Impostor - COMPLETED (Published by PHR)
Marthacecilia Phr · 25 chapters · 31,933 words
Prologue
A
BOT-ABOT ang hingal ni Devin subalit patuloy siya sa mabilis na pagtakbo. Kailangang makalayo siya. Anumang sandali ay maaari siyang abutan ng mga humahabol. Kailangan niyang makapasok sa gubat. Kahit paano ay mahihirapan ang mga itong abutan siya.
“Ayy!” hiyaw niya sabay ng pagbagsak. Nasabit ang mga paa niya sa isang ugat ng punong-kahoy na nakaharang at bumagsak siya sa lupa.
“Oh!” Impit niyang daing. Pagkatapos ay nilingon ang pinanggalingan. Naririnig niya ang mga yabag ng kabayo na papalapit. Mabilis siyang muling tumayo at tumakbo sa kakahuyan kahit na paika.
Napatingala sa langit ang dalaga na natatakpan ng nagtatayugang puno at makakapal na sanga. Malapit nang dumilim. Umusal siya ng panalangin na sana’y gumabi na upang maging kanlungan niya ang dilim ng gabi.
Sa lupaing ito siya ipinanganak at pag-aari niya ang lupaing tinatakbo at dapat ay kabisado niya ang gubat. Subalit hindi gayon. Minsan man sa buong kabataan niya’y hindi tumuntong ang mga paa niya sa bahaging ito ng lupain. At ngayo’y hindi niya alam kung saan siya patungo at kung ano ang tinatalunton ng mga paa niyang napapagod na sa mahabang pagtakbo. Kailangang patuloy siyang tumakbo upang hindi abutan ng dalawang nakakabayong humahabol sa kanya. Kapag inabutan siya ng mga ito, hindi na niya makikita pa ang tuluyang paglubog ng araw.
Hindi niya alintana ang mga dawag at tinik na sumusugat sa kanyang mga binti at braso. Ganoon din ang makakapal na sanga ng punong humahampas sa mukha niya. Palapit nang palapit ang mga yabag ng mga kabayo at pagod na pagod na siya. Gusto na niyang sumuko sa hirap subalit buhay niya ang nakataya sa mga sandaling iyon.
Sandaling huminto sa pagtakbo ang dalaga nang may maulinigan sa may unahan niya.
“Ugong ng sasakyan!” bulalas niya. “Highway ang nasa kabilang iyon ng gubat!” Nabuhayan ng pag-asa ang dalaga at inubos ang lahat ng lakas upang bilisan ang pagtakbo.
Mula sa makapal na gubat na pag-aari niya ay tumuntong ang mga paa niya sa sementadong kalye. Natanaw niya ang parating na sasakyan at itinaas niya ang dalawang kamay at iwinasiwas upang hintuan siya. Subalit ni hindi nagmenor ang nagmamaneho nito at tuloy siyang nilampasan sa panlulumo ng dalaga.
Muling nilingon ang pinanggalingang gubat. Anumang sandali ay makakaharap niya ang mga humahabol sa kanya. At walang tutulong sa kanya sa bahaging ito ng daan at gubat. Muli niyang kinawayan ang isang sasakyan subalit iyon man ay hindi rin siya pinansin.
Sino ang hihinto sa isang babaeng sabog ang buhok at pulos putik ang damit at sugat ang mga katawan sa isang ilang na lugar at hindi mataong highway?
Isang paraan na lang ang naisip niya. Tutal kung aabutan siya ng mga humahabol ay mamamatay rin siya. Mabuti na ang magbaka-sakali. Nang muli niyang matanawan ang headlights ng isang parating na sasakyan ay pumagitna sa kalye ang dalaga. Titiyakin niyang hihintuan siya ng kung sino mang driver niyon.
“JULIO, may babaeng nasa gitna ng daan at pinapara tayo.” napakapit sa dashboard ng kotse ang babae. “Baka masagasaan mo, Julio!”
“Shit!” pagmumura ng lalaki at kinabig ang manibela sa kanan subalit pumaroon din si Devin. Mabilis nitong tinapakan ang preno at lumangitngit ang gulong sa biglang paghinto ng sasakyan.
“Babain mo ang lukaret na iyan!” utos ni Julio sa katabi. Nag-aatubili man ay bumaba ang babae. Nakapamaywang nitong hinarap si Devin na abot-abot ang kaba.
“Hoy, kung nagpapakamatay ka ay huwag mo kaming idamay, ha!”
“P-pasensiya na ho kayo pero… may… may humahabol po sa akin,” aniya sa nanginginig na tinig. Sinulyapan ang lalaking sumungaw mula sa driver’s seat at galit na galit.
“Umalis ka riyan sa daanan, lukaret ka!” sigaw ng tinawag na Julio. Subalit hindi pinansin ni Devin ang sinasabi ng driver at ng babaeng nasa harap niya. Natuon ang pansin niya sa bahagi ng gubat at natanaw ang mga humahabol na ngayo’y palabas na.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Wala sa loob na tinakbo ang bahagi ng kotseng nilabasan ng babaeng pasahero at pumasok sa gulat ng driver at ng babaeng nasa labas pa.
“Umalis na ho tayo ngayon din. Papatayin nila ako, please!”
Subalit bago pa nakasagot ang driver ay isang putok ng baril ang bumasag sa likurang salamin. Napatili ang babae sa labas na mabilis na pumasok sa backseat. Si Devin ay yumuko at ganoon din ang driver na pahiyaw na nagmura.
“What the hell is going on?!”
“H-hindi lang ang buhay ko ang manganganib ’pag inabutan nila tayo. Pati kayo ay papatayin nila!” sigaw ni Devin.
“Pananagutan mo ang lahat ng ito kung sino ka mang babae ka!” banta ng driver na mabilis na tinapakan ang silinyador at halos mapasubsob sa dashboard si Devin sa biglang pagtakbo ng sasakyan.
“Bilisan mo, Julio, bilisan mo!” hiyaw ng kasama nito sa likuran na patuloy sa paghi-hysteria. “Oh, I could kill you for this!” wika nito kay Devin sa nanlilisik na mga mata.
Ang dalaga ay hindi sumagot. Nilingon ang pinanggalingan. Kasunod nila ang mga nakakabayong dalawang lalaki bagaman namamaybay lang ang mga ito sa tabing-daan. Nakita niya ang muling pagtaas ng isang riple at muling yumuko ang dalaga.
“Hell!” sigaw ng lalaki nang tamaan ng bala ang hulihang gulong. Nagpagiwang-giwang ang takbo nito dahil hindi naman agad nakapagpreno. Pumakabila ito sa kabilang lane kung saan may parating na isang cargo truck.
“Julio, mababangga tayo!”
Si Devin ay nanlaki ang mga mata at napadaklot sa dashboard. Hindi siya nabaril ng mga humahabol pero tiyak ang kamatayan niya at nilang lahat sa malaking cargo truck na makakasalubong.
Hindi sinasadyang pumulupot sa kamay niya ang gold chain ng isang maliit na handbag na nakapatong sa dashboard. Humigpit ang hawak niya roon na tila naroon ang buhay at kamatayan niya.
Ang driver ay mabilis na kinabig ang manibela pakaliwa upang iwasan ang truck. Hindi inaakalang sa kabila ng daang iyon ay isang matarik na bangin.
Hiyawan ng tatlong pasahero ang maririnig sa loob ng kotseng nahuhulog sa kamatayan nito. Ang truck ay huminto sa may di-kalayuan. Ang dalawang lalaking nakakabayo ay nangubli sa mga puno bagaman sa layo ng mga ito ay walang sino mang makapupuna.
Ilang sandali pa’y isang pagsabog ang maririnig at pagsiklab ng apoy mula sa ilalim ng bangin.
Napangisi ang dalawang lalaki at muling pinatakbo ang kabayo papasok sa gubat.
Chapter One
MULA sa elevator ay humahangos na lumabas si Donya Marcela. Sa dulo ng pasilyo ay naroon ang anak at nakatutop ang mga palad sa mukha.
“Jason, hijo…”
Nag-angat ng mukha ang lalaki. “Mama…”
“Ano ang nangyari? Kumusta na ang lagay ng asawa mo?” tanong ng matandang babae na umupo sa tabi ng anak at hinawakan ito sa balikat.
Tumayo si Jason at inihilamos sa mukha ang mga palad. “Nasa loob pa siya ng operating room, Mama. Hindi pa lumalabas ang mga doktor na nag-opera sa kanya,” sagot nito na ang mga mata ay nagbabadya ng matinding kapaguran, panlulumo, at galit.
“Si—si Julio?” alanganing tanong ng donya.
Hindi agad nagsalita si Jason. Tumingala sa kisame at humugot ng malalim na paghinga, pagkatapos ay sumagot sa nakatiim na mga bagang.
“He—he died an hour ago.” half-anger, half-agony ang nasa tinig nito. “Nakatalon siya mula sa sasakyan pero inabot siya ng apoy mula sa nagsiklab na kotse. Nasunog nang husto ang katawan niya.”
Napapikit ang donya na biglang nanlumo. “Poetic justice, wasn’t it, son?” wika nito na tumaas ang isang sulok ng mga labi. Hindi sinagot ni Jason iyon. Tumiim ang mukha.
“Ibinalita sa TV na may kasamang isa pa sa kotse ang dalawa,” patuloy ng matandang babae. “Sino?”
“Walang identification ang pasahero ng dalawa, Mama,” sagot ng lalaki sa walang emosyong tinig. “Katulong o alalay marahil. And she died on the spot. Totally burned and unrecognizable. Nakulong sa kotse habang nakatalon sina Julio at Mariz.”
Mahabang katahimikan ang namagitan bago muling nagtanong si Donya Marcela “What will happen now?”
“She’s my wife at mananatiling nakatago sa madla kung bakit magkasama sina Julio at Mariz sa araw ng wedding anniversary namin.” pinuno nito ng hangin ang dibdib. “At masama mang sabihin ay ikinagagalak ko ang presensiya ng isa pang tao na namatay sa sakunang iyon.” naggalawan ang mga muscle sa mukha ni Jason sa sinabing iyon. “Iisipin ng mga taong may mahalagang bagay lamang na sinadya si Mariz sa rest house ko sa Sta. Clara kasama ang matalik kong kaibigan.”
Nakita ng donya ang galit sa mukha ng anak at marahan itong napahikbi. “Kasalanan kong lahat ito, Jason. Kung hindi kita pinilit na pakasalan si Mariz, disin sana’y…”
“Tatlong taon na mula noon, Mama. Tapos na iyon,” mariing sagot ng lalaki na nakatiim ang mga bagang. “Don’t blame yourself.”
“Tatlong taong impiyerno sa piling ng babaeng pinili ko para sa iyo,” patuloy ng matanda. Hindi sinagot ni Jason iyon. Hindi gustong dagdagan ang guilt na nadarama ng ina sa sarili.
“How’s Joshua?” pag-iiba niya ng usapan.
“He’s okay.” pinahid nito ng panyolito ang luha sa mga mata. “Hindi ko na isinama at baka makasama pa sa anak mo ang magtungo rito sa ospital.”
Tumango si Jason. Siya namang pagbukas ng pinto ng OR at lumabas mula roon ang isang doktor. “How’s my wife, Doc?”
Isang nahahapong ngiti ang pinakawalan ng manggagamot. “She made it, Mr. Florencio,” wika nito at pagkatapos ay biglang nawala ang ngiti. Tumikhim upang mag-alis ng bara sa lalamunan. “Ligtas na ang asawa ninyo mula sa panganib. She suffered minor burns sa mga braso at binti but they will heal at hindi mag-iiwan ng anumang bakas….”
“But?” agap ni Jason sa nagsasalubong na mga kilay. Nararamdaman niyang may karugtong pa ang sinasabi ng manggagamot.
Tumingin nang deretso ang doktor sa lalaki and cleared his throat. “Hindi halos makilala ang mukha ni Mrs. Florencio dahil sa maraming sugat na tinamo niya. Ang iba’y malalalim at gumaling man ay mag-iiwan ng—ng pangit na mga bakas.” muling tumikhim ang doktor. “Your wife wouldn’t be able to take it, Mr. Florencio,” dugtong ng doktor. She knows Mariz very well. Laman ito lagi ng society pages, considered as one of the most beautiful faces in the world.
Isang ungol ang pinakawalan ng donya sa matinding panggigipuspos.
“Naturally, a plastic surgery is required, doctor?” ani Jason sa nagsasalubong na mga kilay. Nasa isang kilalang ospital sila at mahuhusay ang mga doktor ng asawa niya.
“Of course. Pero iba ang kaso ng asawa ninyo. Her face was really damaged except for the eyes which we considered a miracle. Her nose was totally broken and a couple of teeth have to be implanted.”
Muling hindi pinatapos ni Jason ang sasabihin ng doktor. At sa nababagot na tono ay nagsalita: “Computer age… laser tech, sa makabagong medisina ngayon ay natitiyak kong walang hindi magagawa para kay Mariz. Recommend the best surgeon abroad, doctor, para sa ganitong kaso. At sa sandaling maaari nang magbiyahe ang asawa ko ay dadalhin ko siya sa ibang bansa upang doon magpa-plastic surgery.”
Tumango-tango ang doktor. Kilala nito ang mga Florencio bilang may-kayang pamilya. “Very well, Mr. Florencio. Ibibigay ko ang pangalan ng siruhanong hahawak sa kaso ng asawa mo. In fact, I’ll give him an overseas call as soon as possible. You will be in Mayo Clinic in two weeks’ time.”
SI DEVIN ay sinikap na igalaw ang katawan subalit hindi magawa. Ano ang nangyari sa kanya? Bakit hindi siya makakilos? Bakit tila manhid ang buo niyang katawan? Hindi niya maigalaw kahit man lamang ang mga braso at binti. At ang mukha niya’y hindi niya mailinga. Bakit tila nakabalot ang buong mukha niya maliban sa mga mata at mga butas ng ilong?
Nasaan siya?
Ano ang nangyari sa kanya?
Sandaling pumikit ang dalaga at pilit na hinahagilap sa isipan ang mga pangyayari kasabay ng pagkirot ng ulo. Pagkatapos ay iglap ding nagmulat ng mga mata. She was running away from two men who tried to kill her. At… at…
Naaksidente siya! Siya at ang dalawa pangna-hitchhiked niyang pilit. At… at nahulog sila sa bangin!
Napaungol ang dalaga. Umagos ang mga luha patungo sa bandage ng mukha. Halfway sa pagkahulog sa bangin ay nanaig ang isip na makaligtas kaysa mag-panic. Binuksan niya ang pinto sa tabi niya at tumalon. Subalit matarik ang bangin at wala siyang makapitan. Gumulong siya paibaba at ang mukha niya’y hindi ilang beses natusok sa mga nabaling maliliit na kahoy na nadaanan ng sasakyan. Ang matutulis na mga kahoy na humihiwa at tumutusok sa mukha niya’y sapat na upang mawalan siya ng ulirat sa matinding sakit at sindak.
But she didn’t want to die! Ang sunod niyang namalayan ay ang malakas na pagsabog ng sasakyan sa ibaba at ang pagsiklab ng apoy paitaas.
She remembered the heat from the blazing inferno that almost reached her and burned her. She remembered the shock… the pain… at ang matinding hapding nararamdaman niya sa mukha at katawan. And when she thought of dying, ang kadena ng bag na nakapulupot sa braso niya’y sumabit sa naputol na maliliit na mga punong iyon. Doon siya nakakita ng pag-asa at mahigpit na ikinapit ang sugatang braso sa matalim na kahoy. It was her lifeline and held on. Pagkatapos niyon ay hindi na niya alam ang sumunod na mga pangyayari.
And oh, dear lord, buhay pa siya!
Ano ang nangyari sa mga estrangherong kasama niya? Did they survive, too? Nagpakawala siya ng marahang paghikbi. Paghikbing agad nahinto nang biglang bumukas ang pinto sa harap niya.
Hindi niya maigalaw ang mukha at iisang direksiyon ang focus ng mga mata niya, sa puting kisame. Niyuko siya ng bagong dating.
“You’re awake.” the deep and masculine voice. “How are you feeling, Mariz?”
Mariz?
Nasa kaliwang tagiliran niya ang panauhin at sinikap niyang ikiling ang ulo patungo rito pero hindi siya makagalaw. Ibinubuka niyang pilit ang bibig upang magsalita at sabihing Devin ang pangalan niya, Divina Ventura. Pero sa halip na tinig ay ungol ang lumabas sa bibig niya.
“Don’t try to talk. Everything will be alright. Magpasalamat ka at nabuhay ka sa aksidenteng iyon.”
Sa kabila ng kalagayan ay nahihimigan niya ang kawalan ng simpatya sa tinig ng panauhin. She could even hint a trace of hatred. Why?
“Ummpp…” aniya nang muli siyang magsikap magsalita upang sabihin ditong hindi siya si Mariz kundi si Devin. Nakita niyang tumuwid ng tayo ang bisita niya.
“Julio didn’t make it, Mariz,” wika nito, gritting his teeth. “Tulad mo ay nakatalon din siya sa sasakyan at nadala pa rito sa ospital but died after an hour,” patuloy ni Jason at muling napaungol si Devin sa panlulumo. Nadamay ang lalaking iyon sa pagsisikap niyang makaligtas. Kasalanan niya kung bakit ito namatay.
Si Jason ay tumalim ang mga mata sa sindak na nakita sa mga mata niya. “And the woman who was with you in the car didn’t make it, too. Nakulong siya sa kotseng sumabog,” patuloy nito.
Nagsikip ang dibdib ni Devin sa narinig. Ang magandang babae ay hindi nakaligtas! Siya ang may kasalanan sa pagkamatay ng magandang babae! Paano dadalhin ng konsiyensiya niya iyon? Paano niya ipaliliwanag sa pamilya nito na siya ang dahilan kung bakit sila naaksidente? Na kung hindi dahil sa pagtakas niya sa mga nagtangkang pumatay sa kanya’y buhay pa dapat ang babae at ang nagngangalang Julio.
Nang muling titigan ni Jason ang dalaga ay puno ng luha ang mga mata niya. Her body was shaking. Naningkit ang mga mata ng lalaki.
“Ipagpasalamat mong nabuhay ka, Mariz,” paismid nitong sinabi. “At ipagpasalamat mo ring may third party sa loob ng sasakyan. Nakaligtas tayong dalawa sa malaking iskandalo.”
Julio? Mariz? Lord, napagkamalan ako ng taong ito! Bakit?
Paano nangyari iyon?
“N—N… o…” her voice croaked sa pagsisikap niyang itangging hindi siya si Mariz.
“Don’t try to talk,” pigil ni Jason sa pagsisikap niyang magsalita. “At gusto ko lang ipaalam sa iyong apat na araw ka na rito sa ospital at sa susunod na linggo ay aalis tayong dalawa patungong Amerika…”
Muling umungol ang dalaga at pilit na umiiling. Her head moved a fraction.
“Unnghh…!” hindi siya si Mariz! Hindi niya kailangang sumama sa kung sino mang lalaking ito patungo sa ibang bansa! Kailangang malaman ng papa niya na narito siya sa ospital! At kailangang mai-report niya sa mga pulis ang mga nagtangkang pumatay sa kanya!
“Sa mata ng lahat ay mag-asawa tayo. At inaasahan ng lahat na gagawin ko ang katungkulan ko sa iyo bilang mabuting asawa,” patuloy ni Jason in a controlled anger.
Mag-asawa!
“At katungkulan kong samahan ka sa pagpapasa-ilalim mo sa plastic surgery,” patuloy ng lalaki. “Kailangan mo iyon dahil napinsala nang husto ang magandang mukha mo.” sa kabila ng panggigilalas niya ay hindi nakaila kay Devin ang sarcasm sa tinig ng lalaki, lalo na sa huling sinabi.
Siyang pagpasok ng nurse na may dalang heringgilya. “Good morning, Mr. Florencio,” nakangiting bati nito kay Jason na banayad na tumango at muling nilingon si Devin.
“Aalis na ako, Mariz. I’ll be back tomorrow,” pagkatapos ay humakbang palabas.
Ang nurse ay niyuko si Devin na kumurap ang mga mata. “Oh, gising na pala ang pasyente ko,” wika nito na lumapit sa may puno ng dextrose at doon itinurok ang dalang syringe. “How are you, Mrs. Florencio?”
Mrs. Florencio. Muling napaungol si Devin. Mula kanina ay wala siyang ginawa kundi ang ulitin sa isip ang sinasabi ng mga taong ito.
“’Ayan… medyo masakit lang ang antibiotic na ito, Mrs. Florencio,” patuloy ng nurse. “Alam ba ninyong hindi kayo halos makilala nang dalhin kayo dito sa ospital? Malalim ang mga sugat ninyo sa mukha but don’t you worry, narinig kong dadalhin kayo ng guwapo ninyong asawa sa Amerika upang magpa-plastic surgery. At babalik uli sa dati ang mukha ninyo.”
Pagkatapos ng injection ay muling lumabas ang nurse. Naiwang nag-iisip si Devin. Ang lalaking bisita niya ay asawa ng babaeng namatay sa aksidente. Pero sino ang lalaking kasama nitong namatay? Julio… iyon ang natatandaan niyang pangalang sinabi ng lalaking tinawag na Mr. Florencio.
Oh! At siya ay inakalang ang asawa nito na nakaligtas. At dadalhin siya sa ibang bansa upang magpa-plastic surgery.
Plastic surgery!
Muling umikot ang isip ng dalaga. Plastic surgery. Sa kabila ng kaguluhan ng isip ay pilit na nagsusumiksik ang salitang iyon. Ito ba ang himalang hinihintay niya?
Nahahapong pumikit si Devin. Gusto niyang makatulog uli subalit sa pagod na isip ay nagsiksik na pilit ang nakaraan…
e Gar,3&
Chapter Two
“TUMAWID naman tayo sa Mcdonald’s, Dev, para doon mag-lunch,” yakag ng kaibigang si Ninia. “Sawang-sawa na ako sa pagkain dito sa dormitory.”
Hindi niya gustong kumain sa labas ng malaking dormitory na naging tahanan niya sa nakalipas na walong taon ng buhay niya pero hindi niya gustong tanggihan ang kaibigan.
“Sige na nga.”
“Hay, sa wakas, napapayag din kitang lumabas ng dormitoryo,” natatawang wika ni Ninia na hinawakan sa braso ang kaibigan.
Pagkalipas ng tatlong minuto ay nasa loob na sila ng Mcdonald’s at pagkatapos pumila ay dala-dala na ang tray sa isang bakanteng mesa sa sulok.
Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang isang dormmate nila ang lumapit na may kasamang boyfriend, hawak ang tray ng pagkain.
“Hi, Ninia, Divina,” nakangiting bati nito.
“Hello, Margo. Hi, Jeff,” ganting-bati ni Ninia sa dalawa. Si Divina ay tumango lang at agad ding nagyuko ng ulo. Umupo ang dalawa sa katabing mesa na inalisan lang ng ibang customer
“Siyanga pala, Jeff, hindi mo nga pala kilala si Divina. Divina, si Jeff, boyfriend ko,” pagpapakilala ni Margo sa naiilang na si Divina.
“H-hello.” hindi halos nag-angat ng ulo ang dalaga.
“Siya ba iyong ikinukuwento mo sa akin, Margs?” Si Jeff na painsultong ngumisi at hinagod ng tingin ang mukha ni Divina.
“Ah, eh… siya nga. Siya ang scholar namin.” siniko ni Margo ang boyfriend. Sumubo ng french fries ang lalaki at pagkatapos ay muling tiningnan ang nakayukong si Devin.
“Gosh, Margs, paano sa palagay mo papatusin ni Roger iyan?” bulong nito kay Margo na muling siniko ang binata. “Pero kung totoong rich iyan tulad ng sinasabi mo, well, matatakpan na ng pera ang kapangitan niya. Alam mo naman si Roger, kahit na sino basta madatung . And look at her designer’s watch, Margs, libo-libo ang halaga n’on…”
Totoong bulong lang iyon pero umabot iyon sa pandinig ni Divina na biglang tumayo at halos takbuhin ang pinto palabas ng McDonald’s.
“Devin!” tawag ni Ninia na nilingon ang mag-boyfriend at tinapunan ng matalim na sulyap. Pagkatapos ay sinundan ang kaibigan.
Si Devin at tuloy-tuloy sa pagtawid pabalik sa dormitory. Hindi niya napapansin ang mabilis na pagsulpot ng isang kotse mula sa kung saan. Ni hindi ito bumusina at kahit na nasa gitna ang dalaga ay tuloy-tuloy ang sasakyan.
“Devin!” Si Ninia na mabilis na tinakbo ang kaibigan at dinamba patungo sa sidewalk. “Oh, my god!” wika nito kasabay ng pagbagsak nilang magkaibigan sa rampa.
“N-Ninia…!”’ Nanlaki ang mga mata ni Divina. Ga-buhok na lang ang layo niya sa kotse. At kung hindi dahil kay Ninia ay malamang na nasagasaan siya. Humihingal pang nilingon ng dalawa ang sasakyang ni hindi nagmenor at nawala na rin sa pagliko sa isang intersection.
“Are you crazy?” galit na tanong ni Ninia. “Nang dahil lang sa dalawang walang kuwentang mag-boyfriend na iyon ay magpapakamatay ka!”
“I-I’m sorry,” nanginginig niyang sabi. Inabot ang kamay ng kaibigan na inalalayan siya upang tumayo. May mangilan-ngilang estudyante at passersby na curious na
nakatingin sa kanila.
“Nasaktan ka ba?” nag-aalalang tanong ni Ninia na nagbaba ng tinig at pinagpagan ang sariling damit ng dumi mula sa rampa.
Umiling siya. “I… am alright, Ninia, thank you.”
“Sino ba namang driver iyon at ganoon na lang kabilis ang takbo sa ganitong mataong lugar?” Nagngingitngit na nilingon ni Ninia ang pinagdaanan ng sasakyan.
“Forget it. Halika na sa dorm,” aniya at hinawakan sa braso ang kaibigan, still shaken from the near-death encounter. pero ganoon pa man ay sumisiksik sa isip ang sinabi ni Jeff.
25in;line-x1�Gk�<
Chapter Three
“MAMASAMAIN mo ba ang sasabihin ko sa iyo, Dev?” nag-aalangang tanong ni Ninia sa kaibigan nang nasa loob na sila ng silid niya. Sa lahat ng mga nakatira sa dormitoryong iyon ay siya lang ang may sariling kuwarto.
“You’re my friend, Ninia. And I know you only mean well for me,” aniya na idinapa ang mukha sa unan.
Isang mahabang hininga muna ang pinakawalan ni Ninia bago muling nagsalita. “I know you’re rich, Dev. Sa loob ng tatlong taong pagsasama natin dito sa dormitory ay alam kong nakakaangat ka sa buhay kahit na pilit mong ikinakaila iyon…”
Hindi kumibo si Devin at patuloy na nakinig sa tinutumbok ng kaibigan.
“Have you—have you tried to speak to your father about plastic surgery?” naiilang nitong tanong. Si Devin ay bumuntong-hininga at hinarap ang kaibigan.
“I have thought of that often, Ninia. Pero hindi ko alam kung gaano kalaki ang kayamanan ng Papa. Wala akong ideya. Tumatanggap lamang ako ng monthly allowance mula sa abogado ng pamilya. At hindi ko naman matanong ang Papa tungkol doon. You see, may sarili na ring pamilya ang ama ko.” may bitterness sa tinig niya sa bahaging iyon.
“At ayokong pagtawanan at kaawaan nila ako. I know my stepmother and my stepbrother hated me,” mapait niyang sagot.
“Wala namang masama kung isusuhestiyon mo.”
“Thank you for the concern, my friend, but I can’t take ridicule and I have had enough of it. Isa pa, sa palagay mo ba ay may magagawa pa sa mukha kong ito?” patuya niyang tanong para sa sarili.
