loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)

Marthacecilia Phr · 28 chapters · 29,387 words

ACKNOWLEDGMENT

To National Bookstore personnel, SM North branch. Salamat sa magandang pagtanggap. Hello again, readers and friends. Almost everyday, I received letters from you. Mga magagandang sulat ng papuri na talaga namang naging inspirasyon ko sa maraming pagkakataon. At paminsan-minsan ay nais kong ilathala. Ang nasa ibaba’y isa sa mga ito. Sabi nga niya, kinda late reaction. Gusto kong ilathala, because after Endlessly she almost stopped reading my series. At alam kong may ilan akong mga kaibigan na ganoon din ang naging damdamin. Naiintindihan ko, subalit gusto kong malaman ninyo na, unlike my other novels, ang series ay hindi madaling gawin. I have to think of something that would keep it going and interesting. Anyway, here’s an excerpt of her letter, unedited:

“Congratulations for another job well done. I guess this kinda late reaction because for all I know ay matagal na itong nai-release sa Maynila. But sad to say ngayon lang nakarating sa amin. I am referring to Kristine Series No. 20 - Romano. I’ve read it two days ago at hindi na ako natahimik. Sometimes I wonder what it is in this Series that I love so much? But nah, I should know. It got substance, heart, values, and above all…gorgeous and untamed guys! Kristine Series is oozing with good taste

1

“SA CARIBBEAN siya naglagi, Romano. Iyon ang dahilan kung bakit hindi agad nahanap ng mga taong inupahan mo—”

“Caribbean?” putol nito sa sinasabi ni Kurt. Salubong ang noong nilingon ni Romano ang bayaw na bale-walang itinaas ang mga binti sa visitor’s chair sa harap nito. “What the hell had she been doing in Caribbean for the last two and a half years? Tagaroon ba ang lover niya?”

Hindi agad kumibo si Kurt. Maliban sa kanya ay walang nakakaalam ng totoong dahilan kung bakit biglang naghiwalay sina Romano at Bobbie. Kahit ang asawa niyang si Jade ay hindi alam ang tunay na dahilan. At hindi rin niya malalaman kung hindi niya ipinilit kay Romano na kailangang sabihin nito ang totoong detalye kung gusto nito ang tulong niya sa paghahanap sa asawa nito.

“Gusto kong malaman ang buong detalye, Romano,” sabi niya nang una siyang kausapin nito. Lahat ng binayaran ni Romano ay wala pa ring linaw sa paghahanap kay Bobbie.

“Dammit, Kurt,” singhal nito. “Bakit kailangang ipaalam ko sa iyo? Hindi ba maaaring gawin mo na lang ang ipinakikiusap ko?”

“I always ask details of my job, brother,” mariin niyang sagot. “I don’t work blindly. No details, no job.”

Nagliliyab ang mga mata ni Romano sa galit sa pagkakatitig sa kanya. Sinalubong niya ito ng determinadong tingin.

Sumandal si Kurt at muling sinulyapan ang bayaw. Hindi naging madali para kay Romano na sabihin sa kanya ang katotohanan kung bakit nito basta hiniwalayan si Bobbie matapos ang anim na buwang mahigit na pagsasama.

At naunawaan niya.

And if Romano had seen any flicker of emotions in his eyes, like pity, he would probably have killed him. But he remained expressionless. Willed himself to be so when he would have wanted to wince and utter explicits.

Dahil kilala niya ang pamilya ng asawa. Proud. Tough. Arrogant. Dangerous.

But behind the veneer of masks were the softest of hearts. Iyon ay kung kayang abutin ng sinuman ang kailalimang bahagi ng puso ng mga De Silva at Fortalejo.

Besides, wala siyang karapatang magpakita ng emosyon dahil wala siyang alam maliban sa pahapyaw na kuwento sa bahagi ni Romano. And he maybe a ruthless bastard, but he wasn’t judgmental. Naniniwala siyang lagi nang may dalawang mukha ang barya. At nakikita niya sa mga mata ni Romano ang kapaitang paminsan-minsan ay hindi ito aware na napapakawalan. Tumikhim si Kurt at tumingin kay Romano. “Your wife—”

“Ex-wife!” pagtutuwid ni Romano sa mariing tinig.

“Walang diborsiyo at annulment na namagitan kaya mag-asawa pa rin kayo hanggang ngayon, Romano.”

“Spare me the technicalities, Kurt,” he snapped.

Nagkibit ng mga balikat si Kurt. Sinulyapan ang brown envelope na nasa ibabaw ng desk ng bayaw.

“The details are all there. It was a freak coincidence that my men found her in La Crouix, Romano. Six months after she gave birth, she worked for Asia Developers Incorporated as interior designer. Nang magtayo ng hotel ang ADI sa La Crouix, si Bobbie ang namahala sa interior designing.

“At ang completion time ng hotel ay anim na buwan pa when it was supposed to be completed a month ago. But Bobbie’s here now on a one month vacation. May unit siya sa ADI Towers, ninth floor. Ang opisina ni Quidd ay ang kabilang tower facing north…”

“Asia Developers Incorporated…” Romano murmured. Sandaling nag-isip. “Is it owned by the Quidds?”

“Yup. Si Mr. Kendal Quidd pa rin ang namamahala ng ADI. Pero nitong nakalipas na dalawang taon ay unti-unting ipinapasa ni Kendal Quidd ang mas malaking obligasyon sa kaisa-isang anak nito.”

“Thank you, Kurt,” tahimik na sagot ni Romano at tahimik na tumayo sa tabi ng bintana.

Nakita ni Kurt na parang wala na sa loob ng silid si Romano. Tila may sarili na itong mundo. It was a cue for him to leave. Tumayo si Kurt at tahimik na lumabas. Naiwan si Romano na nakatanaw sa labas ng bintana ng Kristine Steel. Malawak na lupaing hindi pa rin nade-develop ng Kristine Group of Companies.

Lalong dumilim ang mukha ni Romano. Si Kendal Quidd ay isang British-Filipino. Nasa singkuwenta ang edad at nabiyudo may limang taon na ngayon ang nakalilipas. Naggalawan ang mga muscle sa mukha niya at sinulyapan ang envelope sa ibabaw ng chrome desk niya. Nilapitan iyon at iniladlad ang laman.

Dinampot ang telepono at dumayal. Makaraan ang ilang sandali ay may sumagot sa kabilang linya.

“Uncle Nick… Romano here.”

“What brought this call, Romano?” tanong ni Nick Gascon sa kabilang linya.

Tumikhim muna si Romano bago sumagot. “Gusto kong humingi ng pabor…”

Nag-angat ng mga kilay si Nick. “Anytime, Romano. Though this really surprises me. Wala akong natatandaang humingi ka ng pabor sa kahit na kaninong tao.”

“There’s always a first time,” matabang na sabi ni Romano at saka sumandal. “Kaya naman umaasa akong hindi mo ako bibiguin, Uncle Nick.”

2

“YOU NEED me, Ken?” bungad ni Bobbie pagkapasok na pagkapasok sa malaki at magandang opisina ni Kendal Quidd sa ibaba ng ADI Towers. At fifty-two, still trim and handsome.

“Yes, hija,” nakangiting sagot nito. Itinuro ang couch. Naupo roon si Bobbie. “How’s Troy?”

Pagkabanggit sa tatlong taong anak ay agad ang pagkislap ng mga mata ni Bobbie. “Oh, he’s fine, Ken. Medyo nagkaroon lang ng kaunting rashes dahil siguro sa masyadong mainit dito sa Pilipinas. He’s temporary enrolled in montessori.”

“Good. Para hindi mainip ang bata,” wika ng matandang lalaki. Tumikhim at saka tinitigan ang magandang babaeng nasa harap. A sophisticated, talented, and beautiful twenty-five-year-old career woman. “I have good news and I couldn’t say it over the phone.” He smiled at her. Puno ng excitement ang mukha kaya naman nangingiting nagsalubong ang mga kilay ni Bobbie.

“Spill it out, then.”

Tumikhim muna ang matandang lalaki. “Hopefully, in a month’s time we will resume operation…”

“Oh!”

“At hindi aabutin ng six months ang completion time ng hotel sa La Crouix, darling. We will meet the deadline. Almost. At matutuloy na sa La Crouix Hotel gaganapin ang Miss Universe Pageant. I won’t be forced to sell my shares.”

Napatayo bigla si Bobbie at humakbang patungo sa matandang lalaki at niyakap ito. “Oh, Ken, I’m so happy!”

“Hindi mo mapapantayan ang nararamdaman kong kaligayahan at relief, darling,” natatawang sagot ng matandang lalaki.

Kumawala si Bobbie at tumingala rito. Ang asul na mga mata ni Kendal Quidd ay kumikislap sa katuwaan. Ang laughlines ay naging prominente sa nakapirming ngiti. Tila nabawasan nang maraming mga taon ang edad nito.

“At puwede ko bang malaman kung paano mo nagawan ng paraan ang financial crisis ng ADI?” nag-aalangang tanong niya.

More than five years ago, Steven Quidd, ang anak ni Kendal, ang namamahala sa negosyo ng pamilya sa La Crouix. Nanganib ang financial status ng ADI sa sama-samang mga dahilan. Ang pagbagsak ng ekonomiya sa Asia… mismanagement on the part of Kendal’s son. Pagloloko ng mga top executive on the assumption na hindi agad mapupuna iyon ng management dahil laging nasa jetsetting si Steven.

Iyon din ang panahong nagkakilala sila ni Kendal. He gave her a job and took her family to the island. Sila ng mother niya at ang kambal. Nakita ni Kendal ang mga katiwalian and took over. Isa iyong hirap na paggapang upang maka-recover. The company had to sell some assets. Some executives were laid off at dinala sa korte ang kaso. Unti-unting nakabangon ang ADI. Banks extended loans na ang collateral ay ang ibang mga pag-aaring lupain ng ADI.

And Bobbie found out that Steven wasn’t as bad as she had first thought. Natangay lang ng masasamang kaibigan. Labis nitong pinagsisihan ang naging kinahinatnan ng ADI. Nagpakita ito ng kasipagan sa ama at pagnanais na muling makabangon ang kompanya. Hindi man gusto ni Kendal ay ginamit nito ang kalahati ng trust fund nito mula sa lola nito. Isa iyong malaking tulong upang makabangon ang ADI.

Naging malapit sa isa’t isa sina Steven at Bobbie. For Steven, she was the sister he never had. Lalo nang mas naging malapit si Troy dito dahil habang lumalaki si Troy ay ang mag-ama ang kasa-kasama ng anak niya.

Isang sugal ang pagtatayo ng hotel sa La Crouix more than a year ago. Sugal na medyo kinakakitaan ng panalo nang ianunsiyo na sa isla gaganapin ang Miss Universe Pageant sa susunod na taon at sa hotel tutuloy. It would bring a lot of money for the company. Subalit sa pagpapatuloy ng construction ay unti-unting naapektuhan ang kompanya dala na rin ng halos kaka-recover pa lang na katayuan. Ang mga materyales ay nagdoble ang halaga.

Kendal refused his son’s offer to use half of Steven’s trust fund ano mang giit ng huli.

Niyuko ng matandang lalaki si Bobbie. “Isa iyan sa mga sasabihin ko sa iyo, Bobbie,” putol ni Kendal sa daloy ng isip niya. “Have you heard of Gascon Hotels International?“Sandaling nagsalubong ang mga kilay niya. Pilit pinagagana ang isip. Naupo sa visitor’s chair and crossed her legs.

“Competitors definitely?”

Biglang nahalinhan ng pagkadismaya ang ngiti sa mukha ni Kendal. “O, Bobbie. How could you have not known the company?”

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Bobbie. Her musical laugh echoed around the four walls of the room. “Hindi ka na mabiro, Ken. All right, ang Gascon Hotels ay isa sa kilalang hotel entrepreneurs. They owned the Monique chain of hotels all over the world. At affiliate ng FNC, isang kilalang canning company. So what about them? Are they going to buy the hotel?”

Mabilis na umiling ang matandang lalaki. “Nilinaw ko sa kanilang negosyo ito ng pamilya at wala akong balak ipagbili. That my son will handle all the negotiations. When you’re somewhat down, mahirap magpakipot, Bobbie. Pero nakita ko na gagawin ni Steven ang lahat makabangon lang ang kompanya. And I don’t want to fail him. They offered to buy fifteen percent shares,” mabilis nitong impormasyon. “Can you imagine na halos ipagduldulan ko na sa market ang shares na iyan pero walang gustong bumili dahil hindi naman nga gaanong nailihim ang kondisyones ng kompanya…”

“At nakita marahil ng mga big boss ng Gascon Hotels ang posibilidad na kikita nang malaki ang proyekto?”

“Precisely. And here’s where you come in, darling.” medyo tumikhim pa ito at tinitigan sandali si Bobbie bago nagpatuloy. “Gusto kong samahan mo si Steven sa pakikipag-usap niya bukas ng gabi sa big boss ng Gascon Hotel. Binata pa ang presidente at chairman of the board ng Gascon Hotels… oh, well, not really that young… thirty-nine.” nagkibit ito ng mga balikat. “Or maybe in his forties but what ever, the man is as handsome as the devil and—”

“At gusto mong ako ang makipag-usap sa kanya?” Bahagyang nahaluan ng sarkasmo ang tinig niya.

Ang mapulang kutis ng matandang lalaki ay higit pang namula sa sinabi ni Bobbie. Umiwas ito ng tingin. “Oh, well… I just thought that a pretty woman always help closing the deal.” nagkibit ito ng mga balikat. “This meeting with Mr. Gascon is very crucial. Ayokong tanggihan si Steven sa pagnanais niyang siya ang makipag-usap. And you being there with him can add to his confidence. Pero kung hindi mo gusto ang ideya ko’y… okay lang. Wala akong ibig sabihin. I am not trying to—”

“Sasamahan ko si Steven,” agap niya sa sasabihin nito.

“Really?”

“Really. At siyempre ay hindi mo ginagawa ito para paglapitin kami ni Steven, Kendal. Alam mo ang ibig kong sabihin…” Tinatiya niya ito.

Kendal laughed. “I know you and my son are like brother and sister, Bobbie. Hindi ko gustong sirain ang ugnayang iyon. And Steven loves your mother…”

“Mabuti na iyong malinaw.” She smiled at him.

Umaliwalas ang mukha ni Kendal. “Thank you, Bobbie. Thank you very much. Nick Gascon is a very respected man. You will like him. Bagaman medyo may kasungitan and straight to the point, he’s amiable and charming if he chooses to be.”

“Have you met him?”

“In the past. Sa chamber of commerce… sa ibang business affairs. A ruthless businessman. Very rich. And I wonder why he remained bachelor when women are crawling at his feet?”

“Kendal…” saway niya nang mapuna ang makahulugang tinging ibinibigay ng matandang lalaki sa kanya.

“Okay… okay, no matchmaking,” wika ng matandang lalaki. “For all we know, behind the macho mask lies Eve…”

Humagalpak ng tawa si Bobbie sa sinabi nito.

“I’ll treat you to dinner,” ani Kendal. “Doon mismo sa hotel. Gusto kong i-acquaint ka sa meeting place bukas. It’s not really far from here.”

“Well, it’s almost six o’clock.” She shrugged. Lumakad patungo sa mesa at kinuha ang purse.

3

“SO, THIS is Monique Hotel,” komento ni Bobbie nang nasa loob na sila ng lobby at inikot ng tingin ang de klaseng hotel. “Hmm. Hindi pahuhuli sa ibang five stars.”

“This is a five-star hotel, Bob.”

She smiled. Ikinawit ang braso sa braso nito. “What is the chance of our meeting Mr. Behind-the-macho-mask-lies-Eve?”

Napahalakhak si Kendal. “Iyan ang hindi ko kayang sagutin. This is his hotel and he lives at the Penthouse, so chances are eight to ten.” Nilingon siya nito at hinagod ng tingin. “Kahit pa siguro gay si Mr. Gascon ay natitiyak kong maa-attract sa iyo.”

Banayad siyang natawa. “Thank you, Ken. Bagaman alam kong hindi ako ganoon ka knockout.”

“Yes. You won’t hold the Miss Universe title, Bobbie. Though I can’t pin point what makes you so pretty and beautiful. And there’s something about you that men want to die for.”

She smiled, very please. Sa ilalim ng isip ay gustong bumangon ang isang halos ganoon ding uri ng papuri mula sa kaisa-isang taong minahal niya. But she pushed them all back to the deepest corner of her mind. Hindi ito ang panahon para isipin ang nakaraan.

“I’m not a beauty expert, you know,” patuloy ni Kendal. “pero kilala kita. You are a gem. And if I were a little younger, perhaps Nick Gascon’s age, hindi kita pakakawalan.”

Nilingon niya ang matandang lalaki na ang mga mata’y naka-concentrate sa daan. Umangat ang mga kilay niya. “What would Mother say if she hears you say that?”

Biglang nahinto sa paghakbang si Kendal. He stared at her. Inaarok ang sinabi niya. “You knew…” anito sa tonong halos pabulong.

She gently tapped his arm. “I’m her daughter, Ken.” At gusto niyang idagdag na nagmahal din siyang minsan kaya alam niya kung paano kumikilos ang mga umiibig. Tila ba rosas ang buong paligid. Tila ba walang katapusan ang kaligayahan. Sa pagkabanggit sa mga bulaklak na rosas ay may iglap na nais mangibabaw sa isipan ni Bobbie. Subalit mariin niyang isiniksik iyon sa kailaliman ng utak niya.

“I noticed those eye contacts, you know. Hindi ninyo naitago iyon. Kapag nasa isang pagtitipon kayong dalawa, hinahanap ng mga mata ninyo ang bawat isa.”

Tumikhim ang matandang lalaki. “So, we were that obvious, eh. Like foolish teenagers.” They stood there in the middle of the huge lobby. “And?”

“Don’t sound so insecure. I have nothing against my mother’s falling in love again, she’s only forty-seven. Still young and deserves to be happy. And if she’s happy with you…” She shrugged. “Then I am happier.”

Napabuntong-hininga nang malalim ang lalaki sa relief. “We’ve been wanting to tell you about it. Pero nag-aalala ang mama mo na baka hindi ka pumayag. She knows how you love your dad until now.”

“Yes,” sang-ayon niya nang walang pasubali. “Dad occupied a place in my heart that forever will be his. But I have a big heart, Ken. You can squeeze in.” She smiled at him, giving him the assurance he needed so much.

“I… I don’t know what to say.” gumagaralgal ang tinig nito. “After all, hindi lang pala isang magandang balita ang tinanggap ko sa araw na ito.” Isang nagpapasalamat na ngiti ang ibinigay ng matandang lalaki sa kanya. “I… I want to marry your mother, Bobbie.”

Hindi na yata maalis sa mga labi niya ang ngiti. “So when’s the big day?”

He was beaming with happiness. “Pagkatapos ng deal kay Nick Gascon at panatag na ako, sa La Crouix, darling. I’ll give your mother a beach wedding under the moonlight,” he promised. “At walang kokontra. Hindi lang kayong mga kabataan ang naghahangad ng beach wedding.”

May init na humaplos sa dibdib ni Bobbie. She could imagine her mother’s face glowing with happiness. “Bakit naghintay kayo nang ganito katagal?”

“Hindi ko gustong madamay ang mama mo sa financial crisis ko, Bob. Bagaman bale-wala sa kanya iyon. She’d go with me to the ends of the earth barefooted.” isang nasisiyahang buntong-hininga ang pinakawalan ng matandang lalaki. “And this deal really mean so much to me, and for your mother.”

“Quidd!”

Napalingon silang dalawa sa pinanggalingan ng tinig. Isang lalaki ang palapit sa kanila. Una nang napuna ni Bobbie ang lalaki na naghihintay sa pagbaba ng elevator. Binilisan ni Kendal ang mga hakbang kasunod si Bobbie.

“Nick!” pabulalas na bati ni Kendal, sabay abot ng kamay sa binata. “I never thought we’d see you here. Biglaan lang ang plano naming dito mag-dinner.” Nilingon nito si Bobbie na palapit na at bago pa nito siya maipakilala ay muling nagsalita si Nick.

“Plano kong tawagan si Steven pagpanhik ko sa penthouse, Quidd. Mabuti naman at nagkita tayo.”

“May problema ba?”

nabaling ang tingin nito kay Bobbie. “She’s with you?”

“O, yes. This is Bobbie de…”

“Fajardo. Bobbie Fajardo, Mr. Gascon,” agap ni Bobbie sa pagpapakilala ni Kendal at matamis na ngumiti. Hindi itinago ng mga mata niya ang paghanga sa binata.

“Kulang ang description ni Kendal para sa lalaking ito,” ang nasa isip ni Bobbie. “At sira ang ulo ng mag-iisip na isa itong closet queen. The devil isn’t just handsome. He spells s-e-x and she felt like crawling at his feet.”

“And I’m so pleased to meet you,” idinugtong niya.Nick twisted a corner of his lips. So, this is the missing Bobbie Fajardo de Silva. Tres chic, he thought in French. How would he know that he’d meet her here? At kasama si Kendal. May alalahaning bumangon sa isip niya. May ugnayan ba ang dalawa?

“So I have finally met you, Bobbie,” wika ng binata. Clasped her hand tightly yet in a friendly manner.

Umangat ang kilay ni Bobbie roon. “What does that mean?”

“Dito ba tayo mag-uusap?” natatawang wika ni Kendal. “I have made a reservation at the Seaside.” ang tinutukoy nito’y ang isa sa mga eleganteng restaurant ng hotel. “Nagpatawag ako sa sekretarya ko bago kami nagtungo rito.”

“Of course, Kendal,” sang-ayon ni Nick na binitiwan ang kamay ni Bobbie. “Ang sasabihin ko actually ay para sabihing hindi ako ang makikipag-usap sa iyo bukas ng gabi.”

“Ano ang ibig mong sabihin? Kanselado ang meeting bukas ng gabi?”

Umiling si Nick. “Hindi. Pero ikinalulungkot kong sabihing may mahalagang bagay na itinawag sa akin ngayon lang mismo at hindi ko puwedeng ipagpaliban. Kung nahuli kayo ng dalawang minuto ay hindi ninyo ako aabutan bagaman nag-iwan ako ng mensahe sa manager ng hotel. It concerns my daughter Monique. I have to see her. Mawawala marahil ako ng tatlong araw.”

“Oh,” disappointed na usal ni Kendal. Pero agad ding nakabawi. “Kung ganoon ay i-reset na lang natin ang meeting ng anak ko sa iyo, Nick.”

“I am just sorry that I couldn’t make it. No matter what we do, family comes first…”

“I understand,” sang-ayon ni Kendal, sinikap itago ang disappointment sa mukha.

“But there’s no need for Steven to cancel the meeting tomorrow evening. Ang aking business associate ang makakausap ng anak mo bukas, Quidd. He is almost a relative. Kailangan niya ang exposure sa hotel business. His uncle is a major stockholder of Gascon Hotels International,” pahayag ni Nick. His business with Kendal Quidd is official at talagang gusto ni Nick na mabili ang fifteen percent shares ng ADI. Though Romano promised that the deal will be as he expected, kinakabahan siyang di-mawari na gagamitin ito ni Romano para sa isang personal na motibo.

And yet, he couldn’t say no to Bernard’s nephew or to be precise, grandson for that matter. Romano was as powerful as his father was before the retirement. Isa sa mga kinikilalang shrewd businessman sa murang edad. Penetrated the business world with ruthless acumen along with his cousin Lenny. Walang business deal na hindi nagtagumpay ang batang de Silva. Though it was rumored that his marriage life wasn’t as successful as his businesses.

Nick smiled to himself bitterly. You cannot have the best of both worlds. Sinulyapan nito si Bobbie. He shook his head inwardly, feeling sorry for Romano.

“Walang problema, Nick. Sana’y maayos mo kung ano man ang problema mo sa anak mo.” Bigla ang kasiyahang nadarama kanina ay nabantuan ng kaba at takot na baka hindi matutuloy ang negosasyon.

Tinapik ni Nick sa balikat ang nakatatandang lalaki. “Hindi nagbabago ang pagnanais kong bilhin ang fifteen percent shares sa ADI,” paniniyak nito na sa wari ay nahuhulaan ang laman ng isip ni Kendal. “Bukas ng gabi ay tuloy ang appointment kay Steven. Kung ano man ang desisyon ng aking representative bukas ng gabi ay siya ko ring desisyon, Quidd.” sinulyapan nito si Bobbie at nginitian bago ibinalik kay Kendal ang tingin. “Romano will see you tomorrow.”

Ano man ang dahilan ni Romano para muling makatagpo ang dating asawa ay hindi na niya gustong problemahin. All he wanted was to close the deal.

“R-Romano?” usal ni Bobbie. Siguro naman ay may ibang lalaking Romano rin ang pangalan.

“Yes, Romano de Silva. He’s one of the stockholders. I’m sure you’ve heard of him. Kristine Steel?” Kay Kendal ito nakatingin.

