loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
R U L E D (NGS #10)

R U L E D (NGS #10)

Ineryss · 53 chapters · 223,162 words

R U L E D

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. 

All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author.

WARNING:

This story deals with sensitive issues like anxiety and mental illness, spg and the likes. If you cannot handle those, do not read this story.

P R O L O G U E

Ruled

Bend

“What’s your daughter’s name?”

Kabado ako nang marinig ang kanyang tanong. My chest was aching so bad. Takot, galit at nerbyos ang pilit na yumayakap sa akin.

Mapait akong umiling. Hindi ko kayang ipakilala sa kanya ang aking anak! Hindi ko ilalagay ito sa sitwasyong matutulad ito sa ginawa ko sa kanyang pinsan sa nagdaang mga taon.

I always believe that the true reason why he’s after me because of what I did from the past. Iyon ang kasalanang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maamin amin sa sarili na ako ang rason ng gulong iyon.

Hindi ko kayang paniwalaan na may iba pang rason kaya niya ako sinusundan sa syudad na alam kong malayo sa tahanan niya. Nandito siya dahil gusto niyang gumanti!

“Wala siyang kinalaman sa pagkakamali ko noon! Huwag niyo siyang idamay!” matigas at halos manginig ako sa galit nang tingnan siya.

His eyes softened. Umiling siya at ngumiti ngunit hindi ko iyon kayang paniwalaan.

“She’s my daughter!” giit ko.

Binasa niya ang labi at tumango.

“Who’s her father?” kalmado pa rin ang kanyang tanong.

The lump on my throat made me stop from talking. I couldn’t even tell if this is real from those nightmares or what. Minsan, pakiramdam ko ay malayo na ako sa reyalidad sa lahat lahat ng nangyari dahil ang hirap paniwalaan.

Ang mga gabing iyon ay malala. Palagi akong tumatakbo at may tinatakasan. Natatakot akong huminto dahil para bang buhay ang magiging kapalit kung huminto ako at naabutan nila akong lahat.

At sa tuwing nakikita ko siya, pakiramdam ko ay nagiging totoo ang mga bangungot ko.

He’s part of that nightmare. He’s part of that memory I want to forget forever!

Kaya ngayong nandito na naman siya sa harapan ko, gusto kong isipin na baka ay iniisip niyang kanya ang bata ngunit malabo iyon lalo na’t alam ko ang totoo. At alam kong alam niya rin ang bagay na iyon.

Noon pa man ay hindi ko siya gusto. Hindi siya ang lalakeng nagustuhan ko sa kanilang magpipinsan. He’s the least I like.

I always think of him as the villain. I never saw him as the knight in shining armor who’d save me from evil coz I know I am the antagonist who doesn’t need to be protected.

Ang nangyari sa nakaraan ay magsisilbing palatandaan sa akin kung bakit ayaw ko sa kagaya niya. At kahit ilang taon pa siguro ang lumipas, hinding hindi magbabago ang tingin ko sa kanya.

Umatras ako at tumalikod, gustong gusto na namang tumakbo at maglaho sa kanyang tingin.

This isn’t the first time I saw him and this isn’t the last time I turned my back just to run from his sight. I don’t want to face him. I want him gone forever in my life.

“Franca,” the familiar voice called me in a cold manner.

Humarap ako at medyo nagulat sa kanyang pagsunod.

“Hey…” natatawa kong bigkas habang itinatago ang aking mga kamay sa likuran.

Humalikipkip siya sa aking harapan habang nakaangat na ang kanyang kilay habang nakikita ko ang pagsilip niya sa aking tinatago. His snob expression resembled his father alot.

“What are you doing here?”

Inosente kong iginala ang tingin para kunwaring maghanap ng sagot. Nakikita ko ang mga liwanag na sumisilip sa bawat dahon at tila ba palaging may anghel ang bababa sa langit kaya kumikinang ang buong paligid.

I smiled innocently. “Uh… playing?”

Umangat agad ang kanyang kilay at naglakad patungo sa akin. Umatras ako at umiling.

Mas lumaki ang kanyang mga hakbang. Bago pa makaisip ng paraan ay mabilis na siyang nakaabot sa aking harapan at deritsong hinablot ang aking pulso palabas.

I groaned when I realized he’s too strong. His eyes widened as he watched me with intensity.

“You’re smoking?” aniya nang tingnan ang paketeng sigarilyong hawak ko.

Hindi pa iyon bukas at itinago ko ito sa mga tuyong dahon dito sa kakahuyan noong nakaraang linggo. Binili ko ito ng pa sekreto ngunit sa higpit ng aking mga pinsan ay hindi ko agad nasubukan. Binalikan ko lamang ulit ngayon nang maalala ko.

Irita niya iyong inagaw sa akin. I frowned at him when he tried to put it on his pocket.

“That’s mine,” sabay bawi ko.

“This isn’t for you. And you’re just fifteen!”

Turning sixteen na rin naman.

Kumurap ako at humalakhak. What? My cousin North smokes, too. Mas matanda pa nga ako ng ilang buwan, ah? What’s the difference if I’m curious and I wanna try it?

“Why?” nangingiti kong tanong habang binubuksan na iyon.

Iritang kinuha iyon ni Latch sa akin ngunit ngumiti akong lalo at iniwas agad para hindi niya mabawi.

“Hindi magandang tingnan sa babae ang naninigarilyo, Franca,” irita niyang bigkas nang sundan ang paketeng hawak ko.

“At sa lalake, magandang tingnan?” saka ako kumuha ng isang stick at inilagay sa aking labi.

Huminga siya ng malalim at namulsa. Kinapa ko ang suot na puting bestida para hanapin ang inipit kong lighter noong papunta rito kanina.

“Ugh… I think I lost it!” kuha ko sa sigarilyo sa aking labi at ginala ang tingin sa sahig.

Yumuko para hawiin ang mga tuyong dahon. Tahimik ang paligid sa hapong iyon at ang tanging naririnig ay ang huni ng mga ibon, pagaspas ng hangin sa mga dahong sumasayaw at ang agos ng tubig sa batis na matatagpuan sa dulo.

“Latch. Help me find my lighter. I think I drop it,” utos ko habang naging abala sa paghahanap.

Hindi siya kumibo. Nakapamaywang na at madilim ang ekspresyon habang pinapanood ako.

“Isusumbong kita sa Daddy mo kung maninigarilyo ka.”

Natigilan ako. Sumeryoso agad ang aking mukha. Tumayo ako ng tuwid at muling humarap sa kanya.

Kita ko ang kaonting pagdaan ng kanyang gulat nang makita ang biglaang pagbabago ng aking ekspresyon.

“Do you think I will give you a chance once you tell this to my father?” I tilted my head while looking at him intently.

Hindi siya nakapagsalita. I smiled innocently and went to him closely. Kitang kita ko kung paano niya sinusundan ang aking galaw.

Tiningnan ko siya ng maigi. Latch is wellknown in this province because he’s not just good looking but he’s also the son of Mr. Calvin Lealde. He’s tall, snob and very handsome. His sister earned the spot of being the one of most pretty girl in this province, too. Sikat silang magkapatid dito.

Malapit siya sa mga pinsan kong lalake at malapit naman ako sa kapatid niyang babae. My cousins like that girl so much, too. At mukhang sumobra pa nga ang pagkakagusto ni North sa babaeng iyon.

“Aalis na kami bukas. Minsan lang tayo magkikita. You will miss me for sure. Ganitong sama ng loob ba ang ipapabaon mo sa akin?” I laughed softly.

Hindi agad siya nakapagsalita sa bagay na iyon. Umangat ang aking kilay.

“Gusto mo ako, ’di ba?”

Latch’s eyes softened. Ngumiti ako at iginapang ang aking kamay sa kanyang batok saka ko siya hinila pababa para makasalubong ko ang kanyang labi.

Isang hagod lamang ng aking labi sa kanya ay naramdaman ko agad ang kanyang pagsuko. Humalik siya pabalik at hinapit agad ang aking baywang. I smiled and kissed him more.

This isn’t the first time I kissed someone on the lips. At hindi rin ito ang unang beses na sa tuwing hahalikan ko sila ay susuklian nila iyon ng mas malalim pa.

“Gusto rin kita, Latch,” sabi ko nang humiwalay sa kanyang labi.

Nakaawang pa rin iyon at tila hindi pa kontento sa aking halik. I smiled more when I realized he’s tamed. Good.

“Hindi ko kayang paniwalaan lalo na’t kabisado ko kayong mga Buenaventura. You’re all good at playing someone’s feelings,” halos pairap niya iyong sinabi ngunit ang kanyang kamay ay nakahawak na sa aking likuran.

I chuckled softly.

“Bakit kita sasaktan? Unless you’re going to tell this to my father then…” dahan dahan kong ibinaba ang tingin sa kanyang pulang labi.

Umiling siya. “Hindi kita isusumbong. Pero huwag mo nang subukan pa ang paninigarilyo, Franca. This isn’t healthy.”

“Then why do people smoke if it isn’t healthy?”

At ginagawa nga ng mga ibang tao kaya bakit may iba na hindi pwede? Para bang ginawa itong batas para lamang sa mga kababaihan. Hindi dapat manigarilyo ang mga babae dahil para lamang iyon sa mga lalake.

“Keep this. Babalikan ko ito sa’yo,” bigay ko sa pakete ng sigarilyo.

Tikom ang bibig niya sa araw na iyon. Nakuha ko agad ang loob niya habang siya naman itong hirap kunin ang loob ng akong mga pinsan para hayaan itong pumorma sa akin.

Kahit pa sobrang close sila ni North, hindi pa rin nila itong magawang gustuhin para sa akin. Ayos lang naman ’yon lalo na’t kaya ko namang kunin ang lalake sa paraang hindi nila nalalaman kaya hinahayaan ko ang pagiging mahigpit nila.

“Sa’n ka pumunta?” salubong ni Irah, ang isa ko pang pinsan na babae.

“Uh… sa kakahuyan lang. Nag-iimpake kana ba?” tanong ko habang lumalapit na sa nakapamulsa kong pinsan sa suot niyang puting jacket na Nike.

Everyone thinks that Irah is my opposite. She’s cold and bitchy. Kung titingnan din namang maigi, mataray talaga ito. Ngunit alam kong malayong malayo kami sa isa’t isa. I am not like her.

“Oo. Thank God this Summer in this province is over! Gusto ko nang bumalik sa syudad!” she ranted.

I am actually older than her. Malayo ang agwat namin.

Sinundan ko ang pag-akyat niya sa malaki at magarang hagdanan ng mansyon. Tuwing summer, sa mismong buwan ng Mayo ay buong buwan kaming nandito lalo na’t iyon ang gusto ng aming mga magulang. Minsan nga ay buong summer talaga na nandito kami at uuwi lamang sa syudad kung klase na ulit. I am fine living here. I am also fine in the City. But Irah hates the province coz she can’t see her boyfriend.

“Nagmamadali ka para makita siya eh parang hindi naman ’yon masarap humalik,” sabi ko habang pinapanood siyang tinutupi na ang kanyang mga gamit.

“Shut up, Franca. As if you know how to kiss, too.”

I only smiled. Grade Seven ako noong natuto akong humalik. Hindi lang ako palakwento sa kanya ngunit pinapaniwalaan niyang wala akong karanasan sa mga lalake lalo na’t… mahinhin.

Mulat din agad siya sa ganoong bagay ngunit nalilimitahan lalo na’t wais din ang kanyang ama sa pagdidisiplina sa kanya. Hindi naman sa hindi ako nadidisipina ng maayos ni Dad kaso wala rin siyang alam sa mga gawain ko.

Tinulungan ko si Irah sa pagliligpit ng kanyang mga gamit. Bukas ng umaga ang aming byahe. Abala pa si South at North sa bayan at mukhang nangangabayo kaya nagkaroon din ako ng tsansang magtungo sa kakahuyan nang mag-isa lamang kanina.

“Bakit, marunong ka ba?” tanong ko pabalik habang abala na siya sa iba niya pang gamit.

Hindi naman gano’n ka rami ang dala ko kaya sa tuwing umaalis ay walang nagiging problema lalo na’t marami rin akong gamit dito.

“Ang dali lang naman. Para ka lang kumakain ng lollipop,” she bragged confidently like I am too ignorant for those kind of things.

“Talaga?” inosente kong tanong na ikinatango niya.

“Yes. You should wait until your father lets you have a boyfriend so you can try it…”

Gusto kong matawa sa bagay na iyon ngunit nagpigil lamang. I don’t need a boyfriend just to experience it.

“Strict si Dad sa gano’n eh.” Nagkibit ako.

“Gets kita lalo na’t strict din si Dad kaya minsan mahirap lusutan,” irita niyang bigkas habang sinasara na ang bagahe.

I smiled secretly. Iyon ang pagkakaiba namin. She’s obvious while I’m always sneaky. Kaya siya nahuhuli dahil bulgaran siyang gumalaw hindi kagaya kong patago lagi.

“They’re both strict,” sabi ko habang nakaupo na sa kama.

Hinubad niya ang puting jacket na suot saka bumalandra ang nipis niyang katawan at itim na sando.

“But you’re obedient. Your father won’t worry coz you don’t break rules. Panatag siya lagi sa’yo,” aniya habang naglalakad na patungo sa walk-in.

Tumango ako. “Kaya nga eh…”

“Eh ako. Dad knows I break rules. Hindi ako katulad sa’yo,” she shrugged.

Hindi nga ako katulad sa kanya.

She got caught breaking the rules but I wasn’t ’coz I bend them quietly. Iyon ang pagkakaiba naming dalawa.

1st Ruled

Ruled

Mysterious

Humihikab si Irah habang tamad naming hinihintay ang flight sa umagang iyon sa airport. Nakaupo kaming magpipinsan sa first row. Si South ay nakasandal sa upuan at tulala sa kawalan suot ang earphone habang si North ay nakapangalumbaba at nakatukod ang siko sa bawat hita habang abala sa kanyang cellphone.

Our parents were busy talking in their small voices, like they’re trying to minimize it while they’re at our back so we can’t hear it.

Hindi naman bago sa akin ang ganitong eksena. May mga pag-uusap sila na hindi kami kasali. Hindi naman sa gusto naming makiusyoso pero madalas din naman kaming walang pakialam at may sariling mundo.

“Papa said the business in Davao is doing fine. The company can fund another project…” I heard my father’s low baritone voice.

Ngunit kahit anong iwas minsan na hindi makinig, nakakaabot talaga sa aking tainga lalo na’t masyado rin akong tutok sa aking paligid.

“Pumuporma ba si Latch?” biglang tanong ni North kaya natauhan ako.

Nilingon ko ito. Nasa akin na ang kanyang mga mata habang nakapangalumbaba pa rin. Medyo magulo ang kanyang buhok at nakasuot ito ng itim na hoodie jacket.

“Hindi naman. Bakit?” marahan kong sabi.

“Sabihin mo sa’kin kung pumuporma.”

I smiled and nodded. Bumaba ang kanyang tingin sa aking suot. Umahon siya sa pagkakayuko at hinila sa likuran ang hoodie jacket para hubarin iyon. Naiwan ang puting tshirt na medyo nagusot saka niya inilahad sa akin.

“Wear it. It’s cold. Ang nipis ng suot mo.”

Ngumuso ako at tinanggap. Isinuot ko iyon at napansin ang tamad na paglingon ni South na nasa tabi lamang ni North. He watched me coldly.

“Let’s go kids,” ani Tito Uno habang nauunang maglakad at ang braso ay nakalingkis sa kanyang asawa.

Nagsitayuan din naman kami. Humikab pang muli si Irah at tamad na naglakad. Tinabihan siya ni South at inakbayan habang si North naman ang nakapamulsang tumabi sa akin.

Tahimik kami buong byahe. Natutulog si South at Irah sa likuran na magkatabi, ako naman ang nasa bintana lang at tingin. Si North na nakasandal sa aking balikat at abala na naman sa kanyang cellphone.

Napadungaw ako sa screen. Nahagip ng aking tingin ang kanyang text na walang reply. Umangat ang aking kilay at palihim na napangiti. She doesn’t like him…

“She’s not replying,” puna ko kaya tamad na umahon ang ulo ni North para matingnan ako.

“Nosy,” he smirked and put his head back on my shoulder.

“I accidentally saw it.”

Pinatay niya ang screen ng cellphone at isiniksik sa bulsa ng kanyang pants.

“Mukhang sa Manila kami magkokolehiyo,” aniya.

Oh… So the twins will be with us for the rest of the school year, huh?

Tito Uno and Tito Aly love the province so much. Sila ang naghahandle sa lupain lalo na’t may malaking farm doon. Ang kompanyang naitayo sa Manila ay si Dad ang naghahandle. Tito Tres is busy with his own firm since he’s a lawyer while my grandparents were in Davao for our real estates there.

My great grandfather, Facundo, is the most richest Buenaventura in the province on his times. Siya lamang ang nag-iisang tagapagmana kaya noong magkaroon ng anak ay sobrang laki rin ang naiwang pamana kay Lolo Israel, ang tanging nabubuhay niyang anak, na pinalago niyang lalo at ipinamana rin ang iilan sa kanyang mga anak.

We’re possessing such wealth because of old money.

Sumakit ang aking pwet sa mahabang byahe. Nag-iinat na si Irah nang makababa kami sa airport ng NAIA. Tirik na tirik ang araw at maraming taong pakalat kalat.

Tahimik akong namulsa sa itim na jacket ni North habang pinapanood ang aming parents na nilalagay na ang bagahe sa naghihintay na sasakyan sa amin na hinatid lang din ng bawat family driver.

Nilingon ko ang pagtalikod ni Irah, patungo na sa kotse ng kanyang parents.

“Bye, Irah,” habol ko.

Hindi na ito lumingon pa. Ginulo ni North ang aking buhok para rin magpaalam. Si South naman ang tumango lang sa akin at tahimik na ring pumasok.

Nasa likuran na ako ng front seat noong magpasyang tingnan ang aking cellphone.

Tina Flores:

Nakauwi na kayo?

Philip:

I miss you :(

Drake:

Tina’s having a party tonight. You should come.

Edward:

Miss you

Halos kaklase ko lahat at schoolmate naman ang iilan na nagtext. Nauna kong reply-an si Tina.

Ako:

Yep :)

Nagtipa ako ng mensahe para kay Philip na ‘I miss you too’ saka ko iyon kinopya at sinend din sa iba pa.

Mabilis agad ang reply ni Tina.

Tina Flores:

Great! I’m having a house party. Come over.

House party. This kind of party sounds bad to my parents. Hindi ko pa banggitin, alam ko na agad ang magiging sagot ni Dad. It’s a No.

“Dad, Mom…” panimula ko.

Nakasandal pa si Mommy sa upuan niya nang umahon ang ulo at sinilip ako. Kahit si Dad ay napaangat ang tingin sa itaas n salamin. Those pair of eyes resembled mine so much.

“Hmm?” si Mommy.

“May pajama party na inihanda ang friends ko. Na-miss ata nila ako. But if it’s not okay then… hindi ako pupunta,” I smiled innocently.

“Huh? Pajama party? Overnight? That’s fun!” si Mommy na ngumiti sa akin.

“All girls?” si Dad na masyadong seryoso.

Tumango ako at ngumiti. “Yes Dad.”

“Payagan mo na, Dos. You know Franca… she’s not like Irah who’s into crowded places. ’Tsaka movie marathon lang din ang ganyan.”

Nanatili ang aking ngiti habang pinaglalaruan sa aking kamay ang cellphone. Papayag ’to si Dad… konting konsensya pa.

“Ayos lang naman kung ayaw mo, Dad. Uh, sa kwarto nalang ako. It’s not really a bigdeal at may ibang araw pa naman siguro para makita ko sila?”

My father sighed and nodded defeatedly.

“I’ll pick you up tomorrow. It’s Sunday,” ani Dad na ikinatango ko agad at lumapit sa kanya para mahalikan sa pisngi.

“Thanks, Dad.”

My father smiled. Umupo akong muli at nginitian din si Mommy na nakatingin sa akin.

This isn’t new to me. I started doing this trick two years ago. I’m always curious but my father won’t let me explore at a young age. Ang sabi niya ay doon daw siya nanggaling at walang naging magandang dulot sa kanya ang pagiging mulat sa maagang panahon.

Ganoon din ang sabi ni Mommy. She’s not strict but she doesn’t want me to involve myself with those kind of troubles, too. Ayaw niya raw na magaya ako sa kanya.

Alam ko naman ang limitasyon ko. Kahit na nilalabag ko minsan at nagsisinungaling para mapayagan, sinisigurado ko naman na hindi ako mahuhuli.

“Franca!” si Tina nang pagbuksan ako ng malaki nilang gate.

I smiled at her. Nasa labas pa lang, nasisilip ko agad sa loob ang nagsisimulang party lalo na’t tumatakas rin ang malakas na tugtog at lights.

May mga nakaparadang kotse sa open space. Sa likod ng bahay ginaganap dahil doon ko rin nasasagap ang ingay at ang ligths sa itaas.

“Everyone’s expecting for your presence! Hinihintay ka nila Philip!” ani Tina habang palingon lingon sa akin at hinihila na ang aking pulso papasok sa malaking bahay.

Dim ang loob. Hindi ko na halos mamukhaan ang iba lalo na’t pulang ilaw ang yumayakap sa bawat sulok ng lugar.

“Nagtext nga,” tawa ko at natanaw agad sa transparent glass ang katuwaang nangyayari din sa pool area.

Iginala ko ang tingin habang lumalapit kami sa iilang grupo. Wala naman akong napapansing pamilyar talaga lalo na’t kadalasan din ay nabibilang lang sa circles ni Tina, ang iilan naman ay sa ibang school na close din niya.

“Franca!” si Edward na agaran akong hinila para yakapin.

Noong humiwalay ay binati rin ako ng iba pa, nakikipagbeso beso at nangingiting nagkukwentuhan agad.

My circle is big since I am too friendly. Halos close ko ang lahat. Marami akong kaibigan at masasabi ko talaga na mas sociable ako kumpara kay Irah.

“Do you drink?” nangingiting tanong ni Catherine Villanueva.

Umiling ako. “Juice pa ako. My parents are strict. Lalo na si Dad.”

Humalakhak sila. Inakbayan agad ako ni Kurt.

“Good girl ’to.”

I laughed along with them. Humahaba na ang gabi at nagiging marami pa lalo ang mga tao. You cannot hear some of their rants because of the wild beat of the music.

“Franca!” si Sofia na kakarating lamang na sinundo ata ni Tina sa labas ang lumapit sa akin.

Yumakap agad siya ng mahigpit kaya natatawa akong itinaas ang red cup para hindi iyon matapon ang lamang juice.

“Buti nandito ka! Sabi ko talaga kay Tina uuwi ako pag wala ka…” natatawa niyang sabi at nilingon ang kaibigan niya sa likod na kapwa nakangiti sa amin.

Kaklase ko si Cristina noong Grade Nine. Sofia is her close friend. Noong maging close din ako kay Cristina, o Tina base sa popular niyang pangalan, ay naging close ko na rin siya.

Abala na ang lahat sa pagpaparty. Naumay na ako lalo na’t hindi na masarap ang lasa ng juice sa akin. I should get something hard…

Lumapit ako kung nasaan ang mga drinks. May malaking punch at iilang bote ng hard drinks na pamilyar din sa akin.

Nilingon ko ang iba na abala. Noong masyadong tutok sa katuwaan ay nagbuhos ako ng kaonti sa pulang baso at ibinaba rin ang bote.

It wasn’t my first time actually. I already tried it last year once. Sinubukan ko lang lalo na’t kuryoso sa lasa.

Nakihalo rin ako sa grupo habang sinisimsim paminsan minsan ang aking shot.

Sa ikatlong salin ko, medyo nararamdaman ko na ang pagtama ng alak sa akin. Hindi naman gano’n ka grabe lalo na’t nagagawa ko pang makipagtawanan at makita sila ng mas malinaw pa.

For my fourth attempt, ang akmang pagsalin ng alak sa aking baso ay hindi natuloy dahil sa naramdaman kong tingin. Mahinahon kong inabot ang juice sa likod ng alak na gusto ko at iyon ang isinalin sa aking baso.

There’s a pair of eyes watching me.

Pagkatapos makontento, kahit dismayado, ay umalis din naman ako roon at nagtungo sa gilid lalo na’t ayoko munang humalo sa grupo. Where is it coming from? I need to catch it.

Pasimple kong iginala ang tingin sa harapan lalo na’t sa malaking space sa living room ang inuukupa ng lahat habang nagsasayawan at nagkakatuwaan. It was dim since the red lights were blinding.

Sumimsim ako at nahuli agad ang pinanggagalingan ng mga matang iyon.

Hiro, one of the Delafuentes, watched me coldly while sipping his shot, too. Nakapamulsa ito sa pants suot ang buttoned down shirt at nasa grupo ng mga lalakeng naghahalakhakan dahil sa isang topic. 

The red light made him looked wicked. He looked like these villains in the movies who’s silently watching their prey…

Nasa dulo sila at natatakpan ng iilang mga sumasayaw ngunit sa tuwing nasisilip ko siya, nakukumpirma ko lalo na ako ang tinitingnan niya.

He’s the most snob Delafuente for me. Malala siya kumpara kay Wayt na nagkaka girlfriend pa lalo na’t iyon ang nababalitaan ko at nakikilala ko rin ang iba, ngunit sa lahat ng magpipinsan, siya lamang ang misteryoso.

We’re not close. Hindi ko rin maalalang nagpapansinan talaga kami. He’s distant to everyone. Tanging pinsan niya lang na mga babae ang parang pinapansin.

“Franca!” tawag ni Philip at natatawa nang lumapit sa akin, halatang tipsy na dahil sa namumungay na mga mata.

I smiled at him. Namulsa siyang tumabi sa aking gilid at tiningnan ang hawak kong baso.

“Juice pa rin?”

Ngumiti ako at tumango. Naiiling niyang binasa ang labi at humalakhak.

“You’re really consistent being a good girl, huh…”

Hindi man tumingin sa dako ni Hiro, nakita ko ang paggalaw niya. Nangingiti ko pa ring tiningnan si Philip kahit kuryoso sa parteng iyon.

Dumaan siya sa gitna ng sumasayaw na mga tao. Some girls were gasping and trying to get his attention but he didn’t give them the slightest chance to interact with him.

“Mabuti na rin ’yang hindi ka masyadong into hard drinks. Hindi mo mararanasan ang hangover,” natutuwang sabi ni Philip at nasa akin na ang buong atensyon.

Nakitawa ako sa kanya ngunit isang tinig din ang dumisturbo sa amin.

“Philip,” tawag ni Hiro sa malamig na tinig.

Suot pa ni Philip ang ngiti nang dahan dahang binalingan si Hiro sa aming harapan.

“Oh, Hiro?” he smiled at him.

“My lighter,” si Hiro na inilahad ang malaking palad sa kanya.

Kumurap si Philip at medyo nataranta sa naalala. Tumayo siya ng tuwid mula sa pagkakasandal sa pader at kinapa sa kanyang bulsa iyon.

Tahimik akong sumimsim ng juice habang tinitingnan lang si Philip na abala sa paghahanap ng lighter sa pants.

“Here. Thanks, dude,” si Philip nang inabot iyon sa kanya.

Hiro nodded and put it to his pocket. Naramdaman ko ang paglipad ulit ng tingin niya sa akin, saka iyon bumaba sa hawak kong red cup.

I slowly glance at him to meet his gaze. Agaran niya ring inangat ang tingin kaya nagkatinginan agad kami.

“Hiro! Tara na. Let’s smoke outside,” anyaya ng kung sinong lalake na sumisenyas sa kanya at itinuturo ang labas.

Binawi ni Hiro ang tingin sa akin at muling ibinalik kay Philip na tinanguan niya na. Tumalikod ito at umalis din.

“Close mo ang mga Delafuente, ’di ba?” tanong ni Philip nang bawiin ang tingin sa likod ni Hiro ang mga mata.

Kita ko ang pagdukot ni Hiro sa paketeng sigarilyo at sumabay na sa iilang kasamang lalake.

“Uh, oo…” sabi ko nang ibinalik ang tingin kay Philip at dahan dahang sumimsim sa juice na hawa.

“Hindi kayo close ni Hiro?”

Umiling ako sa banayad na paraan.

“He’s not close with any girls aside from his girl cousins,” sabi ko.

“Sabagay. Napaka snob no’n. Ken is way friendlier than him. Mailap sa babae,” halakhak niya at naiiling.

Ngumiti ako at tumango. Ken… he’s the most friendly Delafuente of them all.

The party went well. Hindi naman ako nalasing lalo na’t natigil din sa kakainom nang malamang may Delafuente na naroon. Wala namang sinabi si Hiro sa gabing iyon at hindi rin ako pinansin ngunit pakiramdam ko ay may nakita siya na dapat hindi.

He’s not the nosy type. Mukhang hindi rin naman ata siya iyong tipo ng lalake na bigla akong isusumbong sa aking parents o sa aking mga pinsan. Baka nga makalimutan niya rin ang gabing ito.

Early morning ay sinundo rin ako ni Dad. Naligo na ako sa bathroom ni Tina at nagpaalam din umalis. She’s wasted. Bagsak na ang mga girls sa room niya kaya nag-iwan lang ako ng note.

It’s Sunday so deritso na kami ni Dad sa simbahan. Nasa front seat ako at nasa labas lamang ang tingin.

“How’s your sleepover with your friends?” tanong ni Daddy.

Inayos ko pa ang ekspresyon habang nakikita sa aking isip ang party kagabi at pagtikim ko ulit ng alak.

“Nag-enjoy naman, Dad. Napuyat kami kakanood ng movie,” I said and chuckled.

My father smiled and nodded. Ibinalik niya ang tingin sa kalsada habang ibinabalik ko na rin sa labas ng bintana.

Nagpark siya sa labas habang natatanaw ko ang malaking kulay cream at puting simbahan kung kami madalas magsimba.

Nauna akong lumabas sa front seat at tiningala pa ang krus sa tuktok ng Sanctuario de San Antonio. Bughaw na bughaw ang langit sa umaga na may puting mga ulap at tila marahang gumagalaw.

Hinaplos ni Dad ang aking siko kaya bumaling ako sa kanya at ngumiti. Sabay kaming naglakad papasok sa loob kung saan nagsisimula na ang misa.

Ang magarang loob ang sumalubong. May mga chandelier na nakasabit sa malawak na kisame at ang kumikintab na marmol na sahig habang pumapaibabaw sa kabuuan ang tinig ni Father.

May dalawang row ng mga upuan. Sa kaliwang bahagi ko natanaw ang iilan kong mga pinsan ganoon din si Irah na nasa tabi ng kanyang parents.

Sa kanang parte ay nakita ko ang malaking angkan ng Delafuente. Sa likuran nila ay ang mga Fortalejo, at naroon din ang pamilyang Enriquez.

Tahimik kaming naglakad ni Daddy patungo sa mahabang upuan kung saan umupo si Mommy. Napansin ko pa kung paano lumingon ang iilan sa amin.

Umupo ako sa tabi ni Mommy, si Daddy na sa tabi ko rin umupo. Nakita ko ang paggalaw ng ulo ni Irah at kuryoso akong tingnan ngunit dahan dahan ding ibinalik sa harap.

My mother smiled at me and caressed my back. Ngumiti ako pabalik sa kanya habang dahan dahang dinadala ang atensyon sa harap.

Ilang minuto akong nakatingin sa harap hanggang mapansin din sa kabilang upuan ang iilang magpipinsang Fortalejo.

I can see Shanaia’s poker face. Nakaitim ito na dress at nakatali ang buhok. Beside her is Cassey who’s chewing slowly, sa kabilang gilid ay si Chey na nakaputi.

Sa magpipinsang Fortalejo, kay Cassey ako close. She’s friendly and approachable. Bukod sa magkaedad din kami hindi katulad kay Chey na si Toshi ang kaedaran at kapwa mga Grade Eleven.

Sa kanilang tatlo, si Shanaia talaga ang masasabi kong mahirap kaibiganin at hindi namamansin. She’s very different from her cousins. Sa tinagal tagal na nakasalamuha ko siya, halos bilang lang sa daliri na nakita ko siyang nagsasalita. She’s the mysterious type, like Hiro.

Nanatili ang tingin ko kay Shanaia ng ilang sigundo hanggang napansin na hindi lamang ako ang nakatingin sa kanya kundi pati na rin si Hiro. Shanaia’s unpredictable glance from us made me looked away, ganoon din si Hiro nang lingunin siya ni Naia.

And to my surprise, kami na ang nagkatinginan ni Hiro pagkatapos umiwas sa tingin niya nang hindi lamang mahuli.

Hiro watched me using his cold eyes. Kahit wala naman siyang sinasabi, pakiramdam ko ay nasisilip ko sa kanyang isipan ang memorya niya kagabi.

Shanaia looked at us in a judgemental way. Hindi ko alam kung normal ba talagang ganoon siya makatingin o may naiisip na siyang kakaiba kaya ganoon makatitig.

Noong binawi rin ni Shanaia ang tingin at ibinalik sa harap saka rin binawi ni Hiro ang tingin sa akin at ibinalik din sa harap ang atensyon.

Dahan dahan akong tumingin sa harap, kuryoso na ng kaonti sa nangyayari. He likes her?

Well… lahat naman ng mga Delafuente ay may mga nagugustuhan talagang babae, palihim ang iba at ang iilang magpipinsan ay bulgaran.

The mass ended and everyone started talking to each other. Lumapit sa akin si North at inakbayan ako.

“You’re late.”

Tiningala ko ang kanyang katangkaran.

“Sleepover…”

Tumango agad si North at tila ba sapat na iyong sinabi ko para paniwalaan ako. Tinanaw niya ang mga Delafuente may dulo kung saan madalas pumwesto ang magpipinsang Delafuente na madalas mag-usap.

Sumenyas sa kanya si Ken na tinanguan niya. Lumipat pa ang tingin ni Ken sa akin at ngumiti. I smiled back.

“Ano ’yon?” kuryoso kong tanong.

“Ah… niyayaya nila ako sa Clubhouse mamayang gabi. We’ll play basketball.”

Lumapit pa sa amin ang iilang pinsan. Irah’s pulling me away from North. Kinawayan ko ang pinsan na namaywang at tinanaw kaming lumalabas na.

Pumantay ako kay Irah. I saw how some of the Delafuentes glanced at us. Nag-uusap pa ang kambal noong dalhin ni Blue ang tingin sa akin, si Grey na nasa ibang sulok ang tingin, si Toshi na si Hiro ang kausap at dahan dahan ding sumulyap. Si Ken na dala pa ang ngiti nang lumingon din sa akin lalo na’t kausap niya si Wayt.

“Magpaalam tayo kay Dad. I want a nailpolish,” si Irah nang lingunin ako.

I smiled and nodded.

Sinuklay ni Irah ang buhok paatras. Hinawi ko ang buhok patungo sa likod at para lamang hangin nang nilagpasan ang magpipinsan sa gilid.

2nd Ruled

Ruled

Fight

Hindi na kami kasama noong bumalik din sina Tito Uno kasama ang kanyang pamilya sa probinsya lalo na’t doon magtatapos ng highschool ang kambal.

“Ireto mo kaya ako kay Ryler,” si Tina sa first day of school ng Lunes na iyon.

Magkaklase kaming muli. She’s popular at hindi rin malabong magustuhan siya ni Wayt.

“Mailap siya sa girls eh,” sabi ko habang nilalagay sa desk ang iPad.

“Close ka kay Nana. That shy girl… madalas ’yung kasama ni Ryler. I mean parang kahit saan si Ryler nandoon siya,” aniya at tiningnan ang screen ng iPad ko na kulay pastel.

“Sige. I’ll try.”

Napangisi siya at tumayo pa para yakapin ako. Tumawa ako lalo na’t masayang masaya siya sa bagay na iyon.

I know she has a crush with that Delafuente. Hindi pa man ako close sa kanya, naririnig ko na iyon simula noong Grade Nine ako. Si Sofia naman ay crush din si Wayt noong Grade Eight ito ngunit siguro sumuko rin lalo na’t hindi talaga namamansin sa babae si Wayt. Pili lang lagi.

Hindi ko kaklase si Nana ngunit nakakapag-usap kami sa Clubhouse tuwing humahalo ako sa kanilang magpinsan lalo na’t naroon din si Cassey at si Chey na todo fangirling kay Toshi.

Noong lunch time ay sumabay na rin si Sofia sa amin. Sila halos ang kasama ko sa mga araw na lumilipas.

“OMG! Wayt just… just texted me!” namimilog ang mga mata ni Tina nang ibalita iyon sa akin sa Huwebes habang nasa library kami.

Iritang sumenyas ang librarian na hinaan ang boses. Ngumiti si Tina nang nilingon niya ito saglit saka rin umupo at ipinakita sa akin ang screen ng kanyang cellphone.

“Look!”

She showed the screen of his phone. Nakita ko ang reply ni Wayt sa text ni Tina na ’Hi Ryler. This is me Tina Flores. At ang simpleng ‘Oh hi,’ lamang ang reply ni Wayt.

Pinaypayan ni Tina ang sarili at paimpit na ang kanyang tili. Nangingiti akong umiling at natanaw ang pagpasok ni Sofia sa loob ng library habang gumagala na ang tingin.

“Oh thank you, Franca!” si Tina na niyakap ako.

Kuryoso ang tingin ni Sofia nang lapitan kami. Doon na hindi naputol ang pag-uusap kahit sinasaway na si Tina sa sobrang ingay niya.

Hindi na ako nagtaka nang maging girlfriend siya ni Wayt. It’s predictable since Wayt is into girls like her, popular and model type of body.

Dala ko ang mga librong ibabalik sa locker room nang makasalubong si Ken at si Blue sa corridor ng school. Parang may pinag-uusapan ang mga ito at malawak ang ngisi ni Ken habang si Blue naman ay nangingiting nakikinig.

Ilang hakbang pa palapit ay napansin agad ako ni Blue. The smile on his lips were there but his lips curve more.

Ngumiti ako pabalik hanggang sa pati si Ken ay napatingin na rin. Mabilis na lumawak ang kanyang ngisi.

“Hi Franca…”

“Hi Ken,” I smiled more.

Tumigil ang dalawa sa aking harap. Tumigil din ako lalo na’t matatangkad pa.

“Kailan ba ang balik ulit ng kambal dito? Summer ulit?” kuryosong tanong ni Ken.

“Oo eh. Pero mukhang dito sila magkokolehiyo lalo na’t nabanggit ’yon ni North,” sabi ko habang napapansin ang pagnguso ni Blue.

Tumango si Ken at parang nag-isip isip pa dahil sa pagkunot ng kanyang noo.

“Dapat dito na rin sila nag highschool,” aniya.

“Mag-isa ka. Nasa’n ang friends mo?” tanong ni Blue kaya medyo bumalik sa sarili si Ken at kuryoso rin akong tiningnan.

“Ah, baka nasa cafeteria. Si Tina naman siguro kasama ni Wayt? Hindi ko alam.”

“Oh. Tina Flores! Oo. Girlfriend nga ni Wayt. That girl is…” Umangat ang dalawang kilay ni Ken at parang nagpipigil lamang na may masabi.

Natatawang siniko ni Blue si Ken saka niya ito kinaladkad sa kwelyo.

“Bye Franca! Alis na kami!” si Blue na kumaway habang nagpupumiglas si Ken na kumawala sa pagkakahawak.

Ngumiti ako at kumaway din saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Dala dala ko ang ngiti patungong locker room nang medyo bumagal ang aking paghakbang dahil sa pamilyar na mga tinig.

“Ang lakas mo talaga kay Franca. Kuhang kuha mo ang loob niya,” boses iyon ni Sofia.

Umangat ang aking kilay at tumigil sa ambang paglapit lalo. Tahimik akong tumayo sa gilid ng locker room habang naririnig ang pagbubukas nila at tila ay mga kinukuhang gamit habang nag-uusap.

“Among the Buenaventuras, she’s the most friendly and nice. Madaling mauto lalo na’t mabait unlike Irah who’s really bitchy,” si Tina na mayabang ang tinig.

Agaran akong naging seryoso habang naghahagikhikan ang dalawa.

“Kung hindi niya lang talaga pinsan si North hindi ko siya pag-aaksayahan ng oras. Like duh, halata naman na malandi siya eh. She’s low-key seducing all the men around her kaya nagugustuhan siya!” si Sofia.

Oh?

“I waited for this day, Sofia. Hindi ko malapit lapitan ang mga Delafuente lalo na’t Zera’s too bitchy. I hate that kid. Si Elle naman ay masyado pang bata at palagi ring kay Zera nakadikit. Si Nana naman itong masyadong mahiyain para kaibiganin. Si Franca lang ang nakikita kong close silang lahat. And look at me… mabilis kong naakit si Ryler dahil kay Franca.”

Ah? So that’s the real reason why she started approaching me, huh? Mabait naman talaga ako sa lahat. My mask can fool everyone that I am friendly and nice. Hindi ko rin sila masisisi kaya minamaliit nila ako at ganito ang iniisip nila sa akin.

Ang hindi nila alam, sinadya kong gano’n ang makita nila sa akin para palihim ko silang masira kung sakali mang sasaksakin nila ako patalikod.

And who said I’ll cut them off automatically without doing anything? No. Mananatili ako sa buhay nila hanggang sa makita ko silang gumapang.

“Galing mo talaga! Sa susunod na summer pa ang balik nila North pero tityempo na rin ako kay Franca na ireto ako kay North. That girl is too nice. Baka hindi niya rin mapansing ginagamit natin siya,” si Sofia.

My expression turned dark as I arched my brow. May mga tao talagang sinusubok ang pasensya ko.

Tahimik akong tumalikod at napansin ang pares ng mga mata ngunit wala na akong panahong lingunin kung sino man ang nakita ako. I’m sure it’s not Sofia and Tina.

If they want to play with me then I will give them the best game they want. May the best girl win.

Natanaw ko sila sa cafeteria kinabukasan. Busy masyado si Tina sa pagiging girlfriend ni Ryler and this is their third day I guess? Sana naman at nasulit niya ’di ba?

“Franca!” nangingiting kumaway si Sofia at umusog agad habang dala ko ang tray na may lamang pagkain.

Ngumiti ako at nakihalo. They both smiled at me.

“Tina, kinulit ka ba noong pinsan ko noong Summer?” panimula ko habang inaalis sa tray ang aking pagkain.

Kitang kita ko ang pagiging kuryoso ni Sofia sa aking sinabi habang kunot noo namang nakatingin si Tina sa akin.

“Sinong pinsan? Si Irah?”

Umiling ako at sumulyap sa kanya saglit. “Si North,” sabi ko at ibinalik agad ang tingin sa pagkaing inaayos.

“Nangungulit kasi ang pinsan ko. Kaya rin pumunta ako sa party mo lalo na’t panay ang hingi niya sa number mo kaso nakalimutan ko lang,” patuloy ko sa imbentong kasinungalingan para baliin ang kumpyansa ni Sofia.

Kitang kita ko ang pagpawi ng ngiti ni Sofia sa gilid ng aking mga mata habang si Tina ay kunot noo at nalilito.

“Si North? Your cousin?” ulit niyang tanong at medyo namamangha.

Tumango ako. “Uh, oo.”

Saka ko tiningnan si Sofia na agad din namang ngumiti at kunwari ay walang problema. Play it cool, girl. I’m just starting.

“Uh… may boyfriend ako, Franca. Si Ryler…”

Nagpanggap akong gulat. “Oh… I forgot! Alright… sasabihin ko sa pinsan ko na you’re taken. Pasensyahan mo na ’yon. Nauulol kasi ’yon pagdating sa magaganda. Tipo ka ata,” natatawa kong sabi sabay tawa rin ni Tina ngunit ramdam ko ang pagiging tipid.

“Wait… nauuhaw ako. I’ll get some drinks,” si Sofia na ngumingiti pa rin nang tumayo at nagpaalam.

Oh? Chickening out? Bumubwelo pa lang ako. Kita ko ang pabalik balik na tingin ni Tina sa akin at sa kanyang kaibigan saka ako ngingitian.

“Minsan talaga… feeling ko may mali kay Sofia,” marahan kong sabi na ikinakurap niya.

“What do you mean… may mali?”

“Parang naiinggit siya sa’yo?”

She blinked twice like I’m saying something foreign to her at hindi niya maintindihan.

“No… we’re good friends. Ilang taon na rin. Baka naman guni-guni mo lang.”

Kuryoso pa ang aking mukha nang dahan dahang tumango at kunwari ay paniwala sa bagay na iyon.

“Sabagay… parang wala naman ata dapat siyang kainggitan eh. You’re both pretty. Both rich. Both popular in school especially in boys. You’re both equal. Wala naman ata siyang kaiinggitan sa’yo. ’Tsaka mukhang nakamove-on na rin siya kay Wayt?”

She nodded like I am right about all of it. Muli niyang nilingon ang kinaroroonan ni Sofia na ngayon ay pumipila na sa harap ng counter para bumili ng drinks. Noong ibinalik ang tingin sa akin ay ngumiti siyang muli ngunit ramdam ko ang unti-unting kumpyansang nawawasak para sa kanilang pagkakaibigan.

Humans act irrationally when they’re consumed by their emotion. Madalang lamang ang nakakapag-iisp ng matino sa tuwing papangunahan ng galit. Doon ko sila titirahin. Palihim at patalikod.

Hindi ako mapagbigay na tao. Hindi ako magpapatawad agad nang hindi ibinabalik ang sakit sa nanakit sa akin. Ayoko sa lahat ang mga inaabuso ako. Kung pagbibigyan mo sila sa unang beses ay hindi sila matututo. Magpapatuloy silang lalagpas sa linya.

Tomorrow… Iyon ang palugit ko sa pagkakaibigan nilang dalawa. Hindi ko sila lalabanan sa paraang mapagkakaisahan nila ako. Pagbabanggain ko na silang dalawa bago pa man nila maisipang kalabanin ako.

Papauwi na noong mamataan ko si Nana sa classroom, mag-isang naghihintay at mukhang si Wayt ang inaabangan.

Pumasok ako at ngumiti. Nagulat siya nang makita ako saka rin lumawak ang kanyang ngiti.

“Franca!”

Lumapit ako ng tuluyan kay Nana. “Napadaan ako at nakita kong mag-isa ka. Ayos ka lang?”

“Uh, oo! Hinihintay ko lang si Wayt.”

“Hmm… baka pinuntahan pa ang girlfriend niya?” hula ko at tumabi sa kanyang inuupuan.

She smiled cutely. “Oo. Si Tina Flores. Friends kayo, ’di ba?”

Tumango ako at inilapag ang bag sa desk.

“Oo eh. Uh, sorry ha kung pinag-iinitan ka ni Tina. Selosa kasi ’yon. Parang pinagdadamot ang atensyon ni Wayt sa’yo kaya naiirita,” natatawa kong sabi na ikinakurap niya.

“What? S-Si Tina?”

Tumango ako. “Oo. Kaibigan ko siya pero kaibigan din kita. Kung sakali mang aawayin ka niya, ayokong kampihan ang ganoon niyang ugali lalo na’t mali din ’yon. She needs to respect that you’re Wayt’s cousin…”

Kitang kita ko ang lungkot na umukit sa kanyang mukha. She’s very pure and transparent. Kaonting kurot lang ata sa kanya ay iiyak agad siya sa sulok.

“Ang sabi niya sa’kin minsan, she wants you to stay away from your cousin lalo na’t sagabal ka sa kanilang dalawa. That’s so mean so I tried talking to her kaso baka… one of these days…”

Her eyes widened more. “B-But we’re cousins! That’s hard. Hindi ko kayang iwasan si W-Wayt…”

Hinaplos ko agad ang kanyang likod habang namumungay ang aking mga mata.

“You can tell this to your cousin, Wayt. He’s her girlfriend. I’m sure kakausapin niya si Tina about this matter.”

Lumunok si Nana at parang malalim na ang iniisip. I smiled wickedly. Pagdating kay Nana ay walang sinasanto si Wayt. He’s overprotective.

I can’t talk to him and order him directly to break-up with Tina so I’ll use Nana as an advantage to do it silently.

“Sige…” si Nana na halos hindi na maalis ang umuukit na lungkot sa mukha.

“Cheer-up! Walang makakapanakit sa’yo hangga’t napapalibutan ka ng mga pinsan mo. Lalong lalo na ni Wayt.”

Pilit na ngumiti si Nana ngunit kumikislap ang sakit sa kanyang mga mata. Niyakap ko siya at hinaplos ang likod. Bumuntonghininga siya at tila ba problemado na sa bagay na iyon.

That’s it, Nana. Wear your sad face until Wayt noticed it. Kahit hindi mo man sabihin, sigurado akong makukuryoso si Wayt at kaonting pilit lang sa’yo ay sasabihin mo agad lahat ang tungkol kay Tina.

And while Nana is doing it, I will silently watch Tina lose her mind. Wayt isn’t the most detailed person. Hindi iyon pasalita. Sigurado akong makikipagbreak lang agad sa kanya si Wayt dahil sa galit lalo na’t si Nana ang involve.

Kaya nang makita ko ang namumugtong mga mata ni Tina kinabukasan sa classroom, halos gusto kong ngumisi nang matagumpay sa parteng iyon.

But no. I am not yet finish.

“What happened?” malungkot kong sabi nang tabihan si Tina at nagmamadaling ilapag ang aking bag para madaluhan siya.

“S-Si… Si Ryler! Nakipagbreak si Ryler!” hagulhol niya at agaran akong niyakap.

“What?” tunog concern ngunit halos ngumiti ako habang hinahagod ang kanyang likod.

“I don’t know, Franca! Galit na galit siya sa akin! Hindi ko alam! Wala akong alam!” she cried more.

“Paano nangyari ’yon, Tina? Nag-away ba kayo?”

“Hindi! Wala kaming pinag-awayan!” nanginginig siya sa pag-iyak.

“Wala ka man lang bang naiisip na may galit sa’yo? Mga nakakaalam ng sekreto mo? O… naiinggit?”

Ramdam ko ang biglaan niyang pagkatigil. Alam kong si Sofia agad ang kanyang maiisip lalo na’t alam niyang si North ang gusto ng kanyang kaibigan. Ang gawa gawa kong hinihingi ng aking pinsan ang kanyang numero ay makakabuo ng ideya sa kanya na baka iyon ang rason ni Sofia kaya ito nainggit.

“Sinong naiisip mong sisiraan ka kay Wayt? May kalaban ka ba?”

This is the best part where I always get away with someone’s accussations. Una, wala akong record na masama para mapagdudahan nila ako. Sa aming dalawa ni Irah, siya ang mas maraming records na may mga babaeng nakakaaway maliban sa akin na sobrang linis.

People won’t think bad things to you when you have a good reputation.

Hindi ka nila maiisipang pagbintangan lalo na’t wala ka namang atraso sa kanila at iisiping masyado kang mabait para maisip na kaya mo silang saktan.

“I think… I think it’s Sofia!” gulantang niyang sabi at humiwalay sa akin.

Si Sofia lang ang maiisipan niya sa bagay na iyon lalo na’t sa mga pinagsasabi ko kahapon ay mapapaisip siya kung naiinggit ba ito sa kanya o hindi. Gumugulo na iyon sa kanyang utak kaya ngayon na nangyayari ito, siya lamang ang una niyang maiisip at hindi ako.

“Si Sofia? But you two are very close. Parang imposibleng…”

Umiling siya at galit at tumayo. Nagmartsa siya palabas at mukhang nandidilim na sa galit.

Tumayo agad ako at sumunod. Sumugod si Tina sa kabilang classroom. Deri-deritso ang pasok niya. Nakita ko si Sofia na nakikipagtawanan sa iilang estudyante. Kaonti pa lamang ang naroon.

Noong mapansin nila si Tina ay napawi ang kanilang ngiti na kahit si Sofia ay kunot noong tinitigan ang kaibigan.

“Tina-”

“Mag-usap tayo sa labas!” galit na sigaw ni Tina at hinila siya sa braso.

“Ano ba!” iritang sabi ni Sofia at binawi ang braso. “Ano bang problema, Tina?”

“Sofia pinagkatiwalaan kita! Paano mo ako nagawang baliktarin ng ganito!” sabay tulak ni Tina sa hindi ma-kontrol na galit.

“What? Anong…” halos maguluhan si Sofia habang tahimik na ang lahat at nakatingin sa kanilang pagtatalo.

“Aminin mo na! Ikaw ang sumira sa akin kay Ryler! Nagseselos ka sa’kin dahil kahit ang crush mong si North ay nanghingi ng number sa akin!”

“Tina!” galit na sigaw ni Sofia nang mabanggit ang parteng iyon saka siya tumingin sa akin.

Nagkunwari akong gulat sa nalaman. Nagtagis ang bagang ni Sofia at tiningnan muli si Tina.

“Totoo naman, ’di ba! Iyon ang rason kaya mo nagawang siraan ako kay Ryler! Tinuring kitang kaibigan pero aahasin mo ako!” Inabot ni Tina ang kanyang buhok.

Tumili si Sofia at sa sobrang galit ay nakipagsabunutan din kay Tina. Nagkagulo agad ang lahat at nakiawat habang ang mga boys naman ay naghihiyawan.

Sumeryoso ang aking mukha at tamad na itinagilid ang ulo para pagmasdan silang nasa sahig na at nagsasampalan.

Mabilis na naging normal ang aking ekspresyon nang may maamoy akong pabango na pamilyar sa aking likuran.

Dumaan si Hiro sa gilid ng pinto kung saan ako nakatayo. Bagong dating ito lalo na’t nakasabit ang isang balikat ng bag habang nakapamulsa at suot ang malinis niyang uniporme.

“Hiro! Pinag-aawayan ang pinsan mong si Ryler!” balita ng lalakeng kaklase niya.

Tumigil siya saglit sa aking gilid at nalaglag ang tingin sa akin. Tiningala ko ang kanyang katangkaran.

“What did you do?” he asked coldly.

Gusto kong magulat sa parteng iyon ngunit napigilan ko.

“Anong ibig mong sabihin?” marahan kong tanong.

Sumulyap siya sa dalawang pinaghihiwalay na ng mga girls. Noong ibinalik ang tingin sa akin ay para bang may ideya siya sa nangyayari.

Kinunot ko ang aking noo. Kung hindi lang nagtakbuhan ang iilang estudyante patungo rito sa pinto ay hindi mapuputol ang tingin ni Hiro sa akin.

Napatawag sa Discipline’s Office si Sofia at Tina lalo na’t may mga nagsumbong. Ang adviser ni Sofia ang umawat at kapwa sila pinapunta roon. Ang pag-aakala ng lahat ay pinag-aawayan si Wayt. Their fight spread all over the school like it’s a virus since Wayt is involved.

That’s what people get when they’re trying to mess with me. Bago pa nila pinagpaplanuhang saksakin ako sa likod, nauna na silang mahulog sa sariling bitag ko.

“Nagsabunutan daw ’yung mga kaibigan mo dahil kay Wayt?” kuryosong tanong ni Cassey nang makita niya ako sa hallway.

Malungkot akong tumango. Ngumiwi siya.

“Ayan kasi at naiinlove sila sa gagong ’yon. Hindi lang ito ang unang beses na may sinirang friendship ang lalakeng ’yon. Asshole.” Umirap siya sa sobrang iritasyon.

Palagi naman din kasing pinag-aawayan si Wayt ng mga babae at nagiging suki siya sa mga kaibigang nagkakalabuan. But this one is different becuase I plotted it silently.

“Galit na galit ka talaga lagi kay Wayt,” natatawa kong sabi lalo na’t pumapaskil talaga ’yon sa mukha niya.

“Because he’s an asshole. Look at him! Maninira ng friendship. Malandi! Kung hindi niya sana nilandi ’yung magkakaibigan edi hindi sila mag-aaway!”

“Pero hindi mo naman alam ang tunay na rason kaya nag-away si Tina at Sofia. Malay mo… palihim na talaga silang naiinggit sa isa’t isa.”

Umiling si Cassey at desididong ipaglaban ang paniniwala. Natawa na lamang ako sa bagay na iyon at hinayaan siyang isipin ang kanyang isipin. It’s not my concern anymore.

3rd Ruled

Ruled

Crush

Tina and Sofia just ended their friendship. At ang dalawa ay sumisipsip pa sa akin sa text while I’m comforting them both.

Nasa basketball ako with girls and boys. Naglalaro ng basketball ang mga lalake and as usual nanonood ng game ang mga girls. But sometimes, I don’t really watch them play. I just watch everyone’s business, curious with what’s going on.

Si Elle at Zera ang magkatabi. Zera’s silent while Elle’s mumbling something beside her. Narito rin si Cassey at ang katabi ay ang pinsang si Chey na nangingiting nakatingin kay Toshi na irita sa pagtakbo at pilit kinukuha ang bola na hawak ni Grey. Si Nana naman ang aking katabi na pangiti-ngiti rin at nag-eenjoy sa panonood.

Ang wala rito ay si Daphne, Irah at Shanaia. Irah’s not really into this, like watching them play. For her it’s boring. Si Daphne naman ay ewan ko kung bakit. And Shanaia, either she’s too lazy or she’s not interested watching them play.

Humalakhak ang pinsan kong si Trey at nakipaghigh-five na sa nakangisi ring si Toshi. Grey looked pissed. His shoot missed.

“Man up, dude!” tapik ni Ken sa iritang pinsan na hinawi agad ang kanyang kamay.

“’Di ba crush mo si Kuya Trey? Bakit wala kang gatorade? Gano’n si Ate Chey kay Kuya Toshi kasi crush niya,” rinig kong daldal ni Elle sa pinsang tahimik.

“Go Tosh!” hiyaw ni Chey at palakpak.

“Tahimik nga, couz. Baka magsuntukan pa sila ni Grey,” sita ni Cassey habang nagbabalat ng fererro rocher na chocolate.

“Kumusta na si Tina at Sofia? Magkabati na ba sila? Nag-away daw sila e,” si Nana nang dahan dahan akong lingunin.

I automatically smiled to her. Ayon, friendship over na.

“I think they’re both fine. Huwag mo nang isipin ’yon. ’Tsaka magkakabati rin sila,” sabi ko nang gumaan ang kanyang loob.

Baka pag nakonsensya pa ito ay pilitin si Wayt na kausapin ulit si Tina. It’s gonna be a big headache for me. Hindi naman sa hindi ko sila kaya ngunit ayoko namamantsahan ang pangalan ko.

“Gano’n ba pag may girlfriend, Tosh? Nakakainspire?” halakhak ni Trey habang nagsisiupuan na sila sa sahig para magpahinga.

Tosh tried to kick him while drinking his water. Tumawa lalo ang aking pinsan.

“Pahinging tubig, Hiro!” si Ken na inaagaw na iyon kahit hindi pa tapos uminom kaya natapon sa jersey niya.

Iritang tiningnan ni Hiro ang pinsang humalakhak lamang at dinala ang mineral water sa bibig.

“Nasa’n ang tubig?” naghihingalong si Red sa kambal.

“Dapat ako ang nagtatanong sa’yo. Ikaw ’di ba magdadala?” si Red na kunot-noong nakapamaywang.

“What? I told you to bring water for us!”

Napansin ko ang paghalf jog ng pawisang si Wayt patungo sa amin. Bumaba ang tingin ko sa kandungan ni Nana at nakita ang Hydro flask tumbler na hinawakan agad ni Nana at hinihintay nalang ang paglapit ng pinsan.

“Nana,” tawag ni Wayt nang makalapit sa amin.

