be thankful, Irah. Hindi lahat ng lalake kayang magmahal ng demonyita.” si Valenz naman na ikinaikot ng aking mga mata.
Umalis rin naman si Dada Marco para sunduin ang asawa nito. Nasa sofa parin ako, sa sobrang tamad at pagod ay hindi ko magawang maglakad patungo sa aking kwarto at humiga roon.
“You have some projects here?” Valenz asked me. Nasa tabi ko na ito.
Tumango ako. Wala nang sinabi pa.
“Anong clothing line ang irarampa mo? Cana?”
I am familiar with the clothing line named Cana pero hindi ko pa namemeet iyong fashion designer. That clothing line is famous here. Dito raw nag-aral iyong fashion desugner at dito nadiscover. Iyon lang ang impormasyon na alam ko.
“Are you a fan?” tanong ko, nakapikit parin ang mga mata.
“Nope. But she’s a friend of my friends. School mate ko rin. That girl is effing hot…” he said deeply.
Hindi na ako umimik pa. Ilang sigundo rin naman siyang tumahimik.
Valenz and I are not really close pero di rin naman kami ilag sa isa’t isa. Minsan nag-uusap minsan hindi. Palagi rin naman akong inaasar niyan tuwing narito ako. I don’t know what gotten into his small mind to tease me like that. But on the other hand, he acts like a kuya to me.
“Palagi na kayong magkasama noong Brcye ah? Are you two…” he said trailing.
“Nah.” Sagot ko agad para maputol iyang pinag-iisip niya.
“That guy looks sincere and gentleman.”
“I know.”
Alam na alam kong perpekto si Bryce. But a part of me doesn’t want him. A part of me doesn’t like the idea of being his girlfriend. Oo gusto ko siya noon, oo good catch siya, pero simula noong naging kami ni Toshi ay nagbago ang pananaw ko sa mga lalake. Hindi sa gusto ko parin ang lalakeng iyon, pero nang dahil sa kanya, ang standards ko sa mga lalake ay tila tumaas at siya palagi ang pinagbabasehan ko. Unfair, isn’t it?
Naramdaman ko ang paggalaw ng sofa. Maybe Valenz stood up.
“Pumunta kana sa kwarto mo.” he said in his baritone voice.
“Can’t. Tired.” Putol putol kong sabi at tipid.
He sighed. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pag-angat ko sa ere.
“Dad is right. Inaalipin mo pala talaga ang mga lalakeng malapit sa’yo.” sabi niya habang humahakbang na.
“Sila ang nagpapaalipin sa’kin. Not my fault.” sagot ko naman, ang kamay ay nakayapos na sa kanyang leeg.
He sighed again. “I can throw you anytime…”
Hindi na ako sumagot pa. The vivid memories flashes again like a nightmare. Ang mga ganitong galaw ay naaalala ko sa kanya. Lahat nalang ng lalakeng makakasalamuha ko ay maaalala ko siya. He was like that too. Alipin siya sa mga gusto ko pero alipin ako sa pagmamahal ko sa kanya.
Natulog ako buong araw. Pinilit ko pa ang aking sarili na dalawin ng antok para makakuha ng panibagong lakas sa susunod na araw.
Sa mga nagdaan na araw ko roon, naging busy ulit ako dahil sa marami kong scheds. I am exploring with different management at hindi muna nagsasign ng contract para malaya akong makaalis at makalipat pa sa iba. There are bigger opportunities kaya ayaw ko talaga munang magpatali.
“May nabibiktima kana namang matatanda.” Umiling iling si Bryce nang mabasa ang mga nakasulat sa mga boquet na nakahilera sa aking room.
Kakatapos lamang noong fashionshow kaya nagsidagsaan na naman ang mga bulaklak para sa akin sa mga hindi ko naman kilala.
Isa isa iyong tiningnan ni Bryce habang inaayusan ako ng hairstylist para sa party mamaya. Exclusive iyon sa mga modelo at sa mga kliyente. Celebration iyon dahil successful ang runway.
Bryce’s brow raised everytime he read some messages on the cards. Kunot-noo niya pa akong binalingan.
“He’s asking you for a date at nag-iwan pa ng numero.” sabi niya sa naiinis na tono pero kalmado lang naman ang mukha.
Palipat lipat lamang ang aking tingin sa salamin at sa kanya. He’s biting his lips while eyeing some of the bouquet na kung pwede ay ipaghahagis niya nalang iyon.
“You should keep my flower and throw these.” Isa isa niyang pinagtuturo ang mga bulaklak na ibinigay sa akin ng kung sino sino.
“Bakit? Anong pinagkaiba ng bulaklak mo sa mga iyan?” tanong ko na kahit ang hairstylist ay napatingin kay Bryce na nakanguso na pero mabilis ring iniwas dahil sa mga mata kong nasa kanya na. She can’t understand us, anyway.
“Look at me, Irah. You can’t compare me with those old… and… dirty…” Ngumiwi siya. Hindi madugtong dugtungan ang pinagsasabi. Ganyan siya palagi. Ang bitter.
Inangatan ko siya ng kilay. “Doon kana rin patungo Bryce. Don’t be so cocky.”
“Matagal pa-”
“After five years 30 kana. While me, 25 palang.”
Sumimangot agad ito at nameywang sa aking harapan. Nailing siya at dismayado na naman.
“Lolo kana.” I teased him even more.
Bryce look at me unbelievably. Tumatawa na ako sa aking loob pero hindi na iyon umabot sa aking mukha. Well at least, he’s there to make me feel that I am not alone. Pero handa rin naman ako kung dadating ang araw na mapapagod rin siya. I am ready to be alone.
Hinintay lamang ako ni Bryce sa parking lot habang nasa loob ako noong venue ng party. Ang nipis na tela noong champagne dress ay yumayakap sa akin. May paekis na laces iyon sa likod at hanggang hita ko lamang. The thin straps complemented my deep collarbone as I walked inside.
Sinuklay ko ang aking buhok para mapunta iyong lahat sa likod at mas mabigyan ng pansin ang aking harap.
“Irah!” Kumaway ang isang modelo sa akin at sinenyasan akong lumapit sa kanilang dako. I can’t remember her name pero siya iyong madalas na kumakausap sa akin sa back stage. She’s friendly.
Nagtungo ako roon dala dala ang maliit na purse ko. I am not really tall compared to them pero dahil sa 4inches na suot kong heel ay medyo nakakapantay ako sa kanila.
“Here!” Binigyan ako nito ng isang cocktail.
I smiled flatly to thanked her at pinasadahan ng tingin ang dalawa pang modelo na pilit ang ngiti sa akin. Hindi ako ngumiti pabalik at sumimsim nalang sa aking hawak.
“You’re the darling of the crowd on the runway! Wow… I really wish I can act so cold like you when it comes to fashion shows…” Pumangalumbaba siya at sumimangot habang nilalaro ang inumin sa pamamagitan ng pagpapaikot ikot noong mga ice cubes sa loob. Her blond hair and tan skin caught my attention. Typical ang foreign features nito katulad ng mga napapansin ko sa mga tagarito.
“I really stand out when it comes to fashion shows.” kalmado kong sabi na ikinaangat ng kilay noong isa at iyong isa naman ay nagkasalubong ang kilay.
“You really stand out!” hysterical namang pagkakasabi nitong blonde.
Sumimsim akong muli at pasimpleng iginala ang tingin. May mga matatanda nga rito at mukhang interesado hindi sa mga damit kundi sa mga modelo.
May lumapit sa aming dako. Nakacorporate attire at halatang nasa 40’s na. It suddenly disgust me when he smiled at me.
“Hey girls…” bati niya sa amin.
Ngumiti agad ng matamis ang tatlo at bumati pabalik. Iyong blonde na sobrang friendly ay mas ikakafriendly pa pala. Sila ang nag-usap usap sa aking harapan habang ako itong parang tuod na walang imik at gumagala ang tingin sa ibang direksyon.
“What’s your name, hija?” Naramdaman ko ang kanyang kamay na lumapat sa aking likod.
The three anticipated for my answer lalo na’t alam ng mga nakasama kong modelo rito na ako ang hindi pinakafriendly at mailap sa lahat.
“She’s Irah.” Iyong blonde girl na mismo ang sumagot para sa akin nang mapansing tiningnan ko lang ito sa madilim kong mga mata.
“Oh… Irah…” tumawa ito ng marahan na kahit ang mga wrinkles sa mukha ay lumabas na.
“Hmm, you have a nice name hija.” His hand move down to my butt. Tumaas talaga ang aking kilay.
“Get your hands off. Imagine yourself touching your grand daughter like this. Isn’t it disgusting?” Malutong kong pagkakasabi na ikinagulat ng tatlo.
Shocked embrace his face. Ang kanyang kamay ay nabawi niya at ibinulsa iyon. Nakaawang ang bibig nito at hindi agad naisara dahil sa pagkakagulat.
“H-He’s really like that, Sir…” si Blonde girl na pilit na ang ngiti at pinapahupa ang tensyon.
“You remind me of my grandfather. Can’t remember him being touchy to me…” Dagdag ko pa na mas ikinagulit ng insulto sa kanyang mukha.
Napahakbang ito paatras at umiling nalang paalis. Save your ego old hag.
Nalaglag ang panga noong blonde girl habang iyong dalawa ay hindi na alam kung ano ang irereact sa nasaksihan.
I rejected some of the men who tried to flirt me. They tried to bribe me with their wealth kaya ipinagmalaki ko rin na may kaya ang kinagisnan kong pamilya.
“My Daddy is a lawyer. He can sue you anytime.” Sabi ko pa doon sa isang matandang akala niya ay mabibingwit ako sa pamamagitan ng kanyang kayamanan.
Lahat sila ay umaatras rin. Umupo nalang ako sa sulok at ininom iyong hawak kong champagne. Sa gilid ko naman ay grupo ng mga babaeng nagbubungisngisan at ipinagmamalaking may nabingkit na Sugar Daddy at may kapit pa kuno sa management. Hindi narin ako magtataka kung ba’t may ibang pinapaboran dahil puhunan rin naman ang katawan.
Kaya ko namang lumandi. Kaya kong makihalubilo. Kaya ko ring bumingwit ng mga matatanda diyan para gamitin sa aking pagmomodelo at para bumango lalo ang aking pangalan. Iyon nga lang, wala akong maisip na magandang rason para sa sarili ko kung ba’t ko iyon gagawin. Fame? Money? Lust? I am not that low to chase for it.
“You need to be friendly, Irah. They’re our big clients.” Talak sa akin noong babaeng naghahandle sa amin noong mamataan ako sa sulok. Siguro nakarating na sa kanya iyong pagsusuplada ko sa iba.
Sinuklay ko ang aking buhok at ibinaba ang hawal na wine glass sa mesa.
“As far as I remember… I am a model, not a prostitute. Can’t deal with dirty old men who want to bed me.” direkta kong sabi na ikinagulat niya.
Ilang sandali siyang napatitig sa akin, ang dismayadong mukha ay mas lumala lamang at hindi alam kung ano ang isasagot sa aking sinabi.
“I am not saying you need to have sex with them… Just be friendly…” Pagpapaintindi niya, ang kilay ay nagkakasalubong na.
I stared on her brown hair for awhile. Kaedad lang ata nito si Mommy at masyado ring sopistikado lalo na sa kanyang paggalaw.
Noong wala itong nakuhang matinong sagot sa akin ay umalis na lamang. Ang tanging serbisyo lang na maibibigay ko ay sa mga photoshoots at pagrampa lamang, wala nang iba. Hindi na kasama roon ang paglandi sa mga kliyente nila para magkaroon ng malalaking investor at mas sumikat ang isang clothing line. Kung maganda ang produkto, maibebenta iyon kahit na walang tulong ng mga matatandang landi at pagnanasa lamang ang nasa utak.
“Hulaan ko, may nanlandi na namang matanda sa’yo?” Tumawa si Bryce nang mamataan ang busangot kong mukha paglabas ng venue.
Hindi ako sumagot at nagtuloy tuloy sa pagpasok sa loob ng kotse.
“Maybe you’re destined to an old man, Irah.” Sabi niya pa pagkapasok sa backseat, ngumingisi na at nasisiyahan sa pang-aasar sa akin.
“I’ll accept my fate. Ano namang laban ko sa mga mas matanda sa akin.” Humalakhak siya ng malutong na ikinatalim ng tingin ko sa kanya.
“Kidding…” Humarap siya sa akin saka pinagpipisil niya ang dalawa kong pisngi.
“Stop it. It’s not funny. Nasusuka ako sa kanila.” Hinila ko ang kanyang kamay paalis roon at umismid.
“Suplada mo.” Tumawa siyang muli at pinisil ulit ang aking pisngi.
Hinuli ko ang kanyang kamay at marahas iyong hinila. Ngumisi siya, ipinadaosdos ang kamay sa akin hanggang mahuli ang aking kamay saka niya iyon ipinagsalikop. Inangat niya iyon, ang mga mata ay nasa akin, saka niya ito marahang hinalikan.
My cold stares settled on his sparkling eyes. I felt his soft lips on the skin of my hand. Noong ibinaba niya iyon ay mas ngumisi siya ng matamis.
Isinandal niya ang isa niyang kamay sa likod ng sinasandalan ko saka niya itinukod ang kamao sa gilid ng kanyang ulo.
“How come you manage to look gorgeous even when you’re not smiling?” Umangat ang kanyang kilay sa akin.
Ginaya ko narin ang posisyon niya. I stared at him deeply.
“Natural talaga sa aking magmukhang maganda sa lahat ng bagay.” Pagmamayabang ko na ikinahalakhak niya.
“Sobrang ganda nga…” Wala sa sarili niyang sabi, ang mga mata ay titig na titig na sa akin.
Ganoon palagi ang aking araw. Si Bryce at mga bodyguard kong bumubuntot ang palagi kong kasama. Siya na ata ang P.A. ko dahil siya pa itong nagpaparemind sa akin sa mga scheds ko. Halatang gusto ni Bryce na nakadepende na ako sa kanya. Gusto niyang mahulog rin ako. He’s special to me… Iyon palang ang maibibigay kong posisyon niya sa buhay ko.
“Where do you want to eat?” tanong ni Bryce pagkatapos noong photoshoot ko. Leaning on the front seat, iginala ko ang tingin sa labas. May mga cafe kaming nalalagpasan kaya naghanap rin ako ng pwedeng masarap kainan lalo na’t gutom narin ako.
Sa sunod na nadaanan naming cafe, may kumuha ng atensyon ko sa loob noon. Napabangon ako sa pagkakasandal at tinapik si Bryce.
“Stop the car for awhile.”
“Huh? Gusto mong kumain diyan?” Binagalan niya narin ang pagmamaneho hanggang sa ipinark ito sa gilid.
Kinalas ko ang aking seatbelt.
“Stay here for awhile. May kakausapin lang ako.” sabi ko at binuksan na ang pinto.
Halatang nagtataka ito pero hinayaan nalang akong lumabas. Kahit ang isang kotseng nakabuntot sa amin kung nasaan ang aking mga bodyguard ay sinenyasan kong manatili nalang sa loob.
So she’s here? With who?
41st TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Jem Carla Sacil. Happy reading!
Babae
Nana, the girl infront of me, is very far from the girl I used to know. Malaki ang pinagbago ng kanyang pisikal na imahe at marunong nang dalhin ang sarili. Her face looks innocent pero may parte na sa kanyang mukha na maaaninag mong may pagkawild na ito. Base narin sa suot niyang medyo bulgar na ang iilang balat ay kita hindi katulad noon na kulang nalang ay magmukhang regalong balot na balot.
Ngumiti siya sa akin, ang mga mata ay kumikislap at bakas sa kabuuan na masaya naman siya rito sa lumipas na mga panahon. Titig na titig rin ito sa akin na akala mo ay estrangherong pilit niya pang kinikilala.
We talked about random things. Nagtanong ito kung kailan pa ako nandito kaya pinaliwanag ko rin ang tunay na pakay ko at mga dahilan kung ba’t ako nandito. I even asked her about the guy she’s with. Mukhang tagarito iyon base narin sa foreign feature pero may awrang mala Bryce. Iyong mga lalakeng sasamahan ka kahit saan.
“You changed, alot…” Tiningnan ko siya mula ulo hanggang sa ibaba, suot ang simpleng puting dress ay mas naging maganda ito kahit hindi gaanong nag-ayos.
Tiningnan niya muna ang kanyang sarili saka rin ngumiti sa akin, ang mga mata ay medyo nawala.
“Thank you,” malambing niyang pasasalamat.
“And you left,” dagdag ko agad. “You left a bloody war.” Not to mention my Dad almost shoot his cousin in the head. Kung di ko iyon pinigilan, baka baon baon ko ang pagsisisi hanggang ngayon.
Ngumuso siya at napunta ang tingin sa baso. I know she has valid reasons… Base narin doon sa eskandalong kinasangkutan niya. Wala rin talaga akong ediya sa kanila ng aking pinsan pero hindi ako naniniwalang ginamit siya ni South. Mas maniniwala pa ako kung si North, but South, the serious one, I highly doubt it. Si North lang naman ang mukhang demonyo sa dalawa.
“Alam mo iyong sa amin ng pinsan mo?” mahina niyang tanong.
Hinawi ko ang aking buhok at nagkibit ng balikat.
“Wala naman akong pakialam doon. Can’t blame you… marami talagang toxic sa Pilipinas at hindi ko kayang huminga roon sa t’wing iniisip kong nakikisawsaw ako ng hangin sa mga taong hindi ko masikmura.” Gumuhit ang disgusto sa aking mukha na kung pwede lang ay masuka ako.
Knowing he cheated on me- no, I cheated on him because he tricked me! Kaya pala noon noon palang iba na ang pakiramdam ko sa higad na iyon, na kahit mabait naman ay nabubwesit talaga ako iyon pala ay may tinatagong landi ang gaga. I can fight for it, for our relationship. But how can I fight when I already lose? May sangkot nang bata at iyon ang ikinakagalit ko ng sobra. That thick face Delafuente is just too much!
“Nakikita mo parin ba ang mga pinsan ko? Kumusta na sila?” Mahinahon niyang tanong muli pagkatapos ng ilang sigundo pananahimik.
“Humihinga pa naman. Kahit anong dasal kong h’wag na parang ang tibay ng kapit kay Satanas.” Matabang kong sagot sa kanya at nag-ikot ng mga mata.
“At isa pa, what happened between you and my cousin South created a war… Our parents were afraid your cousins might trick us to get even. Kaya pinapalayo narin kaming mga babae sa mga lalake mong pinsan.”
“P-Pero hindi naman ganoon ang mga pinsan ko…” gulat niyang sabi.
You think so, Nana? I am the proof that your cousins are devils! Suportado pa nila ang kawalanghiyaan ng kanilang pinsan.
We exchanged some digits to contact each other. Nagpumilit rin kasi ito dahil hindi rin siya magtatagal rito at uuwi rin ng Pilipinas. Ba’t pa siya uuwi? She seemed okay here.
Nagtetext ito minsan at nagyayayang magBar. Mukhang palakaibigan na ito at mahilig ng makipagsosialize hindi kagaya noon na kulang nalang ay magtago sa likod ng kanyang pinsan sa t’wing may magpapakilala sa kanyang hindi pamilyar.
“Did she left the City because of the scandal?” tanong ni Bryce sa akin nang makita sa aking cellphone ang text ni Nana. Nasa veranda kami ngayon ng bahay ni Dada Marco.
Tumango ako at binalingan ang malapit na basketball court kung saan nakikipagtawanan si Valenz sa mga kaibigan niya rito. Maya maya ay maglalaro rin.
“Mahigpit ang mga Delafuente pagdating sa mga babae nilang pinsan. Nakakapagtaka at nalusutan sila…” Napunta ang tingin ni Bryce sa kalangitan habang nalaglag naman ang akin sa mga paa kong nakasayad sa ere at gumagalaw galaw habang nakaupo rito sa railings.
Ayoko nang magkomento tungkol roon dahil kahit ako, hindi alam ang buong pangyayari. Franca doesn’t want to open-up either.
“Bryce, come here man!” Tawag sa kanya ni Valenz. Mukhang maglalaro na ang mga ito. Lima na silang naroroon.
Binalingan ako ni Bryce kaya tumango ako, napupunto ang gusto niya. I watched him jog towards them. Hindi naman ako gaanong mahilig sa basketball kaya nanatili ako sa aking kinauupuan at walang balak manood. Nagkainteres lang naman ako sa ganyan noon dahil sa mga palpak na shoot ni Toshi. Ang lalakeng akala ko ay perpekto, nagkakamali rin pala.
Nagbeep muli ang aking cellphone. Panibagong text iyon ni Nana.
Nana: Sige na please! Magbond tayo.
Just like her cousin, she’s clingy too. Natural ata iyon sa kanilang lahi. They easily get attach with the people around them.
One week after noong nagkita kami ni Nana, nabalitaan ko ring narito pala si South. Noong magkita kami, gusto ko siyang tanungin kung ako ba ang pinunta o may ibang dahilan pa. Ano namang gagawin niya rito?
“May kliyente ako rito,” nag-iwas siya ng tingin at ininom ang tubig na nasa harapan. Nasa malapit kaming cafe ngayon.
“Who?” I watched him closely.
Nagkasalubong ang kanyang kilay at halatang walang balak magbigay ng pangalan. Is he here for Nana?
“Basta.” sagot niya sa seryoso at matigas na boses.
Sinuklay ko ang aking buhok paatras at inangatan ito ng kilay.
“Kliyente ba talaga iyan?”
Sumandal siya sa kanyang kinauupuan at malalim na ang tingin sa basong nasa harapan. Hinihintay pa namin iyong order namin.
“Nagkita kami ni Nana rito. She’s with her boyfriend.”
My cousins eyes darkened as he lift up his face to watch me.
“They’re having a date on a cafe kaya binaba ko at kinausap saglit.” dagdag ko pa na nagpadilim lalo ng kanyang mukha. Ayan triggered na…
He was silent for a moment. Bumaba ang aking tingin sa kamay niyang nasa mesa at ngayon ay nakakamao na. Di ako magtataka kung bigla niya nalang hampasin ang lamesa.
I shifted my seat and leaned closer. Humilig ako sa mesa at binalingan sandali ang waiter na may dala ng aming mga pagkain.
“Nandito naman ang kanyang pinsan kaya alam kong may aawat parin sa babaeng iyon.”
Ang sinabi ni South ang mabilis na kumuha ng aking atensyon. I sat straight on my chair as my brow raised.
“Who?”
Kasabay noon ay ang pagdating ng waiter sa aming harapan at pinaglalapag ang pagkain. Natutop ang aking bibig at binalingan sandali ang mga pagkain pero ibinalik rin ulit sa pinsan kong tinanguan iyong waiter sa pag-alis.
“Sino?” Ulit ko sa klarong boses.
“Interesado ka?” tanong niya habang sinisimulang galawin ang pagkain.
Sumandal ako sa upuan at nawalan bigla ng gana. Kung si Toshi man ang nandito, ngayon palang ay nagsisimula na namang umusok ang natutop na apoy sa aking loob.
“Akala ko ako lang ang nabaliw sa isang Delafuente.” Makahulugang sabi ni South saka sumubo ng pagkain.
So inaamin niyang nabaliw nga siya kay Nana?
Matalim ko siyang tiningnan. His black leather jacket complemented his mysterious eyes. Bumaba sandali ang aking tingin sa suot niyang kwintas at sa itim na panloob na tshirt, kalaunan, iniwas ko rin.
“Sinong pinsan kaya ang nandito ni Nana?” Mapang-uyam niyang tanong at sumubo muli. Kalmado lang naman ito sa kabila ng seryosong mukha.
My heart started to pound harshly. Lumunok pa ako ng laway at hindi alam kung para saan ang pagkakabalisa ng aking sistema. I’ve been like a dead corpse these months tapos sa ganito lang ay makakaramdam ako ng bugso ng damdamin? Really?!
Kung inaasar man ako pabalik ni South dahil sa pang-aasar ko sa kanya, naaasar na ako! I remained calm. Kung nandito siya, edi bahala siya. Besides, he’s already a Daddy.
Ang sabi ni South sa akin ay aalis rin naman daw siya dito at uuwi rin. Nagkikita ba sila ni Nana? Are they okay now? Pero kung ano man iyang problema nila, labas na ako roon.
Binagabag ako noong sinabi ni South sa akin. Isa sa pinsan ni Nana ang nandito. Si White ba? Grey? Hiro? I don’t want to assume its Toshi dahil alam ko namang may anak na siya. Hindi naman siguro siya gago para iwanan ang kanyang mag-ina. But have you forgotten Irah, gago iyon!
“Wow… Our magazines got sold out in just an hour!” Iyon agad ang balita sa akin ng Manager nang makarating ako sa kompanya.
Malaki agad ang ngisi ni Bryce sa akin lalo na’t alam niyang ako iyong main cover ng magazine na inilabas.
“Siguro iyan iyong mga nagkakacrush sa’yong matatanda.” pang-aasar na naman nito na ikinatalim ng aking tingin sa kanya. He chuckled while following me.
“You did great, Irah!” Salubong sa akin ni Manager Lianna, ang handler ng mga modelo rito.
I smiled flatly. “Thank you.”
“Congrats!” Isa sa mga modelo noon ang sumigaw, ang iba ay pinapalakpakan pa ako at nakikisali sa pagdidiwang.
Iyon ang pinagkaguluhan nila ng ilang oras. Di sila makaget-over dahil nasold-out agad. Binalandra pa ni Bryce sa aking harapan iyong magazine at inasar asar ako. Ang tanging isang braso ko lamang ang nakayakap sa aking dibdib habang ang isang kamay ay nakatukod sa likod. Mukhang iyong braso ang nagmistulang pantakip sa aking dibdib pero may suot rin talaga akong tube diyan. My hair were messy at nakaawang pa ng kaonti ang aking labi, medyo nakikita ang dalawang ngipin sa harapan. Horny ba ako diyan?
Akala ko ay papaboran na ako dahil sa achievement na iyon but things got worst after some couple of days. Hindi ko alam kung anong nangyari at hindi ako nakasali sa mga modelong pinagpilian nilang manatili. I mean, my shots were fucking good! Kumpara doon sa mga shrimp kong kasabayang modelo, may mas ikakabuga ako!
“This company is not a loss, anyway.”
Iyon ang huli kong sinabi bago ko nilisan ang kompanyang iyon. Okay lang iyan Irah, marami pang oportunidad na naghihintay sa’yo sa labas. Hindi lang talaga matanggap ng sistema ko na nareject ako!
“Nakakapagtaka eh ikaw nga iyong best seller na naging modelo nila.” komento pa ni Bryce pagpasok namin sa kotse.
Humalukipkip ako at hindi maisip ang tunay nilang dahilan kung ba’t hindi ako nakasama sa top 5. They just pay me big saka rin nilagas. Ano ito, suhol?
Pinagbuksan ko ng pinto iyong ibang opportunities na naghahabol rin sa akin pero nakakagulat at ako naman ang pinagsarhan nila. Just what happened? May naninira ba sa akin? Sa mga may galit na modelo sa akin, hindi na ako magtataka kung sisiraan nila ako sa bawat kompanyang mag-aalok sa akin ng oportunidad na mairampa ang hinahandle nilang clothing line pero sapat na ba iyon para ibrainwash ang mga head noong kompanya? This is getting on my nerves!
Nailing si Bryce sa akin nang makitang nakabusangot na ako sa paglabas sa huling kompanyang nireject ako. Pagkatapos nilang maghabol habol sa akin…
“Anong nangyayari at nirereject kana? You still have your charm…” Bryce even tilted his head to eye me closely.
“They gave me this. Sa kompanyang ito nalang daw ako mag-apply dahil naghahandle rin ito ng mga models at hiring pa.” Pinakita ko sa kanya ang maliit na card na ikinaliwanag ng kanyang noo.
“Oh, may pag-asa ka pa pala. Pupuntahan mo ngayon?”
Nilagpasan ko siya at naunang pumasok sa back seat. Baka panibagong rejection na naman iyan. What kind of sorcery is this? Parang may nagmamanipula kaya umaayon ang lahat sa iisang lugar. Iyon rin ang recommendation ng ibang mga kompanya dahil mas malaki daw iyon at mahahandle ako ng maigi.
“Pupuntahan mo?” tanong muli ni Bryce sa akin nang pumasok narin ito at tumabi sa akin.
“Let’s just check it.” Suhestyon ko saka ko ibinigay iyong card sa bodyguard ko na magmamaneho.
“Baka kaya ka sinasarhan ng pinto dahil may naghihintay na pintong mas malaki pa kaysa doon sa iba,” sabi ni Bryce, halatang chinicheer-up lamang ako.
Nanatili ang aking tingin sa labas ng bintana habang nasa byahe kami. Kung irereject man ako ng kompanyang iyon, siguro babalik ako sa France at iyong alok doon ang kukunin ko.
Tumigil ang kotse sa isang parking lot. Gumala agad ang aking tingin sa labas. Pero bago ko pa man mabuksan, may nakita na akong pamilyar.
“Wait.” Hinawakan ko ang braso ni Bryce nang mag-akma itong lumabas. Ang dalawang bodyguard naman sa harap ay napalingon narin sa akin.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Bryce.
May kung sino itong pinagbuksan ng pinto noong kotse. Nakita ko ang mukha ng babaeng may freckles na hindi man lang ngumiti at pumasok na. Nalipat muli ang aking tingin sa lalakeng nailing nalang at umikot papuntang driver’s seat. Kahit hindi ko nakita ang kabuuan nitong mukha, ang gilid palang, alam kong siya iyon! I memorize his feature when I’m madly inlove with him! Palagi ko iyong tinititigan kaya imposibleng magkamali ako.
My heart pounded like a drum being hit harshly. Kumalat agad ang apoy sa aking sistema at kahit ang pait ay nalasahan ko sa aking bibig. So he’s really here? Dating someone when in fact he’s already a Daddy. Wow… A cheater will always be a cheater huh?
“Umalis na tayo.” Malamig kong tugon saka ibinalik ang tingin sa loob lalo na’t umalis narin naman iyong kotse nila.
“Akala ko ba…” nagkamot ng batok si Bryce.
“Let’s go home.” Pag-uulit ko na ikinabuhay na ng sasakyan.
Bryce stared at me for awhile. Naninimbang iyon kaya iniwas ko. Hindi ako maaaring magkamali… ang hairstyle at tindig lang naman ang nagbago, pero ang mukhang iyon… alam kong may-ari iyon ng lalakeng kinamuhian ko ng husto.
Ba’t siya nandito kung ganoon? Work? Business trip kaya sumideline muna sa pambababae? Ganoon naman pala ang gawain niya kaya siguro walang oras sa akin noon. At ako naman si gaga, nagpadala sa kalandian at sunod ng sunod kahit halatang ginagago na. Bagay nga naman kami, gaga at gago.
Naroon siya sa kompanyang pag-aapplayan ko sana. How can I even work if the devil is there? Magiging psychopath lamang ako roon at iisipin kung paano siya sasaktan ulit. Madadamay pa ang career ko.
Tatlong araw rin akong hindi nalang muna lumabas at kinuha nalang ang oportunidad na iyon para magpahinga total wala rin akong photoshoots dahil nga sa pangrereject ng lahat sa akin. Para lang nilang tinanggihan ang isang gold bar at nakontento sa mga barya nila.
“Himala at tatlong araw kanang nandito sa bahay. You have no work?” Bumungad ang topless na si Valenz sa akin dito sa sofa habang nanonood ako noong America’s Top Model.
Pinunasan niya ang pawisan niyang mukha, mukhang kakagaling sa isang jogging dahil sa kanyang suot.
“Wala.” tipid kong sagot at nairita sa imahe niyang nasa harap pa talaga. Tinagilid ko ang aking ulo para makita iyong palabas.
“How come? Rest day?” tanong niya.
“Wala na akong projects.” sagot ko na ikinatigil niya sa pagpupunas ng kanyang mukha.
“They fired you?”
“I don’t know. I got rejected.” Matabang kong sagot.
Umalis rin naman ito sa aking harapan at mukhang papunta na sa kusina.
“For being what? For being too competitive?” malakas niyang tanong para umabot ang boses dito.
“Nalalamangan ko daw kasi ang mga modelo nila.” Sarkastiko ko naring sagot at nag-ikot ng mata. I heard him chuckled.
“Then they don’t deserve you.”
Oo nga naman… Dapat nga ako pa ang matuwa dahil hindi nila ako tinanggap. I am the best. Alam ko sa sarili kong may ikakabuga ako. Di ko na iyon dapat problemahin pa dahil projects lang naman ang nawala sa akin pero hindi ang kakayahan ko.
Ang pangungulit ni Nana ay tumindi lamang sa sumunod na araw. Pinagbigyan ko na total free narin ako. Bakante na lahat ang schedule ko.
“Ba’t mo ako inimbitahan?” tanong ko sa kanya nang makapasok ako sa isang Bar kung nasaan siya.
She’s with someone kaya umupo ako roon sa kanang bahagi niya at binakante ang stool. Maingay na ang loob dahil sa isang trance music.
“Kasi uuwi na ako sa Pilipinas pagkatapos noong fashionshow ko sa America. Dederitso na ako sa Pilipinas,” paliwanag niya.
May sarili narin kasi itong clothing line kaya indemand na talaga lalo na’t magaganda ang kanyang gawa. Kahit ako ay nagulat sa achievements niya pero alam kong deserve niya rin naman.
Nalipat ang tingin ko sa babaeng nasa tabi niya. Tahimik lamang iyon at umiinom. Her side profile is quite familiar to me. Sa dim na paligid, tinitigan ko ito ng mabuti.
Noong napansin ni Nana ang panay kong paglingon sa kanyang pinsan ay pinakilala niya rin naman ito sa akin. Her name is Heluisse and she’s really familiar to me.
Umikot ang pag-uusap namin sa pangrereject noong iilang kompanya sa akin. I know someone tricked my management. At kung sino man ang naninira sa akin, siguro ay nalalamangan ko kaya ganoon na ang ginawa. Pero kung modelo lamang iyon, bakit ganoon nalang ata ang kanyang koneksyon at pinapaboran agad ito? Isa ba ito sa mga matandang nireject ko?
“Pwede kitang irecommend sa mga kakilala kong sikat na modelo, kung gusto mo rin…” suhestyon niya sa akin na ikinailing ko.
“No need, Nana. Mahirap rin namang ayawan kung malaking kompanya na ang mismong humihila sa’yo kaya kukunin ko ang oportunidad na iyon.” sabi ko na ikinatutop ng bibig niya at tumigil rin sa kakasuggest.
Binalingan pa ako sandali noong Heluisse. Ang ilaw ay lumipat rito at nasinagan siya noong pulang neon light. Mas nakita ko ng malinaw ang kanyang mukha at naalala ang babaeng nakita ko sa labas ng kompanyang iyon. Siya ang babaeng kasama ni Toshi!
Ba’t sila magkakilala? Anong relasyon ng dalawa? Maybe Nana introduced her to his cousin. At ang gagong iyon, nilandi niya total maganda at may masarap na katawan. Admit it, Irah… Babae iyan ng hayop na iyon.
42nd TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Kristine Mae Verdadero. Happy reading!
Monster
“Bakit ka nila tinanggal? Hindi nila nagustuhan ang mga performance mo? But you walk like a Goddess! I’ve seen the videos on the internet! Ang ganda ganda pa nga!”
Isa iyon sa mahahabang lintanya ni Mommy sa akin nang magvideo-call kaming dalawa. Kahit siya ay nagulat rin dahil sa ginawang pangrereject sa akin noong ibang kompanya.
“Ewan ko nga, Mommy. But I’m not really affected dahil may natitira pa namang kompanya na maaari kong applayan. I’ll try my luck total mukhang doon rin ako hinihila ng tadhana.” Paliwanag ko na ikinakalma ng kanyang mukha. Nasa kwarto parin silang dalawa ni Daddy. Siya lang itong maagang nagising habang ang aking ama ay mahimbing paring natutulog, nakatopless at nakadagan ang braso sa beywang ni Mommy.
“I’m sure matatanggap ka roon. Ikaw pa. You’re the best…” Mom smirked at me.
“Thanks.” I smiled timidly.
Gumalaw si Daddy kaya kapwa napunta ang aming mga mata sa kanya. Isiniksik lamang nito lalo ang sarili kay Mommy na nakasandal sa headboard ng kama. Hinawakan niya ang buhok nito at hinaplos haplos.
“Kumusta na kayo ni Bryce?” pag-iiba niya ng topic at mukhang mang-aasar na naman.
“We’re both fine.”
Ngumisi siya sa akin.
“Asus…”
“Di pa kami ni Bryce, Mommy.” Paglilinaw ko na ikinahagikhik niya lang.
“Hindi pa…”
“At ayaw ko pa. Nasa pagmomodelo ko ang buo kong atensyon ngayon.” Hinawi ko ang aking buhok para lang makita niya sa kabuuan kong mukha na wala akong pinagtatakpan at hindi ako nagsisinungaling.
“Fine… Pero pag kayo na, boto naman ako. Bryce is…” Tiningnan niya sandali si Daddy saka siya may sinabi sa akin na nabasa ko rin sa galaw ng kanyang labi kahit hindi nito lakasan ang boses. I know Mommy, he’s hot.
Gumalaw si Daddy kaya kumurap siya at sinenyasan pa akong h’wag maingay sa sinabi niya tungkol kay Bryce. Ang selose pa naman niyan…
Pagkatapos rin naman noong pag-uusap namin ni Mommy ay nagprepare na ako para sa lakad mamaya.
Ang sipol ni Valenz ang kumuha ng atensyon ko pagkababa ko ng hagdan. Nagsimula ang kanyang tingin sa aking mukha hanggang dumaosdos iyon sa ibaba at nailing.
“Date with Bryce?” tanong niya saka kinagatan ang apple na hawak hawak.
“Mag-aapply ako sa isang kompanya.”
“Oh…” Kumunot ang kanyang noo. “You look like you’re going to seduce someone with that dress…”
The dress is quite offensive. Malaki ang V line nito sa may parteng dibdib at nakikita ang side boobs ko. Hapit na hapit ito sa aking beywang at A-line ang kabuuan na sa tuwing iikot ako ay aangat ito at ibubulgar ang suot kong panloob.
Nagkibit ako ng balikat at nagtungo na sa labas. Saktong nadatnan ko naman si Bryce sa veranda at mukhang kakatok na sana. Ang nakaawang niyang mga labi ay hindi niya na natikom nang makita ako. Sinuklay ko ang aking kulot na buhok paatras at inangatan ito ng kilay.
“I know Bryce… I know…” Tinapik ko ang kanyang balikat at tuluyan itong nilagpasan, na nahuhulaan ko na ang kanyang iniisip kahit hindi niya iyon ibulalas. Gumuhit ang ngisi sa aking labi.
Kung naroon man siya at doon nagtatrabaho, mas mabuting handa ako sa gyera. I’ll show him I’m perfectly fine. Ang babaeng binasag niya ay binuo ng mag-isa ang sarili at natuto sa kanyang pananakit.
Lumebel agad si Bryce sa akin nang makabawi sa pagkakagulat.
“Ba’t ganyan ang ayos mo?” tanong niya sa akin at nagkakasalubong na ang kilay lalo na nang sinipat niya ng tingin ang likod kong tanging laces lamang ang nagiging pantakip noon at kitang kita ang balat.
“I’m a model, Bryce. I need to look great.” sabi ko sa kanya at naunang pumasok sa backseat pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto.
“Isn’t it too much?” takang taka niyang tanong.
“Di ka pa ba sanay? Sa mga photoshoot ko nga, may mas malala pa rito.”
Binasa niya ang pang-ibabang labi at kumunot ang noo.
“But its too…”
“It’s fine.” dugtong ko agad.
Ngumuso siya at hindi alam kung ano ang tititigan sa aking mukha.
“You’re really a devil… Tinutulak mo ang mga nakapaligid sa’yo na magkasala. Baka doon marami na namang magkainteres sa’yo na may mga edad na.”
I smirked at him. Ganado ata ako ngayong araw. I think may mangyayaring maganda!
Tinipon-tipon ko ang pagiging good mood ko sa aking loob para paghandaan ang isang bagay na maaaring mangyari roon. Baka magkita kami… At least I look prepared. I’ll give him my sweetest smile. Batiin ko kaya siya ng “Hi Ex?” Hmm…
Acting cold towards him will just worsen the situation. Baka mag-assume si gago na di parin ako nakamove-on kaya ganoon ako kabitter. I’ll keep all my hatred inside me. I need to be happy- no Irah, you need to look great and happy!
“Hintayin mo nalang ako rito, Bryce,” sabi ko sa kanya paghinto noong sasakyan sa tapat ng malaking building.
“You sure?”
Tumango ako.
“Pagkatapos noong interview, lalabas rin naman ako.”
Binalingan ko sandali ang dalawang bodyguard saka rin ako lumabas.
Tiningala ko muna ang taas noong building. Malaking kompanya nga siguro ito. Mukhang malapad rin ako at nareject ako sa mga kompanyang iyon dahil magkakaroon ako ng tsansang makapasok rito. Anong trabaho ni Toshi rito? O baka naman isa iyong Heluisse sa mga modelo at sinundo niya lang. Pag nagkataon, baka mawalan ng saysay ang pagpapaganda ko.
Just stick on your main purpose, Irah. Ang makapasok at mabigyan ulit ng projects. That’s my main goal right now. Bonus nalang iyong pagkikita namin ni Toshi.
Pumasok ako sa loob at nagtungo sa front desk. Tinanong ko ito tungkol sa interview nila sa mga models kaya iginiya rin ako noong babae conference room kung saan mangyayari ang interview.
Hindi ko namataan sa paligid si Toshi. Baka naman hindi siya nagtatrabaho rito? But I found out that Heluisse, that girl, isn’t a model. So may tsansang nagtatrabaho si Toshi rito.
“Goodluck, Ma’am…” Nginitian ako noong babae na ikinatango ko. I wanted to say, sila ang humanda sa akin dahil pabibilibin ko sila pero kinimkim ko nalang iyon.
Pagkapasok ko, may iilang modelo na ang naroroon. Sa dulo naman ay may mesa at naroon ang mga interviewer. Baka isa iyon sa may-ari o board directors ng kompanya. Is this the final interview?
Umupo ako sa bakanteng upuan at pinanood iyong modelong rumarampa na. Anong klaseng rampa ba iyan… trying hard.
“You have a bad poise, younglady,” anang matandang lalake na hindi mahitsura ang mukha. He’s wearing a corporate attire at medyo nakakasindak ang imahe.
“Don’t be so hard on her…” Tumawa iyong katabi niyang babae. “Hija, kindly turn around?”
Tumango naman iyong babae at umikot. Napangiwi ako nang kamuntik pa itong matumba. Maybe it’s her first time?
“You’ll put our company into bankruptcy, hija.” Nailing iling iyong matanda saka nito inilahad ang resume. So she got rejected?
“Next.” sabi nito kaya awtomatikong tumayo iyong nasa unahan at naglakad patungo roon.
Napansin kong may bakanteng upuan sa tabi noong matandang lalake. Dalawa lamang silang interviewer.
May naririnig akong bulungbulungan sa aking tabi na kinakabahan sila doon sa matandang lalake dahil sa pagiging direkta nito. Kanina, may tinawag pa siyang parang zombie daw maglakad. Iyong babae naman ay mukhang mabait at pinapagaan ang loob noong mga modelo. Out of 20 models, may sampo na raw ang nalagas. Ni isa ay wala pang pumapasa sa taste noong matandang lalake. Baka naman gumana ang karisma ko sa matatanda.
Apat nalang kaming naiwan sa upuan at palala lamang nang palala iyong sinasabi ng matanda sa mga modelo. Merong isa roon na okay naman maglakad kaso kulang sa stage presence. Kahit iyon ay hindi niya pinalampas at nireject rin. Masyado atang mataas ang standard ng kompanyang ito…
“Next.”
Tumayo ulit ang susunod na modelo. Ngayon ay tatlo nalang kami. Sandaling bumukas ang pinto kaya napunta lahat ng atensyon namin roon. Buong akala ko ay panibagong aplikante pero ganoon nalang ang pagkatigil ko nang pumasok ang isang lalakeng nakacorporate attire at dala dala ang seryosong mukha.
Narinig ko ang pagsinghap ng tatlong modelo sa aking tabi at bakas ang pagkamangha sa kanilang mga mukha. I stared at him unbelievably. Naglakad ito, nakapamulsa at nasa harapan ang tingin.
“You’re late.” sabi noong matanda nang mapansin rin ang presensya nito.
I suddenly got curious. Anong posisyon niya sa kompanyang ito kung ganoon? At isa siya sa mag-iinterview?
Umupo siya sa tabi noong matandang lalake. He even fixed his tie. Is he really my ex? Oh God…
Fuck it, Irah! H’wag mo ngang pairalin iyang atraksyon mo! That Daddy is a whore! Pull your shit together! H’wag kang nagpapadala sa hormones mo.
“Want to read her resume?” Pinasa sa kanya iyong folder na ikinailing niya lang at napunta ang mga mata rito.
Para akong mahuhulog sa aking kinauupuan at mabubuwal na ano mang oras kahit hindi naman ako nakatayo dahil sa mga mata niyang dumerikta agad sa akin. Ang aking puso ay nagwawala na sa loob na kahit ang paghinga ay hirap na ako. Shit Irah! Isantabi mo iyang pagnanasa mo! Remember all the pain he caused you!
Binasa niya ang pang-ibabang labi at sumandal sa upuan.
“I’ll handle the remaining three models,” sabi niya sa banayad at malalim na boses na ikinaiwas ng aking tingin. Oh yeah?
Iyong dalawang modelo ay sumisinghap na at hindi makalma sa upuan. Ang malamig na hall ay bigla nalang naging mainit dahil sa kanyang imahe. How dare him do this to my system! Dapat wala na ’di ba Irah? Gaga ka rin talaga!
Sumunod iyong sunod na modelo hanggang sa dalawa nalang kaming naiwan. Ang malalim na mga mata ni Toshi ay tumitig sa babaeng rumampa. His lips were parted a bit as he watched her, walking like a drunkard. Di naman magaling!
Nalipat ang kanyang tingin sa akin kaya pasimple kong sinuklay ang aking buhok paatras, sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko siyang ilang sigundong nasa akin ang mga mata. Ano, nagsisisi kana sa panggagago mo? Halata namang mas angat ako sa lahat ng nandito. Sige lang… paliliyabin kita mamaya diyan sa inuupuan mo.
“Is it me or they’re just very lowsy?” deklara noong matandang lalake nang hindi ulit makapasa sa kanya iyong babae.
“I like the proportion of her body.” komento pa ni Toshi na ikinaangat talaga ng aking kilay.
“Should I hire her as your…” iba na ang tingin sa kanya noong lalake at mukhang may pinupunto na.
Umiling ito at ngumisi na ng pilyo.
“I don’t need it,” sagot niya sa malalim at malamig na boses.
Nagkibit ng balikat iyong matanda saka dumako ang tingin rito. Mag-isa na lamang ako.
“Your turn, hija,” sabi niya kaya tumayo rin naman ako.
Kitang kita ko ang pagsunod ng mga mata sa akin ni Toshi. Kung paano ako hinagod nito ng tingin mula ulo hanggang paa at umakyat ulit pero nagtagal sa parteng dibdib ko. Like what you see, Delafuente?
Huminto ako sa kanilang harapan at inilapag sa kanilang mesa ang resume.
“She’s gorgeous!” Namamanghang komento agad noong babae kaya ngumisi agad ako.
Kinuha noong matanda ang resume saka rin kinuha ni Toshi at inilagay sa kanyang harapan. Piansadahan niya iyon ng tingin at kunot-noo na. He was bothered with something else but he looks calm.
“How old are you?” tanong noong matanda, ang mga kamay ay nakasalikop na.
“I am already 20 years old, Sir,” sagot ko sa malambing at masuyong boses.
Toshi’s brow raised when he heard my voice. Nag-angat agad ito ng tingin sa akin. Ano, butthurt kana naman dahil alam mong pumatol ka sa bata?
“Can you show us a walk, hija?” Iyong babae naman.
“Sure.” I smiled seductively.
Tumalikod ako at naglakad papuntang dulo. Noong makarating ako roon ay awtomatiko kong hinila ang laylayan ng aking dress at walang ano anoy hinubad iyon. Umikot ako kasabay ng pagtapon ko sa dress sa kung saan at sinuklay ang buhok paatras saka rumampa pabalik. Kitang kita ko ang pagkalaglag ng panga noong babae, ang pagkamangha noong matanda, at ang paggalaw ng adam’s apple ni Toshi.
I walked with elegance. Tumatalbog ang aking buhok dahil sa ginagawa kong lakad at seryosong seryoso ang mukha. Toshi, in his serious face, lean on his seat and loosen his necktie. Easy…
Pumalakpak iyong babae nang huminto ako sa kanilang harapan. Sa hindi ko mabilang kung pang-ilang beses na, hinagod na naman ako nito ng tingin na ikinaigting muli ng kanyang panga. I told you last year I’ll blow your mind, Toshi.
“I love her confidence! Looks like she’s game for mature shots!”
Kitang kita ko ang pagkasalubong ng kilay ni Toshi dahil sa sinabi noong babae. Iyong matanda naman ay tumango tango pa.
“You’re good.” sabi noong may hitsurang matanda sa akin. Ngayon ko lang napansin na gwapo pala ito kahit may edad na.
“Thank you, Sir.” I smiled sweetly.
“I’ll handle her.” singit agad ni Toshi kaya napunta sa kanya ang tingin noong matanda at kahit ako, nasa kanya narin ang tingin.
Umangat ang kilay noong matanda sa kanya.
“Iyan na ba?” makahulugan nitong tanong na hindi ikinaimik ni Toshi at pinasadahan lamang ang clean cut na buhok.
So marunong itong magtagalog? O baka naman Pilipino talaga ito? At mukhang close silang dalawa. Now I’m getting curious… Anong kompanya ang pinasukan ko?
“Is it okay if you’re paired with boys hija?” Tanong noong matandang lalake nang bumalik ang kanyang atensyon sa akin.
Nagkasalubong lalo ang kilay ni Toshi at iba na ang titig sa katabi.
“I am game for mature shots, Sir.” I giggled softly.
Gumuhit ang pagkairita sa mukha ni Toshi lalo na noong ngumiti pabalik sa akin ang matanda. Iyong babae naman ay ngumiti rin sa akin, mukhang gustong gusto ako.
Nilingon niya muli si Toshi at nginisihan.
“Kaya pala ha…” makahulugan nitong sabi na hindi ko na mapunto.
Toshi just licked his lowerlip. Ibinulsa niya ang dalawang kamay at mukhang nakabukaka sa pagkakaupo roon. He really changed alot. I cant hardly remember his massive body compared now. Ginawa niya na bang bahay ang gym? He looks so manly, a Daddy, Irah…
“How about your boyfriend?”
Ang tingin ni Toshi ay nalipat agad sa akin. Mukhang nakaabang rin ito sa magiging sagot ko.
“He won’t mind.” I smiled sweetly again.
Natawa ito. “Taken?”
Tumango ako, hindi binubura ang matamis na ngiti.
“Your boyfriend is very lucky. You’re very gorgeous. Right, Toshi?” Nilingon niya muli ang katabing kanina pa tahimik at masyado nang seryoso ang mukha.
Hindi ito umimik kaya natawa lamang lalo iyong matanda at tumayo na.
“Let’s leave them.” sabi niya roon sa babae na tumango rin naman agad at tumayo na.
Tinapik noong matanda ang kanyang balikat. Sinundan niya lamang ng tingin ang likod nitong umaalis na saka rin ibinalik sa akin nang maiwan kaming dalawa. His eyes were blazing as his expression darkened.
“Get dress.”
Ngumisi ako at sinuklay ang buhok paatras, walang balak sumunod. He swallowed as his lips part a bit.
“May interview pa ba?” I asked him using my normal tone.
“Just get dress first, Irah.” he said firmly.
Tumawa ako. “Bakit? Don’t you like what you see?” I raised my brow.
Suminghap siya at nag-iwas ng tingin. Kinalas niya ng tuluyan ang necktie at isinunod na hubarin ang itim na coat saka iyon inilapag sa mesa. Naiwan ang puting polong suot niyang pangloob. Tumayo siya habang hinihila ang bawat manggas ng sleeves noon at inirolyo.
Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makita ko itong pinulot ang aking dress. Bumalik siyang muli, dumaan sa aking gilid at naiwan ang pabangong ilang taon ko naring hindi naaamoy.
Para akong mahihilo sa nagbabalik na mga alaala dahil lamang sa pabangong iyon pero sinikap kong magpigil. Nanatili akong kalmado at hindi gumagalaw sa aking kinatatayuan.
Humarap siyang muli at sumandal roon sa mesa, ang isang hita ay nakaekis na sa isa. Ang isa niyang kamay ay napunta sa botones ng suot at kinalas ang dalawa. I stared at it for awhile pero ibinalik ko rin agad sa kanyang mga mata.
Tahimik niyang inilahad sa akin ang dress sanhi para malaglag ang aking mga mata roon. The room is cold but his stares can burn.
Inangat ko ang aking kamay at kinuha iyon pero laking gulat ko nalang nang hinila niya iyon. Mabilis ko iyong binitiwan kasabay ng paghakbang ko paabante, agad na huminto bago tuluyang madikit sa kanya. This bastard! Napakamapanglinlang talaga!
Napatitig ako sa kamay niyang maugat at hinahawan ang sobrang nipis na tela ng aking dress. Na hindi siya mahihirapang punitin iyon gamit lamang ang kanyang mga kamay.
“Akin na.” mariin kong sabi.
“Looks like you don’t want to wear anything. May confident ka naman atang maglakad ng nakaganyan lang palabas.” Inangatan niya ako ng kilay at kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pang-iinsulto niya.
Ang kapal kapal rin naman talaga ng mukha!
“I can do that pero mahal iyan. My boyfriend gave that to me. Kaya akin na.” Inilahad ko sa kanya ang aking kamay na ikinaguhit ng galit sa kanyang mga mata. Kumuyom pa ang kanyang kamao kung saan hawak hawak niya iyon.
“So your cheap boyfriend bought this dress?” Inangat niya pa iyon.
Cheap my ass. Kumpara kay Bryce, mas cheap iyong babae mo! Nagpabuntis sa katulad mong gago!
“Cheap?” I chuckled. “Gawain mo rin naman iyan sa mga babae mo noon ’di ba? Naging cheap ka rin noon.”
Binasa niya ang pang-ibabang labi at hindi na nawawala ang galit sa mga mata. Iritang irita ito sa isang bagay at hindi na alam kung paano iyon ibabalik sa dati.
“Look Irah, what you think about me is wrong-”
“I don’t care anymore, Toshi. Leave our past alone. Leave me alone.” pagalit kong putol sa kanya na ikinaiwan ng kanyang nakaawang na labi sa ere.
“Ba’t ayaw mong iopen-up ko? Are you scared to know that you got the wrong idea-”
“I said shut up!” sigaw ko na ikinatikom ng kanyang bibig at ipinagsalubong ng kanyang kilay.
“I don’t care anymore! Kung mali man, pwes nakamove on na ako!” I spat angrily.
Ilang sigundo siyang tumahimik. Tinitimbang niya ang aking ekspresyon at ang sandaling pagtaas ng aking boses.
Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para hilain ang aking dress sa kanya. Nabitiwan niya rin naman iyon.
“Just tell the boss to call me if I’m hired. Aalis na ako.” Sinuot ko iyon at inayos sa kanyang harapan ang aking sarili.
“You’re hired,” he said flatly making me stop from my movements.
“Excuse me?”
Humalukipkip siya, ang ugat sa mga braso ay hindi nakaligtas sa akin.
“I am your boss. You’re hired,” sagot niya sa mas klarong boses na ikinatigil ko.
Boss?
“Apo ako ng isa sa may-ari ng kompanyang ito. Iyong matandang nginingitian mo kanina ay lolo ni Nana.”
What the hell? Delafuente ang nagmamay-ari ng kompanyang ito? Siya rin ba ang nasa likod noong panggigipit ng mga kompanya sa akin at itulak ako dito?
“Kung makangiti ka kanina parang nagbago na ang taste mo ah? Mas gusto mo na ba iyong doble sa edad ko?” Matabang niyang sabi sa akin, halata ang kinikimkim na galit sa boses.
Hindi na bago sa akin ang anghan ng kanyang pananalita. Sa dami ng pinagsasabi niya sa akin noon, nasanay narin ako.
I know we’re mad at each other. Alam ko kung gaano siya mandiri noong tinaboy niya ako sa kanyang condo. Alam ko rin sa sarili ko kung paano ko siya pandirian. May kanya kanya kaming rason kung ba’t inayawan namin ang isa’t isa.
“Don’t talk to me like you’re so clean, Toshi. Eh ano ngayon kung pumatol ako sa mas matanda sa akin? Pinatulan nga kita noon eh mas matanda ka rin sa akin…” Inangatan ko siya ng kilay na ikinaiba ng kanyang hitsura. Ang galit sa kanyang mga mata ay may mas ikakasiklab pa pala.
“My boyfriend is waiting outside, aalis na ako.” I smiled at him flatly saka rin ako tumalikod. A triumphant smile plastered on my face as I walked away.
Kung ano man ang rason niya kung ba’t siya lumalapit muli sa akin, pwes sisiguraduhin kong ito ang pinakamaling desisyon niya sa kanyang buhay. Lets see if you can handle the monster you created inside me, Toshi.
43rd TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Sarah Rescobar. Happy reading!
Dahil ayoko
I don’t want to assume things why he’s coming back in my life. I got the wrong idea about him? Pwes, paano niya ipapaliwanag iyong narinig ko mismo sa kanyang pinsan? Kung itatanggi niya man iyon, wala narin akong pakialam. I don’t want him in my life anymore. Nilamon na ako ng galit sa kanya at ayoko na ulit mahulog sa kanyang panglilinlang.
That love we have back then is very toxic. Hindi iyon nakakabuti sa aming dalawa at hindi lamang kami makakabuti sa isa’t isa. I don’t think we’ll fix it? Hindi naman lahat ng nasisira kailangang ayusin.
“Date?” Dada Marco asked me nang makita akong kakababa lamang sa hagdan. Just like Valenz’s reaction, ganoon rin ang kanyang iniisip.
“I don’t have a date, Dada. I have a work,” sabi ko nang tuluyang makababa.
Hinead to foot niya ako kaya natingnan ko narin ang aking sarili. The cream tube with ribbons looks like a brassiere just to cover my breast, paired with pencil skirt, revealing my navel. Sobrang iksi noon na pag tumuwad ako, makikita talaga ang pwet ko.
