Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)
Marthacecilia Phr · 58 chapters · 76,064 words
Greetings!
This novel is for my Eirycat friends: Espie Pio Roda, Chen Matugas (salamat uli sa pagpapagamit sa bahay mo sa Tagaytay noong anniversary), Eli Lizardo, Julie Fernandez, Riza Cunanan Melina, and Jelai Tanalgo—maraming salamat sa mga pag-oorganisa sa lahat ng MC and Eirycat events; and also to Joanna Mae Doble—excited to visit Bohol already, and Kristine Faye Sapalo of Davao. Teng Asmolo (maraming salamat sa mga feedback on Coron), For Mira Gatchalian Mari (thank you for the love) and husband Nathan Mari, and Albert and Rodelyn Guce. Also to Mayrose Duldulao Damo, Che Florendo, and Cheryl Luis.
Sa susunod na po iyong iba pa. Ayoko naman kayong siksikin sa isang page. Baka po mawalan ng kabuluhan ang aking dedica-shen.
-Martha Cecilia
********Mga beshie ibang novels muna ni Ms. MC ang ilalagay ko since wala pa akong files nung mga kasunod ng Sweetheart Series at Kristine Series ayaw ko namang lumaktaw at panget magbasa ng ganun kaya pasensya na kayo. Bawi na lang kapag may mga files don’t worry mga beshies kasi babawi naman me sa inyo char hahahaha. Okay lang kung magalit kayo sa akin naintindihan ko naman kayo kasi naman wala tlga akong files ng mga yun eh bitin tuloy ang pagbabasa n’yo. Sorry na mga beshies, love ko naman kayo eh char. Stay safe and God bless - Admin A ***********
1
SHE WAS the last passenger who boarded the plane bound for Busuanga. Kaya naman natuunan agad ito ng pansin ni Matt. Hindi niya matiyak kung bakit naakit siyang sundan ito ng tingin habang naglalakad at hinahanap ang numero ng upuan. Maliban sa paglinga-linga sa mga numero ng upuan, the young woman looked bored.
She had shoulder-length straight hair with bangs that reminded him of the seventies. Pero bumabalik na naman sa uso ang bangs. Ang suot ay maliit na pink and white checkered long-sleeved polo shirt in soft cotton and fuchsia short shorts. Nakarolyo ang mga manggas ng polo shirt hanggang sa bago magsiko.
Ang unang butones na nakasara sa polo shirt nito ay ikalawa mula sa itaas at sapat upang masilip nang bahagya ang cleavage dahil medyo nakalaylay ang kabilang bahagi ng polo sa may shoulder dahil sa strap ng bag na malaki lang nang kaunti sa wallet.
Nice breasts, katamtamang laki lang. And nice pair of legs. Sa mga paa ay pink Havaianas slip-on. May hawak itong ipod na nakakabit ang headphone sa tainga.
There was nothing extraordinary about the woman’s face. Hindi iyong uring makikita mo sa cover ng mga pambabaeng magazines. Simple. Pale pink lipstick na bumagay sa tila naka-pout na mga labi. Maliban doon ay wala na. Kahit yata polbo ay wala.
Maliban sa ang kabuuan nito ay makatawag-pansin. She was sexy though. Kahit hindi kataasan. Must be five-three. At nakikita niyang may ilang pasaherong lalaking nakasunod din dito ng humahangang tingin.
Hindi si Matt ang uring naaakit tumingin sa isang batang-batang babae. But there was something about her that caught his attention. Kung ano ay hindi niya matukoy.Huminto ang babae sa tapat niya at hinanap ng mga mata ang numero ng upuan. Madre de dios! Ang laylayan ng short shorts ay halos kapantay na ng laylayan ng blusa nito. Napahugot siya ng hininga.
Sa bandang kanan niya sa kabilang bahagi ng mga upuan nito nakita ang designated seat. Naupo ito roon. Then she crossed her legs that Matt swallowed an imaginary lump in his throat.
She was very young. Must be twenty… twenty-one. At ang mga kabataan ngayon kung manamit ay… napapailing siya. Kung hindi polo shirt ang suot nito ay maaari mo nang sabihing sa beach ito tutungo. Ang ganoon kaiksing shorts ay naipanlalakad na ngayon.
Worst, nakahantad sa kanya ang kabuuan ng mga binti nito.
And goodness, nalalanghap niya ang banayad nitong pabango na naiwan sa ere. It wasn’t cloying. It wasn’t flowery either. Ang naiisip niya ay isang mabangong umaga pagkatapos ng magdamag na ulan. Or maybe from a particular bath soap and not really perfume.Sa pagkamangha niya, pinukaw ng babaeng ito ang kanyang pagkalalaki. Simpleng itinakip niya ang peryodiko sa kandungan. Napahugot siya ng hininga. Hindi siya makapaniwala sa reaksiyon ng katawan. At katabi niya ang anak niya!
Hindi siya ang uring naaakit sexually sa mga kabataang babae. He was thirty-six, for crying out loud! And he had his share of beautiful women in his life. At ni hindi niya man lang maitukoy sa babae ang salitang “beautiful.” Though the woman was easy on the eye. At malakas makahatak ng atensiyon.
Then she uncrossed her legs and fastened her seat belt then recrossed her legs. Pagkatapos ay isinandal ang ulo sa headrest at pumikit na para bang walang pakialam sa nakapaligid dito.Hindi malaman ni Matt kung magpapasalamat ba siya na ang upuan nito ay malapit sa kanya o masusuya siya. Bakit ba, eh, ni hindi siya tinapunan nito ng tingin gayong buong buhay niya ay sanay siyang tinititigan, nililingon, at nginingitian ng mga babae na gustong matawag ang kanyang pansin, whether it was as young as this woman or very much older. Somehow, parang may nasaling sa amor propio niya.
Pero kung tutuusin ay wala rin naman itong tiningnan kahit na sino sa mga pasaherong naroroon. At isiping sa unahan ay dinaanan nito ang mga kabinataang magkabarkada. Lahat ay pawang nakasunod dito ng mga humahangang tingin. At ang isa pa roon ay sadyang tumayo at kunwari ay may inaabot sa baggage grill pero nakasunod ang mga mata rito.
It was as if she was in a world of her own. Walang pakialam sa paligid. And looking at her, nakakunot nang bahagya ang noo nito kahit nakapikit. At kahit nang magsalita ang flight attendant habang iminumuwestra ang safety measures ay hindi ito nagmulat ng mga mata. She turned her ipod off, ipinasok sa munting bag at pagkatapos ay muling pumikit. Hanggang sa mayamaya pa’y unti-unti nang umaangat ang eroplano sa lupa. Ilang minuto pa’y panatag nang lumilipad ang eroplano sa kalawakan. In probably less than an hour, they’d be arriving in Busuanga airport. Nagmulat ng mga mata ang babae, inihilig ang upuan at muling pumikit.
“Daddy…”
Nagitla pa siya nang marinig ang tinig ni Hannah at nakahawak sa braso niya.“What?”“You’re staring. Kanina mo pa siya sinusundan ng tingin,” pabulong nitong sabi kasabay ng munting malisyosang ngiti. “Hindi ka tumititig sa mga babae.”
“Nahahalayan ako sa suot niya,” he said in defense, lying through the skin of his teeth.
“Kunwari ka pa,” his daughter said, kasabay ng marahang hagikgik. “Mahalay lang iyan, Dad, kapag hindi bagay sa nagsusuot. Besides, she doesn’t even care. Hindi rin nagpapa-cute. So, tell me, why are you staring?”
He rolled his eyes ceilingward. “Masama bang humanga?” pabulong din niyang sagot. “She’s sexy.” And that young woman seemed not to know her attributes.
“Now that’s the right word. Sexy. Pero ang daming nagpapa-sexy sa iyo, hindi mo naman pinapansin. Tulad na lang ni Auntie Janet…”
Matt shrugged. Tulad ng ginawa ng babae, kung maaari nang ihilig ang mga upuan ay inihilig din niya ang upuan niya. Itinuon ang mga mata sa unahang bahagi ng eroplano. He wanted to ignore her daughter.
But knowing Hannah, kapag naintriga ito ay hindi ito maglulubay hangga’t hindi nasa-satisfy ang curiosity.At tama ang nasa isip niya dahil inilapit ni Hannah ang bibig sa may tainga niya at bumulong.
“You think she’s suplada?”
Nilingon niya ang anak at sumagot nang pabulong din. “How would I know?”
“Hindi ka man lang niya sinulyapan.”
“So?“Hannah grinned. “Walang babaeng hindi ka pinansin. Kahit nga iyong matatanda, eh. Wala ka nang appeal, Dad.”
He almost laughed. “Yeah, you’re right. Daddy’s getting old. And hush.” Sinabi niya ang huling dalawang salita nang mariin upang matigil na ang anak. Pinigil niya ang sariling muling lingunin ang babae sa kabilang aisle.
2
HINDI alam ni Caroline kung tama ang ginawa niyang pagtanggap sa alok ng kaibigang si Raquel na magbakasyon siya sa bahay ng mga magulang nito sa Coron. Dapat ay magkasabay silang bumiyaheng magkaibigan. Subalit hindi niya gustong umalis ng Maynila. Umaasa siyang dadalawin siya ni Shane.
Her eyes stung at the thought of him. May tatlong araw na ang matuling lumipas mula nang umalis ang kaibigan pero kahit anino ni Shane ay hindi niya nasilip. Hanggang ipasya niya kahapon na sumunod kay Raquel sa Coron.
Hindi niya maaaring gugulin ang buong semestral break sa pagkukulong sa silid niya at maghintay hanggang sa wala na ang galit nito; kung nakapag-isip-isip na ito na biktima siya ng pagkakataon; that giving her the benefit of the doubt was the wise thing to do.
“Kung gusto mo, Caroline, umuwi tayo sa amin sa Quezon. May kilala akong marunong manggayuma. Gayumahin natin si Shane para makapag-isip kaagad,” seryosong wika ni Lovelle nang mapasukan siya nito sa silid na nakadapa sa unan niya at nagsisikap na huwag umiyak.
Hindi naman kasi sila nag-break ni Shane. Nagkatampuhan lang. At ano mang sandali ay magte-text ito o tatawag.
Inantala ni Lovelle ang paglipat sa bagong tirahan dahil lang sa kanya. Dahil lang nag-aalala at namimighati siya sa ginawang pagtatampo ni Shane. Sa ibang pagkakataon ay gusto niyang matawa sa sinabi ng kaibigan. Dahil hindi siya naniniwala sa gayuma. But she was too lonely and worried that humor couldn’t take root.
Tatlo silang magkakaibigang nakatira sa apartment na iyon sa Sta. Mesa, isang sakay patungo sa university na pinapasukan nilang pare-pareho. Nang lumuwas si Caroline sa Maynila may tatlong taon na ang nakalipas ay kasama niya ang lola niya upang maghanap ng apartment na matutuluyan dahil ayaw nitong mag-board o mag-bedspace siya sa university belt. Masyado raw dikit-dikit ang mga bahay at masisikip.
And she had periodic asthma. Hindi gusto ng lola niya na nati-trigger iyon dahil sa nakakalanghap siya ng kung ano-ano, lalo na ang usok ng sigarilyo. Nasindak ang lola niya nang makita sa gilid ng unibersidad sa may mga dormitories ang mga babaeng hantarang naninigarilyo.
Inawat niya ang sariling matawa sa lola niya. Kapag nagkasakit nga naman siya ay panibagong gastos. At hindi naman masalapi ang lola niya. Umaasa lang sila sa kapirasong flower farm para sa pag-aaral niya.
Nasa second semester si Caroline sa unang taon niya sa kolehiyo nang makilala niya sina Lovelle at Raquel. Si Raquel ay classmate niya sa halos lahat ng subjects. Samantalang si Lovelle ay kaibigan naman ni Raquel.
Parehong iniwan ng mga ito ang boardinghouse at sumang-ayong magsama-sama at maghati na lang sa bayad sa apartment. Dahil nang kuwentahin nila ang gastos ay mas mahal pa ang boardinghouse kaysa sa apartment.
Dalawa ang di-kalakihang kuwarto ng two-storey apartment. Magkasama sa kabilang kuwarto sina Raquel at Lovelle at solo niya ang isang kuwarto na nakaharap sa kalsada, since she had the lion share of the rent.
Mas malimit silang magkasama ni Raquel dahil classmate nga niya ito samantalang si Lovelle ay nagtapos na nitong nakalipas na semester at pumapasok na sa call center.Sa kabila ng nagtatrabaho na si Lovelle ay hindi nito binitiwan ang apartment at nanatili silang magkakasamang magkakaibigan. Sila ni Raquel ay nasa huling semester nila sa third year.
At sa nakalipas na mahigit na dalawang linggo mula nang magalit sa kanya si Shane ay ang mga kaibigan niya ang nariyan at nakikiramay sa kalungkutan niya. Her chest heaved as she took a deep breath. Ang maisip si Shane ay muli na namang nagpapabigat sa dibdib niya.
Paanong ang isang maganda at mala-pocketbook romance na simula ay ganito ang kinahinatnan? Paanong hindi siya nito pinaniwalaan? Paano nito naisip na nagtataksil siya?
Ang sama ng loob niya sa kasintahan ay tila walang katapusan. Parang patalim na nakatarak sa puso niya at habang tumatagal ay lalo pang bumabaon. Kahit saan siya magtungo, kahit ano ang gawin niya ay si Shane ang laman ng buong pag-iisip niya.
“Hey…”
Hindi niya naririnig ang tinig malibang naramdaman niya ang banayad na tapik sa braso niya. Gulat na nagmulat siya ng mga mata. Nilingon niya ang nasa kaliwa niya sa kabilang hilera ng mga upuan.
Mukha ng lalaki ang namulatan niya. Lumalim ang kunot ng noo niya nang magsalita ito.
“May… may dinaramdam ka ba?” the man asked gently.
Napansin ni Caroline ang batang babae na nasa kaliwa nito at nakatingin din sa kanya. Puno ng curiosity ang mukha ng bata na sa tantiya niya ay nasa edad dose o trese.
Kumurap siya upang matanto lamang na may mga luhang napipigil sa mga mata niya. She gasped silently. Agad niyang kinuha ang panyo sa bag at pinahiran ang mga mata.
Pipikit sana siyang muli nang sa sulok ng mga mata niya ay makitang parehong nakatingin pa rin sa kanya ang lalaki at ang dalagitang anak nito. Sa wari ay parehong naghihintay ng sagot niya.
Slowly, she shook her head. “I’m… fine. Thank you…” she croaked. Kapagkuwa’y muling inihilig ang ulo at pumikit, wanting to ignore the man and the girl.
Ang nasa kanang pasahero niya at malapit sa bintana ay isang matandang babae na nakapikit at nakahilig sa upuan. Dead to the world. Somehow she envied the old woman.
Bumalatay sa balintataw ni Caroline ang mukha ng lalaki. Good-looking. Must be in his mid-thirties. Anak marahil nito ang katabing bata. At parang naririnig pa niya sa isip ang tinig ng lalaki. Buong-buo at malalim. Just like Shane’s.
She shook her head mentally… angrily, and sniffed. Kailangan niyang ibalik sa huwisyo ang sarili. Hindi maaaring ganito na lang siya lagi. Lahat na lang ba ay may ikinokompara siya kay Shane?
"Makapanghihingi tayo ng paracetamol sa flight attendant kung masakit ang ulo mo," again came the deep and masculine voice.
Marahas na nagmulat siya ng mga mata at nilingon ito. "Ignore me, okay?" she snapped. She saw at once how the girl's eyes widened. Lihim siyang napaungol. Natanto niyang ang ama ng bata ay nag-aalala lang sa kanya. Tiningnan niya ito. Walang ano mang ekspresyon sa mukha nito maliban sa bahagyang concern sa kanya. Lalo nang lumalim ang guilt niya.
"H-hindi masakit ang ulo ko." Bahagya niyang binabaan ang tinig sa huling sinabi upang bumawi sa halos panininghal niya kanina. "Thank you."
"I'm sorry if I—"
Pinutol niya ang sasabihin nito at sapilitang ngumiti. "No. Ako ang dapat humingi ng paumanhin. I was rude."
Kung ano man ang sasabihin ng lalaki ay ipinagpasalamat niyang hindi na nito iyon naisatinig dahil umalingawngaw sa speaker ang halinhinang tinig ng kapitan ng eroplano at ng flight stewardess.
Halinhinang ibinabadya ng mga ito ang nalalapit na paglapag ng eroplano sa paliparan ng Busuanga. The flight was short. Wala pang isang oras.
Mayamaya pa’y naririnig na niya ang pagkakabit ng mga pasahero ng mga seat belt. Kahit ang matandang babae sa tabi niya ay nagising at iyon din ang ginawa. She didn’t need to fasten her seat belt. Hindi niya iyon tinanggal mula pa nang ikabit niya iyon kanina nang mag-take off.
Sa loob lamang ng ilang minuto pa ay lumapag na sila sa paliparan ng Busuanga. Muli ay naroon ang ingay ng pagtatanggal ng mga seat belt ng mga pasahero. At pagkatapos ay ang halos sabay-sabay na pagtayo ng mga tao sa pagnanais na maunang makalabas ng eroplano.
Passengers were reaching out for their hand baggages overhead. Hindi gustong lingunin ni Caroline ang lalaki at ang dalagita sa tagiliran niya na nanatiling nakaupo at nagpapaubaya sa mga naroroong pasaherong nagmamadaling makalabas.
Caroline also wanted to take her time. Gusto niyang paunahing makalabas ang lahat bago siya tumayo sa upuan. Pero naisip niyang hindi niya nais makasabay ang lalaki sa kabilang aisle. Kaya mabilis siyang tumayo at isiningit ang sarili sa pasaherong nasa unahan niya upang magsilbing pagitan iyon sa lalaki sa kabilang upuan.
Nararamdaman niyang nakasunod ito ng tingin sa kanya.
He was polite. Wala namang ipinakitang presko o bastos ito. Pero hindi pa rin niya gustong makipag-usap. Lalo sa isang may-asawang lalaki. Natitiyak niyang anak nito ang katabing bata o mas akmang sabihing dalagita.
Kaya naman nagmadali siya at nakisingit. At dahil wala naman siyang bagahe ay apat na tao kaagad ang nalampasan niya sabay usal ng “excuse me.”
“YOU SCARED her, Daddy…” Hannah said grinning at her father.
Matt gritted her teeth. “Will you shut up!” he snapped at his daughter. Sinundan niya ng tingin ang babae na nakisiksik sa mga naunang pasahero. Nasa exit na ito.
Oh, might as well. Subalit sa hindi niya maunawaang dahilan, may panghihinayang siyang nadama na hindi niya nakilala nang husto ang babae. But there had been no chance. Ang babae mismo ang sadyang umiiwas na makipagkaibigan sa kanilang mag-ama.
Now he was making a fool of himself. Kahit si Hannah ay napupuna ang kakaibang interes niya sa babae. Mabuti na rin nga na nauna ito. Baka hindi niya mapigil ang sariling makipagkilala rito at pagkatapos ay ma-snub.
At hindi malayong mangyari iyon kung ang pagbabasehan niya ay ang pag-iwas ng babae at ang pagmamadaling makalayo mula sa kanilang mag-ama.
3
NAKUHA na ni Caroline mula sa U-shape platform ang maleta niya nang matanaw niya ang paparating na mag-ama. For whatever reason, hindi niya gustong makasabay ang mga ito.
Nagmadali siyang agad na hinila ang maleta patungo sa exit.
May mga van siyang nakikitang nakaparada at tiyak na naghihintay ng mga pasahero. Wala siyang sundo dahil hindi naman alam ni Raquel na lilipad siya patungong Coron. Nakita niya na ang ibang driver ay may mga hawak na karatula na may pangalan ng mga pasahero.
Tinanong niya ang isang driver ng van na naghihintay rin ng mga pasahero patungo sa bayan ng Coron kung may bakante pa. Isinakay siya ng driver. Ang maleta niya ay inilagay nito sa may likuran ng van.
Katunayan ay aapat na katao lamang ang sundo niyon. Mag-asawa at dalawang anak na pawang lalaki na marahil ay nasa mga edad nueve at onse. Sa mismong passenger seat sa harap siya pinaupo ng driver na malamang na natutuwang may ekstra itong matatanggap.
Ilang sandali pa ay binabaybay na nila ang daan patungong town proper. Maliban sa wala siyang matanaw na mga kabahayan sa gilid ng daan, ang patungo sa kanila sa Silang ay wala namang kaibahan sa nakikita niya sa magkabilang bahagi ng daan.
Oh, well, maliban sa nariyan ang mga bundok na natatanaw niya. Kahit kubo ng mga residente ay wala siyang nakikita sa dinadaanan nila na sa wari ay nasa gitna ng mga bundok, pero wala rin naman siyang nakikitang maituturing niyang magandang tanawin.
For a minute there, gusto niyang pagdudahan ang sinasabi ni Raquel na maganda ang mga isla ng Coron. Katunayan ay tila tuyo ang mga damong natatanaw niya. Wala siyang gaanong napupunang mga puno. Kung mayroon man ay iyong mga hindi namumunga.
Natatandaan niyang sinabi sa kanya ni Raquel na walang namumungang halaman ang tumutubo sa bayang iyon. Parang may mineral sa ilalim ng lupa na nagpapangyari upang hindi tutubuan ng mga prutas. Manganese perhaps. She wasn’t so sure.
Ilang minuto nang tumatakbo ang van subalit wala siyang nakikitang maaari niyang makaligtaan, maliban sa mga bundok na natatanaw niya sa malayo. Naisip ni Caroline na kung ipipikit niya ang kanyang mga mata ay wala siyang makakaligtaang magagandang tanawin.
Inihilig niya ang ulo sa headrest at pumikit. And as always, hindi niya maiwasan ang pagdaloy ng mga alaala sa kanila ni Shane…
4
NATAPOS ni Caroline ang exam nang walang kahirap-hirap. Katunayan ay siya ang unang nagpasa sa professor nila. Mula sa ikalawang palapag ng school building, nagmamadali siyang bumaba. Natitiyak niyang nasa gate na si Shane.
Routine na iyon na sinusundo siya nito pagkatapos ng klase niya. O di kaya ay siya ang sumusundo rito kapag nag-overtime ito sa trabaho.
Lakad-takbo ang ginawa niya patungo sa gate sa Lepanto kung saan alam niyang doon siya susunduin ng kasintahan. Part-time clerk ito sa admin ng FEU. Dito rin ito nagtapos ng kolehiyo bilang arkitekto. Nagtatrabaho ito roon at kasabay niyon ay ang pag-review nito para sa board exam.
While Caroline was taking up BS HRM. Hindi niya matiyak kung bakit ang kursong iyon ang pinili niya. Sa isip niya ay iniiwasan niya ang alinmang kursong napakaraming subject na Math. Gusto niyang pagtawanan ang sarili. Naniniwala siyang mahina siya sa numbers.
Kung tutuusin ay gusto ng lola niya na Business Administration ang kunin niya at mag-major siya sa management. Gusto ng lola niya na kapag nakatapos siya ng pag-aaral ay pangasiwaan niya ang maliit nilang negosyo sa Silang, Cavite—ang flower farm nila. Gusto niyang matawa sa naisip. Dahil hindi kailangan ng flower farm ang management graduate para pangasiwaan iyon.
Pag-aari ng grandmother niya ang di-kalakihang flower farm na iyon hindi pa man siya naipapanganak. At sa farm nanggaling ang ipinapag-aral sa kanya. At ni hindi man lang nakatapos ng kolehiyo ang kanyang lola. Ni hindi nga ito horticulturist. Natuto ito mula sa karanasan nang ito’y dating helper sa isang malaking flower farm sa Tagaytay.
Nang magkaroon ng kaunting pera ang lola niya ay nagsarili. Ginamit ang isang ektaryang lupain para tamnan ng binhi ng mga bulaklak. At kahit paano, naging matagumpay naman. Mayroong limang tao ang katulong ng lola niya sa flower farm.
Hindi marahil sapat ang negosyo nila upang yumaman sila. Katunayan ay tamang-tama lang sa kanilang simpleng pangangailangan. Subalit natutustusan ng flower farm ang pag-aaral niya mula noon hanggang sa magkolehiyo siya.
Huwag lamang daw siyang magluho, ayon sa lola niya ay mapagtatapos siya nito ng kolehiyo. Sabi rin ng lola niya, noong araw ay madaling magnegosyo kahit hindi nakatapos ng pag-aaral. Subalit hindi sa kasalukuyang panahon. Kaya kailangan niyang magtapos ng kolehiyo.
Nakalabas na siya ng building at nalampasan na ang guardhouse nang matanaw si Shane sa may gilid ng mataong kalye sakay ng malaking motorsiklo nito. She gasped softly at the sight of him.
Hindi pa rin nagmamaliw ang kakaibang damdaming nadarama niya tuwing nakikita ang boyfriend. Parang laging may nagliliparang paruparo sa sikmura niya. Kunsabagay ay halos dalawang buwan pa lang naman silang magkasintahan. Hindi pa lumilipas ang pananabik sa bawat isa.
She smiled at him. Her eyes filled with so much love for this man. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa buhay sa sandaling mag-break sila ni Shane. He was her first love. At hindi niya kayang isiping posible siyang magmahal sa iba.
“Kanina ka pa?” tanong niya rito.
“Wala pang limang minuto.” Inabot nito ang leeg niya at inilapit dito at saka banayad na hinagkan siya sa mga labi.
Shivers ran down her spine as his lips touched hers. That kind of sexual feeling that most often, she was trying to suppress.
“Hey,” awat ni Caroline at naiilang na kumawala. Nilinga ang paligid. Totoong maraming estudyante at malamang ay may nakakita sa paghalik ni Shane sa kanya pero wala namang tumutok talaga ng tingin. “Ang daming estudyante sa paligid, ha.”
“So?” anito, naaaliw ang mga matang nakatingin sa kanya.
“Ayokong makarinig ng sigaw na, ‘get a room!’”
He laughed. “Inggit lang sila. Eh, ano naman kung maipaalam ko sa lahat na akin ka?” Kinindatan siya nito. She rolled her eyes.
“Hop in.”
Sumampa siya sa motorsiklo sa likuran. Akin ka. Kinda possessive but she liked it. She was so pleased. Inayos niya ang sarili sa likuran nito. Nakapagitan sa kanila ang leather shoulder bag niya na may kabigatan dahil naroon din ang ilang gamit niya sa school.
Bagaman halos karamihan sa mga estudyante ay gumagamit ng backpack, siya ay hindi komportable roon. Para sa kanya, it was so unfeminine.
“How’s your exam?”
“Easy. Ako nga unang nakatapos.”
“Dahil alam mong naghihintay ako rito at nagmamadali ka,” he teased.
She laughed. He kick-started his bike. Subalit bago napatakbo ni Shane ang bike ay may humarang sa unahan nila.
"Shane?"
"Hi, Chanelle," bati ni Shane.
Subalit kay Caroline natuon ang mga mata ni Chanelle. Pinaghalong pagtataka at galit ang iglap na gumuhit doon. Subalit mas nanatili ang labis na pagtataka habang pinaghali-halili sa kanila ang mga mata na fully made-up. Hindi pumapasok sa school si Chanelle nang hindi naka-makeup.
Nilingon ni Shane si Caroline. "Caro, this is Chanelle. Chanelle, si Caroline—"
"Kilala ko siya," Chanelle snapped. "Classmate ko siya sa dalawang subjects." Sinulyapan nito si Caroline at saka ibinalik kay Shane ang mga mata."Magkakilala kayo?" she asked the obvious.
"She's my girlfriend, Chanelle."
"Girlfriend!" halos pasigaw nitong ulit. "Kailan pa? Bakit hindi ko nalaman?"
Shane smiled drily. "Since almost two months ago. So, alam mo na ngayon." May bahid ng sarcasm ang tinig ni Shane at nakita ni Caroline ang kalituhang lumatay sa mukha ni Chanelle.
Hindi mahuhuli ng sino man si Chanelle na nakatanga at hindi makaapuhap ng sasabihin. Pero iyon ang tingin ni Caroline dito ngayon.
Muling pinaandar ni Shane ang bike. Umatras si Chanelle upang makaraan sila. Ilang sandali pa ay tinutumbok na nila ang Morayta. Pinigil niya ang sariling lumingon. Alam niyang nanatiling nakatayo roon si Chanelle. At alam niya ring nanlilisik ang mga mata nito habang sinusundan sila ng tingin.
If Chanelle didn't like her before, natitiyak niyang lalo na ngayon.
"Chanelle's your ex?" tanong niya. May paninibughong gumuhit sa dibdib.
"No. Girlfriend siya ng dati kong barkada, si Josh. Nasa abroad na ngayon."
"And?"
"And nothing."
"Sigurado ka?"
"Sigurado ako sa sarili ko," anito sa may katiyakang tono. "Ewan ko sa bahagi niya."
"What does that mean?"
Naramdaman niya ang pagkibit nito dahil nakadikit ang dibdib niya sa likod nito. "Ayoko namang sabihin mong mayabang ako... pero mula nang umalis si Josh ay nararamdaman kong unti-unti na niyang ibinabaling ang atensiyon sa akin. Katunayan, napansin ko nang kahit noong sila pa ni Josh ay gusto niyang kuhanin ang atensiyon ko."
"She is beautiful." Hindi pa rin magmaliw sa dibdib niya ang paninibugho. "Lahat halos ng mga lalaki sa klase namin ay nangangarap na maging girlfriend siya."
"Siguro nga maganda siya at may ganoong pang-akit sa ibang lalaki. For a while ay naakit si Josh sa kanya. Pero hindi ako kabilang sa mga lalaking naaakit sa kanya, Caro..."
"Really?" she taunted.
“Really. Para sa akin ay ikaw ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.” Nilingon siya sandali nito bago ibinalik sa daan ang mga mata.
Kahit hindi niya nakikita ay nararamdaman niyang nakangiti ito.
Umirap siya kahit hindi nito nakikita. Then she gently bit his shoulder. Umungol ito at tumawa nang malakas. “Ang akala ko ba sabi mo noon ay hindi mo ako type,” pabirong akusa niya.
“Hindi naman talaga,” he agreed, nagpreno dahil pula ang ilaw sa intersection, nilingon siya, hinawakan ang isang kamay niyang nasa kandungan nito at dinala sa bibig at hinagkan. “But I soon realized that there’s no yardstick in choosing the woman you love. Love happens. And that’s it. I love you. And I don’t care if you’re mataba at pandak.”
“Mataba at pandak!!” she shrieked. Kinurot niya ang tiyan nito.
“Argh!” kunwari ay nasaktan ito. “Pikon ka. Nagsasabi lang ako ng totoo.”
“Hindi ako mataba, ah! Chubby, yes. At lalong hindi ako pandak!” nanggagalaiti niyang singhal dito.
He laughed. “Pina-glamorize mo pa ang mataba, ha. Sige na nga, chubby. But I mean it when I said that you are the prettiest woman on earth, Caro.” Seryoso ang tinig nito.“Paniwalaan mo iyan. Huwag mong pagselosan si Chanelle. Kung gusto ko siya, dapat noon pang naghiwalay sila ni Joshua.”
Nanalaytay sa kalamnan niya ang init ng pagmamahal niya sa lalaking ito. Idinikit niya ang bibig sa tainga nito. “I believe you.” At saka niya sadyang hinipan iyon.
“Don’t do that…” Pinaandar na nitong muli ang bike nang magpalit ng berde ang ilaw sa stoplight.
“What?” patay-malisya niyang tanong gayong alam niya ang ibig nitong tukuyin. Isa pa’y sinadya niyang hingahan ang tainga nito.
At alam ni Caroline ang epekto niyon sa kasintahan. Tulad din ng epekto sa kanya ng pagkakadikit ng dibdib niya sa likod nito. Naroroon ang init na parati na’y naglalandas sa katawan niya pababa. Ang uri ng damdaming kung pababayaan niya ay magkakasala siya sa lola niya.
“Alam mo ang ibig kong sabihin!” pasigaw nitong sabi upang marinig niya at bahagya siyang nilingon. “Ilagay mo sa harapan ko ang bag mo. Then touch me and you would know. Walang makakakita…”
She laughed out loud. But deep inside her she was curious. She wanted to slide her hand on his crotch. Shane wouldn’t mind. Natitiyak niyang gugustuhin nito iyon. And she loved to tease him.
At kahit alam niyang napupukaw niya ang damdamin nito ay hindi siya pinipilit ni Shane sa gusto niyang huwag silang lumampas sa hindi dapat. Bagaman sa napakaraming pagkakataon ay siya mismo ang naaapektuhan sa ginagawa niyang panunukso rito.
Subalit nasira na niya ang pangakong binitiwan sa lola niya—ang huwag munang mag-boyfriend hangga’t hindi siya nakakapagtapos ng pag-aaral. Dahil nag-aalala ang lola niya na baka matulad siya sa inay niya na hindi nakatapos dahil nagdalang-tao.
At siya nga iyon. Ang hindi pa maganda ay hindi pinakasalan ang inay niya ng kanyang ama. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong makilala pa ang kanyang ama. Hindi na nila alam kung nasaan ito.
At ang inay niya ay nangibang-bansa upang doon magtrabaho bilang OFW. Subalit pagkalipas ng ilang taon ay nakapag-asawa na rin doon ng Amerikano. Ang hinanakit niya sa nanay niya ay may dalawang anak sa unang asawa ang napangasawa nito at mas pinag-uukulan pa ng atensiyon at pera ng nanay niya ang mga iyon kaysa sa kanya. Pinaluluguran ng nanay niya ang asawa at ang pamilya nito. Samantalang siya ay ipinaubaya na sa lola niya.
Ang lola rin niya ang sumusuporta sa lahat ng kanyang mga pangangailangan. Ngayon nga ay nakipagnobyo siya at hindi alam ng lola niya ang bagay na iyon. Subalit ipinangako niya sa sariling hindi gagayahin ang ina.
Iyan din naman ang ipinakikiusap niya kay Shane—na huwag siya nitong piliting makipagtalik hangga’t hindi pa sila handang magpakasal.
And she loved him more for being so understanding. Kahit alam niyang ito man ay nagpipigil sa sarili. Kaya naman hanggang maaari ay iniiwasan nilang pareho ang mga pagkakataon kung saan maaari silang makalimot.
They always dated with friends. Kung hindi ang kaibigan nitong si Mike ang kasama nila ay si Raquel o di kaya’y si Lovelle ang nagiging chaperone nila.
Pero minsan lang pumayag sina Raquel at Lovelle sa foursome date. Si Lovelle ay may boyfriend na. Si Raquel naman ay hindi type si Mike, for whatever reason, sa kabila ng may dating din naman si Mike. Basta hindi lang daw ito type ni Raquel.
Si Lovelle na ultramodern ang pananaw sa buhay ay pinagtatawanan siya sa pagnanais niyang may chaperone sila ni Shane tuwing nagde-date. Still, magkaibigan silang tatlo sa kabila ng magkakaiba sila ng pananaw. And Lovelle and Raquel made themselves available as chaperone every time Caroline needed them.
Idinikit pa niyang lalo ang dibdib sa likod ni Shane at niyakap habang tinatakbo nila ang kahabaan ng Recto patungong Sta. Mesa. She loved his clean smell. Naalala niya ang unang araw na nakatagpo niya si Shane almost two months ago…
5
NAKIPAGSIKSIKAN si Caroline sa LRT. Dahil pasukan, maraming tao at balyahan at unahan sa pagpasok sa train. Muntik na siyang maipit sa pagsasara ng pinto ng train sa pagsisikap na makasiksik dahil male-late siya.
Kipkip niya nang mahigpit ang body bag niya, nag-iingat sa mga mandurukot. Nang umandar ang train ay ni wala siyang mahawakan. Kung hindi niya naitukod ang mga palad sa dibdib ng isang lalaki ay malamang na sumubsob na siya mismo roon.
Napatingala siya. “S-sorry…”
Maiitim na mata ang seryosong nakatunghay sa kanya. Tila ba ipinagtataka nito kung ano ang ginagawa niya at nakisiksik sa puro lalaking sakay ng train. At dahil nga hindi naman siya kataasan ay halos natatakpan na siya ng mga ito.
Napasinghap siya nang lihim. The man was very good-looking. Makapal ang buhok na bahagyang umabot sa dulo ng kuwelyo nito. Maraming beses na rin naman siyang nakakatagpo ng magagandang lalaking nakakasabay niya sa LRT subalit sa wari ba’y kakaiba ang isang ito. Para siyang hinihigop ng mga mata nito.
And she needed to look elsewhere. Dahil kung hindi ay baka tuluyan na siyang higupin ng mga titig nito. Subalit sa kung ano mang kadahilanan ay malakas ang magnet at hindi niya magawang ialis dito ang tingin.
Gayundin ito sa kanya. They stared at each other for a few moments. Kung ano-ano na ang gumagana sa mayaman niyang imahinasyon. Na para sila iyong mga bida sa isang romance movie at ang eksenang iyon ang pasimula ng kanilang pagkikilala.
Kapagkuwa’y muling umuga ang train. The spell was broken. At muli sana siyang masusubsob dito subalit nakahawak na ang isang kamay nito sa balikat niya. Kasabay niyon ay naramdaman niyang ginigitgit siya ng isa pang lalaki sa may likuran niya. Sinasadya nitong gitgitin siya. Napa-“oh” si Caroline.
Isang masamang sulyap ang ibinigay ng estranghero sa lalaking gumitgit sa kanya. At sa gulat niya ay kinabig siya ng estranghero palapit dito at isinandal siya sa post rail habang iniharang nito ang sarili sa lalaking nasa likuran niya.
Natanto niyang nakaprotekta ang mga bisig at katawan nito sa kanya mula sa mga lalaking sadyang nananamantala ng mga babae sa ganoong siksikan sa LRT.
Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang magsimula siyang magkolehiyo at sumakay ng LRT ay noon lamang nasiyahan sa gitgitan si Caroline. Add the fact that she felt romantic. Yumuko siya upang itago ang ngiti niya sa pangyayari.
It was silly, yes. Pero sa pakiramdam niya ay ligtas siya sa pagkakakulong sa mga bisig ng lalaki.
The guy’s one hand was on the rail post and the other hand on the handhold. Napupuna niya ang mga balahibo sa braso nito hanggang sa may ibabaw ng kamay. Lalo nang lumalim ang kanyang pantasya.
At gusto niya ang nalalanghap na amoy mula rito. Fresh. Woodsy. She inhaled deeply.
“Huwag mong ubusing langhapin ang amoy ko. Magtira ka sa iba…”
Napasinghap si Caroline. Nakayuko ang lalaki sa may tainga niya at bumubulong. At nang matanto ang sinabi nito ay nag-init ang mukha niya. Hindi niya namamalayang idinidikit na niya ang ilong sa dibdib nito. Hindi rin niya natatantong sinasamyo na niya ito.
She stared at him indignantly. “I did not—”
“Sshh…” May anino ng ngiting nakasilip sa mga labi nito. She realized he was only teasing her.
My goodness, he had nice lips! Masculine. Unlike other men na tila pambabae ang mga labi.
“Now you’re staring…” muling bulong nito.
Nanlaki ang mga mata niya. Double offense. Sinisinghot niya ito kani-kanina lang nang wala sa loob niya. Ngayon nama’y nakatitig siya sa mga labi nito. Pakiramdam niya’y para nang kamatis ang mukha niya sa pamumula.
Ano ba naman ang nangyayari sa kanya? Para namang ngayon lang siya nakakita ng magandang lalaki.
Sana’y bumuka ang sahig ng train at mahulog siya. Then she shook her head mentally at the thought. Nah. Isang kalokohan ang pangungusap na iyon. She could handle her embarrassment nang hindi kailangang mahulog mula sa train.
“Saan ka bababa?” mahinang tanong nito sa kaswal na tinig at pumutol sa daloy ng isip niya. Nasa mga labi pa rin nito ang hindi maikakailang amusement. Sa mga mata ng maraming pasahero ay tila sila magkakilala at magkasama.
She wanted to ignore him. Pero pagkatapos ng pagsanggalang nito sa kanya mula sa mapagsamantalang pasahero; pagkatapos siyang mahuling sinisinghot ang bango ng dibdib nito; at pagkatapos niyang titigan ang mga labi nito at pagpantasyahan, it would be hypocritical to ignore the man.
“Sa… Legarda…”
“Doon din ang baba ko. Sa FEU ang tuloy ko.”
Bahagyang naningkit ang mga mata niya. “Kung iniisip mong—”
“Uy, wala akong ibang iniisip,” pabulong nitong sabi na pumutol sa karugtong niyang sasabihin.
“I am simply making conversation…”
Caroline pouted a little, her habit when embarrassed. Pero kinakausap siya nito. Hindi siya ang uring nakikipag-usap sa mga estranghero sa train o kahit na saang lugar. But perhaps their circumstances were somewhat different.
Besides, hindi niya maunawaan kung saan galing iyong init na nararamdaman niyang dumadaloy sa buong kalamnan niya, tuwing nagsasalita ito at nararamdaman niya sa mukha ang mabangong hininga ng lalaki.
“Sa UE ako.” Her voice was small, bahagya lang tumingala at sandaling tumingin dito upang agad ding magyuko ng ulo.
Ang mga mata niya ay permanente na niyang itinuon sa black and red checkered polo shirt nito. Nanatili sila sa ganoong ayos hanggang sa paghinto ng train sa Legarda station.
Hinawakan siya nito sa kamay at nagpauna upang puwersahang hawiin ang mga naroroong pasahero upang makaraan siya. Malaking bagay ang ginawa nito dahil hindi siya nahirapang lusutan ang siksikan. Ilang sandali pa’y nasa platform na sila.
“Ganyan ba lagi tuwing pumapasok ka?” he asked conversationally.
Sa ibang pagkakataon, sa ibang estranghero, ay natitiyak niyang magagalit siya at magmamabilis ng paglakad. Subalit hindi iyon ang nararamdaman niya para dito. Antimano ay palagay ang loob niya.
Remember, Caroline… ang mga estrangherong may masamang motibo ay karaniwan nang magalang at palakaibigan. The usual innocent and harmless type.
“Oh, I know, you don’t talk to strangers,” anito nang matagal bago siya sumagot.
Nakabahid ang pagkaaliw sa tinig nito.
Bahagya niya itong sinipat. Then she dismissed the mantra that she told herself and her friends many times before. “Bakit mo itinatanong? Sumakay ka lang ng LRT, ah.”
“Oh, not very often. May gamit akong motorsiklo.”
“Kung medyo maaga ako ay hindi gaano.”
Tumango ang estranghero. “Hindi mo ba mamasamain kung sasabayan kita hanggang sa UE?”
Heto na. The line is as old as the Legarda street itself, wika ng isip niya.
Eh, saan naman ba sa palagay mo magsisimula ang pagkakakilala at pag-uusap kundi sa mga linyang niluma na ng panahon? sagot naman ng kabilang isip niya.
“Hindi ka ba mapapalayo sa gagawin mong pagsabay sa akin?” she asked. Gusto niyang pagtakhan ang bahagyang excitement na nararamdaman.
“I’ll walk a mile with you…”
Halos hindi niya marinig iyon. Kunot ang noong tumingin siya rito.
He smiled. “My name’s Shane Malvar. An architecture graduate from FEU. At doon din ako nagtatrabaho nang part-time sa admin office habang naghihintay ng schedule ng board exam.”
“Caroline dela Rosa…” she said simply, in a hesitant voice.
Huminto sa paglakad si Shane at napilitan siyang huminto dahil humarang ito sa nilalakaran niya at iniabot sa kanya ang kamay nito. “’Nice meeting you, Caro.”
Nakakunot ang noo niya pero kasabay niyon ay hindi niya maiwasang mapangiti. Tinanggap niya ang kamay nito at pagkatapos ay tumabi dahil dinadaanan sila ng mga tao. “Caro? My friends call me Carol or Caroline.”
He smiled. Isang mababaw na dimple ang lumitaw sa isang pisngi nito. And he was really attractive. “Gusto kitang tawaging ‘Caro.’ It means ‘dear’ in Italian.”
Hindi niya alam kung bakit pero nakadama siya ng kasiyahan sa nais nitong itawag sa kanya. No one had ever called her “Caro.” Ang lalaking ito ang kauna-unahan.
Then she realized that he was still holding her hand a little bit tightly, as if not wanting to let it go. “M-may I have my hand back?”
Isang malakas na tawa ang kumawala mula rito at pinakawalan ang kamay niya.
6
KUNG nagmamadali siya kanina dahil baka ma-late siya ay hindi na niya alintanang absent siya sa unang subject. Bagaman mayroon pa naman siyang kinse minutos kung magmamadali siya.
Pero wala siyang balak na gawin iyon.
Naglakad sila sa kahabaan ng Recto patungong UE.
“Alam kong traffic kapag ganitong oras at late na rin ako sa pagpasok,” anito. “At nagpapasalamat akong hindi ko dinala ang bike ko.”
“Why?” she asked casually. Sinusundan lang ang daloy ng usapan.
“Dahil nakilala kita.”
He sounded pleased and sincere. At hindi malaman ni Caroline ang sasabihin at iisipin. Maniniwala ba siyang talagang gusto siya nitong makilala?
Sa buong buhay niya ay noon lang siya walang maisip na isasagot sa simpleng pakikipag-usap. Pero hindi niya kailangang mag-isip ng kasunod na sasabihin dahil agad na sinundan ni Shane ang sinasabi.
“Anong oras ang klase mo?”
“Why?”
“Nakadalawang ‘why’ ka na, ha.” Then he smiled.
Caroline swallowed. The man had a killer smile. And if he kept on smiling like that, babagsak siyang walang buhay sa baldosa.
“Gusto kitang imbitahing mag-snack. May Yellow Cab sa gilid ng Morayta…”
She almost rolled her eyes. As if she didn’t know. “An… an hour from now.” Hindi siya nagsisinungaling, dahil sa uri ng paglalakad nila na tila sila namamasyal sa kabilugan ng buwan samantalang ang mga kasabay nila ay pawang mga nagmamadali, ay malamang na male-late na siya sa first class niya.
Lumapad ang ngiti nito. “Mahaba pa ang oras natin…”
“What about you? Hindi ka ba male-late sa trabaho mo?”
He shrugged. “I work part-time. Wala namang mahalagang gagawin ngayon sa office.”
Hindi na siya kumibo. Mahaba-haba rin iyong nilakad nila mula sa Recto patungong Morayta. Pero bale-wala kay Caroline iyon. She was enjoying Shane’s company. At maalalahanin ito. Agad na nakaalalay sa kanya kapag tumatawid sila. At tuwina’y pumupuwesto ito sa bahagi kung saan naroroon ang mga sasakyan.
Lihim niya itong pinagmasdan nang matigil sila sa pagtawid dahil green light ang nasa intersection. He was the usual cliche. Tall, dark, and handsome. But a little bit thin and bony. Na lalo pang nagiging obvious dahil may kataasan ito. Marahil ay nasa five-eleven or six footer ito.
She was twenty-one. Matanda marahil ito sa kanya nang dalawa o tatlong taon.
Iyon lang pagiging payat nito ang napansin niyang medyo maipipintas niya sa physical nitong kaanyuan. She always admired the macho type of men. Iyong mga nakikita niya sa commercial ng jeans. Iyong may abs at may muscles sa mga braso.
Hindi siya kailanman nabighani sa mga lalaking lanky. She should be disappointed. Ayaw niya ng lalaking may kapayatan. Lalo at matangkad. Pero hindi iyon ang nadarama niya. Pinagtatakhan niya ang sarili doon. Kahit kanina sa train ay hinayaan niya itong hilahin siya upang bigyan siya ng mas maluwag na tatayuan.
She even liked his smell. She liked his dark and penetrating eyes framed with thick lashes that many women would envy. She liked his kinda shaggy straight hair. Just as she liked his masculine lips. Manipis sa upper lip and a little fuller sa lower lip na parang naka-pout.
She hadn’t been kissed. Kahit minsan. Totoong nagka-boyfriend siya noong high school pero agad din naman silang nag-break pagkalipas lamang ng isang buwan dahil nalaman niyang may iba pa itong nililigawan sa ibang section. At pinag-iisipan niya nang malalim kung ano ang mararamdaman niya kung hahagkan siya ng estrangherong ito.
Napailing siya sa sarili. Kung saan-saan na umabot ang kanyang pantasya. For all she knew, kaya payat ito malamang ay drug addict.
Pero lagi na ay mahusay ang kanyang pamantayan sa pagpili ng tao. At tuwina’y pinagkakatiwalaan niya ang kanyang katutubong pakiramdam. And he looked decent enough. Bagaman pangkaraniwan naman ang pinag-uusapan nila ay iba ang dating kung nagmumula rito. And she was enjoying his company.
Hindi rin ito hambog. Hindi rin ito nagsisikap na magpa-impress na karaniwan na sa mga lalaking may kursunada sa babae.
Hindi siya ang nag-i-initiate ng usapan malibang tanungin siya nito. Minsang nag-angat siya ng tingin habang kinakagat niya ang pizza ay napansin niyang nakangiti itong titig na titig sa kanya.
She frowned. Ibinalik sa paper plate ang slice ng pizza. “Why the smile?”
“Kinakamay mo ang pizza mo.”
Umangat ang mga kilay niya. “It’s a finger food.”
“I know. But many people I know use fork and knife. Look around you.”
She shrugged. “I’m not many people. Saka kanya-kanya iyan. Hindi naman siguro krimen iyong kakamayin ko ang pizza ko dahil finger food ito. If people want to use forks and knives with their pizzas, care ko.” Dinampot niya ang slice ng pizza at ipinagpatuloy ang naudlot na pagkain. She loved Yellow Cab pizza, kahit anong flavor.
“It seems. At hindi ka rin madaldal.”
“Not when I’m eating. Galit-galit.” She gave him a fake smile before she took a bite of her pizza. He chuckled. And Caroline almost stopped chewing her pizza. She liked the sound of his voice. Buong-buo. Parang hindi bagay sa katawan nitong mapayat. Unti-unting nagkahugis sa isip niya ang anyo nito kung magkakalaman at magkaka-muscles ito.
“Wow!”
He frowned at her. “Sobra kang nasarapan diyan sa pizza mo?“She blinked. Natawa sa sariling imahinasyon at saka tumango. “My favorite. New York’s Finest.”
“I’m glad I invited you here,” naaaliw nitong sabi. “Ang ibang babaeng nakakasama ko ay hindi humihinto sa pagsasalita. Kung ano-ano ang itinatanong tungkol sa akin at kung ano-ano ang sinasabi tungkol sa kanilang sarili. Iyong iba naman ay ayaw halos kunwari ubusin ang kinakain…”
Muli siyang nagkibit. Sige sa pinong pagnguya. Wala siyang pakialam sa ibang babaeng nakasama na nito kung maaarte ang mga ito at pa-impress. Basta gusto niya ang kinakain.Oh, she wanted to know more about him. Pero naisip niyang wala namang silbi iyon kung pagkatapos nilang kumain ay posibleng hindi na sila magkikitang muli. Besides, hindi naman niya ito type. Sinulyapan niya ito agad sa huling naisip niya.
Totoo, hindi ang lalaking ito ang type niya. Guwapo na kung guwapo. Pero lalo sigurong guwapo ito kung magkakalaman nang kaunti. Ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya gusto ang lanky type ay dahil sa pantasya niya ay gusto niyang binubuhat siya ng lalaki.
At sa wari, ay hindi nito kayang gawin iyon. Baka magkabali-bali ang buto nito kapag binuhat siya at maibagsak siya.
Napangiwi si Caroline nang lihim sa naisip. Inalis niya ang tingin dito at ibinalik sa pagkain. Pero bakit sa wari ay naaakit siya rito? Bakit parang gusto niyang lumawak pa ang pagkikilala nila?
“Anong oras ang last subject mo?” he asked casually, then sipped his cold bottled tea.
“Six.”
“Full load?”
Tumango siya. Inabot din niya ang bottled tea niya at uminom. Pagkatapos ay inilapag na muli sa mesa. “OJT na next sem. Then hello graduation. BS HRM.”
“Why HRM?”
“Why not?
“Just curious. Puwede namang Business Ad. Karaniwang kinukuha ng marami ang kursong iyon sa UE. Hindi pa kamahalan. Walang trip sa kung saan-saang lugar as part of the course.”
She went still. “Naaaninag mo ba sa akin na parang hindi kaya ng nagpapaaral sa akin ang gastos?” It was an honest question that blurted out of her mouth. Kasabay niyon ay ang guilt dahil totoong mahal ang kurso niya.
Sa nakalipas ay maraming project. And then there was that trip to Cebu. Hindi biro ang mga gastos. Naisip niya sa kauna-unahang pagkakataon na baka napapahirapan niya ang lola niya.
Ang tagal siya nitong tinitigan bago dahan-dahang ngumiti. “I wasn’t even thinking of that. Just to keep the conversation going. Who’s sending you to school that suddenly you felt guilty?”
She made a face, at herself. She was too transparent. “My grandmother.” Pinunasan niya ang bibig ng paper napkin. “And I took this course because maybe I plan to manage my own hotel in the future…”
He smiled. His eyes twinkling. “Iyong ibang babae ang ambisyon ay makapagtrabaho sa malalaking hotel. O di kaya upang makapag-abroad. Ikaw naman ay inaambisyong magmay-ari at mag-manage ng sariling hotel.”
“Hindi naman kasi ako ibang babae. Saka, eh, ano naman? Mangangarap din lang, eh, di lakihan na.”
“Kahit na walang katiyakang matupad? Hindi dahil dini-discourage kita. Just a simple question.” He added the last two sentences hurriedly… almost defensively.
“Walang tax ang pangangarap, Mr. Malvar.”
He chuckled. “I like you, Miss dela Rosa. I really do.”
Nais lumabas sa bibig niya ang salitang gusto rin niya ito pero hindi sinasabi iyon sa lalaking wala pang isang oras mula nang magkakilala kayo. Sa halip ay sinulyapan niya ang relo sa palapulsuhan niya. Twenty minutes bago ang second subject niya.
Nang mapansin ni Shane na parang gusto na niyang umalis sila ay nauna itong tumayo at pumuwesto sa likuran niya upang hilahin ang upuan sa pagtayo niya.
A gentleman, she thought with a silent smile. At buo pa man din ang paniwala niyang namatay na ang chivalry sa modernong panahon.
Inihatid siya ni Shane sa UE, sa Lepanto gate kung saan mas madali na lang dito ang pagtawid sa FEU. Hinintay siya nitong makapasok sa building bago ito kumaway at tumalikod.
May panghihinayang siyang nadama. Hanggang sa huling sandali ay umaasa siyang hihingin nito ang cell phone number niya. She was disappointed. Maybe he was just being nice and friendly.
Kung walang trangkaso si Raquel ay magkasabay silang papasok dapat kanina at malamang na hindi sila nagkakilala ni Shane. Di sana’y hindi siya makadarama ng ganitong sobrang panghihinayang.
Sinikap niyang alisin sa isip si Shane. Na ang pagkikilala nila ay isa lamang magandang karanasan niya sa araw na iyon at magandang ikuwento mamaya kina Raquel at Lovelle pag-uwi niya sa apartment. At pagkatapos ay magtatawanan sila.
Lakad-takbo niyang tinungo ang hagdan patungo sa second floor ng building. As if to outdistance her thoughts of Shane. May pitong minuto pa siya bago ang oras ng second subject niya. Minsan, nale-late ng ilang minuto ang professor niya.
7
SA BUNGAD pa lang ng classroom ay narinig na ni Caroline ang pagkakaingay ng mga classmates niya. May ngiting sumungaw sa mga labi ni Caroline. Marami sa mga classmates niya ay tulad din niyang ga-graduate na sa susunod na taon. Pero kung titingnan niya ang ilan ay tila mga nasa high school pa lang sa pagkakagulo at pag-iingay.
Marami naman sa kanila ang block section kaya halos magkakaibigan ang lahat. Ang ilan sa mga ito ay classmates din niya sa nakalipas na mga semester. Lumakad siya patungo sa upuan niya sa ikalawang hilera.
Nang sandali siyang mahinto sa paglakad. Nakita niyang ang buong hilera ng mga upuan sa harapan ay okupado na ni Chanelle at ng barkada nito at ng ilang boys na nakatayo na tila mga security men.
Classmate niya ito sa dalawang magkasunod na subjects. Sa kung ano mang kadahilanan, hindi niya gusto si Chanelle. And probably, the feeling was mutual. Chanelle was too condescending. Sa nakalipas na semester na classmate niya ito ay wala siyang natatandaang sinsero ang mga pakikipag-usap nito sa kanya.
Kunsabagay, kahit naman sa ibang babae sa klase ay ganoon din ang trato nito. Maliban na lang sa mga boys, lalo at guwapo.
And in fairness, talagang nakakumpol ang mga lalaki rito. Bakit naman hindi, eh, maganda at sexy ito. Tila artista. Mas maganda pa kaysa sa mga artistang napapanood niya sa telebisyon.
Baka lumabis lang ang imahinasyon niya pero kung kukulayan ng puti ang buhok ni Chanelle ay maihahalintulad niya ito kay Marilyn Monroe. Kahit ang lipstick nito ay laging pula. O siguro ay talagang iyon ang ipino-portray ni Chanelle, the Marilyn Monroe look-alike. Dahil kahit ang nakasabog nitong alon-along buhok ay a la MM.
Kahit ang tawa nito ay makatawag-pansin. Tila baga sinasadya ang naroroong pang-aakit.
And she kept on crossing and uncrossing her legs. Marahil ay upang sadyang masilip ng mga boys ang kung ano mang nais nitong ipasilip.
In short, Chanelle was a flirt. Pero hindi ba at likas naman sa mga babae ang pagiging flirt? Depende na lang sa paraan ang pagpapakita niyon. Some are obvious, some are subtle.
Ang mga kaibigan naman nito ay laging nakasunod dito na tila mga “ladies in waiting” ng isang reyna.
Tahimik siyang nagbuntong-hininga at lumakad patungo sa upuan niya sa unang silya sa second row. Sa mismong likuran ni Chanelle. Agad na natuon ang atensiyon ng dalawang classmates niyang lalaki sa kanya at binati siya.
“Hello, Caroline,” sabay-sabay na bati ng mga ito.
Ngiti lang ang isinagot niya. Nilingon siya ni Chanelle. Her smile was condescending, as always. Na para bang isa siyang alipin at reyna ito.
“Oh, hi, Caroline,” bati nito, sabay ang paghagod ng tingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Natitiyak niyang sinasadya nito ang ganoong uri ng tingin. Pagpapakita nito ng superiority kahit na wala namang kumokontesta. “Wala ka sa first subject natin? At wala rin si Raquel.”
Caroline wondered why she noticed. Eh, sa nakikita niya ay wala naman itong pakialam sa ibang classmates nila, lalo at babae.
"Masama ang pakiramdam ni Raquel..."
Tumango-tango ito. Iglap nawala ang atensiyon nito sa kanya sa isa-isang pagtungo ng mga classmates nila sa kanya-kanyang upuan. Dumating na ang professor nila. At napabuntong-hininga siya habang sinusundan ang paglakad nito patungo sa munting mesa at inilapag ang gamit doon.
Ang professor nila, si Mr. Tolentino ay guwapo at macho. Hindi mo iisiping professor ito kung makakasalubong mo sa ibang lugar. Naka-tight hugging jean na nagpapakita ng magandang pangangatawan.
Sa kabila ng disenteng suot na polo shirt ay mababanaag ang abs nito. At kapag tumataas ang braso nito sa blackboard ay kitang-kita ang banayad na paggagalawan ng mga muscles.
At marami sa mga classmates niyang babae ang talagang napapahanga rito. Nangunguna na si Chanelle sa mga ito at sadyang ginagawang obvious ang paghanga sa professor nila. Siya rin naman ay crush ito. Crush na agad niyang sinupil dahil may asawa na si Mr. Tolentino. Kahit pa sabihing simpleng crush lang naman. Still, hindi niya gustong magkaroon ng atraksiyon sa isang hindi na malaya.
Sa pagkakaalam ni Caroline ay wala pang isang taong nakakasal ito. At natutuwa siyang hindi gumaganti ng flirting si Mr. Tolentino sa mga babae. Lalo na kay Chanelle na sa kabuuang isang oras sa klase ay lagi nang gustong dito natutuon ang atensiyon ng professor.
Out of the blue, Shane’s image popped up. The twinkling eyes; ang banayad nitong dimple sa iisang pisngi lang; ang guwapong mukha. Pagkatapos ay in-imagine niya na kasingkatawan ni Mr. Tolentino si Shane. Oh, wow—
“Are you daydreaming, Miss dela Rosa?”
“S-sir?”
Kasabay niyon ay ang hagalpakan ng tawa ng mga classmates niya. Nilingon siya ni Chanelle. Umangat ang mga kilay at painsultong nginitian siya. “Did you have your sexual fantasy with our professor, Caroline?”
Marahas ang hiningang pinakawalan niya. Nag-init ang mukha niya sa pagkapahiya. May itinanong sa kanya ang professor niya pero hindi niya iyon naririnig. Buong pag-isip niya ay nakatuon kay Shane!
Sa lalaking ni hindi niya type! At estranghero pa. Napahiya siya dahil inokupa ng payatot na iyon ang buong pag-iisip niya.
It isn’t his fault that you thought of him, at na hindi ka nakikinig… wika ng kabilang isip niya.Buong sigasig na inako ni Chanelle ang pagsagot sa tanong sa kanya ng professor nila. At hindi rin naman niya naiintindihan ang sagot nito dahil napapahiya siya. Gayunman ay ipinagpapasalamat niyang nawala na ang atensiyon sa kanya.
Isang klase pa ang sumunod at break time na. Hindi sana niya gustong magtungo sa canteen dahil busog pa naman siya mula sa pizza na kinain nila kanina ni Shane. Pero hindi niya gustong makipaghuntahan sa mga classmates niyang lalaki.
Nagtungo siya sa canteen at um-order ng soft drink at kung ano na lang na kakanin. Dala ang tray ay tinungo niya ang natanaw na bakanteng mesa. At huli na nang mapansin niyang sa kabilang mesa naroroon sina Chanelle at ang tatlong barkada nito. Nang sulyapan niya ang mesa ay patapos nang kumain ang mga ito.Naupo siya at nagsimulang kumain.
“May mga babae talagang kung magpakita ng admiration ay over…” narinig niyang sabi ni Chanelle.
Nakayuko si Caroline sa pagkain niya pero umikot ang mga mata niya. Look who’s talking, wika ng isip niya.
“At napapahiya tuloy,” wika ni Juvy, ang isa sa mga barkada nito na sinundan naman ng tawa ng iba pa.
Caroline ignored them. Ipinagpatuloy niya ang pagkain kahit na hindi gustong tanggapin ng lalamunan niya ang kakanin. Kapag tumayo siya at iniwan ang pagkain ay lalo siyang pagtatawanan ng mga ito.
Ilang sandali pa ay nagtayuan na ang mga ito. Kinawayan siya ni Chanelle at matamis na nginitian. Ngiting nakakaloko.
“Bye, Caroline.”
Kung paano siyang gumanti ng ngiti ay hindi niya alam. Pero natitiyak niyang mapaklang ngiti ang naihatid niya. Malayo na ang mga ito ay naririnig pa rin niya ang tawanan. Samantalang si Chanelle ay panay ang kaway at ngiti sa mga boys na kakilala nito at nadadaanan.
Iniwan na rin niya ang pagkain kahit na hindi pa iyon napapangalahati man lang. Hinintay lang niyang makalabas ng canteen sina Chanelle at tumayo na rin siya at nagbalik sa klase.
Nang matapos ang huling subject niya ay nagmamadaling tinungo ni Caroline ang Recto gate ng unibersidad. Nasa labas na siya ng building nang mapansin ang isang pamilyar na bulto na nakatayo ilang hakbang mula sa kanya.
Si Shane!
8
ANO ANG ginagawa nito roon?
Nanatili siya sa kinatatayuan nang lumakad ito patungo sa kanya. He was smiling at her. “Hi.”
“H-hi din. May… may sinusundo ka rito?”
“Ikaw.”
Napakurap siya. “Ako?”
“Ikaw nga. Hindi ba at itinanong ko sa iyo kung anong oras ang huling klase mo?”
“P-pero paano mo nalamang dito ako sa Recto gate lalabas?”
“It doesn’t take a genius, Caro. Galing kang Sta. Mesa so dito ka lalabas pauwi.”
Caro. Humahaplos wari sa dila nito ang paraan nito ng pagbigkas ng pangalang itinawag nito sa kanya. An endearment in Italian.
“Okay…” wala sa loob niyang sagot.
“I’ll buy you dinner. Saan mo gusto?”
Umiling siya. Hindi pa rin makaahon sa pagkamanghang inabangan siya nito… na siya ang sinusundo nito. “Kailangan kong umuwi kaagad. May sakit ang kaibigan at roommate ko. Baka hindi pa rin iyon naghahapunan.”
“Kung ganoon ay tara na. Mag-taxi tayo pauwi sa inyo…”
“Taxi!” bulalas niya.
Shane smiled that disarming smile of his. “Ano naman ang nakakamangha roon? Hindi ako rapist, Caro. O kidnapper kaya. Ayoko lang danasin natin uli ang siksikan sa LRT tulad kanina. Uwian ng mga nag-oopisina at ng mga estudyante ngayon.”
Hinawakan siya nito sa likod ng siko at inakay patungo sa gilid ng daan upang maghintay ng taxi na daraan. At ni hindi niya makuhang hatakin ang kamay mula rito. She could easily say “no.” Natitiyak niyang hindi siya pipilitin nito. She had never been in a taxi with a man. And a stranger for that matter.
Hindi niya ito talagang kilala maliban sa pangalan nito at nagkasama sila kaninang umaga at inilibre siya ng paborito niyang pizza. Hindi ba sa ganitong pangyayari may napapahamak na mga babae?
Sa kaisipang iyon ay sandali siyang nahinto sa paglakad. Nag-atubili. Hindi niya hahayaang dahil lang magandang lalaki ito ay isasantabi na niya ang pag-iingat sa sarili.
