Chasing After A De Buenavista (Hacienda Series #2)
MagnusCactusK · 9 chapters · 15,383 words
Author’s Note
Warning:
Any resemblance such as names, (some places), events and happenings are pure coincidence.
May contain harsh and vurglar words and situations.
Young readers must be advised.
Read at your own risk!
Plagiarism is a crime!
SPG
Coming Soon…
Prologue
The band started to play a sweet music. A soothing sound that made me feel like I’ve been tucked in bed and angels sang a lullaby.
Everything is prestigious.
The way the ceiling depicts a starry sky. They’re artificial but it seems so true and I am so lost in the fastasy it gives me.
I started to roam my eyes towards the entrance. I looked around and saw couples, partners and even lovers, together and hand in hand making a grand entrance.
Princesses in Disney have their Princes, everyone in here isn’t a princess but they have their prince beside them.
And I am not a Princess, I am just a girl. Alone.
The master of ceremony is doing the talking, neverminding the oblivious students who are busy checking their looks and flirting with their dates. I knew all of them are looking forward for the dance later. Who knows a moment later they’ll be on their feet towards the dancefloor with their crushes.
My friends called my name and so I went to them. I am thankful enough I have them.
“You look good.” Eliza, one of my bestfriend cheered me.
“Thanks. Did you see him?” I asked.
“Ang Prinsipe mo?” Nevi giggled.
And she’s right. I am desperately looking for my Prince Charming. Again, this isn’t Disney but the feeling I have for that guy is feeding my fantasies in life.
“Kanina pa namin siya di nakikita eh.” Eliza uttered.
Umupo nalang ako habang nagsasayawan ang lahat sa gitna and the program continued. Hanggang sa in-announce na ang King and Queen of the night. Parang wala ako sa sarili habang nagpapalakpakan ang lahat. I am busy with my phone to divert my attention and fight the boredom. I never expected that the ball would be this too normal.
Naiwan akong mag isa sa table.
The music stopped again and I heard murmurs around me kaya napa angat ako ng tingin.
I was momentarily flustered and my jaw literally dropped with the sight in front of me.
Everything was static. My vision focused on the guy in the middle and everything around him was blurry.
My Prince Charming.
He is standing. He looks great, he always look great but tonight he’s into a different level.
Halos mapasinghap ako nang makita siyang unti unting naglalakad, naglalakad palapit sa akin. The crowd’s full attention is directly on us.
I saw a small crown on his head. He saw me looking at it kaya kinuha niya ito at nilagay niya sa nadaanang mesa. I realized he is the King of the night. Di ko iyon napansin dahil di ako nakinig kanina.
Now he’s meters away from me and he halted.
The blinding spotlight was pointed towards us and right now I feel like we’re shining amidst the crowd.
Napabaling ako sa paligid. Hinahanap ang aking mga kaibigan, nakita ko sila sa malayo at parang kinikilig na nakatingin sa akin, sa amin.
Binalik ko ang atensiyon sa kanya.
He looks serious. He is actually a happy-type person pero pagdating sa akin ay nawawala ang kaniyang ngiti. But I love this look of him, this side of him made me love him more. At ngayon ay parang inaatake ako ng milyong milyong boltahe ng elektrisidad. I can feel my legs and feet vibrating due to nervousness.
Why is he like this?
I smiled at him. My usual smile, ang klase ng ngiti na sa kaniya ko lang maibibigay.
Unti unti niyang inalis ang isang kamay sa kaniyang bulsa at parang nag slow motion ang lahat nang iangat niya ang kaniyang kamay patungo sa akin. At namilog don ang aking mga mata. Narinig ko rin ang pagsinghap ng mga tao sa paligid.
He’s asking for my hand for a dance.
Di ko alam pero dahan dahan akong tumayo. Gusto ko sanang bilisan dahil baka bawiin niya ang kaniyang kamay pero I want to savor this moment.
I waited for this moment.
I longed for this.
Nagbunga na ba lahat ng mga pagod ay pagpapapansin ko para sa kaniya?
Naririnig ko ang sarili kong paghinga.
Dahan dahan akong humakbang palapit sa kaniya and trust me, I can hear my heels as it kisses the floor.
I inhaled deep and now I can see him inches away from me.
Unti unti kong inangat ang aking kaliwang kamay para salubungin ang naiimbita niyang kamay.
I can see butterflies around him.
I guess this is it.
I saw him smiled. Ang ngiting madalas kong nakikita sa kaniya pero minsan ay di niya nagawang ibigay sa akin.
But tonight he did. It’s like a dream come true.
His smile went wider.
“Can I ask you for a dance…” his deep voice made my heart skipped a beat. Di siya normal.
“O-of c-course.” I answered. Trembling. Nakayuko na rin ako.
“…Selena.”
I smiled again.
But I stopped.
Selena?
Unti unti kong inangat ang aking mata just to see his eyes pass through me. Wala na ang matamis na ngiti sa kaniyang labi. Napalitan ito ng isang seryosong mukha.
Di ko alam pero kinabahan ako bigla.
“Can I ask you for a dance Selena Aragon?” He repeated.
I am not Selena.
With a trembling body, I followed his eyes kaya napatalikod din ako para tuntunin iyon.
There I saw Selena Aragon at the far side table behind me. She is looking at us na with her brows furrowed with a hint of surprise.
Naglakad ang aking Prinsipe.
Nilagpasan niya ako. At unti unti kong naririnig ang mga bulong bulungan sa paligid.
Murmurs became louder.
It turned into noises.
Noises turned to chuckles.
Chuckles turned to laughters.
And laughters…
Laughters made my eye drop a single tear. Hanggang sa dumami iyon.
“ Ambisyosa!“
“Akala niya siya ang isasayaw.”
“Ganda ka teh?”
“Nakakaawa”
“Na wow mali ka girl”
Rinig kong halakhak nila.
I saw my friends worried eyes habang patakbong lumapit sa akin.
“What’s that? Anong ginagawa mo?” The girl said behind me. It was Selena.
“What? I wanna dance with you.” He answered kaya nilingon ko sila.
“P-paano siya.” I saw Selena looked at me kaya nilingon niya din ako.
His eyes went cold. It was scary at the same time merciless.
“Who? Seriously? A dance with her?” Nandiri ang kaniyang mukha.
“She doesn’t deserve my recognition at all.” he smiled devilishly.
Para akong binuhusan ng malamig na yelo. Parang minartilyo ang aking dibdib.
Di ko alam pero nang makalapit ang aking mga kaibigan ay naglakad ako palayo, nang mabilis. Palayo sa kaniya, sa kanilang lahat.
I can hear their laughter kaya tinakpan ko ang aking tainga habang naglalagasan ang aking mga luha.
Bakit ganon?
Ako na nga itong nagmamahal, bakit ako pa itong nasasaktan?
Do I deserve this?
Patuloy akong tumatakbo palabas ng gym.
Tama tumakbo ka lang.
Once upon a time, I liked someone and I loved that someone.
And once upon a time that someone broke me.
He broke me like a bottle, to pieces na alam kong di na maibabalik sa dati.
Tumakbo ako ng mabilis.
Right I’m just no one. Ako itong parang tanga na hinahabol siya.
Pero huminto ako.
Matagal ko narin pala siyang hinahabol.
At habang hinahabol ko siya, nakalimutan ko na pala ang daan patungo sa sarili kong destinasyon.
This painful memory will forever be instilled in my mind.
Iiiyak ko ngayon ang lahat.
But this night, I learned something.
This night, turned me into someone I never thought I could be.
Tonight, something ended.
And one thing started…
I stopped CHASING AFTER A DE BUENAVISTA.
-McK-
Chapter 1
“Baby Kat halika na! Ma le-late na tayo sa misa!” Rinig kong malakas sa sabi ni Ate Mira habang kinakatok ang aking pintuan saka umalis din siya kalaunan.
“Andiyan na Ate.” Dali dali kong kinuha ang aking maliit na dilaw na backpack na may naka imprintang hello kitty.
Lumabas din agad ako at dali daling pumunta sa kanila ni Mama na palabas na ng bahay.
“Bakit ang tagal ng baby ko?” Malambing na tanong ni Mama sa akin habang pumangko ako sa kaniyang hita sa loob ng traysikel. Katabi namin si Ate na pinipigilan ang ngiti habang nakatingin sa akin.
“Pormang porma nga Ma. Tingnan niyo ho, lahat ata ng gamit niya na may hello kitty sinuot niya.” Ate chuckled. Lumawak naman ang aking ngiti sa pagbanggit niya ng hello kitty. Suot suot ka kasi ang terno na yellow na tshirt at skirt na binili ni Papa ng nakaraan. Pinares ko din ang sapatos na sky blue, relo, at malaking headband at bag na lahat ay may hello kitty na design.
“Akalain mong may naglalakad na Christmas lights sa umaga.” Hagalpak na tawa ni Ate kaya napanguso ako.
“Hayaan mo na nga Mira. Ikaw talaga, walong taon palang itong kapatid mo kaya hayaan mo na. Saka nang bata ka nga parang araw araw Valentine’s day kasi parati kang naka pula at naka Mickey Mouse.” Tumawa din si Mama kaya napabusangot ng mukha si Ate saka tumahimik. Ate Mira is already fifteen years old, tiningnan ang suot niyang puting tshirt na may mukha ng mga lalaking may hawak na gitara saka pantalon na parang di na magkasya sa kaniya. Ganoon din ang pormahan ng anak ng kapitbahay namin na kaedad niya. Di ko maintindihan pero di hamak na mas maganda ang suot ko.
Habang nagbabyahe papuntang bayan ay binuksan ko ang bag at kinuha doon ang lollipop saka ko pinasok sa aking bunganga. Halos pitong minuto lang kasi ang distansya ng bahay namin sa bayan. Tumingin ako sa daan at nag aabang kung may dadaang sasakyan. Madalang lang kasi ang sasakyan dito pero ang inaabangan ko talaga ay ang mga maiingay na motorsiklo na nilalabasan ng itim na usok ang tambutso. Di ko alam kung baliw ako o adik pero nababanguhan talaga ako sa usok na iyon o di kaya ay sa amoy ng gasolina. Siguro sa kalsada ako ginawa nina Mama at Papa o di kaya ay pinaglihi ako usok. Ewan ko ba.
“Baby Kat maaga pa. Mamaya na yan, papasok pa tayo ng simbahan.” Mama warned me kaya binilisan ko ang pagdila sa lollipop saka binalik ko ang balot saka nilagay sa bag.
Linggo ngayon kaya magsisimba kaming tatlo. May trabaho kasi si Papa sa hacienda, isa siyang assistant supervisor. Doon din nagtratrabaho si Mama kaso bakante siya tuwing linggo di gaya ni Papa na all time. Kaya mapalad kami dahil di man kami maituturing na sobrang yaman, kahit papano ay nakakaluwag kami sa buhay.
Sa nakalipas na taon ang Hacienda De Buenavista na ang bumubuhay di lamang sa amin kundi gayon din sa buong bayan ng Bugasong. Dahil ang bayan ng Antique ay sagana sa likas ba yaman at malawak na lupain, di maitatangi na dito nabibilang ang mga mayayaman at kilalang Hacienda sa buong bansa. Gaya na lamang ng Hacienda Aragon na kilala sa mangga, Hacienda Salazar sa produktong saging, Hacienda Alarde sa mais at marami pa. Ang Hacienda De Buenavista naman ay kilala sa produktong niyog.
Ika ni nanay, suwerte daw kami dahil mabait ang mga De Buenavista at maliban rito ay kilala rin sila sa larangan ng pamumuno dahil ang mga ninuno daw nila ay magagaling na lider. Sa kasalukuyan, si Don Vicente De Buenavista ang siyang namumuno sa hacienda na siya ring Alcalde ng bayan.
Nang makababa kami sa tricycle ay hawak hawak ni Mama ang aking kamay habang papasok sa simbahan. Di pa gaanong matao dahil may oras pa naman kaya agad na namasyal ang aking mata sa buong paligid. Huminto kami at pupuwesto na sana sa ika-apat na hanay ng mahabang silya sa bandang unahan nang may binati si Mama.
“Magandang umaga ho Don Vicente, Donya Crisanta.” Ngumiti ang dalawang matanda. Don Vicente? Parang kapangalan niya ang Alcalde namin.
“Magandang umaga din Karina, hali kayo at dito kayo umupo sa tabi namin.” Alok ng Donya. Napansin ko na malawak pa nga ang espasyo sa upuan nila. Di naman nakatanggi ang Mama at umupo na kami. Sa dulo ay ang Don tapos ang Donya, ako, si Mama at sa kabilang dulo ay si Ate Mira.
“Ito na ba ang mga anak mo? Napakagandang mga bata.” The Donya giggled as she pinched my cheek.
“Oho. Si Mira ang panganay ko at si Katkat ang bunso.” Pagpapakilala ni Mama.
