loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Kristine 17 - Panther Walks (UNEDITED) (COMPLETED)

Kristine 17 - Panther Walks (UNEDITED) (COMPLETED)

Marthacecilia Phr · 38 chapters · 46,737 words

Dedication

The Panther Walks is lovingly dedicated to Ms. Christine delas Armas of San Mateo, Rizal, one of the many readers who is so dear to me. A couple of years ago, hiniling niyang sumulat naman ako ng kuwento na ang bidang lalaki ay isang American Indian. Bagaman hindi ko nalikha ang katauhan ni Aidan dahil sa request na iyon, ang hiling na iyon ang nagpangyari upang maisip kong kay Aidan nababagay ang isang kuwentong may kinalaman sa American Indian sa kadahilanang hindi alam ng mga reader ang kanyang pinagmulan.

And also to Christine's cousin or is it sister-in-law? I'm sorry I couldn't remember your name but I remembered talking to you once on the phone years ago. If I am not mistaken, you wrote once too. 

And also to all my readers who have followed my writing career over the years—kulang ang isang pocketbook kung isusulat kong lahat ang mga pangalan ninyo—please bear with me if my novels do not come out as often as you expect. As I have always said, kayo ang nasa isip ko tuwing gumagawa ako ng nobela.

Sana'y maibigan ninyo ang kuwentong ito ng buhay at pag-ibig ni Aidan Fortalejo—Worth.

Watch for Karl Anton's love story on my next Kristine Series.

-Martha Cecilia

****************Greetings na rin para sa lahat ng beshie nating nagdiwang, nagdiriwang at magdidiwang palang ng kanilang kaarawan. Happy birthday sa inyo mga beshie. Pasensya na at ngayon lang nagkatime, medyo busy na tayo eh at mag-ingat pala ang lahat. Wishing you all the best mga bbeshie. Sa mga manlilibre pala sa akin dyan shoutout na rin sa inyo char hahahaha. Enjoy the night and enjoy reading char hahahaha. Good night everyone!- Admin A **********

Prologue

“DON’T get too far, Father… Panther Walks!” pahabol na sigaw ni Catherine sa ama at sa onse anyos na panganay na lalaki na magkahawak-kamay na namamaybay sa tabing-ilog. “We’ll have lunch any minute now.”

“Don’t worry about us, Catherine. We won’t be long,” wika ng matandang Shawnee.

Kinawayan ni Panther Walks ang ina at nagpatuloy sa pamamaybay sa tabi ng mabatong ilog hawak ang kamay ng abuelo. 

Si Catherine ay isang half-breed. Ang ama nito'y purong Shawnee at ang ina ay isang American at may isang taon nang namayapa. She was in her early thirties when she married Jericho Worth, isang American at isang mahusay na chemist and whose grandmother was a Filipina. 

Bagaman isang edukadang half-Shawnee Indian at guro sa paaralang nasa isang Indian Reservation, binigyan ni Catherine ng Shawnee identity ang dalawang anak sa kagustuhan na rin ng ama nito. Gayunman, her two children were baptized with Christian names. Aidan was nearly twelve at si Caroline, na ipinanganak sa panahong hindi na iniisip ng mag-asawa na masusundan pa si Aidan dahil tumuntong na ng treinta y nueve si Catherine nang maglihi, ay anim na taong gulang.

Ang asawa nitong si Jericho Worth at ang kapatid nitong lalaki, si David Worth, ay sa Kentucky na ipinanganak, lumaki at nag-aral. Nakarating sa Pilipinas ang magkapatid na Worth noong kabataan ng mga ito. Subalit nang mamatay ang kaisa-isang kamag-anak ng kanilang lola sa Pilipinas ay hindi na rin dumalaw pang muli sa Pilipinas ang matandang babae hanggang sa ito ay mamatay. Nang hapong iyon, ang buong pamilya ng magkapatid na Jericho at David Worth, kasama ang mga magulang, ay nasa isang bahagi ng gubat kung saan pana-panahon ay siyang camping and picnic place ng pamilya. 

It was an ideal picnic place. Mataas ang mga punong-kahoy na lumililim sa lugar at ang mga damo'y hindi gaanong matataas. Ang ilog ay malinaw at hindi malalim. Sa patag na bahagi ng lugar ay ang camping van ng dalawang pamilya na nasa ilalim ng malalaking oak trees.

"Lunch time, honey!" sigaw ni Jericho sa asawang si Catherine. "Aidan, Father, come back!"

"We won't be long, Dad!" sigaw ng batang lalaki at nagpatuloy sa pamamaybay sa tabi ng mabatong ilog kasama ng lolo. Tossing stones to the water every now and then.

"Where exactly are we going, Grandpa?" tanong ng batang Aidan sa nuno. Ang matandang lalaki, sa kabila ng nagkaasawa ng puti at nakaranas ng makabagong pamumuhay ay nanatiling mahaba ang buhok na nakatirintas.

"Wala lang, Panther Walks," sagot nito na sinabayan ng kibit ng mga balikat. Nasa mid-seventies ang matanda subalit matipuno ang pangangatawan, kumikintab ang mapulang balat sa sinag ng araw. 

Mula sa paglalakad sa batuhan ay gumawi ang matandang lalaki sa may damuhan patungo sa may bahaging mataas ang lupa. 

"Isa pa'y gusto kong maglakad-lakad," wika nito sa salitang English. Niyuko ang apo. "Gusto ko ring ipakita sa iyo ang bahaging ito ng gubat. Hindi ka pa nakarating sa lugar na ito, hindi ba?"

"Yes, Grandpa," sagot ni Panther Walks, kumapit sa braso ng matandang lalaki at nagpahatak paitaas hanggang sa makarating ang maglolo sa itaas ng burol. 

Mula roon ay natanaw ni Panther Walks ang malawak na kagubatan at ang palikong ilog. Napakatahimik ng buong kapaligiran. The only sound to disturb the silence was of wind rustling through the leaves of the great oak trees. Ganoon din ang gumigiik na ingay ng mga sanga ng kahoy. Ang lagaslas ng tubig sa ilog ay napakabanayad na kung pakikinggan ay tila musika.	Tanaw mula sa bahaging iyon ang rough road kung saan sila nagdaan kaninang patungo sila sa camping site.

"Do you know why your mother loves this place, Panther Walks?" tanong ng matandang lalaki na naupo sa damuhan, kung paanong nauupo ang isang Indian. 

Sumunod ang bata sa pag-upo sa damo sa katulad na paraan at kasabay ng pag-iling. "We all love this place, Gramps." 

Tulad sa isang cobweb ang pagkulubot ng balat sa sulok ng mga mata ng matandang lalaki nang ngumiti. 

"She hasn't told you, has she? Why, your mother was born in this place, Panther Walks..."

"Here?" Hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata ng batang lalaki. "You mean here as in here?"

Lumapad ang ngiti ng matandang Indian. "Yap. But not in this site exactly. Doon sa mismong ilalim ng malaking puno ng oak na malapit sa pinagparadahan ng daddy mo ng camping van."	Lalong namilog at kumislap ang mga mata ng batang lalaki sa excitement at curiosity. "That's neat, Gramps! How?"

"Your grandmother and I first met in this place. She was seventeen." Kumislap ang mga mata ng matandang lalaki sa alaalang iyon. "Miles from here, sa pinagmulan ng ilog na iyan..." Inginuso nito ang ilog sa ibaba at patungo sa dakong pinagmulan nila. "Upriver, nagka-camping ang pamilya niya. Binaybay niya ang ilog at bago pa niya mamalayan napalayo na siya. Two young men from my camp found her. Isinakay siya sa kabayo upang dalhin sa kampo. Noon, kung sino ang unang nakakita sa kanya'y siya niyang magiging asawa sa ayaw niya at sa gusto."

"Gee, like in the movies!" Napukaw nang husto ang interes ng bata.	Nakangiting niyuko ng matanda ang apo. "Really." Pagkuwa'y itinuro ng matandang lalaki ang walang hanggang berdeng kagubatan. "I wish I could one day take you there, Panther Walks. 

Remnants of what had been our camp still stands though no one was there now. Sa ibayo ng makapal na gubat na iyan ay ang aming kampo, where I was born and lived half of my life.“

Nagpakawala ng malalim na paghinga ang matandang lalaki. Matagal nang panahong wala iyon. Pagkatapos ng maraming dugong dumanak sa pagitan ng digmaan ng mga puti at pula ay halos lahat ng mga katribu nito ay nasa reservation site na. 

May bahagi nito ang nagpapasalamat dahil nagkaroon ng edukasyon ang mga katribu nito na minana ng henerasyon na kinabibilangan ng anak. Gayunma'y may malaking bahagi rin nito ang nalulungkot. 

He loved this land... the forests... the rivers and the rocky mountains. 	Subalit may mga bagay na hindi nito kayang pigilan, tulad ng pagkawala ng kanilang kampo upang manirahan sa reservation site. Tulad ng tuluyang pagkawala ng mga bagay-bagay na nakaugalian na nilang gawin mula nang walang pasimula. Unti-unting nahalinhan iyon ng mga kaugalian ng mga puti.

"What happened, Grandpa?" the boy asked impatiently.

Itinuro nito ang ilog sa ibaba. "Tatawid sila ng ilog patungo sa kampo. Kasalukuyan kong itinatali ang aking kabayo sa puno upang mamingwit nang makita ko ang mga kasamahan ko at ang lola mo na sumisigaw at nagpupumiglas. They stopped on their tracks when they saw me. Anak ako ng pinuno ng tribo at iginagalang. 

"Pinakiusapan ko ang mga kasamahan kong pakawalan siya. Your grandmother was shrieking in fear and anger... yet she was so lovely..." Napangiti ang matanda sa alaalang iyon. "Sinabi niya kung kanino siyang anak at na parurusahan kami ng ama niya. Nakatulong iyon upang huwag mag-atubili ang mga katribo kong pakawalan siya. Her father was a retired general at kaibigan ng aking ama at malaki ang naitutulong sa tribu.

"One meeting lead to another," patuloy ng matandang lalaki. Still smiling at the memories. "After we were married we kept on coming to this place, kahit na nang malaki na ang tiyan ng lola mo. At ang huli nga'y hindi namin parehong inakalang sa camping site siya aabutan ng panganganak. Why, I myself delivered your mother!" 

"Did you, Gramps? Oh, wow!" Panther Walks said in excitement. "Tell me more, Gramps. What happened? Paanong ikaw ang nagpaanak kay Mommy?"

"There was no time really. Your grandmother was shrieking in pain and—" Nahinto ito sa pagsasalita nang sa ibabang-daan ay may matanawang isang parating na itim na sasakyan. Kumunot ang noo nito at agad na tumayo. 

"Why, grandpa?"

"Sino kaya ang sakay ng van na iyon?" wala sa loob nitong tanong. "May inaasahan bang bisita ang mga magulang at tiyuhin mo, Panther Walks?"	Sinundan ng bata ang hinahayon ng mga mata ng matandang Indian. Nagkibit siya ng mga balikat. "Wala akong alam, Grandpa. Could be some campers, too."	Umiling ang matandang lalaki. Hindi iyon ang nararamdaman nito. At walang ibang patutunguhan ang daang tinatahak ng van kundi ang camping site. Maybe her daughter's family invited some friends to join them. 

Subalit tumatanggi ang isip ng matandang Indian. Ang lugar na iyon ay pribado lamang sa pamilya. At hindi kailanman dinadala ng manugang niya at ng kapatid nitong si David Worth at ng pamilya nito ang ibang tao roon. Kahit ang mga balae nito ay sumasang-ayon na para lamang sa pamilya ang lugar na iyon.

Tumingala sa langit ang matandang lalaki. Nangingitim ang mga ulap. Kay ganda ng panahon kani-kanina lang subalit nakapagtatakang tila anumang sandali'y babagsak ang ulan. Isang agila ang natanaw nitong lumipad sa itaas, paikot-ikot sa papawirin. At kung saan galing ang kaba na umahon sa dibdib ng matandang lalaki ay hindi nito alam.	Biglang pumasok sa isip ang hindi sinasadyang narinig niyang pag-uusap ng anak at ng manugang.

I don't trust this man, Catherine. Kinakabahan akong may gagawin siyang masama matapos kong matuklasan ang ginawa niya...

Have you reported the theft to the police, Jeric?	Binigyan ko siya ng pagkakataong ibalik ang ninakaw niya hanggang sa Lunes... 

"L-let's go back, Panther Walks," kara-karakang anyaya nito sa apo at hinawakan sa braso ang bata at hinila patayo. 

Nagtataka man ay hindi nagsalita ang bata at sumunod sa halos lakad-takbong ginawa ng matandang lalaki pababa sa burol. Naroon iyong nagmumuntik-muntikanan siyang matalisod sa mga bato. Hindi niya maunawaan ang kakaibang takot sa mukha ng matandang lalaki nang tingalain niya ito. At nakita niyang humihingal nang husto ang matanda, kinakapos ng hangin sa paghinga, ganoon man ay tuloy ito sa pagtakbo. Halos kaladkarin siya.

Mga puno at damo na lamang ang pagitan nila sa camping area nang marinig nila ang sunod-sunod na putok ng armalite.

"No!" sigaw ng matandang lalaki na nilunod ng tunog ng mga armas. At si Panther Walks na kung hindi nito biglang nahila pakubli sa malaking puno ay malamang na tuloy-tuloy sa pagtakbo.

"Grand—" Hindi nito naituloy ang pagsigaw nang takpan ng matanda ang bibig niya at hilahin siyang pakubling lalo. 

Nagpumiglas ang bata. Gusto niyang takbuhin ang pinanggalingan ng mga putok... ang mga magulang niya... ang kapatid... ang lolo at lola... ang mga tiyo at tiya at mga pinsan.

"Don't, Panther Walks," humihingal na pigil ng matandang lalaki. Naghahabol ito ng paghinga. "T-they... will... kill you, too."

"No... No!" Halos walang lakas na napalugmok sa likod ng malaking puno ang batang lalaki habang ang Shawnee ay nakahawak nang mahigpit sa braso nito. 

Then the shooting stopped. Humalili ang nakabibinging katahimikan. May pakiramdam ang batang kahit ang mga dahon ay ayaw gumalaw mula sa mga puno. Kahit ang mga insekto ay huminto rin sa pag-iingay.

Slowly, carefully, he inched upward. Gusto niyang sumilip. Inaasahan niyang pipigilan siya ng matandang lalaki subalit lumuwag ang pagkakahawak nito sa braso niya. Sumilip siya mula sa mga puno at damo. 

Tatlong lalaki ang nakita niyang may hawak na mga armas. They were blacks. Nakalingon ang mga ito sa van na nakikinig sa sinasabi ng pinakapinuno. 

At natuon ang tingin niya sa loob ng van. May isang lalaking panatag na nakaupo roon. The man was a foreigner, but he wasn't black. He wasn't white either. Kakulay ng balat ng lolo niya but he wasn't Indian. Malalaman niya kung kalahi ng lolo niya ang lalaki. 

At mananatili na sa isip niya ang mukhang iyon sa buong buhay niya. Tinatawag nito ang tatlong lalaking sumakay na. Agad namang tumalima ang mga iyon, nakatawa pa. 

Bumaba ang paningin niya sa damuhan. Ang naroroon ay mga nakahandusay na duguang katawan ng kanyang buong pamilya.

Ang nakababatang kapatid na si Caroline ay hawak pa ang teddy bear nito at nakahandusaykasama ng mga pinsan. Ang lolo at lola sa bahagi ng ama ay mga nakayupyop sa mesa at pawang duguan.

"N-nooo...!" Alam niyang sumigaw siya. Subalit walang tinig na lumabas sa kanyang bibig.	Tatakbo na lang pasugod ang bata nang sa pagyuko ay makita ang lolo na tutop ang dibdib.

"Grandpa!"

Sa katahimikan ay maririnig sana ang sigaw ng bata kung hindi sumabay iyon sa pag-andar ng makina ng van.

"Grandpa!" Hindi malaman ng bata ang gagawin.

"L-leave, Panther Walks... Don't let them see you. They will kill you, too..." hirap nitong sabi. Ang kamay ay nakadaklot sa sariling dibdib. His eyes wide, his nose flared. Sa nanlalabong isip ay wala itong alam kung sino ang mga taong iyon subalit may bahagi ng pagkatao nito ang nagsasabing hindi nanaisin ng mga taong iyon na may matirang buhay sa mga Worth. 	And his instinct were never wrong.

Humagulhol ng iyak ang bata. Nilingon ang campsite. Hindi niya gustong itanim sa isip ang nakikitang mga nakabulagtang katawan ng pamilya. He wanted to erase it from his young mind. The blood, his families' dead bodies.

"Why, Grandpa? Who are those people?" umiiyak nitong binalingan ang matandang lalaki.

"Jericho and David's enemy... Run and hide, Panther Walks. Don't go back home... don't trust anyone..." Nagawa pa nitong sabihin bago lumuwag ang pagkakadaklot sa sariling dibdib.

Iyak at iling ang ginagawa ng bata. Hindi malaman kung paano pupukpukin ang dibdib ng matandang lalaki tulad ng napapanood niya sa television. Alam niyang inatake sa puso ang matanda. And he was trying to give him first aid.

"Grandpa, please... don't die!" pahisteryang wika nito.

Ang matandang lalaki'y hindi na kumikilos. Nakatitig sa kalangitan ang walang-buhay na mga mata. 

Hindi na humihinga ang Shawnee Indian ay patuloy pa rin sa pahisteryang pag-pump ang bata sa dibdib ng abuelo.

***********Kumusta ang weekends n’yo mga beshie? Anything new ba? Share naman dyan comment at vote n’yo lang sa ibaba char hahahaha. - Admin A **********

1

“HI.”

Mula sa pagtakbo sa treadmill ay napalingon si Aidan sa pinto ng gym.

Si Kurt. Humakbang ito papasok at niyuko ang pinakamabigat sa mga dumbbells at bale-walang itinaas pagkatapos ay ibinaba ring muli.

"Paano mo nalamang narito na ako? Kararating ko lang noong isang gabi, ah," ani Aidan. Inabot ang tuwalya sa di-kalayuan at nagpahid ng pawis sa mukha. Pagkatapos ay dinampot ang bote ng distilled water sa mesa at ininom.

"Hindi naman siguro lihim ang pag-uwi mo para hindi ko malaman, 'di ba?" sagot ni Kurt, a faint smile on his lips. At hinagod ng tingin ang binatang kumikislap ang mapulang katawan sa pawis. 	Not an ounce of excess flesh on his body. Muscled chest, arms and legs na nakuha sa training nito sa SEAL. But the muscles were just right, not the Arnold Schwarzenegger type. 	Ibinaba ng binata ang bote ng tubig pabalik sa mesa. "Pagkatapos ng trabaho ko sa Mexico ay hindi miminsan kang tumawag."

"And you never returned any of my calls." Ang mga mata nito ay nanatiling sumusuri sa kaharap. Maliban sa kulay ng balat ay walang makapagsasabing hindi siya isang tunay na Fortalejo though he was the tallest. 

Aidan was an American citizen. When the Fortalejos adopted him, he retained his citizenship. Iyon ang isa sa malaking dahilan kung bakit hindi ito nahirapang makapasok sa SEAL. Yet he talked, moved, and lived like a Fortalejo. Just as hardworking as the family that adopted him. Just as attractive, too, like the devil himself. Subalit may palagay si Kurt na bale-wala sa binata ang katangian niyang iyon.

Kurt knew women would give anything, mapansin lamang sila ng binata. He was tall, over six feet, and beautiful. With trim and sleek body na tila nililok ng isang iskultor mula sa pinakamatigas na kahoy. 

Aidan wore his hair long. Like a real bronzed skin half-breed. But was Aidan a half-breed? Hindi kaya katulad din niya ito na ikaapat na bahagi na lang ng lahi ang banyagang dugong nananalaytay sa ugat? 

The color of his skin doubled his attraction. And tripled by being aloof and quite. At tulad sa isang panther, mailap.

"What do you want?" deretsong tanong ng binata na pumukaw sa pagsusuri ni Kurt. 	"I'd like to offer you a job."

"May trabaho ako. They took me even before I was out of the camp three years ago." 

Huminga nang malalim si Kurt. Aidan was young, only twenty-nine. Napakabata para masubo ang buhay sa panganib. Subalit may palagay siyang sadyang hinahanap nito ang panganib. And Aidan reminded him of himself before he married Jade. And he had his reasons. Pero wala itong alam kung ano ang kay Aidan. 

Duda ito kung may isa sa pamilya niya ang nakakaalam tungkol sa tunay na pagkatao ng binata. O kung saan ito nanggaling. At kung may pamilya itong iniwan. Marahil kahit si Bernard ay hindi alam iyon, o kahit si Jewel mismo. Tahimik ang binata. The only persons that could make him laugh were the three women in his family. Lalo na si Jessica. 

Hindi nito itinatago ang affection sa nakababatang kapatid. Sinabi rin ni Jade sa kanya na kahit noong bata pa si Jessica ay naroon si Aidan na tila laging gustong proteksiyunan ito. He loved his younger sister too much to a fault. Sa mga mata ni Aidan, Jessica could never do wrong. Kurt had even have this feeling that Aidan would kill anyone who would hurt his younger sister.

Not that Aidan didn't love Julianne. Far from it because he loved all his sisters. Pero hindi gusto ni Julianne na tratuhin siyang bata kahit noong nasa elementarya ito. At ten, gusto na ni Julianne na magdalaga. Kumikilos at nagsasalita na tila munting dalaga. Habang si Jessica ay malambing sa mga kapatid na lalaki.

Ibinalik ni Kurt ang pansin sa pinag-uusapan at tumango. "Yeah. At ang ikatlo mong assignment ay sa Mexico. Nabigyan ka ng rekomendasyon dahil kung hindi sa iyo'y baka napatay ang Ambassador." Agad na napuna ni Kurt ang sandaling pagdilim ng mga mata ng binata, ang pagtiim ng mga bagang, at ang pagguhit ng pait sa mga mata nito. Alam nito na inilagay ni Aidan ang sariling buhay sa panganib dahil sa pagtitiwala sa isang babae. And that particular woman was a hitman.

"Hindi mo dapat isinubo ang buhay mo sa panganib nang paganoon lang," patuloy nito. "You are good, Aidan. But very impulsive... and a lousy judge of character when it comes to women." 

"Inaasahan mo bang itatanong ko sa iyo kung paano mo nalaman ang lahat ng iyan?" Aidan's mouth twisted bitterly.

Tinitigan ni Kurt ang hindi pa gaanong naghihilom na pilat sa balikat ng binata na sanhi ng patalim bago nagsalita. "Alam kong kaya ka umuwi ay dahil nalaman mong naospital si Tita Jewel nang malaman ang nangyari sa iyo," anito at hindi pinansin ang sinabi niya. 

Hindi sumagot si Aidan subalit tumalim ang mga mata sa pagkakatitig sa bayaw sa pinsan.	"Work for me, Aidan. Hindi ka kailangang lumabas ng bansa dahil narito sa Pilipinas ang mga ipatatrabaho sa iyo. Hindi mag-aalala ang Tita Jewel dahil Maynila pa rin ang homebase mo."

"Bakit ako?"

"Bakit hindi ikaw?" he countered. Pagkatapos ay ngumisi. "Mapapaluguran mo si Tita Jewel at the same time ay nagagawa mo ang gusto mo sa hindi gaanong mapanganib na gawain."

Pagkabanggit sa ina ay napahugot ng marahan subalit malalim na paghinga si Aidan. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyaring masama kay Jewel.

"All right, anong trabaho?"	Lumapad ang ngisi ni Kurt. Mula sa bulsa ng polo shirt ay dinukot ang isang long brown envelope. Inilapag sa mesa.

"Nariyan ang larawan at kapirasong detalye. See me in my office tomorrow morning. Pag-usapan natin ang detalye ng trabaho mo." Iyon lang at humakbang na si Kurt patungo sa entrada ng gym palabas.

Subalit hanggang sa makaalis si Kurt ay hindi pinagkaabalahang lapitan ni Aidan ang envelope. Bumalik ito sa pag-e-exercise. At nang mapagod ay lumabas ng gym. 	Tuluyang nawala sa isip ang envelope.

***********Aidan miss na kita, parang pagkamiss ko sa mga beshie natin dito char hahahaha. Kwentuhan n’yo naman ako mga beshie, I’m so sad eh char hahahaha - Admin A ************

2

NAPABALIKWAS siya ng bangon. Puno ng pawis ang buong katawan. May kung ilang sandaling sinapo ng mga palad ang mukha. Tumaas-baba ang dibdib, then he groaned, kasabay ng paghilamos ng palad sa mukha.

Bakit ayaw siyang hiwalayan ng masamang panaginip na iyon? Paulit-ulit ang mga eksena sa panaginip niya. Duguang mga katawan ng buong pamilya niya. His parents... his aunt and uncle, his cousins and his little sister Caroline... and his grandfather... 

In his nightmares, inaabot siya ng duguang mga kamay ng mga ito... humihingi ng tulong.	Oh, god!

Tumayo ito mula sa kama at tinungo ang personal ref at kumuha roon ng bottled water. Bahagyang lumiwanag sa silid mula sa ilaw na nanggaling sa loob ng ref. Dineretso iyon ng inom hanggang sa mapangalahati ang botelya at mahimasmasan siya. Ipinatong ang bote sa ibabaw ng ref at lumakad patungo sa veranda. Binuksan ang French doors at lumabas. Uncaring if he was naked. 

He welcomed the chill of the night. Hinayaan niyang haplusin ng malamig na hangin ang buong katawan. Balsamo iyon sa nababagabag niyang pagkatao. Pinuno niya ng hangin ang dibdib. Pilit inaalis ang guilt na inilagay niya mismo roon—na siya ay narito at buhay samantalang wala na ang buong pamilya niya.

At muli, tulad ng ibang gabing nakalipas sa buhay niya ay hindi niya maiwasang hindi buhayin sa isipan ang pangyayari may labing-pitong taon na ang nakalilipas...

********** Balita ko may mga gusto raw mag-share dito sa mga beshie natin? Welcome kayo mag-share dito mga beshie. Para ipost ko rin dito yung mga kwento n’yo char hahahaha - Admin A *******

3

ANG MASSACRE sa pamilya Worth ay balita sa buong Kentucky. Marami ang nanggilalas sa krimeng naganap. Ang mga kaibigan ng mga Worth ay hindi makapaniwalang nagpapahayag ng iba’t ibang opinyon at kuro-kuro tungkol sa nangyari. Subalit iisa ang sinasabi ng lahat—ang pamilya Worth ay tahimik na mga tao.

Marami ang nanghihinayang dahil ang sinisimulang negosyo ng magkapatid na Jericho at David Worth ay unti-unting gumagawa ng pangalan sa larangan ng mga gamot. 

At nakalagay rin sa peryodiko ang pagkawala ng panganay na anak ni Jericho Worth. May nagsasabing baka tinangay ng mga kriminal. May nagsabi namang baka nakuhang makatakbo sa ilog at tinangay ng agos at maaaring patay na rin.

NASA itaas ng attic ng bahay nila ang batang si Aidan. Dalawang gabi na siya roon. Ni hindi siya nagpapakita kahit sa mga katulong. Wala ring naghihinala kahit na sino na naroroon siya. Alam niya ang lahat ng galaw sa bahay nila. Ang mga matagal na nilang katulong ay naririnig niyang nag-aalala sa kanya. Kung buhay ba siya o patay na rin.

Kapag tulog na ang lahat ay maingat siyang bumababa patungo sa kusina upang kumuha ng pagkain at tubig at dinadala sa attic. Pagkatapos kumain ay muling tahimik na iiyak. Iniiyakan ang pagkawala ng mga magulang at kapatid. Ng buong pamilya. 	And he was very scared. Sa murang kaisipan ay nakatatak ang sinabi ng abuelo. 

They will kill you, too, Panther Walks... Don't trust anyone...

Mula sa kinalalagyan niya ay nakikita niya ang paglabas-masok ng mga tao sa bahay. Mga kaibigan at kakilala ng mga magulang. Mga nakikisimpatya at nakikidalamhati. Bawat isa ay nagtatanong kung nasaan siya. Maging ang mga pulis ay naroroon din parati. 

Gabi na at nagsasara na ng mga pinto at bintana ang mga katulong nang marinig niya ang pagparada ng sasakyan sa harap ng bahay nila.

Mula sa bintana ng attic ay lihim siyang sumilip. Bumaba mula sa sasakyan ang isang babae at lalaki. Ang babae ay kasing-edad ng kanyang ina. She wasn't an American. He was sure of it. Sa kabila ng malamlam na liwanag na nagmumula sa portico ay natitiyak niyang hindi puti ang babae. Her hair was very dark. She was pretty and petite. 

Subalit Amerikano ang lalaking kasama ng babae. Tall and a little overweight. Higit ang katandaan nito sa babae. Nang tumingala ang lalaki, napaatras si Aidan. It was instinct. Alam niyang hindi siya nakikita nito. At sapat ang pagtingala ng lalaki upang makilala niya ito. 

Dr. Samuel Wilding. That was his name. Narinig niyang ipinakilala ng ama ang lalaki sa kanyang ina minsang dumating ito sa bahay nila. He was his father's business associate. Pinatuloy ito ng mayordoma.

"Ikinalulungkot ko kung ngayon lamang kami naparito," anito sa wikang English sa mayordoma nila. "Ako at ang aking pamilya ay nasa bakasyon sa nakalipas na tatlong linggo. Kaninang umaga lamang kami dumating at nagulat kami sa balitang massacre sa aking kumpadre. Sino ang may kagagawan nito? May nahuli na ba?"

Iling at hikbi lamang ang isinasagot ng mayordoma sa sunod-sunod na tanong ng mag-asawa.	Natitiyak ni Aidan na asawa ng kasosyo ng ama niya ang babaeng kasama nito sa paraan ng pagkakaakbay ni Samuel Wilding dito. Marami pang tanong ang ibinigay ng mga ito. Naririnig niya ang pagkamangha sa tinig ng lalaki. Hindi ito makapaniwala sa nangyari.

Ang pag-aalala ay nasundan ng pagtatanong kung ano na ang balita sa panganay na anak ng mga Worth. At kung may balita ang mga katulong. At nahimigan ni Aidan ang matinding pag-aalala sa tinig ng lalaki nang sabihin ng mayordoma na hindi pa siya nakikita.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin ang mag-asawa. Narinig niya ang huling sinabi ng lalaki sa mayordoma.

"Call me as soon as the boy showed up." Inilabas nito ang calling card mula sa bulsa ng polo shirt. Ibinigay iyon sa mayordoma. "Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang matulungan ang mga pulis na hanapin ang bata. Nag-aalala ako para sa kanya."

Pinigilan ni Aidan ang sariling huwag bumaba sa attic at sumigaw na naroroon siya. There was something in his voice that told him he could trust his father's business associate. Ang mukha ng asawang babae nito'y nagbabadya rin ng matinding pag-aalala.

Subalit hindi niya magawang alisin sa isip ang sinabi ng matandang abuelo bago ito namatay—na papatayin din siya. 

At natatakot siyang magtiwala. Nanlulumong inilatag ng bata ang hapong katawan sa sahig ng attic. May kung ilang sandaling tahimik na humihikbi hanggang sa gapiin ng antok ang batang katawan.

************kumusta kayo mga beshie? Hoping na sana okay lang kayo. Na sana kahit mahirap mabuhay ay patuloy lang tayo sa pag - usad na sana kahit gusto nating sumuko na ay nagpapatuloy pa rin tayo sa laban. Kaisa n’yo ako mga beshie sa mga laban sa buhay , alam ko may kanya-kanya tayong laban na dapat harapin pero magkaiba man ang ating laban at pinaglalaban ay kaisa at ksama n’yo ako sa mga laban n’yo. Hindi n’yo man ako kasama physically ay kasama naman kayo sa mga prayers ko. Kapit lang mga beshie kaya natin ito char hahahaha - Admin A ***** Tumatanggap rin ako ng donations char hahahahah echos lng

4

NAGULANTANG mula sa pagkakatulog si Aidan dahil sa malakas na katok sa labas ng bahay. Umaga na. Lumulusot sa siwang ng bintanang louvers ang sinag ng araw. Mabilis siyang sumilip sa maliit na bintana ng attic.

Apat na lalaki ang nasa labas ng pinto. Ang dalawa ay palinga-linga sa paligid ng bahay. Sa mga napapanood niya sa video tapes, he decided that the two men were Mexicans bagaman puti ang dalawang kasama nito. Ang dalawa ay nasa portico at muling kumatok nang malakas. 

Agad na bumangon ang kaba sa dibdib ng bata. Naalala ang lalaking nakita niya sa van sa camping site. Kahawig ng dalawang lalaking Mehikano. At naniniwala siyang hindi FBI ang mga nasa ibaba. 

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto. Lumabas ang mayordoma. May ipinakitang ID ang isang lalaki rito.

"FBI," wika nito sa malakas na tinig. "Have you heard of the boy?"	Umiling ang mayordoma habang napaatras. "P-please come on in..."

"We would like you to answer some questions." Pagkuwan ay lumingon ito sa mga kasama at tumango. Tumango rin ang mga ito at ang dalawa ay naghiwalay at humakbang patungo sa magkabilang tagiliran ng bahay sa isang disimuladong paraan.

His instinct told him they were going to search the whole place. And that he was in danger. Mabilis at maingat na lumakad ang bata patungo sa bintana sa likod. Walang-ingay iyong binuksan. Naroon ang malaking sanga ng punong-kahoy na siya rin niyang dinaanan sa pagpanhik noong isang araw na dumating siya at nagtago sa attic.

Like his Indian name, walang-ingay at maingat siyang tumawid sa bubong patungo sa malaking sanga. Likod na ng bahay nila iyon at ang kabila ay pader na patungo sa kabilang bahay. At may sanga ang puno nila na nakatunghay sa kabilang solar. 

Doon nagdaan si Aidan at umaasang tulog pa sana ang mag-asawang matandang nakatira sa bahay na iyon. Hindi niya gustong maka-attract ng atensiyon.

Wala pang tatlong minuto siyang nakatalon sa pader sa kabila nang bumukas ang maliit na pinto sa attic. Narinig pa ni Aidan ang sigaw ng lalaki. Mabilis siyang tumakbo patungo sa harapang bahay kung saan naroon ang gate palabas.

"Aidan!"	Gulat na napalingon ang bata. 

"M-Mr. Wilbert..." Nasa hardin ang matandang lalaki at nagdidilig ng halaman. 

"What happened to you? Where have you been? Are you all right?" sunod-sunod na tanong ng matandang lalaki.

"Mr. Wilbert, bad people are in our house right now. They're looking for me... they are going to kill me! I must get out of here fast!" frantic niyang sinasabi.

Agad ang paglatay ng matinding lungkot at pag-aalala sa mukha ng matandang lalaki. Ang massacre sa pamilya niya ay kagagawan lamang ng isang kaaway na naghahangad na lipulin ang mga Worth. Kung bakit ay hindi alam ng matanda. Pero naniniwala itong nanganganib ang bata. At wala itong magagawa. Hindi nito maaaring kupkupin ang bata, malalaman iyon ng lahat.

"Ikinalulungkot ko ang nangyari sa pamilya mo, Aidan..." wika nito sa English.

Gustong umiyak ni Aidan sa lungkot na nasa tinig ng matanda at yumakap dito at humingi ng kalinga subalit wala siyang panahon.

"Goodbye, Mr. Wilbert..."

"Use the motorbike, Panther Walks!" wika ng matanda, using the boy's Indian name na malimit nitong marinig mula sa kabilang bahay.

Napigil sa akmang pagtakbo ang bata. Hindi nagdalawang-isip. Agad na nilapitan ang scooter sa garahe. Ang matanda ay mabilis na binuksan ang gate.

"Don't bother to return the bike, son, and here take this." May dinukot sa bulsa ng working pants nito si Mr. Wilbert at iniabot sa bata. "Not much but it could be of help." 	Sandali siyang napatitig sa dolyares na nasa palad ng matanda. He didn't want to take it but he had no choice. Agad niyang kinuha iyon at isinilid na lang basta sa bulsa ng pantalong maong. 

"Thank you, Mr. Wilbert!"

"Goodbye and be careful..."

“BOSS, look!” wika ng isa sa mga lalaki sa kasama nito.

Agad na pumanhik sa attic ang lalaki. Iginala ng dalawa ang paningin sa buong attic. Nakita nito ang botelya ng tubig at ang pinggan na pinaglagyan ng pagkain. Naroon pa rin ang tirang pagkain ng bata nang nagdaang gabi.

"Damn it, the boy was here all along!"

"What shall we tell the boss?"

Hindi sumagot ang lalaki. Muling inilinga ang mga mata sa paligid. Natuon ang pansin sa bintana sa likod na nakabukas. 

"Search the whole place!" utos nito at sa malalaking hakbang ay tinungo ang bintana at pabalyang niluwangan ang bukas. Malakas na nagmura. Nilingon ang kasama at inutusang puntahan ang kabilang bahay. "Hindi pa iyon nakalalayo!"

Subalit limang minuto nang nakalayo si Aidan sakay ng scooter. 

********Sana all sinisipag char hahahaha. Shout outs  sa mga beshie nating ang sipag magcomment nakakagana kayo mga beshie. Naiyak tuloy ako char hahahaha . Sana all masipag mag comment at magvote hahahaha - Admin A **********

5

AFTER that night, his life had never been the same again. Malaking tulong ang scooter sa pagtakas niya. Nakarating siya sa walang katapusang highway subalit alam niyang anumang sandali ay baka lumitaw sa likod niya ang mga humahabol.

Wala pang tatlong oras ay wala nang gasolina ang scooter. At ang pinakamalapit na gasoline station sa pagkakaalam niya ay milya-milya pa ang layo. Hindi man niya gustong gawin ay iniwan niya ang motorbike sa tabing-daan, sa natatakpan ng mga damo. Naupo siya sa tabing-kalsada at nag-abang ng malalaking truck.

He couldn't take risk. Kapag pribadong sasakyan ang dumadaan ay agad siyang nagtatago sa damo.

Isang trucker sa tatlong nagdaan ang hinintuan siya. Isang matandang driver ang nasa manibela.

"Hop in, boy. Where to?" Pasuri siyang tinitigan ng matandang driver. Natitiyak nitong runaway ang bata. 

"Texas." Iyon ang unang lumabas sa bibig ni Aidan. Kung bakit ay ewan niya. Ang alam niya ay malayo iyon mula sa Kentucky.

"That far, huh?" wika ng driver. "What's the problem, boy, your 'pa and 'ma hit you?"

Subalit hindi kumibo si Aidan. Pinigil ang pagsungaw ng mga luha sa mga mata. Nagkibit ng mga balikat ang matandang driver. Sanay na ito sa mga runaways at wala itong pakialam kung ano man ang dahilan ng mga ito. He couldn't do right the wrongs of some parents, na sa palagay nito ay ang pananakit sa mga anak. Madaragdagan na naman ang mga batang juveniles na pakalat-kalat sa buong estado ng Amerika. 