Nilingon siya ni Shane. He frowned a little. Then, “Wait here.“Bago pa siya makakibo ay lumakad ito pabalik sa gate ng UE at sa mga security guards doon.
Napansin niyang may dinukot ito sa bulsa ng polo shirt. An ID and a calling card. Ipinakita nito ang ID sa mga security guards. Pagkatapos ay sinundan din iyon ng ball pen from his shirt pocket. May isinulat ito sa likod ng calling card at pagkatapos ay ibinigay sa guwardiya at nilingon siya. Ang mga guwardiya man ay hinayon din siya ng tingin.
“What was that?” tanong niya nang nasa tabi na niya uli ito.
Nagkibit ito at muli siyang hinawakan sa palapulsuhan. “Showed them my office ID. Gave them my calling card and wrote your name at the back. Sabi ko kapag may nangyaring hindi maganda sa iyo ngayong gabi ay ako ang hanapin nila.”
“You’re crazy!” she exclaimed. Hindi niya matiyak kung ano ang dapat niyang maramdaman. If it was excitement or uneasiness, she couldn’t decide.
“Bakit mo ako sinundo?”
He frowned at her. “Dahil gusto kitang makilala pa nang lubos.”
“Why?”
“Because I like you.”
“Why?”
Lumalim ang kunot ng noo nito. “’Ayan ka na naman sa puro ‘why.’”
“Eh, bakit nga?”
“Tinagalog mo lang ang tanong mo. So, why do I like you?” Tumango siya. “Truth is I don’t know. You’re not even my type…”
Napatuwid ng tayo si Caroline sa narinig. “I’m not your type?” Tumango ito pero nakangiti.
“Same here. Hindi rin kita type. But for curiosity’s sake, bakit hindi mo ako type?” Parang nasagasaan ang ego niya sa sinabi nito.
Aba, at ang payatot na ito ay diretsahang sinabing hindi siya type. Pagkatapos, heto at sinusundo siya.
Totoong hindi siya kasingganda ni Chanelle pero wala namang nagsabi sa kanyang pangit siya. Sabi nga ng marami, ang lakas daw ng sex appeal niya. Before Chanelle tried to get all the male’s attention in their class, siya ang pinagkakaguluhan ng mga ito.
Ganoon pa man, lihim na nagpapasalamat siya kay Chanelle dahil doon. Hindi niya kayang makipag-usap sa mga boys ng kung ano-anong wala namang kawawaan o makipag-flirt kaya.
Mamaya pa ay pumara na ang taxi na kinawayan ni Shane at sumakay na sila. “Sabihin mo sa driver kung saan tayo,” ani Shane. Sinabi niya ang address nila sa Sta. Mesa.
“Ow, malapit lang iyon sa NCBA. Bakit hindi ka roon nag-aral?”
“Ang lola ko ang namili ng unibersidad para sa akin. Sabi niya ay nag-aral din daw sa UE ang mother ko.” Sinulyapan niya ito. “Hindi mo sinasagot ang tanong ko…”
“Ah, oo nga pala.” Sinulyapan din siya nito. “Hindi ka matangkad…”
Nanlaki ang mga mata niya. “Sa tingin mo, pandak ako?”
“Ano ang height mo?”
“Five-three… almost…” pabagsak niyang sagot.
“O, di hindi ka nga matangkad. I’m five-eleven something. Halos six footer na. Chances are, baka tumaas pa ako…” He grinned at her teasingly. “Pansin mo, kapag kinakausap kita’y nakayuko ako sa iyo? At ikaw ay nakatingala sa akin?”
“So?”
“Perhaps when we kissed—”
“What?!”
************Maraming salamat mga beshies, sa patuloy na pagsuporta at pagmamahal. Patuloy kayong mag-ingat para masaya tayong lahat char. Mahaba-haba pa ang kuwentong ito at back to work na muna ako mga beshies. Enjoy reading at pasensya na kung natagalan sa pag-uupdate. -Admin A *********
9
NGUMISI si Shane. “Relax. I said perhaps when… when we—”
“Narinig kita the first time!” putol muli ni Caroline sa sinasabi nito. “Hindi mo kailangang ulitin. And FYI, the right word is IF. And you won’t get the chance!” Nanggigigil siyang hindi mawari.
“Sshh. Bawal nagsasalita nang patapos,” he said grinning irritatingly. “Ikaw naman, bakit hindi mo ako type?”
She made a face and rolled her eyes. “You are too thin. Mas type ko sa mga lalaki ay iyong may laman at muscles…”
“Tingin mo sa akin payat ako?” He pretended a wounded look. “At na wala akong muscles?” Itinaas nito ang braso at hinipo.
“O, hindi ba?” Sinulyapan niya sandali ang katawan nito bago ibinalik sa bintana ng taxi sa gilid niya.
“May daga-dagaan naman ako, ah,” anito pagkatapos hipuin ang punong-braso.
“Daga-dagaan daw. Pero tama ka…” Tumango-tango siya sa nakakalokong paraan. “Dagang dingding.”
“Oh, well…” Shane conceded with a grin. “Siguro nga medyo payat ako pero may muscles namang kaunti. You see, genes namin iyon, eh. Ang father ko ay medyo lanky rin noong kabataan niya. You should see the family album. Parang ako si Papa. Mas guwapo nga lang ako.”
She gave him a saccharine smile. “Hindi ka mayabang. Sobrang type ko iyan sa isang lalaki.”
Ngumisi ito. “Nagsasabi lang ako ng totoo. Kahit ikaw, sige, sabihin mo sa aking hindi ako guwapo.”
“Okay. Guwapo ka. Hindi pa rin kita type dahil payatot ka.”
Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Shane. Pakiramdam niya ay dumadagundong mula sa dibdib nito iyon. Ibinaling niyang muli ang tingin sa daan. She wondered why they had this kind of conversation. Na para bang kay tagal na nilang magkakilala at magkaibigan. Nagtataka rin siya sa sarili kung bakit nagaganyak siya nito sa ganoong usapan.
Wala siyang natatandaang nakipag-usap siya nang ganito sa mga bagong kakilalang lalaki. Pero hindi naman ito bastos. May kapreskuhan lang nang kaunti. Sa isang endearing na paraan.
Dahil hindi naman gaanong ma-traffic ay agad silang nakarating sa apartment. Napangiti siya nang makitang nasa ibaba ng apartment si Raquel at tinutulungan si Nemia na magluto ng hapunan nila.
Si Nemia ay ang kanilang kasambahay na rekomendado ng may-ari ng compound. Share din silang tatlo sa suweldo nito na hindi naman kataasan. Naroon din si Lovelle na nakaupo sa mahabang sofa at nagpe-pedicure. Too sexy in her short shorts.
"Magaling ka na? Baka naman mabinat ka niyan?" aniya kay Raquel na bumungad sa entrada ng kusina.
Parehong kay Shane nakatuon ang mga mata ng mga kaibigan niya. "Hindi nagtuloy ang inaakala nating trangkaso. May kasama ka?"
"Obviously," ani Lovelle na umikot ang mga mata. "Hi. Pasok ka," anito kay Shane.
"Ay, siyanga pala, girls... si Shane. Shane si Raquel at si Lovelle, mga kaibigan ko. And housemates."
Lumakad si Shane papasok at inilahad ang kamay kay Raquel. "Pleased to meet you, Raquel." At pagkatapos kay Lovelle na nakangising tinanggap ng huli ang kamay nito. "Pareho kayong mga taga-UE?"
"Graduate na ako. Last sem," ani Lovelle, hindi naalis sa mga labi ang isang nanunudyong ngiti para kay Caroline. "Nagtatrabaho na ako sa call center."
"Pero paano kayo nagkakilala?" tanong ni Raquel.
Nagkatinginan sina Shane at Caroline. "Nagkasabay kami sa LRT. Mamaya ko na ikukuwento sa inyo," aniya.
"Dito ka na kumain, Shane. Nakaluto na si Nemia. Sobra naman sa amin iyon. Iyon ay kung mapagtitiyagaan mo ang ulam namin."
"Ano'ng ulam natin?" pabulong at nahihiya niyang tanong sa kaibigan. Although may hinala na siya dahil umaalingasaw ang amoy niyon sa buong apartment.
Malapad na ngumiti si Raquel. Sadyang nilakasan ang tinig nang sumagot. "Ano ba sa palagay mo ang kaya kong lutuin sa budget natin? Di sardinas na may miswa. Tatlong latang sardinas iyon kaya kasyang-kasya sa ating lahat. Eh, may pritong daing na GG pang natira kanina." Napangiwi nang lihim si Caroline.
"Wow. Paborito kong pareho," ani Shane.
Caroline rolled her eyes. "So patronizing..." paungol at sarkastiko niyang sabi, sabay siko sa sikmura nito. Tumawa lang si Shane.
Habang kumakain sila ay sina Raquel, Lovelle, at Shane ang gumagawa ng mapag-uusapan. Nanatili siyang tahimik at lihim na pinagmamasdan ang binata. At manaka-nakang nagkakasalubong ang mga mata nila dahil hindi rin inaalis ni Shane ang mga mata sa kanya.
Napansin ni Caroline na agad nakuha ni Shane ang loob ng mga kaibigan. Mahirap ma-impress ang mga ito, lalo na si Raquel. But he was so charming that in no time at all he had her friends laughing at his jokes.
Pagkakain ay itinaboy na sila ni Raquel sa munting sala ng apartment. Si Lovelle ay pumanhik naman sa itaas. Kalahating oras pa silang nag-usap ni Shane bago ito nagpaalam.
Agad siyang hinila ni Raquel pagkalabas ni Shane ng apartment.
“Hindi ako maka-recover, Caroline,” anito na malapad ang ngiti. “Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-entertain ka ng lalaki! Ano na ang nangyari doon sa ‘pagka-graduate ko, doon pa lang ako tatanggap ng seryosong manliligaw’?”
She made a face. “Hindi naman nanliligaw iyong tao.”
“Hindi pa…”
Tinungo niya ang hagdan na siyang nakapagitan sa sala at kusina. Pumanhik siya habang kasunod si Raquel. Si Lovelle ay nasa bungad ng pinto ng silid ng dalawa. Nakahalukipkip at nakangiti.
"Ang ating bunso ay may nakilalang lalaki," anito. Naka-plaster na sa mga labi ang ngisi. "Pray tell how you two met?"
"At guwapo, ha," susog ni Raquel.
"Guwapo nga. Pero tingnan mo nga at mukhang malnourished. Kaya siguro enjoy sa food natin kahit sardinas na may miswa ay dahil walang makain sa kanila..." She knew she was exaggerating. Pero kailangang may isagot siya sa mga panunukso ng mga kaibigan.
"OA ka, ha." Sinundan siya ni Raquel hanggang sa silid niya, sumunod din si Lovelle. "Paano kayo nagkakilala?"
Ibinaba niya sa study table ang bag. Isinara ang jalousies sa bintana na nakatanaw sa kalye at nagsimulang maghubad ng damit. Ikinuwento niya sa mga kaibigan kung paano sila nagkakilala ni Shane.
"How romantic!" bulalas ni Lovelle.
“Blessing in disguise sa iyo ang pagkakasakit ko, ha. Nakilala mo si pogi. And mind you, ni ayaw matanggal sa iyo ang mga mata niya kahit kami ang kausap. Laging sa iyo nakatitig.”
“Ohhh… I’m so kilig,” ani Lovelle, sabay hagikgik.
"Tse! Magtigil nga kayo. Hindi ko siya type. Alam n'yo namang mas gusto ko iyong macho..."
"Huss. 'Di raw type," ani Raquel na umirap. "Kung 'di mo type si Shane, hindi mo siya dadalhin dito. Eh, ang dami na kayang nag-alok sa iyong ihatid ka pero 'di mo naman pinapansin."
"Tulak ng bibig, kabig ng dibdib..." paghimig ni Lovelle sa isang lumang kanta at saka sinabayan ng tawa at iwas nang batuhin ito ni Caroline ng hinubad na blouse. Tuluyan na itong lumabas ng silid niya habang humahalakhak.
Tinitigan siya ni Raquel nang ilatag niya ang katawan sa kama nang naka-bra at panty lang. Nakatitig siya sa kisame. Iniisip kung type nga ba niya o hindi si Shane.
"Masama ang kutob ko. Tinamaan ka ni kupido. Tsuk na tsuk. Finally."
Hindi siya kumibo at sa halip ay dumapa sa kama at niyakap ang unan.
10
ANG BIGLANG preno ni Shane ang nagpahinto sa daloy ng alaala. Idinikit ni Caroline ang mukha sa likod ng kasintahan habang banayad na tumatakbo ang motorsiklo nito sa kahabaan ng Aurora Boulevard patungo sa Sta. Mesa.
Dalawang linggo magmula nang magkakilala sila ni Shane ay naging magkasintahan sila. At wala siyang pagsidlan sa kaligayahan. Wala siyang maipipintas sa kasintahan.
Until minutes ago. Nang biglang lumitaw sa harap nila si Chanelle. Pero ipinanatag ni Shane ang dibdib niya. Naniniwala siya na wala itong pagtingin kay Chanelle. Ipinakilala kaagad siyang girlfriend nang walang pag-aatubili.
Nararamdaman niyang mahal siya ni Shane. Hindi lamang sa salita. Naipakilala na rin siya nito sa kaibigan nitong matalik, si Mike. Binata at isang accountant at nagtatrabaho rin sa accounting office ng FEU. Tulad ni Shane ay may bike din ito.
“You’re quiet…” ani Shane na nilingon siya.
“I was thinking of the first time we met.”
"Pinagsisisihan mong nagkakilala tayo?"
Idinikit niya ang bibig sa tainga nito. "Ito naman. Siyempre, hindi."
"Dapat, dahil wala ka nang makikilalang tulad ko na mamahalin ka magpakailanman."
"Corny mo." But she was grinning. Sometimes, Shane could be so endearingly corny.
“PAANO kayong nagkakilala ni Shane?”
Mula sa pagsusulat sa notebook ay gulat na nag-angat ng mukha si Caroline. Si Chanelle.She took a deep breath. "Why don't you ask him, Chanelle?"
“I’m asking you now.” Bahagyang naniningkit ang mga mata nito. Natitiyak ni Caroline na nagpipigil itong mag-hysteria.
Si Chanelle ang uring kapag galit ay hindi ito nagpipigil hangga’t hindi naipapamukha sa tao na galit ito. At minsan na itong nagalit sa isang classmate nilang babae. Last semester.Chanelle was hysterical. At kung walang pumigil dito ay baka nasaktan na nito ang classmate na pinaghinalaang nagpapaligaw sa dating boyfriend ni Chanelle. The poor woman transferred to another section.
At marahil ay hindi naman siya ang uring sisiksik lang sa sulok kaya nagagawa pa ni Chanelle ang magtimpi.
“Nothing spectacular. Nagkita kami sa labas ng gate ng unibersidad.” She shrugged. Walang dahilan para sabihin niya rito ang totoong pangyayari ng pagkakakilala nila ni Shane. Iyon ay eksklusibo lamang sa kanilang dalawa at sa mga kaibigan niya.
“Kung ano man ang sinasabi niya sa iyo, don’t believe him. Shane is a veritable playboy. You’ve been taken by his charm. He will hurt you. I should know. Mas matagal ko siyang kilala kaysa sa iyo.”
Tinaasan niya ito ng kilay. "Kailan ka pa naging concerned sa akin, Chanelle?"
"Pinaaalalahanan lang kita."
"Thank you," she said sarcastically. "But I'll take my chance." Sandali itong natigilan bago, "Don't blame me I didn't warn you."
"I won't ever." Isang mapagkunwaring ngiti ang pinakawalan niya rito.
Nararamdaman ni Caroline ang kontroladong galit nito nang tumalikod ito at tinungo ang sariling upuan. Nanlalambot na napasandal siya sa upuan. May hinala na siyang kokomprontahin siya nito ngayong araw pagkatapos nilang magtagpo kahapon.
But she hadn’t expected Chanelle to be so angry with her. Na tila ba inagawan niya ito ng kasintahan. Lamang ay nakikita niya ang labis na pagpipigil nito. Marahil ay kaiba naman ang sitwasyon niya dahil hindi naman nililigawan ni Shane si Chanelle kung ikokompara sa classmate nila noong nakaraang semester.
Shane is a veritable playboy. You've been taken by his charm. Hindi niya dapat maramdaman ang insekyuridad. Tiniyak sa kanya iyon ni Shane. Still, hindi niya maialis sa isip ang sinabing iyon ni Chanelle, at na mas kilala nito si Shane kaysa sa kanya. Hindi niya iyon pinagdududahan.
She sighed. She shouldn't let Chanelle's bitchiness get into her.
Nang hapong iyon ay usapan nila ni Shane na siya ang susundo dito sa opisina nito sa kabilang unibersidad dahil may tatapusin itong trabaho hanggang alas-siyete ng gabi.
At dahil ilang beses na rin naman siyang nagtutungo sa opisina ni Shane ay kilala na siya ng mga security guard kaya agad siyang pinapasok. Nasa bungad na siya ng admin building nang mapuna niya ang dalawang pamilyar na bulto—sina Mike at Chanelle.
It was obvious that Chanelle was flirting with Mike. At mas obvious na napaka-susceptible ni Mike sa ginagawa ni Chanelle dito. Wala siyang bagay na kontra sa kaibigang matalik ni Shane. Mabait ito, palangiti, at nararamdaman niya naman na sinsero siyang tinanggap nito bilang girlfriend ni Shane.
Kung may ibang dadaanan lang siya ay gusto niyang umiwas. Hindi niya gustong makita siya ni Chanelle doon. Pero kung may ibang daanan man ay hindi na rin siya makakaiwas pa dahil nakita na siya ni Mike. Lumapad ang ngiti nito nang matanaw siya.
"Caroline."
"Hi, Mike." She smiled back. "Off ka na?" she asked the obvious.
Nahinto sa pagsasalita si Chanelle at nilingon siya. Napawi ang mapang-akit na ngiti sa mga labi nito nang makita siya.
Tumango ito. "Kanina pang alas-singko."
"Hello, Caroline," bati ni Chanelle. "Susunduin mo ba si Shane?"
“Sana,” she said and smiled faintly.
Muling gumitaw ang ngiti sa mga labi ni Chanelle. Ngiting hindi naman umabot sa mga mata.
"Nasa loob pa ang kaibigan ko, Caroline," patuloy ni Mike. "Pero baka lalabas na rin iyon. Pumasok ka na sa loob."
"Thank you, Mike." Kasama niyang nginitian si Chanelle at tuluyan nang pumasok sa building. Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit lalong bumigat ang loob niya kay Chanelle. Siguro dahil nakikita niyang naaakit si Mike dito. Sa loob niya ay hindi niya gustong mapaugnay si Mike dito. Mula nang maging classmate niya si Chanelle nitong nakalipas na semester ay hindi naman nito itinatago ang pagpapalit-palit nito ng boyfriend. Katunayan ay parang ipinagmamalaki pa iyon. At natitiyak niyang hindi ang uri ni Mike ang seseryosohin nito.
Pero wala siyang pakialam doon. Wala siyang karapatang panghimasukan si Mike. Hindi na naman ito bata. Alam nito ang ginagawa.
Pag-angat niya ng mukha ay siya namang paglabas ni Shane mula sa admin office. His smile was instantaneous upon seeing her. Binilisan nito ang hakbang pasalubong sa kanya. He was wearing his usual long-sleeved polo shirt. Naka-light blue striped naman ngayon. At lagi na'y nakarolyo ang mga manggas hanggang sa makalampas ng siko.
At tulad ng lagi nitong paraan ng pagsusuot ng polo shirt ay hindi iyon nakapaloob sa pantalon. She had never seen him in slacks. Lagi itong nakapantalong maong. He had that killer smile, lalo na kapag lumilitaw ang isang di-kalalimang dimple nito sa isang pisngi.
He was gorgeous. But he was tall and lanky. Hindi niya type, kung tutuusin. Still he was her man and she loved him. Si Shane ang kauna-unahang lalaking inibig niya. Wala siyang ibang maaaring pagkomparahan ng damdamin.
But she knew she loved him. Dalawampu’t apat na oras yatang ito ang laman ng isip niya. Bago matulog sa gabi at pagkagising sa umaga at sa buong maghapon.
"Tamang-tama ang dating mo. Natapos ko kaagad ang trabaho ko," anito at ikinawit ang braso sa baywang niya at hinagkan siya sa mga labi.
Banayad niya itong itinulak. "Baka may makakita sa atin..."
"Isa na lang ang tao sa admin at mas matanda pa sa mother ko." He laughed. "Besides, alam naman ng karamihan sa mga kaopisina kong girlfriend kita." Muli siyang akmang hahagkan nito nang mula sa loob ng opisina ng admin ay umalingawngaw ang malakas na crack at static ng radio. Amused na napailing si Shane.
"Kanina pa hindi mapaandar ni ma'am Mercedes ang transistor radio niya. Siya ang head ng department. Come with me," anito at hinawakan siya sa kamay at pumasok muli sa opisina.
Sa opisina ay natanaw ni Caroline ang isang babaeng marahil ay nasa late sixties na. Nakaantipara at pinipihit-pihit ang radio na nakapatong sa ibabaw ng filing cabinet.
"Don't be fooled by her age. She's sharp," nakangiting sabi ni Shane sa kanya.
Naramdaman marahil ng matandang babae ang presensiya nila at lumingon ito. "Nariyan ka pa pala, Shane," anito at ibinaba ang salamin nang ilang sentimetro mula sa ilong at sinipat si Caroline. "Sino ang kasama mo?"
"Si Caroline po, ma'am Mercedes, girlfriend ko."
"Hello, po." She smiled at the old woman.
Nag-iisip siya kung bakit hindi pa ito nagreretiro. Makapal ang antipara. Kahit ang paraan ng pananamit ay sinauna. Malalaking perlas ang nakakuwintas sa leeg. She’d bet her one month allowance that the pearls were real.
"Hindi pa ba dumarating ang sundo ninyo, ma'am?"
"My driver will pick me up in an hour. Tingnan mo nga kung ano ang problema niyang radio ko. Hindi ko tuloy napapakinggan ang paborito kong program sa 774 radio..."
"Tingnan ko nga po..." Tulad ng ginawa ng matanda ay pinihit-pihit ni Shane ang pihitan subalit walang sound na lumabas kundi static. Inikot nito ang radio at tiningnan ang likod. "Eh, natanggal po pala ang antenna, ma'am. Teka at ikakabit ko."
"Baka natanggal kaninang may hinahanap na file si Imelda. Basta na lang kasi inusog ng babaeng iyon ang radyo ko. Hmp. Bukas nga'y sisitahin ko."
Nang maikabit ang antenna ay itinapat ng matanda ang talapihitan sa paborito nitong AM na istasyon. Napangiti ang matanda nang malinaw na lumabas ang tinig ng announcer at ilang segundo pa ay pumailanlang na ang lumang musika.
“Thank you, Shane,” nasisiyahang wika ni ma’am Mercedes.
“Wala pong anuman iyon, ma’am,” anito at hinawakan na sa kamay si Caroline upang muling lumabas nang tawagin sila ng matandang babae. Sabay silang lumingon.
“Dance with your girlfriend, Shane…” anito sa seryosong tono.
“What?” ani Shane na napangiti. Niyuko si Caroline na umiling pero nakangiti.
“Oh, you young people, indulge me. Sige na kahit na hindi pa kayo ipinapanganak sa kantang iyan.”
Shane shrugged. Hinapit sa baywang si Caroline at sinimulang isayaw.
“You are crazy,” she giggled.
“Gusto kong pagbigyan si ma’am Mercedes.” His smiling eyes bored into hers as he swept her to the wider part of the room.
Have you looked into your heart? Did you find a memory or two?Even though the flame has diedMaybe there’s a spark inside
Idinikit nito ang noo sa noo niya. “Ang liit mo talaga, ano? Nakayuko ako sa iyo.”
She rolled her eyes. “Hindi ako maliit, ikaw ang mataas. Tinalo mo pa ang poste ng Meralco.”
“Ano ba ang sukat ng baywang mo at hindi ko mahapit?” patuloy nito. Kumikislap ang mga mata sa kaaliwan sa panunukso sa kanya.
“Nang-iinis kang talaga, ano?” she hissed. Hindi naman niya gustong marinig ni ma’am Mercedes na nagtatalo sila. Nang akma siyang kumakawala ay hinigpitan ni Shane ang pagkakahawak sa kanya at hinapit siya nito.
11
SHANE’S eyes were smiling down at her. “Huwag kang pikon. Kahit pandak at chubby ka ay love kita.”
Have you looked into your heart?
Have you searched through all your dreams?
Did you ever find a trace of me?
Kinabig pa siya nitong palapit sa dibdib nito. “I love you, Caro…” bulong nito sa tainga niya. “Sa iyo ko lang naramdaman ang ganitong damdamin…”
Even though you say we’re through
That I’m not the one for you
Have you looked into your heart?
“Pagkatapos mo akong asarin, mag-e-emote ka diyan,” pabirong sagot niya, and pressed her chest against his chest.
"Tell me you love me, too."
She stared into his eyes and said solemnly: "I love you, Shane. Always."
Kinabig siya ni Shane payakap habang isinasayaw. Isiniksik ang mukha sa leeg niya at banayad siyang hinahagkan doon. Napaharap siya sa kinauupuan ni ma'am Mercedes.Tila nangangarap ang matandang babae habang nakatingin sa kanila. Sa wari ay nasa ibang panahon ang isip.
Kumawala siya mula sa pagkakayakap ni Shane. "Tama na," pabulong niyang sabi.
“Tinitingnan tayo ni ma’am Mercedes. Nakakahiya.”
Nang pakawalan siya ni Shane ay pumalakpak ang nakatatandang babae. “Thank you for indulging this old woman, Shane, Caroline. Ipinaalala ninyo sa akin ang aming kahapon ng aking asawa…”
Ever since we’ve been apart
All I do is pray for your return
Shane smiled. Ganoon din si Caroline at kinawayan ang matandang babae bilang pamamaalam.
“See you tomorrow, ma’am…” ani Shane at inakay na siya patungo sa pinto palabas.
Take a look and you will see
Maybe there’s a place for me
Have you looked into your heart?
“I don’t like that song…” ani Caroline nang nasa bukana na sila ng pinto dahil naririnig pa rin nila ang awitin.
“Dahil luma na?”
“Hindi iyon. Marami rin naman akong gustong lumang kanta. Paborito rin ni Lola ang istasyong iyon na pinakikinggan ni ma’am Mercedes. I just don’t like that we danced that song. Parang hindi magandang pangitain. Tungkol sa naghiwalay.”
Tumawa nang malakas si Shane. “Kanta lang iyon, Caro. Hindi mo dapat binibigyan ng kung ano-anong kahulugan.”
“I still don’t like it,” she said stubbornly.
“O, siya. Hindi na kung hindi.” Itinaas nito ang kamay niyang hawak nito at hinagkan.
Nasa labas na sila nang matanaw nila sa may main door sina Mike at Chanelle.
“Nariyan ka pa pala, Mike. Hello, Chanelle,” bati ni Shane.
Ikinawit ni Chanelle ang braso sa braso ni Mike. Sa tingin ni Caroline ay siyang-siya naman ang binata. Hinawakan pa nito ang kamay ni Chanelle na nakahawak sa braso nito.
“Inimbita ko si Mike na kumain sa labas, Shane,” ani Chanelle.“Sumama na kayo ni Caroline. My treat. I just received my allowance from my stepfather.”
"Allowance mo iyan, Chanelle," ani Shane. "Tinitipid mo dapat hanggang sa next na padala." Chanelle waved her hand indifferently. "Oh, don't worry. My stepfather's loaded."
"Kailangan kong makauwi kaagad—"
"Oh, please, Caroline," tonong-pakiusap nito na pumutol sa pagtanggi niya. "Dalawang sem na tayong classmates at hindi pa tayo nagkakasama. Next year ay busy na tayong pare-pareho. OJT na natin."
Alanganing nilingon niya ang kasintahan. He shrugged. Ipinauubaya sa kanya ang desisyon. Napakunot-noo pa siya dahil napansin niyang malamlam ang mga mata ni Shane. Akma na siyang iiling at tatanggi nang mabilis na muling nagsalita si Chanelle.
"Huwag mo naman akong hihiyain, Caroline."
"Pumayag ka na, Caroline," segunda naman ni Mike.
She sighed in resignation. Hindi niya talagang gustong sumama sa mga ito. Pero kapag ganoon ang sinasabi ni Chanelle ay parang ipinalalabas nitong kill joy siya. "O-okay. Pero sandali lang tayo at hindi ako nakapagsabi kina Lovelle at Raquel."
Chanelle rolled her eyes. "Ano ba ang gamit niyang cell phone mo? Text them. Better yet, call them."
Hindi siya kumibo. Pinagbigyan niya si Chanelle at tinawagan niya si Raquel. Si Lovelle ay malamang na nasa trabaho na. Ipinaliwanag niya kay Raquel na baka gabihin siya. Pagkatapos ay ini-off na ang cell phone at ibinalik sa bag niya.
She sighed. Why couldn’t just they have their own date?
12
PAREHONG dala nina Shane at Mike ang kani-kanilang bike. Parehong umangkas ang dalawang babae sa dalawang binata.
"Saan tayo?" tanong ni Shane na nilingon si Chanelle.
"Tulad ng dati, Shane," sagot ni Chanelle, makahulugang nginitian si Shane na wari ay may lihim na palitan ng sekreto.
Isiniksik pa nang husto ni Caroline ang sarili sa likod ni Shane at niyakap ito. Silly her. Pero gusto lang niyang inisin si Chanelle sa paraang alam niya. At hindi siya nabigo. Muling gumuhit ang galit sa mga mata nito.
Tumatakbo na ang motorsiklo ni Shane sa kahabaan ng España Extension. Gusto sana niyang tanungin ang kasintahan kung saan sila patungo pero ipinagparaan na niya iyon. Inisip na lang niya na dati namang magkakabarkada ito at sina Chanelle kaya normal na may hang out ang mga ito.
Napansin ni Caroline na Quezon Boulevard na ang tinutumbok nila. At ilang sandali pa ay nasa videoke bar na sila. Naunang dumating sa tagpuan sina Shane at Caroline. Hindi naman nakapagtataka dahil Honda Shadow Aero 750 ang bike ni Shane. Samantalang si Mike ay pangkaraniwan lamang ang motorsiklo. Bukod pa roon ay mabilis ang pagmamaneho ni Shane.
Nakaparada na sila sa isang bahagi ng parking lot. Sa dami ng sasakyang nakaparada ay natitiyak ni Caroline na puno ang videoke bar. Bumaba ng bike ang nobyo samantalang nanatili siyang nakaupo.
“Sana’y tumanggi ka kaninang sumama tayo,” anito.
Nanlaki ang mga mata niya. “Eh, bakit hindi ikaw ang tumanggi? Mga kaibigan mo ang mga iyon, ah.”
He shrugged. “Gusto ko rin namang dalhin ka sa ganitong lugar at mag-enjoy. Pero mas gusto kong tayong dalawa lang. At hindi sa oras na ito. I’m kinda tired.”
Tinitigan niya ang mukha nito. He looked haggard. Bahagya na niyang napansin iyon kaninang isinasayaw siya nito. “Eh, di pagdating nila ay magpaalam tayo.”
“Too late for that.” He grimaced.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan. Nilinga ni Shane ang pinanggalingan. Marahil ay inaaninag kung parating na ang dalawa.
“Lagi kayo rito?” tanong ni Caroline.
Ibinalik ni Shane ang tingin sa kanya. “Noong narito pa sa Pilipinas si Joshua ay halos linggo-linggo kaming narito,” he said. “Dito ang paboritong hang out ni Joshua. Mahilig iyong kumanta…” Isang mahinang tawa ang pinakawalan nito sa alaala.
“Frustrated singer iyon,” patuloy nito. “Sana’y nagkakilala kayo. Natitiyak kong magugustuhan ka niya.” He added the last sentence softly and stared at her with love in his eyes. Kapagkuwa’y hinawakan siya sa batok at mariing hinagkan.
She moaned and kissed him back. Makalipas ang ilang segundo’y nag-angat ng mukha si Shane. His eyes were hooded with desire. “God, you taste so sweet…” he said huskily, pinahiran ng hintuturo nito ang mamasa-masa niyang mga labi. “Given a chance, I could devour you.”
Binale-wala niya ang sinabi nito. Hindi niya gustong i-acknowledge na pareho sila ng nararamdaman. “Mahalaga bang gusto rin ako ng mga kaibigan mo?” tanong niya para sa naiwang sinabi nito bago siya hinagkan. Gusto niyang alisin sa katawan ang init na sinindihan nito.
"Hindi mahalaga kung gusto o ayaw nila sa babaeng mahal ko, Caro..." Hinawi nito ang buhok sa mukha niya at inipit sa tainga niya. "Tayo ang makikisama sa isa't isa, hindi sila."
"Sorry for asking..."
"It's a reasonable question. Wala pang isang taon mula nang umalis si Joshua. One of these days, ipakikilala kita sa kanya kapag nag-chat kami. We'll arrange that. Silang dalawa ni Mike ang matalik kong mga kaibigan, Caro."
Marahang tango ang isinagot niya. Idinikit ni Shane ang noo sa noo niya. "I want them to be my groomsmen when we marry."
Napatuwid siya ng upo. "W-what?" He chuckled. "No, I am not proposing yet. When I do, I'll make it memorable for both of us."
"W-when is that?" She blinked. She didn't mean to ask that. Baka sabihin ni Shane ay nagmamadali siya.
Inilagay nito ang kamay sa ilalim ng baba niya at itinaas iyon. His eyes caressed her face. "You will be my wife, Caro. I cannot imagine my future without you in it." Dinama nito ang tiyan niya.
“You will bear my children…”
She smiled. "Children talaga, ha."
"Dalawa lang kami ni Ate Pauline. Gusto ko ng apat na anak," seryosong sabi nito. "But you need to graduate. And I need to pass the board and get myself a decent job. Iyong malaki ang suweldo nang sa ganoon ay may mapatunayan tayong pareho sa ating mga magulang. In your case, sa lola mo."
Hindi maunawaan ni Caroline kung bakit nag-init ang sulok ng mga mata niya. Nasa tinig ni Shane na seryoso ito sa sinasabi. Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito at niyakap ang baywang nito.
Kahit siya ay hindi niya kayang isipin ang bukas na hindi ito kasama. She loved him so. Kung kaya lang niyang hilahin ang panahon upang mangyari ang gusto nito ay gagawin niya.
"First, I want to meet your grandmother..."
Napatingala siya rito, napuno ng bahagyang pag-aalala ang mga mata niya. "Baka sumama ang loob ni Lola sa akin. Sinuway ko siya..."
"Kakausapin ko ang lola mo. Ipapangako ko sa kanyang magtatapos ka. At na hindi tayo lalampas sa dapat lampasan..."
Ang isasagot niya ay hindi na niya naisatinig dahil sa pagparada ng motorsiklo ni Mike sa tabi ng motorsiklo ni Shane. Nagpupuyos na bumaba ng motor nito si Chanelle.
13
“ANG BAGAL magpatakbo nitong si Mike!” reklamo ni Chanelle sa mataas na tinig. Pinagpagan ang jeans ng imaginary alikabok. “At palitan mo na nga kasi iyang bike mo, Mike. Ano ba iyan? 90 cc lang?”
"It's 250 cc, Chanelle," salo ni Shane. "Hindi naman kailangan ni Mike ng malaking motorsiklo sa trabaho niya. Malapit lang ang dorm niya sa university, alam mo iyan."
Isang di-komportableng ngiti ng pasasalamat kay Shane ang pinakawalan ni Mike. Kung araw lang at hindi ang night lamp sa poste ang tanglaw ay malamang na makikita ng lahat ang pamumula nito.
"Tuloy, tagal ninyong naghintay dito sa labas," patuloy ni Chanelle at hinagod ng tingin si Caroline.
"Oh, we didn't mind waiting," ani Shane. "Nagpapasalamat nga akong medyo natagalan kayo. May mahalaga kaming pinag-usapan ni Caroline." Shane smiled at her.
Chanelle opened her mouth to say something but changed her mind and kept quiet. Agad na itong nagyaya na pumasok na sila sa loob ng videoke bar. Umaasa si Caroline na walang bakante sa bar. Subalit sa gulat niya ay napag-alaman niyang may reservation na ito roon. At sa silid na ipina-reserve nito ay naroroon at naghihintay na ang dalawang barkada nito, sina Juvy at Amy.
"What took you so long?" salubong ni Amy, sabay beso-beso ng mga ito kay Chanelle. Binati rin ng mga ito sina Mike at Shane na sa tingin ni Caroline ay magkakakilala. Huli siyang binati ng dalawang babae.
Ilang sandali pa'y isine-serve na ng waiter ang pagkaing nauna nang in-order nina Amy at Juvy. Habang nagkakaingay sa pagkukuwentuhan ang tatlong babae at si Mike, tahimik silang dalawa ni Shane at inabala ang mga sarili sa pagkaing nakalatag sa coffee table.
Si Shane ay tila walang pakialam sa paligid. Ipinagbabalat siya nito ng hipon at inilalagay sa plato niya. Na para bang pinagbibigyan lang nito ang mga kaibigan. Hindi rin nag-aangat ng tingin si Caroline dahil alam niyang sa kanya lahat nakatingin ang tatlong babae.
Napansin niyang hindi gaanong kumakain si Shane. Pasubo-subo lang. At mas nasa pagbabalat ng hipon para sa kanya nakatuon ang buong atensiyon nito. And she was amazed the way he skillfully unshelled the shrimps with his fork and spoon.
"Bakit hindi ka kumakain?" pabulong niyang tanong dito.
He shrugged. "Parang wala akong gana. Kumain ka."
Kung nagugutom man siya ay tuluyan na iyong naglaho pero pinilit niyang kumain upang pagbigyan ang nobyo.
Isinasali ng mga babae si Shane sa usapan na sagutin-dili rin nito. Kung mayroon mang bagay na nakapagpapaluwag ng dibdib niya sa grupong iyon ay iyong katotohanang ibinigay lahat sa kanya ni Shane ang buong atensiyon nito.
“Hey, Shane,” tawag ni Chanelle. “Are you okay? You’re quiet.”
He smiled and it didn’t reach his eyes. “I’m good, Chanelle. Huwag mo akong intindihin.”
Nang matapos kumain at nailigpit na ng mga waiter ang pinagkainan ay nagsimula na ang kantahan. Si Shane ay sinikap na pagitnaan nina Chanelle at ni Amy. Si Caroline ay nasiksik sa sulok.
Subalit tumayo ang binata at sa kabilang dulo ni Caroline naupo, sa mismong malapit na sa dingding. Inaantok daw ito. Inakbayan siya nito at isinandal din sa dingding kasabay nito.
Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Chanelle. “Ang OA ninyo, ha. Sobrang PDA iyan.” But both Caroline and Shane ignored her.
Itinuon ni Chanelle sa pagkanta ang pagkabuwisit. She wasn’t a bad singer but wasn’t that good either. Nakikanta na rin kasabay nito ang dalawang mga kaibigan nito. Si Mike ay nanatiling nakatitig kay Chanelle. Like a puppy.
"I'm tired, Caro," he whispered. "Kung makakatulog ako sa balikat mo ay gisingin mo ako, ha. Baka mabigatan ka."
"You're payat, bakit ako mabibigatan?" she teased and kissed his temple.
Shane moaned and pulled her closer. He intertwined his fingers with hers and then closed his eyes. Mayamaya lang ay bumigat na ang kanang balikat ni Caroline. Naiidlip na ito at walang pakialam sa ingay ng mga nagkakantahan sa loob ng silid. Inalalayan niya ang ulo nito upang huwag dumausdos.
"Ang kill joy naman niyang si Shane!" singhal ni Chanelle sa pagitan ng pagkanta at inirapan sila.
"Ang sabi niya'y pagod siya, Chanelle," pagtatanggol niya sa nobyo. "Nag-overtime pa sa trabaho nang magkasunod na tatlong araw."
Hindi siya sinagot ni Chanelle at nagpatuloy sa pagkanta kahalili ang mga kaibigan. Pagkatapos ng tatlong kanta ay padabog itong tumayo.
“Hmp! Umalis na nga tayo. Tama na nga!” Walang lingon at padabog itong lumabas ng videoke room. Nagsunuran sina Amy at Juvy.
Si Mike ay alanganing nginitian siya. “Mahirap talagang ispelingin iyang si Chanelle.” Tumayo na rin ito. “Gisingin mo na iyan, Caroline…” anito bago lumabas ng videoke room.
She stared at Shane lovingly. Parang bata ito sa payapang pagtulog. Hinawi niya ang buhok nito pabalik at dinampian ng halik sa noo. Hindi niya ito gustong pigilin sa pagtulog pero kailangan na talaga nilang umalis.
Naghintay pa siya ng dalawang minuto bago banayad niya itong tinapik sa pisngi. “Hey. Wake up. Tayo na lang ang naiwan dito.”
Umungol si Shane. “Wake me up with your kisses, Caro…” he said huskily, inabot ang leeg niya at ipinayuko siya at hinagkan sa mga labi.
Tumugon ng halik si Caroline, mapusok. His tongue played inside the crevices of her mouth. Napaungol silang pareho. At tuluyan na talagang magpapadala sa damdamin niya si Caroline nang biglang bumukas ang pinto ng videoke room at pumasok ang waiter.
Other times, nais niyang makadama ng pagkapahiya. Subalit alam niyang hindi na sila magkikita pang muli ng waiter. At kung sakaling maligaw man sila uli sa lugar na iyon, duda siya kung matatandaan ng waiter ang mukha niya.
Shane took time in letting go of her lips. He smiled at her. "Now, I'm awake."
She rolled her eyes. Naunang tumayo.
Muli silang nasa daan upang ihatid siya sa apartment nila sa Sta. Mesa. Sa pagtataka niya ay ipinasok ni Shane ang motorsiklo sa loob ng gate ng apartment.
14
“SHANE, gagabihin kang lalo kung magtatagal ka…”
"Maghahatinggabi na, Caro," he said. His eyes imploring. "Ang layo pa ng Tagaytay."
Alanganing binuksan niya ng sariling susi ang apartment. Alam niyang tulog na si Raquel. At si Lovelle naman ay bukas na ng umaga ang uwi. Pati na rin si Nemia na sa may ibaba ng kama ng dalawa natutulog.
She looked at him. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin dito.
"Caro, please." Sumunod ito sa kanya pagpasok sa apartment. "Kanina pa masakit ang ulo ko. Kaya marahil nakatulog ako kanina sa videoke bar. Hindi ko gustong mag-drive nang ganito ang pakiramdam."
"W-when we kissed... doon sa videoke bar, mainit ang bibig mo. I thought... I thought..."
"You thought I'm just so hot for you..." Umiwas siya ng tingin. He smiled at her tenderly. "Believe me, that, too." Tuloy-tuloy ito sa sofa at naupo roon. He stretched his long legs tiredly. Inihilig ang ulo sa sandalan.
Nilapitan niya ito at dinama ang noo. She frowned. "Mainit ka nang kaunti. Wait, kukuha ako ng paracetamol sa medicine cabinet." Tinungo niya ang banyo sa may kusina at kumuha ng paracetamol mula sa maliit na medicine cabinet doon. Naglagay ng tubig sa baso mula sa pitsel at dinala pabalik sa sala.
Nakapikit ito habang nakasandal sa sandalan ng mahabang sofa. Siguro nga ay masama ang pakiramdam nito. At marahil iyon ang dahilan kaya wala itong ganang kumain kanina. Ibinigay niya ang paracetamol at tubig dito. Ininom naman iyon ni Shane.
“I’ll be fine here,” anito at ibinaba ang baso sa coffee table. Tinapik-tapik nito ang leatherette sofa. “Iwan mo na ako rito. I’ll leave first hour in the morning. Hindi mo mamamalayan. Mauuna pa akong magigising kay Nemia.”
"Magbababa ako ng unan at kumot."
"Don't bother, darling. These big throws are more than enough." Inabot nito ang malaking throw pillow at inilagay sa armrest ng mahabang sofa. "Besides, hindi naman malamig. Go upstairs. Ako na ang bahala sa sarili ko."
She didn't know what to say. Kinakabahan sa maaaring sasabihin ng mga kaibigan kinabukasan. Pero hindi rin naman niya maaaring pauwiin na lang si Shane gayong nakikiusap itong masama ang pakiramdam. Mula sa kanila ay mahigit dalawang oras ang biyahe pabalik sa Tagaytay, kung saan ito nakatira kasama ng mga magulang.
At totoo namang mainit ito nang damhin niya kanina. Malamang na may kaunting lagnat. Binuhay niya ang lampshade sa gilid at pinatay ang main light. Papanhik na siya sa hagdan nang tawagin siya ni Shane.
“Hey. I need a good-night kiss.”
Binelatan niya ito at tuluyan nang pumanhik. Naririnig pa niya ang mahinang tawa nito. Sa landing ay pinakiramdaman niya ang kabilang silid. Mababanaag sa siwang sa ibaba ng pinto kung may ilaw pa ang kabilang silid. Subalit madilim na iyon. Tulog na tulog na ang dalawa. Mag-aala-una na ng madaling-araw.
She sighed. Sinusian ang silid niya at pumasok.Inabot niya ang bata de roba sa may likod ng pinto at ipinalit sa hinubad niyang damit. She went down after a while quietly. Tinungo ang banyo at naglinis ng katawan at nag-toothbrush. Pagkatapos ay pinatay ang mga ilaw.
Sinilip niya si Shane sa sala bago pumanhik. Sa anyo nito ay nakatulog na ito. Matangkad ito para magkasya sa sofa. Nakababa ang isang binti at ang isa ay nakalawit sa kabilang armrest.
Gusto niyang maawa. Naroon ang pagnanais na gisingin ito at papanhikin sa itaas upang pahigain sa kama niya. Though her bed was also small, he would be comfortable. Pero inawat niya ang sariling gawin iyon at walang ingay na bumalik sa silid niya. Nagpalit ng pajamas at nahiga na.
15
HINDI gustong magmulat ng mga mata ni Caroline. Inaantok pa siya. Parang katutulog lang niya.
At hindi niya maintindihan kung bakit gumigising siya. Unti-unti niyang iminumulat ang mga mata. Ang namulatan niya ay dilim. She frowned. Parang ilalim ng kung ano ang nakikita niya.
Mula sa pagkatagilid ay unti-unti siyang tumihaya. Napasinghap siya nang mamulatan ang mukha ni Shane na nakatunghay sa kanya mula sa sofa. Nakatukod ang isang kamay nito sa ulo at tinititigan siya.
"H-hi..." She was still disoriented. Sinisikap niyang paganahin ang isip niya kung bakit naroon si Shane at nakatunghay sa kanya.
"You are so beautiful," he whispered.
She blinked. Unti-unti ang pagbabalik sa isip ng nangyari at ang ginawa niya. She smiled sleepily. "Kagigising mo lang kasi. At hindi pa malinaw ang paningin mo."
He chuckled.
“What time is it?” Nilinga niya ang munting sala nila sa apartment. Sa dingding siya tumingin, sa kinasasabitan ng orasan. Hindi niya gaanong maaninag iyon dahil lampshade lang ang ilaw at hindi na inabot ng malamlam na liwanag ang bahaging iyon ng dingding.
"It's four thirty in the morning," ani Shane.
"Oh." She relaxed herself. Alas-singko y media pa ang gising ni Nemia. At si Raquel ay mamaya pang alas-siyete ang gising. Ibinalik niya ang tingin sa kasintahan. "B-bakit nga pala nagisnan kitang nakatitig sa akin?"
"I love watching you sleep. You were snoring..."
Umangat ang isang kilay niya. Her nose flared a little deliberately. "I don't snore."
Shane smiled. He bent his head, itinukod ang isang kamay sa sahig, and planted a soft kiss on her lips. "Good morning, love." Muli rin nitong ibinalik ang sarili sa dating puwesto bago bumangon at inayos ang sarili paupo sa sofa.
She frowned at him. "How long have you been watching me sleep?"
"A while..."
"Why?"
"Gusto kong memoryahin bawat linya ng mukha mo," he said tenderly. "Saka, ang laki ng nganga mo, ha."
Ngumiwi siya. "That's not true. If you are trying to embarrass me, then you are failing miserably."
Shane laughed. Hinawakan siya sa ulo at ginulo ang buhok niya na magulo na dahil sa pagtulog.
“Just kidding. Ang ganda mong tingnan habang natutulog ka. Your lips parted a little. You are snoring softly. Totoo iyan, ha.”
Hindi na niya kinontra ang sinabi nito. "Hindi na masakit ang ulo mo? Hindi ka na mainit?" He shook his head. "Must be the paracetamol." Kapagkuwa'y tinitigan siya nito. "Ano ang ginagawa mo riyan sa lapag at diyan ka natulog?"
Isang nahihiyang ngiti ang pinakawalan niya. Bumangon at naupo sa harap nito, lotus style. "Naisip kong mag-isa ka lang dito sa ibaba."
He was torn between his amusement and his love for this woman. His face tender as he looked at her. "So naglatag ka ng kumot at diyan sa malamig na baldosa natulog? Paano kung mapulmonya ka?"
Lumabi siya. "Sabi mo nga, hindi naman malamig." Tumaas ang isang kamay niya at dinama ang pisngi nito. "Hindi ka na nga mainit."
"Thank you." He cupped her face. "I love you, Caro. I only have one heart to give to you. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin..." he said huskily.
Inihimlay niya ang ulo sa binti nito. "I love you, too, Shane."
Isinuklay ni Shane ang mga daliri sa buhok niya. "Ipinangako ko sa mother ko na magiging isang lisensiyadong arkitekto ako, sweetheart. My mother wanted to be an architect. She never got the chance. Nag-asawa sila kaagad ni Papa. Kung hindi sa pangakong iyan ay itatanan kita at
magpapakasal tayo.“
Nag-angat siya ng mukha at lumabi rito. "How old-fashioned. Itatanan?"
He grinned. "It's kinda romantic. Don't you think so? Iyong pareho tayong mag-aalala kung ano ang sasabihin ng mga magulang ko at ng lola mo pag-uwi natin..."
She made a face at him. Tuluyan na siyang tumayo. "Igagawa kita ng kape."
Bago pa siya makahakbang ay nahawakan siya nito sa braso. "Don't bother. Aalis na ako. Kapag nagisnan ako ni Nemia ay baka kung ano pa ang isipin."
Kumunot ang noo niya. "Are you sure? Hindi mo man lang ba gustong mainitan ang sikmura mo?"
"Sa bahay na. Thank you." Inayos ni Shane ang sarili at kapagkuwa'y hinapit siya at hinagkan nang mariin. Alam niyang nagpipigil lang ito na pahabain ang halik. Mabilis siyang pinakawalan. His thumb caressed her lower lip.
“Pagkasara mo sa pinto ay pumanhik ka sa itaas at matulog uli. I’ll see you after class.” Akma siyang susunod sa labas subalit pinigilan siya nito. “Madilim pa. I’ll be fine. Lock the door.”
Iginiya nito ang motorsiklo palabas ng gate. Ito na rin ang nagsarang muli ng gate at saka pinaandar ang bike. He blew her a kiss and waved good-bye. Gumanti siya ng kaway at hindi siya umalis sa pinto hanggang sa mawala ito sa paningin niya.
Isinara na niya ang pinto at nagulat pa siya nang malingunan sa puno ng hagdan si Raquel.
“Ginulat mo ako!”
“Bakit dito natulog si Shane?” Guilt flooded her face. “Raquel, walang masamang—”
“Hindi naman iyon ang itinatanong ko.”
Caroline sighed. “Masama ang pakiramdam niya kagabi at hindi niya gustong mag-drive pauwi sa Tagaytay. Bukod pa sa madaling-araw na halos. B-bakit maaga kang nagising?”
Raquel sighed. “Nauulinigan ko na ang mga bulungan ninyo sa itaas. Gusto kong tiyaking walang mangyayari sa pagitan ninyong dalawa nang wala sa panahon,” anito.
Nang hindi siya kumibo ay nagpatuloy ito. “Bumaba ako kagabi… technically kaninang madaling-araw para magtungo sa banyo. Bukas ang lampshade sa sala. Naisip kong naiwan mong nakasindi. Nagulat pa ako nang makita ko kayong dalawa. Si Shane ay himbing na himbing sa sofa at ikaw ay sa baldosa na kumot lang ang banig.”
Naupo siya sa sofa. Niyakap at sinamyo ang malaking throw pillow na ginamit ni Shane. Naroon pa ang amoy nito. Raquel rolled her eyes. Kapagkuwa’y sinamsam niya ang kumot at tinupi at ipinatong sa ibabaw ng unan at kinipkip. Dumiretso siya sa hagdan at nilampasan ito.
“Hindi ako nanghihimasok, Caroline,” pahabol nito. “Alam kong mabuting tao si Shane. Pero dahil kaibigan kita ay ayokong mapasubo kayo nang wala sa oras. Sinabi mo na sa akin ang pangako mo sa lola mo at ang nangyari sa nanay mo…”
Huminto siya sa kalagitnaan ng hagdan at nginitian ang kaibigan. “Thank you. Pero sabi mo nga ay mabuting tao si Shane. Marahil ay hindi ako tatanggi kung hihilingin niyang lampasan namin ang dapat lampasan. Pero may pangako ring binitiwan sa mga magulang niya si Shane.”
“Get some sleep. Hindi na ako makakatulog. Lalabhan ko na lang ang ilang maruruming undies ko.”
“Bakit hindi mo na lang hayaang gawin ni Nemia iyon?”
“Kaunting trabaho lang naman at hindi na ako makakatulog uli.” Tumingala ito sa kanya.
“Nabanggit na ba sa iyo ni Lovelle na balak niyang lumipat sa Eastwood?”
Nahinto ang akma niyang pagbubukas ng pinto. “Hindi pa kami nagkakausap.”
“Kahapon din lang naman niya nasabi sa akin. Sasabihin niyang tiyak sa iyo mamaya pag-uwi niya.”
“Greener pasture?”
Tumango si Raquel. “At malayo na iyong lilipatan niya dito sa atin. She said she might have to find another place. Kahit nalulungkot siyang magkahiwa-hiwalay tayo. It would be too expensive kung dito pa siya uuwi. Bale-wala rin ang itataas ng suweldo niya.”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. May lungkot na gumuhit sa dibdib sa nalalapit na paghiwalay ni Lovelle. Kapagkuwa'y ngumiti. "Hindi naman ibig sabihin niyon na hindi na tayo magkikita-kita, 'di ba?"
"Oo naman. Besides, balak pa lang naman niyang lumipat."
16
HABANG lumilipas ang araw ay lalong tumitindi ang pag-ibig na nararamdaman ni Caroline para sa kasintahan. Ganoon din naman si Shane. Hindi niya pinagdududahan ang damdamin nito para sa kanya. Mas pa nga kung magpakita ng affection si Shane sa kanya kahit sa maraming tao. Dahil kilala na rin siya ng mga kaopisina nito ay natutukso silang malimit.
Walang pagsidlan ang kaligayahan ni Caroline. Habang lumilipas ang araw ay palapit nang palapit sila sa katuparan ng kanilang pangarap. At dalawang buwan na lang ay semestral break na niya. Sa susunod na semester ay simula na ng OJT niya.
"Huwag mong alalahanin kung saan ka mag-o-OJT," anito minsang nasa labas sila ng admin ng unibersidad. Tulad ng nakagawian kapag inaabot ng gabi sa opisina si Shane ay siya na ang nagtutungo sa kabilang unibersidad. Pareho silang nakaupo sa isang bench doon.
"Saan naman ako mag-o-OJT?"
"Excutive vice president si Papa sa construction firm na pinagtatrabahuhan niya. At major stockholder. Doon ka mag-OJT. Kayo ni Raquel."
"Oh, thank you! At least hindi na ako mahihirapang maghanap ng kompanyang maaari akong mag-train."
"Anyway, matagal pa iyon," anito, hinawakan ang kamay niya at hinila siya patayo kasabay nito nang maramdaman ang patak ng ambon sa mga braso. "Gusto ko nga pala kayong imbitahin nina Raquel at Lovelle sa party sa amin sa Tagaytay sa Linggo."
Ang akmang paghakbang ni Caroline ay nahinto, hindi pinapansin ang banayad na ulan. "Ano'ng okasyon?"
Shane almost rolled his eyes. Iniabot sa kanya ang isang nakatuping peryodiko na bagaman kanina pa niya napapansing hawak nito paglabas ng building ay hindi niya pinagtuunan ng pansin. "Hindi ka ba nagbabasa ng peryodiko? I'm wounded, Caro!" Nanlaki ang mga mata niyang niyuko ang nakatuping peryodiko na pinapatakan na rin ng ulan. Pagkatapos ay ibinalik muli sa kasintahan ang mga mata. "Y-you mean—"
"Yes, Caro. Yesss! Isa na akong lisensiyadong arkitekto!"
"Oh, Shane!" Niyakap niya ito. "Congratulations. I am so happy for you."
"And be proud. Pampito ako sa top ten..."
"Ohhh."
"Asahan mo na ang maraming offer mula sa malalaking kompanya. Makapagpapakasal na tayo!"
At bago pa siya makapiyok ay binuhat siya nito at inikot nang inikot. Wala itong pakialam kung may iilan pang estudyante sa area na iyon ng campus. Hindi rin nila pareho iniinda ang mga patak ng ulan.
She was laughing habang nakahawak sa mga balikat ni Shane. At kahit siya ay walang pakialam kung may mga estudyanteng nakatingin sa kanila. She was too happy. Sa bawat paglipas ng araw ay palapit sila nang palapit sa katuparan ng kanilang mga pangarap.
And soon, she would be his wife. She would be Mrs. Caroline Malvar. She closed her eyes. Ninanamnam ang pangalan niya sa isip. Dahan-dahan siyang muling ibinaba ni Shane sa lupa.
"Umuulan!" ani Shane na para bang noon lang napuna ang malakas na ambon. "Basa na tayong pareho."
Caroline laughed. Tumingala sa kalangitan. Hinayaang mabasa ng ulan ang mukha. Hand in hand, lumakad sila patungo sa pinagparadahan nito ng bike. "I'll design our house, Caro," patuloy nito. "Kailangan bago tayo pakasal ay yari na iyon. My father's company will build it, sweetheart..."
Sandaling nahawi ang ngiti sa mga labi niya. "A-alam ba ng mga magulang mo ang tungkol sa akin... sa atin?"
His eyes were laughing at he stared down at her. "Kilala ka na nila, sweetheart. Wala akong bukambibig tuwing magkakasama kami sa hapunan kundi ikaw. Excited na nga ang mama na makilala ka. Una nilang nabasa ang peryodiko kanina pang umaga at agad akong tinawagan para ipaalam na magpapa-party sila. Kaya sa celebration party sa Linggo ay makikilala mo ang mga magulang ko..."
Alam niyang may isa pang nakatatandang kapatid na babae si Shane. Nasa Amerika at magtatapos na rin sa medisina.
"Sa... palagay mo, tatanggapin nila ako?" Nabahiran ng insekyuridad ang tinig niya.
"Malalaman mo sa Linggo." He winked at her.
"Oh, Shane. Huwag mo akong tuksuhin nang ganyan. Kinakabahan ako, ano ba!" He laughed. Hinawakan siya sa magkabilang baywang at itinaas sa motorsiklo. "You will like my parents, Caro," paniniyak nito at sumampa na rin sa motorsiklo. Inilagay nito sa ulo niya ang isang helmet na sadyang nakalaan lagi sa kanya.
"Is it a formal party? Ano ang isusuot ko?" she asked warily. Mababawasan ang allowance niya kung bibili siya ng bagong damit. Malamang na sobrang pagtitipid ang gagawin niya sa susunod na mga araw. She couldn't ask her grandmother for money this month.
"It's a simple informal get-together ng mga piling kaibigan at ng mga kaopisina ni Papa at mga piling kaibigan ni Mama sa subdivision. Nakantiyawan daw si Papa kanina na mag-blowout naman. Siyempre, tatanggi ba si Papa, eh, gusto akong ipagmalaki niyon." Nakahinga siya nang maluwag. "Dito sa school mo, sino ang imbitado mo?"
"Strictly si Mike lang."
"Hindi ka kinantiyawan sa office?"
Nilingon siya nito at ngumiti. "Nagpa-Jollibee na ako kaninang lunch sa kanila." Isang tawa ang pinakawalan niya at inilagay na sa baywang nito ang mga braso niya nang paandarin na nito ang bike.
Gayunman, sa sulok ng puso niya ay naroon ang agam-agam. Ipakikilala siya ng kasintahan sa mga magulang nito. Magugustuhan kaya siya ng mga ito? Paano kung hindi? Don't borrow trouble, Caroline, wika ng kabilang isip niya. She sighed. Idinikit ang ulo sa likod ni Shane.
**********Maraming salamat mga beshie. Enjoy lang sa pagbabasa. Sorry at kunti lang update natin ngayon medyo mabagal ang data ko eh. Kumusta kayo mga beshie, update n’yo naman ako kung ano na nangyayari sa inyo char hahahaha. Stay safe and God bless. - Admin A ********
17
LINGGO. Kalahating oras nang paikot-ikot si Caroline sa salamin. Sa ganoon siya napasukan ni Raquel.
"Hoy, baka mabasag iyang salamin sa ginagawa mo!"
Napangiwi siya sa sariling repleksiyon sa salamin. Isang simpleng straight cut peach dress, sleeveless, squared neckline. Hinuhubog niyon ang kanyang katawan. Though she had to admit, medyo mataba siya. Ang waistline niya ay twenty-eight. Malaki para sa height niya. She had to diet.
At dahil nai-insecure siya kapag sinasabi ni Shane na pandak siya ay tatlong pulgadang wedge shoes ang isinuot niya. Iyong usong plastic shoes na candy colors. Ang sa kanya ay skin-tone.
“Kailan ba ako seseksing tulad ni Chanelle?” wika niya sa sarili at pinigil ang hininga upang hindi lumabas ang bilbil.
“Hindi ka naman mataba, ah. May baby fat ka pa kasi,” ani Raquel na natatawang umiling. “Try some simple exercise like bending up to a hundred times.”
“What!!!” Bayolente ang iling niya. Raquel laughed.
“Parang may hindi tama sa suot ko. Sabi ni Shane ay informal naman iyong party, bakit nakadamit ako? And look at my shoes, bagay ba sa kulay ng damit ko? Saka okay lang ba na plastic siya? Parang hindi pormal…”
“Para sa akin ay maganda ang kabuuan mo. Mula sa damit hanggang sa shoes mo. Uso iyan ngayon. Pang-jeans… at pangdamit ay bumabagay. At ewan ko ba naman sa iyo. Kanina naka-jeans ka na, nagpalit ka pa uli.” Tinawag ni Raquel si Nemia upang ligpitin ang mga damit na pinagpalit-palitan ni Caroline na nasa ibabaw ng kama. Ipina-hanger itong muli.
“Kasi parang napaka-casual naman. Jeans and T-shirt. Eh, ipakikilala ako sa mga magulang niya.” Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin.
“Eh, di sana, nag-blouse ka. Marami ka namang blouses na semiformal.” Pinamaywangan siya nito. Actually, si Raquel ang nag-apply ng light makeup sa kanya. At hiniram nila ang pabango ni Lovelle at naglagay siya nang kaunti.
“Sige na nga. Magpapalit uli ako ng pantalon at magba-blouse na lang…”
“Ay, lukaret na babae—” Nahinto ang sasabihin ni Raquel nang makarinig ng busina sa may tapat ng bintana.
Sabay silang napadungaw sa bintana. “Si Shane ba iyan?” tanong ni Raquel. Nilingon nito si Nemia. “Tingnan mo nga, Nemia. Kung si Shane ay papasukin mo.”
"Si... Shane nga. Ang sabi niya ay susunduin niya ako gamit ang kotse ng papa niya. Midnight blue ang sinabi niyang kulay ng kotse ng papa niya. At iyan na nga." May bahagyang kaba siyang naramdaman.
"Siya, bumaba ka na. Malapit nang mag-alas-sais. By the time na nasa Tagaytay kayo ay alas-siete pasado na. Lalo kung traffic." Sumilip ito sa bintana. "Maagang dumilim. Mukhang uulan pa yata. Lagi namang umuulan ngayon. Pabugso-bugso."
"Sana huwag namang ulanin ang party ni Shane." Sinulyapan niya rin ang labas ng bintana. Alas-singko pasado pa lang pero tila gabi na. Ibinalik niya ang tingin sa salamin. "Bakit kasi ayaw mong sumama?" padabog niyang sabi. "Pinaiimbita rin naman niya kayo ni Lovelle sa akin." Raquel rolled her eyes.
“Ipakikilala ka niya sa mga magulang niya, ’tapos magdadala ka ng sabit? Besides, gusto ko mang i-chaperone ka, eh, kanina pa sumasakit ang puson ko. PMS. Saka alam mo namang naka-graveyard shift si Lovelle!”
Dinampot niya ang maliit na handbag na nasa ibabaw ng tokador na may silver chain strap. Binigyan niya ng huling sulyap ang sarili sa salamin bago nagbuntong-hininga. "Kinakabahan akong talaga. Paano kung ayaw sa akin ng mga parents niya?"
"Mamaya ka mag-alala kapag inayawan ka. Huwag kang manghiram ng problema. Lakad na. Tsupi!"
"Do I look all right?"
"Oh, shit!"
"Sige na nga! 'Kainis ito."
"Kuleeet mo!"
Dahan-dahan siyang bumaba at kinakabahang matapilok dahil mataas ang takong ng shoes niya. Kahit na nga ba wedge iyon at may platform pa. Paglabas niya sa apartment ay tumingala siya sa bintana at kumaway. Alam niyang nakadungaw si Raquel.
Nag-aabang na si Shane nang lumabas siya ng gate at binuksan ang pinto sa bahagi niya. Mayamaya pa ay umikot na rin ito sa driver's seat.
"Ang sexy mo pala kapag nakadamit nang ganyan!" bulalas nito.
"Walang bola iyan?"
"Bakit kita bobolahin? Hindi nga halata ang layer ng tummy mo diyan sa suot mo."