“Of course,” ani Kendal. Bilang negosyante’y kilala nito si Romano at nakatagpo nang minsan. But that was five years ago nang nagsisimula pa lang ang batang de Silva. At kilala niya ang pamilya ng ina ng lalaki.

Kung himatayin siya’y hinimatay na si Bobbie sa sandaling iyon. Wala sa loob na napakapit sa braso ni Kendal sa pagtataka ng huli. Napakunot ang noo ni Nick sa ginawing iyon ni Bobbie. May relasyon ba ang dalawang ito?

“I’d rather hurry now, Ken… Bobbie. Naghihintay ang chopper sa akin,” paalam nito. Muling inabot ang kamay sa kanya. “Nice meeting you again, Ma’am…hmm,” ani Nick na tumaas ang mga kilay nang maramdaman ang malamig na palad ni Bobbie. “Cold hands, warm heart.” He smiled at her. Pagkuwa’y binitiwan ang kamay niya at pumasok na sa kanina pa naghihintay na elevator patungo sa penthouse nito.

Inakay ni Kendal si Bobbie na maupo sa couch na nasa reception area. “Now, what is it? You went pale and cold when you heard the name of Nick’s representative.” Kinawayan nito ang isang waiter at humingi ng brandy.

Si Bobbie ay isinandal ang ulo sa headrest at pumikit. Ilang sandali pa’y iniaabot na sa kanya ni Kendal ang kopita ng alak.

“Drink this, Bobbie. Namumutla ka.”

Nagmulat siya ng mga mata at sa nanginginig na kamay ay inabot ang kopita at dinala sa bibig. Ang mainit na alak ay naglandas sa lalamunan niya at bahagyang nakatulong upang mabawasan ang tensiyon at nerbiyos.

Ibinaba niya sa side table ang kopita at tumingala kay Kendal na nakayuko pa rin sa kanya sa nag-aalalang mukha.

“R-Romano de Silva is Troy’s father, Ken.“Bahagya lang ang pagkagulat na gumuhit sa mukha ni Kendal. Tumuwid ito ng tayo.

“What’s the big deal?” wika nito sa matatag na tinig. “So, he was your ex-husband. Ano ang problema? Isang ordinaryong bagay na lamang ang mag-asawang naghihiwalay. At sabi mo pa’y ibinigay niya sa iyo ang sole custody sa anak mo. He sounds like a reasonable man, Bobbie.”

Gusto niyang maghisterya sa tawa. Ibinigay sa kanya ni Romano ang sole custody para kay Troy. Iyon ang sinabi niya kay Kendal nang itanong nito ang ama ni Troy. Hindi niya deretsahang maipagtapat na hindi pa man ipinanganganak si Troy ay itinakwil na ito ng ama.

“T-there’s no need for me to accompany Steven tomorrow night, Ken,” aniya. “You won’t be needing me to close this deal. Steven can handle the transaction. We both know that. Besides, tiniyak sa iyo ni Mr. Gascon na hindi nagbabago ang desisyon niyang bilhin ang fifteen percent share of stocks sa ADI, hindi ba? Baka hindi lang magandang tingnan na naroroon ako.”

“That is not the point,” sagot ni Kendal. “Wala akong nakikitang problema sa pakikipagkita natin sa ex-husband mo, Bobbie. Why do you have to shrink at the thought of seeing him again? For all you know ay okay lang sa kanya ang makatagpo kang muli. Like meeting some old friends. Hindi mo siya maiiwasan habang-buhay.“May katwiran si Kendal. Gayunman ay umiling si Bobbie.

“Unless he still means something to you until now?” pananantiya ni Kendal.

Napaangat siya ng tingin. “N-no. He means nothing to me now. Whatever I felt for him had died long time ago,” nang itanggi niyang anak niya ang dinadala ko sa sinapupunan ko. Tumuwid siya ng upo. Itinaas ang mukha nang wala sa loob. “Still, hindi pa rin ako handang makipagkita sa kanya.”

Sinuri siya nito ng tingin. “Hindi kita pipilitin kung hindi ka komportable sa muli ninyong pagtatagpo. Ayoko lang na nakikita kang ganyan. Nakita mo sana ang sarili mo kanina nang banggitin ni Nick Gason ang pangalan ng asawa mo. Ikaw man itong nasa katayuan ko ay mag-aalala ka rin. Anak na ang turing ko sa iyo, Bobbie, alam mo iyan.”

She forced a smile. “I know that. Thank you. Baka lang kasi masira ko pa ang gabing magsasara kayo ng deal.”

“If you say so.” nakangiting inabot ni Ken ang kamay niya at inalalayan siya sa pagtayo.

She hesitated. “Ken…“Ikiniling ni Kendal ang ulo nang bahagya.

“There’s something you should know about Romano and me. Ang totoo niyan ay… asawa pa rin akong maituturing ni Romano. Hindi siya nag-file ng divorce o kahit ng annulment.”

Nagdikit ang mga kilay ni Kendal. “Really? Bakit sa palagay mo hindi nag-file ng divorce si Romano? Sa katayuan niya ay napakadaling gawin iyon. Ni hindi niya kailangang mag-effort considering his bunch of lawyers.”

“Hindi ko rin alam. Sa nakalipas na mga taon ay lagi kong inaasahang mapapadalhan ako ng divorce o annulment papers. But it never came.” Hindi niya gustong aminin dito na kung ang puso niya ang tatanungin noong unang mga taon ay hindi niya nais na gawin iyon ni Romano. Subalit hindi lang puso ang dapat ikonsidera sa nangyari sa kanila.

Kailangan din naman niyang pahalagahan ang sarili niya. Ang pride niya. At si Troy. Pinili ni Romano ang PA nito kaysa sa kanya. O kung hindi man pinili, ay nais ni Romano na dalawa sila sa buhay nito.

“Hmm.” Hinawakan ni Kendal ang baba. Tinitigan nang husto si Bobbie. “Posibleng may pagtingin pa rin siya sa iyo hanggang ngayon, hindi kaya?”

Muli gusto niyang matawa sa assumption na iyon ni Kendal. “For someone like Romano, hindi siya mawawalan ng babae. Magagandang babae.”

“But you are also beautiful!” Kendal said.

“Don’t patronize me, Ken.” Umiling siya. “You know the kind of women these rich and gorgeous men want for themselves.”

“Do not underestimate yourself, my dear. You are so lovely one can hardly forget you. Kaya lang ay hindi ko mailarawan sa isip kung paano kayong nagkapangasawahan. Romano’s a hard businessman, iyon ang reputasyon niya sa business world. And a bit of a playboy. Hindi ang uri ng lalaking tipo mo.” Umiling ito, may bahagyang puzzlement sa mukha.

“Isa iyong pagkakamali sa bahagi ko. Naming pareho, Ken. We were both very young then. Mas pinagagana ang puso kaysa sa isip.”

“You were always sensible, my dear. Natitiyak kong kahit noong dalagita ka’y hindi ikaw ang uring padalos-dalos.”

You’re so wrong. Nagpadalos-dalos akong ibigay sa kanya ang puso ko, she thought. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya kasabay ng pagtayo. She smiled, ikinawit niya ang braso sa braso nito at tumayong kasama ito. “Naghihintay ang dinner reservation natin. I’m starving.”

Bumulalas ng tawa si Kendal.

4

ALAS-SIYETE pasado na siyang nagising kinabukasan. Pumasok sa banyo at naligo. She had an enjoyable dinner with Kendal last night. No wonder her mother fell for him. But then Kendal was such a wonderful man. Wala siyang maipipintas dito. And she was actually happy for her mother. 

Hindi lahat ng babae ay nagkakaroon ng second chance at love. At nararamdaman niya ang pag-ibig ni Kendal sa mommy niya. Isinisingaw iyon ng katawan ni Kendal kagabi.

Somehow, she envied her mother. And she honestly hope that they’d be both happy.Pagkatapos niyang maligo ay nag-ayos siya. Nag-blow dry ng buhok. Pagkatapos ay nagbukas ng closet at naghanap ng maisusuot. She pulled out her tight old blue jeans. Isinuot iyon. Sinipat ang sarili sa malaking salamin. Too sexy. Halos nakahapit sa balat niya ang jeans. Pero uso naman ito at bagay naman sa kanya.

Namili siya ng blouse sa mga naka-hanger niyang damit. Pinili niya ang dark blue peasant blouse. The kind that would slip on your shoulder. She grinned. She was twenty-five. Hindi pa alangang magsuot tulad ng suot niya.

She pulled her three-inch heeled strappy sandals and put it on. Isang huling sulyap sa salamin ang ginawa niya at pagkatapos ay tiningnan ang relo sa braso. By ten o’clock ay nasa opisina na siya ni Kendal. Kailangan niyang ipakita rito ang mga bagong designs na nais niyang gawin sa hotel sa Caribbean. Hindi niya iyon nagawa kahapon dahil hindi naman sila nagkaroon ng pagkakataong pag-usapan ang tungkol sa interior design ng hotel.

Hinablot niya ang laptop at inilagay sa lagayan nito at pagkatapos ay binigyan ng huling sulyap ang sarili sa salamin at lumabas ng condo.

Alas-onse na nakarating sa opisina ng ADI si Bobbie dahil sa traffic.

“Nasa office ba si Ken, Marie?” tanong niya sa sekretarya.

“Wala pa, ma’am. May early appointment si sir sa Manila. Si sir Steven po ay nasa office niya at may kausap.”

“Thanks, Marie.” It must be one of the ADI executives considering that Kendal’s still out of the office. “Doon na lang ako tutuloy.”

Magkatabi lang ang office nina Kendal at Steven bagaman mas spacious ang sa una. She gave a warning knock at pinihit ang doorknob at tuloy-tuloy sa loob.

“’Morning, Steven…”

“Hello, sweetheart,” bati ni Steven. “Come and join us. Patapos na ang usapan namin ni Mr. de Silva.”

Pagkarinig sa pangalan ay nahinto sa paghakbang si Bobbie. Ang mga mata niya ay tumuon sa lalaking naka-three-piece suit na tulad ni Steven ay tumayo nang pumasok siya. Kung siya ang uring himatayin ay baka bumagsak na siya sa carpet.

Romano.

Humakbang si Steven palapit sa kanya at kung hindi siya nito inakay patungo sa guest’s area ay malamang na nanatili siyang nakatayo roon na tila estatwa.

“Bobbie, meet Mr. de Silva. Mr. de Silva, this is Bobbie, a family friend,” pagpapakilala ni Steven, bahagya nang maramdaman ang tensiyon sa pagitan nina Bobbie at Romano.

Sa kabila ng pagkabigla ay naroroon ang hindi niya maiwasang pananabik na umahon sa dibdib niya. This was the same Romano she’d met years ago. Ang Romano na inibig niya. Tall, mestizo-handsome, broad-shouldered, at ang Romano na magkasintahan pa lang sila ay may ibang babae nang kinakasama; ang Romano na inakusahan siyang may ibang lalaki sa buhay niya at dahilan upang itanggi nitong anak si Troy.

Sukat doon ay natabunan ang pananabik sa biglang pag-ahon ng galit sa dibdib ni Bobbie. Gayunman, pinasasalamatan niya ang sariling hindi iyon bumalatay sa mukha niya. Iyon ay kung hindi nga.

“Well… well… well. If it isn’t Roberta Lou,” ani Romano na inabot ang kamay niya at kinamayan siya nang mahigpit. “This is a real surprise, Bobbie. Hindi pa rin kumukupas ang ganda mo.”

“Hello, Romano.” Isang himalang maituturing na may tinig na lumabas sa bibig niya.

“You two know each other?” tanong ni Steven.

“Never thought I’d see you here,” patuloy ni Romano, ignoring Steven’s question. Pinaglandas sa kabuuan niya ang mga mata nito. That malicious and leery smile was on his lips. Kapagkuwa’y natuon ang paningin nito sa nakahantad niyang balikat. His mouth twitched. May gumuhit na pagnanasa sa mga mata nito. Sinadya man o hindi ay hindi matiyak ni Bobbie. Sinadya marahil upang hiyain siya.

Hindi kailanman naging insecure si Bobbie sa ano mang isinusuot niya. Subalit sa titig na ginawa ni Romano sa kanya na tila siya hubad ay nag-init ang mukha niya. Sinikap niyang pigilin ang pag-alpas ng galit. Dahil walang mangyayari at siya lang ang mapapahiya. At kung hindi niya napigilan ang sarili ay marahas niyang hahatakin ang kamay. Pero nagawa niyang magpakahinahon at banayad ang ginawang pagbawi.

“Steven,” she said calmly. “Romano’s my ex-husband.”

Hindi itinago ni Steven ang pagkabigla. Gayunman ay mabilis itong nakabawi at ngumiti. “Small world,” he said.

“Indeed,” ani Romano sa matabang na tono. Ang mga mata’y nanatiling nakahinang kay Bobbie.Inilapag niya ang purse niya sa coffee table at naupo. Kinakabahan siyang bumigay ang mga binti niya. “I thought your appointment with Mr. de Silva was tonight…” she asked Steven. 

Iniiwasan niyang magsalubong ang mga mata nila ni Romano. Sa halip ay itinuon niya ang mga mata sa mga papeles na nasa mesa. Those were handwritten rough drafts. May mga check siyang napuna kaya natitiyak niyang nagkasundo na ang dalawa. Both men would definitely show the papers to their respective lawyers for finalization.

“How polite, Bobbie,” tuya ni Romano. “Let’s dispense of the formalities. Ikaw na rin ang nagsabi ng relasyon ko sa iyo kay Mr. Quidd.”

Steven cleared his throat. “May hindi maiiwasang naunang appointment si Mr. de Silva mamayang gabi kaya minabuti nilang magtuloy na rito, Bobbie. He would have rescheduled, pero dahil wala akong appointment ngayong umaga at ganoon din si Mr. de Silva, napagkasunduan naming ngayon na pag-usapan ang deal. We both agreed to the conditions. His secretary will type what was agreed upon.”

“I see.” Wala sa loob na tumango si Bobby.

“Patapos na kami nang dumating ka, Bobby,” ani Steven. “Pag-aaralan ng mga abogado ang mga dokumento bago ang pagpirma. Anyway, Mr. de Silva, gusto mo bang ituloy ang pag-uusap sa ibaba. May mahusay na Japanese restaurant sa ground floor.”

“Don’t bother, Quidd,” ani Romano. “I always have late lunch. But I could use another cup of coffee.” Bahagya lang nitong dinaanan ang wala nang lamang tasa nito.

“Sweetheart?”

“Tubig lang ang sa akin. Pero ako na ang kukuha. Ako na rin ang gagawa ng kape kay Mr. de Silva.” Sinulyapan niya ito. “Black. No sugar.”

Isang mapanuyang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Romano. “You remember.”

Hindi niya iyon sinagot at tinungo ang coffee corner. Kumuha ng panibagong tasa at nagtimpla ng kape. Nanginginig ang mga kamay niya pero sinisikap niyang huwag ipahalata yon. Kung mahahalata ni Romano na naaapektuhan siya nito ay natitiyak niyang lalo nitong pagbubutihin ang panunuya o posibleng pang-iinsulto sa kanya sa disimuladong paraan. Pinuno niya ng hangin ang dibdib. May pakiramdam siyang nasu-suffocate siya sa presensiya nito. Hindi niya mawari kung bakit sinunsundan nito ng tingin ang bawat kilos at galaw niya.

Kumuha rin siya ng bottled water sa mini-ref at lumakad pabalik sa upuan. Inilapag niya ang kape nito sa mesa. Romano murmured his thanks.

“Did you know that I would be here this morning, Bobbie?” asked Romano from the rim of his cup.

“Like I said, ang alam ko’y mamayang gabi pa ang appointment ni Steven sa iyo.”

“How do you know that? I mean, my appointment with Mr. Quidd.” Sinulyapan ni Romano si Steven. “Do you always discuss business proposals with friends, Quidd? Hindi maganda sa negosyo iyan.”

Mabilis na sumagot si Steven. “Bobbie also works for ADI, Mr. de Silva. Specifically sa La Crouix. Siya ang magiging interior decorator ng itatayong hotel doon.”

“Oh, I see.” Muli itong humigop ng kape. “This is a surprise, Quidd. Hindi ko alam na magkaibigan kayong matalik ni Bobbie. At sa nakita kong expression mo kanina ay natitiyak kong hindi mo alam na mag-asawa kami.”

“Dating mag-asawa, Romano,” ani Bobbie sa sarkastikong tono.

“Alam naming mag-ama ang katayuan ni Bobbie nang makilala namin siya, Mr. de Silva, considering that she was heavily pregnant when my father had first met her. Pero tama ka, hindi ko alam o inaasahan na ikaw iyon,” Steven said easily. “Ang alam ko’y apat na taon na kayong hiwalay ni Bobbie. At sa loob ng mga taong iyon ay nasa La Crouix si Bobbie. Doon na rin lumaki ang kanyang anak.”

“Nabanggit ba niya sa inyo na hindi legal ang aming paghihiwalay? Na walang divorce o annulment na namagitan?”

Sinulyapan ni Steven si Bobbie, kapagkuwa’y ginagap nito ang kamay niya at pinisil iyon. “I am after Bobbie’s welfare, Mr. de Silva,” mahinahong wika nito. “Magkaibigan ang pamilya namin. Kung nais niya ng tulong ko upang mapawalang-bisa ang inyong kasal ay gagawin ko nang mabilis. At sa sandaling ito’y gumagana ang mga tanong sa isip ko kung bakit naghiwalay kayo. Subalit hindi na mahalaga iyon. Bobbie is one woman you can be proud of.”

Gustong masamid ni Bobbie sa galit na nasa mga mata ni Romano nang makita ang ginawa ni Steven. Sa kabila ng sinasabi ng huli na magkaibigan lang sila nito ay natitiyak niyang hindi ito naniniwala. Steven made it obvious that they had a relationship. Kung sa ano mang kadahilanan ay nais na rin niyang magpasalamat nang lihim.

“Kung sakaling nanaisin ni Bobbie na magkaroon ng seryosong relasyon…” patuloy ni Steven. 

“Makakaasa kang gagawin namin iyon sa legal na paraan. At kung sakaling…” He paused, nilingon si Bobbie at masuyong nginitian. “At kapag dumating ang sandaling nais ni Bobbie na humigit pa sa pagkakaibigan ang tingin niya sa akin, then that would be the happiest day of my life…”

Pinipigil ni Bobbie ang mapabunghalit ng tawa sa apoy ng galit na unti-unting nagsisiklab mula sa mga mata ni Romano. Bless you, Steven.

Inubos ni Romano ang laman ng tasa at halos pabagsak na ibinaba sa platito. Natitiyak ni Bobbie na sa huling sandali ay nagawang magpigil ni Romano ng galit.

At bago pa mahulaan ni Bobbie ang gustong mangyari ni Romano ay tumayo ito at hinawakan siya sa palapulsuhan. “If you don’t mind, Quidd, mag-uusap lang kami nang sarilinan ni Bobbie…” He smiled at Quidd. At bago pa may makapag-react ay hinila na siya ni Romano palabas ng opisina nito.

Nilingon niya si Steven na nag-akmang pigilan ito. Nakiusap ang mga mata niya na hayaan na muna ito. Paglabas ng opisina, sa may hallway, ay marahas na iwinaksi ni Bobbie ang pagkakahawak ni Romano sa kanya.

“Bitiwan mo nga ako!”

“So, you had father and son eating at your palm,” wika nito. He was smiling and yet his eyes said differently. Kung apoy ang inilalabas ng mga mata nito ay nagliyab na si Bobbie.

“Hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi mo. Ano ba ang ipakikipag-usap mo sa akin na hindi dapat marinig ni Steven? Wala akong inililihim sa kanya o kay Kendal!”

“Oh, yes. Kendal, the older man,” he hissed. Ang isang kamay nito ay nakahawak sa balikat niya, sa bahaging nakalaylay ang blouse niya at naghantad sa malaking bahagi ng balikat niya. Ngayon niya pinagsisisihan kung bakit ang blouse na iyon ang napili niyang isuot.

Napasinghap siya nang banayad na paglandasin ni Romano ang mga daliri sa balat niya. Ang init na nagmumula sa kamay nito ay tila nagsindi ng kakaibang damdamin pababa sa tiyan niya. Damdaming apat na taon na niyang ibinaon sa limot. Damdaming inakala niyang hindi na niya mararamdaman pang muli.

Nagkamali ba siyang isiping kaya niyang pakiharapan si Romano? That she would not be affected by him? Sa nakalipas na mga taon ay hindi miminsan niyang inisip kung ano ang magiging damdamin niya sa sandaling magkita silang muli. Now she knew. Hindi niya inaasahang naroroon pa rin ang pagnanasang inakala niyang hindi na muling babangon.

No man had ever made her feel this way. Only Romano. Kung hindi niya aawatin ang sarili ay malulusaw siyang tila kandila sa paanan nito.

“Pareho mo bang dinala sa kama mo ang mag-ama, ha, Bobbie?”

Napasinghap siya kasabay ng panlalaki ng mga mata. Umigkas ang kamay niya at dumapo iyon sa mukha nito. Sa ilang sandali’y pareho silang nakatitig lang sa isa’t isa. Puno ng galit ang nasa mga mata niya. Kay Romano ay pagkamangha at hawak nito ang nasaktang pisngi. Hindi marahil nito inaasahan ang gagawin niya. Hindi siya bayolenteng tao. Pero hindi niya matanggap ang sinabi nito.

At bago pa may salitang lumabas sa kanilang dalawa ay bumukas ang pinto ng conference room at iniluwa niyon si Steven. Pinaglipat-lipat ang mga mata sa kanilang dalawa.

“May problema ba, Mr. de Silva?” seryosong tanong nito, nilapitan si Bobbie at hinawakan sa braso.

“Kung meron man ay problema namin itong mag-asawa, Mr. Quidd.” He almost hissed the words.

“Ex-wife, Mr. de Silva. I believe that is the right description.” Mahinahon subalit mariin ang mga salitang binitiwan ni Steven.

“I–I want to leave, Steven. Please take me home.”

Isang masamang sulyap ang pinakawalan ni Steven kay Romano na umani rin ng higit na galit mula sa huli. Inakay ni Steven si Bobbie patungo sa elevator.

5

“ARE YOU all right?” tanong ni Steven nang nasa kalsada na sila pabalik sa condo niya. Puno ng pag-aalala ang mga mata nito. “Did he hurt you somehow?”

She smiled sarcastically. “It’s the other way around. Sinampal ko siya.”

Isang halakhak ang pinakawalan ni Steven. “Nakita ko dapat iyon. Ang guwapo at palikerong si Romano de Silva, head ng isang malaking kompanya at kilala sa pagiging mahusay sa negosyo sa batang edad ay nakatikim ng sampal kay Bobbie.”

Nakitawa na rin siya. Though her laugh was a little shaky. “Inakusahan niya akong pareho ko kayong lover ni Kendal.”

Nanlaki ang mga mata ni Steven. Disbelief in his eyes. “My god, the man was jealous, Bobbie!“She rolled her eyes. “Jealous, my ass! Hindi ang uri ni Romano ang gustong malamangan, Steven. Sa tingin niya ay nakakabawas iyon sa pagkatao niya. Considering that legally we are still married.”

Umiling ito. “Nakita ko ang pagpipigil niya ng galit kanina nang hawakan ko ang kamay mo. Patay-malisya lang ako. And I would have kissed you for effect kung hindi ko lang naisip na baka umalma ka ay mapahiya ako.”

She laughed drily. Inihilig ang ulo sa headrest at ipinikit ang mga mata. Tila siya dinaanan ng ipuipo sa pagkikita nilang muli ni Romano pagkalipas ng apat na taon. Unang pagtatagpo subalit naigupo nito kaagad ang composure na ibinalot niya sa sarili sa nakalipas na mga taon.

ILANG sandali na lang at umaga na. Ni hindi siya dinadalaw ng antok. Mula sa bintana ng silid niya’y tinanaw ni Bobbie ang buong lungsod ng Makati. Ang iba’t ibang kulay ng nagkikislapang mga neon light na nagsisilbing tanglaw sa nagdaang gabi. Ang mga skyscraper na tila nagpapaligsahan sa pag-abot sa langit. Sa kabila niyon ay nababanaag niya ang papalapit na pagsikat ng araw.

Was it fate’s doing that she met Romano again after almost four years? At sa mga panahong ito kung saan unti-unti nang naghihilom ang sugat niya sa puso.

I’m almost over you, Rom… almost. She controlled her sobs. Tumingala at pinuno ng hangin ang dibdib at saka nilingon ang anak na nahihimbing sa kabilang kama.