Sinabi nito kay Aidan ang estadong hihintuan, na hindi ito makararating sa Texas.	Hindi pa rin nagsasalita ang bata. He would hitch another trucker pagdating nila sa kung saan man patungo ang sinasakyang truck. 

From one trucker to another ay nakaalis siya ng Kentucky at nakarating siya sa Texas. 

Bernard found him after a month of wandering through the dark alleys of Texas, hungry and scared. The Fortalejos adopted him legally without questions. Their money and influence facilitated adoption papers. 

Jewel and Bernard could never be Catherine and Jericho, they could never replace his parents in his young heart. Ganoon man ay minahal siya nang totoo ng mga ito tulad ng tunay na anak. He had trouble with Lenny during their younger years and he couldn't blame his jealousy. Kung siya man ang nasa katayuan ni Lenny at mga magulang niya ang umampon dito ay ganoon din marahil ang mararamdaman niya.

Subalit sa paglipas ng mga taon ay unti-unting nagmaliw ang panibugho ng heir ng mga Fortalejos sa kanya. At hindi niya pagdududahang ibibigay ni Lenny ang buhay para sa kanya bilang isa sa pamilya nito.

And he had a big heart for the Fortalejos, as time passed by he had learned to trust and love them. Truly loved them as if they were his very own family. He'd die protecting them. 

And he was lucky. Dapat ay maligaya siya at kalimutan ang nangyari sa buhay niya subalit hindi niya magawa. Patuloy na nasa likod ng isip niya ang nangyari sa mga magulang at mga kamag-anak.

Isa iyon sa pangunahing dahilan niya kaya siya pumasok sa SEAL. Kaya niya tinanggap ang alok ng Pentagon. Kaya niya gustong sa Mexico magkaroon ng palagiang assignment upang magbaka-sakaling makita niya ang lalaking iyon. Ang mukha ng lalaking iyon ay nakatatak na sa kanyang isipan. 

He took a deep breath. Tinanaw niya ang madilim na kalangitan. Pagkatapos ay muling pumasok sa loob ng silid. Kumuha ng briefs, pantalong maong at T-shirt sa closet at nagbihis.

*********Ano ang best line na nabasa n’yo so far mga beshie? Share n’yo naman sa comment sa ibaba at babasahin ko rin. Thanks mga beshie. -Admin A ***************

6

NAPABANGON si Bernard nang marinig ang giik ng bakal sa gate. Binubuksan iyon sa pamamagitan ng remote control. Ganoon man ay lagi nang may guwardiya roon. Tumayo at tinungo ang bintana at hinawi ang makapal na kurtina. Sumasara nang muli ang gate at gasino nang nahagip niya ng tingin ang likod ng four-wheel drive ni Aidan.

Nilinga niya ang relo. Ala-una y media ng madaling-araw. Nangunot ang noo niya. Saan pupunta ang anak sa ganoong oras? Humakbang siya patungo sa night table at dinampot ang intercom at tinawagan ang guwardiya.

"Saan daw pupunta ang Sir Aidan mo?" Sinadya niyang hinaan ang tinig upang huwag magising ang asawa.

"Walang sinabi, sir. Tinanong ko nga po pero hindi ako sinagot," wika ng guwardiya.

Ibinaba ni Bernard ang instrumento at isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan. Inabot ang roba at isinuot at lumakad muli patungo sa bintana. Ang mga mata ay nakatutok sa walang taong kalye. Tila ba matatanaw niya mula roon ang anak.

Nag-aalala siya kay Aidan. Hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa Mexico at sinisikap ng anak na laging sa bansang iyon humingi ng assignment. Nitong nakalipas na mga buwan, sa pangatlong assignment ay nalagay sa panganib ang buhay nito. And Kurt informed him that it was because Aidan trusted a woman. Iyon din ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng mild attack si Jewel.

Nilingon niya ang asawa. At over fifty, she was still lovely. Her beauty unmarred by the passage of time. His desire for his exotic wife was endless. And she was just as passionate as when they had first made love.

Walang nag-iisip sa kanilang lahat na may diperensiya sa puso si Jewel. She was slim and healthy. Kaya nga isang malaking kabalisahan ang idinulot sa kanilang lahat sa biglang atake nito. Dahilan din iyon upang mabilis na umuwi sa Pilipinas si Aidan.

Bagaman tiniyak ng mga doktor na walang dapat ipag-alala ay nangangamba siya. Inamin ng doktor na may kaunting diperensiya sa puso si Jewel subalit sinabi nitong ang atake ng asawa ay mas stress ang dahilan. Nakalimutan niyang ilang segundong huminto sa pagtibok ang puso ng asawa maraming taon na ang nakararaan. Hindi marahil maiwasang hindi maapektuhan ang puso nito.

And Jewel loved all his children immeasureably. Ito ang unang naapektuhan nang makarating ang balitang nasugatan si Aidan sa Mexico. Kaya lihim niyang kinausap si Kurt na himukin ang anak na magtrabaho sa agency nito. 

Kaninang hapon ay ipinahiwatig ni Kurt na baka tanggapin ni Aidan ang trabaho. At natitiyak ni Bernard na iyon ay dahil na rin sa pag-aalala ni Aidan sa ina. 

Hindi siya nagkamaling ampunin ang gusgusing batang lalaking natagpuan niya sa madilim na bahagi ng iskinita sa Houston. Seventeen years ago, pauwi na siya mula sa pakikipagkita sa ama ni Kurt nang mapuna niyang tatlong batang itim ang nagtutulong-tulong na saktan ang isang batang lalaking nakasiksik na sa isang pader. 

Nagpipilit itong lumaban sa kabila ng panghihina. Though he wasn't black, he wasn't white either. He would learn later that he had bronze skin. 

Nakialam siya. Pinigil ang away bagaman pamura siyang sinasagot ng mga batang itim. Nalaman niyang pinag-iinteresan ng mga batang negro ang relo sa braso ni Aidan. Hinawakan niya ang braso ng bata at sinuri ang relo. Mamahaling uri iyon. 

"Okay, take his watch and get out of here. All of you!" utos niya sa tatlong batang itim sa pagkamangha ng mga ito.

"No!" Nagmula ang mariing pagtutol na iyon kay Aidan. Sa kabila ng mga pasa at sugat sa katawan ay sinikap na iniwas ang kamay at umigkas ang isang binti upang harangin ang mga batang negro.

"Be smart, kid," ani Bernard dito. "You will probably agree with me that your life is more precious than this wristwatch. And you're a big mess right now. You need a doctor."

At bago pa makasagot ang bata ay natanggal na mula sa braso nito ang relo. Sinikap nitong tumayo upang magprotesta at manlaban subalit pinigilan ito ni Bernard. Nakalayo ang tatlong batang negro tangay ang relo nito.

"I hate you!" sigaw ni Aidan. Akma itong tatakbo subalit dala marahil ng bugbog mula sa malalaking mga batang negro, pagod at gutom ay walang lakas itong napauklo sa lupa.

"Come with me, kid..."

"Go away!"

Sa gulat ni Bernard ay matinding takot ang gumuhit sa mga mata ng bata nang masuri siya ng tingin nito. Pagapang itong umaatras palayo sa kanya, nasa mga mata ang matinding sindak. 

Sa bahagyang liwanag mula sa di-kalayuang poste ay nakita ni Aidan na hindi puti ang lalaking lumapit. The man could be Mexican.

The enemy had found him! And now he would kill him, too!

Bernard had seen fears in many people's eyes, lalo na noong nasa Vietnam siya. At ang takot na nasa mga mata ng bata ay tulad niyong takot ng mga sundalong alam nilang mamamatay sila sa kamay ng mga kaaway.

"You're one of them!" pahisteryang sigaw ng bata at patuloy sa paggapang palayo. But he was too weak to go farther. 

Napailing si Bernard. Dapat ay iwanan na lamang niya ng salapi ang bata na katumbas ng halaga ng relo nito, higit pa. Subalit hindi niya ginawa. There was something in the boy's eyes that intrigued him. 

Sapilitan niyang pinangko ang bata sa kabila ng panlalaban ito. Though Aidan was tall at his age, he was too weak to do more than a harmless punch.

Dinala ni Bernard ang bata sa sariling sasakyan, strapped him in his seat including his arms. Ipinasok niya sa pinakamalapit na ospital ang bata. 

And Bernard was right. Matinding gutom at hapo ang dahilan ng panghihina nito bagaman malaking pinsala rin ang ginawa ng mga batang negro. At may idinagdag ang mga doktor na sinabi sa kanya—the boy was in shock. 

At kahit ano ang gawin niya'y hindi nagsasalita ang bata. Kung may mga magulang pa ito ay hindi niya alam dahil nanatiling tikom ang bibig. Naroon ang takot sa mga mata nito para sa kanya. The boy cringed everytime as much as he came near him.

"I won't hurt you, boy," banayad niyang sabi rito. "Dinala kita rito sa ospital upang tulungan, hindi para saktan," wika niya sa English.

Subalit walang pagbabago sa ekspresyon ng bata. Takot at galit ang hali-haliling nakikita niya sa mga mata nito. 

"Aalis na muna ako at huwag kang mag-alala babalik din ako mamaya lang," patuloy ni Bernard. 

“You will be safe here. No one’s going to harm you, I promise.” Hindi niya alam kung bakit niya sinabi iyon. But his instinct told him that he was terribly afraid of something… or someone.

Makalipas ang dalawang oras ay nagbalik siya kasama si Jewel. Tulog ang bata. Ayon sa mga doktor at nurses ay binigyan nila ng sedative. He tried to escape from the hospital. Naghihisterya na papatayin ito ni Bernard.

Nagpilit si Jewel na manatili at hintaying magising ang bata. Kalahating oras pa bago muling nagmulat ng mga mata si Aidan. Naroon pa rin ang galit at takot sa mga mata nito nang mamulatan si Bernard. Subalit nang ipakilala niya ang asawa ay sandaling napuno ng kalituhan ang mga mata ng bata.

"This is my wife, Jewel. We are Filipinos..."

"Hello," Jewel said sweetly. Raised her hand and tenderly touched his bruised forehead. "How are you feeling?"

Sandaling napapikit si Aidan, feeling Jewel's soft touch on his forehead. Catherine's image flashed his mind, smiling tenderly as she tucked him to bed. Pagkuwan ay napahikbi ang batang lalaki bagaman gayon na lamang ang pagpipigil nitong huwag mapaiyak. 

Jewel almost sobbed as her heart went out to the boy. Pinigil ang sariling huwag yakapin ang bata upang hindi ito mapahiya at mailang. There was so much pain and loneliness in the boy's eyes... overriding his fears and anger.

There and then, Jewel knew that the boy needed her... needed them.

Tatlong araw sa ospital si Aidan. Nang lumabas ito ay kasama na silang mag-asawa. Iniuwi nila ito sa kanila. Ipinakilala sa mga anak. Lenny and Julianne were polite but friendly. Si Jessica, noon ay anim na taon ay agad na lumapit sa batang lalaki. 

"You are tall and have red skin. Are you an Injun?"

Hindi gustong sumagot ni Aidan subalit nanatiling nakatingala sa kanya ang batang babae, naghihintay ng sasabihin nito. her beautiful dark eyes were curious. Just like his sister Caroline... No! Agad nitong isinara ang isip sa malagim na mga imahe. Hindi nito iisipin ang nangyari kay Caroline. 

"Yes..." paos nitong sagot. 

Iyon ang kauna-unahang salitang lumabas sa bibig ng bata mula nang dalhin ito ni Bernard sa ospital. Nakita niya na nakatitig nang husto sa bunsong anak niya si Aidan. There was something in the young boy's eyes that he could not comprehend. 

A certain longing?

Nagpatuloy sa pagtatanong si Jessica. "What is your name? Mama said you are not talking. Why? Indian cat got your tongue?"

Sa isang sandali, Bernard saw a hint of a smile in the boy's eyes. It was so fleeting that Bernard could have probably just imagined it. 

The boy hesitated first before a sound came out of his throat. "Aidan..."

Jessica smiled at the boy. "Aidan... Hmm, nice name. But I want to know your Injun name. I'm sure you have one, haven't you?"

Ilang segundo ang mabagal na lumipas bago muling nagsalita si Aidan. "Panther Walks..."

Jessica shrieked with delight. Nilinga ang mga magulang. Buong pagmamalaking sinabi, "See, I made him talk, Mama... Papa. His Indian name is Panther Walks. Gee, just like the stories in my books! And he likes me."

"Tu eres idiota, bubbling like that!" said the ten-year-old Lenny sa bunsong kapatid. Hindi agad naintindihan ni Aidan ang Espanyol at dumilim ang mukha nito.

"Why, that's wonderful, darling," nakangiting sabi ni Jewel sa bunsong anak at tinapunan si Lenny ng warning look.

Muling ibinalik ni Jessica ang pansin sa bata. "Don't mind my brother. I'm Jessica, and I like you. I haven't seen a real Injun 'cept in the movies. Do you ride horses? We have lots and lots of horses. I ride so well. And so is Lenny and Julianne. And I have a beautiful Palomino..." 

The little girl chatted endlessly, at sandaling nalimutan ni Aidan ang matinding kalungkutan. Jessica was of Caroline's age, kasintabil din ng kapatid. 

Iyon ang simula... nalaman ng mag-asawa mula kay Jessica na wala na itong pamilya, na nag-iisa na lamang ito. Bagaman iyon lamang ang sinabi ng bata ay sapat na iyon upang igiit ni Jewel na ampunin si Aidan. Minadali ng pera at koneksiyon ang proseso sa pag-ampon sa batang lalaki.

Sa una ay naroon pa rin ang takot at kawalang-tiwala sa mga mata at kilos ng bata sa kanila, subalit sa pamamagitan ni Jessica ay unti-unting napalagay ang loob ni Aidan habang nilalakad nila ang mga papeles sa pag-ampon.

Naputol ang daloy ng alaala kay Bernard nang tawagin siya ni Jewel.

"W-what's wrong?" naghihikab nitong tanong. "Bakit ka nandiyan?"

Nginitian niya ang asawa. "Tiningnan ko lang ang pag-alis ng anak mo..."

Agad ang pagguhit ng pangamba sa mukha ni Jewel. Nawala ang antok at bahagyang napabangon. "Saan nagpunta si Aidan? Ano bang oras na?" Nilinga nito ang relo sa tabi ng night table. "Mag-aalas-dos pa lang!"

Humakbang pabalik sa kama si Bernard. "Calma, querida. He's all right. He will be..."

Yumakap si Jewel sa asawa nang humiga si Bernard sa tabi nito. "I'm worried about him, Bernard..."

"You said the same thing seventeen years ago nang una mo siyang makita." May amusement sa tinig niya nang sabihin iyon at hinagkan ang ulo ng asawa. 

She sighed. "We still don't know anything about him... ang pamilya niya. Kung saan siya nanggaling at—"

"That didn't stop you from loving him. And you never worried any of those through the years. Why now?"

"I don't know... Just a nagging feeling lately. May pakiramdam akong— oh, forget it." Tumingala ito sa asawa. "Kahit ba minsa'y sumagi sa isip mong sana'y hindi na lang natin siya inampon?"

"Silly question. I love him, darling. I may not be his biological father, but that son of yours occupies a space in my heart. Katumbas ng espasyo ng ibang mga anak mo."

Contentedly, humilig si Jewel sa dibdib ng asawa at muling naghikab. "I'm glad. It doesn't matter that we do not know anything about his own family. He does not want to talk about them... besides, he is ours anyway."

********Grabe talaga itong kwento ni Aidan nohh. Parang relate ako sa kanya eh. char hahahaha . Kayo ano ang masasabi n’yo? - Admin A ************

7

LUMABAS ng subdivision si Aidan. Mula sa penthouse sa Kristine Cement ay lumipat ang mga magulang niya sa ipinatayong bahay sa isang eksklusibong subdivision sa Las Piñas. Hindi iyon nalalayo sa Kristine Cement.

He was driving aimlessly through the dark private road and through the drizzles. Nang may masinagan ang headlights niya. Mula sa kung saan ay isang babae ang tumawid at hindi alintana na malapit na siya.

"What the hell—!" Gumiik ang gulong ng Ford Ranger niya sa biglang preno. Kung wala ang seat belt ay baka napasubsob siya sa manibela. 

Natitiyak niyang nabundol niya ang babaeng tila wala sa sariling basta na lang tumawid mula sa madamong bahagi ng kalsada. 

Nagmamadaling bumaba ng sasakyan si Aidan at lumakad patungo sa harap ng pickup.	Nakahandusay sa kalsada ang babae. Nagpalinga-linga ang binata. Pribadong daan iyon sa gilid ng South Superhighway at wala pang nagdaraan sa ganoong oras. Subalit sa kabila ng bakod ng PNCC ay walang hinto sa paroon at parito ang mga sasakyan.

Hindi niya malaman kung ano ang gagawin sa babae. She could have fractured bones or whatever. Hindi tamang basta na lang niya bubuhatin. Nang marinig niyang umungol ang babae. Paluhod na napayuko ang binata rito.

"Ale... huwag kang kumilos, tatawag ako ng ambulansiya..." Muli siyang tumayo upang balikan ang cell phone sa sasakyan nang sa sulok ng mga mata niya ay nakita niyang unti-unting tumatayo ang babae. Napigil siya sa paghakbang at binalikan ito. 	She was standing up. At mabuway ang pagkilos nito.

"Ale, huwag kang—!" At kung hindi siya naging maagap sa pagsalo sa babae ay muli itong babagsak sa kalye.

Hindi na nagdalawang-isip si Aidan, pinangko ang babae at isinakay sa pickup. Matapos i-recline pahiga ang upuan at ikabit ang seat belt ay umikot na siya sa driver's seat. 

Nilinga niya ang babae habang ini-start ang ignition. It wasn't his fault anymore if the girl had fractured bones and he might harmed her—Yes, a girl, she couldn't be more than a girl. 

*******Kumusta ang lahat? Ako inaantok na at super stress char hahahaha - Admin A *****************

8

NAKAUPO ang babae sa stretcher. Tuwid na tuwid ang likod, like a ramrod. Ang maputlang mukha ay may bahid ng dumi at ang mga mata nito ay nangingitim dahil sa pagkalat ng mascara. Ang maiksing buhok nito ay mamasa-masa at dikit-dikit.

She had a slender neck, tila yaong sa mga modelo. Ang puting blusa ay bumagsak na mula sa balikat ang kabilang bahagi and exposed one fragile shoulder. Ang cargo pants nitong khaki ay may bahid ng putik. 

She looked as if she had been to hell and back. At mula sa pagkakatayo sa may entrada ng ER at reception ay nanatiling nakamasid si Aidan sa babae. He was observing her through the slightly parted curtain partition. Isang nurse ang nakikipag-usap dito at sa wari ay hindi pinapansin ng babae.

He couldn't take his eyes off her.

Her too short ash-blonde hair made her look boyish. At sa kabila ng marungis na anyo, she was a looker.

"Ano ang problema ng girlfriend mo, handsome?" untag ng mataba at may-edad ng nurse kay Aidan na lumabas mula sa partisyong kurtina. May paghangang hinagod ng tingin ang binata. 

"She's not—" 

Hindi natapos ni Aidan ang sinasabi, muling nagsalita ang nurse. "Nag-away ba kayo? Bakit hindi siya nagsasalita? Wala siyang sinasagot sa mga tanong ko..." May bahid ng iritasyon ang huling sinabi nito, sabay lingon sandali sa kinaroroonan ng babae. At muli ring ibinalik kay Aidan ang pansin. "Selosan blues, huh? Itinulak mo ba sa lupa ang syota mo?" Now, amusement laced the nurse's voice.

"What's wrong with her?" nakuhang itanong ng binata. A little bit irritated with the nurse. Sinulyapang muli ang babae na nanatiling tuwid na nakaupo. Nakatitig sa kawalan.

"Ako nga ang nagtatanong sa iyo niyan, eh," sagot ng nurse na nilinga rin ang babae. "Sinapak mo ba, ha?"

"May nabali bang buto sa kanya?" patuloy ni Aidan bagaman sa paraan ng pagkakaupo ng babae ay duda na siya kung may napinsala rito. Nagkamali marahil siyang isiping nabundol niya ang babae.

Tumawa nang malakas ang nurse, isang malisyosong tawa. "Kayo talagang mga lalaki, oo. Mananakit ng syota, pagkatapos ay mag-aalala." 

"I didn't hurt her," naiiritang sagot nito. At bago pa niya madugtungan ang sinabi ay muling nagsalita ang nurse, sabay tapik sa braso niya.

"There's nothing wrong with your girlfriend. Maliban sa maliit na sugat sa may gilid ng ulo niya na marahil ay kung saan tumama..." Umangat ang mga kilay nito at muling hinagod ng tingin ang binata. Amusement and adoration in her eyes. "The doctor will see her in a minute. At natitiyak ko sa iyo, you will be advised to take her home." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ang babae at muling tinungo ang isa pang curtained partition para sa ibang pasyente sa ER.

Ang isa sa mga resident doctors na natapos na mula sa pagsusuri sa isang pasyente ay nilapitan ang babae. Sinuri ito. Naghahanap ng kung anong pinsala sa katawan nito. He was speaking to the woman but got no response. He frowned nang mapuna ang bahagyang sugat sa ulo nito. He spoke to her again, subalit walang isinasagot ang babae. 

Bahagyang nainis na luminga ito. "Che, sino ang kasama ng pasyenteng ito?" malakas na tanong nito sa isa sa mga nurses. Agad na lumapit si Aidan.

"Ako ang kasama niya, doktor..."

"What's wrong with her?" tanong nito sa propesyonal na tono.

Inawat ni Aidan ang sarili na huwag magpakawala ng maanghang na komento. Kaya nga niya dinala ang babae sa ospital ay upang malaman kung ano ang diperensiya nito. Ngayon ay ibabalik sa kanya ang tanong.

"Bigla na lang siyang tumawid sa kalye. Inakala kong nabunggo ko siya dahil bumagsak siya sa harap ng sasakyan. Dito ko siya dinala dahil ito ang pinakamalapit na ospital," he added the last sentence unnecessarily.

Tumango-tango ang doktor. "So hindi mo siya kilala?" Nilinga nito ang babae sandali na nanatiling nakatingin sa kawalan. Bumalik ang mga mata nito kay Aidan. "Hindi siya nagsasalita. She looked like as if she's in shock. Gusto mo ba siyang ipa-confine?" 

Ipa-confine? Bakit naatang sa mga balikat niya ang gayong responsibilidad? Kung hindi niya nabundol ang babae ay wala na siyang pananagutan dito. He might as well went home. He needed his sleep that evaded him hours ago.

Out of curiosity, his eyes flew to the woman. Sino ang babaeng ito? Ano ang nangyari dito? She looked frightened. Nakaupo ito sa gilid ng stretcher na para bang nakahandang tumalon at tumakbo anumang sandali. 

"You took her here, somehow, responsibilidad mo ang pasyente, Mister...?"

"Fortalejo. Aidan Fortalejo," wala sa loob na sagot ni Aidan. He was unable to tear his gaze away from the woman. Something about her brought out something in him he didn't care to understand. At hindi niya napuna ang bahagyang panlalaki ng mga mata ng doctor pagkarinig sa pangalan niya.

"Fortalejo as in Kristine et cetera?" ang doktor uli.

Doon lang inalis ni Aidan ang mga mata sa babae. Tinitigan ang doktor na tila ba may nasabi siya ritong hindi dapat.

"Kung kinakailangang i-confine ang pasyente ay gawin ninyo, doktor. I'll shoulder all expenses." Kung bakit niya sinabi iyon ay hindi niya alam at huli na para bawiin.

"Okay, follow me." Mabilis na tumalikod ang doktor, naroon ang eagerness na maibigay ang mabuting serbisyo. Hindi man sinagot ni Aidan ang tanong nito ay nakatitiyak itong isa sa mga lalaking Fortalejo ang kanyang kausap. 

Sumunod sa doktor si Aidan. Unaware of all the covetous glances na ibinibigay ng mga naroroong nurses at pasyenteng babae.

Nang akmang magsasalita sa reception ang doktor ay hinawakan ito ni Aidan sa braso.

"Irehistro mo ang pasyente sa kahit na anong pangalang maisip mo, doktor. Jane Doe... no." Umiling siya. "Jane Worth..." Bahagya pa siyang nagulat sa pangalang lumabas sa bibig niya. Napatitig sa doktor. "I–I'm sure you understand."

"Of course, of course," nasisiyahang sagot ng doktor. Hindi nakakalimot ng utang-na-loob ang mga Fortalejo, gaano man iyon kaliit. This was his lucky day.

Habang ang doktor mismo ang nag-asikaso sa pagpapa-confine ng babae sa ospital ay sandaling natilihan si Aidan. Hindi pa nangyaring sa nakalipas na labing-pitong taon na nabanggit man lamang niya ang sariling pangalan. In fact, no one knew about it. Kay tagal na niyang kinalimutan iyon. Bakit bigla ay ang sariling apelyido ang unang pumasok sa isip niya? 

Nakadama siya ng bahagyang guilt. Na para bang isa iyong kataksilan sa mga taong kumupkop sa kanya... sa mga taong itinuring siyang tunay na anak at itinuring din naman niyang sariling pamilya. 

Ang maging incognito ay normal na nilang ginagawang magkakapatid at magpipinsan, subalit minsan man ay hindi niya naisip na gamitin ang sariling pangalan.

Bakit ngayon?

Bigla ay nakadama siya ng kalituhan. Napatingin siyang muli sa kinaroroonan ng babae. Naroon pa rin ito. Tuwid na nakaupo. Ang mga mata ay nagbabadya ng takot. Iniisip niya kung alam kaya ng babaeng kanina pa niya ito pinagmamasdan.

Subalit sa nakikita niya ay tila wala itong pakialam sa paligid, sa ingay sa loob ng ER, sa tawagan ng mga nurses at doktor. Nakaupo lang ito nang tuwid at tahimik. Nakatitig sa kawalan, in some distant point in space that only she seemed aware of.

Huminga nang malalim si Aidan. Dapat ay umuwi na siya at ipaubaya na lang sa mga tao sa ospital ang babae. Subalit huli na ngayon iyon, naroon na siya, inako na niya ang responsibilidad. He took another weary sigh at humakbang palapit sa babae.

Nang bigla ay isa sa mga pasyente sa ER ang sumigaw. Binibigyan ng first aid ang binti nitong nasugatan. Sapat iyon upang biglang mapapitlag ang babae, her gaze shot up, at ang unang nahagip ng tingin nito ay ang mga mata ni Aidan.

Sa sandaling iyon ng pagtama ng kanilang mga mata, Aidan felt an odd little tremor in the pit of his stomach. Isang sensasyong hindi nalalayo sa naramdaman niyang excitement at thrill na naranasan niya habang nasa panganib ang buhay niya sa mga assignment niya sa Mexico sa nakalipas na tatlong taon.

Damn. Hindi niya kailangan ang ganitong damdamin sa mga sandaling iyon. At sa isang estranghero.

Nagpatuloy siya sa paglapit sa babae subalit wala na sa kanya ang mga mata nito. Maliban doon sa sandaling pagtama ng kanilang paningin ay muling nagbalik ang babae sa pagtitig sa kawalan, doon sa kung saan hindi ito maabot. She was unreachable and so... fragile.

Well, he ought to be glad that the woman wasn't his type. He didn't like fragile women. Mas gusto niya sa mga babae ang matapang, malakas, secure, and independent. Women who knew the score as well as he did.

Ang hindi niya gusto sa pagkakatitig niya sa estranghera ay ang hindi maikakailang pag-ahon ng protective instinct niya. At napatunayan na niyang minsan na ang mga ganitong uri ng babae ay mapanganib para sa isang lalaking tulad niya.

Nag-alis siya ng bara sa lalamunan bago nagsalita. "I'm Aidan," banayad niyang sabi. "Ako ang nagdala sa iyo rito sa ospital. Muntik na kitang mabundol nang basta ka na lang tumawid sa kalsada."

Subalit nanatiling tahimik ang babae.

"Ano ang pangalan mo? Saan ka nakatira?"	Wala pa ring sagot.

Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan ni Aidan, sinikap na huwag maglakbay ang mga mata sa kabuuan ng babae. Lalo na sa bahaging bumagsak ang damit nito sa may kabilang balikat, baring soft and silky flesh. At may nababanaag siyang mga pinong pekas doon.

Yet he couldn't help studying the woman. Mestiza ang babae. The color of her skin, though she was beautifully tanned, reminded him of his Aunt Emerald. Her eyes, soft brown. Matangos at maganda ang hubog ng ilong. Soft and full mouth, and a determined chin. 

She was wearing a simple white gold stud diamond earrings na marahil ay isang kilatis ang bawat isang bato. Ganoon din ang white gold solitaire nito sa kanyang palasingsingan. At kung ang mga iyon ang pagbabasehan at ang uri ng suot nitong damit na ang pangalan ng designer ay nakamarka sa bulsa ng cargo pants ay masasabing nakaaangat sa buhay ang babae. 

Again, he cleared his throat. Inulit ang mga tanong. "Bakit nasa kalye ka nang ganoong oras? Saan ka nanggaling? May tinakasan ka ba? May gumawa ba ng masama sa iyo?" 	Ang mga kamay ng babae ay mahigpit na magkapatong sa kandungan nito. At nakita ni Aidan ang bahagyang panginginig ng mga kamay nito. Naisip niyang kahit paano ay naririnig siya ng babae.

Nang muling may sumigaw sa loob ng ER ay napapitlag na muli ang babae. Nagpalinga-linga ito na tila ba noon lang napuna ang kapaligiran. Lumakas ang sigaw ng pasyente sa di-kalayuan. Tumiim ang pagkakasalubong ng mga kilay ng babae. Napatingin kay Aidan.

"W-where... am I?" halos pabulong nitong sabi.

"Narito ka sa ER ng isang pribadong ospital sa Parañaque. Hindi mo ba alam nang dalhin kita rito?"

Muli nitong iginala ang pangin sa paligid. Tila ba noon lang binigyang-pansin ang kinalalagyan sa unang pagkakataon. 

"Ano ang pangalan mo?" ulit ni Aidan.

Hindi na uli sumagot ang babae. Ang mga mata nito ay muling nagbalik sa pagkakatitig sa kawalan. 

Lumapit pa sa babae ang binata at bahagyang niyuko ito. "Look, gusto kitang tulungan. At hindi ko magagawa iyon kung mananatili kang walang kibo. At natitiyak kong sa mga sandaling ito ay hinahanap ka na ng pamilya mo."

Kung alinmang bahagi sa sinabi niya ang nagpatingala sa babae upang tumingin sa kanya ay hindi matiyak ni Aidan. But she was looking at him like an animal trapped in a headlight. At hindi matiyak ng binata kung saan nanggaling ang damdaming biglang umahon sa dibdib niya—ang pagnanais na yakapin ang babae at protektahan ito sa anumang takot na nasa mga mata nito.

Umangat ang mga kamay ng babae at iniyakap sa sarili na tila ba nilalamig. At napansin ni Aidan ang pasa sa may kaliwang braso nito sa ibaba ng balikat na tila ba may pumisil doon nang mahigpit.

Yumuko ang binata at bago pa niya mapigil ang sarili ay dinama ang pasa ng babae. 	"No!" Napasinghap ito nang malakas at marahas na iwinaksi ang kamay ng binata. Muling iniyakap ang mga braso sa sarili, as if to protect herself from whatever harm he might inflict.

Napilitang ibinaba ni Aidan sa tagiliran niya ang kamay. "Look, hindi kita sasaktan, huwag kang matakot," banayad niyang sabi. "Bakit ka may pasa sa braso? Sino ang nanakit sa iyo?"

Sa liwanag na nagmumula sa flourescent lights na nakapaligid sa ER ay nakita niya ang pagkislap ng mga mata ng babae sa biglang pamumuo ng mga luha roon. 

Tahimik na napamura si Aidan. Was she married? At ang asawa ba nito ay ang uring nananakit ng babae? Sinundan niya iyon ng tahimik na pag-iling, hindi isang wedding ring ang singsing na nasa kamay nito. It could be an engagement ring for all he knew. Nakipagkagalit ba ito sa fiancé nito? 

"Look," he said impatiently. Isinuklay ang mga daliri ng kamay sa buhok. "Gusto kitang tulungan. Pero hindi ko magagawa iyon kung patuloy kang hindi magsasalita."

Isang butil ng luha ang kumawala mula sa mata ng babae at naglandas sa pisngi nito. Patingalang napapikit si Aidan kasabay ng pagmumura nang tahimik. Napipigil niyon ang pagnanais niyang abutin ang babae at aluin. She looked so young and vulnerable sitting there with a teardrop drying on her cheek.

Nag-iinit ang ulo niya sa pag-iisip kung anong uri ng lalaki ang mananakit ng babae, lalo na sa isang tulad nito na tila walang lakas para lumaban.

Isang bahagi ng isip niya ang kumokontra kung ganoon nga ba ka-helpless ang babae. Pagdating sa babae, he was a lousy judge of character. Lalo na at kung ang pagbabasehan ay ang muntik na niyang pagkapahamak sa Mexico.

Muli niyang ibinalik ang paningin sa babae. "Maaari mo bang sabihin sa akin kahit ang pangalan mo man lang?" 

Tumingala ang babae. Umiling.

Nangunot ang noo ng binata. Hindi siya makapaniwalang humaba nang ganoon ang pasensiya niya. Nasa mga mata ng babae ang tila nakikiusap, kung ano man iyo'y hindi niya alam, at ang mga titig nito'y tumatagos hanggang sa mga buto niya.

"Ano ang ibig sabihin ng iling mo? Hindi mo gustong sabihin ang pangalan mo?"

Muling umiling ang babae, her eyes pleading. "I can't tell you my name," wika nito sa bahagyang panginginig ng tinig, ang mga mata ay lalong pinamukalan ng mga luha. 	Aidan thought he'd never seen a face so haunted and terrified.

"Ano ang ibig mong sabihin?" muli ay tanong ng binata, nasa tinig niya ang urgency.

When she talked again, her voice filled with anguish. At ni hindi halos lumabas sa bibig ang mga salita. 

"I can't... tell you my name because... because I don't know it. I don't know who I am."

***************Hay naku , puso’y nalilito hahahaha char.  I feel you girl, kasi tulad mo di ko rin puwedeng sabihin ang pangalan ko char hahahaha - Admin A *************

9

KALALABAS lang ni Aidan sa elevator dala ang styrofoam ng umuusok na kape nang makitang may lumabas na doktor sa pribadong silid na kinuha niya para sa estrangherang babae.

    Mabilis na humabol si Aidan. "Excuse me, doc," tawag niya at sinabayan sa paglakad sa pasilyo ang doktor. Tall and slim. Nasa late forties at nakasuot ng salamin sa mata.

Huminto sa paglakad ang doktor at hinarap ang binata. Inilahad ni Aidan ang kamay at nagpakilala. 

"Aidan," aniya. Tinanggap naman ng doktor ang kamay niya. "Ako ang naghatid sa pasyente rito." Nilingon niya ang silid na nilabasan ng doktor. "Kumusta na ang pasyente, doc? What's wrong with her?"

Bahagyang ngumiti ang doktor. Inalis ang eyeglasses at pinunasan ng panyo ang ilong. 

"Ano ang gusto mong malaman, Mr. Fortalejo?" balik-tanong nito. 

"I'd like to know why she couldn't remember her name."

Nang titigan siya ng doktor ay naroon ang kuryosidad sa tinig. "The resident doctor informed me that you are not even a relative though you take responsibilities and offered to shoulder her hospital expenses."

"Muntik ko na siyang mabundol. Somehow, I feel responsible. What do you think happened to her, bakit hindi siya makaalala?" ulit niya.

"Bukas na ng umaga malalaman ang resulta ng mga pagsusuring ginawa sa kanya. She had a preliminary checkup at the ER. Ano ang sabi nila roon sa iyo?"

"Wala silang sinabi. Pero gusto kong malaman kung ano ang resulta ng pagsusuri mo sa kanya."	"Ayokong manghula, Mr. Fortalejo."

"Come on. Kahit papaano ay mayroon ka ng ideya kung ano ang sakit niya..." he urged impatiently.

Huminga nang malalim ang doktor. "Maliban doon sa kapirasong sugat sa ulo niya ay wala akong makitang diperensiya sa pasyente, Mr. Fortalejo. At iyong hindi niya pagkaalala sa pangalan niya, in layman's terms, she may have amnesia."

"Sa maikling salita, walang pisikal na dahilan sa pagkawala ng memorya niya?"

"Mayroon, kung ang pagbabasehan ay ang munting sugat niya sa ulo. Bagaman maliit lang ay posibleng maging dahilan iyon upang wala siyang maalala."

"Was she..." Bahagyang tumikhim ang binata bago itinuloy ang tanong. "... sexually assaulted?"

Umiling ang doktor. "No."	Kung anuman ang dahilan ay nakadama ng relief si Aidan sa sagot na iyon ng doktor. The thought that she could have been sexually assaulted had been nagging his mind. 

"Sa palagay ninyo, posible bang gawa-gawa lang niya ang pagkawala ng memorya niya?"

Bahagyang kumunot ang noo ng doktor at tinitigan ang binata. "Maaari. But it is also possible that her memory may be partly restored in the morning. Do you want me to refer her case to a psychiatrist?" 

Tumango-tango si Aidan. "Kung ano sa palagay ninyo ang makabubuti, doc."

"Very well. A psychiatrist will see the patient later today, Mr. Fortalejo." Hindi isinatinig ng doktor ang tanong na nasa isip nito. Aidan was having little interest with his patient more than what was warranted. Sa halip ay tinapik nito sa balikat ang binata. "Go home, young man. You could use a few hours sleep. Binigyan ko siya ng sedative. Mamayang tanghali na siya magigising."

He sighed. "Thank you."

Wala na akong ibang maisip na sasabihin kundi ikaw lang lagi ang laman ng isip ko char hahahaha. Kayo ano ang nasa isip n’yo? Share n’yo naman mga beshie, libre ang pagcomment sa ibaba char hahahha - Admin A****

10

IPINASYA ng binatang umuwi na lang muna. Mula kanina ay ngayon lang siya nakadama ng antok at gutom. Inabutan niya ang mga magulang na nag-aalmusal sa veranda.

"Join us, hijo," paanyaya ni Jewel. Tinawag ang katulong at nagpakuha ng tasa at platito.

"Naramdaman ko nang umalis ka kaninang madaling-araw," ani Bernard. "Saan ka ba nanggaling?"

Hinagkan ng binata sa pisngi ang ina at pagkatapos ay hinila ang upuan sa tabi nito at naupo. 