“Mabuti naman kasama mo sila. Para hindi na rin mabagot itong apo ko. Panganay ng anak kong si King. Khal lumipat ka rito at tabihan mo si Katkat para meron kang kausap.” Ika ng Donya saka minuwestra ang batang nasa pagitan nila ng kabiyak na ngayo’y katabi ko na. May bata pala rito?
Napatingin ako sa batang lalaki, sa tingin ko ay mas matanda ito ng ilang taon sa akin. Nanatili lang siyang nakatingin sa altar. Asul na polo ang kaniyang suot na pinaresan ng itim na pantalon at puting rubber shoes.
“Hello. Ako si Katkat” Nakangiti kong bati sa lalaki na bumaling sa akin saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Nanatiling seryoso ang mukha nito saka binalik ang tingin sa harap.
Ganito siguro ang mga mayayaman, merong di kaaya ayang ugali at may pagkamataas.
Di ko nalang siya pinansin at kinuha ko ang aking bag saka kinuha ang lollipop kanina na ngayo’y unti unti nang natutunaw. Agad ko itong nilantakan.
“Kadiri.” Rinig kong sabi ng aking katabi na ako lang ang nakakarinig. Tiningnan ko siya pero hindi sa akin nakatingin kaya hindi siguro ako ang pinaparinggan niya.
“Gusto mo?” Abot ko sa kaniya ng lollipop na hawak ko. Tumingin siya sa akin saka ngumiwi at pasupladong umirap. Nagkibit balikat nalang ako hanggang sa nagsimula na ang misa. Inaantok ako kaya sumandal nalang ako kay Mama hanggang sa matapos.
Pagkalabas namin ng simbahan ay siksikan ang tao. Tumabi kami sa ilalim ng puno dahil may kinausap si Mama sa di kalayuan kaya naiwan kami ni Ate. Pagkaraa’y may kinakausap ba rin si Ate na kaklase niya kaya mag isa akong nakaupo sa bench.
Nilibot ko ang aking mata at nakita ang batang katabi ko kanina sa di kalayuan na nakaupong mag isa. Dali dali ko siyang nilapitan.
“Bata bakit ka mag isa?” Tanong ko kaya napatingin siya sa akin na nakasalpok ang mga kilay.
“Dahil wala akong kasama.” Tamad nitong tugon.
“Eh bakit wala kang kasama?” Imbes na sumagot ay tinuro nito ang kaniyang Lolo at Lola na pinaliligiran ng iilang mga tao.
“Bata anong grade ka na?” Tanong ko at tinabihan siya.
“Four.”
“Ako grade three” Wala parin siyang tugon.
“Gusto mong kumain?” Alok ko sa kaniya ng loliipop na nakabalot pa. Tiningnan niya ito saka umiling.
“Busog ako saka bawal sa akin yan. Di yan healthy saka ayaw kong masira ang ngipin ko gaya mo.” Pagkatapos niyang sabihin yon ay narinig ko ang malakas na tunog mula sa kaniyang sikmura.“
“Halika bili tayo ng kakanin.” Hinila ko siya at nagpatianod naman siya. Pumunta kami sa Aleng naglalako sa tabi ng mga kakanin. Kinuha ko ang sampong piso sa aking hello kitty na pitaka at bumili ng dalawang suman na nakabalot sa dahon ng saging.
Binigay ko sa kaniya ang isa sinimulan ko nang kainin ang akin habang nanatili naman siyang nakatingin sa suman na hawak niya.
“Masarap yan saka di masyadong matamis. Kumain ka na.” sabi ko. Dahan dahan naman siyang kumagat pero kalaunan ay naubos niya rin ito.
“Sabi ko sa’yo masarap eh.” Natutuwa kong sabi.
“Di naman.” Pagtatanggi nito. Narinig kong tinawag na ako ni Ate, hudyat na uuwi na kami.
“Katkat ang pangalan ko.”
“Sinabi mo na kanina yan.”
“Eh ikaw bata?” tanong ko sa kaniya. Di nagsalita ang lalaki na nakatingin lang sa kaniyang Lolo at Lola.
“Katkat dali na!” Rinig kong tawag ni Mama.
“Sige uuwi na ako.” Paalam ko saka nagsimulang tumakbo.
“Khal.” Rinig kong sabi niya kaya tumigil ako at hinarap siya na nakaharap din pala sa akin.
“Khalum Vernon De Buenavista.” dagdag nito. Napangiti ako dahil sa ganda ng pangalan niya, tunog mayaman.
“Baho ng palayaw mo Khal. Parang basurero.” Tawa ko.
Khal dagdagan pa ng isang Khal parang nagkakalkal ng basura.
Nakita kong kumunot ang noo niya pero napalitan di ito ng inis nang makuha ang ibig kong sabihin. Magsasalita pa sana siya pero kumaway na ako at tumalikod paalis.
Khal.
Di ko alam pero ang araw na iyon ang simula ng lahat. Palagi akong sinasama ni Mama at Papa sa kanilang trabaho lalo na at bakasyon. Sa puwesto ako ni Mama palaging nananatili dahil kitang kita mo ang dadaan at papasok sa pabrika. Kaya naman tuwing napapadaan ang mga De Buenavista ay palagi kong nahahanap si Khal.
Tinatawag ko siya palagi gamit ang ngalang Khal Khal kaya sumisimangot ang mukha nitong bumabaling sa akin at minsan ayito ay di ako pinapansin.
“Wag mo ngang iniinis ang batang iyon. Baka magalit sa atin at patanggal kami dito.” Minsang sabi ni Mama.
Napaisip naman ako doon. Ilang buwan ko na siyang pinapansin pero parang hangin ako sa kaniya. Siguro’y ayaw niyang tawagin ko siyang Khal Khal.
Kaya nang makita ko siya nang sumunod na araw ay tinawag ko siya sa isang pantig na Khal pero wala paring epekto. Sadyang isnobero lang talaga siya. Nang sumapit ang pasukan ay dumalang ang ang pagkakataon na nakikita ko siya.
Magkaiba kami ng paaralang pinapasukan. Tuwing alas kwatro ang uwian namin at dahil malapit lang sa pabrikahan ang paaralan namin ay doon na ako dumideretso para sumabay kina Mama pauwi. Dumadalaw din siya minsan kasama ang magulang nito na may kasamang isang batang lalaki, kapatid siguro ni Khal.
Di ko alam pero gusto ko siyang tinatawag palagi at gusto ko siyang makita. Kahit na inii-snob niya ako ay di man lang ako napapagod magpapapansin.
Lumipas ang mga taon at grade five na ako. Pero ganon pa rin ang ritwal ko sa araw araw. Minsan nasabi sa akin ni Ate Mira na crush ko daw si Khal. Walang akong alam tungkol sa ganong bagay pero malugod ko itong tinanggap…
Crush ko si Khal.
Dumating sa puntong lahat ng katrabaho ni Mama ay palagi akong ina-update tuwing darating o dadaan si Khal. Tumatawa nalang si Mama. Masyado na sigurong obvious ang pagpapapansin ko. Pero gayon pa man ay nakuntento ako sa pagkaway at pagtawag sa kaniya sa kahit na pinapagitnaan kami ng pader na salamin.
Masaya na ako na nakikita siya.
Kumatok ako sa opisina ni Papa. Inutusan kasi ako ni Mama na dalhin sa kaniya ang lunchbox na pananghalian niya dahil di daw ito maka alis sa opisina dahil sobrang busy. Ngayon palang ako nakapasok sa opisina na ito. Mas malamig at mas maaliwalas kesa kina Mama. Mas mataas naman kasi ang posisyon ni Papa na supervisor.
Pagpasok ko ay nakita ko si Papa na nakaupo sa kaniyang mesa subalit nagawi ang tingin ko sa isa pang pinto sa dulo at na may nakalagay na signboard na may nakasulat na ‘COO’ siguro ay para sa pinaka boss ng pabrika.
Nagkuwento ako kay Papa habang kumakain siya nang biglang bumukas ang pinto na pinasukan ko kanina at tumambad sa akin si Don Vicente at Donya Crisanta. Ngumiti ako sa kanila, lumapit sa akin ang Donya saka kinurot ang aking pisngi.
“Napa cute mo talagang bata ka.” Magiliw nitong sabi sa akin. Binati naman sila ni Papa at bahagyang kinausap ng Don ang Papa. Nanatili namang nakatuon ang aking mata sa Donya ka kinakausap ako.
“Mabuti at napadako ka rito Iha. Nasanay kasi kaming nakikita ka doon sa opisina ng Mama mo tuwing dadaan kami.”
“Oo nga ho. Hinatid ko lang ho ang pagkain ni Papa.”
“Wala ka bang pasok? Palagi kang narito sa pabrika.” Tanong nito.
“Meron po pero alas kwatro ho ang uwian namin kaya dito na ako dumideretso.”
“Ano itong naririnig ko tungkol sa apo ko?” Sumilay ang pilyang ngiti sa kaniyang labi kaya napatawa ako ng medyo malakas.
“Gusto ko ho kasing makita ang apo niyo. Crush ko kasi siya Donya Crisanta.” Diretso kong sabi na parang kinikilig.
Pumalakpak ang Donya na parang kinikilig din.
“Very well Iha. Now you see him.” Saka dahan dahan siyang tumabi at doon ko nakita ang imahe ni Khal sa aking harapan na nasa likuran pala ng Donya.
Masyadong mabilis ang pangyayari pero kitang kita ko ang paglaki ng kaniyang mata dahil sa kaniyang narinig.
Mga salitang di ko mababawi. Bumilis ang tibok ng aking batang puso.
Today, I just confessed that I like a De Buenavista.
-McK-
Chapter 2
Siguro sa sobrang kapal ng mukha ko ay di ako nahiya. Biglang kumunot ang mukha ni Khal kahit na napuno na ng halakhak ng Donya ang buong kwarto.
“Apo narinig mo naman siguro ang tinuran ng batang ito.” Ika ng Donya. Nakangiti kong nilingon si Khal na lalong bumusangot ang mukha nito at pasupladong umirap saka naglakad papasok sa opisina na sinundan ko lang ng tingin.
“Suplado talaga ng batang iyon.”
“Okay lang ho Donya. Gusto ko parin siya.” Himutok ko sabay ngiti na lalong kinatuwa ng matanda. Di nagtagal ay pumasok na sila sa loob. Gustuhin ko mang manatili ay kailangan kong bumalik kay Mama.
Nang mga sumunod na araw ay lalong kumalat sa buong pagawaan ng pabrika ng mga De Buenavista ang tungkol sa pagkahumaling ko sa batang haciendero. Kaya naman tuwing ako’y masilayan ng mga manggagawa ay inuulan ako ng tukso at kantiyaw. Kahit ganoon pa man ay para akong nasisiyahan dahil sa lalong pagpapalapit sa amin ni Khal.
Dahil sa mura kong edad ay di naman ito lubusang sineseryoso nina Mama at Papa peron gayon pa man ay pinaaalahan nila ako tungkol sa tamang uugali at kontrol.
“O Kat malungkot ka ata? Di mo na naman ba nakita ang iyong sweetheart? Ilang araw na ba ang nagdaan?” Tanong ni Auntie Letty na kasamahan ni Mama sa accounting department isang araw dahil nadatnan niya akong malungkot na nag aabang sa bintana. Halos mag iisang linggo na rin simula nang makita ko si Khal. Di ko maitatanggi na lubos akong nalulungkot pero alam kong di naman niya tungkulin ang pumunta rito dahil busy ito sa pag eeskwela.
“Letty hayaan mo na ang bata Kaya lalong nagpupursige eh.” Naiiling na sabi ni Mama.
Nagpumiglas ako at agad na lumabas nang matanaw sa di kalayuan ang pagbaba sa kotse ni Khal kasama ang Lolo nito.
“Hi Khal! Hello po Don, magandang umaga!” Masaya kong bati nang makalapit ako sa kanila. Tumingin sa akin ang Don at lumapad ang ngiti.
“Magandang umaga din sa iyo munting prinsesa.” Bati ng matanda na nagpangiti sa akin saka ako bumaling sa naka busangot na mukha ni Khal. He looked away when he realized I’m ogling him.
Patuloy silang naglakad at para naman akong tutang sumunod sa kanila.
“Hanggang anong oras kayo dito?” Tanong ko habang nakangiti. Akala ko ay di siya sasagot subalit binuka nito ang kaniyang bibig.
“Alas singko.” Tipid niyang sabi.
“Kung gayon ay sasamahan muna kita.” Nabigla siya sa aking sinabi kung kaya’t huminto siya saka tumingin sa akin pero nagpatuloy din hanggang sa makapasok kami sa kanilang opisina.
“Katkat?” Anong ginagawa mo dito?“ Nagtatakang tanong ni Papa nang makita niya akong nakasunod kay Khal.
