Kristine Series 8 - Wild Rose (COMPLETED) (UNEDITED)
Marthacecilia Phr · 21 chapters · 23,996 words
0
Kumusta kayo mga beshies? Sana okay lang kayo at nasa bahay lang. Ano’ng masasabi n’yo sa last Kristine Series 7? May mga naguguluhan ba or may mga tanong, mag-comment lang kayo para masagot ko kayo or kung gusto n’yo mag-share ng experiences or kung gusto n’yo makipagkwentuhan sa akin, mag-comment lang kayo para makapag-chikahan tayo mga beshies. Hoping na sana ligtas kayong lahat at nasa bahay lang. Enjoy reading mga besh. Stay safe and God bless. ;) - Admin A**********
“Iyon ba ang paraan ni Angie para ma-trap ka sa marriage, pretending to be untouchable?” Her eyes danced in silent laughter.
“Damn you, Kristine, huwag mo akong pagtawanan!”
“I certainly am not laughing, sir,” pa-inosenteng wika niya.
“Aren’t you pretending to be untouchable, too?”
Marahang wika ni Alvaro sa tinig na may bahid ng galit. He was inching closer. Nailang si Kristine, bahagyang umatras.
“T-Then… avoid me also like a plague, Alvaro. I might trap you into marriage,” nauutal niyang sagot. He was too close for her sanity.
“Forget about marriage. I won’t be trapped into that. But I don’t want to avoid you, Kristine. I want you like hell…”
Napalunok siya.
“Because I’m a widow? Ano na nga iyong sabi nila sa mga biyuda? Sex-starved widow?”
“Aren’t you?” His lips an inch away from her lips. His right hand clutching her waist na para bang makakawala siya.
1
1968
Pumapasok pa lang sa garahe ng mansiyon ang kotse ni Franco Navarro ay nakamasid na si Monica mula sa french window. Isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya nang makitang lumabas ng kotse si Franco. Ibinaba niya ang kurtina at humugot ng malalim na buntong-hininga at sinalubong ang lalaki.
“Congratulations to the new father!”
“Nicky!” nakangising bati ni Franco. “Kailan ka pa dumating?”
“Minutes ago. Dito ako dumiretso dahil hindi ko alam kung saang ospital naroon si Bea.” inilahad ng dalaga ang kamay na tinanggap naman ni Franco at mahigpit na pinisil.
“How’s the new father?” May kislap ang mga mata ng dalagang tumingala rito.
“Great, Monica! I have never been this happy. Ganito pala ang nagiging ama,” nakangising sagot nito. Inakbayan ang dalaga at inakay patungo sa bar room.
“Lalaki ang unang anak namin ni Bea. A nine-pound healthy baby boy. And by god, kamukhang-kamukha ko,” pagmamalaki nito.
“Kailangan kung ganoon ng celebration, Franco,” naka-plaster na sa mukha niya ang ngiti na tumingala sa lalaki. Nakakahawa ang galak at kaligayahan sa mukha ni Franco. Inalis ng lalaki ang braso sa balikat ng dalaga at kinuha ang bote ng champagne sa mini ref sa bar at nagsalin sa dalawang kopita.
“You bet. Nagpamigay na ako kanina sa office ng tabako,” at malakas na humalakhak ang lalaki. Bakas sa mukha ang kaligayahan. Inabot ang kopita kay Monica.
“Here, cheers…”
Kumikislap ang mga matang itinaas ni Monica ang kopita padikit sa kopita ni Franco.
“Cheers!”
2
ISANG linggo ang lumipas makapanganak si Bea ay bumalik sa opisina si Franco dahil sa importanteng board meeting. Naroon din si Jerome na ang kasiyahan sa mukha ay hindi maikakaila.
“Kumusta ang bagong ama?” nakangisi nitong bungad kay Franco na kung sinsero ang pagbati ay walang nakakaalam.
Nagkibit ng mga balikat si Franco at ibinaba ang attaché case sa ibabaw ng conference table.
“Let’s cut the hypocrisy, Jerome, by exchanging pleasantries we really don’t mean,” patuyang wika ni Franco.
“And I hope you won’t be too disappointed when your sword didn’t take off my head in this meeting.”
Humalakhak si Jerome. “Sa palagay mo ba’y maibabalik sa iyo ang management, Franco? Why, I have more resources than you do.”
“Hindi resources ang pinag-uusapan dito. Capability and brains!”
Tumaas ang mga kilay ni Jerome. “Meaning, wala ako n’on?”
“From the mouth of the babe,” kaswal na sagot ni Franco na sinamahan ng patuyang ngiti.Tumiim ang mga bagang ni Jerome sa deretsahang insulto. But as usual, hindi si Jerome ang nagpapadala sa init ng ulo. At gustong hangaan ni Franco ang lalaki kung paano nito nagagawa ang ganoong self-control. Kung siya iyon, kanina pa umigkas ang kamao niya. But then, ibang paraan sumalakay si Jerome, pailalim at higit na mapanganib. Tulad na lamang ng ginawa nito sa kanila ni Bea. Ganoon din ang lihim na pagbili sa shares ng ibang miyembro ng board.
Hindi nagtagal ay dumating si Erlinda bilang miyembro ng board. Ilang sandali pa ang lumipas at naroon na ang lahat ng directors. Matapos ang pagbasa ng minutes ay tumayo si Jerome upang ipahayag ang mga plano at panukala nito tungkol sa FN Canning. Mahigpit nitong ini-emphasize na malaki ang malasakit nito sa kompanya dahil ang ama nito, si Don Arsenio Gascon, ang nagtayo dito at kung ano ang magagawa ng extra-capital na ilalagay nito sa kompanya mula sa kanya.
Pagkatapos ng mahabang litanya ni Jerome ay naupo ito at tinapunan ng ngiti si Franco bilang pag-asam ng tagumpay. Tumikhim si Franco na tumayo mula sa kinauupuan upang siya naman ang magsalita.
“Tama ang sinabi ni Jerome, si Don Arsenio Gascon ang incorporator ng pabrika. But this company is mine. Legal na ipinamana ni Don Arsenio. At tulad ng alam ninyong lahat ay pabagsak na ang kompanya nang hawakan ko. You can all testify kung paano ko inahon mula sa pagkalugi ang kompanya hanggang sa kinalalagyan nito ngayon.” inikot ni Franco ang mga mata sa mga naroong directors.
“Both of us owned now 35% controlling interest sa FN Canning. Ang sa kanya ay ginawa niya sa tusong pamamaraan bagaman legal hindi dahil may interes siya sa kompanya kundi alam nating lahat na personal vendetta ang pangunahing dahilan ni Mr. Jerome Gascon,” derekta at walang atubiling pahayag ni Franco nang hindi kumukurap.
Malakas na tumikhim si Jerome na biglang nakadama ng pagkailang. Nagpatuloy si Franco.
“Now, on to the confidence vote na siyang dahilan kaya narito tayong lahat ngayon. This is my company, for years I ran it, I made it what it is now. I have managed to diversify and increased our holdings at isa na tayo ngayon sa matatawag na malakas, malaki, at stabilisadong kompanya.” inikot ni Franco ang mga mata sa naroong mga directors. Isang buntong-hininga ang pinakawalan.
“I am only sorry na nang dahil sa personal na problema ng pamilya ay nadamay pati ang kompanya. Now, you have to decide kung sino sa amin ni Mr. Gascon ang nais ninyong magpatuloy na Chairman at Presidente. At isa lang ang ang masasabi ko.” tinitigan niya si Jerome.
“I never stabbed anybody in the back kahit na ano pa mang dahilan.”
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan. Ang tanging maririnig ay ang kaluskos ng mga papel sa harap ng bawat miyembro ng board.
“Now, go ahead and vote,” anyaya ni Franco na bumalik sa upuan.
“All you have to do is to choose between two low-down dirty dealing worms to head this company,” amused nitong idinagdag na bahagyang ikinatawa ng ilan.
Kinuha ang boto at ipinasa sa corporate lawyer. Binilang ito at nakangiting ikiniling ang ulo.
“Congratulations, Franco Navarro. You won by three votes.” isang matalim na paghinga ang binitiwan ni Jerome. Hindi agad nakakilos as if trying to compose himself. Makalipas ang ilang segundo ay marahang tumayo at iniabot ang kamay kay Franco.
“You won again,” pormal nitong sinabi, gritting his teeth. Tinanggap ni Franco ang kamay na inilahad nito.
“I always do,” kaswal niyang sagot. “Wala kasi akong masamang motibo sa kapwa ko.” Ang huling sinabi ay para lang sa pandinig ni Jerome.
“Hindi pa tapos ang laban natin, Franco Navarro.”
“Lagi naman akong handa, Jerome…” ibinaling na ni Franco ang sarili sa ibang mga kasamahang gustong kamayan siya.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ng conference room ang lahat. Sa reception ay naroon si Monica at naghihintay kay Erlinda.
“Hello, Franco,” nakangiti nitong bati bagaman mailap ang mga mata.
Tumikhim ang lalaki. “Ano ang ginagawa mo rito, Monica?” Malamig at pormal ang tinig niya.
“Nagpapasama si Monica na mag-shopping, Franco,” sagot ni Erlinda mula sa likuran.
“Alam mo namang hindi niya kabisado dito sa Maynila at uuwi na siya sa isang linggo sa Sto. Cristo.”
Bago pa nakasagot si Franco ay nagsalita si Jerome mula sa likuran.
“Makikilala ko ba ang magandang dalagang bisita ninyo, Tita Erlinda?” Buong paghangang hinagod ng tingin ng binata ang kabuuan ni Monica na nahihiyang ngumiti.
“Of course. Nicky, si Jerome, my stepson. Jerome, siya si Monica, kababata at kaibigan ni Bea.”
Inilahad ni Jerome ang kamay na tinanggap naman ng dalaga. Ilang sandaling hindi binitiwan iyon ng binata na ang mga mata ay matiim na nakatitig sa dalaga.
3
ANG kasalukuyan.
“Matanda ako, Alvaro.” si Franco na hinarap ang anak na nakaupo sa lounge at nakataas ang mga binti sa center table.
“Hindi magtatagal at ikaw ang hahalili sa puwesto ko rito sa kompanya. Dapat ngayon pa lang ay simulan mo nang hasain ang sarili mo sa pamamalakad ng FN International!”
“Iyan ba ang dahilan kung bakit ipinatawag mo ako rito?”
“Por dios, Alvaro, wala akong makitang interest mula sa iyo sa kompanyang ito!” Ipinukpok nang bahagya ni Franco ang kamao sa ibabaw ng executive desk nito.
“Dalawang lalaki ang anak mo,” hindi natigatig na sagot ng binata.
“Ikaw ang unang inaasahan kong magkakaroon ng malasakit sa kompanya. I groomed you for this job, Alvaro. I trained you to run it, sent you to the best schools to teach what you have to know to keep the company going. Higit kanino man ay alam mo iyan,” puno ng emosyong pahayag ni Franco na sa gulang na singkuwenta y dos ay makisig at matikas pa rin. Not a single unwanted fats sa katawan. At kung pagtatabi-tabihin ito at ang mga anak ay para lamang magkakapatid.
Matabang na ngumiti ang binata. Totoo ang sinasabi ng ama. Bagaman pareho sila ni Lawrence o Lance na nagsipagtapos ng pag-aaral sa ibang bansa ay sa kanya umaasa ang ama bilang kahalili nito sa pamamahala ng kompanya.
“Besides, hindi ba at nagtatrabaho naman ang kapatid mo sa branch natin sa Texas?” patuloy ni Franco bagaman hindi gaanong kumbinsido sa sinabi. Why, his youngest son is jet-setting. Cruising the carribean kasama ng mga milyonaryo sa ibang bansa. Hindi nga nagkukulang sa pagre-report sa kanya si Lance pero hindi panatag ang loob niya sa bunsong lalaki. Masyadong happy-go-lucky si Lance bukod sa pagiging playboy.
Oh, well, si Alvaro man ay matatawag na womanizer pero hindi tulad ni Lance, si Alvaro ay mapalad nang tumagal ng isang linggo ang girlfriend. And he’ll give anything tumigil lang ang mga anak na lalaki sa ganitong gawi. Though he couldn’t blame his boys. Alvaro and Lance are devastatingly handsome. And girls have been chasing the boys since they went out of their crib.
“Hindi pa panahon para gawin ko ang sinasabi ninyo, Papa,” aniya makalipas ang ilang sandali.
“You’re still very young and strong and at the prime of your life. Isa pa, I don’t really want to clash with Nick.” ang tinutukoy nito ay ang panganay na anak ni Jerome na siyang humalili sa ama bilang bise-presidente ng production. Bata lamang ito sa kanya nang isang taon. Twenty-four while Lance is twenty-three.
“Ayokong ulitin sa aming dalawa ang buhay ninyo ng Tito Jerome. Kung ito lang ay walang problema. I know how to deal with him as you have done. Pero hindi ang Tita Monica. I really hate to hurt her, you know. She has always been our friend at para na ring kapamilya. At gusto kong isiping mas loyal siya sa atin kaysa sa asawa niya.”
Tumalikod si Franco at itinuon ang paningin sa salaming bintana na ang makikita ay ang canning factory sa ibaba. Pinagmamasdan nito ang pagtakbo ng mga linya ng paggawa ng lata.
Ang body lines na siyang gumagawa ng katawan at ang mga end lines na siyang humuhulma sa top and bottom ng mga lata. Subalit wala sa mga ito ang isip niya kundi nasa sinabi ng anak. Sandaling pumasok sa isip ang pangyayari maraming taon na ang nakalipas.
Hindi sinasadya ang pagkikita nina Monica at Jerome sa kompanya isang linggo makapanganak si Bea. Since then ay hindi na tumigil si Jerome hangga’t hindi nabihag ang puso ng dalaga. Gusto niyang paniwalaang talagang mahal ni Jerome si Monica pero nakabaon na sa isip niya na walang mahal si Jerome kundi ang sarili. And he didn’t want Monica to get hurt. She was young. Kasing-edad lang ni Bea noon.
At sa kabiglaanan ng lahat, isang buwang mahigit makalipas ang pagkikilalang iyon ay nagpakasal ang dalawa. Nang ilang panahong mamalagi sa Sto. Cristo si Jerome upang pag-aralan at suyurin ang asyendang pag-aari ng mga Montaño ay nabuo ang hinala niya.
Pinakasalan ni Jerome si Monica sa pag-asam na ang asyenda ng mga Montaño ay mapapasakanila balang-araw at maaaring itapat sa Rancho Navarro. Subalit hindi niya gustong isatinig iyon. Hindi niya gustong masaktan si Monica.
Sa pamamagitan ni Bea ay nalaman niya ang pag-aaway ng mag-asawa nang mamatay ang mga magulang nina Monica at Luis. Minana ni Luis ang kalahati ng asyenda subalit hindi minana ni Monica ang kalahati. Nakalagay sa testamento ng mga magulang ni Monica na ang kalahati ng asyenda ay mamanahin ng panganay na anak nito sa takdang panahon. Kung bakit nangyari iyon ay hindi nagpaliwanag si Monica. Sa ngayon ay solong pag-aari ni Nick ang asyenda Montaño ayon sa testamento ng mga lolo at lola nito.
“Ikaw ang anak ko, Alvaro. Ikaw ang papalit sa puwesto ko. hindi si Nick, although I swear to the gods he is more than qualified. Hindi ko alam kung paanong ang isang tulad ni Jerome ay nagkaanak ng tulad ni Nick,” wika nito makalipas ang mahabang sandali pero ang paningin ay nanatili sa labas ng bintanang salamin.
“Hindi na nakaahon si Jerome sa pakikipagkompetensiya sa akin. At isiping halos magkapareho lang ang yaman naming dalawa.”
Matabang na natawa si Alvaro.
“Nakahihigit ka kaysa sa kanya, Papa, ayaw mo lang aminin. You have a loving wife and throughout the years ay walang nabago sa pagtitinginan ninyo ng Mama. Ang Tita Monica ay pormal at submissive pero walang pag-ibig ang mga mata para kay Jerome…”
Marahas na nilingon ni Franco ang anak.
“Paano mong napuna iyon?”
Nagkibit ng mga balikat ang binata.
“I just do. Isa pa, you have me and Lance at isang magandang anak na babae.” nasa tinig nito ang tenderness nang banggitin ang bunsong kapatid.
“While he only had Nick na mas pa ang pag-aaway ng mag-ama kaysa sa ipinagkasundo. At sa puntong iyan ay na kay Nick ang simpatya ko sa pagkakaroon ng amang tulad ng Tito Jerome.
Higit sa lahat, mataba at sakitin siya while you’re trim and handsome as ever. And women still after you. Why, Lance and I would feel insecure with you sa harap ng babae.“ tumawa ito sa huling sinabi. Nakitawa na rin si Franco sa sinasabi ng anak.
Love shone in his eyes habang sinulyapan si Alvaro. God blessed him and Bea for having two gorgeous sons bagaman araw at gabi ang kaibahan sa isa’t isa. And of course, the love of their lives, ang kanyang bunso, si Jenny. People called her spoiled brat but the men and her mother adored her.
“Why don’t you let him win once in a while, ’Pa,” suhestiyon ni Alvaro sa ama.
Nawala ang ngiti sa mga mata ni Franco.
“Siya lamang ang nakikipagkompetensiya sa akin, Alvaro. Isa pa, hindi ang makaungos sa akin ang gusto ni Jerome. he wanted to destroy me at iyon lamang ang makapagpapatahimik sa kanya.”
“He’s sick!” napapailing na usal ng binata.
“And I really have this soft spot for Nick, Papa.
Nagiging bitter ang isang iyon sa kagagawan ng ama. We used to be friends when we were kids. Pero nitong magsilaki kami’y parang may pader na nakapagitan sa aming pareho.“
“Matalino si Nick. I have to give him credit for that. Pero sinisira ni Jerome ang anak niya.” Bumuntong-hininga uli si Franco at tinitigan si Alvaro.
“Lumalayo tayo sa pinag-uusapan natin, Alvaro…”
Tumayo ang binata at inunat ang sarili.
“Tinitiyak kong isa sa mga araw na ito, Papa, ay gagampanan ko ang tungkulin ko sa opisinang ito pero hindi pa ngayon. You’re still here. Hindi ko gustong magpailalim sa iyo, Franco Navarro. Gusto ko ng freehand kung palalakarin ko ang kompanya.” bagaman may ngiti sa mga labi nang sabihin ng binata iyon ay naroon ang pagdiriin.
Nagsalubong ang mga kilay ni Franco.
“Damn you, Alvaro. Pinamahalaan ko na ang kompanyang ito hindi ka pa man ipinapanganak. How will you learn kung wala ang supervision ko?!”
Ngumisi si Alvaro.
“You are underestimating your own son, Navarro.”
“You conceited son of a…” hindi natapos ni Franco ang sasabihin nang bumukas ang pinto at sumungaw si Bea.
“Hi, guys,” nakangiting pinaglipat-lipat nito ang mga mata sa dalawang lalaki.
“Hello, gorgeous,” salubong ni Alvaro sa ina at hinagkan sa pisngi.
“I’m glad you’re here. Dederetso na ako ngayon sa Alta Tierra.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Bea.
“Kararating mo lang kagabi, hijo.”
Ngumisi ang binata. “Tapos na ang conference ko sa Papa.” nilingon nito ang ama na tumiim ang mukha.
“Ano itong nababalitaan kong may nakakita sa iyong nag-check-in sa Manila Penn kasama ng isang socialite who won last month’s Miss Manila?” patuloy ni Bea na nangulubot ang noo.
“Tsismis lang iyon, darling. Alam naman ninyo ang mga reporters. Magkaibigan lang kami ni Janet.”
Tumaas ang isang kilay ni Bea sa sinabi ng anak.
“Nagiging showbiz ka, Alvaro. Napaka-cliché na iyang sinasabi mo. Bakit hindi ka magkaroon ng seryosong relasyon at mag-asawa, hijo?”
“You want me to get married, darling?” natatawang sagot ng binata sa ina na pinalaki ang mga mata sa dramatikong paraan.
“Women are my delight but I’m sure as hell couldn’t live with them…”
“And yet you couldn’t live without a woman,” sarkastikong dugtong ni Bea. And her son had the grace to smile devilishly.
“At tandaan mo, Alvaro.” si Franco sa seryosong tinig.
“Tiyakin mong matinong babae ang pagbibigyan mo ng pangalan mo at hindi kung sino-sino na lang na pinagpasa-pasahan ng ibang lalaki!”
