loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Kristine Series 6, Amore (Beloved Stranger)(COMPLETED) - (UNEDITED)

Kristine Series 6, Amore (Beloved Stranger)(COMPLETED) - (UNEDITED)

Marthacecilia Phr · 21 chapters · 26,799 words

0

I lovingly dedicate my Kristine Series to my publisher. Not because he has given me the opportunity every new aspiring writer dies for, but because he gave me what other publishers can’t give — freedom to write what I want to write. Freedom to try and experiment with something new. Allowing me to use my style with no limits so long it doesn’t offend the reader.

-Martha Cecilia

1

DAPITHAPON at nasa dagat si Diana. Nakahiga sa lounging chair na laan ng resort. Inilabas siya ng hospital kaninang umaga pero hindi si Bernard ang kasama niya kundi ang mag-asawang Nathaniel at Jasmin. May importanteng tawag mula sa Kristine Cement si Bernard kahapon ng tanghali.

She was very disappointed subalit hindi siya nagpahalata sa mag-asawa. Wala siyang karapatan sa panahon ni Bernard. Wala itong ipinangakong anuman sa kanya. Ang tanging sinabi ni Bernard sa kanya ay ang huwag umalis ng Paso de Blas, ng Kristine Hotel.

…don’t leave me, Diana. Please bear with me…

…huwag mong iwan ang anak ng lawin, Diana, anuman ang mangyari…

Ipinikit ng dalaga ang mga mata at marahang nagpakawala ng paghinga. Ang mga alaalang iyon ang pinakagabay niya sa susunod na mga araw. Mga walang-katiyakang pampalakas-loob.Ang sinabi ng matandang nagdala sa kanya sa basement ay nakagulo sa isip niya nang husto. Bakit siya pinagbilinan ng matandang iyon nang ganoon? Nangako si Bernard na ipakikilala siya sa matanda. At talagang nakatanaw siya sa sandaling makatagpo niya ito.

Kaninang paglabas ng ospital ay tinanong niya kina Nathaniel at Jasmin kung maaari niyang makita ang matandang iyon.

“Gusto ko sana, Nat, Jas, na makilala ang matandang tumulong sa akin sa villa…” aniya habang nasa pickup sila pabalik sa Kristine Hotel.

Nagkatinginan ang mag-asawang nasa unahan ng Pajero. Both with worried eyes.

“T-talaga bang nakausap mo ang… matanda, Diana?” alanganing tanong ni Jasmin. Sinulyapan ang asawang nagda-drive na bagaman nakatingin sa unahan ng daan ay alam niyang nag-iisip.

“Tiniyak ko sa inyo kahapon, ’di ba? Isa pa, kilala ninyo ang matandang iyon. How would I know about this figurative name na lawin kung hindi ko siya talaga nakausap?” Nang hindi sumagot ang alinman sa mag-asawa ay kunot-noo siyang nagpatuloy kasabay ng pagbangon ng bahagyang iritasyon sa dibdib dahil hindi na naman gustong maniwala ng mga ito. “What is so strange about this old man at kahapon pa hindi ko kayo maintindihang tatlo ni Bernard?“Nag-alis ng bara ng lalamunan si Nathaniel. “Sana ay masabi at maipaliwanag namin sa iyo, Diana. Pero karapatan ni Bernard iyon. Hayaan mong siya ang magpakilala sa iyo.”

“Anyway, how about accepting our invitations na sa bahay na tumuloy sa halip na sa hotel?” Iniba ni Jasmin ang usapan.

Umiling siya at ngumiti. “Thank you, guys. Pero hayaan n’yo na munang sa hotel na lang ako manuluyan. I promised Bernard to stay there. He demanded obedience, you know.” may bahid ng sarcasm ang tinig niya sa huling sinabi.Nagtawanan ang mag-asawa.

“Oh, don’t laugh.” bahagya siyang nainis. “Natitiyak kong I will suffer from his hands kung hindi ako susunod.”

“I’d rather call it sweet persecution, darling,” panunukso ni Jasmin. Binalingan ito ni Nathaniel at binigyan ng warning look.

“It’s alright, Nathaniel,” ani Diana nang makita ang ginawa ni Nathaniel sa asawa. “Friends do tease each other, don’t they? And you are my friends, really.” Totoo sa loob ni Diana ang sinabi. Sa loob ng maraming panahon, sa piling ng mga estrangherong ito ay nakadarama siya ng kapanatagan… and safety.

“Salamat, Diana, iyan ang gusto naming iparating sa iyo. Mga kaibigan mo kami,” sagot ni Nathaniel na bahagya siyang nilingon. May dobleng kahulugan ang sinabi dahil sinabi na ni Bernard na wala itong alam tungkol sa buong pagkatao ni Diana. At na hindi gustong magsalita ng dalaga.

Tumingin sa labas ng sasakyan ang dalaga. Nakadama ng kaunting guilt pero hindi niya gustong magsalita. Not yet. Hindi pa niya alam kung paano. At natitiyak niyang nagiging inconsistent siya. Nakadarama siya ng safety sa mga ito, sa katauhan ni Bernard, pero hindi siya makapagtiwalang magsabi ng totoo.

In her own good times perhaps.

2

ISANG buntong-hininga ang pinakawalan ni Diana at muling ibinaling ang paningin sa karagatan. Silver ang kulay ng tubig sa dagat. Glowing softly dahil sa haplos ng malamlam na sinag ng papalubog na araw.

Slowly, she inhaled the soft breeze. The whole place is paradise. Ang puting buhangin, ang asul na dagat. Ang nagtatayugang mga puno ng niyog. Ang wilderness ng Paso de Blas na natatanaw lang niya mula sa bintana ng hotel. Ayon sa pagkakakuwento ni Jasmin ay hindi 

pinahihintulutan ng mga Fortalejo na galawin ang gubat. Kasama ito sa attraction ng Paso de Blas bagaman walang maaaring magtungo roon nang walang mga mahuhusay na giya. Tahimik pero nagbabadya ng panganib dahil sa mga naglipanang hayop.

Tulad din ni Bernard ang gubat. He is as wild and natural as the forest he owned.Nagulat pa si Diana sa magaspang na pagdantay sa mga balikat niya ng mga kamay. Mabilis siyang lumingon dahil bumabaon halos sa mga balikat niya ang mga kamay na iyon.“Clarita!”

Nanlilisik ang mga mata ng babaeng nakatunghay sa kanya. “Ikaw ang dahilan ng kamatayan ng anak ko, babae! Dinala mo siya roon… inakit… pero pinatay ninyo siya! Kayo ng mga Fortalejo ang sanhi ng kamatayan ng anak ko!”

Walang tinig na lumabas sa bibig ni Diana sa pagkabigla. Nanlilisik ang mga mata ng babae at bahagya siyang nakadama ng takot. Nilinga ang paligid. Malayo siya sa karamihan ng mga naglalangoy bukod pa sa ang mga iyon ay nasa tubig at iilan lang ang nasa baybayin.

“Hindi siya nahulog sa balon! Sadya ninyong itinulak si King! Kayong lahat!” At sinugod siya nito at ipinagsalikop sa leeg niya ang mga kamay. “Papatayin din kita!”

“C-Clar… Clarita, huwag…!” Humihigpit ang mga kamay nito sa leeg niya. Tuluyan siyang nasindak. Nanlaban at malakas na balya ang ibinigay sa babae. Subalit malakas ito at tila wala na sa katinuan ng isip. Halos hindi indahin ang balya niya. Patuloy ito sa pagsakal na hindi niya matinag ang mga kamay. Hanggang sa matumba sila sa buhangin pero hindi bumibitaw ang babae.

Nasasakal na siya at hindi na halos makahinga. Ginamit niya ang mga binti at tinuhod ang sikmura ng babae. Nahulog sa tagiliran niya si Clarita at bahagya siyang nakawala rito. Paatras siyang lumayo rito pero bago pa siya makatayo ay naroon na uli ito at nahawakan siya sa binti. Pasigaw na muling bumagsak sa buhangin si Diana.“Mamamatay ka din, babae! Pagkatapos ay isusunod ko ang dalawang Fortalejo na iyon!“Mula sa likod ni Clarita ay dalawang mga bisig ang mahigpit na yumapos dito.“Mama, tumigil kayo!” si Zandro na mahigpit na ikinulong sa mga bisig ang ina.“Bitiwan mo ako! Isa ka pa! Sadya mong ipinain ang anak ko sa mga mamamatay-tao dito sa Paso de Blas upang ikaw lang ang makinabang sa mamanahin mo! Hayup ka! Walang utang-na-loob! Tulad ka rin ng ama mo!” Nagpumiglas nang husto ang babae subalit hindi ito makakawala sa mga brasong pumipigil.

Isang nagpapaunawa at pagpapaumanhin ang tinging ibinigay ni Zandro kay Diana na nakaupo pa rin sa buhangin at hindi pa nakakabawi sa sindak.

Nakita ni Diana ang parating na si Nathaniel kasama si Rolly.

“Diana, are you alright?” nag-aalalang hiyaw ni Nathaniel ilang dipa mula sa kanya.Isang alanganing tango ang ibinigay ni Diana. Hawak ng isang kamay ang leeg. Nadarama pa niya mula roon ang puwersa ng babae.

Itinayo siya ni Nathaniel mula sa buhangin.

“Hindi ka ba niya nasaktan?” tanong nito.

“I’m… alright, Nat.” bahagyang tumaas ang dibdib niya. Sinundan ng tingin si Clarita na tinutulungan na ng dalawang lalaking ibalik sa hotel. “N-nawawala siya sa sariling katinuan dahil sa pagkamatay ng anak. Oh, Nat, I can’t blame her…”

“Goodness, Diana! Muntik ka nang mapatay ng mag-ina. Don’t symphatize with her!” galit na sagot ni Nathaniel na inakay siya pabalik sa hotel.

Si Clarita ay hindi ibinalik ng hotel ayon na rin sa kagustuhan ni Zandro. Kasama si Rolly ay dinala nila ito sa pagamutan sa bayan. Si Diana ay dinala ni Nathaniel hanggang sa suite sa third floor.

“Magpahinga ka, Diana. You have had enough…” bilin ni Nathaniel.Umiling siya. “No, I’ll be fine, Nat. Gusto kong…”

“That is an order, Diana.” it was spoken quitely pero hindi ikinaila noon ang awtoridad.“Oh!” Nanlumong bumalik sa main suite ang dalaga at isinara ang pinto. “These damned stereotyped machos! Male chauvinist pigs!” nagpupuyos niyang sinabi at ibinagsak ang sarili sa kama. Pagkatapos ay muli ring napangiwi dahil sariwa pa ang sugat sa noo. Nalimutan niya halos na kumikirot iyon kaninang sinasalakay siya ni Clarita.

Nagpakawala ng mahabang paghinga ang dalaga. She really have to rest bago pa talagang magdugo ang sugat niya. Ipinikit niya ang mga mata at bago pa niya namalayan ay tuluyan siyang naidlip.

Isang marahang katok ang nagpagising sa diwa ng dalaga. Bumangon siya. Madilim na sa labas ng bintana. She must have slept for hours. Sinulyapan ang relo sa may night table. Alas-sais y media na ng gabi. Lumabas ng sitting room at binuksan ang pinto roon.

“Miss Montero?” si Zandro.

“I-ikaw iyong…”

“Ako si Zandro. Zandro Fortalejo. Kapatid ko si Bernard…”

“Oh… please come in…” umatras siya upang makatuloy ang binata. “Maupo ka…”

“Salamat,” anang binata na naupo sa pang-isahang settee.

Si Diana ay naupo sa katapat nito at napagtuunan nang husto ang anyo ng lalaki. And she could only gasped silently. Both brothers are very attractive in a very different way. Parehong malaki at mataas. Both men are dark. Isang prominenteng trait ng mga Fortalejo. Ang kaibahan, Bernard had the darkest eyes she had ever seen. This one is light brown. Ang nasa mga mata ni Zandro ay bitterness while Bernard’s are pain. Parehong nagbabadya ng cruelty and hardness ang mga mukha.

Bahagya siyang kinilabutan. Narinig niya mula kay Andre noong dalawin siya nito sa hotel kahapon pagkaalis ni Bernard, na kung hindi nito at ni Nathaniel naawat si Bernard ay baka sa mga kamay ng binata namatay si King. At ang lalaking nasa harap niya’y nasa pagitan ng cruelty and gentleness ang ibinabadya ng mukha.

Tumikhim si Zandro. “At kapatid ko rin si… King.”

“Oh!” naibulalas niya nang marahan. Nakita niya ang paggalawan ng muscles sa mukha nito at ang pagtatagis ng mga bagang. “I—am sorry…” idinagdag ng dalaga.“Don’t!” marahas nitong sinabi. “Walang kapatawaran ang ginawa ni King kay Jewel. At sa iyo kung hindi ka nakatakas.”

“Thanks to that… oh!” Noon biglang nag-flashback sa isip niya ang anyo ng matandang lalaki na ang mukha’y sandali niyang nasilip sa liwanag ng buwan. Pero hindi niya masabi kay Zandro iyon. It’s too familiar.

“He was on drugs, Miss Montero,” patuloy ni Zandro. “Hindi iilang beses kong binawalan si King doon. Malumanay at… marahas na paraan. Pero laging nakapamagitan ang Mama.” nagpakawala ito ng buntong-hininga. Naging prominente ang pait sa mga mata. “Anuman ang diperensiya ng Mama, she’s still my mother.”

Wala sa loob siyang napatango. “D-Diana na lang, Zandro. At kumusta na si CIarita?”

“Iniwan ko siya sa ospital sa bayan, Diana. Nagkaroon siya ng nervous breakdown. Hindi niya matanggap ang nangyari kay King.” mapait ang tinig na lumabas mula rito. Buong buhay nito’y si King lang ang pinahahalagahan ni Clarita. Ang dahilan kung bakit nanatili itong nasa poder ng ina ay dahil hindi ito gustong pakawalan ni Clarita dahil sa mamanahin kay Leon. “Iminungkahi ng mga doktor sa bayan na dalhin sa National Center of Mental Health ang Mama dahil higit itong matitingnan doon. Si King ay pina-cremate ko na sa morgue sa bayan. Bukas ay iuuwi ko sa Maynila ang Mama. Ipinagagamit ni Bernard ang private plane ng Kristine Cement at kasama na rin ang dalawang attendant mula sa center.”

“I am really very sorry, Zandro.” Naroon ang simpatya sa tinig niya.

“Ako ang dapat na humingi ng paumanhin sa iyo, Diana. At kay Bernard at sa lahat dahil kapatid ko si King. Nakita ko kung ano ang naging epekto kay Bernard nang pagkamatay ni Jewel. He loved her so much. Loved her for years. At ayon sa pagkakaalam ko, hindi biro ang dinaanan ng dalawa upang mapagtagumpayan ang pag-ibig sa isa’t isa.”

She swallowed hard. Marahang tumango dahil walang lumabas na salita sa bibig. Parang may dumakot na malaking kamay sa puso niya at pinisil iyon nang mahigpit.

“Hindi ko alam kung ano ang kaugnayan mo kay Bernard, Diana,” patuloy ni Zandro. “Pero nagpapasalamat ako sa presensiya mo alang-alang sa kapatid ko. Kung masasabi mang pagbabago ang pagtutuon niya ng interes sa iyo ay nagagalak ako.”

“We… are friends, Zandro.” oh, dear! Didn’t she sound like a showbiz personality? Napaka-cliche na ng salitang iyon.

Nagkibit ng mga balikat si Zandro. Tumayo. “Muli akong humihingi ng paumanhin sa lahat ng mga nangyari, Diana.” inilahad nito ang kanang kamay. “Nice meeting you, Diana Montero.“Tinanggap ni Diana ang pakikipagkamay at ngumiti. Nang mahagip ng mga mata niya na may nakatayo sa pintuan.

Si Bernard.

Lumingon din si Zandro. Si Diana ay halos pigilin ang paghinga. Still in his office suit, light blue long sleeves and necktie. Ang coat ay nakasabit sa mga balikat. Sa mukha ng binata’y nakabakas ang kapaguran. Marahil sa mahabang meeting at biyahe pauwi rito sa Paso de Blas.And how she missed this wretched man!

Dumaan lang sa mukha niya ang mga mata ni Bernard at dumiretso kay Zandro. “Hindi ko alam na narito ka,” walang emosyong wika nito.

“Inihingi ko ng paumanhin ang mga nangyari kay Diana, Bernard. At narito ka na rin lang ay tanggapin mo na rin ang paghingi ko ng paumanhin sa mga ginawa ni King. Sinisisi ko ang sarili ko dahil kung hindi ko sila dinala dito noong una’y…”

“Hindi mo ginusto ang nangyari,” agap ni Bernard. Wala pa ring nagbago sa tono. “Isa pa’y natitiyak kong hindi ka darating ng Paso de Blas kung hindi dahil sa pamimilit ni Clarita. Mas ginusto mong magkaroon ng asosasyon sa mga Tiyo Rafael…” kung anuman ang ipinahihiwatig ng tinig nito’y hindi maunawaan ni Diana.

Maliban sa bahagyang pagkibit ng mga balikat ay hindi nagsalita na si Zandro. Nagpatuloy si Bernard. Bahagyang lumambot ang mukha.

“Losiento,” nakapaloob sa simpleng paghingi ng paumanhin ang maraming kahulugan.

Itinaas ni Zandro ang kanang kamay at mahigpit na ibinaba sa balikat ng nakababatang kapatid.“Naihingi ko na ng paumanhin ang mga ginawa nina King at Mama. Gusto kong ihingi ng paumanhin ang iniisip kong gawin noong nagtungo ako sa opisina mo.“Nagsalubong ang mga kilay ni Bernard. “Iniisip mong gawin?”

“Dahil muntik ka nang tamaan ng kamao ko noong nasa opisina mo ako at pagbintangang siyang pumatay kay Jewel. You’re a breath away from being mauled.

“Tinitiyak ko sa iyo, Zandro, hindi mo ako kaya. Lumaki ako sa piling ng mga baka at toro. I have broken countless horses.”

Malakas na tawa ang isinagot ni Zandro. “Bernard Fortalejo, wait till you hear what I have been through all my life at saka mo sabihin iyan.”“Zandro Fortalejo, hinahamon kita sa isang one-on-one fight at patunayan mo sa akin ang sinasabi mo,” nakatawa na ring sagot ni Bernard.“Tama. Ako ang referee.” si Nathaniel mula sa likuran ni Bernard. Nagtawanan ang lahat pero si Bernard ay sa mukha ni Diana nakatingin with black penetrating eyes.“Bago magkalimutan, ipinaabot ng Mama ang imbitasyon sa kanyang mga pamangkin na doon maghapunan sa bahay.” sinulyapan nito si Diana. “With you as special guest, Diana.”

“Siyanga pala, Nathaniel,” baling ni Zandro kay Nathaniel. “May gusto akong ipakipag-usap sa iyo.”

“Sure. Tara sa opisina. O, maiwan na muna kayong dalawa.”

Isinara ni Bernard ang pinto pagkalabas ng dalawang lalaki. Nawala ang ngiting hinarap si Diana. His dark eyes penetrating.

“Two in a row, Diana,” wika nito sa pormal na tinig. “Itinawag sa akin ni Nathaniel ang ginawa ni Clarita. I was in the middle of an important meeting at kailangan kong umuwi dito. Mukhang hindi ako matatalikod nang hindi ka mabibingit sa kapahamakan. Why I’m saddled with women who were disaster areas, I don’t know,” he added dryly.

Nagkibit siya ng mga balikat. “You shouldn’t have bothered. Dumating sa oras si Zandro.”“In other words, you are a Fortalejo dependent,” matabang nitong sinabi.“Yes.” may bahagyang iritasyon sa tinig niya dahil sa tono ni Bernard. “Napapaligiran ako ng mga lalaking ang tingin sa sarili’y they’re god’s gift to women.“Natawa roon si Bernard. “Now where did I hear that before?” Pagkatapos bumalik sa pagiging pormal ang mukha. Hinawakan sa baba ang dalaga. “Responsibilidad kita, Diana, dahil dinala kita rito. Mag-ayos ka at karaniwan na ay semi-formal ang suot ’pag nag-anyaya ang Ate Margarita ng dinner. Ipapanhik dito ng hotel boy ang mga pinamili ko. Bumaba ka pagkabihis mo. Sa lobby na kita hihintayin.

“Ano’ng pinamili mo?” nagsasalubong ang mga kilay na tanong ng dalaga.“Clothing.”

Naningkit ang mga mata niya. “Hindi mo kailangang ibili ako ng mga gamit!“Bored na tumingin sa kisame si Bernard. “Napapagod ako, Diana. Please don’t let us argue. 

Hindi sapat ang supply ng mga damit sa shop sa ibaba bukod pa sa mga malalaki ang sizes ng mga iyon dahil karaniwan nang foreigners ang mga nagsa-shop doon. And you’re small.“ sandaling hinagod siya nito ng tingin.

“And of course, you have chosen well the right size for me?” sarkastikong sabi niya.

“I have measured your body already, ’di ba? Every delicate inch,” nakangiting sagot ni Bernard.Bago pa may nasabi si Diana ay nasa tapat na ng pinto ang isang hotel employee. May bitbit na dalawang malalaking plastic bag na may logo ng Rustan’s.

“Hihintayin kita sa ibaba,” ani Bernard matapos ilagay sa sofa ang dalawang plastic bags. Pagkatapos ay tuluyang lumabas.

3

GALIT na ibinuhaghag ni Diana ang laman ng mga plastic bag. Denim pants all in in designers’ label at lahat ay sizes niya. Hindi kataka-taka iyon dahil tiyak na nakita ni Bernard ang size ng suot niyang pants. Pagkatapos ay mga signature shirt and blouses. Casual and semi-formal dresses. Tatlong pirasong one-piece swimsuit, again in designers’ labels. Kung wariin pa nga niya’y baka one of a kind ang mga swimsuit.

Paismid niyang inihagis ang mga iyon. Conservative beast! Hindi two-piece ang pinili. Ang isa pang plastic bag ay naglalaman ng mga underwear. Dozens of them. In fragile laces at iisang kulay lahat, puti. And nightwears, all in soft colors.

Pinamulahan siya ng mukha roon na lalo pang nagpatindi ng galit niya. Kahit ang mga intimate garment niya ay binili ng lalaking iyon.

Galit niyang inihagis ang mga pinamili ni Bernard. Damn, damn, damn! Ano ba siya, sinusustentuhang babae? Bayarang babae? Kept woman?

Nagpupuyos ang dibdib na lumipat siya sa main suite at dumapa sa kama at umiyak nang umiyak sa matinding galit at sama ng loob. Hindi niya matiyak kung saan niya dapat isisi ang mga nangyayari sa buhay niya. Kung kay Charlie o sa sarili na rin.

She should have not bargained with Bernard. Dapat ay pinagsikapan niyang takasan ito. O di kaya ay binayaran na lang niya ang perang inihagis nito sa mga holdaper. Mahigit pa roon ang halaga ng pearl earrings niya. Bukod pa sa may kaunti pa siyang natitirang pera.

Sa pagitan ng mga luha ay siya na rin ang kumontra sa iniisip. Naalala ang sinabi ni Bernard.“Hindi ako interesado sa pera mo, o sa mga jewelry mo. I am not even sure if I give a damn if you come naked…”

Ang sabi ng matanda sa kanya sa basement ay matapang siya. No. He was wrong. Takot siya kay Charlie. Takot siya para sa buhay niya kaya siya tumakas mula rito.

At kay Bernard siya bumagsak. And her precious self, her virginity ay ibinigay niya rito. And worst na gusto niyang sipain ang sarili, she enjoyed the sensual violations of her body. Tiniyak ni Bernard na hindi niya malilimutan ang unang gabing iyon sa buhay niya. He was gentle and loving, made her feel precious and loved.

