Kristine Series 7, Franco Navarro (COMPLETED) (UNEDITED)
Marthacecilia Phr · 23 chapters · 27,999 words
Author’s Note:
*****PAALALA: Mag-ingat ang tayong lahat mga beshies, lalo na sa panahon ngayon na laganap ang banta ng COVID-19, hangga’t maaari huwag na lang munang lumabas ng bahay at magbasa na lang muna tayo ng mga stories ni Ms. MC, bilang pagtulong sa ating lahat ay narito ang Kristine Series 7 para mabawasan ang ating alalahanin sa panahon ngayon, mahalin sana natin si Franco (myloves char!!!) . Stay safe and always pray mga beshies. - ADMIN A *******
Dear Readers,
I have received letters from all over the country and even as far as Hong kong and Canada (from my very own mother and her Filipina friends), regarding your sentiments on Jewel’s “death” in my last Kristine Series.
I was overwhelmed! No… no… that is an understatement. I was lost for words. I don’t know what to say and think. I was torn between distress and elation. Distress because of your sentiments. And elation because you took my characters to your hearts. No greater compliments can a writer received.And how shall I tell you about the story which was all planned since its conception (Devil’s Kiss)? The FORTALEJO Clan was temporarily ended to give way of the NAVARRO family which is also a part of one big whole series. I really would have wanted the series to be a surpise to the readers. And now I will be forced to drop a hint every now and then that the Fortalejo Clan isn’t over yet. And somewhere in the middle of Volume 2 there will be a surprise as to what really happened on the eve of Jewel’s “death.” The Fortalejo and the Navarro being part of the whole series was a complete one story. I cannot go into details. I hope you understand. But this is what I am promising, I will never disappoint you.Precious Pages Corporation has a smorgasboard of stories for the satisfaction of our readers. But as I have written at the back of this book, Kristine Series is a whole story of greed, power, wealth, intrigue, suspense, drama, sex, love, and romance.
Martha Cecilia
Prologue
1950
Nasa bukana ng pinto ang sampung taong gulang na si Franco nang marinig niyang sumisigaw si Don Alvaro Sebastian.
“Hijo de… caramba!” Ang matanda na itinaas ang baston sa mukha ng anak na si Erlinda. “Iwan mo ang hampaslupa mong asawa, Erlinda, at tatanggapin kitang muli. Kayo ng anak mo!”“Mahal ko si Crisanto, Papa. Hindi ko magagawa ang sinasabi ninyo,” humihikbing sagot ni Erlinda.
“Mahal!” ismid ng matanda. “Tingnan mo ang resulta ng sinasabi mong pagmamahal, Erlinda. Para kang pulubi. Ipinagpalit mo ang anak ni Don Enrique Montaho sa pobreng iyon na isa lamang tauhan sa rancho, que horror!” patuloy ng matanda. “At hindi kita patatawarin hangga’t hindi mo siya hinihiwalayan.”
Umatras si Franco palabas sa narinig na panghahamak ng abuelo sa ama. Pagkatapos ay kumaripas ng takbo.
“Franco!” Lingon ni Erlinda sa anak. Nag-aakusang tiningnan sandali ang ama at sinundan ang bata.
Si Franco ay patuloy sa pagtakbo at walang kamalay-malay na apat na ranchero ang humahabol sa isang nagwawalang toro. Nagulat pa ang bata sa sigawan ng mga tauhan ng rancho.
“Ang bata! Ang bata!”
Biglang huminto sa pagtakbo si Franco. Natuon ang tingin sa sumisingasing na toro na siya ang tinutungo. Ilang dipa na lamang ang layo nito sa kanya.
“Franco, takbo, anak!” sindak na sigaw ni Erlinda nang makitang ang anak ang pinupuntirya nang nagngangalit na baka. Halos panawan siya ng ulirat sa natitiyak na mangyayari sa anak.
Ang bata ay marahang umatras na sa sindak ay hindi agad makatakbo at sumusugod ang toro. Sa isang kisap-mata’y tumaas mula sa lupa ang bata na hinablot ng isang rancherong nakakabayo at mabilis na inilayo. Subalit hindi bago nasabit ang sungay ng toro sa balikat ni Franco na pumunit sa kamiseta niya.
Ibinaba ng ranchero ang bata sa harap ni Erlinda na walang-kulay ang mukha sa matinding sindak.
“Franco, anak!” Halos hindi lumabas sa bibig ni Erlinda iyon at mahigpit na niyakap ang bata.
“May sugat siya, senyorita,” wika ng magiting na ranchero. Hinubad ang bandanang nakasabit sa leeg at iniabot kay Erlinda. Sa nanginginig na kamay ay itinali nito ang bandana sa duguang balikat ni Franco. Ang bata bagaman natakot ay hindi umiyak kahit na dumudugo ang balikat.
“Oh, Franco…” muling niyakap ni Erlinda ang bata.
“Kailangang dalhin ninyo agad sa bayan si Franco, senyorita. May sugat siya sa balikat. Baka hindi maampat ng tali.”
Tumingala si Erlinda sa ranchero. Si Alfonso ay kaibigan ni Crisanto. “M-maraming salamat, Alfonso. Utang ko sa iyo ang buhay ni Franco. Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang ginawa mong ito.”
Kumawala sa ina si Franco at tumingala sa ranchero. “Ako ang may utang sa kanya, Mama. Buhay ko ang iniligtas niya kaya ako ang dapat na magbayad,” mariin at malinaw na sinabi ng bata. “Sa anumang paraan, Alfonso, magbabayad ako ng utang.”
Nangiti ang ranchero. “Para kang si Crisanto kung magsalita, Franco Navarro.”
“Sabihin mo kung sa paanong paraan ako makakabayad ng utang, ranchero,” matigas na utos ng bata.
“Franco, anak…”
“Hayaan mo siya, Erlinda. Tulad ng mga Sebastian, hindi niya gustong may pinagkakautangan ng loob. At tulad ni Crisanto Navarro, may halaga ang salita,” ani Alfonso na totoo sa loob ang sinasabi. At natitiyak nito na hindi mapapahinuhod ang bata kung wala siyang sasabihin.
“Dadalawang buwan pa lamang na nakapanganak ang asawa ko, Franco, ng isang malusog at magandang babae. Labing walong taon mula ngayon, pakasalan mo ang anak ko,” wala sa loob na sinabi ni Alfonso.
Nagsalubong ang mga kilay ng bata. “Kinokontrata mo ang buong buhay ko pagkalipas ng labing walong taon, Alfonso?”
“Iyon lamang ang kondisyon ko, Franco Navarro. Kung hindi mo gusto, hindi naman ako nagpapabayad ng utang-na-loob. Kalimutan mo, kung gayon,” pormal ding sagot ni Alfonso na tinapatan ang anyo ng bata.
Bahagyang napahiya si Franco. “Matutupad, Alfonso. Pakakasalan ko ang anak mo sa paglipas ng ikalabing walong tag-araw.” Mariin at seryosong binitiwan ni Franco ang pangakong iyon na sinabayan ng paglahad ng munting kamay.
At sa pigil na ngiti ay inabot ng ranchero ang kamay ng bata at mahigpit na pinisil.
“Hanggang sa ikalabing walong tag-araw, Franco Navarro.”
1
1968
Manila
“Do you have an appointment?” ang tanong ng sekretarya kay Bea.
“No. But I’m sure he will see me,” lakas-loob niyang sinabi. Ganito ba kahirap makausap si Franco? Kanina ay ang security guard, pagkatapos ay sa reception. Ngayon naman ay itong sekretarya. Para siyang dumaraan sa sentry ng mga hapon.
“May I have your name?”
“Beatriz Montesa.”
Tumango ang sekretarya na isinulat sa kapirasong papel ang pangalan niya. Pagkatapos ay tinitigan ang dalaga. Sanay na ito sa mga ganoong dialogo ng mga babaeng gustong makausap ang boss nito. Ang kaibahan nga lang ng kaharap ay hindi ito iyong mga tipong sopistikada. Hindi ito ang uri ng babaeng type ng boss nito. Ang kaharap nito ay tipong probinsiyana subalit hindi nito maitatangging maganda bagaman wala kahit na lipstick. Higit na maganda kaysa sa mga babaeng sanay na nitong nakakaharap at naghahanap kay Franco.
Probinsiyana, all right, pero cultured ang tinig at ganoon din ang pagsasalita. Muling dinaanan ng mga mata nito si Bea sa pantalong maong na namuti na sa sobrang kupas. T-shirt na kulay-puti rin at luma na. Ang mahabang buhok ay nakatirintas mula sa tuktok ng ulo at ang dulo ay umabot hanggang sa may batok.
“I’m really very sorry, Miss Montesa, but Mr. Navarro is in the middle of an important meeting right now,” wika ng sekretarya. “Malibang importante ay hindi ko siya maaaring abalahin.”
Hindi malaman ni Bea kung ano ang gagawin pero determinado siyang makausap si Franco dahil kung hindi ay malamang na sa kalye siya matutulog.
“Hihintayin ko hanggang matapos ang meeting ni Mr. Navarro.” nilingon niya ang mahabang divan.
“Maaari ba akong maupo roon at maghintay?”
“Sure. Pero tinitiyak ko sa iyong mahihirapan kang pakiharapan ni Mr. Navarro. Marami siyang appointment sa umagang ito.”
“Ikinalulungkot kong maging mapilit, Miss, pero tinitiyak ko ring hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakakausap ang boss mo,” determinadong sagot ni Bea. Pagkatapos ay lumakad patungo sa waiting area.
Lihim na napapailing ang sekretarya. Hindi ito makapaniwalang ang ganito kabatang babae ay pinatulan ni Franco. She must be around seventeen or eighteen. Kung sabagay ay talagang ang mga babae na mismo ang naghahabol sa boss nito bata man o may-edad. May asawa o dalaga man.
Si Bea ay sinikap na abalahin at libangin ang sarili sa pamamagitan ng pagbubuklat ng mga naroong magazines na sa totoo lang ay hindi naman niya naiintindihan kung ano ang mga nakasulat. Blangko ang tingin niya sa mga larawang nasa pahina. Magkahalong kaba at takot ang nasa dibdib niya. Paano nga kung hindi siya pakiharapan ni Franco? May posibilidad na gawin ng lalaki iyon dahil hindi naman siya nito kilala bukod pa sa sinabi na ng abogado ni Don Alvaro na hindi nito gustong makausap kahit na sino na nagmumula sa Rancho Sebastian.
Mabagal at kainip-inip na lumipas ang dalawang oras. Walang ginawa si Bea kundi tingnan ang relong nakasabit sa may dingding. At bawat tunog ng telepono ay tumitingin siya subalit lahat ng mga tumatawag na marahil ay gustong makausap si Franco ay iisa ang sagot ng sekretarya: I’m sorry but he’s having a meeting and cannot be disturbed.
Ilang minuto pa ang lumipas at nag-ring ang interphone. Napaupo nang tuwid si Bea at tumingin sa mesa ng sekretarya.
“Dolly, magpa-reserve ka sa Kimchi para sa tatlong tao. We will be out for lunch.”
“Yes, sir, eh, sir… may isang babaeng naghihintay rito sa inyo sa labas.” sinulyapan nito si Bea na nakatitig din dito. “Beatriz Montesa ang pangalan niya… mapilit siyang kausapin kayo… no, sir… dalawang oras nang mahigit…”
“C’mon, Dolly,” agap ni Franco. “Huwag mong sabihin sa aking hindi mo na alam pakiharapan ang mga visitors at bay,” bagot na sagot ni Franco na ibinaba ang intercom.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Dolly. Tumayo at nilapitan si Bea,
“I have informed Mr. Navarro of your presence, Miss Montesa. Pero tulad ng sinabi ko na sa iyo, hindi ka niya kakausapin.” may simpatya sa tinig nito.
“Oh!” Nanlumo sandali ang dalaga. Muling gumuhit ang determinasyon sa mukha at tumingala kay Dolly. “Malayo pa ang pinanggalingan ko at kailangan ko talaga siyang makausap.
Nakakahiya mang sabihin pero kapag hindi ko nakausap si Mr. Navarro ngayon ay malamang na sa kalye ako matutulog.“ mamayang hatinggabi ang susunod na biyahe pabalik sa pinanggalingan niya. Ang natitirang pera sa kanya ay ultimong pamasahe sa bus. Paano pa ang ferry boat?
Nagsalubong ang mga kilay ni Dolly. Naintriga. Gustong mag-usisa pero nanaig ang pagiging tapat at maingat.
“Ang tanging maipapayo ko sa iyo ay hintaying lumabas si Mr. Navarro, kasama ang dalawa pa niyang ka-meeting.” tumingin ito sa relo sa braso. “They will surely be out in a few minutes.”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Bea. Ang sekretarya ay muling bumalik sa puwesto nito at ipinagpatuloy ang ginagawa. Sampung minuto uli ang lumipas at bumukas ang pinto ng silid ng presidente. Napatitig doon ang dalaga at agad na tumayo. Dalawang may-edad nang lalaki ang naunang lumabas kasunod ang pinakabata. At hindi kailangang sabihin sa kanya kung sino si Franco roon.
Si Franco ay huminto sa mesa ni Dolly at nagbibilin. Mabilis na lumapit si Bea. Pagharap ni Franco ay muntik pa siyang mabunggo.
“Excuse me,” ang lalaki na hindi naman siya pinansin ay lumakad kasama ng dalawa pa.“Mr. Navarro, sandali lang ho,” ani Bea na napahawak sa braso ng lalaki na agad ding binitiwan nang lumingon ito.
“Gusto kitang makausap kahit sandali.” nakikiusap ang tinig niya. Nahinto pati sa paglakad ang dalawang kasama ni Franco. Si Franco ay nagsasalubong ang mga kilay na binalingan si Dolly na hindi malaman ang sasabihin.
“Dolly, hindi ba at sinabi kong…” may reprimand sa tinig nito.
“I have insisted to wait. Gusto kitang makausap, please,” determinado niyang sinabi. Nakita niyang nagngitian ang mga kasama ng lalaki.
“Go ahead, Franco. Maghihintay kami sa iyo sa Kimchi,” ang wika ng isa na kinindatan si Bea. Pinamulahan ng mukha si Beatriz at lalo na nang tumawa nang may malisya ang isa pang kasamahan nito na hinila na ang isa patungo sa elevator.
Si Franco ay nagsalubong ang mga kilay at sa anyo nito ay alam ng dalagang galit.
“Kung anuman ang gusto mong sabihin sa akin ay…” umiling ang binata. “All right, I can spare you a minute,” pagalit nitong sinabi na bumalik sa sariling silid.
Bagaman kinakabahan ay napabuntong-hininga ng relief si Bea. Mabilis na sumunod kay Franco. Nakasandal sa executive desk nito ang lalaki at nakatingin sa kanya.
“Tumatakbo ang isang minuto mo. I am a very busy man. Ano ang gusto mo?” Hindi nito itinatago ang iritasyon sa tinig.
Hindi agad makaapuhap ng sasabihin ang dalaga. Buong buhay niya’y malimit nilang pag-usapang mag-ama si Franco Sebastian Navarro. Sinabi ng itay niya na guwapo si Franco kahit sa gulang na sampung taon. And she believed her father. Pinantasya sa isip ang isang guwapong prince charming na magiging asawa niya sa ikalabing walong taong kaarawan niya.
And now, here he is. Nakatayo sa harap niya ang kabuuan ng lalaking panaginip niya mula pa nang magkaisip siya. All in his six-foot-or-so breathtaking handsomeness. Coal-black eyes na tila nagtatago ng maraming lihim. Sensual lips that she often dreamed kissing. Bahagyang nanayo ang balahibo niya sa bahaging iyon.
Tumikhim si Franco pero hindi narinig iyon ng dalaga na patuloy sa pagsuri sa binata. He isn’t just tall and handsome, he was also big and intimidating. Tough looking sa kabila ng naka-executive suit. May bahagyang pilat sa gitna ng ilong na sa wari ay bakas ng pakikipag-away.
“Forty seconds, Miss.” tumaas na ang tinig ni Franco. “Don’t waste your precious time staring at me.”
Tumikhim si Bea na napapitlag sa pagsuri sa lalaki. Pinamulahan ng mukha. Sandaling nagsalubong ang mga kilay ni Franco roon. So, they still produce women who blush, bulong nito.
“B-Bea… Beatriz Montesa ang… pangalan ko.”
Matiim siyang tinitigan ni Franco mula ulo hanggang paa na tila wala siyang suot. Hindi alam ng dalaga kung magagalit o mapapahiya.
“I don’t think we have met, Beatriz Montesa. Ano ang gusto mo sa akin?” patuloy ni Franco sa intimidating tone. Nasa mukha ang pagkabagot. “You have thirty seconds left.”
“Oh, for goodness’ sake!” she said in a frustrated voice. “Paano akong makapagsasalita gayong inoorasan mo ako? Bukod pa sa kinakabahan ako sa iyo.”
Tumaas ang isang sulok ng bibig ni Franco sa pagitan ng pagkabagot at bahagyang amusement.
Kitang-kita nito ang tensiyon sa magandang mukha ng babae. Oh, well, come to think of it, the woman is unusually pretty. May mga hibla ng buhok na bumagsak sa mukha na para bang inilipad ng hangin.
Her eyes reminded him of someone he cannot recall. Reminded him of sunshine and tall grass, of wind and summertime. Nang isang panahon ng kabataan na matagal na nitong naibaon sa limot.
Sukat sa naisip na iyon ay tumuwid ng upo si Franco. Natitiyak nitong hindi pa sila nagkakilala man lamang ng Beatriz Montesa na ito or else he would have remembered. Hindi ang uri ng mukha ng babaeng ito ang madaling kalimutan.
“At hindi mo ba talaga pinauupo ang bisita mo, Mr. Navarro? Why, you’re so tall and very intimidating and I’m tensed and my knees are getting weaker sa bawat segundong lumilipas na ipinaaalala mo. Do you mind if I take a seat?” Puno ng iritasyon at sarcasm ang tinig niya. Hindi na hinintay na sumagot ang lalaki. Nilingon niya ang sofa malapit sa pinto at umupo roon.Pinigil ni Franco ang mapangiti. Her eyes sparked fire that matched the temper. “Gaano kahaba ang sasabihin mo sa akin?”
“I… I came from… Rancho Sebastian…”
2
RANCHO Sebastian! Sukat sa sinabi ni Bea ay tumigas ang mukha ni Franco. Lalong nadagdagan ang kaba ng dalaga. Kung hindi siya nakaupo ay baka bumigay ang mga tuhod niya.
“Inutusan ka ng matandang kausapin ako?” Itinanong iyon sa mapanganib na tono. At kung nagkataong kilala ni Bea si Franco ay totoong matatakot siya sa tono nito.
“Kung… kung ang gusto mong tukuyin ay si Don Alvaro…”
“Kung tagaroon ka ay alam mong walang iba akong tinutukoy,” agap nito sa sinasabi niya.
“Hindi ako interesado sa mga sasabihin mo mula sa kanya. Pagkatapos ng abogado ay babae naman ngayon ang ipinadala ng matandang iyon, ha?” Hinagod nito ng malisyosong tingin ang dalaga.
“Sabihin mo sa matandang diablo na he’s wasting his time. I don’t ravish little girls.” pagkasabi niyo’y dinampot ng lalaki ang susi ng sasakyan sa ibabaw ng mesa at nag-akmang lalabas.
Ipinadala ng matanda! Little girls! Bumangon ang galit sa dibdib ni Bea sa implikasyon ng sinabi ni Franco. Napatayo siyang bigla.
“Hindi ako inutusan ni Don Alvaro at huwag mo akong insultuhin!” Tumaas ang tinig niya bago napigil ang sarili. Hindi siya dapat magalit. Higit kanino man ay alam niya ang damdamin ni Franco pagdating sa rancho at kay Don Alvaro. Naibalita na sa kanya ni attorney Marquez iyon.
“Please, hindi tungkol kay Don Alvaro ang dahilan kaya ako narito.” biglang nagbago ang tono niya.
“Mag-iisang taon na siyang patay…”
Huminto sa paglakad si Franco at nilingon siya. Nasa harap niya ito at ilang dangkal lang ang pagitan nilang dalawa.
“So, the old devil has finally died.” puno ng sarcasm ang tinig nito na sinabayan ng ngiti na hindi naman umabot sa mga mata.
“Kung ang balitang iyon lang ang inihatid mo…”
“P-please,” agap niya.
“If you’re really busy now dahil sa mga kasama mong naghihintay, nakahanda akong maghintay rito hanggang sa makabalik ka.” nakikiusap ang tinig niya. “Just promise me na kakausapin mo ako.”
“Bakit ko gagawin iyon?” malamig nitong tanong. Ang mga mata’y inihagod sa mukha niya.
Wearily, inilahad ni Bea ang mga kamay.
“Oh, I don’t know.” ibinagsak uli niya ang sarili sa lounge.
“I was hoping na kakausapin mo ako. I travelled this far para lang makausap ka… tungkol… tungkol sa… sa akin.” Nagyuko siya ng ulo roon.
Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Franco. Bumalik sa mesa at dinampot ang intercom.
“Dolly, tawagan mo ang dalawa sa Kimchi at sabihin mong made-delay ako.” Ibinalik sa receiver ang interphone at umupo sa executive chair nito.
Nagkaroon ng pagkakataon si Bea na ikutin ng tingin ang loob ng silid. Lahat ay nagpapahiwatig ng modernong karangyaan. Mula sa carpet na kulay-tsokolate na halos magpalubog ng rubber shoes niya hanggang sa mga kasangkapan sa loob ng silid. Ang lalaking nasa harap niya ay tila hari sa pagkakaupo sa trono nito. Rich and powerful. At sa pagkamatay ni Don Alvaro, he is now ten times richer.
“Dalawang telegrama ang ipinadala namin ng itay sa iyo.” may bahid ng depensa sa sarili ang tinig niya.
Nahimigan ni Franco iyon na iwinasiwas ang kamay. “Don’t blame yourself. Ibinabasura kong lahat ang mga communications na nanggagaling sa Rancho Sebastian nang hindi binubuksan,” kaswal nitong sinabi.
“Noong una ay pinag-isipan ko kung paano ako natunton ng matandang diablo.”
“May… binayaran siyang mga tao para hanapin ka. H-hindi mahirap hanapin ang isang tulad mo. You are a well known business man,” aniya sa maliit na tinig.
Nagkibit ng mga balikat si Franco. “I won’t even ask you why he bothered. Now, why are you here? Anong tungkol sa iyo ang sadya mo? Sino ka maliban sa ang pangalan mo ay Beatriz Montesa?”
“Months ago ay pinuntahan ka dito ni Attorney Marquez upang kausapin sa mga naiwan ni Don Alvaro. Pero hindi mo siya pinakiharapan.”
“Hindi ako interesado,” bagot na sagot ng lalaki, Bahagya lang naisip ang pagpipilit ng matandang abogado ni Don Alvaro na kausapin ito. Pero ni hindi ito nagkaroon ng pagkakataon sa apat na beses na pagpabalik-balik. Ang unang dalawa ay nasa Singapore ito. Nang makabalik naman sa Pilipinas ay hindi nito pinakikiharapan o kausapin man lamang sa telepono. Ang ikaapat na pagpupumilit nito ay tinutukan nito ng baril ang matanda na biglang umatras palabas sa takot.
“Anak ako ng katiwala ng lolo mo sa rancho…” patuloy ni Bea.
“Hindi sana ako paparito kung hindi lang… kung hindi lang namatay ang… itay.” bahagyang nabasag ang tinig niya sa bahaging iyon. Anim na buwan pa lamang mula nang mamatay ang ama.
Nakita ni Franco ang pagkislap ng mga mata ng dalaga. May nagbabadyang luha na sinisikap pigilin.
“Kaya ako narito dahil, dahil hindi ko alam ang gagawin ko.”
Lalong nangunot ang noo ng lalaki sa sinabi niya. Pinuno ni Bea ng hangin ang dibdib at nagpatuloy.
“Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa rancho. Wala akong sariling pera bukod sa nag-iisa na lang ako sa villa. Matagal nang napabayaan ang rancho dahil walang nangangasiwa mula nang mamatay ang itay. Naubos ang mga baka sa dami ng mga cattle rustler na nakakaalam na walang nagbabantay sa rancho.”
“Ano ang pakialam ko kung ano ang kinahinatnan ng Rancho?! Why are you telling me all these things gayong natitiyak kong alam mong hindi ako interesado. That damned ranch can rot to hell for all I care!”
“Tama ka. Pero ako na lang halos ang tao roon maliban sa ilang mga pamilyang nanatiling naninirahan sa loob ng rancho dahil matatanda na sila. At obligasyon mong tingnan ang kalagayan ng mga nasasakupan ng rancho. At ako responsibilidad mo rin ako…”
“Responsibilidad kita!” agap ni Franco na tumuwid ng upo. Pinalampas ang unang sinabing obligasyon sa mga nasasakupan.
“Are you out of your mind? Paano kita naging responsibilidad?”
Tumaas ang mukha ni Bea. Sinikap paglabanan ang kahihiyang nadarama at diretsong tumingin dito.
“Sa maraming taong paninilbihan ng mga magulang ko sa lolo mo ay libreng bahay at pagkain lamang ang kapalit at kapirasong pera na siyang ginamit ng mga magulang ko sa pagpapaaral sa akin…”
“Hindi ko problema iyon!”
“Don Alvaro became a miser,” patuloy niya na hindi pinansin ang sinabi ni Franco.
“Sa kabila ng halos wala naman talagang suweldo ang mga magulang ko’y patuloy silang naglingkod sa lolo mo dahil walang ibang alam na trabaho ang itay kundi ang pagiging ranchero. At hindi gustong umalis ng itay sa lupain ng matandang Alvaro dahil halos doon na rin siya nagkaisip. Walang taong tumagal sa rancho dahil sa napakaliit na pasuweldo ng matanda. Kahit ang mga katulong ay hindi tumagal. Kami lang ng mga magulang ko. At nang mamatay ang inay, kami ng itay…”
“This is ridiculous! Paanong naging responsibilidad kita?” pag-ulit nito.
“I do not even know you.” nauubos na ang pasensiya nito sa sandaling iyon.
“Iniwan niya sa iyo ang lahat ng kayamanan niya at ang buong rancho,” patuloy ni Bea.
“Hindi ko kailangan ang pera niya. Dapat ay isinama niya ang mga iyon sa hukay!” Tumayo ito at nakapamulsang palakad-lakad sa loob ng silid.
“Iyon ang paraan niya ng pagpapatawad. He was too proud para aminin iyon. Marahil alam siguro ng lolo mo kung paano mo siyang kinasusuklaman. You never answered his letters.”
“Miss Montesa, you are digressing. Tungkol sa iyo ang sinasabi mo pagkatapos ay ang pangyayari sa rancho ang ikinukuwento mo sa akin at ang matanda. Kung ang ipinarito mo ay para sabihin sa aking gusto mong manatiling nakatira sa villa, then you can go home at manirahan ka roon, for life! Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin. You can even burn the whole ranch and I won’t even give a damn!” Muli nitong dinampot ang susi ng sasakyan.
“Please, I cannot go back home. I mean… magagawa ko lamang iyon kung isasaayos mo ang lahat sa rancho. At hindi madaling gawin iyon agad-agad. Kailangan ang personal mong pangangasiwa. Ekta-ektaryang lupain at bakahan na halos wala na dahil hindi naman nagpapakawala ng pera ang matanda…”
“Dammit! Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?” Totoong nagagalit na ito. Nauubos ang oras nito sa walang kabuluhang pag-uusap. Mahalaga ang pinag-uusapan nila ng mga kasama na nasa restaurant.
“M-mag-isa na lang ako sa villa na… walang kasama and you’re supposed to take care of me.” kinabahan siya sa nakikitang anyo ni Franco. Hindi na niya matiyak kung tamang naparito siya. Bakit nga ba niya ipinakakargo ang sarili dito? Bakit naniwala siya sa itay niya na kahit na ano ang mangyari ay hindi siya itataboy ni Franco?
Hindi madesisyunan ni Franco kung patuloy na magagalit o maaaliw sa dalaga. Ipinababalikat niya ang sarili dito. Gayong kung tutuusin ay kinasusuklaman nito ang lahat na may kinalaman sa matandang Alvaro. Ni hindi ito interesado sa pamanang iniwan ng matanda. At ni hindi nito makuha ang lohiko sa sinasabi ni Bea. Ano ang pakialam nito sa dalaga?
Matiim na muling tinitigan ni Franco si Beatriz. Batang-bata at maganda. Makinis ang morenang kutis. Expressive eyes. Small and upturned nose. Full and… soft lips that promised untold delights.
Mabilis nitong inalis ang mga mata sa mga labi ng dalaga. Binuksan ang drawer at isang checkbook ang kinuha. Sandaling sinulatan ito at pagkatapos ay pinunit mula sa booklet at iniabot sa dalaga.
“All right, heto ang pera. Ipa-cash mo sa bangko sa tapat ng opisina. Gamitin mo sa kung anuman ang kailangan mo,” pormal nitong sinabi.
Nanlaki ang mga mata ni Bea at napatayong muli.
“Hindi iyan ang ipinarito ko, Mr. Navarro.” sinikap niyang kontrolin ang sariling galit.
“Bilang tagapagmana ng matandang Alvaro ay katungkulan mong ayusin ang lupaing iyon para sa mga tauhang buong buhay nila ang ipinaglingkod doon. I really am sorry for coming here. But I was really so scared and there’s no one to turn to. And I thought.” Hindi niya itinuloy ang sinasabi. Tumalikod at humakbang patungo sa pinto. Nasa doorknob na ang kamay niya nang mabilis na tumayo si Franco at bago pa niya mabuksan ang pinto ay naroon na ito sa likod niya at inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa doorknob.
“Kailangan mo ng tulong ko. Obvious na iyon ang dahilan kaya ka naparito. Ngayong binibigyan kita ng pera ay nagagalit ka. And you thought what?” tanong nito na halos nakayakap na sa kanya mula sa likod. Nararamdaman niya ang hininga nito sa batok niya at pinanayuan siya ng mga balahibo. Pilit siyang kumakawala pero nakahawak ito sa mga braso niya mula sa likod.
He was so close na pakiramdam ng dalaga ay hindi siya makahinga. Ang likod niya ay nakadikit sa dibdib nito at sa wari niya’y may tila apoy na dumaan sa katawan niya. Magkababata at magkaibigan sila ni Luis Montano, ang panganay na anak ng may-ari ng kabilang lupain. At sa maraming pagkakataon ay nadidikit ang katawan niya rito pero hindi niya naramdaman ang ganitong tila napapaso siya.
Hinila siya ni Franco patungo sa visitor’s chair sa harap ng desk at pinaupo siya roon nang sapilitan.Umupo si Franco sa kabila at iniusog sa malapit sa kanya. Nakulong siya sa pagitan ng mga binti nito at mga braso na nakahawak ang isa sa armrest ng silya niya at ang isa ay sa gilid ng mesa.
“Now, you thought what?” pag-ulit nito. Bigla ring nalito kung bakit pinigil pang umalis ang dalaga gayong naiirita ito sa sinasabi ni Bea.
“I really believed my father nang sabihin niyang hindi mo ako itataboy ’pag lumapit ako sa iyo,” aniya sa bahagyang nanginginig na tinig. Nalilito siya sa damdaming idinudulot ng closeness ng binata. Nasasamyo niya ang lime scent ng cologne nito. His breath skimming her face. Nakabaon na sa sandalan ng swivel chair ang likod niya at nang tangkain niyang ipagulong paatras ay hindi niya maigalaw ang silya dahil pinipigilan iyon ni Franco.
“Why?” Nang magsalubong ang mga kilay niya sa monosyllabic na tanong ay dinagdagan ni Franco.
“Bakit ka naniwala sa itay mo na hindi kita itataboy ’pag lumapit ka sa akin?”
Itinaas ng dalaga ang mukha.
“He… said… you… were suppose to marry me once I turned eighteen. And, Franco Navarro, I have turned eighteen two months ago.” Hindi siya makapaniwalang nasabi niya iyon. Oh, well, that was her intention pero hindi agad-agad sa unang pagkikita pa lamang nila. But this man is not giving her any choice.
Natilihan si Franco at tumuwid ng upo. Gumana ang isip sa isang malabong pangako na hindi na nito naalala man lamang sa nakalipas na panahon ng buhay.
“Hanggang sa ikalabing walong tag-araw, Franco Navarro.”
“Anak ka ni… Alfonso.” Hindi tanong iyon kundi kumpirmasyon kasabay ng pagtagis ng mga bagang.
Hindi sumagot si Bea kundi nakatitig lang sa lalaki.
3
TUMAYO si Franco at lumakad patungo sa may bintana. Hinawi ang kurtina at wala sa loob na pinanonood ang pagbaba ng mga tin plates para sa can factory. Dumaloy ang mga alaala ng mga nagdaang maraming taon sa buhay niya.
Sa paglipas ng mga taon ay tuluyan nang nawala sa isip niya ang usapang iyon sa pagitan nila ni Alfonso. Iyon din ang huling pagyapak niya sa Rancho Sebastian. Sa taon ding iyon ay nilisan nilang mag-anak ang Sto. Cristo upang makipagsapalaran sa Maynila. Ang papa niya ay napasok na waiter sa isang casino sa Roxas Boulevard na pag-aari ni Don Arsenio Gascon.
Isang away sa club ang naging dahilan ng maagang kamatayan ni Crisanto. Tinamaan ito ng ligaw na bala sa pagitan ng dalawang pulis at mga bodyguard ng isang congressman.
Ang maagang kamatayan ni Crisanto ang pinakamabigat na dahilan kung bakit tuluyan nang nilimot ni Erlinda ang ama. Sa puso ay sinisisi nito si Don Alvaro na kung sana’y pinatawad sila ay hindi sila makararating sa Maynila at danasin ang buhay na ni sa panaginip ay hindi inaasahan ni Erlinda na maranasan.
Sinagot ni Don Arsenio ang gastos sa libing ni Crisanto at sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilayan ng matandang biyudo si Erlinda na nang panahong iyon ay tatlumpu at tatlong taong gulang pa lamang at labis na namimighati kasama ang labindalawang taong si Franco.
Hindi lamang ang pagpapalibing kay Crisanto ang sinagot ni Don Arsenio. Tinustusan din nito ang pag-aaral ni Franco. At makalipas ang isang taon ay nagpakasal si Erlinda kay Don Arsenio, upang iahon silang mag-ina sa magulong buhay sa Tondo kung saan matira ang matibay ang batas ng buhay. Ang pagpapakasal na iyon ay tinutulan ng nag-iisang anak ni Don Arsenio na matanda lamang kay Franco nang isang taon, si Jerome.
At higit pa nitong ikinapaghimagsik ay ang pagpapalipat ni Don Arsenio kay Franco sa pribadong paaralang panlalaki na siya ring pinapasukan ni Jerome. Nang magtapos ng high school ang dalawang lalaki ay ipinasya ni Don Arsenio na ipadala sa America si Jerome sa piling ng mga tiyahin nito sa ina.
Bumalik lamang sa Pilipinas si Jerome nang mamatay si Don Arsenio. Bagaman taglay pa rin nito ang sama ng loob at galit para sa pag-aasawang muli ni Don Arsenio ay mas kontrolado na ni Jerome ang sarili.
Kontrol na hindi naman nagtagal nang basahin ng abogado ang huling testamento nito.
“Hindi totoo iyan, attorney!” Pinukpok nito ang mesa. “Hindi ako papayag na kapantay ng mana ko ang mana ng mga ito!” Nagpupuyos ang dibdib nito sa galit.
Bahagyang ibinaba ng abogado ang salamin nito sa may ilong at mahinahong sumagot.
“Malinaw ang isinasaad ng testamento, Jerome. Hinati ni Don Arsenio ang kanyang mga ari-arian sa inyong tatlo. Kay Erlinda Gascon bilang kanyang maybahay, kay Franco at sa iyo.”
“Walang karapatan si Franco Navarro sa kayamanan ng Papa, attorney!” Nanlilisik ang mga matang tiningnan nito si Franco at Erlinda.
“You bastards! Hinango lamang kayo ng Papa mula sa squatters at wala kayong karapatan sa malaking bahagi ng kayamanan niya!”
Naningkit ang mga mata ni Franco at tumayo.
“Wala kang karapatang magsalita sa Mama ng…” hindi natapos ni Franco ang sasabihin dahil inawat siya ni Erlinda.
“Let me handle this once and for all, Franco,” kalmanteng wika ni Erlinda bagaman nasa mukha ang galit.
“Kung pagkakaabalahan mong ipaimbestiga ang aking pinagmulan, Jerome, malalaman mong asul ang dugo ko kaysa sa iyo. At na hindi tumutukoy sa amin ang katagang binanggit mo lang.”
Namutla si Jerome sa narinig mula kay Erlinda.
“Hindi ko gustong sabihin ito pero sa loob ng maraming taon ay hindi ko maintindihan ang labis na pangingimbulo mo sa aming mag-ina gayong pantay ang pagtinging inuukol ni Arsenio sa ating lahat. Minahal ka niya tulad sa isang tunay na anak…”
“Sinabi sa inyo ng matandang iyon ang…” hindi itinuloy ni Jerome ang sasabihin. Lalong nag-apoy ang mga mata sa matinding galit at akusasyon para sa amang namayapa. Hindi kailanman magkakaanak si Don Arsenio at anak na ito ng unang asawa ng Don sa pagkadalaga nang pakasalan nito ang ina ni Jerome.
“Pareho kayong walang karapatan ni Franco sa mga iniwan sa inyo ni Arsenio. Ganoon pa man, sa kanyang kabutihang loob ay kayamanan ang iniwan niya sa inyong pareho,” ang abogado na humalo sa usapan.
“Maupo ka, Jerome, at pakinggan kung paano hinati ng matanda sa inyo ang iba pa niyang mga ari-arian. Kung alin at kung kanino mapupunta ang mga propriedad na inyong minana.”
Ang mansiyon ay iniwan ni Don Arsenio kay Erlinda. Sa dalawang pag-aari ng matanda ay pinagtig-isahan ng dalawang lalaki. Kay Jerome ang club-casino sa Roxas Boulevard. Kay Franco ay ang canning factory na bagaman halos kapareho ng halaga ng club ang assessment, ay papalugi naman. Sa bahaging iyon ay hindi itinatwa ni Jerome ang galak at ismid kay Franco.
“Matalino ka naman, ’di ba, Franco?” pang-uuyam nito.
“Tingnan natin ang galing mo sa kompanya ni Papa.”
Hindi sumagot si Franco na nanatiling nakatiim ang mga bagang. Maliban sa mga propriedad na iyon ay walang gaanong perang naiwan ang matanda dahil na rin sa papaluging negosyo at hindi birong salaping ginamit sa pagpapagamot dito. Papaluging kompanya, ang mansiyon at ang hindi kalakihang pera sa bangko at pangalan sa lipunan ang minana ng mag-ina.
Hindi ilang beses na ninais ng malalaking kalabang kompanya na kuhanin mula kay Franco ang canning factory. Inalok ang binata ng merging o di kaya’y alok na bilhin ito subalit matigas si Franco. Samantalang si Jerome ay ipinagbili ang club at namuhunan sa pagpapatayo ng resorts at hotel sa ilang tourist spot ng bansa at naging matagumpay. At sa suma-total ay sampung-doble ang kayamanan kaysa kay Franco.
Sa pahintulot ni Erlinda ay isinanla ang mansiyon sa bangko at binayaran ang mga utang at ginamit ang pera sa pagbili ng panibagong mga makinang gumagawa ng mga lata. At sa panggigilalas ng lahat, unti-unting pumanhik paitaas ang kompanya sa loob lamang ng dalawang taon. At bagaman hindi pa talaga masasabing stable ang kompanya sa loob lamang ng dalawang taon ay hindi pinahintulutan ni Franco na bumagsak ito. Ang sumunod ay ang pagkakaroon nito ng bagong pangalan, ang FN Canning Corporation.
Sa mga panahong umaakyat si Franco ay nakilala nito si Lucinda, isang striving model. The date of their wedding was announced after a month of their meeting. Ang sabi ng society column, theirs was a relationship made in heaven. Lucinda was tall, sexy and beautiful and Franco was gorgeously handsome na tuwing dumarating ito sa isang party ay hindi maaaring hindi umasam ang mga babae na sana’y tapunan nito ng pansin.
Pitoy Moreno designed the bride’s gown at inakala ng mga kaibigan at kakilala na isa iyong wedding of the year. Puno ang simbahan sa araw ng kasal. Lahat ay nagnanais na makita ang bride at groom. Subalit isang oras na ang lumipas sa takdang oras ng kasal ay hindi dumating ang bride. Sa halip ay isang sulat ang iniabot ng mensahero kay Franco.Nagtagis ang mga bagang ng binata bagaman sinikap na kontrolin ang nag-aapoy na galit sa dibdib. Humakbang papalapit sa mikropono.
“Ikinalulungkot kong hindi na matutuloy ang kasal. I apologize for the inconvenience. Gifts will be returned at once.” Pagkatapos ng announcement ay mabilis na humakbang si Franco palabas ng simbahan and things had never been the same again.
4
MALAKAS na tumikhim si Bea na nagpabalik ng isip ni Franco sa dalaga. Lumingon ito at muling hinagod ng tingin si Bea. Ngayon nito naisip kung bakit may tila naaalala sa mga mata ng dalaga.
She inherited his father’s dark eyes na sa kung anumang dahilan ay hindi rin naalis sa balintataw nito ng kung ilang araw matapos ang pakikipag-usap na iyon kay Alfonso eighteen years ago.
Nagkibit ng mga balikat ang dalaga at sa masiglang tinig. “You aren’t married, are you? Sinabi ng itay na may isang bagay lamang na pareho ang mga Navarro at Sebastian at iyon ay ang hindi pagtalikod sa salita.”
“To tell you honestly, nasabi iyon sa bugso ng damdamin at kabataan. I have totally forgotten about it.”
Sandali lang ang disappointment na nakita sa mukha ni Bea. Pagkatapos ay ngumiti. Dalawang dimple ang lumitaw sa magkabilang pisngi niya. Hindi napigil ni Franco ang pagpakawala ng paghinga. The wench is really beautiful. Her eyes sparked fire when angry but starlight when smiling.
“Oh, well, I’m here now to remind you of your promise to marry me.”
“You don’t really want to marry a man you’ve just met, do you?”
“Siguro nga’y ngayon lang tayo nagkita pero mula pa nang magkaisip ako’y itinanim na sa akin ng Papa ang tungkol sa iyo. Sa pagpapakasal nating dalawa. Kaya hindi ka total stranger para sa akin.” just my dream come true, gusto niyang idagdag.
“Gusto… mo ba talagang pakasal sa akin?”
Ikiniling ng dalaga nang bahagya ang ulo.
“I doubt if there’s one woman who wouldn’t willing to marry you.”
Pumormal si Franco sukat sa sinabing iyon ng dalaga.
“Then you’re wrong, Miss Montessa. Hindi lahat ng babae ay gustong pakasalan ako. May mga babaeng higit na binibigyang timbang ang pera.”
Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa sinabing iyon ni Franco.
“But you’re rich as well. At ngayong ipinamana sa iyo ni Don Alvaro ang buong rancho at mga ari-arian nito, you’re probably the richest man on this side of the earth.” not to mention the handsomest, bulong niya uli.
Hindi nagbago ang ekspresyon ni Franco sa halip ay tila lalo lang naningkit ang mga mata nito.
“Iyon ba ang dahilan kaya gusto mong pakasalan ako?”
“Well, in as much as we are not in love with each other… yet,” inihabol niya at idiniin ang huling salita.
“Ano pa ba ang maaaring idahilan ko maliban sa pangako mo sa itay?”
“Paano kung natagpuan mo akong mahirap pa sa daga?” hamon ni Franco.
“Which is impossible dahil nga sa rancho ako lumaki at nalaman ko sa iyo ipinamana ni Don Alvaro ang mga kayamanan niya,” pagkatapos ay bahagyang ikiniling ang ulo.
“But to tell you honestly, mahirap ka man o mayaman, I’d still want to marry you. Why, you have other assets… physically, at least.” bahagya siyang umiwas ng tingin sa huling sinabi.
Galit na sinulyapan ni Franco ang dalaga.
“Wala bang ibang lalaki sa Sto. Cristo na naghangad na pakasalan ka?”
“Oh, marami,” sinabi niya iyon matter-of-factly.
“Kaya lang, mula pa nang magkaisip ako ay lagi nang sinasabi ng itay na para ako sa iyo at na hindi ako dapat na mag-entertain ng mga manliligaw. Kaya naman, I disappoint those men by telling them na boyfriend na kita.”
“I like your guts,” sarkastikong wika nito.
“Ano ang maaari kong gawin upang makatalikod sa walang kuwentang pangakong binitiwan ko sa itay mo?”
Nakita nito ang paglatay ng pagkalito sa mukha ng dalaga. Pero sandali lang iyon at muling tumingin si Bea dito.
“Why would you want to do that?”
“Wala akong intensiyong magpakasal sa kahit na kaninong babae.”
“But why? Hindi mo ba gustong magkaanak at magkaroon ng tagapagmana?” tanong ng dalaga sa nanlalaking mga mata.
“Puwede akong magkaanak nang hindi nag-aasawa,” matabang nitong sagot.
“Oh!” usal niya. Sandaling nag-isip.
“Sabi ng itay ay pag-aari ng mga Sebastian ang rancho sa loob ng ilang henerasyon at wala pang illegitimate na nagmamay-ari nito. You want to break tradition?”
“Hell! I’d like to break my word!”
“You don’t want me?” Inosente ang tanong na iyon na may bahid ng pagdaramdam.
Hindi agad nakapagsalita si Franco sa biglang tanong na iyon. Tinitigan ang magandang mukha ng dalaga. Young and beautiful and small but filled at the right places. Oh, he could want her, pero hindi sa paraang gusto niya. She’d make wonderful bedmate. At ang isipin si Bea sa aspetong iyon ay tila nagpabuhay sa lahat ng himaymay ng katawan nito. Tumikhim ang binata.
“Wanting is different from marrying. I could want and have you without marrying you,” may malisyang wika nito.
“Oh!” Pinamulahan siya ng mukha sa implikasyon ng tono nito. Pagkatapos ay tumingala sa binata.
“That’s rubbish, Mr. Navarro, because you can’t bloody have me without marrying me.”
Umikot sa itaas ang mga mata ni Franco.
“Nice swearing para sa isang batang babae at lumaki sa probinsiya,” panunuya ng binata na pilit itinago ang pagkamangha sa ginamit na salita ni Bea.
Tumawa ang dalaga in her musical voice.
“Nakalimutan mo na ba, Mr. Navarro na sa rancho ako ipinanganak at lumaki sa paligid ng mga ranchero na walang ginawa kundi ang magmura at pagtawanan ang mga baka at kabayo and crack jokes like how a bull mates with a mare.”
“I could guess,” matabang niyang sinabi.
“Oh, I’ll share a secret with you,” baling niya uli rito.
“Hindi ako nagmumura ’pag kaharap ang itay dahil pakakainin ako n’on ng tatlong siling labuyo.”
Pinigil ng binata ang mapangiti at sa seryosong tinig ay nagtanong. “Napakain ka na ba ni Alfonso ng siling labuyo?”
“Oh, yes. Pero isang beses lang at tumakbo ako sa tabi ng ilog na nang makita ako ng isang ranchero he even dared to ask me kung galing lang akong makipaghalikan at kung sino ang mapalad na lalaki.” kumislap ang mga mata ng dalaga sa bahaging iyon.
“Why, I could swear my mouth was red and swollen. And with unshed tears in my eyes, ang tingin ng ranchero ay starry-eyed ako.”
