loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)

My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)

Marthacecilia Phr · 27 chapters · 23,859 words

1

Ipinarada ni Angeli ang kotse niya sa pinakadulo at nag-iisang bakanteng parking space sa tapat ng three-star restaurant na iyon sa Roxas Boulevard. Alas-siete y media ang dinner date niya kay Dirk at late na siya ng fifteen minutes.

At kung may pagpipilian siya’y hindi sa sulok na iyon niya ipaparada ang kotse. Nagkalat ang mga walang-magawa sa paligid. Nasisiyahang basta na lang guhitan ang sasakyan. At ang lugar na iyon ay medyo malayo-layo sa puwesto ng security guard.

Bumaba siya ng kotse at nagmamadaling lumakad patungo sa restaurant. Hindi pa siya nakahahakbang nang malayo nang makuha ang atensiyon niya ng dalawang lalaking nasa pagitan ng dalawang kotse.

“B-boss, wala ho akong kinalaman doon!”

Nakita ni Angeli kung paanong umangat sa lupa ang lalaki dahil nakapitsera dito ang mas malaki at mas mataas na lalaki at ibinalya sa kotse. Pinigil niya ang sariling lumapit at awatin ang malaking lalaki sa karahasan nito.

“Ako mismo ang papatay sa iyo… tandaan mo iyan! At kapag nakita mo ako’y umiwas ka na dahil kung hindi’y—” Hindi nito nakuhang tapusin ang sinasabi. Naramdaman ang presensiya ni Angeli at lumingon sa gawi niya.

She froze. Sa kabila ng malayo nang kaunti ang poste ng ilaw ay nakita niya ang matinding galit sa mga mata ng lalaki. Kung para sa kanya dahil naroon siya’y hindi niya alam. Subalit hindi agad niya makuhang ihakbang ang mga paa palayo. The dark fury in his eyes froze her.May ilang sandaling nagtagpo ang mga mata nila bago sa nanginginig na mga tuhod ay mabilis siyang lumayo mula roon.

The man was undoubtedly very attractive. Sa kabila ng galit, his voice was cultured, deep and masculine.

A wolf in designer’s clothing! she thought. Binilisan ang lakad patungo sa restaurant.Pinagbuksan siya ng pinto ng security guard at sinalubong ng maitre d’. Sinabi niya ang pangalan ni Dirk. Alam niyang nagpa-reserve ito ng mesa roon.

“This way, Ma’am,” wika nito at inakay siya patungo sa isang sulok na mesa. Malayo pa siya’y natanaw na siya ni Dirk. Agad itong tumayo pagkakita sa kanya, nakangiting hinila ang upuan niya.

“Thank you…” wika niya sa head waiter at agad tinawag ang isa pang waiter para kumuha ng order nila.

Humingi sila ng aperitif.

“You’re late,” wika ni Dirk nang tumalikod ang waiter. Subalit walang akusasyon sa tinig. Isa sa mga katangiang gusto niya rito. Magtataka siya kung may makakagalit itong tao. Dirk was mild and gentle.

“Kanina ka pa?”

“Not very long. I came from the bank.” Hinagod siya nito ng tingin at ngumiti. “You look haggard. And I thought this is a romantic evening.”

“You know I am not supposed to be here, Dirk. May trabaho ako sa Pampanga kaninang tanghali and I have to rush back to Manila for this meeting.” Sinikap ni Angeli na pagaanin ang hindi maiwasang iritasyon sa tono niya sa pamamagitan ng paglinga sa paligid.

This was Dirk’s favorite restaurant. Quiet and romantic. Sa loob ng sampung buwan mula nang magkakilala sila ay hindi na niya mabilang kung ilang beses silang nagpupunta roon. Minsan ay gusto na niyang magsuhestiyon ng ibang lugar.

“You work too hard, Angel,” nakangiting wika nito. At kung may nararamdaman man siyang iritasyon ay tuluyang naglaho sa ngiting iyon.

Dirk was both handsome and charming. He was in his late thirties, had been married when he was twenty five. After one-and-a-half years ay naghiwalay. Pagkatapos ng mga legalities, he and his wife parted ways amicably.

And she and Dirk had one thing in common— photography. While she was a photographer by profession, iyon ay hilig lang ni Dirk. Nagkakilala sila nito sa isang photography seminar more than ten months ago.

Agad silang nagkahulihan ng loob. At sa nakalipas na mga buwan ay hindi na mabilang ang mga theatre plays at concerts na pinanood nilang magkasama.

It probably had been a silent agreement for both of them. It had always surprised her that Dirk was satis­fied with their relationship. He embraced and kissed her often, kung meron din lang pagkakataon. But he never pressed her for further intimacies.

Then a week ago, sa isa sa mga dates nila, Dirk had hinted that he wanted something out of their platonic relationship. His usual pleasant embraces and kisses ay tila nagkaroon ng init na higit sa karaniwan. At nang hawakan siya nito sa dibdib ay napaigtad siya. Mabilis siyang kumawala. At nang makita niya ang hinanakit sa mga mata nito’y nakadama siya ng guilt.

“I-I am sorry, Dirk. I’m… tired. Yes. Maraming customers sa gallery kanina,” pag-iwas niya, she couldn’t even meet his eyes.

“Don’t let us beat around the bush, Angeli,” banayad nitong sabi. “Alam mong sa malaon at madali’y mangyayari ito…”

Huminga siya nang malalim. Ipinagkrus ang mga braso sa dibdib. Suddenly feeling cold. Pagkatapos ay wala sa loob na tumango.

“Siguro nga. P-pero hindi pa ako handa sa ganitong uri ng relasyon, Dirk.”

“You’re twenty-five at thirty-three ako. We’re both matured enough to consider marriage life, Angeli. At sa nakalipas na mga buwan ay sinikap kong magkakilala tayo nang husto dahil ayoko ng panibagong broken marriage.”

Her eyes flew to him. “M-marriage life?”

Dirk smiled at her stunned face. Humakbang ito palapit sa kanya. Ni hindi niya pinag-ukulan ng pansin nang dumukot ito sa bulsa at may inilabas. A small velvet box. Huminto ito sa paghakbang sa mismong harap niya. Binuksan ang kahon at inilabas ang naroroong engagement ring at inabot ang kamay niya at isinuot sa daliri niya ang Tiffany.

“I want to marry you.”

Hindi niya makuhang makapagsalita. Nanatili lang nakatitig dito. He had proposed. And suddenly, she had turned chicken.

Tinitigan niya ang singsing, kumislap ang bato niyon mula sa liwanag ng fluorescent light sa sala.

“Will you marry me, Angeli?”

Muling umangat ang mga mata niya rito. “M-maaari ba nating pag-usapan ito sa ibang pagkakataon, Dirk?” Halos hindi maglandas sa lalamunan niya ang tinig. “B-binigla mo ako.”

Muling ngumiti si Dirk. “I can see that. Okay, I’ll give you two days, Angel.”

Subalit ang dalawang araw ay naging isang linggo. At nang tawagan siya ni Dirk kagabi para sa pagkikita ngayon ay naghahanap siya ng mabigat na dahilan upang huwag makipagtagpo rito. But that would be a coward’s way and so she decided to meet him today.

“You’re not wearing my ring, Angel,” putol nito sa pag-iisip niya.

“Dirk…” She cleared her throat. “Hindi ko alam kung paano sasabihin ito na hindi ka masasaktan, but I realized I love you as a friend… hindi bilang kasintahan. Mas panatag at komportable ako sa ganoong relasyon, Dirk.”

“Angel—”

“Sana’y maintindihan mo ako at manatili na lang tayong magkaibigan. I’ll give you back the engage­ment ring…” Binuksan niya ang bag at mula roon ay kinuha ang singsing at inilagay sa harap ni Dirk. Hindi niya gustong tingnan ito, hindi niya gustong makita ang sakit sa mga mata nito. After all, he was such a dear.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito.

“Dirk, may mas higit na karapat-dapat kang pagbigyan ng singsing na iyan…”

“Yeah, I guess you’re right,” wika nito sa resigned na tinig. Nahagip niya ng tingin ang lungkot sa mga mata nito. Subalit agad iyong nawala at nahalinhan ng ngiti, kinawayan ang waiter. “Let’s eat. I’m starving.” She smiled. Just like Dirk. At ikinagagalak niyang naging madali para dito ang tanggapin ang rejection niya. She’d hate losing him as a friend.

2

“I’M SORRY, Angeli,” wika ni Dirk nang nasa labas na sila ng restaurant. “I spoiled the relationship by proposing to you. I should have guessed right from the start na hindi na lalampas pa sa ibinibigay mo ang magiging relasyon natin.”

“Nonsense!” wika niya. “Magkaibigan pa rin tayo. And I’ll hate you forever kapag hindi mo na ako tinawagan.”

Kinabig siya nito at hinagkan sa ibabaw ng ulo. “Goodnight. I’ll call you tomorrow… or perhaps the next day. Darating bukas si Mr. Vergara at ang pinsan niyang si Carlos. Maghapon na naman ang meeting.” Suddenly, he was wary. “I’ll see you to your car.”

“It’s all right, sa malayo ako naka-park.” Nasa tapat lang ng restaurant halos ang sasakyan nito. 

“Go ahead.”

Nang lumakad si Dirk patungo sa kotse nito’y ilang sandali niya itong sinundan ng tingin bago humakbang patungo sa kotse niya. Kinawayan pa siya nito nang lumabas ng parking space.Subalit hindi pa siya nakakalayo ay tinawag na siya ng security guard. Nang lingunin niya’y naroon ang waiter nila at lumapit sa kanya.

“Ma’am, naiwan po ninyo ito.”

“What—oh!” Ang singsing na ibinalik niya kanina kay Dirk. Hindi nga pala nito kinuha iyon at nanatili lang sa mesa. Marahil ay tuluyan nang nakalimutan habang kumakain sila. She took it from the waiter. “Thank you very much.”

“At saka ito pa ho.” Inabot ng waiter ang isang susi sa kanya.

Angeli groaned. Alam niya kung para saan ang susing iyon. It was Dirk’s key in his safety deposit box. Napuna niya iyon kaninang nilaro-laro ni Dirk sa kamay nang dumating siya.

Muli’y nagpasalamat siya sa waiter. Napapailing habang lumalakad patungo sa kotse niya.

It wasn’t like Dirk to forget as important as his safety deposit box key.

3

“If you’re there, answer this phone, Angeli.”

Kalalabas lang niya ng banyo at nakatapis pa siya ng tuwalya nang marinig iyon. Si Dirk ang nasa kabilang linya. It had been a week since their last meeting. At ngayon lang ito tumawag. Iniisip na niyang nasaktan niya ito.

Kahit paano’y hindi niya maiwasang malungkot. He had been a part of her life for the last ten months. And she missed him, his companionship. Ang partner niya sa gallery at best friend, si Ansel, ay seryoso. Isa iyon sa dahilan kung bakit paminsan-minsan ay hinahanap niya ang samahan nila ni Dirk. He made her laugh.

At kahapon sa gallery, she had actually intended calling his office but it slipped her mind dahil sa pagdating ng mga customers. Now she was glad he called.

Angeli pressed the talk button on her answering machine and spoke through the speaker phone habang kumukuha ng underthings sa drawer.

“Hello, Dirk. Glad you called…” Binuksan niya ang closet at kumuha roon ng slacks at blusa.

“Angeli, gusto kitang makausap, honey. That is exactly why I called you up,” wika nito sa tinig na nagpahinto sa pagsusuot niya ng bra at tinitigan ang speaker phone na tila ba si Dirk mismo iyon.

Seryoso ang tinig nito at tila nagmamadali. So unlike Dirk na lagi na’y masigla at banayad ang tinig, as if he had all the time in the world. He was soft spoken.

“Dirk?”

“Listen, Angel. Nasa kotse ako at patungo na sa opisina. I want to see you. Sa office.”

“Today?” kunot-noong sabi niya.

“No. Not today. May kausap akong tao. This afternoon. Please, Angel,” pakiusap nito at may nahihimigan siyang hindi niya maipaliwanag sa tinig nito.

“Of course, I’ll be there. Sisikapin kong makaalis nang maaga sa gallery mamayang hapon.” Nasa Greenhills ang gallery nila ni Ansel at ang opisina ni Dirk ay nasa Alabang. “But couldn’t we just meet somewhere? Sa Makati kaya?”

“May kailangan akong tapusin sa opisina, Angeli. I-I’m resigning,” wika nito na sa pandinig ni Angeli ay sa ninenerbiyos na tinig. “Besides, importante ang ibibigay ko sa iyo. I would have dropped in your place kung nakita ko. Kahapon ko pa iyon hinahanap. Baka nasa opisina. Ikaw lang ang maaari kong pagbigyan nito. Hihintayin kita.”

“Dirk, the ring and—”

“It’s not important. Do come, Angeli.” At pagkasabi niyo’y ibinaba na nito ang telepono.

4

HINDI siya nakaalis nang maaga sa gallery dahil may dalawa pang customers na late nang dumating. Kaya alas-seis y media na nang iparada ni Angeli ang pulang Mazda niya sa parking lot ng building. Lumabas siya ng kotse at ipinasyang huwag nang dalhin ang shoulder bag. 

Ipinasok sa bulsa ng pants niya ang susi ng kotse.

Iilang sasakyan na lang ang nakita niyang nakaparada sa parking lot ng four-storey office building na iyon. At ang isa roon ay ang Sentra ni Dirk. Siguro’y ang mga nag-o-overtime pa sa ilang opisinang nangungupahan sa building na iyon.

Si Dirk ay general manager ng Vergara Trading, isang malaking tindahan ng imported at primera klaseng tiles and bathroom accessories. Okupado ng display store nito ay buong ibaba ng building. At ang pinakaopisina naman ay nasa ikatlong palapag.

Minsan na niyang nakilala ang boss nito nang sunduin niya si Dirk sa opisina isang hapon. Si Mr. George Vergara. Ayon kay Dirk, dalawang beses lang sa loob ng isang buwan kung dumating ito sa opisina. Mas naglalagi ito sa branch store sa San Nicolas, isang bayan sa Norte at five hours drive mula sa Maynila.

Bukod pa sa nagmamay-ari ito ng isang beach resort doon.

Ang tindahan sa ibaba ay sarado na. Nagtuloy si Angeli sa main entrance. Nakita niya ang nag-iisang security guard na nakayuko at may isinusulat. Ni hindi ito nag-angat ng tingin nang dumaan siya.

Nag-aatubili siya kung gagamit ng hagdan o elevator. Pero dahil naka-park naman ang nag-iisang elevator sa building na iyon ay minabuti na niyang iyon ang gamitin.

Sa third floor ay napangiti nang makitang naroon pa si Gail, ang kahera sa tindahan sa ibaba. Tila nagkukuwenta ng sales ng araw na iyon.

“Short ka na naman ba, Gail?” pabirong bati niya.

Naging classmate niya si Gail noong high school sa JRC sa Mandaluyong. Bagaman hindi sila magkapitbahay ay nagkahulihan sila nito ng loob dahil pareho silang iisa na lang ang magulang. Biyuda na ang mommy niya at si Gail nama’y wala nang ina.

Subalit hanggang doon nagtatapos ang mga bagay na magkatulad sila. Dahil may naiwang kabuhayan ang daddy niya sa kanila bukod pa sa ang mommy niya’y may jewelry store sa Glorietta.

At bukod sa pagiging laging napipiling muse si Angeli ay valedictorian pa ito nang magtapos nang high school. Hindi dahil sa kakulangan ng talino sa bahagi ni Gail kundi hindi ito makapag-concentrate sa pag-aaral dahil nag-aalaga pa ng dalawang maliliit na kapatid sa asawang kauli ng ama nito.

And while Angeli went to UP to take up Fine Arts, si Gail ay kumuha ng dalawang taong secretarial course, na ang dalawang taon ay inabot ng apat dahil nang mamatay ang ama nito’y napilitang huminto muna si Gail at pumasok bilang waitress sa isang restaurant na malapit sa JRC.

Ganoon ma’y hindi naputol ang ugnayan nilang dalawa dahil siya mismo ang tumatawag at dumadalaw dito kung mayroon din lang pagkakataon. Niyayaya niya itong mamasyal o di kaya’y isinasamang mag-shop­ping. At kalimitan ay pinagpipilitan niyang bilhan ito ng mga gamit na kailangan nito bilang dalagita.

Si Angeli rin ang nagrekomenda rito kay Dirk bilang kahera nang malaman niyang nag-resign na ang kahera sa tindahan. Agad namang nag-resign si Gail sa pinapasukang restaurant para pumasok sa Vergara Trading. Umupa na rin ito ng sariling kuwarto sa Alabang at tuluyan nang humiwalay sa madrasta.

“Angeli!” wika ni Gail na bahagyang nagulat nang makita siya. Natitiyak niyang hindi nito inaasahang darating siya.

Nginitian niya ang kaibigan. “Si Dirk, nasa office pa ba niya?”

Kumunot ang noo ni Gail. Nilingon ang pinto ng opisina ni Dirk, at pareho nilang alam na kung naroon din lang ito’y laging nakabukas ang pinto ng opisina nito. Iilan lang sila roon para magkulong pa ito.

“Kanina kasing magsasara ako’y nakita ko sa ibaba. Magkakape yata, may kasamang kliyente. Hindi ko napunang pumanhik. Kausap ko kasi iyong accountant kani-kanina lang.”

“Hihintayin ko na lang, kung ganoon.” Inikot niya ang tingin sa buong opisina. Sa pagkakatanda niya’y iyon ang ikaapat na beses niyang pagtungo roon.

Hindi naman kalakihan ang opisinang iyon at may partisyon lang sa pagitan ng accounting at sales na parehong tigtatatlo ang tao. Lahat sa itaas na iyon ay walo ang personnel kasama na si Dirk at isang mes­senger boy.

Sa ibaba’y anim na puro lalaki ang empleyado dahil hindi naman kaya ng babae ang bumuhat ng kahon-kahong tiles at iba pang gamit sa banyo. Si Gail lang ang babae bilang kahera.

Inimis ni Gail ang mga nakakalat na papel sa mesa at pagkatapos ay kinuha ang shoulder bag at isinukbit sa balikat. “Paano, mauuna na ako sa inyo. May lakad yata kayo, eh.” May himig ng panunukso ang tinig nito at humakbang palabas. “Kailan ba ako makakahigop ng mainit na sabaw?” nakangiting pahabol nito nang nasa pinto na.

“Loka,” nakatawang sagot naman niya at sinundan ng tingin ang paglabas nito sa pinto.

Nang tuluyang mawala sa paningin ang nagmamadaling kaibigan ay naupo si Angeli sa mahabang upuan na para sa bisita. Pagkuwa’y dinampot niya ang isang magazine sa tagilirang mesa upang libangin ang sarili sa ipaghihintay pa niyang sandali.

Ngunit hindi pa siya nakakapangalahati sa topic na binabasa nang ibaba niya sa side table ang magazine. Sinulyapan ang wristwatch, at patamad na nagbuntong-hininga. Tumayo siya at tinungo ang ladies’ room. May ilang sandali rin siya roon. Sandali muna niyang pinagmasdan ang sarili sa harap ng salamin at sinuklay ng kamay ang alon-along buhok.

Pagkatapos ay lumabas ng ladies’ room. Hindi pa siya nakakapasok nang husto sa pinto nang marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto sa opisina ni Dirk.

Nakabalik na marahil ito. Binilisan niya ang mga hakbang patungo sa opisina nito.

Marahan siyang kumatok nang nasa harap na siya ng pinto. And waited for a while, baka kasama nito ang kliyente sa loob. Subalit nang wala siyang marinig ay inulit niya ang katok.

“Dirk,” marahang tawag niya kasabay ng pagpihit ng doorknob at itinulak iyon pabukas.

Kumunot ang noo niya nang madilim na silid ang bumungad sa kanya. Ang tanging liwanag ay ang ilaw sa poste sa labas ng building.

Kumunot ang noo niya. Wala si Dirk sa opisina nito. Sino ang nagbukas at nagsara ng pinto?

Ganoon ma’y humakbang siya papasok. Sinalubong siya ng malamig na hangin nang tuluyang makapasok sa loob. She crossed her arms and shivered.

Then she saw that the windows were opened. Doon nanggaling ang malamig na hangin. Iyon marahil ang dahilan kung bakit narinig niyang sumara iyon. Hindi marahil nailapat nang husto ang pinto at nang humangin ay itinulak iyon pasara. Effect ng vacuum.