Nawala ang ngiti ni Franco sa sinabi ng ama.
“Kung saka-sakali, Papa, ako ang makikisama sa magiging kakasamahin ko. Buhay ko iyon at ako ang magdedesisyon. But in as much as hindi ko iniisip ang pag-aasawa ay wala tayong pag-uusapan.”
“Defy me, Alvaro, and you will be sorry,” banta ni Franco.
“I tolerated both you and Lawrence sa endless love affairs ninyo. Maliban lamang sa dalawang bagay, a whore and an amoral woman! Wala akong pakialam kung anak siya ng kaminero basta malinis na babae ang pagbibigyan mo ng pangalan ko!”
Hindi sinagot ni Alvaro iyon na nagtiim ng mga bagang. Alam nito ang ibig sabihin ng ama sa ‘you will be sorry.’ Ipagkakait sa kanya ni Franco Navarro ang rancho. Lumabas ng pinto at ibinagsak ito pasara. Huminga nang malalim si Bea.
“I really hate it when you clash with your son, darling,” wika ni Bea na lumakad patungo sa asawa.
“And so help me God. My children are like their mother. And I cannot decide whether it is a blessing or a curse,” napapailing na sagot ni Franco sa pabirong paraan. Sinikap alisin ang tensiyon sa dibdib.
Lumabi si Bea.
“Maybe. But we stood by you, Navarro, through thick and thin and I know it in my heart that you love us all.”
Hindi sinagot ni Franco iyon at sa halip ay hinawakan sa baywang ang asawa at itinaas sa mesa. Kissed her lips carnally.
“You’re forty-three but you still make me hard and ache, sweetheart,” wika nito and pressed his thighs to her stomach.
“At nag-aalala ako na baka dumating ang panahong ibaling mo sa iba ang pag-ibig mo, Franco.” ikinawit niya ang mga kamay sa leeg ng asawa.
Natawa si Franco.
“After all these years ay may ganyan kang kaisipan? Never, Beatriz Navarro, never…” masuyo nitong tinitigan ang asawa. At forty-three, with three grown-up children, walang nabago kay Bea. Still small and slim. Prettier than ever. And they still make love everywhere, anywhere, anytime, just like the old days.
“Huwag mong sabihin sa aking hindi ka nagkaroon ng affair sa iba, Franco, sa panahong nagsasama tayo dahil hindi ako maniniwala. Saan sa palagay mo minana ng mga anak mo ang mga kalokohan nila?”
Tumikhim ang lalaki. Umiwas ang mga mata.
“Well… hrmp… alam mo naman ang mga lalaki, darling…”
“Iyan na nga ba ang sinasabi ko…” sinikap nitong kumawala sa asawa subalit mahigpit siyang niyakap ni Franco at siniil ng halik hanggang sa tumigil sa pagpalag si Bea. Akma siyang ihihiga ng asawa sa executive desk nang isang warning knock ang nagpahiwalay sa kanila.
“Sir…”
“Yes, Dolly?”
“Nasa labas si Mr. Chan. Shall I send him in…?” amused na pinaglipat-lipat ng matandang sekretarya ang mga mata sa dalawa. Wala na siyang makikitang couple na tulad ng mag-asawang Navarro. And she envied them for that. Si Bea ay inaayos ang sarili at bahagyang nailang.
“Hrmp… of course.” sinulyapan nito ang asawa na bumaba mula sa mesa. Desire still shone in his eyes.
“I’ll see you later, darling…” nahihiyang tumango si Bea at sinundan ang sekretarya sa paglabas.
4
BAGO bumaba ng building si Alvaro ay dumaan ito sa silid ni bise-presidente.
“Hi, Nick…”
Mula sa ginagawa ay nag-angat ng ulo ang binata. “Alvaro…”
“Pare, you’ve been working like a dog. Wala ka nang good time, ah,” aniya na naupo sa gilid ng mesa. “You worked here as the vice president at pagkatapos ay ikaw pa rin ang namamahala sa chain of hotel and resorts ninyo.”
“Maraming responsibilidad ang ibinibigay ng management sa akin,” wika ng binata na isinandal ang sarili sa swivel chair.
“Pare, baka kinakalawang na ang mga binti ng mga thoroughbred mo sa asyenda. Go home this weekend and let’s race horses, go fishing, and hunting,” anyaya ni Alvaro na nilaro-laro ng daliri ang pencil holder.
Tumiim ang mukha ng binata. He really missed those things.
“Hindi ikaw ang binibigyan ng tambak na responsibilidad at trabaho ni Franco Navarro kaya madali para sa iyong sabihin iyan.”
Sandaling hindi kumibo si Alvaro sa sarcasm na nasa tinig ng kaibigan. Tumayo mula sa pagkakaupo.
“I know my father, Nick,” banayad nitong sinabi.
“A hard driver but not a slave worker. Huwag mong isisi sa Papa ang push-over ng Tito Jerome sa iyo.” pagkasabi niyo’y humakbang ang binata patungo sa pinto.
“See you…”
“Alvaro…” lumingon ang binata.
“I’m sorry…”
Ngumiti si Alvaro.
“Get up, boy. There’s no use proving yourself to your old man. Kahit ano ang gawin mo, he will never be satisfied. Don’t grow old like him…”
Tumiim ang mga bagang ni Nick. Bahagyang tumango.
“Baka nasa Sto. Cristo ako next weekend. Say hello to Lola Erlinda.”
Nang lumapat ang pinto ay isinandal ni Nick ang sarili sa swivel chair at ipinikit ang mga mata.
He wanted to hate Alvaro and Lance. He envied their freedom. Kahit kailan ay hindi nito nagagawa iyon kay Jerome. Pero bakit kasusuklaman niya ang ibang mga tao nang dahil lang sa iba ang ama niya sa ama ng mga ito?
At bakit pinahihintulutan niya ang sariling manatili sa trabahong ito gayong ang panahon lang niya sa pamamahala ng family business at ang asyenda Montaño ay kulang na ang oras niya?Huminga siya nang malalim. Alam niya ang sagot doon. Dahil kay Jerome. Gusto ni Jerome na manatili siya sa puwestong iniwan nito nang magkasakit. Hindi pa rin niya maintindihan ang ama sa pakikipagkompetensiya sa mga Navarro na kung tutuusin ay hindi naman kailangan. Kung pera ang pag-uusapan, they are rich. Hindi lang basta mayaman kundi napakayamang tulad din ng mga Navarro. Pero heto siya at nasa ilalim ng pamumuno ni Navarro. Hindi ba nakikita ni Jerome iyon?
“Pag-aari natin ang FN International, Nick,” naalala niyang wika ni Jerome.
“Kung paanong pag-aari ng mga Navarro ang kalahati nito. And I’ll be damned if I will give it up. Sooner or later ay magre-resign si Navarro at natitiyak kong ikaw ang papalit bilang Presidente dahil naroon ka na binatilyo ka pa lang. Hindi si Alvaro. And once you will get there, titiyakin kong mababawi ko ang kompanyang ipinamana ng Papa sa kanya!”
“Pero bakit ganoon na lang ang intensiyon ninyong makuha ang kompanya sa Tito Franco, Papa? Higit kaysa sa atin ay karapatan iyon ng mga Navarro. At bakit kailangang nasa isang tabi ang iba pang negosyo ng pamilya gayong kung tutuusin ay kailangan din ng mga iyon ang atensiyon natin?”
“Shut up! Gawin mo ang gusto ko. One false move at mapapasaatin muli ang kompanyang itinayo ng Papa munting bata pa lang ako!”
At ginagawa niya ang lahat ng ito para sa ama, to please him. Pero tama si Alvaro, kahit na ano ang gawin niya ay balewala kay Jerome. Laging kulang pa rin. He was obsessed with anything na hawak ng mga Navarro. At kung hindi dahil sa ina ay hindi niya pahihintulutan ang sariling sunod-sunuran sa ama. Ang mga pagkukulang ni Jerome ay nako-compensate ni Monica.
“Don’t grow old like him.” Tumiim ang mga bagang niya sa iniwang salita ni Alvaro. He is only twenty-four pero pakiramdam niya ay kuwarenta na siya. Hindi bale ba sana kung sa lahat ng mga ginagawa niya ay nasiyahan o napuri man lamang siya ni Jerome.
All his life ay wala siyang natatandaang may ginawa siyang tama para dito. He graduated with highest honors sa ibang bansa pero balewala iyon sa ama. Maliban kay Monica ay napupuri ni Franco ang mga ginagawa niya. Binibigyang considerations ang mga idea niya. Giving him credit with his brilliant ideas. But never Jerome.
5
UMAASAM na mga mata ang nakasunod kay Alvaro mula sa mga waitress nang pumasok siya sa bar/restaurant. Ang pinakamalaking bar/restaurant sa bayan ng Sto. Cristo. Sa standard ng maliit na bayang iyon ay malaki na ang ganoong uri ng bar at restaurant.
Tuloy-tuloy ang binata sa counter at naupo sa bar stool.
“Hi, Pabs, beer nga.”
“Galing ka bang Maynila niyan?” tanong ni Pablo, ang bartender habang kumukuha ng malamig na beer at mug. Tumango si Alvaro at bahagya nang luminga-linga sa paligid.
“Ang tagal mong hindi nadaan rito, ha, Alvaro?” patuloy ni Pablo. Inilapag sa harap ng binata ang ice cold beer kasama ang beer mug.
Nagkibit ng mga balikat ang binata at dahan-dahang isinalin sa mug ang laman ng bote. Isang waitress ang lumapit sa counter at may hininging order kay Pablo pero ang mga mata ay mapungay na nakatitig kay Alvaro.
“Hi,” wika ng babae na inilapit nang husto ang sarili sa binata at idinikit ang braso rito. Nalanghap ni Alvaro ang mumurahing pabango.
“Libre ako mamaya,” patuloy nito.
“Tatandaan ko iyan,” sagot ng binata na bahagyang tumaas ang isang sulok ng mga labi. Nasisiyahang dinampot ng waitress ang dalawang boteng ibinigay ni Pablo at lumakad na patungo sa customers.
“Si Anette ang pinakabago namin dito at pinakamaganda,” wika ni Pablo na sinabayan ng malisyosong ngiti.
“Mabili iyan.”
Bahagyang nilingon ni Alvaro ang babae sa maimbay nitong paglakad. Maliban sa pagtaas ng isang sulok ng mga labi ay hindi kumibo ang binata. Dinala sa mga labi ang mug at pinangalahati bago muling inilapag. May naalala sa sinabi ni Pablo.
“Don’t you ever again bed a whore, Alvaro, Lawrence,‘’ parang kulog ang tinig ni Franco Navarro sa dalawang anak na lalaki.
“If you do that I’ll castrate you two!”
Iyon ang pinakamasidhing bilin ni Franco sa mga anak na lalaki. At nang panahong sabihin iyon ay galit na galit ito. Nagkataon lamang na idinamay na si Lance dahil naroon ang kapatid. Alvaro was fourteen and Lawrence was twelve.
Natuklasan ng ama na mula sa club ng mga Gascon ay naglabas sina Alvaro at Nick ng mga babae who were just too willing na sumama sa dalawang teenagers. Both boys were already tall and outrageously good-looking sa kabila ng murang mga edad. Nick was a year younger than Alvaro at napagkasunduan ng dalawang lalaki na gawin sa gabing iyon ang kauna-unahan nilang sexual experience.
Sa condo unit ni Jerome sa Roxas Boulevard dinala ng dalawang binatilyo ang mga babae. Nakuha ni Nick ang susi mula sa guwardiya.
Iyon ang pinaka-awkward na pangyayari sa buhay niya. His first release came immediately even before he completed the act sa pagtatawa ng babae. He wanted to murder the woman right there and then, pero nangibabaw ang humour at nakitawa na rin ang binatilyo.
“Show me how,” aniya rito.
“Slowly… not there… not so fast… oh yes… faster now…” Iyon ang natatandaan niyang sinasabi ng first-class call girl ng club. At sa gabing iyon, he became a man. Patiently tried to learn everything to please a woman.
Hindi dapat nalaman ni Franco iyon kung hindi nag-alala si Bea na hatinggabi na ay hindi pa umuuwi ang anak na nang tumawag kay Monica ay kapareho rin nitong nag-alala dahil wala pa si Nick.
Nang umuwi si Alvaro ay hindi birong sermon ang inabot sa ama at sa loob ng isang linggo ay kalahati ng allowance niya ang nawala. While Nick got the beatings from Jerome. Naging dahilan iyon upang tumakas si Nick patungong Sto. Cristo at nanatili roon ng isang linggo.
A month after that ay ipinadala ni Franco si Alvaro sa America upang doon mag-aral. Ganoon din ang ginawa ni Jerome kay Nick na ang intensiyon ay upang hindi madehado ang anak sa matinding kasiyahan ng dalawang binatilyo. At bagaman hindi na muling nakipagtalik sa bayarang babae ang dalawang binatilyo ay hindi natapos doon ang mga kapilyuhan. Ilang mga kaeskuwelang puti ang idine-date ng mga ito and even had their sexual plays in the front seat and back seat of a car.
“Papatulan mo ba?” Si Pablo na nagpahinto sa alaala ni Alvaro.
“Stupid question,” usal ng binata na muling itinaas sa bibig ang beer mug.
“Uh… uh…” si Pablo na ang mga mata ay nasa pintuan.
“Tingnan mo…” sinundan ni Alvaro ang tinutuon ng mga mata ng bartender.
Isang babae ang kapapasok lang at palinga-linga at naghahanap ng bakanteng upuan. Kung hindi sa mga kurbada ng katawan ay mapagkakamalan mong lalaki sa malayo sa iksi ng buhok. Naka-tight fitting jeans at hindi man sabihin ay alam ni Alvaro na original na ikinataas ng mga kilay niya. Hindi taga-Sto. Cristo ang babae. Sa may sulok na mesa ito naupo habang sinusundan ng isang waitress. Ibinalik ni Alvaro ang tingin sa inuming nasa harap.
“Ano’ng problema?” matter-of-factly niyang tanong.
“Malaki,” sagot ni Pablo.
“Tingnan mo ang mga mata ng mga lalaki at nakatuon lahat sa kanya. Kung hindi mo napansin ay maganda ang babae, sexy at bata pa. Ups…!” patuloy nito na nanlaki ang mga mata.
Naiiritang lumingong muli si Alvaro. Isa sa dalawang lalaking nakaupo sa may di-kalayuan sa mesa ng babae ay iniharap ang silya rito at kinakausap ang babae.
“Mga bagong bodyguard ni Mayor ang dalawang iyon, Alvaro, at mga lasing na. Kanina pang alas-singko y media ang mga iyan dito.”
He can smell trouble at once pero wala siya sa mood. Pagod siya. Hindi biro ang haba ng oras na biyahe mula Maynila hanggang Gumaca. Pagkatapos ay isang oras mahigit sa barge patungong Sto. Cristo.
At kung hindi lang halos alas-siyete na ay tutuloy na siya ng rancho pero isang oras at kalahati rin ang biyahe pauwi. At basag ang dalawang headlights ng Path Finder niya. Nabasag pagkarga sa barge at tinamaan ng kadenang bakal. Gusto niyang murahin ang tripulante dangan nga lang at alam niyang hindi naman sinasadya. May mga daan na matarik pauwi sa rancho at maaaring madisgrasya siya kung wala siyang ilaw. Minabuti niyang bukas na ng madaling-araw umalis ng Sto. Cristo.
Ang ikalawang dahilan, hindi niya gugustuhing makabangga ang mga tauhan ni Mayor Domingo. Nililigawan niya ang anak nito, si Angie.
Isang malakas na tawanan ang muling nakapagpalingon sa kanya sa mesa ng babae. Naibigay na ng waitress ang order nitong pagkain at ang isang lalaki ay naupo nang talaga sa mesa nito. Tinitigan niya nang husto ang mukha ng babae.
Damn her, she’s pretty. Oh, no. Not the stunning beauty pero lalo namang hindi rin mukhang probinsiyana. Iyon ang dahilan kung bakit nakuha nito ang atensiyon ng mga lasing. At ang mukha ng babae ay hindi man lamang kinakitaan ng takot o pangingilag. Sa halip ay iritasyon ang naroon.
“Hindi tagarito, Alvaro.” si Pablo uli.
“Alam mo namang walang tagarito ang papasok sa restaurant na ito na mas kilala sa pagiging bar.”
“Wala akong pakialam, Pablo!” Narito siya para uminom nang kaunti nang makatulog sa nag-iisang hotel sa bayang ito. Kung natutuhan ng babaeng pumasok sa ganitong uri ng lugar ay kaya nitong pangatawanan ang sarili sa mga lasing na iyon.
“Ano ba!” Narinig niya ang hindi kalakasang tinig ng babae. Pagkatapos ay ang malakas na halakhak ng lasing at ng kasama.
Nagtagis ang mga bagang ni Alvaro. Wala siyang pakialam, totoo iyon. Pero pumasok sa isip ang malimit sabihin ni Bea sa kanilang magkapatid.
“Treat every woman chivalrously, Alvaro, Lance. Kahit na siya pa ang pinakamababang uri ng babaeng nakilala ninyo. Treat her with respect and dignity as you would have other men treat me and little Jenny.”
Damn woman! bulong ng binata na kinukulit ng konsensiya. Inikot niya ang bar stool at humarap. Sa puntong iyon ay nakahawak na sa braso ng babae ang isang kamay ng lasing.
“Ingat ka, Alvaro,” pahabol ni Pablo nang tumayo ang binata at lumakad patungo sa kinaroroonan ng babae.
“Lasing na ang mga iyan.”
Biglang natahimik ang usapan at bulong-bulungan sa loob ng bar nang makitang lumalakad patungo sa kinaroroonan ng tatlo si Alvaro. Ang tanging maririnig ay ang tunog ng jukebox. Six feet and one inch tall. Big and all muscles. Parang adobe ang katawan. At ang ilan sa mga customers doon na nakakakilala sa binata ay nagsilayo sa maaaring abutan ng rambol kung saka-sakali.
“Bakit ba ang suplada mo, ha?” patuloy ng lalaking nasa mesa ng babae. “Gusto ka lang naman naming maka-table, ah.”
“Customer din ako rito at hindi waitress,” pangangatwiran ng babae sa kalmanteng tinig bagaman naroon ang galit.
“Mapapahiya ka yata, pareng Diego,” kantiyaw ng kasama nitong bumunghalit ng tawa. Tawang nahinto nang may kamay na humila sa upuang nasa tagiliran nito at itaas doon ang isang naka-leather boots na paa.
“’Pag pumapalag ang babae, hindi atin, Diego,” mahinahong wika ni Alvaro. Sabay na lumingon ang babae at ang tinawag na Diego.
“Hoy, wala kang pakialam dito, ha!” singhal ni Diego. “Baka hindi mo ako nakikilala?”
“Sure, kilala kita. At may pakialam ako dahil ayaw sa iyo ng babae.” sinulyapan ni Alvaro ang babae at nginitian. Bahagyang nanlaki ang mga mata ng babae sa ngiting iyon. Ang uri ng ngiting magpapawala sa matitinong kaisipan ng maraming babae.
“Hi.” Sinabayan ni Alvaro iyon ng kindat.
Tuluyang nanlaki ang mga mata ng babae. Hindi sa kindat kundi dahil tumayo ang kasama ni Diego mula sa likuran ni Alvaro.
“Sa likod mo!” babala nito.
Naiiwas ni Alvaro ang likod sa unday ng batangas subalit hindi ang balikat niya.
“Aw, shit!” Napangiwi siya sa matinding hapdi sa pagkakadaplis na iyon ng patalim sa balikat niya.
Karaniwan na ay maingat siya roon. Nasa sulok ng mga mata niya ang kasama ni Diego at nag-aantabay sa gagawin nito. Lamang ay nakuha ng babae ang pansin niya nang husto.
Damned woman!
Habang hawak ng isang kamay ang balikat na hindi niya matiyak kung inaagusan ng dugo ay umikot ang binata at isang todong flying kick ang ibinigay sa lalaki. Tumama ang boots niya sa mukha nito at bumalandra sa mga silya ang lalaki bago bumagsak sa baldosang duguan ang ilong.
Bahagya na rin niyang naiwasan ang kamao ni Diego. Sa mesa tumama ang lalaki nang maiwasan ni Alvaro ang suntok. Muli itong nag-akmang tatayo upang muling sugurin ang binata nang pumagitna ang babae.
“Tumigil kayo..!”
“Damn!” usal ni Alvaro sa ginawa ng babae.