“Hindi ako makatulog, ’Pa. Ipinasya kong mag-drive para antukin…”

"Another of those nighmares, Aidan?" Jewel asked gently, carefully. 

Bahagyang natilihan ang binata. Matagal nang panahon mula nang huminto sa pagpasok sa silid niya si Jewel sa tuwing binabangungot siya. Noon iyong magbinata siya at natutuhan niyang huwag gumawa ng ingay at pigilin ang takot at ligalig.

Inabot ni Jewel ang braso ng binata. "Habang nagbibinata ka'y nararamdaman kong hindi mo gustong masaksihan ko ang paminsan-minsang pananaginip mo ng masama, hijo. But there were times in the night sa nakalipas na mga taon na naririnig ko ang malakas mong pag-ungol, minsan pa nga'y sigaw. At sa bawat pagkakataon ay lumalabas ako ng silid ko upang pigilin lamang ang sariling huwag kang pasukin."

"'Ma..." Nakikiusap ang tinig niya. Hindi niya gustong ipakipag-usap iyon. Noong bata pa siya ay nagagawa niyang magkaila sa tuwing tinatanong siya ni Jewel kung ano ang napapanaginipan niya. Hindi niya gustong magsinungaling sa ina ngayon. Kaya hanggang maaari ay hindi niya gustong maungkat ang tungkol sa mga panaginip niya. Hindi siya handang ipakipag-usap ang tungkol sa massacre ng pamilya niya.

"All right..." Sinalinan ni Jewel ng kape ang tasa ng anak. "Let us not talk about it. Saan ka nakarating?"

Ilang sandaling nag-atubili si Aidan kung sasabihin sa mga magulang ang nangyari. Pagkuwan ay ipinasyang ipagtapat ang tungkol sa babaeng dinala niya sa ospital.

"Natitiyak mo bang hindi mo siya nabundol, hijo?" nag-aalalang tanong ni Bernard na nahinto sa pagsubo.

"Iyon ang una kong inakala, Papa, nang sa pagpreno ko'y bumagsak siya sa harap ng kotse. Pero tiniyak ng ospital na hindi ko nasaktan ang babae."

"And you said she couldn't remember?" wika naman ni Jewel. Nahaluan ng interes ang tinig. 

"The doctor said she may have a temporary loss of memory."

"Well, kumain ka at pagkatapos ay matulog sandali. Pagkagising mo'y sasamahan kita sa ospital. Gusto kong—"

"'Ma..."

"Darling..."	Halos sabay iyong binigkas ng mag-ama na nagkatinginan. Umikot ang mga mata ni Jewel.

"Bueno..." Nasa tinig nito ang disappointment. "Pero gusto kong asikasuhin mo ang babaeng iyon, Aidan. Tiyakin mong nasa mabuting kalagayan. Kahit paano'y responsibilidad mo siya. You couldn't just leave her in the hospital at basta na lang ipaubaya sa mga doktor at nurses. Kawawa naman, lalo at hindi makaalala."

"'Ma, why do you have this habit of caring and adopting stray puppies? One of these days that would get you in trouble..." ani Aidan, sa isip ay kasali na siya sa sinabi.

Hindi iyon nakaligtas sa pakiramdam ni Jewel. Pumormal. "You are not a stray puppy, Aidan Fortalejo! You are my son." Hinaluan nito ng bahagyang galit ang tinig. "At masama bang tumulong sa kapwa?" 

Si Bernard ay palihim na nginitian ang anak at kunwa ay walang naririnig at patuloy sa pagkain. 	Napakamot sa ulo ang binata.

HAPON na nang magising si Aidan. Paglabas niya sa silid ay siyang pagtunog ng telepono. Inilapit ng katulong ang cordless phone sa kanya.

"Si Sir Kurt po, sir."	Inabot niya ang telepono. "Hello..."

"Ang akala ko ba'y magkikita tayo rito sa opisina?" ani Kurt sa kabilang linya. "Pare, hapon na..."

"I'm sorry. Nasabit ako. Puwede bang ipagpaliban muna natin ang trabaho ko, at least, mga ilang araw lang? May mahalagang bagay lang akong inaasikaso." 	Nagbuntong-hininga si Kurt bago sumagot. "Okay, I'll give you two days. No more, no less. 

Mahalaga ang kasong ibinigay ko sa iyo. Nagmamadali ang kliyente ko.“

Nang mawala ang kausap sa kabilang linya ay tumawag si Aidan sa ospital. Napag-alaman niyang kasalukuyang nasa X-ray room ang pasyente. At pagkatapos ay nakatakda pa rin daw itong dalhin sa nuclear room para sa CT scan at MRI.

Ipinasya ni Aidan na sa kinabukasan na lang ng umaga muling dalawin ang babae. Marahil ay pagod na ito mula sa baterya ng mga pagsusuri.

NAGISING siyang bigla subalit hindi siya kumikilos at nagmumulat ng mga mata. May tao sa loob ng silid. Nararamdaman niya. Naririnig niya ang maingat na maingat na galaw.

Agad siyang nagmulat ng mga mata, sinisikap na makaaninag sa kadilimang nakapaligid. May nalanghap siyang amoy na naiwan sa ere. Isang pamilyar na amoy.

Agad ang pagsalakay ng takot sa kanya at mabilis siyang bumangon. Her heart throbbed violently in terror. Pilit niyang inaaninag ang kadiliman sa loob ng silid. Kahit ang paghinga ay natatakot siyang gawin... ni hindi niya rin magawang sumigaw. 

May taong nanggaling sa loob ng silid niya. Gusto siyang saktan!	Kailangang tumakas siya! Kailangang umalis siya sa lugar na iyon kung saan hindi nila siya makikita!

Subalit bago pa man siya makababa sa kama ay bumukas ang pinto at biglang kumalat ang liwanag sa loob ng silid. Isang may-edad na nurse ang pumasok.

"Ano ang problema, hija?" tanong nito nang makita ang matinding takot sa mukha niya.	"W-what?" wala sa loob niyang sabi. 

Humakbang ang nurse patungo sa hospital bed. "Diniinan mo ang call button ng maraming beses. May kailangan ka ba? May masakit ba sa iyo?"

Bumaba ang mga mata niya sa nakakuyom niyang palad. Naroon ang dulo ng call button at hawak-hawak niya nang mahigpit. Ni hindi man lang niya namamalayang hawak niya iyon.

"S-someone was in here..."

Isang may-simpatyang ngiti ang ibinigay sa kanya ng nurse at hinawakan siya sa magkabilang balikat at marahang inihiga pabalik sa kama.

"Marahil ay nananaginip ka lang. Matulog ka uli."

Subalit mariing tumatanggi ng isip niya. Hindi siya nananaginip. Natitiyak niyang may tao kanina sa loob ng silid.

"M-may tao kanina rito," she insisted.

"Walang ibang tao rito, hija. Kung mayroon man, 'di sana'y nakita ko na. Hindi kalayuan dito sa silid mo ang nurses' station. At kung sino man ang pupunta rito'y doon dadaan. At naroroon kami ng dalawa ko pang kasama. Wala kaming nakitang dumaan."

Pero paano ipaliliwanag ang tila cologne na nalanghap niya kanina? gusto niyang itanong. Subalit kahit anong hinga niya ay wala na roon ang naamoy niya.

"Why can't I remember?" she sobbed. Her hands on her face.

"Makakaalala ka rin," pang-aalo ng nurse. "Bukas ay lalabas na ang resulta ng mga pagsusuri sa iyo. Malalaman natin kung ano ang sakit mo. Huwag kang mag-alala, magbabalik ang memorya mo paglipas lamang ng ilang araw, makikita mo," paniniyak nito.

Kailangan niyang makaalala! Iyon ang naghuhumiyaw sa isip niya. Kasabay niyon ay ang paglukob ng takot sa buong pagkatao niya na para bang mas mabuting manatili na lamang siyang walang maalala. She would be safer if she wouldn't remember a thing about her.

Subalit sa kabila ng pagtatalo ng isip niya ay biglang nag-flash sa isip niya ang pagsigaw ng isang lalaki ng pangalan niya. 

Danielle...	Bumilis ang pintig ng puso niya. Halos hindi siya makahinga. "Danielle," marahang usal niya. 

“My name’s Danielle.”

Umaliwalas ang mukha ng nurse. "O, nakita mo na? Ano ang sabi ko sa iyo? Agad kang nakaalala, 'di ba? Kaya kailangang ipahinga mong mainam ang isip mo." Inayos nito ang kumot at kinumutan siya. "Gusto mo ba ng pampatulog?"

"Drugs? No!" she answered frantically. Ang ideya na tuturukan siya ng drugs ay nagpaahon ng takot sa kanya.

"Siya, matulog ka na. Bukas ng umaga ay maalala mo nang lahat ang tungkol sa iyo, okay?" Nginitian siya ng nurse bago ito tumalikod.

She curled herself into a fetus position. She remembered her name—Danielle. Sa halip na makadama ng ginhawa na baka makaalala siya sa kinabukasan ay takot ang nadarama niya. Sa kaibuturan ng kanyang isip ay alam niyang may gustong pumatay sa kanya. 

Pero bakit? Bakit siya gustong patayin ng kung sino man?

**************good night na mga beshie. di ko na kayang magpuyat pa char hahahaha. Magpahinga rin kayo ng maaga mga beshie. Health is wealth. God bless and Take care mga beshie. - Admin A ********

11

NANG muli siyang magising ay naglalagos na ang liwanag ng araw sa bintanang salamin ng ospital. Nanatili siyang nakahiga, iniisip kung maaalala niya kung sino siyang talaga maliban sa alam niyang ang pangalan niya ay Danielle.

Subalit nanatiling blangko ang isip niya. At kasabay din niyon ay ang muling pag-ahon ng takot na naramdaman niya kagabi. Mabilis siyang bumangon at inikot ang tingin sa buong silid. Then she remembered she was in a hospital.

Bumaba siya ng kama at humakbang patungo sa mga bintana. Puro salamin iyon at nang tumingin siya sa ibaba ay natanaw niya ang kalsada. Nag-uunahan ang mga sasakyan. She could barely hear the blowing of horns dahil nakasara ang bintanang salamin. Hindi niya matiyak kung nasa ikailang palapag siya. Mayroong fire escape malapit sa bintana. Hinanap niya ang bukasan niyon at sinikap angatin, subalit matigas at ni hindi niya magalaw.

Natitiyak niyang imposibleng sa bintana nagdaan ang taong nararamdaman niyang nasa loob ng silid niya kagabi. Tila hindi naman binubuksan ang bintanang iyon. Bukod pa roon, kung sakaling sa bintana nagdaan ang tao ay tiyak na maririnig niya ang pagbubukas ng bintana. 

Marahil ay tama ang nurse. Imahinasyon lamang niya iyon. Ganoon man ay hindi iyon nagdala ng kapanatagan sa puso at isip ni Danielle.

Pumasok siya sa banyo at tinitigan ang sarili sa salamin. Napakaiksi ng buhok niya, halos parang gupit-lalaki na. Ginusto ba niya ang maiksing buhok? Muli niyang tinitigan ang sarili sa salamin. The woman on the mirror was beautiful. Subalit hindi siya makadama ng kasiyahan. Ang nakikita niya roon ay isang estranghero.

Sino ba siyang talaga? Bakit siya natatakot? Ano ang dahilan? At bakit may pakiramdam siyang nag-iisa na lamang siya?

At sapat iyon upang ang kalungkutang nadarama ay tila tumatagos sa buto niya.

Bumukas ang pinto ng silid at sumungaw ang isang batang nurse. hindi ito ang kausap niya kagabi. May hawak itong basket ng mga prutas at bulaklak. 

"Gising ka na pala." Nakangiti nitong inilapag ang basket ng mga prutas at isang vase na puno ng mamahaling mga bulaklak sa mesa. "Narito kanina ang boyfriend mo, pero tulog ka pa. Iniwan niya ang mga ito para sa iyo. Ang sabi niya ay babalik siya mamayang hapon."

Boyfriend?

She stared at the nurse blankly. "S-sinong boyfriend?"

Sandaling nalito ang nurse sa tanong niya. "Sorry, pero sabi ng kahalili ko sa shift, boyfriend mo ang naghatid sa iyo rito sa ospital noong isang gabi." Ngumiti itong muli. "He dropped by this morning. Big and tall, mamula-mula ang balat na tila iyong mga Indian sa sine, at mahaba pa ang buhok na nakatali sa likod... at muy guwapo!" Hindi itinago ng nurse ang admiration sa mukha at tinig. Inginuso ang mga bulaklak. "May card sa mga bulaklak..."

Sinikap niyang alalahanin sa isip ang buong anyo ng lalaking nagdala sa kanya sa ospital at kumausap sa kanya subalit maliban sa malalim na tinig nito ay hindi mabuo-buo sa isip niya ang anyo ng lalaki. 

Tinapunan niya ng tingin ang mga bulaklak. An array of beautiful and expensive flowers... in varieties. Humakbang siya patungo sa mesa. Kinuha ang naroong card at binuksan.

		Hope you like flowers.					 Aidan

Aidan... Aidan. Binalik-balikan niya sa isip ang pangalan ng lalaki at may pilit na hinahagilap. Narinig ba niyang binigkas ng lalaki ang pangalan nito? Why did it sound familiar?

Patuloy siyang nakatitig siya sa kawalan. Bahagya pa siyang nagulat nang muling bumukas ang pinto at pumasok ang doktor. Iyon ang ikalawang doktor na tumingin sa kanya. Isa iyong psychiatrist and she grimaced silently. Bakit niya kailangan ng psychiatrist?

Ang nurse ay agad na inabot ang chart sa may paanang mesa.

"How's my patient today?" nakangiting wika nito. Marahil ay nasa kuwarenta ang edad ng doktor. A little bit overweight. He had a pleasant face and a gentle voice. Siguro ay talagang ganoon ang mga psychiatrist, gusto nilang hindi mailang ang pasyente sa kanila.

Hindi niya magawang gantihan ang ngiti nito dahil wala namang dapat na ngitian sa kalagayan niya. Kinuha ng doktor ang chart mula sa nurse. Pagkatapos basahin ang nakatala roon ay muling ibinalik sa mesa sa may paanan ng kama niya. 

"Feel better, hija?"

"I still couldn't remember a thing about myself, doctor," nanlulumong sagot niya.

"You remembered your name and that's something. Wala akong makitang diperensiya sa iyo, Danielle," wika ng doktor. "Ang sugat mo sa ulo ay napakaliit at superficial. Dahil kahit sa resulta ng CT scan mo ay wala rin akong makitang sapat na dahilan kung bakit hindi ka makaalala. Your memory loss appears to be psychosomatic."

"You want to tell me that the reason why I can't remember because I don't want to," she said miserably.

"Hindi naman ganoon kasimple ang lahat, hija," wika ng doktor sa nagsisimpatyang tinig.

"Kailan magbabalik ang alaala ko?" tanong niya sa Tagalog na may accent.

Masusi siyang tinitigan ng doktor. "Wala akong maigagarantiya sa iyo. But I'd say the chances are excellent your memory will return. Marahil ay hindi sabay-sabay. Tulad na lang ng pagkaalala mo sa pangalan mo. Bits and pieces will come back to you, maybe sudden flashes. Hanggang sa makaalala kang tuluyan." 
"When?" she asked wearily.

"Yes. When, doctor? Iyan din ang gusto kong malaman," ang malalim na tinig mula sa may pinto. 

Danielle's eyes flew to the man standing just inside her room. He was tall and big, na sa paningin ng dalaga ay naging napakaliit ng silid na iyon. At gusto niyang isiping pamilyar sa kanya ang lalaki bagaman hindi niya maisip kung bakit. 

A doctor? No. It wouldn't fit him. 

There was something disturbing about the way his dark eyes studied her so intently. And something alarming about the way she seemed to respond to him.	Sa isang sandali ay naisip niyang baka ang lalaking ito ay boyfriend niya. Kaya ba pamilyar sa kanya ito? Alam niyang may boyfriend siya, hindi nga lamang niya gaanong maipaliwanag kung bakit alam niya iyon. 

At may kung anong excitement siyang nadama sa kaisipang boyfriend niya ang lalaking ito. Then a memory flashed her mind.

Hinahagkan siya ng isang lalaki. Kasintaas ng lalaking ito. He was handsome, too... except that he was a little older...	She shook her head silently. Hindi ang lalaking ito ang humahalik sa kanya. Hindi niya maikonekta ang anyo nito sa nag-flash sa isip niya. At agad ang pagkadama niya ng panghihinayang na ibang lalaki ang nag-flash sa isip. Mabilis niyang iniwas ang paningin sa bagong dating.

"You must be Mr. Fortalejo," wika ng doktor na hinagod ng tingin ang binata at nginitian. Inilahad ang kamay.

"Aidan. Call me Aidan, doc."

"Please sit down, Aidan..." Itinuro ng doktor ang isang silya. Binalingan si Danielle. "You remember Aidan, Danielle? Ayon sa impormasyong nakuha ko'y siya ang nagdala sa iyo rito sa ospital noong isang gabi. Or to be precise, yesterday morning."

Iyon ang dahilan kung bakit pamilyar ang lalaki, ito ang nagdala sa kanya sa ospital. And then she remembered him talking to her. Muling tiningala ni Danielle ang binata, searching his face. 

Aidan smiled, a heart-stealing smile. And Danielle felt a tingle all the way to her toes. He was very attractive and wondered why she had not noticed that night.

And kept on wondering still why she had forgotten his face. How could she forget this man? Hindi ang mukha nito ang nakalilimutan na lang basta. He had perfectly sculptured features. His was the most handsome face she had ever seen. And he looked like as if he just came out straight from a western movie.

Umiwas siya ng tingin. Hindi niya magawang salubungin nang matagal ang mga titig nito.

"I'm glad you're looking better today." Humakbang si Aidan patungo sa silya at hinila iyon malapit sa tabi ng kama niya at naupo.

Ang doktor ay tumayo at nagpaalam na sa kanila. Nangakong babalik uli sa gabi para sa panghuling rounds.

"Saan ako naroroon? Anong ospital ito?"	Aidan smiled. He liked to hear her accented Tagalog. "Perpetual Help. At naririto ka sa Sucat."	"Sucat?" 

"Yes. Siguro'y malapit lang dito ang bahay mo. Have you remembered anything?" tanong ni Aidan nang sila na lang dalawa sa silid.

"Only my name. I remembered my name. It's Danielle."

"Ibinalita sa akin ng nurse sa station. You have a pretty name." Sandaling huminto ang binata, pagkuwan ay idinugtong. "What about your last name?"

Umiling si Danielle. "I don't know. I only remembered my first name."

"Paano mong naalala ang unang pangalan mo at hindi ang panghuli?" 

"It flashed in my mind, a man was calling me 'Danielle'." Hindi niya maunawaan kung bakit tila natatakot siyang titigan ito nang deretso. 

Maingat niyang sinusuri ang kaanyuan ng binata. He had dark and penetrating eyes fringed with thick lashes. He had long wavyish hair and was tied at the back of his head. She had this feeling that she didn't like men who wore their hair long yet she was fascinated by him. Parang gusto niyang iangat ang kamay at haplusin ang buhok nito. It was dark and silky and looked soft.

Then her eyes went down to his body. He was tall and lean, but Danielle knew that beneath his sport shirt, the muscles on his shoulders and in his chest would be powerful. Tila nararamdaman niya ang paggalaw ng mga muscles nito sa mga palad niya.	Bigla niyang inihinto ang daloy ng pag-iisip. And was shocked by her own thoughts. Nag-iisip ba siya nang ganoon dahil alam niyang may boyfriend siya at hindi na bago sa kanya ang ganoong damdamin?

Agad niyang inalis ang mga mata sa lalaki subalit humalili sa isip niya ang intruder na sa palagay niya ay nasa kanyang silid kagabi. Sapat iyon upang gumuhit ang takot sa mukha niya. 

"What's wrong?" ani Aidan na nagsalubong ang mga kilay sa biglang pagguhit ng takot sa mga mata niya. "May naalala ka ba?"

Hindi sumagot si Danielle. Huminga nang malalim. Sinikap na ikalma ang anyo at damdamin. Would he believe her if she told him? Would he not think her crazy? Gayong siya nga sa sarili niya ay hindi nakatitiyak kung totoo ngang may pumasok na tao sa silid niya kagabi.

"Ano ang naaalala mo mula noong dalhin kita rito sa ospital?" patuloy ni Aidan. Iniusog ang silya palapit.

Umiling siya. "Nothing. I even vaguely remember talking to you."

"Ang sabi ng doktor ay wala siyang makitang diperensiya sa iyo. And that your amnesia is—"	"Psychosomatic?"

"Hindi ko sinabi iyon." 

"But you also have doubts about me, don't you?" A pain flickered in her eyes. Sanhi iyon upang magbuntong-hininga si Aidan.

"Hindi ako doktor, Danielle. At hindi ganoon kalalim ang pang-intindi ko sa amnesia o sa salitang psychosomatic. I am—" he stopped immediately, bago pa niya masabing isa siyang undercover agent, a CIA. Wala iyong kinalaman sa sandaling iyon at isa pa ay nag-resign na siya sa Pentagon. He would be working for Kurt as private investigator. He grimaced silently. He cleared his throat, bago nagsalita, "I tend to see things in black and white."

Hindi sumagot si Danielle. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. May kung ilang sandaling katahimikan ang namagitan bago muling nagsalita si Aidan.

"Wala ka bang natatandaan kung saan ka galing? Kung sino ang kasama mo? Hindi mo ba alam kung bakit naglalakad ka sa gitna ng kalye sa dis-oras ng gabi?" sunod-sunod na tanong ng binata. It was obvious that he was interrogating. 

She closed her eyes tightly. At pagkuwan ay nag-angat siya ng paningin, hurt in her eyes. 

"Nagpapasalamat ako sa ginawa mo sa akin. Pero sa palagay mo ba ay hindi ko pinipilit ang sarili kong malaman kung sino akong talaga? So please, huwag mong isiping gusto ko ang nangyayari sa akin ngayon."

Agad ang paglatay ng guilt sa mukha ni Aidan. Inabot nito ang kamay ng dalaga. 

"I'm... sorry..." wika nito. Only to feel a sudden jolt of electricity ran through him. 

Hindi malaman ni Danielle kung paano hihilahin ang kamay. Her heart was racing. Nakadama siya ng biglang panghihina ng mga tuhod sa kabila ng nakaupo siya. Something liquid seemed to be collecting deep inside her.

And looking at him, she knew he felt it too. 

For a mute seconds they were gazing at each other. His calm and piercing, hers confused and vulnerable.

It was Aidan who recovered first. Binitiwan nito nang marahan ang kanyang kamay at humakbang ng dalawa paatras palayo sa kanya. Ito man ay namangha sa nararamdaman. 

He'd met and dated women before but no one had ever made him feel like this. Kahit nga ang babaeng pinag-ukulan nito ng pagtingin sa Mexico ay hindi nagpadama sa kanya nang ganoon. And surely, hindi nito dapat maramdaman iyon sa isang estranghera. Not to a woman he didn't know anything about. 

He cleared his throat and said a little gruffly, "Lalabas na muna ako. Kakausapin ko ang doktor. I'll be back tonight..."

Tango lamang ang isinagot ni Danielle.

****************Kumusta mga beshie , sumasakit ang ulo ko ngayon kainis :( - Admin A *************

12

“PHYSICALLY, she’s all right, Mr. Fortalejo. Wala akong makitang anumang dahilan upang pagmulan ng amnesia niya,” wika ng doktor nang puntahan ito ng binata sa pribadong clinic sa ground floor building ng ospital.

"Tapos na bang lahat ang mga pagsusuri sa kanya, doc?"

"There are some blood tests na hindi pa nakararating sa akin ang resulta. Gayunman, I can safely say that there's nothing wrong with her. Sa katunayan ay maaari na siyang lumabas anumang oras."

"Saan siya pupunta, doc?" aniya, nagsasalubong ang mga kilay. "Ni hindi siya makaalala."

"Hindi malaki ang ospital na ito, hijo. At nakita mo naman sigurong kahit sa ER ay may mga naghihintay ng silid. Siguro naman ay may mga government agencies na maaaring pagdalhan sa katulad niya." may panghihinayang sa tinig nito nang sabihin iyon. 

"Government hospitals? Social workers?" Lumalim ang kunot ng noo ni Aidan doon. Danielle's fragile image flashed his mind. Hindi nito matanggap ang ideya na mapasakamay ng mga social workers si Danielle. He was positive she didn't belong there. 

"Yes. Puwede natin siyang ipadala sa ward sa PGH o di kaya'y sa San Lazaro. She would be treated there until she regained her memory."

"No, I don't think so," wika nito sa mariing tinig na siya man ay bahagyang nagulat. 

Ang doktor man ay bahagyang nagulat subalit mataktika nitong naitago iyon. Sa halip ay tumango. "Naintindihan kita. She doesn't look destitute," wika nito, not wanting to stress the obvious. The patient was wearing designer's clothes. Not to add her jewelries. At pinigilan din nito ang sarili na idagdag na maganda ang babae, fragile and helpless at kahit sinong lalaki ay magkakainteres sa kapakanan nito. 

Subalit sa likod ng isip nito ay naroon din ang pagtataka sa pagpapakita ng personal na interes ng binata, having known that the Fortalejos were normally surrounded by beautiful women. At ang isang nasa itaas ay hindi kakulangan lalo at wala naman sa kasalukuyan ang pag-iisip.

"Kung gusto mong manatili siya sa pribadong suite na iyon sa third floor ay nasa sa iyo iyon," patuloy nito. "I know you can afford it, hijo. Pero sana'y mauunawaan mong may mga taong higit na nangangailangan ng silid na iyon."

Tumango ang binata. "Wala ho bang ibang paraan, doc, upang mapabilis ang pagbabalik ng memorya niya?"

"I could try hypnosis with her. Baka maging daan iyon upang makaalala siya. Pero isinuhestiyon ko na iyon sa kanya kahapon at nakita ko ang takot sa mga mata niya. Hindi ko ipinilit. 

Magagawa ko lamang iyon kung sasang-ayon ang pasyente ng bukal sa loob.“ Sumandal sa high-backed chair nito ang doktor bago nagpatuloy. “O, di kaya naman ay maaari nating kuhanan siya ng larawan at ilathala sa mga peryodiko o sa televisions. Tiyak na may mga kamag-anak siyang maaaring magtukoy sa kanya.”

"I will discuss the options with the patient, doc. Malalaman ninyo kung ano ang desisyon niya."

*****I’M BACK CHAR HAHAHAHAHA - Admin A

13

NAKATITIG sa salamin sa may banyo si Danielle. Pilit na inaaninag mula sa repleksiyon niya ang nakaraan.

Sino ba akong talaga? Bakit hindi ako makaalala? nanlulumong tanong niya sa sarili. Ipinikit ang mga mata at pilit na hinahagilap sa isip kung sino siya. 

Bigla ay may mga tinig ang tila nag-e-echo sa isip niya.	Mahal ko na siya... She would be my legal wife if we married. And I couldn't afford you to hurt her. Gusto kong lumabas sa pinag-usapan natin!

You're out of your mind, Calvin! You were taken by a pretty face. Nakalimutan mo na ba ang salaping nakuha mo na sa akin? O baka naman gusto mong solohin ang salaping mamanahin niya?

I'll pay you back... Pinagsisihan kong pumayag ako sa gusto ninyong mangyari. Kalimutan ninyo ang plano ninyo o makararating sa mga awtoridad ang lahat ng ito!

Hindi mo magagawa iyan dahil papatayin na muna kita!

Isang putok ang narinig ni Danielle sa isip niya. Kasabay niyon ay ang pagsigaw ng isang tinig na kung wariin ay kanya.	Stop! No! No!

Butil-butil na pawis ang gumitaw sa noo ni Danielle. At sunod-sunod na paghinga ang ginawa kasabay ng pagmulat ng mga mata. Halos mabasag ang dibdib niya sa matinding takot. Tinig niya ang huli niyang narinig na sumisigaw. 

Calvin... Calvin... 

What happened to him?

She gasped aloud nang sa likod ng repleksiyon ng salamin ay makita niya si Aidan. Marahas ang paglingong ginawa niya.

"I didn't mean to startle you," hinging-pamanhin ng binata. "I knocked several times. Pero hindi mo yata ako naririnig." Lumalim ang pagkakadikit ng mga kilay nito sa nakikitang anyo ng dalaga. Halos takasan na ng kulay ang mukha niya. "What's wrong?"

Lumabas mula sa banyo si Danielle. Her knees felt like jelly. And she was still frightened. Mabuway na humakbang patungo sa silya. 

Si Aidan ay hindi malaman kung hahawakan siya o hindi. She grasped the chair at nanghihinang naupo roon.

Napalapit sa kanya ang binata. "Did you remember something?"

"C-Calvin..."

"Calvin?" ulit ng binata. "Is that your last name? Calvin? Iyon ba ang ibig mong sabihin?"	Umiling siya. "N-no," she said in a trembling voice. Tumingala sa binata. Her eyes pleading as if wanting him to help her. 

"Oh god, Danielle, don't look at me like that. I want to help you and I feel so helpless right now. I'd do anything in my power to help you," usal ng binata at napaupo sa harap niya. He held both her cold and trembling hands. 

Sa pagkakataong iyon ay hinayaan ni Danielle na hawakan nito ang kamay niya. She needed his comfort right now. In fact, she needed him to hold her in his arms. 	Bakit nangyayari ito sa kanya? Bakit hindi siya makaalala nang tuluyan? At kung mayroon mang kumikislap sa isipan niya ay hindi rin niya maintindihan. Nothing that made sense except that she was frightened. Dahil ba nararamdaman niyang may gustong pumatay sa kanya? 

Sino ang gustong pumatay sa akin?

Ang mga taong pumatay kay Calvin!	Pumatay kay Calvin!

Paano niyang nalamang patay na si Calvin? Her mind was filled with terror. Inilagay niya ang kamay sa bibig upang pigilin ang pahisteryang hikbi.

"What are you so afraid of Danielle? What did you remember? Is Calvin a man's name?"

"Yes. But I couldn't place him, Aidan," wika niya. Inusal ang pangalan ng lalaki sa kauna-unahang pagkakataon. And she felt good, felt somewhat safer. "I heard voices... Calvin's voice... and another voices from a man and a woman... wanting to kill him! Or maybe they killed him already!" Hindi niya namamalayang humihigpit ang hawak niya sa mga kamay ng binata. "Yes, I know he's dead! They killed him! I could feel it!" she added hysterically.

"Sshh... sshh, baby," ani Aidan. Tumayo at binuhat siya mula sa silya. She weigh no more than a dream. Dinala nito ang dalaga sa kama at maingat na inilapag doon. "Calm down."

"Don't leave me!" Nangunyapit sa lapel ng polo shirt niya ang dalaga. Her eyes wide with terror. "They will kill me, too!"

"No one will hurt you, Danielle. At hindi kita iiwan, I promise. Calm down. Take a deep breath... come on, do it. Yes, like that..." Naupo ito sa gilid ng kama, patuloy na hinahawakan ang mga kamay ng dalaga habang ginaganyak na ikalma ang sarili. "Breathe again... yes... you're doing fine..." 

May kung ilang beses na sinunod ng dalaga ang sinasabi nito. At kahit paano ay nakadama ito ng bahagyang ginhawa. Pagkuwan ay hinila ang mga kamay na hawak ng binata. Tumagilid at isinubsob ang mukha sa unan upang pigilin ang pag-iyak.

"Danielle, please, it's all right. Now, you are starting to recover your memory... Everything will seem hazy at first. But everything will become clearer. Slowly until eventually, everything will click back into place."

But did she want to remember now? Hindi ba mas mabuting wala siyang maalala upang hindi niya malaman kung ano ang kinatatakutan niya?

Aidan gazed down at her tear-filled eyes. And he wanted to reach out to her. Ikulong siya sa mga bisig at tiyakin sa kanya na hindi nito pababayaang may mangyaring masama sa kanya. Subalit sa sandali ring iyon, he hated himself for the unwanted feeling. Saan nanggaling ang damdaming nais nitong protektahan ang dalaga sa anumang kinatatakutan niya?

"Everybody would think me crazy. I wouldn't be surprised if you're thinking of the same thing about me." Gumagaralgal ang tinig niya sa pagsisikap na huwag mapahikbi.

"Hindi ka ganoon, Danielle, at hindi iyon ang iniisip ko tungkol sa iyo." May diin ang tinig nang sumagot si Aidan. "You've lost your memory and who knows why and how. And you're scared. You said they will kill you, too. Who are they?"

She shook her head miserably. "I don't know... Believe me, Aidan, I don't know. Alam kong isa sa mga tinig ay akin. It was my voice who shouted and the flashes stopped right there."

Huminga nang malalim ang binata. Tumayo ito at tinungo ang personal ref sa may sulok ng silid. Kumuha ng baso at nilagyan ng mineral water. Dinala iyon pabalik sa kama at ipinainom sa dalaga. Napangalahati ni Danielle ang tubig sa baso.

"Who is Calvin, Danielle?" tanong ni Aidan habang inilalapag sa gilid ng mesa ang baso.

Naguguluhang tumingin sa binata si Danielle nang may kung ilang sandali. Bigla ay may kumislap sa isip niya. A man's hand was gently pushing a ring on the table toward her.	I love you... and I want to marry you.

"C-could he be my boyfriend? A-alam kong may boyfriend ako. Naramdaman ko iyon nang makita kitang pumasok sa pinto habang nag-uusap kami ng doktor." Umiwas ng tingin ang dalaga and she added softly. "For a fleeting second I even thought you were him." 

Ewan ng binata subalit nakadama ito ng kasiyahan sa sinabi ni Danielle. Kasiyahang iglap ding nawala nang yukuin ang kamay ng dalaga. 

"Could that be an engagement ring? It looks like one," wika ng binata, an edge in his voice. Danielle failed to notice it.

"Engagement ring?" ulit niya. Itinaas ang kamay. Pinakatitigan ang singsing sa daliri. Could it be her engagement ring? 

Iyon ba ang singsing na kumislap sa isip niya ngayon lang? Hinubad niya iyon mula sa daliri, sinilip ang loob upang tiyakin kung may nakasulat doon. Subalit wala. She sighed. Muling ibinalik sa daliri ang singsing.

"Aidan, kagabi'y nagising ako dahil naramdaman kong may tao sa silid ko," pagtatapat niya. Ang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa braso ng binata. "I know you wouldn't believe me. 

Tulad din ng nurse na naka-duty kagabi. Ang sabi niya’y makikita nila sa nurses station kung may magdadaang tao patungo rito. But I knew it in my bones that an intruder was in here last night.“

"Bakit hindi mo sinabi sa akin kaninang umaga iyan?" he said in a neutral voice. Hindi matiyak sa sarili kung maniniwala o hindi.

"Because I am not sure myself. I checked the windows this morning, there's no way he could pass through any of them... Maybe the nurse was right. It was just my imagination... but... oh, god!" Itinakip niya sa mukha ang dalawang palad. "Maybe I am really insane!"

"You are not insane, Danielle! Sinabi ng doktor na wala kang diperensiya, so calm down. You could have been dreaming, that must be the most logical explanation."

"I was awake when I smelled that... that almost familiar scent..."

"What scent?"

"His scent lingered for a while..."

"His?"

Confused, she shook her head. "He could be a man... or a woman. I don't know..." 

"All right, Danielle," ani Aidan makalipas ang ilang sandali. "Your psychiatrist suggested that you go under regressive hypnosis..."

Hindi siya sumagot. Sinabi na ng doktor sa kanya iyon at natatakot siya. Hindi niya gustong sumailalim sa hypnosis. Natatakot ba siyang malaman kung ano ang kinatatakutan niya? Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari? Ang magbalik nang buo ang memorya o manatiling blangko ang isipan? She wanted to recover her memory but at the same time she was terrified. May nagdidikta sa kabilang bahagi ng isip niyang huwag nang alalahanin ang lahat.

Gulong-gulo ang isip niya nang titigan si Aidan. 

"There's one more thing," patuloy ng binata. "Magpakuha ka ng larawan at ipakikita natin iyon sa television... sa news program. Maaaring makilala ka ng pamilya mo at—"

"Wala akong pamilya!" biglang putol niya sa sinasabi ng binata. Pagkuwan ay natilihan siya. Paano niyang nalaman iyon?

"Paano mong nalaman iyon?" Isinatinig ni Aidan ang nasa isip niya.

*****************MISS ME? CHAR HAHAHAHA! - Admin A ***********************

14

AIDAN promised to come back later that night at magdadala ng camera. Pumayag si Danielle na kuhanan niya ito ng larawan at ilathala sa mga peryodiko o di kaya ay sa television. Umuwi siya sa kanila para kumuha ng camera at umalis ding muli.

Dumaan muna siya sa mall at bumili ng ilang gamit pambabae. Hindi maiwasan ng mga naroong sales clerk ang magbulungan nang magtanong siya ng sizes ng gamit pambabae. A gorgeous hunk was buying a woman's garment.

"I don't know her size. Could you show me all sizes and I'll choose?"

"Yes, sir," nakangiting sagot ng sales clerk, sabay siko sa kasamang sales clerk na kinikilig sa likod nito.

Isang oras siya halos sa pambabaeng section. Hindi pinapansin ang mga humahangang matang nakatuon sa kanya hanggang sa makapamili siya. Pagkatapos ay nagtuloy siya sa Kenny Roger's at nagpabalot ng pagkain.

Alas-nuwebe na ng gabi nang makabalik siya sa ospital. Tuloy-tuloy siya sa elevator. Wala nang gaanong bumibisita sa oras na iyon kaya nag-iisa na lang siya sa elevator patungong third floor.

Sa nurses station ay iisa lang ang naroong nurse. Nginitian niya ito bago lumiko sa pasilyo patungo sa silid ni Danielle. Malayo pa siya ay natanaw na niya ang isang hindi niya matiyak kung lalaki o babae na nakasuot ng puting hospital robe at berdeng cotton pants. Naka-hospital mask din ito at may cap sa ulo. May hawak itong heringgilya sa isang kamay. Ang isang kamay nito ay pumipihit sa doorknob.	Doktor o attendant?

Naka-rubber shoes si Aidan at hindi iyon gumagawa ng ingay sa pasilyo. Subalit naramdaman marahil ng tao ang pagdating niya at napalingon ito sa kanya. Ang akmang pagbubukas nito ng pinto ay napigilan. Pagkuwan ay nagmamadaling lumakad patungo sa kabilang dulo ng pasilyo. 

"Hey!" tawag ni Aidan na nagtaka sa biglang pagpihit ng tao sa kabilang direksiyon at sa halos lakad-takbong paglayo. 	Sukat sa pagtawag niyang iyon ay tumakbo ito. Napatakbo rin ang binata at sinundan ang tao.

"Hey, stop!"

