THE GOLDEN HAIR (PMC #1)
VricEN · 18 chapters · 36,382 words
CHARACTERS
Art by: Bradley Loserr
These are not the canon visuals for my characters. I just made them for fun while taking a break from commission work. I’ll still leave their actual appearances open to the readers’ interpretation.
Me and my Studio made these. (Wala pa si Gian (Kapre)) Though, I might draw him soon. Sorry for the slow update update, BRKNs. I’m trying my best na isingit ang pagsusulat sa series na ‘to, it’s just that, workloads are also gawking for attention.
Prologue: Bakasyon
Disclaimer: The physical appearance of Wenrry and his Clan (Tikbalang) is a centaur type in this story.
This is all fiction made by the author.
Centaur;
Upper Body: Human
Lower Body: Horse
Canon Tikbalang;
Face; Horse
Torso; Human
Lower Body; Horse
THE GOLDEN HAIR
Gabrielle
Nakatunganga ako sa labas ng bintana. My mind was blank, I couldn’t think. I couldn’t process what happened.
I just graduated but everything feels like a blur.
Ano na ang mangyayari sa akin?
I feel like someone who can’t function anymore. A robot that was made without any purpose.
Napahilamos ako ng mukha. What an undecided prick.
Napatingin ako sa phone nang mag-vibrate ‘yon.
P0g£hಠ‿ಠ;
P0g
£hಠ
‿ಠ;
Tutoy wer na u and2 na meಠ∀ಠ.
Nangasim ang mukha ko sa nabasa.
Tito Christopher or Tito Chris is my uncle sa mother side.
It’s been years nang makita ko siya. Wala kasi si mama, she’s on abroad para sustentuhan ang pangangailangan ko financially. Wala na kasi si papa, he died nang ipanganak ako.
Since I was a kid, ang nag-alaga sa akin ay si Tito. Pero nang tumuntong ako sa edad 13, I grew up to live for myself since Tito was called for an emergency here.
Wala naman sa akin, nasanay na rin akong mamuhay mag-isa. Pero may kapit-bahay ako dati na siyang binabayaran ni mama para bantayan ako at alagaan kung kailangan.
She’s an old lady living alone, para ko na rin siyang lola simula noon. Sadly, namatay ito. I never got a chance to visit her grave. Sa iba kasing lugar inilibing ng sariling anak.
Hindi man lang din niya nakita ang pagtatapos ko… No one did.
I even told mama na umuwi na sa Pinas ngayong graduated na ako. She told me na baka next year pa siya makakauwi.
And I’m here in a bus, papunta sa probinsya nila mama.
Gusto rin daw kasi akong makita nila Lola Sonya at Lolo Devin. Dun daw i-ce-celebrate na ngayo’y nakapagtapos na ako.
I rub my eyes. I’m so freaking tired.
Mas ayos na rin ‘to. I can’t even find a job sa Manila dahil fresh graduate pa lang ako. I need new air to breath and relax.
Nang tumigil ang bus ay bumaba na rin agad ako bitbit ang dalawa kong bag.
Here goes nothing…
“Ikaw na ba ‘yan, Gabo?” I looked up and saw a familiar face na akala mong hindi tumanda.
He was wearing that Colgate-Commercial Smile. A white tank top and a red shorts in flip flops. That Moreno skin suits him well.
I couldn’t help but smile. I missed him.
“Tito Chris,” Bati ko. I was about to hug him pero laking gulat kong bigla niya akong niyakap at binuhat habang tumatalon.
Panay ako inda dahil sa ginagawa niya. Tangina, halakhak na halakhak si Tito!
“Na-miss kita, Gabo! Ilang taon na rin, ang tangkad mo na!”
Halos pagtinginan kami ng mga kasabayan ko sa pagbaba. Tangina talaga… Nakakahiya.
Nang makita niyang nahihirapan na ako ay mabilis niya akong binaba. Pakiramdam ko para akong nabalian ng buto sa ginawa niya.
“Sensya, na-miss ka ni Tito! Ang laki-laki mo na, andaming nagbago sa’yo!” Ngiti netong saad habang nakatitig sa akin.
I sighed and gave him a plain smile. “And you still look the same, Tito.”
He chuckle and grabbed my bags. Siya ang nagkarga noon papunta sa tricycle niya.
“Baby ka pa lang nung inaalagaan ka namin, ngayon halos tangkaran mo na ako. Kung sana’y pwede pa akong manatili noon sa Manila, edi sana nasubaybayan ko paglaki mo at pagtatapos.”
I remained silent following him. Ramdam ko ang pagtingin neto sa akin.
To my surprise he wrap his arm around my shoulder at magaslaw na ginulo ang buhok ko.
Fuck.
“Lungkot mo ah, hindi ka ba masaya na nakita uli ako?!” Nguso netong pagmamaktol. I chuckle before shaking my head. “No, Tito, pagod lang ho ako… I’m happy to see you again. Kumusta naman po sila Lola?”
Dun napunta ang kwento niya. I saw them twice. Ewan ko ba, ang sabi sa akin ay hindi raw sila pwedeng umalis sa bahay nang katagalan.
I looked over at Tito Chris who won’t stop yapping.
Lima silang magkakapatid, siya ang bunso. Si mama naman ang sumunod. Nakita ko na rin yung pangalawang matanda sa kanila, si Tita Celli, sa Manila lang din kasi siya nakatira pero malayo sa puwesto na tinitirahan ko noon.
Si Tito Devim naman ang pinaka panganay, sa Isang Isla raw siya nakatira malapit dito.
Habang yung gitnang kapatid na lalaki, hindi ko kailan man nakilala.
“Pasok, yuko ka na lang, mababa yung bubong.”
Tahimik akong pumasok sa loob habang yakap-yakap ang isa kong bag. Gabi na rin nang makababa ako sa Terminal, malayo-layo pa ang biyahe namin ni Tito dahil tuktok ng bundok ang bahay nila.
Panay ang kwento ni Tito sa Biyahe pero pucha wala akong maintindihan kaya tumango-tango na lang ako na ewan.
Andaldal pala niya.
Kinuha ko ang phone ko at chinat si Mama.
MAMA
Gabrielle
:
Ma, nasundo na po ako.
I was waiting for her response pero hindi siya active kaya tinungo ko na lang ang Facebook. I have least mutuals, mostly ay puro mga nakakausap ko lang sa school.
A notification pop-up on my screen.
PRESTITI
Prestiti
;
I’m doomed.
Gabo
;
Bakit Prestiti name mo sa convo?
Prestiti
;
Call sign ‘yan, men. Prestiti and Gabo
Napailing ako kay Frince. His name is Frince Preston. Ewan ko ba kung paano kami naging magkaibigan. He was a journalist while I studied culinary.
PRESTITI
Gabo
;
Bilisan mo. Walang signal sa bundok.
Prestiti
;
Bundok? Nagnature hike ka, pre? Bakit hindi moko sinama?
Gabo
;
You have asthma.
Prestiti
;
Haha edi buhatin moko kapag hinapo ako.
Gabo
;
Gago.
Gabo
;
I’m having a vacation sa province ng mom ko.
Prestiti
;
Shucks, himala, lumabas na siya ng lungga.
Prestiti
;
Feel ko kailangan ko rin mag-vacation.
Prestiti
;
Hirap maging unemployed. Gagalit erpats ko sa kinuha kong program. La raw tuloy ako work.
Prestiti
;
Sustentuhan nila ako, may business naman sila😏.
Before I can reply ay nagulat ako nang may alitaptap na dumaan sa harapan ko.
I looked up, nawala ‘yon.
Nang lumingon ako sa paligid ay purong puno na lang ang makikita. Kuliglig at huni ng makina ng tricycle ni Tito ang maririnig.
Kunot noo akong muling tinuon ang tingin sa phone, kaso nawalan na ako ng signal kaya no choice kundi ibulsa na lang.
Nasaan na ba kami?
Tumingin ako sa labas and to my surprise andaming sumasabay na alitaptap sa tricycle.
I was so confused but facinated at the same time. This is the first time I saw a group of fireflies personally.
It was… Beautiful.
My face softened as I watched them fly around inside the tricycle.
It was odd but the sight calmed something inside me.
“Tangina mo, Wenrry, nakikipagkarera ang loko!” Rinig kong sigaw ni Tito kaya napatingin ako rito.
Wenrry who? Sino kausap niya?
I was about to ask Tito Chris nang mahagip ng mata ko ang isang pares ng gintong mata na nakatitig sa akin.
Nang lingunin ko ang gilid ko. Kitang kita ko mula rito ang isang matipuno at gwapong mukha na nakatingin sa akin.
His long hair sways, his unrealistic golden strands glistening under the moonlight. His toned skin glows. I was captivated by his beauty.
Pero bumalik ako sa ulirat nang sumigaw si Tito.
“Hoy, Wenrry. Pamangkin ko ‘yan, babanggain kita!”
Before I could process anything. Dumulas ang tingin ko sa ibabang parte neto.
That’s when I realized that his lower half was a fucking…
Horse.
He was running, effortlessly catching up on a freaking tricycle. He was looking at me, straight-up.
My lips were trembling. Hindi ako makapagsalita. My hands were getting cold. I’m scared.
What the fuck is that?!
The man, Wenrry, blinked and a smile formed his lips bago kumaway, “Hi, Gab…”
I gritted my teeth.
Tangina… Naihi ako sa takot.
“TITO, MAY ASWANG!!!”
“Ma naman!”
“Aba, tara ritong bata ka, sabi kong sunduin mo ‘yang apo ko, bakit mo dinala rito na walang malay!?”
“Si Wenrry ‘yon - aray! Pa, si mama, oh!”
“Mahal naman-”
“Manahimik ka!”
“Kaya mo na ‘yan, Chris.”
“ARAY! MA, ARAY KO!’
Naalimpungatan ako sa ingay. When I opened my eyes ay yero ang bumungad sa akin.
I groan at dahan-dahang naupo. Una kong napansin na iba na ang suot kong short.
I saw a familiar old woman na sabu-sabunot ang buhok ni Tito Chris habang yakap-yakap naman nung isa ang isang matipunong lalaki.
Whoa, I feel like I’m in a fever dream or something.
“Ay Jusko, gising na ang apo ko!” Sigaw nang matanda bago lumapit sa akin at niyakap ako.
“Ayos ka lang ba? Ilan ‘to, apo?” Sabay pinakita niya sa akin ang dalawang daliri.
I blinked. Si Lola Sonya ba siya?
“Lola?” I called. Kita ko ang pangingilid ng luha niya at masaya akong niyakap muli.
“Jusko, kilala mo pa ako! Ilang taon na simula nung nakita kita, Gabo!”
My body relaxed at tinugon ang yakap niya.
The man chuckle and cleared his throat na lumapit sa amin. “Kumusta ka na, Gab?”
He looked so familiar… So… Familiar. Hindi ko lang mapunto kung saan ko siya nakita.
“Ay, Gabo, eh lolo Devim mo? Kilala mo pa?”
Parang may kung anong sirang plaka sa utak ko ang umulit sa sinabi ni Lola Sonya.
Nanlalaki ang mata kong nakatitig sa gwapo at mukhang batang bata pa na lalaki sabay kay Lola na kitang kita talaga ang katandaan.
Nagpalit-palit ang tingin ko sa dalawa.
What the fuck?
“Si lolo ‘yan?!” Gulat kong sigaw habang nakaduro sakanya.
The man smirked. “Oh, bakit? Lola mo natandaan mo pero ako, hindi?”
Natulala ako sa dalawa.
Lola Sonya hugged him at malambing naman siyang hinagkan nung lalaki, hinalik-halikan niya ang matanda.
Kahit hindi ko makita ang sarili ko ay alam kong para akong nakakita ng multo habang pinapanood sila. Pucha.
“Eto naman, si tampo! Oo, siya si Lolo mo Gab- Gab?! GABO! Jusko, nawalan nanaman ng malay. Chris kumuha ka nga ng malamig na tubig! Juskong batang ‘to!“
chapter one: Bagong Kaibigan
THE GOLDEN HAIR
Gabrielle
“Kumain ka nang kumain!” Utos ni Lola habang patuloy na nilalagyan ng kanin at ulam ang plato ko.
Fuck… I’m so tired. Buong gabi akong tulog, nagising ako mga hapon na.
Hindi ko naiwasang hindi mapatingin kay ‘Lolo Devim.’
Hindi ako naniniwala.
Mas matanda nga si Lolo kay Lola. Kaya impossibleng si Lolo ‘yan!
Kahit bata pa ako nun at kahit katiting na ala-ala lang ang naaalala ko tungkol sa itsura nila ay pamilyar pa rin ako.
I sighed and massaged my head bago walang nagawa kundi ang kumain.
“Nasaan po si Tito?” Tanong ko.
“Bumili dun sa Bayan. Gulay, gusto mo?” I shook my head. Masyado na akong busog.
To be honest, I feel like I’m dreaming right now. Dahil ba sa mga gamot na tinake ko? Is this the side effect?
But…
I looked up, watching the two of them getting too clingy with each other.
“‘la… About earlier,” Pagsisimula ko. I’m looking straight onto my plate, fidgeting. “Ano po ‘yon?”
“Mahal, sabihin mo nga huwag mag-ingles… Wala akong maintindihan.” Dinig kong bulong ni ‘Lolo Devim’ kay Lola.
Mahina namang tumawa si Lola.
“Si Wenrry ba?” Tumango ako.
Right, Wenrry. That thing has a name.
“Kaibigan ‘yon ni Chris, kung gusto mong malaman ay nandun siya sa labas.”
My whole body froze, not knowing what to say.
“Si Wenrry ba tinatanong niya?” Bulong uli ni ‘Lolo’ bago tumingin sa akin sabay ngiti. “Yung Tikbalang ba, apo? Mabait ‘yon… Gusto mong pakilala kita?”
Mabilis akong umiling.
Hell, no!
That thing is real?!
Hindi ko napigilang hindi mapahilamos ng mukha. Para akong naka drugs ngayon.
Why is Lola so calm about it?!
Why are they so calm?!
Sino ba ‘tong ungas na ‘to na kung makalandi sa lola ko?!
I groan in annoyance. Should I just go back to Manila…?
Mas lalo akong na-stress dito.
“Mahal naman, huwag sa harapan ng bata!” Hiyaw ni Lola nang halikan siya ni ‘Lolo’ sa leeg.
Ngiwi akong nakatitig sa kanila. Bago pa ako makakita ng kung ano ay mabilis akong tumayo at lumabas.
Langyang ‘yan… Babalik na ako mamaya.
Tinungo ko ang malaking puno para umupo sa malaking bato na kalapit. I was deep in thoughts as I sat down when a tiny but manly voice screamed.
“Putangina, ang baho ng pwet mo!”
I yelp, standing up. Nang tingnan ko kung saan nanggaling yung boses ay tumama ang mata ko sa maliit na nilalang.
He was almost 1 feet tall. The tiny guy was only wearing a cloth wrapping around his waist to hide his crotch.
Kahit maliit ay kitang kita ko ang mukha netong mukhang tao. His ears were pointy, his skin were dark – not too dark. The tiny creature is wearing a salakot hat.
Imbis na matakot kagaya kanina ay napakurap ako while looking at him.
He’s too… Tiny.
Inis etong tumingin sa akin bago inayos ang suot niyang sumbrero. “Tinitingin tingin mo, ha?! Baka gusto mong mamaga ‘yang mata mo!”
I don’t know if I should run, scream, or be angry at his threats.
But right now, ngiwi lang ang natugon ko. How can someone this tiny are always so violent?
“What are you?” I asked, squatting para pantayan siya.
Kita kong kumunot ang maliit niyang kilay. “Ano?! Minumura mo ba ako?!”
I watched him closely. Parang may narinig na akong ganito noon.
Those myths creatures…
A tiny creature who’s playful, wearing in different colors of pointy hats, and living in a mound.
Ano nga ang tawag nila doon?
Du…
“Duwende?” Hindi ko napigilang hindi bigkasin. The tiny guy crossed his arms, glaring at me.
“Duwende ka?” I clarified.
Masungit netong nilihis ang tingin, looking like a kid who’s sulking kaya talagang napapangiwi ang mukha ko sa itsura niya.
Mukhang batang paslit amputa.
“Hoy, Wenrry! Ikaw nga kumausap dito, kahit pamangkin ‘to ni Chris, pamamagain ko bayag neto!”
“Pamamagain ang what?” Kunot kilay kong tanong.
Hindi ito sumagot at nanatili ang tingin sa gilid. “Mukha kang tanga, pre.”
Dun na ako napalingon sa tinitignan niya. To my surprise, I saw the horse dude hiding on a tree trunk… Pero sa sobrang laki niya ay talagang kitang kita pa rin ang kabuan ng kanyang katawan.
Sumilip siya sa amin at nang makitang nakatitig ako ay mabilis siyang nagtagong muli.
I blinked. What the fuck is he doing? ‘di ba dapat ako yung natatakot?
Pero sa totoo lang ay nanginginig ang paa ko kaya hindi ako makatakbo. He’s fucking huge! Stallion ata ‘to!
Nang lumingon ako sa bubwit ay nakatitig na pala siya sa akin. He was grinning ear to ear.
“Titira ka rito?” Bigla niyang tanong. Umiling ako at dun nagbago expresyon niya.
“Lah, bakit? Dito ka na, masaya rito. Huwag ka lang pupunta sa Kanluran, may panget dun, kapatid ko.”
Napangiwi ako sa narinig. I thought Duwende were playful? Not this… Savage.
“So… Totoo kayo?” Bigkas ko habang kumakain ng saba na binigay sa akin ni Magnus, the dwarf.
Magnus face sour, “Mukha bang hindi? Nakikita mo na nga, ‘di ba? Bulag-bulagan lang, Gabo?”
I swear, kung hindi lang siya maligno ay pinitik ko na ‘to.
Inis akong kumagat muli sa saba at tumingin dun kay Wenrry na nakaupo malayo sa amin habang may hawak-hawak na dalawang mansanas.
Nawala bigla takot ko dahil kay Magnus, ang ingay kasi.
Pinagkatitigan ko si Wenrry. Mas maayos ko na siyang namumukhaan. His long hair is waist length, halos kuminang ito sa sinag ng araw na animo’y ginto.
I smiled at him when our eyes met. Kita ko ang paglunok niya bago tumingin sa hawak na mansanas.
“You should come closer,” I said. Pero wala siyang reaksyon.
Kamot pisngi akong napangiwi when Magnus started complaining.
“Huwag ka nga mag ingles! Pakyu nga lang alam ko d’yan, papahirapa mo pa kaming intindihin ka!”
Muli akong tumingin kay Wenrry and tap the ground beside us, “Dito ka.”
Mabilis siyang sumunod. I flinched when he stood up, nakita niya ‘yon kaya mabilis din siyang umupo uli.
I didn’t mean to scare him.
Muli kong tinapik ang lapag. He didn’t move for 4 seconds until his horse legs slowly standing up at dahan-dahang lumapit sa amin.
Nang makalapit ito ay nakatingala kaming dalawa ni Magnus hanggang sa umupo siya.
“Ang laki mo,” Bulalas ko. Kita ko ang pamumula ng tenga niyang patusok.
Wenrry slowly looked at me and hand me the other apple. I was hesitant at first but I reach to grab it when he didn’t said anything. “Thank you.”
“Wowwwww tapos kapag ako manghihingi, hindi pwede? Ano ‘yang mansanas mo? Mansanas ni Eva at Adan?” Masungit na reklamo ni Magnus kaya natawa ako.
Kita kong lumukot ang mukha ni Wenrry na napatingin sa Duwende. “Masyado kang maingay, kaibigan…”
His voice is so damn deep and manly, pero sobrang malumalay.
“Ako, maingay?! Mali mo!” Sabat kagat ni Magnus sa malaking Saba.
Kanina pa niya kinakain ‘yan, kalahati pa lang natatapos niya.
Even if these two are in front of me, para pa rin akong nananaginip. May parte na kinakabahan ako, may parte rin na nakakampante. They’re nice… Pero hindi talaga maproseso ng utak ko ngayon!
Para tuloy akong baliw.
“Arf!” Napatingin kami nang may tumahol.
Nang lingunin namin ‘yon ay nakita ko si Tito Chris na may bitbit na plastik at isang malaking aso na kulay puti na tumatakbo palapit sa puwesto namin.
“ALISTAIRRRRRRR!!” Sigaw ni Magnus at tumayo.
“Arf! Arf!”
The dog started licking the little guy at tuwang tuwa naman ang loko habang yakap ang aso.
“Tangina mo, pre! Namiss kita. Ano? Tinurukan ka ba sa pwet?!” Sabay tawa.
“Nakilala mo na pala mga ugok na ‘yan,” Tito Chris said at ngiting ngiti na nakatingin sa akin.
I simply nodded, not knowing what to say.
“Oh siya, heramin ko lang muna itong pamangkin ko.” I stood up nang siyensiyahan ako ni Tito na sumunod.
Lumingon ako sa Tatlo while I was following Tito Chris.
Magnus and the dog kept on laughing and playing while Wenrry was watching me.
I saw him looked on the apple na binigay niya sa akin. Napatingin din ako dun. Is he waiting for me to eat it?
I blinked at dahan-dahang nilapat ang mansanas sa labi, I took a bite. Dun ko nakita ang pagbabago sa mukha niya.
He looked happy and contented…
Muli akong napakurap.
It’s so sweet.
Might be the sweetest apple I have ever tasted.
I looked over at Wenrry again na ngayon ay pinapanood ang dalawang kasama.
What an odd creature…
THE GOLDEN HAIR
VricENthology
chapter two : Sapa ni Orlin
THE GOLDEN HAIR
Gabrielle
I watched Tito as he started cooking, mostly puro gulay.
“Natatakot ka ba sa amin?” He asked suddenly.
“Po?”
I’m very confused but intrigued. And maybe… Scared. Baka kasi mamaya doppelganger lang pala sila tapos pinapunta ako rito para dalhin sa kabilang mundo.
Geez… I’m listening to too many horror stories kaya ganito na iniisip ko.
“Kita mo namang hindi kami normal, ‘di ba?” He said while cutting the ingredients.
“What do you mean? Hindi ba kayo tao?” Kabado kong tanong.
Mahina siyang tumawa kaya nakahinga ako ng maluwag.
“Hindi.”
“HA?!”
Sinalang niya ang kawali saka nilagyan ng mantika at hinanaan ang apoy.
Humarap siya sa akin at seryoso akong tinignan. I was sweating. My body is getting cold sa takot at kaba.
“Nakita mo naman, ‘di ba? Pinapaligiran kami ng mga hindi tao. Manggagamot ako at si Mama. Si papa naman…” He cleared his throat, not continuing his sentence.
“I don’t get it,” Pag-amin ko.
Tito Chris let out a sigh. “Our Family is not normal, Gab. Kita mo naman. Hindi talaga dapat namin sasabihin sa’yo dahil ang habilin sa amin ni Ate ay huwag muna. Hindi ka pa handa, ayun ang nakikita niya,” He explained.
He tilted his head at tinuon ang kamay sa lababo sa kanyang likod.
“Kaso masyadong nagpadala sa kagustuhan ni Wenrry na makita kang muli. Yung mga nilalang na kasama mo kanina, mga kaibigan ko ‘yon. Si Wenrry at Magnus, isang Tikbalang at Duwende. Ang katangian kong manggagamot ay hindi kagaya ng doktor sa syudad na nasa opisina at gumagamot na gumagamit ng modernong pamamaraan,” He continued.
Tinuro niya ang saliri, “Isa akong manggagamot na kung tawagin ay sinaunang manggagamot. Gumagamot ako gamit ang mga buhay na salita, anting-anting, tulong ng mga gabay, at mga gamot at kagamitan na hindi ginagamit sa alam mong medesina.”
I frowned nang marinig ang mga ‘yon.
Ang alam ko ay may tawag sa ganun…
“So… You’re an Albularyo?” Tanong ko.
He smirked and shook his head. “Kapareho ko ang Albularyo, patungkol kami sa paggagamot. Ang Albularyo ay halos patungkol sa mga halamang gamot, panalangin, at ritwal. Pero ako,” Hinamas niya ang sariling dibdib, “Isa akong Babaylan.”
Mas lalo akong naguluhan.
“What’s that?” Hindi ko pa ‘yon narinig kahit kailan.
Bumalik si Tito sa niluluto. “Kagaya kami sa tinatawag ninyong Shaman. Isa kami sa nagpapanatili ng balanse ng mundo ng mortal at spiritual. Mahirap ‘yan paniwalaan, kaso nakakita ka na ng maligno, kaya wala kang magagawa kundi ang maniwala.” Sabay tawa.
Kumunot noo ko sa sinabi ni Tito. I’m slowly getting it but at the same time ay marami pa ring katanungan na bumabalot sa isip ko.
Nakatitig ako sa phone ko. Hindi ko makausap si mama, walang signal. I was dying to ask her for answers.
Bakit hindi niya sinabi sa akin?
I’m so fucking lost…
Napalingon ako sa gilid nang may marinig na yabag ng kabayo. I saw Wenrry sa hindi kalayuan na nakatingin sa akin. He was holding another Apple.
Takot pa rin ako sa kanya. He’s freaking huge…
Nakakapanibago rin makita ang kagaya niyang kalahating tao at kabayo.
He just stood there looking at me. Napansin ko rin ang mga alitaptap na lumilipad palibot sa kanya.
Nang hindi siya gumagalaw. I had no choice but to tap the rock na inuupuan ko. Mukha namang maintindihan niya ‘yon dahil naglakad eto palapit sa akin.
He was slow, halatang nag-ingat na hindi ako biglain.
Nang tuluyan itong makalapit ay dahan-dahan siyang umupo. Dahil sa naka puwesto ako sa malaking bato ay naging kasing tangkad ko siya.
I was mesmerized by his beauty… Kung hindi lang siya macho, pagkakamalan ko siyang babae sa pang-ibabaw na anyo.
“Bakit mag-isa ka lang? Nasan si Chris?” Tanong nito sa akin. I couldn’t help but shiver sa boses niya.
“Lumabas. Nagpapahangin lang din ako,” Tipid kong sagot. “How About you, why are you here?”
Nang hindi ito sumagot at nanatili lang ang tingin sa akin, looking so lost. I cleared my throat, scratching my cheek.
Right… Hindi sila makaintindi ng English.
“Ikaw? Bakit ka nandito?” Pag-uulit ko.
Tumingin siya sa mansanas na hawak at binigay sa akin kaya naman dahan-dahan ko ‘yong tinanggap, “Salamat.”
He looked pleased, hindi na siya umimik at tumingin na lang sa kalangitan.
Kinagatan ko ang pagkain niyang binigay and I could savor the sweetness juice in the fruit, sobrang tamis niya, masabaw, hindi mo na kakailanganin ng tubig.
“Natatakot ka pa rin ba sa’kin?” Bigla niyang bulalas.
I was mid-air taking a bite when he said that kaya napatulala ako rito.
What should I say? Ayoko namang mag-sinungaling.
I licked my lower lip. “Um…oo? Kakaiba kasi kayo…I mean, ngayon lang ako nakakita ng kagaya ninyo.”
Dun na siya tumingin sa akin. His features were so soft but sharp.
“Ang balita ko ay babalik ka sa syudad, dahil ba doon?” Muli niyang tanong.
I simply nodded at tumingin sa paanan ko. I’m ashamed. Ayoko siyang tingnan, natatakot ako na baka magalit siya o ma-offend.
May feelings naman kasi siguro sila…‘di ba?
Rinig ko ang mahina niyang buntong hininga. “Pasensya na kung natakot man kita, hindi ko sadya ‘yon…nais ko lang talagang makita ka.”
My brow furrowed and I looked up. “Kilala mo ba ako?”
Natigilan siya sa tanong ko pero tumango rin siya. “Nung bata ka pa, kasama ako ni Chris sa pag-aalaga sa’yo. Natuwa ako nang malaman na babalik ka rito, gusto ko lang sana makita ang itsura mo ngayon ay malaki ka na. Ang akala ko lang ay natatandaan mo pa ako… Mukhang hindi pala. Masyado akong naaliw, pasensya na.”
Mas kumunot ang noo ko, hindi sa takot, kundi sa pagtataka.
“Inalagaan mo ako?” I asked in disbelief.
Kumurap siya at tumingin sa akin. “Lahat kaming magkakaibigan ay inalagaan ka… Halos ako lang talaga ang lagi kang bitbit, ayaw mo kasing umalis sa pagkakasakay sa akin.” He smiled habang kinukwento ‘yon.
“Tala…ga?”
He nodded again, “Oo, sa sobrang liit mo ay natatakot nga kami na baka masaktan ka namin. Pero ngayon…” I saw him scan my body as he gave me a bright and innocent smile. “Ang laki-laki mo na…”
I couldn’t help na lumihis ng tingin. Something inside my stomach churn. It feels so uncomfortable…
“Hindi ko maalala,” Tanging nasabi ko lang.
There’s a hint of sadness na kumislap sa mata niya pero nawala rin ‘yon. “Ayos lang ‘yon… Matagal na rin kasi at bata ka pa. Ang alam ko ay hindi pa buo ang malay ng mga tao kapag maliit pa ito.”
Nilapat ko ang baba sa aking palad while my elbow is placed on my knee. “Ilan taon ka na, Wenrry?”
Kita ko siyang napaisip. “Hindi ko alam, eh…hindi naman kasi kami nagdidiwang nang kaarawan. Iba ang takbo ng oras namin sa mundo ninyong mga tao, pero kung susumahin ang dekada na buhay ako? Siguro mahigit Isang daan at pataas?”
I choked on my saliva kaya naman napatayo siya at lalong lumapit sa akin para tingnan ako.
“Ayos ka lang ba?” Natataranta niyang tanong.
I was coughing and dismissed him by waving my hand, “Damn?! Lolo na pala kita?!”
Kita ko siyang ngumiwi, “Ha? Mas matanda pa nga sa akin si Devim…”
“Huh?!”
“Dahan-dahan naman!” Sigaw ko while hugging him. I don’t know what happened pero nandito ako ngayon at nakasakay sa likod niya while he was fucking running in the forest!
Para lang akong sumasakay sa literal na kabayo, ang problema nga lang ay may abs yung yakap-yakap ko!
“Kumapit ka nang maigi!” Sigaw niya pabalik bago mas binilisan pa.
I couldn’t help but scream.
He was freaking fast!
Like?? Fast!
Daig pa niya ang totoong kabayo sa bilis!
Mga ilang minuto ay tumigil kami sa isang malawak na lupain na purong damuhan. “Nasa tayo?” I couldn’t help but ask.
Nang inalalayan niya akong makababa ay itinuro niya ang puno sa gitna ng patlang.
(
Patlang
- Field)
It was huge. Freaking huge. Kahit ang ugat neto ay ang lalaki! May mga baging din na nakalambitin sa mga puno.
“Sabi na nga ba, nandito ka!” Rinig kong sigaw nang pamilyar na tinig.
Bigla na lang nag-iba ang buong lugar. Ang kaninang walang laman na patlang ay ngayo’y pinapalibutan na ng nagniningning na lawa, naglalakihang mga puno, mga iba’t ibang kulay ng mga bulaklak, at kung ano-ano pa.
It looked like paradise.
“Hoy, Wenrry, yari ka kay Orlin, nagdala ka ng tao sa Sapa niya!” Sigaw ni Magnus na nakaupo sa isang bato.
I was so busy na tignan ang buong paligid, hindi ko namalayan na may baging na pumulupot sa aking binti at hinila ako palambitin.
I screamed in shock and fear.
“Hala ka! Tarantado, satingin mo ba ikaw lang mayayari kay Chris kapag may nangyaring masama sa pamangkin niya?!”
“Fuck!” I cursed when an arrow striked the vine. Dahil dun ay naputol ang baging, dahil sa nasa itaas ako ay dumausdos ako pababa, but Wenrry was fast enough to catch me.
I could hear my own heart pounding sa sobrang kaba.
Feeling ko ay maiihi nanaman ako.
“Nasisiraan ka na ba ng ulo?!” Sigaw ni Wenrry, puno ng galit ang boses neto.
Dun ko nasilahan ang pana na hawak-hawak niya. Saan niya nakuha ‘yan?
“Pangahas kayo,” A deep voice echoed through the whole place.
Kitang kita ko mula sa puwesto namin na kumurba ang tubig sa sapa na anyong tao. That’s when it slowly turned into a… Goddess?
No. He looked like a fucking girl, long white hair, point ears, pearly white skin, but his body was fit. Para siyang si Wenrry, but he’s more feminine looking…
“Bakit ka nagdala ng tao sa Sapa ko, Wenrry?!” Galit na sigaw neto.