Sumimangot siya at hinampas ito. Isang tawa ang pinakawalan ni Shane at pagkatapos ay sumeryoso. "Just kidding, sweetheart. Ang ganda mo sa suot mo." Tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Hinawakan siya sa leeg at akmang hahagkan subalit mabilis siyang umilag.
"Sisirain mo ang lipstick ko..." Demurely, inayos niya ang sarili sa pagkakaupo. Nasisiyahan ang damdaming nagandahan si Shane sa ayos niya. Kahit na nga ba napakamapanukso nito.
"Di mag-retouch ka," anito, sabay pagpapaandar sa makina ng sasakyan.
"Basta. Kinakabahan nga ako dito."
"Saan ka kinakabahan? Na makikilala ka ng parents ko?"
"Iyon na nga."
Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil at pagkatapos ay hinagkan. "You will like my parents, Caro."
18
DALAWANG palapag ang bahay ng mga Malvar sa isang di-kalakihang subdivision sa Tagaytay.
Hindi karangyaan subalit maganda ang pagkakadisenyo. Malaki ang solar, gayunman, dahil may mahinang ambon ay sa isang malaking veranda naroroon ang ilang mesa na okupado na rin ng mga tao na humigit-kumulang ay nasa mga dalawampu’t lima. Karamihan ay mga nasa middle age. Mga kaibigan at katrabaho ng mga magulang ni Shane.
Tuluyan nang naalis ang pangamba sa dibdib ni Caroline nang mainit siyang tanggapin ng mga magulang ni Shane na sina Mr. David at Mrs. Soledad Malvar. Ipinakilala rin siya nito sa ilang mga bisitang naroroon. At maraming tukso ang tinanggap ni Shane. Na ang susunod na pagtitipon ay ang kanila nang kasal.
Maraming beses na nag-blush si Caroline sa mga papuring tinanggap niya mula sa mga kaibigan ng mga magulang ni Shane. Ilang sandali pa ay tinungo nilang tatlo nina Mike ang likod-bahay at ipinakita sa kanya ang isang tree house sa may malaking puno ng sampalok. At dahil gabi na ay naiilawan iyon ng ilang bombilyang nakakabit patungo roon. Nauna nang pumanhik si Mike sa isang makitid na hagdan na nakapako sa malaking puno.
"Wow, ang ganda naman!" she exclaimed. Itinalukbong sa kanya ni Shane ang jacket nito para hindi siya mabasa sa mahinang ambon.
"I know you will like it," nakangising sabi ni Shane. Hinawakan siya nito sa kamay at inakay patungo sa may puno ng hagdan. "Mauna ka."
She stared at him. Umangat ang kilay niya. "Para mabosohan mo ako? Lumang trick na iyan. Ikaw ang mauna."
He laughed. "Hindi ko naisip iyon. Malisyosa ka. Paano kung madulas ka, sino ang sasalo sa iyo?"
Lumabi siya. "Laking probinsiya ito, Mister. College na nang mag-Maynila ako. Walang binatbat iyang hagdang kahoy na iyan sa mga puno ng niyog na inaakyat ko sa amin sa Cavite."
A mixture of curiosity and disbelief crossed his eyes. "Really? I never thought of you as probinsiyana. Gusto kitang panooring pumanhik ng puno." He laughed.
She rolled her eyes. "Pumanhik ka na. Susunod ako."
Nakatawa pa ring naunang pumanhik si Shane bagaman nililingon siya manaka-naka at tinitiyak na maayos siyang nakakapanhik. Ilang sandali pa'y nasa balkon na sila ng tree house at sa kuwadradong mesang yari sa kawayan ay nakalatag na ang mga pagkain at tumpok-tumpok na nakalagay sa malalapad na dahon ng saging.
"Nagpapanhik na ako ng pagkain dito kaninang pagdating natin," ani Shane at itinuro sa kanya ang isang sink counter at yari din sa kawayan, isang di-kalakihang stainless steel sink ang nakalagay at may gripong nakakabit doon. "You can wash your hands. Kamayan ito."
Napansin niyang puro seafood halos ang mga pagkain. Grilled sugpo, inihaw na malaking isda, tahong, talaba, nilagang talong, bagoong, tinadtad na manggang hilaw, sibuyas at kamatis, at toyong may sili na.
At sa tingin niya ay kaldereta ay nasa isang babasaging bowl. Biglang kumalam ang sikmura ni Caroline. Lahat ng nakahaing pagkain ay gusto niya. Tinungo ang lababo na mayroon na ring maliit na sabon at naghugas ng mga kamay.
Tinabihan siya ni Shane at naghugas din ng kamay. "This is so convenient, Shane. I'm impressed. Ngayon lang ako nakakita ng kubong may gripo pa para hugasan ng kamay." Sinundan niyang tingin ang water pipe at napuna niyang sa likod ng puno iyon nakakabit, gayundin ang tubo ng gripo.
Tinanaw niya ang ilang puno at malalaking halaman sa likod-bahay. May puno ng guyabano, kaymito, santol, at kung ano-ano pang hindi na niya maalalang bigyan ng pangalan.
"Ang lawak ng lupain ninyo, knowing na sabi mo nga ay wala pang isandaan ang homeowners," komento niya habang nagsasabon ng kamay.
"Dulo na ito ng subdivision, Caro. One thousand five hundred square meters. At itong tree house ay kailan lang ipinagawa ni Papa. Maraming nagandahan sa ideya na ito ni Papa at malimit niyang dito ine-entertain ang ilang mga kaibigan at kaopisina niya tuwing may okasyon." Iniabot nito sa kanya ang isang hand towel na nakatupi sa isang bahagi ng batalan at nagpunas siya ng kamay.
Nilingon ni Shane si Mike. “At talagang nagkutsara’t tinidor ka, ha?” naaaliw nitong komento.
“Para walang hugas-hugas ng kamay,” anito at sige ng kain. “Saka alam mo namang paborito ko itong kalderetang kambing. Hirap kamayin nito, pare. Inyo na ang sugpo.” Tumawa ito.Amused na umiling si Shane. Naupo si Caroline sa bench sa tapat ni Mike. Si Shane ay tumabi sa kanya. Kasisimula pa lang nilang kumain nang tuluyang bumuhos ang ulan. Naririnig sa likod-bahay ang pagkakaingay ng mga bisita sa biglang pag-ulan. Nauulinigan pa niya ang tawanan at ang salitang isa raw na magandang senyales ang pag-ulan para kay Shane.
“Bakit hindi ka nagsama ng chicks, pare?” tanong ni Shane kay Mike, may himig ng panunukso ang tinig nito. “Sino ba ang pinupuntirya mo ngayon? Balita ko’y iyong kahera sa admin.”
Mula sa pagkain ay nag-angat ng tingin si Mike sa kaibigan. “Siya ang may gusto sa akin…“Tumawa nang malakas si Shane. “Lahi ka talaga ng habulin, pare.”
Mike grinned. “Oo naman, pare.” Then he paused for a while. Na para bang iniisip muna ang kasunod na sasabihin. “Gusto ko nga sanang isama si Chanelle, pare. Pero nag-aalala akong baka magalit ka. Ako lang naman kasi ang inimbita mo…” Alanganin nitong sinulyapan si Caroline. Bale-walang ipinagpatuloy niya ang pagkain at nagkunwang bale-wala ang narinig.
“Nililigawan mo ba si Chanelle?” kaswal na tanong ni Shane, isinubo kay Caroline ang isang talaba na sinawsaw sa suka. Napilitan siyang tanggapin iyon kahit nahihiya siyang nakikita iyon ni Mike.
Muling niyuko ni Mike ang pagkain. “Ikaw naman. Alam mo naman kung sino ang kursunada n’on. Nag-aalala lang akong baka magalit sa akin iyon kapag nalamang may party rito sa inyo at nandito tayong lahat pero hindi siya naimbita.” Alanganing napatitig kay Caroline si Mike. “Sorry, Caroline. Napag-uusapan lang.”
Nagkibit si Caroline ng mga balikat upang ipahiwatig na bale-wala sa kanya ang pagkabanggit sa pangalan ni Chanelle at ang pagsasabi ni Mike na si Shane ang kursunada nito. Hindi naman lihim iyon, sa kanyang palagay. Napaka-obvious ni Chanelle sa bagay na iyon. Lamang, sa nakalipas na mga araw ay magkasamang lagi si Mike at Chanelle kaya naisip niyang baka nagkakamabutihan ang dalawa.
Nagkamali siya ng akala. Marahil ay ginagamit lang ni Chanelle si Mike upang may dahilan na magtungo sa unibersidad at makita si Shane. Muli ay nakadama siya ng insekyuridad. Hindi naman niya oras-oras nakikita si Shane para malaman kung nakikipag-usap ito kay Chanelle o hindi.
At hindi naman niya magawang tanungin ito tungkol sa bagay na iyon. Hindi niya kailangang ipangalandakan ang insekyuridad dito.
“Bakit nga pala hindi mo siya inimbita?” tanong niya sa kasintahan.
Nagkibit ito ng mga balikat. “Hindi ko naisip na mag-imbita ng iba pang kaibigan. Ipakikilala kita sa mga magulang ko.”
O hindi nais ni Shane na malaman ni Chanelle na ipinakilala siya nito sa mga magulang? She shook her head mentally. What was wrong with her? Bakit pinagseselosan niya nang ganito si Chanelle?
Nagpatuloy sila sa pagkain. Patuloy rin sa pagbuhos ang ulan na unti-unti nang lumalakas. May anggi nang pumapasok sa balkon ng tree house.
“Sa mga ganitong pagkakataon ay kailangan ko ng beer, pare. Lumalamig ang hangin. Mabuti ka at may kaakbay,” ani Mike na sinulyapan siya at ngumiti. Nagpahid ito ng bibig mula sa naroong paper napkin, pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila. Pagkatapos ay tumayo. “Bababa muna ako at kukuha ako ng beer at dadalhin ko rito.”
“Malakas ang ulan, pare.” Tinanaw ni Shane ang bahagi ng kusina at umaasang may kasambahay na makikita. “Tumawag ka na lang ng kasambahay.”
“Malamang nasa harap ng bahay ninyo ang mga katulong. Anyway, ilang hakbang lang naman mula sa ibaba ng kubo ang kusina ninyo.” Itinaas nito ang hood ng jacket at inilagay sa ulo at tinungo ang hagdan.
Ilang sandali pa’y tinapos na rin ni Caroline ang pagkain at naghugas na ng mga kamay.“Samahan mo na rin ng light beer para kay Caroline,” pahabol ni Shane, pagkatapos ay nilingon siya na tinapos na rin ang pagkain at tumayo at naghugas ng mga kamay.
“Light beer?” she frowned at him.
“In can. Hindi iyon nakalalasing malibang uminom ka ng isang case.” He grinned. He bent his head and planted a kiss on her cheek. “You smell good, Caro. Ngayon lang kita naamoy na may pabango.” Pagkatapos patuyuin ang mga kamay ay ipinulupot nito ang mga braso sa baywang niya at patuloy siyang hinagkan sa pisngi at leeg.
She was pleased. Nagpapasalamat na bagay sa kanya ang perfume ni Lovelle. Sa susunod na magpapadala ng allowance niya ang lola niya ay titipirin niya at bibili siya ng kahit maliit na bote lang ng pabangong iyon. She remembered it was Pleasure by Estée Lauder.
Umungol siya nang magsimula nang maglikot ang mga kamay ni Shane at angkinin nito ang mga labi niya. Nagsimula na rin siyang tumugon at nagpatangay nang sa sulok ng mga mata niya ay matanaw ang isang kasambahay ng mga Malvar na nakapayong at patungo sa hagdan ng kubo.
Agad siyang kumawala at inantabayanan ang pagpanhik ng kasambahay. Inabot ni Shane ang dala nitong bucket.
"Nasaan si Mike?"
"Kausap po ng papa ninyo kaya sa akin na ipinadala ang mga ito."
Shane rolled his eyes. "Kapag si Papa ang kausap mo, malamang na aabutin na kayo ng magdamag." Apat na bote ng beer ang dala nito, isang can na light beer at isang bucket ng yelo. Pagkaligpit ng kasambahay sa mga pinagkainan nila ay bumaba na rin ito.
Dinampot ni Shane ang isang beer, binuksan iyon at uminom mula sa mismong bote. Pagkatapos ay binuksan nito ang lata ng light beer at iniabot sa kanya.
Kunot-noong niyuko niya ang canned beer. "Sigurado kang hindi ito nakalalasing?"
Umiling ito. "Bakit naman kita lalasingin? Tikman mo at kung ayaw mo ay huwag mong inumin. Bakit ba hindi ako nakapagbilin na magdala ng juice?"
Alanganing ininom niya ang light beer. Hindi naman masama ang lasa. Mamait-mait pero kaya naman niya, lalo at sobrang lamig. Nang biglang humampas ang malakas na hangin at pumasok ang malakas na anggi sa kinauupuan nila.
"Let's get inside. Mababasa ka rito." Inalalayan siya nito patayo at iginiya sa loob ng kubo.
19
NAIBSAN ang lamig na nararamdaman ni Caroline kanina sa labas, lalo at sleeveless ang damit niya. Nakatulong marahil ang iniinom niya. Muli niyang ininom ang light beer. She wanted to sit down only to realize that there was not a single chair inside.
Just a bed. Isang hindi kalakihang kama na yari sa kawayan. May manipis na kutson iyon na may bulaklaking kubrekama at dalawang unan.
Dahan-dahang naupo sa gilid ng kama sa may bandang dulo si Caroline. Muli niyang dinala sa bibig ang inumin at inubos iyon hanggang sa kahuli-hulihang patak. Parang soda lang na matapang. Pero nag-iinit ang katawan niya.
"Hey. Sinabi kong hindi nakalalasing iyan pero hindi mo naman kailangang inumin na parang soft drink."
She shrugged. Nilinga ang paligid. "S-sino ang natutulog dito?"
"No one." He took a slug of his beer.
"Bakit... bagong palit yata ang bedsheet?"
"Lagi namang pinapapalitan ni Mommy ang bedsheet kapag may okasyon dito sa bahay." Sumandal sa may bintana si Shane habang iniinom ang beer at nakatitig sa kanya. Hindi pumapasok sa bintana ang anggi kahit nakabukas dahil hinaharangan iyon ng sarahang may tukod na kawayan.
Ibinaba ni Caroline sa sahig ang walang lamang lata ng light beer at sinalubong ang mga mata nito.They were hooded. Alam niya kung ano ang nararamdaman nito sa mga sandaling iyon. Dahil iyon din ang nararamdaman niya.
"What?" She glared at him.
"Come here." Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya. Unsure of what to do.
"Come here, baby..." ulit nito.
Tumayo siya at humakbang palapit dito. He snaked his arm around her waist and pulled her closer to him and kissed her. He tasted of beer and him. Then he raised his head and looked into her eyes.
"Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo sa akin?" he asked huskily and didn't wait for her to answer. "Ikaw na lang ang laman ng isip ko sa araw-araw, Caro. Sa opisina ay malimit akong sitahin ni Papa dahil ilang beses na niya akong nahuhuli na nakangiting mag-isa—"
“Why?” putol niya sa sinasabi nito at nagkunwang nagtataka.“I mean, bakit ka ngumingiting mag-isa? Delikado iyan.”
He raised a brow. “You dare to ask?” Then he bent his head and kissed the tip of her nose. Mula roon ay bumaba ang mga labi nito patungo sa mga pisngi niya na halinhinan nitong hinahagkan. Tumuloy ang halik nito sa mga labi niya at mariin siyang hinagkan.
Caroline moaned. Ang mga kamay niya ay pumulupot sa batok ni Shane. Hinapit siya ni Shane at ipinaramdam sa kanya ang pagkalalaki nito.
“Damhin mo kung ano ang ginagawa mo sa akin, Caro…” he murmured against her lips.
Napahugot siya ng hininga. Pinagsama ang takot at excitement na nararamdaman niya.
“I want you so much, sweetheart.”
Hindi siya sumagot. Her hands caressed the back of his head. At ang mga labi niya ay gumagawa ng daan patungo sa mga labi nito at mapusok itong hinagkan. Tumugon ng higit pang pusok si Shane. Kapagkuwa’y bigla siya nitong itinulak palayo nang bahagya. Nasa mga mata nito ang pagtatanong.
"Hey... hey... what are we doing?"
"Kissing?" Muli niyang idinikit ang katawan dito at muli itong hinagkan. "And making love?" she murmured against his lips.
"Caro, darling... please. Baka hindi ko kayang pigilan ang sarili ko," anito sa pagitan ng mga halik niya.
"Then don't." Kung saan niya kinuha ang lakas ng loob sa gusto niyang mangyari sa kanila ay hindi niya alam. Ang tanging nasa isip niya ay mahal niya si Shane.
"Oh, god, Caro, are you sure?"
"I love you, Shane. No one but you." Bumaba ang mga kamay niya sa laylayan ng sport shirt nito at itinaas iyon.
Tinulungan siya ni Shane na hubarin ang sarili nitong kasuutan. Inihagis iyon ni Shane sa headboard ng papag. Ang kamay nito ay pumaroon sa likod niya at unti-unting ibinaba ang zipper ng damit niya hanggang sa bumagsak iyon sa sahig.
Hinagod siya ng tingin ni Shane. “You’re beautiful!”
She smiled teasingly. “Kahit may mga layers ako ng fats sa tummy ko?”
He chuckled. Kapagkuwa’y yumuko ito at binuhat siya sa gulat niya. “K-kaya mo ako? Mabigat ako, Shane!”
“Hindi dahil lagi mong sinasabing payat ako ay mahina na ako, Caro. I am as healthy as a bull. At kahit dalawa mo pa ay kaya kong buhatin.”
Lumabi siya at ikinawit ang mga kamay sa leeg nito. Yes. She underestimated him. Ibinaba siya nito sa kama at ipinatagilid at tinanggal ang bra niya. At muli ay hinaplos ng mga mata nito ang kabuuan niya.
“H-have you been to bed with a woman before, Shane?” Kung saan galing ang tanong ay hindi niya alam. But she wanted to know.
“Should I lie?”
“No. I want the truth.”
“There were few women, Caro. Flings… wala akong isa mang minahal.” He was staring into her eyes as he spoke. His hand cupped one breast and she gasped aloud with pleasure and moaned.
“But you are my heart… my only love.” He bent his head and caught her nipple in his mouth.
Caroline almost screamed her delight but bit her lips.
Ang isang kamay nito ay bumaba sa undies niya at hinubad iyon. She knew she was now totally exposed to his scrutiny. Nais niyang makadama ng hiya subalit iniibig niya ang lalaking ito. Mamatay man siya at muling mabubuhay, hindi niya babaguhin ang alinmang pangyayari magmula nang makilala niya si Shane.
Sa sandaling iyon ay hindi makapangibabaw ang pangako niya sa lola niya. She closed her eyes.
A mixture of curiosity and excitement ran through her vein as she anticipated of what would be the next to come.
Then Shane joined him on the bed. His flesh against her flesh.
20
NANG bumaba sila ng tree house pagkalipas ng mahabang sandali ay naroon pa rin si Mike at kausap ng papa ni Shane at ilang kaibigan nito. Ipinagpaalam siya ng kasintahan sa mga magulang na ihahatid na siya.
"Isama mong muli rito sa atin si Caroline, hijo," wika ng mama ni Shane.
"Tiyak iyon, Mama." He turned to look at her and smiled at her.
Isang ngiti lang iyon subalit nag-init ang buong katawan niya. Naalala ang naganap sa kanila ni Shane kanina lang. Umiwas siya ng tingin dahil sa pakiwari niya ay ipinaaalala ng mga mata nito ang naganap sa kanila.
“Nabusog ka ba, hija?” tanong ni Mr. Malvar.
She smiled. "Opo. Masarap lahat ang pagkain."
"Ang mama ni Shane ang nagluto lahat ng pagkain. My wife is a good cook." Pagmamalaki ni Mr. Malvar sa asawa.
"Mauuna na kami sa iyo, Mike," ani Shane sa kaibigan na sa tingin niya ay gusto na ring tumayo at sumabay sa kanila subalit hindi lang nito gustong iwan sa gitna ng pag-uusap ang papa niya.
Hinagkan siya sa pisngi ni Mrs. Malvar habang kinamayan naman siya ng papa ni Shane. Caroline felt so guilty. Iniisip kung naghihinala ang mga ito sa nangyari sa kanila ni Shane sa itaas ng tree house. Sana’y walang nag-iisip nang ganoon. May ilan pang mga bisita ang naroroon at nagpapatila ng ulan na humihina na.
Sa kotse ay inihilig ni Shane ang ulo niya sa balikat nito. “Nagsisisi ka ba sa ginawa natin?”
She shook her head. “It… feels wonderful.”
“I can’t even think of the right word to describe it, sweetheart,” he said in a hoarse voice. “Kung ako ang masusunod ay ayoko kitang iuwi.” Hininaan nito ang takbo ng sasakyan at niyuko siya.
“Maybe I shouldn’t have.”
“Don’t be silly, Shane. Alam mong iyan din ang gusto ko. Pero may mga obligasyon pa tayo.”
“I cannot wait for your graduation, Caro. Kapag nagsimula na ako sa kompanya nina Papa ay maghihintay lang ako ng ilang buwan at sasabihin ko kay Papa at Mama na mamanhikan kami sa lola mo. Puwede mo namang tapusin ang dalawang semester mo kahit mag-asawa na tayo…”
Hindi maipaliwanag ni Caroline ang ligayang naramdaman niya sa mga sandaling iyon. Siya man ay hindi gustong maghintay pa na makapagtapos siya bago sila magpakasal ni Shane. Her grandmother would understand. Magpapakasal siya at magtatapos din naman.
“You still have to meet my grandmother, Shane.”
“Let’s schedule that. Maybe at the end of the semester.” Ginagap nito ang kamay niya at dinala sa bibig at hinagkan.“Mahigit dalawang buwan na lang iyon.“Isiniksik niya ang ulo sa braso nito and sighed contentedly.
Bago maghatinggabi ay naihatid na siya sa apartment. Halos ayaw nilang maghiwalay. Hindi niya sinabi sa mga kaibigan na may nangyari sa kanila ng kasintahan. Gusto niyang sarilinin ang nangyari sa kanila sa puso niya. Hindi iyon kailangang ibahagi sa mga kaibigan.
HABANG lumilipas ang mga araw ay lalo niyang iniibig si Shane. Ito man ay lalong higit na malambing at maalalahanin.
Nararamdaman niya na kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong ulitin ni Shane ang nangyari sa kanilang dalawa sa tree house. At natitiyak niyang hindi niya tatanggihan. Subalit wala silang pagkakataon na maulit ang pangyayari. Naging abala siya sa pagtatapos ng kanyang thesis.
Si Shane naman ay ang pag-aasikaso nito sa lisensiya at ang pag-a-apply sa kompanya na pinagtatrabahuhan ng ama. And then he said he was busy with something that would surprise her. Ayaw naman nitong sabihin kaya hindi na siya nagpilit.
Patuloy sa paglipas ang mga araw. Dalawang buwan na lang at tapos na ang semester. Tuwang-tuwa si Caroline. Kung makapag-o-OJT siya sa kompanya ng papa ni Shane ay lalo silang magkakalapit. Si Shane ay nag-resign na sa trabaho nito sa unibersidad at nagsimula nang magtrabaho sa kompanya ng ama bilang junior architect.
Busy month ang buwan na lumipat si Shane ng trabaho. Naging labis itong abala, lalo na at ilang project din ang sinalihan ng construction firm. Gayunman ay bibihira itong lumiliban sa pagsundo sa kanya sa paaralan. Nangyayari lamang ang pagliban sa mga pagkakataong kailangan nitong mag-overtime dahil sa mga ginagawang bidding sa mga sinasalihang projects ng kompanya.
Palabas si Caroline sa gate ng unibersidad sa bahagi ng Recto nang may biglang humawak sa braso niya.
"Caroline!"
Gulat siyang napalingon. "Jessie!" bulalas niya nang makilala ang humawak sa braso niya.
Lalo pa siyang nagulat nang bigla siya nitong yakapin. Sa wari ay sabik na sabik sa pagkakita sa kanya. Alanganin siyang kumawala pagkalipas ng ilang sandali. Nagpaakay siya sa gilid dahil nakakaabala sila sa mga pumapasok at lumalabas ng unibersidad.
"How are you?" excited nitong tanong, nasa mga mata ang labis na katuwaan habang tinititigan siya. "Ang ganda mo yata ngayong sobra..."
Natawa siya. "Sobra ka namang makapuri. Baka maniwala ako niyan." Unaware siya na hawak pa rin ni Jessie ang kamay niya. Kababata at dati niya itong classmate noong high school sa Silang. At palagay ang loob niya rito. Para na rin silang magkapatid, kung tutuusin.
Nagkahiwalay sila nang magkolehiyo siya sa Maynila at ito naman ay sa probinsiya na lang nila ipinagpatuloy ang pag-aaral.
"Totoo namang mas maganda ka ngayon. Medyo nag-slim ka nang kaunti. Kaunti lang."
"Humaba naman ang buhok ko niyan," she said, laughing merrily, iginalaw-galaw pa ang buhok. Isang tawa ang pinakawalan ni Jessie.
“Bakit ka naririto?” tanong niya sa kababata.
Guwapo pa rin ito. May magandang pangangatawan dahil banat sa trabaho. At kung hindi lang sila magkaibigan ay baka nahulog nang todo ang loob niya rito. In fact, she believed throughout high school ay crush niya si Jessie. Pero alam niyang may girlfriend ito. Classmate din nila noong high school. At tulad nito ay sa Cavite na rin lang nagpatuloy ng kolehiyo.
"Kumukuha lang ng prospectus. Next sem ay dito na ako mag-aaral." She frowned. "Puwede ka bang mag-transfer gayong ga-graduate ka na rin? Baka marami kang kukuning back subjects, Jess. Maantala ang pagtatapos mo."
Biglang gumuhit ang lungkot sa mga mata nito. "Third year, first sem pa lang ako pagpasok, Caroline." He shrugged. "Alam mo namang hindi kalakasan ang magtinda ng buko at prutas. Maraming kompetensiya. Tatlo kaming pinag-aaral ni Tatay. Dalawa sa high school. Dalawang semester din akong nahinto."
"That is sad, Jess," aniya. "Scholar ka pa naman noong high school tayo."
Ngumiti ito. "Life." Again, he shrugged. "So how are you? Saan ka nakatira? Balita ko sa lola mo ay sa bandang Sta. Mesa ka at may kasama sa apartment."
"Tama ka. Isa sa mga araw na ito ay dalawin mo ako, Jess." Akma niyang ibibigay ang address dito nang mula sa likuran ni Jessie ay matanaw niya sina Shane at Mike. Si Mike ay nanatiling nakatayo sa tabi ng motorsiklo nito. Si Shane ay lumalakad patungo sa kanila.
"Jess, mag-usap na lang tayo uli, ha. Nagmamadali ako, eh." Hinila niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito at sinalubong si Shane."
Nang lingunin niya si Jessie ay nakakunot ang noo nitong sinusundan siya ng tingin. Ilang sandali pa'y atubili itong lumakad kasabay ng ilang mga estudyante sa kabilang direksiyon.
"Sino iyon?"
Napalingon si Caroline. Hindi niya namalayang nasa harap na niya ang kasintahan. Pormal at seryoso ang mukha nito.
“Si… Jessie ba ang tinutukoy mo?”
“Wala ka namang ibang kausap kundi ang lalaking iyon.” Sumulyap ito sa daang tinunguhan ni Jessie subalit wala na ito.
“Kababata at kababayan ko siya, Shane. Nagkita lang kami sa gate.” Tumaas ang tingin niya kay Mike. “Bakit kasama mo si Mike? Akala ko ba ay hindi ka susundo ngayon?”
“Kaya ka ba may kausap at kahawak-kamay dahil iniisip mong hindi ako susundo?” Kalmante ang tinig nito subalit nasa ilalim niyon ang pinipigil na galit.
She rolled her eyes. “Nagkita lang kami sa gate ngayon, Shane. Ano ka ba naman?” Ikinawit niya ang braso dito. “Tara na nga. Bakit kasama mo si Mike?”
Ilang segundo ang pinalipas nito bago sumagot. “Inalok kong mag-apply sa kompanya. May opening sa accounting department.”
Nauna siyang humakbang at napilitang sumunod ito. "Payag ba naman si Mike? Maganda na ang puwesto niya sa FEU, ah."
"Mag-a-apply siya bukas at kung matatanggap at maganda ang offer kina Papa ay baka mag-resign siya. Pero isang buwan pa rin ang ibibigay niyang palugit sa school." Niyuko siya nito.
“Tara sa Yellow Cab.”
Umiling siya. "Busog ako, Shane. Kumain ako sa canteen kanina. Umuwi na lang tayo. Kanina pa sumasakit ang ulo ko."
Tinitigan siya nito. "Kailan ka pa tumangging kumain tayo?"
She sighed. "I just don't feel well. Parang tatrangkasuhin ako."
Hindi na ito kumibo at tinungo ang motorsiklo. Kinawayan si Mike na sumakay na rin sa motor nito. Umangkas siya at ilang sandali pa'y humarurot na ang motorsiklo sa kahabaan ng Recto.
"Hey, you're too fast! Baka maaksidente tayo niyan."
Subalit tila walang narinig si Shane. Walang kibuang tuloy-tuloy ito sa pagmamaneho pauwi sa apartment. Nagseselos ba si Shane kay Jessie?
A small smile appeared on her lips. Hindi pa niya nakitaang nagselos si Shane sa ilang buwang magkasintahan sila. It felt good, somehow.
Gayunman, iyong bahagyang kasiyahang nagseselos ang kasintahan ay nagmaliw nang hindi tumuloy sa apartment si Shane.
"May trabaho akong iniwan sa opisina, Caro," anito. Kinabig siya at hinagkan sa noo. "Kailangan kong bumalik kaagad."
"Kanina ay niyaya mo akong mag-snack..." She pouted.
"Dahil inakala kong gutom ka. I can spare a little time. Magpahinga ka kung masama ang pakiramdam mo." He kick-started his bike. "See you tomorrow."
Tumango siya nang wala sa loob. Subalit kinabukasan ay tinawagan siya ni Shane na hindi pa tapos ang bidding at kailangang tapusin nito ang ginagawa. Na kahit ang papa nito ay nasa opisina pa at nag-o-overtime din.
"Are you sure na may OT ka?" nagdududang tanong niya.
"Bakit ka nagtatanong nang ganyan?"
"Baka kasi nagagalit ka lang sa akin," nag-aalala niyang sabi.
"Hindi ako nagagalit sa iyo." He sighed tiredly. "Nagseselos lang nang kaunti. Pero wala na iyon. I love you, Caro. Sana'y ako lang ang mahal mo."
"Ikaw lang ang mahal ko," she said firmly. "And I love you more than you'll ever know."
Caroline could almost see the gentle smile that curved on his lips. "I believe you," anito. "Call you later kapag pauwi na ako. At kung maaga pa ay dadaan ako diyan. Bye..."
"Bye..."
21
PAGLABAS ni Caroline ng unibersidad nang hapong iyon ay muli niyang natanaw si Mike. Marahil ay pauwi na rin mula sa opisina. Kinawayan pa siya nito. Kahit malayo ay nginitian niya ito. Hindi na nakadaan si Shane sa apartment nang gabing iyon. Maghahatinggabi na nang umuwi ang mag-ama mula sa opisina.
Lumipas ang ilang araw at smooth naman ang relasyon nila ng kasintahan. Nagkita pa silang minsan ni Jessie sa canteen ng unibersidad. Sandali lang silang nakapag-usap at ayon dito ay pauwi na rin ito sa Silang at babalik na lang sa Maynila pagdating ng enrollment.
Dahil natapos na ang sinasalihang bidding ng construction firm ng ama ni Shane ay sunod-sunod na dalawang araw na sinundo siya nito sa unibersidad at inihahatid sa apartment. Niyaya siya nitong minsang manood sila ng sine o lumabas. Pero dahil labis ang pagod niya sa school at sa ilang projects ay hindi niya ito napagbigyan.
Dalawang linggo na lang at tapos na ang semester. Biyernes ng gabi ay usapan nilang magkasintahan na susunduin siya ni Shane sa apartment upang magtungo sa bagong apartment na nilipatan ni Lovelle sa Libis sa Quezon City. Wala pang sampung minuto sa jeep ang biyahe ni Lovelle patungo sa bago nitong trabaho.
May pasinaya ito sa bagong nakuhang tirahan at imbitado sina Shane at Mike. At dahil kailangan pa niyang hintayin si Shane na alas-nueve na makakalabas sa opisina ay nauna na sa kanya si Raquel kasabay si Nemia.
"Ate Caroline," sabi ni Nemia bago lumabas ng pinto. "May niluto akong lugaw-goto. Initin mo na lang. Malambot na malambot iyong tuwalya at marami akong ginisang bawang."
"Wow!" aniya. Gusto niya ng lugaw, lalo at goto. "Mamaya ay kakain ako. Alas-nueve pa naman ang dating ni Shane."
"Huwag kang magpapakabusog at maraming in-order si Lovelle," bilin ni Raquel.
"Sino-sino ba ang mga bisita niya?"
"Tayo at iyong dalawang katrabaho niya na makakasama niya sa bahay. Share sila sa handaang ito. At magdamagang kainan, inuman, at kantahan. Nag-rent din si Lovi at ang mga kasama niya ng videoke."
"Parang ayokong isiping pinalitan tayo ni Lovelle ng mga bagong kaibigan niya," magkahalong biro at totoong sabi niya. Parang nakakalungkot isipin na tatlong taong mahigit silang magkasama sa apartment pagkatapos ay bigla sa iba na titira si Lovelle.
"Huwag ka ngang mag-isip nang ganyan. Hindi ko nga gustong ipasok sa isip iyan at nagseselos lang ako sa mga bago niyang kaibigan."
"'Sensiya na. Naisip ko lang. Pero kilala naman natin si Lovelle. Mahal tayo n'on."
"Tama ka diyan. And mind you, imina-matchmake ni Lovelle iyong isang kasama niya kay Mike..."
Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya.
22
NANG makaalis ang dalawa ay isinara ni Caroline ang pinto at pumanhik sa itaas. Sa silid nina Raquel at Lovelle siya pumasok. Malungkot na naisip niyang sa susunod na mga araw ay si Raquel na lang ang matutulog sa silid na iyon. Kunsabagay ay wala pa namang dinadalang mahahalagang gamit si Lovelle.
Katunayan ay iniwan pa nito ang TV set at DVD player. Si Lovelle lang ang nagkaroon ng kakayahang bumili ng maliit na telebisyon at isang di-kamahalang DVD player dahil ito pa lang naman ang may trabaho sa kanilang tatlo.
At ngayong lilipat na ito ng tirahan ay malamang na wala na silang telebisyong panonooran ni Raquel. Bukod pa sa dalawa na lang silang maghahati sa bayad sa apartment at sa suweldo ni Nemia. Somehow, dagdag-gastos iyon.
Ipinasya niyang panoorin ang isang DVD na binili niya may isang buwan na ang nakalipas at ngayon lang niya mapapanahunan. Ang Somewhere in Time. Mura na lang kaya nabili niya.
Nasa kalagitnaan siya ng palabas nang makaramdam ng kalam ng sikmura. Nang tingnan niya ang maliit na alarm clock sa ibabaw ng TV ni Lovelle ay alas-siyete pasado na. Inilagay niya sa "pause" ang pinapanood. Bumaba siya sa kusina at ipinasyang initin ang lugaw na niluto ni Nemia. Nagulat pa siya nang makitang sa maliit na kaldero lang at sa wari ay para lang talaga sa kanya ang niluto nito.
How thoughtful, she thought.
Nang mainit niya ang lugaw ay nagsalin siya sa malaking mangkok. She grinned at herself. Sa malaking mangkok talaga, ha. Bangong-bango siya sa bawang na binusa ni Nemia na nasa platito.
Muli siyang nangiti nang makitang nagtadtad din ito ng spring onions. Kompletos recados. Inilagay niyang lahat ang mga iyon sa malaking mangkok. Ilang sandali pa’y pumanhik na siyang muli at ipinagpatuloy ang panonood sa pelikula habang kumakain.
HINDI alam ni Caroline kung anong ingay ang nagpagising sa kanya. Hindi niya gustong magmulat ng mga mata at antok na antok pa siya. But the sound was persistent. Unti-unti ay nagmulat siya ng mga mata. Nasilaw pa siya sa liwanag ng araw mula sa bintana.
Hanggang sa matanto niyang ang landline nila sa ibaba sa sala ang nagri-ring.
Napabalikwas siya upang mapaungol lamang. Masakit ang buong katawan niya. Napuna niyang sa ibaba ng dulo ng kama nina Lovelle at Raquel siya nakatulog nang sa kung paano na lang. Sa sahig mismo. Hindi nakapagtatakang nananakit ang buong katawan niya.
Bakit siya sa sahig nakatulog? Nang bigla’y may pumasok sa isip na nagpahugot ng hininga niya.
Hindi ba at may usapan silang susunduin siya ni Shane kagabi?Hindi ba siya sinundo nito? Nakatulog ba siya sa paghihintay? Natatandaan niyang sa paanan ng kama sa ibaba siya sumalampak sa panonood habang kumakain.
Nagmamadali siyang tumayo nang may matamaan ang paa niya sa sahig. Ang mangkok!
She shook her head. Inihilamos ang mga palad sa mukha. Natatandaan niyang naubos niya ang lugaw. Nasa kagandahan siya ng panonood nang hilahin siya ng matinding antok. Subalit hindi niya gustong matulog at gusto niyang tapusin ang palabas.Iyon ang huling nasa isip niya.
Nilinga niya ang DVD player. Naka-on pa rin iyon pati ang TV na asul ang buong screen. At ang oras na nakabadya sa alarm clock sa ibabaw ng TV ay alas-siyete kinse ng umaga!
Ang akma niyang paglabas sa nakabukas na pinto ng silid nina Lovelle at Raquel upang sagutin ang telepono sa ibaba ay napigil nang matanto niyang hindi na nagri-ring iyon. Dumiretso siya sa silid niya at hinanap ang cell phone niya. Naroon iyon sa ibabaw ng vanity mirror katabi ng charger.
She shook her head. Low batt na siya kahapon at talagang magtsa-charge siya. Nalimutan na niyang gawin iyon. Naka-off na ang cell phone at nagmamadali siyang i-charge iyon. Kumuha ng tuwalya at halos takbuhin pababa ang banyo sa ibaba at naligo. Hindi siya makapaniwalang hindi siya sinundo ni Shane.
Pagkaligo ay nagmamadali siyang nagbihis. Dinampot ang bag at inalis sa saksakan ang charger at ini-on ang cell phone. Ni hindi man lang nakaisang bar iyon. Akma niyang ipapasok sa bag ang cell phone nang mag-message alert tone iyon. Nang tingnan niya ang LED ay may mga missed calls siya at text messages.
Galing kay Raquel, Lovelle, at Shane ang mga missed calls.
She opened her message box. Messages nina Lovelle at Raquel ang naroroon, itinatanong kung nasaan siya; kung saan siya nagpunta. Maraming texts mula sa mga kaibigan niya at iisa ang laman—nasaan siya. Walang nagmumula kay Shane.
She groaned. Nagmadali siyang bumaba at lumabas ng apartment. Nasa akma siyang pagsusi ng apartment pasara nang maramdaman ang paghinto ng motorsiklo. Nahinto siya sa pagsasara ng pinto at lumingon. Bumababa sa motorsiklo nito si Shane.
Ang galit sa mukha nito ay parehong nagpakaba at nagpalito sa kanya. "Shane..." Binuksan niyang muli ang pinto upang makapasok silang pareho. Nauna siya at iniawang nang malaki ang pinto. "P-pasok ka..."
Marahas ang ginawa nitong pagpasok at pagkatapos ay pabagsak ding isinara ang pinto. "Saan ka galing?"
Napaatras si Caroline. Natakot sa poot na nasa mga mata nito. "A-ano'ng ibig mong sabihing saan ako galing? H-hindi pa ako umaalis. Paalis pa lang ako nang dumating ka upang magtungo sa bahay ni Lovelle."
"How could you lie like that so easily, Caroline?!"
So now it's "Caroline." Kahit minsan ay hindi siya nito tinawag na Caroline. It was always Caro. Malibang ipinakikilala siya nito sa iba.
"Shane—"
"Madali naman akong kausap," putol nito sa sinasabi niya. Nagngangalit ang mga bagang.
“Pinagmukha mo akong katawa-tawa sa mga kaibigan mo at kay Mike!”
"Shane, will you please listen to me? Ano ba ang sinasabi mo?" Nalilito siya. Kinakabahan. Ni hindi niya alam kung bakit nangyari ang nangyari.
"Ano ang sinasabi ko?" galit nitong sabi. Sa wari ba ni Caroline ay tutusok sa dibdib nito ang daliri ni Shane sa diin ng pagkakaduro nito sa sarili. "Hindi mo alam ang sinasabi ko? Nagmamaang-maangan ka? Saan ka naroroon magdamag?"
Napaatras siya nang isang hakbang. "H-hindi ako umaalis ng apartment, Shane. Nakatu—" "I was here last night!" putol nito sa sinasabi niya."Tulad ng oras na napagkasunduan natin. Bumusina ako at nang hindi ka lumabas ay bumaba na ako sa motorsiklo at kinatok kita. Naliligalig ko na ang mga kapitbahay mo. Pero wala ka!"
"I-I was here—"
"Nakukuha mo pa bang magsinungaling?" anito. Sama-sama ang pait at galit sa tinig nito. Subalit mas nangingibabaw ang galit.
"Please, makinig ka naman. Narito ako. Nakatulog ako habang nanonood ng—"
"Kinakalabog ko na ang pinto sa pagkatok, Caroline!" he said angrily. "I tried calling you also. Parehong sa landline at sa cell phone mo. Walang sumasagot dahil walang tao!"
Bewildered, inilagay niya ang palad sa noo. Gulung-gulo ang isip at hindi malaman kung paano magpapaliwanag. Humakbang siya patungo sa sofa at tila nahahapong naupo roon.
"Kararating mo lang, Caroline. Naabutan kitang papasok pa lang sa apartment. Ngayon, magkakaila ka ba?"
Tumingala siya rito. Nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa mga mata niya. "I... I was just about to leave, Shane. Papaalis ako at hindi kararating lang..."
"Damn it, Caroline!" he shouted at her. Napauklo siya. Sa nakalipas na mga buwan mula nang maging magkasintahan sila ay hindi niya ito narinig na nagtaas ng tinig o nagmura man lang.
“Huling-huli ka na ay nagsisikap ka pa ring lumusot!”
Napatayo siya. "Shane, please. Narito lang ako sa bahay sa buong magdamag. Nakatulog ako sa paghihintay sa iyo. Papaalis ako upang magtungo sa bahay ni Lovelle at magpaliwanag. Mali ka ng inaakala..."
Naningkit ang mga mata nito. Hindi malaman kung lalapitan siya o tatalikod. Hinawakan nito ang batok at tumingala sa kisame. Tila apoy ang inilalabas ng mga mata nito nang muling bumaba ang tingin sa kanya.
"I tried calling you the whole night. Sinabi ni Raquel na iniwan ka nila rito dahil maghihintay ka sa akin. You must have turned your cell phone off dahil hindi nagri-ring—"
“Nakalimutan kong i-charge kagabi, Shane,” putol niya sinasabi nito. “Nawalan na ng baterya.”
“Oh, shit! Iyan ang pinakalumang dahilan kapag ayaw sagutin ang telepono!” singhal nito sa kanya. “Paano mo kakatwiranang habang patungo ako rito ngayong umaga ay tinatawagan kita ng ilang beses sa landline at walang sumasagot? ’Tapos, sasabihin mong paalis ka pa lang?”
“P-pero iyon ang totoo. I… I happened to miss your call. Nasa banyo marahil ako nang huli kang tumawag…”
Subalit para siyang hindi nagsalita sa narinig niya mula sa kasintahan. “Paano mo nagawang pagsabayin kami?” he asked painfully.
"W-what are you talking about?"
"Ang lalaking kababayan mo! Siya ang kasama mo kagabi, hindi ba? Saan kayo nagliwaliw? Saang motel?"
Motel? She was shocked. Her eyes were saucer-wide. Napatakip sa bibig ang kamay niya upang hindi kumawala ang malakas na paghagulhol. Iniisip nitong may kasama siyang ibang lalaki! At inaakala nitong si Jessie iyon!
"Ang sinasabi mong kaibigan mo, Caroline, ay boyfriend mo! Pinagsabay mo kami! You know, I could kill you for this..." he said bitterly. His voice broke. "I loved you..."
"And I love you, too—"
"Liar!" he hurled at her. "So all right, type mo ang lalaking iyon dahil may magandang katawan. Hindi ba at iyan naman ang sabi mo sa akin?"
"Jessie is my friend!" Sumigaw na rin siya.
"Huwag kang magkakaila, Caroline. Nakita kayo ni Mike na magkasama minsang hindi rin kita nasundo."
"That's a lie! Nagsisinungaling si Mike! Nang araw na makita mo kami ay ang una at huling pagkakataong nagkita kami ni—" She stopped in mid-sentence. Naalalang nagkita sila uli ng kaibigan sa canteen. "N-no... I mean, nagkita kaming muli sa canteen. Parehong nagkataon lang ang pagkikita namin, Shane."
Tumango-tango ito. Sumisingasing sa galit. "Nakita ko ring niyakap ka niya. Ni halos ayaw niyang bitiwan ang kamay mo at bale-wala lang sa iyo, 'di ba? Sinikap kong palampasin ang pangyayaring iyon dahil naniniwala ako sa iyo. Kahit na nag-isip akong magkasama kayong kumain sa canteen kaya ka busog. Sinikap kong pairalin ang pang-unawa ko dahil mahal kita. Pero nagtapat si Mike na nakita ka niyang magkasama kayo ng lalaking iyon na—"
"He lied!" Bagaman may nagsusumiksik sa isipan niyang baka posibleng nakita sila ni Mike sa canteen nang araw bago bumalik ng Silang si Jessie. Pero ano ang ginagawa ni Mike sa canteen ng unibersidad nila?
Naroon ba ito upang makipagkita kay Chanelle at hindi sinasadyang nakita sila ni Jessie? Pero naroon lang sila at nag-snack lang. Walang ano mang mahalay na maaaring makita sa kanilang dalawa. Totoong matagal silang nag-usap, but they were talking of old times.
"Unang taon pa lang sa kolehiyo ay magkaibigan na kami ni Mike, Caroline. At hindi si Mike ang gagawa ng kasinungalingan upang pasamain ka sa akin. He has nothing against you. He was happy that I have found you. That you loved me..."
Nilapitan niya at tinangkang hawakan sa braso si Shane subalit umatras ito at tinabig ang kamay niya. "Alam mo bang wala kang ipinagkaiba kay Chanelle sa ginawa mo?"
Inihambing siya nito kay Chanelle! Kay sakit tanggapin ang salitang iyon. “Shane, please. Naguguluhan ako. Natatakot ako sa ginagawa mong ito. Bakit hindi mo ako pakinggan?”
“Ano ba ang maaari kong pakinggan, ha, Caroline? Hindi ko kayang isiping magkasama kayo buong magdamag ng lalaking iyon. Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko? Alam mo ba?” His voice broke. Punumpuno ng hinanakit ang tinig. At kung hindi siya nagkakamali ay may kislap ng luha sa mga mata nito.
“Kung inabutan ko kayong magkasama kanina ay baka napatay ko ang lalaking iyon!”
“S-Shane…”
“Saan kayo naghiwalay? Bakit hindi ko siya nakasalubong o nakita man lang sa daan?”
Halos mabiyak ang puso ni Caroline sa nakikita sa kasintahan. Subalit sa sumunod na sandali ay wala siyang paliwanag na pinakikinggan nito. At bago niya ito mapigil ay lumabas ng pinto si Shane at pabagsak iyong isinara.
Nais niyang tumakbo palabas upang habulin ito subalit bago pa magawa iyon ay narinig na niya ang pag-andar ng bike nito palayo.
Sindak at tila wala sa sariling bumalik siya sa loob ng apartment. Naupo sa sofa at nakatitig sa kawalan. Hindi makuhang makapatak ng mga luhang kanina pa nag-aamba. Sinisikap niyang balik-balikan sa isip ang mga pangyayari. Kung paanong nangyaring nakatulog siya at hindi narinig ang katok nito.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakaupo roon. Subalit sa ganoong ayos siya naabutan nina Raquel, Lovelle, at Nemia. Doon pa lamang niya inilabas ang mga luhang pinipigil mula pa kanina.
"Ano ang nangyari?" halos sabay na tanong nina Raquel at Lovelle. "Saan ka galing?" Lalong lumakas ang iyak niya. Naupo ang dalawang babae sa magkabilang tabi niya. Si Nemia ay tumuloy sa kusina at kunot-noong dinaanan siya ng tingin.
Sa paputol-putol na salita ay sinabi niya ang nangyari. Ilang sandali ang nakalipas at nanatiling walang sinasabi ang mga kaibigan at nakatitig lang sa kanya. Nanggigilalas.
"H-hindi rin kayo naniniwala sa akin?" pahikbing tanong niya.
"I believe you!" halos sabay ring sambit ng dalawa at nagkatinginan pagkatapos.
Luhaang pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawa. "Lahat ng pruweba ay tumutukoy na wala ako rito sa bahay. Kahit kaninang datnan ako ni Shane sa pinto ay nagmukha akong kararating lang dahil hindi ko nasasagot ang mga tawag niya sa landline. Paano ninyo ako pinaniniwalaan?"
"Kaibigan ka namin, Caroline," ani Lovelle, hinaplos-haplos ang likod niya dahil wala siyang tigil sa paghikbi.
"We've known each for... two years? More than two years? Hindi ka magsisinungaling sa amin. Ano man iyon ay sasabihin mo pa rin sa amin. We never vowed to tell each other the truth. Pero sa kabila ng lahat, we always ended up telling each other. Gaano man iyon ka-sensitive... at least on our part," ani Raquel na sinabayan ang sinabi ng buntong-hininga. "Besides, hindi ikaw ang ganoong uri ng babae."
Bumulalas ng iyak si Caroline sa sinabi ng mga kaibigan sa kanya. Sa tiwala ng mga itong nagsasabi siya ng totoo. Her friends believed her. Tulad din ng paniniwala ni Shane kay Mike dahil matagal na nitong kaibigan si Mike.
Sa bahaging iyon ay hindi niya ito masisi. Pero hindi ba dapat na pagkatiwalaan din siya nito? She loved him. Just a few weeks ago, pinatunayan niya ang pagmamahal na iyon sa pamamagitan ng pagkakaloob niya ng sarili rito.
"Besides, look at you..." ani Raquel. "Para kang namatayan sa hitsura mo pagpasok pa lang namin..."
"Then why wouldn't Shane believe me?"
"Nagseselos ang boyfriend mo, Caroline," ani Lovelle. "Kung alam mo lang na kung hindi namin pinigil kagabi iyon ay uuwi na ng Tagaytay. Ayaw naming payagan dahil hatinggabi na at nakailang beer din si Shane. Habang hindi ka dumarating at sumasagot sa mga tawag ay sige ang inom niya.
“Hindi siya mapalagay. Paroo’t parito siya loob at labas ng bahay. Nagagalit na hindi mawari pero hindi nagsasalita. Ilang beses ka niyang tinawagan. Sa buong magdamag ay doon lang siya sa balkon at nakahiga sa barandilya. Sila ni Mike.”
"Ayaw niya akong pakinggan..." Muli siyang humagulhol. "Kahit anong paliwanag ko."
"Lahat ng pangyayari ay nakaturong wala ka rito sa bahay," patuloy ni Lovelle.
"I was here. Oh, god, I was—" Nahinto siya sa pagsasalita. Tumayo at tinakbo ang itaas. Sa silid ng mga kaibigan. Bagaman nagtataka ay kasunod niya ang mga ito.
Nakita siyang hinihipo ang DVD player at telebisyon. "Look!" aniya sa mga ito. "Mainit pa ang TV at player dahil magdamag na bukas ang mga iyan. Damhin ninyo!"
"Caroline, we believe you," ani Lovelle.
"I was here," she said miserably. "Waiting for him. Watching that damned movie! Ni hindi ko kayang ipaliwanag kung bakit nakatulog ako nang ganoon kahimbing!"
"You were tired... in fact, overfatigued," ani Raquel. "Look at you, nagbawas ka ng timbang. Ilang gabi mo na ring pinagpuyatan ang thesis mo. Kahapon ay gabi ka nang nakauwi dahil sa research. Nang ma-relax ka dahil nanood ka ng movie, bumigay ang katawan mo. These things happen."
Tinitigan niya si Raquel. "Paanong naipangatwiran mo iyan? Bakit hindi si Shane? Bakit hindi niya maisip na baka pagod ako kaya ako nakatulog? Bakit hindi niya ako pinaniwalaan?" puno ng pait at hinanakit ang tinig niya.
"Tulad ng sabi ni Lovelle, nagseselos si Shane, Caroline. Sabi niya ay nagtagal siya sa labas at nang mainip ay kumatok siya rito. Malakas. May ilang kapitbahay ang nanungaw na. May sumigaw pa nga raw na walang tao rito at umalis tayong lahat."
"Oh, god!" Muli siyang napahagulhol.
"Iniisip niyang may kasama kang iba sa buong magdamag..." dagdag ni Lovelle. "Hindi madaling tanggapin at isasantabi iyon."
"Sinabi sa kanya ni Mike na kasama ko si Jessie noong minsang hindi ako sinundo ni Shane. It was a lie, Raquel... Lovelle. Hindi totoo iyon. Bagaman hindi ko matiyak kung ang tinutukoy ni Mike ay iyong kumain kami sa canteen ni Jessie bago ito umuwi ng Silang..."
"Bakit magsisinungaling si Mike nang ganyan?" kunot-noong tanong ni Lovelle.
Nagkatinginan silang magkaibigan at parehong walang maisagot.
23
ANG BUONG Sabado at Linggo ay ginugol ni Caroline sa loob ng silid niya sa pag-iyak at sa pagtawag at pagte-text kay Shane. Subalit wala itong sinagot sa mga tawag at text niya. Kung tutuusin ay baka pinatay nito ang cell phone dahil hindi naman nagri-ring kada siya tatawag. At ano ba ang malay niya na baka sa galit ay itinapon nito ang cell phone.
Kung hindi niya pinipigil ang sarili ay nais niya itong puntahan sa bahay ng mga magulang nito sa Tagaytay. Pero hindi niya bibigyan ng kahihiyan ang sarili sa paggawa niyon.
Sa loob ng sumunod na dalawang araw ay pumasok si Caroline. Umaasang susunduin siya ni Shane at makikipagpayapaan ito. Subalit walang Shane na nagpakita o tumatawag o nagte-text.
Nasa dibdib na niya ang pagnanais na sugurin si Mike sa kabilang unibersidad.
Subalit hindi si Mike ang problema niya kundi si Shane. He should have trusted her. At pinaniwalaan siya. Nasa banyo siya nang umaga ng Miyerkules nang humiyaw siya sa malaking gulat ng mga kaibigan niya.
"Ano ang nangyari, Caroline?" bungad ni Lovelle sa entrada ng maliit na banyo.
"Bakit ka sumigaw?" It was Raquel.
Nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa mga kaibigan. "D-dalhin ninyo ako sa ospital..." pahikbing sabi niya, nakabalatay sa mukha ang takot.
"Bakit?" sabay na tanong ng dalawa.
"N-nag-i-spotting ako."
“BAKIT hindi mo sinabi sa aming nagdadalang-tao ka, Caroline?” tanong ni Raquel. Si Lovelle ay nanatiling tahimik at nakaupo sa paanan ng hospital bed niya.
"K-kailan ko lang natanto. Nang mag-miss ako ng period. I... I never missed my period. I would have told you both, pero binalak kong unang sabihin kay Shane. Sa party mo dapat, Lovelle, ay sasabihin ko sa kanya."
"Kailangang malaman ni Shane ang bagay na ito, Caroline," ani Raquel. "Lalo at mananatili ka rito hanggang bukas upang masubaybayan na hindi malalaglag ang dinadala mo."
Bewildered, she shook her head. “Huwag ninyong gagawin iyon, nakikiusap ako. Kung gusto niyang bumalik ay gawin niya nang hindi napipilitan lamang dahil lamang nagdadalang-tao ako.”
"Kailangan niyang malaman, Caroline," giit ni Raquel.
"No. Please." Puno ng kombiksiyon ang tinig niya. "Let him come back because he realized he was wrong. That he loves me. Na gusto niya akong paniwalaan, giving me the benefit of the doubt."
"Pero paano kung hindi magbalik si Shane?" tanong ni Lovelle sa nagagalit na tinig.
"Please, Lovelle..." pakiusap ni Caroline, tuluyang nalaglag ang pinipigil niyang luha. Hindi niya gustong marinig iyon mula sa kaibigan. Mahal siya ni Shane tulad ng pagmamahal niya rito. Babalik ito kapag nawala na ang galit nito. "Alam kong mahal ako ni Shane. Nabubulagan lang siya sa galit. Nagpapalipas lang siya ng galit. Babalik siya."
Hindi na nagsalita ang dalawa pa tungkol kay Shane. Kinakabahang baka lalong makasama sa kalagayan niya. "If you want to keep that baby..." Lovelle paused. "Although that's not a baby yet, then stop stressing yourself, Caroline. Sundin mo ang sinabi ng doktor. Don't worry yourself. Stop crying."
Buong pagsuyong dinama niya ang tiyan. Agad na nagmaliw ang mga luha sa mga mata. "I want to keep the baby, Lovelle." Tulad din ng kung paano siyang hindi ipinalaglag ng kanyang ina sa kabila ng lahat.
Nang maalala ang lola niya ay muling bumukal ang mga luha sa mga mata niya subalit hindi niya gustong pumatak ang mga iyon. She had betrayed her grandmother. Sinundan niya ang yapak ng kanyang ina. Pero natitiyak niyang magbabalik si Shane. Iyon ang magiging kaibahan niya sa nanay niya. Pakakasalan siya ng ama ng kanyang magiging anak.
"Umiiyak ka na naman," ani Raquel sa sumasaway na tinig. Hindi niya namalayang umagos ang mga luha mula sa mga mata niya.
Tiningnan niya ang kaibigan. "Ano ang sasabihin ko kay Lola? Sasama ang loob niya. Sasaktan ko siya..."
"Don't tell her," mariing wika ni Lovelle. "Marami namang paraan para maglihim, lalo at hindi naman lumuluwas ang lola mo rito sa Manila. Bago ang enrollment para sa next sem ay umuwi ka sa Silang para hindi gaanong matagal na hindi kayo nagkikita. Maiintindihan niya na hindi kayo magkikita nang buong dalawang semester hanggang graduation mo. Super busy ka.
“At sabi mo nga ay babalik si Shane…” Tinitigan siya nito at saka nagbuntong-hininga. “Sana nga. At kung hindi man, next year pa ang graduation mo. By that time, nakapanganak ka na. Ang konsolasyon, nakapagtapos ka. Makakakita ng magandang trabaho. At nandiyan si Nemia para mag-alaga ng baby mo pagkapanganak mo.”
“Tama si Lovelle, Caroline. Hindi mo gustong masaktan ang lola mo, so ilihim mo.”
Hindi na siya kumibo at tumingin sa kawalan. Deep in her heart, alam niyang babalik si Shane. Magpapakasal sila tulad ng sabi nito. Hindi magdaramdam ang lola niya dahil nag-asawa naman siya nang maayos at makapagtatapos pa.
Kinalunesan ay si Raquel na rin ang nag-ayos ng pagsusumite ng mga thesis niya. Hindi na niya magawang pasukan ang huling linggo nila sa unibersidad. Ipinagpasalamat niyang natapos niya ang lahat ng requirements sa unibersidad.
Lunes din ng gabi nang magpaalam si Raquel na uuwi sa Coron dahil inaasahan ng mga magulang nito ang pag-uwi niya tuwing semestral break. Napaaga nga lang iyon nang isang linggo dahil nga sa nangyari kay Caroline. Niyaya nito si Caroline na sa Coron na palipasin ang natitirang halos tatlong linggo.
Umaasa itong papayag siya. Subalit tumanggi si Caroline.
“Hindi mo maaaring gugulin ang buong tatlong linggong bakasyon sa pagmumukmok, Caroline,” ani Raquel.
"Gusto kong narito ako kapag dumalaw si Shane," she said firmly.
Lovelle sighed. "Don't worry, Raqs. Ipagpapaliban ko ang paglipat ko sa Libis hanggang sa nakabalik ka na. Ako na ang kasama ni Caroline dito. Kami ni Nemia."
Tinitigan siya ng mga kaibigan subalit umiwas siya ng tingin. Gusto niyang itaboy ang mga itong iwan siya. Gusto niyang mapag-isa. Umiyak. No. No. Hindi siya dapat umiyak. Alang-alang sa baby niya. Kailangang tatagan niya ang sarili. Kapag nalaglag ang ipinagdadalang-tao niya ay hindi niya mapapatawad ang sarili.
24
Present
HUMINTO ang van sa tapat ng nag-iisang ospital sa Coron.
"Ma'am, heto na po iyong ospital na sinasabi ninyo," wika ng driver kay Caroline na nagpamulat bigla ng mga mata niya at magbalik ang isip sa kasalukuyan. Ikinurap niya ang mga luhang nagsimulang mamuo sa mga mata. Then she realized that she was clutching her tummy. Inalis niyang bigla ang kamay sa tiyan.
Nilinga niya ang paligid. Hindi alam ni Raquel na darating siya. Hindi niya gustong magpasundo. Tutal ibinigay naman nito sa kanya ang direksiyon bago ito umalis kung sakaling magbago ang isip niya.
"S-salamat," aniya sa driver at naglabas ng pera mula sa maliit na bag at binayaran ito. Ang driver ay bumaba at kinuha ang di-kalakihang maleta niya mula sa likuran at ibinaba iyon sa tabi ng kalsada.
Ginalugad niya ng tingin ang kabilang kalsada. Sabi ni Raquel ay may tulay na kawayan patungo sa kanila at sa tabi niyon ay isang munting botika. Natanaw niya kaagad ang tulay na kawayan. Hila-hila ang de-gulong na maleta ay tinawid niya ang kalye.
Pagdating sa may bungad ng makitid at mahaba at palikong tulay na kawayan ay tinawagan niya si Raquel.
"Caroline," agad nitong sabi. "May problema ba? O may maganda kang balita?"
"I'm here..."
Sandaling namagitan ang katahimikan sa kabilang linya. "Here where?"
"Dito sa may bungad ng tulay na kawayan. Hindi ko matanaw ang bahay ninyo at takot akong tawirin ang tulay. Mukhang marupok. Baka ihulog ako sa creek at malunod ako."
"Oh, my god!"
Iyon lang at namatay na ang linya sa kabila. She smiled and waited for less than a minute. Mula sa mga nagtatayugang halaman ay lumitaw sa kabilang dulo ng tulay si Raquel. Nakatawa.Tinatakbo nito ang pagbaybay sa tulay na kinabahan si Caroline na ano mang oras ay may mabaling kawayan doon at sa creek pulutin si Raquel.
Subalit nakarating ito sa kinatatayuan niya nang walang kahirap-hirap. Niyakap siya ng kaibigan.
“Bakit hindi mo man lang ako tinawagang darating ka?”
"O, eh, di hindi kita nasorpresang ganyan," she said grinning.
Kumawala si Raquel at inilayo siya nang bahagya at tinitigan. "Kahit tumatawa ka'y malamlam ang mga mata mo. Hindi pa rin ba nagpapakita si Shane?"
Biglang naglaho ang ano mang hibla ng ngiti sa mga labi niya. "Ayoko muna siyang pag-usapan, Raqs," aniya sa nababasag na tinig.
"Siya... siya... Halika na at nang maipakilala kita kay Nanay. Akina iyang bagahe mo at ako ang magbibitbit. Kumapit ka riyan sa hawakan. Matibay iyan."
Nauna ito sa pagtawid sa tulay at kasunod siya. Mariin ang pagkakahawak niya sa kapitan habang nakatitig sa ibaba ng creek. May kaunting tubig doon na umaagos. Kung saan patungo ay wala siyang ideya. Isang malaking kalokohan sa bahagi niya ang maisip na malulunod siya roon kung mahuhulog siya. Hindi pa yata aabot sa tuhod ang tubig sa creek. And that was it. Nakilala niya ang mga magulang ni Raquel, sina Tatay Peping at Nanay Lolit.
Mainit siyang tinanggap ng mga ito; na matagal nang alam ng mga ito na magkaibigan sila ni Raquel at ni Lovelle.
Wala pang dalawang oras pagkarating niya ay nagtanong na siya kay Raquel kung ano ang maaari nilang puntahan. At dahil hapon na ay sa hot spring siya nito dinala.
SUMAKAY sila ng tricycle patungo sa lugar kung saan naroon ang hot spring. Napangiti si Caroline sa uri ng pedicab na sinakyan nila. Tila iyon isang miniature jeep. Dalawang pasahero sa harap at apat sa likuran.
Iyon ang unang pagkakataong nakaranas siya ng ganoon at totoo siyang nakadama ng pagkamangha sa lugar. Ang hot spring ay karugtong ng dagat. Napakainit ng tubig sa lugar na nakalubog sila at kailangan pa ng ilang sandali upang masanay ang balat niya sa init bago siya tuluyang nag-enjoy.
At ilang metro lang patungo sa dagat ay nag-iiba ang temperatura ng tubig. Unti-unti ay lumalamig iyon. She was truly amazed. Nanatili sila sa mainit na tubig sa loob ng tatlumpung minuto. Gusto pa sana niyang magbabad pa pero inawat siya ni Raquel. Ayon dito ay tama na ang tatlumpong minutong pagbabad sa mainit na tubig-dagat dahil mamumula ang balat niya kung magtatagal pa.
Sumang-ayon na rin si Caroline dahil papadilim na. Pagkabanlaw at pagkabihis sa shower room ay umuwi na sila.