Isang buntong-hininga ang binitiwan ni Ninia at tinitigan ang kaibigan na ipinikit ang mga mata. Napailing ito. Si Devin ay matalino, may katamtamang taas, at may makinis at pinong kutis. A beautiful and sexy body na malimit nitong kainggitan. At kung tutuusin ay magaganda ang mga mata. Unusually expressive and thickly-lashed eyes. At ang sabi nga ni Devin ay iyon at ang kutis lamang niya ang namana mula sa ina.
Subalit natabunan lahat ang mga katangiang iyon ng dalaga ng iba pang bahagi ng mukha. Malaki at malapad ang ilong. Hindi lang iyon, malayo ang pagitan ng ilong nito hanggang sa upper lip at isang balat na itim sa kanang pisngi niya.
Sa paningin ni Ninia ay hindi lang maganda si Devin subalit hindi iyon ang tingin ng marami at kahit mismo ang may sariling katawan. At dahil doon, natakpan lahat ang magagandang katangian ni Divina Ventura, kasali na ang pagkakaroon ng isang mabuting pag-uugali.
ISANG umaga ay napasukan ni Ninia si Devin sa silid nito na madaliang nag-i-empake.
“Hey, going somewhere?”
“Kailangang umuwi ako ngayon din ng asyenda, Ninia,” aniya na sinarhan ang maleta. “May tumawag sa landlady natin at sinabing inatake sa puso ang Papa.”
“Oh, I’m sorry, Dev.” Umupo ito sa gilid ng kama.
Si Devin ay yumakap sa kaibigan. “Natatakot ako, Ninia. Baka kung ano ang mangyari sa Papa. ’Pag nagkataon ay mag-iisa na lang ako sa mundong ito.”
Hinaplos ni Ninia ang buhok ng kaibigan. “Be optimistic. It could be a mild attack dahil kung hindi ay tiyak na dinala na dito sa Maynila ang Papa mo.”
Kumawala si Devin at inisip ang sinabi ng kaibigan. Pagkatapos ay tumango. “I guess you’re right.” Bumuntong-hininga siya. “I know I’m being silly. Natatakot akong mag-isa na lang sa mundong ito gayong kung tutuusin ay para na rin lang naman akong nag-iisa, ’di ba?”
“You have me,” Ninia said gently.
“I know at nagpapasalamat ako na hindi mo ikinahihiyang maging kaibigan ang isang tulad ko.”
“Hindi kita ikinahihiyang kaibigan, Divina Olivar Ventura. Hindi kita ipagpapalit kahit na kanino pa man sa mga kaibigan nating may magandang mukha,” anito pagkatapos ay ngumisi. “Ang drama talaga natin, ano? Paano ka nga pala uuwi?”
“Susunduin ako ng driver dito.” tumayo si Divina at tiningnan ang sarili sa salamin. “Isn’t it selfish, Ninia, na higit akong nag-aalala sa sarili ko kung sakaling may mangyari sa Papa kaysa sa kalagayan niya?”
“Don’t be hard on yourself, Dev. Sabi mo nga, sa nakalipas na walong taon ng buhay mo dito sa dormitoryo ay mabibilang mo sa iisang kamay ang pag-uwi mo sa inyo. At ganoon din ang pagdalaw sa iyo ng iyong Papa dito.” Tumango si Devin at sinikap na itago sa kaibigan ang sakit na nadarama. Kahit ang sariling mga magulang ay hindi gustong makita ang pagmumukha niya.
Isang marahang katok ang narinig nila at pagkatapos ay bumukas ang pinto at sumungaw ang mayordoma ng dormitoryo sa pinto.
“Nasa ibaba na ang sundo mo, Divina.”
Chapter Four
“TUMAWAG ka kung kailangan mo ako,” bilin ni Ninia sa kaibigan na yumuko sa bintana ng sasakyan at humalik sa pisngi niya.
“I’ll do that. Isa pa, kung tama ang sinabi mong mild attack lang ang sa Papa ay nakatitiyak akong ipadadala uli ako niyon dito.” may pait sa tinig niya sa sinabi. “Bye, friend.”
Ilang sandali pa’y nasa highway na ang sinasakyan ng dalaga. “Kumusta po ang kalagayan ng Papa, Tata Vener?” tanong niya sa matandang driver.
“Nang umalis ako ng asyenda kaninang madaling-araw ay nakita ko siyang nakatanaw sa may bintana ng silid at kinawayan pa ako. Marahil ay hindi naman malala ang atake ni Manuel, Devin,” sagot ni Tata Vener na sumulyap sa kanya sa may salamin.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga. “Sana nga po. Eh, kayo po ng Nana Lucing, kumusta na po kayo?”
“Tulad pa rin ng dati, Devin. Ang Nana Lucing mo’y malimit nang atakihin ng rayuma niya. Tuwang-tuwa nga nang malamang uuwi ka na. At ako ma’y natuwa nang malaman kong uuwi ka na rin,” buong senseridad nitong sabi na tumingin pa sa kanya sa may salamin. “Aba’y halos tatlong taon na mula nang huli kang umuwi, ah.”
Magkahalong kagalakan at kalungkutan ang nadarama ng dalaga. Ang dalawang matatandang katulong ng malaking bahay at ang Lola Agueda niya lamang ang kinakitaan niya na may totoong pagtingin para sa kanya. Hindi alintana ng mga ito ang pangit niyang mukha.
Si Lira, ang mama niya, na hanggang sa mamatay ay hindi itinago ang pagkasuklam sa anyo ng kaisa-isang anak.
“Lumabas ka ng silid ko, Divina,” angil ni Lira sa anim na taong gulang na bata. “Hindi ko gustong makita ang pagmumukha mo!”
“Bakit kailangang pati ang bata ay pagsalitaan mo ng ganyan, Lira?” Si Donya Agueda na sumungaw sa pinto ng silid at hinawakan sa kamay ang humihikbing bata. “Ikaw itong ina, pagkatapos ay siya pang…”
“Utang-na-loob, Mama. Huwag na tayong magtalo. Ilayo ninyo ang batang iyan sa akin. Ikinahihiya kong naging anak iyan!”
Napilitang ilabas ni Donya Agueda ang apo. Sa pasilyo ay niyakap nito ang bata at sa gumagaralgal na tinig ay nagsalita.
“Huwag mong intindihin ang Mama mo, Devin,” banayad na alo ng matandang babae.
Devin. lyon ang kinagiliwang itawag ng lola niya sa kanya.
“Hayaan mo, apo, mawala man ako’y titiyakin kong mapapangalagaan ka pa rin hanggang sa iyong paglaki,” mariing pangako nito na tumaman ang mga mata.
Sa murang isipan ng bata ay labis nitong dinaramdam ang pagtataboy ng sariling ina. Totoong hindi siya nakaririnig ng kahit na anong masakit na salita mula sa kanyang papa at minsan pa nga ay nakakarga siya nito. Pero sa pakiramdam ni Devin ay malayo pa rin ang loob ni Manuel sa kanya. Ipinagtataka rin niya ang malimit na pagtatalo ng kanyang mga magulang sa hindi niya malamang dahilan.
Sampung taon siya nang magkagulo ang buong asyenda. Naaksidente sa kabayo si Lira. Aksidenteng hindi agad mapaniwalaan ng nakararami dahil mahusay mangabayo ang mama niya.
Hindi gaanong ininda ni Divina ang pagkawala ng ina. Subalit ang pinakamatinding dagok sa buhay niya ay nang mamatay si Donya Agueda nang kasunod na taon pagkamatay ni Lira. Ang sabi ng lahat ay katandaan ang ikinamatay ng matandang donya.
Anim na buwan mula nang mamatay si Donya Agueda ay nag-asawang muli si Manuel. Kay Stella na isa sa mga guro ni Devin sa elementarya. Isa itong biyuda at may isang anak, si Delio, na matanda lang sa kanya ng dalawang taon.
“Aray!” hiyaw ni Divina nang hilahin ni Delio ang tirintas niya at tumakbo patungo sa duyan.
“Nasaktan si Devil… nasaktan si Devil,” kantiyaw ng malditong bata.
“Devin ang pangalan ko!”
“‘Devil’ ang gusto kong itawag sa iyo dahil magkalapit ang tunog. Tutal sa kapangitan mo ay mukha ka na ring devil, ’di ba?” At sinabayan nito ng tawa iyon.
Gustong umiyak ni Divina pero pinigil niya ang sarili. Hindi lang ang batang lalaking ito ang kauna-unahang lumait sa kanya. Kahit ang mga kaescuela niya’y ganoon din. Ang mga guro niya sa pribadong paaralan ay lihim din siyang pinag-uusapan. Nanghihinayang na ang isang matalino at mayamang tulad niya ay may ganoong uri ng mukha.
Hindi rin nila mapaniwalaang ang isang kasingganda ni Lira at guwapong tulad ni Manuel ay nagkaanak ng isang tulad niya. At kung hindi lamang dahil masalapi ang pamilya niya ay lantaran na marahil ang panlalait ng mga ito sa kanyang anyo.
At ang sumunod pa uling dagok na dinanas ng batang si Divina ay nang ipaalam sa kanya ni Manuel na sa isang dormitoryo sa Maynila siya maninirahan at mag-aaral pagkatapos ng elementarya.
“Pero bakit po, Papa? Maganda naman po ang escuelahan dito sa atin. At saka sino po ang makakasama ko sa Maynila?” naguguluhang tanong ng bata. Sinulyapan si Stella na walang emosyong nakatitig sa kanilang mag-ama. Si Delio ay binebelatan siya.
“Higit na mabuti ang paaralan sa Maynila, Divina. Para din sa iyo iyon. At sa isang sikat at malaking dormitoryo ka titira at marami kang makakasama roon, hija,” pahinuhod ni Manuel sa mabait na tinig.
“Pero…”
“At lagi kang dadalawin ng Papa doon, Divina. At pagdating ng mga espesyal na okasyon ay uuwi ka rin dito sa atin.” niyakap nito ang bata at hinagkan sa buhok. Gumanti ng yakap si Divina. Hindi niya gustong hindi paluguran ang papa niya kahit na sa puso niya’y alam niyang ang ikalawang pamilya nito ang may gustong malayo siya sa Hacienda Ventura.
Pagkatapos ng elementarya ay ipinadala ni Manuel sa Maynila si Divina. At tulad ng sinasabi nito ay dumadalaw ito sa anak sa dormitoryo tuwing humihiling si Divina sa landlady na mag-long distance sa kanila sa Sta. Clara.
Nasa huling taon na sa high school si Divina nang ipasya ni Manuel na sa asyenda mag-christmas vacation ang anak. Subalit isang linggo bago ang Christmas vacation ay naaksidente si Divina. Nasa akto siyang pababa ng hagdan ng kolehiyo nang isang nagmamadaling estudyante ang nakadagil sa kanya at tuloy-tuloy siyang nahulog sa matarik na hagdan. Pagkahulog na kung hindi buo ang loob niya at napakapit sa barandilya pagdating sa ikaanim na baitang ay malamang nalumpo siya o namatay.
Isang linggo rin siya sa ospital for minor bruises and concussion. tumama nang dalawang beses ang ulo niya sa sementong baitang.
Nagulat pa ang dalaga nang magsalita si Tata Vener. “Narito na tayo sa loob ng asyenda, Devin.”
Ibinaba ng dalaga ang windshield at nilanghap ang sariwang hanging-probinsiya. Iginala ang paningin sa mga nagtatayugang puno ng niyog at naglalakihang puno. Hindi nagtagal ay natanaw na niya ang malaking bahay-kastila na nakatayo sa gitna ng isang malaki at nababakurang solar.
Mula sa bintana ay may mga matang lihim na nakamasid sa pagbaba ng dalaga sa sasakyan. Mabilis din itong umalis nang pumasok sa loob ng kabahayan si Divina.
“Kumusta ka na, Divina?” si Stella na sumalubong sa may puno ng hagdan. Tila reyna ang gayak sa mamahaling damit na hindi bagay sa ganoong uri ng lugar.
“Tita Stella…” halos pabulong niyang sambit at saglit na nahinto siya sa paglalakad ng mapuna ang kuwintas na nasa leeg ng madrasta. Pag-aari ng namayapang Lola Agueda niya ang mamahalin at antigong kuwintas na iyon. Paanong napunta iyon kay Stella?
Wala sa loob na itinaas ni Stella ang kanang kamay at dinala sa leeg na para bang matatakpan nito ang choker. Tumikhim ito.
“Pumanhik ka na sa itaas, Divina, nasa silid niya ang papa mo,” wika nito at tuluyang humakbang palabas.
Si Divina ay mabilis na pumanhik at tinungo ang silid ng ama. Isang mahinang katok ang ginawa niya bago binuksan ang pinto.
“Papa,” usal niya sa lalaking nakahiga at nakapikit ang mga mata. Sa isang sulok ng silid ay naroon ang isang silyang de-gulong.
Nagmulat ng mga mata si Manuel at biglang umaliwalas ang mukha nang makilala ang anak.
“Dumating ka na pala, Divina.” itinaas nito ang kamay at isinenyas na umupo sa tabi ng kama ang dalaga.
“K-kumusta ka na, Papa?” aniya sa nagbabarang lalamunan.
Totoong hindi naman sila gaanong malapit ng ama sa isa’t isa at sa nakalipas na walong taon niyang paninirahan sa dormitoryo sa Maynila ay lalo pang pinaglayo. Pero ama pa rin niya si Manuel. Kung tutuusin ay nasa late forties pa lamang ito. kalakasan, ’ika nga. Subalit sa nakikita niya’y nanghihina ito.
“Bakit hindi ka magpa-confine sa ospital? Bakit narito ka lang sa bahay?” nag-aalalang tanong niya.
“Huwag mo akong alalahanin, hija,” mahinang sagot nito na pilit ngumiti. Hawak sa kamay ang palad ng anak. “Hindi naman malubha ang aking kalagayan. Hindi ko nais ipaalam sa iyo ang pagkakasakit kong ito dahil ayokong nag-aalala ka. Pero hindi ko napigil si Stella na tawagan ang dormitoryo mo.”
“Tama ang Tita Stella, Papa. Karapatan kong malaman ang kalagayan mo. At huwag kayong mag-alala, ngayong narito ako ay katulong ako ng asawa mo sa pag-aalaga sa iyo,” pangako niya.
Kumislap ang mga mata ni Manuel. “Subalit kailangan mong magbalik ng Maynila, Divina. Sa isang linggo ay enrollment na para sa huling taon mo sa kolehiyo. Magtatapos ka na sa susunod na semestre, anak,” banayad at masuyong sabi ni Manuel na gustong tumulo ng mga luha ni Divina.
“Makapaghihintay ang pagtatapos ko, ’Pa, kung kalahating taon lang naman. Mas nanaisin kong narito sa tabi mo.”
“Wala akong pinakahahangad, Divina, kundi ang makatapos ka ng pag-aaral.” humugot ng malalim na paghinga si Manuel na tila nagsikip ang dibdib.
“B-baka makasama sa inyo ang nagsasalita, Papa,” nag-aalalang wika ni Divina, nilinga ang mga gamot ng lalaki sa side table.
Umiling si Manuel. “Malakas pa ako, Divina. Hindi ako papatayin ng isa lamang atake. Gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito upang ihingi ng tawad sa iyo ang pagpapadala ko sa iyo sa Maynila…”
“Please, ’Pa. Wala kayong dapat ihingi ng tawad doon.”
Subalit hindi pinansin ni Manuel ang sinasabi niya. “Inilayo kita sa akin, hija, sa kabila ng sakit ng loob na nararamdaman ko. May dalawang dahilan, Divina. Una ay ang bago kong pamilya. Hindi kaila sa akin ang hindi magandang pakikitungo ni Delio sa iyo. Si Stella na bagaman walang sinasabi ay alam kong hindi rin magaan ang loob sa iyo. Pangalawa, hija, at ang pinakaimportante sa lahat, ay dahil gusto kong ma-develop mo ang self-confidence mo sa Maynila. Kung narito ka’y baka nanatili ka na lang na nakakulong sa bahay na ito at malayo sa mga kasing-edad mo…”
Gustong salungatin ng dalaga ang sinasabi ng ama. Na kahit sa Maynila ay hindi niya na-develop ang self-confidence na gustong mangyari nito. But of course, gusto niyang ipagpasalamat na nakilala niya si Ninia at naging kaibigang matalik. Labis niyang ikinagalak na ganoon pala ang intensiyon ng pagpapadala sa kanya ni Manuel sa Maynila. Na hindi pala dahil hindi siya gustong makita nito.
Namuo ang mga luha sa mga mata niya. Nagpatuloy si Manuel. “Dalawang buwang mahigit mula ngayon ay ikadalawampu at isang kaarawan mo na, Divina. At noon pa man ay pinlano ko nang bigyan ka ng isang party, anak. Imbitahin mong lahat ang mga naging kaibigan mo sa Maynila.”
Sa pagitan ng hilam na mga mata ay ngumiti ang dalaga “Wala akong iimbitahin sa birthday ko, Papa, kundi si Ninia. She’s my friend, my real friend. At walang magiging bisita kundi tayo-tayo lang. Hindi mo kailangang maghanda ng malaki.”
“Pero, hija…”
“Yes, Papa. Anyway, that would be two months and one week from now. Saka na natin pag-usapan. At gusto ko ay magaling ka na nang lubusan sa araw na iyon.” ngumiti siya. Hindi makapaniwalang inihanda ng ama ang bahaging iyon ng buhay niya. “Magpahinga ka na, Papa. Natitiyak kong napagod ka sa mahabang sandaling pag-uusap natin.”
Isang banayad na ngiti ang ibinigay ni Manuel sa anak at pumikit upang magpahinga. Si Divina ay umaapaw ang galak sa dibdib nang lumabas ng silid.
lor:black’>M�3����&
Chapter Five
“So,
IT’S little Divina!“
Nahinto sa paghakbang sa pasilyo ang dalaga sa lalaking nasa harap niya.
“D-Delio?”
“But of course,” nakangising wika ng lalaki. “Sino pa ba?”
Sandaling napatanga ang dalaga. Hindi niya akalaing magandang lalaki ang stepbrother. He had grown into a handsome man. Si Delio ay hinagod ng tingin ang kabuuan niya at malisyosong ngumisi.
“You haven’t changed except that you filled at the right places, Divina. Why, I couldn’t believe na ang sexy mo pala…”
Pinamulahan ng mukha ang dalaga. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya’y may lalaking lantarang pumuri sa kanya.
“Huwag lang titingin sa mukha mo ang sino man, anyone could have mistaken you for a beauty queen…” patuloy ni Delio na nagpabalik sa tamang pag-iisip ng dalaga. How stupid of her na sa isang saglit ay naisip na pinuri na siya ng lalaking ito.
“And you haven’t changed either, Delio. Bastos ka pa rin.” Binilisan niya ang lakad at nilampasan ito. Nakakadalawang hakbang pa lamang siya nang hawakan siya sa braso ng binata.
“Hey, not so fast…”
Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Sa kauna-unahang pagkakataon uli sa buhay niya ay may dumantay na lalaki sa balat niya. She tried to control her gasp.
“B-bitiwan—mo ako…”
Ngumisi si Delio. “Tsk, tsk… I can see na sa tagal ng paninirahan mo sa Maynila ay walang lalaking nagkamaling pumatol sa iyo, Divina. Mukhang ngayon ka pa lang nahawakan ng opposite sex. And I can feel the excitement in your blood…” naningkit ang mga mata ni Divina at bago pa nakaiwas ang lalaki ay isang sampal ang dumapo sa pisngi nito.
“Why, you bitch!” gulat na sambit ng lalaki na dinama ang pisngi. Akmang hahawakang muli si Divina subalit mabilis na itong nakalayo at bumaba ng hagdan.
“Calm down, Delio.” si Stella na sumungaw mula sa isang silid. “Pati ba naman ang babaeng iyon ay gusto mong patulan?”
Kumalma si Delio na hawak-hawak pa rin ang nasaktang pisngi. “Kauna-unahang babaeng sumampal sa akin at pangit pa!”
“Leave her,” patuloy ni Stella. “May mas mahalagang bagay na dapat gawin. At huwag mo siyang pag-interesan, you have plenty of women para ang isang tulad niya’y pag-aksayahan mo ng panahon.”
“You’re right, Mom. Pero hindi mo ba napansin? The girl is sexy. Makinis ang pinong kutis at higit sa lahat, a virgin still. I’ll bet on that.” ngumisi ito sa malisyosong paraan. “And you know me, Mom. I like ’em innocent…”
“And leave ’em,” sarkastikong dugtong ni Stella. Tumawa nang malakas si Delio. “Paano mong papatulan si Divina sa dinami-rami ng girlfriend mong magaganda?”
“In the dark, I won’t be able to see her face.” at muling tumawa ang lalaki.
Nagsalubong ang mga kilay ni Stella. “Pumasok ka rito at may pag-uusapan tayo.” Muli itong bumalik sa silid kasunod ang anak.
Chapter Six
“PARATI kong nililinis ang silid mong ito, Devin.” si Nana Lucing na inalis ang bed cover. “At itinago kong lahat ang mga laruan mong ibinili sa iyo ng Senyora Agueda.”
Matamis na ngumiti ang dalaga. “Marami pong salamat, Nana Lucing. At lalo po akong nagpapasalamat sa pananatili ninyo sa bahay na ito kasama ng Papa sa kabila ng iba na ang pamilya niya.”
Bumuntong-hininga ang matanda. “Naipangako ko sa yumaong Senyora Agueda na hindi kami aalis dito, Devin.” bumahid ang lungkot sa tinig nito, itinaas ang kimona at nagpahid ng mga mata. “Nitong nakaraang mga taon ay naisip kong patayuan na ng bahay ang kapirasong lupang ibinigay sa amin ng lolo at lola mo nang nabubuhay pa ang mga ito….”
“Bakit po hindi ninyo ginawa? Matatanda na kayo ng Tata Vener at hindi na dapat nagtatrabaho. Tutal naman ay pagkakalooban kayo ng Papa ng pension.”
“Kasama sa ipinapangako sa amin ni Senyora Agueda ang hindi ka iwan, Devin. At nang umalis ka’y naisip kong umalis na rin kaming mag-asawa, lalo na at may ilang taon na hindi ka naman umuuwi. Pero ang sabi ni Vener ay babalik ka pagdating ng takdang panahon… at ikaw na ang magiging panginoon ng buong asyenda.”
Banayad na natawa ang dalaga. “Salamat po nang marami sa mga pagtingin ninyo sa akin, Nana. Pero hindi po ako ang panginoon ng asyendang ito kundi ang Papa…” napalingon ang dalaga at si Nana Lucing sa tikhim na nagmumula sa pinto. “Papa!”
“Ibinigay pala sa iyo ni Lucing ang luma mong silid, Divina,” wika ni Manuel na marahang pinagulong ang wheelchair sa loob ng silid. “Hindi ba maliit na ito para sa iyo, anak?” Sinulyapan nito si Lucing na magalang namang lumabas ng silid.
“Papa, hindi ba makasasama sa iyo ang lumabas ng silid? Bakit hindi ninyo tinawag ang Tita Stella o di kaya ay si Delio?” Tumayo ang dalaga at siya na mismo ang nagtulak sa wheelchair ng ama.
Tumiim ang mukha ni Manuel. “Huwag mo ngang mabanggit-banggit sa akin ang lalaking iyon na wala nang ginawa kundi ang manghingi ng salapi,” galit na sagot ni Manuel. “Si Stella naman ay parating nasa bayan at nakikipagsosyalan sa mga kaibigan at kakilala.”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga. Hindi kailangang sabihin sa ama na nakita niya sa leeg ni Stella ang choker ng Lola Agueda niya. Makasasama lamang ito sa kalagayan ng ama.
“Bukas, hija, ay sasamahan kitang mamasyal sa buong asyenda,” masiglang wika ni Manuel. “Siguro naman ay hindi mo pa nakalimutan ang pangangabayo, hija?”
Hindi agad nakakibo ang dalaga. Apat na taon pa lamang siya’y pinaturuan na siyang mangabayo ni Donya Agueda at sa pagsapit niya sa edad sampu ay isa na siyang magaling na horsewoman. Subalit nang mamatay sa aksidente si Lira ay iniwasan na niyang sumakay uli sa kabayo.
“O, ano, hija? Anong oras kita ipagigising kay Lucing?”
“Kung anong oras ninyo gusto, Papa,” sagot niya sa pilit na pinasiglang tinig. Nagkaroon siya ng phobia sa pangangabayo mula noon pero hindi niya gustong biguin ang pagnanais ng ama na magkasama sila na hindi nito ginagawa noong araw. Gusto niyang bawiin ang mga panahong hindi sila magkasama. “Pero hindi ba makasasama sa inyo iyon?”
“Manonood lamang ako, hija, sakay ng pesteng wheelchair na ito.” naiiritang niyuko nito ang silyang de-gulong. “At sa simula nama’y hindi mo gugustuhing lumayo muna, ’di ba?”
HATINGGABI na’y hindi pa makatulog si Devin. Naninibago siya at namamahay marahil. Sa loob ng walong taon ay ang silid niya sa dormitoryo ang nakasanayan niya. Tunog ng airconditioner ang naririnig niya at mga busina ng nagdaraang mga sasakyan.
Subalit sa oras na iyon ay banayad na mga tikatik ng mahinang ulan ang naririnig niya. Ganoon din ang pagaspas ng mga dahon ng niyog na hinihipan ng malakas na hangin at mga huni ng panggabing insekto. Maliban doon ay laganap ang katahimikan at malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa bahagyang nakabukas na mga bintana.
Ipinikit ng dalaga ang mga mata at nagpilit na makatulog. Nasa ganoon siyang ayos nang may maulinigan siyang kaluskos sa bintana malapit sa kanyang ulunan. Nagmulat siya ng mga mata at pilit na pinakinggan ang kaluskos na papalapit. Wala sa loob na tiningala niya ang bintana.
Sa dilim ng gabi ay isang anino ang naaninag ng dalaga na sumasampa sa bintana at kumislap sa dilim ang kung anong bagay na hawak nito. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Devin at mabilis na tumayo at dinampot ang unang bagay na nahawakan at ibinato sa anino na nabigla rin. Hindi marahil inaasahang gising pa sa mga sandaling iyon ang dalaga.
Mabilis na dumausdos sa bintana ang mahiwagang panauhin. Ang dalaga’y mabilis na lumabas ng silid at tumakbo sa kahabaan ng pasilyo. Muntik na niyang mabangga si Nana Lucing na binuksan ang ilaw sa pasilyo.
“Devin!”
“Nana Lucing!” Yumakap sa pupungas-pungas pang matanda si Devin.
“Ano ang nangyari? Bakit ka sumigaw?” naguguluhang tanong ng matanda. Bago pa makapagsalita si Devin ay siya namang paglitaw ni Stella na nagsusuot ng roba.
“Ano ang nangyari?”
“May… may taong… pumanhik sa bintana ko…” putol-putol niyang sabi. Tumataas-baba ang dibdib ng dalaga.
“Tao?” magkasabay pang ulit ng dalawang babae.
“Tao, Nana Lucing, at may hawak siyang… tila patalim!” nahihintakutang patuloy ng dalaga. “B-binato ko ng… ng unan at… at bumagsak siya sa ibaba!”
“Halika, hija, at tingnan natin,” ani Nana Lucing na akmang papasok sa silid subalit pinigilan ng dalaga.
“Tiyak na nakatakbo na kung sino man ang taong iyon, Nana Lucing…”
“Bumagsak ang tao sa unan lang? Baka naman nananaginip ka, Divina,” ani Stella sa nababagot na tono. Ito ang unang gabi mo sa asyenda pagkalipas ng maraming taon at naninibago ka.“
Natuon ang pansin ni Divina sa pagitan ng mga balustre. Sa ibaba ay naroon si Delio na sa wari ay kararating lang at naghuhubad ng jacket na itim. Sumunod ang tingin ni Stella roon. Siya namang pagbukas ng silid ni Manuel na pinagugulong ang silya patungo sa kanila.