Para akong inubusan ng dugo sa gulat, bigla na lang kasi siyang sumulpot sa harapan namin, hawak-hawak pa rin ako ni Wenrry sa mga bisig niya kaya pinaggi-gitnaan ako ng mga galit na lalaki.
“Kung galit ka dahil lang sa isang tao, puwes huwag mong idamay ang lahat ng mortal!” Mahinahon ngunit may gitil na ani ni Wenrry.
“Huwag mong kalimutan na tao ang sumira ng Sapa ko, Wenrry! Wala kang karapatan na pagsalitaan ako nang gan’yan, alam mong ayoko sa mga uri nila, pero nagdala ka pa rin!” Sigaw pabalik nung Orlin.
Bago pa sila magtagisan ay may dalawang kamay na tumalak palayo sa kanila.
I saw… Magnus?
Wait, what? Imbis na maliit na nilalang ang nakita ko, tumambad sa akin ang isang… Tao? No, he looked like a human, but his pointy ears are still there.
But his height… Changed.
“Gago, kung mag-aaway kayo ay magdedeklara lang kayo ng gyera sa pagitan ng pamilya n’yo!” Inis netong sigaw. “Kung gusto n’yong magpatayan, kausapin ninyo ang mga tatay n’yo!”
I can sense Wenrry slowly calming, but his stance was still on guard.
While Orlin on the other hand, was glaring daggers.
“Huminahon ka nga,” Puna ni Magnus dun sa Diwata, maybe?
I heard rumors about them.
“Si Gabo ‘yan!”
Nang sabihin ‘yon ni Magnus, I saw a confusion sa mukha nung Orlin, na naging pagka-takot. “Siya ba yung anak ni…”
“Oo! Siraulo ka, hindi lang Babaylan ang tatapos sa angkan mo kung tinuloy mo kakupalan mo! Baka lahat ng mga tribo maging kalaban n’yo!”
I was confused sa pinagsasabi ni Magnus. Ang kaninang galit na mukha ni Orlin ay ngayo’y purong takot na lang ang makikita ko.
“H-hindi ko sinasadya,” Nanginginig netong paghingi ng tawad.
He stepped forward but Wenrry stepped back as he held me tight. Dun ko muling na-realize na karga pa rin niya ako.
Hindi ba siya nabibigatan sa akin?
Nang tingnan ko ang itsura niya ay parang ako pa yung natakot dahil sa tingin niya kay Orlin.
“Lumayo ka. Subukan mong saktan ang taong ‘to, baka kalimutan kong magkaibigan pa tayo.
THE GOLDEN HAIR
VricENthology.
I’m so busy with my own stuff kaya late update.
Anyway, thank you to those who are leaving some comments to read. I appreciate it so much. Grateful for all of your efforts to vote and read our stories in our journey.
Love you, BRKN.
chapter three : Orlin
THE GOLDEN HAIR
Gabrielle
Hindi ko alam kung anong nangyari. Basta nakapalibot na lang kami sa isa’t isa habang nakain ng bagong pitas na prutas.
“Sarap talaga ng bunga rito sa Sapa mo, kaya tambay lagi ako rito, eh!” Sigaw ni Magnus habang kulang na lang at kainin na rin ang balat ng pakwan.
Orlin scoffed, “Tambay ka sa Bayan, kaya tingnan mo ang pananalita mo, nakakarindi!” Sabay kagat sa hawak niyang bayabas.
Pinunasan muna ni Magnus ang bibig bago nagsalita, “Kaysa naman sa’yo na kulang na lang magkulong dito, ang boring kaya!”
Rinig kong maniwalang natawa si Wenrry sa tabi ko na busy sa pagbabalat ng mansanas. “Bantay si Orlin ng sapa na ito, Kaibigan. Dapat lang na nandito siya palagi.”
Dun ako bumalik sa ulirat.
I looked at Orlin na nakasimangot na nanguya. Ibang iba ang kanyang itsura… He’s freaking glowing.
Pansin ko rin ang mga mata niyang purong puti kaya aakalain mong bulag. He’s just so pretty.
“Kung si Wenrry ay Tikbalang, si Magnus ay Duwende, ano ka?” Tanong ko.
“Diwata,” Tipid niyang sagot.
I looked at Wenrry when he gave me the apple he was peeling gamit ang sariling patalim sa palaso.
“Huwag kang maniwala diyan, Gabo. Aswang ‘yan,” Bulong ni Magnus sa kabila ko.
Narinig ‘yon ni Orlin kaya nang akmang hahatakin niya ang duwende ay mabilis na tumayo si gago at tumakbo, inis naman siyang hinabol ni Orlin.
Speaking of Magnus, he was fucking naked.
Kanina pa siya hubo, kaya hindi ako tumitingin kay gago.
Nung awatin niya yung dalawa ay wala na syang saplot.
Wenrry assured me na inaalis ni Magnus ang sariling salwal kapag nag-aanyong tao.
He was a dwarf after all, they’re all magicals.
“So…” Tumingin ako kay Wenrry while eating the apple he gave me. “Kilala n’yo si mama at papa?”
He nodded, “Magkaibigan ang mga magulang natin, maliban sa aking Ina. Kakilala ng tatay ko ang magulang mo.”
Right… He was a hundred years older. But… Wait, what?
Mukhang naintindihan naman niya ang pagtataka ng mukha ko.
He scratched the back of his neck at malumalay na napatingin sa pana na hawak. “Katulad mo… Tao rin ang aking Ina.”
“Ah…huh?! H-how…paano…huh?” I looked at him in disbelief.
How in the fuck did his mother manage to give birth to him?!
Napangiwi siya at naiilang na natawa, “Namatay si mama nang ipanganak ako…”
Dun ako natahimik. “Sorry to hear that…”
“Ha?”
Fuck. I cleared my throat. “Ano… Condolence.”
He chuckled kaya hiya akong napatitig sa kanya. “Aalis ka na ba talaga mamaya?” He asked.
Hindi ko napigilang hindi mailang sa titig niya kaya mabilis kong nilihis ang paningin at kumagat sa mansanas. “Pinag-iisipan ko pa. Masyado akong naninibago rito, laking syudad kasi.”
Kahit hindi nakatingin ay alam kong tumango siya. “Kung ganon… Bakit hindi ka muna manatili nang panandalian? Para naman masanay ka sa buhay na narito.”
“Hoy, Wenrry, layuan mo nga si Gabo! Sobrang dikit mo!” Sigaw ni Magnus na ngayo’y nakalambitin na sa baging.
Mabilis namang umusod si Wenrry at mahiya-hiyang tumitig sa sahig.
This horse is really is something…
“Anong pinag-uusapan ninyo?” Tanong ni Orlin na nakalapit sa amin. The vines na hawa-hawak si Magnus ay nakasunod din sa kanya.
Putangina, walang hiya ‘tong duwendeng ‘to… Lawlaw ba naman yung tite.
“Ayaw ni Gabo manatili rito, eh!” Singit ni Magnus.
Tumaas ang kilay ni Orlin na nakatingin sa akin. “Mana ka nga sa tatay mo.”
I was about to ask what he meant nang magsalita uli ang maingay.
“Ayaw niyan tayo makasama. Natatakot sa atin!”
Orlin’s mood shifted. “Ano?” Inis niyang tanong.
Mabilis na tumayo si Wenrry sa harapan ko, acting like a shield if Orlin went berserk.
“Orlin, tumigil ka,” May diin na ani neto.
Rinig ko ang pagsingit ni Magnus. “Pare, hindi naman pupuwedeng bigla kang susumpungin ng sakit mo. Iba si Gabo sa mga taong sumira sa Sapa mo.”
“Tama si Magnus. Huwag mong idamay lahat sa kasalanan ng isa.”
Inis na tumalikod si Orlin at naglakad patungo sa Sapa, bago pa siya lamunin ng tubig ay tumingin ito sa akin.
“Tandaan mo, Gabrielle. Kung sino man ang mas nakakatakot sa pagitan ng mga tao at naming engkanto, kayo ‘yon.”
“Tsk. Tsk. Tsk.” Magnus started shaking his head while crossing his arm. “Naloko na. Iba talaga kamandag ng tao sa inyo, Wenrry.”
Wenrry sighed as he helped me to stand up. “Ayos ka lang?”
Tumango ako. Tinulungan ako ni Wenrry na sumakay sa kanya habang si Magnus naman ay muling bumalik sa liit neto.
He suddenly popped up on my shoulder, now dressed.
“Tara na, nireregla ‘yong isa—” hindi neto natapos ang sasabihin nang muli siyang hinigit ng isang baging at itinapon sa kung saan.
“Hala?!”
“Hayaan mo sila… Laging nag-aaway ang dalawang ‘yon dahil sa walang prenong bunganga ni Magnus.”
Napangiwi ako at hinayaan na lang sila. He started walking back sa daan na tinahak namin.
“Wenrry, bakit ganun na lang ang galit ni Orlin sa mga tao?” I couldn’t help but ask.
Wenrry hummed. “Dati pa nangyari ‘yon… Ilang dekada na ang nakakalipas. Nasunog ang Sapa ni Orlin, bantay siya sa Lugar na ‘yon dahil pinagkaloob sa kanya ng kanyang magulang ang Paraiso. Kaso nga lang… Sinunog ‘yon ng isang tao.”
Hindi ko napigilang hindi mapakunot ang noo.
“Hindi ba tago ang Sapa?”
As far as I know ay biglaan na lang siyang lumitaw kanina. It was just an empty field na naging Sapa.
He nodded. “May babae kasi siyang pinapapasok doon bukod sa amin. Siya rin ang naging dahilan kung bakit sinunog ang lugar.”
Chismoso na kung chismoso but I was invested kaya nilapit ko ang mukha ko sa kanya.
Ipinatong ko ang baba sa balikat niya. I saw him tense at masimpleng napatingin sa akin.
“Pagod ka na ba?”
I shook my head as a reply.
“Then… Nasaan na yung babae?”
Binalik ni Wenrry ang tingin sa daan but his body is so stiff. Anyare rito?
“Kasama sa nasunog na Sapa…”
Dun ako nalungkot. Is she Orlin’s lover? Kung oo, that must be depressing. Doble-doble siguro ang sakit para sa kanya non.
I feel bad for him… Humans really are dangerous and scary. Now I understand Orlin’s wrath sa aming mga tao.
I couldn’t blame him.
Hinilig ko ang ulo sa balikat ni Wenrry, wondering kung ano pang mga bagay na naranasan nila sa mga tao.
“Ikaw, Wenrry? May karanasan ka ba sa mga tao na ikinainis mo?”
He remained silent for second hanggang sa tumigil siya sa paglalakad kaya umangat ang paningin ko to look at him.
He was staring at the moon kaya hindi ko napigilang hindi mapalingon.
It was beautiful, bilog na bilog ang buwan ngayon, shining so bright with those stars around it.
“Tao ang… May pangit na karanasan sa amin…”
I blinked not understanding what he meant. Magtatanong na sana ako kaso isang tahol ng aso ang umalingawngaw sa paligid.
Nang tingnan namin ‘yon ay tumambad sa amin si Alistair at Tito Chris na mukhang kagigising lang.
“Langya ka, Wenrry, akala ko kung nasaan na ang pamangkin ko!” Sigaw ni Tito habang may hawak na flashlight.
“Arf!”
I couldn’t help but laugh sa itsura ni Tito na naka boxer lang.
Akmang bababa na ako sa likod ni Wenrry when he said something that made me stop mid-air.
“Hindi ako tulad nila, Gabrielle…”
THE GOLDEN HAIR
VricENthology
Hi, hope you missed me.
chapter four : Kubo ng Mambabarang
THE GOLDEN HAIR
Gabrielle
“Saan tayo pupunta?” Tanong ko kay Tito. Nakasakay kami ngayon sa kolong-kolong, kasama si Magnus at Alistair.
Habang si Wenrry naman ay nakasunod lang sa amin.
“Tatapon ka namin sa bangin para hindi ka na makabalik pang Manila,” Walang emosyong sagot ni Magnus kaya sinamaan ko siya ng tingin.
This dimwit was now sitting on the floor of this sidecar, arms spread out on the metal rods. He’s in his human height, wearing Tito’s clothes.
Maangas itong tumango sa akin while wearing shades. Katabi si Alistair na labas ang dila habang nakangiti, clearly enjoying the wind blowing his purr.
Ngayon ko lang din natingnan nang maayos si Magnus. Moreno, fit physique, dark wavy hair. Kahit naka anyong tao siya ay matutulis pa rin ang tenga neto.
“Bakit mo inaalis ang salwal mo kapag nag-iiba ka nang anyo?” I asked.
At first, akala ko ay baka dahil sa growth difference. He can change his size, but couldn’t change other materials na nakaulupot sa kanya.
But, yung salakot niya ngayon ay nakapuwesto sa kanyang likod, while a string was holding it together na nakapulupot sa leeg ng lalaki.
Magnus shrug, “Malaki titi ko kapag ganitong anyo, gusto kong pakita.”
Tangina.
“Arf!” Tahol ni Alistair habang nakatingin kay Tito.
Tito Smirked. “Kapit, Gabo!” Hindi pa ako nakakakapit ay bigla siyang humarurot kaya naman sabay-sabay kaming napasigaw.
“Chris, dahan-dahan!” Wenrry. .
“Tangina mo, may nakain akong gabok!” Magnus.
“Bilisan mo pa, boss!” huh?
Lumingon ako sa paligid. Wala namang ibang nilalang. May multo ba kaming kasama?
Bago pa ako makareact ay biglang tumigil si Tito kaya sabay-sabay kaming tumalsik. Buti na lang ay nahawakan ni Wenrry ang kamay ko, kung hindi ay baka tumama ang ulo ko sa bakal kagaya nung dalawa.
“HAYOP KANG BABAYLAN KA!”
Alistair start whimpering, nadaganan pala siya ni Magnus. Hinihimas tuloy ni gago yung aso.
“Ayos ka lang?” Bungad sa akin ni Wenrry at inalalayan akong tumayo.
Hindi ako makapagsalita. He’s freaking fast, incredibly fast. Hindi maproseso ng utak ko ang bilis niya.
“Hoy, Rozs, labas!”
When I turned my head around, tumambad sa akin ang isang maliit na bahay kubo na pinapalibutan ng mga iba’t ibang halaman.
Kumunot noo kong bumaba ng kolong-kolong, while Magnus was still cursing Tito Chris.
Mahal na mahal talaga niya ‘yang aso.
Alistair’s cute, a big white purr ball. Mukhang may lahi.
“Nasan tayo?” Tanong ko kay Wenrry na nakaalalay pa rin sa akin.
“Nasa bahay tayo nang aming kaibigang Mambabarang…”
Hindi ko mapigilang hindi mapataas ng kilay sa narinig. Mambabarang? They’re witch, right?
I was about to ask him when a voice started shouting inside kaya nakatinginan kaming lahat bago dali-dalimg pumasok sa loob. Naiwan si Wenrry since he’s huge and couldn’t fit inside.
“Ano nangyari?!”
A man who’s grinning ear to ear habang hubo’t hubad itong nakaharap sa amin.
He pointed at the lotto ticket he was holding. “NANALO AKO!”
I was dumbfounded. Ngiwing napatingin sa dalawa dahil biglang bumunot si Magnus ng tubo sa kung saan ay akmang manunugod. Pinigilan lang siya ni Tito.
“Bitawan mo’ko, bubugbugin ko ‘yan!”
Bumalik ang tingin ko sa lalaki, looks like he’s Rozs base sa mga kagamitan niya sa loob ng bahay. Pana mga halamang gamot, may mga naka dikit din siya na frame na may mga iba’t ibang paro-paro.
His home is so little but sentimental.
“PRE, MAYAMAN NA AKO!” Sigaw niya habang winawagayway ang ticket sa ere.
“Aanuhin mo ‘yang yaman mo kapag pinutol ko tit-” nagulat ako nang biglang lumiit si Magnus, akmang lalapit siya kay Rozs, kinagat lang ni Alistair ang salakot niya sa ulo at hinila palabas.
Hinihilot ni Tito ang sintidong tumabi sa akin. “Pre, magdamit ka nga muna. May gusto lang sana kaming ipagawa sa’yo, nakakailang naman kung gagawin mo na nakalabas lawit.”
I chuckled from what he said. Rozs grimace habang hubo’t hubad na tumungo sa isang pintuan.
Bumuntong hininga naman si Tito saka umupo sa bakangeng upuan. “Pagpasenhayan mo na ‘yong kumag na ‘yon. Ganun talaga ‘yon, mag-isa lang kasi kaya walang pake sa ginagawa.”
I just nodded. Couldn’t careless. Nasanay na lang ako sa mga hubad na tao nang isama ako ni Preston sa isang exhibit for nude arts.
Imbis kasi na mga guhit kamay ay literal na tao ang mga naka display na naroon, wala naman siyang malisya since it was part of the exhibit at purong aral ang pinakita sa amin.
Their bodies where painted with different colors and designs. Pero isa ang pumukaw sa pansin ko noon.
He was an andro, beautiful man. His body was covered with black paint shaped like hands. The meaning behind it crushed me.
I sighed. Kung ano-ano nanaman naiisip ko.
“Bakit po pala tayo narito?” Tanong ko at umupo na rin sa tabi niya habang tumitingin sa mga maliliit na statue na nakapalibot sa amin.
“Hihingan ka ng pangontra.”
Kumunot ang noo ko sa narinig. “Pangontra?”
Tito nodded, “Oo, libutin mo ‘tong Isla, sayang naman kasi kung babalik ka agad. Baka kasi kapag natripan mo ay wala ako n’yan. Hindi naman kasi sa lahat nang oras ay mapro-protektahan ka nila Wenrry. Mas mabuti nang may pangontra ka sa mga elemento, meron kasing makukulit pa rin kahit na sinabihang huwag galawin ang mga tao.”
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya.
I was thinking na bumalik na sa Manila. Maghanap ng trabaho and forget about all of these stuff. Ayoko namang humindi kila Tito, antagal na rin simula noong makasama ko sila.
But…
I looked around once again.
Tama pa ba na manatili ako?
Nang bumalik yung lalaki ay may damit na siyang suot. Ngiting ngiti itong lumapit sa puwesto namin ni Tito at nakipagkamay sa’kin. “Rozswelto nga pala, may papabarang ka? 1k minimum service-aray!”
Binatukan siya ni Tito. “Tarantado, nanalo ka na nga sa lotto manghuhuthot ka pa ng pera.”
Nguso nitong hinihimas ang ulong napatingin sa kanya. “Eto naman, parang ‘d ko kayo bibigyan, ah?”
“Oh, magkano bibigay mo?”
“Piso.”
“Tarantado.”
Taas kilay na nakatingin sa akin si Rozs kaya medyo nailang ako. “Panigurado kang kailangan ko pa ‘tong gawan nang pangontra?” Tanong niya habang nakatingin kila Wenrry na nasa likod ko.
Tito let out a groggy laugh bago tumango. “Gawan mo na… Mahirap na, walang alam spiritwal na bagay. Sige ka, kapag ‘yan napahamak, ikaw sisisihin ko kila Papa.”
Kita kong napangiwi si Rozs sa narinig. “Hindi ‘to libre, ah. Bayaran ninyo pa rin ako!”
“Lah!” Singit ni Magnus na nakapatong sa ulo ni Alistair. “Kasakiman na tawag d’yan, boi! Tumama ka na nga sa lotto tapos maniningil ka pa?!”
Kita kong napatingin sa akin si Wenrry kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. Dahan-dahan niyang inilapit ang ulo saka bumulong, “Ano ang lotto?”
“Tinatayaan ng nga tao, nga numero na kung hinuhulaan at pinipili nila, kapag tumama ka ay makakakuha ka ng pera,” Paliwanag ko. Mukha namang naintindihan ni Wenrry ‘yon kasi tumango-tango siya.
“Need ko ng mga pera mga tol,” Pagsisimula ni Rozs habang nakamangot. “Gusto ko manirahan sa Manila, ang mahal dun tumira. Alam n’yo naman ako, hindi naman ako nakapag-aral. Pare-parehas lang tayong mga bobo rito.”
Tumaas ng kamay si Tito, “Kapal mo, nakapagtapos naman ako ng High School, ikaw lang hindi.”
Pinakyuhan siya ni Rozs, simangot na tumayo at muling pumasok sa bahay.
Well, hindi naman siya nagkakamali, mahal ang cost of living sa syudad… Pero sa laki ng halagang nakuha niya…
“May hinahanap kasi siya…” Bulong ni Wenrry sa akin.
“Hm?” Gulat kong tanong.
“Meron siyang hinahanap… Trinaydor kasi siya. Napuno ng galit ang aming kaibigan,” Mahinahon niyang ani.
My brow raise from what I heard. Damn, grabe siguro ginawa sa kanya para magtanim siya ng sama ng loob nang ganun kalala.
“Saan pala tayo pupunta?” Pag-iiba ko ng topic.
“Sa Bayan… Gusto mo bang sumakay na lang sa akin?” May pag-aalalang tanong niya. Siya ata ang na-trauma sa pagmamaneho ni Tito.
Tumango na lang ako. Parang pagkakatiwalaan ko pa si Wenrry sakyan kaysa kapag driver si Tito Chris.
Rinig kong mahinang umangil si Magnus. “Bastos n’yo naman, kakakilala n’yo pa lang kahapon tapos magsasakayan na agad kayo? Kaya mo ba tite n’yan, Gabo-AHHHHHHHHH!”
Nagulat ako nang biglang tinadyakan ni Wenrry si Magnus kaya malakas itong tumilapon sa kung saan.
Takip mukhang tumakbo ang kabayo sa kung saan kaya ngiwi akong napatingin kay tito.
Kibit-balikat naman siyang sumagot, “Masasanay ka rin.”
Parang ayaw na talaga nila akong paalisin…
THE GOLDEN HAIR
chapter five : Purselas na Itim
THE GOLDEN HAIR
Gabrielle
Nakatitig ako sa Purselas na itim na binigay sa akin ni Rozs. Huwag ko raw hubarin kahit sa anong dahilan.
I looked over at Magnus na sumasayaw kasama si Rozs sa kolong-kolong. Sumama kasi sa amin, nagdala pa ng speaker ang loko kaya halos dumagungdong ang sinasakyan nila sa ingay.
I chuckle watching Alistair na nakikisayaw habang labas ang dila.
“Ang kulit ng mga ‘yon,” Ani ko.
Kita kong napatingin sa akin si Wenrry, kumpara kanina ay may kabagalan siya tumakbo.
“Gan’yan talaga sila, masyadong maraming enerhiya, ” Sabay tawa.
Napapikit ako nang biglang tumama sa mukha ko ang buhok niya kaya naman agad ko ‘yong inipon sa kamay ko para gawing panali.
Kita kong natigilan siya bahagya sa ginawa ko pero hindi naman sumagot.
“Sorry,” I apologized. “Tumatama kasi sa mukha ko.”
Napansin ko na malaki ang Isla. Sobrang layo rin kung saan nakatira sila Tito kaya naman kailangan mong mag bus o kumuha ng tricycle na kaya ang matatarik na daan.
Halos isang oras din nang tumigil si Wenrry at tinulungan akong makababa.
Dun ko napag-alaman na hindi siya sasama sa amin.
“Why- bakit?” I corrected myself.
He gently scratched his nape then gave me a small smile, “Hindi… Ako pwede.”
I was about to ask him kung hindi lang ako inakbayan ni Rozs para maglakad paalis. I looked at Wenrry na kumaway lang sa akin bago tumakbo paalis.
“Bakit hindi siya sumama?” Taka kong tanong.
“Tikbalang kasi, nahihiya ‘yon,” Walang ganang sagot ni Magnus na ngayo’y nakalagay ang dalawang kamay sa gilid ng shorts, ginawa niyang bulsa ang salwal.
Why would he be embarrassed?
Well… He was quite withdrawn. Baka hindi lang talaga siya sanay makipag-usap sa tao?
Nang makarating kami sa bayan, ipinarada muna ni Tito ang kolong-kolong sa gilid.
Sumakay ako sa barko para makapunta sa Isla. Gabi na noon kaya halos wala akong maaninag-madilim, tahimik, at sarado pa ang karamihan sa mga bilihan. Iilang ilaw lang ang kumikislap sa di kalayuan.
But now that it’s morning… ibang-iba ang itsura ng lugar.
Buhay na buhay ang buong Isla.
Kung doon kina Tito ay puro puno at halos walang tao, dito naman ay kabaligtaran. Makukulay na palamuti ang nakasabit sa mga bahay, sunod-sunod ang mga tindahan, at may mga batang naghahabulan sa gitna ng kalsada.
May mga matatandang nakaupo sa labas ng kanilang bahay, abala sa kwentuhan habang pinagmamasdan ang pagdaan ng mga tao.
Honestly, this isn’t what I expected.
Aakalain mong makaluma ang Isla-lalo na’t sobrang isolated nito. Kapag narinig mo ang pangalang Isla Santa Marinque, iisipin mong puro kahoy na kabahayan at walang kuryente.
But I was wrong.
“Magandang araw sa’yo, Chris!” bati ng isang tricycle boy na dumaan, sabay busina nang marahan.
Napatingin ako sa kanya. Right… may mga tricycle rin dito na namamasada at bilang na mga bus. At sa dami ng tao.
Habang naglalakad, napansin ko ang ilang mukhang hindi pamilyar-mapuputi ang balat, matangos ang ilong, at kakaiba ang pananamit.
Tourists?
Napahinto ako.
“Mga turista ‘yan,” paliwanag ni Tito nang mapansin ang tinititigan ko. “Paminsan-minsan, pinapayagan ng mga tagapagbantay na may makapasok… basta’t sigurado silang wala itong masamang balak.”
“Tagapagbantay?” I asked, brows furrowed.
Napailing si Rozs, tila natatawa sa reaksyon ko. “Wala ka talagang alam sa mga ganitong bagay, ano? Hindi ba nasabi sa’yo ng nanay mo?”
I shook my head.
Sandaling natahimik si Rozs bago nagsalita, mas mababa na ang boses. “Ang Isla kasing ‘to… halos napapalibutan ng mga hindi tao.”
My stomach dropped.
Tumango si Tito, seryoso ang mukha. “Tago ang Isla. Ni hindi nga ito sakop ng gobyerno. Matagal na nila ‘tong gustong angkinin… pero hindi pumapayag ang kabilang mundo.”
“Wait… what?” Napalunok ako. “Then why let outsiders in?”
Nagkibit-balikat si Rozs, inilagay ang kamay sa likod ng ulo. “Simple lang. Hindi puwedeng kami-kami lang ang umiikot dito. Kailangan pa rin ng koneksyon sa labas-pera, kalakal, impormasyon.”
That… still doesn’t fully explain anything.
“So… may connection ang Isla sa labas?” tanong ko.
Tumango silang dalawa.
I blinked. Right. Kaya pala hindi rehistrado sa kahit anong shipping line sa bansa ang barkong sinakyan ko.
“That boat earlier… how does that even work?” tanong ko ulit.
Mahinang natawa si Rozs. “Taga rito ‘yung nagmaneho noon-si Nadir. Anak ni Kuya Nelson. Mga trader sila. Nagta-trabaho sa labas ng Isla.”
Sumingit si Tito, “At hindi lang sila. Marami pa. Kahit ang kapitan, malawak ang koneksyon sa labas.”
Saglit akong natahimik habang pinagmamasdan ang paligid.
“‘Kaya kahit gaano ka-isolated ang Isla,” dagdag ni Tito, “hindi ito napag-iiwanan ng panahon.”
I looked around-the noise, the people, the life.
Everything felt normal.
Too normal.
And somehow… that made it even more unsettling.
Natigilan lang kami sa paglalakad nang marinig ang mga tahol ni Alistair. Nang lingahin ay tumambad sa amin si Magnus na nakikipaglaro ng chinese garter sa mga kabataan.
“Hoy, madaya ka, ginalaw mo!”
“Luh, awa na lang, kuya! Level one pa lang nga ‘to, mali na agad pag-apak mo!”
Bago pa gumawa nang gulo si gago ay hinila na siya ni Tito at Rozs sa magkabolang kamay.
“Bitawan n’yo ‘ko, magtutuos kami ng mga batang ‘yan!!”
I covered my face while following them sa hila. Pinagtitinginan na kami ng lahat sa sobrang ingay niya!
May mga binili si Tito na mga pagkain like frozen food, gulay, at karne.
I was amazed dahil may mga pagkain na galing sa mainland dito.
“Ay nako, sa’yo na ‘yan, Chris. Pasasalamat ko sa pagtulong mo sa anak ko!’
“Hindi nga po pwede Aling Marisel, tinda ninyo ito, normal lang na bilhin ko.”
Habang nagtatalo sila ay napatingin ako sa naglalakong bata, may binebenta itong mga panali ng buhok.
Lumapit ako para tumingin. A yellow hairtie caught my attention kaya kinuha ko ‘yon, may design na bulaklak sa gitna—na hindi ko mapunto kung anong bulaklak.
“Ilang-ilang po iyan, kuya.”
“Ganon ba…magkano ‘to?” Tanong ko sa bata.
Tumingin siya sa likod ko bago sa akin. “Kaibigan po kayo ni Kuya Chris?”
“Pamangkin, bakit?”
Ngumiti ito sa akin at kumuha pa ng isang panali saka binigay sa akin. “Sa’yo na lang po, kuya. Dahil kasi sa pamilya ninyo buhay pa si mama.”
Napakurap ako sa sinabi niya. Umiling ako, “hindi, babayaran ko.” Nang kapkapan ko ang sarili, napangiwi na lang ako dahil hindi ko dala ang wallet ko.
“Saka na lang pala…” Nahihiya kong bulong, “Nalimutan ko wallet ko sa bahay.”
Tumawa lang ang bata saka tumango at nagpasalamat. Nang tingnan ko ang mga panali ay panibagong pares ang binigay niya sa akin.
“Hoy, Gabo. Ano raw gusto mong kainin mamaya?” Tanong ni Magnus na lumitaw bigla sa tabi ko kaya napaigtad ako sa gulat.
“Ano ba ‘yan, nakakagulat ka,” Inis kong hingal at nginisian lang ako ni gago.
“Kahit ano,” Tipid kong sagot. Napatingin ako sa mga hawak noyang plastik na purong karne.
“Hindi ba masisira ‘yan?” Tanong ko. Wala namang ref dun sila Lola, saan nila ilalagay ‘yan?
“Hindi, nilalagay ‘to ni Chris dun sa Regerator niya.”
“Ha?”
“Regerator.”
“Alligator bang ibig mong sabihin?”
“Tanga, yung malaking kahon na malamig.”
Ah… Refrigerator.
Napangiwi ako. “Wait, may bahay si Tito?”
Tumango si Magnus. “Tinulungan pa nga namin ni Alistair maglinis ‘yon, dun ka raw manunuluyan.”
Napatingin ako sa asong naka upo sa tabi ni Magnus at may bitbit na plastik sa bunganga.
Nakauwi na kami nang magga-gabi. Pagbaba ay nakita ko agad si Wenrry na nag-aantay sa malaking puno.
Nakita kong ngumisi si Magnus habamg mangisay-ngisay na bumaba ng kolong-kolong.
“Kumusta ang pamimili?” Tanong ni Wenrry sa akin at kinuha ang mga bitbit ko.
Hindi pa alo nagsasalita at sumilip ang ulo ni Rozs sa pagitan naming dalawa. “Kami, pre, hindi mo tatanungin?”
Wenrry gently smiled at mahiya-hiyang tumingin sa kaibigan. “Kumusta ang pamimili mga kaibigan?”
“Sus, peyk prend!” Sigaw ni Magnus. “Alistair, ang mahuli may balat sa pwet!”
“Sama!” Sigaw ni Rozs.
Sabay na tumakbo yung tatlo at kamuntikan pang madapa si Magnus kung hindi lang nahawakan ni Rozs ang garter ng shorts kaya nakita namin ang pwetan neto.
Iling na pinarada ni Tito ang sasakyan bago tinungo ang bahay nila Lola.
“Tara na?” Aya ni Wenrry.
“Wenrry,” Tawag ko bago pa siya makalakad.
Sinenyasan ko itong lumuhod na agad niyang ginawa. I claimed onto his back na kinagulat niya, pinilit pa ako netong alalayan.
“Pagod ka na ba? Dapat sinabi mo agad—”
I didn’t let him finish his sentence when I grabbed a handful of his hair at tinalian s’ya ng buhok.
“There,” I proudly said while smirking looking at my not-so-good hair tying. “Para hindi magulo. Meron pang isa rito, kapag nawala ay itali mo na lang.”
Kinuha ko ang kamay niya at inalis muna ang mga hawak bago ginawa ‘yong bracelet.