Oh, she could see the hunger in those damned raven-black eyes!Lust! Pure lust.

And why not? Lahat naman ay nagnanasa sa katawan niya. Unang-una na si Charlie. Hindi nga ba kung hindi siya naging maingat ay matagal na nitong napagtagumpayan ang masamang hangarin sa kanya dalagita pa lamang siya. And there was also Kenneth na mula nang makilala niya at maging boyfriend ay wala nang hinangad kundi ang maangkin siya. Huwag nang ibilang pa ang ilang mga manliligaw na kung hindi siya ang hinahangad ay ang kayamanang mamanahin niya kay Don Luis dela Cuesta.

Sa pagitan ng paghikbi ay binalikan sa isip ang lahat ng nangyayari sa buhay niya. Lahat, mula pa noong araw na hinangad niyang sana’y kasama siya ng mga magulang na namatay…

4

KANINA pa siya sa magkatabing puntod na iyon. Malakas ang ihip ng hangin at bahagya nang umaambon pero hindi gustong umalis ni Diana. Hindi iniinda ang lamig na nanunuot sa malamig niyang duster.

Sa mga puntod na iyon nakalibing ang mga magulang niya. Inilibing may isang apat na araw na ang nakaraan. At ilang beses na ba niyang ninais na sana’y kasama siya ng mga itong namatay? Na sana’y hindi niya sinunod ang utos ng mga magulang.

Dahil ano na ngayon ang gagawin niya? Saan siya pupunta?Isang logger ang tatay niya. Mahirap na trabaho pero sapat para makaraos ang buhay nila. Nakapag-aaral siya. Katunayan ay magtatapos na siya sa high school ngayong buwan na ito.Ang di-kalakihang kubo nila’y malapit lang sa gubat kung saan nagpuputol ng troso ang kompanyang pinagtatrabahuhan ng ama. Bagaman hindi na talaga tahimik ang bahaging iyon ng Mindanao ay nakakaraos sila sa araw-araw. Hanggang sa naging marahas ang mga rebelde kahit sa mga simpleng mamamayan. Dahil na rin marahil sa pagkalat ng mga militar sa bayan at baryong iyon at napilitan ang mga rebeldeng magtago nang husto at sa gayo’y maubusan ng supply ng pagkain.

Minsan nang napagkuwentuhan ng mga magulang niya ang tungkol sa demand ng mga rebelde sa may-ari ng kompanya ng malaking halaga. Subalit hindi natigatig ang kompanya. Nagkalakas-loob dahil nga sa prominenteng mga militar sa paligid.

Isang gabi ay nagulat na lamang silang mag-ina nang pumunit sa katahimikan ang sunod-sunod na putok ng mga armalite. Kasunod niyon ay ang paghangos pauwi ng tatay niya mula sa pakikipagkasiyahan sa mga kasamahan sa barracks ng mga ito.

“Leonora, balutin mo ngayon din ang mga gamit natin, dalian mo!” hangos na bungad ni Alfonso. Tinungo ang aparador at halos matanggal sa mga bisagra ang saraduhan dahil sa lakas ng pagkakahila. Pahablot na inilabas ang mga gamit.

“Balutin mo ngayon din ang mga gamit natin, Leonora. Dalian mo!” nagmamadaling wika nito. Inilabas ang mga importanteng gamit mula sa aparador.

“Alfonso, bakit? Ano ang nangyari? Saan galing ang mga putok ng baril na iyon?” sunod-sunod na tanong ni Leonora na hindi maikakaila ang pag-aalala sa mukha at tinig. Kasabay niyon ay ang muling pag-ilanlang sa gabi ng mga bala ng armas.

“Sinalakay ng mga rebelde ang barracks! Sinira ang mga logging equipment!” Sinulyapan nito si Diana na napatayo mula sa pag-aaral ng leksiyon. “Diana, tulungan mo ang nanay mo, dali! Piliin ninyo ang talagang mga kailangan lang natin.”

“Ma—makararating ba sila rito?” Si Leonora uli na nagsisimulang ilagay sa lumang maleta ang mga gamit nila.

“Hindi lang barracks ang sinasalakay nila, pati na ang kubo ng mga kasamahan natin. Nakatakas lang ako dahil pauwi na talaga ako. Huwag ka nang maraming tanong pa.” sumilip ito sa bintana ng kubo at hindi kailanman malilimutan ni Diana ang sindak sa mukha ng ama.Binalingan nito ang mag-ina. “Umalis kayong mag-ina, ngayon din!” matigas nitong utos na itinayo mula sa pagliligpit si Leonora at hinawakan sa braso si Diana. “Sa likod kayo magdaan, bilisan ninyo. May naaaninag akong mga lalaki sa kubo ni Pareng Doming at…” hindi pa nito natatapos ang sinasabi nang muling pumailanlang ang mga bala sa karimlan.

“Hindi kita iiwan, Alfonso!” determinadong sagot ni Leonora. Si Diana ay pinaglipat-lipat ang tingin sa mga magulang. “Sama-sama tayong umalis ngayon din!”

“Hahabol sila, Leonora, ’pag wala silang makitang tao sa kubong ito! Nakita kong hinabol nila ang pagtakas ni Dandoy at… Umalis na kayong mag-ina, wala nang panahon. Susunod ako.” halos ipagtulakan nito ang dalawang babae.

Kalmanteng nagsalita si Leonora. “Diana, sundin mo ang tatay mo, anak. At ipangako mo sa amin, isumpa mo, na kahit ano ang mangyari ay hindi mo pahihintulutan ang sariling mapahamak sa kamay ng mga rebelde!”

“Inay, Itay!” Unti-unting tumulo ang mga luha niya.

“Sumumpa ka, Diana, at tumakbo ngayon din!”

Isang mahigpit na yakap ang isinagot ng dalagita sa mga magulang subalit marahas siyang itinulak ng ama patungo sa likod-bahay.

“Tumakbo ka, Diana. Takbo. At magtago ka sa dilim. Proteksiyon mo ang dilim,” desperadong bilin ni Alfonso. Kitang-kita sa mukha ang sindak para sa anak.

Tumakbo ang dalagita. Hindi niya gustong sundin ang mga magulang pero nasa mga mata ng mga ito ang determinasyong makalayo siya sa lugar na iyon.

Hindi niya alam kung gaano na siya kalayo mula sa kubo nila nang isang nakatutulig na mga putok ng armalite ang nagpahinto sa kanya. Sindak siyang tila naestatwa sa gitna ng dilim at mga dawag. Gusto niyang bumalik. Gusto niyang takbuhin ang mga magulang.

“Isumpa mo, Diana, na hindi mo pahihintulutan ang sarili mong mapahamak sa kamay ng mga rebelde!”

Bumagsak sa makapal na damo ang dalagita. Hindi ininda ang mga tinik at dawag na sumusugat sa balat niya. Tahimik na humagulhol.

“Isinusumpa ko itay, inay. Hindi lang sa mga rebelde kundi sa mga masasamang tao!“Naging laman ng mga peryodiko ang massacre na iyon. Kumilos ang mga militar. Wala isa man sa mga rebelde ang nahuli o napatay. Subalit iba ang nakalagay sa peryodiko. Karamihan daw sa mga ito ay nadakip at napatay.

Ganoon pa man ay kumilos ang pamahalaan at ang may-ari ng kompanya. Naglaan ng pinansiyal na tulong sa mga naulila at nakaligtas. Kasama siya sa mga nabigyan ng salaping tulong.

Hindi niya gustong tanggapin dahil walang kabayaran ang buhay ng mga magulang. Pero alam niyang hindi rin naman ginusto ng mga itong mapahamak ang mga tauhan at ang malugi sa milyon-milyong halaga ng heavy equipment na sinira ng mga rebelde. Tinanggap niya ang tulong sa praktikal na dahilan.

Wala na siyang iiyak pa sa harap ng puntod ng mga magulang. Naubos na niya. Lumalakas na ang ulan pero hindi niya gustong umalis doon. Ni hindi niya naririnig ang pagparada ng isang sasakyan sa may di-kalayuan. Maging ang papalapit nang mga yabag kahit na nga ba gumawa iyon ng ingay sa mga tuyong sanga na natatapakan.

“Hija…”

Bahagya nang narinig ni Diana iyon pero hindi siya tumitinag. Ang mayor marahil sa bayan. O ang kapitan del baryo.

Banayad na mga kamay ang dumantay sa mga balikat niya. “Umuulan na, hija. Iuuwi na muna kita.”

Hindi pa rin siya lumilingon. “Walang uuwian. Sinunog nila ang kubo, ’di ba?” humihikbi niyang sagot. Nakikitira lamang siya sa kapatid ng ama na nakatira sa bayan. At bagaman wala siyang masasabi sa Tiyo Crispin niya ay hindi siya gusto ng tiya at mga pinsan niya. Dagdag pakainin. Kung hindi dahil sa perang tinanggap niya sa kompanya at pamahalaan ay hindi mangingiti ang mga ito sa kanya.

“Mayroon kang uuwian, apo. Mayroon.”

Apo! May bahagi ng isip niya ang gumana. Bigla siyang humarap.

“Leonora!” bulalas ng matandang lalaki.

“Ako si Diana, ang anak niya,” mariing sagot niya sa pagkamangha ng matandang lalaki. Hindi siya nagtataka roon dahil sabi ng nakararami ay para siyang idinapa sa ina. “Nasa puntod na iyan ang inay…at ang itay…”

Niyakap siya ng matandang lalaki. Nararamdaman niya ang banayad nitong pag-iyak. Ewan niya, pero sa sandaling iyon ay may pakiramdam siyang hindi siya ang nangangailangan ng simpatya at konsolasyon kundi ang matandang ito.

Ang matandang ito na ama ng inay niya. Hindi ikinaila sa kanya ni Leonora ang tungkol sa papa nito. Si Alfonso ay isa sa mga empleyado sa pabrika ni Don Luis dela Cuesta. Ang dating kuwentong umibig ang anak ng mayaman sa mahirap. Natural na tinutulan ng mayamang ama.Subalit matigas si Leonora. Inilaban ang pag-ibig. Itinakwil ng ama nang sumama kay Alfonso. Subalit nang magdalang-tao ay sumuko ang matayog na Don. Hindi binawi ang anak bagkus ay nag-alok ng tulong. Tumanggi si Alfonso at Leonora. Ilang beses na tinangka ng matandang lalaki na tulungan ang mag-asawa, lalo na nang ipanganak si Diana. Pero iisa ang sagot ng mga ito:

Patutunayan nilang kaya nilang tumayo sa sariling paa at buhayin ang anak.“Sumama ka sa akin sa Maynila, apo. Nakikiusap ako,” samo ng matanda makalipas ang ilang sandali. Nakatitig sa kanya. Sa matigas niyang anyo. “Hayaan mong bawiin ko ang mga pagkukulang ko sa ina mo.”

Hindi niya alam kung paano niya nasabi ang sumunod na mga salita. “Hindi ka nagkulang. May sarili silang buhay. Pinili nila iyon at maligaya sila. Kung mabubuhay silang muli ay natitiyak kong pipiliin pa rin ng Inay ang buhay niya sa piling ng tatay. Hindi kami naghihikahos. Maayos kaming namumuhay hanggang sa dumating ang trahedya.”

Isang marahang tango ang isinagot ng matanda.

Nagpatuloy siya. “Huwag mong sisihin ang sarili mo. Sasama ako sa iyo dahil ikaw ang lolo ko. Dahil ikaw na lang ang natitirang kamag-anak ko sa panig ng inay. Dahil sinabi ng Inay na hindi ka masamang ama. Dahil mahal ka ng Inay. At gusto kong tanggapin mo ako dahil apo mo ako, hindi extension ng Inay.“Noon lang ngumiti ang matanda. “Aminin mo man o hindi ay wala kang ipinagkaiba kay Leonora, apo. And yes, we have a deal. I’m taking you back home, dahil ikaw ang aking kaisa-isang apo.”

********Pasensya na kayo guys, bukas na lang ulit ako mag-uupdate. Nagloloko kasi si wattpad sa akin eh, laging nag eerror tuwing nagpapublish ako ng new chapter. :( Hopefully maging okay na siya bukas. Maraming salamat sa inyo. - Admin A

5

IYON ang simula ng pagbabago ng buhay ni Diana. Mahal siya ng matandang dela Cuesta. Ibinigay sa kanya ang lahat ng pangangailangang naidudulot ng materyal. Pinag-aral sa isang kilala at pribadong escuelahang pambabae. Hatid-sundo ng driver.

Subalit hindi naging madali ang lahat. Isa sa mga dinatnan niya sa mansiyon ay si Charlie, bunsong anak ni Don Luis. Pahapyaw lamang na naikuwento ng inay niya ang tungkol kay Charlie at maliban sa sinabi ni Leonora na dadalawa silang magkapatid ay wala na siyang iba pang alam tungkol sa tiyuhin.

“Bakit pa ninyo dinala dito ang batang iyon, Papa?” minsan ay narinig niyang sinabi nito. Nakabukas ang pinto ng study ng matanda at papasok sana siya. “Hindi ba at may mga kamag-anak pa naman doon ang ama niyan? Sana ay binigyan na lang ninyo ng pera at hinayaan na ninyo sa bundok.”

“Charlie, apo ko at pamangkin mo si Diana. Obligasyon nating tanggapin siya rito dahil wala na ang kapatid mo.” narinig niya ang paggaralgal ng tinig ng matanda pagkabanggit sa anak.“Ewan ko ba sa inyo, Papa. Baka mamaya niyan ay gawin din ni Diana ang ginawa ni Leonora at iwan din kayo. Muli kayong masaktan dahil sumama sa isang hampaslupang…”

“Tama na, Charlie!” saway ng matandang don. “Hindi ko gustong marinig sa iyo ang mga bagay na iyan. Kinse anyos lang si Diana at huwag mong pag-isipan ng masama.”“Nagpaalala lang ako.”

Mabilis siyang lumayo sa lugar na iyon. Bagaman nanginginig ang laman sa inis sa tiyuhin ay wala siyang magawa. Kapatid ito ng inay niya at tiyuhin. Mula nang dumating siya sa mansiyon ay hindi pa siya pinakitaan nito ng pagkagiliw. Lantaran ang ipinakikitang disgusto. Nasa harap man o wala si Don Luis.

Sinikap na lamang ni Diana na huwag laging nagpapanagpo ang landas nila ng tiyuhin. Subalit hindi naging madali iyon. Palibhasa’y nabihisan at hindi na laging nakabilad sa araw ay lumitaw ang tunay na kulay at ganda ni Diana. Naging prominente ang pagiging mestiza.Ivory skin at buhok na kahit sino ang makakita ay hindi maiwasang hindi humanga. At bagaman hindi naman siya kataasan ay kapuna-puna ang magandang hubog ng katawan.At tulad ni Leonora noong araw ay hindi madaling magtaboy ng mga admirer. Mga admirer na lahat ay pinag-iinitan ni Charlie.

“Ano ang ginagawa mo rito?” bulalas ng dalagita nang sa paglabas niya ng banyo ay inabutan niya sa silid niya si Charlie. Binubuklat-buklat ang mga notebook niya.

“Hmm… love letters,” ismid nito. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa nang may malisya. “Nagpapaligaw ka na, Diana. Ilang taon ka lang ba? Baka bukas-makalawa’y magtanan ka rin tulad ng ina mo.”

Nagpanting ang tainga ni Diana pagkarinig sa pagtukoy nito sa inay niya. Nalimutang tiyuhin ang kaharap at malaki ang katandaan sa kanya.

“Lumabas ka rito! Kung may sasabihin ka’y magbibihis muna ako,” halos pabulyaw niyang sinabi na hinigpitan ang hawak sa buhol ng tuwalya.

Hindi natigatig si Charlie. Nilapitan siya at hinawi mula sa mga balikat ang basang buhok. Napaatras si Diana.

“Wala ka pang isang taon dito mula nang dalhin ng Papa pero ang laki na ng pinagbago mo, Diana,” wika nito habang patuloy na hinahaplos ng daliri ang nakalantad niyang mga balikat. “Dati’y mailap at tahimik ka. Ngayon ay mataray at matapang. Dahil ba lagi ka na lang kinakampihan ng Papa?”

Tinabig niya ang kamay nito at umatras subalit hamba na ng banyo ang nasa likuran niya. “Wala akong alam sa mga pinagsasasabi mo. Wala akong ipinagbago…“Tumaas ang mga kilay ng lalaki. “Wala? Hindi ba pagbabago iyong kay ganda mo na ngayon. Pinong kutis na tila labanos. Kataka-takang hindi ka man lang nagkaroon ng kahit bahagyang peklat gayong sa bundok ka nakatira. Hindi ka man lang ba pinalamukan ng hampaslupa mong ama, ha?”

“Wala kang karapatang magsalita nang ganyan sa itay ko!” singhal niya rito sa nagtatagis na mga ngipin. “Asawa siya ng kapatid mo! Wala akong natatandaang masamang sinabi ang inay tungkol sa iyo.” gusto niyang idagdag na wala rin namang sinabing mabuti si Leonora tungkol dito.

“Dahil napakahangal ng babaeng iyon. Maraming mayayamang nanligaw subalit isang tulad lang ni Alfonso ang pinatulan. Isa pa, iba ka kaysa kay Leonora, Diana. Si Leonora ay sweet and gentle. Ikaw ay tila mailap na pusa…”

“Talaga?” panunuya niya. “Puwes, ikaw lang ang may sabi niyan. Ang laging sinasabi ng Lolo ay kamukha ko ang inay!”

“Sa anyo lang, Diana. Bagaman kinuha mo sa Mama ang buhok mo. Light mahogany. Isa sa mga pangunahing atraksiyon mo.” isinuklay nito ang mga daliri sa buhok ng dalagita.

“Lumabas ka rito kung hindi ay isusumbong kita sa Lolo!”

Lalong ngumisi si Charlie. “Ano ba naman sa akala mo ang iisipin ng Papa na gagawin ko sa pamangkin ko? Isa pa, hindi ako natatakot sa Papa, Diana!” Hinablot nito ang tuwalyang nakabalot sa katawan niya at kasabay ng pagsigaw ng dalagita sa gulat ay natambad dito ang murang katawan.

“Whew!” Malisyosong hinagod siya nito ng tingin. Kitang-kita ang matinding pagnanasa sa mga mata.

“Bastos ka!” Isang malakas na sampal ang ibinigay niya rito kasabay ng pagtakbo sa gilid ng kama at muling inabot ang tuwalyang doon hinagis ni Charlie. At bago pa niya tuluyang naipulupot iyo’y bumukas ang pinto at sumungaw si Don Luis.

“Diana, bakit ka… Charlie! Ano ang ginagawa mo rito sa silid ni Diana? At bakit ganyan ang ayos mo, hija?”

“Walang problema, Papa,” sagot ni Charlie na tinapunan siya ng masamang tingin. Hawak ang pisnging tinamaan ng kamay niya. “Tinawag ako ng apo ninyo dahil hindi niya maisara ang gripo sa banyo,” walang anumang sagot nito at nilampasan ang ama sa pinto paglabas.Kumawala ang paghingang pinipigil ng dalagita. Naroroon pa rin ang sindak sa pagkakatitig sa matandang don na banayad na umiling.

“Magbihis ka, apo, at sumunod ka sa akin sa study ko sa ibaba,” utos ng Don bago lumabas.Nanlalambot na napaupo sa kama ang dalagita. Bakit ganoon ang pakikitungo ng tiyuhin sa kanya? Hindi naman siya ganoon kainosente kaya alam niyang may malisya ang mga hawak nito. Mayroon bang masamang motibo si Charlie sa kanya? Pero hindi kayang gawin ng tiyuhin iyon sa kanya. Pamangkin siya nito. O, baka lamang tinatakot siya para umalis sa bahay na ito. Pero bakit hindi siya matanggap nito bilang pamangkin?

Paano kung dahil sa nangyari ay pabalikin siya ni Don Luis sa Mindanao? Para lang maiiwas kay Charlie. Hindi niya gustong bumalik pa roon. Masasaklap na alaala lamang ang naghihintay sa kanya. Isa pa’y hindi siya gusto ng mga pinsan. Umpisa pa lang ay kinainggitan na ng asawa ng tiyo Crispin niya ang ganda ng inay niya. Ang mga pinsan niya’y hindi rin matanggap na mas maraming nanliligaw sa kanya sa murang gulang.Ano ang gagawin niya kung saka-sakaling pabalikin siya ng Lolo Luis niya sa Mindanao?

6

NANG pasukin niya si Don Luis sa study nito ay may dinatnan siyang bisita. Isang lalaking sa tantiya niya’y nasa singkuwenta mahigit ang edad. Pamilyar ang mukha, hindi lang niya matukoy.

“Halika, Diana, at ipakikilala kita kay Ramon. Siya ang doktor ko, hija. Si Doktor dela Paz. Ramon, ang apo ko, si Diana,” pakilala ni Don Luis.

Tumayo ang matandang doktor at kinamayan ang dalagita. “Para kong nakita si Leonora noong kabataan, Luis. Lamang ang buhok nitong apo mo ay kinuha mula sa iyong esposa.”

“Iyan din ang malimit kong sabihin sa apo kong iyan, Ramon,” sang-ayon ng matandang don.“Kumusta po kayo, Doktor dela Paz,” ani Diana.

“Nagagalak ako at nagkatagpo tayo sa wakas, hija. Nito kasing nakaraang mga buwan ay lumabas kaming mag-asawa ng bansa. Sa Canada, dahil naroon ang kaisa-isa naming anak at ang pamilya nito,” paliwanag ng matandang doktor.

Nakadama ng galak si Diana para sa bagong kakilala. Natitiyak niyang makakasundo niya si Dr. dela Paz.

“And I’d rather you call me, Lolo Ramon, Diana,” dagdag nito. Pagkatapos ay nilingon si Don Luis. “O paano, Ramon, tutuloy na ako dahil may pasyente pa ako sa St. Luke’s. Inaasahan kong dadalhin mo si Diana bukas ng tanghali sa bahay nang makilala ni Conchita.”“Naroon kami, Ramon.”

“Sige na, hija…” Sinundan ng tanaw ng dalagita ang matandang doktor palabas ng silid.“Isara mong muli at i-lock ang pinto, Diana,” utos ng matandang sinunod naman ng dalagita.Tumayo ang matanda at lumakad patungo sa isang bahagi ng silid. Itinaas nito ang isang bilog na center table. Hinawi ang rug doon. Nagsalubong ang mga kilay na pinanonood ni Diana ang ginawa ng matanda. Wala siyang nakikita kundi ang kuwa-kuwadradong marmol. Isang steel nail file ang inilabas ni Don Luis mula sa bulsa ng polo shirt nito. Isiniksik sa pagitan ng marble squares.

Napasinghap si Diana nang umangat ang isang marmol mula sa sahig. Napayuko siya at tiningnan kung ano ang naroon. Isang maliit na steel box ang nakapaloob sa secret vault. Kinuha ito ng matanda at inilapag nang maingat sa mesa.Isang susi ang inilabas na muli sa bulsa at sinusian ang steel box. Nang mabuksan ay may isang dokumentong kinuha at iniabot kay Diana.

“Basahin mo, Diana,” utos nito.

Alanganing tinanggap ng dalagita iyon. At sa nanginginig na mga kamay ay pahapyaw munang dinaanan ng mga mata bago tuluyang binasa.“Oh!”

Muling kinuha mula sa mga kamay niya ang dokumento bago pa siya nakabawi sa pagkabigla. Nasilip niya na hindi lang dokumento ang laman ng steel box. Mayroon pang mahahalagang naroon. Kung paano kinuha ito ng matanda ay sa ganoon ding paraan ibinalik sa panggigilalas ni Diana.

Tinitigan niya ang marmol na ibinalik ng Don na kung tutuusin ay hindi naman mapapansin ang kaibahan kung hindi talaga kabisado. At kahit siya, sa susunod na pagkakataon ay hindi agad matutuhan kung aalisin ang mesang bilog sa tapat at ilipat ng lugar.

