For The Love of Alyssa COMPLETED (Published by PHR)
Marthacecilia Phr · 15 chapters · 20,295 words
Chapter 1
“W ALA pa bang pasabi mula kay Jim, Alyssa, kung kailan ang dating niya?” ani Jaime sa mahinang tinig. “Nakausap ko siya noong isang linggo at sinabi niyang uuwi siya agad.”
“Ipanatag mo ang loob mo, Jaime. Tiyak na darating ang anak mo,” sagot ni Alyssa na pilit ikinukubli ang luhang nagnanais pumatak. Hawak niya ang isang kamay nito at nakatingin siya sa hapis na mukha ng matanda. Limampu at pitong taon pa lamang si Jaime at nasa prime of life. Hindi dapat na ganito ang danasin ng isang taong malakas at may mabuting kalooban.
Life is so unfair at times.
“Gusto kong lumabas na sa ospital na ito ngayon din, hija. You know how I hate hospitals. Gusto kong hilahin ang dextrose na itong nakasabit sa braso ko,” parang batang reklamo ni Jaime.
“Hindi biro ang pagkawala ng malay mo two days ago, Jaime,” aniya at ang luha ay malayang namalisbis sa kanyang pisngi.
“For heaven’s sake, Alyssa! Ang sabi ko’y ayoko nang umiiyak ka.” Naroon ang bahagyang galit sa tinig nito.
“I’m sorry, I can’t help it.” Pinahid niya ng tissue ang luhang nasa mga mata.
Isang masuyong ngiti ang ibinigay ng matanda sa kanya. “Nakahanda na ako dito, hija. Alam mo iyan, ’di ba? At gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito upang sabihin sa iyo how I appreciated all the things you have done for me. Sa lahat-lahat, Alyssa. Sa akin, sa kompanya, at sa pagiging mabuting ina ni Jaimie.” Bahagyang kumislap ang mga mata nito nang mabanggit ang pangalan ng apo.
“I love you, Jaime. Ginawa kong lahat iyon dahil sa pagmamahal ko sa iyo. Tulad ng sa Papa.” Bahagyang humikbi si Alyssa.
“I know, Alyssa. I know. Sana, bago ako mamatay ay nakatiyak akong maligaya kitang maiiwan. Kayo ni Jaimie sa piling ng kanyang ama.”
“Oh, please, Jaime. Hindi mo alam ang sinasabi mo.”
Makahulugang ngumiti ang matanda. “Sa loob ng mahigit na dalawang taon, Alyssa. You never stopped loving my son.”
“Ikaw ang asawa ko, Jaime. Hindi man sa tunay na kahulugan ng salita ay asawa mo ako. Matagal nang natapos ang lahat sa amin ni Jim. Ikaw din ang kinikilalang ama ni Jaimie.” Hindi maikakaila ang pait sa mukha at tinig niya.
“And you still wear his ring,” patuloy ng matanda na parang hindi nagsalita si Alyssa. Sinulyapan ang daliri niya. “Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi kita binigyan ng singsing noong ikasal tayo?”
“Hindi. It didn’t matter, anyway. Maybe you have your reasons.”
Tumango-tango ang matanda. “When I’m gone, malalaman mo ang dahilan.”
“Ayokong nagsasalita ka nang ganyan, Jaime. In fact, gusto kong magalit. Karapatan ni Jim na malaman kung ano ang sakit mo pero pinili mo ang maglihim. At ang isa pang hindi ko maintindihan ay kung bakit ayaw mong magpunta sa ibang bansa. Maaaring doon ay mabigyang-lunas ang sakit mo.”
“Pagkatapos ay ano, Alyssa? Upang mamatay din? Pahahabain lang nang kaunti ang buhay ko nang anim na buwan… o isang taon? Prolonging the pain. Iyon ang tawag ko sa mga uri ng gamot na ibinibigay nila sa sakit ko. Operasyon, chemotherapy… et cetera.”
“Operation could have saved you…”
“O, maging vegetable ang katawan ko. I’ll die with dignity, hija. I have nothing against modern medicines kung talagang gagaling ako. When I started to feel the symptoms, tatlong espesyalista ang kinonsulta ko. One of them is a neuro-surgeon from Texas. Isa siyang espesyalista sa field niya. Iisa ang sagot nilang lahat, terminal.”
Nakagat ni Alyssa ang ibabang labi niya. Malungkot na nilinga ang loob ng hospital suite.
Brain tumor. lyon ang sakit ng matanda. At bukod-tanging siya lamang ang nakakaalam maliban sa mga doktor nito.
Fatigue, stress, iyon lagi ang sinasabi nito tuwing may magtatanong. At ang huli ay ang pinakamatinding sumpong ng sakit nito.
Namatay ang Papa ni Alyssa sa isang aksidente sa pabrika ng mga Villaroman may tatlong taon at kalahati na ang nakararaan. At matinding dalamhati ang naramdaman niya sa pagkawala ng ama. Ang kanyang ina nama’y hindi na niya nagisnan. Namatay ito sa panganganak sa kanya.
Limang taon siya nang mag-asawang muli si Pepe kay Andrea na isang biyuda rin, at may isang anak na lalake na noon ay sampung taong gulang.
Subalit higit ang kalungkutan at sakit na nadama niya sa loob ng dalawang taong nakikita niya ang paghihirap ni Jaime tuwing susumpungin ito ng sakit.
Napukaw sa pag-iisip si Alyssa nang magsalita si Jaime. “Sige na, hija. Iwan mo na ako at baka may kailangang ayusin sa opisina.”
“May sakit ka na at lahat, hindi mo pa malimutan ang trabaho.” May himig ng galit ang tinig niya.
Ngumiti ang matanda. “Tinulungan ka niyong alisin sa isip ang mga sakit ng damdaming dulot ng paglalayo ninyo ni Jim.”
Namilog ang mga mata ni Alyssa. “How can you say that! Pinakasalan mo ako.”
Bahaw na tumawa ang matanda. “You’re more than my own daughter. And I love you, Alyssa, really.” Naroon ang amusement sa mga mata nito.
Sinikap ni Alyssa na galit ang marehistro sa mukha niya. “Hmp. Aalis na ako. Babalik ako mamayang hapon at isasama ko si Jaimie.”
“Dumaan ka sa ibaba at sabihin mong lalabas na ako,” pahabol ni Jaime nang nasa pinto na siya pero hindi na niya iyon pinansin. Tuloy-tuloy siya sa elevator.
Sa loob ng dalawang taon at dalawang buwang pinagsamahan nila ni Jaime bilang mag-asawa ay na-develop ang pagmamahalang higit pa sa tunay na mag-ama. At ngayon niya na-realize na sadya siyang inabala at tinuruan ni Jaime sa pasikot-sikot ng pamamalakad sa kompanya upang makalimot na rin.
How she loves the man! A father, an adviser, a friend, and mentor. All rolled into one. Hindi na dapat idagdag ang salitang “asawa” dahil kailanman ay hindi naging ganoon si Jaime sa totoong kahulugan ng salita.
Sa parking area ng hospital ay naghihintay ang driver na nakasandal sa unahan ng Nissan Safari. “Saan po tayo, Ma’am?” Binuksan nito ang pinto sa likod.
Pumasok si Alyssa. “Deretso na tayo sa bahay, Mang Lando,” sabi niya.
Darating si Jim! At iyon ang ilang araw nang gumugulo sa isip niya. Paano niya pakikitunguhan ang kaisa-isang lalaking minahal niya at ama ng kanyang anak? At paano siya nito pakikitunguhan bilang asawa ng ama nito? Asawa ni Jaime Villaroman, Sr.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Alyssa. Sumandal at pumikit. Kasabay iyon ay ang pagbabalik ng nakaraan sa kanyang alaala. Mga alaalang kailanman ay hindi niya gustong limutin gaano man kasakit.
Dalawang taong mahigit…
Chapter 2
NASA huling taon siya sa kolehiyo nang mamatay si Pepe. Kasama sa mga benepisyong tinanggap niya sa pagkamatay ng ama ay ang pagsagot ng kompanya ng mga Villaroman sa huling taon niya sa kolehiyo.
Dalawang linggo bago ang enrollment ay sinadya niya ang dating boss ng Papa niya sa opisina nito sa pabrika ng marmol. Sinabi niya ang kanyang plano.
“Bakit kailangang mag-working student ka, Alyssa? Kulang ba ang allowance na ipinadadala ng kompanya sa iyo?” tanong ni Jaime Villaroman. Sr.
“Aba, hindi po. Sobra-sobra nga po ang natatanggap kong tseke mula sa inyo,” aniya na halos nasa edge na ng silya nakaupo sa nerbiyos. Lakas-loob lamang niyang kinausap ang matanda.
“Kung ganoon ay bakit? Baka makaapekto pa sa pag-aaral mo. After your graduation ay tatanggapin ka rin namang empleyado ng opisinang ito. Kasama iyan sa pribilehiyong ibinigay ko sa papa mo dahil sa mahigit dalawampung taong panunungkulan niya dito.”
“Panggabi po ang schedule na kukunin ko sa pasukan, Mr. Villaroman. Kompleto din po ang units at magtatapos po ako sa taon ding ito. Kaya lang po, gusto ko sanang humingi ng working training sa inyo. Wala pong allowance o suweldo. Bukod sa responsibilidad ay pinaka-training ko na rin po ito para sa sandaling i-hire ninyo ako ay hindi ako mangangapa.”
“Hmm… management trainee at hindi ka humihingi ng suweldo o allowance,” sagot ng matanda na itina-tap ng ballpen ang mesa.
Tinitigan ng matanda ang dalaga. Ang totoo ay inaanak siya nito sa binyag pero hindi nito nabigyan ng importansiya dahil sa napakaraming mga inaanak sa binyag at sa kasal.
Kalimitan sa mga tauhan ni Mr. Villaroman, Sr., lalo na iyong mga nasa supervisory level ay ito ang kinukuhang sponsor. At karamihan sa mga iyon ay ginagawang tuntungan ang pagiging kumpare para sa pansariling kapakanan. Pero minsan man ay walang natatandaan ang matandang natulad sa mga iyon si Pepe hanggang sa mamatay ito. At ang totoo’y hindi na nito maalalang inaanak si Alyssa kundi ngayon. Bakit ba, eh kahit minsan ay hindi humingi ng pabor si Pepe sa matanda.
“Ayokong ibigay ang hinihiling mo, Alyssa…” wika ni Jaime makalipas ang ilang sandali.
Bumahid ang lungkot sa mukha ng dalaga pero pilit na ngumiti. “Kung iyan po ang pasya ninyo.”
“Kailan mo gustong magsimula, Alyssa? As my personal secretary?” dugtong ni Jaime.
“Ho? Ang… akala ko ba’y…?”
“Apprenticeship ang hinihingi mo sa akin. Walang allowance o suweldo. Ang ibinibigay ko sa iyo ay permanent employment with salary. At pribilehiyong anim na oras lang na trabaho hanggang nag-aaral ka.”
“Oh!”
“Well?” Si Jaime uli na nangingiti sa kanya.
“Thank you, sir! Thank you very much!”
Tuwang-tuwang ibinalita ni Alyssa sa tiyahin ang resulta ng pakikipag-usap niya sa matandang Villaroman.
“Kuu, kung ako ang nasunod ay hindi kita papayagan.”
“Bakit, Tiya Andrea?” tanong niya habang sumusubo ng pagkain.
“Bale ba ay panggabing klase ang kukunin mo. At gabi na ang uwi. Napakaraming masasamang- tao ngayon, Alyssa. At ikaw pa naman itong napakapansinin sa daan.”
Ngumiti ang dalaga at nagbiro. “Kasalanan ko ba kung pang-beauty queen ang ganda ng pamangkin ninyo?”
“Bagaman biro iyang sinasabi mo ay sinasang- ayunan ko. At diyan ako nag-aalala, Alyssa.”
“Tiya Andrea, talaga. Para alas-nuwebe lang ang labas ko sa gabi. Marami pang tao noon sa bayan at marami pang jeep pauwi dito sa atin.”
“Bahala ka na nga. Hindi kita maintindihan diyan sa pagpipilit magtrabaho gayong nag-aaral ka pa. Sapat naman ang mga benepisyong naiwan ng ama mo. At may tseke pang kaloob ang SSS buwan-buwan at nang mamatay ang Papa mo ay automatic na bayad na itong bahay na hinuhulugan niya sa gobyerno. At malaki ang perang ipinapadala sa atin ni Fred.”
Kina-Lunesan nang sumunod na linggo ay nagsimulang magtrabaho si Alyssa. Ang dating sekretarya ni Jaime ay na-promote sa supervisory position. Ganoon pa man ay lagi ito sa puwesto niya upang turuan siya sa mga gawain.
“What took you so long?” biro ni Melba na kinagaanan niya ng loob. Nasa late twenties. May asawa at anak. “Ang tagal kong hinintay ang promotion na ito, ha? Last year ko pa ina-apply-an ito kay Sir.”
“Bakit hindi naibigay sa iyo?” tanong niya habang inaayos ang mga folder sa filing cabinet.
“Well, sabi ng matanda, hanapan ko raw siya ng singganda ko at ibibigay niya sa akin ang puwesto,” muling biro nito.
“Did I come up to the standard?” biro ding tanong ni Alyssa.
“Oh, dear! I wonder why you have to ask. Hindi ka ba tumitingin sa salamin?” Hinagod nito ng tingin ang dalaga. 5’3“ and slim. Young and pretty. Lampas-balikat ang tuwid na buhok na itim na itim. Makinis ang maputing balat. Katamtaman ang tangos ng ilong at ang mga mata’y tila laging tumatawa.
“Kung looks ang pag-uusapan ay overqualified ka, chika. Hmp… alam mo namang hindi iyon ang dahilan kaya ka tinanggap ni Sir.”
“At lalong hindi ang kakayahan ko, ha. Kung hindi dahil sa matiyaga mong pagtuturo, baka nataranta na ako,” aniya na isinara ang filing cabinet. “More on obligations ang nagtulak kay Mr. Villaroman dahil matagal na rin naman ang father ko dito, ’no. Plus the fact na sa pabrika siya namatay.”
Nagkibit ng balikat si Melba. “Anyway, madali kang turuan. At talagang nagpapasalamat ako sa iyo. Malaki din ang nadagdag sa suweldo ko.”
“Blowout dapat,” biro niya.
“Oh, sure. Tell me when,” paunlak ni Melba. “Isa pa, gusto rin sana kitang imbitahin sa amin one of these days para naman makilala mo ang kaisa-isang lalaking nabaliw sa akin.”
Natawa si Alyssa. “Luka-luka ka talaga, Mel,” nakatawang sagot ng dalaga. Gusto niya si Melba. Mabait na’y kalog pa. Naging madali para sa kanya ang mga unang araw niya sa kompanya.
“Pero alam mo, isang tao lang ang nahihirapan akong pakibagayan dito. Si Ma’am Conchita,” seryoso niyang pahayag. Ang tinutukoy niya’y ang humahawak ng pananalapi ng kompanya.
“You cannot please everybody. Nagseselos lang iyon dahil nararamdaman niyang malakas ka kay Sir.” Umupo ito sa silyang nasa harap ng mesa ni Alyssa.
“Sa mansion din nakatira si Conchita at ang anak niyang si Camilla. Biyuda na ’yan.”
“Kamag-anak ba siya ni Mr. Villaroman?”
“Hindi ni Sir kundi ni Mrs. Villaroman yata. At nang mamatay ang asawa ni Sir ay hindi na rin pinaalis ng matanda ang mag-inang Conchita at Camilla. Si Mr. Villaroman na rin ang nagpaaral kay Camilla. Matagal na ’yong tapos pero ayaw magtrabaho.”
“Hindi naman niya kailangang magtrabaho. May pera sila.” Iibahin na sana niya ang topic nang may maalala. “May anak ba si Sir?”
“Hindi mo ba alam?” nagtatakang tanong ni Melba. “May isang anak si Sir, si Jim. Jaime Villaroman, Jr. Mahusay na architect at siyang namamahala ng real estate business nila. Nasa Maynila ang opisina niya.”
Nagkibit ng balikat si Alyssa. Ang matanda sa pabrika at ang anak sa housing. Alam niyang pag-aari at pinamamahalaan ng mga Villaroman ang subdivision kung saan sila nakatira. At ganoon din ang kalapit na mga subdivision. At sa pagkakaalam niya ay hindi rin malayo ang tinitirhan ng mga Villaroman mula sa mga subdivision na nakapaligid.
“Pero, chika, mayroon ka pang dapat malaman maliban sa mahusay siyang architect at mayaman sila.”
“Naku, Melba, ha? Ayoko ng tsismis. Mamaya ay malaman ni Sir iyan.”
“Anong tsismis? Tsismis ba iyong totoong guwapo ang anak ni Sir? Na maliban sa matangkad at guwapo ay macho pa si Jim? At tsismis din ba iyong sa edad niyang beinte otso ay binata pa? Headline iyan, chika, among the girls here at sa kabilang opisina.”
Natawa si Alyssa at hinampas ng folder si Melba. “Magtigil ka na nga.” At sa ganoong ayos sila napasukan ni Conchita na namaywang.
’’Well, well. Alam ba ni Jaime na ang mga empleyada niya ay nagtsitsismisan at nagtatawanan sa oras ng trabaho?“
“Eh, Ma’am…” Biglang nautal si Alyssa.
“Hindi kami walang ginagawa, Conchita,” agap ni Melba na hindi man lang natigatig. “Itinuturo ko kay Alyssa ang filing system.”
Tumaas ang isang kilay ng babae. “Hindi iyon ang nakikita ko.”
Nagkibit ng balikat si Melba. Nakayuko naman si Alyssa at hindi malaman ang gagawin.
“At saka bakit kailangang turuan mo ang babaeng iyan? Mahigit nang isang linggo dito iyan. Dapat alam na niya ang mga trabaho niya.”
“Hindi ikaw ang boss ni Alyssa, Conchita. Mismong si Mr. Villaroman ang nag-hire sa kanya.” Si Melba uli.
“Kilala ko ang bayaw ko na iyon. Sobra ang kawanggawa. Maraming benepisyong tinanggap ang ama niyan pero hayan at hanggang sa anak ay humaba ang charity,” tuya nito. Pagkatapos sulyapan nang matalim ang hindi nakakibong si Alyssa ay lumabas.
Tinutop ni Alyssa ang mga kamay sa mukha.