Pero nasaan si Dirk? Bakit iniwan nitong sarado ang ilaw sa opisina gayong alam na darating siya?

Agad na naagaw ang pansin ni Angeli ng pag-angat ng ilang papel mula sa mesa ni Dirk. Inililipad ng malakas na hangin. Ang iba ay nasa sahig na.

Humakbang siya patungo sa bintana upang isara iyon nang mapatid siya ng kung anong bagay sa sahig. Napatili si Angeli at napakapit sa mesa upang hindi matumba.Niyuko niya ang nakaharang sa daraanan. Kasabay ng pagsinghap ay ang panlalaki ng mga mata. Tao ang napatid niya. Nakataob.

Yumuko siya upang aninagin iyon. Muli siyang napasinghap nang makilala kung sino ang nakahandusay sa sahig. Si Dirk. Nakatagilid ang mukha nito. Unti-unti’y nararamdaman niya ang panlalambot ng mga tuhod. Ang pananayo ng mga balahibo sa batok niya. Dahil may liwanag na nanggagaling sa labas ay nakikita niya ang pulang likido na umaagos sa puting vinyl tiles.

Hindi lang kakaunting dugo. It was a pool of blood. At nakita niya ang bakas ng sapatos niya sa dugo. At sa dulo ng kamay ni Dirk ay hawak pa nito ang isang baril.

“D-Dirk…” Agad ang pagkalat ng kilabot sa buong kalamnan niya, na minsan man sa buong buhay niya’y hindi pa niya naramdaman. Kahit noong mamatay ang daddy niya.

Sa ilang saglit ay nanatili siyang parang tuod sa pagkakatayo.

Narinig niyang isinisigaw ng kaniyang isipan na tumakbo at lumabas ng silid na iyon.

No! It’s not Dirk! It’s not Dirk! Hindi niya alam kung ilang ulit isinisigaw iyon ng isip niya.Nang bigla’y makarinig siya ng pagkilos mula sa likuran niya. Agad siyang napabalikwas. Hindi siya nag-iisa sa loob ng opisina!

She knew she screamed subalit walang tinig na lumabas sa bibig niya nang makita ang isang anino mula sa likuran ng decorative plant malapit sa may pinto ng pribadong banyo ni Dirk.

At bago pa siya makakilos ay sinunggaban siya ng lalaki. Ikinulong siya sa mga braso nito na halos magpapugto sa paghinga niya.

Angeli fought hard. Subalit mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa kanya. Sa kabila ng panlalaban ay nararamdaman niya ang pagtaas ng magaspang nitong kamay paakyat sa kanyang leeg.

Alam niya ang mangyayari sa kanya kapag hindi natakasan ito. She’d end up like Dirk. Natitiyak niyang patay na ito. At iyon din ang kasasapitan niya! Hindi siya dapat mag-panic. She had to think. Bagaman hindi iyon madali dahil may pakiramdam siyang madudurog anumang sandali ang mga buto niya.

Napasadsad siya sa mesa ni Dirk sa panlalaban at pagpipiglas. Her instinct to survive overrode her panic. Her hands groped for something. May nahagip ang kamay niya sa ibabaw ng mesa ni Dirk—isang crystal paperweight with pointed triangular corners.

Without another thought, mahigpit niyang hinawakan iyon, itinaas ang kamay at ubod-lakas na inihampas sa ulo ng lalaki. Napaungol ito nang malakas, binitiwan siya at sinapo ang bahagi ng ulong tinamaan. Hindi siya bayolente subalit buhay niya ang nakataya at umaasa siyang bumaon sa ulo nito ang matulis na kanto ng paperweight.

Sinamantala ni Angeli ang sandaling iyon at isang malakas na tulak ang ginawa niya rito at tumakbo siya patungo sa pinto palabas ng opisina.

Hindi siya magbabaka-sakali sa elevator. Bawat sandali’y mahalaga para siya ay makalayo. She ran for the stairs screaming at the same time. Kung may iba pang nag-o-overtime sa sandaling iyon ay duda rin siya kung maririnig siya.

Binilisan ni Angeli ang pagtakbo. Sa tahimik na lugar na iyon ay naririnig niya ang malakas na echo ng kaniyang mga yabag kasabay din ng bilis ng pagtambol ng kanyang puso.

Alam niyang hindi lang sa hakbang niya nagmumula ang mga alingawngaw ng mga yabag. At tulad niya, nagmamadali rin ito.

Naisip niya ang security guard na nasa ibaba. Tutulungan siya nito. Isang pag-ikot na lang at ang main entrance na ng building.

Subalit sa panlulumo niya’y wala ang security guard sa post nito.Angeli ran madly for the glass doors at halos bumalandra iyon sa lakas ng pagtulak niya. Kasabay ng mabilis na pagtakbo patungo sa pinagparadahan niya ng kotse’y ang pagdukot ng susi sa bulsa ng pants niya.

Nasa mataong highway na siya subalit duda siya kung may isa man lang na nagnanais tumulong sa kanya. In trembling fingers, she unlocked her car door. Subalit hindi niya iyon maipasok-pasok. Lumingon siya sa pinanggalingan, bagaman madilim sa bahaging iyon ay nakikita niyang ilang yarda na lang ang layo ng lalaki mula sa kanya.

Pumasok ang susi at bumukas ang pinto. Mabilis siyang pumasok at ini-lock ang mga pinto. She almost collapsed in relief at isinandal ang ulo sa headrest. Subalit muli siyang napaigtad nang pukpukin ng lalaki ang salamin sa pinto at ang pagpipilit nitong buksan iyon.Halos hindi niya maaninag ang mukha nito sa tinted niyang salamin. She started the engine frantically. Nakulong sa lalamunan niya ang sigaw nang makitang sumampa sa hood ang lalaki at pinupukpok ang windshield niya.

Savagely, she stepped on the accelerator at ini-reverse ang sasakyan. Bumagsak mula sa hood ang lalaki. Inilabas niya ng parking area ang sasakyan habang ang mga mata’y nakatutok sa sideview mirror. Nakita niyang tinakbo ng lalaki ang kotseng itim na katabi ng Sentra ni Dirk.

HINDI alam ni Angeli kung saan siya patungo. Ang gilid na daan sa South Expressway ang tinatahak niya. Hindi niya alam kung paano siya napasuot doon. Ang alam niya’y ilang sasakyan lang ang pagitan nila ng humahabol sa kanya. And she prayed hard na may matanaw man lang siyang exit. Makakahingi siya ng tulong sa mga PNCC highway patrol.

Now she realized, hindi siya patatakasin nang buhay ng lalaki.

Pagtingin niya sa sideview mirror ay nakita niyang nakapag-overtake na ang kotseng itim. Angeli panicked. Mabagal ang nasa unahang sasakyan at sinikap niyang mag-overtake dito.Sa pag-overtake niya’y sinalubong siya ng nakasisilaw na liwanag mula sa headlights ng pasalubong na sasakyan at ang malakas na busina nito…

5

What really happened, Dirk? Nagpakamatay ka nga bang talaga? Puno ng kalituhan at guilt ang isip ni Angeli habang nakatitig sa marmol na lapida. Ang itinanim na Bermuda grass sa hinukay na lupa’y nagsisimula nang tumakip sa metro kuwadradong pinaglibingan kay Dirk.

It had been almost three weeks mula nang mailibing ito at ngayon lang niya nagawang dalawin, four days after she was discharged from the hospital. Dalawang linggo siyang naka-confine sa ospital dahil hindi pumayag ang mommy niya na hindi siya magdaan sa baterya ng mga pagsusuri. Bukod pa sa isang linggo ring naka-cast ang kaliwang binti niya na hindi niya alam kung saan tumama.

Mabuti na lang at sa kabila ng panic niya sa gabing iyon ay nagawa niyang kabigin ang manibela sa kaliwa. Makitid ang daan na iyon sa gilid ng South Superhighway at sumadsad siya sa puno. Ganoon ma’y nahagip ng nakasalubong na pampasaherong jeep ang dulo ng kotse niya. Ang ipinagpapasalamat niya’y walang nasaktan sa mga sakay ng pampasaherong jeep.

Kung hindi pa niya ipinilit ay hindi siya papayagan ng ina na dalawin ang memorial park dahil ayon dito’y hindi pa siya malakas. At alam niyang higit na nag-aalala ang mommy niya sa emosyon niya. She still couldn’t come to terms with what happened.

Hindi madaling tanggaping wala na si Dirk. Na nagpakamatay ito. Iyon ang sabi ng lahat. At iyon din ang resulta ng imbestigasyon. Nagbaril ito sa sarili sa mismong opisina nito. Ang fingerprints nito ang nakita sa baril.

According to Gail, Dirk left a suicide note on his office table at nasa kamay na ng mga pulis. And ev­eryone in the office testified that it was Dirk’s own hand­writing.

Pero paanong nangyari iyon? Hindi ba’t kaya siya naaksidente ay dahil gusto siyang patayin ng lalaking iyon?

And she had been hysterical. Dahil naniniwala siyang hindi ito nagpakamatay kundi pinatay. Sinabi niya iyon kay Gail at sa mommy niya. Subalit hindi naniniwala ang mga ito. Sa halip ay nasa mukha ng mga ito ang simpatya sa kanya na tila ba nasisiraan siya ng bait.

Kung nagpakamatay si Dirk, bakit walang nakarinig sa putok ng baril?

Ayon kay Gail, may nakarinig ng putok ng baril.Ang mismong security guard. Iyon ang dahilan kaya ito pumanhik sa itaas. Ayon dito’y ito mismo ang humabol sa kanya dahil naghisterya siya sa itaas nang makita ang duguang katawan ni Dirk.

They said the security guard was trying to pacify her at sinabing huwag gagalawin ang anumang bagay sa loob ng silid. Subalit agad daw siyang naghisterya at pagkatapos ay nagtatakbo palabas patungo sa kotse niya.

Nang sabihin niyang pinukpok niya ng paperweight ang security guard at nasugatan niyang tiyak sa ulo ay lalong napuno ng simpatya ang tingin ng mga ito sa kanya. Kahit ang doktor at ang mga pulis na nag-interview sa kanya. Dumalaw doon ang security guard at ipinakita sa kanya ang ulo nito. Walang bakas ng kahit na anong tama ng paperweight.

Kasinungalingang lahat ang ipinapaliwanag nila. Hindi man nakilala ni Angeli ang humabol sa kanya, alam niyang hindi iyon ang security guard. And the man who murdered Dirk chased her.Subalit ayon kay Gail ay dala na lang iyon ng histerya niya… sa takot niya nang makita ang nakahandusay na katawan ni Dirk. Ayon pa rito, kaninong kotse raw ba ang sasakyan ng guwardiya? Isa pa, kung ginusto siyang saktan nito ay madali para ditong gawin iyon. The man was big. Bigger than Dirk.

But she couldn’t believe that. Nakita niyang sumakay ito sa kotseng itim. Hinabol siya. Totoong hindi siya sinaktan, but that had been his intention. Hindi nito tangkang payapain siya dahil hindi naman siya naghihisterya nang makita niya si Dirk. Para siyang estatwang nakatayo roon sa sindak, and then he grabbed her from behind.

Litong-lito si Angeli. Hindi na niya alam kung ano ang paniniwalaan. Paanong nasa silid ang guwardiya gayong dinaanan niya ito sa ibaba?

O nagbaril si Dirk nang nasa loob siya ng ladies’ room? At pumanhik ang guwardiya nang marinig ang putok ng baril. Pero gaano ba siya katagal sa loob ng ladies’ room? Baka nga wala pang limang minuto siya roon.

Nakadispalko ng pera si Dirk mula sa kompanya. Tatlong milyon! Iyon ang dahilan kaya ito nagpakamatay. Ayon kay Gail ay nagpa-audit si Mr. Vergara nitong isang linggo bago nagpakamatay si Dirk. At doon natuklasan ang pagkawala ng pera.Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi man lang siya tinawagan ni Dirk sa nakalipas na isang linggo?

No. Hindi kayang tanggapin ng isip niyang magagawa ni Dirk ang magnakaw ng salapi sa kompanya. Saan nito gagamitin ang ganoon kalaking halaga? Hindi maluho si Dirk. Simple lang ang pangangailangan. At kahit ang kotse nito’y segunda mano at kahit minsan ay hindi ito nangimbulo sa alinmang luxury cars.

Kung meron mang luho si Dirk ay ang mga gamit nito sa photography. Pero kahit man iyon ay hindi niya matatawag na luho. He loved his old Canon camera. It was his prized possession.Oh, Dirk…

“Tayo na, Angeli,” banayad na wika ni Gail mula sa likuran niya at pumutol sa daloy ng pag-iisip niya. “Umaambon na. Baka abutan tayo ng malakas na ulan.”

Isang huling sulyap ang ibinigay niya sa lupa bago walang kibong nagpaakay sa kaibigan patungo sa naghihintay na sasakyan ng mommy niya at ang driver nito.

“Hindi pa rin ako makapaniwalang nagpakamatay si Dirk, Gail,” wika niya, kasabay ng pag-iinit ng mga mata. Inihilig ang ulo sa headrest.

“Ako man, Angeli,” sagot nito sa nalulungkot na tinig. “Isipin mo na lang ang dalawang balitang tinanggap ko nang pumasok ako kinabukasan. Naaksidente ka at nagpakamatay si Sir Dirk.“Pinahid niya ng panyo ang mga mata. “Sana’y hindi ko na lang sinabi sa kanya ang mga sinabi ko nang magkausap kami sa restaurant.”

“Nakalipas na iyon. Wala na tayong magagawa pa. Ang maipapayo ko’y magbakasyon ka muna. Kahit saan. Basta malayo sa siyudad. Makabubuti sa iyo iyon.”

Hindi siya sumagot. Kahit ang mommy niya’y iyon din ang ipinayo. Kahit ang kaibigan at kasosyo niya sa gallery, si Ansel, ay itinaboy siyang magbakasyon muna.

“Anywhere you can heal the physical and emo­tional wounds,” wika nito. “Take an indefinite leave. You owe it to yourself.”

“Siguro nga’y kailangan kong magbakasyon, Gail,” wika niya.

“Kung wala ka pang maisip na lugar na pupuntahan ay baka gusto mong tanggapin ang alok ni Boss George na sa San Nicolas magbakasyon? Sabi niya’y mainam at maganda ang lugar. Makakapamili ka ng beach doon.”

“Salamat, Gail,” she said sincerely, pinisil ang braso nito.

Ngumiti si Gail. “Ito man lang ay maiganti ko sa maraming utang-na-loob ko sa iyo, Angeli.”

************Hello, mga beshie, kumusta kayo? Paramdam kayo mga beshie, nag-aalala din ako sa inyo char hahahaha. Sana magustuhan n’yo ang kuwento ni Hanz. Mag-ingat kayo palagi mga beshie, Stay safe and God bless. At abang-abang tayo sa mga darating na araw baka may magandang balitang darating. - Admin A

6

Nilampasan na ni Angeli ang San Nicolas at ang sumunod na bayan ay Amparo. Iyon ang nakita niya sa arko sa daan. Ipinasya niyang pumasok sa bayan.

Patuloy siya sa mabagal na pagmamaneho. She’d been driving for six hours at pasado alas-doce na. Kung ang mommy niya ang masusunod ay gusto nitong magsama siya ng driver. But she hated the idea. Gusto niyang magbakasyong mag-isa at ipinagpilitan sa ina na kaya na niyang mag-drive.

It had been six weeks since the accident. At sa pinagsama-samang pag-aalala at katakot-takot na bilin ay pinayagan siya nitong umalis mag-isa.

Ayon kay Gail ay inerekomenda ni Mr. Vergara na sa San Nicolas siya magtungo. Isa ito sa mga kinikilalang persona sa bayang iyon, and he had even sent her a written invitation to stay in his beach resort.

Ipinarating niya ang pasasalamat dito sa pamamagitan ni Gail bagaman hindi siya nagbigay ng tiyak na sagot.

Angeli had been there five months ago with Dirk. Tagaroon ang kaherang pinalitan ni Gail at nang ikasal ito’y si Dirk ang tumayong sponsor. Pagkatapos ng kasal ay niyaya siya ni Dirk na mamasyal sa beach at isa sa pinuntahan nila’y ang resort ni Mr. Vergara. Tahimik at maganda ang lugar at may mangilan-ngilang cottage.

Gayunma’y hindi iyon gaanong pinupuntahan ng tao dahil bukod sa makitid ang daan patungo sa beach, ang kalakhang bahagi niyon ay naglalakihan ang mga bato at ang ilalim ng tubig ay matatalim na mga bato sa halip na buhangin.

At kung ang dahilan ng pagbabakasyon niya’y para makalimot ay dapat na sa lugar na hindi makapagpapaalala sa kanya kay Dirk.

Wala naman talaga siyang tiyak na lugar na pupuntahan. But going to the North was a good idea. That was why this morning, she’d told Gail that she’d go one or two towns farther from San Nicolas.

“Pero bakit kailangan mo pang mas malayo at walang tiyak na patutunguhang lugar gayong maaari ka namang magtungo sa beach ni Boss?” wika nito kanina sa telepono.

“I’m not really sure, Gail. Pero ayokong magtungo sa lugar kung saan maaari kong maalala si Dirk.”

“Kunsabagay,” sang-ayon na rin nito kasabay ng buntong-hininga. “Mag-ingat ka sa pagda-drive. At itawag mo kung saan ka— Oh, shit!” Napangiwi si Angeli sa pagmumura nito. Ordinaryo na kay Gail iyon at mas o menos ay nginingitian na lang niya ito. “Wala nga palang signal diyan sa San Nicolas, di lalo na sa pupuntahan mo kung lalampas ka pa. Kung ako ang mommy mo’y hindi talaga kita papayagan,” she added with concern.

Napangiti si Angeli sa bahaging iyon ng pag-iisip. Ang kaibigan niya’y parang ang mommy niya kung alalahanin siya.

Nang sa pagsulyap niya sa sideview mirror ay napasinghap siya. Isang kotseng itim ang natanaw niya sa may likuran. A black Honda Civic.

So it’s a black car, so what? Ang daming itim na kotse sa buong Pilipinas, for heaven’s sake!Hindi niya matiyak kung Honda Civic ang kotseng humabol sa kanya nang gabing iyon. Pinilit niyang alalahanin ang sandaling ipinarada niya ang sariling kotse sa parking area, she had noticed the black car dahil katabi iyon ng Sentra ni Dirk. And she was positive it was a black Honda Civic.

She owned a Mazda so she should know its model. Her mother’s car was a Toyota at hindi mahirap kilalanin iyon.

At bakit kanina pa siya nagmamaneho’y ang partikular na kotseng ito lang ang nagdulot ng kaba sa kanya? Dahil ba hindi naman marami ang sasakyan sa kalye at prominenteng nakikita niya ang itim na kotseng iyon?

At hindi mabagal ang takbo niya, bakit hindi nag-o-overtake ang sasakyan? Mula ba Maynila’y nakasunod iyon sa kanya?

Oh, dear Lord, she was getting paranoid.

Gustong bilisan ni Angeli ang pagpapatakbo pero hindi niya magawa. Nagsimula nang manginig ang mga kamay niya sa manibela. She had to calm herself down. Namataan niya ang isang general store, na marahil ay kaisa-isa sa maliit na bayang iyon. Kung sinusundan man siya ng kung sino mang nagmamaneho sa kotse’y hindi siya magagawang saktan nito sa maraming tao. Lalo at probinsiya iyon. Ang mga tao’y matulungin.

She swerved to her left at sa gumigiit na gulong ay ipinarada niya ang kotse sa harap ng tindahan kahit na wala naman iyong parking area, kundi ang gilid ng mismong highway. May dalawang taong naglalakad sa deserted na kalye at napalingon sa ingay na ginawa ng gulong niya.

Ilang sandaling nanatili siya sa loob ng sasakyan subalit hindi na niya matanaw ang black Honda Civic. Lumabas siya ng kotse at tuloy-tuloy sa general store. May dalawang customer sa loob. The man in his late-forties turned to her, matapos suklian ang babaeng bumili ng gatas.

“Yes, Miss?” tanong nito, isang humahangang ngiti ang ibinigay sa kanya.Her shoulder-length hair was bottled-brown with lighter streaks, at maputi siya at matangos ang ilong, with deep-set almond eyes. She could pass for a foreigner.

Tipid siyang ngumiti at sandaling lumingon sa labas bago ibinalik ang tingin sa lalaki. Natuunan niya ng pansin ang mineral water. Kailangan niya iyon.

“Iyong pinakamalaki.”