Tumayo ang matandang lalaki at bumalik sa upuan nito. “Anuman ang mangyari, Diana, kalasag mo ang dokumentong iyon. At sana’y hindi magkatotoo ang kutob ko. At sana’y hindi mo na kakailanganin ang dokumentong iyan. Hindi ko maaaring ipagkatiwala sa ibang tao, Diana. Hindi na ngayon sa mga panahong ito. Ang kopya ng isang dokumento ay nasa isang safe deposit sa bangko. Malalaman mo iyon. Matanda na ako, hija. Ikaw ang inaalala ko. Magtiwala ka kay Ramon. Hindi niya alam ang tungkol sa marmol pero alam niya ang tungkol sa mga dokumento. Isa siya sa mga witnesses.”

Napahikbi ang dalagita. Inaasahan na niyang pagagalitan siya ng matanda at maaaring ibalik uli ng Mindanao. Hindi niya akalaing ito ang malalaman niya.

“Mula sa paglabas mo sa silid na ito ay kalimutan mo ang lugar na iyan, Diana. Ilang beses na akong nagpalit ng safe sa library na ito.” itinuro ng matanda ang safe na nasa likod ng isang painting. “Ilang beses ko nang alam na may gumagalaw diyan pero hindi ako kumikibo at kunwa’y walang alam. Ngayon ay hindi mo kailanman lalapitan ang lugar na iyan kung hindi rin lang kinakailangan. At sana’y hindi mo na kailangan.”

“Oh, Lolo…”

“Sige na apo, lumabas ka na. You’re strong and wise as your mother was and I know you can take care of yourself.”

Iyon ang naging huling pag-uusap nila ni Don Luis tungkol sa bagay na iyon na kung tutuusin ay nakalimutan na rin niya.

Si Charlie ay patuloy sa pakikipagkagalit sa ama tungkol sa perang lagi na lang nitong kailangan.“Bakit nagbigay kayo ng order sa kahero na hindi ako puwedeng kumuha ng pera doon?” Minsan ay narinig niyang singhal ni Charlie sa ama. Naroon ito sa silid ni Don Luis na katabi lang ng silid ni Diana. “Pinahiya ninyo ako!”

“Marami ka nang perang nakukuha sa kompanya, Charlie. Hindi ko alam kung saan mo dinadala. At hindi ka nagtatrabaho. Hindi mo inaayos ang pangangasiwa sa kompanya.”

“Sinabi ko na naman sa inyong may sinisimulan akong isang negosyo at kailangan ko lagi ng capital!”

“Aanhin mo ang negosyong sinasabi mo gayong ang kompanya lang ay hindi mo pa maasikaso?” mahinahon pa ring sagot ng matanda.

“Gusto kong magkaroon ng sariling negosyo, Papa. Iyong hindi laging umaasa sa iyo,” katwiran nito.

“Pareho rin iyon, hijo. Sa pera ko nanggaling ang kapital mo,” bagot na sagot ng matanda. “Kung gusto mong magkapera ay ayusin mo ang trabaho mo sa kompanya. Nakakahiyang malaman ng mga executive ko na sarili ko pang anak ang dumidispalko ng pera ko.” Bagaman banayad ay naroon ang katigasan sa tinig ng matanda.

“Anak ng…!” pagmumura ni Charlie at napangiwi si Diana. Bumalik sa sariling silid at marahang isinara ang pinto. Subalit makalipas ang ilang minuto’y muli itong bumukas at pumasok si Charlie. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.

“Mula nang dumating ka rito ay nahirapan na akong humingi ng pera sa Papa! Siguro ay sinusulsulan mo ang Papa na huwag akong bigyan ng pera.”

“At bakit ko naman gagawin iyon, Charlie?” mahinahon niyang sagot bagaman may kaba sa dibdib. “Anak ka ng Lolo at karapatan mong manghingi ng pera sa kanya anumang oras. At kung mayroon akong sariling pera ay ibibigay ko sa iyo nang hindi mo kinakagalit ang Lolo. Maysakit siya.”

Tinitigan siya nang matiim ng lalaki at tila inaarok ang sinasabi niya. Pagkatapos ay wala ring kibong lumabas ng silid.

Patuloy sa paglipas ang mga araw. Katatapos lang ng party niya na ibinigay ni Don Luis para sa ikalabing-walong kaarawan niya. Maligayang-maligaya ang dalagang pumanhik sa sariling silid at nagsisimula nang magbihis. Hustong mga panloob na lamang niya ang natira nang biglang bumukas ang pinto.

“Charlie…”

“Happy birthday. Diana,” malagihay nitong sinabi. Wala ito sa party niya kanina at malamang ay ngayon lang dumating. Lasing pa. Pero hindi niya kinaamuyan ng alak. “Wala akong regalo sa iyo, hija. Pero may iba akong alam na regalong tiyak mong magugustuhan.” bago pa niya naintindihan ang sinasabi nito ay nakalapit na at niyakap siya at pinaghahalikan.Ubos-lakas niya itong ibinalya na dahil marahil sa kalasingan ay sumadsad sa dingding.“Huwag kang parang ahas, Charlie,” pagalit niyang sinabi rito. “Wala kang utang-na-loob matapos ang ginawa sa iyo ng Lolo!”

Sukat doon ay tila nawala ang kalasingan ni Charlie. Marahas siyang hinawakan sa mga balikat.“Alam mo! Sinabi sa iyo ng matanda. Duda na nga ba ako. Nasaan ang katibayan, Diana? Nasaan?” Kinabahan si Diana sa tila demonyong anyo nito.

“A-anong katibayan ang hinihingi mo? Hindi ko alam ang sinasabi mo, Charlie…“Pagkamuhi at pagkasuklam ang inilalabas ng mga mata ni Charlie para sa kanya. Matagal siya nitong tinitigan. Ibinalya siya at lumabas ng silid. Magmula noon ay lalong naging maingat si Diana. At hindi iisang pagkakataong naabutan niyang magulo ang mga gamit bagaman nagsisikap ang kung sino mang nakialam na ibalik sa dati ang ginalaw.

Subalit ang higit na nakapagtataka ay ang biglang pagbabago ni Charlie. Na kahit si Don Luis ay lubhang nagalak. Pinangatawanan ni Charlie ang tungkulin sa opisina. At sa loob ng mahabang panahon ay totoong malaki ang ipinagbago. Gusto niyang matuwa alang-alang sa Lolo pero hindi maramdaman ni Diana iyon. Alam niyang may binabalak si Charlie.

Katatapos lamang niya sa kolehiyo nang ipakilala sa kanya ni Charlie si Kenneth. Ang bagong chief accountant ng pabrika. Guwapo at simpatiko. Half-american, half-filipino. Niligawan siya nito at sinuyo at dahil na rin sa udyok ni Charlie at sa pagsasabing si Kenneth ang karapat-dapat sa kanya ay sinagot niya si Kenneth makalipas ang ilang buwan.

At bagaman wala siyang tiwala sa mga pagbabago ni Charlie ay hindi kailanman inisip ni Diana ang eksenang dinatnan niya sa mansiyon nang patayin nito at ng mga kasama si Don Luis.BALYA ng pinto ang nagpabalikwas kay Diana at nagpabalik ng isip sa kasalukuyan.“Bernard!”

7

“ANO ANG ginawa mo sa mga pinamili ko, Diana?” bungad ng binata na ang isang kamay ay nakahawak pa sa doorknob.

Hindi malaman ni Diana ang sasabihin. Napatingala sa binatang naniningkit ang mga mata. Inokupa halos ng katawan nito ang pinto.

“I… I…” nagkakandautal siya sa kabiglaanan. Tila higante ang binatang nakatayo sa may pinto. Humakbang ito papalapit sa kanya.

“Namumula ang mga mata mo.” Marahas siyang hinawakan sa baba at itinaas. “Umiyak ka ba?”“Of course not!” Binawi niya ang mukha at mabilis na tumayo ng kama. Dinampot ang suklay sa dresser at pilit na inaayos ang nagra-riot na kulot na buhok.

“Por dios, Diana, ano ang nangyayari sa iyo at pinaghahagis mo nang ganoon ang mga iyon?“Itinaas niya ang mukha. “Nothing’s wrong with me, hintayin mo ako sa ibaba uli and I’ll be down in a minute…”

Tinitigan siya ng binata nang may kung ilang sandali. Kitang-kita nito ang rebelyon sa mukha niya. Pagkatapos ay inilahad ang mga kamay.

“Alright, kung hindi mo gustong ibigay ko sa iyo ang mga gamit na iyon ay bayaran mo,” anito na ang iritasyon ay sinisikap na kontrolin.

“Bakit, sa palagay mo ba’y hindi ko alam kung magkano ang halaga ng mga iyon? Saan ako kukuha ng ibabayad sa iyo? And don’t tell me how you want me to pay those damned things!”

“Hindi iyon ang ipinahihiwatig ko! Magtrabaho ka. Dito sa hotel. Kahit na ano. Natitiyak kong mahahanapan ka ni Nathaniel ng trabaho,” nagagalit nitong suhestiyon.

Pabagsak niyang binitiwan ang suklay sa dresser at hinarap ang binata. “And dislocate other employees, ganoon ba? I have nothing against working, Bernard. Kaya kong magtrabaho magaan man o mabigat pero hindi dahil idinikta mo.”

“You’re impossible!”

“Dahil imposible ka rin. Gusto mong manipulahin ang buhay ko. Gayong ang sabi ko sa iyo ay ilabas mo lang ako ng Maynila. Hindi ko ipinaangkin sa iyo ang buong pagkatao ko.”

“Dios mio, dahil lang diyan sa mga pinamili ko ay kung ano-ano na ang sinasabi mo. Instead of being grateful dahil nagawa ko pang dumaan sa department store sa kabila ng gusto kong liparin ang Paso de Blas sa pag-aalala sa iyo dahil sa pagtawag ni Nathaniel tungkol sa pagsugod sa iyo ni Clarita.”

“Well, thank you very much!” nagpupuyos niyang sabi.

Tumingala sa kisame si Bernard. Inihaplos ang palad sa mukha. “Great…” usal nito.Napapikit ang dalaga. Naupo siya sa gilid ng kama. Wearily ay tumingala kay Bernard.

“Bernard, I cannot afford this luxury. Hindi mo kailangang tratuhin ako nang ganito. Tama nang tinulungan mo akong makarating dito. Siguro ay makakakita rin ako ng trabaho… sa mainland.”“You promised not to leave here, Diana,” paalala nito. “You promised not to leave…” me! Alam ni Diana na iyon ang gustong sabihin ni Bernard na hindi nito itinuloy. Sa halip ay pagalit siyang tinitigan. “You have made a bargain with me. Do not turn your back on that. Sa paglalabas ko sa iyo ng Maynila, Diana, all I required is obedience! And so far, kahit kaunti ay wala kang ipinakikitang ganyan nitong huling mga araw.”

She winced. Kung itinuloy lang sanang sabihin ni Bernard ang tungkol sa mga pangako niyang binitiwan noong nasa ospital, she might have softened. Pero sa halip ay ipinaalala nito ang pagkagipit niya nang gabing iyon sa gasolinahan. Na para bang mula noong oras na iyon ay nabili na ng binata ang buong pagkatao niya.

Nang manatili siyang hindi umiimik ay lumakad palabas si Bernard. Inisip niyang lumabas na ito pero agad ding nagbalik at dala ang isang bestida mula sa mga inihagis niya.

“Maraming oras na ang inaaksaya mo. Naiinip na ang dalawa sa ibaba.” inilapag sa kama ang damit at nilapitan siya. At bago pa niya mahulaan ang gagawin nito’y naitaas na nito ang t-shirt niya.

“H-hey!” Pilit niya ring ibinababa ang t-shirt. “Ano ka ba!” angil niya rito subalit hindi maawat ang binata.

“Ako na ang magbibihis sa iyo dahil kung ikaw ang hihintayin ko ay mamumuti ang mga mata ng dalawa sa lobby.” patuloy ito sa ginagawa sa panlalaki ng mga mata ni Diana.

“Bernard, t-tigilan mo ako, ano ba!” Hindi niya malaman kung mapapahiya o magagalit.“Be still! I’ve already seen you.” Sa pagitan ng banayad at marahas ay inihiga siya nito sa kama and pulled her denims down. Pagkatapos ay muli siyang hinila patayo. Inabot ang damit at akmang isusuot nang magtatawa nang malakas si Diana. Sa kabila ng pagkairita ay nakakita siya ng bagay na nakapagpatawa sa kanya. Nahinto sa ere ang mga kamay ni Bernard.

“What is so funny?” may pagkairita nitong tanong. Naniningkit ang mga mata.

“Ikaw. My goodness, Bernard. Ipasusuot mo sa akin iyang signature dress pagkatapos ay naka-rubber shoes and sports socks ako!” At muling tumawa.

“Shit!” Pagalit nitong inihagis sa sahig ang damit.

“I know you are very adept in dressing and undressing a woman, Bernard. Pero hindi marahil kasama sa dressing code ang semi-formal dress and Reebok,” tukso niya. Her eyes in silent laughter.

Nakita ni Diana ang paniningkit ng mga mata nito sa inis. Muli siyang tinitigan and she was still smiling. Then something changed. Hindi na galit ang nakikita niya sa mga mata nito. Hunger and passion. His eyes dark with intense hunger and passion. Kinabahan siya at unti-unting huminto sa pagtawa.

Bumaba ito sa paanan niya at sinimulang kalagin ang tali ng rubber shoes niya at tuluyang inalis ang mga ito. Napapikit si Diana. His fingers brushing the sole of her feet ay sapat na para makadama siya ng init, tapos ng lamig, at init na muli. Then it sent shivers down her spine.

“W-wala akong ibang footwear maliban sa rubber shoes, Bernard,” protesta niya.

“Hindi mo kailangan iyon sa gagawin ko sa iyo,” he whispered huskily. Napahugot ng paghinga si Diana. Tuluyan nang kinabahan. Although, may bahagi ng puso at isip ang umaasam, which she tried to dismiss from her mind.

Pagkatapos ay tumayo at humakbang patungo sa hotel phone at dumayal. His raven-darked eyes not leaving her face.

“Kakausapin ko si Nathaniel…” wika nito sa empleyado. “Nat, you go ahead. Kayo ni Zandro. Susunod kami in a few minutes.” Ibinalik sa receiver ang telepono at binalikan si Diana. Niyuko at hinawakan sa baywang at itinaas, crushing her in a tight embrace.

“B-Bernard…”

“Oh, how I want you!” he whispered. “Dio, how I want you. Ginugulo mo ang isip ko at sinisikap kong kontrolin ang damdaming ito. But I think I’ll die now if I don’t make you mine again, Diana.”

Oh!

Nag-uunahan sa pagpintig ang puso niya. Kung wariin ay baka naririnig na ni Bernard ang tibok nito. Nagsasalita pa lang ito pero may init na gumuhit sa katawan niya pababa.Slowly, very slowly, bumaba ang mga labi nito sa kanya. And to her horror, she met his lips hungrily. Her flesh brushed against his chest while they kissed fiercely, wildly.“Oh, Diana, Diana!” His voice in ragged whisper, so seductive. Muli siyang ibinaba nito sa kama and in one quick movement ay inalis ng binata ang mga kasuotan nito, dropping them uncaringly on the floor. He was naked in seconds flat.

Oh my! He was tight and hot as a blue flame.

Mahigpit na lumunok ang dalaga. Torn between sensations and protest. “N-nangako kang… nangako kang…”

“Nangako akong hindi kita pipilitin.” itinuloy nito ang sinasabi niya and joined her in bed. His flesh brushing hers na gusto niyang sumigaw dahil na rin sa intensidad na nararamdaman niya mula rito. “At hindi ko tinatalikuran ang pangako ko,” he whispered softly.

His lips on her temple. On her eyelids at bumaba sa pisngi niya, then on the tip of her nose, and down to her lips teasing each comer with his tongue.

At bago pa namalayan ni Diana, ang sarili niyang mga kamay ay gumagawa ng sariling eksplorasyon sa katawan ng binata. All the things that had fascinated her sa unang pagkakataong nagtalik sila ay nasa mga kamay niya ngayon. The muscled chest, ang maninipis na balahibo sa dibdib nito na humahaplos sa dibdib niya, teasing her already aroused flesh. He was as natural as the wild beast sa kagubatang ito ng Paso de Blas.

And she wanted him. Wanted to taste and touch and feel it all… again. But Bernard is a selfish lover. He wanted to give not receive as he kissed her again and again. Tasting and exploring her body with his lips and hands. He was teasing her body, playing with it, caressing it.

Sinisikap ni Diana na huwag lumabas sa bibig niya ang kahit na anong ingay. But she couldn’t suppress a soft moan as his hands and mouth became demanding. Mahigpit niyang ipinikit ang mga mata sa overwhelming sensations na wala na yatang katapusan.

She couldn’t even remember breathing. Bernard was wild and rough. Like a primitive man. Ang nakapagtataka ay ganoon din siya. As if she had been waiting for these moments. Meeting his wildness, the savagery of his lovemakings. The hurting and loving. He bit her painfully and then kissed her softly as if to apologize.

Napagsasama nito ang gentleness and roughness. Pain and ecstacy. Torment and pleasure. She couldn’t even believe that any man could make her feel like this… the intense passion and wild desire that he awakened in her.

It was a sweet agony for Bernard to slow down. She was tight, hot and tender. She was a natural temptress and he’s losing all control.

Their naked bodies touching from shoulder to thigh. Then she cried softly as he gave her that ecstatic and overwhelming release.

And seconds later, Bernard whispered her name harshly.

8

“AMORE,” bulong ni Bernard. His thumb finger caressing her kissed-swollen lips.

“That is not Spanish, that’s italian.”

“I know. Pero gusto kitang tawagin ng ganyan. You reminded me of one beautiful painting na nakita ko sa Rome when I was there. Pinangalanan ng painter ng Amore. It means love, beloved or something. I wanted to buy it then.” napapikit ang binata sa bahaging iyon. Sa nakalipas na mga sandali sa piling ni Diana ay muling nawala sa isip niya ang kasintahan. At kinakain siya ng guilt.

He wanted to buy the painting as a gift to Jewel pagkabalik sa Pilipinas. Bagaman it was a contrast to her exotic beauty. Jewel was dark with dark hair while the woman in the painting was fair at may buhok na tulad ng kay Diana ngayon, soft brown in riot curls.

“Pero ang sabi ng may-ari ng gallery ay naka-reserve na,” patuloy ni Bernard na tinititigan ang babaeng nasa tabi. “I am a very possessive person, Diana. At sa akin ka.” he had never been this possessive with Jewel. Dahil siguro mahal nila ang isa’t isa at matagal na silang magkasintahan at walang dahilan para maging possessive. Pagkatapos ng unos sa buhay nila ng kasintahan ay wala itong nalamang maaaring kumuha kay Jewel sa kanya.

He never counted on her untimely death.

“That is tyranny, Bernard,” natatawa niyang sagot sa pag-aakalang nagbibiro ang binata. Bumalik ang pansin ni Bernard sa kagandahang nasa tabi. He smiled. “I can be a tyrant.”

“You can’t own a person.”

“Pero pag-aari na kita.” nanunuot ang mga mata nito sa kanya. “At gusto kong maging legal ang pagmamay-ari ko sa iyo.”

Mula sa pagkakasiksik sa dibdib ni Bernard ay napatingala ang dalaga. “Ano ang ibig mong sabihin?”

“I’ll marry you.”

“A-ano’ng sinabi mo?”

“Pakakasalan kita.”

“N-nagbibiro ka…”

“Hindi ginagawang biro ang sinasabi ko sa iyo. Besides, I always mean what I say. I am marrying you, Diana Montero.”

Shock is an understatement sa nararamdaman ni Diana sa mga sandaling iyon. Pormal at seryoso at mariin ang pagkakasabi ng binata.

“B-bakit mo ako pakakasalan?”

“Because I need a wife,” kaswal nitong sagot.

“H-hindi nag—nagpapakasal ang isang tao sa kung kanino na lang dahil kailangan niya ng asawa,” nalilitong sagot ni Diana.

“Hindi ka kung sino na lang, Diana.”

“Oh, please, Bernard, you don’t really mean that.”

“Pakakasalan kita, Diana, because I was attracted to you the first time I saw you walked into that restaurant. Because you are exquisitely beautiful…”

“You—don’t marry for those reasons…” anas niya na lalong naguluhan.

“And also because I need a wife to return to at the end of the day. I need a wife na mangangasiwa ng sambahayan ko,” patuloy nito na tila hindi siya nagsasalita.

“H-hindi ko alam kung paano pangasiwaan ang sambahayan mo,” aniya sa pagsisikap na tanggihan ang sinasabi ng binata.

“In that case, I don’t think I’ll give a damn kung wala kang alam sa mga bagay na iyon.” nahihimigan niya ang amusement sa tinig nito. “Anyway, isang bagay lang ang pinakaimportante sa aking gampanan mo. At natitiyak kong ang bahaging iyon ay kayang-kaya mo. Mahusay kang estudyante, amore.”

Pinamulahan ng mukha si Diana sa ibig tukuyin ng binata. She raised weary eyes to him. “You don’t love me, Bernard and I don’t… love you.” ni hindi halos lumabas sa bibig niya iyon. At kahit siya ay hindi gustong maniwala sa huling sinabi.

“Does it matter?” nagsasalubong ang mga kilay nitong baling sa kanya. “Hindi lahat ng nagpapakasal ay nag-iibigan sa isa’t isa. I have loved a woman once, Diana.” nabasag ang tinig nito sa bahaging iyon. Nakita niya ang kapaitan sa mga mata nito. “Perhaps love her still. And when she died I was broken to pieces. Ayoko nang maulit ang pangyayaring iyon sa buhay ko.”

Hindi malaman ni Diana kung ano ang isasagot doon. Maliwanag ang nais ipahatid ng binata. He wanted to marry her without any emotional committment. Gusto nitong pakasalan siya, legal siyang ariin samantalang ang puso at damdamin ay nakaukol sa ibang babae. Sa isang babaeng hindi na kayang abutin pa.

Aariin niya ang pangalan ng binata pero pag-aari ni Jewel ang puso at pagibig nito. Hindi ba parang linya iyon ng isang awitin? At ano ba ang malay niya kung sa panahong nagtatalik sila ay si Jewel ang laman ng isip ni Bernard? Tinanggihan ng isip niya ang bahaging iyon. Ibinubulong ni Bernard ang pangalan niya sa mga intimate moment nila.

Ganoon pa man, hindi siya pakakasal dito at makukulong habang-buhay sa piling nito na ang dinadambana sa puso ay ibang babae.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. “Alam mong hindi mo ako mapipilit na pakasal sa iyo,” banayad niyang sinabi pero nasa ilalim ng tinig niya ang determinasyon.

“Baka nakakalimutan mong nasa Paso de Blas ka, Diana,” kalmanteng sagot nito. “You promised to give anything mailayo lang kita ng Maynila. Huwag kang tumalikod sa pangako mo. Bibigyan kita ng isang linggo para sanayin ang sariling isa sa mga araw na ito ay pakakasal tayo.”

Kumawala siya mula sa mga bisig nito. Kailangang panindigan niya ang pagtanggi. 

“How could you be so noble to marry me para lang magkaroon ng lisensiya ang paggamit at pananalakay mo sa katawan ko?” hindi niya gustong manuya pero iyon ang lumabas sa bibig niya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Bernard. 

“Paggamit? Pananalakay? Hindi ba natin parehong gusto ang ginagawa natin?”

 His anger started to rise. “Didn’t you want only responded to my lovemakings awhile ago at kahit ngayon if we start all over again?”