“Anong sigaw ang narinig ko, Stella?” tanong nito sa pagak na tinig na mula sa pagtulog. “Devin, hija, ano ang nangyari?” Nagsalubong ang mga kilay nito sa nakitang ayos ng anak na nakayakap pa sa matandang katiwala.
Tumaas ang mga kilay ni Stella. “May nakitang tao daw sa silid niya ang anak mo at may hawak na patalim. Nananaginip,” matabang nitong sabi at pagkatapos ay tinanaw sa ibaba ang anak na pumapanhik. “Saan ka ba galing, Delio? Madaling-araw na.”
Ngumisi ang binata. “Alam mo na, Mom. Sa tabi-tabi lang. May nangyari ba at gising kayong lahat sa ganitong oras?” Si Stella ay nagkibit ng mga balikat at muling bumalik sa silid niya.
Si Divina ay mataman na tinitigan ang lalaki na pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang lahat.
“Ala-una na halos, Delio. Bakit ngayon ka lang?” galit na tanong ni Manuel sa binata.
Umilap ang mga mata ni Delio. Biglang nailang. “Galing ako—sa—sa girlfriend ko, Tito Manuel…”
“Sa ganitong oras?”
“Birthday niya, Tito,” naiilang na wika nito na humakbang na rin papasok sa sariling silid. Si Manuel ay binalingan ang anak.
“Totoo ba ang sinabi ni Stella, Divina?” banayad nitong tanong kay Devin.
“I am sorry, Papa. Naabala ko ang pagtulog ninyo. Siguro nga po ay nananaginip lang ako,” lumapit ito sa likod ng wheelchair ng ama at itinulak pabalik sa silid nito. Pagdating doon at inalalayan uling humiga. “Magpahinga na kayo, Papa.”
“Kung natatakot kang matulog mag-isa ay magpasama ka kay Lucing sa silid mo, Divina,” payo nito sa anak nang nasa pintuan na ang dalaga. “Alam kong naninibago ka sa katahimikan ng asyenda.”
Isang marahang tango ang isinagot ng dalaga at maingat na isinara ang pinto ng silid. Nasa dulong pasilyo pa si Nana Lucing nang lumabas siya at natanawan niya si Tata Vener sa ibaba ng hagdan. Wala sa loob na bumaba ang tingin niya sa sahig at putik ang nakita niya sa bakas ng sapatos patungo sa silid ni Delio.
May kung anong kaba at hinala na pumasok sa dibdib ng dalaga.
Bagaman ang pag-uwi ng binata nang dis-oras ng gabi ay tila normal na sa mga kasambahay.
“Halika na uli sa silid mo, Devin.” inakay nito ang dalaga papasok ng silid at binuksan ang ilaw.
Si Devin ay nag-aatubili pa ring nilinga ang loob ng silid at pagkatapos ay nanungaw. Pulos kadiliman ang nakikita niya sa labas.
“Isasara ko ang mga bintana, hija, tutal napakalamig naman. Ewan ko ba naman sa iyo at iniwan mong kalahating bukas ang mga bintana gayong nagtitikatik.” tuluyang isinara ng matanda ang dalawang bintana.
Umupo sa gilid ng kama niya si Devin at tumingin sa matandang babae. “Nana Lucing, hindi po ako nananaginip. Ang totoo po niyan ay hindi pa man lang ako nakakatulog kahit sandali. Totoong may taong gustong pumasok sa silid ko.”
Si Nana Lucing ay hindi agad nagsalita at inaninag ang mukha ng dalaga. “Natitiyak mo ba, Devin?”
“Bakit po ako magsisinungaling, Nana Lucing?” aniya sa naguguluhang tinig. “Sa kabila ng marahang ulan ay naramdaman kong parang may umuusad sa bintana…”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng matanda na nilingon ang mga bintanang capiz. “Kung magnanakaw nama’y…” umiling ang matanda. Sa loob ng maraming taong paninilbihan nito sa asyenda ay wala pang kasong may pumanhik na magnanakaw sa loob ng malaking bahay.
“Natitiyak kong may hawak siyang patalim, Nana Lucing,” nahihintakutang patuloy ng dalaga na parang biglang gininaw. “B-balak niya akong…” ni hindi niya maituloy ang gustong sabihin at pinanginigan.
“Sino naman ang gustong gumawa sa iyo ng ganoon, Devin, at bakit niya gagawin?” Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng matanda. “Hindi naman sa hindi ko gustong maniwala, anak, pero sa kabila ng maraming mga krimen na nagaganap sa ibang lugar ay tahimik itong lugar natin.”
Walang maisagot ang dalaga roon. Sino ang lalaking nagtangkang pumasok sa silid niya? Balak ba nitong patayin siya? Kung ganoon nga, bakit?
Siya man ay naguguluhan sa nangyari. Hindi kaya nananaginip nga lang siya? Maaaring nagsisimula pa lang siyang matulog at nanaginip na agad at naalimpungatan.
Nilinga niya ang mga unan. Kulang ng isa. At natiyak niyang nasa ibaba iyon. Pero tulad na nga ng naisip niya, naalimpungatan siya at ibinato iyon sa bintana.
Isa sa mga silid sa malaking bahay na iyon ay nakatitig sa kisame ang aninong nagtangkang pumasok sa silid ni Divina.
Kailangan mong mamatay, Divina, sa lalong madaling panahon. Kailangan!
out-�2Ա��&
Chapter Seven
“SUMAMPA ka na, Divina,” ganyak ni Tata Vener sa dalaga pagkatapos lagyan ng saddle ang kabayo.
“Sige na, hija. Mabait na kabayo iyang ibinigay sa iyo ni Vener. Hindi ka ihuhulog niyan,” susog naman ni Manuel sa anak.
Inikot ng dalaga ang tingin sa mga nasa paligid. Si Nana Lucing na nasa likod ng silyang de-gulong ni Manuel ay nagbabadya ng encouragement ang mukha. Nararamdaman niya ang paggitaw ng pawis sa noo at ang panlalamig ng buong katawan.
Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib at sumampa sa kabayo. Nang nasa ibabaw na siya nito’y gustong manigas ng katawan subalit sige si Manuel sa paghikayat na kaya niya. Alanganin niyang tinapik nang marahan ang hayop na agad namang lumakad na ikinabigla pa niya. Nahihintakutang dinaklot niya ang renda. Isang tawa ang pinakawalan ni Manuel.
“Nakita mo na, Divina? Kaya mong mangabayo tulad noong maliit ka pa lang. Sikapin mong paglabanan ang takot,” utos nito na ginawa naman ni Divina upang paluguran ang ama, pilit inaalis sa dibdib ang matinding takot at kaba.
Ang balak niya’y sa paligid-ligid lang ng bahay siya magpapaikot-ikot. Hindi niya magagawang patakbuhin ang kabayo. Paano kung ihulog siya niyon tulad ng nangyari sa mama niya?
Subalit sigaw ni Manuel ang nagpabago sa pasya niya. “Patakbuhin mo ang kabayo, hija!” nakatawang sigaw nito. “Ano ang silbi ng pangangabayo kung hanggang dito ka lang?”
Hindi malaman ni Divina ang gagawin. Nasa mukha ng ama ang pagnanais na mapagtagumpayan niya ang phobia. Sa nakalipas na maraming mga taon ng buhay niya’y ngayon lamang sila naging malapit na mag-ama. Hindi niya gustong biguin ito.
Butil-butil ang pawis na sumungaw sa noo niya. Nanlalamig ang mga kamay niya at pinagpapawisan. Ganoon pa man ay marahan niyang pinatakbo ang kabayo palayo. Nauulinigan pa niya ang nagagalak na tawa ng ama. Bagaman natatakot pa rin ay nagagawa na niyang ikalma ang sarili. Hindi kailangang patakbuhin niya nang mabilis ang kabayo.
Hindi nagtagal ay nasa gitna na ng asyenda ang dalaga. Pinasyalan niya ang koprahan at natutuwang pinanood ang mga tauhan. Ang ibang matatanda na nasa asyenda’y nakilala siya at kumaway.
Hanggang sa makaratmg siya sa bahaging wala nang mga tauhang nagtatrabaho. Isang tao ang nahagip ng tanaw ng dalaga sa may di-kalayuan. Nakakabayo at nakasunod ng tingin sa kanya bagaman hindi umaalis ng kinaroroonan.
Kinakabahang ibinalik ng dalaga ang kabayo sa pinanggalingan. Nang lumingon siya’y wala na roon ang tao. Napailing si Devin. Nagiging paranoid siya. Marahil ay isa lamang iyon sa mga tauhan ng asyenda at curious siyang pinanonood.
Pagdating sa malaking bahay ay kinalimutan na ng dalaga ang pangyayaring iyon. Pumanhik siya sa silid upang ibalita sa amang tuluyan nang nawala ang takot niya sa kabayo nang marinig niya ang malakas na tinig ni Stella.
“Dumating lang ang anak mo’y nakalimutan mo nang may asawa ka, Manuel!” Ang Tita Stella niya na nagpahinto sa kanya sa pagpasok sa silid ng ama. “Allowance ng bahay ang hinihingi ko sa iyo. Panggastos nating lahat!”
“Kung hindi ka nagiging maluho ay sobra-sobra ang allowance na ibinibigay ko sa iyo, Stella. Ganoon din sa anak mo. At wala akong pera, maintindihan mo sana…”
“Walang pera? Ngayon lang kita naringgang walang pera, Manuel. At imposible ang sinasabi mo.”
“Please, Stella, pagpasensiyahan mo na muna ako, maaari ba?” Nakikiusap ang tinig nito na tila hapong-hapo. Padabog na lumabas ng silid si Stella at pabagsak na isinara ang pinto sa likod nito. Nagulat pa ito nang mabungaran sa labas si Divina.
“Nakikinig ka ba sa usapan naming mag-asawa?” angil nito sa kanya. “Iyan ba ang natutuhan mo sa pribadong kolehiyo sa Maynila?”
“Hindi ko intensiyong makinig. May sasabihin sana ako sa Papa nang marinig ko ang boses mo.”
Matalim na humugot ng hininga si Stella at akmang tatalikuran na lamang si Devin nang magsalita ang dalaga.
“Gusto kong itanong sa iyo kang bakit suot mo ang kuwintas ng Lola kahapong dumating ako rito, Tita Stella.” Nahinto sa paghakbang ang babae at alanganing lumingon. “Ibinigay ba sa iyo ng Papa iyon?”
“Ibinigay ng papa mo sa akin ang kuwintas, Divina,” angil ng babae. “Hindi ko isusuot kung hindi. Kung gusto mo’y itanong mo sa iyong ama!” Pagkasabi niyo’y galit na tumalikod ang babae. Hindi kailangang sabihin kay Divina na pinilit niya si Manuel na isuot iyon. Kung maaari nga lang sana niyang ipagbili ang antigong alahas ay ginawa na niya.
Ikatlong gabi ni Divina sa asyenda at nagmulat siya ng mga mata nang maramdamang may tao sa silid niya. Mabilis na inabot ang ilaw sa lampshade subalit agad na may tumakip sa bibig niya. Ubos-lakas na nagpumiglas ang dalaga at ginamit ang tuhod upang itapat sa pagitan ng mga binti ng lalaki at tinuhod ito. Bumitaw ang lalaki at namilipit. Mabilis na tumayo ang dalaga. tinakbo ang switch ng ilaw at binuksan ito.
“Delio!”
“Muntik mo na akong mapatay, you bitch!” hiyaw nito bagaman hindi gaanong nilakasan ang tinig.
“Ano ang ginagawa mo sa silid ko?” Naningkit ang mga mata niya sa galit. “Marahil ay ikaw din ang lalaking nagtangkang pasukin ako rito noong unang gabi ko! Isusumbong kita sa Papa.” akmang lalabas ang dalaga nang mapigil ng sinasabi ng binata.
“Go ahead, isumbong mo ako sa Tito Manuel nang mamatay na ang papa mo. Isang atake pa, Divina,” hamon nito na ikinatulos ng dalaga sa kinatatayuan. Humarap siya sa lalaki at sumandal sa dingding.
“Lumabas ka ngayon din, Delio, bago ako makalimot sa sarili ko!” banta niya sa nag-aapoy na mga mata.
“Kung pagbibigyan mo ang nais kong mangyari ay natitiyak kong makakalimot kang totoo sa sarili mo, Divina,” malisyosong wika nito sa kabila ng nararamdaman pang sakit sa harapan. “I know you’re dead curious about it, so why don’t we give it a try? I promise you heaven.”
“Lumabas ka, Delio!”
“You don’t mean it, nagpapakipot ka lang,” tantiya ni Delio sa dalaga. “You will never have this chance of a lifetime, Divina. Walang papatol sa iyo.”
Napapikit ang dalaga at sinikap pa ring pairalin ang kontrol sa sarili. “I’ll feel sorry sa sinumang babaeng pumapatol sa iyo, Delio. You good for nothing SOB!”
“You b—” hiyaw ng binata na nahinto nang abutin ni Devin ang gunting sa tokador.
“Lalabas ka o hindi?”
“Pagbabayaran mo ito, Divina, tandaan mo iyan!” Nagpupuyos ang loob nitong paikang lumabas ng silid. Isinandal ng dalaga ang sarili sa pinto at huminga nang malalim.
Bukas ay palalagyan niya ng bolt ang pinto. This is an old house at maliban sa doorknob ay walang inside bolt ang mga pinto ng bahay.
Dating hindi umiiral ang masamang tao sa bahay na ito!
Chapter Eight
“HAPON na, Devin, huwag kang magtatagal,” paalala ni Nana Lucing sa dalaga na sumampa na sa kabayo niya.
“Hindi po, Nana Lucing.” Pinatakbo na niya ang kabayo. Isang linggo na siya sa asyenda at ito pa lang ang ikatlong pagkakataong nakapangabayo siya. At totoong nag-e-enjoy siya sa pagkaalis ng takot niya sa ibabaw ng kabayo. Iikutin niya ang mga lugar na dati niyang pinupuntahan noong bata pa siya.
Kalahating oras na rin siyang nagpapaikot-ikot sa buong asyenda at hindi napuna na lumalayo siya at patungo na sa bahagi ng gubat.
Nagulat pa siya nang mula sa loob ng gubat ay dalawang lalaking nakakabayo ang makakasalubong at patungo sa kanya. Hindi kilala ng dalaga ang mga ito pero namumukhaan niya ang isa. Ito iyong lalaking nakita niyang nakatingin sa kanya noong ikalawang araw niya sa asyenda.
Bagaman sumibol na ang kaba sa dibdib ay pilit siyang nagpakatatag. Mga ilang dipa mula sa kanya ay huminto ang mga ito.
“Sino kayo?” tanong niya na tuluyan nang kinabahan nang makitang may hawak na rifle ang isa sa harap nito. “M-mga tauhan ba kayo ng asyenda?”
Nagkatinginan ang dalawang lalaki na parehong sabay na ngumisi. “At pangit nga pala ang isang ito. Akala ko’y eksaherado lamang ang kuwento.” At nagtawanan sa pagpupuyos ng loob ng dalaga.
“Umalis kayo sa daraanan ko, mga walang modo. Hindi ba ninyo ako nakikilala?”
Muling nagkatinginan ang dalawang lalaki na nakangisi pa rin. “Hindi kilala? Kilala ka nga namin kaya kami narito, eh.”
“Ano ang ibig ninyong sabihin?”
“Ang utos sa amin ay huwag ka nang pabalikin pa sa asyenda, Miss Ventura, ’di ba, pare?” ngumisi ang kasama nito at nakita ng dalaga na gumalaw ang rifle.
Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pagsinghap. At talaga nga palang may nagtatangkang patayin siya! Pero bakit? Ano ang motibo at gusto siyang ipapatay nang kung sino man ang nag-utos sa mga ito?
Habang alumpihit ang kabayo ay mabilis niyang pinagana ang isip. Kung mamamatay rin lang siya’y mamamatay na siyang tumatakas. At sana’y mas mahusay siyang mangangabayo kaysa sa mga ito, iyon ay kung hindi siya aatakihin uli ng phobia.
Pero mas nakakatakot ang mamatay nang hindi niya alam ang dahilan at kung sino ang may gustong mamatay siya.
“S-sino ang nag-utos sa inyo?”
Pumormal ang isa. “Hindi mo na kailangang malaman, Miss Ventura. Sa sandaling mapatay ka namin ay malaking pera ang naghihintay sa amin.”
Sa pagitan niya at ng dalawang lalaki ay kamatayan. Limang dipa, more or less, ang pagitan niya sa mga ito. At ang rifle ay nasa kandungan ng isang lalaki. Mahabang sandali bago iyon maitaas at maikasa.
It’s now or never!
Isang malakas na hapit sa kabayo ang ibinigay ni Devin at umigkas ito. Kasabay niyon ay ang pagbato niya ng latigo sa lalaking may hawak ng rifle. Hindi nasaktan ang lalaki pero nagulat ito at nabitiwan ang hawak. At dahil nataranta si Divina ay hindi niya naibalik sa pinanggalingan ang kabayo at sa halip ay sa kanan kung saan papasok sa gubat.
Malayo-layo na rin ang distansiya niya nang isang putok ng baril ang narinig niya na lalo pang nagpatakot sa kabayo at halos mahulog siya sa bilis ng pagtakbo. At kung hindi siya naturuan nang husto nang mangabayo noong maliit pa siya’y baka naihulog na siya nito.
“Baka may makarinig sa putok ng baril!” hiyaw ng isang lalaki sa kasama.
“Malayo na ito sa karamihan,” sagot ng isa na muling iniumang ang rifle. “Isa pa’y nag-uuwian na ngayon ang mga manggagawa dahil pasado alas-singko na. Namukhaan na niya tayo at delikado ’pag nakatakas ang babaeng iyan!”
Ilang dipa mula sa bukana ng gubat ay nalusot ang paa ng kabayo sa isang hukay sa lupa na marahil ay lungga at bumagsak ito kasama si Devin na napatilapon sa damuhan.
“Oh, lord, please!” daing niya kasabay ng paglingon sa pinanggalingan. Kasunod niya ang dalawang lalaki at pinapuputukan siya ng isa.
Pagapang na tinakbo ng dalaga ang gubat at pagdating sa makakapal at malalaking puno ay mabilis na tumakbo… at tumakbo nang tumakbo… nang tumakbo…
“HAH!” Si Devin na ibinuka ang bibig upang punuin ng hangin ang dibdib. Tila kinakapos ng hininga sa bahaging iyon ng alaala. Gusto niyang kumilos subalit ayaw sumunod ng mga bahagi ng katawan niyang nakabalot ng benda.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang doktor na kasunod ang nurse na nanggaling sa kanya kanina. Nakita ng mga ito ang pagtaas-baba ng dibdib niya at ang pagsisikap niyang habulin ang hininga.
“Nurse, check her heartbeat,” mabilis na utos ng doktor na agad na sinunod ng nurse. Ilang sandali pa’y abala na ang mga ito sa kanya.
“How are you, Mrs. Florencio?” banayad na tanong ng doktor nang bumalik sa normal ang paghinga niya. “Alam naming isang trauma para sa inyo ang nangyari. Pero ipanatag ninyo ang loob ninyo. Everything will be all right. You are now out of danger and soon on your way to America.” ngumiti ang doktor.
Gusto niyang magsalita pero walang tinig na lumabas sa lalamunan niya maliban sa ungol.
“That’s okay,” patuloy ng doktor. “Sa simula’y ganyan. There’s nothing wrong with your voice. When you come back, you will be as good as new, Mrs. Florencio.”
Pagkatapos ng ilang checkup pa ay lumabas na ang doktor kasunod ang nurse. Si Devin ay nanatiling nakatitig sa kisame. Pakiramdam niya sa sarili ay isa siyang egyptian mummy. At gulong-gulo ang isip niya. She was mistaken for another woman and somebody wants her dead.
Sino ang may gustong patayin siya? Si Delio ba? Si Stella? Pero ano ang motibo ng mag-inang iyon? Hindi niya nauunawaan ang lahat ng ito. At ang papa niya, hindi kaya pinagtangkaan din ang buhay nito ng taong nagtangka sa buhay niya?
Ang sabi ni Nana Lucing ay hindi nila nalamang may sakit si Manuel. Unti-unti ang naging panghihina nito. At nitong nakaraang mga buwan ay malimit mag-away ang mag-asawa. At malimit na magalit si Manuel kay Delio dahil sa walang katuturang paglulustay ng salapi.
Lumong-lumo si Divina. May luhang umagos sa mga mata patungo sa mga benda niya sa mukha. Hindi niya alam kung may nangyari sa ama niya. At heto siya at pinagkakamalang si Mrs. Mariz Florencio.
Sino si Mariz Florencio?
j�2����#
Chapter Nine
H
ANGGANG sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin makapaniwala si Devin sa mukha niya. Kung ilang ulit niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin. Ito ang ikalawang araw mula nang maalis ang benda sa mukha niya at hindi niya pinagsasawaang masdan ang bagong mukha.
Mariz Florencio was a very beautiful woman! One of the most beautiful faces na nakita niya sa buong buhay niya. At hindi siya makapaniwalang kanya na ang mukhang iyon! Gusto niyang humiyaw sa matinding galak. Isa na siyang magandang babae. Hindi lang basta maganda, napakaganda! Tuluyang pinaglaho ng aksidente at hindi sinasadyang pagkakamali ang pangit niyang mukha.
Isang tikhim mula sa pinto ang nagpapitlag at nagpalingon sa kanya. “And I thought the accident have changed you since you showed so many strange attitudes,” ani Jason na tumaas ang isang sulok ng bibig sa pauyam na ngiti.
“G-ginulat mo ako.” may banayad na akusasyon sa tinig niya.
“You’re still as vain as ever,” patuloy nito na lumapit at hinawakan siya sa baba at itinaas ang mukha. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Jason was so close and his hand on her chin made her shiver a little. “Mahusay ang doktor mo, Mariz. Higit ka pang gumanda kaysa sa dati. At sa tingin ko pa nga ay bumata ka. Why, you’re already twenty-nine but you look twenty right now.”
She tried to control her gasp. Nakadama agad ng guilt. Bakit ba, eh, twenty-one lang siya weeks from now.
“Iyon ang dahilan k-kaya tinititigan ko ang sarili ko sa salamin. I–I seemed to look younger…” naisip niyang sang-ayunan ito. Tumawa si Jason at binitiwan ang baba niya. Nakatangang sinundan niya ng tingin ang lalaki.
Ito ang ikalawang pagkakataong tinitigan niya nang husto si Jason. Ang una ay kahapon, pagkaalis ng benda niya. Jason was tall, almost six feet, nasa mid-thirties nito. His broad frame was sheathed in a very expensive Armani shirt. And this rich businessman is strikingly handsome. Higit sa lahat, he was also her husband, bilang si Mariz Florencio.
And his total effect on her was mesmerizing.
Si Jason ay nagsalubong ang mga kilay sa pagkakatitig na iyon ni Devin sa kanya na para bang noon lang siya nakita nito. Hindi lang iyon, may napupuna siyang iba kay Mariz na hindi naman niya matukoy. Oh, yes, she was thinner. At hindi nakapagtataka iyon dahil sa dinanas na aksidente.
Yet there was something different about the way she moved. Even as simple as turning her head and the simple sway of her body is sensuous and alluring.
Of course, ang isip niya. Mariz is sexy and alluring. Pero aral ang paraan ng pagkilos ng asawa niya. At hindi iyon ang nakikita niya sa asawa ngayon. Parang natural ang pagiging seductive nito.
Cut it off, Florencio! saway ni Jason sa sarili. You’ve been married to this woman for three years at ngayon ka pa ba makakakita ng iba dito? At sa paraang sexual pa. Well, marahil dahil may kung ilang panahon ka nang nagsisikil sa sarili. That must be the reason. How long had it been since you last took a woman in your bed? Six months? Seven… or a year? And you have stopped long ago your sexual obligations with her.
Itinaas ni Jason ang mga mata sa mukha ni Devin and she unconsciously licked her lips sa tensiyong nararamdaman sa pagkakatitig na iyon ni Jason sa kanya. And Jason sharply intake his breath at the sensual gesture.
“Where do you want us to have lunch?” Hinaluan nito ng galit ang tinig upang maalis ang kung ano-anong pumapasok sa isip para sa asawa.
“W-wala akong alam na—” Devin stopped on time. “Wala akong maisip. You suggest the place,” idinugtong niya at umiwas ng tingin. Lumakad patungo sa kama at umupo sa gilid niyon. Hindi niya alam kung paano kumilos sa harap ni Jason. Ni hindi niya alam kung paano kumikilos ang tunay na Mariz sa harap ng lalaking ito.
“What is it with you, Mariz?” galit na baling ni Jason dito. “Cut the coyness. Masyado ka nang nakakapanibago. Ayusin mo ang sarili mo. In ten minutes ay bumaba tayo ng hotel.” iyon lang at tumalikod na ang lalaki.
Sa restaurant sa ibaba ng hotel ay hinayaan ni Devin na si Jason ang um-order ng pagkain para sa kanila. Muli ay nagtaka si Jason, ganoon pa may ay nagsawalang-kibo. Bago ang meal ay humingi muna ng dalawang shot ng brandy ang lalaki.
Ilang sandali pa’y ibinababa na ng waiter ang dalawang kopita sa harap ng dalawa.
“Huwag mong titigan ang brandy, Mariz,” puna nito sa kanya. Itinaas ang sariling kopita. “Let’s toast to your brand-new face.” sarkastikong ngumiti ito. Napilitan si Mariz na itaas ang sariling kopita at salubungin ang kristal ni Jason.
“C-cheers.” at parehong dinala ng dalawa sa bibig ang alak. Jason took one swallow. Si Devin ay ganoon din ang ginawa subalit hindi pa siya nakapangangalahati ay dinalahit na ng ubo.
“Hey.” nagsasalubong ang mga kilay ni Jason na tinitigan ang dalaga. “What’s the matter with you? Parang ngayon ka lang uminom ng alak.” instinctively, hinaplos ni Jason ang likod niya.
Halos maluha na siya at ibinaba ang kopita sa mesa. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya’y nasayaran ang lalamunan niya ng alak at normal lamang na masamid siya sa deretso niyang pag-inom. Sa pagitan ng pagkasamid, she was totally aware of Jason’s hand on her back. At hindi niya madesisyunan kung ano ang unang mararamdaman. Ang mainit na kamay ni Jason sa humahaplos sa likod niya o ang matinding init sa lalamunan.
“I—I am s-sorry, Jason. S-sadya lang akong nasamid,” kaila niya.
Hindi na kumibo ang lalaki at mataman siyang tinitigan. May kung anong damdamin ang napukaw dito sa pagdaiti ng kamay sa likod ng asawa. Sinikap ni Devin na huwag mailang. Muling dinala sa bibig ang kopita ng alak and sipped it slowly para ipakita kay Jason na talagang nasamid lang siya. Bagaman hindi gustong tanggapin ng lalamunan ang brandy and almost choked again ay sinikap niyang hindi ipahalata iyon.
Nagpasalamat siya nang dumating ang meal nila at doon niya ibinuhos ang atensiyon.
“Hindi ka ba kinakabahang bumalik sa dati ang katawan mo?” ani Jason makalipas ang ilang sandali.
“A-ano?” Naguguluhang nag-angat siya ng mukha.
Paismid na tumawa si Jason. “Ang tagal mong inasam na mangayayat ka nang ganyan. Hindi nga ba at kulang na lang ay magka-anorexia nervosa ka dahil sa hindi pagkain? Ano’t halos maubos mo ang pagkain mo ngayon?”
Wala sa loob na biglang naitulak ni Devin ang plato palayo sa harap niya na tila ahas ang nasa plato. “I–I… m-malaki ang epekto ng aksidente sa appetite ko. I just feel like eating…”
Hindi na kumibo si Jason at nagkibit ng mga balikat. Si Devin ay malalim na nag-iisip. Bakit tila kaaway ang turing ni Jason kay Mariz sa halip na asawa?