“Huwag mo siyang intindihin, Alyssa. Kulang sa pansin iyang babaeng iyan. Ganyan halos iyan sa lahat ng mga empleyado dito. Neurotic siya sa tingin ko,” alo ni Melba sa kaibigan.
Hindi sumagot si Alyssa. Sa susunod ay mag- iingat na siyang walang maipipintas sa kanya si Conchita.
Chapter 3
I SANG buwan na halos si Alyssa sa trabaho, at pamilyar na siya sa lahat ng aspeto nito. At sa loob ng panahong iyon ay hindi pa niya nakakaharap ang anak ng boss niya. Alam niyang tumatawag ito sa cellular phone ni Mr. Villaroman, Sr. dahil may mga separate files siyang nasa ilalim ng Villaroman Realty na hinihingi sa kanya ng boss niya.
At tulad ng dati, nang hapong iyon ay maaga siyang umalis ng opisina upang pumasok sa escuela. Nasa reception na siya ng kawayan siya ng telephone operator.
“Alyssa, nasa trunk line si Sir. Hindi mo raw sinasagot ang private line.”
“Mabuti’t hindi pa ako nakakaalis. Baka importante ang message niya. Thank you, Lilia, kukunin ko na sa loob ang tawag.” At mabilis na bumalik sa opisina ang dalaga.
“Hello, Sir?”
“Saan ka naroon at hindi mo sinasagot ang telepono?” Galit ang tinig ng nasa kabilang linya at hindi ito boses ni Mr. Villaroman, Sr. Pero bakit sabi ni Lilia ay “Sir”. Ganoon pa man ay naroon ang authority sa tinig nito.
“Who’s on the line, please?” nag-aalangan subalit magalang niyang tanong.
“Bago na nga pala ang sekretarya ng Papa,” pagalit pa ring sabi ng lalaki sa kabilang linya.
So, si Villaroman, Jr. ang nasa linya.
“May… may kailangan kayo, Sir?”
“Sagutin mo ang itinatanong ko. Nasaan ka at ilang segundo nang nagri-ring ang telepono ay hindi mo sinasagot? At kahapon ng ganitong oras ay tumatawag din ako ngunit wala ka na rin.” Pormal at awtokratikong tanong nito.
“Pa… paalis na po ako.” Nag-stammer ang dalaga. Hindi niya inaasahang may magtatanong o sisita ng oras ng kanyang pag-alis. Alam ng lahat sa opisina na lagi na’y umaalis siya dalawang oras bago mag-alas-singko.
“Paalis? Alas-tres beinte pa lang!”
“Eight to three po ang oras ko. “
“What?”
“Iyon ang arrangement ko kay Mr. Villaroman, Sir,” paliwanag ng dalaga na bagaman naiilang ay nakadama ng inis.
“Is that so?” Nanunuya ang tinig nito. “I wonder why you have such privilege. Pero hindi bale na. Nandiyan ba ang Papa?”
“He left an hour ago, Mr. Villaroman,” pormal na sagot niya.
“Wala siya sa bahay at wala ring sumasagot sa CP niya. Do you happen to know his whereabout?” tila nagmamadali at bagot na tanong nito.
“Wala siyang ibinilin, Sir.”
“O, sh… hindi bale na,” pagkasabi niyo’y nawala na ito sa linya.
Matagal nang naibaba ng dalaga ang telepono ay hindi pa rin siya tumitinag. Kung gaano kahinahon at kabait na kausap ang ama ay siyang kabaligtaran ng anak.
Pero hindi niya maiwasang isipin ito kahit naiinis siya. Maganda at buong-buo ang boses nito. Parang announcer sa FM station. Totoo kaya ang sinabi ni Melba na guwapo ito o isa na naman sa mga kakalugan ng kaibigan? Kunsabagay, kahit may-edad na ay magandang lalaki pa rin si Villaroman, Sr.
At bakit naman kailangang pag-isipan niya ang anak ng boss niya? Nagkibit ng balikat ang dalaga at nagtuloy nang lumabas.
Kinabukasan ay muling naging abala si Alyssa sa rutina ng trabaho niya. Katatapos lang niyang i- type ang isang sulat na ipinagawa ni Mr. Villaroman, Sr. para sa isang kliyente. Inayos niya ito at nang maipasok sa loob upang papirmahan sa matanda, nang sa ganoon ay maipadala niya sa mensahero.
Pagkatapos ng mahinang katok ay tuloy-tuloy sa loob ng silid si Alyssa. Dinatnan niyang nakasubsob sa mesa nito si Jaime. Sa una ay natutulog sa tingin niya at akma sana siyang aatras palabas nang mapuna niyang kumikilos ito at hawak ang ulo.
“Sir?”
Hindi sumagot ang matanda na lalo pang sinapo ang ulo. Mabilis niya itong nilapitan. Ginigitian ito ng butil-butil na pawis sa noo gayong malamig ang aircon.
“Ano po ang nangyayari sa inyo, Sir?” nag-aalala niyang tanong.
“Get me some pain reliever, Alyssa. Please, kahit na anong para sa sakit ng ulo,” utos nito na sumandal sa swivel chair at pumikit.
“Yes, Sir.” Mabilis siyang lumabas ng silid at dinampot ang intercom upang kausapin si Melba. “Mel, may pain reliever ka ba riyan para sa sakit ng ulo?”
“Sure. Hindi ako nagpapawala. Masakit ba ang ulo mo?”
“Kukunin ko diyan.” Hindi niya sinagot ang tanong dahil hindi niya gustong sabihing para sa matanda iyon. Hindi niya matiyak pero hindi ordinaryong sakit sa ulo ang nararamdaman ni Jaime. Halos sabunutan nito ang sarili.
Bahagya na siyang nakaiwas sa tanong ni Melba at nagmamadaling bumalik sa silid ni Jaime. Kumuha siya ng tubig sa naroong personal ref.
“Sir, ’eto na ang mga tabletas. Dalawa na ang inumin ninyo.”
Tatlong tableta ang inabot ng matanda mula sa kanya, mabilis na inalis sa foil at agad na ininom nang sabay-sabay. Hindi na kumibo si Alyssa dahil paracetamol naman iyon.
“Gusto n’yo bang ipatawag ko ang driver para iuwi kayo?”
“Hindi na, Alyssa, thank you. Magpapahinga lang ako at mawawala na ito. Hold all my calls. No visitors, no phone calls. Kahit sino,” halos magdikit na ang mga kilay nito at hawak pa rin ang ulo. Tumayo ito at tinungo ang malaking sofa upang mahiga.
Walang kibong lumabas ng silid si Alyssa na siya namang pagtunog ng telepono ng pribadong linya ni Jaime.
“Villaroman Sr.’s office, good morning…”
“Gusto kong kausapin ang Papa,” deretsong wika ng nasa kabilang linya.
“I’m sorry, Mr. Villaroman, but he cannot be disturbed. Would you like to leave your message?”
Narinig niya ang matalim na paghugot ng hininga sa kabilang linya.
“What the hell are you saying? Miss… whoever, gusto kong kausapin ang Papa. At importante,” pinakadiin-diin nito ang huling sinabi.
“Mahigpit na ipinagbilin ng Papa ninyo na hindi siya tatanggap ng tawag kahit na kanino.” At pinakadiin-diinan din niya ang huling sinabi.
“You’re insane. Ibigay mo ang linya sa kanya,” mahigpit nitong utos sa mariing tinig. Halatang pigil na pigil ang galit.
“I’m so sorry, Mr. Villaroman, pero hindi maaari. Good-bye, Sir.” At marahang inilapag ang telepono. Pagkatapos ay maingat na binuksan ang pinto ng silid ni Jaime at sumilip. Nakahiga ito sa sofa at tila natutulog. May bilin man o wala ang boss niya, natitiyak niya sa sariling tamang hindi ito abalahin. Marahan niyang isinara ang pinto.
Tanghalian nang yakagin siya ni Melba na mananghalian pero hindi niya magawang umalis habang nasa loob pa si Jaime at may dinaramdam. Maliban pa sa mula nang masita siya ni Villaroman, Jr. sa oras ng pag-uwi niya ay napagdesisyunan niyang gugulin ang lunch break sa trabaho upang ma-offset ang maagang pag-alis niya.
Bilang anak, boss na rin niya ang batang Villaroman at ayaw niyang maging issue ang pribilehiyong ibinigay sa kanya ng matandang Villaroman.
Kasalukuyan siyang nagta-type nang maramdaman niyang parang may nagmamasid sa kanya. Wala sa loob na nilingon ng dalaga ang pinto. At hindi man sabihin ay alam niyang ang nakatayo roon ay si Jaime Villaroman, Jr.!
Nagsalubong ang mga tingin nilang dalawa at may kung ilang segundo ring walang gustong magbaba ng tingin.
“Ang Papa?” pormal nitong tanong makalipas ang mahabang sandali. Mataman siya nitong hinagod ng tingin mula ulo pababa. Kasabay niyon ay ang paglakad patungo sa silid ng ama.
Parang nagising sa mahabang pagtulog ang dalaga. Tumayo at sumunod.
“Please, Mr. Villaroman, nagpapahinga ang Papa ninyo. Sumakit ang…”
“Really, Miss?” agap nito sa sa sabihin niya. “Hindi ko maintindihan kung saan mo kinuha ang authority na babaan ako ng telepono habang kinakausap pa kita. Ngayon nama’y parang gusto mo akong pigilang pasukin ang sarili kong ama,” patuyang wika nito na tuloy-tuloy sa loob ng silid kasunod din si Alyssa.
Pareho na silang nasa loob nang bumangon mula sa pagkakahiga si Jaime. Sinuklay ng kamay ang gulong buhok at sinulyapan sila.
“Sige na, Alyssa. It’s all right…” Marahang tinanguan siya ng matanda. Walang kibong lumabas ang dalaga.
“I had this terrible headache, Jim. Sinabi kong…” nahagip pa niyang sinabi ni Jaime bago tuluyang naisara ang pinto.
Bumalik sa upuan niya si Alyssa pero hindi niya masimulang muli ang iniwang typing works. Nasa isip niya ang anyo ni Jim Villaroman, Jr.
Hindi nagsisinungaling si Melba. Tall, dark, and handsome nga ito. At kahit pormal ang suot ay macho. Pero hindi sinabi ni Melba na magkakaroon siya ng jittery feelings kapag nakita niya ito. Na tila may paruparo sa sikmura niya nang titigan siya ng binata. Na kahit sa galit nitong anyo ay naroon pa rin ang atraksiyon.
Makalipas ang kulang beinte minutos ay lumabas mula sa silid ng ama ang batang Villaroman. Huminto ito sa tapat ng mesa niya at tiningnan siya.
“May kailangan kayo, Mr. Villaroman?” alanganin niyang tanong na nakatingala dito.
“Mag-aala-una na. Hindi ka pa ba manananghalian?”
“I… I had my lunch,” hindi sinasadyang sinulyapan niya ang nangalahating sandwich sa mesa niya katabi ng tetra pack na chocolate na napangalahati rin niya ang laman. Sumunod doon ang mga mata ng binata.
“You called that lunch, Miss Cortez?” Nagsasalubong ang mga kilay nito. “No wonder you’re so slim.”
Hindi kumibo ang naiilang na dalaga. Nagyuko ng ulo at inabala ang sarili sa pagsamsam ng mga folder sa mesa niya.
“Ganoon ka ba laging mananghalian? Or nagda-diet ka?” Amusement ang nahihimigan ni Alyssa sa tinig nito.
“Ngayon lang,” mabilis niyang sagot.
“Why? May mabilisan bang trabaho?”
Gustong isagot ng dalaga na kung hindi siya nito sinita sa oras niya ay hindi niya gagawing magpalya ng tanghalian. Pero hindi na lang siya kumibo. Bakit ba ini-interrogate siya ng lalaking ito?
“Because I questioned you about your working hours yesterday?” Si Jim na tila nahulaan ang iniisip niya.
“Hindi,” depensa ng dalaga. “I… I just didn’t want to go out, your father might need me. He isn’t feeling well.”
Ngumiti ang binata. At parang gusto niyang himatayin sa ngiting iyon. Oh, why do you have to smile like that? Alam ba ng taong ito ang epekto niya sa mga babae tuwing ngingiti? O siya lang itong parang luka-lukang naapektuhan?
“Thank you for your concern with my father, Alyssa. And I’m sorry for being so brute. Marami akong kausap kahapon at under pressure. Ganoon din kanina, nasa gitna ako ng meeting at kailangang- kailangan kong makausap ang Papa. I’m sorry to have taken it on you.”
Nabigla ang dalaga. Hindi niya inaasahan ang paghingi ng paumanhin na iyon ng binata.
“I hanged up. I’m sorry, too,” nakayukong sagot niya.
Hindi kumibo ang binata na nakatitig lang sa kanya. Pagkatapos ay walang kibong lumabas na. Naiwang nakapangalumbaba ang dalaga.
Kinabukasan ay muling nakatanggap ng tawag ang dalaga mula kay Jaime Villaroman, Jr.
“Good morning, Sir. Can I help you?” pormal na tanong ni Alyssa na pilit kinakalma ang sarili. Bakit ba biglang bumibilis ang tibok ng puso niya kapag kausap ito?
Nag-alis ng bara sa lalamunan ang nasa kabilang linya. “Alyssa…”
“Yes, sir?”
“Well… Ah, eh. Is my father there?”
“Hold on, sir.”
“No. I mean… wait!”
“Yes, Sir?”
Yes, Sir, damn you! Bakit kailangang mag-stutter siya sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya? At sa isang babae pa, ha? At higit sa lahat, sa isang ordinaryong empleyado lang.
“Oh, it’s all right, Alyssa. Nakita na ng sekretarya ko ang file na gusto kong ipakipag-usap sa Papa.”
Nagkibit ng balikat ang dalagang ibinaba ang telepono at ipinagpatuloy ang trabaho.
Quarter to twelve ay nagpaalam si Jaime sa kanya.
“May appointment ako sa Maynila, Alyssa. Kung may importanteng mensahe para sa akin ay iwan mo na lang kay Lilia. Bago siguro mag-uwian ay tatawag ako dito.”
Tumango ang dalaga na muling nagpatuloy sa pagta-type. Wala pa halos tatlong minuto ay sumungaw sa pinto ang batang Villaroman.
“Hindi ba ninyo nakasalubong ang Papa ninyo, Mr. Villaroman?” nagtatakang tanong ng dalaga.
“Nagkita kami sa parking lot pero hindi siya ang sadya ko, Alyssa.”
“Oh. May kailangan kayong file, Sir?” tumayo siya mula sa kinauupuan.
“‘Jim’ na lang, Alyssa, puwede ba?” nakangiting wika nito na lumapit sa kanya. Hindi makasagot ang dalaga. Ano ang gusto nito?
“May… may iuutos ba kayo?”
“Yup. You try calling me by my name. And that is an order, Alyssa.”
“I cannot do that, Mr. Villaroman. Please, hindi ko alam kung bakit kayo nandito. And you’re making me feel uncomfortable.”
“Kaya ako narito ay para yayain kang mag-lunch sa labas.” Itinuon nito ang mga mata sa hindi pa nagagalaw na sandwich ng dalaga at isang tetra pack uli na chocolate.
Bagaman nabigla ay hindi nagpahalata ang dalaga. “Thank you, Mr. Villaroman, but no.”
“I do not take no for an answer,” nakangiti pa ring sagot nito.
“Well, this time, Sir, you have to. May ipinara- rush na trabaho ang Papa ninyo at may importanteng tawag siyang ipinahihintay sa akin.” Muling umupo ang dalaga.
Umupo ang binata sa gilid ng mesa. “I can always assign those to the other employees, alam mo iyan.”
“Hindi pa rin, Sir,” determinadong sagot ng dalaga.
“Why?”
“You’re my boss, kung hindi man direkta. And I don’t go dating with my boss.”
“Paano kung hindi ko tanggapin ang mga dahilan mo?”
Deretsong tumingin sa binata si Alyssa. “Then you have to drag me out of this room. And you won’t do that, will you?”
Ngumiti ang binata. “Kaya kong gawin iyon, Alyssa. Huwag mong subukan.” Naghahamon ang tinig nito.
“Please…” nagsusumamo ang tinig niya. Pumormal ang binata.
“All right…” wika ni Jim makalipas ang ilang segundong nakatitig sa kanya. “I’ll see you soon.” Pagkatapos ay lumakad ito patungo sa pinto.
Nakahinga nang maluwag ang dalaga. Hindi niya maintindihan ang ginagawang iyon ng anak ng boss niya. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang pumasok si Melba.
“Si Sir Jim ba iyon?” Tumango si Alyssa. “Ano’ng kailangan niya?”
Nagbuntong-hininga ang dalaga. Dinampot ang sandwich at inalisan ng balot at kumagat. “He invited me for lunch,” aniya pagkatapos lunukin ang kinakain.
“Talaga, ha! That’s news, chika.”
Nagkibit ng balikat ang dalaga.
“So, nagkainteres sa iyo ang mailap na binata, ha?”
“Anong mailap ang sinasabi mo? Niyaya akong mananghalian, tapos mailap? At huwag mong sabihin sa aking hindi pa nagka-girlfriend iyon dahil hindi ako maniniwala.”
“At bakit ko naman sasabihing walang girlfriend iyon, eh, kung magpalit ng babae iyon ay halos buwan-buwan. Ang ibig kong sabihin ay hindi pumapatol sa empleyado si Sir Jim. Wala akong natatandaang may niligawan iyan dito o sa kabilang opisina man.”
“Tama ka dahil hindi naman niya ako nililigawan. At bakit naman niya ako liligawan, eh, empleyado nga lang ako.”
“The mere fact na niyaya kang lumabas, that’s something. Maybe simula na iyan ng isang…”
“Huwag kang mag-ilusyon, Melba,” pagtatapos niya at ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi na lamang niya pinansin ang tinging ipinupukol ng kaibigan.
Chapter 4
L UMIPAS ang isang linggong hindi narinig ni Alyssa ang tawag ni Jaime Villaroman, Jr. At lumipas ang araw sa kanya na tulad din ng dati. Opisina-escuela-bahay.
Eksaktong alas-nuwebe beinte ay nasa labas ng gate si Alyssa. Maglalakad pa siya nang kaunti patungo sa paradahan ng jeep pauwi sa subdibisyong tinitirhan niya.
Ganoon na lang ang gulat niya nang may humawak sa braso niya.
“Jim!”
“’Pag nagugulat pala kita ay natatawag mo ako sa pangalan ko, ha?” tukso ng binata na hawak pa rin ang braso niya.