Napapikit si Diana, flooded with shame. Dahil totoo ang sinasabi ng binata. Yes, she want only responded to his lovemakings. No. Sex. Ang lovemaking ay para lamang doon sa dalawang taong may damdamin para sa isa’t isa. What they feel for each other is pure lust.

“Then you don’t have to marry me, Bernard, to satisfy the lust we have for each other.” sinisikap niyang kontrolin ang galit sa tinig. “Ang sabi mo nga ay nangako ako sa iyong ibibigay ko ang lahat mailabas mo lang ako ng Maynila. Wala na akong alam na maibibigay pa sa iyo dahil kinuha mo nang lahat. ’Pag nagpakasal ako sa iyo’y habang-buhay mo akong gagamitin para malimot paminsan-minsan si Jewel.” hindi siya makapaniwalang sinabi niya iyon. Naguguluhan at nalilito na siya. 

Hindi niya gustong bumanggit ng pangalan ng ibang babae.

At tulad ng inaasahan ay umigting ang anyo ng binata. Bakal na mga daliri ang bumaon sa braso niya.

 “Bakit kailangang hilahin mo ang pangalan ni Jewel dito?”

Napapikit si Diana roon. Hilahin? Na para bang dinungisan niya ang pangalan ni Jewel dahil lang nabanggit niya.

“At sino ang maysabing gusto ko siyang kalimutan?” patuloy ni Bernard. Lihim siyang napangiwi. That is what she called cruelty. At gusto niyang tumakbo papalabas malayo sa taong ito. Pero saan siya pupunta? Not to forget she’s naked.Naglalabas ng apoy ang mga mata ni Bernard sa pagkakatitig sa kanya. And she was really frightened and hurt.

“E-excuse me.” kung saan galing ang lakas ng loob ay hindi niya malaman. Kung paano rin niya napigil sa pagdurugo ang dibdib ay hindi pa rin niya alam. Ganoon din ang pagbagsak ng mga luha. “pero sinasaktan mo ako.”

Kumawala ang paghinga ni Bernard at binitiwan siya. Alam ni Diana na bukas ay makikita niya sa braso ang bakas ng mga daliri nito. Si Bernard ay inabot ang telepono.

Sa bahay ng mga Cervantes ito tumawag upang ipaalam na hindi na sila makararating. Ipinaalala na lamang ni Bernard ang tungkol sa meeting kinabukasan sa Kristine Cement.

“A-ano… ang iisipin nila sa atin?” Ang takot ay nahalinhan ng pagkapahiya.

“The hell I care,” sagot ng binata na muling humarap sa kanya. Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha sa pagkakatitig sa sari-saring ekspresyong nasa mukha ng dalaga. 

“Diana, we always argue, alam mo ba iyon?”

Idinapa ng dalaga ang sarili sa mga unan kasabay ng paghatak ng kumot patakip sa katawan niya. Hindi niya gustong sumagot. Anuman ang sabihin niya’y babalik din sa kanya. At iisa lang ang kauuwian: mapahiya siya kung hindi man masasaktan. Kung magagawa lang sana niyang tanggihan ang mga ginagawa nito. Kung hindi lang sana traidor ang sariling katawan. Natitiyak niyang hindi siya pipilitin nito kung tatanggi siya. But the man is an expert seducer.At maliwanag pa sa sikat ng araw kung ano lang ang gusto nito sa kanya. Hindi nito itinatanggi iyon at pinararangal lamang sa pamamagitan ng pag-aalok ng kasal.

Isinuklay ng binata ang mga daliri sa buhok niya at bumulong. “I’m sorry, Diana. I didn’t mean to hurt you,” he said gently.

Bakit ba pagdating sa babaeng ito ay nawawalan ito ng kontrol sa sarili? Bakit ba kinatatakutan nito ang damdaming ibinabangon ni Diana sa kanya? Anger, tender emotions, protectiveness and possessiveness…and lust. Higit sa lahat pure unadulterated lust!

Si Diana ay mahigpit na ipinikit ang mga mata. Ang icing sa cake. Ang paghingi nito ng paumanhin ay nagdulot lamang ng pagkahabag niya sa sarili. At kung hindi niya pipigilin ay iiyak siya nang iiyak.

Damn you, Bernard!

9

ALAS-nueve y media nang dumating si Bernard sa opisina.

“Good morning, boss.” si Mrs. de Lara. “Nasa loob na silang lahat. You’re thirty minutes late.“Huminga nang malalim ang binata. “Strong and black coffee, Andrea,” utos niya sa sekretarya. Pumasok sa isip si Diana na iniwan niyang natutulog sa suite kaninang bago mag-alas-dose ng hatinggabi. She was so tired na hindi na namalayan ng dalaga ang pagpanhik niya sa rooftop para sa chopper na maghahatid sa kanya rito sa Maynila. At bagaman alas-dos ng madaling-araw ay nasa bachelor’s pad na siya ay naging napakailap ng tulog dahil okupado ni Diana ang isip niya.

Pumasok siya sa sariling silid at pagkatapos ay binuksan ang accordion door na siyang naghihiwalay sa pagitan ng pribadong silid niya at ng conference room. Bumati ang mga ito pagkakita sa kanya.

“Good morning.” tumikhim siya at iginala ang paningin sa mga nakaupo sa palibot ng conference table. May mga dokumento ang bawat isa sa harap. Naroon si Marco at Emerald. Si Nathaniel sa halip na si Margarita, si Josef, at ang dalawang senior executive ng Kristine Cement na ang isa’y may 10% share, at 5% naman ang isa.

Bahagyang naningkit ang mga mata ni Bernard nang mahuli ang mga mata nina Nathaniel at Zandro. Mga hindi nagsasalita pero ang mga ngiti ay makahulugan.

“Hindi ka nakarating kagabi, Bernard. Kayo ni Diana. Nagtatampo si Margarita. Inaasahan niyang pareho kayong makasalo ni Zandro sa hapunan,” paninita ni Josef sa seryosong tono. “Ang sabi nitong dalawang lalaki ay may importanteng bagay kang inasikaso sa hotel. Tungkol ba dito sa meeting na ito?”

Sabay na nagtawanan si Zandro at Nathaniel. Kung nakamamatay ang tinging ipinukol ni Bernard sa mga ito ay natumba na ang dalawa.

“Babawi na lang ako sa susunod na pagkakataon, Kuya Josef,” pormal niyang tugon. Pumasok si Andrea at inilapag sa tabi niya ang hininging kape. Pagkatapos ay naupo sa puwesto niya ang sekretarya upang kumuha ng minutes ng meeting. “Binubuksan ko ang meeting na ito at bilang pasimula ay gusto kong ipakilala sa board si Zandro Fortalejo.” sinulyapan ang kapatid na banayad na tumango bagaman nakipagkilala na ito kanina sa dalawang senior executive bago pa dumating si Bernard.

Nagpatuloy ang binata na ang mga mata’y nakatuon sa dalawang hindi miyembro ng pamilya. 

“This is a family matter, ganoon pa man, since this is a family corporation, tamang pagkakataon para sabihin ko ito. Kung ipinahihintulot ng batas na ipagkaloob ko sa iyo, Zandro, ang villa Kristine ay legal kong ipagkakaloob, but my lawyer here, Marco…”

“Excuse me,” agap ni Zandro. “May I have the floor?”

Tumango si Bernard.

“Entail or not Bernard, legal na ipinamana sa iyo ng Papa ang mga iyon. At muli ay uulitin kong sabihin na hindi ko kinokontesta ang testamento ni Senior Leon. Make this formal and binding, wala akong interest sa villa now or in the near future.”

Mga kaluskos ng papel sa harap ng bawat isa ang sunod na maririnig. Nagpatuloy ang chairman ng Kristine Cement.

“Gusto kong ipaalam sa board na bukas ang 15% share of stocks ni… Jewel Fortalejo.” sandaling nabasag ang tinig ng binata roon. At gusto nitong isumpa ang sarili. Now, he could again feel the pain. Pero kagabi lang ay nasa piling siya ng ibang babae. Ibang babaeng inalok niyang bibigyan ng kanyang pangalan. Offering Diana his name didn’t bother him so much. Pero ang nadarama niyang emosyon para dito ang bumabagabag sa kanya.

He wanted Diana para makaahon mula sa dalamhating idinulot ng pagkamatay nito. Kasabay rin noon ang pagkadama ng guilt dahil totoong sa piling ni Diana ay naglalaho sa alaala niya ang babaeng iniibig. At hindi niya gustong mangyari iyon.

“Ang shares ay isang inheritance na automatically ay mauuwi sa mga malapit na miyembro ng pamilya. At si Anna iyon. But since na nasa America si Anna na tulad ng alam nating lahat ay hindi interesado sa anumang bagay may kinalaman sa ari-arian ng mga Fortalejo, then kay Emerald iyon mauuwi. Let us make this formal and binding.”

Tumikhim si Emerald. Bumaling sa asawa na tumango. “Napag-usapan na namin kagabi ni Marco ito, Bernard.” nilinga niya ang miyembro ng board. “I already have my fifteen percent inheritance. That is more than enough. At dahil ako ang legal na representative ng pamilya sa meeting na ito, legal ko ring ipinagkakaloob ang manang iyon sa higit na may karapatan, sa iyo Zandro Fortalejo.” nakangiting bumaling si Emerald sa tiyuhin. Bagaman alam nitong si Zandro ang tanging mahirap sa mga naging anak ni Leon Fortalejo sa ibang babae ay hindi masasabing pinabayaan ito ng Don. Pinagkalooban ito ng sapat na halaga na kung naging matalino sa paggamit si Clarita ay sapat upang mabuhay nang maalwan.

Si Zandro ay marahang huminga nang malalim. “I… I… don’t know what to say.” sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay nito ay bahagya itong nautal. Ang magkaroon ka ng 15% shares sa Kristine Group of Companies ay sampung doble kaysa sa iniwang halaga ni Leon sa kanya noong bata pa siya. But then, hindi pa naman naitatayo ang mga kompanya noong panahong iyon.

“You don’t have to say anything. Just sign the documents,” pormal na pahayag ni Bemard pero may kislap sa mga mata.

“Welcome to the board, Mr. Fortalejo,” amused na wika ni Marco na iniabot ang mga dokumento sa binata.

“Thank you, Marco.” nagsisikip ang dibdib nitong pinirmahan ang mga kaukulang espasyo.

“Kung mayroon pang nais i-discuss ang board, the floor is open,” ani Bernard. May mga nagkomento ng kung ano-anong maliliit at importanteng bagay para sa kompanya at lahat ng mga iyon ay pinag-aralan at inilagay sa minutes. Makalipas ang sumunod ay na-adjourn ang meeting. Kinamayan ng mga naroroon si Zandro bilang pagtanggap.

“Gusto kong magpasalamat sa inyong lahat, lalo na sa iyo Emerald at sa iyo Bernard,” ani Zandro sa gumagaralgal na tinig nang ang mga naroon ay sila na lang. “Alam kong hindi nabayaran ng buhay ni King ang pinsalang naidulot nito pero patuloy kong inihihingi ng paumanhin…”

Halos humihiwa ang katahimikang sumunod sa pagkakabanggit sa trahedya. Si Marco ang bumasag sa katahimikan matapos mag-alis ng bara ng lalamunan.

“Hindi ipinahintulot na sa kamay ng isang Fortalejo nagbayad si King. At tama ka, Zandro. Hindi nababayaran ang buhay. But it’s all over. We must go on living.” sinulyapan nito ang pamangkin sa makahulugang paraan. Pagkatapos ay muling itinuon ang mga mata kay Zandro, ngumiti, at kinamayan.

“Naalala mo ba noong una akong pumarito, Bernard?” Tumango ang binata. “I wanted to talk business with you then. Hindi ako iniwanang wala ng Papa. He deposited some considerable amount of money in trust na withdrawable pagdating ko ng twenty-five. And that was four years ago. Sa pakiusap ko ay ginamit ni Senior Leon ang kapangyarihan niya to talk to the bank people kung magkano na dapat ang perang nakatago. Sa puntong iyon ay ikinatuwa kong hindi nakapag-aral ang Mama dahil hindi na nito kinuwestiyon iyon. Si King ay sa pera lang interesado. Less than half of the money ay ginamit ko sa pagbili ng isang lupain hindi rin gaanong nalalayo sa Paso de Blas, by sea.

“It is a wilderness and undeveloped. At walang nakakaalam noon kundi ako. Kaya ako narito noon ay upang mangutang sana ng mga materyales na kakailanganin ko sa pagpapatayo ng mga necessary facility. Ganoon din ang paghingi ng garantiya sa iyo sa iba ko pang mga kailangan. Now, that I have the 15% shares, siguro ay maaari kong magamit iyon bilang garantiya sa uutangin ko.” inikot nito ang mga mata sa mga taong naroroon. Nagkatinginan ang bawat isa. All with amusement in their eyes.

Tumikhim si Bernard. “Zandro Fortalejo, with or without the 15% shares, you can have whatever you want… brother.”

10

SA ibang panig ng Maynila.

“Ano ang balita?” si Charlie sa private detective na binayaran. Sinulyapan si Kenneth na nakaupo sa may sofa at naghihintay rin sa sasabihin ng detective.

“Na-trace ko na ang may-ari ng plate number ng Mercedes Benz na sinakyan ni Diana, Mr. dela Cuesta.”

Bahagyang napahugot ng paghinga si Charlie. “Kanino? Sabihin mo kaagad,” apura nito. Wala sa loob na nakuyumos ang mga papel sa harap.

“Big time, Mr. dela Cuesta. Hindi basta-basta. One of the richest… and powerful bagaman tahimik lang. Anak ni Don Leon Fortalejo. Maraming connections during his lifetime. 

Nagmamay-ari ng isang entire town, almost an island. Ang meat farm ng pamilya ay isa sa mga major supplier ng bansa. Ang anak ang nagmamay-ari ngayon ng malalaking kompanya. Isa na rito ang Kristine Cement. Huwag nang isali pa ang Kristine Steel na pinamamahalaan ng isang tiyuhin at ang asawa nito, si Marco de Silva, also rich and powerful. Untouchable at isang shrewd and topnotch lawyer.“ Halos hindi huminga ang detective sa pagre-report.

“Sonofabitch!” Nagtalbugan ang mga papeles sa mesa sa lakas ng pagkakasuntok ni Charlie. Si Kenneth man ay nagtagis ang mga bagang. Tumayo at nagpaikot-ikot sa buong study. Napatutok ang pansin sa rug sa ibaba ng maliit na mesa. Lumapit at inayos ng paa ang natuping rug. Pagkatapos ay binalingan ang detective.

“And she must have sold herself to that devil!” patuloy nito na ang mga ugat sa leeg ay halos maglabasan. But I’ll get you, Diana, kahit nasa pangangalaga ka pa ng kahit na sinong demonyo. Akin ang mga ari-arian ng mga dela Cuesta. At ikaw ang passes ko roon.At habang nagtatagal na makita nito si Diana ay lalo lang kinakain ng galit ang dibdib nito. Lalo na at wala na itong pera. And damned those wretched employees na hindi gustong i-honor ang signature at utos niya.

Patay na ang matanda at bilang nag-iisang anak ay dapat na manahin niya ang kompanya at ang mga ari-arian nito. Pero wala ang testamento ng matandang Luis dela Cuesta. Ang abogado nito’y may hawak na dokumentong nagpapatunay na tangi lamang sa harap ni Diana Montero babasahin ang testamento. At kung wala si Diana sa loob ng isang taon matapos itong mamatay, ang lahat ng ari-arian ng matanda ay mauuwi sa kawanggawa.

At pitong buwan na halos na hina-hunting nito ang dalaga. Nauubos na ang panahon nito. At wala na siyang pera para ibayad sa mga tauhan niya.

“What now?” si Kenneth makaalis ang private detective.

Bago pa makasagot si Charlie ay nag-ring ang telepono sa tagiliran. “Hello,” mainit pa rin ang ulong padabog na sumagot.

“Easy, Charlie boy…”

“B-boss…”

“You’re running out of time, my boy…”

“S-sandaling panahon na lang, boss. Nakita ko na si Diana.”

“Really? That’s good news. Nasaan siya?”

“Nasa pag-aaruga ng isang…” sandaling inisip ang pangalan. “…ng isang Fortalejo, boss.“Sandaling natahimik ang kabilang linya. Nakarinig si Charlie ng banayad na pag-ubo. “Fortalejo as in Kristine Cement, Kristine Steel, Kristine Hotel-Resort at kung ano-ano pang Kristine, Charlie?” mapanganib ang tono nitong tanong.

Napalunok si Charlie. Nagpahid ng pawis sa noo. “I-iyon nga, boss.”

“Then you’re dead, Charlie.” tiniyak ng nasa kabilang linya sa galit na tinig. “Mataas pa sa Empire State Building ang connections ng mga iyon. Tahimik at simple ang pamilya but they’re respected by the law. Huwag nang idagdag pa kung gusto nilang kumilos pailalim. They could pay the devil himself. At wala akong balak madamay…”

“H-hindi, boss. Bigyan mo ako ng kaunti pang panahon at tinitiyak ko sa iyong mapababalik ko si Diana at hindi kailangang makialam ang mga Fortalejo. Mababayaran ko ang utang ko sa iyo…”

“Tsk… tsk… ikaw ang anak ni Luis dela Cuesta, Charlie, bakit kailangan mo ang pamangkin mo?“Hindi agad nakasagot ang lalaki. “Personal, boss. Pero babayaran kita anuman ang mangyari.”

“Tiyakin mo, Charlie,” anang kabilang linya sa banayad subalit mapanganib na tinig. “Dalawang linggo ang panahong ibibigay ko sa iyo. Walang labis walang kulang.”

Nawala na ito sa linya. Nagpahid ng pawis si Charlie. Isinandal ang sarili. Kailangang makagawa siya ng paraan upang bumalik nang kusa si Diana bago matapos ang taning nitong araw at bago tuluyan na mawalan siya ng perang ipambayad sa mga tao

11

MAINGAT na binuksan ni Bernard ang pinto ng suite sa pamamagitan ng sariling susi. Maingat ding isinara. Hindi nito kailangan ng ilaw dahil kabisado ang buong silid. Hindi naman gaanong madilim dahil pumapasok ang liwanag ng buwan sa silid.

He stared at the woman in his bed, peacefully sleeping. Nakatagilid at nakayakap sa isang unan. Sa villa ito dapat umuwi pero hindi nito kayang pigilin ang sariling hindi makita si Diana. He’d been away for two days and he missed her. Umiling ito. Tinanggihan ang sariling kaisipan. No, he did’t miss her sa totoong kahulugan ng salita.

There’s only one woman that he missed so terribly and she’s gone… beyond reach.

At si Diana? He wanted her… hungered for her body. He wanted to bury himself deep inside her. Lunurin sa dalaga ang lahat ng sama ng loob, sakit at pait na nasa dibdib nito. And she is very much willing, naturally and sweetly submissive. She will make a very adept partner in bed. At ang iba pang tungkulin na kaakibat ng pagiging Mrs. Bernard de Silva Fortalejo ay hindi na mahalaga.

Pakakasalan niya si Diana. Pakakasalan niya ang estrangherang ito… and yet stranger no more.Unti-unti itong nag-alis ng mga kasuotan nang hindi gumagawa ng ingay. Pagkatapos ay pumasok sa banyo.

Si Diana ay bahagyang naalimpungatan sa tila ulan na naririnig niya. Pero muli ring nakatulog.Pinatutuyo na ni Bernard ang buhok sa pamamagitan ng tuwalya nang lumabas ito. Saglit itong nahinto sa ginagawa nang mapatingin sa dalagang natutulog. Sa pagkakataong iyon ay may liwanag na nanggagaling sa banyong nakabukas pa.

Dio! She was naked!

She probably shifted position dahil nakadapa na ang dalaga. Ang isang braso ay nakabitin sa kama. At marahil sa pag-ikot ay humulagpos ang kumot na nakatakip sa katawan. Now, the linen is covering a small part of her behind.

Now, he was really hot and alive. Marahan siyang bumaba sa kama sa tabi nito. Inalis ang kumot na nakatakip sa kapirasong bahagi ng katawan. His fingers stroked her skin. Banayad nitong hinawi ang buhok ng dalaga at hinagkan ang batok.

Nang banayad siyang itagilid ni Bernard ay umungol si Diana… tulog pa rin. Dala marahil ng kapaguran sa paglalagi sa beach sa buong maghapon. Ganoon din nang sinundang araw kung saan magkasama sila ni Jasmin at Iris sa pagsu-swimming at aqua cycling.

He positioned himself. His hands caught her thighs and in one fluid movement took her. Napasinghap nang marahan si Diana. Nakadama ng kaunting discomfort. Alam ni Bernard na noon lang nagising ang dalaga and she’s tight and dry. But those won’t stop him.

“B—Bernard…”

Hindi sumagot ang binata, only kissed her lips at ipinagpatuloy ang ginagawa. Ni hindi makuhang magprotesta ni Diana. Walang foreplay and it was so sudden. Sa inaantok pa niyang diwa, she wanted only to give kung ano man ang kailangan ni Bernard sa kanya. Pero hindi nangyari iyon. Tiniyak ng binata na anumang paraan nito gustong angkinin ang dalaga ay hindi lang para sa pansariling kasiyahan.

And Diana found her release first bago sumunod ang binata and collapsed on top of her.Matapos ang ilang sandali ay bumaba sa tabi niya si Bernard. Niyakap siya nang walang salitang namamagitan. Finished his lovemakings by showering little kisses on her shoulders at sa batok niya. Nasa dibdib pa niya ang kamay ni Bernard when he fell asleep.

Hindi na nito namalayan pa ang pagdaloy ng luha sa mga pisngi ni Diana. Ang kontroladong paghikbi upang huwag itong magising.

Nangako siya sa matandang lawin na hindi iiwan si Bernard anuman ang mangyari. At hindi man ipapaalaala ay ganoon ang mangyayari dahil nakatakda siyang pakasal sa lalaking pangalan lang ang maiaalok sa kanya.

At sa kabila ng lahat, she was falling in love with him.Hopelessly.

12

klNABUKASAN ay ipinasyal siya ni Bernard sa buong hacienda. Una muna’y ipinakita sa kanya ang meat farm. Ang bakahan at ang horses’ stable.

“Ito ang boundary ng pag-aari ni Nathaniel, Diana. Mula rito at hanggang sa kaya mong tanawin ay pag-aari ko.” itinuro ng binata ang isang di-maliparang uwak na kaparangan. Pagkatapos ay pinausad na nito si Firewind at dinala ang dalaga sa limestone site.

“Ngayon lang ako nakakita ng ganito, Bernard,” manghang wika ni Diana habang pinanonood ang mga taong gumagawa sa ibaba ng burol na kinaroroonan nila. “Hindi ko alam kung paano ginagawa ang semiento…”

“That and some more chemicals make a bag of cement.” At ikinuwento sa dalaga kung paano hindi sinasadyang natagpuan ang limestone site many years ago at kung paano nagsimulang itatag ang Kristine Cement.

Sakay silang pareho ni Firewind nang dalhin ni Bernard si Diana sa de Silva Farm at ipakilala kay Julia.

“And I thought you’ll never bring her here, Bernard,” ani Julia na tiningnan nang masama ang apo. “Mabilis ang balita dito sa Paso de Blas. In fact, Marco and Emerald were curious about her. Muntik na siyang mapahamak dito sa atin pero ngayon mo lang naisipang ipakilala siya sa akin.“Natawa si Bernard. “Walang panahon, Tiya Julia. Naging napakaabala ko nitong huling mga araw. May problema sa Kristine Steel kung nasabi na sa inyo ni Marco. Nagkaroon ng delay sa delivery para sa isang malaking project ng isang kompanya at sa kompanya sinisingil ang gastos sa delay.”

Nagkunwang umismid si Julia. “Anyway, welcome to De Silva Farm, hija. My grandson is too remiss,” nakangiti nitong sinabi kay Diana.

