loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Akin Ka Noon, Ngayon At Kailanman COMPLETED (Published by PHR)

Akin Ka Noon, Ngayon At Kailanman COMPLETED (Published by PHR)

Marthacecilia Phr · 22 chapters · 22,088 words

Chapter 1

C ALIFORNIA, alas-dos nang madaling-araw.

Naalimpungatan si Jessica sa ring ng telepono sa sala. Inaantok pa siya at hindi niya gustong bumangon. Pero hindi tumigil sa pag-ring ang telepono.

“Who could be calling at this hour?” tanong niya sa sarili habang pupungas-pungas na bumangon, at sinulyapan ang alarm clock sa night table.

Lumabas siya ng silid. Halos kasabay niyang nagbukas ng pinto ang Tiya Luisa niya.

“Nagising ka rin pala…” bungad ng matandang dalagang tiyahin. “Sino kaya iyang tumatawag na iyan?” dugtong nito.

Nagkibit lang ng balikat si Jessica. Hinigpitan ang tali ng robe at dinampot ang telepono.

“Hello…” aniya sa boses na medyo namamaos.

“Overseas call from the Philippines, Ma’am… for Jessica Arenas…” ang operator.

“I’ll take the call. This is Jessica Arenas…” aniya na nang marinig ang Pilipinas ay tuluyang nawala ang antok. Sinulyapan ang tiyahing nakasandal sa pintuan ng kuwarto nito.

“Pilipinas…” senyas niya sa tiyahin. “Hello… yes… T-Tita Claire..?”

Tiningnan ni Luisa ang pamangkin nang marinig ang sinabi nito. Si Claire ang nasa kabilang linya. Ang ikalawang asawa ng ama ni Jessica.

“H-hindi! Hindi totoo ang sinasabi ninyo…” bulalas ni Jessica sa nanginginig na boses.

Kinakabahang lumapit si Luisa sa pamangkin. Tuluyan na itong nag-iiyak. Maagap niyang inabot ang telepono mula dito nang mapansin niyang tila nanlalambot itong napasandal sa dingding.

Si Jessica naman ay parang nauupos na kandilang umupo sa malapit sa sofa at nag-iiyak.

Mula sa kabilang linya ay narinig ni Luisa ang malagim na balita.

Si Philip Arenas, ang ama ni Jessica ay namatay sa isang aksidente sa laot. Inabot ng malakas na bagyo ang basnig na sinamahan nito. Alam ni Luisa na may mga fishing boats si Philip. Sumasama itong pumapalaot kung gustong mangisda at mag-enjoy.

“Ang Papa, Tiya Luisa… ang Papa!” si Jessica na impit ang pag-iyak.

“Tatagan mo ang sarili mo, Jess…” si Luisa na hindi malaman kung papaano iko-console ang pamangkin.

Bunsong kapatid niya ang ina ni Jessica. Ito man ay namayapa na rin noong kinse anyos si Jessica. Muling nag-asawa si Philip dalawang taon na ang nakararaan.

“K-kailangang umuwi ako, Tiya Luisa! Gusto kong makita kahit ang… ang labî ng Papa!” At pagkasabi nito’y muling humagulhol ng iyak si Jessica.

Chapter 2

PAUWI na ng Pilipinas si Jessica sakay ng isang international airline. Nasa tabi siya ng bintana ng eroplano at nakatanaw sa labas. Puro ulap ang nakikita niya.

Hindi niya inalis ang salaming de-kolor sa mukha niya. Mugtung-mugto ang mga mata niya sa kaiiyak.

Kailan ba sila huling nagkita ng papa niya? May anim na buwan nang mahigit mula nang dalawin siya nito sa California. Malakas at malusog si Philip kaya mahirap mapaniwalaang wala na ito.

Gusto ng papa niya na umuwi siya ng Pilipinas. Iyon ang dahilan kaya dinalaw siya nito, upang himuking umuwi.

Maraming dahilan siyang ibinigay. Tulad ng hindi siya makakahingi ng bakasyon sa bangkong pinagtatrabahuhan niya. Dahilang napakababaw dahil alam naman niyang kahit hindi siya magtrabaho ay mabubuhay siya nang maalwan.

Hindi niya masabi sa ama niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi na niya nais bumalik ng Pilipinas.

Napabuntong-hininga si Jessica. May dalawang taon na mula nang umalis siya sa kanilang bayan. At walang nakakaalam ng totoong dahilan kung bakit bigla na lamang siyang umalis patungong Amerika.

Kahit sino… kahit si Philip… at kahit si Nick!

Si Nick. May kumirot sa dibdib niya. At sa pagitan ng mga ulap na nakikita niya sa labas ng bintana ng eroplano ay naglakbay ang kanyang isip pabalik sa nakaraan. Dalawang taon na ang nakalipas… labing-siyam na taong gulang pa lamang siya noon…

SA ISANG maunlad na bayan sa Mindanao nagmula ang pamilya ng mga Arenas. Nag-iisang anak si Jessica ng hacienderong si Philip Arenas.

Nang tumuntong ng kolehiyo si Jessica ay sa Maynila na siya nanirahan. Sa isang exclusive na dormitoryong pambabae. Regular siyang umuuwi ng Mindanao kung semestral break at Christmas vacation.

Nang hapong iyon ay magkahalong galak at pagtataka ang nadama ni Jessica nang datnan niya sa reception hall ang amang si Philip.

“Papa!” bulalas niya sabay yakap dito.

Tumatawa si Philip na hinila ang anak paupo sa leatherette na sofa.

“How’s my girl? Hmn… nineteen ka na, pero pag ganyang nakauniporme ka ay para ka pa ring trese anyos,” nakangiting sipat nito sa anak na ang mahabang buhok ay nakatirintas. Isang light-frosted pink lipstick lamang ang nakaadorno sa magandang mukha ng dalaga.

Lumabi si Jessica na nilalaro ng daliri ang butones ng polo shirt ng ama. “Hmp… lagi kang ganyan. Akala mo hindi na ako lumaki gayong halos pantayan na kita sa taas,” aniya na laging ikinaiinis ang malimit nitong pagbibirong para siyang bata.

“Isa sa mga araw na ito, magugulat ka na lamang pag nag-asawa na ako,” patuloy niya.

Tumawa nang malakas si Philip. “Kawawang lalaki, hija! Hindi niya alam kung ano ang papasukin niya!”

“Papa!” naiiritang bulalas ni Jessica.

Hindi mapigil ni Philip ang pagtawa. Magsasalita pa sana si Jessica nang mapansin niya ang laking nasa may gawing likuran ng ama.

Tipid na tipid ang ngiti nito. At kung iisipin niya ay mas nanunuya kaysa ngumingiti. Huminto sa pagtawa si Philip at sinundan ng tingin ang tinitingnan ni Jessica.

“O, I’m sorry… nakalimutan kong may kasama nga pala ako,” ani Philip sabay harap sa lalaki. “Jess, hija, si Nick del Mar… isang agriculturist mula sa Los Baños…” Pagpapakilala ni Philip na dinugtungan pa ng ilang detalye.

Subalit sa wari ay hindi naririnig ng anak. Mataman niyang tinititigan ang ipinakilala ng ama.

Tall dark, and… very handsome ang lalaki. Rugged ang hitsura. Naka-faded maong na hapit. Ang sapatos na goma, tiyak niya, ay original Nike. Naka-polo shirt ito ng light blue at may jacket na nakasampay sa kanang balikat.

Ang ngiting hindi naman talaga ngiti ay tila nagdadagdag lamang sa karakter ng mukha nito. Hindi iniiwas ng lalaki ang mga mata nito kay Jessica. Hindi mawari ni Jess kung anong damdamin ang nakapaloob sa magandang mata nito.

Gosh! This man is not just incredibly handsome… but sexy! Yes, this man is devastatingly sexy!

Hindi ito katulad ng mga kaibigan at mga kakilala niya. This one is more mature looking. Marahil mga twenty five or twenty six.

“Hija, actually, taga-atin si Nick… ang mga magulang niya. Katunayan ay kasama ko siyang uuwi bukas…” patuloy ni Philip na medyo ikinapitlag ni Jessica na naputol ang asessment sa lalaki. “Nick, ang sinasabi ko sa iyong kaisa-isa kong anak, si Jessica…”

Pormal na inabot ng lalaki ang kanang kamay. Naroon pa rin ang tila mapanuyang ngiti.

“Hello…” sabi nito kay Jessica.

“H-hi…” si Jessica na inabot din ang kamay. Mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki dito at sa pakiramdam ni Jessica ay may gumapang na kilabot sa braso niya.

Sandali lang iyon at binitiwan ng lalaki ang kamay niya at bumaling kay Philip.

“Sa departure area na lang tayo magkita, Phil. Natitiyak kong marami pa kayong pag-uusapang mag-ama,” ani Nick sa boses na buong-buo.

Napalunok si Jessica. Does he have to sound like Kenny Rogers? Husky at tila bagong gising? aniya sa sarili. Naniniwala si Jessica na ang mga lalaking super-guwapo at sexy ay sa films, TV shows, at mga musical video lamang niya napapanood.

Well, this time, mali siya. Nick is one hell of a sexy man!

Nasa pintuan na ito ng dormitoryo nang magpahabol ng anyaya si Philip.

“Why don’t you join us for lunch, Nick?”

Huminto sa paglabas ang lalaki at lumingon. “No, thank you. May aasikasuhin pa akong ibang bagay.”

Sandaling tiningnan si Jessica bago tuluyang lumabas.

“Come on, Jessica. Iti-treat kita ng lunch,” anyaya ni Philip sa anak.

Sandaling nawala sa isip ni Jessica si Nick. “Wow! Ako ang mamimili ng restaurant, ’Pa. Sawang-sawa na ako sa pagkain dito at sa pizza pie at hamburgers!”

Chapter 3

NAGSISIMULA na silang kurnain nang magtanong si Jessica.

“’Pa, bakit ka nga pala napaluwas? May binibili ka ba para sa farm?” sabi niya habang binabalatan ng tinidor at kutsilyo ang grilled prawn, na nasa pinggan.

“Well, I’m checking on you, masama ba?” pabirong sagot ni Philip.

“Papa, ha? I don’t buy that! Alam kong may tiwala ka sa akin dahil alam mong mapagkakatiwalaan at mabait akong anak,” nakangiting binigyang diin niya ang dalawang adjectives para sa sarili.

Hindi kumibo si Philip. Nag-concentrate sa pagkain. Napatingin sa ama si Jessica. Namumuo ang hinala na may seryosong dahilan ang pagluwas ng ama. Bakit ba, eh, uuwi na siya in a month’s time dahil semestral break na nila. Hindi muna siya kumibo at hinayaang mag-enjoy silang mag-ama sa pagkain.

Patapos na si Philip nang magsalita ito. Patantiyang tiningnan ang anak.

“I-ikaw talaga ang sadya ko, hija… but for a different reason…” Kinuha nito ang table napkin sa kandungan at nagpahid ng bibig. “W-well… I just don’t know where to start…” dugtong nito.

“Sa umpisa, Papa. And please… ayoko ng suspense.” At inabot ang baso ng juice at ininom.

“I-it’s been a long time… mula nang mamatay ang mama mo, hija…”

Bigla ang pagbangon ng kaba sa dibdib ni Jessica. Hindi kumukurap. Lumilinaw ang namumuong hinala.

“That was four years ago…” Siya na ang nagpuno ng eksaktong bilang ng mga taon mula nang mamatay ang mama niya.

“Malungkot ang nag-iisa, hija. Sooner or later, mag-aasawa ka na rin.” Umubo muna ito, pilit na inaalis ang bara sa lalamunan. “Tututol ka ba kung muli akong mag-aasawa, Jess?” sa wakas ay naitanong ni Philip.

Hindi gaanong nabigla si Jessica. She thought so. “Kanino, ’Pa?” deretso niyang tanong.

“Sa… sa kapatid ni Nick, kay Claire. Kilala mo siya, ’di ba?”

Marahang tumango si Jessica. Kilala niya si Claire. Ito ang nagmamay-ari ng kabilang asyenda na karugtong ng sa kanila.

Ang hindi niya alam ay ang pagiging magkapatid nito at ng ipinakilala sa kanya ng ama niya. Ang alam ng lahat ng mga tagaroon ay nag-iisang anak si Claire na kung bakit nanatiling walang asawa ay hindi nila alam.

“Hindi ko alam na may kapatid si Manang Claire…”

“May kapirasong lupa sa Laguna ang tiyahin ni Claire, hija. Kapatid ng ina niya. Doon lumaki at nag-aral si Nick. Sa UP ito kumuha ng Agriculture,” paliwanag ni Philip.

“Noong mamatay ang ama ni Claire, nasa asyenda si Nick. Lumagi roon si Nick ng isang linggo bago muling bumalik ng Los Baños.”

Natatandaan niyang hindi siya nakasama ng mga magulang nang makiramay doon dahil may tigdas siya. At nang sumunod na taon, ang mama naman niya ang binawian ng buhay.

“At nitong huling dalawang taon ay hinikayat ni Claire na pangasiwaan ni Nick ang lupa nila,” patuloy ni Philip. “Katunayan ay pinakiusapan ko si Nick na tulungan ako sa asyenda.”

Tinitigan ni Jessica ang ama. Marami palang nabago sa asyenda nang hindi niya nalalaman.

Kuwarenta y siyete na si Philip at maliban sa medyo may katabaan nang kaunti ay bata pa itong tingnan. Magandang lalaki ang kanyang ama sa kabila ng mga taon.

Si Claire, sa tantiya niya, ay bata lamang ng dalawa o tatlong taon sa ama niya. Napakalaki ng agwat ng edad nina Claire at Nick. Kung tutuusin, mas bagay na maging mag-ina ang dalawa kaysa magkapatid. Iyon ay kung nag-anak si Claire noong kasing-edad niya.

Parang gustong magselos ni Jessica. Buong buhay niya, kanya lahat ang buong atensiyon ng ama. Lalong higit nang maulila siya sa ina. At ngayon ay masakit isiping may makakahati na siya sa pagmamahal nito.

Pero hindi naman siguro tamang maging makasarili siya. After all, kailangan ng ama niya ang makakasama sa pagtanda nito. Lumunok siya upang maalis ang bara sa kanyang lalamunan.

Pinahid ng likod ng palad niya ang luhang gustong pumatak. Nag-alala si Philip.

“Jess, hija…” Pinisil nito ang palad ng anak.

“I’m okay, ’Pa.” Sinikap niyang ngumiti. “Are we expecting a grand wedding?”

Nakahinga nang kaunti si Philip. “This is her first wedding, hija. I guess I owe her that,” ani Philip. “And besides, inaasahan ng mga taga-asyenda ang isang malaking kasalan.”

“K-kailan ’yon?”

“Sa bakasyon mo, sweetheart, ikaw ang maid of honor at si Nick ang bestman.”

Muling bumalik kay Nick ang isip ni Jessica. Iihim na nangingiti. Ano kaya ang hitsura ng rugged na si Nick sa isang pormal na kasuotan?

Will he be just as sexy?

Chapter 4

S A SIMBAHAN ang ikalawang pagkikita nina Nick at Jessica.

Pakiramdam ni Jessica ay siya ang bride at si Nick ang groom. Kung guwapo at sexy si Nick sa suot nitong maong noong una silang magkita, higit ngayon sa pormal nitong suot na barong-tagalog.

Ang reception ay sa malaking bahay nila sa asyenda. Pinagkaguluhan ng mga kabinataan si Jessica. Mga kabarkada at mga kababata. Mga anak-anak ng mga kaibigan ng ama niya. Isa na rito ang anak ng mayor ng bayan nila. Si Gino, isang high school sweetheart.

“Hi, cute…” nakangiting bati nito. “Excuse me boys, pero heto na ang prince charming ng pinagkakaguluhan ninyo,” dugtong nito habang nagtatawanan ang mga nakapaligid na mga kaibigan.

“Hello, Gino… hindi ko akalaing magkikita tayo. Ang alam ko ay sa Siliman University ka nag-aaral sa Dumaguete,” ganting-ngiti at tugon niya.

“Gosh, Jess! Kamukha mo, sem break din namin ngayon…” At umupo ito sa tabi ng dalaga. “Napakaganda mo ngayon, Jess…” dugtong nito na namumungay ang mga mata.

“Matagal ko nang alam ’yon, Gino. Anyway, thank you for stressing the obvious…” birong sagot niya.

Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ng dalaga. Hindi pa rin nagbabago ang dating kababata at nobyo. Bohemyo at galawgaw pa rin.

“Gino, iniirapan ako ng mga girls…” At sabay sulyap sa ilang mga dalaginding sa bulwagan. Ang iba ay mga dating classmate. Some are new faces.

“Jess, love… I hate girls who do the chasing…” at niyakag nito sa bulwagan ang dalaga upang sumayaw.

Nakangiting sumunod si Jessica nang mapadako ang pansin niya kay Nick. Ikinompara niya si Gino roon. All right, guwapo rin si Gino, definitely, walang duda roon. Pero iba ang dating ni Nick sa kanya. Hindi niya kayang ipaliwanag. At sisiw ang tingin niya kay Gino kompara sa agilang si Nick

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang may lumapit na babae kay Nick. Seksi ito sa kulay-pulang mini-skirt. Maiksi ang buhok at maputi.

“Gino, sino ’yong babaeng iyon?” At ininguso ang itinatanong. “’Yong nakapulang kumapit sa kapatid ni Tita Claire.”

“Si Melisa, sekretarya ng Daddy ’yan. Bakit?”

“Wala, bagong mukha…” sagot niya na hindi inaalis ang tingin sa dalawa.

“Hindi ka naman kasi naglalagi dito sa atin. Sa bayan nakatira iyan. Pag-aari ng mga magulang niya ’yong parmasya malapit sa munisipyo. Sa likod ang bahay nila.” At hinapit ang dalaga.

“Gino, nauubusan ako ng oxygen…” birong saway niya.

’Mouth to mouth resuscitation, you want?“ nangingislap ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.

“Gino!”

“I missed you, Jess… ang daming babae… but there was only you…” Seryoso ang boses na iyon.

Huminga nang malalim si Jessica. “Do not rekindle an old dying flame, Gino…” seryosong sagot din ng dalaga at sumulyap muli sa kinalalagyan ni Nick.

Nasa kalagitnaan na ang tugtog nang makita ni Jessica na hinila ng babae si Nick sa gitna ng bulwagan. Hindi gaanong malaki ang sala ng malaking bahay at iilan lang ang nagsasayaw kaya hindi gaanong malayo ang dalawa sa kanila.

“Kaano-ano ni Nick ang Melisang iyan, Gino?” tanong niya uli.

“Balitang magkasintahan ang dalawa. Malimit makitang magkasama ang dalawang iyan at nagpupunta si Nick sa bahay ni Melisa sa bayan.” Lumuwag ang pagkakahapit ng binata sa kanya at tiningnan siya. “Why the curiosity, Jess? Huwag mong sabihing may crush ka kay Nick?”

“At kung meron nga?” naghahamong tanong ni Jessica.

“Then forget it. Knowing Melisa, hindi niya pinahihintulutang may makalapit sa property niya. Isa pa, he is too old for you. Tayo ang mas bagay, Jess,” naiiritang sagot ni Gino. At pagkasabi noo’y muli siya nitong hinapit.

Hindi na kumibo si Jessica. Sinulyapan ang dalawang nagsasayaw na halos magkayakap na. Parang may nasaling sa bahagi ng dibdib niya at sa wari ay nasasaktan siya.

Nagulat na lamang siya nang isang damping halik sa labi ang ibinigay ni Gino sa kanya.

“I still love you, Jess…”

Babale-walain na lang sana ni Jessica iyon nang sa pag-angat ng mukha niya ay nagtama ang mga mata nila ni Nick. Walang ekspresyon sa mukha nito bagaman at nakatitig lang sa kanya. Pinamulahan siya ng mukha.

“Huwag mo nang uulitin iyon, Gino!” mahina ngunit pagalit niyang saway.

“Okay, love. Hindi rito sa maraming tao. Maybe we can find some place na pribado. Tara sa may swing sa likod.” At hinila siya nito paalis ng bulwagan.

Hindi man gustong sumunod ng dalaga ay hindi niya magawa nang hindi sila makatatawag ng pansin. Mahigpit ang hawak ni Gino sa kamay niya at bantulot siyang sumunod.

Sa likod ng malaking bahay siya nito dinala. Mula sa karamihan ng tao ay natatakpan ito ng malalagong halaman at mga puno. Natatanaw mula doon ang dagat na may pitumpong metro din ang layo. Naroon ang isang malaking swing na sintanda na yata nilang dalawa.