“Maganda?” Tanong ko.
He was staring at his wrist them me. Kita kong sumilay ag maliwanag na ngiti sa kanyang labi bago marahang tumango.
“Maraming salamat… Ngayon lang ako nakatanggap ng regalo.”
I blinked. Whoa, he looked unreal. Ngayong nakatali na ang buhok niya—kahit na may mga hibla na naiwan sa kanyang tainga ay kitang kita ko kung gaanong kagandang lalaki si Wenrry.
I cleared my throat, “Wala ‘yon, nilibre lang sa akin ‘yan nung bata sa Bayan, babayaran ko kapa nakita ko uli. Tara na.”
He nodded. Hindi na niya ako pinababa at daretsyo na kaming tumungo sa kung saan ang bahay ni Tito Chris.
THE GOLDEN HAIR
chapter six: Pagsisimula
THE GOLDEN HAIR
Gabrielle
Paggising ko ay tumungo agad ako sa sala. Tito Chris house was made out of concrete and stone, hindi kagaya nang kila Lola na purong kahoy at yero.
Moderno rin dahil may flat screen TV, gas stove, at ref ang bahay.
“Morning,” Bati ni Tito habang may binabalot na kung ano sa dahon ng saging.
“Morning,” I answered while stretching.
“Musta ang tulog?” Tanong niya bago itinuon ang pansin sa ginagawa.
“It’s good… What’s that?” I sat beside Tito para makitang maigi ang ginagawa.
“Gamot lang, ipapadala ko sa Manila para kay Ate Natasha. Kaya kayo muna dito nila Magnus, nandiyan naman sila mama, kung may kailangan ka, magsabi ka ka-agad.”
I jerk off to my sit, “Can I come-”
“Paalis na yung bangka.” Ngisi nitong kinuha ang maliit na bag and wore his straw hat before departing while waving his hands. “Nandiyan din si Alistair, hinabilin kita dun at kay Wenrry!”
“Tito, wait for me!” Sigaw ko. Mabilis akong tumakbo sa banyo para kuhanin ang marumi kong damit at toiletries.
But I was met by a naked woman. “FUCK-I’m sorry, I-I didn’t know-” I scrambled to my feet at mabilis na nadulas kaya naman napasigaw ako sa sakit.
“Hala gago, tanga mo naman, ayos ka lang?!” Nagmamadaling lumapit sa akin yung babae at dahil wala itong saplot ay sigaw ako nang sigaw habang tinaktakpan ang mukha.
“Arf!” I heard Alistair barked and rushed towards us.
And then…
“Ano nanguari?!”
“Aba ewan sa lokong ‘yan!”
He..
He…
Spoke?
Haha…
Hahahaha! I must be fucking dreaming!
But what’s this? Para akong…
“Nahimatay nanaman ang putek! Tawagin mo si Sonya!”
“Arf!”
I groan as I slowly regain consciousness. Nang imulat ko ang mata ko ay bumungad sa akin si Magnus na kunot ang noong walang saplot pang itaas.
“Gising na ang mokong!” Ngisi nitong tugon bago tumawa.
“Ali, gising na!” Sigaw neto sa kusina.
Kahit pakiramdam ko ay nananaginip pa rin ako ay sinubukan kong umupo.
“Fuck… Nanaginip akong may babae sa bahay tapos nagsasalita si Alistair,” Parang bata kong sumbong habang sapo-sapo ang ulo.
Magnus looked at me while snarling, “Pinagsasabi mo?”
I sigh, “Nababaliw na ata ako-”
“Eh, nagsasalita naman talaga yung aso.”
I frozed, “huh?”
“Kuya Gabo, kain ka na raw sabi ni Mama Sonya!” A pale figure with white hair and blue eyes came out of the kitchen, holding a tray.
He was wearing a sweatpants na mukhang kay Tito pa galing.
“S-sino ka?” I couldn’t help but stutter. Nagtago pa ako sa likod ni Magnus na ngayo’y nangungulangot.
The boy looked around before pointing at himself, “Ako po?”
I nodded frantically.
Magnus looked over his shoulder, “Si Alistair ‘yan, bobo.’
“Huh?”
The boy - Alistair grinned. “Arf?”
I looked around looking for the white fluffy dog but there seems to be no traces sa aso. “Asan…asan si Alistair?” Nanginginig na ako sa pagkakataon na ito.
Magnus sighed bago kinuha ang tray na hawak nung lalaki. “Langyang ‘to, nakakita na ng maligno, takot pa rin sa nagsasalitang aso.”
“Huh?”
“Huh?” Magnus copied me. Medyo nawala ang takot ko at napaltan ng inis kaya hinampas ko siya ng unan sa sofa kaya tawa etong gumanti.
“Gago, may hawak akong pagkain. ‘Pag eto natapon, sinasabi ko sa’yo.”
Medyo kumalma ako but still wary sa lalaking naka upo ngayon sa sahig and grinning widely. “Kuya Gabo, sabi ni Kuya Chris sa akin ka raw muna niya hahabilin.”
I stopped mid-air by taking a bite nang muling bumalik sa isipan ko ang kaninang usapan namin ni Tito.
So… Hindi siya panaginip?
“AHHHHHHHHH!” I screamed clutching my head kaya napatalon yung dalawa sa gulat.
“Siraulo, ano nanaman?!” Inis na ani ni Magnus, halatang naiirita na sa biglaan kong pagre-react.
“Iniwan ako ni Tito rito?!” Naiiyak kong tanong, kahit na alam ko ang sagot ay tumango si Magnus habang nakataas ang kilay.
“Gusto mo bang bumalik?”
Tumango ako.
“Edi languyin mo yung dagat,” Sabay tawa ng kupal.
My shoulder slumped. Ano bang aasahan ko sa duwendeng ‘to…
I flinched when the boy crawled beside me and rested his head on my lap, clearly trying to soothen my sadness.
“Ok lang ‘yan, Kuya Gabo. Hindi ka naman namin papabayaan dito,” He said while rubbing his cheek on my shorts.
Well, he act like a dog… So maybe he really is Alistair.
Magnus huffed, flexible his muscles as he proudly lifted his chin, “Uuntog ko sa braso ko mang-aapi sa’yo, pre!”
Ramdam kong pagkalma ng paghinga ko. My breathing turn to normal as I place my hand over the boy - Alistair’s hair.
I guess I am not longer alone…?
“But, sino yung babae kanina?” I asked as I continue eating the rice meal Lola prepared for me.
The two looked at each other bago tinuro ni Alistair si Magnus while Manus pointed at himself.
“Ako.”
“Siya.”
“Ha?” I stopped mid way of me eating. Again.
“Kaya mong maging what?!” I was dumbfounded nang malaman ang kakayahan ni Magnus.
Fuck! Kaya nga maging tao nung aso, of course Magnus can turn into a woman, why am I still shocked?!
I looked at Magnus who’s proud of himself. Nandito kami ngayon sa labas, sa lilim nang malaking puno nang Manga.
“Galing ko, ano? Ako lang nakakagawa nun sa amin!” Bungisngis nito kaya tumaas ang kilay ko.
“Kung magiging babae ka, make sure-” I cleared my throat. “Dapat hindi ka basta-basta nakahubad.”
Kumunot ang noo ni Magnus, “Bakit naman?”
I sighed. “Because it’s inappropriate.”
Alistair, now in a dog form tilted his head to the side, looking confused. Meanwhile Magnus looks pissed.
“It’s…” Fuck. Nalilimutan ko na hindi sila nakakaintindi ng Ingles. “Hindi siya ka-aya-aya.”
“Bakit?” Muling tanong ni Magnus.
“Kasi hubad ka - lalo’t na kung babae ka.”
Imbis na malinawan, mas mukhang lumawak ang pagtataka sa mukha nila. “Anong masama dun? Kung ang lalaki ay pwedeng maghubad na walang naninita, bakit sa babae ay bawal? Ganun na ba ka baba ang tingin ng mga tao sa kababaihan?”
Shoot.
I gulped. “Kasi… Sa panahon ngayon ay maraming…” I clicked my tongue, finding the word, “Manyak.”
Alistair ears goes down, mukhang naiintindihan niya ang gusto kong sabihin.
Magnus chuckled bitterly at tumango. “Oo nga naman. Andaming sakim ngayon. Hindi ko rin maintindihan minsan, eh. Pinanganak ang lahat na hubo’t hubad pero ginagawa nila ‘yong dahilan para maghimagsik ng kahayupan. Kahit yung iba sa mundo namin…”
Natahimik ako sa sinabi niya. Alistair then whimper kaya napatingin ako rito.
“Sainyo ba… May ganun din?”
The two looked at each other bago tumingin sa akin.
“Meron,” Mahina ngunit narinig kong bulong ni Magnus.
I was about to ask more further when Wenrry’s voice cut me off. “Gab, magandang hapon.” looked at him and smiled.
He was holding a basket full of apples. His hair was tied up in a bun kaya napangiti ako lalo.
I stood up and walked towards him but I saw a glimpse of Alistair and Magnus faces who looked… Disturbed.
I wonder why…
THE GOLDEN HAIR
chapter seven: Panibagong Kaibigan
THE GOLDEN HAIR
Gabrielle
Sakay-sakay ako ni Wenrry habang si Magnus ay nasa anyong duwende na nakahiga sa ulunan ni Alistair.
“Saan tayo pupunta?” Tanong ko kay Wenrry. Dala pa rin niya yung basket na puno ng mansanas.
“Sa Sapa ni Orlin, kailangan natin bisitahin ang kaibigan.”
“Ewan ko ba doon, nakakaya niyang mag-isa. Boring boring, e’,” Komento ni Magnus.
Napangiwi ako nang biglang maalala ang anyo ni Magnus.
Kung anyong tao kasi siya at lalake, maskulado ang hubog ng katawan ni Magnus - pero kung ikukumpara kila Wenrry ay mas maliit siya.
Kung sa height naman ay siya nga ang pinaka maliit - maliit pa kay Alistair.
Natawa ako sa naisip kaya napatingin sa akin si Wenrry na inilingan ko lang.
Inihilig ko ang ulo sa kanyang balikat at tinignan ang kalangitan.
Tahimik kaming naglakad habang unti-unting nilalamon ng dapithapon ang kagubatan. Ang sikat ng araw na sumisingit sa mga dahon ay parang ginintuang usok na sumasayaw sa paligid namin. Humahampas ang malamig na hangin sa balat ko habang marahang naglalakad si Wenrry sa mabatong daanan.
Sa ulunan ni Alistair, humihilik si Magnus sa anyong duwende habang yakap-yakap ang isang maliit na mansanas na parang unan.
“Grabe ka makatawa kanina,” puna ni Wenrry nang hindi tumitingin sa akin. “Ano bang naalala mo?”
“Wala,” pigil kong sagot habang nakangisi. “Naalala ko lang na kahit ang angas si Magnus, siya pa pinaka pandak.”
“Hoy!”
Napapitlag ako nang biglang bumangon si Magnus sa ulo ni Alistair. Halos mawalan ng balanse si Alistair dahil sa bigat ng pagtalon nito.
“Problema mo sa maliit?!” reklamo niya habang nakapamewang. “At least hindi ako mukhang poste kapag naglalakad!”
“Mas mukha kang kabute,” daretsyong sabi ni Alistair kaya nagtawanan kami ni Wenrry.
Nanlaki ang mata ni Magnus.
“akala ko ba kakampi kita?!”
Napatawa ako habang si Wenrry naman ay napailing lang. Bigla kasing inatake ni Magnus ang aso kaya parehas silang muntik na gumulong pababa.
“Tumigil kayo diyan,” mahinahong sita ni Wenrry habang pilit hinihila si Magnus palayo sa tenga ni Alistair na kinakagat-kagat nito.
“Siya nauna!” sigaw ni Magnus habang nakasabit sa balahibo ng aso.
“Tumahol lang ako,” depensa ni Alistair na halatang natatawa rin.
“Traydor!”
Napailing na lang ako habang pinapanood silang dalawa. Si Alistair yung aso pero siya ‘tong nangangagat.
Dun ko lang na-realize na ang bilis kong maging kampante sa pagsasalita ni Alistair…
Makalipas ang ilang minuto ng kaguluhan, muli kaming naglakad.
Nakarating na kami sa Sapa ng Diwata at muling bumungad sa akin ang magandang tanawin. Buhay na buhay ang kapaligiran. Ang ganda.
“Ang ganda talaga…”
Ngumiti si Wenrry nang bahagya, tila natutuwa sa reaksyon ko.
“Dito nakatira si Orlin.”
“Sa sapa?” tanong ko. Akala ko ay sacred place lang at siya ang tagapagbantay.
“Hindi,” sabat ni Magnus. “Sa langit. Sapa nga, ‘di ba?”
Tinignan ko ng masama ang bubwit. Napaka pilosopo talaga.
Nakita namin si Orlin na nakaupo sa isang malaking bato at nakatingin sa tatlo nang masama. “Hindi porque kaibigan ang tingin ko sainyo ay maari lang kayong pumunta rito nang basta-basta.”
Tinaas ni Magnus ang gitnang daliri habang tumahol naman si Alistair dahilan para matawa si Wenrry.
“Huminahon ka, kaibigan. Hindi naman pwe-pwedeng hayaan ka namin ritong mag-isa, nagdala rin ako ng mga mansanas, baka kako gusto mo.”
I looked at Wenrry na nilagay ang basket sa tabi ng puno bago ako binaba at inalalayan na makaupo sa katabing bato.
To be honest, Wenrry is so gentle, medjo naiilang at naninibago ako sa ginagawa nito, feeling ko tuloy ay babae ako na pinaglilingkuran lagi ng asawa.
“TANGINA MO, MAGNUS!”
Napatingin kaming dalawa nang sumigaw ang diwata. Nakita namin si Magnus na ngayo’y nakalutang sa tubig habang si Alistair ay lumalangoy palapit rito.
Basang basa na rin si Orlin kaya mukhang tinalsikan ng tubig ng Duwende.
“Ayaw mo bang lumangoy?” Tanong sa akin ni Wenrry at umiling ako. “Wala akong dalang damit.”
“Pwede ko namang takbuhin.”
Napaisip naman ako. Hindi pa nga ako naliligo. Wala akong nagawa kundi tumango.
“Magdala ka rin ng makakain, pre!” Sigaw ni Magnus saka lumublob sa tubig na ginaya rin naman ng kaibigang aso.
Hindi nagtagal ay umalis din si Wenrry. Naiwan akong mag-isa sa tabi ng sapa habang pinapanood sina Magnus at Alistair na nagkakaguluhan sa tubig.
Si Orlin naman ay nakaupo ulit sa malaking bato habang pinipiga ang mahaba niyang buhok. Mukha pa rin siyang iritado.
“Mga salot talaga kayo sa buhay ko,” malamig niyang sabi.
“mahal ka rin namin, tol!” sigaw ni Magnus mula sa tubig bago sumisid.
Tumahol si Alistair at mabilis na hinabol ang duwende sa ilalim ng malinaw na tubig. Maya-maya pa’y lumutang si Magnus habang inuubo.
“Loko kang aso ka! Dinamba mo ‘ko sa ilalim!”
Tahimik akong natawa habang pinagmamasdan sila. Sa totoo lang, ang ingay nila… pero nakakagaan sa akiramdam. Parang matagal ko nang kilala ang mga ito kahit hindi naman.
Ilang minuto lang ay bumalik na si Wenrry at binigay sa akin ang tuping damit ko at may tuwalya rin. Nang tingnan ko ‘yon at nagtataka akong napatingin sa kanya.
“Walang brief?”
He looked at me confused. “Ano ang brief?”
Hindi ko napigilang hindi mapangiwi sa tanong na ‘yon. “Brief… Yung sinusuot bago ang shorts?”
“Brief?” Biglang litaw ni Magnus na ngayo’y anyong tao na.
“‘Yung panloob,” paliwanag ko. “Underwear.”
Tahimik silang apat.
Pati si Orlin napatingin.
”…May gano’n?” seryosong tanong ni Magnus.
Napahawak ako sa noo ko. “Huwag n’yong sabihing hindi kayo nagsusuot ng panloob?”
Nagkatinginan silang lahat at umiling.
Napangiwi ako lalo. Tanggap ko pang hindi nagsusuot si Wenrry, kabayo, e’. Pero etong tatlo?
“Edi… Laging lawlaw titi n’yo?” Hindi ko na napigilang hindi magtanong.
Humalagapak ng tawa si Magnus habang si Alistair ay napatingin sa sarili sabay mahinang humikbi.
Habang si Orlin ay nakita ko ring tinaas bahagi ang saplot pang-ibaba at mabilis na nilihis ang paningin na tumalikod sa amin.
So… Hindi nga nila alam?
“Bakit parang ikaw pa nahihiya?” natatawang tanong ni Magnus ngayo’y nakalutang sa tubig na hubad. “Ikaw ‘tong may alam sa… brief brief na ‘yan.”
“Normal kaya ‘yon sa tao!” depensa ko agad. “Hindi ba naiilang mga ano n’yo?!”
“Mga ano?” inosenteng tanong ni Wenrry.
Napangiwi ako. “Mga… gamit.”
“Ah.” Tumango siya na parang seryoso talagang iniisip ang sagot. “Hindi naman.”
Napahawak ulit ako sa noo ko habang si Alistair naman ay umahon mula sa tubig at nagpagpag ng katawan.
Tumalsik tuloy ang tubig sa akin.
“Hoy!” reklamo ko.
Tumahol lang siya na parang natatawa.
“Sa mundo kasi namin,” kalmadong paliwanag ni Wenrry habang nakaupo sa tabi ko, “walang gumagawa no’n. Ang saplot ay sapat na.”
“Hindi sapat ‘yon!” mabilis kong kontra. “Paano kapag-”
Huminto ako nang mapagtantong apat silang nakatingin sa akin.
”…Kapag ano?” tanong ni Magnus na nakangisi na naman.
“Wala!”
Mas lalo silang natawa.
“Feeling ko marami pa tayong hindi alam tungkol sa mga tao,” komento ni Orlin habang pinapatuyo ang buhok gamit ang manipis na tela. “Noong una nga, nagtaka rin ako bakit kayo naliligo araw-araw.”
Nanlaki mata ko. “Hindi kayo araw-araw naliligo?!”
“Hindi naman kami madaling pagpawisan,” simpleng sagot ni Wenrry.
“Si Magnus mabaho pa rin,” dagdag ni Orlin.
“Hoy!” sigaw agad ng duwende. “Natural na amoy ko ‘yon!”
“Amoy basang kahoy,” tahol ni Alistair.
Humagalpak ako ng tawa habang si Magnus ay halos magwala sa gitna ng tubig.
Maya-maya pa’y tumayo si Wenrry at iniabot sa akin ang tuwalya.
“Pwede ka nang maligo.”
Napatingin ako sa malinaw na tubig ng sapa. Kita ko hanggang ilalim dahil sobrang linaw nito, at may maliliit pang kumikislap na parang alikabok ng bituin sa agos.
“Safe ba rito?” tanong ko.
“Depende sa trip ni Orlin,” sagot ni Magnus.
Napatingin ako kay Orlin na kinakapa ang sariling singit kaya hindi ko napigilang hindi matawa.
Foreign nga sa kanila ang mga kagamitang pantao. They all looked so lost, like a new born baby na walang kamuang sa mundo.
Nilagay ko ung mga damit sa sanga ng puno at sinabit ang tuwalya bago lumusong sa tubig. Magaan sa pakiramdam at hindi gaanong malamig kaya tinungo ko ang puwesto nila Magnus.
Pagkalubog ko ng paa sa tubig ay agad akong napasinghap.
“Ang init?”
Hindi siya katulad ng ordinaryong sapa. Malamig ang hangin sa paligid pero ang tubig-sakto lang ang init, parang may yumayakap sa balat ko.
“Siyempre,” sagot ni Orlin mula sa bato habang nakapikit. “Buhay ang sapang ‘to.”
“Arte,” bulong ni Magnus bago sumaboy ng tubig papunta sa diwata.
Mabilis na umiwas si Orlin habang kumunot ang noo.
“Subukan mo ulit at ipapaanod kita hanggang kabilang bundok.”
Tumawa lang si Magnus bago muling lumubog sa tubig.
Dahan-dahan akong lumusong hanggang bewang habang pinapakiramdaman ang agos. Nakakapanibago pero nakakarelax. Para bang nawawala yung pagod sa katawan ko kada dumadampi ang tubig.
“Tingnan mo ‘yan,” komento ni Magnus habang nakangisi sa akin. “Mukha kang ligaw na pusa na unang beses pinapaliguan.”
“Manahimik ka nga.”
Tumahol si Alistair na parang sumasang-ayon kay Magnus kaya sinabuyan ko rin siya ng tubig.
Nagulat ako nang bigla siyang sumisid.
“Alistair?” tawag ko habang napapatingin sa malinaw na ilalim.
Ilang segundo lang ay bigla siyang lumutang sa harap ko dahilan para mapasigaw ako.
“Bwisit!”
Humahalakhak si Magnus habang si Wenrry naman ay bahagyang napangiti sa gilid.
“Mahilig mang-asar ‘yan,” sabi ng Duwende na nag flo-floating.
“Kagaya mo, parehas kayong mahilig mangupal.”
Tumahol ulit si Alistair bago umikot sa paligid ko na parang sabik na sabik na gustong makipaglaro.
Napailing lamang ako pero hindi ko rin napigilang matawa.
Habang nagkakagulo sila, napansin kong tahimik lang si Wenrry na nasa mababaw na parte ng sapa. Nakatingin lang siya sa tubig at mukhang malalim ang iniisip.
Ewan ko ba pero habang tumatagal, mas lalo kong napapansin kung gaano siya… kagwapo.
Hindi yung tipo ng gwapong maangas o nakakailang titigan. There’s something in him na talagang komportable kang titigan.
Napakurap ako nang bigla siyang lumingon sa akin.
Tinaas niya ang kilay habang may maliit na ngiti sa labi. Looking like he was asking why I’m staring at him.
Mabilis akong umiwas ng tingin. “Wala.”
Narinig ko ang mahinang tawa ni Magnus mula sa likod ko.
“Ayie-”
Bago pa siya matapos ay biglang may malakas na alon ng tubig na tumama sa mukha niya.
Nanlaki mata naming lahat habang dahan-dahang ibinaba ni Orlin ang kamay.
“Ang ingay mo,” malamig nitong sabi.
“LASING KA BA?!” sigaw ni Magnus habang inuubo.
Hindi ko napigilang matawa nang malakas.
At doon ko lang napansin-
Matagal na pala akong tumatawa nang ganito kasama sila.
Mga ilang sandali ay nagbihis na ako habang sila Magnus ay nagpapatuyo sa gilid ng sapa. May bitbit na ngayon si Wenrry na basket na puno ng pagkain, galing daw kay Lola Sonya.
“Sino ang may luto?” Tanong ni Orlin habang nakatingin sa mga Tupperware na nilalabas ko.
“Si Sonya,” Sagot ni Magnus na ngayo’y naglalaway na sa amoy. Kahit si Alistair na nasa tabi niya ay laway aso na rin.
Tumango lang si Orlin at dahan-dahan ding nakisiksik sa aming apat.
Binigyan ko sila ng tig-iisang pinggan, tahimik naman nila akong pinapanood na sumasandok ng kanin hanggang sa napatingin ako kay Orlin. “‘di ba kayong mga diwata hindi naman kumakain?”
Napatingin rin tuloy yung tatlo sa kanya.
Lumunok si gago habang nakatingin sa ulam sa sandok. “Hindi ba pwe-pwedeng susubo lang?”
Ngiwi akong sinandukan siya. Alam ko kasi ay tanging sa pag-amoy lang ng pagkain kapag naghahain ng offerings ang mga tao sa kagaya nilang mga anito’t anita.
“Pagbigyan mo na…” Malumalay na bulong ni Wenrry sa tabi ko. “Nasanay ang kaibigan naming kumain sapagkat lagi siyang hinahatiran ng kanyang nobya noong panahong buhay pa ito.”
Natigilan ako sa sinabi ni Wenrry at napatango rin. Bumalik si Orlin sa kanyang bato at kamay na kinakain ang binigay ko.
Sila Magnus naman ay parang patay gutom na nilalamutak yung sa kanila.
Nagsimula na akong kumain. Nailag pa ako nang maramdaman may nakatitig sa akin kaya nang lingunin ko ‘yon at bumungad sa akin si Wenrry na pinapanood ako.
“Bakit?” Tanong kong nanguya.
Napatingin siya sa kutsara na gamit ko bago sa plato niya.
“Gusto mong turuan kitang magkutsara?” Tanong ko. Marahan itong tumango kaya naman tinignan ko kung may kutsara pa sa basket.
Nang makitang wala ay kamot ulo kong tinuro ang akin, “Iisa nalang yung kutsara, ayos lang sa’yong sa’kin ang gamitin?”
Tumango lang si Wenrry.
Rinig kong sumipol ang duwende habang hubad na nakain, nakabukaka pa ang tukmol. “Sus, kahit pa ata duraan mo ‘yan, Gabo. Hindi ‘yan tatanggi.”
Nandiri akong napatingin kay Magnus pero hindi na rin nagsalita. Binigay ko kay Wenrry ang kutsara ko at tinuruan siyang gamitin ‘yon.
Nakailang ulit kami pero wala talaga, hindi niya magawa.
“Pasensya na…” Nahihiyang bulong neto kaya natawa ako. Kinuha ko pabalik ‘yon at sumandok sa pagkain ko.
Dahil sa malaki siya at matangkad ay kailangan ko pang tumayo at itaas ang onti ang kamay para subuan siya na agaran niyang tinanggap.
Masaya ko siyang sinusubuan habang kumakain din, wala siyang angal sa ginagawa ko.
“Sanggol amputa,” Rinig kong komento ni Magnus kaya napatingin kami sa kanya.
Siniringan ko lang ang kupal bago tinignan uli si Wenrry. Kaso may kung anong anino akong nahagip sa likuran niya. Sa mga bandang puno.
Pares ito ng mga matang nakatitig sa akin. I squinted my eyes para makita nang lubusan.
Kung hindi ako nagkakamali. Isang malaking lalaki ang naita ko, may ka-itiman ang itsura, puno ng itim na tinta ang balat, walang suot na pang-itaas, at may mga kung ano itong suot sa katawan. Agaw pansin din ang ulo nitong walang buhok.
Pero mas nagpatindig balahibo sa akin ay ang nanlilisik nitong mga mata habang naglalaway ang bibig.
“As…ASWANGGGGG!!”
THE GOLDEN HAIR
Co-writer who will write stories that are connected sa series namin:
writesofsea
GROUP PAGE: BRKNwalls
chapter eight: Kamuhian
THE GOLDEN HAIR
Gabrielle
Pinapanood ko si Kolji, a forest dude na nilalamutak ang natitirang pagkain sa basket.
Napatingin ako kay Wenrry at tumango lang ito.
He was freaking big. Too big.
Hawak-hawak niya ang tupperware gamit ang dalawang kamay. Ngayong sa malapitan ay naaninagan ko ang itsura niya. Dark skinned, tribals tattooes, and clean buzz hair while tons of bones and teeths were dangling around his body.
“Kapre ba siya?” Tanong ko kay Wenrry at natawa naman itong umiling.
“Kung hinahanap mo yung Kapre, nandun sa kabilang lupalop ng mundo,” Singit ni Magnus habang nakahiga sa damuhan.
Napangiwi ako sa lawit niyang binabalandra sa amin lahat.
Tahimik lang siyang nakaupo sa damuhan habang maingat na hawak ang Tupperware na parang baka aagawin sa kanya. Mabagal din siya kumain, at paminsan-minsan ay sumusulyap kay Orlin at Wenrry bago muling susubo.
He looked shy.
Wenrry chuckled, “Masarap?”
Tumango naman si Kolji. “…masarap.”
I blinked and looked at Wenrry who was looking at me. Mukhang naiintindihan naman niya ang tingin ko nang magsimula siyang magpaliwanag.
“Kaibigan namin siya, lalo na ni Chris, malapit ang dalawa sa isa’t isa. Isa rin si Kolji sa tribo ng Aeta na naninirahan dito sa Isla.” My brows furrow.
“Hindi naman siya…” Napatingin ako kay Kolji na patuloy lang sa pagnguya, “Mukhang Aeta.”
I’ve seen those tribes sa mga libro and Kolji is nothing like in those pictures. Malaki siyang tao - hindi naman kalakihan ni Wenrry and Aeta’s are known for their small builds. As for his features ay filipinong-filipino nga ang itsura neto but he’s good-looking, I won’t lie.
“Ang sabi sa akin ni Papi ay kasama raw ng mga sinaunang taong tumira sa Isla ang Tribo nila kaya napadpad sila rito,” Bored na paliwanag ni Magnus.
Nagulat ako sa tawag ni Magnus. Saan niya nahagip ‘yan?!
Si Alistair ay mahimbing nang natutulog sa tabi niya habang tahimik lang si Orlin na nakikinig sa amin.
Tumango si Wenrry, “Ayun din ang alam ko.”
I looked around and that’s what hit me. Maybe their body evolve sa environment ng Isla? Lalo’t iba ang hubog ng Isla ng Meringue.
“Ayos ka lang?” Tanong si Wenrry at tumango ako. “Napapaisip lang.”
‘Ang tatay ni Kolji ay isa sa dayuhan sa Isla.
Ginahasa
ang kanyang Ina… Nang
ipinanganak
ang
sanggol
ay
nilukob
pa rin nang taos sa
puso
ng
nagsilbing
tatay nito ang bata kahit hindi sa kanya ito galing.’
Mabilis akong napalingon kay Orlin nang marinig ang boses niya. He was looking indifferently at the man who was now crawling palapit sa Sapa para maghugas ng kamay.
Did he just talk to me telepathically?
I shook my head at muling tinignan ang lalaki na ngayo’y tahimik na naghuhugas.
There’s something inside me shattered. That’s… Tragic.
“Nasan na ang magulang ni Kolji?” Biglaan kong bulalas.
Kita kong natigilan ang lahat sa tanong ko hanggang sa magsalita si Wenrry. “Si Kolji na lang ang nag-iisang buhay sa Tribo nila.”
°
I was silent habang sakay-sakay ni Wenrry. Nakahilig ang mukha ko sa balikat niya, maggagabi na rin. Purong mga alitaptap ang nakapaligid sa amin para magsilbing liwanag.
Iba ang tinahak ni Magnus. Kailangan daw niyang kausapin ang Kuya niya. Si Alistair naman ay sinamahan si Kolji na maka uwi sa bahay nito.
“Ayos ka lang ba?” Tanong nito. Mukhang napansin niya ang pagbabago ng mood ko.
“I was just…” I stopped myself. “Sinabi sa akin ni Orlin ang nangyari… Hindi ko inaasahan na magagawa ‘yon nung Dayuhan,” Kwento ko.
Rinig ko ang buntong hininga ni Wenrry bago tumango.
“Hindi ko maintindihan kung bakit napakasakim ng mga nilalang pagdating sa katawan ng iba. Parang may kung anong pagnanasa sa loob nila na hindi kailanman nabubusog - laging may gustong angkinin, galawin, o sirain kahit hindi naman kanila. Hindi nila maintindihan ang salitang hangganan.Hindi nila kayang tanggapin na may mga nilalang na dapat hinahayaan lang mamuhay nang payapa, malayo sa marurumi nilang kamay at pag-iisip…”
”…Nakakatakot kung gaano kadaling palitan ng pagnanasa ang konsensya ng isang nilalang. Kung paano nila nagagawang balewalain ang sakit ng iba para lamang masunod ang sarili nilang kagustuhan. At habang iniisip ko iyon, mas lalo kong nauunawaan kung bakit maraming ang mas pinipiling lumayo. Dahil minsan, hindi natin malalaman kung sino ang dapat pagkatiwalaan… Dahil kung minsan, kung sino pa ang mukhang inosente o akala mong ligtas ka. Sila pala itong may masamang tungkulin o pagnanasa.”
Hindi ako naka imik sa sinabi ni Wenrry. Parang may kung anong bagay na pumihit sa utak ko. He was right. He was fucking right.
I looked at him, looking at his side profile. Kahit na madilim at kitang-kita ko ang itsura niya. He was glowing… But all I could see on his face was pure… Sadness and Rage.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa kaniya.
Tahimik lang si Wenrry habang patuloy sa paglalakad. Marahan ang bawat hakbang niya sa damuhan habang nagsasayawan ang mga alitaptap sa paligid namin. Sa dilim ng gabi, halos magmukha siyang bahagi mismo ng Isla - isang bagay na hindi dapat umiiral pero heto, buhay na buhay sa harapan ko.
Pero sa unang pagkakataon…
Hindi pagiging Tikbalang niya ang napansin ko.
