loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)

Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)

Marthacecilia Phr · 38 chapters · 52,032 words

Prologue

BAGAMAN walang ulan ay malakas ang hangin at lumaki ang mga alon at tila pinaglalaruan ang ferry boat na gumiwang-giwang. Bored and irritated, lumabas si Benedict mula sa air-conditioned area ng ferry.

In more or less thirty minutes, dadaong na sila sa Calapan Pier at pumasok sa isip niyang sa jeep na niya na nasa ibabang deck hintayin ang pagdaong. But he changed his mind. Bukod sa mainit at maingay roon, hindi rin naman siya makalalabas kaagad sa sandaling dumaong na. Maaga siyang dumating sa Batangas kanina at naipasok niya kaagad ang four-wheel drive niya sa loob ng ferry boat. Naharangan na iyon ng iba pang mga sasakyan.

Ipinasya niyang sa top deck magtungo nang muling gumiwang ang ferry at mula sa kung saang bahagi ng deck ay isang babae ang napasubsob sa kanya.“Easy…” aniya at inalalayan ito.

“Oh, thank you!” malambing na wika ng babae at tumingala at matamis siyang nginitian. Ang mga kamay nito’y nanatili sa pagkakakapit sa lapel ng sport shirt niya. At ang dibdib nito ay ipinagdidiinan sa dibdib niya.

“Mabuti na lang at nandiyan ka, Mister…?”

Benedict almost rolled his eyes. Nadagdagang higit ang iritasyon. Inalis niya ang mga kamay sa pagkakahawak ng babae. “Excuse me,” aniya at akmang tatalikod subalit hinawakan siya nito sa braso.

“May ibang paraan ako ng pasasalamat,” wika nito, mapanuksong ngumiti.“Sa iba mo na ialok iyan. Hindi ako interesado.” Pagkasabi niyon ay muli niya itong tinalikuran.

NAPAKAPIT nang mahigpit sa barandilya ng ferry boat si Julianne nang sa pakiramdam niya ay tataob ang ferry sa hampas ng malalaking alon. The weather was unpredictable. Kanina sa Batangas Pier ay kay ganda ng panahon. Makalipas lamang ang halos isang oras na pagbibiyahe ay nagsimulang humangin nang malakas at lumaki ang mga alon. Pakiramdam niya ay tila papel na pinaglalaruan ng alon ang ferry boat.

Sanay siyang bumibiyahe sa dagat. Kung hindi sakay ng pribadong chopper ay sa yate ng ama siya sumasakay patungong Paso de Blas. At nakadarama siya ng kapanatagan sakay ng Jewel abutin man sila ng sama ng panahon sa dagat. Mahusay at bihasa ang kapitan ng yate at ang mga crew nito. Bukod pa sa mga lifesaving device na nakapaligid sa yate.

Pero iyon ang unang pagkakataong sumakay siya ng pampublikong sasakyang pandagat bilang pangkaraniwang tao. At kahit papaano ay nakadarama siya ng kaba nang magsimulang laruin ng malalaking alon ang ferry.

Ang nakikita niyang mga lifeboat sa gilid ng ferry ay hindi sapat upang mapanatag siya. Worse came to worse, sa dami ng pasaherong sakay ay malamang na mag-agawan ang mga tao sa lifeboats.

Ipinilig ni Julianne ang ulo. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya. Katunayan ay napuna niyang kalmante ang mangilan-ngilang pasaherong nasa itaas ng deck. Tiyak na sanay na ang mga ito sa ganoong biglang pagsama ng panahon at paglaki ng mga alon.

At malamang na siya lang ang kinakabahan. Hinayon ng mga mata niya ang karagatan. Patuloy sa paglaki ang mga alon at paglakas ng hangin. Ang masasabi niyang konsolasyon ay natatanaw niya nang malinaw ang mga pulo sa paligid. Mahusay siyang lumangoy. Anuman ang mangyari ay posible niyang marating ang alinman sa mga pulong natatanaw.

Tiningnan niya ang relo sa braso. Kung tama ang sinasabi ng mga napagtanungan niya na dalawang oras lang ang biyahe mula Batangas hanggang Calapan, tiyak na kalahating oras na lang ang ipaghihintay niya at dadaong na sila. Muli niyang hinayon ng tingin ang tinutungo ng ferry. Natatanaw na niya ang malabong hugis ng isla ng Mindoro. Nakahinga siya nang maluwag.Umalis si Julianne sa kinatatayuan upang bumaba sa lower deck kung saan siya nakaupo. Hindi pa siya nakakalayo nang muling gumiwang ang ferry. Malakas siyang napasinghap. Frantically, tumaas ang mga kamay niya upang maghanap ng maaaring kapitan bago pa siya matumba.Her hands connected with something hard.

“Hey!” came the deep and resonant voice. It was also very irritated. Mahigpit nitong hinawakan ang dalawang kamay niya. Gustong isipin ni Julianne na mas gusto nitong iwaksi ang mga kamay niya kaysa sa alalayan siya.

Anuman ang dahilan ng mahigpit na pagkakahawak nito ay lihim siyang nagpasalamat dahil nabawi niya ang balanse. Nang mag-angat ng tingin ay naniningkit na mga mata ang sumalubong sa kanya.

“I-I’m s-sorry.” Bihira siyang mautal. But the hostility in the stranger’s eyes made her stammer.

“Kinakalawang na ang style n’yong iyan,” paismid nitong sabi. “Ginamit na iyan ng kasama mo sa ibaba. At hindi ako interesado.” Pagkasabi niyon ay pabagsak nitong binitiwan ang mga kamay niya na kung nagkataong muling gumiwang ang ferry ay malamang na tuluyan siyang nawalan ng balanse at natumba.

Julianne opened her mouth to say something then changed her mind and shut her mouth. Agad na tumalikod ang lalaki.

“Jerk,” she muttered. Hinabol niya ng lingon ang lalaki na lumakad patungo sa isa sa mga upuan sa top deck.

He was big and tall. May malapad na mga balikat. Nakasuot ng puting sport shirt na nakapaloob sa hapit na pantalong maong. He had a nice butt. A hunk. Sa ibang pagkakataon, gusto niyang hangaan ito.

But he was definitely rude.

Bahagya nang rumehistro sa isip niya ang anyo nito. Ni hindi niya madesisyunan kung magandang lalaki o hindi. Maliban sa maiitim na matang galit na nakatunghay sa kanya. Subalit wala siyang balak titigan ito nang maupo ang lalaki sa isa sa mga bench na nasa top deck.Tinungo niya ang hagdanan pababa. Hindimaalis sa isip niya ang sinabi nito at kung bakit itonagagalit.

“Kinakalawang na ang style n’yong iyan. Ginamit na iyan ng kasama mo sa ibaba. At hindi ako interesado.”

Iniisip ba nitong sinasadya niya ang pagkawala ng balanse upang mabangga ito? Isang paraan upang makilala ito?She groaned in disbelief.

BENEDICT almost smiled. Narinig niya ang sinabi ng babae nang nakatalikod na siya. He was hostile all right. Pero hindi niya basta maignora ang masarap na kilabot na naramdaman niya kanina nang madikit sa kanya ang katawan nito at malanghap ang pambabaeng amoy nito. She had sweet scent. Tulad sa simoy ng pang-umagang hangin sa gubat matapos ang magdamag na ulan.

And he was surprised at his body’s reaction. Hindi niya iyon naramdaman kanina sa unang babae sa ibaba na kung tutuusin ay nasilip na niya ang dibdib nitong hayagang ipinangangalandakan.

Naglaro sa isip niya ang anyo ng huling nakabunggo. She was young and beautiful. Not the stunning type, but she had a delicate beauty. At hindi tulad ng unang babae, wala itong makeup. Ang mga braso nitong nahawakan niya ay malambot. Hindi matingkad ang pagkakakulay ng mamula-mulang buhok. Totoong mestiza at may porselanang kutis.

May class ang isang iyon. Hindi mumurahin ang pabango. Napapailing si Benedict. Nanghihinayang sa trabahong kinasuungan nito. Pero baka naman nagkakamali siya. Baka naman hindi ito kasamahan ng unang sadya siyang binangga upang makilala siya.He grudgingly dismissed the woman from his thoughts. Ilang minuto na lang at dadaong na. Isinandig niya ang ulo sa sandalan at pumikit. Pilit na hinahanapan ng solusyon ang problemang kinakaharap.

If there was even a solution.

************************Namiss ko magpost dito huhuhuhu. Sana may nakaalala pa sa akin. Kasi ako sa sobrang pagkamiss ko sa inyo napapa MAPA ako by SB19 x BenxBen char hahahaha. Mga beshie ako naman char hahahaha. Pero pa subscribe muna dahil nagbabalik na ako, at sa bawat pagbabalik may bagong hinahain. Everyweek mamimigay ako ng Books ni Ms. MC lalo yung Sweetheart Series na bago ang cover. Pero mag subscribe muna sa link na ito dahil may sponsor na tayo char hahahaha.

Thanks Kuya_Jun sa pagsponsor. Para makasali ay magsubscribe at magcomment na lang dito then everyweek mamimigay ako ng isang book syempre isang winner lang yun until maubos yung prizes na meron ako. 

Na-miss ko kayong lahat. Payakap nga char hahahaha- Admin A

Dahil naalala ko ang MAPA ng SB19 at Ben&Ben char hahahaha. 

https://youtu.be/i7_Xp1ZMqds

1

NAPAKADILIM ng buong paligid bagaman may ilaw ang layo-layong poste na nadadaanan nila. Ang beach resort na nilampasan nila ay isa rin sa mga pinagmumulan ng liwanag na halos hindi naman matanaw mula sa main road. Alam niyang kahit paano ay may mangilan-ngilang residente sa likod ng nagtataasang puno ng niyog at makakapal na damong nasa gilid ng daan.Sa kabilang bahagi naman ng daan ay ang dagat na dahil sa gubat ay hindi rin niya matanaw. Nilampasan na nila ang isa sa mga beach resort sa lugar na iyon. At bagaman alam ni Julianne na may ilaw roon ay hindi naman iyon umaabot sa highway.

Ni walang pampublikong sasakyan ang makikitang bumibiyahe. Alas-siete y media ng gabi. Sa ganitong oras ay tulog na ang mga tao sa Capistrano, maliban na lang sa bahagi ng mga resorts kung saan nagkakasayahan pa ang mga lokal at banyagang turista.

Sa ibang pagkakataon ay matatakot si Julianne sa ginawa niyang pagbibiyaheng ito sakay ng tricycle kung hindi kakilala ni Nadine ang driver. Ang kaibigan niya mismo ang nagsabi sa driver kung saan siya ihahatid nito—sa Villa Manuela.

At ngayon nga ay natatanaw niya sa itaas ang patutunguhan. Gayunma’y nasa ibaba pa sila ng sinasakyan sa isang paikot na daan. Marahil ay sampung minuto pa bago siya makarating sa itaas. At ayon kay Nadine, mula sa main road ay limampung yarda bago ang gate ng villa.

Nadadaanan niya ang lugar na iyon sa maraming pagkakataon sa apat na buwang ipinamalagi niya sa Capistrano. Iyon ang pinakamalaking bahay sa bayan na iyon. At natitiyak niyang nakatayo na iyon doon sa napakatagal na panahon. She would have loved to visit the old house.Subalit hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makarating doon sa nakalipas na apat na buwang ipinamalagi niya sa Capistrano. O di kaya ay maanyayahan man lamang ng nobyo sa bahay nito. Bagaman ayon kay Nadine, hindi pag-aari ni Stan ang villa kundi sa stepbrother nitong si Benedict Aragon.

At nakapagtatakang kahit minsan ay hindi nabanggit ni Stan sa kanya ang tungkol sa stepbrother nito.

Muling hinayon ni Julianne ang villa sa itaas, na siyang pinagmumulan ng tanging liwanag sa kadilimang nakapaligid. Nakatayo iyon sa gilid ng burol. Nakatunghay sa dagat pero may limandaang metro pa bago ang karagatan kung ang pagsukat ay gagawin mula sa mismong ibaba ng burol.

Maliban sa nagtataasang mga damo at punong-kahoy ay hindi niya alam kung ano ang mayroon sa ibaba ng bulubundukin. It could be a deep ravine covered by trees and shrubs. Hindi rin iyon nasabi ni Nadine sa kanya.

Habang palapit siya sa pupuntahan ay hindi niya maiwasang hindi kabahan. Humugot siya ng malalim na hininga nang sumandal sa sandalan ng tricycle. Kung hindi dahil sa natuklasan ni Nadine ay sinunod niya ang payo ng nobyo na umuwi na siya sa Maynila at hintayin ang pagdating nito upang ipakilala niya sa ama. At malamang na patuloy siyang umaasa at nadadaya ni Stan.

Alam niyang mabibigla si Stan sa pagdating niya sa villa. Ang alam nito ay nagbiyahe na siya pabalik sa Maynila dalawang araw na ang nakalipas.

Pero tama ba ang ginagawa niya? Paano niyang haharapin si Stan? At si Milet, kung totoo mang naroon ito?

HINDI inaasahan ni Benedict na may kasayahang nagaganap sa malaking bahay sa muli niyang pag-uwi. Nagulat pa siya nang makitang naiilawan ang buong hardin. Ni hindi niya makuhang ipasok ang jeep sa loob ng bakuran. Natatanaw niya ang mga taong nasa paligid mula sa nakabukas na gate.

Kasindilim ng gabi ang mukha niya nang iatras ang four-wheel drive at humanap ng mapagpaparadahan sa labas ng bakod na halos napuno na ng ilang sasakyang nakaparada na roon. Pagkatapos ay lumabas na siya at lumakad patungo sa gate.Sa malaking banderita na nakaladlad sa harapang bakod na nag-aanunsiyo ng kandidatura ni Stan bilang mayor ay natitiyak niyang puro mga kasamahan nito sa partido ang karamihan sa mga bisita.

Nagtagis ang mga ngipin ni Benedict nang mapuna ang maraming posters na nakadikit sa pader ng bakuran. Damn Stan. Wala itong karapatang dumihan ang pader ng villa. Tulad ng kung paanong wala itong karapatang tumira sa Villa Manuela.

Palapit na siya sa gate nang ipasyang sa likod-bahay magdaan. Kung hindi man lahat, marami sa mga bisita ni Stan ay kilala niya. Natitiyak niyang aantalahin siya ng mga ito sa sandaling makita siya. Hindi niya gustong makipag-usap sa mga ito. Kinamumuhian niya ang mga usapang pulitika.

Bukod pa roon, pagod siya sa mahabang biyahe mula Maynila patungong Batangas at pagkatapos ay ang dalawang oras sa ferry boat at isang oras pa uli patungo sa Capistrano.Higit sa lahat, hindi niya gustong magkaharap sila ni Stan sa sandaling iyon, lalo at nagpupuyos ang dibdib niya sa ginawa nito sa mga pader.

Mabilis siyang tumalikod at tinahak ang madilim na daan sa labas ng bakod. Binaybay niya ang ilalim ng malalaking puno patungo sa likuran. Hinawi niya ang ilang mababang sanga na tumatama sa mukha niya. Nasa gate siya sa likod-bahay nang sandali siyang huminto at tanawin ang dagat sa dako pa roon.

Tulad sa ilang bahay sa Capistrano, ang Villa Manuela, na kung tawagin ng mga tagaroon ay ang bahay na bato, ay nakatanaw sa karagatan. At habang ang mga katabing lupain ay ginawang resort ng mga nagmamay-ari niyon ay nanatiling pribado ang sa mga Aragon at Santa de Leones.

At kung may sapat na kapital at puwersa si Stan na gawing resort ang bahaging iyon ng lupain ay matagal na nitong ginawa. Hindi dahil sa katotohanang magiging isa itong matagumpay na negosyo, but to spite Benedict.

Isang marahas na paghinga ang ginawa ni Benedict. Pagkatapos ay itinuon niya ang tingin sa mapayapang dagat. Sa gitna ng dilim ay kumikinang iyon na tila tinunaw na pilak. At ang banayad na paghampas ng maliliit na alon sa buhanginan ay nakikihati sa ingay ng mga taong nagkakasayahan sa hardin.

Hindi niya maiwasan ang lungkot na agad niyang nadama.Bagaman sa Maynila siya nag-aral at naglagi sa nakalipas na mahigit sampung taon ng buhay niya ay hindi niya ipagpapalit ang lugar na ito saanmang bahagi ng mundo.

He wasn’t a city boy. He would have loved to stay in this place for the rest of his damn life.Tiningala niya ang malaking bahay. Ang Villa Manuela ang pinakamalaking bahay sa bahaging iyon ng Calapan. Hindi lang iyon malaki kundi antigo pa. Ilang henerasyon nang nakatayo ang villa sa bulubunduking bahaging iyon. Tila hari na nakatanaw sa nasasakupan.

May tatlong palapag iyon. Sa ibaba ay tatlo ang silid. Ang ikalawang palapag ay may pitong malalaking silid na napapaikutan ng veranda. Sa ikatlong palapag naman ay ang nag-iisang silid na silid-laruan niya noong maliit pa siyang bata. Mayroon din iyong maluwag na balkonahe. Pinaghalong adobe, bricks, at kahoy ang kayarian ng buong bahay, at tisa ang bubong.

Even as a child, he had always loved this place. Pag-aari iyon ng kanyang mga ninuno, sa bahagi ng ina niya, sa nakalipas na apat na henerasyon. A year before his father died, ipina-renovate nito ang villa. Pinalagyan ng modernong amenities subalit hindi binago ang lumang istruktura.Pinuno niya ng hanging-dagat ang dibdib. Sa ngayon ay hindi niya alam kung sa papaanong paraan niya muling mababawi ang mga propiedad ng mga Aragon at Santa de Leones mula kay Stan. At kung mayroon pa siyang panahong mabawi ang mga iyon. Higit sa lahat, paano niya mapapatunayang nasa pangalan niya ang Villa Manuela?

“Benedict? Ikaw ba iyan?”

Napalingon si Benedict. Mula sa nakabukas na gate ay nakatayo roon ang isang maliit na lalaki at sinisipat siya sa dilim.

Isang ngiti ang agad na gumuhit sa mga labi niya. Humakbang siya palapit dito. “Ako nga, Abel,” bati niya sa matandang Mangyan.

Ayon sa Lola Manuela niya, bata pa lamang si Abel ay naroon na ito sa Villa Manuela. Ang lola niya ang nagpaaral dito at nang magtapos ng high school ay hindi na nito ninais na magpatuloy pa sa pag-aaral.

At kahit nang mamatay ang papa niya at umalis siya patungong Maynila ay nanatili sa villa si Abel at pinagtiisan ang mapang-abusong salita ng mama niya—si Iluminada, o ang babaeng inakala niyang siyang nagluwal sa kanya—at ng mag-amang Clemente at Stan.“Hindi ko iiwan ang villa, Benedict. At huwag mo akong alalahanin, kaya ko ang sarili ko…” ang natatandaan niyang sabi nito nang paalis na siya patungong Maynila, isang buwan matapos mailibing ang papa niya.

“Kanina ka pa ba riyan?” tanong ni Abel na masuyo siyang hinagod ng tingin.“Hindi pa natatagalan, Abel.” Inakay siya nito papasok sa loob ng likurang gate at patungo sa kusina. “Mukhang nagkakasayahan sa labas, ah,” wika niya, isang kontroladong galit ang nasa ilalim ng tinig. Hinila niya ang silya sa mesa sa dirty kitchen at naupo.

“Nagsisimula pa lang ang kasayahan. Kaarawan ngayon ni Stan,” wika nito. “Halos mga kasamahan niya sa partido ang mga bisita at ’yong mga taong susuporta sa kandidatura niya.“Lalong dumilim ang mukha niya. “Sana’y walang masira sa mga halamang matagal na inalagaan ni Lola, Abel. Lalo na ang mga lilac at carnation.”

Hindi sinagot ni Abel iyon. Ipinahihiwatig lamang na hindi tiyak maiwasang may mga halamang masalanta. “Ipaghahanda kita ng pagkain. Maraming pagkaing ipinaluto si Stan para sa okasyong ito.”

Umiling siya. Binuksan ang lumang refrigerator at kumuha roon ng tubig. Mula sa bote ay dineretso iyon ng inom. Pagkatapos ay ibinaba sa counter ang botelya.“Sa Batangas ako nananghalian, bandang alas-kuwatro na. Busog pa ako.”

Gumuhit ang di-pagsang-ayon sa mukha ni Abel. “Nagpapalipas ka ng gutom, Benedict. Hindi mabuti iyan.”

Sa kabila ng lahat, hindi niya maiwasang mangiti. The same old Abel. Hindi marahil sumasagi sa isip nito na treinta y tres na siya at hindi trese anyos. Huwag nang sabihing isa siyang doktor.Lumakad siya papasok sa dining room at tuloy-tuloy sa malaki at maluwag na kabahayan. Inaasahan niyang may mga bisitang maaaring naroroon. Subalit tahimik ang buong kabahayan at may bahagi ng bahay na hindi naiilawan.

Nagpakawala siya ng maluwag na hininga. At least, for the moment ay hindi pa naisip ng mga bisita ni Stan na sakupin pati ang loob ng villa.

Sumilip siya sa isa sa mga kuwadradong salamin sa bintana. Bagaman nakikita niya ang ilang bisita hindi kalayuan sa bahay, ang mga mesa ay nasa dulong bahagi ng solar na may sampung metro ang layo sa mismong harap ng bahay.

“Si Milet ba ang nakikita kong nakaupo sa tabi ni Stan, Abel?” tanong niya rito na alam niyang sumunod sa sala. “Akala ko ba’y nasa ibang bansa iyan? Nasaan ang asawa niyan?”

“Tatlong linggo na siyang dumating mula sa ibang bansa. At hindi mo nga pala nabalitaang matagal na iyang hiwalay sa asawa…” impormasyon nito.

Umalis siya mula sa pagkakatanaw sa bintana. “Ibig mong sabihin ay balik sa isa’t isa sina Stan at Milet?” He was half-curious. Classmate niya noong high school si Milet. Paboritong pag-usapan ng boys sa campus sa Calapan dahil wala itong naka-date na hindi ito ibinida.Hindi rin miminsang nagpahiwatig ng interes sa kanya si Milet pero hindi niya ito pinatulan bilang respeto sa mga magulang nito na kahit paano ay mga disenteng tao at mga kaibigan din naman ng papa at Lola Manuela niya noong nabubuhay pa ang mga ito.

“Ewan ko ba, Benedict. May kasintahang taga-Maynila si Stan. Isang bakasyunista rito at nagtatrabaho sa mga magulang ni Milet bilang tagapangalaga ng mga kabayong pangarera nila. Kaya nga nagtataka ako kung bakit si Milet ngayon ang kasama niyan.”

“Tagapangalaga ng kabayong pangarera?” ulit niya sa sinasabi ni Abel. “May kasintahan si Stan na nag-aalaga ng mga kabayo ng mga de Castro?”

Tumango si Abel at bahagyang nangiti. “Sa tanang buhay ko’y ngayon lang ako nakakita ng babaeng sumusupil sa mga kabayo.”

Sandaling nakuha ng isang alaala ang isip ni Benedict sa narinig mula kay Abel. Alaalang hindi niya dagling nakalimutan. Nang huling umuwi siya sa Capistrano may apat na buwan na ang nakalipas upang komprontahin si Stan. Nang araw na pabalik siya sa Maynila ay ipinasya niyang bigyan ng huling tingin ang lupain ng mga Aragon…

******************Nakapagsubscribe na ang lahat? By next week na ako magstart mamigay ng books ah within sa Pinas lang sana, di ko afford ang SF eh hahahaha. Poorita lang ako mga beshie char hahahaha. Kumusta ang lahat? Namiss ko kayo kahit chinachar - char n’yo lang ako dito ahahahaha. 

Baka may nakalimutan akong banggitin , ipaalala n’yo na lang char. Ayaw ko na kasing alalahanin pa ang mga malungkot na sandali gaya ng pag-ibig n’ya sa akin char hahaahaha - Admin A ****************************************************************

2

SINUSUYOD niya ng tingin ang lupain hanggang sa naaabot ng kanyang paningin. Humigit-kumulang ay tatlumpung ektarya iyon. Ang limang ektarya ay nasa kabilang bahagi at malapit sa dagat. Mula sa kinaroroonan niya ay bahagya nang matanaw ang bahaging iyon.

Iyon mismo ang propiedad na pinagbabantaang ipagbibili ni Stan. At alam niya kung bakit ang bahaging iyon ang pinili nito. Bukod sa mas madaling ipagbili ay doble ang halaga ng lupaing iyon kumpara sa nasa kabilang bahagi. Ang bahaging iyon ng Mindoro ay isa sa mga tourist spot. Dahilan upang tumaas nang husto ang halaga ng mga lupang malapit sa dagat.

Maraming negosyante ang ilang beses nang nagtangkang bilhin ang lugar na iyon upang gawing first-class beach resort. It was an ideal site. Higit iyong maganda kaysa alinmang pribadong beach resort sa Puerto Galera dahil iyon na ang dulo halos ng isla at nag-uugnay iyon sa ilog kung saan sa pusod ng gubat ay may isang waterfall na ang tubig ay nagtutuloy sa ilog.

Bukod doon, apat na raang metro mula sa baybayin ay may isang maliit na pulong bato, na bagaman lumulubog iyon kung masama ang panahon at tumataas nang husto ang tubig sa dagat, ay magandang lugar upang puntahan ng mga turista sa maayang panahon.

Noong maliit pa siyang bata ay hindi miminsang pumaparoon silang mag-ama at nangingisda. Maraming oras silang ginugugol doong mag-ama at kung minsan ay inaabot na sila ng takip-silim.

He wanted to keep that place for sentimental reasons more than anything else.Iyon ang dahilan kung bakit siya umuwi ngayon sa Capistrano makalipas ang mahigit na isang taon. Upang himukin si Stan na sa kanya ipagbili ang lupain. Lupaing pag-aari ng mga Aragon. Lupaing wala kahit na kaunting karapatan si Stan. Lupaing napasakamay nito sa tusong pamamaraan.

“At saan ka kukuha ng salaping ibabayad sa propiedad, Benedict?” panunuya nito. “Ang buong kabuhayan mo’y ang mismong lupang nais kong ipagbili. Kung may kinita ka man bilang doktor ay sa negosyo mong walang patutunguhan nauwi…”

“Wala kang karapatan sa lupain ng mga Aragon, Stan,” he said angrily.“Ikaw ang nagbigay ng karapatan upang mauwi sa akin ang mana mo, Benedict.” Isang halakhak ang pinakawalan nito.

Halos ipako ni Benedict ang sarili sa sahig upang huwag basagin ang mukha nito. Hindi niya ito kailangang galitin. Sa halip ay kailangang mahimok niya itong bigyan siya ng panahong makapagpundar ng sapat na salapi upang bilhin mula rito ang propiedad.

“Bueno, Benedict,” ani Stan at nasisiyahang pinagmasdan ang pagpipigil niya ng galit. “May tatlo… o apat na buwan ka para maghanap ng salapi at ipagbibili ko sa iyo ang lupain. Tiyakin mong may sapat kang salapi bago ang kampanya sa nalalapit na eleksiyon.”

Tumingala siya sa kalangitan na halos hindi niya matanaw dahil sa makakapal na sungo ng punong tumatakip sa itaas. Higit kailanman, ngayon niya gustong kasuklaman ang babaeng inakala niyang sariling ina. Ang babaeng sa buong panahon ng buhay niya ay pinagtakhan niya kung bakit hindi niya kinakitaan ng kahit kaunting pagtingin sa kanya.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib upang kontrolin ang galit. Binigyan siya ni Stan ng tatlo hanggang apat na buwang palugit upang bilhing muli ang lupain.

Tiim ang mga bagang na lumakad siya pabalik sa pinagparadahan niya ng jeep. Ngayong hapon ay babalik na siyang muli sa Maynila. At hindi niya alam kung magagawa niyang makalikom ng halagang kinakailangan sa loob lamang ng ilang buwan.

Ni hindi niya magawang ipagbili ang share niya sa SDL Laboratories sa partner at kaibigang si John. Ni hindi iyon makapangangalahati sa halaga ng lupain.“Hey, look out!”

Halos magkasabay niyang narinig ang sigaw at ang rumaragasang mga yabag ng kabayo. Pag-angat niya ng mukha ay nakita niyang pababa mula sa dalisdis ang isang kabayo at tila lumilipad iyon patungo sa kanya.

Mabilis ang ginawa niyang pag-iwas at halos ilang pulgada lamang siyang nakalayo nang dumaan ang kabayo. Sapat upang matumba siya sa damuhan.

Mabilis siyang tumayo at pinagpag sa pantalong maong ang mga damong kumapit. Sinundan niya ng tingin ang kabayo na unti-unting bumagal ang takbo. Pagkatapos ay lumiko ito pabalik. Sa ibabaw ng kabayo ay isang binatilyong ni wala pa yatang sapat na muscles upang kontrolin ang ganoong uri ng kabayo.

This part of his father’s land bordered on the de Castro’s. Isa marahil ito sa mga katulong na lalaki ng mga de Castro.

“Muntik mo na akong masagasaan!” sigaw niya rito hindi pa man ito gaanong nakalalapit.At sa malalaking hakbang ay sinalubong niya ito.

********************naku sa mga ganito talagang pangyayari , malalaman mong may magandang ganap sa mga susunod na eksena eh kainis , naalala ko tuloy mga bibi ko char hahahahaha. Parang ganitong-ganito din kami nun eh hahahahaa. Pilit ko mang kalimutan ay kusang bumabalik ang mga alaala char hahahaha - Admin A ***********************

3

HUMINTO si Benedict sa mismong tagiliran ng kabayo. Nakita niya na tila natilihan ang binatilyo. Natakot ba niya ito?

“Narinig mo ba ako? Muntik mo na akong masagasaan niyang kabayo mo!”“Narinig kita,” the boy said in a throaty voice. “Kung hindi ka ba naman tatanga-tanga, sino ba ang maysabi sa iyong humarang ka sa daan?”

Naningkit ang mga mata ni Benedict. He expected an apology not contempt which was very obvious the way the boy’s back stiffened, and he held the horse’s reign as if it were a weapon he could use against him.

“Ang daang sinasabi mo ay pag-aari ko. Kaya kung ako sa iyo ay bumalik ka na lang sa pinanggalingan mo bago ko malimutang bata ka lang. Pribado ang lupaing ito at trespassing ka!”

Narinig ni Benedict ang pagsinghap nito. Pagkatapos ay umangat ang isang kamay nito at ibinaba pa ang suot na cap upang matakpan nang husto ang kalahati ng mukha.

“Kung pag-aari mo ang lupaing ito ay kasalanan mong nagawi kami rito ng kabayo,” wika nito. “Wala akong nakitang bakod o karatula.”

Benedict frowned at the rider’s voice. There was contempt in the boy’s tone, yet it also had an interesting quality that sent funny sensation dancing along his spine.

Dammit! Hell would freeze over before he cared one way or another about a boy’s voice.“Kung ganoon ay bulag ka,” patuloy niya, nag-isang linya ang mga mata. Humakbang siya palapit dito at tumaas ang mga kamay at dinaklot ang lapel ng damit nito.

Humalinghing ang kabayo at umatras. Subalit hindi niya binibitiwan ang lapel ng polo shirt nito. Then his large hands connected with… with a swell that wasn’t chest muscles.It was soft, warm, and…

“Bitiwan mo ako!” Nagpumiglas ito kasabay ng pagpipigil pa rin sa kabayo na unti-unti nang nag-aaburido. Dahilan iyon upang ang cap na suot nito ay kumawala mula sa ulo nito. A luxurious fountain of soft brown hair tumbled down.

Benedict stared in astonishment.

A woman. And a familiar woman for that matter.

Yes! Ito ang babaeng nakatagpo niya sa top deck ng ferry boat four days ago.For an endless moment, they stared at each other.

Benedict recovered first. Pagkuwa’y unti-unti ang pagsilay ng nakakalokong ngiti sa mga labi niya.

“Well… well…” wika niya, ang mga kamay ay mahigpit pa ring nakahawak sa lapel ng polo shirt nito sa kabila ng nararamdaman na niyang maaaring magwala ang kabayo anumang sandali. “Isipin mo nga naman iyan. Lalaking may dibdib.”

“B-bitiwan mo ako!” Pilit nitong inaalis ang mga kamay niya subalit hinigpitan niyang lalo ang pagkakapitsera dito.

“And, oh, nagkita na tayo, ’di ba?” he said in a mocking tone. “Ano na nga ’yong sinabi mo sa akin sa ferry? Jerk? At kani-kanina lang ay tatanga-tanga naman ako! Jerk na tatanga-tanga, iyon ba ako?” Umangat ang mga kilay niya. “At binalak mong sagasaan akong talaga nitong kabayo mo, ’di ba?”

Her lips compressed in anger. Her eyes in slits. Tinapik ng binti nito ang gilid ng kabayo at ang kabayong gusto nang magwala ay muling umangat ang ulo at humalinghing.Lumuwag ang isang kamay niya sa pagkakahawak sa lapel ng polo nito. His hand deliberately moved across her breast.

Nanlaki ang mga mata nito. “Bastos!” she hissed.

Nararamdaman ni Benedict ang mabilis na pintig ng puso nito. At sa kabila ng damit at bra, tila tumatagos doon ang init mula sa katawan nito.

Without warning, his body responded in a way that was both automatic and unsuppressibly male.

Then his thumb moved softly, caressing her breast. Benedict saw her eyes widened, felt the quickening of her breaths. Pagkatapos ay marahas na tinapik ng binti nito ang tagiliran ng kabayo at itinaas ang renda. The horse whinnied, bolted and ran. At sa ikalawang pagkakataon ay napaupo sa damuhan si Benedict.

Sinundan ng tingin ni Benedict ang papalayong kabayo at ang sakay niyon. Sa mahabang sandali ay nanatili siyang nakaupo sa damuhan. He was ashamed of himself. Hindi niya maintindihan kung ano ang nakain niya at nagawa iyon. It was so unlike him. He behaved like a naughty adolescent.

He hadn’t intended to. Pero nang makita at makilala ito at madama ng palad niya ang dibdib nito ay hindi niya nakuhang pigilan ang sarili. His arousal surprised him. Tulad din ng nangyari sa kanya sa ferry.

What was wrong with him? And why this particular woman?

Natitigan niya ito nang husto kanina. She had enormous hazel eyes. And she stared down at him with fear and contempt. Sapat upang makadama siya ng guilt. Subalit bago niya ito mabitiwan at humingi ng paumanhin ay pinatakbo na nito ang kabayo.

Sino ito? Saan ito nakatira?

The urge to find her was so strong that he would have cancelled his trip back to Manila. But his cell phone chose to ring at that moment.

It was John, his friend and business partner. Ipinaalala nito sa kanya ang importanteng meeting mamayang alas-otso ng gabi sa Dusit Hotel.

ANG TINIG ni Abel ang muling nagpanumbalik ng isip ni Benedict.

“Kaya naguluhan ako nang makita kong si Milet ang kasama ni Stan ngayon…“Isang matabang na ngiti ang pinakawalan niya. “Para ka namang bago nang bago kay Stan, Abel. Kung saan ang pakinabang ay naroon siya.”

Lumakad siya patungo sa hindi naiilawang bahagi ng kabahayan kung saan naroroon ang bar. Iniisip niya kung ang babaeng sinasabi ni Abel na girlfriend ni Stan ay ang babaeng nakatagpo niya sa parang nang araw na iyon.

Napakislot siya nang buksan ni Abel ang ilaw at lumiwanag ang paligid. Muli niya iyong pinapatay. Hindi niya gustong kuhanin kaagad ang atensiyon ni Stan sa pagdating niya. Kumuha siya ng bote ng alak at nagsalin sa naroong kopita.

“Sana’y mananatili ka na rito sa atin, Benedict,” ani Abel, pinagmamasdan ang ginawa niyang pagsaid sa laman ng kopita. “Ang villa ay ginagawang pulungan ni Stan at ng mga kasamahan niya sa pulitika. Balita ko’y ipinagbili na ni Stan ang limang ektaryang lupang nasa dakong silangan…”

Nabitin sa ere ang kopita. Pagkatapos ay marahas siyang nagmura kasabay ng pagbagsak ng kopita sa bar counter. Nabasag iyon.

Napapailing na lumapit si Abel at kinuha mula sa kamay niya ang basag na kopita. “Nasugatan ka ba?” tanong nito na sinipat sa dilim ang kamay niya.

Subalit binale-wala niya ang tanong nito. “Kung ganoon ay walang silbi ang pag-uwi ko ngayon, Abel…” Magkahalong panggigipuspos at galit ang nasa tinig niya. Umuwi siyang dala ang tseke para sa kalahati ng halaga ng lupain. Umaasa siyang tatanggapin iyon ni Stan at saka na lamang niya pupunan ang kabuuan.

Fool that he was, until now he didn’t realize that Stan had no intention of selling him back the property. Mas nanaisin nitong ipagbili ang lupain sa ibang tao kaysa mauwing muli sa kanya.Isang buntong-hiningang puno ng simpatya ang pinakawalan ni Abel at tinapik siya sa balikat.

 “Ihahanda ko ang silid mo sa itaas, Benedict. Sa maraming pagkakataon ay nagpipilit si Stan na buksan ko iyon. Pero malibang gibain niya ang pinto at saktan ako’y hindi siya makakapasok sa silid mo.”

Nagtagis ang mga bagang niya. Kung si Stan ang masusunod ay matagal na nitong pinalayas at sinaktan si Abel. Pero kahit papaano ay takot si Stan dito. May hinala itong may mga kakilalang taong-labas si Abel. At pareho nilang hinayaan na isipin ni Stan iyon sa kapakinabangan na rin ni Abel.

“Salamat sa lahat ng mga ginawa mo para sa amin, Abel. At sa pananatili mo sa bahay na ito sa kabila ng lahat.”

Hindi nito pinansin ang sinabi niya. “Ihahanda ko na rin ang banyo,” sabi nito at tumalikod.Natibo marahil siya ng nabasag na kopita dahil may nararamdaman siyang mahapdi sa palad niya. Itinaas niya ang bote ng whiskey at binuhusan ang bahaging mahapdi.

Pagkatapos ay kumuha ng panibagong goblet at sinalinan iyon. Nakakailang shots na siya nang muli siyang balikan ni Abel.

“Nakahanda na ang banyo,” tahimik nitong sabi. “Kung binabalak mong magpakalango para may dahilan kang patulan si Stan ay huwag mo nang ituloy,” payo nito na tila nahuhulaan ang gusto niyang mangyari. “Walang patutunguhan ang gagawin mo. Lalo mo lamang siyang itutulak na ipagbiling lahat ang ari-arian ng mga Aragon. Isa kang doktor, Benedict. Huwag mong pahintulutang sirain ni Stan ang pangalan mo.”

“Hindi niya maipagbibili ang bahay na ito, Abel!” he said gritting his teeth.“Totoo, Benedict. Dahil ang mismong bahay na ito ay pinag-iinteresan ni Stan. Pero hangga’t hindi mo naipakikita sa korte ang katunayang pag-aari ito ng mga Santa de Leones ay mananatiling narito si Stan sa villa. Ginagamit niya ito laban sa iyo.”

“Kabisado mo ang buong villa, Abel,” aniya. “Nasubukan mo na bang—”“Ultimong kisame ay napanhik ko na para hanapin ang anumang maaaring nakatagong titulo. At natitiyak ko sa iyo na iyon din mismo ang lihim na ginagawa ni Stan. At sa sandaling may makita siya ay tiyak na mauuwi iyon sa abo…”

“Natitiyak mo bang hindi pa nagagawa ni Stan iyon, Abel?” Fear and anger melded with each other.

“Sa bagay na iyan ay nakatitiyak ako, Benedict. Pero paano kung wala naman talagang kopya ng titulo at testamento at kung sa paano mang paraan ay nasira ang mga ito?”

Isang marahas na mura ang binitiwan niya at sinaid ang laman ng huling isinalin niya at pagkatapos ay tumayo at tinungo ang grand staircase.

Umiiling na sinundan siya ng tingin ni Abel.

**************Hi baby Benedict, namiss kita char hahahaha. Congrats nga pala kina  VidaFria0001  at  AnjhelIcah2  dahil sila ang maswerteng nanalo ng Sweetheart Series 1 via random picker ang ginawa ko since marami ang kasali at mahirap mamili, kung ako lang panalo na lahat eh kaya lang unti lang ang books na meron tayo kaya pa isa-isa lang muna. Hayaan n’yo , isang beses lang naman pwede manalo para may chance pa yung iba. Pa PM na lang ng mga details n’yo sis. Then next update ko, maglalagay ako ng new video tapos dun kayo mag-comment sa video para dun ko kukunin yung mga magiging winners for next week. Sweetheart 2 naman ipamimigay ko nun. Sana all na lang muna ako sa mga winners natin ngayon sana all meron ng books char hahahaha. Kung meron na kayong copies ay sabihan n’yo ako para pwede nating palitan if ever kung ano mang available na meron ako.  Thank you. :) - Admin A ******************

4

PAGKATAPOS maligo ni Benedict ay nahiga na siya. Subalit may dalawampung minuto na siyang pabiling-biling sa higaan ay hindi siya dalawin ng antok. Alas-siete pasado pa lang ng gabi. Pero dahil pagod siya sa biyahe ay inaasahan niyang makakatulog siya kaagad. Subalit naririnig niya ang mga tinig ng mga taong nagkakasayahan sa hardin.

Bumalikwas siya at muling isinuot ang hinubad na pantalong maong. Pagkatapos ay lumabas sa balkonahe na nakapaligid sa buong ikalawang palapag. Ang kinatatayuan niya ay nakatanaw mismo sa hardin at sa harapang-daan. Malibang matutuon ang pansin ni Stan sa itaas ay hindi nito malalamang naroroon siya. At natitiyak niyang hindi pa rin nito alam ang pagdating niya. Madilim ang bahaging iyon dahil sa mga sanga ng punong-kahoy na humaharang sa liwanag na nanggagaling sa ibaba.

Sinuyod niya ng tingin ang mga tao sa lawn. Natanaw niya ang mesa ng grupo ni Mayor Alcaraz at ng pamilya nito. Katabi nito si Stan na nakaakbay kay Milet. Sa katabing mesa ay ang mag-asawang de Castro, na masasabing kabilang sa taal at iilang masasabing may-kaya sa buhay sa bayan ng Capistrano.

Nang ibaling niya ang mga mata sa delantera ng bahay ay nakuha ng pagparada ng tricycle sa mismong tapat ng gate na naiilawan ang atensiyon niya. Mula roon ay isang magandang binti ang natanaw niyang iniunat at inilabas sa tricycle. Sa paa ay isang black strapped sandals na may manipis at mahabang takong. At marahil ay may kaiklian ang suot nitong damit dahil lumilis iyon sa hindi dapat. Pagkatapos ay sinundan iyon ng isa pang binti.

Hindi niya maiwasang mapangiti. He wasn’t a voyeur. Pero sa pagkakataong iyon ay iyon ang tingin niya sa sarili, lalo at sa palagay niya’y iyon ang pinakamagandang pares ng binti na nakita niya sa matagal-tagal ding panahon.

Umaasa siyang babagay sa mukha nito ang kung sino mang nagmamay-ari ng pares na mga binting iyon. Sinundan ng mga mata niya ang tuluyang paglabas ng babae.Bagaman hindi niya masyadong masipat ang kabuuan ng mukha nito dahil nasa itaas siya ay hindi naman siya nabigo sa inaasahan.

Ang walang manggas, draped collar, above-the-knee length peach dress ay humahapit sa balingkinitang katawan nito na tila isang mangingibig. May katamtamang taas ito. And although she appeared on the thin side, she was well-proportioned. Ipinakikita iyon ng katamtamang laki ng dibdib at maliit na baywang na palagay niya’y kayang ipagsalikop doon ang mga kamay niya.Napuna ni Benedict ang wala sa loob nitong paghaplos sa buhok na naka-French twist, para bang tinitiyak na walang hiblang naalis mula sa pagkakaayos.

Sandali itong nag-atubili, pagkatapos ay nakita ni Benedict ang pagtaas-baba ng dibdib nito bago itinaas ang mukha at lumakad na papasok sa gate, walking like a queen.

Sandali itong huminto sa paghakbang. And when her eyes moved around her it was as if those people were her subjects. Kakaiba ang dating nito sa mga kadalagahang naroroon; na tila ba hindi ito nararapat sa ganoong uri ng kasayahan at kapaligiran.