“Nagbabakasyon ka ba rito, Miss?” tanong nito. At kung hindi sa palakaibigang ngiti nito’y ituturing niyang kaimpertinentihan iyon.

“Sana.” Sinabayan niya iyon ng tango at abot ng bayad. “Pero wala ho akong alam na partikular na lugar na maaari kong puntahan. May—” She swallowed “—mairerekomenda ho ba kayong cottage… iyong malayo ho sa karamihan?” Binigyang diin niya ang huling sinabi.

“Malayo sa karamihan… hmm.” Sandaling nag-isip ito. “Ang mairerekomenda kong malayo sa karamihan ay ang Blue Lady Cottage. Kalahating kilometro pa ang layo mula rito. Hindi gaanong mabato roon. Pero kung gusto mo’y marami namang magaganda ring beach sa malapit at tahimik naman. Hindi naman kasi summer ngayon at walang gaanong bakasyunista.”

“Susubukan kong tingnan ang Blue Lady Cottage na sinasabi ninyo,” wika niya, a little bit intrigued by the name. At habang sinusuklian siya nito’y ibinigay nito ang direksiyon sa kanya.Mailap pa rin ang mga mata ni Angeli nang lumabas ng tindahan subalit tahimik ang buong kalye maliban sa ilang tricycle na paroo’t parito. Napanatag siya. Hindi siya sinusundan ng kotse. She must get hold of herself next time at hindi iyong makakita lang ng kotseng itim sa likuran ay tila na siya mamamatay sa nerbiyos.

Binuksan niya ang back compartment at isinama sa ibang gamit niyang naroroon ang dalawang bote ng mineral water at muling isinara ang hood. Pag-ikot niya pabalik sa driver’s seat ay nabangga niya ang isang lalaki.

Subalit tuloy-tuloy ito sa tindahan at ni hindi siya pinansin.

“Excuse me!” she shouted in irritation.

Bahagya lang lumingon ang lalaki. “Tama ang sinabi mo dahil ikaw ang bumangga sa akin,” wika nito, kumunot ang noo sa pagkakatingin sa kanya at pagkuwa’y muling ipinagpatuloy ang pagpasok sa tindahan.

“My lucky day,” busa niya sa nagpupuyos na dibdib. Kahit saan ay hindi nawawala ang mga taong bastos.

Then she stopped on her tracks. Umangat ang mga mata sa tindahan bagaman hindi niya ito natatanaw. Hindi siya maaaring magkamali. Iyon ang lalaking nakita niya sa parking area nang gabing magkita sila ni Dirk sa restaurant!

Iyon ang taong naringgan niyang pinagtatangkaan ang lalaking pinitserahan nito!

Confused, pumasok na si Angeli sa kotse at ipinagpatuloy ang pagmamaneho patungo sa direksiyon ng Blue Lady Cottage. Napakaliit namang masyado ng Pilipinas para magkita silang muli ng lalaking iyon.

She shook her head and concentrated on her driving.

7

ANG DULO ng driveway ay dalawang palapag na bahay. Nag-iisa iyon sa gitna ng mapuno at napakalawak na solar. Kunot ang noong ipinarada ni Angeli ang kotse sa harap ng bahay at binuksan ang bintana sa bahagi niya.

Iniisip niya kung tama ang daan na tinalunton niya habang pinagmamasdan ang bahay na yari sa bato at kahoy. She wondered if she made the wrong turn and ended up in the wrong cottage. Subalit matapos niyang makita ang arrow na nagtuturo sa Blue Lady Cottage ay wala naman siyang nilikuang iba.

And yet it didn’t look a cottage. Ang balkonahe sa ibaba ay yari sa malalaking kahoy ang mga barandilya. May tatlong hagdanang bato papanhik sa balkonahe. Ang sahig ay vigan tiles. May set ng wicker chairs sa tagilirang bahagi. At sa dulo ng balkonahe ay may mga paso ng halamang nakapatong sa stoned railings.

Ang mga halaman at mga bulaklak sa ibaba ay sadyang inayos sa paraang tila natural. At halos hindi makalusot sa malalaking sanga ng mga punong-kahoy ang sikat ng araw.

Kahit ang samyo ay pinagsamang amoy ng rain forest at hanging-dagat. By the time she walked towards the house, Angeli felt as if she had undergone an enchantment.Who ever owned the house must be very lucky. Maganda ang lugar at tahimik. It seemed to be a place where worries and concerns would melt away.Anyway, kung nagkamali man siya ng pinuntahan, makapagtatanong siya sa taong makakausap niya.

Bukas ang dalawang panel na pinto nang makapanhik siya sa balkonahe. Alanganing sumilip si Angeli nang mapunang may babaeng nakayuko sa mesa sa may sulok ng malaking sala.

She cleared her throat at banayad na kumatok sa dingding. “Magandang hapon…” sabi niya.Nag-angat ng mukha ang babae. She must be in her early fifties. Ngumiti ito nang makita siya. 

“Pasok… pasok,” wika nito at tumayo at masiglang sinalubong siya.

Alanganing humakbang siya papasok. “H-hindi ba ito pribadong bahay? Ibig kong sabihin… dito ako itinuro ng pinagtanungan ko malibang nagkamali ako ng daan.”

“Hindi ka nagkamali, hija. Ito ang Blue Lady Cottage. Halika, maupo ka.” Itinuro ng babae ang silya sa harap ng mesa. Pagkuwa’y muli itong bumalik sa kinauupuan sa likod ng mesa.

“Ilang araw mo gustong tumigil dito, Miss…?” Inabot nito ang isang record book at ang ball pen.

“Angeli… Angeli Loreto,” sabi niya, at nakitang inilista nito ang pangalan niya sa record book. “Walang tiyak kung hanggang kailan ang bakasyon ko.”

Sinabi ng babae ang presyo ng silid, pagkatapos ay tumayo at inabot ang kamay sa kanya na alanganin niyang tinanggap. “Ako si Manang Tere. Ako at ang aking asawang si Elmo ang katiwala rito. Gusto mo bang makita ang mga silid sa itaas?”

Tumango siya at sumunod dito patungo sa malaking hagdanang narra. “Mas… mukhang guest house ito kaysa cottage,” sabi niya, at saka idinagdag, “Hindi ho yata marami ang customer dito?”

“Hindi naman kasi panahon ng bakasyon ngayon. Kung nagkataong tag-init ay malamang na wala kang aabutang bakanteng silid. Karaniwan ay mga dating customer at kalimitan ay pami-pamilya.”

8

“NATITIYAK mo bang ang silid na ito ang gusto mo, Angeli?” tanong ni Manang Tere nang ang silid sa likod ng bahay ang pinili niya. Bukod sa hindi iyon air-conditioned ay mas maliit iyon kompara sa ibang silid at pang-isahan lang ang kama.

“Wala hong anuman kung hindi man air-conditioned ang silid, Manang Tere,” wika niya. “Natitiyak kong hindi naman mainit dito. Isa pa’y ang silid lang na ito ang may balkonahe at nakatanaw sa dagat.”

“Kunsabagay ay iyon din ang dahilan kung bakit mas gusto ni Hanz na gamitin ang katabing silid. Sa anim na silid sa bahay, ang dalawang ito lang ang maliliit. Dati itong master bedroom at hinati sa gitna. Bukod-tanging ang silid na ito ang may banyo sa pagitan. Iyon ang isa pang kainaman sa silid na ito, hija. May sarili itong banyo bagaman kahati mo ang nasa kabilang silid.”

“Ang iba ho bang mga silid ay walang sariling toilet and bath?” usisa niya. Binuksan ang banyo at sinuri. Katamtamang laki. May shower. May natutuklap nang tiles dahil sa kalumaan subalit malinis. Kahit ang puting toilet bowl ay wala siyang makita kahit bakas ng kalawang. Iyon ang pinakaimportante sa lahat.

“May dalawang banyo sa magkabilang dulo ng pasilyo. Ganoon ma’y may isa pang banyo sa ibaba na maaaring gamitin ng mga customers.” Humakbang ang matandang babae patungo sa pinto. “Mamaya’y aayusin ko ang mga kubrekama at kumot mo. Gusto mo bang ipapanhik kay Manong Elmo mo ang mga gamit mo?”

Ibinigay niya ang susi ng kotse sa matandang babae. “Iyon lang pong nasa loob ng compartment.”

Nang makalabas ang matanda’y lumabas sa balkonahe si Angeli. Napuna niyang kasosyo rin niya sa balkonahe ang nasa kabilang silid. Hanz. Iyon ang narinig niyang pangalan na sinabi ni Manang Tere. Unusual name. Lalaki ba o babae ang katabi niya?

It didn’t matter. Ang mga pinto ay may mga kandado. Isa pa’y sa tono ni Manang Tere ay kilala na nito ang nasa kabilang silid. Mga dating customer, ayon dito.

Idinako niya ang tingin sa karagatan. Natatanaw niya ang ilang bangka na marahil ay mangingisda. Maganda at tahimik ang buong kapaligiran, as if the place seemed to be saying that things would always work out for the best.

Sana’y makalimutan niya ang guilt at sindak na nararamdaman sa pagkamatay ni Dirk. Na sana’y mapaghilom ng lugar ang lahat ng masasamang bangungot na nangyari sa nakalipas na buwan.

Umangat ang mga mata ni Angeli sa kanluran. Malapit nang lumubog ang araw. Nang tanawin niya ang karagatan ay nagsisimula na iyong latagan ng kulay-kahel.Excitedly, she went out of her room. Nakalimutan ang pagod na naramdaman sa mahabang biyahe. Tuloy-tuloy siyang bumaba palabas ng bahay. Nasalubong niya sa may pinto ang isang matandang lalaking bitbit ang maleta niya.

“Maligayang pagdating sa Blue Lady, ineng,” bati nito.

“Kayo marahil si Manong Elmo,” nakangiting bati niya. “Pakilagay na lang po sa itaas ang mga iyan, at salamat ho.” Nagmamadaling tinungo niya ang kotse at binuksan ang likurang pinto at kinuha roon ang mga gamit niya sa photography.

9

Natuon nang husto ang pansin ni Angeli sa kagandahan ng karagatan at sa papalubog na araw at ni hindi niya nararamdaman ang unti-unting pagtaas ng tubig.

Inihanda niya ang mga gamit sa ibabaw ng bato kani-kanina lang habang hinihintay ang tamang sandali, kapag nilatagan na ng araw ng naglalagablab na apoy ang katahimikan ng karagatan.

Hindi niya napupuna na habang lumulubog ang araw ay tumataas naman ang tubig. She wasn’t even aware that she was an inch closer to real trouble. Sa kanyang kaisipan, bawat alon ay naglalapit sa kanya sa larawang nais niyang kuhanan.

Everything was perfect. At kung maghihintay pa siya ng ilang sandali’y natitiyak niyang titili si Ansel sa uri ng larawang makukuha niya.

Sunset and the sea had been every photographer’s favorite subject. Subalit kailanman ay hindi iyon pinagsasawaang pagmasdan ng maraming tao. At karaniwan na’y may kanya-kanyang paraan sa pagkuha nito. And this was her perfect moment and perfect shot.

Ang ibabang batong kinatatayuan niya’y natatakpan na ng tubig. Ang mga alon ay humahampas na sa walking shorts niya at basa na siya. Subalit tila hindi niya nararamdaman ang pamimigat ng shorts.

“Oh, God!” Angeli said excitedly. Ilang metro mula sa kinatatayuan niya ay batuhan sa gitna ng dagat. Kumikislap iyon sa tama ng nagkukulay-kahel na araw. May mga kumpol-kumpol na berdeng halamang-dagat ang hinahampas doon ng alon.

Hindi siya halos humihinga nang sa pakiramdam niya’y nagtutugma ang liwanag, sandali, at ang mga alon. At sa mismong sandaling ang alon ay humalik sa batuhan, kasama na ang mga berdeng halamang-dagat, she triggered the motor drive on her camera.

“Oh… oh!” Humalik ang alon sa batuhan. Sumabog ang tubig na humampas sa batuhan and created fountains of iridescent bubbles na tila dumidila sa magaspang at matalim na bato.Hanggang hindi nawawala ang angkop na liwanag ay hindi huminto sa pag-trigger ng motor drive ng camera niya si Angeli. Hindi makakapigil sa ginagawa ang tubig na umaabot na sa baywang niya. At nakatuntong pa siya sa bato.

Ang uri ng kanyang mga larawan ang dahilan kung bakit sa kabila ng kompetisyon at wala sa mismong mall ang gallery nila ni Ansel, ay sadyang dinadayo ng mga tao. At alam niyang ang kinunan lang niya’y isa sa mga mahuhusay niyang gawa.

Napatili siya nang sa paghampas ng alon ay tumalsik iyon at bumasa sa mukha niya. At dahil sa biglang pagkilos niya’y gumuhit ang sakit sa kaliwang binti niya. She groaned in pain. Ganoon ma’y hindi naging dahilan iyon upang hindi niya sakupin ang mga gamit at itaas sa dalawang kamay.

Napatingin si Angeli sa baybayin. Kumurap. Na tila ba hindi totoo ang nakikita niya. Ang kanina’y lampas sakong na tubig patungo sa baybayin ay lampas-tao na. Dahil nakatuntong siya sa bato ay nasa baywang lang niya ang tubig. Kung bababa siya’y mga kamay lang niya ang lilitaw habang hawak ang mga gamit.

Paano niya madadala sa baybayin nang hindi nababasa ang mga gamit niya? She couldn’t risk the shot she had just taken. No way! Ang camera niya’y hindi biro ang halaga. She had to sell a considerable number of photographs bago niya mapalitan iyon. At paano siya makakakuha ng mga larawan kung wala ang camera niya?

And she made a vow never to ask anything from her mother since she declared her independence and started on her own.

She couldn’t afford to replace her equipment!And it was getting dark!

Muling tinanaw ni Angeli ang baybayin. Hindi naman napakalayo niyon, kung tutuusin. Pero dahil sa mabilis na paglaki ng tubig ay tila milya-milya ang tatawirin niya bago makarating doon. Iyon ay kung makakarating siya nang walang pinsalang magagawa sa camera at sa buhay niya.

At sa kauna-unahang pagkakataon ay napansin niya ang isang lalaking nasa kanang bahagi ng baybayin at nakamasid sa kanya. His hands on his hips. Pagkuwa’y napuna niyang lumusong ito sa tubig, at nang sa tingin ay mahihirapan itong lumakad sa tubig ay lumangoy.

Ang mga alon ay nagsisimula nang maging marahas at hindi malaman ni Angeli kung papanhik siya sa tuktok ng batuhan o lulusong sa tubig.

Ilang sandali pa’y nasa harap na niya ang lalaki. Tiningala siya. Nanlaki ang mga mata niya nang matitigan ito. Sa ikalawang pagkakataon sa araw na iyon ay nagtagpo sila ng lalaking una niyang nakita sa parking lot more than a month ago. At ito rin ang bastos na lalaking nakabangga niya kanina!

Umangat ang kamay nito upang kuhanin mula sa kanya ang equipment niya.

“No!” Kasabay ng pagpihit ni Angeli upang ilayo ang gamit niya mula rito’y isang malakas na alon ang humampas at nauga siya sa pagkakatayo at nawalan ng panimbang.

Kasabay ng pagtili niya’y ang pagkaramdam ng mga kamay ng lalaki sa baywang niya. The grips were steel hard, she could almost feel the pain on her flesh. Then her camera was snatched from her hand.

Nagpumiglas siya at nagpilit bawiin sa kamay ng lalaki ang mamahaling vital lens niya.“Hey, huwag kang malikot at baka mabasang tuluyan ito. Hindi ko balak nakawin sa iyo ang gamit mo.”

The deep drawl and the lazy amusement na nakikita niya sa mga mata nito’y nagpakislot kay Angeli. Kung naakit siya sa sinag ng araw na nagbibigay ng sarisaring kulay sa naghihiwalay na alon ay lalong higit sa ngiting gumuhit sa mga labi ng estranghero.

“Now you’re being sensible,” wika nito nang huminto siya sa pagpalag. Inabot nito sa kabilang kamay niya ang case ng camera. Reflexively, bahagya niyang inilayo ang kamay, only to stopped herself nang makita ang amusement sa mga mata ng lalaki.

Labag sa loob na ibinigay niya iyon dito. The amused smile lingered on his lips habang mabilis nitong ipinasok sa case ang camera.

“Wait here,” wika nito at nag-akmang lalangoy pabalik sa baybayin.

“Hey, kasinghalaga ng buhay ko ang hawak mo,” pahabol ni Angeli sa tantiya niya’y kalmanteng tinig. Hindi makapaniwalang ibinigay niya rito ang camera niya.

“I’ll handle it with extra care,” nakakalokong sabi nito and winked at her that she gasped softly. Then he pointed a finger at her, at sa seryosong tono’y, “Huwag kang aalis diyan at babalikan kita. Malakas at malalaki na ang alon at malalim na ang tubig. You’re so foolish not to notice that.”

“I’m a good swimmer,” she hissed. Kung inaasahan ng lalaking ito na basta na lang siya mauupo roon at maghihintay sa pagbabalik nito, then he had to think again.

“The hell you are,” wika nito. “Don’t move, hindi ako magtatagal.” Pagkasabi niyo’y nagmadali itong lumangoy pabalik sa baybayin, ang isang kamay na may hawak ng camera niya ay nakataas sa tubig.

He was halfway to the beach nang matanto ni Angeli na nakatitig pa rin siya sa lalaki, admiring his remarkable and indescribable movements as he swam ashore. If sea-gods were true, then he must be one of them.

Bahagya niyang ipinilig ang ulo. How could she afford to fantasize the man when she was supposed to swim back to the beach? Of course, she didn’t have to wait for him like a distress princess waiting to be rescued.

Niyuko niya ang kinalalagyan. Ang mga paa niya’y marahan at maingat na bumaba sa bato at nagsimula siyang lumusong sa dagat upang lumangoy. Subalit hindi pa man lang siya nakakaalis sa kinaroroonan ay isang malaki at nagpupuyos na alon ang humampas sa kanya pabalik sa batuhan.

She almost screamed in pain nang humampas ang tuhod niya sa bato. Bago pa man siya makahinga uli’y isa na namang alon ang humampas sa kanya. She grasped for the big rock, wincing in pain as something pierced her hand.

“Well, I was wrong. You aren’t sensible after all,” wika ng tinig na lumitaw sa likuran niya.

Muli’y napapitlag si Angeli. She’d been too busy holding on to the rocks. Hindi niya napuna nang muli itong lumangoy pabalik sa kanya.

“Wala sa bokabularyo mo ang salitang sumunod,” patuloy ng lalaki sa iritadong tinig, inihilamos sa mukha ang palad upang alisin ang tubig na humilam sa mga mata. “Kung nagkataong tinangay ka ng malakas na alon ay pahihirapan mo pa ako. Hindi ko alam kung saan ka kumuha ng katalinuhan para lumusong sa bahaging ito ng dagat gayong hindi mo kabisado ang lugar na ito.”

“Hindi ko sinabing tulungan mo ako!” she hissed. Ano ang pakialam ng lalaking ito sa kanya?

“Grateful, are we?” he mocked gently.

Hindi agad nakasagot si Angeli. Kung hindi ito basta na lang lumitaw mula sa kung saan ay baka nabasa na ang camera niya. At dahil nagdidili-dili pa siya kung paano makalalangoy pabalik sa baybayin ay nagpatuloy na sa pagtaas ang tubig at paglaki ang alon. Subalit mahusay siyang lumangoy, inaasahan niya iyon. Hindi niya inisip kahit sandali na manganganib ang buhay niya… and of course, her precious camera. Hindi naman ganoon kalayo ang baybayin.

Pero may katwiran ang lalaki. Hindi niya kabisado ang lugar na iyon… ang dagat sa bahaging iyon ng lupa.

And not when she was just starting to recover from her accident. Nalimutan niyang na-cast ang kaliwang binti niya ng isang linggo dahil sa butong nabugbog sa tuhod niya. At kumikirot iyon ngayon.

Ang kamay ng lalaki sa baywang niya ang pumutol sa pag-iisip ni Angeli. At bago pa siya makapagprotesta’y inilalangoy na siya nito pabalik sa baybayin.

“Put me down. I can swim,” she lied in a calm voice.

“I believe you,” he said insincerely. “But for some reason, hindi mo makuhang lumangoy.”

She gritted her teeth. Sinikap niyang magpagaan upang madali silang makarating sa mababaw. She hated being so helpless at umaasa ng tulong sa impertinenteng lalaki. And hated herself for being aware of the man’s muscular strength as it supported her body. She was too aware of the texture of his skin against hers.