Hinawakan ni Dada ang kanyang baba at kunot noong tinitigan ako.
“Are you sure it’s a work?” he said suspiciously.
Tumango ako at sinuklay ang aking buhok paatras.
“I am their new model Dada. I need to impress them with my look,” paliwanag ko.
“Don’t you have any coat? Iyan na talaga?”
Tumango ako. “A coat will ruined the style, Dada. At hindi malamig sa labas, mainit.”
He sighed. “Umuwi agad ha.”
Nakagat ko ang aking labi at tumango. Nagsimula akong maglakad palabas, sumusunod naman ito, nababahala parin ang mukha.
Paglabas namin sa veranda, naroon na sa may sasakyan ang dalawa kong bodyguards. Tumigil muna ako roon para balingan si Dada.
“Bye, Dada…”
Tumango tango ito at ngumiti sa akin. Namulsa siya, pinanood akong magtungo roon palapit sa kotse. I glanced at him one more time, kinawayan ako nito kaya nginitian ko rin siya ng tipid saka ako tuluyang pumasok.
Bryce is not around. I told him na puntahan niya nalang ako tuwing uwian ko na and he agreed. Ayokong umikot ang mundo niya sa akin and I want to give some space for hisself.
Bago tuluyang lumabas ng kotse, magretouch muna ako. Ginulo ko rin ang aking buhok para mas magmukhang wild iyon at bumagay sa aking mukha. My ex, I mean boss, is there…
Pumasok na ako nang tuluyan sa loob. Malawak ang kanilang lobby at masyadong malinis ang paligid. Nagtungo muna ako sa front desk, nagtanong kung saan ako dederitso. She asked for my name saka ako iginiya sa isang hall kung nasaan ang iilang mga models.
Pagkapasok ko, ang iilang modelo ay napunta agad sa akin ang tingin. Some arched their brows, some smiled at me. May mga staff na lumingon rin sa akin pero binabalik agad ang tingin sa kanilang ginagawa.
The atmosphere here is quite different from the other management I encountered. Para kasing mga well trained ang mga staff, walang nagsisigawan, lahat alam ang gagawin at kahit ang mga modelo, propesyonal ang bawat kilos. Hindi naman sa sinasabi kong walang panama ang ibang kompanyang napasukan ko kumpara rito pero halata talagang mas makapangyarihan ito.
So kaya pala ang taas rin noong standards ng matandang lolo raw ni Nana… Matataas ang standards ng mga Delafuente, Irah. Si Toshi lang talaga ang lumiko at nagtitiis roon sa cheap na babae niya.
“Hey! You’re here!”
Lumapit sa akin iyong babaeng isa sa interviewer kahapon. Her bright smile plastered on her face as she embraced me.
Medyo naawkward ako roon pero hinayaan ko nalang ito. She lightly squeezed me, maybe for a welcome.
“Pilipino ka ’di ba? Nabasa ko kahapon sa resume mo?” tanong niya sa banayad na boses na ikinatango ko at sandaling iginala ang tingin sa iba.
“Buti naman at may nadagdag na Pilipinong modelo sa management na ito.”
“May mga Pilipino rito?”
Tumango siya.
“Iyong top model rito ay isang Pilipino. Magkakasundo kayo noon. Teka…” luminga-linga ito sa paligid at mukhang hinahanap iyong tinutukoy niya.
Dumako ang kanyang tingin sa aking likuran at doon napangiti.
“Oh heto na pala siya…”
Napalingon narin ako. Imbes iyong babae agad ang aking tingnan, kumuha ng atensyon ko ang kasama nito. The guy wearing his white polo, rolled till his arm, two buttons were opened, look so hot with his clean cut hair and serious face. I stared at him blankly. Hindi ko hinayaang gumuhit ang pagkamangha o kung anong nakakatuwang ekspresyon sa aking mukha at tamad na binalingan iyong babaeng kasama niya na may matamis na ngiti.
“Toshi, iyong nakapasa kahapon, nandito na.” Iyong babae. “Ipakilala mo narin kay Faith para magkasundo ang dalawa total parehas silang Pilipino.”
Tuluyang huminto ang dalawa sa aking harapan. The girl named Faith blinked twice when she saw me. Sinuklay ko ang aking buhok paatras at hindi naaalis ang seryoso ngunit kalmadong ekspresyon.
Nagkasalubong ang kilay ni Toshi nang makita ang aking suot.
“Pilipino ka rin?” tanong noong Faith na may matamis nang ngiti sa akin.
Tumango ako at nilipat ang tingin kay Toshi na mukhang may ikinakairita ang mga mata.
“You survived the crucial interview?” she chuckles softly while stroking some strand of her curly hair.
“It’s not that crucial,” I said cockily.
She grimaced. Bakas sa mukha na nayayabangan sa akin.
“Oh well, welcome ka naman dito kahit beginner ka. I can help you if you want…” Mayabang niyang pagkakasabi, may pagmamataas na. “I am Faith Degrasya, anyway…”
Degrasya? Disgrasya?
Binalingan niya iyong babaeng nasa aking gilid.
“Ate Missy, ikaw ba maghahandle sa kanya?”
Umiling ito, “si Toshi ang nagrepresenta.”
What she said made her shocked. Toshi’s eyes settled on my tube kaya pasimple kong hinila ang ilalim noon para mas bumaba pa iyon. Inangatan niya agad ako ng kilay.
“You need to wear formal attire, Buenaventura,” he uttered coldly with the tone of insults.
Kumurap iyong babaeng handler ng mga models rito na tinawag na Ate Missy noong Faith at pinasadahan ako ng tingin.
“But her style is okay, Toshi. Ang ganda nga e,” namamangha niyang sabi maliban roon kay Faith na kumurap at binalingan si Toshi sa kanyang gilid.
“Ganyan rin naman minsan ang suot ko, Toshi, but you never complained,” she chuckles softly.
Sinong nagtatanong? Sawsawan ka?
“Wear formal dress tomorrow,” si Toshi, walang balak pakinggan ang sulsol ng dalawa.
Marahan akong tumawa. “Ganyan ka rin saakin noong tayo pa ah? Di ka parin pala nagbabago…” I smiled sweetly.
Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Faith na kahit iyong handler ay napaawang ang bibig dahil sa narinig galing sa akin. Nagsukatan kami ng tingin ni Toshi. Umangat ang aking kilay sa kanya habang hindi naman makalma ang kanyang mga kilay na nagkakasalubong parin.
“Faith! Your turn!” sigaw ng kung sinong staff na nagpawala ng atensyon niya sa amin rito.
“Okay!” Ngumiti siya ng matamis roon, binalingan kami sandali pero umalis rin.
“Ah… Ako rin, asikasuhin ko lang iyong ibang modelo…” Palipat lipat ang tingin nita sa aming dalawa at kusang umatras, hindi na hinintay na may magsalita sa amin.
Noong maiwan kaming dalawa ay sinuklay ko ang aking buhok at itinagilid ang aking ulo saka siya nginitian ng matamis.
“Anong ipapagawa mo sa akin, boss?” I asked him softly.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at nameywang sa aking harapan. Humalukipkip ako at pasimpleng iginala ang tingin sa paligid. Some of the models were glancing at him. Lalo na iyong Faith na inaayusan na pero nahuhuli ko paring nagnanakaw ng tingin rito. Fine, this bastard is sexy and hot. Excuse me girls, ex ako at hindi siya masarap.
“Lets go to my office.” Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking siko kaya ibinalik ko agad ang tingin ko sa kanya. Hinawi ko iyon na ikinakuyom ng isa niyang kamao.
“Irah.” May pagbabanta niyang tawag, mas lalong sumeryoso ang mukha.
“You can order me but you’re not allowed to touch me.” I said firmly.
Umangat agad ang kanyang kilay at ibinulsa ulit ang mga kamay.
“Arte. Akala mo naman walang nangyari sa atin,” mapang-uyam niyang sabi na ikinaguhit ng disgusto sa aking mukha. Nandidiri ako at kung pwedeng sumuka ay gagawin ko talaga para malaman niyang hindi ko na iyon gusto.
“Walang nangyari sa atin. Baka sa ibang babae mo iyan?” I spat.
Ngumisi siya ng pilyo. Naasiwa agad ako roon. Ang putanginang ito!
“Wala ba?” he said deeply, sending some volts inside me.
“Wala,” klaro kong sabi, mas tinigasan pa ang boses.
Lumapit siya lalo sa akin. Sa halip na humakbang paatras, nanatili ako sa aking kinatatayuan.
“Really? Have you forgotten?” Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga. “I made you moan using my tongue-”
I pushed him. Mas lalo siyang ngumisi, ang kislap sa mga mata ay tila apoy na naglalaro na at nasisiyahan. My cheeks blushed when I remembered our hot kissing scene… my moans… Oh damn it.
“Halik lamang iyon. We didn’t have sex,” bulgar kong pagkakasabi na dahan dahan rin namang ikinawala noong ngisi niya.
“Those were just my shallow experience with you. Kami nga ng boyfriend ko ngayon, mas malala pa doon…”
Ang gumuhit na pagdidiwang kanina ay tuluyan rin namang nawala at napalitan ng isang kulimlim. His strong jaw tightened before he turn his back on me.
“In my office,” deklara niya saka naunang maglakad paalis.
I wanted to laugh evilly. Ginala ko ang tingin sa iba, ang mga mata ay nakikiusyoso na at mukhang curious na curious. Even that girl named Faith looks bothered.
“Irah,” ang matigas na boses ni Toshi ang pumaibabaw. I glanced at him. Huminto na pala ito at nasa may pinto na, matalim ang tingin sa akin.
I started to walk towards him. Nag-iwas siya ng tingin sa akin, nakagat ang pang-ibabang labi at pinasadahan ng haplos ang gilid noong buhok. I heard him groaned with frustration.
Tahimik ko siyang sinundan. He was infront of me, walking so mighty while some were watching us. May iilang lalake pang ngumiti sa akin, sa tabang ng aking mukha ay hindi ako ngumiti pabalik. Pero noong nilingon ako ni Toshi, nginitian ko agad iyong lalakeng namataan kong ngumiti sa akin. He look so pissed when he saw my reaction.
“Watch your way,” inis niyang tugon na ikinabalik ng tingin ko sa harap.
“Okay boss…” magalang kong sagot para lang inisin ito lalo.
Nailing siya at ibinalik ang tingin sa harap, nahimas na ang batok at tumingala pa sandali. My lips parted a bit while looking at him. Bastard.
Siya ang nagbukas noong pinto at sinenyasan akong maunang pumasok sa loob. Tahimik akong pumasok roon at iginala agad ang tingin sa malaki niyang office. Hmm, may sofa…
Nagtungo siya sa kanyang mesa at may kinuha roong mga folders. Inisa isa niyang tingnan iyon kaya nagtungo rin ako roon at umupo sa upuang nasa harapan noong table niya.
Nalaglag ang kanyang tingin sa akin at bumaba pa lalo sa parteng dibdib. Naasiwa siya roon kaya nag-iwas siya ng tingin at ibinalik sa folder.
“These are the guidelines you need to obey as a model in this company.” Inilapag niya sa aking harapan iyong folder na may mga nakasulat ngang guidelines.
Pinasadahan ko iyon ng tingin isa isa.
“If you agree with the terms and condition, just sign it here.” Itinuro niya iyong blangkong linya sa baba.
Kumunot ang aking noo sa iilang rules na naroon para sa akin. No to mature shots? Wear formal attire? Ano ito? Ba’t parang hindi naman ito iyong napag-usapan namin noong lolo ni Nana? They even asked me if I’m game with mature shots and I said yes. Game rin akong maipares sa mga lalake ah?
I was about to complain when he pointed the last rule using a ballpen.
“No to complains…” saka siya nag-angat ng kilay sa akin.
What the fuck?
“This is bullshit!” I hissed at him.
Nagkibit-balikat siya at umalis roon sa harapan ng mesa. Later on, nasa tabi ko na siya, nakasandal sa lamesa at nakaekis na ang mga binti habang pinaglalaruan sa kanyang kamay ang ballpen.
“Who’s the boss, Buenaventura? Ano ka nga ulit?” mapang-uyam niyang tanong.
“Ex mo,” pagmamalaki ko.
“No. You’re my employee,” pagtatama niya sa matigas na boses at mariin na ang tingin sa akin.
Tumayo ako at sinamaan siya ng tingin. “Kakausapin ko iyong Lolo ni Nana at ipapasa ko ito sa kanya.” Tumalikod na ako at akmang aalis na nang bigla niya akong hinila. Sa sobrang lakas ay bumagsak ako sa kanyang likod.
I heard him groan when I leaned on him harshly. Kahit ako ay napasinghap na nang maramdaman ko ang matigas niyang dibdib at maamoy ang nakasanayan kong pabango nito.
Inis akong bumangon palayo sa kanya para makatayo ulit ng tuwid at marahas na hinila ang kamay ko. His lips were parted a bit as he placed his two hand on each side of the table for support. His eyes were dim and taunting.
“Hindi ako pumapayag sa mga kondisyon mo. I want a mature shots. Hindi ako teenager na modelo, Toshi,” paglilinaw ko.
His shoulder loosened when he sighed heavily.
“Kung hindi mo naman pala maibigay ang mga gusto ko, pwes, I’ll just quit.” Sinamaan ko siya ng tingin at handa nang umalis ulit pero sa pagkakataong ito ay natigil akong muli dahil sa paghawak niya sa aking braso.
I stop midway from walking. Nilingon ko ang kamay niyang naroon saka ko siya nilingon sa likod kong naging maamo na ang mga mata.
“I can change it,” banayad niyang sabi.
“H’wag na.” Binawi ko ang aking braso pero humigpit agad ang kapit niya roon.
“Hindi iyon ang orihinal na guidelines. I made that,” pag-amin niya na ipinagsalubong ng aking kilay.
He sighed again. “I’ll give you the original guidelines.”
He looks defeated with his expression. Binitiwan niya ako at may kinuhang panibagong folder saka iyon ibinigay sa akin. Tiningnan ko muna siya bago ko iyon kinuha. Binuklat ko iyon at pinasadahan ng tingin ang mga nakasulat.
Kumpara sa naunang guidelines, ito ang mas gusto ko at mas kapanipaniwala. Kaso mas mataas iyong salary ko doon sa unang folder maliban rito na 50k a month lamang. Doon sa ginawa niya ay 70k ang sahod ko. Depende pa iyon sa mga photoshoot ko at mangyayaring pagrampa. Kaya rin siguro ganoon kataas ang kanilang standard dahil malaki rin silang magbayad.
Sa araw araw kong nandoon, napapansin ko ang pagbabago ng timpla sa akin noon nagngangalang Faith. Purket siya ang top model rito, feeling niya mas mataas na siya sa lahat when in fact, I am more professional when it comes to photoshoots. Ang awkward noong mga facial expression niya. In my own opinion, kaya ata ito umangat dahil isa pala sa investor iyong parents niya rito. Kaya siguro pinaboran at binigyan ng maraming projects.
Wearing a bathrobe, hinintay ko ang senyas para magsimula ang first photoshoot ko sa Sabadong iyon. Isang linggo na akong tinitrain at dahil may karanasan na nga ako, sinabak narin ako sa mga photoshoots.
Ginala ko ang tingin at hindi mahanap ang presensya noong ex ko. Where’s that bastard?
Binalingan ko iyong isang modelong nagpopose sa camera. She has this soft feature na medyo kumuha ng aking atensyon. Compared to me, I am always the rebel and fierce look. Kahit pa light make-up lamang ang ilagay sa akin, ang aking misteryoso at malalalim na mga mata ang magpapaiba ng aking ekspresyon. Palagi noong hinahighlight ang malamig kong tingin at matatalim kong mga mata.
“Baka hindi ka sanay sa mga mature shots ha… Just tell me at ipapasuyo kita kay Toshi na h’wag nalang.” Ngumiti ng matamis sa akin si Faith nang puntahan niya ako kung saan ako nakaupo.
Ang yabang naman ng gagang ito. Kung makaasta at makapagsalita, pinapamukha sa akin na close sila noong ex ko.
“I can even dare naked shots,” sagot ko sa baritono kong boses.
Umawang ang kanyang labi, may gustong sabihin pero mas pumaibabaw iyong boses noong photographer.
“Next, Irah,” sinenyasan niya akong lumapit roon.
Tumayo ako, walang pag-aalangang hinubad ang aking bathrobe at isinabit pa iyon sa kanyang balikat.
“Pakihawak,” sabi ko, hindi na hinintay ang sagot niya at mas nangingibabaw ang pagkagulat saka ako nagtungo roon.
Isang puting A-line dress ang aking suot. Ang buhok ko ay perpektong nakaayos at nasa gitna pa ang hati noon. Sa bawat gilid ay may nipis na mga hairpin sanhi para mas maging aliwalas ang aking mukha.
May lalake namang pumunta rin sa aking dako. He smirked at me. Hindi ako ngumiti pabalik at pumwesto lamang.
“Now, make an eye contact,” utos noong photographer sa aming dalawa.
Sinunod ko iyon. Ang lalake naman ay mas lumaki lang ang ngisi.
“First time?”
Umiling ako.
“Put your hand on her back, Lloyd. Irah, hold his nape and lean closer,” sunod na utos noong photographer.
Awtomatiko namang gumapang ang kamay noong lalake sa aking likuran at nasa itaas na ng aking pwetan. Ang kaliwang kamay ko ang inihawak ko sa kanyang batok para hindi matakpan ang anggulo naming dalawa sa camera. I lean closer, almost kissing him.
“Nice!” Sunod sunod ang shot noong camera. Sa gilid naman ng aking mga mata, may kakadating lamang. Ang aking ginawa, iginapang ko ang aking kamay sa buhok nito at sinuklay iyon ng marahan, mas hinila ito papalapit sa akin hanggang dumikit ang aking dibdib sa didib nito. I parted my lips a bit and eyed him seductively.
He whistled and smirked even more.
“Nice Irah!” anang photographer, nasisiyahan sa aking ginagawa.
Nakita ko na ang imahe ni Toshi sa gilid noong photographer, nakahalukipkip at may kung anong binubulong bulong.
Tumango naman ito sa kanya. Binalingan ko si Toshi na seryosong seryoso na ang mukha at iritang irita ang mga mata sa nakikita niya.
“Distance yourself a bit, Lloyd,” utos noong photographer.
Sinunod naman agad iyon ng lalake pero nasa akin parin ang tingin, malalim iyon at nang-aakit.
Sa gilid ng aking mga mata ay may kung ano na namang sinabi si Toshi na ikinatango ulit noong photographer.
“Step backward, Lloyd.”
Nagkasalubong ng aking kilay. Medyo malayo na ito sa akin.
Kahit iyong lalakeng nagngangalang Lloyd ay gumuhit na ang pagtataka sa mukha pero sinunod parin iyon.
“Masyado na siyang malayo sa akin,” reklamo ko at umabante para mapalapit ulit rito.
“Move, Lloyd,” si Toshi.
Lloyd chuckled. “How far?” Umatras ito pero hindi gaanong malayo sa akin.
Umabante ulit ako, binalingan si Toshi na tumalim na ang tingin sa akin. Ilang sandali lamang, ang malalaki niyang hakbang ay tuluyang nakarating sa aming dako. He pushed his chest, almost losing his own balance.
“I said move,” malamig na sabi ni Toshi sa kanya saka ako muling binalingan, ang mga mata ngayon ay nag-aalab na naman sa galit.
Some of the staff were shocked. Iyong Lloyd aya mabilis ring naibalanse ang katawan at hindi natuloy ang pagkakatumba.
“Chill…” Lloyd raised his hand as he step backwards away from us.
“What’s wrong with you?” I hissed at him.
“You’re on my territory, Buenaventura. Ako ang masusunod,” mariin niyang pagkakasabi bago muling tumalikod at iniwan ako rito sa gitna.
I scoff in disbelief. Nagkamot naman ng batok iyong photographer, naguguluhan sa inaasta ng gagong si Toshi.
Sa nangyari, dumalo agad si Faith at nilapitan ito. I saw her touch his shoulder to calm him. Ang mga mata ay namumungay pa.
“Irah told me it’s okay if she’s paired with men, Toshi. She can even dare naked shots,” ang nagmamagaling na si Faith iyon.
“It’s not okay to me,” Toshi answered firmly, trying to control something.
“Huh? Dahil ba bago palang siya?”
May lumapit sa akin na mga stylist para ayusan ako bago ulit simulan ang shots. My eyes lingered on his back as he glanced at me in his blazing eyes.
“Dahil ayoko,” malamig at may diin niyang tugon sa babaeng nawalan na ng kulay ang mukha.
44th TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Alliana Marie Maranan. Happy birthday! Wishing you all the best in life and Iloveyouu!
Showing no mercy
I only got solo shots that day. Dahil sa ginawa ni Toshi, kami na ang pinagt-tsismisan. I even heard some of the gossips na iyong Faith pala ay may gusto kay Toshi. No wonder mainit na agad ang dugo sa akin.
I don’t want to stir some rumor with Toshi and me hooking up with each other. Kaya daw ako nakapasok dahil may affair daw kaming dalawa. Pwedeng sumuka? Hello? He’s already a Daddy! And hello, gago siya!
Kung pwede ko talagang sabihin sa lahat na sising sisi ako kung ba’t ko iyan pinatulan ay gagawa talaga ako ng karatula at irarally ko iyon sa buong kompanya. They already know I’m his frigging ex at di pa daw ako nakakamove-on kaya inaakit ko daw ulit. Storymaker at its finest!
Imbes mainis sa kumakalat na mga balita, nag-go with the flow nalang ako. Why not enjoy it?
“Gosh, ikaw na naman ang topic ng lahat. Ex kana daw…” Natatawang bungad ng plastik na si Faith sa akin.
Kumpara kay Elle na isa ring magaling mamplastik, ang isang ito, kahit hindi pa nasusunog nangangamoy na agad.
Nasa isang function hall kaming lahat na mga modelo. Tinitingnan namin iyong mga nakahelerang damit na irarampa namin sa susunod na dalawang linggo.
Ang kakarating na si Faith, tumatawa at sa akin agad dumeritso suot ang isang backless na dress at ang pangit niyang mukha. Mambubwesit na naman ang babaeng ito.
She keeps on annoying me these past few days. Unlike Zera’s annoyance, siya itong boses palang mabubwesit na ako. She wears offensive clothes too just like mine. Kung mahilig akong magpakita ng pusod, siya naman ay ipinapanlaban narin ang malulusog niyang dibdib at nakikipagsabayan sa akin.
She treats me as her rival but for me, she’s just a trying hard who wants to be like me.
“Narinig mo ba? They said boring ka daw kaya ka nahiwalayan,” at humalakhak ulit ng pabiro, ayaw na naman akong tantanan.
Natigil ako sa kakahawak noong tela ng dress saka ito binalingan. I thinks she wants to get burn.
“I broke up with him,” I said flatly.
“Oh…” medyo bumakas ang pagkagulat sa makapal niyang mukha pero kalaunan ay nawala rin at pinalitan ng pagmamalaki.
“Kaya nandito ka dahil nagsisisi kana? Gusto mong makipagbalikan ’no? But Toshi doesn’t seem interested anymore…” Hinawi niya ang side bangs at binalingan ang damit na nasa kanyang harapan. Hinawakan niya ang tela noon.
“If I were you, just move-on. Di na iyon magpapalandi sa’yo,” pahabol niya pa.
I don’t really get her point. Si Toshi ang lumalapit sa akin pero kung palabasin niya, ako itong lintang dumidikit. Oh well, what do you expect Irah? Inggit iyan dahil may nakaraan kayo ni Toshi at hindi siya gaanong pinagtutuunan ng pansin.
Ibinalik ko rin ang tingin sa damit saka hinawakan ang tela noon. Total nakakarami na siya, ako naman.
“At least natikman namin ang isa’t isa. Hindi katulad sa iba diyan na kapit pantasya…” Tiningnan ko siya. “Alam ko ang mga tipo noong ex ko. Magsarili ka nalang. Di mo iyon matitikman.”
Tumawa siya pero bakas sa mukha ang pagkainsulto.
“Baka kasi malandi ka kaya pinatulan ka.”
“Parang ganoon na nga. Pero mas nakakahiya ata iyong landi ng landi sa kanya pero hindi naman pinapatulan.”
Unti-unting nawala ang ngising iyon. Nanigas pa ito sa kinatatayuan niya at nakikita ko na sa mga mata ang panggigigil sa akin.
“Oh, did I hurt your ego?” I asked her with apologetic and sarcasm tone. “Pasensya na ha, pinatulan ako kasi mas masarap ako. Naging kami dahil tipo ako.”
“Nagmamalaki ka eh ex kana,” matabang niyang sagot, iyon nalang ang nakayanang sabihin.
“At least I have a value in his life. I’m his ex. How about you? What’s your value? Malandi lang ang papel mo, ganoon?”
She step towards me. Ang mga kamay ay nakakuyom na at gusto na ata akong saktan. Pero dahil nasa guidelines nila na bawal makipag-away sa kapwa modelo, hindi niya agad iyon naituloy.
“You’re going to pay big,” galit niyang sabi sa mahinang boses.
I chuckled. “Name your prize. I can pay double.” Sinuklay ko ang aking buhok paatras at nginisihan siya ng nakakaloko.
In her raging anger, she just walked out, saving her dignity. Tsss. H’wag kasing magtaray sa may ugaling demonyo.
Mailap ang ilang mga modelo saakin. Minsan naggu-grupo sila kasama si Faith at ako ang pinagti-tsismisan. Pag nakikita ako, titingnan agad ako ng may pandidiri. Ang aarte, eh mas nakakadiri pa ang pagmumukha nila.
They’re making me feel that I am not allowed to socialize with them. Pinaparamdam nila sa akin na dapat sa akin ay maging loner. Akala siguro nila ay malulungkot ako. Akala siguro nila ay maaoutcast ako, but they got it all wrong! Kung ako rin naman ang masusunod, I’ll distance myself away from them. Mas mabuting sila ang umiwas dahil kung palalapitin nila ako sa kanila, mas maiinggit lamang sila dahil matatapakan ko talaga sila. Mga recyclable pa naman…
Our heated conversation spread like a fire inside the company. Pinalabas ng Faith na iyon na ako itong nauna at kailangang mapatalsik dahil nagsisimula ako ng away. I hurt her ego. Di niya nalang tanggapin na nanalo ako kaya dinadaan sa ibang bagay.
“You shouldn’t start a fight, Irah. Bawal iyon…” pangaral ni Ate Missy sa akin nang mamataan ako.
Wearing a fit croptop, revealing my navel and a fit black jeans, I stroke my hair backwards as my nose wrinkled.
“That girl started a conversation with me. We’re not even close…”
“May attitude talaga iyong Faith dahil spoiled iyan kaya sana, ikaw nalang ang umiwas.”
Ako ang umiwas? Wala ata iyan sa bukabularyo ko. Kung hindi niya naman pala kayang tapusin, pwes h’wag siyang magsimula ng away sa akin. Nagmamagaling!
“At may gusto rin iyon kay Toshi kaya siguro pinagseselosan ka…” pabulong niyang sabi sa akin.
Selos selos pa akala mo naman type rin siya.
Katulad ng nadadatnan ko sa sarili kong locker, may paperbag na may lamang lunch iyon. At katulad ng nangyayari sa nagdaang araw, tinatapon ko lamang iyon at bumababa sa cafeteria nila para kumain.
Alam kong kay Toshi iyon galing. If he thinks he can bribe me with those things then he’s wrong.
Di kami gaanong nagkikita roon at mukhang busy siya sa kanyang opisina. Minsan ay lumalabas lamang tuwing may photoshoot ako at ginugulo lamang ang shots ko.
Paglabas ko ng kompanya, namataan ko agad si Bryce na nakasandal roon sa kotse, hinihintay ako.
Sa gilid ng aking mga mata, nakita ko rin ang paglabas ni Toshi at napunta sa akin ang tingin kaya tumakbo agad ako papunta kay Bryce. Noong makita ako ay tumuwid rin ng tayo saka napakurap sa aking pagmamadali.
“Hey…” Bryce chuckled. Kulang nalang ay tumalon ako para lang yakapin ang kanyang leeg. My boobs got squeezed on his chest as he hold my small waist.
Kunot-noo ito pero natutuwa sa aking inaasta. I planted a kiss on his lips and smirked.
“Sorry, ang tagal ko…” I said softly.
Naguguluhan ang kanyang mga mata pero ngumisi rin naman kalaunan.
“Anong nakain?”
Umiling ako, mas iniyapos ang aking mga kamay sa kanyang leeg hanggang makayuko na ito. Ang aming mga ilong ay nagbabanggaan na.
“I’m just tired and I missed you…” mas klaro at malakas kong pagkakasabi para umabot sa kung sino.
Bryce chuckled while my hand was stroking the hair above his nape.
“Tara. Uwi na tayo…” anyaya ko.
“Sige…”
Kumalas ako sa kanya at pasimpleng nilingon ang lalakeng madilim ang ekspresyon sa di kalayuan. I smiled naughtily and waved my hand on him. I even mouthed the word, “bye” before I turned my back. His blazing stares makes me happy. Gawain niya rin naman ito noon ah? Iyong kanya nga lang patago habang ang akin ay bulgar.
Walang kamalay malay si Bryce dahil mukhang nalulunod na sa saya. Sa gitna ng byahe, tumatawa ito at pinapakwento ako sa naging araw ko.
“Lahat sila doon, may galit sa akin,” kibit-balikat ko, hindi masyadong binibigdeal.
“Lahat naman ata ng makakasalamuha mong babae ay maiinggit sa’yo.”
“Ganoon talaga pag pinanganak kang perpekto na,” I uttered cockily that made him laugh.
What I did to him awhile ago is our first kiss. It doesn’t mean anything to me. Gusto ko lang talagang ipamukha sa gagong iyon na sobrang saya ko na. Ba’t pa ba bumalik? Tss.
When I was a child, sabi ni Mommy sa akin, h’wag na h’wag kong paglalaruan ang feelings ng isang tao. Dahil lahat ng ibibigay mo, babalik sa’yo. Mom played with love that’s why she got played by fate. Doon siya binigyan ng leksyon kaya natuto siya sa kanyang pagkakamali.
Ayokong gamitin si Bryce. Pero ang tuso kong pagkatao ay sinusulsulan ako na landiin ito pabalik sa harapan ng lalakeng nanakit sa akin noon. But I rather end up with Bryce than end up with that bastard. Ganoon na ako kalala na handa kong isakripisyo ang sarili kong kaligayahan makaganti lamang.
Kinabukasan, pagkapasok ko, ang sobrang lamig na pakikitungo ni Toshi sa akin ang sumalubong sa akin. Nilagpasan nga lang ako noong makasalubong ko siya sa lobby na kahit ang aking suot ay hindi man lang sinipat. Triggered na naman eh.
“Irah, wala ka bang ginagawa?” tanong sa akin ni Ate Missy nang mamataan ako sa conference room, nakaupo lamang at busy sa aking cellphone.
“Wala. Mamaya pa ata ako e,” paliwanag ko na ikinaliwanag ng kanyang mukha.
“Good! Pasuyo ako, Irah…” Naglakad siya patungo saakin, may dalang mga folder.
“Pakihatid naman ito sa opisina ni Toshi. May gagawin pa kasi ako rito…”
Tumango ako at tumayo na, tinanggap iyong mga ibinigay niya.
Kahit labag sa aking loob na makita ito, inisip ko narin na may panibago na naman akong rason para masilayan ang galit sa kanyang mga matang hindi humuhupa.
Pumasok ako sa elevator at inayos ang aking buhok nang makita ko ang aking sarili sa salamin roon. I smiled cockily. Iyong ex mo Irah, stress ata sa’yo…
Pagdating ko sa palapag kung nasaan ang kanyang opisina ay malalaki agad ang aking hakbang para makarating roon. I knocked three times bago pinihit ang pinto.
Pumasok ako sa loob. Naroon siya sa swivel chair, nakaupo at may pinagkakaabalahan pero hindi iyon ang kumuha ng aking atensyon kundi ang babaeng nakaupo sa mesa niya at nasa kanyang gilid. Faith glanced at me. Ang mga mata ay tumalim agad at naiinis na kahit wala pa akong ginagawa. My presence irritates her. Edi bawat sigundo ko talagang ipapakita sa kanya ang sarili mamatay lang agad ito.
I started to walk towards his table. Seryoso lamang si Toshi at di man lang nagawang mag-angat ng tingin sa akin, nasa mga nirereview na papeles ang tingin.
Inilapag ko sa kanyang harapan ang folder.
“You can leave now,” he said coldly.
Umangat agad ang aking kilay. Oh ’di ba, Irah? May babae kasi siya rito kaya di ka niya kailangan…
“Oh narinig mo?” sawsaw naman agad ni sawsawan na may pangalang Faith.
Nagkasalubong sandali ang kilay ni Toshi at mukhang may naamoy. Nag-angat siya ng tingin sa akin, ang seryosong mukha ay dahan dahang kumalma nang makita ako.
“Inutusan ako ni Ate Missy na dalhin ito.” matabang kong sabi.
“Edi umalis kana. Iyon lang naman ang utos. At sabi ni Toshi umalis kana-”
“Faith,” binalingan niya ang katabi para awatin sa pagsasalita. Faith even pouted. Mukhang aso ang gaga…
“Don’t worry, I am not planning to stay here. Nakadisturbo pa ako sa landian niyo.” Tumalikod ako at umalis rin doon, hindi na hinintay ang magiging sagot ng dalawa. .
Ang aking nasaksihan ay dumagdag lang sa galit na nararamdaman ko sa kanya. Di talaga mauubusan ng babae eh. How about Floren? Sideline niya iyang Faith habang naririto siya. Slow clap, Toshi… you deserve the standing ovation of my middle finger.
Si Ate Missy ang kumakausap sa akin lalo na pag wala si Toshi at may inaasikasong ibang bagay. Naroon lamang siya pero busy. The last time he went to checked me, nagdala pa ito ng meryenda kaya pinagpyestahan agad ako ng mga inggereta.
“What’s that?” tanong ko habang inaayusan ako noong stylist para sa panibagong photoshoot. Isusuot namin iyong mga damit na irarampa namin para ifeature iyon sa isang magazine.
Katulad lamang iyon ng mga paperbag na iniiwan niya sa aking locker.
“Your lunch.” Sumandal siya sa gilid ng salamin kung saan ako nakaharap. Nakita ko pa ang pagngiti noong stylist at mukhang kinikilig.
“I’ll eat outside.” Itinulak ko iyong paperbag palayo sa akin.
“H’wag kanang lumabas.” Itinulak niya ulit pabalik iyon sa akin.
Nagkasalubong na ang aking kilay.
“Pag di mo iyan kinuha, itatapon ko iyan mamaya katulad noong ginawa ko sa iba pa.” pagbabanta ko sa kanya.
He remained calm, wearing a usual white polo, he crossed his both arms, revealing its veins because of his movements.
“Oh gusto mong sa office ko kumain?” suhestyon nito sa banayad na boses.
His cleancut hair revealed his forehead. Ang makapal at maitim nitong kilay ay kalmado ngayong araw hindi katulad noong nakasanayan kong nagkakasalubong palagi. Ang basa nitong pulang labi ay medyo kumukuha ng aking pansin pero binabalik ko agad sa kanyang mga matang may kakaibang tingin.
“Naisa isa mo na ba lahat ng mga modelo rito kaya ako naman ang ginaganito mo dahil bago ako?”
He tilted his head at ipinatong ang isang hita sa isa pa.
“Boring ba si Faith at hindi ka napaligaya sa loob ng opisina mo?” pahabol ko pa.
“So you’re saying we did something?”
“Kahit di ko sabihin, ganoon naman talaga ang iyong mga gawain.”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi, kinagat ko rin ang akin, nakikipagpaligsahan sa kanyang mga galaw. He touched the tip of his ear and rub it for awhile.
“I am just asking you to eat inside my office. Thinking anything else?” he crossed his left arm again with the other.
My nose wrinkled. “Disgusting.”
His brow raised. “Takot ka bang kumain sa opisina ko, o takot kang baka ikaw ang kainin ko?”
My cheeks burned as I stared at him unbelievably. Anong pinagsasabi ng gagong ito?
“Akala mo ba papatulan kita? I have a boyfriend, Toshi. He can satisfy me.”
Mabilis na nagbago ang kanyang ekspresyon. Ayan na naman… triggered na naman…
“Oh? Loyal kana ngayon?” he said taunting, “’di ba hindi ka naman kontento sa isa?”
Kahit walang naiintindihan iyong stylist sa usapan naming dalawa, dahil siguro sa nararamdaman niyang tensyon ay nagpaalam nalang muna ito.
Sinuklay ko ang buhok at hinigitan ang apoy na nakikita ko sa kanyang mga mata.
“You told me years ago you don’t want a slut. Ano iyan? You’re willing to lower down your standard just to have me? Just to hook up with a slut like me?” Inangatan ko siya ng aking kilay.
Gumalaw ang kanyang adams apple at kumuyom ang mga kamay na nakatago sa bawat gilid dahil sa pagkalahalukipkip. He licked his lowerlip as his brow furrowed. Biglang hinila ng kanyang paa ang upuan kong may gulong saka niya inilapit papunta sa kanyang harapan. I swallowed when I realize we’re very close now.
Hindi pa ito nakontento sa ginawa at lumebel sa akin. He crouched a bit to level me as his both hands were on the side of the arm of the chair, holding it firmly.
“Listen, I said that because I was fucking mad at you, Irah. You cheated on me… Hindi lang isang lalake kundi hindi mabilang,” he growled like a mad lion using his low voice, almost a whisper.
I stared at him coldly. Imbes pantayan ang kanyang galit at itulak ito palayo, pinatili kong ganoon ang aming posisyon. I want him to show that he doesn’t affect me anymore. Na kung gaano na ako katigas hindi katulad noon na kayang kaya niyang kontrolin.
Suminghap siya at nailing nang makita ang mga mata kong ni kislap ay hindi mo na maaninag. Pinasadahan niya ang gilid ng kanyang buhok pero ibinalik rin naman agad ang kamay sa gilid saka humawak doon para maipirmi ako at hindi makatakas.
“Fuck it…” he whispered out of frustration. Yumuko ito, ang buhok ay nakalebel ko na. He smelled like mint with a mixture of his own sweat, just like his usual scent…
He breathe heavily as his shoulder loosened. Hindi nakikita ng iba ang kanyang posisyon dahil hinaharangan ko ang imahe nito.
Buong akala ko ay aalis na siya dahil sa kanyang paggalaw pero nagulat nalang ako nang iniluhod niya ang isa niyang tuhod at iniub-ob ang mukha sa aking magkadikit na hita.
I got shocked that it made me stiffen for awhile. I can feel his bare face on my legs… his breath on my skin…
“Get off, Toshi,” malamig kong sabi, hindi dahil nandidiri ako kundi dahil ayokong malusaw niya ang yelong binalot ang buo kong pagkatao.
He was like this to me when he can’t tame me. Ganito siya noon kung hindi niya ako mapakalma sa galit ko. At katulad noon, nalulusaw agad ako.
Imbes pakinggan ako, bumitaw ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ng upuan at yumapos narin sa aking hita. I swallowed as I tried to control myself.
“I said get off!” mahina ngunit may diin kong sabi at itinulak ang kanyang balikat paalis sa aking harapan.
He remained silent but I can still feel his hot breath on the skin of my legs. Naninindig na ang balahibo sa aking batok dahil sa epekto noon sa akin.
“Di mo na maibabalik ang dati, Toshi. I already moved on.” Itinulak ko ulit ang kanyang balikat para sana matinag ito at mapaalis sa aking harapan but I can’t even move him a bit.
“Toshi!” galit ko ng tawag sa kanya at kulang nalang ay hilain ang tela noong damit sa balikat niya.
“Fuck… I missed you…” he squeezed my legs harder and buried his face deeper.
My hands clutched the both side of the shoulder of his polo. Halo halo ang emosyong tumatakbo sa aking loob. Parang isang demonyo at mga anghel na nagdedebatehan, ang liwanag na nilalabanan ng kadiliman, nahahati ako sa gitna at hindi na alam kung alin ang susundin.
I told you Toshi, pag ako ang nakatakbo, kahit anong habol mo, kahit gaano ka kabilis, hinding hindi mo na ako maaabutan. Pag ako ang nakawala, hinding hindi mo na ako mahahawakan.
“Anong namiss mo saakin? Ang paasahin ako?” I chuckled coldly.
Hindi ito sumagot.
“Bata pa ako noon. I got carried away with my feelings for you. I got drowned… Pero nakaahon na ako, Toshi. Sinong tanga ang magpapalunod ulit?” matabang kong sabi na ikinahinga niya ng malalim.
“Then lets start over-”
“Oh shut up.” Mas natawa ako ng malademonyo. “Kung noon, gagana iyan sa akin… ngayon… hindi na.”
Natahimik siya muli, walang balak tumayo at gusto atang ganoon nalang siya habang buhay.
“Kung gusto mo akong paluhurin sa’yo, luluhod ako. Kung gusto mong maghabol ako, maghahabol ako,” bulong niya roon, sigurado at walang paligoy ligoy.
Nasuklay ko ang aking buhok at napaiwas ng tingin sa buhok niya. Napansin ko ang iilang mga staff at mga modelong nasa amin na ang tingin. They’re all shocked. Ang tinitingala nilang lalake, ang isa sa may pinakamataas na posisyon, nasa aking harapan, nagmumukhang mahina.
This man like a hard steel… acting like a soft marshmallow begging for something I can’t give…
Kahit si Faith ay matalim narin ang mga mata rito. She can’t believe she’s seeing the man she likes hugging my legs like I’m the most precious thing in the world. Na ako lamang ang babaeng gaganituhin niya rito, sasambahin.
“Kahit nga magpakamatay ka sa akin, baka iyong pagluluksa ko ay mauwi lamang sa pagdiriwang dahil sa pagkawala mo.” I muttered, showing no mercy.
45th TRICKED
T R I C K E D
Pataasan
I don’t know if he heard that o narinig niya pero nagpanggap nalang siyang walang narinig but his hand loosened to me. Iyon ang dahilan kung ba’t ako nakawala at umalis. I want to laugh like a crazy woman. Gusto kong tawanan ang lalakeng nagmamakaawa na sa akin ngayon but I can’t even force myself to smile. Hayaan mo iyon, Irah. He started this war. Magkakaganito ka ba kung hindi dahil sa kagaguhan niya?
“Irah naman…”
Namungay ang mga mata ni Mommy sa akin sa camera. Using a laptop, I lean on the headboard of my bed and crosaed my both arms, facing the whole camera.
I told her Toshi is here and she asked me kung ano raw ang nangyari sa pagkikita namin. Nagkibit ako ng balikat at ngumisi lang ng tipid na ikinabahala niya na.
She was on the kitchen cooking some breakfast for Daddy. Dapat tulog ako ngayon pero di ko rin magawa dahil sa nangyari. May parte sa akin na pinapakonsensya ako at sinusulsulan na naman ako ng mga anghel roon na h’wag akong magpadala sa kademonyohan ko. But the demons inside me are too strong! Ayaw rin patalo sa panunulsol sa akin.
Sinuklay ko ang buhok at kinagat kagat ang pang-ibabang labi. Pabalik balik ang tingin ni Mommy sa akin at sa niluluto niya. She’s wearing a red apron while her hair was on high ponytail at may kakaonting nalalaglag na strands.
“Walang mabuting maidudulot ang pagganti, Irah… Ipapamukha mo lang sa kanya na hindi ka pa nakamove-on at nakakulong parin sa nakaraan,” malungkot niyang sabi.
“Bahala siya kung anong iisipan niya. Ulo niya naman ang sasakit, hindi akin.”
Her eyes shrinked at me. “Irah!”
“Bumalik siya eh. Pwede namang pabayaan nalang ako. Bahala siya.”
“But honey, maybe he truly loves you-”
“Oh please…” Natawa ako ng mapakla. “He’s just planning to trick me again, Mom. Kabisado ko ang gago na iyon.”
Nanlumo si Mommy. Tiningnan niya ang niluluto niya at pinindot ang electric stove para patayin ang init noon sa muling ibinalik sa akin.
“Irah… Alam mong lahat ng gagawin mo ay ibabalik sayo ng doble pa. So please, honey, patawarin mo nalang iyong tao. Alisin mo sa sistema mo iyang dugo ng angkan ng Daddy mo na mahilig gumanti. Please…” she pleaded.
Sa sobrang bato ng aking puso, kahit ang aking tenga ay sarado sa sasabihin ng ibang tao. I have my own rules at iyon ang dapat kong sundin. Kung makakarma man, tatanggapin ko. Pero hindi rin ba naisip ni Mommy na baka ako ang karma ng lalakeng iyon? Hindi sapat iyong pagluhod niya. I want him to beg like crazy, like his begging for his life. Gustong gusto kong umiyak siya ng dugo sa aking harapan at magmakaawa pa.
Lalake siya at tingnan natin kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para sa akin.
Napabuntong ng hininga si Mommy nang hindi ako sumagot at mas dumilim lamang ang aking ekspresyon. Nalipat ang kanyang tingin sa gilid at napangiti ng tipid doon. Kalaunan, nakita ko na ang imahe ni Daddy, walang saplot sa pang-itaas, buhaghag ang buhok at niyakap si Mommy sa likuran. I stared on the veins on his arms for awhile saka rin inilipat sa mukha nilang dalawa nang may binulong siya at hinalikan ang pisngi nito. Mom chuckled.
“Morning, Dad,” bati ko na ikinalipat ng tingin niya sa akin. Hindi pa umaga rito…
“Morning,” he murmured lazily in a hoarse voice.
“Anong topic niyo?” tanong niya, ang boses ay malalim.
“Wala! Girls topic! Tsismoso!” Nginusuan niya si Daddy.
Dad just raised his brow pero wala ng balak magtanong pa.
Tiningnan ko lang ang parents ko sa kusina na naghaharutan. Dad is helping my Mom prepare the table. Seryosong seryoso ang mukha ni Daddy sa umaga habang si Mommy ay panay tawa na. Baka kung nariyan rin ako, nasa upuan lang, nakahalukipkip.
May mga katulong naman pero iyon talaga ang bond nila tuwing umaga. Si Mommy ang tagaluto ng breakfast ni Dad at kung tatanghaliin sa paggising si Mommy, si Daddy rin ang nagluluto at ihahatid nalang sa kwarto nito.
“What time is it? Di ka pa tulog,” tanong ni Daddy nang sipatin ako ng tingin. Ang cellphone ay nalipat na sa mesa at pinapanood ko nang kumakain ang dalawa.
Naging mabagal ang pagsubo ni Mommy, may ediya pero gustong marinig ang aking alibi.
“Di ako dinadalaw ng antok,” simple kong sagot.
“Di dinadalaw, o may ibang dumadalaw?” he asked nonchalantly while his eyes were fix on the food.
Ayan na naman…
“Ganyan rin kaya ako tuwing gabi. Di ako makatulog. Insomia tawag sa ganoon, Tres,” si Mommy.
“It has most common causes that’s why you can’t sleep. Hindi mo naisip na purket di ka lang makatulog sa gabi ay may insomia kana? Anong rason kung ganoon?”
Natanga si Mommy. Ang pagsubo ay naantala at tila nag-isip isip na.
“Uhm… Kasi yung brain ko… nagsesend ng signal sa mata ko na h’wag akong matulog…” she answered cutely.
I wanted to laugh but I just keep it. Palagi silang nagdedebatihan eh. Kaya rin talaga nabubuko ako ni Dad dahil sa mga rason ni Mommy.
“The cause, Christienne…” si Daddy, nakaangat na ang kilay sa aking ina.
“Iyon na nga! Yun na ’yon!” Ngumuso pa ito at umirap. “Di kami always close ng utak ko kaya minsan, wala akong naiisip na matino!”
“Minsan lang?”
Bumusangot si Mommy. “Magpafile na talaga ako ng divorce!” Pagbibiro niya.
“Sige magfile ka, sasampahan kita ng kaso.”
“Ang tuso mo ha! Sariling asawa ikukulong!”
Laglag panga na si Mommy na ikinangisi lang ni Dad at lumapit sa kanya, pinatakan ng halik ang labi. May binulong siya sandali sa aking ina na namula agad ang pisngi.
Nalasahan ko na naman ang tabang sa loob ng bibig. Di ako bitter sa relasyon na meron sila pero nabibitter ako sa pumapasok sa utak ko na hindi lahat ng babae, may mahahanap na ganyang lalake.
May mga pag-ibig rin kayang itinadhana pero hindi pinagtagpo? Uso iyong pinagtagpo pero di itinadhana. May tsansa bang may hindi ipinagtagpo pero nakatadhana sana sa isa’t isa? I can’t help but think of it.
“Either you’re depress, anxious, or stress. Iyon ang magtitrigger para hindi ka makatulog at magkaroon ka ng insomia sa gabi,” simpleng paliwanag ni Dad na ikinakurap kurap naman ni Mommy at ikinabalik ko sa reyalidad.
“Ah… Kaya pala si Irah…” Tumango tango pa siya, nakakalimutang dapat isarili lang iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata at natakpan ang bibig nang mapagtanto ang nasabi.
I sighed. Oo na, may insomia ako. Alam ko naman iyon lalo na’t may sintomas na lumalala lamang iyon dahil sa aking emosyon. Para akong palaging galit sa mundo, galit sa isang bagay, galit sa lahat. Kahit nga ngayon, may ikinakagalit ako. Galit na nakatanim sa aking loob at lumalaki lamang araw araw.
Dad eyed me. Naninimbang na naman iyon kahit walang sabihin pero bakas sa misteryosong mga mata na may alam ito kahit wala akong sabihin.
“Do what you want but make sure you’re on your limit.”
Iyon ang huling sinabi sa akin ni Dad bago ako magdesisyong matulog na. May ininom nalang akong pills katulad ng nakagawian ko pag hindi talaga ako nakakatulog. That past caused me nothing but agony. Ramdam ko parin ang epekto noon sa akin kaya hindi ko rin magawang magpatawad agad dahil kahit ang aking sarili, hindi ko magawang patawarin sa kagagahang ginawa ko noon.
I got late, again… Iyon palagi ang rason kung ba’t di ako on time dahil sa pills kong hirap akong gisingin tuwing umaga. Binabawi ko palagi ang tulog na inagaw sa akin sa pamamagitan ng mga tabletas na iyon.
Nasa may parking lot palang ako nang mamataan ko ang isang pamilyar na imahe roon, nakasandal sa likod ng isang magarang kotse.
Inayos ko muna ang itim na sunglasses saka ako lumabas, suot ang nipis na tela ng isang seethrough dress, umapak ang 3inches kong heel sa sahig hanggang tuluyan akong makalabas.
Inilipat ko ang pagkakaayos ng aking buhok sa kabila na sumabog rin naman. Toshi glanced at me. Malalim ang mga mata at tila pagod ang mukha. Tiningnan ko siya ng malamig saka ako nagsimulang maglakad paalis, hindi na ito kayang pansinin.
Noong naging kami, doon lang siya tumigil sa paninigarilyo. Seems like he’s stress huh? That’s his own way to calm hisself. You’re doing great, Irah. Bigyan mo pa ng sakit sa ulo para iyong sigarilyo mismo ang pumatay sa kanya.
“Late,” he said coldly that made me stop from walking midway.
Nilingon ko siya, hindi inaalis ang suot kong itim na sunglasses.
“Blame my boyfriend. Inuumaga kasi kami. Pinapagod ako.”
His face darkened as his strong jaw tightened. Umangat ang kanyang kamay para manigarilyo ulit saka niya ibinuga ang usok ng matagal, nakapameywang na at nasa itaas ang tingin.
“You’re purposely doing this to get on me, is that it, Irah?”
Umarko agad ang isa kong kilay. Oo ginagawa ko ito para saktan siya pero iyong ipaalam iyon sa kanya ay hindi ko pahihintulutan.
“Excuse me? Ganoon ba ako kabaliw sa’yo para pagselosin ka?” I laughed bitterly.
“Dahil nabuntis ko si Floren? Imbes na sabihin saakin iyon at hayaan akong magpaliwanag, gumawa ka ng sarili mong hakbang. Gumanti ka agad. At ngayon, hindi parin tapos, ’di ba?” he said coldly.
Ang aking galit ay agarang umakyat sa tuktok ng aking ulo. I clutched my fist as I throw him a dagger look. Kahit hindi niya iyon makikita, gusto ko parin siyang tingnan ng ganoon.
Imbes sumiklab, pinakalma ko ng ilang sigundo ang aking sarili. I don’t want him to see that it scarce me. I want him to show that I don’t really care at all.
“Alam ko rin namang gago ka kaya di na ako magtataka kung nabuntis mo nga-”
“But I am not the father, damn it, Irah!” he growled angrily. Ang mga balikat ay tumataas baba na.
Naiwang nakaawang ang aking mga labi dahil sa pagkakaputol ng aking mga salita. May parte sa akin ang nagulat pero may parte rin sa akin ang nagsusulsol na nagsisinungaling lamang siya.
Itinikom ko iyon at sinuklay paatras ang aking buhok. There… he already spit the truth…
“Pinaniwalaan mo agad at hindi mo lang ako tinanong!” Sinipa niya ang gulong ng kanyang sariling kotse na ikinaalarma ng aking mga bodyguard at lumabas na ng kotse. Ang dalawang brusko ay naroon na, nakahalukipkip at naghihintay lamang sa aking hudyat.
“I don’t want an explaination, Toshi. I want an ending. Ayokong ayusin mo ako dahil maayos na ako. Kung bumalik ka para linawin lamang ang lahat then go. I already heard your explaination. But you see, it wont change the fact that we’re already done. You have no room in my life anymore. Kahit buksan mo, kahit sirain mo, kahit magmakaawa ka, hinding hindi kana makakapasok ulit sa buhay ko.”
Binasa niya ang pang-ibabang labi at tumingala ulit. I saw how his adam apple moved as he swallowed roughly. He sighed heavily as his shoulder loosened.
Itinapon niya ang sigarilyong naubos niya na saka iyon inapakan at naglabas ng panibago. Sinindihan niya ito saka muling bumuga ng maraming usok roon.
The man I fell inlove years ago changed alot. Makikita mo sa kanyang mukha ang naghahalong stress at pagod. His eyes were the evidence that he’s lack of sleep. Pero kahit ganoon, ang kagwapuhan ay naroon parin. Na kahit siguro lunurin siya ng problema ay mananatili ang ganoong hitsura.
“Either you give up, or you get killed from fighting for something you’ll never have.” I said coldly and turn my back on him.
“Then I’ll die fighting,” he answered with finalty.
Natigil ako sandali sa paghakbang pero noong makabawi ay nagpatuloy rin. Hindi na ako lumingon pa at desididong talikuran ito. Ngayon, siya naman ang sumasabog, at ako, walang pakialam, kalmado lamang. Seems like I turned the table.
Ang nalaman ko ay hindi sapat na rason para malusaw ako ng husto. So what if he’s not the father? Nasaktan na ako. I heard it from his cousin. Minsan, hindi lahat ng naiwang mga katanungan ay kailangan ng sagot. At hindi lahat ng sagot ay maaayos ang isang bagay na nagpalito sa’yo. Kung hindi mo na mahal ang isang tao, kahit pa siguro malaman mo lahat lahat, wala na iyong epekto sa’yo.
Iyon na ang huli naming mainit na debatehan. Nagkikita parin naman kami sa loob ng kompanya pero hindi na siya masyadong nagsasalita. He got cold too. Pero minsan, nag-iiwan parin ng ebidensya na may pakialam parin talaga.
“Pinapabigay ni Toshi.” Inilapag ni Ate Missy ang isang paperbag na may laman na namang lunch.
“Maitatapon ko lang iyan.”
“Iyon rin ang sabi niya pero ibigay ko parin daw sa’yo.” Wala sa sarili niyang sabi habang nililigpit ang mga make-up sa harapan.
I stared on it for awhile. Tumayo at kinuha iyon. Natangay ko agad ang mga mata ni Ate Missy.
“Kung itatapon mo, akin nalang…”
“Ibabalik ko sa kanya.”
Natigil siya roon pero tumango rin kalaunan. Nagtungo rin agad ako sa kanyang office. Pero nasa pasilyo palang ako, nakita ko na itong lumabas sa kanyang opisina kasama ang babaeng may matamis na ngiti. Bumagal ang aking paglalakad pero desididong malapitan ito.
Tumigil siya noong makita ako. Ang mukha ay binabalot ng seryoso habang iyong kasama niya ay umangat agad ang kilay at pasimpleng hinawi ang buhok papuntang likuran para makita ko ang isang marka roon. She bitch has a hickey.
“Hi, Irah!” she smiled at me sweetly when I stop infront of them.
Hindi ko pinansin si malandi at inilahad ang paperbag kay Toshi.
“Stop giving me some garbage.”
Ibinulsa ni Toshi ang kanyang mga kamay at tumitig doon sa paperbag.
“If you don’t want it then just throw it,” he answered in his deep voice.
“Kapal rin talaga. Siya na nga ang binigyan…” Nag-ikot agad ito ng mga mata at humalukipkip pa.
Bumaba sandali ang tingin ko sa kanyang leeg na may marka saka muling ibinalik ang tingin kay Toshi na mukhang napansin ang galaw ng aking mga mata.
“Ba’t hindi iyang babae mo ang gastusan mo?”
Hindi siya sumagot, malalim lamang ang tingin sa akin.
“Akin na nga iyan!” Inagaw ng marahas ni Faith iyong paperbag sa akin. Ang desperada nga naman… Dapat pala bago ko ibinalik nilagyan ko muna ng lason.
Hindi na ako sumagot pa at tumalikod lang rin. Tingnan mo nga ang gagong iyon! May pabigay bigay saakin ng kung ano ano pero may nilalapa naman sa loob ng kanyang opisina!
Kinabukasan ay ganoon parin. Imbes si Ate Missy ang magbigay ng lunch, si Toshi na mismo. Kaya ang ginawa ko, kinuha ko iyon at deritsong inihulog sa basurahan na malapit lamang sa akin. Hindi siya nagulat at mukhang iniexpect talagang gagawin ko iyon.
“Tigilan mo na ako, Toshi. Pag ako napuno, sa’yo ko na talaga itatapon.” Pagbabanta ko sa kanya.
“Ikaw bahala.” Nagkibit pa ito ng balikat.
Lahat ng mga modelo rito ay kami lang ang pinagt-tsismisan. Pati si Ate Missy ay nahihiwagaan na sa aming dalawa. Ano raw ang dahilan kung ba’t kami naghiwalay.
“I cheated,” sagot ko.