Tumalikod si Franco upang hindi makita ni Bea ang pagngiti nito. Aminin man nito o hindi, he’s taking interest. At gusto nitong kastiguhin ang sarili dahil nakadama ito ng bahagyang atraksiyon sa dalaga. She’s not just beautiful but candid as well. Dinampot ang telepono at tinawagan ang ina.
“Hello… Mama, I’m sending someone over. Pakainin ninyo at papaliguin.” sinulyapan nito ang dalaga na nanlaki ang mga mata. Ano ang tingin sa kanya ng lalaking ito, hindi naliligo?
“Malalaman ninyo mamaya. Ipahahatid ko sa driver. Bye.” Ibinaba nito ang telepono at binalingan ng tingin ang dalaga. “Ipahahatid kita sa bahay.”
“Sasabihin ko ba sa senyorita Erlinda ang dahilankung bakit narito ako?”
“Mrs. Navarro, Mrs. Gascon, o Erlinda, o kahit na ano ang gusto mong itawag sa Mama, alisin mo lang ang prefix na senyorita. Masakit sa tainga,” sagot nito na nakatingin nang matiim sa dalaga.
“And, Miss Montessa, pag-isipan mong mabuti ang sasabihin ko. Hindi ko gustong magpakasal sa iyo. And if I can do something to renege my word, I’ll do it. Pansamantala ay isipin mo kung ano ang kapalit na hihingin mo para sa binitiwan kong salita eighteen years ago.”
“You’re in a bloody fix, Franco Navarro,” aniya sa pabirong tono pero alam ni Franco na seryoso siya roon.
“Dahil hindi ako papayag na hindi mo tuparin ang sinabi mo sa itay. At titiyakin kong pakakasalan mo ako.”
“I’ll bargain with you. Lifetime sa Rancho Sebastian with pension and luxury you can hardly think of.”
Nakangiting lumakad ang dalaga patungo sa pinto. “I’ll have those and more when you marry
me. No way Franco.“
“Damn you.”
“Tsk… tsk… ranchero lamang ang nagmumura. Hindi ang isang iginagalang na executive na tulad mo.” Pagkasabi niyo’y binuksan ng dalaga ang pinto upang lumabas kay Dolly at magpahatid sa driver sa mansiyon.
“Wench!” Pagalit na ibinagsak ni Franco ang sarili sa silya. Hindi malaman kung magagalit o maaaliw sa dalaga.
5
Si Erlinda ay hindi mapigilan ang tawa nang matapos magkuwento si Bea tungkol sa pagtatagpo nila ni Franco.
“Sinabi mo ba talaga sa anak ko iyon?” Nakangiting tanong nito sa dalaga na sa sandaling pagtatagpo ay nagustuhan nito kaagad.
Nilunok muna ng dalaga ang pagkaing nasa bibig bago sumagot. “Ang totoo, tita Erlinda, kinakabahan talaga ako kanina sa harap ng anak ninyo. But I just couldn’t let him intimidate me. Kung makikita ni Franco na sisiksik ako sa isang sulok ’pag nagagalit siya ay lalo ko lamang siyang binigyan ng dahilang kaya niyang huwag tuparin ang pangako niya sa itay.”
“I’m glad you did. Bea. Sana’y naroon ako at nakita ko ang anyo ni Franco,” amused na wika ni Erlinda.
“Very emotionless. Para ngang bato,” prangka niyang sinabi pagkatapos ay nagbaba ng tingin at bahagyang napahiya.
“I’m sorry.”
“Don’t. Kilala ko si Franco. He has always been bitter and angry. At natutuwa ako at nagkalakas ka ng loob na harapin ang anak ko. No one would ever dare,” pagkatapos ay seryosong tinitigan ang dalaga. “Gusto mo ba talagang pakasal sa anak ko, Bea?”
Huminga nang malalim si Bea.
“Buong buhay ko ay itinanim na ng itay sa isip ko ang mga bagay na iyan. Ang inay ay nagtatawa na binabale-wala. Pero hanggang sa magkaisip ako’y patuloy na sinasabi ng itay iyan at alam kong hindi na biro iyon. Kaya naman ang buong pag-iisip ko’y nakatuon sa lalaking mapapangasawa ko pagdating ng ikalabing walong kaarawan ko.”
“That’s strange, Bea. Ang ibang mga babae ay ginagawa ang lahat upang huwag lang mapakasal sa lalaking ipinagkasundo sa kanila ng kanilang ama maliban na lang kung mahal din ng babae ang lalaki. Take my case for example. Nang malaman kong ipinagkasundo ako ng Papa sa anak ni Don Enrique ay agad kong niyayang magtanan kami ni Crisanto.”
Nilaro-laro ng dalaga ang tinidor sa plato. “Hindi ko rin po maintindihan, tita Erlinda. All my life ay pinuno ng itay ang imahinasyon ko ng larawan ni Franco pati na ang pag-uugali. And in my mind, he became my prince charming and was really looking forward to meeting and marrying him as he promised.”
“Sampung taon si Franco nang huli siyang makita ni Alfonso, hija. Ang ikinukuwento marahil sa iyo ng itay mo ay ang anyo at pag-uugali ni Crisanto. Halos magkapareho ang mag-ama sa maraming bagay maliban sa minana ni Franco ang katigasan ng mga Sebastian. Isa pa, magkaibigan at magkababata ang itay mo at si Crisanto. Natatandaan kong ikinuwento sa akin ni Crisanto na talagang gumawa sila ng pangako ni Alfonso sa isa’t isa na pagdating ng araw na magsisipag-asawa na sila ay ipagkakasundo nila ang kani-kanilang mga anak. Kaya naman nang ikuwento ko sa papa ni Franco ang sinabi nito sa ama mo ay tumawa nang malakas si Crisanto. Hindi na raw sa kanya nanggaling ang pangako kundi kay Franco.”
Sandaling katahimikan ang namagitan. Si Bea ay patuloy sa marahang pagsubo.
“I want you to marry my son, Beatriz Montesa.”
Nag-angat ng ulo ang dalaga.
“Gusto ko rin ho. Ang totoo niyan ay nilakasan ko lang ang loob ko sa sinabi ko kay Franco kanina na sa ayaw at sa gusto niya ay magpapakasal kami. Pero ang totoo niyon ay nanghihina na ang loob ko.”
“Huwag. Ipagpatuloy mo ang ginagawa mo, Bea. Hindi tatalikuran ni Franco ang salita niya pero gagawin niya ang lahat upang ikaw ang umayaw na magpakasal sa kanya.”
Ngumiti ang dalaga na lumitaw ang dalawang malalalim na dimple sa pisngi.
“Well, it’s another thing when you have an ally.”
“At nangangako akong gagawin ko ang bahagi ko sa pagsasabi sa anak ko na dapat ka niyang pakasalan. Pansamantala ay mag-shopping tayo ngayon ng mga gamit mo.” hinagod nito ng tingin ang suot ng dalaga at umiling.
“Pero hindi ko yata matatanggap na…”
“Kalokohan,” agap ni Erlinda.
“Ituring mong kabayaran ng Papa sa hindi nito pagpapasuweldo nang maayos sa mga tauhan ng rancho. Tapusin mo ang pagkain mo at pupunta tayo ng department store,” pinal nitong sinabi.
6
GABI na nang makauwi mula sa pagsha-shopping ang dalawang babae. Hindi pa nila halos naibababa ang mga pinamili nang dumating si Franco. Nagsasalubong ang mga kilay nitong tinitigan si Bea sa bagong damit na bumagay sa dalaga. Lalo itong nagmukhang bata sa bulaklaking summer dress.
“Hi,” bati ng dalaga. Hindi pinansin ang mabilis na pagtibok ng dibdib. It is so unfair that any man could be so handsome pero hindi naman ngumingiti.
“Naipamili ka na pala ng Mama,” malamig nitong sinabi. Hinalikan sa pisngi ang ina.
“Ipahahanda ko ang hapunan natin,” ani Erlinda na mataktikang lumabas patungo sa dining room.
“Dapat naman, ’di ba?” nakangiting sagot ni Bea. “’Pag ang damit ko galing sa Sto. Cristo ang gagamitin ko ay mapupulaan ka ng ibang tao. Ano na lang ang sasabihin nila? Franco Sebastian Navarro’s fiancee is wearing a sackcloth!”
“At talagang hanggang ngayon ay buo pa rin sa loob mo ang pagpapakasal sa akin?” pagalit na sagot ng binata na lumakad patungo sa bar at nagsalin ng alak sa kopita.
“Hindi magbabago ang isip ko, Franco,” mahinahong sagot ng dalaga. “Hindi mo ba babatiin kung bagay sa akin ang suot ko? Do you like it?”
“It doesn’t matter what you wear.”
“How boring,” kaswal niyang sagot.
“Well, once we’re married I’ll change your ways. Matututo kang maging appreciative sa asawa mo. Why, lahat halos ng mga lalaki sa department store kanina ay sa akin nakatingin.”
“Wala akong intensiyon na ang magiging asawa ko ay pagpipistahan ng tingin ng kalalakihan!”
Matamis na ngumiti ang dalaga.
“So now, tinatanggap mo nang magiging asawa mo ako?”
Pagalit na lumingon ang binata.
“You are twisting my words. At sana’y itanim mo diyan sa utak mo na wala akong intensiyong mag-asawa.”
“Di dapat hindi mo sana sinabi ang ganoon sa itay ko.”
“For goodness’ sake, I was only ten years old!”
“My father gave you a choice, Franco. Sinabi niyang kung hindi mo kayang ipangako iyon ay wala kang dapat bayaran. Hindi niya ipinatatanaw na utang-na-loob sa iyo ang pagligtas niya sa buhay mo. Your mother testified to that.”
“Hindi mo gustong magpakasal sa isang tulad ko. We have no affection for each other. We are not even friends. Mag-aaway lang tayong parati and I will make your life a living hell!” Halos ihiyaw ni Franco ang sinasabi.
“That remains to be seen. I can weave magic, you know,” aniya na hindi natigatig at humakbang palapit sa binata.
“I want you, Franco Navarro,” she said softly na halos bulong na lang. Hindi niya akalaing magiging ganito siya ka-bold. Pero kailangang magpahatid siya ng mensahe rito na hindi lamang niya gustong magpakasal sa binata kundi kailangan din niya ito.
Binalingan siya ng tingin ni Franco.
“That’s very interesting.” tumaas ang isang sulok ng bibig nito sa patuyang pagngiti. “If you put it like that then gawan natin ng paraang…”
“And I also want to marry you,” agap niya bago pa natapos ni Franco ang sasabihin.
“Iyon ang masama. Okay lang kung gusto mo ako. I could want you, too.” hinagod siya nito ng may malisyang tingin na na tila wala siyang damit. Namula ang mukha ni Bea.
“Pero ang magpakasal tayo ay malayo sa plano ko.”
Huminga nang malalim ang dalaga.
“Hindi ko naman sinabing magpakasal tayo agad bagaman two months ago pa dapat ay pinakasalan mo na ako. I could make you want me and marry me at the same time.”
Pinagtatakhan nitong hanggang ngayon ay hindi pa nito tinatalikuran ang dalaga. He was known for being short-tempered.
“At paano mo gagawin iyon, aber?”
“By making you fall in love with me.”
“Really?” Tumaas ang mga kilay nito.
“Napakaraming magagandang babaeng umaali-aligid sa akin, Beatriz. Mas magaganda kaysa sa iyo, pareho ng intensiyon mo pero iisa lang ang interest ko sa kanila. Kung ano din ang interest ko sa iyo ngayon and that is how they can please me in bed.”
Alam ng dalagang dapat na umalis na siya at sundan sa kusina si Erlinda. Intensiyon ni Franco na sindakin siya at dapat lang. Nunca sa buhay niyang nakipag-usap siya nang ganito sa isang lalaki. Pero hindi siya papayag na madaig nang paganoon lang ng lalaking ito. Ang sabi nga ni Erlinda ay gagawin nito ang lahat ng paraan upang siya na mismo ang umayaw na pakasalan ito.
“Kaya kong punuan ang intensiyon mo, Franco. And anyway, we were as good as engaged eighteen years back, so I guess tama lang na ibigay ko sa iyo ang dapat para sa isang kasintahan.” did she really say that?
Nanlaki ang mga mata ng binata. “An eighteen-year-old provincial young maiden is doing her best to tease a man!”
“I wasn’t teasing…” she whispered softly. “That was a promise.”
“Ah, ganoon…” dapat na matakot si Bea sa tono ng binata subalit humakbang pa siya palapit dito at inihanda ang sarili. Then his arms roughly closed around her at siilin siya ng marahas na halik.
He wanted to punish her for her boldness, to scare and shock her. Kissed her scandalously na hindi dapat para sa isang walang muwang na disi-otso anyos. It was deeply erotic and sensual.
For a long time she’d dreamed of this kiss, her first kiss. Umasam siyang gustuhin din siya ni Franco sa sandaling magkaharap sila. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang magiging pagtugon ng katawan niya sa halik na iyon. She was shocked all right, pero hindi sa takot kundi pakiramdam niya ay pinagapangan siya ng live wire sa katawan. At wala sa loob na itinaas niya ang mga kamay sa jeeg nito because she’d thought she was sinking.
Time and place held no meaning sa mga sandaling iyon. Hindi siya tumutugon bagaman nagpapaubaya pero hindi nangangahulugang hindi siya natatangay ng unos.
When his tongue played with her mouth, she gasped. Hindi niya alam kung paano gumanti ng halik, sa halip, inilapit pa niya nang husto ang katawan dito. Franco moaned. Binago ang paraan ng paghalik. It was both rough and tender. Then he held her bottom to lift her and pressed it hard against his thighs to let her know of his hardness.Iyon ang biglang nagpangyari upang kumawala si Bea. And she was really shock and afraid.
Hindi siya handa roon. She had only been dreaming of his kisses.
“E-enough…” tumaas-baba ang dibdib niya. That mysterious maleness bagaman kinabahan siya ay may ibang ginawa sa damdamin niya na hindi niya kayang ipaliwanag.
Si Franco ay nanatiling nakatitig sa mukha niya in a rasped breathing.
“Did I detect fear there?”
Nagyuko ng ulo si Bea.
“H-hindi mo… dapat ginawa iyon. Y-you were just supposed to kiss me. O-okay lang iyon… dahil magkasintahan naman tayo.”
Sukat doon ay humagalpak ng tawa si Franco.
“So, may limitasyon ang panunukso mo sa akin… let me rephrase that, your promise.”
“I… only promised a kiss.”
“But I want more than kisses, Bea. Siguro ay alam mo iyon,” amused pa rin nitong sinabi. Sa pagkakataong ito ay naaaliw ang binata sa pagkailang ng dalaga.
“You can do those things to me ’pag… ’pag kasal na tayo,” aniya sa bahagyang nanginginig na tinig. “Pansamantala, while we’re engaged, you can start teaching me how to kiss.”
“At bakit ko gagawin iyon?”
“I… I… kind of like the way you kissed me. And since I liked it, gugustuhin mo sigurong hagkan kita nang ganoon.”
Muling tumawa si Franco.
“I like your logic, my sweet innocent temptress. But I can’t bear it if you kiss me the way I kissed you.”
Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga.
“W-why? Didn’t you like kissing me?” tanong niya na na-misinterpret ang sinabi ni Franco. Bahagyang nasaktan.
Nakakita ng pagkakataon si Franco na sirain ang loob ng dalaga na magpakasal dito.
“Why should I like kissing you when you do not even know how to kiss?”
Hindi na maikaila ng dalaga ang nasaktang damdamin. “That… is why… you’re suppose to teach me.” Halos walang tinig na lumabas sa lalamunan niya. She felt like crying.
Gustong sipain ni Franco ang sarili sa ginawa. Nakikita niya ang pangingislap ng mga mata nito sa namumuong luha. Pero ipinagpatuloy ang pananakit ng loob.
“Waste of time, Bea. I am expecting my woman to know how to please me.”
Tumango nang marahan ang dalaga at nagyuko ng ulo at mabilis na tumalikod upang itago ang pagpatak ng solitary tear. Binalingan ni Franco ang alak. Nakakailang hakbang na ang dalaga nang huminto sandali at nagsalita nang hindi lumilingon.
“You think I need some practicing…”
“Right,” wala sa loob nitong sagot, and took one swallow.
“I think I’ll have to find someone who can teach me how to kiss so I can please you,” marahang wika ng dalaga at nagpatuloy sa paghakbang. Sukat doon ay marahas na nilingon siya ng binata na ilang segundo muna ang pinalipas bago tuluyang pumasok sa isip ang sinabi ng dalaga.
“The hell you will!”
Pero hindi sumagot ang dalaga at patakbong pumanhik sa silid na ibinigay sa kanya ni Erlinda. Si Franco ay muling nagsalin ng alak at uminom.
Damn the wretched girl! Mischievously irritating, a beautiful tease. At isiping hindi marunong humalik pero pinukaw ng pagiging inosente nito ang damdamin ni Franco. What more if she will return his kisses as passionately as he did?
He’d die.
Women kissed him… teased and aroused him. But never did he felt such longing to take her right there and then. And never did he long to kiss a girl with so much thoroughness and tenderness.
He intend to teach her a lesson para huminto sa pagiging bold and her-almost-flirting with him. To shock her with his scandalous kisses pero sa halip ay siya ang tila tinamaan ng malakas na kidlat sa ginawa. She was soft and innocent that he ached. Hindi niya sinasadyang takutin ang dalaga when he pressed his thighs. He was making love with her unconsciously. It was well and good na natakot si Bea.
He hurt her by hurling insults sa pagiging walang alam pero siya ang natakot nang sabihin ng dalagang maghahanap ito ng mapagpapraktisan. Surely the wench said it to anger him.
Si Erlinda na kanina pa nakatayo sa may di-kalayuan ay ngumiti. First day and first round, mukhang TKO ang anak niya. Franco finally met his match.
She saw him laugh for the first time in almost a year. Malaking bahagi ng pagkatao ng anak niya ang inalis ni Lucinda. Ang unang babaeng pinag-interesan ni Franco, ang babaeng binalak nitong pakasalan.
But soon, Bea will heal him. Bea will make him happy.
“Kung buhay ngayon si Alfonso at Crisanto, natitiyak kong magpipiyesta sa buong rancho. Pero nararamdaman kong ako ang gagawa noon,” bulong niya.
At may plano siya upang madali ang lahat. Mabilis siyang pumasok sa library at dinampot ang telepono roon.
7
SA hapunan ay magkasamang kumakain ang tatlo. At gustong magalit ni Franco sa ina nang ihayag ni Erlinda ang plano para kay Bea.
“Gusto kong magpa-party tayo, Franco,” excited nitong sinabi.
“Matagal na rin namang hindi natin ginagawa iyon. Isang taon nang mahigit mula nang huli tayong magkaroon ng party dito sa mansion. Parang belated debut ni Bea. Sa labing-walong taon ng buhay niya’y puro ranchero ang nakikita niya. Poor girl.” sinulyapan nito ang dalaga na tahimik na kumakain.
“Sa pagkakataong ito, hija, magkakaroon ka ng tsansa na makakilala ng mga binatang kasing-edad mo.”
“Bakit kailangan pa iyon?” tanong ni Franco na na nagpupunas ng napkin sa bibig.
“Gusto ni Bea na magpakasal sa iyo, hijo. It is not that I discourage her, lamang baka dahil wala siyang ibang nasa isip kundi ikaw kaya desidido siya roon. But if she will meet a few men, natitiyak kong mag-iiba ang damdamin niya. Ano sa palagay mo, Bea?”
Nagkibit ng mga balikat si Bea.
“Kayo ang masusunod, tita Erlinda. I’d really like to meet a guy whom I can befriend with. Perhaps he could teach me a lot of things…” patay-malisyang sagot niya. Hindi pinansin ang matalim na titig ni Franco sa kanya.
“Of course. Pero kung sa kabila niyon at talagang hindi nagbabago ang isip ni Bea at gusto pa ring magpakasal kayo, then, you must really marry her, Franco.” Nilingon nito ang anak na nagsasalubong ang mga kilay.
“Pati ba naman kayo, Mama? Alam naman ninyong wala akong balak magpakasal kahit na kanino.”
“Iba ang sitwasyong ito, Franco. Word of honor ng mga Navarro at Sebastian ang nakataya. At noong mangako ka kay Alfonso na pakakasalan mo si Bea ay naniwala at umasa si Alfonso roon dahil isa kang Navarro.”
“Mama, ilang taon lang ba ako noon? Ni hindi sumagi sa isip ko iyon saglit man,” naiiritang sagot nito.
“And it is absurd to force me into marrying her nang dahil lang sa pangako ng isang batang paslit!”
“Matured at responsable ka na noon pa man, Franco,‘’ kalmanteng wika ni Erlinda. Pagkatapos ay nagkibit ng mga balikat.
“But anyway, don’t lose hope dahil baka makatagpo ng ibang binata si Bea sa gagawin kong party para sa kanya.”
Hindi na kumibo si Franco hanggang sa matapos kumain. Nauna itong tumayo at pumanhik sa itaas.
“Are you really going to give me a party?”
“I’d love to, Bea. It might make him jealous a little ’pag nakita ka niyang inaaligiran ng maraming kabinataan.”
Nagkalambong ang mukha ng dalaga.
“Paano kung balewala sa kanya kahit na sinong binata pa ang manligaw sa akin? Paano kung talagang hindi niya ako gustong pakasalan?”
“He will marry you, Bea, titiyakin ko. Kaya lang ihanda mo ang sarili mo sa isang simpleng kasal. Nasisiguro kong hindi na nanaisin ni Franco na magpakasal nang marangya.”
“Ano ang ibig ninyong sabihin?”
Nagbuntong-hininga si Erlinda.
“Gusto ko sanang si Franco ang magsabi nito sa iyo pero sa nakikita ko ay hindi niya gagawin. At kaya ko naman sasabihin nang pahapyaw sa iyo ay upang maintindihan mo kung bakit hindi gustong magpakasal ng anak ko, hindi lang sa iyo, kundi kahit na kaninong babae.” uminom muna ito ng tubig, saka muling tumingin kay Bea.
“Tinalikuran si Franco ng babaeng pakakasalan niya sa araw mismo ng kanilang kasal.”
“Oh!” Hindi makapaniwala si Bea.
“That… woman must be out of her mind!” Nai-imagine niya kung ano ang naging damdamin ni Franco noon at nanlumo at nakaunawa siya.
Nagkibit ng mga balikat si Erlinda.
“Ngayon ko gustong ipagsaya na hindi nagkatuluyan sina Franco at Lucinda, Bea. Baka kamayan ko pa si Lucinda sa susunod na magkita kami,” amused na sagot ni Erlinda at tinitigan ang dalagang natitiyak niyang siyang magbibigay ng susunod na mga tagapagmana ng Rancho Sebastian.
Fate’s irony. Kinasusuklaman ni Don Alvaro si Crisanto sa kasukdulang itinakwil ang kaisa-isang anak. Subalit ngayon ay tataglayin ng Rancho Sebastian ang pangalan ni Crisanto sa pamamagitan ni Franco.
Rancho Navarro.
8
TANGHALI na nang magising si Franco kinabukasan. Mabibilang niya ang mga oras na itinulog.
Ang ibinigay na silid ni Erlinda kay Beatriz ay ang mismong silid sa tabi niya where he can hear her every move.
And worst, they were sharing bathrooms. Gusto niyang magalit sa ginagawa ng ina na sa tantiya niya’y sadyang pinaglalapit sila ni Bea.
Tumayo ang binata at lumabas ng veranda. Wala sa loob na nanungaw nang bahagya itong mapaatras. Nasa ibaba si Bea sa may hardin. Isa-isang inaalisan ng tuyong dahon ang mga rosas at mga damo na nakapaligid sa mga puno ng mga bulaklak.
Matiim niyang tinunghayan ang dalaga. Hindi man niya gustong aminin, Beatriz Montesa possessed a disturbing beauty. At gusto niyang mainis dahil hindi niya maalis ang mga mata rito.
She was so calm and serene na kakaiba para sa isang kabataang tulad ng dalaga. Teenagers tend to be full of energy. At teenager pa lang si Bea. Two months and eighteen years. At dapat ang mga kasinggulang niya’y disco at shopping at kasayahan ang inaasikaso at pangunahin sa kaisipan.