“Hindi naman po ako gaanong natatagalan pa sa Paso de Blas. Isang linggo pa lang mahigit,” wika ng dalaga matapos halikan sa pisngi ang matandang babae.“Galing na ba kayo sa villa?”

Tumingala si Diana kay Bernard at hinihintay itong sumagot. Umiwas ng tingin ang binata at lumakad patungo sa lagayan ng alak at nagsalin.

“On our way back to the hotel, tiya,” sagot nitong hindi lumilingon. Hanggang maaari ay hindi nito gustong dalhin si Diana roon. Maraming mga alaala ni Jewel ang tinataglay ng villa.Anyway, kahit papaano ay nakita na ng dalaga ang villa. Isang trahedya na ang nangyari doon, taking the life of the woman he loved.

Muntik nang maulit ang pangyayari.

“Make yourself comfortable, Diana, at titingnan ko lang sa kusina ang tanghalian natin.”“Oh, don’t you worry. I’ll be fine.” humakbang ang dalaga patungo sa music corner kung saan naroon ang piano at iba pang instrumentong pangmusika. Napagtuunan niya ng pansin ang gitarang nakasabit. Inabot iyon.

“Don’t!” si Bernard bago pa mapigil ang sarili.

Kung hindi naagapan ni Diana ang gitara ay maibabagsak niya sa pagkagulat. Si Julia man ay nabigla rin at napalingon sa kanila.

Gumuhit ang hapdi sa mukha ni Diana at nakita iyon ni Bernard. Gusto nitong sipain ang sarili.

“I—I mean…” Dio, kailan pa ito nag-stammer sa buong buhay nito? “Wala… sa tono iyan…”“I don’t know how to play this thing,” she said softly, bitterly. Muling ibinalik sa dingding ang gitara. “Na-curious lang ako, I’m so sorry.” Swallowed painfully and choked back her tears.

“Dammit, Diana. Don’t make me feel guilty by saying you’re sorry. Ako ang dapat magsabi niyon.” Pagtaas ng tinig ang alam na gamitin ni Bernard to appease himself.

“Nariyan sa drawers ang mga family album, hija,” namagitan si Julia. Hindi nito kayang tingnan ang pagdaramdam sa mukha ni Diana. Binalingan ang apo. “Bernard, tulungan mo akong ayusin ang mesa.” Nag-iwan ng buntong-hininga ang binata at sumunod sa matandang babae palabas ng dining room.

“Am I allowed to see it, Bernard?” pahabol ni Diana bago tuluyang nakalabas ang binata. Kung nanunuya siya ay hindi rin niya alam. Huminto sa paghakbang si Bernard at lumingon.

“Hell, yes! You don’t have to ask my permission. Nabigla lang ako kanina and I’m sorry…!” bulyaw nito at sumunod sa tiyahin.

“I have never known you for being so rude, Bernard.” si Julia nang nasa dining room na sila. 

“And watch your language. Okay lang sa isang ranchero pero hindi sa isang executive.”

Sa kabila ng lahat ay nakadama ng amusement ang binata sa double-standard ng matandang babae sa pagmumura.

“Sinaktan mo ang damdamin ni Diana. Nakita ko iyon sa mukha niya. Gitara lang iyon, hijo. Kahit pa nga ba nagtataglay iyon ng maraming alaala. But surely, hindi alam ni Diana iyon.” nag-aakusa ang tinig ni Julia.

“Hindi ko siya dapat dinala dito. Hindi ko dapat ipinakilala sa iyo. Hindi ko siya gustong dalhin sa villa bagaman nakarating na siya roon.” Inihilamos ng binata ang palad sa mukha. His face in agony.

“Ano ang dahilan at dinala mo siya rito? In the first place, bakit mo siya dinala rito sa Paso de Blas?” banayad na tanong ng matandang babae.

“Damn if I know. I was just attracted to her hair when I first saw her…”

Napadilat ang matandang babae. “Her hair! Nagiging loko ka, hijo…!” May amusement sa tinig ng matandang babae. “Bagaman inaamin kong maganda ang buhok ni Diana. Pero hindi rason iyon sa pagiging involved mo sa kanya.”

“At paano mong nalamang involved ako sa kanya?” naiiritang tanong ng binata.

“Really, Bernard? Didn’t I raise you?” Tumaas ang kilay ng matandang babae. “Now, bakit mo siya dinala dito sa Paso de Blas?”

“Huwag ninyo akong tanungin. Hindi ko alam sagutin. I’m getting dumb perhaps. Noong dalhin ko siya rito sa Paso de Blas ay iyon din ang unang araw na nakita ko siya sa buong buhay ko…“Lalo nang nandilat si Julia. “Tama ba ang naririnig ko sa iyo? Sino ang babaeng iyan? Ano ang uri ng pagkatao niyan?” naiiskandalong tanong ng matandang babae. “I do not want you to get involve with some…”

“Calm down,” agap ng binata. “Tinitiyak ko sa iyong matinong babae si Diana. At galing sa mabuting pamilya.”

“Paano mong nalaman?” Naroon ang pagdududa sa tinig nito. Tumaas ang mga guhitang kilay. Hindi nito gustong kung sino-sinong hindi nararapat na babae ang pinagkakaabalahan ng apo.“And I thought you raised me?” matabang na ganti ng binata.

Nagpakawala ng mahabang paghinga ang matanda. 

“We were all devastated when Jewel died, Bernard. Lalo ka na. Hindi ko tinututulan ang pakikipagrelasyon mong muli sa ibang babae. Lamang ay tiyakin mong mabuting babae. At ikagagalak kong ibalik mo ang sarili mo sa dati. Pero sana’y wala kang sinasaktang damdamin. Kung ang kailangan mo kay Diana ay dahil lang sa basic needs, then don’t let her come close. And correct me if I’m wrong, hijo. Nararamdaman ko, kung hindi ko man nakikita, close is an understatement kung ang pagbabasehan ko ay ang mga mata ng dalaga sa pagsulyap sa iyo. And Diana is very young, hijo, para sa sakit ng damdaming maaari mong idulot. I bet na wala pang twenty-one ang babaeng iyan.”

Hindi sumagot si Bernard. Wala itong maapuhap na ikatwiran doon.

13

SI Diana ay tahimik na sinusuyod isa-isa ang laman ng album. At kahit hindi sabihin ay natukoy niya si Jewel.

“You’re dark but very pretty,” marahang wika niya habang sinusuyod ng tingin ang mga larawan ni Jewel na lahat ay kasama si Bernard. Mula pa noong ito’y nineteen years old. May larawan si Jewel strumming the guitar and probably singing dahil hawak ni Bernard ang mikropono malapit dito. Ngayon niya nauunawaan kung bakit biglang sumigaw si Bernard ng pagtutol nang abutin niya ang gitara.

Some photographs were even romantic. Candid shots man o hindi. It was obvious how these two people loved each other so much. Nauunawaan niya ang pait na idinulot kay Bernard ng pagkamatay ng kasintahan.

May hapding gumuhit sa dibdib niya na halos magpapugto sa paghinga ni Diana. She swallowed hard dahil sa paninikip ng dibdib sa pagpipigil na huwag mapaiyak. She’s really falling for this man.

“Mahusay ka sigurong kumanta,” patuloy niya sa pagsasalitang mag-isa habang nakikipag-usap sa larawan ni Jewel sa album. “Mahusay ka rin sigurong maggitara. Pero ako ay hindi. Kahit nga isampal sa akin ang simpleng keynote na do ay hindi ko makikilala. But I can dance,” patuloy niya. Ni hindi niya namalayang nakatayo sa may pinto si Bernard na nahinto sa pagpasok at pinakikinggan siya.

“I can dance very well. Sabi nga sa akin sa school noong maliit pa ako ay para daw akong swan. Maaari daw akong maging prima ballerina. Pero hindi ko pinansin iyon. We were poor. Well, not until my grandfather took me with him to…” nabasag ang tinig niya pagkabanggit sa pangalan ng lolo. Pagkatapos ay muling tinitigan ang larawan ni Jewel. “But I bet you danced well also. At hindi ko maipagmamalaki sa iyong maganda ako dahil maganda ka rin. Wala siguro ako kahit isang katangiang maaaring ihambing sa iyo sa paningin ni Bernard…” may bahid ng matinding lungkot ang tinig niya sa bahaging iyon.

Pinigil ni Bernard ang mapatikhim sa bahaging iyon. Muling humakbang paatras pabalik sa dining room. Muntik na nitong mabangga si Julia. May akusasyon sa mga mata ng matandang babae na narinig din ang pagsasalitang mag-isa ni Diana. Umiwas ang mga mata ng binata at sadyang nilakasan ang tikhim upang marinig ni Diana na palabas ito.

Sa harap ng pagkain at sa pananatili ni Diana nang isang oras mahigit sa tahanan ng mga de Silva ay wala siyang maipipintas kay Julia. Very polite and a charming host. Not distant, not close.

“Alam mo bang ngayon lang ako nakasakay ng kabayo sa buong buhay ko?” Binasag niya ang katahimikan.

“I could guess.”

“Saan ba dito nakatira ang matandang lawin?” Sinisikap niyang patuloy silang mag-usap dahil halos hindi gustong magsalita ni Bernard kahit kanina pa sa farm.

“Sa villa.”

“Sa villa?” bulalas niya pero hindi na sumagot si Bernard at patuloy na pinatatakbo nang marahan si Firewind.

Nagsimula nang bumangon ang galit sa dibdib ni Diana sa matabang na sagot ni Bernard sa mga tanong niya.

“Hindi ko hiniling na ipasyal at dalhin mo ako sa farm. Hindi ko rin hiniling na ipakita mo sa akin ang buong hacienda. Kusa kang nangako. Hindi ba angkop lang na hindi mo ako bigyan ng cold treatment?”

“Hindi ko ginagawa iyon. You just imagined it.”

She gritted her teeth and counted one to ten upang huwag mag-umalpas ang galit.“Sa pagkakaalam ko’y mabilis tumakbo ang mga kabayo, Bernard. At sa nakikita ko’y mahusay na klase itong sinasakyan natin. Patakbuhin mo nang matulin pauwi sa hotel…“Walang kibong sumunod ang binata. “Hiyaa, Firewind. Ang pinakamabilis mo!” Bumilis ang takbo ng kabayo.

Napakapit nang husto si Diana rito sa bilis ng takbo ni Firewind. She closed her eyes tightly. Kung hindi niya kasama si Bernard ay sumigaw na siya sa takot sa bilis nila. But she asked for it, magdusa siya.

Subalit hindi sa hotel siya itinuloy ng binata. Mula sa ibaba ay natanaw na niya ang villa in broad daylight.

“Oh, my! It’s really beautiful, Bernard.” tuluyan niyang nakalimutan ang galit sa binata, lalo na nang huminto si Firewind at kahit nang ibaba siya ng binata ay sa villa ang tingin niya.

“I’m glad you have that overwhelming appreciation for my home.” kung nanunuya si Bernard ay walang pakialam si Diana. Sinuyod ng tingin ng dalaga ang kabuuan ng villa, every piece of Spanish architectural design.

Bumukas ang pinto at isang matandang katulong ang lumabas. “Kayo pala, senior… magandang hapon ho.”

“Magandang hapon din sa iyo, Tonyo,” sagot ng binata na sinusundan ng tanaw si Diana na matapos ngitian at tanguan ang matanda ay nagtuloy-tuloy sa loob.

Dito nakatira si Jewel sa maraming pagkakataon sa buhay ng kasintahan. Pero minsan man ay hindi niya nakitang na-appreciate nang ganito ni Jewel ang villa. Oh, she didn’t hate it. Pero mas gusto ni Jewel sa Maynila, sa mansiyon. And he didn’t take it against her dahil sa America halos naglagi ang dalaga.

And somehow, may init na humaplos sa dibdib nito sa nakikitang paghanga ni Diana sa Villa.Thank you for coming again, Diana…

“Oh, you’re welcome,” wala sa loob na sagot ng dalaga. Sanay na siya sa pagkakaroon laging ganoong imahinasyon. Tinitigan niya sa maliwanag ang kabuuan ng kabahayan. Muling lumapit sa portrait ni Donya Kristine Esmeralda. Buong paghangang sinuyod ng tingin ang dating reyna ng Villa Kristine.

“Sana’y kasingganda mo ako so that Bernard would love me,” bulong niya rito. Isang tawa ang narinig niya. The same, old familiar laugh noong nasa basement siya.Pero tu eres muy hermosa…

“Why, thank you.” Nilinga ang sala grande. Pumagitna siya sa malaking bulwagan. Ipinikit ang mga mata at inisip ang sayaw na maaaring naganap sa bulwagang ito noong unang panahon. Mga magagandang espanyola sa susun-susong mga damit at makikisig na mga binatang espanyol.

Kumilos ang mga paa niya na tila nagsasayaw ng balse. Her eyes closed.¿A ti te gusta la musika?

“Oh, yes, please…” Sa pandinig niya’y pumailanlang ang isang waltz.

¿Tu quieres bailar?

“My pleasure, sir…” maganda ang tugtuging balse sa kanyang imahinasyon. Ni hindi niya kabisado ang pamagat pero umikot at sumayaw siya. Her eyes closed. Kasayaw niya ang matandang lawin, and oh my, he danced well.

Si Bernard na nakatayo sa may pinto ay hindi malaman kung magsasalubong ang mga kilay o mangingiti sa kanya. She was really dancing na parang may ka-partner at tugtog.She’s lovely and graceful. Parang swan. Ang ilan sa mga unang katangiang napuna niya sa dalaga. Jewel is very modern at mahusay ring sumayaw but never the classic dances. This woman is as ultra-modern. But there’s something classical about her. As if she came out from the time machine mula sa kahapon. Yes, considering sa pangyayaring bigla na lang dumating sa buhay nito si Diana ay baka nga. She could have been Queen Isabella of Spain’s great, great and great granddaughter.

And she even thought na wala siyang mga katangiang maihahambing kay Jewel. You’re very wrong, Diana Montero. Ang pumasok sa isip ng binata.

Napailing si Bernard. Pati siya ay kung ano-ano ang naiisip. Unti-unting humakbang palapit sa dalaga at hinawakan sa kamay at baywang at tuluyang isinayaw.

Amused na tinititigan ng binata si Diana habang nagsasayaw sila. Exquisitely beautiful with her eyes closed as if dreaming and with that mysterious smile on her soft lips. Unti-unting bumaba ang mga labi ng binata sa kanya habang iniikot siya.

“No! Don’t do that!” At isang sampal ang dumapo sa mukha ng binata.

“Hey, masakit iyon, ha!” Dinama ng binata ang pisngi.

“Bernard!” bulalas ni Diana.

“Ang inyong lingkod,” sarkastikong sagot nito na sinamahan ng bahagyang yukod.

“Ang—akala ko’y… ang akala ko’y…”

“Ang akala mo’y ano? Goodness, Diana, para kang lokang nagsasayaw mag-isa ng waltz at walang tugtog. So I danced with you. Kung hindi mo gustong hagkan kita you just have to say no, hindi mo kailangang maging bayolente!”

Nilinga ng dalaga ang kabahayan. Tahimik.

“W-where’s the old man?”

“Ano ba ang sinasabi mo?” naiirita nang tanong ng binata.

“Iyong sinasabi ninyong matandang lawin. He was here awhile ago, speaking to me…” dancing with me. Gusto niyang idagdag pero sa nakikita niyang murderous look ni Bernard ay hindi na isinatinig.

“Madre de dios, Diana! Ang imahinasyon mo talaga…”

“Sabi mo’y dito nakatira ang lawin. Nasaan siya?” Sinisikap niyang kontrolin ang inis para sa matandang lawin at sa sarili. Talaga bang ganoon na kalala ang imahinasyon niya?

“Tigilan mo nga iyang matandang lawin na iyan. Leon ang pangalan niya. Senior Leon Fortalejo, ang Papa. Halika at ipakikita ko siya sa iyo.” hinawakan siya ni Bernard sa braso at inakay patungo sa study room.

Lumangitngit ang malaking pintong narra. Bumungad kay Diana ang magandang study. Bagaman antigo pa rin ang mga kasangkapan ay maaliwalas. Ang malalaking mga bintana ay nakatanaw sa bulaklaking hardin.

“Walang tao rito,” aniya. Tinungo ang isang lumang chest at hinaplos. “Original King Louis the…”

“Tama ka,” agap ni Bernard. Hindi pinansin ang pagiging eksperto niya sa mga antique. “Walang tao rito pero narito ang gusto kong ipakita sa iyo.” nilapitan ni Bernard ang isang life-size portrait na nakasandal sa dingding at nababalutan ng tela. Tinanggal nito iyon.“Isasabit ko sana ito sa tabi ng painting ni Donya Esmeralda, pero wala pa akong panahon.” tuluyang nahubaran ng tabing ang malaking larawan. “Siya si Don Leon Fortalejo, ang tinatawag na lawin ng Paso de Blas.”

Kumislap ang mga mata ng dalaga. Hinagod ng tingin ang larawan. “Oh, yes. I have expected him to be so grand…” kaswal na sang-ayon ng dalaga. Bagaman medyo bata nang kaunti ang nasa larawan ay natitiyak niyang iyon ang umakay sa kanya patungo sa basement at ang kasayaw niya kanina. “We’ve met at siya ang nagligtas sa akin sa mga kamay ni King…”

“And he’s been dead for over a year now…” patuloy ni Bernard na hindi pinansin ang sinabi niya.Mula sa larawan ay marahas ang pagbaling ni Diana kay Bernard. “D-dead…?”

“Yes, dead in capital ‘D.’ Heart failure…” matabang na sagot ni Bernard.Sandali lang ang pagkabigla ni Diana. Sa halip na matakot at panayuan ng balahibo ay nilapitan ang larawan. Her hands on her hips.

“Really, senior? Hindi ako madaling matakot…” aniya na bahagyang naningkit ang mga mata. Isang tawa ang narinig ni Diana.

Alam ko, Diana… and I like you… for my son. Bear with him, hija…

“I am! And I don’t like it.”

Nagagalit na si Bernard. Napapikit na tumingala. “This is great! Diana, ano ba ang pinagsasasabi mo? Nasisiraan ka na ba ng bait.”

Humarap ang dalaga. “Siguro…” for loving you. Mabilis siyang humakbang patungo sa pinto palabas. Nasa bungad na siya nang lumingon.

“Hindi ka ba naniniwalang ang matandang iyan ang nagligtas sa akin mula kay King?” 

Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa larawan at kay Bernard. “You sound alike.”

Hindi sumagot si Bernard. Humugot ng paghinga. “He was a dictator. Shrewd and manipulated all our lives…”

She smiled sweetly. “Hindi ako naniniwala sa mga supematural, Bernard. Not even ghosts. But I don’t mind being manipulated by my imaginations. Ng mga alaala ng nagdaang araw.” nagtuloy-tuloy na lumabas ang dalaga.

Binalingan ni Bernard ang larawan. Banayad na umiling. “Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong tawagin kang papa, senior. But I am now. Hindi ko alam, Papa, kung maniniwala ako sa mga sinasabi ni Diana, pero por favor, leave us alone.” pagkatapos ay lumabas ng silid at sinundan si Diana.

Nakita nito ang dalaga sa may likod-bahay. Paikot-ikot.

“Ano ang ginagawa mo?”

“Bernard, alam kong may basement ang bahay na ito.”

Pagkabagot ang lumatay sa mukha ng binata. “Bumalik na tayo sa hotel, Diana. Dito na ipinanganak ang Ate Margarita, ganoon din si Nathaniel. Pero alam nilang walang basement ang villa. At hindi kita sa basement natagpuan kundi malapit sa kusina…” hinawakan nito sa braso ang dalaga at naiiritang inakay patungo sa pinagtalian kay Firewind.

Si Diana ay lumingon. She could still hear the chuckling sound. Naningkit ang mga mata niya. Natitiyak niyang isa sa mga araw na ito’y hahanapin niya ang basement.

Kung may pagkakataon pang makabalik siya rito.

14

MULING bumalik sa Maynila si Bernard nang sumunod na araw dahil sa trabaho sa kompanya. Si Diana ay nagkaroon ng pagkakataong magtrabaho sa meat processing sa farm nang mag-maternity leave ang supervisor.

At bagaman tatlong araw na mula noong huli silang magkita ni Bernard ay hindi niya gaanong napag-uukulan ng pansin dahil sa bagong trabaho na totoong nag-e-enjoy siya. Sa gabi ay nag-uusap sila ng binata. Tinatawagan siya nito sa telepono. Kalimitan ay nasa opisina pa ito kung tumatawag kahit gabi na. At kung talagang busy ay sinisiguro ni Bernard na kahit hatinggabi ay matawagan siya.

“I really enjoyed my job, Bernard. Ganoon pala ang paggawa ng mga hot dog at kung ano-ano pang frozen foods…” excited niyang balita rito noong unang araw niya sa trabaho.

“Natutuwa ako at may napagkakaabalahan ka ng oras mo, Diana. I’m sorry kung hindi ako makababalik ng Paso de Blas nang mga ilang araw. Maraming trabaho at problema dito sa opisina.” Nararamdaman niya ang tiredness sa tinig nito. At naroon lang siya at nakikinig.

“Well, I only hope na nakukuha mo pang magpahinga, Bernard,” aniya nang sabihin nitong hindi lang sa Kristine Cement ang may problema kundi maging sa ibang kompanya at kung wala si Marco ay baka lalo na itong nahirapan.

“And I… missed you, lover boy.” idinaan niya sa biro ang pagsasabi ng totoo.

“Me, too, stranger,” wala sa loob na pag-amin. At hindi na nakuhang itanggi sa isip na nami-miss nito si Diana sa tunay na kahulugan ng salita. “I missed you like crazy…” he added huskily.Iyon lang at nagtayuan na ang mga mumunting balahibo ni Diana sa batok. How easily this man could arouse her.

“Nagawa mo na bang sanayin ang sarili mo na ilang araw o linggo mula ngayon ay pakakasal ka sa akin?” patuloy ni Bernard matapos ang bahagyang patlang sa pag-uusap nila.

“Huwag nating pag-usapan muna iyon, Bernard,” pag-iwas niya.

“Kung binabalak mong umiwas sa nakatakdang mangyayari, then you are very wrong, Diana,” sagot nito na ang amusement sa tinig ay hindi maitatago. “Anyway, ano ang gusto mong pag-usapan natin? Do you want me to tell you how I hungered for your touch, for your delectable body and that I want to bury myself deep insi…”

“Uh… uh…” agap niya, natatawa. “That is obscene talk over the phone and it is illegal!“Natawa na rin si Bernard. “Amore, kailan ka pa matututo at maniniwalang sa Paso de Blas ay walang illegal na gagawin ang mga Fortalejo?”

She smiled kahit na alam niyang hindi nakikita ng binata iyon. “Malapit na. Try harder.“Banayad na natawa ang binata. “Ibig bang sabihin niyan ay hindi ka pa naniniwala na nasa ilalim ka ng kapangyarihan ng isang Fortalejo?”

“Sino sa mga Fortalejo?” tukso niya.

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Bernard. “May iba bang Fortalejo riyan na gumagamit ng power niya sa iyo? Nariyan ba si Zandro?”

Huminto sa panunukso ang dalaga. Nararamdaman niya ang pag-iba ng tono ng binata. “I only mean na nasa ilalim ako ng mga lalaking arogante, dominante, mayayabang, na ang akala sa sarili ay sila na ang pinakamagandang regalo ng mga pagan gods dito sa lupa…”

“You are not very original, amore.” bumalik ang amusement sa tinig nito. “Nasabi mo na iyang minsan at naalala ko na kung sino ang unang nagsabi niyan sa isang Fortalejo. It was Jasmin to Nathaniel.”

“And she’s right! Hindi ko nga pala nasabi sa iyo how he arrogantly, powerfully insisted that I stayed in my room matapos ang pangyayari sa amin ni Clarita!”