Pero bakit naka-tricycle lang ito? Sino ang bisitang ito ni Stan? She didn’t appear like one of the townspeople.

May ilang bisitang napuna ang pagdating ng babae. May mga nakangiting bumati rito. Mas o menos, taga-Capistrano ang babae. Pagkuwa’y kumunot ang noo ni Benedict nang mapuna ang ilang grupong biglang nagbulong-bulungan, lalo na sa mesang hindi kalayuan sa mesa ng mga tagamunisipyo.

Tila ba biglang nagkaroon ng tensiyon sa partikular na grupong iyon ng mga bisita ni Stan. Pagkatapos ay napuna niya ang pagbulong ng isang lalaki kay Stan. Bigla itong tumayo. Ang ngiti nito ay dagling naglaho. May ibinulong kay Milet at pagkatapos ay nagmamadali ang mga hakbang na nilapitan ang babae.

Mula sa pagkakapanungaw sa veranda ay bumalik sa loob ng bahay si Benedict. Marahil ay maiibsan ang pagkabagot niya. More or less, may ideya siya kung sino ang bagong dating.Aminin man niya o hindi, he felt an unexpected thrill ran through him.

NAKITA ni Julianne ang ginawang pagbulong ni Stan sa tainga ni Milet at ang sandaling pagsulyap ng huli sa kanya. Iglap lang ang pagkamanghang lumatay sa mukha bago isang nang-uuyam na ngiti ang kumawala sa mga labi nito.

Hindi niya alam kung saan niya kinuha ang lakas ng loob sa pagparito. It would have been best if she had gone home and forget about this episode of her life.

Pero naroon na siya at lumalakad na si Stan palapit sa kanya. A tense smile on his face. Nanginginig ang mga tuhod niya habang palapit ito. Itinaas niya ang noo, sa kabila ng panginginig ng mga tuhod. Wala siyang balak ipaalam dito ang kabang nararamdaman.“Julianne…” His smile was strained.

“Happy birthday, Stan,” bati niya rito, isang napakatamis na ngiti ang nasa mga labi niya.Hinawakan nito ang braso niya at hinila siya patungo sa bahay. Kulang na lang ay kaladkarin siya nito. Nararamdaman niya ang mahigpit na pagbaon ng mga daliri nito sa braso niya.

“Ano ang ginagawa mo rito?” tanong ni Stan nang nasa loob na sila ng villa.“Ano ang ginagawa ko rito?” she parroted. Binawi niya ang brasong hawak nito kasabay ng pagkawala ng ngiti sa mga labi niya. “You cheating liar…”

Nagpakawala si Stan ng naiiritang hininga. “This is not a birthday celebration, Julianne. Sinabi ko na sa iyo na hindi ako magse-celebrate ng birthday. Nagkataon lang na pinili ng partido na ngayon ganapin ang meeting namin.”

“You really are taking me for a fool, aren’t you?” Bago pa makasagot si Stan ay agad niyang sinusugan ang sinabi, “What’s Milet doing here anyway, Stan?”

Doon unti-unting nagkaguhit ang ngiti sa mga labi nito. “So, there! Nagseselos ka.”“Don’t flatter yourself,” she hissed. “At hindi si Milet ang uri ng babaeng pagseselosan ko.” Sinabi niya iyon sa painsultong tono na nagpasalubong ng mga kilay nito.

“Honey…”

“Don’t honey me, you bastard!” Tinabig niya ang kamay nito sa pagtatangkang hawakan siyang muli. “Whatever your reasons, it would have been decent to break it off with me.”

“Julianne, hindi ko intensiyong makipag-break sa iyo,” pagsisikap nitong magpaliwanag. “Hindi ba at usapan nating magbibiyahe ako sa isang linggo?”

“Why, of course! You want to keep us both. At ano ang magiging papel ko? Mistress mo?” She was sarcastic. Akmang muling mangangatwiran si Stan pero inunahan niya uli. “Sa palagay mo ba’y hindi nakarating sa akin ang balitang iaanunsiyo mo ngayong gabi ang engagement ninyo?“He didn’t even flinch. “You’re listening to rumors, Julianne. Ako ang kasintahan mo at sa akin ka dapat maniwala.”

“At ano ang dapat kong paniwalaan, Stan? May mga taong nakakaalam na magkasintahan tayo. And tonight you will announce to these people that Milet’s your fiancée…”

“Please try to understand, Julianne. Totoong may ilang taong nakakaalam na magkasintahan tayo. Pero marami ang hindi gugustuhin na ang mapangasawa ko ay isang dayo sa bayang ito… na hindi alam kung saan galing ang pamilya. And I need all the votes to win this election. Kailangan kong iprisinta sa kanila ang isang tulad ni Milet de Castro. This is just politics, Julianne. Ikaw ang mahal ko.”

“My God!” hindi makapaniwalang sabi niya. “So you really intend to keep us both!”

“Hon, trust me…” Itinaas nito ang dalawang kamay upang hawakan siya sa magkabilang balikat subalit mabilis na umatras si Julianne.

“I’d rather trust a rattle snake!”

Tumiim ang mukha ni Stan. Ang mahinahong mga salita ay biglang naglaho. “Don’t make a scene, Julianne,” babala nito. Nilinga ang kuwadra-kuwadradong bintanang salamin at sumilip sa labas. Nakita nito si Milet na patungo sa bahay. Muli siya nitong hinarap.

“Julianne, kailangan kong bumalik sa grupo. Stay here, if you want. My bedroom’s down the hallway. Mag-usap tayo pagkatapos ng party. Hintayin mo ako sa silid ko.”

Ang akmang pagsagot ni Julianne ay napigil nang bumukas ang pinto at sumungaw si Milet. Sumandal ito sa hamba. Her red silk dress was slashed nearly to the navel.

“Inimbita mo ba siya, Stan?” Milet asked impatiently. Tinitigan at sinuri ang kabuuan niya. Then abruptly, Milet took her eyes off her, dismissing Julianne as if she were a piece of garbage. “Hindi maganda sa paningin ng mga tao ang pagtungo niya rito. Paalisin mo na. Naiinip na ang Papa’t Mama. Ganoon din si Mayor. Ayokong mapahiya sa kanila.”

Tinitigan siya ni Stan. Naroroon ang babala sa mga mata nito. At ang sandaling pagguhit ng… takot. Isang paismid na ngiti ang pinakawalan niya. Nakadama ng kasiyahang kahit papaano ay kinakabahan ito sa iskandalong maaari niyang gawin.

“May daan sa likuran ang bahay na ito, hindi ba?” Milet was addressing Stan. “Magagamit niya iyon sa paglabas.” Ikinawit na nito ang braso sa braso ni Stan at hinila na ito.

Isang huling sulyap-babala ang ibinigay sa kanya ni Stan bago nito kinabig pasara ang pinto.Ilang sandali nang nakalabas ang dalawa ay nanatiling nakatitig sa pinto si Julianne. Iba’t ibang emosyon ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. On top of it all, she felt like crying and screaming at the same time. Nananakit na ang mga palad niya sa pagkakabaon doon ng mga kuko niya.

Paano niyang naisip na si Stan ang ipakikilala niya sa mga magulang at magiging kasama sa habang-buhay? Ano ang sasabihin ng ama niya sa kanya? Tinanggihan niya ang alok ng amang magpakasal sa anak ng crony nito dahil kay Stan. Ipinagmayabang niya sa ama na mahal siya ni Stan nang walang anumang pansariling motibo.

Wala sa loob na napaupo siya sa naroong mahabang sofa. Nagpipilit sumiksik sa isip ang pagtatalo nilang mag-ama may apat na buwan na ang nakalipas nang ipasya niyang magtungo sa Mindoro…

******************Ang hirap nga talaga niyan Julianne, tama lang na iwanan mo yan si Stan, bakit kaya ganun nohh yung akala mo siya na pero hindi pa pala. Yung akala mo enough na hindi pa pala sapat. Yung akala mo mahal ka pero hindi pala. Yung akala mo ikaw lang yun pala may iba pa. Marami talagang nabubulag ang salitang mahal kita, yung akala mo mahal ka pero hindi pala. Pero akala ko lang ata ito hahahaha char. Ang hirap kaya ayaw ko ng isipin pa HAHAHAHA. Kayo na ang bahala mga beshie, baka mapahugot pa ako dito char. - Admin A 

Kumusta kayo???? ***************************************************************

5

“BAKIT ngayon mo pa napiling magbakasyon?” sabi ni Bernard na ibinaba ang peryodiko sa mesa. “Sa susunod na buwan ay darating si William mula sa Los Angeles.”

Julianne almost rolled her eyes. Ilang araw nang ipinaalala ng ama ang tungkol sa pagdating ni William Hidalgo, anak ng isa sa mga kaibigan nito. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit gusto niyang pagbigyan ang imbitasyon ng kaibigang daluhan ang kasal nito.

At dahil wala ang mama nila at nasa Texas upang dalawin ang bagong panganak na apo kay Aidan, napakadali para sa ama na i-pressure siya sa gusto nitong mangyari.

“Papa, nangako ka na hindi mo kami pipiliting ipagkasundo sa alinmang anak ng cronies mo,” paalala niya sa ama. “Kung malayang nakapamili sina Lenny at Aidan ng mapapangasawa nila, iyon din ang inaasahan ko mula sa iyo. Namin ni Jessica.”

“I haven’t broken any of my promises yet, Julianne,” Bernard said impatiently. “Pero hindi masamang gumawa ako ng paraan upang mas mapabuti ang kalagayan ninyo ni Jessica. At gusto kong narito ka sa pagdating ni William. Get to know each other better. Iyon din ang dahilan kung bakit uuwi siya. Ang muli kang makita. The last time you saw each other was—”

“More than a year ago,” she supplied. “Nagkikita kami sa Los Angeles, Papa, noong kasalukuyang nasa Art International ako. We’ve dated a few times.”

“Alam ko ang tungkol sa bagay na iyan!” nabiglang pag-amin ni Bernard.“You knew!” bulalas niya.

“Well…” Nagkibit ng mga balikat si Bernard, umiwas ng tingin.“Kung hindi ako nagkakamali ay kayo ang nag-utos kay William na makipagkilala at makipagkita sa akin!” She compressed her lips in controlled anger. Now she knew why William did everything to seek her company while she was in L.A.

“Ano ang masama sa ginawa ko? I was informed you enjoyed his company.“Hindi agad siya makasagot dahil tama ang ama. She enjoyed William’s company. Not only was he as handsome as a Roman god, he was also charming and thoughtful and every inch a gentleman. Huwag nang sabihing ang pamilya nito ay masalapi—ang pinakamahalagang dahilan upang mapaligaya ni Julianne ang lahat ng mga nasa paligid niya kung gugustuhin niya ito. Walang mag-iisip na papakasalan siya nito dahil sa pangalan at salaping mamanahin niya sa takdang panahon.

Pero alam din niyang may girlfriend si William sa Amerika. Isang Pilipina at empleyado sa bangko ng ama nito. Nasa Amerika pa siya nang malamang kasalukuyang nagdadalang-tao ang babae. Nalaman niya ang impormasyong iyon mula sa common friend nang makita nitong nagde-date sila.

Ayon sa common friend nila, hindi mapakasalan ni William ang babae dahil ang pamilya nito ay hindi nabibilang sa alta sociedad. His father threatened to disinherit William should he marry his girlfriend.

It didn’t matter to her then. Dahil wala namang binabanggit si William sa totoong layunin nito sa kanya. But it did now. Lalo at deretsahang sinasabi ng ama na gusto nitong magkapangasawahan sila ni William. Ngayon niya natantong ang ginawang pakikipag-date sa kanya noon ni William ay bahagi lamang ng obligasyon nitong paluguran ang mga magulang nila.

Bigla ay naikumpara niya si William sa mga kapatid na lalaki. Lenny and Aidan would never turn their back on the women they loved for fear that Bernard would disinherit them.

Ang kaisipang iyon ang lalo nang nagpatibay sa pagnanais niyang magbakasyon. Tinitigan ni Julianne ang ama. “Papa, may girlfriend si Will sa Amerika at may anak siya roon—”

“Hindi mo problema iyon, Julianne,” putol nito sa sinasabi niya. “A man has to sow his oats while young. At ang babaeng iyon ay bahagi ng kabataan ni William. He will be a changed man once you married. Bakit hindi mo bigyan ng pagkakataon ang sarili mong higit pang makilala si William?”

“Hindi ko kailangang gawin iyon, Papa. As a friend, I like him already and—”“So what’s stopping you from wanting to marry him?” Again, Bernard cut her off.“I don’t love him,” padabog niyang sabi. Ibinaba ang kutsilyo at tinidor sa pinggan. “And you’re doing this because of this shipping business with his father.”

“That is true, Julianne,” pag-amin ni Bernard. “I want to venture into shipping. At hindi birong kapital ang kailangan ko para doon. Kung magkakatuluyan kayong dalawa ni William ay sasang-ayunang madali ng papa niya ang plano kong magsosyo kami.”

May ilang sandali siyang hindi kumibo, pagkatapos ay nag-angat ng tingin sa ama. “Okay, payagan n’yo akong magbakasyon sa Mindoro at nangangako akong pag-uwi ko’y ibubuhos ko ang buong pansin ko kay William at pag-iisipang mabuti ang bentahe kung magkakatuluyan kami…”

Nagsalubong ang mga kilay ni Bernard. “Why particularly in Mindoro?”“Tagaroon si Nadine. Dati ko siyang classmate at kaibigan sa unibersidad bago n’yo kami ipinadala ni Jess sa Texas. Though it had been three years since we last saw each other, we communicated once in a while. She invited me to her wedding next month…”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard. Dinampot ang tasa ng kape at humigop. Napangiwi ito nang malasahang lumamig na iyon.

“Okay. Buy your friend the best gift. I’ll arrange for the pilot to take you there—”“’Pa, I’m going there alone. At walang mga bodyguard.”

Napadali ang pagbagsak ng tasa sa platito at natapon ang kape sa placemat. “¿De que estas de hablando, Julianne?” nanlalaki ang mga matang sabi nito.

“Papa, wala kayong dapat ipag-alala—”

“Walang dapat ipag-alala?” muling putol ng ama sa sinasabi niya. “Bukod sa wrong timing ang paghingi mong ito ng bakasyon, hindi ba dapat akong mag-alala na magbabakasyon ka nang nag-iisa at walang bodyguards…”

She opened her mouth to say something but Bernard spoke again. “Kaya ko kayo ipinadala ni Jess sa Amerika ay dahil sa lumaganap ang kidnap for ransom dito sa atin. Tu estas mas loca que una chiva!” ani Bernard, nagsimulang umahon ang galit. “You are bound to endanger yourself and you know that!”

“People won’t recognize me, Papa,” she reasoned out. “Probinsiya iyon. Sino ang makakakilala sa amin doon?”“Julianne—”

“Por favor, Papa,” pakiusap niya. “I promise to take care of myself. Isa pa, alam n’yo kung saan ako patungo. At matatawagan ninyo ako sa cell phone ko. Besides, nasabi ko na sa Mama ang balak kong pagtungo sa Mindoro. Pinayagan niya ako.”

Umiling si Bernard. “I can’t believe your mother agreed to this foolishness.” Pagkuwa’y tinitigan siya nito nang matagal. “Bakit ka humihiling ng ganito, Julianne?” Bernard’s tone was weary. “It is so unlike you. Kung si Jessica ay baka maintindihan ko. But not you.”

“’Pa, is it so bad to leave all these—” Inikot niya ang tingin sa karangyaan na nasa paligid, “— for a while? Ang magtungo sa ibang lugar bilang isang simpleng Julianne? ’Yong magkaroon ng mga kakilala na hindi mangingilag dahil ako ay isang Fortalejo?” And perhaps I’ll meet someone who wouldn’t want me for the Fortalejo money. ’Yong hindi papayag sa arranged marriage para sa higit pang kayamanan at convenience ng pamilya, ang muntik na niyang maidagdag sabihin. Iyon mismo ang dahilan kung bakit hinihiling niya ito sa ama. Nagamit lang niya ang nalalapit na kasal ni Nadine. Of course, she couldn’t tell her father that.

“Hindi ko ipipilit na gustuhin mo si William, hija. Huwag mo lang gawin ito,” ani Bernard na tila nahuhulaan ang nasa isip niya.

“This has nothing to do with William. Alam kong hindi ninyo siya ipagpipilitan sa akin kung talagang ayaw ko. Lalo na ang Mama. Sarili kong kagustuhan ang gagawin ko, Papa.”

Tila walang-hanggan ang katahimikang namagitan. Iniisip na ni Julianne na hindi papayag ang ama. Pagkatapos ay isang napakalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard bago sa resigned na tinig ay, “Saang bahagi sa Mindoro naroroon ang kaibigan mong ito?“Isang maluwag na hininga ang pinakawalan niya at ngumiti. “Sa Capistrano, Papa. It’s near Puerto Galera. At hindi iyon malayo sa Palawan, hindi ba?”

“And what about this friend of yours? Kilala ka niya, paano mo matitiyak ang kaligtasan mo kung—”

She shook her head. “No, Papa. Ang alam ni Nadine ay isa lamang akong ordinaryong estudyante sa pamantasan noong nag-aaral pa kami. ’Yong pagtungo namin ni Jess sa Amerika ay sinabi kong makikitira ako sa isang kamag-anak at magtatrabaho roon. I didn’t lie to her. I work part-time with Aidan’s company.”

“This is ridiculous!” Bernard muttered.Subalit nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Julianne na tila hindi nagsalita ang ama. “Si Nadine ay ulila na sa ina at nakapag-aral sa unibersidad dahil sa scholarship ng gobernador sa kanilang lugar. At ang tatay naman niya’y nagtatrabaho sa munisipyo bilang clerk. At sa panahong magkasama kami ay hindi ko magawang ipakita sa kanya ang kaibahan ng aming buhay nang hindi nakadarama ng guilt…” Her voice trailed off when Bernard harrumphed.

“Bakit kailangan mong makadama ng guilt, Julianne?” tanong nito. “Kung ano ang nararanasan ninyong magkakapatid ngayon ay dahil sa dugo at pawis ko. Alam ninyong lahat iyan. Lenny worked his way through college and you and Jess—”

“Yo se, Papa. Pero hindi mo maiaalis sa aking makadama ng ganoon. Nakakasalamuha ko sa unibersidad ang mahihirap na mga estudyante—”

“We have the Fortalejo Foundation. Hindi mabilang na estudyante ang binibigyan nito ng scholarship.”

Hindi niya itinanggi ang katotohanang iyon. “Okay… okay. Anyway, nang tanungin ako ni Nadine kung ano ang trabaho mo ay sinabi kong isa kang empleyado sa isang kompanya ng semento. I didn’t lie, did I?” Nginitian niya ang ama na hindi makapaniwalang umiling.

Nagpatuloy siya. “Para kay Nadine ay isa lamang ako sa libo-libong estudyante ng pamantasan from all walks of life. At magkaiba kami ng oras ng uwian dahil tatlong subjects lang naman kami classmates. So, hindi niya ako nakikitang sinusundo.” May mga pagkakataon sa nakaraan na niyayaya niyang mag-malling si Nadine, pero patiuna na niyang sinasabi sa mga bodyguard na dumistansiya ang mga ito sa kanila at huwag magpapahalata.

Sa isang mahabang sandali ay nanatiling tahimik si Bernard. Pagkatapos ay, “I’ll indulge this foolishness of yours, Julianne. Sabihin mo kay Josepa na maghanda ng mga gamit niya.“She groaned. “Oh, no, Papa. Hindi ko maaaring isama si Yaya. Nadine would surely notice how she pampers me.”

“Okay, un mes,” atubiling sang-ayon nito.

*************Dami ko sanang hanash wala lang akong time hahahahah, so busy this week lalo na nxt week. - Admin A :(((( ***********************

6

MALIBAN sa maliit na insidente sa deck nang mawalan ng panimbang si Julianne nang gumiwang ang ferry at nabangga niya ang isang bastos na lalaki ay dumaong sila nang ligtas sa Calapan Pier.

Nang pababa na siya sa ferry ay hinanap ng mga mata niya ang lalaki. Bagaman hindi gaanong natitigan ang anyo nito ay natitiyak niyang makikilala niya ito sa mga taong nakapila palabas.She was intrigued. Hindi niya maisip ang dahilan ng hostility sa mga mata nito. Sinusuyod pa rin niya ng tingin ang mga taong lumalabas nang matanaw si Nadine. Nakangiting kumakaway ito at itinitili ang pangalan niya.

Nawala sa isip ni Julianne ang lalaking gustong makita at nahalinhan ng pananabik sa pagkikita nilang muli ng kaibigan. Nagmadali siyang nakisiksik sa paglabas.

Nagyakap at nagkumustahan ang dalawa. Ang katabing lalaki nito ay inabot ang bagahe niya.“Muntik na kitang hindi makilala,” ani Nadine, tumaas-baba ang mga mata sa kanya nang may paghanga. “Mas maganda kang lalo ngayon, Julie. Namumula ang kutis mo.” Nilingon nito ang katabi. “Kung hindi ko lang alam na nahipnotismo ko na itong si Miguel ko ay hinding-hindi kita ipakikilala sa kanya.”

Isang tawa ang pinakawalan niya. Tinitigan ang fiancé nito na nahihiyang ngumiti. Siya na mismo ang nag-abot ng kamay niya rito. Miguel was a charming young man. Ayon kay Nadine ay kaopisina nito ang nobyo sa kapitolyo. Ito mismo ang sekretaryo ng gobernador. She liked him immediately.

“Naku, Julianne, pagkatapos ng kasal ay huwag kang uuwi kaagad, ha?” patuloy ni Nadine na walang tigil sa kakakuwento. Nasa loob na sila ng owner-type jeep ni Miguel.

“At ano naman ang gusto mong mangyari sa akin habang nasa honeymoon kayo, aber?”“Hmp… huwag mong intindihin iyon. Pormalidad na lang ang kasal namin. Nauna na iyon—hey!” Napauklo ito nang banayad na sikuhin ni Miguel.

“lkaw talaga, hindi ka na nahiya kay Julianne,” sita ni Miguel na napakamot sa ulo at nahihiyang nginitian si Julianne sa rearview mirror.

Nagtawanan ang magkaibigan. “Kabisado na ako nitong kaibigan ko, Miguel,” ani Nadine. Pagkuwa’y nilingon siya sa likuran. “Ipapasyal kita sa magagandang lugar dito sa Calapan at sa Puerto Galera.“Julianne gave her friend an indulgent smile.

*************Dami kong artistang nakikita dito sa office, si Janine, si Papa Jake, si papa Paolo A. Kaso wala naman akong time sa kanila so busy huhuhu :( di ko na sila naeentertain na magpapic sa akin char hahahahaha. Hanggang tanaw lang tuloy sila sa beauty ko char hahahaha - Admin A . Kumusta ang lahat? ***************************

7

IT WAS a small farm. May ilang kabayo siyang natanaw na nanginginain sa damuhan. Hindi inaasahan ng mag-asawang de Castro na ang tutugon sa advertisement ng mga ito ay isang batambata at magandang babae. Gayun na lamang ang pagkamangha ng mga ito nang sabihin niyang desidido siyang tanggapin ang trabaho kung ibibigay sa kanya.

“Naniniwala kaming kaya mo ang trabaho, hija,” wika ni Mr. de Castro bagaman hindi iyon ang ipinahahayag ng tono nito. “Pero mas lalaki ang kailangan namin kaysa babae.”

“Magagawa ko ang nagagawa ng lalaki, Mr. de Castro,” ani Julianne na medyo pinalaki ang tinig. “Bakit hindi ninyo ako subukan?”

“Aba, magandang ideya iyan!” agad na sabi ni Mrs. de Castro. Ipinalabas nito sa isang boy roon ang isa sa mga kabayo at pinalagyan ng siya. “Ang kabayong iyan ay tatlong linggo na mula nang dumating, Julianne,” wika nito. “Ilang araw din siyang nasakyan ng dating trainer bago iniwan.“Lihim siyang siniko ni Nadine. “Natitiyak mo bang kaya mong sakyan iyan?”

Hindi mapigilan ni Julianne ang mapangiti. Para siyang palakang inihagis sa tubig. Jessica was a better horseman than she was because her younger sister was a little wild and daring when it came to horses. At habang tinititigan ang kabayo sa harap niya ay hindi niya maiwasang ikumpara iyon sa mga kabayo sa kuwadra nila sa Paso de Blas.

Bagaman galing ang mga iyon sa ibang bansa, hindi iyon ang maituturing na primera klaseng uri ng mga kabayo. She should know. Magigilas at magagandang uri ang mga kabayo nila.At ang sarili mismo nilang kabayong magkakapatid ay hindi maaaring ikumpara sa kabayong nakatakda niyang turuan. Her own horse was a Palomino.

“Maaari mo siyang patakbuhin hanggang sa paligid ng farm, hija,” ani Mrs. de Castro. Sa anyo nito ay natitiyak niyang inaasahan nitong magdadahilan siya.

Tipid na ngumiti si Julianne at lumapit sa kabayo at sinakyan iyon sa pagsinghap ng mag-asawa. Tumaas ang ulo ng kabayo at akmang aalma.

“Easy, boy… easy…” Hinagod-hagod niya ang batok nito at bahagyang hinigpitan ang hawak ng renda at unti-unting pinatakbo. Ilang sandali pa’y malayo na mula sa kuwadra si Julianne.

LANGITNGIT ng kung anong bagay ang nagpanumbalik sa isip ni Julianne. Nilinga niya ang buong paligid. The whole house was quiet and empty. Pero natitiyak niyang may narinig siyang munting ingay.

She sighed wearily. Her mind wandered back to the day she applied for the job as horse trainer. Matagal nang panahong hindi niya naisip ang estrangherong lalaking nakatagpo niya sa parang… until now.

Sa maraming pagkakataon sa nakalipas na ilang araw ay pabalik-balik sa isip niya ang pangyayaring iyon. Natiyak niyang hindi na bahagi ng lupain ng mga de Castro ang kabila ng burol dahil natanaw niya ang ilang nakahapay na poste sa lupa at barbed wire. Gayunma’y naakit siyang patakbuhin doon ang kabayo.

Isang taon nang mahigit nang huli siyang mangabayo. And the exhilaration of being on top of the horse filled her. And in fairness, mahusay tumakbo ang kabayo.At hindi niya napansin ang lalaki dahil basta na lang lumitaw mula sa mga punong iyon ng rambutan! Muntik na niya itong masagasaan ng kabayo. At sa sindak niya’y sumadsad ang lalaki sa damuhan.

Ang binalak niyang paghingi ng paumanhin ay naglaho nang habang nilalapitan siya ay unti-unting naging malinaw ang mukha nito. Ang bastos na lalaki sa deck.The man was attractive. In a terribly masculine way. He was big and tall. And the way he stood there bespoke of self-assurance and arrogance.

And he mistook her for a boy. And that made her think of getting even. Na isang malaking pagkakamali sa bahagi niya.

Ni hindi niya makuhang gumalaw o tabigin ang kamay nito nang damhin ang dibdib niya sa takot na isang hila lang sa kanya patungo sa lupa ay magagawa na nitong gawin ang nais na gawin sa kanya.

Dapat ay hindi niya ito pinatulan. Dapat ay agad din niyang pinatakbo ang kabayo pabalik sa pinanggalingan. Kung inakala niyang makagaganti siya sa ginawa nito sa kanya sa deck ay nagkamali siya. Isa siyang babae at wala siyang laban sa estrangherong ito.

Nagsumidhi ang takot ni Julianne nang gumalaw ang kamay nito sa dibdib niya. Fear and… something else. Something more frightening. May pakiramdam siyang tila siya natutulog na pusa na unti-unting nagigising sa paghaplos ng bihasang kamay nito.She groaned. Nasisiraan na siya ng bait para makaramdam ng sensasyon mula sa pagdama ng isang bastos na estranghero.

Nang matanaw niya ang kuwadra ng mga de Castro, Julianne drew in a breath to calm her runaway heart rate.

IPINAGKAMALI ni Nadine at ng mga de Castro ang pamumula ng mukha niya nang araw na iyon na dala ng hangin mula sa pangangabayo. Grudgingly, the de Castros gave her the job. Na kung nagkataong may lalaking aplikante ay malamang na hindi napasakanya ang trabaho.

At bagaman inalok siya ng mga ito na maaari siyang mag-stay in sa farm ay hindi siya pumayag. She would feel like a house help if she would agree to their offer. Sa servants’ quarter siya matutulog kasama ng mga katulong. At hindi niya kayang paabutin sa ganoong kalagayan ang sarili sa pagpapanggap niyang iyon.

At nang ipagpilitan niyang mangupahan ng cottage na malapit sa dagat ay hindi pumayag sina Nadine at Mang Celso na mag-isa lang siya sa cottage. Ipinasama ng mga ito si Weng na tuwang-tuwa naman.

Sa ilang sunod-sunod na gabi ay hindi maalis sa isip ni Julianne ang estranghero. At tuwing sasagi ito sa isip ay hindi niya maiwasang makaramdam ng masarap na kilabot. Inaasahan niyang magtatagpo silang muli anumang oras sa trabaho niya sa mga de Castro.Subalit lumipas na ang dalawang linggo na hindi niya ito nakitang muli. Unti-unti ay sinikap niyang kalimutan na ang insidenteng iyon. Hanggang sa dumating ang araw ng kasal nina Nadine at Miguel.

Isang simpleng handaan ang ginanap sa bakuran ng mga magulang ni Miguel. Si Julianne at ang binatilyong kapatid ni Miguel ang tumayong witnesses. Bukod sa gobernador na siyang pangunahing sponsor ay may ilang tagakapitolyo at mga tagamunisipyo na imbitado.Doon nakilala ni Julianne si Stan Itchon. He was thirty-two years old, of average height, charming and handsome. Ang uri ng taong kapag nakilala ng isa’y agad na pagtitiwalaan. Maaliwalas ang mukha nito at laging nakangiti, bagay na nakatulong sa pagiging kagawad nito sa bayang iyon.

Kahit sa paraan ng pagsasalita at tindig ni Stan ay mahihimigan ang isang madiplomasyang pulitiko. Ang namayapa nitong ama ay dating konsehal sa bayan ng Naujan. Tulad ng isang tipikal na pulitiko, mahusay itong mangusap.

Hindi na umalis sa tabi niya si Stan hanggang sa matapos ang reception. At nangako ito na dadalawin siya sa inuupahan niyang cottage. At makalipas lamang ang dalawang linggong panunuyo nito ay sinagot niya ito. Ang alaala ng bastos na lalaking nakatagpo niya ay tuluyan nang naging malabong alaala sa isip niya.

Bagaman nag-aalala siya sa ama dahil sa binitiwan niyang pangako tungkol sa kanila ni William, naging konsolasyon niya na mahal siya ni Stan bilang siya. At hindi iyon maaaring ipagbale-wala ng ama.

Hindi alam ni Stan ang tunay niyang pagkatao. For him, she was Julianne de Silva. Hiniram niya ang apelyido ng pinsang si Jade noong dalaga pa ito. Hindi palasak ang apelyidong Fortalejo at hindi niya gustong maiugnay siya rito sa anumang paraan. Lalo at magkalapit-pulo lang ang Mindoro at Palawan.

At para sa ilang tagaroon, she was the beautiful horse trainer/groom. A very unusual job for a very attractive woman. Higit sa lahat, kilala siya bilang ang kasintahan ng paboritong kagawad ng mamamayan ng Capistrano.

Alam niyang kakandidato sa susunod na eleksiyon si Stan bilang mayor at malaking bagay na mayroon itong asawang sinasang-ayunan ng lahat. At naniniwala si Julianne na tatanggapin siya ng mga kababayan ni Stan.

Maligaya at kontento siya sa pananatili sa Capistrano. Limang linggo na siya roon nang tanggapin niyang muli ang tawag ng ama.

“You overstayed your vacation, Julianne,” wika nito. “Alin na lang sa dalawa, ipasusundo kita o uuwi ka na?” Bernard’s voice held warning.

May ilang beses siyang lumunok bago sumagot. “Papa, I’m sorry, pero hindi pa ako maaaring umuwi ngayon. M-may trabaho ako rito—”

“Trabaho! Anong trabaho ang sinasabi mo?“Kinakabahan at unti-unti niyang ipinaliwanag sa ama ang uri ng trabahong pinasukan. Narinig niya ang marahas nitong pagmumura. Ipinagpapasalamat niyang wala siya roon at hindi ito kaharap. Nagkalakas-loob siyang ipaliwanag dito ang tungkol kay Stan.

“I love him and he loves me, Papa!” giit niya nang pagalit na kontrahin ni Bernard ang sinasabi niya. “At hindi ako sasama kapag sinundo ninyo ako.”

“Por dios, Julianne! Ano ang alam mo sa pagkatao ng lalaking iyan na nakilala mo lang sa nakalipas na mga linggo? You must be insane!”

Halos hindi na marehistro sa isip niya ang mga sinasabi ng ama dahil sa galit nito. Pinutol niya ang pakikipag-usap dito at agad na tinawagan ang ina at nagpaliwanag. Alam niyang ang mama lang niya ang maaaring makapigil kay Bernard sa anumang nais nitong gawin.

“Julie, hija,” ani Jewel sa kabilang linya. “This is so sudden. Paano mong natiyak na totoo ang layunin sa iyo ng Stan na ito?”

“’Ma, hindi niya ako kilala bilang anak ninyo ng Papa. I borrowed Uncle Marco’s name…” Narinig niya ang “ohh” at buntong-hininga ng ina. Pagkatapos ay, “I’ll talk to your father. Pero ipangako mo sa aking hindi ka gagawa ng bagay na… you know what I mean. Don’t be permissive, hija.“She chuckled. “Gracias, Mama. I promise. And, ’Ma, I’d like to stay here until my contract with the de Castro ends…” Ang huling sinabi niya ay muling nagpahaba ng usapan.

Matapos ang maraming diskusyon at pangako sa ina ay napahinuhod niya ito. Nangako si Jewel na tatawagan ang papa niya sa mismong sandaling iyon.

Simula nang araw na iyon ay walang pag-uusap sila ng mga magulang na hindi niya ipinagmamalaki si Stan. At alam ni Julianne na naghihintay lang ng tamang pagkakataon si Bernard upang mapaimbestigahan ang nobyo niya kung hindi pa man nito sinisimulang gawin na iyon.

***********Paganda na ng paganda char hahahaha . Para sa next giveaway natin. Magcomment lang kayo sa video na ito at magsubscribe na rin char. ;) Iaannounce ko yung winner next week via random picker ulit. :) So busy today hahahaha . Happy weekends. - Admin A *****************************************************************************************

https://youtu.be/6TSaRgOKVP0

8

“DUMATING noong isang linggo ang anak ni Mrs. de Castro galing ng Amerika, Nadine,” balita ni Julianne sa kaibigan nang dalawin siya nito sa cottage nang hapong iyon bitbit ang isang supot ng manggang hilaw at bagoong. Natitiyak niyang naglilihi na ito. “Hindi ko nga pala nabanggit sa iyo.”

Bahagya lang ang pagkagulat na ipinakita ni Nadine. May ilang sandali siyang tinantiya bago, “Alam mo bang dating magkasintahan sina Milet at Stan?“She frowned. Pagkatapos ay umiling. “W-walang nabanggit si Stan sa akin tungkol sa mga naging ex niya.”

Nagkibit ng mga balikat si Nadine, isinawsaw ang hiniwang mangga sa bagoong na nasa platito. “Well, that was a long time ago. Bago pa nagtungo ng Amerika si Milet…“Julianne got curious. “Really?”

Tumango si Nadine. “Nagkahiwalay sila nang magpakasal si Milet sa isang mayamang banyaga may dalawang taon na ang nakalipas. Nakilala niya sa isa sa mga beach resort dito sa Calapan,” patuloy nito. “Alam mo naman dito, dinadayo talaga ng mga foreigner ang magagandang beach resort.”

“Pero wala siyang kasamang asawa,” aniya at nakisubo sa kinakain nito at pagkatapos ay napangiwi. “Hindi ko alam kung paano mong nakakain iyang pagkaasim-asim na manggang iyan.”

Natawa si Nadine. “Makalipas lang din ang isang taon ay nabalitang nagdiborsiyo sina Milet at ang asawa niya.” Napangiwi ito. “Knowing Milet, hindi na ako nagugulat sa mga pangyayari. Bago niya naging boyfriend si Stan ay si Benedict ang kinukursunada niya. Pero hindi siya pinatulan nito.”

“Sinong Benedict?”

Nahinto sa pagsubo si Nadine at kunot ang noong napatitig sa kanya. “Hindi mo kilala si—I mean, hindi nababanggit sa iyo ni Stan ang tungkol sa kapatid niya?“Natigilan si Julianne. “May… kapatid si Stan?”

“Actually, hindi sila blood related. Kinse anyos si Benedict nang mamatay ang papa niya, si Rafael Aragon. Ang mama niya, si Iluminada ay nag-asawang muli wala pang isang taon mula nang mamatay ang asawa, kay Clemente Itchon, ang papa ni Stan na dating konsehal sa Naujan. Tagaroon ang mga Itchon bago nalipat dito.”

“P-paanong hindi nabanggit sa akin ni Stan ang tungkol sa kapatid niyang ito?” nagtatakang tanong niya.

“There’s no love lost between Benedict and Stan.” Inabot nito ang soft drinks at matapos ubusin ay lumakad patungo sa lababo at naghugas ng kamay. “Nang pakasalan ng mama ni Benedict ang papa ni Stan ay sa Maynila na naglagi si Benedict.” Inabot nito ang basahan sa kamay at nagpunas.

“Bukod sa hindi gusto ni Benedict ang muling pag-aasawa ni Iluminada, hindi rin niya makasundo ang mag-amang Clemente at Stan. Mula noon ay bibihirang umuwi rito si Benedict. Ang natatandaan kong nagtagal siya rito ay nang mamatay ang mag-asawang Clemente at Iluminada sa isang ambush sa Bongabong noong nakaraang taon.”“Anong uri ng tao ang Benedict na ito at hindi makasundo ni Stan at ng papa niya?” Julianne asked, mildly curious.

Nadine laughed mockingly. “If truth be told, at huwag mo namang ikasama ng loob, mas kinagigiliwan ng mga residente si Benedict. Kung hindi susuportahan ni Mayor Alcaraz si Stan ay hindi ako maniniwalang mananalo siya sa isang malinis na halalan bilang mayor sa bayang ito.”“What?” Kumunot ang noo niya. “Bakit mo nasabi iyan?”

“Tulad ni Rafael Aragon, si Benedict ay mapagkawanggawa, magiliw, at mabait sa lahat, lalo na sa mga nagsasaka ng lupain nila. Kahit na naglalagi siya sa Maynila ay hindi ito nakakalimot na dumalaw sa mga magsasaka kung nagtatagal din lang siya rito. Hindi niya ginagawa iyon dahil kailangan niyang maging mabait sa mga tao dahil pulitiko siya.”

Nailang si Julianne sa sinabi ng kaibigan. “T-that’s a backhanded insult for Stan, Nadine. Hindi ko alam na hindi mo siya gusto.”

Nadine sighed. “I’m sorry, Julie. Opinyon ko lang naman iyon base sa mga naririnig at nakikita ko. Huwag mong bigyan ng halaga. Dahil magnobyo kayo’y tiyak na mas nakikita mo ang totoong pagkatao niya kaysa sa akin.”

Pero nahihimigan ni Julianne sa tinig ng kaibigan ang disgusto nito sa kasintahan niya kahit na hindi nito deretsahang inamin iyon.

“Siyanga pala, nagtungo si Kagawad sa kapitolyo kanina at kinausap ako. Iyan talaga ang sadya ko kaya ako nagpunta rito,” biglang kambiyo ni Nadine sa usapan habang kasalukuyan niyang pinag-iisipan ang mga sinabi nito.

“May sadya siya sa iyo?“Ilang sandali ang pinalipas ni Nadine bago sumagot. “Tinanong niya kung gaano kita kakilala. Kung kilala ko ang pamilya mo. Sinabi ko sa kanya ang totoo na dalawang taon tayong magkaibigan at magkasama sa pamantasan…”

Napangiti siya. “That’s to be expected. Gusto niyang makilala ako nang higit, Nadine. Marahil ay inihahanda lang niya ang sarili sa nalalapit na paghaharap nila ng mga magulang ko. Nabanggit ko na sa iyo na gusto ko siyang ipakilala sa Papa, ’di ba?”

“Pero nang tanungin niya ako kung may-kaya sa buhay ang pamilya mo ay nagsinungaling ako…” patuloy nito na parang hindi siya nagsalita.

Nang mag-angat siya ng tingin ay sinalubong ni Nadine ang mga mata niya. Julianne’s smile vanished slowly. “A-ano ang ibig mong sabihin?”

“Kung ano lang iyong ipinaniwala mo sa kanya, at sa akin. Na sa kompanya ng semento nagtatrabaho ang papa mo…”

Biglang nakadama ng pagkailang si Julianne. “Then… then why did you say you lied to him?”“Dahil alam kong may-kaya sa buhay ang mga magulang mo. At totoong sa kompanya ng semento nagtatrabaho ang papa mo pero hindi ko sinabi sa kanyang malamang na papa mo ang may-ari ng kompanya ng sementong sinasabi mo…”

Napahugot ng hininga si Julianne. Biglang nagbaba ng tingin.“Hindi ko alam kung bakit ibang pangalan ang sinabi mo kay Stan. Mabuti na lang at hindi niya nahalatang nagulat ako nang itanong niya sa akin kung gaano ko kakilala ang mga de Silva. Muntik ko nang maitanong kung sinong mga de Silva ang tinutukoy niya kung hindi niya idinugtong agad ang pangalan mo…”

Julianne was speechless. Hindi niya malaman kung paano ipaliliwanag kay Nadine ang lahat.Isang matabang na ngiti ang pinakawalan ni Nadine. “Sa ilang pagkakataon ay hindi ko malaman kung kaiinggitan kita, hahangaan, o kaiinisan, Julie,” wika nito na sinamahan ng buntong-hininga, hinila ang silyang plastic sa tapat niya at naupo.“Nadine…”

“Maliban sa nakikita kong mabait na pakikitungo mo sa akin noon o ngayon man, hindi ko talaga alam kung sino ka,” patuloy nito. “Hindi ko pinagkaabalahang alamin dahil kahit minsan ay wala naman akong maipipintas sa iyo bilang kaibigan. At totoong ikaw lang ang best friend ko. At kung gusto mong ipagkaila ang pagkatao mo, fine with me. I’ll respect that…” Muli itong nagbuntong-hininga. Pagkatapos ay sinalubong ang mga mata niya. “Pero alam kong hindi ka anak ng ordinaryong mga magulang. Though you pretended to be one.”“W-who gave you that idea?”

“That happened a month before you left the university,” wika nito. “Late na akong umuwi nang araw na iyon at hindi sinasadyang nakita kita nang pauwi ka na. Dalawang lalaki ang nasilip kong nasa loob ng imported at mamahaling van na iyon. Maliban pa sa isang lalaking nagbukas ng pinto ng sasakyan para sa iyo….

“I assumed them to be bodyguards. May malalaking katawan at mukhang mga militar ang mga lalaking iyon, tulad ng napapanood ko sa sine. At pagkatapos, ang mga lalaki ring iyon ay hindi miminsang namamataan ko sa tuwing nasa mall tayo… keeping their distance.”

“I-I’m sorry,” halos bulong na sabi ni Julianne, nagyuko ng ulo. “I hated those bodyguards all my life. Pero wala akong magagawa roon. My only choice is to live and study abroad. Doon ay malaya ako sa mga bodyguard ng Papa. ’Yong… ’yong pagtungo ko rito sa inyo ay ipinilit ko lang sa mga magulang ko…”

“Poor little rich girl,” Nadine said sarcastically. Nang hindi siya kumibo ay napangiwi ito at inabot ang kamay niya. “I’m sorry, Julie. Kaya lang ay nakapagdaramdam na hindi mo ako mapagkatiwalaang ipaalam ang tungkol sa iyo. Minsan ay inisip kong baka hindi mo gustong humingi ako ng pabor sa iyo kung malalaman ko ang totoo mong katayuan sa buhay…”“Oh, no, Nadine. Hindi sa ganoon!” mariingtanggi niya.