Kundi yung bigat sa mukha niya.
Para bang hindi lang si Kolji ang may sugat na matagal nang hindi naghihilom.
“May nangyari rin ba sa’yo?” Mahina kong tanong.
Bahagyang gumalaw ang tainga niya.
Napansin kong natigilan siya sandali bago muling naglakad. Hindi siya agad sumagot.
“Hinubog ako ng kasakiman sinula nang isilang.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. My lips parted and close again. I want to ask him more further but… He looked so hurt.
I buried my face sa kanyang balikat at nanatili ako akong ganoon ng ilang minuto hanggang sa maramdaman kong gumagalaw ang balikat niya. I looked up and saw him crying.
“Wenrry? Ayos ka lang?” I asked. Mabilis akong napaupo nang ayos at humawak sa magkabilang balikat niya.
Tumigil siya sa paglalakad. “Narito…n..na…tayo.”
Mabilis akong bumaba at tumungo sa harapan niya. I worriedly grabbed his arm to soothe him. He looked away from me, clearly avoiding eye contact.
What’s his problem…?
“May problema ba, Wenrry?”
Umiling ito. Nabitawan niya ang basket na hawak ay inilagay ang braso sa mga mata habang onti-onting lumalakas ang pagkagulgol.
He looked like a kid who’s being bullied.
Lumapit ako pero lumayo lang siya kaya I didn’t botheredto step forward again. I was holdng his other arm. Hindi ko alam ang gagawin sa puntong ‘to.
“A-ang hirap…” Garalgal na iyak niya. “Ang hirap pigilan nang nararamdaman ko…k-kasi…pakiramdam ko, kagaya nila ako…”
“Ano? Please tell - sabihin mo sa’kin, hindi kita maintindihan…”
Umiling s’yang muli. “Ayoko…ayokong paintindi sa’yo…a-ayokong kamuhian mo rin ako…”
°
“Fuck…” I groan in annoyance. I feel so tired. Wala akong maayos na tulog dahil kagabi.
“Morningggggggg!” Bati ni Alistair na anyong tao. He was wearing an apron na bulaklakin. “Kakain na po tayo - hala, Magnus, binisita ata ng Batibat si Kuya Gabo!”
Sumilip naman si Magnus at babae ang anyo neto.
“AHHHHHHHHHH!” Sigaw ko sa gulat dahil wala siyang pang-itaas kaya mabilis kong tinakpan ang mata.
“Ay puta, nabaliw.”
°
“Ayannn, kasyang-kasya pala sa’yo, Magnus, ang luma kong bestida,” Masayang ani ni Lola.
Napangiwi akong nakatitig sa Duwende naming kaibigan na nakasuot ng Duster ni Lola Sonya. Bagay naman sa kanya, pero naiimagine ko talaga ang itsura ni Magnus sa anyong lalaki, tapos naka duster.
Dito kami nag-umagahan tatlo.
Ang sabi ni Lola ay baka raw sa susunod na araw pa makauwi si Tito. Napag-alaman ko ring sumama si Rozs sa Manila kaya napadukdok ako sa lamesa nang wala sa oras.
Andaya talaga, iniwan ako.
“Pupunta ba kayo sa bayan?” Tanong ni Lola.
Tumango ako. Balak ko kasing bilhan sila Alistair ng brief. Lalo na si Magnus.
Tumango naman si Lola, “Magpahatid na lang kayo sa Lolo Devim ninyo.”
Napatingin ako sa lalaking naka ngiti sa akin. “Bonding tayo, apo?”
Ngiwi akong hindi umimik. Hindi ako sanay na mukhang bata ang lolo ko. Kahit na andami nang assurance na siya si Lolo Devim ay hindi ko pa rin masikmura.
Matapos ay nasa labas na si Lolo ay nagpaalam kay Lola. Sumakay kaming tatlo sa kolong-kolong. Panay ang kwentuhan ng dalawa habang ako ay lumilipad ang isip.
Hindi ko nga namalayan na nakarating na kami sa Bayan kung hindi ako tinapik ni Lolo.
Tinungo namin ang ukay-ukay at pumili ako nang maayos na mga damit para sa dalawa. Kinuha ko rin si Orlin ng brief, baka kasi kailanganin niya…
“Ayos ka lang ba? Kanina ka pa mukhang tulala,” Biglang sabat ni Lolo sa tabi ko.
I blinked and tried to clear my thoughts. “Wala lang po, malalim lang ang iniisip.”
He looked worried but didn’t ask anymore.
Kagaya noon ay nakikilaro si Magnus sa mga batang nasa lansangan, kahit si Alistair ay nakikitalon sa jumping rope kaya naisipan muna namin ni Lolo na maglibot.
“Lolo,” Tawag ko. Mabilis naman siyang lumingon at parang asong nag-aabang sa sasabihin ko.
Masyado ata siyang natutuwa kapag tinatawag na lolo…
“Ano pong meron kay Wenrry…?” Mahina kong tanong.
He blinked at seryosong napatingin sa dinadaanan. “Kaibigan ko ang tatay nun, lahat ng mga magulang na kilala mo ngayon ay kakilala ko. Yung iba ay kababata,” Paninimula niya.
“Isa si Wen doon, tatay ni Wenrry. Stallion ang laki ng kumag na ‘yon. Kung tutuusin ay karapatdapat siya para mamuno sa tribo ng mga Tikbalang…”
I tilted my head, “Namumuno?”
He nodded. “Ang malakas ay tinataas, ang mahihina ay binababa. Ayan ang kalakaran noon.” He looked conflicted sa sariling sinabi.
“Pero kaming tropa, iba ang hangarin namin at pag-iisip. Ganun si Wen. Kung susumahin ay hindi lang naman siya malakas, matalino rin, pusong mamon,” Tawa niya pero napaltan din ng pagak ng pagtawa. “Hindi siya nabigyan ng pagkakataon mamuno dahil tingin ng ibang Tikbalang sa kanya ay masyadong… Uto-uto.”
“Why?” Biglaan kong tanong. Invested on his stories.
“Kilala kasi ang mga Tikbalang bilang mapupusok, bayolente, at gusto laging nakapananaig.”
I hummed, processing the information.
“Kaso wala, nahumaling si Wen sa isang tao, siya mismo ang sumuko at kung baga naging sunod-sunuran sa taong ‘yon. Hindi ‘yon magustuhan ng ka-uri nila. Masyado raw mahina si Wen, walang katangian nang pagiging mandirigmang Tikbalang.”
“I don’t get it-”
He cut me off, “Kilala ang mga Tikbalang sa pagiging mapusok at bayolente… Kilala rin sila sa panunukso sa mga kababaihan sa gubat at panggagahasa upang magparami.”
Natigilan ako sa sinabi ni Lolo.
They what…?
THE GOLDEN HAIR
chapter nine: Wenrry
THE GOLDEN HAIR
Gabrielle
“Kumpare!” Napalingon kami sa sumigaw. A man who looked like in his 30’s ang ngayong naka ngiti habang nakataas ang kamay sa ere at palapit sa puwesto namin.
Lolo grinned at agad na niyakap ang lalaki. “Grego, pare!”
They laughed and even patted each other’s shoulder. Grego guy looked at me and gave me his brightest smile. “Eto na ba yung apo mong si Gabrielle? Anak ni Nancy?”
“Oo, kay gandang lalaki, ano? Nakuha niya sa akin ‘yan!” Pagmamalaki ni Lolo sabay tawa.
Tumawa rin naman yung Grego bago sabing, “Walanghiya ka talaga, Devim, galing mo talagang magbiro!” Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ni lolo kaya ako naman ang mahinang natawa.
Grego looked at me and patted my shoulder, “Ang laki mo na, kamukhang-kamukha mo ang tatay mong si Emilio!”
It piqued my interest. “Kilala mo po si papa?”
“Aba, oo naman! Kilalang kilala ang pamilya ninyo rito, lalo na ‘yang si Emil,” Ngisi nitong ani bago natatawang tinignan si Lolo na mukhang nagtatampo na. “Tatay mo lang naman ang tumalo sa Tigasing Aswang ng dalawang Isla. ‘Di ba, Devim?”
Bumusangot lalo si Lolo.
But that doesn’t bother me. Aswang? Sino? Ha?
I was about to ask him pero bigla muli siyang nagsalita.
“Grego nga pala, Kapitan ng Isla!” I blinked and looked at him up and down. Siya yung kapitan? I was expecting an old hairy man.
“Ano pong ibig ninyong sabihin sa aswa-”
“Magnus, Alistair!!” Masayang tawag nito sa dalawa na busy pa rin sa paglalaro.
Napatingin ako kay Lolo na nakabusangot pa rin. “Tara, sabi ng Lola mo igala kita sa Apol.”
I frowned sa sinabi niya, “Ano ang Apol?”
“Mga brgy ‘yon sa Isla. Apol at Bulan, medyo malayo rito. Sa Silangan ang Apol, Kanluran naman ang Bulan,” Paliwanag ni Lolo.
Whoa. Akala ko simpleng Bayan lang ang meron sa Isla, did not expecr na may ganyan pa rito. This Island must be really big…
“Grego,” Tawag ni Tito sa Kapitan na ngayo’y nakikilaro na rin sa mga bata kasama yung dalawa.
Napangiwi pa’ko dahil nakasimangot na yung mga bubwit dahil lagi silang natatalo sa tatlo.
Nang makalapit naman sila ay tinuro ni Lolo ang sasakyan namin, “Ikaw magdrive, punta mo kami sa Apol. Gagala ko ‘tong Apo ko.”
Kita kong tumaas ang kilay ng Kapitan na nakatingin sa Lolo ko bago sa akin. “Your Gandpa is so Demanding,” Nirolyo pa niya ang mata habang ginagalaw ang ulo na mapang-asar.
Nangunot lalo noo ni Lolo, “Ano? Demanding? Ano raw sabi, Apo? Hindi maintindihan ni Lolo”.
Imbis na sagutin ay sinundan ko na lang si Kapitan kaya kamot ulo siyang walang nagawa kundi tawagin na rin yung dalawa para sumama.
Nakangiwing nakatingin si Lolo Devim kay Magnus. “Sasusunod ah bumili ka na ng sarili mong damit kapag nagiging babae ka. Tutuliin ko tinggil mo kapag hindi.”
Nanlaki mata ko and looked at him with disbelief. “Lolo, ang bastos mo! Babae pa rin ‘yan si Magnus ngayon!”
Magnus was frowning, “Ano yung tinggil?”
Alistair blinked, “Bell ‘yon, e’. Tininininingtinggil.”
Mabilis kong hinawakan ang tenga niya at piningot ‘yon kaya naman wala itong nagawa kundi ang mapasigaw sa sakit. “Aray ko po!!!”
“Magsorry ka, Lolo!” Inis kong singhap.
Lolo looked hesitant. Rinig pa naming sumipol si Kapitan at mahinang natawa.
“Gan’yan ‘yan, walang respeto. Sumbong mo kay Aling Sonya, tingnan natin Tigas ng Aswang na ‘yan.”
Lolo face paled and looked at Magnus na mukhang naguguluhan pa rin sa nangyayari. “Sorry, Magnus…”
“Saan? Puta ano ba ‘yong tinggil?”
I sighed and let go of Alistair na ngayo’y umiiyak na. Pati siya ay nagsorry sa Duwende.
“Hindi ko gusto ang mga pinagsasabi ninyo. Kaibigan ninyo si Magnus pero respetuhin ninyo siya kung babae man ang anyo niya, hindi porket nasanay na kayo sa asta ninyong gan’yan ay basta-basta ninyo na lang sinasabi nang hindi pinag-iisipan!” Inis kong singhap.
Lolo Devim looked away while scratching his nose. “Duster kasi ‘yan ng Lola mo… Unang regalo ko nung unang monthsary namin… Pasensya na sa sinabi ko.”
I sighed. Matatanda nga naman, walang preno sa bibig.
Magnus looked at me still looking confused. “Ano nga ‘yon? Gamit ba ‘yon? Tao? Bagay? Ano ‘to, Pinoy Henyo?”
Hindi ko napigilang hindi mapahilamos ng mukha. I need to teach this Dwarf more about being a woman, papatulong din ako kay Lola.
“Tinggil, Organo ‘yon sa labas ng Ari ng babae,” Paliwanag ng Kapitan habang busy sa pagmamaneho.
“Ari? Sa titi ko?” Nagsigawan kami nang biglang itaas ni Magnus ang Duster niya. Muntikan pang mabangga yung Kolong-kolong sa isang puno.
“Siraulo!” Sigaw ni Lolo at hineadlock si Magnus na ngayo’y tawa nang tawa.
Ang gago! May titi nga!
“Putangina mo, Magnus. Kapag tayo nabangga, ikaw ipapain ko sa alagang Sigbin ni Marky!”
Alistair whimpers looking traumatized sa mga nangyayari habang patuloy sa tawa ang kupal.
Nakarating kami sa destinasyon na gulo-gulo ang itsura dahil sa katarantaduhan ni Magnus na ngayo’y anyong lalaki na.
But he still chooses to wear the dress. Mukha namang kilala sila ng mga Tao rito dahil grabe ang pagsisigaw nila sa pangalan ng mga taga doon na akala mo reunion ang nangyayari.
I looked up and saw a sign.
“Welcome sa Brgy Apol.”
Tumigil ang sasakyan sa isang may kalakihang Bahay. I just noticed na ang araw sa puwesto nila. Wala man lang lilim na nagaganap dahil pinaliligiran ang buong lugar ng mga tanim na palay.
The whole Brangay is a Golden Goose…
I was mezmarized ny the beauty of the yellow crops swaying with the cold air.
“Ganda, ‘noh? Purong panananim ang mga trabaho ng mga tao rito,” Singit ni Kapitan habang nakangiti.
May mga nakita nga akong mga magsasaka sa palayan, kahit mga bata.
“Apol is a weird name for a Barangay.’
Kapitan chuckled, “Apol stands for Apolaki, ang Panginoon ng Araw.”
Apolaki… I heard of him sa mga books. “He’s also The God of War.”
Lumaki ang ngisi sa labi ni Kapitan at magalak na inakbayan ako. “Alam mo, bata. Hindi pa nagiging pananiman ang parte ng Islang ‘to ay rito nakatira ang Pamilya ng Lolo Devim mo at mga kaibigan niya. Rito rin unang parteng nilusob ng mga Hapon at nakipagdigmaan.”
I blinked and looked at him in disbelief, “Really?”
He nodded proudly. Magsasalita pa lamang siya nang mabilis akong lumingon when I heard a horse stomps. Akala ko si Wenrry pero nang lingunin ko ang paligid ay wala akong nakitang kung ano.
I heard Kapitan Grego sighed. “Nandito nanaman sila…”
“who?” I asked curiously.
“Mga Tikbalang.”
“Wenrry is here?” Masaya kong ani at pilit na nililingon ang paligid just to look for him pero wala.
“Ah.. yung batang si Wenrry ba? Ayun ang mabait pati tatay nun. Mag-ama nga naman,” Natatawa niyang kwento kaya napatingin ako sa kanya.
“He is nice,” Ngiti kong kwento.
“Kapitan!” We both turned around and saw a woman who’s taller than me. Her brown-skinned is glistening underneath the sun.
Whoa… Sobrang Morena niya. Her build is also incredible. Filipinong filipino rin ang features ng mukha.
“Oh, Vida. Nariyan ka pala,” Masayang tawag naman ng Kapitan pabalik at niyakap ang babae. “Si Gabrielle nga pala, anak ni Nancy at Emilio.”
Napatingin sa akin si Ate Vida - she looked older than me. “Ikaw na ba ‘yan, ang laki mo na!” Masaya niyang tawag at ako naman ang kinulong sa yakap.
Kahit hindi ko siya kilala ay yumakap na lang din ako pabalik.
“Magandang Umaga po…”
“Ay jusko, kay gandang lalaki!”
“Ako rin maganda!” Sigaw ni Alistair na nasa Palayan habang nakataas ang kamay.
Nagulat ako dahil sa layo niya ay narinig pa niya ‘yon. Natawa naman si Ate Vida ay inakbayan ako. “Kumusta na ang nanay mo, ha?!”
“Ah… Ayos naman po…”
Fuck. Nalimutan kong i-chat si mama. Wala kasing signal sa taas. Hindi ko naman nadadala phone ko sa Bayan kapag bababa.
“Vida, nagta-tattoo ka pa ba?” Tanong ni Lolo sa gilid at ngumisi naman ang babae.
“Sus, pa-patattoo ka ba? Ayaw ni Aling Sonya sa mga may tattoo, ah? Baka hiwalayan ka nun!” Asar nito kay Lolo at kita ko naman ang pamumutla niya sa takot.
He really loves lola. Speaking of Lolo… Is he an Aswa-
“Ikaw, Gabo? Pa-tatto ka?” Ngising tanong sa akin ni Ate Vida at mabilis akong umiling.
Not really fond of those. Kapitan Grego laughed at mukhang kanina pa natutuwa. “Sasusunod tawagin natin ang lahat, nakakamiss makumpleto ang samahan!”
Lolo barked a laughed, “Kapag namatay ako magsasama-sama talaga tayo!”
“Siraulo.”
“Masamang damo ka, gago!”
I shook my head at tinungo ang puwesto ni Magnus at Wenrry na ngayo’y nakikisali sa mga ilang magsasaka. Umupo ako sa kahoy na upuan at tinignan ang buong paligid.
Para akong nasa paraiso. Akala ko ay simpleng Isla lang na purong puno ang narito. Akala ko nga Sapa lang ni Orlin ang nakakapanlaglag panga ang ganda.
Everything is yellow and bright here… May mga kabahayan pero hindi dikit-dikit. May mga batang naglalaro sa malinis at malawak na daanan. Elders are chitchatting outside their homes. It feels… Nostalgic and nice.
“Gabo,” Tawag na akin ni Magnus na umupo sa tabi ko habang naka bukaka. “Nage-engganyo ka?” Tanong niya at tumango ako.
“Tama ‘yan,” Ngisi niya.
We watched Alistair who was now a Dog at nakikipaghabulan sa mga bata.
They’re so open… “Alam nila ang tungkol sainyo?” Taka kong tanong.
Magnus nodded and shrug, “Halos lahat ng mga taga Isla alam ang tungkol sa amin. Kung nasa Sentro ka ng samahan ni Chris ay matic na hindi ka normal.”
I nodded understanding what he meant.
He continued, “Pero kailangan pa rin namin lumugar. Hindi naman pwedeng magpakita kami sa Taga Bayan na ganito itsura namin lalo’t na may mga dayuhan. Baka mamaya mahimatay mga ‘yon, edi pinatalsik pa kami.”
I couldn’t help but chuckle sa sinabi niya.
A silence consumed us at mabilis ko ‘yong pinutol. “Magnus.”
“Ano?”
“Si Wenrry ba… Yung mga Tikbalang ba ay…”
“Malibog? Oo.”
Napangiwi ako sa sobrang direkta niya pero hindi rin ako umangal.
“Ganun kasi pagpaparami nila. Masyadong makikitid utak. Naging argumento na nga ‘yan sa pagitan ng lahat, naglapag na rin ng patakaran tungkol diyan, hindi pwedeng gumalaw ng mga Mortal o Manakit. Mga makukulit lang talaga ‘yang lahi nila.” He even snarl while saying that.
“Si Wenrry ba ay ganun din…?” Kinakabahan kong tanong.
He looked at me, brows frowning. “Tanga, kung ganun ‘yon, matagal ka na sanang buntis.”
Nanlaki mata ko, “huh?”
“Ibahin mo ‘yong tropa naming ‘yon. Hindi nga tinitigasan ‘yon!” He proudly announced kaya may napatingin sa gawi namin na ikinahiya ko. “Ultimong pagjajakol ay hindi nun alam, ako rin naman pero nung sinubukan ko ay masara- HMPPP!”
Namumula kong tinakpan ang bibig ni kumag. Tangina nakakahiya talaga ‘to!
“Hinaan mo naman bibig mo, ang liit-liit mo pero bunganga mo abot kabilang Bayan!” Inis kong bulong na ikinatawa lang niya.
“Sus, namumula. Gusto mo si Wenrry, ano?”
I blinked at walang nagawa kundi kutusan ang putangina.
Nakauwi kami at pinasuot ko sa dalawa ang pinamili ko sa kanila. Sakto ring may luto na si Lola kaya nagsikain na kami habang panay ang kwento ni Lola Sonya tungkol sa Barangay ng Apol nang sabihin ko sa kanya ang sinabi ng Kapitan.
Dun ko napag-alaman na dun nga unang nanuluyan si Lolo Devim bago niya makilala si Lola.
Nang matapos ay tinulungan ko na si Lola maghugas ng pinggan habang tuloy pa rin ang kwento niya.
“Lola,” Tawag ko para matigilan siya at antayin akong magsalita. “Sa mundo ho ba nila Magnus… Normal na umibig sa kaparehas na kasarian?”
She blinked at sumilay ang ngiti niya, “Oo naman… Kaso sa iba ay hindi.”
I nodded. Parang sa mga tao rin pala.
“Bakit mo pala natanong, Apo?” I shook my head.
“Wala po.” Silence consumed us when I asked another question. “Eh tanggap po ba na magmahalan ang sakanila ang hindi nila kauri?”
Muling napaisip si Lola. “May mga Nilalang naman na tinitignan ang estado at uri ng kapareha, meron rin naman na hindi… Nakadepende naman iyan sa nilalang na iibigin mo. Pero kung ako ang tatanungin ay hindi naman mababase ‘yan doon. Tingnan mo kami ng Lolo mo, kahit ako ay normal na tao at siya’y Aswang ay halos ilang taon na rin kaming kasal.”
I blinked. “Si Lolo, aswang?”
“Aba’y oo,” Ngiti niyang sagot. “At masarap kumantot ang hindi tao-”
Kamot ulo akong nasa gubat at hinahanap si Wenrry para bigay sa kanya yung mansanas na binili ko. Hindi pa rin mawala yung sinabi sa akin ni Lola. Para akong mahihimatay.
She even told me their sex life kaya mabilis kong tinapos ang hugasan.
Medyo pagabi na rin. Hindi ko na pinasama si Magnus at Alistair, inutusan ko na lang yung dalawa na mag-linis ng bahay.
I was walking and looking for Wenrry when I saw a bunch of fireflies sa hindi kalayuan kaya masaya ko ‘yong tinahak.
Bago pa man ako malapit ay may narinig akong mga boses at yabag ng mga kabayo.
“Hubaran ninyo na ‘yan!”
“Sabi ko naman kasi sainyo na tatlo ang kuhanin ninyo!”
I frozed. I saw three of them and a woman na namukhaan ko na isang magsasaka kanina. She looked lost at tulala lang sa kawalan.
“Hubaran ninyo na!”
I stated trembling at humigpit ang hawak ko sa plastic na may mga lamang mansanas.
They… They will rape her…
Nanlamig ang katawan ko sa naisip. Nang sinimulan na nilang hubaran ang babae ay pinilit kong gumalaw.
“T-tigil nin-” hindi ko pa natatapos ang sasabihin ay may pana na biglang tumarak sa punong kahoy na kalapit nila.
They all panicked. Napalingon ako sa gumawa nun. It’s Wenrry!
THE GOLDEN HAIR
Chapter ten: Ang Tikbalang
THE GOLDEN HAIR
Gabrielle
Fuck, fuck, fuck, fuck!!
Sunod-sunod ang mura ko habang mahigpit ang hawak sa walang malay na babae. Nakasakay kami sa likod ni Wenrry na ngayo’y mabilis ang pagtakbo.
The three centaurs were chasing us!
“Fuck, they’re coming!!” Sigaw ko sa takot, still clutching the unconscious girl in my arms.
“Wala akong naiintindihan, pero kumapit ka!” Lumiko siya sa kung saan at halos mapasigaw ako sa takot nang makitang dumausdos kami pababa.
Niyakap ko ang likod ni Wenrry while locking the girl between me and his back with my arms.
Mabilis siyang sumiksik sa butas, nahirapan pa si Wenrry dahil sa laki niya but once he manage ay niyakap niya kaming dalawa para tabunan.
I heard their stomps and voices. I even flinched nang bigla silang nahulog sa pinaghulugan namin at tumakbo papalayo - maybe thinking that we continued running away.
Tanging hingal lang ang maririnig sa loob ng maliit na kuweba. I looked over at Wenrry who looked like a feral cat na naka alerto sa mangyayari.
I patted his arm at dun niya onti-onting niluwagan ang pagkakapit. “Ayos lang kayo…?” Malumalay na hingal niyang tanong.
I nodded and looked at the girl in my arms na nakapikit. “What… anong nangyari sa kanya?” I checked for her pulse at nakahinga naman ako ng maluwag when she’s still breathing.
“Nawalan lang siya ng malay,” Sagot ni Wenrry and scooped us in his arms at dahan-dahan lumabas.
Nang binaba niya ako, he helped me na pagpagan ang sarili bago ibinigay sa akin yung babae. We carried her back sa Apol.
“Ay jusko, anong nangyari?!” Vida was horrified when she saw our state.
I quickly explained what happened and when I looked at Wenrry, he was standing 2 meters away from us. He was looking down, fidgeting like a child who got scolded for getting caught of stealing a candy.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiwi sa naisip. For his size, medyo nakakapanibago tingnan. Lalo na at… Kabayo siya.
I heard Ate Vida sighed at malakas na tinapik ang balikat ko. “Puntahan mo,” Utos niya. “Ako na bahala sa batang ‘to, kilala ko naman magulang…”
I nodded and walked towards Wenrry.
Naramdaman naman niya ang presensya ko at mabilis siyang tumingin sa akin. That’s when I saw how messy he looked. Andami niyang gasgas at dumi - probably dahil sa pagsiksik namin sa kuweba kanina.
“Ayos ka lang?” Mahinahon kong tanong. He nodded, not responding.
Tahimik niyang binaba ang sarili, that’s my que para sumakay sa kanyang likod. Inalalayan naman niya ako.
Tahimik ang paglalakad namin nang tahakin ang kagubatan and I don’t like it.
I peeked over Wenrry na wala pa ring imik. “Ayos ka lang?” I asked pero wala pa rin siyang sagot.
I couldn’t helped but furrows. Inihilig ko ang ulo sa kanyang balikat. The sky is getting darker at may nga alitaptap na sa paligid namin kaya naman nakikita ko pa rin ang hugis ng mukha neto sa gilid.
“Wenrry,” Tawag ko. He didn’t answered but I saw his eye looked at me side ways.
I let out a hum at nilihis ang tingin sa dinadaanan namin.
It all clicked me. So that’s what he was saying and crying about…
“Natatakot ka ba na husgahan kita dahil sa Kauri mo?” His body stiff. I hit a nerve.
I couldn’t help but let out a chuckle pero nawala rin ‘yon. I burried my face on his shoulder. Ramdam ko ang pagod sa buo kong katawan.
“Sa totoo lang, natatakot ako…” Bulong ko.
Dun siya tuluyang tumigil sa paglalakad. His whole body freezed pero hindi ko tinaas ang tingin.
Wala akong sinabihan kahit kanino tungkol sa bagay na ‘to. It was a secret I kept for so long…
“Natatakot ako,” Pagpapatuloy ko. “Dahil danas ko ang hirap at sakit ng isang biktima.” It came out like a whisper.
He remained silent.
“Nakakatawa hindi ba? Lalaki ako pero biktima?” I laughed bitterly but it died down. “Pero ayon ang katotohanan… Hindi naman natuloy, pero nakakadiri. Saka ko lang din na-realize na hinalay ako nang tumanda na, wala na rin naman sa akin kaya wala akong pinagsabihan, hindi… napro-proseso ng utak ko yung nangyari…”
I bit ny lower lip but continued, “Pero kanina? para akong binuhusan ng tubig… halos manigas ako sa kinakatayuan. Nasabi na naman sa akin yung tungkol sainyo pero hindi ko alam na ganun pala kalala.”
Binalot uli kami ng katahimikan. I felt his body shaking kaya dahan-dahan kong inangat ang mukha to look at him. He was crying.
“Pasensya na… ang rumi-rumi namin. Hindi… hindi ninyo kailanman dapat maranasan ang ganoong bagay. Wala dapat nakaranas ng ganon.”
Habang patuloy siya sa pag-iyak ay bumaba ako sa pagkakasakay sa kanyang likod. Saktong may malaking bato sa malapit.
I held his hand at hinila siya sa puwesto na ‘yon, he complied.
Tumayo ako sa bato para lumevel sa kanyang tangkad and that’s when I cupped his crying face.
Medyo natawa pa’ko nang mapanguso siya sa ginawa ko pero patuloy pa rin siya sa pagnguwa like a damn big baby.
“Hey, wala kang kasalanan, okay? Prinotektahan mo yung babae kanina,” I said soothening him.
He sniffed, “Kasalanan ko pa rin, kauri ko ‘yon…”
“Pero sabi mo hindi mo sila kagaya, ‘di ba?”
He nodded.
“Hindi ka ganoon?”
He nodded again.
“Hindi mo naman gagawin sa iba ‘yong ganon?”
He nodded once again.
“Eh sa akin?”
That’s when he shake his head. “Nangako ako kay Ama na hindi kailan man gagalaw ng kahit anong nilalang ng walang paalam o pagsang-ayon mula sa iniibig.”
I blinked in confusion pero nawala rin. Tumango ako at ngumiti, “Edi hindi ka masamang… Tikbalang?” We both chuckled sa sinabi ko. “Tahan na.”
Mga ilang saglit ay onti-onti na siyang huminahon kaya inalis ko ang kamay sa mukha niya.
“Tara na,” Aya ko.
Mabilis naman niyang inayos ang puwesto and lowered himself once again. Nang akmang sasakay na ako ay narinig ko ang boses ni Magnus.
“Ayun na ‘yon? Wala man lang laplapan? Boring ah.”
Nang lingunin ko ang pinaggagalingan ng boses ay nakita ko si Magnus sa isang puno at nakaupo sa sanga habang nakatitig sa amin.
Imbis na mainis sa kapilyuhan at napasampal ako ng sariling noo.
He was in his male human form, wearing a freaking bra I bought him while topless.
Sa duwendeng ‘to ako tatanda ng maaga.
Habang naglalakd pauwi ay tawa nang tawa si Magnus na ngayo’y maliit na nakaupo sa ulo ni Wenrry.
Wenrry’s eyes are so fuffy from crying kaya wala na itong makita. I offered to guide him at maglalakad na lang ako but he refuses dahil daw malakas naman ang senses niya at alam niya ang pasikot-sikot sa daan.
“Nyeta, kung kayo may GPS, kami may GBS!”
“Huh?” Hindi ko napigilang hindi mapakunot noo sa sinabi ni gago.
“Edi, Gubat-based system!”
Napangiwi ako. Corni puta. Kung saan nanaman niya napulot ‘yang mga salita niya.
Nang makauwi ay nakita ko si Tito Chris na nag-iihaw kasama si Alistair na anyong tao rin.
“Tito!” I called him. Agad namang lumapit si Wenrry kay Tito at dun na ako bumaba. “Ang aga mo naman?”
Kita ko ang pagtaas kilay ni Tito sa sinabi ko, “Ayaw mo na ba akong pauwiin? Dapat sinabi mo para nagpalunod na lang ako sa dagat.”
Isa pa ‘to…
Napanguso na lang ako sa sinabi niya at tinawanan lang ako nito.
“Joke langgg, may pasalubong ako dun sa loob - ay gago, anyare sa’yo, tol? Mukha kang inimpakto ni Morzue.”
Magnus started laughing once again, “Siraulo! Si Kuya hindi naman mukha pinapamaga non, kundi Bayag!”
Sabay-sabay silang nagtawanan maliban sa amin ni Wenrry.
I looked around, “Asan si Rozs?”
Tito whistled, “Ayun, nagpakasasa sa pera niya sa lotto. May hinahanap din ‘yon sa Manila kaya nagpaiwan.”
Right… Rozswelto and his revenge mission.
I let out a sigh bago nagpaalam na papasok muna sa loob para maligo.
“Dalian mo ah, nagiihaw ako! Triple oa naman bituka ng mga ‘to, mauubusan ka!”
So I did what I have to do. Mabilis lang din ang paliligo ko.
Eksena agad ni Magnus ang bumungad sa akin na ngayo’y nakapuwesto sa balikat ni Alistair na nilalapa buong karne.
“Aray! Mainit!” reklamo niya matapos mapaso ang daliri.
“Tanga,” natatawa na sabi ni Alistair habang sinusundot siya gamit ang daliri.
“Tanga ka rin, oy!”
Tumigil ako sa harapan ni Tito. Iniabot niya sa akin ang ilang stick ng iba’t ibang inihaw na karne, isang mangkok ng dinikdik na halamang gamot, at ilang piraso ng gasa.