Bumilis ang takbo nito at lumiko sa kabilang pasilyo. Tumakbo rin doon si Aidan. Pagdating niya roon ay wala kahit anino ng hinahabol niya. At dead end na sa dulo. Sa isang bahagi ng pasilyo ay silid ng mga pasyente at sa kabilang bahagi ay ang mga bintanang salamin.

Nagpalinga-linga ang binata. Saan maaaring magdaan ang taong tumakbo?

Sa mabilis na mga hakbang ay tinungo niya ang fire escape. Nanungaw roon at nagbabaka-sakaling makita sa di-kadilimang fire escape ang hinahabol. O di kaya ay marinig ang mabilis nitong pagbaba. Subalit kahit anino ay wala siyang matanaw. O kahit kapirasong ingay man lamang maliban sa iilang busina ng sasakyan sa highway.

May ilang sandaling nakayuko siya sa fire escape bago nilinga muli ang paligid. Ang kaharap niya ay ang mga pribadong silid. Kakatukin ba niyang isa-isa ang mga iyon?

No. It would be foolish and unwise. Gagambalain lamang niya ang mga pasyenteng maaaring natutulog na sa mga sandaling iyon.

Sino ang taong iyon? Bakit ito tumakbo? 

Dahil hinabol mo, ang sagot ng kabilang isip niya.	Napailing ang binata at muling nagbalik sa silid ni Danielle. Dalawang katok ang ginawa niya at narinig niya ang tinig ng dalaga.

"Hi." He smiled at her. Nakaupo ang dalaga sa kama. Kalmante ang mukha at hindi niya magagawang sirain iyon sa pagsasabing may hinabol lang siyang tao na sana ay papasok sa silid. For all he knew ay tauhan iyon ng ospital at natakot sa sigaw niya. "I brought us dinner."

"Thank you." Sinulyapan ni Danielle ang rasyong pagkain sa ospital na nasa mesa na hindi pa niya nagagalaw. "Three days and I'm sick and tired of hospital food."

He grinned. And Danielle literally stopped breathing for a few seconds. "Iyon din tiyak ang nararamdaman ng ibang pasyente rito." Niyuko nito ang plastic bag at inilapag sa kama. "I bought some necessities." 

Nangunot ang noo ni Danielle nang makita ang tatak sa plastic bag. St. Michael. 

"A-ano ang mga ito?" Hindi niya napigilang magtanong kahit na humigit-kumulang ay nahuhulaan na niya ang laman ng plastic bag. 

"Tingnan mo." His smile was sexy and openly inviting. 	Again, the smile sent Danielle's heart racing. Umiwas siya ng tingin. Binuksan ang plastic bag at inilabas ang laman niyon.

"Oh!" marahang bulalas niya kasabay ng pamumula ng mga pisngi. Kalahating dosenang silk bikini briefs in in the palest of pink. Isang cotton night gowns at isang summer dress.

"I hope I got the right sizes," ani Aidan, nakangiti pa rin. Nanunukso. 

"I... I don't know what to say." Malakas lang nang bahagya sa bulong ang tinig niya. Nararamdaman niyang nag-iinit ang mga pisngi niya sa kaisipang hinawakang lahat ni Aidan ang mga iyon. At hindi niya malaman kung magagalit siya dahil binilhan siya ng mga undies. O magpapasalamat dahil kailangan niya ang mga iyon.

"Try thank you. I won't mind."

"Oh, Aidan, you're incredible." Hindi niya mapigilan ang bahagyang ngiti. "And yes, thank you. I'm sick and tired of this white robe." 

"I'm glad I made you smile," wika ng binata. Ano na nga ba iyong sinasabi ng mga makata? Sumisikat ang araw kapag ika'y ngumingiti? May palagay ang binatang iyon ang nangyayari sa sandaling iyon. Her smile was like a burst of sunshine after the rain. "Do that more often, Dani." His voice went huskier.

Danielle's heart was beating all over the place. Shyly, nagyuko siya ng ulo. Hinaplos ang malambot na materyal ng mga pantulog. Nang bigla ay matigilan, tumingala sa binata na ang mga mata ay nanatiling nakatitig sa mga labi niya. 

"W-what did you call me?" 

"What?" Sandaling nalito si Aidan.

"You called me... D-Dani..." She closed her eyes. Beware of them, Dani. I–I saw them together...	He wasn't aware about that. It just slipped from his tongue. Nang titigan nitong muli ang dalaga ay nakita nito ang paggitaw ng mumunting butil ng pawis sa noo niya.

"Are you all right? Another flashes?" Subalit wala roon ang matinding takot na nakikita nito sa tuwing makaalala ang dalaga. What he saw on her face was intense loneliness that it tugged his heart. He wanted to reach out to her and cradle her in his arms. 

"Dani. My... parents called me that."

"And... where are they, Dani?" he asked carefully.

Umiling ang dalaga. "I told you, wala na akong pamilya," wika nito sa mahinang tinig. She could feel the intense loneliness sa tuwing nababanggit ang pamilya. "H-hindi ko alam kung paano silang namatay... hindi ko maalala." Mabilis na nahalinhan ng pilit na ngiti ang lungkot sa mukha niya. "Thank you again, Aidan. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa akin kung hindi ikaw ang nakatagpo sa akin..."

"Forget it." Itinaas nito ang camera, zoomed the lens and took her picture. "Pagkagaling dito'y tutuloy ako sa kakilala kong newscaster sa channel two. Bukas ng umaga'y nasa early news na ang mukha mo hanggang sa gabi. Natitiyak kung makikita iyon ng mga kaibigan at kakilala mo."

Hindi sumagot si Danielle dahil muli ay umahon ang matinding kaba sa dibdib. Naroroon pa rin ang kakaibang takot sa damdamin niya. Kung para saan iyon ay hindi niya alam. Maybe she was crazy to think that someone or some people want her dead. At hindi maaaring manatili na lamang siya na limot ang mga alaala tungkol sa buhay niya gaano man ang pagnanais ng kabilang bahagi ng isip na manatiling huwag makaalala.

Pinutol ni Aidan ang pag-iisip niya sa masiglang tinig. "Chow time, baby. I'm starving." Binuksan nito ang mga ipinabalot na pagkain at inayos sa mesa.

"Aidan..."	"Hmm..."

"What if no one will come forward and acknowledged that they have known me? What will happen to me?"

"Bakit mo nasabi iyan? Kung wala kang pamilya, may mga kaibigan ka namang tiyak... everybody does."

"I... am sure about the family thing, Aidan. At kung tungkol sa kaibigan... there was only Calvin. And he's dead, too." Nabasag ang tinig niya roon. 

Sandaling nahinto sa ginagawa si Aidan at tinitigan siya. Hindi nito gustong itanong sa dalaga kung paano niya nalamang patay na si Calvin. Babalik na naman sila sa square one dahil sasagutin lang ito ni Danielle na hindi niya alam. Minsan ay nag-iisip ito kung ginagawa lamang ng dalaga ang tungkol sa pagkalimot ng memorya. Subalit napapawi ang alinlangan nito sa tuwing nakikita ang takot sa mukha niya.	Hindi kayang i-fake ng kahit sino ang ganoong mga damdamin. 

"Then I'll take you home. Mother will nurse you until you recover back your memory bit by bit."

“HI.”

"Aidan!" Bagaman nagulat ay naroon ang kasiyahan sa mukha ng babae nang makita kung sino ang pinagbuksan ng pinto. 

"Kumusta ka na, Maurice?" ani Aidan. Hinagod ng tingin ang babae. Ang hanggang balikat na buhok na may mga colored streak ay nakasabog sa mukha. She was wearing a maroon terry robe na ang natatakpan ay ang dapat lamang na takpan. Yet it wouldn't have made any difference if she was naked. 

"Aidan, what a pleasant surprise! Tuloy ka." Iniawang nito nang malaki ang pinto ng unit at pinapasok ang binata. 

"Sorry kung naabala kita sa dis-oras ng gabi, Maurice." sinulyapan niya ang relo sa braso. Alas-dose na halos ng gabi. 

"Hindi mo ako inabala," mabilis nitong sagot. "Inihahanda ko ang report ko sa TV bukas." She suggestively roved her eyes through his body. "It has been a long long time since we last saw each other, Aidan. Three years? Kung hindi ako nagkakamali..." She pouted her red lips, may hinampo sa tinig.

"I was in Texas all those years, Maurice..."

"You're here now and that is all that matters. Ano ang gusto mong inumin?" Nasa tinig nito ang excitement. "The usual?"

"Thank you. Pero dumaan lang ako upang humingi ng pabor..."	Nagsalubong ang magagandang kilay nito. "Hindi ka rito magpapalipas ng gabi?" she said bluntly.

Umiling ang binata. "Some other time, Maurice." Dinukot nito ang rolyo ng film sa bulsa ng jeans at inabot sa babae. "Tatlong kuha lang ang nandiyan. Pumili ka kung alin ang gusto mong gamitin. I want you to flash the picture tomorrow sa pang-umagang balita at sa oras mo sa tanghali." Ipinaliwanag ng binata ang sirkumstansiya rito na nagpawala sa ngiti ng babae at nahalinhan ng buntong-hininga.

Pagkuwan ay ikinawit nito ang mga braso sa leeg ng binata. "Playing hero again, lover boy?" malambing nitong sabi. Sadyang idinikit ang katawan sa katawan nito. Rubbed her breasts against his chest. Tiptoed and kissed his lips.

Nagbigay si Aidan. Roughly cupped her nape with his hand na halos magpabanat sa buhok ng babae. Claimed her mouth in wild but thorough kiss. Nang bitiwan niya ang babae ay naghahabol ito ng paghinga. Hunger and intense desire mirrored in her eyes.

"Please stay, Aidan..." she begged.	Mariing hinawakan ng binata ang baba nito at itinaas. "Be a good girl and who knows I might one of these days give you what you want." He tapped her buttocks a little harder and went out of the unit.

"You're so unforgiving, Aidan!"

Subalit nagkibit lang ng mga balikat ang binata at tuloy-tuloy sa Ford Ranger nito.	Inihagis ni Maurice sa sofa ang rolyo ng film. Nagngingitngit. Nanghihinayang. Ganoon man ay alam niyang hindi maaaring hindi niya sundin ang iniuutos ng binata. He used the word favor but in reality it was a command. Didn't even bother to use the word "please."	Damn him.

Matagal na niyang pinagsisihang naiwala niya si Aidan. Nagsisimula pa lang siya sa newscasting three years ago. Kasamang nag-a-anchor ng isang kilalang newscaster. She accidentally met Aidan in UP a year before that. Hindi ito roon nag-aaral, ang sabi ay sinusundo lamang ang kapatid na babae.

One meeting led to another. They had a relationship. Though she wasn't innocent and had a series of boyfriends before Aidan, he was the first man she went to bed with. Pinahalagahan ni Aidan na ito ang unang lalaki sa buhay niya. Though he didn't offer marriage, he was thoughtful and generous.

Nakapagtrabaho siya sa TV station nang magtapos siya sa semestreng iyon. She knew her assets, petite but voluptuous and beautiful. Nagkaroon ng interest ang isa sa mga executives sa kanya. She got ambitious, alam niyang mapaaangat ng executive ang career niya. Pinatulan niya ito hoping that Aidan wouldn't know. 

Subalit nalaman iyon ni Aidan. Hindi na niya kailangang itanong kung paano. Noon lang niya na-realize that he came from a very influential family. The Sorianos and the Lopezes were influential, too. Subalit nagkalat ang mga ganoong uri ng pangalan kahit sa average families. 

She thought Aidan was one of those. Sa pagsundo sa kanya sa unibersidad ay gumagamit lamang ito ng motorsiklo. Harley Davidson. Alam niyang mamahalin iyon, mahal pa halos kaysa sa halaga ng ibang kotse. Sana ay noon pa lang ay naghinala na siya na hindi ito ordinaryong estudyante. Subalit natakpan iyon ng kaalamang isa lamang working student si Aidan.

Nagtatrabaho ito sa isang pabrika ng bakal sa araw at nag-aaral sa gabi. Sinabi mismo nito ang pangalan ng kompanya kung saan ito nagtatrabaho—Kristine Steel—at kung ano ang trabaho nito. Paano ba niyang malalamang ang kompanya ng bakal na sinasabi nito ay pag-aari ng pamilya nito. Na ang ama nito ang mismong chairman of the board ng steel company.

Dahil hindi niya inuusisa ang binata. Sapat na sa kanyang magandang lalaki ito at maraming naiinggit sa kanya. Sapat na sa kanyang kahit minsan ay hindi siya nito hinayaang gumasta sa mga dates nila kahit isang sentimo, unlike her former boyfriends. Sa marami pa ngang pagkakataon ay inaabutan siya nito ng pera, which she accepted eagerly and without question. At sapat na rin sa kanyang natutugunan ni Aidan ang sexual niyang pangangailangan— to a T. 

Besides, kahit mag-usisa siya marahil ay hindi ito magsasalita. Hindi marahil magsisinungaling subalit hindi sa paraang malalaman niya ang tunay nitong pagkatao. Hindi ito mayabang, kahit alam niyang hindi iilang babae ang nagnanais na pansinin nito. Si Aidan ang lalaking hindi gaanong binibigyan ng importansiya ang panlabas na anyo. Tahimik lagi. Simple ang suot.	Now, she would give anything to have him back. But she knew it was wishing for the impossible.

***********Paramdam char hahahhaa. I miss you mga beshie. Nakakapanibago mag update char hahahaha. Kumusta ang lahat? Naninibago ako at limited lng time ko para makapag update :( Kakaasar naman hahahaha. Kayo ano na ang balita sa inyo mga beshie? Balitaan n’yo naman ako , miss ko na kasi kayo eh :(. SANA ALL NAMI-MISS char. Sa akin kaya may naka-MISS?  . Stay safe and God bless mga beshie.

I’m glad to be back here. Mukhang marami akong namiss na chika, Chikahan n’yo naman ako char hahahaha. Sa mga nagme-message sa akin . Maraming thanks mga beshie kung hindi dahil sa inyo wala ako dito ngayon. Kayo ang nagsilbing lakas ko sa mga panahong nalulumbay ako char hahhaha. Basta salamat ng marami sa inyo sa pagiging liwanag sa aking mundong madilim charh ahahaha. Mahal ko kayong lahat!!!! - Admin A ***************

15

BIHIS na si Aidan nang bumaba ng dining room. Inihahanda na ng ina ang pagkain niya.

“’Morning, ’Ma.” Hinagkan niya ito sa pisngi. “Ang papa?”

“He left for Paso de Blas this morning. Tinanghali ka yata ng gising, hijo?”

"Gabi na akong dumating kagabi. Have you had breakfast?"

Tumango si Jewel. Sinalinan ng kape ang tasa niya. "Sinabayan ko na ang papa mo kaninang umaga." 

He gave her adoptive mother a tender smile. Tuwina'y hinahangaan niya ito sa pagiging mabuting asawa't ina. Pagdating sa pamilya'y walang reserbasyon si Jewel. Silang mag-aama ang laging una para dito. Just as Catherine was, sa abot ng kanyang alaala. Alam niyang karaniwan na'y madaling-araw kung umalis si Bernard patungong Paso de Blas. And there had never been a time na hindi ito gumigising upang asikasuhin ang asawa.

"Join me and have another cup," alok niya.	"No, thank you, darling. Your father had a heavy early breakfast. Nadamay ako," nakatawang sabi nito. Pagkasalin ng kape'y ibinaba nito ang percolator sa mesa at humakbang patungo sa bureau at may dinampot na envelope. "Nakita ko ito sa gym, hijo. Sa iyo ba ito?"	Napatingala sa kisame ang binata at umiling kasabay ng pagpalatak. Inabot ang sobre mula sa ina. 

"Nakalimutan ko na iyan, Mama. Iniwan ni Kurt iyan three days ago. He offered me a job."

"And?"

"Tinanggap ko. Though we haven't discussed it yet. It seemed na ang laman ng envelope na iyan ay ang una kong trabaho."

Nakita ng binata ang kasiyahan sa mukha ng ina. At kahit paano'y nakadama na rin siya ng kasiyahan. Ipinagpatuloy niya ang paghigop ng kape. Naglalagay siya ng butter sa toast nang muling magsalita si Jewel. 

"How's your patient?"

"Oh!" he grimaced. "Hindi ko na nakita kung nai-flash sa morning news ang larawan niya." Ipinaliwanag niya sa ina na iyon lang ang tanging paraan upang matunton si Danielle ng mga nakakakilala rito. Hindi na niya sinabi ang mga sinabi ng dalaga na wala na itong pamilya at tungkol sa takot nito na may gustong pumatay rito. Dahil kahit siya'y hindi naniniwala roon. She might have been in an accident that caused her fear and memory loss.

"Wala pa ba siyang naaalala?"

He twisted his mouth drily. "He remembered her boyfriend's name." At naisip na baka ang kauna-unahang bisita ni Danielle bukas sa ospital ay ang nobyo nito. He didn't know why he hated the thought. 

"Really." nanunukso ang tinig ni Jewel. Nakita ang pag-asim ng mukha ng anak. "Is she beautiful?"

Napahinto sa akmang pagsubo si Aidan. Gumitaw sa isipan ang mukha ni Danielle. The way she blushed nang bilhan niya ito ng mga underthing. May gumuhit na galit sa mga mata nito subalit sandali lang iyon. Nahalinhan iyon ng kalituhan at relief, na dagli ring nawala. Then the demure smile that made his loin ache.

"Drop-dead gorgeous... even in a hospital robe. And she doesn't wear any makeup."

Tumango-tango si Jewel. Amusement in her beautiful eyes. "No wonder you've got so interested, hijo." She didn't hide the undertone in her voice.

"And just what do you mean by that?" Nagsasalubong ang mga kilay na tiningala ni Aidan ang ina.

Jewel shrugged her shoulders at bago pa may masabi uli si Aidan ay tumalikod na ito. But he caught the mysterious smile that formed her lips.	Naiiling na ipinagpatuloy ng binata ang pagkain.

Nang matigilan siya nang matuunan ng pansin ang envelope. Dalawang araw nga lang pala ang ibinigay ni Kurt sa kanya para sa trabahong iyon. Inihinto niya ang pagkain at dinampot ang Manila envelope. Binuksan iyon. Lumabas ang isang wallet size photo kasama ang ilang pirasong papel na marahil ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa trabaho.

Itinaas niya ang larawan at wala sa loob na tinitigan nang manlaki ang mga mata.	"Danielle!" bulalas ng binata. 

Hindi siya maaaring magkamali. Ang babaeng nasa larawan ay si Danielle bagaman mahaba ang buhok ng dalaga sa larawan. The photograph must have been taken a couple of years ago. It was a candid shot dahil hindi naman sa camera nakatingin ang dalaga. And she wasn't even smiling in the photograph. What he could see in her face was boredom.

Mabilis siyang tumayo at tinungo ang kinaroroonan ng telepono. He dialed Kurt's hotline. Tatlong ring nang sagutin ni Kurt ang telepono.	"Kurt... it's about the job—"

"Oh, don't bother," agap ni Kurt sa kabilang linya. "Nakausap ko ang kliyente ko. She asked me to drop the case..."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Bakit daw?"

"Ang sabi ng kliyente ko'y nakita na niya ang pamangkin niya. Iyang larawang nasa envelope. Umuwi na raw sa kanila."

Lumalim ang kunot sa noo ng binata. Tatlong araw na mula nang magkausap sila ni Kurt sa telepono. "Kailan niya nakita si D—ang... pamangkin ba niya?"

"Yes. Noon mismong hapon nang araw na nag-usap tayo. A couple of hours after we talked, tinawagan niya ako and asked me to drop the case. I called you back but you were out already. Nawala na sa isip ko. Walang problema, pare, I still have another job waiting for you."

Hindi agad sumagot si Aidan. Nakita na ng kliyente ni Kurt ang pamangkin niya at umuwi na ito. Ang pamangkin na ipinahahanap ay si Danielle. Niyuko niyang muli ang larawan. Hindi siya maaaring magkamali. Si Danielle ang nasa larawan, ilayo man niya o ilapit ang litrato. Perhaps a couple of years younger but still it was Danielle.

"Danielle ang pangalan ng pamangkin niya, 'di ba?" Inabot niya ang mga papeles upang basahin iyon subalit sinagot na ni Kurt ang tanong niya sa linya. 

Something wasn't right, he thought. Kung nakita na ng tiyahin nito si Danielle at naiuwi na, dapat ay may nagpakita na sa ospital noong isang araw pa. Kung hindi man ay may dumalaw na dapat kay Danielle.

"Hey, are you still there?" si Kurt.

"Yeah. Hintayin mo ako, pupunta ako riyan." Iyon lang at ibinaba na niya ang telepono. Muling ipinasok sa sobre ang larawan at isiniksik iyon sa bulsa ng maong. Matapos magpaalam sa ina'y nagmamadaling umalis.

Mula sa Sucat ay malayo ang Ermita at naipit pa siya sa traffic. Ala-una pasado na nang makarating siya sa building ni Kurt. Si Jade ang humarap sa kanya na malaki na ang tiyan.

"Pregnancy becomes you, Jade," masuyong sabi niya sa pinsan, kissing her cheek. "Kailan lalabas iyan?"

"Two more months. Nagmamadali na nga, eh. Panay ang sipa sa tiyan ko," nakatawang sagot nito. "How's my handsome and gorgeous cousin? Sino ang latest?"

He chuckled. "May ipakikilala ka ba sa akin?" Tinanguan nito si Kurt na papasok sa apartment mula sa opisina nito sa may kabilang bahagi ng building. 

"Bakit ka napasugod bigla?" tanong ni Kurt.

"I'm going to leave you two to talk business," ani Jade. "Pero kumain ka na ba, Aidan?"	"Don't bother, thank you. I had late breakfast. Busog pa ako."	Itinuro ni Kurt ang mahabang sofa at naupo roon ang binata. Sa tapat nito sa pang-isahang sofa naupo si Kurt. 

"What do you know about this Danielle Wilding?" bungad agad ni Aidan. Nabasa niya kanina na iyon ang apelyido ni Danielle. "Maliban sa ilang impormasyon tungkol sa kanya'y wala nang nakalagay sa papel na isinama mo sa larawan."

"Pare, tapos na ang kasong iyan. Nakita na siya ng tiyahin niya. Hindi ba't sinabi ko sa iyo sa telepono. Tara sa opisina at pag-usapan natin ang panibagong assignment. A little bit dangerous... it's industrial theft. Hindi basta-basta ang mga suspect."

"Look, Kurt. I'm interested with Danielle Wilding because her aunt hasn't found her yet. She lied to you." 

Nagsalubong ang mga kilay ni Kurt. "What are you talking about?"	"Listen, I've accidentally found Danielle Wilding three days ago..." Sinabi nito sa bayaw ang buong pangyayari kung paano nito natagpuan si Danielle.

"Well... sonofabitch!"

"Jade hasn't changed you, has she?" nakatawang sabi ng binata. Amused na umiling at ipinagpatuloy ang sinasabi. "Late last night, pinakiusapan ko ang isang dating kakilalang newscaster na i-flash sa TV ang larawan niya sa maghapong ito. Now, tell me more about her..."

Napasandal sa upuan si Kurt. Umiiling na tila hindi pa rin makapaniwala. "Danielle Wilding," simula nito. "Fil-American. Wala nang mga magulang. She will turn twenty-one two weeks from now. Her aunt, a certain Marion Guevarra, hired my agency to find her. She left her home in Kentucky three months ago. Dalawang ahensiya na ng private investigator ang naghalili subalit hindi siya matagpu-tagpuan though they've been always on her trail. 

"Danielle could run anywhere subalit hindi naisip ng tiyahin na dito sa Pilipinas magtatago si Danielle. Though she inherited her grandmother's house in Santa Rosa, Laguna, hindi na dumadalaw si Danielle at ang mother niya sa Pilipinas mula nang mamatay ang grandmother niya three years ago. At ayon dito, natiyak niyang hindi maiisip ni Danielle ang magtungo sa Pilipinas when her mother died six months ago. She speaks Tagalog fluently."

"Paanong narito sa Pilipinas ang tiyahin niya?" ani Aidan. Tama kung gayon si Danielle na sabihing wala na itong pamilya.

"Nang maisip ng tiyahin na may nakilalang Pilipino si Danielle sa Kentucky ay naisip nitong bumalik sa Pilipinas may isang buwan nang mahigit ngayon. And she was surprised to find Danielle in her grandmother's house in Santa Rosa. Subalit muling tumakas si Danielle kasama ng boyfriend niya may isang linggong mahigit na ang nakalipas. The aunt found my agency through the yellow pages. She came here and gave me all the necessary informations."

Bumaba ang mga mata ni Aidan sa larawan ni Danielle. Suddenly, soft-brown and pleading eyes flashed his mind. She was beautiful and very young. So vulnerable... so terrified.

Why? Ano ang kinatatakutan ni Danielle Wilding?	He intended to know.	May kung anong biglang naalala si Aidan. Something from long ago. Napatingin siya kay Kurt. 

"Did you say she's from Kentucky?"

"That's right. Why?"	Nagkibit siya ng mga balikat. It was too much of a coincidence. Hindi siya naniniwala sa ganoon. But then fate could either be kind or cruel.

"Nothing important. It is just that a long time ago, I knew someone from that place." Hindi kailangang sabihin niyang tagaroon ang mga magulang niya... ang mga Worth. Ang apelyidong iyon ay matagal na niyang ibinaon sa limot. 

Nang matagpuan siya ni Bernard sa Texas ay hindi niya sinabi ang apelyido niya. Just Aidan and nothing. Maliban na lang nang madaling-araw na matagpuan niya si Danielle sa daan kung saan ibinigay niya ang sariling pangalan sa ospital. 

"Kaapelyido ng babaeng ito. Samuel Wilding..." dugtong ng binata.

"Oh, well, hindi umabot sa pamilya ng dalaga ang impormasyong ibinigay ng tiyahin. Ano ang plano mo ngayon?"

"Hindi ko alam kung ano ang motibo ng tiyahin sa pagsasabing nakita na niya si Danielle at pagkatapos ay hindi naman nagpapakita sa ospital. Besides, ang sabi niya sa iyo'y umuwi na ang dalaga. Nasa ospital pa rin si Danielle hanggang ngayon. Kausap ko siya sa telepono habang patungo ako rito. At noong isang gabi'y sinabi ni Danielle na may tao sa silid niya. 

"No one believed her, kahit ako'y hindi naniniwala, though I didn't tell her so. She is sick, she couldn't remember so her mind could be muddled. At kahapon ay may isang tao akong nakitang papasok sa silid niya na nang makita ako'y biglang tumakbo. I ran after him. Naiwala ko siya. Hindi ko gustong mag-isip ng masama dahil baka hospital personnel lamang iyon. At kaya tumakbo dahil hinabol ko... but it didn't make sense."

"That's interesting..." ani Kurt, hinihimas ang baba at pinag-iisapan ang sinabi niya.

"I don't like it when I have this hunch, Kurt. Sa Mexico, hindi miminsang nakadama ako nang ganito tuwing may mangyayaring hindi maganda. Please do me a favor. Use your connection, alamin mo ang iba pang mga bagay tungkol kay Danielle Wilding sa Kentucky."	Nagdududang tinitigan ni Kurt ang bayaw. "Bakit ganoon na lamang ang interest mo sa babaeng ito?"

Umiwas ng tingin si Aidan. "I don't know. I can't explain. But she was terrified, Kurt. She was so scared and she told me that some people are trying to kill her. Ang pangalan ba ng boyfriend niya ay Calvin?"

"Yes. Isang medical representative, ayon sa tiyahin."	"Find anything you can about him. Danielle said he's dead."	Kumunot ang noo ni Kurt. "Akala ko ba'y hindi siya makaalala?"

"May flashes siya ng memorya. And everytime she had those, she's scared as hell." Tumayo na siya. "Aalis na ako. Say my good-byes to Jade."

Tumayo na rin si Kurt. "I'll call you as soon as I found something."

***************Balita mga beshie char hahahha update - update muna ako mamaya na ako sasagot sa mga comments char. - Admin A ************

16

AGAD ang pagkislap sa mga mata ni Danielle nang bumungad sa pinto ng silid niya si Aidan. “Hi.”

“How are you?” bungad ni Aidan. “Has anyone been here?”

She was suddenly wary. “You mean the nurses on duty? Of course, they’d been here alternately. Kalalabas lang noong isa, fifteen minutes ago…”

Nagpakawala ng malalim na paghinga si Aidan sa isinagot niya. Kung sa pag-aalala o sa relief ay hindi nito matiyak. So the aunt hadn't claimed her yet. 

"Inasikaso ko na ang discharge papers mo ngayong umaga bago ako pumanhik dito, Dani," wika nito. "I'm taking you home..."	Nagsalubong ang mga mata ni Danielle sa walang-kaabog-abog na sinabi nito.

"You—you're taking me home? Home where?"

He cleared his throat. "To my parents' house..."	"To your parents' house," pag-uulit niya. Then added in a voice laced with mild sarcasm, "at bahay mo rin?" 

He grinned, that charming grin Danielle admired so much. "Pansamantala. Hangga't hindi nanunumbalik ang memorya mo."

"What made you think that I'd go with you?" paangil niyang sabi. How dare he! Inasikaso na nito ang discharge papers niya at ni hindi man lang ipinaalam sa kanyang ilalabas siya ng ospital ngayon.

"Okay, but do you have any other choice? Saan ka pupunta kung hindi sa amin?" hamon nito. "You can't stay here forever... or until you have your memory back... and who knows when." 

Hindi agad nakasagot si Danielle. Ang inis ay agad nahalinhan ng pag-aalala. Tumingin sa may bintana. She had a retrograde amnesia, ayon sa doktor. She might recover back all her memories or she might not. At kung hindi magbalik lahat ang kaisipan niya, paano na siya?

Pero hindi ba at ang kabilang bahagi ng isip niya'y takot makaalala? Takot sa maaaring maalala niya kung magbalik ang memorya niya? She sighed miserably. 

Aidan cursed silently. He hated to see those helplessness in her eyes. Lalo at gusto na nitong maniwalang may nagtatangka sa buhay ng dalaga. And cursed himself even more. Maaari namang ipaubaya na lang sa mga kinauukulan ang kaso ni Danielle and he could go on with his life working for Kurt. The devil knew why he bothered himself with her... worse, he cared.	Cared? Now where did that come from?

"Damn it, Dani!" he snapped. Hating what he felt and wanting to take it out on her. "It is not as if I am going to ravish you once you're in my parents' home..."

"Why, thank you!" she snapped back. Hating the helplessness she felt and wanting to take it out on him. "I am not your obligation, Mr. Fortalejo. You can get off my back and—" she stopped in mid-sentence, bago pa siya may masabing hindi maganda at muli'y nagbuntong-hininga. She owed him a lot and Aidan was only being kind.

"You ungrateful wench..." he accused softly, another grin was lurking behind his mouth. He was fascinated by the fire in her eyes. So the lady wasn't so fragile and soft after all. She had claws.

She bit her lower lip to hid a smile. Then almost in a whisper said, "A-ano ang sasabihin ng mga magulang mo kung sa inyo ako uuwi?"

Tuluyang napangiti si Aidan. Hindi napigil ang sariling itaas ang kamay patungo sa mukha niya. His knuckles softly brushed her jaw lines. 

"Inaasahan ka na ng mama sa bahay. Una ko pa lang sabihin ang nangyari sa iyo. Now, move and pack your things."

Simpleng tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng hospital bed si Danielle. Hindi niya gustong bigyan ng kahulugan ang ginagawa ni Aidan. It was a simple and friendly touch. Nothing more. Though she wondered why she felt as if she was branded. Tila ba nagbabagang bakal ang kamay nito at tinatatakan siya.

"As if I have things to pack," wika niya.

"I bought you some, didn't I? You can't leave those."

She made a face. Tumalikod dito at inabot ang plastic bag ng St. Michael na kinalalagyan ng mga binili nito. Pagkuwa'y humarap, "Why, this is heavy, kind Sir. Pakitulungan naman... ako..." The last word was spoken in a whisper nang dibdib ng binata ang malingunan. 

Ilang pulgada ang layo ni Aidan sa kanya. Her eyes focused on his broad chest. She swallowed, habang umaakyat nang marahan ang paningin niya mula sa dibdib nito paitaas... to his throat... then to his mouth. And to her horror, her eyes lingered there for a while before they went up slowly to meet his eyes.

They were staring at each other for a long while. No one dared move. Then the spell was broken when the door opened at sumungaw ang matandang nurse.

"Narito na ho iyong discharge slip, sir," wika ng nurse at humakbang palapit sa kanila. Iniabot nito ang isang papel kay Aidan at nginitian si Danielle. "Sana'y bumalik nang lahat ng memorya mo, hija..."

"Thank you..." mahinang sabi niya, kasabay ng paglabas ng paghinga. She didn't realize she was holding her breath.

******************Hayst nakakamiss talaga mag-update char hahahaha. Pero namimiss ko na rin magpahinga na lang hahahaha. Stay safe and God bless mga beshie. - Admin A ***********************

17

PALABAS mula sa opisina/clinic ng doktor ang isang babae nang matanaw nito sina Aidan at Danielle patungo sa parking lot ng ospital. Nagpalinga-linga ang babae para sa public telephone. Agad namang nakakita ng telephone booth sa may sulok ng ospital. Mabilis itong lumakad patungo sa telephone booth at nagmamadaling dumayal.

"She left the hospital just now..." wika nito nang may sumagot sa kabilang linya. "No... no... I can't do that. Hindi ako nakatitiyak kung hanggang saan ang pagkawala ng memorya niya. Nalaman kong may mga bagay siyang natatandaan, tulad ng pangalan niya... and she might recognize me."

"Who was she with?" tanong ng kabilang linya sa foreign accent.

"Could be the man who found her wandering the street. A certain Aidan—F-For— Damn! Hindi ko maalala ang pangalan but it is easy to find that out..."

"Do you think he'd take her to Santa Rosa?"

"I don't think so. She doesn't remember. Ikaw ang may kasalanan niyan... hindi siya dapat nakalayo!" patuloy nito sa halos pasigaw na tinig. Hatred shone in her eyes, nagpalinga-linga sa paligid sa pag-aalalang baka may nakakarinig. 

"You idiot! I couldn't have killed her in front of so many witnesses!" ang kabilang linya uli, nag-e-echo sa telepono ang galit sa tinig.

"We will be in trouble sa sandaling magbalik ang memorya niya. And she heard us... you!" wika ng babae sa frantic na tono. "Kahit hindi niya tayo nakita, kilala ni Danielle ang tinig mo! Masasayang ang lahat ng mga plano at pinaghirapan natin!" 

Nagmura sa kabilang linya ang lalaki bago nag-utos. "Alamin mo kung saan siya dinala ng lalaking nakatagpo sa kanya..." 

Ilang sandaling nakinig ang babae sa mga tagubilin nito bago muling nagsalita. "Ayusin mo ang dapat ayusin, kailangang mawala siya sa ating landas. We only have more than a week left."

"Don't you think I don't know that?" galit na singhal ng lalaki sa kabilang linya. "Dammit, I hated every minute I spend in this country. Gusto ko nang magbalik sa Kentucky!" 

Nang mawala sa linya ang kausap ay nagtungo sa admission ang babae. Isang palakaibigang ngiti ang ibinigay nito sa dalawang nurse na naka-duty.

MAY BEINTE minutos nang tumatakbo ang sasakyan subalit nanatiling walang kibuan ang dalawa. Si Danielle ay hindi malaman kung papaano magsisimula ng usapan. Nang malakas na nagbuntong-hininga si Aidan.

"What was that for?" Nilingon niya ito.

"This aunt of yours... couldn't you remember anything about her? Kahit maliit na bagay lamang?"

"What aunt?" naguluhang tanong niya.

Hindi agad sumagot si Aidan na tila iniisip kung sasabihin sa kanya ang tungkol sa nalalaman. Then decided that it would be better if she knew. "I know this is too much of a coincidence, Dani, but you happened to be my first job as a private investigator..."

"You're not making any sense. What are you talking about?" 

Pahapyaw na ipinaliwanag ni Aidan sa kanya ang tungkol sa trabahong iniaalok ni Kurt, missing the CIA part. Nagawa nitong palabasin na ang trabahong iniaalok ni Kurt ang unang trabaho nito kung saka-sakali.

"Kung hindi pa ipinaalala ng mama ang envelope ay hindi ko pa malalaman na ikaw ang ipinahahanap sa akin ng bayaw ko..."

"A-are you sure you are talking about me? I mean, this Kurt... he might have been mistaken," she asked warily. 

"I've seen your photograph, Dani. A couple of years younger perhaps, pero natitiyak kong ikaw iyon." Sandaling dinaanan ng tingin ni Aidan ang mukha niya bago ibinalik sa daan ang tingin. 

“And some details about you were given. Your aunt gave the address in Sta. Rosa, which according to Kurt is the house you inherited from your grandmother. Santa Rosa is not that far from where I’ve found you… In fact, twenty minutes drive mula sa bahay namin.”

"Then why are you taking me to your parents' house? Bakit hindi mo na lang ako ideretso sa... Sta—Santa Rosa?" Confusion was all over her face, and a certain fear, too. Hindi niya mapigil ang pag-ahon niyon sa dibdib.

"Dahil kamakalawa, tumawag ang tiyahin mo kay Kurt upang ipahinto ang pagpapahanap sa iyo. Sinabi niyang umuwi ka na..."

Her eyes grew wide. Lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman. "W-why would she say that? K-kung nakatitiyak kang ako nga ang ipinahahanap, bakit niya sinabing umuwi na ako?" 

"That's what I intend to know, Dani. Iyan din ang dahilan kung bakit gusto kong sa bahay ka muna..."

"Oh," she moaned helplessly. Ilang sandali ang pinalipas bago may kabang nagtanong. "D-do you think somebody really want to... to hurt me?"

"Sana'y kaya kong sagutin ang tanong na iyan," ani Aidan. Wala sa loob na bumitaw ang kanang kamay sa manibela at ginagap ang kamay niya. "Nothing will ever hurt you, Dani. I promise you that..."

She believed him. And she felt safe. Kung bakit, hindi siya nakatitiyak gayong kung tutuusin ang lalaking ito'y estranghero sa kanya. Kung wala siyang alam tungkol sa sarili'y lalong wala siyang alam tungkol sa taong ito. 

Wala-sa-loob, she twined her hand with his. 

************Hirap mag-update lalo at unti lang ang time :( . Magdadrama na ba ako char hahahaha - Admin A *************

18

“THIS is the rose room, hija,” ani Jewel habang ipinapakita sa kanya ang magiging silid niya. “Si Aidan ang namili ng silid na ito upang gamitin mo.”

“T-thank you…” usal niya. Iginala ang paningin sa kabuuan ng malaking silid. Kung may ilalagay pang isang kama sa loob niyon ay maluwang pa rin. Naka-wallpaper iyon mula sa dingding hanggang ceiling. In the palest of pink at may maliliit na bulaklak na rosas na halos hindi mabanaag.