“I know.” Nadine smiled. Tinapik nito ang braso niya. “Naisip ko lang iyon. Pero lumalim namang higit ang pagkakilala ko sa iyo, lalo na nitong nagbakasyon ka rito sa amin. Hindi ako makapaniwala nang hilingin mong gusto mong magtrabaho. A servant’s work, in fact.”

“I love my job, Nadine. Ginagawa ko rin iyon sa amin… sa mga kabayo namin.” She smiled.

 “Hindi nga lang obligadong araw-araw. But it’s all right. I want people to like me for what I am. At gusto kong mamahalin din ako ni Stan hindi dahil sa mamanahin ko o kung sino ang mga magulang ko.”

Wala sa loob na tumango si Nadine. “I just hope that Stan’s worth it.”

*******************Sana all na lang ako sa’yo Julie char hahahaha sana all tanggap kung ano ka talaga haysst super busy sa mga nakaraang araw at sa mga araw pa na paparating sana all na lang ako sa mga di busy dyan at masaya hahahahaha. Sana all masaya , ay happy naman pala ako kasi kahit nabagyo at may bagong variant ng virus ay vaccinated na ako at andyan kayo para pasiyahin ako ayiiieh char hahahaha. Next week na lang yung sa winner di ko pa naaannounce at yung winner last time di pa ako minemessage ayaw mo ata nung prize beshie eh hhahahaha. *************************************

PS. I love myself char hahahaha

9

“GUSTO n’yo raw akong makausap?” bungad ni Julianne kay Mrs. de Castro na naghihintay sa kanya sa sala. Umaga pa lang ay pinaabisuhan na siya na gusto siya nitong makausap bago umuwi nang hapong iyon.

“Maupo ka, Julianne…” Itinuro nito ang pang-isahang sofa. Tahimik na naupo si Julianne, iniisip kung ano ang maaaring kailangan sa kanya ng employer. Pagkuwa’y bahagyang kumunot ang noo niya nang madaanan ng tingin ang isang pay envelope sa mesita.Nag-angat siya ng tingin dito. May ilang beses na tumikhim ito bago nagsalita. “Nahihiya ako sa iyo, Julianne,” wika nito. “Pero napag-usapan na natin noong una pa man na pansamantala lang ang trabaho mo. Dadalhin na sa Maynila ang mga kabayo.”

“Oh.” Tumango-tango siya at ngumiti. “Huwag kayong mag-alala, Mrs. de Castro. Katunayan ay nagbabakasyon lang naman ako. At natutuwa akong nagkatrabaho ako sa nakalipas na tatlong buwang mahigit. Katunayan ay napalipas ng trabaho ko ang mga araw nang hindi ko namamalayan.” Bagaman hindi madali ang trabaho niya at nangangapal na ang mga palad niya, sa nakalipas na ilang buwang pagtatrabaho niya sa mga de Castro ay totoong nag-enjoy siya. Naranasan niya kung paano maging isang simpleng tauhang pinasasahod.

Pag-uwi niya sa Paso de Blas, ipinangako niya sa sariling magiging mas makonsiderasyon siya sa mga tauhan. Totoo namang dinanas nilang magkapatid ang magtrabaho at kumita ng sariling pera. Subalit hindi sa ganitong paraan. Iba kung sa sarili nilang kompanya sila nagtatrabaho dahil naroon pa rin ang reserbasyon ng mga tauhan ng kompanya dahil alam na anak sila ng Big Boss.

At hindi kailanman ibibigay ni Bernard sa kanila ni Jess ang ganitong uri ng trabaho. She agreed this was a man’s job. Pero naroon na siya at pinangatawanan na niya.

“At ikaw ang pinakamahusay kong naging horse trainer, Julianne,” putol ni Mrs. de Castro sa daloy ng isip niya. “A lot better than my previous male trainers. Hindi ko miminsang inasam na sana’y katulad mo si Milet sa pagkakaroon ng interes sa mga kabayo. And we really don’t want to lose you… but—” Hindi nito itinuloy ang sinabi, umiwas ng tingin at tila naiilang na di-mawari. Pagkatapos ay iniabot sa kanya ang pay envelope. “Hinusto ko nang isang buwan ang sahod mo, Julianne,” dugtong nito.

Tinanggap niya ang sobre at nagpasalamat. Tumayo siya at nagpaalam na. Bago siya nakalabas ng bahay ay natanaw niya sa may hagdan ang anak nitong si Milet. Nakangiti ito sa kanya.Gusto niyang gumanti ng ngiti subalit tila nanigas ang mukha niya. Hindi dahil hindi niya ito gustong ngitian. Kundi dahil ang ngiting ibinibigay sa kanya ni Milet ay tila yaong nakatataas para sa isang hamak na tauhan.

Naalala niya nang ipakilala siya rito nina Mr. at Mrs. de Castro kinalunesan pagpasok niya.“So, you are the horse trainer my parents were talking about, huh?” Tumaas-baba ang mga mata nito sa kabuuan niya bago dinugtungan ang sinabi na nakataas ang mga kilay. “And you are Stan’s new girlfriend?” Ang akma niyang pagkumpirma sa tanong nito ay napigil nang humalakhak ito. Isang nakaiinsultong halakhak. Bagaman nairita, hindi niya ito pinatulan.Nakangiti pa rin ito nang mapatapat siya rito. Bahagya niya itong tinanguan at nagtuloy-tuloy na sa paglabas. Nakalampas na siya rito nang magsalita ito.

“Dinispatsa ka na ba ng Mama, Julianne?”

Napahinto siya sa paglakad. Biglang hindi niya maiwasang mag-isip kung may kinalaman si Milet sa pagtatapos ng trabaho niya. Whatever. It didn’t really matter. Hindi niya kailangan ang trabahong ito. At mabuti na ngang sa mga de Castro na nanggaling ang dismissal. Aalis na rin naman sila ni Stan sa susunod na linggo.

Nilingon niya ito at tumango. “Nilinaw sa akin ng mga magulang mo noong una pa lang na pansamantala lang ang trabaho ko rito, Milet,” malamig niyang tugon.

“You’re naughty!” ani Milet sa nakikitang kalmanteng anyo niya at kalamigan ng tono. “Kung umasta ka ay para kang prinsesa gayong isa ka lang tagapag-alaga ng mga kabayo.”

“Don’t pick a quarrel with a lowly horse trainer, Milet,” sagot niya at nagtuloy-tuloy nang lumabas. Hindi niya alam kung may sasabihin pa ito pero narinig niya ang tinig ni Mrs. de Castro na tinatawag ito.

Gamit ang bisikletang binili sa bayan noong unang buwan niya sa trabaho ay tinungo niya ang gate. Nagulat pa siya nang matanaw ang kotse ni Stan na ipinaparada sa gilid ng daan. Ito man ay namangha nang sa paglabas ng kotse ay makita siya.

“B-bakit narito ka pa?” tanong nito, ang tingin ay lumampas sa mga balikat niya patungo sa bahay ng mga de Castro. “Malapit nang lumubog ang araw.”

“Kinausap pa kasi ako ni Mrs. de Castro,” sagot niya. Bumaba siya mula sa bisikleta. “Ikaw, ano ang ginagawa mo rito?”

Sandaling gumuhit ang pagkailang sa mukha ni Stan bago sumagot. “May… kailangan akong importanteng bagay kay Mr. de Castro.” Sinundan nito iyon ng ngiti. Iyong uri ng ngiting hindi naman umabot sa mga mata nito. “Pulitika, alam mo na. Simula na ng election campaign isang buwan mula ngayon.”

“Should I wait for you in your car?”

Mabilis ang iling na ginawa nito. “No… no!” he said too quickly. Pagkuwa’y ngumiti. “Baka matagalan ako at mainip ka. Pagkagaling ko rito’y pupuntahan kita sa cottage.”

Alanganing tango ang ginawa niya. Nagtataka sa mabilis at mariing pagtanggi nitong maghihintay siya. “Hindi pa natin napag-uusapan ang tungkol sa pag-uwi natin sa amin, Stan. Actually, tatawagan talaga sana kita pagdating sa cottage.”

“R-really?”“Alam mo bang hanggang ngayon na lang ang trabaho ko,” nakangiting balita niya na ikinakunot ng noo nito. “Hindi ba tamang-tama kung bibiyahe tayo next week?”

“Ikinatutuwa kong hindi mo dinamdam at ipinag-alalang nawalan ka ng trabaho, Julianne.” Sa pagkakataong iyon ay sinsero ang tinig nito.

Nagkibit siya ng mga balikat. “Hindi ko naman talaga kailangan ang trabaho ko sa mga de Castro, Stan. Gusto ko lang magtrabaho habang naririto ako upang hindi makabigat sa mga magulang ni Nadine.”

“Most of the time you confused me, Julianne,” ani Stan sa nalilitong tinig, sinusuri siya ng tingin. “Tulad ngayon. Pinasukan mo ang isang trabahong hindi lang mahirap kundi panlalaki pa. One would conclude you badly needed the job. At ngayong nawalan ka ng trabaho, tinanggap mo nang nakangiti at na hindi mo naman pala kailangan kundi pampalipas-oras lang?”

“Stan, simula pa lang ay nilinaw na sa akin ng mag-asawang pansamantala lang ang trabaho ko.”

“Of course!” wika nito na tila ba ang sinabi niyang iyon ang nagpalinaw sa naguguluhang isip nito. “Umuwi ka na. I’ll see you tonight.”

Ang disimuladong pagtataboy nito sa kanya ay nakagulo sa isip ni Julianne. Alanganin siyang tumalikod. Nakakailang hakbang na siya nang lumingon, tuloy-tuloy si Stan sa bahay ng mga de Castro.

Isang nababahalang buntong-hininga ang binitiwan niya. Bakit parang naging estranghero sila sa isa’t isa nitong nakalipas na mga araw? Bagaman nagkakausap sila sa cell phone tuwing tinatawagan niya ito, sa nakalipas na dalawang linggo ay dalawang beses lang silang nagkita. Ito ang pangalawa. Ganoon ba ito kaabala upang hindi man lang siya magawang dalawin kahit sandali?

May kinalaman ba si Milet sa tila panlalamig ni Stan?

Now, where did that idea came from? Dahil ba nabanggit ni Nadine na dati itong girlfriend ni Stan? Umiling siya. It was ridiculous to ever think about it. Milet was a divorcee and she didn’t think Stan would pick up where they had left off. Lalo na at ayon kay Nadine ay magkasintahan pa ang dalawa nang ipagpalit ni Milet si Stan sa isang mayamang foreigner.

Stan loved her. Paulit-ulit nitong sinasabi sa kanya iyon. Marahil ay talagang ganoon ito kaabala, lalo na at nalalapit na ang kampanya para sa eleksiyon.

Taglay iyon sa isip, tahimik siyang nagpatuloy sa pagpedal ng bisikleta. Ipinaaalala sa sariling iiwanan niya ang bisikletang iyon sa mga kapatid ni Nadine sa araw ng pag-uwi niya.

***********Naku pagkaganyan iwanan ko na agad yan Julianne hahahahaha. Pinapatagal mo pa eh dun din naman ang punta char hahahaha. Hay naku nasttress tuloy ako sa’yo eh kakaloka ka hahahaha *********************

Sana makapag-update ako next week :) Hoping lang ***************

10

NAPUYAT si Julianne sa paghihintay rito subalit hindi dumating nang gabing iyon si Stan tulad ng sinabi nito. Kinabukasan na ng hapon ito dumating sa cottage.

“Ginabi na ako sa pakikipag-usap sa mga de Castro,” wika nito nang makaupo.She smiled. Iniisip niyang marahil ay sinuyo nito ang mga de Castro upang suportahan ang kandidatura nito sa darating na eleksiyon. Magugulat pa ito kapag sinabi niyang hindi nito kailangan ang suporta mula sa dati niyang employer. Her father had supported two presidents, the mayoralty post was a piece of cake.

Kung bibiyahe sila patungong Maynila ay magkakaroon siya ng pagkakataong sabihin dito ang tungkol sa pagkatao niya. Sa ferry boat mismo. At kung dati ay nag-aalala siyang baka ikasama ni Stan ang paglilihim niya ay hindi na ngayon. Lalo at alam niyang kailangang-kailangan nito ng pinansiyal na suporta para sa kandidatura.

“Naiintindihan ko. So…” Inilahad niya ang dalawang kamay. “Ano ang plano mo? Kailan mo gustong bumiyahe tayo patungong Maynila?”

May ilang beses na humugot ng hininga si Stan bago nagsalita. “Actually, iyan mismo ang dahilan ng ipakikipag-usap ko sa iyo ngayon, Julianne.” Tumayo ito at lumakad patungo sa balkon. “Magiging napakaabala ko sa susunod na mga araw dahil sa nalalapit na pangangampanya,” patuloy nito, his back on her.

Sumunod siya at sumandal sa hamba ng pinto. “N-nasabi mo na sa akin iyan, ’di ba? Kaya naman naiintindihan ko kung bakit hindi tayo nagkikita nitong mga huling araw.“Humarap ito sa kanya. “I’m glad you understand, bagaman nahihiya ako sa iyo. Alam kong gustong-gusto mong maipakilala ako sa mga magulang mo. Iyon din ang gusto ko. Pero napakahalaga para sa akin ang magiging resulta ng eleksiyong ito, honey. At malakas ang kalaban ko…”

“Get straight to the point, Stan,” she said a little bit impatiently.“I can’t leave town at this point in time, Julianne. I mean, I will be too busy…” He paused, then, “Bakit hindi na muna natin ipagpaliban ang pagharap ko sa mga magulang mo?”

Yumuko si Julianne upang itago ang pagkadismayang gumuhit sa mukha niya. Nangako siya sa ama na luluwas sila ni Stan sa susunod na linggo upang makilala nito ang nobyo. Hindi niya magagawang siraing muli ang pangakong iyon. Lalo at hindi nagustuhan ni Bernard ang ginawa niyang pakikipagnobyo gayong nangako siyang pagkatapos ng bakasyon at kasal ni Nadine ay haharapin niya si William.

Bernard accused her of betraying his trust. At totoong nakadama siya ng guilt doon. She knew that the only thing that was keeping his father’s anger at bay was her assurance that Stan loved her for what she was.

May ilang sandali ang pinalipas niya bago sumagot. “M-malaking bagay ba ang isa hanggang dalawang araw na mawawala sa iyo? My father’s expecting us next week, Stan. I hate to disappoint him. Nasabi ko na sa kanyang darating tayo.”

Tumiim ang mukha nito. Subalit sandali lang iyon, agad na muling lumambot ang anyo. Ngumiti. Itinaas ang dalawang kamay sa ere. “Two days isn’t enough, honey. I would like to spend, at least, a few days with you, to get to know my future father-in-law better…” Akmang magpoprotesta si Julianne subalit inunahan siya ni Stan. “May maganda akong ideya! Bakit hindi ka maunang umuwi at susunod ako? Yes, that’s it!”

She frowned. “Bakit ako mauuna? Bakit hindi tayo magsabay?”

“Tulad ng sinabi ko, may mga appointment ako sa partido sa susunod na mga araw na hindi maaaring ipagpaliban. Kung hihintayin mo ako, you will make me feel guilty by neglecting you. Another thing, hindi natin gustong mag-alala nang husto ang papa mo, ’di ba?”

Her heart sank. “Inaasahan kong magkasabay tayong bibiyahe, Stan. May mahalagang bagay akong gustong ipakipag-usap sa iyo habang nasa dagat tayo.”

Nilapitan siya ni Stan, hinagkan sa mga labi. “We have all the time in the world, honey. Pagdating ko roon sa susunod na linggo—to be specific, Thursday next week. I’ll stay in Manila for five days. At atin ang lahat ng panahong mag-usap, okay?”

Wala sa loob siyang napatango. “Iyon ba ang inaakala mong… mabuti?“Isang maluwag na hininga ang pinakawalan nito bago mahinang tumawa. “Trust me, honey. Iyon ang pinakamabuti, lalo at wala ka na namang trabaho. Sa makalawa ng tanghali ay bumiyahe ka na—”

“Sa makalawa na?” putol niya sa sinasabi nito. “Pero birthday mo sa Sabado. And you were planning a party, weren’t you?”

“I changed my mind about the party,” wika nito. “Kaya nga wala namang dahilan para magtagal ka pa rito. Sayang ang iuupa mo, lalo at wala ka nang trabaho.” Inikot nito ang tingin sa loob ng cottage. Nahagip ni Julianne ang disgusto sa mga mata nito na bigla ring nahalinhan ng ngiti.Gusto niyang sabihing ilang doble man ang renta ng cottage na iyon ay kaya niyang bayaran. Pero dahil hindi naman alam ni Stan ang totoong katayuan niya sa buhay ay may katwiran itong manghinayang na manatili pa siya roon.

“You’re, beautiful, Julianne,” bulong nito, umahon ang pagnanasa sa mga mata. “Too poised and too classy. I might be a fool to let you…” His voice trailed off, then, “out of my sight.” Itinaas nito ang mukha niya. Tinitigan siya at pagkuwa’y yumuko at hinagkan siya sa mga labi.Tumaas ang mga kamay niya sa leeg nito at tumugon. Bigla siyang nagmulat ng mga mata nang maulinigan ang pagdating ng tricycle. Pumara ito malapit sa likod ng kotse ni Stan. Mula roon ay bumaba si Weng na galing ng paaralan.

Stan was breathing heavily. Hindi nito namalayan ang biglang pagbaba ng mga kamay niya mula sa leeg nito. Habang hinahagkan siya ay inilalakad siya papasok sa loob ng cottage.“N-nariyan na si Weng…” bulong niya. Subalit tila walang narinig si Stan at pilit siyang ipinapasok sa loob ng cottage. Nang tumingala si Weng ay mabilis niya itong itinulak.

“Anak ng—!” naiiritang sabi nito kasabay ng paglingon sa ibaba. Naroon si Weng at nag-aalangang pumanhik. Ibinalik nito ang mga mata sa kanya. “To the bitter end, Julianne, mailap ka pa sa usa ng Mindoro. Gusto kong manghinayang…”

“Stan, ano ba ang sinasabi mo? Hindi kita naiintindihan,” naguguluhang sabi niya. Inilipat ang mga mata kay Weng na tumingala at nagmagandang hapon kay Stan. But Stan ignored the girl. “We couldn’t just kiss in front of a kid, could we?”

“Pero may chaperone kang lagi, ’di ba? Kung hindi si Nadine, alin na lang sa mga kapatid niya,” wika nito sa halos pagalit na tono. Pagkuwa’y nagkibit ito ng mga balikat. “Marahil naman sa Maynila ay wala ka nang maidadahilan. Anong oras nga pala kita susunduin dito bukas para ihatid sa pier?” He groaned. “Matapos sanang maaga ang meeting namin ni Mayor bukas.”“It’s all right, Stan. Maipahahatid akong tiyak ni Nadine kay Miguel.”

Stan grimaced. “I’m guilty already, honey. Ako dapat ang maghatid sa iyo sa pier. Bakit hindi ka na lang maghintay na matapos ang meeting?”

“It’s okay, Stan. Naiintindihan ko. Walang dahilan para magmadali kang matapos ang meeting gayong maihahatid naman ako ni Miguel at Nadine.”

“Tatawagan kita sa CP mo kapag paalis na ako rito sa Huwebes sa susunod na linggo.”

*************Yehey nakapag-update din ano na ang balita mga beshies? - Admin A **************

11

ARAW ng pagbibiyahe ni Julianne at patapos na siyang mag-empake nang malingunan si Nadine sa pintuan ng silid niya. Naka-office uniform pa ito. Nginitian niya ang kaibigan.

“Akala ko ba’y magha-half day ka lang? Bakit ang aga mo? Alas-diyes pa lang, ah.” Kinagabihan din nang araw na maghiwalay sila ni Stan ay niyaya niya si Weng na magtungo sa bahay ng tatay nito at hinintay roon sina Nadine.

Ipinaalam ang plano niyang pag-uwi ngayong araw. Bagaman nabigla ay hindi naman tumutol na si Nadine. Nag-alok ang mag-asawang ihahatid siya sa pier.

“What’s wrong?” tanong niya nang manatiling hindi kumikibo si Nadine. “Bakit tila ka natutulala? Natanggal ka rin ba sa trabaho?” pabirong sabi niya, isinara ang zipper ng maleta. “’Yon nga palang bike sa ibaba, ibigay mo sa mga bata.”

Nadine sighed. “I wish there’s a better way to tell you this, Julianne,” mahinang sabi nito.Nilingon niya ang kaibigan, nakita niya ang pag-aalala sa mga mata nito. Kumunot ang noo niya. “What is it, Nadine?”

“Sana’y hindi na lang sa akin manggaling ang sasabihin ko sa iyo. Hindi ko gustong makitang nasasaktan ka. Pero mas mabuting malaman mo kaysa manatili kang umaasa…”

“Hey, ano ba talaga ang problema?” Tuluyan nang nakuha nito ang buong atensiyon niya. “Bakit parang napakaseryoso naman ng dating mo?”

Naupo ito sa dulo ng kama. “Kanina kasi…” she paused, “napaaga ng pasok si Tatay sa munisipyo. Nauna pa ngang umalis sa amin ni Miguel dahil may iniwan daw siyang trabaho kahapon at kailangan niyang matapos. Kasalukuyan siyang nasa isang bahagi ng opisina nang maagang dumating sina Mayor at Stan.

“Alam mo na, maaga kasi ang meeting sa headquarters ng partido nina Mayor at may dinaanan yata sa munisipyo. Hindi raw siya napuna ng mga ito dahil natatakpan siya ng mga filing cabinet kaya malaya niyang naririnig ang usapan ng dalawa.”

“And?”“Narinig ni Tatay na iniimbitahan ni Stan si Mayor sa Sabado ng gabi sa birthday party nito sa Villa Manuela.”

“A-are you sure there would be a party? Sinabi ni Stan na hindi na niya itutuloy ang birthday party niya.”

“Sana nga’y nakaringgan lang ni Itay iyon. Pero kahit nang pumasok sila sa loob ng opisina ni Mayor ay patuloy sa pag-uusap ang dalawa at dahil hindi naman nakalapat ang pinto ay naririnig sila sa labas. Sabi ni Stan ay ihahayag niya sa gabing iyon ang… ang engagement nila ni Milet.”

“Oh.”“At nang banggitin daw ni Mayor ang pangalan mo, ang sabi ni Stan ay hindi mo naman daw malalaman dahil pauwi ka na ngayon.”

Wala sa loob na napaupo sa gilid ng kama si Julianne. May pakiramdam siyang namamanhid ang buong katawan niya.

“Sinisisi nga ni Tatay ang sarili kung bakit kayo nagkakilala ni Stan,” patuloy ni Nadine. “Noong kasal namin ni Miguel ay si Mayor lang ang dapat na imbitado pero biglang dumating si Stan nang kasalukuyang iniimbita ni Tatay si Mayor. Out of politeness, napilitan si Tatay na kumbidahin siya.

“Hindi gusto ni Tatay kahit ang namayapang ama ni Stan, Julianne. Katunayan ay hindi na ito nanalo nang sumunod na eleksiyon. Mapagmapuri kung turingan ni Tatay ang mag-ama. Subalit nang maging magnobyo kayo ay hindi siya nagkomento. Pero kanina ay galit na galit si Tatay nang sabihin sa akin ang mga narinig niya. Sabihin ko raw sa iyo.”

Humugot siya ng tissue mula sa kahon na nasa ibabaw ng kama at banayad na suminga. Matagal na katahimikan ang namagitan. Nadine broke the silence.

“Ikinagagalak kong hindi mo ipinagtapat kay Stan ang tunay mong pagkatao, Julie. You don’t deserve a bastard like him.”

“I-ipinagmalaki ko siya sa Papa’t Mama…” mahinang sabi niya na tila ba tinakasan siya ng lakas. “Tiniyak ko sa mga magulang kong isa siyang mabuting tao, na karapat-dapat siyang maging manugang nila… na mahal ako ni Stan hindi dahil sa aking katayuan sa buhay kundi bilang ako…”

Isang buntong-hiningang puno ng simpatya ang pinakawalan ni Nadine. “Kalimutan mo siya, Julie. Dapat mong ipagpasalamat na nakilala mo ang tunay niyang motibo bago pa naging huli ang lahat.”

Hindi siya sumagot. Nanatiling nakatitig sa kawalan. Pilit niyang pinagagana ang isip.Nilinga ni Nadine ang mga gamit niyang nililigpit. “Nalulungkot akong ito ang kinahinatnan ng pagtigil mo rito sa Capistrano, Julie. Gusto kitang pigiling manatili muna. Pero baka lalo ka lang masaktan kung—”

“Hindi ako uuwi ngayon, Nadine. Dadaluhan ko ang birthday party ni Stan sa Sabado.”“Oh, Julie…” Napuno ng pag-aalala ang tinig ni Nadine. “Huwag mong gawin ito. Masasaktan ka lang. And knowing Milet, baka ipahiya ka niya.”

“I can handle her now that I am not her parents’ employee anymore,” giit niya. “Hindi ako basta maaaring tumalikod na lang, Nadine. Pagtatawanan nila ako…”

“Ganoon din ang gagawin nila kapag dumalo ka. Gusto mo bang makita pa iyon?“Hindi siya sumagot. Lumakad siya patungo sa bintana ng cottage. Lampas-lampasan ang tingin niya sa mga puno ng niyog. Sa kanilang dalawa ni Jessica, her little sister was the most private. Jessica kept to herself and to her horses. And yet Jess was the spirited one, ang mataray sa pamilya, to the point of being bitchy. A slight provocation from a man would certainly bring her sister to retaliation.

While Julianne was the sociable and the happy-go-lucky type. Yet she was submissive and too gentle. She would cry in a drop of a hat. Ni hindi niya makuhang magtaas ng tinig sa kanino man. Kapag nagagalit siya’y tatalikod na lamang siya. Jessica used to tease her that she was the saint in the family.

At sa kanila ni Jessica, siya pa rin ang sa tuwina’y masunurin sa ama. She wouldn’t dare oppose Bernard. Kaya nga maituturing niyang himala na napapayag niya ito sa pagtungo at pagtira niya nang matagal sa Capistrano.

Apat na buwan siyang namuhay nang nag-iisa at wala ang proteksiyon ng mga bodyguard at salapi ng ama. Kinaya niya ang mabigat na trabaho sa mga de Castro, nadagdagan ang lakas ng loob niyang kakayanin niya ang lahat. Pero kaya ba niyang harapin sina Stan at Milet sa birthday party ng una?

But she couldn’t just turn tail and went home to her parents. Hindi niya gustong kahabagan ang sarili nang ganoon na lang. She had to face Stan and Milet. At pagkatapos ay saka na niya haharapin ang problema sa mga magulang.

“Dadalo ako, Nadine,” anas niya.

Nadine groaned.

*****************Go girl Julianne, kaya sa’yo ako eh gusto ko yang lumalaban kahit hirap na hirap na parang ako, hirap na hirap na maging maganda char hahahaha. Dami ko pa namang hanash di ko na alam paano ko pa sasabihin, di ko maikwento eh hahahaha. - Admin A *********************************************************************************************

12

ITINAAS ni Julianne ang dalawang palad sa mukha. Ano ang gagawin niya ngayong napatunayan na ang kataksilan ni Stan?

“How could I be such a fool?” she whispered in a sob.“Stan’s the fool one.”

Napasinghap siya sa tinig na narinig. Halos matanggal ang ulo niya sa katawan sa marahas na paglingon. Mula sa madilim na bahagi ng kabahayan ay naaninag niya ang isang anino. Gumuhit ang takot sa dibdib ni Julianne at sa isang sandali’y naisip niyang tumakbo palabas hanggang sa unti-unti itong humakbang patungo sa liwanag.

Kumunot ang noo niya nang mapatapat ito sa bahaging naaabot ng liwanag mula sa malamlam na ilaw sa sala.

Julianne frowned. The strong, rugged face, darkened by days old stubble gave him an air of irresistible danger. Ang buhok na umabot hanggang sa collarbone nito ay magulo. Alin na lang sa dalawa, galing ito sa labas o wala itong ginawa sa nakalipas na sandali kundi paraanin doon ang mga daliri.

Pero ang maiitim nitong mata ang nakakuha nang husto sa atensiyon niya. She had seen those eyes before.

And she couldn’t take her eyes off him. Not because he looked familiar but because he was shirtless. And she could see the contour of his body. And a fine body it was. Kahit ang kupas nitong pantalong maong ay iminomolde ang matipunong mga binti.

For a moment Julianne forgot all about Stan. Her heart was beating madly. Pilit na itinatanggi ng isip na nagtagpo na sila ng lalaking ito.

“It’s impolite to stare,” he said in a slur, looking at her with guarded eyes.

She yanked her gaze away from him. Pinamulahan siya ng mukha. Tumalikod ito at lumakad pabalik sa dilim. Wala sa loob na napahakbang pasunod si Julianne. Mula sa ilaw na nanggagaling sa mga nagkakasayahan ay napagtanto niyang sa likod nito ay ang minibar. At sa counter ay naroon ang isang bote ng Scotch whiskey. It was almost half-empty. Sa tabi nito’y isang goblet na wala nang laman.

Had he been there all along? Napakinggan ba nito ang palitan nila ng usapan ni Stan? Kasama ba ito sa mga bisita ni Stan? Had Stan known this stranger had been drinking in the dark alone?“W-who are you?” tanong niya.

“Benedict… Benedict Aragon…” sagot nito pero hindi lumilingon. In the semi-darkened room, she could see his back, lean and sinewy. Sinalinan nito ng whiskey ang naroroong goblet.So this was the stepbrother Nadine was talking about. Ayon kay Mrs. de Castro ay karugtong ng lupain ng mga ito ang lupain ng mga Aragon. At ito ang lalaking nakatagpo niya sa deck at ang lalaking muntik na niyang masagasaan ng kabayo sa parang!

Lalong nag-init ang mga pisngi ni Julianne nang hindi lang iyon ang naalala niya. Biglang nanariwa sa isip niya ang kamay nito habang banayad na dinadama ang dibdib niya. And to her horror, nararamdaman niya ang pananayo ng mga balahibong pusa niya sa katawan.Sa mismong sandaling iyon ay humarap ito sa kanya. A corner of his mouth twitched in a half smile. The flush on her face told him she already knew who he was. And the glint in his eyes told her that they were both thinking of the same thing.

“Sa… sa ferry boat, you mistook me for… for…” Gusto niyang sa unang pagtatagpo nila sa ferry boat ibaling ang isip nito pero hindi niya masabi ang tamang salita.

He raised a brow. “My apology. May bumangga na sa aking una sa ibaba. Sadya akong binangga. If you know what I mean. Inakala kong magkasama kayo.”

She couldn’t find a word to say. The apology didn’t even sound sincere. Ano ang ginagawa niya at nakikipag-usap sa isang lalaking bukod sa mga hindi kanais-nais na insidente sa pagitan nilang dalawa sa nakaraan ay stepbrother pa ni Stan?

Nilinga niya ang bintanang salamin. Patuloy ang kasayahan sa labas; ang pag-iingay ng mga kasamahan ni Stan sa pulitika; ang banayad na musika. Pagkuwa’y ibinalik niya ang tingin dito. He was sipping his whiskey but he was watching her over the rim.

“Now what shall it be? Go home or have drink with me?” tanong nito.“W-why would I do the latter?”

Nagkibit ito ng mga balikat. “Para lunurin sa alak ang galit at sama ng loob mo kay Stan. Iyon naman ang karaniwang ginagawa ng ilan, hindi ba?”

“Hindi ako kabilang sa ilan.”

He gave her a cursory glance. Muling dinala sa bibig ang goblet. “No, I don’t think you are. But would you rather go home and cry your heart out?” he said over the rim.

Natilihan siya sandali. Ganoon nga ba ang gusto niyang gawin? Ang iiyak sa cottage ang galit at sama ng loob niya kay Stan? She shook her head mentally. No, she didn’t think so. Stan didn’t worth a tear.

Tama ito. Walang dahilan para magmukmok siya sa cottage at manatiling gising sa buong magdamag. Pero hindi matalinong manatili siya rito at tanggapin ang alok nito. He wasn’t better than Stan. Kung ang pagbabasehan ay ang ginawa nito sa kanya sa huling pagtatagpo nila.Nang mag-angat siya ng tingin ay nakatitig ito sa kanya. There was a challenge in his eyes. Itinaas niya ang mukha, accepting the challenge. Tulad ng pagtanggap ng maliit na insekto sa pag-aanyaya ng gagamba na gumapang sa sapot nito.

And this man wasn’t an ordinary spider. He was a wolf spider. A predator. But come to think of it, she didn’t have anything against wolf spider.

“Okay… I’ll have one or two shots,” she said boldly, wise or foolish, so let it be.

A slow, devastating smile appeared in his lips. And for one moment Julianne stopped breathing.“That’s my girl,” wika nito. Kumuha ng isa pang goblet at binitbit iyon kasama ng sarili nitong goblet na wala nang laman. Dinampot ng isang kamay ang bote ng Scotch whiskey. “Tara sa itaas…”

Napakurap si Julianne. “S-sa itaas?”

Nilingon siya nito. A naughty grin on his sensual lips. “Sa veranda. Mula roon ay maririnig at makikita natin ang mga nagkakasayahan pero hindi nila tayo mapapansin.”

Hindi niya makuhang kumilos sa kinatatayuan niya. Ang makipag-inuman dito ay hindi na katalinuhan. Pero ang pumanhik sa itaas na hindi niya alam kung ano ang mangyayari ay tahasang pagtalon sa apoy.

“Well, we can drink here, if you want,” wika nito. “Pero anumang oras ay maaaring pumasok si Stan o alinman sa mga bisita niya. Malibang gusto mong malaman ni Stan na naririto ka pa at naghihintay sa kanya…”

Benedict was a better man than Stan…

Iyon ang sinabi ni Nadine sa kanya. Enough for her to take a hesitant step towards him.He smiled. Tulad sa isang pusang hinainan ng gatas. Nauna itong pumanhik, alanganin siyang sumunod. At saka pa lang niya napuna ang maluwang at malapad na hagdanang pinapanhik nila na tila pamaypay ang pagkakayari.

Halos walang ipinagkaiba iyon sa grand staircase sa Villa Kristine maliban sa mga larawan ng mga Fortalejo na nakasabit sa dingding papanhik.

Nang lingunin niya ang ibaba ay nakita niya ang mga antigong kasangkapan. Nasulyapan niya ang bitak sa stone flooring tanda ng panahon. Ang flooring sa Villa Kristine ay napalitan na ng concave Vigan tiles. At bago siya tuluyang makarating sa itaas ay nahagip din niya ng tingin ang isang baby grand piano.

Pagdating sa landing sa second floor ay natambad sa kanya ang isang malaki at maluwang na sitting room. Malalapad at makikintab ang sahig na kahoy. Sa magkabilang dulo ay ang mga pasilyo. It was almost as big as the Villa Kristine. Lamang, sa villa sa Paso de Blas, natatanaw mula sa second floor ang buong sala.

But the house had character. Tulad halos ng lahat ng lumang bahay. She would have loved to live here. Just as she always loved the Villa Kristine. Subalit walang maaaring magmay-ari niyon. It was a common property among the Fortalejos until the next generations.

“This way,” ani Benedict at nilingon siya sandali. Pagkatapos ay muli nitong pinanhik ang isang makitid na hagdanan papanhik sa itaas pa.

Sumunod siya. Sa itaas ay maliit lamang ang landing at may isang silid. Sa kanang bahagi ay ang pinto patungo sa veranda.

Sumunod siya kay Benedict sa paglabas sa veranda.

*****************Ganito rin kami ni Benedict nuon eh, malakas ang aming chemistry char hahahaha, titig nya pa lang lalamunin na ako eh hahahaha. Go Julianne, di na talaga uso ang magmukmok ngayon dapat maging palaban na tayo sa buhay char hahahaha pero okay lang din ang umiyak kapag di na talaga kaya - Admin A ***********************

13

SINALUBONG si Julianne ng malamig na dapyo ng hangin paglabas niya patungo sa maluwang at madilim na veranda. Ang mga ilaw na nagmumula sa mga poste sa ibaba ang tanging nagsilbing tanglaw. At dahil mataas na ang kinalalagyan nila ay halos hindi umabot ang liwanag doon.

Inilapag ni Benedict sa ibabaw ng barandilya ang dalawang goblet at sinalinan ng whiskey ang mga iyon. Pagkatapos ay iniabot sa kanya ang isa.

With trembling hands, she took the goblet from him and took a couple of swallows. Ang init ng alak na naglandas sa lalamunan niya ay sapat upang mapawi nang bahagya ang lamig na nararamdaman niya.

Benedict was half-sitting in the balustrade. He was watching her with curiosity and fascination. “You look smart ang intelligent. Hindi ko maintindihan kung bakit pinatulan mo si Stan. Of course, he is good-looking. But with a face like yours, I’m sure good-looking men would swarm you like bees to honey.”

The backhanded compliment both startled and pleased her. “I… I really belived Stan’s intentions were honest and sincere,” aniya.

“Honest and sincere are not the words you’d find in Stan’s vocabulary,” matabang nitong sabi.“I realized that now.” Her voice was low. Sultry. And she wasn’t even aware of it.

Nagbuntong-hininga si Julianne at lumakad patungo sa kabilang dulo ng balkonahe. Huminto siya sa dulo at nilinga ang madilim na kapaligiran. Bukod sa mumunting ilaw na natatanaw niya sa laot, ang tanging masasabing liwanag ay ang kislap ng mga alon sa dagat tuwing humahampas ang mga iyon sa dalampasigan.

Niyuko niya ang ibaba na hindi niya maaninag maliban sa tila mga aninong nagsasayaw ang mga sanga ng mga puno. “Mula sa road bend, nakatayo ang bahay na ito sa mataas na dako,” aniya nang hindi lumilingon. Alam niyang nakasunod sa kanya si Benedict. “Ano ang mayroon sa ibaba?”

Humakbang ito palapit sa kanya.“ Huminto sa mismong likuran niya. “Isang dalisdis ang tinutunghayan mo. A slope,” wika nito.

Julianne shivered. Hindi niya malaman kung dahil sa malamig na hangin na dumadapyo sa balat niya o dahil sa nararamdaman niya sa likod ng tainga ang mainit nitong hininga.

Pagkuwa’y humakbang si Benedict palapit sa barandilya at yumuko sa kadiliman sa ibaba. “Kahit nasa ibaba ka’y mapanganib para sa isa ang mahulog sa dalisdis dahil sa mga nakausling ugat ng mga punong-kahoy.”

“Ano ang nasa ibaba ng slope?” There was a hint of curiosity in her voice.“My family’s local version of a bayou…”

“A bayou!” she exclaimed as she turned to look at him in disbelief.

He grinned. His teeth flashed in the dark. “A swamp, lake or a river offshoot. Kung ano man ang gusto mong itawag. Dapat ay makita mo ang view sa ibaba mula rito sa araw. It’s spectacular. At sa likod ng mga nipa at kung ano-anong punong tumutubo sa tubig na nakapaligid sa swamp ay ang mismong dagat.”

“Really?” Hindi niya mapigilan ang pag-ahon ng excitement na makita ang sinasabi nito sa araw.“Really. At sa swamp ay makikita mo ang napakaraming heron,” wika nito.

Hindi nakaligtas sa pandinig ni Julianne ang bahid ng lungkot na nakiraan sa tinig nito. Ang pagnanais na malaman ang dahilan ng kalungkutang iyon ay bahagyang nagpamangha sa kanya. “Noong bata pa ako,” patuloy ni Benedict, “iniisip kong ang bahay na ito ay ang aking palasyo at ang nag-iisang silid dito sa itaas ay ang tore. Ako ang hari. Ang kagubatan, ang lake, at dagat ang aking nasasakupan.”

She smiled. “I had the same fantasy when I was a kid.”“Na hari ka?” tukso nito, naupo sa barandilya.

Ang ngiti niya’y nauwi sa tawa. Totoong tawa. At hindi siya makapaniwalang nakikipag-usap at nakikipagtawanan siya nang ganito sa isang taong, bagaman nakatagpo na niya nang dalawang beses sa nakaraan, ay ngayon lang niya nakilala. Bukod doon, paano siyang nakadarama ng kasiyahan gayong natuklasan lang niya ang kataksilan ni Stan?

But it was so easy talking to him. At nararamdaman niyang unti-unting nababawasan ang sama ng loob niya sa nangyari sa kanila ni Stan.

Pagkuwa’y biglang napawi ang ngiti ni Julianne nang mapunang nakatitig si Benedict sa kanya. Umiwas siya ng tingin, kasabay niyon ay ang pagtataka sa sarili kung bakit hindi niya makuhang titigan ito nang deretso. Benedict wasn’t the first attractive man she’d met. But he made her feel uncomfortable. Isang bagay na hindi niya nadama kay Stan.

Pagkuwa’y napukaw ang atensiyon nila sa biglang hiyawan at palakpakan sa ibaba. Kasunod niyon ay ang tinig ni Mayor Alcaraz sa mikropono. Kinukuha nito ang atensiyon ng mga tao at disimuladong nangangampanya kasabay ng pag-eendorso kay Stan bilang kahalili nito sa puwesto at na iboto ito bilang governador.

Muling bumangon ang galit at pagkapahiyang naramdaman ni Julianne. She took an angry breath. “Stan will not win the mayoral race! I promise!”

Benedict chuckled at the anger in her voice. “Hell hath no fury the woman scorned.“Humarap siya rito, naniningkit ang mga mata. “You don’t believe me I can make him lose in this election, do you?”

Amusement still lit his eyes as he moved toward her. With his thumb and forefinger he raised her chin and looked straight into her eyes.

“Baby, I can understand your anger. Pero hindi mo kilala si Stan. He’s an obsessed, self-centered ambitious jerk. And power hungry. He’d stop at nothing to win the mayoral race.”

Gusto niyang sabihin dito na hindi mananalo si Stan. Na hindi niya kailangang gamitin ang impluwensiya ng ama. That her own money could make him lose because she was going to support his opponent.

But all of a sudden, confusion… and something else overrode her anger and robbed her of her speech. Her heart was beating violently against her chest.

“Forget Stan, Julianne. Get on with your life and—” He stopped in midsentence. Unti-unting humigpit ang mga daliri sa baba niya na nararamdaman na ang pressure niyon. “Malibang may dapat kang ipaghabol kay Stan,” he said in a voice that was as cold as the chilly evening.

Napakurap siya. Pagkatapos ay napasinghap nang marehistro sa nalilitong isip niya ang nais nitong ipahiwatig. Marahas niyang pinakawalan ang mukha.

“May dapat ka bang ipaghabol kay Stan, Julianne?” pahabol na tanong ni Benedict.

“Wala!” She almost spat the word. Hindi dahil hindi sumubok si Stan na lumampas sila sa dapat lampasan. Alin na lang sa dalawa: dahil sa tuwina’y naroroon si Nadine at ang mga kapatid nito at hindi sila magkaroon ng pagkakataon o dahil hindi siya handang tahakin ang daang iyon para sa magkasintahan?

Kung ano man ang dahilan, labis niyang ipinagpasalamat na walang namagitan sa kanila ni Stan.

Isang maluwag na paghinga ang ginawa ni Benedict. Itinaas sa bibig ang kopita at sinaid ang laman niyon. Pagkuwa’y lumakad pabalik sa pinaglapagan nito ng whiskey. Sumunod si Julianne. Huminto siya ilang hakbang mula rito at humilig sa posteng bato at pinagmamasdan ang muling pagsasalin ni Benedict ng alak sa walang-lamang goblet nito.

She was sure he had too much to drink. At hindi niya makuhang awatin ito sa pag-inom. Muling nakuha ang atensiyon niya ng nagkakaingay na mga tao sa ibaba. Sa pagkakataong iyon ay si Stan naman ang nasa mikropono.

Umaalingawngaw ang tinig nito sa buong paligid habang inaanunsiyo ang engagement nito at ni Milet sa pagkakatuwaan at pagpapalakpakan ng mga tao.

Niyuko niya ang laman ng goblet. Wala sa loob na nilaro-laro ng daliri ang rim. Though she felt no pain, she was humiliated. At ang pagkahabag sa sarili ay unti-unti nang gumagawa ng daan patungo sa puso at isip niya.