Tumagilid ang ulo ni Hiro at sinilip ang likod ni Wayt dito hanggang sa nag half jog siya. He’s pissed coz Ken snatched his own water.

Ininom ni Wayt ang tubig sa aming harap. Basa ang kanyang leeg. The sweat were dripping on the tip of his black hair.

“Wayt. Painom,” habol ng tinig ni Hiro sa likod.

Tumigil si Wayt sa paglagok at magkasalubong ang kilay nang lingunin ang pinsang lumalapit.

“Where’s yours?” si Wayt.

“Ken got mine. Mang-aagaw,” ani Hiro at kinuha ang tumbler sa kamay ni Wayt.

Inilagay ni Hiro sa baywang ang isang kamay at tumingala para lagukin ang naiwang tubig. He’s sweaty, too. Ang pawis ay umagos pa sa gilid ng kanyang ulo at bumaba sa kanyang leeg.

Slowly, his eyes went to me while drinking his water. Tamad kong ibinaling ang ulo kay Wayt nang tingnan din ako.

“Tell your friend never go near Nana or else,” may pagbabanta ang tinig ni Wayt.

I smiled and nodded.

“Sorry for… troubling you,” sabi ko.

Umiling siya at hinaplos ang buhok sabay baling kay Nana na nakasimangot na.

“You didn’t explain to your girlfriend what happened?” nakaangat ang kilay ni Hiro nang kausapin si Wayt since he’s facing him.

Tamad na bumaling sa kanya si Wayt.

“Explain what? She’s aware with it.”

“What if she’s not?” si Hiro.

Panandaliang sumeryoso ang aking ekspresyon ngunit nang mapansin ang mabilis na paggalaw ng mata ni Hiro para tingnan ako ay ibinalik ko agad sa dati.

“Everyone’s aware you’re breaking up without proper explanation. You just leave. That’s not good. These girls will think what did they do,” si Hiro nang tamad na ibaling ulit ang tingin sa pinsan.

Wayt looked pissed but he’s listening.

“Talk to Tina again,” Hiro suggested calmly.

Parang gusto kong humagalpak ngunit nagpigil lamang. He’ll messed up my strategy. He’s putting me in trouble!

Nakakagalit ah?

“Why, Hiro?” I smiled.

Parang nag-iisip pa si Wayt nang kapwa sila bumaling sa aking dalawa gano’n din si Nana na sumisimangot pa rin.

“Why not?” Inangatan niya ako ng kilay.

“Kilala ko ang kaibigan ko. And besides, kung kinausap siya ulit ni Wayt, iisipin lang noong nakikipagbalikan siya ngunit hindi naman pala. Worst, mas pag-iinitan pa si Nana.”

I saw how Wayt digested what I said lalo na’t mukhang sang-ayon.

“She’s right,” si Wayt na inihampas ang likod ng kamay sa tiyan ni Hiro.

Bumaling si Hiro kay Nana. Oh please… He knows Wayt’s weakness! One word and Nana’s mind will change automatically. Maaaring gagamitin niya ito para makumbinsi si Wayt!

Umawang ang bibig ni Hiro at mukhang handa nang magsalita. Wala pang sinasabi, alam ko na agad ang kanyang plano. I saw how Hiro glance at me to check my reaction. I remained my composure.

Natutop ang bibig ni Hiro at inilahad na lamang sa pinsan ang tumbler.

“They’re not important. Don’t mind them,” ani Hiro at mukhang nagbago lamang ang isip sa dapat na gustong sabihin.

I smiled at Nana when she glanced at me. Hinaplos ko ang kanyang likod. She’s slowly smiling. Huminga ng malalim si Wayt at mukhang pumapanatag na.

“Hiro! Wayt! Game na ulit!” sigaw ni Ken at sinenyasan ang dalawang kapwa nilingon ito para pumunta roon.

Hiro’s trying to mess with me. I slowly licked my lowerlip while watching him jog away from us.

This villain is trying to mess with me. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay iyong pinapakialaman ang mga plano ko. Is he bored? Nacha-challenge ba siya sa’kin?

Hindi na maganda ang timpla ng aking mood sa panonood. They’re playing intensely. May iba na sobra nang seryoso ngunit may iba pa ring patawa tawa lang katulad ni Trey, Blue at Ken.

Noong magpahingang muli ay bumagsak sila sa sahig para umupo roon. Nakatukod ang mga kamay ni Hiro sa likuran at tumitingala habang hinahabol ang hininga.

I watched him intently. His unpredictable glance made me stop from watching him with intensity. Bumangga sa aking mga mata ang malamig at kuryoso niyang sulyap. It was seconds.

Wala akong nakakaaway noon pa man. Wala rin akong nakakainitan. Pinag-aaralan ko lagi ang mga kaaway ko at malinis kong nagagawang ilagay sila sa bitag na inihanda ko nang hindi ako nadadamay.

Kailanman, wala pang nanghahamon sa akin ng harap-harapan. Ni hindi ko sila kailangang tingnan sa kung paano ako tumitig sa mga taong ayaw ko.

Kung sa mga palabas, ang kahinaan lagi ng bida ay ang kontrabida. Ngunit sa buhay ko, wala akong kahinaan lalo na’t ako mismo ang sariling kontrabida. I am the villain of my own story. That’s how I protect myself.

“Kairita talaga ang mga kontrabidang ’to. Bakit hindi nalang mamatay,” inis na sabi ni Irah sa pinapanood naming dalawa.

Nasa kuwarto niya ako sa Lunes ng gabing iyon. We’re watching a movie and she’s really pissed.

“Ang bobo rin ng bida! Tatanga tanga pa. Nadadapa. Hala tangahan mo pa nang mapatay kana,” she ranted.

Natawa ako. “Villains always outsmart them coz they’re dumb.”

“Bakit ba ang tatalino lagi ng mga kontrabida tapos tatanga naman lagi ang bida?” irita pa rin si Irah habang inaabot ko ang sandwich lalo na’t kapwa kami nakakulob sa kanyang kama.

That’s why I like villains. They thrilled me. Mas kuryoso pa ako sa mga gagawin nilang hakbang kaysa sa pagiging tanga ng bida.

“Shit! You’re fine there! Bakit ka pa sisilip at lalabas! God… ang bobo,” halos ma-stress si Irah nang isubsob niya ang mukha sa unan.

Dinala ko ang sandwich sa bibig at kinagatan iyon. The villain looked chill while he’s trying to catch her. At ang bida, halos mamatay na sa takot lalo na’t nanginginig din.

Sa ibang movies na napanood ko, minsan ang mga kontrabida pa ang may mas masakit na kwento kaya sila naging ganoon. They suffered. People turned them to be evil.

Iyon din ang naging realization ko noon pa man. No one can hurt me if I am both. A hero and a villain. I don’t need this knight in shining armors to save me because I can save myself.

Naging matulin na ang aking pag-aaral. Kaibigan ko pa rin sila Tina at Sofia ngunit hindi na ganoon ka dalas ang paglapit ko sa dalawa at sa panibagong circles naman ako sumasama.

“We got invited. Birthday ng anak ni Sky. ’Yung panganay,” si Mommy na abala sa kitchen at may niluluto.

Panganay? It’s Hiro’s birthday?

Hindi na bago sa akin ang mga imbitasyon ng Delafuente sa aming pamilya. Sa tuwing may okasyon ay talagang naiimbitahan kami. Close din naman kahit papaano ang mga Buenaventura sa kanila.

“Tres and Christienne are coming, too,” ani Mommy nang inililipat na sa strainer ang mga chicken thighs.

So which means Irah, my cousin, will be there, too.

I went there with my parents. Kakaiba magparty ang mga Delafuente lalo na’t marami na nga sila, maiingay pa. They even have their own Bar kung saan sila madalas ding nagpaparty.

Pagkababa sa kotse, ang bumungad agad ay ang malawak na open space. Their mansion is sitting infront of their large backyard where visitors are.

Marami nang naka park na mga sasakyan na pamilyar na rin sa akin dahil sa taon taong ginaganap at dinadaluhang party.

“Addison!” Tita Sky smiled at my mother nang salubungin kami.

Ngumiti agad ako habang si Dad ay pinanood ang pagyayakapan nila na seryoso pa.

“Smile, Dad. You will scare them,” I chuckled to my serious father.

Bumaba ang kanyang tingin at tila natauhan. Tumikhim siya at noong bumaling si Tita Sky sa kanya para rin bumati ay ngumiti ng kaonti, halos pilit pa.

Humagikhik ako sa eksenang iyon. Our clan’s aren’t good at socializing coz we’re all intimidating. Kung hindi ngingiti ay para talaga kaming mga kontrabidang nakaitim na papasukin ang makukulay na mundo ng ibang tao. They’re sunshines and rainbows. We’re thunder and storms.

Iginiya kami ni Tita Sky sa aming table. Namataan ko agad ang lahat. The Delafuentes, Enriquez, Fortalejos like Chey’s family and of course, our small clan.

May iilan din namang imbitado na mukhang kaibigan na nila sa iba pa. They’re familiar but I don’t really know them.

Bago dumeritso sa upuan ay na-stranded pa kami sa harap ng birthday boy. Babatiin ko pa ba ’to? With our silent wars, I don’t think I can greet him.

“Happy birthday, Hiro,” si Mommy na nangunguna.

“Thanks, Tita, Tito…” he smiled a little.

Iginala ko ang tingin para hanapin ang pinsang si Irah. Ngumiti ako nang mahanap itong seryosong nakaupo.

“Franca…” my mother called softly.

Natauhan ako nang mapagtantong nasa akin na pala ang tingin ng aking parents, tila ba hinihintay akong bumati gano’n din si Hiro na malamig lamang ang tingin.

“Oh sorry…” I chuckled softly. “Happy birthday.” Saka ko muling binawi ang tingin at itinuon sa pinsan kong magkasalubong ang kilay sa akin.

Nauna akong umalis sa harap ni Hiro lalo na’t nagsasalita pa ang aking parents. Malamig ang tingin ni Irah nang sundan ako habang umuupo na. Nasa kabilang mesa siya kasama ang pamilya niya. She’s wearing a fit dress and a headband with pearls on it while her hair were down.

Ngumiti ako sa pinsan at kumaway ulit. Her cold eyes looked at me like we just met yesterday and I don’t need to act like I didn’t see her for years.

Ngumuso ako at inayos ang puting dress. It’s a strappy v-neck midi dress. Hanggang tuhod ko iyon. Inayos ko lang din ang pendant ng aking gold necklace saka ko tinongnan ang hiwa sa aking dibdib lalo na’t sweetheart neckline iyon. Isang ayos pa sa straps saka ako nag-angat ng tingin sa iba pang mga dumating.

Cassey arrived with her parents. Itinagilid ko ang ulo at nakitang ang sumunod ay ang isa niya pang pinsan na naka itim na dress.

I love black colors but I don’t really wear them coz I will looked like a devil who’s trying to looked like an angel.

Shanaia’s wearing her poker face and cold gaze as usual. Makikita mo lang siya sa ganitong okasyon na bihis na bihis at talagang maganda siya. Sa school kasi, suntok sa buwan ata na makikita siya. Parang hindi nag-eexist.

Tamad kong binawi ang tingin at aksidenteng nahagip ang kinaroroonan ng mga Delafuente. Hiro’s watching her with lips parted while holding the glass of champagne and a hand on his pocket. Whew… the villain is into her.

Natutop ang bibig ni Hiro at kitang kita ko kung paano niya supladong dinala ang tingin sa akin sabay simsim ng kanyang hawak na alak. His cold eyes made me realize he can sense what’s happening around him even when he’s distracted.

Iniwas ko ang tingin. Baka mapagkamalan na akong may gusto sa kanya kakatitig ko. But I know he knows I am not even interested to him romantically. Mas mukha pang papatayin ko siya kaysa isipin niyang patay na patay ako sa kanya.

Hindi ko na iyon masyadong inisip at na-distract din sa party lalo na’t naglalapag na ng pagkain at wines.

“Walang juice, Dad?” tanong ko kay Daddy na abalang magsalin.

Parang natauhan siya at gumalaw agad ang ulo para hanapin ang waiter. Sinenyasan niya ang isang namataan habang si Mommy ay ibinigay sa akin ang kanyang wine glass.

“Take a sip, Franca. Para naman hindi ka ganoon ka ignorante at alam mo ang lasa,” sabi ni Mommy.

My father glance at her softly. “She will be addicted to it, Addi. Matututo ’yang tumikim lalo pag nalaman niyang masarap.”

Pinaningkitan siya ng mata ni Daddy. Humagikhik naman ako.

“Ayos lang, Mommy. Hindi naman ako ganoon ka kuryoso at alam kong bawal pa ako sa ganyan. Next time nalang…”

Kumalma ang ekspresyon ni Mommy at binalik din sa kanya ang wine glass. Tumango siya at ngumiti.

Alam ko na rin naman ang lasa niyan. Ginawa ko iyang panulak noong nabulunan ako sa kinakain ko.

Nagtatayuan na ang iba at malakas na ang tugtog. Humihiyaw ang mga Delafuente boys at mukhang may pinagkakatuwaan lalo na’t niyuyugyog nila ang pinapalibutang si Hiro na ngumingisi.

“Get a girlfriend, bro! Malaki kana!” Ken shouted shamelessly and everyone laughs.

“Shut up,” Hiro looked pissed but he’s smirking as he slapped Ken’s cheek.

“Sino ba kasi crush nitong si Hiro, Tita!” humahaba ang leeg ni Ken nang lingunin ang tumatawang parents ni Hiro sa mesa.

Sila lamang ang nakatayo at nagkakatuwaan habang nanonood ang lahat. Nandoon din ang pinsan kong si Trey na kasali sa kanila.

“His crush doesn’t like him,” nangingiting si Tita Sky kaya naghiwayan ang mga lalakeng pinsan ni Hiro at niyugyog siya.

“Wala ka pala eh!”

“First clue, Tita!” si Blue na humahalakhak at nakaakbay kay Hiro na irita nang hinahawi ang mga kamay ng pinsan niyang panay hawak sa kanya.

It’s Shanaia? ’Yun lang naman ang babaeng napapansin kong tinitingnan niya. Pinormahan niya ba? O binasted siya?

“Babae ba ’yan, Tita? Parang hindi ’to mahilig sa babae eh!” kantyaw pa ni Ken na yakap ang kabilang braso ni Hiro at ayaw humiwalay.

Nagtawanan lalo ang mga guest. Iritang pinagtutulak ni Hiro ang mga pinsan at inayos ang nagusot na suot.

“Baka si Franca ’yan ha! Tito Dos!” biro ni Ken at mabilis na tumingin sa aming table.

Binatukan agad ni Hiro ang pinsan habang ngumingisi na ang aking Dad at mukhang nakakasabay naman sa katuwaan.

“Anong masasabi niyo kung sakaling si Franca ang crush, Tito Dos!” at talagang pinagpipilitan ni Ken ang biro.

“I forgot to bring my gun, kid…” biro ni Dad na ikinasabog lalo ng tawanan at mas lalong kinantyaw si Hiro ng mga pinsan.

“Dos…” natatawang hinampas ni Mommy ang braso ni Dad.

“Biro lang po…” si Ken na humalakhak.

“Unahin mo na ’to, Tito!” si Blue na tinuturo si Ken kaya sinakal agad siya nito.

Ngumuso ako kakanood kay Ken. Tumingin si Daddy sa akin kaya nahuli niyang ganoon ako. Tiningnan niya saglit si Ken saka niya ako tiningnan ulit.

“Ang saya nila,” natatawa kong sabi.

“Bakit? May crush ka ba sa magpipinsan?”

Natawa ako sa tanong ni Dad lalo na’t wala naman akong nagugustuhan sa magpipinsan romantically. Pero kung gusto lang, I’ll definitely go with Ken. He’s the Delafuente I like the most coz he’s funny and very charming. Sunod siguro ang kambal lalo na’t mababait. Tapos si Wayt lalo na’t guwapo. Sunod si Toshi na close din ng pinsan kong si Trey. And then Grey coz he’s smart.

Binilang ko pa sa isip ko kung sinong nakakalimutan hanggang sa makita ko si Hiro na nayayamot nang tinutulak si Ken na pilit siyang inaakbayan kakatawa. Oh… he’s the Delafuente I like the least. Siya siguro ang pinaka nasa ibaba.

Main reason? I just don’t like him.

“May crush ka sa kanila, Franca?” nangingiting ulit ni Mommy sa tanong ni Dad habang pasulyap sulyap sa magpipinsang hindi pa rin humuhupa sa pagkakatuwaan.

“Uh, wala naman po,” sabi ko.

“Baka nahihiya ka?” si Dad na umangat ang kilay sa akin. “Meron?”

Umiling ako kay Dad at natawa. “Wala po, Daddy. Kung meron sasabihin ko po sa inyo agad.”

“I like Grey. Seryoso at matalino,” si Daddy.

“Seryoso rin itong si Hiro. Ang suplado tingnan,” si Mommy.

“Seryoso lang. Grey is smart,” si Dad.

“But I think Grey likes Chey, Dos,” si Mommy na kunot noo pa.

Tumahimik si Dad at kinilatis ng maigi ang magpipinsan.

“Puro playboy…” dismayado niyang iling.

“Si Wayt sana eh ang guwapong bata,” nakangising si Mommy.

“Papalit palit ng girlfriend. And they’re all good looking, Addi.”

Oo nga naman… they’re all goodlooking kaya kung nalilito kang mamili sa kanila ay ibase mo nalang sa ugali.

“Eighteen, Torrefranca. Wait until you’re eighteen and then I’ll let these boys court you,” si Dad na nag-aambang sumimsim sa hawak na wine glass habang nasa magpipinsan ang tingin.

“Walang magtatangkang manligaw sa anak mo kasi takot lahat sa’yo!” tawa ni Mommy.

Wala pa naman talaga akong nagugustuhan ng malalim. Bumaling akong muli sa magpipinsan at nakita ang paghalakhak ni Ken habang si Trey na ang inaakbayan. Ngumiti ako at ibinaba ang tingin. Nakakahawa talaga ang ngiti niya.

4th Ruled

Ruled

Headache

Edward:

I’m always here for you, Franca. Cheer up.

Philip:

Heard about Tina and Sofia. Are you okay?

Rick:

Tara hang out libre kita :)

Irah:

Let’s gym.

Si Irah ang nireply-an ko. Magegets na ng boys kung di ako nagreply. Kunwari nalulunod sa lungkot kahit ang totoo ay wala naman talaga akong pakialam kahit pa hindi na maging okay si Tina at Sofia. I have more friends.

It’s been months after what happened and they’re assuming that I’m sad. Ni kaonting awa nga ay wala akong naramdaman noong ginawa ko iyon malungkot pa kaya?

Ako:

Sure!

Sabado kaya walang pasok. Irah’s maintaining her body figure since she’s planning to be a model. Nagkakainteres siya sa ganoon simula pa noon.

I have my own gym bag. Inabala ko lang ang sarili sa paglalagay ng puting shirt at shorts short. Nagbihis lamang ako ng komportableng damit saka rin ako bumaba dala iyon.

“Manang, nasa’n si Mommy?” tanong ko nang madatnang walang tao sa living room.

“Ah, mukhang sumama po ang Mommy niyo sa kompanya, Ma’am,” aniya habang abala sa paglilinis.

Tumango ako at kinuha ang aking cellphone para i-text si Irah.

Ako:

I’m done. Mommy isn’t around. Sunduin mo nalang ako at magpahatid tayo sa family driver niyo.

Lumalabas na ako patungong veranda nang matanggap ulit ang message niya.

Irah:

Okay

Binasa ko ang labi at tuluyang lumabas. Sumunod si Manang para isarado ang gate. Hindi pa gano’n ka sakit sa balat ang araw ngunit maliwanag na ng kaonti lalo na’t seven na rin.

Humalukipkip ako habang tinitingnan ang iilang malaking bahay sa paligid. Nagkalat din ang mga puno at malinis ang lugar. Tinanaw ko ang kalsada at mukhang wala pa si Irah.

Dapat pala sa loob nalang ako naghintay. But Vitamin D is good for the skin. Tumayo na lamang ako.

Natanaw ko ang kakaliko lamang na nagha-half jog habang may gym bag na nakasabit sa kanyang kaliwang balikat at naka-earphones suot ang itim na hoodie.

Tahimik ko siyang pinanood. I couldn’t even smile. Friendly ako sa lahat ng Delafuente pero pagdating sa kanya, kahit ngiti ata na pilit ay hindi ko maibibigay.

Hiro found my eyes, too. Nagpatuloy siya sa pagj-jog hanggang makadaan siya sa aking gilid at lumagpas lamang nang walang sinasabi. I even smelled his familiar perfume for awhile.

Well we’re not close. Mas magtataka ako kung bigla bigla niya akong papansinin. Feeling close siya sa akin pag ganoon.

Hindi ko na tiningnan ang kanyang likod at nilingon sa kabila kung paparating na ba ang kotse nila Irah. Noong hindi ko matanaw ay dinukot ko ang cellphone.

Ako:

Bagal mo Irah. Nangangalay na ako kakatayo :(

Ilang sandali lang ay natanaw ko ang kanilang kotse at natanggap din ang kanyang text.

Irah:

Umupo ka pala?

Kinagat kagat ko ang pang-ibabang labi at hinawakan ang aking gym bag habang tinitingnan ang kotse na dahan dahan nang bumabagal sa aking harapan.

Binuksan ko ang pinto sa likuran at nakita agad si Irah na hawak ang kanyang cellphone at hindi man lang bumati.

Pumasok ako sabay tabi sa kanya.

“Bagal,” sabi ko sabay sarado ng pinto.

Umirap lamang si Irah habang nagsisimula nang umandar ang kotse. Kapwa kami tahimik at abala sa sariling cellphone. Napansin ko pa ang imahe ni Hiro na nagja-jog pa rin.

Umangat lamang ang aking kilay sa parteng iyon at ibinalik din ang atensyon sa screen ng cellphone para tingnan ang mensahe galing kay Latch.

I almost forgot about him…

Latch:

Hindi kana nagparamdam, Miss Buenaventura.

I smiled and type a reply for him.

Ako:

Oh I’m sorry. Super busy lang sa school.

Bumabagal na ang pagmamaneho at nakikita kong nakarating na kami sa Fitness Center. Naunang bumaba agad ang driver para pagbuksan kami ng pinto. Kapwa kami bumaba ni Irah.

“Itetext po kita mamaya, Manong,” ani Irah sa driver na tumango sa amin.

Nauna akong pumasok. Bumungad agad ang malawak at maganda nilang facility. May mga naggi-gym at hindi naman ganoon ka rami.

May sumalubong na instructor. Wala naman talaga akong balak masyadong mag exercise. A treadmill will do.

Sabay kaming nagbihis ni Irah. I wore a plain white tshirt and shorts short. Noong lumabas ay naka leggings siya at sports bra. Itinali ko ang aking buhok sa isang ponytail. Dinampot ko ulit ang gym bag saka rin saka rin kami lumabas.

Lumapit si Irah sa isang instructor. Inilapag ko sa bench ang gym bag at nakita ang pagpasok ni Hiro sa pinto. Nagkatinginan agad kami.

Binawi niya rin ang tingin. May intructor na bumati sa kanya kaya nasigurado kong madalas din siya rito lalo na’t kilala siya ng iba.

Itinukod ko sa bench ang aking paa para ayusin ang sintas ng suot na Nike shoes. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko ang paglapag ni Hiro sa gym bag niya sa kabilang bench at paghila niya sa hoodie sa likuran para mahubad iyon.

Tumambad ang puting nipis na tshirt at umangat pa ng kaonti ang tela kaya nakita ang kanyang tiyan. I can really say he’s taking care of his figure.

Iniapak ko sa sahig ang isang paa at ang kabila naman ang inayos. Noong tumayo ay nagpasya ring magtungo sa treadmill at nakitang nauna na roon si Hiro.

Binakante ko ang isang treadmill sa kanyang tabi. Pinindot ko lamang ang harap habang nakikita ko siya sa gilid ng aking mga mata. Kahit ayaw kong maamoy ang kanyang pabango ay nakakaabot pa rin iyon sa aking ilong.

Nagsimula akong maglakad ng mabagal lamang habang hinihigpitan ang pagkakatali ng aking buhok. Noong nakakaadjust na sa bilis ay dinagdagan ko na iyon.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko si Irah na kinakausap ng instructor at mukhang yoga session ang kanyang balak.

I can obviously hear the sound of Hiro’s song on his earphone. Mukhang naka full volume kaya naririnig ko ang kanta.

“You’re just like an angel… your skin makes me cry,” I heard the lyric of the song.

Hindi ko na iyon masyadong pinagtuunan ng pansin pa at nagconcentrate na lamang sa pagtakbo.

Ilang sandali lamang ay may mga pamilyar na nagsidatingan lalo na’t mga boses pa lang, kilala ko na agad kung kanino galing.

“Where’s Hiro?” ang tinig ni Blue.

“Shit. Sexy legs!” si Ken.

Binagalan ko ang speed lalo na’t nararamdaman ko ang paglapit nila. Kay Hiro sila lumapit ngunit kita ko ang pagnanakaw ng tingin ni Ken hanggang sa nalaglag ang panga niya.

“Franca!”

Blue noticed me, too. Ang panggugulo niya kay Hiro ay hindi pa napagpatuloy dahil sa pag awang ng kanyang labi nang tingnan ako.

Ngumiti ako kay Ken at sinundan siya ng tingin na lumapit agad at nagtungo sa aking harap.

“Woah! I didn’t notice it was you! Popormahan ko pa agad sana!” halakhak niya sabay pasada ng kanyang buhok.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko rin si Wayt na deritso na agad sa pagwo-work-out.

“Madalas ka rito, Franca? Hindi ka namin namamataan,” si Blue na lumalapit na rin at inakbayan si Ken.

“Sinamahan ko lang si Irah kaya nagpasya ring magtreadmill,” sabi ko at ngumiti sa dalawa.

Nakangisi na halos ang dalawa. Pinatay ni Hiro ang treadmill sabay yuko at dampot ng mineral water na nakalagay lamang sa gilid.

Kumunot naman ang noo ni Blue nang nilingon si Hiro na umiinom na.

“Magkasama ba kayo?”

“Huh? Impossible, dude. Hindi sasama si Franca sa supladong ’yan. Right?” nakangiting si Ken sa akin.

Umalis si Hiro sa treadmill kaya si Blue agad ang pumalit. Nailing na namaywang si Ken ngunit ngumiti rin sa akin.

“Bihis muna tayo, Blue,” anyaya ni Ken habang hawak ang kabilang brasong iniikot niya na nakatupi.

“Magsisimula na ako. I’ll get sweaty anyway. After na ako magbibihis,” si Blue na nagsimula na ring tumakbo.

Ngumiwi si Ken at nagpaalam din naman. Noong mapagod ay pinatay ko rin at panandalian munang huminga lalo na’t pinagpapawisan na rin.

“Do you have your water?” tanong ni Blue nang palingon lingon sa akin.

Umiling ako at ngumiti. Napatingin siya saglit sa aking damit ngunit binawi rin.

“May tubig ako. Sa’yo na,” aniya at nag-ambang patayin ang speed ng kanyang treadmill kaya umiling agad ako.

“Hindi na, Blue. Salamat… Bibili nalang ako.” nakangiti kong sabi.

“Alright… bihis ka. You’re sweaty,” sabay ngisi niya nang muling bumaba ang tingin sa aking damit.

Bumaba rin ang aking tingin doon at napansing basa nga sa parteng dibdib. Tumango ako at nagpaalam na aalis.

Nakita ko si Irah na naka pose habang inaabot ang kanyang talampakan at tumitingala. I can’t do that. Parang mababali ata ang aking mga buto.

Irah glanced at me in a cold manner. Itinuro ko ang labas at sumenyas na bibili ako ng maiinom. She nodded and looked at her instructor again.

Kinuha ko ang wallet sa gym bag at lumabas din. Pumikit ang isa kong mga mata sa tama ng sinag ng araw saka ko itinabon ang kamay habang naglalakad malapit sa convenience store.

Nakita ko agad doon si Hiro na iniinom ang isang mineral water at nasa baywang na naman ang isang kamay. Nagbanggaan agad ang aming mga mata habang papalapit ako roon. Kita ko kung paano niya ako hinagod ng tingin sa mabagal at kuryosong paraan. Nilagpasan ko lamang siya at pumasok na sa pintong binuksan ng Guard sa loob.

“Good morning, Ma’am,” bati nito.

Ngumiti ako at nagtungo agad sa lalagyan ng mga drinks.

Kinuha ko ang strawberry flavored na Mogu mogu at isang mineral water. Irah doesn’t like this kind of drink. Sa kanya ang mineral water.

Dinala ko iyon sa counter at inilapag. Ngumiti ang cashier na babae sa akin.

“Good morning, Ma’am,” bati niya habang sinisimulan iyong i-punch.

Tumango ako at ngumiti. Sa gilid ay nakita ko ang packs ng mga condom na nakahilera na kulay blue. Swerte raw ang condoms sa wallet, ah?

Wala sa sarili akong kumuha ng isa at inilagay sa counter. Napatingin doon ang babae. Tiningnan niya ako ulit. Patay malisya akong tumingin sa ibang direksyon. Umangat lamang ang kanyang kilay at nagpatuloy.

I’m buying it for a good luck. ’Tsaka mabuti na rin ’yung safe, ah?

“Ah miss pakilagay nalang sa paper bag.” Para hindi klaro.

“Mababasa po, Ma’am. May drinks pa po kayo,” aniya habang pinagpapatuloy sa pagsilid noon sa cellophane.

“Uh ayos lang. Yayakapin ko nalang.”

She looked at me with a light irritation. I smiled.

Sinunod niya rin naman ang aking gusto pero parang labag pa sa loob. Tiningnan ko ang presyo na bumalandra sa harap at binuksan ang aking wallet.

Bumungad agad ang family picture sa gilid. Binuksan ko iyon at nakitang walang mga papel na pera. Binuksan ko ang zipper at wala ring coins.

Oh shit, Franca! Nasa kabilang wallet ko!

Kinagat ko ang labi nang tingnan ang paglalagay ng babae sa paper bag noong binili ko. Nasa mahigit two hundred pesos lang naman ’yon!

“Uh, naiwan ko ’yung pera ko sa gym. Balikan ko lang ha,” sabi ko.

Kumunot ang noo niya. “Naka-punch na po ’to, Ma’am. Malayo po ba?”

Umiling agad ako. “Malapit lang.”

The girl nodded. I can sense her annoyance. Mabilis akong naglakad sa may pinto at natanaw ang likod ni Hiro na nasa labas pa rin, naninigarilyo pa.

Huminga ako ng malalim at tuluyang lumabas nang pagbuksan ulit ng pinto noong gwardya.

Paglabas ay nakita ko agad ang paglingon ni Hiro. Binuga niya ang usok ng sigarilyo. Sa kabilang kamay ay nakita ko ang mineral water niyang walang laman at durog pa ang katawan.

Iniwas ko ang tingin at deri-deritso ang lakad nang mapagtantong malayo na ang gym. He’s here and he’s the most convenient person right now.

Kung babalik pa ako sa gym para manghingi ng pera kay Irah ay ilang minuto pa ’yon.

Tumigil ako sa paglalakad. Labag halos sa aking loob na lumapit kay Hiro. I have no choice. Isa pa, babayaran ko naman agad! Kahit mamaya agad!

Kunot noo niya akong tiningnan at itinapon ang sigarilyo. Humangin pa kaya hinawi ko ang buhok patungo sa likuran habang naglalakad na patungo sa kanya.

“I need cash. Maling pitaka ang nadala ko at…” binasa ko ang labi habang hindi maipagpatuloy ang sinasabi dahil parang… nakakapangliit. Sa lahat ng maiisipan ko sa kanya pa? If this is Ken then I am not having this frustrations right now.

Kaso si Hiro? Parang nagtatanim na nga ako ng inis dahil sa nangyari sa basketball court noong nakaraan tapos dadagdag pa ’to.

We’re not friends so it feels illegal to ask him a favor. Biglang nagbago ang aking utak at parang gusto nalang kumaripas ng takbo sa gym kaso nakikita ko na siyang dinudukot ang pitaka sa likuran gamit ang isang kamay.

“How much?” tanong niya sa seryosong tinig.

“Two…”

Nag-angat siya ng kilay. “Two pesos? Two thousand?” sabay sulyap sa akin.

“Two hundred,” giit ko at humalukipkip habang nasa pitaka niya ang tingin.

“Two hundred? What did you buy?”

God. This man is the most nosy human being!

“Just drinks,” irita ako sa pagsagot.

Umangat ang kanyang kilay at tiningnan ako saglit. “Nakakapangduda ka talaga…”

I want to glare at him but what the hell? Ako na ang nanghihingi ng favor… I licked my lowerlip as I tried to calm my expression down. Nakita ko ang kulay dilaw at bughaw na mga papel na pera.

“What did you buy?” ulit niyang tanong habang bumabagal ang pagdukot niya sa pera at namimili.

Talagang naasar ako. Pinilit kong umaktong normal kaso pagdating ata sa lalakeng ito ay sagad lagi ang pasensya ko.

“I said, just drinks,” ang marahan kong tinig ay hinahaluan na ng kaonting tigas.

“There’s always that sudden change in your eyes when you’re doing something…” hindi niya dinugtungan at inilahad sa akin ang five hundred.

“You’re just imagining things, Hiro,” sabi ko at kinuha ang five hundred. “Babayaran kita mamaya. Don’t worry.” Saka ako tumalikod.

This is why I don’t like him. May mga napapansin siya na dapat hindi na kailangang pansinin. Hindi nakakaligtas sa mapanuri niyang mga mata ang ibang bagay.

Ayos lang naman sana kung ganoon kaso parang pasimple pa akong bubwesitin! It’s like he’s trying to trigger me.

“Here, Miss,” sabi ko nang ilahad ang five hundred sa kanya.

Ibinigay niya sa akin ang kulay brown na paper bag. Kinuha ko iyon at hinintay din ang sukli. Nilingon ko sa labas si Hiro na nakatayo pa rin, wala ng ginagawa at mukhang hinihintay nalang ang sukli niya.

Ibinalik ko ang tingin sa cashier at kinuha ang inilahad niyang sukli. Inilagay ko ang isang palad sa pwet ng paper bag at hinawakan iyon sa ulo kasama ng sukli ni Hiro.

Lumabas din naman ulit ako. Sinundan ako ng tingin ni Hiro. Lumapit ako sa kanyang muli.

“It will rip,” ani Hiro nang tumingin sa paper bag na hawak ko.

Bago ko pa ma gets ang kanyang punto ay nakita ko na kung paano nga napunit ang paper bag lalo na’t basa dahil sa malamig na drinks. I cursed and tried to hold it properly kaso nagulat na lamang ako nang dumulas na ang mineral water.

Mabilis na nasalo ni Hiro ang mineral water ngunit sa gulat niya ata sa sumunod na nalaglag ay hindi niya agad iyon nahawakan. Ang tangi ko nalang yakap yakap ay ang nag-iisang mogu mogu habang nagugulat sa nangyari.

Kapwa namin tiningnan ang paggulong ng box ng condom na inapakan niya agad kaya huminto. Fuck.

Dahan dahan niyang inangat ang tingin sa akin. Kinalma ko ang ekspresyon lalo na’t ayokong makita niyang namumula ako o nahihiya. If boys can buy it then girls can, too! Hindi dapat ako mahiya.

Dinampot iyon ni Hiro. Nagtatanong pa ang kanyang mga mata nang tumayo ulit ng tuwid at kunot noong inilahad sa akin ang maliit na box ng condom.

Noong umangat ang tingin sa akin ay hindi ko na halos alam ang sasabihin. At pake niya ba sa bagay na ’yon?

He’s too stunned to even speak a word. Kahit ako, ganoon din!

Hindi ko na ata kayang tanggapin lalo na’t natanaw ko ang paglabas ni Ken sa gym kasama si Blue.

Huminga ako ng malalim. Kinuha ko sa kanya ang miniral water at iniwan na lamang siya. Nakita ko agad ang paglipad ng tingin ng dalawa niyang pinsan sa akin. I smiled but I didn’t say a single word. Mabuti nalang at hindi na ako kinausap ng dalawa.

“Dude. What the hell?!” hagalpak ni Ken na narinig ko pa nang nasa may pinto na ng gym.

“Shit? May babae ka?” si Blue na humalo rin ang halakhak sa tinig ni Ken.

Nilingon ko ang magpipinsan. Nahuli agad ni Hiro ang tingin. Binawi ko ang mga mata at hinayaan na lamang iyon.

Inilahad ko ang mineral water kay Irah na nagpapahinga na. Binuksan ko ang Mogu mogu at umupo sa bench habang hindi maalis sa aking isipan ang box ng condom na aking binili.

Ilang sandali lamang ay pumasok na ulit ang magpipinsan. Hagalpakan pa lamang ni Blue at Ken, alam ko na agad kung bakit ganoon.

“Brokenhearted ka ba kasi hindi ka tipo noong tipo mo? And what? You will screw someone else so you can move-on, huh?” halakhak ni Ken.

“Gago, Hiro! Tahimik ka pero ganito ka pala ka lala!” si Blue.

Pasimple akong sumulyap habang nasa labi ang ulo ng iniinom kong Mogu Mogu. Nakabulsa ang isang kamay ni Hiro at sa kabila ay hawak ang condom habang nasa likuran ang mga pinsan niyang nag-aapiran kakatawa.

“Hiro bought a pack of condoms!” anunsyo ni Ken sa pinsang si Wayt na abala sa barbell nang nilapitan niya ito.

Binawi ko ang tingin at sumimsim sa inumin. Sumulyap saglit si Wayt sa pinsan ngunit irita lang sa kaingayan ni Ken na itinulak niya ang dibdib.

Naglakad patungo sa akin si Hiro. Halos kabahan ako dahil baka ilahad niya iyon sa akin at isauli. Not infront of these boys! Not infront of my cousin.

Hindi bigdeal pag ang mga lalake ang nakitaan ng condoms. Like it’s their nature. Pero kung ang mga babae ay halos nag-iiba agad ang isip ng iilan at mabilis kang huhusgahan.

Tumigil siya sa aking tabi. Nilunok ko ang nata de coco noong mogu mogu at wala sa sarili siyang tiningala.

He didn’t say a word. Nakita ko lang na yumuko siya at binuksan ang kanyang gym bag. Doon ko napagtantong nasa kabilang upuan pala ang gym bag ko sa sobra kong lutang kanina nang pumasok dala rin ng nangyari.

Medyo nabunutan ako ng tinik at kumalma.

“Pihikan sa babae pero matindi!” ani Ken na tawang tawa pa rin.

“Ibang pampapawis aside sa work-out!” si Blue naman.

“Tumahimik na kayo. Huwag niyong pag-usapan ’yan dito,” iritang saway ni Wayt nang tumayo sa pagkakaupo.

Hiro just shake his head like he’s annoyed with his cousin’s big mouth. Nagtawanan nalang ang kanyang pinsan at mukhang napagtanto rin ang saway ni Wayt.

“What a headache,” rinig kong bulong ni Hiro at pasimple akong tiningnan.

Tahimik ulit akong lumagok at patay malisya na lamang na hindi iyon narinig. Like I am too innocent to react with their topic kaya pa-inosente lang na umuupo kahit alam kong akin ang pack ng condoms na iyon.

Pag alis namin ni Irah roon ay hindi na kami nakapag-usap pa. Doon ko rin napagtantong wala akong numero ni Hiro. Wala rin akong balak hingiin ang number niya at i-text siya.

Babawiin ko pa ba ’yon kay Hiro? Or maybe I can buy another pack of condoms next time? Babayaran ko nalang siguro siya sa utang ko sa kanya at sa kanya nalang iyon. I don’t want to face him anymore after what happened.

5th Ruled

Ruled

Smartass

Sumilip ako sa pasilyo sa umagang iyon ng Lunes. I am trying to look for Hiro so I can pay. Wala akong alam talaga kung saan saan siya pumupunta lalo na’t unang una- hindi ako kailanman naging interesado sa lalakeng iyon.

Mas madaling hanapin si Ken lalo na’t kahit saang sulok ata ay matatagpuan mo agad siya. At kung nasa’n si Ken, nandoon din si Blue. Kung si Wayt naman ang hahanapin, si Nana lamang ang kailangan mong hanapin lalo na’t dikit naman sila laging dalawa. Minsan nga nandoon din si Ken.

Ngunit si Hiro? I don’t know where. Para siyang si Shanaia na suntok sa buwan mo atang makikita sa buong school.

Speaking of that girl, if my hunch is right that he likes her… Hiro is obviously outside her classroom. He’s unpredictable so I’m not sure what he’s doing but he’s obviously there?

O huwag nalang kaya bayaran si Hiro? Kaso magkakautang na loob ako sa kanya. I don’t like it.

Sinunod ko ang gut feels ko. Binaybay ko ang hallway sa ibabang floor. Sarado ang mga pinto ngunit makikita sa bintana ang loob kung saan naglelecture pa ang iilang teacher.

“Hala si Franca, crush mo,” rinig kong sabi ng kung sino nang lumagpas ako sa isa pang classroom.

Pagliko, nakita ko agad si Hiro sa classroom na tinutukoy ko sa labas. Nakasandal ito sa pader habang nakabulsa ang isang kamay, ang isa ay may hawak na coke in a can at nakikipag-usap kay Philip.

Ibibigay ko na ang five hundred sa araw na ’to.

Naglakad ako patungo sa kanila. Kita ko kung paano dahan dahang lumingon ang ulo ni Hiro habang nagsasalita pa rin at tiningnan ako saglit ngunit binawi rin at ibinalik kay Philip habang nagpapatuloy sa sinasabi.

Noong makalapit lalo saka ako napansin ni Philip. His eyes widened and he smiled.

“Franca!” ang nakahalukipkip niyang mga kamay ay napaghiwalay niya.

Hiro sipped on his coke while looking at me curiously.

I smiled at Philip.

“Ayos kana? Balita ko sobrang lungkot mo raw at apektado ka sa dalawa. Ramdam ko rin lalo na’t hindi ka nagrereply. Hindi mo rin daw nirereply-an sila Edward.”

“I don’t want to take sides kaya nakakalungkot. Hindi ko sila kayang pansinin dalawa dahil nasasaktan ako,” marahan kong sabi sa namumungay na mga mata.

Philip’s eyes softened. Sa gilid ng aking mga mata ay kita ko ang pag-angat ng kilay ni Hiro.

Inabot ni Philip ang aking braso at hinaplos.

“You’ll be fine, hmm? You have us,” ani Philip habang hinahaplos ang aking braso.

Ngumiti ako at tumango.

“Thanks Philip,” saka ako tumingkad ng kaonti para mayakap siya. Yumuko rin si Philip at hinaplos haplos ang aking likod.

I glance at Hiro. Binasa niya ang labi pagkatapos sumimsim sa inumin. His expression didn’t change. Cold and snob. Makahulugan ko siyang tiningnan, na sana ay magets niya ang gusto ko.

Noong humiwalay kay Philip ay ngumiti rin naman ako saka nagpaalam sa kanila. Hindi pa nakakalayo ay rinig ko na agad ang tinig ni Philip.

“Mala anghel talaga si Franca. Napaka bait na nga, napaka ganda pa…”

“Some angels are deceiving…” si Hiro na hindi naman importante pero nagbibigay ng opinyon.

Sumeryoso lamang ang aking mukha at hinaplos ang buhok paatras. So what, villain?

Kung nakakabasa nga siya ng tingin, magpapakita siya sa classroom ko ngayong araw. Wala ba siyang initiative sa nagdaang mga araw at hindi naisip na puntahan ako mismo para kunin ang five hundred niya?

Isa pa, baka iniisip niyang hahanapin ko siya? Na ako dapat ang lumapit total ako ang may kailangan? That’s probably the reason why he didn’t show-up.

Ako na lamang mag-isa sa classroom. Nagsialisan na ang mga students habang tutok ako sa iPad at naglalaro ng online games.

Fifty fifty ang tsansa na naiisip ko na magpapakita si Hiro kaya noong may mapansin ako sa gilid ng aking mga mata na silhouette na pamilyar na lalake ay nakumpirma ko agad na siya iyon.

I glance at him once. Mabilis ko lamang tiningnan si Hiro na naglalakad palapit sa akin, nakasabit ang strap ng bag sa kaliwang balikat habang nakabulsa ang isang kamay at ang isa ay may hawak na maliit na paperbag.

Binawi ko agad ang tingin at seryosong ibinabalik sa games na nilalaro. Dumating lang si Hiro, minalas na at dumating ang maraming zombies!

And see? He can really read what’s on my mind. Isang tingin lang gets agad. May superpowers talaga ang mga villains.

Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang paglapit niya hanggang tumigil siya sa harap ng aking desk. I groaned out of frustration when I’m running out of sun!

“Your condom,” si Hiro nang ilapag ang maliit na itim na paper bag.

“Damn it! Ang bagal ng sun,” irita kong sambit habang naka-tap na sa nagloloading na plant na gusto ko.

“Matagal pa ba? Nagmamadali ako,” Hiro sounds pissed.

“Wait,” mas irita kong sabi at matalim siyang tiningnan saglit.

Kita ko ang pag-irap niya sabay pasada ng buhok habang hinahawakan na ang strap ng kanyang bag.

Ibinalik ko ang tingin sa iPad at halos mainis dahil natatalo na ako. Isinandal niya ang pwetan sa aking desk at yumuko ng kaonti para masilip ang screen ng aking iPad.

“You don’t know how to play,” he commented.

“Shut up,” sabi ko habang namimili na ng plant na ilalagay.

Nakita ko ang paggalaw ng kanyang kamay saka niya hinawi ang aking kamay na nag-ambang maglapag ng panibagong plants.

“You can’t use that plant. That’s useless. It can only kill one zombie per line,” ani Hiro at hinayaang lapain ng maraming zombies ang mga nakahilera kong plants bilang depensa.

Ubos na iyong mga trucks kaya sigurado akong mapapasok talaga ang bahay. Plus nasa gitna na ang kumpol ng zombies!

“Matatalo na ako!” Hinawi ko rin ang kanyang kamay at gusto nalang bumili ng plant na sasakto sa available kong sun.

“Wait,” ani Hiro nang hawakan ang aking pulso.

Huminga ako ng malalim. Bakit ba ’to nakikilaro sa iPad ko?

“There…” saka niya pinindot ang lumutang na sun at binili ang cherry bomb. Inilagay niya ito sa gitna nilang lahat at pinasabog.

Kita ko kung paano naging abo ang iilang mga zombies. Naiwan ang aking mga sunflower ngunit nakain din naman ang aking mga plants.

Kumalma ang aking ekspresyon nang makitang nanalo na ako sa final wave. Tumikhim ako at pinatay ang screen ng iPad saka ko iyon inilapag sa gilid kung nasaan ang paperbag.

Humalukipkip si Hiro at tiningnan ang pagkuha ko ng paperbag. Binuksan ko iyon at sinilip ang pack ng condom na binili ko.

“I actually don’t need it anymore. Sa’yo na. Babayaran kita sa five hundred and take it with you,” sabi ko sabay lapag ulit noon.

Hiro’s thick brow arched. Kinalkal ko sa isang signature bag na dala ang aking wallet at kinuha iyon.

“I don’t need it, too. You bought it so it’s yours,” aniya.

“I can’t bring it to our house. My parents are there,” sabi ko habang namimili ng five hundred bill sa mga papel na pera.

“You’re good at hiding things. Itago mo,” si Hiro.

Ramdam ko talaga ang pagiging walang pake ng lalakeng ito. I will not expose myself to my parents! Mahihimatay si Mommy pag nakita niya ’yan at mas lalong malalagot ang lalakeng iniisip ni Dad na gagamit noon sa akin.

“Sa’yo na nga. Mas need mo ’yan para hindi ka makabuntis,” sabi ko sabay lahad sa kanya ng five hundred.

“Wala akong paggagamitan,” aniya sa iritadong paraan.

“Kasi hindi ka crush ng crush mo?” ngisi ko na ikinatalim ng tingin niya sa akin.

Naisip ko agad si Shanaia. Laking West ang mga Fortalejo. Naiiba rin silang tingnan dahil sa foreign blood na humahalo sa kanila. Their visual is powerful and foreign.

Kaya kung sakaling nagustuhan ni Naia si Hiro, hindi ako magtatakang hindi sila magse-sex. Kahit tahimik ’yon, hindi naman ganoon ka primitibo unlike Nana.

At itong si Hiro… imposibleng hindi gusto sa ganoon? Look at his visual? His body proportion. And that veins on his arm. Hindi mo siya matatawag na payat dahil sakto ang katawan niya lalo na’t nagg-gym.

Tumikhim ako at iginalaw-galaw ang pera sabay angat ng tingin sa kanya pagkatapos suriin ang katawan. The irritation on his face made me realized he’s the most snob Delafuente I know.

Nasa bulsa niya pa rin ang mga kamay, tila ba hindi tanggap ang usapan kaya ayaw rin tanggapin ang pera.

“You already caused trouble to me. Huli na ’yon. Take it since it’s yours,” saka niya binalingan ang paper bag.

Hirap naman kumbinsihin! Maamo lang ata ito kay Shanaia.

“Just court your crush so you can score a-”

His sudden glare made me stop from talking. Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Magpapanggap pa ba ako sa kanya? He knows my trouble. At hindi ko rin kayang magpanggap na mabait sa lalakeng ito.

“Ikaw pa talaga ang pangangaralan ako sa ganyan ha?” he arched his brow more like he doesn’t need my advice since he’s expert.

“Sige na kunin mo na ang five hundred at umalis kana. Ayokong ma-issue sa’yo,” atat kong sabi.

Imagine if someone saw us talking like we have a thing? At kay Hiro pa? Matutuwa pa ako kung kay Ken eh.

Huminga siya at kinuha ang five hundred saka tumayo ng tuwid sabay kuha rin ng paper bag. I can feel his irritation. Irita rin ako sa kanya. We’re mutual.

That was the last memory I have with him. We both don’t like each other. Tuwing Linggo ko lang siya namamataan at ganoon din siya sa akin. Iyon din ang huling nagkita kami sa school bago sumapit ang Christmas break.

Nakalimutan ko rin naman ang parteng iyon sa mga nagdaang araw. Besides, I’m finally sixteen! Hindi na feeling sixteen! Hindi ko siya iimbitahan sa birthday ko.

Sa buwan ng December ang aking birthday. December Twenty-nine.

“Tama na ba ito mga nasa list ng invitation, Franca?” tanong ni Mommy nang ilahad sa akin ang papel.

Nasa dining area kami at nagdidinner. Katabi ko si Dad na nakisilip din habang hinihiwa ang baby back ribs niya.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga nakalista. Yumuko si Mommy sa aking likod at inilagay sa aking balikat ang kanyang baba.

Halos bumagal ang aking pagnguya nang makita ang pangalan ni Hiro kasama ang kanyang pamilya. Bakit ito nandito?

Kaso ipapaalis ko ba siya? Magtataka ang parents ko? Baka isipin nila nag-aaway kami? Mahiya naman si Hiro kung pupunta pa siya pagkatapos ng pagtatalo namin noong October. Eh pumunta rin ako sa birthday niya noong August, ah? Eh hindi ako nahihiya eh.

All of my friends are there. Tumango ako kay Mommy at ngumiti. Ngumisi si Mommy at hinagkan ang aking pisngi.

“You’re turning seventeen next year! Next next year eighteen na ang baby ko,” saka niyakap ni Mommy ang aking balikat.

“Eighteen pero baby pa rin naman ’yan,” ani Dad nang mag-angat ng kilay sa akin.

Natawa ako. Baby na pwede na ring gumawa ng baby, Dad…

Christmas break ang aking birthday kaya tumulong din ako sa paghahanda. Si Irah ang kasama ko sa fitting ng dress.

“It’s not your debut yet. Bakit ang enggrande agad?” Irah complained nang sa food tasting ko siya sinama.

“Alam mo na… I am the most favorite grandchild kaya spoiled kay Lolo Israel. Mabait ako,” nakangiti kong sabi kay Irah na ikinairap niya agad.

“Hindi ko talaga alam paano mo napapaniwala ang lahat na mabait ka,” aniya sabay tingin sa nails niya. “Magpapa nail polish ulit ako after this. Magpapanail polish ka diba?”

Tumango ako at ngumiti.

Iyon ang ginawa namin pagkatapos. I wore a baby pink nail polish with crystals on it. Masyadong maarte tingnan pero it’s cute.

Naging maganda naman ang preparations noong dumating ang aking birthday. All the Delafuentes were there wearing tux and dresses for the girls.

“Happy birthday, Franca,” si Ken ang unang lumapit sa akin at yumuko para mayakap ako.

His scent… ugh!

“Thanks, Ken…” bulong ko habang ngumingiti at nakikita sa likuran ang pag-aayos ng buhok ni Blue habang hinihintay ang pinsan na matapos.

“Bango bango,” halakhak ni Ken at nawili sa kakayakap sa akin.

Natawa ako roon. Sumimangot si Blue at tinapik na ang likod ni Ken. Lumingon sa kanya ang pinsan.

“Ako muna!” pabiro niyang sabi ngunit nang makitang nag-angat ng kilay si Dad na sumulyap sa amin habang kinakausap ang ilang bisita ay mabilis ding humiwalay si Ken.

“Shit… Nagflash sakin ng five seconds ang buhay ko,” ani Ken kaya tumawa ako.

Hinila ni Blue ang kanyang braso kaya umatras agad ang pinsan lalo na’t humalakhak silang dalawa sa sinabi ni Ken.

“Happy birthday, Franca,” si Blue nang tingnan ako suot ang matamis na ngiti.

“Thanks, Blue,” I smiled, too.

Ngumuso siya at lumapit. “Payakap din,” sabay halakhak.

Tumingkayad ako ng kaonti sa kanyang pagyuko at niyakap siya. Kung hindi lang umubo si Ken habang napamaywang sa gilid hindi hihiwalay si Blue.

“Tama na ’yan, dude. Tito Dos is watching,” si Ken.

Umirap si Blue sa pinsan ngunit nangingiti rin namang tumingin sa akin. Sumunod ang kanyang kambal at nakangiting bumati pero hindi na yumakap. Si Wayt din na ganoon at hindi pa halos ngumiti, si Toshi at Grey na pormal ang pagbati.

“Hiro? Dude what the hell? Mahiya ka naman! Makikikain kana nga lang hindi ka pa babati!” iritang tawag ni Ken nang mapansing ito nalang ang nasa gilid, nakapamulsa at walang balak lumapit.

Nakaatras ang kanyang buhok suot ang puting shirt na nakabukas ang dalawang butones at itim na coat. Kulang nalang ay maging poste sa gilid.

Tumingin din ako kay Hiro at kunwari ay nangingiti lalo na’t nasa kanya na rin ang tingin ng lahat ng kanyang mga pinsan. Si Toshi at Grey na kapwa seryoso ang tingin, si Wayt na halos walang pake lalo na’t gumala pa ang tingin, ang kambal na ngumingiwi, at si Ken na irita.

“Konting kahihiyan, Hiro. Ilugar ang pagsusuplado sa babae,” halakhak ni Blue.

“Bumati kana. Huwag mo kaming ipahiya,” iritang si Toshi.

“Bumati na ako sa regalo. May nakasulat na happy birthday doon,” si Hiro na ikinangiwi ng kanyang mga pinsan.

Sinenyasan ni Toshi ang dalawang pinsan. Nilapitan siya ng mga ito at hinila na ito patungo sa aking harap. Nangunguna si Ken, si Blue na hawak siya sa kabilang braso habang iritang kumakawala si Hiro sa dalawa.

“Gets namin na suplado ka, dude. Kaso si Franca? Learn to humble yourself when it comes to her!” si Ken.

Kumawala si Hiro at pinaghihila ang kanyang magkabilang kamay sa dalawa. Humalakhak si Blue at tinapik ang balikat ni Hiro. Si Ken naman ay ngumisi at inakbayan ang pinsan.

“Ayos lang, Ken. Hindi kami close ni Hiro. Ayos lang kahit hindi na,” nangingiti kong sabi kay Ken.

“Oh? Hindi ka naman pala importante. Pa special ka pa,” tawa ni Ken.

Iritang umirap si Hiro. “Happy birthday.” Saka hinawi ang kamay ng pinsan at umalis din sa aking harapan.

Humalakhak ang mga pinsan niyang lalake habang nakahalukipkip si Grey at naiiling na sinundan ng tingin ang pinsan.

“You’re rude, Hiro. Come back here,” ang seryosong tinig ni Grey ang humabol.

Tinapik ni Toshi ang kanyang balikat habang sinusundan din ng tingin si Hiro.

“Hayaan mo na. Nagbibinata…” saka ako nilingon ni Toshi. “Sorry for that…” and he smiled.

Umiling ako at ngumiti lalo na’t… wala akong pakialam. Ni hindi ko siya gustong makita sa party ko. And I know that’s what he feels, too.

Ang mga girls na halos ang bumati sa akin. Mahigpit ang yakap ni Nana at Cassey. Chey’s formal but she’s nice.

“Nasa’n si Shanaia, Chey?” si Cassey nang igala ang tingin.

“Ewan. Nagmumukmok siguro sa sulok,” si Chey.

Nailing si Cassey. She smiled apologetically.

“I’m sorry. She’s really…” she sighed.

Umiling agad ako. Ayos lang naman sa akin kung hindi bumati ang iilan pero may mga regalo din naman ’yan.

Sa humahabang gabi ay nagkakatuwaan na ang lahat at ang mga Delafuente pa rin ang nangunguna sa pagiging maiingay. Busy ako mag-entertain sa iba kong friends noong magsidatingan ang panibagong bisita na pinapangunahan ni Trey kasama ang iilan niyang barkada.

“Happy birthday, Torrefrance…” si Trey na halos maangat ako dahil sa higpit ng yakap niya.

Humalakhak ako at tinapik ang kanyang balikat. Natatawa niya akong ibinaba. Tumama pa ang lights sa amin kaya pumikit ang isa niyang mata sabay baling sa friends niya.

“No hugs,” banta niya nang isa isa ring magsilapitan.

Pamilya ang iilan sa akin. Panay salamat at ngiti ang aking iginaganti. Hindi pa roon natapos lalo na’t pati ang mga oldies ay tinatawag ako sa kanilang tables at nagpapapicture sa akin.

“Gandang bata,” Tita Sky commented.

“Thanks po.” Pakisabi kay Hiro na umuwi na at nabubwesit ako sa kanya.

It’s actually a formal party. Hindi gano’n ka ingay lalo na’t kalmado ang pumapaibabaw na instruments kaya rinig na rinig ang katuwaan ng magpipinsan.

“Nandito na sila Tito Uno,” ani Irah.

Nakita ko ang pagpasok nila. Nakalingkis ang braso ni Tito Uno kay Tita Alyssa, at nakasunod ang kambal. Nakapamulsa si South habang si North ay abala sa pag-aayos ng buhok at ngumingising iginagala ang tingin.

Noong matagpuan niya ang aking mga mata ay ngumisi agad ako pabalik. Tumayo ako para salubungin sila. Tita Alyssa smiled when she saw me.

Nakita ko rin ang paglapit ng aking parents sa kanila nang mapansing dumating na ang mga ito lalo na’t abala rin sila sa iba pang bisita. Nauna akong makarating sa kanilang harapan saka ako nakipagbeso beso kay Tita at Tito.