Nang sa tingin niya’y nasa mababaw na sila’y marahas siyang kumawala. Nagmamadali siyang lumakad sa tubig na ang lalim ay hanggang tuhod na lang niya. Sharp pain pierced through her leg with each step. Bukod sa dati nang pinsala ng paa niya’y naroon ang kirot ng nagasgas ng matalim na bato sa binti niya kanina nang humampas ang alon.

Sa baybayin ay dinampot niya ang camera at nilingon ang lalaki. “Salamat…” Kasinlamig ng tubig sa dagat ang tinig niya, “dito.” Bahagya niyang itinaas ang camera at tumalikod upang lumakad pabalik sa guest house.

“My name’s Hanz. And you’re Angeli.”

Nahinto siya sa paghakbang. Did he say his name was Hanz?Tumaas ang mga mata niya sa guest house sa itaas. At pagkuwa’y ibinalik ang tingin sa estranghero. Ito ba ang occupant ng katabing silid niya?

Wala sa loob na sinuri ni Angeli ng tingin ang lalaki. She knew he was tall, ages ago, sa parking lot. Probably six-footer and yet he moved with such elemental grace.

Then her eyes focused on his face. Ang basang buhok nito’y nakahawi mula sa mukha and sunset light made his hair radiant like fine black wires. He looked to be about in his early thirties. He was ruggedly attractive. Tila nililok ng isang mahusay na iskultor ang mga anggulo ng mukha, which not much of her type. But the artist in her approved of that.

No tops, at ang tubig-dagat na umaagos sa matipunong dibdib nito’y kumikislap sa panghapong araw. Hips down, he wore a thin white silk boxer shorts na na-plaster nang husto sa katawan. He could have worn nothing dahil nakabakat naman nang husto ang…

Mabilis siyang nag-angat ng mukha, and to her horror she realized that he was steadily gazing at her with a wicked grin on his lips.

“You occupied the room next to mine,” Angeli stated flatly in her most calm voice. Umaasang dahil dapit-hapon na’y hindi nito nahahalata ang pamumula ng pisngi niya.

“Natanaw ka ni Mang Elmo sa balkonahe na nagtungo sa dagat kanina,” wika nito, not bothering to hide the grin, na tila ba ikinasisiya pa nitong halos hubad na ito sa paningin niya, “at tamang kararating ko lang, inutusan niya akong babain ka rito.”

Yumuko ang tingin niya sa pantalong maong at kamiseta nitong nasa buhangin. Doon nito inilapag ang camera niya.

“Lumalaki na ang tubig at nasa ibabaw ka pa rin ng bato. I’ve been watching you from this spot. Hoping you’d come to your senses and waded back to shore. But you were too caught up with what you were doing, hindi mo napuna ang pagtaas ng tubig. Hindi mo rin narinig na tinatawag kita, that I started to think you were deaf as well as crazy.”

Anger shot through her at the intended insult. Subalit wala siyang balak makipagpalitan ng salita sa estrangherong ito. Let him think and say what he wanted to. She couldn’t care less. Ngayon niya nararamdaman nang husto ang pagod. She’d been driving for hours since this morning at napinsala pa yata niyang muli ang binti niya.

Perhaps this stranger was right, she was crazy.Nang akma siyang tatalikod upang lumakad pabalik sa guest house ay hinawakan siya nito sa braso.

“I’m sorry if I was rude at the store,” wika nito. “Nagmamadali ako. May hinahabol akong taong tatawagan… at makikigamit lang ako sa nag-iisang telepono sa bayang ito, at sa tindahan lang mayroon.”

Nagkibit siya ng mga balikat. Nagpatuloy sa paglakad na paika.

“Your leg’s bleeding,” puna nito na muli siyang pinigilan sa braso.

“Far from my heart.” Binawi niya ang braso at muling humakbang.

“Hindi ka umiika nang dahil lang diyan. What’s wrong with your left leg?”

“None of your business.”

“Friendly, are we?”

Hindi sumagot si Angeli at nagpatuloy sa paglakad at bawat hakbang ay tila may karayom na tumutusok sa binti niya. Ang sumunod niyang nalama’y dalawang matitipunong braso ang nagpaangat sa kanya mula sa buhanginan.

“What are you doing?” she said in a distant and icy voice, hoping he’d put her down.

“Pinulikat ka at masasaktan ka lang lalo. Nagasgas pa ng bato ang magagandang binti mo.” Humagod ang mga mata nito sa nakahantad niyang mga binti, and a sexy and leering smile appeared on his lips.

“Wala kang pakialam sa akin,” patuloy niya, not bothering to struggle coyly, kung iyon man ang inaasahan nito. Besides, it would only make her more aware of the man’s masculinity.

“Hindi mo dapat inaksaya ang oras mo sa pagkuha ng larawan kanina. Marami namang nabibiling ganyan sa bookstore.”

“So common and without staying power.”

Kunot ang noong niyuko siya nito. Tinitigan. “Hmm. Not just a pretty face, huh?” he said huskily. Then his eyes lingered on her lips, then it moved down to her breasts.

Angeli gasped softly, kasabay ng pagkailang. She didn’t wear any bra nang magbihis siya kaninang umaga. Walang dahilan para mag-abala siyang magsuot dahil bibiyahe siyang mag-isa. Bukod pa sa hindi naman halatang wala siyang bra sa cotton blouse niya.

Iyon ay kung tuyo, subalit basa ang blusa niya at naka-plaster iyon sa katawan niya.

“P-put me down,” she said almost in a whisper. May pakiramdam siyang hubad siya sa paningin nito. Ang walking shorts niya, dahil basa rin ay halos walang tinakpan.

He gave her a teasing laugh. “Now we’re even.”

10

Sa pagkagulat ni Hanz ay marahas na nagpumiglas si Angeli nang nasa harap na sila ng guest house. Napilitan itong ibaba siya. And yet kung hindi pa rin ito nakahawak sa braso niya’y malamang na bumagsak siya sa lupa sa panginginig ng mga tuhod niya.

Ang nakaparada sa harap ng cottage at napapagitnaan ang kotse niya ay dalawang black Honda Civic, pareho ng modelo, V-Tec.

“K-kanino ang mga kotseng iyan?”

“Nang dumating ako’y wala ang nasa kanan mo. Kararating lang marahil. Akin ang nasa kaliwa mo. Mas modelo ng dalawang taon kaysa sa kanan. Just look at the gold emblem.” He said the last two sen­tences with intended humor.

Gold emblem. May gold emblem ba ang kotseng humabol sa kanya? Kanina sa daan, may gold emblem din ba ang kotseng itim?

Ano na ba ang nangyayari sa akin? she thought with despair and swayed a little dahil nanlalambot ang mga tuhod niya.

“Hey, are you all right? Namumutla ka,” he said with concern, hinawakan siya nito sa braso.Marahas niya iyong tinabig. Umahon ang galit at takot sa dibdib. Sa nagmamadali at paikang mga hakbang ay tinungo niya ang guest house. Alam niyang sinusundan siya nito ng tingin. Hindi na siya nakatitiyak kung kaaway ito o hindi.

But he could have drowned her if he had any intention of killing her, she thought with distress.

WALANG tao sa pinaka-reception ng guest house. Tuloy-tuloy si Angeli sa itaas. Glad of the banister, nakatulong iyon upang hindi siya mahirapang pumanhik. Sa silid niya’y naupo siya sandali sa gilid ng kama. Kinalma ang sarili.

Sana’y nagpirmi na lang siya sa bahay, sana’y nakinig na lang siya sa mommy niya.

Kung aalis siya, kung alin man sa driver ng dalawang kotseng iyon ang gustong pumatay sa kanya, tiyak na hahabulin din siya.

O baka naman wala kahit sino sa dalawang may-ari ng kotse ang nagtatangka ng masama sa kanya. Nagkataong parehong itim ang kotseng pag-aari ng dalawang tao.

Some vacation.

Angeli sighed heavily. Tumayo at pagkatapos ay pumasok sa loob ng banyo. Hinubad ang basang suot at tinimpla ang shower, umaasang may mainit na tubig. Hindi niya iyon naitanong kanina. Kasabay ng pagbulwak ng tubig mula sa shower ay ang pagbukas din ng pinto sa kabilang silid.

Ang tiling gustong lumabas sa bibig niya’y napigil as she came face to face with Hanz. Ito ma’y nagulat din. For a long moment, his eyes locked on hers.

“Lock this side of the door next time,” he reprimanded gently at saka lumabas at isinarang muli ang pinto.

Para siyang estatwang nakatayo sa ilalim ng tumutulong shower nang may ilang sandali. She couldn’t easily erase from her mind his intent gaze on her after he had given her body a quick glance.

Kung ninais nitong manatiling nakatitig sa hubad niyang katawan ay wala siyang magagawa. Madali nitong sabihing kasalanan niya dahil hindi niya isinara ang pinto ng banyo sa bahagi nito, na siya namang dapat.

Ganoon ma’y gusto pa rin niyang matunaw sa kahihiyan. At paano ba namang nawala sa isip niyang magkasosyo sila ng banyo?

Paano niya magagawang humarap dito sa susunod na mga araw?

And no, she had no intention of moving to another room. Nasa pasilyo ang banyo ng ibang silid.

Pagka-shower ay bumaba si Angeli at humingi ng kape kay Manang Tere at ipinanhik sa silid. Nagbilin siyang hindi siya maghahapunan at mas gugustuhing magpahinga. Maliban sa talagang pagod siya’y hindi rin niya gugustuhing makatagpo sa hapunan si Hanz.

11

MARAMING buwan ng pagsasanay ang nagpangyari upang kahit bahagyang kaluskos ay nagigising siya kaagad. At hindi niya malaman kung bakit siya nagising. Inabot niya ang relo na nasa side table. Ang luminous hands nito’y nagsasabing alas-dos ng madaling-araw.

Muling ibinalik ni Hanz sa night table ang relo at sinikap na bumalik sa pagtulog. Sa halip ay mukha ni Angeli ang gumuhit sa balintataw niya. Sa sandaling pagkakatitig niya rito kanina’y nakaukit na sa memorya niya ang mukha’t katawan nito. Slim but she had shapes at the right places. Small and firm breasts. Great legs, and he imagined them curled around his hips as he made love to her.

Damn her, but she had turned him on. Kahit kanina sa dagat, technically, kahapon na iyon. And his arousal surprised him. Karaniwan na’y kaya niyang kontrolin ang sarili sa ganoong bagay. He wasn’t thirty-three for nothing. Lampas na sa edad ng madaling arousal.

Hindi pang-Miss World ang ganda nito, but she was pretty and attractive and she’d got something—a devastating sex appeal, that she probably wasn’t aware of. And her skin was silky smooth, like ivory. At sa ilang sandali nito sa dagat ay kagyat iyong namumula… sun-warmed ivory. And she felt good in his arms, na para bang ang katawan nito’y sadyang nilikha para sa kanya.

Kaiba sa mga babaeng nakakatagpo niya, Angeli hadn’t even flirted with him. She was cold and contained through and through. Hindi niya sinasadyang mapasukan ito sa banyo with nothing on but cascading water. While other women would have shrieked o di kaya’y mauupo at magpipilit na takpan ang katawan.

She didn’t do any of those awkward things. She maintained her cool and that dignified look. Subalit may nangingibabaw sa mga mata nito. He was sure it was fear. Yes. Damn her, did she think he would rape her?

Ang pag-iisip ni Hanz sa dilim ay naputol nang makarinig siya ng mahinang ungol. He strained his ear to listen carefully. Ang mahinang ungol ay lumalakas.

Mula sa kabilang silid ang naririnig niya. Si Angeli ang naririnig niyang umuungol. At iyon ang nagpagising sa kanya.

Was she having a nightmare or something? Or was she in pain?

Napatayo si Hanz. Binuhay ang ilaw sa silid at nagpalakad-lakad. Hindi malaman kung ano ang gagawin. Binuksan niya ang bathroom door, umaasang hindi nakasara ang kabilang pinto. But no such luck, pagkatapos ng nangyari kanina’y hindi magpapabaya si Angeli.

Lumabas siya sa balcony, his own French door was left open. Walang dahilan para hindi niya i-enjoy ang hangin sa gabi. He tried Angeli’s door, it was locked, he expected that. At mula sa balkonahe ay malakas ang ungol nito.

Kinatok niya ang French door, kasabay ng pagtawag sa pangalan nito. Hindi niya makuhang kumatok nang malakas, maaari niyang magising at maabala ang ibang tao at malamang na magigising niya ang dalawang matanda. Papanhik ang mga ito at magkakaroon ng komosyon. Maaaring mapahiya ang dalaga.

He went back to his room impatiently, binuksan ang drawer sa night table at kinuha ang bungkos ng mga susi roon. Bumalik sa balkonahe at sinusian ang pinto at pumasok. Bahagya pa siyang nagtaka nang makitang bukas ang lampshade nito.

Humakbang si Hanz patungo sa kama nito at naupo sa gilid niyon.

“Angeli…” banayad niyang tawag.

She was tossing and turning. May mga butil-butil ng pawis sa gilid ng noo. And… tears?

Hinawakan niya ito sa mga balikat at marahang niyugyog. “Angeli, wake up…”

“No!” sigaw nito, nagpumiglas at nanlaban, as if she was fighting for her life. Inabutan ng mga kuko nito ang braso niya, and it scraped his skin drawing blood.

Hinawakan ni Hanz ang dalawang kamay nito at pinigilan. Doon nagising si Angeli at nang makita siya’y nanlaki ang mga mata sa sindak and would have screamed kung hindi niya naagapan ang bibig nito. Na lalong nagpangyari upang manlaban ito nang husto sa pagtataka niya.

“Sshh… sshh… Angeli, I’m not going to hurt you… it’s okay, it’s okay, you’re having a bad dream,” he said soothingly. One arm pulled her against his chest upang hindi ito makapanlaban nang husto. “Aalisin ko ang kamay ko sa bibig mo but promise me you won’t scream.”

Bahagya lang tumango ito at nararamdaman ni Hanz ang panginginig ng katawan nito. Unti-unting huminto sa panlalaban si Angeli. But Hanz had this feeling that she was just waiting for a small chance to fight him again.

“For Pete’s sake, Angeli, there’s nothing to fear! I won’t hurt you,” wika niya, his voice in total confusion. Pinakawalan niya ang bibig nito, expecting any moment that she would strike him.

She did not. Her eyes wide with fear and ready to strike if needed to.

“You were having a bad dream,” he said gently, tenderly. Ang kamay niyang nanatili pa rin sa mukha nito’y umangat subalit sapat iyon upang pumitlag si Angeli. “Sshh…” he said quickly and wiped the tears and perspiration on her face with his hand. He felt her stiffened.

Angeli still disoriented, took a deep breath and relaxed a little. Tumayo si Hanz at tinungo ang mesa sa isang sulok at nagsalin ng tubig sa baso mula sa plastic bottle ng mineral water.

“Drink this,” utos niya nang maupo siyang muli sa gilid ng kama nito.

Subalit hindi pinansin ni Angeli iyon. “What are you doing inside my room? Paano ka nakapasok?” she asked angrily, tuluyang nakabawi sa sindak bagaman nasa mga mata pa rin ang takot.

Hanz sighed. “Angeli, hindi ako masamang tao—”

“I’ll determine that. Now, paano ka naka­pasok?”

“You were having a nightmare. Umuungol ka at nagising mo ako—”

“That doesn’t answer how you were able to get inside my locked doors!”

“May sarili akong susi sa buong bahay na—”

“May sarili kang susi!” she exclaimed, napabangong bigla.

“I owned this house, Angeli,” marahang sabi niya.

12

“YOU… YOU…” Hindi makuhang tapusin ni Angeli ang sinasabi. Nanlalambot na muling humiga.

Her chest heaving. Tila galing siya sa mahabang pagtakbo. At ngayo’y nagisnan niyang nasa loob ng silid niya ang lalaking ito… ang lalaking ito na bago siya nakatulog ay pinaghihinalaan niyang kaaway.

At ngayo’y sinasabi nitong pag-aari nito ang guest house.She turned an angry face to him. “At ugali mo bang pasukin ang bawat silid ng mga guests?”

“Dammit, woman!” Hanz said irritably. “You were having a nightmare! You could have died of a coro­nary—”

“There’s nothing wrong with my heart!” she snapped.

Tinitigan siya ni Hanz, then a hint of a smile formed his lips. “I believe you. You fought me like a wildcat. See this?” Ipinakita nito sa kanya ang kalmot sa braso nito. Naroon ang bahid ng sariwang dugo sa kalmot. “Look at your fingernails, baka nariyan pa ang balat ko.”

Her eyes grew wide in horror. Ginawa ba niya iyon? Wala sa loob na yumuko siya upang tingnan ang mga daliri. Subalit bago niya nagawa iyo’y agad niyang ikinuyom ang mga palad. She couldn’t bear to look at it. Kahit sa panaginip ay nagiging bayolente siya.

“Inumin mo ang tubig na ito, Angeli,” Hanz said gently, muling kinuha ang baso sa night table at inabot sa kanya. In trembling hand, she took it and emptied the glass.

“T-thank you…” she whispered. Ibinalik sa night table ang baso. “I-I’m sorry…“He shrugged. “Bad dream, huh?”

“Alam… ba ng lahat na bahay mo ito?” pag-iwas niya sa tanong. Sa kabila ng pagod, hindi niya nakuhang makatulog nang mapayapa. Dirk’s murderer—she knew he was murdered kahit na ano pa ang sabihin nila—haunted her even in her sleep. A man with a black car, a Honda Civic.

It could be anyone. And it could be Hanz.

But things didn’t make sense. Pag-aari nito ang guest house at doon niya napiling magpunta nang hindi sinasadya at walang nakakaalam. Of course, maliban sa pinagtanungan niya. But that didn’t count.

“Actually, I inherited this house from my grandmother,” sagot ni Hanz na nagpaangat ng mga mata niya rito. “Hindi ko ipinaglilihim na pag-aari ko ang guest house na ito. Pero hindi ko rin naman ipinangangalandakan.

“Before I inherited this place, guest house na ito for three years. Entertaining guests kept my grand­mother from her miseries when my grandfather died. When she died three years later, walang dahilan para baguhin ko.”

“Iyon ba ang dahilan kung bakit tinawag itong Blue Lady Cottage?“Tumango si Hanz.

“What do you do? Dito ka ba nakatira?”

He grinned. At sa kabila ng naroroon pa rin ang tensiyon, nararamdaman ni Angeli na pumitlag ang puso niya sa ngiting iyon. And there was something about the man that made her suddenly conscious of herself as a woman… of the way she looked. Though her cotton night dress was decent enough, alam niyang nakasabog ang buhok niya at pinigil niya ang pagnanais na hawiin iyon at ayusin.

Nasisiraan na siya ng bait!

“Third degree?” sagot ni Hanz sa tanong niya. “Why, you could make a very good CIA or NBI, my dear. But to answer your question, yes and no. Some­times, I’m in my mother’s house in Manila. I was in Manila six weeks ago—”

“Six weeks!”

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Hanz sa tono niya. Pagkuwa’y nagkibit ng mga balikat. 

“We’ve met, haven’t we? At the parking lot. Surely, you remembered that.”

Wala sa loob siyang tumango.

“At kung nandito naman ako, I fish for a living,” patuloy nito.

“Y-you fish?” she asked incredulously.

“Yeah,” sagot nito. “You probably didn’t notice my fishing boat. It was moored out at the opposite side of the beach hidden by big rocks.”

“Oh.”

“I’ll take you out in her someday.”

Napaangat siya ng tingin sa pangakong nasa tinig nito. She shook her head. “I can’t!” she blurted out, pagkuwa’y agad na nagbaba ng tono. “I-I mean… I’ve… never been in a boat.”

“There’s always a first time, Angeli,” he said in a low voice.

Nilapitan siya nito at banayad na hinawakan sa mga balikat at maingat na inihiga pabalik. Aware of the man’s masculinity, gusto niyang hawiin ang kamay nito subalit hindi niya magawa. And she was confused what his gesture had meant.

Itinaas nito ang kumot hanggang sa may dibdib niya.

“Get back to sleep, Angeli. May ilang oras pa bago sumikat ang araw. I’ll expect you to join me for breakfast at seven-thirty. Though I won’t mind kung hindi ka magigising sa ganoong oras. Maghihintay ako.”

Hanggang sa makalabas ng French door si Hanz ay nanatili siyang nakatitig doon.