“Baby, don’t,” wika ni Benedict na pinagmamasdan ang bawat ekspresyon ng mukha niya. “He’s not worth it…”

*****************I know baby Benedict, he’s not worth it, at ikaw ang worth it para sa akin char hahahahaha. Nakasali na ba ang lahat dun sa last video para macheck ko na at makapag-announce ng winner ng Ms. Martha Cecilia books. Thanks mga beshie. :) - Admin A *****************************************************************************************

14

BIGLANG nag-angat ng mukha si Julianne dito. Her eyes locked with his. And all of a sudden the noise from the outside and all thoughts of Stan faded. Gusto niyang ibaling sa iba ang mga mata huwag lang dito. But she was held hypnotized by his gaze.“Come here, Julianne,” he said in a barest of whisper.

Julianne sucked in air slowly. May bahagi ng isip niya na nag-uutos na tumakbo siyang palabas ng bahay sa sandaling iyon. The man was danger personified… with killer eyes and voice.Pero tulad sa isang hinihipnotismo, umangat ang likod niya mula sa pagkakasandal sa poste. Unti-unti siyang humakbang palapit.

Huminto siya isang hakbang mula rito. And Julianne swore she could hear the thudding of her own heart. Umangat ang isang kamay nito at kinuha mula sa kanya ang goblet at inilapag iyon sa counter. Then his hand went back to her and snaked it around her waist and pulled her against him. Napasinghap siya nang makulong sa pagitan ng mga binti nito. Her hands were caught between her and his naked body.

His chest felt solid, powerful. At may pakiramdam siyang nag-aapoy iyon at pumapaso sa mga kamay niya. But she couldn’t take her hands off his chest if her life depended on it. Sa halip, gusto niyang damhin ang dibdib nito.

Without taking his eyes off her, itinaas nito ang sariling goblet. Inikot iyon sa bahaging kung saan ito umiinom at inilapit sa bibig niya.

Oh, God. The man was seducing her. At wala siyang lakas upang kontrahin ito… upang pakawalan ang sarili mula sa ganoong kalagayan. Her knees were wobbly. An achingly delicious heat flowed from her body down to her groin.

And like an automaton, she took a swallow. Pagkatapos ay bahagya nitong inilayo sa bibig niya ang goblet. Kinuha nito ang kamay niya at inilubog ang forefinger niya sa alak at dinala iyon sa bibig nito.

Julianne gasped. He watched her as she watched him taste her finger and then suck it gently.She groaned and closed her eyes. Surrendering to the delicious arousal she had never felt in her entire life. The next thing she knew, tinatanggal nito ang pagkakapusod ng buhok niya at ipinaloob doon ang mga daliri nito, massaging her hair erotically.Oh, God.

Then without a word he covered her mouth with his. The kiss was wildly passionate with an odd blend of tenderness and savagery. At nang akma siyang tutugon, he withdrew his lips and kissed her jaw hungrily… her throat… the back of her ear, nibbling and biting her lobe. Then he went back to her lips, devouring, taking, demanding.

Julianne ignited. Tila tuyong kahoy na binuhusan ng gasolina at sinindihan. All her bruised and battered emotions clashed with sexual heat and melted into raw, primitive need.

Then his lips and hands were on her breasts, kissing and kneading them through the thin layer of her dress. Nararamdaman niyang umangat ang mga paa niya mula sa sahig.

“You’re light as a leaf…” he murmured as he gave her ear wet kisses. Iyon ang unang sinabi nito makalipas ang napakahabang sandali. “Pero marami akong nainom. Baka hindi kita maibaba nang maayos sa hagdanan.” His right hand securely wrapped around her waist as they walked toward the hall.

Bigla ay nakaramdam ng walang kasiguruhan si Julianne. Sasama siya sa lalaking ito sa kung saan mang bahagi ng bahay siya nito dadalhin—a man she really didn’t know and who had consumed too much liquor. At alam niya kung ano ang mangyayari kapag hindi siya kumawala at tumakbo pababa at lumabas ng bahay.

Naramdaman marahil ni Benedict ang sandaling pag-aatubili niya dahil humigpit ang pagkakahawak nito sa baywang niya.

“You need me tonight, my darling. We both need each other…” he slurred, and gave her another devouring kiss.

Tinangay ng hangin ang lahat ng matitinong kaisipan. Sensation ruled her completely. Besides, it was too late to pull back now.

Habang bumababa sila sa makitid na hagdan ay walang tigil sa paghalik sa kanya si Benedict. Sa buhok niya, sa sentido, sa pisngi, sa mga labi. The hand that was holding her cradled the underside of her breast and she gasped everytime his fingertips brushed her nipple.And she had done her share of touching and kissing him. His skin still retained the faded scent of some expensive men’s cologne.

Bahagya na niyang napansin kung alin sa mga naroong silid sa ikalawang palapag ang pinasukan nila. Isinara ng paa ni Benedict ang pinto.

Malamlam ang liwanag sa loob ng silid na nanggaling sa lampshade na nasa ibabaw ng nightstand. She had the glimpse of the king-size bed before he captured her mouth, thrust his tongue into her warmth, pagkatapos ay sinimulan nito ang sensuwal na pananalakay na halos magpapugto ng hininga ni Julianne.

Bahagya na niyang napuna ang unti-unting pagbaba ng zipper ng damit niya sa likod at ang pagbagsak niyon sa sahig.

“Undress me…” utos nito habang tinatanggal ang hook ng bra niya.Sandali lang na nag-atubili si Julianne. The sensual command excited her. Ang mga kamay niya ay nagmamadali sa pagtanggal ng snap ng jeans nito at pagbaba ng zipper. Benedict helped her pulled his jeans down. Sumama ang pantalon at briefs nito sa damit niya. Then he began to blaze a deliberate trail through her breasts, licking her nipple.

At bago pa siya makahugot ng hininga ay hinila siya nito pabagsak sa kama. She writhed against him, loving the feel of his body entwined with hers.

They caressed, licked, kissed and nibbled each other’s bodies. Hindi matiyak ni Julianne kung kailan sa mga sandaling nakalipas natanggal ang undies niya. She realized she was totally naked when she felt his lips on her navel circling it with his tongue.

Hindi na kayang isipin pa ni Julianne kung ano ang ginagawa nito sa kanya. Her cries filled the room and blended with the noise and music below as release shot through her body like fireworks.

Aftershocks of her climax still rippled through her when Benedict poised above her, a savage arousal on his face. Then he entered her with a forceful lunge.

*************************************************************************************************PAMPAINIT sa malamig na hapon char hahahahaha, urrgggghhh baby naman eh pinapainit mo ako char hahahahaha, lalo tuloy uminit pakiramdam ko mainit pa naman ulo ko char hahahahaha. Hay sa wakas nakapag - update na din hahahaha. Uunahan ko na kayo…. GRABE NAMAN YAN SI ADMIN A BITIN na bitin kami hahahahah. MOREEEEEE char hahahahaha. -Mainit ulo ko mga beshie char lang, chillax lang dapat tayo, mainit na nga yung update iinit pa ulo n’yo ahahahaha. Pagpasensyahan n’yo na muna ako, di baleng mabitin tayo sanay naman dyan eh char hahaha ay kayo lang pala sanay mabitin hahahahaha. - Love youuuu all char - Admin A ********************************************************************************************

15

NAGISING si Julianne na tila minamartilyo ang ulo. Then she noticed the huge open window. Not the cottage window. Dahil maliit lang ang bintana sa cottage at hindi niya iyon iniiwang bukas, for safety reasons.

Mula sa malaki at nakabukas na bintana ay nakikita niya na kasalukuyan pa lang na namamanaag ang araw. Ang mga ibon sa labas ay nag-aawitan. Nararamdaman niya ang malamig na dapyo ng hangin sa balat niya.

It promised to be a beautiful morning. And it was so out of ordinary that she would wake up with an aching head. Gayundin ang mga kalamnan niya. Did she catch a cold last night?

Nangikig siya pagpasok ng malamig na hangin mula sa labas ng bintana. She looked down for the sheet and was surprised to find that she was nude.Nude!

She closed her eyes tightly. Hubad siya at wala sa cottage. A niggling sense of disaster gnawed at the back of her mind. She was trying to remember when she heard a muffled sound.

Nang lumingon siya ay natambad sa kanya si Benedict na nakadapa at tulog pa rin. Iglap niyang tinakpan ng kamay ang bibig niya upang huwag makalabas ang binalak niyang pagsigaw. Bits and pieces of the previous evening flashed through her aching head.Oh, God.

MULING bahayad na umungol si Benedict. Halos hindi huminga si Julianne. Tumihaya ito, exposing an endless expanse of bare chest. Gumalaw ang kamay nito sa bahagi niya, na tila ba hinahanap ang katawan niya. His hand connected with her arm and held it possessively.Ni hindi niya makuhang kumilos bahagya man. Nang hindi tuluyang magising si Benedict ay saka pa lang unti-unting pinakawalan ni Julianne ang pinipigil na hininga.

Tinitigan niya si Benedict sa pagkakatulog nito. Nangingitim nang higit ang pisngi at baba nito sa kumakapal na tubo ng stubble. In the light of day, the man was even more irresistibly dangerous. What happened last night was proof how dangerous he could be.

Mula sa mukha nito ay unti-unting bumaba ang mga mata niya sa dibdib nito. Tahimik siyang napaungol nang mapuna ang ilang sariwang gasgas sa balat nito na natitiyak niyang galing sa mga kuko niya. Muling humagod pababa ang mga mata niya, patungo sa tiyan… at pababa pa…Muling pinigil ng kamay niya ang pagsinghap. Natitiyak niyang tuluyan nang nawalan ng kulay ang mukha niya sa pagkakatitig dito. He was too large, too bare, too male.

And she surrendered her virginity to a complete stranger! She couldn’t believe she had sex with a man she barely knew. At hindi lamang minsan, sa buong magdamag ay dalawang beses silang nagtalik!

Nanlulumong tahimik siyang napaungol. She succumbed to his seduction. Walang kahirap-hirap nitong ginawa iyon. Last night she was vulnerable. Nasaktan at napahiya siya sa ginawa ni Stan sa kanya. Sinamantala ni Benedict ang kahinaan niya.

Did he? Maybe he did. Pero hindi siya nito pinilit. May pagkakataon siyang umalis. Hindi niya ginawa. Hindi ganoon karami ang nainom niya. Kung tutuusin ay ito ang mas marami nang nainom kagabi. Nang bumababa sila ng hagdanan mula sa ikatlong palapag ay may palagay siyang mas inaalalayan niya ito kaysa ito sa kanya.

Hindi niya ito maaaring sisihin sa nangyari. She had wanted him as she had never wanted a man before. Sexual tensions had been there already the first time their eyes met.At bagaman wala siyang maaaring ihambing, she was sure Benedict had given her the greatest sex a woman could ever experience!

Marahan at maingat niyang pinakawalan ang braso niyang hawak nito. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang bumangon at tumayo. Dinampot niya ang mga damit na nasa sahig at walang kalatis na nagbihis. She combed her hair with her fingers and refused to glance at herself in the mirror.

Dinampot niya ang sandals sa paanan ng kama. Then she took a last look at Benedict. Maybe he was the most gorgeous man alive. Maybe he was the best lover in the world. Pero estranghero pa rin ito. Hindi niya ito kilala maliban sa pahapyaw na pagkukuwento ni Nadine.

What she did was the height of folly. Pero natitiyak niyang hindi na niya malilimutan pa ang namagitan sa kanila ni Benedict. Mabigat ang dibdib na inalis niya ang mga mata rito. Iyon na ang huli nilang pagkikita. At kailangan niyang umalis bago pa ito magising.

She tiptoed to the door and opened it. Maingat din niyang isinara iyon. Binaybay ang malaki at maluwang na pasilyo at bumaba ng hagdanan.

The house was quiet and empty. Tila walang kasayahang naganap nang sinundang gabi. Nasa puno na siya ng hagdan nang yumuko at isinuot ang sandals. Pagkatapos ay lumakad siya patungo sa main door. Sa pagsisikap na huwag makagawa ng ingay ay nasabit ang high heels niya sa biyak sa sahig na bato. Napahawak siya sa pang-isahang sofa upang huwag matumba subalit napasigaw siya.

“Narito ka pa!”

*************************************************************************************************Parang ako yung napagod sa ginawa nilang love making char hahahaha - Sabagay lagi naman na akong pagod, pagodang pagoda na ako umasa at masaktan ng paulit - ulit baby Benedict , bakit ka naman ganyan sa akin, lahat na lang kayo walang ginawa kundi saktan at bigyan ako ng dusa at hinanakit, wala naman akong ginawa kundi mahalin kayo at iaalay ang aking puso at isipan char hahahahaha. Ramdam ko talaga yung mga sawi ngayon, i feel you mga beshie, di bale darating din ang para sa atin tiwala lang char hahahaha.  Atleast nag-init tayo ngayon kahit masakit isipin hahahahaha. Kumusta kayo? Sana okay lang kayo sa kabila ng mga pagsubok sa buhay natin ngayon. Pasensya na rin at now lang nakapag-update, dinagsa rin kasi ako ng suliranin sa puso, sa isipan at sa buhay char hahahaha.  Kahit gusto ko ng sumuko ay nagpapatuloy pa rin dahil nandyan kayo umaasa sa akin char hahahaha. Take time to heal yourself at unwind mga beshie, mahalaga ang ating pamumuhay pero mas mahalaga ang ating buhay char kaya wag puro work make time to landeee din char ahahahahaha. Nagiging BI na ako ang HABA na ng AN ko hahahaha. GOD bless us all mga beshie. - Admin A ******************************************************************************************

16

MULA sa pagkakasubsob sa sofa ay gulat na nag-angat ng katawan si Julianne at nilingon ang pinanggalingan ng tinig.

Si Stan. Suot pa rin nito ang damit kagabi bagaman kusot at bukas nang lahat ang mga butones niyon. Sa tantiya niya ay sa sofa ito natulog at nagising lang nang mapasigaw siya. Sa end table ay naroon ang bote ng alak at ang walang lamang kopita.

Uminom pa ba ito nang matapos ang party? Napangiwi siya sa sarili. Ni wala siyang kamalayan kung anong oras tumigil ang ingay sa ibaba kagabi. O alin ang unang natapos, ang pagtatalik nila ni Benedict o ang party.

The last thing she remembered was when Benedict draped his arms around her. She felt so drained, so sleepy, and deliriously content. Isiniksik niya ang mukha sa dibdib nito at tuluyang nagpadala sa antok.

Napatayo mula sa sofa si Stan. Hindi makapaniwalang tinitigan siya mula ulo hanggang paa. “Natulog ka sa silid ko! Hinintay mo akong talaga!” Humalo sa pagkamangha nito ang panghihinayang. Ipinahiwatig lang ng sinabi nito na hindi pa ito pumapasok sa sariling silid.

“Ang laki ng tiwala mo sa sarili kung inaasahan mong maghihintay ako sa silid mo kagabi, Stan,” aniya sa malamig na tono. Nalalanghap niya ang malakas na amoy ng alak mula sa hininga nito at napangiwi siya.

Paanong iba ang dating niyon sa kanya mula kay Benedict kagabi? Benedict’s whiskey-scented breath brought shivers down her spine. Mula kay Stan ay gusto niyang paypayan ang sarili at lumabas upang sumagap ng sariwang hangin.

“Kung ganoon ay saan ka natu—” Nahinto ito sa pagsasalita.Tumingala sa itaas at mabilis ding ibinalik ang namumulang mga mata sa kanya. Naroon ang pagdududa. Pagkatapos ay umiling na tila ba imposible ang biglang naisip.

Pagkuwa’y ngumisi ito. “Ah, itinuro tiyak sa iyo ng matandang Mangyan ang guest room sa itaas. Sa bukana lang iyon. Kung alam ko lang na doon ka natulog, di sana’y…” His voice trailed off, but the innuendo was obvious.

Hinawakan siya nito sa mga balikat. “Anyway, atin ang buong araw ngayon para mag-usap, Julianne. Huwag mong bigyan ng malaking issue si Milet at ang anunsiyo ko kagabi. I don’t love her—”

Hinawi niya ang mga kamay nito sa mga balikat niya. “Walang dapat pag-usapan pa, Stan,” aniya sa mahinahon subalit mariing tinig. “Tapos na sa atin ang lahat. Kagabi pa. You can marry Milet for all I care. It doesn’t really matter.”

Tinitigan siya ni Stan. Tinantiya. Then a humourless smile appeared on his lips. “That is one thing I like about you, Julianne, honey. You’re so cool… dignified even in a worst circumstances. You would make a good politician’s wife. I would really hate losing you. But I need money to win this election. At ipinangako ni Milet ang suporta ng mga magulang niya. Sila ang ticket ko sa mayoralty.”

Manghang napatitig siya rito. “Money? You cheated on me because you thought I am a poor man’s daughter?”

Itinaas ni Stan ang mga kamay at hinilot ang magkabilang sentido na para bang biglang sumakit ang ulo.

“Hindi ko inakalang anak-mahirap ka lang, Julianne,” wika nito. “Alam kong mahirap ka.” Idiniin nito ang sinabing iyon na tila ba isang krimen ang maging mahirap. “Kaya ka nga nagtatrabaho sa mga de Castro, hindi ba? At sinabi mo mismo sa akin na isang empleyado lamang ang ama mo sa kompanya ng semento.”

Muli nitong inikot ang mga daliri sa sentido at napangiwi. Pagkatapos ay tinitigan siya. “Nang una mong sabihin iyon ay hindi ko agad pinaniwalaan. Fool me. In fact, I often fantasized that your father was more than just that. An executive perhaps. Mahusay kang mangabayo. Hindi iyon pangkaraniwan para sa isang ordinaryong tao. You have that look that is so… so different from the other women. You’re cultured. Kahit sa pagkilos at pagsasalita.

“Then I realized, after talking to Nadine, na wala naman palang kataka-taka sa nakikita ko sa iyo. Dahil kahit ang kaibigan mo ay tila mayaman kung magsalita sa limang taong ipinamalagi sa state university. Nahawa kayo sa mga kaklaseng anak-mayaman.”

May ilang sandaling nakatayo lang doon si Julianne at nakatitig kay Stan. Hindi makapaniwalang marinig ang mga salitang iyon mula rito. At isiping pinaniwalaan niya ang mga sinabi nitong mahal siya? Unti-unti, sumilay ang nang-uuyam na ngiti sa mga labi niya. Ngiting nauwi sa malakas na tawa.

“You aren’t hysterical, are you?” tanong ni Stan na biglang nabalisa.

“Perdi el habla!” aniya, shaking her head in mocking amusement. Unaware that she spoke in Spanish. How could she have thought she loved this jerk? At isiping ipakikilala at ipinagmamalaki niya ito sa mga magulang.

Tinalikuran niya ito, ipinagpatuloy ang paglakad patungo sa pinto nang huminto siya at lumingon. “Dejame contarte, Stan, que estupido eres. Walang mahalaga sa iyo kundi ang panlabas na anyo. Bagay kayo ni Milet.”

The estupido part hit him. Sa isang hakbang ay nasa tabi na niya ito at marahas siyang kinabig. “You bitch! Wala kang karapatang—”

“Gising ka na pala, hija,” ani Abel mula sa kung saang bahagi ng bahay. “Gusto mo bang ipagtimpla kita ng kape?”

Unti-unting lumuwag ang mahigpit na pagkakahawak ni Stan sa braso niya. Nakahinga nang maluwag si Julianne at nginitian ng pasasalamat ang matandang lalaki. Ito marahil ang matandang Mangyan na tinukoy ni Stan.

“Salamat, pero tutuloy na ako,” aniya, bahagya nang dinaanan ng tingin si Stan at tuluyang pinakawalan ang sarili mula sa pagkakahawak nito.

“Gusto mo bang ihatid kita?” muling alok ni Abel.

“Salamat uli. Umaga na. Marami na sigurong tricycle na nagdaraan. Pero maaari n’yo akong ihatid sa labas ng gate hanggang sa main road.”

Tumango si Abel at nilampasan si Stan at nagpatiunang lumabas. Sumunod si Julianne.May mahabang sandaling nakatayo si Stan sa gitna ng sala. Pinagsisisihang hindi man lang niya naisip na baka sa isa sa mga guest room nagpalipas ng gabi si Julianne. Ala-una na ng madaling-araw natapos ang kasayahan pero inihatid pa niya si Milet at ang mga magulang nito. At nang magbalik siya ay napuna niya ang four-wheel drive ni Benedict sa labas ng gate.

Tumiim ang mukha niya. Kararating lang ba nito? Nang pumasok siya at dumeretso sa bar ay nakita niya sa bar counter ang bukas na bote ng Scotch whiskey. Tinungo niya ang servants’ quarter sa likod ng kusina at kinatok at ginising si Abel.

“Anong oras dumating si Benedict?” singhal niya rito.

“Hindi ko napuna,” sagot nito at nagtalukbong ng kumot.Nagmura siyang lumabas ng silid nito at nagtuloy sa bar. Hindi niya gusto ang pagkailang at galit na nararamdaman tuwing naroroon si Benedict. Lalo at dinatnan nitong nagkakasayahan ang grupo niya. At wala itong karapatang dumating at kumilos sa pamamahay na ito na tila pag-aari pa rin nito ang villa.

Hangga’t hindi nito natatagpuan ang testamento at titulo ng Villa Manuela ay mananatiling nasa villa siya. At kung magiging matalino siya ay mananatili siya roon dahil duda siya kung may kopya nga ng testamentong naitago. Kung mayroon ay tiyak na ipinakita na iyon sa kanya ni Benedict. At kung magiging mayor siya sa bayang iyon ay madali na niyang magawan ng paraan ang ownership ng Villa Manuela.

Ang binalak niyang ilang shots kaninang madaling-araw ay nauwi sa marami. Hindi na niya namalayang nakatulog siya sa sala.

Nasa ganoon pa rin siyang pagmumuni-muni nang muling pumasok si Abel. “Ipagtimpla mo ako ng kape,” pasinghal niyang utos dito.

Hindi ito kumibo at nagtuloy sa kusina. Sinundan niya ito. “Nang pasukin kita kaninang madaling-araw, bakit hindi mo sinabing pinatulog mo sa guest room si Julianne?”

Patuloy sa pag-abot ng tasa at platito sa cupboard si Abel. Ni hindi siya nilingon nang sumagot. “Hindi ako ang nagpatulog kay Miss Julianne sa itaas, Stan.”

“Hindi ikaw!” bulalas niya, tinantiya ang matanda kung nagsisinungaling o hindi. Subalit walang dahilan para magsinungaling si Abel.

Nagsimulang umahon ang hinala sa dibdib niya. Biglang gumitaw sa isip ang dalawang goblets sa bar counter. At ang isang bagay sa may dulo ng bar counter na nahagip niya ng tingin pag-uwi niya mula kina Milet pero hindi niya binigyan ng pansin.

Mabilis siyang tumalikod at dinalawang hakbang ang pagtungo sa bar. Sa dulo ng bar counter ay naroon ang clutch purse ni Julianne. Dinaklot niya iyon at tinungo ang hagdan. Dinala-dalawang baitang niya ang pagpanhik.

Tuloy-tuloy siya sa pasilyo hanggang sa silid ni Benedict, ang dating master bedroom, ang pinakamalaki at tanging silid sa bahay na iyon na may sariling toilet and bath. It was also the room that he coveted most.

***********Ang tagal mo mag-update admin A nagagalet na tuloy sila char hahahaha. Update-update din pag may time. HAHAHAHA ***************

17

NAPABALIKWAS si Benedict nang pabalyang bumukas ang pinto ng silid at tumama iyon sa dingding. He squinted his eyes as sunlight blinded him. Inihilamos niya ang kamay sa mukha. Pagkatapos ay nag-angat ng tingin at nang makita si Stan sa may pintuan ay lalong nagdikit ang mga kilay.

“Dammit, Stan,” he muttered angrily. “Tiyakin mong may mabuti kang dahilan para balyahin ang pinto ng silid ko at gisingin ako.”

“You slept with her!” Stan accused angrily. Inihagis sa kama ang clutch purse ni Julianne.Biglang natilihan si Benedict. All of a sudden, everything came in a flash. The whiskey, the woman, and the night of wild passion. Wala sa loob na nilinga ang tabi. The empty side of his bed filled him with a sense of loss.

“Nasaan si Julianne?” he asked, an edge in his voice.Isang malakas na halakhak ang isinagot ni Stan. “Well, the bitch had the sense to get out of this house before I realized she fu—d with you.”

Tumayo siya mula sa kama. Ang kumot na nakapulupot sa may ibabang bahagi ng katawan ay sumama sa pagtayo niya. “Watch your language, Stan,” babala niya. May panganib na gumuhit sa mga mata.

“Feeling protector again, Benedict?” he mocked. “Kahit kailan ay mahilig kang sumalo sa mga pinagsawaan ko.”

He clenched his jaw. Nagising siya nang wala sa oras nang balyahin nito ang pinto ng silid niya. Masakit ang ulo niya dala ng hangover. Wala siyang balak na sa unang oras sa umaga ay makikipagbasagan siya ng mukha. Besides, they were too old for that. Nang sa pagyuko niya ay may isang bagay sa kama ang kumuha ng pansin niya.

Muli, kumislap sa isip niya ang pangyayari nang nagdaang gabi: ang pagkamangha niya nang matuklasang wala pa itong karanasan; the way her passion overrode her discomfort and arched her body to meet his; and the way he muffled her scream as he brought her to the edge of the world.

Muli siyang nag-angat ng tingin kay Stan. Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi niya sa isang pauyam na ngiti.

“Pinagsawaan? Oh, I doubt it, Stan.“Kumunot ang noong sinundan ni Stan ng tingin ang tinititigan ni Benedict sa ibabaw ng kama. Bahagya na nitong nahagip iyon ng tingin dahil mabilis niyang inihagis doon ang kumot. It was sort of a protective gesture on his part and that surprised him.

What was on the sheet was proof of Julianne’s innocence. Hindi kailangang ipangalandakan niya kay Stan iyon. Kahit na ano pa ang sabihin nito. What happened between him and Julianne last night was very private.

“Get out, Stan,” pagtataboy niya rito.Mula sa pagkakatitig sa ibabaw ng kama ay nag-angat ito ng nagliliyab na mga mata sa kanya. Stan’s face turned ugly in anger. Gayunman ay walang salitang tumalikod ito.Naupo sa gilid ng kama si Benedict. Sinapo ng dalawang kamay ang ulo. Tila iyon minamartilyo sa sakit. Matindi ang hangover niya.

“Dinalhan kita ng kape,” ani Abel na bumungad sa pinto dala ang tray na may mug ng umuusok na kape.

“Salamat, Abel. Nakita mo ba nang—”

“Inihatid ko siya sa sakayan,” sagot nito bago pa matapos ang tanong niya at inilapag ang tray sa gilid ng mesa.

Isang tango ng pasasalamat ang ginawa niya. Inabot ang kape at sinimulang higupin iyon. Ang init na naglandas sa lalamunan niya ay bahagyang nakaginhawa sa pakiramdam niya.“Ipaghahanda kita ng almusal,” wika nito at humakbang patungo sa pinto.

“Huwag na, Abel.” Tumayo siya at kumuha ng tuwalya sa closet at itinapi sa hubad na katawan. “Maliligo na ako pagkatapos kong magkape. Alam mo ba kung saan siya nakatira?”

Tinitigan siya nito nang matagal. Nasa mukha ang hindi pagsang-ayon. “Kusang umalis si Julianne. Hindi ka niya hinintay na magising. Ang nangyari sa buong magdamag ay sapat na sana. Hindi sa nakikialam ako, Benedict. Baka gagawa ka na naman ng bagay na lalo lang magpapabaon sa iyo sa higit pang suliranin. Kinatatakutan kong baka mauwi kay Stan ang Villa Manuela.”

Marahas siyang nagmura. “Ang bahay na ito ay mananatiling akin, Abel!” mariing sabi niya bagaman sa sulok ng isip ay naroon ang walang katiyakan.

“Bakit hindi ka lumapit sa mga—”“Hindi mauuuwi kay Stan ang villa, anuman ang gawin niya. At wala akong kailangang lapitan!“Nagbuntong-hininga ito. “Sana nga. Hindi masama ang magpaalala.” Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito.

Muli siyang napaupo sa gilid ng kama at sinapo ng mga palad ang mukha. Napakaraming suliranin ang kinakaharap niya. Tama si Abel. Ang naganap kagabi sa kanila ni Julianne ay sapat na. Ito na ang kusang umalis ngayong umaga bago pa man siya magising. Ano at gusto niyang dagdagan?

Si Julianne ay isang suliranin. Ano ang maaari niyang ipagkaloob dito? Not even his name.But call it lust or whatever, he wanted her. And he would see her again.

NAKAPALIGO na si Julianne at itinatali ang sash ng bathrobe habang papasok sa silid niya nang bumukas ang kabilang silid at sumungaw si Nadine. Nang nagdaang gabi ay pinauwi nito si Weng at ito na mismo ang naghintay sa pag-uwi niya.

“H-hey…” bati nito at naghikab. “Anong oras ka dumating? Nakatulog ako sa paghihintay sa iyo.”“Kaya nga hindi na kita ginising…” Isang pilit na ngiti ang ginawa niya, iniwasang sagutin ang tanong. Inalis niya ang tuwalyang nakapulupot sa buhok at inihagis sa kama. Pagkatapos ay kumuha ng malinis na panty sa lagayan at isinuot iyon.

Sumunod si Nadine at sumandal sa hamba ng pinto. Yumuko siya at kinuha ang maleta sa ilalim ng kama at ipinatong sa ibabaw niyon. “Ngayon na ako uuwi, Nadine.” May bahid ng lungkot ang tinig niya nang sabihin iyon. Lungkot na hindi niya gustong aminin ang pinagmulan.

“Ano’ng nangyari sa pagtungo mo sa Villa Manuela? Nagkausap ba kayo ni Stan?” tanong ni Nadine na puno ng kuryosidad ang tinig.

Nagkibit siya ng mga balikat. Inabot mula sa closet ang mga damit at basta na lang inihagis sa maleta. “Kinumpirma lang ni Stan ang sinabi mo sa akin.”

Napabuntong-hininga si Nadine. Humakbang patungo sa loob ng silid at naupo sa gilid ng kama. “I’m… sorry, Julianne.”

“I am not,” aniya. May anyong nagpipilit gumitaw sa isip niya subalit pilit niyang binubura. Hindi siya makapaniwalang mula kaninang umalis siya ng Villa Manuela ay walang sandaling hindi inokupa ni Benedict ang isip niya. “Natuklasan ko kung ano ang uri ng pagkatao niya bago ko siya maipakilala sa mga magulang ko.”

“Pero ikinalulungkot kong ito ang naging resulta ng pagbabakasyon mo rito sa amin.“She gave her friend a reassuring smile. “Maliban kay Stan, ikinatutuwa ko ang apat na buwang pagtigil ko rito sa Capistrano, Nadine. Napatunayan kong kaya ko palang mabuhay nang malayo sa kasaganaang kinasanayan ko.”

Napangiwi si Nadine. “At hindi ko naiintindihan ang bagay na iyan, Julie. Bakit kailangang maranasan mong mahirapan gayong kay inam ng buhay na taglay mo?”

Ang akmang sasabihin ni Julianne ay napigil sa tunog ng papalapit na sasakyan. At bago pa makatayo si Nadine upang sumilip sa bintana ay narinig na nila ang pagparada niyon sa tapat ng cottage.

Nagkatinginan ang magkaibigan. Pagkatapos ay sabay na lumabas ng sala. Si Nadine ay dere-deretso sa balkon. Nagulat pa nang mapagsino ang bagong dating na tuloy-tuloy sa pagpanhik.“D-Dr. Aragon?” manghang usal nito.

“Si Julianne? Nariyan ba siya?”

Tumango si Nadine at namamalik-matang lumakad pabalik sa loob. Si Julianne na nakatayo sa pintuan ng silid ay napigil ang hininga nang makita si Benedict sa likuran ni Nadine.

Nagugulumihanang pinaglipat-lipat ni Nadine ang mga mata sa dalawa na sa mahabang sandali ay nakatitig sa isa’t isa, ang pananabik ay pawang mga nakabadya sa mga mukha. Nadine cleared her throat. And that broke Julianne and Benedict’s eye contact.

Benedict turned to her. “Maaari ko bang makausap si Julianne… nang sarilinan?“Tumaas ang mga mata ni Nadine sa kanya. Subalit ang ekspresyon sa mukha niya ay sapat upang magkibit ito ng mga balikat sa kabila ng pagtataka at kuryosidad.

“Sa bahay na ako magkakape,” wika nito bago muling lumabas sa balkon.Hindi pa marahil ito nakakababa sa lupa nang kabigin pasara ni Benedict ang pinto. At sa dalawang hakbang ay nilapitan si Julianne. At sa isang iglap ay nakapaloob na siya sa mga bisig nito. Then he had her backed against the wall, his lips grinding into hers.

Dapat ay makadama siya ng sakit sa savagery na iyon. But there was only pleasure, as his lips probed, delved, sucked until she thought everything around her spinned.

Ang mga labi nito ay hindi nagtatagal sa iisang lugar. Buong pananabik siyang hinahagkan na tila ba napakahabang panahon ang namagitan bago ang pagkikitang iyon. Na tila ba ang lagablab ng apoy nang nagdaang gabi sa pagitan nilang dalawa ay hindi naging sapat para dito.And to her amazement, she was returning his passion with a fire all her own.

When Benedict pulled his head back, his eyes were blazing. At walang sali-salita, binuhat siya nito at humakbang patungo sa kama at ibinaba sa ibabaw niyon.

Without taking his heated gaze off her, kinalag ni Benedict ang tali ng bathrobe niya. She whimpered when she felt his hand on her breasts teasing them before it moved lower. Pumulupot ang mga daliri nito sa panties niya. Then he jerked them off her.

Pagkatapos ay pinakawalan siya at ang sarili nitong T-shirt ang hinubad, kasunod ang pang-ibabang kasuotan. Sa lahat ng iyon ay nanatiling nakatuon ang mga mata nito sa kanya.

She had seen him totally naked this morning. Subalit tulog ito, and was half-aroused, hindi tulad ngayon. And last night had been different, they made love in the semi-darkened room.Ngayon, sa liwanag ng araw, literal na napigil sa dibdib niya ang hininga. He was so hard he could explode any second.

Wordlessly, he sank his lips on hers again with the same hungry intensity. She could feel him and she wanted him inside her. But his hands, tongue, and lips were torturing her.“Benedict,” she cried softly, pressing her thighs against him.

“I know, my love, I know.” Dinama ng kamay nito ang dibdib niya. A gesture almost as protective as his mouth traced down the furrow between her ribs. “I want you so much, Julie…” The proof of his need lay like a steel rod against her thigh.

Then his big hand moved to cup her bottom, raised it and ground out just before he penetrated the threshold, robbing Julianne of her breath.

Sa ikalawang pagkakataon, Julianne experienced the most incredible pleasure of her entire life. Bumaon ang mga kuko niya sa likod nito. And her moans of completion sent Benedict over the edge. He rammed into her and then gave that masculine roar of triumph as he shuddered violently inside her.

BENEDICT rolled off her but didn’t let her go. Ipinailalim nito ang braso sa ulo niya. Ang katawan nito ang nagsilbing takip sa katawan niya. Sa isang napakatagal na sandali ay walang salitang namagitan.

Gustong magsalita ni Julianne pero hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Again, she had the most fulfilling sex with a total stranger!

Mayamaya ay naramdaman niya ang pagdaiti ng mga labi nito sa ibabaw ng ulo niya; ng thumb nito na hinahaplos nang marahan ang punong-braso niya.

“I have nothing to offer you, Julianne,” sabi nito makalipas ang mahabang sandali.Napapikit siya. Alam niyang ang ginawa nila ay mali, ginawa sa lahat ng mga maling kadahilanan. Lalo na sa parte niya. She admitted to herself that she wanted him—sa unang pagkakataong naghinang ang mga mata nila. Iyon lang ang dahilang maaari niyang ibigay sa nangyari sa kanila.

She never thought that he could lust a man like this. Not even with James Navarro—her first crush—na sa loob ng maraming taon ng kabataan niya ay pinapantasya niya.Nang umalis siya ng Villa Manuela kaninang madaling-araw ay hindi na niya inaasahang magkikita pa silang muli. But seeing him again minutes ago made her realized just how much craving she had for this stranger.

Hindi niya alam kung bakit sinundan siya ni Benedict. Ano man ang dahilan, iisa pa rin ang resulta—pareho nilang pinanabikan ang isa’t isa. And again, they made love with so much abandon.

At muli ay wala siyang inaasahan mula rito. They could part now as if nothing happened. But she wondered why his words hurt.

“I am thirty-three,” patuloy nito nang manatili siyang tahimik, “with a medical degree. I specialized in surgery—”

“Well, at least, that took my fear away for having casual sex with a stranger,” matabang niyang sabi. At mas naramdaman niya kaysa nakita ang ginawang pagngiti nito.

“Though I had two years training in surgical medicine,” patuloy nito makaraan, “hindi ito ang trabaho ko. Isa muna akong chemist bago ako naging doktor. And I work with a pharmaceutical company as one of the partners. I am good at my job. Financially speaking, kaya kong ipagkaloob sa iyo ang simpleng mga bagay na kailangan mo. Other than that, I cannot offer you anything, Julianne.”

“Hindi mo kailangang pagkalooban ako ng anumang bagay, Benedict.” Hindi niya alam kung bakit nito sinasabi iyon. “I don’t usually indulge in this… this kind of—”

“Of course. Ako, higit kanino man, ang nakakaalam niyan,” putol nito sa sinasabi niya. “But there’s something between us that I can’t explain. A spark… electricity. I don’t believe in that bull. Pero hindi ko kayang ipaliwanag sa sarili ko ang nararamdaman ko sa iyo mula pa kagabi. There were women… but nothing like this.”

“Does that suppose to flatter me?” She was sarcastic.“I am not trying to be flattery. Sinasabi ko sa iyo ang nararamdaman ko.”“Why?”

“Dahil hindi ko gustong matapos sa kama ang namagitan sa atin. I want you to have a fling with me, Julianne.”

Julianne wondered why she was shocked by the bluntness. Gayong kung tutuusin ay higit na dapat siyang magimbal sa ginawang pagkakaloob dito ng sarili niya. Sa nakalipas na humigit-kumulang na labindalawang oras ay tatlong beses siyang inangkin nito.Nang biglang pumasok sa isip niya ang isang dahilan kung bakit “fling” ang iniaalok nito sa kanya. Kumawala siya mula rito at mabilis na tumayo at ipinagsalikop ang nakaladlad na bathrobe.

“A-are you married?”

*****************Oo Julianne , married na si Benedict sa akin char hahahahaha. -Admin A. Kumusta ang lahat? **********************

18

NANG hindi sumagot si Benedict sa tanong niya ay nanlumo si Julianne. Sana’y nanatili na lang walang salitang namagitan sa kanila. Sana ay naghiwalay na lang silang muli pagkatapos. O di kaya ay hindi na lang sana siya nito sinundan para ulitin ang maling naganap sa kanila.

Alam niyang tataglayin niya sa alaala ang namagitan sa kanila sa habang-panahon. Pero ang malamang may asawa na ito ay gustong magpababang higit ng pagtingin niya sa sarili.She had the most fulfilling sex with a married stranger!

Tumayo rin si Benedict at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Julianne, listen. I am not married anymore… I mean, technically, yes,” he amended.

She raised weary eyes to him, wishing him to just leave. But words wouldn’t come out.“I filed an annulment eight months ago,” mabilis nitong paliwanag nang makita ang ekspresyon niya. “Sa nakalipas na panahon ay dalawang beses lang kaming nagkita at sa korte pa. Ang anumang negosasyon at pag-uusap ay ginagawa sa pamamagitan ng mga abogado namin.” Kinabig siya nito, idinikit ang mga labi sa noo niya.

“What happened between us was wrong…” she said in a small voice. At hindi lang ang nangyari nang nagdaang gabi ang mali, kahit ang naganap sa kanila kani-kanina lang.“Last night, you were vulnerable and I took advantage of it. I admit that I deliberately seduced you to spite Stan… lahat ng bagay, kahit na inayawan na niya ay hindi niya gustong mapunta sa iba… lalo na sa akin.”

Her eyes flashed angrily. Sinikap niyang makawala mula rito subalit hinigpitan ni Benedict ang pagkakahawak sa mga balikat niya.

“Listen, Julianne…” He gave her shoulder a gentle shake. “Iyon ang unang nasa isip ko. But the thought was gone as fast as it came. Kung saan mang bahagi ng pag-uusap natin iyon tuluyang nawala ay hindi ko matukoy.”

Nang pilit na pinakakawalan ni Julianne ang sarili ay sinapo nito ng mga kamay ang mukha niya at itiningala siya. Then he gazed into her eyes.

“Something happened last night, Julianne. O marahil ay naroon na iyon una pa lang. Na makita kitang lumalakad papasok sa gate. Or it could have been there when I first laid eyes on you months ago. Sa deck ng ferry. Sa parang. I don’t know what happened but—”“Sex. Unadulterated sex. That’s what happened,” she said sarcastically.

“It’s more than just sex,” mariing wika nito. “I never slept the night with a woman after a satisfying sex. Not even with the woman I was married to. We had separate bedrooms—”“For goodness’ sake, you were drunk!”

“Not too drunk to have made love to you twice, my darling,” he said with an amused smile on his lips. “May silid sa third floor at magagawa kong bigyang-kasiyahan ang sarili ko at pagkatapos ay ipahatid kita kay Abel. Pero dinala kita sa silid ko dahil sa isang bahagi ng isip ko, hindi ko man maamin iyon kagabi, gusto kong magising sa kinabukasang nasa tabi kita.”

“You found out I was… I was without experience.” She flushed. “That must have bothered your conscience.”

He gazed into her eyes. “Your virginity was an added bonus.” There was an odd tenderness in his voice and something akin to pleasure crossed his eyes. “There was something else and we both know that. Napatunayan natin iyan ngayon lang.”

Napabuntong-hininga si Julianne. Hindi niya kayang itatwa ang sinabi nito. “And you think that something else is enough for me to agree to have a fling with you?”“Bakit hindi?” he challenged.

Muli siyang nagbuntong-hininga at kumawala mula rito. Nahagip ng mga mata niya ang undies niya sa sahig at dinampot iyon upang muling isuot subalit inagaw iyon ni Benedict mula sa mga kamay niya.

She opened her mouth to say something but she couldn’t find a word to say. Wearily, ipinagsalikop niya sa katawan ang mga braso.

Benedict strode towards her, uncaring if he was as naked as the day he was born. “Bakit hindi, Julianne?” ulit nito sa malagihay na tinig, as if he’d been drinking too much. Tulad nang nagdaang gabi. But she knew better, especially when she stared into those killer eyes. Pagkuwan ay pumaloob ang kamay nito sa bathrobe niya.

She moaned as heat boiled anew inside her. Lalo na nang idaiti nito ang katawan sa katawan niya. She could feel him. Hard and hot. At ang isang kamay nito ay bumaba patungo sa puson niya… at pababa pa.

Oh, God. Kung hindi niya paiiralin ang isip, mauuwi na naman sila sa kama. At wala pang beinte-kuwatro oras mula nang magkakilala sila.

“I-I have a ferry to catch…” she said, sounding silly.Benedict chuckled. “Hindi ko alam kung ano ang mayroon ka, darling, but I am behaving like a sex-starved just looking at you. And you were Stan’s girlfriend for three months! Has he, all of a sudden, turned into a saint?” Muli itong tumawa. A triumphant laugh. Na para bang ang namagitan sa kanila ay dahil sa pagnanais nitong makalamang kay Stan.

Subalit bago pa magkaugat sa isip niya iyon ay yumuko ito at banayad siyang hinagkan sa mga labi at pagkatapos ay inalis ang kamay sa katawan niya.

“Sabay tayong lumuwas sa Maynila ngayon.” Tumalikod ito at dinampot ang mga damit sa sahig at isa-isang isinuot.

“P-pagkatapos?” naguguluhang tanong niya.He turned ang grinned. “Walang private cabin sa ferry, so we can’t make love while at sea. Palipasin natin ang dalawang oras na biyahe sa pagkilala nang higit sa isa’t isa. You can tell me about your family… and I’ll tell you mine.” Sinabi nito ang huling pangungusap na may pag-aatubili.

Nang manatili siyang nakatayo lang at titig na titig dito ay isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Benedict at muli siyang nilapitan.

Itinaas nito ang mukha niya. “Be my woman, Julianne,” he whispered.“You’re asking me that we have sex every time we met, is that it?” Her voice was a mixture of weariness and anger.