“Bakit ka… kayo nandito?” sunod-sunod ang kabog ng dibdib niya.
“Sinusundo kita. At huwag mong sabihin sa aking hindi ka nagpapasundo sa boss mo. At kung sasabihin mo sa aking hindi naman siguro kita bubuhatin dito, then you will have a surprise of your life.”
Tinatantiya ng dalaga ang kaharap. “Where’s your car?” aniya makalipas ang ilang sandali.
Lumapad ang ngiti ng binata. “Good girl.” Inakay nito ang dalaga sa lugar na pinagparadahan ng sasakyan. A midnight blue four-wheel-drive pickup.
Tumatakbo na sila nang mapuna ng dalagang hindi patungo sa kanila ang tinatahak ng sasakyan.
“Saan tayo pupunta?”
“Natitiyak kong hindi ka pa naghahapunan, so let’s have…”
“Please, Mr. Villaroman, nakikiusap akong ihatid mo na akong deretso sa bahay,” agap ng dalaga. “’Pag naabala ako ng dating ay tiyak na mag-aalala ang Tiya Andrea. Hindi nga niya gustong kumuha ako ng panggabing klase.”
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ng binata bago nagmaniobra sa isang intersection upang bumalik.
“’Sabi ng Papa, graduating ka sa susunod na semester.” Si Jim makalipas ang ilang sandaling katahimikan. Isang tango lang ang isinagot ni Alyssa.
“Ilang taon ka na?” Si Jim uli.
“Almost twenty one.” Pormal niyang sagot na bahagyang sumiksik sa dulo.
“Why are you so stiff? Relax. I don’t eat pretty ladies para sa hapunan ko,” biro nito.
Nilinga ng dalaga ang katabi. “Bakit mo ginagawa ito?”
Isang kibit ng balikat ang ginawa ng binata. “Believe me, Alyssa. I tried my very best to resist you. I made it a rule na huwag magbigay ng ibang atensiyon sa mga empleyado namin nang higit pa sa employer-employee relationship.”
“You should have sticked to your rule.”
“Galit ako at abala nang una kitang makausap sa telepono. Pero matapos kong maibaba ang telepono ay nanatili sa likod ng isip ko ang boses mo. Husky… sexy. Natural na natural. Hindi sinasadya o aral. Even when you stammer.” Nginitian siya nito.
Idinako ni Alyssa ang tingin niya sa dinaraanan. Marami na ang nagsabi sa kanya niyon. Kahit ang mga business associate ng boss niya, pero natatanggap niya ang mga papuri graciously. Ngunit bakit ang lalaking ito ay ikinaiilang niya ang mga sinasabi? Bukod pa roon, bakit ba sa pakiramdam niya ay hinuhubaran siya nito tuwing tumitingin?
“Sinikap kong huwag isipin iyon,” patuloy ni Jim. “Pero nang tumawag ako sa iyo nang sumunod na araw ay narinig uli kita. Really, Alyssa. You irritated and intrigued me. Bukod sa hindi mo gustong ipakausap ang Papa sa akin, nag-hangup ka pa. Why, I could have terminated you right there and then.” Amusement ang nasa tinig nito.
“Humingi na ako ng paumanhin sa iyo.”
“Alam mo bang ilang segundo na kitang pinagmamasdan bago mo namalayang naroon ako?” patuloy ng binata na tila hindi siya nagsalita. “Nawala ang galit ko. Sa halip, you made my heart beat so fast that I was alarmed. Who is this woman that is looking down like the dawn…”
“That is not very original,” may himig-akusasyong agap ng dalaga.
Marahang natawa ang binata. “Maybe. But the feeling is. Hindi ko pa naramdaman ang ganoon sa kahit kaninong babae. Sa iyo lang. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit naisulat ni Solomon ang gayong superlative para sa Shulammite woman na pinag-ukulan niya ng masidhing damdamin.”
“And since that you are familiar with the Song of Solomon, then you would surely know that his descriptions with the Shulammite woman is very sexy. Tulad mo. You have a very sexy voice that match your face.” Nilinga siya nito. Hinagod ng tingin ang kabuuan niya at kung ilang segundong nagtagal ang mga mata sa kanyang dibdib. “And perhaps the body, too. Naitatago mo lang sa makapal na unipormeng iyan ng opisina.” Nanunukso ang mga ngiti nito.
“Oh, stop it!” naiiritang angil niya. “Sa daan ka tumingin at baka maaksidente tayo!” Gusto niyang ibaba ang salamin sa bintana ng sasakyan. Hindi siya makahinga at kailangan niya ng hangin sa labas. Why, this man is making love with her with his eyes and talks!
Pumuno sa airconditioned na sasakyang iyon ang malakas na tawa ni Jim. “You’re so pretty, Alyssa. Young and innocent…”
“Ano’ng gusto ninyo, Mr. Villaroman?” naiirita niyang tanong.
“Ikaw, Alyssa,” walang gatol nitong sagot. “I want you and I always get what I want.”
Nanlaki ang mga mata ng dalaga. He was speaking softly and coolly. Pero naroon ang katiyakan sa tinig nito. Biglang lumakas ang tibok ng dibdib niya. Nag-apuhap ng sasabihin.
“So, you want to chase spring chicken and eat it for dinner,” ang patuyang namutawi sa mga labi niya.
Muling tumawa si Jim. Amused na nakatingin sa kanya. Lalo lang iyong nagdagdag sa inis ng dalaga. Nakahinga lamang siya nang maluwag nang iliko papasok ni Jim sa subdivision ang sasakyan.
“Sa ikatlong kanto, please turn right,” mahinang wika niya.
“I know.” Naroon pa rin ang amusement sa tinig nito na sinulyapan siya. “I always do my homework, little dove.”
Kahit naiinis ay hindi na kumibo si Alyssa. Ilang sandali pa’y nasa harapan na sila ng gate nila. Mabilis niyang binuksan ang pinto subalit maagap na nahawakan ni Jim ang kamay niya. Ito mismo ang umabot sa lock ng sasakyan at binuksan ang pinto para sa kanya.
Halos ibaon ni Alyssa ang sarili sa sandalan ng upuan upang huwag madikit ang dibdib niya sa braso nito. Ni hindi siya humihinga dahil sa pagkakadukwang ni Jim at halos madikit na rin ang mukha nito sa kanya.
Nanunuksong ngiti ang ibinigay nito. At nang bumukas ang pinto ay mabilis siyang bumaba. At inilabas ang pinipigil na paghinga.
Pahakbang na siya nang muling sumungaw sa pintong nakabukas si Jim at tawagin siya.
“Isn’t it polite to say ‘thank you’?” anito.
Alam niyang nanunukso ito ganoon pa man ay napahiya siya.
“T-thank you, Mr. Villaroman… “ parang batang tumalima siya sa sinabi ni Jim.
Naroon pa rin ang mga ngiti sa labi ng binata nang muling magsalita. “Maghapon bukas ay busy ako, Alyssa. Dalawa ang meeting ko sa umaga at may appointments ako sa hapon so I may not be able to give you a call.”
Ano’ng pakialam ko! bulong ng dalaga sa sarili. Bakit sinasabi mo sa akin iyan?
“Pero sa Linggo ng umaga ay narito ako sa inyo,” paniniyak ni Jim. At bago pa nakasagot si Alyssa ay nakabig na nito ang pinto pasara. Pagkatapos ay pinaandar ang sasakyan.
“Kung aabutan mo ako!” anas niya.
Kung bakit ba naman hindi siya dalawin ng antok nang gabing iyon. Paulit-ulit sa isip niya ang mga sinasabi ni Jim. I want you and I always get what I want! Bakit naaalarma siya roon? Si Jaime Villaroman, Jr. ba ang uri ng lalaking ipipilit ang sarili sa babaeng ayaw dito?
Ayaw? Ganoon ba ang damdamin niya para sa binata?
Napatitig sa kisame si Alyssa. Kung magiging totoo siya sa sarili ay matinding atraksiyon ang nasa dibdib niya para dito. At kauna-unahan sa buhay niya na makadama siya ng ganoon. At iyon ang ikinaaalarma niya. Natatakot siyang hindi niya kayang pigilin ang sariling damdamin.
Takot sa sarili at iritasyon para sa binata ang magkasama niyang nadarama. Iritasyon dahil bakit lubhang nakatitiyak ito sa sinasabi at ginagawa? Na parang walang puwang na maaari siyang tumanggi? Bakit pati sarili niyang isip at damdamin ay tila alam nito?
Paano niya pakikitunguhan ang isang tulad ni Jaime Villaroman, Jr.? As far as she could remember, she was never without admirers. Ang iba’y mga kasinggulang din ng binata. At dalawa sa manliligaw niya ay kabilang sa circa ng pamumuhay ng mga Villaroman. Pero bakit iba ang binata sa kanila?
Gusto niyang isiping binabastos siya nito. Pero hindi. Wala siyang nahihimigang malisya sa tinig at sa mga mata nito. Instead, his eyes were dark with need and passion.
Oh, shi…! Bigla siyang dumapa sa unan niya at ibinaon ang mukha doon. She had been reading a lot of romance novels lately kaya kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya!
Chapter 5
M AAGA pa lamang ng Linggo ay umalis na ng bahay si Alyssa. Nagtungo siya kina Melba at Sabado pa lang ay inimbita na niya ang sariling pupunta roon.
“Ikaw talaga, oo. Pinamalengke mo tuloy ako nang wala sa oras,” pabirong reklamo ni Melba habang naghihiwa ng karne.
“Paparito ka tuwing Linggo, Alyssa,” natatawang sabad ni Leandro. Ang asawa ni Melba. Junior executive sa isang brewery. “Kung hindi, tiyak na lutong ulam na naman ang tanghalian namin.”
Inirapan ni Melba ang asawa na natatawang lumabas ng sala. “Para dalawang araw lang ng Linggong lutong ulam ang inihain ko, nangonsiyensiya na,” wika nito na binalingan si Alyssa. “Baka mapikon ka. Natutuwa nga ako at narito ka. Nakilala mo ang pamilya ko.”
“Kilala naman kita, ano.” Binalatan ni Alyssa ang mga patatas sa mesa.
“Ano ba talaga ang dahilan at narito ka ngayon? Hindi dahil sa hindi ko gustong narito ka, ha. Nagtataka lang ako. Masyado kang frantic kahapon nang sabihin mo sa aking pupunta ka ngayon dito. At kilala kita, kaya huwag kang magkakaila. Masyado kang mahiyain para i-impose ang sarili. Nagtatampo ka ba sa Tiya Andrea mo?”
Umupo ang dalaga at nangalumbaba. “Baka sa mga oras na ito ay nasa amin si Jim.”
Ilang sandali munang titig na titig si Melba sa kaibigan bago biglang lumapad ang ngiti. “My, oh, my! Nasa bahay ninyo ang prince charming? O, eh, ano’ng ginagawa mo rito gayong naroon pala siya sa inyo?”
“Simple. Iniiwasan ko ang Jim na iyon.”
“Ano? Sira ka ba? Aba’y ako ang pag-interesan ni Jim Villaroman at idi-divorce kong bigla si Leandro!” eksaheradong biro ni Melba.
“Talaga, ha?” natatawang sagot ni Leandro na nakasandal sa may hamba ng pinto.
“Oh, well… don’t believe me, darling. Ito kasing si Alyssa, eh,” nakangiting baling ni Melba sa asawa. “Doon ka na nga at usapang-babae ito,” taboy nito sa asawa.
Nagkibit ng balikat si Leandro na muling bumalik sa loob.
“O, ngayon, pakieksplika mo nga sa akin ang dahilan mo, Cinderella, kung bakit ka narito habang nasa inyo si Prince Charming?”
Nagbuntong-hininga si Alyssa. “Hindi ko alam kung paano pakikitunguhan si Jim, Mel. Nalilito ako sa kanya at natatakot ako sa sarili ko. He’s too sure of himself. Pakiramdam ko ba, string puppet ako sa mga kamay niya. Sarisaring emosyon ang napupukaw niya sa akin at wala akong magawa!”
“’Day, you must be in love!”
“You’re jumping into conclusion!”
“’Ay, naku, Alyssa! Dalawang bagay lang iyan. Ayaw mo siya o gusto mo siya. And since, wala naman sa mukha mong ayaw mo siya, so gusto mo siya.” Naroon ang logic sa sinasabi nito.
“Hindi ba ilusyon iyon?” mahinang sabi niya.
“Hindi matapobre ang mga Villaroman, Alyssa. Galing din ng hirap si Sir Jaime. Ngayon, kung pareho kayong nagkakagustuhan ni Jim, walang problema. But kidding aside, Alyssa, gusto kong sabihing hindi ikaw ang babaeng para kay Jim Villaroman. Napakabata mo pa. Kaya lang, sino ako para husgahan iyon? Sana’y maging matalino ka sa pakikitungo sa kanya. I don’t want him to break your heart. Famous sa ganoon si Jim Villaroman, Jr.”
“How could he be so irresistible, Melba? It’s so unfair. Hindi ko maintindihan, marami namang guwapo riyan.”
Naroon ang simpatya sa tinig ni Melba nang muling magsalita. “Let’s just hope na seryoso si Jim sa iyo. Ano’ng malay natin, baka talagang tinamaan siya sa iyo. Kung hindi ba naman, empleyado ka nila at alam kong may patakaran si Jim na purely business ang attitude pagdating sa employees.” Nilapitan nito si Alyssa. “Sira si Jim ’pag hindi siya seryoso sa iyo. Maganda ka at matalino. And you’re really worth loving, Alyssa. Hindi dahil kaibigan kita, ha.”
“Thank you, Mel.” At least, kung sakaling biro- biro lang para kay Jim ang ginagawa, tama lamang na umiwas siya.
Pasado ala-una na nang umalis ang dalaga ng bahay nina Melba. Pagdating sa bungad ng subdivision ay sumakay siya ng tricycle patungo sa kanila. Pagkababa ay kalmanteng inabot ng dalaga ang bukasan ng gate at pumasok. Bahagyang nakaawang ang pinto sa sala at tuloy-tuloy siya sa loob.
Napahinto siya sa pagpasok nang makitang naroon si Jim sa sala at kausap si Andrea.
“Eto na pala si Alyssa, Jim. Halika, hija, at kanina ka pa hinihintay nitong bisita mo,” bungad ni Andrea na tumayo.
Nginitian ng binata si Andrea. “Hindi ako nainip, Mrs. Cortez. Mahusay kang kausap.” Kitang-kita ng dalaga ang pleasure sa mukha ng madrasta.
This man is a real charmer! aniya sa sarili.
“Maiwan ko na muna kayong dalawa,” ani Andrea na sinulyapang pareho ang dalawa bago pumasok sa loob.
Atubiling umupo ang dalaga sa tapat ni Jim, “H- hindi ko nakita ang pickup mo.”
Isang ngiting hindi naman umabot sa mga mata nito ang sumilay sa mga labi ng binata. “Ipinarada ko sa hindi kalayuan dito. Alam kong hindi ka tutuloy kapag nakita mo ’yong nakaparada sa tapat ninyo,” matabang na sagot nito.
“K-kanina ka pa?” napahiyang tanong niya.
“More than an hour ago.” Sinulyapan nito ang relo. “Dito ako nananghalian. Masarap ang kare-kare ng Tiya Andrea mo. My favorite.”
Huminga nang malalim si Alyssa. Hindi makatingin nang deretso sa binata,
“You’re very transparent, Alyssa. Alam kong iiwasan mo ako so I have purposely arrived late.”
Ano’ng sasabihin niya? Sorry? Babale-walain lang ni Jim iyon.
Muling tiningnan ng binata ang relo sa braso. “Magbihis ka, Alyssa,” utos nito. “Kung gusto mong iyan pa rin ang suot mo, fine with me,” anitong sinabayan ng kibit ng balikat. “Panoorin natin ang Pulp Fiction .”
“How… how dare…” hindi niya naituloy ang sasabihin dahil sa maagap na nagsalita ang binata.
“Cliché! Ginasgas na ng mga Amerikano ang expression na ’yan. Huwag mo nang dagdagan. Sige na, hihintayin kita sa labas. Kukunin ko ang pickup sa pinagparadahan ko. Ipagpaalam mo ako sa Tiya mo.” Pagkasabi niyo’y tumayo na ito at lumabas ng bahay.
Naiwang speechless si Alyssa. The nerve of the man! Susunod ba siya o hindi?
Humugot siya ng napakalalim na hininga at tumayo. Pagkatapos ay nag-shower in record time. Nagsuot ng puting pants at dilaw na blouse. Naglagay ng pressed powder at lipstick. Nilagyan ng bahagyang mascara ang mahahabang pilikmata. Pagkatapos mag-brush ng buhok ay dinampot ang shoulder bag at lumabas.
Nagpaalam siya sa kanyang Tiya Andrea. Nasa harap na ng gate nila ang pickup ng binata. Binuksan ni Jim ang pinto ng passenger’s seat sa unahan at pumasok siya. Isang mahinang “thank you” ang inusal ng dalaga.
Nasa highway na sila nang magsalita si Alyssa.
“Saan tayo pupunta?”
“Ang sabi ko ay manonood tayo ng sine, ’di ba?” pormal na sagot nito. Seryoso ang mukha.
“Bakit may palagay akong kahit gusto kong tumanggi ay hindi mo pakikinggan?” aniya sa mahinang boses. Nararamdaman niyang galit ito at hindi niya gustong dagdagan. Kaya lang ay hindi niya magawang sunod-sunuran na lang at huwag kumibo.
“Tumatanggi ka ba?” sulyap nito sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Alyssa. “Nakakaloko ka ba, Mr. Villaroman?”
“You don’t have to deny it, Alyssa. Umiiwas ka pero hindi ka tumatanggi. “
“I really have no wish of going out with you, Mr. Villaroman. But it seemed that my decision is of no consequence,” naiiritang sagot niya.
“Come on, Alyssa. Do you think I will coerce you into going out with me kung hindi ka talaga sasama?” Bahagyang ngumiti ang binata sa pagkakataong ito.
“Iyon ang ipinahihiwatig mo!”
“I might have. Pero hindi kailangan iyon, ’di ba? Sumama ka nang kusa. I did not even raise my voice.”
“Oh! Ibalik mo ang sasakyang ito sa amin, Mr. Villaroman!”
“At kung hindi ko gagawin? Tatalon ka?” Naghahamon ang tono nito na tuluyang lumapad ang ngiti.