Sa likod ng isip niya’y naroon ang pag-asam na sana’y matapos na ang divorce nila. Hindi siya tatagal sa ganoong tensiyon, laging nanghuhula kung tama ang kilos o hindi. Laging natatakot na baka malaman ni Jason na hindi siya ang asawa nito.
“Mamili ka na kung ano ang gusto mong bilhin dito. Uuwi tayo sa Maynila sa makalawa pagkatapos nating pirmahan ang mga kakailanganing papeles para sa diborsiyo,” wika ng lalaki na nakapag-angat muli ng mukha niya rito.
“U-uuwi na tayo?”
“Alam kong gusto mo rito sa Amerika, Mariz, pero marami akong trabaho sa opisina. Bukas ay dadalhin sa atin ng abogado ang mga papeles na pipirmahan mo. At pagkatapos ng proceedings ay ipapadala ng abogado iyon sa atin sa Pilipinas.”
Hindi kumibo si Devin bagaman sunod-sunod ang kaba ng dibdib. Pagkatapos kumain ay inihatid lamang siya ni Jason sa elevator at nagpaalam na may kakausaping tao. Ipinagpasalamat niya iyon at mabilis na nagbalik sa suite nilang mag-asawa.
Nagmamadaling hinalungkat niya ang mga drawers para sa passport nilang dalawa. Nakahinga nang maluwag nang makita niya iyon kasama ng mga gamit ni Jason. Mabilis niyang dinampot ang sariling passport at pinakatitigan ang pirma ni Mariz doon.
Nagmamadaling kumuha ng ball pen at papel. Painstakingly ay pinag-aralan niyang gayahin ang pirma ni Mariz.
“Oh!” napapailing niyang ungol. Nahihirapan siyang ma-perfect ang pirma ni Mariz. “I am sorry about this, Mariz. I really am. I am sorry that you died at buhay ako. I am also sorry that I took your place. Higit sa lahat ay ang mukha mo…” she whispered wearily kasama na ang pagbangon ng guilt sa dibdib.
May tatlumpung minuto siyang halos mangawit sa pagsisikap na maihawig man lamang ang pirma sa nasa passport.
Nang sumapit ang gabi at wala pa rin si Jason ay lakas-loob siyang bumalik sa restaurant sa ibaba ng hotel at kumaing mag-isa. Pagkatapos ay muli ring bumalik sa suite nila, naligo, at mula sa mga gamit ni Mariz ay pumili ng maisusuot.
Ito ang ikalawang gabing nakakawala siya sa hospital robe at ikalawang gabi ring nahihirapan siyang pumili mula sa mga pantulog ni Mariz. Lahat ay pawang mga mamahaling negligee sa naggagandahang kulay subalit wala namang halos natatakpan sa katawan.
Totoong malaki ang suite na iyon at may malaking en suite sa labas ng main suite at doon natutulog si Jason. Ganoon pa man ay naiilang siyang isuot ang maninipis na pantulog pero wala siyang choice. Isang kulay-aquamarine na negligee ang hinugot niya. Bago isinuot ay humarap muna sa salamin, wearing only her bikini panties. Sinipat ang sarili.
At sa kauna-unahang pagkakataon ay natutuhan niyang papurihan ang sariling katawan.
“Ako nga ba ang nasa harap ng salaming iyan?” bulong niya kasabay ng paglitaw ng ngiti sa mga labi. “Mayroon ba talaga akong ganito kagandang katawan? Or I just didn’t realize it before dahil sa pangit kong mukha?”
Nasa ganoon siyang ayos nang bumukas ang pinto sa main suite at sumungaw si Jason. Na bukod sa kanya’y nabigla rin sa nabungaran. Mabilis niyang itinabing sa katawan ang manipis na negligee.
“H-hindi ka k-kumatok…” akusa niya. Her eyes in slits sa pinaghalong hiya at galit.
Si Jason ay hindi agad nakapagsalita. Ilang sandali munang hinagod ng tingin ang katawan niyang hindi rin naman natakpan nang husto ng manipis na negligee.
“Kailan ka pa nagkaganyan, Mariz?” wika nito sa nagsasalubong na mga kilay. Torn between arousal at the sight of his wife’s naked body and irritation dahil sa tila demure na paggawi nito. Higit sa lahat ay galit sa sarili dahil naaapektuhan ito sa nudity ng asawa.
He couldn’t remember the last time na nakadama ito ng arousal kay Mariz. Tila napakalayo na rin ng panahong iyon.
“Funny, pero hindi ba’t lagi mong ipinagduduldulan sa akin ang katawan mo sa kabila ng ipinagagamit mo rin iyan kay Julio!” singhal nito sa galit at nanunuyang tono.
And he was so angry na hindi nito narinig at napuna ang marahas na pagsinghap ni Devin kasabay ng paglipad ng tingin niya rito. At nang lingunin siya ni Jason ay nanatiling nanlalaki ang mga mata niya.
“Oh, yes!” patuloy nito na na-misinterpret ang ekspresyon ng mukha niya. “Buong akala ninyo’y hindi ko alam ang ginagawa ninyo sa likod ko? You took me for a fool, Mariz! Matagal ko nang alam ang relasyon ninyo ng aking matalik na kaibigan at business associate. At nang araw na maaksidente kayo’y patungo kayo sa rest house ko sa Sta. Clara upang muling maglunoy sa kasalanan!”
Nanatiling nakatanga si Devin sa pagkakatitig sa galit na lalaki. Mariz and Julio are lovers! Hundreds of thoughts are playing in her mind. Kumislap sa isip ang anyo ni Julio. yes, he was attractive. But Jason is twice as much. At hindi siya makapaniwalang nagawang pagtaksilan ni Mariz ang asawa.
“And stop playing games with me!” patuloy ni Jason. “Hindi ko kakagatin ang demure act mo. Naka-file na ang divorce natin sa ayaw mo at sa gusto. At huwag kang mag-alala, makakatanggap ka ng malaking halaga mula sa akin. Sobra-sobra sa inaasahan mo. At ibibigay ko rin sa iyo ang lupa at ang rest house sa Sta. Clara. Hindi ko maitutuntong ang paa ko roon nang hindi maiisip ang mga kataksilan ninyong dalawa ni Julio!”
“J-Jason…” ang tanging naiusal niya subalit mabilis na nakatalikod si Jason at pabagsak na isinara ang pinto.
Nanlumong napaupo sa stool ng tokador si Devin, hindi alam kung ano ang iisipin at gagawin. May kung anong dumaklot sa sikmura niya. Lover ni Mariz si Julio. And both were dead. At siya, bilang si Mariz ang tumatanggap ngayon ng matinding pagkamuhi mula kay Jason.
Ano ang gagawin niya?
one;mso-layout�3����&
Chapter Ten
“
Daddy , mommy!“ Nagulat pa si Devin nang sa pagbaba nila ng kotse ay patakbong kumawala sa yaya ang isang batang lalaki at sumalubong sa kanila.
Siya ang unang bumaba ng sasakyan kaya siya ang tinutumbok ng bata. Yumuko ang dalaga at sinalubong ng yakap ang batang lalaki na sa tantiya niya’y dalawang taong mahigit. Malaking bulas at guwapito.
“Mommy…” tuwang-tuwang yumakap sa kanya si Joshua. Kinarga niya ang batang lalaki na sa malapitan ay spitting image ng ama.
“Hello, darling. Kumusta ka na?” Mahigpit niyang niyakap at hinagkan si Joshua. Alin na lang sa dalawa, hindi niya narinig ang pagsinghap ng yaya at ni Donya Marcela sa ginawa niya, o sadyang hindi niya pinansin.
Likas na magiliw siya sa bata kaya natural na lumabas ang affection na ipinakita niya, kasama na ang guilt na dahil sa kanya’y nawalan ng ina ang batang ito. Idagdag pang natangay siya sa mainit na pagsalubong nito sa kanya. Nakadama siya ng sense of belonging.
“Iyak ako. I miss you, mommy. You, too, daddy.” nilingon nito si Jason na halos magdikit ang mga kilay sa pagkakatitig sa kanila.
“I miss you, too, sweetheart,” masuyong sagot ni Divina at dinampian ng halik sa ilong ang bata.
“Anita, pakikuha mo si Joshua,” galit na utos ni Jason sa yaya na nagmamadaling lumapit at kinuha ang bata kay Devin. pero mahigpit na kumapit sa leeg niya si Joshua.
“No!” hiyaw ni Joshua. “Stay with my mommy.”
“Hayaan mo na sa akin ang… ang anak ko, Jason,” nauutal niyang sabi na nilingon ang lalaki na kinakitaan ng matinding galit ang mukha. Iniwas niya ang tingin dito.
Galit na dinampot ni Jason ang mga maletang ibinaba mula sa trunk at lumakad patungo sa bahay. Hinagkan nito sa pisngi si Donya Marcela bago tuluyang pumasok sa loob ng mansiyon. Si Donya Marcela ay humakbang pasalubong kay Devin.
“Welcome back, Mariz. I’m glad you have fully recovered,” wika ng matanda in a distant but polite way.
“T-thank you.” sa nakita niyang paghalik ni Jason dito ay iniisip niyang ina ito ng lalaki kung hindi man tiyahin.
Nagsalubong ang mga kilay ng matanda sa sagot niya, inabot si Joshua na atubiling bumitaw.
“Come to Lola, Josh. Your mommy is tired and she needs rest.” pagkatapos ay muli siyang tinitigan. “Magpahinga ka na muna at natitiyak kong napagod kayo sa mahabang biyahe.”
Wala sa loob siyang tumango at sumabay rito sa paglakad patungo sa estrangherong bahay at estrangherong mga tao. Sa loob ay sinalubong siya ng ilang mga katulong at kinumusta kahit kitang-kita sa mukha ng mga ito ang pangingilag.
Palakaibigang ngiti ang ibinigay niya sa mga ito habang taglay sa isip na mataktika niyang aalamin ang pangalan ng bawat isa nang walang maghihinala.
“Iwan na ninyo ang senyorita ninyo.” si Donya Marcela sa mga katulong, lalong lumalim ang kunot sa noo. “Sige na, Mariz, pumanhik ka na sa itaas…”
“S-salamat…” hindi niya matiyak kung ano ang tawag ni Jason sa matandang babae. Nginitian niya si Joshua. “I’ll see you later, Josh.”
Nag-aalangang pumanhik sa malaki at carpeted na hagdan ang dalaga. Alin sa mga silid sa itaas ang kanya? O, sa ibang salita, ang sa kanilang dalawa ni Jason kung magkasama nga sila sa iisang silid? And that alone, troubles her.
Sa itaas ay hindi niya malaman kung kakaliwa o kakanan sa mga pasilyo. Nanatili siyang nakatayo at nagpalinga-linga. Ang pagdili-dili niya’y napukaw nang magsalita si Jason sa may kanang bahagi ng pasilyo.
“What’s wrong, Mariz?” Si Jason na nakapamaywang at pinagmamasdan siya. “Parang ngayon mo lang nakita ang kabahayan kung lingain mo, ah.”
She took a deep breath at humakbang patungo sa lalaki. “Halos isang buwan din tayo sa ibang bansa, Jason. N–naninibago ako.” huminto siya sa tapat ng pinto at nahagip ng tingin ang loob ng silid. Naroon ang mga maleta nila sa loob kaya natiyak niyang iyon ang master bedroom.
“Dalawang buwan o higit pa kung magbakasyon ka sa ibang bansa kung nakakalimutan mo,” patuloy sa panunuya ang lalaki.
She sighed wearily. “Alalahanin mong naaksidente ako at… at wala pa ako sa sarili ko. I hope you won’t always take notice of what I am doing.” pumasok siya sa silid at sinikap na huwag igala ang paningin sa loob ng malaki at marangyang silid. Sumunod si Jason.
“At ano ang gusto mong palabasin sa ginagawa mong pakitang-giliw kay Joshua?” galit nitong tanong.
“Wala ba akong karapatang maging magiliw sa… sa… anak ko, Jason?” Hinaluan niya ng pagdaramdam ang tinig.
“Shit!” pagmumura ni Jason. “Anong klaseng laro ang ginagawa mong ito, Mariz? Kailan ka pa naging magiliw sa anak mo? You hated him nang ipaglihi mo siya at kung hindi kita tinakot ay nagawa mo na siyang ipalaglag. And you hated him even more nang ipanganak mo.”
She tried to control her gasp sa sinasabi ng lalaki, umupo sa gilid ng kama. “I am trying to rectify those. Give me a chance, Jason, please…”
“No!” marahas na sagot ng lalaki. “Hindi kita pahihintulutang saktan ang damdamin ng anak ko. Maghihiwalay tayo sa sandaling bumaba ang divorce papers,” pagkatapos ay naghihinalang tinitigan siya. “O baka naman ginagamit mo ang bata upang pigilin ang divorce natin ngayong patay na si Julio?”
“H-hindi ko alam ang sinasabi mo…”
“Kilala kita, Mariz!” Itinaas siya ni Jason mula sa pagkakaupo sa kama. Napangiwi siya sa tila bakal nitong mga daliri na bumaon sa mga braso niya. “You never wanted this divorce sa kabila ng relasyon ninyo ni Julio dahil wala siyang sapat na salapi para sa luho mo. Sa simula pa lang ay pera ko na ang mahalaga sa iyo, ’di ba?”
“N-nasasaktan ako, Jason…”
“I’m warning you, Mariz,” wika nito sa mapanganib na tinig. “I will not allow you to hurt my son. You’ve hurt him more than enough. At hindi pa ba sapat sa iyo ang malaking halaga at mga ari-ariang ipagkakaloob ko sa sandaling maghiwalay tayo? Talaga bang sagad sa buto ang kasakiman mo?” patuloy nito sa nagngangalit na bagang.
Si Devin ay hindi malaman ang sasabihin at gagawin. With troubled eyes ay nanatiling nakatingala at nakatitig sa mukha ng lalaki. Parang bakal ang kamay ni Jason sa braso niya at nasasaktan siya and yet she was mesmerized by the striking handsomeness even in anger.
Jason’s clean breath that fanned her face created havoc in her senses. At hindi niya naiintindihan iyon. Guwapo rin si Delio at mataas pero hindi niya naramdaman ang ganito noong pinagtangkaan siya ng stepbrother.
Si Jason ay natigilan din sa pagyugyog sa kanya. Napatitig sa mga mata niya at pagkatapos ay bumaba sa mga labi niya. Hindi nito maintindihan kung saan galing ang damdaming umusbong sa dibdib. Heavens, but he longed to kiss those soft lips! He had never felt this kind of longing with Mariz before. At kahit sa ibang babae, if he kisses a woman, it was more of an obligation dahil inaasahan ng babaeng iyon ang gagawin niya.
Parang napakahabang panahon ang lumipas bago pagalit nitong binitiwan si Devin. Nawalan siya ng panimbang at napaupo sa kama.
Mabilis na lumabas ng silid si Jason. She gave a faint sigh at naguguluhang tumitig sa kisame. Moments ago, she was sure she was being hypnotized. And was equally sure that he was going to kiss her. At inasam niyang hagkan siya nito. Their lips inches away from each other. And she could feel him fighting for self-control para hindi siya hagkan.
In one way or another ay parang nakadama siya ng panghihinayang na hindi nangyari ang inasam niya and at the same time, relief, dahil hindi siya hinagkan ni Jason.
The man hated her! No, not her. It was Mariz that Jason hated. Pero hindi ba at siya na ngayon si Mariz? Mula nang mangyari ang aksidenteng iyon ay naiwala na niya ang identity ni Divina Ventura.
That she will be forever Mariz Florencio. At kung sakaling bumaba ang divorce papers nila ay hindi pa rin siya makababalik bilang si Divina Ventura. Tuluyan nang naglaho ang tunay niyang pagkatao.
Chapter Eleven
SI JASON ay nagpupuyos pa rin ang dibdib na bumaba. Higit itong nagagalit sa sarili dahil sa epekto ng asawa sa kanya. He’d cursed himself for the sensation that he felt in between anger. Matagal nang namatay ang bahaging iyon ng damdamin niya para sa asawa.
Sapilitan siyang ipinakasal dito ng ina dahil na rin kaibigan ng pamilya ang yumaong mga magulang ni Mariz. At sa kabila ng lahat ay sinikap niyang maging mabuting asawa rito. At naniniwala siyang hindi mahirap makasundo kung hindi man mahalin ang isang tulad ni Mariz. Pareho sila ng sosyedad na ginagalawan.
Ang hindi naman talaga matibay na pagsasama ay nagsimulang gumuho nang magdalang-tao si Mariz. Hindi intensiyon ni Mariz na magdalang-tao. Pipigilin siya noon sa bahay sa sandaling lumaki ang tiyan. At lalong hindi gusto ng babae na masira ang katawan. Binalak nitong ipa-abort ang dinadala kung hindi binalaan ni Jason na hihiwalayan at walang makukuhang kahit na ano mula sa kanya.
She hated him because of that. Hated her pregnancy and the endless morning sickness na hindi lang naman sa umaga kundi kahit sa hatinggabi. Hindi naging madali para kay Mariz ang magdalang-tao, sa loob ng anim na buwan ay nanatili ito sa ospital na halos ipag-hysteria nito and cursed Jason everyday of his life. Hanggang sa maipanganak si Joshua thru caesarian operation.
Sa sandaling nanauli ang lakas nito ay nag-enroll ito sa isang slimming center. Frantic na alisin ang nadagdag na timbang sanhi ng pagdadalang-tao. Kinasuklaman ang mga birthmarks sa katawan and hated Jason more dahil hindi lahat ng pangit na birthmarks ay nakuha ng mga modernong pampahid that extended to her thighs.
At minsan man ay hindi kinakitaan ni Jason ng kahit kapirasong pagtingin si Mariz sa anak. Walang sandaling hindi ito naghi-hysteria kapag inilalapit ng yaya ang bata. At kahit ang bata na mismo ang lumalapit sa ina ay nagagalit ito.
Mariz is vain and self-centered. She loved being pampered at napapaligiran ng mga taong humahanga sa kagandahan nito. At isa na rito ang kaibigang matalik na si Julio. At sa halip na masuklam sa kaibigan ay kinahabagan niya ito. Nabitag si Julio ng makamandag na ganda ng asawa. At si Julio na sa tingin niya’y gagawin ang lahat mapaluguran lang si Mariz.
Dahil kay Joshua ay gusto niyang magbingi-bingihan sa mga tsismis na kumakalat sa pagitan ng mga kaibigan nila. At nang si Donya Marcela na mismo ang lihim na makahuli sa mga ito sa rest house sa Sta. Clara ay wala siyang nagawa kundi diborsiyohin ang babae. Umayaw si Mariz. Nag-hysteria at tinakot siyang hindi ibibigay ang anak.
Iyon ang hindi niya mapayagan. Sa panahong iyon ay halos sanggol pa lang si Joshua at maaaring ipasya ng korte na manatili sa ina ang bata. Alam niyang walang interes si Mariz sa anak, ginagawa lang nitong kalasag ang bata.
Ibinunton niya ang isip at lakas sa kompanyang pag-aari ng pamilya. Hanggang sa mangyari ang aksidenteng iyon.
“Jason, hijo…”
Mula sa pagtanaw sa swimming pool ay nilingon nito ang ina. “May kailangan kayo, Mama? Si Joshua? Hindi ko man lamang nakarga ang anak ko.”
“Joshua is taking his afternoon nap, hijo,” wika nito na umupo sa settee sa tabi ng bintana. “Wala ka bang napupuna sa asawa mo?”
Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. “Tulad ng ano?”
Huminga nang malalim ang matandang babae. “Tulad ng kung paano niya sinalubong at kinarga si Joshua. Pagkatapos ay binati at nginitian ang mga katulong na hindi naiwasang kumustahin siya pagkatapos ng aksidente…”
Matagal bago sumagot si Jason na muling itinuon ang tingin sa labas. “I have noticed those changes, ’Ma. Hindi ko alam kung ano ang gustong palabasin ni Mariz. Isa sa mga araw na ito’y ipapadala ng abogado ang divorce papers namin. Then I will be finally free from her. Kami ni Joshua.”
“Nangangahulugan bang ginagawa niya ito upang huwag mong ituloy ang pakikipaghiwalay sa kanya?”
“Wala siyang sinabi nang ipaalam ko sa kanya ang plano on our way to the States. But what else could be her motives? Remember, she didn’t want to divorce me kahit na noong una ko itong sabihin sa kanya.”
“Why don’t you give her the chance, hijo? if only for Joshua.”
“No!” marahas niyang sagot. “She will never change, ’Ma. She’s greedy. She’s like a leech. She wanted more, hindi lamang ang mga bagay na ipagkakaloob ko sa kanya sa sandaling ma-finalize ang divorce…”
“I didn’t mean to change your plans, hijo. Baka lang ’kako dahil sa aksidente ay nagbago ang asawa mo…”
“Not in a million years,” pabagsak niyang sagot. “Although, I really have noticed some changes…” marahang dagdag niya.
“Ano ang ibig mong sabihin?”
Umiling ang lalaki. “Perhaps I’m foolish to notice those little things. For one, her modesty. Mariz is never modest, never will be.” nagkibit ito ng mga balikat. “And some little changes I cannot put into words.” hindi niya masabi sa ina ang nasa isip at damdamin.
Like he finds his wife sexy, like he has this urge to kiss her, like she made him rock-hard whenever she stared at him with those deep-set innocent eyes.
Innocent? Bullshit. Kahit noong bago sila ikasal, Mariz was never innocent.
Deep-set? Hindi ganoon ang mga mata ni Mariz. Pero marahil ay sanhi ng plastic surgery.
Muling huminga nang malalim ang matandang babae at tumayo, hinawakan sa braso ang anak. “Alalahanin mong galing ng trauma ang asawa mo, Jason. Those could be the effects. At ano ang malay natin na dahil sa nanganib ang buhay niya’y natauhan na ang asawa mo?”
g
Chapter Twelve
NaGISING si Devin sa pagpasok ng liwanag sa bintana. Mabilis siyang bumangon at inilinga ang paningin sa buong paligid. Hindi niya namalayan kung paano siya nakatulog kagabi.
Pagkatapos ng hapunan ay sandali silang naglaro ni Joshua sa nursery nito. Nagtatawanan silang dalawa ng bata samantalang halos iisang linya na lang ang mga mata ni Jason sa pagmamasid sa kanila sa pintuan.
“Leave him, Mariz!” he hissed.
“Daddy!” Ang bata na mabilis na tumakbo patungo sa ama at nagpakarga. “We are playing… kami ni mommy…sali ka. sige na, daddy…”
Tumiim ang mga bagang ni Jason sa pagkakatitig kay Devin bagaman pinagbigyan ang anak. Umupo ito sa sahig at pinatakbo ang battery-operated train na dala nito galing ng Amerika. Nasa tabi nito ang anak na pumapalakpak sa tuwa habang tahimik na nakamasid si Devin sa tapat.
“Yehey! toot… toot…” hiyaw ni Joshua kasabay ng tunog ng train. Patuloy si Jason sa mataman na pagtitig kay Devin na hindi sinasalubong ang mga mata nito at nagyuko ng ulo at itinuon ang paningin sa tumatakbong train.
“A leopard cannot change his spots, Mariz,” usal ni Jason, gritting his teeth. Sinisikap gawing normal ang tinig upang hindi mabagabag ang anak. “You cannot use my son against me. I’ll kill you first.” his voice in passionate anger.
“He—he’s my son, too.” kung paano niya nasabi iyon ay hindi malaman ni Divina. Dahil kung siya si Mariz ay iyon ang isasagot niya sa sinasabi ni Jason.
“Damn you, Mariz! Hindi mo kailanman itinuring na anak si Joshua. I’m sick and tired of your games—”
“Daddy? Galit ka?” tiningala ni Joshua ang ama.
Humugot ng hininga si Jason to calm himself and smiled at his son. “No, son. Here, you put this signpost here.” inilagay nito ang plastic detour sign sa malapit na laruang riles subalit ang mga mata’y nag-aapoy sa pagkakatitig kay Devin.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Devin at marahang tumayo, yumuko, at hinagkan sa pisngi si Joshua.
“Goodnight, sweetheart. Kayo na lang muna ni Daddy ang maglaro, ha? Mommy is so tired and sleepy.” gustong magprotesta ng bata pero na-focus ang atensiyon sa biglang pag-ikot ng train mula sa matalim na kurbada ng plastic na riles.
Si Jason ay galit na sinundan ng tanaw ang asawa. Nagsalubong ang mga kilay nang mapagtuunan ng pansin ang mga binti ni Devin. A nice pair of long legs, soft-muscled.
“Daddy, look!” sigaw ni Joshua at agad na nawala sa isip nito ang napuna.
Bumalik sa kasalukuyan ang isip ng dalaga. Kinapa ang unan sa tabi. Hindi ito natulugan at nakahinga siya nang maluwag. Marami ang silid sa mansiyon at ikinagagalak niyang hindi natulog sa tabi niya si Jason. Bagaman nahihinuha na niyang hindi magkatabing matulog ang mag-asawa. At walang panganib na pag-interesan siya nito. He hated her so much. At hindi niya masisisi ang lalaki. Hindi biro ang pagtaksilan ng asawa at sa isang kaibigan pa. It was an utmost betrayal, bukod pa sa pagtanggi ni Mariz sa sariling anak. Malaking dagok sa pagkatao ni Jason iyon.
Sa puntong iyon ng pag-iisip ay gusto niyang kasuklaman ang babaeng pinakasalan ni Jason at ina ni Joshua. Gusto niyang pagtakhan ang mga ganoong uri ng babae.
Tulad ng kanyang mama.
Hindi ba at siya man ay kinamuhian nito? Iyon marahil ang nagtulak sa kanya upang mapalapit kay Joshua. Nahahabag siya rito sa kakulangan ng atensiyon mula sa sariling ina.
Pero paano kung matuklasan ni Jason na hindi siya si Mariz? Humugot siya ng malalim na hininga. Hindi niya gustong isipin ngayon iyon. Nagmamadali siyang tumayo at nagbihis at bumaba. Sa dining room ay naroon si Donya Marcela at nagkakape.
“G-good morning, M—mama…”
“Good morning, Mariz,” malamig na sagot ng matanda. “Maupo ka na. Ano ang gusto mong ihain sa iyo?”
“Tama na ho ang kape.” hinila nito ang silya at umupo at nagsalin sa tasa ng kape mula sa coffeemaker.
Tahimik ang dalawa habang nagtatantiyahan sa isa’t isa. Si Devin ang bumasag sa katahimikan.
“Si Jason po ba?”
“Kanina pa nakaalis ang asawa mo patungong opisina. Maraming nabinbing trabaho. Malamang na gabi nang makauuwi iyon,” pormal na sagot ng matanda.
“Si Joshua?”
“Tulog pa ang bata. Maaga pa, Mariz. Napaka-unusual para sa oras ng gising mo.” hindi matiyak ni Devin kung may kahalong panunuya ang sinabi nito pero binale-wala niya.
“Mula nang… mangyari ang aksidente ay maaga na akong nagigising, Mama.” hindi sumagot ang donya at tumango lang. Inubos ni Devin ang kape sa tasa bago muling nagsalita. “G-gusto ko ho sanang umalis sandali ngayong umaga. May pupuntahan lang akong kaibigan.”
Marahas ang ginawang pag-angat ng tingin ni Donya Marcela sa kanya. Hindi makapaniwalang nagpapaalam sa kanya ang manugang. Wala siyang natatandaang nagpaalam ito sa anumang lakad.
“O-of course,” wala sa loob nitong sagot. “You can use the car.”
“Magta-taxi na lang ho ako,” aniya. Natitiyak niyang marunong mag-drive si Mariz at siya’y hindi. “H-hindi ko ho kayang humawak ng manibela.”
Mabilis na tumango ang matanda. “Of course. I am sorry. Nawala sa isip ko ang nangyaring trauma sa iyo,” hinging-paumanhin nito. “Nariyan si Insiong, ang driver. Gusto mong pasamahan kita?”