“Sex between us is good. We complemented each other. But there’s more to relationship than just sex.” He paused and didn’t speak for a while. Then, “I can’t promise you anything, yet. But I’m asking you to take a chance on me…”

***********Parang nakakatuwa yung araw na ito since, nakausap ko yung mga dati kong namimiss kausap lalo ka na ate madam, boss amo, mapagmahal , bente uno charottttt hahahahaha. Kilala muna siguro sarili mo, ikaw yung unang nakausap ko dito nung naging admin ako at dami kong natutunan sa’yo as in super dami. Sana mameet kita in person para makapag-thank you man lang yun lang kasi kaya ko eh at poorita si Admin A char hahahaha. So happy na nakausap ulit kita. - Admin A *********

Yung iba kong nakakausap mag-message na kayo at ng matuwa ako char lang hahahahaa

19

NASA top deck sila at magkaharapang nakaupo sa naroong mga chrome-plated metal benches kasama ng ilang pasaherong mas gustong nasa itaas kaysa manatili sa air-conditioned room sa ibaba.

Ang mga binti ni Benedict ay nakataas sa bench na inupuan ni Julianne at nakahilig ang ulo nito sa sandalan. Nakakrus ang mga braso sa dibdib.

Naaaninag ni Julianne sa shades ni Benedict na nakapikit ito. Pero alam niyang hindi ito tulog. She had been staring at him for seconds, memorizing every planes and angles. Hindi pa rin ito nag-aahit. His jaws and chin were darkened by days old whiskers. Sa halip na pagmukhaing marumi ng whiskers ang mukha nito ay lalo lamang nakadagdag iyon sa attraction ni Benedict.She noticed a few women who gave him a second look.

Ang buhok nito ay ginugulo ng hanging nagmumula sa dagat. Nang matuon ang mga mata niya sa mga labi nito ay bahagyang nanayo ang mga mumunting balahibo niya sa katawan nang maisip kung ano ang nagagawa ng pilyong mga labing iyon sa kanya.Niyuko niya ang magkapatong nitong mga paa sa upuan niya. Naka-moccasin ito at walang suot na medyas. Her fingers softly toyed with the fine hairs on his lower leg. Then a tender smile curved her lips.

Napakalaki na ng ipinagbago ng buhay niya sa nakalipas na mga oras. Mula sa sandaling binigyan niya ng konsiderasyon ang alok nito sa kanya ay nagsisimula na niyang tahakin ang daang walang katiyakan kung ano ang dulo.

Kanina, ilang minuto matapos siyang iwan sandali ni Benedict sa cottage upang magbalik sa villa para magpaalam kay Abel ay bumalik si Nadine na punong-puno ng kuryosidad at pagtataka. Hindi man niya gustong magsalita ay hindi makapagkakaila ang kakaibang kislap sa mga mata niya. That and the telltales on her throat and shoulder blades of what had just transpired between her and Benedict. Napilitan siyang sabihin nang pahapyaw rito ang pangyayari sa pagitan nila ni Benedict.

“Hindi ako makapaniwalang ginawa mo ito, Julie!” bulalas ni Nadine bagaman wala kahit na bahid na pag-aakusa sa tinig. Ang naroon ay matinding panggigilalas. “Para kayong buhawi!”

“Iyon din ang naisip ko,” she said, embarrassed by the permissiveness of her behavior. “Kagabi, maaari kong isisi sa mababang morale at vulnerability ang nangyari dahil sa natuklasan ko kay Stan. At nadagdagan pa ng kaunting espiritu ng alak. Pero ang nangyari kanina ay…” Nilingon niya ang kama, a delicious shiver ran down her spine as the intensity of their lovemaking flashed in her mind, “hindi ko kayang ipaliwanag.”

“You and Benedict Aragon are destined to meet,” hindi pa rin makapaniwalang idinagdag nito. A romantic spark flashed her eyes.

Isang matabang na ngiti ang pinakawalan niya. “I don’t believe in destiny, Nadine. You shouldn’t either. Tayo ang gumagawa ng mga bagay na nangyayari sa atin. Nakilala ko si Benedict dahil nagtungo ako sa Villa Manuela para komprontahin si Stan. I made it happened. Hindi dahil nakatakda kaming magtagpo. Don’t be silly.”

“But he seduced you,” giit nito. “Sa isang tulad ni Benedict Aragon, tila ka sisiw sa mga kuko ng agila. You have no choice. Kung saan ka nadapa, doon ka na babangon.“Hindi niya mapigilan ang mapangiti. “We all have choices to make, Nadine,” paliwanag niya. “We were never left without a choice. Kahit na nga ba hindi natin gusto ang pagpipilian, still we were given that.”

“At gusto mo ang pinili mo?”

Hindi siya kumibo. She wondered if she already made a choice. Hindi niya sinang-ayunan ang alok nito subalit hindi rin naman tinanggihan. It would have been easier if she just said good-bye. No… no. This morning when she left the villa, that had been easy. Maliban sa guilt sa ginawa niya, hindi na niya inaasahang magkikita pa silang muli.

Pero pinagdududahan niya ang sariling damdamin kung kaya niyang sabihin ngayon iyon. Kung ano ang nangyari sa pagitan ng pagdating nito sa cottage hanggang ngayon ay hindi alam ni Julianne. And it wasn’t because they had sex. It was preposterous to even consider that sex was the reason why she was considering Benedict’s offer of a relationship.

She was even a bigger fool to agree with him that there was something going on between them that he couldn’t explain. Pero paano niyang ipaliliwanag sa sariling hindi niya makuhang iglap na putulin ang napasimulan na? That deep inside, she really wanted to take a chance on him; na naroroon ang isang gahiblang pag-asa na kung sakaling ma-annul ang kasal nito sa asawa ay magiging malaya si Benedict na ialok sa kanya ang pangalan nito.

Asawang tinutukoy nito ng “siya” at “the woman I married.” Ganoon na lang ba ang pagkasuklam nito sa asawa at kahit man lang ang pagbigkas ng pangalan nito ay hindi magawa ni Benedict?

Isang buntong-hininga ang ginawa ni Nadine nang manatili siyang tahimik. “Ano ang sasabihin ng mga magulang mo?”

Napatingin siya sa labas ng bintana. May ilang sandali ang pinalipas bago sumagot. “Kung… kung magagawa kong ipaglihim sa kanila ay gagawin ko, Nadine. I can only hope this…” Hindi siya makahagilap ng tamang salita para sa kanilang dalawa ni Benedict, “this thing between us wears off before they learned about it.”

“Nag-aalala ako, Julie. Paano kung… kung hindi magiging maganda ang kahihinatnan ng gagawin mong ito?”

“Then I suffer the consequences of my actions, of the wrong decision I made. We all do.“Iyon ang naging kabuuan ng pag-uusap nila ni Nadine bago siya sinundo ni Benedict. She dreaded to know what the consequences would be.

*************Yan ang gusto ko sa’yo Julianne eh, dapat may paninindigan ka talaga sa lahat ng mga bagay na gusto mong gawin at ginawa. Kaya kahit karibal kita ay mataas ang respeto ko sa’yo char hahahaha - Admin A *******************

20

NAPABUNTONG-HININGA si Julianne. Mula sa paghaplos sa paa nito ay nag-angat siya ng tingin. Nakatitig ito sa kanya. Naaaninag niya iyon sa suot nitong shades. Perhaps he had been watching her for a while.

“Napakalalim ng buntong-hiningang pinakawalan mo,” he said. “What were you thinking just now?”

She tried to smile. “A lot.“Ibinaba ni Benedict ang mga paa mula sa bench niya. Itinukod nito ang mga braso sa tuhod at inilapit ang mukha sa kanya. “You have a very expressive face, alam mo ba iyon?” wika nito. “I was referring to last night. Nang lumabas ng bahay si Stan kasama si Milet ay may ilang sandali kitang pinagmasdan. You were so cool and poised and so elegant despite the anger that was boiling inside you. Mixed emotions played in your face and you were not even aware how lovely you looked.”

“That was when you decided to seduce me?” she teased.“Kung nagkataong hindi ako nagmamadaling umuwi nang hapong magtagpo tayo sa parang four months ago, natitiyak kong sa ganito rin tayo mauuwi.”

“Goodness, ganoon kalaki ang tiwala mo sa sarili mo!“He gave her a lopsided grin. “Tell you a secret…” Inilapit nito ang bibig malapit sa tainga niya at may ibinulong na ikinapanlaki ng mga mata ni Julianne kasabay ng pamumula ng pisngi at ng pananayo ng mumunting balahibo sa katawan niya.

“That can’t be possible! You were rude!”

“Precisely,” wika nito, lumapad ang ngiti. “Maaaring bibilang ng maraming oras bago mangyari ang nangyari sa atin kagabi. All the same, we were bound to end up in bed, darling. At hindi mo pag-uukulan ng kahit isang sulyap si Stan.”

“How arrogant!“Ngumisi ito. Inabot ang kamay niya at hinila siyang patayo at lumakad patungo sa barandilya at tinanaw ang mga isla. “When do I get to meet your parents?” he asked out of the blue.Sandali siyang natilihan. “H-hindi siguro magandang ideya iyan, Benedict.“Nagsalubong ang mga kilay nito. “And why so?”

“Hindi nila sasang-ayunan ang ganitong uring relasyon ko sa iyo. Ano man ang sabihin mo, you’re still married.”

“Darling,” he said, his arms snaked around her waist and pulled her close against him, “all I want is to meet your parents. Kailangan bang sabihin sa kanila kung ano ang namamagitan sa atin?“Tumingala siya rito. “Sa palagay mo ba ay maipagkakaila ko sa kanila ang tungkol sa atin?” She shook her head. “Look at you, Benedict. You couldn’t even keep your hands off me…”

He grinned. “You’re embarrassing me, darling.” Pinakawalan siya nito, itinukod ang mga kamay sa barandilya at nakulong siya sa pagitan ng mga bisig nito. “Ibig mo bang sabihin ay kumikilos ako na tila teenager sa unang girlfriend?”

“No.” She wrinkled her nose. “You’ve got more finesse than that. But you’re as horny.“Benedict threw his head back and laughed. Tinitigan ito ni Julianne. At mula sa kung saan ay may umahong damdamin sa dibdib niya. It was poignant, warm and tender. Naroon na iyon kanina nang titigan niya ito habang nakapikit. Lamang ay sinikap niyang huwag mangibabaw.Kinatatakutan niya ang banyagang damdaming iyon. It was as if she loved this man already. But it couldn’t be. Wala pang dalawampu’t apat na oras mula nang magkakilala sila.

Nang huminto ito sa pagtawa ay dagli niyang pinawi ang ekspresyong iyon sa mukha niya. Pinilit niyang ngumiti. “I’m guilty, too. Gusto ko ang ginagawa mo sa akin,” mahinang pag-amin niya. Nilinga niya ang kakaunting taong nasa paligid na ang ilan ay tinatapunan sila ng tingin. “Nakakahiya sa mga tao.”

“Oh, don’t be embarrassed, darling,” Benedict said gently. “People think we’re honeymooners.” Bago pa niya masagot iyon ay mabilis nitong ibinalik sa topic ang usapan. “So,” he said, “ibababa lang ba kita sa inyo pagdating natin sa Maynila?”

“I… I…” she stammered. “Y-yes, of course.”

“Hey, ihahatid lang kita sa tapat ng bahay n’yo, hindi kailangang mabahala ka nang husto.”“Ang… Ang alam ng mga magulang ko’y si Stan ang ipakikilala kong boyfriend sa kanila, Benedict,” paliwanag niya, dahan-dahang pinakawalan ang hiningang pinipigil. “I would have a lot of explaining to do.”

“I can understand that.“Madaling sabihin sa mga magulang niya ang tungkol kay Stan. Nakahanda siyang tanggapin ang litanya ng sermon ni Bernard at ang, “I told you so” na sasabihin nito. At sa susunod na mga araw ay wala siyang gagawin kundi ang sumunod sa lahat ng gusto nito. Lalo na sa bahaging kailangan niyang pakiharapan si William.

Subalit hindi siya handang ipakilala si Benedict sa mga magulang. Her father wouldn’t take it lightly. From Stan to his stepbrother. Sa pagitan lamang ng ilang araw mula nang huli silang mag-usap ni Bernard. Higit pa roon, paiimbestigahan ito ng ama. Natitiyak niya iyon kung paanong iyon din ang gagawin ni Bernard kung naipakilala niya si Stan dito.

Malalaman ng papa niya sa pagitan lamang ng ilang araw ang status ni Benedict. Technically or otherwise, he was still married. Paano niya iyon ipaliliwanag sa mga magulang? Sa mga kapatid niya?

Paano kung makarating kina Lenny at Aidan ang tungkol dito? Kung mangyari iyon, all hell would break loose. His family could destroy Benedict. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakadama ng takot si Julianne sa kinasuungan, hindi para sa sarili kundi para kay Benedict.Length of time hadn’t matter for what they felt for each other. Para iyong buhawi, tulad ng sinabi ni Nadine. Umaasa na lamang siya na hindi mag-iiwan ng pinsala ang relasyon nila sa bandang huli.

“RELAX. You look so tense,” ani Benedict nang muli itong sumakay sa jeep matapos maibaba ang mga bagahe niya. Sinulyapan ang bahay sa likod niya.

Julianne forced a smile. “Bye.”

Kinindatan siya nito at pagkatapos ay pinatakbo na ang sasakyan paalis. Sinundan niya ito ng tingin.

“Julie?” wika ng tinig mula sa loob ng bakuran. “Ikaw ba iyan, Julie?“Hinintay muna niya ang pagliko ng four-wheel drive ni Benedict sa kabilang kalye bago siya lumingon.

“Lola Andrea!” bati niya sa matandang babae. “B-bakit kayo nandiyan?” Sa paupahang duplex ng retiradong sekretarya ng Kristine Corporation nagpahatid si Julianne. Hindi niya inaasahang makita sa loob ng solar si Andrea. Ang plano niya ay tumawag ng taxi pagkaalis ni Benedict at umuwi sa kanila.

Itinaas nito ang hawak na karatulang “For Rent” na sa wari ay isasabit nito sa gate. “Umalis na noong isang araw ’yong dating umuupa rito. Ikaw, bakit ka narito?” Sinulyapan nito ang bagahe niya sa nakakunot na noo.

“M-maaari ba akong tumuloy sa inyo?”

“Of course,” sagot nito at isinabit sa gate ang karatula. At nang akma nitong isasara ang gate ay inawat niya at ipinasok ang malaking maletang de-gulong.

***************Naku ano kayang mangyayari dito Hahahahaha. - Admin A *****************

21

“KAYONG mga kabataan ay lagi nang padalos- dalos,” ani Andrea matapos pakinggan ang kuwento niya tungkol kay Stan. Pahapyaw rin niyang ipinagtapat si Benedict dito maliban sa naganap na pagtatalik nilang dalawa.

“You turned to this man… what’s his name? Yes, Benedict, on the rebound, Julie.“On the rebound. Iyon ba ang nangyari? Isa iyon sa mga aspetong hindi niya napag-ukulan ng pansin. Biglang nagkaguhit sa isip ang kalituhan.

“Kung… kung sana’y ganoon nga lang ang nangyari, Lola Andrea,” aniya at umiling. “I was attracted to him the moment I laid my eyes on him.”

Andrea almost rolled his eyes. “You kids these days,” she murmured. Tumayo ito at banayad na tinapik ang balikat niya. “Attracted? Sa mismong sandaling natuklasan mo ang tunay na pagkatao ng boyfriend mo?”

Julianne winced at Andrea’s sarcasm.

“Forget all about him, Julianne. Hindi alam ng Benedict na ito kung saan ka talaga nakatira at hindi mo ibinigay ang totoo mong pangalan. That’s good. Charge everything to experience. Go home, take a good rest tonight and tomorrow set a date with William.” Lumakad ito patungo sa telepono. “Ipasusundo kita rito sa driver pero dito ka na maghapunan.”

An hour later, dumating ang driver at sinundo si Julianne. That night, Bernard gave her the tongue- lashing of her life. At ni hindi niya makuhang pangatwiranan ang sarili. She listened to her father’s tirade meekly. At wala siyang nagawa nang ilahad ni Bernard isa-isa ang gusto nitong mangyari sa kanila ni William. Isa na roon ang madalian nilang pagpapakasal.

“Pero, Papa—”

“¡No hay pero que valga, Julianne! You will marry William. Pinagbigyan kita sa gusto mo. Nang sabihin mong nobyo mo ang Stan na iyon at nakatakdang ipakikilala sa akin ay wala kang narinig maliban sa paalala. Had you found a bueno hombre, ipakakasal ko kayo. Nakahanda akong talikuran ang usapan namin ni Compadre.”

Hindi niya magawang salungatin iyon. She had made a bargain with her father. Sinira niya iyon gayunman ay pinagbigyan siya. Ngayon ay mapipilitan siyang tuparin ang ipinangako niya.Pero paano si Benedict? Magagawa ba niyang kalimutan ito tulad ng ipinapayo ni Andrea?With a heavy heart, Julianne raised her eyes to her father. Nakatitig si Bernard sa kanya. He was assessing her. Muli siyang umiwas ng tingin. Mabigat ang dibdib na nagpaalam siya sa ama na papanhik na sa silid niya.

Sa itaas ay inihagis niya sa kama ang clutch purse at ang cell phone at nagsimula siyang maghubad ng damit. Papasok na siya sa banyo nang mag-ring ang cell phone niya.Nahinto siya sa paghakbang at tinitigan ang CP. Alam niyang si Benedict ang tumatawag. Kasalukuyan siyang naghahapunan kina Andrea nang unang tumawag ito. Pero binawalan siya nitong sagutin ang telepono.

“Don’t answer the phone, Julianne,” utos nito sa awtorisadong tinig. At hindi niya magawang hindi ito sundin. Andrea was almost family. Buong buhay nito ay ipinaglingkod sa Lolo Leon niya noong nabubuhay pa ito at sa papa niya hanggang sa ito ay magretiro.

Not only that, Andrea was also her cousin Drew’s grandaunt. Ito na lang ang kaisa-isang kamag-anak ni Alaina, Drew’s missing mother.

“Huwag mo nang guluhin ang sarili mo,” patuloy nito. “Hindi ka pa nakapagsisimula man lang magpaliwanag sa papa mo tungkol kay Stan ay may panibago ka na namang kakaharaping problema. Your ex-boyfriend and this man are stepbrothers, for crying out loud!”

Nagpatuloy sa pag-ring ang telepono. Nagdidigmaan ang puso at isip niya kung sasagutin iyon o hindi. But Andrea could be right. Benedict and Stan were stepbrothers. Maliban sa sinabi ni Nadine na hindi magkasundo ang dalawa ay wala na siyang alam tungkol sa relasyon ng mga ito.

At kung totoong hindi magkasundo ang dalawa, bakit nananatili sa Villa Manuela si Stan? Sa pagkakaunawa niya sa kuwento ni Nadine, pag-aari ni Benedict ang villa.

And for all she knew, pinag-uusapan siya ng dalawang lalaki. Napaungol siya roon. How could she be so naive? Benedict took advantage of her vulnerability. He was a seducer, a flatterer. And to top all of it, he was married! But he couldn’t really blame him totally. Higit na nasa kanya ang pagkakamali.

She sobbed and was surprised by the pain she felt in her heart. Where had the pain came from? Hindi niya naramdaman ang ganoong damdamin kay Stan nang malaman ang masamang motibo nito. Mas nasaktan ang amor-propio niya, nagalit at napahiya siya. But she didn’t think her heart was even involved.

Until now.

And again, to the wrong man.

She strode towards the bed, grabbed the phone and threw it savagely on the wall. Nagkahiwa-hiwalay at nagkapira-piraso iyon. Tuluyan na siyang napaiyak sa magkakasamang emosyon.

JULIANNE spent the night tossing, turning, and weeping silently. She missed Benedict with all her heart. She wished she hadn’t come home. Sana ay pumayag na lang siya sa mungkahi ni Benedict na sa bahay nito sa Quezon City tumuloy.

Now, it was too late. She couldn’t defy her father. Bukod pa roon, nakikini-kinita na niya ang magiging reaksiyon ni Bernard sa sandaling malaman nitong sina Benedict at Stan ay stepbrothers. And to top all of it, her father would never condone her relationship with Benedict knowing he was still married.

Ni hindi niya namalayan kung paano siyang nakatulog. Nagising siya kinabukasan nang hawiin ng yaya niya ang blinds at pumasok ang sinag ng araw.

“Bago umalis patungong opisina ang ama mo’y ibiniling gisingin kita ng alas-nuwebe, Julie,” ani Yaya Amparo.

Umungol siya at ibinaon ang mukha sa unan. May palagay siyang wala pang kalahating oras mula nang makatulog siya.

“Tumayo ka na riyan, alas-nuwebe y media na,” patuloy nito. “Kausap ng papa mo si William kaninang umaga at susunduin ka ng alas-onse.” Pumasok ito sa banyo upang ihanda ang bathtub.

Julianne gazed at the ceiling feeling so empty. Parang may bahagi ng pagkatao niya ang nawala sa kanya. She sobbed softly. Paano niyang haharapin si William na ang laman ng puso at isip ay si Benedict?

And she didn’t think she could last another day without seeing him. “Take a chance on me, Julianne…” Nag-echo ang mga salitang iyon sa isip niya. Recalling it now, Benedict said it with almost a note of pleading in his voice.

Sukat doon ay napabalikwas siya. Hinayon ng mga mata ang lugar kung saan niya inihagis ang cell phone. Subalit malinis at makintab ang floor parquet. Ni isang piraso ng basag na housing ng telepono ay wala siyang makita.

Halos takbuhin niya ang banyo. “Yaya, ang cell phone ko! ’Yong nasa sahig na—”“Pinadampot kong isa-isa kay Celia kaninang maaga-aga pa nang una kitang silipin. Bakit ba nagkabasag-basag nang ganoon ang telepono mo?” Nilingon siya nito at nag-angat ng katawan mula sa pagpapatulo ng tubig sa bathtub.

“Yaya, ipakuha ninyong muli kung saan man niya itinapon. Kailangan ko ’yong SIM!“Pinatay nito ang gripo bago muling humarap sa kanya. “Kung ano man iyong hinahanap mo ay hindi mo na makikita, Julie. Kadadaan lang ng truck ng basura kaninang bago ako pumanhik dito.” Napaungol siya sa panlulumo at napasandal sa hamba ng pinto. Pagkatapos ay tuluyan nang napaiyak. Nabahalang nilapitan siya ni Amparo.

“Ano ba ang nangyayari sa iyong bata ka?” nag-aalalang tanong nito. Nang hindi siya sumagot at nagpatuloy siya sa pag-iyak ay nagbuntong-hininga si Yaya Amparo.

“Kalimutan mo na ang nangyari sa iyo sa Mindoro, Julie,” banayad nitong sabi. “Ipagpasalamat mong natuklasan mo nang maaga ang tunay na motibo ng lalaking iyon. Pumasok ka na sa banyo. May isang oras ka na lang para mag-ayos bago dumating si William.”

********************Iba talaga ang epekto ni baby Benedict ko , hayst namimiss tuloy kita lalo bibi char hahahaha. Mahirap talagang kalimutan ang mga kakaiba, exciting at masasayang ganap sa buhay natin char hahahaha. Kayo mga beshie? ano ang hindi n’yo makakalimutang happenings sa buhay n’yo? - Admin A *****************

22

“HOW ARE you, Julianne?” ani William matapos ibaba ng waiter ang aperitif nila. “A month ago, nabanggit sa akin ng papa mo ang tungkol sa nobyo mo sa Mindoro—”

“Bakit hindi ka bumalik sa L.A. nang malaman mong may nobyo na ako, Will?” putol niya sa sinasabi nito.

Nagkibit ito ng mga balikat. “May mga negosyong dapat na asikasuhin dito. So, what happened to the boyfriend? I got a late call from your father last night. He told me it’s off.“Pinaglaruan niya ang rim ng champagne glass niya. “Ayoko siyang pag-usapan, Will,” bagot niyang sagot.

“As you wish.” Tumango-tango ito. “Let’s talk about us then.”“W-what do you want us to talk about?”

William smiled wryly. “Don’t let us beat around the bush, Julie. Alam nating pareho kung bakit magkasama tayo ngayon. I want to marry you.”

She couldn’t have heard a more colder proposal. Pero ano ba ang inaasahan niya? Lumuhod ito sa harap niya at saka sabihing gusto siya nitong pakasalan? Pareho nilang alam kung bakit kailangan nilang magpakasal.

Bago si Benedict, baka sakaling nakahanda siyang bulagin ang sariling damdamin para dito. Si William ang kabuuan ng pangarap ng sino mang babae. Pero bakit ayaw man lang kumislot ng puso niya rito? Just as she realized now how her heart didn’t even beat for Stan. Na kaya mas pinili niyang maging kasintahan si Stan dahil hindi ito inirekomenda ng ama; na niligawan siya nito bilang siya; na kung sakaling makasal sila ay hindi dahil mapapadali niyon ang mga transaction sa negosyo.

“Do you really want to marry me, Will?” mahinang anas niya.“That’s a silly question, Julianne,” wika nito, giving her an indulgent smile. “Kahit sinong lalaki ay papangarapin kang maging asawa.”

“We aren’t in love.”

“We would be once we were married,” he said matter-of-factly. “Arranged marriages are usually the lasting ones. Read the history of famous men and women whose marriages were arranged, kung hindi man ng pamilya ay ng mga obligasyon.”

“Yeah,” matabang niyang sabi. “At karaniwan na’y may mga itinatagong mistresses sa tabi.“Hinayaan muna ni William na mailapag ng waiter ang order nilang pagkain at nang makaalis ito ay saka siya sinagot.

“Just as many married couples who had professed undying love to each other,” he said cynically, then added with a lace of bitterness in his voice. “Love are for fools, Julianne. For the dreamers… They aren’t for us.”

Umiwas siya ng tingin. Hindi niya maintindihan subalit nag-iinit ang sulok ng mga mata niya sa tono nito. Gusto niyang umiyak. Since her brief affair with Benedict, nagiging maudlin siya.Mula sa sulok ng mga mata niya ay nakita niyang may dinukot sa bulsa ng pantalon nito si William at inilapag iyon sa mesa sa mas malapit sa kanya.

“Buksan mo,” utos nito, nakangiti. “Binili ko iyan sa New York bago ako nagtungo rito.“Tinitigan niya ang cajeta. Nakatatak doon ang tindahang pinanggalingan. Tiffany’s of New York. Duda siya kung kayang bilhin ni Benedict ang ikaapat na bahagi man lang ng halaga ng laman ng cajeta.

Obligingly, binuksan niya ang cajeta. Kumislap sa harap niya ang flawless three-carat blue diamond.

“I-it’s beautiful, Will “ wika niya sa pinasiglang tinig.“I’m glad you like it.” Kinuha nito ang singsing at isinuot sa daliri niya. “Perfect. I thought I would have to bring it back to New York for resizing.”

Tinitigan ni Julianne ang singsing. It was flawless and must have cost a fortune. Pero nakahanda siyang magsuot ng singsing na yari sa tanso at ipagmalaki iyon sa buong mundo kung galing iyon kay Benedict.

Flash ng camera ang biglang nagpaangat ng paningin ni Julianne. Akma siyang tatayo upang sitahin ang reporter subalit hinawakan siya ni William sa braso at pinigilan.

“Larawan lang iyon, Julianne,” wika nito. “There’s no need to lose your poise.“Nagpupuyos pa rin siya sa galit nang muling maupo. Pero inalis ni William ang pansin niya sa ginawa ng reporter sa pamamagitan ng muling pagbanggit tungkol sa kanila. Ang sumunod na mga sandali ay ginugol niya sa pilit na pagngiti, pagsang-ayon at pagpapatianod sa mga sinasabi nito.

ISANG warning knock ang ginawa ni Benedict bago siya pumasok sa silid ni John Contreras, fifty-five years old, kaibigan at kasosyo sa negosyo.

“Kailangan mo raw ako,” bungad niya.Mula sa ginagawa ay nag-angat ng mukha si John. “What’s wrong with you, Benedict?” kunot-noong tanong nito. “Ang sabi ni Minda ay kahapon pa niya ipinasok sa opisina mo ang mga scents na pagpipilian mo para sa whitening soap na ilulunsad natin.”

Hindi siya sumagot at sa halip ay tinungo ang mahabang sofa at naupo roon. Itinaas ang dalawang binti sa ibabaw ng fiberglass table. Walang pakialam kung nakusot niya ang peryodikong nasa ibabaw niyon.

“Maaga akong umuwi kahapon.”

“Exactly. At ngayon ka lang dumating.” Bumaba ang mga mata nito sa relo sa braso. “Pasado alas- kuwatro na.” Umiling ito. Hindi malaman kung magagalit o magsisimpatya.

“Mula nang manggaling ka sa Capistrano ay para kang wala sa sarili. Walang mangyayari kung patuloy mong aalagaan ang galit diyan sa dibdib mo dahil sa ginawa ni Stan sa lupa mo. Magagawa mong bilhin uli ang propiedad sa taong bumili niyon kung seseryosuhin mo ang trabaho natin. Lalo na ’yong bagong scent ng perfume na tinutuklas mo.”

Hindi siya sumagot. Inihilig ang ulo sa sandalan ng sofa at tumitig sa kisame.“Dammit, Benedict!” Tumayo mula sa high backed chair nito si John. “We are enundated with purchase orders after we distributed the soap samples. At naghihintay ang mga supermarkets kung kailan natin ilo-launch ang mga produkto. Why, we even need to hire two more chemists. And I need you to choose the scent for the new—”“I met a woman in Capistrano, John.”

Hindi agad nakahuma si John. Tinitigan siya na tila ba ang sinabi niya ay Latin. Then, “A woman…” wika nito na tumango-tango. “Lahat ng ito ay dahil may nakilala kang babae sa Capistrano?” He was sarcastic. “Pero ano ang bago roon? Kung lapitan ka ng mga babae ay tila sila mga langgam at ikaw ang asukal.”

“This one’s different.”

John rolled his eyes. “And who’s this woman, anyway?” he asked with indulgence in his voice.“She’s Stan’s ex-girlfriend.”

“Son of a bitch…” pagmumura nito. Naupo sa gilid ng desk at dinampot ang sigarilyo at sinindihan. Matapos magbuga ng usok ay ngumiti nang nakakaloko. “History repeating itself?“Hindi siya sumagot. Ibinaba ang mga binti mula sa mesa. Sumamang bumagsak sa carpet ang peryodiko na nagkahiwa-hiwalay. Wala sa loob na dinampot niya iyon at basta na lang pinagpatong- patong sa ibabaw ng mesita nang may tumawag sa pansin niya. Halos mapunit ang pahina nang daklutin niya iyon.

Stunning Julianne Fortalejo, one of the heirs of the Fortalejo empire were photographed dining with William Hidalgo, son of bank magnate…

Though no announcement has been made yet from both families, a reliable source said that wedding bells will soon chime for these lovely couple…

Nagtatagis ang mga ngiping nilamukos ni Benedict ang peryodiko sa pagtataka ni John.“Damn… damn!” usal niya. He had been taken for a fool. Sa nakalipas na apat na araw ay hindi niya ma-contact sa cell phone si Julianne.

Kaninang umaga ay nangahas siyang magtungo sa apartment kung saan niya ito inihatid. Nakahanda siyang harapin at kausapin ang mga magulang nito. Naniniwala siyang walang hindi nakukuha sa mahusay na pakikipag-usap.

Subalit gayon na lamang ang pagkamangha at panlulumo niya nang makitang bakante ang isang duplex. Ayon sa napagtanungan niya sa kabilang pinto ay wala silang kilalang Julianne de Silva at na ang nakatira sa kabila ay isang mag-asawang Australiano na inupahan ang duplex sa nakalipas na anim na buwan at nagbalik nang muli sa Australia ang mag-asawa.

He checked the nearest neighbors. Walang nakakakilala sa mga ito kay Julianne.Kung kanina ay hindi niya maintindihan kung bakit ginawa ni Julianne iyon, ngayon ay maliwanag pa sa sikat ng araw ang lahat.

An heiress. He’d met and had great sex with a virgin heiress. Julianne must have turned to him on the rebound and he had given her the best initiation of her life. Now he couldn’t tell who was the better fool between him and Stan.

Naiwala ni Stan ang pagkakataong makapag-asawa ng masalapi. Sa pagkakataong iyon, hindi lang basta masalapi ang napakawalan nito kundi isang tagapagmana.But what about him? What had he lost?

“Care to tell me all about it?” ani John na nagtataka sa nakikitang galit sa mukha niya. Dinampot nito ang inihagis niyang nilamukos na pahina ng peryodiko.

“Just that I was duped into thinking that she wanted me as much as I wanted her,” he said furiously. Tumayo at lumakad patungo sa pinto.

“Benedict, what about the scent samples?” pahabol ni John.

“Scent number two.” Iyon lang at lumabas siya ng opisina nito. Tuloy-tuloy siya sa parking lot at sumakay sa four-wheel drive niya. Paarangkada niyang inilabas ng compound ang sasakyan.Pilit niyang iwinawaksi sa isip ang isang damdaming kahalintulad ng paninibugho. Nagagalit siya, iyon ang nararamdaman niya. Because Julianne made him look like a fool.

*************************Grabe ang intense , ayos lang yan bibi Benedict dito na lang sa piling ko, hindi ka na magiging fool pa, ako ay magiging iyo naman bibi (fooly ay fully pala yun char hahahahaa ) - Admin A

23

“MA’AM Julianne, telepono po,” wika ng katulong, tinatakpan ang mouthpiece ng cordless. “SDL Laboratories daw po.”

Mula sa pagti-trim ng mga orchids ay kunot ang noong nilingon niya ang katulong. “Ako ba ang kailangan?”

“Opo, Ma’am. Ang nasa linya ay ang manager ng kompanya.”

“Why would—” Hindi niya itinuloy ang sinasabi. Isa na naman marahil sa mga kakilala ng ama na gusto siyang kuhaning modelo para sa mga produkto ng mga ito. She had refused quite a few of them. She wasn’t just interested. Ibinaba niya ang gunting at kasabay ng bagot na buntong-hininga ay inabot ang cordless phone sa maid. “Hello…”

“Hello, darling. Remember me?” wika ng mapanuyang baritonong tinig sa kabilang linya.Napasinghap si Julianne kasabay ng panlalaki ng mga mata. Agad ang pag-alon ng dibdib niya. Binalingan niya ang katulong at sinenyasan na iwan siya. Sa nanlalambot na mga tuhod ay sumandal siya sa palm tree. Sampung araw na ang nakalipas mula nang maghiwalay sila.

“B-Benedict…” she whispered after a long while, clutching the phone tightly, na para bang kapag niluwagan niya ang hawak sa instrumento ay mawawala sa kabilang linya si Benedict. Ang tibok ng puso niya ay tila iyong nanggaling mula sa pagtakbo sa marathon.

Silly her, but she didn’t know why she suddenly wanted to cry. Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata niya.

“I’ll be damned,” ani Benedict. Magkahalong panunuya at galit ang nasa tinig. “Kailangan kong magdaan sa butas ng karayom makausap ka lang. At hindi ko alam kung bakit kailangan pa kitang makausap matapos ang ginawa mo.”

“P-paano mong nalaman ang numero ng telepono rito sa bahay?” tanong niya. Ang mga numero ng telepono nila sa mansiyon ay unlisted.

“I’m resourceful,” sarkastikong sabi nito.Sa loob ng ilang sandali ay walang usapang namagitan. Tila hindi alam ng bawat isa kung ano ang sasabihin sa isa’t isa.

“I-I miss you so much and I wanna see you…” ani Julianne makaraan sa gumagaralgal na tinig.“Really?” he replied in a mocking voice. “For another roll in the hay, Julianne, darling? Hindi ba kayang paligayahin ni Mr. Bank Magnate si Miss Heiress?”

“Benedict…” She choked on her tears.

“You’re a cheat, Julianne. A first-class cheat but a cheat nevertheless!“Sapat iyon upang ang pinipigil na emosyon ni Julianne ay kumawala. She burst into tears.

“J-Julianne…” ani Benedict na biglang nag-iba ang tinig. “What’s wrong, Julie? Oh, God, why are you crying?”

“Because I… I really… want to see you… but I can’t…” she said in between broken sobs.Benedict muttered a litany of curses. “What is this, Julie? Another trick you want to pull on me?” he said in a mixture of anger, weariness, and confusion.

“I want to see you, Benedict,” muling ulit ni Julianne, “and I want to be with you. Maniwala ka.”“Then meet me now. Ibibigay ko sa iyo ang address ng town house ko—”

“I can’t. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis na hindi kasama ang… ang mga bodyguards ko. Kailangan ko munang mag-isip ng—”

“Poor me.” The sarcasm was back in his voice. “And I almost believe you.” Pagkasabi niyon ay ibinagsak nito ang telepono.

“B-Benedict… hello… hello!” Julianne panicked. She had been given the chance to hear from him again. Ang kaisipang maaaring tuluyan na silang hindi magkitang muli ay tila gustong magpapugto ng hininga niya. At ang lahat ng agam-agam na inaalagaan niya sa dibdib sa nakalipas na mga araw ay tuluyan na niyang inihagis sa hangin.

Halos takbuhin niya ang pagpasok sa loob ng bahay. Tinungo ang main equipment at tiningnan ang numero ng teleponong ginamit ni Benedict na nakarehistro doon. Isinulat iyon sa papel at pagkatapos ay tinawagan ito.

Apat na ring bago iyon sinagot ni Benedict. “Benedict… I—” Subalit biglang naputol ang linya bago pa man niya masabi ang gustong sabihin. And she was sure Benedict pulled the plug from the telephone socket. Tinitigan niya ang telepono nang may ilang sandali bago iyon dahan-dahang ibinalik sa cradle.

Sa loob ng ilang segundo ay para siyang estatwang nakatayo lang doon. Nang isang ideya ang biglang pumasok sa isip. Pumasok siya sa den at ang telepono roon ang ginamit. She dialed Kurt’s office, her cousin Jade’s husband.

“Julianne, alam mo ba kung paano kita pananagutan sa papa mo sa sandaling gawin ko ang mga ipinakikiusap mo sa akin?” ani Kurt sa kabilang linya matapos niyang sabihin dito ang gustong mangyari. “Bernard will have my neck.”

“You aren’t afraid of my father, Kurt,” wika niya sa desperadong tono.“Not when it comes to the women in the family, baby. Remember what I went through for Jade?” he laughed drily. “I’d rather face the terrorists but not the wrath of the men in this family. I was so scared then. Mahusay lang akong magdala.”

“You’re lying.” She sniffed.

“No, baby. Back then, si Uncle Zandro lang ang pinagkunan ko ng pag-asa. He was the only one who didn’t look at me with contempt. What I saw in his eyes was amusement… and I saw respect, too, and challenge.”

Julianne smiled to herself fondly. “Oh, Kurt, I know you’ll go through over the Fortalejos and de Silvas again, if only for Jade. Kaya natitiyak kong naiintindihan mo ang damdamin ko. And my father doesn’t have to know. Please, nakikiusap ako.”

“Who is this man, Julianne?” Kurt asked in a weary tone.

“That’s your forte, cousin,” aniya, nakasilip ng pag-asa sa tono nito. “You can check him out if you want. But I beg of you to help me… kayo ni Jade.”

Pagkatapos ng mahabang pakiusap, ibinaba niya ang telepono. Paglabas ng den ay tinawag niya si Yaya Amparo. “Magbihis ka, Yaya. Aalis tayo.”

*********Ramdam ko ang hinagpis nila dito, yung gustong-gusto mo siyang makita pero di puwede, yung nag-uumapaw ang emosyon mo at galit kahit na mahal mo siya. Yung tipong di mo na alam ang gagawin mo, naku ramdam kita Benedict kasi ganyan din feels ko sa’yo char hahahahaha. Ang hirap naman nito, di ko alam kung kanino ako lulugar sa inyo, puwede naman kasing magkita, kung gusto eh char hahahaha. Dun pala sa nagpapadedicate, message mo ako madam, para maalala ko, tanders na si Admin A kaya ulyanin na, sorry na agad. - Admin A ******************************************************************************************

Happy weekends sa inyong lahat. Sana happy kayo at mag -ingat palagi. Lovelots - Admin A

24

NANG buksan ng security guard ang gate ng town house para sa sasakyan ay magtutuloy-tuloy na sana siya sa loob nang katukin ng isa pang security guard ang salamin ng jeep niya.

“Evening, Sir. May naghihintay ho sa inyo sa loob,” wika nito nang ibaba niya ang salamin.Kumunot ang noo ni Benedict sa iritasyon, sinulyapan ang relo sa dashboard. Alas-onse na ng gabi. Tinapos nila ni John ang mga packages na ide-deliver kinabukasan. He was dead tired at ang tumanggap ng bisita sa ganoong oras ng gabi ang kahuli-hulihan niyang gagawin.“Kilala ko ba?”

“Ngayon lang namin siya nakita, Sir. Julianne Fortalejo ang ibinigay niyang pangalan.”“Sonofa—” He compressed his lips. Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Dalawang araw na ang lumipas mula nang tawagan niya ito sa telepono. At sa nakalipas na kuwarenta y otso oras ay ibinuhos niya ang buong kaisipan sa trabaho. Hindi niya gustong bigyan ng pagkakataong okupahin ni Julianne ang kahit kaunting bahagi ng isip niya.

Sa buong buhay niya ay wala siyang natatandaang may babaeng gumulo sa pagkatao niya. Until Julianne. The cheat. To the bitter end, she wanted to fool him.What was she doing here?

Nahahati ang isip at damdamin niya kung tutuloy sa loob ng compound o umalis muli at sa bahay na lang ni John magpalipas ng gabi.

Ipinasya niya ang huli. He’d be damned if he’d make a fool of himself again. Julianne was engaged. Ayon sa nabasa niya ay nahuli lang ng ilang segundo ang reporter para makuhanan ang engagement ring nito.

He shifted his gear. Iniaatras palabas ng gate ang sasakyan niya nang muling magsalita ang security guard.

“Mula pa kaninang alas-sais y media siya narito, Sir. Baka ho naghihintay sa loob ng kotse niya. Mercedes Sports, Sir. Silver.”

Natigilan si Benedict. Alas-sais y media. She waited that long?Sapat iyon upang muli niyang ibinalik ang kambiyo at mabilis na pinaandar ang sasakyan papasok sa compound. Pinatay niya ang makina bago pa tuluyang huminto ang jeep malapit sa garahe niya. Nakita niya kaagad ang kotse ni Julianne na inokupa ang mismong loob ng garahe niya. Sleek and beautiful. Tulad ng may-ari niyon. But like its owner, both were beyond his reach. Beyond his wildest dreams.

Benedict was a simple man with simple dreams. At isang malaking kabaliwan na bigyan niya ng puwang ang pag-asang umahon sa dibdib. Sa kabila ng pananabik ay mabagal ang bawat kilos niya. Patamad siyang lumabas ng sasakyan at lumakad patungo sa kotse. It was tinted with black. Ni hindi niya maaninag ang loob.

Pagtapat sa driver’s seat ay marahan siyang kumatok at sumilip sa loob. Subalit wala si Julianne sa loob ng kotse. Nagsalubong ang mga kilay niya. Lumakad siya patungo sa hagdan at dahan-dahang pumanhik.

Napahinto siya sa unang landing nang makita sa itaas si Julianne. Sa top landing bago ang pinto ng unit niya ay naroon ito. In blue signature jeans and high-heeled leather boots—na kinababasahan niya ng DKNY ang maliit na label sa gilid. Ang laylayan ng puting blusa ay halos hindi umabot sa baywang ng pantalon.

Nakaupo ito sa sahig, nakayakap ang mga braso sa mga binti at nakayupyop doon. Nakatulog marahil ito sa paghihintay sa kanya. In nearly five hours. And right now, she didn’t look like a cheat. Nor a millionaire’s daughter. She looked small and vulnerable. May kung anong damdaming hindi maipaliwanag ang gumuhit sa dibdib ni Benedict.

Naramdaman marahil ni Julianne ang presensiya niya, dahan-dahan itong nag-angat ng ulo at lumingon sa gawi niya. Hinawi nito sa mukha ang mahabang buhok, then a sleepy and hesitant smile curved her lips.

Oh, God, Benedict groaned silently. She was beautiful! At kung hindi niya pipigilin ang sarili ay baka takbuhin niya ang hagdan at yakapin ito.“Hi…” she said huskily.