Bumunghalit ng tawa si Bernard. At makalipas pa ang ilang segundo ay si Diana na ang nagsara ng usapan. Alam niyang pagod at hapo si Bernard.

Ilang minuto nang nakababa ang telepono ay gising pa siya at nakatitig sa kisame. Hindi niya mabigyan ng pangalan ang uri ng relasyong mayroon siya sa binata.

Definitely, Bernard is still very much in love with Jewel. At bagaman nasasaktan siya ay wala siyang magawa. Sudden and tragic ang pagkawala ng kasintahan sa buhay nito. Naikuwento na nang husto ni Jasmin ang tungkol sa magkasintahan at hindi niya maiwasang hindi makadama ng pananaghili sa babaeng wala na’y okupado pa rin ng alaala ang puso ni Bernard.

Ang tanging konsolasyon niya’y pakakasalan siya ni Bernard. Tataglayin niya ang pangalan nito.

 At bagaman pilit na umaayaw ang isip niya sa ganoong uri ng arrangement ay wala siyang magagawa. She wanted him, loved him. Kung ang pagpapakasal dito ay magpapangyaring mananatiling nasa malapit niya si Bernard ay gagawin niya. At kung pagdating ng araw ay mabibigyan niya ito ng anak ay marahil magkakaroon na ng tsansang matututuhan din siyang mahalin nito kahit kaunti.

Maagang nagising si Diana nang araw na iyon. May dalawang oras pang mahigit bago ang working time niya sa farm. Alas-nueve ang oras niya roon. Paglabas niya ng sitting room at naroon na ang almusal niyang hiningi sa ibaba. Dinampot ang peryodiko at hinagod ng tingin ang mga balita. Napadilat siya nang husto nang isang balita sa may ibabang column ang napagtuunan niya ng pansin.

Isang neurosurgeon ang natagpuang patay sa loob ng pribado nitong klinika sa Quezon City…Binasa ni Diana ang balita sa ibaba ng heading. Sunod-sunod ang kaba ng dibdib. Napasinghap siya nang mabasa ang pangalan. Dr. Ramon dela Paz, 51 years old, ay natagpuang may tama ng bala sa dibdib ng sekretarya nito. Ang dalubhasang doktor ay may dalawang araw pa lamang nakababalik sa Pilipinas mula sa ibang bansa. Bagaman hindi pa matiyak ang motibo ay iniuugnay na ng mga imbestigador ang pagpaslang sa doktor sa pagkamatay ni Don Luis Dela Cuesta may halos pitong buwan…“

Hindi na tinapos ng dalaga ang pagbasa. Sa nanginginig na mga kamay ay binitiwan ang peryodiko. Hilam sa luhang nagtatakbo pabalik sa main suite. Dinampot ang bag at tiniyak na naroon ang pera niya. inayos ang sarili at dinampot ang telepono.

“Pakisabi sa driver na ihanda ang pickup. Magpapahatid ako sa Puerto Princesa ngayon ding umaga,” aniya sa front desk at muli ring ibinaba ang telepono.

Nagmamadaling bumaba at ni hindi niya napansin si Rolly na binati siya ng magandang umaga. Tuloy-tuloy siyang lumabas ng building.

“Bakit maagang umalis si Miss Montero?” si Rolly sa desk personnel.

“Magpapahatid daw po, sir, sa Puerto Princesa…”

Nagsasalubong ang mga kilay na sinundan ng tingin ni Rolly ang dalaga.

Gulong-gulo ang isip ng dalaga. Mahabang biyahe rin patungo sa mainland, sa boundary ng Paso de Blas at hanggang sa patungo sa airport. Sana’y umabot siya sa biyahe ng eroplano.Hindi niya akalaing madadamay pati si Dr. dela Paz. And how stupid of her na dahil lang sa pagkaabala niya kay Bernard ay hindi niya na-check kung kailan ang schedule nitong dumating sa bansa.

Muli siyang nag-iiyak. Si Dr. Ramon dela Paz ay lolo niya rin. Bayaw ni Don Luis at kapatid ng asawa nito. Nasa ibang bansa ito upang samahan ang asawang may terminal cancer. At ngayon ay wala na rin ang kaisa-isang taong maaari sanang matakbuhan niya.

At mangyari na ang mangyari, hindi siya papayag na manatiling nagtatago habang nanatiling nakalalaya ang mga kriminal. Alam niyang kagagawan ito ni Charlie upang mapalabas siya mula sa kung saan man siya naroroon. Higit sa lahat ay hindi niya mapapayagang magtagumpay si Charlie sa masamang hangarin nito. Kailangang panagutan nito ang pagkamatay ng dalawang matanda.

At mamamatay na muna siya bago mauwi sa isang kriminal ang mga kayamanan ng mga dela Cuesta!

PASADO ala-una na nang pumara ang taxi sa harap ng gate ng dela Cuesta Textile Mills. Hindi siya sa mansiyon nagtuloy. Alam niyang wala roon si Charlie at narito sa pabrika. At least, sa harap ng maraming empleyado ay hindi siya gagalawin nito. At kung narito man ang lalaking iyon ay nakahanda siya.

Nagulat pa ang security guard nang makita siya.

“Nandito ba si Mr. dela Cuesta, Perez?” tanong niya rito.

“Yes, ma’am. Good afternoon, po,” mabilis na sagot ng mga guwardiya at binuksan ang gate. Kitang-kita sa mukha ng mga ito ang pagkamangha sa bigla niyang pagsulpot.

“Mag-iwan ka ng isang tao sa gate at magsama ka ng isang kasamahan mo at sumunod kayo sa akin,” utos niya matapos bayaran at bumaba ng taxi.

Nagtataka ma’y tumango ang dalawang security guard. “Sa backdoor tayo dumaan bago pa makarating kay Mr. dela Cuesta ang pagdating ko rito sa pabrika,” patuloy niya na nagpatiunang lumakad patungo sa back passage ng Lolo niya.

Itinulak niya ang pinto. Walang tao sa maliit na hallway dahil hindi naman doon nagdaraan ang mga empleyado. Nilingon niya ang dalawang security guard.

“Iniuutos kong posasan ninyo si Mr. dela Cuesta.” nakita niya ang pagkapatda sa mukha ng dalawang security guard na nagtinginan sa isa’t isa. “Saka ko na ipaliliwanag sa inyo. Pansamantala ay huwag ninyong hayaang makatakas siya. Isa siyang kriminal! Sa loob mismo ng silid ni Mr. dela Cuesta ay tatawag ako ng pulis,” mariin niyang utos.

“Yes, ma’am,” sabay na sagot ng dalawang security guard.

Tuloy-tuloy ang dalaga sa paglakad sa mahabang pasilyo patungo sa executive offices. Ang one-storey building na ito ang siyang main office ng kompanya. Sa di-kalayuan ay ang mga building ng pabrika.

Pagtapat sa silid ni Charlie ay dere-deretsong binuksan ng dalaga ang pinto at pumasok.“Diana!” bulalas ni Charlie pagkakita sa kanya. “This is a surprise!” nakangiting bati nito na tumayo mula sa kinauupuan.

Poot na nakatitig dito ang dalaga. Nilingon ang dalawang security guard na nasa likod. “Hulihin ninyo siya!”

“Hulihin?” ani Charlie na tumaas ang mga kilay. Kitang-kita niya ang amusement sa mukha ng lalaki bagaman may binabadyang iba ang mga mata.

“Ano pa ang hinihintay ninyo?” galit na baling ng dalaga sa dalawang security guard na nasa likuran niya na hindi kumikilos. “Ang sabi ko’y hulihin at posasan ninyo siya!”

Mula sa adjacent door ay sumungaw si Kenneth. “Well, well, look who’s here,” nakangising wika nito na lumapit sa kanya. “So the prodigal daughter is back. Hello, darling.” isang halik ang binalak ibigay sa kanya subalit umiwas siya. Nilingon ang mga security guard. Nakadama na siya ng bahagyang takot sa hindi pagkilos ng mga ito.

“Guard, naririnig ba ninyo ako? Perez!”

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Charlie. “Sige na, Perez, lumabas na kayo. Magbantay kayo diyan at baka may nakakitang ibang bumalik na ang maganda kong pamangkin.” tinanguan nito ang dalawang guwardiya na agad namang tumalima at lumabas. 

Manghang sinundan ng dalaga ng tingin ang mga security guard. Hindi makapaniwala.

“K-kasabwat mo ang mga iyon!”

“How could you be so naive sa pag-aakalang mapapasunod mo ang mga tauhan ko, Diana,” ani Charlie na umikot sa harap niya mula sa likod ng desk. “I’ve been in this company since time immemorial.”

Sinulyapan ng dalaga si Kenneth na nagsindi ng sigarilyo. “Mga walanghiya kayo! Bakit pati ang Lolo Ramon ay idinamay ninyo?”

“Naging madali para sa iyo ang bumalik, hindi ba?” sarkastikong sagot nito. “But don’t worry, Diana, magkikita rin kayo. Pagkatapos mong ibigay sa akin ang hinihingi ko at pagkatapos mong pumirma sa harap ni Attorney Gascon na hindi ka interesado sa kayamanan ng mga dela Cuesta at na ako ang talagang may karapatan dahil ako ang anak ng Papa!” Kitang-kita ng dalaga ang poot sa mga mata nito.

“Ikaw, Kenneth, hindi ko akalaing nagawa mo ito? Nagpakasangkapan ka sa lalaking ito? Pinatay niya ang Lolo Luis!” galit niyang baling sa dating kasintahan. Nagbuga ng usok si Kenneth at sumulyap kay Charlie.

“Hindi mo mapapatunayan iyan, Diana. Tinitiyak ko sa iyo!” Pinanayuan ng balahibo si Diana sa nakita niya sa mukha ng tiyuhin. “At bakit hindi magpapasakop sa akin si Kenneth gayong maaga pa’y natuklasan ko na ang salaping dinidispalko niya bilang chief accountant ng Papa? At kung hindi dahil sa akin ay matagal na dapat alam ng Papa iyon…”

“Huwag mong tawaging papa ang lolo, wala kang karapatan! You bastard!” hiyaw niya. At bago pa niya nahulaan ang gagawin ni Charlie ay dumapo na sa mukha niya ang palad nito. Nasadsad sa dingding si Diana.

“Huwag mo akong tawaging ganyan, bitch!” nagpupuyos nitong sinabi.Dinama ng dalaga ang pisngi. Nanlilisik ang mga matang tinitigan ang lalaki. “Masakit ang katotohanan, ’di ba, Charlie?”

Muling akmang sasampalin ni Charlie si Diana nang hawakan ni Kenneth ang braso nito.

“Calm down, Charlie. Wala akong balak masira ang mukha ni Diana hangga’t hindi siya nagiging akin.”

“You fool! Sa palagay mo ba’y hindi pa pinagsawaan ng milyonaryong Fortalejo ang babaeng iyan!” bulyaw ni Charlie rito.

Tumigas ang mukha ni Kenneth. Hinawakan ang buhok niya sa likod at hinila. Napangiwi sa sakit si Diana.

“Totoo ba ang sinasabi ni Charlie, Diana?”

“Bitiwan mo ako, mga hayup kayo!” Lalo pang hinila ni Kenneth ang buhok niya at gusto na niyang maluha sa sakit pero hindi siya dumaing. Pagkatapos ay kinuyumos siya nito ng halik na halos hindi niya magalaw ang bibig at hindi makahinga.

Pabalya siya nitong binitiwan. “Pagbabayaran mo sa akin iyan, Diana. Kay tagal kong nagtiis sa iyo, sa pagiging prudish mo at pagkatapos ay pakikinabangan ka lang pala ng iba!” may banta sa tinig nito. Nanlilisik ang mga mata sa galit.

“Tama na iyan!” ani Charlie na tumayo. Isang baril ang kinuha mula sa baywang na natatakpan ng polo. “Ipahanda mo ang kotse sa backdoor, Kenneth,” utos nito at mabilis na sumunod si Kenneth na tinapunan muna ng masamang tingin si Diana bago lumabas.

Pakaladkad na inilabas ni Charlie si Diana. “Saan mo ako dadalhin?!”

“Sa mansiyon tayo pupunta ngayon upang ituro mo sa akin kung saan naroon ang mga dokumentong iniingatan ng matandang dela Cuesta. Kailangang sunugin ko iyon at ibigay mo sa akin ang testamento.”

“At patayin din ako pagkatapos mong makuha ang gusto mo, ganoon ba, Charlie?” panunuya niya.

Isang ngisi ang ibinigay ng lalaki rito. Hinagod siya ng malisyosong tingin. “Huwag kang mag-aalala, Diana. Magtatagal ang buhay mo nang kaunti. May silbi ang magandang katawan mong iyan. Pagkatapos ay hindi na mapupuna kung mawawala kang muli sa paningin ng lahat. At sa nakuha kong impormasyon sa iyo, iisipin nilang kinupkop ka na nang tuluyan ng mga Fortalejo.” Hinila na siyang tuluyan palabas ng silid.

Nagpalinga-linga ang dalaga at nagbabaka-sakaling may maligaw na empleyado subalit hanggang sa nasa likuran na sila’y wala kahit isang empleyado siyang nakita. Working hours at bukod pa sa walang empleyadong gagawi sa executive offices at sa backdoor passage ng Lolo niya. At nang tangkain niyang sumigaw ay malulupit na kamay ang tumakip sa bibig bago pa makalabas ang tinig niya.

“Don’t ever dare, Diana!” singasing ni Charlie sa kanya habang ang kamay nito ay mahigpit na nakatakip sa bibig niya.

Sapilitan siyang isinakay ng dalawang lalaki sa kotse. Sa likuran ay pinagitnaan siya ng mga ito. Inutusan ni Charlie ang driver na tumuloy sa mansiyon.

“Noong una’y inakala kong mas malayo si dela Paz ay mas mabuti. Mas madali kong magagawa ang gusto kong mangyari. Pero nagkamali ako. Si dela Paz lang ang hinihintay mo upang bumalik sa Maynila upang humingi ng tulong. Puwes, mas wise ako sa iyo, Diana!”“Kriminal! Mamamatay na muna ako bago mo mapakinabangan ang mga ari-arian ng mga dela Cuesta!” nanggagalaiti niyang wika rito.

Ngumisi si Charlie. “Pagkatapos mong maibigay ang mga kailangan ko sa iyo, Diana, ay ibibigay naman namin ni Kenneth sa iyo ang langit at pagkatapos ay ang sinabi mo. Mamamatay ka!” At humalakhak itong tila demonyo.

Napapikit si diana. Hindi siya natatakot mamatay kung mamamatay rin lang siya. Pero ang iisiping mapapasakamay siya ng mga buhong na ito ay higit pa sa kamatayan.

May namuong luha sa mga mata niya. Hindi niya gugustuhing madungisan ng ibang lalaki ang sarili. Si Bernard lamang ang nagmamay-ari ng katawang iyon. Si Bernard lang.

At mamamatay na muna siya bago siya magalaw kahit sinuman sa dalawang hayup na nasa tig-isang tabi niya.

15

NAISAKAY at nailabas ng pabrika si Diana nang wala kahit na sinong nakakita maliban sa dalawang security guard sa gate na pawang mga kasabwat din ni Charlie.

Gusto niyang maiyak. Ang kompanya ay napapaligiran ng mga ganid at mamamatay-tao. Ang kompanyang minana pa ng lolo niya sa ama nito ay mapapasakamay ng taong siya mismong pumatay sa lolo niya.

Mali bang nagtungo siyang mag-isa rito? Hindi ba dapat ay ipinaalam niya kay Bernard ang totoong pangyayari sa buhay niya? Dapat ba ay humingi siya ng tulong kay Bernard?Huminga siya nang malalim. Maliban sa nagpadalos-dalos siya’y hindi rin niya gustong madamay si Bernard. Kung sinamahan siya nito sa pagpunta rito sa pabrika ay walang mababago. Dalawa pa silang manganganib. Bukod doon ay hindi kikilos si Bernard nang hindi niya ipinaaalam ang buong pangyayari. At paano niya biglang ipaliliwanag iyon pagkatapos ng ilang linggong pag-iwas niya sa mga tanong nito tungkol sa pagkatao niya?

Tama ang ginawa niya. Bigla siyang dumating sa buhay nito at bigla rin siyang mawawala. And Bernard would not even mourn for her death. Shock perhaps. Pero lumilipas ang shock. Punong-puno ang dibdib nito sa mga alaala ni Jewel na hindi siya magkakapuwang kahit kaunti.

Maraming babaeng papalit sa buhay niya rito. Beautiful women to fill his bed. She won’t be missed.

At higit na masakit ang mga alalahaning iyon kaysa kapahamakang naghihintay sa kanya.Makalipas ang mahabang sandali ay bumusina ang kotse sa tapat ng gate ng mansiyon at bumukas iyon. Nanlumo si Diana. Kahit dito siya unang nagpunta ay hindi rin siya makaliligtas. Dalawang tauhan ni Charlie ang nakita niyang nagbukas ng gate.

Isang ngisi ang ibinigay ni Charlie sa kanya na tila nahuhulaan ang iniisip niya.“Sadya kitang inaabangan, Diana. Alam kong uuwi ka. Iniisip kong sa private plane ng milyonaryong Fortalejo ikaw sasakay.” nanlaki ang mga mata ng dalaga sa narinig. Sadya silang inaabangan ni Charlie. At kung sakali ngang kasama man niya si Bernard ay natitiyak niyang pati ang binata ay manganganib.

“Yes, my dear. Hindi ako mangingiming patayin ang lalaking iyon,” wika nito na nahulaan ang ibinabadya ng mukha niya. “Hindi lang pera ang nakataya sa akin, Diana. Buhay ko! Papatayin ko muna kayo bago ako mapatay!” Ang tinutukoy nito’y ang pinuno ng drug syndicate na ilang araw na lang ang natitira sa palugit dito.

“Pero tama ang hinala ko. Hindi ka pagkakaabalahan ng lalaking iyon. Isa ka lang sa mga babaeng naging dekorasyon sa kama nito,” patuloy ni Charlie na hinihila siya papasok sa loob. Kasunod si Kenneth.

“Kumilos ka nang normal, Diana,” utos nito nang nasa loob na sila ng kabahayan. “Naghihintay sa atin sa study ng Papa ang abogado nitong si Attorney Gascon. One false move, Diana, at papatayin ko ang matandang abogado sa harap mo.”

Pinanginigan ng laman ang dalaga sa banta ni Charlie. Hindi ito mangingiming pumatay ng tao nang dahil lang sa pera. At hindi niya magawang maging dahilan na naman ng panibagong pagpaslang. Dahil sa kanya kaya pinatay ng mga ito ang Lolo Ramon niya.

Binuksan nito ang pinto ng study. Naghihintay roon ang matandang abogado ng lolo niya.“Diana, hija!” Patayong sumalubong si Attorney Gascon. Inilahad ang kamay sa dalaga na atubiling tinanggap niya. “Nang sabihin ni Charlie na nasa pabrika ka ay hindi ako makapaniwala. Ano ang nangyari sa iyo at bigla kang nawala, Diana?”

Tumikhim ang dalaga. Pero bago pa siya nakapagsalita ay sumagot si Charlie. “Sa isang isla sa may malapit sa Palawan, Attorney,” at ngumiti ito. “Alam naman ninyong maganda itong pamangkin ko. Hindi kataka-takang ubusin niya ang panahon sa piling ng milyonaryong kasintahan…”

“Totoo ba, Diana?” Nagsalubong ang mga kilay nito. “Hindi mo man lang ba nabalitaan ang pagkamatay ng lolo mo? That you were one of the…” hindi nito itinuloy ang sinasabi dahil nagsalita si Charlie.

“Sadya kong hindi ipinaalam kay Diana iyon, attorney, upang huwag na siyang madamay pa sa maraming tanong ng mga pulis. Isa pa, alam kong iindahin ng pamangkin ko ang pagkamatay ng Papa. I only spared her mula sa matinding dalamhati.” pagkabagot ang nasa tinig nito.Humigpit ang hawak ni Charlie sa braso niya at sapilitang sumagot at ngumiti ang dalaga.

“G-ganoon nga… attorney. It… was only these last few days ipinaalam sa akin ni Charlie ang… ang tungkol doon…” inakala ng abogado na ang sindak sa tinig at mukha niya ay sanhi ng dalamhati sa pagkamatay ng Lolo. Lumatay ang simpatya sa mukha ng matandang abogado.

“Attorney, babalik din si Diana ngayong araw na ito sa Palawan. Sana ay papirmahan na ninyo sa kanya ang anumang kakailanganin upang maisalin sa akin ang mana ng Papa. Tiniyak ni Diana na hindi niya iyon kailangan dahil milyonaryo ang lalaking nahihibang sa pamangkin ko,” ani Charlie na iniupo ang dalaga sa harapang mesa. Naupo ito sa kaharap na silya. Si Kenneth ay kalmanteng naupo sa sofa.

“Hindi ko magagawa iyon, Charlie. Pipirmahan ko na lang itong mga dokumento sa mismong harap ni Diana na nagpapatunay na maaari na niyang ilabas ang huling testamento ni Don Luis…” binuklat ng matanda ang mga dokumento sa harap nito.

“Ano ang ibig ninyong sabihin, attorney?” Hindi mapigilan ni Charlie ang hindi magtaas ng tinig.Nagtaas ng paningin ang matanda. “Nasa mga kamay na ni Diana ang testamento, Charlie. Duplicate lang ang nasa safe ng bangko.

“Hindi ko maintindihan ang papa mo kung bakit may biling hindi maaaring isalin ni Diana sa iba ang laman ng testamento malibang ang pagkakalooban ay ang charity. Kahit ako ay nalito sa mga paraan nito ng paglalabas ng mga huling habilin. Pati na itong awtoridad na ibinigay sa akin kung kailan maaaring mabasa ang habilin. Anyway, pinipirmahan ko ang mga dokumentong ito para mapasainyong dalawa na ang huling testamento ng matanda.” itinuloy ng abogado ang pagpirma ng mga dokumento. Ni hindi na nito napuna ang pagtigas ng mukha ni Charlie at ang mahigpit na pagkuyom ng mga kamay.

Pagkatapos ay tumayo ang matandang abogado at nagpaalam na. Inihatid ito ni Kenneth hanggang sa labas ng gate.

“Damn that old man!” hiyaw ni Charlie na nagpaikot-ikot sa loob ng study. Namumula ang mukha sa matinding galit. Pagkatapos ay marahas na itinaas si Diana sa pagkakaupo. “Nasaan ang mga dokumento, Diana?!”

Naningkit ang mga mata ni Diana na sinalubong ang titig ng tiyuhin. “Patayin mo na ako, Charlie, pero hindi mapapasaiyo ang kayamanan ng Lolo! Alam ko na ’pag hindi ko naibigay ang testamento ay mauuwi pa rin sa kawanggawa ang mga ari-arian ng lolo.“Isang sampal ang ipinadapo ng lalaki sa dalaga. Pero pinangatawanan ni Diana ang sinabi. Alam niyang mamamatay rin siya.

“Ilalabas mo ang testamento, Diana, at gagawa ka ng kasulatan na ipinagkakatiwala mo sa akin ang buong pamamahala sa kompanya at ang paghawak sa mga ari-arian ng Papa! Natitiyak kong walang ibinilin na ganoon ang matandang iyon!”

Nanatiling poot na nakatitig dito ang dalaga. Kapag ginawa niya iyon ay mababalewala ang pagkamatay ng dalawang matanda. Mauuwi rin kay Charlie ang kayamanan sa katagalan. Power of Attorney ang hinihingi ng tiyuhin. Hindi naisip ni Don Luis ang bagay na iyon.

“May alam akong isang bagay para ibigay mo sa akin ang hinihingi ko, Diana,” makahulugan nitong sinabi. “Kenneth!”