Pero hindi ang dalaga. She was actually quiet and serene kung hindi nakaharap sa kanya at hindi niya ginagalit. At aminin man niya o hindi ay gusto niyang pinagmamasdan ang dalaga kung hindi ba naman ay kanina pa siya dapat na umalis sa veranda.
Huminga siya nang malalim. Wala sa listahan niya ng mga babaeng acquaintances ang tulad ni Bea. She’s young and sweet and innocent. Ang uri ng babaeng pinakakasalan. At ang mga babaeng nakakasalamuha niya’y mature (not that Bea is immature), ang ibig niyang sabihin ay mga worldly and sophisticated and are just willing to give in to his interest at naiintindihan ng mga ito na iyon lang ang gusto niya. At kapag tapos na ang maikling relasyon ay hindi siya nangangamba nag-iwan siya ng wasak na puso dahil sanay ang mga iyon sa ganoong uri ng relasyon. Ni hindi na niya naaalala man lamang ang mga ito malibang magkita silang muli.
Pero bakit mula pa sa unang araw na magkita at magkausap sila ni Bea ay nanatili ang dalaga sa isip niya? And even haunted him in his sleepless state.
“GOOD morning, Sir.” si Dolly nang dumaan siya sa mesa nito upang alamin kung may message.
“And congratulations, sir.”
Nangunot ang noo ng binata. “Congratulations, Dolly? Bakit na-push through ba iyong malaking order natin mula sa isang milk company?”
“Sir, naman,” nakangiting sagot ng sekretarya.
“Alam n’yo namang ang nalalapit ninyong kasal ang ibig kong sabihin.”
“Kasal!”
Sandaling natigilan si Dolly sa ekspresyon ng boss. Madaling binuklat ang pang-umagang peryodiko sa society page.
“Heto, sir. Naka-announce dito ang nalalapit ninyong pagpapakasal kay Miss Beatriz Montesa.
Siya iyong dalaga kahapon, hindi ba, sir?“
Pahablot na inabot ng binata ang diyaryo mula sa kamay ng sekretarya at binasa ang itinuro nito.
Gorgeous businessman, Franco Navarro, will wed childhood sweetheart, Beatriz Montesa. Exact date is to be announced. Pinatutunayan lang nito na balewala kay Franco Navarro ang nangyaring iskandalo noong isang taon. Socialite Erlinda Gascon confirmed that Beatriz Montesa is very pretty, young and innocent. Italics mine. Engagement was made by Franco himself when the fiancée was barely two months old and the fiance is ten years old. How romantic and Victorian…
“Damn!” Hindi na tinapos ni Franco ang artikulo. Kilala niya ang sumulat. Isang baklang kaibigan ng mama niya. Ibinagsak nito ang diyaryo sa naniningkit na mga mata at nagmamadaling pumasok sa silid.
Nagtatakang sinundan ng tingin ni Dolly ang amo. Siguro ay hindi gustong ipa-announce ni Mr. Navarro ang kasal nito.
Sa opisina niya ay mabilis na tinawagan ni Franco ang ina.
“Mama, hindi ko akalaing gagawin ninyo ito… huwag na kayong umiwas pa. Bakit ninyo ipinalagay sa society page ang tungkol sa amin ni Bea?”
“Iyon ba, hijo?” Ang kabilang linya.
“Kagabi kasi ay tumawag ang kaibigan kong si Maureen. Itinanong sa akin kung kumusta ka na after last year’s scandal. Hindi mo inaasahang sasabihin ko sa kanyang nakaapekto sa iyo ang ginawa ni Lucinda, hijo?”
“Pero, Mama, alam naman ninyong hindi ko balak na magpakasal kay Bea o kahit na kanino pa mang babae.”
“That’s rubbish. Huwag mong sabihin sa aking tatalikuran mo ang binitiwan mong salita kay Alfonso, Franco? Ako mismo ang magagalit sa iyo.”
“Salita ng bata, Mama. Ng isang sampung taong gulang.”
“Pangalan ko bilang Sebastian ang nakataya, Franco, at ikaw bilang isang Navarro. Naniwala si Alfonso na gagawin mo iyon dahil kaibigang matalik niya ang papa mo. Noon pa may ay nag-usap na ang dalawa na ’pag nagsipag-asawa ay ipagkasundo ang magiging mga anak. You only confirmed it eighteen years ago.”
Halos mabasag ang mga ngipin ng binata sa pagtatagis. At bago pa siya muling nakapagsalita ay nagpatuloy si Erlinda.
“Pupunta kami ngayon kay Pitoy Moreno, Franco, upang pasukatan ng damit-pangkasal si Bea. Gusto kong sa katapusan na ang kasal ninyo.”
“Hindi kayo pupunta roon, Mama, kung gusto mong magpakasal ako kay Bea!” banta ng binata.
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“I won’t have a church wedding. No cameras, no visitors, no nothing. We will be married silently sa munisipyo at sa isang linggo bago pa may maisip na kung anong gimik ang kaibigan ninyo.”
“Pero, hijo, paano ang balak kong party para sa delayed celebration ng debut ni Bea?” aniya in a pained voice hoping na hindi mahalata ni Franco ang drama niya. And she was smiling, really smiling.
“You can have parties after we’re married. Ayokong pagpiyestahan ng mga reporter ang kasal ko tulad noon. Kung hindi ko sinunod ang kagustuhan ni Lucinda ng isang grand wedding ay hindi ako mapapahiya nang ganoon!” pagalit nitong sinabi.
“Surely, Franco, hindi mo aasahang hindi sisipot sa kasal mo si Bea?”
“I doubt that. Halos isubo na sa akin ng babaeng iyan ang kasal,” patuya niyang sinabi.
“Ganoon naman pala, Franco, bakit hindi mo ibigay kay Bea ang kasal na pinapangarap ng lahat ng babae?”
“Civil wedding or no wedding at all. At kung ako ikaw, Mama, ngayon pa lang ay ipapahanda ko na ang mga dapat kailangan,” pinal ang tinig nito.
Bagaman ikinagalak ni Erlinda ang pagtatagumpay ng gimik ay nalungkot naman dahil hindi mararanasan ni Bea ang kasal na pinapangarap ng lahat ng mga babae. Pero hindi bale, at least, magpapakasal ang dalawa nang tuluyan.
“Okay lang, tita Erlinda,” ani Bea nang ibalita sa kanya ni Erlinda ang plano ni Franco.
“Hindi naman kasali sa pangarap ko ang ganoon karangyang kasal. I have dreamed of him for so many years pero hindi sa magarbong paraan. Just him and me forever and forever.” Kumikislap ang mga mata niya.
Hindi malaman ni Erlinda kung ano ang iisipin sa nakikitang kasiyahan sa mukha ni Bea. it made her so beautiful.
“Do you love my son, Bea?”
“Perhaps I do. I couldn’t seem to think of anything but him mula pa nang una kaming magkaharap. Huwag nang isali pa ang mga panahong siya ang iniisip at pinapangarap ko. And I will make him fall in love with me, tita Erlinda, kahit na iyon na lang ang gagawin ko sa buong buhay namin. I will make him forget that woman who hurt him.” may bahagyang galit sa tinig niya sa huling sinabi. Pagkatapos ay umiling at ngumiti.
“I guess I ought to thank her for jilting him, kung hindi ay hindi matutupad ang kasunduan nila ng itay.”
9
GABI na nang dumating si Franco sa mansiyon. Si Erlinda ay nasa silid na nito. Ganoon din si Bea. Pumanhik sa itaas ang binata at akmang papasok na sa silid nang magbago ang isip. Lumakad patungo sa silid ni Bea at walang sabi-sabing binuksan ito.
Si Bea na nagbabasa ng magazine ay nagulat sa biglang pagpasok ni Franco.
“Franco…” mabilis niyang hinablot ang kumot at itinaas hanggang baba upang takpan ang manipis na pantulog. Kasama iyon sa pinamili nila ni Erlinda at pinili ng matandang babae ang manipis na pantulog at manipis na sintas sa balikat.
“So now you’re really marrying me.” Isinara ng paa nito ang pinto at sumandal dito. Sinisikap ibalik sa isip ang sadya sa dalaga at hindi sa mukha at katawan niya.
“Wala naman akong alinlangan na hindi ako mapapakasal sa iyo.” sinabayan ng dalaga iyon ng kibit ng mga balikat.
Hindi halos mapaniwalaan ni Franco ang sarili na hindi pa ito nagagalit sa kanya.
“Bilib ako sa kumpiyansa mo,” tuya nito.
“My father taught me that. May kumpiyansa din siya sa iyo na gagawin mo ang ipinangako mo sa kanya.”
Hindi sumagot ang binata roon. “Ano ang binabasa mo?”
Sinulyapan ng dalaga ang magazine na inilapag sa side table.
“An article about kissing…”
“Whaaat?”
“Since na isang linggo na lang at magpapakasal na tayo, wala nang tsansa na may makapagturo sa akin. I might as well self-study.”
Hindi malaman ni Franco kung matatawa o magagalit. “Itapon mo ang walang silbing magazine na iyan.”
Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Umasam.
“Meaning, ikaw na lang ang magtuturo? And that you’d like to kiss me again?”
Hindi sumagot si Franco. Dapat ay lumabas na ito. Pero ewan kung bakit nanatili pa ring nakatayo at nakatitig sa dalaga. She was annoyingly beautiful.
“Nag-aatubili ka. Would it help if I took the iniative?” aniya na sinabayan ng bangon upang tumayo.
“Stay where you are!” utos nito na lumakad patungo sa kama. Sandaling inisip kung tama ang gagawin o hindi. But hell with fine thoughts! She would be his wife in a few days time.
Umupo ito sa gilid at inabot si Bea and she was more than willing to obey. His face a breath away. Their lips touching but not kissing. His eyes skimmed her face. Pagkatapos ay mahigpit siya nitong niyakap na halos ikapugto ng hininga ng dalaga. Then he was kissing fiercely, hungrily, as if he was starving and out of control.
Gusto nang matakot ni Bea. Hindi niya naiintindihan ang ginagawa ni Franco. Pilit niyang pinakawalan ang mukha niya.
“You’re… holding me so tight.” hinahabol niya ang paghinga.
“I might die of suffocation and bruised ribs instead of ecstacy.”
Napangiti ang binata.
“Your humor is unbelievable. Nabasa mo ba iyan diyan sa magazine, this ecstacy thing?”
“Oh, yes. Sabi dito when a man kisses a woman she will be aroused and ecstatic. But you’re taking my breath… literally,” inihabol niya ang huling salita.Pumormal ang binata.
“Do you really want to feel ecstatic, Bea?”
“Eh, di kasi naman. Sige, umpisahan natin uli. You can kiss me properly.”
“And I thought I just did,” amused nitong sagot.
“You didn’t kiss me, you ravished me, Franco Navarro.”
“That is part of it, sweetheart.” sinisikap ng binatang huwag mangiti. Paano ba nito ipaliliwanag that he was kissing her with more passion than she’d hoped for, more than she was capable of handling dahil nga walang karanasan ang dalaga. And he bedded a few inexperienced women pero hindi kasing-inosente ni Bea.
“Hahalikan mo ba ako o hindi na?” ulit ng dalaga nang makitang nakatitig lang sa kanya ito.Hindi pa rin kumikibo si Franco pero muling kinabig ang dalaga. Sa pagkakataong iyon sa banayad na paraan. Then he was kissing her softly, tenderly. Napapikit si Bea, tumaas ang mga kamay sa leeg ng binata and pressed herself closer.
He was tasting her lips from one corner to another. And when she sighed her pleasure, sinamantala ng binata iyon and delved his tongue deeply. She gasped. Hindi niya inaasahan iyon. Was this part of kissing, too? Siguro dahil sa pakiramdam niya’y tila siya mauupos na kandila at parang may init na gumuhit sa ibaba ng tiyan niya.
On instinct, her tongue played with his. Franco moaned in his throat and kissed even erotically.
At bago pa namalayan ng dalaga ay inihiga na siya nito pabalik sa kama. And she was gasping and writhing under him. She wanted to touch him, to tell him that she really felt not just ecstatic but feverish, too. Pero hindi niya magawa. He was not giving her a chance to breathe, magsalita pa kaya.
He was on top of her and pressing his thighs in between her thighs. Ang pagitan nilang dalawa ay ang pantalon ni Franco at ang manipis niyang nightgown. And again, that shocking hardness and she could feel it throbbing between her legs. Sa pagkakataong iyon ay hindi siya natakot.
She was so hot that fearing him now is the last thing on earth na maaari niyang isipin.
Again, on instinct, itinaas niya ang sarili para salubungin ito that his groan was so loud. Kinabahan ang dalaga at mabilis na kumawala.
“Am I… causing you pain? M-may masakit ba sa iyo?”
Sandali munang natigilan si Franco sa tanong na iyon. Pagkatapos ay humagalpak ng tawa at ibinagsak ang sarili sa tabi niya pulling her on top of him. Itinukod ni Bea ang dalawang kamay sa dibdib ng binata and watched him laugh sa pagtataka niya. And she was sure she’d caused him pain moments ago.
Nakatawa pa rin si Franco nang makuhang magsalita. “Yes, sweetheart, you’d made me ache. Right there in between my thighs and I hope you can feel its throb.”
Bahagya lang ang panlalaki ng mga mata ng dalaga, pagkatapos ay ngumiti nang buong tamis.
“Hindi ko alam kung iyon din ang nararamdaman ko. But I sure feel something’s hot and burning just below my stomach. Does it always so?”
“Always so,” nakangiti pa ring sagot ni Franco. His eyes sparkling. Hindi nito akalaing ang kawalang-alam ni Bea could make him laugh and warm and tender. At bago ang damdaming iyon. Minsan man sa panahon ng kasintahan nito si Lucinda at kahit sa panahon ng pagtatalik ay hindi nito nadarama ang ganoon. And not even with all the women he went to bed with. “Saan mo natutuhan ang ginawa mong paghalik sa akin kanina? Sa magazine ba?” Dinama ng thumb finger nito ang lower lip ng dalaga.
She wrinkled her nose.
“Hindi po. I followed my instinct at ginaya ko lang ang ginagawa mo,” pagkatapos ay muling ngumiti.
“Did you like it?”
“Very much.” he couldn’t help smiling.
“Me, too.”
Dinala ng binata si Bea pabalik sa kama and stared right into her eyes. “You are refreshing, Bea. At marami akong gustong gawin. I want to do more than just kissing.”
“Ngayon?”
“Now and always,” pagkatapos ay umiling ito. “And since I am marrying you, gagawin ko na nang tama. I’ll do it on our wedding night, even if it will cause me pain for several nights.”
“Like making love?” tanong niya sa mahinang tinig.
“Yes.”
“Gusto ko rin iyon,” sang-ayon ng dalaga with wistfulness on her eyes.
“Alam mo, may kaibigan ako sa Sto. Cristo, si Monica. Malimit naming pagkuwentuhan ang tungkol sa lovemaking. Kaya lang, tulad ko, wala rin siyang idea. May boyfriend na siya na hindi alam ng mama niya at nang tanungin ko kung nahalikan na siya, well she said yes. And when I asked her how it feels like, wala siyang masabi. Something like just touching of the lips and nothing more. Perhaps her boyfriend doesn’t kiss like you.”
Nagkibit ng mga balikat si Franco. Hindi gustong palawakin iyon.
“Marami ka bang kaibigang babae at pare-pareho ang pinag-uusapan ninyo?” Pinaglalaro nito ang daliri sa mukha ng dalaga as if memorizing each and every contour of her face. Sinisikap alisin sa isip ang pagnanais na angkinin ito.
Nagkaroon ng lambong ang mukha ni Bea sa tanong.
“Sana nga ay marami akong kaibigan. Girls do not like me, kahit ang ibang classmates ko sa kolehiyo sa kabisera.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Franco.
“At ang dahilan?”
“Sabi ni Nicky dahil maganda daw ako. At natatakot ang mga girls that I might stole their boyfriends away which is very stupid because I do not have eyes for them. Ipinagkasundo na ako ng itay sa iyo and I have been telling them na boyfriend kita at pinagtatawanan nila ako.”
May bahagi sa dibdib ng binata na gustong magalit sa mga babaeng sinasabi ni Bea. And sympathy dahil ang kabataang tulad niya ay dapat na nakikihalubilo among her peers. And warmth for the first time dahil totoong sineryoso ng dalaga ang pakikipagkasundo ni Alfonso bagaman walang katiyakan doon.
“Pero minsan, may isang pangyayaring talagang sumama ang loob ko at kung hindi ko napigilan ang sarili ko ay umiyak ako sa gitna ng klase. Iyong may-ari ng pinakamalaking tindahan sa Sto. Cristo, si Mrs. Lauriano, ay nag-celebrate ng birthday party ng anak niya who was my classmate since first year. Inimbita niyang lahat ang mga kakilala namin at mga kasinggulang ng anak niya pero hindi ako.”
“Bakit niya ginawa iyon?” Napalakas ang tinig ng binata nang magtanong. Nakita nito ang pagdaramdam sa mukha ng dalaga sa kabila ng matagal nang nangyari iyon.
“Because we were poor and again, sabi ni Nicky, dahil hindi gusto ng anak ni Mrs. Lauriano na may makaagaw ng pansin dito sa birthday party nito.”
“But that’s stupid!“Nagkibit siya ng mga balikat.
“Iyon din ang inisip ko. Sabi ko nga sa sarili ko ’pag pinakasalan mo ako, nakaganti na ako sa kanila dahil ang mga Navarro at Montano ang nagmamay-ari ng pinakamalaking lupain sa buong Sto. Cristo. But of course, hindi iyon ang dahilan kaya gusto kong pakasalan mo ako. Kung noong una kitang makita at hindi kita gusto, bumalik na lang siguro agad ako pauwi.” bumuntong-hininga ang dalaga.
“Hindi ko tuloy malaman kung dapat kong ikatuwa na ganito ang mukha ko. But of course, ayoko rin namang maging pangit at baka hindi mo ako magustuhan.”
He cupped her face tenderly.
“I’m sure hindi mo ako gusto dahil sa mukha ko, Bea. At maaaring ganoon din ako sa iyo. Fondness comes from the heart, hindi sa panlabas na anyo. But it doesn’t mean na hindi ko ikinatutuwang maganda ka.”
“Thank you, Franco.” puno ng sinseridad ang tinig niya.
“I’m glad I have Nicky and you.”
“At ang Nicky ba na ito ay hindi na-threatened sa iyo? That you might stole her boyfriend?“Ngumiti si Bea.
“Naku hindi. She’s also very pretty bagaman lagi niyang sinasabing mas maganda ako kaysa sa kanya. Ang tanging set back nga lang ay mahirap ako at mayaman siya kaya hindi siya ma-snob ng mga tao. Alam mo ba kung sino si Nicky?”
Sandaling huminto ang dalaga na parang naghihintay ng sagot gayong alam naman niyang hindi nito kilala ang kaibigan.
“Anak siya ni Don Vicente Montano, iyong dapat sanang mapangasawa ng tita Erlinda na siyang pinili ni Don Alvaro.”
Ngumiti si Franco roon.
“I’m looking forward to meeting this friend of yours. I like her already. At ganoon din ang Mrs. Lauriano na ito, of course, with a different purpose.”
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Wala naman. Curious lang ako,” pag-iwas ng binata na akmang hahalikang muli ang dalaga nang isang marahang katok ang narinig nila kasabay ng pagbukas ng pinto.
10
“FRANCO… Bea!” bulalas ni Erlinda sa dinatnang ayos ng dalawa.
“Nag-uusap lang kami, Mama,” kalmanteng sagot ni Franco. “Don’t get hysterical.”
“Nag-uusap?” Tumaas ang mga kilay nito. “Nakahiga kayong dalawa sa kama at sa manipis na nightgown ni Bea?”
“Oh, we were really just talking, tita, after we’ve…”
Mabilis na nilingon ni Franco si Bea.
“Bea…!” he snapped sa paraang ang dalaga lang ang nakakarinig. May babala sa tinig. Too late nang makitang nanunukso lang ang dalaga. He could see laughter behind those beautiful eyes.
“After what?” giit ni Erlinda.
“Pagkatapos naming magtalo, tita, tungkol sa nalalapit naming kasal. I finally convinced him na ako ang talagang babae para sa kanya.”
Huminga nang maluwag si Erlinda.
“Mabuti kung ganoon. Pero hindi ko pa rin gustong…” napailing ito.
“I don’t want to sound prude pero mukhang iyon ang nararamdaman ko ngayon, Franco. Iwan mo na si Bea at lumabas ka na,” wika nito na humakbang palabas.
Akmang tatayo ang binata nang hawakan ito sa pisngi ni Bea at hagkan.
“Goodnight, Franco.” napapikit si Franco nang maramdamang hindi light kiss ang ginawa ng dalaga. She deliberately touched her tongue on his lips at agad ding binawi and smiled.
“Sweet dreams…”
“Tease,” matalim nitong sinabi na ikinalingon ni Erlinda na nasa labas na.
“Goodnight, tita,” pahabol ng dalaga na sinisikap paglabanan ang pagtawa sa galit na anyo ni Franco.
ISANG linggo ang lumipas ay ikinasal ang dalawa sa isang simple at tahimik na civil wedding. Ang reception ay sa mansiyon na rin ginanap. Ang tanging bisita ay ang huwes at ang maybahay nito kasama ang dalawang dalagitang mga anak na walang ginawa kundi ang titigan si Franco at maghagikgikan. Nasa mga mata ng mga ito ang pag-asam na sila si Bea.Inis na sinulyapan ni Franco ang malaking relo na nakasabit sa dingding sa sala. “Alam mo bang kanina ko pa gustong buksan ang pinto at paalisin ang mga bisita natin?” bulong nito kay Bea.
“Sshh…” si Bea na sinulyapan ang mag-anak. “Aren’t you flattered na nagsu-swoon sa iyo ang mga anak ni Judge Mariano?” natatawang wika niya.
“I’m damn flattered,” panunuya nito.
“Marinig ka. Nakatingin sa atin ang dalawang bata,” bulong niya, sabay baling sa dalawang teenagers at nginitian ang mga ito.
Alas-nueve na halos nang magpaalam ang mag-anak. Sa kabila ng naroon si Erlinda ay mabilis na binuhat ni Franco ang asawa at ipinanhik sa itaas. Si Erlinda ay umiiling na tinawag ang mga katulong. Alam nitong kanina pa naiinip ang anak at sadya niyang inabala ang pamilya na magtagal, if only to torture him once in a while.
Sa silid ni Franco dinala si Bea at inilapag sa kama. Pagkatapos ay binalikan ang pinto at isinara. Tumuloy sa banyo at binuksan ang shower na tinimpla sa maligamgam. Pagkatapos ay muling lumabas.
“Alam mo, ngayon ko gustong pagsisihan kung bakit hindi ako pumayag ng church wedding,” seryosong wika ni Franco habang tinititigan ang asawa.
“I’m sorry, may hindi magandang karanasang nangyari sa akin at maaaring maisip ko iyon sa simbahan and I don’t want to spoil our wedding.” Unti-unti itong nag-alis ng kasuotan.
“Pahapyaw na ikinuwento ng Mama,” sagot niya. “Is she beautiful?”
Nagkibit ng mga balikat si Franco. Inihagis ang polo shirt sa settee. “Very.“Bahagyang nasaktan doon ang dalaga. Pero alam niyang maganda rin siya kaya agad ding nawala.
“Do you still love her?” patuloy niyang tanong bagaman unti-unti nang bumabangon ang kaba. Inaalis na ng asawa ang pantalon nito and she could see his masculine body. Nagpapaalala iyon sa kanya ng mga ranchero sa rancho. They paled in comparison kompara sa lalaking ito na ngayon ay asawa na niya.
Kamukha ba ng asawa niya ang mga grecian gods sa Greek mythology? Posible, sang-ayon niya na lihim na ngumiti.
“Hindi ko alam kung capable ako sa ganoong damdamin, Bea,” walang emosyong sagot nito but his eyes never leaving her.