“Happy birthday, hija,” si Tito sa pormal na tinig.

“Happy birthday. Ganda ah!” si Tita Alyssa na nangingiting hinaplos ang aking pisngi.

“Thank you po…” hagikhik ko at bumaling sa kambal.

Hinila agad ako ni North para yakapin. Tumawa ako at yumakap pabalik. Si South naman ay namulsa sa gilid at tahimik na nanood, hinihintay na humiwalay ang kapatid.

“Happy birthday! I love you,” sabay halik ni North sa aking pisngi.

“Thanks, North. Huwag mo akong tinitipid ha,” natatawa kong sabi nang humiwalay.

Umiling siya at binasa ang labi. “Anything for you…”

Si South naman ang yumakap sa akin gamit ang isang kamay.

“Happy birthday,” pormal ang kanyang tinig at noong humiwalay ay seryoso pa rin.

“Thanks, South.”

Dito sila magN-New Year kasama namin lalo na’t ang balak naming lahat ay pumunta sa Davao para makasama rin sina Lolo at Lola ’tsaka ang ibang pinsan namin na mga Chua.

Nakihalo agad si North sa mga Delafuente ganoon din si South pero tahimik lang at si Wayt pa ang kasundo na kinakausap niya.

Kahit saang table na lamang ako napapadpad hanggang sa mapagod at naisipang puntahan ang table kung saan nakahelera ang mga gifts.

Tiningnan ko isa isa at nakita ang pangalan ni Ken. Ngumiti ako at mabilis iyong kinuha. Kagat ko ang pang-ibabang labi nang buksan iyon para silipin.

Nakita ko agad ang isang pabango. I can’t wait to use it! Ibinalik ko na sa table nang aksidenteng mahagip ang pangalan ng isa niyang pinsan. My face darkened. Noong mapagtantong baka may makapansin ay ibinalik ko agad sa blangko.

Kinuha ko ang itim na paper bag. Binasa ko ang simple hand written niya sa isang card na Happy birthday. My ass, Hiro.

Sinilip ko lamang ang loob noon lalo na’t kuryoso. My eyes widened when I saw the familiar pack of condoms I bought!

Goddamnit! Ibinalik niya ulit sa akin! At ginawa pang gift! That smartass!

6th Ruled

Ruled

Chinese

Halos pilit ang ngiti ko sa gabing iyon. Kinalimutan ko nalang ang nasilip na regalo lalo na’t masisira ang mood ko sa buong gabi at sa mismong sariling birthday ko pa?

Besides, alam ko na kung paano iyon ibabalik sa kanya. Wait until it’s your birthday! Ibabalik ko rin ’yan sa’yo.

Bumyahe kami patungong Davao kinabukasan. Minsanan lang din naman kaming pumunta roon, depende lamang kung napag-iisipan lalo na’t sa mga nakaraang taon ay sa California kami nag New Year. Our parents think we’ll like Disneyland so…

Syempre I was fourteen that time. Irah’s younger than me. Nakakaenjoy naman panoorin kahit hindi ko masyadong bet ang fairytales.

“Lamig talaga rito sa Davao pag ganitong buwan. Lalo na sa January,” North complained while hugging himself.

Kakababa lamang namin sa airport. Humihikab pa ako at antok ng kaonti. Halos ramdam ko pa ang birthday party ko kagabi kaya medyo lutang pa.

Inakbayan ako ni North at hinipan ang nakakamao niyang kamay sa bibig. Humalukipkip ako habang hinihintay namin ang kotse’ng susundo.

Pumipikit pikit si Irah habang nakahiga ang ulo sa balikat ni South na namumungay rin ang mga mata. I don’t know why our parents love early travels! Ang ginaw at nakakaantok pa.

Mas naging tahimik pa ata kami nang nagsipasok na sa van at kanya kanyang pikit. Everyone’s so lazy to talk.

Dumilat ako at kinusot ang mga mata nang mapansin ang medyo kulimlim na panahon sa labas ng bintana. The whole City looked gloomy at parang iiyak na ang langit ano mang oras.

Naunang pumasok ang sinasakyang van nila Dad. Siniko ko si North na nagising din naman sa aking tabi. Dumilat siya at humikab saka ko nilingon ang dalawa pa sa likuran.

Inabot ko ang buhok ni Irah at akmang hihilain ng marahan nang magising siya at mahuli ang aking pulso. I smiled.

“Nasa Woodridge Subdivision na tayo,” anunsyo ko.

Dumilat na rin si South at nag-inat ng kaonti habang tinitingnan ang bintana. Dito nakatira ang aming grandparents lalo na’t narito rin ang malaking bahay ng mga Chua, ang iilan pa naming pinsan na may-ari ng isang malaking Mall sa downtown.

Humalukipkip na kaming apat at hinihintay nalang ang paghinto ng van. Nakita ko ang pagbukas ng malaking gate at naunang pumasok ang sa aming parents saka sumunod ang amin.

Pinagbuksan kami ng pinto nang huminto na ang van. Natanaw ko ang paglabas ni Lolo Israel kasama si Lola Tracey na nangingiting tumingin sa amin.

“Lolo! Lola!” sigaw ko nang naunang bumaba at mabilis lumapit sa kanila.

Nagmano ako saka rin yumakap.

“Franca! Happy birthday,” halakhak niya nang yakapin din ako.

Ngumiti ako at tumingkayad din sa gilid nang si Lolo Israel naman ang niyakap.

“Happy birthday. Hope you like our present.”

“Super, Lolo. Nag-enjoy nga ako…”

Lumapit na rin ang iilan kong mga pinsan at magalang na nagmano sa kanila.

“Grabe North at South! Tumatangkad kayo lalo, hijo!” ani Lola nang malampasan na siya nito.

Kaming mga girls talaga ang maliliit. Ang bilis lang tumangkad ng mga lalake at parang taon taon ata silang pinagbibigyan ng langit habang pinagdadamutan naman kami.

Abala pa ang aming mga parents sa pag-uusap habang kami naman ay pinaghihila na ang mga gamit sa second floor ng bahay kung nasaan ang aming mga sariling kuwarto.

Share kami lagi ni Irah. Si North naman at South ang laging share. Magkakasama lang kaming apat minsan kung magmomovie marathon.

Abala si Irah sa pagche-check sa walk-in closet ng mga damit na iniwan namin dito para may sarili kaming gamit habang nasa bintana ang aming tingin.

“Nag-aaway pa rin sila,” sabi ko nang makita ang mag-asawa sa harap ng bahay.

May taon iyon na pumunta kami rito at may police mobile sa labas ng gate. Lolo Israel told us nag-aaway raw ang mag-asawa. Foreigner ang may-ari ng bahay at pinay naman ang asawa niyang babae. Laging ganoon kaya ngayong nakikita kong nasa labas ng gate ang dalawa at parang nagsisigawan ay hindi na ako nagtaka.

“Inaattempt nang ibenta ang bahay sabi ni Lola Tracey,” si Irah nang lumabas sa walk-in at lumapit.

“Talaga? Magkano naman?”

Nagkibit si Irah at tinanaw sa seryosong paraan ang mag-asawa.

“Hindi ko alam. Tama na rin ’yan. If they’re not happy anymore then magdivorce. Maghiwalay.”

Ngumiwi ako. Easy for her to say coz she’s not on their shoes. Baka mahal na mahal ng babae kaya nagtitiis lagi.

“Malay mo next year sila pa rin at ipagpaliban ang pagbebenta ng bahay.”

“Tapos mag-aaway lagi? Nakakapagod kaya ang ganyan. Dapat break agad,” ani Irah at tamad ding umalis sa aking likuran.

Sumulyap ako ng huling beses sa mag-asawa bago isinara ang curtains.

“Gano’n ka ba sa mga nagiging boyfriend mo? Hiwalay agad pag mag-aaway?” nakangisi kong tanong nang makitang bumabalik siya sa walk-in.

Sumunod ako sa pinsan ngunit huminto sa may pinto at humalukipkip doon. Isinandal ko ang ulo sa gilid habang pinapanood siyang naghuhubad habang nakatalikod.

“Oo. Bakit ka mananatili ’di ba kung masakit na?”

Ngayon niya lang ’yan nasasabi lalo na’t bata pa siya at hindi pa nahahanap ang katapat niya. Sunud-sunuran din naman kasi sa kanya ang mga lalake niya. Of course she’s a Buenaventura. Everyone will automatically think we’re superior because it runs in our blood.

Pero paano kung may bukod tanging lalakeng hindi siya makikita sa ganoong paraan? Someone who doesn’t care about her family name? Someone who can tame her.

“Sabagay. Wala pa naman akong karanasan kaya hindi ko gets,” I smiled innocently.

Sumulyap siya saglit habang nagsusuot na ng shorts short.

“I can really tell mauuto ka,” ani Irah nang mag-angat ng kilay sa akin.

Ngumiti ako. Sa ating dalawa alam kong ikaw ang mas mauuto, Irah. She’s cold but she’s vulnerable when she’s hurt. Padalos dalos pa minsan ang kanyang desisyon at mabilis na nadadala sa emosyon.

She’s very smart but not that smart when it comes to love.

Hindi na ako nagbigay ng opinyon pa at hinayaan nalang siyang paniwalaan sa akin ang bagay na iyon. Gusto kong ganoon ako tingnan ng mga tao.

Mababaw lang ang iniisip ng lahat sa akin at para bang kalmadong dagat na payapang tingnan. Wala silang takot na banggain ako lalo na’t iyon ang paniniwala nila hanggang sa magugulat na lamang at nalulunod sila sa sobrang lalim.

People will be cautious when they see some rules. Natural sa tao ang sumunod kung nakikita nilang batas iyon na dapat sundin. Ngunit kung wala ang mga batas, natural din sa mga tao ang gawin ang gusto nang hindi naiisip kung mapapahamak ba sila o hindi.

That’s why everyone behave when it comes to Irah because she’s obviously giving an alarm that no one can messed with her. Iyon ang kabaliktaran ko. I don’t give warning signs. Everyone isn’t afraid to mess with me because they know I’m not dangerous. Hindi nga ba?

“North!” sigaw ni Irah nang itulak siya nito at nahulog agad sa pool.

Tumawa si North habang iritang sinabuyan ni South ang kakambal lalo na’t halos ang talim ng tingin ni Irah nang umahon ang kanyang ulo.

Nasa pool area kami. Naisipan naming maligo kahit hindi gano’n ka init total may jacuzzi naman sa malaking bahay nila Lolo Israel.

Pinanood ko kung paano hinila ni Irah ang binti ni North na nakaupo lamang sa gilid hanggang malaglag din ito. Hindi siya nakontento at sumampa siya sa likod at gusto na atang lunurin ang aming pinsan.

Ako na lamang ang hindi masyadong basa habang nakaupo pa rin sa gilid at nakalublob sa medyo mainit na tubig ang mga hita. Umahon si South sa aking gilid at tumabi.

“Punta tayong downtown mamaya? Magpapasama si Auntie?” aniya habang itinatagilid ang ulo at itinusok ang daliri sa kanyang tainga.

Kapwa namin pinanood ang pagraramble ni North at Irah. Sabay pa kaming napapikit nang sumabog ang tubig at pumitik sa amin lalo na’t nangangapa si North sa tubig.

“’Yun ’di ba ang sabi ni Lola? At para rin daw maka gala tayo sa Davao,” sabi ko nang lingunin siya.

Mga chinese lahat ang aming mga pinsan. Kaming mga Buenaventura lamang ang one fourth dahil kay Lola kaya rin siguro mapuputi kami ni Irah at singkit ng kaonti ang mga mata.

Dalawang babae ang aming pinsan sa side ni Auntie French sa anak niyang si Tita Perrie Chen na pure chinese din ang asawa. Florisse is Auntie French’s granddaughter. Sina Rehan, Raffiel at Rina naman ang mga apo ni Uncle Brennan sa nag-iisa niyang anak na si Tito Elios Chua na hindi chinese ang napangasawa.

Maimpluwensya ang mga Chua sa Davao, idagdag pa ang mga Chen kaya kilalang kilala ang aking mga pinsan dito. Kaedad lang din namin ang ilan sa kanila at kahit madalang lamang magkita ay mababait naman kami sa isa’t isa kahit ang susungit lahat tingnan.

“Kids, meryenda,” ani Lola nang nangingiting dinala ang isang trey na puno ng sandwich.

Doon lamang tumigil si North at Irah. Nauna akong tumayo para magtungo sa patio kung saan iyon inilapag ni Lola. Sumunod pa si South na sinusuklay ang basang buhok, si Irah na sinasamaan pa ng tingin si North.

“Ngayon ba ang dating ng mga Chua, Lola? O bukas?” tanong ni North nang naunang kinuha ang tuwalya.

“Mukhang bukas silang lahat. Niyayaya kayo ni Auntie French niyo sa Downtown kaya pagbigyan niyo na,” ani Lola.

Kinagatan ko ang kinuhang sandwich. Inabot ni South ang isa pang tuwalya at inilahad kay Irah na basang basa rin.

“Kasama sila Florisse, Lola?” tanong ni North na binigyan ko ng sandwich. Tinanggap niya iyon at agarang kinagatan.

“Mukhang bukas pa siguro. Makikihalubilo lang sa atin total Holiday naman ang New Year sa kanila at wala rin namang masama kung sumali sila,” ani Lola.

Tuwing January Twenty-two ay nakiki Chinese New Year din naman kami dito sa Davao, ang pinaka paborito ni North lalo na’t galante mamigay ang kanilang pamilya sa amin at nagiging makapal talaga ang pulang sobre na napupuno ng pera.

Nagbihis din kami pagkatapos maligo. Ang yabang yabang pa ni North na magpresentang magdrive ngunit hindi lamang pinayagan lalo na’t walang lisensya.

“Buti pa rito sa Davao hindi traffic,” sabi ni Irah nang deri-deritso ang pagpapatakbo patungong Downtown.

“Sa Downtown traffic tuwing gabi,” ang driver ang nagsalita.

“Sa Manila po aabutan ka ng gabi sa kalsada sa sobrang traffic,” sabi ko na ikinahagalpak nito.

“Kaya nga lipat kayo sa province. Less traffic,” ani North na nakahalukipkip sa aking tabi, medyo masama pa ang loob dahil hindi pinagbigyan mag drive.

“Imagine… may sariling Mall ang mga Chua tapos makikita si Auntie French sa SM,” bulong ni North nang bumaba na kami sa parking lot ng malaking Mall.

“Crowded kasi masyado roon sa Mall nila, North. Isang beses namin iyong napuntahan ni Irah noong ten lang ako at sobrang daming tao. Ang mumura rin kasi ng mga benta eh kaya dinadayo,” sabi ko habang inaayos ang suot kong dress.

Kami lamang ang nag-uusap lalo na’t kapwa nakahalukipkip si Irah at South habang nakasandal sa kotse.

Doon lamang kami natahimik nang dumating ito sakay ang isang magarang kotse at naunang lumabas ang isang maid, sumunod si Florisse at panghuli si Auntie French suot ang magarang damit.

She’s always stylish. Hindi siya kailanman nagsuot ng hindi branded. The white coat and long skirt screams elegance. Chanel.

“Kids!” nangingiting si Lola nang makita kami.

Isa isa niya kaming niyakap at pinaghahagkan sa aming pisngi. Ngumiwi pa si North at pinahiran ang pisngi nang bumakat ang kaonting lipstick doon.

Florisse looked at us coldly. Ang singkit niyang mga mata ay mapanghusga. She’s paper white. Magkatulad kaming may curtain bangs ngunit short hair lamang siya. Mahaba ang aking buhok at may soft curls pa sa dulo.

’Yun nga lang ay mas mahaba ang aking buhok habang medium length naman sa kanya at mas singkit ang kanyang mga mata, halatang halata ang pagiging chinese.

“Florisse,” si North.

Tumango lamang si Florisse at sa akin sumabay sa paglalakad habang nakikipagkwentuhan na si Auntie French sa mga lalake kong pinsan.

“Belated Happy birthday,” aniya.

I smiled. “Thanks… Malapit na rin sa’yo. You’re turning sixteen, too.”

“Oo nga eh. Nagpa book na si Dad sa Marco Polo lalo na’t doon gaganapin ang party,” aniya sabay lingon kay Irah na tahimik lang din sa aming gilid.

“Balita ko nagboboyfriend kana?”

Irah nodded without saying a word. Ibinalik ni Florisse ang tingin sa akin.

“Ikaw rin ba?”

Umiling agad ako. Her face calmed down like she’s expecting it.

Hindi na kami halos nag-usap nang makapasok sa Mall. Nagpasya kaming magroller skating habang may kausap na client si Auntie sa loob ng isang coffee shop sa first floor.

Tanaw ang matayog at malaking Christmas Tree na puro blue balls. May mga snowman sa gilid at maraming tumatayo roon para magpapicture. Yumuko ako para maisuot ng maayos ang roller skate.

Inilahad ni Florisse sa akin ang kamay. Tumayo ako at medyo hirap pang ibalanse ang katawan. She’s good at skating.

Nilingon ko si Irah na humahawak na sa braso ni South na inaalalayab naman siya habang si North ay wala nang kahirap hirap na umiikot ikot sa buong paligid at nakisabay pa sa mga batang gumagawa ng linya.

We took photos after skating. Sa isang Tong-yang Restaurant din ang bagsak pagkatapos.

It’s an eat all you can chinese Restaurant. Beige ang halos kulay ng paligid at grey naman ang mga mesa na mukhang marmol sa kintab habang may grill sa gitna. May mga pulang chinese lantern lights sa gitna ng kisame.

Kinuha ni North ang chopstick at ginamit iyon pambaliktad sa iniihaw niyang shrimps. Abala pa si Irah sa kakasuyod kasama si South dala dala ang itim na plato at bumubuntot kay Auntie French kasama ang maid na umaalalay habang kakatapos lamang namin ni Florisse.

Kinuha ko sa cellophane ang chopstick para matikman ang iba kong pinaglalagay sa aking itim na bilugang plato. Masyadong chinese tingnan…

Nilingon ko si Florisse sa aking gilid na abala sa pagkukuha ng picture kung saan niya inilagay ang chopstick sa gilid ng mesa kung nasaan ang pangalan ng Restaurant.

“Malaki ang followers mo sa instagram ah. Nakita ko,” nakangiti kong sabi.

Lumingon siya saglit sa akin ngunit nagpatuloy din sa pagkuha ng picture.

“Ang iba doon dummy accounts ata ng mga may galit sa’kin,” aniya.

“Insecure siguro,” si North nang makisali habang hinihinaan ang apoy ng kanyang niluluto lalo na’t umuusok na.

Nagkibit lamang si Florisse at itinapat ang screen sabay click ng front cam. Lumapit siya ng kaonti kaya na gets ko agad ang kanyang gusto at dumikit din sa kanya. We both smiled a bit.

“Hindi ako kasali?” si North na ngumingiwi.

“Asikasuhin mo nga ’yang iniihaw mo, North. Isunod mo itong karne.”

Busy na si Florisse pagkatapos kumuha ng pictures at abala sa pagpopost sa kanyang instagram. Bumalik din naman ang iba kong pinsan kasama si Auntie French.

Kwentuhan agad ang nangyari. Halos pormal sumagot si Irah at South sa mga tanong ni Auntie French habang ako lamang ang ngumingiti ganoon din si North na pangisi ngisi.

“Sayang at wala ang tatlong Chua niyong pinsan. Nasa Batangas kasi sila noong nakaraang araw at mamayang gabi pa uuwi rito sa Davao.”

Nagsitanguan kami habang tahimik na sumusubo ang iba. Ginamit ko ang chopstick at kumuha ng karne sa mga iniihaw ni North.

“Kumusta naman ang flower farm ng Lola Tracey niyo sa province ng bukidnon? Naaalagaan ba, North?”

“Yes, Auntie French. Ginagawa ring tourist attraction ng mga bumibisita roon lalo na’t pinagkakakitaan na rin ang lupain,” paliwanag ni North.

“The pineapple field?” si Auntie French.

Sumubo ako at tahimik na ngumuya.

“Malawak pa rin po,” si North habang si South ay patango tango lang.

“Ikaw ba ang magmamanage sa farm, South?” si Auntie French nang bumaling sa kanya.

“Balak kong maging Architect, Auntie,” ani South.

“Oh? So… Ikaw ang magmamanage sa lupain sa Bukidnon, North?”

Humalakhak si North. “Parang gano’n na nga, Auntie. Dad wants me to manage the Land, too.”

Uminom si Auntie French sa cucumber juice at patango tangong ibinaba iyon saka pinahiran ang labi.

“Sayang din. I went there when I was young. Maputik pa noon. Hindi pa nga gano’n ka lawak ang flower farm ni Tracey. Noong huli kong bisita ay malalaki na ang mga bulaklak. The pineapple field looked healthy, too. Sana lang ay laging ma-maintain.”

“Nangunguna na po ang lupain namin sa pagsusuppply ng pineapple sa malalapit na Lugar, Auntie.”

Ano ba ’tong topic? Puro farming at sa probinsya.

Hindi na nga ako naka relate sa topic noong kami kami pa lang, mas lalo lamang ata noong nagtipon tipon na ang lahat para sa pagsalubong sa New Year.

“Let the twins manage the entire Land, Uno,” Tito Ellios said while we’re having dinner.

Nasa labas kami at doon magpasyang magdinner. The place is set perfectly. Mga chopstick halos ang makikita mo sa table kasama ang mga handa.

“Mukhang Architecture ang plano ni South,” nakangiting sabi ni Auntie French.

“Oh? Parehas kayo ng hilig ni Rehan,” si Tita Lillian,“ ang asawa ni Tito Elios.

Mapapanis na ata ang aking laway. Kung hindi sila nagtatagalog, bigla bigla nalang magmamandarin.

“Maganda ’yan, South,” si Rehan na panganay at eighteen-year-old.

Ang nasa kanyang tabi naman na tahimik lang din na sumusubo ay si Raffiel. Singkit ang mga mata at napaka suplado, halos magkasing-ugali sila ni South habang seryoso at istrikto namang tingnan si Rehan.

“Belated happy birthday pala, Franca,” bati ni Rina, ang kaedad namin ni Florisse, nang sumulyap sa akin. Kapansin pansin ang singkit niyang mga mata at kaputian.

Nang marinig iyon ng iba ay nakibati na rin. Doon lang ata ako nakapagsalita at nagbatian din ng Happy New Year habang tinatanaw na sa langit ang pagsabog ng fireworks.

Hindi iyon ang huling pagkikita ng lahat lalo na’t may Chinese New Year pa.

“Yes! Sixty!” pagmamayabang ni North sa pulang sobreng hawak nang magbilangan na kaming apat sa patio.

Siya lagi ang nakakarami kaya gustong gusto niya pag Chinese New Year. Hindi namin alam kung paano niya niloloko ang mga Chua at Chen para umabot sa ganyan ka laking pera ang lagi niyang nakukuha.

“Forty-five,” ngiti ko pagkatapos bilangin ang dilaw at bughaw na nasa loob ng sobre.

Tiningnan namin si South na hindi pa tapos sa pagbibilang. Loko lokong si North at nangupit pa ng five hundred.

“Forty and five hundred. Kasama ang ninakaw ni North,” sabay angat ng kanyang kilay.

“Thirty-five,” si Irah na nagkasalubong ang kilay at tumayo. “Manghihingi ako kay Auntie French.”

“Maldita ka kasi!” halakhak ni North habang pinagmamasdan namin itong pumapasok sa loob ng bahay.

Humagikhik kami habang nakikita siyang lumalapit na ulit sa mga oldies na nagkakatuwaan sa loob.

7th Ruled

Ruled

Wrong Move

Sa tuwing napag-uusapan ata ang tungkol sa boyfriend ay palaging pinapaalala ng aking parents na ayaw pa nilang pumasok ako sa ganoon. Malinaw sa akin ang gusto ni Daddy. Ayaw niya akong nagbo-boyfriend muna.

Humagikhik ako habang hinihila si Latch sa kakahuyan.

“This is too far from the-hmm…” his words turned into moans when I faced and kissed him.

Napasandal siya sa malaking puno ng kahoy habang tinutugunan ang aking mga halik.

“Mas maayos kung malayo tayo. They will not see us kissing,” I chuckled softly.

Summer na ulit kaya dito na naman kami sa probinsya mananatili ng ilang araw. Nangangabayo lamang kanina kasama ang kambal ngunit bumaba kami rito para lumalayo layo sa aking mga pinsan at maghalikan sa liblib na kakahuyan.

Latch flipped our position and pinned me on the tree. Humalakhak ako nang siniil niya ako ng halik.

“Kailan mo ba kasi ako magiging boyfriend?” tanong niya habang hinahawakan ang aking pulso.

Matangkad siya kaya kailangan ko pa siyang tingalain.

“My father doesn’t like the idea of having a boyfriend?”

He snorted. “That’s why you’re keeping me as your fling?”

Ngumisi ako at hinila ang kanyang tshirt para mapayuko siya. Irita pa noong una ngunit sunod sunod din ang pagsukli niya sa aking mga halik.

Wala namang sinabi si Daddy na bawal akong makipaghalikan? And maybe he’s just worried because I am not yet eighteen? Paano nalang kaya kung nalaman niya na ang nag-iisa niyang anak ay laging may kahalikan sa kakahuyan? I can see his rage clearly on my mind. He’ll definitely get his gun while cursing.

Kaso hindi niya naman alam kaya… mas lalo akong nakipaghalikan kay Latch.

“Dito ka pa rin mag G-Grade Eleven?” kuryoso kong tanong habang hinahawakan ang kanyang pisngi at tumigil sa paghalik.

Huminga siya habang malalim ang paninitig sa akin.

“Yes… Kaso baka may balak akong sa Manila mag college,” sabay angat ng kilay.

Ngumisi ako habang bumababa ng dahan dahan ang aking tingin sa kanyang labing namumula.

“Hmm… magandang idea ’yon. Madalas tayong magkikita at…” hinagod ko ang aking labi sa kanyang labi.

“At ano? Continue…” si Latch na itinagilid ang ulo at eksperto akong hinalikan.

Pumikit ako at nangingiting iginapang ang kamay sa kanyang matigas na dibdib pababa sa kanyang tiyan.

“At hindi ako mangungulila sa mga halik mo,” bulong ko sabay haplos sa kanyang tiyan.

Latch groaned on my mouth. Kung hindi lang kami may narinig na yabag ng mga paa ng kabayo ay hindi ko siya maitutulak palayo.

Naka half open pa ang kanyang labi at lasing ang tingin nang maputol ang aming halikan. Binasa ko ang pang-ibabang labi at inayos ang sarili. Ngumiti ako ng matamis kay Latch saka naunang lumapit sa puti kong kabayo na itinali ko lamang sa puno.

Inayos ni Latch ang puting tshirt at nakaangat ang kilay habang kinukuha na rin ang kabayo.

Nauna akong sumampa at pinatakbo agad bago pa madatnan doon ng aking mga pinsan. Tumalbog talbog ako lalo na’t binilisan ko ang pagpapatakbo.

I just learned to ride it last year in a skillful manner. Noong una ay hindi ko pa nakokontrol ang kabayo pero sa dalas namin dito ay natuto rin kalaunan.

Ilang sandali lamang ay pumantay na si South sa akin, nakaangat ang kilay at tinitingnan ako ng maigi. Lumingon ako at nakita si North na lumelebel na kay Latch habang nakikipag-usap dito.

Ngumiti ako kay South at hinawi side bangs na sumasabog. Kumaliwa kami sa kakahuyan hanggang sa natanaw ang malawak na flower farm ni Lola kung saan nagkalat ang mga trabahador at mukhang may pinagkakaabalahan habang may mga dayong nagpipicture.

Naging marahan ang takbo ng kabayo nang pinatid ko ito sa gilid at hinigpitan ang pagkakahawak sa tali para ma kontrol ang galaw nito hanggang sa naglalakad na lamang.

Lumingon ang mga trabahador at nagsingitian para bumati. I nodded and smiled.

“Magpahinga po kayo,” sabi ko nang mapansing naliligo na sa pawis ang iilan sa kanila.

Umiling ang iilan at pinunasan ang mga pawis sa bimpong nakasabit sa gilid.

“Ayos lang po kami, Ma’am. Mag-enjoy po kayo sa pangangabayo,” aniya.

Sumulyap ang iilan sa mga dayo sa akin. Tinanguan ko ang mga trabahador hanggang sa makalebel na si North sa akin.

“Namumula na ang mga pisngi mo. It’s too sunny. We should go home,” anyaya ni North nang tingnan ako sa mukha.

“Sa field muna tayo tapos umuwi rin. I want to eat some fresh pineapple lalo na’t sinabihan ko rin si Irah na magdadala ako,” sabi ko.

North licked his lowerlip and nodded. Pinatid kong muli ang gilid ng kabayo ganoon din si North. Sa aming likuran ay magkasabay naman si Latch at South.

Sayang at wala sa mood si Irah kaya nanatili sa hacienda. She’s having her own picnic.

Masakit na sa balat ang init ngunit dahil mahangin ay hindi mo rin gaanong mararamdaman ang tama ng sikat ng araw.

Noong makarating sa pineapple field ay doon na ako nagpasyang bumaba. Sumalubong ang mga trabahador sa amin at itinali ang aming mga kabayo.

“Sakto at may bagong harvest, Ma’am!” nangingiting sabi ng lalakeng yumuyuko at hinihila papalapit ang isang nipa basket kung nasaan ang mga pinya.

Nakapamulsa si North sa aking gilid habang sa kabilang gilid ay ang isang trabahanteng pinapayungan na ako. Kapwa namin pinapanood kung paano pinapakita sa amin noong lalake ang mga preskong pinya.

“Heto, Ma’am,” isa namang trabahanteng kakalapit lamang dala ang plato kung saan nakahiwa na agad ang mga pinya at mY tinidor na.

“Hindi mo naman kinamay, June? Mahiya ka sa mga Buenaventura!”

Umiling ito habang natatawa akong umiling para sabihing ayos lamang at kinuha ang tinidor.

“Hmm! Try it, North! Hindi makati sa dila,” sabi ko nang ilahad sa kanya ang kalahating naiwan.

Kuryosong inilapit ni North ang bibig doon at kinagat ang natitira. Muli akong tumusok at tiningnan si South ’tsaka Latch na nasa kabilang dulo.

Naunang lumingon si Latch habang si South ay abalang nakikinig sa sinasabi ng trabahanteng nakikinig. I smiled sexily. Binasa ni Latch ang labi at pasimpleng iniwas ang tingin sabay haplos ng batok.

“Pakihatid po sa kanila ang plato para matikman din nila,” sabi ko sa trabahante sa gilid nang inilapag na ang tinidor pabalik.

Tumango naman ito at masunuring nagtungo sa kinaroroonan nila Latch.

“I don’t like how Latch looked at you,” ani North sa malamig na boses kaya napalingon ako sa kanya.

“North. He’s not doing anything wrong to me. You should calm your ass, okay?”

Umirap siya ngunit binasa ang labi.

“Parang poporma ’yan. I told him he’s not allowed to court you! Respetuhin niya dapat!”

“Bakit? Wala ka bang balak manligaw sa kapatid niyang babae?”

I saw how his sudden irritation calmed down. Ngumiti akong lalo at tinapik ang kanyang pisngi.

“Tingnan mo na…”

Umirap si North at iritang tinapunan ng tingin si Latch. Noong ibinalik ang tingin sa akin ay ginulo rin ang buhok at inakbayan ako.

“Hindi pa ako handa para ipagkatiwala ka sa kahit sinong lalake. They need to ask for permission first. I hate sneaky boys,” si North.

Ngumiti nalang ako sa bagay na iyon. He doesn’t need to worry with these boys getting sneaky behind his back because I am the worst. Sa akin dapat siya nag-aalala hindi sa mga lalakeng nakapaligid sa akin.

“Sa Hacienda ito ng mga Buenaventura. Ikaw ang maghatid Arturo!” sigaw ng lider nila habang sumasampa na kami pabalik sa kabayo.

May isa akong dalang pinya na inilagay ko sa aking kandungan. Pinagpagan ko lamang ang pants at hinagod ang nakataling buhok sabay yuko para tingnan ang puting sando top.

“Let’s go, Franca,” ani North kaya natigil ako sa kakatingin sa sarili.

Pinatid ko ang gilid ng aking kabayo gamit ang suot na boots saka muling humawak ng mahigpit sa tali at sumunod na sa aking pinsan.

Hindi na ako nakapagpaalam kay Latch lalo na’t hindi na umalis si North sa aking gilid at papauwi na kami. Lumiko lamang ang kanyang kabayo nang lingunin ko. Humabol naman si South at lumebel sa amin ni North sabay taas ng kilay.

Pagkarating sa mansyon ay nadatnan namin sa malawak na field si Irah, nasa lilim ng kakahuyan. Nakahiga ito sa puting tela habang may binabasang libro at sa gilid ay isang basket kung saan kumukuha siya at kinakagatan ang isang apple.

“I brought a pineapple, Irah,” sabi ko nang bumaba sa kabayo.

Tamad siyang bumaling at medyo napapikit dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa kanyang mukha.

Nagsibabaan din ang kambal habang lumalapit ang iilang tauhan para kunin ang mga kabayo namin.

“Galing kayong planta?”

Tumango ako at ngumiti. Lumabas ang isang kasambahay. Ibinigay ko sa kanya ang pinya.

“Pakibalatan po at kakainin namin dito,” sabi ko.

Tumango ito at umalis din.

“Marami pang ihahatid na pinya dito mamaya. Pwede tayong magpagawa ng jam kay Manang,” ani North habang hinihila ang tshirt sa likuran hanggang sa mahubad iyon ng tuluyan.

Tumango ako at ngumiti. Ibinalik ni Irah ang tingin sa binabasang libro.

“Magbibihis lang ako tapos magpipicnic na tayo,” sabi ko nang sundan din si South na mukhang plano rin iyon.

Si North ang tumango at nakaupo na sa sahig habang ginagawang pamaypay ang damit, mukhang balak munang magpahinga.

Ganoon lagi ang ginagawa namin sa bukid. Mamamasyal habang nangangabayo, bibisitahin ang planta, magpipicnic at maliligo sa malapit na batis.

Hindi na ganoong nagrerebelde si Irah pag nasa probinsya kami lalo na’t ayaw na ayaw niya rito. Mukhang habang tumatagal ay napapaamo rin naman siya at natututunang aliwin ang sarili.

Umuuwi lamang ulit sa syudad tuwing pasukan na. Grade Eleven na ako. Wala naman akong masyadong expectation sa first day of school pero kuryoso minsan sa mga nagiging kaklase rin.

“Oh… Buenaventura,” ang mga lalake nang tahimik akong pumasok sa classroom.

“May kaklase tayong Buenaventura at si Franca pa! Yes!” pasimpleng mga boys na nag-aapiran.

Tahimik akong naglakad habang nakasunod ang tingin ng iilan. Nakita ko ang bakanteng upuan at nahagip agad ang pamilyar na tingin.

Nakatingin si Hiro habang tamad na nakahilig sa desk gamit lamang ang isang kamay. Nasa pisngi niya ang palad at may suot na namang earphone.

Palihim akong huminga sa halip na tumigil sa paglalakad. Magkaklase kami ngayong taon?!

Binakante ko ang upuan sa kanyang likod palo na’t lalo na’t dalawang upuan nalang sa kanyang harapan ang isa sa mga bakante. Maiirita ako sa tuwing iisiping nasa likod ko siya.

Inilapag ko ang iPad sa desk at binuksan iyon para aliwin muna ang sarili habang hinihintay ang teacher habang naririnig na naman ang tumatakas na kanta sa earphone ni Hiro.

“I’m quiet you know You make a first impression I’ve found I’m scared to know I’m always on your mind…”

Umangat ang aking ulo nang may lumipad na eroplano na gawa sa papel. Nagulat ang grupo ng mga lalake at mabilis na sinakal ang lalakeng namimilog ang mga mata.

“Tinamaan mo si Franca!”

“Gago ka ah! Pag nasaktan ang baby ko…” biro ng lalake sa seryosong tinig kaya hiyawan ang lahat.

“Even the best fall down sometimes Even the stars refuse to shine Out of the back you fall in time I somehow find You and I collide…” sa tumatakas na earphone ni Hiro.

Ngumiti ako sa lalake at umiling. Naghiyawan sila lalo dahil doon. Tumahimik lamang ang lahat nang may panibagong dumating, nakapamulsa sa itim na jacket at nakatali ang mahabang buhok habang seryosong naglalakad dala ang malamig na ekspresyon.

The silence was defeaning. Mas lalo kong narinig ang kanta sa earphone ni Hiro na lumalakas lalo dahil sa katahimikang namayani.

I saw how Hiro tilted his head. He’s obviously looking at her. At wala atang hindi nakatitig kay Shanaia habang naglalakad sa bakanteng upuan.

“Don’t stop here I lost my place I’m close behind…”

Ang romantic naman na siguro ng imagination nito ni Hiro. Baka ’yan na ’yung sinasabi nilang nagslowmo siya sa harap ko at siya nalang ang tanging babaeng nakikita ko. Ang corny!

Umupo si Shanaia sa harapan ni Hiro lalo na’t ’yon nalang ang natitira. Pinili niya sa tabi ng bintana. Hinubad lamang ang pack bag na maliit at tamad na bumaling ang ulo sa labas ng bintana.

This school year isn’t boring, I guess? Ang pangit lang kasi kaklase ko si Hiro.

Ang sumunod na pumasok ay halos ikinakinang ng mga mata ko. Ang nakangiting si Ken ay pumasok habang sinusuklay ang medyo basang buhok.

My lips formed a smile. Pansin ko rin kung paano gumalaw ang ulo ni Naia at tamad na lumingon sa kakadating lang.

“Franca!” Ken smiled beamly when our eyes met.

I chuckled and waved my hand cutely. Nang dahan dahang ilipat ang tingin ay nalaglag ang kanyang panga.

“Tangina bakit ka nandito, Hiro?! Nakakasawa na ang mukha mo!”

Umalis sa pagkakahilig si Hiro sa desk at tumuwid sa pagkakaupo sabay pamulsa. I watched how Ken’s eyes turned to the vacant seat until…

“Shanaia!” nangingiting bati ni Ken at tinabihan ito.

Itinagilid ko ang aking ulo para masilip si Ken sa harap na hinuhubad na ang bag at nakangiting kinakausap si Shanaia na malamig pa rin ang ekspresyon, parang hindi natatablan.

Tumagilid ang ulo ni Hiro at hinaplos ang buhok. Nairita agad ako lalo na’t tumakip ang ginawa niya sa view!

“Heard you’re smart. Nice…” ani Ken na nawiwili pa ring kausapin si Naia na binawi rin ang ulo at tumingin ulit sa labas ng bintana.

“Such a snob,” halakhak ni Ken at nilingon ang pinsan sabay busangot.

“Dude sa likuran ka nga! Tinatakpan mo ang magandang view ni Franca. You’re such an eyesore,” si Ken na ngumingiwi.

“Palit tayo,” Hiro suggested.

Nagdirty finger si Ken at umirap. Sinipa ni Hiro ang upuan nito ngunit gumalaw din ng kaonti ang upuan ni Naia kaya napalingon ito. Kita ko ang mapanghusga niyang tingin.

“Sorry,” Hiro said and bowed down a bit.

“What the fuck, man! Gago ka talaga!” si Ken na sobrang lakas ng tinig sa classroom.

Overprotective naman…

Maling upuan ata ang napili ko ah? Gusto ko sa upuan ni Naia. I want Ken as my seatmate…

Pumasok din ang teacher na magiging adviser namin at deritso agad sa puting board ang atensyon para isulat ang pangalan.

Seryosong nagsimula ang lesson. Patingin tingin ako sa harapan kaso nakakairita at ang laki ng likod ni Hiro kaya mahirap silipin minsan si Ken.

“Ikaw si Franca, ’di ba?” nangingiting lapit ng kung sinong estudyante pagkatapos ng iilan naming subjects.

Abala pa ako sa kaka-organize ng aking subject sa aking iPad nang lumapit ito kasama ang dalawa pang babae sa likuran.

“Lorren pinsan daw ’yan ni Irah. She’s a Buenaventura,” rinig kong bulong ng isa na hindi pinansin noong Lorren.

“Yes,” I smiled.

Nang makita ng dalawa ang aking pagngiti ay para bang nabunutan sila ng tinik.

“Lorren,” sabay lahad ng kamay sa akin.

Tiningnan ko iyon at dahan dahang ibinigay sa kanya ang malambot kong palad. Kinamayan niya ako at mas ngumiti ng matamis.

“You know Edward, ’di ba? You’re both friends!”

Alam ko na agad kung saan patungo ang usapan ito, ah? I don’t like the way she approached me.

“Uh yes…”

“I’m his girlfriend! Noong Summer lang!” she announced happily.

“Oh congrats!” ngiti ko rin kahit hindi ko mahanap ang pake ko sa bagay na ’yon.

“We should hang-out, too! Marami akong naririnig tungkol sa’yo eh.”

Edward is aware that I am not catering suitors yet. Alam iyon ng lahat ng mga lalakeng malapit sa akin lalo na’t strict si Dad. Ngayon na may girlfriend na ito, amoy ko agad ang mamumuong selos ng babae lalo na’t crush ako noon ng boyfriend niya.

May iba namang babae na understanding kaso ang isang ’to, sa tingin pa lang sa akin at ang humahalong tabang sa kanyang ngisi ay ramdam ko na agad ang iritasyon niyang tinatago.

“Tara, lunch! Libre kita,” aniya.

Umiling ako at ipinakita ang aking iPad.

“May ginagawa pa ako eh…”

Yumuko siya at sumilip.

“Ang organize mo naman! Wow…”

Umatras ang aking ulo ng kaonti lalo na’t hindi ko gusto ang tamis ng kanyang amoy. Masakit sa ilong.

“Tara na sa cafeteria. I’m sure ikakatuwa ni Edward pag nakita niyang magkasama tayo. Mamaya nalang ’to,” sabay hawak sa aking pulso at agaw ng aking iPad na inilalapag niya na sa aking desk.

Ngumiti ako at tumango. “Sige ibabalik mo muna sa bag ko.”

Tumango naman siya at humalukipkip sa harap ko.

“Bait mo talaga. Layo mo roon sa isa mong pinsan. Ang maldita noon.”

Pasimple kong inangat ang kilay. Ingay ah? Binasa ko ang labi at kinuha ang aking wallet. Ngumiti akong muli nang humarap sa kanya.

“Let’s go,” saka niya hinawakan ang aking pulso at hinila na ako palabas.

Pasulyap sulyap ako sa kanyang kamay habang naglalakad kami patungong cafeteria. I don’t like this girl. She’s too comfortable. Parang malaki ang kumpyansa na mapapaikot ako sa palad niya.

Pagpasok sa cafeteria ay nakita ko agad ang mga Delafuente boys na naroon lalo na’t maiingay na naman. Katabi ni Ken si Hiro na nakasandal sa upuan. Nakapamulsa ito sa pants habang nakabukaka at nakalabas ang isang paa sa mesa.

Ken’s busy talking with Blue. Mukhang may topic sila at naririnig ko ang mga pangalan ng babae. Noong iniwas ko na ang tingin kay Ken ay nagkatinginan agad kami ni Hiro.

Dahan dahang bumaba ang kamay niya sa pagkakahawak ni Lorren sa aking pulso saka muling iniakyat ang mga mata sa akin. Naputol lamang ang titig ko sa kanya nang makarating kami sa table nila Edward.

“Babe!” nangingiting bati ni Lorren at yumuko sabay halik kay Edward habang pasimpleng tumitingin sa akin.

“No, no… not here,” tawa ni Edward at itinulak ito ng bahagya. “Hi Franca,” nangingislap ang kanyang mga mata nang batiin ako.

I smiled and nodded. Kita ko ang palihim na iritasyon sa mukha ni Lorren na dumaan nang batiin ako ng kanyang boyfriend.

You dragged me here. Your boyfriend is my friend. At ngayong binati ako ay magagalit ka? Naghahanap ba siya ng batong ipupukpok niya sa sariling ulo kaya sinabay niya ako rito? If she’s jealous with me then it’s not my fault anymore. That’s her problem. Not mine.

Marunong akong makisama at makibagay kaya kahit irita ng kaonti sa nangyayari ay sumabay pa rin dahil nga inimbitahan ni Lorren doon at ang nasa mga table ay kaibigan ko rin naman.

Kasama ko siyang sumabay sa classroom pabalik at panay pa rin ang kanyang kwento.

“Close rin kayo ni Cassey, hindi ba?”

Tumango ako at ngumiti. Sumimangot agad siya.

“Hindi naman sa sinisiraan ko siya pero parang ano siya eh… plastic. Malandi tingnan,” aniya.

Oh I know this style. Hindi ako nagigisa sa sarili kong mantika dahil alam ko kung paano papatayin ang apoy na pilit pang pinapaypayan ng iba. She can’t create a war between me and Cassey if that’s what she’s trying to do in order to ruin me.

Ngumiti ako at umiling.

“Hindi naman…”

“Like… you don’t hate her? Marami kaya siyang nakakaaway,” namimilit talaga.

Ako pa talaga ang uutuin eh diyan ako magaling.

“Mabait si Cassey ah,” pagtatanggol ko kahit alam ko namang maldita rin ang isang ’yon.

Natawa siya at nailing. “Ang bait mo talaga! Anghel ka nga.”

I smiled innocently. Pumasok ka sa teritoryo ko. You just stepped on a land mine. One wrong move and you’re dead. Be careful…

8th Ruled

Ruled

Accident

“Lorren, that bitch!” pahisteryang sigaw ni Cassey nang magkita kami sa hallway bago ang uwian.

Again, she’s holding a chocolate with a half bite. Kita ko sa kanyang mala bow ng kupidong labi ang dumikit na chocolate ng kaonti habang nasisira ang kanyang ekspresyon.

“Kilala mo siya?” I asked softly.

She nodded harshly.

“Oo naman s’yempre. Bakit ko siya makakalimutan eh nagsabunutan kami noong Grade Nine.”

Hindi naman iyon kagulat gulat sa kanya lalo na’t nag-eexpect talaga akong ganoon ang ugali niya kaso nagpanggap nalang akong gulat.

“Bakit? Anong pinag-awayan niyo?” tanong ko at tumabi sa sinasandalan niyang pader.

She rolled her eyes while putting some of the strand of her hair on the side of her ear. Nasa chocolate niya ang tingin na binabalatan niya pababa para makain ulit ang natitira.

“She’s talking bad things about my cousin. Nagugustuhan si Naia noong crush niya. Kaya sinugod at sinabunutan ko.”

Hindi pa kailanman nadadawit ang pangalan ni Naia sa mga gulo lalo na’t napaka ilap at tahimik. Ang madalas na suki ay si Cassey.

“Ano namang reaksyon ni Naia?”

Umiling si Cassey at ngumiwi.

“Believe me Franca, Naia is the coldest human being I know! Baka nga hindi niya ’yan kilala si Lorren! Bukod sa wala siyang pake sa paligid niya, makakalimutin pa sa mga taong para sa kanya ay hindi naman importante. She doesn’t care. Wala siyang ideya na siya na pala ang pinag-aawayan.”

Huminahon ang aking ekspresyon. That’s her. Noon pa.

“Bakit? Friend mo si Lorren? Kung kinakaibigan ka niyan lumayo layo ka. She’s not nice,” saka niya kinagatan ang kitkat.

Tumingin ako kung paano niya iyon kinain. She chewed it slowly at nagawa pang alukin sa akin ang natitira.

Umiling ako at ngumiti. Nakita ko kung paano nagsikuhan ang iilang boys na mapapadaan sa aming harapan.

“Thanks. Uh, girlfriend kasi siya ng isa sa friend ko. Kuryoso lang ako lalo na’t kilala ka niya,” saka ko siya muling sinulyapan.

Umirap siya at sinundan ng tingin ang group of boys na dumaan sa aming harapan.

“Hi Cassey, Franca…” bati ng mga boys.

I smiled innocently. Cassey flashed her smirk.

“Hi boys…” nanunuya ang kanyang tinig saka ako tiningnan.

“Siyempre kung nasaan ang group of boys nandoon siya. Feel na feel niyang siya lang ang maganda. Yabang pa. Ugh I really hate her,” sabay habol ng tingin sa likod ng mga boys na nakalagpas na at bumaba pa ang mga mata sa kanilang pwetan.

Dami rin talagang hate ng babaeng ito. Mapa babae… lalake… But she’s very friendly kahit napapaaway siya. Overprotective kay Naia.

“Papaiyakin niya siguro ang pinsan ko. Baka pumuti nalang ang uwak hindi niya makikitang iiyak ’yon,” dagdag niya pa at may dinukot na panibago sa bulsa ng kanyang skirt.

Napatingin ulit ako sa panibagong chocolate na binubuksan niya. It’s goya. Madaling lasunin ’to si Cassey. Bigyan mo lang ng chocolate wala na…

“Bakit hindi siya umiiyak?” tanong ko at inipit ang mga kamay sa aking pwetan.

Nagkibit siya. “I don’t know. Noong mga bata pa kami, namatay ’yung isang pet na paborito niya. Alam mo ’yon… tinitigan niya lang habang nililibing ng Daddy niya. Kami ang umiiyak ni Chey. She’s… oh wait. Nandiyan ang crush ko.” Natataranta siyang umayos at ipinasok ang akmang babalatan na chocolate.

Nilingon ko ang grupo ng mga varsity player na tinitingnan niya. Yumuko si Cassey at nagawa pang alisin ang isang butones ng kanyang blouse. Natawa ako lalo na’t kung hindi ko lang inaalagaan ang pangalan ko ay ganyan din siguro ang maiisipan ko lagi.

“Huwag ganyan, Cassey. Masama ’yan…” marahan kong sabi habang tumatawa.

Humagikhik si Cassey. “Masarap ang masama minsan, Franca…”

At dahil doon ay sabay pa kaming umuwi. Nakisakay ako sa sundo niya. Nasa front seat si Naia na naka earphones at mukhang umiidlip habang kami naman ni Cassey ang sa backseat kasama si Chey. Grade Twelve na siya katulad ni Trey.

“Bye Franca!” ani Cassey nang huminto ang kotse sa labas ng malaki naming itim na gate.

Nakipagbeso beso pa ako sa bukas na pinto ng van at kumaway rin kay Chey na ngumiti pabalik. Sumulyap ako sa front seat ngunit tulog ata si Naia.

Nakontento ako sa nakalap na impormasyon tungkol kay Lorren. Kuryoso lang naman ako sa kanya lalo na’t parang may iba pa itong motibo kaya lumalapit lapit sa akin.

Sa mga sumunod na araw, napapansin ko na si Ken at Shanaia ang nagiging close. Pero hindi ko naman nakikitang kinakausap ni Naia si Ken at tahimik lagi sa upuan niya. Kaso napapansin ko na hinahayaan siya ni Naia na maglaro sa iPad nito. Ken can touch her things.

Sa lahat ata ng Fortalejo ay si Shanaia ang napaka misteryoso ng datingan sa akin. Bukod doon, naiiba rin siya sa dalawang pinsan. Maganda naman silang lahat lalo na’t may halong foreign kaya nagiging brownish ang mga buhok pag naaarawan ganoon din ang pag-iiba ng kulay ng kanilang mga mata but Shanaia has the most superior look.

Crush rin kaya siya ni Ken? I wonder if Ken likes her.

“Siya ’di ba si Franca… parang ang hirap paniwalaan eh ’di ba mabait siya?”

“Malay natin nasa loob ang kulo? Kaso si Franca… sobrang anghel.”

“Papalit palit nga ng boyfriend si Irah. Baka nasa dugo talaga nila na… malandi?”

“Pero mahirap paniwalaan. Sobrang bait niya. Baka sinisiraan lang ni Lorren.”

“Bakit niya naman sisiraan eh friends sila ’di ba? Baka totoo talaga na nilandi ni Franca si Edward. May tago raw silang relasyon eh.”

Nawala ako sa mga iniisip nang marinig ang mga bulong bulungan haban naglalakad ako sa hallway at patungo na sa classroom sa umagang iyon.

I’m a… what?

“Sabi na eh. Mabait my ass. Kaya daming friends na lalake kasi pasimpleng inaakit!” isa sa mga estudyante ang malakas na sinabi iyon.

Nagpanggap akong walang naririnig lalo na’t timing din na naka earphones ako habang hawak ang aking iPad. I tried to bang my head a bit so they can see that I’m listening to a music when I’m really not.

“Bitch,” halakhak ng isang estudyante nang lumagpas ako.

“Two-faced bitch,” dagdag ng iba.

Most of those judgements came from girls. GIRLS. At ang mga magsasabi lamang noon at maniniwala sa mga paratang sa akin ay ang mga taong hinihintay na magkaroon ako ng mali. Ang mga taong hinahanapan ako ng butas.

I started humming a song kahit wala namang pinapakinggan sa kabila ng galit na pilit na kumakawala sa akin.

What did Edward do? Nagbreak ba sila? At baka hindi matanggap ni Lorren kaya iniisip niyang may babae ito at ako ang nasa likod noon?

Pagdating sa classroom ay ramdam ko ang tinginan ng iba na binalewala ko at nasa iPad pa rin ang tingin. Ayoko ring alisin ang aking earphone.

“Totoo ’yon?” some of the girls whispered while looking at me.

“She’s friends with Edward right? Nasa circle siya nila Philip.”

“Marami siyang friends. Hindi lang sa circles nila Philip.”

“Pero nakaaway ni Lorren noon si Cassey ’di ba? Parang halata namang gawa gawa lang ni Lorren eh.”

“Oo eh. Bait ni Franca.”

Wala akong sinalubong na tingin. Noong makarating sa desk ay inilapag ko ang iPad at kinuha ang earphone na agarang ikinatahimik ng lahat. See?

Pansin ko ang tinginan ng mga girls sa tahimik na paraan habang umuupo na ako. Ngumiti ako sa kanila at kunwari ay walang ideya sa nangyayari.

“Good morning,” bati ko.

Ngumiti agad ang iilang babae. Ang mga lalake na nakarinig ay mabilis na naglingunan sa akin.

“Good morning, Franca!” bati nila.

Ngumiti akong lalo at naiiling na pinagkaabalahan ang laman ng aking bag.

Majority ang naniniwalang hindi ko kayang gawin iyon at may kaonti ring nanghuhusga agad. Now… ano bang pwede kong gawin sa babaeng iyon nang manahimik at parang nakakabwesit?

Pinalampas ko ang araw na ’yon. Kung gagawa agad ako ng hakbang ay sigurado akong ako ang matuturo lalo na’t sa nangyayari ay parang ako lang ang maiisip ng lahat na nakaaway ni Lorren.

But we didn’t fight. Ngunit sa pinakalat niya, maraming makakaisip sa akin.

Let it cool first, Franca. Let’s teach that girl a lesson but not right now.

“Hiniwalayan mo si Lorren?” weeks later after what happened ay iyon na ang tanong ni Kitty kay Edward nang humalo ako sa kanilang table.

Nasa mga anim kami. Mga friends lang din na bago ang iba. Tatlo kaming girls at tatlo ring boys.

“Oo eh. Nakakasakal… Selos dito. Selos doon. Selos lagi!” halakhak ni Edward sabay haplos ng buhok.

Nagkunwari akong gulat.

“Hiwalay na kayo ni Lorren?” at halos tumigil pa ako sa pagsipsip sa frappe.

“Hindi mo alam, Franca?” si Leyla.

Kumurap ako at dahan dahang umiling.

“So hindi mo rin naririnig ’yung mga…” si Kitty na tiningnan agad ng mga boys at parang binabalaang huwag nang sabihin sa akin.

Kunot noo ko silang tiningnan lahat.

“Ang alin?”

“Wala,” si Kurt at inakbayan ako sabay halakhak.

“Baka naman kasi nilalandi mo rin ’yung mga pinagseselosan niya. Malakas kaya ang gut feels ng mga babae,” si Philip nang bumaling kay Edward.

Nasa kawalan ang kanyang tingin habang naka half open ang labi at parang nag-iisip.

“Hindi eh… ayaw niyang may mga kaibigan akong babae.”

So I am not the main reason why they broke-up? At wala akong mga nirereply-an sa nagdaang mga buwan dahil din kay Sofia at Tina lalo na’t nagkukunwari pa rin akong affected.

“Ano ba ang huling away niyo?” si Kurt na nagtanong.

“Ah… dahil sa butiki,” medyo natawa siya pero kita ko ang tabang.

“Busy ako sa phone ko tapos may butiki pala sa sinasandalan niyang pader. She’s asking for help. Akala ko napano na lalo na’t tumayo lang siya at hindi gumagalaw. Hindi ko agad natulungan lalo na’t abala nga sa phone kaya iniisip niyang may babae ako.”

Oh? May phobia sa butiki? Nagtawanan ang mga babae coz they think it’s funny. Tumawa rin ako.

“Ayos lang ’yan, Edward…” sabi ko.

Tinapik ni Philip at Rick ang kanyang balikat. Ngumisi si Edward at nagkibit nalang.

Wala namang sinasabi si Lorren sa akin ngunit sa tuwing papasok siya sa classroom ay makikita ko ang pasimpleng talim ng kanyang tingin. So she’s not the confrontational type huh… palihim siyang umaatake. She’s spreading fake rumors to ruin her enemies.

Ganyan din ang ginawa niya kay Naia kaya nagsabunutan sila ni Cassey at ngayon ay inuulit niya sa akin. Nakaligtas sa mga Fortalejo pero hindi ito makakalagpas sa akin.

Months. Humuhupa ang mga issue na iyon at natatakpan ng mas importanteng bagay lalo na’t busy rin ang lahat sa school at sa iba pang bagay.

Dumaan ang August. Ang ginawa ko lang ay dumalo sa birthday ni Hiro para mairegalo ulit sa kanya ang regalo niya noon sa akin.

September, October, November… para lang iyong mga hanging dumadaplis sa aking katawan at maiisip mong papatapos na naman ang taon.

“Dad, Mom… parang gusto kong sumali sa youth,” sabi ko pagkatapos bumaba ng mga kasali sa choir sa stage.

Nasa simbahan kami lalo na’t linggo.

“Really?” lumiwanag ang mukha ni Mommy nang ibulong iyon.

Tumango ako habang tinitingnan ang pagdaan nila sa gilid. They’re like angels with a soothing voice. Gusto kong sumali.

“We’ll do something about it, alright?” ani Dad.

Ngumiti ako at tumango.

Noong sumapit ang Disyembre ay magarbong party ulit para sa aking seventeenth birthday. Ang sumira lang ulit sa mood ko ay ang regalo ni Hiro na binalik niya lang ulit sa akin. Maghihintay na naman ako ng next year para mairegalo ito sa kanya!

Hindi na rin kami nakapunta pa sa Davao lalo na’t iba rin ang naging plans ng aking parents. Kaya noong sumapit ang January ay isa lang ang aking naiisip.

Si Lorren.

Hindi ako nakakalimot sa mga taong ginawan ako ng masama. Ibabalik at ibabalik ko iyon sa ibang paraan.

Nang mahuli ang butiki sa aming bahay ay mabilis ko itong isinilid sa cellophane para madala sa school.

“Galingan mo ang pagtalon ha. You should aim her face,” sabi ko habang tinitingnan ang butiking natitigilan sa loob.

I smiled more and went upstairs para mailagay na iyon sa aking bag. Ginawan ko ito ng kaonting butas dahil baka mamatay.

May P.E. kami at may performance pa kaya sigurado akong nasa gymnasium lahat. Walang tao sa aming classroom.