13

Wala pang alas-siete kinaumagahan ay bumaba na sa dining room si Angeli. Sa waluhang mesa ay naroon si Manang Tere na naghahain ng almusal sa isang lalaki. Kahit nakaupo’y nakikita niyang mataas ito, even taller than Hanz.

Nag-angat ito ng mukha nang pumasok siya. Ni hindi ito ngumiti at tinitigan lang siya. Kasing-edad marahil ito ni Hanz… probably a year older. And dear Lord, a good-looking man sa kabila ng hindi ito nag-aahit ng stubble.

He was staring at her under the rim of his coffee mug. At ang tinging ipinukol nito sa kanya’y parang gustong magpatayo ng balahibo niya.

“Angeli, hija, gising ka na pala. Halika’t maupo ka. Hindi ka naghapunan kagabi. Kayo talagang mga kabataan, oo.”

“Good morning,” bati niya kay Manang Tere. Hinila niya ang silya sa lugar na pinakamalayo sa lalaki. Ito ba ang may-ari ng isa pang itim na Honda?

“Siyanga pala, Angeli, ito si Luke, nauna ka lang ng isang oras sa kanya,” pakilala nito habang sinasalinan ng kape ang tasa niya. “Tulad mo’y magbabakasyon din siya rito. Luke, siya si Angeli. Tinanong mo siya kahapon, ’di ba?”

Napasinghap si Angeli. Tinanong siya nito kahapon kay Manang Tere?!

Subalit bago pa may mabuong komento alinman sa kanilang dalawa’y pumasok si Hanz. Gusto niyang magtaka sa biglang paglukso ng puso niya nang malingunan ito. He wore a grey jogging pants, with blue stripes on both sides and turtlenecked windbreaker.

“Good morning,” he greeted to no one in particular. Pagkuwa’y hinila ang silya sa tabi niya at naupo at humingi ng tasa kay Manang Tere. “Slept well?” he whispered in her ear. His clean and fresh breath wanned on her cheek.

Tipid na ngiti ang isinagot niya at bahagyang tumango. “Been jogging?”

“Yup. Kumusta ang binti mo?”

“I brought a pharmacy with me, nilagyan ko na ng Betadine kagabi.” Hanz’s cologne assaulted her senses subalit hindi niya maiwasang sulyapan ang lalaki sa kabila. Nahuli niyang nakatitig ito sa kanya, agad siyang umiwas ng tingin.

“Good,” sabi ni Hanz. “Ano’ng plano mo sa araw na ito?”

“Gusto kong magtungo sa general store, tatawagan ko ang mommy ko at ipapaalam ko kung saang bayan ako naroroon,” nakangiting sabi niya, pagkuwa’y agad ding naglaho nang makitang titig na titig si Hanz sa kanya.

“May… tumubo bang sungay sa ulo ko?”

“You smiled,” he said softly. “At para kang sunflower, umaliwalas ang buong paligid sa pamumukadkad.”

She gasped at the unexpected compliment. And was saved gracefully from giving any comment sa biglang pagtayo ni Luke na dumarag ang silya sa sahig. Natuon dito ang pansin niya. And she was right, he was tall, way over six feet.

Both him and Hanz had a well-built frame. But she liked Hanz’ built better. Then groaned silently at her own thought. Bakit niya pinagkukumpara ang dalawang estranghero at nagbigay pa siya ng preference?

For all she knew, isa sa dalawa ang kriminal. Subalit kung tangka siyang gawan ng masama ni Hanz, napakadali nitong nagawa kagabi iyon. Ni hindi niya namalayang nakapasok ito sa silid niya.

Perhaps she was wrong. Hindi ang uri ni Hanz ang mamamatay-tao. Bukod pa sa ano ba naman ang magiging motibo nitong patayin si Dirk? Ang pagtungo nito sa Maynila six weeks ago at ang pagkakaroon ng itim na Honda Civic ay pagkakataon lang lahat.

And yet Angeli couldn’t afford to trust anyone. Lalo at alam niyang sinusundan siya ng itim na Honda kahapon.

“Leave your car behind, I’ll drive you to the general store.”

“Manang Tere, maglalakad-lakad na muna ako sa baybayin,” wika ni Luke sa matandang babae, giving her a quick glance that she shivered a little.

“Ano ang gusto mong tanghalian, Luke?” pahabol ni Manang Tere. Kahit na ano. Iyon ang isinagot ng lalaki at tuluyang lumabas patungo sa sala. “Ikaw, Angeli, ano ang gusto mong tanghalian?”

Bahagya pa siyang napapitlag, hindi niya napunang nakatitig pa rin siya kay Luke. “D-dati na ba siyang nagbabakasyon dito?” tanong niya kay Manang Tere.

“Ngayon lang. At nakapagtatakang itong panahong ito’y hindi naman araw ng bakasyon pero heto at dalawa agad kayong guest sa bahay na ito,” sagot nito at inimis ang pinagkainan ni Luke. 

At bago ito pumasok sa kusina’y idinagdag, “At huwag mo siyang intindihin, Angeli. Medyo istrikto lang ang tingin ko sa lalaking iyon.”

Dapat ba niyang bigyan ng kahulugan ang sinabi ni ManangTere na ipinagtataka nitong dalawa agad silang guest gayong hindi naman panahon ng bakasyon?

14

NAGPAKATANGGI-TANGGI si Angeli na magpasama kay Hanz sa general store. Subalit ang takot ay muling umahon sa dibdib niya nang makitang flat ang gulong niya. Hindi lang basta flat, kundi nakita niyang hiniwa ang hulihang gulong.

“Something’s wrong?” tanong ni Hanz na lumabas sa balkon at makitang nakatayo siya roon, color drained from her face.

“S-somebody knife-slashed my tire.”

Kunot ang noong lumapit si Hanz. “Relax. Flat tire lang iyan. Hindi na-carnap ang sasakyan mo.” Tumalungko ito at sinilip ang gulong. “It doesn’t look like as if it was knife-slashed. You’ve been travelling for hours yesterday on rough road. At sa papasok dito ay matatalas ang mga bato. Pumutok ang tire mo.”

Somebody slashed her tire! Her mother’s car was only twelve months old at matibay pa ang gulong dahil ni hindi lumalabas ng Metro Manila ang mommy niya! Gusto niyang isigaw kay Hanz iyon.

“Hey,” Hanz said gently at hinawakan siya sa braso. Napaatras siya. “There’s no need to worry. I’ll take you to the general store.”

“No!”

Lumalim ang kunot ng noo ni Hanz sa ikinikilos niya. “Angeli, are you all right?”

Huminga siya nang malalim upang kalmahin ang sarili.She was acting like a real weirdo. “I-I’m all right. It’s just that I don’t know how to change tires.”

“Then let me take you to the general store. Hindi ka pa naman aalis, saka ko na papalitan ang gulong mo.”

At walang mapagpilian si Angeli kundi ang pumayag na magpahatid kay Hanz. Nasa highway na sila nang lingunin siya nito.

“I hope you don’t mind my asking,” sabi ni Hanz. “Natatakot ka ba sa akin?”

“B-bakit mo sinasabi iyan?”

Isang naiiritang hininga ang pinakawalan nito. “Now you’re stammering.” He shook his head. 

“Sapilitan ang pagpayag mong ipag-drive kita. At kanina pa hindi humihiwalay ang kamay mo sa door handle na tingin ko ba’y gusto mong tumalon ano mang oras. You drive a model car, Angeli, and you know this is power locked just like yours, at kahit pa buksan mo iyan kung hindi ko gusto’y wala kang magagawa.”

She sucked her breath. Nawala sa isip niya iyon. Umilap ang mga mata niya. Hanz uttered an oath.

“What’s wrong with you? Did you think I purposely slashed your tire just so I can drive you to the general store? Credit me with some finesse, Angeli.”

“I-I’m sorry.”

“Gusto kong isiping sa akin ka lang ganyan, lalo at kaninang madaling-araw ay takot na takot ka nang mamulatan mo ako sa silid mo—”

“Kahit sinong babae’y matatakot kung magigising na may lalaki sa silid niya, Hanz,” she snapped.

“That’s true. Pero hindi lang takot ang nakita ko sa mga mata mo kagabi, Angeli. You were petrified. Kahit nang sabihin kong hindi kita sasaktan. At kanina’y nakita ko uli ang sindak na iyon sa mga mata mo nang tingnan mo si Luke.”

Hindi siya sumagot. Pumayag siyang samahan siya ni Hanz sa general store dahil mas may pakiramdam siyang ligtas siya rito kaysa kay Luke. At ni hindi niya alam kung sino sa dalawa ang may kagagawan ng pagka-flat ng gulong niya.

“Were you raped?” he blurted out and gritted his teeth at the same time.

“No!” mapuwersang sabi niya, namanghang naisip nito iyon kasabay ng pagtataka niya kung para kanino ang galit sa mga mata nito.

“Then why? Ano ang dahilan at parang natatakot ka sa amin ni Luke? O pati ba kay Manong Elmo?”

“This is ridiculous! Ano ang ikatatakot ko sa inyo?” she lied through her teeth.

“So tell me, sweetheart,” he said drily. “What’s your story?”

“Walang—” Isang pagkalalim-lalim na hininga ang pinakawalan niya. Kumikilos siyang hindi normal sa paningin nito.At kailangang may maipaliwanag siya o magmumukha siyang neurotic.

“Perhaps I’m still in shock. I had a road acci­dent… just recently.” Hindi niya gustong ulitin ang “anim na linggo.” At matiim niyang pinagmamasdan ang profile nito, umaasang may mapupuna siyang mapagkikilanlan sa ekspresyon nito. But there was none. Mas pag-aalala ang nakita niya sa mga mata nito nang lumingon sa kanya.

“Your leg, iyon ba ang dahilan kaya ka umiika kahapon sa dagat?”

Tumango siya. “I stayed in the hospital for ten days. Nilagyan nila ng cast ang binti ko. Hindi ko alam kung saang bahagi ng sasakyan tumama. Medyo nabugbog uli kahapon dahil sa paghampas ng alon sa akin sa batuhan.”

“You needed this vacation, of course. And you’re a brave young woman, Angeli. Hindi ka pa dapat nagmamaneho. Though I’m very glad that you’re here and we’ve met, bakit dito mo naisip magpunta? Napakalayo nito at marami namang lugar na mas malapit at maganda at tahimik din naman?”

“I’m a professional photographer, Hanz. I half- owned a gallery in Greenhills. I need new subjects… new photographs. Mas malayo, mas marami akong makikitang magagandang subject.” It was a safe answer.

“Greenhills. Alin doon?”

“Precious and Few.”

Bahagya itong namangha, then the handsome face broke into a smile. “I know the place. Ipinagmaneho ko ang Mama minsan sa gallery. You’d be surprised to find one of your photographs in my mother’s drawing room.”

“You’re kidding!”

He grinned. “It’s a sunflower, sweetheart. And when you smiled at me this morning, you reminded me of that photograph.”

Hindi makapaniwalang sumandal si Angeli, inihilig ang ulo sa headrest at sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-relax. Sunflower was one of her best photos and she personally liked it. Hindi niya gustong ipagbili iyon dahil may cardinal rule ang gallery na hindi magkakaroon ng dalawang kopya bawat photograph.

At kung gusto nilang dalawa ni Ansel ng photo­graph na kaparehong subject, kailangang kuhanan ang subject ng panibagong larawan. Natural na hindi na iyon katulad na katulad ng nauna. No two photographs of the same subject were the same. Kaya naman mas marami silang customer dahil hindi nagiging common ang mga larawan nila sa gallery.

And that Sunflower was put on display.

But Ansel sold it and said he couldn’t refuse the prize the buyer had offered.Sandaling pinagmasdan ni Hanz ang panatag at payapang mukha ni Angeli. And he had this urge to kiss that Mona Lisa smile on her lips.

He was intrigued by this pretty woman.

Naniniwala siyang naaksidente ito sa kalye. Hindi ipinagsisinungaling ang ganoong dahilan. So she wasn’t raped. He believed that, too. Pero naniniwala siyang may ibang dahilan ang nakikita niyang pagkatakot nito.

He wished he could stay away from her personal problem, kung ano man iyon. She was a complication he didn’t need at this point in time.

15

Hindi sila nagtagal sa general store at agad ding bumalik sa guest house sa pagtataka ni Angeli. Sa mga ikinikilos ni Hanz sa kanya’y hindi na niya pagtatakhan kung yayayain siya nitong mamasyal sila sa ilang lugar sa Amparo o sa katabing bayan, ang San Nicolas. But Hanz drove her back to the guest house immediately. She was disappointed and relieved at the same time.

“Go up to your room and changed something more comfortable,” utos nito nang makalabas sila ng kotse.

Nagtatakang nilingon niya ito.

He grinned. “Ipapasyal kita sa dagat at sa kalapit-isla. Sa bangka na rin tayo manananghalian. 

Magpapahanda ako ng pagkain kay Manang Tere.“

Hindi agad siya makasagot. Did she dare trust this man? Lalo sa isang lugar na wala siyang makikitang tao? Suddenly, she was wary. Bahagya pa siyang napapitlag nang tumaas ang kamay ni Hanz sa noo niya at banayad na hinawi ang kunot ng noo niya roon.

“It only takes fourteen muscles to smile and seventy-two when you frown.”

“I-I can’t, Hanz. Sa ibang pagkakataon—”

Ang daliri nito’y lumipat sa mga labi niya, pinigil ang anumang sasabihin niya. And for the life of her, hindi niya magawang alisin iyon. In fact, the gesture was so erotic and she had this urge to give his finger a gentle bite.

“Don’t be afraid of me, Angeli.” At sa pabirong paraan ay idinagdag, “I’m so harmless. I won’t even scream if you intend to have your ways with me.”

Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Sa kung ano mang dahilan ay nagtitiwala siya sa lalaking ito na kahapon lang niya nakilala.

Angeli saw his head bent a fraction. And she knew he would kiss her. At hindi niya alam ang gagawin kung hahagkan siya nito. But for some reason, humakbang paatras si Hanz.

“If you have a swimsuit, bring it,” wika nito at tumalikod na at lumakad patungo sa guest house.

The disappointment she felt surprised her. She sighed. Hindi sinasadyang tumingala siya at nahuli pa niya ang pag-alis ni Luke mula sa bintana.

Kanina pa ba ito roon? Pinagmamasdan ba sila nito?

16

ANGELI saw the jet Ski first. Nakatali sa isang bato at naroon lang sa dalampasigan.

“Iniiwan mo lang nang ganyan ang jet Ski dito sa beach?” she asked.

“Ligtas ang lugar na ito, Angeli.”

Bahagya lang siyang tumango. May pakiramdam siyang may dobleng kahulugan ang sinasabing iyon ni Hanz. Then her eyes flew to the fishing boat behind the big rock. Hindi nga niya makikita ang bangka dahil nasa tagilirang bahagi iyon mula sa bahay at sa may pagliko ng dalampasigan. It was painted in white and blue. Sa gilid ay nakatatak ang Blue Lady, in black script.

“You also inherited that from your grandmother?”

“Sa lolo ko. He was a fisherman. Doon niya binuhay ang pamilya niya.” Hinagod siya ng tingin ni Hanz. Naka-shorts siya ng puti at oversized white polo shirt at canvass sneakers. “Wala ka bang dalang pampaligo?”

“Sa ilalim ng polo shirt ko.”

“Good,” wika nito. Hinawakan siya nito sa kamay ay hinila na palusong sa tubig.

Nasa dibdib na ni Angeli ang tubig nang marating nila ang bangka. Naunang sumampa si Hanz sa pamamagitan ng katig at saka ito yumuko at inabot siya. A moment later, she was standing next to him.

“Welcome aboard the Blue Lady, Angeli. And I’m going to kiss you.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. “W-what?”

“It’s a tradition,” nakangising wika nito. “Isang lumang tradisyon iyon ng aking mga ninuno. When a lady comes on board a Belleza boat for the first time, she has to kiss the captain.”

“Nagbibiro ka.”

Umiling ito. “It’s to ensure good luck.”

Hindi niya malaman kung matatawa siya. “Oh, I know you’re making this up.”

“Absolutely not. One thing you can count on, Angeli, hindi ako nagsisinungaling.” Humakbang ito palapit sa kanya. “Kaya nga kanina pagdating nati’y gusto kitang hagkan pero naisip kong gamitin ang pagkakataon sa sandaling ito.”

“Come on, Hanz…” Umatras siya ng isa palayo rito.

“It’s an unbreakable tradition, Angeli.” He cocked his head and his smile widened slowly as he moved closer.

Tumaas ang kamay ni Hanz patungo sa likod ng ulo niya at banayad siyang kinabig. Then he bent his head. As his lips brushed hers, Angeli felt an intense wave of pleasure pass through her body. His kiss was tender at first and then with increasing passion.

Angeli responded hungrily, ang mga kamay niya’y kusang tumaas sa batok nito. She melted dizzily against him habang ang kamay nito’y dumadama sa likod niya. She had never dreamed that a kiss could evoke such overwhelming desire.

All she wanted was to surrender herself, body and soul, to Hanz Belleza.

ANGELI was right. He was making up the tradition. It was a stupid excuse to kiss her. He couldn’t control his desire. At kung siya ang masusunod, he would take her right then and there.

And he was complicating things.

Hanz ended the kiss and groaned inwardly nang maramdaman ang walang-salitang pagtutol ni Angeli. He held her close against his chest. He breathed in the rose scent of her shampoo, tasted the silky strands of her hair.

If only she didn’t feel so right in his arms.

Atubiling pinakawalan niya si Angeli.

“May sinabi rin ba ang tradisyon ng mga ninuno mo kung gaano katagal dapat ang halik?” she teased.

He chuckled. “I could kiss you forever, Angeli…”

17

ANGELI never thought she would enjoy a man’s company as much as she had enjoyed with Hanz. Sa bangka sila nananghalian. Pagkatapos ay ipinakita nito sa kanya ang fishing nets na ginagamit sa panghuhuli ng isda. Tinuruan din siya nitong gumamit ng pamingwit at tumili siya nang may kumagat sa pain niya.

Though it was just a small fish, she was so ecstatic. And yet to Hanz’s surprise, she took the hook off from the mouth of the fish carefully and threw it back to the sea.

“You have a soft heart, Angeli,” wika nito. There was such tenderness in his eyes that she felt running to him. Tell him her fears. Pero pinigil niya ang nagpupumiglas na damdaming iyon. The man was still a stranger.

“I’m giving that fish a second chance at life, Hanz,” nakangiting sabi niya. “Huwag siyang kakagat uli sa pain ko at mauuwi siya sa kaldero ni Manang Tere.”

Hanz laughed. Pagkuwa’y sumeryoso. Then something like anger crossed his eyes as he turned to gaze at the blue ocean. “People seldom get second chance at life, Angeli.”

Hindi alam ni Angeli kung paano tatanggapin ang sinabi nito. May palagay siyang may kahulugan ang sinabing iyon ni Hanz. Gusto niyang magtanong pero hindi niya alam kung paano at ano ang itatanong.

Subalit nang lumingon ito’y naroon na uli ang ngiti sa mga labi. “I’ll teach you how to scuba dive,” wika nito. “Pero hindi ngayon. Baka hindi pa lubusang magaling ang napinsalang buto sa binti mo. Mahihirapan ka sa ilalim ng dagat.”

“Oh, Hanz, I couldn’t stay longer,” may panghihinayang niyang sabi. “I have a job. At pinutol ni Mommy ang bakasyon ko ng hanggang limang araw.”

Kaninang nag-usap sila ng ina sa telepono ay naghintay sa kotse si Hanz, giving her the privacy to talk to her mother. Hindi niya gustong mag-alala ang ina, subalit hindi niya maiwasang sabihin dito ang tungkol sa kotseng itim. Natatakot siya at kailangan niya ng mapagsasabihan. At kung sinunod niya ang ina’y gusto nitong umuwi na siya kaagad, so she promised that she’d cut her vacation to five days.

Sa gulat niya’y hinapit siya ni Hanz. Itinaas ang mukha sa pamamagitan ng daliri nito. “Good. Babalik ako ng Maynila in four to five days. Sabay na tayo. Sa ibang pagkakataon, ipinangangako kong dadalhin kitang muli rito.” Then he bent his head and kissed her. He sent his tongue deep, feasting on the sweetness of her. And she clung to him with fervor, wanting more than just kisses.

At sa pagkamangha niya’y huminto sa paghalik si Hanz at pinakawalan siya.

“Let’s go back, Angeli, humahapon na.”