Mula sa pinto ay pumasok si Kenneth. Ngumisi sa kanya. Pinatay sa ashtray ang sigarilyo. Pagkatapos ay walang sali-salita itong lumapit kay Diana at hinablot ang blusa ng dalaga sa pagkasindak niya. Mabilis siyang umatras.

“Ngayon, Diana, ituturo mo ba kung nasaan ang mga dokumento o hindi?“Napapikit ang dalaga. Sana’y bumuka ang lupa at lamunin silang lahat. Sana’y matumba na lamang siyang bigla. Pero alam niyang hindi mangyayari iyon. Marahan siyang lumakad patungo sa mesang bilog. Kasabay ng pagpatak ng mga luha ay hinila iyon. Inalis ang rug. Ang dalawang lalaki’y manghang nakamasid.

“May lihim na taguan ang matanda riyan!” bulalas ni Charlie. Hindi makapaniwala. “At isipin mong nasuyod ko nang lahat ang silid na ito, iyon pala’y…”

“Itaas ninyo ang darker marble sa gitna,” utos niya. Mabilis na luminga si Charlie. Nahagip ng mga mata ang letter opener at dinampot iyon kasabay ng pagtalungko sa sahig. Si Kenneth ay mangha ring nakamasid.

Si Diana ay unti-unting humakbang paatras habang abala ang dalawa na noo’y naalis na ni Charlie ang marble. Inangat ang maliit na steel box mula roon. Nakasusi ito at lumingon upang hingin kay Diana ang susi. Nasa pinto na si Diana.

“Akina ang… Kenneth, habulin mo!”

Mabilis na nakahakbang si Kenneth at nahagip ang blusa niya sa likod.

“Isumpa mong hindi mo pahihintulutan ang sarili mong mapahamak sa mga rebelde, Diana…isumpa mo!”

“Isinusumpa ko, Itay, Inay! Hindi lamang sa mga rebelde kundi maging sa masasamang tao!”

Iyong baling ni Diana ay isang ubod-lakas na hampas ng braso niya sa mukha ni Kenneth at sipa sa harap nito ang pinakawalan niya. Bumalandra sa dingding ang lalaki. At bago pa nakabawi ay nakatakbo na palabas ng sala si Diana.

“Habulin mo, idiot!” narinig niyang utos ni Charlie.

Hindi siya lumilingon. Alam niyang may mga tauhan si Charlie sa gate pero bahala na. Maaari siyang tumakbo sa likod ng bahay. May gate roon palabas sa kabilang block.

Hindi na rin niya halos napuna ang pagpasok ng dalawang lalaki dahil tuloy siya sa pagtakbo. Matipunong dibdib ang nabangga ni Diana. Nanlaban siya nang ikulong siya sa mga braso nito. Pahisterya niyang inubos ang buong lakas sa panlalaban.

“Diana… Diana!”

“Bitiwan mo ako! Mamamatay na muna ako!”

Tila bakal ang mga kamay na humahawak sa mga braso niya. “Amore…” he called softly. His breath skimming her face.

Natilihan si Diana roon. Huminto sa pagpalag. Tumingala.“Bernard!” malakas niyang bulalas. “Oh. Bernard, papatayin nila tayo rito! Hindi ka dapat na…!” pahisterya niyang sigaw.

“Hindi na kailangan, Diana.” inilinga nito ang dalaga sa likuran. Dalawang lalaking civilian ang agad na pumigil kay Kenneth. Si Charlie ay mabilis na umatras papasok bago pa nakalapit ang ikatlong lalaki rito.

Mabilis nitong dinampot ang baril sa mesa at itinutok palabas sa kahit na sino. Natuon ang mga mata nito sa lalaking nakahawak kay Diana. Itinaas ang baril. Iisa ang nasa isip ni Diana nang mga sandaling iyon. Iniharang ang sarili kay Bernard kasabay ng pagputok ng baril.

Pasigaw na nabitiwan ni Charlie ang baril. Tinamaan ito sa kamay mula sa lalaking nasa harap. Mabilis nitong pinosasan si Charlie na napapangiwi sa tama ng baril sa kamay.

“Dio, Diana! You’re stupid to do that!” pagalit na wika ni Bernard sa dalaga sa ginawa niyang pagharang sa katawan sa binata na kung nagkataong hindi naunahan ay baka tinamaan siya.Bago pa nakuhang magsalita ni Diana ay isang lalaki ang lumapit sa kanila.

“Dadalawa lang, Bernard, maliban sa dalawang nasa gate kanina,” wika ng matangkad na lalaki na tila wrestler ang katawan at mukhang foreigner. “Sige ilabas na ang mga iyan,” utos nito. Pagkatapos ay itinaas ang kanang kamay na tinanggap naman ni Bernard.

“Muchas gracias, amigo,” ani Bernard na bagaman nakangiti ay hindi umabot sa mga mata.

“Anytime, amigo, anytime…” nginitian nito si Diana. “Muy hermosa, eh…”

“M-may kasama kang mga police?”

“No, Diana, they’re from the navy. Siya si Jackson, kaibigan ko. Naging magkaklase kami sa university sa Texas noong pareho kaming naroon ni Marco. Jackson, si Diana…” pakilala ng binata.

Tinanggap ni Diana ang kamay na inilahad ni Jackson at tipid na ngumiti. Hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng pangyayari.

“S-salamat, Jackson…”

“Ang babaeng iyan ang pumatay sa Papa! Siya ang dapat ninyong hulihin at hindi ako!” hiyaw ni Charlie nang akayin ng dalawang lalaki palabas.

“Sandali lang,” pigil ni Diana nang ilabas ng mga ito si Charlie.

“Pagbabayaran mo ito, Diana!” muling hiyaw ni Charlie sa dalaga.

“Hindi mo dapat pinatay ang Lolo, Charlie,” banayad niyang sinabi bagaman nasa mukha ang galit. “He would have died anyway. May taning na ang buhay ng Lolo. Araw na lang ang hinihintay. Hindi mo alam na tatlong taon nang maysakit ang lolo.” napahikbi siya sa bahaging iyon.

Nandilat ang mga mata ni Charlie. “Hindi totoo iyan! Nagsisinungaling ka. Sinasabi mo lang iyan upang…” subalit kitang-kita nito sa mukha ni Diana ang katotohanan.

“Ang karamdaman ng Lolo ang naging dahilan upang magawa ninyong makadispalko ng pera mula sa kompanya dahil malimit siyang sumpungin ng sakit nitong nakaraang tatlong taon. Hindi ko alam ang mga ginagawa mo sa kompanya. Alam mo bang ang ikatlong bahagi ng kayamanan ng Lolo ay sa iyo niya ipinamamana? Ang laman ng steel box at ang mga huling habilin niya ay proteksiyon lang ng lolo sa akin kung sakaling nagbabalak ka ng masama. Hindi kailanman inisip ng Lolo na magagawa mo siyang patayin. Ang kinatatakutan ng Lolo ay ang maaari mong gawin sa akin sa pisikal na paraan dahil ilang beses mo nang ipinakitang binalak mo akong gawan ng masama.”

Lumong-lumo si Charlie. Ikatlong bahagi ng kayamanan ng mga dela Cuesta ay kanya! Hindi man iyon fair sa kaisipan niya ay hindi birong halaga ang mga iyon. At kanya!

At mamamatay rin ang matanda! Araw lang ang hinihintay! Nahahalata na nitong maysakit si Don Luis at ang malimit nitong pakikipagkita kay Dr. dela Paz bago lumabas ng bansa ang huli. Kung sana’y nakapaghintay pa ito ng kaunting panahon. Kung sana’y… isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Charlie habang inilalabas ito.

Muling nagpaalam si Jackson bago tuluyang sinundan ang mga tauhan.

“Now let me deal with you,” ani Bernard na naniningkit ang mga mata nang mawala sa paningin nila ang mga sasakyan. Hinila nito si Diana sa sala at pinaupo. “Paano kung hindi naunahan ni Jackson ang lalaking iyon?”

“P-papatayin ka niya…” usal niya sa namamaos na tinig.

“Kaya iniharang mo ang sarili mo!” Itiningala ng binata ang ulo upang punuin ng hangin ang dibdib and to control his anger. His chest ached for this little stranger who’s willing to risk her life for him.

“P-please… huwag kang magalit,” aniya sa maliit na tinig. “Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung pati ikaw ay mapahamak.”

“I wish to hell you knew something about obedience, Diana!” paasik nitong sinabi nang makabawi sa emosyon. “I almost died nang itawag ng mga navy na wala ka pa rito sa mansiyon.

 I never thought na sa pabrika ka tumuloy. And again you scared me to death nang iharang mo ang katawan mo sa akin…“

Sa likod ng isip ni Diana ay naroon ang galak sa pag-aalala ni Bernard. Pero may higit siyang gustong malinawan.

“P-paano mong nalaman? I mean… naguguluhan ako…”

“You don’t really know me, do you?”

Only as a lover, Bernard. Gusto niyang sabihin pero nanatili siyang nakatingala rito sa nagsasalubong na mga kilay. Hindi pa rin siya makapaniwalang nakaligtas siya sa mga kamay ni Charlie at Kenneth. At nasa harap niya si Bernard. Now she’s suffering from aftermath. Nanginginig ang mga kamay niya.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng binata. Banayad na hinaplos ng palad ang mga pisngi niyang kinabakasan pa ng kalupitan ni Charlie. Nagtagis ang mga bagang nito. Niyuko ang punit niyang blusa. May gasgas ang dibdib niya dahil marahil sa pagkakahablot ni Kenneth at marahil ay nakayod ng kuko nito.

“Ano pa ang ginawa ng mga iyon maliban sa nakikita ko sa mukha at dibdib mo?” tahimik na tanong ng binata pero nag-aapoy ang mga mata. “I promise you, Diana, higit pang impierno ang daranasin nila sa kulungan sa ginawa nila sa iyo. Marami akong kaibigan sa lahat ng sulok ng lupa…”

Mabilis siyang umiling. “W-wala na, Bernard. Maliban sa mga nakikita mo’y wala na. Ang pagbabayaran ng mga iyon ay ang pagpatay nila sa dalawang matanda.” bahagya siyang napahikbi roon.

“Oh, Diana.” kinabig nito ang dalaga at niyakap nang mahigpit. “Gusto kong magalit sa iyo, gusto kitang parusahan for scaring me to death.” puno ng emosyon ang tinig nito. Hinawakan sa mukha ang dalaga and kissed her softly, tenderly.

Napapikit si Diana. Nag-iinit ang sulok ng mga mata pero hindi niya gustong pakawalan ang mga luha.

“At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa iyo for being so stubborn,” dagdag ni Bernard.

“Paano mong nalaman, Bernard,” pag-ulit niya. Hindi niya gustong paasahin ang sarili sa tenderness na ipinakikita ng lalaking ito sa kanya. Bernard has always been a loving and tender lover.

“Matagal ko nang alam ang tungkol sa iyo, Diana.” sinabayan nito iyon ng buntong-hininga. Nanlaki ang mga mata ng dalaga roon pero hindi nagsalita. “Sinabi ko na sa iyong walang kahirap-hirap kong matutuklasan ang buong pagkatao mo. Nalaman ko rin mula sa isang reliable source ang tungkol sa pagkamatay ni Don Luis dela Cuesta at ang tungkol sa unang hinala ng mga pulis na ikaw ang number one suspect.”

“P-pinaniwalaan mo iyon?”

“Hindi ko alam kung ano ang una kong iisipin pero ang paniwalaang ikaw ang pumatay sa sarili mong lolo matapos kang kupkupin nito five years ago ay hindi matanggap ng dibdib ko. Ang tumakas ka mula sa inyo ay alam ko na agad na may misteryong nangyayari. So, my men worked fast. Natuklasan nilang miembro ng isang drug syndicate ang anak ni Luis dela Cuesta. 

Through underworld connections ay natuklasan din nilang milyon ang nakuhang pera ni Charlie sa sindikato at nanganganib mula rito. Hinayaan kong nakabitin ang impormasyong iyon sa iyo sa drawer ko sa opisina. I waited for you to tell me, to trust me.“ may akusasyon sa tinig ng binata.

“Nasaksihan ko ang pagpatay ni Charlie sa Lolo. At sa nakalipas na ilang buwan ay nagtatago ako sa kanya hanggang sa matagpuan mo ako. Kanina ay n-nabasa ko sa peryodiko ang pagkapaslang sa Lolo Ramon. Alam kong kagagawan ni Charlie iyon. At ayokong… madamay ka…” she whispered.

“Hell, Diana! Ano’ng ayaw mong madamay ako? Mula nang makilala kita nagkagulo-gulo na ang isip at buhay ko sa iyo! At hindi aabot sa ganito kung nagtiwala ka sa akin!”

“I—I’m sorry…” bulong niya. Nagyuko ng ulo. “Hindi ako nagtitiwala sa iyo noong una. At nang magtagal naman ako sa Paso de Blas, hindi na rin halos pumasok sa isip ko ang sarili kong suliranin. I—I was so happy there… in that wilderness you called home.”

Unti-unting lumambot ang mukha ng binata sa sinabi niya. “Itinawag sa akin ni Nathaniel ang pag-alis mo ng hotel. Hindi ka pa nakakarating ng domestic airport ay may mga nakaabang na sa iyo roong tauhan ni Jackson para subaybayan ka. May nakamatyag na rin dito sa mansiyon. Nang itawag ng tauhan ni Jackson sa akin na hindi ka sa mansiyon nagtuloy at sa pabrika, doon halos sumabog ang dibdib ko sa takot. Walang taong nakaabang sa iyo roon at gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader dahil sa kapabayaang iyon. Ang tanging konsolasyon namin ay ang dalawang tauhang nakasunod sa iyo nang lihim pero hindi sila nakapasok ng pabrika nang hindi mahahalata.”

“Kasabwat ni Charlie ang mga guwardiya sa gate.”

Tumango si Bernard. “Nang dumating kayo rito ay nauna lang kayo sa amin nang walong minuto, Diana. But a lot of things did happen in eight minutes and I was scared to hell!“Isiniksik ng dalaga ang mukha sa dibdib ng binata. Hindi rin niya gustong isipin kung ano ang mangyayari sa kanya kung hindi dumating si Bernard. But then, all the while she was safe. May mga lalaking nakasubaybay sa kanya.

“Ano ang laman ng steel box na sinasabi mo kay Charlie?” tanong ng binata while kissing her hair.

Kumawala siya. Tumayo at lumakad patungo sa study at kinuha mula roon ang steel box. Dinala kay Bernard.

“Hindi ko na alam kung nasaan ang susi niyan. Pero ang testamento ng Lolo ang laman niyan. Na sa aming dalawa ni Charlie niya ipinamamana ang lahat ng kanyang mga ari-arian. Pero sinabi ng Lolo na hindi ko dapat ipaalam kay Charlie ang laman ng testamento hanggang buhay siya. Nariyan din ang dokumento tungkol sa pag-aampon niya kay Charlie mula sa dating mayordoma. He was eight years old nang ampunin nito. Dalaga na ang Inay nang dumating si Charlie dito sa mansiyon.”

“Ang mga iyan at ang pagkasaksi mo sa pagpatay sa lolo mo ay sapat na dahilan upang manganib ang buhay mo sa kanya.” nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang binata. Pagkatapos ay tumayo at binuhat siya. 

“Show me your bedroom, amore.”

“Bernard?”

16

NGUMISI ang binata sa nakikitang pagsasalubong ng mga kilay niya.

“You and your dirty mind. I’ll give you a nice hot bath and tuck you to bed. You’ve had a hell of a day.”

Ipinanhik siya nito at itinuro niya ang sariling silid. Nakadama siya ng kakaibang damdamin nang masilayan ang silid niya sa loob ng limang taon. Sa loob ng kulang pitong buwan ay iba’t ibang silid ang tinuluyan niya. At naninibago siya.

Inilapag siya ng binata sa paanan ng kama at pumasok sa banyo. Narinig niya ang lagaslas ng tubig. Pagkatapos ay muling lumabas. Walang imik siya nitong hinubaran. Ipinasok sa banyo at inilubog sa bath tub.

“liwan muna kita.” biglang lumatay ang pag-aalala sa mukha niya sa narinig. Nagpatuloy si Bernard. “May dalawang tauhang iniwan si Jackson sa labas. Hangga’t hindi maayos ang lahat ay mananatili ang mga iyon dito. Trust them, Diana. Sanay sa giyera ang mga lalaki sa ibaba. Isa pa, natitiyak kong hindi na makagagawa pa ng gulo si Charlie at Kenneth.”

“Thank you, Bernard.”

Hinagod ng binata ang buhok niya patalikod. “Next time you should know where to put your trust,” matabang nitong sagot.

“W-will I—see you again?” Punong-puno ng insekyuridad ang tinig niya.“Anong klaseng tanong iyan, Diana?” anito na nagsalubong ang mga kilay. Humakbang palabas ng banyo. “Huwag kang matulog sa bathtub,” patuloy nito bago siya tuluyang iniwan.

17

ANG SUMUNOD na apat na araw ay naging abala si Diana sa pabrika. Sa mga kamay na niya ngayon nakasalalay ang buong negosyo ng lolo. At sa loob din ng apat na araw na iyon ay hindi nagpakita o tumawag man lamang si Bernard. Gusto niya itong tawagan sa opisina pero pinipigil siya ng pride niya.

Marahil ngayong alam na nito ang tungkol sa pagkatao niya at narito na siya sa sariling tahanan ay tinapos na nito ang self-imposed obligation para sa kanya. At marahil ay nagbago na rin ang isip nitong pakakasalan siya. It was probably a post-ecstacy proposal, kung mayroon mang ganoong salita. Nadala si Bernard sa damdaming pinagsasaluhan nila sa panahon ng pagtatalik. And of course, mahal pa rin nito si Jewel.

Ilang beses niyang ginustong iiyak iyon pero nanatiling tuyo ang mga mata niya. Hindi niya kahahabagan ang sarili. Bagaman ilang gabing madaling-araw na kung nakakatulog siya. Thinking about him and tormenting herself.

Hustong sampung araw mula nang huli silang magkita ni Bernard at hindi na siya umaasa pang magkikita sila. Palabas na siya ng gate ng pabrika nang sa pagliko ay isang sasakyan ang humarang sa daan niya. Tatlong lalaki ang mabilis na bumaba. At bago pa siya makakilos ay nasa loob na ng kotse niya ang mga ito. Ang isa’y nasa harap sa tabi niya at ang isa’y nasa likuran niya. Ang isa’y umikot sa driver’s seat at pinauusog siya.

“A-ano’ng ibig sabihin nito?” kinakabahan niyang tanong. Napapagitnaan siya ng mga ito. Nakatutok ang baril ng isa sa tagiliran niya. At hindi niya kilala ang mga lalaki.

Mga kasamahan ba ni Charlie at Kenneth ang mga ito at inutusan para kidnapin siya?

“Simpleng kidnapping lang ito, Miss Montero. Kung hindi mo gustong masaktan ay huwag kang mag-iisip na gumawa ng masama,” wika ng lalaking nasa tabi niya. Pinatakbo na ng lalaking humalili sa kanya ang kotse.

“Sino kayo? Ano ang kailangan ninyo? Kung pera ang kailangan ninyo’y ayan ang bag ko, kuhanin ninyo at iwan na ninyo ako!” Bagaman kinakabahan ay sinikap niyang patatagin ang tinig.

Subalit hindi sumagot ang mga lalaki. Nagpatuloy ito sa pagda-drive. Ang nasa tabi niya’y sa unahan din ng sasakyan nakatuon. Ni hindi niya gustong gumitgit sa lalaking nasa kanan niya kahit nahihirapan siya.

Tinted ang kotse niya at hindi sila nakikita mula sa labas. Nagsisimula nang matakot si Diana. Ano ang gagawin ng mga ito sa kanya. Ipatutubos siya at papatayin din? Hindi ba at ganoon naman lagi ang laman ng peryodiko na ginagawa ng mga kidnapper?

Makalipas ang mahabang sandali ay napuna ng dalagang nasa Roxas Boulevard na sila. Tumuloy ang kotse patungo sa Marina. Pumasok sa Manila Yacht Club.

Manila Yacht Club! Ang lugar ng mga milyonaryo. Saan siya dadalhin ng mga ito?Ipinarada ng driver ang kotse sa isang parking area. Inilabas ng isa si Diana.

“Lakad,” utos nito. Nalilito man at natatakot ay sumunod si Diana. Isang pribadong yate ang tinutumbok nila. Dito ba siya pipigilin ng mga kidnapper niya?

“Pumasok kayo, Miss Montero,” utos ng isang lalaki. Nilingon niya ang mga ito na nanatiling nakatayo. Alam niyang sa loob ng jacket nito ay naroon ang baril.Naniningkit ang mga matang sumunod si Diana. Tumulay siya sa wooden platform na nag-uugnay sa yate at sa pader ng Marina. Hustong nakapasok siya sa boat ay lumabas ang kidnapper niya.

“Hello, amore?” nakangiting bungad nito. May hawak na kopita ng red wine sa isang kamay.“Ikaw ang may kagagawan nito?” gilalas niyang tanong. Nilingon ang mga lalaking kumidnap subalit isa-isang nagpulasan na ang mga ito.

Nagkibit ng mga balikat si Bernard. “You’ve been living a dangerous life for the past months, Diana. Gusto kitang sorpresahin.”

“Oh!” Nanlilisik ang mga matang sinugod niya ang binata at pinagsusuntok sa dibdib. “You… you insufferable beast! Muntik na akong mamatay sa takot sa pag-aakalang totoong mga kidnapper iyon!” Tuluyang nalimutan ng dalaga na sa loob ng sampung araw ay pinanabikan niya nang husto na makita ang binata.

Natatawang hinawakan siya ni Bernard sa dalawang braso pero hindi maawat si Diana. Nagpupuyos pa rin sa galit na binubugbog ang dibdib ni Bernard.

“You pagan pirate! Wala akong masabi sa iyo!”

“You’re a spoilsport, Diana!”

“Hindi biro iyon! I could have died of a heart failure!”

“You have a very healthy heart, my love.”

“Damn you! You… you!”

Nang hindi siya maawat ay binuhat siya nito papasok sa loob sa pagpupumiglas pa rin niya. Inilapag siya nito sa isang malaki at comfortable settee. Subalit muli siyang tumayo at galit na galit pa ring pinaghahampas ang lalaki.

Mahigpit siyang niyakap ni Bernard at siniil ng halik sa paraang hindi siya makagalaw. At habang nagpupumiglas siya’y humihigpit ang yakap ni Bernard sa kanya at dumidiin ang paghalik.She decided to stop struggling at lumuwag ang pagkakayakap nito. Then his kisses changed. Almost not touching her lips. His mouth and tongue teasing hers.

“I missed you, amore,” he whispered passionately. At muli siyang inilapag pabalik sa malaking settee. His hands all over her body in desperate hunger… in a most aching intimacy.Napapikit si Diana. Agad na tumugon ang katawan niya sa sensual nitong pananalakay. And of course, after missing him so much.

“B-Bernard…” she cried his name softly. He seduced and aroused her until she was gasping for breath….

Walang inaksayang panahon si Bernard para magtanggal ng mga sariling kasuotan while he only discard her most essential garment. Suddenly, he was within her. Wildly that she was crying out his name.

He wanted to make it slow ang easy sa kabila ng may suot pa ring damit si Diana. He wanted to make every thrust last forever. But her erotic whimpers forced him para tuluyang mawalan ng kontrol. Then he joined her into a wild, shattering climax.

At hindi makapaniwala si Diana na nangyari iyon sa pagitan lamang ng ilang sandali and with her designer’s clothes still on. Gusto pa niyang maliyo sa puwersa ng pag-angkin sa kanya ng binata. At hindi niya napigilan ang pagbagsak ng mga luha sa pisngi.

Why she missed, hated and loved this insufferable man.