“Group Two!” tawag ng teacher namin at sinenyasan ang mga ito sa gitna sa hapong iyon ng Lunes.

Pinunasan ko ang pawis sa noo pagkatapos naming magperform. Kasali ako sa group one. Tiningnan ko si Lorren na nakikipaghagikhikan sa iba naming kaklase at mukhang may pinagkakatuwaan. Huling ngiti niya na ’yan.

Noong magsimula ang performance ng Group two ay pasimple akong umalis lalo na’t distracted din ang lahat, ang iba naman ay wala talagang pakialam at nakatunganga lang.

Bumalik agad ako sa classroom. Mabilis ang aking pasok at lumapit agad sa aking bag. Kinuha ko ang supot na pinaglagyan ko saka ko nilapitan ang desk ni Lorren kung nasaan din ang kanyang bag.

Binuksan ko iyon at nakita ang kanyang mga gamit. Hmm. Kung dito ko ilalagay ay mahahalata niyang may naglagay lamang noon sa kanyang bag at nasa classroom namin ang mapagbibintangan.

Nakita ko ang kanyang wallet. Hindi niya naman bubuksan ang wallet niya unless kung may bibilhin siya sa cafeteria.

Sa Cafeteria.

Ngumiti ako at kinuha rin ang butiki sa cellophane at hinawakan ito sa katawan para hindi makawala. Kung sa buntot kasi, mapuputol lamang iyon at makakatakas sila. Iyon ang nangyari sa mga naunang nahuli ko dahil sa buntot ko hinahawakan.

Buhay pa iyon noong mabilis kong inilagay sa wallet at nagmamadaling isara. Hindi na mapapansin ni Lorren ang butiki lalo na’t isang bukas niya pa lang ay lulundag agad ito. She won’t notice where it came from…

Inayos ko ang kanyang bag at nagmadaling lumapit sa aking bag para kunin ang alcohol. Ugh. It’s disgusting. Slippery ’yung tiyan niya.

Lumabas din naman ako kaso nasa may pinto pa lang ay nabangga agad ako sa kung sinong kakapasok lamang.

I groaned and touched my nose. Tumama ang mukha ko sa matigas na dibdib niya! At pabango pa lang, alam ko na agad kung sino.

Dahan dahan kong tiningala si Hiro na magkasalubong agad ang kilay nang magkatinginan kami.

Oh great. Nandito na naman siya. Umiling ako at lumagpas para umalis na ngunit hinawakan niya bigla ang aking pulso.

“May ginawa kana naman?” malamig niyang tanong.

“What do you mean, Hiro?” I asked innocently.

Nilingon niya ang loob ng classroom. Itinagilid ko ang ulo at inosente ring sinilip ang loob ng classroom. Noong nilingon niya ulit ako ay kunot noo ko siyang tiningala.

“Anong ginagawa mo sa loob? Bakit ka bumalik?”

“Nag alcohol ako,” mabilis na gana ng aking isip.

Hiro curiously looked at me. Inangat ko ang kamay kong hawak niya pa rin ang pulso para maamoy niya.

“Ano bang gagawin ko sa classroom?”

He’s not convinced. Binasa niya ang labi at dahan dahang lumuwag ang pagkakahawak sa aking pulso. Ngumiti ako at tuluyan iyong binawi.

“Sinundan mo ako?” tanong ko at hinawakan ang pulsong hinawakan niya.

“I’m here to get the key of my locker so I can change,” aniya.

Pawisan kasi siya. His damp sweaty hair looked messy. Reasonable naman. Kaso bakit ba sa tuwing may gagawin ako ay doon din siya sumusulpot?

Tumango na lamang ako at tumalikod din. Sumeryoso ang aking mukha nang may naiisip na iba.

Nilingon ko si Hiro na nakapamaywang sa labas ng pinto, seryoso ang tingin sa akin. Binawi ko ang tingin at mas sumeryoso lalo. May sabit.

Laman iyon ng aking isip hanggang matapos ang P.E. Bumalik kaming lahat sa classroom at kanya kanyang labas na ang iba lalo na’t break time namin.

“Tara Lorren! Sa cafeteria tayo. I’m thirsty!” anyaya ng ibang girls.

Nagmamadaling kinuha ni Lorren ang wallet at humabol na. Niyaya rin ako ng iba pang babaeng kaklase kaya sa cafeteria halos ang bagsak naming lahat dahil sa nakakapagod na presentation sa P.E.

Lorren is busy talking while she’s opening the zipper of her wallet. Nasa may pila sila at distracted sa topic sa P.E. kaya kitang kita ko kung paano tumalon ng mabilis ang butiki palabas para makawala sa kanyang pitaka at naglanding sa kanyang buhok.

“Lorren! There’s a lizard on your hair!” sigaw ng kausap niya at itinuro iyon.

Lorren’s eyes widened. Kita naming lahat kung paano siya nangisay at nabitiwan ang kanyang pitaka habang mabilis na kinakapa ang kanyang buhok.

“Alisin niyo! Alisin niyo!” natataranta niyang sigaw habang umaatras.

I tilted my head and saw the yellow signage lalo na’t basa ang sahig.

“Lorren, watch out!” sigaw ko para kunwari ay may ambag.

Bago pa man makailag ay mabilis na siyang nadulas. Sumigaw ang lahat lalo na’t nawalan agad siya ng malay dahil sa pagpapanic.

Nagsigawan ang mga students at mabilis nila itong dinala sa clinic. The nurse said she fainted coz she’s too scared.

Tahimik ang lahat sa aming classroom habang nakapamaywang ang adviser at kinakausap noong nurse na in-charge.

“Thanks, nurse… Mabuti naman at hindi malala ang nangyari,” our adviser said with a concerned tone.

Nagpaalam ang nurse. Dahan dahang naglakad ang aming adviser sa gitna at itinukod ang magkabilang kamay sa mesa sabay pasada ng tingin sa aming lahat.

“Your classmate is unconscious but she’s fine,” ani adviser.

Nakisabay ako sa buntonghininga ng aking mga kaklase. I saw how Hiro’s head glanced at me.

“Ano bang nangyari, Grace?” tanong ng aming adviser sa kasama niya sa cafeteria.

“May lumipad po na lizard sa hair niya. And she panicked coz she’s scared,” si Grace sa malungkot na tinig.

“So it was an accident?” ang aming adviser.

“Of course, Ma’am!” isa sa aking kaklase.

“Baka nahulog sa kisame ang butiki that time, Ma’am, tapos naglanding sa hair niya?” isa sa mga babae kong kaklase.

“Maybe the lizard planned it,” ang walanghiya kong mga kaklaseng lalake at hindi kayang magseryoso.

“O baka binayaran ’yung butiki. May talent fee na tinanggap,” halos humalo ang halakhak ni Ken sa pagsasalita.

“Shut your mouth, Delafuente,” she warned him.

“Nasa script siguro, bro. Oh maglanding ka sa buhok ni Lorren! Nagstunts ang butiki!” bulungan ng boys at nag-apir.

“Boys! Stop it!” awat ni Ma’am.

Nagsisiyukuan ang mga girls at pinagkakagat ang labi lalo na’t seryoso ang aming adviser para hindi sumabog ang tawanan.

“May mga lizard ba sa cafeteria?” ang lutang na mga kaklase namin.

“They’re everywhere, Rey…”

“Ano bang hawak ni Lorren sa oras na ’yon, Grace?” ang baritonong tinig ni Hiro ang pumaibabaw kaya nagsilingunan sa kanya lahat.

Ito ang sinasabi ko. Ang sabit.

“Uh… wallet niya lang, Hiro. Bibili kasi dapat kami ng drinks lalo na’t after ’yon ng P.E,” paliwanag ni Grace at medyo taka sa bagay na ’yon.

“Ah… imposible naman sigurong may butiki sa wallet niya,” ani Hiro sa inosenteng tinig kahit ramdam kong tama agad ang kanyang iniisip.

Seriously, Hiro? You’re feeding their curiousity huh!

His speculations draw an attention to our classmates. Kahit ang mukha ng aking adviser ay parang nagdududa.

“Huh? Imposible naman ’yon, dude. Ano ’yon gumapang ang butiki sa pitaka niya?” si Ken sabay halakhak.

“Imposibleng may maglagay,” pagtatama ni Hiro.

This smartass villain…

“OMG!” nagsisinghapan ang mga girls.

“Oo nga! Imposible!” ang mga boys naman.

Huminga ang aming adviser at pinasadahan kami ng tingin sa seryosong paraan.

“Bakit? May gumawa ba noon sa inyo? Sa kaklase niyo mismo?”

“Ma’am hindi ’no! We’re all friends!” depensa ng lahat.

“Oo nga, Ma’am!”

Nagkakagulo na ang lahat.

“Eh sino bang pumasok sa classroom noong P.E. time? Wala naman e,” si Richelle.

“Hiro, ’di ba bumalik ka sa classroom para kunin ang susi ng locker mo?” si Gian.

Kaya ang ending, si Hiro na naman ang tinitingnan. Kita ko ang nanlalaking tingin ni Ken para sa pinsan.

“Baka ikaw ang naglagay ha! Dude ikakahiya talaga kita!” biro ni Ken.

Tumawa ang mga girls habang ang boys ay umiiling. Siya pa ata ang mapagbibintangan. Ang ingay naman kasi!

“Imposible naman!” ang mga girls.

Tahimik lamang akong nanood suot ang concerned na mukha habang nakikita kong tamad na nakatingin si Naia sa labas ng bintana at tila lumilipad ang isip.

“O baka nakita ni Hiro?” ang mga detective kong kaklase at kung ano ano na ang iniisip.

Kita ko ang paghalukipkip ng aming adviser habang deritso na ang tingin kay Hiro.

“May nakita ka ba, Delafuente?” seryosong tanong niya na ikinatahimik naming lahat.

“Ma’am? Wala, Ma’am!” tarantang iling ni Ken lalo na’t isa ring Delafuente.

Nagtawanan agad ang lahat habang mariing pumipikit ang aming adviser at hinihilot ang sintido.

“I am asking your cousin, Hiro,” si Ma’am nang dumilat ulit.

“Linawin niyo po. Dalawa po kaming Delafuente,” ani Ken.

“Hiro,” si Ma’am.

Kita ko ang paglingon ni Hiro sa akin. Nanatili ang inosente kong mukha at patay malisya.

I almost want to curse but I remained my composure. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kay Hiro kung binanggit niya ang pangalan ko.

And for sure he has an idea that I will put him to the pits of hell once he mentioned my name.

Bago pa magsilipatan ang tingin ng lahat sa akin ay nagsalita na si Hiro.

“Wala naman, Ma’am… Ako lang,” ani Hiro na ikinakalma rin ng ekspresyon ng lahat.

9th Ruled

Ruled

Boyfriend

Ramdam ko ang pananatili ni Hiro sa classroom kahit naglalabasan na ang lahat. Abala pa ako sa aking iPad habang nakikitang kinukuha na ni Naia ang mga gamit at lalabas na.

I know what he’s planning to do. Siguro marahil din sa ginawang pananahimik niya kanina ay nanatili rin ako.

“Dude, tara. Naghihintay sila Wayt at Nana. Sa bahay nila tayo ngayon,” ani Ken habang abala rin sa pagliligpit ng gamit.

“Mauna kana. May tatapusin pa akong assignment,” ani Hiro habang abala kunwari sa pagsusulat.

Kumunot ang noo ni Ken ngunit nang makitang umaalis na si Naia ay kumalma rin ang kanyang ekspresyon at tumingin sa akin.

“Franca,” tawag ni Ken.

Wala sa sarili akong nag-angat ng tingin, kunwari ay abala rin sa aking iPad kahit halos gusto ko lang namang mag games.

“Sabay kana sa amin. Sa bahay kami nila Nana ngayon,” aniya sabay ngiti.

Umiling ako at ipinakita ang iPad.

“May tatapusin pa ako, Ken. Next time nalang…” sabi ko sa marahang tinig.

Tiningnan niya kaming dalawa ni Hiro, paulit ulit habang sinusuot ang makapal na strap ng kanyang bag sa balikat.

“Kayo bahala… See you tomorrow, Franca,” nangingiting sabi ni Ken saka niya hinabol si Naia na lumabas na sa pinto.

Tinitigan ko ang malapad na likod ni Ken habang suot ang ngiting ibinigay ko sa kanya kanina. Ang iilang mga kaklase namin ay nagsisialisan na rin. Ilang minuto ang nakalipas ay tatlo nalang kami. Tumayo na ang isang babae at palabas na.

Bakit nga ba ako mananatili rito eh baka sasabunin niya lang ako at isasampal sa akin na tama ang kanyang hinala at may utang na loob ako sa kanya dahil niligtas niya ako kanina.

It’s his choice. I didn’t ask him to do it.

Sa aking realization ay tumayo na rin ako at niligpit na ang mga gamit. Sa gilid ng aking mga mata ay kita ko ang paglabas ng isang kaklase sa may pinto.

Hiro shifted from his seat. Umahon ang kanyang ulo at nilingon ako. Nagpasya na akong maglakad paalis ngunit nakakailang hakbang pa lang ay naramdaman ko agad ang mabilis na kilos ni Hiro, kung paano niya ako hinawakan bigla sa aking braso.

Napatigil ako sa paglalakad. Mahigpit iyon at nakikita kong namumula agad ang aking balat dahil sa paraan ng kanyang pagkakahawak.

My skin is sensitive. Bukod sa parang papel ang pagiging maputi, kahit pitik ata ay mamumula agad ako.

Hinawi ko iyon para mabitiwan niya ngunit isang tulak lamang sa akin ay bumagsak agad ako paupo sa isang silya.

Irita kong tiningnan si Hiro at nagtangkang tumayo ngunit ang mabilis niyang pagyuko at pagtukod ng magkabila niyang kamay sa bawat braso ng upuan ay nagpatigil sa akin sa pag-ahon.

His eyes looked mad. Mariin ko siyang tiningnan lalo na’t nabitiwan ko ang aking bag dahil sa kanyang ginawa.

“Ano ba?” halos hindi ko naitago ang galit sa aking boses.

“Makakatakas ka sa mga mata ng lahat pero hindi sa akin,” seryoso niyang titig.

Humalukipkip ako at mas sineryoso rin ang mukha. Hindi ako makakapagmaang-maangan sa kanya lalo na’t alam kong ako lamang ang nadatnan niya sa classroom bago ang nangyari kay Lorren.

“Kaya ka nag-alcohol dahil sa butiking hinawakan mo, hindi ba?” si Hiro sa siguradong tinig.

Hindi na ako nagulat kung pati iyon ay nahulaan niya. He’s good at it! It’s like his special talent.

Nang hindi ako sumagot ay parang naging sapat na iyon para kumpirmahing tama lahat ang kanyang iniisip. His jaw clenched. Umirap ako sa kawalan at tamad na sumandal sa upuan.

“You almost killed her. Paano kung malala ang nangyari sa kanya?”

Medyo napatid ang kumpyansa ko roon lalo na’t hindi ko rin naman nanaisin o ipagdadasal na sana ay nabagok ang kanyang ulo at namatay siya. May hangganan ang pagiging masama ko.

I just want to teach her a lesson! She humiliated me infront of so many people! They called me names! Bitch. Two-faced bitch. Malandi. At kung ano ano pa! I didn’t do anything to her from the first place so it’s my right to get mad!

At ano ’yon? Sila lang ang mananakit?! Lorren purposely did it! Nasa tama siyang pag-iisip noong pinagkalat niya iyon at hindi inisip kung masasaktan ako! Kaya anong problema ngayon kung ibinalik ko lang naman sa kanila ang ginawa nila sa akin?

If they don’t believe in karma then I’ll serve as one!

Titig na titig si Hiro sa aking mga mata lalo na’t alam ko ngayong nalaglag na ang maskarang suot ko lagi.

“So what?” malamig kong sabi nang hindi na nagpapanggap.

Mas lalong nagkasalubong ang kilay ni Hiro. I know he’s mad lalo na’t nasali siya. Kamuntik siyang mapahamak at mapagbintangan. Ngunit kasalanan niya rin iyon! Sumasawsaw siya! He’s sticking his nose where it doesn’t belong!

“Hindi ka nakokonsensya?” may diin ang kanyang tanong.

“No! And so what?!” ulit ko sa mas malinaw at malakas na tinig dahil sa napupugtong pasensya.

Kita ko ang pag-awang ng kanyang labi, at kung paano dahan dahang yumakap ang ibang ekspresyon sa galit niyang mukha.

I’m also pissed so I don’t care!

“She intended to humiliate me. She purposely did it to hurt me! Kaya anong kaibahan nito sa ginawa ko?” mas matalim ko siyang tinitigan.

“Still, that’s wrong-”

“At siya ang tama rito ganoon ba?” putol ko agad sa nagtatagis na bagang.

“You’re both wrong. Mali siya. Mali ka rin,” giit niya.

Nanginig ako sa matinding galit.

“Bullshit, Delafuente.” Itinulak ko siya sa sobrang galit nang mag-amba akong tumayo at kumawala.

“Shut up and take a seat, Buenaventura,” his voice thundered.

Para atang kumalat ang apoy ng galit sa buo kong sistema. Pumikit ng mariin si Hiro at muling itinulak ang aking balikat paupo. Padabog akong napabalik sa pagkakaupo at napahawak sa bawat balikat ng silya kung saan din niya ibinalik ang isang kamay para humawak.

“My life, my rules! Don’t rule it like it’s yours!”

“I’m always included to your troubles, Buenaventura. Why don’t you behave, huh?”

“Sino ka para utusan akong gawin ang gusto ko? Pakialamero ka kasi kaya ka nadadamay!”

“Really? This isn’t the first time you caused trouble. Kaninong condom nga ulit ’yung pinagpapasahan nating dalawa?”

“Pero pera mo ’yon!”

“Na hiniram mo,” dugtong niya agad.

“At binayaran ko,” mabilis kong habol.

“Pero ikaw ang bumili at nahulog mo,” lusot ni Hiro.

“Na dinampot mo naman,” bilis kong sagot.

“Stop manipulating me coz it’s yours from the first place. Binabalik ko lang sa’yo ang pagmamay-ari mo,” giit niya.

“Kaya panay ka sawsaw sa pinaggagawa ko dahil gumaganti ka sa condom, huh?”

“Kinakausap kita dahil hindi maganda ang ginawa mo, Buenaventura.”

“I don’t need your one sided opinion, Delafuente.”

“And who would tell you that what you did is wrong, huh?”

“Huwag mo akong pangaralan!”

“Then take it as an advice,” matigas niyang sabi.

“Kung ayaw nilang saktan ko sila, huwag din nila akong saktan!”

“Mali ka pa rin…” he said while gritting his teeth. “Shut up and listen!” agap niya nang makitang handa na naman akong magsalita.

Shit! Nakakainis! Nagsukatan kami ng tingin. Bukod sa nakayuko siya at nakahawak pa rin ng mahigpit sa bawat silya para hindi ako makatakas, wala akong kawala.

Kapwa nag-angat baba ang aming balikat dahil sa hiningang kinapos na ginawa ng matinding bangayan. Dumaan saglit ang katahimikan at ang paghinga na lamang namin ang namayani.

Umirap ako at sinuklay ang aking buhok paatras. Padabog kong isinandal ang likod sa upuan. Tumingin ako sa bintana. Papalubog na ang liwanag at humahalo na ang dilim sa langit na may kaonting pula.

Dinala ko ang tingin sa kanyang harap. Maliwanag ang loob ngunit patay ang iilang ilaw kaya halos naging detalyado sa akin ang kanyang paninitig at ang kanyang tindig.

“So what, Hiro? Anong gagawin mo kung mali ako?” mayabang kong itinagilid ang aking ulo para tingnan siya sa nanunuyang paraan nang makabawi na ulit ng lakas.

Kita ko ang paghugot niya ng hininga. Ipinatong ko ang isa kong hita sa isa at hinagod siya ng tingin pababa. Kitang kita ko ang mga naglalabasang ugat sa bawat braso niya lalo na’t mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa bawat gilid ng silya.

Noong magtagpong muli ang aming mga mata ay halos magbanggaan ang kuryenteng nabuo sa mariing titig.

“So this is the real you, huh…” it’s like a confirmation.

Hindi man lang napatid ang pangamba sa akin na nasilip niya ang tunay na ako. I don’t care. Kaya ko siyang labanan sa paraang gusto niya. Hindi ako masisindak.

“A sneaky little angel,” halos sarkastiko ang pagkakabanggit niya sa huling salita.

“Yes. Happy?” malamig kong tugon sabay angat ng kilay.

Nailing siya at parang dismayado, tila suko na sa pakikipag-usap sa akin lalo na’t alam niyang sarado ang aking tainga.

Tumayo siya ng tuwid at marahas na dinampot ang balikat ng kanyang bag na nasa kanyang desk. Matalim niya akong tiningnan bago namulsang naglakad palabas.

Humugot ako ng malalim na hininga habang sinusundan ang likod niyang lumalayo na.

Nang mawala ito sa aking paningin ay mariin akong pumikit at dahan dahang binuga ang nananakal na hangin sa aking leeg.

Wala sa plano ko ang madulas siya. At wala rin sa plano ko ang saktan siya sa pisikal na paraan! I am not the violent type of person! Sa emosyon ako nananakit bilang ganti! Hindi pisikal!

Hinilamos ko ang mukha at dahan dahang binasa ang pang-ibabang labi. Pakialamero!

Isusumpa ko na ata siya sa taong iyon. Kailanman ay hindi talaga umahon ang nararamdaman ko para sa kanya sa positibong paraan. Palagi siyang mananatili sa ibaba. Palagi siyang nahuhuli sa mga taong gusto ko. Mananatili siyang lubog.

Hindi na nga kami magkaibigan, parang mas lumala pa. If there’s another worst term for an enemy then that’s what I think about him. The smartass villain I hate the most.

Lorren was fine weeks after. Pangiti ngiti na siya sa aming lahat. Yumakap pa sa akin.

“Narinig ko ang tinig mo noong bago ako madulas. Voice of an angel,” halakhak niya at humiwalay.

Ngumiti ako sa kanya. Hindi naman kasi kami nag-away noong pinagkalat niya ang lahat ng iyon. Nagpanggap akong walang narinig. Ininda ko ang pamamahiya at patay malisyang nilunok ang mga ibinato nila sa akin kahit hindi naman totoo.

“Ayos kana ba?” tanong ko sa marahang tinig.

Tumango siya at ngumiti. “Uh… Oo nga pala. Parang… may… may kasalanan ako sa’yo. Nakokonsensya kasi ako lalo na’t ang bait mo,” she looked away while playing with her fingers.

Gusto ko sanang iangat ang aking kilay ngunit pinigilan ko. Kaonti lamang kami sa classroom. Mga boys ang nandito at may iilang girls habang nasa may pinto kami at kapwa nakatayo.

“Ano ’yon?”

Lorren sighed.

“Ako ang nagpakalat noong…” she looked at me softly.

Kumurap ako at nagpanggap na walang ideya.

“May nasabi akong mali at… uh… kumalat ’yon months ago.”

“Ano?” taka kong tanong.

Kumunot ang noo ni Lorren. “Uh… hindi mo ba narinig? O nakaabot sa’yo? Noong magbreak kami ni Edward may uh…”

Kumurap akong lalo. Of course, Lorren. Kaya nga nag-effort akong manghuli ng butiki para lang maibalik sa’yo ang ginawa mo.

“Na nilandi mo si Edward kaya we broke-up,” patuloy niya.

Nalaglag ang aking panga. Nagpanggap akong nagulat.

“Hindi mo ’yon narinig?”

Umiling ako at lito pa rin siyang tiningnan. Huminga ng malalim si Lorren at pumikit saka natawa ng kaonti.

“Ano ba ’yan… Sa sobra mong bait baka kahit inaaway kana hindi mo pa rin alam!”

Natawa rin ako. At sa sobrang pag-iisip niyong mabait ako kahit ata halos lunurin ko kayo sa sarili niyong mga hukay ay wala pa rin kayong alam na ako ang nasa likod nito.

“Sorry for that,” ani Lorren at niyakap akong muli.

“Ayos lang…” kita ko ang pagtama ng mga mata namin ni Hiro na naglalakad sa hallway at papasok na rito.

Iniwas ko ang tingin. Parang hangin lamang na dumaan ito sa gilid at walang ibinigay na kaonting reaksyon.

Humiwalay si Lorren at namimilog ang mga mata sabay habol ng tingin sa likod ni Hiro.

“Ang bango!”

Namatay rin naman ang issue ngunit ang palihim na kuryenteng namamagitan sa amin ni Hiro ay buhay na buhay.

Sing-init ng panahon sa kakapasok na tag-init ang init ng ulo ko para kay Hiro nang maalalang nalalapit na naman ang kanyang birthday at mapipilitan na naman akong dumalo sa Agosto.

Pwede naman akong hindi sumama kaso magtataka ang parents ko. Iisipin nilang may kagalit akong Delafuente. Pag ganoon na ang isip ni Dad, baka makabuo siya ng sarili niyang ideya na nagugustuhan ko ang isa sa kanila kaya nahihiya ako.

“Sumali ka sa youth? ’Yung mga choir member sa simbahan?” ulit ni Irah at para bang hindi makapaniwala sa bagay na iyon.

Nasa probinsya ulit kami at nangangabayo habang pinag-uusapan ang tungkol sa pagkakatanggap ko bilang bagong miyembro ng choir.

“Last year ko pa ’yon naiisip. Maganda kasing tingnan. Parang mga anghel,” sabi ko.

“And you think you fit perfectly coz you’re an angel, too?” may pang-uuyam sa kanyang boses.

“Harsh mo naman. Mukha ba akong demonyo?” tawa ko habang sinasangga ang tumatamang init habang ang isang kamay ay hawak ang tali ng kabayo.

Excited ako sa taong iyon lalo na’t eighteenth birthday ko rin. It’s my debut. Isa iyon sa pinagkaabalahan ko noong summer. Nagpaplano na ako.

“List ng eighteen roses para sa debut mo?”

Inalis ko ang kamay sa sinasanggang sumisilip na liwanag at nginitian ang pinsang sumisilip ang ulo sa likod ng sinasandalan kong puno sa labas ng mansiyon sa tanghaling iyon. The light kissed my face. My eyes squinted and tilted my head to the side so I can avoid it.

Umalis siya roon at nagpasyang tumabi. Binigyan ko siya ng espasyo sabay ayos ko sa puting mahabang palda ng suot kong bestida lalo na’t nakikita ang aking tuhod.

“Oo…”

“Hmm. Let me see,” hinawakan niya ang papel at dinala sa kanyang harap.

Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat sabay yakap ng kanyang braso.

Si Daddy ang nangunguna, sunod si North, si South, si Trey, Rehan, Raffiel, Ken, Wayt, ang kambal, Toshi, Grey…

Doon ko pinutol lalo na’t hindi ko kayang isulat ang pangalan ni Hiro.

“You forgot about Hiro,” wala sa sariling sabi ni North.

“Ah, oo…” kunwari ay hindi naalala pero halos ibaon ko talaga siya sa limot.

“Hmm, si Latch din pala. Siya nalang siguro ang last dance ko,” asar ko kay North na nagkasalubong agad ang kilay at nilingon ako.

“Your last dance must be memorable and important. Pag-isipan mo muna ng mabuti kung sino.”

Si Ken agad ang naisip ko. His charming smile lingered on my mind. Naisip ko kung paano niya ako isinayaw suot ang aking ball gown at para siyang mala prinsepe sa kanyang tindig at ayos.

Renaissance period ang theme ng aking debut kaya everyone’s expected to dress like royalties. I want a unique debut kaya ganoon ang aking naisip.

Tumayo ako at itinagilid ang ulo para pagmasdan ng maigi ang suot.

“You like it?” nangingiting tanong ni Mommy nang isukat ko ang ball gown pag-uwi namin sa Manila sa buwan ng Hunyo.

Para akong nabibilang sa maharlika noon sa Renaissance period at naghahanda lamang sa malaking party para maisayaw ng magiging kapares ko.

“Super, Mommy…” nangingiti kong tingin sa repleksyon niya sa salamin.

Hinagod ko ng tingin ang ball gown. Hanggang siko ang sleeves nito at v-shaped iyon katulad ng mga gown na nakikita ko sa movies tuwing sasayaw sila. Dalawa ang kulay nito. Pula at puti. Floral silk ang halos roba nito galing sa sleeves pababa sa palda at kulay dugo naman ang harap na sumisilip. Ang parteng dibdib nito ay may kapansin pansin na ribbon at hugis parisukat din ang neckline. Kapansin pansin ang aking kaputian dahil sa kulay.

“You’re so gorgeous, hija,” nagniningning ang mga mata ni Mommy habang titig na titig sa akin.

Kinarga ko ang bawat layer ng palda at umikot. Gumalaw iyon at sumunod sa aking galaw. Nawili ako sa aking suot. I feel like I have this royalty blood from the past because of my ball gown.

Isang ikot pa ang ginawa at bumungad agad ang nakangising si Ken sa aking harap.

“Ako ba ang last dance?” halakhak niya habang nagpapractice kami sa magiging sayaw.

Noong nakaraang buwan ko lang na finalize ang list. Isa isa ko rin silang inimbitahan bilang kasali sa eighteen roses ko at pumayag naman ang lahat.

“Kaso lagot ako sa Dad mo. Baka sabihin noon pumuporma ako,” bawi niya at hindi natatanggal ang ngiti habang hawak ang aking kamay at sumasayaw kami.

Nailing lamang ako kay Ken ngunit nangingiti siyang tiningnan. Kung hindi lang sumenyas ang instructor na oras na at magpapalit naman ng partner ay hindi ko siya mabibitiwan.

Yuyuko muna kami sa isa’t isa bago magsasayaw. Kaya noong sumunod si Blue ay nagpanggap akong hawak ang aking dress sa bawat kabila ganoon din siya na yumuko habang ang isang kamay ay nasa may parteng tiyan, ang isa naman ay nasa likuran.

Inilahad ni Blue ang kamay sa akin at kami naman ang nagsayaw.

“Sino ang last dance?” kuryoso niyang tanong at ngumingisi.

Halos katulad lang sila ng bukambibig ni Ken.

“Kababata ko,” sabi ko.

“Kababata? Sabay tayong lumaki lahat ah? Is it a Delafuente?”

“Lealde, Blue…” ngiti ko.

Tumango siya habang hindi napapawi ang ngiti.

Mababait ang magpipinsang Delafuente at laking pasasalamat ko dahil pinagtitiisan nila ang practice na umabot ata sa ilang araw sa buwan ng Nobyembreng iyon.

Kaya noong si Grey ang sumunod at seryoso akong isinayaw ay kapwa kami tahimik. He doesn’t talk too much plus he looked grumpy. Kaso mas komportable pa ata ito kaysa sa pagsusungit ni Hiro.

Katulad lang halos si Toshi kay Grey nang kami naman. Matatangkad talaga silang magpipinsan. Mga six footer lahat. Idagdag pa ang build ng kanilang mga katawan.

Isa lamang ang hindi sumisipot sa practice, si Hiro. Buti naman lalo na’t pilit pa nga ang pagsali ko sa kanyang pangalan.

Hindi ko na iyon iniisip total madali lang naman ang steps at wala rin ang iba ko pang mga pinsan sa Davao. Mabuti nalang at mababait itong mga Delafuente. Ayos lang daw kahit ilang practice pa.

“So I am your last dance?” Latch’s husky voice filled my ear.

Nakahiga ako sa kama ng aking kuwarto at napagod sa mga preparations para sa debut. Nag food tasting kami kanina, namili ng bulaklak, kulay ng mga tela ng tables at upuan, kung ano ano pa.

Sanay na ako lagi sa mga ganitong paghahanda kaso ito ata ang pinaka nakakapagod. Bukod sa gusto rin ng aking parents na perfect, sobrang enggrande pa.

“Yes. Sabi ko kay Dad wala akong naiisip eh kaya siya ang pinagdesisyon ko,” kuwento ko at naalala kung paano nangyari iyon sa buwan noong Oktobre.

“I want Grey,” aniya nang pinasadahan niya ang listahan.

Nasa loob ako ng kanyang office sa loob ng aming mansiyon. Nandito siya tuwing alas otso ng gabi bago matulog.

“Dad I can’t. Loyal ’yon kay Chey,” sabi ko habang tumatayo sa kanyang gilid at nakikisilip din sa list.

Umangat ang kanyang kilay na para bang may mali sa parteng iyon. Pinaglaruan ko ang mga daliri sa likod.

“Choose another boy for me, Dad,” ngiti ko.

Binasa niya ang labi at malalim na huminga. I pursed my lips to stop myself from smiling.

“Who’s Philip?”

“Uh, my friend in school, Dad…”

Umangat ang kanyang kilay at muli pang bumaba ang tingin.

“Sino ba ang close mo rito sa lahat?” aniya sabay tukod ng isang kamay sa nakabukakang hita na nakalabas sa mesa.

“Hmm, friends ko naman lahat, Dad,” I smiled more.

Tumango siya ng marahan ngunit nagkakasalubong pa rin ang kilay. He’s too serious while choosing.

Isang pasada lang sa magpipinsang Delafuente at dismayado pang tiningnan ulit ang pangalan ni Grey saka rin tumalon ang mga mata sa nasa dulong mga pangalan.

“Latch…”

Latch chuckled slowly the way I mentioned his name.

“Gano’n niya nga sinambit ang pangalan mo. It’s bitter like he has no choice but to choose you.”

“No choice huh?” nanunuya ang kanyang tinig.

Binasa ko ang labi at ngumiti.

“Sumipot ka ha,” sabi ko.

“I will. Baka marami kanang lalake diyan katulad ng mga pinsan mo. You’re all good at collecting boys and girls.”

Umirap ako ngunit nangingiti.

“Hindi ah. Ikaw lang ang lalake ko sa ngayon…”

“Sa ngayon? Really, Buenaventura?”

I giggled softly. I’m too young for this love. Seventeen? Parang wala pa sa isip ko ang magseryoso muna sa mga bagay bagay.

Latch is the serious type but I don’t think he’s possessive. Kung magiging boyfriend ko man siya ay ayos lang naman sa akin lalo na’t parang hindi siya nakakasakal. Ayoko sa mga bossy. I hate being ordered what to do. I hate following someone’s rules. I hate being the inferior when it comes to relationships.

Bigla kong naisip si Ken sa kalagitnaan ng pag-iisip. Hmm. Ano kaya siyang klaseng boyfriend? Nakangiti lang siguro ako araw araw kung siya ang boyfriend ko. I want someone like Ken…

10th Ruled

Ruled

Last Dance

Sa Manila nagcelebrate ng pasko ang mga Chen at Chua na pinsan ko para makadalo sa aking birthday at maka practice din ang mga boys sa aking eighteen roses.

December twenty-eight. Iyon ang araw na kompleto ang lahat mabilan kay Latch lalo na’t bukas pa ang dating. Hindi naman mahirap ang steps total last dance din naman siya. He can learn it eventually.

“Friends?” angat ng kilay ni Rehan nang pasadahan ng tingin ang mga boys.

“Yes. ’Yung iba family friend,” ngiti ko sa nakapamulsang pinsan at sobrang suplado dahil sa singkit na mga mata.

“Sa Debut ni Irah hindi siya mahihirapan sa eighteen roses pero sa eighteen candles…”

Tumawa ako lalo na’t alam kong mahirap nga iyon at baka hindi umabot dahil pili at bilang lamang ang kaibigang babae. Baka mag-imbita lang siya ng kahit sino.

Sumenyas ang dance instructor na magsisimula na. Nasa gitna ako habang bumubuo sila ng bilog. Kita ko ang nakapamulsang si Hiro, nasa sapatos ang tingin habang walang ganang naglalakad.

Napipilitan siyang sumali lalo na’t alam niyang kami lang naman ang nakakaalam ng mga palihim naming mga away. Iyon din ang huli naming pag-uusap noong Enero. Ngayon Desyembre na.

Wala na kaming interactions simula noon lalo na’t kapwa kami mailap sa isa’t isa. He doesn’t like me. I don’t like him, too. Mutual kami sa ganoong nararamdaman.

Kaya noong siya na ang tumapat sa akin bilang pinaka panghuli, bago ang last dance, kapwa lang namin sinunod ang step at tahimik na sumayaw, ni hindi pa magkahawak.

“Hijo, ganyan ka ba bukas?” concerned na tanong ng dance instructor.

“Pasensya na po. Ganyan talaga siya,” si Red ang humingi ng paumanhin.

“Gago talaga ’to si Hiro,” rinig kong bulong ni Ken habang nakapamaywang sa gilid at nanonood.

Bumubuo pa rin ng bilog ang mga lalake at kami ang nasa gitna. Aalis lamang silang lahat kung last dance na.

“Ang lala ng pagiging snob sa babae. Nakakabastos,” si Blue na seryoso na rin at nakapamulsa sa kinatatayuan.

“Ayusin mo bukas, Hiro,” ang mala awtoridad na tinig ni Grey na irita rin.

I tried to smile para makitang iba ang ekspresyon ko sa seryosong ekspresyon ni Hiro.

“Wala na bang iba? Parang pinilit lang ’yan, ah?” si Raffiel na madilim ang ekspresyon.

“Heard Tito Dos approved all the boys on the list,” si Rehan.

Nakayuko lang ako lagi para tustahin lalo si Hiro ng lahat. Kahit ata bukas sa mismong debut ko hindi ko siya kayang hawakan.

Nakahinga ako ng maluwag nang matapos din ang practice. Umuwi rin naman ako kasama ang aking mga pinsan pabalik sa mansyon pagkatapos magpasalamat sa lahat.

“Hindi ko gusto ’yung panghuli. Nasaan ba ang last dance mo?” tanong ni Raffiel habang nakahalukipkip.

“Nasa province pa, Raf. Bukas ata ang dating?” sabi ko.

“Asshole. I don’t like that snob. Stay away from him,” ani Rehan.

Napapagitnaan ako ng dalawa. Kapwa madilim ang kanilang ekspresyon pagkatapos ng nangyari. Hindi naman kasi alam ng lahat na ayaw naming hawakan ang isa’t isa. At hindi alam ng lahat na kahit ako ay ayaw ko sa kanya.

“Parang tanga. Kung hindi lang marami ang bilang ng pinsan niya hinila ko na ang braso noon at kinaladkad paalis sa harap mo,” si Raf na hindi na ata huhupa ang iritasyon.

Ngumiti ako at sumandal sa kanyang balikat. Hinawakan niya ang aking ulo at nagpatuloy sa pagsasalita.

“Wala akong pakialam kung magsuntukan kami. Bastos eh,” aniya.

“Ginawa mo sana. I’ll back you up if he fights back.”

“Maraming pinsan, Kuya. Kita mo ’yung pinakatangkad? Parang gangster sa sobrang siga tingnan.”

“So? They all looked pissed. Baka tumulong pa sa pambubugbog sa pinsan nila dahil din sa galit,” si Rehan.

“Calm down both of you… Ganoon lang kasi talaga ’yon si Hiro. Snob pagdating sa babae. Namimili.”

Raffiel and Rehan snorted.

“We’re snob, too. But we’re not rude,” si Raffiel.

“Stop defending him,” si Rehan.

Pumikit na lamang ako at kunwari ay nag-aalala kahit wala naman talaga akong pakialam kay Hiro. Bahala siya kung tatayo siya na parang tuod sa harap ko bukas.

Aligaga na ang lahat kinabukasan. Seryoso si Mommy sa pag-aasikaso sa akin. Nasa mansyon na ang mga hair stylist, make-up artist, at event organizer lalo na’t sa living room ang setting.

Nasa itaas lamang ako habang inaayusan na. Nakaupo lamang ako habang minamaniubra nila ang aking buhok at pinapahiran ng kung ano ano ang aking mukha.

“Ganda ng anak mo, Ma’am,” nangingiting sabi ng hairstylist nang lingunin ang ina kong nakahalukipkip sa gilid at nanonood.

My mother smiled. “Mana sa’kin…”

Humalakhak sila at tumango.

Mabilis na natapos ang pag-aayos sa aking buhok. Naka half ponytail ito at na-enhance ang soft curls sa dulo.

Soft make-up lang din ang kanilang ginawa ngunit nag-iba agad ang aking mukha at naging detalyado ang aking features. Dalaga na talaga ako…

Nagbihis din naman ako pagkatapos. Marami pang tumulong sa akin lalo na’t hindi ko maisusuot mag-isa ang ball gown sa sobrang laki.

Habang abala silang itali ang lace ng likuran ay pinagmamasdan ko naman ang aking sarili. The square neckline made my deep collarbones visible. Namahinga sa gitna ang maliit na korteng puso na pendant ng aking gold necklace. I am fully covered. Tanging kalahati lamang ng aking kamay ang nakikitang balat, ang dibdib at leeg.

“Picture, sweetheart,” si Mommy nang itinapat sa akin ang kanyang cellphone.

I smiled. Ngumiti si Mommy at narinig ko ang click. Her eyes twinkled.

“Jesus… Nakakapanghinayang at isang anak lang ang naisipan namin ng Daddy mo. I should produce more girls!” biro niya at nadala na.

Natawa ako at nailing kay Mommy.

Doon lamang ako bumaba noong tinawag na ng event organizer at magsisimula na. Sa hagdan pa lang, kita ko agad ang pulang carpet na nakalatag sa dadaanan ko at sa bawat gilid nito ay ang mga Juliet rose na pinili ko.

Natanaw ko sa ibaba ay ang mga bisitang nakatayo at nakamasid sa akin na nagsisinghapan. Delafuente, Enriquez, Fortalejo, Montiel, Chua at Chen. Ang iilan sa mga bisita na kaedaran ko ay mga friends ko at ang majority ay family friends kasama rin ang mga pinsan.

Humawak ako sa gilid ng barandilya at ang isa namang kamay ay sa gilid ng aking ball gown na iniangat ko ng kaonti.

Kita ko si Dad sa dulo, seryosong naghihintay suot ang Renaissance outfit niya kaya halos nagmukha siyang Hari sa malalaking palasyo.

Pumapaibabaw ang instruments. Ngumiti ako kay Dad at tinanggap ang rose na inilahad niya pagkababa ko.

“You looked gorgeous my little angel. Happy birthday,” ani Dad sabay lahad ng kanyang kamay.

“Thanks Dad…” nangingiti kong inilagay ang aking palad sa malaki niyang palad.

Iginiya ako ni Daddy sa gitna para sa aming sayaw. Nahagip ng aking tingin ang mga kasali sa eighteen roses suot din ang kanilang outfit. Parang mga prinsepe ang ayos habang may hawak na rose.

My father started swinging me. Nagkasalubong ang kanyang kilay at hindi alam kung tama ba ang ginagawang galaw.

“Hindi nagpractice…” kantiyaw ni Tito Uno sabay halakhak.

My father remained serious kahit nagtatawanan na ang iba. Humalakhak ako kaya sumimangot si Daddy.

“Mali ba? I don’t want to ruin your night…” he groaned.

Umiling agad ako kay Daddy.

“No. It’s fine, Dad. Inaasar ka lang nila,” sabi ko.

Tumikhim si Daddy at sumeryoso ulit. Umangat ang kanyang kilay nang lingunin ang naghihintay na mga lalakeng nagsimulang pumalibot sa akin at huminto sa kanya kanya nilang pwesto.

“May gusto ka ba sa isa sa kanila?” he asked and looked at me.

“Wala Dad,” natatawa kong sabi.

Kinaiinisan meron.

My father nodded and crouched a bit so he can kiss my cheek.

“I love you, my angel…”

“I love you, too, Dad…”

Humiwalay ako. Umalis si Dad sa aking harapan at hinayaan ang susunod na sasayW sa akin. Hinawakan ko agad ang bawat dulo ng aking ball gown at yumuko ng kaonti ganoon din si North.

Tinanggap ko ang inilahad niyang rose saka rin inilagay ang palad sa nakalahad niyang kamay.

“Narinig ko kay Raffiel sinusupladuhan ka raw ni Hiro. Gago ’yon ah? Sino ba siya?” nakangisi niyang sabi ngunit ramdam kong humahalo ang kaonting galit.

“Masungit naman ’yon lagi. Hayaan mo na. Masungit siya katulad ni South sa babae, North.”

“Hindi masungit si South sa’yo.”

“Coz we’re cousins. Pero sa ibang girls, baka ganoon din siya.”

North snorted. Ngumiti lamang ako.

“Happy birthday…” saka siya lumapit para mahalikan ako sa pisngi.

“Thanks…”

Inikot niya ako sa isang beses at binitiwan din. Bumalik siya sa pwesto habang nasa harap ko na ang panibagong sasayaw sa akin. Inulit ko lamang ang naunang ginawa at nagsayaw kami ni South.

“Galit na galit sila Rehan kay Hiro. Masungit daw?”

“Overreacting lang sila… Masungit naman talaga ’yon lahat sa babae.”

Tumango siya at parang nakumbinsi. Sa totoo lang, ayokong ibigdeal ang araw na ’yon. Ayoko ring mamalagi sa isip ko kaya hindi ko na masyadong pinagbubuntunan ng galit dahil baka buong buwan ko siyang maisip.

Baka bigla akong mahulog sa kanya kakaisip ko ang pangit.

Nagsunod sunod na ang sumayaw sa akin. Bumabati muna at kakausapin din ako.

“Ano ’yung sinasabi nila Rehan tungkol kay Hiro? Sinungitan ka?” si Trey nang siya naman.

“Ah, sa practice. Late ka kasi,” tawa ko.

“Sinungitan ka?” ulit niya at nag-angat ng kilay.

“Masungit siya lagi…”

“At sinungitan ka?”

Huminga ako at umiling. Baka guluhin pa nila si Hiro at ang mokong na ’yon ay iisiping gustong gusto kong gawan siya ng sakit sa ulo. I want to forget what happened between us. Kahit ’yon nalang kahit hindi nabubura sa akin na ayaw ko talaga sa kanya.

Natuwa lang ata ako nang si Ken na ang sumayaw sa akin at nag-iba ang topic.

“Happy birthday. Legal na…” ngisi niya.

“Legal nang pormahan?” ngiti ko rin.

Humalakhak si Ken. Kinagat ko ang labi habang titig na titig sa guwapo niyang mukha.

“Tempting…”

Sige na… pwede naman.

“Bakit may balak ka ba?” tanong ko habang nangingiti pa rin.

Dahan dahang binasa ni Ken ang labi. Ginaya ko iyon at tiningnan siya ng maigi. His eyes squinted as he smirked.

“May pag asa ba ako kung sakaling…”

May kung sino ang sumitsit. Napawi ang ngiti ni Ken nang kapwa namin lingunin si Dad at mukhang sinasaway ito kahit hindi naman naririnig ang aming tinig.

“Dos! Huwag mo ngang tinatakot ang mga bata! Upo ka rito,” natatawang tawag ni Mommy lalo na’t naghalakhakan ang mga bisita.

“Nevermind,” bawi ni Ken at tumawa.

Ano ba naman ito si Daddy!

Sumunod naman si Blue. Ngumuso siya nang tingnan ako ng maigi.

“Happy birthday,” he whispered.

“Thanks, Blue…”

“Nakakatakot ka namang hawakan. Parang huling buhay ko na kung nagkamali ako sa harap mo. Your father is scary…” sabay sulyap kay Dad na umupo nga kaso nakatingin pa rin.

“Hayaan mo ’yang si Dad…”

Umiling siya at ngumiti.

“Edi pwede kanang ligawan?”

Kumurap ako. Tumikhim siya.

“I mean… pumapayag na ang Dad mo na ligawan ka ng mga lalake?”

Tumango ako at ngumiti.

“Kung may magtatangka…”

Blue nodded slowly. “Oo nga… Ang tatapang ng magtatangka, huh…”

Magkaibang magkaiba ang kambal. Bumati si Red sa akin at compliment lang ang sinabi. Nahihiya ring tumingin at nakayuko lang minsan. Blue’ soft version…

Bumati na ang halos lahat. Si Wayt, Toshi at Grey. Sumunod si Philip at iba ko pang mga lalakeng kaibigan.

“Nakakanginig ng laman ang Dad mo,” Kurt nang magnakaw ng tingin kay Dad.

“Parehas kayo ng sinabi ni Philip,” sabi ko.

“Sino bang hindi matatakot. Ang anghel anghel ng anak tapos ang ama-” tumigil siya at kinagat agad ang labi.

Ang dami talagang takot kay Daddy. Parang aware din naman kasi si Dad na takot talaga ang lahat sa kanya. Kahit noong kabataan daw nito ay maangas din at lagi pang sangkot sa gulo kaya madalas mapaaway.

Nabura lamang ang aking pag-iisip nang makita si Hiro sa harapan. Naging seryoso ang mga lalake at nasa amin na ang tingin.

Ang pagtatama ng aming mga mata ay parang flashback ng aming away noong Enero ang bumalik sa aking isipan. Iyon agad ang nagpaalala sa akin na irita ako sa kanya at ganoon din siya.

He’s wearing the same outfit like the rest but he pulled it more in a… I stop the words on my mind.

Yumuko ako katulad ng nasa practice. The coldhearted prince slowly bowed down while watching me intently. Tumuwid kami ng tayo at napagtanto ko agad na kahit naka heels na ay hindi man lang ako pumantay sa kanyang katangkaran.

“Rose… Ibigay ang rose…” sumesenyas ang dance instructor kay Hiro.

Doon lamang inilahad ni Hiro iyon. Tinanggap ko ito kasama ng iilang rose na hawak ko. Parang natahimik ang lahat at ang nangingibabaw ay ang malumanay na tugtog ng instruments lamang.

Nakatunganga pa kami ng ilang sigundo. Tuwing practice ay hindi namin hawak ang isa’t isa kaya medyo awkward na iyon ang hinihintay ng lahat katulad ng ginawa ng iba.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagtayo ni Dad at namulsang nanood. He’s watching Hiro intently.

“What’s the problem there?” rinig ko ang boses ni Daddy lalo na’t hindi pa rin inilalahad ni Hiro ang kamay sa akin.

Magsasalita na sana ang kanyang mga pinsan lalo na’t nagsiawang na ang mga labi nang inunahan na ni Hiro at inilahad ang isa pang kamay sa akin, katulad ng nasa practice na hindi niya sinusunod lagi.

Natutop ang kanilang bibig at tahimik ulit na nanood. Ilang sigundo ko pang tiningnan ang malaki niyang palad saka dahan dahang nag-angat ng tingin sa kanya na sinalubong ni Hiro sa pag-aangat ng kanyang kilay.

I have no choice but to hold him. Ipinatong ko ang aking palad sa kanyang palad. His fingers held my fingers gently.

Maingat kasi maraming nakatingin? Isa rin ’to. Mapagpanggap eh magaspang din naman ang ugali.

Hiro slowly pulled me while his other hand rested on his back like a Prince who’s taking his princess for a dance. Sinunod naming dalawa ang steps habang tahimik na tinitingnan ang isa’t isa.

Kumalma ako at inisip na ang susunod nito ay si Latch.

“Hindi ko narinig bumati,” bulong ni Ken at nilingon si Grey.

“Hiro,” Grey called formally.

“Ssh,” saway ni North. “Hayaan niyo na.”

Nakita ko ang pagkakataranta ng dance instuctor namin at parang may hinahanap. Doon ko napagtantong wala pa si Latch. Sampong minuto ang nakalaan para sa kanya habang tig dadalawang minuto lamang ang iba.

Tumingin akong muli kay Hiro. May iilang hibla sa kanyang noo na hindi nasama sa nakaatras na buhok. Bumagay sa kanya ang suot dahil mukha talaga siyang masungit na prinsipe.

“Nasa’n na ang last dance?” rinig ko ang iba.

Hindi makaalis alis si Hiro dahil doon. He’s not allowed to leave unless my final dance is here. Masisira niya ang formation.

Kaso magaspang ang ugali nito. Hindi na ako magtataka kung sadadyain niyang iwan ako sa harap.

Oh he can’t. My father is watching. The whole clan is watching. Sa dami ng mga araw na kaya niya akong ipahamak, hindi niya iyon ginagawa sa mataong lugar. Hindi niya ako pinapahiya kahit sa loob ng kanyang isip ay irita na siya sa akin.

I calmed down. Hindi naman ako takot kung gaganti siya sa nangyari. Masasabit lang din naman siya at pag-iinitan lahat ng aking pinsan ganoon din ng kanyang mga pinsan. Wala pa rin siyang kawala.

“Continue, hijo. Isayaw mo muna,” senyas ng dance instructor nang matapos ang kanyang oras.

Kita ko ang iritasyon sa supladong mukha ni Hiro. Arte mo akala mo gustong gusto ko ah?

“Sino bang nagdesisyon second to the last si Hiro? Kakausapin ko lang,” nakasimangot na si Ken.

Ngumiti ako at nilingon ito. Ken automatically smiled. Mabuti pang iba nalang ang tingnan ko.

Inulit lang ulit namin ni Hiro ang steps. Inikot niya ako sa isang beses ngunit imbes na bitiwan katulad ng nasa practice ay hinapit niya ako sa baywang.

Hindi niya pa rin ako pwedeng bitiwan dahil wala pa si Latch! Nasaan na ba ’yon? Naiinis na ako at ang tagal na akong sinasayaw ni Hiro.

Noong sobrang lapit ko na sa kanya ay pasimple kong inapakan ang kanyang isang paa. Hiro groaned and bowed his head to hide his reaction.

“Fuck…” he growled silently.

Pinigilan ko ang tawa at hindi agad inalis ang paa ko lalo na’t heels pa naman ang aking suot. Inilayo niya ako sa kanya sa pamamagitan ng biglaang pag-ikot sa akin kaya naalis ang aking paa roon.

Sumabay sa aking ikot ang aking suot. Ang akala kong isang beses lamang ay naulit. Inikot niya ako. Inikot ulit. Ikot na naman. Sa ikalimang pagkakataon ay mahihilo na ata ako kaya muli niya akong hinila papalapit sa kanya at hinawakan ulit ako sa baywang habang napapahawak ako sa kanyang balikat para mabalanse ang sarili.

Muli kaming nagkatinginan at halos gusto ko siyang murahin.

“Mukhang prepared ah…” isa sa mga pinsan niya.

“Kaya naman pala walang gana sa practice kasi may sariling steps si Hiro,” rinig kong sabi ni Ken.

“Aaayaw ayaw pa pero handa naman pala,” si Blue.

“Nagpapractice siguro mag-isa. Nahihiya lang ipakita sa practice ang hidden talent niya,” si Ken.

Everyone’s getting the wrong idea. Sinadya niya ’yon para mahilo ako! Yumuko ako at muling hinanap ang kanyang paa para apakan ngunit umiilag na siya. Malalaki na ang kanyang hakbang na hinahabol ko.

Nag-angat ako ng tingin at muling tinangkang apakan siya. Umangat ang kanyang kilay habang nakatitig din sa akin habang ekspertong nakakaiwas ang kanyang paa.

Noong kamuntik ko nang mahabol ay muli niya akong inikot at hihilain ulit palapit sa kanya. Muling nagtama ang aming tingin ngunit tahimik pa rin kaming dalawa.

May iilang hibla nang dumadagdag sa kanyang noo na nakakatakas sa nakaatras na buhok. Sabog na rin ata ang kulot kong buhok at nai-stress na rin kay Hiro.

Nagpalakpakan ang lahat habang nanonood, tila nawiwili sa sayaw namin kahit kami lang din ang nakakaalam kung anong nangyayari sa nakatago kong mga paa.

My final attempt to step on his shoes failed miserably. Inikot niya akong muli. At hindi lamang sa isang beses kundi dalawa! Maganda ang pagkakaangat ng aking ball gown sa tuwing ginagawa niya iyon pero hindi na ako natutuwa.

“Gago baka mahilo nalang si Franca wala pa rin ang last dance. Nasaan na ba?” si Ken na nag-aalala.

Muli akong hinila ni Hiro palapit sa kanya pagkatapos niya akong paikut-ikutin. Our eyes met for the nth time. I silently glared at him. Nawala lang agad lalo na’t nakakasilaw ang light na tumatama sa amin.

“Just leave,” nangingiti kong sabi lalo na’t nakatingin ang lahat.

“I know what you’re trying to do. Kung iiwan kita rito, lagot din ako.”

Gusto ko talagang palakpakan ang lalakeng ito. Basang basa ang isip ko!

“Ba’t hindi ikaw ang bumitaw at umalis?” hamon niya kahit alam niya agad kung bakit hindi ko iyon kaya.

S’yempre nanonood ang parents…

Tumahimik ulit kaming dalawa at kapwa nakatingin lang sa paligid namin. Wala pa rin si Latch…

Lumingon sa kaliwang bahagi si Hiro, lumingon din ako sa kanan. Lilingon ako sa kanan, lilingon din siya sa kaliwa. Ayaw naming tingnan ang isa’t isa kaya palingon lingon nalang.

Pumikit ako ng kaonti nang masilaw muli sa tumapat na lights kaya yumuko nalang ako.

Nasaan na ba si Latch? I am starting to hate him for not showing up. Sinabi niya pupunta siya.

“Where’s your last dance?” Hiro asked calmly.

Marahil ay napansin niyang hindi na umaahon ang aking ulo kaya naging kuryoso na rin.

Umiling lamang ako at nag-angat ng tingin. Kita ko ang pagsilip niya sa aking ekspresyon.

“Ewan,” matabang kong sambit. “Senyasan mo nga ang dance instructor na ayoko nang sumayaw.”

I lost my mood. Kung hindi ito ititigil ay mapapahiya ko si Hiro at talagang magw-walk out ako sa harap ng marami. Panibagong sama ng loob na naman iyon sa kanya at madadagdagan na naman ang patong patong na kasalanang nililista niya ata.

“Itigil na sabi. Nahihilo na ako dahil sa’yo,” pumikit ako ng mariin nang hindi pa rin natatapos.

“Who started the fight, huh?” bulong ni Hiro.

Ano ’to? Panibagong away na naman? Ngayon pa na irita ako dahil wala pa rin si Latch! Sasabay pa talaga siya!

“Itutulak na kita,” banta ko at pumipikit pikit lang, ayaw nang tingnan ang lahat.

“Gawain ba ’yan ng anghel?” bulong din pabalik ni Hiro.

Sasagot na sana ako nang bumulong siyang muli.

“Behave. I don’t want another trouble,” he ordered.

This bossy! Ugh. Ang kapal ng mukha.

Nanatili ako at naghintay kahit dismayadong dismayado na ako. I don’t like this anymore! Kay Hiro pa ako sumasayaw! Wala pa si Latch! Hilo pa ako! Hindi na ako natutuwa!

Ilang sandali lamang ay tumigil din ang papatapos nang kanta kaya dumilat na ako. Mabilis naming binitiwan ang isa’t isa at umatras agad palayo na para bang iyon lang talaga ang hinihintay namin kanina pa.

Yumuko kaming muli bilang pamamaalam sa isa’t isa. Sa wakas! Ngunit bago pa siya makatalikod ay sinenyasan na naman ng dance instructor at mukhang si Hiro pa ang maggigiya sa akin sa harap kung nasaan ang aking upuan na pinapaliputan ng Juliet Roses.

Muling inilahad ni Hiro sa akin ang kamay. Walang gana ko nang tinanggap iyon at tahimik kaming naglakad patungo sa upuan saka ko binawi nang hindi na tinitingnan Hiro.

I’m pissed. Where’s Latch? Nangako ’yon ah?