“Huwag kang pumagitna at masasak…!” Hindi natapos ng binata ang babala dahil isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ng babae mula kay Diego. Sumadsad ito sa mga silya at napaupo roon, dumugo ang mga labi.
“You son of a bitch! You don’t deserve a fair fight!” hiyaw ni Alvaro kay Diego sa nagngangalit na mga bagang.
Ang lalaking nananakit ng babae ay walang karapatan sa isang malinis at patas na laban. Muling tumaas ang kanang binti ng binata at sa pagitan ng dalawang binti ni Diego ay malakas na tumama ang boots niya.
Nanlaki ang mga mata ni Diego na pinangapusan ng hininga. Pagkatapos ay sinapo ang harapan at unti-unting naupos paluhod sa baldosa sa matinding sakit.
Nilapitan ng binata ang babae na dinadama ng mga daliri ang mga labi. “Nasaktan ka ba?” Inaasahang makikita sa mukha ng babae ang paghanga sa ginawa nito o di kaya ay pasasalamat. Subalit alinman sa mga iyon ay hindi narehistro sa magandang mukha ng babae. Galit sa halip ang naroon.
“Hindi ba malaking kalokohan iyang tanong na iyan gayong heto at dumudugo ang mga labi ko!” asik nito. Umikot ang mga mata ni Alvaro.
“Ungrateful wench!” bulong ng binata. Muling niyuko ang babae.
“At ako pa ang sinisi mo sa nangyari sa iyo? Nagkaroon ka sana ng kaunting sentido kumon na huwag pumagitna sa nag-aaway!”
“At sino ang sisisihin ko?” patayong tanong ng babae na hindi nagbabago ang tono.
“Iyang lasing na iyan?” Naningkit ang mga matang nilingon nito si Diego na namimilipit pa rin sa sakit at nagmumura patungkol kay Alvaro.
“I could have handled him without getting hurt. You two are the classic example of male chauvinist pigs! Isang gustong mamuwerhisyo ng babae at isang ipagtatanggol ka kunwari mapatunayan lang na superyor ang pagkalalaki.”
“Whoa, baby!” Hindi makapaniwalang itinaas ni Alvaro ang dalawang kamay sa ere.
“I couldn’t believe this! Muntik nang sa likod ko tumama ang patalim ng kasama niyan sa pagtulong ko na huwag kang mabastos at ’eto pa ang mapapala ko!” Sa pagkabanggit sa patalim ay muling noon lang naramdaman ng binata na kumikirot ang balikat nito.
Bago pa may maisagot ang babae ay isang tinig ang narinig nila.
“Ano ang ibig sabihin nito?”
Humarap si Alvaro.
“Hepe… mayor…”
“Hanggang ngayon ba naman, Alvaro?” Ang hepe na umiiling. Sa pagkakatanda nito ay hindi birong gulo ang kinasasangkutan lagi ng magkapatid na Navarro kasama si Nick Montaño noong mga binatilyo pa ang mga ito. “Ikaw ba ang pasimuno ng gulong ito?”
“Ano ang ginawa mo sa mga bodyguard ko, Navarro?” ang mayor sa awtorisadong tinig na sinulyapan ang dalawang lalaki.
“Tingnan ninyo ang ginawa ng lalaking iyan sa akin, mayor!” tila batang hiyaw ni Diego na ikinataas ng isang sulok ng mga labi ni Alvaro sa amusement.
“Ipinagtanggol ko lamang ang babaeng ito mula sa pangmomolestiya ng mga tauhan mo, mayor.” nilingon ni Alvaro ang katabi subalit wala na roon ang babae.
“Sinong babae, Navarro? Lasing ka ba?” Ang hepe sa sarkastikong paraan.
Nagsasalubong ang mga kilay na inikot ni Alvaro ng tingin ang loob ng bar. Nawala ang babae. Napatingala siya sa kisame sa iritasyon.
“Itanong ninyo, hepe, sa mga taong iyan kung ano ang nangyari. At wala kang karapatang gamitan ako ng ganyang tono,” angil niya.
Napatikhim ang hepe na muling umiling at niyuko ang nakatihaya sa baldosa at sinipa para bumangon. Si Alvaro ay tuloy-tuloy na lumabas. Nasa pinto na siya nang marinig ang tinig ni Mayor.
“Mag-uusap tayo, Alvaro…”
Hindi pinansin ng binata iyon at tuloy-tuloy sa labas. Alam niya kung ano ang pag-uusapan. Hindi ilang beses ipinahihiwatig ni Mayor Domingo ang tungkol sa kanila ni Angie. Ang pagnanais nitong maging seryoso sa anak nito at pakasalan na.Women! Tulad nga ng biruan nila ng ina, hindi niya kayang mamuhay sa piling ng isang babae.
At lalong hindi niya kayang mabuhay kung walang babae. Oh, well, he loved women. Even if most of the time they irritated him. He loved their giggles and flirtations. The way they used tears as an ultimate weapon. And most of all, he loved that thing between their legs because therein lies the difference between man and woman.
Malapit lang ang hotel sa bar na pinanggalingan at nilakad lamang niya iyon. Kumirot muli ang balikat niya at pumasok sa isip ang babae.
Nagtagis ang mga bagang ng binata. Ang walang utang-na-loob!
Basta na lang nawala. Hindi na nga nagpasalamat ay nagalit pa. At siya na nga ang nasugatan ay siya pa ang nasisi.
6
BAHAGYANG tinanguan ni Alvaro ang lalaki sa counter at pumanhik nang tuloy-tuloy sa okupadong silid sa itaas. Hindi iyon ang lalaking dinatnan niya kanina bago siya nagtungo sa bar.
He hated the place. Marumi at luma na at hindi maganda ang mga facilidad. Pero ano ba ang inaasahan niya sa kaisa-isang hotel sa bayan ng Sto. Cristo? Hindi niya madesisyunan kung maigi pang matulog na lang sa airconditioned pickup kaysa sa hotel na ito. Pero gusto niyang ilatag ang katawan at kung sa pickup siya matutulog ay tinalo pa niya ang nagbiyahe sa gabing iyon.
He moved swiftly and quietly, na unusual para sa isang malaking taong tulad niya. Sinusian niya ang pinto ng silid. Bumukas iyon. A faint scent met him. Tila pamilyar pero hindi niya agad maisip. Kinakapa niya ang ilaw nang may maramdaman siyang kakaiba. May tumaas at bago pa niya naiiwas ang sarili ay tumama sa mismong balikat niyang may sugat ang isang silyang kahoy.
Napaungol ang binata sa matinding sakit. Nawalan ng panimbang bagaman sinikap na huwag bumagsak sa sahig. Inihanda ang sarili sa anumang panganib nang bumukas ang ilaw.
“Ikaw!” parehong usal ng dalawa sa pagkamangha.
“And damn you!” hiyaw ni Alvaro na lumakad patungo sa kama at ibinagsak ang sarili habang sapo ng kanang kamay ang kaliwang balikat.
“Ano ang ginagawa mo rito?” tanong ng babae na ibinaba ang hawak na silya. Nakapamaywang na nilapitan ang binata na nakapikit at nagsasalubong ang mga kilay.
“I should be the one asking that question,” pagalit na sagot ni Alvaro na nagmulat ng mga mata.
“Inabangan mo ba ako rito sa silid ko para patayin?” sarkastikong dugtong nito.
“Silid mo?”
“Silid ko!”
Naningkit ang mga mata ng babae. “Luma na iyang taktikang ginagamit mo. Mister, kung sino ka man. Kung hindi mo mamasamain ay lumabas ka na bago ko tawagin ang manager sa hotel na ito.”
Hindi agad nagsalita si Alvaro. Sinikap nitong ipunin lahat sa dibdib ang kontrol sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay nito. At sa pilit at kalmanteng tinig ay nagsalita: “Woman, this is my room. Itanong mo sa ibaba kung paanong nangyari at ibinigay sa iyo ang silid na ito.” Matinding iritasyon ang nararamdaman ni Alvaro. Idagdag pa ang sugat na lalo pang nasaktan sa hampas ng silya. At heto ang babae at nakikipagtalo ng silid niya ito.
“Bakit hindi ikaw ang bumaba at ikaw ang magtanong?!” pagalit ding sagot ng babae.
“Ano ang malay ko kung sadya mo akong sinundan dito…”
“Shit!” usal ni Alvaro. Masakit at umaantak ang sugat nito at wala itong balak makipag-usap. Nararamdaman na niyang namamanhid ang balikat.
“You don’t really have to act as if you’re in pain,” patuloy ng babae na bahagyang nalito sa nakikitang hitsura ng binata. “Hindi naman malakas ang pagkakahampas ko ng silya sa iyo.” may bahagyang guilt sa tinig niya na humalo sa galit. “Kasalanan mo dahil basta ka na lang pumapasok sa silid ng may silid. Walang bolt ang silid na ito at kailangan kong protektahan ang sarili ko sa… sa mga… tulad mo…”
Alvaro moaned and cursed silently. The woman is intolerable. Kasalanan ba talagang pumatay ng tao? O ng babae for that matter?
“Please… ayokong makipag-usap. Gusto ko na lang magpahinga, okay?” patuloy nito pero hindi nagmulat ng mga mata. “Bahala kang magreklamo sa ibaba and I doubt kung pakikinggan ka.
Kilala ako ng mga iyon.“
Nalimutan sandali ng babae ang tungkol sa silid na pinagtatalunan nila. Nalilitong tinitigan ang binatang nakapikit, as if in real pain. Nang biglang maisip na inundayan nga pala ito ng patalim kanina niyong isang lasing. Ang alam niya ay nadaplisan lamang ito?
Mabilis siyang naupo sa gilid ng kama at inalis ang kamay ni Alvaro sa balikat nito at bahagyang itinagilid.
“What the hell are you doing?!” pagalit na tanong ng binata. “Hindi ba puwedeng iwan mo akong mag-isa?!”
“M-may—sugat ka!” hindi makapaniwalang bulalas ng babae.
“Thanks to you!”
Hindi pinansin ng babae ang sarcasm sa tinig ng binata. Itinaas ang napunit nitong t-shirt sa likod. Nasilip niya ang may tatlong pulgadang sugat na marahil ay nakayod ng patalim. Hindi niya madesisyunan kung malalim o hindi. At kaya hindi niya napuna ang dugo dahil navy blue ang sport shirt ng lalaki.
“Kailangang magamot ang sugat mo.”
“Oh, no, don’t worry. I deserved it,” patuyang sagot ni Alvaro.“
“I… I am sorry…” marahang usal ng babae. “Hindi ko… alam.”
Nagmulat ng mga mata si Alvaro at tinitigan ang babae. “You’re sorry! That’s interesting…”
“Please, there’s no need to be sarcastic. Humihingi na akong pauman…”
“Walang anuman,” agap ng binata na patuloy sa pagtuya. “Kung ginagawa mo iyan para itaboy ako dito sa silid ko, then you’re wrong, Miss Whoever! There’s no way in hell I’m getting out of this room so forget it!”
She gritted her teeth sa sarcasm at galit sa tinig nito. Sinisikap kontrolin ang inis. “I really am sorry at… at… salamat sa ginawa mo kanina sa restaurant,” she said in her most sincerest tone.
Bahagyang nabawasan ang galit ni Alvaro sa tono niya. Itinaas ang kamay sa mga labi ng babae bago pa ito nakakilos. At sa nagsasalubong na mga kilay ay dinama ang lower lip niya.
“A little bit swollen at may natuyong dugo…”
She tried to hold her breath sa warmth na nanulay sa katawan niya. It wasn’t a caress. Certainly not. One of those things kung saan nag-aalala ang isang tao para sa kapwa tao. Tulad ng nararamdaman niya sa sugat nito.
Tumikhim ang babae at tumayo. “Baka… maimpeksiyon ang sugat mo kung hindi gagamutin.
Bababa ako at itatanong ko sa tao roon kung may gamot sila sa sugat…“ she tried to steady her voice. Isang simpleng hawak sa mga labi niya mula sa isang estranghero at nara-rattle na siya.
Hindi lang iyon, paanong sinasalakay ang lahat ng senses niya sa masculine scent ng lalaki?
Estranghero, yes. Pero tingnan mo ang estrangherong iyan, doesn’t he look like William Baldwin?
Sa ibaba ay nilapitan ng babae ang naroong boy sa likod ng counter. “Excuse me…” sinabayan niya iyon ng tikhim nang titigan siya nito mula ulo hanggang paa. “May alcohol ba kayo rito at saka gamot sa sugat? Betadine kaya?”
“Sino ang may sugat, Miss?” nagtatakang tanong ng lalaki.
“Ang—ang kasama ko?” kaila niya. Kung bakit hindi niya alam. “Mayroon ba?”
Dudang tinitigan siyang muli ng lalaki. Pagkatapos ay umiling. “Wala n’on dito, Miss. Sa botica tiyak mayroon. Bukas pa iyon dahil maaga pa naman.”
Huminga siya nang malalim. “Malayo ba dito iyon?”
“Diyan lang sa may kanto. Kung bibilisan mo ay aabutan mo pang bukas iyon.”
Mabilis siyang lumabas ng hotel at binaybay ang itinuro ng lalaki. Tatlong kahoy na ang nakasara nang dumating siya sa bintana ng maliit na botica. Mabilis niyang binili ang sa inaakalang mga kailangan. Pagkatapos ay mabilis ding bumalik ng hotel at tuloy-tuloy na pumanhik sa ikalawang palapag.
Iyon pa rin ang posisyon ni Alvaro nang datnan niya. Nakapikit pa rin ito. Pilit na nagmulat lamang ng mga mata nang maramdamang naupo siya sa gilid ng kama.
“Oh, it’s you. Akala ko ay umalis ka na…” may banayad na sarcasm sa tinig nito bagaman naroon ang relief. Kung bakit hindi nito matiyak.
“You can’t expect me to desert a dying man,” pabiro niyang sagot.
“Nagpunta pa ako sa botica. Please, alisin mo ang t-shirt mo para malinis ko ang sugat mo…”
“Sure…” walang anumang wika ng binata. Bumangon at itinaas ang sport shirt pagkatapos ay muling napangiwi dahil nabanat ang sugat. Nakita ng babae ang pagngiwi ni Alvaro.
“Masakit ba talaga?” she asked in a gentle tone.
“Dumb question.”
Ngumiti siya at napatitig nang wala sa oras si Alvaro sa mga labi ng dalaga sa ngiting iyon. She has a very kissable lips.
At inaawat nito ang sariling huwag ikulong ang babae sa mga bisig at hagkan hanggang sa pareho silang pangapusan ng hininga.
“Now we’re even. Tinanong mo rin sa akin iyan kanina,” wika ng babae na nagbaba ng tingin. Biglang nadama ang tensiyon sa pagitan nila ng estranghero.
Iniwas ng tingin ng binata ang mga mata sa mga labi niya. Tuluyang hinubad ang sport shirt at inihagis sa silya sa di-kalayuan. Napasinghap si Kristine nang makita ang sugat.
“Hindi biro ang sugat mo!”
Nagkibit ng mga balikat si Alvaro. “It won’t kill me.”“But the infections would! Ni hindi natin alam kung saan ginamit ang patalim na iyon.”
“Ayokong hulaan.”
“Kailangang malinis at magamot iyan.”
“Be my guest,” nakangising sagot ng binata na tinitigan ang dalaga mula sa tagiliran. Tuluyang naglaho ang inis para dito.
“Ano ang pangalan mo?”
“Wala kang pakialam!” banayad na asik ng babae na inaalis ang seal ng alcohol. Hindi komo inaasikaso niya ang sugat nito ay may karapatan na itong makipagkilala sa kanya.
“Nice name. Galing sa ama o sa ina mo?” patuloy ni Alvaro.
“Cute,” ismid ng babae.
“You’re wearing Opium,” banayad na komento ng binata sa mamahaling pabango ng babae.
“Hindi ako magtataka kung sa perfumery section ng Rustan’s ka nagtatrabaho,” she commented stupidly. It would be a big laugh kung ang hunk na lalaking ito ay ganoon nga ang trabaho.
Hindi sumagot si Alvaro at matiim na tinitigan ang babae. Mestiza at tila masusugatan ang makinis na balat with so much as a touch. Mahahaba ang mga pilikmatang tumatakip sa mga matang nakatitig sa sugat nito. Natatandaan nito ang mga matang iyon kanina sa bar when she was angry and a while ago when she attacked him. Mga matang kasinlamig ng Arctic region.
He wonder what those eyes would look when being made love to? Maglalabas kaya ng mga apoy iyon? Hinagod nito ang kabuuan ng mukha ng dalaga. She isn’t really what you will call beautiful but certainly she’s pretty… and very sexy.
He wasn’t referring to her delicious body when he said sexy. It was her face. May kung anong bagay sa mukha ng babae that would make a man crazy and make him think of sex.
Sex! Kung mayroon mang dapat isipin ngayon ay kahuli-hulihan ang sex. May sugat siya at tama ang babaeng ito. Baka infection ang abutin niya nang dahil lang sa maliit na sugat na sanhi ng patalim that only God knows kung saan ginamit.
Gusto niyang ibaling sa iba ang atensiyon in spite of the ache in his loins. Pero paano nito gagawin iyon gayong ang babae mismo ay hindi inaalis ang mga mata sa pagtitig sa kanyang katawan as if she’s longing to touch him. Oh, well, he’d love that kahit na ba masakit ang sugat niya.
“Don’t stare at my body as if I’m some kind of a botanical specimen.” hindi itinago ng binata ang amusement sa tinig.
Biglang nag-angat ng ulo ang dalaga na huminto sa pagbubukas ng alcohol. “A-ako…?” She stammered. Napahiya sa pagkahuling iyon sa pagtitig niya sa matipunong katawan ng lalaki. Why, he’s big. Very masculine na sa isang iglap na sandali ay inisip niya kung paano ang makulong sa mga bisig nito.
“Sino pa ba, eh, tayong dalawa lang ang narito?”
“Of course… I mean…”
Ngumisi si Alvaro. “Talaga bang nakakawala sa sarili ang hubad kong katawan?“Umirap ang babae. Irap na magpapalanta ng isang dosenang sariwang rosas kung doon itinuon.
“Hold your breath, Mister. Tingnan natin kung gaano kaganda at katibay itong katawang ito…” at bago pa nahulaan ni Alvaro ang mangyayari ay binuhusan ng dalaga ng alcohol ang sugat niya, with a vengeance.
Nag-echo sa silid na iyon ang malakas na pagmumura ni Alvaro sa amusement ng babae.
“Oh, hell… oh…!” sigaw ng binata na ang mga sinasabi ay unprintable.
“I admire your fluency in cursing, Mister…” natatawang wika niya.
“Tigilan mo iyan or else I’ll kill you—Agh!”
“Ikaw ang pinakamalaking baby na nakita ko.”
“Ano ang ginagawa mo?!”
“Pinapatay ang mga mikrobyo.”
“Anak ng… ako ang pinapatay mo! Hipan mo, hipan mo!”
“The germs will spread out…”
“Who cares about the germs, dammit! Hipan mo or I’ll squeeze your neck!”
She smiled at banayad na hinipan ang sugat. Whoever this stranger hindi siya naniniwalang sasaktan siya nito physically. Ang instinct niya ang nagsasabing hindi ang uri nito ang nananakit ng babae. Nakita niya ang galit sa mga mata nito kaninang tinamaan siya ng kamay ng lasing.Natahimik si Alvaro nang maramdaman ang lamig sa pag-ihip na iyon ng dalaga na sumama sa menthol ng alcohol.
“Ano ang nakakatawa?!” asik nito nang makita ang ngiti sa mga labi ng babae.
“Ikaw.” hindi niya mapigil ang pagngiti. Inabot ang bulak at pinunasan ang mga natuyong dugo sa paligid ng sugat.
“Hindi ka natakot sa mga lasing na iyon at sa patalim pero heto at alcohol lang ay tinalo mo pa ang munting bata.” Pagkatapos ay inabot ang betadine at binuksan at akmang ibubuhos nang hawakan ni Alvaro ang kamay niya.
“Hold it… hold it! Ano na naman iyan?!”
“Betadine. Panlinis lang ang alcohol at gamot ito sa sugat para madaling matuyo. Hindi ito mahapdi.”
“Tiyakin mo.” may banta sa tinig ng binata na tumitig sa kanya. Ang kamay ay nakahawak pa rin sa pulso ng babae. Nagsalubong ang mga tingin nila. It was like completing an electric circuit.Sandaling namagitan ang walang hanggang katahimikan. Ang estranghera ang unang nagbaba ng tingin at marahang hinila ang kamay. Walang kibong ipinagpatuloy ang ginagawa. Nagpatuloy ang nakabibinging katahimikan. Nang mai-bandage ng babae ang sugat ay tumayo siya.