Pribado ang bahaging ito ng bakuran nina Jessica at bilang kababata ay kabisado ito ni Gino.

“Hindi tayo dapat umalis doon, Gino. Tiyak na hahanapin tayo ng mga magulang natin…” naiinis niyang sinabi.

“Jess, walang maghahanap sa atin. Lahat ng atensiyon ay nasa mga bagong kasal, kaya libre tayo.”

Padabog na umupo sa swing si Jessica. Sumunod si Gino na agad siyang niyakap at hinalikan sa leeg.

“Oh, how I miss you, Jess. Bakit hindi mo sinasagot ang mga sulat ko sa iyo?”

Umikot ang mga matang tumingin sa itaas si Jessica. Hindi malaman kung magagalit o matatawa sa binata.

“Tigilan mo ang ginagawa mo, Gino, please…”

“Huwag kang killjoy, Jessica. Dati naman nating ginagawa ito, ah.” At nagpatuloy ito sa paghalik kay Jessica.

Iniiwas naman ni Jess ang mukha upang huwag dumako sa mga labi niya ang mga halik ni Gino.

“Baka nakakalimutan mong nag-break tayo last semestral vacation…” sagot niya. “Tinapos ko na ang lahat sa atin, ’di ba? If there is one thing I hate ay ang isang two-timer!” Last semestral break ay nahuli niya ito sa loob ng sine na may ka-date na iba.

“You did not allow me to explain,” protesta ng binata. “At hindi naman ako pumayag na mag-break tayo, ah. All right, nagkamali minsan… hindi mo na ba ako mapagbibigyan?” Seryoso si Gino at hindi siya aware na isang linya ng awit ang nagaya nitong sambitin.

Natawa nang malakas si Jessica. “Ang corny mo!”

Namula ang binata. “I can’t believe na pinagtatawanan mo ako, Jess…” may himig-galit na ang boses nito.

Pumormal si Jessica. “I’m sorry, Gino. Masasabi kong napaka-unforgiving ko pagdating sa kataksilan. But then, we can still be the best of friends, ’di ba?” At pili siyang kumakawala sa yakap ng binata.

“At saka maybe we made a mistake, then. Para lang naman talaga tayong magkapatid, let’s not spoil it,” dagdag niya nang hindi sumasagot si Gino.

“Oh, no! Ayokong kapatid kita, Jess. I want you to be my girl.” At muli nitong pinupog ng halik si Jessica. Sa mukha, sa leeg, at sa balikat.

“Stop it, Gino. Ano ba!”

Isang tikhim ang nagpakawala kay Jessica mula sa mga yakap ng dating kasintahan.

Magkasabay nilang nilingon ang pinanggalingan ng tikhim. Ang laking gulat ni Jessica nang makitang nakatayo si Nick sa may di-kalayuan.

Sandaling nagsalubong ang mga kilay nito pero iglap ding bumalik ang blankong ekspresyon sa mukha.

“Ipinahahanap ka ng papa mo!” nakatingin ito nang deretso kay Jess. Tila naghahamon ang mga mata. Pagkuwa’y tumalikod na.

Hindi makaapuhap ng sasabihin ang dalaga. Ano ang iniisip ni Nick sa dinatnang eksena?

Nakakailang hakbang na si Nick nang muli itong lumingon sa kanila.

“Kalabisan sigurong sabihing maraming tao sa paligid!” Tila nanunuya ang tinig nito at tumalikod nang tuloy-tuloy.

Naiwang nagkatinginan ang dalawa. Unang nagsalita si Gino. “I’m sorry, Jess…” nahihiyang sabi nito. Dinukot nito ang panyo sa bulsa at nagpahid ng pawis sa noo.

“You should be!” padabog na sagot ni Jessica.

“I’m not sorry for kissing you! Ang inihihingi ko ng paumanhin ay ang nakita tayo…” pagtutuwid ni Gino.

“Linawin natin ito, Gino. Let us just be friends or nothing at all.” Naghahamon ang tinig ni Jessica. Naroon ang finality ng sinasabi.

Nang hindi kumikibo ang binata at nanatiling nakatitig lang sa kanya ay tumayo siya upang iwan ito. Maagap siyang hinawakan nito sa braso.

“Don’t be cross, Jess…”

Inalis ni Jessica ang kamay ng binata sa braso niya at humakbang palayo.

“All right… friends!” pahabol ni Gino sa malungkot na tinig.

Lumingon ang dalaga. Sandali siyang tinitigan bago ngumiti at inabot ang kamay kay Gino. “Friends…” aniya sa kababata.

Chapter 5

ISANG linggo ang matuling lumipas na hindi niya nakita si Nick. Pero sa naririnig niyang pag-uusap ng papa niya at ng madrasta ay malimit ito sa asyenda. Nagre-report si Nick kay Philip sa anumang suliraning may kinalaman sa mga gawain sa asyenda.

Nang hapong iyon ay kausap ng papa niya si Gino.

“Hija, nagpapaalam si Gino na mangabayo kayo,” bungad ni Philip. “Magtungo kayo sa kuwadra at hingin mo kay Berto ang mga kabayong maaari ninyong gamitin.”

Magkasamang tinungo ng dalawa ang kuwadra. Dalawang kabayo ang siniyahan ni Manong Berto upang magamit nila.

Sasampa na lamang sa kabayo niya si Jessica nang mapuna ang malaki at itim na kabayo na nasa may dulo ng kuwadra.

“Iyon ang i-saddle ninyo para sa akin, Manong Berto,” sabay turo sa nakita.

Mabilis na umiling ang matanda. “Naku, Jessica, hindi puwede iyon at mapapagalitan ako ng papa ninyo at ni Nick,” sagot ni Manong Berto.

“’Bakit po?” At lumapit sa kabayo kasunod si Gino.

“Wow! Stallion!” Napasipol ang binata sabay himas sa ulo ng kabayo.

“Palahian po iyan. Si Nick pa lang ang maaaring sumakay diyan. Kahit si Philip ay naihulog na niyan,” paliwanag ng matanda.

Na-curious si Jessica nang marinig na si Nick pa lang ang sumasakay sa kabayo. “So, si Nick ang amo mo, ha? Come on BlackBeauty… ikaw ang gusto ko!”

Kung bakit napilit ni Jessica ang matanda ay hindi pa rin maunawaan ni Gino. Naiiling na lamang siya nang sumampa na sa kabayo ang dalaga.

“I wish I could own a horse like that…” himig nananaghili si Gino.

Marahang tinapik ng dalaga ang kabayo. “Easy… ask your dad…”

“Ewan ko ba sa Daddy kung bakit hilig ang politics,” malungkot na sagot ni Gino. “’Ayun, iba ang namamahala ng farm namin. Kung ako ang masusunod, pipiliin ko ang farm. In a way, naiinggit ako kay Nick… ang mga ginagawa niya ang gusto ko.”

“Don’t despair. You’ll have your time,” sagot ni Jessica. Alam niyang gusto ng daddy ni Gino na ito man ay sumunod sa mga yapak ng matanda.

Hinuhubog nito ang anak sa politics na kinamumuhian naman ng binata.

“Come on, race tayo. Unahan hanggang sa bukana ng ilog,” paghahamon ng dalaga.

“Hindi patas ang laban, Jess. Bukod sa mahusay ka nang mangabayo, mamaniin lang ng stallion na iyan itong kabayo ko,” sagot ni Gino na bagaman at nagrereklamo ay nakaramdam ng thrill.

“O, sige… may partida. Mauna ka hanggang sa may dulong mangga…” At itinuro ang malaking punong nakahilig sa daan na marahil ay singkuwenta metro ang layo mula sa kinaroroonan nila. “Pagdating mo doon ay saka pa lang ako magpapatakbo.”

“Fair enough,” nakangising sang-ayon ng binata at mabilis na pinatakbo ang kabayo nito.

Nang matanaw ni Jessica na inabot na nito ang dulong mangga ay mabilis na hinapit ang kabayo niya. “Hiya!”

Ang laking gulat nilang pareho nang abutan ni Jessica si Gino. Tuwang-tuwa ang dalaga sa performance ng sinasakyang kabayo.

Sa kabilang panig ng asyenda ay kausap ni Nick ang isa sa mga katiwala ng asyenda.

“Sa palagay ba ninyo, Mang Delfin, ay matatapos bukas ang pagpabagsak ng niyog?” tanong nito habang hawak ang walkie talkie.

“Tantiya ko, Nick. Itong bahaging ito na lang ang hindi pa natatapos,” sagot ni Mang Delfin.

“Mabuti kung ganoon.” At itinuon ang pansin sa mga nagbabagsak ng niyog sa pamamagitan ng mahabang kawayan na may karit sa dulo. Kinokontak din nito sa radyo ang kabilang asyenda. “Uuwi muna ako, Mang Delfin, at titingnan ko naman ang kabila.”

Tatalikod na sana si Nick nang mapunang wala sa binata ang pansin ng katiwala. Sinundan nito ang direksiyong hinahayon ng mga mata ni Mang Delfin.

Mula sa kinatatayuan nito ay nahagip ng paningin nina Nick ang pagdaan ni Jessica. Halos mawala ang kulay sa mukha ng binata nang makita ang kabayong sinasakyan ng dalaga.

“Sinasakyan niya si Toro!”

“Mao g’yod, Nick…” sagot naman ni Mang Delfin.

At bago pa nakakilos si Mang Delfin ay nakasampa na sa kabayo si Nick. Hindi nito aabutan si Jessica kung sa regular na ruta ito hahabol. Magkahalong galit at pag-aalala ang nakabadya sa mukha ng binata.

Samantala ay sinisikap ni Jessica na pahintuin ang kabayo dahil masyado nang malayo ang agwat nila ni Gino.

“Ho… ho!”

Subalit ni hindi humihina ang takbo ng malaking kabayo. Sa pakiwari niya ay lalo pa itong bumibilis! Muntik na siyang tamaan sa mukha ng isang sanga ng punong mangga na nakalawit sa daan. Mabuti na lang at mabilis siyang nakayuko.

Walang anumang tinatalon ng kabayo ang mga nakaharang na patay na puno sa daan.

Ang katuwaang nadama ni Jessica kani-kanina lang ay nahalinhan na ng takot. Humihiyaw na siya sa pagpapahinto ay bale-wala pa rin. Tuloy sa mabilis na pagtakbo ang kabayo. At kung hindi marahil sa kasanayan niyang mangabayo mula pa sa pagkabata ay maaring nahulog na siya!

Hindi maisip ni Jessica kung saan sila makakarating ng kabayo at kung kailan ito hihinto at kung paano niya mapapahinto. Nakadama na siya ng sindak!

Nang maramdaman niyang may humahabol sa kanya. Inisip niyang si Gino. Pilit niya itong nilingon.

Si Nick! Mga ilang dipa pa ang layo. Nang matanaw niya ang binata ay bahagyang naibsan ang kanyang takot.

“Hatakin mong mahigpit ang renda, Jess!” hiyaw ng binata.

Ni hindi narinig ni Jessica iyon. Hindi gusto ni Nick na hampasin ang kabayo subalit kailangan nitong abutan si Jessica bago maging huli ang lahat! Talampas ang tinutungo nila!

Magkasunod na halos ang dalawang kabayo. Marahil kung hindi rin magandang uri ang sinasakyan ni Nick ay hindi ito lalapit man lang sa stallion.

“Nick… ano’ng gagawin ko?” Gustong mag-panic ng dalaga.

“Pull the reign harder, honey!” muling hiyaw ng binata. Pilit nitong kinakalma ang mukha at tinig. Hindi nito gustong mag-panic si Jessica.

Sinikap sumunod ni Jessica subalit halos wala na siyang lakas sa takot. Bahagya na niyang nahatak ang renda! Si Nick naman ay umaagapay pa.

“Ho… Toro! Ho…” At sinikap abutin ng binata ang rendang hawak ng dalagita. “Ho… Toro… Ho…!” ulit ni Nick.

Bumagal nang kaunti ang takbo ng kabayo nang marinig ang pangalan nito at tinig ni Nick. Sinamantala ito ng binata at mabilis nitong hinablot ang renda mula sa mga kamay ni Jessica!

“Ho… ho… Toro!”

Ilang sandali pa at naglalakad-lakad na lang ang kabayo. Hindi na hinintay pa ni Jessica si Nick. Mabilis siyang tumalon mula sa kabayo.

Sa pagbaba niya ay natanaw niya ang kabayanan. Nasa pinakamataas na bahagi sila ng lupaing iyon. Ilang dipa na lamang ang layo nila at kung hindi napahinto ang kabayo ay mahuhulog silang pareho! Mga sala-salabat na punongkahoy ang nasa ibaba ng talampas!

Nanlalambot na napahiga sa damuhan si Jessica. Magkahalong takot at hapo ang naramdaman.

Nilapitan siya ni Nick matapos itali sa puno ang dalawang kabayo. Nakatunghay ito sa nakapikit na dalaga. Nakasabog sa damuhan ang mahahaba at nag-riot na curls ng buhok ni Jessica. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ng binata.

Sa tingin ni Nick ay isang napakagandang frame ang buhok ni Jessica sa isang napakaganda ring mukha. Nang dumako ang mga mata niya sa blouse ng dalaga na natanggal ang ilan sa pagkabutones. Marahil dala nang nangyari kanina. Nasisilip na niya halos ang isang bahagi ng dibdib nito.

Muling tumigas ang mukha ni Nick. “Make yourself decent!” matigas nitong utos.

Nagulat si Jessica sa narinig. Nagmulat ng mga mata.

“I am de…” at hindi niya natapos ang sasabihin niya nang makita kung saan nakatingin ang binata. Pinamulahan siya ng mukhang kinapa ang blouse.

Bigla siyang bumangon at umupo sa damuhan pa-yoga style at isinara ang mga butones ng blouse.

“Sino ang nagpagamit sa iyo sa kabayong iyan?” pagalit na tanong ni Nick sabay turo sa nanginginaing kabayo.

Hindi makaapuhap ng isasagot si Jessica. Napatingala sa binata. At bahagyang nakabuka ang mga labi. Wala sa loob ang ginagawa.

Nagsalubong ang mga kilay ni Nick. “For goodness sake, Jessica! Huwag mo akong tingnan nang ganyan!” Timpi ang galit nito. Kung kanino nagagalit ay hindi niya alam.

“Ipinagamit ba sa iyo ni Manong Berto ang kabayong iyan, Jessica?” ulit na tanong ni Nick.

“H-hindi… p-pinilit ko siya! Ayaw ni Manong Berto pero…” ang nauutal na sagot ni Jessica.

“Pinilit mo?” ang hindi makapaniwalang hiyaw ni Nick sa kanya.

Napayuko ang dalaga. Pinagpagan ang pantalon ng mga maliliit na damo. Lumapit kay Nick. Pinipilit tumatag.

“Alam mo ba, Nick del Mar, na ikaw pa lamang ang kauna-unahang tao na sumigaw sa akin?” malumanay ngunit madiin niyang sagot.

“Sisigawan ko kahit sinong tao, Jessica, and with reason!” Sa pagkakataong ito ay hindi sumigaw si Nick pero mas mabalasik ang dating ng boses nito kaysa nang sumigaw kanina. Bahagyang umatras si Jessica.

Hinawakan nito ang magkabilang balikat ni Jessica at dinala ang dalaga sa gilid ng talampas.

“Diyan ka pupulutin kung hindi kita natanawan!” At ipinakita nito sa kanya ang ibaba. Siya man ay hindi kayang isipin ang maaaring nangyari.

Nalula si Jessica. Napahawak sa polo ng binata at napapikit.

Napabuntong-hininga si Nick. Mabilis na hinatak si Jessica palayo sa bangin. Pinagbuhol-buhol ang emosyon ko ng babaeng ito, naisip ni Nick. Kailangan kong maging determinado kung hindi matatangay ako.

“You… you spoiled brat!” ang tanging nasabi ni Nick sa pagalit na tono.

“I’m… I’m sorry, Nick…”

Siya namang pagdating ni Gino. “Ano’ng nangyari, Jess?” At pinaglipat-lipat nito ang tingin sa dalawa.

“At kasama mo pala ang boyfriend mo!” Ewan ng binata pero parang nadagdagan ang galit nito. “I thought so…”

Pagalit na sumakay kay Toro si Nick at hawak naman ang renda ng isang kabayo.

“Iuwi mo si Jessica, Gino!” awtorisadong utos nito at pinatakbo ang sinasakyan habang hila-hila ang isa.

Naiwang nagtataka si Gino. Binalingan ang nakayukong si Jessica.

“Ano ba ang nangyari? Narating ko na ang bukana ng ilog. I even thought I won…”

“Wala… tara nang umuwi.”

Chapter 6

ALAM ni Jessica na pinagalitan ni Nick si Manong Berto dahil sa nakita niyang anyo ng matanda. Magpapalipas lamang siya ng ilang sandali at hihingi siya ng dispensa rito.

Nakasalubong nila si Nick pagpasok nila sa kabahayan. Palabas naman ito. Ni hindi siya nito tinapunan ng tingin, bagkus ay kay Gino ito sumulyap.

“Wow, that man… Jess! Have I been a lesser man, eh, talagang mangingilag ako sa kanya,” ani Gino na sinusundan ng tanaw si Nick pasakay kay Toro. “Ang mabuti pa ay umuwi na muna ako.”

“I’m sorry, Gino, kung na-spoil ko ang araw na ito,” si Jessica na naikuwento sa binata ang talagang nangyari. Ito man ay nasindak rin sa maaaring kinahinatnan.

“Wala iyon… marami namang araw, eh.” At tumuloy na rin ito sa sasakyan niya.

Malungkot na pumasok sa kabahayan si Jessica. Tutuloy na sana siya sa silid niya nang malabasan siya ni Claire.

“Nariyan ka na pala, Jess…” si Claire. “Halika sa may swing at saluhan mo kaming mag-snack ng papa mo.”

Tatanggi sana si Jessica pero nakaramdam siya ng gutom. Sumunod sa madrasta sa likod-bahay. Naroon ang ama at kasalukuyang umiinom ng sabaw ng buko.

“Wow! Chocolate cake!” bulalas ni Jessica. Sandaling nalimutan ang nangyari. At sa tantiya niya ay hindi nagsumbong si Nick sa ama niya.

“Sabi ko sa iyo, Claire… she’ll forget everything ’pag nakita niya ang chocolate cake mo…” kindat ng ama niya sa asawa.

Nasiyahang umupo sa tabi ng asawa si Claire. Tama si Philip nang sabihin nitong weakness ni Jessica ang chocolate cake.

“Umuwi na ba si Gino, hija?” si Philip.

Tango lamang ang isinagot ni Jessica. Abala siya sa pagkain. “Hmm… this one is good… very good…”

“Coming from you, I’ll take that as a compliment…” nakangiting sagot ni Claire.

“B-bakit nagpunta si Nick dito, Papa?” tanong niya matapos makaubos ng isang slice.

“Have another slice, Jess…” si Claire.

“Ire-reserve ko ’yan sa hapunan, Tita. Dessert. Papa, hindi pa ninyo ako sinasagot,” baling niya sa ama.

“Ow… ipinagpaalam na iuuwi niya sa kabilang asyenda si Toro. Studhorse ang kabayong iyon at bukod tanging si Nick pa lang ang hindi naihulog noon,” sagot ni Philip na kinukutsara ang malambot na laman ng buko.

“Sanay sa kabayo si Nick, darling. Horse trainer ang nagturong mangabayo diyan sa Laguna mula pa noong maliit siyang bata,” pagmamalaki ni Claire.

Kumuha ng napkin si Philip at ipinahid sa bibig. “It seems that your brother is very good in almost everything. Mula noong pamahalaan niya ang asyenda ay gumanda ang ani dahil sa mga makabagong pamamaraang ginamit niya. Maliban doon ay mahusay pa siyang magdala ng tao. Wala akong naririnig na reklamo,” nasisiyahang kuwento ni Philip.

“Maliban sa akin,” bulong ni Jessica sa sarili. Bukod-tangi lamang siyang hindi makasundo ni Nick. At kaya lamang siya nito pinag-uukulan ng pansin ay dahil anak siya ni Philip Arenas. At kung minsan pa nga ay parang gusto niyang isiping lagi itong nagagalit sa kanya. Kanina, nang sigaw-sigawan siya nito was the final straw.

Habang kumakain ay napagpasyahan niyang putulin na lamang ang bakasyon niya. Sa isang linggo ay sasabihin na niya sa papa niya na babalik na siya ng Maynila. Marahil pagdating doon ay maaalis na sa isip niya si Nick.