Her husband’s image. And yet she thought she was almost over him. Paano ba mangyayari iyon gayong ang anak ang nagsisilbing alaala kay Romano? Sa pagkakatitig sa natutulog na anak ay hindi niya kayang pigilan ang pag-alpas ng mga alaala…

*****************Sorry mga beshie , back to work na muna akeshh, mag-ingat kayo palagi and God bless. :) Medyo hindi maganda pakiramdam ko ngayon kaya lang baka magtampo kayo at ibash n’yo ako at baka namiss n’yo rin ako, baka lang naman char kaya nag-update na ako hahahahaha. Take care mga beshie. - Admin A **********

6

“HAVE dinner with me, Bob.” sinabayan siya ni Adam Leviste sa paglabas ng opisina hanggang sa may elevator. Si Adam ang may-ari ng bahay na kung saan ang buong interior ay siya ang nagde-decorate. Isang divorcee at nasa mid-thirties nito.

A month after Romano left for Texas, pumasok si Bobbie bilang isang interior decorator sa isang kompanyang pag-aari ni Adam Leviste. Nagpaparenta ito ng mga condo unit na maayos at nadedekorasyunan na para sa mga foreigner. Maliban pa sa talagang mga condo units na ipinagbibili. At si Bobbie ang humahawak sa interior designing ng mga unit nito.

“Thank you for inviting me, Adam, pero hinihintay ako ni mama,” she smiled politely. Tumuwid ng tayo ang lalaki at nagbuntong-hininga. “You’ve been working for me for six months now, Bobbie, pero minsan ma’y hindi mo pa ako napagbigyan sa mga dinner invitation ko.”

“Maybe because she’s committed and I’ll definitely won’t like it if she dated another man.” isang amused at pamilyar na tinig ang marahas na nagpalingon kay Bobbie.

“Romano!” bulalas niya nang makita ang binata. Nasa likuran nila ito at ni hindi niya napansin. Pagkamangha at katuwaan ang nasa mukha niya. Parang sumakit ang dibdib niya sa bilis ng tibok ng puso niya habang hinahagod ng tingin ang mukha nito. Oh, how she missed him! The last time she saw him in person was at the NAIA airport seven months ago. At sa loob ng mga buwang iyon ay tatlong beses na niyang nakita at nakausap si Romano sa videophone sa opisina ng ama nitong si Marco de Silva.

At bagaman gusto niyang magreklamo sa uri ng relasyon nila ay wala siyang magagawa. Kailangan niya itong unawain. Kaya naman pinagkasya na lamang niya ang sarili sa ganoong uri ng pagkikita.

At sa bugso ng damdamin ay napahakbang siya patungo rito at mahigpit na yumakap. Tuluyang nawala sa isip na naroroon ang boss niya at nakatingin sa kanila.

“Why are you here? When did you arrive? Oh, I missed you so much, Rom!”

Romano chuckled as his arms went around her and raised her inches from the floor. “I missed you too, sweetheart. More than you’ll ever know,” he whispered huskily and kissed the top of her head.

Over Bobbie’s head, tinapunan nito ng tingin si Adam Leviste na nagkibit ng mga balikat at humakbang pabalik sa opisina. Si Bobbie ay tuluyang nakalimutan ang boss.

7

“WHY DIDN’T you tell me you’re coming home? Oh, god, I can’t believe this!” aniya nang nasa kotse na sila ng binata sa may parking area. Binuksan ni Romano ang aircon at pinanatiling nakabukas lang ang makina ng kotse.

Her eyes filled with so much longing and happiness. Ang excitement ay hindi pa rin nagmamaliw kahit bahagya. Hindi niya alintanang malaman ni Romano na labis niya itong mahal.

Romano smiled tenderly at her. Ginagap ang kamay niya at hinagkan. “Are you really so excited to see me?”

“You can’t know half of what I feel.” she grinned at him. Isinandig niya ang ulo sa balikat nito. “When did you arrive? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin? At paano mong nalaman ang office ko? No. Don’t answer that one. Siyempre, ang mama.”

Nakangiting tumango ang binata roon. “Kagabi ako dumating. At hindi kita nasorpresa nang ganyan kung sinabi ko sa iyong uuwi ako.”

Hindi na nagsalita si Bobbie. She was staring at him with fascination. Umaapaw sa pananabik at pag-ibig ang mga mata niya. Kung hindi siya magtitira nang kaunti para sa sarili niya ay natitiyak niyang aalipinin siya ng damdamin niya rito.

Nilingon siya ni Romano. “I have another surprise for you, sweetheart…”

“Really? And what is it?”

“This first,” wika nito at kinabig siya at mariing hinagkan sa mga labi that Bobbie melted in his arms at once.

Romano was kissing her fiercely. Nasa mga halik nito ang matinding pananabik at pagnanasa. Which she returned with equal fierceness. At nang damhin nito ang dibdib niya ay napaungol nang malakas si Bobbie. Ni hindi niya naisip kung nasaan sila sa mga sandaling iyon.

Only Romano mattered.

Hindi siya makapaniwala sa intensidad ng nararamdaman niya sa lalaking ito. It wouldn’t have mattered to her if he kissed her forever. She missed him so much.

Pinakawalan siya ni Romano nang kailangan na nilang parehong huminga at muli ring inangkin ang mga labi niya.

“How I’ve dreamt of this every day, sweetheart,” he murmured in her lips huskily.

“Me, too. Oh, I love you, Romano.” she would have reached for his lips kung hindi sa pag-alis ng isang sasakyang katabi ng kotse ni Romano sa parking kasabay ng malakas na busina. Na tila sinasabi sa kanila na kumuha sila ng isang silid sa motel.Romano laughed.

She blushed. Mabilis siyang lumayo at umayos ng upo. “Nakalimutan kong nasa parking tayo.” she smiled guiltily. Her lips still throbbing from his kisses.

Hindi sumagot si Romano but his brown eyes turned a shade darker with desire. Huminga nang malalim at saka pinihit ang susi sa ignition at lumabas ng parking area.

“Let’s have an early dinner. Nagpa-reserve ako sa isang restaurant na malapit dito.”

Isang tahimik na tango lang ang isinagot ng dalaga. She was wearing her heart on her sleeves as she stared at him. Watched his capable hands in fascination habang nagmamaneho ito. Pagkatapos ay muling babalik sa mukha ng binata. She could have been a love-crazed teenager and she didn’t care.

Ilang sandali pa’y nasa restaurant na sa ibaba ng isang hotel ang dalawa.

“Hmm… dinner by a candlelight,” nakangiting puna ng dalaga nang maupo na. “At may dilaw na rosas pa, huh?” Banayad niyang dinama ang talulot ng rosas. Natatandaan niya nang punuin ni Romano ng mga rosas ang buong silid niya. How could one ever forget that?

“Oh, Romano, this is lovely!”

“You’re lovelier, Roberta Lou,” he said huskily. His eyes never leaving her face. Pagkatapos ay may kinuha sa bulsa ng pantalon at iniabot sa dalaga. “Ang sorpresa ko.“Tinitigan ng dalaga ang munting kahitang inilagay ng binata sa harap niya. Another ring?

“Huwag mong titigan, buksan mo,” he commanded. Amusement in his voice.

“Hindi mo kailangang bigyan ako nito, Romano. Sapat nang narito ka. Besides, you already gave me—”

“Open it, sweetheart.”

She shrugged her shoulders at saka dinampot ang kahita at unti-unting binuksan.

“Oh!” hindi niya mapigil ang mapabulalas nang malakas sabay ng pagsalubong ng mga kilay at lingon sa binata. Ang naroon ay isang pares ng eighteen karat white gold band ring. Bawat singsing ay may limang batong brilyante, in princess cut.

“Binili ko iyan bago ako umuwi,” tahimik na wika ng binata na ang mga mata’y hindi humihiwalay sa mukha niya. Tila ba pinag-aaralan ang bawat ekspresyon ng kanyang mukha.

“W-what does this mean?”

“What does a pair of wedding ring mean?” ganting-tanong nito, amusement in his voice.

“W-wedding ring…” she parroted stupidly. Her heart thudded violently in her chest.

Inabot ni Romano ang kamay niya at ikinulong iyon sa mga palad nito and said softly. “Will you marry me, Bobbie?”

“M-marry you…”

Napangiti si Romano. “Are you going to keep on repeating everything I said?”

“Yes. No! I mean…” sinalubong niya ang mga mata nito. “Are you serious?” nalilitong tanong niya. “I t-thought you have responsibilities with your parents and—”

“So?” muling agap nito. “I am marrying you and fulfill my responsibilities at the same time. I will have to marry sometime and I’d rather do it now. Sa ikalawang pagkakataon, Bobbie, will you marry me?”

“Yes! Yes… yes!” she almost shouted happily.

DALAWANG linggo pagkatapos ng araw na iyon ay nagpakasal ang dalawa sa Paso de Blas. Isang simpleng civil wedding dahil nag-aapura si Romano na makasal sila kaagad. Muli ay isang miyembro ng pamilya ang ikinasal ng matandang si Judge Adriano.

Nanatili sa Paso de Blas ang mag-asawa nang isang linggo para sa kanilang honeymoon. Iyon ang pinakamaliligayang araw sa buhay ni Bobbie na sa kaisipan ay umaasang wala nang katapusan.

They made love anywhere… everywhere. At sa lahat ng pagkakataong iyon ay walang natatandaan si Bobbie na hindi siya nabigyan ni Romano ng kasiyahan. Maging iyon man ay sa tabing-dagat, sa batis, o sa loob mismo ng silid nila.

At nang umalis si Romano pabalik sa America ay kasama na si Bobbie. Naroon si Romano upang magtapos ng masteral nito at kasabay na rin niyon ay magtatrabaho sa branch ng Kristine as managerial apprentice kasama ang mga top executive na parehong mga Amerikano at Pilipino.

“ROMANO, darling!” excited na bungad ni Joanna pagkapasok sa opisina ng lalaki. “Bakit hindi mo itinawag na darating ka? Sana’y nasundo kita sa airport.”

“Grandma and Aunt Ruby collected us at the airport, Joanna,” sagot ni Romano and smiled faintly.

Tuloy-tuloy na umikot si Joanna sa kinauupuan ni Romano at ikinawit ang mga braso sa leeg nito at humalik sa mga labi.

“What took you so long in the Philippines, darling. I missed you so much…“Si Bobbie na nasa sulok at nagmamasid sa mga naroong picture frames ay nanlaki ang mga mata sa pagkakatitig sa asawa at sa babae.

“Hmm… Joanna,” ani Romano na hinawakan ang dalawang braso ng dalaga at banayad na itinulak palayo. “I would like you to meet Bobbie…”

“Who?” Sinundan ni Joanna ang hinayon ng mga mata nito. Ang nakita nito’y ang isang tila teenager na nakatayo sa sulok. Bobbie was wearing her retro blue jeans and sneakers, a blue top tank and her hair in ponytail. Matamis siyang nginitian ni Joanna.

“Oh, she must be one of your pretty cousins. Hello, there.”

Napaangat ang mga kilay ni Bobbie sa narinig. She didn’t think she’d met all of Romano’s “pretty cousins.” At napagkamalan siyang isa sa mga iyon. At bago siya may maiusal ay naunahan na siya ni Romano.

“Bobbie’s my wife, Joanna. We were married almost two weeks ago.”

“Wife!” Bigla ang baling ng tingin ni Joanna kay Romano. “She’s your wife?!”

Muntik nang mapabunghalit ng tawa si Bobbie sa pagkagulat at disappointment sa mukha ng babae. Bagaman gusto niyang humanga sa pagmintina nito ng poise sa kabila ng lahat. 

Pagkatapos ng pagkabigla ay agad nakabawi si Joanna. She congratulated them both with grace. Gayunman ay hindi maitatanggi ang pait at galit na manaka-naka ay gumigitaw sa mga mata nito sa durasyon ng pag-uusap nila nang araw na iyon.

8

DAHIL estudyante at empleyado ay halos walang gaanong panahon si Romano sa kanya. Naiiwan siyang mag-isa sa apartment na ang tanging libangan ay ang baguhing lahat ang interior designs ng apartment nila.

“What is this?” mula sa pinto ay bulalas ni Romano nang makita ang delivery sa apartment.

Sinalubong ng ngiti ni Bobbie ang asawa at agad na yumakap dito subalit inalis ni Romano ang mga kamay niya at pumasok sa loob ng silid at pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang taong nagpapasok ng mga kasangkapan sa loob. Pagkatapos ay pinapirmahan kay Bobbie ang delivery receipt at umalis na rin.

“Ano ang ibig sabihin nito, Bobbie?” Marahas ang tanong na iyon sa pagkamangha niya.

“M-mga gamit sa… nursery, Romano…”

“Why?” It was spoken softly pero gustong mangilabot ni Bobbie sa galit na nasa mga mata nito.

“S-sooner or later ay magkaka-baby tayo,” sagot niya na pilit ngumiti. Nalilito sa inaasal ng asawa. “And I’ve decorated all the rooms here so I decided to—”

“You should have consulted me about this…” agap nito sa mapanganib na tono. “Hindi iyong basta ka na lang magdesisyon nang hindi ko man lang nalalaman.”

“I–I am sorry kung hindi ko binanggit sa iyo ito,” marahang sabi niya. “K-kung hindi mo gusto ay maaari nating ipagbiling muli.”

Matagal siyang tinitigan nito at saka humugot ng malalim na paghinga. Sumandal sa dingding na tila nahahapo at tumingala sa kisame at mariing ipinikit ang mga mata. Bobbie thought that there was something that pained him. Nilapitan niya ang asawa.

“Romano… are you all right?” Her voice worried.

Mabilis na nagmulat ng mga mata ang lalaki. Kinabig siya sa dibdib nito at mahigpit na niyakap.

“I’m sorry, sweetheart.” hinagkan nito ang ibabaw ng ulo niya. “I’m tired. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Pagpaumanhinan mo ako.”

“Naiintindihan ko,” bulong niya rito at isinandal ang mukha sa dibdib ng asawa at yumakap dito. She revelled at his familiar scent.

Pagod si Romano. Puspusang nag-aaral at nagtatrabaho ito. Hindi miminsang beses na sinabi nito sa kanyang gusto nitong mag-retire na si Marco de Silva at ibigay sa mga magulang ang pinapangarap na pagbabalik sa farm upang doon na mamirmihan. Mula sa pagtatagni-tagni niya ng mga kuwento ni Romano tungkol sa pamilya nito, she surmised that Romano’s father had always been a farm boy. Na minsan na itong nagretiro subalit muling nagbalik sa negosyo ng pamilya dahil sa pangyayaring hindi nito maiiwasan.

At nariyan pa siya. Hinahati ni Romano ang katawan at panahon sa pag-aaral, pagtatrabaho, at sa kanya. And Romano’s still very young para sa ganoong responsibilidad. Lalo na ang pagiging isang ama, kung sakali.

Subalit sa pagkakaalam niya ay lahat ng mga kamag-anak nitong lalaki ay may ganoon ding responsibilidad sa minanang negosyo. Direktang pinamamahalaan ng pamilya ang negosyo ng mga ito.

Nag-alis ng bara sa lalamunan si Romano at tinitigan siya. “Bakit naisip mong i-convert sa nursery ang isang silid?”

Muli’y nagsalubong ang mga kilay niya. Wala na ang galit sa tono nito pero may pakiramdam siyang hindi kaswal ang tanong na iyon. At sa ilalim ng tinig nito ay naroon ang sakit. It could be her imaginations running wild.

“I am an only child, Romano,” she answered casually, truthfully. “Gusto kong magkaanak kaagad. At dahil may lahi kayo ng kambal…” she smiled at him. “Hindi imposibleng magkaanak din ako ng kambal. At kung dalawang beses akong magdadalang-tao na parehong kambal…” she shrugged her shoulders happily. “mas magaling. Apat agad ang anak natin. Teka lang, igagawa kita ng kape.” Sa huling sinabi’y tumalikod na si Bobbie upang ipaghanda ng kape ang asawa. She didn’t notice the pain that crossed his face.

Inaabot niya sa cupboard ang tasa nang yakapin siya nito mula sa likod.

“Ayoko pang magkaanak, sweetheart,” bulong nito habang hinahagkan ang batok niya. “I want you for myself for some time.”

Natawa siya roon at humarap sa asawa. Naisip niyang mas madadagdagan ang responsibilidad na nakapatong sa balikat ni Romano kung magkakaanak nga naman sila kaagad. She wanted to assure him of something. Subalit ang anumang sasabihin niya’y tinakpan ng mga labi nito. At ang binalak na pagtitimpla ng kape ay tuluyan nang nakalimutan.

Romano made love to her in the kitchen sink fully clothed. And it was as exciting as always. Making love with her husband was a soul-shattering experience. Madalian man iyon tulad ng ginagawa nila ngayon, was as arousing in a different ways as hours spent in exploring each others body in bed.

9

MATULING lumipas ang mga araw. Nagpatuloy si Bobbie sa pag-aaral ng interior designing habang nasa opisina si Romano. Paminsan-minsan ay dumadalaw siya kay Anna—ang ina ng mama ni Romano. Nagpapaturo siya ritong magluto sa matandang babae.

Nakilala at nakatagpo rin niya ang ilan sa mga pinsang babae ni Romano na tulad ng asawa’y pare-parehong nag-aaral at nagtatrabaho. She only met Leonard or Lenny as he was fondly called. Si Lenny ay anak ni Bernard—na kung ang daloy ng dugo ang susundin ay lolo na ni Romano na maituturing. And Anton Karl. Nakilala na niya ang papa ni Karl nang nasa Paso de Blas sila.

She liked both men already. Both men were gorgeous. Parehong kay daling tumawa at manukso. But she never saw Aidan na nasa kampo para sa training nito sa SEAL.

Minsang galing siya sa klase’y dumeretso siya sa opisina ng asawa. Inanyayahan sila ni Anna upang sa bahay nito maghapunan at nais niyang siya na ang magsabi kay Romano at sabay na silang magtungo sa bahay ni Anna.

Binati siya ng ilang empleyado habang binabaybay niya ang pasilyo patungo sa silid ni Romano.Kalahati ng pinto ay nakabukas. At sa pagbungad niya’y nakita niyang halos nakayakap na si Joanna sa asawa. Agad na nagdikit ang mga kilay niya. Ang tangka niyang pagpasok kaagad ay napigil nang magsalita ang babae.

“Hindi ko alam kung bakit mo siya pinakasalan, Romano.” wika nito. “We are always good together. I can give you all the satisfaction you want at hindi ka pa magkakaproblema tulad ngayon. It was selfishness on your part, darling. Paano mo maitatago sa kanya ang katotohanan sa habang panahon? So, if I were you, annul your marriage now. Habang maaga. Habang hindi pa gaanong masakit. Madali na para sa kanya ang makalimot. She’s young.” At saka inilapit ang mukha sa lalaki upang hagkan ito.

Hindi na hinintay ni Bobbie na makita iyon. Mabilis siyang tumalikod paalis. Gustong sumabog ang dibdib niya sa matinding sama ng loob at galit. Sa pagkaalam na may relasyon ang dalawa at natitiyak niyang marami rin sa opisina ang nakakaalam niyon ay gusto niyang manliit. Hindi niya gustong salubungin ng tingin ang sino mang empleyadong nakakasalubong niya.

Lakad-takbo ang ginawa niya patungo sa elevator ng building. Sinikap niyang huwag pumatak ang mga luha dahil magiging usap-usapan iyon sa loob ng kompanya.

“HUWAG mong guluhin ang isip ko, Joanna,” ani Romano na nagbuntong-hininga at inilayo ang babae.

Nagkibit ng mga balikat si Joanna. “Huwag mong sabihin sa aking nagkulang ako ng payo,” wika nito.

“Mahal ko si Bobbie at mahal niya ako. Hindi ba sapat na maging maligaya ang dalawang tao dahil sa pag-ibig nila sa isa’t isa?”

“Ikaw na rin ang nagsabi, Romano, na nag-iisang anak si Bobbie. Maliban sa ina ay wala nang ibang pamilya. You think it won’t matter to her?”

Hindi sumagot si Romano. Ikinulong sa mga palad ang mukha.

“Think it over, darling. Mas maaga ay mas menos ang masasaktan. Hindi ko naman kasi maintindihan sa iyo kung bakit kailangan mong magpakasal.” At nang manatiling hindi sumasagot si Romano ay nagbuntong-hininga ito at lumabas ng silid.

SA PARKING area ay hindi agad napaandar ni Bobbie ang sasakyan. Hindi niya malaman kung ano ang iisipin.

Anong katotohanan ang sinasabi ni Joanna?

At bakit sinasabi nitong ipa-annul na ni Romano ang kasal nila? May relasyon ba ang dalawa? 

Pero bakit pinakasalan siya ni Romano kung may relasyon ang dalawa? Kapagkuwa’y naalala niya nang una siyang ipakilala ni Romano rito bilang asawa. Nakita niya kung paano ito hagkan at yakapin ng babae. Na siguro’y kung wala siya’y baka gumanti na rin ng halik ang asawa.

At nang ipakilala siya nito bilang asawa ay nararamdaman niya ang galit nito na pilit itinago.Ang nakita niya kaninang pagyayakapan ng dalawa, hindi pa ba sapat na patunay na may relasyon ang dalawa?

“Bobbie…”

Mula sa pagkakayupyop sa manibela’y nag-angat siya ng tingin. Si Joanna na pumasok sa loob ng kotse at naupo sa passenger side.

“What do you want?” tanong niya sa naniningkit na mga mata.

Huminga nang malalim ang babae at puno ng simpatya ang mga mata na tumitig sa kanya.

“Alam kong nakita mo kami ni Romano kanina. I’m sorry about that… hindi ko gustong malaman mo ang relasyon ko sa asawa mo,” banayad nitong sabi na tila nagpapaunawa sa kanya. “Gayundin si Romano dahil hindi ka niya gustong saktan.”

“Ano ba ang sinasabi mo? H-hindi kita naiintindihan!”

“C’mon, Bobbie. You aren’t that naive, are you? Romano said you were a virgin when he met you. He was so fascinated by you dahil ikaw ang kauna-unahang babaeng hinabol-habol niya. Bata pa si Romano and you were a challenge to his ego. He wanted you but you won’t give in…”

Nanlaki ang mga mata niya. “S-sinabi sa iyo ng asawa ko iyan?!“She smiled sadly. “Romano and I have been together for two years, Bobbie.”

She took a harsh breath. Kasabay ng pag-iinit ng sulok ng mga mata. Ang mga ganoong uri ng usapan ay intimate lamang sa kanilang mag-asawa. How dare he shared it with this woman? Hindi niya mapigilan ang hikbing kumawala sa kanya.

“Oh, please don’t cry,” patuloy ni Joanna na nakikita ang pagbabadya ng mga luha niya. “I’m sure you love your husband at alam ni Romano iyon. Hindi ganoon kasama si Romano upang saktan ka niya. Napakabata ni Romano para sa responsibilidad ng isang may-asawa at idagdag pa ang responsibilidad niya sa pamilya niya.

“At natitiyak kong alam mo rin iyan. What he needs is your understanding, Bobbie, tulad ng pang-unawang ibinigay ko sa kanya nang pakasalan ka niya…” she said with pain in her voice at halos maramdaman na ni Bobbie ang nasa dibdib nito. Kung totoo ang sinasabi nito at may relasyon ito sa asawa niya ay natitiyak niyang alam niya kung gaano kasakit iyon para kay Joanna. Tulad ngayon. Tila hinihiwa ang dibdib niya sa mga sinasabi nito.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Joanna, hinawakan at pinisil siya sa balikat na tila nakikisimpatya bago lumabas ng kotse. Nasa labas na ito nang yukuin siya.

“Huwag mong hintayin si Romano sa hapunan. He promised to take me out tonight.”

Nakalayo na ang babae’y hindi pa rin tumitinag si Bobbie. Ang luhang nakabadya ay hindi nakuhang makalabas. Ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon ay shock. At galit.Hindi siya makapaniwala sa callousness ng asawa.

At wala siyang balak na unawain ito tulad ng gustong mangyari ni Joanna.

She’d rather die than share him with other woman! Iyon ang ipinahihiwatig ni Joanna sa kanya sa isang matamis na paraan. And how could Romano afford to hurt her and Joanna at the same time?

LATE nang umuwi si Romano nang gabing iyon.

“Gusto mo na bang kumain?”

Umiling si Romano habang hinuhubad ang amerikana. “No. Kumain na ako. Pinatawagan kita sa sekretarya ko rito kanina pero wala ka.”

“You went out with Joanna?” Her voice was cold and without any emotion.

“Yes. How did you know?” Nagsalubong ang mga kilay nito na nilingon siya bago pumasok sa shower.

“She told me.”

“What else did she tell you?”

“A lot of things.”

“Did she?” Sandali lang ang pagkabigla ni Romano at matabang na ngumiti. “Good. Ang babaeng iyon talaga, hindi makapaghintay. Ang sabi ko’y ako na ang magsasabi sa iyo. You may not like the arrangement. But I guess she’s right, the sooner you’ll know it the better.” At tuloy na itong pumasok sa shower.