Pagkakain ng hapunan ay nakapagtatakang hinila na siya ng antok gayong wala pang alas-otso ng gabi. Hindi nagkapuwang sa isip niya si Shane sa kauna-unahang pagkakataon mula nang hindi na ito makipagkita sa kanya. Agad siyang nakatulog pagkalapat ng katawan niya sa kama.
Nagising siya nang mag-aalas-otso na. Bakante na ang kabilang kama ni Raquel. Hindi siya agad bumangon. Muli, tulad ng nagdaang mga umaga, si Shane ang unang pumasok sa isipan niya. Nabigyan lang siya ng ilang oras ding reprieve. Hindi niya mapigil ang mapahikbi at isinubsob ang mukha sa unan.
Kung hindi lang siya nag-aalalang baka mapasukan siya ni Raquel na umiiyak ay malamang na mananatili siya sa higaan at ubusin ang maghapon sa pag-iisip sa nobyo. Muli ay bigla niyang naalalang hindi siya dapat ma-stress dahil sa baby niya. Iyon ang mahigpit na bilin ng doktor sa kanya.
Inaayos niya ang ilang gamit niya nang bumukas ang pinto at pumasok si Raquel. Nakangiti ito. “Akala ko’y tulog ka pa.”
She smiled sheepishly. “Tinanghali nga ako ng gising.”
“Yeah. You slept like a log,” anito, natutuwang hinagod siya ng tingin. “Nakatulong sa iyo ang pagbabad sa hot spring kagabi.”
Tumango si Caroline. “Nakabuti sa akin,” she said with a faint smile. Kinuha niya mula sa tokador ang clamp at itinaas ang buhok. “Ulitin natin one time.”
Natawa si Raquel. “Goodness, I even tiptoed around this morning dahil ayokong magising kita. Mula nang magkagalit kayo ni Shane ay parang puro iyak na lang ang ginagawa mo sa gabi.”
Nahinto siya sa ginagawa. “’Can’t help myself, Raquel.” Tumingala siya sa kaibigan. “Hindi ko siya magawang alisin sa isip ko sa kabila ng ginawa niya.” Her voice broke.
Isang marahang mura ang pinakawalan ni Raquel. “Alalahanin mong hindi ka dapat nagkakaganyan dahil diyan sa dinadala mo.”
“Yeah…” she said with a sigh, dumako ang isang kamay sa tiyan niya at nginitian ang kaibigan.
“Gusto kong ikutin ang ipinagyayabang mong mga isla dito sa Coron.”
“Mag-almusal na muna tayo.”
“MAAGA pa naman,” ani Raquel nang bumalik sila sa silid pagkatapos kumain. “Iyong kinontrata kong bangka ay tayo lang ang pasahero. Naisip kong dalawa o tatlong isla ang lilibutin natin ngayon at bukas naman ang iba…” ani Raquel habang tinititigan siyang nagsusuot ng bathing suit at pagkatapos ay sinuotan ng shorts at pinaibabawan ng polo shirt.
"Props lang iyan," nakangising sabi niya sa kaibigan. Ang tinutukoy ay ang suot na bathing suit. Siya man ay pinagtakhan ang sarili sa biglaan niyang pagbili ng bathing suit gayong alam niyang hindi naman siya lulubog man lang sa dagat. "Hindi ako marunong lumangoy."
"Oh, don't worry. May mga life vest naman sa bangka," ani Raquel sa tonong hindi iniintindi ang sinabi niyang hindi siya marunong lumangoy."Tara na nga." Kinuha nito ang sumbrerong buli sa ibabaw ng tokador. "Sana'y makalimot ka kahit ilang araw man lang—" pinutol nito ang sinasabi. "Wrong statement. Sana'y makatagpo ka ng bagong pag-ibig dito sa Coron sa susunod na mga araw."
Kahit paano ay natawa siya sa sinabi ng kaibigan. "Paano mo namang naisip iyan gayong alam mong preggy ako?"
Nagkibit si Raquel. "Basta ang gusto ko'y mag-enjoy ka sa bakasyon mong ito."
Hindi na niya sinagot iyon. Siya man ay umaasang sana'y hindi na niya maramdaman ang masaktan nang labis. Sana ay mamanhid na ang buong pagkatao niya, alang-alang sa dinadala niya.
"It's too early to ask you," ani Raquel pagkatapos nilang magpaalam sa mga magulang nito. "Ano ang ipapangalan mo sa baby mo?"
She frowned. Sandaling nahinto sa bukana ng tulay na kawayan. "I haven't thought of it. But I'll name my baby Shane. Mapalalaki man o mapababae."
25
ILANG minuto nang nakasakay sa motorboat ang magkaibigan pero hindi pa rin pinaandar ng bangkero ang bangka.
"May hinihintay ba tayo?" tanong ni Raquel sa bangkero. "Hindi ba at solo kong nirentahan itong bangka? Bakit nga pala wala tayong guide?"
"Eh, ma'am, ang guide nga po ang hinihintay natin at saka po iyong magdadala ng ating kakainin."
Si Caroline ay pumuwesto sa kabilang dulo ng bangka at naupo roon. Hindi niya pinansin ang usapan ni Raquel at ng bangkero. Dinampot niya ang nakitang life vest sa may upuan at isinuot. Natanaw niya ang ilang pasahero sa kabilang bangka na nagsipagsuotan ng mga life vest.
Gusto niyang makita ang magagandang isla ng Coron, gayunman, wala siyang balak na lumubog sa tubig. She didn't even know how to swim. Iyan ang isa sa mga bagay na hindi niya natutuhan dahil kinatatakutan niya ang lumubog man lang sa dagat.
Hindi bale kung hanggang baywang lang niya ang tubig tulad kagabi sa hot spring.
Pero kapag hindi na naaabot ng kanyang paa ay natatakot na siya. Sabi ng lola niya ay sanhi iyon ng muntik na niyang pagkalunod sa ilog sa kanila noong walong taong gulang pa lamang siya.Sa paligid ay nagsisimula nang magsialisan ang ilang bangkang sinasakyan ng mga local and foreign tourists upang magtungo sa mga island.
Dalawang taon na rin silang magkaibigan ni Raquel pero ngayon lang siya nakarating ng Coron. Hindi dahil hindi siya iniimbita ng kaibigan tuwing semestral break at summer. Lamang ay hindi niya napagbigyan dahil kailangan niyang umuuwi lagi sa lola niya sa Cavite sa bawat pagkakataon. Nais niyang tulungan ang lola niya sa munting negosyo nito, ang flower farm sa Silang.
Matanda na ang lola niya at ang kapirasong flower farm nila ang nagpapaaral sa kanya. Hindi nila kayang umupa ng karagdagang tauhan dahil hindi naman ganoon kalakas ang kinikita ng flower farm dahil sa kompetisyon. Ang ibang may-ari ng flower farm sa Silang at Tagaytay ay may tindahan din sa Dangwa. Subalit ang lola niya ay wala. Kaya naman umaasa lang sila sa mga datihan ng suki ng lola niya at sa ilang mga bagong customer.
Umaasa siyang sana’y ma-enjoy niya ang bakasyon upang mapaluguran ang kaibigan na nagsisikap na aliwin siya. Bahagyang umuga ang bangka at napakapit siya sa sandalan.
“Sila ba ang mga turista, Temyong?” tanong ng tinig mula sa kabilang dulo ng bangka.Caroline sighed. Dumating na marahil ang guide nila. Pero hindi siya lumingon. Dahil nakuha ang pansin niya ng isang guide mula sa kabilang bangka na kinindatan siya. She rolled her eyes.
“Sir Matt! Hannah?”
“Hello, Tita Raquel.”
“Kayo ang guide namin?”
“Raquel?” wika ng tinig. “Ikaw ba ang umarkila ng bangka?”
Napalingon siya nang mahimigan ang pagkabigla sa tinig ni Raquel na sa wari ay kakilala ang guide. Napakunot ang noo niya nang mamukhaan ang pamilyar na bulto ng lalaki. Maging ang lalaki ay napatuon ang tingin sa kanya. Bahagyang-bahagyang kumunot ang noo nito pagkakita sa kanya.
Mula sa lalaki ay bumaba ang tingin ni Caroline sa pamilyar ding bata.Bukod sa lalaki at sa bata ay may isa pang matandang babaeng may bitbit na malaking basket. Lumapit ito sa bangkero. Must be their lunch. Sabi ni Raquel ay libre ang lunch nila. Kasama sa package.
“Your friend, Raquel?”
“Yes, sir. Si Caroline, classmate ko. Caroline, si Mr. Matt Barcelona. Pag-aari niya ang bangkang ito at ang ilan pang bangkang nakapalibot at nakapalaot.”
“Daddy, siya iyong nakasabay natin sa eroplano!” Patakbong lumapit ang bata sa kinauupuan ni Caroline. “Hello. My name’s Hannah. Pangalan ko ang nakalagay sa mga bangka.” Nilinga nito ang ibang bangka sa paligid na may nakapinturang “Hannah.”
Sapilitan siyang ngumiti. “H-hi.”
“We’ve met, Raquel,” wika ng lalaki na nagpaangat ng tingin niya rito. Naka-cutoff ito ng khaki at nakahantad ang maskuladong mga binti. Nakasuot ng Hawaiian shirt na nakabukas lahat ang butones, revealing a washboard-like abs. He reminded her of George Clooney. Except probably that George Clooney was older.
Humakbang ito palapit sa kanya at inilahad ang kamay. Napilitan siyang tanggapin iyon. "Nice meeting you, Caro."
Caroline gasped softly. Agad na binawi ang kamay. Tinawag siya nitong "Caro." Lahat ng mga kaibigan at kakilala niya ay Carol o Caroline ang tawag sa kanya. Maliban kay Shane. At ito ang ikalawang taong tumawag sa kanya ng Caro. And she hated that instantly.
Si Shane lang ang may karapatang tawagin siyang "Caro." Hindi ang lalaking ito!
"Something wrong?" Matt was frowning.
"My name is Caroline," mariing sabi niya sa naniningkit na mga mata. "Not Caro."
Matt smiled. "Then 'Caroline' it is. How do you do, Caroline?"
She took a deep breath and said very politely. “I’m good. Thank you.“Nag-angat ng tingin si Matt at sinenyasan ang bangkero na paandarin na ang motor upang makaalis na sila. Lumakad ito patungo sa malapit sa motor ng bangka. Pagkatapos ay kinuha ang isang mahabang kawayan at itinukod sa may pader ng pantalan upang itulak palayo ang bangka.
Nakita ni Caroline ang pag-igting ng mga masel nito sa mga braso. She was impressed despite her instant dislike of the man—dahil lang tinawag siya nitong “Caro.”
Ilang sandali pa ay unti-unti nang lumalayo ang bangka mula sa pantalan at ibinalik na ni Matt ang mahabang tukod na kawayan sa gilid ng bangka. Hindi niya maiwasang tingnan at suriin ito. Makisig. Matipuno. Not an ounce of extra flesh. Hindi kataka-taka dahil ginagawa nito ang gawain ng guide ng bangka.
Hindi marahil ganoon ang mga muscle ni Shane. But Shane was younger. This man was older. Nagbuntong-hininga siya at muling itinuon sa malawak na karagatan ang paningin. May ilang bangka siyang natatanaw sa malayo. Marahil ay hindi naman sabay-sabay ang mga bangka sa iisang lugar.
26
“SMILE!” sigaw ni Raquel at saka kinunan siya ng larawan. Sa pagkabigla niya ay tumayo mula sa upuang kahoy si Hannah at naupo sa tabi niya.
“Take our pictures, Tita Raquel,” ani Hannah at ikinapit ang mga braso sa braso niya, saka ngumiti para sa camera.
“Oh, sure.” Sinulyapan siya ni Raquel. “Don’t look so gloomy, Caroline. Smile…“Pilit ang ngiting sumisilay sa mga labi niya. Pinagbibigyan lang niya si Raquel at ang bata.This was a mistake, she thought. Madi-disappoint lang si Raquel na hindi niya makuhang magsaya rito sa Coron.
Walang sandaling hindi si Shane ang laman ng isip niya. Paano kung nagpunta ito sa apartment at datnan siyang wala? Lalo lamang titindi ang hinala nito na may iba siyang boyfriend.
Pagkatapos ng dalawang shots ay tumayo si Hannah at tinungo ang dulo ng bangka at doon naman nag-pose. Raquel indulged the girl. Muli niyang ibinalik ang tingin sa karagatan. Natatanaw niya ang isang isla na sa tingin niya ay doon sila patungo.
“Who broke your heart?”
Bahagya pa siyang nagitla nang marinig ang tinig ni Matt. Nasa harap niya ito, nakahawak sa isang poste ng bangka at nakatunghay sa kanya.
“Excuse me?” kunot-noong sabi niya.
“I said who broke your heart?”
“What makes you think my heart was broken?” she snapped.
He shrugged. “Hindi mahirap hulaan. Labis ang lungkot sa mga mata mo. Pinagbigyan mo lang si Raquel nang sabihin niyang ngumiti ka. Pero hindi umabot sa mga mata mo ang ngiti.”
“Sapat na ba iyon para isipin mong brokenhearted ako?” she said irritably.
“Hindi mo rin namalayang lumalapit ako. Nakatitig ka sa kawalan. At para kang may sariling mundo. Pinagbibigyan mo lang ang mga nakapaligid sa iyo. At kung papipiliin ka’y mas gusto mong wala kang kausap at gusto mo na lang na mapag-isa.”
Hindi agad siya makahagilap ng sasabihin. The man was astute. At kung hindi siya nito nilapitan ay baka totoong napahikbi na naman siya.
"Maaaring ang lungkot kong sinasabi mo'y sa ibang kadahilanan..." Nainis siyang lalo.
"Maaari. Pero tama ako, hindi ba?"
"Eh, ano ba ang pakialam mo?" angil ni Caroline. Ibinalik niya ang paningin sa dagat. Umaasa siyang iwan siya nitong mag-isa. Nararamdaman niya ang pag-ikot ng bangka patungo sa batong-bundok.
“Wala nga. Pero nakakapanghinayang na makita ang isang tila sea nymph na nababahiran ng matinding lungkot ang mukha.”
“Are you flirting with me?”
He grinned, showing perfect white teeth. “And if I am?”
Naningkit ang mga mata niya. “Married men are not my cup of tea! Mahiya ka naman, lalo na sa anak mo!”
Napahawak ito sa noo. “Thank God. And I thought you’d say, ‘you’re an old man!’”
Caroline opened her mouth to say something. Subalit naunahan siya ni Matt sa ano mang sasabihin niya.
"I'm not married. I mean, not anymore. Hannah's mother died when she was seven years old. Sa isang aksidente."
"Oh." Then she said in contrite, "I... I'm sorry."
"Yeah, me, too. But it's been six years. Both Hannah and I have recovered from the tragedy."
Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Umiwas siya ng tingin, bahagyang tumagilid at itinuon ang tingin sa karagatan.
"Now, who broke your heart?" he asked softly again. So softly na naramdaman ni Caroline ang biglang pag-iinit ng mga sulok ng mga mata niya.
She blinked back the tears. Hindi niya gustong humarap dito dahil baka mapansin nito ang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya. "Please. Wala akong balak ipakipag-usap sa iyo ang—" She stopped in mid-sentence, napaangat mula sa pagkakaupo. "It's... it's beautiful!"
Tuluyan na siyang tumayo mula sa kinauupuan at lumakad patungo sa dulo ng bangka. "I've never seen anything like this!" buong paghangang bulalas niya.
Pumasok ang bangka sa pagitan ng matataas na batong-bundok at sa gitna ng mga iyon ay isang kulay berdeng bahagi ng karagatan. Sa dako pa roon ay may isang mababang kumpol na mga bato. Halos kapantay na ng dagat. Tila hinati ng mga bato ang bahaging iyon ng karagatan.
"This is the Twin Lagoon," narinig niyang sabi ni Matt mula sa likuran. Mamaya pa'y nararamdaman na niya ang dahan-dahan nitong paglapit sa tabi niya. "Dito mo lang sa Coron makikita iyan. And I'm glad you appreciated its beauty."
Sinulyapan niya ito. He was smiling at her. Napilitan siyang gumanti ng ngiti.
"Maligo na tayo!' anyaya ni Raquel mula sa likuran nila. At bago pa makakurap si Caroline ay tumalon na ito patungo sa tubig. Mayamaya pa ay sumunod na tumalon ay si Hannah. Napansin ni Caroline na wala itong suot na life vest. Ganoon din si Raquel.
"H-hindi ba natatakot ang anak mo? Wala siyang suot na life vest?"
"Mahusay lumangoy si Hannah, Caroline. Don't worry about her. Ikaw, hindi ka ba maliligo?"
Mabilis ang iling niya. "No. You go ahead. Dito lang ako at panonoorin ko kayo." Kumunot ang noo nito. "Ano ang silbi ng pagtungo mo rito kung hindi mo mae-enjoy ang dagat?"
"Hindi ako marunong lumangoy..."
"Hindi ka lulubog dahil may life vest ka naman."
"Please... kung gusto mong lumangoy, then go ahead. Ignore me here."
"May phobia ka sa tubig?
Sinalubong ni Caroline ang mga mata nito, nakatitiyak nang mababasa niya roon na nagtatawa ito. Subalit taliwas sa inaasahan niya ay hindi iyon ang nakikita niya sa mga mata ni Matt. Ang naroroon ay simpleng pagtatanong.
She sighed. "Nagsimula lang nang muntik na akong malunod sa ilog sa amin sa Cavite. I was eight years old. Itinulak ako ng kalaro ko sa tubig sa pag-aakalang marunong akong lumangoy."
Hindi siya makapaniwalang sinasabi niya iyon sa estrangherong ito. But she found out it was easy to talk to him. Hindi man niya gustong aminin iyon.
"Sino ang sumagip sa iyo?"
"Iyon ding nagtulak sa akin at ang isa pa naming kalaro. Nakainom na ako ng maraming tubig at takot na takot."
Hinawakan siya nito sa kamay sa pagkagitla niya. "Halika, lumubog tayo sa tubig..."
"No!" Bigla niyang binawi ang kamay subalit mahigpit ang pagkakahawak doon ni Matt.
"Trust me, Caroline. Mahusay akong lumangoy. Hindi kita hahayaang malunod, bagaman imposible iyon dahil diyan sa life vest mo..."
"Hindi mo ako kailangang pilitin, Matt!" She was horrified.
"Hindi kita pinipilit, hinihikayat kitang pagkatiwalaan ako."
"Paano kita pagkakatiwalaan gayong ngayon lang tayo nagkakilala?"
His smile was beguiling. "Hindi iyon ang nararamdaman ko. It's as if I've known you for forever." Ang akma niyang isasagot ay napigil nang muli itong magsalita. "Lahat ng kasama mo rito sa bangka ay mahuhusay lumangoy, Caroline. We will not let you drown. Trust us. Trust Raquel." Kinakabahang sinulyapan niya si Raquel. Nakangiting tinatawag siya nito. Raquel didn't even know her phobia. There had never been a chance to talk about it. Maliban doon sa sinabi niya kaninang hindi siya marunong lumangoy na hindi naman din yata nito inintindi. "Huwag kang killjoy, Caroline! Ang sarap ng tubig, halika na!"
"Kung gusto mo ay sa katig ka lang manatili at humawak ka roon."
She would have snapped at him. Pero nang lingunin niya ito ay naroon ang panghihikayat sa mga mata nitong subukan niyang lumubog sa tubig. "Please. Isa ito sa mga paraan upang unti-unti mong maalis ang phobia mo sa tubig."
She was staring at him warily. Unsure of what to do. Kinakabahan.
"Humakbang ka patungo sa dulo at maupo roon. Mauuna akong lulusong sa tubig. Pagkatapos ay aabutin kita. Come on, little one."
Little one. Shane called her pandak.
Shane again!
She couldn’t let Shane’s memory ruin her vacation. She couldn’t let him stress her and risk the chance of a miscarriage. Gumuhit ang determinasyon sa mukha niya. Lumakad siya patungo sa dulo ng bangka tulad ng sinabi ni Matt. Bago siya naupo ay nilingon niya ito. He nodded his head and smiled at her encouragingly.
Naupo siya sa gilid niyon, nakalawit ang mga binti sa dagat. Iyon lang ang hinintay ni Matt at nag-dive sa tubig. Napahugot siya ng hininga dahil hindi agad ito lumutang bagaman sa sobrang linaw ng tubig ay natatanaw niya ito sa ilalim, kasama ng mga isdang nagpulasan dahil nabulabog.
Lumitaw si Matt sa mismong paanan niya. Inaabot siya.
“Humawak ka sa mga balikat ko.”
Lumatay ang sindak sa mukha niya at nakatitig lang dito. Hindi niya gustong lumubog sa tubig. Hindi siya makakahinga kapag lumubog siya. Hindi rin makakahinga ang baby niya.
“Talon na, Caroline!” sigaw ni Raquel.
“Don’t be scared. Daddy’s a good swimmer. He’ll take care of you!” sigaw naman ni Hannah.
Caroline felt like crying at nang abutin siya ni Matt sa baywang niya ay napilitan siyang humawak sa mga balikat nito. Had it not been for the life vest, malamang na dumikit na ang katawan niya rito. Gayunman ay nalanghap niya ang mabangong hininga nito. She closed her eyes and thought of Shane.
Sa isang sandali ay binitiwan siya nito sa tubig. Napasinghap siya at napahawak sa braso nito nang wala sa oras.
“Hindi ka lulubog, Caro,” he said gently. “May life vest ka. Here, humawak ka rito sa katig.”
“I told you not to call me that!”
“Okay, I’m sorry,” ani Matt and gave her an indulgent smile. Dinala nito ang kamay niya sa katig at bigla siyang kumapit doon.
“Take your time. Puwede kang mangunyapit paikot sa katig. Sanayin mo ang sarili mo at panoorin ang ilang isdang hindi natakot sa atin.” His gorgeous smile was full of encouragement.
Mamaya pa ay lumangoy ito paatras.
27
“DON’T leave me!” she screamed in panic.
Agad na lumangoy pabalik si Matt. “Narito lang ako, Caroline. Hindi kita iiwan. Gusto ko lang na ikaw mismo ang masanay na lumubog at magpaikot-ikot sa tubig para unti-unti mong matanggal ang takot mo.”
Gusto niyang masuya sa sarili. Para bang nakadepende na kaagad siya rito. Umiwas siya ng tingin. She looked around the vast sea. Pagkatapos ay sa mga batong-bundok sa paligid ng Twin Lagoon. Such a majestic place! Kung sana ay marunong siyang lumangoy. Nilingon niya ito at nahuling nakatitig ito sa kanya. She took a deep breath. "H-how do we get to the other lagoon?"
Umangat ang mga mata nito sa kabilang lagoon na marahil ay dalawampu't limang metro mula sa kinalalagyan nila. Pinalis nito ng kamay ang tubig sa mukha. "Puwede sa kayak. May maliit lang na lagusan at kasyang-kasya ang plastic canoe. Hindi kalakihan ang lagusan at makikita mo kapag low tide. Sa ngayon ay hindi mo iyon matatanaw. Maaari ding languyin pero kailangang mahusay kang lumangoy at 'di natatakot."
Marahas siyang umiling. "Hindi ako marunong lumangoy."
"Madali namang matuto," anito at lumangoy palapit sa kanya at nag-tread sa tubig. "The water is fantastic, Caroline. Nagtatagpo sa lagoon ang tubig-tabang mula sa mga bundok at ang tubig-dagat."
Yumuko siya at tiningnan ang tubig. "Kanina ko pa gustong itanong sa iyo kung bakit magkakaiba ang temperatura ng tubig. Kanina." Nilingon niya ang ilang hakbang na pinanggalingan, "malamig ang tubig doon. Dito ay maligamgam..."
Matt grinned. "Fantastic, isn't it? The wonders of Mother Nature."
Napilitan siyang ngumiti at tumango. Nakakahawa ang pagngiti nito. "It is. Ngayon ko lang naranasan ito... I mean, iyong tubig na bagaman iisa naman ay magkakaiba ang temperatura." Sinulyapan niya sina Raquel at Hannah na nagpapaligsahan sa paglangoy. Nais niyang mainggit. Sana'y marunong din siyang lumangoy.
"Inaalok ko ang sarili kong turuan kang lumangoy," ani Matt na sa wari ay nababasa ang iniisip niya.
"T-thank you. Pero wala akong panahon doon. In a few days, babalik na ako sa Manila..." She frowned at herself. Ang alam ni Raquel ay dalawang linggo siya sa Coron. Magkasabay silang babalik sa Maynila.
She didn't want to think of Shane. Pero nais na niyang liparin ngayon din ang Manila. Kinakabahan siyang baka nagtungo ito ng apartment ano mang araw at wala siya. But then she would know. Ipapaalam ni Lovelle o ni Nemia sa kanya iyon.
“Caroline to earth…”
She blinked. Nilinga niya si Matt. Mataman itong nakatitig sa kanya. And slowly, a smile curved his lips.
“Lumubog ka sa tubig, Caroline…”
Marahas siyang umiling. “N-no!”
“Trust me, little one,” he said softly. “Humawak ka sa mga braso ko at lumubog ka nang mabasa naman ang ulo mo.” Then he chuckled. “May naligo ba sa dagat na hindi nabasa ang ulo?“At bago siya muling umusal ng pagtanggi ay napasinghap siya sa tubig na isinaboy sa kanya mula sa tagiliran niya. At sinundan pa iyon ng isa at isa pa.
“Hannah, stop it!” saway ni Matt sa anak sa mariing tono. Hannah giggled. Pagkatapos ay lumangoy palayo sa kanila.
Sinundan niya ng tingin ang bata na kung lumangoy ay tila isda. Habang nakakapit ang isang kamay niya sa katig ay inihilamos naman niya ang isang kamay sa mukha niya. Nang bigla siyang may naisip. She stared at Matt, a triumphant and mischievous smile on her lips.
“Now, my hair’s wet. Naligo na ako sa dagat.”
Nag-echo sa paligid ang tawa ni Matt. Lumapad ang ngiti niya. Other times, she could like him despite the age. At napaka-obvious ang interes nito sa kanya. More than just obvious. Subalit iisa lamang ang puso niyang maaaring ibigay. At naipagkaloob na niya iyon kay Shane.
“Gusto ko nang sumampa sa bangka, Matt,” she said seriously after a while.
At sa pagkagulat niya ay hinawakan siya nito sa baywang at itinaas patungo sa bangka. Mabilis siyang kumapit sa gilid niyon at sumampa. Inayos niya ang sarili sa pagkakaupo sa gilid at nginitian ito.
“Thank you,” she said.
“Anytime, Caroline.”
Ilang sandali pa silang nagtagal sa Twin Lagoon hanggang sa magyaya si Matt na tunguhin nila ang Kayangan Lake. She must really be needing an exercise. Dahil halos pangapusan siya ng hininga sa pagpanhik sa bundok.
At isiping napakabata pa niya. Kung wala si Matt sa likuran niya upang hawakan siya sa braso tuwing magmuntik-muntikanan siyang madulas sa mga bato ay baka gumulong na siya sa ibaba ng bundok. And then she’d make a fool of herself.
“Spectacular!” bulalas niya nang nasa itaas na sila ng bundok. Natatanaw niya ang ilang isla at batong-limpak sa gitna ng karagatan.
Around her was foliage. Berde sa lahat ng dako. Iba’t ibang uring halamang ligaw. Pinuno niya ng sariwang hangin ang dibdib. Bagaman probinsiya ang lugar nila sa Silang at may mga puno pa rin naman ay para na ring Maynila iyon.
“Tagarito ka talaga sa Coron?” Sinundan niya ng tingin sina Raquel at Hannah na tuloy-tuloy sa pagbaba pagkatapos ng matarik na pagpanhik, upang tunguhin ang lake.
Umiling ito. May ligaw na bulaklak itong nakita sa tabi at pinitas iyon at sa pagkagulat niya ay inilagay iyon ni Matt sa likod ng tainga niya. “Tagarito ang asawa ko, Caroline,” anito. “Ako’y tubong Manila talaga. It had been my wife’s idea to put up a hotel business here in Coron. Kahit na noong panahong iyon ay hindi pa puntahan ng mga turista ang lugar na ito. May business din ako sa Manila kaya paroo’t parito ako sa Coron.”
Bahagya na siyang tumango. She touched the flower on her hair gingerly. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kung hahayaan iyon doon o tatanggalin. Ipinasya niyang hayaan na lang. Nagpauna siyang bumaba at sinundan sina Raquel at Hannah.
Kung gaano kataas ang pinanhik nila ay iyon din ang pagbaba. At mamaya ay papanhikin din niyang muli iyon. She groaned silently. Bagaman naa-appreciate niya ang pagkaganda-gandang paligid ay hindi siya mountain woman.
“It’s easier descending,” Matt stressed the obvious from behind her.
“Yeah.”
“Be careful. Madulas at hindi pantay ang mga bato.”
“Ang ganda rito, Matt,” komento niya nang nasa ibaba na sila. “Napakalinaw ng tubig at natatanaw mo na halos ang ilalim. Ang mga isda at hipon ay naglilipana. Sarisari at iba’t ibang kulay!” Tumingala siya at inikot ang paningin. Napapaligiran ng mga batong-limpak ang mga bundok at ang lake.
“Kayangan Lake is considered as one of the cleanest lakes in the country, Caroline.” May pagmamalaki sa tinig nito bagaman sabi nga ni Matt ay hindi naman ito taal na taga-Coron.
“Really?”
“Really. Hall of Famer na ang lake na iyan.”
“What’s under?”
“Limestone. Tulad din ng mga nasa paligid na nakikita mo, nakapalibot sa mga bundok ang limestone karst formation. Maraming limestone sa Palawan.”
“Incredible.”
“Yeah.” Tumango ito. Kapagkuwa’y, “gusto mong samahan iyong dalawa sa paliligo sa lake?”
Umiling siya. “Tama na ang isang paglubog sa dagat, Matt. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang napatalon mo ako sa tubig.”
“You regretted it? You’re still scared?”
“A little scared, yes. Pero hindi ako nagsisising nahikayat mo akong lumubog sa tubig.” She sighed. “Hindi ko alam kung matatanggal pa ang phobia ko sa dagat o sa ilog man.”
“Phobias can be cured, Caroline. Hindi minamadali.”
Tumango siya.
“Puwede mo namang ulitin ang paglubog. Nakagiginhawa ang tubig sa lake,” muling panghihikayat nito.
She smiled and shook her head. “Nah. Wala na akong life vest at walang katig na kakapitan.”“I can offer myself.” His eyes twinkled.
She laughed. “Don’t push your luck, mister.”
Matt grinned. “Kung ganoon, sa ibang pagkakataon ay yayakagin kitang muling magtungo sa dagat. Unahin natin ang mas mababaw. May mga isla ritong mababaw lang ang dalampasigan.“For whatever reason, napako ang tingin niya sa katawan nito. Inililipad ng hangin ang Hawaiian shirt nito dahil hindi naman iyon nakabutones. Nahahantad sa kanya ang six-pack abs nito sa kabila ng nakasabit sa leeg nito ang dalang camera. Hindi man niya gustong aminin ay hindi niya maitatangging may magandang pangangatawan si Matt.
At his age, he was trim. Not an ounce of fat. Magandang lalaki. Nakakaangat sa buhay. Higit sa lahat, walang asawa. At hindi naman kabawasan sa pagkalalaki nito na matanda ito sa kanya nang labinlimang taon at may isang anak.
“You’re staring,” komento ni Matt.
Napahugot siya ng hininga. Agad na nag-init ang mukha niya at umiwas ng tingin.
You’re staring. Narinig na niya iyon. Kay Shane. Noong unang araw na magkita sila. She was staring at Shane’s lips. And now she was staring at Matt’s abs. Gayunman ay magkaibang damdamin ang dala ng magkaparehong pagkakataon sa kanya.She admired Matt. His physique.
Kay Shane ay alam niyang may kakaibang damdamin siya para dito sa una pa lang nilang pagkikita. Hindi taglay ni Shane ang pisikal na mga katangian ni Matt na hinahangaan niya sa isang lalaki. Dahil ayon nga sa kasintahan ay genes nito ang pagiging lanky habang nasa kabataang edad.
But it didn’t stop her from loving Shane. Her feelings with Shane had always been intense. Oh, god, how she missed him. Biglang parang gustong magsikip ng lalamunan niya.
“Naglalakbay na naman ang isip mo, Caroline…” Matt said gently.
“I’m… sorry. May naisip lang ako. G-ganito talaga ako. Laging naglalakbay ang isip.“Nasa mukha ni Matt ang pang-unawa. Hinawakan siya nito sa kamay at iginiya siya patungo sa isang malaking bato at iniupo. Sandaling tumitig ito sa kanya bago umatras nang ilang hakbang.
“Maganda ang backdrop. Kukunan kita ng picture.”
She indulged him and smiled. Nakailang click si Matt sa camera at pinagbigyan naman niya ng iba’t ibang pose habang nakaupo. Like Shane when they first met, magaan din ang loob niya kay Matt.
“Hey, girls!” tawag ni Matt kina Raquel at Hannah, sabay tingin sa waterproof diver’s watch nito. “Tama na iyan. Ala-una na. Sa kabilang isla na tayo mananghalian.”
Mula sa Kayangan Lake ay nagtungo sila sa Atuwayan beach kung saan sila nananghalian sa isa sa mga open cottages doon. Sadyang para sa mga turista. Sa inilatag na mga dahon ng saging ay inilabas ng babaeng may hawak ng malaking basket ng pagkain ang laman ng basket.
Dalawang malalaking alimango, malalaking sugpo, kilawing isda, at inihaw na talong. Tinulungan ni Raquel ang nakatatandang babae na maghiwa ng sibuyas at kamatis at magpiga ng sawsawan—toyo at kalamansi.
Pinakatitigan ni Caroline ang pagkain. Ipinaaalala ng mga seafood ang araw na ipinakilala siya ni Shane sa mga magulang nito; ang araw kung saan kusa niyang ipinagkaloob sa kasintahan ang sarili; ang araw kung saan ang buong akala niya ay wala nang katapusan ang ligayang nararamdaman niya.
Sino ang mag-aakalang mauuwi sa ganito ang lahat gayong wala naman talagang mabigat na dahilan upang magdamdam o magalit si Shane sa kanya?
“Hey.”
She blinked. Nakahawak sa balikat niya si Matt at banayad iyong pinisil. Natanto niyang may mga luha sa mga mata niya na hindi pa nakuhang pumatak. She looked around her. Sa mahabang mesang kawayan sa kubo kung saan nakalatag ang mga pagkain. Abala ang lahat sa paghahanda. Maliban kay Matt ay walang nakakita sa kanya… o nakarinig sa ginawa niyang paghikbi.
“If I could take your pain, Caroline, I would…” mahinang sabi ni Matt.
Naningkit ang mga mata niya. “What makes you think that I am in—” She stopped in mid-sentence. Nakatitig siya rito na nakatitig din sa kanya.
There was nothing on his face but understanding and the desire to offer sympathy. She shook her head desperately. “I’m sorry.”
“Walang dapat ihingi ng paumanhin,” anito. Inabot ang pinggan at inilagay sa harap niya at pagkatapos ay nilagyan iyon ng kanin, at tigkakaunti ng lahat ng ulam na nasa mesa. “’Want to talk about it? Minsan, nababawasan ang suliranin at lungkot kapag ating ibinabahagi sa iba.”
“No,” she said firmly. Pag-angat niya ng mga mata ay nakatingin sa kanya si Raquel. Sa kanilang dalawa ni Matt. She sighed. “Kumain na tayo.”
“Yes, let’s eat,” segunda ni Hannah. “’Tapos, maligo uli tayo. Mababaw lang ang tubig dito, Caroline. Hindi mo kailangan ng vest.”
“Tama ang anak ko, Caroline. Puwede kang mamili ng lalim at babaw ng tubig na gusto mo.” Hinayon ng paningin nito ang malalaking bato sa ilalim ng bundok. “Hindi kalaliman ang tubig sa dako roon. Doon tayo magtungo pagkakain.”
Hindi man niya aminin ay nag-enjoy siya sa paliligo sa dagat sa bahaging may malalaking bato. Hanggang lampas-baywang niya ang tubig pero sa simula lang siya natakot at nag-alinlangan. Hindi siya aanurin palayo dahil sa mga bato na nakakapitan niya.
Hapon na nang makabalik sa breakwater ang grupo.Tinanggihan ni Matt ang bayad ni Raquel sa island-hopping at nag-alok itong ihatid sila sa bahay ng mga magulang ni Raquel gamit ang pickup truck ni Matt.
Ipinagpapasalamat niya na sa buong biyahe ay makuwento at maingay si Hannah at ang indulgence ni Raquel sa bata. Natakpan niyon ang pagnanais niyang manatiling tahimik. Ipinagpapasalamat din niyang hindi nakikipag-usap si Matt sa kanya at nag-concentrate sa pagmamaneho.
Ilang sandali pa’y ipinarada na ni Matt ang pickup sa tabing-kalsada sa tapat ng tulay na kawayan patungo sa bahay nina Raquel. Mabilis itong bumaba ng sasakyan at binuksan ang pinto sa bahagi niya at ang isang kamay ay sa pinto sa likuran, kung saan naroon sina Raquel at Hannah.
“I hope you enjoyed today, Caroline,” ani Matt sa kanya bago siya makababa.
She smiled faintly. “I did, Matt. Maraming salamat.”
“Did you really?” seryosong tanong nito, nang-aarok ang mga mata sa pagkakatitig sa kanya.
Nilaparan niya ang ngiti niya. “I did, Matt. Promise. Siguro kung… kung…” Umiling siya at hindi na itinuloy ang sasabihin.
“Go on, Caroline. Siguro kung ano?”
Tumingin siya rito. “Malaking bagay ang presensiya mo at ni Hannah. Kahit paano ay naibsan ang…” She shrugged.
“Kung ganoon, iniaalok kong muli ang sarili kong maging tour guide ninyo ni Raquel sa durasyon ng bakasyon mo. Saan mo gustong magtungo bukas?”
Wala sa loob na napatingin siya kay Raquel na agad tumango. “Walang silbing magmukmok sa bahay, Caroline. Mababagot ka lang. Mahaba ang araw.”
“Let’s do another island-hopping on the next day, Raquel. Gusto kong magpahinga sa maghapon bukas.” At maghintay ng text o tawag ni Shane, ang nasa isip niya na hindi na isinatinig.
“Okay,” sang-ayon ni Matt. “Pero iniimbitahan ko kayo ni Raquel na mag-dinner bukas ng gabi sa hotel.”
She frowned. At bago pa siya makatanggi ay sumang-ayon na si Raquel. “Ay, thank you, sir Matt. Para naman malubos ang bakasyon ni Caroline dito sa atin.”
Nginitian siya ni Matt. “Susunduin ko kayo nang alas-seis y media bukas ng gabi.” Iyon lang at bumalik ito sa driver’s seat.
“Bye, Tita Raquel… Caroline!” sigaw ni Hannah.
They both waved good-bye to the girl. Ilang sandali pa’y nawala na sa paningin nila ang sasakyan ng mag-ama.
Habang binabaybay nila ang tulay ay sinita niya si Raquel. “Bakit naman pumayag ka kaagad sa dinner bukas?”
“Bakit naman hindi? Ano ang gagawin mo sa bahay, magmumukmok… mag-iisip?”
“Are you matchmaking?”
Nahinto sa paglalakad si Raquel at nilingon siya. “I never thought of that actually,” anito na kumunot ang noo. “Pero hindi masama. Napansin ko ang kakaibang interes ni sir Matt sa iyo.”
“Hindi ako interesado sa interes niya sa akin,” mariing sabi niya at nagpatuloy sa pagbaybay sa tulay. “Alam mong mahal ko si Shane. As in sobrang mahal! At nalimutan mo na bang nagdadalang-tao ako?”
“Hindi ko naman sinabi sa iyong makipagrelasyon ka kay sir Matt, Caroline. Ang nais ko lang naman ay malibang ka. Gugulin mo ang bakasyon mo sa pinakamainam na paraan. Hindi iyong isip ka nang isip. Alalahanin mong makasasama sa kalagayan mo iyon.”
“Paano nga pala kayo nagkakilala ni Matt?”
“Bangkero niya dati si Tatay noong hindi pa nagka-mild stroke. At kapag walang pasok sa escuela ay sumasama ako kay Tatay at ako na rin ang tagadala ng pagkain ng mga kumokontrata sa bangka. Mabait si sir Matt. Mahusay magpalakad ng mga tao niya.”
Hindi niya sinagot iyon at nagpatuloy sa paglakad. Nakabukas na ang pinto ng bahay nina Raquel at sumungaw ang nanay nito. She smiled. “Magandang hapon po, ’Nay…” bati niya. Tatay at nanay na rin ang tawag niya sa mga magulang ng kaibigan.
“Tamang-tama ang dating ninyo at nakaluto na ako ng hapunan. Sinigang na isda at gulay…“Alanganing ngiti at ungol ang pinakawalan niya at nilinga si Raquel. “I’m still full, Raqs. Pass muna sa hapunan, ’Nay. Sobrang busog po.”
“Saan kayo kumaing dalawa?”
“Kasama po kasi namin si sir Matt, Nanay. Maraming dalang pagkain.”
“Ganoon ba? Kunsabagay, kabisado ko si Matt pagdating sa pagkain ng mga tao. Siya, sige. Magsiligo kayo at magpahinga na.” Tumalikod na ito patungo sa kusina. At naulinigan pa nila na sinasabi nito sa asawa na ang mga ito na lang ang kakain.
Inihagis niya sa laundry basket ang mga basa nilang damit at agad na inilabas ang cell phone.
“May text messages ka?”
She shook her head sadly. “Sa palagay mo ay tatawagan pa ako ni Shane? It’s been days.” Hopelessness filled her voice.
“Bakit hindi ikaw ang tumawag?” Raquel asked with a sigh. Nakikita nitong maiiyak na naman siya.
“I tried this morning. Pero ni hindi nagri-ring ang phone niya. I sent text messages. Marami.”
Inihagis niya sa kama ang cell phone niya at kinuha ang tuwalya sa paanan ng kama at lumabas ng silid patungo sa banyo. Sa loob ng banyo siya iiyak kung saan hindi makikita ni Raquel.
28
“YOU HAVE a nice place here,” komento ni Caroline at nilingon ang paligid ng di-kalakihang restaurant. Ang Hotel Hannah ay mayroon lamang isang palapag at may sampung silid.
Gayunman, may nakaabang na espasyo para sa karagdagang mga silid kung kinakailangan.
"Nagsimula ang hotel na walo lang ang silid," ani Matt at dinala sa bibig ang bote ng beer. Sinikap ni Caroline na alisin sa isip ang larawang gumuhit sa isipan niya sa ginawang iyon ni Matt.
“You also live here?” she asked conversationally. She was really trying to be very polite. Dahil kung siya ang masusunod ay gusto na niyang umuwi at tapusin na ang dinner date na iyon.
She had nothing against Matt. He was handsome and a perfect gentleman. With him, pakiramdam niya ay iba siya. A lady. Beyond her age. Kung wariin ay tila siya babasaging kristal kung ituring ni Matt. Parang reyna.
With Shane, she was herself. Young and carefree and so much in love.
Siya at si Shane ay naglalakad sa ulanan, walang pakialam sa mundo. Lahat ng bagay ay may kulay. Tinutukso nila ang isa’t isa sa puntong nais nang magkapikunan. But in the end, pinagtatawanan na lang nilang pareho ang pangangantiyaw sa isa’t isa.
While her relationship with Shane was intense and like there were no tomorrows. with Matt, napaka-passive ng mga bagay-bagay. Maybe because he was older.
“Yes,” sagot nito na pumutol sa daloy ng isip niya. Kinamay nito ang calamares at isinubo. Tinapos ang pagnguya at paglunok, saka nagpatuloy. “Nasa left wing ang bahay ko. Halos sa likurang bahagi na ng hotel. I have plans of adding a new floor to the hotel. Maybe next year.”
Tumango siya. “Nasaan nga pala si Hannah? Bakit hindi natin siya kasama?”
Matt smiled. “This is my date with you, Caroline. Bakit ko isasama ang anak ko?”
Pinunasan niya ng linen napkin ang bibig bago ito tinitigan. “Matt… Gusto kong malaman mong hindi ako available para… para…” She couldn’t find the right words to say.
At wala ring idinudugtong na salita si Matt para tulungan siyang maisatinig ang nais sabihin. Nakatitig ito sa kanya at naghihintay ng sasabihin niya.
Ibinaba niya sa mesa ang linen napkin. “Okay.” She sighed. “May… boyfriend ako, Matt.”
Ikiniling lamang ni Matt ang ulo nito. Relaxed na sumandal sa sandalan at dinala sa bibig ang beer at muling lumagok.
Niyuko niya ang kandungan at sandaling ipinikit ang mga mata. Hindi niya gustong sabihin dito ang tungkol sa kanila ni Shane pero kung hindi niya gagawin iyon ay magpapatuloy si Matt sa interes nito sa kanya. And it would be unfair to him.
Muli siyang nag-angat ng tingin dito. Nakatitig ito sa kanya. Seryosong nakatitig. She bit her lip.
“You are not making this easy for me…”
"Caroline, I am listening." he spoke finally, in an even tone.
“May… may hindi kami pinagkakaunawaan sa kasalukuyan…”
“It’s obvious.”
“Ayokong mag-assume ng mga bagay-bagay, Matt, pero gusto kitang tanungin kung bakit… sabi mo nga ay isa itong date. Why are we dating? No. Let me rephrase that. Bakit mo ako idine-date?”
"Hindi ko rin alam, Caroline." He shrugged. Ibinaba sa mesa ang bote ng beer. "Sa eroplano pa lang ay nakuha mo na ang interes ko." Umiling ito. "Don't get me wrong. Hindi ako ang uring naaakit sa mga kabataang babae. Ikaw ang kauna-unahan. Hindi ko kayang ipaliwanag sa sarili ko kung bakit."
That was an honest answer she could expect.
"Kahit walang kahihinatnan ang interes mo na iyan sa akin?"
Matabang na ngumiti si Matt. "Karapatan ko ang ano mang damdamin ko para sa iyo."
Wearily, nilinga niya ang paligid. May ilang kumakain na guests ng hotel. May foreigners at may mga local tourists. Ang Hotel Hannah ay hindi naman maituturing na de klaseng hotel.
Gayunman ay hindi rin naman ito maikakategorya sa mumurahing hotel sa kabila ng iilan lang ang silid niyon.
Ibinalik niya ang tingin dito. "I am in love with him, Matt. Very much in love with him."
"You made it very obvious. And I envy that man, whoever he is."
"At umaasa akong pansamantala lamang ang nangyayaring ito na hindi namin pagkakaunawaan. Ito ang una naming seryosong pagkakagalit. Natitiyak kong kapag nakapag-isip nang husto si Shane ay tatawag iyon..."
"Shane. That's his name?" It was more of a statement than a question.
Tumango siya. "And it would be unfair to you. Ayokong mag-entertain ng ibang lalaki on the rebound, Matt."
"You made that very obvious also."
"Kaya sana ay—"
"No, Caroline," putol nito sa nais niyang sabihin na natitiyak niyang alam na nito. "Don't ask me of that. Isang malaking hypocrisy sa bahagi ko kung sasabihin ko sa iyong hindi ako nag-iisip na sana'y hindi na kayo magkakabalikan. Sa kabila ng lahat, hindi ko gustong nakikitang lagi kang iiyak. Pangalawa, I don't give up easily. Kahit sa aling aspeto ng buhay. I'll take my chance."
"Oh, Matt." Bewildered, she looked at him. "Paano kung... kung walang mangyari sa ginagawa mo?"
He shrugged nonchalantly. "That's life, Caroline. We can't have it all. Kailangang tanggapin ang mga bagay na hindi naman ukol sa atin. But as I said, I don't give up easily. You won't stop me from seeing you, will you?"
"At kung iyon nga ang gusto kong sabihin sa iyo?"
He smiled drily. "Hindi mo ako maaawat."
"But that would be so unfair!"
"Para kanino?"
"Sa iyo."
"Ako'ng bahala sa sarili ko, Caroline. Huwag mo lang hilinging huwag na akong makipagkita sa iyo. At least, while you're here in Coron." He paused, then stared at her with curiosity. "Maaari ko bang malaman ang pinagkagalitan ninyo?"
Her second day with Matt. Huwag nang isama pa ang unang araw na nagkita sila sa eroplano. At heto siya at nagpasyang ipagtapat dito ang lahat. There was something about him that she felt compelled to tell him... to trust him.
"Siya lang ang nagagalit sa akin..." Gumaralgal ang tinig niya.
"Okay." Itinaas ni Matt ang kamay. "Huwag mo nang sabihin sa akin kung magdudulot lang din iyon ng labis na lungkot sa iyo..."
Napilitan siyang ngumiti. "Gusto kong sabihin at ikaw ang nagsimula nito. At baka kapag narinig mo ay maipasok mo diyan sa isip mo na imposibleng magkaroon ng pag-asa ang interes mo sa akin."
Sinimulan niyang sabihin dito ang dahilan ng paglayo ni Shane. Subalit nilaktawan niya ang katotohanang tatlong linggo na ang nasa sinapupunan niya. Hindi siya inabala ni Matt sa kabuuan ng pagkukuwento niya. Mataman lang itong nakikinig.
Nag-angat siya ng tingin dito. Her eyes sparkled with unshed tears. "Why do you think he didn't believe me?" tanong niya sa tinig na puno ng hinanakit.
29
MATT sighed. Natitiyak na niya sa sariling may damdamin siya sa babaeng ito. Walang laman ang isip niya pagkatapos itong maihatid sa bahay nina Raquel kundi si Caroline. Kulang na lang ay hilahin niya ang mga oras para dumating na ang oras ng pagkikita nilang muli. The suddenness of his feelings shocked him. Right from the moment he saw her boarding the plane.
At bagaman hindi naman na siya umaasang makikita pa itong muli ay manaka-nakang inokupa ni Caroline ang pag-iisip niya nang sumunod na mga oras. At nang makita ito kinabukasan sa bangka ay tila gustong mag-umalpas ng puso niya mula sa dibdib niya. He was given that rare chance at wala siyang balak na ipagsawalang-bahala iyon.
Wala nang bakanteng bangka nang tumawag si Raquel. Alam niyang ang opisina niya ang unang tatawagan ni Raquel. Naroon siya nang kausapin ito ng sekretarya niya at nang sabihin nitong isang tao lang ang guest ay pinayagan na niyang makisabay ito sa kanila ni Hannah.
Hindi niya matiyak kung dapat ba niyang pagsisihang nagkita silang muli pagkatapos mapakinggan ang kuwento nito. Natitiyak niyang wala siyang pag-asa rito, lalo kung makapag-isip-isip si Shane at muling magbalik.
Kailangan siya sa Manila sa makalawa. At tapos na rin ang bakasyon ni Hannah. But his business could wait. He wouldn’t give up his small chance of knowing this young woman. Na makasama ito sa kabuuan ng dalawang linggong bakasyon nito dito sa Coron. Kahit na nga ba wala namang magandang kahihinatnan iyon at magdudulot lamang ng kabiguan sa puso niya.
He had never felt this way with any other woman. Not even with Adelle, his late wife. Not that he didn’t love Adelle. He did, in his own way. Subalit hindi marahil sila magpapakasal nito kung hindi ito nagdalang-tao kay Hannah.
Adelle was an independent woman. Minsan na nitong sinabi na kung mag-aasawa ito ay hindi sa panahon ng kabataan nito. Na kung mag-aasawa ito ay sa edad na kuwarenta. For companionship. Maybe in the States. That was when they started a fling. No commitments.
But Hannah happened accidentally. Pareho nilang hindi inaasahan iyon. She was on pill. For whatever reason, pumalya ang mga pildoras. Pareho nilang ipinasyang magpakasal alang-alang sa bata. Nang ilabas sa mundong ito si Hannah ay gayon na lamang ang pagtataka niya na ang isang munting sanggol ay magdudulot ng ganoong kaligayahan sa kanya. Hindi niya pinagsisihang pinakasalan niya si Adelle.
Despite the circumstances of their marriage, Adelle had been a good wife. Mabuting ina. Responsable. May ulo sa negosyo. Malayong-malayo sa stepsister nitong si Janet na laging nakaasa rito gayong higit ang katandaan nito kay Adelle.
But there was something missing with their relationship. Hindi niya kayang tukuyin kung ano. Para bang ang lahat ay obligasyon lamang. Para bang ang bawat araw ay rutina. There was nothing exciting to look towards the end of the day.
Even their sex life had been passive. Isang obligasyon sa bahagi nilang dalawa upang subhan ang biological na pangangailangan. Not that he wasn’t a good lover. Hindi siya kailanman pumalya sa pagdadala rito sa kasukdulan.
But with Adelle, no matter what he did, it was all and the same. Hanggang doon lang ang kakayahan at pananaw ni Adelle sa pagtatalik. Bahagi ng obligasyong pang-mag-asawa. Paggising niya sa umaga ay hindi na niya ito nagigisnan. Naroon na agad ito sa opisina ng hotel at inaasikaso ang mga bagay-bagay.
Gayunman, sa buong panahong magkasama sila ng kanyang asawa ay hindi niya ito kailanman pinagtaksilan. Sa kabila ng napakaraming tukso; ng mga babaeng nais na makuha ang kanyang atensiyon kahit pangmadalian. And Adelle would probably give a blind eye. She had even teased him about it—that she wouldn’t mind.
But he had always believed in the sanctity of marriage. Believed in fidelity and honesty.
At nang mamatay si Adelle, hindi kailanman pumasok sa isip niya na muling mag-asawa sa kabila ng mga oportunidad na nakahantad. Kontento na siya na ibuhos na lang ang panahon sa kanyang anak at sa negosyo ng pamilya. He had a few flings once in a while. Pero ganoon lang.
Sa mga babaeng tinitiyak niyang hindi siya ang uring makikipag-commit.
The irony of life. Ngayon ay narito ang isang babae na sa loob ng kanyang tatlumpu’t anim na taon ay lumigalig sa buong pagkatao niya; umuga sa kanyang normal at tahimik na mundo; that no other woman had ever done. And she was in love, desperately in love with somebody else.
Dumating sa buhay niya si Caroline ilang buwang atrasado.
Kung bibigyan siya ng kaisa-isang kahilingan sa buhay niya ay iyong sana’y nagbakasyon na ito noong bago magsimula ang nakalipas na semester. Sana’y nahikayat na ito ni Raquel noon pa man na magbakasyon dito sa Coron. Di sana’y una siya nitong nakilala. Marahil ay magiging iba ang takbo ng mga pangyayari. Sino ang nakakaalam?
Caroline cleared her throat. “Ang tagal mo naman yatang mag-isip. Hindi mo sinasagot ang tanong ko…”
Kay daling sabihin ni Matt kay Caroline na walang tiwala si Shane dito; na kung ang pagbabasehan ay ang maraming araw na ang lumipas at hindi pa rin ito nagpapakita ay nangangahulugang wala itong pag-ibig kay Caroline.
Anyway, all is fair in love and war.
But he wasn't that kind of man. Kung ipaglalaban niya ang damdamin niya kay Caroline, it would be fair and square. Kahit na nga ba habang pinakikinggan ang pagkukuwento nito ay nailalarawan na niya sa isip na parehong minamahal at iniibig ng mga ito ang isa't isa.
Talo na siya, hindi pa man. He wasn't a gambler, literally. But he would gamble his feelings for this woman now. Kung mayroon man siyang alas sa bahagi niya ay iyong posibleng tuluyan nang hindi magpakita si Matt. He'd probably win by default.
He smiled at her, hiding that little pain inside his heart that shocked him on the spot. Saan galing ang sakit na iyon? Ang magkainteres sa isang partikular na babae ay isang bagay. Subalit ang makadama ng sakit dahil may ibang lalaki itong iniibig at posibleng magkabalikan ay seryoso na niyang maituturing. Hindi ba at napakabilis naman yatang masyado ng pangyayari?
"Matt, are you all right?" Caroline asked worriedly, touching his hand that he almost gasped. Sa wari ba ay may nag-aapoy na bakal na dumikit sa kamay niya. Muntik na niyang hilahin iyon pabalik.
He was thirty-six, for crying out loud! Hindi para sa kanya ang ganitong damdamin.
"Iniisip ko lang ang mga sinabi mo sa akin..."
Muli ay tila pinanghinaan ito at sumandal. "Ano sa palagay mo ang dahilan, Matt? Bakit ganoon na lang ang galit ni Shane sa akin?" Tila ito munting bata na itinatanong sa kanya kung bakit may umagaw sa laruan nito.
He ached for her. He cleared an imaginary lump in his throat. "Ayon na rin sa kuwento mo, Caroline, nakatukoy lahat sa iyo ang mga sirkumstansiya. Pinuntahan ka... kumatok sa apartment n'yo pero walang sumasagot. You didn't answer all text messages and phone calls.
The next morning ay inabutan kang paalis pero sa paningin ni Shane ay mukhang kararating mo lang dahil tinatawagan ka sa landline habang patungo siya sa inyo—“
"Naniniwala ka bang iyon ang totoong nangyari?"
"Bakit mo naman ipagsisinungaling sa akin ang bagay na iyon?" It was a rhetorical question so he continued. "Ako man itong nasa kalagayan ni Shane ay mag-iisip ako. May usapan tayo."
"Exactly!" she said. "Paano niyang maiisip na pipiliin ko ang araw na iyon para makipag-date sa ibang lalaki?"
He hated to say this but he had to. "He's in love, my dear. Nagseselos. Binigyan mo ba siya ng ibang dahilan para magselos siya? May mga nagdaan bang pangyayari para maramdaman niya iyon?"
She sighed wearily. "Nang una kaming magkita ni Jessie sa labas ng unibersidad ay nakita niyang niyakap ako ng kababata ko at nakahawak sa kamay ko. I didn't even notice that Jessie was holding my hand for a while..." Namamanhik ang mga mata nito sa kanya. "I'm telling you, Matt, Jessie's just a friend. Mike lied!"
Ginagap ni Matt ang mga kamay nito at ikinulong sa sariling mga kamay. "Answer me truthfully, Caroline," he said. "Kung... kung nauna mo akong makilala kaysa kay Shane, magugustuhan mo ba ako?"
Nakita ni Matt ang pagguhit ng kalituhan sa mukha nito sa biglang paglihis ng usapan. Slowly, binawi nito ang mga kamay mula sa pagkakahawak niya.
"Hindi ko kayang sagutin ang bagay na iyan nang tuwiran, Matt." She met his eyes and stared at him intently. "But there's nothing not to like you. In more ways than one, marami kayong pagkakatulad ni Shane. And you're a gentleman, one of the best thing I like in a man." Tumango siya. "I might have. I don't know..."
"Will you give me a chance?" The question came out in a raspy whisper.
"Matt, please. Mahal ko si Shane. At umaasa akong mapag-iisipan niyang mabuti ang lahat at matantong biktima ako ng mga pagkakataon... at kahit hindi na..." She choked on her words. Para bang hindi nito kayang tanggapin na posibleng hindi na magbabalik pa si Shane.
Matt groaned silently. Nais niyang makibahagi sa sakit ng damdamin nito. If only she would let him.
"Ayokong bumaling sa iyo, Matt, on a rebound," pagtatapos nito ng sinasabi.
"I'm old enough to handle that, Caroline. Huwag mong alisin sa akin ang pagkakataong makasama ka sa buong panahong narito ka sa Coron... at kahit sa Manila."
Hindi sumagot si Caroline. She didn’t think she could love Matt as much as she loved Shane. Pero hindi niya magawang tanggihan ang hiling nito. Kung nakahanda itong mabigo, bakit niya hindi ibibigay ang pagkakataong hinihingi nito?
Oh, god. Lahat na lang ng bagay sa buhay niya ay nangyayari nang mabilisan.
30
SA PAGDARAAN ng mga araw ay patuloy na umaasa si Caroline na tatawagan siya ni Shane. Subalit tuwina’y bigo siya. Kung wala si Matt na laging naroroon at naipasyal na yata siya sa lahat ng mga isla ng Coron ay baka hindi niya natagalan ang labis na lungkot at pananabik kay Shane.
Kung wala si Shane sa buhay niya, she could easily fall for Matt. Kahit si Hannah ay kasundo na rin niya. Sa maraming pagkakataon ay silang tatlo ang magkakasama sa pamamasyal.
Sa ikaisang linggo niya sa Coron ay niyaya sila ni Matt na magtungo sa Puerto Princesa. Magkakasama silang tatlo nina Raquel at Hannah, sakay ng isang bangka. Pitong oras mahigit ang biyahe patungo roon mula Coron. Kinakabahan siya habang tinatawid nila ang malawak na karagatan. Sa kabila ng suot na vest ay naroon ang takot na maaaring lumubog ang bangka at malunod siya.
But Matt was there to hold her hand. Kinakausap siya upang mawala sa isip niya ang takot. Nagpapatawa. Kahit si Hannah na tumabi sa kanya ay nakatulong. Walang tigil ang bata sa pagkukuwento ng mga bagay-bagay tungkol sa sarili at sa school nito. Nasa huling taon sa elementarya si Hannah. While Raquel was curiously staring at them.
Isang araw at kalahati rin ang ginugol nila sa pamamasyal sa Puerto Princesa at kinabukasan ay muling nagbalik sa Coron. Silang tatlo, along with Hannah, shared a room. Sa suhestiyon na rin ni Caroline na magsama-sama silang mga babae. While Matt had his own room.
“Sana ikaw na lang ang mommy ko, Caroline…” ani Hannah isang gabing kagagaling lang nilang mag-dinner at nakabalik na sa hotel na tinutuluyan nila. Nakadapa ito sa isang kama.
Nagkatinginan silang dalawa ni Raquel. “Magkaibigan lang kami ng daddy mo, Hannah,” sagot niya.
“Yeah, I know. But my dad likes you. Really… really likes you.”
“And I like him, too. Mabait ang daddy mo.” She was thoughtful. Thinking of Matt brought a small smile on her lips. Kung ngayon siya tatanungin ni Matt kung magugustuhan niya ito kung nauna niya itong nakilala kaysa kay Shane ay isang positibong oo ang isasagot niya. Subalit hindi ganoon ang nangyari. At iisa lang ang puso niya.
“I hope it’s just more than like, Caroline. I want you to be my next mommy.”
“Masyadong bata si Caroline para maging mommy mo, Hannah,” ani Raquel na nagsisimula nang mag-empake para sa pagbabalik nila ng Coron kinabukasan.
“So okay, I want her to be my dad’s next wife. Oh, eh, di para na ring mommy iyon.”
Hindi niya maiwasang mangiti sa logic ng bata.
“THANK you,” ani Matt nang pumarada ito sa tabi ng kalsada sa tapat ng bahay nina Raquel.
Sadyang nagpauna ang kaibigan upang makapag-usap sila ni Matt.
“Ako nga ang dapat magpasalamat. Akalain mong nakarating ako ng Puerto Princesa nang wala sa oras. I really enjoyed it, Matt.”
Pumormal ito. Nagbuntong-hininga. “Bukas nga pala ng hapon ay babalik na kami sa Maynila. Isang linggo lang ang semestral break ni Hannah sa school niya. Lumampas na nang dalawang araw.”
Nilingon niya sa backseat si Hannah at nginitian. "Balik-escuela ka na."
Hannah made a face. "'Don't wanna go back to school yet. Si Daddy lang mapilit na bumalik na kami."
"Honey, three days ka nang absent. At graduating ka ngayong taong ito."
Umingos ito. "'Di pa naman nagsisimula talaga ang klase." Sabay na nagtawanan sina Matt at Caroline. Kapagkuwa'y may dinukot sa bulsa ng polo shirt nito si Matt. Isang calling card at ibinigay sa kanya.
“Call me anytime. Sa likod ng card ay isinulat ko ang private number ko. Sabi ni Raquel ay OJT na kayo ngayong incoming semester. Nakahanda ang munting kompanya ko para sa inyo.”
Wala sa loob na tinitigan niya ang calling card. Ni hindi niya nakikita ang nakaimprenta roon at sa halip ay tinig ni Shane ang naririnig niya. Inaalok siyang sa kompanya ng ama nito mag-OJT.
Ni hindi siya nakakatiyak kung available pa iyon sa kanya. Malibang magkaayos sila ni Shane. At malaki ang pag-asa niyang magkakaayos sila. No person could fall out of love that soon. Kahit pagkatapos magkagalit. Pareho nilang mahal ang isa’t isa. Nagpapalipas lamang ng sama ng loob at galit si Shane. Mangingibabaw ang pag-ibig nito sa kanya.
She couldn't blame him. Shane thought she was with Jessie the whole night. Pero sana man lang ay huwag nang magtagal pa ang galit nito at dumating ito sa apartment.
"Hey. Nawawala ka na naman..." Matt said gently.
Nag-angat siya ng tingin dito. Forced a smile. "Goodnight, Matt." Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya nito ng pinto at mabilis na lumabas ng sasakyan. Niyuko niya si Hannah at nagpaalam na rin.
Pinaaandar na ni Matt ang sasakyan pero hindi lumilipat sa tabi niya si Hannah. Nakikita niya na nakanguso ang anak mula sa rearview mirror. Nakahalukipkip.
“Ano naman ang ibig sabihin niyan?” natatawang tanong niya.
“Ayoko kasi munang bumalik sa Manila, Daddy. Gusto kong laging kasama si Caroline. I am enjoying her company.”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Matt. Hindi siya nagkamali ng babaeng muling mamahalin. Kahit ang sariling anak ay gusto ito. How come loving someone wasn’t always easy?
“So you like her, huh? I like her, too. More than you know.”
“Di ligawan mo para soon maging mommy ko na rin at magkasama na kami parati. Daddy, naiinggit ako sa mga classmates ko kapag dumarating ang mga mommy nila kapag may affair sa school. Ako lang ang wala…”
“Kung sakali, hindi naman mukhang mommy mo si Caroline dahil bata pa siya…”
“Does it matter?” Hannah snapped. “She’s always listening to my stories. Kahit na anong topic ay pinakikinggan niya ako. May isinasagot. She didn’t ignore me and patronize me.”
Matt sighed. “Your Aunt Janet’s forever trying to win your approval.”
