loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
THE CURSE OF THE LITTLE ONE (PMC #2)

THE CURSE OF THE LITTLE ONE (PMC #2)

VricEN · 2 chapters · 2,319 words

CHARACTERS

Kita kits, mga utol.

  • Magnus

prologue

Matagal ang update sa story na ‘to kasi busy ako sa studies at nasa ibang bansa. Si Ven naman, naka-focus muna sa The Golden Hair, pero tutulungan niya pa rin akong sulatin ang libro ni Magnus.

May boyfriend akong malaki ang betlog. Siyempre, kapag stressed ang tao, may ibang stress reliever. Hindi ‘yung bubuksan ko si Magnus tapos dadagdagan ko pa ang problema ko. Masyado pa akong bata para gawing therapy ang pagsusulat.

Kupal si Magnus. Akala n’yo ako ang tarantado? Siya ang final boss. Bawat eksena, parang nakikipagbardagulan sa author.

Kaya kung medyo matagal ang update, hayaan n’yo muna akong maging estudyante, jowa, at taong may natitirang katinuan. Si Magnus? Maghihintay ‘yan. ‘la siyang choice, ako author.

  • Ric Da Great

CURSE OF THE LITTLE ONE
Magnus

Nakatingin ako sa langit, pinagmamasdan ang walang kapintasang bughaw na kalangitan habang nakahilata sa ibabaw ng isang malaking bato.

Tamad akong naghihintay na matapos ang klase ng mga bubwit.

Tagal, amputek. Ilang oras na yata akong nandito.

Sinubukan ko namang pumasok kanina para silipin kung ano’ng ginagawa nila, pero limang minuto pa lang, gusto ko nang lumabas. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasasabi nila.

Pucha, two plus two pa lang, natutuyo na utak ko.
Kaya nga taga-abot lang ako ng pagkain sa kainan ni Gabo. Mas bagay pa ‘yon kaysa sa kung anu-anong numero.

Aba, baka kapag ako ang pinaupo sa kahera, malugi pa ang negosyo!

Napangisi ako sa naisip.

Ilang sandali pa, tumunog na rin ang nakakairitang kampana-hudyat ng uwian. Agad akong napabangon. Kasabay ng pagbukas ng pinto ay nag-unahan sa paglabas ang mga bata, nagsisigawan at naghahabulan pauwi.

Pero hindi sila ang hinihintay ko. Ang mga mata ko ay nakatutok sa gurong dahan-dahang lumabas ng silid.

Isa siya sa mga bagong dating sa Isla-kasama ng iba pang mga propesyonal na inimbitahan upang tumulong sa pagpapaunlad ng lugar.

Mabilis akong tumakbo sa likod ng isang puno.

Sa isang iglap, pinalaki ko ang aking katawan at binago ang aking anyo. Mula sa maliit kong katawan ay naging isang matangkad na babae, saka isinuot ang damit na binilisa akin ni Gabo.

Nang lumabas ako sa likod ng puno, agad niya akong napansin. “Magna, ikaw pala.” Nakangiti niya akong binati.

Napangiwi ako. Weirdo talaga, amputek.

Saan ba nila napulot ang pangalang Magna? Para tuloy akong pinangalan sa magnanakaw.

Lumapit ako habang nagkakamot ng ulo. “Tapos na kayo, p’re?” kunwari’y inosente kong tanong.

Tumango siya. “Katatapos lang.” Saglit siyang natahimik bago ngumiti. “Would you like to eat dinner with me?”

Napatigil ako. Nangunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya.

Teka lang, boi…

One, two, three pa nga lang ang alam ko sa Ingles.
Baka mamaya kung ano na pala ang sinasabi mo diyan. Paano kung umaamin ka na pala ng pag-ibig? O kaya iniinsulto mo na ‘ko? Pareho lang ang kalalabasan-ngingiti lang ako na parang tanga.

“Ha…?” Napakamot ako sa batok. “Awit, pass. Hindi ko alam ‘yang sinasabi mo.”

Nanatili lang ang ngiti niya, na para bang aliw na aliw sa naging sagot ko.

Luh, teka lang erpaps. Nakikiliti itlog ko-kipay na pala ngayon.

Muntik ko pang masampal ang sarili. Bwisit. Hindi pa rin ako sanay magpalit ng anyo. Minsan nakakalimutan kong babae nga pala ang porma ko. Buti na lang nasa isip ko lang ‘yon at hindi ko nasabi nang malakas.

“Bakit?” tanong niya, tila nagtataka sa bigla kong pagtulala.

“Ha? Wala… wala.” Mabilis akong umiling. “May naalala lang akong… ewan.”

Tumawa siya nang mahina. “Anong nakakatawa?” nakasimangot kong tanong.

“Wala. Nakakatuwa ka lang kausap.”

Napakurap ako.