“Sinamahan ko ho Papa si Khal.” Magsasalita pa sana si Papa pero inunahan na siya ng Don.
“Hayaan mo na Romeo at naranasan mo rin iyan ng kabataan mo.” Halakhak ng matandang Don kay Papa at sabay silang pumasok sa office ng Gobernador at naiwan kami ni Khal.
Pumunta siya sa mahabang couch at umupo naman ako sa di kalayuan. He’s sitting like a young prince habang ako naman ay nakangiting pinagkamasdan siya na parang asong naghihintay ng atensyon ng kaniyang master. His brows met the moment he gazed at me, I smiled widely. We’re like two kids trapped inside a room na walang imikan.
Sumapit ang tanghalian at lumabas ang Don.
“Khal go to the canteen and grab a lunch, Romeo and I have a long talk.”
“Mamaya na Lo. I’m full.” He answered. Habang ako naman ay pabalik balik ang tingin sa dalawa.
“Don’t oppose me. You haven’t eaten your breakfast young man so go on. Let Katkat accompany you.” Ngiti ng Don namg bumaling sa akin na kinalapad ng ngiti ko. Di na umangal si Khal at tumayo na ito at lumabas na sinundan ko naman.
“Anong gusto mong kainin? Alam mo masarap ang menudo nila pati na rin yung sisig tapos sabayan mo pa ng mainit na kanin. Konting sabaw tapos kamatis na nilagyan ng sibuyas at suka. Sa panghimagas naman, masarap ang buko pie nina Aleng Tes. At syempre ang malamig na tub–.”
“Ang ingay mo.” Naiirita niyang sabi pero sa kung anong paraan ay nasiyahan ako dahil napansin niya ang kadaldalan ko. Sinabayan ko siya sa paglalakad.
“Ikaw anong paborito mo?” Tanong ko.
“We have our chef sa mansyon.” He snickered.
“Sosyal naman. Masarap siguro palagi ang ulam niyo.” Nang-iimagine kong tugon at inismiran lang ako nito.
“Pero mas masarap yung adobong palaka. Nakakain ka na ba non? Malamang hindi. Ang mayayamang katulad niyo ay mga–.”
“Maaarte?” Pagtatapos niya sa sasabihin ko.
“Hmm… oo.” Walang hiya kong sagot.
“Di ako maarte.” He looked at me trying to prove his point at umiwas din agad.
“Sabi mo eh.” Nakatatawa kong aabi.
Pagdating sa canteen ay may mangilan ngilang tao roon na nananghalian. Napabaling sa amin ang lahat at sigurado akong nasa kay Khal ang atensyon ng lahat dahil apo siya ng Gobernador.
“Ikaw Katkat ah. Date ba yan?” Biro ng iilang nakasalubong ko dahil di na sikreto sa kanila ang tungkol aa lubusan kong pagkahanga sa munting De Buenavista.
Umupo siya sa isang mesa at tumabi ako. Pagkaraan ng ilang minuto’y tumalim ang kaniyang mata.
“Where’s the waiter?” Iritado niyang sabi. Doon ko lang napagtanto ang kaniyang ibig sabihin kaya bumungisngis ako.
“Hindi ito restaurant Khal. Self service dito. Kung gusto mong kumain, pumunta ka sa counter doon at ituro ang gusto mong kainin.” Tawa ko. Napansin ko ang kaniyang pagkapahiya pero tumikhim lang siya kaya umayos ako.
“Ako na lang ang mag oorder.” Boluntaryo kayo at iniwan siya.
Pagkabalik ay bitbit ko ang mga pagkain at nang ilapag ko ito sa mesa ay tiningnan niya ito isa isa.
“Masasarap ang mga iyan.”
“Seriously?” Nanunuya niyang sabi.
“Bahala kang magutom diyan basta kakain ako.” Saka ko kinuha ang pinggan at nilagyan ng pagkain at nagsimulang kumain habang tahimik naman siya at di gumagalaw sa harapan ko. Nilibot ko ang aking tingin at napansin ang tingin ng lahat sa kaniya.
“Hoy, kumain ka. Sa iyo silang lahat nakatingin.” Di siya gumalaw.
“Arte mo talaga. Si Gov nga dito kumakain eh.” Agad siyang kumuha ng kanin nang sinabi ko iyon at narinig ko ang ginhawa ng mga tao sa paligid namin.
Nang una ay paunti unti siyang sumusubo pero kalaunan ay tuloy tuloy na ito. Di ko na pinansin dahil gutom na rin ako at nilantakan na ang pagkain. Dumaan ang sandali at may narinig ako ng mahinang tawa mula sa kasama ko. Pag angat ko ng tingin ay doon na siya tumawa ng lubusan. Namangha ako sa kaniyang pagtawa. Bakit bawat paggalaw ng kaniyang balikat ay swabe? Ang pag arko ng kaniyang labi at paniningkit ng kaniyang mga mata ay sobrang perpekto. Sinabayan pa ng pantay at maputi niyang ngipin. Ibang iba sa supladong Khal na akala ko.
“You’re so unbelievable.” He continued as he pointed at my face. Kumunot naman ang noo ko.
“Anong problema?” I asked and he just laugh at me.
“Bata nga talaga. Ang takaw mo.” Napailing nitong sabi.
“Bakit?” Kumunot ang aking noo. Hindi siya sumagot at kumuha siya ng tissue sa mesa namin at agad iyong dinampi sa aking pisngi at nanatili itong nakadikit doon na kinalakas ng kaniyang tawa.
Kinuha ko ang nakadikit na tissue at nang tiningnan ko ito ay napansin ko ang sarsa rito. Matakaw nga talaga akong kumain. Sumimangot ako at namula dahil sa pagkapahiya.
“Ano? Takaw mo kasi.” He managed to suppress his laughter.
“Eh ganon ako eh.” I replied. Pinagpatuloy namin ang pag kain habang umiiling siya at pangiti ngiti habang ngumunguya ako na tinatupan siya ng masamang tingin.
Napansin ko ang dami niyang kain kaya nasiyahan ako dahil di naman pala siya maarte.
“Masarap no?” Tanong ko.
“Medyo.” Walang paki niyang tugon habang nilalasap ang isang putahe na kinangiti ko.
“Gusto mo yan?” tanong ko. Ngumiti naman siya.
“Oo. Gusto ko itong piniritong manok. Malinamnam at kakaiba sa niluluto ng Chef sa mansyon.” He said sabay papak nito.
“Di iyan manok.”
“Is this pork?” Be asked nonchalantly. Ngumiti ako nang malawak.
“Hindi… palaka iyan. Piniritong palaka.” Nakita ko kung paano siya nasamid at umubo. Ako naman ang tumawa. Pero imbes na mandiri si Khal ay pinaglatuloy niya ang pagkain. Lalo ko lamang siyang nagugustuhan.
“Simula ngayon ay tuluyan ko nang rerespetuhin lahat ng palaka sa mundo.” He remarked na kinabungisngis ko.
Pagkatapos kumain ay bumalik na kami habang patawa tawa sa opisina ni Gov at sakto namang lumabas sila sa pinto.
“Kumain ka na Khal?” Tanong ni Gov.
“Opo Lo.” Sumeryoso ang mukha ni Khal.
“Halika na at uuwi na tayo.” Bumaling naman sa akin ang Don.
“Maraming salamat hija sa pagsama sa apo ko.” Ika ng Don.
“You’re welcome po.” Ngiti ko. Sumabay si Papa sa Don para ihatid ito sa labasan at may binibilin pa ito kay Papa habang sabay naman kami ni Khal na sumusunod sa kanila.
“Salamat.” Tinig niya.
“Ha?” Maang maangan ko.
“Wala. Sige na aalis na kami.” He answered dahil huminto na ang kanilang sasakyan sa aming harapan. Nalungkot ako bigla dahil ang isang araw na puno ng kasiyahan para sa akin ay matatapos na.
Bago siya pumasok ay huminto siya saglit at tumingin sa akin at ngumiti.
“Bukas ulit Katkat.” Then he waved goodbye hanggang tuluyan na silang maka alis.
Ngumiti ako nang napakalawak.
Nagtatapos ang araw…
Dumadating ang gabi.
Pero di magtatagal ang gabi at dadating ang umaga… Dadating ang bagong bukas. At bawat bukas ay may bagong dala.
Kaya magigising ako araw araw at haharapin ang umaga dahil umaasa akong darating siya. Dadating siya.
-McK-
Chapter 3
Chapter 3
Pabalik balik ang aking tingin sa pintuan sa office ni Papa. Bawat pagbukas sarado ng pinto ay inaabangan ng aking mata. My eyes would fell in dismay if the person I wanted to see so bad isn’t the one entering.
Napabuntong hininga ako. Mag aalas onse na nang umaga at halos tatlong oras na akong naghihintay sa kaniyang pagbabalik.
“Katkat kumain ka na ba? Pumunta ka muna sa canteen at mag meryenda.” salita ni Papa nang napansin ang aking kalungkutan.
“Mamaya na pa. Busog pa naman ho ako.” Napabalikwas ako ng upo nang bumukas ang pintuan at pumasok si Don Vicente pero sumarado ito nang walang Khal na pumasok. Ganoon talaga siguro ang mayayaman, sa dami ng kinaaabalahan sa buhay ay madalas nakakalimutan ang mga maliit na bagay. Sino ba naman ako para pag ukulan niya ng pansin at panahon. Binati ko ang Don at di na nagtanong pa.
“Magmemeryenda nalang muna ako Pa.” Pagbukas oo ng pintuan ay isang pares ng sapatos ang aking nakita kaya tinunton ko ito pataas.
“Morning.” Khal greeted me with his serious face. Somehow I felt butterflies in my tummies.
“A-ah… akala k-ko.” I stammered.
“Sorry I’m late. Nagpunta pa kasi kami ni Lolo sa isang store sa bayan para bumili nito.” Inangat niya ang kaniyang kamay at kumunot ang aking noo sa dala niyang mga board games. Madami, may scrabble, domino, snakes and ladders at kung ano ano pa.
“P-para saan to Khal?” I asked.
“To keep us busy obviously.” He uttered.
“Di naman kailangan.”
“Araw araw akong sasama kay Lolo dito kaya mas mabuti na rin to. Besides, this is for me… w-wag kang assuming.” Tumikhim siya at umiwas ng tingin.
“Let’s go.” Tumalikod na ito at sumunod naman ako nang may nakakalokong ngiti sa labi.
Khal is a very straightforward kid. His words are direct at kung di mo siya lubusang intindihin ay iisipin mong napakasama niyang bata pero I know na deep inside mabait siya.
“Akala ko maglalaro tayo? Bakit ako lang?” Tanong ko sa kaniya. Napaangat siya ng tingin saka nagpabalik balik ang mata sa akin at sa chessboard na nakalatag sa mesa. I arched my brows waiting for his response.
Binaba niya ang cellphone na hawak saka lumapit ng husto sa banda ko. Napangiti naman ako nang maamoy ang kaniyang pabango.
“You know how to play this?” He asked as he arranged the pawns on the board.
“Hindi.” Nakangiti kong tugon habang di parin inaalis ang tingin sa kaniya na kinakunot ng kaniyang noo.
“Then how are we suppose to play this?”
“Edi turuan mo ko!” masaya kong sabi. Napabuntong hininga nalang siya.
Agad niya naman akong tiniruan. Hindi ko alam na ganito pala ka komplikado ang larong ito.
“The King is important because if its exposed, it’s game over.” He explained.
“Importante rin naman ang Queen ah! Bakit ang hari lang kailangang protektahan?” pagkaklaro ko.
“Because that’s the rule. Of course the Queen is important too but the game will be over once the King is checked.” He defended.
“Hindi! That is called gender discrimination, nabasa ko yan sa book ni Ate. Nakalagay pa don… Stop stereotyping!” May paninindigan kong sabi.
“We’re talking about Chess Katkat, hindi gender sensitivity. Saka alam mo ba ang kahulugan ng stereotyping?”
“Aba! Oo n-naman. A-ahmm ano yan… yung ano ba.” napakamot ako ng ulo.
“Aha! Yung sa radio yan! Yung sa speaker!” Pumalakpak pa ako.
Mula sa pagkakunot nang noo ay biglang sumilay ang ngiti sa kaniyang labi at narinig ko ang kaniyang mahinang tawa na nagpangiti rin sa akin.
“That’s stereo Kat.” He laughed as his shoulders are vibrating.
“Basta.” Nakitawa narin ako.
Days like that happened again and again. At bawat araw na nagdaan ay masasabi kong unti unti kaming napapalapit isa’t isa. Madalas at consistent ang pagdalaw niya sa opisina ng kaniyang Lolo kaya madalas kaming magkasama.
“Bukas ipapasyal kita sa hacienda. Gusto mo bang sumama?” He asked out of a sudden habang nakaupo kami sa isang shed sa loob ng compound ng kanilang pabrika habang kumakain ng buko pie na dala ko kanina.