Lalong humaba ang nguso nito. "I don't like her!" She almost screamed her dislike. "Basta. And so hate her daughter!"
"Honey, 'hate' is a strong word. We shouldn't hate a person. 'Dislike' is better word to describe our feelings." Nakita niya sa rearview mirror ang pag-ikot ng mga mata ni Hannah. He cleared his throat. Kapagkuwa'y, "Kung maaari lang sanang mangyari ang gusto mo, Hannah. Pero may boyfriend si Caroline."
Mula sa bintana ay mabilis na ibinaling ni Hannah ang tingin sa kanya. "That couldn't be true!" Napaangat ito mula sa sandalan.
"It is true. Sa una pa lang na nakasabay natin siya sa eroplano ay natitiyak kong may boyfriend na siya. I was just hoping na break na sila..." Nakita niya ang panlulumo sa mukha ng anak. Napabuntong-hininga si Matt.
"At hindi pa sila break?" she asked in a small voice.
"Not officially. And she's very much in love with her boyfriend."
"That is sad, Daddy. You kind of like her very much. We both do."
Hindi na sinagot ni Matt iyon at nagpatuloy sa tahimik na pagmamaneho hanggang sa makarating sila sa hotel.
31
HINDI na rin naman tinapos ni Caroline ang bakasyon niya sa Coron at bumalik na rin sila ni Raquel sa Maynila limang araw bago ang official enrollment para sa huling taon nila sa kolehiyo. Hindi niya gustong aminin sa sarili na nang wala na ang mag-ama ay boring na ang lahat ng sandali.
Unang-una ay wala na siyang ibang napag-uukulan ng pansin. Naikot na niyang lahat ang maaaring pasyalan sa Coron. Lalong natutuon ang buong pag-iisip niya kay Shane. Hindi na rin siya halos natutulog sa mga gabing nagdaan.
Sa mismong araw na nasa apartment na sila ni Caroline sa Maynila ay tumawag si Matt. Kinumusta ang flight niya at siya. She glared at Raquel accusingly. Ipinaalam nito kay Matt na nakabalik na sila. Nagkibit lamang ng mga balikat si Raquel.
Nang sumunod na araw ay tinulungan na nila si Lovelle sa paglilipat nito sa Libis. Nadagdagan ang lungkot niya dahil dalawa na lang sila ni Raquel sa apartment. Subalit tiniyak ni Lovelle sa kanya na sa lahat ng pagkakataong posible ay magkakasama silang tatlo.
Naging constant caller niya si Matt at ilang beses din siyang inimbita nitong kumain sila sa labas subalit tinanggihan niyang lahat ang mga iyon. Hindi niya gustong sa hindi sinasadyang pagkakataon ay makita siya ng alin man sa mga kaibigan at kakilala ni Shane na may ka-date siyang ibang lalaki at makadagdag lamang sa ano mang hinala nito sa kanya.
She also tried many times to call him. At tulad ng dati ay puro voice prompt ang naririnig niya. Natiyak niyang nagpalit na ng cell phone number si Shane sa labis niyang pamimighati. Sinikap din niyang ma-contact ito sa pamamagitan ng pagtawag sa opisina ng ama nito. Subalit ni hindi siya nakalampas sa operator. Ayon dito ay nag-resign na mula sa kompanya si Shane. She didn’t believe that either.
At sa buong akala niya ay wala na siyang iiyak nang gabing iyon. But she cried the whole night. Dinama niya ang tiyan. “Paano ka na, baby? Kung hindi babalik ang daddy mo ay lalaki kang hindi siya makikilala… tulad ko…” pahikbi niyang usal.
Nagulat pa siya sa biglang pagbukas ng silid at ang pagliwanag ng ilaw. “You are six weeks pregnant, Caroline. Ang unang trimester ang delikado para diyan sa dinadala mo. Please stop crying.”
“I’m… s-sorry…” Inabot niya ang tissue paper mula sa box na nasa tabi lang niya at nagpahid ng mga luha.
Sumandal sa hamba ng pinto si Raquel. “Paano ang OJT mo sa pasukan? Itutuloy mo pa rin ba ang pagpasok sa kompanya ng papa ni Shane?”
“H-hindi na natin magagawa iyon, Raquel. Malibang magbalik si Shane.”
“Sana nga ay magkaisip si Shane at magbalik, Caroline. Hinahangad ko rin iyon para sa iyo at diyan sa dinadala mo. Pero kung hindi ay ihanda mo ang sarili mong sa kompanya ni Matt tayo mag-OJT.” Puno ng simpatya ang tingin nito sa kanya bago muling pinatay ang ilaw, lumabas, at tahimik na isinara ang pinto.
Kinabukasan ay ipinasya ni Caroline na umuwi sa Silang. Sinamahan siya ni Raquel upang, ayon dito ay may makapagpaalala sa kanyang kailangan niyang ilihim nang husto sa lola niya ang pagdadalang-tao niya.
Dalawang araw sila sa bahay ng lola niya sa Silang. Puno ng katuwaan ang mukha nito na malapit na siyang magtapos. Nasa kubo sila na nasa tagiliran ng bahay ng lola niya.
“Matanda na ako, apo. Setenta na ako sa susunod kong kaarawan. At pakiramdam ko ay humihina na ang aking katawan. Kaya totoong ako’y nagagalak na napagtapos kita…” Puno ng pagmamalaki ang tinig ni Lola Serafina.
Nagyuko siya ng ulo. Napuno ng guilt ang dibdib niya. Totoong magtatapos siya pero kasabay niyon ay magkakaanak siya. Bahagya lang ang kaibahan sa nangyari sa nanay niya. Naramdaman niya ang pagsipa sa kanya ni Raquel sa ilalim ng mesang kawayan sa may kubo.
Napilitan siyang mag-angat ng mukha at ngumiti. Ipinagpatuloy ang pagkukutsara sa malambot na buko. “Hindi siguro ako makakauwi sa sunod na semestral break, Lola,” aniya. “Mas maraming ginagawa ngayong magtatapos na kami ni Raquel. Hindi rin maaari iyong a-absent kami sa kompanyang aming pagtatrabahuhan…”
“Ganoon nga po, Lola,” segunda ni Raquel na isinalin sa baso ang sabaw ng buko. “Simula na po ng aming OJT.”
Kumunot ang noo ni Lola Serafina. “Ano bang ibig sabihin niyang sinabi mo?”
“On-the-job-training po. Ito na po iyong aktuwal kaming nagtatrabaho sa isang kompanya bilang pagsasanay…” paliwanag ni Raquel.
Gumuhit ang kasiyahan sa mukha ng matandang babae. “Mapapanatag ako, Caroline. Kung sakaling ako’y mamamatay ay maligaya akong maiiwan kang nasa mabuting kalagayan.
Humihina ang farm, apo. Maraming kakompetensiya. May nag-aalok nga sa aking bilhin ang farm. Baka sakaling kapag nakatapos ka at may matatag na trabaho ay ipagbili ko na rin.“
Tinitigan ni Caroline ang abuela. Gusto niyang mapahikbi. Matanda nang totoo ang lola niya. Kagabi ay naririnig niya itong dumadaing sa rayuma. Hinanap niya ang liniment at pinahiran ang mga binti ng abuela.
Napatayo siya nang wala sa loob at tumabi sa lola niya at niyakap ito. Sukat doon ay hindi niya naawat ang sarili at napahagulhol.
“Aba, bakit ka umiiyak, apo?” nagtatakang tanong ng matandang babae. “Hindi mo ba gustong ipagbili ko ang farm natin? Aba’y kung hindi, eh, di hindi. Nasabi ko lang naman iyon. Maaari naman nating tamnan ng niyog kung ayaw na natin ng mga bulaklak.”
“H-hindi po sa ganoon, Lola. Nalimutan kong matanda na kayong talaga at may dinaramdam pa…” Humikbi siya at pinahiran ng kamay ang mga luha. “Ipagpatawad ninyong hindi ko man lang kayo natutulungan sa trabaho sa flower farm.”
Hinaplos-haplos ng matandang babae ang likod niya. “Ang apong ire. Huwag mo akong intindihin. Kung hindi mo gustong ipagbili ang flower farm at gusto mong pamahalaan ay ikaw ang masusunod. Subalit kung gusto mo naman ang magiging trabaho mo sa Maynila, kung sakali, ay nasa sa iyo pa rin iyon.”
May namagitang katahimikan. Nakayakap pa rin siya sa lola niya at nakasiksik sa likod nito. Kapagkuwa’y nilingon siya nito.
“Wala ka pa bang nobyo, apo?”
Nag-angat siya ng katawan at nagkatinginan sila ni Raquel. “Bakit… n’yo naman po naitanong iyan?”
“Ah, eh, kapag ganyang magtatapos ka na ay maaari ka nang magnobyo. At mag-asawa para may makatuwang ka. At ano ang malay natin, baka abutan ko pa ang apo ko sa tuhod…“Hindi malaman ni Caroline ang isasagot.
“Pareho pong matutupad ang pangarap ninyo, Lola Serafina. Magtatapos si Caroline at magkakaasawa at magkakaapo kayo sa tuhod…” ani Raquel, patuloy sa pagkayod at pagsubo ng buko.
Nginitian ni Lola Serafina si Raquel. “Nagpapasalamat din ako at nakatagpo ang apo ko ng mabubuting kaibigan tulad ninyo ni Lovelle, hija. Marami diyan ang napapahamak dahil sa masasamang kasama.”
“Nagkataon pong magkakasundo kaming tatlo, Lola.”
NAKATAPOS naman kaagad mag-enroll sina Caroline at Raquel. Ipinasya ng dalawa na sa school canteen na kumain para makatipid. Hindi naman kapunuan ang loob ng canteen. Marahil ay dahil pasado alas-dos na ng hapon. Bukod pa roon ay napakaraming kainan sa paligid ng unibersidad.
"Tanghalian ba iyan?" tanong ni Raquel na kumunot ang noo sa in-order niyang pagkain. Cassava cake at soft drink. Samantalang ito ay um-order ng kanin at ulam.
"Okay na sa akin ito, Raqs. Saka healthy naman ang cassava cake, 'di ba?" Raquel rolled her eyes. Nagsisimula nang kumain ang dalawa nang isang tinig ang kumuha sa atensiyon nila. Nakapagitan lang ang isang bakanteng mesa mula sa nagsalita.
"Chanelle!" wika ng nasa kasunod na mesa sa dumarating na grupo.
Sandaling sinulyapan ni Raquel ang bumati kay Chanelle. Isa sa mga barkada nito. Si Chanelle at ang dalawa pa nitong kasama ay palapit bitbit ang tray ng pagkain.
"Hi, Luchie," bati ni Chanelle. "Naka-enroll ka na?"
"Ako pa?" sinabayan nito ng tawa ang sinabi. "Dito na kayo maupong tatlo." Ibinalik ni Raquel ang mga mata kay Caroline. "Ngayong wala naman talaga tayong pormal na klase, sana'y hindi na natin makakasama iyang grupong iyan."
"Sshh. Ano ka ba? Marinig ka."
Raquel rolled her eyes. Pero nakita niya sa sulok ng mga mata niya na sandaling natigilan si Chanelle nang mapadako ang tingin sa kanila ni Raquel. Dahan-dahan itong naupo sa mesa at inilapag ang tray.
"Kumusta ang bakasyon?" tanong ng tinawag nitong Luchie.
“Ay, kami nina Chanelle at Juvy ay enjoy,” ani Amy. “Nag-out of town kaya kami.”
"May kasamang boys?" tanong uli ni Luchie.
"Oo naman. Si Chanelle pa?" At naghalakhakan ang tatlo.
"Ito ang aking pinakamasayang bakasyon, chica," ani Chanelle sa tonong puno ng kasiyahan at pagmamalaki. "Dalawang araw at isang gabi kami sa isang beach sa Mariveles. Super enjoy. Tatlong pares kami. Si Amy at ang boyfriend niya, si Juvy at si Mike, at ako at si Shane."
"Ows?"
*********Kumusta kayo mga beshie? Hoping na sana okay lang kayo. Stay safe and God bless mga beshies. Natutuwa ako sa mga mensaheng natatanggap ko ngayon. Sa mga nagmemessage , maraming salamat mga beshies. -Admin A :) *********
32
MUNTIK nang mabitiwan ni Caroline ang tinidor sa narinig sa ikatlong mesa. Nanlalaki ang mga mata niyang napatitig kay Raquel. Bago pa man sila makaisip ng sasabihin sa isa’t isa tungkol sa narinig ay muling nagsalita si Chanelle.
Inilapit ang tainga kay Luchie upang bumulong pero lahat yata ng nasa kalapit na mesa ay intensiyon nitong mapakinggan ang sinabi. Lalo na siya.
"Girl, ang sarap humalik ni Shane. Promise," anito.
"Halik lang?" sabat naman ni Amy. "Ang tagal n'yo kayang nakakulong sa cottage, ha. And your... ehem... scream was heard outside."
"Ang halay mo, bakla..." nakatawang sabi ni Luchie na sinundan ng tawanan ng iba pa.
"Oh, well..." pa-demure na sabi ni Chanelle, saka sinabayan ng nasisiyahang tawa. "'Kaloka nga si Shane. Super possessive. Pagdating namin dito sa Maynila ay ilang oras lang kaming naghiwalay at pagkatapos ay nagyaya na sa Enchanted Kingdom. Siyempre, kami lang dalawa. Hindi na kasama iyang mga asungot na iyan."
Caroline gasped. Pinamukalan ng mga luha sa mga mata.
"Kapag umiyak ka ngayon ay iiwanan kita rito," babala ni Raquel sa naniningkit na mga mata. "Bibigyan mo lang ng kasiyahan ang mga luka-lukang iyan! They're doing it to rile you!"
Nanatili siyang nakayuko sa pagkain. Ni hindi niya magawang magsalita dahil baka nga mapabulalas siya ng iyak. Paano ba niya uubusin ang cassava cake?
"Ayusin mo ang sarili at ubusin mo ang pagkain mo," patuloy ni Raquel. "Ako na ang nakikiusap sa iyo."
Caroline took a few bites. Sinundan iyon ng sipsip ng soft drink upang lumampas sa lalamunan niya ang pagkain. Patuloy rin sa tahimik na pagkain si Raquel. Hindi pa man lang siya makakaisip ng sasabihin sa kaibigan nang maramdaman nila ang pagtunog ng mga silyang nauusog.
At pagkatapos ang presensiya ni Chanelle sa tabi ng mesa nila ni Raquel.
"Hi, girls. Naka-enroll na ba kayo?" she asked cheerfully.
Si Raquel ang nag-angat ng ulo. "Maaga kaming nakatapos, Chanelle."
Niyuko nito si Caroline. "How are you, Caroline? Siguro ay hindi mo mamasamaing magkasama kami ni Shane sa Mariveles? Balita ko'y break na kayo bago pa man natapos ang nakaraang semester. May bago ka na raw boyfriend. Jessie yata ang pangalan..."
Raquel smiled sarcastically. "Jessie's a thing of the past, Chanelle. May bago nang boyfriend uli si Caroline. A rich businessman. A George Clooney look-alike. You know, hindi ang uri ni Caroline ang naghahabol sa lalaki. Hindi tulad ng iba diyan."
Huling-huli ni Caroline ang biglang paniningkit ng mga mata ni Chanelle. Pero sandali lang iyon at muli itong ngumiti. "Well, that's good. At least, hindi ako magi-guilty na kami na ni Shane ang mag-boyfriend."
Sa kabila ng lahat ay nakuha ni Caroline na gayahin si Raquel at sarkastikong ngumiti. "Mag-boyfriend pa kaming dalawa ay matagal mo nang ninanasa si Shane, 'di ba? I'm sure you're happy now. He's all yours."
Hindi agad nakaapuhap ng sasabihin si Chanelle. Mamaya pa'y tumalikod na ito at bumalik sa grupo. Naunang tumayo si Raquel at sumunod si Caroline.
"Ngumiti ka at kawayan mo sila," utos ni Raquel sa mahinang tinig.
Tila robot na sumunod si Caroline. Kung paano siyang nakangiti ay hindi niya alam. Malayo pa ang gate mula sa canteen subalit nakarating siya roon bago siya bumulalas ng iyak. Isang taxi ang pinara ni Raquel at hinila siya patungo roon.
Nasa loob na sila nang magsalita siya. "A-akala ko ba... nagtitipid tayo..." pahikbing sabi niya.
Huminga nang malalim si Raquel. "You'll break into pieces, Caroline. Anytime. Kailangan nating mag-taxi."
Isinandal niya ang ulo sa sandalan. Itinuon ang mga matang walang tigil sa pag-agos ang mga luha. "All those times... all those times... when I was hoping that he would—"
"Call you," dugtong ni Raquel, "... ay magkasama sila ni Chanelle."
Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa tahimik na pag-iyak. Kung umaasa man siyang magbabalik si Shane ay tuluyan na iyong naglaho. Tila kastilyong buhangin na hinampas ng malaking alon at gumuho.
Naghintay siya sa wala. Habang gabi-gabi siyang ito ang iniisip at umaasam na tatawag ito, iyon pala ay nasa piling ito ni Chanelle at nagpapakaligaya. Habang nasa ospital siya nang dalawang araw dahil muntik na niyang mailaglag ang magiging anak nila ay kasama nito si Chanelle.
Hindi niya ito mapapatawad sa ginawang pagbaling kay Chanelle. Sa kataksilan nito. Siya ang inaakusahang nagtataksil pero hayun at walang pagsasaalang-alang nitong ginawa ang iniaakusa sa kanya.
Pero ano ba ang dapat niyang ipagpatawad dito gayong wala na itong intensiyong balikan siya? Where have all the love gone? Ano na ang nangyari sa matatamis na pangakong binitiwan nito para sa kanya? Sa pangakong bago matapos ang susunod na semester ay magpapakasal sila?
Sa nakalipas na mga araw ay hindi man lang siya nagduda sa posibilidad na maaaring magbalik si Shane; na magpapalipas lamang ito ng ilang araw at makakapag-isip-isip ito; na bagaman nasasaktan siya sa pakikipagkagalit nito ay naroon pa rin ang pag-asang ano mang sandali ay tatawag ito.
Subalit ngayon, iyong katiyakang hindi na ito magbabalik ay halos magpabiyak sa dibdib niya. The pain was too unbearable that she thought she might die any moment. Kay talas naman ng patalim na inihihiwa sa dibdib niya.
It was as if there was literal blood that was dripping from her chest. Hindi niya napigilan ang malakas na mga hikbing kumawala mula sa lalamunan niya.
“Caroline…”
Hindi malaman ni Raquel ang gagawin at sasabihin. Kahit ito man ay naiiyak na rin. Wala naman yatang salitang maaaring sabihin na papawi sa sakit na dinaramdam ng kaibigan. Ni hindi magawang sabihin ni Raquel na alam nito kung ano ang nararamdaman ni Caroline. Dahil hindi naman nito nararanasan pa ang ganoong uri ng kabiguan.
Caroline felt numb. And lost. Parang hindi niya kakayanin ang lahat. Paano na ang lahat ngayong nawala na nang tuluyan si Shane sa buhay niya? Paano na siya? Kung nahihiling ang kamatayan ay iyon ang nais niyang hilingin sa mga sandaling iyon.
“I’m dying, Raquel…” At muli siyang humagulhol.
“Huwag mong sabihin iyan! Oh, god! Kung kaya ko lang na hatian ka sa nararamdaman mo ngayon ay gagawin ko.”
“I know…” she said brokenly.
“Huminto ka naman sa kakaiyak. You’ll make yourself sick.”
Halos sinukin si Caroline sa pagpipigil na muling mapahagulhol. Marahas niyang pinahid ang mga luha sa mga mata niya ng mga palad. Sinikap na huwag nang umiyak. Hanggang sa makauwi sila sa apartment ay tuyo ang mga mata niya.
“Gusto mo bang manood ng sine sa SM?” tanong ni Raquel.
Isang mapait na ngiti ang pinakawalan niya at umiling. “I’ll be fine, Raquel, thank you.”
Raquel sighed. “Ano ang plano mo ngayon?”
Nagkibit siya. “Hindi ko alam. Walang laman ang isip ko ngayon, Raqs, kundi ang narinig kong sinabi ni Chanelle…”
“You don’t think she’s lying?“Umiling siya. “I believed her.”
“Ako rin. Hindi gagawa ng kuwento si Chanelle, lalo at naroon ang mga barkada niya na ayon sa kanya’y magkakasama sila.” Hinawakan siya nito sa balikat. “Move on, Caroline. Dalhin sa full-term ang ipinagdadalang-tao mo. Magtapos ka at tumanggap ng diploma at pagkatapos ay maghanap ng trabaho. In that order.”
“Hindi ko alam ang gagawin ko, Raquel. Ang gusto ko na lang ay magkulong sa kuwarto sa itaas.
Matulog at umasam na sana’y huwag nang magising…“
Puno ng awa at simpatya ang anyo ni Raquel. “Alam kong mahal mo si Shane. At hindi madaling kalimutan ang isang minamahal…”
“Hindi ko pipilitin ang sarili kong limutin siya. Hahayaan kong ang panahon ang magpasya niyon. Sa panahong nasa Coron tayo ay mahigpit akong umaasang magbabalik siya. I never doubted that for a moment. I believed Shane loved me… at nagpapalipas lang siya ng galit…” She swallowed. Nananakit ang lalamunan niya sa pagpipigil na muling maiyak.
“I was so wrong. marahil hindi niya ako talaga mahal tulad ng inaakala ko… tulad ng nararamdaman ko para sa kanya. Kay dali niyang nakahanap ng iba…” She bit her lip to keep her from succumbing to more tears. She swallowed. “Today, I am officially ending my relationship with him,” she said with conviction. “And please don’t pity me. I will survive. Ako at ang aking magiging anak.”
Raquel blinked back the tears. “I ache for you, Caroline. Kasama mo ako sa lahat ng pagkakataong nagdaramdam ka… tuwing umiiyak ka. Kami ni Lovelle.”
“Thank you…” she said in a broken voice. But swallowed back the tears. “Kung wala ka… kayo ni Lovelle ay hindi ko alam ang gagawin ko. I would have really wanted to die.”
Kinabig siya nito at niyakap. Pinili niyang patigasin ang sarili upang huwag muling umiyak. Mamaya pa’y kumawala siya mula rito.
“Magpapaluto ako ng lugaw kay Nemia. Iyong maraming bawang. Magpapabili ako ng goto kay Nemia sa SM. Iyon na lang hapunan natin.”
She would have screamed “no.” Ipinapaalala ng lugaw ang gabing nakatulog siya. Ang gabi kung saan nagsimula ang mga kapighatian niya.
Pero hindi niya gustong pigilin si Raquel sa pagnanais na damayan at gawin ang sa palagay nito ay makabubuti sa kanya.
Nang gabing iyon ay hindi na siya umiyak. Subalit nanatili siyang gising hanggang mag-umaga at nakatitig sa madilim na kisame.The pain should have killed her by now. Pero bakit buhay pa siya? Bakit nananatiling normal ang lahat gayong sa pakiwari niya’y gumuho na ang mundo niya? May namamatay ba dahil lang brokenhearted?
But then she couldn’t die. Paano na lang ang lola niya? Her grandmother would feel betrayed. Betrayed by her and her own mother. Bagaman sa magkaibang dahilan. Higit sa lahat ay nariyan ang dinadala niya.
There must be something… anything one had to do to alleviate this pain that consumed her whole being.
Nang sumunod na tatlong araw ay sinisikap ni Caroline na maging normal ang lahat. Na parang hindi siya nakadarama ng sakit at matinding lungkot.
At totoong normal ang paligid niya. Sumisikat ang araw. Lumilipas ang maghapon at gumagabi. At muling nag-uumaga. Lahat ng nasa paligid niya ay patuloy sa normal na buhay sa araw-araw.
Siya lang ang hindi. She wondered why she was still breathing. Sa bawat gabing nahihiga siya ay umaasa siyang hindi na magigising pa upang maramdaman ang pait.
Nang muli ay matanto niyang idadamay niya ang magiging anak, ang walang malay na binhing nasa sinapupunan niya. Na posibleng isinasapanganib na niya ang nasa sinapupunan sa mga sandaling iyon sa labis na sama ng loob.
Mabilis niyang inayos ang sarili. Nakadama ng takot. Banayad na kinapa ang manipis na tiyan. Ipinangako sa sarili sa mismong sandaling iyon na sisikapin niyang makalimot; na sisikapin niyang iwaglit sa isip at damdamin si Shane alang-alang sa buhay na nasa sinapupunan niya.
33
“MAY KUMAKATOK,” ani Raquel kay Nemia na naghihiwa ng sibuyas para sa lulutuing tanghalian.
Nang bitiwan ni Nemia ang ginagawa ay mabilis na lumabas mula sa banyo si Caroline. “Ako na,” aniya. Sa sulok ng puso at isip ay umaasang si Shane ang nasa labas ng pinto, kahit hindi siya nakatitiyak kung makapagpapatawad siya sa ginawa nitong pagbaling kay Chanelle.
But unlike him, she was willing to listen to any explanation. Ibibigay niya rito ang hindi nito ginawa sa kanya—benefit of the doubt.
Lumatay ang disappointment at kabiguan sa mukha niya nang sa pagbukas niya ng pinto ay makita kung sino ang naroroon. Her shoulders sagged and she didn’t care if Matt noticed it.
“Hello, Caroline,” bungad nito.
Hindi niya ito gustong papasukin pero hindi naman niya magawang magpakita ng kabastusan. Iniawang niya ang pinto. “Pasok ka…” Pumasok si Matt na ang mga mata ay hindi humihiwalay sa pagtitig sa kanya. Itinuro niya ang mahabang sofa sa may malapit sa pinto. “Maupo ka…” matamlay niyang anyaya.
Subalit nanatili itong nakatayo at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “How are you, Caroline?”
“I-I am good, Matt.”
“No, you’re not,” anito, puno ng concern ang tinig at mga mata. “Isang linggong mahigit lang tayong hindi nagkita subalit kay laki na ng inihulog ng katawan mo.”
"Please have a seat," muli niyang anyaya. "Kalabisan sigurong itanong sa iyo kung paano mo natutuhan ang address namin, 'no?"
Tumango si Matt at naupo. "Nag-uusap kami ni Raquel." Inabot nito ang kamay niya at iginiya siyang maupo sa tabi nito. Hindi nito binitiwan ang kamay niya at sa halip ay ikinulong sa mga palad. "I'm sorry, Caroline. Raquel told me."
Umiwas siya ng tingin. "Hindi niya dapat sinabi sa iyo. Wala siyang—"
"Walang masamang motibo si Raquel sa pagsasabi sa akin. Pinakiusapan ko siya bago kami umalis ng Coron na ipaalam sa akin ang kahihinatnan ng paghihintay mo kay Shane." Pinakawalan niya ang mga palad subalit mahigpit ang pagkakahawak ni Matt doon. "No. Let me hold your hand. Dahil kung bibitiwan ko ang mga kamay mo ay baka hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin ka."
"Oh, Matt..."
"Magbihis ka," anito. "Lumabas tayo. Kahit saan mo gusto. Kumain sa labas... manood ng sine. Natitiyak kong hindi pa kayo nagtatanghalian..." Napailing siya nang wala sa oras.
"Caroline, I want to feed you. Malaki ang ipinangayayat mo. Come on, baby..."
"I am not your baby, Matt," she said with a sigh. Gustuhin man niyang magalit ay parang wala siyang lakas na ilabas iyon sa tinig niya.
"Caroline, please. Lalabas lang tayo nang makasagap ka naman ng sariwang hangin."
Gusto niyang mangiti roon. Sa kabila ng mariing pagsasalita ay nasa tinig ni Matt ang pakiusap. And she decided she didn't want to say "no." "Gusto kong isama natin si Raquel."
"Good. Sila ni Lovelle. The more the merrier."
Natigilan siya sandali. Napangiti. "Sa pagre-report ni Raquel sa iyo ay nalimutan niyang sabihin na lumipat na sa bagong apartment niya si Lovelle, ha."
"I'm glad you're smiling. Kahit na hindi umabot sa mga mata mo."
She ignored the last sentence. Tumayo. “Give me fifteen minutes,” aniya at tumayo at lumakad patungo sa hagdan.
“Take your time, baby.” Lumabas si Raquel at binati si Matt. “Get dressed. Kakain tayo sa labas.”
“Thank you,” anito at pagkatapos ay pumanhik na rin sa itaas upang magbihis.Nang tanungin sila ni Matt kung saan nila gustong kumain, wala sa loob na itinuro ni Caroline ang isang Italian restaurant dahil nahagip niya ng tingin ang Yellow Cab hindi kalayuan doon.
Pagkatapos nilang kumain ay nag-malling at naglakad-lakad lang sa buong Greenbelt.
Ipinagpasalamat nang labis ni Caroline na hindi nagtangka si Matt na hawakan siya sa kamay. May palagay siyang hihilahin niya ang kanyang kamay pabalik kung ginawa nito iyon. Gayunman ay inaalalayan siya nito sa mga kinakailangang pagkakataon.
Matangkad, broad-shouldered, magandang lalaki, at nakakaangat sa buhay si Matt. At wala yata silang nakasalubong na babae na hindi nag-ukol dito ng tingin. She should be proud. Subalit hindi iyon ang nararamdaman niya. Hindi niya gustong isipin si Shane sa mga sandaling iyon subalit kahit paano ay inasam niyang sana ay sila ang magkasama nito at hindi si Matt.
Hindi niya gusto ang ginagawa ni Matt. Sa pakiramdam niya ay pilit nitong inaalis sa isip niya si Shane. And she must be crazy. Dahil iyong ibang brokenhearted ay nag-iisang dinudusa ang pamimighati. Samantalang siya ay heto at kasama ang isa sa kanyang matalik na mga kaibigan at isang lalaking ginagawa ang lahat upang maaliw siya at malimutan si Shane.
But it wasn’t easy to forget Shane. She loved him. At nakatitiyak siyang hindi pa agad darating ang panahon para malimutan niya ito. At gaano man kahindi-makatwiran, gusto niyang manatiling mabuhay at nakakulong sa mga alaala ni Shane. Lalo na ang alaala ng tree house kung saan nabuo sa minsanang pagtatalik na iyon ang nasa sinapupunan niya. Hindi niya gustong lumabas sa mga alaalang iyon.
Alas-singko pasado nang magbalik sila sa parking lot. Ang buong akala niya ay ihahatid na sila nito sa apartment subalit dinala sila ni Matt sa Paco Park upang makinig ng awitin ng kung sino mang guests sa gabing iyon.
At mula kaninang umalis sila ng apartment, para sa kanya, ang maupo sa upuan sa parke at makinig ng mga awiting naririnig lang niya sa radyo ng lola niya ay nakapagdudulot ng kapayapaan sa dibdib niya. Balsamo sa durog-durog niyang puso ang tugtugin mula sa piano at mula sa mga mang-aawit.
Whoever it was who said that music is the best healer must be right.
Naroon sila hanggang sa matapos ang programa. Nang tanungin sila ni Matt kung saan nila gustong kumain ay si Raquel ang namiling gusto nila ng Chinese. Dinala sila ni Matt sa Estero Restaurant. Hindi siya masyadong nag-enjoy sa pagkaing Italyano kanina subalit nagustuhan niya ang in-order ni Matt para sa kanilang lahat.
Pagkahatid sa kanila sa apartment ay nagpaunang pumasok si Raquel at naiwan sila ni Matt sa loob pa ng sasakyan.
“Thank you, Matt,” sinserong sabi niya. “I enjoyed listening to the music at the park.”
“I noticed. At natutuwa akong pagdating natin doon ay hindi ka nagpakita ng pagkainip.“Nahihiyang sinalubong niya ang mga mata nito. “I was that obvious?”
He smiled. “I don’t mind. Nauunawaan ko. You’re hurting.” Kapagkuwa’y binuksan nito ang pinto sa bahagi nito at umikot sa bahagi niya at pinagbuksan siya ng pinto. Lumabas siya ng sasakyan.
“I’ll call you tomorrow,” anito, a promise in his voice.
Humugot siya ng malalim na hininga. “Matt, baka hindi ko kayang tumbasan ang mga ginagawa mong ito. Baka…”
“Huwag mong ipagkait sa akin ang pagkakataong ito, Caroline,” anito. “Wala akong hinihiling sa iyo. Hindi ko rin hihilinging kalimutan mo si Shane. Hindi iyon minamadali.”
“Thank you.” Lumakad na siya patungo sa gate.
“Goodnight, Caroline.”
Napahinto siya sa paghakbang at nilingon ito. She smiled at him.
***************Pakiramdam ko kasing haba na ng buhok ko ang buhok ni Caroline char hahahaha, bakit ang ganda mo girl hahahaha. Enjoy reading mga besh. Stay safe and God bless. ;) - Admin A ************
34
NANG sumunod na mga araw, hanggang sa magpasukan ay naging bahagi na ng araw-araw na buhay ni Caroline si Matt. Tumatawag ito sa kanya sa paraang hindi siya nasasakal. Karaniwan na ay natitiyempo ang tawag nito sa mga sandaling nagsisimula na siyang mag-isip muli kay Shane.
Hindi man niya gustong aminin ay tinutulungan siya nitong huwag ituon ang buong pag-iisip kay Shane. Kahit paano ay natuto siyang muling ngumiti. Natuto siyang ibaon sa sulok na bahagi ng puso niya ang mga alaala nila ni Shane.
Sa mga lakad nila, kung hindi si Raquel ay si Hannah—na tuwang-tuwa—ang kasama nila. Hindi pa nangyaring niyaya siyang lumabas ni Matt na sila lang dalawa. At ipinagpapasalamat niya nang lihim ang pagiging makonsidera nito sa damdamin niya. Ni hindi ito nakikipag-usap ng tungkol sa layunin nito sa kanya.
Matt was giving her time to heal and recover slowly. Sa tulong nito. Sa pamamagitan nito. Subalit hindi sa paraang isinisingit nito ang sarili. He was just there. Silently offering himself as her anchor.
Nagmamay-ari si Matt ng limang franchise ng isang kilalang pizza parlor na nagke-cater sa A and B customers sa ilang mall sa Quezon City at Makati. Sa isa sa mga branch nito sa isang mall sa Quezon City sila inalok ni Matt na mag-OJT ni Raquel. Ayon kay Matt, kung napakalapit lang daw sana ng Coron ay mas gugustuhin nitong sa Hotel Hannah sila mag-OJT ni Raquel, lalo at ayon iyon sa kurso ni Caroline.
Hustong dalawang buwang mahigit mula nang magkakilala sila ni Matt sa Coron nang ipasya niyang lumabas kasama ito nang walang chaperone. Nananghalian sila sa Yakimix sa loob ng mall.
"Why here, Matt? Sayang lang ang ibabayad mo dahil hindi ako pang-smorgasbord..." natatawang sabi niya.
"Dapat ba ay sa isang cozy restaurant kita dinala, sa isang candlelit dinner? I would have preferred that. Pero alam kong gusto mong lagi tayong napapaligiran ng maraming tao."
She blushed. "Hindi naman. Kaya lang, paano ko ba susulitin ang halaga ng bawat isa?" "You don't have to, Caroline. Kung ano lang iyong gusto mong kainin. At least, you have choices. Alam ko na ngayon na gusto mo ng Chinese food. Huwag mong kainin ang ayaw mo."
"On our really first date..." she said with a smile, nilaro ng chopsticks ang pagkain.
“This is actually our second date,” Matt said softly. “Ang una ay sa hotel sa Coron…”“Oh.”
Sa manaka-naka at wala namang halagang pag-uusap ay tahimik na kumain ang dalawa. Maliban sa pasulyap-sulyap sa kanya ay tahimik na kumakain si Matt. An hour later, si Matt na ang nagdala ng dessert sa kanya sa mesa.
“Hindi mo ba itatanong sa akin kung bakit pumayag akong lumabas tayo na hindi kasama si Raquel?”
Nagpunas ng bibig si Matt at sumandal at mataman siyang tinitigan. “Hindi ko gustong magtanong, Caroline. Baka hindi ko gugustuhin ang maririnig ko.” Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito. Fear crossed his eyes. Pero iglap din nitong naitago iyon.
Tumigil na rin siya sa pagkain. Ini-relax ang sarili at humugot ng malalim na hininga. “Gusto kitang pasalamatan sa lahat ng ginagawa mo sa akin… sa amin ni Raquel…”
Hindi ito sumagot at nakatitig lang sa kanya at naghihintay ng kasunod na sasabihin. His face remained passive.
“You can’t keep on doing this…” she said wearily, para bang hindi makaapuhap ng tamang sasabihin.
“Doing what, Caroline?”
“You know what I mean…”
“You know why I am doing this.”
“Why, Matt? Hindi ka nakatitiyak ng magandang resulta…”
“I love you, Caroline…”
“Oh.”
“Until I saw you, I never felt this way. At walang iba bago ikaw, Caroline. I don’t know. It just happened.” Inilahad nito ang mga kamay in helpless gesture.
“Matt, I’m still in love with Shane. Totoong malaking tulong ang ginagawa mo sa akin. Unti-unti ay nababawasan ang matinding hapdi. But the feeling is still there…”
“I know that. I can feel that. Hindi naman kita minamadali, Caroline.”
“I like you, Matt. In fact, I feel that in so short a time, I am already depending on you… clinging on to you when things get rough…”
He smiled obliquely. Napabuntong-hininga si Caroline. Sa ganoon ding paraan ngumiti si Shane. Paano ba niya ito malilimutan? Narito ang isang lalaking minamahal siya at nakahandang maghintay. Lalaking hindi naman mahirap ibigin at pagbigyan ng kanyang puso.
But she only has one heart. At naibigay na niya iyon kay Shane.
“Then that’s the start.”
“Paano kung hindi ko pala kayang ibigay sa iba ang pag-ibig na ibinigay ko na kay Shane?”
“Maraming klase ng pag-ibig, Caroline. Kaya kong tanggapin ang alin man sa kaya mong ibigay sa akin. And I am offering you marriage…”
Gumuhit ang pagkabigla sa mukha niya. “W-what?”
Ginagap ni Matt ang kamay niya at ikinulong iyon sa mga palad nito. “I want to marry you, Caroline, if you will have me.” And from somewhere, sa kanyang pagkabigla at pagkalito, hindi matiyak ni Caroline kung saang bahagi nito kinuha ang isang singsing at ipinakita sa kanya.
A solitaire. Kumislap ang brilyante sa liwanag ng ilaw.
“S-saan mo kinuha ang singsing na iyan?” she asked stupidly.
“Nananahan ang singsing na ito sa bulsa ng pantalong isinusuot ko kapag alam kong magkakasama tayo,” he said with uneasy smile. “Naghihintay ng tamang pagkakataon.”
“P-pero bakit? May… may ibang babaeng higit na karapat-dapat na pag-alayan mo sa iyong pangalan…”
“Ikaw ang karapat-dapat. Ikaw ang mahal ko… ang iniibig ko.” Puno ng damdamin ang tinig nito na napahugot si Caroline ng hininga. “Wala akong natatandaang nakadama ako nang ganito sa ibang babae. Until you. Not even with my wife…” He shook his head. “One of these days I will tell you all about Hannah’s mother.”
Her eyes were wide as she stared at him. Hindi makapaniwalang nais siya nitong pakasalan. Sa nakalipas na anim na buwan, dalawang lalaki ang parehong nag-alok sa kanya na pakakasalan siya.
Ang isa ay iniibig niya. Ang isa ay iginagalang niya dahil sa maraming magagandang katangian na hindi niya kayang tumbasan ng pag-ibig dahil naibigay na niya ang puso niya sa lalaking sinaktan siya.
Mabilis na binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito. May… may nadama siyang banayad na galaw sa tiyan niya. Did the baby just move? Nanlalaki ang mga matang nanatili siyang nakatitig kay Matt.
“What? Hindi mo nagustuhang nag-propose ako? Is it too soon, Caroline?” Matt sounded hopeless.
Wala sa loob na umiling siya. Paano niyang nakalimutang isang malaking bagay ang pagdadalang-tao niya? Paano niyang hindi naisip na sabihin dito ang kalagayan niya? Ngayon ay may sapat na siyang dahilan upang tuluyan nang ihinto ni Matt ang panunuyo nito sa kanya at tanggihan ang proposal.
Hindi niya gustong makita ang pagkasiphayo sa mga mata nito sa sandaling sabihin niya iyon.
She actually didn’t want to hurt him. And when he’d be gone out of her life, she would miss him. Truly. Matt was a good man. It wasn’t hard to fall for him. Iyon ay kung hindi nangyari sa buhay niya si Shane.
“M-Matt… may… may ipagtatapat ako sa iyo. Pagkatapos mong malaman ay saka mo sabihing gusto mo pa ring ibigay sa akin ang singsing na iyan…” Sinulyapan niya ang singsing sa kamay nito. Sinisilaw siya ng kislap niyon mula sa reflection ng ilaw.
Matt stared at her for a long moment. Sa wari ay tinatantiya siya. Then, “Ang ipagtatapat mo ba’y tungkol diyan sa dinadala mo?”
Napasinghap si Caroline. Kasabay ng panlalaki ng mga mata ay ang galit. She couldn’t believe Raquel betrayed her.
“Sinabi sa iyo ni Raquel?”
“No. Ni isang salita tungkol diyan ay walang sinasabi si Raquel sa akin.”
“Kung ganoon ay paano—”
Pinutol nito ang sasabihin niya. “I’ve been married, Caroline,” he said gently, muling inabot ang kamay niya. “Kasama ako ng asawa ko sa buong panahong dinadala niya si Hannah. I saw the signs. Iyong pamimili mo ng pagkain… iyong bigla’y hindi mo gusto ang amoy ng isang bagay… iyong bigla’y ang pagtungo mo sa CR sa gitna ng pagkain natin. And many more…”
She groaned. Binawi ang kamay subalit ayaw iyong bitiwan ni Matt. “I… I never meant to deceive you… or hide it from you. Lamang ay hindi nagkapuwang sa isip kong ipagtapat sa iyo..” She met his eyes. “Just now when I thought the baby moved. But my doctor said it won’t kick until I’m on my fourth month…”
Matt smiled softly. Iyong uri ng ngiting inaasahan ng isang babae na makita sa lalaking minamahal pagkatapos sabihing nagdadalang-tao ito. Her eyes stung. These were rare moments she would have wanted to share with Shane.And damn him!
“Mahigit na sa dalawang buwan ang dinadala mo. Soon, hindi mo na maitatago iyan. Hindi ba mas dapat na magpakasal na tayo kaagad?”
Napatuwid siya ng upo. May galit na bahagyang nanulay sa tinig niya. Marahas na binawi ang kamay. “I-inaasahan mo bang dahil nagdadalang-tao ako ay madali mo akong mapapapayag sa iniaalok mo?”
“Oh, Caroline. I wish you are that easy,” he said with a sigh. “With you, it seemed I’m walking on a tight rope. Walang katiyakan kung makatatawid nang diretso o mahuhulog. If you won’t have me then I’ll respect your decision. Still, nakahanda akong tumulong sa lahat ng kailangan mo. Hindi magtatapos sa pagtanggi mo ang pagkikilala natin.”
Hindi siya makaapuhap kaagad ng salitang sasabihin. Ang galit na biglang umahon ay mabilis ding muling nagsiksik sa dibdib niya.
“Kung hindi mo mamasamain, iniaalok ko ang sarili ko bilang magiging ama ng iyong magiging anak. Tataglayin niya ang pangalan ko. Palalakihin natin siya kung paano kong pinalaki si Hannah.”
Walang pakialam sa mga taong nakapaligid ay bumulalas ng iyak si Caroline. Kinuha ni Matt ang panyo mula sa bulsa nito at iniabot sa kanya. “Please don’t cry. You will stress the baby.”
Pinahiran niya ng panyo nito ang mga luha sa mga mata niya at tumayo. “Let’s get out of here, Matt. Let’s take a walk. Doon sa garden sa labas nitong mall.”
Niyuko ni Matt ang singsing na hawak pa rin nito. Bahagya lang lumatay sa mukha ang pagkabigo. Itinago nito sa bulsa ng pantalon ang singsing, kasabay ng pagtatago ng matinding kabiguan sa dibdib.
Binayaran ni Matt ang bill nila sa pagkain at pagkatapos ay lumabas na at nagtungo sa garden na sinasabi ni Caroline. This time Caroline allowed Matt to hold her hand. In fact, siya mismo ang nag-initiate na hawakan ang kamay nito. Tila iyon angkla sa nalulunod niyang pagkatao. And she would be foolish enough not to cling to him.
Inakay niya si Matt sa isang batong upuan na nakapalibot sa mga halaman at naupo roon. Itinaas niya ang kaliwang kamay at ibinigay kay Matt. “Isuot mo ang singsing ko, Matt.”
It was Matt’s turn to gasp. Mataman siyang tinitigan. “Natitiyak mo? Hindi ka magsisisi?” he croaked. Kay bilis ng tibok ng puso nito na sa wari ay tumakbo ito nang isang milya.
Caroline smiled softly. She stared into those wonderful eyes. Those kind eyes. Those gorgeous eyes. She was crying and smiling at the same time. “Never, Matt. And I’m saying yes.”
“Oh, god, Caroline! You just made me the happiest man on this planet!” Bahagyang nanginig ang mga kamay ni Matt nang isuot sa palasingsingan niya ang engagement ring nila. “I am giving you my love, Caroline. I have but one dream to want to share it with you. And that is to live my life for you,” he vowed.
Caroline would have burst out crying. Nagsisikip ang dibdib niya. Sunod-sunod ang ginawa niyang paghugot ng hininga upang hindi mapaiyak.
But she laughed. Iyong uri ng tawang kay tagal niyang hindi ginawa. Bumagsak ang mga luhang nakatago. But she was laughing like crazy that Matt started to worry.
“Caroline, please…”“I’m fine, Matt. I am just happy,” she said in between tears.
Nagulat pa siya nang umangat siya mula sa lupa. Itinaas siya ni Matt at inikot siya nang inikot. May ilang taong nakakita sa ginawa ni Matt. Nakangiti ang ilan habang nakatingin. Sa wari ay nakikisaya sa kanila.
Caroline bit her lip. Naalala ang kaparehong pangyayari sa unibersidad noong araw na pumasa sa board si Shane. Subalit marahas niyang ibinayo ang alaala sa pinakasulok na bahagi ng puso niya. Hindi niya gustong sirain ang sandaling iyon para kay Matt.Ibinaba siya ni Matt at hinawakan sa baba at itinaas iyon. “You’ll never regret your decision, darling. I will never hurt you. I will always make you happy.”
“I know…” she said softly. Smiled. Kapagkuwa’y kumapit sa braso nito at niyakag na itong pumasok muli sa mall at patungo sa parking lot.
She will never regret her decision. Gusto niyang maging masaya, para sa sarili niya; for this man who loved her so and would willingly give his name to Shane’s child.
Kahit na ba ang puso niya ay naipagkaloob na niya sa iba. At tulad nga ng sabi ni Matt, maraming uri ng pag-ibig. She would love him. She would spend the rest of her life with him.
With her child. She vowed to herself.
35
PAGKAGALING sa mall ay dinala siya ni Matt sa condo unit nito sa Makati. Nasa ikasampung palapag iyon. Unlike other units, malaki ang loob ng unit ni Matt. May tatlong silid at dalawang toilet and bath. Isang servant’s quarter at maliit na toilet and bath para dito.
Ang sala ay salamin ang dingding at nakatanaw sa buong Greenbelt at ang mga establisimyento nito.
"Wala ba kayong kasamang kasambahay rito?" tanong niya at tinanaw ang buong siyudad mula sa salamin.
"Si Manang Marina. Nasa grocery marahil. Si Hannah ay darating nang tiyak..." Niyuko nito ang relo sa braso. "Uwian na niya. Inihahatid iyon ng service dito."
Hindi pa nito natatapos ang sinasabi nang bumukas ang main door at iniluwa si Hannah.
“Daddy, you didn’t lock the—” She stopped in mid-sentence. Nanlaki ang mga mata nang matanaw si Caroline sa dulo ng sala. Agad itong ngumiti at tumakbo at niyakap siya. “You’re here! I missed you.”
She laughed. "Magkasama lang tayo three days ago."
"And I miss you already. Sana dito ka na tumira sa amin. Sana magpakasal na kayo ni Daddy."
Nagkatinginan sina Matt at Caroline. Parehong natawa.
"May gusto kaming sabihin sa iyo, Hannah," ani Matt na hinila ang anak patungo sa sofa at pinaupo. Sumunod si Caroline at naupo sa tabi nito.
"W-what? I hate bad news, Daddy..." wika ng dalagita na agad nag-iba ang anyo.
"Is marrying Caroline a bad news, sweetheart?" Matt announced proudly. "We want you to be the first one to know."
Napahawak sa bibig niya si Hannah. "Oh, my god... oh, my god!" Hannah shrieked. Bumaling kay Caroline at niyakap ito. "You'll be my mommy as I wanted you to be!" Kapagkuwa'y binalingan ang ama. "This calls for a celebration, Daddy. Saan tayo magdi-dinner?"
"We want it simple and quiet, Hannah. Nagpa-deliver na ako."
"Did you order flowers and candle, too, Dad?"
Sabay na nagtawanan sina Matt at Caroline. "Hindi mo mauunahan ang daddy mo, Hannah," ani Caroline.
"Okay. I'll set the tables now. Nasaan ba si Manang?"
Matt twined his fingers with hers and stared into her eyes lovingly. "I am so happy, Caroline. You can't even know how much..." he whispered.
"Kahit na hindi ko masabi sa iyong mahal din kita?"
Inilagay ni Matt ang hintuturo sa ilalim ng baba ni Caroline at itinaas iyon. "Kahit paano ay mahal mo na ako, Caroline. Hindi ka papayag na magpakasal sa akin kung hindi. Maraming uri ng pagmamahal, sweetheart. Sa ngayon ay tatanggapin ko ang uri ng pagmamahal na kaya mong ibigay sa akin. Hihintayin ko ang araw na masasabi mong iniibig mo na ako..."
Umiwas siya ng tingin at yumuko. "P-paano kung hindi darating ang araw na iyon, Matt? Paano kung manatiling nakatali kay Shane ang puso ko?"
"I have enough love for both of us, Caroline." Kinabig niya ito at hinagkan sa ibabaw ng ulo.
"Too cheesy, Daddy!" sigaw ni Hannah mula sa dining room na natatanaw lang. But the girl was grinning from ear to ear. Her happiness was contagious that Caroline wanted to be happy, too.
Matt shook his head but was smiling. Labis na nag-uumalpas sa dibdib ni Matt ang kaligayahang nadarama. He loved this woman with all of his heart and soul. Gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang mapaligaya ito.
36
GANOON na lamang ang tuwa ni Raquel nang marinig ang balita mula sa kanila nang gabing iyon pagkahatid ni Matt kay Caroline. Sa mismong sandaling iyon ay tinawagan nito si Lovelle na parehong kinausap sina Matt at Caroline at halos maghumiyaw sa kasiyahan.
Maaga pa ng Sabado ay bumiyahe sina Matt, Caroline, at Hannah patungong Silang upang hingin ni Matt ang kamay ni Caroline mula sa abuela nito. Sa daan ay bumili na ng mga pagkain si Matt bilang tanghalian na nila.
Bagaman nabigla sa pag-uwi ni Caroline na may kasamang lalaki ay magalang na hinarap ng lola ni Caroline si Matt. Sa mismong kubo tahimik na inihain ng matandang babae ang pagkaing dala nila. Tinulungan ito ni Caroline na maglabas ng pinggan at kutsara at pitsel ng tubig.
Limang putahe ang naroroong nakahain. Umiling ang matandang babae. “Napakaraming pagkain nito, Caroline. Baka kahit sa susunod na dalawang araw ay hindi ko ito mauubos mag-isa. Yamang alam kong mamaya lang ay uuwi na kayo.” Sinulyapan nito si Matt. Natitiyak nitong hindi matutulog sa bahay nito ang apo dahil may kasama ito.
“Ayaw po ba ninyo na may ulam kayo sa susunod na mga araw?” nakangiting biro ni Caroline.
“Ipasok po natin sa fridge ang matitira at initin n’yo po kada kakain kayo.” Iniabot niya kay Matt ang kutsara at tinidor at sinenyasan na kumain na ito. Siya man ay nagsimula nang maglagay ng pagkain sa plato niya. “Kumain na po tayo, Lola…”
Siniko niya si Matt upang pangunahan nito ang panalangin para sa pasasalamat sa mga biyayang nasa harap nila. Matt uttered a simple prayer of thanks.
“Ang natatandaan kong sinabi mo, Caroline, ay hindi ka muna makakauwi dahil nga sa maraming ginagawa para sa pagtatapos mo sa susunod na semestre…” anito pagkausal ng amen. Ni hindi kumikilos upang umabot ng pagkain. Pinaghahalili sa kanila ni Matt ang tingin.
Napahugot ng hininga si Caroline. Noon lang niya nakaringgan ng ganoong tono ang lola niya. Tuwina'y mabait at mahinahon ito. Nagsimula siyang kabahan. Nilingon niya si Matt na pinisil ang tuhod niya sa ilalim ng mesa.
"Pagkakain po natin ay sasabihin ko po—"
Pinutol ni Lola Serafina ang sinasabi ni Matt. "Ang sasabihin ninyo pagkakain ay masasabi ninyo ngayon. Nakikinig ako."
"Katunayan po, Lola, kaya kami narito ay dahil..." Matt cleared his throat. "Nais ko po sanang hingin ang kamay ng inyong apo—"
"Magkasintahan kayong dalawa?" muling putol nito sa sinasabi ni Matt.
Tiningnan muna ni Caroline si Matt bago sumagot. "Opo," magkasabay nilang sagot ni Matt.
Sa nerbiyos niya ay wala sa loob na tinusok ng tinidor ang isang hiwa ng chicken at isinubo. Isa iyon sa mga ipina-take out ni Matt. Persian grilled chicken with lots of spices.
“Nangako ka sa akin, Caroline, na magtatapos sa pag-aaral bago ka makikipagnobyo…” naguguluhang sabi nito.
“Magtatapos na po ako sa susunod na semester, Lola,” aniya. Iyon ang plano nila ni Matt. “At magpapakasal po kami bago ang—” Nahinto siya sa pagsasalita at mabilis na tinutop ang bibig kasabay ng marahas na paghugot ng hininga. “E-excuse me…” Mabilis siyang tumayo. Sumunod si Matt. “Honey…”
Tumakbo siya patungo sa loob ng bahay. Tuloy-tuloy siya sa banyo at doon nagduduwal.
"Caroline, honey..." ani Matt mula sa may pinto ng banyo. Inabot nito ang isang face towel na nakasabit at ibinigay sa kanya. Hinagod nito ang likod niya habang patuloy siya sa pagduduwal.
At dahil wala pa naman talagang laman ang tiyan maliban sa kape kaninang umaga sa apartment ay wala siyang isinusuka. She was gasping for breath as she held her stomach tightly.
"Ano ba sa mga pagkaing nasa mesa ang hindi mo gusto?" Matt was worried sick. Patuloy sa paghagod sa likod niya.
Binuksan ni Caroline ang gripo at hinilamusan ang mukha at nagmumog. Pinunasan ng bimpo ang mukha at pagkatapos ay itinuwid ang katawan.
“Is it always like this?” Matt asked. Kinabig siya payakap. “I mean… iyong matinding pagduduwal aside from the morning sickness.”
“K-kapag… may kinain lang akong hindi ko gusto. And… that chicken was too spicy.” Tumingala siya rito. “And there’s garlic on it. I just hate garlic!”
Iyong kunot sa noo ni Matt ay unti-unting nahawi at nahalinhan ng anino ng ngiti sa kabila ng lahat. "Have you turned into a vampire since you got pregnant?"
She didn't want to smile. Napagod siya sa ginawang pagduduwal na wala namang idinuduwal. Gusto na lang niyang humilig sa dibdib nito. And she did just that.
"Gusto mong ihatid kita sa silid mo at magpahinga na muna? I can ask for tea. May tsaa ba sa bahay ng lola mo?" Inilabas siya nito mula sa banyo.
"Bumalik tayo sa kubo, Matt. Hindi natin maipagpapaliban ang pakikipag-usap kay Lola. Kilala ko ang lola ko."
"We can, Caro. At least for a few hours so you can rest. Wala namang problema kung umalis tayo rito nang madilim na."
"Thank you. Pero gusto kong matapos na ang pamamanhikan mo sa lola ko. Kinakabahan ako. Hindi ganyan magsalita si Lola. Para siyang galit..."
"I can understand. Ang sabi mo ay nangako ka sa kanyang hindi tutulad sa nanay mo; na magtatapos bago mag-boyfriend..."
"I broke my promise," she said worriedly.
"We'll handle this. Come on..."
Nakaupo pa rin doon ang matandang babae nang bumalik sila sa kubo. Tila estatwa na nakatitig sa kanilang dalawa.
"Patawarin po ninyo kami, Lola," Matt started. "Nabanggit po sa akin ni Caroline ang pangako niya sa inyo. Ako po ang may kasalanan kaya—"
The old woman raised her hand to stop Matt from talking. Ang apo ang hinarap nito.
“Nagdadalang-tao ka.” It was a statement than a question. Uttered firmly and angrily.
Nagyuko ng ulo si Caroline. Matinding usig ng budhi ang nararamdaman. Idinamay pa niya si Matt sa kasalanan niya sa lola niya. She bit her lip. Hindi niya gustong mapahagulhol.
"Lola," patuloy ni Matt sa namamanhik na tinig. "Patawarin ninyo ako... kami. Kaya nga po ako naririto ay upang sabihin sa inyong magpapakasal po kami ni Caroline. Hindi po maaantala ang pagtatapos niya sa susunod na semestre..."
Galit na humarap sa kanya ang matandang babae. "Hindi maaantala? Paanong hindi maaantala ang pagtatapos ni Caroline?"
"Patuloy pa rin po siyang papasok sa unibersidad. Sa katapusan po ng semester na ito ay ang plano naming pagpapakasal..."
"Ilang buwan na ang dinadala mo, Caroline?"
She looked at her grandmother guiltily. "Dalawang buwan at kalahati na po, Lola."
"Sa katapusan ng semestre ay pitong buwan halos ang tiyan mo..." mabilis nitong kuwenta. Pagkatapos ay ibinaling ang atensiyon kay Matt. "Sa iyo ay walang problema!" anito. "Subalit bibigyan mo ng kahihiyan ang apo ko. At ako. Pagbubulung-bulungan siya ng mga tao dahil malaki na ang tiyan niya sa sandaling kayo ay magpapakasal. At ano ang malay ko na bago magtapos ang semester na ito ay hindi mo iiwan ang aking apo? Na bigla ka na lang maglalahong parang bula upang takasan ang resulta ng hindi ninyo pagpipigil sa tawag ng laman!"
"Lola, hindi po mangyayari ang iniisip ninyo." Wearily, she took a glance at Matt.
"Mahal ko ang apo ninyo, Lola. Gusto ko siyang maging kabiyak. Maniwala kayo sa akin na pakakasalan ko si Caroline. At hindi magbabago iyon."
Tila hindi narinig ni Lola Serafina ang sinabi ng dalawa, nagpatuloy ito. “Idagdag pa ang maraming haka-haka kung bakit nagpakasal sa iyo ang apo ko gayong malayo ang agwat ng inyong edad!”
“Lola, hindi ko kayo nauunawaan. Ano po ba ang gusto ninyong mangyari?” Again, she looked at Matt. Nakasalamin sa mukha nito ang tanong na inusal lang niya.
“Kailangang magpakasal kayo sa lalong madaling panahon. Bago mahalata ng mga tao na nagdadalang-tao si Caroline.”
Napasandal si Matt. Relief flooded his handsome face. It made his knees weak. And he even thought there for a while that the old woman didn’t want him to marry Caroline. Ginagap nito ang kamay ni Caroline, entwined his fingers with hers.
“Gaano ka-lalong madaling panahon po ba ang nais ninyo?” he asked, in fact, he wanted to shout with joy.
“Mayroon kayong anim na linggong paghahanda at pagpapakasal. Ang apat na buwang sanggol ay natitiyak kong hindi pa mahahalata.”
“Six weeks!” bulalas ni Caroline. “Lola, paano ang pag-aaral ko? Sa Coron namin planong magpakasal ni Matt.” Sinulyapan niya ito. Umaasang kokontrahin din nito ang abuela. Pero parang nakangiti pa ang mga mata ni Matt.
“Naisip mo sana iyan bago ka nagpatangay sa tawag ng laman, Caroline,” wika ng abuela niya.
“Naisip mo sana ang kahihiyang idudulot sa pagpapakasal nang malaki ang tiyan.”
“Paano po ang pag-aaral ko? Hindi po ako maaaring lumiban nang dalawang linggo dahil magpapakasal kami ni Matt sa Coron…”
“Mas mahalaga sa akin ang pagpapakasal mo kaysa sa pagtatapos mo, Caroline. Gusto kong makatiyak na may ama iyang dinadala mo. Nangako ang tatay mo na pakakasalan ang nanay mo dahil nagdadalang-tao na ang inay mo sa iyo. Hindi tinupad ng tatay mo ang pangako niya!” mariing sabi nito.
“Gusto ninyong huminto ako sa semester na ito?” She was aghast.
“Kung iyan ang kinakailangan para makapagpakasal kayo nang maaga. Makapaghihintay ang pagtatapos mo!” pinal nitong sabi. Kapagkuwa’y tumayo. Biglang lumaylay ang mga balikat at tila talunan sa digmaan. Nilingon si Matt. “Mahalin mo ang apo ko. O ipaghahasa kita ng itak.”
Matt choked on his laughter.
“Si Lola naman. Para naman kayong si Gabriela Silang diyan.” Hindi malaman ni Caroline kung matatawa o mapapanguso sa abuela.
“Lola, isinusumpa ko sa inyo iyan,” ani Matt sa tinig na puno ng kombiksiyon. “Tanging kamatayan lamang ang makapaghihiwalay sa akin kay Caroline…” Nilingon siya nito. Puno ng pag-ibig ang mga mata. “And I mean that.”
“Thank you.” She mouthed the words.
“May kakausapin akong tao upang pangasiwaan ang mga bulaklak,” ani lola Serafina.
“Pagkatapos ay ihahanda ko pa ang mga gamit ko. Bukas na tayo ng umaga umalis dito. Sasama ako sa inyo.” Sinulyapan nito si Matt, nasa mga mata ang babala. “Nasa likod mo ako hanggang sa araw ng inyong kasal.”
Matt grinned. Lahat ng agam-agam ay tuluyang naglaho. Tumayo at umikot sa mesang kawayan at niyakap ang matandang babae na bagaman nanatiling tila tuod ay natitiyak ni Caroline na unti-unting bumibigay.
Nang gabing iyon ay sa mismong silid ni Caroline pinatulog ng abuela niya si Matt. At hindi niya makuhang tumanggi. Nagdadalang-tao siya at ang alam ng lola niya ay si Matt ang ama. Walang dahilan para tumanggi.
Hindi rin niya alam kung magagawa niyang ipagkaloob ang sarili kay Matt. But in six weeks’ time she would be his wife. Katungkulan niyang ipagkaloob dito ang sarili. She had learned to like Matt.
And what was there not to like about him? Nakahanda itong angkinin ang dinadala niya. Maginoo ito sa lahat ng pagkakataon. Ipinagtanggol siya nito sa lola niya. At iniibig siya nito.
Binuksan niya ang pinto ng silid niya at ibinigay kay Matt ang isang lumang kamiseta. “Ito lang ang maibibigay ko sa iyong pantulog,” aniya, isang payak na ngiti ang gumitaw sa mga labi.
“Kamiseta ni Lolo iyan. Matagal nang nakatago. Amoy-naptalina na nga, eh.” Tuluyan na siyang natawa at initsa kay Matt ang kamiseta na sinalo naman nito.
Tinitigan ni Matt si Caroline. Nakasuot ito ng pajama. At sa buong buhay nito ay noon lang natanto na seksing tingnan ang isang naka-pajama. It was even sexier than if she wore a flimsy nightie.
Agad nitong naramdaman ang pagtugon ng pagkalalaki. Tulad ng mga pagkakataong magkasama silang dalawa ni Caroline. No woman had ever done that to him. Gayunman ay nagawa nitong kontrolin ang sarili. To the point of pain.
But he didn’t want to alienate her. Ang pagpayag ni Caroline na magpakasal dito ay labis-labis nang kaligayahan ang dulot.
“Hey… bakit mo ako tinititigan nang ganyan?” she asked, deadpan. Kabisado ni Caroline ang ibinabadya ng mga mata ni Matt. In so many instances, Shane had looked at her with desire in his eyes. At iyon ang nasa mga mata ni Matt.
“Dapat ba akong magtungo sa banyo para isuot ang kamisetang ito?” tanong nito at niyuko ang kamisetang nasa kamay.
“No need, Matt. Para namang hindi kita nakitang walang pang-itaas sa Coron.” Her voice was without any emotion. Sinisikap niyang itago ang nerbiyos na nararamdaman.
“Hindi mo ako dinalhan ng banig?” anito na sinulyapan ang sahig. Maliban sa sahig ay walang ibang malaking sofa na maaari nitong higaan.
“Magtataka si Lola kapag kinuha ko ang kutson sa kabilang silid. Wala ring ekstrang kumot para gamitin mo.”
“Come here, Caro.”
37
LUMAPIT siya rito. Itinaas nito ang mukha niya patingala. “Kung sasabihin mo sa aking sa sahig ako mahihiga ay gagawin ko…”
“Why would you do that?” she said simply. “Kasya naman tayo sa kama.”
“Oh, baby…” Niyakap siya nito. Nagpatianod siya. “Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo sa katawan ko? Can you feel me now?”
She could feel his huge sex on her stomach. Hindi niya matiyak kung ano ang dapat maramdaman. She adored Matt. Maraming dahilan upang tuluyang mahulog ang loob niya rito.
She loved him already. But not the kind of love she had for Shane. And yet somehow, naroon ang hindi maipaliwanag na damdamin na gumuhit sa pagkatao niya.