The settee in velvet pink with purple linings.	Walang carpet ang makintab na sahig subalit ang mamahaling rug sa paanan ng kama ay kulay-rosas that it looked like cotton candy in its softness. Brass ang queen size bed. And the bedsheets and pillow cases were in lovely flowery prints. Brass din ang tokador. Both bed and dresser complemented the rose room. 

Humakbang si Jewel patungo sa French door at binuksan iyon. Natambad ang isang maliit na veranda. Sumunod si Danielle.

"Nakatanaw ang silid na ito sa munting rose garden, Danielle." 	Sa kabila ng mga balustre ay naroon ang munting hardin na puno ng iba't ibang uri ng rosas. Sa halos lahat ng kulay. From the purest white to violet-pink. At meron pa man ding tila climbing rose na nakapulupot sa sulok na bahagi ng veranda ang mga sanga. Its flowers were crimson. She was awed. 

"I hope you'll find this room to your liking..." Isang ngiti ang pinakawalan ni Jewel sa kanya.

"You must be joking. This room is lovely!" bulalas niya. Ang mga mata'y nanatiling nakatutok sa rose garden. Natitiyak niyang alaga ang halamanan ng mahusay na hardinero. 

Lumapad ang ngiti ni Jewel. "Just as I thought you would say..." At idinagdag nang mapunang sinasamyo ni Danielle ang bango na pumapailanlang sa ere mula sa mga bulaklak, "Ang bango ng mga rosas na nasasamyo mo'y hindi galing sa malalaki. Karaniwan na'y galing ang bango sa mga original breed." Itinuro nito ang hindi-kalakihang mga bulaklak. "Ang mga malalaking rosas, lalo na ang dual colors ay half-breed. They don't have that sweet scent anymore..."

"Still they're lovely," aniya, she touched one petal. Pagkuwa'y nilingon si Jewel. "Are there other guest rooms in this house?" 

"Three. The blue room and the yellow room. At isang hindi napangalanan..." She shrugged her shoulders.

"I couldn't wait to see both rooms and find out why they were named so..."	Isang halakhak ang pinakawalan ni Jewel. Pagkatapos ay, "The blue room was called blue, of course, because it was wallpapered in blue and naturally a room for male guests. It also has a small veranda overlooking a small man-made lagoon with underwater lightings that made the water appear blue..."

"Oh! And the yellow room?"

"Para sa mga anak ng mga bisita. There are toys everywhere. At ang labas ng veranda ay munting playground..."	Danielle was impressed. "At ang walang pangalang guest room ay sa natural varnish... in narra or teak?" 

Nakangiting tumango si Jewel. "Teak."

Which was naturally imported, Danielle thought. Dahil wala namang teak sa Pilipinas. At natitiyak din niya, the room was meant for the VIP guests. The house was huge. And the furniture and fixtures were state-of-the-art. Aidan's family must be incredibly rich.

Humakbang siya pabalik sa silid. Naupo sa gilid ng kama. Muling nagbalik sa isip ang mga alalahanin. "T-thank you. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung hindi dahil sa anak ninyo. At ipinagpapasalamat ko rin ang pagtanggap ninyo sa akin."

Tinitigan ni Jewel si Danielle. She was not very tall and too slim. She was wearing her hair too short that exposed a swan-like neck at sa may punong-balikat ay may nakapangalat na iilang freckles. Mamula-mula ang balat na tila ba magagasgasan kahit hawakan lang. Ayon sa impormasyong nakuha ni Aidan mula kay Kurt ay Pilipina ang ina ni Danielle. Subalit hindi mo mapagkakamalang may dugong Pilipino ang dalaga. She had big soft-brown eyes with golden flecks in her irises, very unusual. And fragile-looking. Hindi nakapagtatakang napukaw nito ang protective instinct ng anak.

A hint of fear and anxieties shadowed in her beautiful eyes. 

Hinawakan nito sa balikat ang dalaga, wanting to comfort her. "Mi casa es su casa. Natitiyak kong sasabihin sa iyo ng asawa ko iyan. You won't meet Aidan's father until next week. He will be glad to see you here. Make yourself comfortable, Danielle. Kung may kailangan ka'y nariyan ang interphone."

**************************Ganda mo Danielle para kang ako eh maganda char hahahaha. Kumusta mga beshie hahahaha - Admin A ************

19

“ARE YOU sure this is the house?” tanong ng lalaki sa kasamang babae habang tinatanaw ang Fortalejo mansion mula sa kabilang bahagi ng kalsada. Ang malaking solar ng mga Fortalejo ay nasa corner lot at okupado ang magkabilang bahagi ng block.

"Iyan na nga. Hindi birong pera ang pinakawalan ko para lang makuha ang eksaktong address ng mga Fortalejo. Dammit, hindi ordinaryong pamilya ang kumukupkop kay Danielle." Mula sa nakalap nitong impormasyon ay nalaman nito ang sirkumstansiya ng mga Fortalejo.

Napamura nang malakas ang lalaki. Natitiyak nitong mahihirapan itong pasukin ang bahay ng mga Fortalejo. Natitiyak nitong remote controlled ang gate ng mga iyon bukod pa sa mga security guard na naka-assign sa likod at harap na entrada. Bagaman hindi mahirap para dito ang akyatin ang bakod kung saka-sakali, ay natitiyak din naman nitong nakakalat ang mga hidden camera sa bawat panig ng solar. At bukod doon ay hindi nito kabisado ang loob at labas ng bahay. 

"You have to do something! We are running out of time!" ang babae.

"Shut up! Nag-iisip ako. Kung nasa Kentucky tayo'y hindi ako mahihirapan. Marami akong koneksiyon! This is Calvin's fault. Kung hindi dahil sa kanya'y hindi sana papalpak ang mga plano natin! Hindi sapat ang kamatayang ipinataw ko sa traidor na iyon..." Nagtagis ang mga bagang nito.

"Pag-isipan mong mabuti kung paano natin mapalalabas si Danielle sa bahay na iyan!"

ALA-UNA ng madaling-araw at nanatiling gising si Danielle. Nasa veranda siya at nakatanaw sa rose garden na bahagyang natatanglawan ng ilaw mula sa malayong poste. She could smell the sweet scents in the air. Ganoon ma’y hindi iyon nagpalis ng agam-agam sa dibdib niya.

Nararamdaman niyang wala siyang dapat ikabahala sa bahay ng mga magulang ni Aidan. Pero sa kabila niyon ay hindi niya maawat ang sariling mag-alala. Sino ang nais gumawa ng masama sa kanya? At bakit? Sa isip niya'y paulit-ulit ang mga tinig.

"Don't trust him, Dani... I saw them together..."

That was her mother's voice. Natitiyak niya. Kanino siya hindi dapat magtiwala? At ang tiya niyang nagpapahanap sa kanya, bakit siya nagsinungaling at sabihing umuwi na siya?	This afternoon, Aidan showed her her photograph at ang iba pang ilang detalye tungkol sa kanya. She was from Kentucky. Ipinanganak at lumaki roon. Pero bakit walang bahagi ng Kentucky ang pumapasok sa isip niya?

Napakaraming tanong ang naghahanap ng kasagutan sa isip niya. Kasabay rin niyon ay ang takot sa maaaring kahihinatnan ng paglitaw ng mga alaala.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang makarinig siya ng ungol. Nagitla ang dalaga at agad ang pag-ahon ng takot sa dibdib. Humakbang siya paatras pabalik sa silid. Nagpalinga-linga. Inaaninag mula sa dilim ang pinanggalingan ng ungol. But there was no one in the shadows.	Palakas nang palakas ang ungol na naririnig niya. Malapit lang sa kanya ang pinagmumulan niyon. Nang mapatingala siya sa itaas.

Nanggagaling sa itaas niya ang ungol!

You need not worry, Dani. You are safe here. And my room is just above yours. Kung ano man ang kailangan mo'y nasa itaas lang ako... Madali kitang maririnig, iiwan kong bukas ang glass panel ng veranda...

Si Aidan ba ang naririnig niya? Palakas nang palakas ang tila naghihirap na ungol. Napaatras ang dalaga habang patuloy na nakatingala. 

"W-was he having a... a nightmare?" usal niya sa sarili. And she wished the groan would stop and Aidan would wake up.

Subalit hindi humihinto ang ungol na naririnig niya. Nag-aalalang pumasok muli sa silid niya si Danielle at lumabas mula roon. Madilim ang kabahayan maliban sa ilaw na nanggagaling sa poste sa labas na naglalagos sa salaming bintana.

Her eyes searched for the stairs, na nasa hindi kalayuan sa pinto ng silid niya. Hindi nagdalawang-isip na tinakbo ng dalaga ang hagdan papanhik. Sinisikap aninagin ang itaas mula sa bahagyang liwanag.

She stopped when she reached the landing. Her eyes searched for Aidan's room. Humawak siya sa balustre na nakapaikot sa itaas kasabay ng pagyuko sa pinanggalingan niya sa ibaba. Sa itaas ng silid niya ang silid nito.

Mabilis siyang humakbang patungo sa silid na sa tantiya niya'y katapat ng silid niya. Nasa harap na siya ng pinto nang matigilan siya.

What was she doing? Bakit kailangang pasukin niya ang silid nito? For all she knew, may kasamang babae—No! Agad na tumanggi ang isip niya sa daloy niyon. Iba ang narinig niyang pag-ungol sa iniisip lang niya. Ganoon ma'y hindi siya dapat na naroon at...

Ang pag-aalinlangan niya'y napigil ng ungol na bahagya niyang nauulinigan sa may pinto. Sapat upang tumaas ang kamay niya sa doorknob at pihitin iyon. It wasn't locked. Binuksan niya ang pinto at mabilis na pumasok. It was dark, maliban sa bahagyang liwanag na nanggagaling sa poste sa labas at pumapasok sa nakabukas na veranda.

Naaaninag niya si Aidan sa kama. Tossing and turning in his sleep. Groaning...

She moved fast toward his bed. Yumuko siya at banayad na tinatapik ito sa braso.

"A-Aidan... Aidan, wake up... Aidan..." Subalit patuloy sa malakas na pag-ungol ang binata. 

Humigpit ang hawak niya sa braso nito which was slick with perspiration. Nilakasan niya ang pagyugyog though she could hardly move the big and hard body. Then she gasped aloud when his hand grabbed her arm roughly. At bago pa niya mamalayan ang sumunod na pangyayari'y tumaas siya sa ere at pumakabila at bumagsak sa kabilang bahagi ng kama. At kung hindi siya nasangga ng gilid ng malambot na kama ay tuloy-tuloy siyang babagsak sa sahig. Sa halip ay dumausdos sa kama ang katawan niya patungo sa sahig.

She shrieked kasabay ng pagbukas ng night lamp sa mesa sa may tabi ng kama nito.

"Danielle!" 	Sandali lang ang pagkabigla ni Danielle. Fighting instinct prevailed. Mabilis na bumangon at pumagitna sa kama at paluhod na hinarap ang binata at pinagsusuntok sa kung saan na lang siya makatama.

"Damn you! Damn you! You almost killed me!"

"Hey! Stop!" Iniiwas ni Aidan ang sarili mula sa mga suntok niya. Magkahalong pagkalito at pag-aalala ang nasa isip. Pagkalito kung bakit siya naroroon. Pag-aalala dahil baka nasaktan nito ang dalaga. 

Nang hindi maawat si Danielle sa pag-atake ay inabot ni Aidan ang dalawang kamay niya at wala-sa-loob na nahila ang dalaga patungo rito. Now she was astriding her and was still hurling punches at him.

"Dani, stop!" Pinigil ni Aidan ang mga kamay niya sa dibdib nito. "Just for a moment there you scared the hell out of me. Akala ko'y nasaktan kita..."	"You hurt me, beast!" 

"I don't believe you," wika nito, a little amused. "Kung nasaktan kita'y hindi ka makasusuntok nang ganyan."

That stopped her. He was right. Natakot lang marahil siya. Humihingal na napatitig siya sa kaharap. Nanlalaki ang mga mata nang mapagtanto ang posisyon nilang dalawa. Napalunok siya. Heat spread through her.

"P-paano kung... kung sa... sahig ako b-bumagsak..." she stammered. She stared at his naked body. Her hands on his muscled chest, nakakulong sa mga kamay nito. It would be so easy to touch the velvety skin.

She groaned inwardly. Saan ba galing ang ganoong daloy ng kaisipan niya?

"But you did not. The bed sheltered your fall. Anyway, ano ang ginagawa mo rito sa silid ko?" he asked with a frown. Confused at the same time. And sensation was flooding his body as her sweet natural scent assaulted his senses. She was sitting on his thighs na ang nakapagitan lamang ay ang kumot. At hindi nito kayang pigilin ang reaksiyon ng sariling katawan.

She gasped, her eyes grew wide. She could feel him grow beneath her. She held her breath... afraid to move.

"Hindi mo ako sinasagot. What are you doing inside my room?" he said in a hoarse and aroused voice.

"I—You—I..." She swallowed, unsure what to say. Nararamdaman niya ang paggapang ng init sa katawan niya mula sa itaas pababa sa tiyan niya. It was an aching pleasure. "Y-you have n-nothing on..."

"I know that," he said in a husky and amused tone. "And you're killing me, baby." Unable to control himself, he raised his hand and cupped her nape and pulled her toward him, angled his head and claimed her mouth. 

He tasted each corner... gently sucked her lip... then withdrew. Gazed at her mouth with hunger... then claimed it again, at muling pinakawalan sandali upang muli ring angkinin and this time gave her lips a full, erotic kiss.

Her eyes were wide as she moaned in both pleasure and surprised. His tongue, warm and wet, parted her teeth, delved in and out of her mouth, exploring... sucking... playing.

Wildfire rampaged through her body. She could feel the huge, steely-maleness beneath her. It was hurting her, yet to her horror, she wanted... him! Wanted him inside her!	Aidan's mouth moved to her neck, kissing and biting her soft flesh. His hand cupped one small and firm breast beneath the thin nightdress, played and kneaded it. Both groaned in pleasure.

Bumaba ang kamay ni Aidan sa likuran niya. Pulling her nightdress upward. Hinihila iyon at inipon sa baywang ng dalaga while he was thrusting his body upward. Then his hands found her briefs.

"Aidan..." she whispered in half protest.

"Do you know how close I am to taking you now?"

"Y-you can't..."

"We can," he countered and groaned wildly when his hand found the middle of her thighs. "Take me, Dani, please... take me. I want you so much, now..." he said hoarsely and claimed her lips again.

"I–I want you, too," she whispered in his mouth. Torn between sensation and soundness of mind. "But... this isn't r-right, Aidan..."

"What is not right? Narito ka sa silid ko sa oras na ito..." His breathing was uneven, his hands moved gently, possessively.

Napasinghap si Dani. Sinisikap huwag malunod sa sensasyon. "I–I h-heard you groan from below. You were having a nightmare..."

Natilihan si Aidan. Tila binuhusan ng malamig na tubig ang apoy sa katawan nito. 

***********************Mukhang nakakabitin naman ito hahahahah , andun na eh napasarap na eh char hahahaha. *************

20

SHE RAISED herself from where she was sitting. Tumayo at humakbang siya patungo sa nakabukas na pinto ng veranda. Sinikap sugpuin ang init ng katawan sa pamamagitan ng malamig na hangin.

Sa loob ng mahabang sandali’y walang salita ang namagitan sa dalawa. Nilingon niya ang binata na isinusuklay ang mga daliri sa buhok. Pagkuwa’y hinawi ang bahagi ng kumot na tumatabing sa ibabang bahagi ng katawan nito at tumayo at humakbang patungo sa closet.

Hindi siya dapat na tumingin. Dapat sana'y tumalikod siyang mabilis. But she couldn't take her eyes off him. Her eyes feasted on his body.

Aidan was beautiful. He walked with grace. She thought he was like a panther. Sa malamlam na ilaw ay lalo pang pumula ang balat nito. At ang mahabang buhok nito'y gustong magpangiti sa kanya. Habang napakaiksi ng kanyang buhok, ang kay Aidan naman ay mahaba tulad sa isang— nang bigla'y may sumingit na alaala sa isip niya...

"That Indian is your friend, Daddy?" Itinuturo niya ang larawan na nakasabit sa dingding ng opisina ng ama. Matandang lalaki, nakatirintas ang mahabang buhok. It was a group picture. Kasama ang mga magulang niya sa larawan at may apat pang naroroon.

Muli niyang ibinalik kay Aidan ang mga mata. She swallowed, her eyes moved up and down his body. "Y-you're a red skin..."

Marahas na lumingon si Aidan. Naningkit ang mga mata. "Ano ang narinig mo mula sa akin?" he asked, insolence in his voice, kasabay ng pagsusuot ng briefs. "Have I been talking in my sleep?"

Sandaling nagsalubong ang mga kilay ni Danielle. Pagkuwa'y umiling. "No... Umuungol ka lang, malakas. And I was worried. Some people died from heart attack during their sleep so I came up here..."

"Sinabi mong red—" Umiling si Aidan, hindi itinuloy ang sinasabi at nagbuntong-hininga. Umabot ng pantalong maong at isinuot.

"I've realized just now that you have red skin." And she thought he was simply tanned. "Y-you're not a Filipino..." It was more of a statement than a question. And that confused her. Bagaman hindi direktang sinabi, nalaman niya mula sa pakikipag-usap kay Mrs. Fortalejo kanina, habang ipinakikita ang mga portrait na nakasabit sa dingding na may dugong Español ang mga Fortalejo.

"You're a half-breed!"

Muli siyang marahas na nilingon nito. 	Mabilis niyang idinugtong. "You reminded me of someone from my childhood days," patuloy niya. "He was an American Indian, a friend of my parents—"

Naglaho ang bahagyang iritasyon sa mukha ng binata. Humalili ang interes. He zipped and snapped his jeans fast. "Nakakaalala ka na?"

Umiling siya. "It flashed in my mind while I–I watched you—"	"It's impolite to stare."

She opened her mouth and would have said something sarcastic when she caught the little smile played on his lips. He was teasing her.

Humakbang ito patungo sa kanya. "Go back to your room, Danielle, bago pa magbago ang isip ko at hindi kita palabasin..." 

"I-ikaw? Bakit ka nakabihis? May ilang oras pa bago mag-umaga..."

Tinitigan siya ni Aidan, a devilish smile was lurking in his mouth, at naghahamon ang tinig nang sumagot. "Would you rather take my jeans off and spend the remaining hours with me?"

She took a deep breath. Sinikap huwag padala sa tukso. Alam niyang birong-totoo iyon. Sex was in the air. At kung ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon ang masusunod, she would stay and make love to him hanggang sa sikatan sila ng araw.

Wala sa loob na nahagod niya ito ng tingin pababa. At nararamdaman niya ang pananayo ng mga balahibo niya sa katawan kasunod ng init na gumagapang pababa sa tiyan niya. He was like one of those American Indian devils na nababasa niya sa mga paperback, sexy, and dangerous.

"Good morning..." usal niya bago nagmamadaling lumabas ng silid.

Niyuko ni Aidan ang sarili. Nagsisikip ang maong niya. Ang pagkakape na naisip niyang gawin ay tila maaantala. What he needed at the moment was a cold bath.

“BIHIS ka na pala, hija,” ani Jewel kay Danielle nang katukin at pasukin siya nito sa silid. Nakapaligo at nakapagbihis na siya.

Nahihiyang ngumiti ang dalaga. Alas-diyes pasado ng umaga. Mag-uumaga na nang makatulog siya matapos siyang manggaling sa silid ni Aidan.

Nang akmang hihingi siya ng paumanhin ay muling nagsalita si Jewel. "May bisitang naghihintay sa iyo sa sala..."

She frowned. "B-bisita?"

"Kausap siya ng anak ko. Ang sabi niya'y tiyahin mo siya." Tinatantiya ni Jewel ang dalaga. Ang mga mata niya'y kinakitaan ng pagkalito. At pagkuwa'y alinlangan... or was it fear? 

"You don't remember your aunt? She said she is your mother's distant cousin..."	She closed her eyes for a moment, hoping memories would come back. Pagkuwa'y banayad na umiling. "S-should I see her? Aidan said—"

"Kung ano man ang nalaman ninyo ni Aidan tungkol sa kanya mula kay Kurt, itago mo muna sa isip mo. Think about it this way, totoong natagpuan ka na niya. At iyong tungkol sa nakauwi ka na, maybe she had her reasons. Perhaps she didn't want to explain further to Kurt, kaya sinabi niyang nakauwi ka na," paliwanag ni Jewel. "Halika at harapin mo ang tiyahin mo, hija..."

Bantulot na sumunod sa paglabas si Danielle. Jewel whispered words of comfort from behind. 

"Magiging maayos din ang lahat, Danielle, at magbabalik ang alaala mo."

Gusto niyang paniwalaang maaayos din ang lahat subalit hindi iyon ang pakiramdam niya.

MULA sa kinatatayuan niya’y lihim na pinagmasdan ni Danielle ang babaeng kausap ni Aidan. Nakatagilid ito mula sa kanya. She was in her mid-forties. Hindi mataba but she was heavily built. Raven-black hair at nakapusod sa batok na tila propesora. Naka-dark blue tailored suit that made her look very dignified.

Was this woman her aunt?

Ang dahilan nga kaya nito ng pagsisinungaling na nakauwi na siya'y katulad ng sinabi ni Mrs. Fortalejo?

Nang tumingin sa dako niya si Aidan ay napalingon ang babae sa kinatatayuan niya. Agad itong tumayo. Si Aidan man ay tumayo rin.

"Danielle!"

Humakbang siya palapit dito. "You had me worried. What happened to you?" It was asked in a stern voice.

Hindi sumagot si Danielle. Nagtuloy sa sofa malapit kay Aidan at naupo roon.

"Ikinalulungkot ko, Mrs. Guevarra, but Dani doesn't recognize you. Tulad ng sinabi ko sa inyo'y hindi pa nagbabalik ang memorya niya..." Aidan explained politely.

"H-how did you find me?" si Danielle sa tiyahin.

"Nakita ko ang mukha mo sa TV, sa morning news." Inulit lamang nito ang ipinaliwanag kay Aidan. Her voice held no warmth. "Nagmadali akong nagtungo sa ospital but I was late, nakalabas ka na." Nilingon nito si Aidan. "Tulad ng sinabi ko, nagpapasalamat ako sa ginawa mo kay Danielle, Mr. Fortalejo. I will take her home now..." 

The woman was lying. Sinabi nito kay Kurt na nakauwi na si Danielle bago pa man lumabas ang mukha ng dalaga sa television. Ganoon pa ma'y tumango si Aidan. 

"Say your good-byes to the Fortalejo, Danielle..." utos nito sa dalaga. 	Si Danielle ay napausog nang wala sa loob palapit kay Aidan. 

"A-Aidan..." Nilinga niya ang binata sa nanlalaking mga mata.

Subalit ang paningin ni Aidan ay nakatuon sa tiyahin niya. "Ihahatid ko kayo sa Santa Rosa," wika nito at saka pa lamang lumipat ang mga mata nito sa kanya. "Nag-taxi lang ang tiyahin mo patungo rito," he informed her unnecessarily.

Malamig at pormal ang tinig nito at nasaktan si Danielle. Pakiramdam niya'y itinataboy siya ni Aidan. Bakit nga ba hindi gayong nakakaabala siya sa pamilya nito? Isang kaginhawaang maalis na siya sa poder nito at maihatid sa bahay ng lola niya. 

"Kukunin ko ang ilang mga gamit ko," aniya at tumayo. Iniwasang manginig ang tinig. With her head high, lumakad siyang pabalik sa guest room.	Tumayo rin si Aidan. "Hindi ako magtatagal, Mrs. Guevarra. Magpapaalam lang ako sa Mama."

"Iparating mo ang pasasalamat ko, Mr. Fortalejo... at ipagpaalam mo na rin kami."

SUMANDAL si Aidan sa hamba ng pinto ng guest room at pinagmamasdan si Danielle na tahimik na itinutupi ang pedal pusher at blusa niyang suot noong una nitong matagpuan ang dalaga.

"Say something, Dani." 

"G-good-bye... and thank you," she croaked.

"Hindi iyan ang gusto mong sabihin."

Hindi siya kumibo. Her shoulder stiff, para mapanatili ang dignidad. Ipinasok niya sa paper bag ang gamit. Lumapit si Aidan at hinawakan siya sa mga balikat at iniharap. Inilagay nito ang kamay sa baba niya at itinaas iyon.

"You're scared as hell, aren't you?" he said gently.

Nagyuko siya ng mukha. "I–I am trying to be brave, Aidan. I hate feeling helpless..." There was a sob in her voice.

Idinikit ni Aidan ang noo sa noo niya. "You are brave, Danielle. And you can't help what you feel. Kahit sino ang nasa katayuan mo na hindi makaalala ay ganyan din ang mararamdaman..."

Kumawala siya. Dinampot ang paper bag. "Thank you for all the things you've done. Pakisabi sa mama mo na maraming salamat sa kagandahang loob..."

"I don't want you to go, Dani."

Nilingon niya ito sa nagsasalubong na mga kilay. Naguluhan.

"Kung ako ang masusunod, ayokong umalis ka sa bahay na ito hangga't hindi malinaw ang lahat. Pero hindi ko masasabi sa tiyahin mong hindi kita gustong paalisin... na dito ka lang, 'di ba?"

Umaliwalas ang mukha ni Danielle. Nakahinga nang maluwag. She smiled at him faintly. "I'll give you a ring every now and then. Maybe my instinct is wrong. Baka wala naman talagang gustong manakit sa akin at epekto lang iyon ng amnesia ko..." Sa kabila nang hindi iyon ang nararamdaman ay sinisikap niyang iyon ang paniwalaan.

Muli siyang inabot ni Aidan at kinabig palapit, bent his head and claimed her lips in a chaste kiss. At pagkuwa'y binitiwan din siyang muli bago pa siya makaganti ng halik.

"Tayo na. Baka mainip ang tiyahin mo..."

**************************Paganda na ng paganda ang mga eksena char hahahaha. Nami-miss ko na mag milk tea kaya lang wala akong pang milk tea asar hahahaha. Tsaka healthy living na kasi ako nauumay na ako sa ginger tea ko char hahahahah. Kayo anong iniinom n’yo mga beshie, share n’yo naman hahahaha. Stay safe and God bless. -Admin A *****************

21

IT WAS an old high ceilinged three-storey house na ang ikatlong palapag ay kasinlaki lang ng isang silid na marahil ay ginagamit na lang na bodega. Yari sa kahoy at bato. Nakatayo ang bahay sa isang malawak, madamo, at mapunong solar sa Sta. Rosa. Bagaman malayo-layo ang pinakamalapit na kapitbahay dahil malaki ang lupang pag-aari ng lola ni Danielle ay malapit iyon sa isang modernong subdivision na ang gate ay limampung metro lang ang layo mula sa gate ng propiedad.

Sa harap ng bahay ay isang lumang pickup. Sandaling naisip ni Aidan kung gumagana pa ang sasakyang iyon. Pagkuwa'y ipinarada nito ang sariling sasakyan sa likuran ng lumang pickup. Hindi pa nito napapatay ang makina ay isang matandang lalaki ang lumabas mula sa malaking bahay. May ilang sandaling sinino nito ang mga bagong dating at nang lumabas si Danielle at Ofelia mula sa sasakyan ay nagmadaling sumalubong. 

"Danielle!" bulalas ng matanda na ang tinig at mukha'y may bahid ng galak. Bahagya munang nag-alinlangan ito bago kinabig sa dibdib nito si Danielle. "Anak, saan ka ba nanggaling at ngayon ka lang? Ano ang nangyari sa iyo?"

"T-Tata... Tata Marcos?"

"You remembered!" bulalas ni Ofelia Guevarra. Sandaling nawalan ng kulay ang mukha subalit hindi nagtagal iyon, tila may maskarang bumagsak sa mukha nito at nahalinhan ng isang ngiti ng kasiyahan. "W-why, I'm glad, Danielle!"

Umiling si Danielle. Pinaglipat-lipat ang paningin kay Aidan, sa matandang lalaki at kay Ofelia.

"I–I don't know how," naguguluhang sabi niya. "Bigla na lang pumasok sa isip ko ang pangalan niya."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" kunot ang noong tanong ng matanda.

"Naaksidente si Danielle, Marcos," sagot ni Ofelia. Hindi itinago ang hostility sa tinig. Kasabay niyon ay ang pagpapakawala ng maluwag na paghinga. "Nawala ang memorya niya at magpasalamat ka at nakilala ka niya. Ihanda mo ang silid ng alaga mo at nang makapagpahinga siya," utos nito at pagkuwa'y nagpatiunang lumakad patungo sa bahay.

"Kailan ho ba umalis dito si Danielle, Tata Marcos?" tanong ni Aidan sa matandang lalaki, na sa tantiya nito'y nasa singkuwenta y tres ang edad, habang sinisipat ang lumang pickup.

Napatingala si Tata Marcos dito na tila ba noon lang nito napansin si Aidan. Pagkuwa'y muling ibinalik ang nag-uusisang mga mata kay Danielle.

"Siya si Aidan, Tata Marcos," pagpapakilala ni Danielle. "Siya ang nakatagpo sa akin nang... nang maaksidente ako. Aidan, si Tata Marcos, ang... ang..." Hindi siya makahagilap ng idudugtong. Sa pagkaalala sa pangalan ng matandang lalaki nagtatapos ang pagkakakilala niya rito.

Sa naguguluhang anyo'y dinugtungan ni Tata Marcos ang sinasabi niya. "Ako ang katiwala ng lola ni Danielle, Mister Aidan. At doon sa tanong mo'y may isang linggo nang mahigit mula nang umalis dito ang batang iyan. Nagpaalam na makikipagkita sa nobyong si Calvin. Ang buong akala ko'y nagtanan ang dalawang iyan nang hindi bumalik kinagabihan si Danielle. Ang ipinagtataka ko'y ni hindi siya tumawag man lang. Hanggang sa ipahanap nga ni Ofelia."

May itatanong pa sana si Aidan subalit lumingon si Ofelia bago pumasok sa kabahayan at inanyayahang pumasok ang tatlo.

"Hindi na ako tutuloy, Dani," wika nito kay Danielle. "I'll call you as soon as I get home." 

"Thank you... Narito si Tata Marcos. Nararamdaman kong hindi niya ako pababayaan..."

"Good." Nginitian nito ang matandang lalaki at naroon pa rin ang kuryosidad na muling sumilip sa lumang sasakyan. It was an old Ford pickup, 1970's model. Luma kahit ang upholstery na nasira na at nilagyan na lamang ng plastic tapes. "Kayo ho ba ang gumagamit nito?"

Tumango ang matanda. "Paminsan-minsan kapag ako'y nagtutungo sa groserya para mamili ng mga kailangan dito. Luma at kinakalawang na ang sasakyang iyan pero hindi pa ako itinirik minsan man, amang," nakangiting sabi nito, sabay sulyap sa makintab na four-wheel drive ni Aidan na para bang ipinahihiwatig na papalya ang Ford Ranger niya subalit hindi ang lumang pickup. "Buhay pa ang lolo ni Danielle ay ginagamit na ang pickup na iyan."

Tumango si Aidan, agreeing with the old man. "Naniniwala ho ako sa inyo. Tiyak ho na mahusay ang pagkakamentina ninyo sa sasakyan." The old man who seemed flattered smiled at him. Aidan smiled back, bago tumingin kay Danielle. "Take good care..."

"Thank you, I will."

Malayo na ang pickup ni Aidan ay nakasunod pa rin doon ang mga mata ni Danielle.	"Totoo ba ang sinabi ng tiya mong hindi ka makaalala, Danielle?" may kalituhang usisa ni Tata Marcos sa kanya. 

Nahahapong tumango ang dalaga. "Maraming mga bagay akong hindi maalala, Tata Marcos. Si... si Tiya Ofelia ay hindi ko maalala..."

Dumilim ang mukha ng matanda. "Hindi ko gusto ang ugali niyang tiyahin mo. Malayong-malayo sa iyong ina. Kung hindi siya minsang naipakilala sa akin ng mama mo noong nagbakasyon kayo rito'y hindi ako maniniwalang pinsan ng mama mo iyan."

She forced a smile. Gustong pagaanin ang dibdib. Marahil ay talagang hindi ang uri ni Ofelia Guevarra ang madaling mapalapit sa tao. Baka ang dahilan din ni Tata Marcos ang dahilan niya sa nararamdamang pangingilag dito.

***************Pasingit - singit lang ang update ko now huhuhu :( - Admin A *************

22

SI AIDAN ay sa opisina ni Kurt nagtuloy.

"What have you got about this Calvin?" tanong niya. Itinaas ang mga binti sa kabilang silya.

"Calvin Mores, thirty-two years old, isang medical representative. Half-Filipino–half-American. Isa siyang empleyado ng W&W Laboratories, isang maliit subalit progresibong drug company sa Kentucky na pag-aari ng ama ni Danielle, si Samuel Wilding..." Pinaikot nito ang swivel chair upang abutin ang isang folder sa likuran kaya hindi nito napuna ang marahas na pag-angat ni Aidan sa kinauupuang silya.

"Did... did you say Samuel Wilding?" Sinanay na self-control ang nagpangyari upang mapigil ni Aidan ang sariling emosyon.

"Yap." Iniabot sa kanya ni Kurt ang folder. "These information were sent to me through internet this morning from my source in Kentucky. Nandiyan ang lahat ng gusto mong malaman. Nag-file ng indefinite leave si Calvin more than a month ago..." 

May ilang segundong nakatitig sa folder si Aidan. Nagtutumining sa isip ang pangalang binanggit ni Kurt. Marami marahil ang nagngangalang "Samuel Wilding." Subalit ang iugnay ito sa isang drug company ay halos magpapigil sa kanyang paghinga. Hindi siya kumikilos para abutin iyon. Ang instinct niya ang nagsasabing nasa folder na iyon ang ilang bagay na maaaring mag-ugnay sa kanya at sa nakaraan.

Banayad na hinampas ni Kurt ang folder sa balikat ni Aidan. "Hey, buddy... narito ba sa opisinang ito ang isip mo o na kay Danielle?" nakangising tukso ni Kurt.	Napatingin kay Kurt si Aidan. Nagsalubong ang mga kilay ng huli sa ekspresyon niya.

"Are you all right?"

"Ano ba ang ibig sabihin ng tanong na iyan? Of course, I am all right," bawi niya, pilit kinalma ang sarili. Tumuwid ng upo. "Alam nating narito sa Pilipinas si Calvin ayon na rin sa impormasyon ni Ofelia Guevarra. Have you learned anything from him?"

Sumandal sa swivel chair si Kurt. "Wala siyang kamag-anak dito. His family migrated to the States many years ago. Dumating siya rito sa Pilipinas kasabay ni Danielle Wilding. Two days ago, may katawan ng isang lalaki na natagpuan sa loob ng isang bahay sa isang bagong tayong subdivision sa may boundary ng Santa Rosa patungong Cavite. May mga batang naglalaro ang nakaamoy ng masangsang na amoy kaya nadiskubre ang katawan. The nearest neighbor is a block away from the house. At ayon dito ay isang lalaki ang alam nilang umuupa sa bahay na iyon, the description matched with Calvin's photo na ipinadala sa akin sa internet. I've checked with the forensic records, too, it matched with Calvin's..."

Nang hindi maalis-alis ang titig ni Kurt sa kanya ay nararamdaman ni Aidan na may gusto pa itong sabihin.

"Out with it, Kurt."

Huminga nang malalim si Kurt. "Bagaman wala pang umookupa sa mga bahay malapit sa inuupahan ni Calvin ay may iilang nakatira naman sa mga kasunod na block. Dalawang tao ang nakakitang may isang babaeng tumatakbo na tila wala sa sarili mula sa kalyeng kinaroroonan ng bahay ni Calvin—"

"At tumugma iyon sa description ni Danielle?" idinugtong ni Aidan at isinandal ang likod sa sandalan.

"Maliban sa maiksing buhok ay hindi gaanong napuna ng mga nakakita ang anyo ni Danielle. It was near dusk—"

"Pero naghihinala kang baka si Danielle ang pumatay kay Calvin?" he said sarcastically.

"It entered my mind. You said she was sure Calvin's dead. At ayon din sa iyo'y may mga bagay siyang naaalala at may mga bagay na hindi. Could it be that she faked her memory loss?"	Hindi agad makasagot si Aidan. Kanina'y nagulat din siya nang makilala ni Danielle ang matandang katiwala nang walang kaabog-abog. Pagkuwa'y umiling siya.

"I don't think so. Hindi iyon ang nararamdaman ko—"

"You're a sucker for helpless and beautiful women, Aidan. Huwag kang magtiwala sa sarili mong damdamin," pasaway na sabi ni Kurt. "Hindi pa natatagalan nang muntik ka nang mapatay dahil lamang sa tiwala mo sa isang babae. At alalahanin mong sinabi mismo sa iyo ni Danielle na natitiyak niyang patay na si Calvin..."

"Damn!" he groaned angrily. Nagtutumanggi ang kabilang bahagi ng isip niya na may kinalaman si Danielle sa pagpatay kay Calvin. "At paano mo ipaliliwanag ang pagsisinungaling ng tiyahin niya na natagpuan na siya?"

"Napakaraming solidong dahilan para doon, pare. Don't let your feelings cloud your judgment. And keep it in mind that her aunt hired me to find her."	Wearily, inabot niya ang folder at tumayo. Nasa pinto na siya nang muling magsalita si Kurt.	"It could be a passion killing, buddy. Huwag kang patangay sa magandang mukha. Alalahanin mo si Yvette..."

Lumingon siya. "Ano ang binabalak mong gawin? Sabihin sa awtoridad ang hinala mo?" May warning sa tinig niya.

"Hindi ko hinahadlangan ang pagpapatupad sa batas. But since no one asked my opinion..." Nagkibit ito ng mga balikat. "And for the meantime, I will leave everything to you."	He sighed. "Naniniwala ka ba talagang may kinalaman si Danielle sa pagpatay kay Calvin?"	Muling nagkibit si Kurt. "Frankly speaking, I don't know. That's why I am giving her the benefit of the doubt."	Hindi na kumibo si Aidan at tumalikod nang tuluyan.

SA SASAKYAN, nagtatalo ang isip niya sa sinabi ni Kurt. Kasabay niyon ay ang paglalaro sa isip ng anyo ni Danielle. Could such a sweet face murder a man? Was she just faking her memory loss? And was he really gullible when it came to damsel in distress?

"You are a lousy judge of character when it comes to helpless women, Aidan."	You fool! akusa niya sa sarili.