He then nudged my shoulder and gestured toward Wenrry, who was quietly sitting a few meters away, carefully washing the blood off his wounds.
Mabilis kong kinuha ang mga iyon bago dumiretso sa Tikbalang. “Wenrry,” I called.
Napatingin siya sa akin. Nang makita ang dala ko, bahagya siyang umayos ng upo, silently allowing me to tend to his injuries.
Because of the torches outside the house, I could finally see the full extent of the wounds he had suffered earlier.
His arms were covered in cuts and bruises. Even his powerful horse legs weren’t spared, littered with scratches, dried blood, and ugly purple marks. A pang of guilt twisted inside my chest.
Tahimik akong naupo sa tabi niya at sinimulang linisin ang bawat sugat.
Neither of us spoke.
Pagkatapos kong linisin ang mga ito, kinuha ko ang dinikdik na halamang gamot at dahan-dahang ipinahid sa bawat sugat.
I felt him tense beneath my touch.
He would occasionally wince from the sting, but not once did he complain. His face remained calm, as if the pain barely bothered him.
Nang hawakan ko na ang gasa, napatingin ako sa laki ng katawan niya… saka sa kakaunting pirasong nasa kamay ko.
Napangiwi ako.
There’s… no way this is enough.
Mukhang nabasa niya agad ang nasa isip ko dahil bahagya siyang napangiti.
“Teka lang,” sabi ko habang tatayo sana. “Kukuha pa ako ng gasa-”
Hindi ko na natapos ang sasabihin.
Biglang nagliwanag ang ibabang bahagi ng katawan niya. The light was so bright that I instinctively shut my eyes.
A few seconds later, the glow slowly faded.
Dahan-dahan akong nagmulat.
…And completely froze.
“W-Wenrry…?” I whispered.
He was still sitting on the ground, looking as composed as ever. But the massive horse body beneath him…
…was gone.
Instead, a pair of long, human legs rested where his equine body used to be.
His long golden hair shimmered beneath the moonlight, cascading over his broad shoulders. The herbal medicine I had applied earlier left his sun-kissed skin glistening under the pale silver glow.
He looked up at me before glancing at the roll of bandage in my hand.
“Kasya na ba ‘yan sa’kin…?” he asked innocently, his deep voice completely unchanged.
My brain stopped working.
Not because his horse legs had disappeared.
But because…
He was completely, utterly naked.
THE GOLDEN HAIR
I’m so excited, gagawin ding sample book ang TGH for sample ng physical book once finished. I can’t wait sa mga artssss!!
chapter eleven: Yearn
THE GOLDEN HAIR
Gabrielle
Ramdam kong lumapit sa akin si Magnus na ngayo’y anyong tao, nakatitig din kay Wenrry.
“Eguls, mas malaki titi mo.”
I snorted when Magnus said that. Mabilis naman akong tumungo sa bahay at kumuha ng masusuot ni Wenrry - I don’t even know if my clothes will fit him pero bahala na.
Nang makabalik ako ay nakita kong naka upo si Wenrry habang yakap-yakap ang tuhod habang tawa nang tawa yung dalawang magkaibigan.
Tito was busy sa pag-iihaw, hindi man lang binibigyan pansin yung tatlo.
Nang makalapit ako kay Wenrry ay napatingin ito sa dala-dala ko bago sa’kin.
“Subukan mo ‘to,” sabi ko habang iniabot ang puting t-shirt, isang pares ng brief at short na meron ako.
Nang kuhanin niya ‘yon at sinipat na para bang hindi niya alam kung ano ang gagawin.
“Ah…” Napakamot ako sa batok. “Isusuot mo ‘yan.”
Kumunot ang noo niya. “Bakit?”
“Dahil hindi ka puwedeng maglakad sa labas na…” mabilis kong sinulyapan ang kabuuan niya, “…ganyan.”
Napabaling siya sa sarili then looked at me, blinking. He looked like a lost puppy, problema lang ay kabayo siya.
“Normal naman ‘to…”
“Dito hindi,” sabay na sagot namin ni Magnus.
Aba, natututo na ang loko.
Tahimik siyang tumayo at pinagmasdan ang t-shirt na tila isa iyong palaisipan. Ilang segundo siyang nakatitig roon bago niya ito isinuksok sa isang binti.
“Ay bobo,” Rinig ko komento ni Magnus habang natawa naman si Alistair.
Hindi ko tuloy alam kung maaawa ako kay Wenrry…
“Teka nga.” Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang damit. “Ganito.”
Isa-isa kong itinuro kung saan ipapasok ang ulo at mga braso. Tahimik lang siyang nakatingin, looking so serious.
Maya-maya pa’y naisuot din niya ang t-shirt… kahit baliktad kaya mas lumakas ang tawanan nung dalawa.
Kita kong napanguso si Wenrry habang sinisipat ang suot, pabaling-baling ang tingin neto sa damit ko at sa damit niya, “Tama naman ah…”
Hindi ko tuloy alam kung maaawa ako o matatawa rin. Wala naman akong nagawa kundi ang lumapit at muli siyang tulungan.
Para akong natuturo ng bata, I was even guiding his arm and legs kung saan isusuot.
Dahil sa laki niyang tao ay hapit na hapit sa katawan niya ang suot kahit na ayun ang pinaka malaking size na meron ako.
Nang matapos, I saw how uncomfortable he is kaya hindi ko napigilang hindi matawa. “Ayos ka lang?”
“Kakaiba sa pakiramdam… ” Sabay sipat sa brief na suot.
Mas lalong nagtawanan ang mga loko, kulang na lang ay mawalan ng hininga si Magnus katatawa habang si Alistair ay nakahandusay na sa lapag.
“Luto na, tara rito!” Sigaw ni Tito.
Nag-unahan yung dalawa habang kami ni Wenrry ay nanatili. I need to wrap his body with bandages. Tahimik lang siya habang hinahayaan ako kaya madali lang ang trabaho.
“Oh,” Bigay ni Tito sa akin nang makalapit kami.
Isang plato ng bagong ihaw na liempo ang iniabot niya, kasunod ang mangkok ng kanin.
“Salamat, Tito.”
Kinuha ko ang plato bago lumingon kay Wenrry. Tahimik lang siyang nakatingin sa usok na nagmumula sa ihawan, bahagyang sumisinghot na tila may kung anong inaamoy.
Dinala ko siya sa may mesa kung saan abala na sina Magnus at Alistair sa paglamon.
“Hoy, ‘wag n’yong ubusin!” reklamo ko.
“Survival of the fittest!” mabilis na sagot ni Magnus habang nagsasalpak ng isa pang piraso ng liempo sa bibig.
“Utak mo hindi fit,” Hilaw kong sagot habang hinahatak ang isang upuan para kay Wenrry.
Tahimik naman siyang umupo. Pansin kong kanina pa siya hinfi mapakali habang sinisipat ang suot.
My hands moved in instinct and grabbed a spoon and fork para subuan at pakainin ang Tikbalang sa tabi ko - na ngayo’y normal na tao.
He take every bite seriously and I was watching him as he ate.
“Oh, sinay-sinay, yung isa nabubusoy, ikaw hindi,” Singit ni Tito Chris na may bitbit na isdang inihaw sa plato bago inilapag sa lamesa.
I grimance. Oo nga pala… hindi pa’ko nakakakain.
Dahil dun ay salit-salitan kong pinapakain ang sarili at si Wenrry na tahimik lang nag-aantay ng susunod niya.
“Andami naman atang pagkain, Tito?” Hindi ko napigilang hindi magtanong.
Tumango si Tito bago sumipol. May nakita akong ilaw sa hindi kalayuan at aninong gumagalaw. Ilang saglit pa ay naaninagan ko si Kolji na nakangiting tumatakbo palapit habang may bitbit na lampara.
“Chris!” Sigaw nito.
Maangas naman siyang tinanguan ni Tito saka niyakap nang makalapit.
Whoa, they really are friends. Kolji is energetic and talkative with him.
Napatingin ako kila Magnus na walang pakeilam sa paligid at todo subo lang nang subo na akala mong aagawan.
“Magandang gabi, Kaibigan. Upo ka, marami akong niluto.”
Bago umupo si Kolji ay naghugas muna ito ng kamay sa gripo sa labas ng bahay bago tumabi kay Tito at kamay na kumain.
I blinked. Mukha namang napansin ni Tito ang pagtingin ko and he introduced his friend to me, “Kolji nga pala, kaibigan kong Aeta. Mabait ‘to, huwag mo lang aagawan ng pagkain, nangangagat.”
Napangiwi ako at napatingin sa katabi niya. Kolji looked at me and smiled as his cheeks was bulging with food sabay muling tinuon ang atensyon sa kinakain.
Tito and him started talking about their future expedition at pilit na sinisingit ni Tito na isasama ako kaya napakamot na lang ako ng batok.
Wala na talaga akong kawala…
Nang ibaling ko ang atensyon kay Wenrry ay nagulat ako nang nakanganga siya habang ang atensyon ay naka tuon sa kutsara na kanina ko pa pala hawak.
Matawa tawa ko namang nilapit ang pagkain sa bibig niya na malugod niyang tinanggap.
Dun ko rin nakilala nang husto si Kolji.
Nung mga araw pala na nag-eensayo at nagsisimula pa lang si Tito nang pagiging Babaylan niya ay si Kolji ang kasama niya.
They even started telling me stories of their adventure. Dun ko rin napag-alaman na may naging away pala sa pagitan nila at mga matatandang aswang noon…
“Pero hindi ba… aswang si lolo?”
Tumango si Tito habang umiinom ng tubig. “Si papa dati ang namumuno sa mga aswang na nasa pangangalaga niya noon. Umalis lang siya para manirahan nang mapayapa kasama si mama. Si Kuya Dev ang pumalit, kung gusto mo ay pwede naman nating puntahan ‘yon.”
Kumunit noo ko, “Eh, si Tito Dev ay nasa kabilang Isla, ‘di ba…?”
Sumilay ang ngisi sa labi ni Tito. “Nadali mo.”
Then… Tito Dev is an Aswang?
I blinked and shrug. I’ve seen enough.
°
“Maraming salamat sa pagkain…” Ngiting pasasalamat ni Wenrry.
“Sigurado kang aalis ka na? Paano mga sugat mo?” Tanong ko habang tinitignan ang mga gasa niya sa katawan.
He looked at them bago sa akin, “Ayos lang ako, mabilis naman maghilom ang mga sugat sa katawan naming mga Engkanto…”
I nodded. Wenrry started stripping once again kaya nilihis ko ang tingin.
Ilang sandali ay may liwanag na dumaloy sa puwesto niya. Nang mawala ‘yon ay dun ko na siya tiningnan.
He was back on his Original Form.
He gave me the clothes back na agad kong tinanggap. “Salamat, bukas muli ay pupunta ako rito.”
I nodded and smiled. Muli siyang tumango bago tumakbo papasok nang kagubatan. Nang mawala ang mga alitaptap sa paligid ay bumalik na ako sa bahay.
Nakita kong nag-iinuman si Kolji at Tito habang si Magnus naman ay nasa duyan at mukhang tulog.
Tumungo ako sa loob nang bahay para ilagay sa labahan ang damit. That’s when I saw Alistair na tahimik na nakaupo sa Sala at nakatingin sa hawak niyang sinturon na nakabilog.
It looked like a collar at some point.
“Ali?” I called.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Magandang gabi po…”
His tone is energetic but his eyes says otherwise.
Tumabi ako sa kanya at napatingin sa hawak nito. Mukha naman niyang napansin ang titig ko kaya masaya niya itong pinakita.
“Bigay po ‘to sa’kin ng dati kong may-ari.” I looked at it. It was a simple belt at may nakita akong nakaukit na ‘Alistair’ na mukhang gawang kamay pa.
“May iba pang nag-alaga sa’yo?” Hindi makapaniwala kong tanong.
I thought Tito was his only owner.
He nodded.
I tilted my head. “Nasan na siya ngayon?”
“Hindi ko na po alam. Ilang buwan akong nag-antay na makauwi siya sa bahay kaso mukhang… nalimutan na niya ako.” He was laughing while saying that pero ramdam kong naiiyak na siya.
I couldn’t help but to feel sick. Hinimas ko ang likod ni Alistair.
I don’t have the right to judge his former owner. Hindi ko pa alam kung anong nangyari dito. Maybe something happened or maybe he… died.
But I don’t want to bring that up, mas lalo ko lang palalalain ang nararamdaman ni Alistair ngayon.
“Alam ba niyang nag-iiba ka nang-anyo?” Ayun lang ang lumabas na tanong sa bibig ko.
He shook his head. “Hindi pupuwede… paglalayuin uli kami kapag pinaalam ko ang katauhan ko.”
Medjo nalito pa ako sa sinabi niya. But guessing maybe hia former owner might get scared and abandon him was the onky answer came up in my mind kaya hindi na ako nagtanong pa.
I listened to Alistair yapping about them. I can’t graps his story dahil kung minsan he was misgendering the owner o nag-iiba ang flow nang kanyang kuwento.
Kadalasan ay bata ang binabanggit niya, mas matanda, a teenager, babae, lalake, even animal. To the point ay sumasakit na ulo ko sa sobrang pagkalito. He wa yapping nonstop like he was with them for cneturies.
The only conclusion na nakuha ko ay he was waiting and waiting for his owner. He was patiently staying and finding his way back sa kanya.
I couldn’t help hut smile. His loyalty really defines a dog.
Natapos lang ang kwento nang pumasok na si Tito bitbit ang natutulog na Magnus sa balikat niya. Nakanganga pa ang kupal.
I got to bed with a peaceful mind at mahimbing na nakatulog.
°
“Init!” Angal ni Magnus na ngayo’y anyong tao.
Nandito kami sa Bayan, inaantay si Kapitan. Napag-alaman ko na pupunta sila sa mainland and Tito gave me a list na gustong ipasabay ipabili para raw sa kagamitan sa pag-gawa nang gamot.
I read the list, mostly it was herbs.
Naiwan sila Tito at Ali sa bahay, kailangan kasi nang tulong ni Tito sa ginagawa and Magnus is not the right fit.
“Magandang Umaga,” Bati nang isang dalaga. She was wearing a white dress, hair is a jet shoulder-length, a plus-size woman wearing that huge bright smile.
I couldn’t help but to smile back, “Maganda pong umaga.”
“Inaantay ninyo ba si Kapitan?” Tumango ako at napatingin sa hawak niyang wooden board.
“Ganoon ba. May papabigay ba si Chris?”
I looked at Magnus at tinanguan lang ako neto kaya naman tumango rin ako sa babae. Agad naman niyang kinuha ang listahan ko saka sinuri ‘yon.
She looked pleased as she clapse the paper on his board. “Shiella,” Pakilala niya sa akin. “Ako ang namamahala sa transaction sa mga pangangailangan ng Isla.”
Nakipagkamay naman ako, “Gab po.”
Shiella gave me another smile saka tumingin sa duwende na katabi ko. “Ayaw mo ba akong batiin?”
Napanguso si Magnus saka kamot batok na lumapit. “Tagal mong nawala, eh. Akala namin ay binaon mo na sarili mo sa lupa-Arayyyy!”
Isang pingot ang natamo ni gago sa kanya kaya mahina akong natawa.
“Loko! Akala ko ay nalimutan ninyo na ako. Wala man lang nakaisip na bisitahin ako!”
Parang iiyak na si Magnus habang pilit na hinahatak pabalik ang tenga. “Hindi ka kaya namin makita! Ang laki-laki ng mundo natin, ano!”
That’s when Shiella let go and take a deep breath bago hinihilot ang sintido. “Kuya mo lang ang may ganang bumisita. Nakakatampo kayo, alam mo ba ‘yon?!”
Mas humaba ang nguso ni Magnus habang hawak-hawak ang tenga, “Sorry naman…”
Shiella sighed at winasiwas ang kamay. “Oh siya, aalis na ako. Andami pang kailangan asikasuhin.” Before she left ay may sinabi ito, “Pakisabi kay Orlin na sana naman ay dalawin niya ang Tito niya…”
Dun na ako lumapit kay Magnus at bumulong. “Ano meron?”
Hinihimas niya ang tenga at tumingin sa akin. “Asawa ‘yon nang Tito ni Orlin, si Shiella.”
My eyes bulged as I looked at him then at Shiella’s back na ngayo’y inuutusan at tinitingnan ang mga isasakay sa barko.
“Siya? Hindi ba ilang daang taon na sila Orlin?”
Umasim ang mukha ni Magnus. “Eto, parang tanga. Alangan, hindi tao si Shiella. Asawa nga ng mas matandang diwata.”
Inis kong piningot ang kabila niyang tenga kaya napasigaw na ito sa sakit.
Loko talaga!
“Kayo pala!” Sabay kaming napatingin sa boses. Nakita naman si Kapitan na mukhang bagong ligo pa.
“Maganda umaga po,” Bati ko. “Inibigay ko po yung listahan na pinapabigay ni Tito kay Shiella.”
Agad namang lumiwanag ang mukha ni Kapitan, “Ubos na ba ang binigay namin?” I nodded. Agad naman niyang tinawagan ang isa sa kargador at may sinabi rito.
While waiting for them to finish at napatingin ako sa hindi kalayuan. I saw a guy hiding in a tree who was looking maliciously kay Kapitan Grego.
“Huwag mong titingnan,” Bulong ni Magnus kaya lumihis ang tingin ko sa kanya.
“Sino ‘yon?”
Inakbayan niya ako at palihim na nilayo nang onti kay Grego. “May gusto ‘yon sa matandang ‘yan. Wala ‘yang sinasanto, kahit nga Engkanto pinapatulan niyan kapag nalaman niyang may gusto kay Grego. Kaya kahit ikaw na pamangkin ni Chris ay walang kawala.”
So… He’s a stalker? Obsessed I must add.
Kinilabutan ako sa naisip. May ganun pa pala…
“Nakausap ko yung ibang manggagamot dito. Pwede naman nilang bigyan nang kahit kaunti si Chris nang kakailanganin niya kung may matira. Matatagalan kasi ang pagbalik namin.”
Tumango ako. Sinilip kong muli yung lalaki na nandodoon pa rin. But… he was now looking directly at me na masama ang titig kaya natakot ako.
Medyo lumayo ako kay Kapitan pero paghakbang ko ay naramdaman kong may matigas na lumapat sa aking likod.
I looked up as shadows loomed over me and saw Wenrry’s face na nakatingin sa kaninang tinitingnan ko.
“Wenrry?” I called him. He looked down and smiled.
Tiningnan ko ang kabuuan niya. He was now in his human form at mukhang nangheram siya ng damit kay Tito.
“Ikaw ba ‘yan, Wenrry?” Tanong ni Kapitan at masaya siyang niyakap.
Habang nag-uusap sila ay pansin kong sobrang lapit ni Wenrry sa akin, hindi ko ‘yon pinansin madyado at muling sinilip yung lalaki. He was now calm and looking at Grego.
I relaxed and leaned on Wenrry’s. Napatingin naman sa amin si Kapitan pero tuloy lang ang pagsasalita.
Nang matapos ay nagpaalam na siya sa amin.
Dun na ako bumaling kay Wenrry na kalmadong nakatitig sa akin, “Ayos ka lang?”
I nodded. He must been protecting me. “Kay Tito ‘yan?” Sipat ko sa suot niya na kinatanguan niya.
I guess I have to buy a new pair clothes for him. Speaking of buying, I have to find a way to earn money.
“Excuse me.” Napatingin kami sa nagsalita. I saw a pair of doe brown eyes staring at us.
He’s shorter like Magnus. He’s wearing baggy clothes na mas lalong nagpaliit sa kanya. Kapansin-pansin din ang Meztisong kulay nito and his hair style that looked like a rattails.
“Whoa,” Rinig kong bulong ni Magnus sa aking likod. “Astig, duwendeng may duyan sa ilong.”
I couldn’t help na tampalin ang sariling noo. Siraulo talaga ang loko. Tawagin ba namang duyan ang Septum piercing nang hindi kakilala.
“Can I take a picture of you two? I’m a photographer and an artist. I’m here to research this place and create artworks inspired by it.”
I blinked. He was staring at us blankly. “Who?” Hindi ko mapigilang hindi mapatanong.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Wenrry bago bahagyang ngumiti.
“Aren’t you two a couple? Don’t worry, I don’t mind. I’m an ally.”
“Ano raw?” Bulong ni Wenrry sa tabi ko.
“Kupal daw kayo, pre,” Sagot ni Magnus na lalo kong ikinangiwi.
Loko talaga.
THE GOLDEN HAIR
chapter twelve: I Like You Too
DISCLAIMER: My Merfolks are only inspired by Philippine Merfolk but I included my own ideas and research and a hint of other culture views for spice.
THE GOLDEN HAIR
Gabrielle
“Ah, hindi - we’re not together!” Depensa ko at kita ko namang napanguso siya. He looked dissapointed.
“Pambihira, bakit naman kasi ganitong theme binigay sa amin. Ang hirap tuloy,” Inis netong bulong at sinilip pa kami.
“May hotel bang malapit dito, cho?” I blinked. His tone and accent changed na akala mo naghahamon nang away.
Gan’yan ba kapag maliliit, siga?
Tinignan ko yung dalawa dahil wala nama ako gaanong alam sa lugar na ‘to. “May pwede raw bang tuluyan dito?”
Nagkatinginan yung dalawa saka tumango. “Dito, may pwede kang rentahan ng kuwarto!”
Sinundan naman namin yung dalawa. Napag-alaman kong Fourth year college na si Apen, that’s his name. And their biggest project is about making terrariums.
“Being an artist must be tough work, huh?”
He nodded. We’re following Magnus and Wenrry na ngayo’y nag-uusap sa kung anong bagay na hindi ko maintindihan.
“You sure you two aren’t together?” Apen whispered beside me at tumango naman ako.
He looked bothered at dumikit pa sa akin para bumulong, “I saw him lingering from the distance near you earlier when I left the boat, I thought he was a stalker at first but you knew him… Is he like that? Should I call the cops?”
Hindi ko tuloy naiwasang silipin si Wenrry. Naramdaman niya ata ang pagtitig ko kaya napalingon ito sa akin at ngumiti.
Ayang innocenteng kabayong ‘yan? Stalker? Impossible naman ata. Baka nga pagpatay ng ipis, umiyak pa siya.
“Gan’yan lang talaga ‘yon…” Depensa ko.
Nang makitang seryoso ako ay tumango na lang si Apen at iniba ang usapan nang makarating kami sa pwede niyang tuluyan.
“Usop!” Tawag ni Magnus sa isang Binata na nagwawalis sa isang hardin.
Kita kong nangasim ang mukha niya at sinamaan nang tingin ang duwende. “Magtigil ka nga, Magnus, ang ganda-ganda nang pangalan ko tapos papaasimin mo lang?”
Tinawanan lang siya nang bubwit at akbay na hinila si Apen. “May matutuluyan ba ‘tong kumpare ko sa mga bahay ninyo?”
Usop or whatever his name was stopped from what he was doing at lumapit sa amin habang pinapagpagan ang kamay. “Isahang gabi lang ang kadalasang limitadong oras ang binibigay namin sa mga turista rito. May naging komplikasyon lang kaya sampung araw ang binigay ni Grego sa mga nagpuntahan ngayon,” He explained.
That’s why sinabi niyang matatagalan sila…
Usop looked at Apen na walang emosyong nakatayo sa pagitan namin ni Magnus.
“Duwende ba ‘yan?”
Humalagapak nang tawa si Magnus habang ako ay mahinang natawa.
Sa sobrang normal nang mga hindi tao sa Isla, pati mga maliliit napagkakamalang duwende.
Apen leaned in at muling bumulong, “Your culture is very strange and old fashioned.” Hindi ako sumagot. Alam naman siguro ni Apen ang tungkol sa Isla, hindi lang siguro naniniwala hangga’t hindi nakakakita.
“Turista ‘to, boi! Tao!” Tinapik-tapik pa ng gago ang likod ni Apen. “Ano? May matutuluyan ba?”
Kamot-batok ang ibinigay sa amin ni Usop at halatang nag-iisip. “Puno na kasi ang mga tulugan sa Bayan ng Apol dahil sa nangyari ay mas dumoble rin ang mga turista na pinapasok ni Grego… hindi ko na kasi hawak ang sa kabilang Baranggay. Kung gusto ninyo ay sasabihan ko si Lyn magbakasakaling may matutuluyan pa sa partido nila.”
Tumango naman si Apen. Mukhang wala rin naman siyang magagawa kung hindi sumang-ayon.
Pumasok sa isang maliit na bahay si Usop at nilang minuto ay lumabas dito ‘to.
“May bakante raw sa kanila. Pwede kayong pumunta doon at samahan ‘yang kasama ninyo. Alam naman nila Magnus ang bahay nun.”
We thanked him. Akmang aalis na kami nang may isang lalaki na may kalakihan kumpara kay Usop, may bitbit itong mga balde na nakatali sa kahoy at sukbit-sukbit sa pagitan nang magkabilang balikat.
“Magandang umaga sainyo,” Bati nito sa amin at daretsong lumapit sa binata. Nagulat ako nang halikan niya ito sa harapan namin.
“Ang aga mo ata? Kumain ka na ba?”
“Awit, sa harapan pa talaga namin nagkudkudan-aray!” Kurot ang natanggap ni Magnus sa akin. Loko talaga ‘to, nakakatakot kasama!
“Oh, Wenrry, nandiyan ka pala.” Tinanguan nung lalaki si Wenrry at nginitian naman siya neto.
“Pupunta sila kila Lyn. Pakisamahan na lang sa may pondohan.”
“Wazzap, Wazi!” Sigaw ni Magnus at tumalon sa likod nang lalaki nang ilapag ang dala nito.
“Teka- ang bigat mo-” Bago pa makagawa ng kagaguhan si Gago ay binuhat siya ni Wenrry sa kuwenyo nang damit at walang kahirap-hirap na nilagay sa balikat.
I couldn’t help but whistle. Dang, he’s fucking strong.
Tawa lang nang tawa si Magnus. Wazi - if that was his name gave a goodbye kiss muli kay Usop bago nagpaalam.
“Na’ko, ikaw yung pamangkin ni Chris, ano? Kumusta naman ang pananalagi rito?” Wazi asked habang naglalakad kami at sinusundan siya.
“Ayos lang, medjo nakaka-adjust na,” I said at tumango naman ito bago napadpad ang tingin sa katabi kong si Apen.
“Latest na camera ‘yan, ah… Photographer ka?”
Apen nodded at napahawak sa camera netong nakasukbit sa balikat. “Latest model ‘to, dude.”
Nagkaroon naman dun ng interest si Wazi kaya hinayaan ko silang mag-usap dalawa.
Pansin ko ang mga pagbati ng mga nadadaanan naming mga tao sa Bayan sa kasama namin, mostly ay tinatanong kung nasan si Usop o kumusta na.
That’s when I realized, homosexuality is very accepted here.
Napatango ako. That’s good, sa Manila ay pagtitinginan pa kayo ng mga matatanda, silently judging your relationship. It’s depressing.
“Wazi, ‘diba kapag lalaki sa lalaki sa tumbong pinapasukan?” Biglaang tanong ni Magnus na nakasakay na ngayon sa balikat ni Wenrry na parang bata.
Pare-parehas kaming napatingin sa kanya. Some of us are shocked, yung iba ay nandidiri.
Tumaas ang kilay ni Magnus, “Mga lokong ‘to, parang hindi lalake, ah?”
Eh, babae ka rin… nakakagulat talaga.
“Oo… pero huwag mo’kong tanungin sa gan’yan, tol. Virgin pa kami…” Ngiwing sagot ni Wazi.
Napatango naman si Magnus at sinabunutan si Wenrry para mapatingin sakanya. “Kaya, pre, dapat sa’yo ikaw yung tinitira. Sa laki ng kuntil mo sa gitang hita, hindi kakayanin, eh.”
Napapikit si Wenrry at napatakip ng mukha sa hiya.
Loko talaga, walang preno ang dila.
“He’s very…uhh…very…” Paninimula ni Apen.
“Siraulo,” pagpapatuloy namin ni Wazi kaya nadaan kami sa tawanan.
Nang makarating sa pondohan ay may tinawag si Wazi na Tricycle driver. “Owen, tara rito!”
“Yow, saan kayo- lah gago, ba’t may Tikbalang? Hindi kasya ‘yan sa tricycle ko, men. Sa bubong, oo.”
Natawa ako sa narinig.
“Sa Bulan, pre. Hahatid nila yung tropa kila Lyn,” Kwento ni Wazi na agad namang tinanguan ni Owen.
“Ganun ba? Tara, tara! Sakay! Ikaw.” Tumigil ‘to at humarap kay Wenrry na pabaling-baling ang tingin sa tricycle at sarili. “Sa bubong ka, pre… eh, kung ayaw mo, tumakbo ka na lang hehe.”
Natawa kami ni Wazi habang si Magnus ay nakasakay na sa likod. Kami naman ni Apen ay sa loob sumakay, kita ko pa na nangungunot ang noo niya, halatang naguguluhan sa pinagsasabi ng driver.
I saw Wenrry scratch the back of his neck at malungkot na nakatingin sa akin.
What’s with that look?
His shoulder slumped at tumalikod.
“Tatakbo ka na lang, pre? Sige, baka ma-flatan pa’ko sa’yo, eh.” Sumakay na si Owen.
He was about to drive away nang magpaalam akong bababa.
I looked over at Apen at ngumiti. “Sasamahan ko si Wenrry, magkita na lang tayo sa kabilang ibayo.”
Apen brow raise. “Tatakbo ka rin?”
I chuckled, “Sasakay sa tumatakbo.”
His eyes widened at akmang magsasalita pa kaso lumabas na ako at humabol kay Wenrry. Tumigil naman ito at gulat na napatingin sa akin.
“Hindi ka ba sasabay sa kanila?” Tanong neto. I shook my head at dumikit dito.
“Sa’yo na lang ako sasabay, mas mabilis ka naman.”
I saw his ears redden at tahimik na tumango. Tinungo namin ang masukal na gubat, nang malayo-layo ay dun na siya naghubad.
Nilihis ko ang tingin ko. Ilang segundo ay nagliwanag muli ang puwesto niya. Nang mawala ‘yon ay dun na ako tumingin.
Ang kayang ibabang parte ay muling naging kabayo. I blinked dahil suot pa rin niya ang t-shirt.
He smiled softly, “Sakay?” He lowered himself.
Kinuha ko yung short at boxer na hinubad niya saka tiniklop bago sumakay.
“Hawak nang maigi…” My hands automatically found their way to hug him at mabilis naman siyang tumakbo.
Medjo nasasanay na nga ako sa bilis niya. Kaya ko nang imulat ang mata ko nang hindi sumasakit ang mata.
Habang binabaybay namin ang gubat. Mga kalahating oras din ay nakita ko ang pigura ni Kolji. Kahit na mabilis ang takbo ni Wenrry ay hindi ako nagkakamali.
“Si Kolji ba ‘yon?” Bulalas kong tanong.
“Oo,” Sagot ni Wenrry. Dahil sa malapit ang mukha ko sa balikat niya ay narinig ko ‘yon. “Sa bandang Kanluran ang Bayan ng Bulan, malapit ang tirahan ni Kolji dito.”
I couldn’t help but look around. The atmosphere is starting to get chilly, even the smell of the air is getting salty.
°
”
Ang bilis ninyo naman?” Gulat na bungad sa amin ni Apen na kasunod si Magnus na sumisipol-sipol pa.
“Alangan, pre. Makipagkarera ka sa kabayo, tingnan natin kung hindi ka masipa niyan,” Tawa ng Bubwit.
Lumapit sa akin si Wenrry na ngayo’y anyong tao na.
Owen bid goodbye nang bayaran siya ni Apen.
“Magnus, Wenrry!” An energetic voice called out.
We turned around and saw a guy, wearing a white sando and black shorts habang may bitbit na shoulder bag.
“Ayan si Lyn, mga pre,” Pakilala ni Magnus nang akbayan ang kaibigan.
Tumango naman si Wenrry at ngumiti. “Masaya akong makita kang muli, kaibigan…”
Lyn smiled and looked at me and Apen, “Sila ba yung manunuluyan?”
I shook my head and pointed at Apen, “Siya lang.”
“Pamangkin ‘yan ni Chris, tol. Si Gabo.” When Magnus mentioned my status and name, Lyn’s expression changed, his face bimmed with delight as he approached me and gave me a hug.
“Ayos! Nakilala rin kita, angas ng pamilya mo, kilalang kilala ‘yan sa buong Isla!”
I smiled and nodded.