“Okay na,” she said huskily. Umiiwas na makasalubong ang mga mata ni Alvaro. “Puwede ka nang lumabas ng silid ko,” pormal niyang sinabi.
“Silid mo!”
“Silid ko!”
Napailing ang binata.
“We sound like a broken record. Now, let me make it clear, bago ako nagpunta sa bar na iyon ay okupado…”
“Huwag na tayong maglokohan, Mister,” agap niya sa sinasabi nito.
“Maaaring mga lasing ang mga lalaking iyon at masama ang motibo ng paglapit nila sa akin. Pero ganoon ka rin. Higit nga lang na desimulado and more polish ang pamamaraan mo.”
“Iniisip mong sinundan kita dito at… at…” sandaling nautal ang binata sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay nito. Nahati ang pansin nito sa pagitan ng sinasabi ng babae at sa singsing na nasa daliri niya na napansin ni Alvaro.
The woman is married! Wedding ring ang suot nito. No woman in her right mind ang magsusuot ng wedding ring kung wala namang asawa. Kaya pala malakas ang loob na pumasok sa ganoong uri ng restaurant!
“Hindi ko lang iniisip,” agap ng babae.
“Iyon ang binalak mong gawin. Nakatulong sa iyo ang sugat mo but you can’t fool me, Mister Whoever.”
Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Alvaro. Ibinalik ang pansin sa sinasabi ng babae. Bigla ay nakadama ito ng matinding disappointment.
“Of course, hindi mo ako kilala, pero sasabihin ko sa iyo ngayon, Miss Whoever. Hindi ako gumagamit ng ganitong mga pamamaraan just to bed a woman!”
“Really?” Tumaas ang mga kilay ng babae.
“At ano’ng pamamaraan ang ginagamit mo?” tuya niya.
Tumaas ang sulok ng bibig ni Alvaro.
“Darling, in my case, karaniwan na ay mga babae ang gumagawa ng paraan para makapiling ako sa kama, kung hindi mo ikagagalit.”
Bahagyang nanlaki ang mga mata ng babae pero pilit na nag-compose. “Aren’t we being conceited here?”
“Iyon ang totoo. At kung gusto ko ng babae ay hindi ko kailangang magpakabayani. They are available for my taking.”
“Oh!”
“Yes, oh. And don’t be a hyprocrite. Nakita ko kung paano mo ako tinitigan kanina. What did you fantasize? Me, deep inside you? Why, baby, you’ll probably have the most exciting ride of your life!” Naiinis si Alvaro kaya kung ano na lang ang sinasabi. Hindi gustong amining nakadagdag sa inis nito ang nakitang wedding ring.
“You… you…!”
“But rest assured,” agap ni Alvaro sa nagbabantang histerya ng babae.
“My morals do not allow me to bed and pursue married women!” Bago pa nakasagot ang babae ay galit na tumayo si Alvaro. Hinablot ang sport shirt sa silya at walang kibong lumabas ng silid kasabay ng pagbagsak ng pinto.
Ang babae ay nanatiling nakatitig sa pinto, in shock sa outburst ng lalaki. Sa pakiramdam niya ay namumula pa ang mukha niya sa sinabi nito, which was partly true.
And married women. Iyon ang narinig niyang sinabi ng lalaki. Bumaba ang tingin niya sa singsing na nasa kamay. Isang buntong-hininga ang kumawala sa kanya. Yes. She was married. Was married.
Pagkatapos ay pumasok sa isip ang pinagtatalunan nila. Baka naman totoo ang sinasabi ng lalaki. Maaaring nagkamali ang boy sa ibaba. Hindi imposible iyon. Kung sa malalaking hotel ay nangyayari iyon sa ganito pa kayang lugar.
Gusto niyang habulin ito dahil nag-aalala siya sa sugat nito pero pinigil niya ang sarili. Lalaki iyon at kaya niyon ang sarili. Isa pa, she’ll be damned kung hahabulin niya ang lalaki sa galit nito.
Si Alvaro ay napag-alaman sa ibaba na nagkamali ang boy sa pagbibigay ng isa pang susi ng kuwarto sa babae. At wala nang iba pang bakanteng silid sa maliit na hotel na iyon maliban sa isang silid na ang laki ay kalahati ng silid na iniwan. Ang kama ay isang pang-isahang teheras na sa palagay ng binata ay magigiba kapag siya ang mahihiga. Walang electric fan at mukhang mabaho. Panahon ng paghahakot ng copra at may mangilan-ngilang negosyanteng intsik na naroon upang bumili ng copra kaya marahil puno ang mumurahing hotel. Minabuti ni Alvaro na sa mismong pickup na lang matulog. At least, mabubuksan pa niya ang aircon.
7
PALINGA-LINGA siya sa dinaraanan. Kaparangan at mga bundok ang nakikita niya. Iniisip kung saang bahagi ng lupa siya naroroon. Hindi siya makapaniwalang sa ganitong lugar siya ipinadala ng kaibigan. Natitiyak niyang hindi nga siya mahahabol dito ng bayaw.
Huminto ang overloaded jeep sa isang sangang-daan. Nilingon siya ng driver. “’Ayan ang daan patungong Rancho Navarro, Miss,” wika nito.
Nalito siya. “Daan? Gaano pa kalayo mula rito ang rancho?”
“Propriedad ng mga Navarro ang lupaing ito, Miss, mula pa kanina sa dinaanan natin may isang oras na ang nagdaan. At mula rito sa sangang-daan hanggang sa Villa Navarro ay tatlong kilometro,” sagot ng isang pasahero sa nagsisimpatyang tono.
“Tatlong kilometro!” bulalas niya.
“A-ano ho ang sasakyan patungo roon?” Sa anyo ng mga pasaherong nakikinig sa kanya ay nahuhulaan na niya ang sagot. At gusto niyang bumulalas ng iyak kung hindi lang siya magmumukhang kahiya-hiya.
Tinulungan siya ng ibang pasahero na ibaba ang maleta niya. At nagkakandahirap siyang dumaan sa pagitan ng mga bayong, basket at kung ano-ano pang mga prutas at bagahe na nasa gitna ng jeep.
Hindi siya ipinanganak na mayaman pero buong buhay niya ay namuhay siyang tulad sa isang mayaman. At sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay natutuhan niyang sumakay ng bus at jeep na tulad nito.
Itinabi niya ang maleta sa daan at naupo roon. Sinabi na sa kanya ng kaibigan kung gaano kalayo ang rancho. Pero ni sa panaginip ay hindi niya akalaing ganito kalayo at ka-remote. Ang poste ng kuryente ay nakita niyang natapos sa mismong boundary ng bayan. Ano ang ginagamit sa rancho?
Higit sa lahat, paano siya makakarating doon? Dapat ba niyang pagsisihang mula sa Houston ay napapayag siya ng kaibigang magtungo rito? Mabilis din niyang sinalungat ang sarili. Tamang umuwi siya dito sa Pilipinas at dito sa kung saang bahagi man ito ng lupa. Sa mga sandaling ito ay alam niyang nasa Pilipinas na rin si Marvin upang sundan at hanapin siya. At dito sa islang ito ay natitiyak niyang isa sa isang milyon ang tsansang makita siya ni Marvin.
Tumayo siya at dinampot ang maleta at nagpasimulang maglakad. Binaybay ang malapad na daan papasok sa rancho. Tiningnan ang oras sa relo sa braso, alas-otso y media ng umaga. Kung papalarin siya ay makakarating siya marahil doon mamayang gabi. Hindi niya malaman kung matatawa o maiiyak sa iniisip. Lalakarin niya ang tatlong kilometro!
She’s dead by the time na naroon siya. At tama ang mga kaibigan niya, hindi na nga siya makikita pa ni Marvin. And she started laughing hysterically sa iniisip. Nag-echo sa buong paligid ang tinig niya na agad ding nagpahinto sa pagtawa niya. She was amazed! Nakarinig siyang talaga ng echo ng sariling tinig!
Umiiling na nagpatuloy siya sa paglakad. Kung narito siya sa dahilang nagbabakasyon, she would have appreciated the beauty of the place. Isang ravine ang dinadaanan niya makalipas ang beinte minutos na lakad. At natatanaw niya ang malawak at asul na karagatan.Parang asukal na puti ang buhangin sa baybayin. Matataas ang puno ng niyog sa tabi nito. Oh, how she would like to go surfing and snorkeling.
Sanda-sandali ay humihinto siya at nagpapahinga. Mabuti na lang at natatakpan ng malalaking puno ang init ng araw. Kung hindi ay baka kanina pa siya bumigay. Patuloy siya sa paglalakad at nakakaramdam na talaga siya ng matinding hapo. Magagawa niya sigurong balewalain ang layo ng nilalakad kung hindi dahil sa maleta niyang bitbit. Gaano man kaliit ito ay mabigat din.
Bigla siyang napatayo sa inuupuang patay na puno nang makarinig ng mga yabag ng kabayo. May mga taong dumarating! Dalawang lalaki ang patungo sa kinaroroonan niya. Tumaas-baba ang dibdib niya sa sama-samang pagod, galak at kaba. Baka mapanganib ang mga taong ito.
Nagsalubong ang mga kilay niya nang mapagsino ang mga dumarating. Hindi niya kilala ang isa pero namumukhaan niya ang malaking lalaking nasa unahan. Huminto ilang dipa mula sa kanya ang mga nakakabayo.
“Ikaw!” hindi makapaniwalang bulalas niya. At lalong nanlaki ang mga mata niya nang itaas ni Alvaro ang hawak na riple at itutok sa kanya.
“A-anong…!” Sindak na nawalan ng kulay ang mukha.
Pumutok ang riple kasabay ng pagpikit niya. Ilang segundo ang lumipas bago unti-unting nagmulat ng mga mata nang maramdamang nakatayo pa rin siya.She’s still alive. Tinakot lang ba siya ng walang modong lalaking ito? Galit na tiningala niya ito at talagang pagsasalitaan subalit ang mga mata ng dalawang nasa ibabaw ng kabayo ay wala sa kanya kundi sa may likurang tagiliran. Nalilitong lumingon siya. Nakulong sa lalamunan niya ang hininga sa nakita.
Ahas! Isang malaking ahas ang binaril nito! And she has always been scared of snake, maliit man o malaki, patay man o buhay. At sa pinagsama-samang takot, pagkabigla, at matinding pagod ay umikot ang paningin niya at bumagsak siya sa lupa.
“Dammit!” galit na usal ni Alvaro at mabilis na bumaba ng stallion.
8
“SINO ang babaeng iyan, Alvaro?” Si Erlinda Navarro Gascon.
Umiling ang binata.
“Hindi ko kilala, Lola. But I’ve met her last night sa hotel na tinuluyan ko.”
Tumaas ang mga kilay ng matandang babae. “Alvaro?”
Amused na nilingon ng binata ang abuela.
“Nagsasabi ako ng totoo, Erlinda Gascon. Siya ang babaeng sinabi ko sa inyo na dahilan kaya ako nagkasugat,” patuloy nito. Hindi na sana nito ipapaalam sa abuela ang nangyari sa kanya subalit hindi sinasadyang nahawakan siya ng matanda sa balikat nang dumating siya kaninang umaga. Bukod sa nadama nito ang mga gasa ay napangiwi pa siya.
“And what is she doing here?” nagtatakang tanong nito.
Nagkibit ng mga balikat si Alvaro.
“Hintayin nating mahimasmasan at nang malaman natin. Nakita siya ng teleskopyo ko habang hinahanap namin ni Mang Kardo ang tatlong nawawalang mga baka.” At hindi niya mapaniwalaang magkikita silang muli ng babaeng ito sa mismong loob ng rancho.
Noong una nitong makita ang babae sa teleskopyo ay hindi nito mapaniwalaang siya iyon. Pero hindi nito maipagkakamali sa iba ang mukhang nasa harap.
Buong magdamag ay okupado ng babae ang isip nito. Her sensual lips, her body, her face, her eyes… that he was aching hard. Gusto nitong bumalik sa itaas ng hotel and make some wild and passionate love to her.
But he checked himself. Kailan pa ito naging ganoon na tila teenager sa unang sexual experience? Dala lang marahil iyon ng epekto ng sugat niya, illogical na rason niya sa sarili.Ang estranghera ay unti-unting pinagbabalikan ng malay.
“I-ikaw?” Her voice hoarse.
Ngumisi si Alvaro.
“Paborito mong salita iyan, Miss Wala kang Pakialam…”
“Saan… ako naroroon? Bakit ka narito?” Dumako ang mga mata niya sa matandang babaeng katabi ng lalaki.
“Narito ka sa rancho Navarro, hija. Hinimatay ka,” pormal na sagot ni Erlinda. Ang mga mata ay mapanuri. Lalo na kapag babae ang nagpupunta sa rancho. Mula pa nang magbinata ang mga apo nito ay hindi na birong mga babae ang paroon at parito sa rancho at sa mansiyon sa Maynila.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Nasa Villa Navarro siya! Mabilis siyang bumangon at naupo sa gilid ng lounge.
“Nandito ako sa rancho Navarro? Sa mismong villa?” Inikot nito ang paningin sa paligid.
“Oh, thank God!” She gave a sigh of relief.
Nagsalubong ang mga kilay ni Erlinda na napasulyap sa apo na ganoon din ang mukha.
“Sa Rancho Navarro ba ang talagang tungo mo?” Si Alvaro.
Mabilis siyang tumango.
“Oho. Ako po si Kristine Cuevo. Hinahanap ko po si Alvaro Navarro.”
Napatuwid ang likod ni Alvaro sa narinig.
“Bakit mo hinahanap si Alvaro, hija?” patuloy ni Erlinda sa mailap na tono at sinulyapan ang apo na ipinagkurus ang mga braso sa dibdib.
“Kayo po ba si Mrs. Erlinda Gascon?” Wala sa loob na napaoo at napatango si Erlinda. Si Kristine ay may dinukot sa bulsa ng maong.
“May sulat po ako dito galing kay Jenny at Lance…”
“Sa mga apo ko?” gulat na wika ni Erlinda. Ang mga apo niya ay nasa Texas.
“Opo. Para po sa inyo ni Alvaro ang sulat na ito.” iniabot niya ang sulat sa matandang babae. Mabilis na binuksan ng matandang babae ang sobre, akmang babasahin nang magbago ang isip.
“Hindi ko suot ang salamin ko, hijo,” wika nito sa apo.
Nagsasalubong ang mga kilay na muling tinitigan ni Kristine si Alvaro. May bahagya nang pagdududa ang bumukal sa dibdib sa kung sino ang lalaking ito. Inabot ng binata ang sulat mula sa mga kapatid at binasa. Pagkatapos ng ilang sandali ay binalingan ng tingin si Kristine.
“Nanggaling ka pa ng Houston?” Naguguluhang tumango si Kristine.
“When did you arrive?”
“K-Kahapon ng umaga,” aniya, clearing her throat. The man’s closeness really intimidate her. “I travelled straight here from NAIA.”
“Magpapahanda ako ng tanghalian, Alvaro. Mag-usap kayo,” ani Erlinda na lumabas. Narinig pa niya ang bulalas ni Kristine.
“Alvaro! Ikaw si Alvaro Navarro?” Bagaman may hinala na siya ay hindi pa rin niya maiwasang hindi mabigla.
“Didn’t I come up to your expectations?” amuse na tanong ng binata.
Napapikit si Kristine sa pinagsamang iritasyon at pagkamangha. Iritasyon dahil hindi sana siya nahirapang bumiyahe kung antimano ay inalam niya ang pangalan ng lalaking ito. Pagkamangha dahil hindi niya mapaniwalaang kapatid ito ni Lance. Magkaibang-magkaiba ang dalawang lalaki. Why, the two brothers are like the sun and the moon.Alvaro is probably a little bit taller. And also bigger. Lance is sunny-tempered at madaling tumawa. While this man is hot-tempered at nakakairita. Tila laging nanunuya. Both are outrageously handsome. While Lance is the matinee idol type si Alvaro ay medyo rough.Kanino nga ba niya inihahalintulad ang magkapatid? Kay Alec and William Baldwin ba?Tumikhim si Alvaro na nagpaputol ng assessment niya.
“Mula pa sa hotel mo ako tinititigan nang ganyan. Hindi pa ba matapos-tapos ang assessment mo sa akin?”
Namula siya.
“You’re… so different from Lance…”
“Of course. Para kaming araw at gabi kahit sa mga bagay na gusto namin,” sang-ayon ng binata. Itinaas ang hawak na sulat.
“Sabi rito sa sulat ni Jenny ay ipaliliwanag mo ang sirkumstansiya mo kung bakit ka narito…”
“Oh, yes…” sinabayan niya iyon ng buntong-hininga. Mapipilitan ba siyang sabihin sa lalaking ito ang totoong dahilan kung bakit biglang-bigla mula Texas ay narito siya sa isang isla sa Quezon Province?
“Are you married?” Muling tinuon ng tingin ni Alvaro ang singsing niya.
Tumango si Kristine.
“Was married.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Alvaro. “Was?”
“My—my husband died more than six months ago,” she whispered. Nagkaroon ng lambong ang mga mata. Hindi niya gustong alalahanin ang kamatayan ni Roy. Nagdadala iyon ng pait sa dibdib niya.
Nag-alis ng bara ng lalamunan si Alvaro. Lumakad patungo sa may bintana at namulsa.
“Nakikiramay ako.” hindi nito maintindihan kung bakit tila may bigat na naalis sa dibdib.
“Ilang taon ka na and how long have you been married?”
“I’m twenty and we’ve been married for two years hanggang sa mamatay siya.” two years, bulong niya sa sarili. Roy married her nang malaman nitong hindi na magtatagal ang buhay. Para sa kanya kaya ginawa ni Roy iyon.
“You haven’t been out of your pacifier nang mag-asawa ka,” he mocked softly at muling hinagod ng tingin si Kristine. “Bakit ka naririto?”
“G-gusto kong makalimutan ang… ang sakit ng dulot ng pagkamatay ng asawa ko.” Umiwas siya ng tingin pagkasabi niyon.
“After six months?” Tumaas ang mga kilay ni Alvaro doon.
“Why do I have these feelings na iba ang totoong dahilan kaysa sa sinasabi mo?”
Naningkit ang mga mata ni Kristine.
“Sinabi ko na ang mga bagay na dapat mong malaman. I am here dahil pinagmagandahang-loob ako ng mga kapatid mong magbakasyon dito pansamantala. Hindi ako masamang tao ang I am not definitely interested with you.”
Muling nagsalubong ang mga kilay ng binata.
“Bakit mo nasabi ang huling sinabi mo?”
“Oh. your sister warned me na baka pag-isipan mo ako na isa doon sa mga babaeng nagnanais na i-trap ka sa marriage. O kabilang doon sa mga babaeng lagi nang naghahabol sa iyo. Well, relax, Mr. Navarro, you’re safe from me. I won’t be affected by your charm nor will I trap you into marriage. I’ve been there once, never again.”
Pumuno sa silid na iyon ang malakas na tawa ni Alvaro. Naiiritang pinanonood ni Kristine ang lalaki. The man is handsome as the devil. Guwapo rin si Lance pero mas type niya si Alvaro. Type? Hindi ba at sinabi lang niyang hindi siya maapektuhan sa charm nito?
“I’ll murder that little brat,” nakatawa pa ring sinabi ng binata.
“Anyway, how are they?”
Bumuntong-hininga si Kristine.
“Jenny is fine. While your brother Lance ay nagsisimula nang makilala bilang international playboy.”
Tumaas ang isang kilay ng binata. Nagpatuloy si Kristine.
“Ang current girl niya ngayon ay isang Greek national. Isang international model.”
“Noong isang buwan ay isang Venezuelan naman ang nabalitaan naming girlfriend ni Lance.” napapailing ang binata.
“At kinukunsinti ni Franco at ikaw ang lalaking iyon, Alvaro,” pagalit na wika ni Erlinda na sumungaw sa pinto.
“Lance has become a jet-setter!”
Nagkibit ng mga balikat si Alvaro. He loved his younger brother and he couldn’t find fault sa jet-setting nito. Isa pa, ito ang gusto niyang buhay, dito sa rancho. At iyon ang gusto ni Lance. Ang tanging setback lang ay siya ang gusto ni Franco na mamahala sa buong FN International. At bahala na si Lance sa negosasyon sa ibang bansa.