Again, shock numbed her habang nakatitig sa nakasarang pinto ng banyo. Ni hindi nakuhang magkaila man lang ng asawa niya!

May ilang sandali siyang nanatiling nakatayo roon. Gulo ang isip. Naririnig niya sa labas ang lagaslas ng tubig mula sa shower. Nakatayo pa rin siya roon nang lumabas mula sa banyo si Romano.

“Babalik ako ng Pilipinas.”

10

“WHAT?” Nahinto sa pagpupunas ng buhok si Romano sa sinabi niya.

“Uuwi ako sa Pilipinas at pinal ang desisyon ko.”

“Pero bakit? Ang akala ko ba’y napag-usapan na nating hangga’t hindi natatapos ang master—”

“I’ve changed my mind, Romano.”

“Nagagalit ka ba dahil sinabi ni Joanna na—”

“Wala akong pakialam sa arrangement ninyo,” muli’y putol niya sa sinasabi nito. “I am going home and you can’t stop me.”

Pumormal ang mukha ni Romano. Matiim siyang tinitigan. “Kailan mo napagpasyahan ang bagay na ito?” tahimik nitong tanong.

“This morning.” Sinalubong niya ng tingin ang mga mata nito. Naghahamon.

Matagal bago sumagot si Romano. At nang magsalita’y hindi na niya kayang arukin ang ekspresyon ng mukha nito. “Are you sure you want to do this?”

“Natitiyak ko,” determinadong sagot niya.

Dalawang araw matapos ang usapang iyon ay umuwi sa Pilipinas si Bobbie. Bagaman inihatid siya ng asawa sa airport ay tila hindi sila magkakilala.

Sa loob ng isang buwang mahigit ay hindi siya tinawagan ni Romano na lalong nagpatindi sa sama ng loob at pangungulila niya.

“Pinahihirapan mo ang sarili mo, hija,” ang mama niya. “Hindi ka ba nagkakamali sa pasya mong iwan ang asawa mo sa Amerika?”

“Hindi ako kailangan ni Romano roon, Mama. Magiging dagdag responsibilidad lang ako,” she said bitterly. “Kung mahal niya ako’y tatawagan niya ako at uunawain.”

“Hindi ko alam kung ano ang problema ninyo sa early stage ng pagsasama ninyo. Pero kailangang malaman niya ang pagdadalang-tao mo. Karapatan niyang malaman iyon, Bobbie,” giit ng mama niya.

“Sasabihin ko rin, Mama,” puno ng kapaitang sabi niya. “Nasasaktan lang akong natiis ni Romano na hindi man lang ako tawagan.” More than a month! At ni hindi siya pinakibalitaan ni Romano. Nilimot na ba siya nito sa piling ni Joanna?

“Then I advise that you make the first move. Anyway, ikaw ang nagpasyang iwan ang asawa mo sa Amerika,” utos ng matandang babae na walang alam sa third party sa buhay nila ni Romano. 

“Hindi ko maintindihan ang kalokohang ginagawa mong ito, Roberta Lou. Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa pag-aasawang kay babata pa. Hindi ninyo pareho kayang i-handle ang mga problemang dumarating.” She paused. “At tinitiyak ko sa iyo, mas mabibigat pang problema ang kakaharapin ninyo sa darating na panahon. Kaya ngayon pa lang ay matuto kang mag-mature at pakibagayan ang buhay-may-asawa!”

“SO HOW’S my dearest wife?” sarkastikong bungad ni Romano nang makita ang mukha niya sa screen ng videophone sa opisina ni Bernard Fortalejo sa Kristine Cement. Bernard allowed them to talk in private.

Missing you so much, sweetheart, gusto niyang isatinig pero tila may buhangin sa lalamunan niya at hindi makalabas ang mga salitang iyon.

“I’m–I’m pregnant, Romano.” she decided to go straight to the point.

Mula sa pagkakaupo sa swivel chair ay napalapit sa screen si Romano. “You’re what!”

Napangiwi siya sa lakas ng tinig nito. “I’m pregnant,” ulit niya.Kung hindi niya nakikita sa screen ang asawa’y iisipin niyang wala na ito sa linya. But he was there speechless. Sa screen ay nakikita niya ang paglabasan ng mga muscle nito sa mukha tanda ng matinding pagpipigil ng galit.

Nakagagalit bang malamang nagdadalang-tao siya? Na dinadala niya ang anak nila? Dahil ba nabanggit minsan sa kanya ni Romano na hindi pa ito handang magkaanak? Na mahahati ang napakaraming responsibilidad na nakaatang sa mga balikat nito?

Subalit ano ang gagawin niya? Nagdadalang-tao siya at kailangang malaman nito iyon.She saw him took a deep breath at tumingin sa kanya. “And the next thing that you will say is that the child is mine, ganoon ba, Bobbie?” ang tahimik at marahang tanong ay ikinakaila ng pagngangalit ng mga bagang at paniningkit ng mga mata. “And you expected me to shout for joy because I am going to be a father?”

“O–of… course. S-sino pa ba ang magiging ama ng anak ko? Though I don’t know how you will react to this news,” nalilito at kinakabahang wika niya.

“Bitch!” halos pabulong iyong lumabas sa bibig ni Romano sa matinding galit.

“Romano?!”

“Make this your last communication with me, Bobbie,” patuloy ni Romano. Ang matinding galit ay nakalatay sa mukha. “Tatanggapin mo ang sustento mo buwan-buwan bilang asawa ko hangga’t hindi ko pa napagpasiyahan kung ano ang gagawin ko sa ating dalawa. But let me tell you this: I have nothing to do with your child. The child you are carrying is not mine!”

She stared at her husband through the videophone as if he had gone mad. Bagaman may problema silang mag-asawa ay hindi niya inaasahang iyon ang sasabihin ni Romano sa pagdadalang-tao niya.

He couldn’t really have said that, could he? She must have misheard him. Ganoon naman sa videopatch, minsan malabo ang dating ng mga sinasabi.

Pero habang tinitingnan niya ang asawa… the arrogant tilt to his head, the grimness of his mouth… at ang galit sa mga mata nito’y natitiyak niyang hindi niya lang nakaringgan si Romano.

Itinatanggi nitong anak ang nasa sinapupunan niya!

“Romano.” her hands were shaking in controlled anger ang desperation. “I am having a child. Your child.”

“Let’s not waste our breath, Bobbie. Let’s end this conversation now. I have nothing to do with your child!”

Nang mawala sa screen si Romano ay natulala si Bobbie sa ikalawang pagkakataon. She felt numb all over. Itinanggi ng asawa ang magiging anak nila!

**********Hello mga beshie, maraming salamat sa inyong mga mensahe nabasa ko na halos lahat, hindi lang ako makapagreply agad-agad at nag -eerror si wattpad. Natuwa ako sa mga mensahe super love it char hahahaha. Nga pala sa mga nagtatanong kung may binago ba ako sa mga works ni Ms. MC ay lilinawin ko lang po, wala po akong binabawas o dinadagdag sa mga stories na nakapost dito since pinopost ko lang po sila at ang mga files ay galing mismo sa PHR management. Kung nafe-feel n’yo na may pinag-iba ang mga kwento ay i-pm n’yo or i-comment sa ibaba para magkaroon tayo ng healthy discussions since gusto ko rin naman mabasa yung mga files na nasa inyo. Iniiisip ko kasi na baka may nagbago since yung mga files na binigay sa akin ay yung mga latest na ata at nagkaroon na kasi ng iba’t ibang versions ang mga works ni Ms. MC at sa pagkakaalam ko ay si Ms. MC naman ang nag-eedit ng kanyang mga works dati bago niya ibigay sa publisher. Ayun lang kung may ibang katanungan kayo ay mag-comment lang kayo sa ibaba para makita ko at masubukan kong sagutin. At pagpasensyahan n’yo na rin ako kung sakaling matagal ang update at pagsagot ko sa inyo at baka yung iba hindi ko pa nakikita kaya di ko pa nasasagot ang mga comments n’yo pero huwag kayong mag-alala sasagutin ko ang lahat ng yan kapag may free time na. Mag-ingat kayo mga beshie. Stay safe and God bless. - Admin A **************

11

“MOMMY, wake up…”

Umungol si Bobbie. Muling ibinaon ang mukha sa unan. Sa pagkakatanda niya’y sumisikat na ang araw sa silangan nang humiga siya. At masakit ang mga mata niya. Wala pa yatang tatlong oras siyang nakakatulog.

She opened an eye. “Troy, sweetheart, could I sleep at least for another hour?”

“No, you can’t,” determinadong sagot nito. The grim set of his lips reminded her of his father. 

“It’s gonna be hot then. It’s nine o’clock, Mom. You promised that we will go to the pool today,” pagpipilit ng tatlong taong gulang na bata.

“Did I?”

“Yes, you did,” mariing sagot nito at inalis ang kumot ng ina.

Bobbie groaned. Napilitang tumayo kahit antok na antok pa siya. “All right… all right. Now give me a kiss and then go, sabihin mo sa Yaya Lucing mo na bihisan ka ng pampaligo.”

Mabilis na hinagkan ng bata ang ina at nagmamadaling bumaba ng kama. “I’ll wear the new swimming trunks that we bought.”

Umikot ang mga mata ni Bobbie. Naiiling na sinundan ng tanaw ang anak palabas ng silid. Pagkatapos ay muling ibinagsak ang sarili. Siguro naman kung tatawad siya ng kalahating oras ay hindi maiinip si Troy. Ipinikit na niyang muli ang mga mata nang mula sa kung saan ay maisip ang nangyari kagabi.

“Oh, my god!” Sapat ang presensiya ng alaala kahapon upang mawala ang antok niya. Mabilis na dinampot ang telepono at idinayal ang bahay ni Steven.

“Thank you for yesterday, Steven. Sana’y hindi naapektuhan ng nangyari ang negosasyon ng ADI kay Nick Gason.”

“Don’t worry about that. Hindi namersonal si Romano. Besides, si Nick Gason naman talaga ang kausap namin ni Daddy. Speaking of Kendal, natanggap mo ba ang tawag ni Daddy kagabi? He’s off to Caribbean. May importanteng dapat ayusin.”

Naghikab siya. “Baka nasa voice mail. I’ll check later. Nag-alala lang ako sa maaaring maging resulta ng transaksiyon.”

“The business part is okay. But how about you? Are you all right?” nag-aalalang tanong nito mula sa kabilang linya. “The man was dangerous than I thought.”

You don’t know half of it. “I am perfectly all right, Ken. Odd, but I felt better. All these years I’ve been wondering how I would react if I meet Romano again. Now, I’m over the anxieties. Ngayon ko lubos na napatunayang isang pagkakamaling nagpakasal kaming dalawa sa panahong pareho pa kaming bata. At ang tanging magandang kinalabasan ng pagsasama namin ni Romano ay si Troy.

“Nasasabi ko na ngayon iyan nang magaan sa dibdib ko. Besides, iyon na ang huling pagkikita namin. By this time, sakay na si Romano ng private jet ng kompanya pabalik sa Houston. At ayon sa pag-uusap ninyo kahapon ay si Nick Gascon na ang magpapahanda ng dokumentong pipirmahan mo sa abogado nito,” mahabang sabi niya.

“Mom!” sigaw ni Troy na sumungaw sa may pinto, nakasuot ng pulang bikini trunks. Sa likuran ay ang yaya. “Nakabihis na ako pero naka-pajama ka pa rin. Ang tagal mo. ’Intayin ka namin ni Yaya Lucing sa ibaba.” Pagkasabi niyon ay nagtatakbo na ang bata palabas ng unit kasama ang yaya na bitbit ang isang plastic life vest na may mukha ni Mickey Mouse.

“Heard that?” aniya sa kausap sa phone. She heard Steven’s laugh.

12

“YAYA!!” sigaw ni Troy mula sa pool.

Si Yaya Lucing ay iglap na binitiwan ang binabasang Tagalog pocketbook. Nakita nitong nakataob na ang plastic life vest at nakalubog sa tubig si Troy at nakakapit sa tainga ni Micky Mouse. Nasa gitna ito ng pool at hindi marunong lumangoy ang yaya.

“Tulong!” sigaw ni Yaya Lucing, nagapalinga-linga. Walang tao sa paligid maliban sa isang bulto ng lalaking nakita niya sa di-kalayuan. “Tulong!”

Lumingon ang lalaki at nang makita ang sitwasyon ay lumiko ito patungo sa pool. lakad-takbo ang ginawa nito.

PAGKATAPOS ng ilang sandaling pakikipag-usap kay Steven sa telepono’y nagbihis na ng pampaligo si Bobbie. Isang one-piece bathing suit na aqua green. Kumuha ng oversized polo shirt at ipinatong subalit hinayaang nakabukas ang mga butones. Nasa ninth floor ang unit niya at bababa pa siya sa ground floor. Sa likod ng condo building ay ang swimming pool.

Binuksan niya ang refrigerator upang uminom ng juice bago bumaba. Magpapa-order na lang siya ng kape kapag nasa ibaba na siya. She promised Troy to teach him how to swim today. Siguro ay kailangan na niyang kumuha ng professional na magtuturo sa anak.

“Hello again, Bobbie.”

Biglang natilihan si Bobbie sa pagkakayuko sa ref. Isang tao lang ang nagmamay-ari ng ganoong uri ng tinig na narinig niya sa buong buhay niya. Deep and velvety. Romano de Silva. She groaned inwardly, kasabay ng pagharap.

Ang inaasahan niyang multo ng kahapon na hindi na muling makikita’y patuloy na lumilitaw—in flesh.

And a magnificent flesh for that matter. Nakasandal ito sa hamba ng pinto na marahil ay hindi naisara ni Lucing. In designer’s blue jeans na ang pagkakahapit ay naghugis sa muscular thighs nito. Bitbit nito ang coat sa mga balikat.

She swallowed painfully at itinaas ang tingin sa puting sportshirt na bukas ang tatatlong butones na nagpahintulot sa kanya upang makita ang manipis na balahibo nito sa dibdib.

At bigla’y nag-uunahan sa isip niya ang mga sandaling kung saan dinadama niya ang mga balahibong iyon sa dibdib at pababa…

Warmth flowed her body down to her stomach at the sensual thought. Mabilis niyang binura iyon sa isip. Baliw siya kapag ipapasok niya sa isip iyon kada magkikita sila ni Romano.

“What are you doing here? Ang akala ko’y lumipad ka patungong Houston kahapon.”

“Changed my mind…”

Hinagod siya nito ng tingin. Mula sa mukha niya’y bumaba ang tingin ni Romano. Huminto iyon sa dulo ng polo shirt kung saan nakikita ang suot niyang pampaligo. Naroon pa rin ang pagnanasang nakikita niya sa mga mata nito kahapong tinitigan siya. It was as if he was devouring her with his eyes. At hindi niya maikakailang naapektuhan siya.

His mouth twisted upward in a mocking smile. “Alluring,” desire and malice in his eyes as she surveyed her up and down. Pagkatapos ay inikot ng paningin ang kabahayan. “Is Quidd here? 

Dito ba siya natulog kagabi? Sino sa mga Quidd ang pinatutulog mo rito?“

Nanlisik bigla ang mga mata niya. “For your information, Romano de Silva, hindi rito natutulog minsan man ang mga Quidd!”

“I hope so,” bale-walang sagot nito at pumasok sa loob ng bahay. Inihagis nito sa silya ang coat.

Kapagkuwa’y may napansin si Bobbie na hindi tama. Kumunot ang noo niya. May tumutulong tubig mula sa pantalon nito patungo sa sahig. Bagaman ang itaas na bahagi ng pantalon nito ay tuyo naman.

Nagdikit ang mga kilay niya. “B-bakit basa ang kalahati ng pantalon mo?”

“I TOOK an early dip at the children’s pool below.” The sarcasm was for himself.

Walang pakialam kung pool ng tubig ang iniiwan niya sa bawat paghakbang. Inikot niya ang paningin sa buong unit. Dinadampot at tinitingnan ang bawat daanan ng mga mata. Iisipin pa lang niya na natutulog sa unit nito ang alinman sa mga Quidds ay parang nais niyang gilitan ng leeg ang mga ito.

Hindi niya kailanman inisip na posibleng magkaroon ng ganoong damdamin. Those were for savages only. Sa unang pagkakataon pa lamang na sinabi sa kanya ni Bobbie na nagdadalang-tao ito may apat na taon na ang nakalilipas ay parang gusto niyang patayin ang taong kinatalik nito.

How could he be so wrong? Sa wari ay patalim na humihiwa sa puso niya ang natuklasan lang niya sa ibaba. Apat na taon. Apat na mahahalagang taon ang nawala sa kanilang tatlo. Paano niya babawiin iyon?

Yes, when he took a look at Bobbie, when desire was almost killing him, nakikita niya ang katugon mula sa mga mata nito. But those were lust they shared years ago. They still had that chemistry between them.

Pero natitiyak niyang kinasusuklaman siya nito. Nakikita at nararamdaman niya iyon. At hindi niya ito masisisi. Napakalaki ng kasalanan at pagkukulang niya. Subalit babawiin niya ang mag-ina niya sa ano mang paraan. Kahit iyon na lang ang gagawin niya sa buong buhay niya.

“Sana nga ay totoong hindi ka nagpapatulog ng lalaki dito,” Romano said, pinigil ang daloy ng sariling isip. “Dahil nakakaapekto sa kaisipan ng anak mo kung makikitang may lalaking natutulog dito na hindi mo naman asawa.”

Nakikita ni Romano ang galit na lumatay sa mukha ni Bobbie. She opened her mouth, marahil upang sigawan siya, murahin, o kung ano man ang nais nitong sabihin. Nakahanda siya roon. Subalit muli itong nagsara ng bibig.

He sighed inwardly. Kung siya ang masusunod ay nais niya itong yakapin, ikulong sa mga bisig niya, hagkan hanggang sa pareho na silang hindi makahinga. But Bobbie would hate him more. 

Sa mga sandaling iyon ay desperado siya. Subalit hindi niya kailangang magpadalos-dalos kung nais niyang mabalik muli sa kanya ang mag-ina niya.

Hindi siya pinahintulutan ni Nick Gascon na gamitin ang business deal nito sa mga Quidd. Nick said he had helped him. But that was as far as he would go. All the rest was up to Romano since it was personal. And if the woman didn’t love him anymore, then Romano had to take the consequences.

At nais niyang mapahiya sa sarili. Kahit hindi isinatinig ni Nick ay natitiyak niyang alam niya ang nasa isipan nito. That if he wanted to win Bobbie back, he had to do it fairly and not to resort to blackmail.

Knowing that Bobbie didn’t love him anymore pained him so. Pero wala siyang dapat sisihin kundi ang sarili. But Bobbie wasn’t married. Iyon ang pagbabasehan niya sa naising posible pa niyang ibalik ang damdamin nito sa kanya. Hindi masamang mayroon pa rin silang chemistry sa isa’t isa.

Hindi niya rin maunawaan ang sarili kung bakit kailangan niyang galitin ito sa halip na suyuin. Pero marahil ay dahil alam niyang hindi madaling suyuin si Bobbie pagkatapos ng ginawa niya.

At marahil, para na rin sa self-preservation.

Nahinto si Romano sa isang sulok ng sala kung saan naroon ang study table nito. Nakalatag doon ang mga drawing niya para sa hotel sa La Crouix.

“Brilliant.” itinaas niya ang isang sketches. “Naalala kong mahilig kang mag-drawing noon pa man. Sa napkin sa restaurant na kinakainan natin… sa peryodiko… sa computer… at pinakinabangan mo ang ilang buwang pag-aaral mo ng interior designing sa Amerika.”

“ANO ANG kailangan mo, Romano?” tanong ni Bobbie sa pormal na tinig na tila isa ito sa mga administrator ng building.

Umangat ang kilay ni Romano. “Oh, ikaw ang kailangan ko, Bobbie. Pero natitiyak kong hindi ko kaya ang halaga mo,” panunuya nito at muling pinaglakbay ang mga mata nito sa kabuuan niya sa nang-iinsultong paraan. Gusto niyang ibato rito ang hawak na baso na hindi pa niya nasasalinan ng juice subalit nagpigil siya.

“Ang unit na ito na sa tingin ko’y para lamang sa mga rich and famous… and of course, ang mamahaling kotse mo’y nakaparada sa basement nitong unit. What is it? Ferrari? Porsche? or Camaro?”

Humugot ng malalim na hininga si Bobbie at unti-unti ang ginawang paglalabas niyon upang sikaping kontrolin ang galit.

“Tell me, maliban sa nakikita ko’y ano pa ang ibinigay sa iyo ni Quidd? A vacation house in La Crouix overlooking the sea? Ikaw ba ang isa sa mga dahilan kung bakit tila seasaw ang financial status ng mag-ama?”

“Wala kang pakialam sa buhay ko, Romano,” she said gritting her teeth.

“At kung gusto kong makialam, Bobbie? Alalahanin mong mag-asawa pa rin tayo. Paano kung sabihin ko kay Quidd na ang babaeng pinag-aaksayahan niya ng pera at panahon ay hindi kontento sa iisang lalaki?” painsultong hamon nito.

Bobbie saw him winced. Kung para saan ay hindi niya matiyak. Pero muling nasa mukha nito ang panunuya na marahil ay hindi naman niya nakita iyon.

“Hindi lahat ng tao’y katulad mo ang moral, Romano. At gagawan mo ako ng pabor kung aalis ka na.” Humakbang siya patungo sa pinto subalit nahawakan ni Romano ang braso niya. Bumaon sa mga braso niya ang mga daliri nito.

“Bitiwan mo ako!”

“Not until I’m ready,” wika nito at hinila siya pabalik. “Ipinagmamalaki mo ba sa akin ang matandang lover mo? My god, Bobbie… napakahalaga ba ng salapi sa iyo at pati ang mag-ama ay hindi mo pinatawad? Ang alam ko’y bastante ang sustentong ipinadadala ko sa iyo buwan-buwan. I checked it with my accountant. Walang sustentong pumalya minsan man. Bakit pinababa mo nang ganito ang—” hindi nito natapos ang sinasabi dahil lumapat sa pisngi nito ang palad ni Bobbie.

“Wala kang karapatang insultuhin ako!”

She was expecting a reciprocate action. Ang mga mata nito’y nakikipagdigma sa kanya. She could see the stiffness at tila sinisikap nitong kontrolin ang sarili.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Romano. “You are making a habit out of it, my dear.” May babala sa tinig nito. “Huwag mo nang uulitin sa ikatlong pagkakataon.”

“Ikaw ang may kasalanan! Ang aga-aga ay wala kang masabing maganda kundi insulto!” Her voice cracked. Lumakad siya patungo sa counter sink at inilapag doon ang baso na kung hindi niya bibitiwan ay baka mahati niya sa gitna sa higpit ng pagkakahawak niya.

Namagitan ang mahabang sandali sa kanilang dalawa. Romano spoke first. Sa mababang tinig.

“Humihingi ako ng tawad,” wika nito. “Siguro nga’y wala akong karapatang pakialaman ang mga ginagawa mo. I gave you your freedom years ago. Maybe we could talk like two civilized people.”

Humihingi ito ng paumanhin! Hindi makapaniwala si Bobbie. Humihingi ito talaga ng paumanhin at sa mababang tinig! Pagkatapos ay napuna niyang lumampas ang mga mata nito sa mga balikat niya.

“Mom, what took you so long? Naiinip na ako.” si Troy sa nagagalit na tono. Tumutulo ang tubig mula sa katawan. “At, Mom, nag-capsize si Mickey mouse. Nahulog ako sa tubig…”

She almost smiled. Ang anak niya ay eksaheradong magkuwento at natitiyak niyang gumagawa ito ng kuwento upang madaliin siya.

Nilapitan at niyuko ni Bobbie ang anak. “I was about to come down, Troy. But mommy’s got a visitor, darling.”

Sinulyapan ni Troy si Romano. Recognition flashed his eyes. “Siya ang nag-ahon sa akin sa pool, Mom!”

Pinanlakihan ng mga mata si Bobbie. “Sa pang-adultong pool ka naligo? Nasaan si Yaya Lucing?” Napuno ng sindak ang tinig niya.

“It’s okay,” ani Romano. “Sa pambatang pool sila. Hindi naman agad naisip ng yaya ng bata na mababaw lang ang pool at nag-panic kaagad. Inaabot yata ng bata ang laruan niya, tumaob ang toy life vest niya.”

“Thanks, again, mister,” ani Troy. Sandali lang hinagod ng walang interes na tingin si Romano at muling ibinalik sa ina ang mga mata. “I’ll wait at the pool again. Please come down in ten minutes,” at patakbo na uling lumabas ang bata. Subalit nagpreno ito pagdating sa may pinto. Lumingon.