Bumaling naman siya kay Apen and started guiding him and introducing himself.
Tahimik ko namang binaybay ang paningin ko sa paligid. Kung ang Bayan ng Apol ay puno ng mga pananim, dito anman ay puno ng mga tindaha nang Isda. The road is wet, para siyang Palengke, mas malinis at maayos lang dahil organized ang lahat ng stalls.
I even saw some vehicles na nilalagay ang mga huli. Mukhang ipupunta sa bayan.
“Wala ata si Cloud, pre.” Rinig kong bigkas ni Magnus kaya napatingin ako sa kanya.
“Cloud?” I couldn’t help but ask.
Wenrry nodded. “Siya ang namamahala sa Bayan dito. Si Vida ang sa Apol, si Ulap sa Bulan. Habang si Grego naman ang namumuno sa lahat.”
Astig. Kahit na isolated ang Isla na aakalain mong nahuhuli na sa panahon ay mas maayos pa ang pamamalakad kaysa sa Gobyerno.
That’s… nice.
Inantay namin sila Apen sa labas. Pinakita kasi ni Lyn ang kuwarto neto na malapit sa tabing dagat.
Kitang-kita ko tuloy ang mga mangingisda na pumapalaot. They look so happy like those farmers…
I blinked when I realized something. “May sirena ba rito?”
Magnus who’s busy sa pagtatayo ng sand castle ay napatingin sa akin. “Oo, may Kataw at Shokoy din, bakit?”
My eyes widened in excitement, “Talaga?” Lumingon ako sa dagat, hoping to see a mermaid.
“Awit…” Rinig kong bulalas ni Magnus. “Mas gusto niya sa dalawa ang tite, pre. Ayaw niya sa malaki.”
“Dalawa?” Gulat kong tanong.
Wenrry na tahimik lang na nakaupo sa tabi ko ang sumagot, “Sabi-sabi lang na may dalawa silang ari… pero hindi pa kami nakakakita. Iba-iba kasi ang lahi at itsura nilang lahat…”
Magnus was grinning while looking at Wenrry. “Angas mo talaga, pre. Hindi selos- Gago ba’t mo sinipa?!” Inis na sigaw ni Magnus nang biglang sirain ni Wenrry ang gawa nito.
I just shook my head. Ang kukulit.
Ilang minuto pa ay lumabas na si Apen at pinasalamatan kami. “Dito na ako, salamat uli sainyo…”
“Gab,” Pakilala ko. “This is Magnus.”
“Langya ka talaga, pre. Sinira mo, patitirahin ko pa diyan yung mga alimango!”
“And that’s Wenrry.”
“Pasensya na… gumalaw bigla ang paa ko.”
Apen nodded at kinuha ang cellphone niya. We exchanged numbers. Dahil sa hindi ko dala phone ko ay binigay ko na lang sa kanya ang FB ko.
“Thanks again, Gab. We’ll meet again?”
Napangiti ako dun at tumango. I was about to leave when Apen stopped me at seryosong nakatitig sa kung saan.
“Bakit?” Tanong ko. Out of curiosity ay napalingon din ako. That’s when I saw Wenrry na buhat-buhat na ang dalawang batcha nang isda sa magkabilang braso, nakasunod dito si Magnus na may sako sa balikat at si…Kolji?
“Sino ‘yon? Do you know him? What’s his name?” Sabay-sabay niyang tanong.
“Si Kolji?” Taka kong tanong.
Apen looked excited, “Kolji? Yung mukhang taong gubat? His name is Kolji?”
Kahit naguguluhan at tumango ako. His grin widened kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiwi. “Bakit…?”
“He will be my muse!”
Ahhh…sabagay. nasa theme nga pala niya ang History Culture.
Lumapit kami sa tatlo at bigla na lang hinawakan ni Apen si Kolji sa kamay nang walang pansintabi. “You’re Kolji, right? I’m Apen, I need you!”
Kita ko ang pagkagulo sa mukha nang tatlo. Lalo na si Kolji na hindi mo alam kung iiyak o matatakot sa kaharap.
Funny, dahil kung sino pa ang matangkad sa kanila ay siya pa ang matatakutin. Lalo’t na halos dibdib lang ni Kolji si Apen.
“Ano raw…?” Rinig kong bulong ni Magnus.
Apen cleared his throat, “Kailangan kita, Kolji.” With his serious expression and tone ay para tuloy siyang nagco-confess.
“‘yun oh! Dapat pala kay Boy Duyan ka nagpapaturo kung paano umamin, Wenrry!”
Kolji face turns red. He was now panicking. “H-hindi,” Nauutal niyang bigkas. “Hindi pa ako handa!” He screamed and ran off.
Naiwan kaming apat na nakatangang nakatayo.
“Ayun lang… ayos lang ‘yan, pre! Reto na lang kita, gusto mo ba yung matangkad? May Kapre kaming kilala!”
°
Tahimik lang si Wenrry na naglalakd pauwi. I was eating an Apple. Wala si Magnus dahil binisita niya ang Kuya niya.
“Gab…” He called me softly kaya natigilan ako sa pagnguya.
“Yeah?”
Hindi siya tumigil sa paglalakad at nakatuon lang ang tingin sa daan.
“Gusto mo ba ang mga Sireno…?”
Napaisip naman ako. Do I like them? Kinda?
“Oo,” Tango kong sagot. I saw him stiffed at onti-onting bumagsak ang balikat niya kaya agad ko siyang sinilip.
“Bakit? Ayos ka lang?”
He nodded and place his hand on his chest. “Bigla lang kumirot ang dibdib ko… hindi ko alam kung bakit…”
I blinked. “Talaga?”
He nodded again kaya nanatili ang tingin ko sa kanya. “Gusto ko rin si Orlin,” I said
His expression worsen na akala mong buong mundo na ang sakay-sakay sa likod.
He let out a deepest sigh kaya mahina akong natawa. I don’t want to assume but he’s too obvious.
“Gusto ko rin si Magnus, Alistair, Owen, and Grego. Sino pa ba? Si Apen, Kolji, Lyn, Usop, and Wazi. Oh! And Shiella!” Sunod-sunod kong bigkas.
Napatingin siya sa akin at kita ko ang pangingilid nang luha neto. “Andami mo namang ginugusto…”
I chuckle, “Oo naman, ang bait kaya nila.”
He blinked and didn’t said anything. Binaling niyang muli ang tingin sa daan.
My smile never faltered as I watch him closely. Hinilig ko ang mukha ko sa balikat niya. Lumalalim na ang araw kaya nagsilabasan muli ang mga alitaptap na sumusunod sa amin.
“I like you too, Wenrry,” Bulong ko sa tenga nito.
Napatingin siya sa akin. “Ha?”
Hindi ko siya sinagot. I closed my eyes and drifted to sleep.
THE GOLDEN HAIR
chapter thirteen: Selos?
DISCLAIMER: To be absolutely clear, there are no pedophilic themes, encounters, relationships, or implications anywhere in this story. Any claims suggesting otherwise are false and stem from a misunderstanding or misinterpretation of the narrative. The story does not depict, promote, romanticize, or normalize pedophilia in any form.
THE GOLDEN HAIR
Gabrielle
Napangiwi ako habang pinapanood si Lolo na nagkakape habang hubad ang pang-itaas na damit.
Napansin naman niya agad ang pagtitig ko, “Oh, apo. May problema ba?”
I shook my head, “May iniisip lang po.”
“Lalim naman niyan.” Tawa niyang bigkas sabay higop muli sa iniinom. “Nabaybay mo na ba yung buong Isla?”
I shook my head. “Sa dalawang Bayan pa lang ho.”
Humigop uli si Lolo bago ngumiti. “Gusto mong igala kita? Mabilis lang naman ‘yon, sakay ka sa’kin.”
Napangiwi ako. Ang sabi sa akin ni Tito ay ang mga Aswag like Lolo that can shape shift into different beasts like; Dog, cat, birds, pigs, and even a monsterous-like form.
Parang mas gugustuhin ko na lang sumakay kay Wenrry…
“Ok na po ako. kay Wenrry na lang ako magpapagala.” Dahil sa sinabi ko ay gumuhut ang saya sa mukha ni Lolo Devim.
Damn, calling him Lolo still bothers me.
“Malapit ka na ba kay Wenrry? Mabuti ‘yan, mabait na bata ‘yon.”
I nodded. “Mabait nga ho,” pagsang-ayon ko kaya mas lalong lumaki ang ngiti sa labi niya.
“Lolo,” Tawag ko. He sip on his coffee, waiting for my next words. “Anong feeling nang umibig?”
“Umibig ba kamo?” Nilagay niya ang tasa sa lamesa. Nasa labas kami ngayon at nakaupo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy.
“Masarap,” Mabilis niyang sagot.
“Masarap?”
He nodded, “Sobrang sarap. Yung kilig, saya, tapos yung pakiramdam na gumigising kang may kasama…” Ngiti niyang kwento.
“Mahal ninyo po talaga si Lola, ano?”
He chuckled lightly at tumabi sa akin. Kumapara sa upo kong naka de kwatro ay pang kanto na ata yung kay Lolo.
“Aba’y oo naman! Hindi ko nilangoy ang Isla na ‘to papunta sa kabilang Isla nang tatlong ulit kung hindi ko mahal ang lola mo. Wala akong kinakatakutan, totoo ‘yan, kahit pa harapin ko pa ang pinaka makapangyarihang nilalang ay handa ko ‘yang kalabanin. Perk yung takot ko sa Lola mo? Aba, daig ko pa ang tuta na bagong silang,” Natatawa noyang kwento kaya pati ako natawa.
“Nilangoy mo talaga yung dalawang Isla?” I asked in disbelief.
He smirked. “Yung Tito kasi ng Lola Sonya mo ay walang tiwala sa akin, aswang kasi. Panahon namin noon ay kapag aswang ka, kamumuhian ka.”
I nodded, processing his story.
“Kaya naman inutusan niya akong languyin yung dalawang Islang magkabilaan. Halos sumuka ako ng dugo sa pagod, hindi kasi pupuwedeng mag-ibang anyo ako. Kaya sa stamina at lakas ako bumawi. Muntik pa nga akong malunod, kung hindi lang ako tinulungan ng mga kaibigan kong Shokoy, patay na’ko nun.”
His story was fascinating so I kept on listening.
“Paano kayo nagkakilala ni Lola?”
He smiled softly. “Kaibigan ko ang tatay ni Sonya… maliban sa kakambal ko ay ang tatay niya ang parang kapatid ko. Parehong silang namatay sa parehong araw… pinagkaloob sa akin ang kapakanan ng lola mo”
Kumunot ang noo ko sa narinig. What?
His faint smile never left his lips. “Prino-protektahan ko Lola mo sa malayo dahil mahalaga sa amin ang mga pangako. Ang plano ko lang noon ay hindi magpapakita at mananatiling nakatago. Kaso, dumating sa punto na kailangan kong umalis sa puwesto para iligtas ang Lola mo.”
He continued, “Simula non ay pinipilit niya akong hanapin ng ilang taon. Kahit na kaya niyang protektahan ang sarili ay dinadala pa rin niya sa kapahamakan ang kalagayan kaya wala naman akong nagagawa kundi ang magpakita nang magpakita.”
Dun na’ko kumalma. Good, akala ko si Lolo ang unang nagkagusto.
“Ginusto mo ba pabalik, ‘lo?”
He shook his head, “Nung una, hindi. Ayoko. Iniisip kong masyado na akong matanda para sa Lola mo, Isang daang taon na ako non, lagpas pa nga kung susumahin. Hindi ko na rin iniisip ang gan’yang bagay dahil matagal na akong sumuko sa buhay nang mawala ang pamilya ko.” He smiled bitterly and looked at the sky. “Pero wala, nahulog din ako… binigyan ako ng Lola mo ng pangalawang pagkakataon para mabuhay.”
I smiled when I heard that pero nawala rin nang ma-realize ko ang isang bagay.
“Pero… hindi po immortal si Lola, hindi ba?”
I saw a glimpse of sadness in his eyes kaya agad akong kinutuban. “Alam mo, apo,” mahinahon niyang sabi, “sa aming mga nilalang na mahaba ang buhay, sa oras na umibig kami sa isang tao, alam na namin ang kapalit at ang sakripisyong kaakibat non.
I remain silent. He let out a sigh and a smile from his lips once again.
“Ang kamatayan… walang sinumang tunay na nakakatakas diyan. Kahit kaming may mahabang buhay ay may hangganan din. Pero…” Yumuko siya sandali, saka muling nag-angat ng tingin. Naroon pa rin ang banayad na ngiti sa kanyang mga labi. “Kung dumating man ang araw na pinakakinatatakutan ko… handa akong samahan at yakapin ang huling hantungan.”
He looked at me. “Hindi ako takot na mamatay, apo. Takot ako na maiwan n lola mo… kaya pinangako ko sa pamilya ko na kapag kinuha sa akin si Sonya ay sasama ako.”
Nakaramdam ako nang kirot pero hindi ko ‘yon pinakita. I understand and respect his decision. I just never saw it coming, how devoted my grandfather is.
It’s so rare na makakilala at makahanap nang tao na ganito.
A smile formed my lips. I’m happy that they are my Grandparents.
“Hindi kasi ako kasing lakas nila Wen. Tao rin ang mga asawa noon. Nakakaya pa rin nilang mamuhay kahit na wala na sila, si Magnetto nga ay nakapag-asawa pang muli. Hindi ko kaya ‘yon,” Iling niyang ani.
May mga taong nagmamahal sa pamamagitan ng pagpapaalam. May mga taong pinipiling magpatuloy kahit na naiwan sila. At mayroon ding mga tulad ni Lolo, na ang puso ay minsan lang talaga pumili-at kapag nangyari iyon, wala nang ibang taong kayang pumalit.
Wala namang tama o mali.
Love simply takes on different forms, depending on the person who carries it.
Napabuntong-hininga ako.
Hindi ko kailanman naintindihan ang sarili kong damdamin.
They were always a tangled mess-hard to name, harder to explain. Sa tuwing akala kong naiintindihan ko na ang nararamdaman ko, bigla na lang itong magbabago bago ko pa tuluyang maunawaan.
Maybe that’s why I admired them so much.
Habang sila, sigurado sa pagmamahal nila sa isa’t isa…
Ako, hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang sinasabi ng sarili kong puso.
“Eh, bakit mo pala natanong?” Biglang singit ni Lolo at nginitian ko na lang siya.
“Gusto ko lang pong malaman.”
“Aysus! In love ka, ano?! Ikaw ha, sino ‘yan? Si Wenrry ba?” Imbis na sumagot ay tumawa na lang ako.
Chismoso rin talaga ‘tong matandang ‘to!
°
“Isa pa!” Sigaw ni Magnus na ngayo’y anyong duwende at mukhang babae dahil sa tinis lalo nang boses.
Mabilis naman siyang hinila ni Alistair gamit ang lubid na nakatali sa gulong kung saan nakasakay si Magnus.
“Aga ninyo naman?” Taka kong tanong.
Tumigil naman si Alistair sa paghila ay ngiting lumapit sa akin.
I smiled and brushed my palm on his purr. He rubbed his head on me habang nakalabas pa ang dila.
Magnus looked pissed nang iwanan siya nang kalaro. “Ano ba ‘yan, naglalaro kami rito tapos eepal ka?!”
Sinamaan ko siya nang tingin. “Asan si Tito?”
“Awooooooo!”
Magnus slumped sa Gulong at ginawang salbabida. “Kausap si Kolji, tinakot ni Boy Duyan.”
“Boy Duyan? Si Apen?”
Tumango ito, “Ang loko kung ano-ano binibigay kay Kolji, akala tuloy nung isa gusto ni gago magpakasal.”
I sighed at natampal ang sariling noo. This will be chaotic. Two days pa lang ang nakakaraan ay gan’yan. na agad.
I heard a horse stomps kaya I instinctively turned my head and saw Wenrry na may bitbit uling basket na panay mansanas.
He love apple so much…
He approached me and smiled. “Magandang umaga… kumain ka na?” He gave me an apple na agad kong tinanggap.
“Salamat.”
“Salamat,” Panggagaya ni Magnus sa akin kaya sinamaan ko siya nang tingin.
Maya-maya ay dumating na si Tito at may listahan. Mukhang may ipapagawa nanaman sa amin.
“Oh, pakibigay kay Manang Deisel. Komadrona ‘yon dito, pasabi na eto yung nga kailangan para sa mga gamot.” I took it and nodded.
(
Komadrona
: Midwife.)
Kami na ang nagiging mailmen ni Tito simula noon.
Nasabi ko rin sa kanila ang plano ko magbusiness, kaso hindi ko pa alam kung anong pwedeng sorce of income ang gagawin ko.
Tumingin ako kay Wenrry at tumango naman siya. He lowered himself at sumakay naman ako, habang si Magmus ay lumitaw sa balikat ko.
Napatingin ako sa shoulder bag niyang maliit na gawa sa pinatuyong dahon. It was the one I made… Lola taught me a few things about weaving.
(Other terms in different regions:
paghahabi
|Tagalog.
Paglara
|
Waray
.
Rara
|
Aklan
)
It’s not perfect, just made it para sa damit niya in case he’s shifting into his human form.
°
Nang makarating kami malapit sa Bayan ay binaba na ako ni Wenrry. He shifted into his human form. I just got used to him getting naked sa harap ko kaya hindi na ako naglilihis nang tingin.
Nang maisuot ang damit neto ay nakita ko si Magnus na ngayo’y anyong tao na rin at babae ang anyo.
I let out a sigh of relief when she’s wearing a bra and a pair of shorts and sando. They’re learning.
Unlike Wenrry who doesn’t have any abilities like Magnus who has a lot of tricks. Magnus can flick her fingers and her clothes can instantly appears in tin air, unlike Wenrry who need to physically bring his things.
“Tara na, gutom na’ko,” Maangas na ani ni Magnus habang hinihiman ang tiyan.
I shook my head at sabay-sabay na namin tinungo ang pupuntahan.
“May mga Komadrona pala rito?” I asked at si Wenrry ang tumango.
“Sila at ang mga albularyo sa Isla ang mga manggagamot na mayroon kami. Isama mo na ang pamilya mo at si Chris na Babayalan.”
Right, Babaylan din si Lola. But unlike Tito na nasa mataas na posisyon na. Balita ko kasi ay nang manganak si Lola Sonya ay tinuon niya ang atensyon sa pamilya.
Rinig kong tumawa si Magnus, “Ingat ka sa namumuno sa mga Komadrona rito, dragon ‘yon.”
Magtatanong pa sana ako nang biglang malakas na mura ang umalingawngaw na kahit mga natutulog na ibon sa mga puno ay nagsiliparan.
“Aba’y punyeta ka talagang bata ka, ilang beses na akong nag-utos, mamaya ka nang mamaya!!!” Kasabay nung ang batang lalaki na tumakbo palabas nang isang bahay.
“Ma naman, pasensya na po!” Iyak neto. Nang makita kami ay mabilis siyang lumapit kay Magnus at nagtago sa likod.
Ohhh, isa ‘to sa bata na nakalaro ni Magnus sa Chinese Garter.
“Ate Magna, si mama, dragon nanaman!” Sumbong niya sa kaibigan namin kaya hindi ko napigilang hindi matawa.
Magna amputek…
“Awit, luge tayo sa nanay mo, Bugoy. May hanger na dala.”
I looked up and saw a woman who looked like her 50s na naka duster at hair cutlers, may kagat-kagat pa ‘tong sigarilyo habang sama nang titig sa bata.
“Halika rito, ako talaga’y ginagalit mong bata ka!”
Bago pa neto marating ang puwesto nila Magnus ay nagsalita na ako. “Excuse me po… pinapabigay po pala ni Tito.”
She looked at me. I almost jumped dahil sa takot.
“Aba, sino ka?”
I scratched my nape, “Gabrielle po… pamangkin ni Chris. Anak po ako ni Nancy at Emilio.”
I saw the changes on her face at napatingin sa akin nang kabuuan. “Aba… ang laki mo na. Ikaw na ba talaga ‘yan, Gabo?”
Napangiwi akong tumango uli.
The joy on her face instantly appears at agad akong niyakap. “Juskong bata ka, ang laki mong ka’y gwapo! Ako ang nagpaanak sa nanay mo nang isilang ka!”
“Ganun po ba-”
“Kailan ka pa nakarating dito? May nobya ka na ba? Nasan ang mama mo? Magkwento ka naman!”
Napatingin ako kay Wenrry oara humingi nang tulong. Agad naman niya ‘yon naintindihan at lumapit sa amin. “Manang… yung sa hinihingi po ni Chris…”
“Ay oo nga pala, siya, teka lang ha?” Kinuha niya yung listahan at bumalik sa bahay.
I looked at Wenrry thankfully at nginitian naman niya ako.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas muli si Manang Deisel na may dalang bayong na puno ng iba’t ibang pinatuyong dahon, ugat, bote, at maliliit na sisidlang gawa sa luwad.
“Ingat sa pagdadala nito ha,” aniya habang inaabot sa akin ang bayong.
Bago ko pa mahawakan ay nauna nang kunin iyon ni Wenrry. “Ako na.”
Napatingin ako sa kaniya, “Kaya ko naman.”
“Alam ko…”
Hindi na ako nakipagtalo. Sa totoo lang… gusto ko rin namang magpabuhat.
Nagulat ako nang maglabas si Magnus nang isang bato na kulay dilaw at ibinigay sa matanda. Hindi pa sana ‘to tatanggapin ni Manang pero mapilit talaga si Magnus, kahit si Wenrry.
°
“Ano yung bato?” Bulong ko kay Magnus nang naglalakad na kami palayo.
“Ha? Ginto, boi.” Nanlaki mata ko sa sinabi niya.
“Ginto?!” Gulat kong tanong.
Magnus nodded. “Maliit lang naman ‘yon, dami pa ako sa bahay.”
I looked at him in disbelief. What the fuck? He’s rich as fuck!
“Gusto mo rin ba…? Marami rin ako…” Singit ni Wenrry kaya napabaling ang tingin ko sa kanya.
“May ginto ka rin?” Hindi makapaniwala kong tanong.
I heard Magnus snorted, “Ginagawa lang ‘yang alahas, halos lahi ni Orlin nga lang ang mahilig mag-ipon nang gan’yan sa mundo namin. Nung nalaman naming pwede pa lang maging pera sa mundo ninyo, edi ayun yung pinambabayad namin.”
I blinked. That’s why everyone here lives comfortably. They’re not only rich sa pananim at Isda. They’re Rich in everything!
“Paano ba sistema rito sa Isla?”
Si Wenrry ang sumagot. “May mga namumuno sa kani-kanilang gawain dito,” panimula niya. “Halimbawa, si Shiella ang namamahala sa pag-aayos ng mga kagamitang ikakalakal sa ibang lupain. Sina Usop at Lyn naman ang nangangasiwa sa mga tuluyan ng mga bisita. Ganiyan din ang iba. Sa tatlong pangunahing pook-ang Bulan, Apol, at ang Kapital na Bayan, kung saan tayo ngayon-may kanya-kanya silang tungkulin para umikot ang buong isla.”
Tumango siya bago ipinagpatuloy ang paliwanag.
“Ang Bulan ang namamahala sa lahat ng yamang-dagat-iba’t ibang uri ng isda, perlas, mga alahas at palamuting yari sa kabibe, pati na rin ang mga kagamitang ginagamit sa pangingisda. Samantalang ang Apol ang nakatuon sa agrikultura at paghahayupan. Doon nanggagaling ang mga ani, karne, katad, at iba pang produktong panlupa.”
(
Katad
: Animal Hides/
Balat
)
Itinuro niya ang paligid. “Ang Kapital na Bayan naman ang sentro ng kalakalan. Dito iniipon, inaayos, at ibinebenta ang mga produkto sa mga bumibisitang mangangalakal. Kapag may dumaong na barko, dito rin ipinapamahagi ang mga kailangan ng bawat pook sa isla.”
Napakunot-noo ako.
“Then… para saan ang perang pinapaikot ninyo? Mukha namang puro kalakalan lang ang umiikot sa isla.”
Iyon din ang matagal ko nang napapansin. Kadalasan, hindi na ako pinagbabayad ng mga tao kapag nalalaman nilang pamangkin ako ni Tito Chris. Kung maningil man sila, napakaliit lang ng halaga.
Napangiti nang bahagya si Wenrry.
“Ang perang iyon ang nililikom ni Grego para sa mga bagay na hindi namin kayang likhain sa sarili naming kakayahan-kuryente, gasul, gamot, at iba pang kailangang bilhin sa labas. Kasama na rin doon ang pagpapanatili ng proteksyon ng isla mula sa pamahalaan ng mga tao.”
Napakurap ako. Proteksyon? Bakit pa? Nakatago na nga ang isla, at hindi naman nauubusan ng makapangyarihang nilalang na kayang magbantay rito.
Parang nabasa ni Wenrry ang laman ng isip ko kaya agad siyang nagsalita.
“May organisasyong kinabibilangan si Grego,” mahinahon niyang paliwanag. “Sila ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng aming mundo at ng sa inyo. Sa pamamagitan nila, nakakapasok at nakakabili kami ng mga kagamitang hindi namin kayang gawin dito, at sila rin ang tumitiyak na mananatiling lihim ang kinaroroonan ng isla.”
Saglit siyang tumingin sa malayo. “May mahigpit kaming mga tuntunin. Hindi kami maaaring basta manghimasok sa buhay ng mga tao, at lalong hindi kami maaaring manakit ng walang sapat na dahilan. Kapalit ng pagsunod namin sa mga batas na iyon ay ang pagpapanatili ng kapayapaan sa pagitan ng dalawang mundo.”
Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy, “Hindi perpekto ang sistema namin. Marami pa kaming kakulangan, lalo na sa medisina at edukasyon. Marami sa mga bata rito ang walang pagkakataong matuto ng mga kaalamang karaniwan na sa labas, at marami ring sakit ang hindi namin kayang gamutin gamit lamang ang tradisyunal naming paraan.”
Sandali siyang natahimik bago ngumiti.
“Kaya unti-unti nang naghahanap si Grego ng mga taong mapagkakatiwalaan-mga doktor, guro, at iba pang maaaring tumulong sa isla nang hindi inilalagay sa panganib ang lihim namin. Hindi para baguhin ang aming pamumuhay… kundi para mas mapabuti ito.”
Whoa… Now I understand why Tito Chris was so busy these past few days.
“Hello.” Natigilan kaming tatlo nang may lumapit na grupo ng kababaihan.
They started flocking over Wenrry. Kita kong nagulat pa siya at napatingin sa amin oara humingi ng tulong.
“English?” Tanong nang isa. They’re all foreigners na mukhang galing pang ibang bansa.
Hindi sumagot si Wenrry kaya nagsalitang muli yung babae. “You have phone? Number? Phone number?”
Napangiwi ako. Hindi ko naman masisisi… Gwapo talaga si Wenrry kaya hindi na nakakagulat na may magkakagusto rito.
Bigla tuloy akong hindu mapakali…
I watched him panicked at tingin nang tingin sa akin. Some of the girls even started taking pictures with him taas kilay akong lumapit.
“Excuse me,” Singit ko at nakuha ko anman ang atensyon nila. “He’s not comfortable, can you please let go?”
Those girls quickly withdrawn their hands at agad kong hinawakan ang braso ni Wenrry at nilayo sa kanila.
“Are they brothers?”
“Gosh, I thought he’s also a foreigner. He’s blonde so probably they aren’t”
“Must be boyfriends.”
“Right, I heard this place accept homo relationships.”
“Really?!”
Nakalayo kaming dalawa ni Wenrry at hindi ko pa rin binibitawan ang braso niya. “Ayos ka lang?” Tanong ko at tumango naman ito.
“Nagulat ako, akala ko ay nagagalit sila sa akin, hindi ko maintindihan mga pinagsasabi nila.”
I can’t help but chuckle. He’s pale and still in shock kaya naman tinapik ko ang likod neto para mapakalma.
“No, reject, reject. Single, me, but no mingle, okay? Understand? You?” Rinig kong ani ni Magnus habang kausap ang mga kalalakihan na ngayo’y nakapalibot sakanya.
“Oh, you’re not interested?”
“Yes, yes! No interested! Mas malaki pa titi ko sa’yo, kaya layas!” Sabay mataray na naglakad palapit sa amin.
“Ayos ka lang?” Tanong ko rito.
Nagpapadyak-padyak naman si Magnus na naglakad palayo, “Tara na nga, lintek na ‘yan. Nasa pilipinas tapos hindi marunong mag Tagalog, pahirap sa buhay ko!”
Natawa ako pero sumunod din. Hindi ko inalis ang pagkakahawak ko kay Wenrry.
Para na rin walang lumapit sa kanya. Baka mamaya mas lalong matakot eh…
THE GOLDEN HAIR
chapter fourteen: Karenderya
THE GOLDEN HAIR
Gabrielle
“PONYETAAAAAAAA!!” Sabay kaming napaupo ni Alistair nang biglang sumigaw si Magnus.
He was panting habang naka higa sa shoe box na ginawa naming kama para sa kanya.
“Gago, ang aga-aga! Anong trip mo sa buhay?!’ inis kong hingal. Sumakit tuloy ulo ko.
Alistair whimpers as he covered his eyes with his paws.
“Tangina, pre! Nanaginip ako, sinakop daw ako ng kano na nasa Bayan,” Takot netong sumbong.
Natanga naman ako sa kupal at napahilot sa sintido. Mas kupal pa ‘to kay Preston.
Matutulog na sana ako nang marinig ko ang boses ni Apen. “Gabrielle? Gising ka na ba?”
Kahit na pagod at antok dahil sa pagsasalo kagabi, nakahuli kasi ng malaking Isda si Lolo kaya naman agad ‘yong niluto ni Lola. Wala naman akong nagawa kundi ang tumayo at pagbuksan ng pinto ang kaibigan namin.
I saw Apen na nakapambihis at may dalang bag, behind him was Kolji na akala mong pinagsakluban ng langit at lupa sa problema.
“May problema ba?” Tanong ko.
Apen narrowed his eyes, “I’m leaving, bruh. It’s the 10th day.”
Nanlaki ang mata ko and looked at the calendar hanging on the wall. “Talaga?! Shit, tatawagin ko lang sila Magnus!”
Hindi pa ako nakakasigaw ay lumabas na agad nang kuwarto si Alistair habang sakay-sakay ang natutulog na si Magnus.
Apen looked contemplated pero wala siyang sinasabi. Nung isang araw lang niya nalaman yung tungkol kila Wenrry and hindi ko ine-expect na he’s so nonchalant about it…
Unlike me na naihi pa sa pantalon.
I told Apen to wait sa sala at inuna ko na ang paliligo. Nang matapos ay sabay-sabay kaming lumabas.
Nasaktuhan ko si Tito na nakahiga sa upuan ng kanyang tricycle. Nang makita kami neto ay agad siyang umayos, “Sakay na, buti na lang ay marami kayo. Kailangan ko nang kamay sa mga buhatin.”
Akmang sasakay kami ni Apen sa loob nang unahan ako ni Magnus na anyong tao na ngayon.
Maangas niya akong tinanguan, “Ayun yung sakay mo, oh.”
I looked behind me and saw Wenrry na kakarating lang. Mabilis naman akong lumapit. “Magandang umaga,” Nakangiting bati neto.
He lowered himself kaya mabilis akong sumakay.
Nang tingnan ko ang puwesto nila Tito ay ngiwi ako sa nakita.
Si Magnus at Apen ang nasa loob habang si Alistair ay nasa likod ni Tito at Kolji na nakaupo sa bubong.
Hindi ba bibigay yung bubong sa laki ni Kolji…?
“Kapit…” Malumalay niyang paalala kaya agad kong pinulupot ang mga kamay ko sa bewang niya.
Rinig ko ang busina ni Tito. “Hoy, Wenrry! Kapag ‘yang pamangkin ko hinulog mo, ikukulong kita sa kwadra!”
(
K
wadra
: stable for horses or cattle)
Tumawa lang kami at nagsimula nang tumakbo si Wenrry kasunod si Tito.
°
“Kapitan,” Bati ni Tito kay Kapitan nang makarating kaming lahat sa daungan.
Tumigil ito sa pakikipag-usap sa kaharap at napatingin sa amin. “Kayo pala,” Ngiti niyang ani sabay tinuro ang malalaking kahon at bilao.
“Ayun pala yung mga pinapakuha mo. Isama mo na rin yung ibibigay ni Shiella, naka lista ‘yon, mga kagamitan na magagamit ninyo, pasasalamat na rin sa supply ng gamot,” Dagdag niya.
Lumiwanag naman ang mukha ni Tito at nagpasalamat bago inutusan sila Wenrry na magbuhat. Makikitulong na sana kami ni Apen but Tito stopped us.