“H-hindi na po, Mama. Magpapatawag na lamang ako ng taxi sa kanya. Hindi naman ho ako magtatagal, narito din ho ako bago magtanghalian…”
Wala sa loob na muling tumango ang matandang babae na totoong namangha sa pagiging magalang ng manugang. Si Devin ay tumayo at nagtungo sa telepono. Idinayal ang dormitoryo at hinanap si Ninia.
“Dev!” bulalas ni Ninia. “Nasaan ka? I wrote you twice pero bakit hindi mo sinasagot? And I tried calling you up thru long-distance call pero hindi ako maka-contact.”
“I want to meet you, friend,” aniya na hininaan ang tinig at luminga sa paligid dahil baka may makarinig. “Sa McDonald’s sa labas ng dorm. Humanap ka na ng puwesto. I’ll be there in half an hour. Give allowance to the traffic…”
“Sure. Hihintayin kita,” nagtatakang wika ni Ninia na ibinaba ang telepono.
�
Chapter Thirteen
HABANG nakatuon ang mga mata ni Ninia sa entrance ng burger house upang abangan ang pagdating ng kaibigan ay amuse namang lumalapit sa kinaroroonan nito si Devin. Inilapag nito ang shoulder bag sa silya sa tapat ng dalaga.
“I’m sorry, Miss,” sansala ni Ninia sa kanya. “That chair is occupied. Hinihintay ko ang kasama ko.”
“Ninia,” nakangiting usal ni Devin.
“Yes? Kilala mo ako?” She frowned, her voice is a little familiar. Nakangiting umupo si Devin sa tapat na silya.
“Don’t you even recognize my voice, friend?”
Nanlaki ang mga mata ni Ninia, nakangangang hinagod siya ng tingin. “Dev? No! You’re not Devin. Sabihin mo sa aking hindi totoo ang nakikita ko!”
“Sshh!” aniya na nakatawang luminga sa paligid dahil nagtaas na ng boses si Ninia. “I think I made a mistake of meeting you here. I should have chosen a more private place…”
“Is—is it—really you, Divina?”
Lumipat ng puwesto si Devin at tumabi sa kaibigan. Maingat na nililis ang bestida sa may binti.
“See this?” Ipinakita nito ang mapulang balat sa tagiliran ng binti isang pulgada mula sa alak-alakan. “Naalala mo ba ang sinabi mo sa akin tungkol sa balat na ito? Ang sabi mo ay nakapagdaragdag lang ito ng atraksiyon sa maganda kong binti, ’di ba?”
“Oh, my!” Tinakpan ni Ninia ang bibig upang pigilin ang pagsigaw. “I—I couldn’t believe this!”
“Believe it, friend. Ako ito, si Divina, ang kaibigan mo,” bulong ng dalaga. “All right, kung hindi ka naniniwala, then listen to this. You will turn twenty-two six months from now, on the eighteenth of May. Nahulog ka sa punong-sampaloc noong siyam na taong gulang ka kaya may pilay ka sa braso hanggang ngayon. Crush mo si Val Kilmer at tres ang nakuha mo sa finals natin sa Math last semester dahil po hindi ka nag-review at nakipag-date ka sa isang look-alike ni Val Kilmer, only to come home disappointed dahil bad breath ang dream boy mo.” at humagikgik siya sa alaalang iyon kasabay ng pag-ikot ng mga mata paitaas. At kabisado ni Ninia ang mannerism niyang iyon.
“But… but what happened? Ano ang nangyari at… oh, no!” She shook her head wildly, hindi pa rin makapaniwala. Pagkatapos ay muling tinitigan ang kaibigan. “You’re beautiful!” buong paghangang bulalas nito.
“Very,” sang-ayon ni Devin na marahang tumawa, nakadama ng matinding galak sa bagong mukha. “At makinig ka at sasabihin ko sa iyo kung paano nangyari…” at detalyadong ikinuwento niya sa namamalikmatang kaibigan ang buong pangyayari. Pagkukuwentong lalo lamang ikinamangha nito.
“I am dreaming!” bulalas ni Ninia. “Tell me I am having a nightmare, oh, please pinch me!”
“Ang OA mo na, ha,” amuse niyang saway rito.
“You couldn’t expect me to be calm pagkatapos ng…” isang buntong-hininga ang pinakawalan nito. “And you’re Mrs. Mariz Florencio now. Oh, Devin, ano itong pinasok mo?” Ang pagkamangha at pagkagalak ay nahaluan ng pag-aalala. “Paano kung malaman ng… asawa ni Mariz… o ng asawa mo ang buong katotohanan?”
“I am worried about that all the time,” seryosong sagot niya. Nagkalambong ang magandang mukha. “Halos asamin kong dumating na ang divorce papers namin. Then at the same time parang hindi ko kayang tanggaping mawalay kay Jason at Joshua, Ninia, I… I have learned to lo—like them. And I have this strange possessiveness for them as if they are my real family.” may lungkot na sumungaw sa mga mata niya kasabay ng pag-iling.
“Oh, Dev! Huwag mong dagdagan ang komplikasyon by falling in love with this man,” accurate nitong pahayag. “No matter how strikingly handsome he is. Isa kang impostor. Maliban pa roon, sabi mo nga, Mr. Florencio hated his wife dahil sa infidelity nito. You are already in big trouble, friend. Hindi mo kailangan ng komplikasyon sa ngayon…”
“I don’t know what to do, Ninia. Gusto kong tawagan ang Papa at sabihing buhay ako at nasa mabuting kalagayan. At kinakabahan akong baka kahit ang Papa ay may nagtatangka sa buhay.” pagkatapos ay biglang ipinitik ang dalawang daliri. “Why, you can help me!”
“Ano ang naisip mo?” lumalim ang kunot sa noo ni Ninia.
“You can call my father and inquire about me, friend. Magkunwa kang nangungumusta sa akin. Kulang dalawang buwan na akong nawawala. Tawagan mo siya mamaya pagbalik mo sa dorm at pagkatapos ay tawagan mo ako. Ibibigay ko sa iyo ang phone number sa mansiyon. Okay?”
“That’s easy. Pero iyan ang ugat ng problema mo ngayon, ’di ba?”
“Yeah,” malungkot niyang sagot, ginagap ang kamay ng kaibigan. “But at least, you are here, Ninia. I don’t feel very much alone.”
“Narito akong lagi, Dev. Bagaman ngayon ay nakadarama ako ng insekyuridad na baka hindi mo na ako kailangan. You will be meeting a lot of friends with that kind of face.”
Ngumiti siya. “Silly you. You are still my one and only best friend.”
Chapter Fourteen
KALALABAS lang ni Devin mula sa banyo at nakatapi pa ng tuwalya. Binuksan ang closet upang humanap ng maisusuot. Gusto niyang malula sa napakaraming damit na nakahilera sa closet. Magagandang lahat iyon at mamahalin.
Buong buhay niya’y hindi siya mahirap pero hindi siya nagmamay-ari ng mga ganoon kagaganda at mamahaling damit. Hindi dahil sa hindi niya kayang bumili mula sa allowance niya kundi walang silbi gaano man kaganda ang isang damit sa dati niyang anyo.
Kahit ang mga panloob ni Mariz ay pulos mga designer’s label. All in scanty laces and string bikinis. For her, they do not serve the purpose dahil halos wala namang natatakpan. Kumuha siya ng isang kulay-puting lace panties at isinuot kasabay ng pagbagsak ng tuwalya sa sahig. Humarap sa salamin at napahugot ng hininga sa briefs na halos nakikita rin naman sa pinong mga laces ang harapan niya.
Dumako ang mga mata niya sa isang puting cotton blouse. Hinila at isinuot. Hindi pa niya nagawang ibutones man lang lahat ang blusa nang bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Jason.
She almost panicked sa ikalawang pagkakataong napasukan siya ni Jason na halos hubad. She couldn’t just pick up the wet towel para itakip sa ibabang katawan. She is supposed to be married with this man at may anak na. Ano ang dahilan para itago niya ang katawan na kung tutuusin ay nakita na ni Jason bilang si Mariz?
She took a calming deep breath. Sinikap bale-walain ang sariling anyo bagaman wala sa loob na inilagay sa dibdib ang isang kamay.
Si Jason ay itinulos sa pagkakatayo. Enchanted. She was so alluring wearing only her blouse. At bago pa nailagay ng asawa ang kamay sa bahaging nakabukas na blusa, he already had caught a glimpse of those twin delights that he couldn’t help the untimely arousal.
Si Devin ay parang gusto nang maupos sa pagkakatitig ni Jason sa katawan niya.
“D-dumating—ka na pala.” halos hindi lumabas sa bibig niya iyon.
“Kani-kanina pa,” he said in a harsh voice. Humugot ng hininga at itinuon sa mukha niya ang mga mata. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng lalaki sa embarrassment na nasisilip sa mga mata ni Devin. And her face turned rosy pink to emphasize the obvious. Hindi kaya sumosobra na ang drama ng asawa to play demure? But surely, hindi nafe-fake ang pamumula ng mukha. O dala marahil iyon ng hot water mula sa shower.
“M-may kailangan ka sa… akin?” nauutal pa ring sabi niya. How she wish na lumabas uli ang lalaki.
“May tawag ka sa telepono,” ani Jason na naalala kung bakit napapanhik siya sa halip na sa library magtuloy. “Kaibigan mo raw. Ninia ang pangalan. Wala akong natatandaang may kaibigan o kakilala kang Ninia…”
Umilap ang mga mata ni Devin at ibinalik ang tingin sa loob ng closet. Naghanap ng shorts, palda o pants na maisusuot. At dahil nalilito ay hindi mahagip ng tingin ang hinahanap.
“May—mga kaibigan akong hindi mo kakilala,” sagot niya na yumuko sa closet. Unaware na sa ginawa’y lalong natambad sa lalaki ang likuran niya. Jason inhaled sharply. Firm and rounded hips and a perfect behind. His desire failed to notice some changes that lingered in his mind.
“Sagutin mo sa extension, Mariz,” wika nito sa nanunuyong lalamunan. “Kanina pa sa linya ang kaibigan mo.”
Muling tumuwid ng tayo si Devin. Itinuon ang tingin sa telepono sa table lamp sa tabi ng kama. “Mag—bibihis muna ako…” hindi niya yata magagawang humakbang patungo roon nang half-naked habang nagmamasid si Jason.
“Does it matter?” Muling hinagod ni Jason ng tingin ang asawa. He couldn’t help the teasing tone dahil na rin sa nakikitang pagkailang ni Mariz. Pagkailang na nagpapagulo sa isip nito at gusto nitong magalit. “This is ridiculous, Mariz. You are acting as if I haven’t seen your body. You didn’t suffer from amnesia, kaya siguro ay madali mong maaalala kung paano mo bale-walang inilalantad ang katawan mo sa akin, o kahit na marahil sa kaninong lalaki!”
Hindi sinagot ng dalaga iyon. Sa halip ay humakbang patungo sa kinalalagyan ng telepono sa tabi ng night lamp. “I’ll take that call.” she was fully aware na halos hinuhubaran siya ng tingin ni Jason subalit wala siyang magagawa kahit na gusto niyang matunaw sa kahihiyan.
Sa buong buhay niya’y wala pang taong nakakita sa kanyang hubad, babae man o lalaki hanggang sa mga sandaling iyon. Oh, well, hindi kasali roon ang mga panahong pinaliliguan at binibihisan siya ng lola at yaya niya.
Sa nanginginig na mga kamay ay dinampot niya ang telepono. “H-hello… yes…” nag-angat siya ng tingin kay Jason at umaasang lumabas ito pero nanatiling nakatitig sa kanya ang lalaki. At dahil hawak niya ang telepono sa dalawang kamay ay naiwang nakahantad ang dibdib niya para sa mga mata nito.
Instantly, his anger turned to desire.
“Dev, hindi ko nakausap ang papa mo. Ang sabi ng matandang babae na katiwala n’yo raw doon ay umalis ang papa mo kasama ang asawa niya at may sinadya sa bayan.” si Ninia sa kabilang linya.
Sa kabila ng hindi malaman ni Devin kung saan itutuon ang pansin ay nakadama siya ng relief. “Did—you ask for me?” Sa palagay niya’y safe ang sinabi niya sa pandinig ni Jason.
“Yes. At walang maisagot ang matanda. Umalis ka daw nang walang paalam and she sounded so worried about you…”
Si Jason ay hindi maintindihan ang sarili kung bakit nananatiling nakatayo at pinagmamasdan ang asawa. Her sensuality amazed him. Mariz never attracted him tulad ng nararamdaman nito ngayon sa asawa. Hindi sa masidhing paraan. Sa mga panahong nagtatalik sila bilang mag-asawa’y dala lamang iyon ng pangangailangan ng laman. At hindi mahirap para kay Mariz na pukawin ang lust niya. Mariz is an expert lover. Each sexual play with her is a competition. Kailangang patunayan nito sa sariling asawa na mas mahusay ito kaysa rito.
Isa marahil iyon sa dahilan kung bakit sa kabila ng tatlong taong pinagsamahan nila’y mabibilang sa daliri ang mga pakikipagtalik niya sa asawa. At isa rin sa mga dahilan ng ikinagagalit ng asawa sa kanya. He was cold in bed, akusa nito.
“Whenever we had sex, I have never left you unsatisfied, have I?” minsan ay sinabi niya rito.
“Of course,” galit na hiyaw ng babae. “Hindi mo gustong may maipipintas ako sa iyo pagdating doon. But that is not the point, Jason. I need you. Tulad ngayon pero tingnan mo ikaw…”
“I am tired, Mariz. Ang daming trabaho sa opisina,” rason niya. And then he smiled. “Anyway, there are other ways and means. come here.”
“No!” galit nitong sigaw. “Hindi iyon ang kailangan ko.” Padabog itong tumayo at lumabas ng silid.
Hindi nito madesisyunan kung dapat nitong sisihin ang sarili sa pagpatol ni Mariz sa kaibigan. Subalit tumatanggi ang isip nito roon. Si Mariz mismo ang pumatay ng gana nito sa pakikipagtalik sa asawa. Overrated ang treatment ni Mariz sa sex. Hedonistic, in fact.
At wala siyang natatandaang pinukaw ni Mariz nang ganito ang dugo niya sa nakalipas na mga taon nila bilang mag-asawa hanggang sa mga sandaling ito. Ito ba ang resulta ng paninikis nito sa sarili sa nakalipas na mga panahon?
Looking at his wife right now made his blood boil. He could feel the uncontrollable ache in his groin. He couldn’t believe that he hated her, at the same time, desired for her. At bago pa ito maipagkanulo ng sariling damdamin ay mabilis na lumabas ng silid si Jason.
Tuloy-tuloy ito sa garahe at muling inilabas ang kotse sa pagtataka ni Donya Marcela na sinundan ng tanaw ang anak mula sa bintana. Mabilis ang takbo ng kotse palabas ng subdivision. He was furious. With himself. With her. He was furious with what she could do to him. He was furious with himself for behaving like an utter fool.
Sa isang five-star hotel siya nagtuloy, sa isa sa mga bar. Umupo siya sa bar stool at humingi ng brandy. Nakakadalawang shot na siya nang lumapit ang isang babae.
“Hi, Jason,” malambing nitong bati.
“Hi yourself, Peachie. Sit down and keep me company.” tumaas ang isang sulok ng mga labi niya bilang pagngiti. “Nag-iisa ka yata ngayon?”
She pouted her lips sexily at mula sa pambabae at mamahaling cigarette case ay kumuha ito ng sigarilyo. Dinukot ni Jason ang sariling lighter and lit her cigarette. Sa pagitan ng usok ng sigarilyo ay nasasamyo niya ang mamahaling pabango ng babae.
“I am always alone, Jason.” ang tinging ibinibigay nito sa kanya ay tila wala siyang suot. “Does it bother you?”
Kilala niya si Peachie. Isang movie starlet. One of those girls who frequented this kind of place at hinahayaang ma-pick up ng mga kilalang negosyante. Always, these women are discreet to avoid hotel detectives at blind items sa mga peryodiko at magazines.
Nagkibit ng mga balikat si Jason at tinitigan nang husto ang babae. Bata. Siguro ay wala pang beinte. Materyales fuertes, sabi nga. Maganda at makinis. Walang maipipintas. Mula ulo hanggang talampakan ay mabango. Tatlo na sa mga business associates niya ang naka-date ito. Champion. Iyon ang mga komento ng mga lalaki. And no one in his right mind ang tatanggi sa babae. Ang mga uri ni Peachie ang hindi nagpepresyo yet very expensive.
Napakadali para sa kanya na dalhin ang babaeng ito sa sariling condo unit.
But she wasn’t Mariz.
Nabitin sa ere ang brandy glass na hawak niya na tangkang dalhin sa bibig. Paanong pumasok sa isip niya ang asawa?
O, hindi ba’t dahil sa asawa mo kaya ka nandito ngayon? ang kabilang bahagi ng isip niya.
“Hindi mo pa ako nailalabas, Jason,” nakangiting wika ng babae sa nagtatampong tinig. The smile alone could melt any man’s resolve. “I have been waiting for you to ask me out. I’ve been dying for your attention, alam mo ba iyon?” Ang mga daliri nito ay banayad na naglakbay sa mabalahibong braso ni Jason, enough to make him tremble with desire. Pero hindi iyon ang nadarama ng lalaki. “If not for the money, I really hated to go out with those DOM friends of yours. Take me out of this place, lover boy. I’m yours for free tonight.”
“I’d love to but you aren’t my wife.” Muli ang isip niya sa pagkamangha sa sarili. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at tinitigan ang babae.
“Thanks, Peachie. But I am not really in the mood today. Baka hindi ko ma-perfect ang part ko at pagtawanan mo ako,” pabiro niyang sinabi. “I just want to drink…”
Nagkibit ng mga balikat ang babae, hindi ipinahalata ang disappointment. Pagkuwa’y tumayo at nginitian siya.
“Promise you will take me out one day, Jason… no money involve. Gusto lang kita…”
“Sure, honey…” aniya kasabay ng pag-ubos sa laman ng baso.
ne-height:14k1�To�&
Chapter Fifteen
HALOS alas-dose na nang makauwi si Jason. Medyo tinalaban sa ilang shots na nainom. Bumalya ang pinto ng master bedroom nang buksan nito. Kinapa nito ang ilaw at binuksan.
Naalimpungatang unti-unting nagmulat ng mga mata si Devin. Her eyes beautifully dazed. Her hair tumbling all about her. Banayad na nagmura si Jason.
“J-Jason?” she whispered huskily.
“Oops, sorry at nagising ko ang aking magandang asawa,” nakangisi nitong sabi na sinipa ang pinto para sumarang muli. Kasabay ng paghakbang nito patungo sa banyo ay ang isa-isang pagtatanggal ng mga butones ng sportshirt.
Tuluyang napabangon si Devin bagaman hindi umaalis ng kama. Lasing ba ang lalaking ito? Kinakabahang sinundan niya ng tingin si Jason na pumasok sa banyo. Ilang sandali pa’y narinig na niya ang lagaslas ng tubig.
Matiim siyang nag-iisip habang yakap nang mahigpit ang unan na tila seguridad iyon mula sa kung anuman. Ito ang ikaapat na gabi niya sa mansiyon at wala siyang natatandaang pumasok si Jason sa master bedroom malibang gusto siyang kausapin. At lalong hindi sa ganitong oras ng gabi. Nasa kabilang silid ang ilang mga gamit nito kung saan doon ito natutulog.
Ano ang ginagawa ni Jason sa silid niya? At bakit doon ngayon ito naliligo?
Niyuko niya ang sarili. She wish she had a more decent nightwear. Itinaas niya hanggang dibdib ang kumot at kunwang inipit ng unan upang hindi humulagpos, ang mga mata’y hindi inaalis sa pinto ng banyo. Sunod-sunod ang kabog ng dibdib, in anticipation.
Napatuwid siya ng upo sa ibabaw ng kama at humigpit ang yakap sa unan nang marinig na hindi na umaagos ang tubig mula sa shower. Ilang sandali pa’y bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Jason na nakatapi ng tuwalya. She held her breath.
Si Jason ay sumisipol pang lumabas ng banyo. Nahinto nang makita ang nanlalaking mga mata ni Devin.
“Para kang naengkanto,” amused nitong sabi. “What’s wrong?”
“B-bakit dito ka n-naligo? I mean… h-hindi ba may banyo naman sa kabila?”
Sa pagitan ng kunot ng noo ay ngumiti ang lalaki. “Hanggang ngayon ba naman, Mariz, ay nagda-drama ka pa? Ano ba ang gusto mong palabasin diyan sa pinagsasabi mo? Labas-masok ako sa silid na ito dahil ito ang master bedroom. I can bathe and sleep here whenever it suits me.”
Hindi kumibo ang dalaga at nanatiling nakamata. Sa kabila ng kaba ay hindi maiwasang pagmasdan ang katawan ng lalaki. He was tall, lithe and muscled. Strikingly handsome. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buhay niyang makakita ng semi-nude na lalaki.
Hindi pa halos naaalis sa isip niya iyon nang biglang ibagsak ni Jason sa sahig ang tuwalya. Kasabay ng paghulagpos ng matalim na hininga ay nanlaki ang mga mata ni Devin. She wanted to take her eyes off him pero tila siya hinihipnotismong titigan ang lalaki. As if he was a giant magnet at isa siyang munting aspile, drawn to him slowly.
He was so… so… oh!
Si Jason ay nawala ang ngiti sa mga labi sa pagkamanghang nakita sa mukha niya. Nagbabadya ang mga mata niya ng sarisaring emosyon. Amazement and fear. Yes, fear.
Humakbang ang lalaki palapit sa kama in all his naked glory. “I am sleeping right here, Mariz,” deklara nito na biglang nagpapitlag kay Devin.
“No!”
Tumaas ang mga kilay ni Jason sa iritasyon. “No? C’mon, Mariz, pasado alas-dose na para sa mga ganitong usapan. I may be divorcing you but at this moment, you are still my wife.” at inabot nito ang dalaga sa panggigilalas ni Devin.
“Y-you can’t do this, Jason!” aniya sa nanginginig na tinig. “I—I won’t allow it…”
“You won’t allow it?” Isang malakas na tawa ang pinakawalan nito. Pagkatapos ay hinapit siya. Nagpumiglas si Divina.
“No. H-hindi mo magagawa ito. You hated me, Jason!” She was terrified. Nalalanghap niya ang amoy ng alak mula rito. Hindi niya maiwasang manginig at matakot.
“Yes. Pero hindi sa sandaling ito, Mariz. And don’t act as if you are an eighteen-year-old innocent. You never were.” Isinubsob nito ang mukha sa leeg niya and kissed that delicate hollow of her throat.
“N-no, please…” bagaman may kung anong gumuhit na init sa kalamnan ni Devin ay nangibabaw pa rin ang takot. Itinulak niya ang lalaki. “Alalahanin mong pinagtaksilan kita! K-kami ni—ni Julio!”
It worked. Marahas siyang binitiwan ni Jason at ibinalya pahiga sa kama, nag-aapoy ang mga mata.
“You won’t let me forget that, will you?” he said in calm anger. “Kahit ilang sandali ay hindi mo gustong kalimutan ko ang ginawa ninyo?” Sa pagitan ng galit ay naroon ang pait sa tinig nito.
At natitiyak ni Devin na hindi iyon dahil sa pag-ibig sa asawa kundi dahil sa natapakang pagkalalaki. May tila malahiganteng mga daliri ang dumakot sa puso niya. Siya ang nasaktan sa naging anyo ni Jason. Pinagsisisihan niya ang sinabi.
“I—I am sorry, Jason,” she whispered softly. May tenderness sa mga mata para dito. “H-hindi ko gustong sabihin iyon…” wala sa loob niyang hinawakan ang braso nito. At iyon ang pagkakamaling nagawa niya dahil tila pareho silang napasong dalawa sa pagkakadikit na iyon.
“How sorry are you?” he asked in a soft and dangerous tone.
Muling nalito si Mariz, umiwas ng tingin at nagyuko ng ulo.
“You really puzzled me, Mariz. I could swear your eyes are not the same,” wika nito na mahigpit na hinawakan ang kamay niyang idinantay sa braso nito. “And you’ve been playing this game dramatically. Now, let me see kung hanggang saan mo pangangatawanan ang kunwaring pagbabagong iyan…”
“A-ano’ng ibig mong sabihin?” kinakabahang tanong niya.
“Show me those changes in bed, wife, for a change really,” wika nito sa patuyang paraan bagaman bahagyang nagulat sa pagtukoy dito. “Will you be as coy and demure as you wanted me to believe?”
“J-Jason—” naputol ang sasabihin niya sa biglang paghapit sa kanya ni Jason at ang paglapat ng mga labi nito sa kanya.
She shivered instantly. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya’y may lalaking nakahalik sa mga labi niya. His mouth parted her lips and her teeth and delve his tongue deeply.
Then Jason tore her nightwear na sa nipis ay madaling nagawa. She gasped. Her eyes wide open. At bago pa ma-entertain sa isip ang pagkamangha ay naramdaman niya ang init ng kamay ni Jason sa dibdib niya.
She’d swear na sumigaw siya. Pero nakulong sa lalamunan niya iyon dahil angkin ni Jason ang mga labi niya.
Oh, please, no! This is a big mistake! This is impossible!
Jason was losing himself but it didn’t bother him. His kisses began to stray. Sa mukha ni Devin, sa punong-tainga and licked the most sensitive part. Then his lips moved down to the hollow of her throat… down to her breasts. Angkin ng mga labi ang isa samantalang ikinulong sa isang kamay ang kabila.
Oh, lord… Oh, my!
Instinctively. Devin pressed against him, sweetly arching her body. Jason couldn’t even remember feeling this way. He was fascinated with the woman in his arms. Aroused beyond measure. Ang mga labi niya’y naglakbay sa kabuuan ni Devin, resting for a while in those intimate places, teasing and tasting.
Natitiyak ni Devin na mas nalulunod siya sa ginagawa ni Jason kaysa kung nasa gitna siya ng laot. Ang takot sa isipan ay natatalo ng sensasyon at tuluyang nagpatangay ang dalaga. She writhed and twisted beneath him, cried, moaned, and gasped.
Jason couldn’t taste enough of her. Her scent drove him wild. She was sweet. She was innocently wanton. Her hips firmer and smaller. At naninibago ito, bagaman hindi magkapuwang sa isip at damdamin ang kaisipang iyon. He wanted her, never wanted her before as much as he wanted her now. Pero sa kabila ng matinding pangangailangan nito ay hindi nito gustong magmadali. He wanted to go slow and want her to want him with the same fever.
Mariz have always wanted you, Jason.
No. This is different, hiyaw ng kabilang isip niya. I want her and she wants me like the way I want her to want me.
At iyon ang nararamdaman at ginagawa ni Devin. As if she had been waiting for these all her life, nawala nang tuluyan sa isip ang matinong kaisipan, ang kahihinatnan ng pagkawala sa sarili.
Hindi siya inangkin ni Jason malibang hindi na nito kayang tagalan ang pagpipigil. And when he took her, he was stunned!
And it was too late to stop. In between confusion, passion, and anger, he drove fast and rough and tore the barrier. He had never been so cruel all his life. He was so angry and yet no woman had ever made him act like this as if he was some kind of a barbarian!
Natilihan si Divina. Halos hindi huminga. She thought she’d die. Of course, she had known. Pero hindi niya maintindihan kung paanong ang pleasure and delight sa una ay maging ganito ang kasunod, tila hinahati siya. She clutched on his shoulders while gritting her teeth.
Then he went deep as he could go. And when he was sheathed deep inside her, he stopped.
“Open your eyes and look at me!” marahas nitong utos sa pagitan ng paghahabol ng hininga. No wonder those eyes are so different. Eyes that tortured him most of the time, haunt him.