At nang hindi siya tumugon ng ngiti ay alanganing tumayo si Julianne. She stood there with uneasiness, watching him climbed the stairs slowly while his eyes seemed to imprison her.He was on the top landing when she moved one step forward and gazed at him. Sa isang mahabang sandali ay nanatili silang nakatitig sa isa’t isa. And before Benedict could open his arms, yumakap na ito sa kanya.

“I’m sorry… I’m sorry…” she whispered, sobbing softly.“Sshh…” Mahigpit niya itong niyakap, kissing her hair, her temple. Aminin man niya o hindi, he missed her like crazy.

Then he cupped her face in his hands and claimed her mouth in a hungry kiss. Julianne drank him in, letting his tongue mate with hers as he probed the sweet recesses of her mouth.His mouth was still fused with hers when he dragged them both towards the door. Sinusian niyang pabukas ang pinto at ipinasok ang mga sarili sa loob.

Muling sumara ang pinto nang sumandal siya roon habang ang mga labi nila ay nanatiling magkahinang. Then his hands fumbled with the buttons of her blouse, almost ripping them apart.

In record time, they were both naked. Bagaman hindi sila nakarating sa silid niya, binigyan sila ng mahabang sofa ng sapat na espasyo. And after that, it all became a blur of raw passion: the kissing and fondling of their bodies, their rhythmic rocking in unison, and their climax.

Ang imahe ni Julianne ay mananatili nang nakakulong sa alaala ni Benedict sa habang-panahon: with her nipples so erect with arousal; with her head turning side to side, with the arching of her hips as she met him thrust for thrust; and the look of wonder on her face as he gave her shattering release.

Matapos ang mahabang sandali, neither said a word. They lay nestled together on their sides like two spoons.

“Benedict…”

Tumaas ang kamay ni Benedict at idinampi sa mga labi ni Julianne ang mga daliri niya. “Not now, Julie,” he whispered, kissing her shoulders. “Our bodies just said it all.” Then his arms closed around her.

Narinig ni Benedict ang mahinang paghikab ni Julianne kasabay ng pagkaramdam niya ng ngawit sa braso kung saan ito nakaunan. But he didn’t move. Hell, but he didn’t want to move from her. Sa halip, humigpit ang pagkakayakap niya rito, holding her as if he would never let her go.

********************Grabe naman, wala akong maisip na magandang pick up lines para sa mga ganap dito hahahaha. Ang intense eh char hahahaha - Admin A ********************

25

BENEDICT woke up before dawn with empty arms. Tumayo siya sa pag-aakalang nasa banyo si Julianne nang matuunan niya ng pansin ang isang papel sa end table na nakaipit sa isang figurine. Inabot niya iyon at binasa.

I had to leave before I compromise the people that helped me find you. I promise to be withyou again after I have settled things with my father…Damn. Damn. Damn.

Marahas niyang tinabig ang figurine sa ibabaw ng end table. Nagkadurog-durog iyon nang bumagsak sa sahig. He paced up and down the living room mad as hell. Gusto niyang isiping pinaglalaruan siya nito. But something about Julianne didn’t add up to it.

Muli niyang ibinagsak ang sarili sa sofa. He furiously raked his fingers through his hair. Sinisikap niyang kalmahin ang sarili at analisahin at unawain ang sariling damdamin.

Paanong kay Julianne ay kakaiba ang lahat? Papaanong sa una pa lang na makita niya ito ay kakaibang kislot na ng damdamin ang dulot nito sa kanya?

What did she give him that other women didn’t or hadn’t? Maybe it was the way she made love to him with more than just her body. She gave him everything—every part of her.

Dahil sinindihan mo ang apoy ng pagnanasa sa kanya, ang ibinubulong ng kabilang bahagi ng isip niya. Why you initiated her, gave her great sex… That was all there was to it. Perhaps that damn millionaire fiancé of her was a lousy lover. She’ll marry him and keep you on the side.Ang panibughong nararamdaman niya, tulad din noong makita niya ang larawan nito sa peryodiko kasama ang lalaking iyon, ay tulad sa isang apoy na unti-unting tumutupok sa pagkatao niya.

Jealousy and anger were a potent combination.

“I’M MEETING Mr. Hidalgo here today. Would you know if he has arrived?” tanong ni Julianne sa receptionist na sumalubong sa kanya sa eksklusibong restaurant na iyon.

“He has, Ma’am, five minutes ago,” wika ng receptionist, nakapagkit sa mga labi ang professional smile. “This way, please.”

Habang sinusundan niya ang babae ay inikot ni Julianne ang mga mata sa loob ng restaurant. Iyon ang unang pagkakataong napasok siya sa restaurant na iyon. It had an intimate air of seclusion. Bagaman siya ang tumawag kay William upang makipagkita rito ay ito ang pumili ng lugar na pagtatagpuan nila.

Itinuro ng receptionist ang kinauupuan nito. Agad tumayo si William nang makita siya.“Hi,” bati nito at hinagkan siya sa pisngi. Pagkatapos ay hinila nito ang silya niya at pinaupo siya. Kinawayan nito ang waiter bago bumalik sa sariling upuan.

“What would you have?” tanong nito sa kanya nang lumapit ang waiter.“Just a cup of coffee, please.” Sa waiter sinabi ni Julianne ang order.“I’ll have the same,” wika nito. “We’ll order later.” William dismissed the waiter.

Tinitigan siya nito, napuna ang tensiyon sa mukha niya. Then he covered her hand with his. “So, anong importanteng bagay ang nais mong sabihin sa akin?” tanong nito na sinabayan ng ngiti. “Napagpasyahan mo na ba kung kailan mag-uusap ang mga magulang natin?”

“Hindi iyan ang dahilan kaya ako nakipagkita sa iyo, Will,” wika niya sa mahinang tinig.Hindi ito sumagot. Bahagyang tumaas ang mga kilay at hinintay ang susunod niyang sasabihin. Itinaas niya sa mesa ang kaliwang kamay at mula roon ay hinugot niya ang singsing na ibinigay nito sa kanya isang linggong mahigit na ang nakalipas. Ibinaba niya iyon sa mesa, itinulak palapit sa harap nito.

Isang mahabang katahimikan ang lumipas. Dumating ang waiter at ibinaba ang order nilang kape at muli ring tumalikod.

“I-I’m sorry, Will, but I am giving you back this ring. I can’t marry you. M-may higit na karapat-dapat na pagbigyan ng singsing na iyan… at hindi ako iyon.”

Tinitigan ni William ang singsing sa harap nang may ilang sandali, pagkatapos ay nag-angat ng mukha sa kanya. “I see,” he said without any emotion.

Iniwas ni Julianne ang mga mata. Wala sa loob na naglagay ng cream at sugar sa kape at pagkatapos ay itinaas sa bibig ang tasa at humigop nang marahan. Naghihintay siya ng sasabihin nito subalit nanatiling walang kibo si William.

Ibinaba niya ang tasa sa platito. “N-nasabi ko na ang gusto kong sabihin. I have to go…“Tumango si William kasabay ng buntong- hininga. “At least, sinikap nating sundin ang kagustuhan ng mga magulang natin.”

Isang tipid na ngiti ang pinakawalan niya at pagkatapos ay dinampot ang purse at tumayo. Awtomatikong tumayo si William.

Nakailang hakbang na si Julianne nang mapahinto siya. Nausea filled her. Pagkatapos ay naramdaman niya na tila gumalaw ang sahig na tinutuntungan niya at umiikot ang buong paligid. Mabilis niyang inabot ang silyang nasa tabi niya at humawak doon.

“Julie, what’s wrong?” ani William na agad siyang nilapitan at hinawakan sa braso.“I-I don’t know what’s happening to me.” Her voice trembled.

“Pinagpapawisan ka ng malamig. Maupo ka muna…” Inalalayan siya nito na maupo sa naroong malapit na silya.

“I-I’ll be fine, Will. Thank you. Kailangan ko lang sigurong makasagap ng hangin.”“Are you sure? Do you want me to drive you home?”

Hindi agad siya sumagot. Masama ang pakiramdam niya. Parang hinahalukay ang sikmura niya. Kaninang umaga ay naramdaman na niya iyon. May ilang minuto siyang nanatili sa higaan at nang sa pakiramdam niya ay kaya nang tumayo ay nagtungo siya sa banyo at naligo.

Kung hindi sa pagnanais niyang makipagkita kay William ay hindi siya babangon. At may hinala na siya kung bakit ganoon ang pakiramdam niya. Gayunman, gusto niyang makatiyak.

“May appointment pa akong iba, Will. Thank you.” Pinilit niyang ngumiti at muling tumayo. “Don’t worry. Kung sa pakiramdam ko’y hindi ko kayang mag-drive, hindi ako magpipilit. Hindi na malayo rito ang bahay ng pinsan kong si Jade. In fact, doon ako patungo.”

“Ihahatid kita sa kotse mo.” Sinenyasan nito ang waiter at iniabot ang credit card at pagkatapos ay iginiya na si Julianne palabas ng restaurant.

“NAG-AALALA ako sa nangyayaring ito sa iyo, Julie,” ani Jade nang muling bumalik sa kotse matapos manggaling sa drugstore at ibinigay sa kanya ang binili.

Hindi siya sumagot. Inihilig niya ang ulo sa headrest at sandaling pumikit. Hindi pa rin nawawala ang sama ng pakiramdam niya.

“At ganoon din si Kurt,” patuloy ni Jade at pinihit ang susi sa ignition at pinaandar ang makina ng kotse paalis sa lugar na iyon. “And he’s so angry with this man that he’s going to tell your father about it.”

“No!” Napaangat mula sa pagkakasandal si Julianne.

Nanlulumong nilingon siya ni Jade. “I’m sorry, Julie, pero hindi ko mapipigilan ang asawa ko. Labag sa kalooban ni Kurt nang hingin mo ang tulong niyang hanapin ang address ni Benedict. At hindi niya inaasahang magpapalipas ka roon ng gabi habang ang buong akala ni Uncle Bernard ay nasa amin ka.”

“But he promised—”

“Yes. Pero nang dumating ka kanina sa bahay na masama ang pakiramdam ay naghinala siya sa kalagayan mo.” Sandali nitong niyuko ang binili sa drugstore na nasa kandungan niya bago ibinalik sa daan ang paningin. “You actually don’t need that pregnancy kit. We both know you’re pregnant.”

“My father would destroy him, Jade,” nagpa-panic niyang sabi.

“Kung ganoon ay walang mabuting gawin kundi ang magsabi ka sa Papa mo ng totoo.“Napatitig sa labas ng bintana si Julianne pero tagos-tagusan ang tingin. “Natatakot ako sa maaaring sabihin at gawin ng Papa, Jade.”

“We have to face the consequences of our actions, Julie.”

Julianne smiled drily. Didn’t she say the same thing to Nadine?

***************Naku ito na ang face the consequences of our actions, ano kayang mangyayari?

A. Itatakwil si Julie?

B. Ipaglalaban ni Julie?

C. Tatakbo si Julie?

D. Matutuwa si Bernard hahahaha?

HAHAHAHAHA ang hirap ng ganyan siguro kahit ako di ko rin alam ang gagawin ko sa kalagayan ni Julianne pero dahil kilala naman natin si Julianne alam na natin siguro ang gagawin n’ya? Bigyan n’yo nga ako mga beshie ng pangmalakasang pick up line kapag nakita mo si crush hahahaha. - Admin A ************************************************

26

“¡MADRE de Dios!” bulalas ni Bernard. “Nagawa mo ito, Julianne! Ikaw na sarili kong anak!“Hindi siya sumagot. Bernard was in his late fifties and led a healthy life. He was still virile and handsome. Pinatingkad ng paglipas ng panahon ang anyo nito. Women still gave him coveted glances. Kung hindi natitiyak ng mama niya—at kahit nilang magkakapatid—na nag-iisa ito sa buhay ng ama, Jewel would be incessantly jealous.

Gayunman ay kinabahan siya sa galit na nasa mukha ng ama. He could have a heart failure. She had never seen him this angry before. Isa pa ay hindi pa niya magawang sabihin ang tungkol sa resulta ng pregnancy test niya sa sarili kaninang umaga nang magising siya.

“L-lo siento, Papa,” wika niya sa halos hindi marinig na tinig. “I-it was all so sudden.”

“Oh, I bet,” he mocked angrily. “From Stan to his brother?”

“It isn’t that way,” protesta niya. “Besides, they’re not relat—”

“Don’t split hairs, Julianne!” Namumula na ang mukha nito sa galit. “Ang ginawa mo ay mali, imoral at—”

“Oh, God, don’t throw stones at me, Papa,” she said in distress and anger.

Hinarap siya ni Bernard. Matagal na tinitigan. “Ano ang gusto mong sabihin? Were you referring to me and your mother?” Bernard’s voice was deceptively soft. Ang galit na nararamdaman ay nagliliyab sa mga mata nito.

Repentantly, nagyuko ng ulo si Julianne. “I-I didn’t mean it that way.”

“Wala akong asawa nang magkasintahan kami ng mama mo, Julianne,” patuloy ni Bernard na ang galit ay hindi nababawasan. He was pacing the floor. “Gayunman, hindi niyon binibigyan ng katwiran ang nangyari sa amin bago kami nagpakasal. But to have an affair with a married man is beyond me!”

“Papa, por favor, listen to me. Benedict’s separated. He… he filed an annulment months ago.”“And you believed him? ¡Carajo!” he cursed. “Those are one of the ploys to get laid. Innocent and naive that you are, it worked on you!”

Napangiwi si Julianne. Tila patalim na itinarak sa dibdib niya ang mga sinasabi ng ama. Naupo si Bernard sa high backed chair sa likod ng mesa nito. Naririnig ni Julianne ang marahas na paghinga ng ama sa pagsisikap na kontrolin ang galit.

“Sino ang lalaking ito, Julianne? Saan siya nakatira?” tanong nito makalipas ang mahabang sandali.

Kinakabahang nag-angat siya ng mga mata rito. Her father’s face was devoid of any emotion. Subalit nahagip ng paningin niya ang mapanganib na kislap na nagdaan sa mga mata nito.Napatayo siyang bigla. “No, Papa. Hindi ako papayag na sirain mo si Benedict! Kung mayroong may kasalanan, ako iyon!”

Tinitigan siya ni Bernard. “He seduced you, Julianne. Wala kang kalaban-laban sa isang lalaking tulad niya. What’s his name again?”

Hindi niya iniwas ang mga mata sa panunuri ng ama. Then she raised her head defiantly. “Benedict Aragon. He’s a surgeon. Ang anumang binabalak mong gawin laban sa kanya ay para mo na ring gagawin sa akin, Papa.”

“Don’t be stupid, Julianne!” Bernard said harshly. “Kalimutan mo ang lalaking ito at ako ang bahala sa kanya. Tatawagan ko ang papa ni William at sasabihin kong mamanhikan na sila bukas ng gabi.”

“I broke off with William yesterday,” aniya. “Isinauli ko ang singsing niya “

“¡Que!”

“Hindi ko gustong magpakasal sa kanya tulad din ng hindi niya gustong magpakasal sa akin.” Humugot siya ng malalim na hininga bago muling itinaas ang mukha, at sa determinadong tinig ay mabilis na idinagdag,. “Aalis ako ngayon. Hindi mo ako mapipigil.”

Natilihan si Bernard. Nasa mukha ang pinagsamang galit at pagkamangha.“Oh, I don’t want to hurt you, Papa. I love you,” she said softly. “You know that, don’t you? But I love him, too, and I’ll take my chance on him.”

“Hindi mo alam ang sinasabi mo, Julianne,” hindi makapaniwalang usal ni Bernard, napahakbang palapit sa anak. Subalit humakbang siya palayo.

“Papatayin ko ang lalaking ito, Julianne, binabalaan kita!”

Umiling siya. “Nakikiusap ako sa iyong huwag kang gagawa ng mga bagay na pagsisisihan nating pareho sa bandang huli, Papa. Unless you want another bastard in this family.” Tumalikod siya pero nakita na muna niya ang shock at sakit sa mukha ng ama nang marehistro dito ang kahulugan ng sinabi niya.

Gusto niyang pagsisihang nangyari ang lahat ng ito. Hindi dahil kay Benedict. She would never regret meeting and loving him. Subalit pinagsisisihan niyang nadulutan niya ng sama ng loob ang ama. At natitiyak niyang higit ang mama niya sa sandaling malaman nito ang buong pangyayari.

Wala pang dalawampung minuto ay bumaba nang muli si Julianne kasunod ang dalawang katulong na bitbit ang mga gamit niya na nang nagdaang gabi pa niya inihanda.

Bumalik siyang muli sa den. Naroon pa rin si Bernard sa ganoon ding ayos na iniwan niya kanina. The pain in her heart intensified at the sight of her father. Sa tingin niya ay tumanda ito ng maraming taon. Sa buong buhay niya, hindi niya kailanman nakita si Bernard na nanggigipuspos nang ganoon. Gusto niyang umiyak, takbuhin at yakapin ito. Subalit pinigil niya ang sarili. She knew her father too much and he would capitalize any weakness from her to his advantage.

“Aalis na ako, Papa,” she said softly. “Alam ni Yaya kung saan mo ako makikita kung sakaling gusto mo akong makausap.”

“What… what would I tell your mother?” Gumaralgal ang tinig nito.

Julianne bit her lip to stop herself from crying. “T-the truth.” Inihilig niya ang ulo sa hamba ng pintuan.

“I only want what’s best for you, Julie… kami ng mama mo, para sa inyong magkakapatid.”“Yo se, Papa,” she whispered, choking on her tears. “None of these are your fault. I love you both. But this is my life. Please try to understand.” Humakbang siya palapit dito. Yumuko siya at hinagkan ito sa pisngi. “Adios, Papa.”

Hindi kumibo si Bernard, muli siyang tumalikod at lumakad palabas. Subalit bago niya mailapat ang pinto ay nagsalita ito. “Remember, sweetheart, I’ll catch you when you fall.“Mabilis niyang inilapat ang pinto at tahimik na humikbi. May ilang sandali siyang nanatiling nakasandal sa pinto nang lumitaw sa harap niya si Amparo.

“Sa kalagayan mo’y kakailanganin mo ako, Julie…” tahimik nitong sabi, dumako ang mga mata sa impis niyang tiyan.

Pinahid niya ng mga palad, ang mga luha at isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa yaya.

 “Salamat, Yaya. Pero huwag muna ngayon. Baka sa susunod na mga araw.” Gusto niyang isama na ito pero hindi siya nakatitiyak sa magiging pagtanggap ni Benedict sa pasya niyang pumisan na rito.

Hindi rin niya alam kung ano ang magiging reaksiyon nito sa sandaling malamang nagdadalang-tao siya. Paano kung hindi nito gustong magdalang-tao siya?

May mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya sa kaisipang iyon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung saka-sakali.

*****************That’s my girl Julianne, nakakatuwa ka naman, sana all ganyan char hahahaha. Kawawa naman si papa Bernard :( Pero sympre gusto ko rin na ipaglaban mo ang nararamdaman mo Julianne. -Admin A ************

27

JULIANNE made it to Batangas Pier in record time. Gusto niyang makarating sa Capistrano bago humapon. Nang dumating siya sa town house kaninang umaga ay sinabi ng mga security guards na madaling-araw pa lang kahapon ay umalis na si Benedict. Walang ideya ang mga ito kung saan ito patungo subalit sinabi ng isa sa mga security guards na napuna nila ang isang travelling bag sa likod ng sasakyan nito.

Nanggipuspos siya. Hindi siya maaaring bumalik sa ama. Ang susunod niyang pag-alis ay hindi na magiging madali. And she couldn’t stay at the hotel either and wait for Benedict’s return—kung kailan man iyon.

Kung may dala itong travelling bag, maaaring bumalik ito sa Capistrano. Hindi niya alam kung bakit pero nararamdaman niyang doon ito nagtungo. At habang mabilis siyang nagmamaneho patungo sa Batangas ay tinatawagan niya sa cell phone si Nadine upang makatiyak. Bago pa man siya nakapagtanong sa kaibigan ay agad na nitong ibinalita na dumating doon si Benedict at kaaalis lang nito sa kapitolyo kasama si Gobernador.

Pasado alas-singko ng hapon nang dumating siya sa Capistrano. Sa lahat yata ng punong-kahoy sa magkabilang panig ng daan ay nakapaskil ang larawan ni Stan. The posters alone must have cost him a lot of money. Marahil ay talagang sinuportahan ito nang husto ng mga de Castro.Nangako siya sa sariling hindi ito mananalong mayor sa bayang iyon. But she had so many things on her mind to even bother with Stan.

Sa isang banda, dapat na rin niyang ipagpasalamat ang pagkatuklas niya sa panloloko nito. Iyon ang naging paraan upang makilala niya si Benedict.

Dinama niya ang impis pang tiyan. Ayon kay Jade, isang buwan na ang bilang ng nasa tiyan niya. Isang hindi maipaliwanag na kagalakan ang nadarama niya. Hindi muna niya sasabihin kay Benedict ang kalagayan niya hangga’t hindi siya nakatitiyak sa katayuan nilang dalawa. But whatever happened, she had his child to cherish. No one could take it away from her.

“…I’ll catch you when you fall.”

Tears stung her eyes. Alam ni Julianne na hindi siya pababayaan ng mga magulang. Kahit ang mga kapatid niya. Pero hindi niya gugustuhing saluhin siya ng mga ito. This was her life. Ginawa niya ito sa sarili niya. She would take the consequences no matter what happened.

Isang buntong-hininga ang ginawa niya at sandaling dinaanan ng tingin ang karagatan sa dako pa roon. Then a humourless smile curved her lips. Tila sumpa sa angkan ng mga Fortalejo ang bastardo. Ang papa niya, ang Uncle Zandro niya, and there was her cousin Karl.

Nagmenor siya nang makita sa kanang daan ang arko ng Villa Manuela. Iniliko niya roon ang kotse. Ilang sandali pa ay ipinapasok na niya sa nakabukas na gate ang sports car. Natanaw niya ang jeep ni Benedict na nakaparada sa isang bahagi ng solar. Ibig sabihin ay naroon ito.

Nang patayin niya ang makina ng kotse ay ilang sandali siyang nanatili sa loob. Bigla ang alinlangang umahon sa dibdib niya. Ano ang sasabihin nito sa ginawa niyang pagsunod dito? Paano kung itaboy siya nito? Puno ng insekyuridad ang dibdib na lumabas siya ng sasakyan.

Nakakailang hakbang na siya nang maramdamang may nagmamasid sa kanya. Huminto siya sa paghakbang at tumingala. Sa veranda, sa ikatlong palapag ay nakatayo si Benedict. Napakataas ng kinalalagyan nito at hindi niya gaanong malinawan ang anyo pero natitiyak niyang magkadikit ang mga kilay nito habang nakayuko sa kanya.

BENEDICT paced the stone flooring. Pananabik, galit, at pagtataka ang sama-sama niyang nararamdaman. Gusto niyang tumakbo pababa at salubungin si Julianne subalit inawat niya ang sarili.

Ano ang ginagawa nito sa Capistrano? Bakit ito sumunod? Agad na kinabisa sa isip ang litanya ng mga sasabihin niya rito. Hindi siya papayag na paglaruan nito. She was rich and spoiled. Ano mang sandali ay magagawa nito ang anumang nais gawin. She followed him and came here on whim. But he couldn’t let her fool him again. Or perhaps use was the right word.

Pumasok siya sa loob ng kabahayan at bumaba. Nasa pasilyo siya ng ikalawang palapag nang mapahinto. Nasa bungad ng hagdanan si Julianne at nakahawak sa balustre.

Nakasuot ito ng denim skirt and light blue T- shirt. On her feet were flat step-ins. Ang buhok nito ay naka-ponytail sa likod. She looked sixteen than twenty-four.

Isang alanganing ngiti ang sumilay sa mga labi nito. “H-hi,” she said. Her eyes devoured him hungrily and Benedict groaned silently.

“Oh, hi.” He smirked. “Now I see her, now I don’t. That’s the name of the game, isn’t it?” He walked toward her lazily.

Julianne bit her lip a little bit nervously. “I-I’m sorry. But I’m here now.”“So?”

Nakita ni Benedict ang pagtaas-baba ng dibdib nito at ang pagdaan ng walang-katiyakan sa mga mata nito. And he wanted to kick himself for making this hard on her.“You… you asked me before to take a chance on you…”

“So?”

Julianne almost groaned in frustration. “I’ll take you up on that offer.”

“Wala akong dose-dosenang katulong…”

“I can do simple cleaning.”

“Wala akong cook.”

“I took up cooking lessons in Paris, Benedict.”

She took up cooking lessons in Paris. Halos pigilin ni Benedict ang mapahalakhak sa sinabi nito.

 Ano ang lulutuin nito para sa kanila? Ratatuoille, Duck al orange, or croque monsier? “Wala akong maibibigay na yaya rito para sa iyo, Julie.”

Isang nanlulumong buntong-hininga ang pinakawalan ni Julianne. But she persevered. “I don’t need one.”

“And I intend to stay here for an indefinite period of time.”

“I-I don’t mind really. I love this place… this house,” mabilis nitong sabi. Nang akma siyang magsasalita ay agad nitong sinundan ang sinabi. “Please believe me. We have a place similar to this in Palawan.”

“Oh, yes. Isang buong isla, Paso de Blas,” he said drily. “I am a very simple man, Julie, yet my life is so complicated. Isang malaking pagkakamali sa bahagi ko ang idamay kita at—” He stopped in midsentence when he heard the anguish in her groan. Napasandig ito sa balustre ng hagdanan na tila nawalan ng lakas.

“I-I’m sorry I came…” usal nito at mabilis na tumalikod upang muling bumaba.Subalit naroon na siya bago nito naihakbang ang mga binti pababa sa baitang ng hagdan at hinawakan ito sa braso at iniharap sa kanya. He felt like a heel when he saw the unshed tears in her eyes. “Hey,” he said huskily.

“You’ve changed your mind…” Gumaralgal ang tinig nito.

“Hindi, Julie.” He kissed her temple. “Lalong hindi ko pinagsisisihang nakilala kita. Ang pinagsisisihan ko’y nagtagpo tayo sa bahaging ito ng buhay ko na wala akong maihahandog sa iyo kundi maraming suliranin. Paano mong pakikitunguhan ang darating na mga araw sa piling ko?”

“Let’s take one day at a time, Benedict,” she said through misty eyes. “Tomorrow will take care of itself.”

Maybe she was right. He should take things one day at a time. Pero ang hindi niya matiyak ay kung tama ang ginagawa niya para sa kanilang dalawa.

His arms tightened around her, kissing her with tender roughness Julianne was coming to know. “You’re sweet and beautiful, Julie. You’re everything I ever wanted. You’re everything I could ever want. I think I fell in love with you the first time I saw you…”

Napasinghap si Julianne kasabay ng panlalaki ng mga mata. “Y-you love me?”

“Nakakagulat ba iyon?” He smiled tenderly. “I just wish I’d met you two years earlier.”“Benedict Aragon,” wika nito sa kunwa ay prim and proper na tinig, gustong sumabog ang dibdib sa kaligayahan. “Is that a ploy to get laid?”

“Is it working?”

“Uhum…”

Benedict chuckled softly. Muli nitong inangkin ang mga labi niya. He tasted her, memorized her.Isang tikhim mula sa bukana ng hagdan ang narinig nila. “Nakahanda na ang hapunan, Benedict…”

Reluctantly, pinakawalan niya ang mga labi ni Julianne. Inakbayan patungo sa hagdan. “Susunod na kami, Abel.”

**************Parang itong linyahan na ito ang pinakamagandang nabasa ko char. 

“You’re sweet and beautiful, Julie. You’re everything I ever wanted. You’re everything I could ever want. I think I fell in love with you the first time I saw you…” - parang ganito rin ang sinabi mo sa akin nuon baby Benedict eh. Char hahahaha - Admin A …

Happy weekends everyone char hahaaha . Sana all happy HAHAHAHA *********************

28

NAKAUNAN siya sa braso ni Benedict, ang mga daliri niya ay hinahaplos at pinaglalaruan ang maninipis na balahibo sa dibdib nito.

“Benedict…”“Hmm.”

“Tell me about your… ex-wife.” She felt him tensed. Lumalim ang tiyan nito sa paghugot ng hininga. “K-kung hindi mo gustong sabihin, it’s okay.” Hinagkan nito ang ibabaw ng ulo niya. Iniisip ni Julianne na hindi na ito magsasalita dahil mahabang sandali ang lumipas na hindi ito kumikibo.

“Bagaman sa bayan sa Calapan nakatira si Raquel, naging malapit kami sa isa’t isa bilang magkaibigan,” simula nito. “Magkaklase kami mula pa sa elementarya. She was also one of the prettiest in school and I really had a crush on her. Nang tumuntong kami ng high school, gusto ko siyang ligawan subalit natatakot akong baka masira niyon ang pagkakaibigan namin. Sa halip ay sa ibang babae ko ibinaling ang aking pansin. Nang magpakasal sina Iluminada at Clemente ay lumuwas ako sa Maynila. Pero ipinangako ko sa sariling liligawan ko siya sa sandaling makatapos ako ng kolehiyo.

“Hindi nangyari iyon dahil nang magtapos ako sa kolehiyo ay nabalitaan kong magkasintahan na sila ni Stan. Somehow, it broke my heart. Hindi ko siya pinakibalitaan na at isinubsob ko ang panahon ko sa practice ko sa Medisina. Hanggang isang araw ay dumating siya sa apartment na tinutuluyan ko sa Maynila. All grown up and twice as much prettier.” He paused.

Tumingala si Julianne, nakatitig ito sa kisame, a self-mocking smile on his lips.

“Ang sabi niya ay matagal na silang hiwalay ni Stan at gusto niyang maghanap ng trabaho sa Maynila. At dahil wala siyang matutuluyan, I took her in. She offered to do the cleaning and cooking as her share of the rent…” He gave Julianne a brief glance. “Malaking bagay sa akin ’yon noong una. May nag-aasikaso ng apartment at mga gamit ko.

“Isang umaga, mula sa tatlong araw at round-the-clock na duty ko sa ospital, umuwi akong pagod at puyat. May sarili akong susi sa apartment at tuloy-tuloy ako hanggang sa itaas. Nang buksan ko ang silid ko ay inabutan ko si Raquel doon…” He cleared his throat, gazed down at her. But Julianne refused to meet his eyes. Nahuhulaan na niya ang kasunod na mga pangyayari.

“She had nothing on but water dripping all over her body. Katatapos lang niyang maligo at ayon sa kanya’y nanghihiram siya ng tuwalya ko.” Muling tumikhim si Benedict. “To make the story short, we ended up in bed together…”

“At tatlong araw kang pagod at puyat, huh!” sarkastikong sabi niya. Kumawala mula sa pagkakaunan sa braso nito.

Banayad na tumawa si Benedict. Hinila siya pabalik sa braso nito. “Ikaw ang may gustong marinig ang tungkol sa kanya.”

Hindi siya kumibo. Hindi niya kayang ilarawan sa isip si Benedict habang katalik ng ibang babae. May tila patalim na gumuguhit sa dibdib niya. Pero gusto niyang malaman ang tungkol sa babaeng pinakasalan nito. “Okay, go on…”

“I was so exhausted. I can’t even remember falling asleep. Nang magising ako’y umiiyak sa tabi ko si Raquel. Hindi raw siya makapaniwalang nagawa namin iyon. She made it appear that I took advantage of our friendship. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Humingi ako ng paumanhin. She was inconsolable and ran to her bedroom.

“Minutes later, mula sa Calapan ay dumating ang tatay niya. Ako ang nagbukas ng pinto sa pag- aakalang isa sa mga kasamahan ko sa ospital. I had only my boxers on. At bago ko pa natawag si Raquel mula sa itaas, nasa hagdan na ito at nakatapi lang ng tuwalya. Upon seeing her father, fear and guilt flooded her face. Naupo siya sa baitang ng hagdan at bumulalas ng iyak…

“Hindi ako pinilit ng tatay niyang pakasalan si Raquel. But I really thought I compromised her. Kinabukasan ay niyaya ko siyang kumuha kami ng lisensiya sa pinakamalapit na munisipyo. Tinanggap kong isa na akong may-asawang tao. Sinabi ko sa sarili kong talaga namang binalak ko siyang ligawan. Kontento ako sa unang linggo ng pagsasama namin. Most of the days ay nasa ospital ako, on duty. Natural na kabisado na ni Raquel ang schedule ko.

“Pero nang araw na iyon ay may kasamahan akong doktor na nakipagpalit ng duty sa akin, for some reason I don’t remember anymore. Umuwi ako wala pang alas-sais ng umaga. Tulad ng nakagawian ay gamit ko ang susi ko sa apartment at tuloy-tuloy sa itaas. Naisip kong tulog pa si Raquel. Pero bukas ang pinto at ilaw sa banyo sa dulo ng pasilyo at narinig ko siyang nagduduwal.

“Humakbang ako patungo roon nang bigla siyang nagsalita. Iniisip kong may kasama siya sa loob ng banyo. Agad na may naglarong eksena sa isip ko. Kinakabahan at walang ingay akong lumapit at sumilip sa nakabukas na pinto. She was alone. Akma ko siyang tatawagin nang makita ko ang ginagawa niya. Sinasaktan niya ang sarili, sa bahagi ng tiyan, screaming at herself. Bakit daw hindi pa iyon malaglag sa dami ng iniinom niyang gamot!”

“Oh, my God.” Julianne was horrified, wala sa loob na dinama ang sariling tiyan. Hinding-hindi niya pag-iisipang mawala ang nasa sinapupunan niya ano man ang sirkumstansiya.

“Nakita niya akong nakatayo sa pinto, we were both shocked, sa magkakaibang dahilan. Sa sandali ring iyon ay muli akong lumabas ng bahay. Hindi ko hinintay ang paliwanag niya. Mula noon, umuuwi lang ako kung magbibihis. Tinakot niya akong sisirain ang propesyon sa sandaling hindi ko ibalik sa dati ang pagsasama namin. Na mag-asawa kami at hindi maniniwala ang kahit na sino na hindi ako ang ama ng dinadala niya.

“I told her I am a doctor, napakadali para sa aking malaman ang paternity ng nasa sinapupunan niya through DNA, whether or not she would chose to come to terms.”

“Ano ang nangyari?”

“She got rid of her pregnancy. And it almost took her life. Sa ospital, I took blood samples. A couple of months later, I filed an annulment.”

“S-sino ang ama ng dinadala niya, Benedict?”

His shoulders lifted in a shrugged. “Stan, I guess.”

Mahabang katahimikan ang namagitan. Wala sa loob na idinikit ni Julianne ang sarili rito. Ang kamay niya ay muli niyang iniyakap dito, in a possessive gesture, at tahimik na hinagkan ang gilid ng dibdib nito.

Inabot ni Benedict ang kamay niya, ipinagsalikop doon ang mga daliri nito. “Kung yakapin mo ako’y para bang may kukuha sa akin mula sa iyo,” he said, smiling tenderly. “I’m yours, Julie, just as you are mine. For now and always.”

Tahimik siyang tumango. “Si, mi amor… para siempre…” she whispered against his chest.

****************Grabe matinding revelations ito ahhh, Monday na monday eh rebelasyon agad char. Sana goods ang Monday n’yo. Kasi ako stress na char hahahaha - Kumusta kayo mga bes? - Admin A **************************

29

MAINGAT na inangat ni Julianne mula sa katawan niya ang braso ni Benedict upang huwag itong magising. He was sleeping soundly. He deserved his precious sleep after the passion they shared last night. She smiled tenderly, her heart was overflowing with love for this man.

Bumangon siya, naghikab at tumayo mula sa kama. Nilingon niya ang relo sa nightstand, alas- siyete na halos ng umaga. Inabot niya ang T-shirt ni Benedict at isinuot iyon. Umabot iyon hanggang sa mid-thigh niya. Hindi pa niya nailalabas sa maleta ang mga gamit niya.

Nakapaang lumakad siya patungo sa French door at maingat iyong binuksan at lumabas patungo sa veranda. Humaplos sa mukha niya ang malamig na hanging-dagat. Sinuyod niya ng tingin ang balkonahe, higit iyong malawak kaysa sa ikatlong palapag.

Lumakad siya patungo sa dulong bahagi niyon subalit bago makarating doon ay isang tinig ang nagpahinto sa mga hakbang niya.

“Well… well. It feels like a deja vu.”

Nag-angat siya ng mukha. Sa tagilirang bahagi ng dulong balkonahe ay nakatayo si Stan. Hindi niya ito napuna dahil sa mga sanga ng punong-kahoy na umaabot doon. Sa mga mata nito ay ang hindi itinatagong galit habang sinusuyod ng tingin ang kaanyuan niya.

She frowned. “Ano ang ginagawa mo rito sa itaas?”

“I live here,” sagot nito. “So, nagkamali ako ng pagkakilala sa iyo, Julianne,” patuloy ni Stan. “But I can’t believe you jumped into bed with Benedict just to get back at me!”

“You’re wrong, Stan. Nasaktan at nagalit ako sa panloloko mo, but you weren’t the reason why I turned to Benedict.”

“Don’t lie. You loved me… And you are doing this on the rebound!” Humakbang ito palapit sa kanya.

“Iyon ang maaari mong isipin.” She smiled sarcastically. “Pero naging dahilan ang ginawa mong iyon upang matuklasan ko ang tunay kong damdamin sa iyo. Besides, hindi iyon ang unang pagkikita namin ni Benedict.”

Nakita niyang nabigla ito sa sinabi niya. “And you accused me of cheating?”

“I didn’t cheat on you,” she said calmly. “Anyway, para saan ang usapang ito, Stan?”“I want you back, Julianne. I know you still love me. Kalilimutan ko ang anumang naganap sa pagitan ninyo ni Benedict…”

“Dahil natuklasan mong hindi ako isang mahirap na horse trainer lamang?” She looked at him with disgust. Hindi siya makapaniwalang sinasabi nito sa kanya iyon. “You’re crazy, Stan. Kahit na marahil wala akong pag-ibig kay Benedict, hindi ko babale-walain ang ginawa mo.”

“Pag-ibig kay Benedict?” manghang ulit nito. “May pag-ibig ka kay Benedict?”“Yes. I love him,” aniya at itinaas ang mukha rito.

“Oh, no, you’re wrong. You don’t love him, Julianne. You were such a prude, remember? And when Benedict initiated you, nagustuhan mo ang pakikipagtalik sa kanya. Kung pinagtiyagaan ko ang kunwa’y pagtanggi mong makipagtalik sa akin at naangkin kita, hindi ka babaling kay Benedict. You’d cling to me, Julianne, despite Milet. Tulad ng ginagawa mo ngayon kay Benedict.”

Umangat ang kamay niya, at bago pa nakaiwas si Stan ay tumama sa mukha nito ang palad niya.Mula sa pagkakabaling ng mukha’y poot na tinitigan siya ni Stan. Umangat ang kamay nito. “Lay a finger on her and you’re dead, Stan.” Pareho nilang nilingon si Benedict na nakatayo sa may pinto ng silid nito. Nakasuot lang ito ng puting boxer shorts at tulad ni Julianne ay nakapaa rin lang ito. May panganib na kumislap sa mga mata nito habang humahakbang palapit sa kanila.

Unti-unting bumaba ang braso ni Stan, nagtagis ang mga bagang. “Ano ang ginagawa ni Julianne dito, Benedict? Para ituya sa akin ang katayuan niya sa buhay at ang magarang sasakyan?” Ibinalik nito ang tingin sa kanya at umismid.

“Mananatili si Julianne sa villa hanggang naririto ako, Stan… as my wife,” impormasyon ni Benedict at kinabig si Julianne palapit.

Buong pagkamanghang pinaglipat-lipat ni Stan ang tingin sa kanilang dalawa. “Your wife? You must be out of your mind, Benedict! Paano mong magiging asawa si Julianne gayong hanggang ngayon ay kasal ka pa rin kay Raquel?”

Dark eyes turned even darker. “Umalis ka sa harap ko, Stan. Hindi ko alam kung bakit ka naririto sa itaas.”

“Hindi mo ako maitataboy, Benedict,” kalmanteng sagot ni Stan. “Magiging anino mo ako sa bahay na ito sa habang-panahon.” Nakakalokong tumawa ito.

Sa isang hakbang ay nakalapit si Benedict at pinitserahan ito. Dagling nahalinhan ng takot ang panunuya sa mukha ni Stan. Lalo na nang humigpit ang pagkakahawak ni Benedict sa kuwelyo ng polo shirt nito na halos magpatingkayad dito mula sa stone flooring.

“I’d kill you first, Stan, bago mapunta sa iyong lahat ang ari-arian ng aking mga ninuno!” Malakas itong ibinalya ni Benedict na muntik nang ikasadsad ni Stan sa pader.

Poot na humakbang si Stan patungo sa pinto papasok sa kabahayan. Subalit lumingon ito bago tuluyang pumasok. “Oh, nakalimutan kong sabihin sa iyo, Benedict. Sa isang linggo na ang pirmahan namin ng deed of sale ng taong bibili sa limang ektaryang propiedad na nakaharap sa dagat, at wala kang magagawa.”

Kumuyom ang mga kamay ni Benedict at humakbang upang muling lapitan ito subalit napigil iyon ni Julianne.

“Please, Benedict,” pakiusap niya, pigil ang braso nito.

“Physical injury. Iyan ang ikakaso ko, sa iyo, Benedict, sa sandaling mamantsahan mo ang alinmang bahagi ng katawan ko. That would help me win this election! At hindi lang iyon, titiyakin kung tatanggalan ka ng lisensiya ng medical association.”

“You sonofabitch!” Benedict hurled furiously. Nakita ni Julianne ang pag-iigting ng mga ugat sa braso nito sa galit at matinding pagpipigil sa sarili.

Nasa ibaba na si Stan ay naririnig pa rin nila ang nakakalokong halakhak nito. Hawak pa rin ni Julianne ang braso ni Benedict nang maramdaman niya ang unti-unting paghulagpos ng tensiyon mula rito. Tila naubusan ito ng lakas na tumingala at sinuklay ng mga daliri ang magulong buhok.

Then he gazed down at her wearily. “Nakita mo na, unang araw mo pa lang, problems na agad ang nasagupa mo…”

“Totoong sa karangyaan kami lumaking magkakapatid, Benedict. Pero tinuruan kami ng aming mga magulang kung paano harapin ang mga problema at sikaping lutasin iyon sa abot ng aming makakaya,” she said gently. “At natutuhan naming may mga suliraning mahirap hanapan ng kalutasan. Gayunman, kung kaya mong pakitunguhan ito sa bawat araw, and not rattled by it, natanto naming para na rin naming nalutas ang problema.”

Tinitigan siya nito nang ilang sandali. May sumibol na paggalang sa mga mata nito para sa kanya. “Not the spoiled socialite I thought you to be…”

“Oh, I am, don’t ever doubt about that. Watch out…” pabirong babala niya sa kabila ng lahat. Sumeryoso siya. “Gusto kong maintindihan ang dahilan ng alitan ninyong ito ni Stan, Benedict. Pahapyaw nang binanggit sa akin ni Nadine ang tungkol diyan.”

Muli nitong isinuklay sa buhok ang mga daliri, pagkatapos ay pinuno ng hangin ang dibdib. Inakbayan siya nito at iginiya papasok sa kabahayan patungo sa mas makitid na hagdan papanhik sa ikatlong palapag.

“May ipakikita ako sa iyo,” wika ni Benedict nang nasa itaas na sila. Inakay siya nito patungo sa kanang dulo ng balkonahe kung saan sila naroroon noong gabing dalhin siya ni Benedict sa itaas. Itinuro nito sa kanya ang tanawin sa ibaba. “Sinabi ko sa iyo noong gabing narito tayo na higit na maganda ang view sa ibaba mula rito kapag maliwanag.”

“Oh, it is, Benedict!” bulalas niya makaraang suyurin ng tingin ang view sa ibaba.Sa gitna ng napakakapal na kagubatan at vegetation ay ang swamp. At sa tubig ay naroroon ang mga nagliliparan at nanginginaing puti at asul na tagak.

“Omigosh, those are blue herons, aren’t they?”

Benedict grinned. “Yes. Puti ang pinakapangkaraniwan sa lahat dito sa atin. Ayon kay Lola Manuela ay dala ng great-grandfather ko ang blue heron mula sa Mexico.”

Mula sa swamp ay tumawid sa walang-katapusang makakapal na puno ang paningin ni Julianne. Sa kabila niyon ay ang karagatan na kumikislap sa ilalim ng papalubog na araw. One or two sails were visible in the middle distance. Habang sa laot ay naaaninag niya ang higit na malaking sasakyang-pandagat.