“I thought at that time that she was so beautiful at maraming bagay kaming sa palagay ko ay pinagkakasunduan namin. Pero huwag mong ikompara ang sarili mo sa kanya. Iba ka. She wasn’t as innocent as you when I first met her.”
Hindi alam ni Bea kung disadvantage niya ang pagiging inosente. Wala siyang hinihiling sa pagkakataong ito kundi ibigay sa asawa ang kasiyahan bagaman hindi niya alam kung paano gagawin iyon.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang lapitan siya ni Franco at hawakan sa mga balikat at itayo.
“N–Na… nakahubad ka na,” nauutal niyang sinabi. Sunod-sunod ang kaba ng dibdib,
“Nasaan ang kumpiyansa at humor mo sa sandaling ito, sweetheart?” naaaliw nitong sinabi sa pagkautal niya. Ang mga kamay ay nasa dibdib niya at isa-isang tinatanggal ang mga butones sa harapan.
Si Bea ay bumaba ang tingin. Gasped aloud pero hindi inalis ang mga mata roon.
“I… I know I’m not supposed to look… but… but…”
Hindi mapigil ni Franco ang matawa. Ibinagsak sa paanan ng asawa ang damit niya. Marahas na nag-angat ng tingin si Bea.
“Hi–nuhubaran mo ako…”
“Alam ko,” nakangiting sagot nito. “Sweetheart, hanggang saan ang alam mong ginagawa ng mag-asawa?”
Tumaas ang mukha ni Bea.
“I am not that ignorant, Franco.” may bahagyang iritasyon sa tinig niya.
“Pinag-aaralan sa kolehiyo kung paano nabubuo ang bata between man and woman. At nursing ang kursong kinuha ko sa kabisera bagaman hindi ko natapos ang ikatlong taon dahil namatay ang itay. Ang scholarship ko ay para lang sa tuition fee at hindi kasali ang iba pang gastos,” litanya niya sa seryosong tinig na lalong ikinangiti ni Franco.
“Practically, itinuro ba sa inyo sa kolehiyo kung paano ginagawa ng babae at lalaki ang pagbubuo ng bata?”
“I have an idea, it is just that…” muling bumaba ang tingin at muli ring agad na itinuon sa mukha ng asawa. At nagtanong sa nababagabag na tinig.
“D-don’t you think… you’re too big and I’m… small?”
“We’ll fit, sweetheart. Ginagarantiyahan ko.” He couldn’t stop his shoulders from shaking na nagpanumbalik sa iritasyon ni Bea.
“Huwag mo akong pagtawanan! I’ll try my very best to please you,” pagalit niyang sinabi. Nalimutan ang hiya. Ang nasa isip ay iniinsulto siya ng asawa dahil sa kawalang-alam.
Pumormal si Franco. Hinawakan ang baba niya at itinaas. “Sweetheart, believe me, Hindi kita pinagtatawanan dahil inosente ka. That alone pleases me more than you’ll ever know.” at nagulat pa siya nang buhatin siya ni Franco.
“S-saan mo ako dadalhin?” Hindi niya malaman kung paano tatakpan ang sarili ng mga braso.
“Maliligo tayo.”
“Tayo!” bulalas ng dalaga na nagpapasag. “ibaba mo ako!” Pagkatapos ay napapikit, muling gumapang ang kahihiyan. She was as naked as her husband.
Ibinaba siya ni Franco sa tapat ng shower na tumutulo ang tubig. Inabot ang sabon at dahan-dahang sinabunan ang katawan niya. She stiffened. Hindi tubig ang dumadaloy sa katawan niya sa kanyang palagay but lightning.
Iniikot ni Franco ang sabon sa dibdib niya at muntik nang mapasigaw si Bea kung hindi niya tinakpan ang sariling bibig. Habang si Franco ay hindi inaalis ang mga mata sa mukha niya.
“Kung… kung… hindi ka hihinto… I t-think I’m going to fall…”
“Sshh… you won’t and I’m here to hold you. Relax.” his voice in a husky caress. Bumaba pa ang kamay nito na may hawak na sabon. Nang maramdaman ni Bea kung saan patungo iyon ay wala sa loob na tinabig niya ang kamay ng asawa na ikinalaglag ng sabon sa tiles.
“No!”
Hinapit siya ni Franco payakap and started lazily kissing her ear habang dumadaloy ang tubig sa kanilang mga katawan. Then his hand seeking his breast and cupped it while his tongue played with her mouth. Hindi alam ni Bea kung ano ang unang pagtutuunan ng pansin. Ang halik o ang ginagawa ng asawa sa dibdib niya. At lalong hindi niya alam kung saan siya nalulunod, sa literal na tubig na bumabagsak sa kanilang dalawa o sa damdaming hindi niya kayang bigyan ng pangalan.
At bago pa niya madesisyunan kung alin doon ay bumaba sa leeg niya ang mga labi ni Franco kissing the hollow of her throat… at pababa pa uli sa shoulder blade niya giving them love bites and down to her breast. She gave a soft cry when his mouth caught one nipple and nibbled it gently.
Pagkatapos ay muling tumaas ang lalaki and kissed her eyelids, her nose, and caught again her lips. Sa pagkakataong iyon ay gumanti ng halik si Bea. Aware of the throbbing maleness sa may puson niya. She kissed him back and met his tongue and shyly played with it. He groaned and embraced her tightly habang isang kamay nito ay gumawa ng masarap na landas sa katawan niya. Slowly, as if taking all his time until he found what he was looking for.
“F-Franco…” she murmured in his mouth.
“Yes, sweetheart, yes!”
She sag on his chest as his fingers played and played. She wanted him to stop. No! She didn’t want him to stop. Hindi na niya alam kung ano ang iisipin hanggang sa palagay niya’y may sumabog na liwanag sa banyo that she almost fainted. She wasn’t able to suppress a cry.
At bago siya bumagsak sa tiles ay binuhat siya ng asawa palabas ng banyo kasabay ng pag-abot ng tuwalya sa towel rack. Itinayo sa may paanan ng kama at pinunasan ang buhok niya at ang buong katawan. Pagkatapos ay inihagis ang tuwalya sa carpet.
“B-basa ka pa rin.”
“It doesn’t matter. Matutuyo rin iyan mamaya.” hinila siya nito pahiga sa kama. He was on top of her and kissed her again, sa pagkakataong iyon ay sa pagitan ng marahas at banayad as he delved his tongue deeply and then withdraw only to delve again na lalo lamang nagdagdag sa hindi pa humuhupang apoy sa damdamin ni Bea.
His mouth and hand alternately giving her delights and pleasure na hindi maisip ni Bea na posibleng mangyari. Nang huminto sa paghalik si Franco ay tila nakadama siya ng kawalan and pulled him back.
“Sweetheart, touch me, tulad ng ginagawa ko sa iyo.”
“G-gusto ko. Kaya lang baka hindi tama ang gagawin ko and then I would… displease you…” aniya sa mahinang tinig.
Mahigpit na niyakap ni Franco ang asawa. Ibinaon ang mukha sa buhok nito. “You can never displease me, Bea. I want you to touch me at tinitiyak ko sa iyong gusto ko iyon.”
Itinaas ni Bea ang mga kamay sa dibdib ng asawa. Feeling him and touching him in a feather-light fashion. Then her fingers on his muscled chest. Hesitant at first.
“Go ahead, sweetheart, you’re doing fine,” he encouraged huskily. Pinaglaro niya ang kamay sa manipis na balahibo sa dibdib ng asawa. Pagkatapos ay yumuko and brushed a featherlight kiss on his nipple, touching her tongue to it, na nagpahugot ng paghinga ni Franco and grasped her hair. Then her fingers moved downward to his stomach for further exploration… and lower still… and stopped.
“Don’t stop!” Kung nag-uutos o nagmamakaawa ang asawa ay hindi matiyak ni Bea. But she was encourage to touch him fully, freely, and he groaned aloud as if in pain. Sa pagkakataong iyon, alam niyang it wasn’t because he was in pain. At nakadama siya ng kagalakang gusto at nasisiyahan si Franco sa ginagawa niya.
“Oh, sweetheart.” si Franco na marahas na kinabig ang asawa at mariing hinagkan sa mga labi with a passion that is similar to savage hunger. His hand cupping her breast, kneading them, in both rough and tender fashion. His mouth followed and gave it a swirling wet kisses and suckled it gently.
Hindi malaman ni Bea kung aling bahagi ng katawan ng asawa ang hahawakan. Para siyang nasa gitna ng dagat at nalulunod. Again, his mouth found hers and kissed her erotically while his hand gently parted her thighs to seek entrance.
Napapitlag si Bea. “F-Franco…”
“Yes, sweetheart….” he poised himself ready.
“Wouldn’t it… kill me?”
Franco was torn between laughter and arousal and the need to be inside her. “And I thought your humor deserted you. You amaze me, sweetheart,” he said raggedly.
“Hindi mo sinasagot ang tanong ko. Would it k–oh!” Nilunod ng halik ni Franco ang pagkawala ng sigaw niya. Halos bumaon ang mga kuko niya sa likod ng asawa sa humihiwang sakit na naramdaman niya.
“Don’t move! Now, you’re really killing me… Oh!”
He smiled sa pagitan ng paghahabol ng hininga. “Beatriz Navarro, I think I’m in love with you.”
“Kung inaakala mong sa pagsasabi niyan ay mawawala ang sakit, you can think again! It’s painful as hell!” aniya sa pagitan ng iritasyon at sakit.
Marahang tumawa si Franco. “Typical rancher’s daughter.” hinawakan nito ang mukha ng dalaga. “It will pass, Bea. Now. kiss me, sweetheart.” it was a sensual command at bagaman hindi niya gustong gumalaw ay sumunod si Bea.
Muli siyang hinagkan ni Franco with expert thoroughness. Again his tongue and hands seduced her body into arousal making her forget her pain for a while. But cried softly when he started to move and drove into her slowly at first. Patiently arousing her again at pinipigil ang sarili para sa kanya.
Hindi matiyak ni Bea kung kailan nawala ang sakit at humalili ang kakaibang damdamin. Waves and waves of ecstacy filled her and something wild wanted to explode. At nang bilisan ni Franco ang paggalaw, she screamed as she reached her climax.
He drove fast and deep, mahigpit na niyakap si Bea na halos magpapugto sa hininga niya and poured himself into her and cried her name.
Kung gaano katagal nanatili si Franco sa ganoong ayos ay hindi nito matiyak. Nang bumalik sa normal ang paghinga ay bumaba sa tabi ni Bea. Kinabig ang asawa at banayad na hinagkan sa mga labi.
“You’re amazing, sweetheart. I never had such shattering delight maliban sa iyo.”
Tumaas ang mga kilay ni Bea. She could still feel a little pain pero ngumiti at nagbiro. “Siguro ay paniniwalaan ko na iyong sinabi mo kanina na mahal mo na ako nang kaunti.“Pero hindi ngumiti si Franco, Sa halip ay itinaas ang mukha ng asawa.
“Hindi lang kaunti, Bea.
Hindi lang kaunti.“
Ilang sandaling nakatitig lang si Bea sa asawa bago nagsalita. “Franco…”
“What, sweetheart?”
“G-ganito ba… palagi? I mean… I mean…”
“The pain or the ecstacy?”
“Iyong huli…”
“Always so.”
She wrinkled her nose. “We could have done this earlier, you know…” natawa si Franco. “So this poor man is blamed for being honorable.”
Dinama ng mga daliri ni Bea ang mga labi ng asawa. Hinuli iyon ni Franco and sucked gently.
Hindi niya pinansin ang muling pagguhit ng init sa ibaba ng tiyan niya and whispered instead. “I love you, Franco. I have always loved you in my dreams. Promise me once na mamahalin mo ako.”
“Once only?”
“Minsan kang nangako sa itay na pakakasalan mo ako. Tinupad mo iyon. Maniniwala akong mamahalin mo ako sa paglipas ng mga araw as long as you promise me now.”
“Kung ang nararamdaman ko sa iyo ngayon, Bea, ay hindi pa pagmamahal, then, I promise to find out what love is and love you even more… and more.”
Payapang isiniksik ni Bea ang mukha sa dibdib ng asawa at bahagyang naghikab. Si Franco ay hinagkan sa ulo ang asawa at kinabig nang mahigpit. Hindi maiwasan ni Franco ang makadama ng warmth. His innocent Bea loved him. Have always loved him kahit na walang katiyakang mapapakasalan nga niya ito. Hinarap ni Bea ang pagiging intimidating niya and even took his insults with courage. She’s smart and witty and determined. So adorable in her innocence. Higit sa lahat, he loved her humor.
Niyuko ni Franco ang asawa at hinagkan sa noo. “Bea…” his hands softly caressing her breast.
“Hmm…”
“Alam mo ba na ang sa atin ang pinakamaiklingengagement? Pinakamadaliang preparasyon at kasal?”
“Wrong, my darling,” she whispered sleepily ignoring his caress. “Ours was the longest engagement on record. We’ve been engaged for eighteen years and two months and nine days and sixteen hours to be exact bago tayo ikinasal kanina.”
“You’re amazing!” natatawang sagot ni Franco.
“I’m sleepy and sore, I forgot to count the minutes…” at isiniksik pa ang mukha sa dibdib ng asawa.
Pumuno sa silid na iyon ang malakas na tawa ni Franco. And when he stopped shaking, nagpasalamat si Bea nang lihim at umaasang hindi na siya kakausapin pa ng asawa. But she failed to ignore his hand on her breast while his other other hand moved downward… to the apex of her thighs… huwag nang idagdag pa ang mga labi ng asawa.
She was finally allowed to sleep nang mag-uumaga na.
11
“HINDI ko alam kung dapat kong ikagalak o dapat kong pagpapatayin ang mga lalaking kanina pa nakatingin sa iyo,” amused na sinabi ni Franco sa asawa habang kumakain sila sa Bahia, sa 14th floor sa Intercon.
Lumabi ang dalaga. “And what about those women whose eyes are eating my husband?”
“I have my eyes for you only, sweetheart…”
“Na para bang interesado ako sa mga nakatingin sa akin. Why, Adonis will pale in comparison with you, darling.”
Banayad na natawa si Franco. Iniba ang usapan. “Hindi mo ba nami-miss ang buhay sa rancho?”
Huminga nang malalim si Bea. “Siyempre. Doon ako nagkaisip at lumaki. And I miss, Nicky, too.
Pero mananatili ako sa tabi mo, Franco, kahit pa saang dulo ng lupa mo gustong manatili.“
Sumandal si Franco at nag-isip. “Maraming problema sa pabrika, sweetheart, sa panahong ito.
Kung hindi lang, gusto kong umuwi tayo ng Sto. Cristo at asikasuhin ang rancho. I owe it to my mother. Maliban pa sa inheritance iyon ng magiging mga anak natin.“
“You’ve been really busy these past few days. Napupuna ko iyon. Ginagabi ka sa library…”
“May nagsisikap na mawala sa akin ang pabrika. Noong una’y binulabog ako ng health department gayong malinis ang canned processing ng mga pagkain. Mas malinis kaysa sa ibang food company, comparatively speaking. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi talaga tayo makapagbakasyon sa honeymoon natin.”
“Thanks a lot!” natatawang sagot ni Bea na hindi gaanong napuna ang pagiging seryoso ng tinig ni Franco tungkol sa problema sa pabrika. “Busy ka pa niyang lagay na iyan, ha, but you never allowed me a good night’s sleep, darling.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Franco in slight amusement. “Do I detect some complain from my wife whose lust matches mine?”
“Of course not.” pinamulahan siya ng mukha pero alam niyang nanunukso ang asawa. “Kaya lamang nagtataka ako kung saan ka pa kumukuha ng lakas, Franco.”
“You can drive a man crazy, my sweet. At may palagay akong hindi ako makakatulog without making love with you first.”
“Sabihin mo sa akin iyan ilang taon mula ngayon…” natatawang sagot ni Bea.
“I would still lust for you, sweetheart, when I turned sixty-four.” He smiled devilishly. Sasagot sana si Bea nang may lumapit sa kanila.
“Hello, Franco. Hindi mo ba ako ipakikilala sa magandang binibining kasama mo?”
Sabay na lumingon ang dalawa. Hindi napuna ni Bea ang biglang pagtigas ng mukha ng asawa.
Ang nakatayo sa tagiliran ng mesa ay isang mataas at guwapong lalaki with a friendly smile on his lips.
“Ikaw pala, Jerome,” malamig na tugon ni Franco. “I want you to meet my wife, Bea. Sweetheart, si Jerome Gascon, my stepbrother by marriage.”
“Hello, Jerome. I am so pleased to meet you,” nakangiting bati ni Bea na naglitawan ang magkabilang dimple sa pisngi. Ang dami pa talaga niyang hindi alam tungkol sa pamilya ng asawa niya. At isiping bagaman hindi naman sa dugo ay kapatid na rin ni Franco ang lalaking ito.
“Wife!” Hindi maikakaila sa tinig ni Jerome ang matinding pagkabigla. Subalit sandali lang iyon at muling ngumiti.
“So, totoo pala ang nakalagay sa column ni Maureen. Ang buong akala ko ay gumagawa na naman ng gimik ang baklang iyon. Why wasn’t I invited to the wedding?”
Si Bea ang sumagot.
“Oh, our wedding was so quiet and simple, Jerome. Wala talagang inimbita si Franco.” Her voice apologetic. Jerome is family at dapat ay inimbita ng asawa.
“Blast you, Franco,” nakangiting sinabi ni Jerome. “Why didn’t you give this beautiful woman a grand wedding? Kung ako ang unang nakakilala kay Bea, siya ang tatanghaling pinakamagandang bride sa dekadang ito.”
Pinamulahan ng pisngi si Bea sa flattery ganoon pa man ay hindi maikakailang nasisiyahan.
“And she’s really blushing!” bulalas ni Jerome na hindi napuna ang pagiging tahimik ni Franco o sadyang hindi pinapansin. “Do they still produce girls who blush?”
Natawa si Bea. “Maupo ka, Jerome, and join us.”
“Franco?” Nilingon ni Jerome si Franco.
“Sure,” sagot ni Franco na hindi magawang tutulan ang ginawang pag-anyaya ng asawa. “Order what you like.”
“Sagot ko ang mga ito. Delayed blow-out ko sa inyong dalawa…”
“No, don’t bother…” ani Franco sa naniningkit na mga mata. Nagsalubong ang mga kilay ni Bea sa nakitang ekspresyon ng mukha ng asawa.
“Please, Franco. Give me this honor.” Nakikiusap ang tinig ni Jerome.
“Of course.” si Bea na ang sumang-ayon na nilingon ang asawa upang ipahiwatig na pumayag na. Nagkibit ng mga balikat si Franco. Naupo ang lalaki sa kanang-tagiliran ni Bea. Tinawag ang waiter at umorder ng isang shot ng brandy.
“How’s your wife, Jerome?” tanong ni Franco na hindi naman interesadong talaga kundi gumagawa lang ng mapag-uusapan upang huwag matuon ang atensiyon ni Jerome kay Bea.
Nagkalambong ang mukha ng lalaki.
“Hindi natuloy ang kasal namin, Franco. Mukhang pareho tayo ng sinapit, brother,” pagkatapos ay ngumiti. “Kaya heto at binata pa rin at napakapalad mo talaga para makilala mo ang isang tulad ni Bea. No wonder pinakasalan mo siya kaagad sa sandaling panahong nagkakilala kayo.” kumikislap ang mga mata nitong tinitigan si Bea. May panghihinayang doon.
“Bolero ka talaga, Jerome. Pero hindi kami kailan lang nagkakilala ni Franco. We’ve been engaged eighteen years ago,” pagtutuwid niya.
“Eighteen years ago!” bulalas ng lalaki. Pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. Natatawang ikinuwento ni Bea ang pangyayari.
“At hindi ko masisisi si Franco na pakasalan ka kaagad, Bea. I would have done the same thing without hesitation. Permit me to say, Franco, but your wife is a ravishing beauty.” Nasa tono nito ang sinseridad na may kasamang panaghili.
“Thank you, Jerome,” matabang na sagot ni Franco. Tiningnan ang relo at pagkatapos ay si Bea.
“Let’s go, sweetheart. Naghihintay ang Mama na daanan natin sa parlor.”
“Must you really go?” Si Jerome sa dalawa.
“We’re very sorry, Jerome, pero baka nga pala nainip na ang Mama. Pumasyal ka naman sa bahay,” anyaya ni Bea na tumayo na rin nang tumayo ang asawa.
“You bet I will. Matagal ko na ring hindi nakikita ang tita Erlinda. See you both and I really am glad to have met you, Bea.”
Nasa kotse na sila nang magtanong si Bea sa asawa. “Bakit malamig ang pakikitungo mo kay Jerome?”
“Did you notice?” sarkastikong sagot nito. “Nakita kong hindi ka makahinga sa mga papuri niya sa iyo.”
Ngumiti ang dalaga. “So you’re just jealous.” iyon ang inisip niyang dahilan kaya malamig ang pakikitungo ni Franco kay Jerome.
Hindi kumibo si Franco. Hinayaang iyon ang isipin ni Bea. Anyway, totoong nagseselos siya, among other things. Inihilig ni Bea ang ulo sa balikat ni Franco.
“Hindi mo kailangang magselos. I was nice and friendly dahil ganoon din siya. Isa pa, kapamilya ninyo iyong tao. Bakit nga pala hindi mo siya inimbita noong kasal natin?”
“He was out of the country at that time,” kaila ni Franco.
Ngumiti si Bea. “Nakatutuwang isipin na pareho kayong magandang lalaki ni Jerome, of course, higit kang magandang lalaki sa kanya sa anumang paraan, pero pareho kayong nawalan ng bride. Those women must be really out of their minds.”
Hindi sinagot ni Franco iyon at ipinagpatuloy ang tahimik na pagda-drive. Hindi na rin nagtanong si Bea nang mapansing wala na sa mood ang asawa. Siguro ay talagang nagselos ito nang husto. At nakadama siya ng kasiyahan doon.
12
SA loob ng sumunod na mga araw ay totoong naging abala si Franco sa pabrika. Dalawang malalaking job order mula sa kilalang kompanya ng gatas ang nawala sa kanila. Isang bagong tayong kakompetensiyang kompanya ang sumulot at nag-dive nang husto ng quotation.Naging malaking kawalan sa kompanya ang nangyari. At sa loob ng sunod-sunod na araw ay nasa boardroom ito at nakikipag-meeting sa mga executive at direktor ng kompanya.
“I’ll handle marketing, Franco, kung papayag ka.” si Bea isang gabing umuwing pagod ang asawa.
“At ano ang gagawin mo sa marketing, Bea?” angil nito.
“Hindi pa ako namumulubi. I can still provide for you.”
Huminga nang malalim si Bea. “Alam kong pagod ka kaya nagagalit ka nang ganyan. Pero puwede bang makinig ka muna…”
“Go and talk pero huwag mong sabihin sa aking magtatrabaho ka.” hinubad nito ang suot na amerikana at inihagis sa lounge.
“Male chauvinist,” tukso niya. Sinisikap na gantihan ng ngiti ang iritasyon sa mukha ng asawa.
“But anyway balik tayo roon sa sinasabi ko. Ang sabi mo ay kinakabahan kang mawala na naman sa inyo ang susunod na orders ng isang meat company to canned their products. Sino ba ang kumakalaban sa kompanya?”
“Bago. Hindi ko kilala.” hindi na sinabi sa asawang pinaiimbestigahan nito.
“We estimated his quotation with our previous customers at through spys ay nalaman kong halos breakeven lang. Hindi ako makapaniwala at lalong hindi ko masabing gumagamit sila ng lesser gauge ng tin plates para sa lata dahil istrikto ang Daffodil Milk doon.”
“I’ll handle sales and marketing, darling,” ulit ni Bea.
“Just this once, please.” nakikiusap ang tinig niya.
“At ’pag hindi mo nagustuhan ang trabaho ko then I’ll go back to being a plain housewife.”