“Of course,” sagot niya sa pinasiglang tinig, trying to hide the embarrassment that she felt. Ni hindi niya makuhang tumingin dito.

She knew full well that she had returned his kiss with all the passion she never knew she had possessed. Walang ibang lalaking pumukaw sa kanya ng ganoong uri ng pagnanasa maliban kay Hanz.

At kahapon lang niya nakilala ang lalaking ito! And it wasn’t like her to exchange kisses, passionate kisses with a virtual stranger!

Dapat pa nga’y ipagpasalamat niya ang rejection nito. Siguro nga, pero hindi niya maitatanggi ang sakit na nararamdaman.

ALAS-singko na nang dumaong ang bangka sa baybayin. Lampas-tao na ang tubig sa may batuhan dahil sa paglaki ng tubig. So they swam ashore. Isinusuot ni Angeli ang basang sneakers nang matanawan sa malayong bahagi ng baybayin si Luke. Katunayan ay nakaharap ito sa kanila na tila ba nag-aabang, maliban sa hindi niya makita nang malinaw ang mukha nito dahil malayo.

“Ano ang ginagawa niya roon?” may bahagyang kaba sa tinig niya nang magtanong.

Nagkibit ng mga balikat si Hanz. “Enjoying the sunset. Huwag mo siyang intindihin.“Hand in hand, they went back to the guest house.

“Another guest?” sabi ni Hanz nang mapunang may isang puting sedan na nakaparada sa harap ng guest house.

She smiled. “Ayaw mo noon, bukod sa pangingisda’y kumikita pa ang guest house kahit off season.”

“May katwiran ka diyan,” he said laughing.

Pagbungad nila sa pinto’y ganoon na lang ang gulat ni Angeli nang makitang si Gail ang naroroon kausap ni Manang Tere.

“Angeli!” nakatawang sabi nito at sinalubong siya.

“Paano mo natutuhan ang magandang lugar na—” Nahinto ito sa sinasabi nang mapuna si Hanz. Hinagod nito ng nanunuring tingin ang kabuuan ni Hanz. “Hmm… twenty-four hours at may kapalit na kaagad si Dirk, huh?”

Gustong pamulahan ni Angeli. Lalo at alam niyang sa sulok ng mga mata’y nilingon siya ni Hanz. Ipinakilala niya ang dalawa sa isa’t isa. Hanz smiled politely and shook Gail’s hand.

“Twenty-four hours at maganda na ang kulay mo, chica,” patuloy nito. “Hindi ka ba sinumpong kagabi?”

“Gail, please…” awat niya sa kaibigan, agad na nakadama ng pagkailang. Sinulyapan niya si Hanz na nakatingin din sa kanya. Nagtatanong ang mga mata. Umiwas siya ng tingin. “Bakit ka nga pala naririto? Paano mo nalaman ang lugar na ito?” nagtatakang tanong niya.

“Ang mommy mo. ’Di ba’t tinawagan mo siya kaninang umaga? Nagkataong binigyan ako ni Boss George ng bakasyon. Ipinasya kong samahan ka na lang dito sa halip na sa Vergara Beach Resort. Tuwang-tuwa nga ang mommy mo dahil magkakasama tayo,” tuloy-tuloy nitong sabi. Pagkatapos ay lumingon sa may mahabang sofa at noon lang napansin ni Angeli na may isang lalaking nakaupo roon.

He seemed amused while listening to Gail’s chatter. Tumayo ito at humakbang palapit.

“Si Carlos, Angeli,” pakilala nito. At pagkuwa’y nahihiyang ngumiti at idinagdag, “Boyfriend ko siya. Carlos, siya ang kaibigan kong sinasabi sa iyo. Dirk’s girlfriend.”

May pakiramdam siyang gusto niyang sipain si Gail sa sandaling iyon. Si Carlos ay nakangiting inilahad ang kamay sa kanya.

“How are you, Angeli? Tama si Gail nang sabihing maganda ang kaibigan niya.”

She rolled her eyes, hindi maiwasang ngumiti rin sa palakaibigang pagbati ni Carlos. Ipinakilala niya ang dalawang lalaki. While Hanz was distantly polite, naka-plaster na ang ngiti sa mukha ni Carlos.

Hindi nagkakalayo ng taas ang dalawa, bagaman mas maganda ang katawan ni Hanz. Carlos was slimmer. At marahil ay nasa mid-thirties na ang lalaki. Hindi ito magandang lalaki pero ang palangiting mukha nito’y kaaya-aya na maaakit ang sino man.

Nagpaalam si Hanz na magbibihis muna.

“Gusto kong mainggit sa iyo, Angeli. Kahit kailan, lagi ka na lang lumalamang sa akin,” sabi ni Gail na ang mga mata’y nakasunod kay Hanz na pumapanhik sa hagdan.

Kumunot ang noo ni Angeli. Nakangiti si Gail pero parang gusto niyang isiping may pananaghili ang tono nito. Subalit bago pa makabaon sa isip niya iyon ay hinapit nito si Carlos at iniyakap ang braso sa baywang nito. Her eyes brilliant.

“Pero siyempre, hindi ko ipagpapalit si Carlos ko kahit na kaninong hunk.” May pagmamalaki sa tinig nito at gustong matuwa ni Angeli para sa kaibigan. It was painted on the wall, her friend’s very much in love.

“Kailan ba kayo nagkakilala? Bakit hindi mo man lang nasabi sa aking may boyfriend ka na?” may himig ng tampo ang tinig niya.

Masuyo itong tumingala kay Carlos. “Hindi naman kasi ako nakatitiyak kung seryoso siya sa akin. Ayokong mapahiya. Dalawang buwan na kaming magkasintahan. Taga-San Nicolas siya, Angeli. Pero malimit siya sa opisina kapag hindi nakakarating si Boss. Magpinsan sila ni Boss. Hindi ba siya nababanggit ni Dirk sa iyo noong nabubuhay pa ito?”

“Of course! Kaya parang pamilyar ang pangalan niya.”

“At siya ang humalili sa puwesto ni Dirk.” May lungkot na dumaan sa tinig nito na agad din namang binawi ng pinasiglang tinig. “Aling silid ka ba sa itaas? Akin iyong isang nakadungaw sa entrada.”

“Halika, samahan mo ako sa itaas at nilalamig na ako.” Nakangiting nilingon niya si Carlos. “At huwag ka munang umalis, Carlos. Dito ka na maghapunan. Malihim itong kaibigan ko. Ni hindi man lang ibinabalitang may boyfriend na pala. I hope you don’t mind kung medyo kikilatisin kita nang kaunti.”

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Carlos.

18

Kasalukuyang nagkukuwentuhan sina Angeli, Gail at Carlos sa balkonahe habang naghihintay na makaluto si Manang Tere nang pumarada ang kotse ni Luke sa harap ng balkonahe.

“May bagong guest?” tanong ni Gail.

“No. Magkasunod lang kaming dumating kahapon,” sagot ni Angeli, bahagya lang sinulyapan ang pagbaba ng bagong dating sa kotse nito mula sa pagitan ng barandilya.

Nakapanhik na sa balkon si Luke nang siya namang paglabas ni Hanz. May hawak itong bote ng imported na alak, kasunod si Manong Elmo na may dalang tray ng wineglass.

“Tamang-tama ang dating mo, Luke,” wika nito. “Halika at nang makilala mo ang mga kaibigan ni Angeli.”

Si Luke ay sandaling dinaanan ng tingin si Angeli bago tumaas ang isang sulok ng mga labi bilang pagngiti. “Sure,” wika nito. “Ang mga babae ba’y marunong uminom?”

“Kung tig-iisang shot lang ay walang problema,” nakangiting sagot ni Gail.

Inilapag ni Hanz ang bote ng alak sa wicker table. “Alas-siete pa lang at treinta minutos pa bago ang hapunan. Knowing Manang Tere, istrikto sa oras iyon. So let’s have an aperitif. Mang Elmo, maglabas pa ho kayo ng isang wineglass.”

Tatlong piraso ang wicker chair sa balkon, isa na lang doon ang maaaring upuan ni Luke, ang pandalawahan na kinauupuan ni Angeli. Agad siyang tumayo dahil hindi niya gustong maupo ito sa tabi niya.

“Dito na kayo maupo ni Luke, Hanz,” wika niya at bago pa may tumutol ay humakbang siya patungo sa barandilya ng balkon at naupo roon. Bahagyang kumunot ang noo ni Hanz at sandali siyang tinitigan bago yumuko at sinalinan ng tig-iisang shot ang mga wineglass.

But to her dismay, hindi sa wicker chair na inalisan niya naupo si Luke. Sa halip ay dumeretso ito sa barandilya, isang kalahating dipa ang layo mula sa kanya at doon naupo.

At hindi na niya magawang bumalik sa wicker chair nang hindi nito mapupunang sadya siyang umiiwas. Ito mismo ang nag-abot sa kanya ng wineglass na kinuha nito mula kay Hanz. At habang ipinakikilala ni Hanz ang dalawang bagong dating kay Luke ay banayad niyang sinimsim ang sariling alak, aware of the man near her at sa takot na nararamdaman niya para dito.

Palabas si Manong Elmo na dala ang wineglass para kay Luke nang biglang nagdilim ang buong paligid.

“Brownout!” Tinig ni Gail, kumayod ang inuupuan sa biglang pagtayo.

“Damn!” Si Hanz. “Manong Elmo, pakisindihan nga ninyo ang Coleman,” utos nito. “Natitiyak kong magtatagal ito.”

“Hanz.” Si Angeli, sinisikap na huwag mahalata ang panginginig ng tinig. Hindi niya gusto ang pagba-brownout. Not to mention that she was afraid.

19

KUMUNOT ang noo ni Hanz sa takot na nasa tinig ni Angeli.

“It’s all right, Angeli…” wika niya. Sinisikap niyang aninagin ito sa kadiliman. Kasabay ng paghakbang niya upang lapitan ang kinauupuan ng dalaga ay ang pagtili ni Angeli. “Angeli!”

“Angie?” Si Gail.

“Ano ang nangyari?” Si Carlos.

“Luke, do you have a match?” galit niyang tanong at marahas na sinipa ang mahabang wicker chair upang lapitan ito. Narinig niya ang pag-ungol nito at ang muling pagtawag sa pangalan niya.

Sandali lang at bahagyang nagliwanag ang paligid mula sa lighter na sinindihan ni Luke.

“She fell, Hanz,” wika nito at mabilis na tumalon mula sa barandilya patungo sa ibaba upang tulungan ang dalaga.

“Stay away from me!” takot na hiyaw ni Angeli nang tangkain siyang hawakan ni Luke, wincing in pain at the same time. “Don’t let him touch me, Hanz!”

Luke seemed to have turned into stone at the fear and hatred in her eyes. Si Hanz na sa barandilya rin dumaan sa pagbaba’y agad yumuko.

“Oh, God, Angeli,” wika niya. Hindi malaman kung ano ang hahawakan sa dalaga. She could have a broken bone… o baka napasama ang pagkakabagsak nito. “Aling bahagi ng katawan mo ang masakit?” he asked worriedly.

Hindi kataasan ang balkon patungo sa lupa. Subalit kung magmumula sa barandilya ay doble ang taas niyon. At may ilang malalaking bato sa lupa na iniharang sa halaman.

Angeli clutched at his shirtfront in trembling hands. “T-take me upstairs, Hanz, please…” wika nito sa naghihisteryang tinig.

Si Gail ay patakbong bumaba. “Angie, ano ang nangyari? Paano ka nahulog?”

“Dadalhin ko siya sa silid niya, Gail. Sumunod ka,” wika niya at pinangko na ang dalaga at ipinanhik sa itaas.

“HANZ, I’m pushed!” naghihisteryang sabi niya.

“Kung may nagtulak sa iyo’y tiyak na nasaktan ka nang husto, Angie,” sabi ni Gail, a worried frown on her eyes.

“Dahil nakahawak ako sa barandilya at naalalayan niyon ang pagbagsak ko!”

“Sshh…” sabi ni Hanz. Hinawi mula sa mukha niya ang ilang hibla ng buhok na nakasabog sa noo niya. “You’re tired and you’re hungry, Angeli. Magpapapanhik ako ng pagkain kay Manang Tere.” Tumayo ito at humakbang patungo sa pinto at lumabas.

“Bababa ako sandali, Angie,” sabi ni Gail. “Sasabihin ko lang kay Carlos na bukas na kami magkita. Papanhik ako uli rito.”

“It’s all right, Gail,” she said in a resigned voice. “Gusto ko nang magpahinga. Paki-lock ang pinto paglabas mo. Pakisabi kay Hanz na ipagpapaliban ko ang pagkain.”

“But—”

“Please, Gail… and thank you.”

“HANZ, sandali.”

Nasa gitna na ng hagdan si Hanz nang abutan siya ni Gail.

“Ikinalulungkot ko kung parang nagiging abala si Angeli, Hanz,” wika nito na sinabayan ng buntong-hininga at naupo sa baitang. “May sakit siya. Kalalabas lang niya ng ospital, hindi pa natatagalan.”

“Nasabi niyang naaksidente siya.”

Tumango si Gail. “Sinabi ba niya sa iyo kung ano ang dahilan ng aksidente niya?”

“No, she didn’t. Paano siya naaksidente?”

“Napasukan niyang patay ang boyfriend niya sa opisina nito sa araw ng usapan nilang magkikita. Nagpakamatay si Dirk dahil natuklasan ng opisina ang ginawa nitong pagdispalko sa salapi ng kompanya. Subalit hindi naniniwala si Angeli na nagpakamatay si Dirk.

“Ipinagpipilitan din niyang inatake siya ng pinagbibintangan niyang pumatay kay Dirk. Nagtatakbo siya palabas ng building. Sumakay sa kotse niya patungong South Superhighway dahil hinahabol daw siya ng killer ni Dirk.”

“Gusto mong sabihing wala namang humabol sa kanya?” Hanz asked with a frown.

Tumingala si Gail sa kanya. “Dalawang beses sa buhay niya’y dalawang mahalagang tao ang napasukan niyang patay sa isang madilim na silid, Hanz. Ang una’y ang daddy niya. Sakit sa puso ang ikinamatay nito. Kararating lang nila ng mommy niya galing sa supermarket. Una siyang pumanhik sa silid ng daddy niya para ipakita ang bago niyang camera. Nasa first year high school kami nang mangyari iyon…”

“She’s afraid of the dark…” wala sa loob na sabi ni Hanz.

“Yes. At ang inaangkin niyang killer na humahabol sa kanya’y sakay ng kotseng itim.”

Hindi kumibo si Hanz. Iyon ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang takot ni Angeli kahapon nang makita ang kotse nila ni Luke sa harap ng guest house. At iyon din ang dahilan kung bakit natatakot ito sa kanilang dalawa ni Luke.Minabuti niyang huwag nang isatinig iyon.

“Lagi niyang iniisip na may gustong pumatay sa kanya, Hanz. Siguro’y dala na rin iyon ng guilt. Iniisip niyang ang rejection niya sa proposal ni Dirk na magpakasal sila’y ang siyang dahilan kung bakit nagpakamatay ito. Hindi nga niya gustong maniwalang nakadispalko ng salapi si Dirk sa kompanya.”

“Kung hindi siya naniniwalang nakadispalko ng pera ang boyfriend niya, paanong naniniwala ka roon?”

“Si Dirk ang immediate boss ko, Hanz. Pareho kaming sa Vergara Trading nagtatrabaho.”

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila. Gail broke the silence.

“Kung mapapapayag ko siya’y iuuwi ko na siya bukas.” Tumayo ito sa pagkakaupo sa hagdan. 

“Pauuwiin ko na muna si Carlos. At siyanga pala, nagbilin si Angeli na matutulog na siya at hindi na kakain.”

20

NANG gabing iyon ay muling sinalakay ng masamang panaginip si Angeli, subalit bago siya makagawa ng ingay ay agad siyang nagising at napabalikwas.

Sa nanginginig na tuhod ay tumayo siya at nagsalin ng tubig sa baso at uminom. Pagkatapos ay bumalik sa kama at naupo sa gilid niyon. Sinulyapan ang wristwatch na nasa night table, ala-una y medya ng madaling-araw.

Ikinulong niya ang mukha sa mga palad. Kailan siya patatahimikin ng pagkamatay ni Dirk? Gabi-gabi ba’y parati na lang siyang ganito?

May ilang sandaling nanatili si Angeli sa ganoong ayos bago tumayo at maingat na binuksan ang French door. Lumabas siya sa balkonahe. Sinalubong siya ng malamig na hangin. She shivered and crossed her arms. May buwan sa langit at ang liwanag nito’y bahagyang tumanglaw sa kadiliman.

Nilingon niya ang bahagi ng balkonahe ni Hanz. Marahil ay tulog na ito.

Nanungaw siya at tinanaw ang dagat. Mula sa kinatatayuan niya’y naririnig niya ang banayad na paghampas ng alon sa dalampasigan. She could feel the salty water on her face.

She loved this place. Subalit mahigit nang isang buwan mula nang mailibing si Dirk ay nanatili siyang binabagabag ng pagkamatay nito.

Wala sa loob na napatingin sa ibaba ng balkonahe si Angeli at napasinghap siya nang mapuna ang isang anino sa ibaba. Maingat siyang umatras at sinikap na huwag gumawa ng ingay at sumandal sa pader subalit ang mga mata’y nanatiling nakasunod sa anino. Kumikislap ang liwanag ng sigarilyo sa dilim.

Sino ang gising pa sa oras na ito at naglalakad sa ibaba?

Nang tumingala ito’y halos idikit niya ang katawan sa pader. Sa pagtingala nito’y bahagya itong nasinagan ng liwanag ng buwan.

Si Luke. At ang silid niya ang tinitingnan nito.

Agad ang pagtambol ng kaba sa dibdib ni Angeli. Hindi siya makababalik sa silid niya nang hindi siya makikita nito. Ang tanging tumatakip sa kanya’y ang pader na mismo ng bahay at dahil nakatunghay roon ang anino ng malaking puno’y madilim sa bahaging iyon.

Mayamaya’y nakita niya itong lumakad pabalik sa pinanggalingan. Marahil ay papasok na sa bahay. Sinamantala niya iyon at bumalik sa silid niya. Isinara niya ang French door and secured its lock. Pumasok siya sa banyo at binuksan ang ilaw doon at ang pinto sa bahagi ni Hanz.

Ang ilaw sa loob ng banyo ang tumanglaw sa madilim na silid nito. “Hanz…”

Subalit bakante ang higaan nito. At sa ayos ay hindi pa natutulugan.

Nasaan si Hanz sa ganitong oras?

Paano kung ngayon piliin ni Luke na panhikin siya sa silid niya? lnisip niyang lumabas at magtungo sa kabilang bahagi ng bahay, sa silid ni Gail. Pero paano kung makasalubong niya si Luke?

Oh, Hanz, nasaan ka?

She almost screamed nang bumukas ang pinto ng silid ni Hanz.

21

“Hanz!” Ang relief na nadama ni Angeli pagkakita kay Hanz ay halos magpawala sa lakas niya. Napaupo siya sa gilid ng kama nito.

“Angeli?” sabi ni Hanz na nagulat nang makita siya sa loob ng silid nito.

“W-where have you been at this hour?” Relief, fear and confusion were all in her voice. Suot pa rin ni Hanz ang damit na suot nito kagabi. Hindi pa ba ito natutulog? Saan ito nanggaling?The grin that he gave her made her feel even weaker.

“You sound like a wife, sweetheart. And I like that.”

Pinamulahan siya roon. “H-hindi mo sinasagot ang tanong ko, Hanz.“Lumapit ito sa kanya at naupo sa tabi niya. “I am a fisherman, aren’t I? At walang nangingisda sa umaga, Angeli.”

Nasa tinig pa rin nito ang amusement, and though she half-believed him, she felt so foolish. Umusog siya at nagbigay ng distansiya sa pagitan nilang dalawa. If he were this close, hindi siya makapag-isip nang maayos.

“Hanz, I’m not… crazy.”

“Who says you are?” wika nito. And he added in a gentler tone, “Hinintay mo ba ako para lang sabihin sa akin iyan?”

“Hinabol ko si Gail kanina para sabihing sa silid niya ako matutulog at narinig ko ang mga sinabi niya sa iyo. And I don’t blame her, Hanz, for what she thought. Tulad ng mother ko, she’s worried.”

“Of course, she’s your friend.” His face was absorbed as he gazed at her worried face. At nasa mga mata ni Angeli ang takot.