Loko ba ‘to?

Bigla siyang humakbang palapit. “Hindi kita iniimbitahan para sa kung ano. Kakain lang tayo. Gusto ko lang sana kitang makilala pa…”

Natigilan ako. Ayun! Tagalog na!

“Bakit kasi hindi mo agad sinabi?” reklamo ko. “Bigla-bigla kang nag-iingles. Akala ko kung ano na.”

Napahawak siya sa batok at nahihiyang natawa. “Pasensya na. Nakasanayan ko.”

“Edi sanayin mong Tagalog. Nandito ka sa Isla, hindi sa… Inglatera.”

Napapikit siya habang pigil ang tawa. “Inglatera?”

“O.” Tumango ako na parang eksperto. “Diyan naman galing ang Ingles, ‘di ba?”

Hindi na niya napigilan. Napatawa siya nang malakas.

Napasimangot ako. Uupakan ko ‘to kahit gwapo. “Aba’t… ano’ng nakakatawa ro’n?”

“Wala,” sabi niya habang pinapahid ang luha sa gilid ng mata. “Ngayon lang ako ulit natawa nang ganito.”

Napakamot ako sa ulo. Ewan ko ba rito, baliw din e’. Bagay kami. Kanina pa kasi ngiti nang ngiti ang loko. Baka may diperensya sa utak.

“O siya,” sabi ko habang itinuturo ang daan. “Kung kakain lang naman pala, tara na. Pero ikaw ang taya. Wala akong pera.”

Agad siyang tumango. “Sige.”

Napangisi ako. Ayos! Libre!

Binaybay namin ang daan papunta sa sapa dahil dun kami kakain.

Panay ang kwentuhan namin sa mga walang kwentang bagay. Kagaya ko ay maingay siya kaya naman walang tigil ang bunganga namin pareho.

Paminsan-minsan ay palihim ko siyang sinusulyapan.

Gwapo nga.

Matangos ang ilong, maayos ang bihis, at amoy… ewan. Basta mabango. Hindi amoy pawis, hindi rin amoy usok. Para siyang bagong labang kumot na pinatuyo sa ilalim ng araw.

Napasinghot ako.

Luh.

Si Gago naging aso, kulang na lang sunggaban ko na ng halik.

Bwisit kasi, napapaligiran ako ng mga bading na kaibigan. Pati tuloy ako tinitigasan ang tite… pero ngayon, kuntil natigas sa akin.

Kuntil ba ‘yon? Tininggel? Basta ‘yon.

Siguro gutom lang ‘to…

“Bakit?” tanong niya nang mapansing nakatitig ako.

“Wala.” Mabilis kong iniwas ang tingin.

Hindi naman pwedeng sabihin kong inaamoy ko siya, baka mamaya takbuhan ako neto. Sayang libre.

Maya-maya ay nakarating kami sa kainan ni Gabo. Nakita kami ni Ulan at nginitian ako bago pinapuwesto sa isang kubo na gawa naming magtro-tropa nang simulan namin ang munting negosyo na ngayo’y lumalago.

Walang oras at araw na walang kumakain. Kahit kamo mga Engkanto ay dumadalaw para makichibog.

Malinaw ang tubig at maririnig ang banayad na agos nito habang sumasayaw ang mga dahon sa ihip ng hangin.

Nang makapasok kami ay napakurap ako nang makitang puno nang pagkain ang lamesa sa loob.

Napakurap ako. ‘Ang dami.”

Ngumiti siya. “Hindi ko alam kung ano ang gusto mo, kaya nilahat ko na ang order.”

Napalunok ako. Paldo!

May inihaw na isda, manok, gulay, kanin, prutas… pati matamis na minatamis.

Tangina. Pista ba?

“Oy…” maingat kong tawag. “May darating pa bang sampung tao?”

Umiling siya. “Tayo lang.”

Napabuntong-hininga ako. Mayaman nga yata talaga ang mga bagong dating.

Kung si Chris ang gumastos nito, baka isang linggo kaming sabaw lang ang ulam. “Pwede bang…” dahan-dahan kong itinuro ang pagkain. “…mag-sharon?”

Napatigil siya. “Sharon?”

“Oo. Ibabalot ko para kina Gabo at Alistair.”

Kahit na sila pa ang nagluto neto. Sa dami nang kumakain ay nauubusan kami ng pagkain!

Ilang segundo siyang nakatitig sa akin bago marahan na namang ngumiti. “Pwede.”

Ayan nanaman siya sa ngiti niyang may kuyukot sa magkabilang pisngi! Pogi talaga pucha! Tenenggil, behave!

“Talaga?”

“Lahat ng matira.”

Bigla akong napangisi. Ayos.

Mas gumwapo siya nang tatlong paligo.