Isang malaking kahibangang ubusin niya ang oras niya sa taong bukod sa may kasintahan na ay wala pang amor sa kanya kahit kaunti.

Tuwina ay lagi na lang silang nagpapang-abot sa isang hindi magandang sitwasyon.

Spoiled brat! Iyon ang tingin sa kanya ni Nick.

Tumikhim si Philip na medyo ikinagulantang ni Jessica.

“You’re so silent, hija… nagkasamaan ba kayo ng loob ni Gino?” tanong ng ama niya.

“Hindi, Papa. May iniisip lang akong ibang bagay…”

Sumandal sa swing si Philip at umakbay kay Claire. “Gusto ko iyang si Gino. Mabait na bata at kilala natin ang pamilya… Kaya lang, hija, tila yata napakabata pa ninyo para sa isang seryosong relasyon. You’re both nineteen…”

Biglang parang gustong matawa ni Jessica.

“Ipanatag mo ang isip mo, ’Pa. Kapatid lang ang tingin ko sa anak ng kumpadre ninyo. Gosh! Name any game, wala pa kadto modaog kanako…” ani Jessica na ang ibig sabihin ay hindi pa nanalo minsan man sa kanya si Gino.

Napahalakhak si Philip. “Try bunong braso, hija!” biro nito. “But then, who knows baka manalo ka pa rin doon. I have always wanted a boy para sa panganay ko, but you compensated more than enough…” At muli itong humalakhak.

“Malakas ang personalidad ng anak mo, Philip. Hindi basta lalaki ang dapat na katapat…” si Claire na ngumiti sa kabiyak.

Tumango-tango si Philip at makahulugang ngumiti…

Chapter 7

N ANG umagang iyon ay napagpasyahan ni Jessica na maligo sa dagat for the last time. Mamaya ay magsasabi na siya sa amang uuwi na ng Maynila sa susunod na araw.

Sa lumipas na mga araw ay magkita-dili sila ni Nick. At kung nakakasabay nila ito sa pagkain ay halos hindi siya sulyapan.

Masamang-masama ang loob niya. Nasasaktan siyang di-mawari. Kaya naisip niyang ituloy na ang balak na pagbalik ng Maynila. Siya na ang bahalang magdahilan sa papa niya kung bakit agad siyang magbabalik sa dorm.

May isang oras din siyang nagbabad sa tubig. Mami-miss niya ito kapag nasa Maynila na siya.

Binaybay niya ang daan pabalik sa malaking bahay. Kung hindi siya nagmadali sa pagpasok ay napuna niya sana ang nakaparadang 4x4 Path Finder Nissan ni Nick sa may tagiliran ng bahay.

Papanhik na siya sa itaas nang masalubong niya si Nana Sela, ang yaya niya noong maliit pa siya at mayordoma ngayon.

“Wala pa moabot si Papa, Nana Sela?”

“Darating na siguro iyon. Naku, pumanhik ka na nga at tumutulo ka…” sagot ng matanda. “Pagkaligo mo ay bumaba ka sa kusina at ihahanda ko ang almusal mo. Hu… kung bakit kay-agang naligo na ’di man lang nainitan ang tiyan?” bulong nito palayo sa kanya.

Nangingiti si Jessica. Sanay na siya sa nanay-nanayan niya. Mahigpit pa ito sa papa niya. At sa palagay ni Nana Sela ay masyado siyang na-spoil ni Philip.

Tuloy-tuloy siya sa banyo at nagbanlaw. Ilang sandali pa ay nakatapis siya ng tuwalyang lumabas ng banyo at umupo sa harap ng tokador. Nag-plug ng blower upang magpatuyo ng buhok.

“Nasaan ba ang roller brush ko?” tanong niya sa sarili habang hinahawi ang ibang suklay at brush pero hindi makita ang hinahanap.

Muli niyang pinatay ang blower nang maalalang naiwan niya ito sa guest room kahapon nang tulungan niyang magpalit ng wall curtain ang katulong.

Tatawag sana siya ng katulong upang mag-utos pero ipinasyang siya na lang ang kukuha ng roller brush na naiwan niya sa guest room sa ibaba.

Nakatapis lang siya ng tuwalya nang bumaba. Nasa unang palapag ang guest room ng malaking bahay. Ganoon din ang gym ng papa niya at ang library na ginagamit ring opisina. Karugtong ng library ay isa pa uling kuwarto na maaari ding gamitin kung may mga bisitang darating.

Nasa ikalawang palapag naman ang kuwarto nilang lahat. At bago pa ang mga kuwarto sa itaas ay ang family room ang unang mabubungaran. Naroon ang TV, VHS, component, at kung ano-ano pa.

Bagaman at malaki ang sariling kuwarto niya ay hindi hamak na doble ang laki ng master’s bedroom dahil may ante-room pa ito na kung saan naroon ang lagayan ng mga damit. Kanugnog din ito ng banyo. Maliban sa mga nabanggit ay may tatlong bakanteng kuwarto pa sa itaas dahil nangarap ang mga magulang niya ng apat na anak. Subalit hanggang sa mamatay ang mama niya ay hindi na siya nasundan. Lahat ng mga kuwartong nabanggit ay may sari-sariling toilet and bath. Kaya nga malaking bahay ang tawag ng mga taga-asyenda rito.

Nakabukas ang pinto ng guest room at tuloy-tuloy si Jessica sa loob ng silid nang bigla siyang mapatda. Sa kama ay pahalang na nakahiga si Nick at sa wari ay tulog na tulog. Nakababa ang mga binti nito sa sahig. Malapit sa may dulo ng kama ito nakahalang. Ang kanang braso ay nakalagay sa noo.

Marahan at maingat na lumapit sa binatang natutulog si Jessica. Hinagod niya ito ng tingin.

“You’re very handsome and it’s so unfair,” bulong niya sa sarili. “Bakit nasa iyo na yatang lahat ang mga physical na katangian ng isang lalaki? Nagso-somersault ang puso ko tuwing nakikita kita,” dagdag niya.

Nang mapadako ang mga mata niya sa mga labi ng natutulog. Magigising ka kaya hung hahalikan kita? muli niyang tanong sa sarili. I hope not, dahil gusto kitang hagkan ! sagot din niya.

I’m leaving the day after tomorrow… so let’s just say na goodbye kiss ko sa iyo. And you should be honored…“ bulong niyang muli na nangingiti.

Buong ingat siyang umupo sa may paanan ng kama. Titig na titig siya sa mukha nito na tila namamalikmata. At unti-unti ay inilapit niya ang mukha niya sa mukha ni Nick habang ang mga kamay niya ay nakahawak nang mahigpit sa buhol ng tapis na tuwalya.

Halos dalawang pulgada na lang ang layo ng mga labi niya sa mga labi ni Nick nang magulantang siya sa malakas na sigaw mula sa may pintuan.

“Jessica!” si Philip.

“Nick!” si Claire.

Halos magkapanabay na sumigaw ang mag-asawa. Sa tagpong ito nagising si Nick na naalimpungatang bumangon at umupo.

“Phil? Claire?” at dumako ang tingin niya kay Jessica na nakatanga sa ama at madrasta at mahigpit na hawak-hawak ang tuwalya sa dibdib. “J-Jess?”

Mabilis na lumapit sa kanila si Philip kasunod si Claire.

“Ano’ng ibig sabihin nito, Nick?” Naniningkit ang mga mata ni Philip sa galit subalit halatang nagpipigil sa sarili. Ang mga kamao’y mariing nakakuyom.

“Ano itong ginawa mo, Nick?” si Claire na magkahalong galit at pag-aalala ang nasa mukha.

Hindi makasagot si Nick. Hindi nito maintindihan ang nagaganap. Nalilitong pinaglipat-lipat nito ang mga mata sa tatlong nilikhang nasa silid.

Bakit narito si Jessica? Ang natatandaan niya ay hinihintay niya ang bayaw at dinalaw siya ng antok. At bakit nakatapis lang ng tuwalya ang anak ng bayaw niya?

“Jessica, gaano na ninyo katagal ginagawa ang mga bagay na ito?” Si Philip na binalingan ang anak sabay marahas na hinatak patayo. Napasadsad sa dingding si Jessica.

Takot sa ama ang nadama ni Jessica. Buong buhay niya ay hindi nagalit nang ganito si Philip sa kanya. At minsan man ay hindi siya nito nasaktan. Lalong hinigpitan ang hawak sa tuwalya. Ang mga basang buhok na halos tumutulo pa ay nakasabog sa mukha at balikat. Nanlalaki ang mga mata niya.

“At ikaw, Nick… napakalaki ng tiwala ko sa iyo upang gantihan mo nang ganito!” patuloy ni Philip na nagngangalit ang mga bagang.

Tumingin si Claire kay Nick. Bumaling din ang tingin kay Jessica na halos takasan na ng kulay ang mukha.

“Jess…” bulong ng binata. Nagtatanong ang mga mata.

Sa sandaling iyon ay nanaisin pa marahil ni Jessica na biglang maglaho.

At si Nick… sa buong buhay nito ay ngayon lamang napaharap sa isang sitwasyong hindi nito kayang gawan ng paraan! Tuwina ay kontrolado nito ang mga ginagawa… ang sarili… ito ang taong puno ng kompiyansa sa sarili. Subalit ngayon ay tila isang dagang nakorner ng malaking pusa.

Sinapo nito ng dalawang kamay ang mukha at yumuko.

“Pumanhik ka sa kuwarto mo, Jessica, at magbibis ka!” bulyaw ni Philip sa anak na napasiksik sa tabi, pagdaka’y nilingon nito ang asawa. “Kausapin mo ang kapatid mo at hihintayin ko kayong lahat sa sasakyan!” Matigas at pinal ang binitiwang salita nito bago lumabas ng silid.

Sinulyapan ni Jessica si Nick. Nanlamig siya sa poot na nakita niya sa mga mata nito. Mabilis siyang lumabas ng guest room at patakbong pumanhik sa silid niya.

Ibinagsak ni Jessica ang sarili sa kama at nag-iiyak nang nag-iiyak.

Ano ang gagawin niya? Paano niya itutuwid ang mga pangyayari nang hindi siya mapapahiya? Ang papa niya? Ano ang sasabihin nito at ang magiging katayuan kung sasabihin niya ang totoo? Hindi niya kayang isipin ang kinahinatnan ng ginawa niya! At bakit nga ba niya nagawa iyon?

Nang maalala ang galit ng ama. Tiningnan niya ang braso niyang mahigpit na hinatak nito, nakabakas roon ang galit! Takot sa ama at pagkalito ang nadama ni Jessica.

Napabalikwas siya sa malakas at sunud-sunod na busina ng sasakyan ni Philip. Mabilis siyang nagbihis taglay ang agam-agam sa gagawin ng ama.

Eksaktong alas-onse nang sapitin nila ang opisina ni Mayor. Gustong sansalain ni Jessica ang ama nang matiyak niya ang balak nito.

“P-Papa… h-hindi kailangang…” nauutal niyang pakiusap sa ama na hindi natapos dahil agad siyang sinansala nito.

“Hindi mo gustong dito tayo gumawa ng eksena, Jessica!” bulyaw ng ama niya sa kanya.

Agad siyang nagyuko ng ulo at atubiling bumaba ng range rover. Nabungaran nila si Melisa sa labas ng silid ni Mayor.

“Good morning, Mr. Arenas… Mrs. Arenas…” nakangiting bati nito sa naunang mag-asawa. At bumaling ang tingin sa magkasunod na sina Nick at Jessica.

“Hi, Jessica…” At nilingon si Nick at malambing na ngumiti dito. “Kasama ka pala, Nick…”

“Nariyan ba si kumpadre, Melisa?” pormal na tanong ni Philip.

“Opo. Pumasok na kayo…”

Nilingon ni Philip si Nick. Sinalubongng binata ang mga mata nito.

“Susunod ako…”

“Dalawang minuto, Nick!” ani Philip na hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha.

Itinulak nito ang pintuan ng kuwarto ni Mayor kasunod si Claire at ang nag-aatubiling si Jessica.

“Bakit kayo nanditong lahat, Nick? May kailangan ba kayo kay Mayor?” bungad na tanong ni Melisa.

Tumingala sa kisame si Nick. Hindi ang tanong ni Melisa ang nasa isip kundi ang pagkakalagay sa isang sitwasyong sunod-sunuran ito.

“Nick… hindi mo ako sinasagot…”

Bumaba ang tingin niya sa mukha ng babae. “Well…congratulate me! I will be a married man in a few minutes!”

Nabigla si Melisa. “H-hindi kita maintindihan, Nick. Linawin mo ang sinasabi mo,” kinakabahang tanong nito.

“Magpapakasal kami ni Jessica, ngayon.”

Parang bomba iyong sumabog sa harap ng babae. “A-ano! B-bakit kayo magpapakasal gayong ako ang kasintahan mo?”

Nagsalubong ang mga kilay ng binata. “Come on, Mel. Alam mong hindi totoo iyan.”

Sandaling natilihan ang babae. “Hindi mo magagawa sa akin ito, Nick,” patuloy muli ni Melisa. “Bakit biglang-bigla ay magpapakasal kayo?”

“Hindi ko kailangang magpaliwanag sa iyo, Melisa. Alam mo iyan…” pormal na sagot ni Nick.

Nasa ganoon silang pag-uusap nang bumukas ang pinto at sumungaw si Claire. “Pumasok ka na, Nick…”

Chapter 8

NAPAKABILIS ng pangyayari para kay Jessica. Paglabas niya ng opisinang iyon ay may-asawa na siya.

Alam niyang nabigla at nagtaka si Mayor pero hindi ito nagtanong. At balak pa nitong pakainin sila sa labas bilang blow-out pero magalang na tumanggi ang papa niya.

Sa isang kilalang restaurant sila nananghaliang apat. Pakiramdam ni Jessica ay lasang sapal lahat ang masasarap na pagkaing in-order ng ama. Kailangan pa niyang uminom ng tubig upang malunok ang pagkain niya.

Maliban sa magalang na sagot ni Nick kanina kay Mayor ay hindi na ito nagsalita. Iniiwasan niyang mapasulyap man lamang dito.

“Ikaw na ang bahala diyan sa asawa mo, Nick…” bungad ni Philip.

Biglang nasamid si Jessica. Napatingin sa kanya ang tatlo. Inabutan siya ni Nick ng tubig. Alam ni Jessica na out of courtesy kaya ginawa ni Nick na abutan siya ng tubig. Kung maaari nga lang siguro ay lunurin siya nito.

“T-thank you…” anas niya matapos makainom. Pinunasan ng napkin ang bibig.

“As I was saying…” patuloy ni Philip, “pagpasensiyahan mo ang anak ko, Nick. Napakabata pa niyan at walang alam sa buhay…”

Kung sa ibang pagkakataon ay baka nagprotesta na naman sa ama si Jessica. Ikinaiirita niya ang parati na lamang nitong pagsasabing napakabata pa niya. Subalit sa pagkakataong iyon ay gusto niyang umiyak.

Pasado alas-kuwatro na nang sapitin nila ang Asyenda Arenas. Mabilis na bumaba ng sasakyan si Jessica at walang lingong pumasok ng kabahayan.

Papanhik na siya ng hagdan nang magsalita si Philip na kasunod niya lang halos. “Ihanda mo ang mga gamit mo, Jessica, at kasama ka na ni Nick na uuwi sa Asyenda del Mar.” Pagkasabi noon ay umupo sa paboritong rocking chair ang ama.

Napahawak nang mahigpit sa poste ng hagdan si Jessica. Umikot ang paningin. Hindi pumasok sa isip niya na sasama siya kay Nick sa bahay nito.

Marahang inakbayan ni Claire si Jessica at nilingon ang asawa.

“Tutulungan ko na si Jess, Phil…” At magkasabay na pumanhik sa itaas ang dalawa.

Pagpasok sa kuwarto ay umupo sa gilid ng kama si Jessica. Umupo sa tabi niya si Claire at hinawakan siya sa baba.

“May bagong kasal bang ganyan? Cheer up, darling…” masuyong sabi ng madrasta.

Hindi mapigil ni Jess ang sarili at umiyak nang umiyak.

“I’m sorry… I’m sorry… hindi ko…” Hindi niya natapos ang sasabihin dahil banayad siyang kinabig ni Claire sa dibdib nito.

“Sshh… don’t talk.”

Napatingin sa madrasta si Jessica. “H-hindi ka nagagalit sa akin?” nagtatakang tanong niya.

Ngumiti si Claire. “You’ll make a good wife for my…for my… brother.” At pinahid ng palad nito ang luha sa mga mata niya. Lalo siyang napaiyak.

“Paano mo nasasabi iyan? Alam kong nagagalit si Nick sa akin,” pahikbi niyang sinabi.

“Sa ngayon. Hindi gusto ni Nick na nama-manipulate siya ng kahit sinong tao,” sagot ni Claire. “Wala ka pang isang buwan dito sa asyenda and I do not really know you very well, Jess. Ang tanging pinagbabasehan kong una ay ang selflessness mo.” At hinawi nito ang buhok na tumatabing sa mukha ni Jessica.

“Sa isang nag-iisang anak na tulad mo, spoiled ka kay Philip… I was really expecting and worried na hindi mo papayagang mag-asawang muli ang papa mo…”

Napatingin sa madrasta si Jessica. Nagpatuloy si Claire.

“Ganoon din ang inaasahan ni Nick… na magkakaroon ako ng suliranin sa iyo. But Philip was right nang sabihin niyang isa kang mabait at maunawaing anak. You really amazed us both, kami ni Nick. Kinainggitan ko ang nagsilang sa iyo… and I admire Philip sa pagpapalaki sa iyo…” Bumuntong-hininga ito. “Another thing, darling, sa tuwing napaparito si Nick ay napapansin ko ang mga lihim mong pagsulyap sa kanya. You love him, don’t you?” deretsong tanong nito.

Namula si Jessica. “G-ganoon ako ka-obvious?”

“Sa akin lang. Safe ang sekreto mo…” napangiti ito.

“P-pero may girlfriend si Nick, ’di ba?”

“O, si Melisa? I don’t think na nagkaroon sila ng seryosong relasyon. Hindi nagsasabi si Nick sa akin tungkol diyan pero ipanatag mo ang isip mo.” At tumayo ito at binuksan ang mga closet niya. “I’ll tell you a secret…” at muling nilingon si Jessica. “No one can force Nick into this marriage kung ayaw niya, not the devil himself. Kung bakit siya pumayag? Nasa sa iyo na iyon…” At unti-unting inilabas ang mga gamit ng stepdaughter.

“Pack now, darling… baka sumigaw na naman ang papa mo.”

“S-sana nagkaroon tayo ng maraming pagkakataong mag-usap…”

“We’ll have plenty of time, hija. ’Ayan lang ang kabilang asyenda,” sagot ni Claire.

Chapter 9

H ALOS dumidilim na nang sapitin nila ang asyenda del Mar. Nakarating at nakarating sila roon na hindi nagkikibuan.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay narating ni Jessica ang Villa del Mar. Kung moderno ang malaking bahay nila sa kabila, ang Villa naman ay antigo ang appearance.

Adobe at tiza ang dingding at bubong. Malalaking kahoy na narra ang gamit, lalo na sa azotea. Capiz ang malalaking bintana. Hindi naman talaga luma ang bahay. Renovated na at pini-preserve lang ang Spanish style nito. Kung laki ang pag-uusapan, marahil mas malaki ang malaking bahay sa kabilang asyenda dahil siyam lahat ang silid noon.

Dalawang di-katandaang mag-asawa ang sumalubong sa kanila. Curious na mga mata ang nakatuon kay Jessica. Bumaba siya ng sasakyan nang buksan ni Nick ang turtle top ng pathfinder at ibinaba ang mga gamit niya.

“Aling Susana, samahan ninyo ang asawa ko sa kuwarto. At Mang Raul, pakitulungan ninyo ako sa mga ito.”

Napansin ni Jessica ang lihim na sulyapan ng dalawang matanda nang marinig ang salitang “asawa.”

“Sumunod kayo sa akin…” ani Aling Susana sa kanya.

Malaki ang kabahayang tumambad kay Jessica. Napuna niyang mas malaki kaysa bulwagan nila ang sala ng villa.

“Sala grande ang tawag ng mga magulang nina Nick dito…” Inilahad ng matanda ang kamay nito sa kanya.

Marmol ang sahig nila, samantalang malalaking kahoy na narra at makikintab ang sahig ng sala grande.