Her jaw dropped as her eyes widened in disbelief.
“Ikaw ang nagloko pero kung makahabol si Toshi parang siya itong may kasalanan at nanloko?! Haba ng buhok mo!”
I just shrugged. Wala akong panahon para ipagtanggol ang aking sarili sa lahat ng nandito at ipamukha sa kanila na ako ang naaapi. I don’t care if they’re going to judge me. Nasa kanila na iyon kung gusto nilang magsayang ng oras para sa akin.
Sumapit rin naman iyong fashionshow. Aligaga ang mga models sa back stage. Kasama naming rarampa ang mga lalake pero mauuna kaming mga babae. Alternate iyon.
“Break a leg, okay?” sabi noong staff sa bawat isa.
Si Ate Missy ang kasama namin sa backstage, mga stylist at ibang staff na tumutulong rin sa pag-aayos.
“Get ready now!” hiyaw ni Ate Missy kaya isa isa rin kaming nagtungo sa harap ng magiging entrance namin.
Naunang pumunta si Faith roon at sa pinakaharap pumwesto. She even smirked at me pero ang ngisi ay mabilis na naglaho nang nagsalita si Ate Missy.
“Faith, sa likod ka ni Irah. Si Irah sa harap.”
“What?” Gulat niyang tanong at bakas sa mukha ang pagtutol.
Pumwesto ako sa kanyang harapan at pasimple itong binangga paalis roon. Kamuntik na itong mawalan ng balanse pero agaran rin namang napigilan ang sarili sa pagkakatumba.
“Move.” Tinaasan ko siya ng kilay at hinawi ang aking buhok paatras.
“Pero Ate Missy? Dapat ako ang sa harap! That’s my place!” Protesta ni gaga.
“Pero utos saakin na ilagay siya sa harap, Faith…”
Lumukot ng husto ang kanyang mukha. May sasabihin pa sana ito pero hindi niya na natuloy dahil sa pagbukas noong harap, hudyat na lalabas na kami. Awtomatiko siyang pumunta sa aking likod at umayos narin.
“Ladies and gentlemen, the models wearing the Criz’s clothing line!” anunsyo noong MC.
Kumalat ang usok, sumabog ang nakakaindak na tugtog saka ako nagsimulang maglakad. The audience clapped happily. Titig na titig ang lahat sa akin sa suot kong fit na dress at long sleeve. Balot na balot pero wala akong magagawa, iyon ang ipinasuot sa akin. My hair was in high ponytail, swaying everytime I step forward.
Sa harapan, nakita ko si Toshi roon, katabi iyong sinasabi niyang Lolo ni Cana na may katabing sopistikadong babae. Nakasuot ito ng puting polo seryosong seryoso ang mukha habang hindi inaalis ang mga mata sa akin.
Sa kanyang tingin, pakiramdam ko ay hinuhubaran niya na ako sa aking isipan. Siguro ay iniisip na iyang bagay. Maybe, sising sisi talaga siya dahil ang babaeng rumarampa ngayon ay hindi niya na pagmamamay-ari.
Isang simpleng ikot lamang ang aking ginawa pabalik sa backstage sa seryosong mukha. Sumalubong naman si Faith sa akin, seryoso rin ang ekspresyon at malinis ang pagkakalakad. Noong tuluyan kaming magkasalubong ay hindi ko inaasahan ang paa niyang pasimple niyang iniharang na nagpawala ng aking balanse.
May iba na medyo napatili habang nadapa ako. Ang bruhang iyon! Napakapapansin talaga! Imbes magdabog, tumayo ako, bumangon na parang walang nangyari saka muling naglakad. Nahimasmasan naman ang mga audience pero may iba rin talagang nakita kong tumawa.
Pagdating ko sa backstage ay binihisan agad ako pero may iilang modelong tumatawa rin.
“Itong si Faith talaga…” Nailing iling si Ate Missy nang tumulong rin sa pag-aayos sa akin. “Pero maganda ang pagkakabangon mo, Irah! Hayaan mo, pagsasabihan ko ang batang iyan mamaya…”
“Okay lang. Ibabalik ko rin iyon sa kanya,” sabi ko na nagpakunot ng kanyang noo.
Pagbalik nito sa backstage ay ngumiti pa ang gaga.
“Sorry… It was just an accident,” she smiled innocently at me.
Propesyunal ako pagdating sa pagmomodelo. But if you played dirty to me, then I’ll show you how dirty I can get.
Kaya noong rumampa akong muli, ang buhok kong nakalugay na ay sumabay sa pag-ikot ko, pabalik sa backstage. Namataan ko pa ang nagbabantang mga mata ni Toshi. May ediya ka ba na gaganti ako sa babaeng iyon?
Pumalakpak ang mga audience habang ang aking mga mata ay natuon sa makakasalubong kong demonyita. She smirked at me.
Noong matapat na ako sa kanya ay mabilis ko itong sinipa, sa sobrang lakas noon ay nahulog siya sa platform. Hindi lamang hiyawan ang nangyari kundi napatayo narin ang mga manonood pati ang tili ni Faith dahil sa pagkakasalampak ng tuluyan roon sa sahig. Nagpatuloy ako sa paglalakad at umaktong walang nangyari.
May mga bodyguard na lumapit sa kanya para tulungan ito sa pagtayo. Gulat ang mukha ng lahat. Kahit si Ate Missy ay hindi makapaniwala sa nasaksihan at mabilis ring dinaluhan si Faith roon. If this fight can fire me then I’m going to face the consequence.
H’wag ako, Faith. Baka kung pataasan lang ng sungay, manliliit iyang sa’yo sa sungay na meron ako.
46th TRICKED
T R I C K E D
Just give-up Toshi…
What I did is too much but when I saw her annoying face as she walks then I realized it wasn’t enough. Dapat pala mas nilakasan ko iyon tumilapon talaga siya at mapasok sa maliit niyang utak na hindi ako magpapaapi sa kanya.
“How dare you do that to me?!” Ang boses ni Faith ang pumaibabaw sa backstage nang makarating na siya roon habang inaalalayan siya noong isa sa mga rumisponde sa kanya kanina.
Tuloy parin ang pagrampa sa runway pero dahil sa gulo na ginawa naming dalawa, hindi na kami nasama pa sa sumunod na mga rampa.
“Ikaw ang nagsimula sa ating dalawa,” giit ko, sa aking gilid ay nakadalo narin ang iba pang stylist para awatin ako sa maaari ko ring gagawin.
Nagpumiglas siya at gustong sumugod pero inawat siya. She broke her ankle. Buti nga!
“Enough, Faith. Kailangan pa nating maagapan agad iyang paa mo.” nag-aalalang si Ate Missy sa kanya.
Inalalayan siya noong dalawang staff paupo para masuri at malagyan ng cast.
Ilang sandali lamang ay pumunta narin dito iyong lolo ni Nana kasama si Toshi. Sa mukha palang ng matanda, alam ko agad na dismayado ito sa nasaksihan kanina.
Dumeritso si Toshi sa dako noong hinihilot ang paa ni Faith saka sila nag-usap. Nag-ikot talaga ako ng mga mata. Pasalamat ang babaeng iyan at hindi lang iyong paa niya ang nabali. Kung ako ang masusunod, pati leeg niya ay babaliin ko talaga dahil sa kagagahan niya.
“Sinabi niyo sana sa aking dalawa na gusto niyong mag-away para pinagramble ko muna kayo sa backstage bago iyong show,” malaawtoridad nitong sabi na ikinayuko noong Faith.
Nag-iwas ako ng tingin at humalukipkip sa aking kinatatayuan. Kung hindi lang talaga masyadong inggetera ang babaeng iyan ay walang mangyayaring ganoon.
“You put the company’s name in shame. The runway is not a playground, youngladies… Immatures.” Nailing ito, ang kulubot sa noo ay nakikita na pero lumilitaw parin ang kakisigan sa suot na tuxedo.
“Pagsabihan mo iyang mga babae mo, Toshi.” Binalingan niya si Toshi na mukhang hindi nagustuhan iyong binibintang sa kanya.
Umismid ako. Mga babae… Isinama pa talaga ako eh iyang malanding Faith lang naman ang babae niya.
Sinipat ako ng tingin ni Toshi kaya mabilis akong umirap. Mukhang napunto niya ring ayaw ko siyang kausapin dahil mahuhulog lamang iyon sa bangayan. Asikasuhin mo nalang iyang babae mo total diyan ka naman magaling!
Banned muna kami sa mga rampa ni Faith. Iyon na ang first offense naming dalawa at hanggang photoshoots nalang kami. Our fashionshow got viral na iyon agad ang pinagpyestahan dahil sa nangyari sa runway. Nagbasa ako ng comments sa youtube at may iilan na nasiyahan sa aking ganti.
The girl wearing a black dress nailed it!
And thats the real comeback! She nailed it!
When you messed up with a wrong person. Savage!
How I wish the girl who started the fight got fired for ruining the fashionshow. Very unprofessional.
Her kick is too much that the girl fell! You messed with a wrong girl, bitch!
This fashionshow is very unique! How I wish I was there to laugh at the girl who fell on the platform! It’s her fault.
I like the girl with a resting bitch face! She nailed it especially her kick!
Wow! She stood up like “bitch please, I can do better.”
Naging viral agad iyon. Maraming namamangha sa akin pero may iba rin namang walang kinakampihan at masyado daw kaming immatures. Sinira raw namin ang reputasyon noong kompanya. Si Ate Missy na mismo ang humingi ng tawad roon sa fashion designer na hindi naman binigdeal ang nangyari.
Kahit na hindi naman ako ang nauna, lahat ng mga modelo ay kampi parin kay Faith at masasama ang tingin sa akin dahil sa ginawa ko. But they never say a word. Pinagt-tsismisan lamang ako pero pag napapansin nilang maari ko silang marinig ay pasimple agad silang tumatahimik.
Kinabukasan, napapansin kong lahat ng mga modelo ay may natatanggap na mga bulaklak at galing ata sa ibang mga audience na nagustuhan sila. Sinundan ko ng tingin si Ate Missy na may dala dalang bouquet at noong binasa ang card ay lumabas rin naman sa hall.
Noong mga fashion show ko, ako palagi ang nakakakuha ng maraming bulaklak pero nakakapagtaka na ni isa ay wala man lang nagbigay sa akin.
Noong mapansin ko ulit si Ate Missy na may dalang bulaklak ay tinawag ko na agad ito.
“Walang sa akin?” tanong ko na ikinaawang ng kanyang bibig pero hindi agad nakasagot.
“Ah… Wala eh…” Ang kanyang kamay na may hawak noong card ay pasimpleng kumuyom at itinago iyon sa likod.
“Kanino iyan?” Tiningnan ko ang panibagong bulaklak na hawak niya.
“K-Kay Faith ata ito…” sabi niya nang malaglag narin ang tingin roon pero hindi na makatingin ng deritso sa akin.
“Sige… Ibibigay ko lang,” sabi niya at umalis rin.
Bumalik ako sa aking upuan at tiningnan ang lahat na may mga hawak na bulaklak. May iba, nang makita ako na walang ni isang natanggap ay pasimple pang ngumisi.
Lumabas na lamang ako noong hall para hindi maimbyerna sa mga pang-iinggit nila. Tig dadalawa lang naman ang nakuha kung makapagmayabang akala mo ang rami rami ng natanggap! Ako nga eh lagpas sampo ang natatanggap noon. Ngayon lang talaga…
Habang naglalakad ay nakasalubong ko pa iyong lalakeng tulak tulak ang isang malaking basurahan. May kung anong nalaglag roon kaya pinulot ko at hinabol ito.
“Excuse me,” tawag ko para kunin ang kanyang atensyon.
Lumingon ito sa akin.
Ibinigay ko sa kanya iyong card at aksidenteng nakita ang pangalan ko roon.
“Salamat, hija,” ngumiti ito sa akin na kumuha rin ng aking atensyon maliban sa pangalan kong naroroon.
“Pilipino po kayo?” tanong ko.
Tinanggap niya iyong maliit na card at tumango sa akin.
“Kadalasan sa mga empleyado rito ay mga Pilipino dahil Pilipino iyong nagmamay-ari ng kompanya,” paliwanag niya saka binuksan ang malaking basurahan para ihulog iyong card.
Sumilip narin ako kung anong nasa loob at ganoon nalang ang pagtataka ko nang makita ko roon ang iba’t ibang klase ng bouquet na mga bulaklak. Hindi na iyon mabilang dahil nagsiksikan na sa loob ng malaking basurahan.
“Ah, pwede ko pong tingnan ang loob?”
Kumurap siya at medyo nagtaka. “Sige, hija…”
Lumapit ako roon at may kinuhang isang bulaklak na medyo nagusot na ang nakabalot noon.
Laking gulat ko nalang nang mabasang nakapangalan iyon sa akin. Kahit iyong iba ay tiningnan ko narin at naroon parin ang pangalan ko. What the hell?
“Ipinapatapon ni Sir Toshi sa akin, hija. Sayang nga ’no? Ang mamahal at ang gaganda pa naman ng mga bulaklak. Sa ibaba niyan may mga tsokolate rin at mga regalong hindi pa nabubuksan. Nakakapagtaka nga eh…” anang matanda na ikinakunot ng husto ng aking noo.
Si Toshi na naman ang may pakana! Ano ba talagang problema ng lalakeng iyon!
Pagkatapos kong makausap iyong isa sa mga empleyado ay mabilis rin akong sumugod sa opisina niya. Hindi na ako kumatok pa at deri-deritso ang pasok. Nadatnan ko siya sa swivel chair, nakaupo at may tinititigan sa kanyang laptop.
Nalipat agad ang kanyang tingin sa akin. Ang mga mata ay para na naman akong huhubaran dahil sa pagsuyod noon mula ulo hanggang paa. I am just wearing my usual tube top and skirt paired with high heels. Ang galit na galit kong mga mata ay nakipagtitigan sa mga mata niyang namumungay at bakas ang pagod roon.
Isinara niya ang laptop at naghintay sa pagrating ko sa kanyang harapan. Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa mesa habang mas lumalim ang kanyang paninitig sa akin.
Nang tuluyan akong makalapit ay mabilis kong hinampas ang kanyang mesa, sa galit at nagbabaga kong mga mata, mariin ko siyang tiningnan.
“Pinatapon mo iyong mga regalong dapat ay para sa akin! That was mine, not yours!” may diin kong sabi, nagngitngit na sa galit at gusto siyang tapunan ng kung ano.
“Akala ko ba ayaw mo sa mga basura? Kaya ipinatapon ko,” kalmado niyang paliwanag.
May eyes shrinked in disbelief.
“Hindi iyon galing sa’yo kaya hindi iyon basura.”
“Basura ang tingin ko,” kibit-balikat niya at sumandal sa upuan, ang mga kamay ay nasa magkabilang balikat na noong inuupuan niya.
Ngayon lang ulit kami nagkausap simula noong sagutan namin sa parking lot. Binati niya pa lahat ng mga modelo pagkatapos noong fashionshow maliban lamang sa akin. And now he’s going to act like he has the right to throw my gifts away! Ang kapal kapal!
“Kung gusto mo pala ng ganoon, bibilhan nalang kita.”
“Gusto ko ng ganoon pero hindi iyong galing sa’yo,” may diin kong sagot.
Binasa niya ang pang-ibabang labi saka umabante sa mesa at itinukod roon ang ang magkabilang siko, ang baba ay ipinatong na sa nakasalikop niyang mga kamay.
“I can buy you expensive things than those gifts you receive, Irah,” he said cockily.
“I don’t need a dirty Daddy, Toshi.” Tinaasan ko na siya ng kilay na ikinagalit agad ng kanyang mga mata.
Tumayo siya, ang mga kamay ay nakatukod na sa mesa. He towered me like I am nothing compared to his hard like a rock body. Na magmumukha akong stick sa katawan niyang marahas ang bawat anggulo.
“I told you, I am not the father!” he scowled at me with his blazing eyes.
Ngumisi ako at humalukipkip sa kanyang harapan.
“Eh may nangyayari naman sa inyo rito ni Faith ’di ba? Baka magbunga iyon-”
Hinampas niya ang mesa na nagpatalon sa akin ng kaonti dahil sa gulat. Kahit ang kanyang laptop ay gumalaw, ang mga ballpen na nasa iisang lalagyan ay natapon dahil sa sobrang lakas noon.
“H’wag mong ipasa sa akin ang gawain mo,” galit niyang sabi.
“Talaga?! Eh ganito ka rin naman! Manloloko ka rin naman! Paasa! Gago! Lalake ka naman sana pero malandi ka!” Hinampas ko rin iyong mesa at hindi nagpatalo sa kanya.
Sobrang magkasalubong na ang kanyang kilay at bakas roon ang galit na kinakain na siya ng buo. His natural red lips were part a bit as he exhaled deeply. Noong bumuga na siya ng hangin ay naamoy ko agad ang mint ba galing sa kanyang bibig.
“Oo nasa dugo namin ang pagiging playboy noon pero tangina naman Irah, sineryoso kita!” sigaw niya, na kung hindi lang may mesang namamagitan sa amin ay hihilain niya na siguro ako papalapit sa kanya.
“Edi ikaw na ang loyal! Do you want me to give you a prize? A trophy? Or you want a standing ovation and clap at you using my two middle finger?”
His eyes shrinked in disbelief at me. Ang mga kilay ay nagkakasalubong na at mukhang hindi nagustuhan ang aking mga pinagsasabi.
Natahimik siya ng ilang sigundo. Halatang pinipigilan nitong sumabog lalo at kimkimin nalang ang galit.
“Ano? Anong gusto mo?” I asked him, trying to push all his limit.
Huminga siya ng malalim at tumayo ng maayos. Gumalaw ang kanyang balikat dahil sa hiningang binitiwan saka tumingala, binabasa ang pang-ibabang labi.
“Ano? Tell me! What kind of prize do you want from me Toshi-”
“Pag ako napuno sa’yo, sa ilalim ko talaga ang bagsak mo!” he fired back that made me stop from talking.
He’s turned on?
Tumingala siya at hinawakan ng magkabilang kamay ang likod ng kanyang ulo. His polo stretched upward as he breathe deeply again, calming hisself from his raging anger and his lust.
Tumahimik ako sandali at bumaba ang tingin para kumpirmahin ang isang bagay. Tanging pwet lang nito ang naaaninag ko dahil tuluyan na itong tumalikod. Ibig sabihin… hindi lang siya ang galit kundi may iba pa?
Sisilipin ko sana iyon pero ayoko rin namang mahuli niya ako. Bahala nga siya diyan.
Nang wala na akong napala roon ay nagdesisyon narin akong maglakad paalis, palabas. I really can’t stand that jerk!
Pero bago ko pa tuluyang mapihit ang pinto ay may humila na ng aking braso.
“Bitiwan mo ako!” Nagpumiglas agad ako. Inilock niya ang pinto at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
“Let go of me you bastard!” Mas itinulak ko siya, desididong makawala.
“Fuck, calm down,” he growled and hold my waist to stop me from moving.
Mas lalo akong nagwala. Dalawang kamay ko na ang ginagamit ko para lang mabitiwan niya ako pero kumpara sa kanyang lakas, wala akong binatbat. Na kaya niya akong durugin ano mang oras kung gusto niya lang.
He tsked. Ang pagmumukha ay kalmado na at kagat kagat pa ang pang-ibabang labi. What the heck?
“Isang tulak pa sa akin, sarili ko na ang itutulak at ididiin ko sa’yo,” pagbabanta niya.
Imbes matakot, mas itinulak ko siya. Kahit hinuhuli niya ang isa kong kamay ay hindi parin ako nagpaawat. Noong napagod na siya sa kakahuli noon ay nagtungo ulit ang kamay niya sa aking beywang na mabilis na gumapang sa aking likod at itinulak ako papalapit lalo sa kanya.
My breasts got squeezed on his chest. Ang magkabila kong kamay ay naroon rin. Itinulak ko ulit siya pero mas humigpit lamang ang isa niyang braso sa aking beywang at kahit ang isa ay dumagdag na roon, tuluyan akong kinukulong. I felt his face on my neck, the tip of his nose on my skin and his hot breath. Para akong mahihilo na pag hindi ko kaagad ito natulak ay manghihina ako nang tuluyan.
“Ano ba!” I tried to pushed him again, but just like what happened, he squeezed me harder, almost breaking me.
Mas sinubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg at huminga roon.
“Calm down…” he whispered sensually.
Masyado kaming malapit at masyadong magkadikit ang katawan namin sa isa’t isa na kahit ako ay sakal na sakal na. Wala akong maisip na dahilan kung paano ito hihiwalayin sa akin dahil kahit ako, kahit ang utak ko, blangko na.
“Did you eat well? Ang payat mo na?” he asked randomly like we’re okay.
“Tigilan mo na ako, Toshi,” gigil kong sabi.
Binasa niya ang pang-ibabang labi na kahit ang aking leeg ay naramdaman ang paglabas ng kanyang dila. Napalunok ako dahil roon. Jesus Christ, Irah! Do something!
I pushed him lightly, without a force. “Bitiwan mo ako.”
“Ayoko,” huminga siyang muli ng malalim, na sobrang bigat na ng kanyang dinadala at kailangan na iyong ilabas.
“Bitaw, Toshi,” pagbabanta ko sa klarong boses.
Hindi niya ako sinagot sa halip, pinatakan niya lang ng masuyo at nakakabiting halik ang aking leeg kung nasaan nakasubsob ang kanyang mukha. It calm me for a second. I wanted to push him again but a part of me wants to stay. Gusto kong manatili sa harapan niyang walang maramdaman sa kanya kundi galit lamang.
“Was he a good boyfriend to you?” he asked coldly.
“Yeah, he’s the best.” Pagsisinungaling ko.
“Masaya ka naman?” tanong niya sa boses na wala nang sigla at parang ilang sigundo lang ay bibigay na.
Tumango ako.
Inalis niya ang mukha niya roon at tanging baba nalang ang isinandal sa aking balikat. His other hand moved from my back and reached for his eyes. Suminghot siya ng palihim kasabay ng paghinga niya ng malalim.
“What have I done?” he chuckled coldly, without any humor as his voice cracked.
“Siguro tama na talaga…” he whispered.
Ang matigas kong puso ay hindi ko magawang palambutin na kahit ang kanyang sinasabi ay wala ng epekto sa akin. Tao parin ba ako?
Unti-unting lumuwag ang kanyang pagkakayakap sa akin. Tumalikod agad ito.
“Just close the door if you leave,” matabang niyang sagot sa mahinang boses.
Bago pa man ako manlambot, bago pa magbago ang aking isip, lumabas na agad ako at nilisan ang opisinang iyon. Tears flooded in my eyes as I walked away. Nanginginig ang aking tuhod habang pinapalis ko ang luha sa aking mga mata. Dapat maging masaya ako kung sakaling huminto na nga ito at pabayaan na ako. Ito naman ang gusto mo ’di ba, Irah?
Pagmamahal pa ba ang tawag kung sinasaktan niyo lang naman ang isa’t isa? Can you even be with someone who’s killing you emotionally? Baka naisip niya naring ayaw ko na talaga sa kanya.
Minsan, naiisip ko nalang kung tama pa ba ang aking ginagawa. Kung ano ang totoo kong pakay ba’t ko ito ginagawa. Am I even happy? Anong mapapala ko pag nakaganti na ako? I can’t even satisfy myself. Palagi parin akong naghahangad na mas masaktan lang siya. Iyong sakit na hihiwa sa kanyang puso.
Pero kung totoo mang hindi nga siya ang ama, matatawa nalang siguro ako. Ang sakit na naramdaman ko noon ang nagtulak palabas ng nararamdaman ko para sa kanya.
“Pang-ilan na ’yan?” Sumulpot si Bryce sa gilid ko na nakajacket ng itim. Sinipat niya ng tingin ng hard drink na nasa aking harapan at nangangalahati na.
Hindi ako sumagot. Nagsalin ako ng panibago roon saka muli iyong nilagok. Ang hapding umagos pababa sa aking lalamunan ay walang wala sa hapdi na nararamdaman ng aking puso. My wounded heart is still aching. Hindi parin talaga naghihilom ang sugat roon at nadagdagan lamang.
“Not his child huh,” I chuckled evilly as I combed my hair backwards.
Magdiwang, Irah! Icelebrate mo dahil si gago ay hindi pa pala ama! Pero baka sa pinaggagawa nila ni Faith sa loob ng kanyang opisina ay magbunga rin. May pa hickey hickey pa nga.
Umupo si Bryce sa aking gilid. Ang kamay ay nasa isang pisngi na at tinitingnan lamang ako.
“Ikaw ba Bryce… Maghahabol ka parin ba… Maghahabol ka parin ba sa babaeng niloko ka?” tanong ko, medyo hindi na okay ang pananalita dahil sa dami ng nainom.
“Depende. Kung mahal ko naman bakit hindi?”
Tumawa ako. “Ba’t ka maghahabol… Aso ka?” Naiiling akong nagsalin ulit.
“You’re already drunk, Irah… Tama na iyan. May pasok ka pa bukas.” Aagawin niya sana iyon pero itinaas ko agad ang aking kamay.
“Who cares! I’m free!”
Ngumiwi siya habang pinapanood akong nilagok ulit iyon. Marahas kong ibinaba ang shotglass at ngumiwi dahil sa lasa noon.
“My heart wants a drink…” I pointed my chest. “This wounded heart is begging for a drink…” Ngumisi ako at halos hindi na ito makita sa dim na paligid dahil narin sa mga mata kong nanliliit na.
“Lasing kana.” Inilayo niya sa akin iyong bote.
“Not yet! Give it back!” Hinila ko ang kanyang damit pero hindi ko man lang iyon mahila pabalik.
“Tama na. Iuuwi na kita.”
“Kj ha… Hindi pa naman tayo ah? Don’t act like a boyfriend,” I murmured as my hand clutched on his chest.
He sighed. “Lasing kana nga.”
Inabot ko iyon pero dahil sa umiikot kong paningin ay naisandal ko nalang ang aking ulo sa kanyang dibdib. May pinagsasabi ako na kahit ako ay hindi ko narin maintindihan.
“Irah? Tayo na kung inaantok kana.” Hinawakan niya ang aking pisngi kaya bumangon ako. Napunta sa kung saan ang aking mga mata at nakita ang lalaking may tinutunggang inumin pero malalim ang paninitig sa akin rito.
Oh? Nandito rin siya at umiinom? Did his heart beg for a drink, too? Nasugatan narin ba ang puso mo, Toshi?
“Irah?” tawag muli ni Bryce sa akin para kunin ang aking atensyon.
Itinaas ko ang aking mga kamay at iniyakap iyon sa leeg ni Bryce. Medyo nagtaka siya at napakurap pa nang tuluyan kong inilapit ang aking mukha sa kanya. I kissed him slowly. Ang aking labi ay nagsimula sa ilalim hanggang sa lumipat sa ibaba. Later on, Bryce responded.
Dumilat akong muli at tiningnan ang dako ng kung sinong hindi ko na alam kung anong klaseng titig ang binibigay sa akin. I watched him sensually as I moved my lips with Bryce, mimicking his kiss.
Nag-iwas ng tingin si Toshi at umalis nalang. Doon rin ako tumigil, ang aking mga mata ay sinundan ang likod niyang humalo na sa kumpol ng mga tao. Just give up, Toshi…
47th TRICKED
T R I C K E D
Blood
Sobrang sakit ng aking ulo kinaumagahan pagkagising ko. Para iyong pinupukpok at hindi tinatantanan hangga’t hindi iyon nagigiba ng tuluyan.
What happened last night? Did I drink too much? Oo ilang beses na akong umiinom pero ngayon lang ata ako napasobra.
Pagbaba ko, si Valenz nalang ang nadatnan ko. His parents left early for their work.
“Si Bryce naghatid saakin rito kagabi?” I asked him when I sat on the countertop.
What happened last night was a bit blurry to me. Ni hindi ko na maalala ang paghatid ni Bryce sa akin o ang pagpasok ko sa aking kwarto. I can’t even remember if si Bryce nga talaga ang naghatid o mga bodyguards ko nalang. I’m pretty sure umabot na naman iyon sa parents ko na naglalasing na naman ako.
Naglapag siya ng mainit na sabaw sa aking harapan. Hawak ko ang namimintig kong puso habang nakayuko.
“Yeah, your boyfriend,” he smirked at me.
Sumimsim agad ako noong sabaw. Medyo nahimasmasan ako kahit papaano nang manuot ang mainit at medyo may pagkaanghang na sabaw sa aking lalamunan.
“Bryce isn’t my boyfriend.” I told him nonchalant.
“Hindi pa.”
“Hindi.”
His brow raised. “Ah, bestfriend?”
People get confuse with our relationship. Kung tinatanggi kong hindi naman kami ay nasasayangan agad sila. We’re good friends. Just like Mommy and Dada Marco when they were young. But Bryce is ecpecting something in return. Na kahit ako, hindi narin alam kung kaya ko pa bang magmahal.
Nagkibit-balikat nalang ako at itinuon ang buong atensyon sa sabaw. Ni hindi ko na napansin ang oras habang kumakain ako at naligo rin pagkatapos. Nireplayan ko ang text ni Bryce habang nasa byahe na ako papunta sa kompanya.
Bryce: Good morning! How’s your head?
Ako: Morning! It’s a bit okay now.
Pagdating ko sa kompanya, nasa lobby palang ako, habang papasok ay may biglang tumawag sa akin. Wearing a black sunglasses, I glanced on my left corner.
Nakita ko agad ang imahe ni Nana na kumaway sa akin. Ang buong mukha ay nababalot ng tuwa, sa gilid naman ay ang pinsan kong nakalingkis ang braso sa kanyang beywang. So… they’re already okay? Sila na? Bati na?
Nagtungo ako sa kanila. Ang mga mata agad ni Toshi ay nasa akin na. He has this cold stares yet deep.
“Dito ka nagtatrabaho?” masiglang tanong ni Nana na ikinatango ko. Habang tumatagal, paganda ata ito ng paganda at sobrang simple niya lang naman dalhin ang kanyang sarili.
“You’re late,” matigas agad na singit ni Toshi, ang boses ay may ikinagalit.
Umangat ang aking kilay. Kahapon lang, napakabanayad pa ng boses mo sa akin. Ibig sabihin ba nito ay tumitigil na siya?
“Pinuyat ako ng boyfriend ko,” rason ko, katulad ng nakasanayan kong kasinungalingan sa kanya.
“Then be professional at least,” giit niyang sabi, ang ekspresyon ay sinasalamin na ang itim na corporate attire. Hindi na ito nakaputing polo katulad ng nakasanayan ko sa kanya. He looks more powerful now. More intimidating. His clean-cut hair revealing his forehead, strong jaw and cold expression scream cruelty.
Sinuklay ko ang aking buhok paatras. Bumaon na ang takot sa mukha ni Nana dahil sa tensyong namamagitan sa amin ng pinsan niya. While South is just there, standing like a statue and doesn’t really care at all. Sabagay, pinsan niya kaming dalawa sa bawat side ng parents niya. Wala siyang kakampihan at wala naman talaga iyang kakampihan.
“Coming from you?” sagot ko sa mapang-uyam na boses.
Toshi and I stared at each other intensely. Mukhang hindi na ata ako makakakuha ng special treatment sa kanya like lunch and so on dahil sa inaasta niya. Maybe this is better…
“Aalis na kami,” si South na nagsalita na.
Doon naputol ang titigan namin ni Toshi at binalingan ang dalawa. Nagpaalam sila sa amin. I wonder paano sila nagkabati? Pero sabagay, Nana is very pure and nice. Hindi nga ata iyan marunong magtanim ng galit. While South, I’m sure he’s willing to beg for a chance.
Nalasahan ko na naman ang tabang sa aking bibig dahil sa aking naiisip. Hindi lahat ng naghihiwalay, nagkakabalikan.
Binalingan kong muli si Toshi na asiwang asiwa na naman sa isang bagay.
“Wala kanang sasabihin?” tanong ko.
“Next time, separate your lovelife with your work,” he said like he was the real boss.
Tumango ako. “And next time, separate our past with your work.”
Mukhang natuldukan na nga ang lahat sa amin. Umasta na itong boss at hindi na siya nagbibigay ng kung ano ano sa akin. Kumalat ang balitang iyon sa kompanya na tumigil na raw si Toshi sa kakapursue sa akin at ang lahat ay nagdidiwang ata, isa na doon si Faith na humahagikhik pa, magaling na ang gaga.
“Yep! We’re having a dinner later…” Ang malambing at malandi niyang boses ang narinig ko nang mapadaan ito sa aking dako. Kasama niya iyong tatlo na madalas niyang kasama sa mga modelo. She’s close with everyone…
“Really? Did you two…” Iyong may brunette na buhok ang nagtanong.
“We’re taking it slow,” sagot niya, mas matamis na ang ngiti.
Taking it slow? Ang hilig nga naman ng gagong iyan sa ganyan. Sige Faith, sumunod ka sa yapak ko. Magpakatanga ka diyan eh papaasahin ka lang naman niyan!
Pahahabulin ka niya sa kanya na parang aso pero hindi ka naman ang priority. Magiging kasinglamig iyan ng yelo sa’yo at mababalitaan mo nalang na may iba rin pala siyang babaeng nilalandi.
Pakikiligin ka lang niyan! Di naman masarap! Akala mo kung sinong magaling! His kisses were not really satisfying! Duh! Nadala lang ako noon sa hormones ko kaya feeling ko ang sarap sarap na noong mga halik niya. Pero hindi naman talaga! Those were plain and boring! Pwe. Boring!
“Akala mo kung sinong maganda…” Pagpaparinig niya sa akin at pasimple pa akong nilingon rito sa kinauupuan ko.
Hindi na ako nagsalita pa. H’wag mo nalang patulan Irah. H’wag mong gayahin ang maliit niyang utak na minsan lang nakakapag-isip ng matino.
Pumasok si Toshi sa room kung saan kami naghahanda para sa panibagong photoshoot. May dala itong paperbag na mukhang lunch na naman ang laman.
Sinundan ko siya ng tingin. His eyes were settled on me. Umirap agad ako. Akala ko ba huminto kana? Pagkatapos mong landi-landiin si Faith ay babalik ka pala sa akin? Napagtanto mong mas triple ang lamang ko diyan sa babaeng iyan? Ang kapal.
Tumayo ako para sana salubungin siya at prangkahin na hindi ko kailangan iyang basurang dala niya pero bago pa ako may masabi, lumiko na ito at nagtungo sa kinaroroonan ni Faith.
Ang nakaawang kong bibig ay mabilis kong natutop. May napansin pa akong iilang staff at modelong nakatingin sa aking dako at hindi alam kung tatawa ba o ano. Sa kahihiyan, pasimple nalang akong bumalik ulit sa pagkakaupo.
May narinig pa akong hagikhikan na hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin. Gaga ka rin, Irah!
Nilunok ko ang kahihiyang iyon at umaktong wala akong ginawa kanina. Sa gilid ng aking mga mata, napapansin ko ang pag-uusap ng dalawa at kung paano ngumisi si Toshi. That jerk! Kita mo, Irah, hindi consistent! Ganoon naman talaga siya… Mabilis mapagod at hindi makontento. It doesn’t surprise me anymore. Ex kana!
Napapansin ko ang pagiging close nilang dalawa. Minsan, tuwing photoshoot, siya na ang pinapanood ni Toshi. Nasa tabi siya palagi noong photographer at ngumingisi pa siya. Edi sila na ang relationship goals! Maghihiwalay rin ang dalawang iyan. Ngayon lang iyan. Baka nga bukas mag-away na sila. I’ll seriously laugh at Faith when she’s already brokenhearted.
“Nako… Mukhang sila na ata ni Faith ah?” si Ate Missy na natatangay ang mga mata sa dalawang papalabas na.
Pinuntahan ni Toshi si Faith rito at mukhang yayayain niya sa kung saan. Maybe he’s going to fuck her in his office kasi tigang siya at hindi na kayang kontrolin ang pagnanasa. Sure ako, iyon talaga ang gagawin nila.
Sa salamin, nakita ko ang kamay ni Toshi na nasa beywang habang ginigiya niya iyon palabas. Ang tabang sa aking bibig ay mas naging mapait at hindi ko na iyon kayang lunukin, gusto ko iyong isuka nalang.
“Payag ka sa ganoon, Irah?” tanong ni Ate Missy sa akin habang tinatanggalan ako ng make-up.
“Bahala silang dalawa. Bagay naman sila. Iyong isa plastik, iyong isa ang sarap basagin.”
Tumawa si Ate Missy at tiningnan ang nilabasan ng dalawa. Naroon parin ang aking mga mata kahit na tuluyan na silang nakalabas.
“Hindi ka naman bitter ’no?” sarkastiko niyang sabi at humalakhak.
I rolled my eyes. “I’m not. Eh hindi naman masarap iyang si Toshi. He’s boring.”
Ngumisi si Ate Missy. “Boring? Talaga? Eh sa tindig noon parang…”
Nagkatinginan kami. “Hindi. Boring siya. Ang lamya humalik.”
Tumawa siya. “Talaga? Eh sa ugat palang non sa kamay… sa matikas na katawan… sa tindig… hay… Nakakapanghina…” she said dreamily.
Nakakapanghina ba iyon? Syempre noon bata pa ako at naattract kasi sinisilaw niya ako sa katawan niya. Pero ngayon, hindi na ’no. Wala na siyang epekto. Kahit siguro makita ko iyong nakahubad, lalagpasan ko lang siya.
“Fake news. He’s boring.” Di ka mapapaungol noon. At baka nga, mas magaling pa ako sa kama. Mas magaling pa akong magdala ng relasyon. Mas magaling pa. Oo boring siya. Ang papatol sa kanya ay isang cheap lang na babae. Walang taste sa lalake. Katulad ni Faith… Ni Floren… Iyong mga naging girlfriend niya noon. At ako bata pa ako noon kaya nalinlang ako.
Iyon palagi ang tinatatak ko sa aking utak. Palagi ko siyang sinisiraan sa aking isipan. Tinutuon ko nalang ang buo kong atensyon sa pagmomodel at nagpapakabait na para masali sa susunod na fashionshow. Sayang naman iyong kikitain ko.
May photoshoot ulit para sa panibagong magazine na ang theme ay summer. Mukhang wala nang magbabawal sa akin sa mga mature shots at makapares ang isang lalake dahil malamig na si Toshi sa akin.
Si Faith ang nauna at may kapartner na lalake rin. She’s wearing a one piece. Ang kulay pulang suot ay nababagay sa makapal niyang pulang labi lalo na sa makapal niyang mukha. Masyadong intense ang photoshoot ng dalawa at mukhang gamay na gamay nga ni Faith ang bawat anggulo na dapat niyang ipakita. She’s a great model and no wonder nagiging top iyong mga photoshoots niya. Siguro kung hindi lang iyan inggrata ay okay siya sa akin. Kaso gaga eh.
Ako ang huling sasalang lalo na’t wala pa si Lloyd. Ang sabi ni Ate Missy ay absent daw kaya aligaga ang iilang staff para makontak iyon. Noong dumating si Ate Missy, nagthumbs up agad siya sa akin, hudyat na nahanapan na nila ng solusyon iyong problema niya.
“Great job, Faith!” pamumuri noong photographer na ikinangiti agad ng matamis ni Faith. Nagtungo ang isang staff sa kanya para bigyan ito ng bathrobe.
“Your turn, Irah,” sabi noong photographer.
Tumayo ako at awtomatikong binaba ang aking suot na bathrobe. I revealed the black two piece I’m wearing. Ang aking buhok ay medyo kulot at medyo messy para mabigyan ng complement ang mukha kong seryoso.
Ramdam na ramdam ko ang pagsuyod ng mga mata nila sa aking katawan. Ganyan nga mga inggetera. Akala niyo magpapaapi ako? Nasa akin parin ang halakhak.
Nagtungo ako roon at pumwesto. Sumipol pa ang photographer at kakaiba na ang ngisi.
“Looking hot…”
Nakita ko pa ang pagpalakpak ni Ate Missy, tuwang tuwa sa aking imahe at kanina pa nagta-thumbs-up. Ang kanyang ngiti ay abot hanggang tenga at kulang nalang ay magtatalon siya. What’s making her so happy?
“Where’s Lloyd?” tanong noong photographer at sinuyod ang mga mata.
“He’s not coming but we already have a subtitute,” anang isa sa mga staff na ikinakunot ng aking noo. Mas nagwala si Ate Missy at nagtitili pa. Anong problema niya?
Ang katanungan ng iilan kung sino ay nasagot rin. Halos lahat ng mga modelo ay suminghap na kahit ang aking labi ay napaawang. Parang biglang lumipad ang aking katinuan sa ere na kahit anong abot ko ay hindi ko na makuha pa.
Toshi went inside wearing a boxer! Ang katawan ay basa at nakasuklay paatras ang basang buhok. Ang kanyang katawan ay masyadong matigas sa aking paningin na kahit ang v sa may bandang abdomen ay kitang kita. I swallowed hard when my eyes settled on his hard like a rock abs. Binilang ko pa iyon sa aking isipan at kulang nalang ay mahimatay sa kanyang imahe. I can’t breathe, oh damn it…
Nagtungo siya sa akin. Ang mukha ay seryoso ngunit kalmado. Ngumisi siya sa mga staff na pinupuri siya saka niya sinuklay muli ang iilang hibla ng basang buhok na nalaglag saka niya binasa ang pang-ibabang labi.
Ang laway sa aking bibig ay parang gripong napabayaan at hindi nasara kaya nanunubig iyon at panay lunok na lamang ako. My stomach feels weird na kahit ang aking sistema ay hindi ko makalma. Sige Irah, nasaan na iyong sinasabi mong plain and boring? Ba’t parang naglalaway ka ata?
Nag-iwas ako ng tingin nang dumako ang kanyang mga mata sa akin. Lahat ata ng mga modelong kalalakihan rito ay nahiya sa kanyang katawan at sa kanyang karisma. Ang aking isipan ay gumawa agad ng sarili niyang scene at nakikita ko na siyang nakabukaka sa photoshoot habang nasa gitna ako, nakahawak sa kanyang mga hita, nakasandal sa galit at nananayong…
Yuck, Irah!
Uminit ang aking pisngi at kulang nalang ay pukpokin ko ang sarili kong ulo mailabas ko lang ang pantasya ko. Jesus Christ, calm down!
Pagdating niya sa aking gilid ay para na akong mababaliw. Ba’t siya basa?! At b-ba’t siya pa ang kinuhang subtitute ni Lloyd! Kung kailan may makakapares na ako at hindi na pagbabawalan ni Tosh, nangyari na naman ito. Siguro siya na naman ang may pakana nito!
“Okay, let’s start the photoshoot…” sabi noong photographer na ikinaangat ng aking mga mata sa kanya.
Umangat ang isa niyang kilay, ang mga mata ay parang nanghahamon.
“Scared?” he asked, taunting.
Inangatan ko rin siya ng kilay. “Nakita na kitang ganyan noong bata pa ako. It doesn’t even affect me.”
Binasa niya ang pang-ibabang labi at naglalaro na ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi. Ang kanyang mapanglinlang na mga mata ay parang sumasayaw at kumikislap. Bwesit ang lalakeng ito!
“I want you both to act like a couple. Seduce each other. I want an intimate scene…” sabi noong photographer na mukhang sinuhulan. Sinasadya niya ba ito? Pinlano siguro ito ni Toshi para makasama ako sa photoshoot!
“Come closer,” hinila niya ako bigla sa beywang na nagpalunok sa akin ng laway lalo na’t nadikit agad ako sa kanyang basang katawan. Ang aking mga kamay ay humawak sa kanyang magkabilang balikat na ikinagalaw rin ng kanyang adams apple dahil sa paglunok.
“You seemed like a scared kitten,” he whispered as his other hand traced the sidw of my hips down to my legs. Napalunok ulit ako dahil sa kakaibang kuryenteng gumagapang sa aking katawan sa bawat haplos na dumadaan sa aking balat. His rough hand moves skillfully like he really knew how to give a chill down to my nerves.
Inisip kong photoshoot lamang ito at dapat ko ring galingan. H’wag kang magpatalo, Irah! Labanan mo iyang pagnanasa mo!
Ang isa kong kamay ay iniyapos ko sa kanyang leeg hanggang mapunta ang aking palad sa kanyang batok. Ang kamay niya namang nasa aking hita ay biglaan iyong inangat at mas hinila ako palapit sa kanya. I felt his crotch on my abdomen as I swallowed. Hindi ko na alam kung may sira ba ang aircon sa loob dahil sa init na nararamdaman sa buong paligid.
Ikinawit ko ang aking paa sa kanyang hita para hindi iyon mangalay sa pagkakaangat niya. Ang isa niyang kamay ay nasa aking likod, namamahinga roon at ang nakakainis pa ay gumagalaw iyon, may ginagawang nakakapanindig balahibong galaw.
“Great job! That was intense! Wow…” sabi ng photographer pagkatapos noon.
Mabilis akong lumayo sa kanya na para itong may nakakahawang sakit at kailangan ko agad dumistansya. Feels like I didn’t breathe for an hour…
He chuckled when some of the staff teased us. Ako naman itong tipid lang na ngiti ang naibigay dahil sa nanlalambot kong katawan. Plain at boring ’no, Irah? Walang epekto ’no? Hindi masarap ’no? Sige gaga… Panindigan mo.
Pagkatapos noon ay nagtungo rin naman kaming lahat sa kakahuyan para doon ipagpatuloy ang susunod na photoshoot. Ang makakasama ko na ay ang mga kapwa modelo. Grupo ang iilan habang ako naman ay naiparehas kay Faith lalo na’t kaming dalawa ngayon ang top models.
Kanina ko pa siya napapansing matalim ang tingin sa akin. Nagselos siguro dahil dikit na dikit at intense iyong photoshoot naming dalawa ni Toshi.
“Don’t assume things. Nagkapartner lang kayo pero kana niya babalikan,” galit niyang sabi sa akin nang magsimula na kaming ayusang dalawa.
“Inggit ka dahil nagkadikit ang katawan namin kanina? Is that one of your fantasies? Di ka siguro pinatulan ’no?” Pang-aasar ko na labis na ikinasira ng kanyang ekspresyon.
“At least kami na ngayon ang nagkakamabutihan at hindi kayo,” pagmamayabang niya na ikinatawa ko ng nakakaloko.
“Para mo lang pinulot ang isang bagay na napakinabangan ko na. Hindi ko alam basurera ka rin pala?”
Naikuyom niya ang mga kamay sa galit, mukhang gustong sumugod pero dahil may ibang staff na nasa amin ang tingin at binabantayan kaming dalawa ay hindi agad siya makagawa ng hakbang.
Kung hindi lang kami sinaway ni Ate Missy ay hindi siguro matitigil ang pagbabangayan naming dalawa.
“Tama na iyan. May first warning na kayo ha. Baka pati sa photoshoots mabanned kayo pag pinalaki niyo iyang alitan niyong dalawa,” si Ate Missy.
Faith is fuming mad. Bakas iyon sa buo niyang mukha na kahit noong photoshoot na ay sinasadya niyang sapawan ako. Palagi siyang humaharang at minsan pa ay matatamaan iyong mukha ko ng buhok niya dahil sa marahas niyang paggalaw. Damn this girl!
Hinayaan ko siyang magngitngit sa kanyang galit at inatupag ang sarili kong shots. Noong humarang siya ay mabilis rin akong nagtungo sa kabila. We look like battling for the spotlight. Kanya kanya na kaming pose.
“Great job everyone!” anunsyo noong photographer na ikinapalakpak naman ng iilan. Ang kakarating lang na si Toshi ang kumuha ng atensyon ko. Bihis na bihis na ito sa itim na vneck tshirt at nakashort lamang.
Ang iilang mga modelo ay nasa kabilang banda na at nagkakatuwaan habang ako ay naiwan rito para tingnan iyong ibang shots sa ginamit na camera. Hinayaan naman ako noong photographer dahil kahit mabura ko, may kopya na raw siya.
“Akin na ’yan,” lumitaw na naman si gaga.
Akma niya itong aagawin sa akin kaya inilayo ko.
“Did you see I’m still watching? Pati ba manner ay hindi naituro sa’yo?” Tinaasan ko siya ng kilay, naalala ang panghaharang niya sa akin kanina.
“Sabi ng akin na. Kanina pa ako nagtitimpi sa’yo ha. Inaagawan mo na nga ako ng spotlight, pumapapel kana nga rito, pati si Toshi ay nilalandi mo na ulit. Ganyan ka ba kainggit sa akin?” galit niyang sabi kaya natawa ako.
“Ako? Inaagawan ka? Pumapapel? Nilalandi si Toshi? Oh please… Kaya kita nalalamangan dahil alam nating dalawa na mas may binatbat ako, mas maganda at mas lamang sa’yo.”
Ang inis ay mabilis na kumalat sa kanyang sistema.
“Are you triggered because of our intense photoshoot? Triggered because you know I am the best? And you can’t do anything about it because you’re not me?” I smirked at her, arching my brow.
Pulang pula na ang buo niyang mukha at ang mga kamay niyang nakakuyom. Ilang sandali lamang ay tumagilid na ang aking ulo dahil sa sobrang lakas ng sampal na iginawad niya. Ang aking ulo ay tumagilid na kahit ang aking buhok ay umangat sa ere at nalipat sa kabilang bahagi dahil sa sobrang lakas noon.
In my entire life, no one slap me. Not my mother, nor a stranger.
“Ano? Kulang ka ng sampal ng katotohanan e. Ilusyunada!” she spat.
Dahan dahan kong ibinalik ang tingin ko sa kanya. Sa nagbabaga kong galit at sa nandidilim kong paningin, nakita ko siyang ngumisi ng nakakaloko.
“Masakit?” she asked with the tone of sarcasm.
Nawala ako sa sarili kong pag-iisip at nanaig ang galit sa akin. Ang hawak kong malaking camera ay mabilis kong sinapak sa kanyang mukha sanhi para matilapon siya at mapaupo.
“Masakit?” Panggagaya ko sa kanyang tono kanina pero mas matabang at mas sarkastiko.
Napatingin siya sa akin. Her eyes widened as she stared at me. Ang dugo ay mabilis na lumabas sa kanyang ilong na kahit ang kanyang pisngi ay nasugatan dahil sa ginawa ko.
“Oh my gosh!” she screamed in so much horror when she saw the blood in her hand. Ang iba roon ay tumulo na sa suot niyang dress.
Mabilis na napunta sa aming lahat ang atensyon. May mga modelong nalaglag ang panga at mabilis na itinuro si Faith na takip takip na ang ilong at hindi matapos tapos ang dugong umagos roon.
Napaatras ako. Ang galit ay mabilis na humupa nang mapagtanto ko ang aking ginawa.
“She’s bleeding!” sigaw noong modelo sanhi para magtakbuhan ang iilan sa dako namin.
Nauna si Toshi at mabilis itong inalalayan. Ang kanyang mga mata ay may galit agad nang dumerikta iyon sa akin. Napalunok ako. Imbes panindigan ang galit ay nilamon na ng takot.
“What did you do?” he asked me seriously.
Umawang ang aking bibig pero dahil sa rami na ng nagpapanic, sa mga matang gulat na gulat sa nangyayari, hindi na ako makapagsalita pa at gusto nalang tumakbo paalis.
“Irah smacked me with the camera! My face! Oh my gosh!” Humahagulhol niyang sabi kay Toshi nang mas dumugo ang sugat.
“Irah!” sigaw ni Toshi sa akin na halos ikatalon ko.
It was her fault! Sinampal niya ako! Gusto ko iyong isigaw pero pinangunahan ako ng mga pangyayari.
“Alam mo ba ang mangyayari sa’yo? Pwede kang mapatalsik-”
“Then I quit! K-Kasalanan niya!” sigaw ko, tanging si Toshi ang nakinig dahil ang iba ay tinutulungan na si Faith. May ibang nililingon ako pero mabilis rin nag-iiwas at mas pinagtutuunan ng pansin ang si Faith.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Dinaluhan ng iba si Faith paalis sa aking harapan. Naiwan naman si Toshi, ang mga mata ay kakaiba na ang pinaparating.
“Dinadamay mo ba si Faith sa galit mo sa akin? Ganyan kana kahalimaw na kaya mo ng manakit ng ibang tao dahil sa galit mo sa’kin?” may diin niyang sabi at matalim ang tingin sa akin.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Ang aking mga mata ay nanlalabo lalo na’t nakikita ko rin ang pagpapanic ng iba pa habang pinapaligiran si Faith. Sa sobrang lakas noong ginawa ko, kailangan atang tahiin ang pisngi niyang nasugatan. It was just a small cut pero nagmumukhang malaki dahil sa dugong umaagos.
“Answer me!” Hinila niya ang aking pulso. Ang aking mga luha ay mabilis na nalaglag. Umiyak ako sa kanyang harapan at wala nang iba pang masabi dahil rin sa ginawa ko.
Ang galit na yumakap sa kanyang mukha ay unti-unting nawala hanggang sa kumal.a ang kanyang ekspresyon kabasay ng pagluwag ng kanyang pagkakahawak sa aking pulso. Pumakawala ako ng hikbi dahil narin sa nararamdamang takot. Wala akong kakampi. Ni isa…
Bago pa ito may masabi, itinulak ko na siya paalis sa aking harapan at tumakbo nalang ako ng mabilis papasok sa kakahuyan.
48th TRICKED
T R I C K E D
Tears
Hindi ako huminto sa pagtakbo habang humahagulhol. Naririnig ko ang pagtawag niya pero hindi ko iyon pinakinggan at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Hindi ko alam kung saan ang aking direksyon at walang pakialam kahit na mawala ako sa kakahuyang iyon.
She slap me! Gumanti lang naman ako dahil sa galit ko! Ni minsan ay hindi ako nasampal ng kung sino! Even my own mother! Kahit nga madapuan ng lamok ay hindi ko naranasan dahil ganoon nila ako kaalaga tapos sasampalin niya ako ng ganon ganon nalang! She provoke me to hurt her back! Siya naman ang nauna ah!
And that Toshi! Kampi agad sa kanya kahit hindi niya alam ang buong nangyari! Sinigawan pa ako! Lahat sila ay kampi sa kanya at palagi nalang ako ang nakikitang may mali!
Para akong hindi makahinga dahil sa naninikip kong dibdib. Ngayon lang ulit ako nakaiyak simula noong huli kong iyak para pigilan si Daddy sa pagsugod. Dala narin ng takot sa nagawa ko, ang pagsisisi ay mabilis na yumakap sa akin.
Wala ang mga magulang mo rito Irah kaya wala kang kakampi. Sarili mo lang palagi ang kakapitan mo. Sanay kanang kimkimin lahat ng sakit ’di ba?
Pinunasan ko ang aking mga luha pero hindi ko parin maawat ang aking bibig sa paghikbi. Bumagal ang aking pagtakbo at iginala ang tingin sa paligid. Puro kakahuyan ang nakikita ko at malapit naring dumilim. I don’t care! Ayaw ko nang bumalik roon dahil makikita ko lang si Toshi. Lahat sila ay pagtutulungan lamang ako at sisisihin na ako na naman itong may kasalanan. Nagquit narin naman ako. That’s the last time I’m going to see them. Aalis na ako sa Canada at babyahe narin naman ako sa South Korea. Iyong offer nalang doon ang tatanggapin ko.
Humingos ako at tumakbo muli sa ibang bahagi ng kakahuyan. Kahit ang aking cellphone ay hindi ko man lang nadala. Mas mabuti pa ngang dito nalang ako. Mas mabuting maligaw nalang ako dito at h’wag nang bumalik roon.
Umupo ako at isinandal ang sarili sa malaking kakahuyan. I am just wearing an A-line dress. Ang nipis na tela ay napunit na ang ibaba dahil sa pagtakbo ko kanina at nasabit pa sa mga sanga. Tumingala ako at nakita ang matatayog na mga punong hindi ata maaakyat ng kung sino dahil sa sobrang taas. Pamilyar sa akin ang mga ganitong kakahuyan dahil parang ganito iyong lugar kung saan naghahabulan ang mga bampira at warewolves.
Nasa gitna ata ako ng kagubatan. Na kahit anong suyod ng aking mga mata ay wala akong makitang daanan pabalik. I lost myself.
Niyakap ko ang aking binti at pinahis ulit ang luhang lumandas sa aking pisngi nang maalala ang nangyari kanina. H’wag niya akong mahanap hanap dahil kinamumuhian ko na siya na kahit ang kanyang mukha ay ayaw ko nang makita. Ganoon naman talaga ang lalakeng iyon. Palagi niya nalang pinaparamdam sa akin na may mas matimbang. Hindi niya naman talaga ako naging priority.
Humagulhol akong muli nang maalala ang nagawa ko kay Faith. If my parents found out I hurt someone, magagalit rin sila. Nadala lang naman ako sa galit ko sa babaeng iyon! If they found out she slap me first, magagalit rin sila kay Faith! Kampi sa akin ang mga magulang ko…
Ilang oras na akong naroon at kitang kita ko ang pagkagat ng dilim at ang pagkalat noon sa paligid. Medyo natatakot na ako dahil may iba’t iba na akong naririnig na mukhang mga hayop ata na dito naninirahan. May leyon ba dito? Lalapain ako? Okay lang Irah. Mas mabagsik pa nga iyong mga hayop na nakasama mo araw araw at pinagtutulungan ka pero nakaya mo naman.
The cold wind blew on my face. Natuyo na ang luha roon at ang tanging mga mata ko ang gumagala. Gustuhin ko mang tumayo, hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung saan ako dadaan at hindi ko alam ang pabalik.
Isinubsob ko ang aking mukha sa magkadikit kong mga tuhod at nanalangin na sana ay may humanap nalang sa akin. I doubt it, Irah. I’m sure they want you to disappear, too. They all hate you at galit silang lahat sa’yo. Baka nga natuwa pa ang mga iyon dahil wala kana doon. Baka isa si Toshi ang nagdidiwang roon at walang pakialam.
Mas niyakap ko ng mahigpit ang aking sarili. Damn, self… Mag-isa na naman tayo… Ikaw na naman ang makakapitan ko. Thank you for being strong.
Gusto ko nalang matulog roon kahit na imposible akong dalawin ng antok. Habang tumatagal ay palamig na nang palamig ang ihip ng hangin. Nananayo na ang aking balahibo dahil sa epekto noon sa aking balat. How pity…
Gusto ko nalang atang makatulog roon at magising sa umaga na may liwanag na. Iyon lang ang gagabay sa akin pabalik. Ang dilim ay parang ililigaw lang ata ako sa kakahuyan.