“Alam kong naiinip ka, Bea. Next sem ay ituloy mo ang pag-aaral mo. Pansamantala ay sige, pumapayag ako. But just this once. Ginagawa ko lang ito upang magkaroon ka ng exposure at nang hindi ka mainip,” mariing wika ni Franco.
“Thank you, darling.” ikinawit niya ang mga braso sa leeg ng asawa.
“Now, are you too tired to join me in the shower?”
Ngumisi si Franco.
“Now you’re making sense.”
NANG sumunod na mga araw ay magkasama sina Erlinda at Bea sa mga lakad. Si Bea ay dumarating sa opisina upang kausapin lamang sandali si Franco at alamin kung aling kompanya ang may pending orders for food canning.
Three weeks later, ang pinangangambahang order na baka hindi matuloy ay tinanggap ng FN Canning. Si Bea mismo ang naglagay ng JO sa mesa ni Franco.
“I can’t believe it!” nakangising bulalas ni Franco.
“Paano mo ginawa iyon?”
Nagkibit ng mga balikat si Bea at ngumiti. “Hindi ka pa ba naniniwalang I can weave magic?”
“C’mon, sweetheart, don’t kill me with suspense…”
“Simple. But of course, sa tulong ng Mama at ng mga kaibigan niyang socialites. Inalam ko kung sino-sino ang mga taong involve sa placement ng orders sa mga customer ng FN Canning.
I met with their wives and attended their afternoon parties or chitchat. Befriended them sa paraang hindi sila mag-iisip na may ulterior motives ako. A subtle politics here and there. Plus the fact that they really wanted to know how you married me. They felt young again and romantic and all that. A little exaggerated romantic Cinderella story on my part, and presto, ayan ang order.“
Hindi pa rin makapaniwala si Franco.
“At ang akala ko ba ay nai-insecure ang mga babae sa iyo?”
“They still do, I’m sure. Pero hindi na mga bata ang mga ito. They’re middle aged women na mga asawa ng executives and they don’t feel threatened na baka maakit ko ang mga asa-asawa nila dahil alam nilang ikaw ang asawa ko. And it’s really very foolish of them to even think that I would even look at their husbands when you’re so gorgeous that they even want to covet you,” nakangising sinabi niya.
“Beatriz Navarro, you’re amazingly one of a kind,” mangha pa ring usal ni Franco. Her Bea is so young pero intelehente. Using her wits and beauty to help him. Matagal na nitong na-realize na rare and unique ang asawa. He just didn’t know how rare and unique she was.
“Now, do I get my job permanently?”
Sandali lang natilihan si Franco. Pagkatapos ay umiling.
“Iyon ang una at huli mo, sweet wife.”
“But…”
“You can continue to attend their tea parties, mahilig diyan ang rich and famous. Nagtataka lang ako kung bakit hindi ganoon ang Mama. But to socialize hindi para magtrabaho. No wife of mine is allowed to work on her living. Tama na ang ginawa mo. I’m sure their husbands wouldn’t dare to displease their wives by giving order sa kakompetensiyang kompanya. Anyway, hindi naman sila ang personal na makikinabang sa natitipid kundi ang buong kompanya mismo.”
Nahimigan ni Bea ang finality sa tinig ng asawa. Humugot siya ng malalim na paghinga at nagkibit ng mga balikat.
“Kung iyon ang gusto mo.”
13
PABABA ng kotse si Bea nang batiin siya ni Jerome.
“Bea? Ikaw nga ba?”
“Hi, Jerome,” nakangiting ganting-bati niya.
“This is my lucky day,” nakatawa ang binata. “Saan ka pupunta?”
“May usapan kami ni Franco na manonood ng sine ngayong hapon pero may hindi inaasahang importanteng meeting ang biglang nagpabago ng schedule. Kaya heto, killing time. Babalikan ko na lang siya sa opisina mamaya.”
“Let’s have snack then. Unless gusto mong mag-isa?”
“Siyempre hindi,” sagot niya. Na-impress sa pagbibigay ng binata ng importansiya sa damdamin niya.
“Saan mo gustong mag-snack tayo?”
“Anywhere you fancy.”
“Wala naman akong gaanong alam na lugar. Wala pa akong tatlong buwan dito sa Maynila. Dependent lang ako sa asawa ko kung saan niya gustong magpunta kami.”
“How sweet and submissive. I am only sorry na hindi kita nakilala bago mo inobliga si Franco sa pangako niya. I wouldn’t have let you get away with me.” Naroon ang panghihinayang sa tinig nito na ikinatawa ni Bea.
“Halika na nga.” Binalingan ni Bea ang driver at sinabing maghintay na lang doon.
Bagaman tumango ang matandang driver na ilang taon nang nagseserbisyo kay Franco ay hindi nito maiwasan ang pagsalubong ng mga kilay. Sa isip nito ay paanong naging kaibigan ni Bea si Jerome.
Sa isang pinakasulok na mesa sa isang café naupo sina Jerome at Bea. Pagkatapos ibigay ang order ay matiim na tinitigan siya ni Jerome.
“Nakikita kong maligaya ka sa piling ng stepbrother ko, Bea,” anito.
“Maligayang-maligaya, Jerome.”
“And you love him, of course.” Tumango si Bea.
“At mahal ka rin naman ni Franco, natitiyak ko.”
Kumislap ang mga mata ni Bea.
“Oh, he does. Pinatunayan niya iyon sa maraming mga bagay at pagkakataon. Kaya nga hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari sa akin hanggang ngayon. I wasn’t expecting him to love me really. Inaasahan kong he will learn to like me a little then perhaps love will grow habang magkasama kami. Pero ang mahalin ni Franco sa unang linggo pa lang naming pagkakasama ay sobra-sobra sa inaasahan ko!”
Tumawa si Jerome.
“Nagseselos ako, Bea, at nasasaktan.”
Tumaas ang mga kilay ni Bea at bahagyang nanlaki ang mga mata.
“You’re kidding?”
“Hindi ako nagbibiro. Natitiyak kong hindi sinasabi sa iyo ng asawa mo na sa maraming mga taon ng buhay namin ay hindi kami magkasundo?” Umiling si Bea. Walang nasabi si Franco.
“Well, hindi mo maialis sa akin iyon. My father married her mother when we were both kids. Iba pagkababae ang pumasok sa pamilya. Nakaligtaan akong tuluyan ng Papa kaya nagrebelde ako at si Franco ang napagtuunan ko ng pansin dahil sa palagay ko ay inagaw niya sa akin ang atensiyon ng Papa.”
“Oh, Jerome…”
“Worst, ipinadala ako ng Papa sa America sa mga tiyahin ko roon when I was barely fourteen. He did not send me back at kung hindi pa dahil namatay siya ay hindi ako makababalik ng Pilipinas nang pinahintulutan ng Papa.” punong-puno ng pagdaramdam ang tinig nito.
“Hindi ko alam, Jerome. Hindi sinabi sa akin ni Franco ang tungkol sa inyo,” simpatya niya rito.Nagbuntong-hininga si Jerome.
“Hindi na kailangang banggitin mo pa kay Franco, Bea, at kahit sa tita Erlinda. We have settled the matter a long time ago. We’re both mature people now at magkasundo na kami. Ang tanging konsolasyon ko ay maligaya ang Papa sa piling ng tita Erlinda hanggang sa mamatay ito. At nagseselos at nananaghili ako sa stepbrother ko dahil mukhang nasa kanya na lang yata lahat ng magagandang pangyayari. I fell in love with you noong una pa lang kitang makita, Bea.”
Nanlaki ang mga mata ng dalaga. “Jerome!”
“Don’t be shock. You are underestimating yourself kung hindi mo ako paniniwalaan.”
“I… I… don’t know what to say,” usal niya.
“I can take care of my feelings, Bea. Hindi ko lang matiis na hindi iparating sa iyo. I know you’re happy with Franco at wala akong balak na sirain ang relasyon ninyong dalawa nang dahil sa damdamin ko. Ito ang una at huling pagkakataong banggitin ko ang tungkol sa damdamin ko sa iyo. But please, let us remain friends…” pagsusumamo nito.
“B-but of course, Jerome…”
“Thank you, Bea. Asahan mong naririto lang ako kung kailangan mo ng tulong ko.” Ginagap ng binata ang palad niya at pinisil. Gustong alisin ni Bea pero hindi niya magawa out of politeness.
Sa pagitan ng pagkain ay kung ano-ano pa ang napag-usapan ng dalawa. Masaya at magiliw na kausap si Franco at maraming kuwentong nakakaaliw at nalimutan ni Bea ang oras. Nang ihatid siya ni Jerome sa parking area ay isang oras na atrasado sa usapan nila ni Franco. Mabilis siyang nagpahatid sa driver sa FN Canning.
Nasa kotse na nito si Franco nang dumating sila.
“What took you so long, sweetheart?” salubong ni Franco.
“Namili ka ba?”
Mabilis siyang pumasok sa kotse at hinagkan sa pisngi ang asawa. Nagpasalamat nang lihim na hindi ito nagagalit sa pagkaatraso niya nang mahigit isang oras.
“Nagkita kami ni Jerome sa harap ng COD, darling. Niyaya niya akong mag-snack. Pumayag ako tutal ay nagpapalipas lang naman ako ng oras. Nalibang ako at nalim—” hindi niya itinuloy ang sinasabi nang makitang dumilim ang mukha ng asawa.
“Pinaghintay mo ako nang isang oras na mahigit dahil lang nalibang ka sa pakikipaghuntahan sa lalaking iyon!” Parang kulog ang tinig nito sa pandinig ni Bea.
“I–I am…sorry,” kinabahan siya. Sa maikling panahon ng pagkakilala niya rito ay hindi niya kinaringgan ng ganoong tono si Franco.
“You should be! Kung alam ko lang na maaatraso ka nang ganoon ay hindi ko na sana tinapos ang meeting nang maaga!”
Hindi kumibo si Bea na inayos ang sarili sa upuan. Paarangkadang pinatakbo ni Franco ang sasakyan. Muntik na itong tumama sa likuran ng delivery truck ng kompanya.
“P-please…”
“I do not want my wife flirting with another man, Bea, tandaan mo iyan!”
“I… did not f—”
“Hindi ko gustong makipag-usap ka sa lalaking iyon hindi man sinasadyang magkita kayo! Iwasan mo siya hanggang maaga!”
Napukaw ang rebelyon sa dibdib niya.
“You’re being unreasonable. Humingi na ako ng paumanhin sa pagkakaatraso ko. At walang dahilan para iwasan ko si Jerome na tila may sakit na nakakahawa. He was nice and friendly. And he was treating me like a brother-in-law should.”
“Hindi ko kailangang magpaliwanag sa iyo.” nilingon siya nito sa nag-aapoy na mga mata.
“Pero inuulit kong hindi ko gustong makipagkita ka sa kanya. Tapos ang usapan!”
“Well, you just can’t order me around, Mr. Navarro, like some servant! Hindi dahil pinakasalan mo ako ay…”
‘Damn!’ Pinasibad nito ang sasakyan na tila ito lang ang laman ng kalye. Biglang nahinto sa pagsasalita si Bea at idinikit ang sarili sa sandalan. Kinabahan at natatakot siya pero sinikap niyang ikalma ang sarili.
“Ihinto mo ang kotse sa tabi at bababa ako, Franco,” aniya sa malamig at nanginginig na tinig.
“The hell you will!” sigaw nito.
“Hindi ka nagseselos kaya noong una ay iba ang atensiyong ipinakikita mo kay Jerome!
Nagagalit ka pa rin sa kanya dahil sa mga walang kakuwenta-kuwentang bagay na lagi ninyong pinagtatalunan mula noong maliliit pa kayo!“
Tumaas ang mga kilay ni Franco.
“At sinabi niya sa iyo iyan, ha? I wonder why?” patuyang sinabi nito na bahagyang nagmenor.
“Matagal nang tapos iyon. Hindi na kayo mga bata. Why can’t you forgive and forget?“Nagtagis ang mga bagang ni Franco.
“Hindi mo alam ang sinasabi mo! Hindi kami kahit kailan magiging magkaibigan ni Jerome, Bea, not that I didn’t try to…”
“You are as unforgiving as your grandfather!” agap niya na sa galit ay hindi pinatapos ang sasabihin ng asawa.
“Tatak ng mga Sebastian iyon at kalahati ng dugo ko ay Sebastian!” Sumisigaw na itong totoo. Hindi sumagot si Bea at nanahimik ng ilang segundo.
“Oh, please, Franco, bakit tayo nag-aaway nang dahil lang sa isang maliit na bagay?” Bumaba ang tinig niya.
Hindi sumagot si Franco pero ibinalik sa normal ang driving. Nakita ni Bea na nagagalit pa rin ito pero minabuting palipasin na lang ang galit ng asawa. Pagdating sa mansiyon ay tuloy-tuloy sa library si Franco at dinampot ang telepono. Si Erlinda ay nagtatakang binalingan si Bea. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nalimutan ni Franco na naroon ito.
“May nangyari ba?” tanong nito sa manugang.
Umupo ang dalaga sa malaking sofa at inihilig ang ulo sa sandalan.
“May—pinag-awayan kami, Mama.”
Ngumiti si Erlinda.
“Lovers’ quarrel. Huwag mo nang pansinin si Franco at lilipas din ang galit n’on.”
Tumango si Bea. Nagpasalamat na hindi itinanong ni Erlinda ang sanhi ng pinagkagalitan nilang mag-asawa. Anuman ang dumating sa buhay nila ni Franco ay problema nilang dalawa. Gaano man kabuti ang motibo ni Erlinda o kahit na sinong tao ay hindi dapat na magkaroon ng ibang taong involve sa suliraning pang-mag-asawa. Sila lamang ang dapat na lumutas anuman ang sigalot na maaaring dumating sa kanilang dalawa.
14
SI Franco ay ibinagsak ang telepono sa galit. Hindi sa kausap kundi sa nalaman. Nahahapong isinandal ang ulo sa swivel chair. Pinag-iisipang mabuti kung ano ang gagawin? Sa kompanya at sa kanilang mag-asawa. Huwag nang idagdag pa ang ranchong minana na hanggang ngayon ay hindi pa niya mahanapan ng panahon.
Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya’y nakadama siya ng insekyuridad at pagkahapo. Ipinikit niya ang mga mata. Kung gaano katagal siya sa ganoong ayos ay hindi niya alam.
“Franco…” she called softly.
Unti-unting nagmulat ng mga mata si Franco. Nasa harap nito ang asawa. “N-nakatulog ka. Sinilip kita kanina para yayaing kumain pero hindi ko maatim na gisingin ka. You looked so tired.”
“Pero ginising mo ako ngayon…” sagot nito sa tonong hindi matiyak ni Bea kung galit o nagbibiro.
“It’s past eleven. Ayokong dito ka abutan ng magdamag. I am sorry, darling, pero naniniwala akong hindi dapat na pinaaabot sa umaga ang pagtatalo. So whether you like it or not, let’s make amends.”
“And how do you intend to do that?” Nahihimigan na ni Bea ang amusement sa tinig ng asawa.
Nakadama siya ng relief.
“Any idea?”
Kinabig siya ni Franco at napaupo siya sa kandungan nito. “Let’s make love here…” wika nito and bit her ear gently. His one hand cupped the side of her breast.
“Here where?”
“Sa ibabaw ng desk, sa sofa, sa carpet, sa chest, or even in the wall standing, kahit na anong gusto natin. Dito natin gugulin ang buong magdamag, my sweet wife.” his voice in seductive whisper habang unti-unting inaalis sa mga balikat ng asawa ang nightgown.
She giggled.
“Darling, I didn’t know you’re an exhibitionist o pervert ba ang tawag doon?”
“Kahit na anong itawag mo.” itinaas nito ang asawa at iniupo sa ibabaw ng desk study. Pagkatapos ay ito naman ang nag-alis ng kasuotan and was naked in seconds flat.
“Oh!” bulalas ni Bea. He was ready and hard.
“Ganoon kadali?”
“You should have noticed nang kandungin kita,” nakangising wika nito. He was standing and positioned himself in between her legs. Push her down on the table gently. “You were in my troubled dreams, sweet, torturing me and I want you now…”
“Franco… oh!” she gasped. Hindi niya inaasahan iyon. Sa panahon ng pagtatalik nila ay hindi pa nangyaring hindi nag-foreplay ang asawa. And her husband took her in one sure powerful thrust while she was in a most uncomfortable position imaginable.
Pero hindi na niya naiisip iyon. Franco drove wildly, deeply and savagely as if there’s no tomorrow. And to her disbelief, she was trembling in her need, her hands clutching his back. His hand gripping her hips as he quickened the steps of this primitive dance. Isang matamis na pandarahas ang ginagawa ng asawa and she was mindless of everything but his stormy lovemaking.
In minutes, isinubsob ni Franco ang mukha sa leeg ng asawa. “Bea… my sweet, Bea…” he whispered in ragged breathing.
Sandali silang nanatili sa ganoong ayos nang marahang kumawala si Bea. “Franco… h-hindi kaya mga importanteng papeles sa opisina ang nasa likod ko? N-nasulyapan ko iyon kaninang pumasok ako…”
Natilihan si Franco na inisip ang sinabi niya. At sa isang iglap ay tumayo ito kasama ang asawa.
Tinitigan ang mga papeles na kusot-kusot at basa ng pawis nilang pareho. May dalawang dokumentong nakadikit pa sa likod ni Bea.
“Oh, damn!” wika nito na tinutop ang ulo. Kabibigay lang ng abogado ng kompanya sa kanya kanina. A newly notarized contract signed by both parties.
Then he looked at his wife na kumikislap ang mga mata in silent laughter. Pumailanlang sa loob ng library ang tawanan nilang dalawa.
15
TATLONG araw ang lumipas pagkatapos noon nang makatanggap ng tawag si Bea mula kay Jerome.
“B-Bea, si Jerome ito…”
“Jerome?” sagot niya na nagtaka sa tinig nito na parang may dinaramdam.
“Sinabi mo kay Franco ang tungkol sa sinabi ko sa iyo.” may akusasyon sa tinig nito. Nakadama ng guilt si Bea.
“I–I never meant to pero nagalit siya nang malamang ikaw ang kasama ko at nagalit din ako sa pagiging unreasonable ni Franco at hindi ko sinasadyang masabi iyon.”
Isang buntong-hininga ang narinig niya sa kabilang linya. “Nandito siya kaninang umaga, Bea.
Binalaan niya akong huwag ka nang kausapin. I tried to reason out na wala akong intensiyong masama. But he cannot be pacified, naging marahas siya at…“
“At ano, Jerome? Ano ang ginawa ni Franco?” kinakabahang tanong ni Bea.
“Sinikap kong awatin siya pero galit na galit ang asawa mo at gustuhin ko mang lumaban ay hindi ko magawa. Dalawang araw na akong may trangkaso.”
“Oh my…!” bulalas niya. Hindi siya makapaniwalang ganoon ka violente ang asawa. Pero naikuwento na ni Jerome ang tungkol sa mga away nila noong maliliit pa ang mga ito. At hindi itinanggi ni Franco iyon. At hindi siya makapaniwalang sasaktan ni Franco si Jerome na maysakit ito.
“Saan ka naroroon, Jerome?”
“Nandito ako sa condo ko, Bea, mending my bruised and my pride.”
“Give me the address at pupunta ako ngayon diyan,” utos niya.
“Huwag mong gawin iyon, Bea. Hindi gugustuhin ni Franco na malamang nagpunta ka rito…” sandali itong huminto sa pagsasalita at umubo. Napangiwi si Bea. “Hindi ko gustong ako ang pagmumulan ninyo ng away. In fact, kaya ako tumawag ay para humingi ng paumanhin sa pagsasabi sa iyo ng tungkol sa amin.”
“Ibigay mo sa akin ang address mo, Jerome. Hindi ko mapapayagang gawin ng asawa ko ang ganitong uri ng karahasan sa para na ring kapatid sa laman!”
“Sigurado kang…”
“Sigurado. You’re sick at hindi ko alam kung ano ang ginawa sa iyo ng magaling kong asawa,” galit niyang sagot. Sinabi sa kanya ni Jerome ang address nito. Pagkatapos ibaba ang telepono ay nagmamadaling nagbihis si Bea.
Sa ibaba ay nasalubong niya si Erlinda.
“May pupuntahan ka, Bea?”
“Kay Jerome. Mama…” walang alinlangang sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ni Erlinda sa panggigilalas.
“Kay Jerome!”
Nasa pinto na siya nang muling sumagot. “Kailangan niya ako ngayon, Mama. Maysakit si Jerome…” hindi na niya kailangang sabihin sa biyenan na sinaktan ito ni Franco. Hindi kailangang ligaligin niya si Erlinda sa karahasan ng anak.
Papalabas na ang sasakyan sa garahe nang lumabas si Erlinda na hindi pa rin makapaniwala sa narinig. Lumatay ang galit sa manugang.
Si Bea ay inutusan ang driver na dalhin siya sa address na sinabi ni Jerome sa kanya.
“ANO ang sinabi ninyo, Mama?” Si Franco.
“Paano at kailan nakilala ni Bea si Jerome, Franco?” tanong nito na hindi malaman kung paano pipihitin ang kordon ng telepono sa galit.
Ikinuwento ni Franco ang mga pagkakataong alam niyang nagkausap at nagtagpo si Bea at Jerome.
“Maliban doon sa mga pagkakataong iyon, hindi mo ba alam kung nagkikita at nagkakausap sila?”
“Iyon lang ang alam ko, bakit, ’Ma?”
“Umalis ang asawa mo ten minutes ago. May kausap ka sa kabilang linya kaya naghintay na muna akong tawagan ni Dolly.”
“Alam ba ninyo kung saan nagpunta si Bea?” Tumuwid ito ng upo.
“Malinaw kong natatandaan ang paalam ng asawa mo, Franco, Pupuntahan niya si Jerome dahil kailangan siya nito.”
Si Franco ay biglang natilihan, hindi nagsalita pero naningkit ang mga mata at nagtagis ang mga bagang.
“Franco…” nag-aalalang usal ni Erlinda sa katahimikang namagitan.
“I—am all right, ’Ma…” pagkasabi niyo’y ibinaba nito ang telepono. Pumikit at isinandal ang sarili sa silya. Hindi pinansin ang intercom. Halos mapunit ang leatherette ng armrest sa pagkakakuyom ni Franco.
Bumukas ang pinto. Si Dolly. “Sir, hindi ninyo… sir? May masakit ba sa inyo?”
“Get out, Dolly,” tahimik nitong sinabi. At bahagyang umatras ang sekretarya na kinabahan.
“N-nasa labas ho si Mr. Delgado…”
Kitang-kita ni Dolly ang paggalawan ng mga muscles sa mukha ng boss. Hindi nito maisip ang dahilan pero sa panahong panunungkulan niya rito ay hindi pa nito nakitang nagalit si Franco nang ganoon.
“Send him in…” walang emosyon nitong utos. Mabilis na lumabas si Dolly. Muling bumukas ang pinto at isang mataas na lalaki ang pumasok. Nagsalubong ang mga kilay nito sa anyo ni Franco.
“May problema, pare?”
“Lagi namang mayroon, ’di ba?” matabang niyang sagot. Huminga nang malalim. “Ano ang balita?”
“Tama ang hinala mo, pare. Kanya ang kompanya. Fake ang registration sa SEC, I checked it out. Actually, hindi naman sa kompanya ginagawa ang canning kundi ipinapakontrata din sa ibang canning factory. Kung bakit kailangang magpalugi ng libo-libong pera ay hindi ko alam, Franco…”
“Hatred, Jude, hatred…” aniya na tumaas ang isang sulok ng bibig. “It’s a pleasure to kill him by myself,” mapait niyang sinabi.
“Hindi mo gagawin iyon, Franco. Kilala kita para gawin ang ganoon karahas na bagay.”
“I might, Jude. My wife is with him right now.”
“Ano!”
Huminga nang malalim si Franco. “Narinig mo. Gusto ko nang mawalan ng kumpiyansa sa sarili.