Buong pagkairitang sinulyapan ni Alyssa si Jim. Tatalon ba siya? Siyempre hindi. Sa kabilang banda ay totoong hindi naman siya nito pinilit. He was just being authoritative at sumunod siya. Kung bakit, hindi niya alam sagutin.
Inabot ng kanang kamay ni Jim ang buhok niyang halos tuyo na. Madalian niya itong pinaraanan ng blower kanina. Hinaplos ito ng binata. Sinuklay ng mga daliri nito. Parang gustong manigas ng leeg ni Alyssa. Napapaso siya sa init ng kamay nitong nakahawak sa batok niya at marahang humahaplos.
“Hmn… long and silky… and shiny. Parang commercial ng shampoo and I wanted to drown in it.”
“Wala kang karapatang…!” Pilit niyang iniiwas ang kanyang ulo.
“Stop fighting, Alyssa,” wika nito na ang kamay ay ibinalik sa manibela. Marahan lang ang pagpapatakbo nito sa sasakyan. Ngumiti sa kanya. “Hindi naman ako nakikipag-away kahit na gusto kong magalit sa ginawa mo kaninang umaga. Hindi kasi ako talaga naniniwalang ayaw mo akong kasama.”
“Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa iyo!” angil ng dalaga.
“I wouldn’t dare ask kung gusto o ayaw mong sumama dahil alam kong magsisinungaling ka lang. There are ways and means of knowing it anyway.” Tinitigan nito ang mga labi niya nang may kung ilang segundo. “At kung talagang ayaw mo, then I will make you,” he spoke gently pero sa isang tiyak na tono.
“Oh!” ang nasabi ni Alyssa. Hindi siya makaapuhap ng sasabihin. Kung makikipagtalo pa siya ay lalo lamang siya nitong tutuksuhin at lalo lamang din siyang maiilang.
Makalipas ang ilang minuto ay nasa Greenhills na sila.
“Hindi ko maintindihan kung bakit gusto mong magpunta dito para lang manood. Natitiyak kong gusto nang kalawangin ng VHS sa inyo,” nayayamot niyang sabi nang nasa parking lot na sila.
“Hanggang sa oras pa ba namang ito ay hindi pa malinaw sa iyo na kaya kita niyayang lumabas ay dahil gusto kitang kasama? At kung alam kong papayag kang sa bahay na lang tayo manood, so much the better. We can rent a tape,” sagot ng binata na hinarap siya at hinawakan ang baba niya. “Decide. Gusto mo dito o sa bahay na lang?”
Binawi ng dalaga ang mukha niya at mabilis na lumabas ng sasakyan. Nangingiting sumunod ang binata.
Ilang sandali pa’y nasa loob na sila ng sinehan, na palibhasa’y may ilang araw nang nasa sinehan ang panoorin ay kakaunti na ang tao.
Sa nakalipas na limang minuto ay ni hindi naunawaan ni Alyssa kung ano ang pinanonood niya. Ang concentration niya ay nasa lalaking katabi na nakade-kuwatro at prenteng nakasandal. Ang mga mata ay nakatuon sa screen.
Mayamaya ay kumilos ito at ginagap ang kanyang kamay. Nagulat si Alyssa at akmang hihilahin ito subalit mahigpit ang hawak doon ni Jim. Inilapit ng binata ang bibig nito sa tenga niya at bumulong.
“Malamig ang kamay mo, giniginaw ka ba?”
Napahinga nang malalim si Alyssa. Nararamdaman niya ang init ng hininga ng binata sa kanyang pisngi at nagtatayuang lahat ang mga balahibo niya sa batok.
“Hindi. Bitiwan mo ang kamay ko,” ganting-bulong niya sa pagalit na paraan. At kahit madilim ay alam niyang tumatawa ito na lalo niyang ikinairita.
“I wonder why you gasped gayong binulungan lang kita,” tukso ni Jim na hinigpitan ang hawak sa kanang kamay niya.
Napilitang magpaubaya ang dalaga dahil natitiyak niyang hindi rin naman nito bibitiwan ang kamay niya.
Bahagyang humilig sa upuan si Jim at nag-relax. Mayamaya ay dinala nito sa bibig ang kamay ni Alyssa at marahang dinampian ng halik.
Matalim ang hiningang binitiwan ng dalaga sabay hatak ng kamay subalit hindi pinakawalan ng binata iyon. Sa halip ay isa-isang dinampian ng halik ang mga daliri at palad niya. Walang anumang nasa screen pa rin ang mga mata nito. Na parang ang ginagawa ay isang pangkaraniwang bagay lamang.
Ano ang ginagawa ng lalaking ito! At ano itong nararamdaman niya? Bakit parang yelong gustong matunaw ng mga tuhod niya?
“Stop it, please…” Halos walang lumabas na tinig sa bibig niya.
Muling bumulong ang binata at sa pagkakataong ito ay sadyang idinikit ang mga labi sa tenga niya. Lalo lang nagkabuhol-buhol ang emosyon ng dalaga.
“Keep on watching. Sayang ang bayad natin kung wala kang maiintindihan sa palabas,” pagkatapos ay marahan itong tumawa.
Ang bruto! Natitiyak niyang alam nito ang nararamdaman niya. And how dare him playing with her emotions! Sinikap niyang bale-walain ang tila balahibong humahaplos sa kamay niya at nag-concentrate sa panonood.
No big deal. Kung hindi banayad na hinahalikan at pinagagapang ang mga labi sa kamay niya ay marahan lang naman nitong pinipisil-pisil. Ganoon lang!
Kung ganoon lang naman ay bakit mainit ang pakiramdam niya? At kung ilang beses siyang humugot ng hininga ay hindi niya mabilang.
Binitiwan lamang ng binata ang kamay niyang gustong mamanhid nang palabas na sila. Subalit inakbayan naman siya nito.
“Mr. Villaroman, hindi ko alam kung sino ang nagbigay ng karapatan sa iyong gawin ang mga ginagawa mo!” aniya habang palabas sila ng lobby at hinahawi niya ang braso nito sa balikat niya. Ang kaso, parang bakal itong hindi niya matinag.
“You did,” maiksing sagot ni Jim na kinabig siya.
“Anong…?”
“Blame yourself for being so pretty, sexy, husky, irresistible, and…”
“Heh!” singhal niya na ikinabulalas ng tawa ng binata.
“Anong ‘heh’?” Pinisil nito ang balikat niya. “Para kang bata. But then you’re making me feel so young again, Alyssa.”
Sa kabila ng lahat ay gustong sabihin ng dalagang hindi naman matanda ang twenty-eight. Pero hindi na lang siya kumibo.
Pumasok sila sa isang kilalang cake house. Ipinaubaya niya rito ang pag-order.
“Have you gone dating before, Alyssa?” tanong ni Jim nang nailapag na ng waiter ang order nila.
“Kung sa lalaki ang tinutukoy mo ay hindi pa,” sagot niya habang tinutusok ng tinidor ang marshmallow sa isang slice ng cake.
“Bakit, Alyssa? Mahigpit ba ang papa mo noong nabubuhay pa?”
Gusto niyang sabihing wala itong pakialam sa buhay niya. Pero siguro ay gumagawa lang ng conversation si Jim.
Nagkibit siya ng balikat. “Hindi ko alam. I just didn’t feel like going out with anyone. ’Pag ganitong Linggo, kami ng Papa at Tiya Andrea ang magkasama.”
“Kung ganoon, you really ought to thank me for giving you your first date. And I behaved, ha?” nakangiting tukso nito.
Sinalubong ng dalaga ang tingin nito. “Why, thank you, Mr. Villaroman. You’re not so bad after all,” nanunuya siya pero hindi niya mapigil ang mapangiti.
Nang mapatingin sa ngiting iyon si Jim ay bigla itong naging seryoso. At nang magkasalubong ang mga tingin nila ay biglang nagkaroon ng tensiyon sa pagitan nilang dalawa.
Unang nagbaba ng tingin si Alyssa.
“You’re prettier when you smile but then even when you’re angry. Kaya nga hindi ako natitigatig ’pag nagagalit ka. You’re a beautiful sight to feast my eyes on, kahit anong mood,” nakangiting wika nito. Ibinalik sa panunukso ang mood.
Gustong mag-blush ni Alyssa. Itinuon niya ang sarili sa pagkain sa harap niya.
“Going back to that dating issue, Alyssa. Kahit hindi ako nakatitiyak ay naisip kong maaaring ito ang first date mo sa isang lalaki. That is one reason ng pagyayaya kong manood ng sine.” Saglit na huminto sa pagsubo si Alyssa at tumingin sa kaharap.
Bahagya siyang napaatras nang abutin siya ni Jim at pahirin ng thumb finger nito ang bahid ng icing sa labi niya.
“T-thank you…” Lord, that was a caress!
“Alam mo bang ang huling pasok ko sa sine ay noong nasa college pa ako? At sa Amerika iyon, ha?”
Hindi makaapuhap ng sasabihin si Alyssa. Nanatiling nakatingin lang. “And I think I owe you this date. Your first date. Gusto kong maranasan mo kung papaano. Just like any young people of your age. Kung gusto mong mamasyal o mag-disco tayo ay gagawin natin. “
“You don’t owe me anything,” nalilitong sagot ng dalaga. “Hindi mo kailangang gawin ito dahil lang sa hindi pa ako…”
“Kailangan, Alyssa,” agap ni Jim “Because you will never have a chance to date other guy… because I won’t allow it. I am a very jealous man, you know,” parang walang anumang wika nito.
Nanlaki ang mga mata ni Alyssa. “Wala kang karapatang…”
“Sinabi ko na sa iyo, Alyssa. I want you. And now you’re mine.” Muli ang malamig at tiyak na tinig nito.
Titig na titig ang dalaga kay Jim. Ano ba ang dapat niyang isipin at sabihin? Nakaramdam siya ng panlalamig. At gusto niyang magalit dito. Pero sa dinami-rami ng emosyong pinukaw ng binata sa kanya ay hindi niya makapa ang galit sa dibdib niya.
At parehong walang nagsalita sa kanila sa mga sumunod na sandali. Parehong nasa pagkain ang pansin bagaman napupuna ni Alyssa ang mga sulyap ni Jim sa kanya.
Chapter 6
B INUKSAN ng binata ang aircon. Si Alyssa nama’y iginala ang paningin sa kabuuan ng silid. Naroon ang malaking television na may built-in VHS. May computer, component, organ, mga rack ng kung ano-anong tape.
Umupo siya sa malaking sofa na sa palagay niya ay isang sofa bed na ang kulay ay dark lang nang bahagya sa mamahaling wall paper na kulay-beige. Contrast sa carpet na pinaghalong itim at lila ang kulay. Sa sulok ng malaking silid ay isa pa uling pinto.
Nakangiting nilingon siya ng binata nang kuhanin nito ang tape at isalang. Pagkatapos ay isinara nito ang blinds sa bintana at umupo sa tabi ng hindi kumikibong si Alyssa. Ang mga mata ay nasa screen.
“You’re very quiet. Bakit?” Inakbayan nito ang dalaga at kinabig payakap.
“Ano ang iisipin ng Tiya Conchita mo na narito tayo sa kuwartong ito?” aniya.
Nagkibit ng balikat ang binata “Kung ano ba ang gusto niyang isipin. We could even justify it,” tukso nito. “And I can do everything I want to do with you dahil solo lang tayo dito,” kunwari ay nananakot ito at yumuko sa balikat niya na akma siyang kakagatin.
Alam ni Alyssa na nanunukso lang si Jim. Pero hindi niya mapigilan ang magkahalong kaba at excitement sa dibdib niya lalo at nanatiling nakayakap ito sa kanya. Pilit siyang kumakawala pero hindi siya nito pinapakawalan.
“Relax. I just wanted to hug you like this.” Isiniksik nito ang mukha sa leeg ni Alyssa. “Hmn… you’re sweet.”
“Jim… hindi ko maiintindihan ang palabas niyan. Gusto ko pa naman ang pelikulang iyan,” mabuway niyang iwas.
Ang sinimulang tukso ay nauwi sa totoo nang siilin siya ng halik ng binata sa mga labi. Kung gaano katagal siyang hinalikan nito ay hindi niya alam. Nang bahagyang ilayo ni Jim ang mukha sa kanya at titigan siya ay naroon ang matinding pangangailangan sa mga mata nito.
“Lord, Alyssa! I can’t help it…” bulong nito na sinapo ng dalawang kamay ang mukha niya. Pagkatapos ay muli siyang hinagkan nito sa noo, sa mga mata, sa pisngi… at muli sa mga labi niya.
“J-Jim…” Ang naiusal niya kasabay ng madali at matinding pagtugon sa mga halik ng binata. At ikinalilito iyon ng isip niya. Hindi niya maunawaan ang pangangailangang nadarama niya… kung ano ito at saan galing… at ang pagdaloy ng init sa katawan niya pababa.
Bumaba ang mga labi ng binata sa leeg niya habang unti-unting tinatanggal nito ang mga butones ng blouse niya at alisin iyon mula sa mga balikat niya. Pagkatapos ay naramdaman niya ang init ng mga kamay nito sa likod niya nang tanggalin nito ang hook ng bra.
She was lost completely nang bumaba ang mga labi ni Jim sa dibdib niya. At ang kamay ng binata ay parang apoy na tumutupok sa pagkatao niya.
Ipinikit ni Alyssa ang mga mata niya at naglahong lahat ang anumang maaari niyang isipin. Umiikot ang lahat para sa kanya at ni hindi niya namalayang ibinaba siya ng binata sa carpet mula sa sofa at inihiga.
Pakiramdam niya ay nananaginip siya nang maramdaman ang lamig na nanggagaling sa aircon na humaplos sa katawan niya. Nang magmulat siya ng mga mata ay patayo si Jim.
“Damn you, Alyssa!” pagalit nitong sabi na tumingala sa kisame at sinuklay ng mga daliri ang buhok.
Nanatiling nakahiga sa carpet ang dalaga. Tinakpan ng mga braso ang dibdib. Nalilitong nakatingin lang sa binatang nakatunghay sa kanya. Hindi niya kayang arukin ang nasa mga mata ni Jim nang iabot nito ang kamay sa kanya at hilahin siya paupo.
Kalituhan at pagdaramdam ang nakita ng binata sa mukha ni Alyssa.
“What have I done?‘’ mahinang tanong niya. “Bakit ka nagagalit?”
Napapikit si Jim at muling umupo sa tabi niya at niyakap siya. “I’m sorry, honey. Hindi ako sa iyo nagagalit kundi sa sarili ko.”
Kumawala ang dalaga. “Bakit nga?”
Natawa ang binata sa inosenteng tanong na iyon. “We almost made love ’tapos nagtatanong ka ng bakit nga?”
“So?”
“For goodness’ sake, Alyssa!” Nagtaas ng boses ang binata. “Hindi ko gustong gawin sa iyo iyon. Hindi ko napigilan ang sarili ko!”
Muling lumarawan sa mukha ng dalaga ang pagdaramdam. Why was she being rejected?
“Oh, damn! Huwag mo akong tingnan nang ganyan!” Muling sinuklay nito ng kamay ang buhok.
“You… you were sorry for what you did?” Si Alyssa.
“Hindi. Pero hindi ko intensiyong…” Hindi nito natapos ang sa sabihin dahil muling nagsalita si Alyssa.
“I… I… thought you said you wanted me….”
“I do! I ache with wanting you. Pero hindi sa ganitong paraan na sinasamantala ko ang pagkakataon at pagtitiwala mo. I invited you here, my father invited you here for all the good intentions pero kumawala ang pagtitimpi ko.”
Tumaas ang kamay ng dalaga at hinaplos ang mukha ni Jim. “I want you, too, Jim. And I want you to make love to me… now.”
Marahas na hinawakan ng binata ang braso niya. “Alam mo ba ang sinasabi mo?”
“Do I look drugged? If I did, siguro may inilagay ka sa kinain at ininom ko,” malambing niyang sagot. Sa likod ng isip niya ay nasabi niyang siguro nga ay lasing siya at nahihibang. Bakit niya nasabi iyon?
“Alyssa… “ Hinapit siya ng binata. “Sabihin mong nagbibiro ka lang hanggang kaya ko pang pakawalan ka,” wika nito sa gumagaralgal na tinig. Naririnig na halos ng dalaga ang tibok ng puso nito.
“I love you, Jim.”
“Oh, Lord!” Muli siyang inihiga nito sa carpet. “This is your first time at… maaari kitang masaktan…” Nagtatanong at naniniyak ang mga mata nito.
“You won’t.”
Marahas siyang siniil ng halik nito sa umpisa subalit pagkatapos ay biglang nagbago ang paraan ng paghalik ng binata. He was kissing her softly and gently, na para bang nasa kanya ang lahat ng oras… na para bang isa siyang babasaging kristal. And then, she was kissing him back.
Kung paanong natanggal ng binata ang natitira niyang kasuotan ay hindi niya matandaan. She was dazed. Feverish with desire at gusto niyang ibalik din dito ang kasiyahan.
Muli ang paghaplos ng lamig mula sa aircondition nang tumayo si Jim. Inabot niya ang blouse at itinakip sa dibdib. Hindi niya inaalis ang mga mata niya sa binata nang ito naman ang magtanggal ng kasuotan. Inihagis nito ang polo shirt sa sofa. Nang akma nitong bubuksan ang zipper ng pantalon ay sandali itong huminto at nakangiting tinunghayan siya.
“Ako ba ang floorshow?”
Marahang tumango ang dalaga. At pinanood niya ang paghuhubad nito. She has never seen a man without clothes. Ngayon lang. At nang tumambad sa kanya ang kahubaran nito, she was fascinated! Shy and wild. Para itong Roman statue na nakatayo at nakatunghay sa kanya.
Bumaba ang binata sa tabi niya. Hinaplos ng darili nito ang linya ng kanyang mukha. Against her delicate jawline… her nose… her lips… and her shoulder blade.
Pagkatapos ay inalis nito ang blouse na nakatakip sa dibdib niya exposing her breasts. And he could only stare…!
“…beautiful like the foil moon… pure like the glowing sun…”
“Jim…” Again he was quoting from famous lines and she felt so romantic and cherished. At nang muli siyang siilin ng halik nito ay nakahanda na siya. She kissed him back… shyly touched him back…
“Alyssa… Alyssa…” Paulit-ulit nitong inuusal ang pangalan niya. At para siyang inililipad. Nalulunod siya sa sensasyon… in aching pleasure.
Pagkatapos ay mahigpit siyang napahawak sa mga balikat ng binata. Para siyang naghahabol ng hininga. Hindi niya maunawaan… nalilito siya.