“Mom, you are not supposed to entertain men-friend in our house. Ano ang sasabihin ni Uncle Steven?” Dinaanan lang nito ng tingin si Romano bago ipinagpatuloy ang paglabas.Nakasunod ang tingin ni Bobbie sa anak sa nanlalaking mga mata. Nang lingunin niya si Romano ay doon din sa dinaanan ni Troy nakadako ang mga mata nito. Was it pain that she saw in his eyes?

Lumingon si Romano sa kanya. “So, it was Steven…” he said gritting his teeth.

Bobbie sighed. Sa kung ano mang dahilan ay hindi niya gustong itanim sa isip ni Romano na may ugnayan sila ni Steven. Tama na ang palabas kahapon na pinasimulan ni Steven. Hinila niya ang silya at naupo roon.

“Steven’s a friend, Romano,” she said tiredly. “Sila ni Kendal. My mother’s marrying Kendal anytime soon. Silang mag-ama ang namulatan ni Troy. He’s calling Kendal “lolo” and “Uncle” kay Steven. Para sa murang isip niya ay father-figure si Steven.“

“Let’s rectify that,” ani Romano. Hinila ang silya sa katapat niya at naupo roon. “Ikinalulungkot ko, Bobbie. Hindi ko man lang nalaman kung babae o lalaki ang naging anak na… mo.”

Biglang napabaling ng tingin si Bobbie kay Romano. Nakita niya ang paghahalili ng matinding lungkot at kapaitan sa mukha nito. And maybe guilt, too. Hindi niya kayang desisyunan kung alin sa mga iyon ang totoong nararamdaman ni Romano. Ngayong personal na nagkatagpo ang mag-ama sa hindi inaasahang pangyayari ay hindi maipagkakaila kung sino ang ama ni Troy. Ang mga larawan ni Romano noong kabataan pa na nakita ni Bobbie noong nasa isla sila ay ang mismong si Troy ngayon.

At nakita iyon ni Romano. Bulag lamang ang hindi makakakita ng pagkakahawig. Even Troy inherited his father’s brown eyes. The arrogance whenever Troy tilted his head was that of his father’s. And the way her son smiled was a shadow of Romano’s.

Ang pagkamanghang nakita ni Bobbie sa mukha ni Romano ay agad niyang hinalinhan na marahil ay pagkadismaya. He was probably scared that one of these days, Troy will come to him and ask his part of the inheritance ngayong nakatiyak itong isang de Silva ang anak niya.

At hindi tatanggihan ni Romano iyon. Sa kabila ng lahat, his family are honorable people.

“Kamukha marahil ng mga de Silva ang anak ko, Romano,” aniya nang makabawi. “Pero sa panlabas na anyo lang. My son is a unique person in his own way. At huwag kang mag-aalala, kaya kong buhayin at pag-aralin ang anak ko sa disenteng paraan. Hindi mangyayari na hihingi ng financial na tulong mula sa iyo ang anak ko.” Binigyan niya ng emphasis ang huling salita. “At siguro’y narinig mo ang sinabi niya kanina. Gusto niyang nasa ibaba na ako sa loob ng sampung minuto.”

Sa pagtataka ni Bobbie ay walang kibong humakbang si Romano patungo sa pinto. Nasa entrada na ito nang lingunin siya.

“Sinabi mo ba kay Troy kung sino ang ama niya?”

“Ipanatag mo ang loob mo. Ang alam ni Troy ay namatay sa isang aksidente ang ama niya nang ipinagdadalang-tao ko pa lang siya. If you’ll ask him, he’d tell you that himself.”

Napatingala si Romano, sandaling napahawak sa hamba ng pinto. Sa wari ay may sakit itong iniinda. At bago pa may masabi si Bobbie ay mabilis na itong humakbang palabas.

Nalaman niya nang bumaba siya sa pool na si Yaya Lucing ang unang nakapuna sa pagkakahawig ng dalawa. Hindi nito sinasadyang maitanong kay Romano kung kapatid ito ng namayapang ama ni Troy dahil magkahawig ito at si Troy. Idinagdag pa ni Lucing na kahit daw ang mga mata ng dalawa ay pareho ng kulay.

And right then and there, Romano must have seen the truth.

Sinabi ni Yaya Lucing na nang iwan sila nito at lumakad pabalik patungo sa hotel ay tila nalugi ito ng maraming salapi sa pagkakalaylay ng mga balikat.

13

ILANG araw ang matuling lumipas na lagi na lang kinakabahan si Bobbie. Kinakabahan at natatakot siyang isang araw ay baka bigla na lamang muling sumulpot si Romano sa pinto ng unit niya.

Hindi niya gustong paniwalaang sa loob ng apat na taong nagdaan ay coincidence lamang ang pagkikita nila. Na nagkataon lamang na naroroon siya nang umagang iyon sa opisina ni Kendal habang ka-meeting ni Steven si Romano. Hindi rin niya gustong maniwalang may inasikasong mahalagang bagay si Nick Gascon kaya si Romano ang humalili rito sa pakikipagnegosasyon sa ADI.

Tila ang pagkikitang iyon ay pinlanong mabuti.

“Posibleng pagkakataon lang talaga ang pagkikita ninyo, hija,” ang mommy niya nang minsang nag-overseas call siya sa La Crouix. “Maliit lang ang Maynila at iisang circle ang ginagalawan ninyo. Hindi mo siya nakita sa loob ng nakalipas na mga taon dahil narito ka sa La Crouix sa mga panahong iyon. Ngayong nasa Maynila ka, hindi kataka-takang magkakatagpo kayong muli.”

“I guess you’re right, ’Ma. Anyway, as soon as Nick Gascon signs the contract, babalik kami kaagad diyan. Naninibago si Troy dito, ’Ma. He likes the sea and the mountain, you know.”

“I miss you both, Bobbie. Kiss Troy for me.”

“And say hello to Ken. And congratulations, ’Ma!”

Napasinghap ang ina niya sa kabilang linya. “S-sinabi na sa iyo ni Ken?”

She laughed. “Masaya ako para sa inyong dalawa.”

“S-salamat, Bobbie. Nag-aalala si Ken na baka hindi mo matanggap na magkaroon ako ng ikalawang asawa.”

“Oh, no worries, Mom. I love Ken. Be happy. I want you both to be happy.”

“Thank you, Bobbie. Kung alam mo lang na ako man ay iyan ang inaasam sa araw-araw, ang makatagpo ka ng bagong pag-ibig at kaligayahan.” She paused, bago mabilis na sinundan ang sinabi. “Pero duda ako kung makakatagpo ka ng bagong pag-ibig, anak. You love Romano so much—”

“’Ma!”

“I am your mother, Bobbie. Nakita ko ang pagdurusa mo nang magkahiwalay kayo. Nabawasan lang ang pait at pagmamahal. Natutuhan mong pakibagayan. Subalit naririyan pa rin sa puso. At dahil hindi naman ginawan ng paraan ni Romano na maging legal ang inyong paghihiwalay ay nakakakita ako ng pag-asa, anak.”

She forced a laugh. “’Ma—”

Ang ano mang kontrang sasabihin niya ay nanatiling nasa isip niya dahil hindi siya binigyan ng pagkakataon ng ina na maisatinig iyon. “’Bye, darling.”

Nais sana niyang sabihin sa ina na ngayon ay natanto niya kung bakit sa nakalipas na mga taon ay hindi nagkapuwang sa puso at isip niya ang ibang lalaki. Hindi rin naman iilan ang nagnais na suyuin siya, ang iba’y nag-aalok na dalhin siya sa harap ng altar.

Ngayon ay alam na niya kung bakit. Iisang lalaki pa rin ang nasa kaibuturan ng puso niya. Si Romano. Tama ang mama niya.

Kinagabihan ay ibinalita sa kanya ni Steven na nasa opisina si Nick Gascon nang umagang iyon at pinirmahan ang pagbibili nito ng fifteen percent shares of stocks sa ADI. At in a week’s time ay makababalik na sila sa La Crouix.

14

KINABUKASAN ng umaga’y hindi inaasahan ni Bobbie ang naging panauhin. Ang huling pagkakita niya sa babae ay apat na taon na ang nakalipas. But then Romano’s in town. Hindi malayong isiping magkasama ang dalawa.

She sighed sadly. Anger had long been gone. May mga bagay na sadyang hindi na mababago.

“Joanna.”

“Maaari ba akong tumuloy?”

Kumunot ang noo niya. Wala siyang balak patuluyin ito sa condo niya. Pero hindi siya bastos at pinapasok ito. May ilang sandali ring sinuri niya ito ng tingin. She must be in her late thirties. Sa biglang tingin, Joanna didn’t look her age. She was still stunning, poised, and with a body men would die for.

Subalit dahil nakikita niya ito sa malapitan at maaliwalas ang buong living room niya dahil salamin ang dingding at nakakapasok ang liwanag ng araw, ay napupuna niya ang mga tanda ng edad. Ang mga kulubot sa gilid ng mga mata nito; ang pinong kulubot sa sulok ng mga labi.

She wondered why Romano didn’t annul their marriage and marry this woman.

“Hindi ako magtatagal, Bobbie,” untag ni Joanna sa pag-iisip niya at inikot ang paningin sa buong paligid. “You’ve got a nice and expensive place here. But then, dapat lang. Quidd owns this condominum building.”

“May sadya ka sa akin?” pormal niyang tanong. hindi niya gustong patulan ang nais nitong ipahiwatig. Joanna was a bitter woman.

Itinuwid nito ang katawan. “Galing ako sa opisina ng Kristine Steel sa Pasong Tamo. Dumaan ako rito dahil ang buong akala ko’y narito si Romano.”

Nagsalubong ang mga kilay niya roon. Hindi niya kailangang itanong kung bakit alam ni Joanna kung saan siya nakatira. “Bakit mo inisip na narito si Romano?”

Nagkibit ng mga balikat ang babae. “Wala siya sa opisina sa Pasong Tamo at wala rin sa pabrika sa Bulacan. Wala rin siya sa bahay nila sa Corinthians. I even thought that he spent the night here.”

Nanlaki ang mga mata niya sa huling sinabi ng babae. “I’m probably cork-witted this morning, Joanna, dahil hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi mo. Maaari mo bang linawin sa akin? Bakit mo iisiping dito nagpalipas ng gabi si Romano?”

“Dumating si Romano kahapon galing ng Paso de Blas. Apat na araw siya roon. May sakit si Julia, ang grandmother niya. At naipangako niya sa matandang babae na isasama ka niya sa farm. You see, Bobbie, inaasahan ng matandang de Silva na magkakabalikan kayo ni Romano.”

“What?” Lalo siyang nalito sa tinatakbo ng usapan.

“Oh, I’m sure, you’d be thrilled, iyon ang sabi ko kay Romano,” patuloy ng babae, isang mapagkunwaring ngiti ang pinakawalan. “Nakasalalay sa pagkakabalikan ninyong muli ang pagsasalin ng buong farm kay Romano bilang panganay na lalaki. Ang tanging ipinag-aalala ko nga lang ay kung paano mo tatapusin ang relasyon mo kay Quidd.”

“Wala akong pakialam kay Romano at sa mga nangyayari sa buhay niya!” aniya, sinisikap kontrolin ang umaahong galit. Then she tsked. “Poor Joanna. Dapat ay itinali mo sa baywang mo si Romano. At hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nakapag-move on. Umaasa ka pa ring pakakasalan ka ni Romano. Have you ever tried asking him why he hasn’t issued me an annulment papers?”

Nakita niya sandali ang pagkislap ng galit sa mga mata nito. Galit na nahalinhan din naman kaagad ng pagsuko, pagkalungkot. Na ang lahat ng mga emosyon gumitaw sa mga mata nito ay agad din namang naitago.

Lumakad si Bobbie patungo sa pinto at binuksan iyon para dito. Walang kibong lumabas si Joanna.

Ilang minuto nang nakaalis si Joanna subalit nanatiling nakatayo roon si Bobbie. Gustong sumabog ng dibdib niya sa galit kay Romano. Trust him to do this to her. Noon pa mang bagong kasal sila ni Romano ay malimit nang sabihin ni Julia na iiwan niya ang farm kay Romano sa sandaling magkaanak ito ng lalaki. Dahil gusto nitong mapanatili ang farm sa ilalim ng pangalang de Silva at magpatuloy iyon.

At ngayon, natiyak ni Bobbie na hindi sinasadya ang pagkikita nila ni Romano. Sinadya nito ang lahat. Natatandaan niyang pagkatapos ng kasal ay kinausap sila ni Julia de Silva. She wanted Romano to inherit the whole ranch. Na hindi kailangan ni Bernard Fortalejo ang ano mang bahagi ng lupain ng mga de Silva dahil ito man ay pag-aari na ang kalakhang bahagi ng lupain at kayamanan ng mga Fortalejo.

Idiniin ng matandang babae na dapat ay magkaanak sila ng lalaki upang maipagpatuloy ang pangalan ng angkan.

The de Silva’s owned one third of the whole Paso de Blas. It was a productive and rich land. Hindi birong pera ang dinadala niyon sa pamilya. At kung walang anak na lalaki si Romano ay tuluyang mawawala ang daloy ng pangalang de Silva sa angkan.

“Huwag mo akong biguin, Romano,” wika ng matandang babae. “Katulad ng nuno mong si Don Leon Fortalejo, ay pinaghirapan ng lolo mong si Ernesto ang lupaing ito. Mas nauna ang de Silva sa islang ito kaysa kay Leon. Ikinagagalak kong nasa iisang pamilya lamang ang buong isla subalit hangad kong manatiling nasa pangalan ng Lolo Ernesto mo ang bahaging ito sa susunod pang henerasyon.” sumandal sa wicker chair ang matandang babae at sandaling ipinikit ang mga mata, as if in pain.

“Lola, are you all right?” nag-aalalang tanong ni Romano. Sa nakalipas na mga araw ay naging masasakitin si Julia dala ng katandaan.

Nagmulat ng mga mata ang matandang babae at payak na ngumiti. “Naalala ko lang si Ernesto, apo. Napatawad ko si Alfon sa paghahasik ng gulo at himagsik sa dalawang pamilya. Napatawad ko si Leon sa hindi sinasadyang pagkakapatay sa lolo mo dahil ipinagtanggol lamang nito ang sarili. Subalit masakit pa ring isiping kay tagal kong nabuhay sa mundong ito gayong kay tagal na niyang wala. Ni hindi niya nasilayan ang apo niya kay Alicia.” ang tinutukoy nito ay si Bernard na anak ni Alicia kay Don Leon Fortalejo.

“Grandma, masama sa iyo ang mag-isip at malungkot. Magpahinga na kayo,” ani Romano sa abuela.

Ginagap ni Julia ang kamay ng apo at ikinulong sa mga palad.

“I’m old, Romano. Hindi ko kayang maghintay ng matagal na panahon. Gusto kong makita ang unang anak na lalaking magmumula sa iyo.” nilingon nito si Bobbie na nakayuko lang. “…sa inyong mag-asawa.”

And now the old lady’s dying? At kailangan ni Romano ng isang asawa uli at isang ready made na anak na lalaki. Her thought was so bitter she could almost taste it.

“Damn him! Damn, damn him!”

15

HINDI siya mapalagay. Alam niyang darating si Romano ano mang araw o oras kung totoo ang sinasabi ni Joanna. Dahil walang dahilan kung bakit ito magsisinungaling. Kasabay niyon ay ang kaba. Ano ang iniisip ni Romano para kay Troy? Would he take him away from her?

She closed her eyes. Hindi niya gustong isipin iyon. Romano’s family was so influential. Magagawa nito ang gustong gawin.

Nang mag-echo ang musika mula sa door chime bandang alas-tres y media ay napaigtad si Bobbie. Binuksan niya ang pinto.

“Hello, Bobbie.”

“Romano…” she uttered his name without any emotion. Ang tambol sa dibdib niya’y lalong lumalakas.

Pinaglakbay ni Romano ang mga mata sa kabuuan niya. She saw the familiar desire and hunger in those brown eyes. Hindi man niya gustong aminin ay totoong naapektuhan siya. Gayunman hindi niya kailangang magpadala sa damdamin dito.

“Puwede ba akong pumasok?”

“Ano ang kailangan mo, Romano?” It had been days since she last saw him. At kung hindi niya aawatin ang sarili ay ipagkakanulo niya ang damdamin dito. Na pinanabikan niya ito; na wala nang laman ang isip niya kundi ito.

“Nasaan si Troy?” tanong nito kasabay ng pag-ikot ng paningin na sa wari ay nasa loob lang ng living room ang hinahanap.

“Nasa montessori at hindi pa umuuwi,” kalmante niyang sagot bagaman hindi iyon ang nararamdaman. “kasama ng yaya,” idinagdag niya dahil nakita niya ang mabilis na pagkunot ng noo nito.

Sukat doon ay nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. “Hindi mo dapat ipinagkakatiwala sa ibang tao ang bata, Bobbie!” wika nito na ang pagkakakunot ng noo ay lalong lumalim. And Bobbie saw a hint of fear in his eyes.

Naguluhan siya. Sa nakalipas na taon mula nang magkaisip si Troy ay hindi siya sanay na may ibang kumukuwestiyon sa paraan niya ng pagpapatakbo sa buhay ng anak. Hindi at nalaman na ni Romano na anak nito si Troy ay makikialam ito sa ano mang desisyon niya para sa anak.

“Saang montessori naroroon si Troy? Ano ang oras ng labas?” he demanded, nag-aapura ang tinig. Naguguluhan man ay napilitang magsabi si Bobbie.

Hinugot ni Romano ang cell phone sa bulsa ng pantalong maong at may idinayal. Napasinghap si Bobbie sa narinig na iniuutos nito sa kung sino man ang kausap. Para siyang nanonood ng isang eksena sa sine sa mga sinasabi at iniuutos ni Romano sa kausap nito.

“What are you doing!”

“My brother-in-law’s friends will watch the boy,” bale-walang pahayag nito. “Don’t worry, hindi malalaman ng kahit na sino na binabantayan nila ang bata.”

“This is incredible!” bulalas niya. “Bakit kailangang bantayan si Troy?”

“Hindi gugustuhin ng pamilya ko na yaya lang ang kasama ni Troy—”

“Who cares about your family!” Naubos ang pagtitimpi niya. “Sa loob ng tatlong taon ay mag-isa kong binuhay at inalagaan ang anak ko.”

Napabuntong-hininga si Romano. “Hindi ko maiaalis sa iyo ang magsalita nang ganyan. Nagkulang ako. Hindi ko alam kung paano ko mapagtatakpan iyon. At sa nakalipas na mga taon ay nasa isang isla kayo sa Caribbean. Walang nakakaalam kung sino si Troy. Muntik nang ma-kidnap si Jade dalawang taon na ang nakararaan. At hindi biro ang kidnap threats na tinanggap ng pamilya ko sa nakalipas na mga taon.”

“No one will ever think of kidnapping my son, Romano,” she said gritting her teeth. “Just get out of our lives again! Simple lang ang buhay naming mag-ina. Next week, babalik kami sa La Crouix at doon ay hindi ko alalahaning ang pamilya ng anak ko’y nabibilang sa kilalang angkan.”

“Natural lang na mag-alala ako, Bobbie. I am his father.” Banayad ang tinig nito. Sa wari ay humihingi ng pang-unawa.

Nilunok niyang lahat ang masasamang salita na gustong mag-alpasan sa bibig niya para sa taong ito. Pinigil ang sariling dumampot ng anumang bagay na maaari niyang ibato sa aroganteng lalaking ito.

And she was so proud of her self-control as she said smoothly: “Wala akong natatandaang naging ama ka, Romano. Lalong higit bilang ama ng anak ko.”

“Ikinalulungkot ko ang nakalipas na mga taon, Bobbie,” he said softly. Tenderness in his eyes as his gaze lingered on her face. “I am going to make up for the lost years. Gagawin ko ang lahat upang—”

“Make up? Anong make up ang pinagsasasabi mo? Sa pagkakatanda ko’y itinanggi mong anak mo si Troy. Na ang pag-uusap nating iyon sa telepono sa nakalipas na halos apat na taon ay ang kahuli-hulihan? You’re incredible, Romano. Itinanggi mong anak mo siya bago ko pa man lang maisilang si Troy. At ngayon, heto ka at basta na lang sasabihin sa aking anak mo si Troy?”

“Tapos ka na ba?” he asked softly, amusement in his voice.

“Yes,” nahahapo niyang sagot at naupo. “Sabihin mo sa akin kung ano ang ipinarito mo at umalis ka na pagkatapos. Ayokong datnan ka na naman ni Troy dito. Narinig mo ang huling sinabi niya. My son was so attached to Steven. Kahit sinong lalaki ay pag-iisipan niya ng masama.”

Humakbang ito palapit sa kanya at naupo sa tabi niya. Akma siyang tatayo subalit mahigpit siyang nahawakan ni Romano sa braso.

“Please, gusto kong mag-usap tayo nang maayos. Gusto kong magpaliwanag, maaari ba?”

Please. Hindi makapaniwala si Bobbie na nakikiusap si Romano. Nang mula sa kung saang bahagi ng isip ay tila echo ang tinig ni Joanna sa dahilan ng pagparito ng lalaking ito. Gusto niyang itaboy ito subalit naiintriga siya sa paliwanag na sinasabi nito.

“Anong paliwanag ang gusto mong sabihin, Romano?” she asked sweetly. Sinikap na ngumiti sa kabila ng pagpupuyos ng dibdib.

A flash of triumph crossed his eyes. “Thank you for giving me this chance.” nag-alis ito ng bara sa lalamunan. Niluwagan ang pagkakahawak sa kamay niya and settled it against his warm thigh.Erotic flashes filled Bobbie’s mind but dismissed it instantly.

“Sa nakalipas na mga araw ay… ay gumawa ako ng mga pagsusuri para sa aking… sarili. Troy’s my son, there’s no doubt about it. Dapat ay noon ko pa ginawa iyon,” he said painfully at nagsalubong ang mga kilay ni Bobbie. “Nakagawa ako ng isang pagkakamali sa ating dalawa…”

Pagkakamali? He had almost destroyed her.Nagpatuloy si Romano. “I thought I wasn’t capable of fathering a child, Bobbie…”

“What?” Marahas siyang napatayo.

Subalit hinawakan siya nito sa braso at muling hinila paupo. Iwinaksi niya ang kamay, gayunman ay naupong muli.

“Please hear me, Bobbie.”

“Iyan ba ang paliwanag na gusto mong sabihin sa akin?” Nanlilisk ang mga mata niya sa galit. Muling pumasok sa isip ang sinabi ni Joanna sa kanya. “Don’t invent a myth, Romano, para lang pagtakpan ang ginawa mo.”

“Bobbie, listen,” pakiusap nito. “Ang nangyari ay isang malaking pagkakamali sa bahagi ko. Inaamin ko iyon and I have suffered for it for the last four years. At kung bibigyan mo ako ng pagkakataon ay gusto kong punan sa iyo… sa inyo ni Troy ang mga pagkukulang ko.

“Alam kong hindi madali para sa iyo na tanggapin ang sinasabi ko. But I promise that I will do everything within my power to make you happy… to make you both happy.” His eyes, dark with emotion bored into hers at tumatagos iyon hanggang sa pinakaibuturan ng pagkatao niya.

Sa isang sandali’y gustong bumigay ni Bobbie sa pakiusap na ibinabadya ng mga mata nito, the sensual warmth of his voice, nang maalala niya si Joanna… ang sinabi nito sa kanya sa parking lot may apat na taon na ang nakalipas. At ang sinabi ng babae nitong huli lang kung bakit biglang-bigla ay muling lumitaw si Romano sa buhay niya. Sa buhay nilang mag-ina.

“Tigilan mo na ako, Romano,” wika niya sa determinadong tono. Nagliliyab ang mga mata sa galit. “Ikaw pa rin ang Romano na nakilala ko. You will do everything… anything to get what you want. But you’re wrong. Hindi na ako ang dalagitang halos sambahin ka. Umalis ka na at huwag mo na kaming gambalaing mag-ina!”

“Bobbie, please…”

“Ako ang nakikiusap sa iyo, Romano. Maayos ang buhay namin bago ka muling nagpakita. Hindi ko nais na magulo ang buhay ni Troy dahil lang biglang-bigla’y nagbago ang isip mo,” sarkastikong dagdag niya. “Sinabi ko sa kanyang patay na ang ama niya.”

“Bakit mo sinabi iyon?” may kapaitang maririnig sa tinig nito.

“You disowned him! Mahirap bang maintindihan iyon? Ano ang sasabihin ko sa anak ko? Na ang sariling ama niya ay itinanggi na siya hindi pa man siya ipinapanganak?”