Hindi ko na hinintay ang pangalawang permiso. Umupo agad ako sa banig at dinampot ang pinakamalaking hita ng manok. “Salamat sa pagkain!”

Nang kagatan ko ‘to ay napikit ako. Punyeta. Masarap. Napakasarap.

Iba talaga magluto si Gabo. Iba nga naman ang nagagawa ng tatlong kantot ng tite ng kabayo sa kaibigan mong kusinero!

Tahimik lang siyang nakatingin habang kumakain ako na parang isang linggo nang hindi pinapakain.

“Bakit?” tanong ko habang puno ang bibig.

“Wala.” Ngumiti siya at natatawang kumain na rin.

Ilang sandali ay napapansin ko siya na panay sulyap sa akin.

“Hoy…” puna ko habang ngumunguya. “Kain ka nga. Bakit parang ako lang ang pinakain mo?”

“Kumakain naman ako.”

“Lokohin mo lola mo,” Bulalas ko.

Ay patay, baka mamaya dedo na lola niya, bawas points ‘yon!

Napakamot siya sa batok. “Mas gusto ko lang talagang manood.”

“Ha?”

“Kapag masarap kumain ang kasama mo, parang mas sumasarap din ang pagkain.”

Napasinghal ako. “Bola.”

“Hindi.”

“Bola.”

“Totoo.”

“Tigilan mo nga ako.” Umirap ako at kumuha ng isa pang pirasong manok. “Hindi ako madaling mauto.”

“Talaga ba?” Nakangisi niyang pambabara.

“O,” Maangas kong sagot.

“E bakit kanina, isang libreng hapunan lang, sumama ka na agad?” Natigilan ako.

…May punto ang gago. “Libre kasi.” Agap ko sa sarili.

Ngiting-ngiti na naman. Baka sumakit na panga neto.

Maya-maya ay nagsalita siya. “Pwede ba kitang tanungin?”

“Basta hindi Math.” Muli siyang natawa sa sinabi ko.

Grabe, hindi ko alam kung mao-offend ako kasi masaya siyang kasama ako o payaso tingin niya sa’kin, e’.

Natawa na naman siya. “Puro ka talaga biro.”

“E ano’ng tanong?”

Fun siya saglit siyang natahimik. “Matagal ka na ba rito sa Isla?”

Humigop muna ako ng sabaw bago sumagot. “Simula pa noong maliit ako.”

Maliit naman talaga ako.

“Hindi ka ba nagsasawang manatili rito?”

Umiling ako. “Hindi naman.”

“Bakit?”

Napatingin ako sa malinaw na tubig ng sapa. “Dito kasi ang pamilya ko.”

Hindi na ako nagdagdag pa. HIndi ko naman pwedeng sabihin ang totoo. Na hindi talaga ako tao. Na ang tunay kong anyo ay kasinlaki lang ng palad. Na ang ‘Magna’ na kaharap niya ay isa lang sa mga anyong kaya kong gamitin.

Tuloy ang kwentuhan at tawanan sa puwesto namin hanggang sa marinig ko ang kaguluhan sa hindi malayo.

“Aba, ako na ngayon ang problema?!”

Napatayo ako nang makitang si Alistair at Ulan ang kaharap nang siraulo. Dahil gabi ay halos Engkanto ang mga nanditong kumakain.

Wala rin yung iba, may sari-sariling trabaho. Kaya naman iilan lang ang naiiwan para magbantay.

Akmang aalis ako nang hawakan ni Preston ang kamay ko, “Saan ka pupunta?” Nag-aalala niyang tanong.

Napabaling ang tingin ko sa puwesto nila Alistair na ngayo’y hawak-hawak na nang putanginang Tikbalang ngayon.

Hindi pupuwedeng pumalag si Ulan. Labag ‘yon sa prinsipyo niya.

“Teka lang… Naiihi ako, p’re. Bitaw, yung pantog ko, hindi na kaya.” Mabilis naman niya akong binitawan at tinakbo ko ang likod ng kusina saka dun nagibang anyo.

Ang kaninang babaeng katawan at itsura ay ngayon ay naging brusko at macho. Sa height lang walang nag-iba. Hindi ko kaya ‘yon, kumbaga limitado na ang kakayahan ko sa larangan na ‘yan.

Hinubad ko ang suot ko at nagpalit ng apron at short bago tinungo ang kaguluhan.

Nang makitang susuntukin na nung gago ang kaibigan ko ay mabilis akong tumalon sa ere at sinipa ang mukha ng loko.

Para walang masira at pinili ko yung puwesto kung saan tatalsik siya sa tubig. “Boom, sapul!” Sigaw ko at napasuntok pa sa hangin.

Lumapit naman sa akin yung dalawa.

“Ayos ka lang, Magnus?!” Nag-aalalang tabong ni Ulan.

“Pre, inaaway niya ako!” Iyak na hagulgol ni Ali kaya agad ko siyang niyakap at hinimas ang likod.