Sa kabila ng karangyaan ng Villa Kristine, it didn’t have this wonderful view of the sea. Though she couldn’t say the same thing to his Uncle Nathaniel’s and Aunt Jasmin’s home which was on the other side of the island and had the privilege of a view spectacular as this.“This is a small paradise, Benedict!”

“Natitiyak kong magandang di-hamak ang Paso de Blas, Julie,” wika nito, a humourless smile on his lips.

“Bawat lugar ay may kanya-kanyang ipinagmamalaking katangian, Benedict. And this place has its own. At kahit ang villa na ito na nakatayo sa ibabaw ng mataas na lupa ay tila haring nakatanaw sa nasasakupan niya.” She grinned at him. “I sounded like you. You must be very proud of all these.”

“Yeah,” wika nito, nagkalamlam ang mga mata. “Hindi ko alam kung paano ko muling maaangkin ang propiedad ng aking mga ninuno…”

“Ano ang ibig mong sabihin?” Julianne asked curiously.

Itinuon ni Benedict ang tingin sa kagubatan sa paligid. May ilang sandali ang lumipas bago ito sumagot. “Pag-aari ko ang buong lupaing naaabot ng pananaw mo, Julie. Minana ko mula sa aking ina, kasama ang villa na ito. Sa panig naman ng papa ay ang humigit-kumulang sa tatlumpung ektaryang lupain. Narating mo na ang bahagi niyon dahil karugtong iyon ng lupain ng mga de Castro…” Sandali siya nitong sinulyapan, ipinaalala ang paraan ng pagtatagpo nila roon. Sa kabila ng lahat, Benedict smiled warmly at her. Kinabig siya at hinagkan sa ibabaw ng ulo.

Pagkatapos ay muli nitong ibinalik sa kagubatan ang tingin at sa nag-iigting na mga bagang. “Wala na sa pangalan ko ang propiedad ng mga Aragon, Julie, maliban sa ipinahihintulot ng batas na mananatiling akin. At kahit itong lupain at villa na pag-aari ng Santa de Leones ay nanganganib na mawala sa akin… malibang dalhin ko sa korte ang bagay na ito, na siya mismong dahilan kung bakit ako umuwi…”

“Ano ang ibig mong sabihin?” Nagsalubong ang mga kilay niya.

“Hindi nakapag-iwan ng testamento ang Papa,” sagot nito. “Hindi niya inaasahan ang maagang kamatayan. He led a healthy life. Subalit nang mamatay ang Lola Manuela ay labis niya itong dinamdam. May ilang araw din siyang bumaling sa alak. Nakainom ang Papa nang magtungo sa dagat at malunod…”

Hindi kumibo si Julianne. Naalala niya ang sariling ama nang mamatay ang great-grandmother niya, si Julia de Silva. May ilang panahon ding hindi halos makausap si Bernard.

“Doña Manuela Santa de Leones was my biological mother’s mother, Julie. Minana niya ang villa na ito mula sa kanyang asawa, si Don Benedicto Santa de Leones…”

Manghang napatitig si Julianne dito. “W-what do you mean by ’my biological mother?“He took a deep breath. “Ang tunay kong ina ay namatay isang linggo pagkasilang sa akin. Makalipas lamang ang isang taon ay pinakasalan ni Papa si Mama Iluminada… “

*******Parang ang lungkot ng buhay ni bb Benedict ko, para simula sa pagkabata puro trahedyo na agad ang nangyari sa family nya, ang hirap naman nyan bb. Dito ka na lang sa tabi ko char hahahaha - Admin A *****************

30

“KUMUSTA na si Benedict, Rafael? Ayon kay Abel ay sinisipon ang bata…”

Mula sa pagtitimpla ng gatas ng anak ay lumingon si Rafael sa pinto. “Kayo pala, Mama.“Pumasok sa loob ng bahay si Doña Manuela, dumeretso sa kuna ng umiiyak na apo. Yumuko ito at kinarga iyon, isinayaw-sayaw. Mayamaya lang ay huminto sa pag-iyak ang bata at naghikab. Ibinaba nitong muli iyon sa kuna at inabot ang bote ng gatas mula kay Rafael at isinubo sa bata. Young Benedict sucked hungrily. Matapos ayusin ang bote sa gilid ng kuna ay nag-angat ng katawan si Doña Manuela at hinarap si Rafael.

“Ano ang gamot na ibinigay mo sa sipon ng bata?” Puno ng pag-aalala ang tinig nito.“Dinala ko si Benedict sa Calapan kahapon, Mama. Pinatingnan ko sa doktor. Ordinaryong sipon lang naman at binigyan ako ng reseta. ’Ayun sa ibabaw ng kabinet “ Inginuso niya ang dalawang botelya ng gamot-pambata. Ang pangatlong naroroon ay bitamina.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Doña Manuela. Tinungo ang silya at naupo. “Mahigit sa dalawang oras ang biyahe mula rito hanggang Calapan, Rafael. Kawawa naman ang apo ko. May sakit na’y natagtag pa sa biyahe.”

Nais matawa ni Rafael. “Mama, sipon lang ang sakit ng apo n’yo.”“Ang aking asawa’y namatay bago makarating sa Calapan, Rafael,” patuloy nito. At sa basag na tinig ay idinagdag, “Kung may doktor lang sana rito sa baryo natin ay tiyak na natingnan kaagad si Emily at maaaring…” Hindi nito itinuloy ang sinabi at ang hawak na panyo ay idinampi sa mga mata.

Nagsisikip ang dibdib na tumingin sa labas ng bintana si Rafael. Isang taon na ang lumipas subalit hindi nababawasan kahit bahagya ang sakit ng damdamin niya sa pagkamatay ni Emily. Sa loob ng isang linggo ay hindi huminto ang pagdurugo ni Emily. Pagdurugong hindi nito binigyang-pansin sa pag-aakalang ganoon lang talaga ang bagong panganak.Isang madaling-araw ay nagising si Rafael na basa ang tagiliran at nang bumangon siya ay nakita niya ang napakaraming dugong tumatagas mula sa asawa. At nang tingnan niya ito ay halos wala na itong malay.

Nang oras ding iyon ay isinugod niya si Emily sa Calapan. Subalit hindi lumipas ang magdamag at binawian ito ng buhay.

“Kasalanan ko, Rafael,” gumagaralgal na sabi ni Doña Manuela. “Kung narito ako at inalagaan ang aking anak, disin sana’y buhay pa siya.”“Mama, walang may gusto sa atin sa nangyari!” mariing sabi niya. “At kamamatay lang ng Papa. Kasalukuyan kayong namimighati.” Atake sa puso ang ikinamatay ni Don Benedicto, isang buwan bago nagsilang si Emily.

Tumango si Doña Manuela. Suminghot. May ilang sandaling katahimikan ang lumipas bago ito muling nagsalita. “Totoo ba ang sinabi ni Abel na pakakasalan mo si Iluminada?” tahimik nitong tanong.

Hindi lumingon si Rafael. Si Iluminada ay kababata niya at anak ng isa sa magbubukid ng lupain ng mga Aragon.

“H-hindi kita masisisi kung ipasya mong mag-asawang muli,” patuloy nito. “Pero nag-aalala ako sa apo ko.“Doon siya humarap, puno ng kapaitan ang mukha. “Si Benedict ang dahilan, Mama, kaya pakakasalan ko si Iluminada. Magiliw at masuyo siya kay Benedict. Kailangan ng anak ko ang kalinga ng isang ina.”

“Kung kalinga lang ng isang ina ang motibo mo, Rafael, narito ako. Aalagaan ko ang aking apo.”“Hindi sa sinusukat ko ang kakayahan ninyo sa pag-aaruga sa apo ninyo. Pero kailangan ni Benedict ng isang inang mamumulatan. Mahal ko si Emily, Mama. Wala akong ibang mamahalin kundi siya, ipinapangako ko sa inyo iyan. Gusto kong may makalakihang dalawang magulang ang anak ko.”

Hindi kumibo si Doña Manuela. Makaraan ang ilang sandali ay nag-angat ng mukha. “Kung ganoon, Rafael, nais kong sa villa kayo tumirang mag-anak. Nag-iisa na lang ako roon…“Kunot ang noong tinitigan niya ang biyenan. “Mama?”

“Nang mamatay ang asawa ko’y niyaya ko si Emily na lumipat kayo sa villa. Ang sabi niya’y pag-uusapan ninyong mag-asawa. Sa nakikita ko’y nakaligtaan niyang banggitin sa iyo.” Akmang magsasalita si Rafael subalit iwinasiwas ni Doña Manuela ang kamay at nilinga ang buong bahay.

“Dadalawa ang silid sa bahay na ito na halos babagsak na. May malawak kang lupain, Rafael, pero nakaligtaan mong ipagawa ang lumang bahay ng mga magulang mo.”“Mama, pinlano namin ni Emily na ipaayos—”

“Wala na ang anak ko, Rafael,” putol nito sa sinasabi niya. “Nag-iisa na lang ako sa villa maliban kay Abel. Tatlumpung minuto ang biyahe patungo rito sa bahay mo at matanda na ako. Huwag mong ipagkait sa akin na makapiling sa araw-araw ang aking apo…”

“SINABI sa iyo ng papa at lola mo na hindi si Iluminada ang tunay mong ina?” tanong ni Julianne nang matapos ang pagkukuwento niya.

Umiling si Benedict. “I never learned about the whole truth until I was sixteen. Si Abel ang nagkuwento sa akin ng mga katotohanan sa buhay ko. Kung napapansin mo, ang susunod na kapitbahay ay isang kilometro ang layo mula rito. Many years ago, iilan lamang ang populasyon sa bayang ito, Julie. Halos pag-aari ng Santa de Leones ang buong Capistrano. Marahil ang ilang tauhan na nakakaalam ay sinapantahang alam ko ang katotohanang iyon, lalo at niyaya kami ni Lola na sa villa manirahan kasama si Iluminada.

“At sa kabila ng kalamigang ipinamalas ni Iluminada sa akin ay hindi kailanman pumasok sa isip kong hindi ko siya totoong ina. Tatlong tao lamang ang nakakaalam ng katotohanang iyon. Sina Papa, Lola Manuela, at Abel. Hanggang sa mamatay ang aking ama’y hindi nito nakuhang ipagtapat ang katotohanan sa akin.”

“Ang Lola Manuela mo, bakit hindi niya ipinagtapat iyon?”

“Ayon kay Abel, ang Papa ang may kagustuhang hindi ko malaman. Na kung ipagtatapat man nito ay hindi sa panahon ng aking kabataan.”

“Kailan mo nalamang hindi mo siya totoong ina?”

Hindi agad sumagot si Benedict. His mind drifted back seventeen years ago. Nanariwang muli ang sakit ng damdamin nang ipamukha sa kanya ni Iluminada ang katotohanan…

“WALA kang karapatang iuwi ang bagong asawa mo at si Stan dito, Mama!” mariing tutol ni Benedict. “Hindi pag-aari ng Papa ang bahay na ito.”

Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Iluminada. “Itataboy mo ba ako rito, Benedict? Paano mo gagawin iyon? Nasaan ang katibayang pag-aari ng mga Santa de Leones ang villa na ito?”

Nalilitong napatitig dito si Benedict. Napahalakhak si Iluminada. Pagkatapos ay tumiim ang mukhang tinitigan siya.

“At hindi kita anak kaya huwag mo akong tawaging mama!“Nanlaki ang mga mata niya. Napaatras. “Bakit… bakit mo sinasabi sa akin iyan? Why do you want to hurt me?”

“Dahil iyan ang katotohanan! Hindi ako pamangkin ni Doña Manuela tulad ng ipinaniwala sa iyo ng lahat. Ang anak niyang si Emily, siya ang ina mo! Tanungin mo ang Mangyang si Abel!“Benedict was shocked. Sa murang isip ay nagsama-sama ang mga katotohanang mahirap tanggapin. 

“That’s why you… hated me…” Ang kapaitang nasa tinig ay nahaluan ng pagkaunawa kung bakit sa buong buhay niya ay hindi niya naranasan na mahalin nito bilang anak.

“Huwag mo akong Inglesin!” singhal nito. “Kamukha ka ng ina mo! Palibhasa’y may kakayahang makapag-aral sa mahusay na paaralan ay nalimutan na ang sariling wika!” Nanatili sa mukha niya ang mga mata nito nang matagal. “Hindi kita gustong kasuklaman, Benedict,” wika nito na bahagyang bumaba ang tono. “Iyan ang totoo. Gusto kitang mahalin, ariing sariling akin. Subalit sa tuwing tinititigan kita ay mukha ni Emily ang nakikita ko…

“At tulad ng damdamin ko sa ina mo’y kinasusuklaman ko si Rafael. Magkababata kami, magkasama sa halos lahat ng araw sa paaralan at sa bukid. Nang magbinata at magdalaga kami ay umasa akong sa malaon at madali ay kami ang magkakatuluyan. Subalit mula sa pamamalagi sa boardinghouse sa Maynila ay umuwi sa Capistrano si Emily…” Sandali itong huminto sa pagsasalita, tumingin sa kawalan na tila ba nakikita mula roon ang kahapon.

Pagkuwan ay mahinang umusal. “Mayaman at may pinag-aralan. At totoong maganda. Maputi at may malasutlang kutis. Kahit ako’y pinangarap kong sana’y ako si Emily. Nasa kanya na ang lahat. Maaari siyang makahanap ng ibang lalaki sa Maynila. Bakit kailangang agawin niya mula sa akin si Rafael?” Nabasag ang tinig nito, gumuhit ang matinding kapaitan sa mukha.

“But you married my father…”

Muling bumalik ang poot sa mukha nito nang balingan siya. “Dahil kailangan niya ako upang maging ina mo! Sinikap kong mahalin niya ako. Subalit sa nakalipas na mga taon ay nanatiling si Emily ang itinangi niya. Kapiling niya ako pero pangalan ni Emily ang inuusal niya. Matagal nang patay si Emily pero patuloy niyang inookupa ang isip at kaluluwa ni Rafael! At kahit nang magdalang-tao ako at maagasan ay hindi siya namighati!”

How sad naman ng life mo bb Benedict , halika dito kiss na lang kita at yayakapin char hahahaha. Pero grabe ang hirap pala ng life ni Benedict my loves :( - Admin A*****************************************

31

“YOUR father died loving only one woman…” Julianne whispered brokenly. “Gusto kong maawa kay Iluminada, Benedict. Nararamdaman ko ang sakit na naramdaman niya, lalo sa panahong nakunan siya at wala man lang pakikiramay mula sa papa mo…”

“Noong una’y ganyan din ang naramdaman ko,” sagot niya kasabay ng buntong-hininga. “Sa kabila ng wala na ang Papa’y naramdaman ko ang galit para sa kanya. Subalit ipinagtapat ni Abel sa akin na hindi anak ni Papa ang nakunan kay Iluminada…”“What?”

“Ayon kay Abel ay sinikap ni Papa na mahalin siya at ipagkaloob dito ang mga bagay na maaaring ikasisiya niya. Subalit mapaghanap si Iluminada. Ang paninibugho niya sa aking ina ay lumason nang husto sa isip niya. She was insecured and jealous all the time. Looking back, I’ve seen it, too. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko magawang ilapit ang aking sarili sa kanya. Sinadya niyang saktan si Papa sa pamamagitan ng pagpatol sa ibang lalaki…

“Nang magdalang-tao siya’y sinikap niyang itago ang kataksilan at palabasing anak ni Papa ang nasa sinapupunan niya. My father would have believed her had it not been for the Mangyans— mga katribo ni Abel. Ang mga ito ang nagsabi sa Papa at tinukoy mismo ang lalaki at ang tagpuan ng mga ito. Binalak ni Papa na palayain mula sa pagsasama nila si Iluminada matapos marinig mula sa lalaki ang pag-amin. Subalit biglang nawala sa Capistrano ang lalaki matapos ang komprontasyong iyon.”

“Oh.” Julianne groaned her dismay. “I can understand why her love for your father had turned to hatred. Pero hindi ang pagkasuklam niya sa lola mo? Tinanggap siya ng lola mo rito, hindi ba?“Tumango si Benedict. “Pero itinuring ni Iluminada na panunuya at parusa sa kanya ang imbitasyon ni Lola na dito kami manatili sa villa. That behind her back my grandmother was laughing at her. Na kahit kailan ay hindi niya maaangkin ang pagmamahal ng Papa, na mananatiling ang tunay kong ina ang mamahalin nito.”

“And Iluminada was right about your grandmother’s motive?”

“I doubt if it had been my grandmother’s intention to taunt her. She was a nice lady. At ayon kay Abel ay walang mahalaga kay Lola kundi ang kapakanan ko, tulad din ng Papa. Kaya naman sinang-ayunan niya ito sa pag-aasawang muli para magkaroon ako ng ina.”“At ano ang kaugnayan ng lahat ng ito sa inyo, ni Stan?”

“Nang mamatay sina Iluminada at Clemente sa isang ambush sa Bongabong, umuwi ako bilang respeto. I stayed for two days. Kasalukuyang nasa critical period ang kompanyang itinatayo namin ni John at kailangan kong makabalik kaagad sa Maynila. Hindi ko naisip na may iiwanang testamento si Iluminada. Walang dahilan para hindi ko manahin ang propiedad ni Papa…”

“Kay Stan niya ipinamana ang lahat ng ito?” Hindi makapaniwalang nilinga ni Julianne ang buong paligid.

Benedict’s face racked with pain and anger. Iniwasan niyang sagutin nang deretso ang tanong nito. “Kung si Iluminada lang, tiyak na hindi niya magagawa iyon. Hindi siya nakatapos ng high school. Sa manipulasyon ni Clemente kaya siya gumawa ng testamento. Hindi nga lang naisip ni Clemente na maaga siyang mawawala sa mundong ito kasama ni Iluminada.”

“But that’s unfair! Bakit hindi mo kinontesta ang testamento?”

“Believe me, I did. But in the absence of my father’s will, Iluminada inherited the property from my father, Julie. Malaya niyang magagawa ang anumang bagay na naisin niya sa propiedad…”

“Pero paano ang villang ito, Benedict? Ayon sa iyo ay pag-aari ito ng mga ninuno mo sa bahagi ng mama mo. Bakit nananatiling narito si Stan?”

Isang pagkalalim-lalim na paghinga ang ginawa nito bago sumagot. “Wala akong katibayang nasa pangalan ng mga Santa de Leones ang villa at ang lupaing nakapaligid dito. Magkadikit ang lupain ng mga Aragon at Santa de Leones at sa paningin ng iba ay bahagi na ito ng pag-aari ng mga Aragon, lalo at nanatili si Iluminada sa villa sa buong panahong magkasama sila ni Papa at maging nang magpakasal siya kay Clemente. Kahit ang grandmother ko ay walang iniwang testamento bago namatay dahil ayon kay Abel ay legal ang testamentong ginawa ng ninuno ko.

“At nahalughog na namin ni Abel ang buong villa pero wala kaming makitang titulo ng propiedad na ito. At naniniwala si Abel na kahit si Stan ay pinag-interesang halughugin nang lihim ang buong villa upang hanapin—at marahil ay nakawin ang mga dokumento. Nahuli niya itong minsan sa loob ng library na hinahalungkat ang lahat ng mga maaaring paghanapan.”

Tumiim ang mukha ni Julianne sa pagkasuklam kay Stan. “What about the records of this town? Tiyak na may kopya ang mga iyon ng titulo at testamento. They’re public documents, Benedict.”

“Nasa Calapan lahat ang records sa bayang ito, Julie. At nasunog ang record section sa munisipyo hindi pa man nagkakilala ang mga magulang ko. Kahit sa registry records sa Maynila ay wala iyon. Noong mga panahong iyon ay hindi pa ganoon kahigpit sa pagpapadala sa Maynila ng mga dokumento. Kaya mananatiling nasa alanganin ang ownership ng propiedad ng mga Santa de Leones. Malibang…” His voice trailed off.

Hinayon ng mga mata ni Benedict ang kanlurang bahagi ng karagatan. Sa kabila ng makapal na kagubatan na tumatakip sa paningin niya ay ang Isla Santa de Leones. Mula sa dulong bahagi ng lupain ng lolo at lola niya ay isang makitid at mahabang lupain na nagdudugtong sa isla. Katunayan ay bahagi iyon ng Capistrano subalit ang daan patungo roon ay natatabunan ng tubig tuwing high tide.

Naroroon ang nakababatang kapatid sa ama ng Lolo Benedicto niya, si Don Serafin Santa de Leones. Maaaring may maitutulong itong maisauli sa kanya ang pag-aari ng mga magulang. Maaaring may pinanghahawakan itong mga dokumento.

Iyon ang huling pag-asa niya. Hindi siya basta na lang lilitaw sa isla at ipakilala ang sarili bilang isang Santa de Leones at pagkatapos ay humingi ng tulong. Hindi siya nakatitiyak ng pagtanggap mula rito. Sa pagkakaalam niya ay ni hindi tumutuntong sa Capistrano si Don Serafin maliban sa mga katiwala at katulong.

“Malibang ano?” untag ni Julianne.

Nagkibit siya ng mga balikat. “Nothing,” wika niya at matabang na ngumiti at nagpatuloy. “Nang mamatay sina Clemente at Iluminada ay pinahintulutan kong manatili si Stan sa bahay na ito kapalit ng pangakong hindi niya ipagbibili ang lupain ng mga Aragon.”

“And he has sold a few hectares of the land?” tanong niya na pinagbasehan ang huling sinabi ni Stan.

Benedict’s face hardened. “Kailangan niya ng pera upang ipantustos sa kandidatura niya, Julie. He is as obsessed in winning the mayoralty as he is in claiming this villa. Para sa kanya’y simbolo ito ng pangalan at kapangyarihan sa buong Capistrano.”

Tumaas ang mukha ni Julianne. “Then let’s buy back the Aragon property, Benedict.”

“Wala akong ganoon kalaking halaga, Julianne,” wika niya. “And please, huwag mong iaalok ang sarili mong pera dahil hindi ko tatanggapin. Please don’t strip me of my pride…”

“Maaari mong hiramin, Benedict. You can pay me back in—”

“Hindi,” mariin niyang sabi, tumigas ang mukha. “Anong mukha ang ihaharap ko sa mga magulang mo?” Then he shook his head wearily. “Huwag mong gawing hadlang sa ating dalawa ang bagay na ito, sweetheart. Ano man ang mangyari, hindi mapapasakamay ni Stan ang bahay na ito.”

Badtrip na talaga ako kay Stan, tatandaan ko na yung name na yan char hahahaha. Automatic basted agad sa akin yan char hahahaha, kawawa naman ang bibi Benedict ko huhuhuhu :( - Admin A. Kumusta ang lahat?****

32

MAAGA pa lang ay wala na sa villa si Benedict sa magkasunod na tatlong araw. Hapon na kung dumarating ito. Ayon dito ay kasama nito si Governor Marciano na nagboluntaryong maging abogado nito para sa kasong isinampa ni Benedict tungkol sa Villa Manuela at sa lupaing nakapaligid dito.

Sa isang banda ay ipinagpapasalamat ni Julianne iyon. Hindi nakikita ni Benedict ang morning sickness niya.

Maliban sa kaalamang dinadala nito sa korte ang problema ng lupain ng mga Santa de Leones ay iniiwasan ni Benedict na pag-usapan nila ang tungkol dito. At kung nasa villa naman ito ay gumugugol ito ng malaking oras sa computer na siyang ugnayan nito at kay John.

“Ipinagtimpla kita ng kape,” ani Julianne nang pumasok sa library. Inilapag niya ang mug ng kape sa ibabaw ng mesa na pinagpapatungan ng computer.

Benedict smiled. He reached for her tiredly and kissed the side of her breast. “Thank you.” Inabot nito ang tasa ng kape at humigop. “Hmm… nagiging masarap ang timpla mo ng kape sa araw-araw, darling.”

Julianne grinned. “I’m learning.” Itinuon niya ang paningin sa screen ng computer. “Kumusta ang trabaho ninyo ni John?”

Nawala ang ngiti sa mukha nito, nagbuntong-hininga. “Iniaalok ko kay John ang share ko sa kompanya.”

“Why?” tanong niya sa kabila ng humigit- kumulang ay alam niya ang dahilan.

“Ang share ko roon at ang profit sa sales nitong nakalipas na buwan at ang halagang naipon ko nang tanggihan ni Stan na ipagbili sa akin ang unang bahagi ng lupaing ipinagbili niya ay sapat na upang bilhin kong muli ang lupaing nakaharap sa dagat.”“Paano kung hindi ipagbili sa iyo ng nakabili?”

May ilang sandali ang pinalipas nito bago sumagot. “I haven’t thought of that yet.” Tumingala ito sa kanya. The stubble darkened his face. Then he gave her a strained smile. “Sabi mo nga, one problem at a time.”

“Paano ang trabaho mo?”

“I’m planning to put up a clinic here in Capistrano, darling… bilang pagtupad sa pangarap ng Lola na magkaroon ng doktor sa bayang ito.”

“Bakit ayaw mong tulungan kita?” Nakikiusap ang tinig niya.

Masuyo siyang inabot ni Benedict at pinaupo sa kandungan nito. “Sa napakahabang panahon ay ikaw ang pinakamagandang pangyayari sa buhay ko, Julie…” His voice turned husky with emotion. “And I don’t even deserve you. Huwag mong pababaing higit ang pagtingin ko sa sarili ko.”

“Benedict, I love you, and—”

“And that’s more than enough.” He touched his forefinger on her lips. “Just love me, darling, iyon lang ang hinihingi ko sa iyo. Ipaubaya mo sa akin ang suliranin ng lupain ko.”

“Such foolish pride!” padabog niyang sinabi at tumayo mula sa kandungan nito. Hindi siya papayag na mauwi kay Stan ang propiedad ni Benedict. She had to do something about it in her own way. At hindi kailangang sabihin kay Benedict ang plano niya.

“Come here and kiss me,” utos nito at hinawakan siya sa braso.

Nagpahinuhod siya at muling naupo sa kandungan nito. Dinama ng mga daliri ang tumutubong balbas. “Relationship is sharing, Benedict, sa lahat ng bagay.”

“Saan mo naman natutuhan ang sinabi mong iyan?” amused nitong tanong, hinuli ang daliri niya at banayad iyong kinagat. “Wala ka namang ibang nakarelasyon kundi ako. Count out your brief and boring affair withStan.”

Julianne’s face broke into a soft smile. “You should meet my family, Benedict. Ang alam lang ng mundo sa amin ay ang kayamanan ng pamilya. You wouldn’t believe what our families went through… and how relationships stood the test of time.”

“Mapalad ka sa pagkakaroon ng ganoong uri ng pamilya, Julie.”

“Luck has nothing to do with it,” aniya. “Mas nakasalalay sa pag-ibig at pagsisikap ng bawat isa na harapin ang unos nang magkakasama. Walang diborsiyo sa pamilya, Benedict. Hindi niyon nalulutas ang suliranin. And despite the wealth, my parents aren’t corrupt. They do not condone wrongdoings, anak ka man o hindi.”

“I’d love to meet your parents, Julie.” Nasa tinig nito ang pag-asam. “Bagaman sa panahong ito ay wala akong kayang ipagmalaki sa kanila.”

“Oh, knowing my father, you will soon. Don’t ever doubt that.” Then a sad smile fleetingly crossed her face. Umaasa siyang hindi muna sasabihin ng mga magulang niya sa mga kapatid na lalaki ang tungkol sa kanila ni Benedict.

Wala sa loob na umikot ang mga mata ni Julianne sa paligid ng library. Tumingala siya sa mga nakasalansang libro sa paligid. Mga koleksiyon ng iba’t ibang uri ng libro. Bagaman napasok na niya iyon nitong nakalipas na araw, noon lang niya napuna ang limang albums na nakasalansan sa upper shelf ng credenza sa likuran ni Benedict. “Album ng pamilya?” she asked.

Lumingon si Benedict sa hinayon ng mga mata niya. Tumango ito. “Those are my grandmother’s treasured items, Julie. Lalo na ’yong makapal. Naroroon ang mga larawan nila ni Lolo.” Ibinalik nito ang mga mata sa kanya, a nostalgic smile on his handsome face. “Maniniwala ka bang walang alam sabihin si Lola sa akin noong bata pa ako tuwing hawak ang album na iyan at tinitingnan ang mga larawan ni Lolo kundi ang ingatan ko ang album na iyan? She always said that that album was my legacy from my grandfather.”

“I can understand that.” She smiled softly. Ang papa niya ay may mga iniingatang larawan ng great-grandmother niyang si Julia de Silva. In a way, magkatulad ang ama niya at si Benedict, parehong lola ang nag-aruga. Ang pangalan niya ay kinuha mula sa matriarch ng mga de Silva. “May mga larawan ka ba ng mama mo?”

Tumango ito. “’Yong pinakabagong album sa lahat. Ako na lang ang bumili ng album at naglagay ng mga larawan ni Mama mula pagkabata. Natagpuan ko ang mga larawan sa lumang aparador ni Lola nang nakalipas na mga taon.”

“Maaari ko ba silang makita?”

“Oh, sure. But some other time, sweetheart.” Tumaas ang kamay nito at dinama nang halinhinan ang dibdib niya. Banayad na napasinghap si Julianne. “Alas-nuwebe pasado na ng gabi at mas may naisip akong magandang gawin kaysa sa tumingin ng mga lumang larawan.” He claimed her lips and swept her mouth hungrily, greedily. Ang isang kamay nito ay pumaloob sa ilalim ng cotton dress niya. Then he pulled her briefs down.

“B-Benedict, nasa loob tayo ng library…” mabuway niyang saway, though excitement suddenly ran through her veins like wild fire.

Itinayo siya nito at pagkatapos ay muling pinaupo pabalik sa kandungan nito, this time she was straddling him. “I’ll make love to you anywhere and everywhere in this house, darling…” bulong nito habang hinahagkan siya. “So every corner will remind you of how I burn for you.”

Julianned moaned and closed her eyes. Then Benedict held her buttocks and guided her down to him inch after agonizing inch. He was hard, and hot.

“Quiero… quiero que hagamos las cosas sin apresurarnos, Benedict. Ay, por favor,” she said breathlessly.

Benedict chuckled against her neck. Bagaman ang naiintindihan lang niya roon ay ang por favor, Julianne’s habit of lapsing into Spanish whenever she was aroused was adorable… and erotic.HINDI pa natatagalang umalis sina Nadine at Miguel na inanyayahan niyang doon mananghalian. Minabuti niyang tingnan ang mga lumang album nang wala siyang maisip gawin. Una niyang binuklat ang album ni Benedict mula noong bata pa ito. Hindi niya maiwasang mangiti sa nakikita niya. Warmth flooded her heart. Kung makababalik siya sa Maynila ay gusto niyang kunin ang album nila ni Jessica at ipakita rin dito.

Huli niyang binuklat ay ang pinakalumang album sa lahat, ang kinapapalooban ng mga larawan ni Don Benedicto at Doña Manuela. Sa pagtataka niya ay ang 6x8 close-up photo ni Benedict noong binatilyo pa ito ang nakapaloob sa antigong photo corners sa inside cover ng album.Sa kanan, sa unang pahina ng album ay ang kasinlaking larawan ni Don Benedicto. Ayon sa caption sa ibaba, tatlumpung taon ang don nang kunan ang larawang iyon.

Pinaglipat-lipat ni Julianne ang tingin sa maglolo. The likeness was remarkable. Kamukha ni Benedict ngayon ang abuelo noong kabataan nito. Pagkatapos ay muli niyang inilipat ang mga mata sa larawan ni Benedict. She smiled tenderly. Ang mga daliri niya ay banayad na dinama ang larawan, outlining Benedict’s young face. Nang biglang magsalubong ang mga kilay niya. Hindi pantay ang pagkakadikit ng larawan. May bahaging nakaangat nang bahagya.

Muli sana niyang pararaanin ang mga daliri sa kabuuan ng larawan nang makarinig siya ng mga tinig. Napatuon ang pansin niya sa nakabukas na pinto ng library. Ang isang tinig ay kay Stan.Sa nakalipas na isang linggo mula nang mangyari ang pagtatagpo nila sa veranda ay hindi umuuwi sa villa si Stan. Ilang araw na lang at eleksiyon na at marahil ay sa headquarters ng partido ito naglalagi kung hindi man sa bahay ni Mayor Alcaraz. Subalit kaninang magising siya ay napuna niya ang kotse nito sa garahe. Hindi niya ito nakatagpo sa almusal at inisip niyang natutulog pa marahil.

Binitiwan niya ang album at tumayo at lumabas ng library.

************************SABI KO na nga ba ehhh hahahaha. Short update lang muna tayo sa ngayon bawi na lang sa Monday at baka may mangyari char hahahahaha. Enjoy the weekends mga besshie, at magpapahinga muna ako hahahahaha. Bawi tayo sa Monday kung maaga ako makapasok hahahaha. Sana langs :) *********Tampo na ako dun sa mga nakakausap ko dati na di na ako pinapansin ngayon char hahahaha . Keri lang mga beshie alam ko namang busy kayo at ramdam ko kayo. Kung ano man pinagdadaanan n’yo, andito lang ako. Update-update na lang kapag may free time na ulit. :) Di kayo nag-iisa mga beshie. :) Love ko kayo sana all love char hahahaha - Admin A **************

33

NASA labas na si Julianne ng pinto nang matanaw si Stan at ang mga bisita nito sa sala.“Ano ang ibig mong sabihin, Attorney?”

Tumikhim muna ang abogado bago nagsalita. “Umurong si Mr. Go sa kasunduang bilhin ang limang ektaryang lupang nakaharap sa dagat.”

“What?!” Stan shouted. “Paanong nangyari iyon? Yari na ang deed of sale, kulang na lang ay ang pirma niya!”

Naguguluhang umiling ang abogado. “Hindi ko rin maintindihan, Stan. Alam nating pareho na matagal nang gustong bilhin ni Mr. Go ang bahaging iyon ng lupain.”

“Anak ng—!” marahas nitong mura. “Kailangan ko ng pera, Attorney. Ilang araw na lang at halalan na. Find another buyer.”

“Hindi tayo makakahanap ng buyer sa pagitan lamang ng ilang araw, Stan. Bakit hindi ka muna manghiram sa mga de Castro?”

“Hindi na gustong magbigay ng mag-asawa. Sapat na para sa kanila ang suportang ginawa nila.” Nagdilim ang mukha nito, sunod-sunod na mura ang pinakawalan. He was pacing the floor furiously. Nang mag-angat ito ng mukha ay nakita si Julianne na nakatayo sa labas ng pinto ng library. “Have you been eavesdropping, Julianne?”

Dahan-dahan siyang humakbang palapit. “I don’t need to eavesdrop, Stan. Nag-e-echo sa buong bahay ang tinig mo.” Sinulyapan niya ang kausap nito.

“Siyanga pala, ipinakikilala ko sa iyo si Attorney Mijares, my lawyer. Attorney, this is Julianne, Benedict’s paramour.”

Napangiwi si Julianne doon. Napilitang tanggapin ang pakikipagkamay ng matandang abogado na ang pagkakangisi ay malisyoso habang hinahagod siya ng tingin. And that triggered her anger.

“I guess my father’s men were working overtime,” aniya. “Kung ang pagbabasehan ko ay ang biglang pag-urong ng buyer mo sa limang ektaryang lupain ni Benedict.”

Parehong natuon ang mga mata ng dalawang lalaki sa kanya. “Ikaw ang may kagagawan ng pag-urong ni Mr. Go sa negosasyon namin?” marahas na tanong ni Stan, unti-unti ang paniningkit ng mga mata.

“Sa mga ganitong pagkakataon napakikinabangan ang mga tinatawag na connections, Stan,” she taunted.

“You bitch!” Humakbang ito palapit sa kanya subalit biglang nahinto nang may masulyapan sa likuran niya. At kahit hindi siya lumingon ay alam ni Julianne na si Abel ang nakita nito.Sa mga knickknack sa estante ibinaling ni Stan ang galit. Tinabig ang mga iyon at nagkabasag-basag na bumagsak sa sahig. Ang abogado ay hinawakan ito sa balikat subalit iwinaksi ito ni Stan.

“I could kill you for this, Julianne!”

“Natural na magkainteres ako sa mga bagay na may kinalaman sa aking asawa, Stan,” wika niya, sinisikap itago ang takot na nararamdaman.

“Asawa? Asawa…” usal nito, tumaas-baba ang dibdib sa galit. “You are his mistress, Julianne. Hindi ka pakakasalan ni Benedict!”

“Oh, you’re wrong, Stan. Once the marriage was annulled, and it won’t be long now, magpapakasal kami ni Benedict,” she said confidently.

May ilang sandaling nakatitig lang ito sa kanya. Tinatantiya ang sinasabi niya. Pagkuwan ay, “Good,” wika nito, unti-unting kinakalma ang sarili sa pamamagitan ng paghinga nang malalim.

 “Isang malaking pabor ang gagawin mo sa akin kung pakakasalan ka ni Benedict.”

Kumunot ang noo niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

Nagdududang umangat ang mga kilay nito. “So, you know nothing about Iluminada’s will?”“Only that she deviously left you the Aragon property.”

“Tama ka.” Stan smiled coldly. “Pero hindi naman nawalan si Benedict, naiwan sa kanya ang ikaapat na bahagi ng propiedad na ipinahihintulot ng batas. At hindi ba niya nabanggit sa iyong hinati sa aming dalawa ni Iluminada itong villa at ang lupaing nakapaligid dito?”

Bigla ang paglatay ng kalituhan sa mukha ni Julianne. Hindi sinabi sa kanya ni Benedict ang bagay na iyon maliban sa pinahintulutan nitong manatili sa villa si Stan upang huwag nitong tuluyang ipagbili ang Aragon property.

“Hindi pag-aari ng mga Aragon ang Villa Manuela…” usal niya.Malademonyo ang ngiting sumilay sa mga labi nito. “Nasaan ang titulo? Nasaan ang testamento ni Don Benedicto o ni Doña Manuela mismo? Wala, Julianne. Sa tagal ng panahon ay itinuring na itong kabilang sa propiedad ng mga Aragon. This was Iluminada’s way of revenge to Benedict’s family. She must be laughing at her grave right now.”

Julianne gritted her teeth. “Magkano ang halaga ng share mo sa propiedad ng Santa de Leones, Stan?”

Stan’s eyes widened in amusement. Pagkuwan ay isang malakas na halakhak ang pinakawalan nito. “I’m overwhelmed. Kayang bilhin ng pamilya mo kahit ang buong bayan ng Capistrano, Julianne, hindi ba? At ni hindi iyon makakabawas man lang sa kayamanan n’yo. Oh, I really have regretted losing you…” wika nito na sinabayan ng kibit ng mga balikat. “Anyway, ang share ko sa villa ay priceless.”

“Hindi papayag si Benedict na mauwi sa iyo ang propiedad ng Santa de Leones, Stan!”“Oh, ang akala ko ba ay magpapakasal kayo sa sandaling mapawalang-bisa ang kasal nila ni Raquel?”

Naningkit ang mga mata niya. “Ano ang kinalaman ng pagpapakasal namin sa ari-arian ng mga Santa de Leones?”

“Benedict didn’t tell you about the codicil in Iluminada’s will, did he?” Nakangising nilingon nito si Attorney Mijares na nanatiling nakikinig sa palitan nila ng usapan. “Ipaliwanag mo sa kanya, Attorney, yamang ikaw ang inutusang gumawa ng codicil na iyon.”

Tumikhim ang abogado, malisyosong ngumisi. “Ayon sa idinagdag na clause ni Iluminada sa testamento niya, Miss Julianne, sa sandaling mag-asawa si Benedict ay maiwawala niya ang bahagi niya sa Villa Manuela at mauuwi ito kay Stan.”

“B-Benedict married Raquel—”

“That happened two years ago. Hindi pa nagagawa ang testamento nang mangyari iyon,” sagot ng abogado. Sa sulok ng mga mata ni Julianne ay nakita niya ang nakakalokong ngiti ni Stan.

“But it was illegal!” she exclaimed. “Iluminada couldn’t have willed the Santa de Leones property!”

“Don’t worry yourself about that, Julianne, my dear.” Stan’s smile was triumphant. “Go ahead and marry Benedict.”

“Hindi mapapasaiyo ang villa, Stan, magpakasal man kami ni Benedict o hindi!” she hurled furiously.

“Sorry to disappoint you,” wika nito. “Sa sandaling maupo ako sa puwesto—”

“Gagawin ko ang lahat upang hindi ka manalo sa eleksiyong ito!” Lihim siyang napangiwi matapos lumabas ang mga salita.

Totoong nangako siya sa sarili noong gabing matuklasan ang panloloko nito na gagawin niya ang lahat huwag lamang itong manalo. But in the end, she dismissed the thought from her head. She wasn’t the vindictive type. Bahala ang mga taga-Capistrano na kilalanin kung anong uri ng mayor ang ihahalal nila.

Ni hindi pumasok sa isip ni Julianne ang kandidatura nito hanggang sa sandaling iyon. The man’s vileness triggered the threat she issued. Bagaman wala siyang intensiyong totohanin iyon, hindi na niya mababawi ang sinabi.

Stan’s face turned ugly in anger. Malakas at masagwa ang mga salitang lumabas sa bibig nito at napapakislot si Julianne. Kung wala ang presensiya ni Abel sa paligid ay matatakot siya rito.He stared at her in a mixture of hate and mockery. “Gagamitin mo ang salapi mo para hindi ko maipanalo ang eleksiyong ito, Julianne? Cheap shot. You wouldn’t stoop to that level. I’ve checked about your father. Not the vindictive type. Incorruptible.”

“But I am not my father, Stan,” she taunted back. “And you are a corrupt and vile man. Hindi masamang gamitin ko sa iyo ang sarili mong pamamaraan. At lalong hindi masamang iligtas ko ang buong Capistrano sa isang tulad mo.”

His face contoured in anger. “I would win in this election, Julianne. Your filthy money couldn’t stop me. Too late for that. At hindi mababawi ni Benedict ang mga ari-arian niya. Mananatili niya akong kahati sa villa. At walang mangyayari sa pagkokontesta niya sa korte dahil titiyakin kong aabutin ito ng maraming taon, at walang katiyakan. Wala siyang maipagmamalaki sa iyo at sa magiging mga anak niya!”

“Unlike you, Stan, Benedict had a lot to be proud of,” wika niya, tumaas ang mukha. “While you’re the scum of the earth!”

“Masasabi mo sa akin ang lahat ng gusto mong sabihin, pero mananatili kang babae niya. Mahalaga kay Benedict ang lupaing ito ng kanyang ninuno. Maaaring lunukin ni Benedict ang amor-propio niya at payagan kang bilhing muli ang buong Aragon property. But the villa could be lost to him forever, Julianne. This would be his battle of a lifetime!”

Nakaalis na ito at ang abogado ay nanatiling nakatayo roon si Julianne. Hindi niya mapaniwalaang gayon na lamang ang obsession nito sa ari-arian ng Santa de Leones. And somehow, hindi niya mapigil ang sakit na gumuhit sa dibdib. Hindi siya mapapakasalan ni Benedict ano man ang mangyari. Mas mahalaga rito ang Villa Manuela kaysa sa pagiging legal ng pagsasama nila.

And yet, she couldn’t blame him. Wala naman itong ipinangako na pakakasalan siya sa sandaling mapawalang-bisa ang kasal nito kay Raquel. And he had been honest about it from the very beginning.

I have nothing to offer you, Julianne…

Dinama niya ang sinapupunan, ang buhay na pumipintig doon, ang anak nila ni Benedict na hanggang ngayon ay hindi niya magawang ipagtapat. She loved him so much and didn’t mind living with him for the rest of her days. Maaari niyang hilingin kay Benedict na basbasan ng marriage celebrant ang kanilang pagsasama nang hindi kinakailangan ng lisensiya. If only to make it legal in the eyes of God.

Subalit paano sa batas ng tao? Sa paningin ng mga magulang at pamilya niya? Paano niya magagawang bigyan ng kahihiyan ang kanyang angkan? At paano ang anak niya at ang magiging anak pa? Paano niya nagawang ulitin sa sariling anak ang buhay ng ama at ng Uncle Zandro niya?

Sa kasalukuyang batas ay hindi maaaring taglayin ng anak niya ang pangalan ni Benedict. Though his father’s power and money could make a lot of difference—naroon pa rin ang katotohanang magiging bastardo ang nasa sinapupunan niya.