11th Ruled

Ruled

Distracted

Latch:

I’m sorry. Something came up. Happy birthday my angel.

My? You’re calling me yours when you failed to show up? My brow shot up with my smirk. My ass.

Hindi ko iyon nireply-an at itinabi na ang aking cellphone lalo na’t ch-in-eck ko lamang habang nagpapalit na ng panibagong dress.

I watched myself on the reflection of the mirror infront of me. Dalawa ang nag-aayos sa akin. Isa sa buhok at isa sa likod na tinatali ang lace ng aking dress.

I wore a white gown this time. It wasn’t heavy like my first ball gown but the skirt looked bigger with its three layers. Mahaba pa rin ang sleeves at puff ang sa may braso hanggang siko na doon humigpit at pa v-shape na ang ibaba.

The combination of the color were white and cream. Binago na rin ang ayos ng aking buhok at ginawang tuwid lahat ng bawat hibla.

“Ang ganda noong sayaw niyo. Para kayong prinsepe at prinsesa, Miss,” ang babaeng nangingiti habang hinihigpitan ang tali sa likod.

I only smiled.

“Bagay kayo. Boyfriend mo?”

Halos gusto kong ngumiwi. Ni hindi ko nga makitang kaibigan ang lalakeng ’yon tapos boyfriend- nakakaduwal ’yon ah. Kay Hiro pa talaga?

“Ah hindi po. Family friend,” I said softy.

Kita ko ang panghihinayang niya ngunit tumango rin. Sunod niyang ikinabit ang pang-ibaba.

Nakapaglakad din naman ako ng maayos. Si North ang sumalubong sa akin at naghintay na matapos ako.

“Damn… you’re like an angel,” aniya nang pasadahan ako ng tingin.

I smiled and hooked my hand to his arm.

“You looked disappointed. Is it because of your last dance?” tanong ni North nang tumagilid ang ulo at tiningnan ang aking ekspresyon.

I nodded and smiled bitterly.

“Paasa,” hindi ko maitago ang tabang sa ngiti ko.

North only smiled. Sumeryoso ako saglit at pinasadahan ng haplos ang aking buhok. Ayoko talaga sa lahat iyong hindi tumutupad sa usapan. I hate being stood up.

I’m disappointed.

Tumapat ulit ang light sa akin nang lumabas ako. The guests glanced at me while I’m walking. Agaran kong binura ang dilim sa ekspresyon at ngumiti ng tipid. I saw how Ken’s eyes sparkled. Blue’s lips parted. Ang ibang Delafuente ay ngumingiti katulad ni Red, Elle at Nana habang ang iilan ay seryoso.

“Ganda!” Cassey shouted shamelessly and clapped.

Chey hushed her but she’s laughing. Napatingin ako kay Naia na tahimik lamang na sumusubo at nasa pagkain ang tingin. I silently watched Hiro to confirm if he’s looking at her. He is.

Binawi agad ni Hiro ang tingin kay Naia at napansin ang aking mga mata. Binawi ko rin ang tingin lalo na’t ayoko nang panay nalang kami tinginan ngayong gabi. Nauumay na ako sa mga mata niya.

Sumuyod ako sa ibang tables habang abala silang kumain. May ibang nagpapapicture na pinagbigyan ko at meron ding yumayakap.

“Picture, Franca,” si Ken nang tumayo habang nakahanda na sa camera ang kanyang cellphone.

“Blue,” senyas niya sa pinsang tumatayo rin at lumalapit dala ang phone.

Kita ko ang paglingon sa amin ni Dad habang nakaupo kasama ang iba pang Buenaventura kasama sa iisang mesa. My mother caressed his cheek to get his attention. Binawi ni Dad ang tingin kaya doon lang nakahinga sila Ken.

“Bawat sulyap ni Tito Dos nababawasan ata ng taon ang buhay ko,” halakhak ni Ken nang tumabi sa akin.

“You don’t need to worry about my father,” nangingiti kong sabi habang kinukuhanan na kami ng picture ni Blue.

“Ako naman,” aniya nang lumapit at inilalahad na pabalik ang cellphone kay Ken.

“Teka lang? Hindi pa ako ready! Isa pa,” reklamo ni Ken at itinulak ang dibdib ni Blue.

Blue glared at him in a playful way. Nailing ito at muling kinunan kami ng picture. Namulsa si Ken sa kanyang pants at ngumisi kaya hinawakan ko rin ang magkabila kong mga daliri sabay ngiti.

Si Blue rin ang sumunod. Hinaplos niya ang batok at nangingiting tumabi sa akin.

“This feels illegal. Nakakahiya kang tabihan,” tawa ni Blue nang dahan dahang lumebel sa akin.

“Oo nga, dude. Kaya bakit mo pa tatabihan?” si Ken na nakapamaywang at ang isang kamay ay hawak ang cellphone ni Blue.

“Ayusin mo,” si Blue.

Ken nodded and started taking a picture of us. Deri-deritso ang kanyang click kaya halos magmura si Blue sa pinsan na humalakhak agad.

May after party pa na magaganap sa Pavilion and everyone’s invited. May iilang hindi makakapunta na hindi pinayagan lalo na’t bata at minor pa katulad ng ibang babaeng Delafuente at meron din namang ayaw lang talagang sumama.

“Kayo nalang,” I heard Naia while Cassey is pulling her.

“Ano ka ba, couz! Magmumukmok ka lang sa kuwarto eh!”

“Franca, hindi ako makakasama,” paalam ni Chey nang lumapit.

Umiling ako at ngumiti. “Ayos lang…”

She smiled and give me a hug.

“Happy birthday. Enjoy ka.”

I nodded and chuckled.

“Ang kj mo talaga, Hiro!” rinig ko naman sa kabila ang tinig ni Ken. “Come on! Let’s go. Everyone’s there. Iinom tayo. And Dad let me drive my own car!”

Kinagat kagat ko ang labi at gustong sulsulan si Ken na huwag niya na sanang pilitin si Hiro kaso sa huli ay hindi rin naman ito sumama kaya ngiting ngiti rin ako.

“Don’t drink too much! Purket pumapayag na kami ng Dad mo ibig sabihin ay magpapaka-wasted kana,” ani Mommy nang yakapin ko sila para magpaalam.

This isn’t the first time I drink, Mom.

“Yes Mommy. Don’t worry,” ngiti ko at hinagkan siya sa pisngi.

“I’ll fetch you later,” si Dad nang inabot ko rin siya at hinagkan sa pisngi.

“Alright, Dad…” tawa ko.

Sinenyasan ni Daddy ang mga pinsan kong lalake. Rehan and North nodded. Inakbayan pa ako ni Trey at nangingiting pinisil ang aking pisngi.

“Dalaga na. Your list of suitors will probably flood,” aniya habang papunta na kami sa parking lot.

Lahat ata ng pinsan ko ay iyon ang iniisip habang ako naman sa gabing iyon ay disappointed lang kay Latch. Ayos na sana eh. Kanino ako makikipaghalikan ngayong gabi?

Nagconvoy ang lahat ng kotse sa pangunguna ni Trey. Nakasakay kami sa kanyang sports car at ako ang nasa front seat.

Ilang sandali lamang ay lumebel si Ken habang minamaneho ang isang Ford ranger raptor na kulay itim. He flashed his smirk to my cousin.

“Bagal bro…” nangingiting sabi ni Ken habang nakabukas ang bintana at nakasandal ang kamay doon.

“Oh right. Franca’s with you,” dagdag niya at nagtama agad ang aming tingin.

I couldn’t stop myself from smiling. Sa front seat ay natanaw ko si Blue na sumisilip din sa aming kotse. He smiled at me so I tilted my head and smiled, too.

“Yabang mo. Wala tayo sa race,” si Trey at nagdirty finger pa kay Ken.

Humalakhak si Ken at nilagpasan ang aming kotse kaya siya na ang nangunguna at pinapaharot ang kanyang kotse. Ngumuso ako at kinagat ang labi.

“May lisensya na ba ’yon? Kaka eigtheen lang no’n noong June ah?” si Trey.

“He’s so cool,” tawa ko.

Napatingin si Trey sa akin at nakaangat na ang kilay. Naglalagpasan na ang ibang kotse sa amin. North even beeped. Minamaneho niya rin ang kotse ng kanyang ama na BMW.

“Ayoko sa mga Delafuente na boys bilang boyfriend mo. They’re assholes…” sumeryoso ang mukha ni Trey.

“Some of them aren’t,” kibit balikat ko.

“Ang kambal? Matutuwa ako kung si Grey ang pinapangarap mo o ’yung isa sa kambal ang tipo mo. Pero kung wala diyan sa tatlo…” nanimbang ang kanyang tingin sa akin.

Close siya sa lahat ng Delafuente kaya alam kong kabisado niya ang mga ito kung paano maghandle ng girls.

Ngumiti lamang ako at lumingon sa paglebel ni Rehan sa amin. Naninigarilyo ito habang hinahangin ang buhok lalo na’t tamad na nakasandal ang kamay niya sa gilid. Tumango lamang siya sa amin saka rin lumagpas.

Ganoon ka bagal ang pagmamaneho ni Trey na halos lumalagpas na ang lahat at nagpapaligsahan pa ata sa kalsada. Boys.

Pagdating sa Pavilion ay rinig na rinig agad ang tugtog. Naglalabasan rin ang neon lights habang naka park na ang iilang sasakyan sa patag na bermuda grass.

Umikot si Trey at pinagbuksan ako ng pinto.

Masaya ang gabing iyon. Everyone’s having fun. They’re dancing and drinking. Naaliw din naman ako sa aking mga friends kahit bantay sarado ng aking mga pinsan ngunit hindi ganoon ka higpit.

“That’s your fourth drink,” si Rehan na binibilangan pa ako.

I tried ten shots. Hindi ako mababaliw sa apat.

Tinawanan ko lamang ang aking pinsan at sumimsim sa aking iniinom. Rehan arched his brow and sipped on his shot, too.

Tinanaw ko si Ken kasama ang iilang grupo. Itinuro ko kay Rehan ang kabilang grupo na puro girls para doon lumapit. He nodded.

Lumapit ako sa mga kakilala. May iilan na sa kanila ay tipsy. Tinutukso pa ako ng mga girls tungkol sa crush ko at kung meron ba.

“Wala!” tawa ko at umaatras lalo na’t lumalapit sila.

“Paaminin ’yan! Imposibleng wala!” si Nica Celera na ngumingisi.

Umatras akong lalo at natatawang lumayo ngunit may nabangga ako. Pagharap ay humarap din ito kaya ang hawak kong red cup na may lamang shot ay natapon sa kanyang shirt.

My eyes widened when it’s Ken. Nagtinginan din ang mga boys na kausap niya kanina at humalakhak sa nangyari.

“Oh, I’m sorry!” natataranta ko siyang nilapitan at hindi alam kung ano ang maitutulong.

Yumuyuko si Ken habang kita mo sa mga mata ang pagiging tipsy at suot pa ang ngisi sa labi.

“Oh. It’s fine…” ani Ken at inisa isa ang butones na kalasin.

Naghiyawan ang mga girls sa kanyang tinangka. I playfully glared at them. Humalakhak ang girls kaya naiiling kong ibinalik ang tingin kay Ken na kagat na ang pang-ibabang labi at patingin-tingin sa akin.

“You should change,” sabi ko.

“Hmm. Okay… I should. Badshot ’to sa’yo lalo na’t mangangamoy alak ako.”

Hindi na mahubad ang ngiti sa aking labi. Naiiling si Ken at lumalawak ang ngisi habang kinalas lahat ang butones. Galing talaga nito magpangiti ng babae. Kaya daming na-iinlove eh. Charming na mabait pa.

“Sa kotse muna ako. I have some clothes there,” aniya at itinuro ang kanyang kotse.

“Samahan na kita…”

His eyes widened. Namumula na nga dahil lasing na, nadadagdagan pa ata. I started walking while his lips parted. Nilingon ko siya at nginitian. Natutop ang bibig ni Ken at hinaplos ang buhok saka naglakad palapit sa akin.

“Fuck…” bulong niya sa sarili at yumuyuko habang hindi pa rin naalis ang ngiti sa labi.

“What?” halakhak ko.

Nag-angat siya ng ulo. “I’m just stunned. I mean you’re very pretty and…” nag-angat siya ng kilay.

“And?” I smiled more.

Ken licked his lowerlip and shook his head while chuckling.

“Ah… I think I’m drunk,” saka niya hinilamos ang mukha.

Ano ’yon? I’m pretty and? Eighteen? Legal age for courtship? I think he’s not the kind of boy who court girls… Parang landian ang gusto niya eh. ’Yung walang label pero mutual.

Tumigil ako at pinanood siyang buksan ang back seat ng kanyang kotse. Inabot niya ang isang paperbag at may kinuha. Palingon lingon si Ken sa akin kaya ngumingiti lamang ako.

“I’ll just change, hmm?” paalam niya at nag-aambang pumasok lalo na’t nakahawak na sa bawat gilid para maingat ang sarili papasok sa kotse.

Tumango ako at iniwas ang tingin kahit nangangating manood. Ngumuso ako at wala sa sariling dinala ang basong hawak sa labi para sumimsim kaso wala na palang laman.

Kinagat ko na lamang iyon at iginala ang tingin sa iba. Some were dancing in the middle of the field. Nagkalat ang mga kotse at masyado nang wild ang neon lights ganoon din ang kanta na nasa peak na.

I felt someone’s eyes. North is watching somewhere. I need to act decent. Baka lumuwa ang mata noon pag nakita niyang hinahatak ko na ang batok ni Ken tapos sinunggaban ko agad sa labi. Ken will probably kissed me back and we’ll…

“Done…” si Ken kaya muli ko siyang nilingon.

He’s already wearing a simple plain black tshirt. Ang hot talaga nito. Inayos niya lang ang buhaghag na buhok at nag-amba nang bumaba ulit.

Tumabi ako sa gilid para mabigyan siya ng malaking espasyo. Sinarado niya iyon at nakaangat ang kilay nang lumingon ulit sa akin.

His head tilted in a playful way to watch me. Natatawa ko siyang tiningnan.

“What?”

Namulsa si Ken sa pants at sumandal sa pinto ng kotse.

“Ano bang mga patakaran ni Tito Dos ngayong eighteen kana?”

“Hmm…” nag-isip isip ako.

Ngumuso si Ken habang nanonood.

“Hang out? Are you allowed with that?”

Ang sarap naman nitong demonyohin. Tumango ako kahit gusto kong may gusto pa akong higit doon. I want a relationship like Latch… like we can make-out and do some things such as dates.

Boring na kung friends! Simula bata friends na kami tapos ngayong eighteen ako friends lang ulit?

Tumango si Ken at may hinugot sa bulsa. Inilahad niya sa akin ang kanyang cellphone.

“Baka hindi ka magrereply ha?” nakangisi niyang sabi habang nakatingin pa ako sa phone niya.

“Magrereply ako, Ken,” nangingiti ko iyong kinuha para itipa ang aking number. He’s using the latest iPhone like mine.

“That’s good to hear. Kukulitin kita araw-araw,” he raised his brow in a playful way.

Kahit gabi-gabi nga ayos lang din…

Tumango ako at ibinalik ulit ang cellphone sa kanya. Pinatay niya ang screen at pinaglaruan pa iyon habang iniikot ikot sa kanyang kamay.

“Are you friends with Shanaia?”

“Uh…” hindi naman ’yon namamansin.

“Friends kayo?” tanong ko nang hindi ko iyon masagot.

“Not really but I’m trying to pull her to my circles. Wala ’yung kaibigan. Sobrang ilap.”

“Crush mo siguro si Naia ’no,” kutya ko kahit ang totoo ay kuryoso talaga.

“Basted ata ako kung popormahan ko ’yon. Parang mataas ang standard eh. You know… she’s a bit westernized. Laking states. Baka mga foreigners ang gusto since she’s a bit foreign, too.”

Kapwa kami Grade Twelve ni Shanaia ngayong pasukan at nahuhuli ko lagi ang mga tingin niya sa tuwing susulpot si Ken. She silently likes him. Hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa kanya.

Maybe the reason why Hiro didn’t court her because that guy knew she likes someone else? I mean… buti nga? Magaspang kasi ang ugali!

“I just want to be her friend…” si Ken.

Tumango ako at natahimik. Ang friendly ko naman kasi. Parang hindi niya maiisipan ang ganoon sa akin lalo na’t marami akong friends?

“You too,” habol niya.

“As your friend?” natawa ako lalo na’t hindi ko gusto na hanggang kaibigan lang.

Ken bit his lowerlip playfully. This is easy. I can feel we’re silently mutual.

“Pwede bang lumagpas sa’yo?” nangingiti niyang tanong.

Ramdam ko ang alon sa aking tiyan at para akong umaangat sa ere. Hinaplos ni Ken ang batok at nangingiting yumuko.

“Ba’t kayo nandito?” biglang lumapit si Blue.

Umahon ang tingin ni Ken habang dala ko pa ang ngiti nang lingunin ang pinsan niyang lumapit.

“Dude what the fuck? Disturbo ka,” si Ken na tumuwid sa pagkakatayo at itinulak ang dibdib ng pinsan.

Umangat ang kilay ni Blue at tumingin sa akin. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang paglapit ni Raffiel. Fuck it.

“Hahalo muna ako sa mga pinsan ko,” paalam ko sa dalawa lalo na’t inaakbayan ni Ken si Blue at iritang kinakausap.

Ken nodded and smiled. Makahulugan ang kanyang ngiti kaya halos mapakawalan ko ang mga paru-paro sa aking tiyan.

“Raffiel,” salubong ko sa pinsan.

Tumagilid ang kanyang ulo at tiningnan ang dalawang Delafuente na para bang may hinahanap siyang mukha. Nang makitang wala ay huminahon siya at inilahad ang kamay sa akin.

Kinuha ko iyon. Hinawakan niya ito saka ako dinala sa kanyang tabi at inakbayan.

“Eighteen huh… dami na agad nakaabang,” aniya.

“Huh? Family friends kaya sila,” sabi ko.

Nahuli ko pa ang mga mata ni North nang iiwas ko ang tingin at naroon ito kasama si Rehan habang nag-uusap ang dalawa.

Doon lang ata ako umuwi noong sinundo na ako ni Dad. All the boys looked scared while my father is trying to eye them seriously.

“Dad…” haplos ko sa kanyang braso habang nasa front seat na ako.

“These teenage boys looked thirsty,” iling niya.

Bakit boys lang? Ako rin, Dad. Hindi ko na isinaboses dahil baka pag-initan niya pa ang mga poporma sa akin kung sakali.

Kumaway ako sa mga friends ko. Nilingon pa ng mga pinsan ko ang kinawayan ko at nang makitang puro naman girls ay wala rin sa sariling ibinalik ang atensyon sa pag-uusap.

“Uminom ka?” my father asked while he’s already driving.

“Yes po. Four shots lang, Dad. Bacardi.”

Tumango si Dad habang nasa kalsada ang tingin.

“Sino nang mga kumuha ng number mo?”

Shit.

“Wala po eh.”

Nagkasalubong ang kanyang kilay at parang ma-ooffend pa ata dahil wala.

“Wala? Kahit isa?” nilingon niya ako.

I smiled weakly. Huminga si Dad at parang naaawa.

“Masyado ka bang nahihigpitan sa akin?” mababa ang kanyang tinig.

“Hindi naman, Dad. Baka natatakot lang ang mga boys kaya… ayaw nilang pumorma?”

“Kakaibiganin ko ang lalakeng gusto mo, Franca. I’ll be good. Pagmemeryendahin ko siya kung bibisita siya sa’yo. But I can’t promise I won’t try to poision him.”

Humalakhak ako at kinurot si Daddy. My father chuckled and arched his brow.

“Daddy!”

“I’m sorry…” Hinaplos ni Dad ang buhok ngunit nangingiti.

Umiling ako sa kanya.

“Hindi talaga ako magkaka boyfriend pag mahigpit ka,” sabi ko.

Huminga siyang muli at magkasalubong na naman ang kilay.

“I’ll be good. Promise,” palingon lingon niya sa akin nang sumimangot ako.

He’ll be good. Which means… magiging mas maluwag siya? Kaso baka baril agad ang sumalubong sa lalakeng matatagpuan niya sa sarili kong kuwarto. Baka nga habulin niya pa!

Unknown:

Are you home?

Kakapasok pa lang sa kwarto, text agad ang nabasa ko sa screen ng aking cellphone. This is Ken.

Kinagat ko ang labi habang sinasarado ang pinto at nagtitipa na ng reply sa kanya.

Ako:

Uh yes. Nandiyan pa kayo?

Nagbihis ako at mabilisang naghalf bath. Hindi ko pa naisusuot ng maayos ang pantulog na puting bestida ay dinudungaw ko na agad ang text ni Ken.

Unknown:

Yup!

Unknown:

U doin somthin?

He’s drunk! Sinuklay ko ang buhok habang umuupo na sa kama.

Ako:

Lasing kana ba? Messy na ang text mo.

I saved Ken’s number. Nag pop out agad ang kanyang text.

Ken:

Oh sorry. Call?

Sumandal ako sa headboard at hindi na matanggal ang ngiti.

Ako:

Sure.

Titig lang ang ginawa ko sa screen at hindi pa ako kumukurap. Kaya noong tumawag siya ay mabilis ko agad nasagot.

Halakhak agad ni Ken ang bumungad sa akin at mukhang lumalayo pa sa mga kausap lalo na’t lumiliit ang tinig ng iba.

“Wait. Lalayo ako. Ah… They’re so loud,” ani Ken habang natatawa sa pagsasalita.

I chuckled. Rinig ko ang pagmumura niya kaya halos kagatin ko ang aking labi.

“Shit. Is this you, Franca? Fuck… Wrong number…”

“Ken! It’s me!” habol ko dahil parang ibababa niya na.

“You got a… sexy voice. Damn it,” he gasped.

I really like this Delafuente. Napupunan ata ang pagiging interesado ko sa kanya. Parang hindi ako makokontento kung kaibigan lang. I can’t kiss him if we’re friends! At eighteen na ako. I want to explore so many things.

Katawagan ko si Ken buong gabi kaso hindi rin masyadong nagtagal lalo na’t nagyayaya niya ang iilan niyang pinsan na umuwi at narinig ko pa kung paano sila nagtalo kung kanino sasakay.

Latch:

You mad?

Ken:

Good morning.

Nag-angat ako ng kilay sa mensahe ni Latch. Right. I forgot about him. Hindi ko man lang naisip ang nangyari kahapon lalo na’t distracted ako buong gabi sa tawagan namin ni Ken. Ngumiti agad ako at nagtipa ng mairereply sa kanya.

Ako:

Good morning, Ken.

12th Ruled

Ruled

Karma

Si Ken ang ka text ko whole December. Wala si Irah at ang pamilya niya noong New Year lalo na’t sa Canada sila nagpasyang magcelebrate kung saan siya ipinanganak kasama ang kanyang mga tinuturing na Dada. It’s fine since nasa Davao naman kami ng aking parents at sila Rina ’tsaka Florisse ang ka bonding ko.

“Ano ang kukunin mong kurso?” kuryosong tanong ni Florisse nang nasa Davao ulit kami noong Chinese New Year.

Kapwa kami nakahilig sa gilid ng jacuzzi. Makulimlim ang langit. Si Irah at Rina ay nasa patio na abala sa kani-kanilang mga cellphone habang ang mga boys ay nasa loob lamang ng bahay at nag-iinuman lalo na’t hinayaan sila ng aming parents total legal age na.

Hindi pa naman sana legal age ang kambal lalo na’t this February pa sila magiging eighteen kaso parang atat nang kumawala si North at gustong gusto nang uminom kaya pinagbigyan nalang.

“Pharmacy sana pero kuryoso ako sa Psychology kaya pinag-iisipan ko pa. Ikaw?”

“Accounting siguro. ’Yun din ang gusto ng aking parents. You know they’re planning for another Mall in the City. Gusto nilang makatulong ako sa business someday.”

Tumango ako lalo na’t ang isang branch ng Mall sa downtown ay hindi naman talaga ganoon ka laki. Hanggang tatlong palapag lang at kahit mga fast food ay bilang lang sa kamay. Wala ngang McDo o Jollibee.

Natahimik kami saglit. Ipinahinga ko ang ulo sa aking mga braso at pumikit habang nakaharap kay Florisse.

“Oo nga pala. You looked a bit sad on your birthday. Nag-alala ang lahat. Hindi sumipot ang last dance,” aniya.

Dumilat ako.

“Ah, ’yun ba? Disappointed lang ako pero ayos naman…”

“Uh, sino ’yung huling nakasayaw mo? Sila ba ’yung tinutukoy nila Kuya Rehan na sinusungitan ka noong practice?”

Tumango ako sabay abot ng mga dumikit na buhok sa kanyang pisngi. Isinabit ko iyon sa gilid ng kanyang tainga.

“Crush mo ’yon?” kuryoso niyang tanong na gusto kong masuka.

Sa lahat ng magiging crush ko at bakit naman si Hiro?

“Hindi. ’Yung isang pinsan niya ang medyo tipo ko,” bulong ko sabay ngiti.

“Hmm…” parang nag-isip isip siya. “Ken?”

Nagulat ako lalo na’t kilala niya.

“Pinakilala kasi kami ni Tita Addi sa kanila. And Ken… uh, siya ’yung natatandaan kong kumindat sa akin. He’s charming.”

Huminahon ang aking ekspresyon. At kumindat. Lahat ata ng maganda ay magiging tipo ni Ken.

“Oo. Ano ’yon… playboy,” tawa ko.

“Halata nga. Pero mas tipo ko ’yung isa pa. ’Yung suplado.”

“Suplado sila halos, Florisse. Sino doon?”

“’Yung laging nakadikit sa babae? That shy girl…”

Ah?

“Wayt? Ryler Wayt?”

“Yes. Ryler,” parang naalala niya.

Mga family friends lang naman kasi ang tumatawag sa kanila ng Wayt, Blue, Red, Grey. Their famous names are Ryler, Caden, Kaizen and Ashton. Ang mga babaeng nakiki Wayt, Blue Red at Grey ay feeling close lang siguro maliban sa pinsan talaga at family friend katulad namin.

“Suki ’yon sa mga girls.”

Tumango siya ngunit hindi masyadong bumabakas sa mukha na interesado.

“Balak mo nang mag boyfriend ngayong eighteen kana?”

Inabot ko ang juice at sumipsip sa straw nito. Nilingon naman ni Florisse saglit ang dalawa pa naming pinsang babae na naroon pa rin sa patio at walang imikan dahil tutok sa cellphone.

“Wala pa akong nagugustuhan romantically eh. Pero may natitipuhan na ako,” sabi ko sabay balik ng baso sa gilid.

“Nakakailang boyfriend na ba si Irah?”

“Ewan ko kung sino ’yung boyfriend niya ngayon…”

Kita naming dalawa ni Florisse kung paano nag-angat ng tingin si Irah nang kapwa namin siya tiningnan habang pinag-uusapan. Ipinakita niya ang dirty finger niya kaya kahit si Rina ay kuryosong lumingon sa amin.

Florisse showed her dirty finger, too. Iaangat ko rin sana ang akin sa palihim na paraan kaso kita ko sa gilid ng aking mga mata ang mga boys na nakatingin dito lalo na’t bukas ang sliding door kaya kitang kita kami.

“Florisse!” saway ni Rehan habang nakapamaywang na tinatanaw kami kaya binawi ni Florisse ang kamay at bumaling sa akin.

“Ang aga aga niya talagang pumasok sa ganyan. She’s way younger than us. Kaedad niya lang si Rina,” si Florisse na sumisingkit lalo ang mga mata dahil sa pangliliit.

Nagkibit ako at natanaw ang mga pinsan naming lalake. North looked tipsy. Pula na ang mga pisngi habang pangisi ngising sumisimsim sa sofa. Sa kanyang tabi ay si South na abala sa cellphone at si Rehan na kausap si Trey na nagsasalin ng shot nila.

The Montiel aren’t here. Nakikihalo rin sila sa ibang family side. Tito Kazi’s wife is a Santiago. Pinsan ng kanilang mga anak ang side nila Daphne. Sa side naman ni Daphne, magpinsan ang Mommy niya at Mommy ni Grey.

Iniisip ko pa lang kung gaano ka rami ang mga Delafuente at meron pa silang mga second degree cousin at pamangkin ay nahihilo na ako.

Nakihalo rin naman kami sa boys pagkatapos. Tulog na si South sa sofa noong nakikain kami ni Florisse sa pulutan. Si North naman ay hirap nang tumayo at pumipikit pikit na.

Nawili na ata ang mga boys kakainom dahil noong nakaraang New Year ay ganoon din. Pinagtawanan pa namin ni Florisse nang gumulong si North sa hagdanan sa kalasingan.

Psychology ang napagdesisyonan kong kunin. Sa Manila na rin nag-aaral si North at South kaya halos kami na ang magkakadikit.

“Pupunta raw dito ang mga Lealde ngayong Summer,” ani North habang nasa bahay nila kami at naliligo sa pool.

Sobrang tirik ang araw kaya naghahanap kami ng mapaglilibangan kaysa magkulong sa loob.

Kita ko ang pagkatigil ni South nang umahon. Gusto kong mag-angat ng kilay lalo na’t alam kong nanunuya ang ngiti ni North.

Sumipsip si Irah sa kanyang juice at hindi nagbigay ng reaksyon.

“Silang dalawa ng kapatid niya?” tanong ko.

North nodded and smiled. “Yes. Pati si Latch,” aniya at parang may pinapahiwatig sa pangalang iyon.

Simula kasi noong hindi siya sumipot sa birthday ko ay hindi na talaga ako nagrereply. I hate being stood-up. Ayoko ’yung napapaasa ako. Ngayon pa na may panibago akong nagugustuhan? At mas gusto ko kaysa sa kanya na malayo?

“Samahan mo ako mamaya sa photoshoot ko, Franca,” ani Irah habang umaahon na rin.

She’s busy being a model. Doon siya mas abala bukod sa outdoor activities at madalas ay iyong Bryce ata ang kanyang kasama.

Ayokong harapin si Latch lalo na’t hindi pa humuhupa ang iritasyon ko sa nangyari. Kung alam niya lang paano naging pangit ang last dance ko. Nagmukha akong turnado kakaikot!

Kaso mahirap iwasan ang mga Lealde lalo na’t they’re one of the Buenaventura’s family friend. Dinner iyon nang imbitahan sila sa mansiyon para makipag salu-salo sa amin.

Tahimik lamang ako sa mesa kahit ramdam ko ang pagnanakaw ng tingin ni Latch. Sumubo ako at pasimpleng nag-angat ng tingin. Sumimsim siya sa tubig habang mariin ang titig sa akin.

I’m fine with Ken right now. Siya ang madalas kong ka text at kontento naman ako sa bagay na ’yon.

Tumikhim si Latch kaya nagtinginan ang lahat sa kanya. Kinuha niya ang table napkin at pinunasan ang labi.

“Can I use your comfort room, Tito?” paalam niya kay Dad.

“Go ahead, hijo. Franca?” my father looked at me.

Tumayo ako at ngumiti. Sumulyap lang saglit ang mga oldies sa amin ngunit wala sa sarili ring binawi ang tingin at muling nag-usap.

Nahuli ko kung paano sumeryoso si North at mabagal ang pagnguya nang tumayo kaming dalawa ni Latch. Nauna akong maglakad habang sumusunod naman ito.

Lumiko kaming dalawa. Hindi na abot ng mga mata ang parteng iyon kaya tumigil ako sa may pader at humalukipkip lalo na’t alam ko agad ang kanyang gusto.

Nagtungo si Latch sa aking harapan at huminto. Matangkad siya ng ilang dangkal sa akin kaya halos tingalain ko siya sa seryosong tingin.

“What?” I asked coldly while he’s looking at me.

“I’m sorry…”

Sorry? He didn’t even try to explain. Tumango ako. Bahala siya.

Nag-amba akong umalis ngunit itinukod niya ang kamay sa aking gilid. Muling umahon ang aking tingin sa kanya. Gumalaw ang kanyang panga nang makita kung gaano ka seryoso ang aking mukha.

Muli akong sumandal at mahigpit ang pagkakahalukipkip. Transparent walls ang nasa likuran niya at nakahawi pa ang kurtina kaya nakikita ko ang patio. Matatanaw mo rin ang madilim na langit at bilog na buwan.

Latch tilted his head to block my view. Tiningnan ko siya ng tahimik.

“I’m sorry…” ulit niya sa mas masuyong paraan at yumuko para makahalik.

Iniwas ko ang aking mukha. Tumigil siya sa paglapit at pagtangkang halikan ako sa labi. He shut his eyes and muttered some curses.

“Let’s stop everything here,” malamig kong tugon.

Huminga si Latch at titig na titig sa akin. Nanatili ang mukha ko sa kanang bahagi lalo na’t ayokong magbanggaan kami at maghalikan.

“Something came up kaya hindi ako nakadalo,” he whispered and kissed the side of my head.

“I don’t care, Latch. I’m not asking.”

“Don’t do this…” masuyong bumaba ang labi niya sa aking pisngi. His hot breath kissed my skin.

Sunod sunod na patak ng halik ang kanyang ginawa. Mababaw ngunit ramdam ko ang panunuyo habang ang isa niyang kamay ay humahaplos sa braso at gustong kalasin ang aking mga kamay.

My face remained serious while he’s kissing me. Deritso lamang ang aking tingin at hindi mahila ang galit na natanim ko para sa kanya noong kaarawan ko.

“Did you know what happened? Nakasayaw ko ang pinaka ayaw kong lalake. It ruined my night,” I whispered bitterly.

Tumigil siya sa paghalik sa aking pisngi at dinungaw ang aking ekspresyon.

“Babawi ako, hmm?”

“I’m starting to like someone else, Latch,” prangka ko nang matigil tigil siya.

He looked shock and pained but I didn’t hesitate to talk more.

“Noong gabing ’yon, sa birthday ko, nagkaroon ako ng crush,” pag-amin ko.

Imbes magalit, kita ko ang kanyang pagnguso. Umirap ako lalo na’t akala niya siguro ay nagbibiro ako kaya muli siyang sumeryoso.

“Crush ka rin ba?” he asked softly.

“We’re texting. He’s calling me. And he said we’ll hang-out,” sabi ko.

Huminga siya at pumikit. Naramdaman ko ang paghinto ng kamay niyang kalasin ang aking braso. Binawi niya iyon at ibinulsa.

“Do you like him as your… boyfriend?”

I like him as my boyfriend at ganoon din si Ken. Kung sumipot siya, edi hindi ko dapat narealize na masarap kasama si Ken.

“Malayo ka naman lagi,” I said in a bitter tone.

“Akala ko ba walang problema kung malayo? Nagkikita tayo tuwing summer. Nagtetext… Nagcacall…”

Hindi ako umimik. Nawala ata ang pagkagusto ko kay Latch at naibaling lahat kay Ken. Isang ngisi lang noon wala na…

“At hindi kana mangungulila sa mga halik ko lalo na’t dito ako mag-aaral,” nanunukso pa.

Hindi iyon tumalab sa akin. I couldn’t even laugh. Nanatiling matigas at madilim ang aking ekspresyon.

Latch sighed heavily. Nagkatinginan kaming dalawa sa tahimik na paraan. He looked bothered. Mariin ang paninitig at seryoso ang supladong mukha.

“Do you like him more?”

Tumango ako ng walang pag-aalinlangan para hindi na siya maging sagabal pa kung sakali mang lumalim ang mero sa amin ni Ken.

“Baka naman gago ’yan at paaasahin ka lang,” pagalit niyang bulong.

Ken is nice. Pero kung gagawin niya ’yon sa akin, kawawa siya. I will not hesitate to hurt him back.

“Mabait ’yon,” pagtatanggol ko.

Pumikit siya at isinandal ang noo sa aking noo. I lowered my vision. Napatingin ako sa nakasabit niyang gold necklace na may cross na pendant.

“Wala na akong pag-asa?” he whispered weakly.

Hindi agad ako nakailing. Nang mapansin niya iyon ay para bang nakahanap siya ng susi para mapasok ang sinarado kong mga pinto sa kanya.

He tilted his head and brushed his lips to my lips. He sighed when he realized I didn’t avoid his kiss. Muli niyang hinagod ng halik ang aking labi at hinawakan ang aking baba para mahalikan ako ng maigi.

“You will find someone else,” I said while he’s busy kissing me.

Tumigil si Latch at magkasalubong ang kilay nang dungawin akong muli.

“Binibigay mo na ako sa iba?” he looked pissed.

“Eh may iba akong nagugustuhan. Anong gusto mo, landiin kita habang nilalandi ko rin ’yung gusto ko?”

He looked at me seriously. Hinaplos ko ang aking buhok at tamad na bumaling sa gilid para tingnan kung may tao ba o wala. Baka biglang may sumulpot at makita kami sa ganitong ayos.

Umangat ang aking mga mata at nakita ang nakatutok na CCTV. Hindi ako nagpanic lalo na’t nasa dining area ang lahat. Magiging busy si Dad buong gabi. Magkakaroon ako ng tyempo na burahin ang cctv footage mamaya.

Ibinalik ko ang tingin kay Latch na tahimik pa rin.

“Paano kung maghahalikan kami? Gusto mo pagkatapos ko sa labi niya sa labi mo naman? Isn’t it disgusting? Para mo na rin siyang nakahalikan no’n,” I explained firmly.

“Tsss,” nailing siyang yumuko at hinaplos ang buhok.

“’Tsaka friends pa rin naman tayo.”

Umahon muli ang kanyang tingin at nanliit ang mga mata.

“I can’t stay friends with you. I don’t like you as a friend, Franca. Maf-frustrate lang ako.”

I smirked and nodded. Nanliit lalo ang kanyang mga mata nang makita ang aking reaksyon.

“Fuck it… Sino ba ’yang nagugustuhan mo? I wanna punch him so bad right now,” ani Latch nang hinihila ang aking baywang.

Nagpatianod ako sa kanyang balak na yakap nang hindi tinatanggal ang nakahalukipkip kong mga kamay. Isinandal ko ang aking baba sa kanyang malapad na balikat. Hinagkan niya ang gilid ng aking ulo.

“Fuck. Basted. You’re my long time crush. Pinatikim mo lang ako, you heartless Buenaventura.”

I rolled my eyes but I’m smiling.

“Masarap naman ba?” I asked playfully.

Latch cursed softly. Ipinalupot niya ang kamay sa aking baywang at ibinaon ang mukha sa aking leeg.

Hindi ako napilit ni Latch sa gabing iyon. Tumigil din siya at nirespeto ang aking desisyon.

“As long as he’s not your boyfriend yet then I still have a chance,” huli niyang sabi.

Bahala siya. Ang mahalaga ay nilinaw ko sa kanya ang gusto ko. He’s aware I like someone else right now. Hindi siya aasa sa akin lalo na’t wala naman akong ibinigay na salitang panghahawakan niya.

Ayoko talaga pag napapaasa ako lalo na’t tumitigas ang puso ko sa mga taong iyon. Kahit gaano ko pa iyon kagusto ay hindi ako magdadalawang isip na huminto at tumalikod.

Umakyat ako sa kuwarto pagkatapos ng aming pag-uusap para rin mapatay ang cctv. Bumalik naman si Latch sa lamesa at sa sobrang distracted ng lahat ay wala atang nakapansin na matagal kami. Ngunit alam kong pansin ’yon ni North.

Mas mabuti kung si North. We vibes. Hindi niya ako ipapahamak.

Matulin ang takbo ng summer. Ang mga Delafuente ang ka bonding ko. Mahilig din kasi sila sa outing at masaya silang kasama kaya maaaliw ka sa grupo nila.

June Twenty-three. It was Ken’s birthday. Hindi ko alam kung bakit biglang exciting sa akin ang birthday niya. Siguro dahil na rin madalas kaming mag text?

Wala pa akong alam sa mga hilig niya. I should start fetching some informations para sa susunod na birthday niya ay may mairegalo naman akong maganda.

Pansin ko maraming girls noong birthday niya. House party kasi ang naging selebrasyon at hindi imbitado ang mga oldies. Kami kami lang.

Si Blue agad ang unang nakapansin sa akin. Abala siya sa pakikipag-usap sa mga pinsan nang makita ang pagdating ko.

Nakita ko ang pagbalik ng kanyang tingin sa mga kausap at tila nagpaalam na umalis lalo na’t humahakbang na siya papalapit sa akin.

Iginala ko pa ang tingin. Where’s Ken?

“Franca!” he smiled.

Ngumiti ako at iginala pa ang tingin. Iginala niya rin ang tingin at parang na gets ang hinahanap ko.

“Nasa comfort room ata si Ken. Halika… Humalo ka muna sa girls,” si Blue na iginiya ako.

Lumebel ako sa kanya. Everyone’s here. May iba na hindi pamilyar pero ang kalahati ay kilala ko.

“Nagtetext daw kayo ni Ken?” kuryosong tanong ni Blue nang mamulsa sa aking gilid.

Tiningala ko ang kanyang katangkaran. Nakikita ko naman sana sila minsan pero bakit habang tumatagal gumaguwapo ang kambal?

Wala naman talagang tapon sa kanila. Hindi naman patapon ang mukha ni Hiro kaso nasisira ang tingin ko sa kanya dahil sa mga palihim naming away. Lalo na iyong ginawa niya sa birthday ko.

Pero aaminin ko na isa ang mokong na ’yon sa may superior na looks pagdating sa magpipinsan. Sobrang ganda nga ng kapatid niyang babae.

“Uh oo. Sinabi niya?”

Tumango si Blue at tipid ang ngiti.

“Hiningi niya?”

Tumango rin ako. Ngumuso siya at nag-iwas ng tingin. Cute.

“Bakit?”

“I’m just curious since… wala akong number mo,” marahan ang kanyang pagkakasambit.

“Where’s your phone?”

Mabilis ang kanyang paglingon. His eyes widened. Ngumiti ako at inilahad ang kamay sa kanya. Kinapa niya agad sa bulsa ang cellphone at nagmamadaling ibinigay kahit hindi pa naka on.

“Oh sorry. Wait…” Tinipa niya ang six number na password. “My sister’s birthday, si Elle,” paliwanag ni Blue.

Tumango ako at ngumiti. Bumungad ang wallpaper niya kasama ang kapatid na si Elle na inaakbayan niya at pinipisil ang pisngi. They looked cute.

Tinipa ko ang numero. Naramdaman ko agad ang pamilyar na mga matang nakamasid.

“Here.” Ibinalik ko kay Blue ang cellphone niya.

He blushed while biting his lowerlip.

“Thanks, Franca…”

Hindi ko halos narinig ang boses ni Blue lalo na’t sumulpot din si Ken sa kung saan. Magulo ng kaonti ang kanyang buhok at may pinupunasan sa lower lip niya.

Sa likuran ay napansin ko ang babaeng nakasunod na pasimpleng nililingon si Ken. They made out?

“Franca!” Lumapit si Ken sa akin.

“Happy birthday,” bati ko.

Malawak ang ngiti ni Ken nang niyakap ako gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay ipinangtulak niya sa dibdib ng pinsan.

Noong humiwalay ay dumausdos agad ang kanyang kamay sa aking pulso at hinila na ako para maipakilala rin sa kanyang friends.

Nilingon ko si Blue na namulsang tinanaw kami. He smiled and nodded. I smiled, too.

“This is Franca,” si Ken sa nagmamalaking tinig.

“Hello!” isa sa mga lalake ang naglahad ng kamay na tinabig ni Ken.

“Hindi pwede, Rem. Mahigpit ang Daddy nito. Bawal bastang hawakan.”

Inasar tuloy kami ng kanyang mga kaibigan dahil doon. Hindi na halos binitiwan ni Ken ang aking pulso at sinasama ako sa bawat pupuntahan niya para ipakilala.

“Girlfriend?! Sa gago mong ’yan! You will only corrupt her innocent mind!” natatawang sabi ng babae pagkatapos kaming magkamayan.

Umiling si Ken at natatawa akong inalis doon.

“Don’t mind them,” ani Ken.

I feel so special. Pakiramdam ko pinapapasok niya ako sa kanyang mundo sa ginagawa niyang pagpapakilala sa akin sa mga kaibigan niya. I find it attractive.

Dinala ako ni Ken kung nasaan ang kanyang mga pinsan. Nasa sofa halos ang iilan at nahanap ko agad ang mga mata ni Hiro habang hawak ang san mig na nilalagok.

Ngayon lang ata ulit kami nagkita. He’s wearing a black hoodie jacket and faded jeans.

Sa kanyang tabi ay si Red na sobrang sungit tingnan lalo na’t walang imik at tahimik lamang habang sa harap ay si Elle na katabi si Nana at si Wayt na umiinom din habang abala sa cellphone.

Bumaba ng dahan dahan ang kanyang mga mata sa pulso ko kung saan ako hawak ni Ken.

“Usog, Hiro,” utos ni Ken sa pinsan.

Nauna agad umusog si Red sa kanyang tabi. Ang masungit na si Hiro, imbes umusog ay bumukaka pa.

“Tss. Find your own seat,” si Hiro nang ibinaba ang bottle at inilagay sa mesa.

“Gago. Saan ko pauupuin si Franca? Sa kandungan mo? Usog, dude!” Itinulak niya na talaga si Hiro.

Umangat ang kilay ni Hiro at dahan dahang umusog para bigyan ako ng espasyo. Nilingon ako ni Ken at ngumiti.

“Upo ka rito. May susunduin lang muna ako,” paalam niya.

Tumango ako at umupo doon ng dahan dahan. Pinanood ko ang likod ni Ken na umaalis na at nagawa pang makipag-apir sa lalakeng pinakilala niya kanina. Humalakhak siya saglit at naiiling na naglakad din.

Binawi ko ang tingin at pasimpleng nilingon si Hiro sa aking gilid. Nakapangalumbaba ito sa nakabukaka niyang mga binti at hawak na ang cellphone.

Nakita ko agad sa screen ang text message niya kay Naia.

Rooftop.

Iyon ang text niya na walang reply at nagtitipa ulit ng mensahe.

Hiro:

Hope you’re not coming here. Daming boys. I’ll get jealous.

Nakita ko kung paano niya binura ang tinipa. Parang nagsisi at narealize niyang ang corny niya. Kinagat ko ang labi at nagpigil na matawa. Hindi naman nirereply-an! Karma!

13th Ruled

Ruled

Cute

Hindi rin naman ako nagtagal sa birthday celebration ni Ken lalo na’t pinapauwi na rin ako ni North. Sinundo rin ako ni Dad. Si Irah ang hindi pumunta at nagmumukmok na naman ata sa kuwarto.

Unknown:

Hi Franca. This is me. Blue.

I saved Blue’s number. Nagbeep ulit ang aking cellphone sa panibagong text.

Ken:

Breakfast ;)

Nakita ko rin ang text ni Latch.

Latch:

I miss you.

At ang iba pang text ng mga lalake kong friends na hindi ko na ata kayang basahin. Bigla kong naalala ang nabasang text. Rooftop? Magkikita sila sa rooftop?

Simula noong nagsimula ang klase ay araw araw na ata akong umaakyat sa rooftop kaso lock naman lagi. Binubuksan ko pa kaso mukhang wala talagang tao.

“Rooftop?” takang tanong ni Ken nang tumawag siya kinagabihan.

“Bawal ang mga students sa rooftop. Sa pagkakaalala ko si Hiro ang humahawak ng susi. What about it?”

Ibig sabihin ay may access nga si Hiro sa rooftop. At meeting place nila ni Naia? O magkikita sila doon para mag-usap? I’m curious.

“Gusto mo bang pumunta doon? I’ll get the keys and we can go there…” presinta ni Ken na ikinangiti ko.

“Uh, ano naman ang gagawin natin doon?” I chuckled.

“Hmm… kakain?” Ken chuckled back.

Pumikit ako at napahiga sa aking unan. Niyakap ko ang malaking teddybear at ibinaon ang labi sa katawan nito.

“Pwede naman…” ’tsaka halikan, Ken.

“Ahuh…” he laughed softly. “Let’s try it. Susubukan kong hiramin kay Hiro ang susi.”

Gabi gabi nalang ata akong nakangiti dahil sa mga tawag at text ni Ken. May mga araw naman na hindi kami nagtetext pero ayos lang naman total alam kong may iba ring dapat pagkaabalahan.

Nagpatuloy ako sa pagbalik sa rooftop. Baka naman sa ibang rooftop? Maraming rooftop. Pero kung ako si Naia ay maghahanap talaga ako ng tahimik na lugar kung saan ako tatambay at sigurado akong ganoon din ang iniisip ni Hiro sa kanya.

Bumaba akong muli at pumasok sa iilang subjects ko. Palagi kong tinitingnan si Naia na tahimik lang. Parang walang pakialam. Ganyan nga. Hurt his ego. Don’t give-in.

Dinala ko ang mga books para ibalik sa locker room habang iniisip ang rooftop. Kuryoso ako eh. What if may tago pala silang relasyon? What if ginagawa nilang nest ang rooftop at naghahalikan sila doon?

Hindi ’yon imposible. Kaso kung sila pala bakit naman hindi s-in-end ni Hiro ’yung corny niyang text? Kung girlfriend niya pala eh bakit nag-aalangan siya?

Ibig sabihin walang gusto si Naia. Ni hindi nga siya nirereply-an.

“I like you,” rinig ko ang pamilyar na tinig sa locker ng mga girls kaya naging mabagal ang aking paglalakad.

That voice is very familiar. Madalang kaming mag-usap pero alam ko kung sino ’yon.

“What? Are you serious? Ikaw?” natatawa ang tinig ng babaeng pamilyar din sa akin.

Oh… so there’s something going on between them?

Nanatili ako at nakinig pa. They started talking but the way she answered him feels off. Parang… walang patutunguhan.

Naramdaman ko ang rahas na pagkakasara ng locker at mukhang may aalis na kaya nauna akong naglakad paalis.

Basted.

Pagkapasok ko sa sumunod na subject at natanaw si Naia ay naalala ko agad ang kanyang pinsan. Nagtungo ako sa aking silya. She’s busy on her iPad while I’m busy looking at her.

Kaklase kami noong Grade Eleven at Grade Twelve. Ngayon na parehas kami ng kurso ay nagiging kaklase ko siya sa iilan kong subjects at talagang hindi kami kailanman nag-uusap.

She’s the most distant person I know. Lagi lang tahimik.

“Naia…” I called to approach her.

She didn’t glance at first. Kita ko ang pagiging abala niya kaya kuryoso akong sumandal sa likod ng kanyang upuan at sinilip ang kanyang ginagawa.

She’s busy organizing her schedule. I tilted my head to see her face properly. Tumigil siya at dahan dahang lumingon sa akin.

She looked at me coldly. Namangha pa ako lalo na’t detalyado kong nakita ang freckles sa bridge ng kanyang ilong na kulamat ng kaonti sa kanyang pisngi ngunit hindi ganoon ka rami at ka klaro.

“Ang ganda mo talaga.” No wonder Hiro is into this girl. She’s not just pretty. She’s also smart. Siya ang top 1 sa klase namin lagi noon. Palagi ring na eelect na President kaso ayaw niya ng maraming ginagawa kaya palaging napapasa sa iba.

She looked at me blankly. Para bang napaka walang kwenta ng aking sinabi kaya binawi niyang muli ang tingin.

Kinagat kagat ko ang aking labi at nanood muli sa ginagawa niya sa iPad. I can smell her perfume. Powder and flowery…

Naalala ko bigla na August pala ngayong buwan. It’s Hiro’s birthday. Twenty-one.

“Pupunta ka ba sa birthday ni Hiro?” I asked.

She stopped tapping on her iPad.

“Hindi,” tipid niyang sabi.

Wala rin siya noong seventeenth birthday ko. Parang lulubog lilitaw lang talaga siya. Balita ko rin kasi panay dalo ang mga Fortalejo sa mga business parties. Kaya siguro may mga pagkakataong hindi sila nakakahalo sa amin. O sadyang mailap talaga ang isang ’to.

I nodded and wanted to talk more but I can sense that she’s less interested so I stopped talking. Hirap namang kaibiganin!

“Kinabisado niyo ba ang kanta?” ang aming Maestra na si Ma’am Beth sa Linggong iyon.

Nasa simbahan ako lalo na’t may practice kami para sa kakantahin bukas. Isang araw lang naman lagi ang practice tuwing Sabado ngunit minsan ay talagang inaabot kami ng gabi lalo na’t estudyante rin ang lahat.

Tumango kami habang isa isa niyang ibinigay ang papel. Pinasadahan ko agad iyon at tiningnan kung nasaan ang aking parte lalo na’t kasali ako sa soprano.

Last week niya pa kami in-inform na kabisaduhin ang lyrics ng on Eagle’s Wings at ngayon lamang magpapractice para sa magiging set-up ng aming mga boses.

“We’ll start,” si Miss Beth habang palakad lakad sa aming harap.

Nahanap ko agad ang aking pangalan sa unang lyrics pa lamang ng kanta kasama ang iba pang soprano. Ibig sabihin ay kami nila Ricia, Mateo at Patric ang mangunguna lalo na’t apat kaming soprano.

Sinenyasan ni Miss Beth ang pianist na nagsimulang tumugtog. Humarap si Miss Beth sa amin at itinataas ang kamay.

Sumeryoso kaming lahat habang nakatingin na sa kanyang magiging senyas.

“You who dwell in the shelter of the Lord, who abide in his shadow for life…” we started singing.

Our voices blended well. Mataas ang aming tinig ngunit malinis at malambot pakinggan sa tainga.

Our Maestra looked at me and smiled while nodding. Sumenyas siya sa bass para sumali sa sunod na lyrics habang tumatahimik na ang mga lalake naming soprano at kami na lamang ni Ricia ang nagpapatuloy kasama ang mababang tinig.

Nagpatuloy ang aming practice. Paulit ulit kami sa umpisa para makabisado ang bawat notes.

“You who dwell in the shelter of the Lord, who abide in his shadow for life…” we started singing like how we practiced.

Nakatayo kaming lahat sa platform stage suot ang puting damit at naka pokus kay Miss Beth na ngumingiti sa amin habang gumagalaw ang bawat kamay bilang guide namin.

Napapasulyap ako minsan sa aking parents. Mommy was smiling while holding her phone, probably taking a video of me. Nasa tabi niya si Dad na nakahalukipkip at seryoso ang tingin.

The low voices of our members started blending with the sopranos.

Nahuli ko ang paninitig ni Ken sa akin. I continued without thinking too much about it lalo na’t nakaawang pa ang kanyang labi.

Pumaibabaw sa kabuuan ng malaking simbahan ang aming tinig. It’s like the heaven’s gate opened and all the angels from the sky were singing.

Alam kong maganda ang aming pagkakakanta lalo na’t makikita mo rin sa reaksyon ng mga nanonood kung gaano nila kagusto ang aming tinig.

Pasulyap sulyap kami kay Miss Beth saka rin igagala ang tingin sa mga nanonood sa amin sa simbahan.

This time, I saw Hiro’s eyes. He watched me seriously. Birthday niya na sa susunod na mga araw. Oh I’m excited! Maibabalik ko na ulit ang gift niyang condom sa akin noong eighteenth birthday ko!

Jesus Christ, Franca. Kumakanta ka sa loob ng simbahan at ang laman ng isip mo ay condom?!

Nagseryoso ako at blinangko nalang muna ang isip hanggang matapos na.

“Pang disney princess talaga ang boses mo. Napaka lambot,” ani Ricia.

“Sa’yo rin ah,” sabi ko at natanaw na ang pagtatayuan ng lahat para sa magiging dasal lalo na’t patapos na ang simba.

Tumahimik muna kaming dalawa at nakisali rin sa pagyuko ng iba. Bigla akong may naisip kanina. That gaze is very different from those eyes I familiarized. That’s not for me.

Kumunot ang aking noo habang naririnig ang dasal na nangingibabaw at humahalo ang aking pinag-iisip. Nakakakilabot ’yon pag nagkataon…

Dala dala ko ata iyon sa mga lumipas na araw. Bigla akong kuryoso. Parang may mali talaga eh.

Miyerkules at birthday ni Hiro. Naimbitahan ulit kami mamayang gabi sa kanilang bahay. Bigla kong naalala ang text niya na Rooftop kay Naia.

Mabilis kong niligpit ang mga gamit at muling nagtungo sa rooftop. Patakbo akong umakyat noong una ngunit nang mapansing bukas ang pinto ng kaonti at may naririnig akong boses sa loob ay bumagal ang pagmamadali ko.

That familiar voice! It’s Hiro!

I tiptoed carefully. Humawak ako sa railings habang ang isang kamay ay ang aking bag at maingat na humakbang palapit.

“I like you silently since…” humina ang tinig ni Hiro.

Tumigil ako habang namimilog ang mga mata. Hiro is confessing!

Nang makabawi sa pagkagulat ay dahan dahan akong tumabi sa pinto at sumilip. Mabilis ko silang natanaw. Nakapamulsa si Hiro sa harapan ni Naia habang kapwa hinahangin ang kanilang mga buhok.

“Hindi kita gusto, Hiro,” Naia said.

Ngumuso si Hiro at tumango. Ba’t masaya? O baka naman nagpapanggap nalang na masaya kahit brokenhearted? But no. He looked so sincere.

“Si Ken ang gusto ko,” pag-amin ni Naia.

What…

She likes Ken? Romantically?

“I know…” Hiro smiled and nodded again.

Natanga ako ng ilang sigundo kaya noong lumingon si Hiro at nahuli ang aking mga mata ay hindi agad ako nakatago.

Binawi ko pa rin ang sarili at nagtago saglit sa gilid kahit kita na ako.

Hindi ko na ata kayang makinig sa usapan nila. Tama na ang mga narinig ko. Dahan dahan akong bumaba at humawak sa railings.

Naia likes Ken. Ang hinala ko ay totoo. She likes him. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Parehas kami ng nagugustuhan ni Naia.

Nasa ikalawang palapag pa lamang ako lalo na’t mabagal ang aking paglalakad nang makarinig ako ng mga yapak ng paa sa itaas.

Mabilis akong bumaba at hirap pa dahil sa heels ng aking sapatos. Tumingala ako at nakita si Hiro na nakayuko rin habang tinitingnan ako.

He glared at me. My eyes widened. Nagmadali akong bumaba habang ramdam ko na ang bumibilis niyang pagbaba.

Shit! I was just curious! Nagagalit ako dahil pinapakialaman niya ako tapos ako naman itong tsismosa ngayon sa buhay niya. At ako pa ang nahuling naninilip!

Kulang nalang ata ay liparin ko ang bawat steps lalo na’t rinig ko rin ang bilis na pagbaba ni Hiro. Shit! Mag-aaway na naman kami!

Nang makita ko ang labasan ay halos makahinga ako ngunit ganoon din ang pagkakawindang ko nang mabilis akong nahablot pabalik.

Ang balak kong pagtili ay hindi natuloy lalo na’t isinandal agad ako ni Hiro sa pader at mabilis na tinakpan ang aking bibig.

Taas baba ang aking balikat at namimilog ang mga mata. Magkasalubong naman ang kanyang kilay at irita.  I groaned on his hand. He caught me!

“Ikaw na naman?” kung makapagsalita akala mo laging pinapakialaman!

Umirap ako at iritang hinawakan ang kanyang pulso para lang alisin niya sa akin ang kanyang kamay.

“Anong ginagawa mo sa itaas?” irita niyang tanong.

Huh? Hindi ba dapat ako ang magtanong? Students are not allowed on the rooftop!

Dahan dahan niyang inalis ang kamay para makapagsalita ako.