May biglang humawak sa malamig kong braso. Sa aking gulat, mabilis kong inangat ang aking ulo at handa ng magpumiglas pero bago pa man ako makatili, tumapat na sa akin ang isang liwanag gawa noong hawak niyang flashlight.
“Irah…” nag-aalala ang boses na iyon habang ang mga mata ay namumungay.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tipid na ngumiti kasabay ng paglabo ng aking mga mata dahil sa panibagong luha.
“You found me…” I wiped my tears away as I tried not to cry infront of him.
“Ba’t ka tumakbo papunta rito?” tanong niya.
Hindi ako sumagot at humingos lamang. Bumuntong siya ng hininga. Ang tanging ilaw na nagbibigay sa aming dalawa ay ang kanyang hawak.
“Nandito ka?”
Tumango siya. “Sinundo kita pero sabi noong mga katrabaho mo ay tumakbo ka raw rito. Sinabihan ko na ang mga bodyguards mo na hahanapin kita.”
Natahimik ako. Buti pa si Bryce…
Umupo siya sa aking harapan at sinilip ang aking mukha.
“You cried? Natakot ka ba rito?” Hinaplos niya ang aking pisngi.
Umiling ako. “Wala naman akong kinakatakutan maliban sa Daddy ko.”
Ngumisi siya at kinurot ang aking ilong.
“Pinag-alala mo pa ako. But I’m glad you’re okay… Gusto mo nang bumalik?”
Umiling ako. “Dito muna tayo. Ayoko pa…”
Binasa niya ang pang-ibabang labi at umupo narin sa aking harapan. Inilapag niya ang flashlight sa gitna para magsilbing ilaw naming dalawa.
“Ayaw mong ikwento sa akin? Kung ba’t ka umiyak?”
“I smacked someone on the face with a camera. Sinampal ako e,” sabi ko na ikinahalakhak niya.
“Mas naawa ata ako sa kanya kaysa sa pagsampal niya sa’yo. She doesn’t know you…” Umiling iling siya.
I regret doing it. Dapat ay sinampal ko nalang rin siya. Pero pag galit ako, minsan hindi ko na nakokontrol ang aking emosyon at gusto agad mahigitan ang sakit na ginawa niya sa akin.
Kinurot niya ang aking pisngi habang ang kanyang ulo ay tumagilid na.
“You remind me of my deceased sister when you cry…” bulong niya.
Alam ko ang kwento ng namatay niyang kapatid na babae. Nakunan ang kanyang ina habang pinagbubuntis noon ang kapatid niyang babae. Parehas sila ni Dada Marco ng pinagdaanan kaya siguro magaan ang loob ko kay Bryce. Mga katulad niyang lalake ang sinandalan rin noon ni Mommy. Mga katulad nila ni Dada Marco.
“Ano dapat ang pangalan ng kapatid mo?” I asked him.
“Brill… she’s named after me. Ang cute ’di ba?”
Nakita ko sa kanyang sumasayaw na mga mata ang inaalagaan niyang sakit sa pagkawala ng kanyang kapatid na babae. Lalo na’t nadepress rin ang Mommy niya dahil doon at palagi nang malungkot. Para daw itong nawawalan ng pag-asang mabuhay.
“How about you, ba’t hindi ka nasundan? Don’t you want a sibling?”
Umiling ako. “I’m quite a brat, Bryce. Gusto ko, nasa akin lang ang buong atensyon ng parents ko at ayaw kong may kahati ako. Too selfish isn’t it?”
He chuckled. This is my first time opening-up. Hindi rin naman kasi talaga ako makwento. Pero dahil ilang taon narin kaming close, magaan pala sa pakiramdam na may nalalabasan ka.
Wala siyang masyadong alam sa akin. Kung ano iyong gusto kong ipakita sa kanya, iyon lang ang pinapakita ko. Pero sa mga ganitong pangyayari, siya lang ang naging sandalan ko at lubos ko iyong ipinapasalamat.
May narinig kaming mga kaluskos sa paligid. Masyado naring madilim. Tumayo ako at hinawakan ang flashlight.
“Tara, bumalik na tayo.” sabi ko.
Tumayo narin siya at kinuha sa akin ang flashlight. Kapwa gumala ang aming tingin sa paligid. Parang mahirap atang hanapin ang daan dahil nga sa sobrang laki ng kakahuyan.
Nagsimula kaming maglakad lakad. Kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam pero hindi parin naaalis sa aking sistema ang kaonting takot. You need to say sorry, Irah. Pero it was her fault. Sige h’wag nalang. Kwits narin naman kayo. She’s very mean to me at iyon lang ang napala niya dahil sa masama niyang ugaling pinapakita sa akin.
“Nandito pala ang ex mo?” he suddenly asked.
Nilingon ko siya. Hindi ko alam kung may ediya siyang si Toshi ba iyon. Bryce is not nosy. Hindi naman siya pakialamero at minsan ay naghihintay lamang siya hanggang ako na mismo ang magsabi noon.
Tumango ako, hindi na nagbanggit pa ng pangalan. Baka nagkikita sila dito. I don’t know… They know each other. Magkaklase sila noon eh.
“That’s why you cried?” medyo matabang niyang tanong, ang mga mata ay nanatili sa daan.
“Hindi na ako makikipagbalikan sa gagong iyon, Bryce.” Pinutol ko agad ang maaari niyang isipin para narin hindi siya masaktan.
Alam kong hanggang ngayon ay nananalangin parin siya na sana ay dumating ang araw at malagyan ko ng label ang namamagitan sa aming dalawa. Ilang taon narin ba naming kilala ang isa’t isa? Baka nga si Bryce pa ang nakatadhana sa akin…
“Ba’t nga ba ako ang nagustuhan mo sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa’yo?” I suddenly asked him. Medyo curious na ako dahil alam ko namang may mas seseryosong babae sa kanya. Pero hanggang ngayon, nagtitiis siya sa katulad ko.
Tumingala siya, may ngisi na sa labi.
“That day… you really caught my whole attention. I told myself I’m going to chase you when you become young… You’re just a cute little girl back then…” he said dreamily.
Nagtaka ako roon at gustong ngumiti pero hindi na umabot sa aking labi.
“Kilala mo na ako simula bata pa ako? Nagkita na tayo noon?” tanong ko. Is he my fanboy? Lalo na’t noong bata pa ako ay sikat na ako dahil nga anak ako ng anak na sikat na politician. Naging mainit ang media sa amin ni Mommy at nasasali ako.
“Hindi mo ba talaga naaalala?” malungkot niyang tanong. Kahit madilim, malinaw kong nakita ang mukha niyang binalot ng pagkadismaya.
Umiling ako. “I can’t… Saan ba iyon? Sa school?”
Umiling siya at ibinulsa ang isang kamay. Ang isang kamay namn ay hawak parin ang flashlight.
“Sa korte iyon. You’re with your Mom while your father is infront, defending his client. Panay lingon ako sa dako mo dahil nakikita ko sa mga mata mo ang paghanga mo sa iyong ama. Your mysterious eyes were very attractive that I can’t help not to stare at you…”
Umihip ang malamig na hangin sa aming dalawa. Medyo mabagal na ang aming paglalakad at nagbabasakali nalang na baka sa dulo ay makakalabas na.
I chuckled. “Love at first sight?”
He chuckled too, “how can I even love the daughter of the lawyer who sent my father into prison?”
Natigil ako sa paghakbang roon. Ang balahibo sa aking batok ay bigla nalang nanindig na kahit ang tibok ng aking puso ay kumalabog na ng husto.
Tumigil siya at nasa harapan ko ang kanyang likod. Kinutubuan agad ako. Iba na ang ihip ng hangin at may bumubulong bulong na sa aking sarili na kumaripas agad ng takbo, palayo sa lalakeng hindi ko na mabasa pa.
“That day, I promise to myself I’ll get my revenge… someone’s going to pay for your fathers damages to my family.” Nilingon niya ako gamit lamang ang kanyang ulo at ngumisi ng nakakaloko. “Magugustuhan siguro ng ama mo ang regalo ko kung ibinigay ko sa’yo ang ulo mo.”
May kung ano siyang binunot sa kanyang gilid na awtomatiko kong ikinatakbo palayo. Oh my God, Irah! Ito na ang sinasabi ng ama mo! Oh my God!
Kung natakot ako kanina sa ginawa ko kay Faith, ngayon ay triple na ang takot na yumakap sa akin. Nilinlang ako ni Bryce! Oh my God! Run faster Irah!
“Irah! You think you can hide?!” May kung anong pumutok na ikinahagulhol ko at mabilis na naghanap ng matataguang kahoy.
Ang aking puso ay para nang lalabas sa sobrang kaba lalo na’t wala pa akong maaninag na liwanag. Ni hindi ko alam kung sino ang hihingan ng tulong! Ang mga bodyguard ay siguradong naghihintay sa pag-aakalang mapagkakatiwalaan si Bryce! They all got him wrong! He tricked us!
“Irah… Where are you?” I heard him calling me. Tinakpan ko ang aking bibig at mariing pumikit sa pinagtataguan kong kahoy. Kung tatakbo ako, maririnig niya ang yabag ko at baka mahuli rin ako.
My mind got blanked. Tumutulo ang pawis at ang aking luha dahil sa nangyayari. He’s the son of a criminal! Oh my God!
Halos magdasal ako na sana ay hindi ako mabuko ni Bryce sa pinagtataguan ko. Buong akala ko kanina ay safe na ako dahil nahanap niya ako, pero ngayon, mas dapat pala akong matakot sa kanya kaysa sa kakahuyang binalot ng dilim kumpara kay Bryce na nilamon na ng kasamaan.
I can’t hardly remember how I end up being trick by him. Ang pinapakita niya ay akala ko totoo na! He was so sincere at sobrang caring pa! Oh my God, Irah!
May kung anong tumutok sa aking ulo na ikinatindig ng aking balahibo. Nagsimula akong humagulhol.
“Game over,” bulong niya sa nakakatakot na boses na mas nagpahikbi sa akin.
“Bryce… Please…” I pleaded.
Nanginginig na hindi lamang ang aking labi kundi ang aking buong katawan. Ni hindi ko alam kung paano ipagtatanggol ang sarili lalo na’t kumpara sa kanya, mahina ako at walang binatbat!
“Alam mo bang isang kalabit ko lang nitong hawak ko ay sabog ka?” matabang niyang sabi sa akin, malayong malayo sa nakasanayan kong pakikipag-usap niya.
“At last… Ang tagal ko narin pinlano, Irah! Dahil rin sa higpit ng mga gwardya mo, hindi kita masolo! Pinagtiisan kitang makasama at araw araw, tinatatak ko sa aking utak na balang araw ay masosolo rin kita… Biruin mo, sinundan pa kita dito?! But I guess it’s all worth it!” Tumawa siya ng malademonyo.
“Masyado ba akong magaling umakting? You got tricked!” sigaw niya at hinila ako paharap sa kanya. His blazing eyes screams vengeance! Ang tingin ay masyadong matalim at mukhang hindi magdadalawang isip na saktan ako ngayon ng pisikal.
Umiyak ako ng husto at ipinagsalikop ang aking mga kamay. Ang baril na nakatutok ay nasa gilid na ng aking ulo.
“Please, Bryce… I’ll talk to my Dad! Sasabihin kong ipawalang bisa ng kaso ng ama mo! My parents can help you-”
“And how about my sister?! Namatay siya dahil sa Daddy mo! Nakunan ang ina ko dahil sa stress! Pinakulong niya ang ama ko!” Mas idiniin niya ang baril sa aking ulo na mariin kong ikinapilit sa takot na baka ilang sigundo lang ay pasabugin niya na ito.
“Naging miserable kami at heto ka, tinatamasa ang karangyaan! Nagagawang magliwaliw at magsaya habang pinagdudusahan namin ang ginawa ng iyong ama!”
“Pero pinapakulong lamang ni Daddy ang mga may sala! Pinaparusahan ng korte ang mga dapat makulong-”
“Shut the fuck up!”
Napatili ako at mabilis na sumalampak sa sahig dahil sa pagsampal niya sa akin gamit iyong baril na hawak. Nalasahan ko ang dugo sa aking labi at humagulhol lalo. Hindi ko na alintana ang sakit at hapdi na dulot noon dahil sa yumayakap na takot sa akin. Can someone please save me…
Yumuko si Bryce para makapantay ako. Tiningnan ko ang nakabukaka niyang imahe at ang mukha niyang walang makitaan na awa sa akin. Pinaglaruan niya ang baril sa aking harapan.
“You won’t feel my pain, Irah. Hindi mo alan kung gaano kasakit ang pinagdaanan ko! Ano lang ba ang mga iniyak mo? Dahil lang ginago ka? Iyon lang ba ang naging problema mo? Hindi mo ba naranasang panoorin ang ina mong walang malay dahil sa sobrang stress? Di mo ba nakita ang ina mong magdusa araw araw dahil sa pagkamatay ng kanyang anak? Hindi mo iyon naranasan dahil masyado kang maswerte!” Tumulo ang luha sa kanyang mga mata sa kabila ng galit.
“Bryce… My Mom’s father got prisoned too! At si Lolo, ilang taon rin siyang nakulong sa salang di niya ginawa! Naghirap rin ang Mommy ko! Naghirap rin ako! L-Lumaki akong walang kinagisnang ama! Umiyak rin ako noong bata pa ako dahil nakikita ko ang ina kong iniiyakan si Lolo… Umiyak ako dahil nakulong si Lolo… Umiyak ako dahil nalaman ko na may ama pa pala ako… Umiyak ako at simula noong bata pa ako ay kinimkim ko iyon! Sinolo ko ang sakit!”
“Pero lumaya rin ang lolo mo! Nabigyan ka rin ng marangyang buhay at naging maganda ang kapalaran mo! Sapat na siguro lahat ng pinaggagawa mo at oras ko na para maningil sa ama mo.” Itinutok niya sa aking noo ang baril na ikinaiyak ko lalo. Naghalo na ang uhog at ang mga luha sa aking mukha pero hindi ko na iyon alintana.
“P-Please… B-Bryce… Nagmamakaawa ako!” Lumuhod ako at dahan dahang hinawakan ang baril na nakatutok sa aking ulo. “Please… I’ll help you… Just please h’wag mo itong gawin sa akin! H’wag mong ilagay sa kamay mo ang batas! Pagsisisihan mo rin ito! H’wag kang magpadala sa galit mo… P-Please… Give yourself a chance… Itama natin ito… H’wag kang gumawa ng ikakapahamak mo…”
Umiyak siya sa aking harapan pero ang mga mata ay mariin parin ang tingin sa akin. Umiyak narin ako lalo. Gusto ko siyang pakalmahin. Gusto kong agawin ang baril at yakapin ito pero nangingibabaw ang takot sa akin na baka mali ang iniisip ko.
Tumayo siya. Nakatutok parin iyon sa akin. Ang isa niyang kamay ay nasa kanyang beywang na.
“Wala ng awa na natira sa sistema ko, Irah. Hindi ka ba nagtataka kung ba’t di man lang kita mahalikan ng kusa sa tinagal tagal nating pagsasama? I can’t even be with you on a single bed! It disgusts me! Loving you is disgusting but I need to act. And now, you got tricked!” Kinasa niya ang baril at itinutok ulit.
Doon na ako umiyak at mas nagmakaawa pa. In my entire life, I never beg like this. Pero kung pwedeng lumuhod ako at magmakaaawa ng sobra sobra ay gagawin ko!
Sa kanyang likuran, may nakita kong pigura ng isang lalake at maingat na naglalakad patungo sa kanya. Mas bumuhos ang aking luha ng makumpirma ko kung sino iyon. H-Hinanap niya ako?! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas matatakot lalo.
Umiling iling ako at natakpan ang sarili kong bibig. Ilang sandali lamang ay umatake na ito at mabilis na inagaw ang baril. Iyon ang nagpasigaw sa akin.
“Takbo, Irah!” sigaw ni Toshi sa akin na nagpatayo agad sa akin.
Ang takot ay mas sumapi sa akin lalo na nang makita ko ang paghihirap ni Toshi na maagaw ang baril. Humakbang ako palapit pero binantaan agad ako ng mga mata ni Toshi.
“Tumakbo kana!”
“H-Hindi! A-Ayoko!” Umiling ako, ang luha ay mas bumuhos.
“H’wag kang makialam rito!” sigaw rin ni Bryce.
“Irah!” sigaw ni Toshi na nagtulak sa akin para umatras at tumakbo. Hihingi ako ng tulong! Ang dalawang bodyguards ko! Malapit na, Irah! May liwanag na!
Mas binilisan ko ang aking pagtakbo pero napahinto rin dahil sa isang nakakabinging putok. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at dahan dahang napalingon sa pinag-iwanan ko sa dalawa.
Para na akong nakalutang sa ere. Ang aking utak ay nablangko at hinanap agad ng aking mga mata ang imahe niya. Kitang kita ko kung paano lumayo ng bahagya si Bryce at nabitiwan ang baril. Nang umalis ito, doon ko nakita ang imahe ni Toshi, hawak ang gilid ng beywang at namimilipit na sa sakit.
Ang aking mga paa ay mabilis na bumalik roon at tinakbo ang distansyang namamagitan sa amin. Nagkatinginan kami, sa mga luha kong bumubuhos, sa mukha niyang namimilipit sa sakit, bago pa ito mapasalampak sa sahig ay nayakap ko na siya.
“You got shot!” Humagulhol agad ako sa kanyang balikat, ang nanginginig kong labi ay hindi ko na maawat. “May tama ka Toshi!” Mas nayakap ko siya ng mahigpit.
“Oo nga…” sagot niya sa nahihirapang boses.
“Go and ask for a help-” Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil sa sakit na nararamdaman. He groaned painfully as his eyes shut harshly.
“You’re bleeding! A-Anong gagawin ko?! Toshi…” Umiyak ako nang makita ang dugong pinipigilan ng kanyang kamay pero tumatakas parin.
“Daplis lang ’to…” bulong niya, nahihirapan parin pero namumutla na.
“Sorry! Kasalanan ko lahat! Sorry!” Niyakap ko siyang muli, sising sisi sa lahat.
“Ssshhh… Okay lang ’to. This is not really deep-” Naputol ulit ang kanyang pagsasalita at mas gumuhit ang sakit sa kanyang mukha.
“Cover it!” Tumulong ako sa pagtakip at tinakpan rin ang kanyang kamay. Ang dugo ay nalipat na sa aking suot pero desidido akong takpan iyon.
Hindi ako matigil sa pag-iyak.
“K-Kasalanan ko ’to… H-Hindi ko alam… N-Nalinlang ako ni Bryce…” Humagulhol ako sa kanyang harapan at labis labis na ang pagsisisi.
“Hey, look at me…” Hinawakan niya ang aking pisngi at hinuli ang mga mata.
“Ang importante… Walang nangyari sa’yo. You’re safe-” Huminga siya ng malalim at mariing napapikit dahil ulit sa pamimilipit sa sakit. Nanghihina na ito at bago pa man tuluyang mapasalampak sa sahig ay tinulungan ko siyang makaupo.
“Tatalian natin ang sugat mo. P-Para walang lumabas na…” Akma ko nang hububarin ang aking dress at handa iyong punitin para maitali sa kanyang beywang pero pinigilan ako ng kanyang kamay.
He sighed heavily as his sleepy eyes stared at me. Ilang sandali nalang, sa daming dugo na tumatakas sa kanya ay maaari na siyang mawalan ng malay!
“It’s my fault. Kung hindi kita sinigawan… kung kinampihan lang siguro kita…” Hinaplos niya ang aking pisngi.
Umiling ako. “Toshi! Wala tayong panahon ngayon para magsisihan! Kailangan kang magamot at kailangan mong maisugod agad sa hospital! Please! O-Oo galit ako… P-Pero iyong ganito… I-Iyong mawala ka…” My voice cracked as tears came running like a waterfalls.
Naalala ko iyong araw na nagbitaw ako ng salita sa kanya. Ngayon ay sising sisi na ako at kung pwedeng hilingin ko sa langit na bawiin iyong mga sinabi ko noon ay gagawin ko. I got carried away with my anger but I never dreamed watching him like this… bleeding literally!
Hinila niya ako at at sinalubong ang aking labi. Umiyak ako ng husto roon. Ang aking kamay ay nasa kanyang balikat at hindi tanggap ang lahat lahat.
“Sshhh… I’m fine…” he said, wiping my tears with a pain in his words.
49th TRICKED
T R I C K E D
Trauma
Tulala ako sa kawalan. Ang aking utak ay lumilipad parin sa mga nangyari. I can’t believe Bryce has a plan to kill me all this time. Paano niya nagawang magpanggap na mahal niya ako simula palang noong umpisa? Kahit hindi ko iyon masuklian pero nakuha niya ang tiwala ko.
Naisugod si Toshi sa hospital dahil rin sa mga bodyguards kong nahanap kami ng oras na iyon. They told me, nakita nilang tumakbo si Bryce mag-isa at hindi ako kasama kaya mabilis rin silang kumilos. Ngayon ay hinihintay ko nalang ang pagdating ni Mommy at Daddy rito.
Pinalis ko ang luhang tumutulo nalang bigla kahit hindi na ako umiiyak. Nakaupo ako rito sa loob ng kwarto kung saan nakaconfine si Toshi at tulog pa. Tinahi na iyong kanyang sugat at nakatulog na ito pagkatapos. The doctor said he’s okay now.
May mga pumasok sa loob na ikinatigil ko. Ang aking takot ay bumalot agad sa aking mukha at napatayo. Ang puting dress ay may dugo parin ni Toshi at gutay gutay na ang ibaba.
The two men glanced at me. May kasama rin silang dalawang babae na nag-aalala ang mga mukha. Ang isa lang ang aking namukhaan pero umatras na agad ako.
“Dwight…” tawag noong babae sa kasama niyang lalake na tinahan agad ito dahil sa mga nagbabadyang luha.
Nagpaligsahan naring tumulo ang aking mga luha. Mabilis ko iyong pinalis para lang umaktong okay pero hindi ko na magawa.
“Are you okay, hija?” tanong saakin noong nagngangalang Rico na lolo ni Nana.
“Siya iyon?” tanong naman noong matandang tinawag na Dwight. Naalala ko sa kanya ang ama ni Toshi pero mas intimidating ito at parang galit ang mukha palagi.
Tumango iyong Rico. Nailing naman iyong Dwight at tiningnan ulit ako.
“Come here, hija, h’wag kang matakot…” tawag sa akin noong babae na ikinatigas ko sa aking kinatatayuan.
They might do something to me! A-Ako ang dahilan kung ba’t nandito si Toshi… B-Baka…
Tears flood in my eyes as I watched them. Umiling ako at mas umatras pa, ang hikbi ay tumakas na sa aking bibig.
Nagkatinginan ang dalawang babae na kahit ang matatandang lalake ay kunot-noo niya.
“She’s scared!” sigaw noong isa sa mga babae na mukhang asawa noong Rico.
Sa aking kakaatras ay nasa sulok na ako ng pader at napasandal na roon. Mabilis akong umupo at niyakap ang aking mga paa. Ibinaon ko ang aking mukha sa aking mga tuhod at doon itinago ang mukha kong umiiyak. Calm down, Irah! Baka… Baka malaman nilang mahina ka at may gawin sila sa’yo!
I can’t think straight anymore. Nagtatalo sa aking isipan ang gagawin. I feel so blanked that it pushed me to cry harder.
May humawak sa aking braso katulad noong paghawak ni Bryce sa akin na ikinagulat ko.
“H’wag please! Layuan mo ako!” I pushed the girl who touched me.
“Calm down, hija! Hindi ka namin sasaktan… Lola ako ni Toshi… Calm down…” Hinawakan niya ang aking pisngi pero tinabig ko iyon at umiling.
Ang kanyang mga mata ay namumungay na sa akin habang umiiyak na ako ng walang humpay. Ang mga luhang akala ko ay naubos na ay marami pa pala.
“She got traumatized…” nilingon niya ang tatlong nag-aalala rin ang mga mukha.
“N-Nagmamakaawa ako…” bulong ko at mas humikbi pa.
Bigla niya akong hinila at niyakap. Ang kanyang kamay ay hinaplos haplos ang aking likod.
“Ssshh… Okay kana… Nandito kami… You’re safe… Hindi ka namin sasaktan,” bulong niya sa akin na ikinakalma ko.
Umiyak ako sa kanyang balikat at hindi ulit nakayanan ang mga memoryang bumalik sa akin. Paulit ulit ang lahat na parang nangyari iyon ilang sigundo lamang ang nakalipas at pakiramdam ko ay babalikan ako ni Bryce para patayin.
Nakaupo na ulit ako sa upuan. Ang dalawang babae na nagngangalang Blaire at Katelyn ang nagpapatahan sa akin.
“I already sent some men to guard us here. You’re already safe, hija…” banayad na sabi noong nagngangalang Dwight.
Hindi ako makatingin sa kanyang mga mata at yumuko nalang habang pinaglalaruan sa aking kandungan ang aking mga daliri. Sinusuklay naman noong Lola ni Toshi ang aking buhok.
Tahimik lang ako habang nag-uusap sila at hinihintay ang paggising ni Toshi. Iyong dalawang lalake ay lumabas muna sandali dahil kakausapin daw iyong mga bodyguards ko para sa dagdag impormasyon. Kinakausap ako noong dalawang matandang babae pero hindi ko magawang sumagot. Ang aking mga mata ay palagi lang na nasa kandungan ko at tumutulo pa ang aking luha.
Paggising ni Toshi, magagalit ba siya? Sisisihin niya ba ako? I’m the one who caused the trouble. Katulad noong napahamak si Faith, pinagalitan niya rin ako. What if he’ll change my mind at sisihin ako sa nangyari sa kanya?
Mariin akong napapikit at naramdaman ulit ang panibagong luhang umatake sa akin.
“She needs to see a doctor, Blaire… Hindi siya tumatahan…” nag-aalalang sabi noong Katelyn.
“But in her case, takot siyang humarap sa hindi niya kilala. Siguro hintayin nating magising si Toshi at baka makalma siya nito…”
Bukas pa ata ang dating ng aking mga magulang. Hindi ko talaga alam… I just want to be with them right now… Parang mas safe ata ako. I don’t want to be with some strangers. Hindi ko naman sila kilala. They might do something to me. Baka pakitang tao lang ulit ito at pag kami kami nalang, saktan rin nila ako.
Gumalaw si Toshi na ikinatayo agad noong Lola niya. Nilapitan niya ang kama nito at tiningnan ng mabuti kung gigising ba. Ang babae ay nanatili sa aking tabi. Noong mag-angat narin ako ng tingin para makiusisa sa harapan ay ngumiti siya sa akin.
“He’s going to be fine…” sabi niya, katulad ng mga mata noong ama ni Nana ay tila nawawala rin dahil sa matamis na ngiti.
“Toshi! Gising kana!” sigaw noong lola niya at mahigpit itong niyakap. I heard him groaned kaya lumayo ng kaonti iyong babae.
“Ay sorry… Nag-alala lang talaga kami ng Lolo mo! Kaming lahat! Ikaw bata ka…”
“Si…” Bumangon si Toshi kaya inalalayan agad siya nito.
“H’wag ka munang gumalaw galaw baka bumuka iyang tahi mo…”
Sumandal siya sa headboard kahit na bakas sa kanyang mukha ang iniinda paring sakit. Sumuyod agad ang kanyang mga mata at mabilis na nahanap ang akin. His face calmed down when he saw me.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi lalo na’t nanlalabo na ang aking mga mata. Nagpaligsahan agad iyong tumulo na mabilis kong pinalis.
“Kanina pa siya iyak ng iyak, Toshi… Nag-aalala na ako sa girlfriend mo…” malungkot na sabi noong Lola niya.
“Natrauma ata ang batang ito,” iyong katabi ko naman at hinagod muli ang aking likod.
“Come here…” sabi niya sa paos na boses.
Humikbi lamang ako. Gusto kong pumunta sa kanya, gusto kong maglakad roon pero pinapangunahan ako ng takot. Ang daming tumatakbo sa aking utak sanhi para hindi ako gumalaw sa aking kinauupuan.
Gumalaw ulit si Toshi at akmang aalisin ang nakatutok na dextrose sa kanya pero pinigilan agad siya ng kanyang lola.
“Toshi!”
“Patatahanin ko lang…” sabi niya at binalingan akong muli. Pinalis ko agad ang aking luha para sana hindi na siya tumayo roon pero inatake ulit ako ng batalyon na mga luha.
Siguro, ito iyong mga luhang kinimkim ko noong nasasaktan ako. Sila iyong mga gustong gustong lumabas pero pinigilan ko noon kaya ngayong wala na akong lakas na magpigil ay sinasamantala nila.
Naawa narin ang Lola niya sa akin nang tingnan ako nito nito kaya tumulong nalang sa pagbaba ni Toshi. Hindi nito tinanggal ang dextrose at hinawakan niya nalang. Tumulong rin iyong isang babae para alalayan ito.
Noong makarating siya sa aking harapan ay iniluhod niya ang isa niyang paa para makalebel ako. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan iyong hinaplos haplos, katulad noong ginagawa niya sa aking mga daliri pag nagtatampo ako sa kanya.
“Look at me, Irah…” Hinanap niya ang mga mata kong iniiwas ko sa kanya dahil sa mga luhang hindi ko na maawat.
Dahan dahan kong inangat ang aking tingin hanggang mahuli niya ang mga mata ko. He smiled at me genuinely.
“Nandito ako… Walang mananakit sa’yo…” masuyo niyang sabi at namumungay ang namumulang mga mata sa akin.
That broke me. Iyon ang nagtulak sa hikbi ko at humagulhol sa kanyang harapan. Hinila niya ako, ang mga mata ay namumula narin dahil sa kakatingin sa akin. Nayakap ko ang kanyang leeg at doon umiyak sa kanyang balikat. Ang takot kanina na baka balikan ako ni Bryce ay unti-unti nang nasisipa palabas sa aking sistema. Siya ang naroon para ipagtanggol ako. Ang lalakeng ito…
Maluha luha rin ang dalawa dahil sa aming dalawa ni Toshi. Ang todo kung makaiyak ay iyong Lola niya. Pumasok iyong dalawa pang matanda at takang taka ba’t nag-iiyakan ang dalawa. Noong napagtantong dahil sa akin ay kumalma rin naman.
Tiningnan ulit ng doktor iyong tahi ni Toshi dahil dumugo iyong bandage sa kanyang paggalaw. Nasa kama na ulit ito at binalaan na h’wag nalang munang gumalaw galaw. I stayed on his side. He was wiping my tears and telling me that I am already safe.
Kasama namin ang doktor sa loob lalo na’t tinatanong rin noong dalawang matandang lalake ang kalagayan ko.
“We have a trauma specialist that can help her cope-up with the situation… A session in the office will do to calm her for awhile…” narinig kong sabi ng doktor na ikinatingin ko agad kay Toshi. Ayoko!
Siguro, nabasa niya rin ang aking iniisip.
“Is there anything else aside from seeing a trauma specialist?” tanong niya.
“Yes… Her family or a close friend to her can help her cope-up with the situation. Are you his…”
“Boyfriend,” sagot noong Lola niya na ikinatango rin naman noong dalawang matanda.
“You can guide your girlfriend. I’ll give you a book later. Excuse me.”
Nagpaalam rin naman ito palabas. I stayed quiet. Iba na ang tingin noong dalawang matandang lalake kay Toshi.
“Pinapairal ang selos… Lalake pa naman ang doktor…” Nailing iling iyong si Rico at mukhang inaasar si Toshi na hindi man lang magawang ngumiti. Binasa niya lang ang pang-ibabang labi saka ako binalingan. Ang dalawang babae naman ay natawa at iyong Dwight ay nailing rin.
“Seloso. May pinagmanahan…” iyong Dwight.
“Nasa angkan ba natin ang ganyang ugali?” iyong Rico.
Umiling iyong Dwight. “Wala. Understanding tayo.”
Natawa ang dalawang babae na medyo ikinapanatag ko dahil sa kanilang mga biruan. Ang kanilang mga tawa sa loob ay nagpakalma sa akin at nagpahinto sa aking pag-iyak kahit na nangingibabaw parin ang takot sa aking sistema.
Dumating rin naman sila Dada Marco kasama si Tita at ang kanilang anak na si Valenz. Hindi sila gaanong nagtanong ng kung ano ano sa akin lalo na’t binalaan rin sila noong doktor na h’wag usisain ang nangyari dahil baka magbreakdown lamang ako pag naalala ulit ang lahat.
“Uuwi ka ba, Irah?” masuyong tanong sa akin ni Dada.
Umiling ako at yumuko. Ang aking mga kamay ay kumuyom na sa bedsheet ng kama ni Toshi. Noong mapansin niya iyon ay iginapang niya ang kamay sa aking palad at ipinatong roon.
“Kanina, noong makita niya kami ay natakot siya sa amin. Ang sabi noong doktor, mas makakatulong sa kanya kung iyong malalapit ang magpapakalma sa kanya,” sabi noong Lola ni Toshi.
“She’s not friendly. Wala itong pinagkakatiwalaan at iyong…” Napigilan agad ni Dada ang kanyang bibig na may sambiting pangalan.
“Baka maya maya, nandito na ang mga magulang niya,” dugtong niya nalang.
Nagpaalam rin naman silang lumabas muna lahat. Medyo nakahinga na ako ng maluwag at si Toshi nalang ang kasama ko sa loob. Dapat ay natutulog siya ngayon at nagpapahinga pero hindi niya rin magawa.
Hinaplos haplos niya ang aking pisngi. Nakaunan lamang ang aking baba sa mga kamay ko, ang tingin ay nanatili sa harapan. Pag nagsawa siya sa aking pisngi ay sinusuklay niya ang aking buhok.
Gustong gusto ko siyang kausapin pero pakiramdam ko, pag nagsalita ako ay hahagulhol lamang ako. Pagod ang buo kong katawan at pagod ang aking isipan. Kahit ang pagtulog ay hindi ko magawa dahil baka magising nalang akong iba na ang aking kasama.
“Do you want to sleep beside me?” tanong niya sa banayad na boses na ikinailing ko lang ng marahan.
“I’m not going to leave you… At malaki ang kama.”
Hindi ako sumagot at nanatili lang nakatitig sa kawalan. Bumuntong siya ng hininga at yumuko hanggang sa naramdaman ko ang labi niya sa aking ulo.
Sa ginawa niya, ang aking mabibigat na mga mata ay tuluyang sumara at nakaidlip. Ramdam ko ang kanyang presensya sa aking ulo at ang kamay niyang nakahawak sa aking kamay. I can feel him caressing my hair. Iyong tipong ako lamang ang tulog pero hindi ang aking utak.
Bumukas ang pinto na nagpagulat sa akin sanhi para maibangon ko ang aking mga ulo. I panicked but when Toshi hold me tightly and eyed me… kumalma ako roon at napagtantong ang pumasok ay si Valenz.
“Your parents are here, Irah!” balita niya sa akin na nagpalabo agad ng aking mga mata.
Ang aking mga mata ay nanatili sa pinto, nagbabakasakaling narito na nga sila. Hindi rin naman ako nadismaya nang makita ko ang mukha ni Mommy at si Daddy. Dad stop midway when he saw me. Ang aking mga luha ay nalaglag agad at humikbi na. Sa kanilang likuran, kahit palabo na nang palabo ang aking mga mata… nakita ko rin ang mga magulang ni Toshi.
“Irah!” humagulhol agad si Mommy at mabilis na nagtungo sa akin.
Tumayo ako, kahit nanghihina. Niyakap niya agad ako ng mahigpit at mas humagulhol sa aking balikat.
“Anong nangyari diyan?!” nagpanic si Mommy nang humarap siya at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
Humikbi lamang ako. Iyon lang ang naibigay kong sagot sa kanya. Niyakap niya akong muli. Ang aking mga mata ay napunta kay Daddy na titig na titig sa mukha ko, sa gilid ng aking labi na mukhang nagkapasa dahil sa paghampas ni Bryce ng baril sa akin.
Lahat ay napatalon nang sinuntok niya ang pinto at mabilis na binunot ang cellphone.
“Track the criminal’s location,” malamig at galit niyang tugon sa kausap niya.
“Tres…” tawag ni Mommy sa kanya at bumitaw sa akin.
Tinakpan ko ang aking mukha, mas umiyak roon. Hindi ko na maawat ang balikat kong tumataas baba dahil sa kakaiyak.
“A-Akala ko… H-Huling buhay ko na… Itinutok niya sakin…” I struggled with my words. Halos hindi na ako makahinga ng maayos sa aking sinasabi at mararahas na ang pag-angat ng aking mga balikat.
Nakarinig ako ng mararahas na yapak. Noong ibinaba ko ang aking kamay, nakita ko ang namumulang mga mata ng aking ama at mabilis ang hakbang makapunta agad sa akin sa seryosong mukha pero puno may kinikimkim na awa at magkahalong galit sa mga mata.
He embraced me tightly that it pushed me to cry harder. Sa sobrang higpit noon, nagbalik sa aking alaala ang una naming pagkikita. Kung paano ko labis na ikinatuwa iyon at ipinagpasalamat na may ama pala ako.
I heard his silent sobs on my shoulder as he hug me even more. Kahit itago niya iyon, ramdam ko ang kanyang iyak at ang nababasa kong balikat. I clutched on his shirt and cried harder.
“Papatayin niya ako! Gaganti siya sa akin! S-Sa pamilya natin!” sigaw ko sa amang lubos kong pinagkakatiwalaang lalake sa aking buhay.
Mas humigpit pa ang yakap sa akin ni Daddy. Parang magkahalong galit at awa na iyon na pilit niyang kinikimkim para hindi sumabog sa aking harapan.
“Siya muna ang mapapatay ko bago niya iyon magawa sa’yo,” sabi niya sa malalim at garalgal na boses.
My mothers sob echoed the room. Tahimik lang ang lahat na nanonood sa amin. Mas nakakapagsalita ako sa aking ama at nasasabi ko ang lahat sa kanya.
“Itinutok niya sa akin ang b-baril… I beg… L-Lumuhod ako… N-Nagmakaawa…”
Natakpan ang maliit kong boses dahil sa boses ng aking ama na sumambit na ng sunod sunod na mura.
“Mapapatay ko iyon!” My father screamed in so much anger.
“Tres! Kumalma ka! A-Ang anak natin…” Dumalo narin si Mommy na kahit ang iyak ni Tita Chanelle ay narinig ko.
I sob on my Daddy’s chest. Hilong hilo na ako sa takot at kahit ang aking tiyan ay para naring pinupulupot. Kung hindi lang sa mahigpit na yakap ng aking ama ay baka nasa sahig na ako dahil sa sobrang panghihina.
Para na akong papatayin sa sarili kong nararamdaman. Nagpanic na si Mommy dahil hindi na ako kumakalma sa pag-iyak at halos hindi narin makahinga. May doktor agad na pumasok dahil mukhang tumakbo si Tita Chan para makahingi ng tulong.
Iyong itinurok nila sa akin ang nagpakalma ng aking sistema at nagpabigat sa aking mga talukap. Nakatulog ako sa kandungan ng aking ama habang nakayakap sa kanyang balikat. Pero kahit nakapikit ang aking mga mata, naririnig ko ang pag-uusap nilang lahat.
“Mas mabuti kung may malaking pabuya para mahanap agad ang kinaroroonan ng kriminal na iyon.” Boses iyon ng Lolo ni Nana.
“I want him dead,” tugon ni Daddy.
“Let the justice punished him. Tutulong kami para mas bumigat ang kaso at pwede mong gamitin ang expertise mo bilang isang abogado,” Lolo iyon ni Toshi.
“Pero Pa, hindi pa nahahanap ang kriminal. Mas ikakalala lamang iyon ng kalagayan ni Irah. Takot na takot ang bata…” si Tito Jhope.
“Ayun sa doktor, mas makakabuti kung nasa isang mapayapang lugar si Irah. Ano ba ang mga hilig niyan? Kung naroon siya, mas makakalma ito…” iyong Rico.
“She likes outdoor activities. Mahilig siya sa dagat…” si Mommy iyon.
“Dwight… ’Di ba may binili kang property… Iyong sa isang auction? That Resthouse…” iyong Lola ni Toshi.
“That place will calm her. Nasa harap rin iyon ng dagat. Habang inaasikaso natin ang paghahanap at magiging kaso noong kriminal, doon muna si Irah pansamantala,” iyong Dwight.
“We’ll put some guards on the place for their safety. Mukhang nakakalma rin si Irah kay Toshi kaya baka mas makakabuti rin iyon,” iyong Rico naman.
My father remained silent. Pero rinig na rinig ko ang nagwawalang pintig ng kanyang puso. Sigurado akong may tumatakbo na sa kanyang utak at ang gusto ay makaganti agad.
Wala na akong masyadong marinig dahil mukhang tuluyan naring umepekto iyong itinurok sa akin at pinatulog na ako. Sa aking panaginip, para ulit akong bumalik sa pinangyarihan at ang pagtakbo ko para mahanap ng pinagtataguan. Ramdam ko ang takot na pumapaibabaw sa aking kabuuan sa oras na iyon. I was crying while seeking for help. Kung hindi lang may yumugyog sa akin, hindi ako magigising sa bangungot.
Ang mga mata agad ng aking ama ang aking natagpuan. Hinawakan niya ang aking pisngi para pakalmahin ako. Ang aking paghinga ay unti-unting huminahon.
“Breathe slowly, baby… Kaya mo ’yan…”
Tumango ako at ginaya ang aking ama na humihinga rin, sinasabayan ako. Mukhang nasa loob pa kami ng hospital.
“Good girl…” Pinatakan niya ako ng halik sa aking noo na ikinangiti ko pero patuloy parin sa paghinga.
My father is still in awe. Mukhang hindi ito natulog bantayan lamang ako at aluhin. Para akong bumalik sa pagkabata dahil sa trato niya sa akin. He’s not a clingy father pero noong bata ako, naalala ko na madalas niya akong niyayakap at hinahalikan ang aking noo. It was our bond… na tuwing naglalaro ako, binabantayan niya ako, si Mommy.
Maybe nagbago lang ang ganoon noong lumaki na ako at tinubuan rin ng hiya sa katawan. Hindi ko na ito madalas niyayakap at medyo nagtayo narin ako ng pader sa aking sarili. Ngayon lang ulit bumalik ang pakiramdam ko noong bata pa ako, na safe ako dahil sa aking ama… sa aking mga magulang na parang ginigiya ulit akong lumaban.
It was a painful event for me. Sa araw araw na nandoon ako sa hospital lalo na’t natatakot rin ang mga magulang ko na baka magbreakdown ako pag inalis nila ako sa tabi ni Toshi. Ang sabi noong doktor, mas mabuting naroon ako at makita ko ang paggaling ni Toshi lalo na’t siya ang kasama ko noong panahong iyon. Ang trauma raw na nararanasan ko ay guilt at takot. Normal lamang daw iyong mga kilos ko dahil narin sa nangyari sa akin.
Pinanood kong magbalat ng apple si Toshi habang nasa kama parin siya habang nasa gilid naman ako ng kama, nakaupo. Mabilis ata itong gumagaling at siya ang madalas kong kausap. Bumibisita ang mga magulang namin pero umaalis rin, minsan si Tita Chanelle, si Mommy at iyong dalawa pang matandang babae na si Blaire at Katelyn ang madalas na nandito para pagaanin ang loob ko.
“Thanks,” I smiled timidly at kinuha iyong inilahad niyang slice ng apple.
“Feeling better?” tanong niya.
Tumango ako, kahit hindi ko naman alam ang nararamdaman ko. Minsan ay naiinis ako pag masyadong maraming tao na hindi ko pa kabisado. Ang aking emosyon ay hindi ko makontrol kaya umaalis rin sila para bigyan ako ng espasyo.
“Babalik tayo sa Pilipinas sa susunod na mga araw. Is that okay with you?” Hinaplos niya ang aking pisngi, ang mga mata ay namumungay at kumikislap.
Tumango ako at kinagatan ng maliit iyong apple.
He sighed and crouched a bit just to kiss my forehead. Napangiti ulit ako ng tipid sa kanyang ginagawa. Noong mapansin niya iyon ay ngumiti narin siya. Ang kanyang halik ay bumaba sa aking ilong at maingat akong hinalikan roon. I smiled again. Sa kanyang nakita ay ngumisi na siya at mas ibinaba ang halik sa aking labi. My smile grew wider. Siya naman itong humalakhak. Naamoy ko pa ang mint sa kanyang hininga dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa.
“That’s it… Smile…” he swhispered and planted another kiss on my lips.
Bumukas ang pinto kaya sabay naming napalingon roon. Nagulat si Tita Chanelle sa nadatnan pero dahan dahan ring isinara ang pintuan.
“Ayiee… Nakita ko ’yon…” pang-aasar niya bago tuluyang maisira ang pinto.
Toshi chuckled. Ngumuso lamang ako at kinagatan iyong apple. Nag-iwas nalang ako ng tingin sa kanya at kinontrol ang sarili kong emosyon.
50th TRICKED
T R I C K E D
Ikaw pa kaya?
Sa huling araw namin roon sa hospital, bigla nalang sumulpot roon si Faith. Ang pisngi ay may bandage at may dalang papeles.
“Oh my gosh, Toshi! Anong ginawa ni Irah sa’yo?!” Mabilis siyang nagtungo sa gilid ni Toshi at itinulak pa ako paalis roon.
Dad’s brow furrowed while si Mommy naman ay takang taka. Narito ang lahat sa loob ng kwarto at hinihintay nalang na madischarge si Toshi mamaya para makaalis rin kaming lahat. Ang kanyang presensya ang kumuha ng atensyon ng bawat isa na naririto sa loob.
“Nalaman ko ang nangyari! Sabi ko naman sa’yo mapanakit iyang si Irah! Anong ginawa niya?! Siya ba ang may gawa nito?—”
“Enough, Faith…” Tinanggal ni Toshi ang mga kamay ni Faith sa kanyang pisngi.
Mabilis niya akong nilingon, matalim agad ang tingin. Akma niya akong lalapitan pero hinila ni Toshi ang kanyang braso.
“Masasampal ko iyan ulit! Anong ginawa niya sa’yo?!”
Literal na umarko ang kilay ni Daddy nang marinig iyon. Si Mommy naman ay sumimangot pa.
“She slapped you?” Dad asked me.
Hindi ako sumagot at nag-iwas lang ng tingin. I don’t want to talk about it as much as I want to say sorry to her.
“Sinampal mo ang anak ko?” tanong naman ni Mommy.
“Yes! At nandito ako para magsampa ng kaso sa kanya dahil sa ginawa niya sa pisngi ko!—”
“Enough, Faith,” galit na sabi ni Toshi pero mukhang ayaw ata nitong magpaawat.
“Baliw ba iyan?” Narinig kong bulong ni Tita Chanelle sa kanyang asawa.
Dad stood and went to her. Nakita ko kung paano napakurap si Faith at napaatras, ang mga mata ay biglang binalot ng takot. Ganoon ang karaniwang reaksyon ng mga taong nakikita si Daddy sa unang pagkakataon.
“Let me see the papers you filed to my daughter,” malamig na sabi ni Dad at inilahad ang kamay niya.
Nilingon niya ako sandali, sinamaan ng tingin saka niya ibinigay kay Daddy ang mga papel na iyon.
“May kasama akong mga pulis sa labas at dadamputin siya!” matapang niyang sabi.
Seryosong pinasadahan ni Daddy iyong papel at inilipat agad ang pahina. Pagkatapos niya iyong basahin ay bigla niya iyong pinunit sa harapan ni Faith na ikinalaglag ng kanyang panga. Iyong matatanda naman ay tahimik lang na nanonood.
“Where are the police officer? I am a lawyer and what you did to my daughter is an assault. Baka nga ginawa niya iyan sa’yo dahil sinampal mo siya. Tell your parents to find a better lawyer and let’s see each other on the court.” My Daddy fired like he’s so sure he’s going to win the case.
Namutla si Faith na kahit ang paglunok ay nagawa niya sa harapan ng aking ama. Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakatitig. It’s my fault… Kung tumahimik lang rin siguro ako… Kung hindi ko siya punatulan…
“P-Pero ako ang may mas malaking damage!” Itinuro niya ang kanyang pisngi.
“Damage? Your cheek? Your whole face looks damage. Is that your normal face or what?” Dad asked harshly.
Humagalpak ng tawa si Tita Chanelle na kahit ang Lola ni Toshi at iyong nagngangalang Blaire ay tumawa rin. They were all laughing like Daddy’s insult is a big joke.
“Call a fire men Jhope to put a water to the burned area,” iyong Rico.
“Iurong mo mo nalang ang kaso, hija… h’wag na natin itong palakihin. Hindi rin siguro iyon sinasadya ng anak ko. She’s not okay right now… Ako na ang humihingi ng tawad.” Lumapit narin si Mommy roon at hinawakan ang braso ni Daddy.
I should be the one saying sorry pero hindi ko iyon masabi.
“Nagquit na si Irah at dahil nilabag mo rin ang rules ng kompanya kaya talsik kana rin bilang modelo, Faith… I already warned you about causing fight with your co-model,” seryosong pahayag noong Rico na ikinadismaya agad ng mukha noong Faith.
“P-Pero…”
“Ayaw ko rin sa mga modelong sinaktan ang girlfriend ng apo ko. Rico, ba’t niyo iyan tinanggap eh mukha namang walang breeding? Sumugod pa nga dito.” Disgustong tiningnan noong Lola ni Toshi si Faith na lumunok ulit ng laway.
“Toshi…” malambing na tawag ni Faith at mukhang naghahanap ng kakampi.
“Just leave Faith,” mariin na sabi ni Toshi.
Nagulat ang mukha niya sa pananaboy sa kanya kaya mabilis rin itong tumakbo palabas.
“Iyan na nga ba ang sinasabi… Masyado kasing gwapo itong apo ko kaya pinag-aawayan…” iyong Lolo ni Toshi na may pailing iling pa.
Mom went to me and hug me again. Ipinahinga ko sa kanya ang ulo ko at pumikit sandali para magpigil ng luha. Kahit mali ko, kakampihan nila ako…
I don’t talk that much. Sinisikap ko paring ibalik ang dati kong sigla pero hindi ko talaga alam kung paano aalisin ang takot sa aking sistema. My father told me I should take it slow and let my emotions rule me. Ilabas ko raw iyon at h’wag pigilan dahil makakatulong iyon sa akin.
“H’wag mong pilitin ang sarili mong maging matapang dahil nandito naman kami. Ako ang magiging matapang para sa’yo.”
It was my Dad who told me those words that drive me into tears. Ilang araw rin akong umiiyak sa kanyang balikat lalo na kung bumabalik sa akin ang trahedyang kamuntik ng kumitil ng aking buhay. What if hindi dumating si Toshi? What if ako ang nabaril? I’m sure my parents are mourning now…
It’s my second life. Ang sabi ni Mommy sa akin may rason ang lahat at kaya siguro iyon nangyari para mamulat ako sa katotohanan. Maybe God wants me to learn something from it. Kung hindi iyon nangyari, baka hanggang ngayon ay nilalamon parin ako ng galit at gusto pang maghiganti.
“Toshi, ikaw na ang bahala sa anak ko ha…” marahang sabi ni Mommy habang hinahatid kami sa airport. Dad is not with us. Busy sila kasama iyong mga Delafuente habang ang mga babae lamang ang naghatid sa amin at tatlong bodyguards.
“Don’t worry, Tita…” Nilingon ako ni Toshi.
“Irah, pag di kana trauma, magkwentuhan tayo ha…” si Tita Chanelle naman na ikinailing noong dalawang matanda na babae.
“Gagaling agad siya. Matapang raw ang batang iyan…” iyong Lola ni Toshi.
“Matapang ang anak ko… Iyan pa…” Nginitian ako ni Mommy.
I smiled timidly at them. Mom spread her arms wider kaya nagtungo ako sa kanya at niyakap ito.
“H’wag mo nang pag-alalahin si Mommy ha…”
“I’m sorry…” I whispered.
“Hindi… Wala kang kasalanan rito… Biktima ka Irah at iyon ang isipin mo.”
Biktima ako. Iyon palagi ang pinapamukha nilang lahat sa akin dahil siguro, ramdam nilang sinisisi ko ang aking sarili sa nangyari. Binulag ko ang aking sarili sa galit at gustong makapaghiganti kay Toshi kaya hindi ko na namamalayan ang ibang tao sa aking paligid. Even Bryce, I used him to get on Toshi. Nasali siya sa paghihiganti ko sa lalakeng pinahamak ko pa.
Ang sugat na gawa ng nakaraan ay mas lumaki lamang at hindi ko na alam kung paano gagamutin iyon. Kinulong ko ang aking sarili sa nakaraan. Naghangad ako ng higit pa sa sakit na naranasan ko na sana ay maibigay ko rin kay Toshi. But it turns out, fate has a better plan to punished me, to make me realized that vengeance is not the cure to feed my anger.
Ano kayang nangyari kung pinakinggan ko ang side ni Toshi at nagpatawad nalang agad? Mapipigilan ba ang nangyari? Hindi ba siya napahamak dahil sa akin?
Niyakap rin ako ni Tita Chanelle at iyong dalawa pang babae. Medyo hindi ko pa maibigay ang aking tiwala sa kanila at hindi ko alam kung magtitiwala pa ba ulit ako sa mga nakapaligid sa akin.
Nakaidlip ako sa eroplano. Ang balikat ni Toshi ang nagsilbi kong unan. Minsan ay magigising rin agad ako sa mga ingay na nasa aking paligid at kakabahan pero sa t’wing hinuhuli ni Toshi ang aking mga mata ay kumakalma rin ako.
Pinagbawalan akong gumamit ng cellphone at bawal rin daw akong manood ng tv. Iyon ang paalala noong specialist sa akin noong bisitahin niya ako sa kwarto ni Toshi. Kahit ang nangyari sa akin ay ipinalihim ni Daddy at hindi isinapubliko dahil mas makakasama lamang daw iyon at baka matagalan ako sa pag-aadjust.
Hinawakan ko ang sumbrero at iginala ang tingin sa karagatang lumiliwanag dahil sa mainit na araw na tumatama ang sinag sa tubig. Tumingala ako at itinakip ang palad sa sinag ng araw. Ang malamig at preskong hangin ay tila yumayakap sa akin at pinaglalaruan hindi lamang ang suot na dress kundi pati narin ang aking buhok.
“Do you like the place?” Naramdaman ko ang kamay ni Toshi sa likuran ko.
Tumango ako. “Is that the Resthouse of your grandparents?” Itinuro ko ang nakitang malaking Resthouse sa hindi kalayuan.
Tiningnan narin iyon ni Toshi at tumango. “We can stay here as long as you want…”
“Until I recover,” I murmured.
Hindi niya iyon nagets lalo na’t mahina ang aking pagkakasabi. Nilingon ko ang mga bodyguards sa hindi kalayuan dala ang aming mga gamit. Lima silang lahat na magbabantay sa amin rito at magsisilbing gwardya lalo na’t sa pagkakaalam ko ay hindi parin nahahanap si Bryce.
Bigla akong inangat ni Toshi sa ere na ikinagulat ko pero noong makabawi ay humawak nalang ako sa kanyang balikat. He stared at me while he was walking. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin pero bumabalik rin ang aking mga mata sa kanya.
Ang Resthouse ay parang nasa pangalawang palapag dahil sa taas noon lalo na’t mahaba ang hagdan paakyat. Noong makapunta na kami sa itaas ay pinagpapatid ko rin ang aking paa para ibaba niya ako.
Umapak ang aking paa sa makintab na sahig na gawa sa kahoy. Lumiwanag ang aking mukha nang makita ang kabuuan noon. Ang transparent na pinto ay nakikita ang loob. Para vintage ang tema noong Rssthouse na sinadyang dito itayo para mas makita ang kabuuan ng dagat at magandang tanawin.
May caretaker na lalake sa loob. Napaatras agad ako at nabangga sa likod ni Toshi, nilalamon na naman ng takot sa mga hindi ko kilala.
Hinawakan ni Toshi ang aking beywang na ikinatingala ko sa kanya.
“I’ll talk to him. Baka mas mabuting tayo lang dalawa sa loob?”
Tumango ako at hindi na binalingan pa iyong caretaker. Nilapitan siya ni Toshi kaya nanatili muna ako sa sulok habang kinikiskis ang isa kong paa sa isa pa. Hawak ko ang sandals ko habang tinitingnan ang tanawin sa labas. Napangiti ako ng matamis at ninamnam ang malamig na hanging humampas sa aking mukha.
Umalis rin naman iyong caretaker at mukhang binayaran niya nalang ata. Ang lolo niya raw ang nagpapasweldo noon pero nakita ko siyang nagbigay ng iilang papel sa lalake. He’s a good man and I regret hurting him…
May dalawang kwarto ang loob. Ang mga mwebles ay parang sa sinaunang panahon na pinakintab lamang at pininturahan ng maganda. The place is very comfy and refreshing. May fireplace pa ang gitna noon.
Si Toshi na ang nagpatuloy sa pagpasok noong mga bagahe lalo na’t ang limang bodyguards ay pumunta rin agad sa area kung saan sila magbabantay. Papalibutan nila iyong kabuuan ng Resthouse at sisiguraduhing walang nakapasok na estranghero.
Kompleto ang loob. May gym sa pangalawang palapag at Jacuzzi na tanaw na tanaw ang paligid. Iyong mga kwarto ay pinasok ko rin at sobrang lambot ng king size bed.
“My grandfather bought this place for their honeymoon.”
Napalingon ako kay Toshi na nakaputing damit na at sweatpants. He was leaning on the side of the door while he’s crossing his both arms.
“Hindi pa sila kasal?” I asked him.
“Kasal na. Pero iyon lang rin ang maisip niyang rason kung ba’t niya binili ito sa isang auction since my grandmother likes simple things…”
Iyon nga ang napansin ko sa Resthouse. Hindi siya masyadong magara pero alam mong mahal ang pagkakatayo noon dahil narin sa hitsura at kabuuan nito. Ang makintab na sahig na gawa sa kahoy ay masarap sa paa.
“This is your room. Iyong kabila ang magiging kwarto ko.” May itinuro siya na hindi ko makita dahil nasa loob ako pero lubos ko iyong ikinabahala.
Mukhang nabasa niya iyon sa aking mga mata kaya mabilis kong iniwas.
“S-Sige…”
Pumasok siya at nagtungo sa aking dako. Umupo rin siya sa kama, sa aking tabi…
“Or you want me to sleep here… With you?”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Gusto ko sana kaso…
“Okay lang ako dito…” mahina kong sagot ko sa kanya.