“Hanz, maniwala ka sa akin. Alam kong may nagtulak sa akin kagabi sa balkon. Hindi ko imahinasyon lang ang kamay na humawak sa braso ko at itinulak ako!“Hindi sumagot si Hanz, sa halip ay nanatiling nakatitig sa kanya na tila siya nasisiraan ng bait.

“Oh! Hindi ka naniniwala sa akin, hindi ba? Hindi ka rin naniniwalang may nagtatangkang pumatay sa akin!”

“Angeli, calm down…”

“All right, ayoko ng madilim!” Tumayo siya at pinagsalikop ang mga braso sa dibdib. “It’s because I can’t stand total darkness. It’s more preference than fear. Pero hindi dahil sa mga dahilang sinabi ni Gail. Kung totoo iyon, di sana’y hindi na ako pumasok sa silid ni Dirk nang gabing iyon. It was dark in his room, Hanz. So I am not crazy… hindi ko gawa-gawa lang ang mga sinabi ko kung bakit ako naaksidente nang gabing iyon! Dirk’s killer chased me that night.”

“Paano mong natiyak na pinatay si Dirk, Angeli?” he probed.

“Ang Vergara Trading ay nasa third floor ng building, Hanz. I went to the ladies’ room for four or five minutes. The ladies’ room was on the same floor outside the office. Kung narinig ng guwardiya ang putok ng baril sa ibaba ng building, sa palagay mo ba’y hindi ko maririnig iyon?”

“That’s very logical. But what if Dirk committed suicide before you arrived that evening?”

“Mas maririnig dapat iyon ng mga empleyado. Wala pang sampung minutong nakaalis si Gail nang dumating ako. Hanz, he was murdered. Kung bakit ay hindi ko alam. And his murderer tried to kill me, too!”

“Ang sabi ni Gail ay ang guwardiya ng building ang nasa silid ng gabing iyon. Nakilala mo ba siya?”

She shook her head wearily. “I’m not sure. Hindi ko nakita ang mukha ng guwardiya nang dumating ako sa building. This is not a movie thriller. Hanz, kung saan ang hinahabol ay lumingon pa! Nang tumakbo ako palabas, hindi ako nag-aksaya ng sandaling lingunin ang lalaki!”

May ilang sandaling katahimikan ang namagitan bago muling nagsalita si Angeli. “Siguro’y tama si Gail. Kailangang umuwi na kami bukas.”

“No,” Hanz said quickly. Too quickly, na lalong nagpalalim sa kunot ng noo niya. “I mean, stay for a couple of days, Angeli. Ako na mismo ang maghahatid sa iyo sa Maynila.”

“I’m sorry for being a coward, but I’m scared, Hanz. At tama si Gail, nagiging abala ako—”

“You are none of those things, Angeli,” wika nito. His voice a mixture of tenderness and assurance. “I want you to stay for a couple of days.”

She gave him a small grateful smile. Muli siyang naupo sa gilid ng kama. “Nagising ako dahil napanaginipan ko na naman ang nangyari kay Dirk. Lumabas ako sa balkonahe dahil hindi na ako makatulog… at nakita ko sa ibaba si Luke, nakatingin siya sa silid ko. Iyon ang dahilan kung bakit pumasok ako rito sa silid mo!”

Hanz opened his mouth to say something. Pero nagbago ng isip at sa halip ay inabot siya at kinabig sa dibdib nito at hinagkan sa ibabaw ng buhok.

“I promise no harm will come to you, Angeli. Paniwalaan mo sana iyan…”

At naniniwala si Angeli, hindi niya alam kung bakit.

Basta iyon ang idinidikta ng puso at isip niya. Tumingala siya rito upang sabihin ang nasa isip, and his lips found hers as he turned her slowly in his arms.

Banayad ang pag-angking ginawa ni Hanz sa mga labi niya, ang kamay nito’y humahaplos sa likod niya. When his hands reached the soft contours of her hips, she curved her body against his.

Angeli moaned with pleasure as Hanz’s kiss deepened and grew more urgent. The power of his embrace made her dizzy. Ang kamay nito’y hindi humihinto sa paghaplos at pagdama sa katawan niya. And when his hand drifted tenderly up her rib cage to her breasts, napasinghap si Angeli. Namamangha sa sariling damdamin.

She wanted him with almost wild desperation.

Nararamdaman niya ang pagtaas ni Hanz sa oversized T-shirt niya. At gusto niyang mapaso sa init na nagmumula sa palad nito. Pinakawalan ni Angeli ang mga labi mula kay Hanz.

“W-what’s happening, Hanz?”

“Sshh…” Hanz feverishly reclaimed her lips at naputol ang anumang sasabihin niya. The fog of passion was blinding her at kung hindi niya paiiralin ang matitinong kaisipan ay baka hindi na niya kayang pigilin pa ang maaaring sumunod na mangyayari. Banayad siyang kumawala.

“Hanz…” she whispered. “I-I don’t usually…”

Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin. Inilagay ni Hanz ang kamay sa ilalim ng baba niya at itinaas iyon.

“Of course, you don’t. At hindi ko rin alam ang nangyayari sa atin. It’s so strong it almost scares me.”

Sa isang matagal na sandali’y nanatili silang nakatitig sa isa’t isa. Both were shaken by the intensity of a passion that had seemed to be driven by a force beyond their control.

Kinabig siya ni Hanz patungo sa dibdib nito, banayad na sinusuklay ng daliri ang buhok niya. And Angeli tried to stop herself from trembling… she, too, had been frightened by the same feeling.

Estranghero sila sa isa’t isa. Hindi niya iyon maitatanggi. And yet in the vibrant heat of their embrace, she felt something more than just wanting him physically. Nararamdaman niyang higit pa roon. At hindi niya kayang ipaliwanag iyon.

22

“MAS LALONG kailangan na nating umuwi, Angie,” sabi ni Gail nang sabihin niyang nakatanaw sa silid niya si Luke kaninang madaling-araw.

“But I promised Hanz to stay a few more days, Gail.” Nilagyan niya ng creamer ang kape.

Napailing si Gail. “Kung nagkakagustuhan kayong dalawa ni Hanz—na natitiyak kong ganoon nga—nariyan lang ang Maynila, Angie. Madadalaw ka niya anumang oras. Mas mapanganib para sa iyong naririto ka. Ni walang kapitbahay ang lugar na ito. At anong klaseng bakasyon ito kung hindi ka man lang makapamamasyal?”

“Hindi naman siguro makasasama kung mananatili ako ng dalawa o tatlong araw pa, ’di ba?”

“Huwag mong sabihing hindi kita pinaalalahanan,” sabi ni Gail nang mapunang hindi niya balak tapusin ang bakasyon. “Ano ang plano mo ngayon? Gusto mo bang mamasyal tayo sa bayan o sa ibang beach kaya?”

Bago pa makasagot si Angeli ay bumungad sa pinto ng dining room si Hanz. Tulad ng nakaraang umaga, naka-jogging pants at sweatshirt ito.

“’Morning, ladies,” bati nito, nakangiti.

“Hello, Hanz,” nakangiti ring sagot ni Gail. “Ang daya mo. Hindi mo man lang kami hinintay magising ni Angeli. Di sana’y nakasama kaming mag-jogging sa iyo.”

“Namamanaag pa lang ang araw sa silangan kung magsimula akong tumakbo, Gail. And I didn’t have the heart to wake you both. Anyway, gusto ba ninyong mag-jet ski? Tuturuan ko kayo…”

“Pero balak naming magpunta ni Angeli sa—”

“Kahapon ko pa gustong mag-jet ski, Gail,” putol niya sa sinasabi ng kaibigan. “Surely, you wouldn’t miss the opportunity?”

Nagkibit ng mga balikat si Gail. “Kunsabagay.Ngayon lang din ako makakasakay sa jet ski. Sa sine ko lang nakikita iyan.”

Isang tawa ang pinakawalan ni Hanz.

TINURUAN ni Hanz na matutong magmaneho ng jet Ski ang dalawang dalaga. Subalit minsan lang sumakay si Gail at minabuting maupo sa baybayin habang pareho nilang pinanonood ni Hanz si Angeli.

“Your friend’s a fast learner,” buong paghangang sabi ni Hanz, ang mga mata’y nakatuon kay Angeli.

“Hindi naman kataka-taka. Wala naman yatang kaibahan sa pagda-drive ng scooter ang jet-skiing. At noong high school kami’y gumagamit na ng scooter si Angie.”

Naupo si Hanz sa tabi ni Gail. “You’ve been friends since high school.” It was more of a statement than a question.

Nagkibit si Gail. Sinundan ng tingin si Angeli na kumaway. “Pero magkaiba ang katayuan namin sa buhay. Anak-mayaman si Angie at mahirap lang kami.”

Tinitigan niya ang Gucci wristwatch nito, ganoon din ang may pangalan at mamahaling sneakers. “But you’re doing well now, Gail. Isa pa’y hindi naging hadlang sa pagkakaibigan ninyo ang katayuan ninyo sa buhay, ’di ba?”

Tumango ito at itinuon ang mga mata sa dagat, kay Angeli. “Mabait si Angie, Hanz. Kaya nga nag-aalala ako sa kanya. Hindi na siya katulad ng dati magmula nang magpakamatay si Dirk. In fact, hindi ko lang sinasabi sa kanya, pero gusto ng mommy niyang patingnan siya sa psychiatrist.”

Tumango-tango siya. “Psychiatrist’s not a bad idea. Makakatulong iyon sa trauma na maaaring danasin ng isang tao. But I don’t think your friend needs it, Gail. She’s a strong woman… a brave one for that matter.”

Nagbuntong-hininga si Gail. Tumayo at pinagpag ang buhangin sa shorts nito. “Iyon din ang sabi ko sa mommy niya. Kaya nga napapayag itong pagbakasyunin si Angeli. Pero nag-aalala ako sa nangyari kagabi, Hanz. Sinasabi niya kahit kaninang umaga sa akin na sadya siyang itinulak ni Luke.”

“But perhaps she was pushed.”

Nanlaki ang mga mata ni Gail doon. “Hanz! Huwag mong sabihing naniniwala ka sa sinasabi ni Angeli?”

Tumawa si Hanz. Tumayo na rin. Sinalubong ang paparating na Jet Ski. “Talaga bang ayaw mong sumakay uli?”

“Kayo na lang. Ang mabuti pa’y bumalik na ako sa guest house,” wika nito at tumawa. “Three’s a crowd. Kanina ko pa napupuna. Masyado ka lang gentleman, sinasamahan mo akong maupo rito.”

23

“Mauna ka na sa banyo,” sabi ni Hanz nang nasa harap na sila ng guest house. “Papalitan ko ang gulong ng kotse mo.”

She smiled at him. “Thank you.” Pagkasabi niyo’y pumanhik na sa kabahayan si Angeli at nagtuloy sa silid niya.

Nagmadali siyang mag-shower upang magamit din kaagad ni Hanz ang banyo at nang sabay na silang mananghaliang tatlo nina Gail.

Pagkabihis ay lumabas siya ng silid at tinungo ang kabilang bahagi ng bahay, sa silid ni Gail. Kumatok siya subalit walang sumasagot. Maingat niyang pinihit ang doorknob. Bukas iyon at sumilip siya sa loob ng silid subalit wala roon si Gail.

Out of curiosity ay pumasok siya. Mas malaki ang silid na iyon kaysa sa silid niya. Ganoon ma’y hindi niya gusto ang view sa may tapat ng bintana dahil hindi iyon nakatanaw sa dagat. 

Humakbang siya patungo sa bintana at akmang manunungaw nang matanawan sina Hanz at Luke sa ibaba.

Umatras siya nang bahagya palayo sa bintana. Kunot ang noong palihim niyang pinagmasdan ang dalawang masinsinang nag-uusap at sa mahinang tinig.

“Naghihinala na siya sa iyo. At nakita ka pa niya kagabi sa ibaba ng balkonahe. And dammit, man! You’re getting older, hindi ka na nagiging maingat.”

“I saw her first. Does the woman never sleeps? Paano ko magagawa ang ipinagagawa mo?”

Ang hindi niya mapigilang pagsinghap ang nagpangyari upang parehong tumingala ang dalawa.

Angeli felt the blood drain from her head. Fear and pain warred inside her. Hindi niya alam kung alin ang mas matimbang, ang takot o ang tila malaking kamay na dumadaklot sa dibdib niya. 

May ilang sandaling nanatili lang siyang nakatunghay sa dalawang lalaki sa ibaba bago nagtatakbo palabas ng silid ni Gail.

No! Please, don’t let this be happening.

Kung ganoon ay tama ang hinala niya una pa man. Lamang, hindi niya inisip na maaaring magkasapakat ang dalawa.

The truth slammed into her with explosive force, blasting her romantic illusions to kindling.

Ikinandado niyang lahat ng pintuan sa silid niya. At sa nanginginig na katawan ay naupo sa kama. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Kung ano ang mararamdaman. How could she be such a fool falling for a murderer!

Napapitlag pa siya nang marinig ang tinig ni Hanz sa labas ng pinto.

“Open this door, Angeli. You’ve got it all wrong.”

Nanlalaki ang mga matang nakatitig siya sa pintuan. This was his house. At hanggang saan siya mananatiling nakakulong doon? And where was Gail? Sina Manang Tere at Manong Elmo? Kasabwat ba ni Hanz ang dalawang matanda?

But why?

“Angeli, please, sweetheart…” Nakikiusap ang tinig ni Hanz at hindi mapigil ni Angeli ang mapahagulhol ng iyak. “Open this door. Nagkakamali ka kung iniisip mong sasaktan kita.”

Subalit nanatili siyang nakatitig sa pinto. Tulad ng mga luha niya’y nag-uunahang mangibabaw ang shock, kirot ng damdamin at takot sa dibdib niya.

“Please don’t jump into the wrong conclusions. Open this door.”

Subalit nanatiling nakatitig sa pinto si Angeli bagaman pinanlalabo ng mga luha ang paningin. 

Narinig niya ang mga yabag nito papasok sa sariling silid sa kabila. Her eyes flew to the bathroom door, tiniyak kung nai-lock niya nang husto iyon.

Muli niyang narinig ang mga yabag nito palabas uli.

At ang kalansing ng mga susi!

Nakulong sa lalamunan niya ang sigaw. Tumakbo siya patungo sa French door nang bumukas ang pinto ng silid niya at pumasok si Hanz.

24

“ANGELI, please…”

She backed away. Hindi magkandatuto sa pagbubukas ng French door. Hanz’s gut churned sickeningly. Her expression rocked him. Her eyes brimmed with pain and fear.

“Think, Angeli,” banayad niyang sabi. “I’d rather die than hurt you. Kung gusto kitang saktan, maraming pagkakataon para magawa ko iyon. Sa dagat, noong abutan ka ng pagtaas ng tubig. It would have been so easy…”

Sandaling nahinto sa pagbubukas ng pinto si Angeli at napalingon. Sinamantala iyon ni Hanz. His instinct took over. Kung hindi’y baka kung ano ang maisip nitong gawin kapag nakalabas ng pinto.

Sa dalawang hakbang ay nasa harap na siya ng dalaga. He grabbed Angeli’s arms, anger at himself taking the gentleness out of his touch.

“No! Stay away from me!” sigaw nito kasabay ng pagpipiglas at panlalaban.

“Oh, Angeli,” wika niya at mahigpit na ikinulong sa mga bisig ang dalaga. “Calm down, sweetheart, and let’s talk. Please, nakikiusap ako. Calm down… I’m not going to hurt you.”

The pain in his voice stilled her. Kasabay niyon ay ang pagluluwag ng pagkakayakap ni Hanz dito. He brushed his lips softly against her temple.

“It’s okay, baby… it’s okay,” bulong niya.

“Y-you’re not going to kill me?” tanong niya sa nanginginig na tinig.

“Damn it, Angeli, this isn’t fair!” Hindi niya mapigil ang pagtaas ng tinig and hating himself at the same time. And he fought for control. Ano man ang mangyari, he had to make sure she got out of this mess unharmed.

“And what’s fair, Hanz?!” she said angrily. Nalimutan ang takot sa pagtaas ng tinig ni Hanz. 

“Iyong pinag-uusapan ninyo ni Luke kung ano ang gagawin ninyo sa akin?”

Pinakawalan niya si Angeli. Huminga nang malalim. Then rubbed his forehead in anguish. 

“Luke’s not going to hurt you. I… I just can’t explain. Not now. All I’m asking is for you to trust me. Please, Angeli.”

Walang mahagilap na sasabihin si Angeli. Nakatitig lang kay Hanz. Bagaman nasa dibdib pa rin ang takot, something deeper and more irresistible than instinct cried out for her to believe him. At gusto niyang kamuhian ang sarili dahil doon. For caring… for loving him still.

Loving him? Oh, Lord!

Through a blur of tears, humakbang siya pabalik sa kama at naupo roon, suddenly feeling tired. So tired.

Lumapit si Hanz. He squatted in front of her. Ginagap ang mga palad niya at hinagkan iyon.

“Believe me, Angeli, I will do everything in my power to get you out of this mess unharmed.”

I love you, Hanz. Gusto niyang sabihin, subalit hindi makuhang lumabas ng tinig niya.

Tumayo si Hanz at hinagkan siya sa noo. “Ihahatid kita sa inyo bukas, pangako.” Pagkasabi niyo’y lumakad na ito patungo sa pinto at lumabas.

25

“IPINAPANHIK ni Hanz ang pagkain mo. Angeli,” sabi ni Manang Tere nang papasukin niya ito. 

May dalang tray ng pagkain. Inilapag nito iyon sa mesa.

“Si Gail ho?”

“Aba’y nakisabay kay Manong Elmo mo at tutungo raw sa general store at may tatawagan. Kaalis-alis lang nang umahon kayo ni Hanz. Siya, kumain ka na at pasado ala-una na.”

“S-si Hanz ho?”

“Nasa bangka sila ni Luke, paalis yata…”

“M-mangingisda ho bang talaga si Hanz, Manang Tere?”

“Kung ang ibig mong sabihin ay ang pangingisda ang pinagkukunan ni Hanz ng ikinabubuhay, hindi, Angeli,” wika nito. “Pero hindi miminsang pumapalaot ang batang iyon para mangisda. 

Binatilyo pa iyan ay kasa-kasama na ng lolo sa pangingisda. At kahit na may mainam na trabaho iyan sa Maynila ay hindi nakakalimot umuwi at pumapalaot. Inhinyero si Hanz, Angeli…“

Gusto niyang itanong kung matagal na nitong kakilala si Luke subalit nasabi na ni Manang Tere noong unang araw niyang noon lang din dumating si Luke sa guest house.

“Nitong nakalipas na dalawang buwan ay malimit umuwi si Hanz dito. At walang gabing hindi pumapalaot. Gusto kong isiping nais niyang kalimutan ang nangyari kay Alicia…” tuloy-tuloy na kuwento ng matandang babae.

“A-Alicia? Sino hong Alicia?” Agad ang pagguhit ng panibugho sa dibdib niya.

“Si Alicia’y inampon ng mga magulang ni Hanz nang ito’y sampung taong gulang pa lamang at si Hanz naman ay binatilyo. Anak ng kasamahang mangingisda ng lolo niya na namatay sa laot nang abutan ng bagyo sa dagat. Namatay si Alicia, pitong buwan nang mahigit…”

“Sa ano hong dahilan?”

Umiling ang matandang babae. “Hindi namin alam ni Manong Elmo mo, hija. Marahil ay sa sakit. Nang huli kong makita ito’y payat na payat. At hindi nagsasalita si Hanz tungkol sa pagkamatay ni Alicia. Labis na nasaktan ang mag-anak dahil itinuring na tila kadugo ang batang iyon. Mahal ni Hanz si Alicia na parang tunay na kapatid. Gusto kong manghinayang dahil magandang bata, mabait at napakabata pa, labimpitong taong gulang pa lamang…”

“Some people didn’t get a second chance at life, Angeli…”

Natitiyak niyang si Alicia ang tinutukoy ni Hanz nang sabihin iyon.

NANG gabing iyon ay si Manang Tere at Manong Elmo ang kasabay na kumain ni Angeli ng hapunan. Wala sina Hanz at Luke. Hindi pa rin bumabalik sa guest house si Gail. Ayon kay Manong Elmo’y sa general store nito ibinaba ang kaibigan.

Hanggang sa abutin na lang siya ng antok ay hindi pa rin dumarating si Gail at kahit ang dalawang lalaki.