Unti-unting nagmulat ng mga mata si Devin. They were misty. Sa nanlalaking mga mata, she gazed at the blazing eyes above her.
“Who are you?” Parang patalim na humihiwa ang tanong na iyon. Marahan pero nagbabadya ang tila sasabog na galit.
Then he raised his body a little and suffered the sweet and aching throb of his maleness as it slid out a little. Ibinaba ang tingin sa puson niya na tila may hinahanap. The body was so perfect na hindi nito napunang wala iyon. In fact, his lips travelled as far as below her navel.
Damn this woman for making him forget na may pilat si Mariz sa ibabang bahagi ng tiyan nito dala ng caesarian operation.
“P-please.” nakikiusap ang tinig niya. She choked a sob. “I—I don’t think this is the right moment to ask me that. You… you hurt me…”
“You deserve it!” tila kulog nitong sagot.
Devin moved, lifting her hips as if trying to ease the discomfort. It did not. Sa halip, she took every inch of him.
Umungol si Jason. His sex was throbbing achingly and fear that he will burst any moment. At nagagalit ito sa kung sino mang impostor na babaeng ito. He was torn between anger and indescribable pleasure that he wanted to prolong this self-imposed torment.
“R-roll off, please…”
“No!”
obeA2�}E�&
Chapter Sixteen
“
If I was rough, you more than deserve it!“ galit nitong sabi and start moving that she gasped sharply. At mahigpit na ipinikit ang mga mata.
Tinitigan ni Jason ang pamilyar na magandang mukha. Ang mukhang kinaiinggitan ng marami sa kanya. Ang magandang mukhang hindi lamang mga lalaki ang naghahangad kundi maging mga babae rin. At isa na rito ang impostor na ito.
But strange, hindi si Mariz ang nakikita niya roon. And she didn’t feel like Mariz, didn’t taste like Mariz. He had noticed it already at the onset of their lovemaking. Isang pamilyar na mukha, except for the eyes, sa isang hindi pamilyar na katawan. Yet an achingly sweet, sweet body, and he thought he’d die any moment of pleasure.
Then he was kissing her again, gently, softly. His hand moved downward and stroke her, caressed her that the anguish ebbed at muling humalili ang apoy. Apoy na hindi kayang sugpuin ni Divina… naglalagablab.
Jason felt as he’d never made love before when he sweetly, shatteringly exploded.
Ilang sandali muna ang lumipas bago muling nagbalik sa normal ang paghinga ni Jason, hindi pinansin ang guilt that he wasn’t able to make her come. Mabilis itong tumayo. Dinampot ang tuwalyang nasa sahig at muling itinapi, pagkatapos ay pinagmasdan si Devin na hindi malaman kung saan itutuon ang mga paningin.
“Now, who are you?” Muling bumalik ang galit sa tinig nito. “Bakit pinaniwala mo ako, kami, na ikaw si Mariz? What happened to Mariz?” Halos isigaw nito ang huling sinabi.
Si Divina ay humugot ng malalim na paghinga. Hindi alam kung saan mag-uumpisa. She didn’t expect this to happen soon. In fact, never believed that she would be discovered except that she didn’t count on her physical attraction to this man. She clutched the bedsheet and covered her body.
“Dammit, sumagot ka!” hiyaw ni Jason na naglalabasan ang ugat sa mga braso sa pagkakakuyom. Nagagalit ito and at the same time he wanted her again. Nakasandal ito sa headboard at sinisikap na takpan ang magandang katawan ng kumot. As if she just came out of a canvass. “Ano ang gusto mo? Sino ang kasabwat mo dito? Ano ang balak ninyo? Anong uri ng sindikato ang nagpapain ng virgin para lang makapasok sa akin?”
“P-please, let me explain…”
“We have all night, Miss Impostor!” Napangiwi si Divina sa taguri. “Rather morning dahil madaling-araw na!” Lumakad ito patungo sa tokador at dinampot ang sigarilyo at lighter at nagsindi. “Tiyakin mong mapapaniwala mo ako sa sasabihin mo dahil mamaya lang pagsikat ng araw ay ipapaaresto kita!”
Nanlaki ang mga mata ni Divina roon. “N-no! Please, listen…” nanginginig ang tinig niya. Unti-unti nang tumulo ang mga luha sa pisngi.
Iniwas ni Jason ang mga mata roon at nagmura nang patalikod kasabay ng pagbuga ng usok paitaas. “Don’t show me those crocodile tears, dammit! What happened to Mariz?” muli nitong hiyaw bagaman nahuhulaan na nito ang kasagutan doon.
“Y-your wife died in that accident…”
“Obviously! Ikaw ang third party sa loob ng kotse. Sino ka? Ano ang kaugnayan mo kay Mariz at Julio? Paano ka napagkamalang si Mariz?”
“H-hindi ko kilala ang asawa mo at ang Julio na sinasabi mo,” paliwanag niya sa pagitan ng mga hikbi. “I have never met them until that fatal day. I… I was running from two men who were chasing me. Hindi sila ang unang sasakyang pinara ko to hitchhike para makalayo sa mga humahabol sa akin.” tumingala siya at pinuno ng hangin ang dibdib. Humulagpos ang kumot sa dibdib niya at humugot ng matalim na paghinga si Jason. “P-papatayin ako ng mga humahabol sa akin kaya iniharang ko ang katawan ko sa dumarating na sasakyan…”
Lalong nag-apoy sa galit ang mga mata ni Jason sa pagkakatitig sa kanya. “Eksena sa sine, Miss Impostor? Magkano ang inaasahan mong makukuha mo sa akin? Inaasahan mong dahil virgin ka’y patatawarin kita sa panghuhuwad mo? Nagkakamali ka. You have committed a crime!”
“Please…” pagsusumamo niya. At nagpatuloy sa pagpapaliwanag kahit nasa mukha ni Jason na hindi gustong maniwala kahit isang salita sa mga sinasabi niya.
“Incredible!” bulalas nito sa pagitan ng disbelief and anger. “Kung ipapadala mo sa TV program iyan, you might have won a prize o di kaya ay kuhanin ka nilang scriptwriter. You’re nothing but a great liar and an impostor!”
“Nagsasabi ako ng totoo!” Sa pagkakataong iyon ay tumaas ang tinig ng dalaga. “I—I tried to tell you all about it noong nasa ospital ako, when you first came to visit me. Pero hindi ko magawang magsalita. I couldn’t even move my head a fraction…”
“Really?” tuya nito. “Nakapagsasalita ka na bago pa man tayo umalis patungo sa Amerika, impostor! Bakit hindi mo sinabi ang katotohanan?”
Hindi agad nakapagsalita si Devin. Sasabihin ba niya sa lalaking ito ang totoong dahilan na kaya siya nagpatangay ay dahil sa pangit niyang mukha? Could she tell him that?
“You didn’t think of a better story, Miss Impostor. I’m calling the police right now!” Humakbang ito patungo sa telepono at nagsimulang dumayal.
“Wait!” Si Devin ay wala sa loob na mabilis na tumayo, exposing her naked body. Mabilis siyang nakalapit kay Jason at hinawakan ang kamay nito.
“Sasabihin mo sa akin ang totoong motibo mo? Kung sino ang kasabwat mo?” Sinikap ni Jason na mangibabaw ang galit sa kabila ng matinding admiration sa kaharap.
This impostor is a beauty. A modern Venus. Subalit tulad ng mukhang taglay nito, makamandag!
“I am telling you the truth,” she whispered in a sob. “At wala akong motibong pagnakawan ka o kung ano pa man. I-I am a rich man’s daughter, Jason. You can check it out. My name is Divina Ventura…” at ibinigay nito ang pangalan at numero ng telepono ng dormitory at kolehiyong pinapasukan. Ganoon din ang address niya sa Sta. Clara.
“Hindi ako naniniwala sa iyo.” he didn’t want to believe her. She was a fraud and an impostor! “How would I know kung pakana mo lang lahat ng mga ito, kung kasabwat mo ang kung sino mang makausap ko sa mga lugar na ito? Ulitin mo na lang ang sinasabi mo sa mga imbestigador.” muli itong dumayal at muli ring umawat si Divina.
“Bakit hindi mo alamin kung totoo ang sinasabi ko? You’re a fair man, Jason!” Tumaas ang tinig niya sa magkahalong desperation at takot. She couldn’t imagine herself behind bars like a common criminal.
“Fair be damned! You don’t deserve it, not an inch! You connived yourself to penetrate in this family. You did not even hesitate to use my son’s affection!”
Bumitaw ang dalaga, nasaktan sa akusasyon para kay Joshua. Raised her chin and regally walked back toward the bed. Dinampot ang bedsheet at itinapi sa katawan at umupo sa gilid ng kama.
“Y-you… used… me,” putol-putol niyang sabi, in a whisper. “Umpisa pa lang, alam mo nang hindi ako si Mariz. Why didn’t you stop?”
Natilihan si Jason doon. Pero sandali lang, muling sumabog ang galit dahil sa pagkakataong iyon ay bull’s-eye ang akusasyon niya.
“You couldn’t expect me to stop when—when…!” damn him for stammering! How could he tell her that he’d rather die than stop making love to her? That she made him wild and out of his mind! “Huwag mong ibalik sa akin ang akusasyon, damn you! Hindi ko alam kung sino ang kasabwat mo? But you probably gained an information about my sex life with Mariz and you cling on to that expecting I wouldn’t touch you…”
“But you did…” she said in above-whisper, weary and tired and her body’s sore.
“Dammit!”
“H-hindi ko na alam ang sasabihin ko pa sa iyo,” she said desperately. “You have all the resources, Jason. You can check it out, my school records, my only friend, fingerprints, and everything. Isa lang ang pakiusap ko…” tumingala siya sa lalaki na naghihintay ng sasabihin niya. “A-ayokong malaman ng kahit sino sa asyenda na buhay ako at may ibang… mukha.” nagsalubong ang mga kilay ni Jason at bago pa ito makapagsalita ay nagpaliwanag na siya. “Gusto kong malaman kung sino ang nagtangka sa buhay ko at bakit. And I intend to find that out.”
Matagal bago kumibo si Jason. “And if all these things were true, hindi mo ba naisip na kasalanan mo ang pagkamatay ng dalawang tao?”
Itinaas niya ang mukha. At sa determinadong tinig ay nagsalita. “This world is a survival of the fittest,” she said cynically. “Ganoon pa man, hindi ko ginusto ang pangyayari. Not even dream of hurting anyone para iligtas ang sarili ko. Blame the two men who were chasing after me. I was running for my own life. Nagkataong sila ang nakatagpo ko. At aksidente ang nangyari. Remember, I was one of the victims and could have died there, too, had I succumbed to panic and death na nakaharap sa akin. Consciously and subconsciously, I fought death.”
“I don’t know what to think and to believe anymore,” umiiling nitong sabi. “Ano ang dahilan mo at pinahintulutan mong mukha ng ibang babae ang ipalit sa mukha mo?”
Umiwas ng tingin si Devin. Hindi gustong sumagot.
“Sagutin mo ako, Miss Impostor!”
She bit her lip. She didn’t want Jason to know what she looked like before the surgery. Ni hindi na nga niya gustong isipin ang sariling anyo. She wanted him to think of her as a beautiful woman kahit na pagkatapos ng komprontasyong ito ay mapapadali ang paghihiwalay nilang dalawa dahil hindi na kailangan ni Jason ang divorce paper mula sa Amerika.
Mariz’s death made him free. At kinasuklaman ni Jason si Mariz dahil sa kataksilan nito but he never hated her face or else he would not have married her; or else, he would not have made love to her so passionately.
“Sagutin mo ang itinatanong ko, Impostor!” Sigaw ni Jason sa nagtatagis na mga bagang.
“My name is Devin, Jason…,” she said softly.
“Devin, whatever, impostor ka pa rin para sa akin. You have my wife’s face kung nakakalimutan mo. At iyan ang gusto kong sagutin mo ngayon! Ang sabi mo ay hindi ka mahirap, your father can afford plastic surgery. Ipinasauli mo na lang sana ang dati mong mukha!” mariing sabi nito.
“Never!” hiyaw niya na mahigpit na humawak sa poste ng kama. Pagkatapos ay agad ding kinalma ang sarili. Itinaas ang mukha at tinitigan si Jason. “You wouldn’t have given me a second look sa dati kong mukha, Jason, and it was only my chance…” bulong iyong lumabas sa bibig niya.
Maang na napatitig sa kanya ang lalaki na tila hindi naiintindihan ang sinasabi niya.
“H-hindi ako maganda.” she choked a sob. “Even my own mother hated me,” she said bitterly, painfully.
Lumalim ang mga gatla sa noo ni Jason. Hinagod siya ng tingin. Somehow ay gustong pawiin ang pait na nakalatay sa mukha niya. Sa magandang mukha ni Mariz. Saang bahagi ng pagkatao nito nanggaling ang tenderness na iyon para sa impostor na ito?
“You’re… beautiful, Imp—Devin…” he whispered huskily. “You have an unusual name, too. I… like it…”
Mapait na tumawa si Devin. May nadamang init kahit na papaano. “My body, yes. Maliban sa mukha ko. Hindi mo sasabihin sa aking maganda ako sa dati kong mukha. I’m sure you would have hated me, too… make fun of me.”
Hindi malaman ni Jason kung ano ang sasabihin doon. Her voice was full of sorrow and bitterness that it hurt him like a knife. Bakit nakadarama ito ng ganito sa impostor na ito? At bakit naniniwala agad ito even without checking her up yet? Isa itong kilalang negosyante. Matalino at hinahangaan. Nasaan ang matinong kaisipan at gustong matunaw ng dibdib nito sa babaeng ito?
Itinaas ni Jason ang dalawang kamay sa tila naguguluhang paraan, lumakad patungo sa bintanang salamin and draw the curtain. Ipinaglagos ang tingin sa labas. Subalit madilim pa maliban sa buwan na unti-unting inilalabas ng ulap. Alas-dos y medya pa lang ang ibinabadya ng alarm clock sa tabi ng lampshade.
“This is… this is… oh, I don’t know what to say anymore.” humakbang ito palapit sa kanya. “Perhaps this is just but a nightmare. Gusto kong matulog. Perhaps when I woke up, babalik sa dati ang lahat.” at binuksan nito ang pinto ng en suite at muli ring isinara.
Naiwan si Devin na nanlulumo. May kung anong masakit na bagay ang gumuhit sa dibdib niya. She wanted to go to him. Longed for the comfort of his arms. Hoping against hope na sana’y…
Umiling siya. She was asking for too much. Taglay niya ang mukha ni Mariz at mananatiling kanya habang-buhay. Sapat-sapat na iyon. At alam niyang malaking suliranin ang idinulot niya kay Jason.
Marahan siyang humakbang patungo sa switch ng ilaw at pinatay ito, pagkatapos ay muling bumalik sa kama at maingat na humiga sa kabilang bahagi ng king-size bed.
Si Jason sa kabilang silid ay hindi malaman ang gagawin at iisipin. His mind hated her, for being a fraud, for being an impostor. And his heart wanted to believe her. And his body longed and ached for her. And it seemed that his body seemed to override all reasons.
Don’t
be a fool, Jason. The mind commands the body.
Si Devin ay nanatiling nakatitig sa dilim. Alam niyang hindi na siya makakatulog pa pero nanatili siyang nakahiga. Sa katahimikan at kadiliman ay naramdaman niyang bumukas nang marahan ang en suite.
“Dev…”
“Hmn…” bahagya siyang napapitlag sa itinawag nito sa kanya. “Alam mo bang nagagalit ako sa iyo?”
“I know and I’m so sorry. I never meant it to be…” she whispered in the dark. Nanatiling nakamata sa dilim.
“Would it be all right if we forget all these troubles at least for the next couple of hours? And let tomorrow take care of itself?”
“I’d like that. That is why I’m trying to sleep.” gusto niyang mangiti kahit papaano. Why are they whispering in the dark when they were just shouting minutes ago?
“I don’t want to sleep, Dev, and I have this debt to pay to you…” his voice deep and husky.
Doon kinabahan si Devin. Hindi sumagot and swallowed hard. Pagkatapos ay naramdaman niya ang pagsarang muli ng adjacent door. He was like a cat, hindi niya narinig ang mga yabag. Pero lumundo ang kama nang umupo ito.
She stiffened when he grasped her hand. She was afraid to move a fraction. She was afraid to utter a sound. Sunod-sunod ang pagtibok ng dibdib niya. Then she felt him move closer.
Jason took her hand lower and then he was whispering something she couldn’t comprehend. Except that they made her hot and aroused. Pero hindi siya sumagot. Only gasped in the darkness nang maramdaman kung saan dinala ni Jason ang kamay niya.
He’s so close that she could feel his breathing in her ear… and moaned when he kissed her again. and cried softly nang ang kamay ni Jason ay maglandas sa kabuuan niya… at halos hindi siya huminga yet she gasped for breath when his lips moved down sensually and kissed her… here, there, and everywhere…
And she gave a soft startled cry when she felt his sex so hard against her flesh… and her eyes flew open when he drove deep… so deep yet gently this time. Then he held her hips firmly against him as he began the slow and sure pace.
Tumitig siya sa kadiliman sa labas ng bintanang salamin. She sucked her breath when the moon seemed to burst, at bigla ay nakita niya ang pagsabog ng iba’t ibang kulay ng liwanag sa mga ulap.
And still she didn’t say a word.
Chapter Seventeen
TANGHALI na nang magising si Jason pero hindi nagmulat ng mga mata. Kinapa sa tabi si Divina subalit bakante ang higaan. A lazy smile formed his lips. That impostor submitted herself to him in total abandon. He made love to a woman for the first time in years. He was the teacher and she was the pupil. A very willing pupil for that matter.
Hindi pa sana niya gustong bumangon nang hindi sinasadyang matuon ang paningin sa alarm clock—alas-diyes pasado ng umaga. May palagay siyang tatawag na lang siya sa opisina. Kailangan nilang mag-usap ni Mariz o ni Devin. They never really had a chance to talk to each other after the shouting match. And he didn’t even remember kung kailan siya nakatulog. He couldn’t believe that this impostor made him so insatiable.
Pumasok siya sa banyo at naligo at pagkatapos ay lumakad patungo sa pinto nang mahagip ng mga mata ang isang puting papel sa tokador. Mabilis siyang umatras at dinampot ang papel na inipit ng brush, binasa ang nakasulat doon.
Jason,
I’ll never forget last night or was it morning? I’ll treasure those moments forever. And I’m sorry for all the trouble I caused you.
Devin
“Damn!” he muttered at nilukot ang papel. Instantly, may tila takot na gustong mangibabaw sa dibdib niya. Mabilis siyang lumabas ng silid at bumaba. Sa puno ng hagdan ay nasalubong niya si Donya Marcela.
“Did you see her leave?”
“Her who?” nagtatakang tanong ng matanda.
“My wife.”
My wife? Hindi ba at impostor ang babaeng iyon? Not because she satisfied you in bed made her your wife already. Wake up, Jason. Pinatawad mo na siya. Kagabi mo pa naisip na paniwalaan siya at hindi na ipaaaresto. Tama na iyon. Be glad she’s out of your life. You are totally free. Free from Mariz, free from that impostor!
“Wala ba sa itaas? Ang buong akala ko’y tulog pa kayo hanggang ngayon.” hindi pinansin ni Jason ang tila may malisyang tukso na may kasamang pang-uuyam mula sa tinig ng ina. “Inaasahan ko nang tatanghaliin ka ng gising dahil nakita kitang umalis kagabi,” dagdag nito na napahiya sa tono.
“She left this morning, ’Ma.” Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jason at lumakad patungo sa dining room. Kinuha ang coffeemaker at nagsalin ng kape. Si Donya Marcela ay sumunod sa anak.
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Hindi ko alam kung paano sasabihin sa inyo,” aniya na hawak ang tasa ng kape na muling bumalik sa kabahayan patungo sa study. Umupo sa swivel chair at itinaas ang mga paa sa ibabaw ng mesa. His face troubled. Si Donya Marcela ay matamang nakatingin sa anak, pagkatapos ay umupo nang magsimulang magkuwento si Jason.
“Unbelievable!” bulalas ng matandang babae. “Totoo ba ang sinasabi mo? I mean, naniniwala ka ba sa sinabi ng babaeng iyon?”
Bahagya siyang nagkibit ng mga balikat. “I didn’t believe her at first. Pero may bahagi ng isip ko ang gustong maniwala, Mama. And please, ayokong malaman ng kahit na sino ang tungkol sa bagay na ito.”
Ilang sandali muna ang pinalipas ng matandang babae bago sumagot. “What now? Ano ang plano mo? Legally, hindi mo naman pala kailangan ng divorce paper. You are a widower now, Jason…”
“Yeah.” tumango ang binata. And it didn’t made him feel better. “Legally, yes. But morally, ’Ma, hindi ko alam. Naging komplikado ang mga bagay.”
“That impostor complicated things. At kung umalis siya ay ipagpasalamat mo, Jason.” pagkatapos ay bumuntong-hininga. “No wonder she’s so different. Magpapakalayo-layo na marahil ang babaeng iyon. If and when na may makakita sa kanya kung saan mang lugar, then it would be safe to say na naghiwalay na kayo. You have the divorce papers to prove it. Ano ang komplikasyon doon?”
“She can never assume her real identity, iyon ang komplikasyon, Mama. And she can’t be Mariz Florencio either. At may nagtatangka sa buhay niya, ’Ma.”
“Did you believe that story?” pakli ng matanda. “Sinabi na lang niya iyon to justify her deeds. She was probably one of Mariz’s friends na kasama nila noong araw na iyon. Kung nakalusot siya, then she was very lucky. You are a very rich man.”
Hindi sumagot si Jason. May isang bahagi ng isip na tumatanggi sa sinasabi ng ina. Hindi niya kailangang sabihin dito ang nangyari sa kanila ni Devin kaninang madaling-araw; ang pinakamagandang pangyayari sa buhay nito sa nakalipas na mga taon.
f;mso-bid�3��z�)
Chapter Eighteen
DALAWANG araw pagkatapos umalis ng mansiyon ng mga Florencio si Devin ay dumating siya sa asyenda Ventura bilang si Ninia.
“Sino ka ba, ineng?” Si Nana Lucing.
“Ninia po ang ngalan ko. Nakausap ko na po kayo noong nakaraan sa telepono. Kaibigan at classmate po ako ni Devin,” wika ng dalaga na nagpigil na yakapin ang matandang katiwala. “Usapan po namin bago siya umuwi dito na darating ako bago ang birthday niya.”
Biglang nagkaroon ng lambong ang mga mata ng matandang katiwala. “Naku, hija, eh, wala si Devin dito sa asyenda, ah.”
“Ho? Ano ang ibig ninyong sabihin?”
“Nag—nagbakasyon si Devin, ineng.” ang matanda na umilap ang mga mata at luminga sa kabahayan.
Sa mga kasambahay ay wala nang pag-asang makita at magbalik pa si Divina. May mga nagbalitang na-kidnap ito at maaaring pinatay o ginawan ng masama. May dalawang tauhan sa asyenda ang nakakitang may tumutugis kay Divina nang hapong iyon subalit walang nagawa dahil mga nakayapak bukod pa sa malayo. At bago pa nakarating sa bahay-asyenda ang mga ito upang ipaalam kay Manuel ay maraming sandali na ang lumipas. Bukod pa roon ay nahati ang atensiyon ng mga tauhan dahil agad na inatake sa puso ang matandang lalaki.
Ang ilang tauhang sumama upang tumulong ay wala nang dinatnan sa lugar na kinakitaan ng dalawang lalaki. Hindi rin naman namukhaan ng mga ito ang dalawang nakakabayo dahil malayo mula sa kinaroroonan nila. Nabalitaan din ang pangyayaring aksidente sa highway subalit walang nag-iisip na mag-ugnay niyon sa pagkawala ni Divina. Para sa mga taga-Sta. Clara ay isa lamang iyon sa maraming aksidenteng nangyayari sa daan.
May kung ilang araw ding walang hinto ang mga tauhan sa paghahanap kay Divina sa buong asyenda subalit bigo ang mga ito. Si Manuel ay nawalan na ng pag-asang makita pa ang anak. Nai-report na rin sa pulisya ang pagkawala ni Divina.
Tanging sila lamang ni Tata Vener ang umaasa pang magbabalik si Devin.
Ngumiti si Devin. “Siguro naman po ay babalik siya bago dumating ang birthday niya. Usapan po namin iyon,” patuloy ng dalaga na pilit iniiba ang tinig.
“Umaasa kaming ganoon nga ang mangyayari, ineng.” itinaas ni Nana Lucing ang apron at ipinahid sa nagtutubig na mga mata.
“Naku, eh, paano po ngayon iyan? Nagpaalam pa naman ako sa dormitoryo na isang linggo ako dito. Hindi po agad ako makababalik sa Maynila.”
“Maghintay ka rito, ineng, at kakausapin ko si sir Manuel. Isusuhestiyon kong manatili ka dito nang kahit ilang araw at baka umuwi si Devin. Maiwan muna kita.”
tumango si Devin at umupo sa antigong upuang narra, iginala ang paningin sa loob ng malaking bahay-asyenda. Walang nabago. Siya lamang ang nabago. At patuloy sa pagiging impostor. Kahit ang sariling katauhan ay hindi niya maangkin. Isang pamilyar na tikhim ang nagpalingon sa kanya.
“May bisita pala kami.” si Delio na sinuyod siya ng tingin. “At magandang bisita…” ibinigay nito sa kanya ang ngiting kinalolokohan ng maraming babae sa buong bayan ng Sta. Clara. Lumapit ang binata sa kanya at inilahad ang kamay. “Ako si Delio. Pamangkin ako ng tito Manuel…”
Pilit na ngiti ang ibinigay ni Devin. “Ako naman si Ninia. Dormmate at classmate ko si Divina. Inaasahan niya ang pagparito ko.” unti-unti niyang hinahatak ang kamay subalit hindi binibitiwan ng binata.
“Tsk, tsk. wrong timing ang dating mo, Ninia. Hanggang ngayon ay wala pang balita sa stepsister ko. Magdadalawang buwan na siyang nawawala…”
“Oh!” Nagkunwa siyang nabigla. “Ang sabi sa akin ni Nana Lucing ay nagbabakasyon lamang si Devin…”
Umiling si Delio. “Ang matandang iyon talaga. Palibhasa’y alaga si Divina ay hindi matanggap ang pagkawala niya. Subalit iyon ang totoo. Bigla na lamang nawala ang stepsister ko.” at ikinuwento nito sa kanya ang bali-balita sa buong asyenda. “At hindi na kami umaasang buhay pa si Devin, Ninia…”
Muli ang pagkukunwaring panlulumo ni Devin. “H-hindi ko mapaniwalaan ito. Usapan namin ni Devin ay paparito ako isang linggo bago ang birthday niya.”
Hinawakan ni Delio ang kamay niya. “Para hindi masayang ang pagtungo mo rito sa Sta. Clara ay inaanyayahan kitang manatili rito kahit isang linggo, Ninia.”
“Tulungan mo akong bumaba, Delio!” Mula sa itaas ay ang malakas na tinig ni Manuel. Sabay na napatingala ang dalawa. Si Devin ay kulang na lang na takbuhin ang ama.
Umusal ng paumanhin si Delio at naiiritang pumanhik sa itaas upang tulungang bumaba si Manuel. Si Nana Lucing ay nagkakandahirap na ibaba ang wheelchair. Nang maibaba ang matanda at ang silya nito ay muling umupo si Manuel at nakangiting pinagulong ang silya patungo sa kanya.
“Kaibigan mo ba ang anak ko, hija?”
“Magandang… hapon po,” aniya sa baradong tinig.
“Umupo ka uli,” utos ng matanda. “Sinabi na ba sa iyo ni Nana Lucing ang tungkol sa anak ko?” Nagkalambong ang mukha nito.
“Ako ang nagsabi sa kanya ng katotohanan, Tito Manuel.” si Delio. “As usual, iba ang bersiyon ni Nana Lucing.” tinanaw nito ang matanda na walang imik na nagbalik sa kusina.