“Napadaan lang ako,” I reasoned and pushed him away. “Aalis na ako.”

Isang hakbang pa ang ginagawa ay muling hinila ni Hiro ang aking braso at ibinalik ako sa kanyang harapan. He looked so serious.

“Napadaan? Saan ka galing?”

Humigop ako ng hininga at humalukipkip. Walang napapadaang estudyante rito kaya alam kong hindi kami madidisturbo kung sakali mang nag-away ulit.

“Wala akong ipagkakalat. Hindi ko sasabihin sa lahat na basted ka ni Naia,” I smiled flatly.

Iniangat niya ang kilay. Ayan na naman ang mapanghamon niyang paninitig at kayabangan niyang suot. He has this aura that I really hate. Parang malaki ang kumpyansa lagi sa sarili na mananalo siya lagi.

“Your lame strategies won’t work on me, Buenaventura…”

Huminga ako at sumandal sa pader. I know. Mahirap pagplanuhan si Hiro kung paano mo siya sasaktan lalo na’t kalkulado niya rin ang bawat galaw mo.

“Kaonti lang ang narinig ko. Don’t worry,” mas matabang na ang aking tinig sa pagkakataong iyon.

Muli kong naalala ang narinig ko galing kay Naia. She likes Ken. At base sa sinabi ni Ken sa akin ay gusto niyang pormahan si Naia kaso wala siyang pag asa dahil babasted-in lang siya nito.

Kung aamin si Naia, sigurado akong may patutunguhan silang dalawa. Nairita ako sa aking mga iniisip. Sinamaan ko ng tingin si Hiro na titig na titig pa rin sa aking mukha.

Kumurap ako at natauhan. Kumurap din siya at tila natauhan. Inalis niya ang itinukod na kamay sa aking gilid at tumayo ng tuwid sa aking harapan. Namulsa siya. Seryoso na naman.

Parang taon taon nalang ata tumatangkad itong si Hiro. O hindi ako lumalaki? I’m five foot five or so. Kaso ang liit ko talaga pagdating sa harapan niya.

Huminga ako at tumuwid na ng tayo. Nag-amba akong umalis ngunit humawak na naman si Hiro sa aking braso. Ibinalik niya lang ulit ako sa harap niya. I groaned.

“I was just curious, okay! Iniisip ko na may tago kayong relasyon at palihim kayong nagkikita sa rooftop,” paliwanag ko nang matigil na siya.

“Bakit ka naman kuryoso? What are you planning to do?”

Nalaglag ang aking panga. Inaakusahan niya ba akong may binabalak na masama?

“Wala!”

“Wala?” nagdududa siya.

“Oo wala! Kabisado mo ako ’di ba? Did you read it on my mind? Did you see the sudden change in my eyes? Did you?”

His face calmed down. I groaned and pushed him. Nang hindi siya natinag ay hinampas ko na talaga siya ng aking bag na mabilis niyang sinalo.

“Masakit na ’yan ah,” pigil niya.

“Pinagbibintangan mo ako ng kung ano ano. Really? After what you did on my birthday!”

Para bang alam niya agad ang aking tinutukoy.

“Nang-aapak ka,” he arched his brow.

“Once, Hiro. And what did you do? Halos mahilo ako sa mga ikot mo!” gusto kong isigaw pero bulong halos ang lahat at may diin.

Ngumuso siya at nagpigil ngumiti. Tumikhim siya at nagseryoso. Inangat niya ang kilay at muling naging suplado ang tingin.

“Ginawa mo akong tornado!” dagdag ko.

Napayuko si Hiro at humalakhak. Tanging buhok niya lamang ang nakikita ko ngunit rinig na rinig ko ang kanyang tawa. I even smelled his shampoo lalo na’t ang lapit talaga naming dalawa.

What… what the hell? He laughed?

Kumurap ako at irita pa noong umaangat ang kanyang tingin at suot ang ngisi sa labi. My shoulder loosened. First time ko siyang… uh… nakitang… nakangiti?

“That was cute…” he whispered with a hoarse and sexy laughter.

Kumurap ako at huminahon. Parang… hindi ako sanay. This isn’t how we fight. This isn’t how he acts when we’re on a heated conversation. Hindi ganito. Nangingilabot ako dahil alam kong hindi siya ganito!

Natanga pa ako at nagulat lalo na’t hindi ko inaasahan. Dapat ay mainit nga ang kanyang ulo lalo na’t basted na nga, hindi pa siya crush ng crush niya.

Kaso bakit parang ang saya saya niya? Para siyang nakatakas sa isang kulungan at ngayon lang naging malaya. Naninibago ako. Si Hiro ba ’to?

Irita ko siyang tiningnan. Muli niyang iniangat ang kilay ngunit kitang kita ko kung paano niya itinagilid ang ulo suot suot ang kanyang ngisi habang nanunuya ang tingin sa akin.

“Ano pa?” tanong niya.

What? He wants to hear more? Noong una naming mga bangayan ay hindi ganito. Lagi siyang magwawalk-out. Lagi siyang irita. Lagi siyang naiinis. Kaya bakit… parang… ang saya niya?

“Wala na? ’Yun lang?” mapanghamon niyang tanong.

Kumurap ako at nag-isip isip. Gumala pa ang aking tingin. Dinungaw lamang ni Hiro ang aking ekspresyon at pinanood ako ng maigi. Tila hinihintay ang mga reklamo ko.

Nang muli ko siyang tiningnan sa mga mata ay nanghahamon na ulit ang tingin niya. Parang handang makipagbangayan ngunit sa ibang paraan.

“Ano pa bang mga ikinakagalit mo?” he asked more.

“Marami,” mabilis kong sabi.

“Gaano karami?” nawiwili niyang tanong, ang kamay ay nasa gilid pa rin at wala na ata siyang balak alisin iyon.

Fuck. No. This isn’t how he dodged my answers! Naglalapag din dapat siya ng mga kinaiinisan niya sa akin.

Or maybe I am over analyzing him too much? Baka may iba siyang trip sa akin?

Kung… kung ganito ang away namin susuko ata ako agad. Hindi na ito away. He can’t fool me.

“Wala kanang iba pang narinig sa rooftop?” he asked calmly.

Umiling ako habang hinuhukay pa sa aking isip ang mga narinig ko. He confessed. Naia rejected him and she confessed. ’Yun lang naman.

“Wala na. ’Yung lang nga,” nairita na naman ako.

He nodded. “Ah…”

Umalis na ako s’yempre. Ayoko nang marinig ang iba nilang usapan dahil nagulat ako sa pag-amin ni Naia.

Aalis na nga ako! Ayoko na siyang kausap. Hindi ko na gusto ang paraan ng pakikipag-usap niya sa akin. Parang gusto ko pa ’yung galit siya lagi eh. Pag ganito, parang… weird. Ayokong isipin ang naaamoy ko lalo na’t ayoko sa ganoon!

Ano bang nangyayari? Bakit ang dami kong naririnig na confession at puro basted? Sa iisang angkan pa.

“You bought a gift, honey?” tanong ni Mommy nang matulala ako sa labas ng bintana.

Patungo na kami sa mansiyon ng mga Delafuente, sa mismong bahay nila Hiro lalo na’t birthday na naman ng kumag.

“Uh yes,” sabi ko at biglang natauhan sa iniisip.

“Ano ’yan?” kita ko ang pagtitig ni Mommy sa itim na paper bag sa aking kandungan at kuryoso.

“Ah, jewelry…”

“Jewelry? What kind of jewelry?”

“Sinusuot sa katawan, Mommy,” sabi ko at nakita ang pares ng mga mata ni Dad na tumingin sa itaas ng salamin.

“Earring?”

Hindi. Sa ibabang parte ’to isusuot eh.

“Watch?” si Mommy naman.

“Necklace,” I answered.

My father’s eyes calmed down. Mommy nodded.

“Hmm. Maganda ’yan. Gusto ng mga boys ang ganoon kasi kapansin pansin tuwing isusuot sa leeg.”

My mind automatically formed a weird scene. Ikukwintas ni Hiro ’yung condom. Itatali sa leeg.

Kahit natatawa ay tumango nalang ako at muling ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Kung hindi ko lang naalala ang nagpapakuryoso sa akin ay hindi ko ata mapipigilan ang sarili sa paghagikhik.

Ibinalibag ko nalang sa kabilang direksyon ng aking utak ang mga iniisip para hindi na iyon bumagabag pa. I don’t want to discuss it thoroughly on my mind.

“Happy birthday, hijo,” my mother greeted infront of Hiro.

He’s wearing his usual attire, buttoned down shirt and pants. Kulay black iyon at bukas ang dalawang butones kaya sumilip ang gold necklace niya. His hair was a bit messy but it looked good on him.

Nagkatinginan kami ni Hiro. Nanatili siyang seryoso at supladong tingnan kaya medyo nagtataka na naman ako. Baka naman panaginip lang ’yung nakaraan?

Tumingin ulit sa akin ang aking parents. Doon ko napagtantong hinihintay na naman nila akong bumati lalo na’t kahit si Hiro ay nakatingin din sa seryosong mga mata.

“Happy birthday,” I said and handed my gift for him.

He licked his lowerlip and nodded. Kinuha niya rin ang itim na paperbag sabay angat ng kanyang kilay at tila may ideya na kung anong laman.

“Thanks,” ani Hiro.

What… the… effing… hell. Bakit siya bumabait?!

14th Ruled

Ruled

Jog

Hiro smiled. He also smirked. And he laughed. He also thanked me for the gift. He’s calm.

He’s calm! Oo at kalmado naman siya pero iyong walang pakialam hindi ganito na halos… parang…

Binalikan ko pa sa isip kung may pagkakataon bang nangyari iyon noon. Pinahiram niya ako ng pera? Is that counted? Hindi niya ako nilalaglag. Is that counted, too? Pero pinapagalitan niya ako ng palihim at doon nagiging malala ang aming pag-aaway.

Sa mga taong nagdaan ay ibang iba siya. He’s not like this. I never had a nice memory with Hiro. Our last memory made me hate him so much. Iyon ’yung sa birthday ko.

Kaya paanong… hindi ko talaga masundan sa aking isip kung pagkatapos ba noon ay nagkaroon kami ng magandang alaala sa isa’t isa para maging mabait siya bigla sa akin.

Or maybe he’s tired with our multiple silent wars? He’s nineteen. He’s too old for these nonsense things. Baka parang away bata nalang sa kanya iyong mga nangyayari sa amin noon lalo na’t kapwa na rin kami first year college?

Inisip kong maigi ang lahat lahat habang natutulala sa aking upuan. Namalayan ko nalang na nakasunod na pala ang tingin ko kay Hiro at nahuli pa ang aking mga mata.

He’s talking to his cousins. At sa tuwing lilingon sa akin ay nakikita ko kung paano nagiging mabagal ang kanyang pagsasalita saka rin dahan dahang ibabalik ang atensyon sa kausap sa seryosong paraan.

I sighed and licked my lowerlip. Humilig ako sa mesa at gusto itong makitang nakikihalubilo sa ibang babae. Maybe he smiles too? Maybe he would chuckle when he’s annoyed? Baka naman… hindi iyon ang unang beses?

Sa tinagal tagal ko rin naman kasing kilala si Hiro ay suntok sa buwan ang ganoong pagkakataon. He’s always serious. He’s unpredictable. He’s mysterious. He rarely smiles. He rarely talks. Kaya nga obvious na obvious siyang may gusto kay Naia na napapansin ko dahil hindi lahat ng babae ay mapapansin niya sa ganoong paraan.

Right. Hindi siya kailanman pumorma sa babae at hindi rin kailanman nagkaroon ng girlfriend. Ayos pa nga ang kambal dahil mababait lahat sa babae at friendly. Si Toshi kahit masungit nagkakaroon naman ng girlfriend ganoon din si Wayt. Ano nalang kaya si Grey? Kahit maangas ’yon ay malambot siya kay Chey.

Si Hiro lamang ang walang niluluhuran o sinasambang babae. Ganoon siya ka misteryoso lalo na’t ni isa ay walang may alam kung sino ang nagugustuhan niya hindi katulad sa mga pinsan niyang kakalat agad sa bawat lupalop ng school at tatawid pa sa ibang paaralan kung may pinopormahan ang mga ito at nagugustuhan.

He got no girl friends, too! Puro lalake ang circle of friends niya.

Kaya nga noong magaspang ang ugali niya sa akin ay hindi ako nagtaka lalo na’t ganoon si Hiro. That’s his nature. His own identity.

But this?! Nakakapangduda at nakakakilabot. For the first time in his life he thanked me. Sa ilang taon naming pinagpasa-pasahan ang condom ngayon pa siya nagka-interes na magpasalamat? For what?

What’s the sudden change? May ideya ako kaso… posible ba ’yon? Hindi ko pa nga nakukumpirma parang gusto ko na agad tumakbo palayo sa kanya.

May kutob ako na baka ganoon kaso isinusuka agad ng aking isip ang ideyang iyon.

Hmm… what if he has a plan? Paano kung sa pagkakataong ito ay siya naman ang may pinaplano sa akin dahil nairita na sa mga gulong napasukan?

Muling sumulyap si Hiro at nahuli na naman akong nakatingin. Humugot ako ng hininga nang umangat pa ang kilay niya sa akin. Binawi ko ang tingin dahil baka kung ano pa ang isipin niya.

But I’m really curious what’s happening. Hindi ata mapapanatag ang sarili ko. This is Hiro we’re talking about. Hindi basta bastang Delafuente. Hindi ko na sana pag iisipan ng masama kaso… nakakapangduda talaga.

Buong party ko atang pinag-aralan si Hiro. Bawat galaw niya ay parang kinakalkula ko sa isip at nagmistulang formula kaya lagi kong sino-solve.

Walang pinansin na babae. Kung meron man pinsan lang o kapatid niyang babae. May isa pang pares ng mga mata ang aking napansin. Sa gilid ng aking mga mata ay kitang kita ko sa kabilang table ang Mommy ni Hiro na napapasulyap sa akin.

Oh shit. Nagkunwari akong nahulog ang tingin sa pagkain. I scanned it curiously even when I couldn’t digest it fully. Tingin tingin kunwari… Oh, white rice! Shit. Bakit nakatingin ang Mommy niya sa akin?

“Sasama ka ba sa afterparty sa kanilang Bar?” tanong ni North nang lumapit sa aming table.

Isa pa naman ’yon sa napag-usapan namin ni Ken kagabi. He’s expecting I’ll be there, too. Kaso… makakahalubilo pa ba ako ngayon habang may mga iniisip na ganito?

O baka naman assuming lang ako? Imposible naman siguro. I couldn’t even think about it thoroughly or discuss it inside my head. Hindi maaari ang ganoon! At ayoko!

“Uhm…”

“Hmm?” Sumandal si North sa likod ng aking upuan at sinilip ng maigi ang aking ekspresyon.

Umiling ako at ngumiti. “Hindi na siguro, North. I’m sleepy…”

Kumurap siya at parang nagtaka.

“You sure?”

Tumango ako at ngumiti.

“That’s good. Less headache for me,” sabay ngisi niya at hinagkan ang gilid ng aking ulo.

Medyo nagtaka rin ang aking parents kung ba’t ayaw kong sumama. Hindi rin naman pupunta si Irah. Wala rin sila Cassey. Kaya ko namang makihalubilo sa lahat kaso parang ayoko.

Ako:

Hindi ako makakasabay, Ken. I’m sleepy.

Iyon na ang s-in-end kong text noong nasa kotse na. Nagpaalam lamang kami. Wala na akong tiningnan pa at nauna pang sumakay sa kotse.

Ken:

That’s fine. So, hindi ako makakatawag mamaya? Maaga kang matutulog?

Ako:

Tomorrow?

Ken:

Alright. Goodnight, Franca.

Ako:

Goodnight!

Bago ko pa ma-off ang phone ay pumasok ang text ni Blue.

Blue:

Nawala ka bigla.

Ako:

Sleepy na eh

Mabilis ang reply ni Blue.

Blue:

Oh, alright. Goodnight Franca :)

Ako:

Goodnight, Blue.

Sa kakasabi ko ata ng antok na, nakatulog din naman agad ako. My days went normal. ’Yun nga lang ay lagi akong napapaisip lalo na pag nakikita ko si Naia o kaya ay si Cassey.

I couldn’t talk to Naia properly. Para siyang zombie. Ang magandang kulitin ay si Cassey lalo na’t alam kong may ideya siya sa ganoon.

Halos ibuga niya ang iniinom na isang chocolate drink habang hawak ko rin ang sarili kong dutchmill na strawberry flavor. We both like sweets pero mas malala kasi itong si Cassey lumamon dahil inaaraw araw.

“Anong klaseng tanong ’yan!” pulang pula siya habang kinakagat ko ang straw ng sinisipsip.

Nasa hallway lang kami ng school. Gala kasi ito kaya mabilis hanapin. She’s everywhere. Kung nasaan ang boys.

“I’m curious. Nakakainlove ba ’yung bangayan? O nafafall ba ang tao sa hate nila?” tanong kong muli.

Hindi ko pa iyon naranasan kailanman. Kung ayoko kasi, ayoko talaga. Kung hate ko ang isang tao ay panghabangbuhay na atang ganoon ang tingin ko.

Mas naniniwala pa ako sa gusto mo na bigla mong nahi-hate depende kung may ginawang nakakagalit pero ’yung hate mo nga tapos bigla mong magugustuhan? I mean what kind or sorcery is that?

“Hindi ’no! Hate mo nga kasi hate mo!” she answered like that’s all she got.

“Kaya ibabasted mo?” I asked innocently.

Nanimbang ang tingin ni Cassey sa akin. I smiled and sipped on my drink again.

“Franca nakakapangduda ka minsan. ’Yung totoo, saan mo tinatago ang sungay mo?”

I twinkled my eyes and smiled innocently.

“I’m asking you, Cassey. What does it feel to like someone you hate the most? Paano ’yan nangyayari?”

Ngumiwi siya sa akin at nag-iwas ng tingin ngunit namumula.

“Nag-aaway ba kayo ni Wayt silently?” I asked.

Irita agad siya ngunit umiling.

“Hindi naman.”

“Hmm. Pakialamero? Like may mga desisyon kang pinapakialaman niya?” Just like Hiro, maybe?

“Ang kapal niya naman ata kung makikialam siya!”

Edi hindi?

“Nagsasagutan ba kayo? Nag-aaway ng malala?”

“Last summer. Bastos kaya ang bunganga niya!”

“Other than that ano pa ang kinaiinisan mo?” Baka parehas sila ni Hiro kung sakali? Like they’re pissed and then suddenly… I hope not.

“’Yun lang naman. Bakit?” kuryoso niyang tanong at titig na titig sa akin. “May umaaway sa’yo? Sino ’yan!” pagalit agad ang tinig niya.

“Wala naman. So… ano pala ang rason kaya ka galit kay Wayt?”

Kumurap siya at parang natauhan sa mismong pakay kong tanong. I need to study. Baka naman kasi totoo ’yung the more you hate the more you love sa iba?

Cassey looked cornered. Her eyes flickered.

“Gago kasi…”

Tumango tango ako at ngumiti kahit hindi ko gets. Maybe Wayt did something at hindi niya lang masabi? I don’t know. That’s the only root of her hatred towards him. Kasi kung ayaw niya lang dito kahit walang ginagawang mali ay baka nagpapanggap lang talagang hate niya ito?

So maybe the reason why these people fall inlove with someone they hate because they don’t hate them at all? They’re just indenial?

Nagkunwari siyang abalang tinitingnan ang mga boys sa malayo.

Sa kabilang direksyon naman napunta ang aking tingin. Nakita ko agad ang magpipinsang Delafuente na kapansin-pansin ang mga tindig. Sina Hiro, Wayt at Ken na naglalakad at nag-uusap.

Nasa gitna si Ken habang pangiti ngiti at abala sa pagsasalita, sa kanang bahagi ay si Wayt na magkasalubong ang kilay at parang irita na sa kaingayan ng pinsan pero nakikinig naman at si Hiro sa kaliwang bahagi na nakapamulsa lamang habang seryoso.

Hiro found my eyes. Binawi ko agad iyon bago pa kami magkatitigan. Ibinalik ko kay Cassey na may kinawayan pang lalake sa malayo.

“Pogi!” halakhak niya.

“Franca! Cassey!” tawag bigla ni Ken at mukhang napansin na rin kami.

Ang ngisi ni Cassey ay mabilis na naglaho. Nilingon ko ang magpipinsan. Deritso na ang lakad ni Wayt. Si Ken na kunot noo pang tiningnan ang likod ng pinsan habang si Hiro ay bumabagal ang paglalakad na nakabantay kay Ken at sumusulyap din sa aking iniinom.

He’s paying attention. Kuryoso siya sa dutchmill ganoon? Ugh. I hate that it fueled the thoughts I buried at the back of my mind.

“Franca-”

“Halika na,” iritang hila ni Hiro sa braso niya.

Tahimik naming pinanood ni Cassey ang pagkaladkad ni Hiro sa pinsan gamit ang isang kamay habang nakabulsa pa rin ang isa.

“Psh. Mga gago,” she stated and rolled her eyes.

Ngumiti na lamang ako kay Cassey. Hindi na ako magtataka sa bunganga nito eh bulgar naman talaga na masama ang ugali niya.

“Feeling gwapo,” inis niyang sambit at humalukipkip pa.

“Sino?”

“Silang lahat. Mga gago. Playboy. Hindi ko gets ang mga babaeng nababaliw sa kanila,” iling niya.

“You mean si Ken? He’s nice.”

Umirap agad si Cassey.

“Don’t let them deceive you, Franca. S’yempre mabait para kung sakaling nanakit hindi sila masisisi. Tingnan mo nga si Ken…” tiningnan niya kung saan nawala ang magpipinsan.

Dinamay pa ang crush ko.

“Daming babae. No wonder close sila ni Wayt. Ang cheap ng mga magkakagusto sa kanila. Mabababa ang standard sa lalake,” the number one bashers of the Delafuente cousins commented.

Feeling ko talaga hindi naman siya galit kay Wayt. Parang ako pa ata itong may palihim na kagalit talaga sa Delafuente. Maybe she’s just faking it to cover her real feelings for him?

May ganoon din kaya sa boys? Hmm…

Ngumiti na lamang ako at nagpaalam din. Bulgarang mapanglait talaga itong mga Fortalejo. Kahit si Chey grabe rin ang bunganga noon eh. Si Naia lang talaga ang hindi ko nababalitaang nanglalait but according to her cousin malala rin daw ang bunganga.

Latch:

How’s school?

Nagtipa ako.

Ako:

Tiring.

Tambak ang messages at nakikita ko ang iilang pangalan ng mga kakilalang lalake. Pinasadahan ko lamang ng tingin lalo na’t distracted ako sa mga school works.

Ang mga sumunod na text ni Latch ay hindi ko na naasikaso dahil sa mga activities ko sa gabing iyon. May debate pa kami at reporting sa isa kong subject. Ang dami ko ring babasahing libro.

Kahit ang first attempt na tawag ni Ken ay hindi ko agad nasagot lalo na’t nakasilent. Doon ko lamang namalayan noong nag-iinat na ako at hinahaplos ang batok.

Medyo nawala rin naman ang pagod ko habang nag-uusap kami. He has a soothing voice. Malamig sa tainga. Panay pa tawa kaya nakakahawa.

The reason why I like him so much because of his smile, his laughter, and of course his calmness. Parang siya ata ’yung tipo ng lalakeng hindi ka kayang pagalitan at kasundo mo lagi sa lahat ng bagay.

“By the way. About the key… badtrip. Ayaw ipahiram ni Hiro sa akin ang susi.”

Napawi tuloy ang aking ngiti nang mabanggit niya ang pangalan ng pinsan.

“Bakit naman?”

“I dunno…” tawa ni Ken.

Natawa rin ako kahit nagsisimula na namang bumalik sa aking isipan ang nakita at narinig ko sa rooftop.

Hiro is up to something. Imposibleng wala. Imposibleng iyong iba kong naiisip. At mas gugustuhin ko nalang ata na may plano siya kaysa iyong… err? I really can’t name it.

I decided to jog early in the morning to refresh my mind. Five-thirty pa lamang ng umaga sa Sabadong iyon ay gumising na ako. May klase pa ako mamayang hapon kaya habang marami pang oras ay gusto ko munang magpapawis.

Kakabukas pa lang ng gate suot ang white nike jacket, black nike leggings at white nike shoes, sumalubong agad ang malamig at preskong hangin sa aking mukha. Hindi pa masyadong nagigising ang sikat ng araw at mukhang inaantok pa kaya medyo madilim pa ang paligid ng kaonti.

I tightened my ponytail and started to jog around the subdivision. Nakasaksak sa aking tainga ang earphone habang pumapaibabaw ang kanta ni Ed Sheeran na Photograph.

Nagpaikot ikot lamang ako. May mga nakakasabayan akong ibang nagj-jogging din at sa tuwing napapadaan pa sa ibang bahay ay tahol agad ng mga aso ang maririnig ko. Well I love dogs so I just smiled.

Sa ikatlo kong ikot ay may nakita na akong pamilyar sa dulo. Malayo pa lang amoy na amoy ko na agad habang natatanaw ko ang pawisan niyang buhok suot ang itim niyang jacket, earphones at nike shoes.

Magkakasalubong kami. I should act normal. Ang tanga naman kung bigla akong bumalik sa daan? At bakit ako mahihiya sa kanya? Dapat siya ang mahiya sa akin.

I jogged confidently. Nagiging malapit na kami sa isa’t isa. Kahit ayokong amuyin ay nakarating agad sa aking ilong ang kanyang pabango na may halong pawis. O pawis? I only noticed his sweaty damp hair and the sweats on his neck. Hindi ko sinalubong ang kanyang tingin at malakas ang loob na magpatuloy.

Lumagpas siya. Hihinga na sana ako ng maluwag nang marinig ko ang kanyang tinig.

“Good morning, Torrefranca.”

Sa sobrang gulat ko ata ay napatid ako sa kung anong bato na hindi ko alam kung saan nanggaling at napahinto ako lalo na’t madadapa pa ata ako.

“Oh mag-ingat ka hija!” ang babaeng matanda na handa pa ata akong saluin kung hindi ko lang agad naibalanse ang sarili patayo.

I smiled shyly. Noong makalagpas ito sa akin ay nalaglag na ang aking panga at nilingon agad ang likod ni Hiro.

What the hell? He’s creepy! Anong… anong nakain niya? Anong nangyayari?! Halos sumimangot ako at natanga pa ng ilang sigundo sa kinatatayuan habang nakatanaw sa malapad na likod ni Hiro na unti-unti nang lumalayo.

For the first time… that villain…

I tilted my head unconsciously and brushed my ponytailed hair using my fingertips. What if this is his other way to piss me off? Coz I’m really pissed! Parang inaaway niya ako sa ibang paraan. Baka ganoon siguro. Bago niyang strategy.

Right. Siguro nga ganoon. Mas tanggap ko ito kaysa sa ibang rason kaya siya nagsisimulang maging maamo.

Kaya sa sunod na ikot at magkakasalubong ulit kami ay talagang sinamaan ko na ng tingin si Hiro. He arched his brow, too.

“Problem?” he asked without stopping from his jogs.

Ang aking malalaking hakbang ay bumagal hanggang sa naging lakad nalang. Lumingon ako sa kanya at naisipang humarap. Nagjog ako patungo sa kanya. Lumingon si Hiro sa aking likuran at tila ba naramdaman ang aking pagsunod.

I saw how he slowed down, too. Noong hindi makontento ay tuluyan siyang huminto at hinihingal na tinanggal ang earphone sa magkabila niyang tainga gamit ang isang kamay habang ang isa ay nasa baywang niya na. He watched me intently while he’s catching his breath.

Kinalkal ko sa aking utak ang mga ganitong eksena sa nakaraang mga taon ngunit parang wala akong mahukay na pagkakaparehas. Kung meron man ay tinginan lang, ang mga nadagdag na away at ngayon ay itong pagiging ganito niya.

He looked so calm while he’s waiting for me. Hinila niya ang neckline ng suot niyang jacket at hinipan ang loob noon habang nasa baywang na ang isang kamay.

“Ano bang trip mo?” deritso kong tanong nang makaabot sa kanyang harapan. “Bakit bumabait ka?” I asked frankly.

Umangat ang kanyang kilay.

“Gusto mo bang nag-aaway tayo lagi? Aren’t you tired?”

Humalukipkip ako. He watched me curiously. This gaze! This… this isn’t for me! This is how he… he looked at someone he… oh fuck it.

“All of a sudden?” Nanliit ang mga mata ko.

Nagtitinginan na ang iilang matatandang nagjojogging sa amin. Some were smiling.

“Parang tayo lang noong kabataan natin, love…” rinig ko pang bulong ng matanda sa asawa.

Nilingon ni Hiro ang matatanda. Ngumiti iyon sa kanya. Hiro bowed down his head to give respect. Noong matapos ay ibinalik ulit sa akin ang atensyon.

“It’s too early for another fight,” Hiro said calmly.

Humigop ako ng hininga lalo na’t hindi talaga nakakatulong ang nangyayari. Nailing ako at nagjogging. Nagsimula ring tumakbo si Hiro. Maliliit ang aking hakbang kumpara sa nakita kong jogs niya kaya ngayong pumapantay siya sa akin at mabagal siya ay nagdududa na naman ako.

I remembered how he passed through me on that one fucking morning! Kahit kaonting salita ay wala siyang sinabi noon. Kaya bakit… bakit nagg-good morning?!

“Ano ba talagang binabalak mo?” nairita na ako dahil na rin sa mga naiisip.

“You’re overanalyzing things,” bigkas niya sa baritonong tinig at hinayaan nang sumabit ang earphones sa gitna ng neckline noong hoodie jacket niya.

See? He knows I’m overanalyzing things!

“What’s your plan?” pangungulit ko.

“What plan?” parang lito pa rin siya habang nililingon ako.

Tiningnan ko ang basa niyang buhok. Umaagos na sa dulo ng bawat hibla ang pawis niya. Kaso mukha pa ring mabango. Mukha pa ring tao kahit hayop na halos ang tingin ko sa tuwing galit ako sa kanya.

“You’re secretly planning to…”

Umangat ang kanyang kilay. “To?”

Ano nga ba? To hurt me? To sabotage me? Ano naman? Anong klaseng plano? Anong mapapala niya? Parang wala naman.

Kumurap ako at huminahon ang ekspresyon. Itinuon ko ang tingin sa harap at nakita ang sinag ng kakasilip lamang na araw sa dahon ng mga puno. Nagmimistulang ulan ang liwanag na tumatagos habang humahampas ang malamig na hangin.

Tumahimik ako. Baka naman kasi napagod na talaga siya kakasungit? Kaso ano namang rason? Bakit siya napagod? Gusto niyang friends na kami? Like for real?

But no. May iba talaga eh. Ayoko lang talagang isipin at pangalanan…

Tumigil ako at nanghihinang yumuko para habulin ang aking hininga. Umahon agad ang aking ulo at halos masira ang aking ekspresyon nang makitang tumigil din si Hiro at namulsa sa aking harapan. He licked his parted lips while catching his breath.

He stopped. Hinihintay ako!

Nakakahalata na talaga ako. He’s too nice! Parang iba na talaga. He’s even waiting for me! Pagkatapos niya akong gawing tornado ay bigla siyang babait? Siya ba ang umikot ikot at mukhang bumaliktad bigla ang ugali niya?

“Mauna kana,” senyas ko habang itinutukod pa rin ang isang kamay sa hita.

Tumango si Hiro at nagsimula ulit magjog. That’s the real Hiro I know. He doesn’t really care. Hindi gentleman. Hindi mabait. Hindi pinagbibigyan agad ang gusto ng babae.

Pumikit ako habang yumuyuko para muling huminga ngunit noong dumilat ay parang nasakal ata ang nabitin na hangin sa aking lalamunan nang matanaw ang pagbalik ni Hiro.

Oh shit.

“Jog with me.”

15th Ruled

Ruled

Kiss

Natanga pa ako ng ilang sigundo. Nakatunganga ako halos habang nakaawang ang labi at hinahabol pa ang aking hininga.

Kumurap ako habang nag-iisip pa. Huminto na siyang muli sa aking harapan kaya wala sa sarili akong tumayo ng tuwid at tumango.

Hindi naman sukdulan ang galit ko kay Hiro. Besides he’s saving my ass when he knows I’ll be in trouble once he speaks.

Kaso ang turingan namin ay hindi talaga ganoon ka ganda. We can’t label it as friends. Our highschool days were full of curiousity and hatred for each other. Nadagdagan pa ang nangyari sa birthday ko.

Pero oo nga naman… inapakan ko siya. Eh irita ako sa araw na ’yon. Latch didn’t show-up. Siya pa ang kasayaw ko. I’m pissed. Siya ang napagbuntunan ko ng galit lalo na’t nakakairita rin siya.

Thinking about it thoroughly, wala naman talaga siyang malaking kasalanan sa akin. I just don’t like him but I don’t hate him so much, too.

Sumang-ayon ako sa kanyang planong mag jog. Tumayo ako at muling nagpatuloy sa jogging. Sumabay siyang muli sa akin. Bumundol ulit sa aking isip ang rason ng kanyang nakakapangdudang kinikilos.

Baka naman may iba pang rason? Maghahanap ako ng ibang rason dahil baka pinapaikot na pala ako nito sa ibang bagay. Right. He’s probably manipulating me? Baka gusto niyang maramdaman ko ang ganito para malito ako at masilaw sa tunay niya talagang pakay.

Think about it, Franca. Ang bilis bilis. And he’s very obvious! Imposibleng hindi niya alam na hindi ko napapansin. At paanong hindi ko malalaman lalo na’t ilang taon kong nakikita ang palihim niyang atraksyon kay Naia.

Natanaw namin ang gate ng subdivision.

“Magg-gym ka?” I asked.

“Yes,” he answered calmly.

Tumango ako at nagkasundo na kaming magjogging palabas sa gate. Pag-aaralan ko nalang siguro siya ng malapitan. Maybe mahuhulaan ko rin base sa magiging actions niya. I’m good at it.

Nagjog kami patungo sa malapit na gym. Nakaya niya namang magjogging lang papunta sa kung saan kami madalas maggym kaso narealize ko malayo layo rin pala.

Nadaanan namin ang simbahan. Deritso kami patungong EDSA. May pathway naman sa gilid kaya hindi nakakatakot magjogging sa kalsada. Koanti pa ang mga kotse at presko pa rin ang hangin.

“I don’t have my wallet,” sabi ko nang tumigil at hinihingal na itinukod ang mga kamay sa hita.

“Ano na namang bibilhin mo?” tanong ni Hiro nang tumigil din at hinihingal ng kaonti.

“I’m thirsty. Just drinks,” giit ko habang tinitingala siya.

“That’s what you said, too…”

Tumayo ulit ako ng tuwid at nag-inat. Natatanaw ko na ang gym.

“Hindi na ako magjojogging pauwi. Magpapasundo na ako,” I complained while we’re starting to jog again.

“Taxi…” Hiro suggested.

Kaming dalawa? Sa loob ng taxi? Kung may galit ka sa isang tao at irita ipagtataxi mo ba? S’yempre hindi. Baka paglakarin ko pa o ako nalang ang maglakad kaysa makasama siya.

Dahan dahan ko siyang nilingon. Hindi niya ako tiningnan at nanatili ang tingin sa harapan. May liwanag na tumagos sa lilim ng mga punong nagkalat sa gilid at dumaplis saglit sa mukha ni Hiro.

Ngayon ko lang napansin na sobrang tangos pala ng kanyang ilong lalo na’t naka side view siya. It looked so pointy. Nipis ang kanyang pulang labi. And what the hell? Sobrang itim ng kanyang buhok ganoon din ang makapal na kilay na bumagay sa kanya. Namangha pa ako lalo na’t mahahaba rin ang kanyang pilikmata.

You can clearly see the Spanish blood through his features. His piercing brown eyes were always expressive. Parang ang daming itinatagong emosyon kaya mahirap hulaan at basahin.

Imagine if he always smiles? Kung katulad sila ng ugali ni Ken? Baka sa kanya ako nagkagusto. O siya ang naging crush ko at sa kanya ako naging interesado. Guwapo naman siya kahit snob pero ayoko talaga sa mga ganoong lalake eh. Mas attracted ako sa mga pleasing ang personality.

Kaya kung kasali mang tama ang mga haka-hakang itinambak ko sa likod ng aking utak, ngayon pa lang ay gusto ko na agad kumawala.

Bago pumasok sa gym ay dumeritso kami sa convenience store lalo na’t uhaw na uhaw na talaga ako. Sabay kaming pumasok ni Hiro. Malamig ang loob. Dumeritso na agad kami sa mga drinks.

“This.” Turo ko sa Mogu Mogu na strawberry.

Hiro arched his brow.

“You like strawberry flavored drinks?” tanong niya habang binubuksan ang pinto at kumuha ng isang Mogu Mogu.

Drinks? Naalala ko agad ang araw na tiningnan niya ang Dutch Mill na hawak ko. Kinakabisado niya ang hilig ko. What the hell? Hindi ko na talaga mailulusot sa ibang rason kaya siya ganito! Halatang halata talaga!

Ibinigay niya sa akin saka siya kumuha ng dalawang mineral water.

“Oo,” sabi ko at tinanggap iyon.

Hindi ko na siya hinintay pa. Tumalikod agad ako at iniwan siya roon. Nauna ako sa counter kaso nang maalalang wala akong pera ay umatras agad ang kaluluwa ko. The cashier even looked at me like I’m familiar.

’Ito ‘yung walang pera na bumili ng condom.’ Ganoon siguro ang iniisip niya.

Umatras ako ng literal nang mabangga rin sa matigas na dibdib ng kung sino. Tumingala ako at nakita si Hiro sa aking likod.

“Ilagay mo na nang mabayaran ko,” utos niya habang dinudukot na ang pera sa isang kamay.

Umabante ako ng kaonti at inilapag ang aking Mogu Mogu. Inilapag din ni Hiro ang dalawang mineral water habang nanatili siya sa aking likuran.

Napunta ang tingin ko sa gilid. Nakita ko na naman ang condoms. Kahit hindi ko tingalain at sundan ang tingin ni Hiro, sigurado akong doon din siya nakatingin.

May inabot ako roon. Bago pa may mahawakan ay hinawakan na agad ni Hiro ang aking pulso.

Tiningala ko siya. Nahulog ang tingin niya sa akin at magkasalubong pa ang kilay.

“I don’t want another version of your condoms. May stock pa tayo.”

Natigilan ang cashier at napatingin sa amin ni Hiro. Kung makapagsalita siya parang ginamit naming dalawa, ah! Pinagpapasa-pasahan lang din naman.

Nanliit ang mga mata ko sa kanya at itinuro ang goldilocks polvoron.

“I want that. It’s my favorite,” I hissed.

Kumalma ang ekspresyon ni Hiro at lumuwag ang pagkakahawak sa aking pulso. Kumuha agad ako ng isa at mabilis na inilagay sa counter.

Nakakainis ah? Muli kong nilingon ang gilid at may inabot ulit doon. Tiningala ko si Hiro at kitang kita ko kung paano niya sinusundan ang aking kamay. Dumampot ulit ako ng polvoron saka inilagay sa counter.

Huminga si Hiro habang nakapamaywang. Nailing siya at hinaplos ang buhok. Noong nagtangka ulit akong may abutin doon ay sumingit na ang kanyang kamay at sinakop ng malaki niyang palad ang mga polvoron na nakadisplay saka niya inilagay niya sa counter. Hindi siya nakontento at binalikan pa ang iilang natira at inilagay lahat sa counter na nasa twenty ata lahat.

Humalukipkip na lamang ako. Yumuko ng kaonti si Hiro galing sa aking likuran at inilapag ang one thousand bill.

“May gusto ka pa?”

Iisipin ko sanang sarcastic kaso seryoso lamang siyang nagtatanong nang bumaling sa akin. Umiling ako ng marahan at humalukipkip.

“Wala na…”

Hindi talaga ako sanay.

Sa gym kami nagtungo pagkatapos. Abala pa ako sa iniisip kung parte rin ba ng plano ang uh… ang ilibre ako? But no. I’ll pay! Ayokong may utang na loob ako sa kanya.

“Akin na ’yung resibo para alam ko kung magkano-”

“Huwag na,” si Hiro na pinutol ako habang itinutulak ang pinto ng gym.

“I’ll pay,” giit ko at naunang pumasok habang nakatukod ang kanyang kamay sa pinto at manatili iyong bukas.

Sumunod siya sa pagpasok. Dala niya ang brown paperbag habang hawak ko ang sarili kong Mogu Mogu.

May mga pumansin agad sa kanya at bumati. Ang gym trainer ay lumapit pa at nakipagbungguan ng balikat. He’s probably a member here…

Nilingon ako ni Hiro at inangatan ng kilay.

“I’ll pay,” muli kong sabi at binuksan ang hawak kong Mogu Mogu.

Hiro didn’t say a word. Inilapag niya ang mga pinamili namin sa bench at nagtungo sa isang equipment.

He’ll lift some barbells. Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niyang gawin at umupo sa bench lalo na’t hindi ko pa ata kayang gumalaw ulit pagkatapos ng mahabang jogging.

Sa gilid ng aking mga mata ay seryoso lamang si Hiro sa ginagawa. May mga pumapasok at napapalingon ang aking ulo sa pagbukas ng pinto.

Mga lalake ang nagpapasukan. Matatangkad at medyo kaedaran ata ni Grey ang iba. I think they’re varsity players.

Sumipol ang isa sa mga lalake nang makita ako. Binawi ko ang tingin at nakita ang pagtayo ni Hiro, tila tapos na habang naglalakad na sa bench kung saan ako nakaupo katabi ng mga pinamili kanina.

Hiro stood infront of me and crouched a bit to reach for the mineral water beside me. Natakpan ako ng buo niyang imahe lalo na’t sa harap iyong mga boys na panay papansin.

Humalakhak ang dalawang lalake at inasar ang sumipol.

“May boyfriend!”

Irita si Hiro nang tumuwid ng tayo. Binuksan niya ang mineral water habang pinapanood ko siya ng maigi at dahan dahang iniinom ang aking Mogu Mogu. Bumaba rin ang kanyang tingin sa akin suot ang masungit niyang mukha at ibinubuhos na ang tubig sa kanyang bibig.

That gaze… it’s foreign. It’s familiar but he never used it to looked at me. Nakikita ko iyon sa ibang lalake kung may… may…

I looked down. Bumitin pa sa labi ang ulo ng Mogu Mogu dahil sa pagkatulala ko.

Posible kayang ganoon ang nangyayari? Wala siyang ibang plano? Ang rason kaya ganito siya dahil? Ngumiwi ako at ibinaon ulit ang mga salitang gustong lumabas sa hukay.

“I want to do some sit ups. Can you help me?”

Naubos ni Hiro ang isang mineral water at muli iyong isinarado. Yumuko siya at inilagay ulit sa kung saan niya ito dinampot.

“What are you planning to do?” he asked curiously.

See? Alam niya agad. He can sense it. Kaya bakit hindi ko mahulaan ang ibang tumatakbo sa kanyang isip? Nahuhulaan ko naman pero hindi dapat ganoon! Maybe there’s a mistake behind all of those things he did! Hindi talaga tanggap ng sistema ko.

“Sit-ups. Or I’ll just ask some gym trainer to help me,” sabi ko sabay pasada ng haplos sa aking nakataling buhok.

Huminga si Hiro at namaywang.

“Stand up and we’ll do it.”

Kumurap ako at muli siyang tiningala. Nahulog ulit ang tingin niya sa akin. Matapang akong tumayo at ngumiti.

May mga available mat kaya naghanap lang ako kung saan magandang pumwesto. Inilapag ko sa gilid ang aking inumin at pinagpagan pa ang aking mga kamay bago umupo ng tuluyan.

Sinundan ko kung paano niya naunang iluhod ang isang tuhod. Isang hila lang sa likuran ng tela noong hoodie na suot ay nahubad agad ito at umangat pa ng kaonti ang itim na t-shirt na panloob.

Nasilip ko na naman ang kalahati niyang tiyan. The cracks on his stomach were visible and you can clearly tell that he’s hot.

Inilagay niya ito sa gilid at pinasadahan ng haplos ang buhok na nagulo ng bahagya saka rin tumingin sa akin.

I started putting my both palm at the back of my head while looking at him. Hinawakan ng malaki niyang kamay ang nakadikit kong tuhod bilang suporta.

Wait… I don’t know how to do some sit ups! I did this way back in highschool pero hindi ako nakakaabot ng limang bilang!

Bakit pa ba ako umaabot sa ganito para lamang basahin at kumpirmahin ang rason ng lahat ng ito?

I started doing it. Halos pumipikit ako sa tuwing naglalanding na ang aking likod sa mat at pipiliting bumangon.

Hiro leaned forward so he can firmly stop my legs from moving. Isang kamay pa ang gamit niya. He’s watching me with a mockery. Para bang nababasa niya ang balak ko at nakikita niyang hindi ko nagagawa ng maayos.

Nag-amba akong bumangon kaso mahirap. I groaned and shook my head out of frustrations.

“Pinahirapan pa ang sarili,” rinig kong bulong ni Hiro kaya dumilat ako para matingnan siya.

Hindi ba dapat nahihiya siya pag ganito? I just want to confirm something! Kaso tingnan mo nga. He doesn’t look nervous! He’s not blushing! He’s… he’s unbothered!

Kaso hindi naman nagkalapit! Baka ganoon? Baka kung sakaling sobrang lapit ay… may makita akong isa man lang doon?

Kumunot ang aking noo at inisip ng maigi na baka mali talaga ang aking kutob. Wala namang epekto sa kanya.

Inilahad ni Hiro ang kamay sa akin. Tiningnan ko iyon at inabot. Pagkahawak ay hinila niya agad ako hanggang makabangon akong muli at mapaupo.

“I’ll try it again,” sabi ko.

“Persistent huh…”

Wala akong pakialam kung nagegets niya ang gusto ko. Huhulihin at huhulihin ko ’yang tinatago niya.

This time I tried to do it properly. I lifted myself up and leaned forward so I can face him closely.

Tumigil pa ako saglit at tiningnan siya ng maigi. He doesn’t look… shock. O baka kulang pa ang lapit? Lumapit ako ng kaonti. Hindi man lang natinag at parang nag-aabang pa.

Muli akong bumagsak at sa tuwing aahon ay hindi ko talaga nagagawa ng maayos ang aking plano. Bakit ba dinadaan ko sa ganito?

Wala na akong pasensya lalo na’t sablay pa ang plano kong sit-ups at wala namang nangyayari. I need to know if he’s… he’s… ugh!

I pushed his shoulder when I couldn’t take the curiousity anymore. Parang napupunto ang aking gusto, umupo siya at ang nagawang ipahinga ang mga binti sa mat. Itinukod niya ang mga kamay sa likuran para maibalanse ang sarili at hindi tuluyang mapahiga. Lumuhod ako sa kanyang pagitan at yumuko.

Tumigil ako at nag-isip isip. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko ang ibang abala sa kani-kanilang ginagawa.

Kung ako ang unang hahalik… baka isipin niyang ako ang chansing? I want to see if he will kiss me back. Sa ugali ni Hiro maarte itong lalake. Itutulak niya ang babaeng magtatangkang hahalikan siya.

Right. Naghintay ako ng ilan pang sigundo. Hiro watched my eyes carefully and he’ll slowly looked at my lips like he’s really waiting for my next move.

I leaned more. Hinihintay ko na itutulak niya man lang ako kaso kabaliktaran ang aking nakita.

I saw how he angled his head while tilting it from the left side so he can have a proper access to my lips. I leaned more until I can almost… almost-Bumaba ang tingin ko at nakitang nakaawang na ang kanyang labi, tila handang handa na. My eyes widened as I pushed him.

Bumagsak siya ngunit nangingiting naitukod ang mga siko para hindi tuluyang mapahiga sa mat. He shut his eyes and licked his lowerlip while wearing his half smile.

“Fuck…” nangingiti niyang bulong habang nakapikit at nakatingala pa rin na ikinagulantang ko lalo.

“What the hell?” I cursed and pulled myself away from him.

What the hell? He’s expecting I’ll kiss him! Naghintay pa!

“You like me!” Itinuro ko siya sa sobra kong gulat habang napapatayo na.

Parang nasisilaw noong dumilat siya at tingnan ako sa ganoong mga mata.

“Are you falling for me?!” para akong nawiwindang.

Umangat ang kanyang kilay ngunit suot pa rin ang delikadong ngiti. Oh shit!

“Ano bang sinasabi mo?” ang mapagpanggap na ito!

Humigop ako ng hininga. Umahon si Hiro at ipiniko ang isang paa. Inilagay niya ang siko at tamad na ipinatong sa palad ang pisngi.

“You’re expecting me to kiss you,” I said directly.

“I’m not.”

Nanliit ang mga mata ko. Ako pa ang pagsisinungalingan! I am not ignorant on this field. Alam ko kung paano maghihintay ang mga lalake hanggang dumampi ang labi ng babae sa kanila. Either they pull the girl or they will wait patiently.

At si Hiro! Ni hindi kumurap! Talagang naghintay! Gustong… gustong mahalikan!

At sa kagaya niyang hindi mahilig sa babae, hindi katulad sa mga pinsan niyang playboy, sigurado akong hindi siya ganoon ka babaw para lang hayaan ang babae na halikan siya. Baka nga kung tatangkain mo itong halikan ay irita agad na itutulak ang babae.

Kaya sa nakita ko kanina, parang taliwas sa iniisip ko na dapat ay maging kilos niya. Nagawa pa ngang itukod ang kamay sa likuran at parang gusto pa akong umupo sa kandungan niya! Nagawa pang umatras ng kaonti para bigyan ng espasyo ang paglapit ko sa kanya!

Nailing ako sa aking mga naiisip. This villain… this fucking villain is falling for me! Tumatanggi pa talaga.

Nakipagtalo akong lalo kay Hiro ngunit tinatanggi niya ang mga paratang ko. Bumara na ata iyon sa aking isip. Nawalan tuloy ako ng ganang magpatuloy hanggang matapos na rin siya at nagpasya kaming umuwi.

Ilang minuto ko atang inaway ang sarili ko sa aking isip at nakikipaggyera pa sa likod ng aking utak. Ayokong tanggapin. I don’t like it! Ang creepy na nga noong nagpasalamat siya sa akin tapos ngayon naman biglang ganito.

Tahimik na lamang kami sa taxi. Dikit ako sa gilid at naroon din siya sa dulo. May malaking espasyo sa aming pagitan at hindi ko alam para iyon saan. Nangingibabaw ang kanta galing sa stereo ng taxi kaya iyon ang nagsilbing ingay sa loob.

Why do I keep running from the truth? All I ever think about is you You’ve got me hypnotized, so mesmerized And I just got to know

What’s with the music?

Sinilip ko si Hiro sa kabila. Hiro’s busy taking pictures. I saw how he captured the buildings outside the window. Iniwas ko ang tingin at napangiwi.

Do you ever think When you’re all alone All that we could be Where this thing could go? Am I crazy or falling in love? Is it real or just another crush?

Nilingon kong muli si Hiro. Lumingon din siya kaya nagkabanggaan muli ang aming mga mata habang ibinabalik niya ang cellphone sa loob ng kanyang pants.

Do you catch a breath When I look at you? Are you holding back Like the way you do? ’Cause I’m trying, trying to walk away But I know this crush ain’t going away Going away

“You’re still curious if I like you?” marahan niyang tanong.

See? He knows. Kalkulado talaga nito ang laman ng isip ko.

“Nagiging mabait ka. This isn’t how you treat me, Hiro. Anong iisipin ko sa biglaang paglambot ng magaspang mong ugali sa akin?” I whispered back.

He doesn’t looked shock. Hindi rin mukhang napatid sa aking tanong. Para bang lagi siyang prepared sa mga ibabato ko sa kanya at handa siyang sagutin iyon ng deri-deritso.

Has it ever crossed your mind When we’re hangin’, spendin’ time Girl, are we just friends? Is there more? Is there more?

“I’m just tired I told you. Ayoko nang nakikipag-away sa’yo…” his eyes slowly watched my lips.

“Tapos ganyan? Oh don’t fool me. Maraming nagkakagusto sa akin at-” Napansin ko pa ang pag-angat ng kanyang kilay sabay balik agad ng tingin niya sa aking mga mata. “At hindi mo ako maloloko sa bagay na ito.”

“Yeah right. I know,” he looked pissed. “But it doesn’t mean I like you,” aniya sabay baba ulit ng tingin sa aking labi.

Umiling ako dahil talagang… talagang may mali.

“Nagsisinungaling ka.”

Nagtangka siyang ngumuso ngunit hindi itinuloy. Ayan na naman!

“And you’re going to smile like what you did yesterday!”

“So what, Buenaventura?” he’s slowly showing half of his smile.

Nanliit ang aking mga mata. “Then it means… you like me.”

“Hindi nga,” marahan ang tinig ngunit parang nanunuya.

“You’re not calm when you talk to me.”

He arched his brow again.

“Well I’m pissed. It’s natural to sound mad-”

“You’re always mad, Hiro.”

“At wala akong karapatang kumalma?” nalusot niya na naman!

I rolled my eyes and gasped unbelievably. Dumaplis sa aking mga mata ang kanyang pagnguso kaya mabilis ko siyang sinamaan ng tingin para mahuli iyon kaso sumeryoso agad. Itinago agad!

“Boys blush when someone they like kiss them,” sabi ko para magka-ideya siya kung bakit tinangka ko siyang halikan.

“Then kiss me,” matapang niyang hamon.

Nagdalawang isip tuloy ako. Malay mo magaling siyang magtago ng blush niya? Like you know… deep inside he’s blushing.

Tiningnan ko ang kanyang pulang labi. I never tried kissing someone I don’t really like romantically. I like kissing Latch coz a part of me likes him. At kung may nanaisin man akong makahalikan sa Delafuente, iyon ay si Ken dahil siya ngayon ang nagugustuhan ko. Hindi si Hiro.

Nakatitig pa ako sa kanya nang muli siyang magsalita.

“Baka ikaw itong may gusto sa akin kaya ganito ka kapursigido?”

My eyes widened. What? Aba’t binabaliktad ako! Napaahon ako sa pagkakayuko.

“What? No! Ikaw ang mukhang may gusto-”

“Pero ikaw itong gustong gusto akong halikan,” he argued.

What? Talagang nalaglag ang aking panga sa galing niyang mambaliktad.

“I am curious if you’ll kiss back.”

“So what if I kissed back? Ikaw pa rin ang unang hahalik. Edi ikaw ang may gusto total ikaw ang nag-iinitiate.”

“Hindi ko gusto. And why are you planning to kiss back? Ibig sabihin lamang gusto mo akong halikan-

“Why? Did you try it? How are you sure I’ll kiss you back?”

“You just said you’ll kiss back!”

“Wala kang proweba lalo na’t hindi ko naman ginawa. Why don’t you kiss me first so we’ll find out if I’ll kiss you back.”

My eyes widened more. Ang galing niya talaga! Lusot na lusot kahit ang dami dami kong ebidensyang nakalap na magpapatunay sa hinala ko. Ako pa ngayon ang kanyang binabaliktad. Ako pa ngayon itong nagmumukhang may gusto sa kanya kahit alam kong siya naman!

16th Ruled

Ruled

Is There More?

Umiling ako lalo na’t ayoko na. I don’t want to kiss him. First, he’s not my type. Second, he’ll just hide it expertly. Baka pag hinalikan ko siya hindi pa makatulog kakaisip sa akin edi hindi rin ako makakatulog ’di ba? Ganoon pa naman ’yon pag may taong iniisip ka tuwing gabi.

Humalukipkip ako sabay tingin sa labas ng bintana at natanaw na nakapasok na kami sa Forbes Park. Hindi na talaga ako lumingon pa pagkatapos. Mabuti rin na sinabihan niya ang taxi driver na mauna sa aming bahay para ako ang makababa.

Noong huminto ang taxi sa tapat ng malaki naming gate ay deritso na agad ang aking baba dala ang Mogu Mogu na may kalahati pang laman. Sinarado ko agad ang pinto at deritso ang lakad sa gate nang may maalala.

Muli akong humarap at mabuti nalang ay hindi pa nakakaalis. Muli kong binuksan ang pinto. Itinuro ko agad sa kandungan ni Hiro ang brown paperbag.

“That’s mine,” sabi ko.

Nahulog ang tingin niya roon at kinuha para ilahad sa akin. Irita ko iyong hinablot.

“I’ll pay you,” sabi ko bago sinarang muli ang pinto.

Gusto ko atang ibaon sa hukay ang alaalang iyon noong Agosto. Nagmumukha na rin akong ninja kakaiwas sa kanya sa school. Hindi naman sa apektado ako sa nangyari pero nakakairita dahil sa tuwing nakikita ko siya, sa tuwing nagbabanggaan ang aming mga mata ay bumabalik agad ang eksenang iyon. Para bang may lihim kaming ginagawa at kami lang ang nakakaalam.

Nakakaasar!

Akala ko sa susunod na mga buwan ay ganoon kaso biglang may nangyari.

What happened to Nana and South made a big impact to our family. Binalot ng pangamba ang aming parents at iniisip nila Dad na may gagawing iba ang mga boys.

“Kung pumuporma man, huwag munang i-entertain,” si Daddy habang nasa hapag ang lahat.

Magd-drop ang kambal sa school. Magt-transfer agad sila sa iba. Kami ni Irah ang mananatili. Gusto sana ni Dad na lumipat ako kaso ang hassle naman. At wala naman kaming kasalanan sa nangyari.

“Babae ba ang rason ng away?” Tito Tres asked after sipping on his wine.

South didn’t bother to explain his side. Ngumisi si North.

“The girl is using him in order to see her idol,” North explained like it’s the root of the whole problem.

Gusto ko sanang magsalita kaso ramdam ko ang kagustuhan ng aking pinsan na huwag nang banggitin ang iba pang nasaksihan at nangyari.

Latch’s sister is involved. Detalyado iyon sa aking isip ngunit ayoko nang masyadong isipin lalo na’t sasakit lamang ang aking ulo.

Ang tanging nasisigurado ko lamang ay lumagpas si South sa linya kaya naging ganoon si North. Ngunit sa malaking eskandalong nauugnay ngayon kay Nana ay natakpan din ang galit ng mga Delafuente at mukhang nabubunton ang lahat doon sa lalakeng idolo ni Nana.

“Do you like that girl, South?” Tito Uno asked calmly.

Napatingin kaming lahat sa aking pinsan. He nodded weakly.

“Do you like that girl, too, North?” si Tito Uno nang ibaling ang atensyon sa isa pang anak.

“No, Dad,” halakhak ni North.

Kita ko ang talim ng tingin ni South ngunit mabilis ding binawi at nahulog sa plato. Tahimik akong sumubo. Sobrang tahimik din si Irah at ayaw nang maglapag ng opinyon habang sumisimsim sa kanyang tubig.

“May pumuporma bang Delafuente sa inyo?” kuryosong tanong ni Tito Uno nang sa amin naman ni Irah tumingin.

Umiling ako ng marahan. Ken and I were just texting. Siya lang naman ang Delafuente na alam kong malapit sa akin ngayon.

Nilingon ko si Irah na tahimik ding umiling pagkatapos ibaba ang baso ng tubig. Tumango si Dad at naninimbang ang tingin.