“Nakahanda na ang mesa.” si Erlinda na nagpatiuna sa paglabas.
Tumayo si Kristine. Lumapit sa kanya si Alvaro at may ibinulong.
“How long have you known my brother?”
“Sa duration ng marriage life ko. Dito kami ikinasal ni Roy sa Pilipinas but went abroad after a week. Actually, si Jenny ang una kong nakilala, classmate kami sa dalawang subjects. Bakit?”
“Gusto ko lang ipaalam sa iyong magkaiba kami ni Lance ng taste sa babae,” nakangising bulong uli ng binata.
“Meaning?”
“Lance has a penchant for dark women. While I like my women mestiza. And I’m glad you’re not dark.”
Hindi nakuhang sagutin ni Kristine iyon dahil lumingon si Erlinda upang tiyaking kasunod na sila.
9
PAGKATAPOS nilang kumain ay sinamahan siya ni Erlinda sa isa sa mga silid sa itaas.
“I hope you will like this room, Kristine. Nakatanaw ito sa dagat.”
“Thank you, Mrs. Gascon. Napakaganda ng silid na ito.”
Antique ang four-poster bed at may kurtinang nakapaligid sa itaas na tila para sa isang prinsesa sa isang Arabian movie. Malalaking kahoy na narra ang dingding in natural varnish. Ang malalaking aparador at tokador ay kulay-itim at may mga ukit ang mga kahoy. French windows ang mga bintana.
Ang buong villa ay yari sa pulang bricks at adobe. Ang tanging kahoy ay ang mga balustre sa malaking hagdan at ang panelling ng mga silid sa itaas. Malaki at marangya ang villa para sa ganitong lugar. She wouldn’t have been surprised kung nasa ibang bansa sila tulad ng Scotland kung saan common ang mga ganitong uri ng bahay sa isang ilang na lugar. Pero nasa Pilipinas siya at sa isang remote place somewhere in the province of Quezon. One of its islands.Humakbang siya patungo sa bintana at binuksan ito. Humampas sa mukha niya ang hanging-dagat. She inhaled it softly. Nagtatakang nilingon niya ang matandang babae na nakatayo lang sa gitna ng silid at nakamasid sa kanya.
“Nakapaligid sa villa ang dagat pero bakit nasa ibaba yata ang dagat? At ano po iyong tila lagaslas ng tubig na naririnig ko?”
Bahagyang ngumiti ang matanda.
“Ito ang pinakamataas na bahagi ng isla. Thirty meters from this house, diyan sa natatanaw mo ay isang cliff na may hindi kalakihang waterfalls na bumabagsak sa isang lawa patungong dagat.”
“Oh, my!” bulalas niya.
“Nang sabihin sa akin ni Jenny na maganda ang lugar na ito ay hindi ako gaanong naniwala.”
“My grandchildren loved this place, Kristine.” may pagmamalaki sa tinig ng matandang babae.
“Lalo na si Alvaro. Lance and Jenny can live in another place at okay lang. Pero hindi ang panganay kong apo. Para kay Alvaro, this is his home. There’s no place on earth that would lure him to leave this place. ’Pag inalis mo sa islang ito si Alvaro ay para mong inalis ang isda sa tubig.”
“I can’t blame him,” she whispered softly. Ibinalik ang tingin sa labas ng French window.
“Maaari ko bang makita ang cliff mamayang hapon?” Naroon ang wistfulness sa tinig niya.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngumiti nang totoo si Erlinda.
“Kung gusto mo, hija.”
Lumingon ang dalaga.
“Thank you, Mrs. Gascon. Salamat din sa pagtanggap ninyo sa akin dito.”
“You’re welcome, Kristine. At lola na lang ang itawag mo sa akin. Iyon ang tawag ng halos lahat ng mga tagarito sa akin. Masyadong pormal ang Mrs. Gascon.”
10
ALAS-kuwatro na ng hapon nang bumaba si Kristine. Hindi niya namalayang nakatulog siya nang iwan siya ni Erlinda sa silid. Pinagsamang pagod at jet lag. Hindi niya nakita sa ibaba si Erlinda o kahit si Alvaro. Ang naroon ay mga katulong. Minabuti niyang tunguhin na ang likod ng villa.
Humigit-kumulang sa pitong minuto ay naroon na siya sa edge ng matarik na cliff. Nakita niya ang isang maliit na waterfalls na bumabagsak patungo sa dagat sa ibaba. At hindi niya madesisyunan kung dagat nga ba o ilog dahil ang binabagsakan ng talon ay isang pabilog na lawa na may munting daan patungo sa karagatan.
“Oh, you’re breathtaking!” wala sa loob na bulalas niya.
“Are you referring to me or to this place?”
Gulat siyang lumingon. Si Alvaro. Nasa ibabaw ng malaki at magilas na stallion na kasing-itim ng gabi ang kulay. Sunod-sunod ang tahip ng dibdib niya. At kung sasagutin niya ang tanong nito ay natitiyak niyang hindi siya agad makakapagdesisyon.
The man himself is like one of those mythical gods. Breathtakingly handsome. His skin dark as sin. Marahil ay sa pananatili sa arawan sa loob ng rancho. His white cotton shirt was wet with sweat at bukas ang mga butones up to his navel. Ang matipunong dibdib nito ay kumikislap sa pawis at tila binudburan ng mumunting balahibo pababa hanggang… oh! Biglang nag-init ang mukha niya sa kasukdulan ng pagtitig niya rito.
She inhaled sharply. Inalis ang mga mata roon at inilipat sa mukha ng binata. Which is another mistake dahil mas maraming dapat suriin doon. Dark eyes and a perfect straight nose. May mga balbas na nakapaligid sa mukha nito na marahil ay tumubo sa buong magdamag. He was really a handsome man. Parang nililok.
“Hindi mo kailangang sagutin ang tanong ko. The way you gazed at me as if you wanted to devour my body, alam ko na ang sagot,” wika nito na tumaas ang sulok ng bibig. His eyes teasing.
“You admire my body.”
Pinamulahan ng mukha si Kristine.
“You’re… conceited…” bahagya siyang nautal pero hindi ikinaila niyon ang iritasyon sa tinig niya.
“C’mon, Kristine, be honest once in a while,” patuloy ng binata sa panunukso. Inihilig ang mga braso sa batok ng kabayo.
“Mula pa sa hotel ay hindi na matapos-tapos ang pagtitig mo sa katawan at mukha ko.”
“How did you get here? Bakit hindi kita namalayan?” paangil niyang tanong upang maiba ang usapan.
“Nakita kitang papunta rito kaya inunahan na kita. I used the shortcut.” lumingon ito at itinuro ang dinaanan.
“Hindi mo kabisado ang lugar baka ka magkabisala. Ang iba sa mga bato ay mabuway.” Hindi nakaila kay Kristine ang concern sa tinig nito at nawala ang inis niya.
Muling niyang nilingon ang ibaba.
“Breathtakingly beautiful but scary,” patuloy niya na sinikap sipatin ang ibaba ng cliff. Pagkatapos ay lumingon kay Alvaro na seryoso ang mukhang nakatingin lang sa kanya. “This is paradise, Alvaro.”
“I’m glad you like my home, Kristine.” narinig niya ang emphasis sa pagtukoy nito ng ‘my home’ ganoon din ang warmth sa tinig ng binata. “Kahit pa sabihing malayo ito sa kabihasnan. Alam mo bang ito ang pinakamataas na bahagi ng isla?”
“I—guess so and I couldn’t blame you for loving this place,” she said breathlessly. Iginala ang paningin sa kanang bahagi ng villa kung saan matatanaw ang malawak na kaparangan. Ang mga damo ay tila berdeng carpet na inilatag sa lupa. Natatanaw niya ang mga nanginginaing laksa-laksang baka. Ang mga ranchero ay nasa paligid.
“This is one of God’s masterpieces!” Muli niyang ibinalik ang tingin sa karagatan at itinukod ang mga braso sa bato.
“Mag-iingat ka!” babala ni Alvaro.
“Don’t worry, wala akong phobia sa height,” sagot niya at niyuko ang kailaliman ng cliff. Sa ibaba ay bumabagsak ang talon sa malalaking bato. Itinaas niya ang paningin sa malawak at asul na karagatan.
“Pacific Ocean?” Tumango ang binata na bumaba mula sa kabayo at lumapit sa kanya.
“This is heaven, Alvaro,” she said in a sincere tone. Nasa mga mata ang kasiyahan sa lugar.
“Alam mo ba ang ibig sabihin ng Alta Tierra?”
“Alta is high and tierra is land…” alanganing sagot ni Kristine. Nakikita niya ang kislap sa mga mata ng binata.
“Highland, that’s right,” he said softly.
“And there’s no place on earth like my home, Kristine. Lulubog marahil ang ibang mga isla sa paligid pero hindi ang Alta Tierra. This is so high you could think you have reached heaven and God.”
Hindi makakilos sa kinatatayuan niya si Kristine sa intensidad ng tinig ni Alvaro. She was stunned. Alvaro was in love. He was in love with this place called Alta Tierra. Na para bang ang Alta Tierra ay isang babae.
“Ang buong rancho ay mga munting burol at mga bundok subalit sagana sa sariwang damo ang mga baka. My father suggested na magkaroon dito ng food processing plant pero hindi ako pumayag. Masisira ang kapayapaan ng lupain ng Alta Tierra. Magkaroon ng maraming mga tao bilang trabahador.
“At natitiyak kong magpapagawa ang Papa ng pantalan. Para sa akin ay tama na ang FN International kung saan doon ipina-process ang meat products.” ngumiti ang binata sa kanya.
“Hindi mo ba iniisip na hinahadlangan ko ang pag-unlad ng Alta Tierra?”
Mabilis siyang umiling.
“Of course not. Tama na ang Maynila sa maraming buildings and factories and skyscrapers and modern technologies and all that…”
“I’m glad you agree with me.” muling ngumiti ang binata at tinanaw ang dagat.
“Alam mo ba na may mga panahong makakakita ka ng sea lions sa dagat na iyan?” Inginuso nito ang malalim na dagat saibaba.
“You’re pulling my leg, Alvaro! Wala pa akong nakikitang sea lion!”
“Hindi ako nagbibiro. One of these days ipakikita ko sa iyo.” Pagkatapos ay naupo sa bato ang binata.
“The white beaches are fantastic at malimit kaming maligong magkakapatid doon noong mga bata pa kami. Sometimes with Nick.” kumislap ang mga mata ni Alvaro sa alaala ng kabataan.
“Sino si Nick?”
“A very close friend. Kababata. He is almost like a brother to us. May asyenda siya sa Sto. Cristo.” Muling itinuon nito ang mga mata sa mukha ni Kristine. Gazing at her face a little longer as if memorizing every line. Umiwas siya ng tingin. “At hindi lang ang dagat ang mayaman sa Alta Tierra, Wild Rose. We have here the valleys and the hills na puno ng wildlife.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Kristine.
“A-ano ang tawag mo sa akin?”
“Wild rose.”
“W-why?”
“You looked like a rose. Soft like its petals, vulnerable at times. Pero naroon ang tinik. Your eyes sparked fire when angry tulad noong unang makita kita sa bar. Ni hindi ka natakot sa mga lasing. You balked at me. Then you softened nang makita mo ang sugat ko. At kanina nang tanungin kita ng totoong dahilan kung bakit ka narito ay nakita ko ang takot sa likod ng mga mata mo sa kabila ng inis na ipinakikita mo.”
Napahugot ng marahang paghinga si Kristin. “B-bakit wild?”
“Dahil tulad ng mga bulaklak na ligaw sa parang ay bigla ka na lang dumating sa Alta Tierra.” ngumiti muli si Alvaro sa kanya at napalunok siya.
Sandaling nanatiling tahimik si Kristine. Sa loob ng ilang sandali ay dalawang bagay ang ipinaliwanag sa kanya ni Alvaro. First was his description of his home. The mythical sea lion that he was talking about na hindi naman niya kilala kung ano talaga iyon. At ang mga bundok at gubat. Pangalawa ay siya, ang description ng binata sa kanya na tila siya ay isang bulaklak sa kaparangan ng Alta Tierra. Na para bang bahagi siya ng wilderness ng Alta Tierra.
She was amazed by her own thoughts. Ibinalik niya ang tingin dito. “Your home is paradise, Alvaro. At nagagalak akong narito ako… kahit pansamantala.” nagtataka siya kung bakit may nararamdaman siyang sakit sa dibdib sa huling sinabi.
Si Alvaro ay pumormal. Tumayo.
“Tayo nang umuwi.”
11
TULOG pa ang lahat ng tao sa villa ay gising na si Kristine. Ito ang ikatlong araw niya sa rancho. Kahapon ay ginugol niya ang kalahating araw sa pag-iikot sa buong rancho kasama si Alvaro. At sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay nakakita siya ng hindi-mabilang na mga baka.
Maliban doon ay ipinakita rin sa kanya ng binata ang orchard ng iba’t ibang mga prutas.
Sa ibaba ay nasalubong niya si Aning, ang isa sa mga katulong.
“Magandang umaga po. Gusto ba ninyong ipagtimpla ko kayo ng kape?” Sinulyapan nito ang tuwalyang hawak niya.
Umiling siya.
“Mamaya na lang, Aning. Ituro mo sa akin ang daan patungo sa beach.”
“Madali lang po, Miss Kristine. Baybayin po ninyo ang daan sa likod ng bahay pakanan. Pababa po iyon ay may makikita kayong hagdanang lupa patungo sa aplaya.” Pagkatapos magpasalamat sa katulong ay lumabas na ng bahay si Kristine. Sinalubong siya ng malamig na simoy ng pang-umagang hangin. Kailangan niyang tumakbo kung hindi niya gustong ginawin.
Alas-sais pa lang.
Makalipas ang ilang minutong pagtakbo ay natanaw na niya ang hagdanang lupa na sinasabi ni Aning. Marahil ay may sampung baitang. By the time na nasa baybayin siya ay basa na ang jogging shirt niya sa pawis. Mabilis siyang naghubad ng pang-itaas at gayundin ang jogging pants. Nasa katawan na niya ang bathing suit.
Inilapag niya ang mga iyon sa buhangin kasama ng tuwalya at tumakbo sa dagat. Hindi niya mapigilang hindi humanga sa linaw ng tubig. Natatanaw niya ang buhangin sa ilalim. Sana ay nakapagdala siya ng snorkel. Matagal din siya sa tubig nang pag-ahon niya ay natanawan niya si Alvaro na nakaupo sa tabi ng mga gamit niya. Mabilis siyang umahon kasabay ng mabilis na pagtibok ng dibdib.
“Hi.”
“Good morning. Para sa isang city girl, you’re an early riser, Wild Rose,” nakangiting bati nito na
buong paghangang sinuyod ng tingin ang kabuuan niya.
“Pakiramdam ko ba ay isa akong indian princess diyan sa tawag mo sa akin.” Inabot niya ang tuwalya at pinunasan ang basang katawan. Biglang na-self conscious sa mga titig ng binata.
“Hindi ka mapagkakamalang indian. Mukha ka ngang hindi Pilipina. Maputi ka and if you dye your hair mas mukha ka pang american. But you looked like a princess, anyway.”
Nangiti siya sa obvious na compliment. “Ano iyan?” Itinuro niya ang thermos sa tabi ni Alvaro.
“I brought you some coffee.” inabot nito ang maliit na thermos at nagsalin sa mug at iniabot sa kanya.
“Oh, thank you…” inabot niya ang mug at walang atubiling dinala sa bibig. She needed that coffee right now.
“How long will you stay?” walang abog na tanong ni Alvaro na nagpahinto sa pag-inom niya ng kape.
“D-depende…”
“Saan?”
“Sa itatagal ng hospitality ninyo ng Lola Erlinda.”
“You can even stay here forever if you want to.”
Oh, I want to. Pero alam niyang hindi mangyayari iyon. Sooner or later ay kailangang hanapan niya ng solusyon ang problema. Walang mangyayari sa pagtatago niya. Katunayan ay hindi naman niya sinabi kay Jenny ang totoong dahilan sa pagnanais niyang iwasan ang bayaw niya. She gave Jenny a stupid reason kung bakit gusto niyang umalis at iwasan si Marvin. Pumasok sa isip ang huling seryosong pakikipag-usap niya kay Jennifer Navarro.
“Goodness, problema nga iyan,” simpatya ni Jenny sa kanya.
“Ayokong magkaroon ng mantsa ang pangalan ni Roy, Jen, kahit wala na siya. I owe him a lot, almost my life. More than anybody else, hindi si Marvin ang gusto kong makaalam noon. He will gloat…”
Napailing si Jenny. “A widowed virgin. And how are you going to remedy that thing?”
“Ewan ko,” naguguluhang sagot niya.
“Walang maniniwalang hindi na-consummate ang marriage namin ni Roy sa loob ng dalawang taon. At hindi ko naman maaaring sabihing hindi ako nagkaasawa dahil hindi totoo iyon considering my legal status. At lalo namang hindi ko puwedeng ipagkaloob ang sarili ko sa isang lalaki kung hindi niya ako pakakasalan.
“Ang kaso, lahat halos ng nanliligaw sa akin ngayon ay kilala si Roy kung hindi man mga kaibigan.” at isa na rito ang bayaw na si Marvin na gagalawin ang langit at lupa mapapayag lang siya sa gusto nito hindi dahil may pag-ibig sa kanya ang bayaw kundi sa personal at sakim na dahilan.
Si Lance na amused na nakikinig ay hinagod ng tingin si Kristine. Pagkatapos ay nagsalita.
“Masagwa namang sabihing get yourself laid, ’di ba?”
“Lawrence!” hiyaw ni Jenny na naiiskandalo sa sinasabi ng kapatid.
“It’s okay, Jenny. More or less ay iyon naman talaga ang talagang problema. Saan ka naman nakarinig ng babaeng namomroblema dahil virgin pa siya gayong nagkaasawa na ng dalawang taon?” she sighed wearily.
“I wish I could give a solution to your problem, Kris.” si Lance uli na dinampot ang sigarilyo at sinindihan.
“Like let’s pretend we’re lovers and make love…”
“Baka ang ibig mong sabihin, eh, let’s do some wild sex.” may bahagyang sarcasm sa tinig niya. Niyakap ang malaking rug doll ni Betty Boop at hinagod ng tingin si Lance.
“You’re not bad for a pillow friend but you’re not my type, Lawrence Navarro,” seryoso niyang wika pero naroon ang biro sa likod ng tinig niya.
“Agh! You’ve wounded my ego, lady.” dinakma nito ang sariling dibdib sa dramatikong paraan. Wala pang babaeng nagsabing hindi ito type pero natitiyak nito sa sariling hindi nasasaktan sa sinasabi ni Kristine. She’s like a sister.
Nagbuntong-hininga siya.
“I wish I could go some place na hindi maaabot ni Marvin. He’s been pestering me for quite sometime now.” iniwas niya ang tingin sa dalawa upang huwag makita nito ang takot sa mga mata niya. It is enough for them to know the least of her problems. Hindi kailangang problemahin ang magkapatid sa kasukdulan ng problema niya.
Ipinitik ni Jenny ang dalawang daliri.
“I know such place!”
Si Lance ay ngumiti nang lihim. Nahuhulaan ang tinutukoy ng kapatid. Then Alvaro would have the biggest surprise of his life. Hinagod nito ng tingin si Kristine. The typical mestiza, hmm, maliban sa mukha ng dalaga na hindi man ito aware ay provocatively sexy. Maybe something good will come out… maybe.
“You’re miles away.” si Alvaro na tumikhim at nagpabalik sa isip ni Kristine sa kasalukuyan.
“I’m sorry…” aniya and inhaled softly.
“Do you miss him?” patuloy ng binata na inakalang ang namatay niyang asawa ang iniisip. His eyes intent on her.
“Miss whom?”
“Ang asawa mo.”
“Oh.” itinuon niya ang paningin sa dagat. “Of course. Roy was such a kind man, Alvaro.”
“Did you love him?”
“O-of course.” bahagya siyang nautal sa tanong.
“Mahigit anim na buwan na mula nang mamatay ang asawa mo. Surely, naka-recover ka na kahit paano sa pagkawala niya. Ano ang talagang dahilan kung bakit ka narito sa Alta Tierra, Wild Rose?”
Hindi makuhang salubungin ni Kristine ang titig ng binata. Gusto niyang magsinungaling pero natitiyak niyang makikita nito iyon. This man would see through any little lie.
Huminga siya nang malalim.
“Kung hindi mo gustong maniwala ay nasa sa iyo iyon, Alvaro.” hinaluan niya ng bahagyang iritasyon ang tinig.