Biglang nanlaki ang aking mga mata.
“Talaga?!” Halos pasigaw kong sabi. He just nod for an asnwer. I squeaked dala na rin ng excitement.
“Di pa ako nakapasok sa mansion ng mga De Buenavista. Hanggang gate lang palagi ako tuwing ihahatid namin si Papa sa mga pagdiriwang doon.” Di ko maitago ang lungkot sa aking boses pero agad ko itong winaksi.
“Sa susunod sumama ka sa Papa mo.”
“Yes Senyorito.” nakasaludo kong sabi at agad niya akong pinandilatan ng mga mata dahil ang ayaw niya sa lahat ay tinatawag siyang Senyorito.
“Kulay ginto ba ang pinggan niyo doon?” tanong ko.
“Katkat we’re normal people too. Kung anong ginagawa niyo, ginagawa rin namin.” He explained.
“Normal nga pero ibang usapang na pag tungkol sa antas ng kinatatayuan at kinabubuhayan. Ang mayayaman malayo sa aming mga mahihirap.” Diretso kong sabi habang nilalamon ang isang buong slice ng pie.
“Bakit ano ba para sayo ang ang mga mayayaman?” He asked.
“Madaming pera, walang masyadong pinoproblema, shopping palagi, sa ugali naman… merong mga matapobre at mapagmaliit. Merong ding madamot, mapang abus– ah maliban sa inyo.” Huminto ako nang mapatingin sa kaniya.
“Ang mayayaman nagkataon lang na sinuwerte sa buhay pero di ibig sabihin ay lahat pareho ang ugali. Dahil magkaiba man ang antas sa lipunan, we do the same things.” Mahaba niyang sabi habang nakatingin sa akin.
“Talaga? Umuutot din ba kayo habang nasa hapag? O binibilog niyo rin ba ang kulangot niyo?” Tanong ko nagpatawa sa kaniya ng malakas.
“Ang cute mo talaga Kat.” Nakatingin lang ako sa kaniya and the sight of him smiling made the day brighter, na palang walang problemang darating.
“Ang sabi ni Ate, ang cute daw ay para sa mga bata. Hindi na ako bata kaya dapat maganda ang tinawag mo sa akin.” Maktol ko na lalo lang niyang kinangiti.
“You’ll grow up Kat. You will.” He patted my head.
“Pag ako lumaki, sigurado akong magagandahan ka sa akin.”
“I…” di ko na marinig ang kaniyang sinabi dahil bumusina ang truck malapit sa amin.
“Nothing. Just finish your food.” He smiled.
KINAUMAGAHAN ay napatingin ako sa bintana ng aming bahay nang huminto ang isang itim na kotse.
“Katkat! Bumaba ka na at dito na ang sundo mo!” Tawag ni Mama.
“Opo!” Dali dali akong bumaba at kinuha ang aking backpack. Nakita kong nag aalmusal pa si Papa habang nagbabasa ng dyaryo. Si Ate naman ay nakababad sa kaniyang kwaderno.
“Anak ang bilin ko sa iyo ha. Wag kang malikot at baka may mabasag ka.” Ika ni Mama.
“Mag ingat ka doon Katkat.” nakangiting sabi ni Papa.
Napapayag agad si Papa kahapon dahil ang Lolo mismo ni Khal ang humingi ng permiso sa kaniya kaya walang choice si Papa kundi ang um-oo.
Pagpasok ko sa sasakyan ay gusto kong mamangha dahil napakagara nito pero ang sabi ni Ate ay wag akong magpahalata.
“Kuya nasaan po si Khal?” Tanong ko dahil ang driver ang kasama ko.
“Nasa mansyon ang Senyorito Khal Mam.” tugon nito at gusto kong matawa sa pagbigkas niya ng Senyorito. At medyo nasiyahan ako sa pagtawag niya ng Mam. lang “Katkat nalang ho Kuya. Sa susunod nalang ho ang Mam kapag kinasal na kami ki Khal.” Nakita ko namang ngumiti ang driver sa aking kapilyahan.
Nalula ako sa ang isang mataas na gintong gate na may nakasabit sa ibabaw na ‘Viva De Bueanvista’ at bumungad sa akin ang mahabang daan na may nakahilerang puno ng niyog sa gilid at nang makita ko ang dulo ay nasilayan ko ang isang napakalaking mansyon. Di ko alam na may ganito palang klaseng bahay.
Huminto kami sa harapan ng malaking pintuan at nang bumaba ako ay nakaabang na ang nakangiting si Khal sa akin.
“Bat di mo sinabing palasyo pala ang mansyon niyo?” Bulalas ko na kinatawa lang niya.
“Let’s go.” He said. Habang papasok ay gumala ang aking mata. Parang ayaw kong umapak dahil nahihiya at na a-out of place ang rubber shoes ko sa tanso, pliak at ginto na nakapaligid sa akin.
“You’re here Hija.” Di ko napansin na nasa harapan ko pala ang Don.
“Magandang umaga po Don Vicente!” Magiliw kong bati.
“Magandang umaga din Hija! How’s the place?” Tanong nito sa akin.
“Naku! Parang nalulula ho ako sa laki.” Humagalpak naman ng tawa ang Don.
“Anyway, kailangan ko nang umalis dahil may meeting pa ako dahil malapit na ang election hija. Well, enjoy and feel at home.” Paalam ng Don saka umalis.
Una kaming pumunta sa Veranda malapit sa malawak na garden at nakita ko doon ang Donya Crisanta na nakaroba habang nakaupo sa habang nag i-ispray sa isang orchid.
“Lola we’re here.” Khal greeted. Napadako naman ang tingin ng Donya sa amin. Napansin ko ang maputlang bibig ng Donya pero di mo makakailang maganda pa rin ito.
“Hello dear. How are you?” Masaya nitong sabi at yumakap sa akin.
“Magandang umaga ho.” Nahihiya kong sabi.
“Excuse me for seeing me this way.” Ngumiti ito sa akin.
“Magandi pa rin ho. Walang kupas.” I said directly and she laughed.
“Well, ayaw kong sirain ang moment niyo so feel free to go around dear. My grandson will tour you around. Kung malakas pa sana ako ay tiyak akong sasama sa inyo.” She then winked.
Pumunta kami sa hapag at pinaghain ng ng kanilang kasambahay. Gusto ko sanang tanungin si Khal kung magkano ang sahod nila at gusto kong magtrabaho dito. Pero sinarili ko nalang.
“Si Lola lang at ako ang naiwan dito. My parents is in Manila.” He started na kinatango ko.
Habang kumakain ay nakatingin ako sa mga pinggan sa hapag.
“What?” Pansin ni Khal sa akin.
“Baka mabasag ko ang pinggan. Wala akong pera.” I whispered at him na kinangiti niya.
“Kung sakaling mabasag mo. Nakita ko sa news kagabi na binebenta raw ang lamang loob ng tao. Mahal daw yon.” Bigla kong kinapa ang aking tiyan.
“Kidding” he laughed.
“Khal. Pwede ko bang dalhin sa bahay itong kutsara? Baka pwede na to isangla at pang tuition ko sa college.” Narinig ko ang ilang kasambahay na naghagikgikan.
“Just eat Katkat.” Napailing na sabi ni Khal.
“Suplado.”
Maghapon kaming naglibot sa mansyon. Pumunta rin kami sa kung saan saan sa kanilang hacienda. This day is so perfect. Marami kaming nagawa at napagkwentuhan. We visited their coconut plantation, ang rancho, naligo rin kami sa ilog at kumain ng inihaw na mais at kung ano ano pa . Habang kasama ko siya ay lalo lamang akong namamangha sa kaniya. Khal is not just a typical rich kid. Hindi siya anak lang ng haciendero. Khal is something more.
Ayaw kong magtapos ang araw pero tila bawat segundo ay mabilis. Alas singko ng hapon nang makarating ako sa bahay.
“Salamat Kuya sa paghatid.” Paalam ko sa driver. Lumabas din si Khal at sumama siya sa paghatid sa akin.
“Salamat Khal. Salamat sa araw na ito at lubos akong nasiyahan.” Ngiti ko.
“Sa susunod ulit Katkat. At salamat din.” Ngumiti siya habang ginulo ang aking buhok.
“Sige na. Baka gabihin kayo sa daan at ipapakulong pa ako ni Don Vicente.” Ika ko na kinatawa niya.
Pumasok na siya sa loob at kumaway na ako at tumalikod pero bigla akong napabalik nang may humawak sa aking braso.
Para akong nakuryente at napabalik ng tingin. Mula sa bintana ng kotse ay nakadungaw ang nakangiting si Khal habang hawak hawak parin ang aking braso.
“Bukas ulit Kat. May ibibigay ako sayo.”
Ngumiti ako ng malawak.
“Bukas ulit Khal.” Di maalis ang ngiti sa aking labi hanggang sa tuluyan nang nawala sa aking paningin ang kaniyang sasakyan.
“Oh? Kinikilig ka diyan?” Bungad ni ate sa akin nang pumasok ako sa bahay.
“Wala Ate.”
“Hoy Katherine. Sinasabi ko sa’yo, malayo ang agwat ng mahirap sa mayaman. Iba sila.”
“Alam ko Ate pero iba si Khal o ang mga De Buenavista sa mayayaman na tinutukoy mo.” Pagtatanggol ko. Tumayo si Ate at sinara ang kaniyang libro.
“Walang permanente sa mundo bunso. Temporaryo lang ang lahat sa mga mayayaman. Madali nilang palitan ang lahat, bagay, gamit at pati tao.” Mahaba nitong sabi habang nakatalikod sa akin.
“Basta Ate, iba si Khal.” Tumingin si Ate sa akin at malungkot na ngumiti.
“Wag mong sabihing di kita binalaan Katherine.” At pumasok na siya sa kwarto. Ipinag kibit balikat ko nalang ito.
Dumating sina Papa at Mama at kinuwento ko sa kanila ang lahat at sigurado akong walang makakapantay sa kasiyahang nadarama ko.
Nagising ako kinaumagahan na may ngiti sa labi. Ano kaya ang ibibigay sa akin Khal?
Habang papunta sa sa pabrika ay parang sirang plakang paulit ulit na nag e-echo ang lahat mg nangyari kahapon.
Dumiretso ako sa labas ng opisina ni Don Vicente para maghintay…
at naghintay…
at naghintay. Tama nga si Ate…
Walang permanente si mundo.
Lumipas ang mga oras, mga araw, mga buwan at taon…
Walang Khal na dumating.
Minsan ang iniisip nating masakit ay lumalabas na hindi naman pala…
Ang tunay na masakit ay yung mga bagay na di mo inaasahan.
Masasaktan ako kung naging mailap sa akin si Khal… Pero mas masakit pala ang naging mas malapit kami pero naiwan ako nang wala man lang paalam.
Sana hindi nalang.
Sana.
-McK-
Chapter 4
Chapter 4
“What is the acceleration of the car if…”
Heto na naman si Sir at sa kaniyang pa-Math sa subject naming Physics. Ito talaga yung mga asignaturang iniiwasan ko. Nag iisip ako pero kapag alam kong sobra namang maka bully sa brain cells ko ay hinahayaan ko nalang. Bakit ko pa pipilitin ang sarili ko kung alam ko kung hanggang saan lang ang kakayahan ko.
“Miss Pacete! Hindi pa recess kaya itago mo muna yang pagkain mo. At kung kakain ka man ay siguraduhin mong hindi ka makakaistorbo sa klase!” Bulyaw ni Sir at sumunod ang hagikgikan sa klase.
Lumingon naman ako at pinandilatan ang mga kaklase lalo na ang mga kaibigan kong si Eliza at Nevi.
“Sorry Sir. Masakit lang kasi Sir ang tiyan ko since hindi ako nakapag agahan.” rason ko.
“So kasalanan ko ba kung hindi ka nakapag agahan?!” Tumaas ang boses ni Sir.
“Hmm… parang. Opo.” pa inosente kong sagot.
“Aba’t! Sumasagot ka pa!” Highblood na yan.
“Kapag nasa katwiran ipaglaban mo. Hindi po ba kayo nanonood niyan?”
“Ano!” Tuminis ang boses ni Sir Marco at di magtatagal ay lalabas na sa kaniyang katauhan si Mam Marcy.
“Alas syete imedya ho ang oras ng klase namin sa inyo MWF. Pero ininsist niyo na alas syete tayo mag uumpisa kaya maaga palang ay dito na kami dahil kapag alas syete uno kami nang dating dito ay sinasarahan mo kami ng pintuan at minamarkahan pa ng absent. Kaya syempre mas inaagahan pa namin.” Diretso kong sabi. Na kinanganga ni Sir at nakita ko kung papano katinding pagpipigil ng mga kaklase hindi lang matawa.