“Huwag na, mapagod pa kayo. Tumingin ka na lang dun nang gusto mong kuhanin, Gabo. Baka may matipuhan ka, sabihin mo na lang. Ikaw naman, Apen, huwag mo nang pagurin sarili mo, may biyahe ka pa.”
I saw Kolji stop mid-walking kaya napatingin ako sa kanya. He looked conflicted and devastated.
Napatingin naman ako kay Apen na kalmadong tumango.
Alistair who’s still a dog was smiling while his tongue is out. Sinamaan naman siya nang tingin ni Magnus. “Daya… hindi tumutulong, gawin kitang adobo d’yan.”
“Arf!”
Nang naramdaman ang pares ng mga matang nakatitig sa akin ay dumako ang mata ko ron. I saw the same guy who’s lurking and stalking Grego nung umalis ‘to.
Medjo kinabahan ako at mas dumikit kay Apen. Apen looked at me na naka taas ang kilay, “Bakit?”
“Wala…” Mahina kong bulong.
Grego was laughing while talking to Tito, telling some things about sa transaction and the goods he bought, how his ‘boss’ was pleased by the medical herbs Tito had prepared.
Ilan ring mga lalaki sa isla ang naghahakot nang gamit pababa ng barko. Habang may mga bagong turistang naka sunod dito.
I looked over at Apen. “Aalis ka na talaga?” Malungkot kong tanong.
Bukod kasi kila Magnus ay si Apen ang nakakasalamuha ko these past few days. It’s good to have someone na nakakaintindi sa akin.
“Alangan, cho. Baka gusto mong ma-ban ako sa lugar ninyo kapag hindi ako umalis.”
Napangiwi ako don. “Ayos lang ‘yan… mukha ka namang illegal.”
He glared at me kaya mahina akong natawa. Nakukuha ko na tuloy pananalita ni Magnus.
“Babalik naman ako,” He uttered at lihim na tumingin sa gawi nila Kolji. “Nangako ako na babalik, baka umiyak pa ‘yan kapag hindi.”
I laughed. Iba na talaga ang bonding nila. Sila halos ang magkasama buong sampung araw na nandito si Apen.
“Nakuha mo naman ba inspirasyon mo?” Silip ko sa kanya.
He nodded, clutching his camera. “I… got it.”
Tinungo namin ang puwesto ni Shiella who’s busy giving orders sa mga kargador.
“Magandang umaga,” Bati ko.
She looked at us and smiled, “Magandang umaga sainyo, nandito ba kayo para tumingin? Piliin ninyo lang ang gusto ninyo diyan. Mamaya kasi ay ipapamahagi na ‘yan sa mga kababayan.”
I looked over, ganun na rin si Apen. Purong equipment lang at mga gamit na galing labas. I browse the whole pile nang tumigil ang paningin ko sa brand new na lutuan, whole package na siya dahil may mga kaldero, sandok, platito, kutsara, at iba pang pangkusina.
But my eyes shimmer when I saw a whole ass oven. Agad kong tinuro ‘yon kay Shiella, “Can I have this?”
Shiella looked pleased and nodded. “Oo naman. Kunin mo lang ang gusto mo.” She wrote something on her board bago tinawag si Tito Chris.
“Isasama ko ‘tong mga pinili ni Gabo sa records ninyo, ha?”
Tumango naman si Tito at lumapit sa akin. “Magluluto ka?”
“Magtatayo ho ako ng karenderya at bakery, pansin ko kasing wala gaanong kainan sa Isla.”
Tito grinned at tumango-tango habang hinihimas ang baba. “Ganda nang Idea mo, ah… saan mo ipu-puwesto business mo?”
Napaisip naman ako. “Hindi ko pa po alam. Iisipin ko na lang ho siguro mamaya.”
Before we could even talk further ay lumapit sa amin si Magnus na pawisan. “Luge, kulang kami ng kamay! Hindi namin madadala buong gamit ninyo sa bahay, hindi rin kakayanin isalampak ‘yon lahat kahit isa-isahin natin sa tricycle at kolong-kolong, masyadong malayo. Baka masira pa sasakyan bago natin mailipat lahat nang ‘yon.”
Napatingin naman ako kila Wenrry na mukhang nag-aalala kung kakayanin ba ng tricycle.
Kamot batok naman si Tito Chris. “Hindi rin tayo makakaheram at makakahingi nang tulong sa mga kababayan. Daungan kasi ngayon, maraming turista at gamit na kailangan asikasuhin.”
Grego intervene habang nakasunod pa rin yung lalaki sa kanya. “May problema ba?”
“Ah… Mahihirapan lang ho kasi kami sa pagdadala nang mga gamit,” Sagot ko.
Lumaki ang ngiti ng Kapitan. “Buti na lang may nakita ako, isinama ko nga at baka nami-miss ninyo na.”
We were about to ask who is it nang may pamilyar na boses kaming narinig.
“Yooooooo, mga panget!!” Sabay-sabay kaming napalingon. That’s when we saw Rozswelto and a big fucking hairy giant behind him…
Apen beside me was stunned at bahagyang napa-atras sa gulat, kahit ako. Tanginang laki niyan, higante amputek!
Magnus, Kolji, and Alistair started screaming and barking at mabilis na tumakbo patungo sa dalawa. Rozs hands were wide open, handa nang yakapin ang mga kaibigan kaso nilagpasan lang siya neto ay tumalon sa higante sa likod niya.
“GIANNNN PAREKOYYYYY!”
“ARF! ARF! ARF! ARR!”
“KAIBIGAN!”
Wenrry and Tito na kalmado ay lumapit din. Kahit nalilito kami ni Apen ay wala kaming nagawa kundi ang lumapit.
Tinapik ni Tito si Rozs na dismayadong nakatitig sa tatlo bago nilapitan din ang bagong mukha. While Wenrry on the other hand greeted him.
“Pre, kumusta sa Manila?! Ang laki mo na, kilala mo pa ba ako?!” Sunod-sunod na bulalas ni Magnus.
Parang bata si Magnus na buhat-buhat nung Gian sa bisig, habang si Alistair ay nasa kabila at si Kolji na naka pulupot sa likod neto.
Kahit si Wenrry na malaking nilalang ay naka angat ang tingin sa kaharap. “Magandang umaga, kaibigan. Kumusta ka na?”
Gian looked at them bago tumango. “Hello.”
“Whoa!” Madramang sigaw ni Magnus, “Nag Manila lang nag english na! Isa pa nga, pre!”
“Hindi ninyo man lang ako babatiin?” Singit ni Rozs pero walang pumansin sa kanya.
Tito chuckled at nilapit kaming dalwa ni Apen, “Si Gabo nga pala, pamangkin ko. Si Apen, torista sa Isla, babalik na rin siya ngayon.”
Kolji na kaninang naka kapit ay ngayo’y bumaba at tahimik na tumabi kay Apen. Apen looked up at him bago tumingin muli kay Gian.
I saw fear on Kolji’s face. Bago pa tumaas ang kilay ko ay hinawakan na ni Kolji ang kamay nang katabi bago hinatak sa malayo.
“Hoy-teka!”
“Tol, baka namang pwede kaming makahingi nang tulong sa pagbubuhat?” Ani ni Tito at tahimik namang tumango si Gian bago nilapitan ang tinuro ni Magnus.
He looked so timid.
He’s hairy and beardish. Kulot ang kulay itim niyang buhok habang ang kutis ay may ka-itiman. Aside from his height, he’s plumpy. It’s very rare for me na makakita nang kagaya niya.
Is he a foreigner? But… kilala niya sila Magnus. Maybe isa sa kanila?
I blinked. “Kapre ba siya?” Bulong ko kay Wenrry na katabi ko na pala kanina pa.
Tumango siya at ngumiti. “Gianciao ang kanyang pangalan… Gian kung aming tawagin. Siya ang kilalang pinaka maliit na kapre rito sa Isla.”
Nanlaki mata ko. Maliit pa ba ‘yan?!
We saw Kolji who’s now crying habang kausap si Apen. Looks like na aalis na siya.
“Tumigil ka nga, para kang bata,” Suway ni Apen but Kolji cried even more.
Nagkakamot pa ng ulo si Apen habang pilit inaalis ang kamay ni Kolji na mahigpit na nakakapit sa laylayan ng suot niyang jacket.
“Tama na, tahan na.”
“Hindi…” garalgal niyang sabi. “Ayaw.”
Napabuntong-hininga si Apen. “Babalik nga kasi ako…”
Umiling si Kolji, “Hindi.”
“Babalik ako.”
“Sinungaling…”
Napakamot ako sa batok. “Ano ba’ng problema?”
Tahimik lang si Kolji. Nakayuko, pero hindi bumibitaw. Lumapit si Wenrry at marahang tinapik ang balikat nito. “Kolji.”
Doon lang siya nagsalita, ”…Kapag umaalis kasi ang tao… hindi na sila bumabalik.”
Natahimik kaming lahat.
Oh… he’s traumatized. Poor guy.
Apen sighed at may kinuha sa bag. He takes out scissors. Walang sabi-sabi niyang hinawakan ang dulo ng mahaba niyang nakapulupot na tirintas, saka ito ginupit.
Bumagsak ang putol na tirintas sa kanyang palad. Itinaas niya iyon sa harap ni Kolji.
Natigilan si Kolji. Nanlaki ang mga mata habang nakatitig sa pinutol na buhok.
“Sa amin,” mahinahon na sabi ni Apen, “ang pagputol ng buhok ay hindi basta-bastang ginagawa.”
Inilahad niya ang tirintas sa harap ni Kolji. “Ito ang aking panata.”
Huminga siya nang malalim bago ngumiti nang bahagya.
“I pledge to come back.”
“Dahil kapag hindi ko tinupad ang pangakong ito… mawawala sa akin ang karapatang pahabain muli ang buhok na isinumpa ko.”
Mahigpit na napatitig si Kolji sa buhok sa palad ni Apen.
Unti-unti, kumalas ang pagkakahawak niya sa laylayan ng jacket nito.
”…Talaga?”
“Talaga.”
“Sigurado?”
Ngumiti si Apen. “Hindi ko sisirain ang panatang ginawa ko.”
As Apen said his goodbye to us at sumakay na ay dun uli umiyak si Kolji, si Wenrry naman ang nagpatahan sa kanya habang tumabi sa akin si Magnus.
“Lintik na pag-ibig ba naman,” Komento nito habang nailing.
Tumaas ang kilay ko. “Paano mo naman nasabi na pag-ibig ‘yon? Naramdaman mo na ba?”
Magnus snorted, “Alangan, mahal ko kayo, ano. Sakanila lang ay iba na-”
“Ang layo ng sagot-”
“Hahalik ka ba ng kaibigan?” Natigilan ako sa sinabi niya.
A triumphant smirk escape his lips. “Nako, may plano.”
Tinaasan ko siya nang kilay. “Pinagsasabi mo?’
Imbis na sagutin ay humagikgik lang ang kupal. “Manhid ka kasi, pre.” Magsasalita sana ako pero inunahan niya ako uli, “Nakita ko ‘yang dalawa nung pauwi ako galing kay Kuya sa Kanluran. Naghahalikan.”
Nanlaki mata ko sa narinig at napatingin kay Kolji na tuloy pa rin sa pag-iyak habang hawak-hawak pa rin ang buhok na ibinigay ni Apen.
“Talaga?” Gulat kong tanong.
Magnus laughed at nilayasan ako. Loko talaga.
“Sige na, Rozs. Tulungan mo na kami, pogi pogi nang kupal na ‘yan ohhhh,” Pangungupal ni Tito habang sinusundot si Rozs na nagmamaktol pa rin.
Napailing na lang ako ay tinungo ang puwesto nila Gian.
The big guy rolled his sleeves at walang kahirap-hirap na binuhat ang apat na kahon sa magkabilang braso na para bang walang laman.
°
“Salamat sa tulong, mga pre,” Ngiting bigkas ni Tito habnag tinatapik ang mga bagong gamit namin na nakabalakdra sa harap ng bahay niya.
“Painom ka naman diyan!” Huthot ni Magnus at nagsigawan naman ang lahat.
Gian looked at me kaya napatingin ako sa kanya. He’s intimidating sa unang tingin pero kapag inobserbahan mo ang buong kilos niya ay parang hindi niya kayang umapak nang langgam.
Kamot ulong napangiwi si Tito bago sumilaw ang ngiti. “Dun tayo kay Orlin, kapag nagreklamo, itali ninyo!”
Sabay-sabay silang nagsigawan habang lumapit sa akin si Wenrry at binigyan ako nang manasanas. “Iinom ka ba?”
I nodded, “Onti lang.”
Tahimik niya akong pinagmasdan bago tumingin sa lahat na ngayo’y nag-aayos na.
I watched Wenrry as his hair sways habang ang tirik na araw na tumatama sa kanya ay nagniningning sa moreno netong balat at mala gintong buhok.
Whoa… He’s gorgeous.
I blinked at kumunot ang noo bago muli siyang pinagkatitigan. Do I like him…?
°
Napatingin ako kay Orlin na nakalambiting patiwarik sa isang puno habang nagwawala.
Wala namang pakeilam ang lahat sa kanya at may kanya-kanyang mundo habang nagiinuman. Si Kolji ay natutulog malapit sa amin, mugto ang mata, mukhang napagod kaiiyak.
Dahil sa laki ni Gian ay buong bote ng Tuba na ang nilalaklak.
Gabi na rin. Nag-iihaw ako ng mga pulutan nila na ambilis maubos. Tinulungan na nga ako ni Wenrry magpaypay.
“Kumusta naman kayo sa Maynila?” Biglang pagbu-bukas ni Tito ng topic.
Rozs whistled at umiling. “Hindi ko mahanap, pre. Eto nahanap ko,” Sabay turo kay Gian.
Gian took a gulp bago tumingin sa nga matang nakatingin sa kanya. “Uhh… Maayos lang…” Kung gaano kalalim ang boses neto ay ganun din kababaw ang ugali niya.
He’s so down to earth.
“Ano ba kasing ginawa mo sa Maynila, pre? Naglayas ka na lang nang biglaan, hinanap ka pa ng tatay mo sa amin,” Ngiwing ani ni Magnus sabay kagat sa isda sa stick na hawak.
Gian looked down. “May… Iniibig ako.”
Dun kami natigilan lahat at ang kaninang maingay na pag-uusap ay natahimik, tanging kuliglig lang ang maririnig.
“Tao ba? Huwag, pre. Hindi kaya ng mga tao laki ng etits mo-aray!” Hiyaw ni Magnus nang batukan siya ni Tito.
Tumawa naman si Rozs, “Panay ka tite, eh kayo ngang mga duwende uod lang ang laki!” Nagtawanan ang lahat sa narinig.
Sinamaan naman siya nang tingin ni Magnus. “Hindi dapat bumoboses yung hindi tuli!”
“Ansabi mo?! Pakita ko pa sa’yo titi ko!”
“Eguls, siyempre sa Maynila ka nagpatuli kaya malakas loob mo ngayon.”
Akmang magsusuntukan yung dalawa nang magsalita uli si Gian. “Tao siya… naging turista rito sa Isla. Nakita ko siyang naliligo sa bukal malapit sa aking tirahan…”
Kumunot noo ni Magnus, “Manyak-” sinubo ni Alistair ang isang buong Isda sa bunganga nang katabi para mapatahimik.
Gian blinked and said softly, “Sobrang ganda niya…”
Inalis ni Magnus ang Isda sa bunganga at sumigaw, “Ba’t mukha lang habol mo-” ngayon ay si Tito at Alistair na ang nagtakip nang bunganga niya. “Hmppp??”
Umiling ito. “Ayun na nga, kaibigan… nabighani ako sa itsura niya. Sinundan ko. Hindi ko rin naman inaakala na kung gaano kaganda ang itsura niya ay ganun naman kabaligtaran nang ugali.”
Napatakip ako ng bibig para hindi matawa.
“Masama ugali?” Bulalas ni Alistair at tumango naman si Gian.
Gian looked so down and looking slumped. “Tinawag niya akong pulubi…”
We all went silent at napatingin pa kami ni Wenrry sa isa’t isa.
Inalis ni Magnus ang pagkakahawak sa bibig niya ay tinapik ang kawawang Kapre. “Ok lang ‘yan, pre…”
Finally, may maayos din na sinabi-
“Totoo naman kasi.”
Loko talaga…
Maya-maya ay inalis na si Orlin sa pagkakalambitin. Tabimik itong nag-iinom kasama ang lahat, mukhang may sama pa ng loob.
Katabi ko si Wenrry sa kaliwa habang si Tito naman ang sa kanan.
“Oo nga pala, saan mo pala gusto ipuwesto yung naiisipan mong kainan, Gabo?” Tanong ni Tito.
I stopped munching and shrug, “Wala pa po akong naiisip na puwesto, baka po tingnan ko ang bayan.”
“Sige, sasabihan ko si Grego,” Tango niyang sagot kaya napangiti ako.
Sumingit bigla si Orlin, “Mahihirapan ka sa Bayan.” We looked at him.
“Bakit?” Bulalas ko.
Orlin take a sip on his glass. He looked so gracefully, na akala mong hindi nilambitin kanina.
“Ang mga turista ay karaniwang namamalagi sa dalawang puok,” paliwanag niya. “Kung sa Kapital na Bayan ka magtatayo ng tindahan, ang madalas mong magiging suki ay mga manggagawa at mga bagong dating pa lamang sa Isla. Bihira ring dumayo roon ang mga mamamayan mula sa Bulan at Apol dahil masyadong malayo ang biyahe.”
Saglit siyang tumigil bago muling nagsalita.
“Kaya kung nais mong magkaroon ng mas maraming mamimili, mas mabuting pumuwesto ka sa lugar na madaling marating mula sa tatlong puok. Mas maraming tao ang daraan, kaya mas malaki rin ang posibilidad na mapansin ang paninda mo.”
“Ngunit kung talagang nais mong maging matagumpay ang negosyo mo, huwag lang lokasyon ang isipin mo. Humanap ka ng lugar na may tanawin na talagang dinadayo ng mga tao-isang pook na kahit mga taga-Isla ay kusang bumibisita. Kapag pinagsama mo ang magandang tanawin at masasarap na pagkain, hindi lang turista ang magiging suki mo. Maging ang mga mamamayan ng Isla ay babalik-balikan ang iyong tindahan.”
My mouth dropped nang matapos siyang magpaliwanag. “Whoa…”
Wenrry leaned in at bumulong sa akin. “Ang dating kasintahan kasi niyang tao ay may planong magtayo rin nang kainan noon. Hind lang na tuloy dahil sa trahedya.”
Nalungkot ako sa narinig. Bubuksan ko na sana ang panibagong usapan nang biglang sumingit si Magnus.
“Eh, ayun naman pala,” sabi niya habang nakasandal. “E ‘di sa Sapa na lang tayo magtayo ng kainan ni Gabo.”
Sabay kaming napatingin ni Orlin sa kanya. Nakikisali na ang loko sa negosyo ko.
“Kapag hindi ka tumigil, ikaw ang gagawin kong rekado.”
Malamig pero matigas ang boses ni Orlin. Ngumisi lang si Magnus na para bang wala siyang narinig.
“Ikaw naman kasi ang unang nagtaas ng bandila sa ideyang ‘yan. E ‘di gamitin natin ang Sapa.”
Napatingin ako kay Orlin. Unti-unti nang kumukuyom ang kamao niya.
Tahimik na humigop ng alak si Tito bago niya ibinaba ang baso at diretso itong tiningnan.
“Habang buhay mo na lang bang ikukulong ang sarili mo sa nakaraan, p’re?”
Natigilan si Orlin. Kahit ako.
Napabuntong-hininga si Tito at marahang umiling. “Hindi ko man nasaksihan ang lahat ng nangyari noon… pero bilang kaibigan mo, nasasaktan akong makita kang ganito.” Saglit siyang tumigil. “Ilang taon na ang lumipas, pero ikaw pa rin ang unang lumulubog sa tuwing naaalala mo siya. Para kang tumigil mabuhay kasabay ng pagkawala niya.”
Natahimik ako. Hindi ko na nagawang magsalita at hinayaan ko silang mag-usap.
Tumango si Wenrry. “Tama sila, kaibigan. Mas mahigpit na ang pamamalakad sa Isla ngayon. Kilala mo naman si Grego. Hindi na basta-basta mauulit ang nangyari noon.” Mahinahon siyang ngumiti. “Pero kung patuloy mong ikukulong ang sarili mo sa parehong alaala, paano ka makakahanap ng panibagong landas?”
Mariing napapikit si Orlin. “Hindi ninyo kasi naiintindihan-”
“Naiintindihan ka namin, pre.” Si Magnus na ang sumagot.
Nawala ang pilyong ngiti sa mukha niya at napalitan iyon ng seryosong ekspresyon.
“Naiintindihan namin kung gaano kasakit mawalan ng taong mahal mo.” Mahina siyang napabuntong-hininga. “Hindi lang namin maintindihan kung bakit kailangan mong habambuhay na parusahan ang sarili mo.”
Tahimik siyang tumingin sa Diwata. “Habang kaming mga kaibigan mo, pinapanood ka lang naming unti-unting mawala.”
Saglit siyang tumigil bago muling nagsalita. “At kung nabubuhay man si Abi… sa tingin mo ba gugustuhin niyang makita kang ganito?”
Hindi siya nakasagot.
Tahimik na tumitig si Magnus sakanya. “Kilalang-kilala mo si Abi,” mahina niyang dugtong. “Kung may isang bagay na siguradong ayaw niyang mangyari, ‘yon ang makita kang habang-buhay na nakakulong sa sakit.”
Mariing napapikit si Orlin. Halatang pilit niyang nilulunok ang kung anumang bumabara sa lalamunan niya.
“Huwag mong banggitin ang pangalan niya…” paos niyang saad.
“Wala kaming intensiyong saktan ka,” mahinahong sabi ni Wenrry. “Pero mas masakit na makita kang unti-unting kinakain ng nakaraan.”
“Hindi gano’n kadali…” Kulang na lang ay anumang oras ay iiyak na siya dahil sa panginginig ng boses.
“Alam namin,” sagot ni Tito. “Wala namang nagsasabing kalimutan mo siya.”
Sandaling natahimik ang lahat.
“Magkaiba ang paglimot at ang pagpapatuloy ng buhay,” dugtong ni Tito. “Hindi mo kailangang burahin ang alaala niya para lang makausad. Pwede mo siyang dalhin sa puso mo habang nagpapatuloy ka.”
Mahigpit na napakuyom si Orlin sa laylayan ng damit niya. “Araw-araw…” nanginginig ang boses niya. “Araw-araw kong iniisip na kung mas naging maaga lang ako… kung mas naging matapang lang ako…”
“Orlin,” Matigas na tawag ni Magnus.
“Kasalanan ko.” Hindi niya mapigilan ang mapait na tawa. “Kapag pumipikit ako, paulit-ulit kong nakikita ang araw na ‘yon. Hanggang ngayon, naririnig ko pa rin ang sigaw niya.”
Unti-unting bumigat ang hangin sa paligid. Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Hinayaan lang naming mailabas niya ang matagal na niyang kinikimkim.
Maya-maya’y nagsalita si Tito. “Pre…”
Mahinahon siyang tumingin dito. “May mga sugat na hindi kailanman mawawala. Pero hindi ibig sabihin no’n na kailangan mo ring tumigil mabuhay.”
Tumango si Wenrry bilang pagsang-ayon. “At hindi mo kailangang pasanin ang lahat nang mag-isa.”
Napabuntong-hininga si Magnus bago bahagyang ngumiti. “Kung gusto mong magalit, murahin mo kami. Kung gusto mong uminom, sasamahan ka namin. Kung gusto mong tahimik, tatahimik sila… hindi ko kasi kaya. Pero huwag mong ipagkait sa sarili mo ang pagkakataong mabuhay ulit.”
Hindi pa rin nagsasalita si Orlin. Tahimik lamang siyang nakayuko habang nanginginig ang balikat niya.
Ilang sandali pa ang lumipas bago siya humugot ng malalim na hininga. ”…Hindi ko alam kung paano.”
Mabilis na sumagot si Tito, “E ‘di matuto tayo.”
Napatingin si Orlin sa kanya.
“Isa-isang hakbang lang, p’re. Walang nagmamadali.”
Sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang usapan, bahagyang lumuwag ang ekspresyon ni Orlin.
Hindi pa rin nawala ang lungkot sa kanyang mga mata.
Pero kahit paano…
Hindi na siya mukhang nag-iisang pasan ang bigat ng nakaraan.
Gian sighed habang si Rozs ay tahimik na nilalaro ang alak sa baso. Si Alistair naman ay may namumuong luha sa mga mata kaya mabilis siyang niyakap ni Magnus.
Poor guy… he also misses his owner.
Naramdaman ko ang paghawak ni Wenrry sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. He smiled at me softly bago nagsalita, “Ayos ka lang…?” I nodded.
°
Nakasakay ako kay Wenrry pauwi at dala-dala namin ang ilang gamit. Nauna na si Alistair, Tito, at Gian para iuwi si Kolji na tulog na tulog. Habang si Magnus ay naiwan sa Sapa at dun na natulog. Si Rozs ang huling umalis dahil nag-usap pa sila ni Orlin.
“Ang ganda nang mga sinabi mo kanina,” Bigla kong ani.
Napatingin naman sa akin si Wenrry at kita kong namula ang mahaba niyang mga tenga. “Nahihirapan kasi kaming makitang nagkakaganon si Orlin…”
I hummed at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.
“Wenrry,” mahina kong tawag.
“Bakit?”
Pinagmasdan ko ang mga alitaptap na dahan-dahang sumasayaw sa hangin habang naglalakad kami.
“Ikaw ba… may nagugustuhan ka na ba?”
Kahit alam ko na ang sagot, gusto ko pa ring marinig iyon mismo mula sa kanya.
I’m not as dense as Magnus says. I grew up alone, but I’m good at observing people. Hindi ko lang talaga maintindihan kung ano ang pakiramdam ng umibig.
Saglit siyang natigilan bago muling nagpatuloy sa paglalakad.
“Oo…”
“Talaga?”
Marahan siyang tumango. Napahuni lang ako at tumingala sa kalangitan, ngunit halos natatakpan iyon ng makakapal na dahon ng mga puno.
“Paano mo nasabing gusto mo siya?” muli kong tanong.
Ilang sandali siyang nanahimik.
“Sa totoo lang…” mahina niyang sabi. “Hindi na yata simpleng pagkagusto ang nararamdaman ko.”
Napalingon ako sa kanya.
“Umiibig na yata ako.”
Bumaba ang tingin ko sa seryoso niyang mukha.
“Paano mo nasabi…?”
Humugot siya ng malalim na hininga bago ngumiti nang bahagya. “Kapag kasama ko siya, pakiramdam ko… iba ako. Iba ang takbo ng isip ko, iba ang kilos ko, at mas magaan ang bawat araw.”
Saglit siyang tumigil, tila pinipili ang bawat salitang bibitawan.
“Hindi pa ako kailanman tumingin sa isang tao at pinangarap na makasama siya habang buhay.”
Napatingala siya sa mga dahon sa itaas namin.
“Hindi rin ako kailanman tumitig sa isang tao at hiniling na sana’y huminto muna ang oras… para mas matagal ko pa siyang mapagmasdan.”
Unti-unting lumambot ang ekspresyon niya.
“Napakaraming pumapasok sa isip ko. Mga pangarap na gusto kong tuparin kasama siya. Mga bagay na handa kong gawin para lang makita siyang ngumiti.”
Mahina siyang natawa bago muling naging seryoso.
“Handa akong isugal ang lahat para sa kanya.”
Saglit siyang napahinto. “At kung darating ang araw na may mga taong hahadlang o kukuwestiyon sa pagmamahal ko…”
Marahan niyang ikinuyom ang kamao. “Hindi ako magdadalawang-isip na talikuran ang lahat ng iyon.”
“Kung siya ang nasa dulo ng pipiliin kong landas, kahit pa ang landas na ‘yon ay puno ng mga patibong. Tatakbo ako namg napaka bilis hanggang bumigay ang aking mga paa, makasama lang siya.”
Hindi ko napigilang hindi mapangiti. “Talaga…?”
Tumango siya. “Kahit i-suko ko pa ang gintong buhok na meron ako bilang pangako ay gagawin ko.”
(Note:
Tikbalangs
have golden manes. If you can successfully pluck these golden hairs, you will tame the beast and gain control over it, forcing it to serve as your loyal servant for life.)
My expression softened. “At kung ginugusto ka pabalik ng taong ‘yon…?”
Sumilay ang ngiti sa labi niya. “Handa kong takbuhin ang buong Isla sa saya. Habang pinagsisigawan ko sa lahat, tao man o hindi na ako ang napaka suwerteng Tikbalang sa buong lupain.”
I let out a chuckle kaya napalingon siya sa akin. But that turn made him froze. Onti na lang ay magdidikit na ang labi namin sa isa’t isa.
I looked at him and smiled before I buried my face on his shoulder. “Tingnan natin… malay mo ginugusto ka pala niya pabalik, hindi ka lang naamin.”
He cleared his throat at nagsimula na uling maglakad. “Pagod ka na ba? Masyado yata akong naengganyo kakakwento.”
“Hmm…” I hummed. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
°
“Hoy, Gabo! Gising!” Sigaw ni Magnus at niyugyog pa ako. I saw a girl version of Magnus nang magising ako.
Ungol akong napakamot ng ulo. Aga-aga, ang kupal talaga ng duwendeng ‘to.
“Ano ba? Aga-aga oh!”
“Siraulo, gagawin pa natin kainan mo, boi! Hindi namin alam kung paano ‘yon kaya ikaw ang mamuno sa amin!”
Dahil sa sinabi niya ay nagising diwa ko. Mabilis akong bumangon at nagmumog saka hilamos. Naligo na rin ako bago lumabas.
I was shocked when I saw everyone’s complete. May isang mukha lang na hindi pamilyar sa akin.
Looking at her ay mukhang… duwende. Kahit na ang laki niya ay pangtao, ang mga tenga naman neto ay patulis habang ang taas ang hindi lalayo kay Magnus, may katangkaran lang siya.
“Hoy, Andeng. Huwag mo nga ikunot ang noo mo, pumapanget ka lalo,” Mataray na puna nang kupal sa tabi ko.
“Kapal mo, ha! Ako na nga lang kakampi mo sa tribo natin, lakas mo pang maging gago!”
Pinakyuhan lang niya ‘to kaya natampal ko ang sariling noo. Bawal kong sabunutan, babae kasi siya ngayon.
Andeng, the new girl. Introduce herself as one of the warrior ng tribo nila. She’s also a friend of Magnus na hiningian niya ng tulong para tulungan kami.
Wenrry greeted me at kanya-kanya kami ng bitbitin papunta sa Sapa ni Orlin.
Halos maingay ang paglalakbay. Habang nanatiling tahimik si Gian na ngayo’y walang saplot pang-itaas.
“Kumusta ang pag-uusap ng tatay mo, pre? Pinalo ka ba sa pwet?” Tawa ni Magnus.
Rumolyo naman ang mata ni Andeng, “Lakas mo mang Gago, E’ ikaw nga nilalambitin patiwarik ni Tiyo!”
At sila naman ang nag-away.
I sighed at tinawanan naman ako ni Wenrry saka binigyan ng mansanas na agad kong tinanggap.
Nang makarating kami sa Sapa ay nandun na si Alistair at Orlin, may katabi itong babae na mukhang Diwata dahil sa ayos at itsura.
Nang makababa ako kay Wenrry ay lumapit ako sa kanila. “Magandang umaga,” Bati ko.
Nginitian naman ako nung babae at tumango. Orlin introduced her, “Ate ko, si Ulan.”
“Ulan?” Taka kong tanong.
“Palayaw. Kapag kasi umiiyak ay umuulan sa paligid niya.” Siniko naman siya ni Rain kaya natawa ako.
“Tutulong ako sainyo… balita ko kasi ay gagawa kayo nang kainan sa sapa. Bali-balita na rin siya sa mundo namin kaya naman gusto ko ring makisali,” Malumalay na kwento nito.
Ngumiwi si Orlin at tumalikod. “Gawin ninyo gusto ninyo. Huwag ninyo lang sisirain ang sapa.”
Lumapit ito sa tubig at nilamon naman siya neto.
Rain looked at us gently. “Pagpasensyahan ninyo na ang kapatid ko. Alam ninyo naman ang kwento niya kaya nga gusto kong tumulong… masaya ako at binubuksan muli ni Orlin ang loob niya sainyong mga tao.”
Napatango ako at ngumiti. “Naiintindihan ko naman po.”