Palagi akong guilty. Palagi akong pinapangunahan noon at naisasantabi na ang aking gusto. Feeling ko pag malapit siya sa akin ay mapapahamak na naman siya. Pakiramdam ko ay mauulit ulit iyong nangyari at ako na naman ang may kasalanan dahil iyon nalang ang naibibigay ko sa kanya.
He sighed and kissed my shoulder. Ibinaling ko ang aking ulo sa kabila para hindi niya makita ang aking ekspresyon.
“Do you want to have swimming later?” Kinuha niya ang kamay kong nasa kandungan at hinaplos haplos ang likod noon.
I would love to but…
“Dito nalang ako sa kwarto,” walang gana kong sagot.
Natahimik siya sandali sa aking tabi. Tumigilid ang kanyang ulo at hinanap ang aking mga matang hirap niyang makasalubong dahil iniwas ko lang iyon lalo sa kanya.
“Pagod ka sa byahe? Gusto mong matulog?”
Tumango ako sa kanya. Umalog ang kama dahil sa kanyang pagtayo kaya agad ko siyang tiningnan at hinawakan ang kanyang dulo ng kanyang tshirt. Noong napagtanto ko ang aking ginawa ay bumitW rin naman agad ako.
Nagkasalubong ang kanyang kilay saka siya lumebel sa akin. Nakaluhod na ang isa niyang paa sa sahig.
“Ano ’yon? May gusto ka ba? Tell me…” malambing niyang tanong.
Hindi ko maintindihan ang gusto ng aking sarili. I badly want to be with him all the time. Gusto kong malapit kami palagi. Gusto kong kasama ko siya sa isang lugar. But the guilt always push them away. Ang takot ay mas lumalaki at iyon lamang ang pumapatay ng mga gusto ko.
I slept inside the room. Nakatulog ako dala narin ng pagod hindi lamang sa byahe kundi pati narin sa pinag-iisip ko. Wala akong ganang magsaya. Wala akong ganang maligo. Wala akong ganang lumabas at suyuri nang kabuuan ng lugar. Wala akong gana at palagi akong nakakaramdam ng lungkot.
Nagising ako ulit sa isang bangungot at napasigaw paupo sa aking kama. Ilang sandali lamang ay may yabag na ng paang tumakbo papunta sa akin hanggang sa makita ko ang mukha ni Toshi na alalang alala. Humagulhol agad ako at natakpan ang sarili kong mukha.
“Irah…”
“N-Nakita ko siya… Nakita ko siya!” I screamed in horror as Toshi tried to hug me.
“He’s not here. Ako ang nandito, Irah… Wala siya rito… Ssshhh…” Hinaplos niya ang aking pisngi at ipinaharap ang aking mukha sa kanya ng buo.
“Breathe… Calm yourself…” masuyo niyang sabi at hindi inaalis ang mga mata sa akin.
Humihikbi ako habang humihinga at pilit pinapakalma ang sarili. Kasabay ko siyang humihinga at para akong iginigiya na ganoon dapat ang aking gawin.
Pinunasan niya ang aking pisngi at pinatakan ng halik ang aking noo.
“Tayo lang dalawa dito at mga bodyguards. May security ang Resthouse at madaling madedetect kung may pumasok. You’re safe…”
Tumango tango ako at napapikit habang nararamdaman ang mainit na likidong umaagos sa aking pisngi. Tinakpan ko muli ang aking mukha at humagulhol.
“K-Kasalanan ko kasi ito… K-Kaya rin ako nalinlang d-dahil nagpalinlang ako… G-Ginamit ko pa siya magantihan ka lang… K-Kasalanan ko…”
“Hey… Look at me…” Hinawi niya ang kamay kong nakatakip sa aking mukha at itinulak ang aking baba para magkasalubong lamang ang aming mga mata.
“Walang makakapanakit sa’yo hangga’t nasa tabi mo ako. Do you understand?”
Hinawakan ko ang kamay niyang nasa aking pisngi at tumango ulit. It really drives me insane. Ang hirap maging okay kahit na pagod kanang umiyak. Ang hirap alisin noon sa aking sistema. Ang hirap hirap na kahit gaano ako katapang noon, pati iyon ay inabandona na ata ako.
“Go back to sleep.” Hinila niya ang kumot para takpan ang kalahati ng aking katawan. Umusog ako at bumalik sa pagkakahiga.
Tumabi siya sa aking gilid at umupo roon habang hinahaplos ang aking buhok. Ipinikit ko ang aking mga mata. Naiisip na baka ayaw niyang tumabi sa akin dahil katulad ni Bryce ay nandidiri siya. Baka galit parin siya sa akin at napipilitan lang akong pakisamahan dahil inutusan siya ng aking mga magulang. Maybe.
My stomach tightened as I absorbed those words. Si Bryce nga pinaniwala niya rin akong mahal niya ako pero noong napansin niyang nakadepende na ako sa kanya ay binaliktad rin naman ako. What if Toshi wants to trick me too? What if gaganti narin pala siya sa akin dahil sa pananakit na ginawa ko sa kanya? What if he’s just acting?
I cried silently. Di ko na talaga alam kung paano matutukoy ang katapatan ng isang tao kung masyadong mapanglinlang ang mga kilos nila. Sana nga ay nakakabasa nalang ko ng isip para malaman ko kung totoo na ba ang pinapakita ng isang tao o pagpapanggap lamang.
Hindi ako nakatulog noon. Narinig ko ang mahimbing na tulog ni Toshi sa aking tabi. Nakaupo lamang siya at nakasandal sa headboard ng kama. He looks so tired dealing with me. Siya itong nasaktan, siya pa itong naghihirap ngayon.
Inalis ko ang kanyang braso ng dahan dahan. Hindi ito nagising kaya sinamantala ko ang pagkakataong iyon para umalis sa kama.
Nilingon ko siya sandali pero dala ng aking konsensya ay nag-iwas rin ako ng tingin at nilapitan ang aking bagahe. Dahan dahan ko iyong hinila palabas ng kwarto.
Just go, Irah. Baka pag si Toshi ang nanlinlang sa’yo, di kana makaahon sa sakit. Oo niligtas ka niya pero isipin mo narin ang naidulot mo. You caused nothing but trouble. Sinaktan mo na nga iyong tao ng emosyonal, nasaktan pa ng pisikal dahil narin sa kagagahan mo.
Maingat akong lumabas ng Resthouse at hindi alintana ang lamig. Pagkababa ko, ang bodyguard agad ang nakapansin sa akin.
“Ma’am?”
Napaatras ako sa takot ko sa kanya.
“Nasaan si Sir?” tanong niya sa akin. Noong hindi ako sumagot ay may kinausap siya sa kanyang walkie talkie. Ilang sandali lamang ay may dumating ng isa pang bodyguard.
“Aakyatin ko lang si Sir.”
“H’wag!” sigaw ko sa kanya na ikinakurap nito at tumigil sa pag-akyat sa hagdan.
“U-Uuwi ako…” sabi ko sa kanila.
“Pero Ma’am, kabilin bilin ng ama niyo na h’wag naming ialis ang tingin sa inyo.”
“Edi sundan niyo ako ng tingin habang umuuwi ako.” Hinila ko ang bagahe at nagsimulang maglakad.
“Tawagin mo si Sir, susundan ko,” sabi noong isa sa mga bodyguard.
Pinalis ko ang luhang nalaglag at hinila lalo ang aking bagahe. Hindi kasi nila naiintindihan! Akala ko… Akala ko pag magkasama kaming dalawa ay okay na. Pero ngayon lang pumasok sa aking utak na baka hindi rin mabuti kung magkasama kaming dalawa. Baka mapahamak siya lalo dahil sa akin o baka ako ang mapahamak! What if he’s planning something?
“Irah!” Boses palang noon ay kinabahan na agad ako. Mas binilisan ko ang paglalakad sa dalampasigan at hindi ko pa mahila hila ng maayos ang bagahe dahil sa mga buhangin.
Bago pa ulit ako makahakbang ay may naramdaman na akong mahigpit na yakap sa aking likod. Natigil ako sa paglalakad.
“What’s wrong? Ba’t ka aalis? Ano ’to, Irah?” tanong niya na puno ng pag-aalala.
Pinalis ko agad ang luhang nalaglag lalo na’t pinihit niya na ako paharap sa kanya. Ang aking buhok ay tumatakip pa sa aking mukha dala ng malamig na hanging humahampas sa aming dalawa.
“Going out without me is very dangerous, Irah! Kaya nga ako nandito—”
“But being with you is not safe either! B-Baka parehas lang kayong dalawa… B-Baka pinaparamdam mo lang rin sa a-akin na nagmamalasakit ka p-pero sa huli p-pala…” Nabasag ang aking boses at napahikbi.
Umiling iling siya at pinunasan ang aking luha. His worried face looks so concerned…
“Hindi iyan totoo. Magkaiba kaming dalawa ng gagong iyon—”
“Gago ka rin naman noon! Malay ko ba na gusto mo rin pala akong gantihan dahil sa g-ginawa ko sa’yo…” Pinalis ko muli ang aking mga luha na ikinailing niyang muli. Binasa niya ang pang-ibabang labi at frustrated na ang mukha.
“I never planned on getting even, Irah. Nagalit lang ko sa’yo pero hanggang doon lang iyon! Mas mahal pa nga kita kaysa sa sarili ko na kaya kong maghabol kahit na sobrang hirap!”
“Iyon na nga, Toshi! Di mo man lang ba naisip na mas mahihirapan ka lang kung nasa tabi mo ako? Look at me! How can you even love a girl like this?!” Itinulak ko siya palayo sa akin pero hinila niya lang ako palapit sa kanya.
Niyakap niya ko ng mahigpit na kahit anong piglas ko ay hindi na ako makawala pa. I am so weak… Umiyak nalang ako sa kanyang balikat nang hindi ko na kaya pang magpumiglas.
“I know you’re confuse… I know you’re having a bad time dealing with your emotion… I know you’re afraid… But please… Kahit sa huling pagkakataon, please… trust me. Let me be with you, please…” Humigpit lalo ang yakap niya sa akin na kahit ang kanyang mukha ay isinubsob niya na sa aking leeg.
Pumikit ako at hindi na mapigil ang aking mga luha. Hindi ko na alam kung paano ulit magtitiwala sa isang lalake. Hindi ko na alam…
“I got shot badly by you, Irah…”
“You got shot literally because of me. Yun iyon!”
He squuezed me. “Pero iba ang pagkakatama ko sa’yo. Ibang iba… Masyadong malalim at hanggang ngayon ay nakabaon parin ang bala.”
“H’wag mo akong linlangin! B-Baka pag nahulog ako lalo sa’yo… baka katulad ka lang niyang papaniwalain ako sa salita!”
“Handa ko ngang saluin ang bala ikaw pa kaya?”
Imbes sumagot pa dahil sa nakaawang kong bibig ay natutop rin iyon dahil sa kanyang sinabi sa akin. Mariin akong pumikit at umiyak nalang lalo. Ang pader na balak kong itayo para pigilan ang sarili ko sa kanya ay kusa nang bumagsak. Bahala na…
51st TRICKED
T R I C K E D
Warning: SPG
Wild
Pinabalik ulit ni Toshi ang aking bagahe sa loob. Nanatili muna kami sa dalampasigan para magpahangin. Nakaupo lamang ako sa buhangin habang pinupunasan parin ang luha sa aking mga mata.
Ilang sandali lamang ay naramdaman ko ang pag-upo niya sa aking likuran. Ang magkabilang gilid niyang hita ay nasa tabi narin noong akin. Nasa gitna niya ako habang ang kanyang dalawang kamay ay iniyapos niya sa aking maliit na beywang. He placed his chin on my shoulder and squeezed me.
“Hindi mo sinasadya iyong nangyari, Irah. Hindi mo iyon kasalanan at kusa ko iyong ginawa. Stop saying somethings going to happen if you’re with me. Kung iiwan mo ako, mas sasaktan mo lang ako.”
Humingos ako, dala ng kakaiyak kanina ay may naiiwan parin sa akin. Ang aking mga mata ay maga na kakaiyak araw araw.
“Wala kasing magtatagal sa akin…” bulong ko sa mabigat kong pakiramdam.
“Magtatagal tayo.”
“Masasaktan ka lang sa akin…”
Tumagilid ang kanyang ulo at sinilip ang aking mukha. Nilingon ko siya at bumusangot. Humingos akong muli. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at mukhang natutuwa pa sa nakikita niya.
Nag-iwas ako ng tingin at nagpunas ulit ng maliliit na luhang pumapatak. Itinulak niya ang aking ulo sa kanyang balikat hanggang sa maibigay ko sa kanya lahat ng aking bigat. Dumaosdos ako ng kaonti para makahiga ng maayos roon. Yumuko siya at pinatakan ng halik ang aking noo.
“It’s not too late to start again, Irah. What happened to you made me realize that I was a jerk back then. I got carefree. Naging kampante ako dahil rin alam kong di ka agad bibitaw dahil sa pinapakita mo sa akin. But I was wrong… I should have hold you tighter… Napangunahan narin ako ng galit at pagkadurog kaya hinayaan kitang kumawala sa akin.”
Tiningala ko siya. Ang kanyang mukha ay kalmado lang naman ngunit seryoso ang tingin sa karagatan. His eyes were sparkling just like the sea.
“Dapat nilayuan ko nalang si Floren. Ako dapat ang nag-adjust sa ating dalawa dahil alam kong hindi mo pa alam kung paano kokontrolin ang emosyon mo. I should have lead you…” he breathe deeply.
“I focused on our future and forgot to focus on you. I forgot you’re my future afterall.” Nalaglag ang kanyang mga mata sa akin. Namumungay na iyon at bakas sa mukha ang pagsisisi.
“I thought I’m already an expert when it comes to relationship. Pero noong naghiwalay tayo… Para akong baguhan na first time mainlove at masaktan.”
Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitiwan niya. Alam ko, hindi lang si Toshi ang may mali noon kundi pati ako. I should’ve confronted him about the issue. Dapat isinantabi ko ang galit at hindi ako nagpalamon sa paghihiganti. Dapat tinanong ko nalang siya at pinag-usapan namin iyon ng mabuti. Hindi ko pinagana ang utak ko noon at hinayaang ang puso ko ang magdesisyon para sa akin.
“Seryoso ako sa’yo noon, Irah. Ang tanging naging mali ko lang ay ipriority ang ibang bagay na buong akala ko ay makakabuti sa’yo pero nagkamali ako. You were young and you crave for my attention… Hindi ko naisip na hindi ka pa handa sa relasyong gusto ko. Dapat ay iyong gusto mo muna ang sinunod ko saka na iyong akin… I should’ve let you to dominate me…”
Umiling ako. “May kasalanan rin ako. I was so immature and crazy over you. Hinayaan kong lunurin ako ng emosyon ko at magpatangay sa agos ng nararamdaman ko. I forgot to use my brain. Hindi ako nagtira ng para sa sarili ko kaya noong nasaktan ako ay wala na akong naisalbang katinuan dahil naubos ko narin sa’yo. Daddy was right… Masyado akong marupok sa’yo…” Tinakpan ko ang aking mukha sa kahihiyan ko.
Simula noong bata pa ako, hindi ko na maitatanggi ang atraksyon ko sa kanya. Ang pagkahumaling ko sa kanya ay masyadong grabe na hindi ko narin naisip na sumusobra na ako. I did crazy things. Naghabol ako. Kaya siguro sa pagmamadali ko, maaga rin akong nasaktan. Kung sana ay hinayaan ko nalang ang tadhana ang gumawa ng paraan at hindi na ito pinangunahan… Bata pa ako, marupok at ignorante sa pag-ibig.
“We already learned from our mistakes. Bigyan nalang natin ng tsansa ang ating sarili na itama ang naging mali natin noon at mag-umpisa ulit.”
Tumango ako at tinitigan ang karagatang nakikinig lang ata sa aming dalawa ni Toshi. Na saksi siya sa mga binitiwan naming salita.
“Tell me everything. Kung nagseselos ka… kung may ikinakagalit ka sa akin… lahat ng maliliit na bagay na gusto mong sabihin ay sabihin mo sa akin at makikinig ako.”
Tumango akong muli.
“And no more secrets. Kung may away tayo, idaan natin iyon sa pag-uusap at ayusin muna.”
“Okay…”
Pumayag ako sa gustong mangyari ni Toshi. Pumayag ako na bubuksan ulit namin ang aming sarili sa isa’t isa. Kahit hirap nang magtiwala, gusto ko ulit sumugal kahit alam kong masyado ng delikado. I just want us to work! Gusto kong bumawi sa lahat lahat ng ginawa ko.
Sa gabing iyon, kahit papaano ay naibsan ang nakadagan na mabigat na emosyon sa aking puso. Nakatulog ako ng mapayapa sa kanyang tabi at hindi na gaanong nakakaramdam ng lungkot.
Nagising ako kinaumagahan sa sinag ng araw na nanggagaling sa labas. Kinusot ko ang aking mga mata at nakasalubong ang mga mata ni Toshi sa akin. His hair was messy early in the morning and he’s even topless.
“Morning,” pinatakan niya ng halik ang tuktok ng aking ilong.
I wrinkled and nose and smiled timidly. Iginala ko ang tingin. Maliwanag na ang loob dahil sa nakabukas na transparent glass at pumapasok rito ang sinag ng araw. Naririnig ko pa ang huni ng ibon sa labas at ang pagaspas ng mga dahon dahil sa hampas ng hangin.
“Hinintay kitang magising baka magpanic ka pag di ako nahanap ng mga mata mo.” Hinawi niya ang buhok na tumakip sa aking mukha.
“Okay lang na mag-isa ako rito,” sabi ko na ikinaangat ng kanyang kilay.
“Are you still pushing me away from you?”
Umiling agad ako. “I mean… Okay na ako.”
“I don’t believe you.” Tumagilid ang kanyang ulo para matitigan ako ng masinsinan. “You look awfully gorgeous…” saka siya ngumisi na ikinabusangot ko.
He chuckled a bit and pinched my cheek.
“Bumangon na tayo. I’ll cook our breakfast.”
Tumango ako at nagpatianod sa gusto niya. Nauna siyang bumangon hanggang ilang sandali lamang ay ako naman ang binuhat niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nagpigil ng ngiti. He was smiling while looking at me.
Doon niya lang ako inilapag noong makarating kami sa countertop. Pinaupo niya ako roon sa stool saka siya umikot sa harapan para makapagluto na.
Hindi lamang ang sinag ng araw sa labas ang nakakasilaw kundi pati narin ang kanyang abs. His muscle flexed as he moved. Kahit ang kanyang malapad na likod ay nakakaakit rin sa t’wing tatalikuran niya ako para atupagin ang niluluto niya roon.
Dinala namin ang pagkain sa pangalawang palapag at nanatili sa veranda habang naglalaro ng chess. Nagyaya siya lalo na’t nakita namin iyon sa gym.
“Let’s make a deal… Bawat piece na makakain, dapat may huhubaring bagay sa kanyang katawan,” sabi ko na ikinaangat ng kanyang kilay lalo na’t tanging sweatpants nalang ang suot niya, relo at dalawang earring sa iisang tenga.
“Deal?” tanong ko habang inaarrange ang chess pieces ko sa bawat parisukat at kung saan dapat sila nakapwesto.
“Fine, deal…” Nailing siya at nakagat ang pang-ibabang labi habang inaarrange narin iyong kanya.
Simula noong nag-open-up kami kagabi sa isa’t isa ay nagising nalang akong masaya. Iyong lungkot ay hindi ko na mahagilap sa aking loob.
Ako ang unang nagmove. Ginalaw ko ang pawn sa harap at inabante iyon ng dalawang beses.
Ginaya niya iyon at itinapat ang pawn niya sa harapan noong akin. Iyong pawn ulit ang aking ginalaw na ginaya niya parin. I don’t know if he’s just teasing me or what.
Ginalaw ko ang aking horse at alam kong gagayahin niya rin iyon kaya noong ako na ulit ay kinain ko na ang kanyang pawn.
“Strip,” sabi ko at ipinakita sa kanya ang pawn niya.
Malalim ang kanyang titig sa akin, nanghahamon iyon habang inaalis ang isang suot na earring sa kaliwang tenga.
Siya ulit ang gumalaw. Iyong pawn parin ang pinagalaw niya kaya nakain rin iyon ng bishop kong malaya na. Hinubad niya ang isa niyang earring saka muling inabante ang isang pawn.
Pinakawalan ko iyong queen ko at ginalaw ito ng paslant para planuhang kainin ang horse niyang wala ng bantay na pawn sa harapan. He’s letting his guards down…
Iyong sunod niyang ginalaw ay ang kanyang bishop at itinapat pa kung saan maaari itong makain ng aking queen. Tiningnan ko siya na kinibitan pa ako ng balikat. Sinuri ko ang bawat nakapaligid na piece sa roon pero wala namang maaaring makakakain sa aking Queen kaya kinain ko iyon. Iyong relo niya naman ang sunod niyang inalis.
“Sinasadya mo bang magpakain?” tanong ko sa kanya na ikinailing niya ng inosente.
“Pwede mo namang hindi kainin ah?”
Umismid ako at sinundan ng tingin ang susunod niyang galaw. Iyong bishop ang ginalaw niya papunta sa harapan. Nasa gilid na iyon ng aking queen kaya umangat na talaga ang aking kilay.
“You’re purposely feeding my Queen! Madaya!”
He chukled. “Nasa iyo lang naman iyon kung kakainin mo ah?” Ngumisi siya at binasa ang pang-ibabang labi.
“Gusto mo lang atang maghubad…” Umirap ako at kinain iyong bishop niya.
Hinila niya agad ang garter noong sweatpants niya saka niya iyon dahan dahang hinubad sa aking harapan. Lumunok ako ng laway at hindi alam kung saan na titingin.
Nilagay niya iyon sa gilid saka ulit ginalaw ang isa niyang bishop. Kaya ang ginawa ko ay itinapat ko sa kanya iyong pawn ko.
“Eat it,” sabi ko sa kanya na ikinahalakhak niya.
“No… He’s not hungry.” Inatras niya iyon na ikinabusangot ko. Ginalaw ko iyong rook at itinapat sa isa niya pang pawn.
“Eat it,” pag-uulit ko kanina at katulad ng ginawa niya ay tumawa lang ulit siya ng malutong.
“My pawn is on a diet…” saka niya ginalaw iyong isa niyang poon.
“Madaya ka talaga! Paano ako makakapaghubad kung ganoon?”
Binasa niya ang pang-ibabang labi at ngumisi.
Sa aking inis ay pinagtutumba ko lahat ng chess pieces niya. Tumayo ako at akmang aalis na nang hilain niya ang aking beywang. Natumba ako hanggang sa sinalo niya ako at kinarga paupo sa kanyang kandungan.
“Asar talo!”
Sinimangutan ko siya. “Di ka patas.” Umayos ako ng pagkakaupo at humalukipkip. Sumandal na ako sa braso niya.
“Baka umakyat ang bodyguard at makita kang nakahubad.” Kinuha niya iyong bowl ng pagkain namin saka niya ako sinubuan.
Nginuya ko muna iyon saka nagsalita.
“Nasa ibaba kaya sila…”
“Kahit na.”
Umismid ako sa kanya na ikinatawa niya lang. Pagkatapos naming kumain roon ay nagtungo rin kami sa gym para mag-exercise. We did some exercise together. Ang sabi niya ay makakatulong rin daw ito sa kalagayan ko. Hindi pa siya gaanong nagbuhat ng mabibigat dahil baka bumuka iyong tahi niyang unti unti narin namang naghihilom. Pinigilan ko rin kasi ito sa takot ko na baka dumugo ulit iyon.
Bigla ko nalang namiss ang gaanong mga activities na ginagawa ko. Bigla akong naexcite at ginanahan kaya noong nagyaya siyang mag badminton kami sa dalampasigan ay pumayag agad ako.
“Ang lakas mong humampas!” Tinakbo ko ang distansya ng shuttlecock na lumipad sa aking likuran.
Dinampot ko iyon at tumakbo ulit pabalik sa kanya. Kaso palagi niya talaga iyong hahampasin ng malakas kaya tumatakbo ulit ako para kunin iyon. I am already sweating. Siya naman itong nasa beywang pa ang isang kamay habang pinapaikot sa isang kamay ang racket.
“Dinadaya mo na naman ako!” Tinapon ko sa ere ang shuttlecock at mabilis iyong hinampas para ilipat sa kanya. Mabilis agad ang kanyang galaw para paluin pabalik iyong shuttlecock at masyado na namang malakas.
“Toshi!” nanggigigil kong sigaw na ikinahalakhak niya.
Tinakbo ko ulit ang shuttlecock para kunin iyon. Desidido parin akong maglaro.
Tinitigan ko siya ng ilang sigundo. He smirked at me at sumenyas pa gamit ang racket niya na game na ulit. His hair disheveled as the wind blew while he’s still topless. Ang aking buhok naman ay nakahigh ponytail para hindi iyon maging sagabal at tanging short tsaka fit na halter top lang ang suot.
Sa aking inis ay pinalo ko iyong shuttlecock papunta sa dagat. Tinuro ko agad iyon.
“Get it.”
Inangatan niya ako ng kilay at binitiwan ang kanyang shuttlecock. Naglakad siya papunta sa akin at sa tingin palang nito ay hindi ko na gusto ang binabalak niya.
“Why don’t we get it?”
“No!” Tumakbo agad ako palayo. Natatawa akong humakbang ng malalaki pero hindi parin iyon sapat dahil mabilis niyang nahila ang aking beywang.
Agad niya akong inangat sa ere at sumulong roon. Sumigaw ako at isiniksik ang aking mukha sa kanyang dibdib na ikinahakhak niya narin.
Ganoon ang ginawa namin buong araw. Naligo kami sa dagat at kapwa pa kami sumisid para maghanap ng magandang shells. Nagtungo lang kami sa Resthouse para kumain saka muling lumusong sa dagat.
Kinagabihan ay nandoon parin kami. Ang tanging ilaw ay nagmumula sa mga kinuha niyang kahoy para magsilbing bonfire sa aming harapan. Medyo malayo kami sa Resthouse at hindi kami kita ng mga bodyguards rito.
Sumandal ako sa kanyang likod habang tinititigan ang apoy na parang sumasayaw. Ang dagat ay kalmado na at naririnig ang maliliit na alon.
Naaalala ko bigla iyong araw na sumama ako sa mga pinsan ko dahil magc-cliffdiving sila. He was there too and that’s the first time he kissed me.
Noong maalala ko iyon ay pinamulahan agad ako ng pisngi. Di pala masarap ha?
“Ikaw ba ang naglagay noong hickey kay Faith?” biglaan kong tanong. Ngayon na nagsisink in ulit sa akin ang selos sa babaeng iyon.
“Lloyd did it to her. Hindi ako,” pag-amin niya na ikinatingala ko sa kanya.
“Pero palagi siyang nasa office mo. Imposibleng…”
Inangatan niya agad ako ng kilay kasabay ng mga mata niyang nalaglag na sa akin.
“I didn’t fuck her.”
My cheek blushed hard when he said it bluntly.
“Kayo lang dalawa doon… Ikaw pa…” Mapang-uyam kong sabi at bumangon.
Hinila niya akong muli saka hinawakan ang aking tiyan para mapirmi ako.
“Hindi nga. She’s not my type.”
“Pero kung makahawak ka sa beywang niya…”
“Ate Missy told something to me. Sinunod ko pero hindi effective.”
Bumangon akong muli pero katulad ng kanyang ginawa ay binagsak niya ulit ako sa kanya. Itinukod ko agad ang aking kamay para sana itulak siya but I accidentally touch his crotch. My eyes widened in disbelief as he groaned. Mabilis ko iyong inalis lalo na’t kitang kita ko ang pag-iba ng kanyang mukha. But Toshi held my hand again and guide it. I watched my hand as he palmed it using my own hand.
Habang patagal ng patagal ay lumalaki iyon sa suot niyang boxer. Toshi’s eyes were dim and filled with something foreign to me. Kahit ang aking sarili ay hindi ko narin maintindihan habang ginagawa niya iyon. He stop guiding me and left my hand on his crotch to reach for my lips.
Mainit at malalim agad ang halik na iyon nang magkabanggaan ng aming mga labi. Nakaluhod ako sa kanyang harapan inilingkis agad ang aking mga braso sa kanyang leeg.
My kisses went deeper and deeper, seeking for an entrance. Ang kanyang dila ay kusa nang naglalakbay sa aking loob, tila may hinahanap na isang bagay roon. His free hand went to the side of my fit haltered top. Noong una ay hinahaplos-haplos niya pa ang gilid ng aking beywang na halos buhayin ang namamahingang maliliit na buhok sa aking katawan.
His hand travel on my butt and cupped them, molding it slowly. He was kissing me hungrily. Ang aking pang-ibabang labi ay mukhang dumugo na ata dahil sa malalalim at mararahas niyang halik. Hinila niya ng pwersahan ang dalawa kong mg hita at iginiya ako paupo sa kanyang gitna na kapwa nagpahalinghing sa amin.
“Move… Ride on it…” he whispered to me erotically.
Kusang gumalaw agad ang aking balakang. The sensation is too much that it drives me crazy! Hinila ni Toshi ang magkabila kong suot saka niya iyon inalis sa akin. Nagtungo ang dalawa kong kamay sa likod para maabot ko iyong lock habang gumagalaw parin. Sinasalubong niya na ang aking balakang na nagpapawala lamang sa aking katinuan.
Noong hindi ko maabot ng maayos ang lock noon ay tumulong siya. Tanging boxers lamang ang kanyang suot habang ako ay shorts nalang rin.
Hinalikan niya akong muli habang ang isa niyang kamay ay tumakip na sa isa kong dibdib. Napaawang ang aking bibig nang maramdaman ko ang magaspang niyang kamay na gumagalaw na roon. His fingers played with my peak, pinching it and drawing some circles around it.
Para na akong mahihilo sa sensasyong iyon. His kisses travelled on the side of my jaw when I pushed my head back. Tumigil ako sa paggalaw at nanghihina na dahil sa klase klaseng kuryenteng dumaloy sa aking loob.
His other hand went to my tummy, caressing it and slowly going down. Iginiya ko ang kanyang halik sa aking leeg at mas tumingala pa.
A soft moan escaped my mouth when I felt his hand through the fabric of my short and slowly touch it. Ang kanyang labi naman ay bumaba pa sa aking leeg hanggang sa maramdaman ko na iyon sa aking dibdib. His hot mouth cover the peak of my boob and suckled it, swirling his tongue over it while his other hand was molding my other boob.
Tuluyan akong nablangko at mas lumakas na ang ungol na pinakawalan. Ni hindi ko na alintana ang pag-iingay na umabot iyon sa kung saan at may makarinig sa akin. I just want him to know that I like it alot!
His hand stop from touching me down there and fumbled on the zipper of my shorts. Tinulungan ko siyang alisin iyon hanggang sa itinapon niya nalang iyon sa gilid.
He sucked my peak alternately. Pinilit kong tingnan iyon pero sa kanyang ungol ay mas natutupok lang ako.
“Hmm…” Toshi’s moan sent shiver down my spine as his hand found its way in on my panty.
Isang halinghing muli ang aking napakawalan at napapikit nang gumalaw ang kanyang darili roon. I whimpered even more when his finger teased my slit by running a finger in between it.
“You like it?” he asked me hoarsely.
Tumango ako at iginiya ulit ang kanyang isang kamay sa aking dibdib. I don’t want him to stop!
“Oh fuck, you’re so horny…” he whispered to me and put another finger between my folds. My mouth formed o as I tried to control my voice. Ni hindi ko na iyon makilala.
“Was it good?” He found my cl-t and pinched it while his other finger was moving, without directly going inside on the hole.
I tried to open my eyes. Tiningnan ko siya. Nakaawang rin ang kanyang labi, ang dibdib ay namumula habang ang mga mata ay nag-aalab na sa pagnanasa.
Rinig na rinig ko ang sarili kong kapusukan. Ang aking balakang ay gumagalaw narin at ayaw nang tumigil.
“Do you like it?” he asked again on a low yet raspy voice.
Tumango ako, nakalimutan na ang kahihiyan dahil sa kanyang pinaparamdam sa akin.
Bigla niya akong binaliktad hanggang sa mapahiga ako roon sa buhangin. Mabilis kong itinukod ang aking mga kamay at tiningnan ang gagawin niya pero bago pa man ako makaprotesta ay nahawakan niya na ang aking mga binti at ipiniko iyon sanhi para bumukaka ako ng malaki sa kanya.
“Para akong palaka, Toshi-Ahh!” Isang halinghing ang sumunod noon nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking gitna. The tip of his tongue dived inside, slowly licking the side of my folds to seek for my entrance.
My eyes rolled back as my thoughts scattered into pieces. Wala na akong matinong maisip na kahit ang aking ulo ay naitapon ko na sa likod. Kung kanina ay mga kamay ko ang nakatukod sa likod, ngayon ay mga siko ko nalang. I grew weaker and weaker everytime he licked me, everytime he sucked my cl-t and played with it using the tip of his tongue.
Natawag ko ang kanyang pangalan. My tummy tightened as I felt something’s going to come out. The tip of his tongue found my entrance and poke it, thrusting back and forth.
Gusto ko ng magmura at gusto ko ng magwala sa hindi ko maipaliwanag na sensasyon. It was just too much that I can’t help not to shut my mouth. Oh God… It feels like heaven!
Tumigil si Toshi. I was in the middle of my orgasm when he stop! Gusto ko na siyang murahin at magwala sa sobrang frustrate pero noong makita ko siyang naghuhubad na ay umatras ang aking dila na kahit ako ay aatras narin sana.
“Stay still,” he command like a hungry beast.
Lumunok ako ng laway. It was my first time! Baka akala niya…
Iginiya niya ang kanya sa aking gitna. He was so big and hard that it drives me insane! Kung nakaligtas man ako sa bala ni Bryce, mukhang dito ata ako papatayin sa sandata niya.
He crawled on top of me and started to kiss me again. Marahan na iyon pero may pinupunto habang ang kanyang kamay ay nasa ibaba parin. He slid his two fingers on my folds and caressed it as he tried to pushed hisself. Natigil ako sa paghalik at hindi naitago ang sakit sa aking mukha.
“So you lied to me huh…” he whispered. “Akala ko ba pinapagod ka noon ng boyfriend mo?” tanong niya sa nagbabantang boses at sinubukan ulit na itulak ang sarili sa akin.
I groaned as I taste the pain in my mouth.
“I… I lied…” I told him as my senses flew from somewhere.
“Kung ganoon, malalaman mo kung paano kita papagurin. You’ll drained not just your energy but even your own voice early in the morning. Tapos na akong magpigil.”
Oh. God.
Kiniskis niya ang dulo noong kanya sa aking gitna habang ang isang kamay ay namimisil na sa aking dibdib na ikinawala ulit ng aking ulirat. Sandaling nawala ang sakit pero noong bigla niyang itinulak ang kanyang sarili ay napadaing agad ako.
Damn it! Ang sakit!
“Are you okay? Kalahati palang iyon, Irah…” he warned me that made my eyes widened.
Kalahati tapos ganoon na kasakit! Buhay pa ba ako pag ipinasok niya na lahat!
I was about to pushed him away when he pushed hisself again. I cried harder. Parang napunit hindi lamang ang aking pagkababae kundi pati ang buo kong katawan. My fingers dig on his back as I sob.
“Hey… I’ll be gentle…” Hinalikan niya ang aking pisngi at gumalaw ulit.
Sinikap kong mag-adjust sa sakit. Sa bawat pagbaon niya noon ay mas lumalala lamang ang hapdi at kirot na kahit akk ay hindi na nasasarapan. Inulit ulit niya iyon sa mabagal na ritmo hanggang sa may kakaiba nang humahalo.
Para na namang pinupulupot ang aking tiyan na kahit ang ungol sa aking bibig ay kumawala na. Noong mapagtanto ni Toshi na nakakaadjust na ako ay medyo bumilis na ang kanyang galaw na kahit ang aking balakang ay sumalubong na.
“Fuck…” his lips part a bit when he thrusts deeper and deeper.
My toes curled. Kulang nalang ay ibaon ko ang aking mga kuko sa kanyang likod at doon siya pinanggigilan. Masakit parin pero humahalo na ang sarap. Bumangon ako at hinalikan siya.
“Fuck, I can’t control it anymore!” Isinampay niya ang isa kong paa sa kanyang braso at itinulak ang isa kong hita saka mas binilisan ang paggalaw. Ang ugat sa kanyang leeg ay lumalabas na at pulang pula narin ang kanyang dibdib. Sa sobrang bilis ng kanyang kilos ay parang may nabubuo sa aking loob at sasabog na ano mang oras.
Ang hampas ng alon at ang ungol ko ang nangingibabaw roon na kahit si Toshi ay nag-iingay narin kasabay ng mga katawan naming gumagawa ng nakakatindig balahibong ingay. He was driving me furiously that drove me wild. One more pushed and we both reach it.
52nd TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Allyza Aquino. Happy reading!
Takot
The only thing that covered us early in the morning is the thin white sheet of the bed. Nakadagan sa akin ang mabibigat na binti ni Toshi at ang braso niya sa may beywang ko. Kumurap ako at kinusot ang aking mga mata. I can smell Toshi’s manly scent… a mint mixed with his sweat.
Tiningala ko ang kanyang mukha at natutulog parin ito. What happened last night came back to me. It was so vivid that my cheek blushed.
Ang bilis mong bumigay, Irah! You’re still on the verge of healing yourself! Damn…
Pero may parte sa aking isipan na hindi iyon pinagsisisihan. Siguro kung hindi kami naghiwalay noon ay 3 years na kaming dalawa ngayon.
Dahan dahan kong inalis ang kanyang binti sa akin pero hindi palang iyon tuluyang naiaalis ay naibalik niya ulit iyon. Kumurap ako at inaninag muli ang mukha niyang nasinagan na ng araw. It was like he’s sparkling early in the morning with his messy hair.
“Toshi?” tawag ko sa kanya.
“Hmm?” he said while he’s still sleeping.
Hindi agad ako nakasagot dahil sa rumehistrong alaala sa akin kagabi. Is he… moaning? Oh damn it, Irah!
Itinago ko ang mukha ko sa kanyang dibdib at sinikap na ikalma ang naghuhuramintado kong sistema. Why am I even blushing! You’re still sore down there! And you’re still throbbing! Gusto mo ulit para mapunit ka at tahiin nalang iyang sa’yo dahil sa kapusukan mo?
“What’s wrong?” he asked in his bedroom voice.
Umiling agad ako at mas isiniksik ang mukha sa kanyang dibdib.
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking pisngi, ang pagsuklay niya sa aking buhok papunta sa gilid para hindi tumakip sa aking mukha. Dahan dahan akong tumingala. I smiled cutely at him when our eyes met that made him chuckled.
Lumayo ako ng bahagya para makaharap siya. Ang kanyang kamay ay nasa beywang ko na at roon namamahinga kaya inilagay ko rin ang aking kamay sa kanyang leeg at hinaplos haplos ang kanyang panga gamit ang aking hinlalaking daliri.
Ilang sigundo kaming nagtitigan. Ang aking utak ay lumilipad na naman sa ibang bahagi kaya kung ano ano ang aking naiisip.
“What if we didn’t break-up… Tayo parin kaya hanggang ngayon?” I suddenly asked him.
“Ah… Naghiwalay pala tayo?” painosente niyang sabi na ikinasimangot ko.
“I broke-up with you. Ex pa kaya kita…”
Gumalaw ang kanyang kamay sa aking beywang at humaplos pataas. Nanunudyo ang kanyang mabagal na haplos hanggang sa tumigil iyon sa gilid ng aking dibdib. He was already touching the side of my boob.
He watched my reaction closely. Hinila ko ang kanyang leeg papunta sa akin at hinalikan siya. Marahan lamang iyon at nakakabitin na noong naghiwalay kaming dalawa ay may ngiti na ang aming mga labi.
“We broke-up so we could get back together…” Hinaplos haplos niya ang dulo ng kanyang ilong sa aking pisngi na ikinahagikhik ko.
Hinila ko ang sheet at umikot para bumalot iyon sa aking katawan. Toshi’s brow raised lalo na’t wala ng nakatakip na kumot sa kanya.
“Can’t get enough?” he asked me that made my nose wrinkled.
“Boring ka kaya!”
Umangat ang kanyang kilay at nagmamayabang na ang tingin sa akin. Halatang may gusto itong sabihin na hindi lang matuloy-tuloy. Imbes magsalita, ginawa niyang unan ang magkabila niyang kamay at sumandal sa headboard ng kama. His armpits were showing as he smirked at me, bragging his hotness.
Oh hell…
Para akong uod na nagtungo sa kanya at pumaibabaw roon habang nakatapis parin ang puting kumot sa kabuuan ng aking katawan.
Nalalaglag na ang iilang hibla ng aking buhok sa kanyang mukha habang nakahawak ako sa magkabila niyang balikat. Hinawakan niya rin ang magkabila kong pisngi at pinatakan ako ng sunod sunod na halik sa aking labi.
“You’re plain and boring…” I teased him.
“Ahuh… Last night, you even beg for another round-”
“Liar!”
“Masyado kang nawili na hindi ka nakontento sa isang round-”
“Shut up, Toshi!” Humalakhak ako at tinakpan ang kanyang bunganga. His eyes were telling me that I enjoyed it.
“Ikaw rin kaya! Ikaw ang may gusto noon!”
Binaliktad niya ako bigla hanggang sa mapunta ako sa kama at siya naman itong pumaibabaw. Sinuklay niya ang buhok ko paatras para malinaw niyang makita ang aking mukha.
He lowered hisself to me and pressed it on the fabric of the sheet.
“Kung boring ako… makakarami ba tayo?” bulong niya sa nakakaakit na boses na nagpalunok sa akin ng laway.
Ngumisi siya at mas ibinaba ang mukha sa akin para halikan ulit ako ng banayad. His hand suddenly pulled the sheet that made my eyes widened.
Tanghali na kaming bumangon dahil sa pinaggagawa namin kanina sa kama. I can still feel him damn it…
Wearing his white polo, I watched him cook our brunch. Masyado nang late para sa breakfast kaya isasabay nalang namin sa aming lunch.
Nasa gilid niya lang ako at imbes sa hinihiwa niya ang tingin ay nasa tiyan niya. Napansin niya iyon kaya lumingon rin siya at ngumisi.
“Baka gusto mong dito?” may pinapahiwatig niyang tanong.
I smiled cutely. “Pwede!”
Kapwa kami tumawa habang siya naman ay nailing saka pinasadahan ng haplos ang buhok. Magluluto nga lang, topless pa at tanging grey na sweatpants ang suot! Iyang sarili niya ata ang ihahain niya sa akin eh!
Tiningnan ko ang aking sarili at inangat ang dalawa kong kamay. Lagpas sa akin iyong sleeves ng polo at hindi ko na makita ang aking mga daliri.
Inangat ko iyon hanggang sa malapit naring makita ang suot kong panty.
“Look! Ang laki sa akin…”
Nilingon niya ako pero ang mga mata ay bumaba sa aking mga hita.
“Bagay sa’yo,” and he smirked again.
I wrinkled my nose. “Why are you so manyakis?”
Tumawa siya at ibinalik ang tingin sa ginagawa.
Tumawa narin ako at pumunta sa kanyang likod. Niyakap ko siya roon habang humahagikhik ako. Ang raming kalmot roon na ikinatawa ko lalo.
“Daming kalmot!”
Nilingon niya ako, ang ulo lamang ang gumalaw para tingnan ako sa likuran.
“Marami?”
Tumango ako.
He tsked twice. “That’s what I get for being boring.”
Umismid ako sa kanya at sinapak ang kanyang likod. Yabang rin nito!
He just chuckled and winked at me. Umirap ako sa kanya. Panay siya lingon sa akin hanggang sa hindi na ito nakapagtimpi at hinila ulit ako sa harapan. Binuhat niya ako saka ipinaupo sa gilid noong countertop.
“There… Diyan ka lang. Di ako matatapos kung dinidistract mo ako.”
I just smiled cutely that made him chuckled. Kagabi, I was so worried na baka iyong tahi niya ay bumuka pero ang sabi niya ay hindi naman daw. Ilang araw narin ba iyon? He was confined 1 week pagkatapos ay umuwi rin naman kami. Hindi rin naman daw kasi iyon malalim.
Simula noong nandito kami, hindi namin napag-uusapan iyong nangyari. Napapansin ko rin na inuukupa ni Toshi ang utak ko ng kung ano ano para malihis ang aking atensyon at mapunta sa mga hilig ko. Nakakatawa na ako at nakakapagsalita ng hindi nakakaramdam ng takot. Being with him gives me peace…
He was helping me to bring the old me back. Siya itong pasimuno sa lahat ng mga pinaggagawa naming outdoor activities. Noon eh ako pa itong nagyayaya at nanlilimos sa kanyang atensyon pero ngayon ay parang hindi ko na iyon kailangang gawin dahil handa niyang ibuhos lahat ng kanyang oras sa akin at pasayahin ako.
Sabay kaming naliligo at palaging may pinagkakaabalahan hindi lamang sa labas kundi pati narin sa loob. Last time, I shaved his not so obvious beard and wax his legs. Sumisigaw at umuungol pa siya noon habang tawa lang ako nang tawa. Siya rin ang nagputol ng buhok ko kaya semi long nalang iyon and I even have a bangs!
“What did you do?!” Natatawa kong tiningnan ang sarili ko sa hawak kong salamin. May bangs na ako!
“I put some bangs…” he said cockily while playing with the scissors.
“Oo nga pero hindi bagay!”
“You don’t know how to style your own hair…” Nailing pa siya at hinila ang aking braso para makalapit ako sa kanya. We’re both sitting on the sofa. Nakasquat ako paharap sa kanya habang siya itong nakasayad ang isang paa sa sahig habang ang isa ay nakapiko.
I wrinkled my nose when he stroke my hair backwards. Sumama ang bangs roon hanggang sa mapunta rin ito sa bawat gilid at hindi na tumakip sa aking mukha. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin na ikinamangha ko.
“Wow… Bakla ka ba?” wala sa sarili kong sabi dahil sa pagkamangha.
“I just know any style will suit you since you’re gorgeous…”
Tiningnan ko agad ito at ngumisi. I got tanned these past few days kakabilad sa araw. Siya rin ay ganoon na. Nagiging magkakulay na kaming dalawa but unlike me na medyo mamula mula. Ang aking buhok ay hindi na plain straight at medyo curly na.
Binawi ko agad sa kanya ang gunting at lumuhod sa kanyang harapan.
“Let me style your hair, too!”
“Oh no…” Hinawakan niya agad ang aking beywang at inilayo ako sa kanya.
“Ang daya mo! Ikaw nga! Sige na…” Natatawa akong bumalik sa kanyang harapan hanggang masubsob ko siya sa aking dibdib.
Bumuntong nalang siya ng hininga at niyakap ang aking beywang.
“Do it.”
Tumawa ako ng malutong saka hinawakan ang isang hibla ng buhok niya. Pumikit pa ako para guntingin iyon at doon lang dumilat nang maputol ko na.
“Oh my gosh you lost your one hair!” Ipinakita ko sa kanya ang isang hibla na hawak kong buhok na ikinatawa niya.
Tumuwid ulit ako sa pagkakaluhod at naghanap ng panibagong guguntingin. Toshi keeps on laughing!
Noong may mahawakan ulit akong maliit na hibla ay ginunting ko agad iyon saka muling umupo para ipakita sa kanya.
“I am so proud with myself!” My eyes widened as I showed him the strand of his hair.
Mas malutong siyang natawa at nahawakan pa ang kanyang tiyan.
“Keep going, woman. You’re doing great…” he said it while laughing.
I smiled cutely saka rin umahon sa pagkakaupo para lumuhod muli. Sa pagkakataong ito, dalawang hibla na ang pinutol ko at proud iyong ipinakita sa kanya.
“Look! Bilib na bilib kana ba?” Itinaas baba ko ng sabay ang dalawa kong mga kilay habang ngumingisi na mas ikinatawa niya ng malutong. He was laughing like what I did is really funny.
“This scissor won’t do…” Binitiwan ko iyon at iniapak ang mga paa sa sahig. “I’ll get some razor.”
Ang kanyang kakatawa ay mabilis na natigil at hinila agad ang aking beywang bago pa ako makaalis roon.
“Teka! Kukuha ako ng razor! Irirazor ko yung buhok mo!” Nagpumiglas ako at gusto ng makawala pero tinumba niya lang ako sa sofa.
“H’wag na. Natatakot na ako sa gagawin mo…”
“Sige na!”
Pumaibabaw lang siya sa akin at dinaganan ako. Nagpumiglas ako para sana makawala pero sa sobrang bigat niya ay wala na akong nagawa lalo na’t hinahalikhalikan niya na ang aking leeg.
May mga araw namang kalmado lang kaming dalawa. Iyong nininailcutter niya lang ang kuko sa aking paa habang binabasa ko iyong libro na madalas kong mahuli niyang binabasa.
The book is about how to deal with traumatic events. Nilipat ko ang pahina at binuksan iyong tinupi niyang isang pahina.
“Practice relaxation techniques… such as meditation, yoga, or Tai Chi.” Tumango tango naman ako sa nabasa ko. Yesterday, Toshi and I meditate on the veranda. Pinakiramdaman lang namin iyong hampas ng malamig na hangin habang nirerelax ang aming sarili.
“Schedule time for activities that bring you joy…” basa kong muli.
Inalis ko ang libro at dinungaw siya sa paanan ko na seryosong nagninailcutter sa aking kuko. He’s topless again while wearing a black sweatpants.
“Kaya ba ang rami mong pakulo na activities?” I asked him.
Tumango siya. “And so far, my favorite activity is done during night…” sabi niya sa baritonong boses at hindi man lang ako tiningnan.
Medyo nagkasalubong ang aking kilay. During night? Eh nasa kwarto lang naman kami noon at…
“That’s not an activity!” I wiggled my foot that made him chuckled.
Hinuli niya ulit iyon at ipinirmi.
“It bring us joy. Activity parin iyon.”
Ngumiwi ako saka ibinalik ang tingin sa pagbabasa. Seems like I’m doing great kaya ganito na ang nararamdaman ko. You really need to be with the person who brings joy to you.
Tuwing gabi ay ito ang nahuhuli kong binabasa niya bago matulog. He wants me to recover faster. And for me, mukhang okay na ako. Not really okay pero hindi na parehas noong mga panahong fresh pa sa akin ang lahat. Iyong magpapanic ako at iiyak nalang bigla habang nanginginig sa takot.
I never imagined na dadating ang araw na may katatakutan pa akong ibang bagay maliban kay Daddy. Iyong sa sobrang takot ay naiiyak nalang ako. Ni hindi nga sumagi sa aking utak na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon.
Life is really mysterious. Hinding hindi mo mahuhulaan ang mangyayari bukas. Sa bawat nararanasan mo ay may natututunan ka roon. I learned how to value Toshi’s worth. I learned how to accept my own fault and admit to yourself that you did wrong.
Minsan kasi… purket nasaktan tayo ay wala na tayong kasalanan. Maybe we got hurt because we forgot how to value our own self too. Nasaktan ako dahil nagmahal ako ng lubusan at kinalimutang pahalagahan ang aking sarili. That’s wrong. Dapat kung nagmahal tayo, h’wag nating kalimutang mahalin rin ang sarili. We must realize that love isn’t fair. Pwedeng nagmahal tayo ng walang kapalit. Pwedeng hindi iyon masuklian ng taong mahal natin.
Kung hindi magawang maging patas ng pag-ibig, kahit tayo nalang ang maging patas sa ating sarili. Hindi naman mali ang magmahal. Ang mali ay iyong magpakalunod kana sa emosyon mo at pairalin ang puso mo. Maging patas ka at isipin rin ang nakakabuti para sa’yo hindi iyong nakakabuti para sa taong mahal mo.
The warm water of the Jacuzzi made us feel comfortable while watching the beautiful sea. Nasa pinakaitaas kami ng Resthouse ng gabi at ang maraming mga bituing kumikislap sa langit ang nagsilbi naming ilaw.
I was putting all my weight on his chest while leaning on his back peacefully. Ang nakayapos niyang mga braso sa akin at ang yakap niya ang nagsilbi ring pampainit sa aking katawan habang namamahinga ang kanyang baba sa aking balikat. Ilang araw narin ba kaming narito? It’s almost 2 weeks…
“Alam mo bang inggit na inggit ako sa dagat noong bata pa ako?” I chuckled while saying it to him.
Lumingon siya sa akin. Ang ilong ay bahagyang tumama sa aking panga.
“Naiinggit ako sa dagat kasi ang ganda ganda niya… I planned to create my own sea that’s why I gathered some shells. Noon tinatapon ko iyong lahat sa swimming pool ng bahay namin. Maglalagay nga rin sana ako ng buhangin roon kaso ayaw nang pumayag ni Daddy dahil hindi naman daw katulad ang swimming pool at dagat. I even cried that day lalo na’t hindi ako mapagbigyan ni Daddy…”
“And…” dugtong niya.
“Kaya ayun… Pinayagan niya ako. Tuwing nagbebeach kami kumukuha rin ako ng buhangin saka iyon inililipat sa swimming pool pag-uwi. But it turns out Daddy is really right. Lumubog lang iyong tubig ng swimming pool dahil sa buhanging nilagay ko na ikinaiyak ko ulit.” I chuckled.
He chuckled too and squeezed me.
“But you know what my Daddy told me while I was crying and looking at our swimming pool?” Nilingon ko siya ng bahagya. Nahuli ko ang mga mata niyang nangingislap at nasa pinagsasabi ko ang buong atensyon.
“What is it?”
Tinabihan niya ako noon sa swimming pool dahil humihikbi na ako. Inilublob niya ang mga paa niya roon habang ako naman ay nakaupo lang pero hindi sumasayad ang pwet sa sahig at natatakpan na ang mga binti sa suot kong mahabang dress.
Dad wiped my tears. Natakot rin ako noon dahil baka pagalitan niya ako sa ginawa kong dumi sa swimming pool pero hindi ko iniexpect ang sinabi niya sa akin.
“I already warned you what will happen. Pero dahil umiiyak ka, hinayaan kita…”
“But Daddy… I thought magiging katulad siya ng dagat pag may buhangin at shells na siya…”
“Hindi ka naman nagkulang, pero mali lang talaga ang tubig na pinagbuhusan mo. I want you to learn someday that no matter how you pour your everything… kung mali rin ang taong pinagbubuhusan mo… hinding hindi mangyayari ang isang bagay na hinahangad mo. Hindi mo makukuha ang gusto mo.”
Tumahan ako noon at tumulong sa pagpupunas ng aking luha. I was very young and curious with things. I even asked my father how to make things right and he just said…
“This is the saddest part of life, Irah. Hindi lahat ng pagkakamali ay maitatama. Hindi lahat ng ibinuhos mo ay ibabalik pa sa’yo. You need to accept your fate and you need to learn from it. Next time… when you grow up, you’ll understand this… At pag iiyak ka ulit dahil may mga bagay na hindi nangyari katulad ng gusto mo, nasa tabi mo ulit ako at ako ang magpapatahan sa’yo.”
And he was really right all along. Lahat ng mga pag-iyak ko ay kasama ko siya. Ang pagdadalamhati ko noon dahil hindi nasusuklian ni Toshi ang pagmamahal ko katulad ng gusto ko. Ang pag-iyak ko dahil nalaman ko ang isang bagay na bumasag ng puso ko. And then now… I cried because I got tricked.
His words are still on my mind. Lahat naman ng mga payo ni Daddy ay hindi ko makakalimutan. Palagi siyang nandiyan para pangaralan ako. Pinapatikim niya sa akin ang mali ko at kusa niya iyong itatama. Kaya noong itinutok sa akin ni Bryce ang baril… Naisip ko agad ang kahihinatnan noon. Baka kung ano ang magawa ni Daddy na makakaapekto rin kay Mommy. My parents will suffer from pain and I don’t want that thing to happen.
Ilang oras kaming nanatili ni Toshi roon at pinag-uusapan lamang ang parents namin. He even told me he’s not yet sure if my father likes him for me. Pero mukhang dahil rin sa nangyari ay nagbago ang isip ni Daddy kay Toshi. I don’t know… Minsan kasi sa sobrang misteryoso ng aking ama, kahit ako ay hindi ko rin siya mabasa.
Kinabukasan ng hapon, nagjetski si Toshi sa dagat at nasa likod niya ako nakaangkas. Umaabot ako sa malayo at pag nagsawa na roon ay sabay rin naman kaming magdadive para maghanap ng shells.
Sinundan ko sa loob ng Resthouse si Toshi dala dala iyong jar ng mga shells na nasisid namin. May malaki kaming aquarium kung saan ko iyon nilalagay.
“Maganda siguro ang Resthouse pag nagdecorate tayo sa mga walls…” I told him as I watched him clean the shells.
“Gusto mong idecorate natin?”
Tumango agad ako. “And let’s put some shells on our bedroom. Sa itaas noong headboard.”
“Don’t you want to keep them?”
Umiling ako. “Marami akong ganyan sa kwarto ko.” Humilig ako sa mesa at yumuko ng bahagya para ilagay ang aking mga palad sa bawat gilid ng aking pisngi.
Kapwa pa kami basang dalawa at kakagaling lamang sa pagkakababad sa dagat. He’s topless while I’m just wearing a fit sando and cycling.
“Do you want to live here forever?” he ask me nonchalantly.
Medyo natigilan ako roon. Yes, I love this place. Dito ko ulit naibalik ang dating ako, iyong masayahin at mahilig sa outdoor activities. Hindi naman sumagi sa aking utak ang bumalik sa bahay pero hindi rin sumagi sa aking utak ang dito na manirahan habang buhay.
Napagtanto ni Toshi ang kanyang tanong kaya natigil siya sa kakapunas noong shells at nilingon ako. I smiled timidly at him.
“You have your work… May mga buhay pa tayo sa labas, Toshi…”
Bumuntong siya ng hininga saka binitiwan ang shell na hawak. Lumapit siya sa akin at kinarga ako paupo roon. Inilagay niya sa bawat gilid ko ang kanyang kamay para makulong ako sa kanyang gitna.
“Kung gusto mong dito muna, dito muna tayo. My work can wait. Lets just rest here for a year or so…”
Hinaplos ko ang kanyang pisngi sanhi para umangat rin ang isa niyang kamay para hawakan ang aking kamay roon. His eyes were deep and sparkling.
“I know you’re doing this to calm me… Pero hindi naman pwedeng itago ko ang sarili ko habang buhay rito at mabuhay sa takot. Yes… I am still afraid… Takot parin akong m-maulit iyon…” Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa nagbabadya kong mga luha. “P-Pero gusto kong palayain ang sarili ko sa takot na iyon, Toshi…”
Tumango tango siya at pinunasan agad ang sulok ng aking mga mata bago pa malaglag ang mga luhang iyon. Hinalikan niya ang aking mata at bahagyang hinaplos ang aking pisngi.