Maraming salamat mga beshie sa mga mensahe n’yo at mga comments, sana tuloy-tuloy lang tayo sa pag-comments at pag-vote baka matuwa ang PHR managements sa atin at isend na sa akin ang iba pang files char hahahaha. At para maging happy din tayo hahahaha. Sana all happy char. Kumusta kayo? Comment-comment din mas masarap kaya magbasa ng comments, kaya nga mas madalas pa akong online dito keysa sa FB eh hahahaha. Mas gusto ko dito na kausap kayo since masaya akong kausap kayo at sana all tuloy tuloy lang tayo sa pagmamahalan char hahahaha. Sana all love, take care mga beshie. If may suggestions kayo or comments or kung ano’ng gusto n’yo sabihin comment lang? G? char hahahaha. God bless. - Admin A

16

ROMANO groaned. Kung tinarakan siya nito ng punyal sa dibdib ay baka hindi pa niya gaanong daramdamin. But these are the consequences he had to suffer. He stared at her for a long while. 

Nagkamali siya. Isang napakalaking pagkakamali. Hindi minsan man nawala sa puso at isip niya si Bobbie. Ang inaakala niyang pagtataksil nito ay nagdulot ng matinding sakit sa damdamin niya. Halos ikamatay niya. Kung wala ang responsibilidad niya sa Kristine Steel ay baka hindi niya nakayanan.

Sa unang mga buwan ay tila siya buhay na patay. Humihinga lamang dahil kinakailangan. Ilang daang beses niyang dinampot ang telepono at tawagan ito upang muli ring ibagsak sa cradle. Hindi miminsang dumating sa punto na ninais niyang sundan ang asawa sa Pilipinas. Kalimutan ang pride, ang sama ng loob, ang galit.

Nais niya itong patawarin sa inaakala niyang ginawa nitong pagtataksil. Nais niyang limutin iyon at angkinin ang batang inakala niyang bunga ng kataksilan nito. Dahil hindi niya kayang mabuhay nang wala ito. Ang bata ay sagot sa malaking suliranin niya sa kanilang dalawa ni Bobbie. Hindi kailangan ng mga magulang niya… ng pamilya niya. Pero ang kaisipang may ibang lalaking nakipagtalik sa asawa niya ay sapat upang ang lahat ng matitinong pangangatwiran ay maglaho sa isip niya. Ang matinding panibugho ay pumapatay sa kanya.

Hanggang sa unti-unti ay nakaya niyang pakibagayan ang paghihiwalay nila ni Bobbie. Though for years now, he’d tried to locate her, to know her whereabouts. Kung ano na ang nangyari dito. Kung nagkaasawa ba itong muli. Kurt was a very resourceful man. Nang wala ito kaagad maibigay na resulta sa kanya ay ganoon na lang ang takot na namahay sa dibdib niya. She could be dead or what.

Ngayon ay inasam niyang sana’y ginawa niya ang dapat gawin noon pa man. Wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili niya.

“Bobbie, listen,” he said after awhile. “Ikaw na rin ang nagsabing ako pa rin ang Romano na nakilala ko. Na handa kong gawin ang lahat ng bagay mapasaakin lamang ang gusto ko. I am a ruthless man in the business world, darling. Tangay ko marahil ang ugaling itinuro sa akin ng aking pamilya upang mapanatili ang kompanyang pinaghirapan ng aming nunong si Leon…”“Saan patungo ang usapang ito, Romano?”

He sighed. “Kaya kong gawin ang mga bagay na hindi mo iisiping magagawa ko, Bobbie. Blackmail for one. You know Uncle Nick hasn’t signed the documents yet. Bukas pa ang dating niya mula sa Las Vegas—”

Napatayo si Bobbie. Sindak na napatitig sa kanya. “Hindi mo magagawa iyan, Romano!“Tumango siya. “No, I won’t do it, Bobbie. I am only stressing a point. Na kaya kong gawin ang ano mang paraan upang mabawi ko kayong mag-ina. Kaya kong hingin sa korte na sa akin mapupunta ang custody ni Troy—”

Nanlaki ang mga mata nito. Nagsisimula ng gumitaw sa isip ang kung ano-anong eksena. Hinawakan ito ni Romano sa kamay, sinisikap na ipalagay ang damdamin niya.

“I won’t do that, too, Bobbie. Isa lamang punto na gusto kong patunayan sa iyo. As many people know, hindi ligtas ang aking pamilya sa ano mang panganib mula sa masasamang tao. May mga patunay sa bagay na iyan. Dahilan upang mahimok ko na ibigay sa akin ng korte na ipagkaloob sa akin ang custody sa aking anak…”

Gusto ni Romano na sipain ang sarili sa nakikita niyang paghahahalili ng takot at galit sa mukha ni Bobbie. Takot para sa anak nito na baka mawala ito rito. Galit para sa kanya.

“What do you want?” tanong nito sa nanginginig na tinig.

“You and Troy. Back to me.”

“No.”

Umangat ang mga kilay niya. “No, Bobbie?”

“Why are you doing this? You don’t need us.”

“That is where you are wrong, my dear. I need you and Troy. So much you can’t even begin to know.” Puno ng emosyon ang tinig nito.

17

BOBBIE wanted to hate Romano. Kung ang kaisipang posible nitong maihinto ang negosasyon sa pagitan ng ADI at ng Gascon Internationl ay baka mamuo ang poot sa dibdib niya. Dahil maapektuhan niyon ang kaligayahan ng ina at ni Kendal.

Subalit hindi poot ang namahay sa dibdib niya kundi takot. Matinding takot para kay Troy. Dahil walang kahirap-hirap na magagawa ni Romano na mapunta rito ang anak. And then what would happen to Troy? Hahanapin siya ng anak niya. At siya, kaya ba niyang matulog nang wala ito sa tabi niya?

Kaya ba niya ang minsanan sa isang linggong pakikipagkita sa anak? Troy would be sent to expensive schools. Sa ibang bahagi ng mundo kung saan posibleng taunan kung madadalaw niya. Lalaki si Troy na wala siya. At hindi niya kaya iyon. At paano kung masanay si Troy na wala siya sa tabi nito?

A sob came out of her lips.

Worriedly, Romano reached for her hand. Pero iwinaksi niya iyon. "Alam ko kung bakit mo ginagawa ito, Romano..."

"First reason, nais kong mabalik kayong muli sa akin, Bob..."

"Hindi iyan ang dahilan!" Tumigas ang mukha niya. Isa-isang sinabi rito ang tungkol sa kalagayan ni Julia; ang pagiging maysakit nito; ang pagnanais nitong magkaroon ng apong lalaki.

Romano sighed sadly. "I said that was my first reason. Ang ikalawang dahilan ay si Lola Julia, tama ka. Matagal nang maysakit si Lola, Bobbie. Alam ng lahat sa pamilya na iyan ang isa sa mga kahilingan niya. At kung hindi kita nakatagpong muli, sa palagay mo ay mapipigilan niyon ang pagkamatay niya?"

Nalilitong nag-angat siya ng paningin dito. Ang luhang nakabanta ay nanatiling kumikislap sa mga mata niya.

"Kay dali sa aking mag-ampon ng bata, Bobbie. A six-month old baby with brown eyes will suffice. Hindi pa defined ang anyo ng bata sa ganoong edad. But I'd rather see my beloved grandmother die without knowing that there's no grandson to carry the family name. I may be a lot of things to you, my darling. Pero hindi ko gustong dayain ang matandang labis kong minamahal. Kung may nais man akong ipakitang apo ay ang dugo ng kanyang dugo at laman ng kanyang laman. At si Troy iyon."

Bobbie was speechless. May sense ang mga sinasabi nito kung ikukumpara sa sinabi ni Joanna sa kanya bagaman pahiwatig ang malisya. Pero mahusay si Romano sa lahat ng bagay.

"My grandmother's dying anytime, Bobbie. It matters less if she dies without knowing she has a grandson. Subalit kung ikaliligaya niyang malaman ang tungkol kay Troy ay bakit hindi ko gagawin? Ang makita si Troy ay hindi magdudugtong ng taon sa buhay niya. But I want her to be happy. Na ang sanhi ng kaligayahan niya ay dahil may apo siyang magdadala ng pangalan ni Lolo Ernesto." Romano's voice cracked. And Bobbie didn't think of it as a fake emotion. Alam niya kung gaano kamahal ni Romano ang abuela.

Tumayo si Bobbie. Kumuha ng paper towel sa rack at pinahiran ang mga mata at suminga. Hindi niya gustong tanggapin nang ganoon kadali ang sinasabi ni Romano. Pero bakit niya kailangang patagalin ang lahat kung doon din naman ang tungo ng pasya niya?

Kumuha siya ng coffee grind sa cupboard. Pagkatapos ay isinalang ang coffee maker. She was so tensed that she wanted to keep her hands busy.

“Does that mean ‘yes,’ Bob?”

Suminghot pa rin siya subalit hindi sumasagot. Hindi siya makapaniwalang sa kapirasong mga paliwanag ay heto siya at bumibigay. Pero hindi ba at karapatan naman din ni Troy na makilala ang pamilya ng ama nito? Kung hindi man direktang maipakilala niya si Romano?

Kailan niya itatago sa anak ang tungkol sa ama nito? Soon, malalaman ni Troy iyon. Ano ang magiging damdamin ni Troy kapag nalaman nitong inilayo niya ito sa pamilya nito? The possibility that her son would hate her wasn’t that remote.

“A-ano ang plano mo ngayon?”

Romano smiled triumphantly and Bobbie wanted to kick his handsome face. “Bibiyahe tayo patungong Paso de Blas bukas ng umaga sakay ng private chopper.”

Tumango siya. Nang magsimulang mag-drip ang coffee maker ay umabot siya ng dalawang tasa sa cupboard.

“Nais kong makausap si Troy, Bobbie,” ani Romano, puno ng excitement ang tinig. “Gusto kong malaman ng anak ko na ako ang kanyang ama.”

Nabitiwan ni Bobbie ang isang tasa at bumagsak iyon sa marmol na counter at nabasag. Mabilis na tumayo si Romano at hinawakan siya at ipinaupo. “You are so tensed, Bobbie. Hindi ko alam kung bakit kailangan mong maging ganyan.”

“Ako ang magsasabi kay Troy sa bahaging iyan, Romano,” she said. If she allowed Romano to tell her son about his father, ang posibilidad na magalit ang anak sa kanya ay naroroon. At hindi niya kaya iyon. “Ano mang paliwanag ay dapat na sa akin magmula.”

“Kung iyon ang gusto mo. Pero gusto kong malaman niyang ako ang kanyang ama.”

Tumango siya. Sandali niyang nalimutan kung ano ang magiging epekto nito kay Troy. Sa pagkakaalam ng anak niya’y wala itong ama. Ngayon, mula sa kung saan ay lumitaw si Romano upang ipakilala ang sarili bilang ama. Napakabata pa ni Troy para maipit sa kanilang dalawa ni Romano.

“He loves Steven…”

“Hindi ako tatanggap ng anumang dahilan, Bobbie,” determinadong wika nito, gumuhit ang panibugho sa dibdib para kay Steven. “Gusto kong malaman ni Troy na ako ang kanyang ama.” humakbang ito palapit sa kanya. Hinawakan siya sa magkabilang balikat at itinayo. “Babalik ako bukas ng umaga para sunduin kayo. Bago mananghali. Sa Monique Hotel na tayo magtanghalian.”

Tila bakal ang mga kamay nito sa balikat niya. Ang mukha nito ay ilang pulagada lang mula sa mukha niya. She could even smell his warm breath. Unti-unti ang paggapang ng kilabot sa katawan niya.

Gusto niyang itulak ito palayo subalit sa halip ay bahagya niyang itinaas ang mukha at pinanabikan ang paglapat ng mga labi nito sa mga labi niya.

At hindi siya nabigo. Romano claimed her mouth with so much hunger. Ang mga braso nito ay pumalibot sa katawan niya at mahigpit siyang niyakap. Napaungol si Bobbie. She was kissing him as fiercely as he was kissing her.

Dahil na lang marahil sa kailangan ng hangin ang mga baga nila kaya siya pinakawalan ni Romano. Sinapo nito ang mukha niya at tinitigan siya. “I missed you, Bob…”

Mabilis siyang kumawala. Hindi siya makapaniwalang tinraydor siya ng katawan niya. Nanghihinang napaupo siyang muli sa binakanteng silya. Her lips still throbbing from his kiss. And if truth be told, she wanted right now more than just a kiss from him.

“Kung ako ang masusunod, darling, gusto ko na kayong isama ngayong oras na ito ni Troy pabalik sa Corinthians. Pero tama ka. Ayokong biglain si Troy.” Yumuko ito at hinagkan siya sa ibabaw ng ulo. “Huwag kang mag-alala. Nangangako akong magiging maayos ang lahat.“Matagal nang nakaalis si Romano ay hindi pa rin tumitinag si Bobbie. Walang lakas ang mga tuhod niya para tumayo.

She groaned in desperation. Muli ay nariyan silang dalawa ni Joanna, laging available sa pangangailangan ni Romano. At sa pagkakataong ito ay hindi lang niya ang sarili ang isasaalang-alang. Nariyan si Troy na may karapatang makilala ang sariling ama.

18

“HEY,” aniya sa anak na naglalaro ng computer. “It’s eight o’clock. Dapat ay natutulog ka na.” “Hindi ka pa rin natutulog…” sagot nito pero patuloy sa paglalaro sa playstation. “Saka, Mommy, tomorrow’s a Saturday. Walang pasok.”

Huminga siya nang malalim at tinitigan ang anak nang matagal. Nanatili siya sa ganoong ayos nang malinungan siyang muli ni Troy. Kumunot ang noo nito. 

"Why are you staring at me, Mom? And why do you look so worried?"

"Because I'm afraid you might hate me."

Lalo nang lumalim ang kunot ng noo ng bata. "I won't hate you. Ever. You are my mom and I love you."

"Promise?"

"Promise."

"Even if what I am about to tell you is about your father?"

"What about him? Sabi mo nasa Saudi siya at matagal pa ang uwi."

Napaungol nang lihim si Bobbie. "N-nakauwi na siya."

Nahinto sa pagpindot sa laruan si Troy at nilingon siya. "Nakauwi na?"	Tumango siya. Sinuri niya ng tingin ang anak. He's three years old and five months. Pitong buwan nang ipinanganak niya ito. Ang dinidibdib niyang dalamhati marahil sa ginawa ni Romano ang dahilan kaya maaga niya itong ipinanganak. Gayunman, Troy was mature for his age. Matalino. Pero hindi biro ang ipinakikipag-usap niya sa anak ngayon.

“Where is he? Bakit hindi niya tayo pinuntahan?”

“He’ll be here tomorrow.”

Excitement filled his face. “Magkikita na kami?”

“Yes.”

May kumislap sa mga mata nito. “Really?”

“Really.” Puno ng excitement ang nahihimigan niya sa tinig ng anak.

“Then I can tell my classmates that Uncle Steven is really my uncle and that I have a real daddy.” Tumango siya. “Kailan ko siya makikita, Mom?”

“You’ve met him already.”

Namilog ang mga mata nito. “When? Why didn’t you tell me? Why he didn’t tell me he’s my dad?”

“Remember the man who pulled you out from the pool?”

“That was my dad!” he exclaimed. Muli siyang tumango. “Gee! Sabi ni Yaya Lucing magkamukha kami.”

“You think so, too?”

Sandaling gumuhit ang kalituhan sa mukha ni Troy. “I didn’t really give him a close look. But if he’s my dad then dapat kamukha ko siya talaga.”

“Hindi ka galit kasi hindi siya nagpakilala?”

“I’m just glad I have a dad, Mom,” he said and smiled. “Kaya lang worried ako para kay Uncle Steven. He probably thought he’d be my dad.”

She smiled. “Come here, big bear.” Tumayo ang bata mula sa pagkakasalampak sa sahig at lumapit sa kanya. Niyakap niya ito. “Uncle Steven will always be Uncle Steven. And you know he loves you. But a daddy is a daddy. And you know, you have so many uncles and aunts and cousins, too.”

“And lola, too?”

“Yes. And tomorrow, may dalawang lola ka pang makikilala.”

“Wow.”

ALAS-ONSE na ng gabi pero nasa harap pa rin ng drawing board si Bobbie. Kailangang tapusin niya ang mga panghuling sketches sa interior ng hotel sa La Crouix. Hindi man siya makababalik kaagad sa Caribbean ay matapos man lang niya ang plano.

Pag-alis ni Romano ay tinawagan niyang una ang ina at sinabi rito ang pagsang-ayon sa balak ni Romano. Pagkatapos ay si Kendal who was only too glad na magkakabalikan sila. Romano’s a fine man. Iyon ang sabi ni Kendal at kailangan ni Troy ng ama. She made a wise decision. She groaned helplessly. Hindi niya masabi rito ang totoong sirkumstansiya ng pakikipagbalikan kay Romano.

Kanina pa tulog si Troy at ganoon na lang ang pasasalamat niya na hindi naging mahirap ang pagtatapat niya sa anak. Children were very resilient. At kung ang reaksiyon ni Troy ang pagbabasehan niya ay mas na natuwa pa itong nalamang may ama ito. O dumating na ang ama nito. Her lies were never even questioned.

NAGISING si Bobbie sa mga tinig na naririnig niya mula sa labas. Nakita niyang nakabukas ang pinto ng silid niya at wala na sa tabi niya si Troy. Mabilis siyang bumangon. Sinulyapan ang relo sa side table. Alas-diyes ng umaga! At kilala niya ang tinig na naririnig niyang kausap ng anak.

Sinuklay niya ng kamay ang nakasabog na buhok. Kinuha ang tuwalya at nagpunas ng mukha. Sandali lang sinulyapan ang sarili sa salamin sa tokador at nagmadaling lumabas. Sa sala ay naroroon ang mag-ama. Si Romano ay nakaupo sa pang-isahang sofa at si Troy ay sa mahabang sofa. Sa kusina ay si Yaya Lucing na naghahanda ng almusal.

"Mom!" tawag ni Troy nang matanawan siya.

Tumayo si Romano subalit inawat niya ito at muling isinenyas na maupo. She swallowed. Nag-utos siya ng kape kay Yaya Lucing.

"Anong oras ka dumating?" tanong niya kay Romano.

"Not long. Ten... fifteen minutes ago. Hindi kita gustong gisingin. Alam kong puyat ka."

"H-have you two—"

"Gising na ako, Mommy, bago pa dumating si... si... Daddy." Troy smiled sheepishly at Romano. 

And Romano was looking at his son with rare tenderness on his face. “Gusto ko gising ako kapag dumating siya. Sabi ni Mommy ay darating ang daddy ko ngayon. And you are him.”

Bobbie's heart went out to her son. Inabot niya ang kape na ibinigay ni Yaya Lucing. The cups and saucer rattled at her hands. Naupo siya sa katapat ni Romano.

"I was about to tell him that I thought he's dead..."

Napaungol nang pailalim si Bobbie kasabay ng pagpikit ng mga mata.

“Iyan ba ang sinabi sa iyo ng mommy mo?” tanong ni Romano.

Nakatutok nang husto kay Romano ang mga mata ni Troy. “Hindi sinabi ni Mommy iyon. Yaya Lucing guessed your dead.”

“Oh.” napaungol muli si Bobbie. Sinabi niya kay Romano na sinabi niya kay Troy na patay na ang ama nito.

“Well, your yaya guessed wrong, Troy, because—”

Troy wrinkled his nose. “Anyway, I didn’t believe her,” putol ni Troy na ang excitement sa mukha’y unti-unting gumigitaw. “Are you really my dad?”

Romano smiled tenderly and hesitantly reached for the child. “Come, son, may ipakikita ako sa iyo.”

Mabilis na tumayo si Troy. Si Bobbie, on instinct, ay agad ding tumayo sa pag-aakalang isasama ito ni Romano sa labas.

“Hindi kami lalabas ng silid, sweetheart.” nakangiti si Romano subalit may babala ang tinig. 

“Papasok kami sa kuwarto mo.” Kinarga nito ang anak at pumasok sa kuwarto nilang mag-ina. Ibinaba ni Bobby ang tasa sa platito nito na nasa coffee table at atubiling sumunod.

Huminto ito sa harap ng malaking salamin sa closet. “Tingnan mo tayong dalawa, Troy, we have the same brown eyes and skin color. Your nose—”

“is like yours,” maagap na dugtong ng bata na ngumiti. Sinipat ang ilong ng ama. “But mine is smaller…” Humagikgik ito. Subalit bigla ring napalis ang ngiti at tinitigan ang ama. “Aalis ka uli? Iiwan mo kami uli ni Mommy? Babalik ka sa Saudi?”

19

“SAUDI?” Sinulyapan ni Romano si Bobbie na umiwas ng tingin. Then he groaned inwardly. 

Biglang nagbara ang lalamunan. Hinapit niya ang anak at mahigpit na niyakap. “Never, son. Never again,” nagsikip ang lalamunang bulong niya. Nag-init ang mga mata. “Hindi na babalik sa Saudi si Daddy.” Sa huling sinabi ay naroon na ang himig ng kaaliwan. Saudi? Did Bobbie really tell their son that he was assigned in Saudi Arabia?

Mabilis na kumawala si Troy at tumingin sa ina. “Talaga bang siya ang daddy ko, Mom?” Sumulyap si Bobbie kay Romano at nakita niya ang babala sa mga mata nito. She swallowed. 

“Yes, Troy. He’s really your… father.”

Ibinaba ni Romano ang anak. “At makikilala mo ang Lolo Marco at Lola Emerald mo mamaya, Troy. You will also meet your uncles and aunts.”

“Really, Dad?”

“Really. We’ll go to the island today. Isasakay ko kayo ng mommy mo sa chopper.“Nagsalubong ang mga kilay ng bata. “Island? Like La Crouix?”

“Lovelier than La Crouix, Troy.” Puno ng pagmamalaki ang tinig ni Romano.

“Oh, Mom, did you hear that?” Excited na nilapitan ni Troy ang ina na tumango at sapilitang ngumiti. “Pupunta tayo sa island, Mommy, sakay ng chopper. Wow!“Mula sa nakabukas na pinto ay sumungaw si Lucing. “Nakahanda na ang almusal ninyo.”

“Yaya Lucing, siya ang daddy ko.” excited na nilapitan ng bata ang yaya. “He isn’t dead really like you told me.”

Nailang ang yaya at tumikhim. Hinawakan sa kamay ang bata at hinila sa labas. Si Romano ay inakbayan si Bobbie. Nais niyang iiwas ang sarili subalit humigpit ang kamay ni Romano sa mga balikat niya.

“Huwag mong gawing mahirap ang lahat, Bobbie. Nagpapasalamat akong nasabi mo na kaagad kay Troy ang tungkol sa akin.” He looked down at her. “Saudi? How original, my love.”

Marahas siyang kumawala at naunang lumabas ng silid.

SI ROMANO ang nagpalipad ng chopper. Hindi kayang bayaran ni Bobbie ng kahit na anong halaga ang katuwaan sa anak. May nakakabit na headset dito para marinig nito ang sinasabi ng ama habang nagpapalipad ito.

Sa ilang sandali ay nakadama siya ng panibugho. Sa nakalipas na apat na taon ay sa kanya lamang nakatuon ang buong pansin ni Troy. Ngayon ay kahati na niya si Romano. She knew she was being unreasonable but she couldn't help it.

Pagkalipas ng mahigit sa kalahating oras ay lumapag na ang chopper sa de Silva farm.

20

“THREE years and five months old!” bulalas ni Emerald bago pa napigilan ni Romano ang ina. 

“Mag-aapat na taon na ang apo ko pero ngayon mo lang ipinakita sa amin?” Naghihinanakit na tumingin kay Bobbie ito sa pagkabigla niya. Pagkatapos ay niyuko si Troy.

“Emerald.” banayad na hawak ni Marco sa balikat ng asawa. “Hindi natin alam kung bakit nangyari ang ganoon.”

Napahikbing muling nag-angat ng mga mata ito. “I’m… sorry, Bobbie. I shouldn’t have said that…” pinahid nito ng kamay ang namumuong mga luha at dahan-dahang nilapitan si Troy. 

“Oh, my god, Marco, ang apo natin!”

“Are you my lola, too?” si Troy. Tumango si Emerald na ang mga mata’y buong pananabik na nakatitig sa munting mukhang nasa harap. “You’re very lovely…” dagdag ng bata na inikot ang paningin sa mukha ni Emerald.

“What an adjective coming from a three-year-old. Now I believe you really are my grandson,” nakatawang wika ni Marco bagaman gumagaralgal ang tinig. “Now, Troy, give that lovely lady a bear hug and a kiss.”

Sumunod ang bata at niyakap si Emerald at hinagkan. Humagulhol ng iyak si Emerald at niyakap nang mahigpit si Troy.

Umiwas ng tingin si Bobbie at humakbang patungo sa veranda sa labas. Mula roon ay tinanaw ang malawak at berdeng kaparangan. Sa loob ng isang linggo, apat na taon na ang nakalipas, ang lugar na ito’y isang paraiso sa kanya. Walang kahalintulad sa alinmang lugar sa buong mundo. Narito sa lugar na ito ang unang maliligayang araw niya sa piling ni Romano.