“Yung class Principal nagtataka kung bakit kakarampot lang ng estudyante sa Grade 9 ang nag attend ng flag ceremony. Gusto ko sanang sabihing kayo ang tatanungin kaso baka lalo silang magtatanong sa akin pero sympre bilang mabait na estudyante ng NAU ay sasagot ako ng pawang katotohanan lamang. Si Sir Marco kasi po, imbes na MWF yung klase namin ay Wednesday at Friday lang nag lelecture. Paano ba naman. Tuwing linggo ng gabi ay umiinom kasama ang mga pasang awa sa Senior High. Dahil si Sir Marco ay deboto ng kasabihang ‘Boys. Halika pag usapan natin to.’ Pero ni minsan di kami nagreklamo kahit labag sa oras ang ginagawa niyo. Simpleng pagkain lang para sa kumakalam naming sikmura na kayo rin ang dahilan ay bawal pa. Sige Sir di na po ako kakakain…” umeeme akong iiyak.
“Pero pakatandaan, ang mga tao umiingay kapag busog o gutom. Sa kaso ko… mas maingay ako Sir kung gutom kaya di niyo ako masisisi kung merong lalabas sa bunganga ko.” Ngumiti ako. Si Sir naman ay namumula na na parang sasabog.
“Fine! Class dismiss!.” Pagpipigil ni Sir saka dabog na lumabas.
Pagkaalis niya ay biglang naghiyawan ang mga kaklase ko at nagpalakpakan.“
“Katkat saves the day!” Lapit sa akin ni Eliza.
“Wala talagang preno yang bunganga mo Kat.” ani Nevi.
“Wag ako Emilia! Wag ako pag gutom.” I laughed.
“Well done Batchoy.” Bumusangot ang mukha ko nang guluhin ni Eurick ang buhok ko at patakbong humalakhak kasama ang dalawa niyang bulakbol na kaibigan.
“May araw ka rin Eurick Gervacio!” Sigaw ko. Tawagin ba naman akong Batchoy. In short for Tabatsoy. Hindi naman ako sobrang mataba ah. Medyo lang.
“Mag cu-cut na naman ang tatlong yon.” Umiling si Nevi.
Dahil may thirty minutes pa kaming natitira ay hinila ko ang dalawa para bumili ng maiinom sa canteen. Nasa gitna ako habang naglalakad at nagtatawanan kaming tatlo.
It’s been a week since the school year started. Grade 9 na ako sa NAU. Merong malapit na schools sa bayan namin pero sabi ni Mama at Papa ay dito ako mag aaral since both of them graduated here at dito din nagsimula ang kanilang lovelife. Gusto kong pasalamatan ang university na ito dahil dito ay nabuo ako. Char. Thirty minutes lang naman ang biyahe kapag nag bus kaya okay na rin.
Binbati ako ng iilang estudyanteng makakasalubong. I’m not one of those bright girls sa STAR section, actually nasa section two lang ako. I’m not pretty and super rich. Kilala ako hindi dahil sa mga iyon kundi dahil sa isa ako sa pinaka maiingay sa unibersidad. Yung tipong kapag may nag dedebate, isa ako doon. Kapag may may nagbiro tapos lahat ay magbubungisngisan pero ako lang yung humalakhak na labas pati ngalangala. My voice is like made up of sound system na kapag nagsasalita ay di na kailangan ang mikropono. I’m more on makamasa, friendly, humorous, a street girl, rather than pa-charming at pa-prinsesa.
“Ang ganda talaga ni Selena Aragon noh?” Nevi uttered kaya sinundan namin kung saan siya nakatingin.
The ever gorgeous Selena Aragon. Grade 10 pero yung awrahan parang college girl. The school sweetheart. Mayaman, maganda, mabait, mabango, sexy at kung ano ano pa.
“Leonis, the captain of the baseball team ng SHS courted her pero rejected ang gwapo. Sana ako nalang.” Eliza said in a flirty tone.
“Gaga. Rumors said that off limits siya dahil may special someone na daw yan.” Nevi added.
“Saka wait ha, may younger brother daw yan si Dreyfus, dito nag aaral. Shuta! Papables din!” Eliza squeaked.
“Anong say mo Kat?” They both looked at me. Tamang tama we reached the canteen.
“Fried siomai na super maanghang solve na ako.” I grinned.
“Drinks daw bibilhin mukhang brunch na ito ha.”
“Shut up Nevi. Ikaw rin naman magbabayad nito.” Sabi ko.
This university values integrity and equality pero yung mga students lang ang gumagawa hierarchical problems like valuing to those in the elite class. Classism is in the system. Pero sa mga lower sections we treated ourselves equal. Nevi’s family is richer while Eliza, me and most of our classmates were on the above average type.
Pagkatapos naming makuha ang inorder ay lumabas kami at umupo sa isa sa mga bench. Sakto namang may tumigil na dalawang SUV at isang limousine sa harap namin. Di ako natinag at diretso lang sa pagkain.
“Si Governor ata.” My head automatically shot up kung saan ang mga sasakyan but my vision got blocked as soon as students started to form a coup.
“Galamay talaga ng mga De Buenavista ang pulitika. Papa told me how influential they are not only dito sa probinsya but also in the whole Philippines. Di na ako magtataka kung balang araw ay may De Buenavistang tatakbo sa pagka pangulo.” Nevi said as she took a sip on her blue lemonade.
“Politics is very dangerous and dirty as well. Siguro may mga baho ring tinatago ang mga yan.” Eliza uttered as her brows formed an arch.
“Di naman. My family works in one of their factories at mabuti naman ang pamamalakad nila.” I tried not to sound defensive.
“Some siguro pero di lahat ng De Buenavista ay matitino. Yung kapatid daw ni Don Vicente na yan ay rumored na carrier ng drugs a long time ago. Pero I don’t know lang.” Pabulong na sabi ni Eliza.
Patapos na kami nang biglang nag ingay ang iilang kababaihan sa paligid.
“Gwapo naman nyan!” I heard one squeaked. Murmurs turned into a frantic giggles.
Paubos na ang oras kaya napagdesisyonan naming bumalik na ng room.
The class went on and when afternoon came kanya kanya chika ang lahat. Eliza ang pangunahing tsismosa ng klase ay eksahindelarang lumapit sa amin ni Nevi.
“Oh my! Remember nang nasa Caf tayo kanina tapos dumating yung car ni Gov. Guess sino ang sakay ng limo?” She asked.
“Si Gov?” I answered sarcastically.
“Gaga! Si Gov nag donate ng two story computer building.” She clapped.
“Anong bago don?” Nevi asked.
“Masaya lang ako” she laughed and I just rolled my eyes.
“Here’s more. Yung apo daw ni Governor mag tra-transfer dito! Legit!” She shrieked. My heartbeat drummed.
“S-sino? Diba maraming apo si Gov.” I nervously asked.
“Yung anak daw sa panganay ni Gov. Yung sa States nanggaling.” Pag re-recall ni Eliza.
My mind is throwing random thoughts but instead of voicing it out, I keep it for myself.
If tototo nga ang balita na apo ni Don Vicente sa anak nitong si King at Laura, it could either be Kael or… it could also be Khal.
Dahil sa pag iisip ay buong maghapon akong para tanga na nakikipag eye to eye sa kawalan.
May kanya kanyang sundo sina Eliza at Nevi kaya mag isa kong tinunton ang daan sa hallway. Huminto ako nang may pumitik na kamay sa noo ko.
“Aray!” reklamo ko.
“Ang lutang mo naman Batchoy, sige ka mauuntog ka sa pader. Maawa ka nga sarili mo. Masyado nang madaming layer ng bukol yang katawan mo para dagdagan mo pa.” Sabay nito tingin sa tiyan ko. Humalakhak si Eurick sabay takbo palayo.
“Bwiset ka talaga Euricko!” Sigaw ko habang pakita ng kamao.
“Asungot na yo– Aray!” Napaupo ako sa sahig kasabay ng pag ulan ng mga papel sa paligid.
“I’m sorry Miss.” Baritong tinig na sabi ng lalaki.
“It’s ok–.”
“Damn. My papers. It’s your fault you’re looking somewhere else.” Nahimigan ko ang inis sa tinig nito. Gusto ko siyang tinagalain pero pinulot ko nalang ang ibang papel malapit sa akin. Di ko maiwasang maamoy ang panlalaki niyang pabango na.
Sa bahagi ng aking mata ay masasabi kong matangkad siya at maganda ang built ng katawan. He’s wearing a white long sleeve and jeans partnered with his brown expensive looking shoes.
“I’m sorry.” Medyo bastos ako pero pag alam kong kasalanan ko, may kalalagyan ang GMRC ko.
Hindi siya sumagot at patuloy lang sa pagpulot. Tumayo siya kaya tumayo din ako. He then grabbed his papers on my hand. Bago pa man ako makatingin sa mukha niya ay tumalikod na ito at naglakad palayo. Brown haired guy.
He seems so familiar na parang hindi. Napailing ako sa iniisip.
I was also about to turn around nang makita ko ang isang papel na pakiwari ko ay sa lalaki ring iyon kaya dali dali ko itong kinuha.
“Ah Si–.” Napatigil ako nang di ko maiwasang mabasa ang nakalagay sa papel.
I bit my lip as I read what’s on the papers again and again.
Khalum Vernon De Buenavista.
“K-Khal.” I uttered.
It’s just the two of us in the hallway. At di man kalakasan ang aking boses ay sigurado akong maririnig niya ito.
Is it really him?
Khal? The Khal I knew?
The Khal whom I like?
The Khal who left me without saying goodbye?
I froze when he stopped midway.
Ang papalubog na araw ay nagbigay ng kahel na liwanag sa paligid.
Kasabay ng pag awit ng mga ibon ay ang tila padahan dahang pag lingon ng lalaki sa akin.
It is Khal.
-Mck-
Chapter 5
Chapter 5
“K-Khal…” I accidentally uttered.
Nakita ko ang kaniyang mabagal na paglingon.
Kaya bago pa man siya tuluyang makaharap sa akin ay agad akong nag iwas ng tingin at awtomatikong kinuha ang cellphone sa aking bulsa. Tinago ko rin ang papel na hawak sa aking likuran.
“Khal… u-uhmm Khal- kalye! T-tama kalye! Sa kalye mo nalang ako hintayin Papa. Palabas na ako sa iskul.” Kunyari kong kausap sa telepono. Napapikit ako sa naisip na palusot.
Di ko siya nilingon dahil baka mamukhaan niya ako?
Kilala pa kaya niya ako?
Ewan pero sa mga nakalipas na taon siguro nga di na niya ako maalala.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang kaniyang mapanuring tingin pero kalaunan ay parang nabunutan ako ng tinik nang nagpatuloy siya sa paglakad palayo.
Mula sa malayo ay tinatanaw ko ang kaniyang paglakad. Ang kaniyang malapad na balikat. Ang kaniyang mahabang biyas. Tila sariwa parin ang kaniyang pabango sa aking ilong.
Napangiti ako.
“Hala!
Tumigil
ka
nga
gaga!
Dapat
galit
ka
Katkat
dahil
iniwan
ka
niyang
di
man lang
nagpapaalam
.“ Pangaral ko sa sarili.
Hanggang sa pagdating sa bahay ay ginugulo ako ng aking isipan.
“
Bakit
siya
bumalik
?“
“Dito na
talaga
siya mag
aaral
for real?“
Bakit
kaya
sila
umalis
?“
“Hoy! Kakain na! Naka nganga ka diyan.” Istorbo sa akin ni Ate sabay hampas ng mahina ng unan sa aking mukha na agad ko ring ginantihan.
Habang nasa hapag ay dala dala ko ang mga palaisipan.
“Nakabalik na pala ang pamilya ni King De Buenavista dito sa Antique. Mabuti naman at naisipan nilang bumalik.” Rinig kong sabi ni Mama kaya napa alerto ako at nag focus sa pakikinig. Napansin ko rin ang pagngisi ni Ate nang mapansin niya ang aking biglaang pag uusyoso.
“Oo noong nakaraang linggo pa sila nakabalik. Laking tuwa nga ng Don dahil may kaakibat na siya sa pamamahala sa kanilang negosyo at mga lupain.” sagot ni Papa.
“Kailangan niya talaga ng tulong mula sa anak na si King dahil bali-balita na tatakbo sa mas mataas na posisyon ang Don sa susunod na halalan.”
“Nandiyan rin si Khal. Kahit sa murang edad ay di maitatanggi ang kakayahan.” Napa angat ang aking mukha sa tinuran ni Papa.
“Ang panganay?”
“Oo. Balita ko’y dito na mag aaral ang batang yon, sa NAU.” sagot ni Papa.
“Naku napakagwapong bata non! Yan ba yung dating crush mo Katkat?” mapaglarong tingin ang pinukol sa akin ni Mama kaya nabulunan ako bigla na labis nilang kinatuwa.