My wife, can you imagine that?“
Napapailing si Jude. “Pero hindi ba sinabi mong walang muwang si Bea? Naive, unaffected, and…”
“Hindi ko alam. Money perhaps,” pagkatapos ay umiling. “No. Alam ni Bea na akin ang Rancho Sebastian and that alone made me a ten fold richer than that bastard!” Pagkatapos ay pinukpok ang mesa. “Maybe he’s good at fuc…oh! Hindi ko na alam ang iisipin, Jude. Hindi ko na alam! I could kill them both right now!”
“’Pag ginawa mo iyon ay napagtagumpayan ka ni Jerome, Franco. Pagtatawanan ka niya. Ang pagbagsak mo lang ang hinihintay niyang mangyari.”
“Ilang beses ko na siyang hinamon ng suntukan, pare. Pero hindi pumapatol ang anak ng…” gusto nang madurog ng mga ngipin nito sa matinding pagtatagis. “I hit him many times before at ayokong gawin uli although he tried to provoke me sa maraming pagkakataon. Hindi ko siya bibigyan ng dahilan para muling ilagay sa peryodiko ang pangalan ko.‘’
“Duwag si Jerome, Franco, Hindi ka niya lalabanan nang patas o nang mano-mano. Iba ang paraan niya. More destructive and dangerous.”
“Asawa ko ang pinag-uusapan ngayon, Jude, asawa ko, I and it’s really my pleasure to kill that sonofabitch!”
“That is exactly what he wants, ang mawala ang kontrol mo at gawan mo siya ng damage and even risking his body and limbs. And he will love to see you behind prison bars, Franco. Huwag kang mahulog sa trap niya.
Pumikit si Franco. Kaninang umaga ay tinawagan niya si Jerome para balaan itong layuan si Bea pero pinagtawanan lamang siya nito at sinabing hindi niya maaawat ang asawa sa pakikipagkita rito. At gusto niyang mamatay at pumatay sa kaisipang nasa piling ni Jerome si Bea sa sandaling ito. Pagkatapos ay dinampot ang telepono at dumayal. Subalit busy ito. Sa loob ng beinte minutos na pag-dial ay puro busy signals ang naririnig niya. Ibinagsak niya ang telepono at tumayo.
SA unit ni Jerome ay nasa loob ng silid si Bea.
“Are you sure na okay ka lang kung iiwan kita ngayon?” Nag-aalalang tanong ni Bea sa binatang nakahiga sa kama. May cold pack sa noo.
“I will be fine, Bea,” paniniyak ni Jerome na suminghot at umubo.
Tumango siya at tiningnan ang relo sa braso. Hindi niya gustong magtagal pero nakiusap pa si Jerome na ipagluto na lang niya ng hapunan.
“Ikinalulungkot ko ang mga nangyari, Jerome,” muli nitong sinulyapan ang nangingitim na mata ng binata. “I wish I could do something para magkasundo kayo”
“Don’t ever try, Bea.” sagot nito. “But thank you, anyway. Huwag kang mag-alala, hindi ako mamamatay sa suntok ng asawa mo,” at tumawa ito. ’Not even this damned cold.“
“Are you sure na wala kang gamot na ipabibili? Bakit kasi wala ka man lang katulong dito?”
“Bea, this is a bachelor’s pad.”
Tumango siya at tumayo. “Aalis na ako, Jerome, call me kung may kailangan ka.”
“Bea,” pahabol ni Jerome.
“Natitiyak mo bang magugustuhan ni Franco ang suhestiyon mong bumili ako ng share ng FN Canning?”
“Dating family corporation iyon, ’di ba?” Tumango si Jerome. “Hindi ipagkakait sa iyo ng asawa ko ang pagnanais na maging isa ka sa mga director when you are his brother by affinity,” nasa bukana na siya ng nakabukas na pinto ng sumagot. Bigla siyang napalingon nang bumukas ang pinto sa sala.
“Franco…”
Si Franco nang mga sandaling iyon ay hindi malaman kung paano kalmahin ang sarili at magpigil upang huwag manakit at makapatay ng tao. Itinuon ang tingin sa lalaking nakahiga sa kama na bale-walang ngumiti at sa asawang nasa bukana ng pinto ng silid palabas who was wearily watching him.
Ikinuyom nito ang mga palad na halos maglabasan ang mga ugat at muling lumabas ng pinto.
Hinila pasara na halos muntik ng magpahulog sa mga nakasabit na painting sa dingding.
Umubo si Jerome. “Go home, Bea. I could smell trouble.”
Si Bea ay sandaling hindi nakakilos sa kinatatayuan. May mali ba sa nangyayari? Ang titig na ibinigay ni Franco sa kanya ay tila papatay ito ng tao.
16
NAGULAT pa si Bea nang makitang may mga maleta sa loob ng silid nila ni Franco.
“Ano ang ibig sabihin nito, Franco?”
“Aalis ka ngayon din, Bea…” malamig nitong sinabi.
Nagugulumihanang tumingin sa asawa si Bea. “Aalis? Bakit? Saan ako pupunta?”
“Wala akong pakialam kung saan ka man magpunta. Just get out of my house!”
“B-but why?”
“Hindi ako makapaniwalang tinatanong mo sa akin iyan matapos kang makipagtagpo sa lalaki mo!” Sumisigaw na ito sa galit.
“Lalaki! For goodness’ sake, Franco, alam mo kung bakit ako nagpunta roon. Kailangan ako ni Jerome dahil…”
“Talaga?” agap nito. Tumaas ang isang sulok ng bibig sa patuyang paraan. “That is what i liked best in my women. Honesty. Bloody honesty! Pero mas masahol ka pa kay Lucinda, Beatriz. At least, she wasn’t married to me yet nang mapagpasyahang hindi pala kami bagay!”
“Franco, hindi mo alam ang sinasabi mo. May sakit si Jerome and you hit him at…” she tried to explain.
“Iyan ba ang sinabi niya sa iyong sabihin mo sa akin?” Naglalabas ng apoy ang mga mata nito sa galit. “Wala pa akong sinaktang babae sa buong buhay ko, Bea. Pero gusto kitang patayin sa oras na ito!”
“Wala kaming ginagawang masama ni Jerome, Franco. Maniwala ka! Naroon ako upang ihingi ng dispensa ang ginawa mo sa kanya at ipagluto siya ng kaunting sopas. That was the least I could do after what you did to him.”
Pero hindi naririnig ni Franco ang sinasabi niya. “Get out, Bea. Tawagin mo ang driver at magpahatid ka kung saan mo gustong magpunta at wala akong pakialam!”
Manghang nakatitig si Bea dito. Hindi makapaniwalang naririnig niya iyon sa asawa. Nang hindi siya tumitinag ay humakbang patungo sa pinto si Franco.
“Pagbabalik ko ay inaasahan kong wala ka na!” Lumabas ito at pabagsak na isinara ang pinto.
Wala sa loob na umupo sa gilid ng kama si Bea. Hindi maunawaan ang nangyayari. Ano ang mali sa ginawa niya? Sinabi sa kanya ni Franco na huwag makipagkita kay Jerome kahit kailan pero sinuway niya iyon. Pero sapat ba iyon para maging dahilan upang ipagtabuyan siya ng asawa?
Surely, hindi totoo sa loob ni Franco ang sinasabi nito.
Sinulyapan niya ang tatlong malalaking maletang kinapalooban ng mga gamit niya. Mga gamit na binili ni Franco para sa kanya. Hindi niya maintindihan kung ano ang iisipin at gawin pero kinatatakutan niya ang ibinabadya ng mukha ni Franco. Hindi dahil sa sasaktan siya nito kundi kinatatakutan niya na totoong itinataboy siya nito.
Bumukas ang pinto at sumungaw si Erlinda. Napatayo siya upang yakapin sana ito nang pigilan siya ng anyo ng biyenan.
“M-Mama…”
“Hindi ako makapaniwalang magagawa mo iyon, Bea,” wika nito sa kontroladong tinig bagaman hindi ikinakaila ang galit.
“You could have gone to any man and it would have been less painful. Pero kay Jerome?
Naglagay ka ng asin sa sugat ng pagkalalaki ni Franco.“
Magkadikit na ang mga kilay niya.
“Hindi ko naiintindihan ang lahat ng ito, Mama. Wala akong nauunawaan maliban sa wala akong ginagawang masama. Hindi ako nagtungo kay Jerome para pagtaksilan ang asawa ko tulad ng gusto ninyong sabihing dalawa ni Franco.”
“Magsisinungaling ka bang may relasyon kayo ni Jerome, Bea? ikaw mismo ang nagsabi na kailangan ka niya.”
“Of course dahil talaga namang doon ako patungo. Pero hindi tulad ng iniisip ninyo. Tumawag si Jerome upang sabihing maysakit siya at dumating doon si Franco at sinaktan siya nang dahil sa akin,” paliwanag niya. At bahagya siyang nakadama ng ginhawa nang makita ang panandaliang kalituhan sa mukha ng biyenan. Pero sandali lang iyon. Muling tumigas ang mukha nito.
“Ang huling pagkakataong nagpang-abot si Franco at Jerome, Bea, was three years ago nang sa harap ng maraming tao ay hagkan ni Jerome ang escort ni Franco sa party na pareho nilang dinaluhan…”
“S-sinabi ni Jerome na sinaktan siya ni…”
“Nagsisinungaling siya! Kinabukasan pagkatapos ng gabing iyon ay nalagay sa diyaryo si Franco.
Pananakit. At mula noon, Franco learned his lesson. pino-provoke lang siya ni Jerome para may dahilan ito upang hiyain ang anak ko.“
Naguguluhang napapailing si Bea.
“Hindi ko naiintindihan ito. Ganoon naman pala at alam ni Franco na ginagawa lang ni Jerome ang ganoon para galitin siya ay bakit kailangang ipagtabuyan niya ako dahil lang nakipagkita ako dito sa maling akala?”
“Binawalan ka niyang huwag kausapin o makipagkita dito, hindi ba?” Tumango si Bea nang wala sa loob.
“But you insisted on seeing him.”
Naguguluhang umiling siya.
“My mistake, inaamin ko. Pero Jerome was so nice at ipinahiwatig nito sa akin na siya ang aggrieved party and that he wants to be treated as one of the family pero si Franco ang matigas,” pagkatapos ay tumingala sa biyenan.
“Pero, Mama, maniniwala ba kayong pagtataksilan ko ang asawa ko?”
Hindi kumibo si Erlinda. Matiim na tinitigan ang kalituhan sa mukha ng manugang. Nagkamali ba siyang itawag kaagad kay Franco ang bagay na iyon?
“Nagsasabi ka ba ng totoo, Bea?” alanganing tanong nito.
“I love my husband. Inibig ko siya hindi ko pa man nakikita. And I can’t believe everybody is accusing me of infedility.” gusto nang tumulo ng luha sa mga mata niya pero tumingala siya upang ibalik iyon.
Huminga nang malalim si Erlinda at umupo sa sofa.
“Patawarin mo ako, Bea. Naging padalos-dalos ako sa pagpapaalam kay Franco ng kinaroroonan mo…”
“Pero hindi ko ikinaila iyon,” katwiran niya para sa biyenan. “…and I wasn’t even surprised nang dumating siya roon. Ang ikinapanlumo ko lang ay ang nakita kong galit sa mukha niya. At iyon man ay inisip kong dahil galit pa siya kay Jerome at sa akin na rin dahil nagpunta ako roon…”
Tumango si Erlinda. “It’s all my fault. But sooner or later ay gagawa at gagawa rin si Jerome ng paraan upang masira ang pagsasama ninyo ni Franco. Kung hindi man nangyari ito ngayon iyon, maaaring bukas o sa makalawa. Ang tanging pagkakamali namin ni Franco ay ang hindi pagsasabi sa iyo ng totoong ugnayan ng dalawang lalaki.”
“Ano’ng ibig ninyong sabihin?”
“Jerome hated my son so much he will do anything to destroy him.”
Naguguluhang napailing si Bea. “Pero bakit, Mama?”
“Simpleng pananaghili na nauwi sa pagkasuklam. Jerome resented our presence sa buhay nila ni Arsenio. At kinasuklaman niya si Franco sa pagiging malapit ni Arsenio dito. Lagi na ay nagpapasimula ng basag-ulo si Jerome kahit na gustong umiwas ni Franco. But you know your husband, kaunti lang ang pasensiya at mainitin din ang ulo. At sa maraming pag-aaway ng dalawa mula pa noong araw ay hindi pa nanalo si Jerome kahit minsan. Sa escuela, sa away, sa babae, hindi tinalo ni Jerome si Franco.
“Of course, guwapo rin si Jerome, but Franco has an endearing traits na nagpapalapit dito sa mga babae even when he was young. At iyon ay sa kabila pa rin ng kabruskuhan at roughness ng anak ko. Lalo itong nasuklam nang ipaalam ni Arsenio sa amin na hindi ito tunay na anak bagaman pantay ang distribution ng mana sa aming tatlo.”
“H-hindi ko… akalain, Mama…” marahan niyang usal. Naging biktima siya ng walang katapusang alitan ng dalawang lalaki. Pero siya nga lang ba? O silang dalawa ni Franco? Tumayo si Bea.
“Kung ganoon ay dapat na ipaunawa ko iyan sa anak ninyo. Nasaan ba ang mga katulong at nang maibalik ang mga gamit ko sa kabinet?”
“Ikinalulungkot kung hindi ganoon kadali, Bea…” gustong maiyak ni Erlinda sa nangyayari.
“Ano ang ibig ninyong sabihin?”
“Mahirap mong ipaliwanag kay Franco sa sandaling ito ang mga bagay na iyan at umasang paniwalaan ka.”
“Pero bakit hindi siya maniniwala? Naniwala kayo sa akin, Mama, at mahal ako ng asawa ko para hindi niya paniwalaan ang katotohanan…” giit niya.
“Dahil sa pag-ibig na iyan kaya hindi maniniwala si Franco, Bea. Ididikta ng isip at pride niyang huwag maniwala sa iyo. Mahal ka niya, nakikita ko iyon. Sampung dobleng higit kaysa sa pagtinging inukol niya kay Lucinda kung minahal nga ba niya ito…”
“Ganoon naman pala’y…”
“Dahil si Jerome ang lalaking sinamahan ni Lucinda kaya hindi ito dumating sa araw ng kanilang kasal!”
17
“Si Jerome!”
Tumango si Erlinda. “Kaya marahil ay maiintindihan mo kung bakit isasara ni Franco ang isip at puso sa iyo ngayon.”
“Pero… pero…” hindi niya alam kung ano ang sasabihin, ang iisipin. Gusto niyang patayin sina
Lucinda at Jerome sa ginawa ng mga ito kay Franco sa mga sandaling iyon pero kung hindi naman nangyari iyon ay mag-asawa na dapat ang dalawa at wala siya sa buhay ni Franco.
“Hindi papayag si Franco na dalawang beses na masaktan nang dahil sa iisang lalaki.
Pagkalalaki lang niya ang nasaktan noong hindi siya siputin ni Lucinda sa simbahan. I could never believe my son loved that woman. Pero sa pagkakataong ito, Bea, naniniwala akong Jerome really have succeeded in hurting him. He is hurting. Puso at damdamin dahil mahal ka niya. At natatakot akong ang pagmamahal ding iyan ang magiging dahilan upang tuluyang magtagumpay si Jerome. Franco is so unforgiving.“ Tuluyang bumagsak ang mga luha ni Erlinda. Tumayo ito at lumakad patungo sa pinto. “Huwag mo siyang iwan, Bea.”
“Tinitiyak ko sa inyo. Kaladkarin niya ako palabas ng mansiyon pero hindi ako aalis,” matigas niyang sinabi. Marahang isinara ni Erlinda ang pinto ng silid palabas.
NANG malaman ni Franco na hindi umalis si Bea at nasa silid ay dalawang araw itong hindi umuwi sa mansiyon sa matinding pag-aalala ni Bea. Si Erlinda man ay hindi malaman ang gagawin. Nang ikatlong gabi ay umuwi si Franco at sa library nagtuloy. Bumaba si Bea upang muling kausapin ang asawa.
“Franco…”
Tumiim ang mukha ni Franco pagkakita sa kanya.
“Hindi ko gustong makipag-usap sa iyo. Alam kong matigas ka, Bea. Nasubukan ko na iyan nang panindigan mong pakasal sa akin. Hindi rin kita kayang ihagis palabas ng mansiyon pero bahala ka sa gusto mong mangyari. Iwasan mo lamang ako.”
“Kahit ano ang gawin mo ay hindi ako aalis at hindi ko gagawing iwasan ka dahil wala akong ginawang masama. Paniwalaan mo iyan. Kung hindi ng isip mo ng puso mo!” aniya sa malakas na tinig. “Alam mong galit sa iyo si Jerome pero hindi mo sinabi sa akin ang totoo. Ginamit niya ako laban sa iyo, naiintindihan mo ba iyon?”
“Iwan mo na ako, Bea.” Malamig pa sa yelo ang tinig nito.
Tuluyan nang napaiyak si Bea.
“Don’t let him do this to us, darling…” humakbang siya palapit sa asawa at yumakap dito subalit marahas siyang ibinalya ni Franco palayo. Kung hindi siya napahawak sa sandalan ng sofa ay babagsak siya sa sahig. Nanlaki ang mga matang napatingala siya sa asawa. Hindi siya makapaniwalang sasaktan siya nang ganoon ni Franco.
“Huwag mo akong gamitan ng luha, Beatriz! Kung anuman ang plano ninyong dalawa ni Jerome laban sa akin ay mabibigo kayo. Once is enough…”
Pinahid ng likod ng palad niya ang mga luha at tumingala sa asawa. “Then I’m really sorry for you kung iyan ang paniwala mo. At hindi ko maunawaan kung bakit ka naniniwalang may relasyon kami when all my life I have wanted and loved you.”
“I saw you with my own eyes, para paniwalaan kita.” halos iluwa nito ang salita sa kanya.
“At hindi nag-aksaya ang lover mo ng panahon. Alam mo na sigurong ipinagbili sa kanya ng tatlong major stockholder ng FN Canning ang kanilang mga share dito. Meaning, si Jerome ngayon ang humahawak ng controlling shares…”
Nanlaki ang mga mata ni Bea. “N-no…” hindi siya makapaniwala. Noong naroon lang siya nila napag-usapan iyon. Paanong nangyaring naging napakabilis ng buying and selling ng stocks?
“Don’t play the innocent, my darling infidel,” tuya nito sa kalituhan sa mukha niya. “Dugo at pawis ang pinuhunan ko sa kompanyang iyon upang iahon sa pagbagsak pero salamat sa iyo at tuluyan nang mawawala sa akin ito.” naglalabas ng apoy ang mga mata nito sa matinding galit.
“At hindi ko kayang bilhin ang shares ng iba pang stockholders upang mabalik sa akin ang management control.”
“Y-you have the ranch…”
“Hindi kumikita ang rancho ayon sa iyo dahil napabayaan. Paano ko ibabalik sa dati ang rancho kung wala ang pabrika na pansamantalang susuporta?”
“Damn you, Franco! Mahusay kang negosyante pero alam kong hindi mo gustong isipin ang maraming posibilidad dahil binubulag mo ang sarili mo sa paniniwalang may relasyon kami ni Jerome.”
“Cut the dramatics, Bea. Si Jerome mismo ang nagsabing ikaw ang may ideyang bilhin ang shares ni Mr. Prado. Nang alukin niya ito ng malaking halaga ay naakit ang dalawang ipagbili pa ang kanila.
Now, ipagkakaila mo bang suhestiyon mo iyon? Hindi alam ni Jerome ang balak ni Pradong pagbebenta ng shares dahil hindi pa nito natitiyak kung tutuluyan ngang ipagbili. At alam mo iyon dahil nabanggit ko sa iyo noong isang linggo.“
Nanatiling nakatanga si Bea. Hindi magawang tumanggi dahil totoo ang sinasabi nito. Pero hindi sa paraang iniisip ni Franco. Gusto niyang mamatay sa panlulumo. Lalo lamang gumulo ang tsansa niyang papaniwalain ang asawa na wala siyang kaugnayan kay Jerome.
“H-hindi mo ba gustong pakinggan ang paliwanag ko?” pahikbi niyang sinabi.
“Get out. Bea! Out of my life!‘’
Pinuno niya ng hangin ang dibdib. Hindi siya susuko.
“Too bad, my darling, because you really have to put up and bear with me because I am not leaving you.”
Nagtagis ang mga bagang ni Franco. “Suit yourself but stay out of my sight.”
“You promised to love me more and more every day… pero unti-unti kang tumatalikod sa salita mo, Franco Navarro!”
“Give up, Bea, at patahimikin mo ako. Gusto kong magpahinga at mapag-isa.” itinaas nito ang mga paa sa mesa at inihilig ang sarili sa swivel chair at pumikit. Walang nagawa si Bea kundi lumabas ng library.
Ang guest room sa ibaba ang ginamit na silid ni Franco at nang sumunod na mga araw ay iniwasan ang asawa. May mga gabing hindi ito umuuwi dahil naghihintay si Bea upang muli siyang kausapin.
“Nawawalan na ako ng pag-asa, Mama,” umiiyak niyang sinabi kay Erlinda.
“’Pag iniwan mo siya ngayon, Bea, it will kill him. Natitiyak ko.”
“He’s killing himself and me!”
“Gulong-gulo ang isip ni Franco, anak. Sinabi ni attorney na si Jerome na ang nasa management at alam mo kung ano ang damdamin ni Franco tungkol dito. Naniniwala si Franco na ikaw ang nagbigay ng ideya kay Jerome na bilhin sa malaking halaga ang shares ng ibang stockholders. At iyon ang lalong nagpatindi ng galit ni Franco, Bea, ang magkatulong kayo ni Jerome na ibagsak siya.”
Kahit siya ay hindi na rin alam ang gagawin. Nahahabag siya sa asawa. Hindi ang uri ni Franco ang basta na lang hindi makakaisip ng gagawin kung nasa kondisyon ang isip nito. But she knows he’s hurting at ginawa na niya ang lahat ng paraan para kausapin at paliwanagan ito.
18
NAGULAT pa ang dalawa nang gabing iyon nang umuwi si Franco na may kasamang babae.
“Daisy, ang Mama. Dito matutulog si Daisy, Mama,” wika nito sa ina na pinanlakihan ng mga mata.
“Good evening, Mrs. Gascon,” magalang na bati ng babae.
“Hindi ako papayag na dumihan mo ang pamamahay na ito, Franco!” Si Erlinda na hindi man lang tinapunan ng tingin ang babae.
“D-dumihan?” nauutal na bulalas ng babae at tumingin kay Franco at pagkatapos ay kay Erlinda.
“I’m sorry, Daisy, my mother is a little bit upset dahil sa domestic problems,” wika nito na binalingan ang ina. “Daisy is a friend, Mama. Kilala naman siguro ninyo ang mga magulang niya.
May kaunting tampuhan sila ng stepmother niya kaya nakiusap siyang dito magpalipas ng gabi.
Anyway, maraming silid sa mansiyong ito.“
Hindi malaman ni Erlinda ang gagawin sa galit at pagkapahiya. Namumukhaan nito ang dalaga bilang isa sa mga signature model ng isang sikat na designer. Maraming beses na itong nakapanood ng show ng babae na talaga namang maganda at galing sa mabuting pamilya.
Kung guest ang turing ni Franco dito ay wala itong masasabi. Hindi ito ang unang pagkakataong nagpatuloy sila ng guest sa mansiyon. At pormal at kagalang-galang ang babae. Nagpupuyos ang dibdib na pumanhik ng hagdan si Erlinda.
Si Bea ay nanatiling nakamasid sa asawa mula sa pinakasulok ng sala at sa bisita nito. Nilingon siya ni Franco.
“Daisy, I want you to meet my wife. Bea, si Daisy,” kaswal na pakilala ni Franco.
“Hello, Mrs. Navarro. I hope you don’t mind my being here…”
Tumango siya at sinikap na ngumiti. “Kung… anuman ang kailangan mo, please don’t hesitate to ask my husband,” pormal niyang sagot at nagpasalamat ang dalaga. Bumalik siya sa dining room at umupo sa mesa kung saan matatanaw niya ang dalawa bagaman hindi siya makikita ng mga ito dahil sa decorative sash divider.