“J-Jim… please… I…”
“Come with me, honey,” at muli ay naroon ang mga labi nito sa kanya. “Kiss me, babe… and let it go.”
And she did. Para siyang inililipad sa dako pa roon.
It was pain… it was ecstasy… a total satiation of the senses…
Buong pagsuyong nakatunghay sa kanya si Jim makalipas ang mahabang sandali.
“Regrets?”
“No.”
“Did I hurt you?” Hinawi nito ang buhok na tumatabing sa mukha niya at pinunasan ng palad ang pawis sa kanyang noo.
“I’d like to think only of the pleasure.” Dinampian siya nito ng halik sa mga labi. “Hintayin natin ang Papa.”
Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. “Para ano?”
“Magsasabi tayo. I’m marrying you, lady.”
Hindi makapaniwala sa narinig si Alyssa. “W- why?”
Umikot ang mga mata ng binata at ibinagsak ang sarili pahiga sa tabi niya. “Alam mo, nagugulat ako sa uri ng mga tanong mo. “
Tumagilid ang dalaga at hinarap ito. “Dahil ba sa nangyari ngayon?”
“That also. Minadali niyan ang plano kong pakasalan ka.”
“What was the other reason?” Gusto niyang makatiyak.
“Alam mo, kung hindi kita kilala, sasabihin kong you’re some kind of a dumb. You have your ways with questions.” Hinawakan siya nito sa batok at sinuklay ng kamay ang buhok niya. “Why? Because I love you.”
Napalunok si Alyssa. “You do? Iniibig mo ako?”
Amused na ngumiti si Jim. “Tinagalog pa. O, sige, iniibig kita, I love you, yo te amo… ano pa ba?”
“Oh, Jim!” Yumakap ang dalaga dito. Natatawang marahang kumawala ang binata at tumayo.
“Wait here, honey. Huwag kang aalis diyan, sandali lang ako.” Lumakad ito patungo sa pintong nasa sulok ng silid.
Napabangon mula sa carpet si Alyssa. “Lalabas kang nakaganyan?” Naiiskandalong pahabol niya.
Nangiting nilingon siya ng binata. “This video room is mine. Extension ng kuwarto ko sa itaas. Ang hagdan sa likod ng pintong ito ay deretso sa kuwarto ko. Gusto mong sumama?”
Umiling ang dalaga at muling inilatag ang sarili sa carpet. Maligaya siyang nakatitig sa kisame.
Magpapakasal sila ni Jim!
Hindi nagtagal at muling bumaba ang binata. Umupo ito sa tabi niya at inabot ang kaliwang kamay niya. Isinuot nito sa daliri niya ang isang singsing.
Engagement ring! A solitaire!
“Oh, Jim!” napabangon ang dalaga at hindi makapaniwalang tinitigan ang daliri.
“Binili ko talaga iyan para sa iyo. Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataong maibigay sa iyo.”
Seryosong tumitig sa binata si Alyssa. “Well, Mr. Villaroman, Jr., maaari bang ulitin mo sa ibang araw itong ginawa mong ito?”
Nagsalubong ang mga kilay ng binata. “Ano ang ibig mong sabihin?”
“You proposed marriage, binigyan mo ako ng engagement ring and we are not even decent!” Eksaheradong pinaglipat-lipat niya ang paningin sa kanilang dalawa. Si Jim, totally naked, siya, isinuot lang ang blouse at iisang butones lang ang nakasara. “I was expecting that I will be proposed to in a cozy and romantic place over candlelight,” tukso niya.
Malakas na tumawa ang binata. Sinuyod siya ng tingin. “Why, you’re very sexy with just your blouse on.” Hinila siya nitong pahiga uli sa carpet at pilyong tinitigan. “I hope you’re not sore, honey, because I couldn’t seem to have enough of you.”
Chapter 7
W ALANG pagsidlan sa kaligayahan si Alyssa nang sumunod na mga araw. Wala ni bakas ng pagtutol si Jaime nang magsabi sila ni Jim. Ang gusto pa ngang mangyari ng matanda ay madaliin ang kanilang kasal.
“Oh, Alyssa! I’m so happy for you.” Si Melba na niyakap ang kaibigan. “Ngayon pa lang ay iisipin ko na kung ano ang ireregalo ko sa inyo. Iyong erotic ang dating…”
“Luka-luka kang talaga,” natatawang sagot niya. “Kailan ba ang big day?”
“Ngayong araw na ito makukuha ni Jim ang lisensiya namin. Hindi namin gusto ng engrande, Mel. Family and close friends affair lang ito. At bukas, aalis kami ni Jim para bumili ng gamit para sa damit ko. Ang Tiya Andrea na ang magtatahi. Gusto kong ibigay sa Tiya Andrea ang kasiyahang siya ang gagawa n’on. Iyon naman ang trabaho ng tiya ko noong bago pa lang silang nagsasama ng Papa. Kaya siguro, six weeks mula ngayon ang scheduled date.”
“At sa garden ng mansion ang kasal at reception, Mel.” Umupo ang dalaga at tila nangangarap na nakatanaw sa malayo.
Iiling-iling na ngumiti si Melba. Tuwang-tuwa para sa kaibigan.
At sa nakalipas pa uling dalawang linggo ay naging abala ang magkasintahan sa pag-aasikaso ng mga bagay para sa kasal.
“Hello, honey…” Si Jim sa malat na tinig, isang araw na tawagan siya. Bahagya itong umubo.
“May sakit ka ba, Jim?” nag-aalalang tanong ni Alyssa. “Nasaan ka ba ngayon?” Sandaling lumayo sa linya ang kasintahan at narinig niya ang pag-ubo at marahang pagsinga nito.
“Sorry, hon… masakit talaga ang ulo ko. Akalain ko ba namang itong edad kong ito ay mukIlang tatrangkasuhin pa yata ako. “
“May matanda ba at bata sa sakit? Nasa bahay ka ba? Did you take any cold tablets?”
“Honey, all I need is a kiss from you and I’ll be fine. Lord, I miss you.” Muli ang marahang ubo.
Bahagyang natawa ang dalaga. “Kahapon lang tayo nagkita nang umaga, Mr. Villaroman, Jr.”
“And I miss you already, Mrs. Villaroman, Jr. to be. Mag-undertime ka, hon. Come over here and let’s make love. Hindi na naulit iyong nangyari sa video room, ah. And that was three weeks ago!”
Hindi mapigil ni Alyssa ang matawa nang malakas.
“Marinig ko lang ang boses mo, honey, nag-iiba na ang pakiramdam ko. You can see it for yourself. Kaya kong tiisin ang sakit ng ulo ko but not this ache of wanting you,” kasunod niyon ang singhot at sunod na pag-ubo.
“May sakit na at lahat pero kung ano-ano pa ang naiisip mo,” nangingiti pa ring wika ni Alyssa though she felt warmth inside her. Sasabihin na lang sana niyang darating siya nang muling magsalita si Jim.
“Honey, I’ll call you back. Sumesenyas ang maid, may tawag sa kabilang linya galing ng opisina.” At nawala na ito sa linya. Nagkibit ng balikat ang dalagang ibinaba ang telepono. Pag-angat niya ng mukha ay si Conchita ang nabungaran niya.
“Si Jimmy ba ang kausap mo? Nasa opisina ba?”
“Nasa bahay ho at maysakit.”
“He didn’t look sick noong umalis ako. Baka naman nagdadahilan lang?”
Gustong mainis ng dalaga sa tiyahin ng kasintahan pero nagpigil siya. “Malalaman ko dahil hindi na ako papasok sa escuela. Pupunta ako doon mamaya paglabas ko dito.”
Tumango-tango ang matandang babae. “Kung ako sa iyo ay hindi na lang ako pupunta.” Pagkasabi nito ay lumabas na ng silid. liling-iling na ipinagpatuloy ng dalaga ang ginagawa.
Nang hapong iyon paglabas niya ay nagbayad ng tricycle si Alyssa para ihatid siya sa bahay ng mga Villaroman. Sa may tabing daan na lamang siya bumaba at nilakad ang mahabang driveway patungo sa mansion.
Katulong ang nagbukas ng pinto.
“Kayo pala, Ma’am. Tuloy po.”
“Ang Sir mo?”
“Nasa silid po niya. Hindi pa bumababa mula kanina.”
Tumingala sa itaas ang dalaga. Alin ba sa maraming silid ang kay Jim?
“Pagpanhik po ninyo ay kakanan kayo,” wika ng katulong na tila nabasa ang iniisip niya. “Ang unang pinto po sa may pasilyo.”
Nginitian niya ang katulong at pinanhik ang bahagyang paikot na malaking hagdan. Isang malaking sitting room ang nabungaran niya sa itaas. Tuloy-tuloy ang sitting room sa nakabukas na sliding door patungo sa veranda. May mga silid sa kaliwa niya. Sabi ng katulong ay pakanan at unang pinto.
Napabuntong-hininga ang dalaga. Ang buong bahay nila ay kalahati lang yata ng sala ng mansion.
Marahan siyang kumatok sa unang pintong nakita niya sabay sulyap sa dulo ng malaking pasilyo. Ilang silid pa ba mayroon ang bahaging ito ng itaas? At ang kabilang bahagi? Isiping aapat ang nakatira dito maliban sa mga katulong.
Marahan niyang inulit ang katok at naghintay pa uli. Nang walang sumasagot ay pinihit niya ang doorknob. Pabukas, marahan niyang itinulak ang malaking pinto at sumilip sa loob.
Biglang nahinto ang ginawa niyang pagbubukas sa pinto. Halos panawan siya ng malay sa nabungaran niya. May kung ilang sandaling nakatayo siya roon habang hindi inaalis ang mga mata sa nasa ibabaw ng kama.
Nanginginig ang mga kamay na maingat niyang muling isinara ang pinto. Halos hindi niya maihakbang ang mga binti niya pababa. Umikot ang mga paningin niya at kung hindi siya kumapit sa barandilya ay mahuhulog siya sa hagdan. Sandali siyang huminto sa kalagitnaan ng hagdan upang ayusin ang sarili nang mapuna niya sa bungad sa ibaba si Conchita.
“O, Alyssa? Pupunta ka pala dito ay hindi ka pa sumabay sa akin. Saan ka sumakay?” nakangiti nitong tanong. Bagaman wala itong kotse ay inihahatid ito ng service van ng kompanya.
Hindi sumagot ang dalaga, mabilis na bumaba at tuloy-tuloy na lumabas ng mansion. Walang lingon-likod niyang tinakbo ang kahabaan ng driveway patungo sa daan. Tuloy-tuloy siyang tumakbo hanggang sa makarating siya sa bukana. Walang pampasaherong jeep na dumadaan dito dahil pribado ang daang iyon. Malibang may magdaang tricyle na naghahatid sa mga taong nakatira sa may farm na pag-aari ng mga Villaroman. May munting pabahay doon ang mag-ama para sa mga trabahador ng realty.
Ilang minuto na siyang tumatakbo ay wala pa ring nagdaraang tricycle. Hilam na siya sa mga luha niya at masakit na ang mga paa at binti. Pero hindi niya gustong huminto sa paglakad-takbo.
Naalala niya si Conchita. Sabi nito ay “kung ako ikaw ay hindi na lang ako pupunta.” Bakit? Matagal na bang alam ni Conchita ang nangyayari kaya nagagalit ito sa kanya?
Makalipas ang isang oras ay nasa bukana na siya ng subdivision. Nanghihinang sumakay siya ng tricycle at nagpahatid sa kanila.
Pagdating sa loob ay bumagsak sa sofa ang dalaga sa matinding hapo at pagdaramdam.
“Alyssa!” bulalas ni Andrea.
Kinabukasan ay nagpatawag si Alyssa kay Andrea sa telepono sa labasan upang sabihing hindi muna siya papasok.
“Ano ba talaga ang nangyari, Alyssa?” usisa ni Andrea.
“Hindi na matutuloy ang kasal, Tiya Andrea. Mabuti na lang at hindi pa namin nakukuha ang mga imbitasyon,” mahina ngunit determinadong wika niya.
“Ano?” hindi makapaniwalang bulalas ng matanda. “Nagbibiro ka ba?”
“Maliwanag ang narinig ninyo, Tiya Andrea. Walang kasalang magaganap.”
“A-ano’ng dahilan, hija?” nagugulumihang tanong ng matanda.
“Huwag na ninyo akong tanungin, please. Hindi ko gustong sabihin at isipin ang bangungot na iyon.” May luhang sumungaw sa mata niya na agad niyang pinahid.
Hindi na kumibo ang matanda.
Tatlong araw makalipas ay dumating si Jim sa bahay nila. Litong nagkaila ang matanda.
“Ang sabi sa opisina ay nag-file siya ng leave. Bakit, Tiya Andrea? At bakit hindi niya ipinaalam sa akin?”
“H-hindi ko alam sagutin iyan, hijo…”
“Nasaan si Alyssa, Tiya Andrea?”
“U-umalis. Hindi ko alam kung saan nagpunta.”
Sandaling hindi kumibo ang binata. “Babalik na lang ako, Tiya Andrea.”
Mabilis na isinara ng matanda ang pinto nang makalabas ang binata. Tinanaw sa bintana ang pickup hanggang sa makaalis.
“Maari ka nang lumabas, Alyssa.”
Walang kibong umupo sa sofa ang dalaga. Hindi malaman ni Andrea ang sasabihin.
Nang hapong iyon ay nagulat pa ang dalaga nang may kumatok. Hindi niya narinig na may pumaradang pickup. Kunsabagay ay hindi niya habang panahong maiiwasan si Jim. Mabuti pang tapusin na niya nang maayos ang lahat
Kinakabahang binuksan niya ang pinto. Nagulat pa siya sa nabungaran.
“Fred!”
“Hello, sweetheart!” ang bungad ng lalaki. Nangingislap ang mga matang nakatitig sa kanya.
Bahagyang umatras si Alyssa nang pumasok sa loob ang lalaki at ilapag sa sofa ang dala-dala nitong maleta.
Inilahad ng lalaki ang dalawang kamay. “O, ano? Tatayo ka na lang ba diyan?” nakangiti pa ring sabi nito.
Mabilis siyang yumakap dito. Mahigpit namang niyakap siya ng lalaki.
“Oh, Fred! Bakit ngayon ka lang? Bakit hindi ka nagpasabi?”
Inikot-ikot siya nito. “My, when did you get to be so pretty?”
Buong paghanga at pagmamahal na nakatingala siya dito. “Mula nang mamatay ang Papa ay hindi ka na umuwi.” May tampo ang tinig niyang nakayakap pa rin dito.
“Regular ang sulat ko, ha. Pati na ang padala ng pera at kung mga ano-anong alam kong ikatutuwa mo.”
Sa gaanong ayos sila inabutan ni Jim na nakatayo sa nakabukas na pintuan. “Ano ang ibig sabihin nito, Alyssa?” naniningkit ang mga mata nitong sabi na ikinalingon ng dalawa.
Parehong nagkatinginan ang dalawang hindi pa rin naghihiwalay mula sa pagkakayakap. Walang maapuhap na sasabihin ang dalaga. Pinaglipat-lipat ang tingin kay Jim at kay Fred. Si Fred ay ganoon din. Kay Jim at kay Alyssa.
“Ang sabi ko ay kung ano ang ibig sabihin nito?” muli nitong tanong sa matigas na tinig. Kitang-kita ng dalaga ang pag-iigting ng mga bagang nito.
“I… I’m sorry… Jim…”
Marahas na lumapit sa kanila si Jim at hinila siya. “Sorry? Anong sorry ang ibig mong sabihin?”
On instinct ay agad na kumilos si Fred at binawi ang dalaga at tinabig ang kamay ni Jim. “Bitiwan mo siya!”
Kumuyom ang mga kamao ni Jim at akma itong itataas upang suntukin si Fred subalit humarang si Alyssa.
“Huwag!” sigaw niya.
“Ano’ng ibig sabihin nito, sweetheart?” nalilitong tanong ni Fred sa kanya.
“Sweetheart! My… what an innocent bitch you are!” Si Jim na halos lumabas na ang mga ugat sa leeg sa galit.
Hinugot ng dalaga ang singsing mula sa daliri at iniabot sa binata. “I’m sorry. I’m terribly sorry,” aniya sa pormal at nanginginig na tinig.
Hindi inabot ng binata ang singsing at poot lang na nakatitig sa kanya. Muli, on instinct ay bahagyang hinila ni Fred pakabig sa kanya ang dalaga sa nakikitang anyo ni Jim.
Iyon lang at mabilis na lumabas ng bahay si Jim. Paarangkadang pinatakbo nito ang sasakyan.
“Now, Alyssa… Ipaliwanag mo sa akin ang eksena. Kaya ako umuwi ay dahil sumulat ang Mama at ibinalitang ikakasal ka at ako ang gusto mong bestman. Sino ang lalaking iyon?” Si Fred na hinila siya paupo.
’’Thank you, Fred. You chose this very moment to arrive. That was my fiancé, malungkot na sagot ng dalaga. Natapos ang lahat na hindi siya nahirapang magpaliwanag. Na ang dinatnan ni Jim ay ang stepbrother niya. Ang anak ni Andrea sa unang asawa nito bago nakasal sa Papa niya. That Fred, being five years older has always been protective sa kanya mula pa noong maliit siya.
Na kararating lang nito mula sa Japan kung saan isa itong chemical engineer sa isang kilalang oil company.
Chapter 8
I PINADALA ng dalaga ang resignation letter niya thru mail. Wala nang dahilan upang manatili siya sa trabahong iyon. Hindi siya napilit ni Fred na magtapat kung ano ang dahilan ng pakikipagtalusira niya sa engagement nila ni Jim.
Sa assurance na rin ng dalaga na okay siya ay muling bumalik sa Japan si Fred makalipas ang mahigit isang linggo.
PANAUHIN ni Alyssa nang araw na iyon si Jaime Villaroman, Sr.
“Ngayong hapon ang alis ni Jim patungong Amerika, Alyssa…”
Nagyuko lang ng ulo ang dalaga. Pilit ikinukubli ang pait sa dibdib. So, pupunta sa Amerika si Jim. Hindi na sila muli pang magkikita. Nagsisikip ang dibdib niya.
“Hindi ko siya pinayagan, hija. Ang sabi ko’y kung anuman ang pinagkagalitan ninyo ay maaaring pag-usapan at ayusin. Napakabigat marahil ng dahilan at hindi nagdalawang-isip ang anak ko na iwan ang responsibilidad niya sa kompanya.”