“Anong crush dati Ma? Crush parin hanggang ngayon!” Tawa ni Ate kaya biglang uminit ang aking pisngi.
“Ate! Hindi ah! Bata pa kami non. Di nga ako kilala non. Di ko rin siya kilala. Umalis ba namang di nagpapaalam.” Bulong ko sa huling salita.
At hanggang sa matapos ang hapunan ay sentro ako ng tukso.
Napahiga ako sa kama at nakatingin sa mga glow in the dark na mga bituin na pinaskil ko sa ceiling ng bahay.
Siya nga yon kanina.
Dito rin pala siya mag aaral. Isa lang ang ibig sabihin non.
Sa mga nakalipas na taon ay di ko maialis sa isipan ang kanyang pag alis.
Ngayong bumalik siya ay tila bumalik rin ang ang kakaibang pagtibok sa aking dibdib.
Bumalik nga ba? Parang di naman nawala?
Kinaumagahan ay dahan dahan kong tinunton ang aming hagdanan pababa.
“Ikumusta mo nalang ako sa mga De Buenavista Romeo.” dinig kong sabi ni sa nagmamadaling si Papa.
“Anong meron Ma?” Tanong ko habang tanaw ang kaka alis na second hand na kotse ni Papa dahil di namin afford and brand new.
“Si King daw ang tatayong head muna sa factory dahil busy si Gov. Mag i-inspection daw ngayon.” Napatango ako sa tinuran ni Mama.
“Diba kakauwi lang nila kahapon?” Tanong ni Ate Mira na tumabi sa akin.
“Iba ang mundo ng mga mayayaman Mirandra, para kay King normal lang yan. Naku nang bata pa kami ay madalas siya ang nagpapatakbo ng pabrika.”
“Tataas na naman ang sahod ng mga manggagawa niyan. Balita ko nag boom daw ang De Buenavista Coco Farm sa market.” ani Ate
“Naku sayang yon Ma.” Pagdagdag ko at agad niya kaming dinilatan.
“Heh! Nag resign ako para may mag aalaga sa inyo. Mga burara pa naman kayo pag kayo lang dito sa bahay. Saka sapat na rin ang Papa niyo ron.”
“Ilang taon na ba ang serbisyo ni Papa sa mga De Buenavista Ma? Bakit di pa rin siya na pro-promote?” Kyuryosong tanong ni Ate.
“Mira, malaki ang utang na loob natin sa De Buenavista, mag dadalawampung taon na ang Papa mo roon at sa mga taong iyon hindi sila nagkulang sa pagtulong sa atin.” ngiti ni Mama na kinagalak ng aking puso.
Mababait talaga ang mga De Buenavista, di ako nagkamali sa pagpili ng aking future in-laws.
“Di nagrereklamo si Papa pero marami yang iniisip Ma, hanggang kailan siya makukuntento sa ganyan?” walang prenong sambit ni Ate.
“Bunganga mo Ate.” suway ko.
“Just saying.” sabi nito at nagkibit balikat.
“Basta kung saan happy si Papa at ang pamilya, forda go ako!” Ngumiti naman si Mama sa tinuran ko.
“Hinigop ba naman ni Katkat yung sabaw! Eh mainit, hahaha napaso tuloy! Hagalpak ni Eliza nang makarating kami sa shed sa harap ng classroom pagkatapos mananghalian.
“Tas ang malala, binuga pa sa mukha ng malditang serbidora!” Dagdag ni Nevi at tila mangisay na sa kakatawa ang dalawa sabay apiran pa.
Lumapit naman ang iba kong mga kaklase at iilang kakilala para maki usyoso at makitawa. Lalo pa’t pareho kaming lahat ng common enemy. Si Bridget na serbidora sa canteen na nasa late twenty’s, bukod sa maldita at mataray ay di pa kagandahan ang ugali, idamay na rin ang mukha. Yong serbidorang mag oorder ka ng ulam, pagbigay sa’yo walang sabaw tapos padabog pang ilagay sa mesa. At kung magbabayad ka ng walang sukli, ikaw pa ang sasabihan na “Ano
tingin
mo dito? Fastfood? Next time wag ka na
bumili
kung wala kang
pambayad
na
barya
.“ Harsh si Anteh.
“Hanep! Idol ka talaga namin Kat.” Tawa ng isa. Para akong pulitiko dito dahil lahat sila nakapalibot sa akin. Tumayo naman ako sa upuan ng shed para makita nila ako lahat.
“Hindi ko kasalanan, sampung minuto ko nang inorder ag sabaw dahil kako gusto ko di na mainit. Aba si Anteh ang sabi wag daw akong maarte dahil di bagay. Ang order kong sabaw thirty minutes nang dumating eh gutom ang ferson kaya hinigop ko na pagdating…” Tumawa ang lahat at naghintay sa kung ano ang susunod kong sasabihin. Lumapit na rin ang iba para maki usyoso.
“Mainit pala kaya nabuga ko sa mukha niya. Yung mga repolyo at maliliit na karne sumanga sa buhok at mukha niya.” Naki sabay ako sa tawa nila dahil naalala ko ang mukha ni Bridget.
“At ang hahaha exciting part hahaha.” paghihintay ni Eliza.
“Sabi ko… Bridget pochero ang order ko, sa sobrang asim ng mukha mo, akala ko sinigang!” At dumagundong ang tawanan sa banda namin, na pati mga higher years ay nakatuon sa amin.
“Noisy juniors.” Baritong tinig ng lalaki mula sa di kalayuan.
Napalingon ako at halos lumuwa ang mata nang mapagtantong papalapit ang grupo ng mga lalaking seniors.
Agad nagsinghapan ang mga babae at tumabi sa daan.
Khalum Vernon came dashingly handsome with his perfect hair ang smug face. Tailing him is his classmates, Four alpha males na mga haciendero rin at popular boys sa campus.
“Yung apo ni Gov.” Halos mangisay na sabi ng isa.
“Si Morgan ang pogi!” Eliza squeaked.
Nakanganga naman akong nanatiling nakatayo sa bench habang nakasunod ang tingin sa kay Khalum.
Nakatingin lang siya sa unahan, hands on his pockets and damn, his perfect well- defined jaw is very manly. Shocks bakit ganito na siya ka gwapo?
“Hayop ang pogi.” I mindlessly uttered when he’s exactly in front of me. I heard his friends laugh. He paused for a while.
“Gaano ka gwapo Miss?” Sabi ng isang moreno na may mapaglarong ngiti sabay ayos ng buhok nito, si Yshmael Cuerva. Some girls squealed na parang isdang nilagyan ng asin.
“Assuming.” hina kong sambit pero ang mahina pag ako bumigkas ay di talaga mahina kaya rinig ng lahat.“
“Ouch. Strike one.” tawa ni Morgan na siniko ng isa sa likod nang mapansing sumeryoso si Cuerva na sikat na pikonin.
“Harsh ka baby girl, di ka naman kagandahan.” he pouted na parang nasasaktan. The guy from the back Harris elbowed him.
I shrugged my shoulders.
“Di ko naman sinabing maganda ako. Di ako assuming eh. Saka okay na ang di kagandahan basta di nangungulelat sa Math. Di rin naman ako matalino pero di seventy eight yung grade ko.” I smiled.
“Double kill par.” Morgan clapped sabay tapik kay Cuerva. Namula ang mukha nito but he managed to smile.
“Di ako assuming, alam kong gwapo ako. If not me, meron pa bang iba?” he asked jokingly. Nairita ako sa tinuran nito.
“Oo, si Khallum. Crush ko siy–.”
Doon ko na realize what I’ve said. Ang bunganga mo talaga Kath sarap lagyan ng preno. I bit the insides of my tounge after realizing what I said.
I saw him didn’t bulge to my bold utterance.
“Oh.” Surprised na sabi ni Cuerva dahil nabigla rin sa aking walang prenong pagsambit.
“Ikaw pala bro. Another one.” Dagdag ni Morgan.
My inside wanted to burst dahil sa sobrang kahihiyan. My cheeks burned in a moment. Khallum started to walk like he heard nothing. Di ko alam kung malulungkot o mahihiya. The other boys followed him.
“What a brave confession Miss…” Yshmael traced my ID.
“Katarina…” He smirked after mentioning my name.
“Pacete. Nice name.” Dagdag pa niya. My eyes narrowed to Khallum when he stopped momentarily upon the mention of my name.
Does he remember me?
But my hopeful thoughts vanished when he continued to walk away but I was taken aback when I saw his left lips rose.
Did he smile or something? Or baka nagmamalikmata lang ako.
“That was epic!” Nevi blurted out. Agad naman akong napaupo sa bench, and the students went to their own agendas, may iilang nakiki usyoso parin.
“Siya pala crush mo ha!” Tawa ni Eliza.
“Yung apo ni Gov na transferee.” She added.
“What have I done?” Ginulo ko ang sariling buhok.
“Isa lang ang sigurado, di na secret ang pagkagusto mo sa kaniya.” Nevi clapped as she laugh.
“What the…” Para akong maiiyak.
Some things are better left unsaid.
Pero may mga bagay na dapat sabihin…
Na dapat ibigkas.
Actions speaks louder than words,
But some words are enough to express what you mean, and feel.
Pero shuta…
I just confessed to a De Buenavista!
McK
Chapter 6
Chapter 6
“Tapang ng apog ng fren natin noh. Sabihin ba naman sa harapan mismo!” Eliza laughed.
“Stop! Normal lang naman mag ka-crush ah. Saka kay Khallum naman na alam kong marami rin ang humahanga.”
“Yan, validate mo pa sarili mo girl.” Tawa ni Nevi.
“Saka sa daming humahanga sa kanya, you’re the icing on the top.” dagdag ni Eliza.
Napa isip ako sa tinuran ni Eliza. Is it a good thing? Mapapansin niya kaya ko kung magpapapansin ako sa kaniya. What’s the catch?
I exhaled my questions.
“Bahala na, basta alam ko gusto ko siya.” tanging nasabi ko.
Siguro totoo nga. Nakakabobo ang mapasailalim sa sumpa ni Kupido.
“Dali. I-stalk natin sa social media. Sure ako madami na friends request at followers niyan.” At hinila nila akong umupo sa bench sa ilalim ng tree house na yari sa Narra.
“Wag na maarte, di ka pretty sis. Peram ng phone, pa hot spot.” Hilaw na ngiti ni Nevi.
“Yan tayo. Okay na di maganda kaysa sa naka Iphone tas mag ha-hotspot sa Android.” I rolled my eyes.
“Kaya ka love namin.” At humalakhak ang dalawa. Binigay ko naman ang phone ko sa kanila.
Alam ng mga hunyetang ito ang password ko, obviously they knew almost everything about me.
“Kaloka ang wallpaper mo Kat, mag iisang taon na to ah.” puna ni Eliza which I didn’t mind. Binalik naman nila ito sa akin.
“Mga user.” I hissed.
“Shuta! Twenty three thousand followers sa Instagram!”
“Saan yung account niya dito, puro poser eh. Ano ba yan, dalawang picture lang ang laman ng IG. Yung isa silhouette, tas puno naman yung isa. Boring naman ng crush mo.” Maktol ni Eliza.
“Teka tingnan natin sa mga tagged posts nina Yshmael. Baka ibang pangalan lang ginagamit niya.”
“Ito na! Eto na, yung silhouette yung profile pic gaya sa IG. Ito rin naka tag sa mga posts ng nila Ysh at Morgan.” Nevi successfully said but she looked confused and looked at me.
“Parang ito yung wallpaper mo Katrina ah.” sabay pakita sa akin ng isang post ni Khal na silhouette. At sabay silang nagtinginan.
“Gg ka girl! Matagal mo na pala siyang crush? Like very matagal na?” Eliza shrieked.
At doon ko na kinuwento ang lahat. Dahil alam kong walang gamot ang pagiging chismosa kundi ang gatungan ito ng tsismis.
“Kaya pala di ka masyadong naglalandi kasi reserve ka na.”
“Anong plano mo?”
“Nev, ang crush- crush lang. I like him pero…”
“No! Imagine the possibilities, be positive sa life!”
Kinuha ni Eliza ang phone ko at nakita ko kung paano niya pindutin ang Add Friend sa screen.
“Walang silbi yang FR kasi di siya active jan.” puna ko
“Let’s throw our chances na. You got us, push natin to.” And the two grinned. devilishly kahit alam ko sa sarili na imposible nito
Minsan napapaisip ako. May mga tao talaga tayong gusto na lalo lang lumalaki at nagdedevelop ang feelings kasi may mga kaibigan tayong tinotolerate at sumusuporta sa atin kahit walang kasiguraduhan. Di ko alam kung gusto nila akong tulungan o gusto nila akong mapahiya. Napatingin nalang ako sa dalawa na ngayo’y nakatingin parin sa akin at nakangiti.