Gumuhit sa balintataw niya si Yvette. Nakilala niya ito sa mismong American embassy sa Mexico. Siya ang napagtanungan kung paano lalapit sa Ambassador. Nang makita niya ito'y tila galing sa pag-iyak. May pasa pa sa braso. Ayon dito ay secretary ito ng isang Mexican businessman. Gustong magkanlong sa embassy dahil itinago ng employer ang passport. Ayon dito, she was sexually and physically abused.

Sa kabila ng pagiging mulatto nito at maliit, Yvette was very beautiful. Alon-alon ang mahaba at malambot na buhok. Ang kulay ng balat ay tila tulad sa isang pulot. Naakit siya, higit sa lahat ay gusto niya itong tulungang makawala sa malupit na employer. 

He promised to help her. He talked to his Boss and explained Yvette's predicament. And in two days, Yvette had a new passport. Subalit hindi agad ito nagbalik sa Amerika. Sabi nito'y gusto nitong ikutin ang buong Mexico na hindi nito nagawa mula nang dumating doon dahil sa kahigpitan ng amo.

Sa paningin ni Aidan ay para itong munting ibong nakawala sa hawla. Iyon ang simula. Lahat ng pagkakataong wala siyang trabaho ay magkasama sila ni Yvette.	May threat sa buhay ng Ambassador sa Mexico subalit minsan man ay hindi sumagi sa isip niya na ang babaeng inakala niyang kahit langgam ay hindi kayang tirisin ay isang hitwoman.

"Love me, Aidan... love me..."

"It's almost daylight, Yvette," inaantok niyang sabi. "How could you be so insatiable? We spent the whole damn night f—ing..." 

She smiled seductively as she planted a kiss on her navel. "Leave it to me, honey... I'll satisfy myself." At ipinagpatuloy nito ang ginagawang paghalik sa katawan niya... pababa at pababa pa. 

He was exhausted and spent. At kahit sariling katawan niya'y hindi na gustong tumugon. Subalit matiyaga at mapamaraan ang babae. Nagagawa nitong pagningasin kahit kahoy na babad sa tubig.

And had it not been for the constant nightmares, hindi siya magigising sa umagang iyon. Pasado alas-nueve nang mapabalikwas siya ng bangon.

"Shit!" usal niya. Alas-diyes ang alis ng Ambassador patungong Chihuahua at kasama siya sa entourage nito. "Yvette!" 

He grabbed for his jeans. At habang nagmamadaling nagbibihis ay hinanap niya si Yvette subalit wala roon ang babae. Wala rin ang cell phone niya. Binuksan ang drawer sa night table upang kunin ang baril niya. Subalit wala ito roon. His chest started to pound. At kabisado niya ang damdaming agad na umahon sa dibdib. Tuwing may panganib sa trabaho niya'y nararamdaman niya iyon.

Sa loob na ng taxi siya nagsintas ng sapatos at nagbutones ng polo shirt. Halos singhalan niya ang driver upang magmadali. 

"La embahada de Americano, pronto!"

Malapit na sila sa embassy subalit hindi sila makaraan sa dami ng mga taong naroroon. May rally sa umagang iyon sa harap ng embassy building. 	Napilitan siyang bumaba ng taxi at lakad-takbo ang ginawa pagtungo sa embahada. Mula sa malayo'y nakita niyang papalabas ang Ambassador. From a distance, natatanaw niya ang dalawang kasamahan. 

Iyon din ang sandaling nakita niya si Yvette na kausap ang isang mataas na lalaki sa may ilalim ng puno. He was wearing a dark three-piece suit, tulad din ng ibang mga naroroon. Nakita niyang may iniabot ang lalaki kay Yvette. 

From a trained eye he recognized the small gun. Ipinasok ng babae iyon sa bulsa ng tailored cut blouse. Nanayo ang mga balahibo ni Aidan sa batok. Saan gagamitin ni Yvette ang baril?	Pagkuwa'y nakita niyang lumakad ito patungo sa grupo ng Ambassador. Beautiful and harmless. And Yvette was his girl. Iyon ang pagkakaalam ng mga kasamahan niya at maging ng mga security ng Ambassador. Walang maghihinala rito.	No!	He ran. 	Habang si Yvette ay lumalakad nang normal patungo sa Ambassador mula sa likod nito. Her hips swaying and earned attention from some of the men. Nginitian nito ang kasamahan niyang nakatayo sa may di-kalayuan. His companion smiled back, admiration in his eyes.

Pinagbabalya ni Aidan ang bawat humarang sa daanan niya. Sinusundan siya ng mura ng mga ito. Ang tanging pag-asa niya'y hindi babaril si Yvette mula sa malayo. Mapupuna ito ng mga security at ng mga kasama niya na inilalabas pa lang nito ang baril.

She would fire at close range. Walang pipigil dito na makalapit sa Ambassador.	Ibinalya ni Aidan ang isang reporter na nasa harap ng Ambassador, isang dipa ang layo mula sa huli. Then Yvette saw him. Nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito at ang pagkalito. Subalit iglap lang iyon, pagkuwa'y itinaas ang kamay mula sa loob ng blusa. 

It only took her seconds to fire and Aidan to push the Ambassador. 

Aidan took the bullet that was meant for the Ambassador.

*************Bawi na lang me kapag may marami na akong time char hahahaha. Kumusta kayo mga beshie? Daming sale ngayon ala lang me pambili hahahaha. Baka may gusto magdonate dyan char hahahaha. Stay safe and God bless. - Admin A *****************************

23

THE SHOT could have been fatal kung sa nakapirming Ambassador tumama iyon. The bullet missed Aidan’s heart by a couple of inches. Naging sanhi iyon upang ma-confine sa ospital si Jewel dahil sa tensiyon at pag-aalala.

Ngayon ay heto na naman siya. What was the matter with him? His involvement with Yvette almost cost him everything. He couldn’t afford to screw up again. Naibalik na niya sa tiyahin nito si Danielle. Nakawala na siya sa kung ano mang problemang kinasangkutan nito. Kung ito man ang may kagagawan ng pagkamatay ni Calvin ay bahala na ang batas sa kanya.

But was she the villainess?	What if she was the victim? O ang susunod kayang biktima?

"Damn!" he muttered. 

Makalipas ang ilang minuto'y ipinasok na ni Aidan ang sasakyan sa garahe. Sinalubong siya ni Jewel sa sala.

"Ano ang nangyari?"

"She's home now. We have nothing to worry," kaswal niyang sabi. Tinawag ang natanawang katulong at nagpatimpla ng kape.	"So?"

Nagdikit ang mga kilay niya. "Ano ang ibig sabihin niyan?"

"You don't look like a man who has nothing to worry, Aidan," Jewel persisted. 	He smiled drily, tinanggal ang unang tatlong butones ng sport shirt. Ikinuwento sa ina ang pagkikita nila ni Kurt at pati na ang hinala nitong maaaring may kinalaman si Danielle sa pagkamatay ni Calvin.

"At hindi ka naniniwalang may kinalaman si Danielle roon?" 

He sighed deeply. Sumandal at tinitigan ang ina. "What would you and Papa think of the way I am floundering now? And all because a woman who didn't even know who she is have caught me completely by surprise..." Inihilamos niya sa mukha ang kamay, feeling like a complete idiot.

"Wala kaming masamang iisipin ng papa mo sa iyo, hijo," malumanay na sagot ni Jewel. "We all have our moments of weaknesses, son. Not even your brother and sisters would take it against you..."

"Sa ikalawang pagkakataon?" Inabot niya ang kapeng ibinaba ng katulong at nagpasalamat.	"Kahit pa sa ilang pagkakataon, provided na natututo tayo sa bawat pagkakamali. Pero hindi pagkakamali ang pinag-uusapan natin dito, Aidan. What happened in Mexico was well orchestrated, pinlanong mabuti at nagkataon na ikaw ang unang nakaharap ng babaeng iyon kaysa sa kasama mo. At tulad ng nabalitaan ko, mapang-akit ang babae at sa aking sariling palagay kahit ang Ambassador ay maaakit sa kanya kung nabigyan ito ng pagkakataon..."

"Really, Mama..." Hindi niya malaman kung mangingiti sa ina.

"At ang pagtatagpo ninyo ni Danielle ay isang aksidente. Hindi niya pinili ang sasakyan mo sa madaling-araw na iyon..."

"What if she really is the villainess?"

"And what if she is the victim?"	He had no answer to that. 

"You have to find that out, Aidan." Tinapik ni Jewel ang balikat niya. Patuloy na nagsasalita habang humakbang palayo. "Malibang inaalis mo na sa balikat mo ang responsibilidad kay Danielle. Ituring mo na lang na isa sa mga pang-araw-araw na pangyayari ang pagkakatagpo mo sa kanya. Anyway, naihatid mo na siya sa kanila, 'di ba?" 

Isinatinig lang ni Jewel ang nasa isip niya kanina sa naghahamong tono. At alam niyang alam ng ina ang sagot niya sa bagay na iyon. Hindi niya kayang isantabi ang lahat. 	Niyuko niya ang folder na ibinigay ni Kurt. Dahil ba sa natitiyak niyang si Danielle ang tulay patungo sa nakaraan kaya patuloy ang interes niya rito?	Hindi niya kayang hagilapin sa dibdib ang sagot. 	Inabot niya ang folder at atubiling binuksan iyon. With his heart beating fastly, binasa niya ang nakasulat doon. Ayon sa report, W&W Laboratories was a family owned corporation at dating pinamumunuan at pinamamahalaan ni Samuel Wilding, isa sa major partners. Nang mamatay ito ay humalili si Samantha Wilding, Samuel's widow. 	Barely four months after his husband's death, Samantha married Damon Delgado, empleyado ng W&W Laboratories. It was rumored that Samantha married Damon in haste because of her inability to manage the company at nangangailangan ito ng isang lalaking masasandalan at mapagkakatiwalaan na may alam sa pamamalakad sa kompanya.	Ang nag-iisang anak ng mga Wilding, si Danielle, who was then nineteen, ay mahigpit na tinutulan ang muling pag-aasawa ng ina. Ipinasya nitong manatili sa dormitoryo at umuwi lamang sa kanila nang maratay sa sakit ang ina hanggang sa hindi na ito maka-recover at namatay.	Damon Delgado was now the CEO of W&W Laboratories until Danielle Wilding would decide to take her position with the family corporation. 	"W&W..." usal ni Aidan at itiniklop ang folder. "Wilding and Wilding?" Umiling siya sa naisip. Kung may ibang Wilding na partner, di sana'y iyon na ang humalili sa kompanya nang mamatay si Samuel Wilding. 	He swallowed with difficulty. Hindi niya gustong bigyang pansin ang hinalang nagdaan sandali sa isip. Imposible iyon. It had been a long time. More than seventeen years. Ang kompanyang pag-aari ng kanyang mga magulang ay Worth Chemicals. Nitong nagbinata siya'y ni hindi niya pinagkaabalahang alamin kung ano na ang nangyari doon. 	Tumayo siya at dinala-dalawang hakbang ang mga baitang ng hagdan patungo sa itaas sa silid niya.

Nagmamadali ang mga kamay nitong pinagana ang computer and browsed the internet para sa impormasyong gustong malaman.

"No..." Hindi halos iyon lumabas sa bibig ng binata nang makita sa screen ang profile ng kompanya. Maliwanag ang mga letrang natambad sa mga mata niya. 	Worth and Wilding. W&W is Worth and Wilding! 

He didn't notice the slight trembling of his fingers. Ibinaba pa niya ang cursor at binasa ang mga nakasulat doon, then sucked his breath as his name appeared on the screen.

Aidan Worth was the silent partner and was being represented by a lawyer! Si Aidan Worth pa rin ang nagmamay-ari ng sesenta porsiyentong shares sa kompanya!

Pinanatili ni Samuel Wilding sa pamilya Worth ang sadyang para sa mga magulang niya sa kabila ng katotohanang sa nakalipas na mga taon ay walang balita tungkol sa kanya.

Nagsikip ang dibdib ng binata at napayupyop sa keyboard. Grief, horrifying memories, and something else consumed him. The broad shoulders shook.

Sa ganoong ayos siya napasukan ni Jewel na hindi niya narinig ang banayad na katok bago itinulak pabukas ang pintong hindi naman gaanong nailapat.

Nagdikit ang mga kilay ni Jewel sa nakitang ayos ng anak. Humakbang ito palapit at akmang hahawakan sa balikat si Aidan nang mapuna ang computer screen.

Wala itong nauunawaan sa iba pang nababasa nito maliban sa iisang pangalan— Aidan Worth. 

May kabang bumundol sa dibdib nito. Hindi gustong mag-ugnay ng mga bagay-bagay. Niyuko nito ang anak na banayad na umuuga ang mga balikat. 	She raised a hand to touch his shoulder, to comfort him, subalit inawat ni Jewel ang sarili. Humakbang ito paatras at naupo sa gilid ng kama nang tahimik, hinayaan ang anak na ibuhos ang anumang pighating nararamdaman nito.

May ilang sandaling nanatili sa ganoong ayos si Aidan bago nag-angat ng katawan, scrubbed his face with his hands, at inihilig ang ulo sa sandalan ng swivel chair. Hindi nilingon ang ina gayong alam niyang naroroon si Jewel.

"Sa ibang pagkakataon, I would have left you to the privacy of your grief, Aidan... whatever it is..." Idinugtong nito ang huling sinabi. "But the last time I saw you cry was when you were eleven... when we found you. It broke my heart then just as it is now..."

"I–I don't know what had gotten into—"

"Your father cried many times in his life, hijo," putol nito sa sasabihin niya. "and it didn't make him less a man..."

Banayad na tumango si Aidan, hindi pa rin lumilingon. 

Nagpatuloy si Jewel. "Sa nakalipas na mga taon, your father and I have waited for you to pour out... to tell us in your own good times about the past. Hindi kaya panahon na upang ihinga mo ang anumang bagay na sa loob ng maraming gabi sa maraming mga taon ay bumabagabag sa iyo?"

Hindi siya nagsalita sa mahabang sandali. Gave a weary sigh at tumayo. Lumapit sa kama malapit sa kinauupuan ni Jewel at naupo sa carpet sa may paanan nito. Inihilig ang ulo sa edge ng kama and closed his eyes. Sinisikap kontrolin ang emosyon.

"Paano ko... sisimulang sabihin sa iyo ang mga pangyayaring hindi ko gustong alalahanin? Mga pangyayaring sa nakalipas na mga taon ay pilit kong inaalis sa aking isipan, yet keep on haunting me," he said brokenly, reached for Jewel's hand and kissed it.	Sa sandaling iyon ay nasilayang muli ni Jewel ang isang labing-isang taong gulang na batang lalaki. Puno ng takot... ng sindak... ng kalituhan.

She planted a soft kiss on the top of his head. "Once and for all, my son, and then let go..." Nilingon nito ang computer screen. "Ipakilala mo sa akin si Aidan Worth, hijo..." She said with a little humor in her voice, sinisikap pagaanin ang situwasyon.

Tiningala ni Aidan ang ina and smiled faintly. Nasa mga mata ang maraming pasasalamat. "You nurtured him... loved him... made him your own with no reservation..."

*************************SUper late ng update ko ngayon huhuhu I’m so busy char hahahaha  -Admin A

24

SA LOOB ng maraming sandali ay walang mahagilap na sasabihin si Jewel. Nanlumo at nanghilakbot siya sa kinahinatnan ng pamilya Worth. She wanted to cry for the scared and terrified young boy that Aidan was. She could not even console him for what happened many years ago. Aidan witnessed the murder of his parents and relatives. It had been a trauma to the young boy. And what happened haunted him for many years.

"I... I would have given you anything..." wika niya makaraan ang namagitang mahabang katahimikan. Sinundan ng tingin si Aidan na tumayo at nagtungo sa may bintana at tumanaw sa kawalan. "Your father and I would have given you anything within our power upang matulungan kang kayanin ang trauma sa nakalipas na mga taon, Aidan..."

"I know, Mama," gumagaralgal nitong sabi. "Napakapalad ko na napabilang ako sa pamilyang ito. You all helped me make it through my life..."

"No wonder you love Jess to a fault!"

"I love Julianne, too," he said defensively.	"That is true, but you and Jess are closer. Perhaps because she reminded you of your little sister Caroline..."

Nananakit ang lalamunan ni Aidan sa pagpipigil na huwag muling umiyak. Duguang mukha ng munting si Caroline ang gumuhit sa balintataw niya. Ikinurap niya ang mga mata kasabay ng pagtatagis ng mga bagang at ang pagkuyom ng mga palad.

"They... they were of the same age when it happened."	Nakauunawang tumango si Jewel. "Let go, Aidan. Hindi mo na sila maibabalik pa. Pakawalan mo ang sarili mo sa mga alalahaning iyon. I know it's easier said than done, but please try. We could never replace your biological parents in your heart, we wouldn't even try. Pero naririto kaming palagi, loving you..."

Tumango si Aidan. Huminga nang pagkalalim-lalim. Pagkuwa'y nagsikap ngumiti at hinagod ng tingin ang ina. "You're such a small woman. Kaya nga kitang patayuin sa palad ko. But everything within you is so big it could fill the whole world. You really are the jewel of this clan, ma'am..."

She purposely raised a brow and smiled. Pagkuwa'y sumeryoso. "Ano ang binabalak mong gawin ngayon? Would you claim what is rightfully yours?" 

"Hindi ko pa alam, Mama. Bagaman kung ginusto ko, madali ko namang magagawang alamin kung ano na ang nangyari sa negosyong ipinundar ng aking mga magulang. Subalit hindi ko pa rin mapaniwalaang nagtagpo kami ni Danielle. Actually, I haven't met her, not even as a child. She must be very young then..."

"This is a small world, Aidan. Everything is possible..." Tiningala nito ang anak. "Sasabihin mo ba kay Danielle kung sino ka?"

Umiling siya. "Hindi pa ngayon. May sariling problemang nakaharap sa kanya. Hindi ako naniniwalang may kinalaman si Danielle sa pagkamatay ni Calvin," he said with conviction. "Haharapin naming magkasama ang lahat. I owe it to her parents... to Samuel Wilding, sa paniniwalang buhay pa rin ako hanggang ngayon sa nakalipas na mga taon. Sa hindi pag-aangkin sa kayamanang madali sanang napasakanila..."

Kumislap ang mga mata ni Jewel. Tumayo at humakbang patungo sa pinto. Palabas na ito nang lumingon. Of course, Aidan was making sense, pero gusto niya itong tuksuhin, kaya, "Iyon lang ba ang dahilan, hijo?"

"Don't play cupid, Mother." His mouth twisted upward sa pagpipigil na mapangiti. Pagkuwa'y pumormal. "And, 'Ma... I feel better..."

A tender smile appeared on her lips. "I'm so glad, Aidan. I am a privileged mother. All my children allowed me to witness and shared their weaknesses and strength... at makabahagi nila sa kaligayahan at kalungkutan."

********* Buti na lang nakapag-update pa ako char hahahaha. Kumusta mga beshie char hahahaha. - Admin A *************

25

“HOW ARE you?“She was thrilled upon hearing his voice. Kahapon pa niya gustong tawagan ang binata, napipigil lamang siya ng kaisipang wala pang isang araw mula nang umalis siya sa bahay ng mga Fortalejo.

Naupo siya sa ibabaw ng kama, yoga position. "I have bad news and bad news..."

Kumunot ang noo ni Aidan. Bahagyang inilayo ang wireless phone at sandaling tinitigan na tila ba iyon mismo ang kausap. "Unahin mong sabihin sa akin ang hindi gaanong masamang balita."

"I still couldn't remember anything, Aidan," she spoke with weariness. "Not even my grandmother's house, sa kabila ng pagsisikap ni Tata Marcos na tulungan akong alalahanin ang lahat. He showed me some old family albums this afternoon. There were photographs of my parents. Pero tila may fog na humaharang sa aking kaisipan..."

"Be patient. Maaalala mo ring lahat iyan, unti-unti. Now, the second bad news..." he urged impatiently.

Ilang beses tumikhim sa kabilang linya si Danielle na gusto nang mainip ni Aidan at kabahan. 

"The bad news is that... well, hmp... I am starting to miss you..."	"Oh." He raised a brow and smiled. "And you call that bad news, eh?"

"Ano ang dapat kong itawag doon?" She sighed. "Narito ako at hindi maalala ang mga nakaraang pangyayari sa buhay ko. I'm terrified most of the time. I shouldn't be missing you..."

"Well, I'm glad you do, Dani." He couldn't help grinning. Hindi nito maintindihan kung bakit ikinagagalak nito ang sinasabi niya. "I'm flattered."

"Is that all you have to say?" 

Nahimigan ni Aidan ang bahagyang iritasyon sa tinig niya. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito. "Meron ka bang gustong marinig sa akin na siya kong dapat sabihin?"

"Well, Mister, you could at least, lie a little and say you miss me, too!"

He laughed. "Well, then, I miss you, too, and I am not lying."	"Really?"

"Cross my heart and hope to die." He felt young and gay... sa kauna-unahang pagkakataon.

"So then, what do you intend to do about this 'missing each other' case?"	Sinulyapan ni Aidan ang relo sa braso. Mag-aalas-diyes na. "It's too late for a night out. Bukas na lang. Susunduin kita bago makapananghali... maghapon tayo sa labas."

"Okay," nanghihinayang niyang sabi. She would have wanted him to come. But he was right. Gabi na at ang pagtungo sa kanila at patungo sa pinakamalapit na coffee shop, which is Starbucks, ay aabutin din ng mahigit sa kalahating oras. "'Night..." pabuntong-hininga niyang sabi.

Aidan would have wanted to prolong their conversation pero ibinaba na ni Danielle ang telepono. He sighed at ibinalik ang telepono sa lagayan nito. Nahiga nang pahalang sa kama at iniunan ang mga braso. Hindi na siya teenager pero tila iyon ang pakiramdam niya ngayon.	Why, he really missed her. Mula kahapong inihatid niya si Danielle sa Sta. Rosa ay hindi na ito naalis sa isipan niya. Kung hindi lang niya pinipigilan ang sarili'y mayamaya siyang nasa telepono upang kausapin ito.

Nakatitig siya sa kisame at iniisip at pinaplano na kung saan sila pupunta sa kinabuksan. Kung saang restaurant siya magpapa-reserve at kung anong concert ang maaaring panoorin nang hindi kailangan ng advance ticket. O, di kaya'y kung magdi-disco na lang sila. Hindi niya mapigil ang excitement sa dibdib na tila ba iyon ang unang date niya. 

He had dated a number of women but the excitement he felt was foreign to him.

MATAPOS ang pakikipag-usap kay Aidan ay nagpalit ng cotton nightgown si Danielle at nahiga. Subalit kinse minutos na siyang pabiling-biling sa higaan ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Sa una’y mukha ni Aidan ang umookupa sa isip niya, pagkatapos ay may humahaliling mga tinig. Pabalik-balik na iyon at iyon ding mga tinig na naririnig niya nang nasa ospital pa siya. At kasunod ay ang putok ng baril.

Sapat upang muli'y gagapang ang takot sa dibdib niya.	Inalis niya ang kumot at nagbangon. Gusto niyang bumaba upang uminom ng gatas pero nag-aatubili siya. The house was huge and empty and dark. The hallways are unlighted. Sabi ni Tata Marcos ay matagal nang pundido ang mga bombilya sa pasilyo at hindi na nito naisip na palitan pa. At may pakiramdam siyang tila may laging nagmamasid sa bawat kilos niya. Kahapon pa niya nararamdaman iyon.

Ang silid ng matandang katiwala ay nasa ibaba sa may likuran at labas ng bahay. At sila lang dalawa ang tao roon dahil si Ofelia ay nagpaalam kaninang hapon na luluwas sa Maynila at hindi pa bumabalik hanggang ngayon. At natitiyak niyang tulog na si Tata Marcos dahil matapos nitong mapanoond ang pagkatalo ng paboritong basketball team ay nagpalam nang babalik sa quarter nito at binilinan siyang isara ang mga pinto.

Humakbang siya patungo sa balkonahe. Humaplos sa mukha niya ang malamig na hangin. Humaplos sa braso niya ang dulong sanga ng dahong-bayabas na idinuduyan ng hangin. Madilim sa labas maliban sa malamlam na ilaw na nasa may entrada ng bahay. Mula sa siwang ng malalaking puno ay gasino na niyang natatanaw ang mga ilaw sa subdivision.	Why couldn't she remember everything about her? At bakit hanggang ngayon ay may takot na 

namamahay sa dibdib niya? Takot kanino?

With a weary sigh, humakbang siya patungo sa balustreng kahoy. Ang kadiliman sa labas ay tulad din ng buhay niya. When would she remember o tulad ba ng sabi ng doktor ay maaaring patuloy na niyang hindi maalala ang malaking bahagi ng buhay niya?

Humawak siya sa balustre. Banayad na humampas sa braso niya ang dulong sanga ng dahong-bayabas na idinuduyan ng hangin. Itinukod niya ang mga braso sa balustre at wala sa loob na ibinigay roon ang buong bigat niya. Gumiik ang kahoy na gasino na niyang pinansin. Lumakas ang giik ng kahoy at bago pa niya maisip ang nangyayari'y bumigay ang balustre sa magkabilang dulo.

Pumuno sa katahimikan ng gabi ang tili ni Danielle. Nakabitin siya sa ere at mahigpit na nakakapit sa kahoy habang ang kabilang dulong bahagi ng balustre ay nanatiling nakakabit sa pinagkakabalian nito. But she knew she wouldn't last longer. Babagsak nang tuluyan ang kahoy sa bigat niya. O kung hindi man ay kapag nawalan na ng lakas ang mga kamay niya sa pagkakakapit.

Sa kabila ng sindak ay hindi niya makuhang tumiling muli at magpapasag. Kapag nag-panic siya'y baka tuluyang bumagsak ang kahoy. Malayo pa ang ibaba. At alam niyang sa adobe siya babagsak. Ang bahay ng lola niya ang uri ng bahay na matataas. Masasaktan siyang tiyak kung mapapasama ang bagsak niya. 

O mamamatay!

The thought terrified her at kasabay ng pagtingala niya'y may nahagip ang mga mata niyang anino sa dilim sa itaas sa may bintana ng dulong silid. 

She gave a gasp of horror. May ibang tao sa loob ng bahay maliban sa kanya! Who could that be? Hindi pa umuuwi si Ofelia. 

Nadagdagan ang sindak niya subalit sinikap niyang kalmahin ang sarili upang makapag-isip nang maayos. Kung tao ang naaninag niyang anino, di sana'y tinulungan na siya.

Naaninag niya ang puno ng bayabas. Mayabong iyon at maaabot niya ang mga dulong sanga. Kung kakapitan niya iyon ay natitiyak niyang babagsak din siya dahil hindi siya kakayanin ng maliliit na sanga. Mapuputol iyon!

But she had no choice! Kailangang kahit papaano'y mapigil ang biglang pagbagsak niya. 

She had to do it fast. Bigla niyang ibinitaw ang isang kamay na nakakapit sa balustre at hinagilap ang natitiyak niyang malapit sa gitnang sanga. Dahil sa pressure ay muling gumiik ang dulo ng balustre at kasabay ng paglipat ng isa pa niyang kamay sa sanga ng bayabas ay bumagsak ang balustre kasabay rin ng pag-indayog niya patungo sa ibaba.

Sa nasisindak na kaisipan ay narinig niya ang pagbagsak ng kahoy. Kasunod niyon ay ang pagbagsak niya sa lupa, una ang mga paa at pagkatapos ay ang katawan niya. Napasigaw siya sa sakit. Tumama ang bahagi ng balikat niya sa dulo ng balustre. Binitiwan niya ang sanga na umigpaw muli paitaas. Ni hindi iyon naputol. Naramdaman niyang kumirot ang mga palad niya. Naiwan doon ang maraming dahon.

She frantically picked herself up. Sinubok sandali ang mga binti kung makatatayo siya. Her shoulder ached but she could take it. There was numbness on her legs only because she was shocked. Pero sandali lang siyang nag-alangan, patakbo niyang tinungo ang gilid ng bahay patungo sa likod. May kung ilang beses siyang natisod sa kung ano sa dilim at nagmuntik-muntikanang madapa. Subalit patuloy siya sa pagtakbo sa kinaroroonan ng quarter ni Tata Marcos.

"Tata Marcos! Tata Marcos!" She hammered her fist on the door while shouting hysterically. Subalit walang nagbubukas ng pinto. She turned the knob. It was open. Kinapa niya ang switch ng ilaw sa may malapit sa hamba ng pinto. Nagliwanag ang buong silid. 

"Tata Marcos, gising... Tata!" Niyugyog niya ang mga balikat nito subalit hindi man lang nagigising ang matandang lalaki. Umungol lang ito sandali subalit tulog pa rin.	She groaned in desperation. Inikot ng paningin ang buong silid, may hinahanap. Sa may malapit sa pinto ay may nakasabit na keyholder. Naroon ang susi ng lumang pickup.

She grabbed for it and went out of the quarter. Patakbo siyang bumalik sa harapang-bahay. Nagmadaling pumasok sa pickup at ipinasok ang susi sa ignition and started the ignition. The motor went to life immediately.

**********Grabe ang intense na ng mga kaganapan dito. Kumusta na kayo mga beshie, update update din kayo char hahahaha. -Admin A *******************

26

SA LOOB ng bahay ay dinampot ng anino ang telepono at dumayal. Isang ring lang at agad na may sumagot sa kabilang linya.

"She's got away..."

"Damn! How?"

"Hindi siya nahulog nang deretso tulad ng inaasahan. The bitch must have ten lives!" pagalit nitong sabi, the foreign accent was prominent. "At kung sumang-ayon ka lang sa suhestiyon ko'y kanina pa patay ang babaeng iyon at tapos ang problema natin. Killing her and that old man is a piece of cake." 

"Sa mismong sandaling wala ako? How convenient," she said sarcastically. "Kung nakatitiyak nga ba akong hindi ako masasabit ay bakit hindi? Ang lalaking Fortalejo'y interesado sa kanya. At sino ang nakakaalam kung ano ang nalalaman nito mula sa kanya. Alalahanin mong may mga bagay siyang naaalala. She hated you... she hated me. I overheard Samantha warned her about us and showed her the company records."

"We are running out of time, Ofelia. Kailangan ko nang bumalik sa Kentucky!"

Marahas na huminga ang babae. "You should have thought of everything, idiot! Dapat ay inalisan mo ng preno ang kakarag-karag na sasakyang iyon, di sana'y tapos na ang problema natin ngayon!"

KILALA na siya ng mga guwardiya kaya nang sumungaw siya sa pickup ay agad binuksan ng mga ito ang gate. Tuloy-tuloy siya sa kahabaan ng driveway. Ang isang security guard ay dinampot ang intercom at idinayal ang numero ng silid ni Aidan.

Pagkatapos ipara sa mismong harap ng malaking bahay ang pickup ay nagmadaling lumabas si Danielle. She was about to use the knocker nang bumukas ang isang panel ng pinto at sumungaw si Aidan. Walang pang-itaas, tila nagmadaling isinuot ang jeans dahil hindi pa ito naka-zipper at naka-snap. At nasisilip ni Danielle ang pinong balahibo mula sa pusod pababa.

"Hi. What brought you here at this hour?" bungad nito sa magkadikit na mga kilay. 

Mula sa pagkakatitig sa katawan ni Aidan ay tumingala rito si Danielle. She opened her mouth to speak but her throat suddenly gone dry. At sa sandaling iyo'y nawala sa isip nito ang dahilan kung bakit siya naroroon. 

Sapat iyon upang ang anumang pagtatakang nasa isip ni Aidan ay agad na naglaho. Hinagod nito ng tingin si Danielle sa suot niyang cotton pajama. Who ever said that pajamas were unglamorous was badly misinformed. Until that moment, kung tatanungin ito, his preference in female lingerie would have been frothy silk and satin confections. 

Pero noon iyon bago niya masilayan ngayon si Danielle sa suot niyang manipis at lumang pajama. Her nipples, na marahil dahil sa lamig ng gabi, thrust erotically against the fabric. Ang maliwanag na ilaw sa portico sa may likuran niya'y sapat upang maaninag nito ang bikini panties niya, it was cut high on the thigh.

Aidan felt a slow, deep pull of desire. At bago pa makakilos si Danielle ay inabot siya nito at hinapit at mariing hinagkan.

"Do you really miss me so much to have come here at this hour?" he murmured on her lips. His hands caressed her back. "You could have called me back at ako na lang sana ang nagpunta sa Santa Rosa." 

She would have been lost in his caress subalit nahimigan niya ang amusement sa tinig nito sa huling sinabi. Nasuya siya roon. Agad na itinulak palayo ang binata at nilampasan ito at tuloy-tuloy sa malaking sala.

"Don't flatter yourself, Brave!" she said, gamit ang salitang pantukoy sa isang American Indian. 

“Muntik na akong mapahamak ngayong gabi!”

Nawala ang ngiti ni Aidan at sinundan siya ng tingin. May isang maliit at tuyong dahon ang nakadikit pa sa likod ng buhok ni Danielle. At marumi ang likod ng pantulog niya. Lumalim ang pagkakadikit ng mga kilay nito.

"Ano ang ibig mong sabihin? Bakit marumi ang likod mo?"

**Happy weekends mga beshie. Sana maging masaya kayo at stress free char. Keep safe and God bless mga beshie. Always remember that God is always here watching us. Don’t ever forget that. At isa pa love ko kayo char hahahaha sana all love hahahaha. -Admin A

27

“MY GRANDMOTHER’S house is very old and worm-eaten. It gave way.”

“Natitiyak mo bang hindi ka nasaktan? A broken bone? Anything?” nag-aalalang tanong ni Aidan matapos marinig ang kuwento niya. Nag-angat ito ng kamay upang suriin siya. His hand touched her right shoulder first. Nang bumaba iyon nang bahagya sa may likod niya’y napangiwi si Danielle.

"You're hurt!"

"My... shoulder hit something nang bumagsak ako..."

Muling umangat ang mga kamay ni Aidan at tinungo ng mga iyon ang butones ng pantulog niya. 	"Wha—what are you doing?"	"Huwag mong lagyan ng malisya ang ulo mo," saway nito sa tinging ibinigay ni Danielle dito. Nang maalis ang una at ikalawang butones ay hinawi ni Aidan ang blusa at nahantad ang likod ng balikat niya.

He uttered an oath silently nang makita ang malaking pasa sa ibaba lang ng balikat niya. "May masakit pa ba sa iyo sa ibang bahagi ng katawan mo?" Magkahalong galit at pag-aalala ang tinig nito habang banayad na sinusuri ng mga daliri ang buong likod niya.

"I'm fine, Aidan." Hindi niya gustong sabihin ditong nagpaltos ang mga palad niya sa pagkakakapit sa sanga ng bayabas. Mahapdi iyon pero naiinda niya. "I was only glad the twig didn't break..."

"Sabi mo'y puno ng bayabas iyon. Hindi malutong ang sanga niyon at hindi agad napuputol malibang tuyo," he explained. Bahagi ng kabataan niya'y ginugol sa kaparangan sa isla ng Paso de Blas at alam nito iyon. "Let's have that shoulder checked tomorrow. Pansamantala'y magpahinga ka na. Okupahin mo ang dating silid mo." 

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Aidan bago siya tinitigan. "You didn't have to come here, Dani. You were in shock, at baka kung napaano ka pa sa pagtungo mo rito. You could have called me. Darating naman ako kaagad."

"I–I would have kung nakapasok ako sa bahay at kung... hindi ko—" She stopped in mid-sentence. Hindi niya gustong sabihin ang tungkol sa anino. Dahil baka imahinasyon lang niya iyon o repleksiyon ng mga dahon sa bintanang salamin. "At kung nagising ko si Tata Marcos..."

"Si Tata Marcos nga pala!" bulalas nito nang mabanggit niya ang matandang lalaki. "Ano ang nangyari at hinayaan ka niyang magbiyahe patungo rito?"

"I came to him first but I couldn't wake him up. I was hammering on his door and shouting frantically, but he wouldn't wake up, Aidan..." she said in a small and sleepy voice. Humilig sa malambot na sofa at naghikab. Now that she felt safe here with him, nakadarama siya ng antok. She just wanted to curl on her bed.

May sasabihin pa sana si Aidan subalit nang tingnan nitong muli si Danielle ay nakapikit na ang mga mata niya.

He sighed. Humakbang patungo sa telepono at dumayal.

Apat na ring bago may sumagot sa kabilang linya. "Sorry, kung nagising kita... but please do me another favor.... Send a couple of your men to Santa Rosa... Yes. Sa bahay ni Danielle Wilding." Sinulyapan niya si Danielle na marahil pagkarinig sa sariling pangalan ay nagmulat ng mga mata, her eyes sleepily searching his face, pagkuwa'y pumikit ding muli.

May ilang sandali pang nakipag-usap si Aidan bago ibinalik sa lagayan nito ang telepono. May ilang saglit na tinitigan si Danielle. Her lashes dark against the whiteness of her skin. She looked incredibly soft and feminine. Incredibly desirable.

Humakbang siya patungo rito at niyuko ang dalaga at binuhat. Nakadama ng init si Danielle nang madikit ang mukha sa hubad na dibdib. She murmured incoherently at nagsiksik pang lalo. 

Dinala ni Aidan ang dalaga patungo sa dating silid na inokupa nito. He laid her down gently on the bed. Hinila ang kumot at kinumutan ito. 

Patalikod na siya nang masulyapan ang palad ni Danielle. Nagdikit ang mga kilay na yumukong muli at iniangat ang kamay ng dalaga. 

"What the hell—" Inabot niya ang isa pa nitong kamay na tulad ng isa'y nagpaltos din. 

He swore violently. Tumalikod at tinungo ang banyo at kumuha ng ointment mula sa medicine cabinet. Gently, pinahiran niya ng ointment ang mga paltos sa palad ng dalaga. Nang matapos ay inilapag sa night table ang ointment.

"Your hands would hurt like the devil in the morning," he murmured, na tila ba naririnig siya nito.

Nasa pinto na siya at akmang papatayin ang ilaw sa kuwarto nang magsalita si Danielle.

"Don't leave me, Aidan... I'm scared," wika nito sa maliit na tinig.

Nilingon niya ito. "Rest, Dani. Walang mananakit sa iyo rito and... okay, I'm leaving the lights on." 

"Please... I don't want to be alone..." She was almost begging.

He sighed in resignation. Humakbang patungo sa settee at naupo roon. "All right. Now go back to sleep."

She gave a soft smile that took some of the tensions from her face and made her so young and pretty. "You can't sleep there, Brave. Mananakit ang katawan mo sa umaga."

You don't know what I went through, he thought. "Sanay ako sa kahit na sa pinakamasamang sitwasyon, Dani." 

"Maybe. But you aren't in a bad situation right now. Come and sleep beside me," she invited with a yawn then her lids fluttered closed again.