“Pag handa kanang umuwi, uuwi na tayo…”
I smiled at him. “Thank you…”
53rd TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Irah Claire Laranjo Codilla. Happy birthday! Salamat sa friendship and please itabi mo yung isang buong chocolate cake para sakin, HAHAHAHAAH. Enjoy your day Irang!
Warning: Medyo SPG
Galit
Pawisan na ako habang nililinis ang kabuuan ng Resthouse. Inaalis ko ang alikabok sa ibang mga mwebles at pinunasan ko pa ang mga transparent door. Iyong mga curtains ay nilabhan ko rin pati na ang bedsheet. Toshi told me magpapabayad nalang daw kami para may gumawa noon pero nag-insist rin ako kaya sa huli, tumulong narin siya. Siya ang pinalaba ko sa mga damit namin!
I was so happy these past few days kaya ganado akong maglinis ng buong Resthouse.
Suot ang kanyang malaking tshirt na itim at tanging panty lamang ang panloob, sinilip ko siya sa itaas na nagsasampay na. His muscle flexed as he hung some of my clothes. Humagikhik agad ako at mabilis na bumaba para makapaglampaso. Marunong naman pala!
We already put some shells on the top of the headboard of our bed. Maganda iyon at nababagay ang kulay ng pader sa shells. Kumuha ako ng vase at naglagay narin ng mga shells roon para ilagay iyon sa gitna ng mini table.
Noong matapos ulit ako sa aking ginawa ay dahan dahan akong umakyat sa itaas at sinilip si Toshi roon. Seryoso siyang naglalaba saka ulit isinampay ang mga natapos niya ng banlawan. Noong lumingon siya sa aking dako ay mabilis akong umalis at tumakbo sa ibaba.
Excited ako sa magiging reaksyon niya sa ginawa kong paglilinis at pagdedecorate. Palagi ko naman talagang pinagmamalaki ang mga bagay na ginagawa ko.
Noong ilang minuto rin akong mabagot ay umakyat akong muli para silipin siya. Wala na siya roon kaya nagtataka kong inilabas ng buo ang aking sarili sa veranda. Nasampay niya na ang iilang mga damit pero di niya pa nasasampay iyong damit niya.
Bago ko pa man mailibot ang aking mga mata ay bigla nalang may yumakap sa aking beywang.
Nagulat ako at napasigaw saka ito nilingon. Tumawa siya at pinihit ako paharap.
“Kanina ka pa sumisilip ah?” Inangatan niya ako ng kilay habang ang kanyang mga mata ay napunta sa noo ko. Pinunasan niya ang pawis roon.
“I just want to check you… Gusto ko sanang ipakita ang loob ng Resthouse…”
“Hmm, I know my woman did great. You’re my future wife…” he leaned closer and kissed me.
Ngumuso naman ako. “Hindi pa masyadong magaling… May nabasag akong isang plato,” I sighed.
Tumawa siya ng marahan. “That’s okay… Ang sabi ko naman ako nalang sa mga plato.”
“Ikaw tagalaba. Ako tagalinis at tagahugas,” giit ko.
“Fine… But tell me if you’re tired…”
Sumimangot agad ako. I wiped my sweat and pouted like a baby.
“I really got tired…” I whined dramatically using a soft voice at nagpaawa pa.
Toshi chuckled and pinched my cheek. “I’ll give you a price later…”
“Really?!”
“Yes.”
Nagiging parang bata na ako sa kanya. Ang sarap niya rin kasing maglambing kaya kahit hindi naman mabigat ang ginagawa ko ay sinasadya ko ng magpaawa. Maybe the girls act like a baby because their man treats them like a baby…
“Gusto mong sumama sa’kin?” tanong ni Toshi sa akin sa hapong iyon.
Nagpahinga kasi muna kami sa kakalangoy sa dagat at napagdesisyunang manatili nalang muna sa loob.
Natigil ako sa pagbabasa ng libro habang nakahiga rito sa sofa at nilingon itong bihis na bihis na. He’s wearing a khaki shorts paired with plain white polo.
“Huh? Saan?”
“Sa bayan. Mamamalengke,” sagot niya at mukhang handa ng umalis habang inirorolyo ang sleeves noon.
Tumayo agad ako at isinuot ang aking sandals.
“Sasama ako!” Humabol ako sa kanya at mabilis na humawak sa kanyang braso.
“You sure? Mabilis lang rin naman ako.”
Tumango ako. “Wala akong ginagawa… At gusto kong mamasyal…”
Binasa niya ang pang-ibabang labi at tumango. I am just wearing a simple cream dress while my hair was on a high ponytail. Nalalaglag roon ang maliliit na kumpol ng hiblang ginawang bangs sa akin ni Toshi. Hindi naman iyon masyadong makapal at nasa bawat gilid lamang ng aking mga mata.
“May bayan pala dito?” I asked him while we’re walking. Dalawang bodyguards ang nakabuntot.
Tumango siya.
“Sa dulo ay isang bayan. Hindi nila napapasok ang dagat ngayon dahil nga sa bantay. Pero minsan, may dumadayo raw doon noon since Resort iyon…”
Maganda rin kasi iyong dagat kaya hindi na ako magtataka kung dadayuhin iyon. Pero dahil binili na nga ng kanyang Lolo iyong kabuuan noon, may karapatan narin silang pagbawalan ang mga taong pumunta roon ano mang oras.
Mga 20 minutes ata ang nilakad namin lalo narin at medyo mabagal ako. Natanaw ko agad ang mga tao. Humigpit agad ang hawak ko sa braso ni Toshi nang makita ko ang iilang taong lumingon sa amin.
Binalingan ako ni Toshi at nginitian kaya medyo kumalma ako. Ang kanyang kamay ay ipinulupot niya sa aking beywang.
“Sila ba ngayon ang naninirahan roon sa Resort?”
“Oo mukhang sila ata…”
“Iyang mag-asawa ang may-ari?”
“Mukhang mga bata pa ah… Baka naman anak lang noong may-ari eh may katandaan na iyong bumili noon.”
Isa iyon sa bulung-bulungan ng mga matatandang nalagpasan namin ni Toshi. Their eyes lingered on us like we’re foreigners. Mga dayuhang napadpad sa kanilang lugar at naiiba sa kanilang may simpleng pamumuhay hindi katulad naming dalawa na sumisigaw ang karangyaan sa buong imahe.
May namataan pa akong grupo ng mga babaeng nagsikuhan at sinipat ng tingin si Toshi.
“The place is quite crowded. Humawak ka lang sa braso ko,” paalala niya at mukhang hindi gaanong pinagtutuunan ng pansin ang paligid.
Tumango ako saka itinuon ang tingin sa harapan. First time ko sa mga ganitong lugar. Iyong tinatawag nilang bayan o palengke. Iyong katulong kasi ang madalas na na namamalengke at ang ginawa ko lang naman ay pumunta sa Mall para magshopping.
“Marunong kang mamalengke?” tanong ko sa kanya.
He nodded. “Sinasama ako ng aking ina sa palengke. Ang sabi niya mas fresh daw ang mga mabibiling seafoods doon dahil kakakuha palang sa dagat.”
“Really?” I asked, half amused.
He chuckled and nodded. “My Mom likes simple things, Irah. Hindi naman sa sinasabi kong maaarte ang namimili sa mga Mall, pero iyong ina ko kasi ay doon talaga sa mga mura at may kalidad naman. Kahit may pera kami, mas gusto niya talagang sa palengke mamili dahil pwede ka pang tumawad sa presyo.”
Ang aking pagkamangha sa pagiging simple ni Tita Chanelle ay mas lumaki lamang. I know she’s very simple pero hindi ko inakalang ganito pala talaga siya kasimple. Iyong kahit may kaya na sila ay nagtitipid parin at namimili sa mga palengke.
Aaminin ko maarte ako. Kung ako ang papipiliin mas gusto kong bumili sa Mall dahil alam ko namang may kaya kami.
Wala rin naman kasing malapit na Mall sa lugar na ito kaya no choice rin at sa bayan mo talaga kailangang mamalengke ng pagkain.
“Pogi, ganda! Dito na kayo! May libre kayong gulay sa akin!” sigaw agad noong tinderang nadaanan ko.
“Libre daw ang gulay…” Itinuro ko pa iyon.
“Dito pogi, ganda mura lang ang mga bilihin ko!” sigaw naman noong kabilang tindera na ikinalipat ng aking tingin.
“Mura daw, Toshi!”
Toshi chuckled on my reaction. Naiignorante ako okay…
“May mga paninda pa sa dulo. Ganyan talaga sila, isisalestalk ka…”
Oo nga ’no? So ganito ang nangyayari sa palengke? I should recommend this to Mommy para makamura narin siya at makakahingi pa ng tawad. Sasabihin ko dalhin niya si Daddy para mas malaki ang maitawad nila.
Huminto kami sa isang tinderang may mga panindang karne. Gumagalaw pa iyong mga crabs!
“Why are they moving?” biglaan kong tanong.
“Buhay pa kasi ineng. Kakakuha lang niyan kanina at fresh pa iyan,” sabi niya sa akin na ikinamangha ko. Tama nga si Toshi, they’re all fresh!
“Pabili ng isang kilo po,” sabi ni Toshi sa babae na nangislap agad ang mga mata.
“Aba’y ang gwapo mo naman… Kayo ba iyong nakatira sa may Resort?” tanong nito habang kumukuha ng karne at tinitimbang.
Tumango si Toshi habang nakangiti. Friendly pala ang mukha nito pagdating sa publikong lugar?
“Iyang anak ko maliligo sana roon sa dagat pero mukhang naging private area na ang kabuuan dahil may naninirahan daw. Anak kayo noong may-ari?”
Tumango ulit si Toshi.
“Total mukhang first time niyo rito dadagdagan ko na ang karne niyo. Iyang girlfriend mo masyadong payat kaya pakainin mo rin ng gulay.”
Pilit ang ngiti ko. Si Toshi naman ay mas tumamis pa ang ngiti roon sa kanya at pinasalamatan ito. Binigyan siya noon ng supot saka niya ito binayaran.
“Mga friendly rin sila dito kaya nakakaengganyong bumili,” sabi niya sa akin habang umaabante kami.
Marami akong napapansin na nililingon kaming dalawa ni Toshi. Ang kanilang mga mata ay natatangay sa amin sa kahit saan kami pumunta.
“Oy pogi! Ganda! Dito na kayo sa paninda ko oh! Kasing fresh niyo ito!”
Panay sigaw ang mga tindera na nalalagpasan namin habang pinapaypayan ang mga paninda nila para bugawin iyong mga langaw. My nose wrinkled when I smelled something unpleasant.
“Maaarte iyan, ’nay… Halatang mayayaman oh…”
Narinig ko pa ang isang batang lalake nang makita ang naging ekspresyon ko nang dumaan kami sa kanilang paninda at naamoy ko iyong malalansang isda.
“Lets buy some fruits,” sabi saakin ni Toshi nang makita ang mga panindang iba’t ibang klase ng prutas sa dulo.
Ang napansin ko agad roon ay iyong tinderang kaedad ko lang ata at hinawi pa ang buhok habang malagkit ang tingin kay Toshi.
Lumapit kami roon ng tuluyan.
“Yes pogi… Anong gusto mong bilhin sa paninda kong prutas?” Nakakaakit niyang tanong na ikiangat agad ng aking kilay.
“Pakwan ko ba?” she even added seductively.
Umiling si Toshi at seryosong kinuha iyong iilang apple.
“What do you like, Irah? Choose…” sabi niya sa akin.
Nasira agad ang ekspresyon noong babae sa akin at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.
I wrinkled my nose. “They don’t look fresh… Doon kaya tayo sa kabila bumili?” Itinuro ko iyong katabi na may mga tinda ring prutas at isang matandang babae ang tindera.
Binitiwan ni Toshi ang apple at ibinalik iyon sa pinagkunan niya.
“Okay…” saka niya inilingkis ang kamay niya pabalik sa aking beywang.
Mas tumindi lang ang talim ng tingin noong babae sa akin. Pasimple nalang akong nag-iwas ng tingin. Pokpok ba iyon at sarili niya ang gusto niyang ibenta imbes sa kanyang paninda?
“Hija, hijo… anong bibilhin niyo?” Ngumiti sa amin iyong matanda pero nasundan agad ng ubo kaya tumalikod muna ito.
Sinenyasan akong pumili ni Toshi kaya tinuro ko agad iyong grapes. Kumuha rin ako ng iilang hilaw na mangga saka apples.
“Ito lang ba?” Tumayo siya pero nauubo parin.
“Opo…” sagot ko habang pinapanood siya ng maayos.
She was struggling to smile at me dahil narin panay siya sa kakaubo. Noong makabayad na si Toshi ay umalis rin naman kami sa kanyang dako at lumipat sa kabilang nagtitinda ng mga seafoods.
“Pautang ako Toshi…” sabi ko sa kanya nang ilabas niya muli ang pitaka para bayaran iyong pinamili.
“Do you want to buy something?” he asked me.
Tumango ako.
“Ano ’yon? Bibilhin ko nalang.”
“Ah ako na. Babalik rin agad ako.”
He stared at me for awhile. I smiled cutely at him and pointed a store.
“Bibili ako doon oh…” sabi ko para mas makumbinsi ko siya.
“Okay… Magkano ba?”
“Uh… 5K?”
Umarko agad ang isa niyang kilay pero naglalabas na ng papel sa kanyang pitaka. Sinenyasan niya pa iyong isang bodyguard na samahan ako.
Noong ibinigay niya sa akin ang pera ay tumakbo agad ako roon sa store. Noong nilingon ko siya at napansing hindi niya na ako tinitingnan at busy na sa kanyang binibili ay nagtungo agad ako sa kabilang dako ng palengke kung saan kami nagtungo kanina.
“Pacheck-up po kayo nay at bili rin po kayo ng gamot niyo.” Inilahad ko ang pera sa matandang nanlaki ang mga mata sa perang inilahad ko sa kanya.
“Nako hija… Nakakahiya naman…” Umiling iling siya at bakas sa mukha ang pag-aalinlangang tanggapin ang perang hawak ko.
Kinuha ko ang kanyang kamay saka ko inilagay sa kanyang palad ang limang libong inutang ko pa kay Toshi.
“Makakatulong po iyan sa inyo. Aalis na po ako.” Ngumiti ako ng tipid sa kanya at mabilis ring tumalikod.
“Salamat, hija! Kaawaan ka ng Diyos!” sigaw niya sa akin na ikinangiti ko. Hindi ko na ito nilingon pa at isinarili ko nalang ang sayang naramdaman ko.
Pagbalik ko sa harapan ni Toshi ay sinipat niya agad ang mga kamay ko.
“Akala ko bumili ka?”
“I lost the money while running towards the store. I’ll just pay you…” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at nagpanggap na iginagala ang tingin sa iba pang mga paninda.
Mukhang nagtataka ito pero hindi niya narin binigdeal at hindi na nag-usisa pa. Marami kaming nabili roon. Balak niyang magbarbeque kaya kadalasan sa mga binili niya ay karne. Bumili rin siya ng mga shrimps at hito. Ang sabi niya masarap raw ang inihaw na hito lalo na ang ginataang crabs. Iyong Lolo niya raw na Papa ni Tita Chan ang nagturo sa kanya.
“How about your Lolo Dwight… Anong tinuturo niya sa’yo?” tanong ko habang naglalakad na kami pabalik ng Resthouse.
Hindi agad siya nakasagot kahit na nakaawang na ang kanyang bibig. Binasa niya ulit iyon sandali saka pinasadahan ng haplos ang kanyang buhok.
“He spoils me too much. Sila ni Lola Blaire. While Mom’s parents taught me how to value small things.”
No wonder he grew up like this… Iyong pagiging simple niya rin. May mga lalake rin kasing kahit may kaya ay hindi gusto ang pamamalengke. Ako nga ayaw ko eh pero dahil iminulat sa akin ni Toshi na okay naman pala ay nagustuhan ko rin.
Siguro kung may maarte sa kanilang magpipinsan na mga lalake ay si Ken ata. Or maybe Hiro and White? Si Grey parang wala namang pinipili.
Bago pa tuluyang makalabas sa bayan ay may nadaanan kaming batang lalake na may binibenta sa gilid ng maliit na kalye.
“Ate! Bili po kayo!” Lumapit siya sa akin at hinila ang aking dress.
Ang isang bodyguard ay mabilis na hinila iyong bata palayo sa akin. Tumigil ako na kahit si Toshi ay tumigil rin.
May ibang mga tao sa paligid na nagulat sa ginawa ng bodyguard na nakabuntot sa amin at nagsisibulungan na.
“Mga matapobre.” Isa sa mga narinig ko.
“It’s okay,” sabi ko roon sa bodyguard na unti-unti rin namang binitiwan ang batang nagulat.
Yumuko ako para mapantay iyong bata. Kumurap siya at medyo napaatras nang mapagtanto ang aking imahe. Ngumiti agad ako na ikinakalma niya.
“Ano iyan?” I asked him using my soft voice.
“Uh… pagong po ate. Nahuli ko roon sa dagat! Naligaw sa dalampasigan at nahiwalay sa magulang niya!” anunsyo nito na ikinaangat ng tingin ko kay Toshi sa aking gilid.
“Magkano ba iyan?” tanong ko nang ibinalik ko ang aking mga mata sa kanya.
Ang madungis na bata ay ipinakita sa akin ang kanyang nakabukas na palad.
“Singkwenta ate total maganda ka.”
Ngumisi ako. “Singkwenta? As in 50?”
Tumango agad siya. “Kung namamahalan ka ate sige kwarenta nalang. Pambaon ko kasi sa eskwela eh…” Kinamot niya ang kanyang buhok at ngumiwi na.
Tiningala kong muli si Toshi na nilalabas na ang kanyang pitaka. Naglabas siya roon ng isang papel.
“Oh ayan. Baon mo iyan sa isang buwan at ibigay mo sa Mama mo para matipid niya.” Inilahad ni Toshi ang isang libong papel sa batang nanlalaki ang mga mata.
“Ang laki naman po niyan! Heto po ang pagong ate!” Ibinigay niya iyon sa akin at mabilis na tinanggap ang pera na ibinigay ni Toshi.
Tumayo ako at ibinigay sa bodyguard iyong pagong para siya ang humawak noon.
“Akala ko po mataray ka ate! Salamat po, Kuya, Ate!” nagagalak niyang pasasalamat sa amin na kapwa namin ikinangisi ni Toshi.
Masarap sa loob iyong makatulong ka sa ibang tao. Ako rin kasi iyong tipong palihim na nagmamalasakit.
Kaya noong pauwi ako ay inatupag ko agad ang magiging bahay noong new pet namin ni Toshi na pinangalanan naming Twirl.
Naging busy rin siya sa pagluluto kaya lumabas muna ako ng Resthouse para kumuha ng buhangin para ilagay roon sa aquarium na paglalagyan ko kay Twirl. Out of curiousity, napunta ang aking mga mata roon sa medyo magubat na parte. Tumigil ako sa pangunguha ng buhangin at pumasok roon lalo na’t may napansin akong magagandang bulaklak.
Namitas narin ako para may mailagay roon sa aming vase. Hindi ko alam na may ganito pala sa likod ng Resthouse! Ang ganda pala dito!
Umabante pa ako para pitasin iyong namataan kong mga bulaklak. Masyado akong naengganyo sa paligid na gumala pa ako para maghanap ng ibang bulaklak na mapipitas. Para itong isang lugar na napapanood ko sa mga fairytales kung saan napapadpad ang mga prinsepeng may sakay na kabayo. But I’m sure walang napapadpad na ganoon rito.
Sa kakakuha noon, hindi ko na namalayang medyo malayo na pala ako. Mabilis kong binilisan lalo na’t naririnig ko na ang pagtawag ng kung sino sa akin. Dala dala ang mga bulaklak, tumakbo agad ako palabas. Hindi ako nakapagpaalam sa kanya!
Isang bodyguard ang nakasalubong ko at mukhang hinahanap ako.
“Sir, nahanap na…” sabi niya sa hawak na walkie talkie na ikinalunok ko ng laway. Lagot ka ngayon Irah…
Kumalabog agad ang aking dibdib habang naglalakad ako patungo ng Resthouse. Nakita ko ang imahe roon ni Toshi, alalang alala ang mukha pero noong makita ako ay kumalma rin naman.
Itinago ko sa aking likod ang mga bulaklak na nahanap at nag-iwas ng tingin.
“Where have you been, Irah?” tanong niya sa malalim ngunit matigas na boses.
“May kinuha ako sa kagubatan-”
“What? Pumunta ka roon?” Toshi growled at me angrily. Bakas sa kanyang mukha ang galit na kahit ako ay kinakabahan na.
Napaatras ako sa takot sa kanyang boses at nakagat ang aking pang-ibabang labi. Tumingala siya at nahilot ang sariling sintido habang mariing nakapikit.
“Pumasok kana,” malamig niyang tugon at itinuro ang hagdan paakyat ng Resthouse.
Mabilis akong tumakbo roon. Nakita ko pa ang mga karne niyang nasunog na dahil mukhang napabayaan. Irah naman! Hindi ka rin talaga nadadala! Why do you love sneaking out?!
Inilagay ko sa mesa ang bulaklak at mabilis na tumakbo ng sofa para doon umupo pag-akyat niya. Ilang sandali lamang ay umakyat na nga ito. Ang seryosong mukha ang agad na sumalubong ng aking mga mata. I abruptly smiled at him.
“Sus,” matabang niyang sabi at naiiling na nagtungo sa countertop.
Damn it, he’s mad!
Sinundan ko ang kanyang kilos rito gamit ang aking mga mata. Mararahas ang kanyang pagkakagalaw na kahit ang tunog ng mga gamit ay rinig na rinig ko na. I think he’s doing it purposely to make me realize that he’s really mad.
Nakita ko siyang nagluluto ng panibago. Noong hindi ko makayanan ang katahimikan ay nagtungo ako roon sa countertop at umupo sa stool.
“Kumuha kasi ako ng mga bulaklak sa kagubatan. Since may vase tayo, I want to put these flowers on our vase.” Ipinakita ko sa kanya ang bulaklak na inilagay ko rito kanina kaso dedma si Toshi.
Humilig ako roon at sumimangot. Ang suplado naman…
Pagkatapos niyang magluto ay inilapag niya lang iyong bowl sa aking harapan at iyong pagkain saka siya umalis roon sa loob ng countertop.
“Hindi ka kakain?” tanong ko nang naglalakad na siya paalis at walang balak tumabi sa akin.
“I’m not hungry,” he said coldly and walked away.
Medyo nakonsensya ako roon. Imbes kumain ay itinabi ko nalang siya at sinundan sa itaas. Hinanap ko siya sa kabuuan ng Resthouse at natagpuan ito sa may Jaccuzi. Naroon lamang siya sa may malapit na upuan at nakaupo habang naninigarilyo.
Dahan dahan akong pumasok sa nakabukas na transparent door at tumayo sa kanyang likod.
Sinilip ko ang kanyang ekspresyon at mas madilim pa iyon sa kalangitang nagbabadya nang dumilim.
“Pst. Toshi…” tawag ko na sana ay lumingon ito pero iniwas niya lang ang mukha at tumingin sa kabilang dako sabay buga noong usok.
Sumimangot ako at humakbang paabante. Kahit kinakabahan sa kanyang galit ay umupo ako roon sa kanyang tabi.
“Galit ka?” I asked him.
“Tsss…” Nag-iwas siya ng tingin sa akin na ikinasimangot ko.
Nalaglag ang aking tingin sa isa niyang braso kung saan namamahinga sa isa niyang hita. I scratched it lightly using my nails. Pinalakbay ko iyon roon ng paatras at paabante.
“Toshi…” tawag ko ulit at dinungaw ang kanyang ekspresyon.
Inihulog niya ang siragilyo saka iyon inapakan. Sinuklay niya ang kanyang buhok kasabay ng pag-igting ng kanyang panga.
“Di ka nagpaalam,” matabang niyang sabi.
“Di ko na namalayan kasi naengganyo ako sa lugar-”
Matalim niya akong nilingon na ikinatutop agad ng aking labi. I smiled at him.
“Sorry… Di na mauulit.” Lumapit ako sa kanya at hinalikan ito pero dahil sa kanyang pag-iwas ay iyong panga niya lang ang aking nahalikan.
I sighed heavily and touched his cheek.
“Toshi, please… I’m sorry… Hindi na mauulit…” Iginiya ko ang pisngi niya para makaharap siyang muli.
Hindi siya umimik pero nagpatianod sa aking ginagawa. Umiwas ang kanyang mga mata sa akin kaya inilapit ko pa ang aking labi sa kanya at marahan siyang hinalikan.
My first atempt failed when he pursed his lips. Kinagat ko ang pang-ibaba niyang labi ng marahan at nagbabakasakaling tugunan iyon.
Ang aking kamay ay inihawak ko sa kanyang braso.
“Sorry…” bulong ko sa kanyang labi habang namumungay ang aking mga mata.
“Dapat nagpasama ka saakin.”
Dahil sa kanyang sinabi ay nabigyan ng tsansa ang labi kong halikan ang nakaawang niyang mga labi. I delved my tongue inside and kissed him deeply.
He groaned and kissed me back. Inangat ko ang aking sarili hanggang sa makaluhod na ako sa kanyang harapan para mas laliman ang halik.
“I’m sorry…” I whispered to him as I pressed myself on his chest without breaking our kisses.
Umupo ako sa kanyang kandungan at hinaplos haplos ang kanyang panga habang ang isa kong kamay ay nasa kanyang batok.
“I was mad and you’re kissing me.” His hand settled on my butt as he lightly massage them.
I moaned erotically and deepened the kiss when I felt his other hand slid inside my dress. Umangat na iyon sa aking balakang dahil sa pakay niya roon. He caressed the fabric of my panty to feel my folds.
Tumigil ako sa paghalik at niyakap siya habang may ginagawa siyang kababalaghan sa aking gitna. I buried my face on his shoulder as I tried to shut my mouth from moaning.
“Paano kung may nangyari sa’yo doon?” pagalit niyang sabi at hinawi ang tela noon.
Nakagat ko ang kanyang balikat nang maramdaman siya sa aking gitna. Oh, darn… I’m wet!
“Toshi… Sorry…” paungol ko ng sabi at hindi na alam kung paano seseryosohin ang kanyang galit dahil rin sa kanyang ginagawa.
Ginalaw ko ang aking balakang habang ang eksperto niyang mga daliri ay nawiwili na roon. Mabilis at pasagad ang kanyang galaw na kahit ang aking ngipin ay gusto ko ng ibaon sa kanyang balikat dahil sa lumulukob na sensasyon sa akin.
“You’re going to kill me if something bad happened to you!” Umakyat ang isa niyang kamay sa aking dibdib. His thumb played with my sensitive peak while his fingers stroke me even more.
Mas humigpit ang aking pagkakayakap sa kanya at hindi na alam kung paano ang pagtutuunan ng pansin. Tumatakas na ang halingling sa aking bibig.
“Sorry…” I moaned deliriously.
“Hindi lang ako ang galit ngayon, Irah,” inis niyang sabi na hindi ko agad napunto.
Tumigil siya sa kanyang pinaggagawa sa akin na ikinadismaya ko ng lubusan. But when he fumbled on the zipper of his short… napagtanto kong hindi nga lang siya ang galit sa oras na iyon.
54th TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Sarahjoy Villalon. Happy birthday! Wishing you all the best in life… Happy reading!
Seryoso
Tanghali na akong nagising dahil sa nangyari kagabi. Mag-isa nalang ako sa kama noong bumukas ang aking mga mata. Ang aking buong katawan ay mabilis na nabuhay at awtomatikong napabangon sa kama.
Asan si Toshi?
Ang lamig ng sahig ay nanuot sa akin nang nagmamadali akong humakbang palabas ng kwarto at tanging puting polo ni Toshi ang suot. Kahit ang buhaghag na buhok ay hindi ko na maayos ayos sa kakamadali.
Ang aking kaba ay mabilis rin namang nawala nang matagpuan ko ang kanyang imahe sa sala at nakaharap sa aquarium. I think he’s feeding and talking with our pet named Twirl.
Bumagal ang aking paglalakad at nagtungo sa kanyang likuran. He’s topless again wearing a black sweatpants. Niyakap ko siya roon na ikinalingon niya sa akin.
“Akala ko…” bulong ko sa malungkot na boses at mas niyakap pa ito ng mahigpit.
“Di na kita ginising lalo na’t sobrang himbing ng tulog mo.” Kinalas niya ang aking mga kamay at iginiya ako papunta sa harapan.
Ipinatong niya rin naman ang kanyang baba sa aking balikat habang ang aming mga mata ay nanatili sa pagong na di gumagalaw.
“Morning Twirl…” pinaliit ko ang boses at hinawakan ang transparent glass kung saan siya nagmumukmok. Kinatok ko siya roon na ikinatawa ng marahan ni Toshi.
Tahimik siya sandali at pinapakiramdaman lamang ako. Nilingon ko ang mukha niyang seryoso at mukhang may malalim na iniisip. He looks worried?
“May problema?” I asked him.
Sa tinagal tagal naming magkasama araw araw dito, sa tagal naring kilala ko ito, alam ko na ang ibig sabihin ng kanyang mga ekspresyon. Kung kailan ito galit, kailan ito naiinis at kailan ito may ikinakabahala.
He sighed and embraced me tighter. Medyo kinabahan ako roon lalo na’t mukhang hirap siyang sabihin sa akin ang isang bagay.
“Toshi,” tawag ko sa kanya na sana ay sabihin niya nalang.
Nilingon niya ako at pinatakan ng halik ang aking pisngi. Ang kanyang namumungay at nangingislap na mga mata ay may pinapahiwatig sa akin.
“Your father…” he paused for a moment and bit his lowerlip.
Mabilis akong napakurap at nabalot ng takot.
“W-What about my father?”
“He called earlier… Ang sabi niya… nahuli na si…” he watched my expression closely bago dugtungan iyon.
Ang aking takot tungkol sa aking ama ay nawala pero may panibagong takot na umusbong sa aking sistema. Nadakip na si Bryce?
May parte sa akin ang gustong magdiwang pero may parte sa akin ang hindi magawang mapanatag. Parang may nakadagan na mabigat sa aking puso at hindi ko alam kung paano iyon aalisin.
Nag-iwas ako ng tingin kay Toshi at ibinalik sa pagong. Hindi ko alam kung anong isasagot. Gusto kong sabihin na karma niya iyon at buti nga sa kanya pero wala akong sapat na lakas na magtaray. Ang aking sungay ay nilamon ng pagsisisi at hindi ko talaga alam kung anong akmang reaksyon ang ibibigay ko.
Mas niyakap ako ni Toshi.
“Iniakyat ng ama mo ang kaso sa korte at gustong mas pabigatin ang kaso.”
Nilingon ko siyang muli. Mas naging grabe lamang ang pag-aalala sa kanyang mukha. Wala pa itong sabihin ay nabasa ko na agad ang gusto niyang idugtong sa mga salitang iyon. I’ve been in the court watching my father defend his client. Medyo naging kabisado ko ang pamamalakad nila doon at kung paano nalilitis at napaparusahan ang mga may sala.
Sa kaso ko, sigurado akong gigipitin ni Daddy ang kabilang kampo. Kahit imposible ang iniisip ko na baka magbayad siya ng malaki para lang ilagay sa kanyang kamay at mapaikot ang korte… may posibilidad parin na mangyari nga iyon lalo na sa galit ng aking ama.
Patas siya pero pagdating sa kanyang pamilya, sa amin ni Mommy… alam kong hindi siya magdadalawang isip na gamitin ang kanyang kapangyarihan na kahit ay mali at kalabisan na ay hindi siya magpapapigil.
“He wants me to be the complainant…” wala sa sarili kong sabi na hindi agad ikinasagot ni Toshi.
Sa kanyang mga mata, nabasa kong tama ang aking sinabi. My father wants me in court… Ako ang magsisilbing biktima at witness ng krimen.
“Nasa iyo parin ang desisyon, Irah. Ang sabi niya, tanungin raw kita kung gusto mo pero kung ayaw mo-”
“Gusto ko,” seryoso kong sabi kay Toshi na naiwang nakaawang ang bibig sa ere.
Itinikom niya iyon at binasa sandali ang pang-ibabang labi. Ang mukha ay masyado nang nilalamon ng pag-aalala.
“I will help my father.”
Toshi stared at me for awhile. Naninimbang iyon at naghahanap ng butas sa aking mga mata na sana ay may mahanap siyang katiting na pag-asa roon na mali ang sinasabi ko.
“I want to face this, Toshi.” Hinarap ko na siya ng buo at kumalas na sa kanyang pagkakayakap.
“Pero Irah… gigipitin ka rin doon ng kabilang kampo-”
“Pero naroon ang aking ama. He’ll defend me!”
Umawang sandali ang bibig ni Toshi para sana may sabihin pero agaran niya rin iyong natikom. Nameywang siya sa aking harapan at malalim na ang iniisip na kahit ang kanyang mga mata ay malalim narin ang iginagawad na tingin sa akin.
“Ayokong ikulong ang sarili ko sa takot, Toshi. Sinabi ko na iyon sa’yo… I want this fear to end! Ayokong mabuhay akong malaya nga pero nakakulong naman sa takot. Biktima ako at iyon ang sabi ni Daddy sa akin kaya iyon ang paniniwalaan ko.” I tried to my tears inside me.
Hinila niya ako at isiniksik sa kanyang dibdib. Mariin akong pumikit roon at nagpigil ng damdamin.
Pagod na pagod na akong umiyak at pagod na pagod na akong maramdaman ng takot. Baka ito ang maging daan para matapos lahat ng paghihirap na baon baon ng puso ko.
I know I’m at fault too. At may kasalanan rin si Bryce na dapat niya ring panindigan. Labag sa batas ang kumitil ng buhay ng tao at iyon ang ipinaglalaban ng ama ko sa korte! Saan pa ang pagiging anak ko ng isang abogado kung pati ako ay hindi kayang ibigay ang hustisya ng isang biktima… Ang nararapat na hatol sa may sala.
Noong hapong iyon ay inimpake rin naman ni Toshi ang aming mga gamit para bumyahe pauwi sa syudad. Nasa isang tagong probinsya pala kami at malayo sa syudad. Mga isang araw ata ang tatakbuhin ng byahe.
Dala dala ko si Twirl at siya ang pinagkaabalahan ko habang nasa gitna kami ng byahe. Tahimik si Toshi pero ang mga mata ay nasa akin. Ngumingiti nalang ako para iparating sa kanya na okay lamang ako.
“Trust my father, Toshi… He’s a professional lawyer.” sabi ko sa kanya na ikinabuntong niya ng hininga.
Nasa likod kami ng van ngayon habang iyong isa sa mga bodyguard naman ang nagmamaneho. May isa sa front seat at iyong tatlo pa ay nakaconvoy sa amin.
“I know… I’m just worried. Naroon ang lalakeng nagtangka sa buhay mo. Are you really sure you want to see him?”
Hindi ako nakasagot roon. Simula noong nilinlang niya ako… ni anino niya ay takot na akong harapin ito. Ayaw ko na siyang makita at kung pwedeng ako ang lumipat ay gagawin ko makaiwas lamang sa kanya.
Pero sa kabilang banda… I want the right justice for me… for him… I want to end this. Gusto kong tuldukan lahat lahat at kung may pananagutan rin ako ay tatanggapin ko. I want to show him that I am sorry too. At kung pwede… gusto kong pati siya ay tanggapin narin ang pagkakamali niya para mapalaya namin ang isa’t isa sa nangyari.
Hindi ko na naisatinig ang aking pinag-iisip at ipinagkibit nalang iyon ng balikat. Malalaman ko ang sagot sa tanong iyon pag nagkita kaming muli. Alam kong traydor ang mga emosyon natin. Baka lamunin rin ako ng aking galit pag naroon na ako at magbago bigla ang aking isip. Hindi ko talaga alam…
Nagdrive thru kami at doon na kumain sa loob. Minsan nag-uusap nalang kami ng kung ano ano ni Toshi para malihis ang aking atensyon sa tunay na pakay ng byaheng iyon. Nakaidlip ako pero nagising rin noong huminto ang kotse dahil sa isang traffic hudyat na nasa syudad na nga kami.
Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ang mga pamilyar na malalaking building na madalas kong nakikita rito. Ang kalabog ng aking dibdib ay mas lumala lamang nang mapagtanto kong ilang oras nalang ay makakaharap ko na ang lalakeng nagbanta sa aking papatayin ako.
Huminto ang van sa pamilyar na subdivision. Tiningnan ko ang labas at nakita ang bahay na madalas kong gustong puntahan noong bata pa ako.
Naunang lumabas si Toshi at inutusan ang iilang mga tauhan na ipasok ang aming gamit sa loob. Binuksan niya ang pinto ng kinaroroonan ko saka dumungaw.
Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay. Kinuha ko iyon saka niya ako inalalayang lumabas.
“Mukhang nasa loob sila,” sabi niya sa akin na ikinalunok ko ng laway.
Alam kong hindi kami masyadong nakapag-usap ng kanyang magulang. Wala akong ediya kung may alam na ba ang mga pinsan niya sa aming dalawa.
Hindi ko na iyon masyadong pinroblema pa at nagpatangay sa kilos ni Toshi. Ang kanyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa aking beywang para igiya ako papasok ng bahay.
Hindi palang kami tuluyang nakakapasok, naririnig ko na ang boses ng iilan niyang mga pinsan.
I entered inside the house with guts. Tinatatak ko pa sa aking utak na naging kasama ko rin naman sila noong kabataan ko. But when I saw their eyes… pinaalala nila sa aking ni isa sa kanila ay hindi ko pala kaibigan noon. Na isa akong supladang babaeng Buenaventura at may sarili pang mundo.
Nilingon ako ni Toshi at nginitian. He even squeezed my hand when he found it. Ang raming tanong na parang bumara sa aking utak. Naroon sila lahat sa sofa, nakatitig sa aming dalawa at walang imik. Lahat ay seryoso.
It’s like they’re judging me through their gaze… Galit ba sila? A-Ako ba ang sinisisi nila sa nangyari kay Toshi? Of course… sa tingin palang nila ngayon…
Napunta ang aking mga mata sa ikalawang palapag ng bahay at ang boses ni Tita Chan agad ang nangibabaw.
“Irah! Nag-alala ako… Kumusta na? Okay kana?” sunod sunod niyang tanong nang tuluyang makalapit at mahigpit agad ang yakap sa akin.
Sa likuran ni Tita Chanelle ay nagsisitayuan na rin ang iilan habang tumatawa ang iba niyang pinsan. Natanaw ko pa ang pagbaba sa hagdan ng Daddy ni Toshi.
“I’m fine… Tita…” mahina kong sagot at hindi maipanatili ang tingin ko sa kanya dahil inaagaw iyon ng magpipinsan.
Pinalibutan na kami ng kanyang mga pinsan. Sunod sunod agad ang kanilang mga sinabi na hindi ko halos masundan.
“It was Ken’s fault. Maling info ang pinakalat niya,” si Zera na nakahalukipkip at nag-aangat ng kilay sa akin.
Itinaas ni Ken ang dalawa niyang kamay at ngumisi nang lingunin siya ni Toshi sa matalim na mga mata.
“I’m sorry… Akala ko si Floren ang tinutukoy mong nabuntis,” paliwanag ni Ken.
Huminga si Toshi at tumingin sa akin. That information made a fire. Iyon ang naging puno’t dulo ng lahat. The misleading information I heard to his cousin.
Tinapik ni Tito, Toshi’s father, ang balikat ni Toshi.
“Kumusta na ang sugat mo? Okay na?” tanong niya na bakas parin sa mukha ang pag-aalala.
“Patingin nga?” Inangat naman bigla ni Ken ang suot na tshirt ni Toshi.
“Malaki ba ang naging sugat mo, Kuya?!” si Nana, takip takip ang bibig at may kumikinang sa isang daliri. Nanatili ng ilang sigundo ang tingin ko roon dahil sa suot niyang singsing. Are they…
“Medyo okay na ito. H’wag na kayong mag-alala.” Ngumiti si Toshi sa kanila.
“I am so worried, Kuya!” si Nana na nagtungo na talaga kay Toshi at niyakap ito.
Tumawa si Toshi at tinapik ang kanyang ulo.
Kuryoso halos ang mga boys sa sugat ni Toshi habang ang mga girls naman ay sa akin nangungulit at nagawa pa akong yakapin ni Nana.
“You’re pregnant?” singit na tanong ni Zera nang dinungaw ang aking kabuuan. Kumalas si Nana sa akin na kahit si Tita Chanelle ay bahagya ring lumayo para matingnan ang tiyan ko. Sila iyong naka rinig agad kay Zera dahil ang mga lalake ay inaasar na naman si Ken.
“Huh, buntis na si Irah?” malakas namang tanong ni Nana.
“Buntis kana, Irah?” nagugulantang namang si Tita.
“Magkakaapo na ako?!” Tumatawang si Tito.
Pahamak parin talaga ang bunganga ng babaeng ito…
“Hindi pa ata…” sagot ko at binalingan si Toshi na binasa lamang ang pang-ibabang labi saka namaywang.
Mas lalong nagtawanan ang mga lalake. Hindi ko alam kung bakit.
“Hindi pa daw… Wala pala itong si Toshi! Mahina!” isa sa mga pinsan niyang lalake na tumatawa na ngayon.
They were so loud. Akala ko magiging sobrang tahimik ng unang pagtatagpo naming lahat lalo na sa nangyari pero hindi ko inaakalang mas malala pa sila noon. They didn’t change at all… Nagkaproblema rin ba ang mga ito o kahit iyong mga problema nila ay dinadaan nalang nila sa tawa?
Naging magaan ang aking loob sa pagwelcome nila sa akin. I’m quite happy dahil sa kanilang naging pagtanggap sa akin. Akala ko ay galit sila lalo na’t ako ang naging rason kung ba’t napahamak si Toshi pero katulad noong inasal ng mga Delafuente sa hospital ay ganoon rin ang ipinaramdam nila sa akin.
Nasa dugo nga ata nila ang pagiging ganoon… They know how to make someone comfortable around them. Ang gaan gaan nilang makitungo at hindi mo mararamdamang naiiba ka kahit na magpinsan silang lahat. At maswerte ako dahil mapapabilang ako sa angkan na ito…
“Dadalo ka sa hearing later?” tanong ni Zera sa akin noong mabuwag rin ang lahat. Kasama ko ang mga babae niyang pinsan rito sa kwarto ni Toshi habang nagbibihis ako at kakatapos lang maligo.
Nasa sala ang mga lalake at rinig na rinig rito sa ikalawang palapag ang tawanan nila sa ibaba.
Tumango ako at inabot ang zipper ng itim kong dress. She went to my back and help me to close it. Sandali akong natigilan at pinakiramdaman siya roon.
“Kaya mong humarap? Hindi ka takot?”
“A bit. Kaso kailangan ko itong gawin. Kailangan namin ng hustisya ni Toshi.”
“Brave girl…” nakangising si Nana.
Napatingin si Nana kay Zera na nakahalukipkip na sa aking tabi at naninimbang pa rin ang mga mata.
“Mahilig ka kasing magpadalos dalos…” makahulugang sabi saakin ni Zera, ang mukha ay lumulukot na.
“I know. And I regret it.” Tiningnan ko ang kabuuan ko sa salamin saka sinuklay ang basang buhok.
May kumatok rin naman sa pinto saka iyon bumukas. Dumungaw si Toshi at nasa akin agad ang mga mata.
“Nasa baba ang pinsan mo.”
Tumayo agad si Nana at mukhang mas excited pang lumabas sa akin. Itinulak naman ng bahagya ni Toshi ang noo niya.
“Pinsan ni Irah, marupok.”
Ngumuso si Nana. “Fiance ko na iyon… kuya… We’re engaged!” Anunsyo niya at ngumiti agad ng matamis.
“Fiance. Hindi asawa.” paglilinaw ni Toshi na ikinasimangot ni Nana.
Ngumisi nalang si Toshi at ginulo ang buhok nito.
“Go… Naghihintay sa baba ang asawa mo.”
“Aww kuya…” Humagikhik si Nana at saka rin excited na lumabas.
Sumama rin naman si Zera palabas.
“Privacy… We know Kuya,” si Zera, bag tuluyang umalis ay iniwan pa iyon.
Umiling lang si Toshi at ngumisi sa mga pinsan niyang hindi niya na ata nadidiktahan dahil may sari-sarili nang isip. Nagtungo siya sa akin at kinuha ang hawak kong suklay.
Sinimulan niyang suklayin ang buhok ko habang ang isa niya namang kamay ay nakahawak sa aking panga.
“Mukhang dadalo rin ang mga pinsan ko mamaya…” sabi niya habang ang tingin ay nasa aking buhok.
Hinawakan ko ang kanyang braso at tumitig sa kanyang dibdib. Medyo nakakaramdam na ako ng kaba lalo na’t mamaya na iyon.
“They will support you.” dagdag niya pa.
Tiningala ko siya. “Ikaw ang susuportahan nila, hindi ako.”
Nahulog ang tingin sa akin ni Toshi kasabay ng isang kilay niyang umangat.
“Pamilya narin ang tingin nila sa’yo Irah.”
“Pero di naman ako naging close sa kanila.” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
Hindi ko na agad nabubuksan ang aking sarili sa mga taong nakapaligid sa akin. I am not sure if they’re genuine or not. Kahit gusto kong magtiwala, gusto kong mapalapit… parang may nagsasabi rin sa aking loob na idistansya ko nalang ang aking sarili.
Itinulak niya ang aking baba at pinatakan ako ng halik.
“Masasanay ka rin sa kanila pag pinakasalanan na kita. Makikilala mo sila isa isa at papatunayan ng mga iyon na kahit mga loko loko ay totoo naman sila.” Ngumiti sa akin si Toshi. Ang ngiti ay masyadong magaan sa pakiramdam na kahit ako ay napatango nalang at ngumiti.
Hinila ko ang kanyang braso palabas ng kwarto para makita na ang aking dalawang pinsan. Kaso nasa pinto palang ako ay hinila niya ulit ako pabalik.
“5 minutes?” bulong niya sa akin nang isandal niya ako sa pintong inilock niya na.
“Huh?” Tumawa ako habang tinititigan ang mukha niyang nakangisi at ang mga mata niyang may iba nang pinapahiwatig.
Ang isa niyang kamay ay nasa likod na ng aking dress at ibinababa na ang aking zipper.
“They can wait.” Hinalikan niya ang aking leeg at ang isang kamay ay nasa aking dibdib na.
“Magtataka sila ba’t matagal tayo-hmmm…” Hinuli niya na ang aking labi at hinalikhalikan ako.
“You looked tense. Let’s do something about it…” bulong niya at tuluyan ng naibaba ang aking dress.
At ito ang naiisip niyang solusyon, huh?
Tumawa ako. “Kakaiba ang lahi niyo. Wala ata kayong siniseryoso eh…”
Kinarga ako ni Toshi at naglalakad na patungo sa kanyang kama.
“Di mo pa rin alam na sa’yo lang ako seryoso?” Inilapag niya ako sa malambot niyang kama at hinalik halikan agad ako.
Now my thoughts are scattered again! Toshi is really good at making me feel damn! Ang aking pag-aalala para mamaya ay sandaling lumipad palabas ng kwarto dahil sa pumalit na panibagong sensasyon.
Pero isa na rin sa pumasok sa aking isipan ay ang kanilang pamilya. Hindi ako makapaniwalang ang tinatawag kong may abnormal na lahi noon ay mapapabilang na ata ako… Oh hell…
55th TRICKED
T R I C K E D
This chapter is dedicated to Jelsen Leila Legaspi. Belated happy birthday! Sorry late masyado. Happy reading!
Forgiveness
Nagtungo rin naman kaming lahat roon. Hawak hawak ni Toshi ang aking kamay habang nasa byahe kami at pinipisil pisil iyon para pagaanin ang loob ko. Nakaconvoy parin sa amin ang bodyguards baka may mangyaring masama lalo na’t isang kaso ang dadaluhan namin.
Pagdating ko roon, si Mommy agad ang sumalubong sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang aking pisngi.
Ang magpipinsan naman ay pumasok na roon sa pagdadausan ng hearing habang dumeritso naman ako sa kinaroroonan ng aking mga magulang.
“How are you? Hindi ka naman ba masyadong nalungkot? Balita ko kay Toshi masaya ka raw doon!” si Mommy na pilit pinapagaan ang aking loob.
“Okay lang naman, Mommy… I feel better…” Ngumiti ako sa kanya at iginala ang tingin sa kanyang likuran. Narito pa kami sa isang hall.
Ibinalik ko ang tingin kay Mommy nang kumalas siya at tiningnan ako sa mga mata niyang puno parin ng pag-aalala.
“Hawak mo ang desisyon, Irah… H’wag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa kaya. Your father will understand it…” Hinaplos ni Mommy ang aking pisngi habang ang kanyang mga mata ay nangingislap.
Nilingon ko si Toshi sa aking likod at nakasandal roon sa pader. Tiningnan siya sandali ni Mommy pero ibinalik rin ulit ang tingin sa akin nang ibalik ko sa kanya ang aking mga mata.
“Mommy… Alam kong hindi madali ang nangyayari sa korte. Gigipitin ka nila at ikaw ang pagmumukhaing may kasalanan. But I want to help Dad… Baka sa pamamagitan nito gumaan rin ang loob ko…”
My Mom’s worried face softened. Pagod siyang ngumiti sa akin at niyakap akong muli. I know she’s afraid too… May trauma si Mommy sa mga ganitong kasuhan dahil narin sa nangyari sa kanya noon. Pero dahil kay Daddy ay nakaya niyang harapin ang kanyang takot at gusto kong ganoon rin ako. I will face this. I want to prove them that I am a Buenaventura and I can be heartless sometimes. I want them to show that I can face my fear…
Nahanap rin agad ng aking mga mata si Daddy. Noong makita ang aking kabuuan ay kumalma rin naman siya.
“You already have an idea about this… right Irah?” tanong sa akin ni Daddy, wala ng paligoy ligoy.
Tumango ako.
“All you have to do is to tell the truth. Ilalahad mo ang nangyari at ako na ang abogado ang magdadagdag. Don’t be nervous. I’m here. I’ll watch,” si Daddy.
Tumango ulit ako. Nasa aking gilid na si Toshi. Daddy is eyeing him sometimes. Tumango si Toshi at para bang saulo niya na ang napag-usapan nila at hindi na kailangang mag-alala si Daddy pa.
“We’ll win this,” siguradong sabi sa akin ni Daddy.
Natakot ako roon lalo na sa mga mata niyang mas dumilim. He’s craving for vengeange. Kung pwedeng hilain niya mismo si Bryce papuntang impyerno ay gagawin niya and it suddenly scares me. Wala naman sigurong ginawa si Daddy ’di ba? Naiisip ko palang na tuso ang aming angkan ay ako na ang naaawa sa magiging kahihinatnan ng kasuhan.
Sigurado na agad ako. Si Daddy ang magbaback-up sa akin. Siya ang tatayo roon at ang bumangga o pipigil ay hindi niya pahihintulutan.
Ang sabi sa akin ni Daddy ay nasa detention raw si Bryce at nakaposas. Ilalabas siya maya maya lamang para sa magaganap na hearing.
Naunang pumasok si Daddy at Mommy sa loob lalo na’t nagcr muna ako dahil sa kaba. Toshi told me not to worry too much. Biktima raw ako at nandito ang aking ama kaya iyon ang kapitan ko.
Papasok na kami noon sa korte nang may kumuha ng aking pansin. Natigilan ako lalo na’t may kasama ito.
Nang makita niya rin ako ay nanlabo agad ang mga mata niyang namamaga sa kakaiyak. Mabilis agad ang kanyang hakbang papunta sa akin na kahit si Toshi ay nagulat sa kanyang presensya.
Why is she here?
“Irah! P-Pwede ba kitang makausap? K-Kahit ilang minuto lang…” nagmamakaawa niyang kinuha ang aking kamay nang makalapit na siya sa aking dako.
Pumayat si Floren at mukhang stress na stress ang mukha. Ang eyebugs sa ilalim ng kanyang mga mata ang nagsisilbing ebisensya na hirap siyang matulog nitong mga nagdaan na araw. Anong nangyari sa kanya? Did karma slap her hard?
“This is not the time, Floren… Mamaya nalang dahil may pupuntahan pa kaming kaso,” paliwanag ni Toshi sa kanya at tiningnan iyong batang hawak hawak niya sa isa niyang kamay.
Umiling agad siya at umagos agad ang mga luha.
“Kailangan ko siyang kausapin Toshi kundi mawawalan ng ama ang a-anak ko…” Nabasag ang kanyang boses at binalingan ang batang nasa dalawang taong gulang pa atang babae na nakatingala sa akin at takot na takot ang mga mata dahil sa mga estrangherong nakikita.
Bakas ang gulat sa mukha naming dalawa ni Toshi. Pinunasan niya ang kanyang mga luha pero hindi niya matigil tigil ang panibagong batalyon na lumusong at nagpaligsahang tumulo.
Tiningala ng batang babae ang kanyang ina na kamukhang kamukha niya at may maamong mukha. She has this soft feature at ang mga mata ay manang mana nga kay Bryce. Nakapigtail ang kanyang buhok at may hawak hawak na laruan sa kanyang kaliwang kamay. I suddenly remember myself when I was a kid…
“Please… Irah… A-Ako na ang nagmamakaawa… H’wag niyo na itong paabutin sa korte… A-ang iyong ama… A-Alam kong gagawin niya ang lahat makulong lamang at mabulok si Bryce sa kulungan habang buhay!” Inabot niya ang aking kamay at mariin iyong hinawakan.
Tiningnan ko siya ng blangko. Ang galit ng nakaraan ay umahon na naman at mukhang nasisindihan na ang apoy na mabilis na kumalat sa aking sistema.
“P-Para nalang sana s-sa anak ko Irah-”
Marahas kong binawi sa kanya ang aking kamay na ikinaputla niya. Ang nanginginig niyang palad ay naitakip niya sa kanyang bibig para hindi na tumakas ang hagulhol.
“Baka karma mo na rin ito sa pinagsasabi mo sa akin noon, Floren? Alam mo ba ang naging epekto ng kasinungalingang inimbento mo?!”
Tumango tango siya at napayuko sa aking sigaw. Iyong bata ay dahan dahan nang kumukurba ang pang-ibabang labi at mukhang ano mang oras ay iiyak na dahil sa mga matang binalot ng takot sa aking boses.
“K-Kaya sising sisi ako… Humihingi ako ng tawad sa ginawa ko at…”
“At ganoon nalang iyon, Floren? Hindi mo ba alam ang nangyari sa akin? Tinangka niya akong patayin! And maybe you planned this with him!-”
Umiling siya. “H-Hindi! Walang alam si Bryce na buntis ako! W-What happened to us is just a one night… H-Hindi ko inaakalang magbubunga… Noong nalaman kong buntis ako ay natakot akong maghabol sa kanya d-dahil buong akala ko ay mahal ka niya k-kaya siya naghahabol sa’yo… Noong umuwi siya sa Pilipinas at sinabi ko sa kanya ang totoo… N-Nalaman ko na ang ginawa niya sa’yo… U-Umiyak siya sa harapan ko, Irah! Nagsisi siya! Kung maaga niya lang daw na nalamang may anak siya sa akin-”
“Enough, Floren. Titistigo ako at makukulong siya. Hindi ko palalampasin ang ginawa niya sa akin. Toshi got shot!” sigaw ko na ikinabuhos ng kanyang mga luha.
“Mommy…” Mas kumurba ang pang-ibabang labi noong bata habang tinitingala ang kanyang inang hindi na maawat awat sa pag-iyak.
Ngumiti siya rito at sandaling lumebel sa batang babae. Nag-iwas ako ng tingin sa dalawa pero ang aking mga mata ay hinihila roon.
“O-Okay lang ako… We’re just talking…” Pinunasan niya ang pisngi at mas pinalaki ang ngiti. “A-Anong sabi ni Daddy mo sa’yo?”
“Na wag ako magcry…” mahinang sabi ng bata na pumunit ng aking puso.
“Very good!” Garalgal ngunit masaya ang boses niyang iyon na nagawa pang halikan ang noo ng bata.
“Wag magcry ha…”
Tumango ang bata at hindi na maibalik balik sa dati ang pang-ibabang labing kumukurba dahil sa pagpipigil ng iyak.
Tumayo ulit si Floren at hinarap ako. Ang kanyang mga mata ay nakitaan ng labis na pagdadalamhati sa magiging kalagayan ng kanyang anak.
“Please… Irah… K-Kahit ibunton mo nalang ang galit mo sa akin… Gagawin ko lahat lahat… P-Pero sana… Kahit pagbigyan mo man lang ang hiling ko… K-Kahit para nalang sa anak ko… B-Bilang ina… H-Hindi ko kayang makita siyang nadudurog. She just met her f-father…” hagulhol niya.
Nanlabo ang aking mga mata at naalala ang aking kabataan. Kumpara sa kanyang anak na mas bata pa sa akin noong nakita ko ang aking ama, mukhang parehas kaming nagtatapangtapangan noon dahil iyon ang gusto ng aming mga ama.
Nilabanan kong huwag maiyak kahit nagbabanta nang mahulog ang luha. Ang kamay ni Toshi ay napunta na sa aking likuran. Nilingon ko siya at kahit ang kanyang mga mata ay nakakaramdam rin ng awa sa bata. Alam naming dalawa na doon rin kami nanggaling. Hindi rin namin nakasama noong mga baby pa kami ang aming mga ama. Alam namin kung gaano iyon kasakit.
Hindi ko na alam ang paiiralin sa oras na iyon. Dapat gawin ko ang tama at ang nakakabuti sa aming lahat pero hindi ko narin alam kung tama pa ba ang desisyong pinaglalaban ko.
Mukhang magsisimula na ang hearing kaya umabante na ako at handa na itong iwanan. But Floren suddenly blocked my way.
“Please! Irah! N-Nagmamakaaawa ako… T-Toshi!” Nilingon niya rin ito pero agad na ibinalik sa akin.
Hindi ko siya tiningnan at nilagpasan muli pero natigil nalang ako nang niyakap niya ang aking mga binti. Nakaluhod na siya sa aking likuran na kahit ang kanyang anak ay tumataas baba na ang balikat, ang mga mata ay pulang pula pero di parin umiiyak.