Mga reproduction ng mga antigong muebles ang naroon. Pero nang mapuna niya ang grandfather’s clock sa sulok ay alam niyang totoong antigo iyon. At ganoon din ang bilog na mesa sa may bintana. Hindi siya antique expert pero alam at nararamdaman niya ang kaibahan ng mga ito sa ibang kasangkapan. At ang grand piano na ewan niya kung umaandar pa. Naalala niya ang organ nila sa family room sa itaas at nangingiti siya sa contrast nito sa laman ng villa.

Napa-wow si Jessica nang makita niya ang grand staircase! Kung nasa labas ka ng villa ay hindi mo iisiping meron nito.

Sa itaas ay isang malaking silid ang binuksan ni Aling Susana. Doble ang laki nito sa kuwarto niya. Apat ang poste ng malaking kama. Alam niyang ito man ay antigo din. Sa paanan ng kama ay isang antigo at malaking kaban.

“A-antique po bang lahat ang laman ng kuwartong ito?” Hindi niya mapigil ang sariling hindi magtanong.

“Ang mga gamit na narito sa kuwartong ito ay minana pa mula sa mga magulang ng magulang nina Claire at Nick. Ang tanging bago lamang dito ay ang kabinet ng mga damit dahil ayaw ni Nick ng maliit na lagayan ng damit. Ang dating mga aparador ay ipinalipat niya sa dating kuwarto ni Claire. Ganoon din ang tokador na iyan bagaman at ang istilo ay luma… at ang banyo.” At itinuro nito ang isang pinto.

“Nang mamatay ang mga magulang ng dalawa ay walang gumamit sa kuwartong ito. Subalit nang dumating si Nick dito noong nakaraang taon, siya na ang umokupa dito,” patuloy ng matanda.

“Jess po ang pangalan ko. Jessica…”

Namilog ang mga mata ng matanda. “J-Jessica!? Ikaw ang anak ni Philip?”

Marahang tango at alanganing ngiti ang isinagot ni Jessica. Iiling-iling na ngumiti si Aling Susana.

“O, siya, at igagayak ko ang hapunan ninyo…” At tinungo ang pinto. “Ang pagkakataon nga naman…” bulong nito bago tuluyang lumabas.

Nang lumabas si Aling Susana ay binuksan ni Jessica ang pinto ng banyo. Tama ang sinabi ng matanda, malaki at moderno ang banyo. Magaganda at pili ang mga tiles na ginamit. Malaki rin ang bathtub.

Sinuyod ng mga mata niya ang mga panlalaking gamit na nakakalat sa ibabaw ng marmol. Ganoon din ang mga nakalagay sa malaking vanity mirror. Puro panlalaki lahat. Mula sa hair brush, shaver, etc., hanggang sa sabon. Pakiramdam niya ay estranghero siya.

Pagkatapos ay lumabas siya sa veranda. Nakatanaw ito sa dagat na marahil ay may kalapitan nang kaunti kompara sa kanila.

Wala siyang naririnig kundi ang huni ng mga panggabing kuliglig at ang paghampas ng mga alon sa dalampasigan.

Inihilig niya ang ulo niya sa poste at tumingin sa kadilimang nasa labas. lilan-ilan lamang ang mga bituin sa langit. Ang mga alon sa dagat ay tila mga brilyanteng kumikislap paghampas sa dalampasigan.

Ano ang gagawin niya ngayon? Ito ang bagong kabanata ng buhay niya na hindi niya napaghandaan. Nangarap siyang makasal ngunit hindi sa ganitong paraan.

Nililipad ng hangin ang mahahaba at kulot niyang buhok. Ang mga mata niyang nakatitig sa kawalan ay tila maiiyak. Para siyang isang napakagandang modelo para sa mga pintor. Maiitim at mahahaba ang mga pilikmata na contrast sa maputi at makinis niyang kutis. Matangos ang ilong at katamtamang nipis ng mga labi.

Walang ekspresyon ang mukha ni Nick na kanina pa siya pinagmamasdan. Malakas nitong ibinaba ang mga maleta niya at malakas na isinara ang pinto.

“G-ginulat mo ako…” ani Jessica na pumasok sa kuwarto. Bumangon ang kaba niya.

“Now, it’s time to talk!” si Nick na inihagis sa tokador ang susi ng pickup na lalong ikinapitlag ni Jessica.

“A-ano’ng pag-uusapan natin?” hindi niya mapigil ang mabilis na pintig ng puso niya.

“Kailangan bang isa-isahin ko sa iyo?” mabalasik nitong tanong.

Nagyuko ng ulo si Jessica. “I’m… sorry…”

“Sorry?” si Nick na tumaas ang boses. “Maibabalik mo ba sa dati ang lahat dahil nag-sorry ka?”

Nag-angat ng mukha si Jessica at lakas-loob na sinalubong ang tingin ni Nick. “B-bakit hindi mo kinumbinsi ang Tita Claire na awatin ang Papa… o di kaya hindi ka pumayag? Ako, I tried na pigilin ang Papa…”

Nagtiim-bagang si Nick. Tinitimpi ang galit.

“Sa palagay mo ba ay magagawa ko iyon? Are you that dumb? Bagong kasal sila at hindi ko gustong ako ang maglagay ng lambong sa pagsasama nila!” hiyaw nito.

Hindi makakibo si Jessica. Tama ito. Malalagay sa alanganin si Claire. Mayamaya ay sarkastikong ngumisi si Nick.

“Gusto mo rin lang palang makatikim ng halik sa akin, bakit hindi mo agad sinabi? Hindi na sana tayo humantong sa pagpapakasal?”

Hindi magawang tumingin ni Jessica kay Nick.

“Well… hindi ka kontento sa halik ng boyfriend mo at ng ibang lalaking katalik mo sa Maynila, ha? At gusto mo akong subukan?” nanunuya ang tinig nito.

Gustong sabihin ni Jessica na hindi niya boyfriend si Gino at na hindi siya nakikipagtalik pero walang lumabas sa bibig niya.

“Halika, Jess, lumapit ka!” utos nito. Tumingin lang si Jessica na namimilog ang mga mata pero hindi tumitinag. Naguguluhan.

“Ang sabi ko ay lumapit ka!” ulit nito sa mataas na boses na ikinapitlag ni Jessica. Marahan siyang lumapit dito. Kaybigat ng hakbang niya. Sa harap ni Nick siya huminto at sa sahig nakatutok ang mga mata.

Hinawakan ng lalaki ang buhok niya sa likod at hinila. Sapilitan siyang napatingala. Bago pa siya nakahuma ay bumaba ang mga labi ni Nick sa kanya. Mapusok at madiin. Hindi siya makahinga. Matagal at halos magsugat ang mga labi niya sa ginawa ni Nick.

Nagpipiglas siya at itinulak niya ito. Halos habulin niya ang paghinga. Nang tingnan ni Jessica ang asawa ay kakaibang kislap ang nasa mga mata nito. Hinawakan niya nang wala sa loob ang mga labi niya na sa pakiramdam niya ay namantal.

Gusto niyang tumakbo palabas ng silid subalit walang lakas ang mga binti niya. Napaatras siya sa isang poste ng malaking kama. Nang unti-unting magtanggal ng damit si Nick sa harap niya ay tila ipinako siya sa sahig.

Magkahalong takot at sindak ang nararamdaman niya. Nang matapos maghubad si Nick ay binalingan siya. Napapikit siya nang marahas na tanggalin nito ang mga butones ng blusa niya. Nalaglag sa sahig ang isang butones. Mahigpit niyang hinawakan ang blouse niya. Subalit hindi maawat si Nick kahit halos mapunit ito.

Gusto niyang sumigaw. Hindi totoo ito! Isa lamang itong masamang panaginip!

“P-Please… Nick… you’re raping me!” halos bulong na lang iyon sa sindak niya.

“So be it!” sagot nito na hinablot ang bra niya. Agad ang pagtaas ng mga braso niya upang takpan ang sarili.

“You’re nothing but a spoiled brat!” at marahas siyang hinila nito sa kama! Itinulak siyang pahiga at tinanggal ang palda niya at ang kahuli-hulihang nakatakip sa katawan niya.

Pumikit nang mahigpit si Jessica. Nang muli siyang hagkan nito ay tumulo ang luhang hindi niya gustong pumatak. “S-sinasaktan mo ako!”

Nang makita ni Nick ang mga luha niya ay sandaling nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Pero iglap lang iyon at muli ay pinaglakbay nito ang mga kamay sa katawan ng asawa.

“H-hindi ganito… Nick… please… huwag!” pagsusumamo niya.

“Don’t play games, Jessica. Hindi ba ito ang gusto mo, ha?” at bumaba ang kamay nito sa dibdib niya.

Napaigtad si Jess. Sadya siyang sinasaktan ni Nick!

“Ngayon na, Jess… now!” si Nick na nakatunghay sa kanya. Hindi mapigil ni Jessica ang mapasigaw sa marahas na pag-angkin ng asawa.

Huminto si Nick. Tinitigan siya. Hindi makapaniwala. Pero huli na para doon!

Makalipas ang ilang sandali ay habol ang hiningang napasubsob si Nick sa dibdib ni Jessica. Hinga nito at hikbi ni Jessica ang tanging maririnig sa silid na iyon.

Mayamaya ay niyakap ni Nick ang asawa at dinala sa dibdib. Umuungol sa galit sa sarili si Nick. Hinaplos at hinagkan nang marahan ang buhok ni Jessica subalit itinulak ito ng babae at tumalikod sa kabilang bahagi ng kama.

“J-Jess… h-hindi ko alam… ang akala ko’y…” sa ikalawang pagkakataon sa araw na iyon ay hindi makaapuhap ng sasabihin si Nick.

Tumayo ito at lumabas sa veranda. Isang malakas na suntok ang pinakawalan sa batong dingding!

Narinig ni Jessica ang ginawang iyon ni Nick. Hindi rin niya alam ang sasabihin at gagawin. Patuloy siya sa impit na pag-iyak. Sa ganoon siya nakatulog makaraan ang ilang sandali.

Bumalik sa loob ng kuwarto si Nick. Tinitigan ang asawang natutulog na. Bakas pa sa mukha nito ang natuyong luha. Maingat niya itong kinumutan. Nagbihis at maingat na lumabas ng silid at ng bahay. Tinungo ang kuwadra at kinuha ang kabayo.

Ilang sandali pa ay mabilis nang tumatakbo ang kabayo sa kadiliman. Mabilis dahil ayaw itong tigilan ng hampas ni Nick.

Sa may talampas ay pinahinto ni Nick ang kabayo. Pareho silang humihingal. Ibinagsak niya ang sarili niya sa damuhan at tumingin sa langit. Madilim ang gabi at hindi mabituin.

Gusto niyang kasuklaman ang sarili sa ginawa niya! Literal na ni-rape niya ang asawa!

At hindi niya inaasahang birhen pa ito! Ang ginawang pagpapalayaw ni Philip dito at ang paninirahan nitong mag-isa sa Maynila nang maraming taon ang nagbigay sa kanya nang ganoong kaisipan.

Huwag nang idagdag ang lantarang pakikipaghalikan nito kay Gino noong araw ng kasal nina Philip at Claire.

Dalawang beses na siyang nagkamali nang palagay sa babaeng ito. Una, ang akala niya ay magiging sagabal ito sa pagsasama nina Claire at Philip. Kaya nga ba nang una siyang kausapin ni Claire tungkol sa planong pagpapakasal kay Philip ay hindi siya sumang-ayon. Baka hindi lang maging maligaya ang buhay ni Claire.

Inuusig siya ng budhi niya sa ginawa. Pumasok sa isip ang takot sa mukha ni Jessica nang marahas niya itong angkinin! Isang suntok ang muli niyang pinakawalan sa lupa. Hindi alintana ang dugong marahang dumaloy dito dahil sa pagkakasuntok niya sa dingding na bato!

Pasado alas-nuwebe na nang magising si Jessica. Nananakit ang buong katawan. Tumayo siya at humarap sa salamin. Sa bandang itaas ng braso niya at sa dibdib ay nakabakas ang ginawa ni Nick. Napapikit siya. Matitiis niya ang sakit ng katawan dahil may kasalanan siya pero mas masakit ang dulot nito sa damdamin niya.

Pumasok siya sa banyo at ibinabad ang katawan sa maligamgam na tubig sa bathtub. Unti-unti siyang nakaramdam ng ginhawa.

Kung ilang minuto rin siyang nagbabad bago lumabas ng banyo at nagbihis. Pinili ang blouse na malaki upang matakpan ang mga pasa.

Sa kusina ay binigyan siya ni Aling Susana ng isang tasang kape. “Magandang umaga, hija. Magkape ka muna. Ano’ng gusto mong almusal?”

Nakaramdam siya ng gutom nang malanghap ang brewed coffee na isinalin ng matanda sa harap niya. “Kung ano na lang po ang nandiyan,” sagot niya. Hindi nga pala siya nakapaghapunan.

“Nilagay ko sa microwave ang pritong manok para initin. Hindi na kasi kayo bumaba kagabi,” anang matanda na wala namang ibig sabihin pero pinamulahan ng mukha si Jessica.

“At may tapang kabayo akong pinirito, hija. Paborito ni Nick ito.” At inihain sa lamesa ang sinabing mga pagkain at sinangag. “Nagbilin nga pala ang asawa mo na maghapon siya sa asyenda ngayon. Magbabagsak ng niyog sa koprahan. Dala-dalawa ang asyendang tinitingnan ng asawa mo, hija. Mabuti na lang at di-gaanong magawain dito sa atin dahil napabayaang matagal. Wala kasing lalaki kaya ngayon pa lang nagpupunla ng pananim si Nick,” ang mahabang paliwanag ng matanda.

Sa kabila ng dinanas kagabi sa kamay ng asawa ay hindi pa rin maalis sa kanya ang pagnanais na makita ito. Nakakaramdam ng dismaya si Jessica na wala sa bahay si Nick. Kung hindi lang nakakahiya sa matanda ay parang hindi na niya gustong kumain.

Ganoon ba niya kamahal si Nick? Bakit hindi niya magawang mamuhi rito?

Alas-otso y media nang tingnan niya ang alarm clock sa night table nang marinig niyang pumasok sa garahe ang pickup. Kinabahan si Jessica at nagkunwang natutulog na.

Nang pumasok si Nick sa kuwarto ay nagtuloy ito sa banyo at sa lagaslas ng tubig ay alam ni Jessica na naliligo ito.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ito at umupo sa gilid ng kama.

“Alam kong gising ka, Jess…” at marahan nitong kinabig ang asawa paharap. Napaungol nang bahagya si Jessica sa pagkakahawak ni Nick sa braso niya.

Dagling tinanggal ni Nick ang kumot na nakatakip sa katawan ni Jessica at tumambad ang bakas ng nagdaang gabi.

“Oh…” ang tanging nasambit nito. “I’m sorry, Jess…napakalaki ng kasalanang ginawa ko sa iyo kagabi…” Marahang hinaplos ang mga pasa ng asawa.

Hindi alam ni Jessica kung paano magre-react sa pagbabago ng mood ni Nick. Hindi niya sinasalubong ang mga tingin nito. Masuyong hinagkan ni Nick ang mga braso at leeg niyang may mga pasa.

“I’ll make it up to you tonight, Jess…”

Napapitlag si Jessica sa narinig. Gustong mag-panic. Itinulak ang asawa.

“H-hindi! Ayoko!” nagpipiglas siya subalit mahigpit ang pagkakahawak ni Nick sa kanya.

“Please, Jess… makinig ka! Hindi dapat na ganoon iyon! I was angry and I felt cheated sa pagpapakasal natin…” napatiim-bagang ito. “Ganoon pa man, hindi kita dapat sinaktan!” at kinabig nito sa dibdib ang asawa at masuyong hinahagkan.

“Go away, Nick… iwanan mo ako!” si Jessica na nagpipilit na kumawala sa pagkakayakap ni Nick.

“Hindi!” ang matigas na sagot ni Nick. “Please… it will be different this time. Nangangako ako sa iyo.” Mahigpit ang yakap nito sa nagpipiglas na asawa.

“A-ayoko na please!” Umiiyak na si Jessica.

Masuyong hinahalikan ni Nick ang mukha niya. Ang pisngi, ang mga mata, ang mga labi. “Maniwala ka, hindi kita sasaktan. Ayokong matanim sa isip mo ang nangyari kagabi,” bulong ni Nick sa kanya sa pagitan ng mga banayad na halik.

Naninigas si Jessica nang bumaba sa mga labi niya ang mga labi ni Nick. Subalit matiyagang sinuyo siya nito. Hindi nagmamadali. Tinutukso-tukso at marahang kinakagat-kagat nito ang labi niya.

Unti-unting nag-relax si Jessica. Unti-unting nawala ang takot. Ibang damdamin ang humalili. Hindi niya kayang ipaliwanag. Nang bumaba ang mga labi ni Nick sa dibdib niya ay saglit siyang napapitlag. Subalit kaiba sa inaasahan niya ay nag-umpisang mag-init ang katawan niya. Napahawak siya sa batok ng asawa. Nang bigyang daan niya ang mga halik ni Nick at unti-unti siyang nagreresponde ay naging mapusok at nag-aangkin ang mga halik nito subalit naroon pa rin ang gentleness.

Tinakpan ng mga sumunod na sandali ang nagdaang gabi. Hindi kayang ipaliwanag ni Jessica ang damdaming pinukaw ni Nick. Sa mga bisig ng asawa siya nakatulog.

Sa buong magdamag na iyon ay dalawang ulit siyang nagising sa maiinit na halik mula kay Nick at muli at muli ay nagpapaubaya siya. Pakiramdam niya aynananaginip siya. Narinig na niya ang tilaok ng mga manok at may liwanag nang pumapasok sa bintana nang pahintulutan siyang matulog ni Nick nang dere-deretso.

Mga halik pa rin ni Nick ang nagpagising sa kanya.

“Hello, Snow White.” nakangiti ito. “Ang akala ko pa naman ay kuwentong pambata lang iyon. Hindi ko alam na halik ko lang pala ang gigising sa iyo,” nangingislap ang mga mata nito.

“K-kanina ka pa gising?” tila namamalat ang boses niya.

Marahang tumawa si Nick. “Darling, galing na ako sa bangko sa bayan. Nakapagpasuweldo na ako ng mga tao sa dalawang asyenda.”

“ A-anong oras na? “

“Alas-kuwatro y media. Ng hapon, ha, hindi umaga,” nakangiting sagot nito.

Biglang bumangon si Jessica. Umupo sa kama na yakap-yakap ang mga binti. “Nagbibiro ka!” At sinulyapan ang alarm clock sa night table. Hindi nagsisinungaling si Nick. “Bakit hindi mo ako ginising?” namumulang nagyuko siya ng ulo. “Ano’ng sasabihin ng mga katulong?”

“Huwag mong intindihin iyon. You’re very lovely kahit bagong gising,” ani Nick na ginawaran siya ng halik sa labi bago tumayo. “Hapon na para mag-horseback riding tayo. Mas angkop na mag-night swimming tayo mamaya. Sumunod ka at ipahahanda ko ang pagkain mo.” Kumindat pa ito sa kanya bago tuluyang lumabas ng silid.

Dali-daling tumayo si Jessica at tinungo ang banyo. Nananakit ang mga parte ng katawan niya subalit maligaya siya. Hindi niya kayang ipaliwanag ang kasiyahang dulot ng pag-ibig ni Nick sa kanya nang nagdaang gabi. Nararamdaman at nasasamyo niya sa buong katawan niya ang amoy ng asawa. Napangiti siya sa sarili.

Palubog na ang araw nang magtungo sila sa dagat. Parang mga batang naglalaro at nagsasabuyan ng tubig. Ito ang isang bahagi ng pagkatao ni Nick na hindi nakita ni Jessica. Isang seryosong Nick ang kilala niya noong una.

“O, Nick that’s not fair! Ang lakas mong magsab…” tubig-alat ang nalunok niya sa malakas na saboy ng asawa sa mukha niya. Hinapit siya sa baywang at sabay silang bumagsak sa buhangin. Napailalim si Nick.

Nakatunghay si Jessica sa asawa at masuyo siyang tinititigan nito.

Hinawi ni Nick ang buhok ng asawa mula sa mukha nito nang mapansin ni Jessica ang kamay

“S-sinugatan mo ang sarili mo…” At tiningnan niya ang kamao ni Nick.

“I deserved it…” ani Nick na titig na titig sa mukha niya.