Nagpakawala ng mahabang buntong-hininga si Aidan habang tinititigan ito. She looked horribly frail and vulnerable lying in the wide bed. She was also too thin for his taste. But Danielle aroused his protective instinct; and the gentleness and tenderness reserved only for the few women of his life. At hindi lang iyon ang pinukaw ni Danielle sa kanya—his carnal instinct was aroused, too.

He went in and out of sleep watching her. At nang magmulat siyang muli ng mga mata'y napuna niya ang berdeng ilaw sa may telepono. Agad niyang dinampot iyon.

"Hello."

"Inabala mo ako sa pagtulog ko pagkatapos ay ikaw ang tulog na tulog. Pangalawang tawag ko na sa iyo ito," ani Kurt sa kabilang linya. A little bit irritated.

Sinulyapan ni Aidan ang relo sa may night table. Mag-aalas-tres na ng madaling-araw. Mahaba-haba rin ang itinulog niya.

"Nasa guest room ako, Kurt. I'm sorry... pinatay ko ang ringer. Ano ang balita?"

"Ang matandang lalaki'y tulog pa rin nang dumating sila. Nasa likod ng bahay ang quarter nito. They suspected that he had been drugged. Kumuha sila ng tubig mula sa pitsel na nasa mesa at dinala rin ang baso para suriin. They found traces of saw dust on the balcony floor. Ang pagkabali ng balustre sa magkabilang dulo ay minaniobrang mabuti upang hindi mahalatang nilagari muna."

"Damn!" he muttered angrily. Gumana ang isip sa maaaring nangyari kay Danielle kung nagtuloy-tuloy itong nahulog sa ibaba.

"Sa hindi sanay na mga mata, lalabas na naputol ang balustre dala ng kalumaan at anay. It was past midnight at tapos na nilang suriin ang paligid nang dumating ang tiyahin ni Danielle. She was so surprised upon seeing my men. Ayon sa kanila'y galing daw nanood ng concert ni Leah Salonga si Ofelia Guevarra. Nagpakita ito ng pag-aalala sa pamangkin na nang sabihing hindi naman nasaktan ay agad kumalma. Hindi nila sinabi ang obserbasyon nila tungkol sa matanda at sa balustre..."

"Now do you still believe that Danielle had something to do with her boyfriend's murder?"

"Hinala lang ang sa akin, Aidan. Don't be cross. I'll ask a friend to check into this. Huwag kang makikialam, this is a police business. Let's talk in the morning, may ilang oras pa akong itutulog."

"Use your connections, Kurt. I want some information from the Kentucky end. Kararating lang ni Danielle dito at wala siyang kakilala maliban sa matandang katiwala."

"Piece of cake, buddy."	Nang maibaba ang telepono'y itinuon niya ang mga mata kay Danielle.

"Who wanted you dead, Dani? And why?" He sighed at muling isinandal ang likod sa settee. Maraming mga katanungan ang nag-uunahan sa isip niya subalit minabuting itulog na lang muna ang natitirang ilang oras bago mag-umaga at saka na lang siya mag-iisip.

*******************Kumusta ang weekend n’yo mga beshie? - Admin A ***************

28

“YOU failed again, you idiot!”

"That bitch has ten lives," galit na sagot ng lalaki. 

"We have to dispose her immediately. The police are now involved!"

"Ikaw lang, eh," wika ng lalaki. The voice was gruff and accented. "I could kill her anytime. It wouldn't be any trouble."

"I guess you've been right all along. We should have killed her sa unang tsansang nagkaroon tayo. Now we have no time left. She will be twenty-one four days from now. Gawin mong madali ang lahat. Kill the old man if necessary," marahas nitong utos. "Walang nakakaalam na narito ka at walang maghihinala sa iyo. Besides, hindi ka kilala ng matandang lalaki. Then get out of the country fast!"

Ngumisi ang lalaki. "Sinabi mo, boss..."

HALF an hour later, he’d just nodded off when Aidan heard her whimpering. Napatayo ito mula sa pagkakahilig sa settee. Patuloy sa pag-ungol si Danielle. Tila may kinatatakutan. That, along with her shivering, created a surge of masculine protective instinct.

Pabuntong-hiningang umikot sa kabilang bahagi ng kama si Aidan at nahiga sa maluwang na bahagi, drawing her against him, sharing his warmth.

Then she suddenly bolt upright and grasped for something. "Mahuhulog ako... I'm going to die!" she muttered in her sleep.

Aidan grabbed both her hands and pulled her down on top of him. "Sshh... it's okay, Dani. Nobody's going to hurt you." Paulit-ulit na ibinubulong ni Aidan iyon sa dalaga.	But whatever happened earlier must have frightened her badly. Although she stopped trembling, he couldn't keep her still.

Kinumutan niya ito but she frantically kicked the sheet off. Na tila ba itinatali siya ng kumot sa kanyang panaginip. Niyakap ni Aidan ang dalaga, stroking her hair, her back. All the time he kept murmuring words of reassurances over and over.

Eventually, tumigil sa paglilikot si Danielle. She drifted back to peaceful sleep, nakasiksik sa may leeg niya. But her pajama top was twisted around her mid-section. At nararamdaman ni Aidan ang init ng katawan nito sa kanya. Her soft breasts were pressed against his chest. Her pelvis was right on top of his jeans. And her legs were draped across her thighs seductively.	And he was definitely in trouble!

He felt his body hardening instinctively.

Mula nang makilala niya si Danielle ay ilang beses na niyang kinastigo ang sarili sa pagtutuon niya ng pansin dito kaysa sa nararapat. But his body and mind were in disagreement most of the time.

Tulad ngayon, Danielle's breath was like a soft summer breeze against his throat. Na lalong nagpapatindi sa pagnanasang nararamdaman niya. And Danielle, who was oblivious to his carnal thoughts, ay lalo pang isiniksik ang katawan sa kanya.

He groaned. His hand would have moved to her breast upang damhin iyon kung hindi lang sa matinding pagpipigil niya sa sarili. He'd been without a woman for months now but that didn't mean he'd take advantage of a sleeping and helpless woman.

Kung inisip niyang itutulog niya ang natitirang oras sa magdamag ay nagkakamali siya. Sinong normal na lalaki ang makakatulog sa ganoong ayos?

*********************Nakakabitin naman ang chapter na ito huhuhu andun na eh - Admin A ***************

29

NANANAKIT ang buong katawan ni Danielle nang magising. Kumikirot ang mga paltos niya sa palad na marahil kung hindi nilagyan ng ointment ni Aidan kagabi ay malamang na nagtubig. Her shoulder and her arms ached.

She looked around the familiar room. At nang maalala ang dahilan kung bakit naroon siyang muli sa guest room ng mga Fortalejo ay napabangon. Ang pagkabitin niya sa ere at ang pagkakakapit sa sanga at ang pagbagsak niya ang sanhi kung bakit nananakit ang buong katawan niya.

Bumukas ang pinto at pumasok si Aidan. May bitbit itong tray ng umuusok na almusal.

"Good morning..." bungad nito.

"'Morning..."

"Kumusta ang mga kamay mo?"

"They hurt... my body, too."	"It's expected. Tinalo mo si Jane sa ginawa mong pagbitin sa sanga ng bayabas..." 

"J-Jane who?"

Umangat ang mga kilay ni Aidan. Inilapag ang tray sa night table. "Me Tarzan, you Jane..." He grinned.

"Oh."

Alas-diyes sa relo sa mesa. "I'm glad you slept well, Dani. You needed that rest after what happened."

"Thank you..." she said softly. Inabot ang kape at tinantiya bago humigop. Pagkatapos ay tumingala kay Aidan. "Ikaw? Hindi ba nanakit ang katawan mo sa pagkakahiga sa sofa?"

"It more than ached. You drove me crazy all night," he said huskily. His eyes moved up and down her body with obvious desire. She looked soft and warm in the morning. Ang pajama top na tinanggalan nito ng butones kagabi upang tingnan ang likod ng balikat niya'y nakalaylay. Her freckles were like gold dust on her shoulder. And he longed to run his tongue on those tiny freckles. 

"W-what does that mean?"

Aidan saw something that looked like memory stir in her brown eyes. Kinuha nito ang tasa sa kamay niya at ibinalik sa tray. Pagkatapos ay niyuko siya.

"You remember, don't you?"

She was suddenly aware of his nearness. Her eyes on his as she raised her face to him. "Only that... that someone was whispering words of comfort to me... that's all."

He would have had to have been blind upang hindi nito makita ang inosenteng imbitasyon sa mga mata niya. And he would have had to have been deaf not to hear the desire on her soft voice. And he would have had to have been made of steel upang hindi tumugon.

"Then I'll make you remember it all," he whispered and then slowly, deliberately, giving himself time to change his mind, giving her time to move away, he bent his head.

Danielle sighed softly when his mouth touched hers. When his teeth nipped her lower lip, she moaned. Itinaas niya ang mga kamay patungo sa leeg ng binata and pulled him closer.

And then he was lost. Tulad ng una nitong angkinin ang mga labi ng dalaga'y muling inakala ni Aidan kung ano ang aasahan, subalit tulad din ng una'y nagkamali siya. The feel of her soft lips, her taste, rocked him all the way to the bone.

Sa unang paglapat pa lang ng kanilang mga labi, Danielle's passion exploded, wild, hot, and free. Aidan's kiss was meltingly soft. And she submitted to him mindlessly, desperately wanting.

His mouth and tongue enticed... seduced. Malamig ang air-conditioned na silid, but as his lips moved from her lips to blaze a flaming kisses up to her cheek and down to her throat, may pakiramdam si Danielle na nagbabaga ang balat niya.

She reached for him, framed his face with her hands and dragged his mouth back to hers. "Kiss me, love me, Aidan..."

"Hindi pa ba iyan ang ginagawa ko?" he murmured huskily. His lips nuzzled at her temple, her ear, his teeth bit her earlobe gently. 

Then he found her mouth again with unerring accuracy. Iniyakap pa ni Danielle ang kanyang sarili nang higit. She longed for something more than just touching and kissing. 

Aidan's fingers tangled in her hair, raking through the thick strands. Sa kabila ng lahat ng matitinong pangangatwiran, ng maraming taong sinanay na pagpipigil sa sarili, Aidan knew that he'd go out of his mind if he couldn't have more. He raised his head and looked down into her eyes. "Tell me to stop..."

"Stop," she said along with a soft moan when his hand moved to cover her breast.

"You don't mean that," wika nito sa pagaw na tinig. He raised her pajama top at hinalinhan ng bibig ang kamay.

"Then don't make me say something I don't mean..." She arched against him and offered more, habang marahang inuusal ang pangalan nito.

Aidan had expected the pleasure and he had known it would be heaven in her arms. But he'd never expected there would be pain in wanting her. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya, his body ached for a woman. His blood burned and was pounding in his head and in his veins. 

He hated rough sex, subalit sa mga sandaling iyon he felt like ripping her clothes off. Patience and self-control made him not to do so. 

She seemed so small against him. She felt so fragile. Nadadama nito sa mga palad ang tibok ng puso niya. And he could imagine making sweet and slow love to her right now. Danielle, provocative, tempestuous images that were every bit dangerous, tulad ng kinakaharap ng dalaga sa kasalukuyan.

He could take her now. Napakadaling gawin. It was damn tempting. Iyon ang iniuutos ng katawan at isip nito. And it was also damn wrong, to take advantage of a confused and scared woman na nagkanlong at sa kanya tumakbo sa oras ng panganib.

Humiwalay ang mga labi nito mula sa dalaga at isinubsob sa leeg niya. Tila naghahabol ng paghinga. After a long aching moment, nag-angat ng katawan si Aidan.

"A-Aidan?" Her eyes wide, confused with desire, habang nakatitig sa kanya.

Inilagay nito ang nanginginig na mga daliri sa mga labi niya upang awatin ang ano pa mang tanong na ibabangon ni Danielle.

"But—I don't understand..."

"Ako rin, Dani... ako rin." Isinuklay nito ang mga kamay sa buhok. Pagkuwa'y nilingon siya at inayos ang pajama top niya na tumaas hanggang dibdib.

"T-then why?" Hurt in her voice. "Y-you don't find me desirable enough?"

Gusto nitong matawa sa tanong na iyon... para sa sarili. Pagkuwa'y itinaas ang kamay at hinaplos ng likod ng palad ang pisngi niya.

"I'm seldom very noble, Dani. Today must be one of them." Pagkuwa'y nilingon ang tray ng almusal. "Malamig na ang kape at pagkain mo. Ipakukuha ko sa katulong iyan at papapalitan ng iba."

Nanatili siyang hindi nagsasalita kahit nang tumayo si Aidan at humakbang patungo sa pinto at lumabas. Banayad nitong isinara ang pinto.	Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya at tumitig sa kisame. Hindi pa namamatay ang apoy na sinindihan ni Aidan sa katawan niya. She'd been hovering on the brink of madness, kaunti na lang at nagpaangkin na siyang tuluyan dito. At the glorious and frightening moment in time, she would have gone willingly.

But just as she had been about to give herself up, pinakawalan siya ni Aidan. She felt embarrassed and ashamed. Kusa siyang nagpatangay... matinding tumutugon sa bawat dantay ng mga labi at kamay nito sa katawan niya.

"G-ganoon ba ako?" she asked herself miserably. Naalalang boyfriend niya si Calvin. Had she been that passionate to Calvin as she had been with Aidan?	She wanted to erase from her mind the heated kiss... Gusto niyang ituon ang kaisipan sa suliraning kinakaharap kaysa sa kasiyahang nadarama niya tuwing nakikita niya ang binata.	Why, she could be falling in love with him already.

Namangha siya sa daloy ng isip niya. Pilit niyang sinisikil ang pagkalat ng damdaming iyon sa kaisipan at puso niya. 

Mabilis siyang tumayo upang ayusin ang sarili. Kailangan niyang bumalik sa Sta. Rosa. She must be very foolish to think na may anino siyang nakita sa loob ng bahay nang nakabitin siya sa balustre. For all she knew, reflection lang iyon ng mga puno sa dilim tulad ng una niyang naisip. And she was glad she didn't tell Aidan about it.

***********************Naku, mukhang nalalapit ang pagtatapos ng kuwentong ito. :( Ngayon pa lang nalulungkot na ako para kay Danielle at Aidan. Pero mas nakakalungkot yung namimiss ko kayo char hahahaha - Admin A **************

30

“DANIELLE, hija!” bulalas ni Jewel nang makita siya. Kunot ang noong hinagod ng tingin ang ayos niya. “Dito ka ba nagpalipas ng gabi? Ano ang nangyari at marumi ang pantulog mo?” Nahihiyang nagpaliwanag si Danielle.

"I panicked. Hindi na ako nag-isip at agad na dito nagpunta. I'm sorry if I have always been a bother to—"

"Nonsense! At tama ang ginawa mo," wika ni Jewel sa nagsisimpatyang tinig. "Hindi biro ang dinanas mo. You could have died in that fall. Bagaman nakapagtatakang hindi mo nagising ang matandang katiwala ninyo?"

Kanina'y pumasok sa isip niya iyon. Bakit hindi yata normal ang pagkakatulog ni Tata Marcos at hindi niya nagising sa kabila ng naghihiyaw siya at niyugyog pa niya ito.

"C'mon and let's have lunch together," untag ni Jewel sa pag-iisip niya. Inakay ang dalaga patungo sa dining room. "It's almost lunch time and I'm sure you've missed breakfast." 

"H-have you seen Aidan?"

"Nagpaalam sandali," sagot nito habang hinihila ang silya. "Kakausapin lang daw si Kurt. Kilala mo si Kurt, 'di ba?"

"I've heard Aidan spoke of him but I haven't met him personally." She sighed. Umaasa siyang makita ito bago siya umalis. Nag-angat siya ng paningin kay Jewel. "Hindi ko na hihintayin ang pagbabalik ni Aidan, ma'am. Gusto kong makauwi at makapagbihis. Tuloy ipaaayos ko ang balustre kay Tata Marcos..."

"Bakit hindi mo na lang hintayin si Aidan at nang maihatid ka?"	Tipid siyang ngumiti. "It's okay. Dala ko ang lumang pickup. Tatawagan ko na lang siya pagdating ko..."

PASADO alas-dos na nang makarating siya sa bahay sa Sta. Rosa. Sinalubong siya ni Tata Marcos nang marinig ang pagparada ng sasakyan.

"Bakit may naghihintay na taxi, Tata Marcos?" tanong agad niya nang makita ang taxing nakaparada sa harap ng bahay.

"Ipinatawag ng tiyahin mo sa akin nang mainip sa paghihintay sa iyo. May kinse minutos nang naghihintay ang taxing iyan. Saan ka ba galing bata ka? Ano ang nangyari sa balustre sa itaas?"

Nagbuntong-hininga ang dalaga. Humakbang patungo sa bahay. "Mahabang kuwento, Tata Marcos. At sisitahin ko kayong talaga dahil—"

"Well, I'm glad you're back, Danielle!" ani Ofelia sa nanlilisik na mga mata. "Kanina pa kita hinihintay..."

Nahinto sa bungad ng pinto si Danielle nang makita ang bagaheng nasa paanan nito. 

"Napapagod na ako sa kasusunod sa iyo, Danielle! Kung hindi lang ako nangako sa ina mong hindi ka pababayaan ay wala ako rito. Now, I'm tired and fed up. Babalik na ako sa Kentucky. Bahala ka sa buhay mo. Hindi ko naiintindihan ang drama mong pagtungo rito sa Pilipinas at ang kunwa'y amnesia mo. Grow up, Danielle. Huwag mong ipaubaya sa akin ang kompanyang iniwan sa iyo ng mga magulang mo... I have my own life, too!"

"I–I am not faking my—" 

"Dalhin mo ang maleta ko sa taxi, Marcos," utos nito. At ang ano mang ipaliliwanag ni Danielle ay nabitin sa lalamunan niya dahil tumalikod na ang babae.

Malayo na ang taxing sinasakyan ni Ofelia ay nanatiling nakatanaw sina Danielle at Tata Marcos.	Ang lalaking may kung ilang araw nang nasa silid ay nakatanaw din sa pag-alis ni Ofelia mula sa ikatlong palapag ng bahay. Kailangan niyang maghintay ng pagdilim bago isagawa ang balak. 

Pero may palagay siyang hindi niya mahihintay ang pagdilim. Naiinip na siya. Tulad ni Ofelia, gusto na rin niyang magbalik sa bansang pinanggalingan. 

************************************Kaninong story ang gusto n’yo mabasa next after nila Daniella at Aidan? Yung kwento ko ba char hahahaha.  Kumusta kayo mga beshie? - Admin A *************

31

“NANGANGAILANGAN na ng maraming karpintero ang bahay na ito ng lola mo, Danielle,” umiiling na wika ng matanda nang ikuwento niya rito ang pangyayari kagabi. “Mabuti at hindi ka nasaktan kung hindi’y hindi ko mapapatawad ang aking sarili. Dapat ay sinuri kong mabuti ang kabahayan…”

"Huwag na ninyong sisihin ang sarili, Tata Marcos. Ang mahalaga'y ligtas ako." Hindi na niya sinita ang matanda kung bakit napakahirap nitong gisingin. 

Tiningala ng matandang lalaki ang balkonahe. "Aayusin ko ngayon ang balkonahe bago dumilim. Pupunta ako sandali sa hardware diyan sa may bungad ng subdivision upang bumili ng kahoy."

"M-may pera ho ba kayo?" She didn't get the chance to check kung may pera siya. "Wala pa rin akong maalala, Tata Marcos..."

"Huwag mong alalahanin. Malaki pa ang natitirang pera mula sa ibinigay ng abogado ng lola mo para sa pagmimintina ng bahay at mga kasangkapan." Lumakad na ito patungo sa pickup.	Nanatili siyang nakatayo sa ibaba ng balkonahe at tiningala iyon. Nanayo ang mga balahibo niya sa taas niyon. Kung tuloy-tuloy siyang bumagsak, at sino ang nakakaalam kung saan tatama ang katawan niya, malamang na nanganib ang buhay niya.

Nilingon niya ang punong-bayabas sa tabi. She sighed. Kung wala iyon ay malamang na napahamak na siya.

Patamad na pumasok sa kabahayan ang dalaga. Nagtuloy siya sa silid niya sa itaas. Kumuha ng tuwalya at bathrobe sa lumang aparador upang maligo. Lumabas siya ng silid upang tunguhin ang banyo sa may dulong pasilyo. Nasa pinto na siya ng banyo nang matuunan ng pansin ang silid malapit sa hagdan patungo sa ikatlong palapag. Sa silid na iyon niya nakita ang anino.	Alam niyang walang tao roon, gayunma'y humakbang si Danielle patungo sa silid. Walang ingay niyang inikot ang doorknob. Itinulak pabukas. Sinalubong siya ng amoy ng lumang silid na hindi nagagamit. 

It was empty, tulad din ng ibang mga silid sa malaking bahay na iyon. Ang mga kasangkapan ay natatakpan ng kumot upang hindi masira ng alikabok.

She sighed. Nang makarinig siya ng ingay sa may kisame. Napatingala siya. Then she shrugged her shoulders. It was an old house at binabahayan na ng mga daga. She was about to close the door when she heard that faint sound again.

Nagsalubong ang mga kilay na tumingala siyang muli. Hindi iyon ingay ng mga naghahabulang daga. She stilled herself to listen.

Mga yabag! Mga yabag ng paa ang naririnig niya kung hindi siya nagkakamali. Palakad-lakad. Ang silid na iyon ay katapat mismo ng silid sa itaas!	May tao ba sa third floor? Ang alam niya'y tambakan iyon ng mga lumang gamit, ayon kay Tata Marcos.

Umaahon ang kaba sa dibdib niya habang isinasarang muli ang pinto. 

Slowly, humakbang siya patungo sa hagdanan at dahan-dahang pumanhik habang tila magigiba ang dibdib niya sa matinding kaba. Isang hakbang na lang at nasa landing na siya nang makita niya ang pag-ikot ng doorknob at ang tila maingat na pagbubukas ng pinto.	She held her breath.

"You!" bulalas niya nang mula sa pinto ay lumabas ang lalaki. 

Nahinto sandali ang lalaki na tulad ni Danielle ay nabigla rin. Hindi inaasahang mabungaran siya roon. Subalit sandali lang ang pagkabigla ng lalaki. Isang ngiti ang pinakawalan nito.	"Hello, Danielle..."

"P-paano kang narito?" She knew him to be in her mother's house in Kentucky. Napapikit si Danielle. Muling nag-flash ang mga tinig sa isipan niya. Umiikot ang paningin niya. Mahigpit na napahawak siya sa railing ng hagdan.

"You're out of your mind, Calvin! You were taken by a pretty face. Nakalimutan mo na ba ang salaping nakuha mo sa akin? O baka naman gusto mong solohin ang salaping mamanahin niya?"

"I'll pay you back, Damon. Pinagsisihan kong pumayag ako sa gusto ninyong mangyari. Kalimutan ninyo ang plano ninyo o makararating sa mga awtoridad ang lahat ng ito!"

"Hindi mo magagawa iyan dahil papatayin na muna kita!" 	Pinagpawisang tumingala si Danielle sa lalaki sa nanlalaking mga mata. "I-ikaw ang kausap ni Calvin sa bahay niya!"

"So you remembered, eh," nakangising sabi nito. 

"And you... killed him. You killed Calvin!" 

"That stupid fool deserved to die!" he scoffed. "Everything would have been according to plan kung hindi siya tumakas na kasama ka. Naakit mo si Calvin, Danielle. Hindi na niya gustong tumupad sa usapan..."

"U-usapan...?" She was frightened. Subalit hindi niya magawang kumilos. Curiosity got her.	"He was supposed to marry you, Danielle... then kill you slowly... tulad ng ginawa namin sa mama mo—"	"Pinatay mo ang mama!" 

"Did I give myself there? Oh, well... nasabi ko na rin lang, you might as well know that we poisoned your mother slowly. Sa paraang hindi makahahalata kahit na sino..."

"Oh!" nanlulumong bulalas niya. Ang takot ay nahalinhan ng matinding poot. Patakbong sinugod ang lalaki at pinagsusuntok. "Bastard! Murderer!"	The man grabbed both her hands at malakas na tumawa. "Poor little Danielle. Tsk... tsk... Ano ang magagawa ng mga suntok mo sa akin, ha, Danielle?"

"I hate you! I have always hated you! Alam kong hindi ka mapagkakatiwalaan at alam ng mama iyon. Pero hindi ko alam kung bakit napapayag mo siyang pakasalan ka!" humihingal niyang sabi. Nagpilit siyang pakawalan ang mga kamay mula rito.

"Hindi mo alam?" Nakangisi itong niyuko siya. Isang halik sa sentido niya ang akmang gagawin nito na agad naiwasan ni Danielle. His mouth landed on her hair. "Ikaw ang dahilan, my dear. She was protecting you. I threatened her that I'd hurt you if she didn't marry me..."

"Hayup! Hayup!" she screamed furiously. Pagkuwa'y nahinto siya sa pagpalag nang biglang may magdaan sa isipan. Nanlalaki ang mga matang tiningala ang lalaki. "Y-you said 'we.' Sino ang kasama mo sa pagpatay sa mama ko?"

Umangat ang mga kilay ng lalaki. "Haven't you guessed yet?" 	Sandaling kalituhan ang gumitaw sa mukha niya. And as realization dawned, she gasped in horror. "No!"	"Yes, my dear..." tuya nito. 

"She... she was my mother's step-cousin..." hindi makapaniwalang usal niya. Then another flashes came to her mind. Don't trust him, Dani. Be careful... I saw Ofelia and Damon together... in her room. It was horrible! 

"Why? Why, Damon?" 

"Ofelia's my wife, Danielle," pagtatapat nito. 

"Wife!" bulalas ng dalaga. "B-but you... you married my mother!"	"And hated every minute of it!" he spat. "My marriage with your mother may not be legal pero sino ang nakakaalam? Ang importante'y ang appointment ko bilang CEO."	Danielle was speechless for a moment. Ni hindi niya gustong unawain ang mga salitang narinig mula kay Damon. Pinagtawanan ni Damon ang kalituhan sa mukha niya.

"But why?" muling usal niya.

"Oh, well, dead people don't tell tales, do they? And you will die soon, so I'd rather let you in to our little secret, Danielle," nakakalokong wika nito. "Ofelia spent her life serving Worth Chemicals, now W&W Laboratories. It was through Ofelia that your father met your mother when Samuel was just a striving chemist. Your father was very good in his job and the Worths were impressed. They made him a partner. Bilang pagtanaw ng utang-na-loob, nangako ang daddy mo kay Ofelia na isusuhestiyon niya sa mga Worth na bigyan siya kahit kaunting share sa stocks bilang isa sa mga pioneer ng kompanya. It wasn't that unusual dahil iyon ang ginagawa ng mga Worth. 

"Then your father had also promised to promote Ofelia to a supervisory position. That last promise made Ofelia so excited and looked forward to it. Kinaiinggitan niya ang pagtawag ng mga tao ng 'ma'am' at 'Miss Samantha' sa pinsan niya. And she would soon be like her. But Samuel didn't keep his word! Hindi kayang salungatin ng ama mo ang pagtanggi ng mga Worth na magkaroon ng share of stock si Ofelia, no matter how small that would be! 

"At sa tingin ng mga Worth ay hindi ang uri ni Ofelia ang nababagay sa mataas na posisyon sa kabila ng maraming taong paglilingkuran sa kanila!" Tumiim ang mga bagang nito. Nanlisik ang mga mata.

"Dahil nakita ng mga Worth na hindi siya nararapat at kung anong uri ng tao siya!" 

Hindi pinansin ni Damon ang sinabi niya at nagpatuloy. "Ofelia forgave Samuel and Jericho Worth for that at nagpatuloy sa paglilingkod bilang clerk. Pero nang dahil sa kaunting pagkakamali'y ipakukulong siya ng magkapatid na Worth." Muling tumiim ang mukha nito. Tila kailan lang nangyari ang sinasabi. Si Ofelia, takot na takot at umiiyak.

"It was your fault, Damon. Kung hindi sa walang katapusang pangangailangan mo ng pera, sana'y hindi nangyari ito. Alam nilang ako ang nagnakaw ng formula. I've been with the company for years and yet I wasn't aware of that hidden camera!"

"Calm down, Ofelia," payapa nito sa babae. "Alam ba nilang ipinagbili mo ang formula sa kalabang kompanya?"

Umiling ito. "They would soon know kung hindi ko ibabalik sa kanila iyon. O, Damon, do something. The scandal will ruin me. Masasayang lahat ang mga pinaghirapan ko. Makukulong ako! And I'd rather die than go to jail. At ikaw? Paano ka kapag nawala ako? You can't even afford a decent meal for yourself!"

"What about Samantha? Have you asked her to help you? She could bail you out of this through her husband..."

"Nasa Pilipinas sila. At ayokong ipaalam! Ayokong makarating sa mga Wilding ang nangyari. Lilibakin ako ni Samantha!" she screamed hysterically. "Lalo lang akong magmumukhang hamak sa paningin niya! Tauhan ng asawa niya, ng mga Worth! Isa pa'y hindi ako nakatitiyak na may maitutulong siya sa akin. That formula was Worth Chemical's breakthrough! And now I'm doomed, Damon!"

"Ano ang suhestiyon mo para hindi ka maipakulong ng mga Worth at hindi makarating sa mga Wilding ang ginawa mo, Ofelia?" 

Sandaling tumiim ang mukha ni Ofelia. Pagkatapos ay makahulugang tinitigan ang Mehikanong asawa. "Utang mo sa akin kung ano ka ngayon, Damon... Huwag mong kalilimutan iyan!"

He gave a harsh laugh. Pagkuwa'y pahiklas na hinila ang babae at mahalay na hinagkan sa mga labi. Pagkatapos ay nag-angat ng mukha. "Hindi ka makapagtatapos ng pag-aaral, my dear, kung hindi sa mga kulimbat ko. Natupad ang ambisyon mong mapasok sa isang opisina at nakapagsusuot ng mamahaling damit. At hanggang ngayon ay nasa gutter ka pa rin kung hindi dahil sa akin."

Her hand moved down to the middle of his thigh at patuyang ngumiti. He groaned, both in pleasure and in frustration. "You love me, Damon. Walang ibang babaeng magmamahal sa iyo tulad ng pagmamahal ko sa iyo. Hindi mo kayang ipaalam sa ibang babae ang kapansanan mo, 'di ba? At kung hindi mo gagawan ng paraan ang problema natin, mawawala ako sa iyo."

His face hardened. 

"A thief and a murderer!" 

Isang sampal ang ibinigay sa kanya ni Damon dahil doon. Stars exploded behind Danielle's lids. 	"Ni hindi nakita ng mga Worth ang haba ng paglilingkuran niya. Kung hindi ko ginawan ng paraan, it would have destroyed her! And I couldn't have allowed that to happen. She was all that I have. Kung hindi sa salaping nanggagaling sa kanya'y matagal na akong namatay sa loob. I was on parole when it happened..."

"At dati ka nang kriminal noon pa man! At isiping nagpanggap kang disenteng tao!"

"Mahusay ako roon, 'di ba, Danielle?" Ngumisi ito. Tila ba ipinagmamalaki sa kanya ang mga nagawa. "Dahil din sa maniobra at impluwensiya ni Ofelia sa mommy mo kaya napasok akong empleyado sa kompanya. Hindi niya magagawa iyon kung ang mga Worth pa ang namamahala. At ang tanging nagawa ng ama mo kay Ofelia nang mawala ang mga Worth ay ang promotion. And when your father died he left her nothing. Wala kahit na isang sentimo. Iniwan niyang lahat ang buong kompanya sa inyong mag-ina at sa anak ni Worth na nawawala! Ang istupidong ama mo'y naniniwalang maaaring buhay pa ang anak ni Jericho Worth!"

"And so you and Ofelia slowly poisoned my mother." She gritted her teeth. Nagpupuyos ang dibdib sa matinding poot. "Thinking that Mommy would hand you in silver platter my inheritance by threatening her about me. Hindi ninyo naisip na bahagi lamang ng kompanya ang pag-aari ng daddy; that when the Worths made my father a partner, he hadn't got a cent but his brain and so he couldn't have possibly owned the company. 

"Nakalimutan n'yo rin ang mga abogado ng mga Worth. At dahil isa ka lamang walang pinag-aralang mamamatay-tao... and Ofelia was nothing but a brainless ambitious woman, she never bothered to read the corporate profile, never bothered to—"	Hindi niya natapos ang sinasabi niya. Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Damon sa kanya na nagpawala sa balanse niya at bumagsak siya sa sahig.

"Maaaring naisahan kami roon. Subalit tinitiyak ko sa iyong mapapasaaming lahat ang share ng mga Wilding, Danielle. Your father had been stupid enough to have included in his testament that should your mother and you expired, mauuwi sa malapit na kamag-anak ang share niya sa kompanya. At si Ofelia iyon..."

Dinaklot siya nito sa mga balikat at itinayo. She turned pale as she saw the ugliness in his face.

"Yes, Danielle. At sa susunod na magkikita kami ng abogado ng mga magulang mo'y masasalin kay Ofelia ang bahagi ng mga Wilding sa kompanya..." Humigpit ang hawak nito sa braso ng dalaga.

"Bitiwan mo ako!" Kumuha siya ng buwelo at inipong lahat ang lakas at pagkuwa'y itinaas ang tuhod sa gitna ng mga binti ni Damon. 	Hindi iyon gaanong malakas subalit sapat upang mabitiwan siya. Tinakbo ni Danielle ang hagdan pababa sa second floor. Umiikang humabol si Damon.

"I'll wring your neck, bitch!"

Halos magpang-abot sa pasilyo ang dalawa. Nasa bungad na siya ng hagdan patungo sa ground floor nang mahagip ni Damon ang buhok niya. Napatili sa sakit si Danielle.	Kapaparada lang ni Tata Marcos ng sasakyan nang maulinigan ang tili ni Danielle. Kunot ang noong nagmadaling pumasok sa bahay ang matanda. 

Mula sa ibaba'y natanaw nito sa may balustre sa itaas ang panlalaban ni Danielle sa lalaking hindi nito kilala. Kinakaladkad nito ang dalaga patungo sa silid niya.

Tinakbo ng matandang lalaki ang hagdan. Nang mahagip ng paningin ang isang pigurin sa tabi ay dinampot iyon at dinalawang hakbang papanhik ang mga baitang.

"Bitiwan mo siya!" sigaw ni Tata Marcos. Kasabay ng pagtaas ng pigurin upang hampasin sa ulo si Damon ay lumingon ang huli na nagpangyari upang sa balikat ito tamaan.

Nabitiwan ni Damon si Danielle. Hindi kalakihan ang pigurin at malaking tao si Damon. Sanay sa pakikipaghamok. Hindi nito gaanong ininda ang sakit ng pagkakabasag ng pigurin sa balikat nito. Poot na nilingon nito si Tata Marcos at buong-lakas na itinulak sa pagkabigla ng matandang lalaki.

Tuloy-tuloy na gumulong sa hagdan si Tata Marcos.

"Tata Marcos!" 

*************Grabe ang mga ganap dito asan ka na ba bebe Aidan T_T. - Admin A ***************

32

“OH, GOD!” sindak na usal ni Danielle. Halos pagapang niyang sinilip si Tata Marcos sa bungad ng hagdan. Nakabulagta sa ibaba ng hagdan ang matandang lalaki.

“Don’t worry, hindi ganyang kamatayan ang daranasin mo,” wika ni Damon na hinawakan siya sa magkabilang balikat at itinaas.

Sa kabila ng nanghihina na siya sa panlalaban at sa sindak sa nangyari kay Tata Marcos ay patuloy sa panlalaban si Danielle. Nakalmot niya sa mukha si Damon.

"You b—" Isang malakas na sampal ang pinakawalan nito na halos magpawala ng ulirat niya.

Pakaladkad siyang dinala ni Damon sa silid niya. Inihiga sa kama at nang magtangka siyang bumangon ay muli siyang inundayan ng sampal.

"Bakit mas gusto mong nahihirapan, Danielle?" There was an ugly expression on his face. "Why don't you beg me to spare your life. Magmakaawa ka!"

"You'll never get away with this, Damon!"	He sneered. "I've done away with many murders, my dear. Ipinangako ko sa sarili kong mamamatay na muna ako bago ako babalik sa kulungan!" Hinablot nito ang kumot at itinali ang mga kamay niya sa rehas na kahoy ng headboard.

"W-what are you doing?" Ang poot ay nahalinhan ng takot. She'd rather die kaysa pakialaman ang katawan niya ng lalaking ito.

Nabasa ni Damon ang nasa mga mata niya. Paismid itong tumawa. "Your money is more appealing to me than your virtue, Danielle."

Pagkasabi niyon ay lumabas ng silid si Damon. Pinilit ni Danielle na makawala sa pagkakatali ang mga kamay niya. Pumihit siya upang sa pamamagitan ng bibig ay makalas ang kumot. Subalit mahigpit ang pagkakabuhol niyon. 

Mula sa ibaba'y naririnig niya ang mga ingay ng mga cabinet na binubuksan at pahampas na isinasara; ganoon din ng ingit ng screen door at ang pagbagsak nito.	Pagkatapos niyon ay ang tila pagbuhos ng tubig. Narinig niya ang mga yabag ni Damon paakyat sa hagdanan. Then she smelt gasoline.

Gasoline!

She struggled to be free in horror. Binubuhusan ng gasolina ni Damon ang buong bahay. Susunugin nito ang buong bahay! At kasama siyang masusunog!	Muling lumitaw sa pinto si Damon. Nakangisi ito at may hawak na lata ng gasolina. Paikot nitong binubuhusan ang buong paligid.

"Hindi ako ganoon kasama, Danielle," nakakalokong sabi nito. "Hindi ko bubuhusan ng gasolina ang kama mo para magkaroon ka ng pagkakataong maramdaman at panoorin ang apoy sa paligid mo. At sisimulan kong sindihan ang hagdanan pagkababa ko. Kakalat ang apoy patungo sa iyo at sa ibang bahagi ng bahay." Inihagis nito ang lata sa sahig at pagkatapos ay tumalikod. "'Bye, Danielle. By this time tomorrow, nasa Kentucky ako..."

Ni hindi niya makuhang sumigaw sa matinding poot at takot. Again, nagpilit siyang makawala mula sa mahigpit na pagkakatali.

Sa ibaba ng hagdan ay inismiran ni Damon ang nakabulagtang si Tata Marcos. Dinukot ang lighter sa bulsa upang sindihan ang hagdanan nang mula sa nakabukas na pinto sa sala ay sumungaw si Aidan.

"What is going on here?" Ang mga mata niya'y napatuon sa nakabulagtang katawan ni Tata Marcos. 

Lumingon si Damon. Sandaling nalito. Hindi inaasahan ang pagdating ng ibang tao.