Pino at may touch of class ang bisita. At hindi nga marahil tulad ng iniisip ni Erlinda. Perhaps Franco would not resort to such cheap gimmick para lang paalisin siya. Pero nasasaktan siya.
Mabuti pang mumurahin at bayarang babae na lang ang dinala ng asawa niya. Hindi pa siya maliligalig nang ganito. Bagaman kaswal at friendly ang pakikitungo ni Franco dito ay nakikita niya ang matinding paghahangad ng babae sa asawa. At maaaring nagsisimula na ang isang relasyon sa dalawa.
Wala siyang natatandaang naidlip siya kahit sandali sa buong magdamag. Nasa ibaba ang silid ni Franco at ganoon din ang isang guest room na siyang ipinagamit sa babae. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya at pinapatay siya nito.
Maaga pa kinabukasan ay bumaba na si Bea. Nakasalubong niya ang isang katulong galing sa labas.
“Good morning, ma’am. Maaga kayong bumaba…”
Tumango siya. “Bigyan mo ako ng kape, Delia. Tulog pa siguro ang panauhin?”
“Nakaalis na po. Sinamahan ko nga po kay Jose para ihatid sa kanila dahil iyon ang bilin ni sir kagabi.”
“Ang sir mo?”
“Tulog pa marahil, ma’am…”
“Huwag ka nang magtimpla ng kape, Delia. Sige na,” aniya rito at lumakad patungo sa guest room kung saan naroon ang asawa. Nang itulak niya ang pinto ay bakante iyon bagaman may bakas na may natulog. Pumasok siya at inisip na nasa banyo pero walang tao sa loob. Muli siyang lumabas. Ang guest room na ipinagamit sa bisita ang pinuntahan niya at binuksan. Naroon si Franco at nakadapa pa sa kama at tulog at walang damit at hindi iyon ang bumabagabag sa isip niya dahil hindi natutulog ang asawa nang may damit. Kundi bakit naroon ito?
Sa nagsisikip na dibdib ay maingat niyang isinarang muli ang pinto at muling bumalik sa itaas.
Walang pakialam kung tuloy-tuloy ang agos ng mga luha.
Makalipas ang isang oras ay muli siyang bumaba. Dumeretso sa silid na kinakitaan sa asawa subalit wala na ito roon. Nasa dating guest room na si Franco at nakapaligo at nakabihis na.
“Gusto kitang makausap…” marahang bungad niya.
“Hindi ka pa ba nagsasawa, Bea?” Kasinlamig ng yelo ang boses nito.
Umiling siya.
“Hindi dahil alam kong mahal mo pa ako and I love you even more, my darling,” she tried to choke on her sobs. Inubos niya ang mga luha bago bumaba bakit mayroon na namang nagbabadyang bumagsak?
“Hindi ko gustong marinig ang mga sinasabi mo, Bea, at gusto kong maniwalang matindi ang brainwashing ni Jerome sa iyo para maniwalang may pagtingin pa ako sa iyo.” parang patalim na humihiwa ang tinig nito.
“I love you and I have been missing you, darling,” she whispered in a broken voice.
“I miss your touch, your body, and I…”
“Shut up!”
“Sinabi mo sa aking minsan na hindi ka nakakatulog sa gabi without making love to me. Did you miss me, too, darling?” aniya sa basag na tinig at tuluyan nang bumagsak ang mga luha.
“Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para huminto ka na, Bea.” he gritted his teeth.
“Huwag mong gawin ito, Franco, dahil hindi mo kayang alisin sa puso ko ang pagmamahal ko sa iyo. I will always love you at alam kong mahal mo rin ako. Hindi nawawala nang ganoon na lamang ang pagmamahal. I know you’ve been missing me, too, miserably tulad ng nadarama ko sa iyo. Hindi ko gustong paniwalaang ipinagkaloob mo sa iba ang pagmamahal na iyon kahit panandalian, not even your body for physical needs. And I couldn’t even believe that you will want another woman’s kisses but mine. At lalong hindi ako naniniwalang hindi mo ako iniisip sa bawat gabing nagdaraan…”
Napaungol si Franco sa matinding galit. “Bitch!”
“Hindi, mahal ko, dahil hindi ako papayag na basta mo na lang itatapon ang pagmamahal ko na maraming taon kong inalagaan sa puso ko. Sinasaktan mo ako pero pinatatawad kita dahil sinaktan ka ng babaeng iyon at pinaniwala ka ng lalaking iyon na magagawa kong pagtaksilan ka. And I know you’re hurting too…”
“Damn you, Bea!”
“I won’t give you up, darling. Itanim mo sa isip mo iyan. I will be missing and wanting you in everyday of my life.”
“Malaya kang gawin iyon,” ani Franco sa kalmante subalit mapanganib na tono. Ang mga mata’y tila laser na halos humahati sa kanya.
“At gusto kong ipaalam sa iyo na nag-file na ako ng annulment. Hindi aabutin ng maraming taon ang processing n’on dahil gagamit ako ng pera maliban pa sa hindi tayo ikinasal sa simbahan. Pangalawa, susuportahan ni Jerome ang akusasyon kong pinagtaksilan ninyo akong dalawa.”
“H-hindi….”
“Yes, my sweet wife.” pinanayuan siya ng balahibo sa pagkasuklam na nasa tinig at mga mata nito.
Umatras sa may dingding si Bea. Umiikot ang paningin niya at kung hindi siya sasandal ay matutumba siya. Sandali niyang ipinikit ang mga mata at pinuno ng hangin ang dibdib. Pagkatapos ay muling tumingin sa asawa.
“I love you, Franco, and I’ll be damned if you could get away from me so easily,” tahimik niyang sinabi bago marahang lumabas ng pinto.
Nahahapong ibinagsak ni Franco ang sarili sa higaan. Inikot ng tingin ang buong paligid. Paulit-ulit sa pandinig niya ang tinig ni Bea, declaring her love for him.
PAG-UWI ni Franco nang gabing iyon ay sinalubong siya ni Erlinda.
“Matatahimik ka na siguro, Franco… umalis na si Bea.”
Sandali siyang natigilan sa gustong iparating ng ina. Pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na pumanhik.
“Kung ganoon ay gagamitin ko na ang dati kong silid.”
“Kung kaya mong matulog nang mahimbing gayong nagdurusa ang asawa mo sa bawat sandali,” galit nitong sinabi.
“Kung naging mapagpatawad ang Papa ay hindi natin sasapitin ang ganito. Hindi mamamatay nang maaga ang ama mo. Hindi ko makikilala si Arsenio at walang Jerome na namumuhi sa iyo at walang Bea na nasasaktan!”
Hindi sumagot si Franco at patuloy na pumapanhik. Sumigaw si Erlinda.
“She’s alone and hurting, Franco. Who knows kung ano ang mangyayari sa kanya sa rancho nang walang pera at kasama!”
Sa silid nilang mag-asawa ay inihagis niya ang attache case. Parang may dumakot na malaking kamay sa puso niya at piniga ito nang napakahigpit. Alin ba ang mas masakit, ang malamang pinagkaisahan siya ni Jerome at Bea o ang malamang wala na ang asawa at tuluyan nang umalis?
Hindi niya matiyak. Nahahati siya sa pagitan ng poot, pagkasuklam at sa pagsisikap na patayin ang pag-ibig sa dibdib.
19
MAHIGIT isang linggo na ang matuling lumipas at ganoon na rin katagal na hindi pumapasok sa opisina si Franco. Hindi nito masikmura ang presensiya ni Jerome sa kompanya at baka kung ano lang ang magawa niya rito.
“May bisita ka, Franco.” si Erlinda na nilapitan ang anak na nasa bar at umiinom.
“Kung galing sa opisina, Mama, pakisabing…”
“Franco…” isang dantay sa balikat ang nagpalingon kay Franco. Si Erlinda ay tahimik na iniwan sila.
“Lucinda?” alanganin niyang sinabi. Muntik na niyang hindi makilala ito. Tumanda gayong bata lamang ito sa kanya nang dalawang taon. Although, still tall and beautiful. “Ano ang kailangan mo?”
“Sabihin na nating gusto kong magbayad ng kasalanan…”
Nagsalubong ang mga kilay niya kasabay ng pagtatagis ng mga bagang.
“May ganoon kang lakas ng loob na lapitan ako para sabihing gusto mong magbayad ng kasalanan? Hindi kita papatulan uli, Lucinda, kahit ikaw na lang ang kahuli-hulihang babae sa lupa!”
Napangiwi ang babae.
“Ikinalulungkot ko ang mga nangyari, Franco. Maniwala ka. Pero wala akong magagawa dahil sa utang-na-loob ko kay Jerome hindi pa man tayo magkakilala. Pinlano niya ang lahat. Ipinakilala niya ako sa lipunan at ginawan ng paraan para magkakilala tayo. Ginawa ko ang lahat ng paraan upang mapalapit sa iyo at alukin mo ng kasal. Iyon ang plano ni Jerome at sadyang gawin ang huwag kang siputin sa araw ng ating kasal…”
Hindi makapaniwala si Franco sa narinig.
“Lucinda, you could have asked money from me at handa kitang bigyan n’on ng kahit na magkano,” wika nito sa kontroladong tinig bagaman nag-uumapaw ang galit sa dibdib.
“Hindi pera ang kailangan ko, Franco. Mahal ko si Jerome and he promised to marry me ’pag nagawa ko ang sinabi niya. Ang ikinalulungkot ko lang, hindi ka masamang tao at totoong nag-enjoy ako sa mga panahong pinagsamahan natin. But I loved him…”
“Ipinagamit mo ang katawan mo sa akin!”
Muling napangiwi si Lucinda.
“I never wanted to, Franco. Out of decency dahil ginagamit din niya ako before at pagkatapos na hindi matuloy ang kasal natin, pero ipinilit ni Jerome na gawin ko pati iyon…”
Napapikit si Franco at inubos ang laman ng kopita. Pagkatapos ay muling hinarap ang babae.
“Ano ang dahilan at narito ka ngayon?” wika nito sa mapanganib na tono.
“Hindi niya ako pinakasalan tulad ng ipinangako niya. Binigyan lang niya ako ng pera na sa kabaliwan ko ay hindi ko tinanggap at parang lokong nagmakaawang huwag niyang iwan. He did not. Nagkaroon siya ng babaeng makakatalik niya sa sandali ng pangangailangan. Mahal ko siya, Franco, mahal ko pa rin hanggang ngayon.” may bahagyang hikbi sa tinig nito. “Until last few weeks ago na makilala niya ang asawa mo. Para siyang baliw na umaasam na sa sandaling maghiwalay kayo ni Bea… was it her name?”
Wala sa loob na tumango si Franco.
Nagpatuloy si Lucinda.
“Na sa sandaling magkahiwalay kayo ay sa kanya tatakbo ang asawa mo. Sinabi niya sa aking mahal niya ang asawa mo. Totoong mahal. Gusto kong mabingi sa mga sinasabi niya tungkol sa asawa mo. That she’s young, sweet and beautiful, and innocent. Balewala sa kanya kung galing na sa iyo si Bea dahil sa sandaling iwan mo ang asawa mo ay yayayain niya itong mangibang-bansa.
“At gagawin niya ang lahat upang hiwalayan mo si Bea. Two birds in one stone, nakaganti siya sa iyo, nasa kanya pa si Bea. Hindi ko kayang tanggapin iyon, Franco. Ang malamang may ibang iniibig si Jerome. Sa kabila ng lahat ay hindi ko magawang mamuhi. At kaya ako narito ay para sabihin sa iyong huwag mong paniniwalaan ang mga pakana niya para sirain ang pagsasama ninyo ng asawa mo.”
Inikot niya ang tingin sa buong mansiyon. Pinuno ng hangin ang dibdib.
“Bakit ngayon ka lang, Lucinda?” He asked in a pained voice.
“Sa kahuli-hulihang pagkakataon ay umaasa pa rin akong magbabago ang damdamin ni Jerome sa akin,” marahang wika nito. Hindi gustong isiping huli na ang ginawang pakikipag-usap.
“At sa kahuli-hulihang pagkakataon, Lucinda, gusto mo pa rin bang makisama sa lalaking iyon?”
“Lalabas ako ng bansa, Franco. Magpapanibagong buhay. Hindi siguro madaling kalimutan ang pag-ibig ko sa kanya pero susubukan ko. Wala akong laging iisipin kundi ang mga kasamaang idinulot niya sa kapwa at sa sarili. Forgive him, Franco, he’s probably sick. At patawarin mo rin ako.” Humakbang palabas si Lucinda.
“Hindi ko gustong magpasalamat, Lucinda, pagkatapos ng mga nangyari. Ganoon pa man, maraming salamat sa iyo. Kung kailangan mo ng tulong ko, financial or otherwise, give me a call,” pahabol ni Franco.
Ngumiti lang si Lucinda. Ngiting hindi umabot sa mga mata.
20
“ANO ANG bibilhin natin sa tindahan ni Mrs. Lauriano?” Si Nicky sa kaibigan.
“As usual, gasa sa coleman at alcohol at patuka para sa mga alaga kong texas.”
“Hindi tayo dapat nagpunta dito dahil medyo namumukol na ang tiyan mo. Lalo lamang lalaki ang tsismis sa iyo,” nag-aalalang wika ni Nicky.
“Bayaan mo sila. Nagkaasawa ako at hindi bastardo ang nasa tiyan ko. Halika na nga.” Nagpatiuna na siyang pumasok sa loob ng malaking tindahan. Agad silang natanawan ni Mrs. Lauriano at ng anak nitong dalaga.
“Hello, Monica,” sabay na bati ng mag-ina sa dalaga. Pagkatapos ay natuon ang pansin kay Bea.
“Balita namin ay nasa rancho ka na nga raw uli, Bea.”
“Dalawang linggo nang mahigit, Mrs. Lauriano. Bibili ho ako ng gasa at alkohol para sa coleman…,” subalit hindi nito pinansin ang sinabi niya at sa halip ay bumaba ang tingin sa tiyan niya.
“Mataba ka ngayon. buntis ka ba?”
“Sino naman ang ama, mommy,” ang anak nitong dalaga na nagtaasan ang mga kilay.
“May asawa ho si Bea, Mrs. Lauriano,” pagtatanggol ni Nicky na gustong suntukin ang nakaismid na mukha ng matandang babae.
“Mrs. Navarro na siya ngayon…”
“Hay, naku, Monica, ewan ko ba sa iyo kung bakit hanggang ngayon ay matiyaga ka riyan kay Bea. Alam mo namang ilusyunada iyan. Mrs. Navarro daw. Pati ba naman ang apo ni Don Alvaro na hindi naman nagpapakita ay iniilusyon niyan. Nagpunta ng Maynila at umuwi nang buntis. Lagi namang ganyan, ’di ba? Sige na nga, Mayet, pagbilhan mo ng gasa…”
“Narinig ko bang binanggit ang pangalan ko o nakaringgan ko lang.” isang tinig na kilalang-kilala ni Bea ang biglang nagpalingon sa kanya. Sunod-sunod ang kabog ng dibdib.
“F-Franco…”
“Hello, sweetheart,” bati nito sa asawa kasabay ng paghalik sa pisngi at paghapit sa baywang niya. Ngumiti kay Monica.
“And this must be Nicky?”
“Y-yes.” si Nicky na napatingala sa mataas at guwapong lalaki sa harap. trying to suppress her gasp and admiration.
“Well, I’m pleased to meet you, Miss Nicky. Ako si Franco Navarro, needless to say, Bea’s husband.” iniabot nito ang kamay sa dalaga na atubiling tinanggap. Pagkatapos ay binalingan ang nakatangang si Bea.
“Sweetheart, why don’t you invite your friend here para sa church wedding natin bilang siyang maid of honor.”
Tumikhim si Mrs. Lauriano upang makakuha ng atensiyon. Ang anak nito ay namamalikmata pa ring nakatingin kay Franco. Si Bea ay tumingala sa asawa.
“Franco… sila si Mrs…” hindi niya natapos ang sasabihin dahil kinabig at hinila siya ng asawa palabas.
“Let’s go, sweet wife, at baka naiinip na ang Mama. Iniwan ko sa rancho at sinabi nga n’ong matandang naroon na narito ka nga.
Muling tiningala ni Nicky si Franco at pagkatapos ay bumulong kay Bea.
“You told me he’s handsome, but you never told me how handsome…” akusa nito. Siniko ni Bea ang kaibigan.
Nasa labas na sila nang humiwalay si Nicky.
“Well, alam kong kailangan ninyong mapag-isa. Isa pa dala ko ang pickup. Bye,” wika nito na kumaway sa dalawa.
“Hindi mo kailangang gawin iyon,” ani Bea kay Franco.
“Ang alin?”
“Ang hindi pansinin si Mrs. Lauriano at si Mayet.”
“I am not as unforgiving as you are.” binuksan nito ang wrangler jeep sa tabi niya at pinasakay siya. Umikot sa driver’s seat si Franco at pinatakbo ang jeep.
Isang mahabang katahimikan ang namagitan. Nasa loob na sila ng rancho nang ihinto ni Franco ang jeep sa pagitan ng dalawang malaking puno ng narra.
“Gusto kong bumaba, halika,” anyaya nito at inabot ang pintuan ng asawa at binuksan. Inikot ni Franco ang paningin sa buong lupain. Walang maririnig kundi huni ng mga ibon at pagaspas ng mga damo at dahon na hinihipan ng hangin.
“I have almost forgotten this breathtaking place,” wika nito na sinuyod ang lupaing pag-aari.
Sumandal sa jeep si Bea at pinanood ang asawa na ang mga kamay ay nasa loob ng pantalong maong. Kung nananaginip siya ay hindi niya gustong magising. Lumingon si Franco at hinagod siya ng tingin.
“And I have almost lost my own paradise,” patuloy nito. His eyes tender.
Nagsalubong ang mga kilay ni Bea.
“Sa iyo ito ipinamana ni Don Alvaro, paano mong maiwawala?”
“I was referring to you, my sweet. Sa pamanang iniwan sa akin ni Alfonso.” Umiwas ng tingin si Bea. Nag-init ang sulok ng mga mata.
“Totoo ba iyong narinig ko? Are you pregnant?” he asked softly. May kislap ng kagalakan ang mga mata.
“Hindi naman halata pa, ’di ba? It’s only six weeks old,” nakangiti niyang sagot bagaman nanakit ang lalamunan sa pagsisikap na pigilin ang pag-iyak.
“Ipapaalam mo ba sana sa akin kung hindi ako dumating?”
“Siyempre. Asawa kita. I have never given you up, Franco. Alam kong isa sa mga araw na ito ay darating ka.” hindi niya mapigil ang pagkabasag ng tinig.
Muling namagitan ang katahimikan. Nakikita niya sa mukha ng asawa ang pain and agony at higit siyang nasasaktan.
“Bea…” he said brokenly. “I am so…”
“I love you, Franco,” agap niya. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata.
“I love you so much…”
Tumingala si Franco at pinuno ng hangin ang dibdib. Pagkatapos ay muli siyang tinitigan.
“Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin sa iyo…”
“First, tell me you love me, and then how you missed me, and how you wanted and longed for me in all those nights na wala ako sa tabi mo…” tumulo na ang mga luha sa mata niya. Sunod-sunod.
Dalawang hakbang ang ginawa ni Franco at ikinulong sa mga bisig ang asawa. Mahigpit na halos magpapugto sa hininga ni Bea.
“Nalimutan mong idagdag how I ached every minute of those sleepless nights…” bulong nito na isinubsob ang mukha sa buhok niya.
“Forgive me, sweetheart…”
“Sshh…” aniya. Hindi makuhang magsalita sa malayang pagdaloy ng mga luha na gustuhin man niyang pigilin ay ayaw magpapigil.
“I love you with every beat of my heart and I missed you, sweetheart, and I don’t know what I would do without you in my life.” itinaas nito ang mukha ni Bea at sinuyod ng tingin ang mukha bago siniil ng halik ang mga labi niya and kissed her tears away. Naramdaman ni Bea na umangat siya sa lupa. Itinaas siya nito at iniupo sa hood ng jeep.
“You’re so small at gusto kong yakapin ka nang buong-buo, my sweet wife…”
Hinawakan ni Bea sa mukha ang asawa.
“Hindi ko itatanong kung ano ang nangyari at mahal mo na ako uli pero may isa lang akong gustong malaman, Franco, at gusto kong magsinungaling ka.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Franco. “Gusto mong malaman ang totoo, ’tapos pinagsisinungaling mo ako?”
“Iyong bisitang…” hindi niya naituloy ang sasabihin. Tinakpan ng daliri ni Franco ang mga labi niya.
“Isang guest room lang sa ibaba ang may gumaganang aircon, if you remember, at iyon ang gamit ko. Doon ko pinatulog si Daisy dahil nakakahiya naman na sa laki ng mansiyon ay hindi napagtuunan ng pansin ang mga air-conditioners. Doon ako natulog sa dapat na sa kanya. At hindi ako nagsisinungaling. Bea. At hindi ko magagawa iyon sa loob ng bahay natin kahit pa sabihing nagagalit ako sa iyo sa mga panahong iyon. And most of all, I do not want any woman in my arms but you…”
She smiled. “Naniniwala ako, Franco…”
“Sinaktan kita, Bea… at hindi ko maipapangakong hindi kita muling masasaktan sa mga araw na darating… but promise me, sweetheart, that you won’t give me up, na ipaglalaban mo ang pag-ibig mo sa akin tulad ng ginawa mo ngayon.”
“I will always love you, my darling, and I’ll be damned kung basta na lang kita papayagang makawala sa akin for the next fifty years of our lives,” nakangiti siya bagaman malabo na ang tingin niya sa asawa sa muling pamumuo ng mga luha.
Muli siyang hinagkan ni Franco kasabay ng pag-angat sa kanya mula sa hood ng jeep at ibinaba siya.
“Tara doon.” itinuro nito ang bahaging malilim at madamo.
“Hindi pa ba tayo uuwi?”
“Later, sweetheart, mahaba pa ang biyahe pauwi sa villa and I couldn’t wait,” his eyes sparkling.
“Subukan natin sa damuhan… where all the birds and the trees and the hills can watch us… even bulls and mares kung may natitira pa.”
“Really.” tumaas ang mga kilay ni Bea. “…tiyakin mo lang na walang insektong madidikit sa likod ko…” natatawang sinabi niya.
“Hey, all of you there, listen,” sigaw ni Franco sa buong kabundukan. “I love you, Beatriz Navarro!”
At nag-echo iyon sa buong Rancho Navarro na nagpabulabog sa mga ibon at hayop.
WAKAS
21
Dear Reader,
Sana po ay nagustuhan ninyo ang unang handog ng Kristine Series Volume II, Series 1. Abangan din po ninyo sa susunod na mga labas ng Kristine Series ang buhay at pag-ibig ng mga Navarro Men at ang kaisa-isa nilang kapatid na babae.
For the first time in my writing career, I incorporated murder, suspense, and romance sa huling dalawang kabanata ng serye ng pamilya Fortalejo. At base sa mga sulat ninyo sa akin, hindi ako nabigo sa una kong pagsubok na bigyan kayo ng higit na magandang mga nobela ng pag-ibig.
Gusto ko pong iparating sa inyo na habang nasa harap ako ng computer sa gabi ay taglay ko kayo sa aking isip. Every time I created a novel, would like it very much for you to laugh with me a little, cry with me a little, and fall in love with me a little. And it flatters me to know na buhay na buhay sa inyo ang mga character ko. That is exactly my goal.
I would like to quote a line from a friend’s letter: / consider you my friend through your books, coz what you feel in writing it, I feel in reading it so it seems to me that when I read your books we’re just one.
So you see, I am committed. Every novel that I write is a commitment… to you.
Martha Cecilia
*********PS: Maraming salamat sa inyong lahat mga beshies, mag -ingat tayong lahat at abangan ang mga susunod na stories ni Ms. MC sa mga darating na araw, sisikapin kong makapag-upload ng mga bagong stories habang naka community quarantine pa. God bless everyone. - Admin A :) ************