“Pagdating sa bahay ay lalagyan ko ng bandage iyan. Patingnan mo sa doktor bukas at baka maimpeksiyon…”

Marahang tumawa si Nick. “You sound like a nagging wife…” At inihiga sa buhanginan si Jessica. “Ngayon mo ibigay sa akin ang kontrobersiyal na halik sa guest room.”

Sandaling natigilan si Jessica. Kung hindi lang medyo nagdidilim na ay nakita ni Nick ang pamumula ng mukha niya. Nakatunghay sa kanya si Nick at pinanonood ang sarisaring emosyon sa mukha niya.

“Chicken…” at pinagapang niya ang daliri sa pisngi ng asawa. “And to think na you were flirting with me sa talampas…” ngumiti ito.

“I was flirting?” hindi makapaniwala si Jessica.

“No. Hindi mo marahil alam iyon. Pero noong tanungin kita kung sino ang nagpagamit sa iyo ng kabayo ay tumingala ka sa akin, slightly parted your lips. Hindi mo lang alam kung paano ko pinigil ang sarili ko na huwag kang yakapin at halikan…”

“I… I wished you kissed me then…”

“You witch! Huwag kang titingin nang ganoon sa ibang lalaki…” At bumaba ang mga labi ni Nick sa kanya. Gumanti ng halik si Jessica.

Nang maramdaman niya ang dahan-dahang pagtanggal ng asawa sa hook ng bathing suit niya. “N-Nick… ano’ng ginagawa mo?”

At tuluyan na nitong ibinaba ang bathing suit niya. Nabigla si Jessica sa pagkakahubad niya at biglang hinila ang asawa patakip sa katawan niya.

Marahang natawa si Nick. “Be patient…” tukso nito.

“Oh, Nick… you’re crazy! Ang ibig kong sabihin ay…dito?” At iginala ang mga mata sa paligid. Madilim na at pawang mga puno ng niyog at malawak na karagatan ang natatanaw niya.

“This is a private beach, sweetheart…”

“P-pero, Nick… Baka…”

Ang mga pagtutol pa niya ay nilunod ng mga halik ni Nick. Napapikit si Jessica sa ginagawa ng asawa.

Ang pag-aalala ay nahalinhan ng kakaibang damdamin. Piping saksi ang mga puno ng niyog at mga mumunting alon na humahampas sa kanila sa kaligayahang dulot ng pagniniig na iyon…

Chapter 10

A NG sumunod na mga araw ay pawang nagdulot ng kaligayahan para sa dalawang bagong kasal.

Parang ang honeymoon stage nila ay panahon din ng pagliligawan at pagkilala sa isa’t isa.

Para sa nagkadikit na asyenda ay isa silang magandang tanawin. Bagaman at pitong taon ang tanda ni Nick kay Jessica ay walang nagsabing hindi sila bagay. Maligaya ang mag-asawang Philip at Claire sa nakikitang pagkakasundo nila.

Paalis ng villa si Jessica sakay ng kabayo niya nang isang owner-type na jeep ang humarang sa daanan niya. Bumaba ang driver nito. Si Melisa!

“Hello, Jessica…” bungad nito.

“H-hi…” alanganing sumagot si Jessica.

“Sa inyo talaga ang tungo ko. Nakalimutan kasi ni Nick sa bahay itong jacket niya.” At itinaas ang hawak na jacket. Noon lamang na pansin ni Jessica ang jacket na itim ni Nick. Bakit na kay Melisa ito?

“Galing sa amin si Nick kanina at nakalimutan niya ito,” ani Melisa na nakangiti.

“G-galing sa inyo si Nick?” mahigpit na napahawak sa renda ng kabayo si Jessica.

Tumawa nang malakas ang babae. Nalito si Jessica. “Bakit, Jessica, kataka-taka bang magpunta sa amin si Nick gayong dati naman niyang ginagawa iyon?” may malisya ang tinig nito.

“M-may asawa na siya…”

Muling tumawa nang patuya ang babae. “May asawa? Nagawa mong itali si Nick sa pamamagitan ng kasal, Jessica! Pero ito ang itanim mo sa isip mo, ako ang tunay na iniibig ni Nick! Lalo na ngayong taglay ko sa aking sinapupunan ang aming magiging anak!” at hinimas nito ang puson.

Nagimbal sa narinig si Jessica. “H-hindi totoo ang sinasabi mo!”

“Nasa sa iyo kung gusto mong dayain ang sarili mo. Pangalan lamang ni Nick ang sa iyo… akin ang pag-ibig niya! Akin!” Matigas at matalim ang tinig nito. “Bukas ng tanghali ay pupunta siya sa amin, hindi naman siguro ikaw ang uring eskandalosa, ano? Ikaw lang ang mapapahiya dahil alam ng lahat na magkasintahan kami ni Nick at wala kaming pinagkagalitan, Jessica!” Inihagis nito sa kanya ang jacket ng asawa at humahalakhak na bumalik sa jeep.

Matagal nang wala ang jeep ay naroon pa rin si Jessica. Namamanhid ang kanyang buong katawan. Gusto niyang umiyak pero walang luhang tumulo sa mga mata niya. Gusto niyang huwag maniwala, kaysaya nila ni Nick nitong mga nakaraang araw at hindi man sinasabi ni Nick ay nararamdaman niyang iniibig siya nito.

Dinadaya lang ba niya ang kanyang sarili? Pakunwari lang bang lahat ang mga pakikitungo ng asawa sa kanya? Bumaba ang tingin niya sa jacket na nasa harap niya. Naiwan ito ng asawa niya sa bahay nina Melisa! Muli ay paparoon si Nick bukas sa bahay ng dalaga! At ang pinakamasakit sa lahat ay buntis si Melisa! Buntis!

Kung paano siya nakabalik sa villa ay hindi niya alam. Sa pagtataka ni Aling Susana ay maghapon siyang hindi lumabas ng kuwarto. Maging nang dumating si Nick nang hapong iyon ay sapilitan ang pagsalo niya sa hapunan.

“May nararamdaman ka ba, sweetheart? Matamlay ka at sabi ni Aling Susana ay hindi ka kumain ng tanghalian?” nag-aalalang tanong ni Nick. “At saka bakit hindi ka nga pala dumating sa bodega? Akala ko doon tayo manananghalian?” dugtong nito.

“B-bakit ’di ka tumawag?” matamlay niyang tanong.

“Sweetheart, nakalimutan ko ang cellular ko sa kuwarto…” katwiran nito. “Gusto mong pumunta tayo sa doktor?”

“H-hindi na, kaunting sakit lang ito ng ulo.”

“Are you sure?” paniniguro ni Nick.

Isang marahang tango ang isinagot ni Jessica. Gusto niyang kausapin at tanungin si Nick pero parang tuyong-tuyo ang lalamunan niya. Ayaw lumabas ng mga salita sa bibig niya.

Chapter 11

LABING-LIMANG minuto bago mag-alas-dose ay nasa bayan na si Jessica. Sakay ng Range Rover na hiniram sa ama. Ang sabi sa kanya ni Gino ay malapit sa plaza ang bahay nina Melisa. Pharmacy ang harap na pag-aari ng ina nito.

Ilang metro na lang ang layo niya sa lugar na tinutukoy nang matanawan niya ang Pathfinder ng asawa na nakaparada sa mismong harap ng pharmacy. Bigla ang apak niya sa preno. Nanlaki ang mga mata niya! Hindi totoo ito! Nanlalamig ang buong katawang napasubsob si Jessica sa manibela ng sasakyan. Nagkikita sina Nick at Melisa! Totoo ang sinasabi ni Melisa sa kanya!

Hindi niya kaya ito. Kailanman, hindi kayang tanggapin ng dibdib niya ang anumang uri ng kataksilan! At pinakamamahal niya si Nick!

“I hate you, Nick! I hate you!” Umiiyak na pinupukpok niya ang manibela. Mas mamatamisin pa niya ang mamatay sa sandaling iyon!

Umayos ito at muling sinulyapan ang sasakyan ng asawa. Mabilis siyang nagmaniobra at hindi alintana kung may maatrasan siya o wala. Umiingit ang gulong ng sasakyan sa ginawa niya. Mabilis niyang tinapakan ang selinyador at humahagibis na tumakbo ang sasakyan sa asyenda Arenas. Nanlalabo ang mga paningin niya saluha. Eh, ano kung maaksidente siya! Mabuti pa para sa kanya ang ganoon!

Paarangkada nitong ipinasok sa garahe ang sasakyan at mabilis na bumaba at pumasok ng kabahayan. Nagulat pa si Nana Sela, ang mayordoma, sa ginawa niyang pagbalya sa malaking pinto.

“Ang Papa, Nana Sela?”

“N-nasa library ang mag-asawa,” nagtatakang sagot nito at sinundan ng tingin si Jessica.

Marahang kumatok sa pinto ng library si Jessica. At siya na rin mismo ang nagtulak nito pabukas. Si Philip ay nasa upuan nito sa harap ng mesa at may binabasa na mga dokumento habang nakatayo sa tabi nito si Claire. Parehong nag-angat ng ulo ang mag-asawa pagpasok niya.

“O, Jess, hija, kaybilis mo namang nakabalik,” bungad ng ama. “Kasama mo ba si Nick? May ipapakita ako sa kanya,” dugtong ng papa niya.

Sandaling nalito si Jessica nang masalubong ang tingin ni Claire. Ano ang sasabihin niya? Ang totoo ba? Hindi! Hindi niya gusto ang mag-symphatize ang mga tao sa kanya. At isa pa, tiyak na hindi man isasatinig, sa kanya din babagsak ang sisi dahil kagagawan niya kung bakit sila nakasal ni Nick.

“M-maaari ko bang makausap ang Papa… alone?” kay Claire siya nakatingin.

Nagkatinginan ang mag-asawa. Ngumiti si Claire. “But of course, hija…” At lumabas ito ng silid.

Umupo si Jessica sa silyang nasa harap ng mesa. Nananakit na ang mga daliri niya sa kapipisil.

“Anong sekreto ang sasabihin ng unica hija ko?” nakangiti si Philip.

Nag-angat ng ulo si Jessica at deretsong tiningnan ang ama. “’Pa, will you deposit some money thru my ATM account in Manila?”

Medyo nagulat si Philip. “Iyon lang pala, akala ko kung ano na. Pero bakit? May outstanding account ka ba sa Maynila?”

Nang hindi sumagot si Jessica ay muling nagsalita si Philip. “Bibigyan kita kahit magkano, hija, pero baka hindi magandang tingnan para sa asawa mo,” paalala nito.

Huminga nang malalim si Jessica. “H-hindi ko kailangan ang pera niya!”

Nagsalubong ang mga kilay ng ama niya. “Nagkakagalit ba kayo?” anito na sinabayan ng ngiti. “Lovers’ quarrel… natural lang iyan sa mag-asawa, Jess. May asawa ka na anak, at hindi na…”

Maagap na sumagot si Jessica. “I’m leaving Nick, ’Pa!”

Sandaling nalito si Philip. “A-ano’ng sinabi mo, hija? Ulitin mo nga.”

Tumayo si Jessica, itinukod ang mga kamay sa mesa at humarap sa ama. “’Pa, please, aalis ako! Hihiwalayan ko si Nick! Babalik ako ng Maynila and I need some money to work on my passport!”

“Linawin mo ang sinasabi mo, Jessica!” mataas at seryoso na ang tinig ni Philip at gusto nang nerbiyusin ni Jessica.

“Maghihiwalay kami ni Nick, Papa! At huwag ninyong itanong kung bakit, dahil hindi ko sasabihin. Isa lang ang masasabi ko, I cannot forgive infidelity! Matagal na akong hinihimok ni Tiya Luisa na tumira sa kanya sa Amerika. I guess, this is the right time!” ang nanginginig ngunit matatag niyang sagot.

“Alam ba ito ni Nick?”

Sandaling muling nalito si Jessica. “N-ngayon ko lang napagpasyahan ito at walang sinumang makapagbabago ng pasya ko!”

“Ano’ng nangyari sa iyo, hija, minutes ago at nagkaganyan ka na pagbalik mo? Why don’t you talk it over with your husband,” mungkahi ni Philip. Hindi nito gustong maniwala na seryoso ang anak. “Wait till I talk to Nick…”

“Papa, please… buhay ko ito… Just this once ’Pa, hayaan ninyong pagpasiyahan ko ang para sa sarili ko…” gumagaralgal na ang tinig ni Jessica. Hindi niya gustong dulutan ng suliranin ang ama. Napaka-unfair niya para gawin iyon.

Napasandal sa upuan si Philip. Nakatingin sa anak. Nakaramdam ng guilt si Jessica. Kimg may sakit sa puso ang ama niya, she could cause a cardiac arrest. Pero alam niyang malusog ang puso nito.

“’Pa, I’m sorry… I’m terribly sorry…” Hindi niya mapigil ang sarili at napaiyak siya. “A-alam kong I’m causing you all these troubles, pero kailangang gawin ko ito…”

Hindi pa rin sumagot si Philip. Nanatiling nakatingin sa anak. Ang kaisa-isa at pinakamamahal niyang anak. Nakabakas ang kapaitan sa mukha nito. Ibibigay niya ang kalahati ng kayamanan niya makita lamang niyang maligaya ito. Naging marahas ba siya sa pagpapasyang ipakasal ito kay Nick?

“May maitutulong ba ako, Sunshine?” marahang tanong nito sa boses na tila nagmumula sa baradong lalamunan. Lalong napaiyak si Jessica. Iyon ang tawag sa kanya ni Philip mula pa noong maliit siya, tuwing umiiyak siya at nasasaktan.

“Bakit hindi kayo mag-usap ni Nick, hija…” si Philip uli.

Umiling si Jessica at marahang tumayo. “Bukas na ako aalis patungong Maynila, Papa. At dito ako matutulog.” At lumabas na siya at pumanhik sa dating silid.

Ibinagsak niya ang sarili pahalang sa kama. Nakatitig sa kisame at hindi alam kung ano ang iisipin. Pumasok sa isip ang mga pangyayari nitong nagdaang araw at kanina.

Baliw siya upang maniwalang mahal siya ni Nick. Kumikirot ang dibdib niya sa sakit na nadarama.

Isang mahinang katok ang nagpabalikwas sa kanya. Marahang bumukas ang pinto. Si Claire. Gusto niyang ipagtabuyan ito… na huwag siyang kausapin…

Umupo ito sa gilid ng kama. Tumikhim. “Hindi mo ba sasabihin kung bakit ka aalis, Jess?” tanong nito. Marahang iling ang isinagot niya.

“Hindi ba marahas na hakbang ang gagawin mo? Isang buwan pa lang kayong nagsasama, anuman iyon ay tiyak na maaayos…”

Hindi sumagot si Jessica. Nagbuntong-hininga si Claire.

Ilang sandali ang matuling lumipas. Tumayo si Jess at tinungo ang bintana. Tumingin sa kawalan.

“Please… yari na ang pasya ko…”

“Alam mo ba kung ano ang idudulot nito kay Nick, Jess?” nagbabara ang lalamunan ni Claire. May luhang sumungaw sa mga mata.

Alam na alam ko! sagot ni Jessica sa sarili. They will celebrate!

“W-wawasakin mo ang aking… ang aking… si Nick…” patuloy ni Claire na tuluyang pumatak ang luha sa pisngi.

Napatingin dito si Jessica. Pait ang nakikita niya sa mukha ng madrasta. Gusto niyang sumigaw… Ako ang winasak niya! Ang pagmamahal ko! Ang pagkatao ko! Ikamamatay ko ang patuloy na makisama sa kanya gayong nakikipagkita siya sa ibang babae… sa ibang pamilya! Pero walang lumabas sa bibig niya.

Tahimik na lumabas ng silid si Claire at marahang isinara ang pinto. Naguluhan si Jessica sa maraming taong nadamay… sa mga taong nasasaktan…

Makalipas ang isang oras ay dumating si Nick. Isinara nito ang pinto pagkapasok.

“Tinawagan ako ng Papa… Anong gulo ang sinasabi niyang ayusin ko, Jess?” bungad ni Nick na nagtataka.

Lumapit uli sa bintana si Jessica. Nanariwa sa isip ang nakita at sinabi ni Melisa. Tumalim ang mukha niya.

“Walang gulo, Nick. Aalis ako at maghihiwalay tayo. Kung gusto mong ipa-annul ang kasal natin, alam ng Papa kung nasaan ako.”

Matinding pagkabigla ang gumuhit sa mukha ng lalaki. “Anong klaseng biro ito?!”

“Hindi ako nagbibiro, Nick. Ayokong makipagtalo. Napapagod ako at gusto kong mapag-isa!”

Titig na titig si Nick sa asawa. Hindi malaman kung ano ang sasabihin. Mula nang makilala nito ang babae ay tila lagi na lang na nag-aapuhap ito ng tamang salita. Nagsalubong ang mga kilay na lumapit ito kay Jessica.

“Mula sa kung saan ay dumating ka sa buhay ko, Jess. Now, out of the blue, sasabihin mong aalis ka. Bakit? Ano’ng ginawa ko? You owe me at least, an explanation…”

Hindi tumitingin si Jessica sa asawa. Sa kabila ng lahat, sa kabila ng gusto niyang mapoot dito ay mahal na mahal niya si Nick! Hindi niya gustong manghina ang loob niya.

“I-I’m sorry, Nick…” Lagi na lang bang “sorry” ang sasabihin niya?

“Just like that?” ang hindi makapaniwalang tanong ni Nick.

“Just like that…” pag-uulit ni Jessica na hindi alam kung paano nagawang tumatag.

Nagulat siya nang biglang hawakan ni Nick ang buhok niya at hilahin ito. Napatingala siya. Poot at galit ang nasa mga mata nito. Nagtaas ito ng kamay at akma siyang sasampalin.

“You b—!” Subalit hindi nito itinuloy at sa halip ay isinalya siya nang malakas. Mabuti na lang at kama ang binagsakan niya.

Malakas na ibinagsak ni Nick ang pinto pasara.

lyon ang huli nilang pagkikita…

Chapter 12

N AG-FLASH ang sign na “fasten your seat belts.”

Makalipas ang maraming oras ay nasa Pilipinas na siya.

Cebu International Airport. Mula roon ay sumakay siya bilang isang chance passenger sa isang chartered plane bound for Sicayab Airport. Mula sa maliit na airport na iyon ay umupa siya ng isang taxi patungo sa kanilang bayan. Marahil ay isang oras din at kalahati ang biyahe.

Walang nakakaalam na uuwi siya. Hindi niya ipinasabi at iyon din ang bilin niya sa Tiya Luisa niya.

Aandap-andap ang loob ni Jessica habang papalapit siya sa kanila. Hindi gaanong makatakbo nang mabilis ang sasakyan dahil nagpuputik ang daan. Umulan marahil noong nagdaang gabi.

Papasok na sila ng Asyenda Arenas at may mangilan-ngilang tao sa daan na curious na sinisilip ang loob ng sasakyan. Ang iba’y nakilala siya at halo-halong emosyon ang ibinabadya ng mukha ng mga ito.

Ilang minuto pa at natatanaw na niya ang malaking bahay. Elevated ito nang kaunti mula sa daan kaya kitang-kita ang kabuuan nito mula sa malayo. Maraming sasakyan sa harap at tagiliran ng bahay nila. Hindi mismo sa harap nakahinto ang sinasakyan niya dahil sa mga naunang nakaparada roon. Binayaran niya ang driver at inutusang isunod sa kanya ang mga maleta niya.

Lahat ng mga mata ay nakatuon sa kanya pagbaba niya ng sasakyan. Parang damong nahawi ang mga tao upang bigyang daan ang pagpasok niya.

Sa dulong bahagi ng malaking sala ay ang kabaong ng ama niya. Sandali siyang napatda. Nanginginig ang mga tuhod niya. Nanlalamig ang mga kalamnan niya.

Sinisikap niyang tumatag. Hindi niya kailangang mag-breakdown sa harap ng maraming tao. Nang humakbang siya ay bumigay ang nanginginig niyang mga tuhod. Matitipunong bisig ang maagap na humawak sa mga balikat niya. Inalalayan siya palapit sa nakaburol na ama.

Halos mapugto ang hininga ni Jessica nang tunghayan ang loob ng magarang kahong kahoy. “P-Papa…” hindi niya halos marinig ang sariling tinig.

Nanatiling nakahawak sa mga balikat niya ang mga kamay na iyon. Na sa wari ay nakahandang umalalay. Wala sa loob na napaatras si Jessica at napasandal sa dibdib ng lalaki. Paimpit siyang humikbi….