“Avoid the Delafuente boys for the mean time. Baka kayo ang pagbuntunan sa nangyari,” ani Dad.

“Hindi naman siguro, Dos,” si Mommy na nagsalita na.

Tumango si Tita Aly ganoon din si Tita Christienne.

“Mababait ang mga batang ’yon,” pagtatanggol ni Tita Aly.

“I agree with Mommy,” si North na tumatango at ngumisi. “’Tsaka subukan lang nila…” sabay lingon ni North sa amin ni Irah.

Walang gana si South ngunit sumulyap din sa amin. I smiled. Hindi ngumiti si South.

“Kahit naman mukhang playboy ang mga lalake, hindi naman siguro maiisipang ibunton sa mga anak natin ang nangyari,” si Tita Christienne.

“Right. Hindi sila katulad sa lahi niyong mapaghiganti,” si Mommy na nag-aangat ng kilay sabay pasada ng tingin sa magkapatid, lalong lalo na kay Dad.

I saw how Tito Uno shifted from his seat, si Dad na bumagal ang pagnguya at si Tito Tres na nakaangat ang kilay. Yumuko ako para ngumiti. The three ruthless king looked guilty.

“Mas makakabuti pa ring lumipat nalang ang mga bata sa ibang school,” si Tito Uno na seryoso na.

Napatingin si Daddy sa akin. I smiled weakly. He licked his lowerlip and looked at Mom. My Mom arched her brow.

“If Franca wants to stay then let her stay,” my mother said.

Walang pagtutol sa mukha ni Daddy. He nodded obediently, like it’s an order he needs to follow.

Sumulyap din si Tito Tres sa asawa. Tita Christienne smiled and caressed his left hand. Tumingin si Tito Tres sa anak niyang tahimik pa ring sumusubo.

“Irah,” Tito Tres called.

Tamad na nag-angat ng tingin si Irah.

“Doon din ang balak ko pag college na ako, Dad. Franca’s there…” she reasoned.

Hinayaan nila kami sa aming gusto. Ang twins lamang ang lilipat ng school. Sa sobrang seryoso ng topic ay hindi ko halos nabigyan ng tsansa ang sariling isipin ang kabuuan sa hapag. Doon lamang nagsink-in ang lahat sa akin noong natanaw ko sa veranda si South, tahimik na nakatingala sa madilim na langit.

I sighed and went to him. Dahan dahan ang aking lakad at sinilip siya. Dahan dahang nahulog ang kanyang tingin, seryoso ang ekspresyon at halos nandidilim ang mga mata.

I smiled apologetically. I know North isn’t kind. Hindi siya magpaparaya at mapagbigay na tao kahit pa sa mismong kadugo niya.

“I’m sorry for what North did,” I said.

Hindi siya umimik at ibinalik ang tingin sa madilim na langit. Tumayo ako ng tuwid sa kanyang gilid at niyakap siya. Bumuntonghininga si South at iniakbay ang isang kamay sa akin kaya mas nasiksik ko ang sarili sa kanyang gilid.

“You love her…” I whispered.

“Who wouldn’t?” may pait sa kanyang tinig.

Ngumiti ako lalo na’t kahit ako ay mahal din naman si Nana. Hindi man katulad sa kanyang nararamdaman, mahal ko rin siya bilang kaibigan.

“She’ll be fine, South,” I said softly.

Hindi siya halos kumbinsido.

“She’s probably crying right now,” nagkasalubong ang kanyang kilay at kitang kita ko ang nagkahalong galit at sakit sa kanyang mga mata.

I couldn’t blame Nana for running away. Baka kahit ako ay hindi kayang harapin ang ganitong problema. If escaping is the only way to free her mind from this chaos then they should let her.

“Baka kaya umalis kasi guilty?”

“Ang inosente ni Nana pero may ganoon palang tinatago. Kaya nakakapangduda talaga ang mababait eh. Sila pa ’yung mas…”

Nilingon ko ang dalawa kong kaklase. Ngumiti agad ako habang nagsisimula silang matahimik.

“Pwedeng pakihinaan ang boses,” I said and smiled.

Nagkatinginan ang dalawa. Noong tiningnan akong muli ay tumango.

“Thanks,” I said and turned my back.

Mabilis na sumeryoso ang aking ekspresyon at pairap na itinuon ang tingin sa labas ng bintana.

Ang bilis manghusga! Nakakapagtaka talaga. Palaging babae ang sumasalo sa ganitong mga problema. Palaging nadidiin sa babae at ang mga lalake naman ay napapalampas dahil lamang nature na nila ang ganoon.

I don’t really understand the society. What’s with these people? Bakit palaging nasa babae ang kahihiyan at nasa lalake naman ang papuri? Palaging nasisisi sa babae ang kapabayaan ng isang lalake.

Apektado ang mga Delafuente sa nangyari kay Nana. Madalang na rin kaming magtext ni Ken lalo na’t alam kong isa rin siya sa nahihirapan lalo na’t close silang dalawa.

Medyo nasasayangan ako sa naudlot naming binabalak na hang-out ngunit naiintindihan ko naman ang sitwasyon. What happened created a silent conflict between our clan.

Simula ng araw na iyon ay madalang nalang kaming pumupunta sa mga parties tuwing may birthday at tinatanggihan ng kusa ang imbitasyon, lalong lalo na si Tita Aly at Tito Uno na medyo mailap na rin.

“Happy birthday,” ani Mommy at hinalikan ang gilid ng aking ulo.

“Thanks, Mommy…” ngiti ko.

Nagpasya na lamang akong i-celebrate ang kaarawan sa kung saan daw ako nabuo, sa Paris, France. Ang alam ko galing din sa Eiffel Tower ang aking pangalan na Torre at Franca naman ay France kaya nabuo ang TorreFranca. It was my mother’s idea.

Namasyal kami sa araw na iyon. Dalawang araw ang balak naming manatili at sa Davao mismo dederitso para doon mag New Year kasama sina Lolo at Lola habang si Irah naman ay baka sa Canada ulit.

Deritso kami sa BHV pagkatapos mamasyal sa malalaking Museums. Gustong gusto ni Mommy ang magshopping sa loob ng kanilang department store dahil ang elegante ng mga kitchen utensils nila kung saan madalas bumili si Mommy ng mga plato at kung ano ano pa.

Kung hindi lamang may nadaanang store na may pangalang Fleux sa likod ng BHV ay doon na sana kami dederitso lalo na’t bukambibig na naman ni Mommy ang magagandang nabili niya roon noong mga nakaraang taon.

“Nabasag pa naman ’yung magandang plato na binili ko doon, Dos…” sumbong ni Mommy habang sumusunod sila sa akin.

“And who was at fault? Hmm?”

“It slipped on my hand. Kulit mo kasi! Tama bang…” lumiit ang tinig ni Mommy at parang binubulong nalang kay Dad ang kanyang reklamo.

Bastos ’yon siguro. And with my father’s reaction, it’s obviously one of their intimate moments! Patay malisya nalang akong pumapasok sa store habang naririnig ang marahang tawa ni Dad.

“Fine, we’ll buy,” Dad chuckled softly.

“Dapat lang. Kasalanan mo ’yon,” si Mommy.

“Kahit hindi ko kasalanan ako pa rin naman ang bibili, Addi…”

Humalakhak si Mommy. Hinayaan ko na silang maglampungan sa aking likuran at nauunang lumapit sa mga nakadisplay na mga gamit.

Everything looks cute! Ang dami nilang paninda katulad ng lightnings, little trinkets, home decor, jewelries, aesthetic candles, dried flowers and cute keychains!

“Bibilhan ko si Irah ng ganoong lights, Mommy,” natatawa kong turo sa isang puting unggoy na nakasabit sa tali at may hawak na bumbilya.

“Maaasar ’yon, Franca,” ani Mommy na tinitingnan din ang mga home decor.

“Dad…” lingon ko kay Daddy at itinuro ang ungggoy.

My father nodded. I giggled while thinking about Irah’s reaction. Naglakad lakad pa ako habang si Dad ang umaasikaso noon. Abala sa pamimili si Mommy at patingin tingin kaya lumapit naman ako sa may mga medyas nila na may desinyo pang dibdib!

Akmang kukunin iyon nang mapansin ko sa gilid ang mga nakadisplay na cute keychains. Naglakad ako patungo roon habang may mga bata ring namimili at may iilan namang kaedaran ko lang ngunit mga foreigners.

Namili ako ng cute keychains habang naiisip si Ken. Siguro ibibigay ko sa kanya pagsapit ng birthday niya?

May mga pinamili rin ako para kay North, sa aking mga pinsan at sa aking sarili. I bought a nice pastel candle, a light stick with a ‘paris’ word made of wire inside of it, and many more.

“Thanks,” ani Florisse nang ilahad ko sa kanya ang New Year’s gift ko.

“Thank you, Franca,” si Rina naman na iwinagayway pa ang paper bag habang nakaupo sa sofa at binubuksan niya na.

Inilagay iyon ni Florisse sa gilid at seryosong tumingin sa akin.

“Anong nangyayari kay South? He looked ten times snob than the usual. Parang laging malalim ang iniisip,” saka niya dahan dahang sinulyapan ang pinsan naming nasa sala kasama ang boys na nag-uusap habang nakatitig si South sa kawalan.

Bumuntonghininga ako at nagkibit.

“Baka wala sa mood…”

Ayoko nang ikwento pa ang nangyari sa Manila, sa dating school. Baka mabanggit ni Florisse at mairita si South kung sakaling marinig niya iyon.

Hindi na lamang ako kinulit ni Florisse sa bagay na iyon at niyaya ko nalang siyang maligo sa jacuzzi habang naririnig na naman namin ang sigawan sa labas.

“Nag-aaway na naman siguro ’yung mag-asawa sa harap ng bahay,” ani Florisse nang kapwa kami humilig sa gilid at kuryoso sa ingay.

Kahit natatakpan ng malaking gate ay nakikita ko agad sa aking isip ang madalas na nadadatnan tuwing nandito.

“Natuloy na ba ang pagbebenta sa malaki nilang bahay?” tanong ko.

“Parang hindi ulit sigurado pero laging nauudlot dahil baka alam mo na… nagkakabalikan tapos magbabago ulit ang isip,” si Florisse na nagkibit.

Kwentuhan lagi ang nagagawa namin ni Florisse. Madaldal naman siya kahit papaano hindi kagaya kay Irah na bilang lagi sa daliri ang pinagsasabi.

Pagkatapos ng New Year ay umuwi rin naman kami sa Manila. Nakakapagod din sa Davao lalo na’t walang ginawa si Auntie French kundi ang magshopping at gumala. Halos gusto niya kaming ipasyal sa bawat sulok ng lugar doon sa tuwing nandoon kami. It’s tiring but it’s actually fun, lalo na sa Samal Island. I love their beaches.

Pumipikit pikit pa ako at humihikab nang bumababa na sa kotse habang ang mga kasambahay ay isa isa nang kinukuha ang mga dalang bagahe palabas sa kotse.

“Hija,” si Aling Jema, ang mayordoma sa bahay.

“Po?”

“May regalo pala para sa’yo. Dumating ito noong birthday mo,” aniya habang ipinupunas ang dalawang kamay sa suot na apron. “Sandali at kukunin ko…”

Tumango ako at pinanood siyang tumalikod. Nilingon ko si Mommy na kinakausap ang iilang kasambahay at nagbibigay ng utos kung ano ang gagawin sa iba pang gamit. Si Dad naman ay nasa gilid at seryosong may kausap sa phone.

Hinintay ko saglit si Aling Jema bago umakyat sa kuwarto kahit antok na talaga. Noong makita ko itong bumabalik at may dalang itim na paper bag ay nagkakutob agad ako kung kanino iyon galing lalo na’t pamilyar na pamilyar pa sa akin.

“Walang pangalan na nakalagay pero may Happy Birthday naman,” ani Aling Jema at inilahad iyon sa akin.

I smiled and nodded. “Thanks po…”

“What’s that?” biglang lapit ni Dad na bahagyang ikinagulat ko.

Kapwa kami napalingon ni Aling Jema kay Daddy na hawak pa ang cellphone at mukhang kakatapos lamang ng tawag.

“Ah Sir regalo. Dumating ’yan noong birthday ni Miss Franca kaso wala kayo rito kaya itinabi ko.”

I saw how my father’s eyes lingered on the black paper bag, like he’s curious to see what’s inside the bag.

“I’ll go upstairs, Dad. I’m a bit tired. Magpapahinga na po ako,” sabi ko sabay tingkayad para maabot ang kanyang pisngi at makahalik.

Wala sa sariling yumuko si Daddy kahit magkakasalubong pa ang kanyang kilay at tila kuryoso. Ngumiti ako at kay Mommy naman lumapit.

“This is Franca’s things so-“Mom…” tawag ko kaya nabitin ang pagsasalita niya.

Lumapit ako at humalik. Ngumiti si Mommy at hinagod ang aking likod. Kumawala rin ako at nagdesisyong umakyat nang hindi na lumilingon dala ang paper bag.

Malakas ang aking kutob na kay Hiro galing ito. This is the paperbag we used when we’re sending the gift back to us.

Pagkapasok sa kuwarto ay ini-lock ko agad ang pinto. Kinagat ko ang labi at binuksan ang paper bag.

I was expecting the condoms but a part of me was expecting something different inside the paper bag. Para bang nanghuhula ang likod ng aking isip habang ako naman ay nananalanging sana ay condom ang makita.

Binuksan ko iyon ng malaki hanggang sa nabitin agad ang aking kilos nang masilip ang loob. My eyes slowly widened. My jaw dropped. Nabitiwan ko ang paperbag sa sobrang gulat.

Lumabas at nalaglag sa itim na paperbag na natumba sa sahig ang itim na box na may magarang pangalan ng Chanel na brand.

Hiro… Shit! Itinanggi niyang gusto niya ako ngunit bulgarang nagbigay ng regalo at mamahalin pa!

Ilang minuto ko atang tinitigan iyon na kahit ang pulutin agad para kuryosong tingnan ang loob ay hindi ko magawa. Is this a prank? Baka naman nasa loob ng Chanel box ang condom? Like he wants to create some thoughts inside my head and then he’ll ruin it right away.

Medyo nabuhayan ako sa naisip at pinulot. Baka nasa loob nga ang condom, ’di ba? Parang ginawa naming tradisyon ang pagbabalik ng regalo na iyon tapos mapuputol bigla! And for what reason huh? Eh tinatanggi niya nga!

Kabado ako noong dahan dahang binuksan ang parisukat na box. Nakita ko agad ang dalawang itim na bow hair clip at may logo pa ng brand na kulay ginto sa gitna.

I gasped unbelievably. He gifted me an expensive bow hair clip! Mahilig ako sa mga hair clips lalo na’t marami ako noon at madalas akong magsuot ng kung ano ano sa aking buhok kaya ngayong makitang naisipan ni Hiro ang ganito ay talagang hindi ako makapaniwala.

Pinag-isipan niya ito ng maigi at talagang binase pa sa hilig ko!

That smartass villain! Pa tanggi tanggi pa tapos may pa ganito?! He even delivered it to our house! Hindi naman sana nakadalo sa birthday ko pero nakuha talagang magbigay ng gift!

The condom turned into a luxurious bow hair clip and it’s Chanel! It’s frigging Chanel!

Mariin akong pumikit at natampal ang aking noo. He likes me. He has a crush on me! Gusto niya ako! Alam ko ang pormahang ganito at imposibleng may iba pang dahilan kung bakit siya ganito sa akin!

Itinabi ko iyon at nagpasyang maghalf bath muna. Ang alam ko kanina ay antok ako ngunit sa sinalubong na regalo ay lumayas ata ang kaantukan sa aking katawan.

Ilang minuto kong inisip ang nangyayari kaso hindi talaga ako nakakahanap ng mas matibay na ebidensyang magpapatunay sa nangyayari.

Nagbukas ako ng social media pagkahiga sa kama. I went to my facebook account and noticed some requests. Inisa isa ko iyong tingnan at halos matigilan nang makita ang request ni Hiro.

Look at him exposing himself! Irita kong pinindot ang kanyang pangalan para tingnan ang kanyang wall.

Bumungad agad ang profile niya at cover photo. Nakatagilid niyang mukha ang kanyang profile ngunit blurry. You can clearly see his jaw. Ang tangos pa ng ilong at mahahabang pilikmata habang magulo ng kaonti ang buhok. Guwapo kahit ang hayop ni Hiro.

I scrolled down unconsciously. Puro tags ang naroon sa kanyang mga pinsan katulad ng kanilang mga outings, gala sa ibang bansa at kung ano ano pa. They all looked so fun. Picture pa lang pero naririnig ko agad ang kaingayan nila.

Tumigil ako sa isang picture na ginawa niyang cover photo months ago. August twenty-two. After his birthday.

Tinitigan ko iyon nang maigi hanggang napagtanto na ito iyong araw noong nasa loob kami ng taxi. He captured the buildings perfectly with a bit of sunrise. Itinaas ko ang brightness at nakita ang mukha ni Hiro sa repleksyon ng salamin ng bintana. Ang magulo niyang buhok at hoodie ay kapansin pansin kahit hindi gano’n ka linaw sa picture. He looked serious but you can’t see his face clearly lalo na’t mas detalyado sa picture ang malalaking buildings kaya hindi mo talaga mapapansin na naroon pala siya.

Bumaba ang aking tingin sa kanyang caption at nakita ang nakalagay na ‘Is there more?’.

Ano ’to riddles?

Kumurap ako at naalala ang lyrics noong kanta na pumapaibabaw sa taxi. I went to my youtube app and searched the song. Natatandaan ko ang lyrics kaya noong lumabas agad ang unang kanta ay nagkahinala akong iyon ’yon.

It’s… It’s Crush by David Archuleta. Kuryoso kong pinindot ang with lyrics at hinanap ang caption ni Hiro. The song started and it resembled the music played on the stereo of the taxi. Ito ang kantang iyon!

“Has it ever crossed your mind… When we’re hangin’, spendin’ time… Girl, are we just friends? Is there more? Is there more?”

Nalaglag ang aking panga. Ang talino niya naman para maisip ang ganito! He’s so lowkey!

Mabilis akong bumalik sa facebook app at pinindot ang comment section. Nangunguna pa ang comment ni Ken.

Justin Ken:

Dude what’s this? Is there more? More girls in the City?

Caden Blue:

More? Buildings?

Zera Damonisse:

Is that a girl Kuya?

Nakuha ni Zera ang aking atensyon. Marami pang comments sa ibaba at puro na girls pero pamumuri lang kay Hiro at mga corny replies nila sa captions nito. Ni isa walang nireply-an. Kahit like wala! Ang snob.

Binalikan ko ulit ng tingin ang picture at nagawa ko pang i zoom in hanggang sa nakita ko sa gilid ang repleksyon ng babae na hindi ganoon ka klaro ngunit alam mong mayroon lalo na’t nahagip ng kaonti ang nakataling buhok na buhaghag ng kaonti.

Mariin akong pumikit. Si Zera lamang ang nakapansin na may babae at alam kong ako iyon. And the caption, the meaning of the lyric behind his caption made me gasp for an air.

Binalibag ko ang aking cellphone nang may marinig na pindot. My eyes widened. Mabilis akong nagpanic at halos mawalan ng kulay nang makitang aksidente kong na like ang picture! Ang five months ago niyang post!

Oh no! Gugulong na ata ako patungo sa sarili kong kabaong sa gabing ito.

17th Ruled

Ruled

Date

Natataranta pa akong binawi ang like nang magkaroon agad ng panibagong notification. It’s a message!

Kinagat ko ang labi nang makitang message request iyon galing kay Hiro.

Hiro Delafuente:

How about you click the confirm button first, Torrefranca?

Hindi ko iyon pinansin kaso nakakatrigger na ang sumunod niyang message.

Hiro Delafuente:

Confirm muna bago stalk.

Oh fuck. Ano namang alibi ko ’di ba? Post niya iyon months ago! Iyon lang ang tangi niyang post at tags na ang iba kaya talagang huling huli ako.

Friends kaming lahat ng mga Delafuente sa facebook. Siya lamang ang hindi. Main reason. Pati sa facebook ay snob siya. Limited friends lang. Puro lalake at ang babae ay mga pinsan lamang. Marami siyang followers at halos girls.

Hindi ko rin pwedeng sabihing dumaan sa feed ko eh hindi ko pa nga ina-accept ang friend request niya.

Binalewala ko ang message request ni Hiro ganoon din ang friend request saka naisipang magpost nalang ng pictures ko sa Paris, France noong birthday ko.

Namili ako ng apat na pictures na pwedeng i-post. Isang solo shot, isa sa ieffel tower sa gitna ng magkaharap na naglalakihang building na kulay beige, isang family picture at isang scenery kung saan makikita ang magandang museum ng The Lauvre na halos ginto na kulay at ang famous glass pyramid sa gitna habang asul na asul ang langit.

Nag-isip isip ako ng caption. ‘Is there more?’ I should answer that. Tinipa ko ang ‘nothing much’ at iyon ang ginawang caption.

Huwag siyang mag-expect kasi wala nang sosobra pa sa namamagitan sa amin. At kahit pa itanggi niya ang bagay na iyon, alam kong sinadya niya pa rin na ganoon ang caption para ma gets ko. Alam niyang kami lamang ang nandoon sa oras na iyon at iyon pa ang tugtog sa taxi kaya paanong hindi ko malalaman?

Kung nanghihingi siya ng sagot, pwes iyong caption na ang magiging sagot sa tanong niya.

Hiro Delafuente liked your photo. Kitang kita ko ang notification na iyon bago nasundan ng iba pa. Hanggang sa naging hundreds agad. Ngumiwi ako nang mapagtantong nakatambay siya sa wall ko kahit hindi ko naman in-accept ang kanyang request.

How come he liked it when we’re not even friends on facebook? Siya ngayon ang stalker! Nauna pang maglike!

Nagsulputan agad ang maraming comments. Most of them came from my friends. Ang kalahati naman ay stranger na nakiki-comment lang.

Philip Sandoval:

Baby girl <3

Edward Tejano:

Angel Franca

Justin Ken:

Bagay siguro kung kasama ako sa family picture? Haha kidding.

Caden Blue:

I love the view.

Cassandra Fortalejo:

So pretty! Love you

Bumalik ulit ang mga mata ko sa comment ni Ken. I liked it. Ngumuso ako habang inaalala ang nabili kong souvenir para sa kanya.

Muling lumabas ang notification sa isang message request. Galing na naman kay Hiro. Napawi ang aking ngiti. Surot ba siya?

Hiro Delafuente:

Nothing much huh.

Kulit kulit! Doon ako nagka confident magreply lalo na’t may pambato na sa kanya.

Ako:

Look who’s stalking me. Nauna pang maglike. We’re not even friends. :P

Mabilis ang seen ni Hiro. Ilang sandali lang ay nakita ko agad ang kanyang reply.

Hiro Delafuente:

You liked my photo first :P

Naasiwa ako sa smiley na ginaya niya. Akala ko ba pagod na siya sa mga away? Bakit pumapatol?

Ako:

It was an accident :P

Hiro Delafuente:

Coz you’re stalking me :P

Ako:

Coz you sent a friend request. We’re not friends :P

Hiro Delafuente:

Wala namang friends ang tatangkaing halikan ang friend niya. Yes we’re not :P

Nakakaasar talaga pag naliliko niya ang topic!

Ako:

:PPPPP

Iyon nalang ang reply ko at hindi na nagseen ulit. I lost my cool the moment he mentioned about the kiss. Sumimangot ako. Bakit ba ganitong away na ang nangyayari sa amin? Parang may involved na feelings. I don’t like it. It’s corny. Bahala siya.

Dumadaan ang mga araw at lumilipas ngunit parang hindi pa rin naiiwan ang nangyari noong nakaraang taon. Mailap si North sa kambal kahit pa nag-iimikan naman sila minsan. North’s playful smirk will trick someone’s mind that he’s nice but he’s not.

“Stop being so hard on him,” nakasimangot kong sabi kay North nang matyempuhan siya sa gabing iyon sa kanilang bahay.

Dito kami nagdinner lalo na’t February 14. We’re celebrating Valentine’s Day. Linggo rin kasi at bukas, sigurado akong bubungad sa school ang bakas ng okasyon.

“I’m not. He’s distant. Snob,” nakangising sabi ni North.

Humalukipkip ako. Humalakhak siya at hinila ang aking braso hanggang sa mabangga ako sa matigas niyang katawan.

Niyakap niya ako at hinalikan ang aking ulo. Tiningala ko siya habang nakasimangot pa rin.

“May date ka bukas?” he asked curiously.

Umiling ako kahit bumundol agad sa aking isip ang mga nagyayaya. Umangat ang kilay ni North at nakita ko agad sa kanyang mga mata na para bang may ideya siya.

“Delafuente?”

I leered at him. “Anong Delafuente?”

He rolled his eyes and hugged me more.

“You know… Like Ken?” he whispered.

Palihim akong ngumiti kahit alam kong malabo iyon. Hindi na kami nagtetext lately. At napapansin ko sobrang nagiging close sila ni Naia. Baka sinisimulan niya nang hilain sa circle of friends niya.

“May issue pa tayo sa mga Delafuente. Baka kung pumorma ’yon pag-initan lang at isiping gaganti sa atin dahil sa nangyari kay Nana…”

“You like him?” parang nangungumpirma ang tinig ni North.

Hindi ako nakaimik. Hindi makatango, hindi rin makatanggi. I chukled.

“Hindi gaano pero ayos naman.”

Humiwalay si North at nakangiting dinungaw ang aking mukha.

“Do you like him for me?” kuryoso kong tanong nang magtama ang aming mga mata.

Umiling si North ng dahan dahan.

“He’ll hurt you. Marami siyang babae, Franca,” he explained calmly.

“Malay mo magseseryoso siya pag sa akin na?” I smiled.

Suminghap siya. “Gago ’yon sa babae. Magaling lang ’yon mambihag pero gago pa rin.”

Wala namang nagsasabing matino talaga si Ken. But who wouldn’t fall for him? Charms niya pa lang na nambibihag. Tingin niyang nakakamatay. Kagwapuhan na nag-uumapaw. Mabait. Gentleman. Marunong rumespeto sa babae. Everyone will fall for him!

Nagiging matino siya sa mga mata ng mga babae kahit alam ng lahat kung gaano siya ka playboy. Walang hindi kayang hindi mahulog sa kanya.

“You’re judging him too much. Hindi naman ’yon pumuporma sa akin…”

Umirap si North. “Huwag mong papatulan kung puporma man. Magdadahilan lang ’yan na friendly siya para makalipat ulit sa iba. Ayokong dumaan ka sa ganoon.”

“Friends kayo North. Huwag mo ngang sinisiraan sa akin…”

“Nakita ko kung paano ka makatingin sa kanya. Kaonting porma lang no’n mababali ka agad. He’s not yet ready for serious commitments, Franca,” aniya.

Ngumiti ako kahit hindi alam kung sasang-ayon ba o hindi. Marunong namang magbago ang mga tao eh. At bata pa naman kami! We’re just teens! Malay mo pag tumagal ay maliwanagan siya at magsimulang magseryoso? Hindi ko naman ipinagkakait ang pintong iyon para matuto siya. I’m willing to give him a chance if he’ll ask for it.

Isa pa, sa nangyayari ngayon, sa naputol na komunikasyon ay parang malabo na rin naman. I don’t like doing the first move when it comes to boys. Hindi naman sa ganoon na ako ka patay na patay sa kanya para makuha ito sa agresibong paraan kaya kalmado ko ring pinapalampas kahit pa may iba siyang nilalandi, lalo na’t wala rin talagang namamagitan na malalim ngayon sa aming dalawa at wala akong hinahawakang pangako niya.

“I like Hiro more,” ani North na ikinakurap ko.

Napawi ang aking ngiti. Ngayon ko lang ulit naalala si Hiro kung hindi binanggit ng pinsan ko.

“I like him for you…”

Sumeryoso ako. Tumagilid ang mukha ni North at ngumisi. Kumurap ako at binura ang ano mang ekspresyong yumayakap sa aking mukha.

“You hate him?” he chuckled.

Bumuntonghininga ako.

“Hindi naman ganoon ka grabe. Pero hindi ko rin siya gusto,” sabi ko.

Tumango si North. “Kahit sino man ’yang gusto mo ay suportado ko. Hindi ako makikialam hangga’t masaya ka. Pero kung sasaktan ka nila…” umangat ang aking kilay.

Hindi na kailangang makialam sa parteng iyon. Alam ko kung paano ilalagay ang mga ganoong tao sa nararapat nilang kalalagyan kung tatangkain man. Hindi nila iyon mamamalayan.

Lunes. Nagkalat na nga sa school ang bakas ng Valentine’s Day. Sa bawat daan ko ata sa mga classroom ay may mga nagkukumpulang lalake at bibigyan ako ng rose.

“Thanks, Peter…” sabi ko sa fourth year college na humarang at binigyan ako ng bouquet.

He smiled shyly. Inayos niya pa ang kanyang glasses at nangingiting tumingin sa iilan kong hawak. Sa kanya ang pinaka malaki.

Dumeritso ako sa locker room para mailagay ang mga bulaklak doon nang may mapansing nakalagay na paborito kong drinks sa itaas ng aking locker.

Taka kong tiningnan ang malaking size ng Mogu Mogu na strawberry at mga Dutch Mill na magkadikit dikit sa isang plastic cellophane na may sticky note na nakadikit. Kinuha ko iyon at binuksan. Bumungad agad ang simpleng :P.

Hindi ko alam kung maaasar ba ako o matatawa. This is obviously from Hiro. Siya lang naman ang nakakaalam ng smiley na ito lalo na’t ginamit pa namin para mag-away. It’s like our hidden language in order to communicate privately.

Kinuha ko ang packs ng Dutch Mill na strawberry flavor at ipinasok sa locker room. Inilagay ko sa itaas ang mga bulaklak saka nagsalin ng Mogu Mogu sa sarili kong tumbler para mabaon ko sa iba ko pang subjects saka ko rin inilagay sa loob ng aking locker room ang naiwan.

I attended some of my subjects. Ang alam ko may game ngayon na nangyayari sa gymnasium. Halos sakop ng mga Delafuente ang pagiging varsity players lalo na’t alam kong sumali silang lahat sa basketball. Hindi naman ganoon ka gagaling pero marunong magshoot.

Pagkatapos ng huling subject sa araw na iyon ay dumeritso muna ako sa cafeteria para makabili ng makakain. I’m hungry.

Crowded lagi sa loob at maingay. Maraming students na may kanya kanyang pinag-uusapan sa bawat tables nila. Halos kakilala ko ang iba at ang iba naman ay hindi na pamilyar sa akin.

“Franca!” nangingiting kaway ng grupo ng mga babae.

I smiled and waved my hand. Dala dala ko ang aking tumbler habang pumipila na para makabili.

“Uy Franca!” nakangiting lingon ng isang lalake sa harapan.

“Eric…” nakangiti kong bati pabalik.

Hinaplos niya ang batok at nahihiyang tumabi.

“Mauna kana.”

“Huh? Hindi na! Ayos lang…”

Umiling si Eric at mas pursigidong mauna ako. Nagtungo siya sa pinakalikuran at ngumiti. Umabante ako hanggang sa lumingon muli ang babaeng nauuna.

“Franca! Hello!” bati niya at lumapit para makabeso.

“Hi Diana,” nakipagbeso beso ako.

“Bakit wala ka noong house party nila Philip? Umiiwas ka pa rin ba dahil kay Sofia at Tina? Magkagalit pa rin sila. Naiipit ka?”

Pakialam ko sa dalawang ’yon.

Ngumiti ako at umiling.

“Hindi naman. Busy lang din lalo na’t nandito na ang iba kong pinsan sa Manila. Sila na madalas ang nakakasama ko. Strict din eh.”

“Oh! North and South,” natatawa niyang bigkas at tumango.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang kakarating lamang na mga varsity players. Kompleto halos at alam ko kung sino ang nangunguna.

“Mukha ngang strict si South. Si North naman ang angas kaso napaka intimidating din. I mean siguro kung hindi ka mahinhin nakakatakot ka ring iapproach. Buti nalang ang bait mo,” ani Diana.

I only smiled. Hiyawan ng mga varsity players ang pumaibabaw. May mga lalakeng students na nakikipagbungguan ng balikat sa kanila at nakikipag-apir. Dumadagdag pa ang singhapan ng girls na humahalo.

Kuminang mga mata ni Diana at napalingon na rin sa kanilang dako. Kahit hindi ko lingunin, nakikita ko ang imahe nilang lahat.

One of the varsity player is none other than Hiro who’s wearing a black jersey shirt and shorts. Hawak niya ang bolang inipit niya sa baywang habang ang isang kamay ay abala sa paghaplos ng kanyang buhok habang nakaupo ng kaonti sa gilid ng table at nakikipag-usap din sa iba.

“Ang gwapo talaga nila…” bulong nj Diana sabay hagikhik.

Narinig ko ang halakhak ng kararating lamang na si Ken. Nakisali siya sa katuwaan kaya wala sa sarili akong lumingon.

Inakbayan niya ang pinsang si Hiro habang may binubulong siya rito. Dinukot niya ang cellphone at ipinakita sa pinsang hindi nagbigay ng interes. Noong umangat ang aking tingin ay nahuli ko agad ang mga mata ni Hiro sa akin.

Balita ko may pinopormahan si Ken sa kabilang Department. Palagi iyong tinitsimis. Naputol din naman ang aming pagtetext at mukhang alam din ng mga Delafuente na hindi muna dapat kami lapitan.

Bigla ko tuloy naisip si Latch. That guy thinks I’m currently flirting. Hindi niya alam na naudlot. At baka pag nalaman noon ay gumapang iyon pabalik. Ayos din naman ang label namin ngayon. We’re friends.

Noong matapos si Diana ay ako naman ang bumili. I just bought a snack for myself. Hinintay pa ako ni Diana.

Nag-usap kami habang papalabas na.

“Simon! Si Franca oh! Akala ko ba yayayain mong makipagdate this Valentine’s!” isa sa varsity players nang mapadaan kami sa kanilang table.

“Dude. Franca’s off limits! Subukan niyong pormahan ’yan lagot kayo sa Daddy!” banta ni Ken nang tinuro ang mga ito.

Humagikhik si Diana. Ngumiti lamang ako kay Ken na pasimpleng kumindat sa akin. Hinampas ni Hiro ng bola ang ulo ni Ken bilang pambatok. Natatawang tiningala ni Ken ang pinsan na nakatayo lamang sa kanyang gilid.

“Guwapo talaga ni Ken ’no? Lalo na ni Hiro. Kaso ang suplado…” ani Diana na nakahawak na sa aking braso.

“Guwapo naman silang lahat na magpipinsan,” sabi ko para hindi bias pakinggan.

“Kaso ang lakas ng dating sa’kin ni Hiro. You know he’s mysterious. Walang nakakaalam kung sino ang babae niya. Parang wala ring idea ang mga pinsan niya. Si Ryler bulgaran ’yon pag may girlfriend eh. Si Hiro…” kumikislap ang kanyang mga mata habang nagsasalita.

Which is true. Hiro is the most mysterious type of the Delafuente boys. Sobrang ilap sa mga babae. Napaka pribado rin ng buhay.

“Hindi ko pa nakikitang nakikipag-usap sa babae si Hiro,” aniya at mukhang kuryoso sa bagay na iyon.

Binuksan ko ang biniling snack at kumain. Kita ko sa kanya ang pag-iisip lalo na’t kung saan saan na napupunta ang kanyang tingin habang nakahawak sa aking braso.

“Kahit ngayong Valentine’s wala man lang ata siyang binabati ’no? Si Ryler parang may panibago na naman atang girlfriend eh. Kaso si Hiro…”

I’m so sick of hearing Hiro’s name. Paano ba naman, halos lahat ata ng mga babaeng nakapaligid sa akin ay puro Delafuente ang bukambibig? Nakakapahinga lamang ang aking tainga kung si Naia ang nagiging katabi sa classroom lalo na’t bukod sa hindi niya mababanggit ang kahit sino sa magpipinsan, talagang hindi rin magsasalita kung hindi mo kakausapin.

“Baka kaya siya mailap sa babae dahil magseselos ang girlfriend niya?” patuloy ni Diana at buong oras atang pag-uusapan si Hiro.

Napatingin ako sa kanya habang dahan dahang ngumunguya. Kita ko ang nangingislap niyang mga mata. She’s pretty. I love her cute hairclips.

“Siya ata iyong klase ng boyfriend na mahilig sa private sa relasyon kaya mailap sa babae. Like he’s secretly possessive.”

Natawa ako. “Hindi ko alam eh…”

“Hmm… Malay mo iba ang style ni Hiro. I mean he’s too mysterious. Ang damot damot sa impormasyon. Di natin alam kaya ganoon ka ilap sa babae kasi may magseselos.”

Basted lang talaga kaya walang maipapangalandakang girlfriend. At mailap na talaga siya sa babae noon pa man. Reason? Maarte.

Tumingin ako sa harap at nakita ang iilang estudyanteng napatingin sa akin. I automatically smiled. Lumaki ang ngiti nila at kumaway kaya kumaway rin ako.

“He’s so snob… Two years ago pa ang friend request ko sa kanya kaso hindi pa rin ako kino-confirm. Nag-online siya noong pagkatapos ng birthday niya lalo na’t naka like pa ako sa picture niya kaso hindi pa rin napansin ang request ko. Puno siguro…” si Diana na muli kong binalikan ng tingin.

“Mag send ka lang ulit…” sabi ko kahit nababagot na sa aming topic.

Umiling si Diana. “Parang malabo, Franca. I checked his friends at mga pinsang babae niya lang ang nandoon ’tsaka facebook noong mga Tita niya siguro. Wala akong napansing kahit sino. Kahit isang Fortalejo wala. Kahit Buenaventura. Ikaw…” sabay tingin sa akin.

I smiled and shook my head. “We’re not friends on facebook.”

“Grabe… Kung sino man ang makakapasok sa friends niya at hindi related sa kanyang mga pinsan iisipin ko talagang girlfriend niya. Ibang iba siya sa pinsan niyang si Ken. Nakakatawa ’yung timeline niya. Puro girls. Mahihirapan kang hulaan kung sino doon ang babae niya o sila bang lahat.”

Natawa ako sa parteng iyon. Oo nga naman. Puro tags sa girls ang timeline ni Ken. He’s sociable so it’s expected to see him meddling with different girls.

Unlike Hiro.

Right. Kaya anong nakain ni Hiro at nagsend ng friend request? Sobrang ilap sa iba tapos sa akin ay bulgarang nagsesend ng request? Bakit ngayon? Bakit hindi noon? Like back in highschool. Ngayong college pa naisipan.

Naghiwalay rin naman kami ni Diana nang bumalik ako sa classroom kung saan ko iniwan ang aking gamit. Walang tao roon kaya medyo umupo muna ako habang ini-enjoy ang aking snack at ang Mogu Mogu na inilagay ko sa tumbler bilang panulak.

Dinungaw ko ang screen ng cellphone at nakita ang text ni Latch.

Latch:

Happy Valentine’s Day

Ngumiti ako at inilapag ang snack sa desk para makapagtipa ng mensahe.

Ako:

Happy Valentine’s Day :)

Umupo ako at muling dinampot ang snack. Kinagatan ko iyon at nawiling tingnan ang iba pang natanggap na text. May mga unknown number na hindi ko alam kung sino na naman at nasa apat ata na bilang. Puro bumabati ang mga iyon.

Umahon ang aking tingin nang may mapansing pumasok sa classroom. Ngingiti na sana nang makita ko ang imahe ni Hiro sanhi para mapawi agad ang ngiti sa aking labi.

He’s already wearing his varsity jacket while holding a familiar drink he’s sipping. Umiinom siya ng strawberry flavor na Dutch Mill habang ang isang kamay ay nakabulsa sa jacket na suot.

Nagkasalubong saglit ang aking kilay. He’s drinking a strawberry flavored drink which is very unusual. Hindi naman ata siya mahilig sa ganyan. Ang huli kong naalalang madalas niyang inumin ay iyong coke in a can.

Naglakad siya patungo sa akin kaya dahan dahan ko nalang ibinaba ang tingin sa screen ng aking cellphone kahit gusto ko na agad umalis.

Halatang halata kung iiwas ako ngayon. He’ll think that I’m guilty or what. O baka isipin niyang nahihiya ako sa kanya. I don’t want to fuel his thoughts and give him some fake ideas.

“What are you doing here, Hiro?” kalmado kong tanong nang huminto siya sa aking desk.

“Walang date?” tanong niya.

Umiling ako at ipinatili ang tingin sa screen ng aking cellphone. Ang daming sumasabog sa aking isipan. Iisipin kong may plano siya kaya lumalapit lapit at gustong gumanti sa nangyari sa kanyang pinsan ngunit alam kong malabong ganoon ang kanyang pakay.

He’s already like this months before that issue happened. Kaso kung ikukumpara sa mga araw na nagpapakita siya, iyon ay may kailangan siya sa akin ngunit ngayon ay talagang nakakapangduda dahil alam kong wala na kaming kailangan sa isa’t isa.

’Tsaka bayad na rin iyong utang ko na idinaan ko pa kay North para ibigay sa kanya. Wala akong maalalang may kailangan pa kami sa isa’t isa.

Sa ginagawa niya ngayon, naisip ko tuloy iyong pinag-usapan namin ni Diana kanina. Bakit naman ganito? Ako ang nagmumukhang sekreto niyang babae!

“You didn’t wear the hair clip. You don’t like it?” kalmado niyang tanong habang tumitingin tingin sa buhok ko.

Naka half ponytail ang aking buhok at ibang hair clip ang aking ginamit. Nakita ko sa screen na medyo magulo na ang ayos ng aking buhok kaya inayos ko ng kaonti ang aking curtain bangs.

“Ayoko lang gamitin,” sabi ko at napangiti sa text ni Philip.

Philip:

Friendly date? Hahaha

I saw how Hiro tilted his head. Napawi ang aking ngiti at umahon ang tingin habang kinakagat niya ang straw ng iniinom na Dutch Mill.

Tumingin ako sa may pinto. Kabado ako dahil baka biglang may sumulpot at makita kaming ganito ang ayos. Valentine’s Day pa naman. Baka mapagkamalan kaming nagd-date dito sa classroom. Sobrang ganda ng image ko sa school tapos malilink ako kay Hiro. Ang pangit tingnan.

“Wala ka bang date, Hiro?” tanong ko habang abalang nagreply sa text ni Philip.

Ako:

I can’t :( May dinner din kami mamaya ng family ko.

Natagalan siya magsalita kaya umahon ang aking tingin at nahuli siyang nakikibasa pa ata sa text.

Nag-angat ako ng kilay at in-off ang screen ng aking cellphone. His expression calmed down. He shook his head slowly.

“Wala…”

18th Ruled

Ruled

Hoodie

S’yempre sino bang idi-date nito? Si Naia na binasted siya? Ako na hindi siya tipo?

“Bakit ka nandito?” ulit ko sa tanong kanina na hindi niya sinagot. “Do you need anything?”

“Crowded sa labas,” rason niya na ikinaangat ng aking kilay.

“Maraming ibang classroom na walang laman ngayong oras na ’to,” sabi ko habang napapatitig na lamang sa screen ng aking cellphone.

“Dito ako unang nakapasok. You know, accident happens. Hindi lang sa facebook,” makahulugan niyang sabi na ikinaangat ng tingin ko sa kanya.

He’s using his reverse card very well. Kung sa laro ito, kahit gaano pa kagaling ng kanyang kalaban ay maitataob niya pa rin siguro.

Grey is smart academically but Hiro is smart when it comes to tactics. He’s like a game master. Hindi mo mamamalayang kasali kana pala sa larong ginawa niya. You’re unconsciously trapped and you have no choice but to play until you beat him.

Doon ka lang makakatas kung naisahan mo siya. Kung natalo mo siya sa mismong larong inihanda niya.

But the biggest problem here, you can’t beat him so easily.

Isinilid ko sa bag ang cellphone at gusto ng lumabas. I should go home! Pag mananatili pa ako rito at si Hiro pa ang kasama ay baka mauwi na naman sa pag-aaway ang usapang ito.

Kaso para namang sobrang obvious na umiiwas ako, ’di ba? What for? Ano bang kailangan kong ikahiya kay Hiro? Wala naman akong tinatago rito. Baka siya meron.

Kinuha ko ang aking iPad at iyon ang pinakialaman. Noong nag-ambang magtipa ng password ay umahon muli ang aking tingin. Iniwas niya ang mga mata at tumingin sa may pinto. Huminga ako at mabilis na nagtipa ng password.

I scanned some of my downloaded apps so I can play some games. Kuryosong ibinalik ni Hiro ang tingin sa ginagawa ko. Wala ata siyang balak umalis. At hindi ako makakaalis kung hindi siya mauunang umalis.

He dragged the chair from the right side and put it beside me. Medyo natigilan ako ngunit nagpatuloy rin sa pagpipindot pindot.

Umupo si Hiro sa tabi at tahimik na inilabas ang cellphone sa varsity jacket na suot. Amoy na amoy ko na naman ang pabango niyang hindi ko gustong langhapin kaso nakakaabot talaga sa aking ilong.

“You didn’t confirm my friend request on facebook,” aniya.

Ayaw daw sa away pero nagbubukas naman ng topic na pagmumulan ng bangayan namin.

I should use some of my cards, too.

“Diana’s complaining. Hindi mo raw ina-accept ang friend request niya.”

Kahit nasa screen lamang ng aking iPad ang tingin ay kitang kita ko siya sa gilid ng aking mga mata.

“I don’t accept strangers,” ang supladong si Hiro.

“I don’t accept strangers, too,” I said calmly.

Napalingon siya sa akin. Nanatili ang tingin ko sa nilalaro.

“Friends mo lahat ang mga pinsan ko,” he pointed.

“Coz we’re close, Hiro.”

“And we’re not?” ang kapal niya sa parteng ito.

Nilingon ko siya at nakipagtitigan.

“Bakit mo naman ako ia-add? You don’t have other friends on facebook aside from your relatives and your cousins. Ano ako parte ng pamilya? Delafuente?”

Nagtagal ang paninitig niya sa akin. Umangat ang aking kilay dahil parang may iba na siyang naiisip sa aking binanggit.

“Facebook recommended your name so…”

“So?” Nanliit ang aking mga mata sa palusot niya. “Aksidente mong napindot? Aksidenteng napa message sa akin na i-confirm kita? Aksidente?”

“It was intentional,” deritso niyang sabi.

Ang inaakala kong ilulusot niya ay pumutok agad sa kawalan. Great.

“Dahil ano? Ah… pagod kanang makipag-away sa akin sa personal at ang tinutukoy mo ay sa facebook naman?” natawa ako ngunit masyadong sarkastiko.

Nanatili saglit ang kanyang tingin sa akin. Matapang akong nakipagtitigan sa kanya.

He doesn’t looked pissed. He looked serious but in a calm way. Alam ko at kabisado ko kung paano siya magalit o mairita. Ilang beses ko iyong nakita noong highschool kami. Ngayong college lamang nahinto dahil sobrang kalmado niya na pagdating sa akin.

He slowly looked away and sipped on the straw of his drink. Yumuko rin siya ng kaonti at may pinulot. Ilang sandali lang ay inilahad niya na sa akin ang aking tumbler nang hindi ako tinitingnan at nasa screen ng cellphone ang mga mata.

Kinuha ko iyon sa iritang paraan lalo na’t nauuhaw rin ako. Binawi ko ang tingin sa kanya at binuksan iyon saka uminom. Kumalma ako saglit at muling tumingin para sana magsalita kaso naunahan niya ako.

“Tama na. Valentine’s na Valentine’s nag-aaway tayo…”

Ang nakaawang kong labi ay dahan dahang natutop. Inilapag niya ang Dutch Mill sa tabi ng aking snack at hinawakang muli ang kanyang cellphone. Naglalaro na siya at wala na sa akin ang atensyon habang ako ay natatanga pa ng ilang sigundo.

Kung magsasalita ako at aawayin siya para akong baliw dahil mukhang hindi niya ako papatulan. And yes, I’m tired with our multiple nonsense fights, too!

But damn it. It doesn’t sound right to me! Nandito siya sa halip na may ka date? Hindi naman sa dapat ay maghanap siya ng ka date total Valentine’s pero dito talaga naisipang dumeritso. Tumatabi sa akin at may mga ibinigay na drinks kanina sa locker ko. Paano niya pa ilulusot ang mga ito?

Malinaw sa akin ang mga kilos ni Hiro kahit pa hindi niya aminin. He likes me. Hindi man pumuporma sa bulgarang paraan ngunit sa ginagawa niya ay napaghahalataan talaga. May gusto talaga sa akin!

What’s his real plan? Hindi naman siya nanliligaw kaya paano ko ito babasted-in? Pag sasabihin kong basted siya kahit hindi pa nagtatanong pagbibintangan niya lang akong assuming. Pag babarahin ko naman sa ibang bagay ay deritsahan ding aamin. He’s a zigzag. Mahirap hulihin sa salita.

Maaga na akong umaalis sa classroom sa buwang iyon. Nakakapagod rin naman kasi kausap si Hiro. Nakakawala sa mood. Masisira pa ang araw ko.

Isa rin sa rason ay ang issue namin ngayon sa mga Delafuente. Pabor sa akin ang umiwas sa kanila, lalo na kay Hiro. Baka kung si Ken ang lumapit lapit ang hirap sigurong umiwas. Baka matukso ako at hindi na naman masunod ang gusto ni Dad.

Maaga akong nagising kinabukasan total Sabado. Nagjogging ako sa umagang iyon. Pumapaibabaw ang kanta ni Ed Sheeran na Dive habang sinasabayan ko ng pagkanta.

Hindi pa ganoon ka sakit sa balat ang sikat ng araw. Presko ang hangin at marami ring nagj-jogging, may iilan pang pinapasyal ang kanilang aso.

Paliko na ako nang matanaw ko bigla ang pamilyar na tindig ni Hiro. My eyes widened. Napaatras ako sa pagkakagulat at mabilis na tumalikod. Kung magj-jogging ako pabalik sa daan ay makikita niya ako!

Natataranta kong iginala ang tingin at nakita ang mahahabang halaman sa malaking bahay. Mabilis akong sumiksik doon para magtago.

Yumuko ako at sumilip at nakikita na si Hiro sa dulo. Deritso ang pagj-jogging suot ang seryosong mukha at naka earphones pa.

Ipinagdikit ko ang aking mga labi nang makita itong deritso na ang pagtakbo. Makakahinga na sana ako ng nang maluwag nang biglang umulan sa tuktok ng aking ulo.

May nagdidilig at nabasa ako!

Hindi na muna gumalaw at hinayaang makalayo si Hiro saka ako tumayo at nakasimangot na humarap sa grills ng malaking bahay.

Nakita ko ang lalakeng may hawak na hose na nakasweatpants lamang. His lips parted when he saw me. Kitang kita ko kung paano lumaki ng kaonti ang kanyang mga mata nang magkatinginan kaming dalawa.

Kumurap ako at napagtanto ang kanyang visual. The small cut on his right eyebrow made him looked like a badboy including the undercut of his hair. Hindi naman ako fan ng mga badboy looking pero namamangha ako sa kanyang itsura. He looked so fine…

“I’m…” Kumurap siya at bumaba ang tingin sa tubig na dumaloy sa gilid ng aking pisngi. “I’m sorry…”

Kumurap din ako at ngumiti sabay iling. Nagkasalubong ang kanyang kilay at mariing tumitig sa pagngiti ko.

“No. It’s fine. My fault…” marahan kong tawa sabay punas ng tubig sa leeg na naglakbay na pababa.

Binasa niya ang pang-ibabang labi at binitiwan ang hose. Pinatay niya ang tubig noon saka umikot. Tahimik ko siyang pinanood hanggang sa mawala siya sa aking paningin.

Ilang sandali lamang ay bumukas ang maliit na gate sa malaking itim na gate.

“Come in. May towel ako.”

Tumingin tingin ako sa paligid. Bago pa masilayan ulit ang pag-ikot ni Hiro ay tumango na ako at wala sa sariling pumasok sa malaking bahay.

Isinara niya iyon. Bumungad agad ang malaking garahe. Hindi tanaw sa labas ang loob lalo na’t sa parteng grills lamang ng gate ang kalahati ng bahay, kung nasaan din ang malalaking halaman.

Dinampot niya ang puting tshirt na nasa bilugang mesa sa terasa at isinuot iyon habang nililingon ako.

“I’ll just get a clean hoodie so you can change.”

Gentleman.

Tumango ako at ngumiti. Sinenyas niya ang malaking sa terasa. Dahan dahan akong nagtungo roon at umupo.

Isa ito sa pinaka malaking bahay rito. Palagi ko naman itong nadadaanan tuwing nagj-jogging pero hindi ko inaakalang makakapasok ako.

Lumabas din itong may dalang hoodie. Inilahad niya iyon sa akin. Ngumiti ako.

“Thanks. Uh…” Iginala ko ang tingin.

“May cr sa likod. Tara…” anyaya niya.

Tumango ako at sumunod sa kanya. Dumaan kami roon sa bandang kaliwa kung saan makikita sa grills na gate ang labas.

Sa gilid ng aking mga mata ay kitang kita ko ang pamilyar na imahe ng kung sinong dumaan. Napalingon ako at nabundol agad ang aking mga mata sa mga mata ni Hiro.

Napawi ang suot kong ngiti. Napatigil sa pagj-jogging si Hiro. Marahas niyang hinablot ang suot na earphone at iritang namaywang paharap. I can clearly see the anger on his face while looking at me intently.

Ang malas! Gustuhin ko mang gumapang para magtago kaso huli na. Nakita na!

Patay malisya kong binawi ang tingin at sumunod sa paggiya ng lalake sa akin patungo sa likod. Nakakailang hakbang pa lang ay sunod sunod na doorbell na ang pumaibabaw at parang ginigyera ng kung sino sa labas.

Mariin akong pumikit at gustong magdabog sa nangyayari.

“You should change,” ang lalake na itinuro na ang pinto. “Bubuksan ko lang…”

Huminga ako at inabot ang kanyang damit nang magtangka siyang umalis. Pagbubuksan niya si Hiro! Hayaan niya na ’yon.

“Uh… natatakot akong mag-isa…”

Kita ko ang pagkurap niya. Dahan dahan siyang tumango at nahulog ang tingin sa kamay kong nakahawak sa laylayan ng kanyang t-shirt.

Muling sumabog ang sunod sunod na doorbell. Iritang lumingon ang lalake sa likod at parang nawawalan ng pasensya ngunit sa tuwing ibabalik ang tingin sa akin ay kakalma.

“I’ll wait here,” sabi niya nang maihatid niya ako sa mismong pinto.

I nodded and smiled.

“Diyan ka lang ha…” baka maisipang buksan ang gate!

He licked his lip and nodded. Ngumiti ako at dahan dahang isinara ang pinto. Nang mai-lock iyon ay awtomatikong sumeryoso ang aking mukha at iritang napabuga ng hininga habang hinahaplos ang aking buhok.

Nakita ko ang dilim ng aking eskpresyon sa malaking salamin na halos vintage pa ang desinyo at ginto ang gilid.

That fucking villain! Ano ba talagang problema niya? Hinubad ko ang suot na nabasang hoodie. Hindi basa ang aking top ngunit sobrang nipis. Kumuha ako ng malinis na nakatuping mga puting towel sa gilid at pinunasan ang iilang parte ng mukha kong nabasa.

Nagpalit din naman ako ng hoodie. It’s oversized. Sobrang laki tingnan sa akin at halatang panglalaki ngunit mabango at malinis iyon na kulay itim. Kapansin pansin pa ang logo ng nike.

Inayos ko lamang ang sarili sa salamin saka nagpasyang lumabas habang hawak na ang nabasa kong hoodie.

Nakita ko ang imahe niyang tahimik na naghihintay habang nakasandal sa pader at nakahalukipkip doon. Tumuwid siya ng tayo at tiningnan ang aking suot.

“Do you like it?”

Tumango ako at ngumiti. “Thanks…”

Hinatid niya akong muli patungo sa gate. Tumigil na ang kaka doorbell. Hindi ko alam kung nasaan na rin si Hiro lalo na’t hindi ko na nakikita sa grills ng gate. Gusto kong manatili nalang sa loob kaso ang pangit naman kung tatambay pa ako eh kakakilala lang namin.

“What’s your name by the way?” tanong niya nang malapit na kami sa gate.

“Uh, Franca… ikaw?”

“Roche…”

I smiled and nodded. Nasa may gate na kami nang makita ko siyang dinudukot ang kanyang cellphone at inilahad sa akin.

“Can I get your number?” kalmado niyang tanong.

“Sure!”

Kagat labi ko iyong tinanggap at itinipa ang aking numero habang siya naman ay binubuksan na ulit ang tarangkahan ng maliit na gate.

“Here,” bigay ko.

“Thanks,” he smiled.

This one is hot. Snob tingnan pero ramdam ko ang bangis sa babae.

Binuksan ng malaki ni Roche ang gate. Ngumingiti pa ako habang tinitingnan siya sa gilid nang bumungad si Hiro sa mismong harap ng maliit na gate. Nakatukod ang bawat kamay niya sa gilid kaya noong umahon ang nakayukong ulo ay bumalandra agad ang madilim niyang ekspresyon at nakakapasong tingin.

Nagkatinginan agad kaming dalawa. His jaw clenched. Itinagilid niya ang ulo at sinilip si Roche sa aking likuran na mas ikinadilim ng kanyang ekspresyon. The look in his piercing eyes is full of menace, like he’s ready to fight.

Matalim ko siyang tiningnan dahil parang nanghahamon na ng away ang kanyang tingin. Ikinalma ko ang ekspresyon at nangingiting nilingon si Roche sa aking likuran na seryoso na rin at deritso ang paninitig kay Hiro.

Bago pa makapagsalita ay hinila na ako ni Hiro palabas ng tuluyan. Bumangga agad ako sa matigas niyang dibdib habang si Roche ay nag-aambang lumapit.

“Uuwi na kami,” si Hiro na itinulak agad ang dibdib ni Roche kaya napaatras pabalik.

Ramdam ko ang nagbabagang tensyon sa dalawa. Roche’s expression turned dark and he looked pissed. Kapwa magkasingtangkad at parehas din ng built ang katawan kaya kung magsusuntukan sila at ako pa ang nasa gitna, ako ang kawawa.

At anong kami?

“Thanks again, Roche…” sabi ko sa mahinahon na tinig.

Roche’s expression calmed down. Bumaba ang kanyang tingin sa akin at tumango. Humawak siya sa tarangkahan habang dahan dahang ibinabalik ang tingin kay Hiro.

“Do you know him?” Roche asked.

Gusto kong itanggi kaso… baka magsuntukan! Tumango ako at ngumiti at tiningala si Hiro. He tilted his head more and smirked insultingly.

“Yes,” maangas na sagot ni Hiro.

Nilingon ko si Roche na nakaangat na rin ang kilay. Suminghap ako at hinawakan ang pulso ni Hiro para hilain ito paalis.

“Bye Roche…”

Roche looked at me. He smiled and nodded.

“Bye Franca. I’ll text…” his voice was taunting.

“Anong text-” Mas hinila ko si Hiro palayo dahil hindi na maganda ang sasabihin niya.

Mariin akong pumikit habang kinakaladkad siya. Hindi siya mabigat dahil mukhang nagpapatianod ngunit ramdam na ramdam ko ang kanyang galit.