“Ikinalulungkot kong hindi mo dinatnan ang anak ko rito, Ninia. Ako ma’y nagawa na ang lahat upang malaman ang totoong nangyari sa kanya. Baka patay na ang anak ko.” nabasag ang tinig ng matanda sa bahaging iyon.
Buhay ako, Papa! Ako si Devin, gustong sabihin ng dalaga pero inawat ang sarili. Hindi niya kailangang magpadala sa emosyon. Kailangang malaman niya kung sino ang may gustong mamatay siya at kung bakit.
“At para naman hindi masayang ang pagtungo ni Ninia rito, Tito Manuel, inanyayahan ko na siyang magbakasyon na nang tuluyan kahit isang linggo,” patuloy ni Delio na makahulugang tumititig sa kanya.
“Bakit nga ba hindi, hija? Magkaibigan kayo ng anak ko. Nabanggit ka niya sa akin. At ikaw lamang ang kaisa-isa niyang kaibigan. Ikinagagalak kong imbitahan kang manatili rito.”
“Salamat po, M-Mr. Ventura.” tumihim siya, sinisikap na manatiling iba ang tinig. “Talaga pong gusto kong makarating dito sa asyenda. Matagal nang naibibida ni Devin sa akin ang lugar na ito.”
“Don’t you worry, Ninia,” Delio smiled. “Ako ang magiging tourist guide mo sa buong asyenda.”
isang ngiti ang isinagot ni Devin. Si Manuel ay muling tinawag si Lucing upang samahan sa itaas ang bisita.
“Ipagamit mo sa kanya ang silid ng anak ko, Lucing.”
“Opo, sir Manuel. Tayo na, ineng…”
lis2315
Chapter Nineteen
IKATLONG araw ni Devin sa asyenda at apat na araw na lang ay beinte-uno na siya. At wala kahit na anong palatandaan mayroon ang paligid upang malaman niya kung sino ang maaaring nagtangkang patayin siya.
Nang hapong iyon na pauwi sila ni Delio galing ng pamamasyal ay sunod-sunod ang kaba ng dibdib niya nang makita ang pamilyar na sasakyang nakaparada sa harap ng bahay katabi ng pickup nila.
“Land Cruiser. May bisita ba tayo?” Si Delio. Mabilis itong bumaba ng kabayo at inakbayan siya. Halos hilahin siya nito upang makapasok agad sa bahay at malaman kung sino ang bisita habang nililinga ang mamahaling sasakyan.
Atubiling nagpaakbay si Devin. Ano ang kailangan ni Jason dito? Ano na ang nasabi nito sa papa niya? Masisira ba ang mga plano niya?
“Narito na pala ang dalawa, Mr. Florencio.” si Manuel nang bumungad sa pinto ang dalawa. “May bisita ka, Ninia…”
“Hello, sweetheart,” nakangiting tumayo si Jason at humakbang pasalubong, hinapit si Devin at hinagkan nang mariin sa mga labi sa pagkagulat niya. Si Delio ay nagsalubong ang mga kilay.
“Sino siya, Ninia?” tanong ni Delio sa magaspang na tinig. Bago pa nakasagot si Devin ay naunahan na siya ni Jason who explained smoothly.
“Jason Florencio,” sagot nito na iniabot ang kamay. Atubiling tinanggap ni Delio ito at nagpakilala rin. “And Ninia here is my fiancée.” masuyong nilingon ang dalaga. “Gusto niyang samahan ko siya dito dahil nga sa birthday ni Devin but I got tied up kaya pinauna ko siya. Hindi ko inaasahang matatapos nang maaga ang inaayos ko…”
Hindi itinago ni Delio ang iritasyon, nawala ang charm. Ibinagsak nito ang sarili sa upuan. “Oh, well, hindi ako makapaniwalang naging mga kaibigan kayo ni Devin. How about you, Jason? Have you met Divina Ventura?”
“Yes,” deretsong sagot ni Jason. “Is it so strange na maging kaibigan kami ni Devin, Delio?”
Hindi pinansin ni Delio ang matatalim na titig mula kay Manuel. “Strange it is. And I’m only glad na walang larawan si Divina sa bahay na ito. I couldn’t bear it,” paismid nitong sinabi.
Si Devin ay tumaas-baba ang dibdib at akmang pagsasalitaan si Delio nang pisilin ni Jason ang palad niya. Ito mismo ay nagpipigil ng sariling hindi tamaan ng kamay ang hambog na lalaki. Devin took a deep breath para kalmahin ang sarili.
“Delio, sumosobra ka na! Anak ko ang nilalapastangan mo!” alsa-boses ni Manuel na itinaas ang baston at akmang hahampasin ang binata subalit mabilis na nakalapit si Devin.
“Baka po makasama sa inyo ang magalit, M-Mr. Ventura…” tinitigan nito nang masama si Delio na nagkibit ng mga balikat at tumayo at nagtuloy-tuloy pumanhik sa itaas.
“Pagpaumanhinan ninyo ang kagaspangan ng stepson ko. Maliliit pa silang mga bata’y hindi na magkasundo si Devin at si Delio,” paliwanag nito.
“Don’t worry about us, Mr. Ventura. Kilala ko ang anak ninyo at para sa akin, she’s unique in more ways than one. At ikinagagalak kong naging kaibigan si Devin.” itinuon nito ang mga mata sa dalaga habang nagsasalita. Gustong manayo ng mga balahibo ni Devin sa katawan sa paraan ng pagkakatitig ni Jason sa kanya.
“Ang mga kaibigan ng anak ko’y kaibigan ko na rin. Wala man si Devin…” sandaling huminto sa pagsasalita ang matanda at tumingala upang punuin ng hangin ang dibdib. “Ay matutupad ang nais niyang magkaroon ng salusalo sa kaarawan niya at narito ang mga kaibigan niya. At apat na araw na lang iyon mula ngayon, Mr. Florencio.”
Pagkatapos ng pag-uusap na iyo’y nagpatulong na si Manuel sa mag-asawang Vener at Lucing na ipanhik sa silid nito. Si Jason ay hinila palabas si Devin at niyakag na maglakad-lakad malayo sa bahay.
“B-bakit ka narito, Jason?”
“Saan kayo nanggaling ng hambog mong stepbrother, Divina?” tanong nito sa tinig na may bahagyang galit.
“I asked you first.”
“It doesn’t matter. Sagutin mo ako.”
Umupo siya sa isang nakahapay na matandang punong-mangga. Si Jason ay itinukod ang isang kamay sa sanga at niyuko siya.
“Ipinasyal niya ako sa paligid ng asyenda,” mahinang sagot niya, hindi maintindihan kung bakit kailangang itanong ni Jason iyon.
“Ipinasyal? Hindi ba at kabisado mo ang buong asyenda dahil ayon sa iyo’y anak ka ni Mr. Ventura…”
“I am!” pagdiriin niya. “At ipinasyal niya ako bilang si Ninia hindi bilang si Devin.”
“Hindi matapos-tapos ang pagiging impostor mo, Divina Ventura,” tuya ni Jason. Nagagalit ito nang pumasok ng kabahayan si Devin na nakaakbay sa kanya si Delio. “Paano ako makatitiyak na ikaw nga si Divina Ventura? Sa sandaling magpakilala ka sa papa mo ay natitiyak kong hindi ka niya paniniwalaan!”
Nag-init ang sulok ng mga mata ni Devin. “Why are you doing this to me?” She choked a sob. “Hindi ka pa rin ba naniniwalang wala akong intensiyong masama sa pamilya mo? O gusto mo akong parusahan dahil sa pagkamatay ni Mariz? Iyon ba ang dahilan kaya ka naririto?” Itinaas niya ang mukha upang ibalik ang mga luhang nagbabantang pumatak.
Marahas na nagmura si Jason. Hinawakan siya sa magkabilang balikat at itinaas, pagkatapos ay walang pasubaling niyakap siya nang mahigpit at hinagkan nang mariin.
Nabigla si Devin. Ni hindi siya makakilos. He was holding her so tight and kissing her hard that she thought she’d be out of breath anytime.
“Dammit, but I miss you, Dev!” he said harshly nang bitiwan nito ang mga labi niya. They both grasped for air. “And Joshua missed you, too.”
“I—I miss him, too,” she said softly. Hindi maipaliwanag ang galak sa ipinahayag ni Jason. Pero hindi niya alam pakitunguhan iyon. Natatakot siyang umasam. “P-pinuntahan mo ba si Ninia sa dorm?” pag-iiba niya ng usapan at kumawala mula rito.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jason bago tumango. Pumitas ng isang dahon ng mangga at wala sa loob na nilaro-laro. “I talked to her yesterday morning. Dapat ay kahapon pa ako dito pero marami akong inayos sa opisina at ipinagbilin.” tinitigan siya nito nang mataman bago nagtanong. “Sa ilang araw mo dito, ano ang natuklasan mo sa sinasabi mong nagtangkang pumatay sa iyo?”
Naguguluhan siyang umiling. “Wala. Everything is normal. Kahit nga marahil ang pagkawala ko’y parang hindi na mahalaga. Maliban sa Papa at sa dalawang matandang katiwala na umaasam sa paglitaw kong muli. At kung magtatagal pa marahil ay tuluyan nang maghihilom ang pagdaramdam ng Papa,” malungkot niyang sagot.
“Then forget it, Dev. Baka naman talagang masasamang-loob lang ang humarang sa iyo noong araw na iyon. Baka gusto ka lang gawan ng masama,” suposisyon nito kasabay ng pagtagis ang mga bagang.
Muli siyang umiling. “Kilala nila ako, Jason. Sinabi mismo nila sa akin na inutusan lang sila…”
“They could have said that for no reason at all,” lohiko nitong sabi. “Alam mo naman ang masasamang-loob.”
“H-hindi iyon ang nararamdaman ko. Unang gabi ko pa lang ay may nagtangka na sa buhay ko…” sinabi nito ang nangyari sa kanya sa unang gabi niya noong dumating siya galing ng Maynila.
“At hindi mo nakita ang unan na sinabi mong inihagis mo sa bintana?”
“Sa sandali ring iyon ay tiningnan namin ni Nana Lucing pero wala. At nakatitiyak akong kulang ng isa ang unan sa higaan ko.”
Huminga nang malalim si Jason. “C’mon, Devin. Baka totoo ang sinasabi ni Nana Lucing. Nanaginip ka at naalimpungatan.”
Naguguluhang tumingala dito ang dalaga. “You don’t believe me, do you?” may pagdaramdam niyang tanong.
“Hindi sa hindi ko gustong maniwala. Nagkataon lamang na naghinala kang may nagtangkang pumatay sa iyo sa unang gabi mo sa villa. At nang mangyaring harangin ka ng masasamang-loob ay iniugnay mo na agad ang dalawang pangyayari. Gayong kung tutuusin ay baka ang stepbrother mo lang ang naroon at balak ka ring gawan ng masama. Hindi nga ba at nahuli mo siya nang sumunod na gabi?”
“Jason, please. Pinagtangkaan akong patayin ng mga taong iyon. They were not interested in me personally. Binaril nila ang gulong ng sinasakyan ni Julio at Mariz na siyang naging dahilan upang mahulog ito sa bangin!” Mahigpit siyang napahawak sa braso nito habang sinasabi iyon.
Luminga sa paligid si Jason, sa walang hanggang niyugan. Pagkalipas ng ilang sandali ay tinitigan siya. “Devin, listen, ayon sa imbestigasyon ay pinatunayan ng nakasalubong na truck na nawalan ng preno ang sinasakyan ninyo kaya nahulog ito sa bangin. There’s no one in sight, not a soul. Tiniyak nila iyon dahil sila mismo ay naghahanap ng mga taong makakatulong para iligtas kayo…”
Nanlumo si Divina. Sa suma-total, hindi naniniwala si Jason sa mga sinasabi niya. Nagpatuloy ang lalaki.
“Sa loob ng tatlong araw ay pinaimbestigahan ko ang mga impormasyon na ibinigay mo sa akin tungkol sa iyo. Ang buong asyendang ito’y isinangla ng papa mo sa bangko at hindi sapat ang kinikita ng asyenda sa laki ng inutang para matubos. Sa loob ng ilang taon ay interes lang ang binabayaran ng papa mo thru your lawyer. At kung manatiling mahina ang ani ng mga niyog at ang money-earner ng asyenda ay malamang na ma-foreclose ito ng bangko.”
“Oh!” Lalong nadagdagan ang panlulumo niya. Hindi niya alam ang tungkol dito. Mariwasa siyang namumuhay sa dormitoryo sa loob ng maraming taon iyon pala ay naghihirap ang papa niya.
“I’m sorry, Dev.” itinaas nito ang mukha niya. “Hindi ko gustong sabihin sa iyo iyan pero walang magiging motibo ang sino man sa sambahayan mo para patayin ka. Your father isn’t even rich tulad ng pagkakaalam mo.”
Hindi sumagot ang dalaga. Inilinga ang paningin sa buong paligid. Sa bahay. The same old Spanish-villa. Ni hindi na napinturahan. Ang pickup ay ang dating luma pa rin. Ang dating mga katulong noong buhay pa ang lola niya’y wala na. Ang matatandang katiwala lamang ang natira, out of loyalty. Lalo siyang naguguluhan.
“Forget this whole thing at magpakilala ka sa papa mo. May palagay akong labis niyang dinamdam ang pagkawala mo,” he said gently.
Tumingala siya rito at sinikap na ngumiti. Sana nga’y totoo ang sinasabi nito. Sana nga’y masasamang-loob lamang ang lahat. At kaya sila binaril ay dahil nakilala na niya ang mga ito. Maaaring mga dating tauhan sa asyenda, nag-panic kaya gumamit ng baril.
“Yeah. I guess you’re right. Magpapakilala ako sa Papa sa birthday ko sa Lunes.”
Jason smiled sexily in relief. “Ilang beses kong inisip kung bakit hindi ko agad nalaman na hindi ikaw si Mariz…”
“Nasa akin ang mukha niya…”
“Yes. Pero iba kang kumilos at magsalita. Bawat galaw mo ay nagbabadya ng kabataan. You’re very young, Dev. Thirteen years younger sa edad ko.”
“It doesn’t matter,” she said softly.
Kumislap ang mga mata ni Jason, kasabay ng makahulugang pagngiti. “You bet. We fit, didn’t we?” His eyes shone at napahugot ng paghinga si Devin sa nakita sa mga mata nito. Nagyuko ng ulo ang dalaga upang itago ang pamumula.
“So shy and so young that you made me feel ten years younger, Devin,” bulong ni Jason, in a husky voice. Itinaas ang mukha niya. “And you have the most expressive eyes I’ve ever seen. I could drown in them…”
Natawa si Devin doon. “Ah, a compliment.”
“Which I sincerely meant.”
“Why, thank you, kind sir.” At sabay na nagtawanan ang dalawa. Hinapit ni Jason ang dalaga at niyayang ipasyal ito sa malapit.
Sa isang silid sa bahay ay may mga matang lihim na nagmamasid sa kanila. Sinusundan sila ng tanaw. Higit sa lahat ay si Devin. Sandaling nagsalubong ang mga kilay nito. Pagkatapos ay ngumiti at umiling.
r:b�3����&
Chapter Twenty
NAGISING si Divina nang maramdamang may tao sa silid niya. Mabilis siyang bumangon.
“Sin—” agad na natakpan ang bibig niya. Nagpumiglas siya.
“Sshh… it’s only me,” bulong ni Jason na dahan-dahang inalis ang kamay sa bibig niya.
“Jason?” Nakahinga siya nang maluwag nang makilala ito. “Ano ang ginagawa mo rito?” Sa liwanag ng buwan na pumapasok sa bahagyang nakabukas na mga bintana ay nakita niyang nakasuot lamang ito ng silk robe. He was a dark silhouette against the soft moon glow.
“What do you think I want, wife? We’ve been together for two days and I couldn’t even give you a proper kiss.” his hand went down to the back of her head and lifted her and kissed her.
Mapusok ang mga halik na iyon kasabay ng paggana ng mga kamay nito sa katawan niya. It was forever bago pinakawalan ni Jason ang mga labi niya.
“J-Jason,” aniya sa pagitan ng paghahabol ng hininga. “This isn’t right.”
“Really?” he mocked lightly, tumayo at hinubad ang silk robe at ibinagsak sa sahig. Gustong panayuan ng mga balahibo si Devin. He moved in the shadow with a sensual grace. And he was big and ready. “Legally, you are my wife, Mariz Florencio…”
“H-hindi ako si Mariz…”
“I should know that more than anyone else.” muli itong bumaba sa tabi niya. “I would have not wanted you kung siya ay ikaw.” then he reached for her and his kiss found her lips.
Hindi nakuhang magprotesta ni Devin. Unconsciously, she wanted this time to come since Jason’s appearance. Her arms went around his neck and met his kisses.
“Damn pajamas!” usal nito habang inaalis nang isa-isa ang mga butones ng blusa ng pajama niya. “Help me with this, heavens!”
She giggled at tinulungan itong tanggalin ang pantulog. Then the clothing was gone completely. Ibinagsak sa kung saan na lang. Then he settled above her. Touching and kissing her again… forever.
Nararamdaman niya ang mga balahibo nito sa binti sa binti niya. His chest on her breast. Then her fingers touched his chest, the muscled flesh, and his nipples, and down to his flat stomach… and lower still… And she heard him gasp as she took him in her hands, softly stroking and touching.
“Oh, darling,” ani Jason sa namamaos na tinig. Inabot ang mga kamay niya at itinaas. Fingers entwined, he parted her thighs with his knee. Suddenly, sweetly, so sweetly, he was inside her.
She trembled, gasped, and softly cried as he sinked deeply within her habang ibinubulong ni Jason ang pangalan niya.
Pagkalipas ng ilang sandali ay tinitigan ni Jason ang mukha ng babaeng natutulog sa mga bisig niya. Tenderly, dinampian niya ito ng halik sa noo at ipipikit na sana ang mga mata nang makarinig ng kaluskos sa labas ng bintana.
Hindi niya matiyak kung sa tapat nila o sa malayo. Inisip niyang isa sa mga aso at mawawala rin. Ipinikit niya ang mga mata subalit nanatili ang banayad na kaluskos at natiyak niyang hindi iyon sanhi ng anumang hayop.
Maingat niyang inilapag si Devin sa unan at dahan-dahang tumayo. Halos walang ingay na nakalapit siya sa tabi ng bintana. Maingat na sumilip sa paraang hindi makikita ng kung sino mang nasa labas. Pulos kadiliman ang nakikita niya. Babalik na sana siyang muli nang may tila anino siyang nakitang gumalaw sa dulo ng bahay sa tapat ng bintana sa kabilang silid. Bago pa niya maisip kung ano ang ginagawa nito ay nawala ang anino. Kung sa paanong paraan ay hindi matiyak ni Jason.
Nagsalubong ang mga kilay na muli siyang bumalik sa kama. Humiga sa tabi ni Devin na bahagyang naalimpungatan.
“I love you, Jason,” she murmured in her sleep.
Natilihan si Jason. Nawala sa isip ang nakita sa labas ng bintana dahil sa narinig. He would have said something kung hindi niya natitiyak na tulog na uli si Devin. Inabot niya ito at niyakap and kissed her softly. Bukas ay yayayain na niya si Devin na bumalik na sila sa Maynila. Hindi na nga marahil kailangang magkaroon pa ng salusalo, lalo at wala namang gaanong pera si Manuel Ventura. They could probably celebrate her birthday in Manila with Joshua. At kung gusto ni Devin ay isasama nila ang matandang lalaki.
�3��u�)
Chapter Twenty-One
PUMAPASOK na ang sikat ng araw sa silid nang magising si Devin. At nag-iisa na lang siya. Napangiti ang dalaga. Bago marahil nagising ang mga kasambahay ay nagbalik si Jason sa silid nito.
Nag-inat siya at bumangon. Her body’s aching and yet she’s happy and contented. Kumuha ng bathrobe at isinuot. Pagkatapos ay lumabas at nagtungo sa banyo sa pagitan ng silid ni Delio at Jason, naligo.
Papasok na siyang muli sa silid niya nang bumukas ang pinto ng silid ni Manuel at lumabas ang matanda.
“Good morning,” nakangiti niyang bati.
“Magandang umaga sa iyo, hija. Nakapaligo ka na pala. Sumunod ka na sa ibaba at sabay na tayong mag-almusal.”
“Sino po ang magdadala sa inyo sa ibaba?”
“Ku, huwag kang mag-alala at mayamaya lang ay nariyan na si Vener. Alam n’on ang oras ng gising ko.”
Ngumiti siya at pumasok na sa silid. Iniwan niyang nakabukas ang pinto at nakangiting sinundan siya ng tanaw ng matandang lalaki. Pagkatapos ay ipinagulong ang wheelchair patungo sa bungad ng hagdan.
Si Devin ay pinagmasdan ang sarili sa harap ng salamin. Her eyes were sparkling. Her face was glowing. At isinisigaw ng katawan niya ang matinding kasiyahan sa piling ni Jason kagabi.
Oh, how she loves him. At sana’y ganoon din ang damdamin nito sa kanya. She took her time dressing up. At pagkatapos ay inayos ang higaan. At saka pa lamang lumabas ng silid ang dalaga. Kinatok ang silid ni Jason at nang walang sumagot ay itinulak ito. Wala ang lalaki. Nagkibit siya ng mga balikat at bumaba.
Sa dining room ay naroon si Don Manuel at nagkakape. “Maupo ka, Ninia, at saluhan mo ako.”
“Nakita po ba ninyo si Jason?” tanong niya kasabay ng paghila ng silya sa tapat ng matanda at umupo. Inabot ang percolator at nagsalin sa tasa.
Hinigop muna ng matanda ang kape bago sumagot. “Inihatid si Stella sa bayan sandali. Tulog ka pa at sa akin ipinagbiling sabihin sa iyo.”
“Kasama po ba nila si Delio?” Ewan niya subalit may bahagi ng dibdib niya ang nakadarama ng panibugho na malamang magkasama si Stella at si Jason. Nakikita niya kung gaano kagiliw ang madrasta sa lalaki. Bata pa ito at magandang totoo.
Tumiim ang mukha ng matanda. Nagkibit ng mga balikat. “Hindi ko na iniintindi ang lalaking iyon. Dala ang pickup at kagabi ay hindi umuwi at iyon ang dahilan kaya nagtungo sa bayan si Stella, upang hanapin ang anak.”
“Baka naman ho nasabit sa barkada.” wala naman talaga kay Delio ang pansin niya. Kumukuha siya ng tiyempo para sabihin sa matanda na siya si Divina. At mukhang nagagalit pa yatang nabanggit si Delio.
“Perhuwisyo ang anak na iyon ni Stella, Ninia.”
Dinala ni Devin sa bibig ang tasa ng kape at muli ring ibinaba. “Malamig na ang kape. Teka ho muna at ipaiinit ko kay Nana Lucing.” tumayo siya upang lumabas sa kusina. Nasa may pintuan na siya nang magsalita si Manuel.
“Nasa palengke si Lucing, Ninia, kasama si Vener. Kanina pang alas-sais…”
“Di ako na lang ho ang mag—” mabilis na lumingon si Devin at nagsasalubong ang mga kilay na tinitigan ang matanda. “Kanina pang alas-sais? At si Stella nama’y… sino ho ang nagbaba sa inyo dito?” Noon niya napunang wala sa silyang de-gulong ang matanda kundi nakaupo sa silya sa mesa. “Nasaan ang wheelchair ninyo?”
A sudden evil gleam shone in his eyes. “Hindi mo ba nakita sa itaas malapit sa bungad ng hagdan, Ninia?”
Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Itinuon ang paningin sa mga binti ng matandang lalaki. “H-hindi kayo lumpo?”
“Napaniwala ko ang lahat, ’di ba?” Ngumisi ito. “Ilang buwan din akong nagtiis sa silyang de-gulong na iyon. Ang tanging konsolasyon ko’y may sariling silid si Stella at nagagawa kong gamitin ang mga paa ko sa silid ko.” at mapanganib na tumawa ito.
“P-pero bakit ho? Ano ang dahilan at nagkunwa kayong lumpo?” Bumigat sa kamay niya ang hawak na percolator pero nanatiling hawak niyang mahigpit.
“Ikaw, Divina, bakit ka nagkunwaring si Ninia?” tanong nito na kumislap ang mga mata, pagkatapos ay muling tumawa.
“A-alam ninyo?”
“Ngayong umaga lang, Divina. Bagaman maraming bagay sa iyo ang ipinagtataka ko.” umiling ang matandang lalaki kasabay ng paghugot ng matalim na buntong-hininga. “Kinasihan pa rin ako ng pagkakataon at nalaman ko bago mahuli ang lahat…”
“ A-ano ang ibig ninyong sabihin? Paano ninyo akong nakilala?“
“Nakita ko ang balat mo sa binti kaninang lumabas ka ng banyo at hinuhuni mo ang kantang natutuhan mo sa lola mo noong maliit ka pang bata.” tumaas ang sulok ng bibig nito sa pauyam na tawa. “Bukod pa roon, naghihinala na ako. Ang kilos mo, ang paglakad, ang pamilyaridad sa mga bagay, sa loob ng bahay at ang pagiging masuyo mo sa dalawang matandang katiwala.” tiningala siya nito at tinitigan. “Napakaganda mo ngayon, Divina, hija. Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo at gumanda ka nang ganyan. Subalit hindi na mahalaga iyon. Mamamatay ka rin…”
Humarang sa lalamunan niya ang hininga. “Kayo?! Kayo ang may gustong magpapatay sa akin!” bulalas ng dalaga. Nagsimulang bumangon ang kaba sa dibdib. Napaatras sa may hamba ng pinto.
Tumalim ang mukha ng matandang lalaki. Mula sa silya na nakapasok pa sa ilalim ng mesa ay inilabas ng matandang lalaki ang isang baril.
“Ako rin ang binato mo ng unan, Divina, nang panhikin ko ang silid mo…”
Nanlaki ang mga mata ni Devin. Tinitigan ang baril na hawak ng matandang lalaki. Naibagsak ang percolator sa sahig sa matinding pagkabigla, takot, at pagkalito.
“B-bakit, Papa?”
“Hindi kita anak, Divina!” Naniningkit ang mga mata nitong pahayag. “Si Lira ay pinagsamantalahan ng isa sa mga tauhan ng asyenda na pinatalsik niya. Inilihim ni Donya Agueda ang lahat subalit nang magdalang-tao ang ina mo’y naligalig ang matanda at si Lira. Isa lamang akong magbubukid sa kabilang bayan. Ang kasintahan ko’y dating katulong sa bahay na ito at nang minsang sunduin ko rito ay nakita ako ng mag-ina. Kinausap at binayaran nila ang kasintahan ko upang magpakalayo-layo at ako naman ay upang pakasalan si Lira.”
“H-hindi totoo ito!” At ang buong akala niya’y minahal na siya nang totoo ng matandang ito. Ng matandang ito na siya niyang kilala bilang ama. “Ang… ang asyenda? Bakit nasa pangalan ninyo kung tauhan lang kayo ng Lola at Mama?”
“Iyon ang kondisyong hiningi ko upang sundin ang gusto ng mag-ina. Pumayag si Donya Agueda. Ano na lamang ba ang pangalan kung maililigtas naman sa kahihiyan si Lira? At si Lira, dahil isa lamang akong magbubukid ay hindi ko siya malapitan nang hindi sumisigaw na tila nandidiri. At wala akong magawa kundi gamitan siya ng dahas sa tuwina…” may malisyang sumungaw sa mga mata nito at pagkatapos ay dumura ito sa sahig sa matinding pagkasuklam.
“Kinamumuhian niya ang uri namin dahil napakaganda niya.” ngumisi ito. “Pero madali kong nagawan ng paraan ang katayugan niya…”
Pumuno sa mukha ni Devin ang matinding sindak. “H-hindi totoong nahulog sa kabayo ang Mama?!”