“Go ahead… cry if you must… makaluluwag sa dibdib mo iyon…” bulong ng may-ari ng dibdib na sinandalan niya.

Napahinto sa paghikbi si Jessica. Minsan man sa loob ng dalawang taon ay hindi nawaglit sa isip niya ang tinig na iyon! Tinig na minsa’y umakit sa kanya…

Dahan-dahan siyang nagtaas ng mukha…

“N-Nick…”

Nagsalubong ang kanilang mga mata. Sinuyod ng mga mata ni Nick ang buong mukha niya. Siya nama’y inaapuhap sa mga mata ni Nick ang anumang damdaming nakapaloob doon. Emptiness ang nakita niya… kasinghungkag ng dalawang taong lumipas!

Unang nagbaba ng tingin si Jessica at marahang kumawala sa mga bisig na humahawak sa kanya. Humakbang paatras…

Kung maaari nga lang na manatili siya sa dibdib ni Nick… sa mga bisig nito… mga bisig na minsa’y nagpadama sa kanya ng walang kapantay na ligaya at pag-ibig… mga bisig na walang anuman kung siya’y binubuhat at iniikot sa buhanginan hanggang sa pareho silang bumagsak sa tubig.

Iniluhang lahat ni Jessica sa harap ng walang buhay na ama ang mga pighating nasa dibdib niya. Sa pagkakataong ito ay sa dalawang kadahilanan…

Chapter 13

NANG hapon ding iyon ay inihatid si Philip sa huling hantungan. Kahanga-hangang katatagan ang ipinakita ng dalawang babaeng iniwan nito na wala nang iluha sa sandaling iyon.

Hindi na muling bumaba si Jessica nang gabing iyon. Hindi na niya halos matandaan ang mga taong nakiramay at lumapit. Matinding pagod ng katawan, puso, at isip ang nagbigay daan upang makatulog siya kaagad pagbagsak ng katawan sa kama.

Ni hindi niya namalayan ang pagbukas ng pinto at ang pagpasok ni Nick sa silid niya.

Tumayo ito sa tagiliran ng kama at pinagmasdan siya. Pagkuwa’y yumuko at inalis ang mga sapatos at stockings niya na sa pagod ay suot pa rin. Muli siyang tiningnan bago hinawi nito ang mga hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya. Maingat nitong hinubad ang tailored white dress na mula Amerika ay suot na niya.

Mahinang umungol si Jessica. “H-huwag mo akong iwan…”

Sandaling naudlot sa ginagawa si Nick subalit muling nahimbing si Jessica.

Maingat nitong inayos ang babae sa higaan at kinumutan. Binuksan ang ilaw sa lampshade. Tinungo ang pinto at pinatay ang main light bago tuluyang lumabas.

Nagising si Jessica nang maramdamang may tao sa kuwarto. Si Nana Sela na hinawi ang mga kurtina sa bintana.

“Hindi ka nakapaghapunan kagabi at tanghali na…” bungad ng matanda. “Tiyak na gutom ka na. Bilin ni Nick na gisingin ka sa oras ng tanghalian.”

Tuluyang nagising si Jessica nang marinig ang pangalan ni Nick. Umupo sa kama nang mapansing wala siyang suot kahit ano. Muling itinakip ang kumot sa katawan.

“K-kayo ba ang nag-alis ng mga damit ko, Nana Sela?” sabay sulyap sa mga damit niya na nasa paanan niya.

“Aba’y hindi. Ang asawa mo marahil,” walang anumang sagot ng matanda.

Napamulagat si Jessica.

“Pinanhik ka ni Nick kagabi upang yakaging maghapunan. Hindi ka na kasi bumaba…” paliwanag ni Nana Sela.

Hindi makakibo si Jessica. Inalisan siya ng damit ni Nick! Nakaramdam siya ng hiya. Kagabi ay tila nananaginip siyang yakap-yakap siya nito. Totoo ba ang panaginip niya?

At asawa pa rin siya ni Nick para sa mga tagarito. Dalawang taon siyang nawala… wala bang nabago?

“K-kumusta na ho si Nick… at si.. si Melisa?” Hindi niya gustong itanong pero dumulas sa bibig niya.

Gumuhit ang pagtataka sa mukha ng mayordoma. “Ano’ng ibig sabihin ng tanong mo na iyan, Jessica?” si Nana Sela na kailan man ay hindi siya tinawag na “Jess.” Para dito pangalan iyon ng lalaki.

“N-nagkikita po ba sila?” Nagsasama-sama ang gustong sabihin ni Jessica. Pero kung ganoon ang ginawa ni Nick, disin sana’y sinabi sa kanya ng papa niya.

“May nahihimigan ako sa tanong mo, Jessica!” nanunuring tingin ang ipinukol ng matanda sa kanya. “Nariyan ang posibilidad na magkita ang dalawa dahil ’ayan lang ang bayan. Maliban pa sa sponsor ninyo sa kasal si Mayor at paminsan-minsan ay di-maiwasang magtungo ni Nick doon na may kinalaman sa mga kung ano-anong permiso,” tugon ng matanda.

Nang hindi kumibo si Jessica ay nagpatuloy ito. “Ngayon, kung may iba kang ibig ipakahulugan sa salita mong ‘nagkikita,’ eh, tinitiyak ko sa iyo, Jessica, maliit lamang ang lugar natin. Magkakilala ang mga tao at hindi maitago ang anumang pinakalihim-lihim.”

Napatitig sa mayordoma si Jessica. Totoo ang sinabi nito. Anumang lihim na maaaring ingatan ng dalawa ay imposibleng walang makaalam. Kahit pa sa kabilang bayan sila magkita.

“M-may anak na po ba si Melisa, Nana?” Gusto niyang makatiyak. At wala siyang ibang mapagtatanungan nito na hindi gagawing issue. Alam niyang tapat at mapagkakatiwalaan niya ang matanda.

Naghihinalang hindi naalis ang tingin sa kanya nang sumagot ang matanda. “Hindi ko nakitang lumaki gaputok man ang tiyan ni Melisa,” matiyaga nitong sagot. “Isa pa, paanong manganganak iyon ay hindi naman nag-aasawa? At kung sakaling manganak man iyon ng dalaga, ay lalong asahan mong di-maililihim.”

Hindi malaman ni Jessica ang susunod na sasabihin. Nagsinungaling ba si Melisa sa kanya dalawang taon na ang nakalipas?

“Hindi ko alam kung bakit ka nagtatanong ng ganyan, anak. Pero kung may kinalaman si Melisa sa bigla mong pag-alis noon, natitiyak kong naging pabigla-bigla ka,” malumanay na salita ng matanda. “Jessica, hija, dito na kami tumanda ni Mang Berto mo at hindi ka na iba sa amin… wala kaming hangad kundi makitang maligaya ka.

“At si Nick, hija, mula nang umalis ka ay parang naging ibang tao. Hindi na siya ang Nick na nakilala ko noong unang taon niya rito. Ang asawa mo, Jessica, tulad ng pagkakilala ni Philip… isa siyang mabuti at mapagkakatiwalaang tao!”

Tumayo ito at tinungo ang pinto. “Sumunod ka na at igagayak ko ang tanghalian mo.” At tuluyang lumabas.

Naiwang nag-iisip si Jessica. Nagkamali nga ba siya? Naging pabigla-bigla nga ba siya sa ginawang kapasyahan? Hindi kayang aminin ng sarili niya iyon.

Nakita ng dalawang mata niya ang katotohanan. Idagdag pa ang pagsasauli ni Melisa ng jacket ng asawa. Pero hindi nagbuntis si Melisa! Hindi rin nababalitang may relasyon ito at si Nick! Nalilito siya!

Magkasalong nananghalian sina Jessica at Claire.

“Ano’ng plano mo ngayon, Jess?” tanong nito habang naglalagay ng pagkain sa pinggan.

“Hindi ko pa alam, Tita Claire…”

Tiningnan ni Jessica ang madrasta. Nangayayat ito at tila tumanda. Hindi niya maiwasang magtanong.

“T-Tita… n-naging maligaya ka ba sa piling ng Papa?”

Tumingin nang deretso sa kanya si Claire. “My two years with your father were the happiest of my life, Jessica. Kung kaligayahan ang pag-uusapan ay nakapaloob sa dalawang taong iyon ang buong buhay ko. Many times, I have wished na sana ay kasama niya ako sa fatal day na iyon…” gumaralgal ang tinig nito at may sumungaw na luha sa mga mata.

Nagbara ang lalamunan ni Jessica. Ginagap ng madrasta ang palad niya.

“Malimit naming mapag-usapan ni Phil ang kalagayan ninyong dalawa ni Nick noong nabubuhay pa siya,” patuloy ni Claire. “You were a picture of happy and fulfilled couple… Kung ano ang nangyari, ikaw lang ang may hawak ng susi. Wala siyang laging sinasabi kundi ang sana’y makita kayong muling magkasama.”

Lalong naumid si Jessica. Ano’ng sasabihin niya?

“Labis na nasaktan si Nick, Jess. Hindi ko sinasabi sa iyo ito dahil… kapatid ko siya. Kung may nalaman kaming ginawang masama ni Nick, hindi mo na siya dadatnan pa rito.” Huminga nang malalim si Claire. “Hindi na kita uli tatanungin kung bakit ka umalis noon. Ang tanging masasabi ko lang, Jess, be reasonable and give your marriage a chance.”

“H-hindi ko alam ang isasagot ko, Tita…”

“Isang bagay lang ang gusto kong marinig, Jess. Do you still love my brother?”

“I… I never stopped loving him…” marahan niyang tugon.

“That is more than enough. Ang pag-ibig ay parang agos ng tubig… humahanap ng daan. As long as you do not run without giving a fight.” Uminom ito ng tubig at tumayo na.

Muling naiwang nag-iisip si Jessica. Ano’ng ginawa ni Nick at nakuha ang simpatya ng Papa niya at ni Nana Sela? Bakit lumalabas na ang ginawa niyang pag-alis ay out of whims and caprices? Hindi bale si Claire dahil kadugo ito ni Nick. Ganoon pa man, Claire is so convincing!

Ilang araw pa ang matuling lumipas ay wala pa rin siyang lakas ng loob na haraping muli si Nick. Sa tuwing alam niyang nasa malaking bahay ito ay hindi siya lumalabas ng silid.

Duwag! akusa niya sa sarili.

Maaga siyang nagising nang umagang iyon. Hinawi ng kurtina at tinanaw ang dagat. Nag-aanyaya ang mga munting alon na marahang humahampas sa dalampasigan.

Tiningnan niya ang orasan sa night table—6:30 pa lang. Hindi pa siya masa-sun burn.

Mabilis na binuksan ang wardrobe. Hinugot ang kulay-dilaw niyang bikini na may maliliit na stripes na itim. Sa Amerika pa niya ito binili.

Hinubad niya ang pantulog at isinuot ang bikini. Pinatungan niya ito ng T-shirt na ang haba ay tama lang na umabot sa garter ng bikini bottom.

Sanay na siya sa gayak niyang iyon kaya hindi niya napupunang tila siya isa sa mga babaeng napapanood sa Baywatch . Isang palabas sa TV na ang mga babae ay ubod ng gaganda at sexy!

Tahimik pa ang kabahayan maliban sa mga katulong na nagsisimula na sa kani-kanilang gawain.

Nilandas niya ang daan patungo sa dagat.

Sa loob ng asyenda, ang pinakamalapit na kapitbahay ay ang mga bahay ng mga katiwalang papa niya. At iyon ay kalahating kilometro marahil ang layo mula sa malaking bahay.

Napakatahimik ng buong paligid. Kaysarap ng simoy ng hangin. Tila isang paraiso. Wala kang makikita kundi ang malawak na karagatan, ang mga naghilerang puno ng niyog at mga punongkahoy na namumunga.

Sa dinaraanan niya ay ang mangilan-ngilang puno ng cacao, suha, at rambutan. Sa kanlurang bahagi ng asyenda ay pataniman ng mga ito na kung saan ay hinahango ng mga negosyante kung tag-ani.

Ang malaking bahagi ng pinagkakakitaan ng asyenda ay mula sa copra, palay, at saging. At lahat ng mga ito ay pinangangasiwaan ni Nick katulong ang mga katiwala ng papa niya. At ang isa sa mga anak ng katiwala na napagtapos ng pag-aaral ng papa niya sa kolehiyo sa bayan bilang accountant.

Copra at palay naman ang direktang income ng Asyenda del Mar.

Napabuntong-hininga siya sa kagandahan ng paligid. Kaytagal dm niyang pinanabikan ang lugar na ito. Hinubad niya ang T-shirt na ipinatong sa bikini, at ibinaba sa puting buhangin at tumakbo sa dagat.

Kaibang-kaiba sa beach sa ibang bansa na kung saan kaydaming taong pumaparoon.

Kalahating oras na marahil siyang nasa tubig nang minsang paglitaw niya ay natanawan niya si Nick!

Sakay ng kabayong si Toro at nasa ilalim ng puno ng niyog. Kanina pa ba siya roon? naitanong niya sa sarili.

Pinagpipilian niya kung aahon siya o mananatili sa tubig. Napagpasyahan niya ang una. Marahan siyang lumangoy pabalik sa dalampasigan. Lumakad paahon nang hanggang tuhod na niya ang tubig.

Tila siya diyosa na iniluwa ng dagat!

Tinapik ni Nick ang kabayo pasalubong sa kanya. Napahinto sa paglakad si Jessica. Kaygilas ni Nick! Bagay dito ang malaking kabayong itim.

Bumangon ang kaba sa dibdib ni Jessica. Ang pagkikita nila ni Nick ay lagi nang nagdudulot ng di-mawaring damdamin para sa kanya.

“Ho…ho…” Huminto ang kabayo halos dalawang dipa ang layo mula sa kanya. “Baka nakakalimutan mong hindi ito California beach! At hindi sanay ang mga tao ritong nakakakita niyang suot mo na halos dekorasyon na lamang sa katawan!” paangil nitong sabi sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa.

Pinamulahan ng mukha si Jessica. “T-this is… this is a private… beach!” sagot niya na binigyang diin ang ‘private.’

Nanunuyang ngumiti si Nick. “So, naalala mo pala iyon, ha?”

Namilog ang mga mata niya. Hindi niya ibig tukuyin “iyon” nang sabihin niyang private. Bagama’t tuwina ay naaalala niya ang mga maliligayang sandaling “iyon” sa piling ni Nick.

“Umahon ka na, Jessica. Ilang minuto pa ay maglalabasan na ang mga manggagawa ng asyenda.”

Bumangon ang inis sa dibdib ni Jessica sa pag-uutos na iyon. “May dapat ba akong ikahiya sa katawan ko, Nick?” nanunuya niyang tanong.

Nagsalubong ang mga kilay ni Nick. “Perfect! Kung namimingwit ka nang papuri. You’ve lost your baby fat!” sarkastikong sagot ni Nick. “Lamang, kung gusto mong manatili rito sa dagat ay magpalit ka ng isusuot na hindi makapagwawala ng pagpipigil ng mga tauhan ko!”

“How about you, Nick? Are you losing self-control?” nangingiti niyang tanong.

Kitang-kita ni Jessica ang pagngangalit ng mga bagang ni Nick. “Huwag mong ubusin ang pasensiya ko, Jessica! Marami akong trabaho. Hindi kita mababantayan maghapon dito!”

“Damn it, Nick! Hindi ako batang musmos para bantayan mo!” ang pagalit niyang bulyaw.

Tumawa nang malakas si Nick. “So, you haven’t changed at all! Nagagalit ka pa rin ’pag natutukoy na bata. But you know, honey… you are acting like one!” At muling pumormal ang mukha at tinig nito. “Sige na, Jessica… hindi ako mangingiming gamitin sa iyo ang latigong ito!” banayad ngunit madiin nitong salita.

Hindi makapaniwala si Jessica na gagawin ni Nick iyon. Ganoon pa man, hindi niya gustong subukan. Nagpupuyos ang loob na dinampot niya ang mga gamit niya sa buhanginan.

Sa bahay ay hinainan siya ni Nana Sela ng purong tsokolate. Ani mula sa puno nila at ipinagawang tableya o chocolate tablets.

“Wow! Tsokolateng purong-puro! At suman! Nami-miss ko itong ganitong breakfast, Nana Sela.” At itinaas niya ang Chinese tea cup na siyang pinaglalagyan ng tsokolate.

“Good morning Jess…” si Claire na umupo sa tapat niya. “Kape lang ako, Nana Sela. Galing ka na pala sa dagat. Pero bakit ang dali mo?”

Hindi na sinabi ni Jessica ang pagtatagpo nila ni Nick. “Gusto ko kasing magpunta sa koprahan…” sagot niya na may bahid ng katotohanan dahil balak talaga niyang bisitahin ang asyenda.

“Mabuti naman at nang malibang ka. Tapos na ang pagbabagsak at tiyak na nagbabalat na ngayon at nagbibiyak. Gamitin mo ang Range Rover, mula nang ma…” At hindi nito tinapos ang sasabihin, nagbara ang lalamunan.

Sinalo ni Nana Sela ang eksena. “Ano ba ang lulutuin ngayong tanghali, ha, Claire?”

Napangiti nang lihim sa mayordoma si Jessica. Hindi niya gustong umpisahan sa malulungkot na alaala ang araw. Siya man ay nahihirapang tanggaping wala na ang papa niya. Minsan ay nakadarama siya ng takot sa hinaharap ngayong wala na ito. Pero walang dahilan para pahabain ang paninimdim, hindi na babalik si Philip…

“Magpahuli kayo ng manok, Nana Sela. Gusto ko ng tinola…” sagot ni Jessica.

“At may nahuling hito si Berto, iihawin ko na lang…” dagdag ng matanda.

Chapter 14

NATANAW ni Jessica ang pagbabalat ng niyog ng mga tao sa pamamagitan ng isang matulis na bakal na ang kalahati ay nakabaon sa lupa.

Bigla ang tapak niya sa preno nang humarang sa daan si Nick na nakapameywang. Umikot ito sa driver’s seat at binuksan ang pinto ng Range Rover.

“Magandang umaga, Miss Arenas… Saan ko utang ang pagdalaw na ito?” bungad ni Nick.

Hindi agad nakasagot si Jessica. Kaylapit ni Nick at nasasamyo niya ang panlalaking cologne nito. Gusto niyang hapitin ito sa leeg at yakapin.

“Lost your tongue, honey?” si Nick uli sa nang-aasar na boses.

“G-gusto kong sanayin ang sarili ko sa gawain dito sa asyenda…”

Tumaas ang isang kilay ni Nick. “Why the sudden interest, Jessica? Wala ka bang tiwala sa akin at sa mga tao ng papa mo?”

“Wala na ang Papa, Nick. Tama lang na matutuhan ko ang pamamalakad ng as…” Hindi niya natapos ang sasabihin. Maagap itong sinalo ng lalaki.

“Playing responsible, ha? At anong alam mo sa mga gawain dito sa asyenda?” ani Nick na bagaman at nakangiti ay bakas ang nakatagong galit sa mga mata.

“Huwag mo akong insultuhin! Dito ako ipinanganak at nagkaisip. Ngayong patay na ang Papa’y pananagutan kong asikasuhin ang mga naiwan niya.” Pigil ang emosyon niya. Hindi niya gustong salubungin ang galit ni Nick. “At… at inaasahan ko na tutulungan mo ako.”

Isang malakas na tawa ang isinagot ni Nick. Mapang-uyam na tawa. Nalito si Jessica. Nakatingin sa kanila ang mga mata ng mga tauhan. Hindi man siya naririnig ng mga ito ay tiyak na naririnig ng mga ito si Nick.

“Then what, Jessica? Sa unang tanda ng problema ay tatakbo ka pabalik ng Amerika? Bumalik ka roon. Wala kang magagawa rito!”

“I’m not expecting you to be cooperative, Nick. Pero bakit mo ako itinataboy? Sagabal ba ako sa extra activity mo?” may pait sa tinig niya. Si Melisa ang nasa isip nang banggitin niya ang extra activity.

“You can’t fool me now, Jessica. Ningas kugon lang ang interest mo. Hindi ang asyenda ang makapagbibigay ng kaligayahan sa iyo!” pormal ang tinig ng lalaki.

Gusto nang mairita ni Jessica. “Sino kang magsasabi kung ano ang makapagpapaligaya sa akin, Nick?”

“Hindi ka naging maligaya dito two years ago! Wala akong makitang dahilan kung bakit ka magpipirmi ngayon!” Malulupit ang mga matang nakatitig sa kanya.