At bagaman apektado na ng modernization ang world-class Kristine hotel and resort ay hindi ipinahihintulot ng pamilya na ang mga turista ay lalampas sa boundary na itinalaga para sa mga ito. Nanatiling pribado ang napakalaking bahagi ng isla.

Ang ilang bahagi ng isla ay ni hindi pa nasisilip ng mga foreigner. Lalo na ang isang bahagi ng gubat kung saan naroroon ang mga preserved animals and birds. Naroon din ang mga ligaw at eksotikong bulaklak at orkidyas na sa islang iyon ng Paso de Blas lamang matatagpuan.

Nasa kagubatan din ng Paso de Blas ang dalawa sa iilan na lamang na natitirang Monkey-eating Eagle. Minsan na niyang nakita ang paglipad niyon nang ibigay sa kanya ni Romano ang teleskopyo. And the bird almost took her breath away.

Pero kay daling naglaho ng kaligayahan niyang iyon. Ni hindi sila umabot ni Romano sa unang taong anibersaryo. She took a lonely breath nang mula sa likuran niya ay magsalita si Romano.

“I’m sorry about that.” ang tinutukoy nito ay ang sinabi ng ina.

“Naiintindihan ko. Wala siguro silang alam sa tunay na nangyari.” may sarkasmo ang huli niyang sinabi.

Nagbuntong-hininga si Romano. “Gusto ko sanang bukas mo na harapin ang Lola Julia pero gising na siya. Nasa silid niya si Troy kasama ang mommy at daddy. And she wanted to talk to you, too.”

Humarap siya rito. “Sure,” she arched her brows bitchily. “What do you want me to say to her?”

Tumiim ang mga bagang ni Romano. Naningkit ang mga mata. “Inaamin kong ako ang nagkasala sa nangyari sa ating dalawa, Bobbie. At nakikiusap akong huwag mong idamay ang mga matatanda. Wala silang alam sa tunay na dahilan kung bakit nagkahiwalay tayo.”

Lalo lamang umangat ang mga kilay niya. “Di naiwala mong lalo ang mana mo.”

Tumingala si Romano at hinagod ang batok. Matinding pagpipigil ang ginawa upang huwag magalit. Pagkuwa’y muling humarap sa kanya.

“Walang mawawalang mana, Bobbie!” he said angrily. “With or without Troy, mamanahin ko ang lupaing ito. Even then, hindi mahalaga sa akin ang katumbas na salapi sa farm na ito. I already have enough wealth to reach me two lifetimes. I love this farm because this is my heritage!

“Ibigay mo sana kay Lola ang respetong nararapat para sa kanya. Wala siyang ipinakitang masama sa iyo noong naririto tayo.”

“As you wish,” at humakbang siya papasok. Mabilis na hinawakan ni Romano ang braso niya.

“Sabay niya tayong gustong kausapin.” Ang babala sa tinig nito at sa tila bakal na mga daliri sa braso niya’y sapat na upang bumagal ang mga hakbang ni Bobbie.

JULIA was very pale and weak. She must be over eighty. Subalit nakita niya ang kagalakan sa mukha nito habang nakaupo sa tabi ng kama si Troy at kinakausap ang nuno. Kinarga ni Marco ang bata nang pumasok silang mag-asawa. Tahimik na lumabas ang tatlo.

Yumuko si Bobbie at hinagkan sa noo ang matandang babae. “How are you, grandma?”

“Dapat akong magalit sa iyo, hija, dahil ikinait mo sa akin ang aking apo sa tuhod. Hindi ko na nais malaman pa ang dahilan. At narito na kayo. Iyon ang mahalaga. At nagpapasalamat ako nang labis sa iyo dahil hindi lahat ay nagkakaroon ng pagkakataong masilayan ang susunod na magmamay-ari ng ranchong ito.” Julia took a deep breath. Kinabahan si Bobbie na hindi na ito muling magsasalita. Naupo siya sa gilid ng kama nito at hinawakan sa kamay ang matandang babae.

ikiniling nito ang ulo sa may bintana kung saan nakatayo si Romano at nakatanaw sa labas. 

“When you left, Romano has never been the same. Sana’y magpatawaran kayo sa anumang pagkukulang ng isa’t isa, Bobbie.”

She swallowed a lump in her throat. Sana nga’y ganoon kadali. Sana nga’y kaya sila naririto ngayon ay dahil totoong mahalaga siya para kay Romano. Oh, yes, nakikita at nararamdaman niyang mahalaga rito si Troy. Iyon ay dahil kailangan nito ang anak niya. Pero hindi ba at sinabi lang ni Romano na naroon si Troy o wala ay mamanahin nito ang farm? Na mahalaga rito ang farm dahil legacy iyon ng nuno?

Wala pang labing limang minuto siya sa silid ng matanda at lumabas na dahil sumenyas na ang nurse nito na hindi mabuti para dito ang mapagod nang husto. At ang excitement sa pagkita sa bata ay malaking bagay.

21

NANG gabing iyon ay marami sa mga tagakabilang asyenda ang dumating upang kumustahin siya at makita si Troy. Si Troy ay tuwang-tuwa sa atensiyon na ibinibigay ng maraming kamag-anak dito. At unti-unting nakadama ng panibugho si Bobbie para sa anak. Ni halos ayaw hiwalayan ni Romano ang bata. Kung dati’y solo niya ang atensiyon ni Troy, ngayo’y hindi na. Tila siya outsider dito.

Tahimik siyang lumabas sa may likuran. Pinuno ng hangin ang dibdib at tumingala sa langit. Iniisip niya kung ano ang magiging buhay nila sa susunod na mga araw nang may humawak sa braso niya.

“Laging malalim ang iniisip mo.” si Romano.

“Pagod lang ako.”

“Then let’s go.” Hinila siya nito.Nagsalubong ang mga kilay niya. “Go where?”

“Sa hotel. Doon tayo matutulog.”

“What?”

“Apat lamang ang silid sa bahay na ito, Bobbie. Ang sa Lola Julia, at ang dating silid ni Daddy at ni Auntie Alicia ay pinag-isa at siya ngayong silid ni Mommy at Daddy, at ang guest room ay siyang magiging silid ni Troy at ni Lucing.”

“At maiiwan si Troy!” hindi makapaniwalang sabi niya. At nang buksan ni Romano ang pickup upang papasukin siya’y nagmatigas si Bobbie. “Hindi ko puwedeng iwan ang anak kong mag-isa rito, Romano. Hahanapin ako ni Troy. Hindi siya sanay na matulog na wala ako.”

“Kailangang masanay na siya, sweetheart,” amused nitong sabi. “Hindi natin siya maaaring itabi.” at nanlaki ang mga mata ni Bobbie sa ipinahihiwatig nito. “And don’t worry, hindi siya pababayaan ni Lucing at ng daddy at mommy. At nakausap ko na si Troy, man to man. Magsisimula siyang matulog na hiwalay sa iyo.”

“Pero—”

“Get in the car, Bobbie,” mariing utos nito. Mutinously, she didn’t move pero nagbabanta ang mga mata ni Romano. Parang batang padabog siyang pumasok sa pickup at napuna niya ang maleta niya sa back seat. Plano na ni Romano na sa Kristine Hotel sila matutulog pero hindi sinabi nito. Nagpupuyos ang loob niyang sumandal kasabay ng matinding kabog ng dibdib.

“YOU CAN take a shower first,” ani Romano pagkapasok nila sa silid nito. “May kakausapin lang ako sandali sa ibaba.”

Inikot ni Bobbie ang paningin sa buong silid. The same room she occupied years ago when she first came here. Maliban sa bagong pintura at carpet ay walang ipinagbago. Iyon ang pribadong silid ni Romano. Mabilis na nagkahugis ang mga alaala. Ang nakaiirita subalit masayang alaala. Sa silid na ito niya unang naramdaman na mahalaga si Romano sa buhay niya.

Ipinilig niya ang ulo at mabilis na kumilos. Binuksan ang maleta at kinuha ang mga gamit at pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos ay naghanap ng malaking T-shirt na siya niyang laging ginagamit sa pagtulog at nagmamadaling isinuot.

Nagmamadaling pinatay ang ilaw at humiga sa kama at nagkumot. Curled herself into a fetal position. Hoping against hope na talagang tulog na siya pag-akyat ni Romano.

You’re silly for acting like a terrified virgin, Roberta Lou, ang isip niya. She knew every inch of Romano’s body. At isang malaking kalokohan ang ginagawa niya. Subalit hindi niya mapigil ang sarili. Itinaas pa niya ang kumot hanggang sa baba niya at mahigpit na pinulupot sa kamay sa ilalim.

Hindi siya dapat na kumilos nang ganoon. Hindi na siya dalagitang tulad noong nagpakasal sila ni Romano. She was a matured woman. She could handle Romano’s lovemaking. It will be purely sex.

Pagod siya. Gabi na. Dapat ay inaantok na siya. Subalit ano mang pilit niya’y nanatili siyang gising. Hanggang sa muling magbalik si Romano. Nararamdaman niya ang bawat kilos at galaw nito. Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo. At bawat sandaling lumilipas ay tila binubugbog ang dibdib niya sa matinding kaba.

Nang maramdaman niyang lumubog ang kutson sa kama. Halos hindi siya huminga. Ang mga kamay ni Romano ay nasa mga balikat niya.

“Huwag kang magkunwang tulog, Bobbie.” humaplos sa tainga niya ang hininga nito. Gusto niyang mapahiyang napakadali nitong malaman ang pagkukunwari niya. But she’d die than admit it. She turned and yawned.

“Inaantok na ako, Romano,” aniya sa matigas na tinig. “Hindi mo inaasahang mangyayari ang gusto mong mangyari pagkalipas ng apat na taong itinaboy mo ako?”

Binuksan ni Romano ang ilaw sa lampshade at saka hinawakan siya sa mukha at iniharap. 

“Paulit-ulit na lang ang usapang iyan sa pagitan natin, Bobbie,” anito sa nahahapong tinig. 

“Ilang beses mo ako gustong humingi ng patawad? Ano ang kailangan kong gawin para maniwala kang pinagsisisihan ko ang lahat ng nangyari? Na kung kaya ko lang ibalik ang panahon ay ginawa ko na!”

Gustong isigaw ni Bobby rito ang tungkol kay Joanna. Na hindi siya papayag na maging kahati niya ang babae kay Romano. Subalit hindi niya nagawang isatinig iyon. Ang sandali niyang pananahimik ay inakala ni Romano na acquiescence. Yumuko ito at hinagkan siya sa ibabaw ng ilong niya, sa pisngi niya, sa leeg niya at muli ay dumako ang mga labi nito sa mga labi niya.

“I missed you so, darling,” Romano murmured.

Napapikit si Bobbie. Nais niyang kasuklaman ang sarili dahil ni hindi niya makuhang itulak ito. Naramdaman niya ang pagbaba ng mga labi ni Romano sa leeg niya at napasinghap siya. Then his hands found the side of her breasts, nanunuksong dinaanan iyon at bumaba sa baywang niya… pababa sa tiyan niya… down to her thigh that she jerked her body. Pagkatapos ay muling pumanhik paitaas ang kamay ni Romano, cupping her breast fully, kneading her hardened nipple.

“No!” mapuwersang tanggi niya. “Ayoko nito, Romano.”

“Really?” nakatawang sabi nito at niyuko siya. Ang haplos ng mga labi nito sa bibig niya’y tulad sa pakpak ng paruparo. Romano teased her lips and then sipped them, tulad sa isang bubuyog na sumisimsim ng nektar mula sa bulaklak.

Kung gumamit man lang sana ng puwersa si Romano ay madali sa kanya ang paglaban at pagtanggi. But he was too clever for that. Mula noon hanggang ngayon. At ang depensa niya’y tuluyang gumuho.

Patuloy sa paghalik si Romano, his tongue flicked lightly around her mouth. Hinihikayat na tumugon siya. Pagtugong hindi niya mapigil. His tongue parted her lips and delved deeply that she couldn’t resist but returned his kisses. At nang sadyain nitong iwan ang mga labi niya’y umungol ng pagtutol si Bobbie.

“You want me, sweetheart,” wika nito. “Akin ka noon at akin kang muli… magpakailanman.”

“H-hindi mangyayari iyon,” mariing tanggi niya. Tangging idinidikta ng isip. Lagi nang nakapagitan sa kanilang dalawa si Joanna.

“Yes, sweetheart, yes,” tuya nito, then caught her aching nipple in his mouth and suckled it like a hungry babe. A soft cry escaped Bobbie’s mouth. Napapikit siya.

“Don’t close your eyes, Bobbie,” utos nito, his hand cupping her face. “Tingnan mo ako at tingnan mo ang ginagawa ko sa iyo…”

Nagmulat ng mga mata si Bobbie upang masilayan lamang ang kabuuan ng asawa. From his handsome face to his broad shoulders to the wide expanse of his chest na nakakalatan ng pinong balahibo down to his navel and to his thighs and lower. At hindi niya kayang ipikit ang mga mata sa kagandahang iyon.

She was bewitched by the sheer perfection of this man. Tulad din noon ay walang ipinagbago ang katawan ni Romano. Lalo lamang pinaganda ng mga taon ang katawan nito.

“At tingnan mo rin kung ano ang ginagawa mo sa akin, sweetheart…”

“K-kahit sinong babae’y kayang gawin sa katawan mo iyan, Romano,” she whispered as she watched the intensity of his desire.

Yumuko si Romano at niyakap at hinagkan siya sa mukha… sa tainga. “You’re wrong, sweetheart. You’re wrong. Only you can make me feel like this. And I missed you so much, Bobbie.” muli’y inangkin nito ang mga labi niya… halik na nagtatatak ng pag-aari and then moved down to her breasts and tormented her aching nipples with his tongue and teeth.

“R-Romano…” it was so long since Romano kissed and touched her like this. And she was lost and she knew it as she gasped and whimpered.

“Yes, sweetheart, tell me you want this… and more. Tell me,” he commanded silkily. His body pinned hers. Gently parting her thighs with his legs as he moved to cover her completely.

A slow ache burned in her stomach as their naked bodies touch. She could feel the throbbing maleness hard against her thighs. And it blotted all her thoughts. Walang umiiral sa sandaling iyon kundi si Romano.

Her eyes flushed with passion as she gazed at him, begging silently as she helplessly entwined her legs around him.

“Say it, sweetheart,” he commanded gently.

“Yes! I want you, Romano.”

“You’re mine.” he breathed triumphantly and caught her mouth in a savage kiss.

********************Happy weekends mga beshie. Pahinga-pahinga din kayo h’wag puro wattpad char.  Atsaka kung gusto n’yo bumili ng books check n’yo yung post ko para maka-avail kayo sa discounts sayang yun. Or kung gusto n’yo pwede kayong mag-pm direkta sa Precious Shop Online FB Page . Tsaka magchikahan tayo sa comment box mga beshie. Miss ko na kayo eh char sana all miss hahahaha. Vote n’yo na rin para masaya tayo hahahha. Take care mga beshie. God bless us all. - Admin A ****************

22

NAGISING si Bobbie na nag-iisa na lang sa kama. Mabilis siyang bumangon upang mahiga ring muli nang maramdaman ang pananakit ng katawan. She stared blankly at the ceiling. Ang nasa isip ay ang nangyari sa buong magdamag… the intensity of Romano’s lovemaking. No. Not lovemaking.

It was sex. Wonderful sex. Romano taught her everything about the three-letter word. And they were always good together. But last night surpassed everything. Tatlong beses sa buong magdamag ay nagigising siya. Aroused and wanting. Tinanggap niyang lahat ang pangangailangan nito, his thrusting domination over her body.

Pumapasok na sa siwang ng kurtina ang unang silahis ng araw nang ikulong siya ni Romano sa mga bisig nito at patulugin.

And I thought I was over you, she sobbed silently. Pinatunayan ni Romano sa buong magdamag na walang ibang lalaking magdudulot at magbibigay sa kanya ng ganoong kaligayahan.

And she missed and loved him so much.

May ilang umaga rin sa nakalipas na mga taon na nagigising siyang umiiyak. At ngayo’y muli siyang umiiyak. May ilang sandali ring malayang dumaloy ang mga luha niya nang biglang maisip ang anak. Mabilis na naupo sa kama at dinampot ang telepono.

“Mom?” aniya nang mabosesan si Emerald. “S-si Troy po?”

“Oh, he’s fine, Bobbie. Huwag mo siyang alalahanin. Kaninang bandang alas-nueve ay nangabayo ang mag-ama—”

“Nangabayo?” agap niya. “With Romano?” hindi makapaniwalang hinanap ng mga mata ang wristwatch. Anong oras na ba? And was horrified nang malamang alas-tres na ng hapon. She groaned silently.

“Yes, hija. Tuwang-tuwa ang bata. Pagkatapos ay muling bumalik si Romano riyan sa hotel. At kasama naman ngayon ni Troy ang lolo niya. They went fishing.” Emerald sighed happily. “Bobbie…”

“Yes, Mom…”

“Binigyan ni Troy ng bagong kahulugan ang salitang kaligayahan sa amin ni Marco, hija. At nagpapasalamat ako sa iyo. Alam kong may problema pa rin sa pagitan ninyo ni Romano. Nararamdaman ko iyon. At nakikita ko ring mahal mo pa ang anak ko tulad din ng mahal ka niya. And it’s a good sign, hija. Love covers a multitude of sin.”

“Mom—”

“There’s no need to protest nor explain, Bobbie,” agap ni Emerald. “Kung kailangan mo ang tulong ko ay narito lang ako. Gusto kong sumama ang loob sa iyo dahil kahit sa amin ay lumayo ka. Pero hindi kita masisi. You and Romano married very young. My son must have loved you so very much upang balikan ka at pakasalan sa gitna ng maraming responsibilidad niya sa pamilya at sa kompanya. Four years have been wasted. Don’t you two add a single day. I beg of you. Nakausap ko na rin ang anak ko kanina.”

Matapos ang pag-uusap na iyon ay mabilis na pumasok sa banyo si Bobbie at naligo. Nagbihis at bumaba sa ground floor ng hotel. Isang hotel personnel ang bumati sa kanya.

“Nakita mo ba si Romano?”

“Nasa opisina po ni Sir Nat, Ma’am.”

Nagpasalamat siya at humakbang patungo sa opisina ni Nathaniel. Bukas ang pinto at nakita niya si Joanna na nakayakap sa asawa. Umikot ang tingin ni Bobbie. Naulit ang eksenang dinatnan niya sa opisina ni Romano four years ago. Lamang sa pagkakataong ito’y hindi nakangiti si Joanna kundi umiiyak habang hinahaplos ni Romano ang likod nito.

“Thank you, Romano. Ang akala ko’y matitiis mo ako,” pahikbing sabi nito. “Hindi ko kaya.”“Hindi ko binabalewala ang mga taong magkasama tayo, Joanna, and you have proven yourself faithful. Magkita tayo roon sa katapusan. Marahil ay naayos ko na ang mga dapat ayusin dito.“Mabilis na tumalikod si Bobbie at nagtuloy sa dagat. At tumakbo nang tumakbo hanggang sa makalayo siya sa maraming mga tao. Ibinagsak niya ang sarili sa buhanginan. Gustong sumabog ang dibdib sa sama ng loob. Gustong sumigaw.

Akin ka noon… akin ka muli at magpakailanman, iyon ang sinabi ni Romano sa kanya kagabi. She even thought that there was hope between them. Bakit kailangang hindi siya sapat para kay Romano? Bakit kailangang mayroong ibang babae. Did he love Joanna? Ito ba ang mahal ni Romano at nagkataong hindi nito gustong baliin ang tradisyon ng pamilya na walang broken marriages kaya hindi siya mahiwalayan? Lalo na ngayong nakita na ng pamilya nito si Troy?

Oh, god, the hypocricy of the man!Kung gaano siya katagal sa dagat ay hindi na niya alam. Lubog na ang araw nang magbalik siya sa hotel.

“Where have you been? Kanina pa kita hinahanap,” bungad ni Romano sa kanya sa lobby. Nagsasalubong ang mga kilay.

“Sa dagat. Namaybay,” malamig niyang sagot. Mabibilis ang mga hakbang patungo sa elevator.

“Sa farm tayo maghahapunan. Mom invited us.”

Hindi siya sumagot at nang bumukas ang elevator ay pumasok. Si Romano ang nagdiin sa buton sa fourth floor.

“What’s wrong, Bobbie?” tanong nito. Ang mga mata’y sinusuri siya.

She controlled the urge to hit him. To hurt him as he hurt her. Pero ano ang silbi?

“Ano ba ang magiging problema, Romano?” sarkastikong sagot niya. Nang bumukas ang elevator ay mabilis na lumabas at halos takbuhin ang silid nila.

“Are we back to square one, huh?” tudyo ni Romano nang maisara ang pinto ng suite. “Why, sweetheart? Mahirap bang tanggaping sa kabila ng nasusuklam ka sa akin ay hindi mo kayang utusan ang katawan mong tanggihan ako? Hindi ba kayang tanggapin ng pride mo iyon?”

“Shut up, Romano!” namumulang baling niya rito. “What happened between us last night was pure sex! Kahit na sinong lalaki ay mararamdaman ko iyon!”

Sukat sa sinabi niyang iyon ay marahas siyang hinila nito. “Of course,” wika nito sa pagtatagis ng mga ngipin. “Muntik ko nang makalimutang hindi na ikaw ang inosenteng dalagitang pinakasalan ko. Now, tell me. Ilang lalaki ang nagdaan sa katawang iyan sa nakalipas na apat na taon, Bobbie?”

She almost swayed at the insult. At napasinghap pa siya nang marahas na damhin ng kamay nito ang dibdib niya. Antimano, her body reacted. Her nipples hardened beneath his palm.

“Ganito rin ba nila kadali kang mapukaw? Huh, Bobbie?” At kinabig siya nito at marahas na inangkin ang mga labi kasabay ng pag-akay nito sa kanya sa kama. Nang madikit ang mga binti niya sa gilid ng kama’y natumba siya kasama si Romano sa ibabaw niya.

“B-bitiwan mo ako, Romano,” mabuway niyang protesta. To her horror, muli siyang naapektuhan. Pagkatapos ng nangyari sa buong magdamag ay patuloy sa pagtugon ang katawan niya sa lalaking ito.

“You don’t mean it, sweetheart,” nakakalokong tudyo ni Romano. “Feel that?” He pushed his thighs against her stomach. Sa kabila ng makapal na kayo ng maong ay nararamdaman niya ang matinding arousal nito. “See what you do to me?” patuyang umismid si Romano at tumayo. Hinubad ang sports shirt at inihagis sa carpet. Isinunod ang maong. “Sex. Iyan ang tawag mo. And we’re a match, sweetheart.”

At nang bumalik sa kama si Romano at isa-isang hubarin ang suot niya’y napapikit si Bobbie. Ang addiction niya sa katawan ng asawa’y hindi marahil maglalaho pa. At nang maramdaman niya ang mga labi ni Romano sa tiyan niya’y banayad na napasigaw si Bobbie.

Makalipas ang ilang sandali’y walang maririnig kundi ang pagbabawi ng paghinga ni Romano. He slowly rolled off her at dumapa sa kama yet his hand was gripping her thighs.

Nakadama ng kawalan si Bobbie and a bone-deep loneliness. Nagpapasalamat siya sa panahong iniyak niya sa tabing-dagat or else she would have cried again.

Kung aalis siya, paano si Troy? Maaaring hindi siya kayang pigilan ninuman na dalhin ang anak niya subalit magagawa ba niyang saktan ang anak?

Napukaw ng tunog ng telepono ang pag-iisip niya. Inabot ni Romano iyon at sinagot. She turned and saw him paled. Nang ibalik ni Romano ang telepono sa lagayan nito’y mabilis nitong dinampot ang briefs sa sahig at isinuot.

“W-who was that?”

“Ang mommy,” wika nito sa gumagaralgal na tinig. “Lola Julia died in her sleep.”

Oh.

“Tumayo ka at magbihis, Bobbie,” utos nito sa tinig na hindi niya kilala. Tila walang lakas.

Hindi niya alam kung saan galing ang salitang lumabas sa bibig niya. She was probably tired, confused and angry. Idagdag pa ang kahihiyan sa sarili dahil sa kabila ng galit niya kay Romano ay hindi niya magawang tanggihan ang pagnanasa nito.

“So she’s dead now. Hindi mo na marahil kami kailangan pa.” And she braved herself to meet his eyes. Romano stiffened. Nahinto ang pagsi-zipper ng maong. His eyes in blazing fury that Bobbie winced inwardly.

“I never thought for a moment that I married a callous woman.” Gusto niyang maglaho sa mga sandaling iyon. And she deserved his contempt.

23

SA LOOB ng tatlong araw na nakaburol si Julia ay hindi makausap ni Bobbie si Romano. Ito ang punong-abala sa lahat. Si Marco ay naroon lang sa tabi ng casket ng ina. Naroon lahat ang mga Fortalejo, ang mga Navarro, at ang halos buong Paso de Blas.