Tumayo si Alvaro at ipinasok ang mga kamay sa tig-isang bulsa ng maong at tinunghayan siya.
“Alam mo bang napakadali kong malalaman ang tungkol sa iyo?”
Alam niya iyon. Pero bago magawa ng binata iyon, it would take days dahil maliban sa radio ay walang komunikasyon sa isla. Kahit sa bayan ay walang telephone line.
“Why are you so concerned about me, Alvaro? Hindi ba sapat na kilala ako ng mga kapatid mo at hindi ako masamang tao?”
“Hindi ko pinagdududahan kung masamang tao ka o hindi. Nagtataka lang ako.”
“Kalimutan mo na iyang pagtataka mo. Anyway, hindi naman ako magtatagal dito. I might leave anyday from now. Pansamantala, why don’t you let me enjoy this vacation?”
“How do you intend to do that?”
“Gawin mo ang dati mong ginagawa sa araw-araw, Alvaro. Ako ang bahala sa sarili ko. I promise you I won’t be a nuisance. I’ll stay out of your way.”
“Really?” Ngumisi ang binata sa patuyang paraan.
“You are underestimating yourself, my dear…”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ano ang ibig mong sabihin?”
“Do you really think I will fail to notice you whenever you’re around?”
Nagyuko siya ng ulo at itinuon ang pansin sa kape. “Hindi kita naiintindihan…”
“Or you refused to understand and pretend you don’t notice this spark between us…” his voice husky.
“Uh… uh… lover boy.” itinaas niya ang dalawang kamay. Pilit pinaging kaswal ang tinig.
“What spark are you talking about? Hindi ako available, Alvaro. Have your lust somewhere else.”
Ngumisi ang binata sa sagot niya. “Tingnan natin.”
Nag-angat ng paningin si Kristine kasabay ng bahagyang panlalaki ng mga mata.
“Nagbabanta ka ba?”
Lumapad ang ngisi ng binata. “That’s a promise, Wild Rose.” humakbang ang binata palapit sa kanya. Mabilis siyang tumayo at tumakbo sa dagat.
“Coward…” sigaw ni Alvaro kasabay ng pagtawa.
Hindi pinansin ni Kristine iyon na lumusong sa tubig. Alvaro is another complication na hindi niya kailangan sa buhay niya ngayon. Kung alam lang niyang ganito ang magiging epekto sa kanya ng kapatid ni Lance ay hindi na sana siya pumayag na dito magtago. Why, Lance can tell her anything na hindi siya tinatablan pero hindi si Alvaro. His presence alone ay nagpapagiba na lahat ng composure niya bilang prim and proper widow.
12
NASA hagdan siya nang makita niyang may kausap si Alvaro. Hindi niya gustong makinig pero huli na para bumalik sa itaas.
“Sinabi sa iyo ng daddy na gusto ka niyang makausap, Alvaro,” malambing na wika ni Angie sa binata. Nakaupo ito sa dulo ng sofa habang sa kabilang dulo ay naroon ang binata. She looked dignified enough except for the exposure of shapely legs nang magde-kuwatro ito. At sadyang inihahantad.
Gustong maaliw ni Alvaro. Sa loob ng panahong pagkakilala nito kay Angie ay sinikap na ng dalagang ipakita at ipadama sa kanya na ito iyong no touch type. But the woman is subtly provoking him by showing a little of her anatomy tulad na lang ngayon. And he’d die first kaysa kagatin ang pain nito.
In fact, pinagsisisihan niyang nabiro-biro nito si Angie. Mas mapanganib pa ang babaeng ito kaysa sa mga salabay sa dagat. She and her father ay naghihintay lang na madulas si Alvaro at natitiyak ng binatang sa altar siya dadamputin.
“Marami akong trabaho dito sa rancho, Angie. Alam ng daddy mo iyon,” katwiran nito. Pilit hindi ipinahahalata ang amusement sa mukha. “Bakit ba ang layo-layo mo?”
“May reputasyon ka, Alvaro, alam mo iyon,” she pouted her lips provocatively.
“Oh, yeah?” Tumaas ang kilay ng binata. “Ano’ng reputasyon iyon, Angie?” Marahang umusog ang binata at pinaglandas ang daliri sa nakalantad na hita ng dalaga pataas. Napasinghap si Angie pero pinalis ang kamay ng binata.
“You’re naughty, Alvaro. Nice girls like me shouldn’t get too close with you…”
“You’re not really so nice dahil pinalis mo ang kamay ko. Beautiful things are made for touching and you’ve got delicious legs, Angie.” Sinikap ng binatang kontrolin ang tawang nakatago sa dibdib. “But anyway, what’s a nice girl like you visiting a man with a reputation of ravishing nice girls?”
“May chaperon ako, Alvaro.” bahagyang itinaas nito ang mukha for emphasis. “Ang driver ng daddy. Kaya ako nagpunta rito dahil ilang linggo ka nang hindi dumadaan sa bahay. You know I like you at kahit na ano pa ang sabihin ng daddy tungkol sa iyo ay hindi ako nakikinig. Pero alam kong kaya mong palambutin ang puso ng daddy…” bahagyang yumuko ang dalaga trying to appear demure.
“And how am I gonna do that?”
“Hingin mo sa kanya ang mga kamay ko, Alvaro. Then you would have license to date with me, to touch my legs.” she cross and uncross her legs sa matinding amusement ni Kristine na nanonood nang lihim. “We can go anywhere you like as long na maitakda mo sa daddy ang engagement natin….” wika ng dalaga na tumitig sa binata sa mapupungay na mga mata.
Sunod-sunod na napaubo si Alvaro.
“Oh, well… hrmp… let me think about that, Angie,” wika ng binata na tumayo at nagpalakad-lakad sa harap ng dalaga. “Ipapaalam ko sa iyo kung kailan ako handa sa mga bagay na iyan, okay, honey?” Yumuko at hinawakan sa braso ang babae at itinayo. “Now be a real nice girl and go home at baka hinahanap ka na ng daddy mo.” Inakay nito palabas ng bahay ang dalaga at inihatid hanggang sa owner-jeep. “Bye, honey…”
“Will I see you soon?” pahabol ng dalaga na inilawit ang leeg dahil tumatakbo na ang sasakyan. There’s a secret longing on her face.
“Very soon.” Kumaway ang binata at lumakad pabalik sa loob ng bahay. Nahinto sa paghakbang nang makitang nakasandal sa poste ng portico si Kristine na nakakrus ang mga braso sa dibdib at nakatawa.
“She’s a very nice girl,” tukso niya.
“Don’t be misled. She’s a selfish conniving bitch,” wika ng binata na nakatiim ang mga bagang.
“I know the type at kakutsaba niya ang daddy niya.”
“Really? Iyon ba ang paraan niya para ma-trap ka sa marriage? Pretending to be untouchable?” Her eyes danced in silent laughter.
“Damn you, Kristine, huwag mo akong pagtawanan!”
“I certainly am not laughing, sir,” painosenteng wika niya. “Tsk… tsk… poor girl, itinaboy mo na para bang may sakit siyang nakakahawa…” she couldn’t suppress the soft laughter na nahinto nang makitang matiim na nakatitig sa mukha niya ang binata.
“Aren’t you pretending to be untouchable, too?” wika nito sa marahan subalit may galit na tinig. And he was inching closer na napaatras si Kristine subalit poste na ang nasa likod niya.
“T-then… avoid me also like a plague, Alvaro… I might trap you into marriage…” nauutal niyang sinabi. Kinakabahan dahil wala na siyang mauurungan pa. His closeness is threatening her sanity.
“Forget about marriage. I won’t be trapped into that. But I don’t want to avoid you, Wild Rose. Mula noong unang makita kita sa bar, I want you like hell…”
“Because I’m a widow? Hot and wanting. Ano nga ba iyong sinasabi nila tungkol sa mga biyuda? Sex-starved widow?”
“Aren’t you?” His lips inch away from her lips. His sweet breath and a mixture of excitingly male essence are assaulting her senses. His right hand clutching her waist na para bang makakawala siya.
Napalunok siya. She could feel the animal warmth of him. Ang kailangan lang niyang gawin ay move a fraction at magdidikit na ang mga labi nila. Oh, how she wished to do just that and taste this dangerous man! Pero alam niyang hindi lang taste ang mangyayari kapag ginawa niya iyon. And so she must get out of his spell right this very moment.
Tumikhim siya at iniwas ang mukha subalit hinawakan ni Alvaro ang baba niya at handang bumaba ang mga labi sa kanya. Umiba ng atake si Kristine.
“All right, I know what you want,” she said in a firm and sarcastic tone. At sana ay hindi mapansin ni Alvaro ang panginginig ng tinig niya. “Kiss me and get it over with.”
Nahinto sa pagbaba ang mukha ni Alvaro and momentarily paralyzed.
“I think I’ll pass your offer, Miss Wild Rose,” naniningkit ang mga matang sinabi. “At huwag kang magtago diyan sa kunwaring prim-and-proper-widow attitude mo. And if and when I did kiss you I don’t want you to treat it like some casual thing…” pagkasabi niyon ay humakbang papasok sa loob ng bahay ang binata.
“Look who’s talking about casual thing,” pagalit na habol ni Kristine.
“Ano ang gusto mong itawag sa gagawin mo sana at sa mga panunudyo mo?”
Dammit if I know!
13
SlNIKAP ni Kristine na iwasan si Alvaro pagkatapos ng pangyayaring iyon. Sa loob ng dalawang araw ay sinumpong ng arthritis si Erlinda. Kasama ng isang katulong ay inihatid ni Alvaro ang abuela sa pantalan sa Sto. Cristo paluwas sa Maynila upang magpa-ospital. Sasalubungin na ito ng driver sa Gumaca dahil naitawag na sa radio ng sinundang araw.
“Mang Kardo,” ani Kristine sa katiwala sa kuwadra. “Aling kabayo ho ba ang maaari kong gamitin?”
“Saan ka ba pupunta, ineng?”
“Mag-iikot lang ho sa rancho. Naiinip ho ako.”
“Mahusay ka bang mangabayo?”
“Marunong ho nang kaunti basta ba hindi ako itatakbo,” alanganin niyang sagot. Noong ikalawang araw niya sa rancho ay nakapangabayo siya. Iyon ay dahil kasama niya si Alvaro. At naisip na kaya niya. Isa pa, hindi lang iyon ang unang pagkakataong nakasakay siya ng kabayo. May mga kaeskuwela sila ni Jenny na may rancho sa Texas at nakapangabayo rin siya roon nang tatlong beses. Iyon nga lang, may kasama silang gabay.
“Baka ako’y pagalitan ni Alvaro, ineng, kung bibigyan kita ng kabayo,” nag-aalalang wika ng matanda.
“Naku hindi ho. At saka bago ho makabalik si Alvaro mula sa Sto. Cristo ay narito na uli ako.” isang oras at kalahati paparoon at isang oras at kalahati rin pabalik, kuwentado na niya iyon sa isip.
Napahinuhod si Mang Kardo. “O siya, pero huwag kang lumayo. Nagdidilim ang langit at baka abutan ka ng malakas na ulan. Hindi mo kabisado ang paligid ng rancho.”
“Huwag ho kayong mag-aalala.”
14
ILANG sandali pa ay nasa parang na si Kristine. Tuwang-tuwa sa pangangabayong mag-isa. Naglalakad lang ang kabayo kaya hindi siya natakot. And how she wished na kaya niyang patakbuhin ang kabayo tulad ni Jenny. Jenny was a horsewoman. At hindi siya nagtataka dahil dito sa rancho lumaki ang kaibigan.
Nalibang siya sa pamamasyal at hindi niya namalayang lumalayo siya. Nagsisimula nang dumilim ang langit nang ipasya niyang bumalik sa pinanggalingan. Nasa kalagitnaan na siya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi malaman ni Kristine ang gagawin. Hindi niya makita ang daan sa lakas ng ulan at basang-basa na siya. Kanina ay sinikap lang niyang tandaan ang dinaanan pero ngayong malakas ang ulan ay tuluyan na yata siyang maliligaw.
Minabuti niyang bumaba ng kabayo at hinila ito sa ilalim ng isang malaking puno para sumilong. Subalit biglang umalma ang kabayo at lumayo sa kanya. Hinabol niya ito pero nawala na agad sa gitna ng malakas na ulan ang kabayo. Nanginginig na siya sa ginaw at natatakot. More or less ay alas-singko pa lang ng hapon. Pero paano kung hindi huminto ang ulan hanggang mamaya?
Madilim ang langit at paano kung nakabalik na si Alvaro at hindi pa rin siya nakakauwi?
She felt as if she had been sitting under the tree forever. Ginaw na ginaw na siya. Ang ulan ay sinamahan pa ng malakas na hangin. Hahanapin ba siya ni Alvaro? Paano kung magtagal iyon sa Sto. Cristo sa halip na umuwi agad? Napapikit si Kristine sa naisip. Kapag nagkataon ay dito siya matutulog sa gubat sa gitna ng ulan. Would she survive the whole night? Bakit ba wala siyang nakitang mga ranchero kanina? Hindi ba tama ang tinahak niya?
Kung gaano pa siya katagal doon ay hindi niya na alam. Pagkatapos ay narinig niya ang pangalan niya sa pagitan ng malakas na buhos ng ulan.
“Kristine!”
May tumatawag sa kanya at kung tama ang pandinig niya ay boses iyon ni Alvaro. Mabilis siyang tumayo.
“Kristine!” Papalapit ang tinig ng binata.
“Alvaro! Nandito ako!”
May nabanaagan siyang liwanag at naririnig niya ang kabayo nito. “Alvaro!”
Bumaba mula sa kabayo ang binata nang marinig ang pagtawag niya. Sa pagitan ng bahagyang liwanag na nagmumula sa flashlight at sa natitira pang liwanag sa pagitan ng malakas na ulan ay nakita ni Kristine si Alvaro. Patakbo niyang sinalubong ito.
Marahas siyang hinila ng binata. Napapikit si Kristine. Sa kabila ng malakas na ulan ay alam niya at nararamdaman niyang nagagalit ito pero wala siyang pakialam. She was sobbing on his chest in relief. Aminin man niya o hindi, sa ikalawang pagkakataon ay iniligtas siya ni Alvaro.
“Alam mo ba kung nasaang bahagi ka ng rancho, ha?” He was shaking her shoulders in anger. “Sa likod ng punong iyan ay bangin patungo sa dagat! Sa mabato at malalim na bahagi ng dagat! At hindi mo makikita iyon sa gitna ng ulang ito!”
Nararamdaman niya ang pagtunugan ng mga ngipin sa matinding ginaw at sa takot kay Alvaro.
“M-mahusay akong… lumangoy…” sa pagsisikap niyang magbiro.
“Damned woman, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa iyo! You could have killed yourself.”
“I—am s-sorry pero hindi ko binalak na… lumayo mula sa puno…” she couldn’t stop from shivering.
“At least, pinagana mo nang kaunti ang sentido kumon mo!” pagalit pa ring sinabi nito bagaman nag-alala sa panginginig niya. Mabilis siyang binuhat nito sa pagpupumiglas niya.
“K-kaya kong lumakad, Alvaro.”
“One word of protest, Kristine, at ihuhulog na kita sa bangin!” Huminto siya sa pagpalag hindi dahil sa takot na baka gawin nga ni Alvaro iyon kundi alam niyang hindi siya ibababa nito.Inihilig niya ang sarili sa dibdib ng binata. And he was really big. Iniyakap ang mga braso dito at sinikap na huwag isipin ang nangyari. Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan ay naririnig niya ang pagtaas at pagbaba ng dibdib nito. Natitiyak niyang dahil iyon sa galit. Isinakay siya nito sa ibabaw ng stallion at pagkatapos ay ito naman ang sumampa sa likod niya, imprisoning her with his arms. At sa loob ng ilang sandali ay tumatakbo na ang kabayo pabalik sa villa.Pagdating sa villa ay kinuha ni Mang Kardo ang stallion. May guilt sa mukha nito sa kabila ng kagalakan na natagpuan siya. Ipinasok siya ng binata sa loob ng bahay at ipinanhik nang tuloy-tuloy sa silid sa itaas. Sinipa ng boots nito ang pinto ng silid pasara.
“H-hindi ito ang silid ko,” aniya na iginala ang pangingin sa silid na halos doble ang laki ng sa kanya.
“I know. This is my room.”
Nanlaki ang mga mata niya. “P-pero bakit?”
“Walang bathtub sa silid mo and you’re freezing to death,” wika nito na dinala siya sa banyo at inilapag sa tiles. Binuksan ang gripo sa tub ng pinaghalong mainit at malamig. Habang umaagos ang tubig ay binalingan siya. “Let’s take off your clothes.”
“T-take… off my clothes…?” Kung ang pagkautal niya ay dala ng ginaw o dahil sa utos ni Alvaro ay hindi niya matiyak.
“Narinig mo ako, Kristine, at huwag nating ubusin ang oras sa argumento. You’re soaking wet and shaking. Pneumonia ang aabutin mo dahil nababad ka nasa ulan kanina pa.” Pagkasabi niyon ay sinimulang alisin ng binata ang mga butones ng blouse niya.
“No!”
“Hindi ikaw ang kauna-unahang babaeng nakita kong hubad so forget your virtue this minute. And stop acting like a foolish virgin. you’ve been married and widowed. And don’t let me rip this damned thing!” Hindi makapaniwala si Kristine sa naririnig niya. Her eyes wide at hindi niya inalis ang mga braso sa dibdib at determinado si Alvaro. In split second, nahati sa dalawa ang blusa sa panlalaki ng mga mata niya. Walang anumang ibinagsak ng binata sa tiles ang punit at tumutulong blouse.
“Oh, my…!” She was shocked. Hindi makapaniwalang pinunit nang ganoon lang ng binata ang blouse niya and she wasn’t wearing any bra. Mabilis niyang ipinagkurus ang dalawang braso sa dibdib. Sandaling natuon sa dibdib niya ang mga mata ng binata na agad ding bumaba sa maong niya.
“Now, this damned pants…”
“Alvaro!” protesta niya nang akmang bubuksan ng binata ang snap ng basang maong. Tila noon lang nakabawi mula sa pagkamangha. “All right, all right! Lumabas ka at kaya kong maghubad mag-isa. Hindi kailangang hubaran mo ako, pordiyos!” aniya sa pagitan ng panginginig, pagkapahiya at histerya.
Tinitigan siya nang matiim ng binata ng may ilang sandali bago nagsalita. “Ilubog mo ang sarili mo diyan sa maligamgam na tubig at magpapahanda ako ng kape.”
Nakahinga nang maluwag si Kristine nang lumabas ng banyo ang binata. Hinubad ang natitirang damit sa katawan at lumubog sa maligamgam na tubig. Nakadama siya ng ginhawa at unti-unting nawala ang panginginig. Pero nasa isip pa rin ang pangyayaring nakita ni Alvaro ang dibdib niya. She couldn’t stop herself from blushing.
Stop acting like a foolish virgin! Drat the man!
Kung gaano siya katagal sa loob ng bathtub ay hindi niya matiyak. Hindi pa sana niya gustong umahon sa tub nang marinig niyang bumukas ang pinto. Mabilis siyang tumayo at pahablot na inabot ang tuwalya mula sa rack at ipinulupot sa sarili.
Hustong naibuhol niya ang tuwalya ay sumungaw si Alvaro. Nakabihis na rin ito ng tuyong pantalon. Maliban doon ay wala na. Napapikit si Kristine nang mabungaran ang hubad at matipunong dibdib.
“Nakahanda na ang kape mo,” wika nito na sinuyod siya ng tingin. May kislap sa mga mata nito.
“T-thank you. P-puwedeng sa silid ko na iinumin ang kape ko?”
“No.”
One word spoken with firmness. Ganoon ka simple at lumabas ng banyo ang binata at sumunod siya. Muntik na niya itong mabangga dahil nasa mismong daanan at nanatiling nakatayo roon. Nasa mesa ang umuusok na kape at hindi malaman ni Kristine ang gagawin.
“W-why are you crowding me?”
“And why do you have to look like a scared rat na nakorner ng pusa?” Ngumiti itong tila nga pusa na nakahuli ng daga.
“I am not. Nanlalamig ako at gusto kong magbihis. Paraanin mo ako.” her voice firmed like a school teacher sa isang pilyong estudyante.
Even without taking a single step ay halos wala nang pagitan sa kanila ng binata. Itinaas nito ang kamay sa leeg niya and caressed her throat. Napahugot ng paghinga si Kristine.