“Siguro po ay talagang hindi kami dapat makasal. We probably didn’t love each other that much para ituloy ang kasal,” banayad niyang sagot.
“Kalokohan iyang sinasabi mo. My son was and is very much in love with you. Hindi niya itinago iyon. Ikaw ang kauna-unahang dinala niya sa bahay at kauna-unahang inalok ng kasal. Hindi gagawin ni Jim iyon kung hindi siya nakatitiyak ng damdamin niya sa iyo.”
Umiling ang dalaga. “I’m only sorry that it ended…” hindi niya natapos ang sasabihin dahil tinutop niya ang bibig at hinawakan ang sikmura. Mabilis siyang tumakbo papasok sa banyo.
Tumayo ang matandang Villaroman at sinundan siya ng tanaw. Maliit lang ang bahay na iyon at naririnig pa nito ang pagsusuka niya. May nabubuong hinala ang matanda na agad namang umiling. Baka naman nagkakamali lang ito.
Makalipas ang ilang sandali ay bumalik sa sala si Alyssa at humingi ng paumanhin sa matanda.
“Im sorry, sinikmura ako. Tatlong araw nang sunod-sunod na ganito ang pakiramdam ko…” Napatitig siya kay Jaime. Tatlong umaga na rin siyang nahihilo tuwing gigising. Bigla ang pagbangon ng matinding kaba sa dibdib niya.
Tumayo ang matanda. “Aalis na ako, Alyssa. Babalik ako sa ibang araw. Pansamantala ay magpatingin ka sa doktor diyan sa labas. Baka naman may ulcer ka.”
Nang makaalis ang matanda ay mabilis na nagbihis ang dalaga at tinungo ang doktor na sinasabi ni Jaime. Nakikita niya ang karatula niyon. Babaeng doktor at OB-GYNE.
Kinumpirma nito ang hinala niya makalipas ang ilang minuto. Buntis siya, one month. Kung hindi pinigilan ng dalaga ang sarili ay baka sa clinic siya bumulalas ng iyak.
Ano ang gagawin niya? Hahabulin ba niya si Jim para lang magkaroon ng ama ang anak niya?
Nanlulumong umuwi sa bahay ang dalaga. Lito ang isip na hindi alam ang gagawin. Magdamag siyang umiyak at hindi malaman ni Andrea kung paano siya aaluin.
Tatlong araw makalipas ay muli niyang panauhin ang matandang Villaroman.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy, Alyssa. Alam kong buntis ka.”
Hindi agad makaapuhap ng sasabihin ang dalaga. Wala siyang balak ipaalam ang kalagayan niya sa pamilya Villaroman. Nagbuka siya ng bibig upang itanggi ito nang muling magsalita ang matanda.
“Kilala ng opisina si Doktora Alejos. A little persuasion and sweet talks ay nabanggit niyang buntis ka.”
“Oh…”
“Apo ko ang dinadala mo, Alyssa.”
“Paano ninyong natiyak, Mr. Villaroman?” aniya sa pagpipilit pa ring umiwas.
Bumuntong-hininga ang matanda. “Huwag na tayong mag-iwasan, hija. Hindi ko gustong isa-isahin sa iyo ang details kung mag-isa mong babalikatin ang kalagayan mo. At tinitiyak ko sa iyong hindi ko pahihintulutang mangyari sa apo ko iyon.” At sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig ni Alyssa na nagtono ng ganoon ang matanda. So, may pinagmanahan pala ang anak.
“May proposisyon akong ibibigay sa iyo, Alyssa.”
Nag-angat ng ulo ang dalaga. Nagtatanong ang mga mata.
“Marry me.”
Kung meron mang dapat ikabigla ang dalaga ay ang binitiwang salita ng matanda. “Nag… nagbibiro kayo?”
“Pakinggan mo ako bago ka magsalita,” utos nito. “Gusto mo bang pag-usapan ng bayang ito na anak sa labas ng isang Villaroman ang anak mo, Alyssa?”
“Hindi ko matatanggap, Sir… “
“Don’t look so horrified, hija. Ang apo ko lang ang mahalaga sa akin. Bear that in mind. Isa siyang Villaroman, karapatan niyang tanggapin ang apelyidong iyon sa ayaw at sa gusto mo. Huwag mong bigyan ng kahihiyan ang pamilya mo at ang apo ko, Alyssa.”
“You can extend financial help kung ikapapanatag ng budhi ninyo. Pero ang magpakasal sa inyo…” Pakakasalan niya ang ama ng kaisa-isang lalaking iniibig niya? “Pagkapanganak ko ay ilagay ninyo sa pangalan ng anak ko ang anumang tulong na nais ninyo. Sa trust, sa educational plan, o kung anuman sa palagay ninyong makatitiyak kayo sa kinabukasan ng apo ninyo.”
“Worse comes to worst, Alyssa. Maaaring mag- asawa ng iba si Jim. At magkakaanak. At malalaman ng lahat na isang Villaroman ang bastardo. Paano ang magiging damdamin ng bata, Alyssa?”
“Aalis kami rito…”
“Hindi!” Tumayo ang matanda. “Huwag sanang matigas ang ulo mo. I’m doing you and your child a favor. Wala akong interes sa iyo, Alyssa, maliban sa pagtingin ng ama sa anak.”
“Kung ganoon ay bakit…?”
“I am dying, Alyssa,” bale-walang pagtatapat nito.
Napatingin nang deretso ang dalaga sa matanda. “A-ano’ng sinabi ninyo?”
“Brain tumor. I may have two to three years to live. Or even months. Walang nakatitiyak. At walang nakakaalam ng sakit ko. Tanging ang doktor ko lang at ikaw ngayon. Not even my son.”
“Pero bakit? I mean… Oh! “ Nalilitong sinapo ni Alyssa ng mga palad ang mukha niya.
“Anuman ang mangyari. Walang maaaring magkontesta sa maiiwan ko sa apo ko. Sa inyong mag-ina. Not even my son. Legal na mamanahin ng anak mo ang bahagi niya sa pag-aari ng mga Villaroman. When I’m gone, you are free to marry the man of your choice, Alyssa,” patuloy ng matanda.
“The man of my choice… iisa lang iyon…” bulong niya.
“I know. No one can fall out of love that soon gaano man kabigat ang mga dahilan.” Naroon ang simpatiya sa tinig nito.
“Kung ganoon ay bakit gusto ninyo akong pakasalan gayong iisang lalaki lang ang minahal ko… ang mamahalin ko?” Umiiyak na siya. Nagigipit siya sa nangyayari.
“Sabihin mo sa akin ang tunay na dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal ninyo ng anak ko, Alyssa. Aayusin ko anuman ang paraan. I know you love each other pagkatapos ay parang biglang may makapal na pader na bumagsak sa gitna ninyong dalawa,” pagalit na sabi ni Jaime.
Nagyuko ng ulo ang dalaga.
Nagpatuloy si Jaime. “Then you will have no choice but to marry me. Kung hindi ka papayag ay dadalhin ko sa korte ang karapatan namin sa anak mo. If I will be dead by then, tinitiyak ko sa iyong gagawin ni Jim iyon para sa akin. At lalawak lang ang hindi pagkakaunawaan, Alyssa. Sa halip na nagawan ng paraan. Iiral ang pride. Madadamay ang apo ko.”
“Bakit ninyo ginagawa ito?” nanlulumong tanong niya.
“You will know my reasons when I die,” deretsong sagot ni Jaime. “Now, will you marry me?”
“You are not giving me any choice…”
Umaliwalas ang mukha ni Jaime. “Kasama sa responsibilidad ng pagiging asawa ko ay ang pamamahala mo sa trabahong iniwan ni Jim, Alyssa. Ang real estate ng mga Villaroman. Next week ay tatawag ako ng board meeting upang ma-appoint ka bilang vice president and general manager ng reality.”
Lalo nang nadagdag iyon sa kalituhan ng dalaga. “Bakit ako? Ano ang alam ko doon?”
“You will learn. Nasa likod mo ako at tutulungan ka ng mga executive ng kompanya. And please stop asking questions. Magiging maliwanag sa iyo ang lahat pagkamatay ko,” wika ng matanda na tila nag-aalok ng business proposal.
“Please stop talking of dying!” sigaw ng dalaga. Ginagap ng matanda ang kamay niya. “Calm down, Alyssa. Kaya mong lahat ito.”
Chapter 9
WALANG hindi nabigla sa ginawang biglang pagpapakasal ng matandang Villaroman at ni Alyssa. Sa isang opisina ng kaibigang judge ginawa ang rituals. Ang tumayong witnesses ay sina Andrea at Melba.
Sunod-sunuran si Alyssa sa mga pangyayari, pinirmahan niya nang walang tanong ang mga iniabot na papeles. Isang halik sa noo ang iginawad sa kanya ni Jaime nang matapos ang kasal.
Sa pagtataka ng lahat ay walang naging reception ang kasal na iyon na lihim namang ipinagpasalamat ni Alyssa. Sa mansion ay ni hindi siya kinamayan ni Conchita na kulang na lang ay patayin siya sa tingin. Si Camilla ay binati siya ng isang halik sa pisngi na parang walang anuman. Gusto niyang sumiksik sa sulok sa halik na iyon.
“Ito ang magiging silid mo, hija. Sa kabila ang silid ko. May connecting door ang dalawang silid. Maaari mong i-lock ang sa iyo,” wika ng matanda na ipinakita ang magiging silid niya.
“S-salamat…” ang tanging nasabi niya.
“Magpahinga ka na at bukas ay magsisimula ka na sa mga gawain mo sa realty,” bilin ni Jaime bago lumabas ng silid.
Kinabukasan nga ay nagsimula sa trabaho niya si Alyssa. Ang silid ni Jim ang ipinagamit sa kanya ni Jaime. Malungkot na iginala ni Alyssa ang mga mata niya sa opisina ni Jim. Sinikap kontrolin ang emosyon.
Lumipas ang maraming araw at halos hindi na namalayan ni Alyssa ang paglaki ng tiyan dahil sa abala sa gawain. Hindi na rin siya pumasok sa escuela upang huwag masobrahan sa pagod. Tiniyak ni Jaime na bagaman abala siya ay hindi siya mao-overfatigue.
At sa loob ng panahong ipinagbuntis niya ay tatlong beses niyang narinig na umuungol si Jaime sa kabilang silid. At sa loob din ng mga pagkakataong iyon ay dinadaluhan niya ito. At kung minsan ay madaling-araw na kung makalmante ang matanda. Hindi alam ni Alyssa kung may sumpong pa itong hindi niya alam.
Hustong dapat ay magtatapos si Alyssa ay nasa delivery room siya at nanganganak. Paglabas niya ng DR at maihatid sa private suite ay naroon si Jaime, si Andrea, at si Melba.
Isang maganda at malusog na batang babae ang anak niya. Mismong si Jaime ang nagbigay ng pangalan dito, Jaimie Yssa Villaroman.
Mula nang makapanganak siya ay kinakitaan niya ng ibayong sigla ang matanda. Kung nasa bahay din lang ito ay tinitiyak nitong kasamang lagi ang apo. Maliban sa kanilang dalawa, sina Andrea at Melba lamang ang nakakaalam ng tunay na ama ng bata.
Chapter 10
NAGMULAT ng mga mata si Alyssa nang huminto ang sasakyan. Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya.
“Narito na po tayo, Ma’am…” anang driver.
Mabigat ang katawang bumaba ng Safari si Alyssa. Natanaw ang isang taon at kalahating anak na kalaro ng yaya sa swing.
“Mommy!” sigaw ni Jaimie na tumakbong palapit sa kanya habang inaalalayan ng yaya.
Patakbong sinalubong ni Alyssa ang anak at kinarga. “Oops! Amoy tsokolate ka, ah! What did you eat, darling?”
“Lots of cookies and ice cream…”
“No wonder you have stains on your shirt. Come on, Mommy will bathe you…” Pumasok na sila sa loob kasabay ng yaya.
“Where’s Papa Jaime?” ang bata uli.
Gustong mag-init ng mga mata ni Alyssa sa tanong na iyon. Nararamdaman niyang malubha ang kalagayan ni Jaime at pilit lang nitong itinatago.
“We’ll visit Papa Jaime later, darling.”
“Okay.”
Pagkatapos ng tanghalian ay pinatulog muna ni Alyssa ang bata. Pasado alas-dos na nang magising ito. Pinabihisan niya agad ito sa yaya. Ilang sandali pa ay bumaba na ang tatlo.
“Jaimie pretty like mommy?” nakangiting wika ng bata na itinataas ang jumper.
“Very pretty darling,” sagot niya bagaman gusto niyang idugtong na ilong lang at mga labi nito ang nakuha sa kanya. Lahat ay nakuha kay Jim. Muling parang kinurot ang puso niya.
Nasa ibaba na sila ng hagdan nang makarinig siya ng sasakyang pumarada. Sinong bisita ang dumating? Maaabala ba siya sa pagpunta sa ospital?
Nasa gitna sila ng sala nang sumungaw sa pinto ang hinihinalang bisita. Nasa likod nito ang driver na inilalapag sa tabi ng pinto ang dalawang malaking maleta.
“Jim…” bulong ni Alyssa na hindi napigilan ang mabilis na pagkabog ng dibdib niya.
Sandali ring naudlot ang pagpasok ng lalaki. Matalim ang mga matang nakatitig sa kanya mula ulo hanggang paa. Pakiramdam ni Alyssa ay huminto sa pag-ikot ang mundo. Nasa harap niya ang lalaking laman ng isip niya sa lahat ng pagkakataon.
“Let’s go na, Mommy…” Si Jaimie ang bumasag sa mga sandali nang hilahin nito ang kamay niya. Bumaba din sa bata ang mga mata ni Jim. Nagsalubong ang mga kilay nito.
“Sino ang batang iyan?” mabalasik nitong tanong.
“Celia, ilabas mo muna si Jaimie. Hintayin n’yo na ako sa labas.”
Kinarga ng yaya ang bata na nagpumiglas at umiyak. Humakbang papasok si Jim na nakasunod pa rin ng tingin sa bata.
“Hindi mo sinasagot ang tanong ko,” muling baling nito kay Alyssa.
“A-anak ko siya.”
Isang mapang-uyam na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. “Anak? Ninyo ng Papa? I never thought na magkakaanak pa ang Papa, Alyssa. Ang nagagawa nga naman ng batang-batang asawa.”
Hindi pinatulan ni Alyssa iyon. “Kung… kung gusto mong makausap ang Papa mo ay patungo kami sa ospital.”
“Ospital! Sinabi niyang may sakit siya pero hindi niya binanggit na kailangan niyang maospital.”
Huminga nang malalim si Alyssa. “Matagal nang maysakit ang Papa mo, Jim.”
Hinawakan ni Jim ang braso niya. “Ano ang dahilan at may sakit ang Papa, Alyssa? He was a very healthy man. Fifty seven at nasa prime ng buhay niya. Inabuso mo siya?” nag-aapoy ang mga mata nito.
Hinila ni Alyssa ang braso niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Bagaman malakas ang Papa ay may-edad na siya, Alyssa. Hindi niya kaya ang isang batang asawang tulad mo. Alam ko kung gaano ka kainit pagdating sa sex, Alyssa, despite the innocent look!” tuya nito.
Isang malakas na sampal ang kumawala mula sa kamay ni Alyssa patungo sa mukha ni Jim.
Chapter 11
N AG-IGTING ang mga bagang na dinama ng binata ang pisngi nito. Si Alyssa ay bahagyang umatras. Hindi niya akalaing magagawa niya iyon.
“Do it again, Alyssa, at hindi ako mangingiming ibalik sa iyo,” ang mahina ngunit nagbabantang sabi nito.
Mabilis na lumabas si Alyssa patungo sa nakaparadang Safari. Binuksan ng driver ang passenger’s seat sa unahan at sumakay doon ang yaya. Dinampot niya ang bata at siya na mismo ang nagbukas ng pinto sa likod. Halos magkapanabay lang silang pumasok ni Jim. Nakapagitan sa kanila si Jaimie.
Tumatakbo na ang sasakyan at sinikap ni Alyssa na i-focus ang paningin sa daan. Si Jaimie nama’y hindi mapigilan ang ginagawang pagtingin kay Jim. Estranghero ito sa paningin ng bata.
Tinunghayan ni Jim ang bata na nginitian ito. Kung anuman ang nararamdaman ng binata nang mga sandaling iyon para kay Alyssa ay sandaling naglaho. Lumambot ang mukha nito at gumanti ng ngiti sa bata.
“Who are you?” Si Jaimie na nagpakandong sa binata.
“My Name is ‘Jim’. And you?”
Itinuro ng bata ang dibdib. “Jim… Jaimie…” itinuro naman nito ang sarili “… and Jaimie is pretty.” Muli itong ngumiti.
“Yes. Very pretty, like your mommy,” at pagalit na sinulyapan ni Jim si Alyssa. “Makamandag na ganda,” pabulong nitong idinagdag.
Huminga nang malalim si Alyssa at hindi pinansin iyon. Kararating lang ng binata pero napakainit nang hangin sa pagitan nilang dalawa.
Sa ospital ay pinilit ni Jaime ang dalawa na ilabas na siya nang hapong iyon.
“Jaime, please…” pakiusap ni Alyssa. “Mas makabubuti sa iyong narito ka. Agad kang matitingnan ng mga doktor anuman ang mangyari.”
Masuyong hinawakan ng matanda ang kamay ni Alyssa. Marahang tumalikod si Jim at kunwa’y tinitingnan ang chart na hawak ng nurse.
“Sige na, Alyssa, Jim. Ayusin na ninyo ang paglabas ko rito,” utos ng matanda.
“Kung iyon ang gusto mo, Papa, ay ilalabas kita ngayon.” Si Jim na muling lumapit sa kinalalagyan ng ama.
“Hindi mo alam ang sinasabi mo!” naaalarma niyang tiningnan ang binata na nagsalubong ang mga kilay.
“Alyssa, please. Iniutos kong ilabas ninyo ako sa ospital na ito. At paglabas ninyo ay papasukin mo rito si Jaimie,” mariing utos nito.
Tumayo si Alyssa upang lumabas kasunod si Jim. Mahigpit siyang hinawakan nito sa braso nang nasa pasilyo na sila.
“Ano ang sakit ng Papa, Alyssa, at nahulog nang ganoon ang katawan niya?” marahas nitong tanong.
“Your father is dying! Brain tumor,” mahinang sagot niya. “Matagal na at hindi niya gustong ipaalam sa iyo upang huwag kang mag-alala.”