“Napalabas kong aksidente, Divina. Aksidente!”
Napaungol ang dalaga. Pagkatapos ay lumipad ang mga mata sa matandang lalaki nang maalala ang abuela. “Ang…ang Lola? Please, huwag ninyong sabihing…”
Tumalim ang mga mata ni Manuel. “Tuso ang matandang iyon. Kahit na nagpapakitang-giliw ako’y hindi niya ako pinagkakatiwalaan.” umiling ito. “Sakit ang ikinamatay ni Donya Agueda, Divina. Malinis ang kamay ko sa matandang iyon. Hindi niya ako nabigyan ng pagkakataong patayin siya nang maaga-aga. Sa kabila ng magalang na anyo at pakikipag-usap ay alam kong kinasusuklaman niya ako. Hindi niya matanggap na nakiusap siya sa akin para pakasalan ang anak niya. Hindi niya matanggap na ang isang hamak na tulad ko’y nakasama niya sa bahay na ito.”
“Pero bakit ako?”
“Lakad, Divina! Nauubos ang oras natin sa maraming mga tanong.” nag-iba ang tono ng boses nito, naging marahas. “Lakad. At huwag kang magkakamaling gumawa ng hindi mabuti. Hindi ko gustong gamitin ang baril na ito dahil maingay pero kung wala akong pagpipilian ay uubusin ko sa mukha mo ang mga bala nito.” Itinaas nito ang baril sa mukha niya.
Nahihintakutan si Divina na humakbang paatras. Hindi sinasadyang natabig nito ng paa ang percolator na bumagsak at gumulong pa uli patungo sa kusina.
“Sa likod ka dumaan. Mauna ka sa akin nang dalawang dipa at bilisan mo bago pa may dumating!”
“Pero… b-bakit pati ako?” Lumingon siya dito subalit muling itinaas ni Manuel ang baril sa kanya.
“Sisirain ng balang ito ang mukha mo, Divina, kung hindi ka magmamadali! Hindi mo gustong maging pangit uli na kahit patay ka na’y hindi gustong tingnan ng tao ang mukha mo. Labas!”
Walang nagawa ang dalaga kundi ang sumunod. Mas makakaisip siya ng paraan kung magtatagal nang kaunti ang buhay niya. Mataktika niyang hinablot mula sa tainga ang hikaw nang buksan niya ang screen door sa likod. Gusto niyang dumaing sa sakit. Natitiyak niyang dumugo ang tainga niya. Ibinagsak niya ito sa sahig kasabay ng pagbagsak ng pinto habang naiwan pa sa loob si Manuel.
“Subukan mong tumakbo, Divina, at sabog ang bungo mo!”
lamang ang�1ԯ��&
Chapter Twenty-Two
SABAY na pumarada sa harap ng villa ang Land Cruiser at ang tricycle na sinakyan ng dalawang matanda mula kabayanan.
“Saan ka ba galing, hijo?” Si Nana Lucing habang ipinasok ni Tata Vener ang dalawang bayong sa loob.
“Inihatid ko sa bayan si Stella, Nana Lucing. Hindi raw umuwi kagabi si Delio at nag-aalala.” Binuhat na nito ang isang maliit na basket na naiwan sa matanda.
“Aba, eh, bakit nga ba? Wala akong natatandaang hindi umuuwi ng bahay si Delio kahit na malasing man ito. Hindi tuloy namin nagamit ang pickup sa palengke,” sagot nito na nagtuloy-tuloy sa loob.
“Lucing, parine ka nga…” tawag ni Tata Vener mula sa kusina.
“Ku, apurado. Ire na nga.” kasunod si Jason ay pumasok sa kusina si Nana Lucing. “Bakit ba?”
“Tingnan mo nga ireng takure at nahagis dine sa sahig. Aba’y kay layo ng ginulungan, ah. Saan mo ba iniwan? Nadagil marahil ng pusa.” yumuko ang matanda upang damputin ito. “Aba’y kapeng-kape na ako, ah. Isasalang na lang ay maghuhugas pa nire at magpupunas ng sahig…”
“Kaunting trabaho ay kay daming reklamo,” bulong ng matanda. Nilingon si Jason at nginitian. “Akina ang basket, Jason, at salamat, hane…”
Nagkibit ng balikat si Jason at ngumiti bago muling lumabas, nagtuloy-tuloy ito sa itaas sa silid ni Devin. Wala ang dalaga. Hinanap sa silid niya, wala rin. Tinungo ang silid ni Don Manuel at kumatok at baka naroon at ipinagtatapat sa ama ang tunay na katauhan.
Tatlong katok na siya subalit walang sumasagot. Pinihit niya ang seradura at nabuksan ang pinto. Wala ring tao. Pababa na siya nang mapuna ang silyang de-gulong sa dulo ng pasilyo. Salubong ang mga kilay na nagmadaling bumaba.
“Tayo lang ang tao sa buong bahay, Nana Lucing,” aniya.
“Wala ba sina Don Manuel at Divina?” Lumingon ang matanda na inaayos ang ipinamili sa ref.
Bago pa makasagot si Jason at sabihin ang tungkol sa wheelchair na nasa itaas ay muling tumawag si Tata Vener na nagpupunas ng sahig at winawalis ang natapong kapeng barako.
“Kanino bang hikaw ireng narito sa sahig, Lucing?” sigaw ng matanda. “Baka kay Stella ay magtitili na naman iyon sa paghahanap…”
“Dalhin mo rine at titingnan ko,” sagot ng matandang isinara ang refrigerator. Pumasok ang matandang lalaki at ipinakita sa asawa ang hikaw.
“Kay De… Ninia ang hikaw na iyan, Tata Vener,” ani Jason. Pamilyar sa kanya ang hikaw dahil laging suot ni Devin iyon. Isa pa’y alam niyang hindi hinuhubad ng dalaga iyon kahit sa pagtulog.
Tumiim ang mukha ng matanda. “Kay Divina ang hikaw na iyan, Vener, hindi mo ba nakikilala? Maliit pa siyang bata’y suot na niya iyan.” may galit na gumuhit sa mukha nito nang harapin si Jason. “Suot ni Devin ko ang hikaw na ito noong araw na mawala siya, Jason,” naghihinalang wika nito.
Hindi agad nasagot ni Jason iyon, may kung anong hinala ang sumisiksik sa isip. Kinuha sa kamay ng matanda ang hikaw at lumingon sa kabahayan.
“Tata Vener, bakit nasa itaas ang wheelchair ni Mr. Ventura? Paano siyang makakalakad kung wala ito?”
Nagkatinginan ang mag-asawa na tila hindi naiintindihan ang sinasabi niya. “Aba’y hindi nga…” magkasabay pang sagot ng mga ito. “Hindi nakakaalis sa silya niya si Don Manuel malibang aalalayan mo.”
Naningkit ang mga mata ni Jason. “Saan mo napulot ang hikaw ni Ninia, Tata Vener?” seryosong tanong nito.
“Isinusumpa kong kay Divina ang hikaw na iyan!” Si Nana Lucing. Hindi pinansin ng matandang lalaki ang asawa. Nagtataka sa anyo ni Jason.
“Aba’y dine.” tumalikod ito patungo sa kusina hanggang sa may pinto kasunod sina Jason at Nana Lucing. “Nililinis ko ireng natapong kape na gumulong yata hanggang dine, eh…”
Itinulak ni Jason ang pinto at tumingin sa berdeng kapaligiran, sa mga niyog at naglalakihang punong-kahoy. Yumuko at nakita niya roon ang kapares ng hikaw ni Devin. Dinampot niya iyon. Gusto nang mawalan ng kulay ang mukha. He didn’t want to entertain fear pero iyon na ang sumisibol sa dibdib niya.
“Nana Lucing, kaninong silid ang katapat ng bintanang nasa kaliwa ng silid ni Ninia? Sa may dulo?” frantic nitong tanong.
“Kay Donya Agueda noong nabubuhay pa ito. Bakit Jason?”
Hindi kumibo si Jason at mabilis na lumakad patungo sa harap ng villa. Naguguluhang sumunod ang dalawang matanda.
“Bakit ba, hijo?”
“May anino ng tao akong nakita sa tapat ng bintanang ito kaninang mag-a-alas-tres ng madaling-araw, Tata Vener. Nanatili siya rito hanggang sa mawala siya sa mismong mga mata ko…” inikot niya ang tingin sa paligid at tumingala sa itaas at muli ring ibinaba sa lupa.
“May munting pintong bato sa bahaging ito ng bahay, Jason,” imporma ni Tata Vener. “Pero matagal nang hindi nabubuksan ang pintong bato kahit noong nabubuhay pa si Donya Agueda…”
“Buksan ninyo, Tata Vener…” utos niya sa nagmamadali at awtorisadong tinig. Naguguluhan ma’y sumunod ang matandang lalaki.
Dalawang malaking paso ang inalis ng matanda. Hinawi ang naroong malalagong halaman. Isang maliit na pinto ang natambad kay Jason. Na marahil kung wala ang halaman ay mahihinuha ring pinto dahil hindi naman itinago ang pagkakagawa. Inaasahan ni Tata Vener na mahihirapan itong itulak ang pintong bato sa tagal ng hindi pagkakagamit subalit madali itong bumigay.
“Sa pagkakaalam ko’y dati itong bodega noong nabubuhay pa ang asawa ni Donya Agueda,” wika ng matanda nang mabuksan ang pintuang bato. Pumasok si Jason at natambad sa kanya ang maagiw na munting silid at mga inaagiw ring lumang kasangkapan at mga tools. Isang maitim na bagay ang dinampot niya mula sa ibabaw ng sirang mesita.
Bandanang itim! Sa tabi nito’y kumislap sa liwanag na nanggagaling sa labas ang isang patalim. At isa pa uling bagay ang nakita niya.
Unan!
Tuluyan nang kinain ng matinding takot at kaba ang dibdib ni Jason. Ginigitian siya ng butil-butil na pawis. Mabilis siyang lumabas ng silid na iyon.
“Tata Vener, sino ang nakakaalam ng bodegang ito?”
“Aba’y ako at si Lucing.” sandaling nag-isip ang matanda. “At si Manuel lamang. Katunayan ay matagal nang kinalimutan ang bodegang ito dahil sa malaking bodega sa may garahe. Bakit ba, Jason?”
“Nasa panganib si Devin, Tata Vener! Saan natin maaaring hanapin si Devin?” Nagpa-panic ang tinig niya. Hindi niya kayang tagalan ang tila patalim na humihiwa sa dibdib dahil sa matinding takot: takot para kay Devin.
“Sino ba ang Devin na tinutukoy mo, Jason?” Si Nana Lucing na nagsalubong ang mga kilay.
“Si Ninia ho ay si Devin at nasa panganib ang asawa ko!” Inihilamos ni Jason ang palad sa mukha. He has never felt so helpless all his life. “Kung kayo ang kriminal at gusto ninyong mawala ang biktima ninyo nang walang nakakakita at nakakaalam, saan ninyo siya dadalhin, Tata Vener? Saang bahagi ng asyenda?” Halos sumigaw na siya.
“Ang aking si Divina!” bulalas ng matandang babae.
“May… may alam akong lugar na hindi pinupuntahan ng mga tao ng asyenda, Jason,” namumutlang sagot ng matandang lalaki.
“Saan ho?!”
“Sa lumang kamalig kung saan na… napagsamantalahan ang senyorita Lira!”
=’fo�3Ԫ��5
Chapter Twenty-Three
NAHAHAPONG napaluhod si Devin sa makapal na damo sa labas ng lumang kamalig. Hindi makapaniwalang nilakad nila ang layong iyon na sa tantiya niya’y mahigit sa kalahating kilometro. Ni hindi niya napuna ang nakaparadang pickup sa likod ng malaki at matandang puno dahil sa matataas na talahib.
Hindi niya kailanman nalaman ang kamalig na ito na marahil ay siyang imbakan ng mga palay noong araw. Pulos kalawang at sira na ang bubong na yero at marupok at sira na rin ang mga dingding na kahoy.
“Pumasok ka sa kamalig, Divina!” utos ni Manuel na humihingal din sa pagod. Sumunod ang dalaga at pumasok sa nakaawang na pinto ng kamalig. Nahahapong sumandal siya sa poste sa pinakasentro ng kamalig. Mula sa isang sulok ay ibinagsak sa kanya ang isang lubid. “Itali mo ang sarili mo sa haliging iyan!”
“A-ano ang gagawin ninyo sa akin?”
“Sundin mo ang sinasabi ko! Itali mo ang sarili mo sa haligi! Aabutin ko ang magkabilang dulo sa likod mo ’pag naibuhol mo na ang sarili sa kahoy. Bilisan mo!”
“Hindi ninyo magagawa ito!” hiyaw niya. Halos panawan ng malay sa matinding pagod, takot, at kawalang-pag-asa.
Hindi na malalaman ni Jason ang mangyayari sa kanya. Sino sa villa maliban kay Manuel ang nakakaalam ng abandonadong bodegang ito? Itinutok ng matanda ang baril sa kanya at muli siyang inutusang itali ang sarili. Walang nagawa si Divina kundi ang sumunod.
Nang makailang ikot sa katawan niya ang lubid ay inabot ni Manuel ang tali sa likod niya at ibinuhol.
“Bakit gusto ninyo akong patayin? Ano ang kasalanan ko sa inyo?” sunod-sunod niyang tanong. Kailangang tumagal pa ang oras niya. Nagbabaka-sakaling bigyan ng panahon ang kung sino mang nakapunang nawawala siya at si Manuel bagaman gahibla na lang ang pag-asang iyon. Kung marami ang nakakaalam sa lugar na ito’y hindi siya rito dadalhin ng matandang ito.
“Nakikita mo ang mga lata ng gaas na iyon, Divina?” Nakangising inginuso nito ang isang sulok, pagkatapos ay inilapag ang baril sa damuhan at lumakad patungo sa kinaroroonan ng mga lata ng gas, binuksan isa-isa. “Susunugin ko ang kamalig na ito at dahil linggo ngayon ay walang mga taong agad na makakadalo at susugpo sa apoy. Isang kilometrong mahigit mula rito ang pinakamalapit na bahay ng mga tauhan.”
“No!” sindak niyang sigaw. “Oh, please, no! Malalaman nila ang ginawa ninyo! Naroon sa bahay ang silyang de-gulong ninyo!”
Unti-unting sumilay ang makamandag na ngiti sa mga labi nito, pagkatapos ay humalakhak.
“Hindi nila ako paghihinalaan, Divina. Natitiyak kong hindi. Si Delio ang paghihinalaan nilang gumawa nito sa iyo!”
“Si Delio?” gilalas niyang usal. Sinundan ng tingin ang hinayon ng matandang lalaki. Noon lang niya napansin na sa kabilang bahagi ng kamalig ay ang nakahambalang na katawan ni Delio. “Oh, my god! Ano ang ginawa ninyo sa kanya?”
Ngumisi ang matandang lalaki. “Patay na siya, Divina. Sadya ko siyang inabangan kagabi sa bukana ng asyenda. Nagtiyaga akong maghintay sa kanya roon mula alas-onse ng gabi.”
Nanuyo ang lalamunan ng dalaga. “A-ano ang— kasalanan niya sa inyo?”
Umismid ang matanda. “Hindi sinasadyang natuklasan ni Delio na ako ang nag-utos sa dalawang lalaking patayin ka, Divina! Nakita niya nang katagpuin ko ang dalawang lalaki isang hatinggabi sa ibaba ng villa at ibigay ang bayad sa mga ito. Narinig niya ang pinag-usapan namin. Natuklasan niya ang lihim ko at nagsimula siyang i-blackmail ako! Wala na akong perang maibibigay sa kanya. At kahapo’y hinihingan na naman niya ako ng malaking halaga! At kung tutuusin, kung wala ang mga antigong alahas ng matandang Agueda ay wala akong kayang ibayad!
“Naubos ang pera ko sa kakabayad sa mga walang silbi at inutil na mga taong inutusan kong pumatay sa iyo. Sa Maynila ay dalawang beses ding may nagtangkang patayin ka, mahal kong anak!” pang-uuyam nito kasabay ng malademonyong ngisi. “Subalit pawang nangabigo. Una’y ang isang taong binayaran ko upang ihulog ka sa hagdan sa kolehiyo.”
nanlaki ang mga mata ni Devin. Ngayon niya nakumpirma na talagang itinulak siya ng nakabunggo sa kanya!
At hindi kailangang itanong sa matandang ito na kagagawan din nito ang muntik na niyang pagkabundol noong insultuhin siya ni Jeff sa Mcdonald’s.
“Pero bakit ninyo ginagawa ito?” naguguluhan niyang tanong sa pagak na tinig.
“Salapi, Divina, salapi,” may-pagkagahamang sagot nito. “Hindi ako ang may gustong ipadala ka sa Maynila. Kung narito ka sa asyenda ay hindi sana ako nahirapang patayin ka. Subalit iyon ang legal na habilin ni Donya Agueda sa testamento niya. Sa Maynila ka mag-aaral pagkatapos mo ng elementarya, sa isang eksklusibong paaralan at doon din maninirahan. Ipinamana sa iyo ng matandang Agueda ang buong kayamanan niya na nasa limang bangko sa Maynila at kabayanan. Ganoon din ang buong asyendang ito pagsapit mo sa edad na beinte-uno. At bukas na iyon, Divina.”
Nagngangalit ang mga bagang nito. Ibinuhos sa marupok na dingding ang gasolina. Umabot sa ilong ni Devin ang amoy ng gasolina at gusto niyang panawan ng malay.
“Wala kahit na anong salaping iniwan para sa akin si Donya Agueda. Tanging nagmumula kay attorney Sebastian ang allowance. At ang tuso mong lola ay isinangla ang buong asyenda sa bangko sa ilalim ng pangalan ko upang hindi ko makuha ang kinikita nito. Ang kinikita ng asyenda ay nauuwi lang sa bangko nang walang kabuluhan subalit bale-wala iyon sa tusong matanda! Ang mahalaga sa kanya’y wala akong matatanggap na salapi mula sa asyenda. Tiniyak din niyang hindi ito maiilit sa sandaling hindi umani nang husto ang lupa at mga niyog. Si attorney ang bahala roon.”
Nag-aapoy sa poot ang mukha nito. Sa tingin ni Divina ay tumanda pa ito nang higit dahil sa matinding kasakiman at galit.
“Kinasuklaman niya ako nang sabihin ko sa kanyang ipabago ang pangalan ng asyenda mula sa pangalan ng nasirang asawa niya patungo sa akin. Maraming mga tao ang naniwalang akin ang asyenda! At isa lamang iyon sa mga dahilan niya…”
“Marahil ay talagang nararamdaman ng lola na isa kang masamang tao!” agap niya sa nagpupuyos na damdamin at pagmamahal sa matandang babaeng walang tanging hinangad kundi ang maibigay sa kanya ang magandang kinabukasan.
And it’s very ironic na iyon ang magiging sanhi ng kamatayan niya. Muling tumawa ang matandang lalaki.
“Marahil nga. At si Delio? Siya ang mapagbibintangan ng lahat, Divina. Sasabihin kong dumating kanina ang lalaking iyan at sapilitan kang isinama at isinakay sa pickup. Sumigaw ka at narinig kita. Madali kong sabihin sa kanilang ipinagtapat mo sa akin ang totoo mong katauhan bago pa man dumating si Delio. Sa masidhing damdamin ay nakalakad ako kahit pilit upang ipagtanggol at sundan ka. Sumunod ako, Divina, sa hirap at pagsisikap ko upang iligtas ang aking kaisa-isang anak.” nag-echo sa loob ng sirang kamalig ang tawa nito.
“At paano mo ipaliliwanag ang pagkasunog ng kamalig? Namin ni Delio?” napopoot niyang hiyaw dito. Nanuyo ang luha sa mga mata. Humalili ay galit sa halimaw na ito.
“Napagsamantalahan ka na ng lalaking iyan nang dumating ako at nagsasaboy na ng gaas upang sunugin ka para walang makaalam sa krimen. Kasalukuyan niyang sinisindihan ang kamalig nang dumating ako. Binaril ko siya, Divina, subalit huli na. Kumalat na ang apoy at hindi na kita nailigtas. Aabutan nila akong walang malay at nanggigipuspos, sinisisi ang sarili sa pagkamatay mo!”
“Hayup!” halos bulong na lang iyong lumabas sa bibig niya. “Hindi mapupunta sa inyo ang asyenda at kayamanan ng Lola!”
Malakas na tumawa ang matanda. “Divina, Divina, bakit sa palagay mo ay nagpapakahirap ako nang ganito kung hindi mapapasaakin ang kayamanan ng matandang iyon? Tuso man si Donya Agueda ay hindi siya nag-iwan ng provision kung sakaling mawala ang nag-iisa niyang tagapagmana. Ang gusto lang mangyari ni Donya Agueda ay ikaw ang magdedesisyon ng salapi niya.”
Lumong-lumo ang dalaga. Anumang oras ay masusunog siya. At kung mayroon man siyang pinanghihinayangan ay ang sana’y pagkakataon niyang lumigaya sa piling ni Jason. Kung natatakot man siyang mamatay ngayon ay dahil kay Jason.
Habang tumatawa ay paikot na binubuhusan nito ng gaas ang kanang tagilirang bahagi ng kamalig. Pagkatapos ay kumuha ng posporo at nagsindi, hindi napuna ang pag-galaw ng katawan ni Delio. Sa pahandusay at maingat na paraan ay tumayo si Delio. Nang marinig ito ni Manuel ay nasa tabi na ang binata.
Dinaluhong nito ang matandang lalaki na siyang naging sanhi upang mabitiwan nito ang may sinding posporo sa gaas. Mabilis na sumiklab ang apoy sa bahaging iyon sa marupok at lumang bodega.
“Kasama kitang mamamatay, hayup kang matanda ka!” hiyaw ni Delio na ang dugo sa ulo’y patuloy na umaagos. Nanghihina siya subalit matanda na si Manuel. Isasama nito sa kamatayan ang matandang ito.
Inabangan ito ni Manuel kaninang madaling-araw sa bukana. Nagtataka ma’y hinintuan at isinakay upang tanggapin lamang ang hampas ng baril sa ulo nito na dahil lasing ay hindi agad nakaiwas. Maraming beses itong pinukpok ni Manuel sa ulo. Duguan itong bumagsak sa manibela at inaasahang napatay. Inalis ng matanda sa manibela ang katawan nito at ito mismo ang nagmaneho patungo dito sa kamalig. Nais sana nitong makatiyak at sunugin na ang kamalig subalit nag-aalalang hindi agad magawang makabalik ng villa dahil mag-uumaga na. Hindi nito madadala pabalik ang sasakyan dahil pagtatakhan ng marami iyon. Bukod doon, nag-aalalang baka maunang magising si Vener na tuwina’y nagigising na hindi pa man tumitilaok ang manok.
At habang pinag-iisipan nito kung paano tuluyang maididispatsa ang katawan ni Delio ay natuklasan nitong si Ninia ay si Divina.
Si Devin ay sindak na pinanonood ang pag-aamok ng dalawa sa damuhan hanggang kumalat na nang husto ang apoy. Malayo pa ang apoy sa kinaroroonan niya subalit sa rupok ng kahoy ay malamang na abutin din kaagad siya. Sinikap niyang pakawalan ang sarili pero mahigpit ang pagkakatali. Nagpa-panic siya sa pagpipilit na makahulagpos.
Dahil nanghihina na si Delio sa maraming dugong nawala ay nawalan ng panimbang at naitulak ni Manuel sa apoy. Pagapang na lumayo ang matandang lalaki mula sa naglalagablab na apoy subalit hindi pa ito nakalayo’y nagliliyab na katawan ni Delio ang dumamba dito at mahigpit itong niyakap.
Napatili si Divina sa nasaksihan. Ang pagpipilit ni Delio na isama sa kamatayan si Manuel at ang pagsisikap ni Manuel na makawala sa tila bakal na nakapulupot sa katawan nito. Nagpagulong-gulong sa damuhan ang dalawa habang nilalamon ng apoy ang katawan.
Kumalat na nang husto ang apoy at inabot na ang pintuan ng kamalig at tumataas na patungo sa bubong. Anumang sandali ay mamamatay siya. Ipinikit niya ang mga mata nang bumagsak ang malaking pinto ng kamalig at sumungaw ang Land Cruiser ni Jason. Mabilis itong lumabas ng sasakyan at tinakbo siya.
“Jason!”
“Oh, my god, Devin!” Nanginginig ang mga kamay na hindi ito magkandatuto sa pagkalas sa buhol sa likuran niya. Patuloy sa pagkalat ang apoy.
May bahagi na ng dingding at bubong ang bumagsak at nagliyab isang dipa mula sa kanila na ikinatili ni Devin. On instinct ay itinakip ni Jason ang katawan sa kanya.
“Hurry up, Jason! Oh, please,” sigaw niya hanggang tuluyang nakalag nito ang buhol.
Itinakbo siya ni Jason papasok sa Land Cruiser sa mismong driver’s seat at itinulak papasok. Sumunod ang lalaki at mabilis na ikinambiyo paatras ang sasakyan kasabay halos ng pagbagsak ng bubong at tahilan sa ibabaw ng pinagtaliang haligi kay Divina.
Huminto ang Land Cruiser sa di-kalayuan. Binalingan ni Jason ang tila natutulalang dalaga at marahas na niyakap at hinagkan.
“Oh, god! I thought I’d lost you forever!”
Si Devin ay nawalan ng malay. Ang dalawang matandang nasa di-kalayuan ay patakbong lumapit sa kanila.
asa aki 1�6�&
Chapter Twenty-Four
HALOS mamatay sa dalamhati si Stella sa pagkamatay ni Delio. Sa pamamagitan ng abogado ni Donya Agueda ay pinagkalooban ni Devin ng malaking halaga si Stella upang makapagsimulang muli. Ganoon din ang dalawang matandang katiwala. Idineklara si Don Manuel bilang may diperensiya sa pag-iisip kaya nagawa ang ganoong krimen.
Hindi na itinuloy ni Jason ang divorce. Maliban kay Donya Marcela, ang abogado, si Ninia, at ang dalawang matandang katiwala ay nanatiling lihim ang pagkatao ni Divina.
Tuluyang nawala ang identity niya bilang si Divina Ventura. But Devin or Mariz, it didn’t really matter. What is important ay mahal siya ni Jason. At mahal niya ito.
“Are you sure you want to marry me?” She dreamily gazed at his handsome face and twisted beneath him. “I am legally married to you anyway, bilang si Mariz Florencio. At kilala ako ng lahat ng tao bilang si Mariz.”
Pinagsalikop ni Jason ang mga kamay nila and moved deeper. “I want to marry you, Dev. Bilang si Divina Ventura. If you think you could get away from me in any way, think again, darling. You’re mine,” he promised passionately. “And I love you, Devin.”
“I love you, too, Jason,” she said softly and raised her hips to accept him fully. Napaungol si Jason and held her hips firmly and drove even deeper. She writhed and gasped as her body enclosed every inch of him, taking, wanting, and needing him.
Nakikita niya ang pawis sa noo nito, ang tensiyon sa mukha, the corded muscles sa leeg at mga balikat.
“Jason…”
“Don’t talk, sweetheart,” he said breathlessly. “Take me more.” she did and arched her body against him. Pero hindi siya maaawat ni Jason sa gusto niyang malaman.
“W-when… when we made love, tulad ngayon… oh!” she sucked her breath when he went even deeper and faster. “Sino ang… nakikita mo…?”
Tinakpan ni Jason ng mga labi ang bibig niya and murmured in her mouth. “You. Oh, it’s you!”
“J-Jason…” her eyes flew open and dugged her fingers on his shoulders.
“I love you, Mrs. Devin Florencio!” he cried out as he gave that final thrust.
Wakas
Available on physical books: https://preciousshop.com.ph/products/phc00004-impostor/?dept=books
Available on e-book format: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/695/PHC00004---Impostor