“Maaari bang makadama ng sexual attraction kahit na wala roon ang pag-ibig?” she asked herself. At siya na rin ang sumagot, “That’s really a stupid question, Caroline. Many couple do sex all the time, even in the absence love.”
At ang hindi lang maa-attract kay Matt sexually ay iyon lamang mga walang pakiramdam at bulag. Bagaman hindi niya makapa sa dibdib ang damdaming pinukaw ni Shane sa kanya noong nasa tree house sila.
Matt raised her face, bent his head and kissed her. She wanted to detest him. Not wanting to ruin the memory she had with Shane. Pero wala siyang mahagilap na ganoong damdamin sa dibdib. Sa halip ay ipinikit niya ang mga mata at nagpaubaya.
Hesitantly, she kissed him back and wrapped her arms around him. She only had one man to compare with—Shane.
And she instantly knew Matt was also a good kisser. May ginigising itong pilit sa damdamin niya. Damdaming hindi niya gustong maramdaman subalit naroroon at gustong mangibabaw. Litong-lito ang puso at isip niya sa nangyayari sa kanya.
Kapagkuwa’y pinakawalan siya ni Matt. He was gasping for breath. Tulad din niya. Nakayuko ito sa kanya at hinahagod ng mga mata ang buong mukha niya.
“I love you, Caroline, and I want you. You can’t even know how much…” Nasa mga mata nito ang masidhing pagnanasa.
“Narito ako, Matt. Hindi ko ipagkakait sa iyo ang magiging karapatan mo,” she said, albeit hesitantly.
Tumango ito. Unti-unting sinisikap ni Matt na patayin ang baga ng pagnanasa sa katawan. Pinakawalan siya nito. “Go to bed, Caro…”
She frowned. “W-why?”
He smiled. It didn’t even reach his eyes. “You will be mine on our first night. I want to give you that. Kasal na gusto mo… unang gabi na gusto kong mananatili sa alaala mo habang tayo’y nabubuhay. Na kahit paano ay mabubura ko ang ano mang alaala. At hindi ko magagawa iyan dito sa silid mo na ang kabilang silid ay sa lola mo na ang pagitan ay isang manipis na plywood…”
“Pero hindi ko na maibibigay sa iyo ang unang—”
“It doesn’t matter. Ang mahalaga ay akin ka sa sandaling makasal tayo.” Hinubad nito ang sport shirt at inilagay sa sandalan ng silya. At pagkatapos ay isinuot ang kamiseta ng lolo niya. Nang hubarin nito ang pantalong maong ay umiwas siya ng tingin at tinungo ang kama at nahiga sa bahagi niya.
Mayamaya pa ay lumundo ang kama sa kabilang side. Nahiga ito at kinabig siya. Iniunan ang ulo niya sa braso nito. He kissed the back of her head. “Goodnight, sweetheart…”
“Matt…”
“Sshh. I just want to hold you like this.”
“Gusto ko lang sabihin sa iyong amoy-naptalina ka.” She smiled.
Mula sa likuran niya ay bumunghalit ng tawa si Matt.
38
IKALAWANG araw na nakabalik sila sa Maynila ay niyaya ni Matt si Caroline upang makipagkita sa mga itinuturing nitong kamag-anak. His wife’s older stepsister, Janet, and her daughter Nelly.
Tinawagan muna nito si Janet upang makatiyak na nasa bahay ito pagpunta nila.
"Wala akong responsibilidad sa mag-ina, Caroline. By blood, hindi related ang asawa ko kay Janet," ani Matt habang nagmamaneho. "Still, out of respect, nais kong ipaalam sa kanila na mag-aasawa akong muli."
"It's okay. Maituturing mo na rin silang kamag-anak. What about you? Sabi mo ay twenty ka pa lang nang mamatay ang mga magulang mo. Hindi ka ba nahirapan?"
Matt grinned. "Parang ngayon pa lang tayo nagsisimulang magkakilala, 'no?" Caroline laughed. Lahat ng bagay sa buhay niya ay parang kidlat. Magmula kay Shane hanggang ngayon kay Matt. Oh, she knew that his parents died in the States when he was twenty. Naikuwento na sa kanya ni Matt iyon sa isa sa mga paglabas-labas nila. At nagtapos ito ng business administration.
"Hindi madali. Buong buhay ko ay nariyan sila. Pero tinuruan ako ng mga magulang kong maging independent sa maraming bagay. Malaking tulong iyon at natutuhan kong pakitunguhan ang nangyari at tapusin ang pag-aaral ko sa Amerika.
“May naiwan naman sa akin ang mga magulang ko. Kasama na ang kanilang life insurance, labis-labis iyon. Bumalik ako rito sa Pilipinas nang magtapos ako ng kolehiyo. Hindi ko gustong sa ibang bansa magtrabaho at manirahan…”
"How did you meet your wife?"
"Kakilala ng kakilala. Nagkapalagayan ng loob. Moderno ang pananaw ni Adelle. As independent as I am. Napag-usapan namin na walang commitment..."
"Really?" Umangat ang mga kilay niya.
He grinned. "Iyon ang plano. We'll be together until we get tired of each other. But Hannah happened. Hindi sinasadya. She was on pill. Hindi niya balak mag-asawa until she was forty. Kontento na siya sa fling. Pero hindi niya nais matulad kay Janet ang buhay niya na ang anak ay walang kinikilalang ama..."
"Ouch!" she joked.
Nilingon siya ni Matt at nang makitang nakangiti siya ay nagpatuloy. "Ipinasya naming pareho na magpakasal alang-alang sa bata..." May ilang sandali itong pinalipas bago nagpatuloy.
“We both loved Hannah. She’s the center of our universe. Ang ano man sigurong pagkukulang sa bahagi namin pareho ay nawawalan ng kabuluhan dahil sa aming anak.”
Tumango-tango siya. Ten minutes na silang nakahinto sa traffic. “How did she die?“Pinausad ni Matt ang sasakyan nang umusad ang nasa harapang sasakyan. “Nahulog siya sa hagdan sa bahay namin. Napasama ang tama ng ulo niya sa huling baitang…” He paused, his face was grim. “Isa na rin iyon sa mga dahilan kung bakit ninais kong iwan ang bahay kina Janet at Nelly. Hannah saw her mother bleed to death. Kararating lang niya galing sa school at dinatnan si Nelly na tili nang tili at dinadaluhan si Adelle.”
Mahabang katahimikan ang namagitan. Umusad na muli ang traffic sa mabagal na pagtakbo ng mga sasakyan. Caroline broke the silence. “This Janet, paano sila naging mag-stepsister ng wife mo?”
“Long story…” he said with a sigh.
“I have all the time. Traffic naman, o.” Inginuso niya ang mabagal na paggalaw ng mga sasakyan sa Aurora Boulevard.
“Pareho nang biyudo at biyuda ang papa ni Janet at ang mama ni Adelle nang magkakilala ang mga ito. Adelle was fourteen when her mother married Janet’s father. Janet was five years older at may anak na dalawang taong gulang, si Nelly.” Matt paused.She mentally computed Janet’s age. “Janet got pregnant at sixteen?”
“Yes. Gave birth at seventeen. Si Nelly iyon.”
“At walang asawa…” she said with a sigh. Nakaka-relate siya sa anak ni Janet dahil pareho silang walang ama. Bagaman buong buhay niya ay nariyan ang lola niya at hindi siya kinulang sa pagmamahal. “Bakit hindi pinanagutan si Janet ng lalaking nakabuntis sa kanya?”
“Dinala ng mga magulang ng lalaki ang anak nila sa ibang bansa nang malamang nakabuntis ito. Can’t blame them. They’re both sixteen at that time. Nasa huling taon sa high school. Pero nahinto dahil nga nagdalang-tao si Janet…”
Wala sa loob na dinama ni Caroline ang impis pang tiyan. Nais din niyang maka-relate sa sinapit ni Janet. Although hindi naman alam ni Shane ang kalagayan niya nang magkagalit sila. At hindi na niya malalaman pa kung ano ang magiging reaksiyon nito sa kalagayan niya. O ng mga magulang nito.
Ang kaibahan, they weren’t sixteen-year-olds.
“So, what happened?”
“Ayon kay Adelle ay puno ng inferiority complex si Janet. Hindi na gustong tapusin ang huling taon sa high school nang makapanganak dahil sa kahihiyan. At hindi rin naman interesado ang ama nito na himukin ang anak na mag-aral muli. At ayon kay Adelle, walang araw na hindi sinisinghalan si Janet ng papa nito dahil sa pagkakaroon nito ng bastardang anak.
“Lumaki si Nelly na laging naririnig ang sermon ng lolo sa ina. Kasama na rito ang ilang pananakit kapag sumasagot sa ama si Janet. And Adelle’s mother couldn’t do anything. Hindi nito naawat ang papa ni Janet kapag ganoong galit sa anak. Kabilang sa old-school ang ama ni Janet. Labis na napahiya sa mga kakilala at kaibigan…”
“What about Nelly’s relationship with her grandfather?”
“Malayo ang loob ng papa ni Janet sa apo. Lalo na kapag may bisita ito at nakita ang bata ay laging sinasabing: ‘Nasaan na ba ang ama niyang apo mo?’ Tulad ng ginagawa nito kay Janet ay sinisinghalan nito si Nelly tuwing nakikita. There were times na nahuhuli ng mama ni Adelle na sinasaktan nito ang bata. At walang magawa si Janet dahil takot sa ama, maliban pa sa wala silang pupuntahan kung aalis sila.
“Tanging sa mama lang ni Adelle malambot ang loob ng papa ni Janet. Kahit kay Adelle ay hindi ito malapit bagaman hindi naman malupit ang trato kay Adelle kung ikokompara sa trato nito sa sariling anak at apo…”
Ilang sandaling katahimikan ang pinalipas ni Matt bago ipinagpatuloy ang pagkukuwento. “Adelle was twenty-two and Janet was twenty-seven when their parents died. Aksidente sa kalye. Nelly was ten years old. At gayon na lang ang gulat ng dalawang mag-stepsister nang lumapit si Nelly sa coffin ng lolo at sumigaw ng: ‘Mabuti nga sa iyo at namatay ka na!’ sa mismong pandinig ng mga nakikiramay…”
“Oh, my god!” Napatutop sa dibdib si Caroline. “Nagtanim ng galit ang bata.”
Tumango si Matt. “Nakakalungkot man ay hindi ko masisisi ang bata. Lumaking walang pagmamahal. Even Adelle’s attention was rejected no matter how she tried. Lagi lang itong nakagitgit sa ina kahit hindi naman nagawang ipagtanggol ni Janet ang anak sa ama kapag sinasaktan ang bata.”
“What happened next?”
“Isang linggo pagkalibing ng mga magulang nina Adelle at Janet nang matanggap ni Adelle ang balita na inatake sa puso ang lolo nito. Hindi marahil nito natanggap ang pagkamatay ng anak. Umuwi si Adelle sa Coron at inasikaso ang lolo. Dalawang linggo ito sa ospital subalit tuluyan ding binawian ng buhay.
“Magkasing-edad kami ni Adelle. At noong panahong iyon ay magkasintahan na kami. Bumiyahe ako ng Coron upang damayan siya. Isang linggo ako roon at nang babalik na ako sa Maynila ay nagpaiwan si Adelle upang asikasuhin ang mga bangka ng lolo niya. Ipinasya ni Adelle na gawing bangkang-panturista ang mga bangkang-pangisda ng lolo niya.
“Two weeks later, bumalik ng Maynila si Adelle upang ipaalam sa akin na nagdadalang-tao siya…” Matt glanced at her. “Ibinigay niya sa akin ang desisyon. Nagpakasal kami sa huwes pagkatapos naming asikasuhin ang dapat asikasuhin…” he concluded with a shrug.
“And Janet?”
“Janet inherited half of his father’s taxi business. The other half went to Adelle as her mother’s heir. Ang perang iyon ay siyang ginamit ni Adelle sa pagpapalago ng negosyo sa Coron. Ang kaibahan, hindi taglay ni Janet ang ulo ni Adelle sa negosyo. Nang mamatay ang ama ay parang nakalaya si Janet mula sa ilang taong paniniil ng ama.
“Naglibot sa buong mundo ang mag-ina. Luho dito, luho roon. Naubos nang naubos ang kaunting salaping naiwan ng ama nito at nalugi ang negosyo hanggang sa ipinagbili na lang ang kompanya ng taxi.
“Habang si Adelle ay nadagdagan nang nadagdagan ang dating apat na bangkang ginagamit sa mga turista. Isang taon pagkakasal namin ay namuhunan kaming mag-asawa sa pagtatayo ng Hotel Hannah ayon na rin sa mungkahi ni Adelle.”
“Ano ang nangyari kay Janet pagkatapos malugi ang kompanya ng taxi?” tanong ni Caroline nang humaba ang katahimikan sa pagitan nila. Bumper to bumper ang traffic, at totoong umuusad ito subalit tila pagong.
“Noong panahong iyon ay paroo’t parito kaming mag-asawa sa Maynila at Coron dahil may isa na akong nabiling franchise ng pizza parlor. Plano naming dagdagan iyon. Sa bahagi ni Janet, nailit ang bahay ng ama nito na matagal na palang naka-mortgage dahil idinagdag ng ama nito sa puhunan sa kompanya ng taxi.
“Nakatira kaming mag-asawa nang panahong iyon sa bahay na minana ko sa mga magulang ko. Nakipisan silang mag-ina sa amin. Iyon ay sa kondisyong pansamantala lang at kapag nakabangon si Janet ay lilipat silang muli ng tirahan. Financially, tinulungan naming mag-asawa si Janet na makabangong muli.
“Subalit walang nangyari. Natuto itong bumaling sa alak. When my wife died, naiwan sa akin ang responsibilidad sa mag-ina. Ako na ang umako sa pag-aaral ni Nelly…” He shrugged and looked at her. “Wala namang problema iyon. Kaya kong magpaaral nang sampung anak sa kolehiyo. Lamang, hindi na talaga nagsikap si Janet na makabangon. She’s starting to show symptoms of becoming an alcoholic.
“Anim na buwan pagkamatay ni Adelle ay iniwan ko sa kanila ang bahay ko sa Makati. Hinayaan ko silang manirahan doon. Maliban sa dahilang binanggit ko sa iyo ay hindi rin makasundo ni Hannah si Nelly. Isa pa, wala naman silang lilipatan kung paaalisin ko sila. So I decided to buy a condo unit in Makati, near Greenbelt. Tatlo ang pizza parlor franchise ko roon…”
“How old is Janet’s daughter?”
“By now, she’s twenty-four. Sampung taon kong pinag-aaral. She should have graduated three years ago. Pero puro barkada ang inaatupag. And there was even a time when…” Huminto ito sa pagsasalita.
Nilingon ito ni Caroline, hinawakan sa braso. “It’s okay if you don’t want to tell me.”
"I want to tell you. You will soon be my wife. Walang dapat ilihim." He smiled at her.
"Isang araw ay tumawag sa akin si Janet at sinabing nasa ospital si Nelly. Sa una'y gusto pang magsinungaling ni Janet. Pero siguro dahil ako ang magbabayad ng ospital ay napilitang sabihin sa akin. Nelly had an abortion. Sa isang quack doctor at nanganib ang buhay kaya napilitan itong magpaospital. Nelly almost didn't make it..."
Napahugot ng hininga si Caroline. Muling dinama ang tiyan. Hindi kailanman pumasok sa isip niya na alisin ang nasa sinapupunan niya. Kahit walang kasiguruhan ang buhay at ang posibilidad na baka hindi niya kayang palakihin ang bata. Kahit alam niyang baka ikamatay ng lola niya iyon.
"No. Hindi mo pag-iisipang tanggalin ang buhay sa iyong sinapupunan, Caroline. Tatlong taon ang kabataan mo sa kanya pero higit kang may gulang. May magandang prinsipyo sa buhay.
Hindi ka rin naman lumaking may kinagisnang ama’t ina pero nagawa mong maging maganda ang buhay mo…“ anito na tila nabasa ang laman ng isip niya.
"May lola ako..."
"She has her mother. Kung ano tayo ngayon ay dahil iyon ang ating piniling landasin. Hinayaan ni Janet na supilin siya ng pagmamalupit ng ama. Pero nakalaya siya nang mamatay ang papa niya. May minanang negosyo at pera.
“Itinuwid niya dapat ang maraming mali. Subalit hindi ginamit ni Janet iyon para sa ikabubuti nilang mag-ina. Ikaw, buong kolehiyo mo ay nasa Maynila ka at malayo sa paningin ni Lola Serafina. Pero nagawa mong lumakad nang tuwid…”
“Hindi maganda ang ginawa kong pagdadalang-taong walang kikilalaning ama, Matt,” she said sadly. “Nagkamali ako. Sinadyang pagkakamali. At sinira ko ang pangako ko sa taong nagpala at nagpaaral sa akin. Wala akong kaibahan sa anak ni Janet…”
Mabuti na lang at hindi umaandar ang traffic dahil binitiwan ni Matt ang manibela at hinarap siya at hinawakan sa balikat. “Huwag mong ihambing ang sarili mo kay Nelly, Caroline. Hindi ko binibigyan ng dahilan ang pagkakamali mo. But you were in love with the father of your child…” mariing sabi nito.
“Lagi na lang ba nating idinadahilan ang pag-ibig kapag nagkakamali tayo?” she said bitterly.
“Don’t patronize me, Matt. Nagkamali si Nelly dahil nagmahal din siya. Tulad ko ay hindi niya nagawang pigilan ang sarili…”
Sumandal si Matt at nagbuntong-hininga. Muling inapakan ang selinyador nang umusad ang mga sasakyan. Pagkatapos ng intersection ay gumanda na uli ang takbo ng trapiko. “Iba ka kaysa sa kanya, Caroline. Ni hindi niya alam kung sino ang dapat managot sa ipinalaglag niya. She was bed-hopping. From one man to another…” He paused and shook his head.
“More than two weeks after she came out of the hospital, naabutan ko siya sa bahay ko na may kasamang ibang lalaki. I threw the man out of the house. Bahay ko pa rin iyon kahit sila ang nakatira. Kung tahimik at aloof si Janet ay siya namang labis na kabaliktaran ni Nelly. Ang masaklap ay hindi kayang suhetuhin ni Janet ang anak. Mas na siya ang mina-manipulate ni Nelly.”
"I'm sorry, Matt. Wala akong maikomento sa bagay na iyan," she said with a sigh. "Hindi ko lang kayang husgahan ang ibang tao gayong ako man ay nagkamali rin. Hindi mahalaga kung ang dahilan ko ay dahil sa pag-ibig. I had premarital sex which I shouldn't have done. Nagkasala pa rin ako, tulad ni Nelly. Ang kaibahan lang ay pinanindigan ko ang bunga ng aking kasalanan."
Hinawakan siya ni Matt sa kamay. "Kapag kasal na tayo, kung ano ang gusto mong gawin sa mag-ina ay ikaw ang bahala. Wala kang maririnig sa akin. Hindi na sila bata, Caroline. Kapag nagtapos si Nelly... graduating siya next semester. Iyon ay kung nagtino sa buong taong ito. Then, makakahanap siya ng matinong trabaho at masusuportahan ang sarili. They can make it on their own."
Nginitian niya ito. "Aha! Naghuhugas ka ng kamay, ha."
"Wala akong responsibilidad sa kanila. I am not even related to them. Kahit si Adelle. Marami na kaming naitulong na mag-asawa sa kanila dahil lamang tumanaw ng utang-na-loob si Adelle sa pamanang tinanggap niya mula sa papa ni Janet, through her mother. Pero natatapos naman ang utang-na-loob. Hindi ito maaaring isakal sa iyo habang-panahon.
“Maraming mga tao ang higit na may karapatang makatanggap ng tulong. At sa nangyayari ay baka ako pa itong nagtulak sa kanila upang maging parasite. In fact, gusto ni Nelly na sa office ko mag-OJT. But I wouldn’t hear of it. Nakikini-kinita ko na ang mangyayari.”
Hindi kumibo si Caroline dahil may katwiran si Matt. Lamang, hindi rin niya alam solusyunan ang sinabi nito. Now, she dreaded the moment that she would be meeting Janet and Nelly.
Gusto niyang sabihing huwag na lang silang tumuloy. Pero nagsalita si Matt.
“We’re here,” anito. Ipinarada ang sasakyan sa tabi ng gate.
39
HINDI napansin ni Caroline na nakarating na sila. Nasa tapat sila ng isang malaking bungalow.
May pantay-tao na bakod at wrought iron gates. Tahimik ang buong kalye at sa uri ng mga bahay na nakikita niya sa paligid ay nasa middle-class family ang mga homeowners.
Nang magbukas ng pinto ng sasakyan si Matt ay sinabayan niya. Lumakad sila patungo sa gate at nag-buzzer ito. Ilang sandali pa ay may lumabas na kabataang babae na sa tingin ni Caroline ay ang kasambahay.
"Sir Matt..." bati ng kasambahay at binuksan ang gate. Sinulyapan nito si Caroline sandali.
"Nariyan ba sina Janet at Nelly?"
"Hindi po umalis si ma'am Janet. Darating nga raw po kayo. Si ma'am Nelly po ay kararating lang at mainit nga po ang ulo, eh."
Matt frowned. "Kararating lang? Mamaya pang alas-sais ang tapos ng klase niya. Alas-tres pa lang."
Hindi kumibo ang kasambahay at isinara ang gate. Hinawakan ni Matt si Caroline sa siko at iginiya. Hindi malaman ni Caroline kung kakabahan siyang 'di mawari. Wala naman sana siyang dapat ipangamba. Sa malaking sala ay naroon ang isang babae sa bahagi ng bar at nagsasalin ng alak.
Sa tantiya ni Caroline, base sa sinabi nitong katandaan sa asawa ni Matt ay marahil nasa kuwarenta y uno. Maganda at mestisahin ito. Naka-dye ang buhok ng light brown. Naka-tight body hugging black jeans at mahabang blusang bulaklakin. Naka-three-inch heels na sandalyas. The woman was good-looking.
“Matt!” she exclaimed. Pero ang mga mata’y agad na natuon kay Caroline. Nagtagal nang ilang sandali bago ibinalik kay Matt ang mga mata. “Ang akala ko’y makapananghalian ka darating. Balak ko na ngang umalis at baka hindi ka na dumating.”
“Hello, Janet. Hindi ba maaga pa para diyan?” Ang tinutukoy nito ay ang baso ng alak na hawak nito.
Niyuko iyon ni Janet, saka humalakhak. “Para kang bago nang bago sa akin, Matt.” Muli nitong sinulyapan si Caroline. “Sino ang kasama mo?”
“This is Caroline. Caroline, si Janet, my stepsister-in-law,” pagpapakilala ni Matt.
“Hello, Janet…” aniya. Nang hindi lumapit si Janet para makipagkamay ay hindi rin kumilos si Caroline. Napansin niya ang biglang pag-ilap ng mga mata nito. Ni hindi sumagot sa bati niya.
“Did I hear Matt’s voice, Mommy?” wika ng papalapit na tinig mula sa isang bahagi ng bahay na nang lingunin ni Caroline ay napahugot siya ng hininga. Napaatras nang wala sa oras at napakapit sa braso ni Matt.
“Nelly…”
“Matt!” nakangising akma itong tatakbo patungo kay Matt. Ilang hakbang mula rito ay bigla itong huminto nang matuunan ng tingin si Caroline. “C-Caroline?”
“Hello, Chanelle…” Sunod-sunod ang dagundong ng dibdib niya. Si Chanelle ang “Nelly” na tinutukoy ni Matt. Napakaliit naman ng mundo, may panlulumong naisip niya.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Chanelle kina Matt at Caroline. Nagtagal ang tingin nito sa kamay niya na nakakapit kay Matt. “W-what are you doing here, Caroline? Bakit… magkasama kayo ni Matt? Ma… mag… kakilala ba kayo?”
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ni Caroline ang sunod-sunod na pagkautal ni Chanelle. At totoong namangha ito nang labis. Kung hindi siya kinakabahan ay baka mangiti siya.
“So, you know each other?” tanong ni Matt at niyuko si Caroline.
Tumango siya at bumitaw sa pagkakahawak sa braso ni Matt. “Magkaklase kami noong nakaraang dalawang semester sa dalawang subject, Matt.”
“Really?” Ibinalik ni Matt ang tingin kay Chanelle at kay Janet. “Magkakilala na rin lang kayo ay hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Janet… Chanelle. Caroline is my fiancée…”
“What?!” bulalas ni Chanelle.
Chanelle’s expression was priceless. Another first. Hindi ang uri ni Chanelle ang mahuhuli sa ganoong pagkamangha at pagka-shock. Mula sa sulok ng mga mata ni Caroline ay napuna niyang napaatras si Janet at naupo sa barstool na tila gustong maglaho roon.
“Ano ang sinasabi mo, Matt?”
“You heard me, Nelly. Magpapakasal kami ni Caroline sa Coron in less than six weeks’ time. Pareho ko kayong imbitado ng mommy mo.”
Janet said something which Caroline failed to catch because it was more of a groan than words. But Chanelle’s shriek was too shrill to miss. Caroline clutched her purse tightly, na para bang pananggalang iyon mula kay Chanelle.
“Nooo!” sigaw nito. “No, Matt. Hindi mo maaaring gawin ito!!!”
“Huminahon ka, Nelly!” saway ni Matt na nagpahinto sa pagsigaw ni Chanelle. “Ano ba ang pinagsasasabi mo? Magkasintahan kami ni Caroline at nakatakda na ang aming kasal…”
“Ikaw ang sinasabi ni Raquel na bagong boyfriend ni Caroline!” anito sa mataas na tono kay Matt. “Hindi mo kilala ang babaeng iyan, Matt. She’s a gold digger. Pinagsawaan na iyan ng ex-boyfriend niya. And he dumped her!”
“Don’t waste your breath, Nelly. Kaya ako narito ay upang ipaalam sa inyo ang aming pagpapakasal habang hindi pa natatapos ang invitation cards. Hindi importante sa akin kung dumalo man kayo o hindi.”
“Hindi ako papayag!” muling sigaw ni Chanelle. “Si Mommy ang pakakasalan mo, Matt! Pinaniwala mo akong si Mommy ang pakakasalan mo!”
Napahawak si Caroline sa dibdib niya kasabay ng paghugot ng hininga. Natakot siya sa nakikitang anyo ni Chanelle. Nanlilisik ang mga mata nito na tila nawawala sa katinuan at nakatingin sa kanya. Nilamon ng matinding galit ang magandang mukha nito.
Napakunot ang noo ni Matt. “Saan mo naman nakuha ang ideyang iyan, Nelly?“Naningkit ang mga mata nito. Her nose flared. “Nang mamatay si Tita Adelle ay kami ni Mommy ang dumamay sa iyo. Kami ang nasa likuran mo. Sa nakalipas na mga taon ay ni hindi ka tumingin sa ibang babae. Si Mommy ang dinadalaw mo rito. Regular mong dinadalaw si Mommy! At umaasa ako na kung mag-aasawa kang muli ay si Mommy iyon.”
“C-Chanelle… hija,” mahinang sabi ni Janet na nagsalita sa kauna-unahang pagkakataon. “M-mali ang iniisip mo, anak. Si Matt ay… ay hindi—”
“Shut up, Mommy!” singhal ni Chanelle sa ina. “Kahit kailan ay mahina ka! Ni hindi mo kayang ipaglaban si Matt sa ibang babae! Tulad din na hindi mo ako kayang ipagtanggol sa pananakit ni Lolo!”
“Chanelle, anak…”
“Shut up! Shut up!” tili nito.
Pinaglipat-lipat ni Caroline ang tingin sa mag-ina. Nanlalaki ang mga mata ni Janet na nakatitig sa anak at lalong nagsumiksik sa sulok ng bar. Bago pa makahuma si Caroline ay humakbang patungo sa kanya si Chanelle na nakataas ang mga braso.
Ni hindi niya makuhang kumilos sa pagkabigla. Kung wala si Matt na iniharang ang sarili sa kanya ay baka nasaktan siya nito.
“Walanghiya ka!” sigaw ni Chanelle. “Kahit saan na lang ay lagi kang nakahadlang sa kaligayahan ko! Una, kay Shane. Ngayon naman kay Matt!”
“Tumigil ka, Nelly!” mariing saway ni Matt at hinawakan ito sa magkabilang braso. Huminto sa pagpiglas si Chanelle. Natilihan. Binawi ang mga braso at saka unti-unting umatras.
Nakabalatay sa mukha nito ang pinagsamang galit at pagkalito. “H-hindi ako makapaniwalang ipinagtatanggol mo ang babaeng iyan. Ang walang kuwentang babaeng iyan! Pagtataksilan ka rin niyan tulad ng ginawa niya kay Shane!”
“Naparito ako dahil kahit paano ay nais kong ibigay sa inyong mag-ina ang respetong ipaalam sa inyo ang pag-aasawa kong muli,” Matt said calmly though anger laced his voice. “Bagaman wala akong obligasyong sabihin sa inyo iyon. Ngayon, kung hindi ninyo kayang tanggapin si Caroline bilang mapapangasawa ko’y kayo ang bahala…”
“We are your family, Matt. Real family if you marry Mommy,” patuloy ni Chanelle na iglap na nagbago ang ekspresyon. Nagmukha itong kawawa.
Ipinagpatuloy ni Matt ang sinasabi na tila hindi nagsalita si Chanelle. “Hindi ko kailangan ang opinyon o pagsang-ayon ninyo sa pagpili ko ng babaeng aking pakakasalan! At si Caroline ang babaeng iyon!” Humakbang ito patungo kay Caroline at hinawakan siya sa kamay at inakay palabas ng bahay.
Humabol si Chanelle sa may pinto. “Hindi ako papayag, Matt! Hindi! Kay tagal na naghintay ni Mommy na siya ang pakakasalan mo! Ginawa ko ang lahat… ang lahat ng paraan upang mabaling ang atensiyon mo kay Mommy…”
Galit na nilingon ito ni Matt. “Ano ang ibig mong sabihin, Nelly?”
Napahinto ito sa gitna ng sala. Gumuhit ang kalituhan sa mukha nito na para bang hindi alam ang sinasabi.
“Just… just that, Matt. Na si Mommy dapat ang pakakasalan mo nang mawala si Tita Adelle. And you will be my father…”
Nagngalit ang mga bagang ni Matt. “Then you’re wrong.” Tumalikod na ito at tuloy-tuloy sa labas ng bahay. Bago sila makalabas ng bakuran ay muling sumigaw si Chanelle.
“Ang sikip ng mundo nating dalawa, Caroline!”
Bahagya niya itong nilingon. At nanayo ang mga balahibo niya sa galit na nasa mga mata nito. Nagpaakay siya kay Matt hanggang sa maipasok siya nito sa sasakyan.
“I’m sorry,” usal ni Matt pagkatapos imaniobra ang sasakyan palayo sa lugar na iyon. “Hindi ko inaasahang magkakilala kayo ni Chanelle…”
Nahahapong isinandal ni Caroline ang sarili sa sandalan. “Hindi ko rin inaasahang siya ang ‘Nelly’ na tinutukoy mo. Sa unibersidad ay gamit niya ang buong pangalan. Walang tumatawag sa kanya ng ‘Nelly.’ Lahat ay ‘Chanelle.’ I think she likes her name that way.”
Inakbayan siya ni Matt at kinabig at hinagkan sa ibabaw ng ulo. “Kalimutan na natin sila. Nagawa ko na ang marapat. Magpapakasal tayo at walang makakapigil niyon.”
“Chanelle was so angry. I have never seen her like that, Matt. Parang nawawala siya sa sarili… iyong uri ng galit sa mga mata niya…”
“She was always unstable.” He shook his head as if something dawned on him.“Oh, well, naisip ko lang ngayon ang bagay na iyon. May dalawang pangyayari may tatlong taon na ang nakaraan. Una’y inanyayahan ako ni Janet na mag-dinner sa bahay at may bisita siyang ipinakikilala sa akin. Family dinner, ayon dito. Ako, si Nelly, at ang bisita ni Janet.
“She introduced us to this man. I cannot even remember the name anymore. Must be Janet’s age. Sa kabilang block nakatira ayon kay Janet. Nang maghawakan ng kamay ang dalawa ay malakas na suminghap si Nelly. Janet ignored her daughter. Sinabi niyang kasintahan niya ang lalaki at may balak silang magpakasal.
“Sukat doon ay nag-hysteria si Nelly. Tinabig lahat ang mga nakahandang pagkain sa mesa. Sinugod ang lalaki at pinagkakalmot. Sinabi niya sa lalaking ako ang pakakasalan ng mommy niya. Lahat kami ay nabigla. Pati ako. By the time na naawat ko si Nelly ay puro sugat ang mukha ng lalaki mula sa mga kuko ni Nelly.”
“G-ganoon siya kabayolente?”
“Sa nakikita ko’y parang may dobleng personalidad si Nelly. The next thing I knew from Janet, the guy left for Dubai. Nakita ko ang sobrang kapaitan sa mukha ni Janet nang sabihin iyon.” Nilingon siya nito. “Paano siyang napaugnay sa inyong dalawa ni Shane?”
Sinabi niya rito ang buong pangyayari. Pati na ang pagiging ex-girlfriend ni Chanelle ni Josh. “Nalulungkot ako para kay Janet. On Chanelle, it’s hard to think that she has a violent streak. Sa school, she basks on the boys’ attention. Always laughing… flirting. Mahirap paniwalaang siya pa rin ang kaparehong Chanelle sa school.” Bagaman may isang pangyayaring nakita na niya itong nagalit sa classmate nilang babae. Pero hindi na niya isinatinig iyon.
“But then, I don’t really know her. Sa dalawang magkasunod na subjects lang kami nagkikita. Most often, iniiwasan kong makipaghunta sa kanya. She doesn’t like me. Nadagdagan ang pagkasuklam niya sa akin nang maging boyfriend ko si Shane…”
“Nasasaktan ka bang nakita mo siya? Thinking na sila na ni Shane?”
Ilang sandali ang pinalipas niya bago sumagot. “Hindi ko naisip si Shane nang makita ko siya kanina. Nagulat lang ako. And, Matt…” she said, glancing at him. “Inaasahan marahil talaga ni Chanelle na ikaw ang mapapangasawa ng mommy niya.”
Matt snorted. “Fat chance. I am not even attracted to Janet. Ganoon din naman si Janet sa akin. Besides, ayoko ng babaeng shirker.”
“Sabi mo ay dalawang pangyayari. Ano iyong isa pa?“Sandaling nag-isip si Matt na sa wari ay hinahagilap sa alaala ang pangyayari. “Noong nakaraang taon ay pinuntahan ako ni Nelly sa opisina at humingi ng allowance. Kabibigay ko pa lang sa kanya, wala pang dalawang linggo. Pero ang sabi niya ay kailangan niya para sa trip nila sa Cebu. Kasama raw sa subject…”
“Yeah, I know that. That was first sem last year. Kasama ako sa trip na iyon. Pero hindi siya kasama.”
Matt shook his head in disbelief. “Hindi ko na nga gustong maniwala. But with Nelly, you can’t reason out. Para maiwasan na lang ang mahabang pagtatalo, gugustuhin ko nang bigyan siya. Dahil kung hindi, she’d get into hysterics…”
Napakunot ang noo ni Caroline. “Pero hindi ba alam ni Chanelle na hindi mo obligasyon iyon sa kanya… sa kanilang mag-ina?”
Matt laughed sarcastically. Mas patungkol sa sarili. “I promised to send her to school when Adelle died. Dahil alam kong iyon ang gusto ni Adelle. Dahil na rin nga sa ang pinagsimulan ng negosyo ni Adelle ay galing sa…” He paused. “… kung tutuusin ay pera ng ama ni Janet,” patuloy ni Matt. “Besides, naging malapit naman sa isa’t isa sina Adelle at Janet. Janet always cling to Adelle whenever Adelle’s father hurt her and Nelly.”
Matt turned his attention on the road. Humaba ang katahimikan na sa tingin ni Caroline ay nawala na sa isip nito ang kasunod na sasabihin.
Hinawakan niya ito sa braso. “What happened next? So Chanelle was asking money for the Cebu trip…”
“She said she needed twenty thousand,” anito at sandali siyang sinulyapan. “And I didn’t have enough cash in my wallet so we both went out of the office to find an ATM. Nasa ibaba lang iyon ng building. Pero out of order ang ATM sa ibaba kaya naglakad-lakad kami upang maghanap ng iba.
“Sa Glorietta ay hindi sinasadyang nakita ni Nelly si Janet na may kasamang lalaki papasok sa isang restaurant. Agad akong hinila ni Nelly patungo sa restaurant. Sa loob ay nagulat pa si Janet nang makita kami. Nakita ko kaagad ang takot na lumatay sa mukha niya. Sapilitang ipinakilala ni Janet sa amin na kaibigan nito ang lalaki. Subalit sobrang showy ang lalaki at talagang nakaakbay ito kay Janet kahit sa loob ng restaurant.”
“What happened?”
“Bago ko mapigilan si Nelly ay nadampot na niya ang isang baso sa katabing mesa at ibinato sa lalaki…”
“Oh.”
“Pagkatapos ay pa-hysteria na nagsisigaw na ako ang fiancé ng mommy niya. Nakuha na ni Nelly ang atensiyon ng manager at crew ng restaurant. Ako na ang humingi ng paumanhin at sapilitan kong inilabas sa restaurant si Nelly kasunod si Janet.” Matt paused.
“Sa dalawang pagkakataon, inakala kong idinahilan lang niya ako upang lumayo ang sino mang lalaking mapapaugnay sa mommy niya. Kind of possessive, I thought. Hindi ko inakalang inaasahan niyang ako ang magiging asawa ni Janet. Until today…”
“Yeah. All along, inaasahan niyang ang mommy niya ang magiging pangalawang asawa mo. Ang sabi niya ay dinadalaw mo si Janet parati…” she said.
“Hindi naman parati.” Nilingon siya ni Matt at nginitian. “Pero totoong dinadalaw ko paminsan-minsan si Janet for two reasons. Una, para i-check ang maintenance ng bahay. Every now and then ay may inirereklamo si Janet na diperensiya na kailangang ayusin. Isinasabay ko na rin ang paghahatid ng allowance nilang mag-ina kung hindi ko naipadadala iyon sa messenger.
“Magmula nang mangyari ang pagkahuli ni Nelly sa ina sa Makati ay lalo nang hindi gustong umalis ng bahay ni Janet. Pangalawa ay kapag tinatawagan ako ni Janet upang idaing ang anak. Naroong hindi ito umuwi… naroong nahuli niya itong may pinatulog na lalaki sa bahay…” Matt shook his head disgustedly.
“Kinakausap mo ba naman si Chanelle?”
“Countless of times. Pero tumatawa lang. Mahaba na ang dalawang minutong itinatagal ng pakikipag-usap ko at tinatalikuran ako…” Matt said tiredly. “Hindi ko talaga lubos-maisip kung paanong naging responsibilidad ko silang mag-ina, Caroline. I am a father. Pero hindi ako binigyan ni Hannah ng suliranin growing up. Oh, well, maliban sa mga normal na kapilyahan ng isang bata.
“But Chanelle?” He shook his head wearily. “She’s a bitch. A real… pain in the ass.” He grinned this time. “Forgive my French.”
She smiled back. “Nariyan na iyan, Matt. Wala akong maisip na solusyon. You can’t turn them away. Marahil kapag nagkatrabaho na si Chanelle…“o nakapag-asawa.Hindi niya itinuloy ang idinugtong ng isip. Sa kabila ng lahat, hindi niya gustong ang uri ni Chanelle ang mapapangasawa ni Shane. It still brought so much pain in her heart. Pero natutuhan na niyang pakibagayan iyon.
“Kapag ninais kong putulin ang ano mang financial support sa kanila ay wala silang magagawa, Caroline. Nakatira na sila sa bahay ko… for life. At least, for Janet. But the moment Chanelle gets married, she has to leave the house.”
**********Grabe naman pala yan si Chanelle, gigil mo ako gurl char hahahaha. Kumusta kayo mga beshie? Stay safe and God bless mga beshies. -Admin A
Ampunin mo na ako Daddy Matt char hahahaa - Admin A *********
40
MULA sa mesa niya sa opisina ay marahas na napatayo si Shane. Tinitigan si Mike.
“After three and a half months, why are you telling me this now?” Ang mahinahon at kontroladong pagbigkas ng mga salita ay kabaliktaran sa nakikitang anyo ni Shane. Nag-iigting ang mga bagang niya at nagngangalit ang mga ngipin. At galanggam na lang ang tingin niya sa kaibigan.
“Hindi ko kayang tingnan ang ginagawa mo sa sarili mo, Shane…” Mike said with so much regret in his voice. “Ang laki na ng ibinawas ng timbang mo. Nilulunod mo ang sarili mo sa labis-labis na trabaho. Hatinggabi ka na halos kung umalis dito sa opisina. At kung hindi sa trabaho ay sa alak naman. You almost got yourself killed a week ago. Your parents are worried…”
Sunod-sunod ang ginawa niyang paghinga. Kumuyom ang mga kamay. “Pagkatapos ng ginawa mo ay nag-aalala ka sa akin? Sa mga magulang ko? And you expect me to believe that?”
“Sa maniwala ka o hindi, nakadarama ako ng panliliit tuwing kinakausap ako ng papa mo. And I am honestly worried about you…”
Halos sumisingasing si Shane sa galit na unti-unting umahon sa dibdib niya kanina pa nang magsimulang magkuwento si Mike. Kailangan niyang payapain ang sarili bago pa siya makapatay ng tao.
Ni hindi halos makatingin sa kanya ang kaibigan. Yukong-yuko ito. "Patawarin mo ako, Shane. Pinagsisisihan ko ang lahat. I was so obsessed with her. I wanted her even when she was Josh's girlfriend..."
Umikot si Shane sa kinauupuan ni Mike, pinitserahan ito at marahas na hinila patayo. "Some people were murdered for less, Mike. I could kill you right now!" he said furiously. Halos mabasag ang mga bagang sa pagtatagis. "You are my friend... almost my brother. My father treated you like a son. Wala kang hininging pabor sa akin na hindi ko pinagbigyan. Tinutulungan kita sa kolehiyo kapag kinakapos ka. At nilimot ko iyon! You son of a bitch!" Ibinalya niya ito at isang malakas na suntok ang pinakawalan niya na tumama sa ilong ni Mike.
Bumalandra sa dingding si Mike. Napigtal mula sa hinges ang dingding na plastic. Nakuha ang atensiyon ng mga empleyado. Muli niya itong inundayan ng kasunod na suntok at natumba sa sahig si Mike. Maririnig ang malakas na singhapan at bulungan ng mga naroroong empleyado.May tumawag marahil kay Mr. Malvar dahil mamaya pa ay naroon na ito sa entrada ng booth. Nanlalaki ang mga mata sa nakitang pagkasira ng booth. Lalo nang namangha nang makitang duguan ang bibig at ilong ni Mike at nakahandusay sa sahig.
"What happened here?" gulat nitong tanong. Pinaglipat-lipat ni Mr. Malvar ang tingin sa kanilang dalawa. Lumakad ito patungo kay Mike at iniabot ang kamay rito upang tulungan itong tumayo.
"Leave him, Papa!" ani Shane sa mariing tono. Nag-iigting ang mga ugat nito sa leeg sa matinding galit. "Terminate this fuck of a man! Make him sign a waiver..."
Nanlaki ang mga mata ni Mr. Malvar. "I can't do that! We can't just terminate an employee on a whim, Shane. Kung ano man ang hindi ninyo—"
"Kung hindi mo gagawin iyon, Papa, ay ako ang magre-resign!" putol niya sa sinasabi ng ama. "You will never see me in this office ever again!"
MAANG na tinitigan ni David Malvar ang anak. He had never seen his son this furious. At hindi bayolenteng tao si Shane. At ang sinaktan ng anak ay ang mismong matalik nitong kaibigan. Mr. Malvar was instantly alarmed. Sumisidhi na ang epekto ng pagkawala ni Caroline sa buhay ni Shane.
His son was getting out of control. Ang masaklap nito ay wala silang magagawang mag-asawa. Bagaman pagdating sa trabaho ay walang masasabi kay Shane. Nilulunod nito ang sarili sa trabaho. Pero sino ang nakakaalam sa susunod na gagawin ng anak?Masayahing tao si Shane. Idinadaan sa biro ang mga bagay na nakakabigat sa isang tao. Matulungin sa kapwa. Sa nakalipas na tatlong buwang mahigit ay biglang nagbago si Shane. Naging malulungkutin ito. At madaling mawalan ng pasensiya at agad na nagagalit kahit sa mumunting bagay.
Minsan ay umuwi ito na may sugat sa kanang pisngi. Pahabang sugat. Nataranta ang mama ni Shane at balak isugod sa ospital ang anak subalit tumanggi ito. Si Mrs. Malvar na lang ang gumamot sa sugat na ayaw namang sabihin ni Shane kung saan nagmula.
Agad nahinuha ng mag-asawa na babae ang dahilan ng biglang pag-iiba ng ugali ng anak. Kaya itinanong minsan ng mag-asawang Malvar nang nasa hapag-kainan sila kung kumusta na si Caroline. Bigla ang pagsiklab ng galit ng anak at marahas na tumayo. Muntik nang matumba ang silya nang kabigin ni Shane paatras iyon.
“Huwag na ninyong mabanggit-banggit ang pangalan ng babaeng iyon!” Iniwan nito ang mesa at pumasok sa sariling silid.
Natiyak ng mag-asawang Malvar na nakagalit nito si Caroline. Umaasa silang pagkalipas lamang ng ilang araw ay magkakaayos ang dalawa. Subalit tatlong buwan at kalahati na ang lumilipas ay nanatiling iba si Shane.
Nais sana nilang kausapin si Caroline subalit nag-atubili ang mag-asawa. Minsan pa lang nilang nakita at nakausap si Caroline. Hindi naman talaga nila ito kilala maliban sa mga kuwento ng anak.
Though she seemed like a good woman, sa kabila ng kabataan. Subalit kinakabahan ang mga itong makialam sa pag-aalala sa magiging reaksiyon ni Shane. Baka hindi nito mabutihin iyon.Sa halip, sa nakalipas na mga linggo ay may maliliit na party sa kanilang bahay at imbitado ang mga dalagang kaibigan ng kanilang mga kumare’t kumpare. Karamihan din sa mga iyon ay mga kilala ni Shane at ang ilan sa mga kadalagahan ay sadyang nagpapakita ng pagkagusto rito.
Shane was polite. Pero hanggang doon lang. Pagkalipas lamang ng dalawang kasiyahang ginanap sa bahay nila ay kinausap silang mag-asawa ni Shane. Sinabi sa kanila na tigilan na ang ginagawa dahil kung hindi ay lilipat ito ng bahay at mangungupahan na lang.
Halos dito na nakatira sa opisina si Shane. Aalis nang maagang-maaga para pumasok at uuwi nang maghahatinggabi. Kadalasan ay nakainom. Paglabas sa opisina ay dumadaan marahil ito sa isang pub at doon umiinom at nagpapalipas ng oras.
Pinaalalahanan na ito ni Mrs. Malvar na baka maaksidente sa daan kapag nagmamaneho ng motorsiklo nang lasing. But Shane ignored it all. Hanggang sa tawagan sila ng mga awtoridad at ipaalam na nasa presinto si Shane dahil nakipagbabag sa isang bar.
Puno ng pag-aalala ang mag-asawa nang magtungo sa presinto. Nakita nilang may pasa ang isang bahagi ng mukha ng anak. Ayon sa mga pulis ay nakipag-away ito sa ilang customer sa isang bar.
Natuklasan din nilang isa sa tatlong nakaaway ni Shane ay dinala sa ospital dahil sa mas malubhang pinsalang ginawa nito. Ayon sa sinasabi ng mga pulis ay tatlo ang nakalaban ni Shane. Kung hindi tumestigo ang mga waitress at ang bartender na ang tatlo ang naunang gumawa ng gulo ay baka may kaso pang inaayos si Mr. Malvar.
At ngayon, isang linggo pagkatapos ng rambol sa bar ay si Mike naman. Niyuko ni Mr. Malvar si Mike. Sinaktan ng anak ang kaibigan nitong matalik. Nababahalang nag-angat siya ng tingin kay Shane na palakad-lakad sa loob ng opisina. His nose flared in anger. Parang gusto niyang pagsisihang pinahintulutan niyang mag-aral ng martial arts ang anak. Nagagamit nito iyon nang walang pagsasaalang-alang.
“I’ll… tender my resignation, sir…” mahinang sabi ni Mike sa tinig na puno ng pagsisisi. Pinahiran ng likod ng palad ang duguang mukha at tumayo. Sinulyapan si Shane sa nanlulumong anyo. “Alam kong hindi mo ako mapapatawad, Shane. But I—”
"Tama ka, Mike!" Shane turned to his friend and looked at Mike with hatred in his eyes. "Hindi kita mapapatawad. Sinira mo ang buhay ko... namin ni Caroline. So, get out of here, you snake! Mientras kaya ko pang pigilin ang sarili ko. At kalimutan mong naging magkaibigan tayo!"
Lulugu-lugong lumakad patungo sa pinto si Mike. Bago lumabas ay nilingon nito si Mr. Malvar. "Patawarin n'yo rin po ako. Dahil sa maling obsesyon ay sinira ko ang pagkakaibigan namin ng anak ninyo. You will have my resignation, sir, in a couple of minutes." Tuluyan na itong lumabas.
Hinarap ni Mr. Malvar ang anak. "What is it, Shane?"
Shane raised his hands. "Ayokong pag-usapan, Papa. Gusto kong mag-isip. Pag-isipan kung paano maitutuwid ang aking malaking pagkakamali sa kaisa-isang babaeng minahal ko."
41
“SHANE!” manghang bulalas ni Raquel nang mapagbuksan ng pinto si Shane.
"Maaari ba akong tumuloy?" Nakikiusap ang tinig niya.
Nang maka-recover sa pagkabigla ay itinuwid ni Raquel ang katawan. "Ano ang ginagawa mo rito, Shane?" Ang tinig nito ay pormal. Walang kainte-interes na makita siya na tila siya isang salesman at hindi nito gusto ang iniaalok niya.
Nakita niyang bahagya lang ang awang ng pinto ng sala. Walang balak si Raquel na papasukin siya. Hindi niya ito masisisi. She was Caroline's best friend, along with Lovelle.
“Gusto kong makausap si Caroline, Raquel. Please…”
“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa iyo, Shane. Wala akong maapuhap na sasabihin sa iyo,” Raquel said. “At kung susundin ko ang damdamin ko ngayon, gusto kitang suntukin…”
“Raquel, please…” He was almost begging. “Kung kailangan kong lumuhod para makausap ko lang si Caroline ay gagawin ko.”
Iwinasiwas nito ang kamay. She looked at him condescendingly. “Oh, there’s no need for that. Walang silbi ang ano mang gagawin mo.”
"Nais kong humingi ng tawad..."
"You are almost three months too late, Shane," ani Raquel. Sadness laced her voice.
Kinabahan si Shane. "Ano ang ibig mong sabihin?"
Raquel stared at him. "Wala si Caroline dito, Shane. Kasama ng fiancé niya upang kunin ang damit-pangkasal niya."
“Fiancé?” Parang tinarakan ng punyal si Shane sa narinig.
"Yes. Fiancé," pagdiriin ni Raquel, enjoying the shock on Shane's face. "Ikakasal na si Caroline sa katapusan. Sa Coron, Palawan. Tagaroon ang mapapangasawa niya. She's happy now, Shane. Pagkatapos ng maraming gabing pagluha sa ginawa mo. At sana'y hindi ka narito para sirain ang kaligayahan nilang dalawa..."
He was gaping at Raquel. Staring at her without really seeing her. Kung matinding sakit ang idinulot ng paghihiwalay nila ay wala nang tatalo pa sa nararamdaman niya sa mga sandaling iyon—Caroline was marrying another man. Parang may humablot sa puso niya at tinanggal iyon mula sa mga arteries at sa iba pang pinagkakabitan niyon.
"Pero hindi ko gagawin ang ginawa mo," ani Raquel na nagpakurap sa kanya at bumalik ang atensiyon niya rito. "Hahayaan kong si Caroline ang magpasya. Kahit alam kong sa gagawin ko'y posibleng masira ang isang nagsisimulang magandang ugnayan. Na posibleng may isang taong masasaktan nang labis. Pero hindi ko hawak ang buhay ninyong tatlo. At ayokong dumating ang panahong sisihin ako ni Caroline kung bakit hindi kayo nakapag-usap."
Sinulyapan ni Raquel ang motorsiklo sa labas ng gate. “Ipasok mo ang bike mo at dalhin sa gilid ng bahay. Gusto kong ako ang magsabi kay Caroline nang hindi siya nabibigla dahil nakita na niya kaagad ang bike mo.”
Nilingon nito mula sa bintana sa loob ng apartment ang gilid ng bahay. “Doon mo hintayin si Caroline. They’ll be here anytime. Dito sila manananghalian. Kung gusto mong maghintay…” Idinagdag na lang nito ang huling pangungusap sa paraang mas nanaisin nitong umalis na lang siya. Pagkasabi niyon ay tumalikod si Raquel bagaman iniwang nakabukas ang pinto.
Para pa ring itinulos sa kinatatayuan si Shane. Hindi agad makahuma sa mga narinig. Ikakasal si Caroline!
“WHAT’S lunch, Raqs?” bungad ni Caroline na nagtaka pa kung bakit nakaawang ang pinto ng apartment. Wala ni isa sa kanilang magkakaibigan ang gagawa niyon. Kahit si Nemia na mahigpit nilang binilinan.
Mula sa kusina ay sumungaw si Raquel. Binati si Matt. “Hi, Matt.” Ni hindi makuhang ngumiti ni Raquel. Puno ng kaba at agam-agam ang dibdib. Nakadama na kaagad ng simpatya kay Matt sa nagbabantang pagkikita nina Caroline at Shane.
“Masarap ang naaamoy ko,” nakangiting sabi ni Matt. Bitbit nito ang isang mahabang puting kahon na pinaglalagyan ng damit-pangkasal ni Caroline. Inilapag nito iyon sa mahabang sofa.
“Asado sa kamatis,” sagot ni Raquel, sinulyapan si Caroline na tinanggal ang shoulder bag at itinabi sa malaking kahon. “It’s almost done. In ten minutes. Nagpaprito rin ako ng lumpiang shanghai kay Nemia.”
“Sarap!” nakatawang sabi ni Matt. “Bumili na rin kami ng choco mousse sa bakeshop sa Greenhills for dessert…” His voice trailed off. Unti-unting nahawi ang ngiti ni Matt, nahalinhan ng kunot ng noo. “Hey. You looked tense. Something wrong?”
Ang akmang pagbubukas ni Caroline ng puting kahon ay napigil at nilingon ang kaibigan. “What could be wrong? Bakit nga pala nakabukas ang pinto nang dumating kami? Nanakawan ba tayo?” biro niya.
“Maaari ba tayong mag-usap sandali, Caroline?” Sinulyapan nito si Matt sa nag-aalalang tingin.
“Should… should I leave?” naguluhang tanong ni Matt.
“No, that’s silly,” ani Caroline, smiling at him. “Maupo ka diyan at sandali lang ito.” Lumakad siya patungo sa kusina at sinundan si Raquel na nagpauna. Sa maliit na kusina ay naroon si Nemia at nagpiprito ng lumpia. Ang mesa ay nakahain na para sa tatlo.
“Ano’ng problema?” Caroline asked.
Humugot muna ng malalim na hininga si Raquel bago sumagot. “Nasa gilid ng apartment si… Shane. Hinihintay ka,” anito sa halos pabulong at nag-aalalang tinig.
Caroline couldn’t have been more shocked if a bomb had exploded around them. Sinulyapan niya ang bintana sa kusina bagaman wala naman siyang natatanaw mula roon. Shane must have parked his bike farther.
Instantly, nanginig ang mga tuhod niya at sunod-sunod ang kabog ng dibdib niya.
“Gusto ka niyang makausap. Sinabi kong ikakasal ka na. Ayoko siyang itaboy dahil nasa sa iyo ang pagpapasya…”
Nag-init ang sulok ng mga mata ni Caroline. She blinked them back. Bit her lip.
“Ayokong makialam sa pasya mo, Caroline. Kung ako ang nasa kalagayan mo ay hindi ko rin alam ang gagawin ko. I hate to be in your shoes right now.” Puno ng simpatya ang tinig ni Raquel.
“Ano na nga iyong sinasabi nila?” gumagaralgal niyang sabi. “Kapag hindi mo alam ang ipapasya ay sundin ang puso?” It was almost a joke had it not been for the raging emotions she felt right now.
Raquel rolled her eyes. “I don’t believe in that. The heart will deceive you. That’s biblical.“Caroline smiled bitterly. Kapagkuwa’y muling lumabas patungo sa sala. Nanatiling nakatayo si Matt sa mismong pinag-iwanan niya rito. Nakabalatay sa mukha nito ang pagkabahala.
“May… problema?”
Tumango siya. Sunod-sunod ang hugot niya ng hininga.
Tinitigan siya ni Matt nang mataman. “Pinakakaba mo ako, darling…” Nilapitan siya nito at hinawakan sa mga balikat. “What is it?”
“Na… nasa likod ng apartment si… Shane. Gusto niya akong makausap…” She swallowed the lump in her throat. Nakita niya ang pagkabigla sa mga mata ni Matt. Pagkatapos ay ang paghahalili ng iba’t ibang damdamin.
Nasa anyo nito ang pagkawalang katiyakan. Kalituhan. Pag-aalala. At takot. Alam ni Caroline kung para saan ang takot na iyon. Her heart ached for him. Hindi marahil niya ito iniibig katulad ng pag-ibig niya kay Shane subalit mabuting tao si Matt. Wala siyang karapatang saktan ito pagkatapos ng mga ginawa at gagawin pa nito para sa kanya.
“Now, should I really leave?” It came out almost as a whisper.
Sinalubong ni Caroline ang mga mata nito at umiling. “No. Please, hintayin mo ako. Kakausapin ko lang siya. Gusto kong ibigay sa kanya ang hindi niya ibinigay sa akin. Ang makapagpaliwanag…”
Bagaman tumango si Matt ay nakita niya ang matinding insekyuridad sa mga mata nito. Halos hindi nito pakawalan ang kamay niya nang tumalikod siya at tinungo ang main door.
42
Caroline saw him. He stood there with his arms folded and legs astride. Nakasandal ito sa malaking bike. Then he saw her. And was suddenly tensed. Bigla’y umangat ang katawan nito sa pagkakasandal sa bike.
Napahinto si Caroline sa paghakbang. He looked at her from the distance that separated them. Her heart was beating too fast that she feared of a cardiac arrest any moment. Humakbang siya palapit dito. The so familiar and beloved face. Mukhang kay limit niyang haplusin. Mukhang napakaraming gabi niyang inasam na makitang muli sa nakalipas na mga buwan.
At sa panahong hindi na ito dapat pang nagpakita sa kanya ay dumating si Shane. Pinigil niya ang sariling takbuhin ito at yakapin. Gusto niyang bumulalas ng iyak. But she kept her calm and composure.
Tatlong hakbang mula rito ay huminto si Caroline. His face mirrored what she felt. Then he spoke first. “You lost weight…”
The same old voice. Inililipad ng banayad na hangin ang buhok nito. Ganoon pa rin, may kahabaan. She remembered the way she ran her fingers through his hair. Loving it. At napansin niya na nagbawas din ito ng timbang. Bahagyang humumpak ang mga pisngi nito.
“Ikaw rin,” sabi niya.
Napansin niya na wala ang ningning sa mga mata nito. And he was staring at her as if he wanted to cry and take her in his arms but held himself. Then she saw the faint scar on her cheek, malapit sa panga.
“Bakit ka may pilat sa pisngi?” Stupid her, pero hindi niya maiwasan ang pag-aalala sa tinig niya. She wanted to come nearer… to touch the faint scar.
He shrugged. Na para bang hindi iyon mahalaga sa mga sandaling iyon. “Huli na ba ako?” he asked in a broken voice.
Tumango si Caroline. Nagsisikip ang lalamunan. She still loved him so. Never stopped loving him. And missed him so. Gusto niya itong yakapin at mag-iiyak sa dibdib nito at matuwang nagbalik ito. But she held herself and stood still.
“I missed you so much,” he said emotionally. “Walang araw na nagdaan na hindi ikaw ang laman ng isip ko. Nagagalit. Nagtatanong. Pero nagkamali ako…”
“Yes…” sang-ayon niya, and bit her lip. “Malaking pagkakamali.”
“Humihingi ako ng tawad, Caro…” he said. “Umaasa akong kaya ko pang habuling maibabalik ko sa dati ang lahat.”
“You are so unfair, Shane.”
“Nagkamali ako. Inaamin ko ang pagkakasala. Patawarin mo ako.” His pain etched on his face.
“Kinain ako ng matinding paninibugho. That night… when I so wrongly thought you were with… Jessie, I felt like dying…”
Caroline ached for him. For them both. “Mapapatawad ko iyong hindi mo ako pinaniwalaan dahil narito ka at hindi talaga ako nagising. Sabi nila, lahat ng sirkumstansiya ay nagtuturong kararating ko lang. Mapapatawad ko iyong hindi mo pagsagot sa mga tawag at texts ko—”
“In my anger and jealousy,” putol nito sa sinasabi niya, “inihagis ko ang cell phone ko nang huling manggaling ako rito,” he said, feeling like a fool.
“You were supposed to give me the benefit of the doubt, Shane. Iyong chance na patunayang mali ka. I love you… gave myself to you when I am not supposed to do that!” Now there was anger in her voice mixed with her pain.
“Pero iyong nag-swimming kayo kasama si Chanelle habang hinihintay kong tawagan mo ako ang hindi ko kayang palampasin. Nagpakasaya ka nang husto sa piling ng babaeng iyon. Hindi ko mapapatawad ang kataksilang iyon, Shane. And you were accusing me of infidelity… of spending the night with Jessie…”
Shane opened his mouth to say something. But closed it again. Good. At least he had the decency not to lie. Hindi niya gustong marinig ang kasinungalingang sasabihin nito. Nakatayo ito roon at nanatiling nakatitig sa kanya. Pinigil niya ang sariling hawakan ang tiyan dahil humagod ang mga mata ni Shane sa kabuuan niya. Puno ng pananabik… at the same time his eyes were filled with so much pain and regret.
Kinabahan si Caroline na baka mahalata nito na nagdadalang-tao siya. She was glad she was wearing a loose blouse. Bagaman hindi pa naman gaanong halata ang nasa tiyan niya.
She bit her lip. She blinked back the tears. Oh, god, baby, this is your father!
“I love you, Caro… I have always loved you…”
“If it makes you feel better, Shane, I love you, too. So much. Pero hindi ka nagtiwala sa akin…” she croaked and smiled bitterly, holding back the tears. Kung magtatagal pa silang mag-uusap ay baka bumigay siya.
“Ikaw ang nagtaksil, Shane. Hindi ako. And I can’t turn my back on him. Kahit na mahal pa rin kita. Yes, I will be walking down the aisle wishing it was you on the altar.” She choked on the last sentence, not wanting to cry. “At nakahanda na ang lahat para sa aming kasal. Hindi ko man siya mahal ngayon baka matutuhan ko rin siyang mahalin bukas.”
“But you just said you loved me?” There was protest and pain in his voice. He even moved a step forward.
Subalit inawat niya ito at humakbang siya paatras. “Don’t, Shane. Please. May mga bagay sa mundong ito na higit na mahalaga kaysa sa damdamin ko sa iyo. Isa na roon ang dangal ng aking salita at pagpapahalaga sa taong walang kondisyong nagmamahal sa akin.”
Good-bye, my heart. Tumalikod siya, ignoring the tears she saw in his eyes.
Halos gusto niyang takbuhin ang pabalik sa sala. Pabalik kay Matt. Sa katiyakan ng pag-ibig nito sa kanya. But she walked in an unhurried manner. Endured the unbearable pain in her heart. Shane wouldn’t know that, again, he had broken her heart into pieces.
“Caro…”
Nilingon niya ito. Wala siyang pakialam kung nakikita na nito ang mga luhang malayang umaagos sa mga pisngi niya.
“What’s his name?”
She sniffed. “Matt… Matthew Barcelona.” Sa pagkakataong iyon ay minadali niya ang mga hakbang pabalik sa main entrance ng apartment.
43
MATT was pacing around the room when Caroline entered the living room. Isinara ni Caroline ang pinto pagkapasok at sumandal roon. Pareho nilang narinig ang arangkada ng motorsiklo at ang paglabas niyon sa gate.
For a while, they stood there staring each other. Malayang umaagos ang mga luha sa mga pisngi ni Caroline na nagpabiyak sa puso ni Matt.
“Are you all right?” Matt asked gently. Sa pakiramdam niya ay tumanda siya nang maraming taon at nanghihina. Fear and uncertainty filled his chest. He had never felt this way in all his life. Until now. Because of this woman that he loved so much.
Sapilitang tumango si Caroline. Nilapitan niya ito. Itinaas ang baba at hinagod ng tingin ang mukha. He'd etched her face in his heart until his last breath. Pinunasan niya ng mga palad ang mga luha nito.
"Lagi mong ginagawa iyan. Tumatango gayong hindi," he said. "You love him still?" It was more of a statement than a question.
"Do you want me to lie?" she whispered.
Yes, lie! Dammit, lie if you must. Please… please… Matt thought desperately.
But he shook his head instead. Matagal na niyang tinanggap na may ibang lalaking nagmamay-ari ng puso ni Caroline. Umaasa siyang sa pagpapakasal nila ay magagawa niyang ibaling ang pag-ibig nito sa kanya. Kahit na ikamatay niya ang pagsisikap na iyon.
But he’d be a fool if he wanted her to lie. “Inihanda ko na ang sarili ko sa sandaling ito.” Nagpakawala siya ng hininga para lumuwag ang dibdib niya. “Matagal ko nang naisip ang posibilidad na magkikita kayong muli… at posibleng magkasundo.”
“I love him so,” she whispered in the brink of another tears.
“And?” he asked painfully. Tila may dumagok sa dibdib niya.