“Brain tumor…” anas ng binata na napasandal sa dingding. Ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon at tumingala sa kisame.
“At hindi mo ipinaalam sa akin!” pagalit nitong binalingan si Alyssa. “Iniwan ko ang Papa nang matagal dahil sa iyo. Nang dahil sa iyo ay hindi ko nagawang damayan ang sarili kong ama! Oh, how I hate you!”
Gustong kabigin ni Alyssa si Jim at dalhin sa dibdib niya. Hindi para sa sarili kundi para sa bitterness and pain na ibinabadya ng mukha nito para sa ama.
’“Hindi niya gustong ipaalam sa iyo dahil mag- aalala ka. Walang nakakaalam, Jim. Ako lang at ang mga doktor na tumitingin sa kanya,” banayad niyang sinabi.
“Ang Tiya Conchita? Si Camilla?”
Tumigas ang mukha ni Alyssa sa mga pangalang binanggit. “Hindi ko alam ang dahilan ng Papa mo sa paglilihim. At hindi ko rin alam kung bakit hindi niya gustong katulungin si Conchita sa pagpapalakad ng mga kompanya.” Nagpatiuna siyang lumakad.
Walang kibong sumunod si Jim. Magkahalong galit sa sarili at guilt, galit kay Alyssa, habag at pagkalito para sa ama ang nasa puso ng binata.
Bago dumilim ay nasa mansion na ang matanda kasama ang isang private nurse. Nabigla pa sina Conchita at Camilla nang makitang kasunod ni Jaime at ni Alyssa si Jim.
“Jimmy, hijo! Kailan ka dumating?” salubong ni Conchita.
Tumingala sa may hagdan si Jim at hindi na sumunod sa mga nagpanhik sa ama.
Si Camilla ay malambing na yumakap sa binata at ginawaran ito ng halik sa pisngi. Nalingunan iyon ni Alyssa na agad nagbawi ng tingin at tuloy nang pumanhik.
“I miss you, Jimmy boy…” wika nito.
“Ngayong nandito ka na, Jimmy, paano mo pakikisamahan ang isang batang-batang madrasta? At isiping kayo ang dapat na mag-asawa…” ani Conchita sabay tingin sa itaas.
“Ang mama talaga, kadarating lang ng tao,” ani Camilla na ibinagsak ang sarili sa sofa. Isang matalim na sulyap ang isinagot ni Conchita sa anak.
“At isipin mong sa kanya ipinamahala ng Papa mo ang realty. Siya ang pumalit sa puwestong iniwan mo, Jimmy,” patuloy nito.
Hindi alam ni Jim iyon. Ang alam niya ay ang Papa pa rin niya ang humahawak sa dalawang kompanya. Hindi rin niya alam kung bakit hindi kay Conchita ibinigay ng ama ang pamamahala. Umupo ito sa tabi ni Camilla.
“Alam n’yo bang terminal ang sakit ng Papa, Tiya Conchita? Camilla?”
Namilog ang mga mata ni Conchita. “A-ano’ng ibig mong sabihin?”
“Brain tumor. At ang sabi ng doktor niya sa akin sa ospital ay maaaring araw o oras na lang ang hinihintay ng Papa.” Naroon ang pait sa tinig ng binata.
“Oh! “ hindi makapaniwalang bulalas pareho ng mag-ina. “Wala kaming alam, Jimmy. Tanging ang Alyssa na iyan ang parati niyang kasama at kausap. Kung may doktor na dumarating dito ay sinasabi nilang pagod sa trabaho ang sakit ni Jaime,” pagalit nitong sinabi.
“So now you know…” nanlalambot na wika ng binata. Nagkatinginan ang mag-ina. Totoong parehong nabigla.
Nang gabing iyon paglabas nina Alyssa at Jaimie mula sa silid ni Jaime ay nasa sitting room si Jim. Patakbong lumapit dito ang bata.
“Daddy!”
Gulat na napahinto sa paglakad si Alyssa. Sinundan ng tingin ang anak na nagpakarga kay Jim. Sa kanya din nakatingin si Jim. Isang mapanuyang ngiti ang ibinigay nito sa kanya.
“So, inihanda mo na ang anak mo sa ipapalit sa Papa sa sandaling mamatay ito. You must be out of your mind, Alyssa. Buhay pa ang Papa. Huwag mong turuan ang bata.”
Umiling si Alyssa. Hindi malaman ang sasabihin.
“Daddy, angry?” dinampian nito ng halik sa ilong si Jim na umiling.
“No. Hindi ako naga…” hindi nito naituloy ang sasabihin dahil kinausap ni Alyssa ang anak.
“Jamie, why are you calling him ‘Daddy?’”
“Papa Jaime said he’s my daddy…” inosenteng sagot ng bata.
Nanlaki ang mga mata ni Jim na biglang sumulyap kay Alyssa na nagbaba ng tingin. Inabot niya ang bata.
“Come, darling. It’s bedtime.”
Hinawakan ni Jim ang braso niya. “Ano ang ibig sabihin ng bata, Alyssa?” marahan ngunit pagalit nitong tanong.
Nagkibit ng balikat si Alyssa. “Tulad siguro ng sinabi mo kaya nasabi ni Jaime iyon. Masyado niyang mahal si Jaimie at marahil, naisip niyang kung sakaling mawala siya ay may matatawag pa ring ‘papa’ o ‘daddy’ ang bata,” aniya na hindi sinasalubong ang tingin ni Jim. “Halika na, anak.”
“No. Sa daddy lang,” sagot ni Jaimie. Isang halik sa pisngi ang iginawad ni Jim dito. Pagkatapos ay sinulyapan si Alyssa.
“Ilang taon na si Jaimie, Alyssa?” pormal nitong tanong na agad na sinagot ng bata.
“One and like this…” itinaas nito ang hintuturo at pagkatapos ay naglahad ng anim na daliri.
Naghihinalang muling sinulyapan ni Jim si Alyssa.
“Well, she’s one year and four months…”
“No, mommy. You said like this,” at muling iminuwestra ang mga daliri. “Yaya also said like this… and also Papa Jaime.”
“Huwag mong turuang magsinungaling ang bata, Alyssa. At bakit ganoon ang tawag niya sa Papa? Bakit laging karugtong ang pangalan sa tuwing tinatawag niya ito?”
Marahas na hinablot ni Alyssa ang bata mula sa pagkakahawak ni Jim at walang kibong pumasok sa silid niya. Matiim na sinundan sila ng tingin ni Jim.
Maghahating-gabi na’y hindi pa rin makatulog si Alyssa. Si Jim ang laman ng isip niya. Hinding-hindi niya maaamin ditong ito ang ama ni Jaimie. Pero ano ang gagawin niya sa araw-araw na magkasama sila?
Totoong mahal niya ito magpahanggang ngayon. Hindi nabago iyon mula nang araw na huli niya itong makita. Mawala man si Jaime ay hindi rin niya ito matatanggap at natitiyak niyang hanggang ngayon ay namumuhi pa ito sa kanya.
Sandali munang sinulyapan ni Alyssa ang natutulog na anak bago tumayo at lumabas ng veranda. Huminga siya nang malalim at sinamyo ang hangin sa labas. Napakadilim ng paligid. Kasindilim ng buhay niya. Totoong hindi siya nagkaroon ng kahit kaunting suliranin pagdating sa pinansiyal. Pero hindi pera lang ang kaligayahan ng tao bagaman dapat ay maligaya siya dahil sa provision ni Jaime sa kanilang mag-ina. At nakatitiyak siya sa kinabukasan ng anak.
Hindi niya namalayan ang paglapit ni Jim. Muntik siyang mapasigaw kung hindi niya napigilan ang sarili nang malingunan niya ito.
“I’m sorry. Hindi kita gustong gulatin,” bungad nito na lumapit sa barandilya. “Hindi ka rin ba makatulog, Alyssa?” tanong nito pagdaka.
Nilingon ni Alyssa ang pinanggalingan nito. Apat na silid nga pala ang sakop ng veranda. Ang sa kanila ni Jaime, ang sitting room, at ang silid ni Jim.
Nang hindi siya sumagot ay muling nagsalita si Jim. “You married my father more than three weeks after I left. Ano ang nangyari sa boyfriend mo, Alyssa?” Naroon ang galit sa tinig nito.
“Ayokong pag-usapan, Jim. At wala kang karapatang lapitan ako sa oras na ito ng aking pag- iisa. May asawa akong tao at hindi mabuting tingnan kung may hindi sinasadyang makakita sa atin dito sa balkonahe,” pormal niyang tugon.
“My, my! Moralistiko ka na ngayon,” sarkastikong sagot nito. “Nakatakda tayong ikasal nang mahuli kitang nakikipagyakapan sa ibang lalaki. At pagkatapos ay nagpakasal ka sa ama ko! Anong klaseng babae ka, Alyssa? Did you have sex with me just to initiate yourself?”
“Oh, please… iwan mo na ako. Ayokong makipag-usap sa iyo!” Hindi niya gustong lakasan ang boses niya dahil nasa malapit lang ang silid ni Jaime.
“Bakit, Alyssa? Kung pera ang hangad mo ay may pera din ako.”
Akmang tatalikod si Alyssa papasok sa silid niya nang hawakan siya ni Jim sa braso. Kumislap sa dilim ang singsing niya nang matamaan ng liwanag.
“Suot mo pa rin iyan?” hindi makapaniwalang bulalas ng binata. At itinaas nito ang dalawang kamay niya. “And you are not wearing any wedding ring!” pagalit nitong dagdag. “Bakit hindi mo isinusuot ang singsing ninyo ng Papa? Alam ba niya ito o sinasaktan mo siya nang hindi niya alam?”
“Jim, please… bitiwan mo’ng mga kamay ko…”
Binitiwan ito ng binata subalit hinapit siya nito sa baywang at niyakap.
“Oh, Alyssa! You haven’t lost that softness in you,” wika nito sa namamaos na tinig. “And you’re even prettier now. Motherhood suits you.” Nararamdaman niya ang hininga nito sa mukha niya at tulad noon, he never failed to excite her.
“Please, Jim. May asawa na ako. Nakikiusap ako… asawa ako ng ama mo. Huwag mong gawin ito…” pagsusumamo niya.
“Damn you, Alyssa!” marahas siyang itinulak nito palayo pero hindi binibitawan ang kamay niya. “You were mine. Nangarap akong makasama ka hanggang sa pagtanda nating pareho. Nangarap akong ikaw ang magiging ina ng mga anak ko! Pero ano’ng ginawa mo?” mapait nitong sabi.
Hindi ba at ako ang dapat magtanong niyan? Sumungaw na ang luha sa mga mata niya ngunit pinigil niya ang pagbagsak niyon sa pisngi niya.
“Sana’y ang boyfriend mo na lang ang pinakasalan mo! Hindi na lang sana ang Papa! Dobleng sakit ang idinulot mo sa akin, Alyssa. Asin sa sugat ang ginawa mong pagpapakasal sa sarili kong ama. Nang itawag ng Papa na pinakasalan ka niya, gusto kong umuwi upang patayin ka! Lord, I could have killed you! Ang isiping kapiling mo ang Papa ay isang impiyerno, Alyssa! Dahil nagseselos ako sa sarili kong ama! Dahil hanggang ngayon ay hindi kita nakakalimutan sa kabila ng kawalanghiyaan mo!”
Marahas na hinatak ni Alyssa ang mga kamay niya upang tumakbo sa silid bago mag-break down nang bumukas ang ilaw sa silid ni Jaime. Sabay na napadako roon ang paningin ng dalawa.
“Jaime…” bulong niya.
“Pumasok ka na sa silid mo,” utos nito. “Titingnan ko ang Papa,” lumakad ito patungo sa glass door papasok sa silid ng ama.
Sa silid niya ay tahimik na nanangis si Alyssa. Ano ang sinasabi ni Jim sa kanya? Papaano niya tatagalan ang susunod na mga araw? Paano kung ipagkanulo siya ng sariling damdamin? Hindi niya gustong magkasala.
Halos mag-uumaga na nang makatulog si Alyssa. May bakas pa ng natuyong luha ang kanyang mga pisngi. Hindi na niya namalayan ang pagpasok ni Jim sa silid niya. Matagal siyang pinagmasdan nito.
Pagkatapos ay yumuko at kinumutan siya at hinagkan sa noo. Sunod nitong nilapitan ang munting kama sa tabi ng kama ni Alyssa. Umupo ito sa gilid niyon. Masuyong pinagmasdan ang bata. Maingat nitong hinawi ang kulot nitong buhok na tumatabing sa magandang mukha. Pagkatapos ay buong pagmamahal na yumuko at hinagkan ito sa pisngi.
Kumilos ang bata. Nabahala si Jim. Naalimpungatang nagmulat ng mga mata si Jaimie. Half-asleep.
“Daddy…”
“Yes. Daddy’s here, honey,” anas nito na tinapik-tapik ang bata. “Go back to sleep.”
“Stay…” inaantok pang wika ng bata.
Tumango si Jim. “Daddy will stay… promise,” tenderly, hinaplos-haplos ang ulo ni Jaimie hanggang sa muli itong bumalik sa pagtulog.
Sinapo ni Jim ng dalawang kamay ang ulo. Umiinit ang sulok ng mga mata. Kailangan ba nitong umiyak upang maibsan ang bigat na dinadala?
Ang Papa niya… si Alyssa… si Jaimie…
Chapter 12
T ULOG pa si Alyssa nang pumasok ang yaya at kuhanin ang bata sa kama nito tulad ng nakagawian. Napuyat siya dahil sa nangyari nang nagdaang gabi.
Si Conchita na papasok ng opisina ay napadaan sa silid ni Jaime. Papasok sana ito upang kumustahin ang huli nang maudlot sa may pinto. Nasilip nitong kausap ni Jaime ang abogado at malinaw nitong narinig ang sinasabi ng matandang Villaroman. Namangha ito sa narinig. Hindi nito inakala iyon. Kumikislap ang mga mata nitong maingat na bumaba.
Pasado ala-una na nang magising si Alyssa. Pumasok siya sa banyo upang ayusin ang sarili. Pagkatapos ay naka-robe pa rin na lumabas ng veranda. Nagulat siya nang matanawan sa ibaba sa parking lot ang isang ambulansiya!
Mabilis niyang nilingon ang silid ni Jaime. Kinakabahang nilapitan ang glass door upang buksan ito at pumasok subalit naka-lock. Agad siyang bumalik sa silid niya at doon lumabas patungo sa silid ni Jaime.
Sinalubong siya ni Jim at maagap na inilabas ng silid. Nasulyapan ni Alyssa ang dalawang doktor at nurse.
“A-ano’ng nangyayari?” aniya na pilit kumakawala sa pagkakayakap ni Jim.
“Hindi mo siya kailangang makita, Alyssa,” marahang wika nito sa gumagaralgal na tinig.
Tumingala siya dito. Luha ba ang nakikita niyang namumuo sa mga mata ni Jim? Agad ang pagbangon ng kaba at sindak sa dibdib ni Alyssa.
“Bitiwan mo ako! Gusto ko siyang makita.” Pilit siyang kumakawala.
“No, honey.” Lalong humigpit ang yakap nito sa kanya. “Hindi niya gugustuhing makita mo siya.”
Lumingon silang pareho sa pinto nang lumabas ang doktor. Umiling-iling ito. Napahagulhol ng iyak si Alyssa sa dibdib ni Jim.
Tumingala sa itaas na sumandal sa dingding si Jim. Mahigpit pa ring yakap si Alyssa. Ito man ay hindi kayang pigilin ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha.
Chapter 13
INIHATID si Jaime sa huling hantungan makalipas ang tatlong araw. Wala na ang mga taong nakiramay ay naroon pa rin si Alyssa.
Hinawakan siya sa magkabilang balikat ni Jim. “Let’s go, Alyssa.” Inakay siya nito papasok sa naghihintay na sasakyan. Walang kibong sumunod si Alyssa. Pagkapasok sa loob ng sasakyan ay ipinikit niya ang kanyang mga mata. Sa loob ng nakalipas na tatlong araw ay mapalad na ang maidlip siya nang isang oras.
Bagaman inihanda na siya ni Jaime dito ay nahihirapan siyang tanggaping wala na ang taong pinagkakautangan niya ng lahat sa kanilang mag-ina ngayon. Dala ng puyat, pagod ng isip at katawan ay nakatulog si Alyssa na nakahilig sa balikat ni Jim.
Pagdating sa mansion ay binuhat siya nito papanhik sa silid niya at maingat na inilapag sa kama. Kinabukasan na ng umaga nang siya ay magising.
“Ano ngayon ang plano mo, Jimmy? Babalik ka ba sa Amerika ngayong wala na ang Papa mo?” Si Conchita habang nag-aalmusal silang apat.
Umiling si Jim. “Hindi na, Tiya Conchita. Dalawang kompanya ang iniwang responsibilidad ng Papa.”
“Ikaw, Alyssa? Mananatili ka ba rito sa mansion ngayong patay na si Jaime?” baling nito kay Alyssa na nahinto sa pag-inom ng kape.
“Bakit kailangang itanong iyan, Tiya Conchita? Bahay ni Alyssa itong mansion bilang Villaroman,” sagot ni Jim bago nakapagsalita si Alyssa.
“Ow?” makahulugang sumulyap si Conchita kay Alyssa na nagsalubong ang mga kilay sa pag “ow” nito.
“Iyan sana ang gusto kong sabihin sa iyo, Jim,” lingon nito sa lalaki na nasa upuan ni Jaime. “Gusto kong doon muna kami sa mga Tiya Andrea ni Jamie.”
Malakas na naibagsak nito ang kutsara sa pinggan. “Hindi, Alyssa! Dito ka sa mansion hangga’t hindi ko sinasabing aalis ka, kayo ng… ni Jaimie,” matigas na sagot ni Jim.
Matalim na sinulyapan ni Conchita si Alyssa na nagpatuloy sa pagkain.
“Sa ikaapat na araw, sa Biyernes ay darating si Attorney upang basahin ang testamento ng Papa. Kailangan ay narito kayong lahat,” patuloy ni Jim. Tumango-tango lang si Conchita na bahagyang ngumiti. “At Alyssa, you’re still on leave. Sa isang linggo na natin pag-usapan ang tungkol sa trabaho mo,” wika nito bago tumayo.
Sa loob ng sumunod na apat na araw ay naging abala si Jim sa pag-aasikaso sa dalawang kompaya. Subalit gaano man ito kaabala ay hindi ito nawalan ng panahon sa batang si Jaimie.