Hapon na and excuse kaming mga officers ng Sports Club sa Grade level namin to have a school chapter election. Pati ako ay nasurpresa dahil di naman ako athletic pero naging President ako bigla, sarap sabunutan ng dalawa kong kasama. Sino namang baliw ang mag nominate sa akin na mataba at walang sports? Pagsapit naman ng botohan ay mag ronda ang dalawa at nanakot pa ng batchmate na ako ang botohin. Mga loko loko, kaya ito, El Presidente ang lola nyo.
“Fren, bat mo naman kami ina-point na maging officer.” Busangot ni Eliza.
“Deserve. Damay damay na to. Diba nga, wag gawin sa iba kung ayaw din gawin sa inyo.” I grinned matapos ko silang i-apoint na officers.
“Si Sir naman kasi, gawa gawa ng club. Wala naman to dati ah.” Reklamo ni Nevi.
“Congrats Batchoy.” ika ni Eurick na asungot sa likod ko.
“Sa’yo rin Vice-president.” Panunuya ko sa kaniya na nginisihan lang niya. Eurick is a basketball player kaya okay lang sa part niya masama sa club na ito. Anong lugar ko dito?
Pagsapit sa conference room ay nakatingin sa amin ang ilang officers din ng ibang grade level, marami rami rin pala.
“I guess dito na ang lahat.” facilitate ni Sir Andro, ang adviser ng organization.
He continued with his introduction and the agenda, habang ako naman ay parang kuto na nakisiksik at naghahanap ng upuan.
“Success!” medyo napalakas kong sabi nang may ma tyempohang bakanteng upuan. Napagawi naman sa akin ang lahat.
“Sorry po. Happy lang.” I nonchalantly uttered at dumeretso upo at nagpatuloy ang lahat. Nakita ko sa malayo sina Nevi at Eliza na na stuck sa kabila. Para silang may sinesenyas pero di ko maintindihan.
“Ano!” Bulong ko sa hangin. Para kaming mga timang kaya tumango nalang ako ng tumango na parang aso sa dashboard ng sasakyan para tumigil ang dalawa.
I heard a soft chuckle behind.
“Cute ng officer ng lower years.” salita nito. Alam kong cute ako pero di na ako nag assume na ako ang sinasabihan nya.
“Hi Kat. Officer ka pala? It’s me ang gwapong si Yshmael” bulong nito.
“Damn. Nilalandi mo agad Ysh.” suway ng isa na nahihimigan ko rin ang laro sa boses.
Nakangiti akong lumingon sa damuhong ito.
“Ay hindi Cuerva. Janitress ako, kaya ako nandito. Gusto mo linisan ko bunganga mo? Ingay.” I fired back without throwing a glance, and the two laughed lowly.
“Anong sports mo? Amin kasi football.” he teased.
“Paki ko.”
“Alam ko na sports mo… ang tumakbo sa isipan ko.” and the two laughed again suppressing to make a sound. Narinig kong sinuway sila ng isang kasama.
Handa na akong sumingal. I frantically balled my fist and was about to fire back at them when my face glued on the guy beside me.
Khalum on his white pleaded shirt, looking in front na parang wala lang narinig. Ngayon ko lang siya nasilayan ng malapitan.
He’s like a Greek god upclodese, his masculine jaw, thick dark brows, golden brown eyes, and mint scent… a statue in Athens can never equal him.
I can almost feel myself drooling. He noticed my thorough stare kaya tumingin siya sa akin, and for a brief moment I could almost hear my heart running away from my body.
“H-hi.” I uttered and I plastered a wide smile at him.
“Iba ang gusto bro.” Morgan elbowed Cuerva. Ibinalik naman ni Khal ang atensyon sa unahan, while I am still stuck wondering his picturesque. Muntik kong naalala na di pala ako naka liptint. I fidgeted as I worry about my looks. Tumingin nalang ako sa unahan kahit ma atensyon ko ay nakalagi sa kaniyang bawat pag galaw. Gusto kong singhotin lahat ng hangin dahil amoy niya ito.
“President has been nominated…” napabalik ako sa ulirat nang tumayo si Khal at dumeretso ito sa harap. Takte, na nominate pala siya sa President ng club. Lutang moments.
As expected he won the presidency at land slide pa. Nag speech siya ng konti, nakita kong kinikilig ang mga babaeng naririto. He has a masculine voice na parang magpapa ihi sa iyo. Kimi. He’s very eloquent as well, alam mo talagang matalino dahil sa word choice nya.
Hulog na hulog na naman ang lola niyo.
“Close your mouth Kat.” hirit ni Morgan.
“Che!” Pagmamaldita ko.
“The table for the nomination of Vice-president is now open. Any nomination?” Khal monotonously announced.
Nagsitaasan ng kamay ang mga kababaihan habang naghahagikgikan. Lalandot.
“I nominate Georgette of Table Tennis from Grade 10.” Tumayo naman ang babaeng sinabi niya. Ang gara nyang tingnan.
At kung sino sino pa ang na nominate.
“I nominate Katrina Pacete for VP!” sigaw ni Eliza kahit di naman ito tumaas ng kamay.
“I second the motion! Adjourn!” hirit ni Nevi. Gusto kong matawa sa kanila pero nang ma internalize ko ang pangyayari ay para akong cellphone na nag re-red ping sa sobrang delay at lag.
“Na nominate ka Kat!” Tawa ni Cuerva.
“H-ha?” tangi kong nasabi. Napadako sa aking ang tingin ni Khal na bahagyang nakataas ang kilay. It’s like he’s wondering bakit ako?
Ako rin… bakit ako?
“Pacete has been nominated” he confirmed.
“Ha? A-ayoko. N-no I resign!” I blurted out.
Nagtawanan naman sila.
“Laro!” ika ng isang Senior High.
“Punta ka sa harap.” Morgan held me to stand up and slightly pushed me forward.
“Please be in front Ms. Pacete.” Khal requested that it almost sounded like an order.
Alipinin
mo ako!
Napatingin ako sa dalawang kaibigan sa di kalayuan na ngayo’y nag pe-peace sign.
“Bakit siya?”
“Anong sports niyan?”
“Sports ba ang eating contest?”
Rinig kong sabi ng iilan.
“Quiet.” suway ni Sir Andro.
Apat kaming na nominate at puro babae. VP ba to o Muse? Parang selection na to ng Miss NAU.
Ayy Miss NAU ako? Baka Miss NAUntog pwede pa.
Nagkanya kanya nang speech ang tatlo. Lahat ng achievements at kung ano ano pa ay sinabi na nila.
Anong achievements ko?
God among men?
Seven win streak?
Pwede ba mga achievement sa mobile legends?
Miss Kindergarten kaya?
Madami ang nagpalakpak kay Georgette. Mabait kasi siya saka maganda at matalino. Tas ako eto, mataba lang.
“Hi everyone, I am Katrina Pacete, Katkat for short. Wala akong sport, obviously naman.” nag bow ako ala prinsesa at tumawa ang marami.
Nagbilang na ng boto, bawat grade level ay suporta sa kanilang repsentative. Marami ang bumoto kay Georgette. Tiyak siya ang mananalo.
“Raise your hand if you’re in favor of Miss Pacete.”
Nagsitaasan ng kamay ang mga officers ng grade level namin. Si Eurick ay sinubukan pang itago ang kaliwang kamay sa likod ng isang officer for another count. Si Nevi at Eliza ay pinandilatan at siniko ang mga katabi para botohin ako. Nagtaas din ng kamas sina Morgan at Cuerva, habang ang dalawa nilang kasamang lalaki ay nagboto rin sa akin dahil tinaas ni Cuerva ang mga kamay nito.
“Thank you all.” Bungisngis ko. Happy na ako sa suporta nila.
“We have a tie. Georgette from grade ten, and Pacete from grade nine.” Khal clarified.
Umugong ang mga bulong bulungan, everyone has their bet.
“How about you Mr. De Buenavista? Who would you vote?” Sir Andro asked kaya lahat ay napatingin sa kanya. Namayani ang katahimikan.
I hoped there’s a part of him na kilala ako.
And he’ll use that to choose me.
He paused for a while.
He looked at me and I flashed my smile at him.
My breathing hitched.
“I think Georgette is more suitable in the position.” he stated out plainly.
Walang namang nahulog na kung anong bagay sa conference room, but I can here a shattering sound.
It’s my heart.
Amidst the silence, I heard Nevi gasped.
Yumuko ako at nagpilit ng ngiti.
Sino ako para piliin niya? Memories from our childhood flashed in my mind.
All of it, straight into trash can. Wala pala ang lahat ng iyon.
“Based on their introduction earlier. We all heard Georgette’s accomplishment. She’s an athlete so I know she understands the organization well. I also acknowledged her intention on why she ran for the position. She based her reasoning objectively. She wants to be part of the org because she wants it, not because she likes to be together with someone on the org.” he added.
My heart started to swell, and my eyes are slowly betraying me.
Is he implying that I want to join the org because of him? Dahil parte siya nito at gusto ko siyang makasama?
Is he saying I am being subjective? How can he decide on things just because he knows I like him. He’s being unfair.
“Sinasabi mo bang gusto ni Katkat maging VP dahil gusto ka niyang makasama?” Eurick retaliated. I can sense he is pissed.
“I am just assessing and giving my opinion.” kibit balikat nito na parang wala lang.
I won’t cry.
I shouldn’t.
It’s too petty.
“Sir, I think our President is the one who is subjective here. He is in favor of Georgette because she is his classmate. Second, accusing someone is a serious allegation. For all people, he should be the one practicing fairness here.” Eurick reasoned seriously. I caught Khal in a dangerous stance as I saw his jaw clenched.
“It’s o-okay Eurick. It’s okay S-sir.” pagsisinungaling ko.
The tension remained static. As everyone voiced out their opinion in chorus hanggang sa di ko na maintindihan.
“Quiet officers!” suway ni Sir Andro.
“I have a suggestion. If I may?” Tumahimik ang lahat at kami ay napatingin sa nagsalita.
“Sure Mr. Tajriel Othelo Xavier.” napadako ako sa isang lalaking katabi nina Cuerva. He’s the quiet pero matalinong type sa kanilang lima.
“How about we ask them one question. The one with good answer will shoulder the responsibility.” seryoso nitong sabi. He glaced at me for a while, then he went back on reading the book he’s holding.
“Thank you Mr. Xavier. Well, then here’s the question para matapos na ito.” walang advertisement na sabi ni Sir Andro.
“What do you thing is the reason why this Organization was established?” Napaisip ang lahat. We paused for a bit, then I saw Georgette raised her hand gracefully.
“As an athlete myself. I knew very well that capitalism functions differently. Money can push boundaries and with it, we can reach certain extent. This organization, can fund athletes and help them to rise with their potential. I am not saying I have money to help this club go beyond. Isn’t it obvious? Almost all of the officers elected here came from well-heeled and prosperous families. Because everyone knows that we can finance the need of the student athletes who cannot afford for themselves. It’s almost like an obligation, giving charity. They need us. Painful it is but that’s reality that we have right now. I can be your Vice president because I know I am capable of more.” Georgette’s tone changed a bit pero bumalik rin ito sa dati.
“How about you Ms. Pacete?” Tiningnan ako ng lahat.
Napaisip ako dahil kahit ako ay di alam ang isasagot.
I took a deep breath.
“Di po a-ako athlete. D-di rin po ako mayaman.” I started nervously.
“But I do t-think this organization is beyond money.” I saw Georgette’s brow arched.
“Although naniniwala ako pera ang gumagalaw sa halos lahat, I always believe na this organization is established hindi dahil kailangan tayo ng mga estudyanteng atleta, we are here dahil kailangan din natin sila. We need them too.”
“Are you saying we need them, rather than them needing us? Hypocrite.” Pagtataas boses ni Georgette.
“Let’s hear her first.” Khal spoke.
“We need our student athletes. We need their trust… we need them to rely on us because if we can’t then who will support them?” I saw my friends smiled at my response.
“All of you understand how difficult it is to fight for something, all of us need a support system, a strong threshold, a foundation to push us to fight for more… A home. And a home without them isn’t a home.” My eyes went outside.
“You don’t understand! Sino ang mag fi-finace sa mga pulubing katulad nyo kung wala kami? We need you? How pathetic!” pasigaw nito na kinabigla ng marami.
“Pulubi kami, pero kailangan niyo ng mga pulubing ito para iangat kayo. Do you think people would appreciate you if you remain forever in a jewelry box? Diba hindi? Ang mga ginto, kailangang makihalo sa putik para makita sariling ang halaga nito. Para makita ng lahat ang kinang nyo. You need poor student athletes make everyone think you are kind, you are generous. You need our filthy smell para bumango kayo lalo sa mata ng lahat.”
“Money can move mountains, but it isn’t everything Georgette. A mere clap, a cheer. Iba ang magagawa ng ‘kaya mo yan’, the comfort you can give to others, the assurance that we will stay with them regardless the result is fulfilling. We need them as much as they needed us. They bring honor to our school, they are our pride. We need student athletes because they are an inspiration to everyone, because their stories transcends against the norms, and when it echoes loud, our university- our organization will take the credit.” I said with conviction.