Si Aidan ay itinulos sa pagkakatayo. Napahawak sa panel ng pinto. Napapikit ang mga mata at sa sandaling iyon ay gumitaw ang eksena may labing-pitong taon na ang nakalilipas. 	An eleven-year-old boy watched his parents' dead bodies mula sa likod ng malaking puno. His sister Caroline's... his aunt's and uncle's... his grandparents'... and the Mexican man on the car, watching the slaughter of his whole family.

He opened his eyes abruptly. Ang mga mata niya'y sumusuyod sa kabuuan ng mukha ng lalaki. Si Damon ay kumunot ang noo sa pagkakatitig ni Aidan dito. 

Aidan could never be wrong! Sa kabila ng pagkalito kung ano ang ginagawa ng taong iyon sa mismong bahay ni Danielle, ay naroon ang katiyakang hindi maaaring makahawig lamang ng taong ito ang may kagagawan sa pagkapaslang sa mga magulang niya. Nakatatak na sa isip niya ang mukhang iyon. Ni hindi nagawang burahin ng nakalipas na mga taon ang pagkakaukit ng anyo nito sa isip niya.

Seventeen years older but he was the same man. And now he came face to face with his parents murderer. Kung paano at bakit ito naroroon ay hindi mahalaga. 

"Who are you?" His voice trembled with controlled fury. Inihanda niya ang sarili sa pagkakataong ganito subalit hindi niya inaasahang ganito katindi ang magiging damdamin niya. Nang may umagaw sa isip niya. Tumingala sa itaas. "Where's Danielle? Danielle!" he shouted her name. "Danielle!"

Mula sa itaas ay narinig ni Danielle ang tinig ni Aidan. She shouted back. "Aidan! Susunugin niya ang buong bahay!"

Iisang linya na lang ang mga mata ni Aidan sa pagkakatitig sa lalaki na itinaas ang lighter, flicked it, at lumitaw ang apoy.

Ngumisi ito sa kanya. "You can't deal with the fire and me at the same time, lover boy," wika nito. At pagkuwa'y idinikit sa balustre ang apoy sa lighter at agad na nagsindi ang lumang kahoy.

Walang salitang sinugod ni Aidan ang lalaki na panatag na kayang-kaya nito ang kalaban. Taller though, Aidan was young and a rich man's son. His muscles were earned through the gym. Hindi kakayanin ni Aidan ang katulad nito na bagaman matanda sa kanya nang maraming mga taon ay sanay sa pakikipaghamok. He could easily defeat him. At masusunog ang katawan ni Aidan sa loob ng bahay na iyon. Damon thought.

But little did he know that the young man was trained to fight and to kill. Na nadagdagan pa ng walang katumbas na poot para sa lalaki.

Naunang sumuntok si Damon subalit nakaiwas si Aidan at gumanti ng matinding flying kick. Bumagsak si Damon sa nag-aapoy na hagdan. He groaned in pain, at mabilis na iniwasan ang apoy na agad na kumalat paakyat sa hagdanan at sa paligid. 

"That's for Caroline, bastard!" poot nitong sabi sabay yuko sa katawan ni Tata Marcos nang makitang dadaanan ito ng apoy. Mabilis na hinatak palayo patungo sa may bungad ng pinto. Dinama ng kamay niya ang pulso nito sa leeg. Buhay pa ang matanda.

Bumalik siya sa hagdanan upang pumanhik subalit isang suntok ni Damon ang bahagya na niyang naiwasan. He struggled para manatiling nakatayo at nang muling sumugod si Damon ay sinalubong niya ito ng magkasunod na flying kick. Ang una'y tumama sa mukha nito at ang pangalawa'y sa sikmura.

Blood sputtered from his nose and mouth. Halos mawalan ito ng hininga sa matinding sakit.

Sinamantala ni Aidan ang pamimilipit ni Damon at tumingala. "Danielle, lumabas ka riyan! Kumakalat na ang apoy!" 

"I can't! He tied me up!"

He heard the panic in her voice. Fear consumed him. Hindi niya mapapanhik ang hagdanan dahil naroon na ang apoy. Marupok na ang kahoy at babagsak iyon anumang sandali.

Akma siyang tatakbo palabas nang mahawakan ni Damon ang paa niya. Muling nagpambuno ang dalawa.

****************Ang intense na talaga ng mga kaganapan dito HUHUHUHU - Admin A ***************

33

SI DANIELLE ay inubos ang lakas upang makaalis sa ibabaw ng kama. May pakiramdam siyang mapuputol ang mga kamay niya mula sa mga braso niya sa sakit. Sinikap niyang makaalis sa mismong gitna. Kalahati ng katawan niya’y nasa kama at kalahati’y nasa labas. Kailangang mahila niya palabas sa balkonahe ang kama. Hindi iyon nabuhusan ng gasolina ni Damon. Kahit paano’y maaantala ang pagkasunog ng buong paligid kung sakaling dumating na sa silid niya ang apoy. At bagaman mapanganib na bukas ang hangin para sa apoy, she had to take chances.

Mula sa nakabukas na pinto'y nakikita na niya ang paglalagablab ng pasilyo. Nalalanghap na niya ang usok. Nararamdaman na niya ang init. Butil-butil na pawis ang gumigiti mula sa kanya sa pagsisikap na hilahin ang kama patungo sa balkonahe. 

UMIIGTING ang mga bagang ni Aidan sa matinding pagpipigil sa sarili. It would be so easy to kill this man. At naipaghiganti na niya ang pamilya niya. But killing him would never bring them back.

"It would be a great pleasure killing you with my bare hands, bastard! Kay tagal kong pinangarap ang sandaling ito..." Nagtutumining ang poot niya sa dibdib, "ang maipaghiganti ang pamilya ko. But I am not a murderer like you!" 

"W-who... are... you?" Damon gurgled his words. He tasted his own blood in his mouth. Mas pipiliin pa marahil nito ang madaling kamatayan kaysa sa mga sakit ng katawang nararamdaman.

"Has the name Aidan Worth mean something to you?" Pabagsak niyang binitiwan si Damon na nakuha pang marinig ang sinabi niya bago ito tuluyang nawalan ng malay. 

TINAKBO ni Aidan ang pinto palabas. Nilampasan ang nakabulagtang katawan ni Tata Marcos, hindi niya kailangang magsayang ng sandali. Nakataya ang buhay ni Danielle. Subalit nanaig ang mabuting budhi. Binalikan ang matanda na bahagyang umungol. He pulled him out of the house, inilapag sa ligtas na lugar.

Tinakbo niya ang labas ng silid ni Danielle. Nakita nito ang apoy mula sa silid na katabi ng silid ng dalaga. He almost went out of his mind in fear for her.

"Danielle!" Nakita niya ito sa may bungad ng pinto sa balkonahe, nakayupyop sa kama ang kalahati ng katawan; nakatali ang mga kamay sa balustreng kahoy ng headboard.

Panic gripped him. Natanaw ang punong-bayabas, mabilis na tinakbo iyon at pinanhik. Hindi umabot ang malalaking sanga sa balustre ng balkonahe. Bibigay ang maliliit na sanga kapag tinuntungan niya at babalik siya sa lupa. Subalit maaari niyang talunin ang balustre malapit sa malaking puno, and prayed he'd get hold of the railings.

Iyon ang ginawa niya.

At gasino nang umabot ang isang kamay niya sa ibaba ng kahoy na balustre. But many years of rigid training made the task possible. Nangunyapit ang binata roon papanhik sa balkonahe. Hindi siya nag-aksaya ng sandali at tinakbo si Danielle. Nagliliyab na ang silid nito at nagsisimula nang pumasok ang apoy sa silid. Umungol ang dalaga sa matinding hapo at init. Ni hindi magawang iangat ang sarili mula sa pagkakalugmok.

"This isn't the time for feminine fainting spell, Danielle," marahas niyang sabi habang kinakalag ang pagkakatali ng kumot sa mga kamay nito. "Anumang sandali'y aabutan tayo ng apoy!"	Kung sa ibang pagkakataon narinig ni Danielle ang sinabi ni Aidan ay magagalit ito. But she had never considered life so precious until this very moment.

"Paano tayong bababa sa lupa?" she asked, tiniis ang pananakit ng kamay at braso.

"Itatali ko sa iyo ang dulo ng kumot at ibababa kita nang unti-unti." Itinatali na niya sa baywang nito ang kumot habang nagsasalita. "Now, slip your body down slowly. Hahawakan kita..." Nilingon niya ang silid. Mabilis na kumakalat ang apoy. Nararamdaman niya ang matinding init sa likod niya.

Unti-unti niyang ibinababa ang dalaga. Subalit hindi umabot sa lupa ang kumot dahil malaking bahagi nito ang nakonsumo sa pagkakatali sa baywang ni Danielle. At kalahati pa lang ng taas ay huminto na ang pagbababa sa kanya.

"Bibilang ako hanggang tatlo, bibitiwan ko ang kumot at tumalon ka!"	Nagpa-panic na tumingala sa itaas si Danielle. Pagkatapos ay sa ibaba. Malayo-layo pa iyon, dalawang metro humigit kumulang.

"You have to jump, dammit!" Alam niyang masasaktan si Danielle kung mapapasama ang bagsak. But he had no choice. 

"O-okay..."

"One, two... three!" Binitiwan niya ang dulo ng kumot na hawak kasabay ng pikit-matang pagtalon ni Danielle.

He heard her groaned in pain and cursed violently. "Tumakbo ka palayo! Gumapang ka kung kailangan!"

Sumunod ang dalaga na gapang-tayo ang ginawa sa paglayo. She was a few meters away nang lingunin si Aidan.

"Paano kang bababa, Aidan?! Malapit na ang—" Hindi pa natatapos ni Danielle ang sinasabi nang bumagsak ang bahagi ng balustre na katapat ng kabilang silid kasabay ng pagsiklab ng apoy palabas. 

She screamed his name and saw Aidan ran farther. Ang dila ng apoy ay unti-unti nang gumagapang palapit sa kinaroroonan ng binata.

Aidan braved the fire, bumalik sa tapat ng pinto ng silid ni Danielle at mabilis na hinatak ang kutson mula sa kama. Ang dulo nito'y may bahid na ng apoy. Inihagis niya iyon sa lupa. Nararamdaman niya ang init ng nagngangalit na apoy. Tila tubig ang pawis sa katawan niya sa matinding init. Ilang sandali lang at lalamunin na ng apoy ang buong balkonahe. 

Tinakbo ni Aidan ang kasunod na silid at tinadyakan ang pinto pabukas. Kinuha rin ang kutson mula roon at inihagis sa ibabaw ng naunang kutson. 

DANIELLE watched him horrifyingly. Dalawang magkapatong na kutson. But would it shelter his fall? Napakataas ng balkonahe.

Hindi pa natatapos ang iniisip niya'y nakita niya ang pagtalon ni Aidan kasabay ng pagsiklab palabas ng apoy mula sa silid. Inabutan ng apoy ang likod nito. She screamed.

He sommersaulted and landed on the ground with his feet but lost his balance and bounced and back again. Nagpagulong-gulong sa kutson upang patayin ang apoy na kumapit sa polo shirt nito. He was ripping his clothes off at the same time. Inihagis iyon sa damuhan.	Pagapang na nilapitan ni Danielle ang binata. 

"Oh god, Aidan, are you all right?" hintakot niyang tanong. Itinulak ito patalikod at sinuri ang likod nito. May bahagi ng buhok nito ang nahagip ng apoy. Sunog ang damit nito and part of his back suffered minor burns. Danielle cried in horror.

He reached for her neck and kissed her hard. Pagkuwa'y iglap ding binitiwan. "Never been all right, baby," he assured her bagaman nararamdaman na ang kirot ng paso. Mabilis na tumayo at hinila siya. "Let's get out of here fast!"

Kasunod siya ni Aidan na tinakbo ang entrada ng bahay. Nagtangka itong pumasok subalit sinalubong ito ng naglalagablab na apoy. Patakbo itong umikot sa likod upang maghanap ng madadaanan papasok subalit wala nang bahagi ng bahay ang hindi nilamon ng apoy.

Nanlulumong napaupo sa damuhan si Aidan. "Hindi ko siya nagawang ilabas!" 	Natitiyak ni Danielle na hindi si Tata Marcos ang tinutukoy ng binata dahil naroon pa rin sa damuhan ang matandang lalaki at wala pa ring malay.

"Hindi ko gustong sabihin ito, Aidan... but he deserved to die. He was a murderer..."

"Yes," sang-ayon nito. "He killed my family, too..." Puno ng panlulumo at galit ang tinig nito.	Napaluhod sa tabi ng binata si Danielle. Nagtatanong ang mga matang nakatitig dito. Nakasabog sa mukha ang mahabang buhok. Ang mapulang balat ay pinatinding higit ng init mula sa kapaligiran. Ang reflection ng nagngangalit na apoy ay nasa mga mata nito. It made him looked like an angry demigod.

"W-what are you talking about?"

He looked straight into her eyes. And in a voice filled with anguish, "I'm Aidan Worth, Dani..."

****************YES , Aidan you’re WORTH it char hahahaha. -Sana all may Aidan sa buhay nila. - Admin A *****************

************Happy Weekends mga beshie. Stay safe and God bless. Enjoy - enjoy din char hahahaha, landi-landi din kapag may time mga beshie hahahaha. - Admin A *********************

34

MARAMING sandali ang lumipas na walang salitang namagitan sa dalawa. Sirena ng bombero ay maririnig sa di-kalayuan. Naunang tumayo mula sa damuhan si Danielle na ang pagkabigla’y hindi gustong ipamalas.

“Let’s get out of here, Aidan,” she said gently. Hinila niya ito palayo sa natutupok na bahay. Narinig niyang humugot ito ng malalim na paghinga habang nililingon ang natutupok na bahay.

Binuhat ni Aidan si Tata Marcos at isinakay sa Ford Ranger nito.	"He's still breathing. May dugong natutuyo sa ulo niya. Umasa tayong hindi masama ang tama niya."

WALANG salitang namagitan sa dalawa hanggang sa makarating sa pinakamalapit na ospital. Agad na ipinasok sa ICU si Tata Marcos. Ginamot na rin ng mga doktor ang minor burns ni Aidan sa likod. At dahil hindi pa nila malalaman ang resulta ng pagkahulog ni Tata Marcos sa hagdanan ay minabuti ni Aidan na umuwi na muna sila.

Nasa daan na sila nang magsalita si Aidan. "Who was he, Danielle?" 

Huminga nang malalim ang dalaga bago sumagot. "Damon Gonzales..." At ipinaliwanag niya ang sirkumstansiyang nagpaugnay kay Damon sa kanilang mag-ina. "Calvin was a new employee, isang medical representative. He was so sympathetic and was always there to give me support when Mommy died. There was no courtship, basta na lang nagkaunawaang magkasintahan kami. Isang araw ay niyaya niya akong sumama sa kanya pauwi sa Pilipinas. It was so sudden, at bagaman nabigla ako'y naisip kong pagkakataon iyon upang maasikaso ko ang property na naiwan ni Lola. Ilang beses na akong pinadalhan ng sulat ng abogado...

"Subalit hindi pa kami natatagalang naririto sa Pilipinas ay dumating si Ofelia... and of course, si Damon, na lihim sa akin ang pagdating. We all know now why. Tinakasan sila ni Calvin. At pagkakataon na rin upang mawala ako sa landas nila. Nang hapong iyon ay may usapan kami ni Calvin na magkikita sa Starbucks. He sounded apprehensive... at nagmamadali. Hindi siya nakarating sa tagpuan so I went to his house.... at doon ko narinig ang usapan nila ni Damon. I recognized his voice. He always had that Mexican accent. Then I heard the shot. 

"Hindi ko napunang sumigaw pala ako. And they heard me. I ran. Though I didn't see him, alam kong hinabol ako ni Damon. Tumakbo ako sa lugar na maraming tao. Naramdaman kong may humablot ng purse ko. Ni hindi ko magawang sumigaw dahil makakakuha ako ng atensiyon, makikita ako ni Damon. Hindi rin ako makabalik sa bahay, naroon si Ofelia. Binalaan na ako ni Mommy tungkol sa kanila. Nang dumilim ay bumalik ako sa subdivision na tinitirhan ni Calvin. Gusto kong malaman ang nangyari sa kanya. I was tired and hungry and scared. I was on foot and it was dark, hindi ko nakita ang hukay para sa water pipe. Bumagsak ako roon at tumama ang ulo ko sa pipe..." Nilingon niya si Aidan na hindi siya inabala sa pagsasalita mula kanina. "You know the rest..."

Umigting ang mga bagang ni Aidan, muling gumuhit ang poot sa mga mata. Kung napatay ni Damon si Danielle, lumawak pang lalo ang kasamaan nito. 

Binasag ni Danielle ang katahimikang muling namagitan. "Hindi nawalan ng pag-asa si Daddy na buhay ka. Nabalitaan niya mula sa mga katulong ninyo na nalaman ng mga masasamang-loob na nasa attic ka lang pala ng bahay ninyo. Pero nakatakas ka sa kanila. I was only three when it happened but my father kept on repeating the story to us tuwing matatapos ang alinmang board meeting sa kompanya. 

"Ten years ago, nagpa-advertise ang daddy tungkol sa whereabouts mo. Many opportunists came forward. Some were even redskinned and claimed as Panther Walks. And I'm sure, ilan sa mga iyon ay inutusan ni Damon at Ofelia. Subalit walang pumasa sa huling pagsubok kaya itinigil na ni Daddy at ng mga abogado ang pag-aanunsiyo sa mga peryodiko..."

Kumunot ang noo ni Aidan at nilingon siya. "Ano'ng huling pagsubok?"

A faint smile came out of her lips. "Hindi ko maaaring sabihin sa iyo. You will soon know."	Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Aidan. "Hindi ka naniniwalang ako ang tunay na Aidan Worth?"

She smiled sweetly. Hinagod siya ng tingin. "I do, Aidan. Naniniwala akong ikaw ang totoong Aidan Worth. Subalit hindi paniniwalaan ng mga abogado ang salita at damdamin ko lang. Fair is fair, dadaan ka sa pagsubok..."

"Damn! I couldn't care less kung hindi sila maniniwala!"

"You'd care, Aidan," she said softly. "Dahil ikaw iyon... karugtong ng kahapon ang ngayon."

Nawala ang inis sa mukha nito. He sighed deeply. "Kay tagal kong pinaghandaan ang pagkakataong makatagpong muli ang pumatay sa pamilya ko. At hawak ko na sa mga kamay ko ang buhay ng lalaking iyon kanina... yet I couldn't kill him. Nagtatalo ang puso't isipan ko..."

"Because you're not like him. You're a good man. And I'm glad you didn't kill him yourself."

Again, he sighed deeply. "I guess I am, too. But I would never know his reason for killing my family."

Nilingon ni Danielle ang binata. "Inisip marahil ni Damon na hindi na ako makaliligtas sa gagawin niyang pagsunog sa bahay kasama ako kaya may mga ipinagtapat siya tungkol doon."

Sandaling inalis ni Aidan ang paningin sa daan at tinitigan siya. Then asked eagerly. "What about it?"

Sinabi niya rito ang tungkol sa pagnanakaw ni Ofelia ng formula. "Your father caught him stealing it, Aidan. Binantaan ng ama mo na ipakukulong si Ofelia kung hindi nito maibabalik ang ninakaw niya. But it was too late. She sold it to another company, a competitor. I guess she gave the money to Damon. Damon said something about his debt. He didn't elaborate. And Ofelia got hysterical. 

"Naalala ko minsan ang daddy na nagkomento tungkol sa isang secret formula na inumpisahan ni Jericho Worth. Hindi iyon natapos subalit bigla na lamang nawala. Dad even said the rest of the formula died with your father. It could have cured Alzheimer's disease. A few years later, isang kalabang kompanya ang naglabas ng gamot para sa Alzheimer's na bagaman hindi naman talaga lunas ay kailangan ng mga taong may ganoong sakit."

Tumaas ang dibdib ni Aidan sa paghugot ng paghinga. "Walang kabagay-bagay ang dahilan kaya nila pinatay ang pamilya ko." Nabasag ang tinig nito. Naapakan ang accelerator at bumilis ang takbo nila. 

Hinawakan ni Danielle ang braso nito. "Many people were murdered for less, Aidan... He killed my mother, too. Sila ni Ofelia..."

*********************Grabe ang daming ganap sa kuwentong ito ni Aidan, nakakalungkot lang na matatapos na pala story nila ni Danielle. Ngayon ko lang naalala na tunog babae pala talaga ang name ni Aidan tapos kapag nagpa long hair pa siya mukhang na talaga siyang babae nohh ? Ano sa tingin n’yo mga beshie? 

Kumusta ang weekends n’yo? Lumandi ba kayo char hahahaha - Admin A *****************

PS: Nalulungkot ako sa mga balitang nasagap ko this past few days, sana hindi kayo kasama dun sa mga nambabash, gusto ko lang mag-enjoy lang tayo dito sa pagbabasa. Iwasan natin ang pagiging toxic kasi toxic na ang mundong ginagawalan natin, huwag na sana tayong dumagdag pa. Maging kakaiba sana tayong mga readers ni Ms. MC. Hindi gugustuhin ni Ms. MC na makikipag-away tayo sa ibang fandoms. Gugustuhin ni Ms. MC na mas tuunan natin ang pagbabasa ng iba’t ibang akda para may matutunan tayo. Feeling ko, kung hindi natin gusto ang isang bagay o isang tao , huwag na sana tayong magsalita ng masama laban sa kanya o sa kanila, pwede tayong maging kritiko ng isang akda pero maging constructive sana para mas mag-improve pa tayo. Gusto kong iaangat ang ating pagbabasa at kaalaman kaya nga tinanggap ko ang pagiging isang Admin dito kasi alam ko gusto ni Ms. MC na ishare ang kanyang mga stories hindi lang sa atin kundi sa bagong henerasyon ng mambabasa. Kung hindi nila magustuhan ay ayos lang yun kasi may kanya - kanya tayong pansala sa mga akda na binabasa natin. Respect lang mga beshie yun lang at para tuloy tuloy lang tayo sa goodvibes. - Admin A *************** Ang haba pala ng note ko hahahaha char sorry na agad gusto ko lang ishare ang aking saloobin kasi nasasaktan ako sa tingin nila sa akin char #hugot101 hahahaha

35

GAYON na lamang ang pagkamangha ni Bernard nang malaman ang buong pangyayari.

"Hindi ko alam na sa limang araw na seminar ko sa Singapore ay napakarami nang nangyari dito..." Inakbayan nito si Aidan at pinisil ang mga balikat. "Gusto kong ipagpasalamat na natapos ang lahat ng bagay na bumabagabag sa iyo sa maraming taon, hijo. Bagaman hindi ko gusto ang parteng nalagay kayo sa panganib."

Tumango si Aidan. "I need your help, Papa..."

"Everything in my power is at your disposal, son."

"Salamat, Papa..."

SA AIRPORT sa Kentucky makalipas ang maraming oras ay sinalubong na ng mga police si Ofelia. She was an American citizen kaya sa state na iyon siya sasampahan ng kaso.

Naghisterya ito nang malaman ang nangyari kay Damon. She escaped from police custody and met her tragic death. Nagtatakbo ito at hindi naiwasan ang isang rumaragasang container van.

SI TATA Marcos ay idineklarang ligtas sa kamatayan. Sa pamamagitan ng abogado’y inayos ni Danielle ang kalagayan ng matanda. Ipinagkaloob dito ang malaking bahagi ng propriedad ng lola niya at sinasagot ang pagpapatayo ng panibagong bahay para dito. Sinang-ayunan ni Tata Marcos ang pagpapatayo ng panibagong bahay subalit tinanggihan ang paglalagay sa pangalan nito ng propriedad dahil wala naman itong kamag-anak pa. At kung sakali man ay kay Danielle rin nito iiwan ang lahat.

“YOUR father would have wanted you to take your place in the company, Aidan Worth…” Danielle said sadly.

It was breaking her heart leaving him. Pero hindi niya kailangang ipagsiksikan ang sarili niya sa lalaking hindi niya tiyak kung may pagtingin sa kanya o wala. Sa nakalipas na mga araw ay kasama at katulong niya si Aidan sa pag-aasikaso ng mga bagay-bagay. Subalit nakadistansiya ito. Nanatiling pormal. Tinutulungan na lamang siya sa gagawin niya dahil wala siyang ibang kakilala.

At labis siyang nasasaktan doon.

"My name's Fortalejo, Danielle... I've been a Fortalejo for seventeen years now. Hindi ko kayang iwan ang mga taong itinuring ko nang mga magulang at itinuring naman din akong tunay na anak."

"Hindi naman kailangang iwan mo sila, Aidan—"

"There's your flight now," he said in a hurry. Planted a chaste kiss on her forehead. "Take care of yourself always..."

Subalit kumapit sa leeg niya si Danielle at hinagkan siya sa mga labi. Madamdamin... mariin... namamaalam.

"I love you, Aidan Worth... Whether you want to hear it or not." Pagkatapos ay nagmamadali itong tumalikod upang huwag nitong makita ang nagbabadyang mga luha.

Nakatiim ang mukha ni Aidan habang sinusundan ng tingin ang papalayong dalaga. Gusto niya itong habulin at ikulong sa mga bisig subalit ipinako niya ang sarili sa kinatatayuan. Gulong-gulo ang isip at damdamin niya.

“’MORNING, ’Pa… ’Ma.”

"Maaga kang nagising, hijo..." ani Bernard nang bumaba sa almusal si Aidan.

"May iniaalok na bagong trabaho si Kurt, Papa. Patungo ako ngayon sa Escolta." Hinila nito ang silya at naupo. 

Sinalinan ni Jewel ng kape ang tasa nito. Tahimik nitong pinagmamasdan ang anak. Nangingitim ang mukha sa tumutubong stubbles. 

"Why do you have to work for Kurt, hijo, when you can work for Kristine or for Worth & Wilding..."

Nag-angat ng mukha si Aidan sa huling mga pangalang binanggit ni Bernard. "Papa?"

Nagkatitigan ang mag-asawa. Pagkuwa'y malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Jewel. Hinawakan sa braso ang anak. "Hindi mo man sabihin, alam kong ako ang iniisip mo, Aidan. Thank you, darling. Ang trabahong hindi ko lang gusto ay iyong trabahong pinili mo nang lumabas ka ng SEAL. Dahil ayokong isinusugal mo ang buhay mo nang ganoon lang..."

"You owned Worth & Wilding, Aidan. It may be small but is your birthright. At ayon sa imbestigasyon ko nitong nakaraang araw ay nananatiling nakatayo ang bahay ninyo. It was well maintained at may mga caretaker. Samuel Wilding saw to it..."

"Papa, itinataboy ba ninyo ako?" He sounded hurt and amused at the same time.

"Don't be such a fool, son," sagot ni Bernard, gumagaralgal ang tinig. "Alam mo ang katayuan mo sa pamilyang ito. Kapag nawala kami ng mama mo'y paghahatian ninyong magkakapatid ang Kristine Group of Companies. Totoong mauuwi kay Lenny ang kalakhang bahagi ng mga pag-aari ng Fortalejo bilang heir, iyon ang tradisyon, just as it is his birthright, too, at ng unang anak niyang lalaki and so on. But the rest of the Fortalejo fortune will all be shared equally among you, Julianne and Jessica..."

"I don't deserve it, Papa," protesta ni Aidan. "Hindi ko tatanggapin!" mariing sabi niya. Nilingon si Jewel. "Tama na sa akin ang uri ng pagtinging ipinagkaloob ninyong lahat. No one could be luckier..."

"This is an early dramatics!" kunwa'y pagalit na saway ni Jewel. Then smiled at her son tenderly. 

“Alam namin ng papa mong gusto mong balikan ang nakaraan, Aidan. Nakikita ko ang paghihirap ng damdamin mo nitong nakaraang mga linggo.. naiintindihan namin iyon. Hindi namin iyon ipagkakait sa iyo.”

"Mama..." 

"Go, Aidan. Alam kong hindi lang ang nakaraan mo ang gumugulo sa isip mo..." At kunwa'y may panghihinayang na humugot ng paghinga. "Mukhang ang dalawang dalaga ko na lang ang hindi pa nag-iisip na mag-asawa. Muling tinitigan ang anak. But I want you to remember, Aidan, this is always your home... ever."

Aidan was filled with so much emotions he could hardly speak. 

***********************Nakakalungkot bukas matatapos na ang kuwento ni Aidan parang ayaw ko na tuloy mag - update bukas char hahahaha. Stay safe and God bless mga beshie. - Admin A ********************

36

“YES? Can I help you, sir?”

Tinitigan ni Aidan ang nagbukas ng pinto sa kanya. Ito pa rin ang mataba, maitim, at maliit na babaeng natatandaan niya, except that she was older. Puti nang lahat ang buhok. At iyon pa rin ang suot nito, navy blue uniform na may puting collar at puti rin sa dulo ng manggas. At may suot pa ring apron na tila ba hindi kompleto ang attire kung wala iyon.

"Good morning, Mrs. Vale. May I come in?" 

"Do I know you, son?"

"Of course, you do." His face broke into a smile, habang patuloy na hinahagod ng tingin ang matandang babae. "Caroline and I used to pull your apron and hide it in the attic."

"W-who are you?" kinakabahang tanong ng matanda. Napaurong nang umabante ang binata at pumasok. 

May pananabik na iniikot ni Aidan ang mga mata sa kabahayan. Dinadampot ang mga bagay-bagay na nakikita at muli ring ibinabalik. Napatingala siya sa dingding malapit sa may hagdan. Naroon ang family picture nilang mag-anak. His throat constricted. May lungkot na humaplos sa dibdib niya subalit agad ding pinalis iyon. Nilingon niya ang matandang mayordoma.

"Nothing has change in the past seventeen years. This is how I remembered it was. Did you keep my bow and arrows, Mrs. Vale? Is it in my room?" Humakbang ito papanhik sa itaas. Inaasahang aawatin siya ng mayordoma. 

Subalit nanatiling nakamata lang ang mayordoma sa kanya. Nang magtuloy-tuloy siya sa pagpanhik, Mrs. Vale followed him upstairs in awe. Tinukoy ni Aidan ang sariling silid. Binuksan iyon. Tulad ng ibang bahagi ng bahay, walang nabago sa silid. Tila ba kagabi lang ay doon siya natulog. Naroon pa rin ang mga laruan niya. At sa isang sulok na mesa, ang pana at busog niya. Humakbang siya patungo roon at dinampot iyon at nanungaw sa bintana.

"Naalala ko nang unang ibigay sa akin ng Lolo ang panang ito," wika niya sa salitang English. "Tinira ko ang punong iyon, 'di ba, Mrs. Vale?" Itinuro nito ang apple tree sa di-kalayuan. 

Mayabong na iyon kaysa natatandaan niya. At tulad ng dati’y hitik sa bunga. Pagkatapos ay muling nilingon ang matanda. “Nasa ilalim ka ng puno at muntik na kitang tamaan. Then one time, ginamit ni Caroline ang panang ito… she hit your—” He laughed at the bittersweet memory at saka pilyong idinugtong, “sweet ass…”

Ang matandang babae'y nanatiling nakatanga. Ni hindi gustong kumurap. 	Dinampot ni Aidan ang isang lumang tassle sa ibabaw ng mesa. Itinali iyon sa noo paikot sa ulo. At pagkuwa'y gumawa ng ingay tulad sa isang Indian. It was a familiar sound. 	Humarap sa matanda si Aidan. "Say something, nanny nigger..."

"P-Panther Walks!"

"How are you, Mrs. Vale?" His voice soft and gentle.

Sa nanginginig na mga kamay ay itinaas ng matandang babae ang apron at pinunasan ang mga mata. "Is it really you, Master Aidan?" umiiyak nitong tanong.

Masuyong niyakap ni Aidan ang matandang babae. "I'm glad you're still here, Mrs. Vale."	Patuloy sa pagpupunas ng mga mata ang matandang babae bago nahihiyang humakbang patungo sa pinto.

"You must be very hungry. I made an apple cake this morning, your favorite, Master Aidan..."

He grinned. "Some things don't change, do they? Iyan pa rin ang dialogue mo tuwing dumarating ako..."

Magkahalong kasiyahan, lungkot, at pananabik ang nasa mukha ni Mrs. Vale. Tipid itong ngumiti. "A woman phoned in half an hour ago. She said Aidan Worth's a comin' home. I said one of those opportunists! Though she wouldn't lie to me, I don't want to believe her. Still I was so surprised when I saw you walked in."

Umangat ang mga kilay ni Aidan. His arms across his chest. "And who could have phoned you, Mrs. Vale?"
"I did."

Umangat ang mga mata ni Aidan sa ibabaw ng ulo ng mayordoma. Danielle smiled at him. His heart kicked into double time. It had been a month since they saw each other. And he missed her terribly.

"You just passed the last test, Aidan," nakangiting wika ni Danielle. 	He frowned. 

"Nanny nigger. Nobody calls me that, Master Aidan. Not even little Caroline. At kahit hindi mo pa ako natukoy sa tawag mong iyan, maniniwala akong ikaw ang tunay na Aidan Worth. Una'y ang pagtukoy mo sa aking—" The black woman grinned, "'sweet ass'. You said the same thing as if it happened only yesterday." Hinagod nito ng tingin ang binata mula ulo hanggang paa at pabalik muli sa mukha niya. "The family album is in the den, Master Aidan... inaalikabukan at binubuklat ko iyon sa nakalipas na mga taon. You're the spitting image of Laughing Bear when he was younger... Welcome home, Panther Walks." 

Sinundan ng tingin ni Aidan ang mayordoma sa paglabas nito. Napasandal siya sa bintana. Muli'y humaplos ang lungkot sa dibdib pagkabanggit sa abuelo. He filled his lungs with air, at itinuon ang mga mata kay Danielle.

Her hip-clad jean propped against the door jamb. Her eyes, the softest of brown, with a fleck of gold in her irises were filled with longing. Her hair, now a little bit longer, ay inililipad ng mabining hangin mula sa nakabukas na mga bintana.

She was a vision of loveliness.

"Paano mong nalamang dumating ako?" he asked, naroon ang pagnanais na tawirin ang distansiyang nakapagitan sa kanila at yakapin ang dalaga.

"Nag-overseas ang mama mo sa akin."

Bahagyang tumaas ang kilay nito. "A conspiracy."

She shrugged her shoulders, smiled shyly. "Shall I announce to the employees that Aidan Worth has finally arrived and is going to take his rightful place?"

"Of course," he said matter of factly. "At magpatawag ka ng meeting. I want to meet the board and the lawyers, too," he instructed formally, business-like.

Danielle bit her lip. Took a deep breath. "Is that all, sir?" Her voice was sarcastic.	Tumango si Aidan. "'Saka ko na iisipin ang iba pa."

She was hurt pero hindi niya gustong ipahalata iyon. Mrs. Fortalejo was wrong in her assumptions na siya ang pangunahing dahilan kung bakit naroon si Aidan. Pride ang nagpangyari upang hindi siya madaig ng damdamin. 

She raised her chin a fraction and squared her shoulders. She turned to leave, nang magsalita si Aidan. 

"Walang nabago sa silid na ito sa nakalipas na mga taon..."

Napatitig dito si Danielle. His eyes roamed the four corners of the room. Ang liwanag ng araw mula sa bintana'y nasa likod nito, making him looked like an Indian diety.

"Sinadya ni Mrs. Vale na huwag galawin ang mga gamit ng batang Aidan..."

"Hindi na ako bata ngayon. At gusto kong may mabago..." he said abruptly. His eyes on hers.	Danielle thought there was longing in his eyes. But of course, kay tagal na pinanabikan ni Aidan ang muling makatuntong sa bahay na iyon.

"Y-you can tell Mrs. Vale of the changes you want to make..."

"Gusto kong ikaw muna ang makaalam. Gusto kong palisin sa silid na ito ang malungkot na 

nakaraan. At gusto kong simulan iyon sa pamamagitan ng proporsal…“

"P-proposal?"

He regarded her for a heart-stopping moment and his lips curved into a slow, sexy smile. 

“Marriage proposal. Will you marry me, Miss Wilding?”

She gasped. Swallowed. Tears stung her eyes. "W-why?"

Umangat ang mga kilay ni Aidan. "Why?" he blurted. "Come here, Danielle," utos nito.	She walked slowly toward him, as if in a dream. Inabot siya ni Aidan at ikinulong sa mga bisig. Itinaas ang mukha at masuyong tinitigan.

"Because I love you... that is why. Hindi pa ba sapat ang dahilang iyan?"

Her eyes misty. "I thought I'd never hear it from you... I thought you don't want me..."

"I don't want you?!" kunwa'y bulalas nito. "Ikaw ang laman ng isip ko sa lahat ng oras, Danielle. Mula pa nang una kitang makitang nakaupo sa hospital stretcher... so lost, so helpless, so lovely... Now, will you marry me?"

"I've... I've heard that... that the Fortalejos married only innocent women..." her voice husky.	Kumunot ang noo ni Aidan. "And you are not..." It was a statement.

"Paano kung ganoon nga?" she challenged.

He grinned at the insolence on her lovely face. "I'm Aidan Worth, baby. Hindi ako nakatali sa tradisyong iyon. And I love you, virgin or not."

She grinned back. Mabilis na inabot ang ulo ni Aidan at mariing hinagkan sa mga labi. Nang akmang gaganti si Aidan ay kumawala siya.

"I am a virgin! I am glad I waited for you!"

"You wouldn't be anymore sa sandaling lumabas ka ng silid na ito," he declared with determination. Passion in his eyes. Idinikit nito sa katawan si Danielle. Letting her feel his desire.

"Well," she pouted, toyed his shirt collar. "I know a man who, while I would have gone willingly during those glorious, frightening, suspended moment in time, practically pushed me away from him. I hope you are not like that, Panther Walks... I couldn't afford a second rejection."	He gave a bark of laughter. "Not this time, baby..." 

Akmang hahagkan nito ang dalaga nang pigilin siya ni Danielle. "What would I be, Aidan? Mrs. Aidan Worth? Or Mrs. Aidan Fortalejo?"

Hindi siya sinagot ni Aidan, sa halip ay yumuko at itinuloy ang nabiting halik. Kissed her wildly and hungrily. Habang tinungo ng mga kamay nito ang butones ng blusa niya.	Then he murmured. "I love you, Mrs. Panther Walks..."

Danielle smiled with satisfaction. What was in a name anyway. Then her imaginations went wild sa kung ano ang susunod na mangyayari sa silid na iyon.

WAKAS

***********Hayst mamimiss ko na naman sila Aidan at Danielle. Sana sa next story maging masaya naman char hahahaha. Hindi lang ako kundi pati kayo na nagbabasa. Pinag-iisipan ko pa kung anong story ang isusunod ko, baka story na lang siguro ni…..

.

.

.

.

.

.

.

.

ADMIN A char hahahahha.

See you sa next story mga beshie. Keep safe and God bless. :)

-Admin A ************************************


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.