Napahikbi si Julianne at nanlulumong napasandal sa dingding.

Isang banayad na tapik sa balikat ang nagpaangat ng mukha niya. “Baka makaapekto sa dinadala mo ang sama ng loob, Julianne.”

Nag-angat siya ng tingin dito. Pinahid ng likod ng palad ang mga luha. “A-alam mo, Abel?”“Hindi mo naitatago sa akin ang bawat umagang sinasamaan ka ng pakiramdam,” banayad nitong sabi. “Alam ba ni Benedict?”

Muli siyang sumandal sa dingding at humikbi. “Hindi ko masabi sa kanya, Abel. Hindi ko gustong dagdagan ang maraming suliraning kinakaharap niya ngayon.”

“Itinuturing mo bang karagdagang suliranin ang bunga ng pagmamahalan ninyo, Julianne?“Natilihan siya. Hindi pumasok sa isip niya iyon. Napatitig siya sa matandang Mangyan.

“Abala si Benedict, Julianne. Puno ng suliranin ang isipan pero hindi ko pa siya nakitang tumatawa at maligaya malibang magmula nang makilala ka niya. May karapatan siyang malaman.”

“Oh, Abel…”

“At huwag mong hahatulan si Benedict sa pagpapahalaga niya sa ari-ariang ito ng mga ninuno niya sa bahagi ng ina. Itinanim ni Doña Manuela sa isip niya mula pagkabata na pahalagahan ito… na ito lamang ang maaari niyang ipamana sa kanyang mga anak. May tawag kayong mga tagalunsod diyan, ineng.”

“Heritage, Abel. Heritage.” Lalo lamang siyang napahagulhol. Naiintindihan niya iyon sa kasulok-sulukang bahagi ng puso niya. Santa de Leones was Benedict’s birthright.

Tulad din ng mga Fortalejo. The responsibilities that were Bernard’s heritage. Minana nito mula kay Don Leon. Just as Benedict was born into it.

“At huwag mong intindihin si Stan, Julianne. Mula pagkabata’y taglay na niya sa dibdib ang poot at inggit kay Benedict. Anak si Stan ng kanyang ama mula sa isang babaeng Mangyan. Hindi iyon pinakasalan ni Clemente subalit kinuha mula rito si Stan nang makitang hindi nagmana ng anyo ang anak mula sa ina. Hindi matanggap ni Stan na sa isang katribu ko nanggaling ang lahi niya…”

“Iniisip niyang kung mapapasakanya ang ari-arian ng mga Santa de Leones ay matatakpan niyon ang nakaraan niya?”

“At kung mauupo siya sa puwesto ay kakamtin niya ang paggalang. Katunayan, maliban sa akin at sa mga katribu ko ay limot na ang bahaging iyan ng pagkatao ni Stan. Subalit hindi iyan ang nararamdaman niya, Julianne.”

“He was insane,” usal niya.

“May mga taong likas na masama, Julianne. Ang maipapayo ko ay mag-iingat ka sa kanya.”

“Kaya lang malakas ang loob kong harapin siya’y dahil alam kong nariyan ka lang, Abel.” The gentle smile she gave to the old man was apologetic. “Nalimutan kong bata si Stan at maaari kitang maisubo sa kapahamakan. Ipagpaumanhin mo.”

Isang tipid na ngiti ang ibinigay ng matanda sa kanya. “Inihabilin ka sa akin ni Benedict. Pangangalagaan kita sa lahat ng sandali, Julianne.”

“TUMIGIL ka sa kalalakad, ano ba!” singhal ni Milet.

“Hindi ako papayag na matalo sa eleksiyong ito, Milet,” ani Stan. “Marami na akong puhunan dito.”

“Tatlong araw na lang at halalan na.” Nagbuga ng usok ng sigarilyo si Milet. “Sa palagay mo ba’y may magagawa si Julianne?”

“Don’t be an idiot!” singhal niya rito. “Alam mong malaking bagay ang nagagawa ng salapi.”“Wala silang sapat na panahon, Stan. Maaaring maraming salapi si Julianne pero hindi niya kayang mag-magic. Ikalma mo ang sarili mo.”

“Nasaan ang mga magulang mo?” tanong niya at hinarap ito.“Nasa Maynila, bakit?”

“May papupuntahin akong mga tao rito. Gusto ko silang kausapin dito sa bahay n’yo—”“Bakit dito, Stan?” Nasa tinig nito ang pagtanggi. “Sinusuportahan ng mga magulang ko ang kandidatura mo dahil sa pangako mo sa kanilang pakakasalan ako. Pero alam mong hindi nila gustong may mga tagapulitika na nagtutungo sa bahay na ito.”

Umismid si Stan, tinitigan ang tiyan niya. “Kailangan mo ako upang iligtas ka sa kahihiyan, Milet. Magtulungan tayo.”

“Malaking halaga na ang naitulong ng mga magulang ko!” galit nitong singhal. “Hindi pa ba sapat iyon? Bakit kailangan mong sakupin pati ang privacy na gusto nila?”

“Politician ang future son-in-law nila, dapat ay maintindihan nila iyon. At higit na mahalaga sa mga magulang mo ang kahihiyan nila kaysa sa sinasabi mong invasion of privacy. So be a good girl, Milet…” He tapped her face patronizingly.

Naningkit ang mga mata ni Milet. Padabog na tumayo, alam na wala itong magagawa kundi ang sumunod.

****Gigil na ako sa’yo Stan pasalamat ka nanghihina pa ako gawa ng kakavaccine ko lang ng pneumonia vaccine kung hindi yari ka talaga sa akin char hahahaha. Matatapos na pala ito kunting kembot na lang. Ano kayang next story after ni Julianne? PS: Magpa - vaccine na kayo mga bes, mahalagang may vaccine kayo atleast para maprotektahan n’yo ang sarili n’yo at ang paligid n’yo. Kapag malakas ang vaccine na tinurok sa’yo ramdam n’yo yun since mangangalay kamay n’yo kagaya sa akin kaya nga isang update lang tayo now since sumasakit kamay  ko at medyo nahihilo ako, need ng pahinga char hahahaha. - Admin A

Ipagpray natin yung mga beshies natin na may pinagdadaanan ngayon, ramdam ko kayo mga bes, last year nagkacovid din ako kaya alam ko ang hirap ng pinagdadaanan n’yo at kaisa n’yo ako sa panalangin para gumaling kayo ng tuluyan at sama - sama na tayong magchikahan char . Keep safe everyone and God bless. Bukas ulit. - Admin A :) ****************************

34

SA HALIP na sa Calapan Port ay pinili ni Benedict ang ferry na dadaong sa Balatero Port sa Puerto Galera. Maliit lamang ang Balatero kung ikokompara sa pier ng Calapan. Iilan lang ang dumadaong doon at wala iyong sapat na paradahan ng mga sasakyan. Pero higit na malapit sa pupuntahan niya.

Inilabas niya sa ferry ang four-wheel drive at ipinarada sa isang bakanteng lugar sa ilalim ng malaking puno at ibinilin sa isang residente roon. Pagkatapos ay umupa siya ng bangkang de-motor upang magpahatid sa pupuntahan.

Mas madali niyang mararating ang Isla Santa de Leones kung sa dagat siya dadaan. Kung kalahating oras niyang lalakbayin sa dagat ang pagtungo sa isla ay doble niyon kung sa lupa siya magdaraan at magmumula pa iyon sa Villa Manuela. Hindi lang iyon. Sa sandaling iyon ay mataas ang tubig at tiyak niyang nakalubog ang lupaing nagdudugtong sa Capistrano at Isla Santa de Leones. Hindi rin niya magagamit ang sasakyan.

Lumuwas siya ng Maynila apat na araw na ang nakalipas upang personal na ipakipag-usap kay John ang balak na pagbebenta ng share niya sa SDL Laboratories.

“Forget it, Benedict,” ani John. “Wala akong balak kumuha ng ibang partner upang patakbuhin ang kompanyang ito. Isa pa’y hindi mo kailangang ipagbili ang share mo kung kailangan mo ang ganoon kalaking halaga. Binibili ng Avon ang rights sa bagong tuklas mong scent kasama na ang formula…” Sinabi nito ang halagang iniaalok ng cosmetic company.

Napasandal sa headrest ng swivel chair niya si Benedict. It was a lot of money. Mabibili niyang muli ang ilang ektaryang lupaing naipagbili na ni Stan.

“And we could up the ante, my boy,” patuloy ni John. “Nakita ko ang malaking interes sa mga mata ng big bosses. At kahit hindi nila sabihin, the scent would hit the US market…”“It never occur to you to use the scent to launch our own brand of perfume?” he asked lamely. Alam niyang bago iyon kagatin sa market ay hindi birong salapi at mahabang panahon ang kailangan nila para sa marketing at advertisement.

“Alam mo ang sagot diyan, Benedict. We’re doing more than well sa whitening soap and cream. Be practical. This is your chance for big bucks. And would you believe, they want to hire you.“Matabang siyang tumawa. “Okay, John, set an appointment this afternoon.”“Why the hurry, Benedict?”

“Gusto kong umuwi bukas din nang maagang- maaga, John. Nitong mga huling araw ay napupuna kong parang may sakit ang asawa ko,” he said worriedly. “But she wouldn’t admit it to me. Isinasama ko siya sa pagluwas kong ito pero tumanggi. Mapapagod lang daw siya sa biyahe kung babalik din naman ako kaagad.”

“She could be pregnant.“Napaangat mula sa swivel chair niya si Benedict. “What… what gave you the idea?”“Benedict, you’re dumb,” amused nitong sinabi. “Hindi ba at dapat lang namang asahan iyon malibang gumagamit kayo ng contraceptives. Do you?”

Wala sa loob na umiling siya. Stunned. “I… I never thought about it. Do you think it could be that she’s pregnant? Pero bakit hindi niya sinasabi sa akin?”

“Posibilidad lang ang sa akin. Kumpirmahin mo. You’re a doctor, for heaven’s sake.“Benedict was thrilled and scared at the same time. Mixed emotions melded in his heart. He wanted to hurry back home immediately. Kumpirmahin si Julianne sa posibilidad na iyon.Bigla, sa sandaling iyon ay isang matalinong desisyon ang napagpasyahan niya. Hindi lamang sa mga big boss ng cosmetic company siya dapat na makipag-set ng appointment.

His meeting with the Avon big bosses was more than satisfactory. Magalang niyang tinanggihan ang alok ng mga itong magtrabaho sa kanila. Subalit nag-iwan ang mga ito ng salita na kung sakaling magbago siya ng isip anumang sandali ay tatanggapin siya ng mga itong magtrabaho para sa kompanya.

“Narito na ho tayo, Sir…” putol ng bangkero sa pag-iisip niya.Mula sa pagkakatitig sa tubig ay nag-angat ng mukha si Benedict. Napahugot siya ng hininga nang matambad sa kanya ang isang sloop. A thirty-foot beauty! It was painted in white. The mast were in red, yellow, and blue.

How he wished he could own a sailboat like that. He shook his head mentally. Nagbuntong-hininga. May mas mahalagang bagay siyang dapat na muling maangkin kaysa sa luxury ng pagkakaroon ng sailboat.

Umahon siya sa pantalan. Nilingon niya ang bangkero nang nasa itaas na siya. “Hintayin mo ako.”

“Sige po, Sir.” Tuluyan na nitong pinatay ang motor ng bangka. Tiningala ni Benedict ang islang bato. Alam ng buong Capistrano na sa pinakamataas na bahagi ng isla ay nakatayo ang bahay ng mga Santa de Leones. But no one had actually seen it. Kahit mula sa laot. Natatakpan iyon ng makakapal na punong-kahoy.

Kahit siya ay iyon ang kauna-unahang pagtapak sa islang iyon. Apprehension filled him. Hindi niya tiyak kung ano ang magiging pagtanggap sa kanya ng matandang Santa de Leones. At ni hindi niya alam kung buhay pa ito. Ang impormasyong nasabi ng Lola Manuela niya noong binatilyo siya ay bata kaysa sa Lolo Serafin niya ang kapatid nito sa ama.

Sinimulan niyang panhikin ang walang-katapusang hagdanang-bato. Ilang baitang na lang siya mula sa itaas nang makarinig ng tahulan ng mga aso. He groaned. They could be killer dogs. And he was an intruder.

Nasa itaas na siya nang matambad sa kanya ang tatlong malalaking aso na halos kasinlalaki ng tao. Sampung yarda mula sa kinatatayuan niya ang layo ng mga iyon. They growled savagely. Naglabasan ang matatalim na pangil at anumang sandali ay nakahanda siyang daluhungin.Nasa pagitan siya ng pag-iisip kung bababang muli o umaasang may tao siyang matanaw.“Quiet!” ang sigaw ng makapangyarihang tinig mula sa kanang bahagi ng mga aso. “Hindi ka sasagpangin ng mga iyan malibang inutos ko.”

Ang mga aso ay unti-unting umatras. Tahimik na naupo sa damuhan. They stopped growling but the three pairs of beast eyes were alert.

Saka pa lang pinakawalan ni Benedict ang pinipigil na hininga. Nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig.

*********Namiss ko na ang mag-update kaasar kasi itong internet sa office almost 1 week ng nagloloko :( -Kumusta ang lahat? - Admin A ******************

35

Sa tabi ng barandilyang bakal na humaharang sa gilid ng bangin patungo sa dagat ay nakaupo sa wheelchair ang isang matandang lalaki. He must be in his mid-seventies. Halos puti nang lahat ang buhok nito, ganoon din ang makapal na bigote. Nakasuot ito ng puting camisa de chino at khaki ang maluwang na pantalon. Si Don Serafin Santa de Leones.

“So, I’ve finally met Benedicto’s grandson,” wika nito. The mustache turned upward in a dry smile.

“Kilala mo ako?” He was surprised.

“You’re a spitting image of your grandfather, young man. No one could have mistaken those Santa de Leones eyes for somebody else’s.”

“Isa rin akong Aragon…”

Sloppy shoulders lifted in a shrug, as if the name didn’t merit his attention. “So what brought you here for the first time in—how old are you and what is your name?”

“Thirty-three… Benedict.”

“Benedict…” Pinaglaro nito sa dila ang pangalan niya, then a nostalgic smile seemed to cross his eyes. “So why come here only now? Money?”

Naningkit ang mga mata ni Benedict. “Sorry to disappoint you, Sir. Hindi pera ang kailangan ko.“Umangat ang kilay ng matandang lalaki. “Don’t be offended, young man. Karaniwan nang ganoon ang nangyayari. Nagtataka lang ako. I thought I’d go to my grave without seeing you.”

“Then why didn’t you come and see me? Kahit nang mamatay si Lola Manuela?”

The old man released a harsh breath. Sadness crossed his eyes. “Matandang alitan ng magkakapatid, Benedict, ang dahilan. Hindi kailangang pag-usapan sa unang pagkakataong nagkita tayo.” Itinuro nito ang katabing lounging chair. “Maupo ka at sabihin mo sa akin ang kailangan mo.” Nag-angat ito ng mukha sa dakong sa palagay ni Benedict ay ang patungo sa bahay nito bagaman wala siyang nakikita kundi malalaking puno. Patungo sa kanila ang isang babaeng nakauniporme ng puti. Isang pribadong nurse.

“Sabihin mo kay Choleng na dalhan kami ng malamig na maiinom, Ariana.” Nang tumalikod ang babae ay muli siyang hinarap. “So?”

“Hindi pera ang tulong na gusto kong hingin sa iyo…” Muling umangat ang kilay ng matandang lalaki pero hindi kumibo. Ipinaliwanag ni Benedict ang sirkumstansiya ng mga lupain niya, lalong higit ang Villa Manuela. Hindi niya pinansin ang pagtiim ng bagang ng matandang lalaki.

 “Alam kong magkakarugtong ang islang ito at ang Capistrano. Katunayan ang dulo ng daan sa dagat ay pag-aari ko. Ginagamit ninyo ang propiedad ko bilang daanan…”

“There’s a law to a right of way.”

“That’s not my point,” he said impatiently. “Naisip kong may titulo kang hawak upang patunayang pag-aari ni Lolo Benedicto ang lupain.”

Isang nahahapong buntong-hininga ang pinakawalan ng matandang lalaki. Nilinga ang karagatan. “Tatlo kaming magkakapatid na lalaki, ang lolo mo ang panganay. But he was also our father’s son outside his marriage…”

“Alam ko ang bagay na iyan.”

“Sino ang nagsabi sa iyo?” Sinulyapan siya. “Ahh, si Manuela…” Muli, sa ikalawang pagkakataon ay nagkalambong ang mga mata nito pagkabanggit sa pangalan ng lola niya.

Nagpatuloy ang matandang lalaki. “Nang ipamana ng aking ama ang buong lupain kay Benedicto ay ibinigay nito sa kanya ang lahat ng mga papeles, Benedict. Nalulungkot akong wala akong maitutulong sa iyo sa bagay na iyan. But if you will ask me to hire someone to kill this land-grabbing bastard, I might help you. At hindi ako nagbibiro!”

Benedict was stunned for a moment and then he gave a bark of laughter. Don Serafin laughed with him. Nararamdaman ni Benedict na makakasundo niya ito kahit ngayon lang sila nagkita.

“Baka sa sandaling ito’y mayor na ng Capistrano si Stan, Sir, marami nang bodyguards tiyak iyon,” he joked.

“Call me ‘Grandpa,’ or ‘Lolo,’ o kahit na anong itawag mo sa akin. Huwag lang ‘Sir.’”

“Grandpa, then,” he said, felt the warmth flow in her heart. “Kahapon ang eleksiyon sa Capistrano at malamang na ngayon ay may resulta na.”

“Kalimutan mo ang kaso sa korte, Benedict,” wika ng matanda. “Matatagalan pa iyon. Mauubos ang salapi mo roon. Buy back the property from this man. Ibibigay ko sa iyo ang halagang kailangan mo.”

“Stan wouldn’t sell the Santa de Leones property, Grandpa,” he said in a resigned voice. “And even if he would, I won’t accept your money.”

“A true blue Santa de Leones,” matabang na wika nito. “Foolish but a Santa de Leones nevertheless. Let me help you, Benedict.”

Tumayo siya. “Sa ibang pagkakataon, Grandpa. Sisikapin kong lutasin ang suliranin ko sa sarili kong paraan. Salamat sa pakikipag-usap. At ipagpaumanhin mong hindi ko mahihintay ang inuming ipinakuha mo.”

Inabot nito ang braso niya at hinila siya at isang mahigpit na yakap at tapik sa balikat ang ginawa nito. “Come visit me again, Benedict. Meet the rest of the Santa de Leoneses…“Benedict smiled gently. “I promise.” Tumalikod na siya pabalik sa pinanggalingan nang magpahabol ito ng salita.

“Maliit lang ang Capistrano pero magulo na rin ang eleksiyon.”“Ano ang ibig mong sabihin?”

Nagkibit ito ng mga balikat. “Ayon kay Pedro, ang katiwala, ay nabaril noong isang araw ang isang kandidato sa pagka-mayor.” Umiling ito. “Don’t ever think of entering into politics, Benedict.”

He smiled. Muling nagpaalam at tuluyan nang tumalikod.

“PANGALAWANG init mo na iyan diyan sa ulam, Julianne,” komento ni Abel nang muli niyang ilagay sa microwave ang pagkain. “Baka abutin ng hapon si Benedict.”

Alam niyang darating ito ngayon. Tumawag ito habang nasa ferry at nagsabing maaantala. Pero hindi niya inaasahang dalawang oras itong maaantala sa pananghalian.

“Katatawag lang niya, Abel. Nasa daan na siya,” aniya, inilagay sa no. 4 ang timer ng microwave. “Sa palagay mo ba, magugustuhan niya ang niluto ko? I’ve perfected it, haven’t I?”

Nangiti si Abel sa insekyuridad sa tinig niya. “Tinitiyak kong magugustuhan ni Benedict ang kare-kare mo.”

“Ang bagoong!” bulalas niya at kinuha mula sa pantry ang binotelyang bagoong na binili niya sa isang grocery sa bayan ng Puerto Galera kamakailan.

Nauwi sa tawa ang ngiti ni Abel. “Sasabihin mo ba ngayon ang tungkol diyan sa dinadala mo, Julianne?” banayad nitong tanong nang inilalagay na niya sa platito ang bagoong.

Natigilan siya. Humugot ng malalim na hininga. “Kailangan ko nang sab—” Nahinto ang sasabihin niya sa pagparada ng sasakyan sa labas. Narinig nila ang paggiik ng gulong sa marahil ay biglang pagpreno ng driver. Nagkatinginan ang dalawa.

“Si Benedict ba ang dumating?” wala sa loob niyang tanong at humakbang palabas ng dining room. Nasa sala na siya nang bumalya pabukas ang pinto at iniluwa si Stan.

“Ikaw ang may kagagawan sa pagkatalo ko, Julianne!” bungad nito. Ang kabangisang nakabalatay sa mukha nito ay nagpakaba sa kanya. Wala sa loob na napahawak siya sa gilid ng buffet cabinet.

“Ano ang sinasabi mo, Stan?” tanong niya, sinisikap na huwag maapektuhan ng galit nito.“You and your filthy money! Natalo ako sa eleksiyong ito at pagbabayaran mo ang ginawa mo!” He strode toward her.

Napahakbang paatras si Julianne. Ngayon lang niya nakita ang ganitong anyo ni Stan. “Wala akong kinalaman sa pagkatalo mo, Stan. At iyon ang totoo. What I said days ago was an empty threat.”

“You, liar!” Bago pa nakaiwas si Julianne ay tumama sa pisngi niya ang likod ng kamay nito. Umikot ang buong paligid sa sakit na naramdaman niya kasabay ng pagbalandra niya sa barandilya ng hagdan. Tumama ang ibabang likod niya na halos magpapugto sa hininga niya.

“Nagkamali ka ng kinalaban, Julianne!” Muli itong humakbang palapit sa kanya.

Sinikap ni Julianne na paglabanan ang sakit na nararamdaman. Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niya ang mabilis na pagsugod ni Abel kay Stan. Muling tumaas ang kamay ng huli at sa panlalaki ng mga mata niya at itinuon ni Stan ang baril dito. Baril na hindi niya alam kung saan nanggaling.

Nakalimutan niya ang sariling sakit at tinakbo si Stan at ubod-lakas na hinampas ang kamay nito. Kasabay ng putok ay ang pagbagsak ng baril sa sahig.

“Abel!” sigaw niya nang makitang humandusay ang matandang lalaki at makitang may dugong umaagos sa gilid ng mukha nito. Tumakbo siya upang daluhan ito. Si Stan ay humakbang upang damputin ang baril na humagis hindi kalayuan kay Abel.

Subalit nakagapang na roon si Abel at malakas na tinabig iyon ng kamay. Humagis iyon sa ilalim ng malalaking upuan sa sala. Nagmumurang sinipa ni Stan ang matandang lalaki. Napaungol sa sakit si Abel.

Humakbang si Stan upang kunin ang baril na humagis sa paanan ng mahabang sofa.“Abel…”

“Tu… tumakbo ka, Julianne… Tumakbo ka… Dali!”

Atubiling nilinga ni Julianne si Stan na ang akmang pagdampot sa baril ay napigil at nilingon siya. Hinayon ng mga mata niya ang pinto palabas. Bago pa niya iyon marating ay tiyak na naroon na ito. She opted to run for the stairs. Dinampot ni Stan ang baril at hinabol si Julianne.Sa itaas, bago siya nakatakbo papasok sa silid niya ay nahagip ni Stan ang buhok niya. Hindi niya alam kung saan galing ang lakas niya nang bigla niya itong hinarap at tinuhod. Tinakbo niya ang pinto ng silid nila ngunit hindi niya iyon nakuhang isara. Naroon ang braso ni Stan at iniharang. Binalya nito iyon at pabalandrang bumukas ang pinto.

Tinakbo ni Julianne ang French door palabas sa veranda. Nahagip ng mga mata niya ang pagpasok ng sasakyan ni Benedict sa gate.

“Benedict!” she screamed and waved her hands in terror.

************************Awtsu grabe naman ang ganap sana okay ka lang Julianne at yung baby. HUHUHUHU, stress na talaga ako sa’yo Stan sumabay ka pa sa internet namin asar na talaga ako sa’yo sumasakit pa naman ang ulo ko gawa ng pabago-bagong panahon. Hayst. Ingat kayo mga beshie - Admin A ***************************

36

NAHAGIP ng mga mata ni Benedict ang pagkaway ni Julianne sa veranda. Nang ihinto niya ang jeep at muling tumingala mula sa salamin sa tagilirang pinto ng sasakyan ay wala na ito roon. Subalit isang pamilyar na ulo ang natanaw niya bago iyon nawala.

Nagdikit ang mga kilay niya. Sinulyapan ang sasakyan ni Stan na nakaparada sa mismong harap ng porch. Nakadikit na ang bumper niyon sa column. Bumaba siya ng jeep at nagmamadaling pumasok sa loob. Nasa gitna siya ng sala nang matanaw ang pagsisikap na tumayo ni Abel mula sa pagkakahandusay, hawak ang duguang ulo.

“Benedict…” ungol nito, “si Julianne.“Pumuno ang takot sa dibdib ni Benedict at mabilis na tinakbo ang hagdanan. Tila siya palasong itinudla sa paglabas niya sa veranda upang mapako lamang sa kinatatayuan.

Sa kanang dulo ng veranda ay naroon si Stan at nakasandal sa barandilya. Sa harap nito ay si Julianne. Nakatutok dito ang baril.

“Hanggang diyan ka na lang, Benedict!” babala nito. “Papatayin ko ang babaeng ito!“Pinamanhiran siya ng katawan. Umugong ang tainga niya sa takot na nararamdaman para kay Julianne. “Papatayin kita, Stan, sa sandaling saktan mo si Julie…”

“At papaano mong gagawin iyon gayong hawak kong pareho ang buhay ninyong dalawa?” Malademonyo itong ngumisi.

“Huwag mong idamay si Julie. Ako ang kalaban mo.“Umismid ito. “Kung hindi dahil sa babaeng ito ay hindi ako matatalo sa eleksiyong ito, Benedict! Ginamit niya ang salapi niya upang ang mga boto ay mapunta sa kalaban ko.”

“Wala akong kinalaman sa pagkatalo mo…” ani Julianne sa nanginginig na tinig.Ibinaon nito ang dulo ng baril sa leeg ni Julianne. “Walang silbi ang pagkakaila mo, Julianne. Papatayin kita, tulad din ng gagawin ko kay Benedict. Pero bago iyon ay itutuloy ko ang binalak kong gawin sa iyo noon pa mang magkasintahan tayo.”

Naglagutukan ang mga daliri ni Benedict sa pagkakakuyom niya. His eyes met hers. Namumutla ito. Nasa mga mata ang takot. Ang kabilang pisngi nito ay nangingitim. Benedict cursed silently. Halos mabasag ang mga ngipin niya sa pagtatagis. Hindi niya patatawarin ang sarili kapag may nangyari kay Julianne. Ni hindi niya makuhang kumilos sa takot na baka mapahamak ito.

Puno ng galit at pagkasuklam ang mga matang binalingan niya si Stan. “You won’t get away with this, Stan. Sa sandaling ito’y tumatawag na ng tulong si Abel. Hindi mo siya napuruhan…” Sa sulok ng mga mata niya ay nahagip niya ng tingin ang paggalaw ng isang malaking sanga. But he trained his eyes on Stan’s face.

Gumuhit ang takot sa mga mata nito sa sinabi niya. Pagkuwa’y itinaas ang kamay at itinuon ang baril sa kanya. “Kung gayon ay mamamatay ka na muna, Benedict…”“Yuko, Julie!” sigaw ni Benedict.

Sa pagitan ng kalituhan at ang bahagyang paglayo ng ulo ni Julianne ay ang pagbagsak ng silo sa ulo ni Stan.

“W-what—” He choked the words. Ang lubid na sumilo sa leeg nito ay unti-unting humihigpit. Nabitiwan nito si Julianne upang pigilin ang lubid sa paghigpit.

Tumakbo si Julianne pasalubong kay Benedict. Muling itinuon ni Stan ang baril sa kanila subalit lalong humigpit ang silo sa leeg nito. Isang malakas na sipa ang tumama sa kamay nito at tuluyan nitong nabitiwan ang baril. Walang lakas na lumaylay ang kamay nito sa sakit. Ang kabila ay nakapigil sa lubid na sumasakal dito.

Sinundan iyon ni Benedict ng isang malakas na suntok sa sikmura na halos nagpapugto ng hininga ni Stan at namilipit. “Para iyan kay Julie!” Hindi pa ito nakakabawi ng hininga ay hinila na niya ang lubid mula kay Abel na nakatuntong sa malaking sanga ng isang puno. Ipinulupot niya iyon sa mga kamay at binti nito at mahigpit iyong itinali sa likod.

“Papatayin kita, Benedict… papatayin kita!” sigaw ni Stan na nagpipilit makawala.Benedict’s eyes sparked in fury. “Sa ginawa mo kay Julianne at Abel ay napakadali para sa aking patayin ka, Stan,” aniya, nagtatagis ang mga bagang. “At ni hindi ako mananagot sa batas. Pero hindi ko dudungisan ang mga kamay ko sa isang tulad mo! Besides, I won’t let you get away with it by simply allowing you to die… You’ll rot in jail!”

“Benedict!”

Napalingon siya. Sapo ni Julianne ang puson nito. Sa dalawang hakbang ay nasa harap na siya nito. “Ano ang nangyayari? Where else did he hit you?”

“M-masakit ang tiyan ko…” she sobbed. “May… nararamdaman akong basa sa panties ko…”“Darling—” He was confused.

“I’m… ten weeks pregnant, Benedict…”

“Oh, God!” Agad niya itong sinapo at kinarga palabas ng veranda. Nakasalubong niya si Abel na nag-aalalang tinitigan si Julianne. “Dadalhin ko sa provincial si Julianne, Abel!”

******************Congrats Julianne, gusto ko na tuloy makita magiging baby mo char hahahaha. Namiss ko mag-update ah hahahaha. Panira kasing internet yan eh laging nagloloko kaasar amp. Kumusta kayo mga bes? - Admin A *************************************

37

ISANG oras at kalahati ang biyahe patungo sa provincial hospital at natatakot si Benedict sa maaaring mangyari. He drove like mad. Umiingit ang gulong ng four-wheel drive sa bawat pagliko sa zigzag road na bukod sa makitid ay mabato pa. Isang munting pagkakamali at sa bangin sila hahantong. Subalit kabisado niya ang daan tulad ng mga guhit sa palad niya.

“Take a deep breath, darling, and release it in your mouth slowly…” utos niya. He was terrified, pero sinisikap niyang huwag iyong lumabas sa tinig niya. Bago sila umalis ng villa ay tinurukan na niya ito ng gamot-pampakalma… and first aid to stop her bleeding.

Sumunod si Julianne. She was strapped in her seat, hinahaplos ang tiyan. “Forgive me, Benedict. I didn’t tell you about the baby…” humihikbing sabi nito. “I love you and I didn’t want to worry you by my—”

“Sshh.” Inabot niya ang kamay nito at dinala sa bibig iyon at hinagkan. Mists formed in his eyes. “There’s nothing to forgive. And I love you, too, baby. So very much.”

“I know there’s blood in my panties…” wika nito sa pahisteryang tono.

“It’s all right, darling… we’ll be there soon. Please hang on.” Sinisikap niyang konsolahin ito pero siya mismo ay halos nabibingi ang tainga sa takot. Takot sa maaaring mangyari dito. Takot sa magiging epekto kay Julianne kung sakaling mawala ang dinadala nito.

Sa provincial hospital ay agad na ipinasok sa ER si Julianne. Ang resident doctor ay kilala siya. Pinahintulutan siyang sumama sa loob ng ER at siya na mismo ang nagbigay ng utos sa mga naroong doktor at nurses kung ano ang dapat gawin. Hindi sumisigaw si Julianne subalit sige ito sa pagsasalita. Alam ng lahat na naghihisterya ito.

“We have to sedate her, Dr. Aragon…“Tumango si Benedict. Nagsisikip ang lalamunan niya sa sama-samang emosyon. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Julianne.

“I love you, Julie… I love you. Please be strong for me, baby,” he whispered through the mists in his eyes.

“PAPA…” usal ni Julianne nang sa pagmulat ng mga mata ay mukha ng ama ang nabungaran.“Kumusta na ang pakiramdam mo, Julie…?” tanong ni Bernard.

Unti-unti ang panunumbalik ng pangyayari sa kanya. Gumapang ang takot sa katawan. “Nasaan si Benedict? Ang… ang baby ko…” Dinama niya ang tiyan. “Ano ang nangyari sa baby ko, Papa?”

“Sshh… it’s okay, hija. The baby’s fine,” Bernard said soothingly. “Oh, it’s not even a baby yet!” he said in a light tone. “Ayon kay Benedict, sabi ng mga doktor sa provincial ay spotting lang ang nangyari sa iyo at hindi naman nagtuloy iyon nang maturukan ka ng gamot. What you have been through must have caused it.”

Julianne sagged on her pillow as relief flooded her.

“Sinabi sa akin ni Benedict ang buong pangyayari,” ani Bernard, sinisikap na huwag lumabas ang galit sa tinig. Ang mga mata’y nakatuon sa pasa ni Julianne sa mukha. “You could have told me about this bastard!”

“I never thought Stan was that dangerous, Papa,” she said defensively. Then she looked around her. Mas mukhang hotel suite ang silid kaysa sa isang silid sa provincial hospital. “Nasaan ako?”

“Inilipat ka ng helicopter dito sa Makati Med kagabi. Tinawagan ako ni Benedict kahapon matapos kang maipasok sa ospital. Siya mismo ang nagpilit na madala ka rito sa kabila ng paniniyak ng dalawang ob-gyn sa provincial hospital na walang dapat ipag-alala sa iyo. Doktor si Benedict, dios! Pero natataranta siya pagdating sa iyo, hija.” Bernard shook his head in amusement.

“Where’s Benedict?” A panic rose in her throat. Nagpaiwan ba ito? Ipinaubaya ba siya nito sa ama?

“Calma te, Julianne,” ani Bernard. “Nasa coffee shop ang asawa mo kausap si Jessica.”

“Oh.” She almost smiled. Natitiyak niya, Jessica and Benedict would get along like a house on fire. Pagkuwan ay biglang bumalik sa isip ang salitang ginamit ng ama. Asawa. Sukat doon ay tuluyang nagkalambong ang mukha niya. Namuo ang luha sa mga mata.

Bernard frowned. “Quepasa?”

“Lo siento, Papa,” usal niya sa gumagaralgal na tinig. “Hindi ko kayo gustong bigyan ng kahihiyan. Alam kong ginawan ninyo ng paraan upang mapadali ang annulment ni Benedict sa ex-wife niya. But he couldn’t marry me…” She bit her lip to stop herself from crying.

“Couldn’t?” ani Bernard na kumunot ang noo. “Hindi iyan ang sinabi sa akin ni Benedict nang makipagkita siya sa akin sa opisina kamakalawa.”

Napatitig sa ama si Julianne. “N-nakipagkita sa inyo si Benedict?”

“Bago siya bumalik sa Calapan, si.” Tumango ito. “In fact, I was very surprised when my secretary informed me that my future son-in-law was outside to see me. At first, I thought it was William who wanted to see me. Pero kilala ng sekretarya si William…”

A worried frown crossed her forehead. “Papa, you didn’t… I mean, you—”“I could have given him a lashing, Julie. Pero nang maisip kong hindi birong lakas ng loob ang ginawa niya upang kausapin ako ay nagbago ako ng isip. I heard him out.” May paghangang dumaan sa mga mata nito. “Maliban sa paraan ninyo ng pagtatagpo at ang madaliang relasyon, I think I like the man. Hiningi niya sa akin nang pormal ang kamay mo. Inihingi niya ng paumanhin ang pagsasama ninyo nang hindi pa nakakasal. At nangako siyang luluwas muli kasama ka at pag-uusapan ang tungkol sa kasal ninyo.”

“But… but…” She was confused. “May… may binanggit ba si Benedict sa inyo tungkol sa—-”“Villa Manuela?” dugtong ni Bernard. “Sinabi niya sa akin ang lahat ng problemang kinakaharap niya, Julianne. Ang sabi niya’y higit kang mahalaga kaysa alinmang bagay sa lupang ito.” Bernard almost rolled his eyes in amusement. “Wait till your mother hears about this. Anyway, he refused financial help from me. Ilalaban niya sa korte ang testamento ng stepmother niya.”

“Oh, Papa!” Nag-uumapaw sa kaligayahan ang puso niya.

Sa puntong iyon ay bumukas ang pinto at sumungaw si Jessica kasunod si Benedict.

“Oh, you’re awake!” Nilapitan siya nito at hinagkan sa pisngi. “You just know how to pick me a brother-in-law… a flatterer, for that matter.” Nilingon nito si Benedict at nginitian.

Julianne’s eyes met Benedict’s. He winked at her. “I’m glad you like him, Jess.”

Bago pa may maisagot si Jessica ay mataktika nang nagyaya si Bernard. “Vamos, Jessica. Samahan mo ako sa coffee shop.”

Banayad na tinapik ni Jessica ang tiyan niya. “Ako ang pipili ng pangalan.” She giggled, pagkatapos ay sumunod sa ama sa paglabas.

Naupo si Benedict sa gilid ng kama niya nang lumapat ang pinto pasara. Inalalayan siyang bumangon at isinandal sa headboard. “Kumusta na ang pakiramdam mo?”

“I’m fine, Benedict.” Hinaplos niya ang nangingitim nitong mukha dahil sa tumutubong balahibo. “Hindi mo nabanggit sa akin na balak mong kausapin si Papa.”

“It nagged my mind these past few weeks, Julie,” sagot nito. “Ipinag-aantala ko dahil sa problema ko sa mga lupain. Pero nang ipahiwatig sa akin ni John na baka nagdadalang-tao ka ay naisip kong iyon na ang pagkakataong kausapin ko ang mga magulang mo. Si Lolo Benedicto ay bastardo…” His hand moved to her stomach. “Hindi ko gustong maging ganoon ang aking anak.”

“It seems that my family and yours have something in common, Benedict.” Ngumiti siya. “One of these days, sasabihin ko sa iyo ang skeleton ng pamilya. And I am looking forward to meeting this friend of yours.”

“He’d like to meet you, too. John’s like a father to me, Julie. Makakasundo mo siya at ang pamilya niya.” Yumuko ito at banayad siyang hinagkan sa mga labi. “Thank God, you and the baby are safe, darling. You gave me the scare of my life. Hindi ko gustong maranasang muli ang takot na iyon, Julie.”

She smiled. Kumislap ang mga mata. “May… magandang balita ako sa iyo.“Umangat ang mga kilay nito. “The baby’s good news. Mayroon pa bang iba?”

“Natagpuan ko ang titulo ng lupain ng mga Santa de Leones, Benedict, kasama ang testamento ng Lolo Benedicto mo.”

Natilihan ito. “You… you’re joking.”

Umiling siya. “Sa lumang album. Sa likod ng larawan mo sa inside cover.” Sinabi niya rito kung paano unang pumasok sa isip niyang may parang nakatago sa likod ng larawan at kung paanong hindi niya agad napagtuunan iyon ng pansin dahil sa pagdating ni Stan at ng abogado nito.

 “Nalimutan ko iyon, lalo at nailigpit ni Abel. Pero nitong umalis ka patungong Maynila ay muli kong naalala.”

Napaungol si Benedict. “No wonder my grandmother had told me always to take care of that particular album. Had I not been so dumb, I could have saved myself a lot of trouble. At hindi ka madadamay…” Remorse in his eyes, niyuko nito ang tiyan niya at muling dinama iyon.

Ipinatong ni Julianne ang kamay sa ibabaw ng kamay nito. “You were just a boy, Benedict,” banayad niyang sabi. “Isa pa’y kung hindi dahil doon ay hindi tayo magtatagpo. Hindi ka uuwi sa Capistrano.”

“Muntik ka nang mapahamak… kayo,” he amended in a gruff voice. Isang pagkalalim-lalim na hininga ang pinakawalan nito. “Hindi na makapanggugulo si Stan, Julie. Hindi lang ang ginawa niya sa inyo ni Abel ang pagdudusahan niya sa bilangguan. Nagkamalay na si Jimenez—ang kalaban niya sa pagkamayor. Sinabi nito na mga bodyguard ni Stan ang bumaril dito. The bodyguards were collared, si Stan ang itinurong mastermind. Mabubulok siya sa bilangguan.”

“Oh, but he still owns the Aragon property.”

Muli itong nagbuntong-hininga. “I could probably buy half of it. Hindi siya tatanggi. Sa nangyayari ay kailangan niya ng pera.”

“And don’t be foolish to refuse my help to buy the rest of the property!” mariing giit niya. “Pag-aari ng magiging anak ko ang lupaing iyon. My child’s birthright. Wala kang karapatang tanggihan iyon.”

“Put it that way, what else could I say?” he said in a resigned tone, pagkuwan ay may dinukot sa bulsa. “I have something for you.” Mula sa bulsa ng denim jeans nito ay inilabas ang isang maliit na bote ng pabango.

“A perfume…” usal niya, binuksan iyon at ipinahid sa palapulsuhan. “Oh, Benedict, I like the scent. It’s sweet and subtle… and exotic.” Sininghot niya ang amoy sa palapulsuhan.

“I sold the right to Avon, Julie. I can use the money they offered me to buy back half of the Aragon property. At pumayag sila sa kondisyon ko na ang pabango ay pangalan mo, ‘Julianne.’“Tinitigan niya ang maliit na botelya, kasalukuyang walang tatak at pangalan. But soon, this perfume would be in the market with her name on the bottle. Benedict couldn’t have given her a better gift.

Nakatitig pa siya sa pabango nang abutin ni Benedict ang kamay niya at isuot doon ang isang singsing. “My grandmother took it from her finger before she died. Ayon sa kanya’y galing iyan sa Lolo Benedicto at ibigay ko raw sa babaeng magtataglay ng aking pangalan. Hindi ko naisip minsan man na ibigay kay Raquel ang singsing na iyan. When I met you, I know why.”

Julianne was speechless. Hindi makapaniwalang tinitigan ang singsing sa daliri niya. It was a star ruby in emerald cut cast in eighteen-carat yellow gold. May mga brilyantitos na nakapaligid sa pulang bato. Kumislap sa liwanag ang tila manipis na sinulid na naghuhugis-bituin.

Pagkuwan ay ibinalik niya rito ang mga mata. “But… but you never meant to marry me.”“Hindi ko inisip iyon,” wika nito, kumunot ang noo. “Ang alam ko’y hindi ko maipagkaloob sa iyo ang aking pangalan dahil kasalukuyang nakatali iyon. Huwag nang idagdag ang suliranin ko sa lupain. That was why I asked you to take a chance on me. Though never in my wildest dreams that I gave an indecent proposal to an heiress.

“Kinabukasang magising ako sa town house at wala ka, inakala kong pinaglalaruan mo ako, lalo at hindi mo naman intensiyong ipaalam sa akin ang pagkatao mo. I was so mad at you. But in my heart I was so scared I’d really never see you again.” He paused, his gaze piercing her soul. “Nang dumating ka sa villa, hindi mo lang alam na kinatatakutan ko ang bawat araw. Na baka paggising ko isang umaga’y wala ka na sa tabi ko…”

Dinala niya ang kamay nito sa pisngi niya. “Ay, querido.”

Benedict cupped her chin and raised it to him. “Marry me, Julie, and be the mother of my children.”

Julianne’s heart swelled. Nagsimulang magtubig ang mga mata niya. “Si… si. Te quierro a ti. Benedict. Para siempre.”

“I take that to mean you love me,” wika nito, a spark of love and amusement in his eyes. “What about the last two words?” Yumuko ito at inangkin ang mga labi niya.

“Para siempre… now and always,” she murmured against his lips.“I love you, Julie, para siempre…”

Julianne grinned.

WAKAS

Watch out for the gorgeous Santa de Leones men in Ang mga leon ng Santa de Leones in Kristine.

*************************Isang story na naman ang  natapos at dahil dyan ready na ba ang lahat sa giveaway? Nakapag-comment na ba ang lahat dun sa video na binigay ko para mamimili na ako ng magiging winners. Random MC book yung magiging prize. Iaannounce ko ang mga winners sa next story, make sure lang na nakapagcomment na kayong lahat dun sa video na binigay ko. Good morning sa inyong lahat mga bes, sana goods ang morning n’yo char hahahaha - Admin A *****************************


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.