“Hindi ko nais pang balikan ang nakaraan, Matt. Sinaktan niya ako. He didn’t even lie about Chanelle.”
Matt’s sigh of relief echoed around the four corners of the living room that it almost weakened his knees.
“Ikaw?” Tumitig si Caroline sa mga mata niya. “Mamahalin mo pa rin ba ako kahit alam mong mahal ko pa rin siya? Na taglay ko sa sinapupunan ko ang katibayan niyon?”
“I’ll take my chance, Caroline. Gagawin ko ang lahat ng paraan para malimot mo siya. And then, mamahalin mo rin ako. Hindi marahil katulad ng pagmamahal mo sa kanya pero mamahalin mo ako. Hihintayin ko ang sandaling iyon. At ako ang kikilalaning ama ng dinadala mo,” he said with conviction.
“Then hold me, Matt. Hold me. Don’t let me go.”
Niyakap niya ito nang mahigpit. Kung maaari lang niyang mapahinto ang orasan sa mga sandaling iyon habang kayakap niya ito ay gagawin niya.
Caroline cried unabashedly. Sa dibdib niya. Walang salitang namutawi sa pagitan nilang dalawa sa sumunod na mga sandali. Walang maririnig kundi ang pag-iyak nito... ng buntong-hininga niya at ang pagsisikap na huwag sumabay sa pag-iyak nito.
Matt kissed the top of her head. Holding her tight. And yes, he could let her go. Tumalikod at ipaubaya si Caroline kay Shane. But he’d rather die than do that. Ipaglalaban niya ang pag-ibig kay Caroline hanggang sa huling sandali ng buhay niya.
Hindi niya alam kung tama ang ginagawa. Ang alam lang niya’y iniibig niya ang babaeng ito. And he’d fight for her love. Right or wrong. Patas man o hindi.
MABILIS ang pagpapatakbo ni Shane ng motorsiklo pauwi sa Tagaytay. It was a Saturday. Traffic ang Makati dahil pauwi ang mga tao subalit hindi niyon naawat ang pagsikot-sikot niya sa mga sasakyan. Muntik-muntikanan siyang madagil ng mga sasakyang nadadaanan niya.
The pain was unbearable. The wind whipped his hair and his face. Hindi na niya nagawang isuot ang helmet. Kung mahuhuli siya ng highway patrol, so be it. Iyon ay kung mahahabol siya. They could shoot him for all he care. Kung mamamatay siya, then he wouldn’t be feeling this pain anymore.
Nakapagtatakang hindi nangyari ang minimithi niya. Nakalusot siya hanggang makalampas ng EDSA nang walang sino mang patrol ang humahabol sa kanya. Paulit-ulit sa isip niya ang pangalang sinabi ni Caroline.
Matthew Barcelona.
How could he be so stupid as to let this man steal her heart?
Sa semester ding ito nila binalak magpakasal ni Caroline pagkatapos nilang mamanhikan sa lola nito. Bakit naging iba ang takbo ng mga pangyayari? Bakit sa iba ito magpapakasal? Bakit higit niyang pinaniwalaan ang kaibigan kaysa kay Caroline?
Dahil nakita ng sarili mong mga mata si Caroline na niyakap ni Jessie noong una. Dahil nakita mo ang larawang ipinakita ni Mike na magkasama ang dalawa sa canteen at kulang na lang ay maghalikan sa publiko. At dahil totoong inakala mong kararating lang ni Caroline nang umagang iyon kasama si Jessie sa buong magdamag.
Binulag ka ng matinding panibugho na hindi mo na pinakinggan ang ano mang paliwanag ni Caroline. And because you believed the man you thought was your best friend… a brother almost. The man who ruined both your and Caroline’s life.
And you didn’t give Caroline the benefit of the doubt.
Hindi mo na mababawi pa si Caroline sa mga bisig ni Matthew Barcelona. Ano ang gagawin mo ngayon?
Iyon ang huling nasa isip niya bago niya kinabig ang bike patungo sa kanang bahagi ng daan upang iwasan ang isang pasalubong na sasakyang nag-overtake.
MUKHA ng ina ang namulatan ni Shane. Nasa isang pribadong silid siya ng isang ospital.
"Shane..." wika ng mama niya, may luha sa tinig.
Iginalaw niya ang extremities niya. Naikikilos pa niyang lahat ang mga iyon maliban sa kaliwang braso na naka-cast. Nang igalaw niya ang leeg ay bahagyang sakit ang nararamdaman niya subalit naigagalaw niya iyon.
“You have a fractured arm. Ilang gasgas at bugbog. You were not wearing your helmet. Ipagpasalamat mong sa wire na nakaharang sa pagitan ng service road ka tumilapon…” Tinig ng papa niya iyon.
Nang igalaw ni Shane ang leeg upang lingunin ang pinanggalingan ng tinig ay napansin niyang nasa tabi ito ng bintana. Nakatuon sa kanilang mag-ina ang paningin.
Hindi siya sumagot at ipinikit ang mga mata. Mukha ni Caroline ang gumuhit sa balintataw niya. He groaned.
Hinawakan ni Mrs. Malvar ang kamay niya. “Are you in pain?”
Umiling siya pero hindi nagmulat ng mga mata.
Dinaanan ng tingin ni Mrs. Malvar ang mukha at braso niyang puno ng pasa at gasgas. “Kung ano man ang namagitan sa inyo ni Caroline ay hindi ko na itatanong, anak. But I want you to know that I am truly hurting for you. Pero narito pa rin naman kami ng papa mo, ’di ba?” Mrs. Malvar’s voice broke and started crying again.
Pinunasan nito ng panyolito ang mga mata at pinigil ang pag-iyak. “At nariyan ang ate mo. Alam mo bang maliliit pa kayong mga bata’y malimit kang pagselosan ng ate mo? Na inaakusahan akong mas mahal kita kaysa sa kanya?” She smiled painfully. “But knowing your sister, she loves you to destruction. When you were small, malimit kang madapa. You always have skinned knees at ang ate mo ang malimit gumamot. Noon pa man ay gusto nang maging doktor ni Ate.”
He had skinned his heart, kaya bang gamutin ng ate niya iyon ngayon? Shane thought bitterly.
“At hindi pa tumawag iyon nang hindi ka unang itinatanong. Hindi namin gustong sabihin sa kanya ang nangyayari sa iyo ngayon. Labis na mag-aalala ang ate mo.” She paused, dinala sa ilong ang hawak na panyolito at pinahiran ang ilong.
“At kung ano man ang mangyari sa iyo sa ginagawa mo ay daramdamin naming lahat nang labis. Baka hindi ko kayanin, anak.” Tuluyan na itong muling umiyak.
Shane stared at his mother. Ngayon lang niya natanto sa kauna-unahang pagkakataon kung paano niya pinarurusahan din ang ina… ang pamilya niya. Sa nangyari sa kanila ni Caroline ay idinamay niya ang mga magulang at kapatid.At walang dapat sisihin kundi siya.
He took his mother’s hand in his. “I’m sorry, Mama… Papa…” Sinulyapan niya ang ama na nanatiling nakamasid sa kanila. “Ipagpaumanhin ninyong nadulutan ko kayo ng sama ng loob at alalahanin…”
“Gusto mo bang magtungo muna sa Amerika, hijo?” tanong ni Mr. Malvar. “Dalawin mo ang ate mo. Magbakasyon…”
Umiling siya. “Hindi siguro muna ngayon, Papa. Pero pag-iisipan ko ang sinabi ninyo. Maybe next month. Pansamantala ay may… nais lang akong ayusin…” at makita sa huling sandali, he thought.
He must be a masochist. Nais niyang ihatid ng tingin si Caroline sa gagawin nitong pagpapakasal sa ibang lalaki. Even if it would kill him.
He wanted to talk to the man who stole his heart.
He didn’t steal your heart, Shane, wika ng kabilang isip niya. Ipinaubaya mo…
44
“BUKAS na ang lipad natin patungong, Coron, honey,” ani Matt kay Caroline na nasa kabilang linya. “Wala ka na bang nalilimutan?”
Dalawang linggo na ang nakalipas magmula nang magpakita si Shane kay Caroline. Alam niyang muling nanariwa ang sakit at pait na naramdaman nito. Higit kaysa sa dati dahil sa paghingi ng tawad ni Shane.
Subalit si Caroline mismo ang nagsisikap na maka-recover. Ito ang nagyayang manood sila ng Cinderella sa CCP. Anne Ramos, her friend who worked in CCP had invited her. Pinanood din nila ang mga bagong palabas sa sine, karamihan ay action movies na paborito ni Caroline ang mga bida. They went shopping until they dropped.
Minsan ay nagtutungo sila sa disco bar kasama si Raquel at Lovelle. Sumasayaw ito sa mabibilis na tugtugin subalit hindi niya mapahinuhod si Caroline na sumayaw ng slow drag. He could guess why. Nasasaktan man siya ay nagpapaubaya siya.
Sinamahan niya ito sa Divisoria dahil doon nito gustong mamili ng mga giveaway para sa iilang imbitado sa kasal nila. Kahit sinasabi niyang marami rin ng mga iyon sa malls.
“Kuripot tayo… gusto nating makatipid,” nakangiting sabi nito.
Matt indulged her. Gusto niyang tulungan si Caroline na muling limutin si Shane. Kahit na nga ba paminsan-minsan ay nakikita niya itong nakatanaw sa malayo. At bawat paglipas ng araw ay kinakabahan siyang magbago ang isip nito.
Lalong tumindi ang kaba niya nang, finally, ay bibilhin na nila ang wedding rings. Iyon ang hiniling ni Caroline na huli nilang gagawin bago sila lumipad patungong Coron. Matagal nitong tinitigan ang mga singsing that he thought she’d change her mind.
Tiningala siya nito, wrinkled her nose, at pinili ang pinakamura sa mga singsing na ipinakita ng saleslady.
He protested. But Caroline smiled at him. “It isn’t how much it is worth, Matt. Kundi ang kahulugan ng mga singsing na ito.”
His eyes stung. Nagiging emosyonal siyang labis pagdating sa babaeng ito.Ikakasal sila ng Linggo. Monday, kasama sina Lovelle at Raquel ay babalik sila sa Manila. On Tuesday, lilipad sila patungong Hawaii. Then they would tour around the world for one month kasama sina Hannah at Lola Serafina. Si Caroline mismo ang may ideyang isama si Hannah at ang lola nito.
Habang tumatagal ay nagiging malapit sa isa’t isa ang anak niya at si Caroline. Nagpapasalamat siya nang lihim sa anak. Kahit paano ay nakatulong ito upang muling ngumiti si Caroline.
Kung siya ang masusunod ay gusto niyang isama sa honeymoon at pagliliwaliw sina Raquel at Lovelle. Pasasalamat na rin sa dalawa sa unconditional na pagtingin ng mga ito kay Caroline. The more the merrier. Ikatutuwa ni Caroline iyon. Anyway, they would own the nights.
Subalit dalawang araw lang maaaring mag-leave sa Lovelle sa bago nitong trabaho. Ganoon din si Raquel sa unibersidad.
Si Lola Serafina lang ang kasama sa entourage bilang maghahatid kay Caroline sa kanya sa makeshift altar sa hardin ng Hotel Hannah. It was Caroline’s choice na maging ganoon kasimple at pribado ang kanilang kasal. Dahil kung si Matt ang masusunod ay gusto niyang masaksihan ng marami ang pagpapakasal niya sa babaeng kahulugan ng buhay niya.
“Ano pa ba ang maaari kong makalimutan, Matt?” anito na pumutol sa daloy ng isip niya. “Naipamudmod na natin ang iilang imbitasyon…” She laughed.
Napangiti si Matt. He loved to hear her laugh. Tumatawa ito dahil wala pang tatlumpo ang invitation cards na pinagawa nila sa wedding planner. At pinagtatawanan ni Caroline iyon.
“Naipadala mo na ba ang imbitasyon para kina Janet at Chanelle?” dugtong nito sa sinabi.
“Paano ko namang malilimutan iyon, eh, lagi mong ipinaaalala? Ipinahatid ko sa messenger. At palagay ko ay gusto mo lang inggitin si Chanelle sa enggrandeng kasal natin,” he teased.
Muli itong tumawa. “Enggrande daw. With twenty guests? Baka wala pa nga. Nagpasobra ka lang ng paimprenta, eh.”
He chuckled. “Ikaw ang may gustong pribado ang kasal, honey. Na piling mga kaibigan lang ang iimbitahin. Anyway, along with the invitation cards, I sent them their two-way plane tickets.”
“You’re so sweet, Matt, darling.”
Napahugot siya ng hininga. Kauna-unahang pagkakataong ginamitan siya ni Caroline ng endearment. Kahit pa nanunukso lang ito. Para siyang nasa disyerto at tubig ang binitiwan nito. Tinalo pa niya ang nagbibinata sa unang crush.
But then Caroline was his first love. His own true love. At gusto niyang namnamin ang sinabi nito nang sumungaw ang sekretarya niya. Isinesenyas na may bisita siya. Bahagya siyang nairita. Gayunman, kailangan niyang harapin ang bisita.
“Honey, I’ll call you back. May bisita ako.”
“Sure. Anyway, kanina pa rin sumesenyas si Hannah na bumaba kami at mag-ikot sa Greenbelt…”
“Pinaaalalahanan kita, si bilmoko iyang anak kong iyan.” Caroline laughed. He laughed. With that, he cut off the connection, feeling euphoric like a fool. Pinindot niya ang intercom.
“Papasukin mo ang bisita, Emma.”
Ilang segundo lang naghintay si Matt nang pumasok ang bisita. Hindi niya kilala. A young man. Probably in his early twenties. Despite being tall and lanky, the man was handsome. Probably taller than him by two inches. Makisig ang tayo. May kahabaan nang kaunti ang buhok. May malabong pilat sa gilid ng pisngi. And though his face was grim, kasama na ang pilat ay hindi nakabawas ang mga iyon sa guwapong anyo nito.
Karamihan sa mga bisita niya ay pormal ang attire. Ang nakatayo sa may pinto ay nakapantalon ng kupas na maong, long-sleeved navy polo shirt na nakarolyo hanggang siko. Hindi nakapaloob ang polo shirt sa pantalon at Nike rubber shoes.
“What can I do for you, young man?” aniya.
Humakbang ito palapit. Huminto sa harap ng mesa niya. “My name is Shane… Shane Malvar…”
Matt stilled for a moment. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang isinandal ang sarili sa sandalan. Kinakabahang baka maupos siya sa pagkakaupo. Tinitigan ito. So, this was the man that Caroline loved so much.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay gumuhit sa dibdib niya ang matinding panibugho. Panibughong noon lang niya naramdaman sa buong buhay niya. The emotion was too intense that it felt like somebody poked a knife in his heart.
And if he could just kick this young man out of his office, he’d gladly do it. But he was a civilized man. At dumating ang lalaking ito sa paraang sibilisado rin. Well, he hoped so. He didn’t want a fight with Shane if only for Caroline.
“And I thought more or less you are my age!” Shane exclaimed sarcastically. “Ilang taon ang tanda mo sa kanya?”
“Fifteen years. Everybody knows that. At hindi iyon naging hadlang kay Caroline. Anyway, paano mong natutuhan ang opisina ko?”
“There’s the Internet,” he said in a tone that made Matt feel stupid.
Matt thought Shane’s eyes were too dark. Penetrating. His face was intense. Para bang ano mang sandali ay may gagawin itong hindi mabuti.
“Please sit down.” Itinuro niya ang visitor’s chair sa harap ng desk.
“I prefer to stand.“Matt shrugged. “Suit yourself. So, what can I do for you, Shane?”
“You’re marrying Caroline,” he stated the obvious.
Tumango si Matt. “In a few days, yes.”
“I love her.”
“Just as I love her,” Matt said evenly.
“She’s my heart… my everything…” Shane said emotionally. Humakbang palapit sa desk ni Matt.
“Just as she is mine,” he said calmly.
Tuluyan na itong napalapit sa mesa niya. Itinukod ang dalawang kamay sa edge ng table. Nagngangalit ang mga mata, nag-iigting ang mga bagang. “Damn it! You know she loves me. Hindi niya ipagsisinungaling ang bagay na iyan!”
“She didn’t, yes. I mean, deny it.”
“Kung ganoon, bakit mo siya pakakasalan? Ako ang mahal niya. Bakit mo gustong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal? Looking at you, hindi ka mawawalan ng mga babaeng magkakagusto sa iyo.”
Matt ignored the backhanded compliment. “Si Caroline ang mahal ko. Ang iniibig ko. I have never loved a woman as much as I loved her. At ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sa kanya. Morally or otherwise…” he said firmly, wanting this young man to realize he wasn’t giving up on Caroline.
Shane groaned like a wounded animal. Tumuwid ng tayo at sinuklay ng mga daliri ang buhok. Puno ng desperasyon ang mukha. Sa wari ay wala itong maapuhap na sasabihin. Despite the anger, pain was visible in his eyes that Matt wanted to take pity. Nadarama niya sa maraming pagkakataon ang damdamin nito. Kasama na roon ang takot na mawawala sa iyo ang babaeng labis mong mahal.
“Look, Shane,” he said gently. “All is fair in love and war. You’ve had your chance. You blew it away. And I am taking my chance with Caroline. And this is what I can promise you: I’ll do everything humanely possible to make her happy. Naniniwala akong darating ang panahong iibigin niya ako katulad ng pagmamahal na inukol niya sa iyo. She already loves me… in a different way. At isa iyong magandang simula.”
Shane murmured something but he choked on his words. Then slowly, he dropped himself to the chair. Na para bang pinanawan ito ng lakas. His shoulders sagged. Devastated.
Hindi alam ni Matt kung ano ang sasabihin. Kung siya ang nasa katayuan nito ay baka higit pa sa nakikita niyang anyo ni Shane ngayon ang mangyayari sa kanya. Bawat araw na lumilipas ay kinatatakutan niyang baka magbago ng isip si Caroline at muli itong magbabalik kay Shane. Those days were pure hell.
He didn’t want to go through that again. Ilang araw na lang at magiging isa na sila ni Caroline. Inilapit niya ang swivel chair sa mesa. “Shane… you’re young. Marami pang pagkakataon upang makakita kang muli ng bagong—”
Shane’s eyes blazed with pain and anger as he turned to Matt. “I only have one heart and I already gave it to Caroline…”
Di sana’y ginawa mo ang lahat ng paraan upang manatiling iyo si Caroline… Di sana’y hindi ka nagparaan ng ilang buwan bago nagbalik…
Matt uttered the words in his mind. Gusto niyang isatinig subalit hindi niya magawa. Ano ang magiging silbi niyon para dito? Natitiyak naman niyang alam ni Shane ang bagay na iyon. At pinagsisihan at pinagdurusahan. It would only add salt to the wound.
Bata pa si Shane. Biktima ng mga pangyayaring mahirap pakitunguhan sa maraming kasing-edad nito. Nagpabulag sa matinding panibugho.
He sincerely wished Shane would find someone else. Even if it took Shane forever to find another love.
Tumayo ito pagkalipas ng mahabang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Niyuko siya nito. Matt felt like Shane’s killing him with his eyes.
“Take good care of the woman I ever loved. Sa sandaling malaman ko na sinaktan mo siya, I’ll find you and kill you…” he vowed. Pagkatapos ay tumalikod na ito.
Shane didn’t slam the door or even bother to close it. Iniwan nito iyong nakabukas nang lumabas.
Muling napasandal si Matt. Inilabas ang malalim na hininga. Sa wari ay nahapo siya sa paghaharap nilang iyon. But he had to give Shane his respect.
45
ARAW ng kasal nina Matt at Caroline. Ang ilang bisita na kasosyo ni Matt sa negosyo ay naka-check in sa Hotel Hannah kasama ng kani-kanilang mga asawa. Alam din ni Matt at Caroline na dumating sina Janet at Chanelle dahil sinabi ng clerk na inokupa na ng mga ito ang reserbadong silid para sa mga ito.
Isang silid sa hotel ang inilaan para sa bride at sa mga kasama nito upang mag-ayos. Naroon lahat sa silid ang mga babae kasama sina Hannah at Lola Serafina.
"Kay ganda mo, apo," nakangiting sabi ni Lola Serafina, inayos ang kuwintas sa leeg niya. Regalo ng lola niya sa araw na iyon ng kanyang kasal. Pag-aari nito ang kuwintas, bigay ng lolo nito noon ding kasal ng mga ito.
"Yeah," sang-ayon ni Hannah. "Ang ganda-ganda mo. Ilang minuto na lang ay mommy na kita." Then she pouted. "'Kainis lang kayo. Tuloy, hindi ako nag-bridesmaid. Bakit kasi wala kayong entourage?"
"Ito ang gusto naming kasal ni Daddy mo, Hannah. Simple lang subalit memorable." Hannah pouted. "Sige na nga. Ang importante ay magiging mommy na kita."
“Totoong nasira mo ang pangako mo sa akin, Caroline…” patuloy ni Lola Serafina. “Subalit wala akong maipipintas kay Matt, apo. Mahusay kang pipili ng lalaking pakakasalan.”
Caroline smiled warmly at her grandmother. Pagkatapos ay sinulyapan ang mga kaibigan na kasalukuyang mine-make up-an. Amusement ang mga nasa mukha ng mga ito. Alam niyang maligaya ang mga ito para sa kanya.
“Huwag po kayong mag-alala, Lola,” aniya. “Sabi naman ni Matt ay ipagpapatuloy ko ang pag-aaral sa susunod na semester. Naatraso lang po nang limang buwan ang aking pagtatapos. Mauunahan ako ni Raquel.”
Raquel laughed. Tumayo ito mula sa stool at hinalinhan ni Lovelle at nilapitan siya. “Hush. By next semester nakapanganak ka na. At paano mong iiwan ang baby mo gayong ilang buwan pa lang?”
Napatingin si Caroline sa lola niya. Hindi malaman ang sasabihin. Kumulubot ang mukha ng lola niya sa pagngiti. “Sa akin iiwan ni Caroline ang apo ko sa tuhod, Raquel. Lamang ay kailangang may yaya. Ako lang ang superbisor.”
Nagkatawanan ang lahat. Inayos ng make-up artist ang buhok ni Caroline na pinanatiling nakalugay. There was no veil, just a sapphire tiarra. Isang heirloom mula sa grandmother ni Matt. Ang pangkasal niya ay off-white empire cut na dinisenyo upang hindi mahalata ang kanyang tiyan—bagaman hindi pa naman halatang talaga ang tiyan niya dahil maliit magbuntis si Caroline—ay gusto pa rin nilang makatiyak. Lalo na si Lola Serafina.
Ang bahaging dibdib at balikat at maiksing manggas ay yari din sa manipis na lace na walang lining.Lumampas lang ang length ng wedding dress nang kaunti sa tuhod niya. On her feet, she was wearing a two-inch satin shoes.
Isang warning knock ang narinig nila at ilang sandali pa’y bumukas ang pinto. Si Matt na kay guwapong tingnan sa kanyang barong-Tagalog na yari sa Jusi.
“Ready, girls?” tanong nito para sa lahat. Subalit ang mga mata ay para kay Caroline lamang.
“Beautiful!” he exclaimed softly.
Nag-quarter turn si Caroline and smiled at him. “Do I look like a pregnant bride?”
“Just perfect. And I don’t really care if everybody will notice. I’d be a proud groom.” Nilapitan nito si Caroline, hinapit at itiningala ang mukha niya rito. “I love you,” he said emotionally. “Kung ako ay mamamatay at mabubuhay muli, ito pa rin ang pipiliin ko.” He bent his head and about to kiss her when one of the make-up artists squirmed.
Nilingon nilang pareho ito. Alanganing ngumiti ang make-up artist. “Baka po masira ang makeup ng bride ninyo, sir. Ilang sandali na lang po at magsisimula na ang kasal…“Muling nagtawanan ang lahat. Atubiling binitiwan ni Matt si Caroline. “See you downstairs…”
Ngumiti si Caroline at sinundan ito paglabas sa pinto at banayad iyong isinara. Pagkatapos ay ikinawit ang mga braso sa leeg ni Matt. “You’ll have your kiss.”
Matt laughed as he claimed her lips. Masuyong tumugon si Caroline. Matt groaned, bago atubiling pinakawalan ang mga labi niya pero hindi ang pagkakayakap sa baywang niya.
“Now you’re prettier, natural ang pula ng lips mo,” he said huskily, desire shadowed his eyes.
“This is the happiest day of my life, Caro. Like I am a brand-new man.”
“Not the other day?” she teased. Noong isang araw pagkakuha nila ng lahat ng mga requirements ay dinesisyunan nilang magpakasal sa mismong mayor ng bayang iyon. Raquel and Lovelle stood as witnesses. All were thrilled. Dahil ayon sa mga ito ay para silang tumatakas upang magpakasal.
“That, of course,” sagot ni Matt. “Pero ang araw na ito ang kumpirmasyon ng kasal natin noong isang araw. Sasaksihan ng lahat ang pag-iisang-dibdib natin.”
“You’re getting romantic, old man,” she teased.
“Let’s see tonight who’s old.”
“A threat?”
“A promise.”
Caroline laughed. Nitong nakalipas na araw, sa kabila ng lahat ay kay dami niyang dahilan upang tumawa. At lahat ng iyon ay dulot ni Matt. Muling inangkin ni Matt ang mga labi niya. At si
Caroline ay muling nagpaubaya. Tumutugon sa init.
Mabilis na naghiwalay ang dalawa nang bumukas ang pinto at lumabas si Lola Serafina na nakaangat ang mga guhitang kilay. “Sabi ko na nga ba. Ano ba kayong dalawa at tinalo n’yo pa’ng napahiran ng pandikit. Limang minuto na lang at tutugtog na ang pianista,” paalala anito.Caroline hid her laughter. Banayad na tinapik ni Matt ang ibabang likuran niya. “I’ll see you.”
Masuyo niya itong nginitian. Pagkatapos ay bumalik sa silid. Tinukso siya nang makitang nabura ang lipstick niya. Nakangiti siyang nagpa-retouch.
Ilang sandali pa ay sabay-sabay na silang nagsibaba. Nasa bungad na sila ng entrada sa hardin nang magsimulang tumugtog ang piano kasabay ng pagkanta ng isang mang-aawit. “You Make Me Feel Brand New.” It was Matt’s choice of song. Ayon dito, mula nang makilala siya ay tila ito bagong tao.
My love
I’ll never find the words, my loveTo tell you how I feel, my loveMere words could not explainPrecious love, you held my life within your handCreated everything I amTaught me how to live again…
Kung tutuusin ay si Caroline ang dapat magsabi niyon. Matt made her feel brand-new. He was there when she needed him. Believed in her through thick and thin.
Sa dulo ng hardin, sa makeshift altar ay naroon si Matt. He was smiling at her. Iniabot ni Lola Serafina ang braso sa kanya at kumapit siya roon. She stared down at her grandmother. Lola Serafin looked so proud and so happy.
Nagsimula silang lumakad maglola patungo kay Matt.
46
KUNG literal na dumudugo ang puso ay kanina pa umagos iyon mula sa dibdib ni Shane. Nasa isang sulok na bahagi siya ng hardin malapit sa entrada, tinatakpan ng malagong halaman.
Subalit kung lumingon si Caroline sa kaliwa nito ay makikita siya nito.
And he didn't care if he ruined this day just because Caroline might have taken a glance at him. Lumapag ang eroplanong sinasakyan niya sa Busuanga airport kaninang umaga. Nag-check in siya sa Hotel Hannah kung saan alam niyang sa hardin niyon ikakasal sina Matt at Caroline.
Nang magsimulang lumakad si Caroline kasama ang matandang babae na natitiyak ni Shane na lola nito ay biglang nagsikip ang hininga niya.
There goes my heart, there goes the one I love. There goes the girl he wasn't worthy of There goes my happiness, it couldn't be. There goes somebody else in place of me...
Sunod-sunod na paghinga ang ginawa niya upang paluwagin ang dibdib. At nang muli siyang mag-angat ng tingin ay inabot na ni Matt si Caroline mula sa lola nito. Pabalik na sa puwesto nito si Lola Serafina nang may sumigaw.
"Caroline!" wika ng tinig mula sa kung saan.
Shane blinked. The voice was familiar. Mula sa grupo ng mga empleyado ng hotel ay lumitaw si Chanelle. Lumakad ito patungo sa makeshift altar sa paraang tila binibilang ang mga hakbang.
Napilitang lumabas mula sa likuran ng mga halaman si Shane at humakbang patungo sa karamihan ng mga tao. Kapagkuwa'y nakita niyang may isa pang babaeng nakigitgit sa mga tao.
"Chanelle, anak. Nakikiusap ako!"
Nilingon ito ni Chanelle. "Shut up, Mommy! Kahit kailan ay duwag ka! Magsiksik ka na lang sa sulok! Ginagawa ko ito para sa iyo!"
What was Chanelle thinking? Ano ang ginagawa nito sa kasal nina Matt at Caroline? Kinakabahang hindi mawari si Shane. Nakita niya ang panlilisik ng mga mata ni Chanelle.
Ibinalik ni Chanelle ang tingin sa dalawang nasa makeshift altar. "Hindi ako papayag na pakasalan mo si Caroline, Matt. Hindi!"
"Nelly, ano ang ginagawa mo?" tanong ni Matt sa pinagsamang kalituhan at naguguluhang tinig.
"Si Mommy dapat ang nasa lugar ni Caroline, Matt," patuloy nito. "Patatawarin kita kung paaalisin mo si Caroline ngayon din at ihalili si Mommy bilang bride mo."
"Nasisiraan ka na ba ng bait, Nelly? Imposible ang gusto mong mangyari. Wala kaming pagtingin sa isa't isa ni Janet. Si Caroline ang mahal ko at mag-asawa na kami..."
Tumaas ang tingin ni Matt at ilang sandali pa ay dalawang security ng hotel ang lumapit kay Chanelle mula sa likuran upang akayin ito palabas. “Ilabas ninyo siya!” utos ni Matt.
Marahas na nilingon ni Chanelle ang dalawang security. At mula sa loob ng shawl ay inilabas ni Chanelle ang isang baril at pinaputukan ang dalawang security. Parehong tinamaan ang dalawa at paatras na natumba.
Nagtilian ang mga tao. Humakbang patungo sa kinatatayuan nina Matt at Caroline si Chanelle. Poot na itinutok nito ang baril kay Caroline.
“Itinulak ko sa hagdan si Adelle, Matt!” sigaw nito. Halos magkasabay ang singhap na narinig mula sa mga tao. “Itinulak ko si Adelle sa hagdan upang mabaling ang tingin mo kay Mommy…”
Nanlaki ang mga mata ni Matt sa narinig. “Pinatay… mo si Adelle?”
“Dahil hindi siya dapat masaya sa piling mo kundi si Mommy. Inagaw na ng nanay niya ang pagtingin ni Lolo sa amin ni Mommy. Wala siyang karapatang maging masaya sa iyo! Lalo nang walang karapatan si Caroline sa iyo. Para ka kay Mommy, Matt!”
Matt was dumbfounded. Hindi malaman ang iisipin at gagawin. Chanelle killed Adelle! At napakabata pa ni Chanelle nang gawin nito iyon.
“Chanelle, bitiwan mo ang baril na iyan!” sigaw ni Shane mula sa likuran, ilang hakbang sa kinatatayuan ni Chanelle.
Manghang lumingon si Chanelle. “Ikaw? Ano ang ginagawa mo rito? Isa ka pang sira ang ulo. Pareho kayo ni Matt na nahihibang sa babaeng iyan. Pareho kayong ulol!” Ibinalik nito ang tingin kay Caroline at itinutok ang baril. “Sinabi ko na sa iyo, Caroline, na masikip ang mundo para sa atin!”
“Chanelle, no!” sigaw ni Shane, sabay takbo patungo kay Chanelle upang pigilan ito.
Kasabay ng pagputok ng baril ay ang mabilis na pagtulak ni Matt kay Caroline at iniharang ang sarili. Bumalandra si Caroline sa mesa ng marriage celebrant. Bumagsak sa baldosa si Matt.
“Matt!” Caroline cried.
“Daddy!” sigaw ni Hannah. Ang akmang pagtakbo nito patungo sa nakabulagtang si Matt ay napigilan nina Lola Serafina at Raquel.
Malakas na binalya ni Shane si Chanelle kasabay ng pagpaputok nitong muli ng baril kay Caroline. Dahil doon ay sa ere humaging ang bala at hindi tumama kay Caroline. Bumagsak sa sahig si Chanelle at humagis ang baril na agad may sumipa palayo rito. May ilang hotel personnel ang biglang dumaluhong kay Chanelle at sinupil ito.
Nagtitili si Chanelle at pilit na kumakawala. Pinagsisipa ang mga humahawak sa kanya. Si Janet ay sindak na hindi malaman kung saan idadako ang tingin. Kung sa nakabulagtang si Matt o sa anak na pinagtutulungang hilahin ng mga personnel ng hotel.
“Dalhin ninyo sa ospital ang dalawang iyan!” utos ni Matt sa kung sino na lang para sa mga nakabulagtang security. Nakita niyang ang isa ay sa balikat lang tinamaan. Hindi siya nakatitiyak sa isa.
“Matt! Oh, god… Matt…” Napaluhod si Caroline sa tabi ni Matt. Umaagos ang dugo sa dibdib nito na pulang-pula sa suot nitong barong-Tagalog.
Ni hindi namalayan ni Caroline ang pagtabi ni Shane at ang pagsigaw nito. “Tulungan ninyo akong buhatin siya at dalhin sa ospital!”
Dalawa sa naroroong mga guests ang lumapit at magkatulong na binuhat si Matt at dinala sa mga nakaparadang sasakyan doon. Ang mismong wedding car nila ang pinagsakyan ng mga ito kay Matt kasama si Caroline.
Si Shane ay napunang nasa keyhole ang susi ng sasakyan. Mabilis nitong pinaandar iyon. Bago nito mapatakbo ang sasakyan ay bumukas ang pinto sa passenger area at sumakay si Hannah na nagpumiglas mula sa mga humahawak dito.
Umiiyak na nilingon nito ang ama. “Daddy…”
“Alam mo ba ang daan patungo sa ospital?” tanong ni Shane dito.
Hannah blinked. In her shock, hindi agad rumehistro ang tanong. Inulit iyon ni Shane. Kapagkuwa’y tumango si Hannah. Itinuro ang daan. Humagibis ang takbo ng sasakyan patungo sa nag-iisang ospital sa Coron. Muling nilingon ng dalagita ang ama at umiyak nang umiyak.
“Matt… oh, please. Lakasan mo ang loob mo…” ani Caroline at kinandong ang ulo nito.
“I’m… sorry, honey. H-hindi ko na maibibigay ang pangarap mong kasal…” ani Matt sa nahihirapang tinig.
“Don’t talk, please…” Sige ang daloy ng mga luha ni Caroline.
Nakikita iyon ni Shane mula sa rearview mirror. His heart ached for her. Hindi niya kayang tanggapin na magpapakasal ito kay Matt. Subalit hindi niya inaasahan ang ganoong pangyayari. Ni sa panaginip ay hindi niya ito gugustuhin.
“W-where’s my daughter?” Matt asked.
“I’m here, Daddy…” Humarap na sa likuran si Hannah. Itinaas ni Matt ang kamay at inabot iyon ni Hannah. “Sweetheart, huwag mong pababayaan si Caroline. Promise me.”
“I promise, Daddy. Please… please, don’t die…” Hannah broke down.
"Matt, don't talk. Malapit na tayo sa ospital..."
"Take care of my daughter, Caroline."
"Oh, god!" Tinakpan ni Caroline ang bibig upang huwag mapasigaw ng iyak. Inabot ni Matt ang pisngi ni Caroline at hinaplos iyon. "The... last four months were my happiest, darling. Nakapaloob doon ang buong buhay ko..."
"I love you..." she whispered, tears running down her face. Pumapatak na iyon sa mukha ni Matt.
"I know, honey... I know..." Matt gasped. Nanlaki ang mga mata ni Caroline sa takot. "When I'm gone... don't be afraid... to love again, darling..."
Marahas siyang umiling. “No… no… no. Don’t say that. You’re scaring me.”
Bumagsak ang kamay nito mula sa pagkakahawak sa mukha ni Caroline. Sumigaw si Caroline kasabay ng pagpreno ni Shane sa mismong tapat ng ospital. Ang nag-iisang doktor at ang ilang personnel ay sinikap na i-revive si Matt. Subalit marami nang dugo ang nawala rito. Hindi nagmintis ang bala ng baril ni Chanelle sa puntirya nito na dapat ay kay Caroline. Chanelle was too close to miss her target. Except that it was Matt who took her bullet.
Caroline and Hannah hugged each other. Parang hindi matapos-tapos ang mga luha pagkatapos umiling ng doktor. Kumawala si Hannah at tinakbo ang ama sa stretcher. Nakikisimpatyang hinawakan ito ng doktor sa magkabilang balikat.
Hindi malaman ni Shane ang gagawin. Nanlalaki ang mga matang nakaupo lang sa bench si Caroline. Puno ng dugo ang damit-pangkasal nito. He didn't want to come to her like this. But Caroline was in shock.
Naupo siya sa tabi nito at inabot ang mga kamay nito. "Caro, I'm sorry..." he whispered. "I am truly sorry..."
"B-bakit nangyari ito?" tanong nito na ang mga mata ay sindak na nakatuon sa stretcher. Nanginginig ito. "M-minutes ago, he was so happy... we were happy..."
Shane's face was grim. He didn't know all the answers. Hindi niya kayang sagutin ang tanong nito. Hindi niya kayang ipaliwanag ang mga kabalintunaan ng buhay. Her hands were cold. He rubbed them with his, wanting to warm them.
"Hindi mo ako sinasagot..." Caroline turned to him. "Bakit nangyari kay Matt—" She stopped in mid-sentence and looked at him with wide eyes. Parang sa kauna-unahang pagkakataon ay noon lang siya nito napansin. Marahas nitong hinablot ang mga kamay mula sa pagkakahawak niya.
"A-ano'ng ginagawa mo rito? Bakit ka naririto? Kasama ka ni Chanelle sa pagtungo rito?"
Wearily, Shane shook his head. "Hindi ko alam... kung bakit narito sa Coron si Chanelle, Caro..." Mula sa paninimdim tungo sa pagkabigla ay lumatay ang galit sa mukha ni Caroline.
“Ikinatutuwa mong makitang patay si Matt?”
Muling umiling si Shane. "Mali ka ng—"
"Leave, Shane!" Marahas itong tumayo at itinuro ang exit ng ospital. "Get out of my life! I don't want to see you again! Ever!"
Shane knew it was her grief talking. "Caro... I... I never meant this to—"
"Get out!" she screamed hysterically. Nakuha na nito ang atensiyon ng mga naroroon sa ospital. "Leave me alone!"
Parang may bloke ng yelo ang nakadagan sa dibdib ni Shane nang umatras. At tila may nakakadenang bolang bakal sa mga paa niya. His shoulders sagged as he walked out of the hospital. Out of her life. Kinakapos siya ng hininga. Para bang ibinigay na ni Caroline sa kanya ang hatol na kamatayan.
Sana’y siya na lang ang nasa kalagayan ni Matt at nakalatag na walang buhay sa stretcher. Sana ay siya na lang. He would be willing to trade places with Matt.
*******Hello mga beshie, kumusta kayong lahat? Pasensya na at ngayon lang me nakapag-update medyo naging busy sa work at maraming kailangang gawin. :( So sad ng part na ito at gusto kong magkaroon ng karamay sa pagdadalamhati sa nangyari kay papa Matt :( Mag-ingat kayo mga beshie. Stay safe and God bless. - Admin A ******
47
Five years later…
MAHIGPIT na niyakap ni Caroline si Raquel.
“Na-miss kita nang husto, Caroline,” ani Raquel na nakatawa.
“Mas na-miss kita…” aniya at pinakawalan ang kaibigan at tinitigan. “Humiyang sa iyo ang apat na taong pamamalagi mo sa Canada, friend.” Lumipat ang tingin niya sa foreigner na nasa tagiliran ni Raquel. “Hello, John. Good to see you again.”
Mahigpit siyang kinamayan ni John na nakangiti. “Same here, Caroline. It’s good to be back here in Coron…”
John was Raquel’s husband. Isa itong Canadian exchange student na nakilala ni Raquel sa unibersidad sa huling semester ng kaibigan. Nagkamabutihan ang dalawa. Bago umalis si John patungong Canada upang doon magpakasal ay namalagi muna sa Coron nang isang linggo ang mga ito upang makausap ang mga magulang ni Raquel. John stayed at Hotel Hannah. Na ngayon, pagkalipas ng tatlong taon ay dalawang palapag na at may tatlumpung silid.
“Anyway, I leave you two with your…” Nagmuwestra ito sa thumb at forefinger. “… usapeyng babae.” Sinundan nito iyon ng tawa. Nakitawa na rin ang dalawa.
“Where are you going, honey?”
“Around. Don’t worry about me. I’ll be back at lunchtime.” Nginitian at kinawayan nito si Caroline at ang asawa.
Nang mawala sa paningin nila ang asawa ni Raquel ay inakay ni Caroline patungo sa coffee shop ng hotel ang kaibigan. Naupo sila sa isang mesa. Um-order ng kape si Caroline.
“Ikaw, ano ang gusto mo?”
“Kape na rin,” sagot ni Raquel, hinagod ng tingin ang kaibigan. “You look good. Curves at the right places. Motherhood becomes you, mi amiga. So how are you?“Caroline laughed. “Para naman tayong hindi nagkakausap at nagkaka-chat niyan sa Internet.” Nilinga ni Raquel ang kapaligiran. “Nagawa mong palaguin ang negosyong iniwan ni Matt. Dalawang palapag na itong Hannah Hotel.”
“Plano ni Matt na magdagdag ng floor noon…” She sighed. “Ikaw? Kumusta ang married life mo?”
Ngumiwi ito. “Mahirap magkaasawa ng foreigner. Maraming pagkakaiba at mas maraming pinakikibagayan.” Then Raquel shrugged nonchalantly. “But it’s okay. I’m coping with my so adorable macho Canadian…”
Lumabi si Caroline. "Husss. If I know. Sobra kang in love sa husband mo. Para ka ring si Lovelle. Kunwari ay maraming reklamo sa asawa. Pero hayun, nakadalawang anak na." She paused. "Eh, bakit hindi pa kayo nag-aanak ni John?"
Raquel's laugh was hollow. "Ako ang may problema, Caroline. After that miscarriage, sinabi ng doktor na hindi na ako magkakaanak pang muli."
She stared worriedly at her friend. "Have you asked second opinions?"
"No. I didn't. Ayokong marinig." Raquel sighed. "Kung sa susunod na taon ay talagang wala pa, baka mag-adopt kami. Iyon ang suhestiyon ni John. Pero nag-aatubili ako." Iwinasiwas nito ang kamay. "I don't want to talk about me..." Inabot nito ang kape bago pa maibaba ng waiter. Tinimplahan at marahang hinigop.
“Dinalaw ko si Lovelle bago ako lumipad patungo rito. Well, hindi siya nakabingwit ng mayamang mapapangasawa tulad ng pangarap niya…” They both laughed at that.
“But Lovelle’s madly in love with Billy and she’s happy,” she said, smiling.
“That is so true. Kasamahan niya sa call center si Billy. And as of now, nagsisimulang mag-ipon para makapagnegosyo. And the kids are adorable. Isang tatlong taon at isang magdadalawang taon.”
“I offered them a loan, pero ayaw ni Lovelle.”
Tumango si Raquel. “Inalok ko na rin. Gusto raw nilang magsimulang walang iniisip na babayaran kahit pa raw hindi natin siya madaliin sa pagbabayad.” Raquel rolled her eyes. “What are friends for?
"Yeah. Pero kilala mo si Lovelle. She and her stupid pride. They were here last summer. Inalok ko uli pero hindi ako pinapansin. Alukin ko raw siya kapag nakadapa na sila ni Billy." She laughed. Nakangiting umiling si Raquel. "At kada ako nasa Maynila ay nagkikita kami kasama minsan ang mga bata." Dinampot ni Caroline ang tasa ng kape niya at humigop din.
Mula sa kung saan ay isang batang lalaki ang patakbong lumapit. "Mommy..."
Biglang umaliwalas ang mukha ni Caroline. "Erick Shane..." Inakbayan nito ang bata. "Say hello to Auntie Raquel..." Inaanak nina Raquel at Lovelle ang bata. Subalit hindi pinatatawag ng "ninang" ni Caroline ang mga kaibigan kundi "auntie." Maliban sa lola niya at si Hannah, ang mga kaibigan na ang itinuturing niyang mga kamag-anak.
"Hi, Aunt Raquel..." Ngumiti ang bata. May isang di-kalalimang dimple ang lumitaw sa pisngi nito.
"Come here, gorgeous, and give me a kiss. Minana mo iyang dimple na iyan..." Raquel said na hindi itinuloy ang karugtong na sasabihin. Lumapit ang bata at hinagkan sa pisngi si Raquel. Pagkatapos ay hinila ng bata ang isang silya at naupo roon.
"Yes, Auntie Raquel. Sabi ni Mommy may dimple din si Daddy." Nilingon ng bata ang ina.
“Mommy, I want hotcake…”
Caroline rolled her eyes. Sinenyasan ang waiter at nagpa-order ng pancake para sa anak.
“Laging gutom iyan.”
"Your son's growing," sagot ni Raquel at ibinaling ang tingin sa bata. Straight hair at may kahabaan, may bangs na nagpangiti kay Raquel. "You're big, handsome, and gorgeous, Erick Shane. Ibang-iba sa nakikita ko sa skype."
Erick Shane smiled. "Thank you."
Nang may mapansin si Raquel na mamula-mula sa may dulong kanang pisngi ng bata, malapit sa tainga. Inabot nito ang mukha ng bata at dinama iyon. "Hindi nawala ang birthmark. Though it's too faint."
Ngumiti si Caroline. "Yeah. Sana magmaliw sa paglaki niya."
"Akala ko ay normal lang sa bagong ipinapanganak ang nakita nating pinkish sa pisngi niya," ani Raquel. "Anyway, hindi naman masagwa dahil nasa dulo naman ng pisngi. And it isn't that obvious. Too faint, in fact..."
Lumingon si Erick sa may labas ng entrada ng coffee shop. Pagkatapos ay mabilis na bumaba mula sa upuan. "Mommy, wait. I'll eat later." Tumakbo ito palabas ng coffee shop.
"What happened?" nagtatakang tanong ni Raquel. Napailing si Caroline. "Kids! Tiyak na nakakita ng kalarong nagdaan. Malamang iyong anak ng chef ng hotel..."
Namagitan ang sandaling katahimikan. Bawat isa'y hinihigop ang kape nang tahimik. Binasag ni Raquel ang nakakailang na katahimikan.
"Kahawig mo ang anak mo. Bagaman nakikita ko ang anyo ni Shane sa kanya." May nakiraang hapdi sa mga mata ni Caroline. Pero agad iyong itinago ng ngiti. "I know. Lalo na kapag tumatawa si Erick."
Subalit hindi iyon naitago kay Raquel. "Still love him, Caroline?"
Muling dinampot ni Caroline ang tasa ng kape at inubos nang tuluyan ang laman niyon. Inikot niya ang tingin sa buong paligid. Ibinalik kay Raquel. "It is so unfair that without all Matt's businesses, here in Coron and Manila, and Hannah..." Her voice trailed off.
"Matt would totally vanish from your heart and mind." tinapos ni Raquel ang nais niyang sabihin.
“Maybe a thought every now and then…”
"Hindi naman ganoon, Raqs. He was a good man. Only..." Her voice trailed off. Nag-init ang sulok ng mga mata niya. "And he truly loved me. I missed him. Lalo na sa unang mga buwan. At kapag may mga problemang bumabangon sa mga negosyong iniwan niya. Laging may sagot si Matt sa lahat ng bagay." Then she laughed drily. "Ang hindi lang niya nasolusyunan ay ang mag-inang Janet at Chanelle."
"What happened to Chanelle and her mother?"
She shrugged carelessly. "Nasa mental hospital pa rin si Chanelle, sa pagkakaalam ko. Wala akong balak alamin. Subalit kapag nakalabas siya ay bubuhayin ko ang kaso at ipakukulong ko siya. Kung hindi ko man magagawa iyon, Hannah will surely do that..."
“And Janet?”
“When Janet married two years later, binawi ko ang bahay dahil iyon ang gusto ni Hannah. Ang sabi niya ay bahay iyon ng grandparents niya. Hindi niya gustong doon kami tumira. Maaalala niya lagi ang mommy niya na nahulog sa hagdan at na pinagpala pa ang may kagagawan. So we had it rented now. Hindi lang napapanahunan pero napag-usapan na namin ni Hannah na ipagbili ang bahay…”
"Janet's older than Matt by..." Raquel shrugged. "Kunsabagay ay wala namang takdang edad ang pag-aasawa kahit sa katandaan. How old is Janet, by the way?"
"I didn't really care even if she's as old as my grandmother. But as Lola said, 'bawat palayok ay may katapat na saklob.'" This time she smiled.
"You still didn't answer my question, my friend. You still love Shane?"
She sighed sadly. "I only have one heart, Raquel. Naibigay ko na iyon kay Shane. Hindi ko nakuhang bawiin. At marahil, hindi ko na mababawi pa." She shrugged stiffly. "Besides, nobody's gonna love me like Matt did. Lahat ay pagdududahan ko na ang naiwang kayamanan ni Matt sa akin ang gusto nila. At duda ako kung may magmamahal kay Erick Shane tulad ng pagmamahal ni Matt sa kanya hindi ko pa man siya ipinapanganak..."
"Do not underestimate yourself, Caroline. Maganda ka. Matalino. Napanatili mo ang mga negosyong naiwan ni Matt, single-handedly. Ilan lamang iyan sa mga attributes na gugustuhin sa iyo ng isang lalaki sans all Matt's wealth."
Caroline shrugged.
"What about, Erick?" patuloy ni Raquel. "Sasabihin mo ba sa kanya kung sino ang totoo niyang ama?"
Umangat ang mga mata niya sa entrada ng coffee shop kung saan tumakbo palabas ang anak kanina. "In time, perhaps. Hindi pa ngayon. Kapag kaya na niyang tanggapin sa isip ang lahat. Kapag kaya na niyang mauunawan kung bakit hindi niya taglay ang apelyido ng totoo niyang ama. Na ang mga larawan sa bahay ni Matt ay hindi pala ang daddy niya.
“May mga lolo at lola at tiya pa siya sa panig ni Shane, Raquel. Ayokong akusahan ako ng anak ko pagdating ng araw na ipinagkait ko sa kanya iyon.”
"I know I've asked this in one of our chats," patuloy nito. "But that was two months ago. Have you heard of Shane after that fateful day?" Umiling siya. "Hindi ko pa rin alam kung bakit naroon siya nang araw na iyon. Nalaman kong siya ang naghatid kay Matt sa ospital. Sinabi ni Hannah..."
"Si Shane lang ang buo ang isip noong mga sandaling iyon. Lahat ay pawang nangabigla at nasindak..."
Tumango si Caroline. "I... I wasn't even aware that he was there until he held my hands and I turned to him." Sa nakalipas na mga panahon ay ilang beses niyang binalik-balikan sa isip ang mga sandaling iyon. Ang pagkamangha sa mukha ni Shane nang itaboy niya ito. At ang paghalili ng hapdi at pait sa mukha nito nang sabihin niyang iwan siya nito at huwag nang magpakita pang muli.
“Itinaboy mo siya. Iyon ang sinabi ni Hannah dahil nakuha mo ang atensiyon ng lahat nang mag-hysteria ka…”
Banayad siyang tumango. “He… he had no right to intrude with my grief. He had no right to be there when Matt died… na para bang iyon…” She stopped in mid-sentence. Hindi niya kayang isatinig ang karugtong na salita—na para bang iyon lang ang hinihintay ni Shane. Sa kabila ng lahat, hindi ganoon si Shane.
“No, Caroline. Shane was there to silently watch you wed another man. He had nothing to do with Chanelle. I don’t think he even knew that Matt was somehow related to them. Or that Matt had invited Chanelle and her mother to the wedding. To be fair with Shane, he loved you. He was there to see you for the last time… even if it was killing him…”
Ngayon lang isinatinig ni Raquel ang bagay na iyon. Hindi nila pinag-usapan ang tungkol kay Shane sa nakalipas na mga taon. It was too touchy a subject.
“He must be as shocked as you were when Chanelle shot Matt. Tulad din ng lahat. Oh, well, alam nating ikaw ang puntirya ni Chanelle. The second bullet wouldn’t have missed you, Caroline. Napakalapit mo. Shane saved your life. Tulad din ng ginawa ni Matt.
“Nakita ko nang takbuhin ni Shane si Chanelle. Pero sobrang layo pa niya para mapigilan si Chanelle…” She paused. “My goodness, Caroline. Those two men had loved you so dearly. Ikaw na!” Raquel teased.
Caroline smiled sadly. “Sa nakalipas na mga taon ay naisip ko na rin ang bagay na iyan. Pero mabuti na ang ganito, Raquel. It wouldn’t have been right… kung bumaling ako kay Shane sa panahon ng aking pamimighati.”
“Noong mga panahon iyon ay maaaring tama ka,” sang-ayon ni Raquel. “Subalit limang taon na ang nakalipas, Caroline. Malaya ka pa rin ngayon.”
“Oh, malamang may asawa na rin ngayon si Shane,” she said nonchalantly, sinisikap alisin sa tinig ang bitterness. “O baka nasa ibang bansa. Ang pagkakaalam ko ay sa Amerika nag-aral noon ang kapatid niyang babae.”
“How’s Hannah?” pag-iiba ni Raquel ng paksa.
Pagkabanggit sa pangalan ni Hannah ay gumitaw ang ngiti sa mga labi ni Caroline. Sa mga unang buwan pagkamatay ni Matt ay silang dalawa ang nagpapatibayan sa isa’t isa. Hannah was inconsolable. The thirteen-year-old girl that she had been then wanted to kill Chanelle, too. Nawalan ito ng parehong magulang at iisang tao ang may kagagawan, si Chanelle.
Noong una’y hindi kayang unawain ni Hannah kung bakit ang taong pinagpala at pinag-aral ng daddy nito ay nakuhang patayin ang ina nito… ang ama nito.
“She didn’t intend to kill your father, Hannah,” she explained. “Ako ang gusto niyang patayin…”
“She is still a murderer, Caroline! She killed my mommy and my daddy!”
Nito na lang nagkakaedad at unti-unting nahihinog ang isip na tinanggap ni Hannah na si Chanelle ay may sakit. Sakit na ang pinagmulan ay ang kawalan ng ama, isang ina na hindi naman talaga matatawag na ina sa buong kahulugan ng salita, at ang pagmamalupit ng lolo. Unti-unti ay nabawasan ang pagkamuhi sa puso ni Hannah. Unti-unti ay pilit nitong inunawa ang mga bagay-bagay sa tulong na rin ni Caroline.
Nag-angat siya ng tingin kay Raquel. “She’s eighteen. Very pretty. Nasa ikalawang taon sa kolehiyo. Sangkaterbang manliligaw. And mind you, lilipad kami patungong Maynila ni Erick at the end of this month—”
“Oh, that’s three weeks from now,” putol ni Raquel sa sinasabi niya. “Maaari pa tayong mag-bonding nina Lovelle ng tatlong araw bago kami bumalik ng Canada.”
“Sure. I’d love that.” She smiled at her friend, remembering the good old days. “Maliban sa buwan-buwang pagtungo ko sa Manila para sa mga franchise, ay kailangang may bonding kami ni Hannah. Every two months ay naroroon ako at nagtatagal nang dalawang linggo.” Caroline sighed. “Ginagawa ko na lang Quiapo ang Manila at Coron, Raqs. Gusto ko na ngang madaliin ang pagtatapos ni Hannah para siya na ang mamahala sa mga negosyo ng daddy niya sa Manila.”
“You’ve been good to her, Caroline,” Raquel said softly. “Mahirap magpalaki ng teenager, lalo sa kaso ni Hannah pagkatapos mamatay ang daddy niya at matuklasan kung sino ang pumatay sa mommy niya.”
“I promised, Matt.” She swallowed the lump in her throat. “And Hannah is so easy to love. Had I been a few years older, she could be my daughter already. And she’s good to Erick. Her little brother. Just as much as Hannah is Erick’s ate…”
“That’s good to hear.” Raquel smiled. “And Lola Serafina?”
“Ow. Malakas pa sa kalabaw.” This time, Caroline laughed merrily. “Ayaw bitiwan ang flower farm gayong plano na niyang ipagbili iyon pagka-graduate ko. At saka kahit sabihin kong dumito siya sa Coron at mag-tour sa mga turista.” Muli siyang tumawa, biruan iyon sa pagitan nilang maglola. “Isa si Lola sa pinupuntahan ko every two months. Nagpapalipas ako ng ilang araw sa Silang. Kami ni Erick. My grandmother loves to spoil my son.”
“At natitiyak kong isa si Erick sa dahilan kung bakit nananatiling malusog ang lola mo.” Sumandal sa sandalan si Raquel at tinitigan nang mataman si Caroline. “You have zero love life for the last five years, Caroline…” Her voice trailed off.
“So?”
“Because you still keep Shane’s memory in your heart. Buksan mo ang puso mo, friend. Hindi lang si Shane ang lalaki sa mundong ito. At posibleng makatagpo ka uli ng tulad ni Matt. You’re only twenty-six, for crying out loud! Napakabata mo pa.”
Wala sa loob na dinampot niya ang tasa ng kape at nang makitang wala nang laman ay ibinaba niya muli sa platito. Humugot ng hininga. “I’ll never find another Matt. Kung hindi nangyari ang araw na iyon ay natitiyak kong mamahalin ko rin si Matt. Hindi siya mahirap mahalin, nakita mo iyon… ninyo ni Lovelle. Natitiyak kong magiging maligaya kami kahit sa kabila ng uri ng pagmamahal na mayroon ako para sa kanya. And as Matt had once said, he had enough love for both of us…”
“But Shane was the love of your young life,” ani Raquel. “Hindi ako makapaniwalang may ganyang uri ng pag-ibig, Caroline, kung hindi ko nakita sa iyo…”
She smiled faintly. “There’s always Erick to remind me of his father.”
48
TATLONG araw makalipas makapamasyal sa mga isla ay nagpaalam na sa mga magulang nito sina Raquel at John. Tutuloy raw ang mga ito sa Puerto Princesa sa pamamagitan ng bangkang de-motor. Nais ni Raquel na iikot sa buong Palawan ang asawa. Nangako si Caroline na magkikita silang tatlo nina Lovelle sa sandaling dumating siya sa Maynila.
Summer at halos okupado ang lahat ng silid sa Hotel Hannah. Maraming local at foreign tourists ang nagsidating. Hanggang sa sabihin ng front desk na may nagpipilit na maghintay sa mababakanteng pang-isahang silid mamayang tanghali. Tatlong tao ang mga bagong dating at ang kasunod pang mababakante ay kinabukasan ng tanghali.
Nagbubuntong-hiningang lumabas sa front desk si Caroline. Tatlong tao ang nakikita niyang nasa reception at nag-uusap-usap. Nakatalikod ang dalawa at nakaharap sa kanya ang isang babae. Nakikipag-usap ito sa dalawang kasama. Must be her parents.
"Heto na po si ma'am Caroline," narinig niyang sinabi ng clerk.
Sabay-sabay na nagsilingon sa kanya ang tatlo. Nanlaki ang mga mata ni Caroline nang makilala ang dalawang matanda. Ang mga magulang ni Shane! Walang gaanong ipinagbago ang mga ito sa nakalipas na limang taong mahigit nang huli niyang makita ang mga ito.
Ano ang ginagawa ng mga ito sa hotel?
Ilang hakbang mula sa mga ito ay napahinto siya. Parang nais niyang tumakbo pabalik sa opisina. Ang pagkamangha niya ay nakita niyang pareho sa mga mukha ng mag-asawang Malvar.
"Caroline? Is it you?" manghang tanong ni Mrs. Malvar sa kanya.
"It is Caroline!" bulalas naman ni Mr. Malvar pagkatapos siyang suriin ng tingin.
She was dumbstruck. Ang unang pumasok sa isip ay ang anak. Kailangang siya ang sumundo kay Erick Shane sa preparatory school nito. In fact, gusto niyang takbuhin ang palabas sa hotel sa mga sandaling iyon.
Kapagkuwa'y sinikap niyang magpakahinahon. Bakit kailangan niyang kabahan para sa anak? Isa siyang biyuda. Hindi naman kataka-takang nanganak siya ilang buwan pagkamatay ni Matt.
Dahil naging magkasintahan sila. Ni walang nag-isip kahit isa sa mga kaibigan ni Matt nang maipanganak niya si Erick. Lalo at hindi iba ang turing ni Hannah rito. Para kay Hannah, si Erick ay ang bunsong kapatid nito.
Calm down. Relax, utos niya sa sarili.
She composed herself. "G-good afternoon," nauutal niyang sabi.
"The service van that we hired recommended this hotel," sagot ni Mr. Malvar na nakatitig sa kanya. "Mahigpit ang bilin niyang dito kami tumuloy at talagang mahusay raw ang serbisyo ng Hotel Hannah. At ang tao sa front desk ay nagsabing ikaw ang may-ari ng hotel, Caroline?"
"Isa... po itong korporasyon. Isa lang po ako sa may kaunting share..." she said humbly.
“Maliban sa naiwala mo ang kaunting baby fats noong huli ka naming makita ay walang gaanong nabago sa iyo, hija,” ani Mrs. Malvar na hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Oh… but yes, you are older now and even more prettier…”
And wiser, gusto niyang idagdag sa sinasabi nito.
“Sana… po ay nagpa-reserve kayo para hindi po kayo nahirapang maghanap ng matutuluyan,” aniya. “As of last month, fully booked po kami. Season po ngayon.”
Mrs. Malvar sighed. “Isang buwang mahigit pa lang mula nang dumating kami galing ng Amerika, Caroline,” anito. “It was just two weeks ago when we decided to visit some of our beautiful spots. Inuna namin ang Coron. Pagkatapos ay tutuloy kami sa Bohol. Ito ang unang bakasyon ng anak ko sa Pilipinas since almost eight years ago…” Nilingon nito ang babae sa likuran. “By the way, this is my daughter, Pauline.”
Nakangiting agad na iniabot ng babae ang kamay nito sa kanya. “Hello, Caroline. I’m very pleased to meet you. Nakakagulat na ang proprietress ng hotel na ito ay kilala ng mga magulang ko.”
“W-we’ve met before…” Wala sa loob na inabot niya ang kamay nito na buong higpit siyang kinamayan. Pauline was smiling at her as she released Caroline’s hand.
“Actually, we made some calls for reservations. Pero puno na rin. Kahit ang mga individual at mga pribadong lodges ay puno din. So…” She shrugged. “Sinubukan lang namin. My mother here didn’t believe in ‘walang bakante.’ Somewhere… somehow ay meron daw.”
Sunod-sunod ang kabog ng dibdib ni Caroline. The woman must be in her early thirties. Naka-style ang maiksing buhok. She was slim and beautiful in her own way. Hindi maipagkakailang kapatid ito ni Shane. Isa na itong doktor tiyak.
At the thought of Shane, muling dumagundong ang dibdib niya. Napapitlag pa siya nang magsalita ang clerk sa desk. “Ma’am, wala na po tayong bakanteng silid para sa pandalawahang kama. May isa pong mababakante mamayang tanghali pero pang-isahan lang po ang silid.”
“Then we can take that room,” mabilis na sabi ni Pauline. “Baka puwede na lang magpadala ng ekstrang kutson para doon mahiga ang papa ko. My mother and I can share the bed…”
"Pero pang-isahan lang ang—"
Pinutol ni Mrs. Malvar ang sasabihin ni Caroline. "Kakasya kami. I can assure you, hija. Then maybe tomorrow or the next day, may mababakante. Anyway, apat na araw lang naman kami rito sa Coron."
No! Caroline's mind screamed.
"M-my employee here can help you find another hotel or lodge, sir... ma'am..." aniya. "Para na rin sa comfort ninyo..."
“Wala na ring bakante sa iba, Caroline,” ani Mrs. Malvar. “Katatawag lang namin sa ibang hotel at lodge nang sabihin ng desk na puno kayo…”
“We’ll take that small room,” giit ni Mr. Malvar. “Maghihintay kami ng mababakante.” Helpless, Caroline turned to her employee. Inakala iyon ng empleyado na pagsang-ayon at pagpapaubaya rito sa gagawin. “Please sign here, sir. Although mamaya pang alas-dose puwedeng pasukan ang silid, sir… ma’am…”
"That's fine with us," ani Mrs. Malvar. "Pansamantala..." Ikinawit nito ang braso kay Caroline sa pagkabigla niya. "Show us the coffee shop, dear. At magkumustahan tayo."
Nahihimigan ni Caroline ang pananabik sa tinig nito at lalo na siyang kinabahan. Ilang sandali pa ay napapaligiran siya ng buong pamilya ni Shane. Si Mr. Malvar ay nanatiling tahimik, si Pauline ay manaka-nakang nakikisabat sa mommy nito. Si Mrs. Malvar ang sadyang makuwento.
Nilinga ni Mrs. Malvar ang buong paligid. "Magandang negosyo itong naipundar mo, hija. Lalo kapag ganitong season..."
"As I said, the hotel is a corporation. I inherited part of it from my late husband," aniya. "I am managing it though."
Umangat ang mga kilay ng matandang babae, napuno ng kuryosidad ang anyo. "So, isa ka nang biyuda sa edad na..." Mrs. Malvar frowned. "Ilang taon ka na nga ngayon, hija?"
"Twenty-six po." Sana'y hanggang doon na lang ang tanong nito. Hindi niya gustong magpaliwanag nang mahaba kung paano namatay si Matt.
"Napakabata mong nabiyuda. You have children?" patuloy ni Mrs. Malvar. Gustong isipin ni Caroline na panghihinayang ang nakikita niya sa mga mata nito.
"A stepdaughter and a son."
"You and your children are now based here in Coron?"
Tumango siya. "Sa Manila nag-aaral si Hannah... that's my stepdaughter."