Sinisiguro nitong sa umaga bago umalis patungo sa opisina ay naglalaro ito at ang bata. At sa hapon pag-uwi ng binata ay kasama rin ito. At kung ginagabi ito sa pag-uwi at tulog na ang bata ay hindi nito nalilimutang pasukin sa silid at hagkan. Hindi lingid kay Alyssa iyon. Kung masasaktan o matutuwa siya ay hindi niya alam. Si Jim ay nananatiling civil sa kanya bagaman hindi iilang beses niya itong nahuhuling nakatitig sa kanya.
Ano ang gagawin niya sa mag-ama? Paano niya magagawang ilayo ang anak sa sarili nitong ama?
Chapter 14
BIYERNES ng umaga ay nasa library na ang lahat. Inikot muna ng abogado ang paningin sa apat na mga nakaupo bago sinimulang basahin ang huling bilin ni Jaime.
“Ang lahat ng ari-arian ng yumaong Jaime Villaroman, Sr., ang marble industries, ang real estate, stocks, trusts, bank accounts, at shares sa ibang mga kompanya ay ipinamamana niya sa kanyang anak. Si Jaime Villaroman, Jr. at sa kanyang apo, si Jaimie Yssa Villaroman…”
Tumayo sa kinauupuan si Conchita at gulat na napalingon si Camilla sa abogado. “Apo?” magkapanabay na usal ng mag-ina. “Ano’ng sinasabi ninyo?”
Si Alyssa man ay nabigla. Nilingon si Jim na kalmanteng nakaupo at blangko ang ekspresyon ng mukha.
“Please, ladies… hayaan ninyong matapos ko ang pagbabasa at saka ko sasagutin ang mga tanong ninyo,” wika ng abogado.
Muling bumalik sa upuan si Conchita.
“Ang seventy five percent ng mga ari-arian ay mauuwi kay Jaime Villaroman, Jr. at ang twenty five percent ay sa bata. Pangangasiwaan ni Jaime, Jr. ang twenty five percent hanggang sa dumating sa hustong gulang ang bata sa edad na beinte-singko. At ang mansion na ito at ang lupang nasasakupan, ibig sabihin ay ang farm at ang kinikita nito ay ipinamamana kay Alyssa Cortez Villaroman,” patuloy ng abogado na tumingin sa nakatangang si Alyssa.
Iyong tungkol sa anak niya ay oo dahil sinabi na ni Jaime iyon. Pero ang ipamana sa kanya ang mansion at farm ng mga Villaroman ay hindi niya malubos-maisip. Sinulyapan niya si Jim at hinintay ang sasabihin nito pero nanatiling walang kibo ang binata at kalmante pa rin sa pagkakaupo.
Biglang tumayo si Conchita. “Hindi totoo ang sinasabi mo, Attorney! Hindi ang mansion na ito! Alin sa dalawa, bingi ka noong kausapin ka ni Jaime bago ito mamatay o dinaya mo ang testamento!”
Napatingin ang dalawang lalaki kay Conchita. “Linawin mo ang sinasabi mo, Conchita,” anang abogado.
Binalingan ni Conchita si Jim. “Papayag ka bang mauwi kay Alyssa ang mansion at ang farm, Jim? Gayong hindi totoong pinakasalan siya ni Jaime!”
Hindi makapaniwala sa narinig si Alyssa. Ano’ng sinasabi ni Conchita?
“Narinig ko nang sabihin sa inyo ni Jaime iyon, Attorney, noong umagang bago siya namatay. Na gawing malinaw na maunawaan ni Alyssa na hindi siya legal na asawa ni Jaime. Na hindi totoong pinakasalan siya nito!”
Sinulyapan ni Alyssa ang abogado. Kumpirmasyon ang nakita niya sa mga mata nito. Nilingon niya si Jim na hindi nagbabago ang ekspresyon. Gulo ang isip na pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawang lalaki.
“Bakit pahihintulutan mong mauwi kay Alyssa ang mansion at farm, Jim? Pinaghirapan ito ng mga magulang mo! Hindi ba dapat na ikontesta mo pati ang beinte-singko porsiyentong iniwan sa bata? Hindi siya pinakasalan ni Jaime! “ tila naghi-hysteria na wika ni Conchita.
Huminga muna nang malalim si Jim bago tumingin kay Conchita. “Ikalma ninyo ang inyong sarili, Tiya Conchita. Alam kong hindi pinakasalan ng Papa si Alyssa. Nakita ko ang mga dokumento at nasa pag-iingat ko,” kalmanteng sagot nito.
Tuluyang napatayo si Alyssa at dahan-dahang umatras palabas ng silid na iyon. Nang sulyapan niya si Conchita ay nakita niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito. Patakbo siyang lumabas ng silid. Hindi alintana ang pagtawag sa kanya ni Jim.
Bakit ginawa ni Jaime iyon? Ang akala ba niya ay hindi nito gustong maging bastardo ang anak niya? Ang akala ba niya ay dahil sa bata kaya siya nito pinakasalan?
Hindi niya maunawaan ang nangyari. Hindi siya interesado sa manang iniwan sa kanila. Sanay siyang wala noon at marunong siyang magtrabaho. Pero ang legalidad ng pagiging Villaroman ng anak niya ay bale-wala?
Patakbo siyang pumanhik sa kanyang silid. Inabot ang mga maleta sa itaas ng closet at inihagis sa kama. Inilabas lahat ang mga damit nilang mag-ina at isa-isang inilagay sa maleta. Napuno na niya ang isang maleta at ang pangalawa naman ang binalingan niya nang bumukas ang pinto.
Si Conchita!
“Hindi ko alam kung anong gayuma at pang-aakit ang ginawa mo sa mag-ama, Alyssa!” bungad nito sa nanlilisik na mga mata. “Una ay si Jim ang nabaliw sa iyo gayong ang gusto ko ay sila ni Camilla ang magkapangasawahan upang manatili sa amin ang mansion…”
Nahinto sa ginagawa niya si Alyssa at titig na titig sa matandang babaeng humakbang papasok.
“Ginawan ko ng paraang huwag matuloy ang kasal ninyo ni Jim. Noong araw na may sakit siya ay alam kong dadalaw ka dito dahil sinabi mo sa akin iyon. Inunahan kita sa pag-uwi nang hindi mo alam!”
Hindi halos humihinga si Alyssa. Gusto man niyang magsalita ay hindi niya magawa at baka hindi tapusin ni Conchita ang sinasabi nito.
“Inutusan ko si Camilla na bigyan ng cold tablets si Jim. Nilagyan ko ng pampatulog ang tubig,” tila baliw itong tumawa. “Pagkatapos mahimbing ni Jim ay pinaghubad ko si Camilla at inutusang tumabi dito! Iyon ang nakita mo noong hapong dumating ka dito. Kitang-kita ko ang sindak sa mga mata mo!” Muli itong nagtatawa.
Gilalas na hindi makapaniwala si Alyssa sa narinig.
“Nailayo kita sa anak pero ang ama naman ang nahibang sa iyo. Hindi ko maintindihan kung bakit! Iyon naman pala’y hindi ka totoong pinakasalan. Pero alam mo bang hindi gusto ni Jim na ikontesta ang mga minana ninyo ng anak mo? Hibang ang mag-amang iyon! At kami ng anak ko ay tila pulubing nilimusan lamang ni Jaime. At ikaw, Alyssa, ikaw ang dahilan kung bakit nabale-wala kami ni Camilla. Hindi mauuwi sa iyo ang mansion!” Akma siya nitong susugurin nang mula sa likod ay maagap na hinawakan ni Jim ang dalawang kamay ng babae.
Hinila nito palabas ang naghihihiyaw at nagtatawang si Conchita.
Kung ilang sandaling nanatiling nakatanga si Alyssa. Namanhid ang buong katawan niya. Kagagawan ni Conchita ang inabutan niya noong hapon iyon! At nasira ang buhay nila ni Jim dahil doon!
Napasubsob siya sa ibabaw ng unan at umiyak nang umiyak. Kung gaano katagal siyang nasa ganoong ayos ay hindi niya alam.
Dalawang kamay ang banayad na humawak sa mga balikat niya at marahan siyang itinayo.
“Jim?”
Chapter 15
P INAHID ng palad nito ang mga luha sa pisngi niya. Nang tingnan niya ang mga mata nito ay hindi niya kayang arukin ang damdaming nakapaloob doon.
“Si… Conchita?”
“Bahala si Attorney at ang dalawang tauhan na magdadala sa kanya sa ospital. She’s sick, Alyssa. She was obsessed by all this wealth… Hinangad niya ang mansion na ito.” Inikot ni Jim ang paningin sa buong paligid kasabay ng buntong-hininga.
“Paano si Camilla?”
“She’s only too glad na makawala sa manipulasyon ng kanyang ina. Ibinigay ko sa kanya ang tsekeng kabuuan ng perang ibinigay ng Papa. Kung magiging matalino siya sa paggamit ay sapat iyon para mabuhay siya nang maayos. Ihingi ko raw siya ng tawad sa iyo. Napilitan lang siyang gawin iyon. Maybe she’s not too bad, after all.”
Muling umupo sa gilid ng kama si Alyssa. Umatras si Jim at sumandal sa posteng kama. “Nakita mo kami ni Camilla, Alyssa?” may pait sa tinig nito nang magtanong. At nang tumingin si Alyssa dito ay hindi niya kayang tingnan ang sakit na nasa mukha nito.
Marahan siyang tumango. “Nakadapa ka. Half naked. Nasa ilalim mo si Camilla na kumot lang ang nakatakip sa katawan. And she was your cousin,” napapikit siya. Hindi gustong alalahanin ang eksenang iyon.
Huminga nang malalim si Jim. Nagpalakad-lakad sa loob ng silid. “At hindi ko alam iyon. Sinabi ng Papa na nalaman niyang nagnanakaw ng pera ng kompanya si Tiya Conchita nang lihim niyang ipa-audit ang accounts ng opisina. Parang gusto kong maniwalang hindi naman siguro kamag-anak ng Mama si Tiya Conchita. Mula sa kung saan ay dumating sila dito at walang nagkuwestiyon nang patirahin sila ng Mama.”
No wonder na hindi gusto ni Jaime na ipagkatiwala kay Conchita ang pamamahala sa realty. “Kailan mo nalamang hindi ako pinakasalan ni Jaime, Jim? At bakit niya ginawa iyon?”
“Noong madaling-araw na nasa veranda tayo. ’Di ba at nagbukas ng ilaw ang Papa. Pinasok ko siya at ipinagtapat niya ang lahat. May hinala na akong anak ko si Jaimie kaya hindi na ako nabigla nang sabihin niya iyon.” Sumandal ito sa cabinet at tumingala. “At wala ako sa piling mo nang ipagdalang-tao mo ang anak ko. Wala rin ako sa mga unang buwan ng buhay niya. I wasn’t here to share with you all those firsts.” Gumagaralgal ang tinig nito. Si Alyssa ang napahikbi sa nakitang anyo ni Jim. “Hindi ko alam kung paano sasabihin sa iyong hindi ka totoong pinakasalan ng Papa. Ayokong isipin mong dinaya ka niya.”
“I love him so much para isipin iyon. Lamang ay hindi ko maunawaan. He was so concerned about my child’s welfare,” bulong niya na pinahid ang mga luha sa mata.
“Mahal ka ng Papa, Alyssa. Sinabi niya sa akin ang uri ng relasyon ninyong dalawa. And to think I was jealous with my own father gayong hindi naman pala dapat.” Mapait itong ngumiti. Tumingin kay Alyssa. “Tell me, sino ang dinatnan kong kayakap mo nang hapong iyon sa inyo?”
Huminga nang malalim si Alyssa. “The bestman that never was. Si Fred, my stepbrother. Anak siya ng Tiya Andrea sa unang asawa nito bago sila nagpakasal ng Papa. We were really very close at ang unang pagkakataong nagkahiwalay kami ay nang maibigay sa kanya ang promotion sa Japan, isang taon bago namatay ang Papa. Kadarating lang niya nang araw na iyon.” .
“And his presence gave you an easy way out. And I doubt kung alam niyang naging kasangkapan mo siya para huwag matuloy ang kasal natin,” matabang na wika ni Jim.
“I told him later.”
“Gusto kong ihingi ng patawad ang nasayang na panahon sa atin, Alyssa. Na sana’y hindi ako nagpabigla-bigla. Na sana’y pinilit kitang alamin ang katotohanan. Na sana’y hindi ako umalis. Sana… sana… puro sana.” Huminga ito nang malalim. “Nasaktan ako nang labis, Alyssa. Hindi ko kayang tanggaping pinaglaruan mo lang ako, lalo na nang isinasauli mo ang singsing…”
“Nag… nagkamali rin ako. Hindi kita binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag sa natuklasan ko…”
Tumango-tango si Jim. “Umalis ako dahil gusto kong makalimot. And the irony of it, I never stopped loving you even for a minute. Pagkatapos ay nalaman kong nagpakasal kayo ng Papa…” Muli nitong sinulyapan si Alyssa. “Daig ko pa ang pinarusahan, Alyssa. It was torture. And yet, I could not hate you for so long. I love you so much. And to think that all those times you were my wife.”
Napatingala si Alyssa. “Your wife? Ano’ng ibig mong sabihin?”
“My father married you in my behalf…”
Lalong nagulumihanan si Alyssa. “Paano nangyari iyon? Posible ba iyon?”
“Hindi ba at ayos na ang marriage license natin noon? Ang kulang na lang ay ang actual vows para legal na tayong mag-asawa.” Wala sa loob na tumango si Alyssa. Pilit sinusundan ang sinasabi ng kaharap. “My father pulled some tricks. He signed ‘Jr.’ sa halip na ‘Sr.’ sa marriage contract using our marriage license.”
“Paano ang signature mo?”
Napangiti sa bahaging iyon si Jim. Umaliwalas ang mukha. “Pareho kami ng pangalan ng Papa, di ba? Nagkaiba lang sa Sr. at Jr. sa huli. When I was young, I used to forge his signature at pagkatapos ay ipakikita ko sa kanya. At gagayahin naman ng Papa ang sa akin. It was really too easy to be called forging. A piece of cake, honey. He even anti-dated the dates on the contract. Ang inilagay niyang petsa ay ang petsa mga dalawang linggo bago ako umalis patungo sa Amerika.”
“Pinayagan ng judge iyon?” hindi makapaniwalang tanong ni Alyssa. “That contract is null and void!”
“Kung may magkokontesta. At kung tungkol doon sa kung pinayagan ng judge iyon, naniniwala ang Papa na hindi na pinagkakaabalahang basahin ng judge ang mga dokumento. Those were the usual marriage documents at seal at pirma lang nito ang kailangan. Maliban pa sa hindi nito iisiping ipi-fake ng Papa ang sarili nitong kasal or else bakit kailangang sa kanya magpunta gayong madaling i-produce ng Papa ang isang fake document nang hindi kailangan ang judge o ng presence ninyong pareho at ng witnesses.”
“Alam mo ba na nang sinasabi ng Papa iyon sa kabila ng mahinang kalagayan ay nangingislap ang mga mata nito. At kung sakaling napuna man ng judge iyon, sa kapal ng sobreng ibinigay ng Papa dito ay mariwasa itong makakapangibang-bansa mag-retire man. Kaibigan ng Papa ang judge, so probably, trust and negligence on his part. Look at you, ni hindi mo nga pinagkaabalahang basahin ang sarili mong marriage contract. You just signed it.”
“B-bakit ginawa ni Jaime iyon?” halos walang tinig na lumabas sa bibig niya. Muling nag-init ang sulok ng mga mata. “When I’m gone, malalaman mo ang dahilan…”
“For the love of Alyssa. He really loved you, you know. You were more than the daughter he never had. And he did it also for us. For Jaimie.”
“Paano kung may magkontesta ng legalidad ng kasal na… natin?”
Nilapitan ni Jim si Alyssa at masuyong itinaas. “Ikaw at ako lang ang maaaring gumawa noon, Alyssa. Anyway, we will have another vows. Itutuloy natin ang naunang plano na dito sa hardin ng mansion tayo pakakasal.”
“Kaya pala ni hindi ako binigyan ni Jaime ng wedding ring…” Tumingala siya kay Jim. “Papaano kung… kung talagang nalimot mo ako at nag-asawa ka sa Amerika?” Gumagaralgal ang tinig niya. Kahit ang isipin iyon ay nasasaktan siya.
“Tiniyak ng Papa na hindi ko gagawin iyon. Pinapangako niya akong hindi mag-aasawa hangga’t hindi lumilipas ang tatlong taon… ang pinakamahabang taning na ibinigay ng mga doktor sa kanya.” Muling bumahid ang lungkot sa mukha nito.
Sinapo ni Jim ang mukha ni Alyssa. Sinuyod ng tingin. “At paano mong naiisip na maaari akong magmahal sa iba gayong ikaw ang laman ng isip ko sa araw at gabi? Ikaw ang iniibig ko. Marry me, Alyssa. Let’s watch the dawn together, tayo ng anak natin. Magsisimula tayong muli.”
“Hindi ko alam ang sasabihin ko, Jim.” ni hindi niya makita nang malinaw ang mukha ni Jim dahil pinanlalabo ng mga luha ang paningin niya.
“Just say ‘yes’, Alyssa. I don’t want to face another day without you and Jamie at my side,” hinahaplos nito ang pisngi niya.
“I love you, Jim. I have always loved you and will always love you. And, yes, magpapakasal tayo.”
Siniil siya nito ng halik. Nag-aalab at nananabik sa isa’t isa. Nang pareho silang gulantangin ng iyak. Bantulot na nag-angat ng ulo si Jim. Pareho nilang nilingon ang pinto.
Ang yaya na karga ang umiiyak na si Jaimie.
“You missed daddy already, sweetheart?”
“Miss you… love you, Daddy. Mommy rin…”
“I love you, too, sweetheart, very much.” Binalingan nito si Alyssa na nagniningning ang mga mata. “And you too, my beloved.”
Ang verse na nasa unang pahina ng aklat na ito ay siyang nakalagay sa unang pahina ng wedding invitation card nina Alyssa at Jim. Muling dumating si Fred upang gampanan ang naudlot na pagbe-bestman.
Si Camilla ay nag-asawa na rin at sa bayan naninirahan. Si Conchita ay naka-confine na sa psychiatric ward ng National Mental Hospital.
•••WAKAS•••
Available on e-book format: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/914/PHR00146---For-The-Love-Of-Alyssa