“Hindi asyenda ang dahilan kaya ako umalis, Nick! Tao ang dahilan!” Pinipilit niyang gawing kalmante ang mukha niya dahil nakatuon ang pansin ng mga tauhan sa kanila.

“Linawin mo ang sinasabi mo, Jessica!” Gustong manayo ng balahibo ni Jessica sa tono ng boses ni Nick. Kulang na lang ay mag-apoy ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya.

Sa dalawang pagkakataon ay nakita na niyang nagalit ito. Noong unang gabi ng kanilang kasal at noong gabing bago siya umalis patungong Maynila. Hindi niya gustong tanggapin ang galit na iyon sa harap ng mga tauhan.

Nalilitong mabilis niyang kinambiyo paatras ang sasakyan na ikinabigla ni Nick. Mabilis itong umatras kung hindi ay tatamaan ito ng humahampas na pinto ng Range Rover! Hindi nito inaasahan ang ginawa ni Jessica.

Malayu-layo na ang sasakyan nang abutin ni Jessica ang pintuan at isinara. Mabilis na nagmaniobra pabalik. Halos bumaon ang mga gulong sa lupa. Umiingit ang mga ito.

Nakaramdam siyang parehong pangyayari dalawang taon na ang nakararaan. Nang patakbuhin din niya nang ganito ang Range Rover ng papa niya.

Ito ang ikalawang pagtatagpo nila ni Nick sa araw na ito. At sa parehong pagkakataong nabanggit ay nagtatalo sila.

On impulse ay gusto na nga niyang magbalot at bumalik ng Amerika. Nag-uunahan sa isip niya ang mga sinabi ni Nick.

“…playing responsible, ha?”

“…sa imang tanda ng problema, tatakbo kang pabalik ng Amerika!”

At ang sinabi ni Claire…

“…do not ran without giving a fight!”

“…do not run… do not run…”

Paulit-ulit sa isip niya ang mga tinig ng dalawa! Ganoon ba siya? Immature… iresponsable…

Chapter 15

M ATULING lumipas ang mga araw matapos ang pangyayaring iyon. Halos hindi magtungo si Nick sa malaking bahay. Kung wariin ni Jessica ay iniiwasan siya nito. Kalimitan ay nasa kabilang asyenda ito.

“Mang Delfin, nakita n’yo ba si Nick?” tanong niya sa katiwala na tinitingnan ang pagsasalansan ng mga sako ng palay sa kamalig.

“Subukan mo sa koprahan, Jess. Baka naroon ngayon iyon dahil maghapon kahapon ay nasa Asyenda del Mar siya,” magalang na sagot ng matanda.

Malayo pa si Jessica ay natatanaw na niya si Nick na kausap si Mang Celso, ang isa pang katiwala. Nakatalikod si Nick at hindi siya nakikita nang sa may hindi kalayuan ay may owner na pumarada sa tabi ng pickup ni Nick.

Nag-init ang mukha niya nang bumaba at makilala niya ang sakay nito. Si Melisa!

Bumaba ito ng jeep at naglakad patungo sa kinaroroonan ni Nick.

Ano ang gagawin niya? Uuwi ba siya at iiwanan ang dalawa?

Nang matanawan niya ang naglalawang lupa na siyang madaraanan ni Melisa. Ito iyong mga tubig ng niyog na natatapon kapag nagbibiyak. At sa sandaling ito, alam niyang mabaho na iyon.

Mabilis niyang pinatakbo ang kabayo niya patungo roon. Hustong napatapat si Melisa sa mabahong tubig ay siya namang pagdaan niya. Itinilamsik lahat ng mga paa ng kabayo ang mabahong sabaw ng niyog sa mukha at katawan ni Melisa.

Napasigaw ang babae. Lumingon si Nick.

Umikot ang kabayo pabalik at humarap kay Melisa.

“O, I’m so sorry! Hindi ko napansin na may tubig pala… Naku, ang baho pa naman niyan… I’m terribly sorry!” ani Jessica sa eksaheradong paghingi ng paumanhin.

“Hmp… eeeh… ang baho… nakup!” si Melisa na hindi malaman kung ano ang gagawin. Matalim nitong tiningnan si Jessica.

Napansin ni Jessica ang papalapit na si Nick. At muli sa eksaheradong tinig. “O, Nick, darling… ipahiram mo nga kay Melisa ang jacket mo!” At pinakadiin-diin nito ang jacket. “Natilamsikan ko siya ng mabahong sabaw ng niyog, eh…” habang hindi niya inaalis saglit man ang tingin niya kay Melisa,

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Melisa.

“H-hindi bale na lang… sa bahay na ako magpapalit.” at lumakad pabalik sa jeep.

“May kailangan ka ba sa ASAWA ko, Melisa?” pahabol na sigaw ni Jessica.

Pasakay na sa jeep ang babae nang lumingon. “S-saka na lang…”

Malayo-layo na ang jeep nang bumunghalit ng tawa si Jessica. Naaaliw na tinitingnan siya ni Nick.

“Tama ba akong sabihing hindi aksidente ang ginawa mo?”

Tumalim ang mukha ni Jessica. “Ano’ng kailangan sa iyo ng babaeng iyon?”

Nagkibit ng balikat si Nick. “Paano kong malalaman at ayon… naitaboy mo!” pigil na pigil nito ang pagnanais na ngumiti.

“Gusto mong habulin ko?” nagpupuyos ang loob na tanong niya.

“Rediculous! Gusto nga kitang pasalamatan dahil natulungan mo akong maitaboy ang isang mild irritation!” sagot ni Nick na ikinataas ng isang kilay ni Jessica. Napatitig dito. Nag-iisip.

“Bakit ka nga pala nandito? Alam mo, hindi ko gustong isiping tuwing nakikita kita ay may nangyayaring aksidente?” may himig-birong sabi ni Nick.

“Namamasyal lang… little did I know na sa pamamasyal ko ay makakapaningil ako ng pautang two years ago…” pormal na sagot ni Jessica. “May balanse pa… isama pa ang interest!”

Nagsalubong ang mga kilay ni Nick. “You’re always talking in riddles! Ano ang ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong ni Nick.

“Hindi bale na…”

Nagkibit ng balikat si Nick. Muling tumingin sa kanya. “Ano nga pala iyong sinabi mong huli kay Melisa? Kung may kailangan siya kanino?”

“Narinig mo, ’di ba?”

“Yeah… sinabi mong ‘asawa.’ Nang dahil sa asyenda?” malungkot at patuyang tanong ni Nick.

“Pareho, Nick! Ginawa kayong package deal ng Papa. I cannot take one without taking the other.”

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Nick. Muling bumalatay ang galit. “Gusto kong kasuklaman si Philip sa ginawa niyang ito, Jessica!”

Nasaktan si Jessica pero hindi kumikibo. Kahit sabihin niyang mas mahalaga ito kaysa asyenda, pagdududahan din ang motibo niya.

Chapter 16

K1NABUKASAN ay maagang nagtungo sa bayan si Jessica. Tiyak ang patutunguhan. Inabutan niya si Melisa na nagbubukas ng filing cabinet.

“Hello… Melisa?”

Bagama’t nabigla ay hindi nagpahalata ang babae. “Ikaw pala, si Mayor ba ang sadya mo?”

“Sana…”

“Mamaya pa ang dating noon. Nasa bahay pa iyon, doon mo puntahan.”

“Hihintayin ko na lang dito…” At dinampot ang diyaryo at umupo sa naroong silyang pambisita.

Ilang segundo din siyang tiningnan ni Melisa bago nagsalita. “Kailan ang balik mo sa Amerika, Jessica?” pormal na pormal ang tinig nito.

Binitiwan ni Jessica ang diyaryo at tumayo. Lumapit sa mesa ng babae. “Hindi ko alam na interesado ka sa mga plano ko, Melisa?” nakangiting sagot niya.

“Hindi siguro kaila sa iyo na kami ni… ni Nick ay…”

“Kayo ng asawa ko ay ano, Melisa?” mahina ang tanong na iyon. Hindi alam ni Melisa na sa mga sandaling iyon ay para itong tumutulay sa alambre sa tinitimping galit ni Jessica.

Tumalim ang anyo ng babae. “Wala akong dapat pang sabihin sa iyo! Matagal mo nang alam ang bagay na iyan!”

Malakas na tumawa si Jessica. “Alin ang alam ko, Melisa? Na sinungaling ka? Na hindi totoong buntis ka two years ago? Na nag-iilusyon kang maagaw ang asawa ko sa akin?” nanunuyang tanong niya.

Unti-unti nang nagdadatingan ang ibang mga empleyado. Nailang si Melisa.

“Huwag na tayong maglokohan pa, Melisa! Kung hindi mo nakuha ang atensiyon ni Nick sa loob ng dalawang taong wala ako, kahit ilang taon pa ang ibigay ko sa iyo ay ganoon din!” nagpupuyos ang loob na wika ni Jessica.

Hindi makasagot si Melisa. Kitang-kita nito ang nagngangalit na mga mata ni Jessica.

“Gusto kong singilin sa iyo ang dalawang taong nasayang sa amin ni Nick, Melisa. Pero nagbago ang isip ko. Kasalanan ko rin dahil naniwala ako sa iyo!”

Hindi malaman ni Melisa kung uupo o tatayo. Bagaman at hindi malakas ang boses ni Jessica ay posibleng marinig ito ng nagdadatingang mga empleyado.

“Kakalimutan ko ang lahat, Melisa. Pero pakatandaan mo ito, hindi ko gustong makita kahit anino mo sa magkadikit na asyenda! At sa sandaling hindi mo ginawa… huwag mong hamunin ang impluwensiya ko sa bayang ito!” at tumaas ang mukha niya. “Kung hindi naman… marami akong alam na paraan sa pagpatay ng pusa!”

Pagkasabi noo’y tumalikod na siya. Mabilis na pumasok sa sasakyan niya at sandaling umupo. Hindi niya kayang isiping nagawa niya iyon! At isiping bumanggit pa siya ng impluwensiya! Ang papa niya, oo, pero siya? Ewan niya.

Nagkibit siya ng balikat. Unahan lang iyon. Naunahan siya ni Melisa dalawang taon na ang lumipas.

Natitiyak niyang saradong aklat na si Melisa. Isa pa ang kailangan niyang ayusin. Si Nick!

Pero paano?

Chapter 17

“N APAGPASYAHAN mo na ba ang tungkol sa inyo ni Nick, Jess?” tanong ni Claire isang hapong nilapitan siya nito sa swing.

“Ano’ng gagawin ko, Tita Claire? Magmakaawang pakasalan niya ako upang di-mawala ang mana ko?” sarkastikong sagot ni Jessica sa mataas na boses.

Hindi kumibo si Claire. Tahimik na umupo sa tapat niya. Nakadama ng guilt si Jessica. “I’m sorry, hindi ko dapat ibunton sa inyo ang… suliranin ko, namin ni Nick.”

“Suliranin ko ang suliranin ninyo. Pareho kayong mahal sa akin.”

“Salamat, Tita Claire…” biglang parang may bara sa lalamunan niya.

“Alam kong mahal ka ni Nick, Jess… ang kailangan lang ay isa sa inyo ang bumigay..”

“Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ’yang sinabi ninyo,” malungkot niyang sagot. Tinanaw ang dagat.

“Gusto mong kausapin ko si Nick?” suhestiyon ni Claire.

“Hindi. Problema namin ito. Kami ang lulutas,” matigas niyang tanggi.

“Tatlong linggo na lang ang natitira sa taning ng papa mo, Jess,” paalala ni Claire.

Napatingin si Jessica kay Claire. Huminga nang malalim. “That is the irony of it. Inisip ng Papa na paglapitin kaming muli ni Nick sa pamamagitan ng ginawa niya. Sa halip, nagsilbi itong pader.”

Hindi makakibo si Claire. May katwiran si Jessica.

“I cannot do anything without Nick doubting my motives. At pagkatapos ng ginawa kong pag-alis, I cannot just say, hey! I’m back!” At sandaling sinulyapan ang malungkot na mukha ng madrasta. “Hindi pride ang pinag-uusapan dito. Kung iyon lang, I could easily swallow mine, huwag lang mawala uli si Nick sa buhay ko!”

Napatitig sa stepdaughter si Claire. Worse may comes to worst. Mawala o hindi ang mana. Hindi niya papayagang magkalayo ang dalawa!

Chapter 18

BINAYBAY ni Jessica ang tabing-dagat sakay ng kabayo niya. Walang direksiyon ang patutunguhan.

Iniisip ang pinag-usapan nila ni Claire. Hindi niya iniisip ang time frame na ibinigay ng papa niya. Kundi paano niya mapapaniwala si Nick na hindi dahil sa asyenda kaya gusto niyang magkasundo sila.

Walang ginagawang paraan si Nick na magkasundo sila. Gusto na nga niyang mawalan ng pag-asa.

Gumuhit ang kirot sa dibdib niya sa maaaring negatibong damdamin ni Nick para sa kanya. Kung totoo ang sinabi ni Claire na mahal siya ni Nick, disin sana’y gumawa na ito ng paraan.

Natigil lang siya sa pag-iisip nang mapunang nababasa na siya. Pumapatak ang ulan. Nilingon niya ang pinanggalingan niya… isang walang hanggang baybayin!

Malayo na ang narating niya at lumalakas ang ulan! Hinapit niya ang kabayo pasilong sa mga puno.

Basang-basa na siya nang mapansin niya ang pamilyar na tanawin. Nasa loob siya ng Asyenda del Mar! Tinunton niya ang daan patungo sa villa.

Nasa harap na siya ng bahay na bato nang mag-atubili siya. Pero basang-basa na siya at giniginaw. Bumaba siya ng kabayo at itinali ito sa puno. Pagkatapos ay marahang kumatok.

Nagulat pa si Aling Susana nang makita siyang nakatayo sa harap ng pinto at nanginginig sa ginaw.

“Ay, pastilan… sulod dali!” anyaya nito sa kanya papasok. “Basang-basa ka!”

“I-inabutan ho ako ng ulan sa daan…”

“Naku, eh, pumanhik ka muna sa itaas sa kuwarto ninyo at magpalit ka ng damit. Magkakasakit ka niyan,” wika ng matanda.

Atubiling pumanhik si Jessica. Kuwarto ninyo! Tulad ng mga tao sa malaking bahay ay parang walang nabago. Parang hindi siya umalis. Silang dalawa lang ni Nick ang nagbago.

Dahan-dahan niyang binuksan ang dating kuwarto nilang mag-asawa. Tumambad sa kanya ang pamilyar na tanawin. Walang naiba. Binuksan niya ang cabinet. Naroon ang mga gamit niya! Ang mga damit niyang iniwanan ay naroon pa rin.

Isinara niya itong muli at mabilis na pumasok ng banyo.

Sa ibaba ay muntik nang mabitawan ni Aling Susana ang tasa ng kape nang sa pagpasok ay mabungaran nito si Nick na naghuhubad ng jacket.

“Ginulat mo akong bata ka!”

“Bakit narito ang kabayo ni Jessica, Aling Susana? At saan ninyo dadalhin ang kapeng iyan?” At isinabit nito ang jacket sa sungay ng usang pinatuyo na nakapako sa dingding.

“Dumating ditong basang-basa ang asawa mo at nanginginig sa ginaw. Pinapanhik ko sa itaas. Magbihis ’kako at baka magkasakit.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Nick. Kinuha ang tasa ng kape sa matanda. “Ako na ang magpapanhik niyan!”

Bukas ang pinto ng silid. Nakabakas sa sahig ang tubig mula sa basang katawan ni Jessica. Isinara ni Nick ang pinto.

“Aling Susana, kayo ba iyan? Pakiabot nga po ng tuwalya…” Si Jessica mula sa banyo.

Inilapag ni Nick ang kape sa mesa. Kumuha ng tuwalya at pumasok sa nakabukas na banyo.

“Ang gin… Nick!” bulalas niya sabay hablot sa tuwalyang nasa kamay ni Nick at pilit tinakpan ang kahubaran.

“Bakit ka nagtatakip? Hindi ba at nakita ko nang lahat iyan sa maraming pagkakataon?”

Hindi malaman ni Jessica ang isasagot. Nanatiling nakatingin sa kaharap. Pinagmasdan siya ni Nick. Basang-basa at tumutulo ang tubig sa mukha mula sa buhok. Bumaba ang mga mata nito.

Inabot ni Nick ang tuwalya sa kanya at inihulog sa sahig. Muli siyang pinagmasdan mula ulo pababa. Pagkatapos ay bigla siyang kinabig nito at bago pa nakakilos si Jessica ay bumaba na ang mga labi ni Nick sa kanya. At pagkatapos ay gumapang ang mga labi nito sa mukha niya… sa leeg… at bumaba sa dibdib…

“N-Nick…” At wala sa loob na dumako ang mga kamay niya sa mga butones ng lalaki at unti-unting tinatanggal ang mga ito.

Nang buhatin siya ni Nick palabas ng banyo at ihiga sa kama ay sunud-sunuran siya. Ang tanging alam niya ay kaytagal na panahong pinangarap niya ang mga sandaling ito.

“Kailangan kita, Jess…” bulong ni Nick sa pagitan ng mga halik. “Oh, honey… it’s been a long, long time…“Nag-aapoy ang mga halik nito… nagmamadali… darang na darang si Jessica…

Pagkalipas ng mahabang panahon ay hindi nila kailangang pareho ng maraming preliminaries. “Oh, please… now, Nick…”

Kung gaano kalakas ang ulan sa labas ay siya ding lakas ng simbuyo ng damdaming namagitan sa silid na iyon. Malakas ang hampas ng alon sa batuhan subalit nanatiling matatag ang bato…

Matuling lumipas ang ilang sandali… humihina na ang ulan sa labas. Walang naririnig kundi ang mahinang mga patak nito sa pasamano ng veranda. Humupa na rin ang nag-aalab na mga damdamin.

Kumawala si Nick mula sa pagkakayakap kay Jessica. Tumayo at nagbihis. “Kailan mo gustong idaos ang kasal, Jessica?” Napakalamig ng tanong na iyon.

Nagtatanong ang mga mata ni Jessica. Inaapuhap sa mukha ni Nick ang init na kani-kanina lang ay tumutupok sa pagkatao niya.

Humarap si Nick sa kanya. “Damn it! Magsalita ka! Huwag mo akong tingnan nang ganyan. ’Ayan at tinitiyak ko nang hindi mawawala ang asyenda sa iyo!”

Napatayo siya mula sa pagkakahiga. Hindi makapaniwala sa narinig. “I-iyon ang pakahulugan mo sa… sa nangyari?”

“Ano’ng gusto mong ipakahulugan ko doon? Pagkatapos ng dalawang taon heto ka sa piling ko… dahil iniibig mo ako? Ganoon ba?”

“Iyon ang to—”

“Huwag na tayong maglokohan, Jessica. Anyway, we’ll serve each other in bed… nasa iyo pa ang asyenda. Maaari mo nang ibalita kay Claire nang magawan niya ng paraang umabot tayo sa time frame ng papa mo!” sarkastikong wika nito.

Gumuhit ang lungkot at pait sa mukha ni Jessica. Nahagip iyon ng mga mata ni Nick at higit itong nasaktan sa nakita. Gusto nitong bawiin ang mga sinabi.

Marahang tumayo si Jessica. Kumuha ng jeans at blouse sa closet at nagbihis. Hindi nagsasalita. Gusto niyang umiyak pero walang luhang pumatak. Talo siya, after all…

“G-good-bye, Nick…” At walang lingong lumabas ng silid.

Gustong siyang habulin ni Nick… pigilin at muling ikulong sa mga bisig nito. Pero nanatili itong nakatayo.

Narinig nito ang papalayong mga yabag ng kabayo.

“There goes your chance, boy…” bulong nito na ibinagsak ang katawan sa kama.

Chapter 19

KINABUKAS AN ay ipinasya ni Jessica na makipagkita sa abogado. Gusto niyang ipaayos ang mga titulo ng lupa bago siya umalis pabalik ng Amerika. Sana’y kayang tanggapin ng puso niya ang terms ni Nick… “We’ll serve each other in bed, anyway…”

Natanaw pa ni Nick ang Range Rover nang ipasok nito sa garahe ang pickup.

Pagpasok ng bahay ay sinalubong siya ni Claire. Iniwasan nitong tingnan ang huli. Tuloy-tuloy ito sa library. Sumunod si Claire.

“Malaki na ang inihuhulog ng katawan mo, Nick…”

“Claire, please… huwag kang mag-umpisa…” sagot nito. “Gusto kong makita ang statement of account na ginawa ng accountant. Nasaan?”