“Kristine… Krisine,” he whispered. Inalis ang mga braso niya sa pagkakahawak sa buhol ng tuwalya na para bang doon nakasalalay ang buhay niya. “It will be all right, love, I promise you. You will be just fine.” he kissed her fingers one by one.
Natitiyak ko. You’re an expert in seducing a woman. Napapikit si Kristine. Sunod-sunod ang tibok ng puso na tila naririnig na niya. She was torn between wanting and fear. If he took her now, isa sa mga problema niya ang nalutas. And she wanted him mula pa sa sandaling iyon sa hotel. And giving herself to a man she wanted beyond all reason is a bonus.
“I am not taking a woman who isn’t too willing, Miss Wild Rose,” he whispered huskily. Ang kamay ay pinaglandas sa balikat niya in erotic caress. His lips on her temple. “You have three seconds to say no, babe, and you’re free.”
After seducing me this far? No way, Navarro. Let it be done.
Nang unti-unting bumaba ang mga labi ni Alvaro patungo sa kanya ay nakahanda na siya. She offered her mouth exquisitely and he took it. His tongue tasting and exploring and she could feel his body growing tense and hard. And she couldn’t believe that male arousal was electrifying.
His hand cupped the back of her head habang ang isa ay walang anumang tinanggal ang buhol ng tuwalya niya at ibinagsak iyon sa sahig. Napasinghap si Kristine doon. Sa kabila ng ipinasok na niya sa isip na nakahanda na siya ay hindi niya mapigilang hindi kabahan.
Her breasts were crushed against his chest pero sandali lang iyon dahil bahagyang inilayo ni Alvaro ang katawan nito sa kanya and cupped one small and perfect breast. She swayed at kung wala ang dingding sa likuran niya ay umagos na siya sa sahig na tila tubig.
“Oh, love, you don’t know how much I’ve wanted this—wanted you. You just can’t know.” his voice hoarse. Lumayo nang bahagya at hinagod siya ng tingin to her horror and shame.
“H-hindi… kailangang… titigan mo ako nang ganyan…” she wanted to melt. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay may lalaking nakakita sa kabuuan niya.
“I need to see you, love. So perfect and so lovely,” marahang bulalas ni Alvaro. “Oh, Kristine, I want you. All of you. Every smell, every curve, every warm and secret place…”
Bawat katagang binibigkas ng binata ay tila dila ng apoy na naglalandas sa katawan niya. Her body in rigid excitement. Nang buhatin siya ni Alvaro patungo sa kama ay ipinikit niya nang mahigpit ang mga mata. When he didn’t join her there, she slowly opened her eyes.
He was snapping and unzipping his jeans. Itinaas niya ang mga mata sa mukha ng binata and all she could see was the raging passion. Dinaanan ng mga mata niya ang kabuuan ni Alvaro and she gasped softly.
Then he knelt beside her. Cupped her face at hinagkan siyang muli. His mouth and hands began their journey on her body. She whimpered. She was giving little gasps, lalo na nang maramdaman niya ang mga labi nito sa dibdib niya while his hands carelessly giving her body delights.
The whiskers on his face tickled her stomach that she almost cried. “Alvaro…” natilihan siya at gustong magprotesta but he held her hands.
“Hush, babe…”
And she could have screamed kung hindi niya pinigil ang sarili. His loving drove out all else from her mind. Then he came back to her mouth as he poised himself. And Kristine could feel the flesh that meant to fill her when his knee parted her legs. Natilihan siya at nagmulat ng mga mata at itinukod ang mga kamay sa dibdib ng binata meaning to push him. Sa huling sandali ay natakot siya.
Should she tell him?
“It’s all right, love…” bulong ni Alvaro in an uneven breathing. Hinawakan ang kamay niya and kissed them one after the other. He stared into her eyes as he made his entrance. He wanted too much for her to want it and accept it.
“Oh, love, you’re so small and so tight!” he whispered hoarsely as if in pain. Hindi nito inaalis ang mga mata sa kanya. His eyes burning through her. “It’s going to be a rough ride, babe. Can you take me?”
Gusto niyang magsalita pero barado ang lalamunan niya. Sa halip ay wala sa loob na tumango. Ngumiti si Alvaro.
“I knew you could,” wika nito sa namamaos na tinig at hindi makapaniwalang he was only gaining an inch. “When was the last time you had it with your husband?” tanong nito sa pagitan ng paniningkit ng mga mata at talim sa likod ng tinig.Ano ang sasabihin niya?
“No. Huwag kang sumagot. Hindi ko gustong malaman.” hindi nakaila sa kanya ang galit sa tinig nito pero hindi siya makapagsalita. Alvaro closed his eyes and drove hard and deep that she wanted to scream when he had ripped her open.
Then he stopped.
Slowly, she released the breath she was holding in pain at unti-unting nagmulat ng mga mata. He was gazing at her. Walang salitang namutawi sa mga labi ni Alvaro. Basta nakatitig lang sa kanya.
Pagkatapos ng mahabang sandali ay unti-unting bumaba ang mga labi ng binata sa kanya. Kissing her softly, tenderly. His tongue playing the corner of her lips coaxing her to open her mouth and take him. She did and played with him.
Nang muling hagkan ni Alvaro ang dibdib niya and suckled one nipple she thought she’d die of pleasure. And then he began moving slowly gently and with such exquisite care.
Then Alvaro took her to the sun and beyond hanggang sa maabot niya ang bituin. All the lights in the universe are glowing softly and touched their damp bodies. Then they drifted downward gasping for breath.
Nasa normal na ang paghinga niya nang marinig niya ang malakas na patak ng ulan sa labas ng villa. Sa nakalipas na sandali ay nalimutan niyang umuulan sa labas.
Isiniksik niya ang mukha sa dibdib ni Alvaro and slept.
15
NANG magising siya kinabukasan ay nag-iisa na lang siya sa silid. Hindi siya agad bumangon at ibinalik sa isip ang nagdaang gabi. Dinama ng palad ang unan ni Alvaro. She smiled. Somewhere in the night, nang damputin niya ang tasa ng kape ay malamig na iyon. Still, ininom pa rin niya sa pagtawa ni Alvaro.
He made love to her endlessly through the night. Ang tanging ipinagpasalamat niya ay walang itinanong ang binata. And she was glad. Hindi niya gustong magpaliwanag. She will be gone soon. Kung anuman ang mangyayari at totoo ang sinasabi ni Marvin sa kanya, at least nakahanda siya. Hindi mapagtatawanan ni Marvin si Roy. At hindi iisipin ni Marvin na ibang lalaki ang nakialam sa katawan niya.
Marahan siyang bumangon. Kinuha ang tuwalya sa sahig at itinapis at lumabas ng silid patungo sa sariling silid niya. Naligo at nagbihis ng denims at t-shirt. Pagkatapos ay binuksan ang bintana sa silid at natambad sa kanya ang mainit na sikat ng araw. Tila hindi nagdaan ang isang malakas na ulan kagabi. Paalis na siya sa bintana nang may mapansin sa kanang bahagi ng Villa.
A cessna! Ano ang ginagawa ng isang maliit na eroplano sa tagiliran ng villa?!
Lumabas siya ng silid upang bumaba. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang makarinig siya ng mga tinig. Ang isa ay kay Alvaro. Hindi niya kilala ang nagsasaiita sa galit na tono.
“Well, I’m sorry, pero hindi ko pinaniniwalaan ang sinasabi ng lalaking iyan!” galit na wika ni Alvaro.
“Damn you, have you ran out of women at pati may asawang tao ay gusto mong patulan!” sigaw ni Franco sa anak sa nagpupuyos na dibdib.
“Franco, please, napag-uusapan naman nang maayos ito.” si Bea na nag-aalala. Kung galit ang asawa ay lalo niyang nakikita ang galit sa mukha ng panganay na anak. At hindi niya gustong magtagpo ang mag-ama na parehong mainit ng ulo. Kilala niya si Alvaro. Kapag palagay ng anak na tama ito, walang makapipigil sa gustong sabihin at gawin. Sinulyapan ang isang lalaking nakatiim ang mga bagang na nakaupo sa dulo ng sala.
“Walang asawa si Kristine, Papa. She was a widow,” mariing sagot ni Alvaro sa nagngangalit na mga bagang. Kung nakamamatay ang tinging ipinukol niya sa bisitang kasama ng ama ay namatay na ito.
“She was my brother’s widow, Mr. Navarro,” ang sagot ng lalaki.
Napasinghap si Kristine. Kilala niya ang tinig na iyon. Si Marvin! Ano ang ginagawa ni Marvin dito? Paano siyang nasundan ng bayaw dito? Walang ingay na muli siyang pumanhik. Pumasok sa isa sa mga guest rooms. May daan doon patungo sa library sa ibaba at mula roon ay makalalabas siya nang hindi namamalayan ng kahit na sino.
“Iyan ang pagkakaalam ko, Mr. Cuevo,” sagot ni Alvaro. “Isinulat iyan ng mga kapatid ko. And she’s been widowed for more than six months now.”
“But Kristine married me one month after my brother died. Then we went back to Houston for our honeymoon. And we were still on our honeymoon nang sabihin niyang bumalik na kami ng Pilipinas. I was tied up then kaya pinauna ko siya.” napapikit si Marvin.
Nang lapitan nito ang kaibigan ni Kristine na si Jennifer Navarro ay inamin nitong nagbabakasyon sa rancho nila sa Pilipinas si Kristine pero hindi gustong sabihin kung saan. At least, he was able to track down the Navarro family. Hindi mahirap dahil kilala ang mga ito. At hindi siya makapaniwalang nagkaroon ng mga ganitong kaibigan ang hipag. They’re living above average pero sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay nito ay talagang nakatagpo ito ng mga totoong milyonaryo. The so-called rich and famous.
“Bakit ka niya pakakasalan kung kamamatay lang ng asawa niya, Mister Cuevo?”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Marvin. “Mahabang istorya, Mr. Navarro…”
“You have my whole day,” sarkastikong sagot ng binata.
“Dammit, Alvaro!” hiyaw ni Franco.
“Bakit kailangang malaman mo kung paano nagkapangasawahan si Mr. Cuevo at ang bisita mo? Tawagin mo ang asawa niya at nang makauwi na sila.”
“Please, hindi ba tayo puwedeng mag-usap tulad ng mga sibilisadong tao?!” Si Bea.
“Try telling that to your son, Mrs. Navarro,” sagot ni Marvin.
“Hindi ko maintindihan kung bakit pinahihirapan mo ako, Mr. Navarro, na makausap ang sarili kong asawa. Mapapatunayan niya sa iyong mag-asawa kami.”
“Sinabi ni Kristine ang tungkol kay Roy pero hindi ang tungkol sa iyo, Mr. Cuevo. Minsan man ay hindi niya binanggit ang pangalan mo.”
Nagbuntong-hininga si Marvin. Trying to be patient. “I am really sorry about this Mr. Navarro.
Pero hindi pa talaga naka-recover ang asawa ko sa nangyari kay Roy. She loved him so much that when he died she was devastated.“
Matalim na humugot ng paghinga si Alvaro. Parang patalim na humihiwa sa kanya ang sinabi ni Marvin. Hindi niya maintindihan kung bakit nagmamatigas siyang ipakausap dito si Kristine. He had wanted her ever since that night sa hotel sa Sto. Cristo.
And he got her last night just as he got the biggest surprise of his life. His wild rose, this little pretty widow is a virgin. Oh, no, not anymore. He took care of that pretty well.
And he’ll be damned kung papayagan niyang tangayin ng kung sinong herodes na ito na nagpapanggap na asawa si Kristine.
“One of the reasons why I married her dahil sa tendency niyang basta na lang nawawala mula nang mamatay ang kapatid ko,” patuloy ni Marvin.
“I need to protect her just as my brother did. You see, she had been with the family since she was a child and Roy adored her from the very beginning,” wika nito sa mapait na tinig.
Isa pa uling buntong-hininga ang pinakawalan nito at nilinga ang mag-asawa.
“And I’m only glad na dito nagpunta ang asawa ko, Mrs. Navarro. Baka kung ano ang nangyari sa kanya kung sa iba siya nagpunta. She’s very pretty and she attracted men like bees to honey.” may halong banayad na sarcasm ang tinig ni Marvin na alam ng lahat ng patungkol kay Alvaro.
Nagtiim ang mga bagang ng binata. Damned this lying SOB! Hindi siya naniniwala alinman sa sinasabi nito maliban sa naging biyuda ni Roy si Kristine.
“Please, maaari ko na bang makita at makausap ang asawa ko?”
Hinawakan ni Bea sa braso ang anak. “Darling, why don’t you tell us where she is nang matapos na ang usapang ito?”
Isang banayad na tango ang isinagot ng binata na humakbang patungo sa hagdan. Gusto niyang makausap muna si Kristine at hingan ng paliwanag.
He took his time going up. Torn between anger, jealousy and possessiveness. Ang tanging nakapagpigil ng kontrol ay ang katotohanang siya ang unang lalaking umangkin dito.
16
MALAYO na si Kristine sa villa sakay ng kabayong sinakyan niya kahapon. Sa pagkakataong iyon ay banayad niyang napatakbo ang kabayo sa kabila ng matinding kaba na baka siya maihulog. Wala siyang dinala maliban sa pera, VISA cards at passport niya.
Lumingon siya sa pinanggalingan. Maliit na lang sa paningin niya ang malaking bahay sa ibabaw ng bundok at napahikbi siya. Hindi niya gustong umalis. Gusto niyang manatili sa piling ni Alvaro sa mahaba-haba pang panahon. She loves him at kung hindi dumating si Marvin ay hindi pa niya gugustuhing umalis.
Definitely, Alvaro wouldn’t want to marry her kahit na nga ba ito ang unang lalaking umangkin sa kanya. Niliwanag na sa kanya ni Jenny na hindi si Alvaro ang uri ng lalaking patatali sa kasal. At sinabi rin mismo ni Alvaro iyon.
But she was a widow. At sasamantalahin niya ang panahong makapiling si Alvaro. Napangiwi siya roon. Ginagamit niya ang katayuan niya para bigyang lisensiya ang pakikipagtalik. Nasaan na ang moralidad at values niya?
Sa loob ng panahon mula nang mamatay si Roy ay hindi birong lalaki ang nagtangkang maangkin siya. Ang iba ay malinis ang hangarin. At kung pinayagan niya ang suhestiyon ni Marvin na manatili sa apartment nila ni Roy sa Houston ay malamang na naangkin na siya nito. Hindi dahil sa gusto niyang paangkin, Roy would not hesitate to rape her. Sasabihing may lisensiya ito bilang asawa. Napahikbi siyang muli roon. Hindi alam kung ano talaga ang nangyari.
“Ho!” Banayad niyang hinila ang renda ng kabayo. Nasa harap siya ng dalawang magkasanga at magkasinlaking daan. Parehong may mga bakas ng gulong ng sasakyan ang nagpuputik pang lupa dahil sa malakas na ulan ng sinundang gabi.
Alin doon ang palabas ng rancho?Nasa ganoon siyang kalituhan nang makarinig ng mga yabag ng kabayo. Kinabahan siyang bigla. Nasundan ba siya kaagad ni Alvaro? Mula sa bukana ng isang sangang-daan na pinag-iisipan niya ay lumitaw ang binata at ang malaking stallion.
“Alvaro…” hindi halos lumabas sa bibig niya iyon. Kitang-kita niya ang galit sa mukha nito na hindi man lamang nagmenor sa pagpapatakbo ng kabayo.
Pagtapat sa kanya ay matipunong bisig ang humawak sa baywang niya. Napasigaw siya sa matinding takot nang sa isang iglap ay tumaas siya sa ere at bumagsak sa harap ng binata. Halos bumaon ang mga daliri niya sa mahigpit na paghawak sa mga balikat nito habang patuloy sa pagtakbo nang mabilis ang kabayo. Hindi niya malaman kung paano ipupuwesto ang sarili sa harap ng binata.
“Stop this horse, Alvaro!” hiyaw niya pero hindi pinakinggan ng binata iyon. “Damn you, sino ikaw sa palagay mo, si Marlboro man!” Subalit nilunod ng hangin ang sigaw niya. Ang buhok niya’y tumabon sa kanyang mukha at bibig at hindi niya maalis dahil mahigpit siyang nakahawak sa mga balikat nito. Alam niyang mahigpit na nakahawak ang isang kamay ni Alvaro sa baywang niya but she was scared na mahulog kung bibitaw.
“Huwag mo akong ibalik kay Marvin, Alvaro, please! I’d rather die!” malakas niyang sigaw na sa pakiramdam niya’y nag-echo na sa buong paligid.
“I won’t, babe, I won’t…” he said in a barest whisper.
Iyon lang and hopelessly she stopped shouting at inihilig ang ulo sa dibdib nito. Closed her eyes at nilunod ang sarili sa exciting male scent ng binata. And to hell with everything else as long na hindi siya ibabalik nito sa villa at harapin si Marvin.
Mula sa mga balikat ng binata ay bumaba ang kamay niya sa dibdib nito. Opened a few buttons and played with the hair on his chest. He stiffened and it encouraged her to grazed her tongue tentatively on his nipple. He groaned at naramdaman niyang bumagal ang kabayo.
“Damn you, Kristine, don’t do that or you will be made love to right here on horseback,” banta ng binata in a husky voice.
She could feel the growing muscles. Tumingala siya and smiled provocatively. “I’m still sore but I won’t mind. Some kind of an experience and that is what you would really call a rough ride…”
“Wild rose, pagbibigyan ko iyang kalokohan mo isa sa mga araw na ito pero hindi ngayon,” he promised in a strained voice. “We need to talk.”
Makalipas ang ilang segundo pa ay huminto ang kabayo. Ibinaba siyang una ni Alvaro at saka ito sumunod. Inikot ni Kristine ang mga mata, sa harap nila’y isang log house.
“Nasaan tayo?”
“In my cabin,” sagot ng binata na itinali ang kabayo sa isang puno. “Dito kami natutulog nina Lance at Nick pag nagka-camping kami at nangingisda. Sa likod niyan ay ilog…” hinawakan nito sa braso si Kristine at inakay patungo sa cabin. Itinulak ang pinto na yari sa mga puno ng kahoy na hinati sa gitna. Lumangitngit ang pinto.
Ang naroon ay katre at dalawang silyang yari sa pinong kawayan at mesang kahoy na rough ang pagkagawa. Marahas siyang iniupo ng binata sa katre. Lumakad patungo sa bintana at binuksan ito. Pumasok ang hangin sa loob. Pagkatapos ay binalikan si Kristine.
“Now, start talking. Sino si Marvin? Asawa mo ba siya?” asik ni Alvaro. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. “H-hindi ko alam, Alvaro…”
“Hindi mo alam!” sigaw ng binata. She winced. “Umpisahan mo sa umpisa, Kristine….” he urged in a dangerous tone.
Tumayo siya at lumakad patungo sa bintana. Wala siyang natatanaw na ilog dahil sa kapal ng mga puno at kung ano-anong damo pero naririnig niya ang marahang lagaslas na agos ng tubig. Kung hindi lang sa galit sa tinig ni Alvaro ay gusto niya itong yayaing bumaba sa ilog.
“Hindi totoong magkapatid sina Roy at Marvin, Alvaro. Kaming tatlo were both adopted by our parents. I was six years old nang ampunin ng mag-asawang Cuevo. They were missionaries mula sa isang religious sect. Hindi sila mga Pilipino. Ang Papa ay Mexican. Ang Mama ay isang american at taga-Texas. Marvin was ten and Roy was fifteen. Pinalaki kaming parang totoong magkapatid ng mag-asawa and Roy adored and loved me like a real sister.”
“I was on my early teen when Marvin showed some signs na hindi lang kapatid ang pagtinging iniuukol niya sa akin. Iba siya kaysa kay Roy at nahirapan talaga ang mga magulang naming pakitunguhan siya. A little rough and troubled. Nang mamatay ang mag-asawang Cuevo ay sa amin pinamana ang mga ari-arian nila. Only, hindi sa pantay-pantay na paraan.”
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Roy got the lion’s share, sabi nga. I didn’t really mind. He deserved it dahil pinamahalaan niya nang husto at maayos ang negosyong ipinagkatiwala ng Papa at Mama sa kanya. Pero hindi si Marvin. Kung tutuusin ay wala naman talaga kaming minana ni Marvin kundi isang maliit na pension buwan-buwan. Although enough para hindi kami magutom.