“Hoy, Magnus! Ang sabi mag-intay. Masyado kang bida-bida!”
“Asus, kung ako bida-bida, e’ ikaw kontrabida!”
“Tarantado!”
I sighed at napahilot nang sintido. Sana mapadali ‘tong trabaho namin.
THE GOLDEN HAIR
chapter fifteen: Karenderya 1.0
THE GOLDEN HAIR
Gabrielle
Isa-isang pumila ang lahat habang abala naman akong nakaluhod sa lupa. Gamit ang isang piraso ng uling, iginuguhit ko ang magiging ayos ng itatayong kainan. Katabi ko sina Rain at Andeng na paminsan-minsang nagbibigay ng mungkahi kung saan mas magandang ilagay ang bawat bahagi.
“Mas mabuti sigurong ilayo nang kaunti ang kusina,” sabi ni Rain habang nakaturo sa guhit. “Kapag sakaling magkaroon ng sunog, hindi agad kakalat.”
Tumango ako at binago ang guhit. “Dito na lang. May pagitan sa mga kubo at may espasyo rin para sa daanan.”
Nagdagdag pa ako ng ilang linya, tinukoy kung saan ilalagay ang maliliit na kubong kainan, kusina, imbakan ng mga sangkap, at balon na pagkukunan ng tubig. Sinisiguro kong may sapat na pagitan ang bawat istruktura upang maging ligtas at mas madaling kontrolin kung sakaling magkaroon ng aksidente.
Habang abala ako sa pagguhit, may aninong huminto sa tabi ko.
“Kukulayan pa ba ‘yan…?” inosenteng tanong ni Gian. Kinilabutan ako sa malalim niyang boses.
Napalingon ako sa kanya at bahagyang napangiti.
“Ha? Hindi.” Itinaas ko ang papel para mas makita niya. “Blueprint ang tawag dito.”
Kumunot ang noo niya. “Blue… print?”
“Parang gabay.” Tinapik ko ang iginuhit kong plano. “Bago tayo magtayo ng kahit ano, kailangan muna nating malaman kung saan ilalagay ang bawat bahagi. Ito ang susundan natin para hindi magulo ang paggawa.”
He slowly nodded. Nang matapos ko ang pagguhit ay napangiwi ako. Wala na kasi si Apen, wala akong taga guhit.
Pinaliwagan ko naman ang proseso. Maangas na tumango si Magnus, “Maalam na kami diyan diyan. Kami nagtayo nung bahay ni Chris.”
Ahh… I almost forgot about that.
Wenrry held my hand at sinenyasan akong umantras kaya ginawa ko.
Gulat ako nang maghubad lahat nang kani-kanilang damit kaya napatingin ako sa mga babae naming kasama na baliwala lang.
Nang mahubad ni Gian ang kanya ay dahan-dahan itong onti-onting lumaki. Ang malaking katawan ay mas lalong lumaki at lumapad.
Even Magnus shifted on his human form, ganun din si Alistair.
“Yoooo!” Napatingin ako sa sumigaw. That’s when I saw Rozswelto, behind him was full of swarmed… what the fuck is that?
“May nakita akong mga punong kahoy na walang may nakatira, baka magamit ninyo.”
Mas kumunot ang ulo ko nang makalapit siya nang tuluyan. “In…sekto ba ‘yan…?”
Rozs looked at those black dots na kumpol-kumpol. It was too many that it can lift a huge tree.
“Sigurado ka bang walang nilalang na nakatira d’yan…?” Nag-aalalang tanong ni Rain habang nakatingin sa puno.
Rozs nodded. “Nagtanong-tanong na ako sa lahat, wala raw.”
“Paano mo sila napapasunod?”
Lumingon siya sa akin at ngumisi nang pilyo.
“Ako pa ba?” pagmamalaki niya. “Sa pagkakaalam ko, ako lang ang nag-iisang mambabarang sa buong Isla ng Meringue.”
Bago pa ako muling makapagsalita ay nagsidatingan pa ang mas marami niyang mga alaga.
Mula sa himpapawid ay nagsiliparan ang daan-daang malalaking insekto, bawat isa’y may pasan na troso, mahahabang kawayan, at mga sanga. Para silang isang hukbo na sabay-sabay kumikilos, walang banggaan at walang pag-aalinlangan. Isa-isa nilang ibinaba ang mga dala sa bakanteng lote bago muling lumipad upang kumuha ng panibagong materyales.
Hindi ko maiwasang mapanganga.
“Pwede na ‘yang gawing mga poste ng kubo,” sabi ni Andeng habang sinusuri ang mga troso. Kinatok niya ang isa gamit ang kamao at tumango nang makuntento. “Matitibay pa.”
“Kami na ni Gian ang bahala sa mabibigat na gawain,” prisinta ni Wenrry. “Mangunguha rin kami ng mga punong puwedeng gawing bubong.”
Hindi na siya naghintay ng sagot.
Hinubad niya ang kaniyang damit at iniabot iyon kay Rain bago lumakad kasama ang dambuhalang Kapreng si Gian patungo sa kakahuyan.
“Arf!”
Napalingon ako kay Alistair.
Mabilis siyang tumakbo sa bakanteng lote at nagsimulang hukayin ang lupa gamit ang matitibay niyang mga kuko. Parang wala lang sa kaniya ang matigas na lupa habang sunod-sunod ang paghukay niya ng mga magiging pundasyon ng mga kubo.
Samantala, si Andeng ay maingat na naglilinis ng paligid. Isa-isa niyang binubunot ang mga damo at inilalagay ang mga ito sa dala niyang kaing, isang hinabing basket na yari sa kawayan. Kahit mabilis ang kaniyang pagkilos, sinisiguro niyang hindi masasama ang maliliit na halamang maaari pang ilipat sa ibang bahagi ng lupa.
Si Rain naman ay abala sa paglilipat ng mga bulaklak at munting halaman sa mas ligtas na lugar.
“Huwag ninyong tapakan ang mga ito,” paalala niya kina Magnus at Rozs. “Sayang naman kung mamamatay.”
“Oo na, oo na,” reklamo ni Magnus habang pasan ang isang napakalaking troso sa balikat.
Bigla akong napaatras nang may dumaan na tila maitim na alon sa paanan ko.
“Ano ‘yan?!”
Libo-libong uod.
Sabay-sabay silang gumagapang sa lupa, animo’y isang buhay na ilog.
Awtomatiko akong napahakbang paatras, ngunit agad akong pinigilan ni Rozs sa balikat.
“Chill ka lang, boi,” natatawa niyang sabi. “Baka mapatay mo ang mga babies ko. Magtatampo ako.”
Napabuntong-hininga na lang ako at maingat na tumayo sa gilid habang pinapanood ang mga uod na tila may sariling direksiyon. Maya-maya’y napansin kong kinakaladkad pala nila ang maliliit na bato at mga tuyong sanga patungo sa isang tabi, na para bang tumutulong din sila sa paglilinis ng lugar.
…Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot.
Sa loob lamang ng ilang minuto ay nagmistulang malaking construction site ang dating bakanteng lote.
Si Magnus ay nagsisimula nang ibaon ang malalaking poste ng magiging mga kubo. Si Andeng naman ay naghahanda ng putik, buhangin, at iba pang materyales para sa kusina. Si Rain ay patuloy na naglilipat ng mga halaman upang walang masayang na buhay, habang si Rozs at ang kaniyang hukbo ng insekto ay walang tigil sa paghahatid ng mga troso at kawayan.
Lumingon ako sa direksiyon nina Wenrry at Gian.
Sa malayo ay kitang-kita kong walang kahirap-hirap nilang binubuhat ang napakalalaking puno, na para bang ordinaryong kahoy lamang ang mga iyon.
Napakamot ako sa ulo.
Anong gagawin ko ngayon?
Halos lahat ay may kani-kaniyang trabaho na.
Pakiramdam ko tuloy ako pa ang walang silbi.
Habang nag-iisip, napadako ang tingin ko sa isang sulok kung saan nakasalansan ang ilang kawali, palayok, sandok, at iba pang kagamitan sa pagluluto. Katabi ng mga iyon ang mga sako ng bigas, iba’t ibang gulay, pampalasa, at sari-saring sangkap na malamang ay ipinadala pa mula sa dalawang bayan.
Unti-unti akong napangiti.
Oo nga pala…
Kung sila ang bahala sa pagtatayo ng kainan…
Ako naman ang bahala sa unang pagkain na ihahain dito.
Nais kong ipatikim sa kanila ang mga putahe mula sa pinanggalingan ko.
Lumapit ako sa mga nakasalansang sangkap at isa-isang sinuri ang mga iyon.
There were sacks of rice, baskets filled with tomatoes, onions, garlic, ginger, and different kinds of vegetables. May mga tangkay ng tanglad, dahon ng laurel, at kung anu-anong herbs na ngayon ko lang nakita. Sa kabilang gilid naman ay may mga bagong katay na karne ng ramo at baboy-ramo, pati mga isdang bagong huli na nakabalot sa malalaking dahon.
Looks like they really prepared everything.
“Ano’ng lulutuin mo?” tanong ni Rain habang inilalapag ang paso ng mga halamang nailigtas niya.
Ngumiti ako.
“Simple lang muna.”
“Basta masarap…”
Napatawa ako. Naglatag ako ng banig at isa-isang inayos ang mga sangkap. Pinagsama-sama ko ang mga gulay, inilapit ang mga pampalasa, saka inilabas ang pinakamalaki nilang kawali at palayok.
Thank God… halos kumpleto ang mga gamit.
Ang kulang na lang ay lutuan.
“Magnus!” tawag ko.
“Ano?” Asar netong tanong, halatang ayaw magpagulo sa ginagawa.
“Pwede mo ba akong tulungang gumawa ng kalan?” Hindi man lang siya lumingon.
Isang malaking patag na bato ang inihagis niya sa harapan ko. Sumunod ang dalawa.
Pagkatapos ay ilang tuyong kahoy.
“Bahala ka na.”
Napailing ako habang natatawa.
He’s surprisingly helpful… in his own way. “Gago talaga.”
“Narinig ko ‘yon!” sigaw niya mula sa malayo.
Mabilis akong nakabuo ng simpleng kalan gamit ang mga bato. Tinulungan naman ako ni Andeng na magsindi ng apoy gamit ang mga baga.
Hindi nagtagal ay nagsimulang sumayaw ang apoy sa ilalim ng kawali.
It’s been a while since I last cooked for this many people.
Hinugasan ko ang bigas gamit ang tubig sa sapa bago ito isinalang sa malaking palayok.
Habang hinihintay itong kumulo, nagsimula na akong maghiwa. The rhythmic sound of my knife echoed across the construction site.
Unti-unting napapalingon sa akin ang lahat.
“Ano’ng ginagawa n’an?” mahinang tanong ni Roza.
“Gumagawa ng lason, bulag,” sagot ni Magnus habang ibinabaon ang isa pang poste.
“Pakyu.”
Nang uminit na ang mantika, inihulog ko ang dinurog na bawang.
The loud sizzle instantly echoed across the area.
Kasunod ang sibuyas.
Pagkatapos ay ang luya.
Within seconds, the aroma spread with the wind.
Halos sabay-sabay silang napahinto.
”…Ang bango.”
Napalingon ako kay Wenrry na kararating lang habang pasan ang isang napakalaking troso.
Kahit si Gian ay napatigil at bahagyang suminghot sa hangin.
His eyes slowly drifted toward the pan.
”…Ano’ng amoy ‘yon?”
Malalim na suminghot si Rozs.
Ngumisi siya. “Makakasampung mangkok ata ako ngayon, ah!”
Napatawa si Rain. “Hindi pa nga luto.”
“Eh ano naman?”
Ibinuhos ko ang hiniwang karne. The meat immediately sizzled as it touched the hot oil.
Unti-unti itong nagkulay ginintuang kayumanggi habang humahalo sa bawang, sibuyas, at luya.
Pagkatapos ay isinunod ko ang mga gulay at sabaw.
Makapal na singaw ang agad na umakyat sa hangin, dala ang mas lalong mabangong amoy.
One by one, everyone unconsciously stopped working.
Even Rozs’ insects slowed down as if they were also curious.
”…Naamoy rin ba ng mga alaga mo ang pagkain?” hindi ko napigilang itanong.
Ipinagkrus ni Rozs ang mga braso at ngumiti.
“Mga anak ko ‘yan.”
Napailing na lang ako.
“Hoy!” sigaw ni Magnus habang nakatayo sa ibabaw ng kalahating tapos na kubo. “Tama na ang kakatitig! Magtrabaho muna kayo, satingin ninyo ba kayo lang gutom?!”
“‘nga naman,” natatawang sabi ni Andeng. “Kapag mas mabilis tayong matapos, mas maaga tayong makakakain.”
Nagkaroon ng panibagong sigla ang lahat.
Habang muli silang naging abala sa pagtatayo ng kainan, ipinagpatuloy ko naman ang pagluluto.
The sound of chopping wood mixed with the steady sizzling of the pan.
The smell of fresh lumber blended with the rich aroma of garlic, onions, ginger, and simmering broth.
For the first time since arriving on Meringue Island…
this place didn’t just feel like another unfamiliar settlement.
It finally felt…
like home.
°
The aroma continued to spread across the entire area.
Unti-unti kong hinahalo ang kumukulong sabaw habang pinapakalma ang apoy. The broth slowly turned golden from the rendered fat and spices.
Not bad…
“Gab!”
Napalingon ako kay Andeng na may bitbit na malaking basket.
“May nakita pa kaming mga kabute sa gubat. Ligtas naman daw kainin.”
Lumapit si Rozs at tumango.
“Hindi ko hahayaang malason kayo. Kilala ng mga alaga ko ang lahat ng makamandag dito,” Mayabang niyang ani.
“That’s… oddly reassuring,” Ngiwi kong bulong.
Tinanggap ko ang basket at isa-isang sinuri ang mga kabute.
“Hmm… pwede ‘to.”
Maingat kong hiniwa ang ilan at isinama sa kumukulong sabaw.
Halos kasabay no’n ay dumating muli sina Wenrry at Gian.
Pareho silang may pasan na napakalalaking puno sa magkabilang balikat.
Seriously… they’re basically walking cranes.
“Sa’n ilalagay?” tanong ni Gian.
“Itabi n’yo muna ro’n!” sigaw ni Magnus habang inaayos ang mga poste. “Mamaya ko gagamitin.”
Isang malakas na tunog ang umalingawngaw nang ibaba nila ang mga troso. Niyanig pa no’n ang lupa.
“Konting ingat!” sigaw ni Rain. “Baka matamaan ang mga halaman!”
“Pasensya na,” maikling sagot ni Wenrry.
Napangiti ako. Kahit gaano sila kalalakas, marunong pa rin silang makinig kapag may nagpapaalala.
Hinawakan ko ang malaking sandok at muling hinalo ang niluluto. Unti-unting lumalapot ang sabaw.
The smell became even richer.
Halos lahat ng naroon ay napapalingon na sa direksiyon ko.
Kahit ang tiyan ni Magnus ay tila nakisabay.
Natahimik ang lahat. Unti-unting napatingin sa kanya.
“‘o, tinitingin-tingin ninyo?!”
°
Marami rin akong putahe na niluto at inaantay ko na lang ‘yon matapos. Halos kalahati na rin nang kainan ang natatapos nila.
Kakaiba ang liksi at lakas ng mga kasama ko.
They’re freaking amazing. A real life machines!
Kung ordinaryong tao ang gumawa nito… baka ilang linggo, o baka buwan pa ang abutin. Pero sa kanila? Pakiramdam ko bago pa lumubog ang araw ay matatapos na ang buong kainan.
“Grabe…”
Narinig ni Wenrry ang bulong ko kaya napatingin siya sa akin. He walked towards me at mukhang sinisipat ako kung may problema.
“Ayos ka lang…?” Malumalay niyang tanong at tumango naman ako.
He looked at his friends bago ako tabihan.
He sat there silent kaya hindi ko napigilang hindi siya tingnan. “May… problema ba?” That’s when he looked at me.
”…Masaya ka ba ngayon?”
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. He panicked kaya hindi ko mapigilang hindi matawa. “Masaya saan?”
Hindi siya sumagot nang ilang segundo, mukhang pinag-iisipan pa ang sasabihin. ”…Masaya ka ba… dito? Kasi ‘di ba… gusto mong umuwi sa Manila…?”
Napakurap ako.
I looked around, seeing everyone busy sa sari-sariling ginagawa para… sa’kin.
I never felt so happy…
I never felt so lonely simula nang dumating ako rito.
“Oo. Masaya ako.”
THE GOLDEN HAIR
chapter sixteen : bungisngis
THE GOLDEN HAIR
Gabrielle
“Ano pang kailangan ng mga paborito kong bisita?” Ngiting-ngiti na salubong ni Grego nang puntahan namin ‘to sa bahay niya.
Kagaya lang din ng mga bahay dito ang tirahan ng Kapitan, simple at maliit.
“Wazzap,” Ani ni Rozs sa likod ko habang naka rock ‘n roll.
Natawa naman si Kapitan at tumayo sa pagkakaupo sa terecce ng bahay. He’s in front of a table full of papers and folders, mukhang may inaasikaso.
Nang makalapit ay malugod itong ngumiti, “Anong maitutulong ko?”
I scratch my nape. “Uhh… magpapaalam ho sana kami na gumawa ng daan papunta sa kainan na tinayo namin.”
Hindi nawala ang ngiti ni Kapitan. Bumalik ito sa lamesa at may kinuhang papeles saka bumalik at ibinigay sa akin. “O’, permit ‘yan. Inayos ko na, alam kong kakailanganin ninyo ‘yan balang araw.”
Ngiti ko ‘yong tinanggap. “Salamat po!”
“‘o siya, kung may kailangan kayo sabihin n’yo lang basta ba ay kaya ko kayong tulungan.” Napangiti ako. Akmang kakamayan ko si Kapitan kaso natigilan ako nang makita ang isang anino sa pinto na nakatingin sa akin ng masama.
I backed away feeling uneasy kung hindi lang ako inakbayan ni Magnus, siya ngayon ang nakipagtitigan dun sa lalaki…
“Tinitingin tingin mo, bubwit?”
‘raulo, mas maliit pa nga siya.
“Marky…” Mahinahon ngunit maawtoridad na tawag ni Kapitan Grego sa lalaki. He looked younger than me.
Marky looked at the man, unlike his expression earlier na mukhang mananakit ay mas mahinahon na siya ngayon.
“Po?” His voice sounded like a puppy who’s waiting for an order.
Rozs whistled once again at mahinang natawa. “Yo, Markyyyyy!” Tawag niya rito. Imbis na batiin siya pabalik ay sinamaan nito si Rozs ng tingin.
Mapaglaro namang tinaas ni Rozs ang dalawang kamay, “Chillax… walang aagaw.”
Mahina namang tumawa ang Kapitan bago winasiwas ang kamay. “Siya na, mauna na kayo. May gagawin pa ako.”
Nagpaalam na kami kay Kapitan. Bago kami makaalis nang tuluyan ay nakita ko pa si Kapitan na kausap yung Marky. He was talking to him seriously habang papasok nang bahay.
“May gusto siya kay Kapitan, ‘di ba?” Tanong ko.
Sumimangot si Magnus at natawa naman si Rozs na tumango.
“Ibang klase yung lalaking ‘yon, halos lahat ng tao at nilalang sa Isla alam na gusto niya si Grego,” Kwento ni Magnus na lalong ikinatawa ni Rozs.
I nudge him making him winched but a last chuckle escape his lips bago siya nagsalita, “Kakilala ko ‘yon. Dapat nga kaming dalawa magkasama.”
“Gusto mo si Marky?” Bigla kong bulalas na ikinatawa nilang dalawa.
“Tangina, wala na ‘tong pag-asa!”
“‘tado!” Ani ni Rozs saka inakbayan ako. “Si Marky ang kilala ay nag-iisang mangkukulam dito sa Isla.”
Nanlaki mata ko na napatingin sa kan’ya. “Talaga? Kagaya mo?”
He shook his head, “Mambabarang ako. Magka-iba ‘yon. Parehas kami sa larangan ng itim na karunungan, pinagkaiba lang ang paggamit namin,” He explained.
Rozs held a hand behind my head at nang iharap niya ‘yon sa akin ay may itim na paro-paro nang nakadapo sa kan’yang daliri.
“Ang mambabarang ay gumagamit ng mga insekto. Pero ang mangkukulam, gumagamit ng kagamitan kagaya ng Litrato, manika, o mga personal na gamit.”
Napakurap ako sa pagpapaliwanag niya at tumango-tango. Naiintindihan ko na.
“Edi… ginayuma niya si Kapitan?!”
Kinulob kaming tatlo ng katahimikan saka muling umalingawngaw ang tawanan sa dalawa.
Ano ba?!
“‘nga naman, tama naman.”
Magnus kept on laughing habang hinahampas ang balikat ko kaya sa inis ay sinapak ko ang gago.
“Aray! Ba’t nananakit ka?!”
“Para kang bungisngis katatawa, ang sakit sa tenga!”
Magnus rolled his sleeves up at akmang susugurin ako nang may marinig uli akong bungisngis kaya sabay kaming napatingin kay Rozs na nangungunot ang noong pinagmamasdan ang paligid.
Dahil kanina pa kami nag-uusap habang naglalakad ay hindi ko napansin na dumako na kami sa kakahuyan.
“Ikaw-”
Rozs held a finger up on his lips, silencing me. Kahit si Magnus ay naalerto.
Mabilis akong lumapit sa dalawa dahil alam kong may problema. Like them ay lumingon-lingon ako sa paligid, nakikiramdam.
May narinig uli kaming tawa.
“Ano ‘yon?” Bulong ko.
Magnus tsked bago inis na nagkamot ng ulo. “Bungisngis. Hindi naman ‘yan nananakit nang basta-basta, pero pucha nakakairita ‘yan.”
Rozs was now mumbling something in his palm.
“Baka gutom?” Bigla niyang ani.
Tumaas naman ang kilay ni Magnus, “Gago, wala tayong dalang pagkain.”
Napangiwi ako at napatingin sa dala-dala kong maliit na sling bag na may lamang plastik ng ulam. Patay…
Mga ilang segundo ay may nakita akong malaking nilalang. Ang malaking mata netong nag-iisa na nakatingin sa akin, ang malalaking ngipin at pangil na nakangiti.
It started giggling. I could feel my legs shaking in fear.
When it started moving towards me ay dun na ako napasigaw sa takot.
“Gab, takbo!” Sabay na sigaw nung dalawa at hindi na ako nagdalawang isip na gawin ‘yon.
Kaya na nila ‘yan! Normal na mamamayan lang ako rito, gago!
“P’re, bagingan mo!”
“Punyeta-”
Nagulat ako nang biglang tumalsik si Magnus sa harapan ko at dare-daretsyong gumulong sa lupa.
“Magnus!”
Imbis na lapitan siya ay dinaanan ko lang ‘to. Rinig ko itong nagmura bago muling sumugod sa ngayo’y nagwawalang nilalang.
Rozs was enchanting some kind of words na hindi ko maintindihan. A swarmed of insects was circling the giant who’s now indistress.
Ginawa ‘yong pagkakataon ni Magnus para sumakay sa likod neto and struck its head dahilan nang malakas na alingawngaw galing sa nilalang.
“Sapul!”
Nang medyo malayo na ako ay saka lang ako tumigil at hingal na napatuhod.
Looks like I’m safe here-
Magnus and Rozs flew in front of me. Unlike kanina ay malakas ang impact ng dalawa sa lupa na ultimong nasira ‘to.
Buti na lang kamo ay yakap-yakap ni Magnus si Rozs at may mga insektong nakapalibot sa kanila.
I screamed and was about to run towards them nang marinig ko ang tawa sa likod ko kasabay nang pag-angat ko sa lupa nang may malaking kamay na humawak sa aking ulo.
I screamed in pain and fear. I tried fighting my way out but its strength is nothing I could budge off.
The nonstop laughing drugs my ear.
Mula sa puwang sa kamay neto ay nakita ko si Magnus na muling tumayo at handa nang sumugod muli.
“Hoy, panget! Ako kainin mo, hindi masarap ‘yan!”
Dun ko napagtanto na it was about to eat me!
I started screaming and crying at the same time. Para akong mauubusan nang hininga dahil sa nangyayari.
Dahil sa sinabi ni Magnus ay mas lalo itong nagalit. Akmang ihahahis ako neto sa puwesto nila nang may malaking kamao na tumama sa mukha nang nilalang.
Nabitawan ako neto. Bago ako mahulog sa lupa ay dalawang pares ng mga braso ang yumakap sa akin at sumalo.
That’s when I saw Wenrry who’s staring at me worriedly, he was panting and sweating. Katabi neto si Gian na ngayo’y malaki ang pangangatawan.
He was the one who punched the thing. Galit na galit itong nakatitig sa nilalang na ngayo’y tumatayo na.
“Tu… tulong,” Nangangatog ang labi ko. I quickly wrapped my arms around Wenrry at takot na pilit na tinatago ang sarili sa kanyang mga bisig.
He tightly hugged me. “Ikaw na bahala rito, kaibigan…” Kalmado ngunit matigas na pagkakasabi niya.
Wala akong makita sapagkakataon na ‘yon pero ramdam ko ang pagtakbo niya paalis dahil sa hangin at galaw ng kanyang katawan.
Dun na tumulo nang tumulo ang luha ko at hindi napigilan ang mga hikbi.
“Gab…”
°
“Anong nangyari?!” Sigaw ni Lola Sonya nang makita kami. I cried in her arms once Wenrry put me down.
Para akong batang inapi dahil sa ingay ng hagulgol ko. Pilit kong sinusumbong ang mga nangyayari at binibigkas ang pangalan nila Rozs ngunit dahil sa garalgal ng boses at walang tigil na pag-iyak ay wala silang maintindihan.
Kahit si Lolo na mukhang kararating lang dahil may dala ‘tong palakol at basa ng pawis ay naalerto nang makita ako.
“Anong nangyari, apo?!”
“Bakit nagkakaganito si Gabo?!”
Wenrry told them everything. Kita ko ang paninilim ng mukha ni Lolo at Lola, na kahit ako ay natakot.
Nagpaalam si Lolo na aalis habang si Lola naman ay sumama para magpahatid sa Bayan. Iniwan nila ako kay Wenrry na ngayo’y anyong tao.
He put me down sa sala ng bahay ni Tito and gave me water to calm me down.
Mga ilang minuto ay tumigil na ang paghikbi ko but Wenrry looked so tense. Hindi siya kumukurap habang pinapanood ako.
His calm face shattered. Kita ko rin ang mga ugat sa kanyang leeg at kamay na animo’y nagpipigil ng galit.
“Gab…” Maamo niyang tawag, tila’y nagtatakot na baka kamuhian ko rin siya.
I swallowed my saliva at sumiksik sa kanya. Natatakot ako… sobrang natatakot ako…
“Nandito ako…” Muling pagpapaalala ni Wenrry. Kinulong niya muli ako sa kanyang mga bisig at nakahinga naman ako ng maluwag.
Dahil sa kaiiyak ay napagod ang mga mata ko. Bigla ko rin naramdaman ang sakit sa aking leeg at katawan.
“Paano kung saktan nila ako uli…?” Natatakot kong ani.
“Pasensya na, wala ako para protektahan ka…” Garalgal niyang paghingi ng tawad.
I looked up at him and saw how scared he was than I am right now. “Pasensya na, Gab…”
I sighed and we stayed in that position for a minute hanggang sa maalala ko sila Magnus. “Sila Rozs, paano sila Rozs?!”
Wenrry looked at me and blinked. “Ayos lang sila. Tumungo na dun sila Devim. Nagpadala si Rozs ng kanyang insekto sa amin para paalam na may nangyaring masama. Mabuti na lamang at kasama ko si Gian nung oras na ‘yon.”
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya sabay muling sumandal sa kanyang katawan. Kung nandun na si Lolo paniguradong magiging ayos lang sila.
“Ano ‘yon, Wenrry?”
He adjusted our position. “Bungisngis. Hindi naman talaga sila nananakit, mapaglaro lang. Mahilig silang magnakaw ng mga pagkain, pikunin din, kapag may nagawa kayong hindi niya nagustuhan ay saka lang sila nagiging mapanusok kaya sinabihan ni Grego ang nga tao rito na baliwalain na lamang sila.”
He sighed, “Kaso nga lang. Sila rin ang kumukuha sa mga pagkain ng mga taga-Isla. Kung minsan ay yung dapat ibebenta at mga alay ay nawawala dahil sa kanila.”
When he said that ay agad kong hinanap ang sling bag ko pero wala na ‘to sa akin. Mukhang nahulog kanina.
“May problema ba?” Tanong niya. I shook my head.
“Wala, nahulog ko ata yung bag ko, may laman kasi ‘yong ulam baka kako napagdiskitahan nung bungisngis kaya inatake kami…” Paliwanag ko.
Wenrry gentle nodded at muli kaming nilukob ng katahimikan.
“Wenrry,” Mahina kong tawag. He hummed waiting for what I have to say next. “May mga iba pa bang nilalang na kagaya nun?”
Bigla siyang napaisip at tumango. “Hindi lahat ng mga nilalang ay kagaya namin. May iba na umaakto base sa kanilang alam. May iba na umaakto base sa kanilang kinalakihan.”
I blinked. “Kagaya ninyo lang pala kaming mga tao.”
Wenrry looked at me and nodded. “Huwag mo lang ‘yan sasabihin sa harap ni Magnus.”
“Bakit naman?”
He looked hesitant pero wala rin nagawa kundi sabihin. “Mahilig si Magnus makihalubilo sa mga tao dahil ayun ang kinalakihan niya. Pansin mo bang bukod sa amin ay wala siyang kaibigang kauri niya?”
Ngayon na sinabi niya ‘yon ay napatango ako. Si Andeng lang naman kasi ang kilala kong Duwendeng kaibigan niya.
“Tao ang nanay ni Magnus. Kinuha siya at inalagaan nung maliit pa lamang. Alam ng kanyang Ina na may lahing itong Duwende pero hindi ‘yon naging hadlang para mahalin niya ito na parang tao. Ang kaso lang… tao rin mismo ang pumatay sa kanyang Ina.”
I was speechless sa kwento niya. “Anong nangyari?”
He shook his head, “Wala na akong alam bukod roon. Nakilala ko na lamang si Magnus nung bata pa lamang kami ay nasa puder na siya nang kan’yang ama.”
I nodded. I never knew na ganun ang sinapit ni Magnus. Sana ayos lang sila…
“Natatakot ka ba sa amin?” Bigla niyang tanong.
Umiling ako. “Ikaw na nagsabi. Hindi naman lahat nang nilalang ay kagaya ninyo. Natakot lang ako kanina. Ngayon lang kasi ako nakakita nang ganung klaseng bagay.”
“Pasensya na.”
I looked at him, confused. Mahina akong natawa to ease up. “Ano ka ba, makapagsabi ka naman parang may utang na loob ka sa’kin.”
He didn’t respond but rather he looked at me with those… longing eyes?
Napalunok ako at nilihis ang tingin. Ang takot at kaba kanina ay nawala. Napaltan naman ng kakaibang pakiramdam sa loob ko.
Para akong natatae na ewan.
“Ayos ka lang?” He asked once again kaya napatingin ako sa kanya. He was checking me kaya mahina akong natawa at tumango.
“Ayos lang.”
“May masakit pa ba sa’yo?”
Humarap ako sa kan’ya cupped his cheeks with my palms. “Ayos lang ako, walang masakit.”
He blinked and nodded. We stared at each other for I don’t know for how long.
How come… He’s this handsome?
“GABO!?” Parehas kaming napaiktad nang bumukad ang pinto at pumasok si Tito na pawisan.
Nasa likod niya sila Lola at… Rozs na nakangising nakatitig sa amin, habang si Gian at Alistair ay inosenteng nakikisilip.
“Panira moment amputa, kita mong maghahalikan na, ‘o!” Angal ni Magnus kaya sinamaan siya ng tingin ni Tito.
Kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Lola ay napaltan ng saya. “Talaga?! Aba’y tara, bigyan natin ng oras ang dalawa!”
“Pero ma-”
“Labas!”
“Papa, si Wenrry hahalikan apo mo!”
“Ano?!”
“Labas!”
“Opo, mahal.”
I sighed when the door closed. After what happened ay nagawa pa rin nilang kupalin kami.
Hindi ko rin mapigilang hindi matawa.
What an odd family I have…
Nang tingnan ko si Wenrry ay kita kong pinagpapawisan siya.
“Ayos ka lang?” Nag-aalala kong tanong.
He slowly turned his head at me, looking scared. “Lagot ako kay Devim…”
THE GOLDEN HAIR