“Diana, nasaktan ba kita?” nag-aalalang tanong ni Bernard nang mapuna ang luha sa mga mata niya. “Bakit ka umiiyak?”

“Hindi ako umiiyak!” singhal niya dito.

“Hindi ka… eh, ano ang tawag mo sa ginagawa mo?” Hindi malaman ng binata kung matatawa o mag-aalala sa kanya.

“I—couldn’t help it, Bernard, but I love you. Oh, I love you so…” banayad niyang sinabi kasabay ng paghikbi.

Hindi agad nakakibo si Bernard. She said the words softly, sweetly, washing and healing his troubled soul. Gusto nitong damhin nang husto ang mga salitang iyon. Hayaang hugasan niyon ang pait at hapdi sa buong pagkatao nito.

“H-hindi ko dapat sinabi iyon,” ani Diana na biglang nakadama ng insekyuridad. Walang natitira pa kahit na kaunting pride sa kanya. Sinikap niyang itulak si Bernard sa pagkakadagan sa kanya.

 “Babangon ako. Let me go.”

Let you go? Not in this lifetime, Diana.

“Bernard, gusto kong tumayo na.” She was pleading. Hindi niya makuhang tingnan ang mga mata nito na humahagod sa kanya.

“It’s alright, amore,” he said softly. “I have wanted to hear you say that, anyway.”

“Hear me say what?” bahagya niyang angil at itinukod ang mga siko sa malaking sofa.

“That you love me…” he said softly.

“A-ano?” Nahinto siya sa pagkilos at tumitig dito.

“Matagal ko nang gustong marinig na sabihin mo sa akin iyan. Hindi ako nakatitiyak, Diana. 

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nagpapaubaya ka sa akin… sa lahat ng ginagawa ko sa iyo. Naiipit ka lang marahil sa pagitan ng pangako mo sa akin. Or because we are just physically and sexually attracted to each other. Minsan naman ay iniisip kong baka nga mahal mo ako. Pero pagkatapos ay ako rin ang tumatanggi. Natatakot akong maramdamang mahal mo nga ako pero kasabay niyon ay hinahangad kong marinig sa mga labi mo iyon,“ then he smiled. Kissed the tip of her nose. “But I’m so overwhelmingly happy that you love me, Diana. At least alam kong iniibig ako ng babaeng pakakasalan ko.”

“Y-you still want to marry me?” naguguluhang tanong niya. Hindi niya masundan ang mga sinasabi ng binata.

“Of course. Hindi ba at sinabi ko sa iyo iyan?”

Hindi malaman ni Diana kung ano ang maramdaman sa sandaling iyon. She was amazed, confused and worried.

“Hindi ka nagpapakita sa akin sa loob ng sampung araw.” may akusasyon sa tinig niya.

“I wanted to surprise you with this boat. Hindi ba at binigyan mo ako ng ideya na bumili nito dahil takot ka sa maliliit na eroplano at helicopter. Isa pa’y inihanda ko lahat ang mga kakailanganin para sa kasal natin bukas…”

“Bukas!”

“Bukas,” natatawang ulit ni Bernard. “Bukas ng hapon. We will set sail any minute from now. Darating tayo sa Paso de Blas nang almost lunch. May panahon pa para makapag-ayos ka. At don’t worry, naroroon silang lahat para tulungan ka.”

Banayad siyang umiling. “H-hindi ko na naiintindihan ang nangyayari. N-naguguluhan ako sa iyo. You wanted us to marry without any emotional attchment pero kasasabi mo lang na natutuwa kang malamang mahal kita…”

He smiled tenderly. Itinaas ang mukha ng dalaga. “Don’t you want to love me and marry me, Diana?”

Itinaas niya ang isang palad at dinama ang mukha ng binata. “Of course, I want to marry you. Walang babaeng tatangging pakasal sa iyo, Bernard. And I don’t have to want to love you dahil mahal na kita sa ayaw at sa gusto ko.” pagkatapos ay nagbuntong-hininga. “Alam kong mahal mo pa rin si Jewel,” she said softly. “At nauunawaan ko iyon. Kung tutuusin ay dapat kong ipagpasalamat ang matinding dalamhating nadarama mo para sa kanya dahil kung hindi ay hindi mo ako aalukin ng kasal. And the fact that you loved her, still love her, ang siyang talagang dahilan kung bakit gusto mo akong pakasalan. Sinabi mo sa akin iyon, ’di ba? Na hindi mo na gustong maranasan ang ganoong uri ng emosyon upang hindi ka masaktan?”

“Kung sasabihin ko ba sa iyo ngayon na mahal kita, maniniwala ka sa akin?” he whispered huskily.

Sinuyod niya ng tingin ang mukha nito. May tenderness sa maitim nitong mga mata habang nakatitig sa kanya. And there was also something else na kinatatakutan niyang bigyan ng pangalan. At hindi niya gustong umasam upang masaktan lang. Tama nang pakasalan siya nito and then she can love him in silence.

“It’s… alright if you don’t,” pabulong niyang sagot. Halos hindi lumabas sa bibig ang tinig. “Sapat na sa aking hindi ka nagagalit na malamang mahal kita. I know I can’t compete with her. She was so beautiful and you loved her so, love her still…”

Huminga nang malalim si Bernard. “Naalala mo ba ang sinabi ko noong unang gabing dalhin kita sa Paso de Blas?” Hindi siya sumagot pero nanatiling nakatitig dito. “You told me to go to hell, noong nasa rooftop tayo. Ang sabi ko sa iyo’y galing na ako doon at gusto kong umahon at lumabas at ikaw ang passes ko. Totoo iyon, Diana. In so many ways, you healed me. Nang panahong iyon, ang buong akala ko’y kailangan kita dahil sa sexual na bagay. I wanted you when I first saw you walked into that restaurant. I wanted you for the way you walked and moved, and I wanted your hair and wanted to touch it. When we made love for the first time ay hindi naging sapat iyon sa akin. I wanted you all the time, hungered for you, that I even wanted to hate you for making me forget the face of the woman I loved. Dahil hindi ko gustong kalimutan kahit sandali si Jewel.

“I did love her, Diana. May bahagi ng puso kong lagi nang mamahalin siya. Nakikiusap akong sana’y maunawaan mo. Pero iba ang pag-ibig na iyon. It was a good, sweet, and gentle kind of love. At ang bahaging iyon sa sarili ko’y mananatiling kanya. Perhaps in time ay magmamaliw nang kusa. And there’s no point in comparing yourself with her. Because never did I love or have wanted anyone with such a passion that I have for you, Diana. I had never hungered so for anyone in my life tulad ng nararamdaman ko sa iyo. That my love for Jewel pales beside the emotion that entangles my heart with you.” Punong-puno ng damdamin ang tinig nito.Nanatiling nakatitig si Diana kay Bernard. Ni hindi siya kumukurap. Ni hindi niya matiyak kung humihinga siya habang nagsasalita ang binata.

“May kulang pa ba sa sinabi ko?” banayad na tanong ng binata makaraan ang ilang segundo.She shaked her head slowly at unti-unting inilabas ang paghinga and throw her arms around his neck and kissed his lips so sweetly.

“Oh, Bernard, I love you so much!”

“I love you, my beloved stranger!” puno ng emosyong sagot ng binata.

“I love—”

“You…” and he kissed her.

18

ARAW ng kasal ng batang lawin. At puno ng mga tao sa paligid ng Villa Kristine. Mga tauhan sa buong hacienda. Mga tauhan sa de Silva farm. Mga kaibigan, kamag-anak at mga kakilala.Naroon din ang buong angkan ni Don Rafael Fortalejo. Sharing for the first time the grandest affair na ginanap sa buong Paso de Blas. Sa pagdalo ng mag-anak ni Don Rafael sa okasyong iyon ay nagpapatunay ng pagpapatawad ni Donya Aurora kay Don Leon Fortalejo.Bernard and Diana defied tradition na mga dalaga lamang ang magiging mga abay.Emerald is the matron of honor, with Zandro na kinuhang lahat ang atensiyon ng mga naroroong kadalagahan. Galing man sa kilalang pamilya o hindi.

Jasmin bilang bridesmaid, with Mitchell.

Isabella also as bridesmaid, with Ismael, of course. Naunahan ang mga ito sa pagpapakasal.Si Don Rafael Fortalejo at si Julia de Silva ang mga sponsors.

And Iris as the flower girl.

Marco and Nathaniel is watching by. Ang amusement at katuwaan ay nasa mga labi.Sa kabila ng lahat ay umuwi si Anna mula sa Amerika upang daluhan ang kasal ng sana ay mamanugangin. Sa kabila ng pagsisikip ng dibdib ay hindi rin nito maitatangging hinahangad nito ang kaligayahan ni Bernard at ni Diana.

Katulong si Margarita at Julia sa pag-aayos kay Diana kasama ang isang tagaayos mula pa sa Maynila. Isang Spanish wedding gown ang suot ni Diana na ipina-rush ni Bernard sa loob ng sampung araw mula sa isang sikat na couturier.

Pababa na sa hagdan ang bride na tumingkad ang ganda sa kaligayahang nadarama nang mapuna ang katabing larawan ni Donya Kristine Esmeralda na nakasabit sa may ibaba ng grand staircase.

“Oh!”

“Do you like it?” ani Bernard na inabot ang kamay ng dalaga.

“Oh, Bernard!” Namumuo ang luha sa mga mata niya habang hinagod ng tingin ang sariling life-size portrait na katabi ng oil-painting ni Donya Esmeralda.

“Hindi ko maihahabol sa kasal natin ang larawan mo kung pinapinta ko iyan. My gift of love.“Puno ng pagmamahal na tinitigan ng bride ang groom niya. She smiled thru misty eyes. “Thank you, my darling…”

“Te quierro, Diana…” bulong ni Bernard sa bride nito.

“And I love you…” ngumiti si Diana sa kabila ng pagtutubig ng mga mata.

Mahal siya ni Bernard, nararamdaman niya iyon at ipinararamdam nito sa kanya iyon. Pero alam niyang sa kaibuturan ng puso nito ay naroon pa rin ang alaala ni Jewel. At ang tangkaing pilitin si Bernard na kalimutan ang dating kasintanan ay hindi niya gagawin.

She couldn’t allow the memories of that wonderful woman to be forgotten so easily. And in so many ways, she has Jewel to thank for sa kaligayahang nasa kanya ngayon.

Inakay na siya ng binata palabas ng villa sa pagkakatuwaan ng lahat ng mga naroroon.

Bagaman may hatid na bahagyang lungkot sa puso ng mga taong nagmamahal kay Jewel ang okasyong iyon ay natatabunan ng pagiging adorable ng bride sa lahat. Bukod pa roon, walang hindi naghangad na sana’y maging maligaya si Bernard pagkatapos ng trahedya.

Ang tanging hindi mahinto sa pagluha ay si Julia. Subalit alam ng lahat na luha iyon ng kaligayahan para sa apo.

“Mama, nakakahiya naman sa mga tao. Baka ang akala ay hindi ninyo ikinagagalak ang kasal ng apo n’yo,” banayad na saway ni Marco sa ina bagaman may ngiti sa mga labi.

“He!” angil ni Julia sa anak. “Ganito rin ako noong ikasal kayong dalawa ni Emerald.”

“Huwag ninyong intindihin itong asawa ko, Mama,” natatawang sabi ni Emerald. “Kanina pa nito tinutukso si Bernard at si Diana.” nakita nitong pumuwesto sa grand piano si Margarita. “Magsisimula na ang kasal, darling…”

Walang isa man sa ikinasal sa mga lalaking Fortalejo at de Silva ang nagsuot ng Spanish wedding gown maliban kay Diana. May Spanish tiarra ito sa ibabaw ng veil na iniregalo ni Julia.

Si Margarita na tumutugtog sa piano ay hindi mapigil ang mapaluha. Kahit si Bernard ay hindi aware na ang Spanish wedding gown na ipinayari nito sa Maynila ay replica ng wedding gown na isinuot ni Donya Kristine Esmeralda noong kasal nito kay Don Leon may apatnapu at siyam na taon na ang nakararaan. Isa sa mga araw na ito ay ipakikita nito ang lumang album sa mag-asawa.

Makalipas ang ilang sandaling palitan ng ritual vows ay natapos ang kasal ng dalawa. Hinagkan ni Bernard ang bride sa pagkakatuwaan ng lahat. Nasalo ni Isabella ang bouquet na inihagis ni Diana. Isang makahulugan at nagmamahal na titig ang ibinigay rito ni Ismael.

Hindi na malaman ni Diana kung ano ang sumunod na pangyayari. Para siyang dahon na inaanod ng hangin sa dami ng taong nakikipagkamay at bumati. Sa tabi niya ay naroon parati si Bernard at nakahawak sa siko niya.

Congratulations, Diana!

Sa gitna ng ingay at pagkakagulo ng mga bisita ay narinig ni Diana iyon. Napahugot siya ng paghinga. Napatingin siya sa may dulong bahagi ng villa na walang tao at tila may napuna siyang nakatayo roon. Isang pamilyar na mukha. Nang sumunod niyang ibaling ang tingin ay wala na.

“Senior…” bulong niya. Nilingon si Bernard na kausap si Don Rafael, si Donya Aurora, at si Anna. Marahan siyang lumakad sa bahaging iyon ng villa.

Sinundan ng tingin ni Nathaniel si Diana na siyang tanging nakapuna sa pag-alis niya. Tumayo ito upang sana’y bulungan si Bernard subalit pinigil siya ni Jasmin.

“I feel nostalgic, sweetheart.” malambing na ikinawit ni Jasmin ang braso sa kanya.

“Of course, love. Habang pinapanood kitang nagmamartsa katabi ni Mitchell ay naalala ko noong araw ng kasal natin,” nakangiting sang-ayon nito sa asawa. Pagkatapos ay muling ibinaling ang tingin sa tinutungo ni Diana subalit wala na ang bride.

“Love, wait here. May sasabihin lang ako kay Bernard. I’ll be damned, but I could feel his presence in this wedding,” napapailing nitong sinabi. Si Jasmin ay napahugot ang paghinga. 

Nilinga ang bakanteng upuan ni Diana.

19

KINURAP ni Diana ang kanyang mga mata. Wala siyang nakikita kundi mga halaman at mga magagandang bulaklak. Ang mga rosas ay naglalabas ng kanilang mga bango. And she smiled.

 Binaybay niya ang gilid ng villa na tila may hinahanap hanggang sa mapatapat siya sa isang bahagi ng pader.

“I know you’re here somehow…” sinuyod niya ng tingin ang buong pader ng villa. Wala sa loob na itinulak niya ang batong nasa harap. Lumangitngit iyon at bumukas. Napahugot ng paghinga si Diana.

Natagpuan niyang muli ang basement ng villa!

At dahil may araw pa ay hindi gaanong madilim ang hagdan at naaaninag niya. Payuko siyang pumasok dito kasabay ng pagtaas ng wedding dress upang hindi maapakan. Pagkatapos ay bumaba.

Tulad noong una siyang mapunta roon ay madilim. Pero bago tuluyang sumara ang pader ay nahagip ng mga mata niya ang oil lamp na nakasabit sa dingding.

“Kung may lampara dito, tiyak na may posporo,” lohiko niyang sinabi. Kinapa ang pinagpatungan ng lampara. Isang inaagiw nang posporo ang nakita niya. Nakatatlong palito siya bago niya nasindihan ang lamparang langis.

Tinalunton niya ang maliit na pasilyo na sa pagkakatanda niya’y dinaanan na niyang minsan. Hanggang sa matapos iyon sa isang maliit na silid.

May bahagyang liwanag na naglalagos mula sa bintanilya at bahagya niyang naririnig ang ingay mula sa labas. Paglabas niya’y hahanapin niya ang bahaging iyon ng maliit na bintanilya.Muli niyang nakita ang isang lumang bangko na hinigaan niya noon. Isang malaking bangkong narra na may mga ukit. Nadako ang pansin niya sa isang malaking study table. Nilapitan niya iyon. Sa bahagyang liwanag na nanggagaling sa labas at ang nagmumula sa lampara ay naaaninag niya ang maraming alikabok at agiw sa mesa.

Napuna niya ang isang luma at munting jewelry box… at isang puting papel. Ibinaba ni Diana ang lampara sa mesa at dinampot ang puting papel na may agiw. Pinagpag niya at binasa ang nakasulat doon.

“Sa susunod na maybahay ng Villa Kristine.” bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya. 

Nagpatuloy sa pagbasa. “Tanggapin mo ang mga alahas na ito na mula pa sa aking mga ninuno at nawa’y maging maligaya ang pagsasama ninyo ng bagong panginoon ng Villa.” bumaba ang mga mata niya sa nakapirma roon. “Donya Kristine Esmeralda… oh.” Dinala ni Diana sa dibdib ang lumang sulat. Pagkatapos ay muli niyang tinunghayan at nahagip ng mga mata niya ang petsa kung kailan iyon isinulat. “Sabado, Mayo 13, 1949. Sa araw na ito ay aking ipinanganak ang aking panganay na si Romano…”

Hindi malaman ni Diana kung ano ang mararamdaman. Pagkamangha, lungkot, at kaligayahan, at pag-aalangan. Pero hindi takot. Marahil ay iniuukol ni Donya Esmeralda ang sulat na iyon para sa mapapangasawa ng panganay nitong anak, si Romano Fortalejo.

Dinampot niya ang jewelry box at binuksan iyon. Isang tugtugin ang pumailanlang mula sa musical-jewelry box. Isang waltz.

Ang waltz na isinayaw nila ng matandang lawin!

At lalo siyang namangha sa laman ng jewelry box. Mga alahas! Mga antigo at mamahaling mga bato. Isang heirloom!

Para sa iyo ang mga iyan, Diana. At hinahangad ko ang kaligayahan ninyo ng aking anak. Adios, hija…

Love him, Diana… as I loved him…

“Oh!” marahang bulalas ni Diana. “I will, Jewel, I promise …and thank you,” usal niya kasabay ng pamumuo ng luha sa mga mata. Hindi pinag-alinlanganan kung sino ang may-ari ng huling tinig.Muling umikot ang tingin ni Diana sa loob ng kuwadradong silid subalit wala na ang mga tinig. Mula sa bintanilya ay ihip ng hangin ang naramdaman niyang pumasok. Kasunod niyon ay narinig niya ang pagtawag ni Bernard sa pangalan niya.

Ibinaba niya sa mesa ang jewelry box at nagmamadaling lumabas. Pinanhik ang baitang na bato at hinila ang pader. Pagkatapos ay yumuko palabas.

“Bernard!”

Nagulat pa si Bernard pagkakita sa kanya. Hinagod siya ng tingin. “Dio, saan ka nanggaling?” May agiw sa veil at sa wedding gown niya.

“I’ve found the basement, darling,” kumikislap ang mga matang wika niya rito.“Diana…” umiiling si Bernard. Naroon ang alinlangan sa mga mata.

“Manood ka.” tumalikod siya at itinulak ang pader na pinanggalingan at sa panggigilalas ni Bernard ay bumukas iyon. Nilingon ito ni Diana na ngumiti. “Naniwala ka na? Pumasok tayo, Bernard…” yakag niya rito at nagpatiunang bumaba bago pa siya naalalayan ng asawa.Si Bernard ay manghang-manghang sumunod sa asawa habang tinalunton ang pasilyo.“Dito ako dinala ng matandang lawin, darling.” inilahad niya ang kamay at itinuro ang silid. Kukurap-kurap ang lampara na malapit nang mamatay dahil hindi naman sapat ang langis niyon. “At gusto kong basahin at tingnan mo ito.” Inakay niya ito patungo sa mesa at ipinakita ang sulat na kulay-brown na halos ang papel.

Pigil ang hiningang binasa iyon ni Bernard. “Kung hindi nakita ng mga mata ko’y hindi pa rin kita paniniwalaan, Diana…” wika nito sa gumagaralgal na tinig. Dinampot ang jewelry box at napahugot ng paghinga. Dinampot isa-isa ang mga alahas. Hindi pa ito nakakapangalahati man lang at muling ibinalik sa loob ng jewelry box.

“Madre de dios! Alam mo ba kung magkano ang halaga ng mga brilyante, ruby, at emerald, at mga kung ano-ano pang mga batong naririto?”

Umiling si Diana na sinabayan ng kibit ng mga balikat.

“Diana, these jewelries are worth millions of pesos! And these are yours!”

Muling umiling uli si Diana. “No, Bernard. Iwan natin dito ang mga iyan. Aanhin natin ang maraming-maraming pera? Nasa akin ang buong ari-arian ng Lolo. Pag-aari mo ang buong Kristine Group of Companies…” isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. “Nalulula ako, Bernard. All I want is for you to love me…” she added softly.

“And I love you, amore,” he whispered tenderly.

Hinawakan sa mukha ang asawa and kissed her lips with aching tenderness. Pagkatapos ay inikot ang paningin sa paligid. His eyes misty with so much emotion, hindi dahil sa mga alahas na iyon, kundi sa pagkakatagpo nila sa basement.

Nangangahulugan iyon ng pagsang-ayon ng dating reyna ng Villa Kristine kay Diana. 

Nangangahulugan din iyon ng pagsang-ayon ni Senior Leon Fortalejo kay Diana. Hindi man nagkaroon ng pagkakataon si Senior Leon Fortalejo na maipadama rito ang pagmamahal bilang ama ay nasapatan na iyon ng maraming pagsang-ayon.

“Muchas gracias, senior y seniora…” bulong ni Bernard sa nagsisikip na lalamunan.

Si Diana ay ang tinig ni Jewel ang nasa isip. Imahinasyon man o hindi, tataglayin niya sa puso habang-buhay ang pasasalamat. At alam niya, nararamdaman niyang hindi na niya muli pang maririnig ang matandang lawin.

Nag-alis siya ng bara ng lalamunan. Iginala ang mga mata sa loob ng silid na iyon bago nagsalita. “Sana’y maunawaan ninyo ako kung iiwan ko dito ang mga kayamanang ito, senior, seniora. Ibinigay na ninyo sa akin ang pinakamaganda at pinakamamahaling regalo para sa kasal ko, my husband.” nilingon nito si Bernard na nagsisikip ang dibdib. “Let’s go, darling,” yakag niya sa asawa.

Tumango si Bernard at inakay siya palabas. Pinuno ng dalawa ng hangin ang dibdib nang makalabas ng basement.

“Will you tell them about the basement?” tanong ni Diana.

Umiling si Bernard. “Hindi na kailangan, amore. Hindi na kailangan. 

Mananatili ang Villa Kristine sa karangyaan nito. Mananatili sa basement ang mga alahas hindi dahil tinanggihan mo kundi para sa darating na panahong may sadyang nangangailangan nito. Alam kong muling ituturo ng Papa at ni Donya Esmeralda ang mga iyon sa karapat-dapat. At tuwina ay para lamang iyon sa susunod na maybahay ng villa.“ inakbayan nito ang asawa at hinagkan sa ibabaw ng buhok at inakay pabalik sa maraming mga bisita.

Hindi mapigil ni Diana ang hindi lumingon at ngumiti.

“Muchas gracias, senior… hrmp… Papa.”

WAKAS

20

Marami pong salamat sa inyong pagsubaybay sa pamilya Fortalejo. Sana’y nagustuhan ninyo ang kasaysayan ni Bernard at Diana, bilang pangwakas na serye.

Higit pong maganda ang panibagong kasaysayan ng buhay at pag-ibig na ilalabas ng Kristine Series sa Volume II.

At mula po sa amin ni Amanda at ng aming metikulusong publisher, Muchas Gracias.

		   MARTHA CECILIA

Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta mga beshiee, sana magustuhan n’yo ang kuwento nina Bernard at Diana. Pasensya na rin kung natatagalan ang pag-uupdate. Mag-ingat at mag-pray tayong lahat na maging ligtas tayo sa NCOV. Stay healthy everyone. Take care and God bless. ;) - Admin A*********


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.