Tinignan ko si Ulan, “Tawagin mo sila Wenrry.”

Tumango siya at mabilis na naglaho para tawagin ang mga tropa.

Samantala, dahan-dahan namang bumangon ang Tikbalang mula sa mababaw na bahagi ng sapa. Basang-basa ang buong katawan nito.

Pumatak ang tubig mula sa mahaba niyang buhok habang marahan niyang pinunasan ang dugong lumabas sa gilid ng labi

Sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi niya. “Lakas mong pumalag, a’. Wala naman binatbat tangkad mo, bubwit.”

Tinaas ko gitna kong daliri, “Eto bubwit.”

Dumilim ang mukha neto sa ginawa ko.

Tiningnan ko si Alistair. “Ano nangyari?”

“Ka…kanina pa siya lasing… Tapos nanghingi ng isa pang pitsel ng alak pero sabi ko, ubos na… Ta…tapos…” Suminok pa ‘to. “Gusto niyang paupuin sa kandungan niya.”

Dun nagtangis ang tenga ko at sinamaan nang tingin ang gago.

“Totoo ba?” kalmado kong tanong.

Ngumisi lang ang Tikbalang habang ipinupunas ang dugo sa gilid ng labi.

“E ano naman kung totoo?” taas-noo niyang sagot. “Titingin lang naman. Ang arte n’yo-”

Hindi ko siya pinatapos at mabilis akong gumalaw. Tumama ang paa ko sa mukha niya dahilan oara tumalsik itong muli.

“Tangina mong bubwit ka!” Sigaw neto sa galit at sakit.

Kunot noo kong kinatok ang karatulang malapit sa akin.

BAWAL MAKIPAG-AWAY. BAWAL MAGMURA. MAGBAYAD MUNA BAGO UMALIS.

“Hindi ka marunong magbasa?!” Inis kong hingal.

Tinuro niya ako, “Ikaw nga unang nanipa!”

Pinatunog ko ang kamao ko, “Suntok naman.” Akmang lalapit na ako nang bigkang sumulpot si Gian at hinatak palabas si kupal.

“Hayop ka, magtutuos tayo! Sinasabi ko sa’yo!”

Nakita ko si Wenrry na lumabas din. Habang si Ulan at Gabo ay ngayo’y nakapalibot kay Alistair.

Nang lumapit ako ay narinig ko ang sinasabi ni Gabo. “Kung bastusin ka uli, Alistair. Kagatin mo…”

Iyak namang tumango ang kaibigan ko kaya nilapitan ko ito at niyakap.

Inasikaso naman ni Andeng ang mga kumakain. Tumahimik ang buong paligid dahil sa nangyari.

Ang kaninang maingay na tawanan at kwentuhan ay napalitan ng mga pabulong na usapan ng mga engkantong nakasaksi sa gulo.

Mahigpit pa ring nakakapit sa akin si Alistair.

Para talaga siyang batang natakot.

Hinimas ko ang likod niya para pakalmahin, “Tahan na.”

Hindi pa rin siya tumihil.

“Uy, pangit ka umiyak.”

Mas lalo siyang umiyak.

“Pre…” reklamo niya sa pagitan ng hikbi.

Napakamot ako sa ulo. “Ay, mali.”

Tinapik ko ang balikat ng utol ko. “Gwapo ka pa rin, kaya tahan na, tol…”

Hindi pa rin tumigil.

Lumingon ako kina Gabo at Ulan.

“Oy, paano ba magpatahan ng iyakin?” Sabay kaming napabaling kay Gabo.

“…bakit ako?” Parang hindi makapaniwala niyang tanong.

“Kasintahan mo, iyakin, pre.” Ngiwi kong bigkas kaya napangiwi rin siya.

Sinubukan naman naming pakalmahin si Alistair. Nang kumalma ay dun na ako napanatag. Nanatili na rin sila Gian para magbantay.

Nang masiguradong maayos na ang kaguluhan ay wala ako sa ulirat na bumalik sa puwesto kung nas’an ngayon si Preston na gulat na gulat na nakatingin sa akin.

Pumasok ako sa loob at umupo sa puwesto ko. Kinuha ko ang karne na nasa plato, akmang kakagat nang may kamay na humawak sa braso ko.

Nang iangat ko ang mata ko, bumungad sa akin ang nakakunot niyang mukha.

Napakurap ako. Gago?

Saka ko lang narealize na hindi pala ako si ‘Magna’. Napangiwi ako at nanatili ang titigan namin sa isa’t isa.

“Huwag mo rin sana akong sisipain pero…” Tumingin siya sa hawak kong hita ng manok. “‘d ‘yan sa’yo, boi.”

THE CURSE


Return to top?

Part of a series

Pmc

Part 2 of 2
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.50.274
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.