“Bakit pinahihirapan ninyo ang isa’t isa, Nick? Bakit hindi ikaw ang bumigay? Hindi mo pa ba nakikitang mahal ka niya?”

Huminto sa pagbubukas ng drawer si Nick. Tumingin sa kanya. “You know what? Gusto kong isiping ikaw ang natatakot sa multong ginawa mo. Ikaw ang nagbigay ng stipulation at ngayon ay ikaw ang natatakot!”

“Hindi ang asyenda ang ibig kong sabihin, Nick. Alam mong buhay ko man ay ibibigay ko kapalit ng kaligayahan mo.” Namumuo na ang luha niya sa mga mata.

Hindi kumikibo si Nick at muling nagpatuloy sa ginagawa.

“She is leaving, Nick…”

Sandali itong natigilan. Pagkuwa’y nagkibit ng balikat. “So, what else is new?”

“Sa pagkakataong ito ay baka hindi na kayo magkita!”

Ibinagsak ni Nick ang mga papeles sa mesa. “Stop torturing me! Ano ba ang gusto mong gawin ko? Magmakaawa sa kanya na huwag akong iwan?”

“Why don’t you at least, talk to her?”

“Hindi kami humihinto sa pakikipag-usap sa isa’t isa, Claire…” sarkastikong sagot nito.

“Napakaimposible mo, Nick!” At lumabas ng library.

Paglabas ni Claire ay binitiwan ni Nick ang mga dokumento. Umupo at sumandal, tumingala sa kisame.

Ilang minuto rin siya sa gaanong ayos bago naisipang lumabas. Pumanhik sa silid ni Jessica. Inabutan nito ang katulong na ibinababa ang mga maleta mula sa itaas ng closet.

“Ano’ng ginagawa mo?”

“Pinalilinis po, Manong Nick…” sagot ng katulong.

“Mamaya na, lumabas ka muna…”

Walang kibong sumunod ang katulong. Naiwan si Nick na nakatitig sa mga maleta. Umupo sa stool ng tokador nang mapansin ang passport ni Jessica.

Wala sa loob na dinampot at binuklat. Nagsalubong ang mga kilay niya sa nabasa…

Chapter 20

SAMANTALA, si Jessica ay kausap ni Attorney Rocha.

“Ano ba ang nangyayari sa inyo ni Nick, hija?“tanong nito sa kanya.

“Wala naman, Tito Alex. Kaya ako nandito ay upang ipaalam sa inyo na aalis na ako sa susunod na linggo. Baka may kailangan akong ayusin o pirmahan,” malungkot niyang sagot.

Umiiling ang abogado. “Nalulungkot ako sa kinahinatnan ng lahat, Jessica. Base sa desisyon mo ay natitiyak kong paparito rin si Claire upang maipaayos ang pagbabahagi ng Asyenda del Mar…”

Napatingin sa abogado si Jessica. “Ano’ng ibig ninyong sabihin, Tito Alex?”

“Nagbigay din ng taning si Claire kay Nick, katulad ng sa iyo. Kung hindi kayo makakasal sa loob ng walong linggo ay mauuwing lahat sa mga tauhan ng Asyenda del Mar ang buong mana ni Nick. Maliban sa villa at ang lupang nakapalibot dito.”

Hindi makapaniwala si Jessica. “Pero bakit, Tito Alex? Anong karapatan mayroon si Claire para magbigay ng ganoong stipulation? Hindi ba at bilang magkapatid ay paghahatian nila ang asyenda?”

“Nasa pangalan ni Claire ang buong Asyenda del Mar tangi lamang sa isang ektaryang lupa na siyang nasasakupan ng villa. Iyon lamang ang nasa pangalan ni Nick. Kung bakit ganoon ang ginawa ng mga namayapa nilang magulang ay hindi ko alam,“paliwanag ng abogado.

Hindi makakibo si Jessica. Diyata’t naipit din si Nick sa ganoong stipulation at provision.

Pero bakit hindi ito sinasabi ni Nick? At bakit hindi gumagawa si Nick ng paraang huwag mawala ang mana nito? Mas gugustuhin pa ba nitong mawalan ng mamanahin kaysa muling makisama sa kanya?

Napahikbi si Jessica.“J-Jess, hija…” nag-aalalang tiningnan siya ng abogado.

“I’m… all right, Tito Alex…” at kumuha ng panyo at nagpahid ng luha.

Hapon na nang ipasya niyang bumalik sa asyenda. Inikot niya muna ang mga kaibigan at mga kakilala at personal na pinasalamatan ang mga ito sa pakikiramay sa kanya nang mamatay ang papa niya. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong gawin iyon noong mga nakaraang araw.

Bago dumating ng malaking bahay ay iniliko niya pakaliwa ang sasakyan patungo sa dagat. Ipinarada niya ang Range Rover sa may di-kalayuan at naglakad patungo sa dalampasigan. Hinubad niya ang sandalyas at naglakad sa buhanginan.

Hinayaan niyang mabasa ng mga alon ang mga paa niya. Pinagsawa niya ang sariling pagmasdan ang karagatan. Pagkatapos nito ay hindi na niya uli masisilayan ang lugar na ito. Hindi na siya babalik pang muli! Wala nang dahilan para gawin niya iyon. Wala na ang Papa niya… at wala na rin si… Nick! Naiwala niya ito may dalawang taon na ang nakararaan.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakaupo sa buhanginan. Yakap-yakap niya ang mga binti niya habang pinanonood ang paglubog ng araw.

Nilingon niya ang mga binting nakatayo sa tabi niya. Hindi niya kailangang tumingala upang makilala iyon. Muli niyang itinuon ang mga mata niya sa nagkukulay pulang dagat at ulap.

Umupo sa tabi niya si Nick at nasa paglubog din ng araw nakatuon ang mga mata.

“Malamig na, Jess…” marahang wika nito.

Hindi siya sumasagot. Hindi niya nararamdaman iyon. Hindi niya kailangang makaramdam… kailangang manatiling manhid ang buong pagkatao niya upang hindi siya masaktan.

Ginagap ng kaliwang kamay ni Nick ang kanang kamay niya. At fingers entwined ay dinala iyon ni Nick sa mga labi nito. Sa dagat pa rin nakatingin.

“Mahigit dalawang taon na ang nakalipas, I fell in love with a very young girl… sa unang pagkakataong nasilayan ko siya.”

Sumikdo ang dibdib ni Jessica. Marahan siyang lumingon pero nanatili itong nakatingin sa sunset.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Nick. “…but I suppressed my feelings. Maliban sa pitong taong agwat ng aming edad ay pinagkakatiwalaan ako ng husto ng kanyang ama…” At muling idinaiti sa mga labi nito ang mga daliri ni Jessica.

“B-bakit mo sinasabi iyan?!” may kumislap na ga-hiblang pag-asa sa dibdib niya.

“Because I married that girl…” at lumingon sa kanya si Nick. “And I had a taste of heaven sa loob ng isang buwan. What went wrong? Hindi ko alam…” Kinabig nito si Jessica at inihilig sa balikat.

“Kanina, nakita kong lahat ang mga identifications mo. Banks, driver’s licenses, local at international, pasports, at kung ano-ano pang mga cards,” pagpapatuloy ni Nick. “Bakit pangalan ko ang gamit mo?” masuyong tanong nito.

Umayos ng upo si Jessica. Itinuon ang mga mata sa buhanginan.

“K-kasal ako sa iyo, ’di ba?”

“Napakadaling hindi mo gamitin ang pangalan ko, Jess, lalo na sa paraan ng paglayo mo…”

“G-gusto kong manatiling kasal sa iyo…” muli ang paiwas niyang sagot.

“Obviously. Kaya nga taglay mo pa rin ang pangalan ko.” Gustong mangiti ni Nick. “Ang gusto kong malaman ay kung bakit?”

Tumingin sa kanya si Jessica. “Ano’ng gusto mong isagot ko, Nick?”

Hinarap siya ni Nick at hinawakan sa baba. “Try honesty…” At marahan siyang dinampian ni Nick ng halik sa sulok ng labi niya. At ilang segundong nanatili roon at nagdulot ng isang libo’t isang di-maipaliwanag na damdamin para kay Jessica.

“H-hindi ka maniniwala…” At naalala ang nangyari sa villa.

“Gusto kong marinig mula sa iyo, Jess… at pangako, paniniwalaan kong lahat…”

Lumunok muna si Jessica. “I… I love you, Nick… I have always loved you. Noon… ngayon… at kailanman.”

Pigil na pigjl ni Nick ang sariling yakapin siya. “Bakit ka umalis two years ago?”

“Nang dahil.. nang dahil…” At sa paputol-putol na kuwento ay narinig ni Nick ang buong dahilan.

Binitiwan nito si Jessica. Hindi malaman kung magagalit o matatawa. “I can’t believe it! Sinayang mo ang dalawang taon sa buhay natin dahil sa maling akala?” bulalas ni Nick.

“I… I was young at…”

“Ganoon ka pa rin ngayon, honey…” muli nitong baling kay Jessica. “Hindi ko naging kasintahan si Melisa sa totoong kahulugan ng salitang iyon.”

“Hindi mo kailangang magpaliwanag Nick. Alam kong nagsinungaling siya sa akin,” sansala ni Jessica.

“You’d better hear this out. Pinakiusapan niya akong maipakilalang boyfriend niya para maitaboy ang isang hindi niya gustong manliligaw. Kung bakit pumayag ako ay hindi ko rin alam. Maybe I wanted to help. Nang malaman kong hindi naman pala nag-e-exist ang manliligaw na iyon, tinapos ko ang pagpapanggap,” paliwanag nito.

“I’m sorry…”

“At ang jacket ko ay natatandaan kong inilapag ko sa ibabaw ng pickup noong araw na dumating si Melisa.”

At sinikap alalahanin ang pangyayari. “Nagpilit siyang kausapin ako pero talagang abala ako noon dahil naghihintay ang mga traders ng copra. Kaya sinabi ko na lang na pupuntahan ko siya sa kanila kinabukasan.”

“ At… noon ko nga nakita ang pathfinder sa harap ng pharmacy…“

“Sana’y pinuntahan mo ako. We could have eaten lunch together dahil ni hindi ko na nakuhang mananghali noong araw na iyon. Hindi ako tumagal ng sampung minuto sa bahay nila at may naghihintay pang tao sa akin.” Sinapo ng palad nito ang mukha ni Jessica. “Sinabi ko sa kanyang tigilan na ang pagpunta-punta sa akin dahil may asawa na ako. Na mahal at iniibig ko ang asawa ko…”

Napapikit si Jessica. Tiniyak sa sariling totoo ang naririnig niya.

“…I love her so much na nang umalis siya ay dinala niyang kasama ang puso ko,” masuyong nakatitig pa rin si Nick sa kanya. “Na kinatatakutan kong umuwi sa isang malungkot na villa dahil wala ka… na tuwing mahihiga ako ay hinahanap ka ng mga bisig ko…”

May namuong luha sa mga mata ni Jessica.

“Nang bumalik ka… natakot akong abutin ka… baka mawala kang muli…” patuloy ni Nick.

“Kahit… mawala ang buong Asyenda del Mar?”

“Hindi ko naiisip iyon. Ipamigay ni Claire ang asyenda for all I care! Nabuhay akong wala ang asyenda pero hindi ko kayang wala ka. Iniisip ko kung paano ko ibabalik ang lahat sa unang buwan ng ating pagsasama. At kung paano ako maniniwala sa sinasabi ni Claire na mahal mo ako.”

“Mahal kita, Nick… kung gaano ay hindi kayang ipaliwanag ng salita.” At yumakap si Jessica sa kanya.

Hinawakan siya ni Nick sa magkabilang balikat at bahagyang inilayo.

“Loving is trusting, Jess…”

“Alam ko na ngayon…”

“Hindi ka tatakbo pabalik ng Amerika sa susunod na may bumangong pagkakataon tulad ng una?”

“Never again…”

“At hindi mo ako papatayin sa nerbiyos dahil hindi mo na gagamitin si Toro at hindi ka na rin makikipagkarera ng sasakyan?”

“Hinding-hindi na…”

“Na hindi ka titingin sa kahit sinong magandang lalaki, tulad ni Gino halimbawa?”

“I swear…”

Hinawakan siya ni Nick sa baywang at inihiga sa buhangin. “Kung ganoon ay wala akong magagawa kundi tanggapin kang muli at pakasalan, Jessica del Mar.” At bumaba ang mga labi nito sa kanya habang unti-unting tinatanggal ng isang kamay ang mga butones ng blouse niya.

“B-baka hanapin tayo ng Tita Claire?” ani Jessica na nahuhulaan ang gagawin ng asawa.

“Alam niyang nandito tayo…” At ibinaba nito ang kamay sa zipper ng maong niya.

“Oh, Nick…” Si Jessica na tinutulungan ito sa ginagawa.

“This time, we’ll do it nice and slow, honey…”

At muling sinaksihan ng mga alon sa dagat ang pag-iibigang iyon…

Chapter 21

H INDI makatingin nang deretso si Jessica nang humarap sila kay Claire na nasa library. Puro sila buhangin ni Nick at nagpilit itong dumeretso sila kay Claire bago maligo.

Nakaupo si Claire sa mesa ng papa niya at sadyang hinihintay sila.

“Jess… I want you to meet my mother!” lahad ang kamay ni Nick na itinuro si Claire.

Gulat na gulat si Jessica. Naalala niya noong una niyang malamang magkapatid ang dalawa ay naisip niyang mas angkop ang mga itong maging mag-ina.

“Mother?!”

“Anak ko si Nick, Jess. Anak sa pagkadalaga dahil buntis na ako nang mamatay sa aksidente ang ama ni Nick bago niya ako napakasalan,” paliwanag ni Claire.

“Hindi matanggap ng Papa ang kahihiyan kaya sa Laguna ko ipinagbuntis at ipinanganak si Nick. Sa kapatid ng Mama na may lupain doon,” patuloy ni Claire. “Naunawaan ako ng Mama kaya sa panahon ng pagbubuntis ko ay naroon siya upang palabasing anak niya si Nick. Pana-panahon ay dinadala ng Mama si Nick dito upang sanayin ang mga tao at hindi magtaka,” pagtatapos nito.

“Kaya nang sabihin mo sa aking hindi alam ni Philip ang uri ng pagkatao ko ay nagalit ako,” si Nick. “Iniisip kong tinukoy mo ang pagiging bastardo ko. lyon din ang iniisip kong dahilan ng paglayo mo.”

“O, Nick. Hindi makababawas iyon sa pag-ibig ko sa iyo.” At ginagap nitoa ng palad ng asawa. “A-alam ba ito ng Papa noong nabubuhay pa siya?”

Sumandal sa upuan si Claire. “I never lied to your father. Siya pa nga itong may gustong ipaalam sa lahat pero natakot ako para kay Nick. Sa sasabihin ng tao…”

“Come on, Claire, napaka-protective mo, kahit sa gulang ko na ito.”

“At… at Claire lang ang tawag mo sa kanya?” si Jessica kay Nick.

“Nakasanayan ko na iyon…” at nagkibit ng balikat.

“But I’m not…” matigas na wika ni Jessica na ikinatingin sa kanya ng dalawa. “Kung magpapakasal tayo ay gusto kong malaman ng lahat na may mother-in-law ako! ’Di ba, Mama?” At tumingin kay Claire.

Tumayo si Claire at yakap ang isinagot sa kanya.

“Mama kung ganoon…” si Nick.

Masuyong tiningnan ni Claire ang anak. Hinaplos ng palad ang mukha nito.

Epilogue

I SANG marangyang kasalan ang sinaksihan ng bayang iyon. Dinaluhan ng maraming kaibigan at kakilala. Kahit si Luisa ay umuwi ng Pilipinas mula sa California.

Si Mayor at Attorney Rocha ang tumayong mga sponsor.

Si Gino ang bestman at ang kapatid nitong dalaga ang maid of honor.

Tuwang-tuwa ang mga tauhan ng magkadikit na asyenda. Dobleng katuwaan dahil sa kasal ng dalawa at dahil sa mga benepisyong inilahad nina Nick at Jessica. Disenteng pabahay para sa mga ito sa isang bahagi ng dalawang lupain.

Halos hatinggabi na nang mapagsarili ang mag-asawa sa Villa del Mar.

Bago umuwi sa malaking bahay si Claire ay inabot sa dalawa ang sulat ni Philip.

Nasa higaan ang dalawa nang buksan nila ito at basahin.

Dearest Nick at Sunshine,

lsinulat ko ito sa pag-asang hindi na ninyo mababasa… na ako na mismo ang magsasabi ng nilalaman nito sa inyo.

Ganoon pa man, kung sa mga sandaling ito ay tinutunghayan ninyong dalawa ang sulat kong ito, nangangahulugan lamang na hindi kami nabigo ni Claire,

I love you both, Nick and Jess. Hindi ko alam kung nagkamali ako nang sadya ko kayong ipakasal noong una. Alam kong walang malisyang naganap noon sa guest room, Nick. Pero minadali ng insidenteng iyon ang plano ko para sa inyo ng anak ko.

I have always wanted you as a son, Nick. At ikaw pa rin ang napipisil ko para sa aking si Jessica. I have loved and spoiled my daughter, pero hindi ko pinagsisisihan iyon. If I were to rear her again, I would still do the same. Lamang dumating ito sa puntong ang lalaking kailangan niyang kasamahin habang buhay ay nakahihigit sa kanya to earn her respect. At ikaw iyon, Nick!

Kami ni Claire ang higit na nasaktan sa pagkakalayo ninyo. At nang dalawin kita, Jess, sa California, ay natiyak kong mahal ninyo ang isa’t isa. Kaya ginamit namin ang mga mana ninyo upang magsilbing daan sa muli ninyong paglalapit.

Hindi dahil sa ang bawat isa sa inyo ay mas pahahalagahan ang mga manang kayamanan, kundi ito ay magsisilbing hamon para sa inyo. Sinadya naming maging kakabit ng bawat isa sa inyo ang mga mamanahin ninyo.

Patawarin ninyo ang matandang ito sa panghihimasok sa suliranin ng inyong mga puso.

Kung sakaling kami ay nabigo, then you will still both be well provided for. Ikaw, Jess, ang malaking bahay at ang bahagi ni Claire pagdating ng araw. Ikaw, Nick, ang villa at ang lupain sa Laguna. Hindi namin panghihinayangang mauwi sa mga tapat na mga tauhan ang lupaing kanila ding sininop at pinaghirapan hindi pa man kayo isinisilang.

Alam kong mauunawaan ninyo ako.

I love you, Sunshine… Tell the story to my grand-children.

                                                  Philip

Halos hindi na mabasa ni Jessica ang sulat sa mga luhang nag-uunahan sa paglandas sa mga pisngi niya. “O, Papa…” At maingat na itiniklop ang papel na nabasa ng luha niya.

“Hush… honey…” si Nick na nagbara ang lalamunan at halatang nagpipigil ng emosyon.

Napayakap sa asawa si Jessica. Pinahid ni Nick ng mga halik ang mga luha niya.

“Bakit hindi mo ginawan ng paraang magkalapit tayo gayong higit ang mawawala sa iyo?” humihikbing tanong niya.

Sinapo ng mga palad ni Nick ang mukha ng kabiyak. Masuyong tinitigan.

“Tulad ng gustong sabihin ng Papa, Jess. Incidental lang ang mana. Gusto kong makatiyak na mahal mo ako. This may sound corny, darling, walang halaga ang mga iyon kung wala ka.”

“I love you so much, Nick del Mar…”

“At iniibig din kita, Mrs. del Mar.

Nakapanghihinayang ang dalawang taong nasayang sa buhay nina Jessica at Nick. Pero pinatunayan lamang nito na silang dalawa’y para talaga sa isa’t isa.

Magandang halimbawa rin ang kanilang kuwento sa mga taong pabigla-bigla sa pagdedesisyon. Lagi nating tandaan na sa isang relasyon, mahalaga ang komunikasyon, at pagtitiwala upang maiwasan ang di-pagkakaunawaan.

Maraming salamat po.

••WAKAS•••

****Maraming salamat mga beshies sa patuloy na pagsuporta sa mga gawa ni Ms. MC… Sa mga gusto pala magpa-dedication mag-comment lang kayo dito at maidedicate na sa inyo ang mga susunod na kuwentong iuupload namin. Maraming salamat ulit at always pray lalo na sa mga nasalanta ng mga kalamidad. Happy Holidays everyone. And enjoy and keep supporting. <3 <3 <3 - Admin A **********


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.