“Floren… Tumayo ka.” Hinawakan ni Toshi ang kanyang braso pero umiling lamang ito at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
“M-Mommy!” Nakagat na noong batang babae ang kanyang labi. Pinuntahan ito ni Toshi at kinarga. May binulong siya roon na nagpatango tango sa bata at mabilis na itinago ang mukha sa leeg ni Toshi.
“A-Ayokong ipagkait sa anak ko ang karapatan niyang makasama ang ama niya… Irah! Bryce is guilty! Handa niyang pagbayaran iyon pero s-sana iurong mo nalang ang kaso… Alam kong gagawin ng ama mo lahat mabulok lamang siya roon… B-Bigyan niyo siya ng pagkakataong lumaya, Irah… Bigyan niyo ng p-pagkakataon ang anak kong makasama ang ama n-niya…”
Tumulo ang luha sa aking mga mata. I was torn between whats right for my family and whats the best for us. Mas lumakas ang hagulhol ni Floren at hinang hina na ang mga matang walang pigil sa pagbuhos ng luha.
“P-Please… Irah… I-I’m begging you… Sobrang bata pa ng anak ko… P-Please…”
Tiningnan ako ni Toshi at ngumiti sa akin ang mga matang nagpipigil ng kung ano dahil sa batang niyayakap siya at palihim na humihingos. Hinahaplos niya ang likod nito at pilit inaalo.
Kinalas ko ang kanyang kamay sa akin na kusa niya ring ikinabitaw dahil sa panghihina. Nilagpasan ko sila habang pinupunasan ko ang aking mga luha papasok sa pagdadausan ng hearing.
Humabol agad si Toshi sa akin. Hinaplos niya ang aking siko at nginitian ako. Hindi niya na akay akay iyong bata.
“Kahit ano ang desisyon mo… Nandito ako… Nandito kami. Kung ano sa tingin mo ang makakabuti sa’yo, iyon ang gawin mo.” Dinampian niya ng halik ang aking noo.
Nagpigil ako ng luha nang makapasok kami sa loob. Ang mga taong nakaupo roon ay nilingon agad kami. Nakita ko sa likuran ng mga Buenaventura ang pamilya ni Toshi at mga pinsan niya. My father was there with my Mom waiting for my presence. Mukhang ilang minuto nalang…
Nagtungo ako sa kanilang tabi. Si Toshi naman ay tumabi roon sa kanyang mga magulang. Sa aking likuran ay ang presensya nila Tito Dos, Tito Uno at ang dalawa ko pang Lolo. Kasama naman ni Lolo Israel si Lola Tracy.
“We’ll win this,” narinig kong sabi ni Lolo at mukhang kampanteng kampante na ang aming angkan.
Hindi ko na alam kung dahil parin ba ito sa pagiging magaling ng aking ama bilang abogado o may iba na silang ginawa para maipanalo agad ang kasong ito. Did they do something? Did they use their power? Connections?
“Tres is still nice to let the criminal breathe until now. Kung ako iyon at pinagtangkaan ang buhay ni Franca… baka pag nahuli ko siya ay ilagay ko rin ang kamay sa aking batas. I’ll seriously bury him alive.,” si Tito Dos.
Humalukipkip si Tito Uno at seryoso rin, ni hindi man lang sumalungat sa narinig.
“Don’t worry, Irah,” si Lolo sa madilim na ekspresyon.
Normal na ata sa aming angkan ang pagiging agresibo at walang awa pag may sinaktan ang isa sa aming pamilya. They sound like my father when he’s mad. Naalala ko ang kwento ng aking Lola Trace sa akin tungkol sa kanya noon at ang pagiging tuso ni Lolo noon. At sa mga naririnig ko sa kanya, hindi na ako magtataka kung may binayaran na siyang pulis para gipitin si Bryce sa loob para pahirapan ito.
Ang isa kong Lolo ay tahimik lamang at tinitimbang ang sitwasyon. Ayaw niya ng makisali dahil alam niya ring naranasan niya ito noon.
Ang kamay ni Mommy ay humaplos sa aking likod nang mapansin ang mukha kong kakagaling sa iyak at ang mukha kong binabalot ng kung ano.
“Ayan na ang putangina.” Narinig ko si Lolo na sinabi iyon sa aking likuran. Paglingon ko sa may pinto, nakita ko roon ang kakapasok lang na si Bryce. Nakaposas ito at hinahawakan ng dalawang pulis na nasa magkabilang gilid niya.
Sumunod sa pagpasok si Floren na sobrang namumugto ang mga mata at ang anak niyang umiiyak narin.
“D-Daddy!” sigaw noong bata na nagpumiglas pa sa bisig ng kanyang ina.
Huminto si Bryce at nagpigil ng emosyon. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at tumingala para pigilan ang mga luha. May sinabi siya sa mga pulis na ikinailing nila. May binulong siya ulit at nilingon ang dako ng kanyang anak na ikinakumbinsi ng dalawa.
Ang posas ay tinanggal nila roon. Lumingon si Bryce at yumuko para hintayin at salubungin ang anak na mabilis na tumakbo sa kanyang dako.
The little girl embraced him while crying. Nagsibagsakan narin ang aking mga luha nang tumayo ito at may ibinulong bulong sa batang tumango tango pero pumapaibabaw ang iyak. He was smiling while tears flooded in his eyes.
“M-May anak siya?” nanginginig ang boses ni Mommy nang itanong niya iyon.
Hindi ako sumagot at pinunasan ang aking mga luha. Gusto kong panindigan ang pagiging matigas pero dinudukot ang aking puso at parang sinasaksak sa sakit dahil sa nakikita. Nag-iwas ako ng tingin at saktong nakasalubong ang mga mata ng aking ama.
“Don’t let your weak heart decide for you, Irah.” Pagbabanta niya sa akin at mukhang walang nararamdamang awa sa lalakeng kriminal ang kanyang tingin.
Nahuli ko ang paghikbi ng aking ina at ang pagpupunas niya ng luha nang sundan niya ng tingin ang kinaroroonan ni Bryce. Nakaupo na roon sila sa kabila pero ang bata ay mahigpit parin ang pagkakayakap sa ama.
“D-Dad…” tawag ko sa kanya kasabay ng luhang nagpaligsahang tumulo sa akin. “I don’t think I can do it-”
“Irah,” matigas niyang tawag sa akin na ikinakagat ko ng aking labi.
“Don’t let your emotion take over you. You’re the victim here,” giit niya.
Umiling ako habang umiiyak. Niyakap ako ni Mommy na ganoon narin.
“Daddy… He’s guilty… Alam kong nagsisisi rin si Bryce-”
“He needs to be punish,” giit ng aking amang nilamon na ng paghihiganti.
Umiling ako at tumayo. Lahat ay napatingin sa akin na kahit si Bryce ay nilingon ako. Ang mga matang iyon ay kabisado ko at ganoon rin ang tingin niya sa akin noong nagkukwento siya sa kanyang kapatid.
“Bumalik ka sa upuan mo, Irah.” Utos ni Daddy na kahit si Lolo ay tumayo na rin.
“Let your daughter speak, Tres,” si Lolo na nilingon ako. “Sabihin mo ang gusto mong sabihin, Irah.”
Tumango ako at binalingan ang ama na mukhang tutol sa aking iniisip.
“Gusto kong iurong ang kaso, Daddy… Alam kong pagbabayaran naman ni Bryce ang kasalanan niya sa loob ng presinto. H’wag nalang sana natin itong palakihin-”
“Naaawa ka lang dahil iyon ang pinagdaanan mo noong bata ka pa, Irah. Don’t forget the real enemy here!”
“Tres…” Hinawakan ni Mommy ang braso ni Daddy at kinalma ito.
“Don’t forget your Mom’s father suffered too, Irah. Kung paiiralin mo ang awa, aabusuhin ka nila! They don’t deserve it!” Pagpapaalala niya sa akin na baka magising ako sa aking pinag-iisip ngayon.
“Pero dapat bang iparamdam rin natin sa iba ang sakit na naramdaman natin? Dad, what happened to me taught me that vengeance is nothing but a chaos! Oo nakaganti ka nga pero it wont make you happy! Pinasa mo lang naman ang sakit sa iba! Lets not put the law in our hand please… D-daddy, he has a child…”
Bumuhos ang aking mga luha. Ang iyak ni Mommy ay mas lumalala lamang. Tumayo siya at niyakap ako. My father’s face calmed down for a minute. Tinitigan ako ng naninimbang niyang misteryoso at madilim na mga mata.
“Don’t let them turn you into a monster, Daddy…” Humikbi ako lalo. Hindi ko kayang isipin na kaya siya nagiging ganito dahil sa galit at kagustuhang makapaghiganti.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagtatakip ng mukha ni Floren dahil sa kakaiyak. Tumayo si Toshi at dinaluhan ako.
“A-Ayoko lang na may batang matulad sa akin noon d-dahil alam ko kung gaano iyon kasakit!” sigaw ko kahit na isiniksik na ako ni Toshi sa kanyang dibdib.
Dapat kinakampihan ko ang aking pamilya dito. Dapat kinakampihan ko ang ama kong gusto lamang ay pagbayarin ang nagkasala sa akin. But I know he wants the worst! Hindi siya kontento sa parusang igagawad ng korte at gusto niyang gamitin ang kapangyarihan niya para masunod ang kanyang gusto. Ayokong malaman ni Mommy ang totoo na may ginawa siyang labag sa batas at labag na sa pagiging abogado niya. Ayokong gayahin niya iyong abogadong nagtraydor kina Mommy at pairalin ang kasakiman. He’s just mad!
“Ilabas mo muna ang apo ko, Toshi,” utos ni Lolo na ikinatango agad nitong sinunod.
Ang aking ama ay natigilan roon sa kanyang kinauupuan at mukhang malalim na ang pag-iisip. Noong tuluyan kaming makalabas ni Toshi ay napahagulhol agad ako.
“I just can’t stand the fact that the child will suffer fhe cruelty of our family, Toshi! Alam ko… K-Kabisado ko si Daddy… Iipitin nila si Bryce! I want him to them to be fair! I-Iyon ang gusto ko! A-Ayokong matulad siya sa akin na pinairal ang paghihiganti! I don’t want this again to happen at baka sa susunod ay si Daddy na ang mapahamak!-”
“Sshh, calm down… Calm down, Irah…” Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinuli ang mga mata ko.
Ang aking balikat ay taas baba na dahil sa sobra sobrang emosyong nararamdaman. Ang aking dibdib ay naninikip ng husto at para na akong mahihilo dahil sa aking pinag-iisip.
“I support you… Alam ko ang gusto mong mangyari, Irah… Let’s just give him time to think. Hayaan nating maalis niya sa sistema niya ang galit.”
Tumango tango ako.
Gusto ko ang hustisya pero hindi sa paraang gusto ni Daddy. I want him to wake-up from his anger! Gusto kong pigilan ang halimaw na pinalabas ni Bryce sa loob ng aking ama. I want him to be fair…
Mas gugustuhin ko nalang na magalit ang aking ama sa akin kaysa iyong maging halimaw siya dahil lang sa akin. Sana mapunto niya ang gusto kong iparating. Alam kong pati si Mommy ay nahihirapan narin sa sitwasyon dahil pinapaalala lamang nito sa kanya ang lahat. Hindi kaya ng konsensya ko na may batang lalaki at mararanasan ang lupit ng aking angkan dahil lamang sa salang pinagsisihan ng kanyang ama.
Ilang oras akong nanatili roon hanggang sa lumabas narin sila. Mukhang tapos na ang hearing at napagdesisyunan na agad ng korte ang ihahatol kay Bryce. Mukhang hinawakan ng prosecutor ang kaso at sila na ang nagpatuloy noong hearing laban sa defendant dahil sa pag-atras ko.
Nagkatinginan kami ng aking ama. Sinenyasan niya akong lumapit kaya agad akong nagtungo sa kanya. Niyakap niya ako.
“I’m sorry…” bulong niya.
“Ayoko lang na ilagay mo sa kamay ang batas, Daddy… S-Sorry kung hindi kita masuportahan-”
“It’s okay. If this is the only reason to make you feel better then I’ll support you. I’ll be fair and I’ll let the justice punish him,” sabi niya at mas niyakap ako ng mahigpit.
Parang may tinik na nabunot sa aking puso. Ang mabigat na alalahanin ay biglang natanggal roon at nakakahinga na ako ng maluwag.
Lumabas rin naman doon si Bryce. Nagkatinginan kami ng ilang sigundo. Tumigil siya sandali habang sa kanyang likuran ay nakasunod si Floren na bumaling rin sa akin habang akay akay ang kanyang anak.
“Dapat hindi mo nalang iyon ginawa. Dapat hinayaan mo nalang akong mabulok rito habang buhay. Kamuntik kitang patayin, Irah,” sabi niya sa akin habang ang pagsisisi ay nakikita ko sa kanyang mga mata.
“I didn’t do it for you Bryce. I did it for your daughter. Magbago ka dito at patunayan mo sa anak mo na kaya mong maging mabuti.”
Kitang kita ko kung paano namuo ang luha sa kanyang mga mata kahit nanatili ang pagiging seryoso nito. He’s guilty.
Give youself a chance Bryce… Patawarin mo ang iyong sarili at magbago rito sa loob. Forgiving someone who didn’t ask for it doesn’t mean you’re weak. It means you’re strong enough to forgive someone who’s not sorry. Kahit hindi muna masabi iyon ni Bryce sa akin, pinapatawad ko na siya.
I wanted to thank him because that experience taught me how to value someone’s worth and to give second chances. Masyado akong naging matigas. Masyado kong pinairal ang sariling batas. Kung hindi ako matututong magpakumbaba at umunawa, wala akong pinagkaiba sa mga taong masasama.
Forgive before its too late. H’wag mong hintayin na ang langit ang gumawa ng hakbang para mamulat ka sa’yong pagkakamali. Alalahanin natin na sa bawat pagpapatawad ay may sugat na naghihilom. Sa bawat pagpapatawad ay napapalaya natin ang ating sarili na nakakulong sa galit. Sa bawat pagpapatawad, natututo tayong tanggapin ang ating kamalian.
Nagpatawad ako hindi dahil mahina ako kundi dahil matapang ako para patawarin ang mga taong nanakit sa akin. Hindi nasusukat ang tapang sa iyong galit at paghihiganti kundi nasusukat iyon sa kakayahan mong magpatawad at palayain sa nakaraan ang iyong sarili.
Special Chapter
T R I C K E D
Untold part of Toshi Delafuente
Huling halakhak
I always aim for the ring but I forgot to hold the ball tighter. I always aim to shoot it but I forgot to check if the ball is going to make it… I always aim for the goal but I forgot if my efforts were enough to reach it.
“Palya na naman!” Humalakhak si Ken nang makita ang pagshoot ko at tumama lamang sa ring.
Nailing ako at ngumisi saka tumakbo sa kabilang dulo lalo na’t naagaw na sa akin ang bola. Why can’t I hardly shoot it? Palagi nalang…
“Ipasa mo sa akin, Grey!” sigaw ko sa pinsan kong isa ring palpak.
“Ipasa mo sa akin! H’wag na kay Toshi! He’s just going to make the same mistake!” pang-iinis ni Hiro sa akin.
Tumawa ako at tumakbo ulit sa kabilang banda para depensahan nalang ang bolang naipasa na sa kanya.
Nagtutunugan ang spike ng aming mga sapatos habang pabalik balik ang takbo rito sa gym sa Sabado ng hapon. Tirik ang araw at naliligo na kami ng mga pawis. Mas matanda pa naman sana ako kay White pero iyong lalakeng iyon mas magaling pang maglaro kaysa sa akin. Maybe this sport is really not for me. Yeah maybe…
“Gago talaga! Pag si Toshi at Grey ang nasa iisang team nananalangin talaga akong sana ay sa kabila ako…” Hingal na hingal na sabi ni Ken habang nakayuko at nakatukod ang mga kamay sa tuhod.
“Kaso nagbabago rin ang isip ko pag naroon rin sa kabilang sasalihan ko ang kambal…” dagdag niya rin naman.
“Isa ka rin namang tarantadong maglaro. Puro ka depensa pero natatakasan ka. Weak…” si White na nakaupo sa sahig at nakatukod sa likod ang mga kamay.
“Itong si Grey kasi…” si Blue na nailing.
“Kung makasisi kayo eh dito lang naman kayo magaling. Sa sobrang galing sa basketball pati sa testpaper nakikita ko ang hugis bola niyong score. Inspired na inspired sa basketball ang mga bugok,” si Grey na ikinatawa namin dahil galit agad.
“Diyan ka magaling ang ipagmalaki ang talino mo! Eh dito sa gym bayag mo lang naman ang gumagana at tumatalbog. Utak mo di gumagana!” si Ken.
Nagsiilingan kami habang ngumingisi lalo na’t hindi na mahitsura ang mukha ni Grey. Binato niya pa ng gatorade si Ken na mabilis rin iyong nasalo.
“Kinacalculate palang kasi ni Grey sa utak niya kung paano ishoshoot ang bola, naagaw na agad sa kanya ang bola,” hagalpak naman ni Red na nakapameywang at tumataas baba ang balikat dahil sa marahas na paghinga.
Nagsitawanan kami roon. Si Grey lang itong asar na asar na naman na kahit maliit na ngiti ay hindi maibigay sa kanya. Bilis mawalan ng pasensya pero pagdating kay Chey akala mo kung sinong may mahabang pasensya.
Pag-uwi ko ng bahay ay sumalubong rin agad ang aking ina.
“Toshi, pawis na pawis ka!” Nagmamadali siyang lumapit sa akin, may dala ng tuwalya at nakasimangot.
“Ma…” Tumawa ako at hinuli ang kanyang kamay. “I’ll do it.” Kinuha ko sa kanya iyon saka ko pinunasan ang sarili kong pawis.
“Dapat hindi mo hinahayaang matuyuan ng pawis ang likod mo! Alam mo bang pwede kang magka TB diyan?! At pwede ka ring magka impeksyon sa baga! Ang bata bata mo pa tapos…”
“Enough… You’re overeacting…” Ngumisi ako at itinakip sa kanya iyong tuwalya.
Nagtungo ako sa countertop para kumain roon. Sumunod naman siya saka ulit humarap sa akin. Kinuha ko ang apple at kinagatan iyon.
“Totoo ang sinasabi ko! Hindi purket may pambili tayo ng mga gamot at may sariling hospital ang angkan niyo ay pababayaan mo na ang sarili mo…” Sumimangot siya lalo.
Inayos ko ang buhok niya saka ko siya binigyan ng isa pang apple.
“I’m fine, Ma. Ikaw nga itong pawisan.” Inangatan ko siya ng kilay na ikinanguso niya.
“Naglinis kasi ako… Sa kwarto mo nalang ang lilinisin ko at matatapos na ako. Sige kumain ka lang dito-” Hinila ko agad siya.
“Just rest. Ako nalang sa kwarto ko.”
“Huh? H’wag na! Pawisan ka nga oh!”
“Rest, Ma.” Tumayo ako at itinulak ang kanyang likod papunta sa may sofa.
“Pero ako ang ina! Tungkulin ko iyon-”
“At kwarto ko. It’s my responsibility,” sabi ko na ikinabusangot niya.
Nailing nalang ako habang ngumingisi paakyat. Naririnig ko siyang tinatawag ako at baka raw magbago ang aking isip pero di ko na pinakinggan. How old is she? Maybe that’s the reason why my father can’t stay mad at her for a second. Matatawa lang agad iyon at yayakapin ang aking ina.
“Your stock.” Inilapag ni Ken sa aking harapan ang isang box ng condom sa bahay nila White. Nandito kami dahil birthday ni Tita Snow.
Inangatan ko siya ng kilay na ngumisi lang.
“Baka mabuntis mo si Floren. Safety first, man… Hindi lang dapat ang ulo sa itaas ang sinusuotan ng helmet. I know your thing always ride fast… wear a helmet…” Tiningnan niya ang aking ibaba at nginisihan ako habang ang kamay ay tinatapik tapik na ang aking balikat.
Kinuha ko ang kanyang kamay at hinawakan iyon ng mahigpit na ikinangiwi niya.
“I’m older than you. I am more expert and I am more careful. I can control myself,” sabi ko sa baritonong boses habang nakaluhod na ito sa aking harapan at namimilipit sa sakit dahil mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanyang kamay.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang bagong bisita. Napalingon agad ako roon lalo na’t kabisado na ng sistema ko ang kanyang presensya.
Her mysterious eyes and serious face made her more intimidating. My lips parted a bit when I saw her whole image. Why does she likes wearing offensive clothes? Ilang taon pa ba siya? Alam ko bata pa ’to eh…
I don’t know why she always caught my whole attention. I don’t even have an idea why my eyes likes to stare at her alot… Those cold and mysterious eyes were very attractive for me- Tangina. Ano, papatol ka sa bata?
I don’t like her. Maybe I just got curious with her eyes. Maybe I got curious why her stares were cold. Curious ka? Sige iyong ama niya ang titigan mo total ganoon rin naman ang mga mata noon.
Nag-iwas nalang ako ng tingin bago niya pa iyon mahuli. Ni hindi ko namalayan ang gago kong pinsan ay nakawala na pala sa aking kamay. Damn it… I’m totally fucked up with this.
Hindi ko siya gusto at iyon ang palagi kong pinapaalala sa aking sarili. Ang halik ni Floren ang nalasahan ko na nagpabalik sa aking sarili. She smiled at me when our eyes met.
“May problema ba? Bakit wala ka ata sa sarili mo?” Hinaplos niya ang aking pisngi, ang mga mata ay namumungay na.
Nasa classroom kaming dalawa at nagsiuwian na ang iba.
What’s with that kid’s eyes? Bakit ganoon kacold at kamisteryosa? Palagi talaga iyong palaisipan sa akin hanggang sa namamalayan ko nalang na iniisip ko na naman ulit ito.
Nag-iwas ako ng tingin at pasimpleng binasa ang pang-ibabang labi para mahila ulit ang aking sarili sa reyalidad.
“Nothing… School works…” pagdadahilan ko.
Floren is my current girlfriend. Parehas na kaming third year college. Mag-iisang buwan na kami. She’s nice but the problem is… my thought always ruined me.
“Toshi!” sigaw ni Ken nang makapasok ako sa cafeteria. Sa kabilang table ay nahanap ko agad ang second year na babaeng may malamig na mga mata.
Pumila muna ako para bumili ng pagkain. Pasimple kong nilingon ulit ang table nila. Kasama niya na naman iyong pinsan niyang si Franca na panay ang ngiti maliban sa kanyang ni katiting na emosyon ay walang binibigay. Nahuli niya ang aking mga mata at ang labi kong nakaawang ng kaonti kaya pasimple akong yumuko at ginalaw galaw ang suot na sapatos. Fuck it… Mahahalata kana. Baka isipin niyan…
Nailing nalang ako at pasimpleng pumakawala ng ngisi. Nagkabanggaan na naman ang mga mata namin. Kung hindi lang talaga bata…
“P-Pero okay naman tayo ah? I don’t understand…” Ang naiiyak na si Floren ay nagmakakaawa na ang mga mata na h’wag kong tapusin ang meron kami.
Nakipagbreak ako sa kanya at katulad ng reaksyon nila palagi ay ganoon rin na kahit ako wala paring maisagot na maayos sa t’wing tinatanong nila kung ba’t bigla bigla ko iyong tinatapos.
“Hindi ko narin maintindihan Floren…” Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. How can you even claim someone who can’t even flatter your heart?
Siguro, iyon ang nagiging rason kaya walang relasyon ang nagtatagal sa akin. Ang kanyang malamig at madilim na mga mata ay palagi akong pinapakonsensya sa t’wing nagkakatagpo ng landas ang aming tingin. Those eyes were telling me that I should break-up with my girlfriend and just wait her… Kahit hindi naman ganoon ang pinapahiwatig ng kanyang mga mata. I don’t like this girl but the more I stare at her, the more I fall! Fuck. This is insane!
I couldn’t think straight. Di ko alam kung ano ang pinoproblema ko. Bata pa, Toshi… Bata pa! Eh ano rin ngayon? Nagkakaboyfriend nga rin at papalit palit. How come she’s a playgirl when she’s acting cold to me? Ang mga lalakeng may karanasan sa kanya ay sinasabing sweet raw iyon. My thoughts suddenly got dirty. Oh fuck that sweet word!
Summer iyon. Ang una naming pag-uusap. She threw her slipper at my back and it suddenly excites me. Kinuha ko iyon at lumapit sa kanya. Ang mukha ay biglaang kumalma lalo na noong lumuhod ako para isuot iyon sa kanyang paa.
Her skin is as soft as cotton when I held held foot gently.
“It’s not nice when your slipper doesn’t have a pair,” sabi ko sa baritonong boses at iniinda ang halimuyak niya sa aking ilong. Why does she smells so good? Is this her natural scent?
Iyon ang nagsilbing unang hakbang namin sa isa’t isa para magkausap muli. Ang inaakala kong kalmadong babae na walang pakialam sa paligid ay mabilis palang naiinis. She easily lose her temper… Makikita mo iyon sa pagbusangot niya at pagtalim agad ng kanyang mga mata. Para siyang galit na kuting at gusto agad mangalmot.
“Aww… Love mo talaga ako ’no?” Carmella wrapped her hands around my arm while we’re heading on a cafe to eat.
I smiled at her. Hindi ko na iyon nasagot dahil nawiwili narin siya sa aking pinagbibili sa kanya. Hindi ko alam kung para saan itong ginagawa ko… Siguro suhol narin dahil alam kong hindi ko napapanindigan ng buo ang responsibilidad ko bilang boyfriend sa kanya. I can’t even say I love you with sincerity… I like her at okay naman siyang maging girlfriend kaya go rin ako.
Ang presensya ni Irah ang kumuha ng atensyon ko ng araw na iyon. Nariyan na naman iyang mga mata niyang nangongonsensya. Ang madilim niyang ekspresyon na akala mo ay may ikinakagalit palagi sa akin.
“Patubig tubig kana naman… May nagrereklamo ba sa mga lalake mo na mataba ka?” It was Franca, her cousin, who spoke.
Napangiwi ako roon. Anong klaseng lalake ba iyang mga taste mo, Irah? Iyong gusto lang ang katawan mo? Those fucking bastard will only bed you… Ba’t hindi ka dito sa akin… Tss.
Sa aking inis ay itinulak ko ang aking sarili paatras para mas madikit ako sa kanyang likuran. I can smell her scent and it’s fucking addicting. I wanted to glance at her and smell her hair… oh damn, Toshi! Calm your fucking tits!
“Wala akong lalake. I’m single, Franca,” sagot niya sa pinsan niya.
Oh damn that soft voice…
“Eh sino iyong panay tawag sa cellphone mo? ’Tsaka ’di ba iyan iyong sa college building na gusto mo? Di ko naman sasabihin kay Tito Tres kung iyan ang rason kaya ka nagsisinungaling,” si Franca.
Nasira ang aking ekspresyon roon. Pasimple ko nalang binasa ang aking labi at ibinulsa ang kamay kong naikuyom ko na. So she’s fond of old boys? Pasok narin ba ako?
Masyadong tutok si Carmella sa pagkain at pasimple ko nalang nginingitian kahit na ang aking atensyon ay nasa aking likuran na. Nagpatuloy sila sa pag-uusap at hindi ko maiwasang mainis. Anong silbi ng pambabakod ko sa sarili ko sa kanya kung ang papatulan niya rin pala ay kaedad ko lang?
“Thank you again, Toshi… So… Saan mo ba gustong dumeritso ngayon?” Ngumisi si Carmella sa akin at idinaan sa aking braso ang kanyang mga daliri. Imbes makiliti sa haplos na iyon, ni katiting ay wala man lang akong maramdaman kundi ang pait na nalalasahan ko sa aking bibig.
“Sa bahay,” tipid kong sagot sa kanya at naglakad sa nakita kong taxi.
“So… sa bahay niyo? But what about your car? Why are we taking a cab?” Medyo ngumiwi siya nang tingnan iyon.
Binuksan ko ang backseat at binigyan ng bayad iyong taxi driver.
“Pakihatid sa address niya,” sabi ko na ikinatango naman noon.
“W-Wait… What?! Anong…” she was so shocked that she can’t compose her words anymore.
Ipinasok ko roon ang mga paperbag na dala saka rin ako tumuwid ng tayo para makaharap ito.
“We’re over, Carmella. Let’s break-up.”
Her eyes widened. “H-Huh? I don’t… Toshi! Anong nagawa ko?!” Bakas sa kanyang mukha ang pagkalito at ang pagkadismaya.
Umiling ako, nagiging gago na naman. Wala naman silang ginagawa. Ako itong may deperensya sa utak. Maybe I really need to stop getting into relationship when I know it won’t work. Paano ka nga naman mahuhulog sa ibang tao kung nahulog kana sa taong hindi mo alam kung marunong bang sumalo.
Nasa bahay kami ng araw na iyon nila Trey. Kakatapos lamang ng laro at pawisan na ako. Kung hindi lang talaga ako itinulak ng kambal sa pool ay hindi ako tuluyang mababasa. Ang mga abnormal na iyon ay wala na talagang pag-asang tumino.
I heard everything she said about me. Ayaw niya sa mas matanda sa kanya dahil mabilis daw mag-init ang ulo at hindi siya masasamahan sa kanyang mga gusto. Sige nga, iboyfriend mo nga ako at tingnan natin kung tama ba iyang sinasabi mo?
Sinamahan niya ako sa itaas ng kwarto ni Trey. Nakabusangot ito at naasar sa pambablackmail ng pinsan niya na bubugbugin iyong lalake niya. Kilala ko si Bryce. Naging magkaklase kami sa iilang subject. Kaedad ko lang iyon ah?
“Iyan ang kwarto niya.” May itinuro siyang pinto at mukhang wala ng balak pang samahan ako. Nakahalukipkip na ito, naghihintay nalang na humakbang ako papunta roon para makaalis siya.
“Samahan mo ako.”
Imbes pumayag sa aking sinabi ay bumusangot pa ito. Nagkasalubong ang kilay at mukhang iritado na. Come on, Irah…
“Di ka maliligaw,” sagot niya sa supladang boses.
She can’t read inbetween the lines? Samahan mo ako dahil gusto kitang kasama. Psh.
“You’re just sixteen but you’re already lazy. Feeling old to walk?” I mocked her…
I don’t really get this girl. Pagdating sa ibang lalake parang ang rami niyang lakas pero pag sa akin…
Hindi na ako magtataka kung nababaliktad niya ang mga salita ko. Kung ba’t ganoon nalang ang tabas ng kanyang dila. Naiintindihan ko ang pinanggalingan niyang angkan pero naiinis ako kung ba’t parang kasalanan ko pa na malayo ang agwat ng edad namin. I didn’t even want to like you! Sadyang nalilinlang ako ng aking utak at kahit ano ang pinag-iisip sa’yo.
Nakapagbitaw ako ng salitang hindi ko gustong sabihin sa kanya. Nasabi kong ayaw ko sa mga bata. Ako ayaw sa mga bata? Damn… Age doesn’t fucking matter!
Namataan ko siyang pumasok sa kusina ng bahay nila Trey kaya sumunod rin ako doon. She’s busy on the fridge and left her phone somewhere kaya tiningnan ko ng pasimple ang screen.
Kulang nalang ay pumantay ang aking kilay sa isa’t isa dahil nabasa ko roon. Please what? You want another round is that it?
Ipinakita ko iyon sa kanya. Her eyes widened. Mabilis siyang nakarating sa aking dako para lang makuha iyon kaya itinaas ko agad ang aking kamay. Dominate huh? Lamang nga ako ng height sa’yo… Tss.
She’s desperate to have her phone in any ways. Ganoon ko siya nabasa na pag may gusto siya ay gagawin niya talaga ang lahat makuha lamang iyon.
Ngumisi siya at doon ako nawala sa aking sarili. Nakalimutan ko ang tunay niyang pakay na akala ko kaya niya nilalapit ang kanyang mukha sa aking mukha para may gawin sa akin but I got it all wrong… the brat tricked me! Her eyes were fixed on her phone as she pulled my nape, pressed her body to me and tiptoed just to reach it.
My mouth opened. Para na akong makukuryente sa sobrang lapit. And the worst part there… I smelled her neck and heard her soft chuckles. Christ- Fucking control yourself!
I’ve been with girls! Pero ni minsan hindi ko naramdaman ang ganitong epekto na para akong mababaliw kung hindi ko iyon maririnig ulit sa susunod na mga araw. But that brat never showed up.
The next other day, wala siya sa Clubhouse. Tanging ang mga pinsan niya lang. Palingon lingon ako sa bench na inuupuan ni Nana na baka bigla nalang iyong sumulpot pero natapos nalang ang laro na ni anino niya ay hindi nagpakita. Pinagtawanan na naman ako ni Ken dahil wala akong napuntos… Ngumisi ako at dumukot ng sigarilyo.
“Nastress ang bayag mo dahil hindi ka nakakapuntos?” Inakbayan ako ni Ken.
Tinapik ko ng malakas ang tiyan nito para lumayo sa akin. Isa rin itong pasipol sipol pa kay Irah… Lahat nalang nilalandi!
Kung narito man iyon, tatawa lang siya at ipapamukha sa aking hindi na naman ako nakapuntos. Her playful laugh is just unbearable… Naiinis ako dahil mukhang pinagtitripan niya ako pero natutuwa ako dahil ako ang rason kaya siya tumatawa. I don’t really get myself anymore…
Nagtungo kami sa bahay nila Trey para doon na kumain. Kasama ko ang dalawa niyang pinsang kambal. Masyadong opposite ang dalawa pero ang mga mata ay hindi nalalayo kay Irah. It was dark and mysterious… Ang mga matang tila maraming tinatago.
“Nasaan daw?” tanong ni North sa kapatid niyang nagcecellphone.
“She’s with a friend… At Bryce raw ang pangalan sabi ni Franca,” sagot ni South pero mukhang hindi sigurado ang boses sa label na ginamit.
“Friend. Tsss. Tayo pa ang uutuin.” Nailing si North at nagkakasalubong na ang kilay.
“Ba’t hindi niyo sundan?” Sumingit na talaga ako at pasimpleng nilagok ang hawak na beer. Kahit iritado, sinikap kong kumalma.
May iba ring topic rito sa gilid si Ken at White. May naririnig akong iba’t ibang pangalan ng babae at ang size ng bra pero hindi na ako nakisali dahil mas interesado ako sa pinag-uusapang babae ng kambal.
“Irah is stubborn as fuck. She won’t listen,” si North.
“Kaladkarin pauwi. Kung isa iyan sa mga babae kong pinsan… baka itinali ko na iyan,” sabi ko sa baritonong boses at ayaw ipahalata ang tunay na pakay.
Tumawa si North. Si South ay nasa cellphone parin ang atensyon. Si Irah ba ang katext niyan? Dapat ito ang pinagsasabihan ko na bantayan si Irah pero mukhang malabo kong mapasunod kahit magpinsan kami.
“Irah is wild… Pag di niya makukuha ang gusto niya… mas ipipilit niya lang,” si North, iba na ang titig sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin at kinalma ang sarili. Easy… Mabubuko ka niyan…
“Ganoon talaga ang mga bata… Matitigas ang ulo at hindi nagpapapigil sa gusto nila,” komento ko.
“I agree… Para nga iyong abnormal minsan. Parang kulang sa buwan…”
“She’s ignorant with the things around her that’s why she’s very wild… Maybe it’s her way to cope-up with things… Kaya siguro sarili lang sinusunod. Mga bata…”
I tried to sound like and old brother trying to give advices. I want to make him realize I am just being a brother. Tumango tango naman ito at mukhang wala sa sarili.
Kung ako lang talaga ang masusunod ay susunod na ako roon kung nasaan man siya. Kumpara kasi sa dalawang kambal na ito… hindi gaanong mahigpit sa kanilang mga babaeng pinsan. They let them do what they want. They let their cousins date! Kung ako iyan… baka dumaan muna iyan sa mata ko kung pasado ba o hindi pasado.
Iba ang utak ng mga Buenaventura. It’s like they have their own law… They like to dominate the people around them. Ganoon ba dapat Irah? Dapat bang lumuhod rin ako sa’yo para mapansin mo? Ako luluhod sa bata? Sa apat na taon ang agwat sa akin? Bullshit.
The next day, I saw her walking like she got hit by something… Iritang irita ako at hindi ko matanggal tanggal ang disgusto sa aking mukha habang sinusundan siya ng tingin na paika ika. Did they do it? She’s just fifteen! Oh Christ…
Nanatili ako sa likod habang nakaupo ito sa railings. Kanina… nagkasagutan na naman kami. Sa aking galit na hindi ko matukoy at ayaw iyong pangalanang selos… nadala ako sa emosyon at may nasabi na naman.
“You said you don’t like younger girls… then… why are you like that to me? Am I not allowed to date the guys I like? Bakit may komento ka?” Nilingon niya ako, ang malamig na tingin ay nagbabanta. “Kung ipagpapatuloy mo ’yan… mag-iilusyon talaga akong may gusto ka sa’kin,” she said directly.
Sa kanyang sinasabi… Para naring umaamin ito sa akin na may gusto rin siya sa akin? How can she label her curiousity with romantic feelings? Ako nga eh hindi ako sigurado sa aking nararamdaman pero siya itong siguradong sigurado.
Tumabi ako sa inuupuan niyang railings. She’s watching my move closely. Being this close to her gives me chill…
“Young girls are not yet ready for a serious relationship. Nasa stage pa sila ng pagtutuklas at paglalaro.”
“So you don’t like me?” matabang niyang tanong na nasa aking magiging sagot ang buo niyang pasya.
“Hindi sa ganoon-”
“Ganoon iyon!” she cut me off. “Kung tingnan mo ako ay para akong paslit na bata,” may diin niyang sabi.
Oh really? Kung alam mo lang ang tingin ko sa’yo…
I sighed to calm myself. Ang utak ko ay nanlilinlang na naman at kung ano ano ang iniisip.
“Si Tita Aly at Tito Uno nga, five years ang gap nila,” she said surely, hoping for something…
Bakit ganito ba siya kapursigido? I can’t understand her. Hindi niya ba iniisip na malaki ang agwat namin? Hindi naman iyon sa edad pero hindi niya ba naisip ang pag-aaral niya? Ang pag graduate muna? How about her dreams? Bakit niya pinapriority ang nararamdaman niya? What if she suddenly changes her mind?
Nabasa ko ang aking labi at dumaan ang frustration sa aking mukha. Kung pwede lang talagang ganoon lang kadali ang pagbabahay-bahayan ay ibabahay ko na agad siya.
“You’re still playing…” sabi ko, dismayado sa aking sinasabi. I know how she plays with her past relationships. Iyong ibabase niya sa pagkabuko ng kanyang mga magulang tapos ay hihiwalayan niya agad pagkatapos sa susunod na araw ay may pamalit na. She has her strategies to pin you down and left you with nothing but a scar on your heart.
“Infatuation lamang ang ganyan. You’re just curious with the things around you. Susubukan mo dahil interesado ka pero hindi mo iniisip ang nasa dulo. Baka nga pag nasa kalahati kana ng pagtuklas ay hihinto ka rin. You just want to feed your curiousity that’s why you’re interested,” sabi ko hindi para matauhan siya kundi para matauhan rin ako.
Ilang beses ko na iyong itinatatak sa aking utak. Pero minsan, naiisip ko rin na baka naman ay gumana. Maybe we’ll work out…
Nabura rin naman ang aking pinag-iisip nang makita ko siyang bumaba na. I got shocked when I saw the tears in her eyes.
“Paasa,” bintang niya sa akin kasabay ng matalim niyang tingin saka ito umalis.
Parang kinakain ng kadiliman ang aking mundo sa t’wing galit siya. Na kahit ako ay gusto nalang itong habulin at bawiin ang aking pinagsasabi. I want to kneel and let her know how I badly want us to work.
Nagtimpi nalang ako. Minsan ay natutuwa ako pag nahuhuli ko ang nakabusangot niyang mukha dahil sa pagbibigay ng gatorade sa akin. Pero pag nakikita ko rin ang galit na mukha ng aking pinsang si Grey ay nandidiri na ako. Seloso mo, Delafuente. Akala mo bagay sa’yo ang bumusangot? Gaya gaya ka doon sa babae ko.
“You look upset…” Tinagilid ko ang aking ulo para mas masilip ang kanyang ekspresyon. Is she pouting?
Uminom siya ng tubig kahit na wala naman iyong laman. So we have the same effect? Napapawala rin ba kita sa sarili mo katulad ng ginagawa mo sa akin? Are we mutual? Or you’re just feeding your curiousity and labeled it as a mutual understanding when it’s really not… Baka ako lang itong…
“Pumunta kana doon sa Chey mo,” pananaboy niya at mas bumusangot.
How can you act so cold when you’re this fucking cute, Irah? Ganito mo ba binabaliw ang mga lalake mo sa’yo?
Alam kong mas bulgar ang nararamdaman ni Chey sa akin. She’s a good catch. Pwedeng igirlfriend. Pero makikipagpatayan ba ako sa pinsan ko sa pagmamahal na hindi naman worth it ipaglaban? I don’t even like her alot…
Dumaan ang mga araw na ramdam ko ang galit niya sa akin. Her dagger stares punched my heart like I’m a real asshole. Palagi nalang galit sa akin… Anong gusto mo? Maging marupok ako sa’yo hanggang sa hindi ako makapagpigil? Priorities baby… I don’t want to ruin your dreams… Ayokong maging sakim sa pag-ibig baka hindi mo magustuhan ang gusto kong relasyon. I might choke you… Damn it.
Noong nasa pool siya ay pinuntahan ko siya roon at nakisali sa paglangoy. I know she’s still mad and I want to calm her. Ganoon naman… pag galit siya ay gusto ko agad siyang lambingin kaso palagi nalang nauuwi sa hindi pagkakaintindihan.
“May gusto ka ba sa akin?” tanong niyang muli.
If I said yes… what will happen?
Hindi agad ako nakasagot pero siya itong may mga idinagdag agad na pinapaasa ko na naman ito.
“Kung hindi mo lilinawin… ngayon palang magmomove-on na ako.” Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Bata pa ako at marami pa ako at marami pang lalake diyan. I’m going to move-on and forget everything about you,” she said surely that I even taste the bitterness of her words.
Iyon na nga… Bata ka pa. Kaya nga nangangamba rin ako dahil alam kong magiging madali sa’yo ang lahat. You’ll just going to move on and get over it. Parang isang laro na nag-enjoy ka at tumigil lamang dahil pagod na.
Sa tuwing pakiramdam niyang nasasaktan ko siya ay ibinabalik niya iyon ng doble. When I saw her kissed my cousin infront of me… I almost forgot how to breathe for a minute. Gusto ko siyang hilain at kaladkarin. Para na akong sasabog sa galit na pag hindi ko iyon nakontrol ay iyong rason ng ikinakagalit ko ang mabubugahan ko ng apoy.
Kulang nalang ay ubusin ko ang isang pakete noong sigarilyo mapakalma lamang ang aking sistema. Why did she do that? Just because she’s fucking game?! Tangina.
Kumulo ang dugo ko kay Grey. Sa t’wing nakikita ko ang kanyang mukha ay nabubwesit ako. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano na pala kadiri ang mukha ng gagong ’to sa araw araw naming pagkikita.
“Do you want to continue our fight?” tanong niya sa akin nang mamataan ako rito sa sala.
Hindi ako umimik. Nag-aalab parin ang aking loob sa galit. Nasiko ko siya noong isang araw na naglalaro kami ng basketball. Inis na inis ako sa kanyang labi kaya iyon talaga ang pinunterya kong sikuhin.
“Siguro…” he trailed off and watched my reaction closely. Alam kong may naiisip na iyan dahil sa inaasta ko.
Natahimik siya ng ilang sigundo pero ramdam ko ang makahulugan niyang tingin sa akin.
“Her lips taste like strawberry-” Natutop ang kanyang bibig nang tumayo ako at mabilis itong kinwelyuhan. Ang seryoso kong mukha ay mas sumeryoso pa. Mariin ko siyang tiningnan at halos lumabas na ang mga ugat sa aking kamay dahil sa ibinibigay kong lakas. Tumagilid ang kanyang ulo at tiningnan ako ng nakakaloko, nagawa pang ngumisi.
“May kamukha ang galit mo ah? Kamukha ng nagseselos na lalake…” mas ngumisi siya at hindi alintana ang kaya kong gawin ngayon.
Bago ko pa man ito masuntok ay marahas ko nang binitiwan ang kanyang kwelyo. Sumipol siya.
“So you like that little girl?” At ngumisi ulit habang nakapamulsa.
Nailing ako at ibinagsak ulit ang sarili sa sofa. Gusto kong itanggi pero nanatiling tikom ang aking bibig, hindi parin humuhupa ang galit sa sistema.
“Ngayon alam mo na ang pakiramdam ng selos. Ang sarap pumatay ng tao ’di ba? Ngayon mo masasabi na mahaba ang pasensya ko dahil hanggang ngayon buhay ka pa naman.” Tinapik niya ang aking balikat.
I’ve never been this jealous before… Ngayon lang talaga. Sa sobrang pagseselos ay para na akong masusunog sa nagbabagang galit na hindi ko masipa sipa palabas sa aking sistema. Damn this fucking shit!
Hindi ko mabura bura sa aking isipan ang halik na iyon. Kahit ano ano na ang nasasabi ko sa kanya noong sumama siya sa kanyang pinsan nang magdesisyon kaming magcliffdiving. Hindi ko na mapigilan ang aking bibig at nalulunod parin sa galit.
Ako itong may kinikimkim na nararamdaman sa kanya pero si Grey pa talaga ang naunang mahalikan siya. I thought she likes me? Ba’t hindi ako ang hinalikan niya? Edi sana ang saya saya ko.
Kaya noong gabing mag-isa ito sa sulok ng kakahuyan at yakap yakap ang sariling tuhod… doon ko binura sa kanyang labi ang halik na ilang araw ko ring kinaiinisan. I can’t even sleep thinking about it… Ngumingisi ako sa gitna ng gabi habang naririnig ang hilik ni Grey sa aking tabi.
Taste like strawberry? Tss liar. She taste like heaven, cousin. Nasa akin parin ang huling halakhak. Malademonyo nalang akong ngumisi at mas umahon ang saya sa aking loob sa gabing iyon.
Special Chapter
T R I C K E D
Belated Happy Birthday Alyssa Calaque! Alam mo na wish ko sa’yo ha. Anyway thankyouu rin sa mga bumati sa akin. Iloveyouu all. Happy reading!
Untold part of Toshi Delafuente
Tricks
She easily changes her mind… Taliwas sa kanyang sinasabi ang kanyang kinikilos. She’s just feeding her curiousity kaya siya nagiging interesado sa paninitig ko… parang isang alon na sasabayan niya lang ang pagpapatakbo pero sa gitna ay magbabago rin ang isip pag nalaman niya na ang sagot sa kanyang kyuryusidad at iyon ang mas nakakatakot. Hindi siya natatakot na tumuklas at hindi rin siya natatakot na mang-iwan sa ere.
Ganoon ko nakikita ang isang Irah Buenaventura. Ang babaeng may malaking agwat sa akin at hindi ko alam kung ba’t ko nagustuhan. It’s her eyes that’s making me look at her. Ewan ko nga ba…
Simula na ulit ng pasukan. Graduating na ako habang ang babaeng iyon ay Fouth year highschool palang… She has still a long way to go… Ilang taon pa ba?
“Magkaklase pala tayo ulit sa ibang subject…”
Ang pamilyar na boses ni Floren ang nagpabalik sa akin sa sarili sa unang pasukan ng Lunes na iyon. Nakapaskil ang matamis na ngiti sa kanyang labi habang hinahawi ang buhok papunta sa likod.
Ngumiti ako sa kanya at hindi nagsalita pa dahil sa panibagong imahe na kumuha ng aking atensyon. Ang kakapasok lang na si Bryce ang aking namataan. Sinundan ni Floren ang aking tingin kaya iniwas ko rin ang akin.
Okay naman si Bryce sa akin lalo na’t nagiging kaklase ko siya madalas sa iba kong mga subject pero iyong nalaman ko kay Trey ay bumubulwak agad ang inis sa aking loob.
“Chix sana kaso bata pa… Grabe ang ganda!”
“Oo nga kaso iba makatingin… Parang tigre na magwawala agad pag kinalabit mo.”
“Sayang…”
Napatingin ako sa tatlong lalakeng kakapasok lang sa classroom at iyon ang topic. Pamilyar sa akin ang ganoong tingin pero hindi naman siguro pupunta ang babaeng iyon dito-
Natigil ang aking pag-iisip nang makatanggap ako ng text kay Grey.
Hayop: You’re welcome.
Kunot-noo ko iyong tinitigan. Anong ipinagpasalamat ko sa gagong ito at ganito ang reply? Can’t remember anything…
Hindi ko pinansin ang kanyang text at itinuon ang tingin sa sinusulat ng prof na magiging topic sa buong sem. Bago ko pa man iyon makopya ay tumunog ulit ang aking cellphone. Tiningnan ko iyon at nakita ang panibagong text ni Grey.
Hayop: Did you see her?
Who? Iginala ko ang tingin sa classroom. Maraming babae akong nakikita rito. Lumingon pa sa akin si Floren at mukhang nagtataka sa aking inaasta.
Ibinulsa ko ang cellphone at lumabas. If I’m not mistaken… the brat is here.
Binuksan ko ang bintana para sana doon lumabas pero may kung sinong tumayo roon at nagulat agad ang mukha. Nandito nga.
Did she ditch her class?
Noong nalaman ko ang kanyang rason kung ba’t siya pumunta rito ay hindi ko alam kung matutuwa ba o maiinis. I don’t know why she’s eager to know if I like her or not. Bakit ba siya nagmamadali? Para madali niya ring matapos? Ayaw niyang patagalin ang proseso para makahanap agad siya ng pamalit? Itutulad niya ba ako sa mga lalake niya na madali niyang nakukuha at mabilis niya ring binibitawan?
“Iyong batang babae na pumupunta sa’yo nasa labas… Kausap si Bryce. I thought ikaw ang sadya…” balita sa akin ni Floren pagpasok nilang muli sa classroom.
Kumunot ang noo ko. Kaya ba siya pumupunta rito dahil si Bryce rin ang kanyang sadya? I know that’s her crush. Oh damn it, Buenaventura… You’re such a pain in the ass!
Di ko rin talaga maintindihan. Umaakto siyang baliw na baliw sa akin pero may iba rin naman palang gusto. Ang sabi niya pa kahapon ay hindi na siya babalik rito… tapos ngayon nandito na naman at iba na ang sadya. I really can’t trust her words afterall.
Iyon ang nakakatakot sa kanya. Hindi lahat ng binibitiwan niyang salita ay totoo. Magaling lang talaga siyang laruin ang kanyang mga salita at sabihin iyon kahit na hindi naman siya seryoso. She’s still playing, Toshi… Curious lang talaga sa bagay bagay…
I got eager to label our relationship. Pinaintindi ko sa kanyang magdahan dahan muna kaming dalawa. Na h’wag magmadali. I want her to focus on her studies… Ayokong makasagabal iyon. Gusto kong hubugin ang kinabukasan naming dalawa. Gusto kong walang masabi sa akin ang kanyang ama dahil alam kong hindi rin iyon papayag pag nalaman niyang nakikipagrelasyon ang kanyang anak habang nag-aaral pa. And she’s still young…
Noong araw na nagsumbong sa akin si Floren na nakita raw ng isa sa mga kaklase ko iyong bata na pinupuntahan ako sa isang motocross event kasama si Bryce ay sumabog ako sa galit. I even caught her lying. See, Toshi? She’s still young and she still wants to play. What do you think? She’ll get serious about you? Tangina rin.
Nilamon ako ng galit pero nahimasmasan rin naman. Makikipagbati na sana ako kung hindi lang rin sumabay iyong issue ni Nana at ni South. Wrong timing kaming dalawa. His father even warned me…
“Kung isasali niyo sa galit ang anak ko… Ngayon palang ihanda niyo na ang sandata niyo dahil gyera talaga ang ibibigay ko. Don’t try me,” pagbabanta niya sa malamig ngunit may diing boses na nagbigay ng kaba sa akin.
Natutop ang aking bibig sa sinabi ni Tito Tres sa akin. Ang akala niya ay gagamitin ko si Irah para gantihan ang angkan nila sa ginawa ni South kay Nana? We’re not that shallow! I am not that shallow to use her! Di palang sumasabog ang ganitong issue ay nahulog na ako.
“I don’t have an intention to hurt your daughter Tito-”
“You’re already hurting her. Paasa at gago ka raw.” Tumaas ang isa niyang kilay, ang mga mata ay mas naging madalim habang nakabulsa ang mga kamay.
I opened my mouth. Gulat. Paasa at gago.
“Hindi ako marahas na pagkatao, Toshi. Pero pagdating sa anak ko… makakapatay talaga ako.”
Oh. Fuck. It.
Sineryoso ko ang pagbabanta ni Tito at nilayuan nalang muna si Irah. Papalamigin ko nalang siguro muna ang sitwasyon. Hindi ko na ito kinontak. Baka pag ipagpapatuloy ko lang ang aking ginagawa ay malagyan iyon ng ibang kahulugan ni Tito.
Nagfocus nalang muna ako sa trabaho. Come to think of it, Toshi… she’s already a college student and just let her finish her studies first… Pag nakapagtapos na iyon ay doon ko na ulit siya liligawan. I’ll prove myself to her parents, to her father… pero sa ngayon, ang trabaho ko nalang muna total busy narin iyon sa pag-aaral niya.
Ang imahe ng aking pinsang babae ang bumungad sa Sabado ng hapong iyon. Humilig ako sa swivel chair at tiningnan ito ng maigi.
“Hi Kuya!” Lumapit siya sa akin at may inilapag sa aking harapan ang isang magazine.
“What’s this?” Umabante ako roon at tiningnan iyon.
“Since you’re so busy… at hindi kana sumasali sa amin tuwing weekends… Nagdala ako ng pampalipas oras mo rito. That magazine is great Kuya. Basahin mo yan…” Ngumisi siya sa akin na ikinakunot ng aking noo lalo na sa front page noon.
It was Irah and her fierce shot. Nabasa ko ang pang-ibabang labi at nadisgusto sa nipis na suot niyang saplot. I know she’s a great model but I am not expecting the worst!
“Zera… You know I’m not into…” Hindi ko na macompose ang aking mga salita na kahit ang aking mga mata ay hindi ko maalis sa front page.
“Not that one, Kuya.” Inilipat lipat niya ang pahina. “Since I know you like girls… Ayan… They’re pretty.” Pinagtuturo niya ang iilang modelong naroon sa pinaglilipat niyang pahina.
Nabasa ko ang pang-ibabang labi na kahit hindi na iyong front page ang aking tinitingnan ay namalagi parin iyon sa aking utak at iyon ang nakikita. Iyon ang gawain ni Zera rito. Nagdadala ng kung anong magazines na si Irah ang main cover at kung minsan nafefeature rin ito na may suot na nakakabahalang saplot.
“You look so stress…” nag-aalalang sambit ni Floren nang pumasok sa aking opisina. “Heto… nagdala ako ng kape.” Inilapag niya ang isang tasa at nginitian ako.
Tiningnan ko siya sandali at nginitian saka ibinalik agad ang tingin sa laptop kung saan ako nagtitipa.
“Thanks, Floren…”
Ngumuso siya. “Ba’t nagpapakasubsob ka naman ata sa trabaho? Wala ka namang girlfriend ah?”
“For future purposes,” seryoso kong sabi sa banayad na boses.
I craned my neck from left to right. Medyo masakit na iyon dahil kanina pa ako panay yuko.
“Future purposes?” tanong niya at namalagi na ang mga mata sa akin.
Tumango ako at hinawakan ang aking batok. Sumunod agad ang mga mata niya roon.
“Uhm… Do you want me to massage…” he trailed off.
Umiling ako. “I’m fine, Floren.”
Ngumuso siyang muli at marahang tumango. Binalingan niya pa ang mga nakafile na magazines na bigay sa aking lahat ni Zera kaya ipinasok ko iyong lahat sa drawer.
Ganoon palagi ang aking ginagawa sa loob ng opisina. Nag-iipon nalang ako ng pera at wala gaanong pinaggagastusan.
“Kung makapagtrabaho akala mo may pamilya ah?”
Nag-angat ako ng tingin sa tatlong lalakeng kakapasok lamang. Nandito ang mga abnormal.
Si Ken ang nagsalita at mukhang nirecruit pa ang dalawa para bwesitin ako rito at puro nakauniporme.
“Hmm, your office is clean… Where do you do it, man? Sa lamesa ba?” tanong ni Ken nang sumuyod ang mga mata at ngising aso agad ang hinayupak sa akin.
Si Hiro ay nagtungo sa aking lamesa habang si White naman ay sumusuyod ang mga mata habang nakapamulsa.
“Anong ginagawa niyo rito?” tanong ko sa tatlo na parang may hinahanap.
“Ang busy mo, pinsan… Wala kanang oras sa amin,” si Ken.
Nailing ako at ibinalik ang tingin sa binabasa kong folder. Si Hiro ay umupo na sa may lamesa at may tiningnan ring folder.
“Sinong pinaghahandaan mo? Balak mo ng magpamilya?” tanong niya habang ang mga mata ay naroon sa hawak.
“For future purposes. Hindi naman ako kagaya sa inyong mga walang kinabukasan,” sabi ko.
“Si Ken lang naman ang mukhang pariwara sa amin,” si White naman na lumalapit narin sa aking table.
Nagtungo narin si Ken rito at nanghalughog agad sa aking mga drawer.
“Anong ako? Napakaliwanag ng kinabukasan ko…” Ngumisi siya at binuksan ang iba pang drawer.
“Magsilayas na nga lang kayo. Mga disturbo.” Kinuha ko ang hawak ni Hiro na folder na kahit ang aking laptop na sinisilip ni White ay isinara ko.
“Ubos na ang stock mo? Ginagamit mo?” tanong ni Ken na ipinagsalubong ng aking kilay.
Ano bang tingin ng lalakeng ito sa akin?
“Baka hindi ka lang sa trabaho kumakayod dito ha,” si White na isa ring madumi ang utak.
“Ibang kayod…” dagdag pa ni Hiro.
“Ride faster… Hmm deeper-”
“Asshole. Get the fuck out.” Binato ko si Ken ng kung anong napulot ko para matigil ito sa pinagsasabi na ikinahalakhak lang ng gago. Pinagsasara ko ang mga drawer at binantaan ko sa mga mata. Iyong dalawa ay ngumingisi pa.