“Isang araw ay kinausap ako ni Roy. Ipinagtapat niya sa akin ang tungkol sa muscular disease na matagal na niyang dinaramdam. At na hindi magtatagal ay mamatay siya…” nabasag ang tinig niya sa bahaging iyon.
“Iyon ang kauna-unahang pagkakataong umiyak ako nang husto. I really loved him, you know. He was more than just a brother. Ang mga magulang namin ay lagi sa missionary work at si Roy na ang nagsilbing mga magulang at kapatid at kaibigan ko, all rolled into one. He protected me from Marvin’s advances sa maraming pagkakataon. Hindi matanggap ng isip kong mamamatay siya.”
“So he suggested marriage,” wika ni Alvaro na kahit paano ay nagkaroon ng paghanga sa taong hindi na nito makikilala pa.
“Yes. Alam ni Roy na kapag namatay siya ay kay Marvin mauuwi ang lahat ng mga minana niya mula sa mga Cuevo, iyon ang nakalagay sa testamento nila. Malibang nag-asawa si Roy na kung saan sa asawa siyempre mapupunta ang maiiwan niya.”
“Paanong nangyaring sinasabi ni Marvin na asawa ka niya?” Muli ang galit sa ilalim ng tinig nito.
“Hindi ko alam, Alvaro. Roy died in Texas pero dito siya inilibing sa Pilipinas dahil iyon ang gusto niya. Makalipas ang ilang buwan ay ipinakita sa akin ni Marvin ang marriage contract naming dalawa. That I agreed to marry him in one of those early days na namimighati ako sa kamatayan ni Roy and signed the documents…”
“Paanong nangyari iyon?” naguguluhang tanong ng binata.
Umiling siya. “Hindi ko alam. I was in total misery at ang tanging kasama ko ay isang matapat na katulong. I remembered signing some papers pero hindi naman siguro marriage contract iyon. Tungkol iyon sa negosyo ni Roy. Nasa papeles ang signature ko. I’m sure it was my signature. Oh, Alvaro, hindi ako pakakasal kay Marvin kahit siya na lang ang natitirang lalaki sa buong lupa!” pahikbi niyang sinabi.
Humakbang ang binata palapit at dinala siya sa dibdib nito. “Hush… naniniwala ako.”
“Umalis ako patungong Texas nang hindi nagsasabi sa kanya. A week later ay sumunod siya sa apartment namin ni Roy at sinabi niyang bilang asawa ko ay may karapatan na rin siya sa lahat ng mga ari-arian namin ni Roy.” pinahid ng kamay niya ang luha sa mga mata. “That was the time na umalis ako ng apartment and asked your sister for help. And you know the rest.”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Alvaro. Hinagkan sa buhok si Kristine. “Let’s go home. I want you to face him.”
Marahas siyang umiling. “Hindi! Hayaan mo na lang akong umalis, Alvaro, kaysa ibalik mo ako sa kanya.”
“Trust me, Kristine. Trust me.”
Naguguluhang tumingala siya rito. And she’ll be damned but she did trust him.
17
“KRISTINE, darling!” salubong ni Marvin na nakalahad ang mga kamay upang yakapin si Kristine.Napahawak siya sa braso ni Alvaro at nahinto sa pagpasok.
“Hanggang diyan ka na lang, Mr. Cuevo,” babala ni Alvaro na nagpahinto sa paglapit ni Marvin.
“Ano ang ibig sabihin nito, Mr. Navarro?”
“Alvaro, maaari bang ipaubaya mo na kay Mr. Cuevo ang asawa niya?” Si Franco na ang pagtitimpi sa anak ay gusto nang humulagpos.
“Sinabi ni Kristine ang sirkumstansiya ng pagpapakasal niya sa iyo, Mr. Cuevo,” patuloy ni Alvaro na hindi pinansin ang ama. Si Bea ay hinagod ng tingin ang nahihintakutang mukha ni Kristine.
“But of course, walang dahilan para itago iyon. She is my wife and supposedly still on our honeymoon. Kristine, darling, let’s go home. Ano ba ang nangyayari sa iyo..?”
“Hindi ako sasama sa iyo, Marvin.” pilit niyang pinatatag ang tinig.
Napasinghap si Bea. Si Franco ay nagmura. Hindi nito maintindihan na napaugnay ang anak sa ganitong walang kuwentang mga bagay. At lalong hindi nito maintindihan ang interest na ipinakikita ni Alvaro sa babae. All right, she’s pretty and sexy, pero hindi birong magagandang babae ang nahuhumaling kay Alvaro. At ang isang ito ay may asawa!
“I know you’re still upset, Kristine, darling. Let’s go home and let me take care of you,” samo nito at pagkatapos ay nilingon ang mag-asawa.
“Salamat sa inyo, Mr. Navarro. We wish to be transported back to Manila now, if you don’t mind.”
Bago pa nakakilos si Franco ay muling nagsalita si Alvaro.
“Hindi ko alam kung paano mo nagawang palabasing kasal kayo ni Kristine, Mr. Cuevo. Pero ito ang tinitiyak ko sa iyo, get yourself a good lawyer dahil titiyakin kong alamin ang buong sirkumstansiya!”
“You’re crazy!” nanlaki ang mga matang wika ni Marvin.
“Kristine is my wife. You cannot prove otherwise…”
“I can and I will, Mr. Cuevo. Hindi siya naging asawa ninuman sa literal na paraan maliban sa legal niyang kasal kay Roy.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Marvin. Gayundin sina Franco at Bea na nagkatinginan.
“Ano ang ibig mong sabihin?” Si Marvin na tiningala si Alvaro. Alvaro is inches taller.
“Kristine was a virgin when I took her!”
“Oh, Alvaro…” nanlumong wika ni Kristine and she was blushing. Hindi makapaniwalang sasabihin ng binata ang ganoong uri ng intimacy sa harap ng mga magulang. Bukod pa roon, iyon ang pinakaiiwas-iwasan niyang malaman ni Marvin para kay Roy. Nanlalambot na napaupo siya sa pinakamalapit na silya.
Si Franco at Bea ay pare-parehong nag-angat ng mukha at pinaglipat-lipat ang tingin sa anak at kay Kristine.
“Hindi totoo iyan!” protesta ni Marvin.
“She was married to my brother for two years!”
“A marriage for convenience. It was never consummated. At kahit na siguro hindi totoong pagtinging-kapatid mayroon si Roy kay Kristine, he still wouldn’t be able to consummate his marriage with her. Maysakit na si Roy noong mga panahong iyon,” patuloy ni Alvaro.
Binalingan ni Marvin si Kristine.
“You, bitch! Pinagkaisahan ninyo akong dalawa ni Roy!” Akma nitong lalapitan si Kristine na biglang napasiksik sa silya.
“Touch her and you’re dead, Mr. Cuevo!”
Nahinto sa paghakbang si Marvin and went still as death.
18
APAT na araw na mula nang mangyari iyon. Si Marvin ay bumalik sa Texas. Inamin nitong fake ang kasal and her signature was forged. Natakot ito sa maaaring gawin ng mga Navarro. Kristine was really sorry for him at nangako siyang isa sa mga araw na ito ay ibabahagi niya kay Marvin ang mga naiwan ni Roy. He was entitled to that considering na pare-pareho silang hindi mga anak ng mga Cuevo.
At muli siyang bumalik sa bahay nila ni Roy sa Quezon City. She missed the ranch pero sa nakalipas na apat na araw ay nakadalaw na ng isang beses si Alvaro sa kanya. And they have made love countless of times sa minsanang pagdalaw na iyon.
“LANCE!” bulalas ni Nick nang bumukas ang pinto at sumungaw si Lance kasunod si Alvaro.Nagkamay nang mahigpit ang dalawa na halos magyakap.
“How are you, brother?” nakatawang bati ni Lance.
“Tinalo mo pa ang Papa sa ayos mo, ah.” Si Alvaro ay naupo sa visitor’s chair at itinaas ang mga binti sa kabilang silya giving them a lazy smile.
“When did you arrive? How’s Jenny?”
“My plane touched down two hours ago. And my little brat of a sister is fine. Graduating na siya next sem.” naupo si Lance sa gilid ng mesa.
“Bakit ka biglang narito sa Pilipinas, ha, Lance? Balita ko’y jet-setter ka na ngayon. Sino ba ang latest mo ngayon?” nakatawang tanong ni Nick.
Nagkibit ng mga balikat si Lance at pilyong tumawa.
“Not your type so don’t be envious,” biro nito.
“At may dala akong proposal sa Papa tungkol sa branch na gustong itayo sa Texas kaya ako narito, Nick.” Pagkatapos ay tinitigan ang kapatid.
“Hindi ba dapat na si Alvaro ang dapat nating kumustahin?”
Nag-angat ng kilay si Nick. “Mayroon ba akong hindi alam?”
“C’mon, Lance.” si Alvaro na naka-plaster na ang ngiti sa mga labi.
“You mean, hindi mo alam?” nagtatakang baling uli nito kay Nick. Pagkatapos kay Alvaro.
“How’s that virgin widow na ipinadala namin ni Jenny sa iyo, big brother?”
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Nick at tinitigan si Alvaro. “A virgin widow? That’s interesting. May inililihim sa akin ang kaibigan ko.”
“Oh, yes,” patuloy ni Lance na nakatawa.
“She was a widow and heaven knows still a virgin after two years of marriage. At gusto ni Kristine na mawala na ang virginity para nga naman hindi sagabal at walang maraming question kung bakit wala pa siyang sexual experience gayong nagkaasawa na at nabiyuda. And when Jenny send her over to Alvaro, well…” nakangising baling nito kay Alvaro na biglang nawala ang ngiti at tumiim ang anyo. “… knowing my brother who has a penchant for mestiza…”
“Well… welll…” si Nick na nagsalubong ang mga kilay sa pag-iba ng ekspresyon ni Alvaro.
“And I even offered myself to bed her. Ang sagot sa akin, hindi niya ako type,” at sinabayan nito ng tawa ng malakas. Tawang nahinto sa marahas na pagtayo ni Alvaro at lumabas ng silid nang walang paalam.
Nagkatinginan ang dalawang lalaki. “Did I say something wrong?” Inilahad ni Lance ang mga kamay.
Tumikhim si Nick.
“Beats me. Pero nakapagtatakang hindi sinasabi ni Alvaro ang tungkol sa babaeng ito, Lance. We always tell each other about our women… unless…”
“Unless seryoso si Alvaro sa babae?” dugtong ni Lance na agad ding umiling. “Hindi si Alvaro ang nagseseryoso ng babae, Nick.”
“Look who’s talking,” at bumunghalit ng tawa si Nick.
19
NAGULAT pa si Kristine sa biglang pagdating ni Alvaro sa bahay niya. “Alvaro? Akala ko ba mamayang gabi ka pa pupunta rito?”
Sinipa nito ng boots ang pinto na malakas na sumara.
“You have a very expensive way of losing your virginity, Kristine,” galit na bungad ng binata.
“From Houston, Texas to Alta Tierra. Bakit wala bang available na lalaki sa Texas?”
“Ano ba ang pinagsasasabi mo?” naguguluhang tanong niya.
“Bakit ako ang napili mong lalaki para maiwala ang virginity mo?” mapanganib nitong tanong sa pagtatagis ng mga bagang. Ilang sandali muna ang nagdaan bago naunawaan ni Kristine ang gustong sabihin ng binata.
“Bakit ka nagagalit, Alvaro?‘’
“Bakit? Ano sa palagay mo ang dapat kong madama? Ibando ko sa buong mundo na ako ang napili mong pagbigyan ng virginity mo!” Halos sumigaw na ito.
“Hindi ko alam kung bakit mo nasabi iyan.” banayad siyang umiling.
“Hindi kita pinili. Hindi ko pinlano ang nangyari sa atin…”
“Sinungaling!” asik nito.
“Did my brother tell you how I perform in bed kaya napagpasiyahan mong umalis ng Texas patungong Alta Tierra?”
“Ano’ng…?” Nalilito na siya.
“Well, my brother is as good as I am. Why didn’t you take his offer?” patuloy ni Alvaro sa panunuya.
Naningkit ang mga mata niya. Napukaw ang galit.
“’Ayan ang sagot sa tanong mo! Kung gusto ko lang iwala ang virginity ko ay hindi kailangang magpakahirap ako sa pagtungo sa rancho, Alvaro! Any man would have served the purpose!”
“You used me, damn you!”
“Kung iyon ang gusto mong gamiting salita bahala ka!” pagalit niyang sinabi.
“Pero hindi mo ba ako ginamit din? Wala ba ako sa kama mo nang gabing iyon beneath you and filled with… with your flesh?”
Naglalabas ng apoy ang mga mata ni Alvaro sa sinabi niya. Gusto nitong saktan si Kristine sa mga sandaling iyon dahil sa kabila ng galit nito ay hindi nito maiwasang mag-init sa pagpapaalala sa kanya sa unang pagtatalik na iyon. At kahit na walang kapantay ang mga sumunod nilang pagtatalik, he would always treasure that night when she gave herself to him for the first time.
“And you enjoyed using me, Alvaro, hindi ba? Kahit dito sa bahay ko. Hindi naging hadlang ang milya-milyang layo sa pagitan nating dalawa to satisfy your lust with me. And of course, sa isang tulad mo na walang balak magpakasal sa isang babae, kumbiniente ako para sa iyo dahil sa katayuan ko bilang biyuda!” Nagagalit na siya nang tuloy-tuloy at wala nang pakialam sa sinasabi. Damn this man for accusing her of using him!
Bagsak ng pintuan ang sumunod na namalayan ni Kristine. She was too angry to cry kahit na alam niyang iyon na ang huling pagkikita nila ni Alvaro.
“I’M LEAVING,” wika ng binata sa ama dalawang linggo makalipas ang pagtatalo nila ni Kristine.
“Leaving where?” Nagsasalubong ang mga kilay ni Franco sa pagkakatitig sa anak.
“Houston. Nandito pa si Lance. Baka may gusto kang ipagbilin sa akin.”
Hindi kumibo si Franco na isinandal ang sarili sa swivel chair at hinagod ng tingin ang anak sa mahabang sandali. Pagkatapos ay tumaas ang isang sulok ng mga labi.
“Tama ba akong isipin na sa wakas ay napagpasiyahan mo rin na kailangan mo ng babae sa buhay mo?”
“I have always a need for a woman in my life, Franco Navarro.”
“I mean as a wife…”
Huminga nang malalim ang binata.
“If she will have me.”
“Oh, she will. You’re a Navarro, son. She will have you. Go ahead, you have my blessing to chase her in Houston.”
“Thank you, Pa,” at tumalikod na ito.
Si Franco ay nakangiting umiiling. Dinampot ang telepono at dumayal. Ilang sandali pa ay may nag-angat sa kabilang linya.
“I hate to say this, darling, because you’re still young and sexy and…”
“Ano ba ang sinasabi mo?” si Bea na napapailing sa kabilang linya.
“Don’t tell me na sa oras na ito ng tanghali ay sex ang naiisip mo? Shame on you, Franco Navarro!”
“Dirty minded woman,” tukso nito sa asawa.
“You’re forty-three and by next year kung hindi magkakabisala, you will be a grandmother, darling!”
“Oh!”
20
“ALLOW me to call that dumb brother of mine, Kristine.” si Jenny na hinahagod ang likod ng kaibigan habang nagduduwal.
“P-please… l’ll never forgive you kung gagawin mo.” inabot nito ang face towel at pinunasan ang mukha.
“Wala akong balak magkaroon ng pamangkin na bastardo!”
“May palagay akong wala kang mapagpipilian sa bagay na iyan,” matabang niyang sinabi. “I have been through a loveless marriage once, Jen. Loveless, in a sense na Roy and I did not share this romantic kind of love. At ayokong obligahin si Alvaro na pakasalan ako dahil lamang nagdadalang-tao ako.” Humakbang siya palabas ng banyo.
Itinaas ni Jenny ang dalawang kamay. “Goodness’ sake, Kristine, ano ang sasabihin mo sa pamangkin ko kung sino ang ama niya?” Ni hindi namalayan ng dalawang babae ang pagbukas ng pinto sa family room. Ang unipormadong katulong na naroon ay tahimik na lumabas nang senyasan ni Alvaro.
“I can always tell my child na si Roy ang ama niya tutal biyuda naman ako, ’di ba?” balewalang sagot niya. Sinikap na itago ang pait sa tinig. Gustong mag-alsa-boses ni Jenny sa narinig pero naunahan siya ni Alvaro doon.
“At ipaaangkin mo sa iba ang anak ko!” Tila kulog ang tinig nito na nag-echo sa paligid. “Why, you’re even worst that I thought!”
“Alvaro!” parehong sabay na sinambit ng dalawang babae. Si Jenny ang unang nakabawi sa pagkabigla at ngumiti.
“Why, big brother, you could never have arrived at a better time…” lumapit ang dalaga at masuyong hinalikan sa pisngi si Alvaro. “I’ve been here for more than a year, i almost forgot just how gorgeous you are.” kinindatan nito si Kristine at lumakad patungo sa pinto.
“I’ll deal with you later, brat…” banta ni Alvaro sa kapatid.
Kinabahan si Jenny at nahinto sa paghakbang. Kilala niya ang tonong iyon ng kapatid. Mas mahigpit si Alvaro kaysa kay Franco pagdating sa kanya. “T-tungkol saan?”
“May sinabi sa akin si Lance na nakikipag-date ka sa isang rock star.” tumiim ang mukha nito.
“Now, go. Mamaya tayo mag-usap.” Mabilis na lumabas ang dalaga na hindi maalis ang kaba. Sana ay maging maganda ang resulta ng pag-uusap ng dalawa upang hindi gaanong magalit ang kapatid.
Mahabang katahimikan ang namagitan bago nagsalita si Kristine. “Bakit ka narito?“Nagkibit ng mga balikat si Alvaro. “Tulad ng sinabi mo, balewala sa akin ang milya-milyang layo just to satisfy my lust for your body…” he said softly.Naningkit ang mga mata niya na tinitigan nang masama si Alvaro. Kasabay rin niyon ang pagnanais na takbuhin at yakapin ito. Fifteen days na siya mula nang dumating dito and she missed him so much. Pero pinigil niya ang sarili.
“Well, excuse me, this widow isn’t available…”
“You will be.” nagbabadya ng pangako ang tinig nito. Pagkatapos ay hinagod ng tingin si Kristine.
“You’re pregnant with my child…”
Nagkibit siya ng mga balikat. “I indulged myself in casual sex so ito ang napala ko.”
“Damn you, Kristine.”
“What do you want, Alvaro?”
“Ikaw. Marry me.”
Muntik nang maubo si Kristine sa narinig. Sinisikap pigilin ang pag-alpas ng galak sa dibdib.
“Hindi kita ita-trap sa pag-aasawa dahil nagdadalang-tao ako, Alvaro.”
“I have every intentions of asking you to marry me kaya lumipad ako patungo rito. Hindi ko alam na nagdadalang-tao ka until minutes ago kaya hindi iyon ang dahilan kaya gusto kitang pakasalan. That is a big bonus.”
“Ano ang dahilan mo?” She held her breath.
“Oh, marami. Halimbawa, we haven’t even made love yet on horseback. It made me rock hard habang ini-imagine ko na gagawin natin iyon. Your legs around my hips and my flesh deep inside you and you need not move because me and the horse will glide us. Don’t you think it would be the most incredible ride of our lives, babe?”
Napahugot ng paghinga si Kristine. Nanayo ang mga balahibo sa katawan at nanulay ang init hanggang sa tiyan niya. Drat this man, arousing her just by talking carnally!
“Pangalawa, I’m losing weight dahil hindi ako makakain at makatulog sa kaiisip sa iyo. Pangatlo, I wanted your face next to my pillow every morning of my life. Pang-apat…”
“Get straight to the point, Alvaro! Ano ang gusto mong sabihin?”
“I love you, wild rose.”
She smiled. “I’m delighted to know it, Alvaro Navarro. What took you so long to say that?”
“Because I’m dumb.” Sa dalawang hakbang ay nasa mga bisig na nito si Kristine.
“That’s just fine with me. I have this penchant for dumb men, anyway.” She tiptoed and planted a soft kiss on his lips. “I love you. Alvaro.”
“Wild rose. Beautiful and exotic—and mine,” he said huskily at tinakpan ng mga labi ang mga labi ni Kristine.
WAKAS
**********Sorry mga beshies medyo mabagal ang internet ni Admin A kaya matagal matapos ang pag-uupdate. Stay safe and always pray. Comment kayo if gusto n’yo ng kakwentuhan char hahahaha. - Admin A ****************