Alas-nueve pasado ng gabi sa relo niya nang magising si Angeli. Agad siyang bumangon at binuksan ang banyo at ang kadikit na pinto upang tingnan kung naroon na si Hanz. Subalit bakante ang silid nito. Lumabas siya ng silid upang sa kabilang pasilyo magtuloy at tingnan kung nakauwi na si Gail.

Nasa tapat na siya ng pinto at kakatok na lang nang makaulinig ng tinig sa loob. Tinig ng lalaki.

May kasama bang lalaki sa loob ng silid niya ang kaibigan?Akma na sana siyang tatalikod nang marinig ang bahagyang pagtaas ng tinig ng lalaki.

“Kung hindi ka ba naman tanga, itutulak mo na lang ay hinayaan mo pang makakapit!”

“Hindi mo ba ako naiintindihan? May kamay na tumabig sa akin nang hawakan ko si Angeli at nawalan ako ng puwersa! Gusto kong isiping nakikita ako pero sa dilim na iyon ay malamang na nangangapa rin lang iyon… kung sino man iyon!“Mabilis na natakpan ni Angeli ang bibig ng kamay upang huwag makalabas ang pagsinghap.

“Ang ina niya? Naitanong mo ba kung may dumarating doong package?”

“Wala rin. Gusto na ngang magtaka dahil dalawang beses ko nang itinanong. Wala rin sa condo unit ni Angeli.”

“Kung ganoon ay kailangang ngayon na natin tapusin ang kaibigan mo habang tulog na tulog. Kung ihahagis natin sa balkonahe ay madaling isipin ninuman na nagpakamatay ito. Na nasisiraan na ng bait. Kung nakaligtas siya sa akin nang gabing iyon, titiyakin kong hindi sa gabing ito!”

Hindi na hinintay ni Angeli ang kasunod na sasabihin. Sa nanginginig na mga kalamnan ay maingat siyang lumayo sa pasilyong iyon. Kilala niya ang tinig na iyon.

Si Carlos Vergara!

At si Gail… kasabwat si Gail sa pagpatay kay Dirk! At sa pagtatangka sa buhay niya!

Paanong nagawa ng kaibigan niya ito?

Wala siyang panahong isipin iyon. Kailangang makatakas siya. Maingat siyang bumaba ng hagdan at binuksan ang pinto sa harap ng bahay. Gusto niyang magpasalamat dahil hindi iyon nakapinid man lang. Marahil ay nang pumasok si Vergara.

Patungo si Angeli sa kotse niya nang maalalang wala sa kanya ang susi niya. Kung babalik siya sa itaas ay wala nang panahon.

Gusto na niyang mag-panic dahil hindi niya malaman kung saan siya patungo. She ran. Patungo sa dagat. Nasa baybayin ang Jet Ski. Magagamit niya iyon sa pagtakas. Hindi siya mahahabol ng mga iyon sa dagat!

26

Nasa baybayin na si Angeli nang marinig niya ang tinig ni Carlos sa balkonahe.

“Narito ang kotse niya. Wala siyang ibang patutunguhan kundi ang dagat! Bilisan mo! Tiyak na hindi pa iyon nakakalayo!”

Halos mapugto ang hininga niya sa pagtulak sa Jet Ski patungo sa tubig. Bahagya nang ipinagpasalamat na hindi iyon pinagkaabalahang iahon ni Hanz kanina kundi itinali na lang ang lubid sa may malaking bato upang huwag iyong anurin palayo ng alon.

Please… please… usal niya habang inuubos ang lahat ng lakas sa pagpapausad ng Jet Ski sa malalim-lalim na bahagi ng tubig, gasino na niyang natinag iyon.

Madilim at hindi niya nakikita ang mga humahabol sa kanya subalit ang flashlight na dala ng mga ito ang nagtutukoy sa kanya na nasa malapit na ang mga ito.

Wala siyang panahong itulak palalim ang Jet Ski. Tinanggal niya ang lubid sa pagkakasabit dito at sumampa. Pinaandar ang makina niyon kasabay ng tutok ng flashlight sa lugar niya.

“Hayun siya!”

Kasabay ng pagpugak ng makina at pagtalon ng Jet Ski sa tubig ay ang pagputok ng baril. If she was hit or not, she had no idea. Sapat nang napaandar niya ang sasakyan. At bagaman wala siyang direksiyong patutunguhan ay nakadama na siya ng bahagyang kasiyahan dahil nakalayo siya sa baybayin.

But her joy was shortlived. Bukod sa ilaw na tumatama sa tubig at sa kanya ay unti-unting humihinto ang Jet Ski.

No! Oh, please!

Tuluyan iyong huminto. Hanggang dibdib na ni Angeli marahil ang tubig at kung tatalon siya’y makalalangoy siya subalit nang tangkain niyang gawin iyon ay isang putok ang tumama sa balikat niya.

Napaungol siya sa sakit at napasubsob sa manibela niyon. Tumama sa mukha niya ang flashlight.

“Ang susunod na bala’y sa katawan mo tatama, Angeli!” sigaw ni Carlos mula sa dalampasigan.

“Huwag ka nang magtangkang tumakas, Angie!” sigaw-pakiusap ni Gail. “Hindi ka sasaktan ni Carlos kung sasabihin mo kung nasaan ang mga negatives na ipinadala sa iyo ni Dirk!”

But only a fool would believe that, Angeli thought. At ni hindi niya naiintindihan kung anong negatives ang hinihingi ni Gail. And whatever it was, she wouldn’t just stay there waiting to be murdered. Tulad ng ginawa nila kay Dirk.

Mabilis ang ginawa niyang pagpadausdos at bumagsak siya sa tubig. Narinig pa niya ang pagmumura at pagputok ng baril ni Carlos.

Sa kabila ng sugat sa balikat ay pinagpilitang sumisid ni Angeli.

“Huwag kang tumanga!” singhal ni Carlos kay Gail. “Lumusong ka sa tubig!”

“H-hindi ako marunong lumangoy, Carlos!”

“Put…!” mura nito. “Ituon mo ang flashlight sa tubig, bilisan mo! Kapag nahuli ko ang kaibigan mo’y kamay ko mismo ang tatapos sa kanya. Pinahirapan ako nang husto ng babaeng iyan!”

Lumitaw sa tubig si Angeli upang lumanghap ng hangin. Ipinagpapasalamat ang kadiliman. 

Nakikita niya ang mga ito. Si Gail ay nasa baybayin at kung saan-saan itinutuon ang hawak na flashlight. Si Carlos ay hindi niya naaaninag. And she was so afraid that he went underwater.

And she couldn’t go farther. Nanghihina na siya. Kung sa pagod o kung marami nang dugong nawawala sa kanya’y hindi niya alam. She tried to tread on water only to silently scream in pain.Cramps. Nag-cramps ang mga binti niya sa lamig ng tubig.

Subalit sinikap niyang sumisid pailalim sa kabila ng sakit. Kailangang makabalik siya sa baybayin sa kabilang bahagi.

Kailangan.

“C-CARLOS…” Si Gail sa nanginginig na tinig. “Carlos… nasaan ka?” she said in panic and despair. Ang flashlight ay ibinaba na tila nauubusan ng lakas.

Sa gitna ng tubig ay lumitaw si Carlos upang humigop ng hangin. “Gail! Itapat mo ang ilaw sa—”

“You are under arrest, Carlos Vergara!” ang tinig mula sa microphone na nasa speedboat. “At huwag mong susubuking manlaban kung hindi mo gustong mamatay!”

Itinakip ni Carlos sa mga mata ang dalawang kamay. Tatlong lantsa ang nakapaligid sa kanya at ang lahat ng ilaw ng mga ito’y nakatuon sa kanya. Pagkuwa’y itinaas ang mga kamay bilang pagsuko.

27

MUKHA ni Hanz ang namulatan ni Angeli nang magkamalay siya. May mga tumutubong balbas sa paligid ng mukha nito at sa tingin niya’y hindi ito natutulog. Nanlalalim ang mga mata. May malay pa siya nang buhatin siya nito mula sa pagkakalugmok sa dalampasigan. She knew she was safe the moment she saw him and gave in to darkness that succumbed her.

“I’m glad you’re awake, brave woman,” nakangiting sabi ni Hanz at hinawakan siya sa kamay at hinagkan iyon.

“Have I lost a lot of blood?”

Puno ng paninisi sa sarili ang mga matang nakatitig sa kanya. “Nadaplisan ka lang sa balikat, Angeli. Kung nagkatao’y sa kamay ko magbabayad sina Carlos Vergara!”

“Where are they now? Why were they trying to kill me?”

“Nasa custody na ng mga pulis sina Carlos at Gail, Angeli…”

“Si… Carlos, siya ang humabol sa akin nang gabing iyon…”

“Yes. Inamin ni Gail sa mga pulis. Siya rin ang pumatay kay Dirk. Your presence in the office that day was unexpected. Patay na si Dirk nang dumating ka at hindi alam ni Gail ang gagawin. Ni hindi niya magawang bigyan ng warning si Carlos. So she proceeded to go on with the plan and left the building.”

“Hindi ko… naiintindihan. Bakit nila pinatay si Dirk?”

Huminga nang malalim si Hanz at muling ginagap ang kamay niya. “Isa sa mga pagpunta ni Dirk sa San Nicolas ay hindi sinasadyang nakunan niya ng mga larawan ang smuggled drugs mula sa ibang bansa sa private beach ni Mr. Vergara. Kasama sa larawan ay mismong si George Vergara…”

“Pero matagal nang nagpunta sa San Nicolas si Dirk! Iyon pa iyong kasal ng dating kahera, Hanz!”

“Yes. Pero hindi marahil nakuhang ipa-develop kaagad ni Dirk ang mga films. He got so busy perhaps o kung ano man ang dahilan niya. Tatlong linggo bago siya namatay, Dirk cleared his desk and saw the film. Doon lang nito naisip na ipa-develop iyon. Si Gail ang inutusan niyang kumuha niyon sa developing store. At dahil alam ni Gail na larawan iyon ng kasal ay natural na binuksan at tiningnan. Palihim na kumuha ng isang larawan na naroroon si Carlos…”

“Ipinakita niya kay Carlos!”

“Yes. Isa sa mga larawang may mga transaksiyon at naroon din si Mr. Vergara. Subalit naitago na ni Dirk ang mga negatives. Marahil ay namangha at natakot din ito sa mga nakunan niya.”

“At iniisip nilang nasa akin ang mga negatives. Na ibinigay ni Dirk…“Kumunot ang noo ni Hanz doon. “You don’t have it?”

“Walang ibinibigay sa akin si Dirk na negatives, Hanz. In fact, ngayon ko lang nalaman ang lahat ng ito.” Bumahid ang matinding lungkot sa tinig niya. “Naputol ang buhay ni Dirk nang dahil lang sa hindi sinasadyang pangyayari.”

“Direkta man o hindi, drugs ang pumatay kay Dirk, Angeli,” wika nito sa matigas na mukha’t tinig.

Kunot ang noong napatingala si Angeli rito. “Hanz…”

Tumiim ang mga bagang ni Hanz. May kung ilang sandaling humugot ito ng buntong-hininga upang kontrolin ang galit. Pagkuwa’y, “Drugs din ang kumitil sa buhay ni… Alicia. She was my sister.”

Isang nakakaunawang tango ang ginawa ni Angeli.

“Inosente at walang malay na mga kabataan ang nabibiktima ng drugs. Nang malaman namin ng mama ang tungkol sa pagkalulong niya sa drugs ay huli na. Isang araw bago siya dalhin sa rehabilitation center ay nagpakamatay si Alicia…”

Hindi mapapawi ng “I’m sorry” ang anumang sakit na idinulot ng kamatayan ng kapatid ni Hanz. Inabot niya ang kamay nito at pinisil iyon.

“I blamed myself for her death,” patuloy ni Hanz, magkahalo ang galit, lungkot at paninisi sa sarili ang nasa anyo. “I wasn’t there when she needed me. Nasa ibang bansa ako nang mga panahong iyon. May mga ilang sintomas na maaaring pagkakakilanlan subalit hindi iyon pinaghihinalaan ng mama ko maliban sa malimit niyang paghingi ng pera at ang pagkaubos ng sarili niyang pera sa bangko nitong huli. At doon lang naisip ng mama na tawagan ako. And it took me a week bago umuwi ng Pilipinas. Had I came sooner…”

“Oh, Hanz, please. Don’t be hard on yourself. Hindi mo gustong mangyari iyon. Ang mga tulad ni Carlos at George Vergara ang dapat na mabulok sa bilangguan sa ginagawa nila!”

Hanz sighed heavily. Pagkuwa’y tumango nang marahan at tinitigan siya. “Nang makita mo ako sa parking lot ng gabing iyon, matinding pagpipigil sa sarili ang ginawa ko para hindi patayin ang lalaking nakita mong hawak ko sa leeg. Isa iyon sa mga kaibigan ni Alicia. Marahil ay ang pinanggalingan ng drugs pero wala akong katibayan. The poor boy was himself hooked.”

May ilang sandaling katahimikan ang namagitan bago muling tumaas ang mga mata ni Angeli kay Hanz. “Si… Gail. Hindi ako makapaniwalang nagawa niya ito. She’s my friend…” Gumaralgal ang tinig niya roon. Again, sadness filled her.

“She couldn’t say no to Carlos, Angeli. She was in love with him.”

“Siya ang nagtulak sa akin sa balkon nang mag-brownout, Hanz.”

“I know. Nang dumating sa guest house si Carlos ay pinagdudahan namin ni Luke ang mga pangyayari sa iyo. Kilala namin si Carlos Vergara. At nang itulak ka ni Gail ay nahuli ng tabig si Luke sa kanya…”

“Sino si Luke, Hanz? Ano ang kaugnayan niya sa lahat ng ito?”

“He’s my friend. Isa siyang undercover agent. Matagal na niyang sinusubaybayan at ng mga tauhan niya si George Vergara. Kagabi, kaya nagkaroon ng pagkakataong magtungo sa guest house si Carlos ay dahil hindi natuloy ang pagdating ng mga kargamento. Marahil ay nakahalata si George Vergara na ilang araw nang may mga nakapaligid na fishing boat sa dagat.” Muling tumiim ang mga bagang ni Hanz. “At wala kaming dahilan upang arestuhin siya. Wala kaming katibayan!”

“Si… Gail? Paano siya?”

Napailing si Hanz sa pag-aalala sa tinig niya. “Muntik ka nang mapatay pero nag-aalala ka pa rin sa kanya. But don’t worry, sweetheart, sa mga ipinagtapat ni Gail sa amin ay baka mas magaan ang kaso niya. Kung papayag siyang maging star witness ay tatanggap siya ng protection program. At ipinararating niya sa iyo ang paghingi ng tawad…”

“Maaaring biktima rin siya, Hanz. She fell in love with the wrong man.”

“Yeah,” sagot nito. Pagkuwa’y tinitigan siya nito nang matagal bago ginagap ang kamay niya at dinala sa bibig nito at hinagkan ang ilalim ng palad niya.

“Some promises I made that you won’t be harmed. Muntik nang manganib ang buhay mo,” he said huskily. “But I’ll make up for it, sweetheart, for the rest of my life. Will you marry me?”

“W-what?” gulat niyang usal. Tinangkang bumangon subalit muli ring bumalik sa higaan dahil sa sakit na nadama mula sa nakabendang balikat.

“Magdudugo ang sugat mo!” saway nito.

“Hanz, ano ang sinabi mo?“He smiled. “I am proposing, Angeli.”

“Oh yes, you are,” matabang niyang sabi. “Out of obligation? Dahil hindi mo natupad ang pangako mong hindi ako masasaktan, ganoon?”

The smile turned to grin. “I’m obliged to take care of you for the rest of my life. So marry me, Angeli.”

She rolled her eyes. “You have no romantic bones in your body, Hanz Belleza!”

Mula sa kalumpon ng mga bulaklak sa vase na nasa tabi ng hospital bed ay kumuha ng isang rosas si Hanz at ibinigay sa kanya.

“I love you, Angeli,” he said solemnly. “Will you be my wife?”

“That’s more like it,” wika niya, sinisikap na pigilin ang ngiti. Happiness flooded her heart.

“You haven’t said ‘yes’ yet,” Hanz said impatiently.

“Posible bang totoong pag-ibig ang maaaring mamagitan sa atin, Hanz?” she asked softly. 

“We’ve only met three days ago…”

“I felt I’ve met you a lifetime ago, Angeli. At hindi ko nararamdaman ang ganito sa alin mang babae. Now, say yes to me, sweetheart.”

“Of course I’ll marry you!” sabi niya, smiling. “I’m an old-fashioned woman, Hanz. At matapos mong pintahan ang buong katawan ko sa banyo, pakakawalan pa ba kita?”

He laughed softly and planted a soft kiss on her mouth. “Tinawagan ko ang mommy mo. Ang sabi ko’y huwag nang dumating at uuwi rin naman tayo paglabas mo ng ospital.”

“She’ll be surprised,” she said laughing.

“For a moment, sweetheart. But she’ll love me for a son-in-law. At ganoon din ang mama sa iyo.”

She smiled at him lovingly. Itinaas ang kamay at dinama ang tumutubong balbas sa mukha nito. Yumuko si Hanz upang angkinin ang mga labi niya nang marahas niya itong itulak. May gumuhit sa balintataw niya…

“…may ibibigay ako sa iyong importante, Angeli. Kahapon ko pa hinahanap. Kung nakita ko iyon ay idinaan ko sa iyo… baka nasa opisina.”

“Ma’am… naiwan ho ninyo ang singsing na ito…. at saka ito hong susi…”

“Hanz, Dirk gave me something!“Bahagyang natilihan si Hanz. “What?”

“A key. A key to his safety deposit box in the bank!” Puno ng katiyakan at excitement ang tinig niya. “Yes! Iyon ang natitiyak kong dahilan kung bakit niya ako pinapunta sa opisina niya nang araw na iyon. Iniisip niyang nasa opisina niya ang susi ng SDB niya. Pero nasa akin na iyon at nawala rin naman sa isip ko.

“Hindi niya sinasadyang malimutan iyon sa restaurant. Hindi ganoon si Dirk pero marahil ay nagugulo na ang isip niya noon. At kahit hindi ko pa nakikita, natitiyak kong naroroon ang mga negatives, Hanz!” Pagkuwa’y tumiim ang mukha niya. “May ebidensiya kayo laban kay George Vergara!”

“Nasaan… ang susi, sweetheart?” Puno ng antisipasyon at pag-asa ang tinig nito.

“In my bag… sa guest house, kasama ng susi ng kotse.“Nakita niya ang biglang pag-aliwalas ng mukha nito.

“Your name suits you, Angeli.” Hanz bent his head and kissed her. Sa pagkakataong iyon ay mainit na tinanggap at tinugon ni Angeli ang halik.

Ni hindi niya gustong pakinggan ang marahang katok sa pinto ng silid at ang pagbukas niyon.

“Damn.” Si Luke. “Can’t that wait, Hanz? Hindi ko ba puwedeng ma-interview si Angeli?”

Hanz murmured in her mouth. “Find her car keys, man. Naroon ang ebidensiya mo.”

“What car keys?” Puno ng iritasyon ang tinig nito.

Bahagya lang nag-angat ng ulo si Hanz. “Dirk’s key to his SDB.”

“Shit!” usal ni Luke at nagmamadaling lumabas.

Marahang kumawala si Angeli. Sinundan ng tingin ang dinaanan ni Luke. “I don’t understand your friend. Lagi na lang galit.”

“Huwag mo siyang intindihin. It’s a long story. Let’s just hope Luke Montañez will find someone like you.” At muli nitong inangkin ang mga labi niya.

Wakas

I hoped you enjoyed this novel. Matagal ko nang gustong gawan ng kuwento si Luke Montañez, I hope you remembered him in Kiel’s story, his equally handsome cousin. My next My Love, My Hero will be Luke’s love story.

**Hello mga beshie, sana wala ng magrereklamong bitin kung hindi bibitin ko talaga kayo hahahahaha tinapos ko na nga yung kwento ni Hanz baka mamaya may mag-comment pa ng update ah hahahaha char. Kumusta kayo? Kwentuhan n’yo naman ako hahahaha. Stay safe mga beshie. God bless at maraming salamat inyo. - Admin A :)

*********Shoutouts sa mga beshies nating ang sipag sumagot sa mga tanong ng kapwa natin beshie. Maraming salamat sa inyo mga cyst. Pasensya na at di ko kasi masagot isa-isa ang mga questions n’yo unless nag-pm kayo sa akin. Kaya maraming salamat sa mga beshies natin na tumutulong sa pagsagot sa mga comments ng kapwa natin readers. - Admin A ********


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.