Then she met Kurt La Pierre at nalaman niyang taga-La Crouix ang machong asawa ng nakababatang kapatid ni Romano. Kandong nito si Troy. Nagkumustahan ang dalawa at nag-usap ng kung ano-ano na lang tungkol sa isla sa Caribbean.

“Sana kung ano man ang sigalot sa pagitan ninyo ni Romano ay malutang alang-alang dito sa bata,” anito.

She sighed. “Ewan ko, Kurt. Gusto ko mang magalak sa muling pagbabalik ni Romano sa buhay namin ni Kurt ay hindi ko magawa. Baka sa sandaling makabalik kami sa Maynila ay balik na naman sa dating gawi…”

“Why is that, Bobbie? Hindi kayo ipapahanap ni Romano sa akin kung hindi ka mahalaga.“Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ipinahanap niya kami?”

“Hindi mo ba alam?” Kurt asked, a little bit confused. “Hindi ba sinabi sa iyo ni Romano?”

“Ang alin?” Nagdikit nang husto ang mga kilay niya. “Bakit niya kami ipinahanap? Siya ang nagtaboy sa akin may apat na taon na ang nakararaan.”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Kurt at sinulyapan si Romano na kausap ang tiyuhing si Bernard Fortalejo sa tabi ng casket ni Julia.

“Ewan ko, Bobbie. I was confused, too. May palagay akong kayo ni Romano ang dapat mag-usap tungkol sa bagay na ito.”

“Please, Kurt. Sabihin mo sa akin ang bagay na alam mo. At this point in time, hindi madaling kausapin si Romano. Ni hindi ko alam kung aware siyang naririto ako mula pa nang mamatay si Lola Julia.”

“Maliban kay Romano ay ako lang ang nakakaalam nito, Bobbie. Kahit ang asawa ko ay hindi alam ang bagay na ito. Kahit na ang Papa’t Mama,” patuloy ni Kurt. “I don’t believe it’s my right to tell you. Sisirain ko ang patakaran ng aking sariling kompanya.”

“I… I have this feeling that if you don’t tell me what you know, baka lalong lumala ang alitan sa amin ni Romano, Kurt. So, please.”

“Romano was too proud to tell anyone about his marital problems, not even to his family. Thinking about it now, kung hindi kayo muling nagkita, hindi ko alam kung hanggang kailan niya mapagtatakpan ang paghihiwalay ninyo…”

“Kurt…” She was impatient. Si Troy ay nagpababa mula sa pagkakandaong at tumakbo patungo sa ibang grupo ng mga kabataan.

Tumango si Kurt. “Romano will probably kill me for this. But what the heck!” He sighed. “Nang magtungo kayo sa Amerika ay ini-require ng kompanya ang isang SOP para sa kanino mang executive. That is a complete physical checkup. Ginawa iyon ni Romano bilang pagsunod sa standard operating procedure ng kompanya. Two days after, he left for Manila and married you. 

Dalawang buwan na kayong kasal nang hindi sinasadyang malaman niya ang result ng physical examinations niya when one of the company doctors teased him about it. Kung ano ang solusyon ninyong mag-asawa sa bagay na iyon…“

“A-about what?” aniya.

“He was sterile. Iyon ang nakalagay sa medical report niya.”

Napasinghap si Bobbie. Naalala ang anyo ni Romano nang sabihin niyang gusto niyang magkaanak nang marami… nang gawin niyang nursery ang isang silid sa apartment nito sa Houston.

“And—and—”

“And he probably thought Troy wasn’t his,” dugtong ni Kurt. “Kaya ako man ay nagtaka nang makita ko si Troy. Hindi mo puwedeng ipagkamaling hindi anak ni Romano ang bata. In fact, I really mean to talk to him about this until you three came here the other day. Natiyak kong alam na ni Romano na anak niya si Troy…”

Subalit wala na kay Kurt ang isip ni Bobbie. Nakatitig sa asawang nangingitim na ang mukha sa whiskers. Sa sandaling iyon ay gusto niyang umiyak. Wala marahil magtataka kung gagawin niya iyon subalit tuyo ang mga mata niya.

“N-noong isang araw lang sila nagkita ni Troy,” wala sa loob niyang sabi.

24

NAILIBING na sa family mausoleum si Julia nang umagang iyon. Subalit hindi pa rin makausap ni Bobbie si Romano na nananatiling nag-iisa. Magkakasabay silang kumakain subalit wala kahit isa ang nagsisimula ng kaswal na usapan. Not even Emerald.

Mula sa verandah sa silid ay nakita ni Bobbie ang asawa na lumakad patungo sa koral sa likod. Naupo ito sa bakod at sapo ang ulong nakayuko.

Anuman ang namagitan sa kanila ni Romano’y hindi kayang tingnan ni Bobbie ang asawa sa ganoong ayos. Mabilis siyang bumaba at sinundan ito. Sa gitna ng bahagyang liwanag ay nakita niyang banayad na yumuyugyog ang mga balikat nito.

Compassion filled her for this arrogant man. Sa loob ng ilang araw mula nang mamatay si Julia ay hindi niya nakitang umiyak si Romano. At ngayong mag-isa na lang ito’y saka bumigay ang anumang damdaming nakakulong.

“Romano…“Marahas ang lingon nito. “What do you want?”

“I–I want to—”

“Kalilibing lang ni Lola Julia kanina, Bobbie,” singhal nito. “Hindi ka ba makapaghihintay na makabalik tayo sa Maynila bago mo ungkatin ang ano mang panibagong issue sa ating dalawa?”

“H-hindi iyon ang dahilan kaya lumapit ako.” She cleared her throat at lumapit nang ilang hakbang. Ipinatong ang mga braso sa koral. “W-we used to be friends.”

Umismid si Romano. “We were never friends, Bobbie. We were lovers.”

“Can’t lovers be friends, Romano? Kung hindi man noon, bakit hindi natin simulan ngayon?”

Matagal bago sumagot si Romano. Tumanaw sa kadiliman. Ilang buntong-hininga ang hinugot nito bago nagsalita. “Isa akong duwag, Bobbie, alam mo ba iyon?”

“No. Hindi ko alam iyon. Sa paanong paraan, Romano?” Bahagya siyang nangikig sa lamig sa labas at napuna ni Romano iyon. Inabot siya.

“You’re cold. Come here.” Bumaba si Romano sa ibabaw ng koral at ikinulong siya sa mga bisig nito.

It feels good to be in her husband’s arms at sana’y huminto ang orasan. “Hindi mo na ako sinagot…”

“Ah, yes,” wika nito at muling huminga nang malalim. “Tulad mo rin ako, Bobbie. Tao at may damdamin at may kahinaan. At tulad ng alam mo, ito ang mundo ng daddy… ang buong kaparangang ito. Subalit dahil sa Mommy ay wala siyang magawa kundi hawakan ang kompanya kaysa ang mommy ang magtrabaho. Ako ang panganay, ako ang lalaki kaya sa akin mapupunta ang lahat ng responsibilidad sa sandaling magretiro si Daddy. Ipinaunawa sa akin iyan… sa amin ni Lenny.

“I don’t know what Lenny felt about this. His responsibility is much wider and bigger than mine. And his only consolation was that Uncle Bernard hasn’t retired yet and wouldn’t thought of retiring for years to come. And I felt so scared when Dad retired…” he kissed the top of her head.

Nag-angat ng mukha si Bobbie, tumama iyon sa mga labi ni Romano and he kissed her temple softly. “Your scared? Hindi ako naniniwala, Romano.” she shivered at the warm of his lips.

“What if I failed? Paano kung hindi ko kayang hawakan ang kompanyang ipinamamahala sa akin? You were my first failure, Bobbie. It almost shattered me into pieces…” he said painfully.

“Romano.” her throat constricted. Wanting to believe him. “G-gusto kitang makausap tungkol sa… tungkol sa sinabi ni Kurt sa akin. The… the sterile thing.”

Romano stiffened. 

***************Hello everybody, super busy ng Monday natin mga beshie hahahaha , matutulog na sana ako kaya lang nakonsensya naman ako sa inyo ,baka hinihintay n’yo ako at baka stress kayo at kailangan n’yo ng kalinga ko char hahahaha. Huwag kayong pa stress mga beshie, sayang ganda natin eh kung ma sstress lang hahahaha. Take care and God bless mga beshie. - Admin A **********

25

“KUNG natatandaan mo,” wika ni Romano sa tinig na kasinlamig ng yelo. “Sinabi ko sa iyo iyan noong gabi sa unit mo pero hindi mo gustong maniwala at makinig sa akin. You didn’t even want to give me a chance.”

“I… I want to listen now.”

He sneered. “Strange. Kung hindi pa galing sa ibang tao ay hindi ka magkakainteres. Anyway, sasabihin ko sa iyo. Nagkamali ang typist sa laboratory ng paglalagay ng impormasyon sa mga papel. Usually, kung hindi rin lang nakakahawa ang sakit at nakamamatay, ay naka-file na lang ang SOP na iyon. Nagkataong nagbiro ang doktor na tumingin sa akin kaya nag-abala akong hingin ang medical reports. In my stupidity, hindi ko napuna na mali ang ibang data. Only the sterile thing caught my attention.” the pain and bitterness in his face broke Bobbie’s heart.

“I was devastated. You were an only child and no family other than your mother. You wanted bunch of children and so do I. It angered and pained me that I cannot give you a child. My pride was at the lowest level. The Fortalejos and the De Silvas are bunch of healthy men. Hindi ko kayang tanggapin. And you chosed that very moment to leave me at bumalik dito sa Maynila nang walang malinaw na dahilan.” ang nag-aakusang mga mata nito’y tila patalim na gumuguhit sa puso ni Bobbie. “And after a few weeks tatawag ka at sabihing nagdadalang-tao ka? What do you expect me to think?”

“Romano…”

“I’m tired, Bobbie,” wika nito sa nagyeyelong tinig. “Pumasok ka na at malamig dito sa labas.” Pagkatapos ay pumasok sa loob ng bahay.

THE CLOCK strikes twelve pero hindi dalawin ng antok si Bobbie. Hindi niya masisi si Romano kung magalit man ito. Siya ang nagkulang ng tiwala. Kung hindi marahil siya bumalik sa Pilipinas ay malamang na sa mismong araw na sabihin niya ritong nagdadalang-tao siya’y agad na susuriin ni Romano ang mga dokumento at muling magpapasuri. But she was too hasty to leave dahil lang kay Joanna.

Matapos ang ilang sandaling pagmumuni-muni ay lumabas siya ng silid. Tinalunton ang daan patungo sa library sa ibaba kung saan natutulog ang asawa.

Ipinihit niya ang doorknob at bukas iyon. Marahang itinulak. Walang ilaw sa loob. Subalit alam niyang nakahiga sa sofa bed si Romano. Kahit paano’y nagsilbing tanglaw ang ilaw sa labas ng verandah na ang liwanag ay pumapasok sa silid.

Muntik pa siyang mapaigtad nang magsalita si Romano. “Why, this is such a surprise, Bobbie,” he mocked. “Four days without sex can be very frustrating, eh.”

“R-Romano, mag-usap tayo. I want us to work this marriage out…”

“Sure,” ani Romano na tumayo at inabot siya. Hinila patungo sa sofa bed. Bumagsak sa kandungan ng asawa si Bobbie. “Sa paraang alam ko, Bobbie. At sa paraang alam kong magkasundo tayo. Sex, as you call it.”

Akma niyang itutulak ang asawa nang maramdaman ang maninipis nitong balahibo sa mga palad niya and then the hardness of his arousal. She shivered with pleasure. How could this man affect her instantly gayong ni hindi siya makaramdam ng kahit na ano mula sa mga lalaking nagtangkang mapalapit sa kanya?

She sighed as she curled her fingers in his hair pulling him against her body. “That’s good, Bobbie,” bulong ni Romano sa mga labi niya. “I need you so badly today.”

How Bobbie ended up astriding her husband sa masikip na sofa bed ay wala siyang ideya. He was kissing her shoulders habang tinatastas ang tali ng roba niya. In seconds they were both naked. Strong hands caressed the silkiness of her flesh. His teeth teasing her rigid nipple, from one to the other.

There was violence and urgency in his lovemaking. Pero nagpabangon lang iyon ng higit pang pagtugon mula kay Bobbie. Their bodies joined and rocked in a wild primitive passion. Narinig niya nang isigaw ni Romano ang pangalan niya as they both reached their climax.

“Bumalik ka na sa silid mo, Bobbie,” ani Romano hindi pa man ito nakakabawi sa paghinga. Siya man ay nakasubsob pa sa dibdib nito. “Baka magising ang anak mo at hanapin ka.” She froze sa kakaibang tono nito. Moved off him and sat on the carpet. “Romano, h-hindi mo ba ako naiintindihan kanina, gusto kong mag-usap tayo.”

“Kung gusto mong umalis pabalik sa Maynila ay umalis ka. Ihahatid ka ng chopper bukas ng umaga. Pero ikaw lang. Hindi mo maisasama si Troy. I’ll be damned kung inaakala mong papayagan kong palakihin ng ibang tao ang anak ko!”

Mabilis ang pagbangon ng panic sa dibdib ni Bobbie. “N-no. Please, listen…”

“Shut up, Bobbie! I’m tired… too tired for that matter. Ilang araw na akong walang tulog. Hindi ba ako maaaring magpahinga?” At sinabayan nito iyon ng dapa.

“R-Romano, please…” she whispered. Touched his naked back. Subalit hindi ito kumikibo. “P-please, listen…” subalit nanatiling hindi kumikilos ang asawa. At sa paraan ng paghinga nito’y alam niyang tulog na si Romano.

She controlled her sob at dinampot ang roba at isinuot. Pagkuwa’y maingat na lumabas ng silid. Hindi siya maaaring bumalik sa silid nilang mag-ina dahil magigising niya si Troy sa iyak niya. Naupo siya sa sofa sa living room at doon umiyak nang umiyak. Kung gaano siya katagal doon ay hindi niya alam. Tila walang pagkatuyo ang mga luha niya.

“Bobbie…” si Emerald mula sa puno ng hagdan.

“M-Mom…”

Walang ingay na nakalapit si Emerald sa kanya. Hindi rin nag-abalang magsindi ng ilaw.

“I–I’m trying… to… save this marriage,” she sobbed hysterically nang maupo sa tapat niya ang biyenan. Lalo pang hindi makontrol ang iyak. “But he wouldn’t listen…”

“Do you want to tell me about it?”

“It’s my fault. H-hindi ko siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag…” sinabi niya kay Emerald ang lahat ng dahilan kung bakit bumalik siya sa Pilipinas at ang pagtanggi ni Romano na anak nito si Troy.

“Gusto mong kausapin ko si Romano, hija?”

Mabilis siyang umiling. “He wouldn’t listen to you. Iinsultuhin lang niya ako. Mommy, please, kung tutulungan ninyo ako’y tulungan ninyo akong makaalis ng isla bago mag-umaga. Hindi ko kayang makitang maiiwan ko si Troy. Habang tulog siya’y gusto ko na lang umalis.”

“Are you sure this is what you want, Bobbie?”

Isang tango ang isinagot niya.

Hindi pa sumisikat ang araw ay inihahatid na ng tanaw ni Marco at Emerald si Bobbie sakay ng pickup patungong Kristine Hotel kung saan naroroon ang chopper na maghahatid sa kanya sa Maynila.

“Tama bang pinayagan mo ang manugang mong umalis?” Marco asked.

“Hindi ko siya kayang pigilan, Marco. At matigas ang loob ni Romano. At nauunawaan ko siyang hindi niya gustong makita ang anak habang paalis siya. Nararamdaman ko ang nararamdaman niya.”

“What now?” Marco asked worriedly.

“Hindi ko alam. Hayaan mong si Romano ang magpasya para sa buhay niya. We can only help kung kailangan niya ng tulong natin.”

26

HAPON na halos nang magising si Romano. Si Troy na matapos mapagod sa paglalaro at pamamasyal ay ayaw tumahan sa pag-iyak at hinahanap ang ina. Kinuha nito ang anak mula sa yaya at kinarga subalit ayaw tumigil sa pag-iyak ang bata.

“Hush, darling,” alo nito sa bata at hinagkan sa noo. Nilingon ang yaya. “Bakit ba ito umiiyak?”

“Hinahanap po si Ma’am, Sir…“Nagsalubong ang mga kilay ni Romano. “Bakit, nasaan si Bobbie?”

“Ipinahatid ko sa Maynila kaninang madaling-araw,” ani Emerald na bumaba dahil narinig ang apo.

“Mom!” bulalas ni Romano. Ibinigay ang bata sa yaya na lalong lumakas ang iyak.

“Ilabas mo muna ang bata, Lucing,” utos ni Emerald. Pagkatapos ay binalingan ang anak na tumingala at inihilamos ang kamay sa mukha. “Iyon naman ang gusto mo, ’di ba? Ang maiwan dito si Troy at paalisin ngayong umaga si Bobbie. Sinabi mo sa kanya iyan dahil hindi mo gustong makinig sa paliwanag niya. I’m ashamed of you, Romano. You only want your wife in your bed and—”

“Mommy, that’s not true!”

“Buhay mo iyan, Romano, bahala ka. Pinaalalahanan ka namin ng daddy mo nang sabihin mong mag-aasawa ka na. Ang sabi mo’y kaya mo. So take all the consequences.”

“What did she tell you?”

“There was a third party involve.”

He frowned. Sino? Sinabi ni Bobbie na magkaibigan lang ito at si Steven. “Is it Quidd?” nagtatagis ang bagang nitong tanong.“Mali yatang pangalan ang narinig ko mula sa asawa mo,” ani Emerald na tumaas ang kilay. “Unless she’s Joanna Quidd.”

27

“HEY, NAKAKAISTORBO ka!” sigaw ng occupant sa kabilang unit na sumungaw sa pinto nang walang hintong katukin nang malakas ni Romano ang pinto ng unit ni Bobbie.“Damn you!” ganting singhal niya rito. “If you want a fight, at my mood now I could probably kill you.”

Nakita siguro ng matandang lalaki ang hindi nagbibirong anyo ni Romano ay mabilis itong nagsara ng pinto. Si Romano ay patuloy sa pagkatok at pagdiin sa door chime. Hawak niya ang susi na hiningi sa administrador ng building. Kaninang umaga pa siya kumakatok at nang walang sumasagot ay umalis siya at pinuntahan si Quidd upang hanapin dito si Bobbie. Subalit ni hindi alam ni Steven na nakabalik na pala ito mula sa isla. Nakailang dial na siya subalit busy tone ang laging naririnig sa linya.

Alam niyang may tao sa unit dahil naka-lock sa loob. Idagdag pa ang tila musikang naririnig niya na hindi nakapag-alis sa kaba sa dibdib niya.

Muli siyang bumaba at makalipas ang ilang minuto’y may dalawang tao na siyang kasama. Maintenance men. Dinidistrungka ang pinto upang mabuksan ang loob.

“Thank you,” ani Romano nang mabuksan ang pinto. Muli niyang isinara ang pintong butas na. Lumakas nang bahagya sa pandinig niya ang musika na nanggagaling sa silid ni Bobbie. Sa malalaking hakbang ay tinungo niya ang silid ng asawa. Pabalyang binuksan ang pinto at halos mabingi siya sa lakas ng ingay ng component. Iyon ang dahilan kung bakit hindi marinig ang katok sa pinto. Sinadya ni Bobbie na gawin iyon. And the phone was off the hook.

“Bobbie!”

Si Bobbie ay nasa gitna ng kama at nakatitig lang sa kisame. A flicker of surprise showed her eyes nang makita si Romano.

Marahas na hinablot ni Romano sa saksakan ang kordon nang hindi malaman kung paano hihinaan ang component. At saka nilapitan si Bobbie at mahigpit na inangat sa pagkakahiga at niyakap.

“Oh, god, ano ang ginagawa mo?” Ilang sandaling niyakap ang asawa at pagkuwa’y muling inihiga. Nagpalinga-linga, baka may ininom ito. Pagkatapos ay hinahanapan ng kung anong sugat ang katawan. Small relief filled his chest nang makitang wala kahit na anong palatandaang nagtangkang mag-suicide si Bobbie.

“R-Romano?”

“Oh, god, sweetheart.” muling inangat ang asawa. He was dying inside sa nakikitang anyo nito. Mugto at nangingitim ang mga mata. “What have you been doing?” Panic in his voice. “I’m taking you to the hospital!”

“I’m… all right,” she whispered at nagsikap kumawala.

“You are not!”

“Please, I am all right. I promise. Put me down, Romano. Where’s Troy?” At pagkabanggit sa pangalan ng anak ay naglabasan ang mga luha sa mga mata niya. Sunod-sunod ang iyak na ginawa.

“Hush, sweetheart, please. You’re scaring me. Don’t do this, Bobbie, please. You’ll get ill kung hindi pa man…” muli nitong dinala sa dibdib ang asawa.

“I am ill!” she said almost in hysterical distress. “I’m losing Troy… and I’m losing you again. And I love you so much that it hurts.”

“I know… I know,” prantikong wika ni Romano sa nagsisikip na dibdib. Hinahaplos nang sunod-sunod ang likod ng asawa. “And I love you too, sweetheart. Very much. I have never stopped loving you for a minute. You’re wrong about Joanna. She was never my lover… never!”

Nag-angat ng mukha si Bobbie. Hinahanap sa mukha ng asawa ang katotohanan. Puno pa rin ng whiskers ang mukha nito. His eyes troubled and he looked older.

“Will you believe me this time, sweetheart?” he begged softly, pain laced his voice. Isang tango ang isinagot ni Bobbie.

“What she told you four years ago were all lies. She had never been my lover though she was very vocal to tell me that she wanted me. She knew about my medical records dahil nakalatag sa mesa ko iyon minsan at nakita niya. Iyon marahil ang narinig mo. At nang sabihin kong sa labas kami kumain ay kasama ang ibang executives. Napagpasiyahang isasama ko siya rito sa Maynila pagkatapos ng management trainee ko.

“Nang sabihin mong nanggaling dito si Joanna noong umaga ay agad ko siyang kinompronta. Inamin niyang kinausap ka niya but without malice. I didn’t believe her so I asked her to resign from her job.” He was explaining fast na para bang kung hindi nito gagawin iyon ay mawawala ang tsansang magpaliwanag.

Relief and guilt filled her. Subalit gusto niyang linawing lahat. “S-sa office ni… Nathaniel—”

“She asked forgiveness. Pati sa iyo. Pinakiusapan niya akong bigyan ko siya ng official recommendation sa bago niyang employer who is my friend. Kinabukasan nang araw na iyon ay pabalik na siya sa Houston.” huminga nang malalim si Romano. “Joanna was a friend, Bobbie. She was very efficient in her job sa kabila ng lahat. At kung parurusahan ko siya’y para akong walang-kuwentang tao.”

“Ang…sabi mo’y magkikita kayo roon…”

“Of course, dahil babalik ako roon para sa annual board meeting. Kasama ko kayo ni Troy.” Pagkatapos ay hinapit siya nito at mariing hinagkan sa ibabaw ng ulo. And then groaned as he whispered. “Oh god, so help me. I have a very jealous wife.”

Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ng asawa. “Will you ever forgive me?”

“May kasalanan din akong malaki, sweetheart. Dapat ay noon ko pa ginawang ipasuring muli ang sarili ko nang sabihin mong nagdadalang-tao ka. But you left without any valid reasons so I thought you don’t really love me.” Itinaas nito ang mukha niya. He forced her to meet his eyes.

“Bilang panganay na lalaki ay matagal nang nasa pangalan ko ang rancho. Bago pa man kita ipahanap. I can’t seem to get you out of my system sa nakalipas na mga taon. Ipinasya kong hanapin ka. At kung wala kang commitment ay aluking muli na makisama sa akin. Handang tanggapin ang anak mo. At hindi ko kayang ipaliwanag sa iyo ang hapding naramdaman ko nang makita kitang masuyong nginingitian ni Quidd at pisil pa ang kamay mo. At gusto kong mamatay nang makita kong akin si Troy.”

She smiled. Happiness radiating from her lovely face. Then her hands moved upward. Unbuttoned his wet shirt and planted a soft kiss on his dark chest. Romano groaned softly.

WAKAS

********Mukhang matatagalan na naman ako sa pagmo-move on sa dakilang marupok na si Bobbie. :( Parang feeling ko bitin pa rin char hahahaha. Kayo ba ano’ng feeling n’yo? Okay lang naman kung may feelings kayo para sa akin char hahahaha joke lang. Take care always mga beshie. God bless us all. Puwede n’yo rin akong kwentuhan kung nalulungkot kayo char hahahaha pwede n’yo rin ako pag milkteahin hahahaha jokes. -Admin A **********

******Don’t forget to leave your comments and suggestions at vote n’yo na rin if ever marami kayong time char hahahaha . Thanks in advance na agad. -Admin A **********


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.