"I see." Tumango-tango ito. Nagbuka ng bibig si Mrs. Malvar upang muling magtanong subalit inunahan niya ito.
"If you'll excuse me..." Sa lahat niya iyon sinabi. Sinabayan niya ng tayo. "Susunduin ko lang po sa school ang anak ko." She smiled at them. "Your lunch is on the house." Nakadalawang hakbang na siya nang may maisip. Muli siyang lumingon. "By the way, may nag-arrange na po ba ng tour ninyo sa mga isla?"
"Glad you asked," ani Pauline, smiling at her. "Wala pa, sa katunayan. We would appreciate it very much if you will arrange it for us."
Napilitan siyang ngumiti. "If you're up to it, magbibilin ako sa desk para may maghatid sa inyo sa hot spring. Ginagarantiyahan ko na masisiyahan kayo."
"Hot spring, then," sagot ni Pauline. "'Kind of like that, too. At maganda sa inyo iyon, Papa... Mama..."
"Kausapin n'yo na lang mamaya ang front desk. Ipagbibilin ko."
"Thank you, Caroline..." ani Mrs. Malvar na mataman ang tingin sa kanya. Umusal din ng pasasalamat ang mag-ama.
Kung maaari lang na takbuhin ni Caroline ang palabas sa coffee shop ay ginawa na niya.
49
“I AM truly surprised,” ani Mrs. Malvar nang mawala sa paningin nila si Caroline. “Hindi ko inaasahang sa unang araw ng pagyapak natin sa Coron ay makikita natin si Caroline.” Isinandal ni Mr. Malvar ang likod sa sandalan. “Sa inyong palagay, siya ba ang dahilan kung bakit isinuhestiyon ni Shane na dito tayo magbakasyon?”
"Hindi ko alam, Papa." Pauline was thoughtful. "Maybe. So, finally, I've met the infamous Caroline. Why, she's beautiful! Pero napansin n'yo ba na para siyang ligalig nang makita at makilala kayo? O ang mas akmang salita ay 'natatakot.' I was watching her while you were talking to her, Mama. Napipilitan lang siyang makipag-usap sa atin."
"It was too obvious, Pauline," Mrs. Malvar said. "I wonder why. Hindi siya nag-attempt na kumustahin man lang si Shane."
"It was as if she's hiding something."
"That's ridiculous," sabat ni Mr. Malvar. "Kayong mga babae ay sobrang mapaghaka-haka. Isang pagkakataong nakita nating muli si Caroline at isa nang biyuda sa batang edad. She must have turned to another man during her relationship with Shane. Things like that happen. Nagkataong hindi makalimot si Shane...
“For all we know, hindi naman alam ni Shane na dito na nagpirmi si Caroline,” patuloy nito. “Ang sabi lang niya ay maganda ang Coron at mag-e-enjoy tayo sa magagandang isla rito. I suggested Puerto Princesa. Pero agad sumang-ayon itong si Pauline na dito tayo magtungo.”
“Nakapagbakasyon na ako sa Puerto Princesa, Papa, noong college, with classmates. Pero hindi ko pa narating ang Coron. I thought it was a good idea to spend a few days here.”
“Bukas ang dating ni Shane dito. Saan siya tutuloy gayong puno ang hotel?” tanong ni Mrs. Malvar.
Hindi sumagot ang asawa’t anak.
BAKANTE ang dalawang silid sa bahay ni Caroline. Ang silid ni Hannah at ang guest room na may double bed. Sa kabila ng lahat ay hindi niya maatim na manatiling sama-sama sa isang single room na may single bed ang mga magulang at kapatid ni Shane. After all, lolo at lola at tiyahin ito ni Erick.
Alas-siyete ng gabi nang magsidating ang mag-anak at dumiretso sa restaurant ng hotel upang maghapunan. Nilapitan niya ang mga ito.
“Good evening…” bati niya. Hindi siya nakatitiyak kung tama ang ginagawa. Subalit alam niya kung gaano kaliit ang pang-isahang silid na nabakante. Kahit ang banyo niyon ay napakaliit din. Bagaman malinis ang silid ay sadyang pang-isahan iyon.
“Hello, Caroline…” sabay halos na bati ng tatlong Malvar.
“Tama ka, hija. Nag-enjoy kami sa hot spring. Mukhang magandang gamot sa rayuma,” ani Mr. Malvar na tumayo at hinila ang isang upuan. “Please join us. Nag-order pa lang kami ng aming hapunan.”
“Totoo ang sinabi ng asawa ko, Caroline,” ani Mrs. Malvar. “Palagay ko ay makakatulog ako nang mahimbing nito.” She smiled widely. “Hindi ko na mapapansing magsisiksikan kami ni Pauline.”
“Thank you, sir. Pero iba ang sadya ko sa pagbaba rito.” Inikot niya ang tingin sa tatlo. “Wala pong mababakanteng silid sa hotel sa loob ng apat na araw. Kung mayroon man ay naka-reserve na iyon sa ibang darating pa.”
Pauline smiled at her. “It’s all right, Caroline. We’ll be fine. It’s not your fault that we didn’t have reservation.”
“Tama si Pauline, hija,” sagot naman ni Mrs. Malvar. “Anyway, nasa labas naman kami buong araw at namamasyal.”
She swallowed. “I… I am offering you my guest room, sir… ma’am. And…” Nilinga niya si Pauline, “you can stay in my stepdaughter’s room.”
"We... we don't want to impose!" nag-aalangang sabi ni Pauline.
"Oo nga naman, Caroline," segunda ni Mr. Malvar. "Kalabisan iyan para sa amin." She smiled at them sincerely. "You are not imposing. Please, uutusan ko ang isa sa mga empleyado na dalhin ang mga gamit ninyo sa bahay ko. Karugtong lang po iyon ng hotel..."
Nilingon niya ang isang bahagi ng restaurant at may itinuro sa glass panel. Puro nagtatayugang mga halaman ang makikita roon. “May daan po patungo sa bahay mula sa opisina ko. Sa likod lang po ng mga halamanang iyan.”
"Why, thank you! I don't know what to say," bulalas ni Mr. Malvar.
"Wala pong anuman iyon, sir."
“We still want to keep the single room, Caroline…”
She frowned. "Pero bakit?"
"Shane's arriving tomorrow morning."
Kung hindi ang pamilya ni Shane ang kaharap niya ay baka hindi niya napigil ang sariling ilabas ang pagkamangha at ang matinding kabang umahon sa dibdib niya. Shane would be arriving tomorrow!
She forced a smile. "O-okay." Iyon lang at ipinagpatuloy na niya ang paglabas sa dining room ng restaurant.
50
“MOMMY, are you okay?”
Mula sa panunungaw sa bintana ay nilingon ni Caroline ang anak. "Yes, darling. Why do you ask?"
"You look worried. Inom ka nang inom ng kape. Three cups na, saka kanina ka pa sa bintana," wika ng bata na saglit siyang tinapunan ng tingin at ibinalik ang atensiyon sa laruan.
"I'm okay, darling." Sinulyapan niya ang relo sa dingding sa ibabaw ng bureau. "Alas-otso na, Erick. Oras na ng patulog mo."
"Tomorrow's a Saturday, Mommy. Walang school," protesta nito.
Sa sinabi ng anak ay ipinaalala lang nito na hanggang Lunes pa ang mag-anak na Malvar. At na bukas ay darating si Shane. Sana ay dumating ang mga ito na may school si Erick. Nakatakda nang pumasok sa school ang anak sa pasukan. Preparatory. Kahit paano ay may tsansang hindi magkikita ang mga ito.
Nagkamali ba siyang ialok sa mga Malvar ang mga kuwarto sa bahay niya? Makikita at makikita ng mga ito si Erick, malibang ikulong niya ang anak sa silid nito kasama ang yaya pagdating ng alas-sais ng gabi. Sa unang gabi, tulad ngayon ay posible ang gusto niyang mangyari. Subalit sa susunod na mga gabi ay mag-aalma na ang bata kung bakit hindi niya ito gustong palabasin.
At siya, magagawa ba niyang huwag makipagkita kay Shane sa duration ng bakasyon ng mga Malvar dito sa Coron? May asawa na ba ito?
Hindi niya maipaliwanag ang hapding naramdaman sa naisip na posible itong may asawa na gayong kahit siya sa sarili niya ay hindi siya nakatitiyak ng sariling reaksiyon sa sandaling magkikita silang muli.
"Mommy, sige na, please. Dito muna ako."
"Okay, darling. Another hour then off to bed."
KINABUKASAN, maaga pa lang ay ginising na ni Caroline ang anak. Dadalhin niya ito sa mga magulang ni Raquel. Bagaman inaantok pa, nang marinig ni Erick kung saan sila pupunta ay pupungas-pungas itong agad na bumangon.
Inutusan niya ang yaya nito na ipagdala ang anak ng dalawang damit para sa buong maghapon. Alas-siyete y media ay nasa bahay na sila ng mga magulang ni Raquel. "Iiwan ko po muna si Erick dito sa inyo, Nanay Lolit. Nariyan naman ang yaya niya. Hindi kayo mahihirapan masyado." Sinulyapan nito ang anak niya na agad tumakbo kay Tatay Peping na nagpapakain ng mga manok.
"Ano bang mahihirapan ang sinasabi mo, Caroline? Alam mo namang welcome na welcome kayo ng anak mo rito. Tingnan mo nga si Peping at nakatawa nang makita si Erick." Ito man ay sumulyap sa dako ng asawa. "Kung puwede nga lang araw-araw dito ang batang iyan, eh."
"Marami pong salamat. Susunduin ko po mamayang gabi at bukas po uli ng umaga ay ihahatid ko rito. Hanggang bukas lang naman po."
"Kahit hanggang kailan," wika ni Nanay Lolit. "Nag-almusal na ba kayo? Nagprito ako ng itlog at daing na pusit."
Her smile was wide. "I love daing na pusit. Si Erick din ay gusto iyan."
"Hala, sige, doon na kayo sa mesa ng yaya at dadagdagan ko ang pritong pusit."
"Ako na po, Nanay Lolit," alok ng yaya na wasiwas ng kamay ang sagot ng matandang babae.
Bumalik sa hotel si Caroline nang bandang alas-dies at sa bahay nagtuloy. Nagbilin sa desk na kung ano man ang problema, kung kaya rin lang i-handle ng mga ito ay huwag na siyang tawagin. Kaninang alas-nueve ay dumating na ang eroplano mula Manila sa Busuanga airport. Natitiyak niyang nasa hotel na si Shane.
Caroline dreaded the moment she had to meet Shane. Bagaman sa kaibuturan ng kanyang puso ay naroroon ang pananabik na nais niyang ikaila sa sarili.
Umiling siya. Hindi siya dapat makadama ng ganoon. Maliban kay Erick na siya pa ring maaaring mag-ugnay sa kanila ay bahagi na lang ng nakaraan si Shane. At bagaman hindi nabanggit ni Pauline, Shane could be married already.
Subalit hindi siya mapakali sa bahay. Kailangan niyang magtungo sa opisina at magtrabaho.
Isang malaking karuwagan sa bahagi niya kung magtatago siya. She was twenty-six years old matured woman.
Pumasok siya sa banyo at naligo at pagkatapos ay nagbihis at naglagay ng bahagyang makeup at lumabas ng bahay patungo sa opisina niya sa hotel. Sa likod lang ng reception ang opisina at bubuksan na lang niya ang pinto nang marinig ang malakas na tinig sa reception.
Sa halip na sa opisina’y sa reception siya nagtuloy. May isang mataba subalit maliit na lalaki ang naroroon at nakikipagtalo sa empleyado. Namukhaan niya ang lalaki. Isa ito sa guests ng hotel na nag-check out na.
“Ano ang problema, Nardo?” tanong niya sa empleyado.Tumingin sa kanya ang lalaki. “At sino ka?” the man asked haughtily.
“Ako po ang manager ng hotel, sir. May problema ba?”
“Eh, ma’am, ipinipilit po niya na hindi siya nag-check out noong umaga ng Friday,” sagot ng empleyado. “Kaya nga po ibinigay natin sa mga Malvar ang single room ay dahil nag-check out na siya.”
“Hindi ako nag-check out!” giit ng lalaki sa malakas na tinig. “Sinungaling ang empleyado mong ito!”
“Nagbayad na po kayo, sir. Patungo po kayo ng Puerto Princesa noong umaga ng Biyernes. At ang sabi ninyo ay didiretso na kayo ng airport ngayong araw na ito. Narito po ako nang sabihin ninyo iyan sa desk employee,” paliwanag ni Caroline sa mahinahong tinig.
“Tumawag ako rito ng Biyernes ng hapon upang sabihing hindi ako natuloy sa Puerto Princesa at na gagamitin ko pa rin ang silid ko! Anong klaseng mga empleyado kayo?!” muling sigaw ng lalaki at sa pagkakataong iyon ay umabot sa ilong ni Caroline ang amoy-alak nitong hininga.
Napailing siya nang lihim. Bibihirang nagkakaroon ng problemang ganito sa hotel. Kung mayroon man siyang hindi gusto sa trabaho niya ay ang pakiharapan at paliwanagan ang mga ganitong uri ng guests na nakainom. At maaga pa.
"Ibigay ninyo sa akin ang susi ng silid ko!" giit ng lalaki.
"May iba na pong umookupa sa silid, sir," ani Caroline.
Napahakbang palapit sa kanya ang lalaki sa gulat niya. "Bigyan mo ako ng ibang silid kung okupado ang dati kong silid!"
"Wala na pong bakanteng room, sir."
"Problema mo na iyan!" singhal ng lalaki na dinuro siya. Napaatras nang wala sa oras si Caroline at tumama ang likod niya sa dibdib ng taong nasa likuran niya.
"Ano ang problema, Caroline?" wika ng pamilyar na tinig at hinawakan siya sa magkabilang balikat mula sa likod upang hindi siya matumba.
Marahas ang ginawa niyang paglingon. Tumambad sa kanya ang mukhang sa nakalipas na limang taon ay namahay na sa kanyang balintataw. Except that it wasn't the young man she had known before.
He was older. Mas may malapad na mga balikat. Mas may magandang pangangatawan sa suot nitong mapusyaw na asul na Nike sport shirt. Nakapaloob ang laylayan ng suot nito sa kupasing maong. At mas magandang lalaki.
Madalian niyang tinuos sa isip ang edad nito. Shane must be twenty-nine now. And yet he looked a few years older. There was something in his eyes that she hadn’t seen before.
Nilapitan ni Shane ang lalaki at niyuko. “Ako ang umookupa sa binakante mong silid. May problema ka roon?”
“Sino ka?” matapang nitong tanong subalit umatras nang ilang hakbang.
“The bouncer.”
Tinitigan si Shane ng lalaki mula ulo hanggang paa. Shane was much taller. Bigger. At mababanaag ang six-pack mula sa suot nitong sport shirt. Ganoon din ang mga muscles sa braso.
Walang kibong tinungo ng lalaki ang palabas ng hotel. Nasa pinto na ito nang lumingon at pinakitaan si Shane ng dirty finger bago nagmadaling tuluyang lumabas.
“T-thank you,” ani Caroline. Hindi niya mapigil ang panginginig ng mga tuhod. Kailangan niyang maupo. Hinayon niya ng tingin ang mahabang sofa sa reception area. Tila kay layo-layo niyon at kinakabahan siyang hindi makarating doon.
Napagkamalan marahil ni Shane na takot sa lalaki kanina ang sa wari’y hindi diretso niyang lakad patungo sa sofa. Hinawakan siya nito sa likod ng siko at inalalayan hanggang sa makaupo siya. Naupo rin ito sa pang-isahang sofa.
“Nangyayari ba iyon parati?” he asked.
Caroline blinked. Hindi agad makarehistro ang tanong nito. “W-what?”
“Iyong ganoong uri ng guest,” anito at kunot ang noong nakatitig sa kanya. “Muntik ka na niyang tamaan ng daliri niya kung hindi ka umatras. Kung nangyari iyon ay baka hindi ko napigil ang sarili kong masaktan siya.”
“Oh… of course, the guest…” she said stupidly.
Maraming beses sa nakalipas na mga taon ay pumapasok sa isip niya ang magiging reaksiyon niya sa sandaling magkita silang muli ni Shane. She hadn’t expected that she’d feel weak… disoriented.
“Caroline, are you all right?” puno ng concern ang tinig nito. “Nagawa ka ba niyang saktan bago ako lumabas?”
She shook her head forcefully. “No… no. K-kanina pa masakit ang ulo ko.”
“Gusto mong humingi ako ng paracetamol?“Muli siyang umiling. “I’ll be fine in a minute.” Tinawag ang nasa desk at nagpahingi ng kape.
“Ikaw?” tanong niya kay Shane. “Gusto mo ng kape?”
“Okay.” Nilingon nito ang clerk at sumenyas ng dalawang kape.Inabot ni Shane ang mga kamay niya. “Your hands are trembling…”
“Really?” Niyuko ni Caroline ang mga kamay niyang hawak nito. Parang sinakop na ng malalaking kamay ni Shane ang mga iyon. She smiled nervously. “B-baka pasmado,” she said for lack of the right words to say.
Shane chuckled. The sudden transformation on Shane’s face made her gasp softly. Ang napansin niya sa mga mata nito kanina ay nabigyan niya ng pangalan. Tila walang buhay ang mga iyon kanina.
“Your grandmother’s not rich, Caro. Subalit pinalaki kang hindi dumanas ng hirap,” anito, nasa mga labi ang ngiti. “Walang posibilidad na mapasma ka.”
Caroline’s heart somersaulted. Both from the smile and the endearment. Bagaman nakikita niya ang replika ng ngiting iyon kay Erick, hindi niyon naawat ang matinding pananabik na nararamdaman niya. Kung ang puso niya ang susundin ay yayakapin niya ito. Gayunman, hinila niya pabalik ang kamay.
Umusal siya ng pasasalamat nang ibaba ng waiter ang tray ng kape nila sa coffee table. Agad niyang tinimplahan ang kanya at dinala sa bibig at marahang hinigop. It wasn’t as if she longed for coffee. Pero doon niya naibubuhos ang atensiyon niya sa halip na kay Shane.
Shane ignored his coffee. Alam niyang nakatitig ito sa kanya at hindi niya makuhang salubungin ang mga mata nito.
“How are you, Caro?” he asked softly, yearning in his voice.
She shrugged stiffly. “I’m fine… thank you.”
“Stop being polite, Caro…” he said with a sigh then looked around him. “Ikinatutuwa kong nagkaroon ng katuparan ang pangarap mong magmamay-ari ng hotel…”
She shrugged stiffly. “Life. You never know what happens next.”
“You are Matt’s widow. With a son…” The pain in his voice was visible that Caroline gulped her coffee and scalded her tongue. Pero tiniis niya ang paso at marahang ibinaba ang tasa sa platito. “You legally married him a day before the actual ceremony…”
“What is it with you, Shane? Bakit kailangan mong ungkatin ang nakaraan?”
“That entitled you to Matt’s wealth…”
Nanlaki ang mga mata niya. “Inaakusahan mo ba akong—”
“I am not accusing you of anything. It’s just that you married him when you were not in love with him.Nagkaanak sa sandaling panahon. And there I was trying to win you back…” he said wearily, then shook his head. “I’m sorry, Caro. I am making this worst—”
Tumigas ang mukha niya at marahas na tumayo. “Maraming uri ng pag-ibig, Shane. At hindi mahirap mahalin si Matt. Mas mabuti ang pagkatao ni Matt kaysa sa iyo!” Akma na siyang hahakbang upang iwan ito subalit nahawakan siya sa kamay ni Shane.
“Caro…”
“Enjoy your stay here in Coron, Shane. At huwag mo akong bigyan ng dahilan na pagsisihang ibinigay ko sa mga magulang at kapatid mo ang guest room at silid ni Hannah sa bahay ko!”
Marahas niyang hinatak ang kamay at nagmadaling lumakad palayo sa reception area.nagtuloy siya sa bahay niya. Sa pamamagitan ng intercom ay ibinilin niya sa front desk na huwag siyang abalahin. Idinapa niya ang sarili sa kama at umiyak nang umiyak. Ang mga luhang naipon sa puso niya sa nakalipas na limang taon ay inilabas niya nang mga sandaling iyon; nang mga panahong ipinagdadalang-tao niya si Erick na nag-iisa siya; nang panahong ipinanganak niya ito at wala siyang ama na maitukoy maliban sa sabihing isa siyang biyuda ni Matt.
Bakit kailangang magkita silang muli ni Shane?
Oh, alam niyang magkikita silang muli sa paano at paano man dahil kay Erick. But she would have preferred it to be later. Kapag nagsimula nang magkolehiyo si Erick.
51
ALAS-SAIS nang sunduin ni Caroline sina Erick at ang yaya nito. Nagpahatid na lang siya ng hapunan sa silid niya upang doon sila kumaing mag-ina.
"Can I watch TV here in your room, Mommy?" tanong ng bata nang matapos kumain.
She smiled at her son softly. "Puwede ka ring matulog dito, katabi ni Mommy." Kumislap ang mga mata ng bata. "Truly?"
"Truly. Yaya will bathe you first. Then change into your pj's..."
"Yeheyyy! Katabi ko si Mommy!" ani Erick sa yaya niya at sumama ritong palabas pabalik sa sarili nitong silid.
Kalahating oras makalipas ay pabalik na si Erick sa silid ng mommy nito nang matanaw na bukas ang ilaw at pinto ng silid ni Hannah sa kabilang pasilyo.
"Is Ate Hannah home, Yaya?" tanong nito pero hindi hinintay ang sagot ng yaya at tumakbo patungo sa silid ni Hannah at dire-diretso sa loob.
Napahinto ito sa loob ng silid nang mapunang hindi si Hannah ang naroroon kundi dalawang babae. "W-where's my Ate Hannah? Why are you sitting on her bed?"
Sabay na napalingon ang dalawang babae. Mrs. Malvar smiled warmly at the boy. "Hello. You must be Caroline's son."
"Saan si Ate Hannah?"
"We are friends of your mommy's, hijo," patuloy ni Mrs. Malvar na tumalungko upang makapantay ang bata."What is your name?"
"Erick," kunot-noong sagot ng bata at hindi malaman kung paano paglilipat-lipatin ang tingin sa babaeng mas bata na nakaupo sa kama ng ate nito at sa matandang babaeng nasa harap niya.
Siya namang pagsungaw ng yaya nito at niyakag na palabas ang bata. Walang kibong sumunod si Erick. Nagkatinginan ang mag-inang Malvar.
"Hindi marahil gusto ng bata ang ideyang narito tayo sa silid ng ate niya," amused na sabi ni Pauline.
"What a cute little boy." Nilingon nito ang anak. "Magpakasal na kayo ng novio mo, Pauline, nang magkaapo na ako."
Pauline laughed.
52
SUNDAY. Nalabasan ni Caroline si Shane na nakatayo sa gitna ng hardin ng hotel. Nakapasok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalong maong. Malaya niyang nahahagod ng tingin ang kabuuan nito dahil hindi pa nito namamalayang naroon siya.
Gone was the tall and lanky boy. Ang humalili ay isang nag-mature na lalaki. Broad-shouldered. Six-pack abs... the whole nine yards.
He must have felt her. Lumingon ito.
"Ano ang ginagawa mo rito, Shane?" she asked unemotionally. "This place is off-limits to guests.."
"Since that day?"
Tumango siya.
Nagbuntong-hininga si Shane. Malungkot na inikot ng tingin ang buong paligid. “Hindi mo siguro ako paniniwalaan, Caro,” he said after a while. “Though it was killing me watching you walk towards Matt, I had wished you then all the happiness in the world…”
“Thank you.” She was sarcastic. Hindi niya gustong iyon ang tono ng boses niya. But she was defensive. Hindi niya gustong masaktan nito uli.
Nasa entrada siya ng hardin. At naroon ito sa gitna ng hardin. Napapaligiran ng nagtatayugang magagandang halamang-dahon at halamang namumulaklak. Hindi makapasok ang araw sa loob ng hardin dahil sa mga sanga at dahon ng dalawang malalaking punong nakatabing sa buong paligid.
Ang hardin ay isa sa mga atraksiyon ng hotel bagaman walang guests na nakakapasok doon. Nakikita lamang iyon mula sa bintana ng hotel rooms o di kaya ay sa salamin ng coffee shop. Idinagdag niya ang isang malaking koi pond sa hardin na may ilang silid sa itaas na natatanaw iyon. Kabilang na ang mula sa silid niya.
Itinuon niya ang atensiyon kay Shane. He was a very impressive man yet he seemed lost.Nag-angat ito ng tingin sa kanya. “Limang taon nang wala si Matt, Caro. Could we—”
“No,” putol niya sa sinasabi nito. “You didn’t listen to my side, Shane. Mas pinaniwalaan mo ang kaibigan mo…” She saw him grimace. “I would have forgiven you had you shown decency by saying good-bye—”
Ito naman ang pumutol sa sinasabi niya. “I never wanted to say good-bye, Caro…”
“Oh, yes? Gayong wala akong narinig sa iyo sa nakalipas na halos apat na buwan. And you made me a laughingstock. Pinagtawanan ako ni Chanelle at ng mga barkada niya. Magkasama kayo sa beach resort. Spent a couple of days with her while I had been crying all the time. And you are telling me now that you didn’t want to say good-bye?”
“Caro…”
“Hinihintay ko ang tawag mo… ang pagdating mo sa apartment. I’ve waited… and waited in vain…” Gumaralgal na ang tinig niya. Nagsimula nang mag-init ang sulok ng mga mata niya.
Humakbang palapit sa kanya si Shane subalit inawat niya ito. “Don’t come near me, Shane.” Matigas at mariin ang tinig niya. “Hindi mo siguro alam kung anong sakit ang idinulot mo sa akin nang mga panahong iyon. At si Matt ang naroroon sa mga panahong sa aking palagay ay hindi ko kakayanin. Si Lovelle… si Raquel… at si Hannah.” And I was pregnant with your son, damn you!
“Patawarin mo ako, Caro…” anito sa nahihirapang tinig.
“Matagal na kitang pinatawad, Shane. So, please, let’s get on with our lives.” Tumalikod siya pabalik sa loob ng hotel, bago huminto at nilingon ito. “Maligayang paglalakbay pabalik ng Maynila sa inyo ng pamilya mo bukas ng umaga.”
“SO, ANO ang plano mo ngayon?” tanong ni Pauline pagkatapos mapakinggan ang buong kuwento na sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinagtapat ni Shane sa mga magulang at kapatid.
Shane was toying with his food. "Hindi ko alam... hindi ko alam..."
"You are a fool, little brother. You made your bed and now you have to lie on it."
"Pauline," ani Mrs. Malvar sa tonong nananaway. "Your brother was young then. Binulag ng matinding paninibugho at paniniwala sa kaibigan." Hinawakan ni Pauline sa braso si Shane. "I'm sorry..."
"Yeah. Me, too."
Mr. Malvar cleared his throat. "If you love her, son, then do what you must. Win her back, come hell or high water..."
A smile broke Shane's lips. "Thank you, Papa."
"So, we are all going home tomorrow?" tanong ni Pauline. "Maliban sa iyo, Shane?"
"Kasama ninyo akong lilipad pabalik ng Maynila."
53
ALAS-OTSO y media ng umaga ay nasa dining room na ng hotel ang mag-anak na Malvar upang mag-almusal. Shane was sipping his coffee absentmindedly.
"Nasa office ba niya si Ms. Caroline?" tanong ni Mrs. Malvar sa waiter. "We would like to thank her personally for allowing us to stay in her guest room and her stepdaughter's room."
"Maaga pong umalis si ma'am Caroline," sagot ng waiter na nagpaangat ng tingin ni Shane dito.
“Baka po mamaya ng hapon ang balik niya.
Nagkatinginan ang tatlo. Si Shane ay nakadama ng panlulumo. Nais niya sanang personal na makapagpaalam at makapagpasalamat kay Caroline. Pero kahit ang mga iyon ay ipinagkait nito sa kanya.
"Natitiyak mo bang umalis siya at hindi ka binilinan lang?" tanong niya sa waiter.
"Kapapasok ko pa lang, sir, nang makasalubong ko si ma'am sa driveway. Dala niya po ang truck niya. Kasama po si Erick..."
"Erick?"
"Her son, Shane," sagot ni Mrs. Malvar. "You haven't met her son yet, hijo?" Hindi siya sumagot. Kung mababasag lang niya ang makapal na mug sa higpit ng pagkakahawak niya ay nabasag na iyon. Isa pa ang bagay na iyon na kay hirap niyang tanggapin. Ilang linggo pagkatapos nang huli silang magkita, Caroline hopped into Matt's bed. And she accused him of infidelity... ng pagpapakasawa sa kandungan ni Chanelle? He gritted his teeth. Kasabay ng galit ay ang hapdi sa damdamin.
“GOOD morning po, ma’am,” wika ng kasambahay sa condo unit ni Hannah nang mapagbuksan sila ng pinto ni Erick. “Hello, Erick…” nakangiting bati nito sa bata.
"Narito ba si Hannah?" Ibinaba niya ang mga gamit nila sa sofa. "Ipasok mo ang mga iyan sa kuwarto namin, Lucy."
"Opo, ma'am. Wala po si Miss Hannah. Lumabas po sila."
She frowned. "Sila?"
"Ng boyfriend po niya, ma'am," sagot nito habang bitbit ang di-kalakihang luggage nilang mag-ina sa silid.
"Boyfriend?" manghang ulit niya. "Kailan pa nagka-boyfriend si Hannah at hindi ko alam?" nababahalang tanong niya.
Muling lumabas ang kasambahay. "Parang mahigit isang linggo pa lang po yata, ma'am, silang mag-boyfriend."
"Ano'ng hitsura ng boyfriend ni Hannah? Saan niya ito nakilala?" Tinalo pa niya ang NBI sa pagtatanong.
"Ewan ko po, ma'am, pero guwapo..." Kinilig pa ito na bumungisngis.
Hindi na nagsalita si Caroline. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakaringgan niyang may boyfriend si Hannah. Lahat ng nanliligaw rito ay itinatawag nito sa kanya at sa nakalipas na buwan ay wala itong nababanggit na nagkakagusto na sa isang lalaki at nakikipag-boyfriend na.
Ginugol niya ang panahon sa pagluluto habang naghihintay kay Hannah. Alas-sais ng hapon nang bumukas ang pinto ng condo at lumitaw ito na nakangiti pa sa wari ay mula sa pinag-uusapan nito at ng kasama.
"Hannah..."
"Caroline!" bulalas nito nang makita siya. Biglang nahawi ang ngiti at sa wari ay ninerbiyos. Sa ligalig na anyo ay nilingon nito ang kasama na sumungaw sa pinto. Napasinghap nang malakas si Caroline nang makilala kung sino ang kasunod ni Hannah.
Si Shane.
Sandali lang ang pagkabiglang ipinakita nito nang makita siya. “Hello, Caroline…”
Ang pagkabigla at pagkailang ay sandaling napawi nang mula sa silid ay lumabas si Erick at tumawa nang makita si Hannah.
“Ate…”
“Erick!” Sinalubong ito ni Hannah at kinarga. Kiniliti at sabik na pinaghahagkan. “’Miss you…”
“Miss din kita.” Humahagikgik ang bata mula sa pupog ng halik ni Hannah.
Parehong nakatitig sa dalawa sina Caroline at Shane. Bagaman wala sa anak at stepdaughter ang isip ni Caroline. Ang nasa isip ay ang kalituhan na girlfriend ni Shane si Hannah. Pait, hapdi, at galit ang nag-uunahang makapangibabaw sa damdamin ni Caroline. Kasama na ang paninibugho na hindi niya gustong aminin.
Naggagalawan ang muscles sa panga at nag-iigting ang mga ngipin ni Shane sa pagkakatitig kina Hannah at Erick. Subalit nanatili itong nakatayo roon na tila ipinako sa sahig. His body stiff. Kapagkuwa'y ibinaba ni Hannah si Erick at alanganing nilingon sila.
"Caroline... n-natatandaan mo si Shane?" tanong nito. Caroline couldn't even remember nodding her head. "Ang sabi ni Shane ay nasa Coron silang mag-anak two weeks ago..." Tumalikod siya at hindi sumagot. "Ihahanda ko ang mesa."
Nagkatinginan sina Shane at Hannah. "K-kumain na kami sa Gerry's, Caroline," ani Hannah.
She stopped on her tracks. Kapagkuwa'y nilingon si Lucy. "Pakainin mo si Erick, Lucy, at pagkatapos ay iligpit mo na ang mesa." Without a backward glance, tuloy-tuloy siya sa silid niya. Nakakailang na katahimikan ang namagitan. Hannah broke it. Niyuko si Erick at nginitian.
“Erick, this is Shane. He is my—”
"Boyfriend?" dugtong ng bata na ikinasinghap ni Hannah, tumingin ito kay Shane na nanatiling hindi mabasa ang ibinabadya ng mukha. Nakakuyom ang mga kamay nito sa tagiliran. Nakatitig din sa bata.
"Lucy told Mommy..." patuloy ni Erick.
"Mabuti pang umalis na ako," ani Shane sa walang emosyong tinig. "I'll call you."
Tumango si Hannah. Inihatid ito ni Hannah sa may pinto. "Bye, Shane..." sigaw ng bata.
Natigilan sa pagbubukas ng pinto si Shane at nilingon ito. Forced a smile. "Bye, Erick," he said.
Tuluyan na itong lumabas.
Pagkasara sa pinto ay nilapitan ni Hannah si Erick at inakay patungo sa dining room. "Come, my love. I'll feed you."
"Let's watch cartoons."
"Until we drop." At saka malakas na tumawa. "Lucy, kumain ka na at ako na ang magpapakain kay Erick."
54
KINABUKASAN ng umaga ay hindi na ginising ni Caroline sina Hannah at Erick. Magkatabing natulog ang dalawa sa kuwarto ni Hannah. Tinitigan niya ang mga ito habang natutulog. A poignant smile curved her lips.
Hannah loved Erick to destruction. At kagabi ay alam niyang inabot na ng hatinggabi sa paglalaro ang dalawa ng Angry Birds at Grave mula sa ipad. Naririnig niya sa kuwarto ang halakhakan ng dalawa.
Hindi siya makapaniwalang may relasyon si Hannah kay Shane. Napakabata pa nito para sa pakikipagrelasyon. Hannah was a child herself, for crying out loud!
At si Shane? Ano ang motibo nito sa pakikipaglapit kay Hannah? Upang saktan siyang lalo?
"Huwag kang arogante, Caroline," wika ng kabilang isip niya. "Hindi sa iyo nakaukol ang buong buhay ni Shane. Ikaw lang ang ganoon."
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at walang ingay na lumabas ng silid ng dalawa.
"Heto na po ang kape ninyo, ma'am," ani Lucy na iniabot ang mug ng kape sa kanya. "Hindi na po ba kayo mag-aalmusal?"
"Tama na itong kape. Kapag nagising si Hannah ay sabihin mong nasa Greenbelt branch ako unang tutungo. Pagkatapos ay sa Resorts World. Bukas ko na siguro mapupuntahan ang Nuvali branch. Hindi ko na gagamitin ang sasakyan niya. Magta-taxi ako. Mahirap pumarada sa Resorts World."
Pagdating siguro niya mula sa Resorts World ay kakausapin niya si Hannah. Bagaman hindi rin niya maisip kung saan siya magsisimula. Inubos niya ang kape at pagkatapos ay dinampot ang bag at umalis na.
Naging abala ang buong maghapon ni Caroline sa pagdalaw sa dalawang branch ng franchise nila. Alas-tres na ng hapon nang makabalik siya sa condo. Wala roon sina Hannah at Erick.
"Saan daw nagpunta?" she asked casually, binuksan ang ref at kumuha roon ng bote ng inumin at isinalin sa baso.
"Wala pong sinabi, ma'am. Pero sinundo po sila rito ng boyfriend ni Hannah."
Muntik na niyang mabitiwan ang baso ng tubig. "Si Shane?"
"Opo. Iyon nga po ang pangalan."
Kung napapagod siya pagdating niya ay lalong nakadama ng matinding pagkahapo si Caroline. Idagdag pa na parang gusto niyang maiyak. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang damdamin niya. At kailangan niyang maging maingat sa pakikipag-usap kay Hannah.
She was young and impressionable. If she was truly attracted to Shane, na hindi naman nakapagtataka, ay kailangan niyang maging mahinahon at mataktika sa pakikipag-usap sa stepdaughter.
And then there was her son Erick. Alam ni Hannah ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Erick. Hindi pa man ipinapanganak si Erick ay naipagtapat na niya iyon dito. At hindi siya nakatitiyak kung mapapanatiling lihim ni Hannah ang katotohanang iyon kay Shane.
Kung mangyaring malaman ni Shane ang tungkol kay Erick ay hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang lahat. Nagiging komplikado ang mga bagay-bagay magmula nang makita niyang muli si Shane.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakaupo sa dining table kaharap ang laptop subalit ni isang letra sa ginagawa ay wala siyang nauunawaan. Uminom siya ng isang shot ng alak upang ikalma ang mga nerves. Pinaglalaro niya sa isipan ang lahat ng gusto niyang sabihin.
Walang tigil sa pagkaba ang dibdib niya. Sa palagay niya ay hihimatayin siya ano mang oras.
Nang may kumatok at pagbuksan ni Lucy ay napaigtad pa siya. Magkasunod na pumasok ang tatlo. "Mommy," sigaw ni Erick nang makita siya at agad tumakbo palapit sa kanya. Kinarga niya ang anak at hinagkan sa noo.
"Where have you been?" she whispered.
“Shane brought us to Ench… enc…”
Umangat ang naniningkit niyang mga mata sa dalawa. "You brought Erick to Enchanted Kingdom?"
Shane was looking at her impassively. Si Hannah ang sumagot sa kanya. "Ipinasyal lang namin ang bata, Caroline." She smiled. "At tuwang-tuwa kaya si Erick. Dalawang taon pa lang siya nang huli tayong magtungo roon. Ngayon ay naa-appreciate na niya ang mga rides."
"Kaninong ideya na isama ninyo si Erick?" Sinisikap niyang kontrolin ang pag-uumalpas ng galit.
"It was my idea," Shane said calmly.
Marahas siyang tumayo, dragging her chair. "Wala kang karapatang dalhin kung saan-saan ang anak ko!"
"Namasyal lang naman kami, Caroline," ani Hannah. "Dati ko namang ipinapasyal si Erick, hindi ba?" Hannah sounded hurt.
"Totoo! Pero hindi kasama ang ibang tao. Paano kung nawala ang atensiyon mo kay Erick dahil sa kasama mo?"
"We are not that careless, Caroline," paliwanag ni Shane, nanatiling walang emosyon ang mukha. "Hindi hinihiwalayan ng mata ko ang bata at ni hindi iyan nakakalayo sa akin nang ilang hakbang man lang..."
"Kahit na! Wala kayong karapatang isama ang anak ko! At saan mo isinakay ang anak ko? Sa motorsiklo?" Lalo nang tumaas ang tinig niya nang maisip iyon.
"We used my car, Caroline," ani Hannah. "Iniwan ni Shane ang bike niya sa ibaba."
"Mommy, why are you angry with Shane?" naguguluhang tanong ng bata.
"Come here, Erick..." Kinarga ni Hannah ang bata at nilingon si Lucy. "Prepare Erick's bath, Lucy." Pumasok si Hannah sa sariling silid kasunod si Lucy.
"Bakit mo ginagawa ito?"
"Ano ang ginagawa ko, Caroline?" tanong ni Shane, his eyes never left her face. "Ang ipasyal ang anak mo kasama si Hannah? Wala kang tiwala sa anak ni Matt?"
"Sa iyo ako walang tiwala!" she blurted. "Hindi ko maisip kung ano ang maaari ninyong gawing dalawa at nawala sa anak ko ang atensiyon ninyo."
"Nagseselos ka?"Nanlaki ang mga mata niya. "Don't flatter yourself, Shane!"
“Sinabi ko na sa iyo na hindi ko hinihiwalayan ng tingin ang bata.”
"Hindi ako naniniwala sa iyo, Shane! Hindi ko na gustong maulit pa ang bagay na ito. Kung gusto mong ilabas si Hannah, fine. But leave my son out of it." Akma siyang tatalikod subalit nahawakan siya ni Shane sa braso at hinila palapit dito.
"Bitiwan mo ako, you son of a bitch!" Nagpumiglas siya subalit mahigpit na hawak ni Shane ang mga braso niya. Tuloy siya sa pagsisikap na makawala mula rito. Sa puntong iyon sila nalabasan ni Erick.
"Shane!" sigaw ng bata, sabay takbo palapit sa kanila. Pagkatapos ay pinagsusuntok nito sa binti si Shane. "You are hurting Mommy! I hate you!"
Binitiwan ni Shane si Caroline at niyuko at kinarga ang bata. Pinagsusuntok ito ni Erick sa kung saan na lang. "You are not my friend anymore! Sinaktan mo si Mommy. Pinaiyak mo si Mommy!"
"Erick... I... I didn't hurt your mother..." depensa ni Shane sa gumagaralgal na tono. "Believe me, hindi ko sinaktan ang mommy mo. Hindi ko magagawa iyon..."
"I saw you! Liar! You twisted her arm!" Tuluyan nang humagulhol ang bata nang mapagod sa kakasuntok dito.
Nanlalaki ang mga mata ni Caroline sa pagkabigla sa nakitang iginawi ng anak. At ang nakitang sakit na nakiraan sa mga mata ni Shane. Or was it just her imagination? Dahil nang tingnan niyang muli si Shane ay wala na uling ekspresyon ang mukha nito.
Si Hannah ay nakatitig lang sa kanila sa nanlalaki ring mga mata. Si Lucy ang buo ang loob na nilapitan si Shane at kinuha mula rito ang bata.
"Handa na ang paligo mo, Erick..."
"Ako na ang magpapaligo sa anak ko, Lucy," ani Caroline sa kontrolado nang tinig. Kinuha ang umiiyak na anak at ipinasok sa sariling silid.
"Shane..." usal ni Hannah.
Itinaas ni Shane ang mga kamay. "Aalis na ako." Huminga ito nang malalim. Pagkatapos ay nilapitan si Hannah at hinagkan sa noo. "Magpahinga ka na. And thank you."
“I’m sorry…” Hannah said in a voice laced with tears.
“Don’t be. I enjoyed today.” Iyon lang at lumakad na ito patungo sa pinto at inilabas ang sarili.
55
CAROLINE was at the supermarket the next day. Namimili ng mga kakailanganin sa condo at sa bahay sa Silang para sa lola niya. Sa makalawa ay kailangan niyang magtungo sa Silang upang dalawin ang lola niya. Maybe she’d find solace in her grandmother’s arms.
She bit her lips to keep from crying. Itinulak niya ang cart at tinungo ang linya ng mga de lata. Gusto ng lola niya ng Palm corned beef. Hindi maalis-alis sa isip niya ang namagitang usapan nila kahapon ni Hannah pagkaalis ni Shane.
"You are so young, Hannah. Malaki ang katandaan ni Shane sa iyo."
"He is twenty-nine," sagot nito sa tonong puno ng rebelyon. "Eleven years ang tanda ni Shane sa akin. Si Daddy ay labinlimang taon ang tanda sa iyo!"
"Your father loved me—"
"At walang pag-ibig sa akin si Shane? Iyon ang gusto mong sabihin?"
She groaned. "Oh, Hannah, please. Don't you think Shane is doing this on a rebound?"
"No, Caroline. Ikaw lang ang nag-iisip niyan. And what is it with you? You don't want Shane. Pero ayaw mo rin siyang mahalin ako?"
"Hindi sa ganoon, Hannah. Ikaw ang inaalala ko. Napakabata mo pa para—"
"I can take care of myself, Caroline."
"And what about Erick? Are you planning to tell him the truth?"
"Ano ba talaga ang prolema mo, Caroline? Are you still in love with Shane and you are jealous? O natatakot kang malaman ni Shane na anak niya si Erick? Na posibleng mawala sa iyo ang anak mo sa sandaling makasal kami?"
Shocked, she stared at her stepdaughter. She had never known Hannah to be this bitchy. Ito ba ang resulta ng pagtinging iniuukol ni Hannah kay Shane? Like her, was Shane Hannah's first love, too?
Hilam sa luha ang mga mata niya at hindi na napansing nakadagil siya. "Oh, I'm sorry! Nasaktan ka ba?" Mabilis niyang pinahid ng tissue paper ang mga mata at sinipat ang nadagil ng cart niya.
"Honey, what happened?" wika ng kasamang lalaki nito. "Tinamaan ka ba ng cart?" Umiling ang babae. "Hindi naman ako nasaktan. Napigil ng kamay ko ang pagbangga sa akin ng cart."
Si Caroline ay nakatitig sa lalaking kasama nito. “Mike?”
“Caroline?”
"Magkakilala kayo?"
Inakbayan ni Mike ang babae. "This is my wife, Lindy, Caroline. Honey, si Caroline. Isang... kaibigan."
Inilahad ng babae ang kamay sa kanya. "I'm pleased to meet you."
Atubiling tinanggap niya ang kamay ng babae. She wasn't pleased to meet them. But she could hardly voice that out. Friendly ang babae. Bumaba ang tingin niya sa tiyan nito. She was obviously very much pregnant.
"May coffee shop sa labas nitong grocery, Caroline. Maaari ba kitang maimbitahan doon?" Akma siyang iiling subalit sinusugan ni Mike ang sinabi. "Please."halos wala pa namang laman ang grocery cart nilang pareho ay lumabas na sila at tinungo ang coffee shop. Sa pagitan ng pag-inom ng kape ay may ipinagtapat si Mike sa kanya. Ang ipinagtapat din nito kay Shane limang taon nang mahigit ang nakalipas.
"I'm sorry, Caroline. I know sorry isn't enough. Pero noong panahong iyon ay sobrang obsessed ako kay Chanelle..."
"And you are telling me this in front of your wife?" she said angrily.
"Sinabi na sa akin ni Mike ang bagay na iyan, Caroline. Bago pa man kami nagpakasal. He wanted to come clean."
"Sinira niya ang buhay namin ni Shane..."
"Gusto ko ring ihingi ng tawad sa iyo ang ginawa ni Mike." Puno ng sinseridad ang tinig nito at inabot ang kamay ni Mike ay pinisil iyon.
Tumayo siya. "Hindi ko alam kung kaya kong magpatawad, Mike. Marahil sa takdang panahon. Pero hindi ngayon. At sana'y habang-panahon kang usigin ng budhi mo sa ginawa mo.
“In my vocabulary, you were not obsessed. You were… are a maniac and sick in the head. Ipinagpalit mo ang pagkakaibigan ninyo ni Shane dahil sa tawag ng laman.” Niyuko niya ang asawa nito. “I’m sorry for you.”
Lumakad si Caroline pabalik sa grocery sa kabila ng lahat. Nagpupuyos ang dibdib niya sa galit. At sama ng loob. Sana’y natuklasan niya ang ginawa nito bago sila nagkitang muli ni Shane. Binayaran ni Mike si Nemia ng kaunting halaga upang ilagay sa lugaw niya ang pampatulog na ibinigay ni Mike sa kasambahay nila. Kung nasa poder pa ng mga kaibigan niya si Nemia ay malamang na makakatikim ito sa kanya. Subalit matagal nang wala si Nemia.
And Mike took pictures of her and Jessie. Sa university canteen. Had it photoshopped.
Pinagmukhang magkadikit sila ni Jessie. Sinamantala ni Mike na nagseselos na si Shane kay Jessie at ipinakita nito ang litrato kay Shane.
Lahat ng iyon ay dahil ipinangako ni Chanelle na sasagutin nito si Mike at magiging girlfriend. Hindi lang iyon, Chanelle offered her body to Mike two days before Mike bribed Nemia. And Chanelle promised more. Subalit nang magkagalit sila ni Shane ay hindi na tinupad ni Chanelle ang pangako kay Mike.
56
TAHIMIK na pinagmasdan ni Caroline ang buong siyudad ng Makati mula sa balkonahe ng silid niya sa tenth floor ng condo. Alas-dose pasado na pero parang hindi gustong umuwi ng mga tao at magpahinga. Natatanaw niyang tila mga langgam ang mga tao sa ilang bahagi ng Greenbelt.
Hindi niya mapigilan ang mapahikbi. Kailangan niyang pakawalan na sa puso niya ang alaala ni Shane. Panahon na upang unti-unti itong limutin. Ipakakasal niya si Hannah kay Shane. She'd see to it even if it killed her. Pagkatapos ay sasamantalahin niya ang pagkakataong nasa honeymoon ang mga ito at aalis silang mag-ina. Mangingibang-bansa sila. Kasama ang lola niya. Hindi sila masusundan doon ni Shane. Hindi nito maaaring kunin sa kanya si Erick.
Tinupad niya ang pangako kay Matt. Hindi niya pinabayaan si Hannah at ang negosyo nito. Kayang pangasiwaan ni Shane ang negosyong minana ni Hannah sa ama. Bukas na bukas din ay tutungo siya sa Silang. Hindi niya kailangang magpalipas ng ilang araw. Kailangang makausap niya ang lola niya upang maihanda nito ang mga dapat ihanda.
Her grandmother would understand. Lalo nang hindi ito papayag na mawala si Erick sa kanila.
Iniyak niya ang lahat ng sama ng loob at hinanakit sa loob ng ilang sandali sa balkonahe. Pagpasok niya sa loob ng silid niya ay mabilis na tumalilis ang aninong kanina pa siya pinagmamasdan. Si Hannah.
NAG-EEMPAKE si Caroline nang pumasok sa silid niya si Hannah. “Going back to Coron?”
Umiling siya. "Dadalawin ko muna si Lola sa Silang, Hannah. We'll stay there for a few days. Babalik ako rito at saka ko pupuntahan ang dalawang branches sa Nuvali at sa Quezon City. At saka pa lang ako uuwi sa Coron."
"You look like hell," komento nito nang marahil ay mapansin ang pangingitim ng paligid ng mga mata niya.
"Well, thank you," she said sarcastically.
"You know I love you, Caroline. I would never hurt you."
"Yeah." Muli niyang usal nang patuya habang isinaksak sa bagahe ang mga gamit nilang mag-ina.
Hindi malaman ni Hannah ang gagawin. Palakad-lakad ito sa loob ng silid at nililingon siya sa ginagawa niya. “I was deliberately bitchy last night.”
“Pagbutihin mo ang pagpa-practice. Pero sana hindi sa akin.”
Marahang napaungol si Hannah. “Alam ni Shane na anak niya si Erick.”
Nahinto sa ere ang damit na ipapasok ni Caroline sa bagahe. Nagtuwid siya ng katawan. Sunod-sunod ang kabang dumadagundong sa dibdib. “How… how could you betray me like this?” puno ng hinanakit at takot ang tinig niya.
“H-hindi ako ang nagsabi kay Shane, Caroline—”
“Sino?” she screamed in disbelief. “My friends would not betray me!”
“Sa Coron pa lang ay alam na ni Shane na anak niya si Erick. Sinabi ng mama niya sa kanya…”
Tinitigan niya si Hannah na para bang ibang tao ang nakikita niyang nakatayo roon. “Why are you doing this, Hannah? What have I done for you to hurt me so?”
“Mrs. Malvar saw Erick’s faint birthmark, Caroline,” anito. “Shane and Pauline had it when they were small on the same spot. Sa gilid ng mukha. Naglalaho iyon nang unti-unti habang lumalaki sila.”
Caroline gasped. Hindi makaapuhap ng sasabihin.
“I am not in love with Shane,” patuloy ni Hannah na lalong nagpalaki sa mga mata niya sa pagkakatitig dito. “Wala kaming relasyon. Ginawa namin ang pagpapanggap dahil gustong matiyak ni Shane ang damdamin mo sa kanya…”
Caroline was speechless. Biglang blangko ang laman ng isip.
“I saw you last night crying in the balcony,” patuloy nito. “I would have told you about this last night. Pero hindi ako nakatitiyak kung bakit ka umiiyak.” She paused, then, “You still love him, don’t you?”
Hindi siya sumagot. Nanatiling nakatitig dito. Umaagos ang mga luha sa mga pisngi niya.
“Answer me, Caroline, please. Do you still love Shane?”
Ayaw maglandas ng salita sa lalamunan niya. Nagsisikip iyon sa mga luha.
“I want you to be happy, Caroline. I want my brother to know who his father is. And I like Shane very much…” Hannah’s voice broke.
“I… I don’t know if we still have that chance, Hannah…” she said finally.
“Shane and his family are leaving today for the States, Caroline. Tatlong taon nang sa ibang bansa naninirahan ang mga magulang niya. I told Shane not to give up on you. Pero nawalan siya ng pag-asa pagkatapos ng nangyari noong isang araw. I-I tried calling him last night and this morning. Pero ring lang nang ring. I also sent messages.”
“W-what are you talking about?”
Sinulyapan ni Hannah ang relo sa side table. “H-hindi ko alam kung anong oras ang flight ng mga Malvar, Caroline. Hindi ko nilinaw kay Shane. But surely it couldn’t be this early.”
Caroline panicked. Hindi niya malaman kung paano kakalmahin ang takot sa dibdib.
“Take a chance and go to Tagaytay. Use my car.” Inilagay nito ang susi ng kotse sa tabi mismo ng purse niya. “Baka sakaling naroon pa sila.”
Dinampot ni Caroline nang sabay ang susi at ang purse niya at nagmamadaling tinungo ang pinto. “Call him, Hannah.”
Hannah shook her head sadly. Kagabi pa siya walang tigil sa pag-dial sa number ni Shane subalit walang sumasagot.
57
MAAGA pa lang. Subalit kinakabahan si Caroline habang halos paliparin ang sasakyan sa SLEX, hoping na walang makakapansin na overspeeding siya. Umaasang dahil lahat halos ng tao ay patungong Makati o Quezon City o Manila sa pagpasok sa trabaho ay hindi gaanong ma-traffic.
Subalit umuulan. Bagaman hindi kalakasan ang ulan ay karaniwan na iyong isa sa mga pinagmumulan ng traffic. Sama-sama na sa isip niya ang iba’t ibang isipin. Na baka tuluyan nang mawala sa buhay niya si Shane. She’d blame herself forever.
Nang may marinig siyang telephone ring. Bahagya siyang nagpalinga-linga, sinusundan kung saan galing ang ring. Hindi iyon ang ringing tone niya. Natanto niyang sa footwell sa likod nanggaling ang ring. Sandali siyang nagmenor at tumabi at dinampot ang cell phone.
Nakarehistro sa LED ang pangalan ni Hannah. Cell phone marahil ni Shane ang naiwan sa sasakyan ni Hannah. Inilagay niya iyon sa passenger seat sa tabi niya at muling ipinagpatuloy ang pagpapatakbo ng sasakyan.
Mabilis ang pagpapatakbo niya. Praying nonstop and hoping. Bagaman magaan ang traffic ay hindi pa rin niya naiwasan ang mapahinto sa mga lugar na talagang ma-traffic tulad ng Sucat, Bicutan, at Nuvali. Hindi niya mapigilang mapaiyak sa sobrang frustration.
Hustong dalawang oras nang marating niya ang subdivision ng mga magulang nina Shane. Halos paliparin niya ang sasakyan patungo sa dulo ng subdivision. Inihinto niya ang sasakyan sa labas ng nakasarang gate at lumabas.
Bahagya nang lumalakas ang ulan subalit hindi niya iyon iniinda. Sinipat niya ang gate na hindi naman nakakandado at binuksan iyon. Subalit gayon na lang ang panlulumo niya nang mapunang walang isa mang sasakyan sa garahe o sa kahit na saang bahagi ng bakuran. Nang mapansin niya ang bike ni Shane sa may dulo ng garahe na nakatakip ng grey plastic. Lalo siyang napaungol. Tinatakpan dahil matagal na hindi magagamit.
She started walking through the rain. Ang mga luha niya'y humalo na sa patak ng ulan. Sarado lahat ang mga bintana ng bahay ng mga Malvar. Nangangahulugang walang tao. Gayunman ay tinungo niya ang main door at nag-buzzer. At nag-buzzer. Muli at muli.
Subalit walang tao ang bahay. They must have left already. Posibleng nakasalubong pa niya. Lumakad siya palayo sa bahay. Basang-basa na siya. Hindi niya alam kung saan siya patungo at kung ano ang gagawin. She looked around and saw the tree house. Huminto siya sandali sa paghakbang.
She was soaking wet and so cold. Pero hindi niya iyon alintana. Pagkatapos ay tila wala sa sariling lumakad siya patungo roon. She hesitated only a moment. Kapagkuwa’y pinanhik ang tree house.
It was the same old tree house. Walang nabago maliban sa nang sulyapan niya ang loob ng kubo ay walang kutson ang papag na kawayan. The bed was bare. Siguro dahil matagal na nanatili sa ibang bansa ang mga Malvar.
At ngayon ay muling maiiwang nakatiwangwang ang tree house. Humikbi siya at naupo sa bench na yari sa kawayan. Itinaas ang mga paa at niyakap ang mga iyon at itinukod ang baba sa mga tuhod niya. Hindi alintana kung patuloy siyang nababasa mula sa malakas na anggi na tangay ng hangin. Hindi niya kailangang pigilin ang pag-iyak. Nakikisabay ang langit sa kanya.
Kung gaano siya katagal sa ganoong ayos ay hindi niya alam. Or maybe she must have fallen asleep dahil ang ulo niya'y nakahilig na sa sandalan. May banayad na tumatapik sa pisngi niya.
"Caroline?"
She gasped. Napatuwid ng upo. Kinabahan sa maaaring panganib. But the voice was so familiar that she looked up.
"Caro, sweetheart, what are you doing here? Bakit basang-basa ka?"
"S-Shane?"
"Ako nga." Gently, hinawi nito ang basang buhok niya patalikod na tila kurtina sa mukha niya.
“You are trembling.”
"I'm c-cold, Shane."
Hinubad ni Shane ang jacket at ibinalabal sa kanya. Naupo ito sa bench at hinila siya pakandong. "Oh, honey, come here. Nanginginig ka."
"Hold me, Shane... hold me tight..." At muli siyang bumulalas ng iyak. Sa pagkakataong iyon ay sa dibdib ni Shane.
He was rocking her softly. Kissing the top of her head. Sa mahabang sandali ay iyon ang ayos nila. Patuloy sa pagbuhos ang ulan na sa wari ay gustong hugasan ang ano mang kapaitang namahay sa dibdib ng bawat isa sa matagal na panahon.
Humihikbi pa rin si Caroline nang mag-angat ng mukha rito makaraan ang mahabang sandali. She saw the tears in his eyes. Her heart ached.
“A-akala ko’y—”
“I am not giving you up…” gumagaralgal ang tinig nitong sinabi, hinagkan ang basang buhok niya. “I am not giving up my son.” He was crying and rocking her softly at the same time.
“Inihatid ko lang sila sa airport.”
Muling namagitan ang mahabang katahimikan. Shane broke it by whispering in her ear. “I never had sex with Chanelle, baby. She tried to seduce me into doing it with her. Pero hindi ko magawa. I… I left Mariveles that night.”
“Bakit hindi mo sinabi sa akin noong araw na nasa apartment ka?”
“You were angry. Kahit hindi ka sumisigaw ay nararamdaman ko. I wanted to tell you pero buo na ang nasa isip mo. Hindi ko rin alam kung paniniwalaan mo ako. At kinakain ako ng guilt sa ginawa kong mga akusasyon sa iyo.”
“Iyon ang dahilan kung bakit hindi kita mapatawad, Shane. Habang gabi-gabi akong umiiyak at naghihintay sa iyo ay nagpapakasasa ka kay Chanelle…”
“I swear it on everything I hold holy, Caro. Hindi nangyari ang iniisip mo. Ginusto ng isip ko dahil nais kong gumanti sa inaakala kong pagtataksil mo sa akin. Pero ayaw sumunod ng puso ko.
Nag-hysteria si Chanelle nang gabing iyon…“ He gingerly touched his face. “Siya ang may kagagawan nitong nasa mukha ko. Pinagbabato niya sa akin ang lahat niyang mahawakan. Binasag niya ang salamin sa cottage at pinaghahagis sa akin. Hindi ko napansing may hawak siyang sliver. Kung hindi ko naagapan ang kamay niya ay baka mas malalim pa ang sugat…”
Kinapa niya ang pagkasuklam na nararamdaman niya tuwing maiisip si Chanelle subalit hindi na ganoon katindi ang pagkasuklam na nasa dibdib niya. Mas nasa puso niya ang pagkamuhi kay Mike dahil kaibigan ito ni Shane. Matalik na kaibigan.
“The other day, hindi sinasadyang nagkita kami ni Mike sa grocery sa Rustan’s…”
He stiffened. Nararamdaman ni Caroline ang galit mula sa katawan nito. “Yeah. Paglipat niya sa kompanya ni Papa ay lumipat din siya ng inuupahan sa Makati area…” He paused. “Hindi ko pa siya kayang patawarin…”
“Me, too. Maybe in time.”
Namagitan muli ang mahabang katahimikan bago nagsalita si Shane. “Nang… nang naglalakad ka patungo kay Matt, I had wanted to die right then and there.”
“Matt was a good man, Shane. He loved me… truly loved me. He died for me…” And you saved my life.
“I know. I came to his office one day and talked to him. I wanted him to give you up…” His lips touched her forehead, lingered there. “Nang… nang mamatay siya at naghi-hysteria ka at sinasabi mong hindi mo na ako gustong makita, inasam kong sana’y ako na lang nasa stretcher at walang buhay. Then maybe Matt would make you happy. Anyway, I am no good without you in my life, Caro…”
“Oh, Shane…” Isiniksik niya ang mukha sa dibdib nito, taking comfort from the warmth of his skin.
“At nang malaman kong anak ko si Erick ay naunawaan ko ang madalian mong pagpapakasal kay Matt. Galit na galit ako sa iyo nang sabihin iyon sa akin ni Mama. Ipinagkait mo sa akin ang maraming una sa aking anak. Hanggang sa ipaunawa sa akin ni Mama na wala naman akong talaga… na hindi rin naman ako nagpakita sa iyo…
“And had I known five years ago that you were pregnant with my son, I would have taken you back, Caro. Wedding or not. Not even Matt could have stopped me.”
Nag-angat siya ng mukha. “D-did you tell Erick that you are his father?”
Umiling ito. "Umaasa akong sasabihin mo sa kanya iyon sa lalong madaling panahon, Caro. My parents wanted to know their grandson. And for Erick to know them. Ganoon din si Pauline."
"I almost hated Hannah. Kung hindi ko pinairal ang aking matinong kaisipan..." Caroline could hear the smile in his voice. "It was actually Hannah's idea. Nakipagkita ako sa kanya upang makilala siya. Tantiyahin kung ano ang damdamin niya kapag nalaman niyang ako ang ama ni Erick... kung ano ang magiging damdamin niya sa pagpapakita kong muli sa iyo..."
"She knows from the very beginning."
"She told me so. I find her idea preposterous. Pero wala kaming maisip na paraan." Itinaas nito ang mukha niya at dinampian ng halik ang ibabaw ng ilong. "I'm sorry, darling..."
"I love you, Shane. You are my heart..."
"As you are mine, baby." He bent his head and claimed her lips in a deep and thorough kiss. Kapagkuwa'y pinakawalan nito ang mga labi niya. Hinila siya patayo. "Tara sa bahay. Gusto kong punan ang marami kong pagkukulang sa nakalipas na limang taon."
"Why not here?" she teased.
"Nah. Too uncomfortable. Hindi convenient para sa nais kong gawin sa iyo." Tinitigan siya nito. His eyes caressed her face. "Oh, god! Come here..." Niyakap siya nitong muli nang mahigpit.
“Parang mahirap paniwalaang nakakulong ka sa mga bisig ko ngayon, Caro.”
Kumawala siya. “Hurry. Gusto kong madaliin ang sinasabi mong gagawin mo.“He grinned lovingly. “Wait, I’ll show you something.” May itinuro ito sa kanya sa may likuran ng bahay ng mga Malvar. Hindi niya iyon napuna kanina. Pundasyon ng isang bahay. Dalawang palapag. Hindi nagawang mayari nang husto. May mga damo nang nagsisitubo sa mga gilid ng hollow blocks.
“A-ano iyan?”
“Our dream house. Sinimulan kong sabihin sa Papa iyan kinabukasan ng party niya. A week later, sinimulan ang construction. Dapat kong ipakikita sa iyo ang disenyo ng bahay natin. But I have gotten so busy. So I delayed telling you. Ipinahinto ko ang construction nang… nang…” Hindi nito itinuloy ang sasabihin. Idinikit ang noo sa noo niya.
“Okay,” masiglang sabi ni Caroline. Dinama ang manipis na pilat sa mukha nito. Katibayan ng hindi nito pagtataksil sa kanya. “I love you. Magsimula tayong muli, Shane… tayo nina Erick. Tapusin natin ang bahay. Gusto kong makita ang plano at disenyong ginawa mo…”
“If this is a dream, Caro, I don’t wanna wake up,” Shane said emotionally. Kissed her deeply. Pagkatapos ay pinakawalan ang mga labi niya at inakay siya nito pababa sa kubo. Nauna si Shane at sumunod siya.
The rain had stopped. Nang tingnan ni Caroline ang kalangitan ay nakasilip na uli at ngumingiti ang haring araw.
Wakas
********Hi mga beshies sana ayos lang kayong lahat. Alam kong magkakaiba ang ating pananaw sa kuwentong ito pero sana intindihin n’yo na lang chars , mahirap kasi talagang kalimutan ang first love chars hahahaha. Regarding naman sa mga request n’yo pasensya na since hindi ko masusunod ang mga gusto n’yo kasi gustuhin ko man ay wala naman sa akin ang mga files since ECQ pa at walang pasok ay hindi rin mase-send sa akin ng PHR management. Kaya ayun di ko talaga mauupload yung mga gusto n’yo. Pagpasensyahan n’yo na lang muna. Kung sa ibang bagay na hindi ko nabanggit pwede n’yo akong i-pm para masagot ko kayo. At di ko kasi mareplayan isa-isa mga comments n’yo since may work din ako. Mag-ingat kayong lahat. Stay safe and God bless. - Admin A *******