“I didn’t join this club just because I like a boy.” Our eyes momentarily met and I am the first one to drop it. But I didn’t let it bulge me.
“I want to be your Vice President because I want to understand more our student athletes, I want to shoulder they’re worries. I want to be with them, win or loose, as long as we’re together, we will rise.”
A defeaning silence waited for me.
“Pacete is my Vice-president.” ika ni Cuerva sabay palakpak.
“Pacete is my Vice-president.” sunod ni Morgan at sunod sunod na sila habang nakatayong pumalakpak at nag hiyawan naman sina Eurick.
“Do we have to vote pa ba?” Nevi rolled her eyes to Georgette, the latter exited the conference room with tears flowing on her cheek.
“Well then, our Vice-president is Ms. Katarina Pacete.” Khalum stated.
Napabuntong hininga nalang ako. Dahil parang nabunutan ng tinik ang aking katawan.
Natapos ang election at nagsipag alisan ang lahat maliban sa aming pangkalahatang opisyales. We had our meeting for the upcoming activities and it ended well.
“Mauna na kayo, dadaan pa ako sa pabrika, kay Papa.” I ended the call with Eliza briefly. Niligpit ang gamit at handa nang umalis sa conference room nang mapansing kami nalang dalawa ni Khal ang naiwan dito.
I remembered na di niya pala ako binoto kanina. My heart pained for awhile but I discarded the thought of it.
“Congratulations.” he added while looking seriously at me.
“Punyeta.” I muttered when I drop my notebook and my one fourths scattered.
“Did you swear at me?” He blanky said, still eyeing at me.
“Nope. My papers.” tipid kong sabi na may halong inis. Agad kong pinulot ang mga ito.
“Let me help you.”
“Wag na.” Putol ko sa pag akma niyang paglapit.
“Mahirap na baka maiwan sa ere ang tulong.” makahulugan kong sabi.
“You won.” His brow arched in a confuse manner.
Cute niy- heh! Shut up self.
“Panalo nga ba?” Tumayo ako at aakmang aalis na.
“I really thought you want to join because of a man.” It isn’t an apology. I turned to face him.
“I thought so too, turns out he isn’t a man, he’s just a boy.” I smiled at him. He looked so serious. Kinabahana ako kaya gusto ko nang umalis.
“Stop.” He ordered.
Hala baka may kutsilyo siya at saksakin ako, though ibang kutsilyo ang gusto ko kimi. Beads of sweet rolled my face.
“You drop something.” He picked up a paper of mine, he looked at it for a while and I saw a ghost of smile.
Baka pinagtatawanan na niya yung sulat kamay ko, eh parang Grade one section thirty yung penmanship ko. Baka ma turn off!
No! Kinuha ko sa kaniya ito na halos mapunit na.
Nasa pintuan na ako nang magsalita siya.
“Nice name.” he chuckled.
“Alam ko.” I looked at the paper I am holding. My eyes gawked and my soul exaggeratedly unzipped my body and ran away from me.
Hunyeta ka Katrina Millicent Pacete ng Baryo Sapang Bato- Kalye tres!
Binasa ko ulit ang nakasulat sa papel.
‘KATRINA MILLICENT DE BUENAVISTA’
I am so dead.
“Hey Miss VP…”
“You have a good taste.”
McK
This chapter is dedicated to all athletes. Mabuhay kayo!
Congratulations CARLOS EDRIELLE
YULO
for bagging not one, but two Olympic Gold Medal.
Para sa
Pilipinas
!🥇🥇
Chapter 7
Chapter 7
Agad akong napasandal sa pader nang makalabas ng conference room.
What was that?
Dali dali akong naglakad palabas ng building at tinahak ang daan papuntang sakayan na isip isip ang pangyayari kanina.
Despite the frustration and disappointment I felt for him, a part of me cannot escape the butterflies he’s giving.
Napatingin ako sa aking relo at mag aalas sais na pala. Nagsisimula nang magdilim ang paligid. Palinga linga at napansin na bilang nalang ang traysikel papuntang bahagi ng hacienda.
“Ineng san ka?” Ako’y nagitla at napatingin sa lalaki sa aking harapan.
“Sa De Buenavista Co- ah meron ho a-akong sundo.” pagsisinungaling ko nang masilayan ang malagkit na tingin ng lalaki nasa edad apat na pu.
“Sa Coco Farm ba? Halika na. Ihahatid nalang kita.” pag imbita nito sabay giya sa akin sa kanyang traysikel na walang pasahero.
“M-may sundo ako. S-sige na po.” Salita ko ng paatras. Nagsimulang mag alab ang takot sa aking loob. Walang tao sa malapit. Hinigpitan ko ang kapit sa aking bag at handa nang tumakbo.
“Wag na makulit. Sumama ka n-”
Pareho kaming tumingin sa kotseng huminto sa aming tabi at bumusina ito. Mula rito ay bumaba ang isang lalaki.
“Mang Dario!” Halos umiyak ako sa pagtawag sa kakilalang drayber ng mga De Buenavista. Madalas kaming magkita at magsama ng mabait na drayber tuwing hinahatid o pinapasundo si Papa sa Coco Farm.
“May problema ba rito Katkat?” Seryosong tanong ni Mang Dario na kinanliit ng lalaki.
“A-ah ikaw pala Dario. S-sige miss meron pala akong pupuntahan pa.” ika nito saka dali-daling umalis. Agad namang akong nabunutan ng tinik.
“Pupunta ka bang Coco Farm? Sakay na Katkat.” Imbita sa akin ni Mang Dario. Tumango ako saka dumeretso papasok sa front seat. Naamoy ko ang pamilyar na pabango na di ko mawari kung saan ko ito naamoy. Siguro ay nagpalit ng car refreshener si Mang Dario.
“Pag ganitong oras na dapat nasa bahay kana Katkat, o di kaya ay makasama ka. Sa panahon ngayon naku delikado. Maraming mga halang ang bituka nagkalat kahit dito sa Bugasong.” Alala nitong sabi habang nagmamaneho.
“Salamat po Mang Dario, you’re my savior for today’s video.” Ngiti ko para mapapagaan ko ang loob
“Kung di dahil sa inyo ay baka na kidnap na ako. Sadyang late lang kasi kami natapos ng meeting kaya naloka rin ako dahil magtatakipsilim na pala. Saka pinagsasabi kasi ni Mama na kailangan kong pumunta ng Coco Farm kasi may mga gamit na pinapauwi si Papa. Busy daw kasi saka may travel kaya di siya makakauwi.” mahaba kong sabi with matching hand gestures.
“O siya, napaka daldal mo talaga. Iisa palang ang sinasabi ko, sa’yo mag sasampo na.” napatawa ito.
“Di naman Mang Dario. Sadyang close lang talaga tayo.” while showing him my crossed fingers.
“Kumusta naman ang klase?” Tanong nito habang pasilip silip ang mata sa rearview mirror.
“Okay lang naman. Ewan ko ba, halos magsunog na ng kilay ang lahat, dapat minsan enjoy enjoy rin. Alam mo ba Kuya Dario. Umuwi na pala yung mga amo ng De Buenavista, bakit di mo sinabi sa akin?” maktol ko
“A-ah di naman. Katkat kas-”
“Alam mo pa ba Mang Dario, nag transfer siya sa NAU naku naman, nang makita ko siya parang hinukay yung tiyan ko. Ang pogi niya as in!” putol ko sa kaniya.
“Walang panama ang mga ibang haciendero dito. Tapos ang taas niya, eh mas mataas naman ako sa kaniya dati. Siguro’y nag turok siya ng gloxy, yung pampataas.”
“Katkat…” pigil na tawa ni Mang Dario.
“Pero sinasabi ko talaga Mang Dario, pag tumingin siya parang malalaglag ang panty kong hello kitty. Kaso parang sumama ang ugali. Palaging nakabusangot ang mukha pero bagay naman sa kaniya pero masama talaga ang ugali eh. Siya kaya yung dahilan kaya late kaming natapos mag meeting. Daming alam eh.” walang preno kong sabi.
“So you’re saying it’s my fault that you’re harassed?”
“Di Mang Dario ano ka b-” napatigil ako nang maulinigan na umiba ang boses niya at parang sa likod ito nagmula. Binalingan ko ang drayber at pigil ito sa tawa kaya lumingon ako sa likuran at doon ko pinalangin na kung sana ay totoo ang espirito ng utot ay sana kunin niya ako at isabay sa hangin.
Khalum’ stoic face with his arched brow welcomed me. Bakit siya nandyan?
“Hinayupak na kalabaw na may limang anak.” tangi kong nasabi.
“What?” Suplado nitong tanong na lalo kong kinamutla.
“W-wala.” My eyes roamed inside the car trying to find a good reason.
“Ang s-sinasabi ko kay Mang Dario, napakabait mo kamo.” palusot ko saka baling kay Mang Dario para humingi ng tulong pero ang matanda ay umiwas ng tingin at naglinga linga sa kabila.
“Instead of badmouthing me, you can also leave the car.” prente nitong sabi habang nakasandal sa upuan.
“Pwede bang pahintuin muna ang sasakyan bago ako bumaba?” I asked and covered my mouth. Alipin talaga ako ng bungangera kong bibig. My mouth would speak without thinking things.
“Stop the car.” He ordered.
“Joke lang naman, ito di mabiro. Thank you ha sa pagpapasakay sa magara mong sasakyan senyorito.” nag bow pa ako.
“Just close your mouth, you’re noisy as a preschooler.” Arogante nitong sabi.
“Aba ano- sabi ko nga tatahimik na.” pag iiba ko nang tumalim ang mata nito.
Huminga ako ng malalim.
“Thank you.” tangi kong nasabi.
“Just shh.” Tanging tugon nito saka nilagay ang kamay sa noo na parang namromroblema. At bilang isang understanding na asawa, I refrain myself from talking.
Pero di talaga kaya dahil pagkaraan ng ilang minuto ay nakipag talak na naman ako kay Mang Dario. Nang napatingin ako sa rearview mirror ay sinalubong ako ng kaniyang mga mata. This time, his arms are crossed on his chest. Halatang na bwibwiset na. I zipped my mouth.
Sumandal nalang ako sa upuan at tumingin sa mga naghihilerang mga puno na madadaanan sa labas.
I closed my eyes for a moment. I inhaled deep as his familiar scent soothes me. Ang bango talaga niya. I started to hum a song and got lost in the scene in front of me with his scent fueling me.
Lumipas ang kalahating minuto, I looked at the mirror and found him with his eyes closed. I find it amusing how he sleeps like a gentle lion. Nagkaroon ako ng pagkakataon para masilayan ang kaniyang mahimbing na mukha. He really matured. His well defined jaws were very evident. He looks dashingly handsome and perfect. How I wish I can stare at it for a lifetime. I smiled.
“Ihahatid ka muna namin Katka-.” Di na natapos ni Mang Dario ang sasabihin ng sinensyasan ko siyang hinaan ang boses.
“Natutulog ang senyorito.” bulong ko. Kaya nagpatuloy kami sa pagtahak ng daan. How I wished we won’t reach our destination. How I hoped he’ll remain asleep. So I can have the time to wander myself in this delirious abyss he can only create.
Napansin kong bumagal na ang sasakyan at natanaw ko di kalayuan ang gate ng Coco Farm.
Bumaba ako ng sasakyan saka dumungaw sa bintana.
“Dito nalang ako Mang Dario. Salamat ho saka mag ingat ho kayo.” Maingat kong sabi.
“Paki ingatan ang senyorito.” Bilin ko saka bumungisngis. I looked at the backseat only to see his eyes staring at me. Nag iwas siya ng tingin saka supladong sumandal sa upuan.
“Thank you senyor- ah Khal.” tangi kong nasabi saka pa cute. Ang suplado di man lang ako tinapunan ng tingin pero gwapo niya parin. Kinurot ko ang sarili.
Nang tuluyan na silang umalis ay doon lamang ako umalis sa kinatatayuan. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa.
“Change wallpaper.” I smiled as I surveyed the sleeping face of the man of my dreams in my rectangular phone.
My phone beeped.
My system went into frenzy.
Napalingon ako at tiningnan ang palayong sasakyan.
Grabe ang tibok ng aking puso.
Sumasabay ito sa takbo ng kotse.
Run.
Faster.
Chase.
May mga karerang kayang mapanalo.
May mga pintong kayang mabuskan.
May mga pusong nasusuklian.
At may mga pag ibig na pwedeng habulin at di pwedeng sukuan.
I looked at my phone again again.
Totoo nga.
Facebook notification.
You are now friends with Khalum Vernon De Buenavista.
McK
*The update depends on your support mga ka Chaser! Vote!