“Magpapadala nalang ako ng pangtanggal stress mo sa condo mo,” si Hiro na ngumisi pa. Ayan na naman ang nakakakilabot na ngisi ng gago.
Nailing ako. Damn those three.
Nawala sa aking utak ang tinutukoy ni Hiro pero noong bigla nalang lumitaw si Irah sa aking condo unit ay napagtanto ko rin ang sinabi niya. That creepy bastard knows something…
Sa t’wing nagpapakita ito sa akin ay palagi nalang nasisira ang aking plano. Na dapat ay magtapos muna bago ko ulit ito suyuin. Pero pag nakikita ko siya ay natitibag agad ang aking mga prinsipyo. Nahuhulog agad ako sa panglilinlang ng aking puso at sinusunod nalang ang gusto. I can fucking wait but she’s pushing my limits. And I am always at the edge… falling harder.
“Bakit ka nagpapadagdag ng mga paperworks? Toshi… Bakit mo inaako lahat ng trabaho?” Natagpuan ko ang namumungay na mga mata ni Floren sa umagang iyon.
Nauna akong pumasok sa kanya. Sa sobra kong aga ay nagiging bahay ko na ata ito.
Tumunog ang aking cellphone. Binalingan ko iyon sandali at nakita ang text ni Irah roon. I smiled pero nabura rin dahil sa pagtawag muli ni Floren sa akin.
“Toshi! Magkakasakit kana pag masyado kang subsob sa trabaho…” Hinawakan niya ang aking braso at hinaplos.
Dinampot ko ang aking cellphone. Binalingan ko siyang muli.
“Floren, I’m fine. I just need this… May kailangan akong pag-ipunan…” Paliwanag ko, ang aking mga mata ay nalalaglag sa cellphone para mareplayan ito.
Ako: Morning.
Nakagat ko ang labi nang makitang nasend na iyon. Oh fuck. I’m so drawn. I am not really into texting. Mas gusto ko talagang tumatawag pero sa tuwing nababasa ko ang kanyang mumunting text ay napapangiti agad ako.
“Huh? You have a…” Hindi niya matuloy tuloy ang sasabihin dahil naaagaw rin ang atensyon sa aking cellphone. Ibinulsa ko iyon. May lakas na naman ako para magtrabaho.
Ngumisi lamang ako. I need to work hard, damn it. After she graduates, I’ll marry her. I’ll build our own house. Papatunayan ko na kaya kong ibigay sa kanya ang lahat.
Paano naman ang pangarap niya? Sige lang Toshi… Basta itali mo nalang muna.
“Toshi! Are you done?” Pumasok si Floren sa aking opisina.
“Not yet. Maraming nakatambak sa akin.” Binalingan ko ang mga folders saka ko muling itinuon ang tingin sa aking ginagawa.
“Nanaman? Mamaya na muna ’yan… I’ll treat you a meal!” Lumapit siya lalo at isinara ang aking laptop.
“I can’t Floren.” Akma ko iyong bubuksan nang pinigilan niya ako.
“Please… I have an important news… Can we celebrate?”
Kumurap ako at kumalma ang mukha.
“For? Is it your birthday?”
Tumawa siya.
“Hindi ’no! Wala ka talagang alam sa akin!”
Nahimas ko ang aking batok at ngumisi. Wala nga…
“Sige na! Sasabihin ko sa’yo mamaya!”
Excited niya akong hinila patayo. Hindi ko alam kung anong meron. Kaya habang palabas kami ng kompanya ay iyon ang topic namin.
Tumigil kami sa labas lalo na’t mukhang hindi narin siya nakapagtimping itago sa akin ang sasabihin niya mamaya. I just want to know…
“Buntis ako! Toshi, I’m pregnant! Magiging Mommy na ako!” masaya niyang balita na ikinalaki ng aking mga mata.
“Really?” I asked happily.
Tumango tango siya. Sa aking saya ay nayakap ko narin ito.
“I’m happy for you, Floren…”
“Thank you! Excited lang talaga ako…”
I was so damn happy for her. Kahit hindi ko naman nakikita ang boyfriend niya na sinusundo siya rito ay masaya parin ako. Magkakaanak na siya… Iyong akin nag-aaral pa. Maybe we can work on that next time.
Masaya ako sa araw na iyon pero naputol rin dahil sa text ng aking pinsan at may ibang balita.
Hiro: Want to drink?
Hindi ako nagreply. Ang mga gagong iyon ay nag-iinuman na naman ata.
Ilang sandali lang ay nagtext ulit ito.
Hiro: I’m with Irah.
Natigil ako sa aking ginagawa dahil sa text nito. He’s with Irah? Chineck ko ang aking cellphone at gabi na. Paanong magkasama sila eh dapat tulog na iyon ngayon?
Mabilis ko itong tinawagan.
“Oh? Bilis ah? Akala ko sobrang busy…” he chuckled.
Naasar agad ako sa tono ng tawa niya.
“Nasaan ka?” Tumayo ako at kinuha ang aking coat.
“Hmm… 3DBar. Pupunta ka?”
Pinatayan ko ito ng tawag. Sa pagkakaalam ko, si Zera ang close niya. Ba’t nasali si Hiro?
Sa sobrang galit ko ay umabot na ng 80 speed ang acceleration ng pagmamaneho ko. I can’t fucking understand why she’s being mad to me. Alam ko iyon… Kabisado ko siya. She’s very stubborn when she’s mad at me. Sumasabog agad sa galit at ang hirap paamuhin.
Kaya noong sumugod siya sa kompanya, may dalang positive na PT, para akong mababaliw kakaisip kung sino pa ang lalake niya maliban sa akin. But what if it’s just a bait agait? What if she’s up to something again?
“I don’t want this mess to ruined my career! You know I’m very popular right now at kung may makakaalam nito ay baka kakalat na iyon na parang virus at pag-uusapan na ng buong mundo!” she spat angrily.
It drove me mad. I really hate her mindset. The last time she’s willing to decline the offer just to be with me. Malaking break niya iyon at sabi niya hindi niya nalang tatanggapin dahil mas importanteng magkasama kami.
Mahal na mahal niya ang pagmomodelo pero noong mabigyan siya ng malaking break ay handa niya rin iyong bitawan, doon ko napagtanto na hindi lahat ng kanyang kinababaliwan ay kaya niyang ipaglaban.
And now she’s getting angry because her pregnancy might ruin her career. Ano ba talaga? Ipapamukha mo sa aking mas mahalaga ako pero ngayon ay aakto kang mas matimbang ang pagmomodelo mo.
Seeing her cry infront of me is really my weakness. Nagiging malambot agad ako na kahit ang aking galit ay nakakalimutan na. I just want to hush her and embrace her tighter. It’s like her tears are very precious to me. Hindi dapat iyon lumabas sa kanyang mga mata.
“Yow!”
Nabura ang aking ngiti nang may pumasok na naman sa aking opisina. Nandito na naman ang loko loko. He’s alone.
“May dala akong stock. Baka lang naman…” Ngumisi siya at ipinakita pa sa akin ang isang box.
Ang malanding bastardo na ito… Nailing ako.
“Go home bastard,” seryoso kong sabi at nagtipa na sa aking laptop.
Ano bang gagawin ko sa mga condom niya? Hindi ko naman iyan magagamit.
“Buntis pala si Floren? Nakasalubong ko sa labas,” sabi niya habang naglalakad patungo sa akin.
Hindi ako sumagot at nagconcentrate sa aking ginagawa. Nasa desk ko na siya. Binuksan niya iyong ibang drawer katulad ng nakasanayan niya rito para icheck ang stocks ng condom na binibigay niya at magdagdag ng panibago.
“Fuck! What’s this?!” May bigla siyang kinuha roon at ipinakita sa akin. “Nakabuntis ka?!” Ngumisi siya at hawak hawak na iyong positive pregnancy ni Irah na itinago ko.
Mabilis ko iyong binawi sa kanya. Ngumisi ako. Ang sarap sana sa pandinig na nakabuntis lalo na kung iyong mahal ko kaso hindi eh.
“Just go.” Itinulak ko ang kanyang dibdib pero mukhang hindi na ata magpaawat.
“Damn it, man! You’re already a father!” Mas malakas na ang boses niya ngayon.
Mas ngumisi ako ng malademonyo at tumayo para hilain ito palabas.
“Itikom mo ang bibig mo. That’s my girl’s pt.”
“Oh fuck! Kaya pala subsob ka dito sa trabaho! Nandito pala-”
“Fuck it. Shut your damned mouth. Umuwi kana.” Binuksan ko ang pinto kahit na ayaw niya pang umalis.
Hinila ko ang kwelyo ng kanyang uniporme at itinaboy ito palabas.
“Binuntis mo si Fl-”
“Keep it! Just keep it as our secret.” Natatawa ko ng sabi at hindi na ito hinayaang mabanggit ang pangalan ni Irah. It’s just excite me even more. Being a father. Kahit alam ko namang peke iyon.
Nailing nalang ako at sinara ang pinto. I chuckled and stare at the pregnancy test I kept. Konti pa, Toshi. Makakakuha ka rin ng positive na pregnancy test at sa susunod ay iyong hindi na peke. Lalahian ko talaga ang babaeng iyon.
Maybe she’s still young… Her decisions were not as strong as I thought. Noong naging kami ay masaya naman. She’s always hyper. Masyado siyang makulit at sobrang masayahin. Kaya hindi ko talaga maintindihan noong nabalitaan kong marami daw itong kalandian sa eskwelahan. I know that brat is very popular. But she’s damn inlove with me! Bumili pa nga ng pt… And she’s chasing me! Imposible.
Hindi ko naniwala roon. She got cold to me. Doon palang ay nanlumo na ako. I even ask Zera about it.
“May kalandian si Irah?” tanong ko sa kanya na hindi agad nakapagsalita sa kabilang linya.
“Zera,” tawag ko.
“Huh? Wala naman ah? Kuya… that girl is madly inlove with you…”
“Marami akong natatanggap na balita, Zera. And she’s not replying on my texts” diin ko na.
“Baka busy. Bye na Kuya… Papasok na ako.”
Namatay rin naman ang tawag. Noon ay nagsesend naman ng picture si Zera sa akin para mang-inis. Iyong kay Ken at sa kambal na nagpapicture pa sa kanya. But this one is a bit different. Parang ayaw niyang malaman ko… Did Irah told her to keep it?
Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi agad ako sinasagot. It always upset me everytime she missed my calls. Damn it, Buenaventura. Answer my damn calls!
Sinubukan ko araw araw, bawat minuto. She’s not like this! Noong bago ako umalis ay umiyak pa iyon! Was it because she got tired dealing with long distance? Fuck. Kung iyon naman pala… uuwi agad ako!
Noong sinagot niya ang aking tawag ay labis ang tuwa ko. Pero ang galit ang mas nangibabaw sa akin dahil narin sa mga balitang natatanggap ko.
“Where are you?” matigas kong tanong.
“School. Wait later nalang! I’m busy studying!” Nagmamadali niyang sabi na ikinadismaya ko ng husto.
Akala ko pinatay niya na ang tawag pero noong narinig ko ito sa kabilang linya at mukhang may kahalikan, para akong makakapatay sa galit na yumakap sa akin. Nasuntok ko ang lamesa sa sobrang galit at nasipa ang vase na mabilis ring nabasag. Ilang mura ang aking nasambit.
Hindi ko tanggap ang nangyayari. I can’t think straight anymore. Tuwing gabi ay di na ako nakakatulog at idinadaan nalang sa trabaho para makauwi na agad.
Nailing ako. In my entire life… my exes never cheated on me. Hindi ko maisip kung saan ako nagkulang. Maybe I got so damn busy. Doon ata. I forgot she’s still young. I forgot she needs my time at her age than those fucking goals for our future.
Kaya noong umuwi ako at sinalubong niya ako ng may tamis na ngiti at ang pulang marka sa kanyang dibdib ay parang piniga ang aking puso. The girl I thought who’s madly inlove with me cheated not just once but many times!
“Wow… I got tricked!” I chuckled as I tried not to cry infront of her.
She made me believe that she’s drawn over me. She made me think that I was the only guy who can make her crazy. She made me fall inlove with her even more!
At ngayon… Dahil lamang napalayo ako ng ilang linggo ay hindi na agad nakatiis at sasabihin pang boring ako? That she got bored on me?! Tangina! Kung sa kama ang basehan niya kaya hindi ko siya ginagalaw ay dahil ayoko siyang mabuntis ng ganito kaaga! I was busy and workaholic because I am planning for our damned future!
It drove me into tears. Sobra sobra ang sakit na natamo ko na hindi sapat ang aking mga luha para ilabas ang sakit at bigat na nararamdaman. I don’t want a fucking break-up. Maybe we can still fix it. But I can see in her eyes that she badly want me out in her life, in her world.
Noong lumabas siya sa aking condo unit ay sinikap kong h’wag nalang itong habulin. Naikuyom ko ang aking mga kamao at mas bumuhos ang mga luha sa akin. Wow… that brat just killed me. Di ko na maramdaman ang sarili ko at para akong namatay sa sakit.
Noong mga araw na iyon ay inisip ko ng mabuti kung saan ako nagkulang sa kanya. Katulad ng bolang gusto kong ishoot pero palaging napapalya, nakalimutan kong tingnan kung aabot ba kaming dalawa sa dulo. I focus on our future… I focus on building our dream. I forgot to focus on her. Masyado akong naging maluwag kaya katulad ng bolang naaagaw agad sa akin dahil hindi mahigpit ang pagkakahawak ko, naging ganoon rin sa aming dalawa. I forgot to hold her tighter. I forgot to give my time to her. Dapat siya nalang muna ang prinariority ko at bahala nalang muna ang pangarap ko para sa aming dalawa. She’s still young and what she need the most is my time. Hindi niya pa maiintindihan ang gusto kong relasyon sa aming dalawa.
Seems like love could be labeled poison and we’d drink it anyways… hoping it won’t kill us but we got tricked.
Nagpakasubsob ako lalo sa trabaho. I don’t time for everything anymore. Para akong nawalan ng gana. If I didn’t prioritize my work, are we still together? I am just afraid I might choke her… Pero kung naboboringan pala siya sa ganoon ay sana nakagawa ako ng paraan. Binuntis ko nalang sana noong nagcamping kaming dalawa. Tsss.
Palabas na ako noon ng bahay at binisita lamang ang aking mga magulang nang makasalubong ko si Tito Tres. His face was so serious that I couldn’t step forward. Tumigil ako at naghintay nalang na makalapit ito.
Pero hindi lamang siya ang lumapit sa akin kundi pati ang kanyang kamao ay lumapit rin sa aking pisngi. Sa sobrang lakas ay natilapon ako at napaupo sa sahig. Fuck. I think my jaw got dislocate!
Nalasahan ko ang dugo sa aking labi. Hinawakan ko ang aking panga at tiningala ito.
“I know it’s her fault but it doesn’t mean I’m going to tolerate you. Anak ko parin iyon. You broke her heart so it’s my duty as her father to break your face. Take this as a warning not to mess with my daughter anymore, Delafuente.”
Umalis rin naman ito sa aking harapan. Nakarinig ako ng yakap sa aking likuran at ilang sandali lamang ay nakita ko na ang aking ama.
“Ba’t ka sinuntok ni Tres? Pinatulan mo ba ang asawa niya?” gulat niyang tanong habang naglalahad ng kamay.
Nailing ako. “Hindi ba pwedeng iyong anak, Pa?” tanong ko nang tuluyang makatayo dahil sa kanyang tulong.
“Eh ba’t iyon? Ang bata pa ni Irah-” Natigilan siya nang mapagtanto niya ang kanyang sinabi. “Si Irah?” tanong niya na ta nililinaw ang kanyang naiisip.
Tumango ako at binasa ang sugat sa aking labi. Ang sakit, tangina!
“Anong ginawa mo sa anak niya? Bata pa iyon! Kaedad ni Zera!” Nag-aalala niyang tanong kaysa alalahanin na ako itong nasuntok.
“Hiwalay na nga e,” kibit-balikat ko nalang at ayaw ng pag-usapan iyon.
Galit na ang kanyang ama sa akin at nakakapagtaka nga dahil iyon lamang ang natanggap ko dahil sa pagpapaiyak ko sa kanyang anak. Binantaan niya na ako noon. Magpasalamat ka nalang, Toshi. Second life mo. Tss.
Hapon ng Sabado nang pumasok si Floren. Minsan ay sinisilip niya ako rito pero hindi na namamalagi ng matagal dahil ayoko rin. I don’t want to be with girls anymore. Pwede namang gumanti ako. I’ll show her I’m fucking happy with someone else. But the scar she left in my heart is just too much! Ayoko nang magmahal ng iba pa kung hindi lang naman pala siya.
“Toshi… P-Pwede bang madisturbo kita?”
“Not now, Floren. I’m busy,” malamig kong sabi.
“K-Kahit sandali lang… M-May sasabihin lang ako.”
Umangat ang aking mga mata at hinuli ang kanyang mga matang nakadirekta sa akin. Sa mga nagdaang araw, palagi iyong namumugto na para bang umiiyak siya palagi. Malaki na ang kanyang tiyan at mukhang dalawang buwan nalang siguro ay manganganak na. Dapat ay mag maternity leave na ito pero mukhang desidido parin siyang magtrabaho. Where’s the father of her child? Ba’t mukhang siya itong nagsisikap matustusan ang kanyang sarili, ang kanyang pagbubuntis?
“If it’s not important then just say it next time-”
“It’s about Irah…” she cut me off.
Doon palang ay mas lumalim na ang aking tingin sa kanya. Alam kong kilala niya ang babaeng iyon dahil kinukwento ko sa kanya ang lahat lahat. Pati iyong alitan ng aming pamilya kaya hindi ko muna ipinagpatuloy ang gusto kong akuin ito ng buo.
“What about her?” Isinara ko ang laptop at handa na siyang pakinggan.
Nag-iwas siya sa akin ng tingin.
“N-Noong umalis ka dahil sa isang business trip… N-Nagkita kami s-sa gym… N-Nakita ko siya roon… Kasama niya si Bryce at naglalandian sila…”
Fuck.
“She cheated on me. I know.”
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. “N-Nagalit ako sa kanya kasi alam ko may relasyon kayo pero mukhang ang sweet sweet nila ni Bryce sa oras na iyon k-kaya… m-may… m-may nasabi akong kasinungalingan.” Napayuko siya.
Kumunot ang aking noo at tumayo.
“What kind of lie?”
“S-Sabi ko…” Nabasag agad ang kanyang boses at tumaas baba ang balikat.
If this the time Irah and I are still okay? Iyong hindi pa siya cold?
“What did you say to her, Floren?!”
Halos mapatalon siya sa lakas ng aking boses. Pinaghalong galit na iyon.
“I…” Humagulhol siya sa aking harapan at nag-angat ng tingin. “I told her y-you’re the father of the child I’m carrying!”
My mouth opened. Gulat na gulat ako.
“A-Akala ko kasi hindi siya maniniwala! If she trully loves you then hindi agad siya maniniwala-”
“Tangina!” Nasuntok ko ang pader sa sobrang galit na ikinatili niya at napaatras.
“S-Sorry… H-Hindi ko sinasadya Toshi! N-Nadala ako sa galit ko sa kanya! S-Sorry! K-Kasi noong nasa condo mo siya sinabihan niya rin akong kayo na raw tapos h-hindi pa pala! K-Kaya biniro ko rin siya-”
“She cheated and broke-up with me, Floren! Para akong mababaliw kakaisip kung saan ako nagkulang! Kung ba’t ganoon nalang ang galit niya! Tapos malalaman ko ito?!”
“Sorry! P-Please…” Mas humagulhol siya at hinawakan ang malaki niyang tiyan.
Nagngitngit ako sa galit. Fuck it! Kung lalake lang ito ay baka sinuntok ko na at pinadugo ang bibig. Tangina talaga! My girl cheated on me to get even! I know her too well! Gaganti iyon!
“Sorry… Toshi… Ang gaga ko… S-Sana kaya ko pang maayos ang g-ginawa ko k-kaso di ko rin makausap si I-Irah sa dami ng bodyguards niya… S-Sorry…”
That moment I found out the truth I promise to myself I’ll chase her and explained everything to her. If I’ll get on my bended knees just to beg for my chance then I’ll do it.
“Ba’t bigla bigla kang nagdesisyon na magtrabaho rito? Babae iyan ’no?” tanong sa akin ni Lolo Dwight nang malaman niyang gusto kong pumasok sa kompanya nila at maghandle ng iilang modelo.
Ngumisi ako kay Lolo. Alam kong parehas lang sila ng iniisip ni Uncle Rico.
I can’t stand watching her photoshoots from other companies. Those fucking mature shots! Idagdag pa ang masyadong kinulang sa tela niyang suot. Umiigting palagi ang aking panga at hindi na alam kung paano iyon ikakalma. I even bought all the stocks of that copy just to keep those shots. I don’t want to expose her.
Oh talaga? Sikat na sikat na nga tapos ipagdadamot mo pa.
I already forgot to value myself just to ask for another chance. I beg for it. Sana man lang pakinggan niya ako, ang paliwanag ko. Pero ang pagmamatigas ni Irah ay hindi ko na mapalambot. She’s dominating me again in any ways just to pin me down. Noon ay ako pa ang nakakagawa noon sa kanya pero ngayon ay nabaliktad na at ako na naman ang naghahabol.
“Ang ganda ni Irah, ’no Toshi?” pang-aasar sa akin ni Ate Missy nang matapos na iyong photoshoot niya.
Napasandal ako sa swivel chair at ibinigay roon lahat ng bigat ko, ang aking mga alalahanin ay pinakawalan ko sa pamamagitan ng mahabang buntong hininga.
“Mukhang crush siya ng ibang mga modelo at ang raming kliyenteng nabibihag niya!” si Ate Missy na hindi parin matigil tigil sa pamumuri kay Irah.
I asked for my grandfather’s help just to drag her here. I want to handle her and persuade her again. Akala ko ganoon na iyon kadali dahil nasa teritoryo ko na siya pero noong makita ko siyang maghubad ng damit at rumampa na akala mo ay wala siyang kahihiyan, doon palang ay para nang sasabog ang aking utak. Hindi ko na talaga ito makokontrol. She’s like an active volcano who’s always ready for an explosion.
“Nako… Ba’t mo iyon hiniwalayan? Bagay pa naman kayo…” Ngumisi sa akin si Ate Missy at hindi matigil tigil sa pang-aasar sa akin.
I tried everything to win her trust again. Kahit iyong payo ni Ate Missy na paselosin ito ay pinatulan ko na pero hindi rin gumama. I feel like she really hates me alot. Konti nalang talaga at bibigay na ako at hahayaan nalang itong maging masaya.
“Hmm…” Gumalaw siya sa aking tabi na ikinabura ng aking pag-iisip noon.
The thin white sheet covered our naked body on the bed. Sumiksik siya sa aking dibdib habang mahimbing na natutulog kaya mas idiniin ko siya sa akin.
Napangiti ako habang tinititigan ang kanyang maamong mukha na mahimbing na natutulog. My angel looks fucking hot even when she’s sleeping with her messy hair. Hinalikan ko ang kanyang noo at sinuklay ang buhok.
Yesterday, the court justify that Brcye is guilty. Hinatulan ito ng labinglimang taon sa pagkakabilanggo sa loob ng presinto. What he did to Irah is a crime! He needs to pay the damages.
Ang araw na iyon ang nagpamulat sa akin na sobra kong sinayang ang oras namin noon. I should’ve treat her right and spoils her with my time. I should’ve give the attention she deserves. It’s my fault. I’m a jerk.
Abot abot ang aking kaba noon nang hinabol ko siya sa kakahuyan at hindi tumigil sa paghahanap kahit na kumagat na ang gabi. I heard her scream. Mas nagmadali akong pumunta sa kinaroroonan niya at nakita ito sa sahig, nakaupo habang dumudugo na ang labi.
I was scared not for my life but losing her. I was so damn scared I might lose my last chance for us. Baka kung may nangyaring masama sa kanya at wala man lang akong nagawa para protektahan siya ay panghabang buhay kong babauhin ang pagsisisi. I might end up dying in pain.
When I got shot and saw her running to me while she’s crying… eveything went slowmo. The way her hair floated in the air as her dress moved with her… it drove me into tears. God… j-just please spare my life. Please give me a chance to prove to this girl that I can protect her. Let me make her happy in her whole life. Just save me from this. I beg you…
“Kamuntik kanang mamatay!” Mangiyak ngiyak na hinampas ng aking ina ang aking braso sa loob ng hospital na iyon. Sa gilid niya ay ang aking ama na nagpipigil rin ng emosyon.
Nandito parin sila sa loob pero ang iba ay may kanya kanyang topic tungkol sa nangyari. Si Irah ay mahimbing nang natutulog sa braso ng kanyang ama. Naroon sila sa sofa at ang mga braso nito ang nagsilbi niyang unan.
“Toshi naman! Gusto mo bang mawalan ako ng anak?! Nag-iisa kana nga lang…” Suminghot siya at kumurba ang pang-ibabang labi. Ang mga mata ay mas namumula na dahil sa luhang kinikimkim.
Hinila ko siya at niyakap.
“Sorry, Ma. Mas minahal ko kasi siya kaysa sa sarili ko,” bulong ko sa kanya.
“Toshi naman… P-Paano ako? Tingin mo kakayanin ko pag natuluyan ka?!”
I chuckled and embraced her more.
“Sa byahe palang umiiyak na iyan,” sumbong ni Papa na nakapamulsa.
I sighed. “I’m sorry.”
Umiling si Papa. “Nang dahil sa pag-ibig…” hindi niya iyon sinundan pa at mukhang balak lamang akong asarin.
“Pero masaya ako at ligtas ka. Mag-ingat kana sa susunod.” Tinapik niya ang aking balikat na ikinatango ko.
Ang nangyari ang naging susi para mapalapit ulit ang aming mga pamilya. Alam kong wala ng tiwala ang Buenaventura sa amin dahil baka gaganti kami at ganoon rin ang mga Delafuente dahil baka maulit lang iyong kay South. But what happened taught us to forgive each other. Ang pader na nasa aming gitna ay natibag na at mukhang nagsasanib pwersa pa ang aming angkan para lamang mahuli agad si Bryce.
“Thank you for saving my daughter’s life. It’s like you save our family, too,” seryosong sabi saakin ni Tito Tres nang makatulog si Irah sa aking tabi.
“Walang anuman, Tito. I’ll do anything for her.” Hinaplos ko ang buhok ni Irah na mahimbing na natutulog.
“You have my approval. Kailan ang kasal?” Deritsahan niyang tanong na ikinangisi ko na.
“Isn’t it too early, Tito?”
“Too early?” Tiningnan niya ang wrist watch at nagkasalubong ang kilay. “I don’t think so.”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at hindi na makontrol ang saya. Tiningnan ko si Irah na wala paring kamalay malay na nag-uusap kami ng kanyang ama habang tulog siya.
You hear that? I can marry you anytime, Buenaventura.
“Thank you again, Toshi…” Niyakap ako ng mahigpit ni Tita Christienne pagkatapos noong hearing. Si Irah ay nasa kabilang dako kasama ang iba kong mga pinsang babae at pinsan niya.
“Walang anuman Tita…” Ngumiti ako sa kanya nang humiwalay ito. Hindi pa nakaligtas sa akin ang mga mata ni Tito Tres na napadpad agad rito nang niyakap ako ng kanyang asawa.
“Mukha na siyang masaya. Abot langit ang saya ko dahil nalabanan niya ang trauma niya. And that’s because of you. Thank you!” Nag-amba siyang lumapit muli para yakapin ako nang may humila na sa kanyang beywang.
Ngumuso ako para magpigil ng ngisi sa kanilang dalawa. Binalingan ko sandali si Irah na kausap na si Zera pero ibinalik rin naman agad sa mag-asawa.
“Nakapagpasalamat na ako sa kanya. Pinapaliguan mo naman ata.” Nahimigan ko agad ang selos roon.
“Natutuwa ako kasi mukhang okay na si Irah! Nakakangiti na!” paliwanag ni Tita.
“Natutuwa rin ako pero di ko siya niyakap,” si Tito.
“Edi yakapin mo rin!”
Nag-excuse nalang ako sa harap ng mag-asawa dahil mukhang ako pa ata ang pagmumulan ng away ng dalawa. Nakihalo na ako roon sa aking mga pinsang lalake kung nasaan rin sina Lolo.
Pinasalamatan ko narin sina Lolo sa pag-aasikaso ng lahat. Pumunta pa talaga sila dito at iniwan ang business roon para lang dito. Bago ulit sila bumalik sa Canada ay nagdemand pa ng selebrasyon dahil sa nangyari.
Pagkatapos rin naman ng selebrasyon ay hinayaan ako ni Tito Tres na iuwi ang kanyang anak sa aking condo. Hindi parin naman nawawala ang mga bodyguards pero nasa labas lamang at nagbabantay.
Pag-uwi naming dalawa ni Irah ay bagsak na agad sa kama. And now she’s on my side, sleeping peacefully.
Hinagilap ko ang kanyang kamay sa ilalim ng kumot at hinuli iyon. I intertwined it while my other hand caressesed her hair. Sa sobrang boring ko heto si Irah wala ng lakas at pagod na pagod. Malademonyo akong napangisi. Mag-aalas dos na pero di parin ako dinadalaw ng antok. I just want to stare at her until I satisfy myself. But I guess I’ll never get enough… I just want to stare at her forever.
This girl I’m looking at is no other than the girl who tricks my heart to beat not for my life but for her.
Hinila ko ang kanyang kamay palabas at hinalikan iyon ng paulit-ulit.
“Hmm…” Gumalaw siyang muli at sumiksik lalo sa akin. I can feel her breasts on my chest.
“Matulog kana…” she whispered without opening her eyes.
“Can’t sleep,” I whispered.
“Bakit?”
“I’m enjoying staring at you.”
Hindi ito sumagot at mukhang inaantok talaga. Niyakap ko siya.
“Sleep. I’m here. I won’t leave you.”
Ang kanyang hininga ay nararamdaman ko na sa aking dibdib. Dala narin siguro ng pagod doon sa hearing lalo na’t umiyak pa siya dahil sa nalaman kay Floren. I am so proud with my girl…
“Your Dad told me I can marry you anytime…” I told her and chuckled.
“Talaga?” sagot niya sa mahinang boses, hindi parin dumidilat.
“Yeah…” Ngumisi akong muli at inaninag ang mukha niya. Damn it. I got turned on imagining her being my wife soon!
I’ll marry her soon not because I want to live with her but because I can’t live without her. Lagot ka talaga sa akin. It’s a Buenaventura thing pala ha… Wala iyang ipinagmamalaki mong Buenaventura ka pag pinakasalan na kita.
Hinalikan ko ang kanyang pinsgi sa sobrang saya at walang sawa siyang binulungan kung gaano ko siya kamahal.
E P I L O G U E
T R I C K E D
You are at the end of the story! Thankyouu for making all the way here and for being so patient! May natapos na naman akong isang story at masaya ako dahil walang sawa niyo akong sinuportahan. I would like to hear from you, stubborn readers! What do you think about this story? Kindly comment. Iloveyouu all!
Sunud-sunuran
“One more shot…”
Hinawakan ko ang buhok kong pinaglalaruan ng hangin at tumingin sa kanang bahagi para mas maenhance sa camera ang side profile ko. I slightly opened my mouth as my dress moved because of the wind. Maganda ang background at mukha akong nakatayo sa cliff dahil narin sa over view sa likuran.
“Tama na?” I asked my photographer who stared at my shots for awhile after taking some shots. Nakakailang kuha narin kami.
“Last,” he said nonchalant while staring on it.
Ngumuso ako. “Kanina pa ah?”
“Last nalang,” sabi niya at itinutok muli ang camera sa akin.
Wala akong nagawa at nagpose muli.
“Tumingin ka dito,” utos niya.
Sumunod naman ako at tumingin sa kanya.
Nagfierce ako at itinagilid ng kaonti ang aking leeg saka ko hinawakan ang dulo ng aking buhok.
“Hey…” he called.
“Huh?”
Inalis niya ang mga mata roon sa lens at tiningnan ako. He smirked.
“I love you,” sambit niya na nagpanguso sa akin para pigilan ang pagtawa pero kalaunan ay natawa narin ako.
Tumawa siya at kinunan iyon ng shots. Is that a bait?!
Nakailang shots siya habang tumatawa ako hanggang sa tiningnan niya iyong muli, ngumingisi na at nagawa pang basain ang pang-ibabang labi.
I ran towards my photographer who’s wearing a white polo, sleeves were rolled till his arms showing it’s veins, khaki shorts and timberlands that matches the color or his short.
“Ang daya!” Nakisilip narin ako sa mga pictures.
“Look at this one… You look cute in here…” Pinakita niya iyon sa akin at malaki nga ang ngisi ko roon, ang mga pisngi ay namumula habang lumulutang sa ere ang aking buhok dahil sa hampas ng hangin.
“You purposely said that to distract me…” I rolled my eyes as I tried to hide my blush.
“At nalinlang ka naman…” Mas ngumisi pa ito.
Humarap ako sa kanya at humalukipkip. Sumimangot ako.
“You always do that these past few days,” mas bumusangot ako.
Kinindatan niya lamang ako. Ang buhok ay natatangay ng hangin kaya sumasayaw na iyon sa ere.
Madalang nalang ang pagmomodelo ko. Si Toshi na ang manager ko sa lahat. Siya ang nagdedecide kung tatanggapin ko ba o hindi. And he’s my loyal client too! Siya lang rin ang bumibili ng mga copies noon. At siya rin ang photographer ko. Madalas kaming nagtatravel. Puro na kami gala at kahit ang kanyang trabaho ay isinantabi niya muna. Sabi niya may ipon daw siya.
“I am game for mature shots. Kahit nga nakahubad ako eh…” pang-aasar ko sa kanya habang nasa kotse na kami at nagsisimula na ulit bumyahe.
Tumigil lang talaga kami roon dahil ang ganda ng view and he told me maganda raw iyon pang ig ko. Stalker talaga ito eh!
“I’m game. Propesyonal naman ako. I know how to capture your nice angles…” sabi niya sa baritonong boses, ang mga mata ay nasa daan at nagmamaneho gamit ang isang kamay.
“Sige ha. Wala akong saplot.” Ngumisi ako.
Lumunok siya pero tumango tango naman.
“And I’ll post it on my IG.” Pang-aasar ko pa.
Mabilis ang kanyang paglingon sa akin. Ang kilay ay nakataas na ang kilay. Humagikhik ako.
Pagdating kay Toshi, pakiramdam ko nagiging iba akong tao. Para akong nakalutang sa ere at palaging masaya. Iyong kahit ang sungay ko ay kusang natatanggal na kahit ang demonyo sa loob ko ay napapaamo niya.
My Lolo Israel once told me, find a guy who can make you laugh especially when you’re mad. Iyong pasasabugin ka sa galit pero maya maya ay pasasabugin kana sa kilig. And Toshi never fails to make me so crazy over him. It’s scary… Falling inlove is scary. But the best part there, you have the guts to let yourself fall and he’s there… catching you with all his strength.
Bumaba kami sa kotse at nakarating narin sa destinasyon naming dalawa. Iniisa isa ata namin ang falls sa Mindanao. Isang buwan kaming nagbabalak magtravel sa kahit saang mga falls, mga magagandang beach.
Hinubad ko ang aking sandals at mabilis na tumakbo sa dalampasigan. Tumawa ako nang tinawag niya ako at binalaang mag-ingat. Naramdaman ko ang sobrang pinong puting buhangin sa aking mga paa. Tumakbo ako sa may dagat pero natatawa rin akong tumakbo pabalik nang sumalubong sa akin ang malakas na alon.
Ngumisi si Toshi at nailing. Nasa likod na siya ng kotse para kunin ang aming mga gamit.
Tumakbo akong muli para salubungin iyon pero babalik lang rin ako sa aking daan para tumakbo ulit. Nababasa na ang aking paa.
Nilingon ko si Toshi at hawak na naman ang kanyang dslr. I think he’s filming me…
Iwinagayway ko ang aking kamay. Ngumisi siya roon at sumandal sa may kotse.
Tumakbo ako papunta sa kanya habang tumatawa dahil sa naisip kong kapilyahan. Mas lumalim ang kanyang paninitig roon hanggang sa nag-angat siya ng tingin sa akin at ako mismo ang tinitigan.
Mabilis ko iyong binawi sa kanya at hinawakan iyon paharap para nakawan siya ng halik.
I giggled softly while raining some small kisses on his face. Tumawa narin siya at hinuli ang aking mukha para mahalikan ako.
“Kanina mo pa ako kinukunan. Nababaliw kana…” sabi ko saka ako sumandal sa kanyang likod at tiningnan ang repleksyon naming dalawa sa camera.
Nakita ko ang mukha niya sa camera, nakangisi na naman habang dahan dahan niyang ipinulupot ang kanyang kamay sa aking beywang.
“It’s my favorite hobby… capturing your moments…”
“Madaya ka. Dapat ganoon rin ako sa’yo…” Nilingon ko siya at sinimangutan.
Hinawi niya ang buhok kong lumilipad sa ere na kahit ang buhok niya ay ganoon rin dahil sa malamig na hampas ng hangin. Yumuko siya at hinagkan ang bulgar kong balikat dahil sa suot kong dress na straps lamang ang sumusuporta.
“You don’t have to capture some shots because you already capture me,” sabi niya sa nakakaakit na boses na ikinatawa ko.
Ang aking tiyan ay para na namang pinupulupot na kahit ang mga paru-parong naroon ay parang kumawala na. Ngumisi siya at dinampian ako ng halik sa gilid ng aking labi. Tumawa ako lalo kahit na nahuli niya na ang aking mga labi.
“Your laugh is really my addiction. Para akong mababaliw pag naririnig ko iyan…” he whispered sensually on my lips and claimed it fully.
Ngumisi ako habang hinahalikan niya ako. Ang kanyang isang kamay ay nasa aking pisngi na, nakahawak roon ng marahan at iginigiya ang aking labi sa kanya.
“Hold the camera carefully…” bulong niya at malademonyo na naman ang ngisi.
“Huh?” Kumurap ako lalo na’t umalis na siya sa aking likuran at pumunta sa aking harapan.
Tumagilid pa ang aking ulo para silipin ang camera na hawak na tinatakpan na ng kanyang malapad na likod.
He cupped my both cheek and leaned closer just to reach for my lips. Marahan ang halik na iyon at malalim. Sa sobrang banayad ay nahuhulog na ang talukap ng aking mga mata. Ang isa kong kamay ay napunta na sa kanyang batok at umaakyat na sa kanyang buhok para doon kumapit.
“Ano ’yan?” Humalakhak siya na ikinatawa ko rin at naramdaman na ang kanyang dila sa aking loob. Damn… this is my addiction! Hindi niya alam dito ako labis na nababaliw! May kung ano talaga sa kanyang halik na palagi nalang akong natutulak sa makamundo kong pagnanasa at naiimagine ko na siyang nakahubad! Darn it. Di ka naman napaghahalataang marupok ’no?
“Uhm… Five minutes?” suhestyon ko sa kanya nang matangay na ako sa kanyang halik.
He chuckled while nipping my lowerlip. Ang kanyang mga mata ay kumikislap na.
“That’s my line…”
“Okay… Sige 10 minutes!” sagot ko kahit na patuloy parin siya sa paghalik.
“H’wag na… Mabobored ka lang,” he teased me while caressing the side of my boob.
Hindi iyon nakikita sa camera dahil narin sa malapad niyang likod. Umukit sa aking mukha ang kahihiyan at ang nag-aapoy kong pisngi.
“It’s just a suggestion. Akala mo naman gusto ko rin…” Umirap ako kaya ang kanyang halik ay nalipat sa gilid ng aking labi.
Itinulak ko pa ito para lang matigil tigil siya. Mang-aakit tapos hindi paninindigan!
“Maliligo nalang ako. Alis!” Mas itinulak ko pa siya pero ang lalakeng ito ay idiniin lalo ang kanyang katawan sa akin.
“Toshi!” sigaw ko sa sobrang frustration na ikinahalakhak niya. Sinabunutan ko ito.
“Alis nga!” Pananaboy ko at binabalewala ang sobrang gwapo niyang mukha na panay paring tumatawa.
Pinatay ko iyong camera. Ang kanyang kamay naman ay gumapang na sa aking likod hanggang sa narinig ko nalang ang pagkakabukas ng pinto sa back seat.
“Five minutes…” bulong niyang muli.
“Ayoko na! Inaasar mo lang naman ako!” Umirap ako pero tumigil na sa pagtutulak sa kanya. I want it, too! H’wag kang plastik Irah. Alam kong gustong gusto mo rin naman!
Hinila niya ang aking beywang kaya nadikit ako lalo sa kanya. Binuksan niya iyon at ipinasok agad ako. Shit! Nakabukaka ako!
“Teka!” Tinulak ko siya pero pumaibabaw agad ito at hinalik halikan na ako. Ang aking mga paa ay nasa beywang niya na. And he’s even dry humping!
“Tosh-” Kinain niya ng buo ang aking mga labi hanggang hindi ko na mailabas ang salita roon. Nabitiwan ko ang camera sa ibaba at ipinulupot ang aking mga kamay sa kanyang batok.
Ang rupok rupok! Maghunus-dili ka nga Irah! Itigil mo iyan!
Sa halip na pakinggan ang sinisigaw ko sa aking isipan ay may sarili namang isip ang mga kamay kong humahaplos na sa kanyang likod at ang isa ay gumagapang na sa botones ng kanyang suot.
It’s okay to do it, Irah. You’re doing it both with full of love.
Pagkatapos rin naman doon sa kotse ay sa dagat naman kami nagpakabasa. Kapwa kami sumisid sa ilalim para kumuha ng mga shells. Nangongolekta kami ng marami para gawing design sa pader ng aming kwarto. We’re planning to build our own house pero pagkatapos pa ng kasal naming dalawa. Sa ngayon ay nagsasaya muna kami. I am always willing to say yes to him anytime…
“Naalala ko iyong sinabi mo sa akin noon na ayaw mong gumamit ng proteksyon. Did you…” Nilingon ko siya sa aking likod. Nakasandal ako sa kanya habang nakaupo kami sa dalampasigan.
“I know you still want to have fun. Kaya hindi nalang muna. Gawin muna natin ang mga gusto nating gawin. And you’re still 21,” sagot niya na kahit hindi ko iyon dinugtungan ay napupunto niya ang aking iniisip.
“Handa narin naman akong maging Mommy,” sabi ko sa kanya na ikinangisi niya. Ang kanyang mga mata ay nangingislap na naman. Parang langit na pinalilibutan ng mga bituin.
Umalis ako sa pagkakasandal sa kanyang likod para matingnan ng buo ang kanyang ekspresyon at doon sumandal sa isa niyang hita na nakapiko. Ipinatong ko ang dalawa kong mga hita sa isa niyang paang namamahinga sa buhangin. Nanatili namang nakayakap ang dalawa niyang mga kamay sa aking beywang.
“Ayaw mo ng magtravel? Marami pa tayong pupuntahan. Nasa Mindanao palang tayo, Irah,” sabi niya na ikinanguso ko.
Bumagsak ang aking mga mata sa aking tiyan kung nasaan rin ang kanyang braso at tumatakip roon.
“Baka kasi magbago ang isip mo sa’kin. Baka mabored ka bigla…” pag-amin ko.
“Okay lang na mabored. My feelings for you are not for fun anyway. I’m dead serious,” he answered on a deep voice.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Bumaba sandali ang aking mga mata sa topless niyang katawan saka ko rin iniakyat sa kanyang gwapong mukha. His hair were disheveled a bit. Natuyo na iyon at medyo buhaghag. Namumula ang kanyang labi at natatamaan ng sinag ng araw ang mga matang mas naging malinaw sa akin. The rays of the sun made him look like an effing hot model.
“I cheated…” sambit ko sa mahinang boses. Ngayon ko pinagsisihan lahat ng iyon.
Tumango siya. “It doesn’t matter anymore.”
“Hindi lang isang beses kundi marami, Toshi,” paglilinaw ko pa sa mas klarong boses. I want him to realize my mistakes.
“Hindi rin naman ako naging loyal sa’yo ah?” he raised his other thick brow.
“You cheated too?” mahina kong tanong pero mariin na ang tingin ko sa kanya.
Sino kung ganoon? Si Floren ba talaga? O baka naman may nakikilala siyang mga babae sa mga business trip niya at nakipag one-night siya!
“I’m so loyal with my work that I forgot to prioritize you. I cheated. Yeah… Kwits na.”
Sumimangot agad ako sa kabila ng pagkalma ng aking mukha. Akala ko talaga babae na…
“Hindi iyan ang tinutukoy ko!”
“Shut it, Irah. I don’t care about your toys. I don’t care about your fling. I don’t care anymore if you cheated on me. Hindi ka perpekto. Hindi rin ako perpekto. May mali ka. May mali rin ako. But the important thing is… we both regret hurting each other. We’re both sorry… Kaya nga tayo nagkabalikan para itama ang mga mali natin noon at mag-umpisa ulit,” mataman niyang sabi sanhi para makagat ko ang pang-ibaba kong labi.
“Pero hindi rin naman ako nagmahal ng iba katulad ng pagmamahal ko sa’yo… I got blinded with my anger. Sorry…” mas humina ang aking boses at nalaglag ang tingin sa aking kandungan.
“Naging ganoon ka rin dahil sa pagiging paasa at gago ko. I deserved being treated that way…” kibit-balikat niya.
I sighed. Bumangon ako sa pagkakasandal sa kanyang hita at lumapit sa kanya lalo. Niyakap ko ito saka ko ibinaon ang aking mukha sa kanyang leeg.
Pumulupot ang isa niyang braso sa aking beywang at hinalikan ang aking balikat. I’m really sorry for acting that way Toshi. Sobrang naging heartless ako. Kung inunawa ko lang talaga ang sitwasyon…
“Don’t be so guilty about it. Kahit siguro makagawa ka ng paulit ulit na pagkakamali… Itatama ko parin iyon at handa kang piliin sa huli. Sa’yo at sa’yo lang ako babagsak, Irah. Sa’yo lang ako magpapalinlang… Sa’yo lang ako luluhod… Sa’yo lang ako magiging ganito… Sa’yo lang ako…” bulong niya sa seryosong boses na palihim kong ikinangiti.
At sa’yo lang ako masyadong marupok. Sa’yo lang ako magpapakadespirada. Sa’yo lang ako maghahabol. Sa’yo lang ako… Sa’yong sa’yo…
Umuwi rin naman kami ng araw na iyon para sa magiging birthday ni Zera. Hindi ko pwedeng palampasin ang kaarawan ng babaeng iyon dahil alam kong magtatampo siya.
Gabi na nang makarating kami sa 3DBar. Doon sila nagcecelebrate. Ang iilan ay kasama pa ang kanilang mga babae.
Nakayapos ang braso ni Toshi sa akin nang pumasok kaming dalawa. I wore a backless black dress while my hair were in a high ponytail. May iilang kulot na strands ang nalalaglag sa bawat gilid habang si Toshi naman ay nakablack fit leather jacket na may puting fit na panloob, pants and shoes.
“Kumusta ang isang buwang honeymoon?!” sigaw ng kung sino sa may sofa. It was Ken’s voice I guess.
Toshi chuckled and pull me closer to him. Maingay ang loob at dim pa ang paligid dala narin ng pabago bagong kulay ng ilaw. The familiar scent of the Bar lingered on my nose like a sweet candy.
“Nandoon sila,” bulong sa akin ni Toshi at iginiya ako sa paglalakad.
“Irah!” Kumaway agad si Nana sa akin. Ang ngiti ay masyadong matamis at sa gilid ay ang pinsan kong madilim ang mga mata at masyadong seryoso. Natagpuan ko pa ang kamay niyang nakahawak sa hita ni Nana.
Tipid akong ngumiti at hinanap sa paligid ang imahe ni Zera. Where’s that girl?
“Kumusta ang byahe, Toshi? Masyado bang mabilis ang pagmamaneho? Did you ride faster?” tanong ni Ken na nasundan agad ng halakhak.
“Fuck you,” natatawang sabi ni Toshi sa kanya.
“Buti at umuwi kayo…” si Grey.
“Irah wants to be in Zera’s birthday-”
“Dad called me sabi niya umuwi na raw ako,” sabi ko sa kanya at pinutol ito.
Umangat agad ang kanyang kilay sa akin. Nakuha rin naman ng kung sino ang aking atensyon at nilingon ang babaeng nasa aking harapan na.
“Gift.” Inilahad niya agad sa akin ang kanyang kamay.
Umangat ang aking kilay sa kanyang suot. She’s wearing a black dress. Tube top iyon at A-line ang dulo paired with pumps. Her hair were on a half ponytail at kulot na ang dulo.
Ibinigay ko sa kanya ang hawak kong box. I bought it last month.
“Toshi bought it. Wala akong regalo sa’yo,” sabi ko pero mukhang wala na siyang pakialam sa sinasabi ko dahil binubuksan niya na iyon.
Kitang kita ko ang pagkamangha sa kanyang mukha lalo na noong kinuha niya iyon. Ngumuso ako nang malipat ang kanyang tingin sa aking pulso kaya pasimple ko iyong itinago.
“Kadiri ka! This is a friendship bracelet! Meron ka rin oh!” Kinuha niya pa ang aking pulso.
“Mine is different. Yours is fake,” sabi ko na hindi niya masyadong pinansin at mukhang masa bracelet ang buong atensyon.
Toshi is talking with his cousins na hindi ko na masyado pang pinagtuunan. Ang kanyang kamay ay nasa aking tiyan na ngayon, nakahawak roon habang siya ay nakaharap parin sa may sofa.
Ibinigay iyon ni Zera sa akin. “I’m going to wear it.”
“I thought you don’t like it?” Kinuha ko iyon at sinimulang ilagay sa kanyang pulso. It was a chanel charm bracelet and it’s gold.
Nagkibit siya ng balikat saka niya ako hinila palayo kay Toshi. Nalipat agad ang tingin ni Toshi sa akin.
“Dito kami sa kabila, Kuya! All girls! Bawal boys,” sabi niya.
Pumunta kami roon sa isa pang sofa kung nasaan ang iba pang mga babae. Sumunod rin naman si Nana sa amin na hindi rin pala hinahayaan ni South na humalo rito dahil baka lasingin ng mga babae. Takot lang siya dahil alam niyang agresibo na si Nana hindi kagaya noon na masyadong inosente.
“Match kayo ng bracelet!” Tinuro agad ni Nana ang aming mga pulso nang makaupo na kaming dalawa. Narito rin ang iilang mga babae ng kanyang pinsan.
Ngumisi lamang si Zera. Nana is already laughing nang umupo rito. Nakita ko pa ang pagtayo ni South pero hinila rin paupo ni White.
“Bottoms up! Cheers! Happy birthday Zera!” si Nana na naunang kumuha ng inumin at itinaas. She’s wearing a spaghetti straps lace cream dress that matches the color of her heels.
Gumaya narin ang iilan na kahit ako ay dumampot pa. Nakita ko ang paglingon ni Toshi rito kaya iyong juice ang dinampot ko at itinaas. Noong mag-iwas na siya ng tingin ay binigyan agad ako ng hard drink ni Zera kaya nilagok ko iyon at ibinaba rin naman agad para di mapansin ni Toshi.
Sa tuwing lumilingon siya rito ay pasimple akong umiinom ng juice pero pag iiwas ay tatanggapin ko agad ang binibigay ni Zera at iyon ang iinumin. Kapwa namin binabantayan si Toshi.
“Gusto mong malasing para maka 5 minutes kana naman ’no?” pang-aasar niya sa akin.
Alam niya ang tungkol diyan dahil sinisend ko sa kanya iyong mga shots at videos namin ni Toshi para inggitin siya sa mga lakad namin.
“Hindi ako kasingrupok mo, Zera. Hindi ako adik sa ganoon,” sabi ko pa.
May ibang topic ang mga babae at nagtatawanan na. May topic rin kaming dalawa. Si Nana ay ngumingisi sa hawak na cellphone pero ibababa rin at makikisali sa iba. Hindi na talaga siya anti-social.
“Tss… Iyong outing na sinasabi mo asan na? Kayo palagi ni Kuya ang magkasama. Mabobored talaga siya sa’yo dahil araw araw kana niyang kasama.” She even wrinkled her nose.
“Next week. We can go somewhere… At magdala ka ng mga damit mo dahil hindi talaga kita pahihiramin.” I glared at her.
“Sige! But I’m going to sleep in your room. Ang hirap mo pa namang gisingin.” Binalingan niya sandali ang pinsan niya saka rin ako binigyan ng inumin.
“Okay…” Kinuha ko iyon. Nilingon ko si Toshi at akma na iyong iinumin nang bigla itong lumingon kaya pasimpleng humarang si Zera at kinuha iyon saka pinalitan ng juice. Umalis rin naman siya at iyon na ang pasimple kong iniinom, umaaktong hindi ko napapansin ang pagbabantay niya sa akin.
Nang mag-iwas ng tingin si Toshi ay kapwa kami napahagikhik ni Zera pero nang mapagtanto ang ginawa ay sabay rin kaming bumusangot.
Nagbigay rin naman ng wishes ang mga babae sa kanya. Nanatiling seryoso ang kanyang mukha. Kaya noong ako na ay mas isineryoso ko rin ang akin.
“I’m just here for you and… be happy,” mahina kong sambit at hinayaang kainin ng malakas na tugtog ang aking boses.
Hindi ko alam kung narinig niya ba iyon pero sana, maging masaya nga siya. Don’t worry, boto naman ako sa’yo.
Her party ended well. Umuwi rin naman kaming dalawa ni Toshi sa kanyang condo unit. At dahil naamoy niyang uminom ako ay dumeritso nalang kami sa banyo para mahimasmasan sa kalasingan.
“Zera and I planned an outing.” Panimula ko sa kanya habang nakasandal ako sa kanyang likod at sinasabunan niya ang aking dibdib.
“When? Kasama ba ako?” Bumagal ang pagsasabon niya sa akin lalo na’t umiling ako.
“Nope… Kami lang dalawa,” sagot ko na ipinagsalubong ng kanyang kilay.
“Di ako kasama?” Nahimigan ko agad sa kanyang boses ang pagtatampo.
“Hindi. Magbreak muna tayo ng 1 week,” biro ko.
“Are you serious, Irah?” he asked in disbelief.
“Oo naman! Zera is complaining. Palagi daw tayong magkasama. 1 week lang naman.” I smiled at him.
“Ipinagpapalit mo ako sa pinsan ko. I thought you two are…”
“Plano ko magcliffdiving tapos itutulak ko siya.” Natawa kong sabi kahit na biro ko lang naman iyon.
“Hmm, you two are bestfriends huh…” Ngumisi na siya sa akin at itinagilid pa talaga ang ulo para silipin lalo ang aking ekspresyon.
Tumawa siya. “Noon lang halos nagsasabunutan kayong dalawa. You two are mortal enemy…”
“Hanggang ngayon, Toshi.”
“But you kept her gift… That necklace…” he smirked.
Fine, I kept it since it’s nice and it’s gucci! Tumawa siyang muli na akala mo ay nakakatuwang bagay ito.
“What a sly…” he whispered. “Pagdating ata kay Zera handa mo akong isantabi ah?” dagdag niya pa at di matanggal tanggal ang ngisi.
Hindi ako sumagot at humiga lamang sa kanyang balikat. Nakasandal rin siya sa dulo ng bath tub habang wala paring tigil sa pagsasabon sa akin.
“Ikaw lang ang ginaganyan ni Zera alam mo ba iyan? Kuripot iyon at hindi basta basta namimigay ng regalo…”
“Napilitan lang naman iyon,” sabi ko.
“You two are really the same. Para kayong aso’t pusa pero gusto namang nadidikit sa isa’t isa. I’m proud… You have a friend…” Pinatakan niya ng halik ang aking pisngi.
“Magiging Delafuente na ako kaya kinoclose ko ang mga pinsan mo. Yun iyon, Toshi,” rason ko pa.
I felt him cupped my boob and squeeze it. Ngumuso ako at tiningala siya. Ngumisi ito at pinatakan ako ng halik. Nandiyan na naman iyang mapanglinlang niyang mga galaw at nahuhulog kami sa matinding kapusukan! Itong si Toshi masyadong…
“So you’re really excited being a Delafuente?” his brow raised while smirking evilly.
Tumango ako. Gustong sumagot pero nadadala rin sa kanyang haplos.
“Hmm, so you’re already ready for our future together?” he asked sensually.
Tumango akong muli. Well, I don’t want to be an idiot but I can’t help being crazy over him. Sagad na sagad na talaga ako!
He chuckled and played with my peak. Damn this sexy bastard! Ang galing talagang magpabaliw hindi lamang sa salita kundi narin sa kanyang mga galaw.
“Stop making me crazy over you, Delafuente.” Nairolyo ko ang aking mga mata at sinikap na walang idaan na kapusukan sa aking mukha, na hindi ako apektado sa ginagawa niya sa aking katawan.
“Hmm… I just want to make sure you’ll gone crazy without me…”
“Huh? That’s unfair. Mas bata ako. Ikaw ang mauuna sa atin!” pagbibiro ko.
“But at least the only thing that can separate us is our breath. You have no choice but to be with me until your last breath.”
“Yeah… I have really no choice… Pagtitiisan nalang siguro kita kahit boring ka…”
Nakita ko agad ang pagguhit simangot sa kanyang mukha. Humalakhak ako at humarap sa kanya. Nakaluhod na ako ngayon sa kanyang harapan. My breasts got exposed pero mabilis rin akong pumikit at binigyan siya ng matamis na halik para takpan ang kahihiyan.
Nagpalinlang ako noon sa pag-ibig at nagpakadesperada. Naghabol, nasaktan at pinaasa. Pero dahil sa panglilinlang na iyon ay natuto akong tumayo at pahalagahan ang sarili ko.
Your mind plays trick while your heart gets trick. Madaling manlinlang ang utak pero mabilis ring malinlang ang puso. Nasa iyo iyon kung ano ang paiiralin mo. Palagi silang salungat. Ang isip ang nagdidikta sa’yo para linlangin ka at maiwasang magago habang ang puso mo naman ang nalilinlang ng taong mahal mo.
But I guess the pain I felt is worth it. Hindi rin naman kasi ang mga paru-paro sa ating tiyan ang magpapatunay na mahal na natin ang isang tao kundi ang sakit na naramdaman natin noong mga panahong minahal natin ito.
He kissed me deeper and deeper. Hindi lamang ang puso ko ang nalilinlang niyang tumibok para sa kanya kundi pati narin ang buo kong katawan na sunud-sunuran sa mga haplos niya.