Is he jealous?! Wala akong ibang naiisip sa kinikilos niya kundi selos! Ngayon ko lang ito nakitang ganito! Sobrang talim ng kanyang tingin at sobrang dilim pa ng ekspresyon! Hindi siya ganito noong mga panahong nakikita niya akong nakikihalubilo sa mga lalake! Ngayon lang!

Noong madala ko siya sa kung saang parte ng subdivision ay irita ko siyang hinarap. Nagulat pa ako sa dilim ng kanyang ekspresyon ngunit mabilis din akong sumeryoso.

Dahan dahang bumaba ang kanyang tingin sa suot kong hoodie. Gumalaw ang kanyang panga at kitang kita ko kung paano bumukas ang kanyang labi habang nanunuya ang galaw ng dila niyang humaplos sa gilid, na para bang pilit lamang na kinokontrol ang galit na nanglalabang lumabas.

Wala na… mag-aaway na naman kami.

“Take it off,” utos niya habang matalim ang tingin sa hoodie.

Nanliit ang aking mga mata. “Ano bang problema mo, Hiro?”

“I said take it off,” mas malinaw at seryoso niyang utos sa pagkakataong ito.

Napasinghap ako. Naiiling kong hinaplos ang aking noo.

“My hoodie is wet!”

Umangat ang kanyang tingin sa akin at mariing nakipagtitigan habang hinihila niya sa likod ang suot niyang hoodie. Nalaglag ang aking panga nang hinubad niya iyon sa aking harapan.

Gumulo ng kaonti ang kanyang buhok at bumalandra ang panloob niyang itim na t-shirt. Bumaba pa ang aking tingin sa pagsilip ng kanyang tiyan ngunit irita rin siyang tiningnan nang inilahad niya sa akin ang hoodie.

“Then wear mine,” malamig ang kanyang tinig at nagbabanta.

Pumikit ako at nailing. Tumalikod ako para iwan na lamang siya. Wala na akong pakialam kung ano man ang problema niya.

Bago pa makalayo ay mabilis niyang nahila ang aking braso pabalik sa kanyang harapan. Napatingala akong muli at nakita ko kung gaano na siya ka seryoso.

“Ano ba, Hiro!” panglalaban ko sa sobrang iritasyon. “Ayokong suotin ang hoodie mo! Ayos na ’to!”

“Do you even know him? Ni hindi mo kilala ang lalakeng ’yon-

“Ano naman ’yon sa’yo! Pwede ba! Pinapakialaman mo na naman ako!” marahas kong binawi ang aking braso sa kanya.

Nakawala ako saglit ngunit nang magtangkang umalis sa harapan ay nabangga pa ako sa kanyang dibdib dahil sa biglaan niyang pagharang sa aking daan.

I groaned and cursed softly. Nababasag niya talaga ang anghel na maskarang suot ko at napapatubo ang aking sungay dahil sa matinding iritasyon.

“Hindi tayo matatapos sa away na ’to kung hindi mo huhubarin ’yan,” malamig niyang sabi.

Matalim ko siyang tiningnan.

“Ano bang pakialam mo sa bagay na ito?”

“Kilala mo ba ’yon? Pumasok ka sa bahay ng lalakeng hindi mo kilala? Paano kung may nangyari sa’yo sa loob-

“Tumutulong lang ’yong tao dahil nabasa niya ako-”

“And you’ll fall for it? Pinakitaan ka lang ng maganda mahuhulog kana?”

Nailing ako at nagsimulang maglakad palayo. Sumabay si Hiro at galit pa rin.

“Bakit ba?! Ano ba ’yon sa’yo! Ano bang meron kung pumasok ako sa bahay ng lalakeng hindi ko kilala! Wala kang pakialam! Kahit pa pumasok ako sa bawat bahay rito dahil inimbita naman ako ay wala ka pa ring pakialam!” Itinuro ko siya habang patuloy ang aking paglalakad.

“Nakita kita kaya may pakialam ako. Kung may nangyaring masama sa’yo at nasa loob ka tingin mo hindi ako dadalawin ng konsensya?” Hinuli niya ang aking braso para paharapin sa kanya ngunit irita kong binawi at binilisan ang lakad.

“Hah! Gagamitin mo na naman ’yang rason para pakialaman ako!” tingin ko saglit sa kanya at tingin ulit sa daan.

“Coz you’re not thinking! Look at your body. You’re weak compared to him. Paano kung pinagtangkaan ka ng masama? Payat kana nga maliit ka pa! Kung nandoon ako maipagtatanggol kita. Mabubugbog ko siya-”

Anong maliit?! I’m five-five! I’m tall! This six footer!

“But he didn’t attack me so calm your ass and stop this nonsense fight!” I said aggressively and pushed him away from me.

“Take if off first and we’ll stop this fight!” he demanded as he caught my hand.

Nalaglag ang aking panga sa kanyang kondisyon at napabagal ang paglalakad. Marahas kong binawi sa kanya ang kamay at napahinto para maharap siya ng buo.

“Ang kapal mo-” saka ko aksidenteng nakatinginan ang nagbibisikletang bata sa aming gilid na halatang kuryoso sa pag-aaway namin ni Hiro.

Ang aking labing nakaawang ay dahan dahang sumara at hindi naituloy ang pagsigaw. Hindi lamang ang bata ang napansin kong nakatigin dahil pati pala ang mga nagjojogging ay nakikinood na rin at bumabagal pa ang mga hakbang para lang makiusyoso.

Magsasalita pa sana si Hiro nang inabot ko agad ang kanyang bibig at tinakpan. His brows furrowed. He looked pissed but he didn’t say anything.

Ang mararahas kong paghinga ay unti-unting humihinahon. Binuhusan ko agad ang kumukulo kong galit para maikalma ang sarili. I smiled apologetically to the elders. Nagsingitian din ang matatanda sa akin. Parang ako ang nahihiya dahil mukha kaming mga tangang nag-aaway sa gitna ng daan.

Nagtago na nga sa halaman para makaiwas at hindi mahulog sa pag-aaway tapos napunta pa rin pala sa away. Iyon pa ang naging rason!

Yumuko ako at gustong magtago sa kung saan. Humalukipkip si Hiro at lumapit ng kaonti para itago ako sa mga nakikiusyoso. Puro naman matatanda at kuryoso lang siguro kung bakit kapwa kami galit. Na-eentertain. God. Ayokong tingnan ang mga tao! Nakakahiya!

“Kumalma kana nga…” bulong ko nang tingalain ko siya.

Dahan dahan siyang huminahon habang kinikontrol din ang mararahas na paghinga lalo na’t humahalik sa aking palad ang mainit niyang hininga. Ibinaba ko ang aking kamay.

He licked his lowerlip and looked at me firmly.

“Take it off first,” bulong niya pabalik at talagang gusto kong magdabog sa sobrang frustration.

“Fine!” giit ko at halos pabulong na dahil walang hanggan na ata ang pag-aaway na ito.

Irita kong kinuha ang hoodie niya. Gusto ko pa sanang hampasin ng hoodie kaso ang daming nanonood! Baka may kakilala si Daddy tapos magsumbong ’‘Yung unica hija mo bayolente pala?’ Naiiling kong isinabit ang basang hoodie sa kanyang balikat at hinawakan ang dulo ng hoodie ni Roche para mahubad iyon sa aking katawan.

Hiro watched me coldly. Sinamaan ko siya ng tingin at isinabit sa kanyang kabilang balikat ang hoodie ni Roche. Akmang ihuhulog niya iyon kaya mabilis kong sinalo at pinaningkitan siya ng mga mata.

“Don’t move or I won’t wear your hoodie!” banta ko.

Hiro’s brow arched. Akala ko hindi siya susunod ngunit nang muli kong isinabit sa kabilang balikat ang hoodie ni Roche ay hinayaan niya na iyon kahit kita ko ang iritasyon at pandidiri sa kanyang mukha. Tingnan mo na ang maarteng ito!

Naiiling kong kinuha sa kanyang palad ang hoodie. Sinuot ko iyon sa mismong harapan niya. His face calmed down. I glared at him. Irita kong kinuha ang dalawang hoodie at itinulak ang kanyang dibdib palayo sa akin habang malalaki na ang aking hakbang paalis.

“Umuwi kana,” nang-uutos pa.

“Talagang uuwi na,” deritso kong takbo palayo.

19th Ruled

Ruled

Fun

Nagjog ako pabalik sa bahay. Ni hindi na ako lumingon pa. Para akong baliw sa daan na may dalang dalawang hoodie at tumatakbo.

Pagkapasok sa kuwarto ay halos hilain ko ang hoodie ni Hiro paalis sa aking katawan at itinapon iyon sa sobrang iritasyon. Malalaki ang aking hakbang patungo sa banyo para agarang makaligo dahil dumikit pa ata ang pabango niya sa akin!

Gigil na gigil ako. Sino ba siya para magalit kung may suotin akong hoodie? Sino ba siya para utusan ako? Sino ba siya para makialam!

Halos lunurin ko ang sarili sa bath tub na puno ng tubig sa galit na yumayakap sa akin. Talagang wala atang taon na hindi ko makakaaway si Hiro. Palagi niya akong naiinis. Palagi nalang kaming mag-aaway. Doble pa ngayon dahil talagang pakialamero na siya!

Buong araw atang sira ang aking mood at na-distract lamang nang may text na dumating sa aking phone.

Unknown:

Hi. This is me. Roche.

Kumalma ang aking galit at nagtipa ng mensahe.

Ako:

Hello. Sorry pala sa nangyari kanina.

I rolled my eyes unbelievably. Ano ba kasing pakialam ni Hiro sa bagay na iyon? Ayoko sanang isipin kaso halatang halata na nagseselos siya! Iba ang galit niya ngayon kumpara sa galit niya noon! Parang hindi niya ako tatantanan kung hindi ko hinubad ang hoodie ni Roche kanina!

Unknown:

He looked mad.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang nagtitipa ng reply.

Ako:

Overprotective lang. Close kasi ang family namin.

Ganoon nalang ang gusto kong alibi lalo na’t ang hirap pagtakpan ng kilos ni Hiro! Talagang ang obvious! Kulang nalang hamunin niya ng suntukan!

Sa magpipinsan, si Grey ang alam kong mainitin ang ulo at kabi-kabila ang kinasasangkutang gulo. Maiintindihan ko pa kung si Toshi o si Wayt ang napaaway lalo na’t masusungit ang dalawang iyon at parang handa ring makipagsuntukan kaso si Hiro?! I can’t imagine him getting into a fight just because he’s… he’s…

I groaned more. Nabitiwan ko ang cellphone sa sobrang panggigigil. This is bad. Hindi pwedeng ganito si Hiro. Magiging hadlang siya sa mga lalakeng tipo ko!

Kumalma ako nang muling marinig ang reply ni Roche.

Roche:

Are you a choir member? Parang pamilyar ka.

Kumurap ako. Nagsisimba siya sa Sanctuario de San Antonio?

Ako:

Yes.

Si Roche ang ka text ko sa gabing iyon at nagsunod sunod pa sa mga nagdaang araw. Naging triple na ang pagiging mailap ko kay Hiro. Hindi naman talaga kami madalas magkita sa school pero namimili na ako ng mga lugar na tinatambayan at sa library ako madalas.

Imagine it. Hindi kami nagtetext. Hindi friends sa facebook. Hindi rin kami close. Ang tanging alaala naming dalawa sa isa’t isa ay ang mga palihim na away na naging tulay para magkausap kami.

Ngayon na nadadagdagan ng panibagong away ay mahirap na talagang isipin kung ano ang tunay na relasyon naming dalawa. Hindi kami magkaibigan. Talagang isinusuka ko ang ideyang iyon. May mga araw naman na kalmado kami ngunit may mga araw rin na kapwa kami sabog at nagtatalo.

But this time it’s different. Our fight was very different from our fights years ago. Iba ito noong highschool kami. May halong ibang nararamdaman ang galit niya kumpara noon na irita lamang siya dahil nadadamay siya. Anong ikinakagalit niya ngayon eh hindi naman siya nadadamay?

Ni hindi ko pa nga siya nakukompronta sa regalo niya tapos dadagdagan niya na naman ng panibagong alalahanin.

Pinaunlakan ko ang imbitasyon ng iilang kakilalang kaibigan sa pagpasok ng Abril sa taong iyon. One of my friends in Ateneo is throwing a yacht party to celebrate his birthday. Ilang buwan din akong umiwas iwas sa mga ganito pero gusto kong mag-enjoy kaya pumayag ako.

“Birthday?” tanong ni Dad nang magpaalam ako.

Tumango ako at ngumiti. I should bring North. Irah’s not sociable. She’ll get bored. Bukod sa hindi rin iyon friendly baka mapaaway pa kami pag may uminit ng kanyang ulo.

“Ikaw lang?”

“I’ll bring North, Dad,” sabi ko habang sumusubo.

Tumatango na si Mommy habang sumisimsim sa kanyang tubig. My father looked convince. Ang sabi niya rin naman noon pwede na ako sa mga ganito pag eighteen na.

Uminom siya ng tubig at mukhang pinag-iisipan pa. My mother smiled.

“Masaya pa naman ang birthday parties… Naalala ko noong nasa edad mo ako. Ang dami naming dinadaluhang ganiyan ng mga kaibigan ko,” si Mommy.

“Really, Mom? Marami kang friends?”

“Nang g-gatecrash lang. Hindi ako invited,” si Mommy na natawa agad.

Marahang inilapag ni Dad ang baso habang nakaangat na ang kilay.

“Kamuntik pang mapahamak…”

“Oh please, Dos. Padalhan mo ng batalyong guards ang anak mo. Don’t cage her. Hindi na siya minor.”

My father’s expression calmed down. Ginalaw niya ang pagkain.

“Oo nga pala, Mommy, Daddy. Malalaki ’yung grades ko this finals.”

Lumawak ang ngisi ni Mommy at inabot ang aking pisngi para haplusin.

“I’m proud of you, darling…”

Ngumiti ako at lumingon kay Dad. Tumango siya.

“Bring North,” ani Dad.

Mas madali rin namang kumbinsihin ang parents ko pag nakikita nilang nag-aaral ako ng mabuti. Maiisip nilang maganda rin iyong nagsasaya ako para hindi puro stress sa school ang nagiging sentro ng aking taon.

I informed North about it so he can pick me up. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto noong lumabas ako at inaayos ang aking suot na sleeveless white doll dress. I paired it with some flats. Humawak ako sa sling ng aking bag at ngumiti sa aking pinsan.

“You look gorgeous,” puri ni North nang pasadahan ako ng tingin.

I smiled and patted his shoulder.

“Driver ka lang ha… You’re not invited.”

He rolled his eyes and smirked.

“Don’t drink too much,” paalala niya habang dinudungaw ako sa loob at nagkakabit na ng seatbelt.

Tumango ako kahit hindi ako makakasigurado kung ilang shot ang maiinom ko ngayong gabi.

Isinara rin naman ni North ang pinto at umikot. Binuksan ko ang loob ng aking bag at nakita ang bow hair clip na isinilid ko kanina. It’s Hiro’s gift.

Hindi naman ako pupunta sa school. I will use this when he’s not around. ’Tsaka bigay niya naman ’to. I have the right to use it. Akin naman ito.

Pumasok si North sa driver’s seat. Nilingon niya ako sa aking ginagawa sa aking buhok habang hinihila na ang gear ng kanyang kotse at sinisimulan nang paandarin paalis.

Ibinaba ko ang salamin para makita ang aking mukha. My lips were extra glossy. It looked so pinkish. Naglagay rin ako ng kaonting make-up para lang ma enhance ang aking features.

“You don’t look cute anymore,” ani North nang ibinalik ang tingin sa kalsada.

“Huh? Is that a compliment or what?” tawa ko.

“I mean like a kid. Hindi kana mukhang bata.”

Binalikan ko ang itsura ko sa salamin. My face looked angelic but not in a cute way.

“Baby pa rin ang tingin ko sa’yo kahit hindi kana mukhang baby,” ani North at nakangising lumingon saglit sa akin.

Natatawa kong inayos ang nalaglag na side bangs sa bawat gilid.

“Dapat ganito ka rin kay Irah para hindi kayo nag-aaway.”

“Pikunin kasi. Isang asar lang masisira agad ang mukha. Gustong gusto agad magdalaga kahit ang bata bata pa,” si North na pinasadahan pa ng haplos ang buhok.

Hindi naman kasi ako pikunin lalo na’t isa rin ako sa mapang-asar. Kasali rin ako sa nangpipikon kay Irah dahil nga ang bilis magalit kaya nakakatuwang asarin lalo.

Ka-text ko si Roche habang patungo roon. Nagrereply ako sa mga text niya.

Roche:

Enjoy.

Ako:

Thanks, Roche :)

Napatingin ako sa bintana nang pumapasok na kami ni North sa isang Resort at nakikita ko ang malawak na dagat. Medyo dumidilim na habang natatanaw ko sa dulo ang iilang kaedaran kong sumasakay na sa isang malaking yate.

Ibinaba ako ni North doon sa mga kotseng naka park at nagkalat. Nauna siyang lumabas para pagbuksan ako ng pinto. Natanaw ko agad si Christian na mabilis akong nakita.

“Franca!” nangingiti niyang tawag at naglakad na patungo sa akin.

Namulsa si North at nilingon ang birthday boy na papalapit sa akin. Hinampas ko ng marahan ang kanyang tiyan. His glares calmed down. Nag-angat ng kilay si North at ibinaba ang tingin para hindi ito matakot sa paglapit sa akin.

“I’m glad you came!” ani Christian at napasulyap pa saglit kay North, tila nag-aalangang lapitan ako.

Ako na mismo ang humakbang. Binuksan niya agad ang mga braso kaya niyakap ko siya.

“Happy birthday!”

“Thanks. Uh…” Nilingon niya ang aking pinsan. “Celebrate with us, bro…”

North shook his head and smiled.

“Hindi na. Take care of her,” nagbabanta ang ngisi ni North.

Tumango si Christian at dahan dahang kinalas ang mga kamay paalis sa akin. He smiled but I can sense he’s intimidated by my cousin.

“Franca,” tawag ni North at sumenyas na papasok na sa kotse.

Tumango ako at lumapit para makayakap. Hinagkan niya ang gilid ng aking ulo saka rin ako pinakawalan. Tumalikod din naman ako at muling lumapit kay Christian na hinihintay ako.

Nagtungo rin kami sa nakahandang yate. Medyo may kalakihan at tamang tama ata para sa maraming tao. Inalalayan niya akong umakyat kasama ang iba pang nagsisidatingan.

Hindi ko halos mamukhaan ang iba. Wala si Philip. They’re not friends. Nakilala ko lang din naman si Christian sa grupo ni Tina.

“Wala si Tina?” tanong ko nang pasadahan ng tingin ang mga guest nang huminto kami sa nakahelerang pagkain at drinks.

“Wala. I heard mailap ka raw ngayon sa grupo nila kaya hindi ko na inimbitahan at baka hindi ka dadalo,” nakangiting si Christian habang binibigyan ako ng punch.

“Uh… hindi pa kasi sila magkaayos ni Sofia. Nahahati ako,” I smiled and sipped on my drink.

“Hayaan mo sila. So dramatic,” halakhak ni Christian.

Ngumiti rin ako at pinanood ang lights na unti-unting kumakalat sa kabuuan. Umandar na ang yate. Ang DJ sa tuktok kung nasaan din nanggagaling ang neon lights ay nagsisimula nang magpatugtog.

“Halika. Ipapakilala kita sa iba pa,” ani Christian nang hawakan ang aking braso.

Dala dala ko ang pulang baso habang sumusuyod kami sa kabuuan. May mga tumitigil at bumabati sa kanya. Nakikiyakap ang mga girls at nakikipagbungguan naman ng balikat ang mga boys.

“This is Franca,” ani Christian sa grupo ng kung sino.

“I know you! Nasa circles ka nila Tina, ’di ba?” nakangiting sabi ng matangkad na babae.

“May away ang grupo nila ngayon,” ani Christian.

Humalakhak ang babaeng ipinakilala sa akin bilang Catherine. Naririnig ko ang kanyang pangalan kina Philip. Sikat siya sa boys lalo na’t sumasali sa mga pageant at hakot awards daw lagi.

Kaya ngayong nakikita ko sa personal, sa hubog ng katawan at sa maganda niyang mukha ay napatunayan kong totoo ang sabi sabi sa kaniya ng mga boys.

“They’re always dramatic! Laging nag-aaway. Join us. Less drama sa circles namin,” aniya.

“Sure!” ngiti ko at naglalabasan na kami ng cellphone para sa number.

Hindi kami nagtagal doon at muling lumapit sa iba pang grupo.

“Christian! Happy Birthday!” yakap agad ng babaeng kumuha ng aking atensyon lalo na’t malinaw kong nasilip ang freckles sa kanyang mukha. Bigla kong naalala si Naia.

“Thanks, Keyla. Oh… This is Franca…”

Bumaling agad ang babae sa akin suot ang senswal niyang ngiti. Humiwalay siya sa pagkakayakap kay Christian at lumapit sa akin.

“Hello,” she smiled in a sensual way.

“Mabait ’yan, Keyla. Don’t bully her,” banta ni Christian habang suot ang ngiti sa labi.

“Whatever, Christian…” nakangising si Keyla at hinawakan na ang aking pulso.

Nilingon ko si Christian. Sumimangot siya kaya natatawa kong iwinagayway ang aking kamay kasama ang pulang baso.

“Can you help me change? Magpapalit ako ng bikini,” ani Keyla na kinakaladkad na ako sa kung saan.

She’s wearing a sleeveless white dress. Matangkad siya ng ilang dangkal sa akin at pansin na pansin ang soft curls sa kanyang buhok.

May kinuha lamang siyang paperbag at tuloy tuloy na ang pagpasok namin sa isang maliit na rest room. Marmol ang sahig at may salamin. Inilapag ko ang basong hawak at pinanood siyang tumatalikod na. Isang hila lamang sa laylayan ng kanyang dress ay bumungad agad ang magandang hubog ng kanyang katawan.

“Nagmomodel ka?” kuryoso kong tanong.

Lumingon siya. “Ah. Yes. Am I familiar? Napanood mo ang ilan sa issues ko?” she chuckled.

“Hindi naman. Base lang sa katawan mo?”

Kinalkal niya ang paperbag at isinuot ang isang bikini top. Lumingon siya kaya lumapit ako para tulungan siyang ikabit iyong straps na mukhang ekis sa likod.

“Oh… Kilala mo ang ate ko for sure. She’s an actress. Sikat ’yon…” kuwento niya.

“Talaga? Anong pangalan?”

“Kaedy Rocales…”

Rocales? Umiling ako at ngumiti. Nagulat siya ng kaonti ngunit natawa.

“That’s cute. May hindi pala nakakakilala sa ate ko.”

“Patingin nga ng picture?” sabi ko pagkatapos ayusin ang straps sa likuran.

“Wait…” kinalkal niya agad sa paperbag ang cellphone. Sumandal siya sa sink at kagat labing nagscroll.

Tumabi ako at sumilip.

“This is her,” may pagmamalaki sa kanyang tinig.

“Oh…” tumango tango ako.

“’Yun lang?” natatawa niyang silip sa mukha ko.

Kumunot ang aking noo. “Bakit?”

Her eyes widened and started laughing.

“You don’t find her pretty? Ang ganda niya ’di ba?”

“Maganda rin naman siya pero para sa akin mas maganda ka,” ngiti ko.

Her eyes widened more. Para bang nagagalak siya sa aking sinasabi lalo na’t natatawa siya.

“Wala ka ngang idea sa issues ko kaya siguro botong boto ka sa akin,” may ngiti sa kanyang labi ngunit para bang nasasanay na siyang maangat ang kanyang kapatid.

“Hindi naman dapat nasasabit ang dumi ng isang tao kung paano ito kikilalanin. I don’t know you personally at wala ka namang ginagawang masama sa akin kaya…”

Her eyes twinkled. She flashed her smile.

“Mukha kana ngang anghel ang bait bait mo pa.”

Nangingiti ko siyang tiningnan habang nagsusuot na ng puting dress at transparent na iyon kaya kitang kita ang kulay itim niyang two piece bikini.

Lumabas din naman kami pagkatapos. Hawak ko na ulit ang pulang baso habang si Keyla ay iyong paperbag niya at cellphone. Ibinalik niya lamang iyon sa kung saan at muli akong hinila para kumuha ng drinks.

Papunta na kami roon nang matanaw ko si Hiro kasama sila Christian at dalawa pang hindi ko kilala. Nakahilig si Hiro sa aluminum na barandilya suot ang black buttoned-down shirt at khaki pants habang nakatingalang binubuga ang usok ng sigarilyo at nakaharap sa mismong dagat. Para bang wala siyang panahong tumingin sa mga babaeng nagsasayawan sa harapan na tinalikuran niya lang.

May kung anong sinabi si Philip kaya binalikan niya ito ng tingin sa seryosong paraan ngunit mabilis agad akong napansin sanhi para magkatinginan kami. Kita ko ang pagkakalito niya sa mukha at parang nagulat na nandito ako ngunit kumalma rin ang ekspresyon sabay pasada ng buhok niyang hinahangin. Natanaw ko pa ang pagkinang ng isang earring sa kanyang tainga lalo na’t nadaplisan sila saglit noong lights.

He’s here? He’s one of Christian’s friends?! Oh fuck it.

Wala atang party na dadaluhan na hindi ko siya makikita. Kaya sobrang ilap ko noong nakaraang buwan dahil malaki talaga ang tsansa na isa siya sa mga naiimbitahan lalo na’t malaki ang circles niya at puro pa boys.

I acted normal. Kapwa kami nag-iwas ng tingin. Bukod sa wala na dapat akong ikagulat sa bagay na ito, mahirap talagang iwasang may makasalamuhang isa man lang na Delafuente sa kahit anong party.

Madadaanan namin ang kinatatayuan nila Hiro kasama si Christian at kung sino sino pang lalake.

May kinukwento si Keyla kaya natatawa ako. Tumuwid ng tayo si Hiro at humarap. Inabot niya ang braso ng isa pang lalake para hilain lalo na’t nakaharang ito ng kaonti sa aming daanan.

Keyla noticed Hiro. Her eyes twinkled. Tumingin si Christian sa amin at ngumiti sa akin. I smiled back. Binawi ko rin ang tingin lalo na’t nag-angat ng kilay si Hiro at supladong sinundan ako ng tingin.

“Ang pogi noong kausap ni Christian!” ani Keyla habang nagtuloy tuloy ang aming lakad ngunit nababali ang kanyang leeg kakalingon.

“Alin doon? Apat sila,” sabi ko.

“The one who pulled his friend’s arm since he’s blocking our way,” ani Keyla.

Ah. Si Hiro na naman. Lagi talagang suki itong Delafuente sa mga girls.

“Kaso ayoko sa snob boys. Wala ba ’yung Kuya?”

“Babae ’yung kapatid niya. Marami siyang pinsan na lalake.”

Ngumisi si Keyla kaso natawa lang din.

“Mutual pa naman kami noong childhood crush ko. Sayang naman…”

Dumeritso kami sa mga drinks. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko si Hiro na palingon lingon sa amin.

Pumapaibabaw ang panibagong tugtog at sumabog ang magandang beat ng intro na ikinahiyaw agad ng iba. I know this song so much! It’s Jealous by Nick Jonas. Wait… Jealous. Binalewala ko na lamang iyon lalo na’t nadistract sa kanta.

“I don’t like the way she’s looking at you!” they sang in chorus.

Ngiting ngiti ako sa kaingayan nila. Some were raising their champagne glass while singing and some were dancing sexily.

“I’m starting to think you want him, too!” patuloy na kanta ng mga girls.

Natapos magsalin si Keyla ng sarili niyang drinks. May inabot akong hard drink para iyon ang ilagay sa baso kong walang nang wala nang laman nang makita sa gilid ng aking mga mata ang pagsulyap ni Hiro.

Nasilaw ako saglit sa pagdaan ng neon lights ngunit nang mailayo ito sa akin ay nahanap ko agad ang kanyang mga mata. I stick my tongue out to pissed him off. Manggagaya pa naman ito. Nagkasalubong ang kanyang kilay ngunit ginaya rin ang aking ginawa. He stick his tongue out unconsciously while the wind played with his hair.

Ginaya nga!

Ang pagsasalita ni Christian ay bumagal at kuryosong napatingin sa ginagawa ni Hiro. He automatically trace his lowerlip using his tongue and glance at him in a lazy manner. Kumalma ang ekspresyon ni Christian at muling nagpatuloy sa pagkukwento. That was smooth! Galing talaga ng villain na ito. Marunong lumusot!

Pasimple akong natawa kaso naisip kong hot siya sa parteng iyon. Akala ko magmumukhang tanga pag ginaya. Nakalimutan ko pala na guwapo siya.

“Am I crazy? Have I lost ya? Even though I know you love me, can’t help it…”

Sumabog ang malakas na chorus kasabay ng paghalik ng pulang neon sa banda nila Christian. Napatingin si Hiro sa aking buhok. Binawi niya ng dahan dahan ang tingin at ibinalik sa kausap. He looked distracted. He bowed his head a bit and flashed a small smile.

“I turn my chin music up and I’m puffing my chest… I’m getting red in the face, you can call me obsessed…” pasigaw na pagkakakanta ng lahat.

Kumurap ako at takang kinuha ang aking tingin para ibalik sa ginagawa ni Keyla. May mga kinukuha siyang fruits at kinakagatan iyon.

“It’s not your fault that they hover I mean no disrespect… It’s my right to be hellish, I still get jealous…” patuloy na kanta nila.

“Do you drink?” tanong ni Keyla nang makitang hindi pa ako kumukuha ng drink.

“A bit…” saka ko inabot ang isang hard drink.

Sa gilid ng aking mga mata ay muling nahuli ang paglingon ni Hiro. Nakita ko siyang may inabot na champagne glass sa dumaang waiter.

Nilingon ko siyang muli at nakitang nahanap agad ang aking mga mata. He looked at me as he slowly sipped on his drink. Inosente ko namang inangat ang bote ng Bacardi at talagang binalandra ko para makita niya iyon habang dahan dahan kong ibinubuhos sa aking baso nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Umangat ang kilay ni Hiro. Nagsalita si Keyla at gustong sumayaw kasama ang iilan sa gitna habang hinihila na naman ang aking pulso patungo sa gitna kung saan sumasayaw lahat ng mga babae.

“Do you dance?” tanong niya.

Umiling ako suot ang ngiti. “Hindi eh…”

“I’ll teach you how to dance!” bulong niya dahil malakas na ang tugtog.

“Uh, sure!” natatawang sabi ko at napapikit ng kaonti dahil sa muling pagtama ng neon lights.

Pagdilat ay muling nagtama ang aming tingin ni Hiro. Sa pagkakataong ito ay dalawang kamay na ang nakatukod sa aluminum na barandilya at deritso na ang tingin sa akin. Nakaharap na siya ngayon at tinatalikuran ang magandang view ng dagat kung saan siya nakaharap kanina. Kita ko kung paano niya hinagod ng tingin ang aking katawan ng dahan dahan at marahang dinala sa labi ang champagne glass habang hindi inaalis ang mga mata sa akin.

That’s not how he looked at Naia. Ibang iba na ito ngayon. Nakakapaso at parang nambibihag. Those eyes scream dominance, like a territory he wants to own. This is too foreign.

Hindi ko na kayang pangalanan ang ganoong tingin dahil pakiramdam ko ay masyado nang senswal.

“Cause you’re too sexy, beautiful and everybody wants a taste… That’s why,” kanta ng lahat at senswal na halos ang giling ng mga katawan.

Tamad na binawi ni Hiro ang tingin at deritsahang nilagok ang natitirang inumin. Binasa niya ang labing nakaawang sabay pasada ng haplos sa buhok. Ni hindi na siya nakikisali sa usapan lalo na’t nagtatawanan ang tatlo, siya lamang ang magkasalubong ang kilay.

“I still get jealous!” nakisigaw rin si Keyla at nagsimulang gumiling ng marahan sa aking harapan.

Tumawa ako at sinabayan na lamang ang kanyang galaw sa mas marahang paraan. My hair swayed with me. Binasa ko ang labi at nangingiting kinagat ang ulo ng pulang baso bago dahan dahang sumimsim.

Nahuli kong muli ang tingin ni Hiro na inaabot ang panibagong champagne glass. Dahan dahan niyang ibinaba ang tingin at pasimpleng sumimsim sa inumin ngunit hindi nakaligtas sa aking mga mata ang pagtakas ng ngisi sa kanyang labi.

Hindi ko na kailangang magpanggap at tumunganga sa sulok habang iniinom ang kunwaring juice dahil lamang nandito si Hiro. I don’t care about him. Besides, sa ilang beses niya nang nahuli ang mga pinaggagawa ko ay wala na akong maitatago sa kanya. I’d rather enjoy this night!

“You’re too sexy beautiful, everybody wants to taste that’s why…” si Keyla na hinawakan ang aking baywang kaya hinawakan ko rin ang kanya sa kabila at sabay naming ginalaw ang baywang sa marahang paraan habang ramdam ko kung paano umaangat ng kaonti ang aking suot sa bawat galaw na gagawin. Sabay kaming nagtatawanan kahit natatapon na ang laman ng aking inumin.

“Fuck! Si Franca ba ’yon?” Nakita kong naibiga ni Christian ang inumin. “Tangina. Nilasing ni Keyla kaya siguro sumasayaw na! Napaka bad influence talaga ng babaeng ito-”

“Let her. She’s having fun,” kita ko ang paghila ni Hiro sa braso ni Christian at mukhang ayaw palapitin sa amin.

20th Ruled

Ruled

Trouble

Natatawa rin naman kaming umalis ni Keyla sa dancefloor. Naiihi ako. Sabay kaming pumunta ulit sa comfort room. Ramdam ko ang pagtama ng tinitikman kong inumin. Medyo nakakahilo pero kaya ko pa namang ibalanse ang sarili at hindi pa ganoon ka lasing.

Keyla’s losing her balance. I can sense she’s really drunk. Inalalayan ko pa noong pumasok sa cubicle dahil parang deritso ata siyang masusobsob sa anidoro.

Tiningnan ko ang buhaghag kong buhok sa salamin nang mapag-isa. My eyes widened when a realization hit me. The bow hair clip! I’m wearing his gift! Tinanggal ko agad iyon habang nasa cubicle pa si Keyla at umiihi.

Napansin kaya ni Hiro? Shit. Kaya ba tumitingin ’yon sa buhok ko? Mag-iisip ’yon ng kung ano. I mean I like it. And he gave this to me. May karapatan akong gamitin. Kaso ayoko namang makita niya.

Ako ulit ang umihi pagkatapos ni Keyla. Naghugas ako ng kamay pagkatapos.

“Bakit mo hinubad? It looks elegant on your hair,” ani Keyla habang inaayos ang buhok na nagulo.

“Baka mawala lang at mahulog. Sayang. It’s Chanel,” rason ko.

Ngumisi siya at para bang may naisip.

“Bigay ng boyfriend?”

Umiling ako at ngumiti.

“Wala kang boyfriend?” medyo gulat siya sa tanong habang tinitingnan ako sa salamin.

“Wala…”

“Bakit naman? You’re pretty.”

“Strict si Dad at wala pang nangangahas manligaw.”

“Oh…” kita ko ang pagbabago ng kanyang ekspresyon ngunit ngumiti rin. May sasabihin pa sana siya nang magring ang kanyang phone.

Sumenyas si Keyla na mauna na lamang akong lumabas. Itinulak ko ang pinto at ipinasok sa dalang sling bag ang hair clip.

Patungo na ako sa gitna kung saan nagaganap ang kasiyahan nang may marinig na boses.

“Where is it?”

Nagulat ako ng kaonti ngunit nakabawi rin naman saka nilingon si Hiro sa likuran.

Nahanap ko agad ito sa barandilya kung saan nakahilig ang bawat kamay niya at tinatalikuran ang dagat. Hinaplos niya ang hinahanging buhok at umangat muli ang kilay.

“Where’s what?” I asked innocently.

Tumingin siya sa aking buhok. Shit. Nakita niya nga? Bakit ba ang observant niya? Ang hirap naman nitong taguan!

“Akin na,” si Hiro na inilahad ang palad sa akin.

Umangat ang aking kilay. Binabawi niya? Ang regalo binabawi? O nagtatampo kasi hinubad ko? Sa halip na makipagtalo pa sa bagay na iyon ay binuksan ko nalang ang aking bag at isasauli na sa kanya. Edi gamitin niya.

Irita ko iyong inilahad pabalik ngunit nang maalalang bigay niya ’yon ay binawi ko agad.

“Bakit ko ito ibibigay eh akin ’to?”

Ngumuso si Hiro. “Give it to me so I can put it back to your hair.”

Kumalma ang aking mukha. Akala ko pa naman babawiin…

Nang hindi ko inilahad ay naglakad siya patungo sa akin at siya mismo ang kumuha sa aking kamay.

“Turn around…”

Kumurap ako nang mapagtanto ang kanyang binabalak. Tumingala ako at handa na sanang magsalita nang umangat ang kanyang kilay at kusa akong pinatalikod.

“Let’s not fight right now. Masisira ang mood mo. You won’t enjoy the party,” he said.

Natutop tuloy ang aking bibig. Humalukipkip ako at pinanood ang mga bisita ni Christian na nagkakatuwaan pa rin doon sa gitna. Oo nga naman. Isang bangayan lang, isang pagtatalo, baka tumalon pa ako sa dagat at lumangoy pabalik makalayo lang sa kanya sa sobrang inis ko kay Hiro.

Umihip ang malamig na hangin at humalik sa aking balat habang pinapakiramdam ko ang marahang pagkabit ni Hiro noong bow hair clip sa aking buhok.

“Ayusin mo…” sabi ko nang kinapa ko iyon.

“I’ll take a photo so you can see it,” aniya.

Para-paraan ’to ah? Nilingon ko siya kasabay ng click galing sa kanyang cellphone na nakatutok na pala sa akin.

“Don’t look,” utos niya.

Binawi ko agad ng tingin at ibinalik sa harap. Muli kong narinig ang isa pang click. Huminga ako at lumingon na.

I tiptoed a bit so I can see it clearly. Ibinaba ng kaonti ni Hiro ang screen at ipinakita. Maganda ang pagkakakuha niya. Tumango ako at naalala iyong isang picture kanina.

I scrolled back so I can see the first photo. Nakita ang kalahati ng aking mukha lalo na’t lumingon ako at nakahalukipkip. Matangos ang aking ilong sa anggulong iyon. Buhaghag ng kaonti ang curtain bangs sa gilid at ang nakataling buhok na kapansin pansin ang malalambot na alon sa dulo na hinahangin. My creamy skin complemented the white dress I’m wearing. My lips were pinkish. My eyes resembled the dark night with twinkling star. I looked mad but curious.

Pinindot ko ang delete hanggang maglaho iyon sa screen. Iyon din ang ginawa ko sa naunang picture.

“Baka maisipan mo biglang ipost tapos lalagyan mo na naman ng riddles na caption,” I accused.

“Like what?” nawiwiling si Hiro nang in-off agad ang screen.

Wait… Nasa recently deleted pa ’yon! Sinundan ko ang kamay niya lalo na’t ipinapasok niya sa bulsa ang kanyang cellphone. Na-distract agad ako sa kanyang sinabi.

“I don’t know. Baka gawin mong inspirasyon ang kanta na Jealous?”

Ngumuso si Hiro. Namumungay na ang kanyang mga mata, probably because he’s tipsy.

“I won’t post something so private,” aniya habang nangingiting nakatingin sa akin.

“Baka paggising ko bukas ang dami nang magmemessage sa akin. ‘Are you Hiro’s girl?’ ‘Are you his girlfriend?’ ‘Bitch fuck off. He’s mine’. Like that.”

“Rereply-an mo ng ’bitch fuck off. He’s mine?” Humalakhak si Hiro.

Lasing na ba ito?

“No! I mean kasali ’yon sa hate comments!” I leered at him.

Ngumuso siya at nangingiting pumikit, parang suko agad para walang away na maganap.

“Fine. Sila. It’s offending. May ganyan ba?” aniya at dumilat sa namumungay na mga mata.

Tumango ako habang napapatingin sa nakangiti niyang labi. Hinaplos ko ang sumabog na buhok dahil sa marahas na hampas ng hangin. Ginaya ni Hiro ang aking ginawa at pinasadahan din ng haplos ang buhok.

“Meron lalo na’t… sikat ka sa girls. Maraming may crush sa’yo. Some girls will throw offensive words when they’re hurt.”

Tumango si Hiro na para bang nakikinig siya ng maigi sa akin kahit walang kuwenta naman itong sinasabi ko.

Nilingon ko ang nangyayaring kasiyahan. I wanna go there.

“I won’t post your photos. But I’ll keep it. Inspirasyon lang,” aniya.

Kumunot ang aking noo nang binalik ko ang tingin kay Hiro. He will keep the photos? My photos? Inspirasyon? I mean may ideya naman ako kaso… hindi ko alam kung tama bang… pagbawalan siya?

Is he lowkey confessing?

“Bahala ka,” sabi ko at muling nilingon ang kasiyahan.

“Let’s go there,” anyaya ni Hiro.

Sabay kaming nagtungo roon. They were all chanting like they’re doing some sort of rituals. Nakisiksik ako. May nakaharang pang lalake na sobrang tangkad ngunit bigla ring nahawi dahil hinila ni Hiro ang braso.

Natatawang natangay ang lalaki sa gilid at nilingon si Hiro. He’s too distracted at hindi na namalayang sumingit na ako sa harap.

“Body shot! Body shot! Body shot!” patuloy na sigaw ng mga boys habang lumalalim na ang gabi at tuloy tuloy ang kasiyahan.

Pinasadahan ko ng tingin ang nandoon. Nasa gitna ang malaking mesa kung nasaan ang mga shots sa gilid. Tumingin tingin ako sa ibabaw at nakitang lumilipad na ang mga bubbles.

“Where’s Keyla?” nangingiting tanong ni Catherine na nasa kabilang gilid ko suot ang kanyang two piece bikini.

Halos lahat na ata ng girls ay naka two piece bikini. Ako na lamang ang nakadress. Basa na rin ang iba at mukhang nagdive siguro sa dagat at may iilan namang bihis pa, katulad ni Hiro at ilan sa boys ngunit ang karamihan ay topless na.

“May katawagan siya,” sabi ko.

Ngumiti si Catherine at nilingon ang aking likuran. Humagikhik siya at muling tiningnan ang nangyayaring kasiyahan sa harap.

Na-distract ako saglit sa ere lalo na’t may mga bubbles na nagsusulputan. Kumurap kurap ako at tumingala para saluin ang bubble na bumababa. Wala sa sarili kong nalingon si Hiro na nakatayo na pala sa aking likuran at nakapamulsang tinitingala rin ang bubble na hinihintay kong dumapo sa aking kamay.

Ibinaba ko ang aking kamay kaya bumaba rin ang tingin ni Hiro at agarang nakitang nakatingin na ako sa kanya.

“Do you like bubbles?” tanong niya.

Huh? Sasagot na sana nang umingay silang lalo at naghihiyawan na. Itinutulak ng isang babae si Christian hanggang sa napaupo ito sa mahabang mesa.

“Hubad na!” sigawan ng mga girls.

Nakangising inisa isa ni Christian ang butones ng kanyang white shirt at hinubad ito sanhi para magtilian ang mga girls.

“Put all your cellphone down, alright! Don’t take videos! What happens here, stays here. No videos!” banta ni Christian habang natatawa.

Pinasadahan ko ng tingin ang lahat. Everyone’s too distracted to hold their phones or to take some videos. So… which means, I can try this, too! At siguradong sa kalasingan ng lahat mamaya, ni isa ay makakalimutan rin ang bawat detalyeng mangyayari sa gabing ito.

Nagsimula nang humiga si Christian at ginawang unan ang dalawang kamay habang nakangisi. Dumadagdag pa ang pumapaibabaw na senswal na music sa kasiyahan na Strip That Down ni Liam Payne.

“Go Alexa!” cheer ng mga girls sa babaeng may hawak na shot glass.

“Happy birthday, Christian!” bati ng lahat.

Nagsimulang ibuhos ng babae ang inumin sa tiyan ni Christian. She also sprinkled some salt on his nipples while giggling. Para namang pagkain! Pumikit si Christian at nangingiting binasa ang labi.

Inilagay ni Alexa ang lemon sa labi ni Christian. Kinagat iyon ni Christian at para nang mga baliw na naghihiyawan ang lahat.

The girl started crouching so he can lick the drink on Christian’s stomach. Mariing pumikit si Christian at kagat kagat pa rin ang lemon. He’s having fun!

Tilian ang nangyari nang dinilaan ni Alexa ang tiyan ni Christian at ininom ang bakas ng alak na naroon sa tiyan. Nakipalakpak ako lalo na’t nakakaaliw tingnan.

Umahon agad ang babae at tinungo ang labi ni Christian para sa lemon. Sinipsip niya iyon ngunit ang pilyong si Christian ay hinawakan pa ang batok ng babae at hinalikan ito.

Alexa laughed as she tilted her head so she can kiss him back. Ngiting ngiti ako habang nanonood kaso nang masilip ko kung paano umaangat ang kilay ni Hiro habang nakahalukipkip na sa likod ay napapawi iyon.

It’s cool! I should try this!

“Curious little angel…” rinig kong bulong ni Hiro.

I secretly glared at him. He glared back but in a calm way. Muli kong ibinalik ang tingin sa harap at nakita ang panibagong humihiga, sa pagkakataong ito ay si Catherine.

“My turn,” nakangising isa sa mga boys at ginaya lang din ang ginawa noong nauna kanina.

“Catherine Villanueva ’yan! Ayusin dude!” some of the boys cheered.

He spread it to her tummy up to her chest. Pumikit si Catherine at natatawang inilag ang ulo lalo na’t napunta pa ang alak sa kanyang leeg.

I saw how he licked her. Catherine giggled and groaned a bit when the guy started sucking her navel, like a vampire!

Oh I wanna try this! I want to try it!

Tiningala ko si Hiro kung nag-eenjoy rin ba siya kaso nahuli ko itong tumitingin tingin lang sa buhok ko, like he’s so bored and he has nothing to watch that will amuse him aside from my… my hair?

Ibinalik ko ang tingin sa harap. Natatawang bumangon si Catherine at humawak sa batok ng lalake nang sipsipin nito ang lemong kagat kagat niya.

“Boys naman! Sino pa! Si Caesar!” turo ng iba sa kung sino.

“Si Hiro naman!” sigaw ng girls.

“Oo nga si Hiro!” sabay tingin ng lahat sa aking likuran at tila nagkasundo na.

Gusto kong matawa dahil si Hiro ang napiling pagdiskitahan ng mga girls. Hindi nila alam ang arte niyan!

I looked at him innocently. Nahulog naman ang tingin ni Hiro sa akin. Umiling siya at ibinalik ang tingin kay Christian.

“Pass…”

Aw. KJ! Ako nalang dapat ang pinili! Kunwari naman akong mahihiya pero uupo ako siyempre! Oh I’d love to try it!

“Sa babae nalang!” one of the boys said and started pointing me.

Ayan na…

Umiling iling agad ako. “Nakakahiya!” pilitin dapat ako. “Ayoko!” natatawa ako kahit kaonting pilit ay desididong sumubok.

“Mabait ’yan si Franca!” natatawang saway ni Christian sa iilan. No!

“Sige na! Para naman may experience lang,” ani Catherine.

I heard how Hiro sighed. Hindi ko siya pinansin at nawili sa pamimilit ng girls. Kunwari’y lito ngunit gustong gusto.

“Oo nga!” pamimilit ng mga girls.

“Uh… sige,” sabi ko at naglakad patungo sa harap.

The boys started shouting. May mga nag-uunahan pang pumunta agad sa gitna.

“Anong gusto mo? You want to try a body shot or…”

I’ll lick of course!

Hindi pa nadudugtungan ni Christian ay nagsigawan at nagtilian na ang mga girls. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari lalo na’t abala pa akong pasadahan ng tingin ang shots at namimili ng lemon.

“Lick,” biglang pamilyar na tinig ni Hiro, na para bang isinaboses ang aking iniisip.

Napatingin agad ako sa dulo ng mesa at nakita si Hiro na nakaupo na roon, nakabukaka pa habang isa-isang tinatanggal ang butones.

Napawi ang aking suot na ngiti at ang pagiging kuryoso ay parang lumayas sa kung saan. Para nang mababaliw ang mga girls kakasigaw habang ang mga boys ay napapaungol dahil dismayado at naunahan.

“Akala ko ba pass, Hiro!” natatawang tanong ni Christian.

“I changed my mind,” he said while looking at me intently. I saw how his muscles flex when he took his shirt off in a manly way.

Nagtilian halos lahat ng girls. May mga nagpanggap pang nahimatay. Everyone loves him. They’re so fond of this smartass villain who looked so snob and unbothered.

Medyo natatanga pa ako ng ilang sigundo. Parang gusto kong umatras. Kaso ang sabi ko naman sa aking sarili ay gusto ko ng experience.

Experience sa ibang tiyan ng boys hindi sa tiyan ni Hiro!

“Go Franca! Go Franca!” ang mga girls na nakiki-cheer.

Pumangalumbaba si Hiro at pinanood ako ng maigi. Nagkakatinginan pa kami. Para bang pinapakiramdaman ang isa’t isa ngunit kapwa palaban at nanghahamon ang mga mata.

Well yeah. I’ll definitely try this! Kahit sa kanya pa! And damn it! Ayan na naman ang ekspresyon niya. Parang handang handa at sabik.

Naglakad ako patungo sa kanya dala ang shot at lemon. Umatras siya ng kaonti at itinukod niya ang mga kamay sa likuran habang malalim na ang paninitig sa akin.

Mabango pa naman itong si Hiro. Maalaga ’to sa katawan. Maarte. Kaya medyo ayos na rin siguro kung sa kanya. Kaso bakit naman sa kanya?

Tumigil ako sa gitna ng kanyang hitang nakaparte. Umahon siya bigla kaya halos magulat ako nang magkalapit kaming dalawa. The girl started shouting. Nakakabingi na habang ang mga boys ay humahalakhak.

“Lemon…” ani Hiro at hinaplos ang aking siko kung saan ko hawak iyon.

Oh right! Right! Lemon! Hinawakan niya ang aking pulso at iginiya iyon patungo sa kanyang labi. Yumuko si Hiro at kinagat iyon habang nasa akin pa rin ang mga mata.

“He’s Hiro Delafuente right?! The hottest!”

“Oh I’d give everything to be in her position!”

Itinukod ni Hiro ang mga siko sa likod. Ayaw niyang humiga. Ngumuso ako at namamangha sa cracks sa kanyang tiyan.

Panay cheers ang mga girls. Tinuturuan pa ako ng iilan kung paano ibubuhos, like I am too innocent to be guided for a sinful act. I started pouring half of the shot. Namungay ang mga mata ni Hiro at sinundan ng tingin ang pagbaba ng shot sa kanyang tiyan.

“Lie down, dude!” utos ni Christian.

Hindi nakinig si Hiro. He looked so serious while watching my slow movements. The liquor made it’s way on the cracks of his stomach. Humawak ang isa kong kamay sa hita ni Hiro. I saw how his adam’s apple moved as he shut his eyes.

Nabawi ko tuloy ang aking kamay. Sa hita ko ’yon hinawakan! Bakit ganyan ang reaksyon!

“What the hell?! Palit tayo! Palit!” parang mga baliw ang girls nang makita ang reaksyong iyon ni Hiro.

Dumilat si Hiro at namumungay ang mga mata nang dungawin ang sunod kong gagawin. Itinukod ko ang aking kamay sa gilid ni Hiro at nagsimulang yumuko habang kaharap na ang basa niyang tiyan.

“Fuck!” ang mga boys na nagsusuntukan pa ng pabiro lalo na’t may iba na naghehead lock at tumatalon talon.

“Maging aggresive, girl! Lick his stomach!” ang mga babae.

Umahon ako ng kaonti at ang mukha ni Hiro ang nakaharap. Lemon nalang siguro! I leaned forward so I can maybe uh, suck the lemon on his lips?

“Huwag muna ang lemon! Lick the shot first!“the girls said like I’m doing something wrong.

“Oh my God! She doesn’t know what she’s doing!”

“Lick him first, seductive angel!”

Nilingon ko ang girls at tumawa. I can definitely get an award for being so pretentious. Oh how much I want to do it but not like this! Not infront of Hiro! Para bang may gagawin na naman akong kademonyohan at nanonood siya mismo.

“Ayoko na pala,” tayo ko ng tuwid at natatawang umatras.

“That’s fine, Franca!” halakhak ni Christian.

“Cute naman! Huwag na pilitin! Hindi sanay!” ang mga boys.

“Halika ka dito baby…” isa sa mga lalake na parang nilingon pa ni Hiro.

“Ako na ang tatapos!” presinta ng isang babae.

“Ayoko na rin,” si Hiro na biglang bumangon at inaabot na ang kanyang shirt.

“Mga KJ peste!” sigaw ng kung sino. “Magsama kayo!”

“Masanay kana kay Hiro. Maarte ’yan sa girls,” someone defended him.

“And Franca’s too innocent to try this game. Hindi na kataka taka kung umatras,” isa namang pagtatanggol para sa akin.

Ilang asaran pa ang pinaulan hanggang sa iba naman ang napagdiskitahan nila. Bumalik ako sa aking pwesto at nangingiting pinanood ang sumunod. Hinaplos ni Hiro ang aking siko kaya napalingon ako sa kanya.

“Rest room lang,” ani Hiro at nagpaalam pa.

Nagtagal ang tingin ko habang isinusuot niya ulit ang shirt ngunit hindi pa binubutones iyon. Kitang kita ko kung paano umagos ang tequila pababa.

“I’ll clean this,” pahabol niya at itinuro ang tiyan, na tila ba may iba akong naiisip kaya kailangan niyang magpaliwanag.

Tumango akong muli at binawi ang tingin para ibalik sa katuwaan. Ilang minuto lamang na nawala si Hiro habang kuryoso naman ako kung nasaan na si Keyla at hindi man lang bumalik sa grupo.

“Nasa’n si Keyla, Christian?” tanong ko nang mapansing nawawala ito.

“Oh! Lasing na lasing! Natutulog sa isang kuwarto,” aniya habang natatawa dahil sa pinapanood na body shot.

“Huh? Sinong kasama?”

“I dunno. Wait I’ll check,” nag-amba na siyang umalis kaya pinigilan ko.

“Ah ako na…” sabi ko at deritso nang humakbang patungo sa tinutukoy niyang kuwarto.

“Don’t worry. Susunduin ’yan ng manager niya mamaya,” pahabol ni Christian.

Sunod sunod na ang malalaki kong hakbang na kahit natanaw ko ang naghahalikan sa gilid ay hindi na ako nagpaawat pa.

The girl noticed me. Her eyes widened and pushed the boy away from her. Nakaawang pa ang labi noong lalake nang lumayo ito. Inayos niya ang dress at nakayukong naglakad paalis habang sumusunod na ang lalake.

Ngumisi siya sa akin at kumindat. Sumeryoso ang aking mukha at matalim siyang tiningnan kaya napawi ang kanyang ngiti at parang natauhan. Deritso na ang lakad ko para makapunta sa pinto.

Binuksan ko iyon. Kabado noong una ngunit nang makitang walang tao roon bukod sa nakahigang si Keyla ay kumalma rin ang ako. This girl will put herself in trouble for being so drunk!

Pumasok ako ng tuluyan at isinara ang pinto. Her butt is quite showing lalo na’t umangat ang suot kaya hinila ko ang puting kumot para takpan ang kanyang katawan.

Umupo ako sa gilid ng kama. Yakap yakap niya ang unan at nakasubsob ang mukha habang magulo ang buhok. Sinilip ko ang kanyang ekspresyon. Makakalimutin ba ’to pag lasing? Baka makalimutan niya ako kinabukasan! And I don’t have her number yet!

May tumunog na cellphone sa kanyang tabi. Kumunot ang aking noo at kinuha iyon. Nakita ko agad sa screen ang nakalagay na Mommy. Oh I should tell her not to worry about Keyla!

Sinagot ko iyon at inilagay sa aking tainga.

“Hello-”

“You stupid girl! Wala ka talagang nagagawang tama! Tinakasan mo na naman si Cholo?! For what? To party?!” her mother’s voice raised.

Nagulat ako lalo na’t kailanman ay hindi ako nasigawan ng kung sino, lalo na ni Mommy.

“Ah hello po… This isn’t Keyla. Uh, tulog po siya eh.”

“Are you her friend? Nilalason niyo talaga ang isipan ng anak ko kaya ’yan natututong magrebelde!”

Kumurap ako at inilayo sa aking tainga ang cellphone lalo na’t ang tinis ng pagkakasigaw niya. Noog ibinalik ko ay wala na akong narinig at mukhang pinatay niya na.

Napangiwi ako sa narinig. Her mom sounds so strict. Inilapag kong muli ang kanyang cellphone nang umilaw ang screen at nakita ko ang isang text sa nagngangalang Cholo.

Cholo:

I’ll get you. Your Mom is so mad, Keyla!

21st Ruled

Ruled

Fond

Hindi ba siya nagpaalam? And ilang taon na ba siya? She doesn’t looked like a minor to me. Baka mas matanda pa pala ako sa kanya? May lahing Western din naman kasi kaya hindi ko alam kung sobrang bata pa ba eh ang mature tingnan.

Nanatili na lamang ako sa loob at gusto nalang maghintay hanggang may sumundo sa kanya. Baka may mangyari sa kanya pag umalis ako. At ako ang kasama niya kanina na nagsasaya. Hindi ko pa nabilang kung nakailang shot siya.

Pamilyar sa akin ang mga ganitong eksena. Naalala ko ang kuwento ni Mommy kaya mahigpit sila sa akin pagdating sa parties. Hindi talaga maiiwasan na may mangyaring hindi maganda lalo na kung sobrang lasing na at mag-isa pa. Suwerte nalang kung may mga taong ang intensyon ay tumulong.

Biglang bumukas ng marahas ang pinto na ikinatigil ng aking pag-iisip. Nagulat ako at napalingon. Bumungad ang magkasalubong na kilay ni Hiro at ginala pa ang tingin sa loob. Nang makita niyang ako lang, si Keyla na nakahiga ay unti-unting kumalma ang kanyang ekspresyon.

Huminga siya at napayuko. Noong umahon ang ulo ay seryoso na ulit. Kapansin pansin ang basa niyang shirt, coz maybe he washed his stomach, at ang basa niya ring buhok na nakaatras.

“Are you okay? Nahihilo ka?” he asked calmly.

Kumurap ako at itinuro ang knock-out na si Keyla. Natapon ’yung inumin ko kanina habang sumasayaw kami at mukhang noong naipakilala ako sa kanya ay nakailang shot na siya kaya mabilis na nalasing.

Humalukipkip si Hiro sa may pinto at tamad na isinandal ang ulo sa gilid.

“Your friend passed out,” aniya.

Pumasok ang hangin dahil sa bukas na pinto. Keyla purred like a kitten.

“Close the door, Hiro,” utos ko nang irita siyang tingnan.

Ibinalik ko ang tingin kay Keyla. Hindi ito nagising ngunit iniba lamang ang posisyon. Nahulog pa ang unan na sinalo ko at muling ibinalik sa kanyang tabi.

Narinig ko ang pagsara ng pinto. Mukhang lumabas din si Hiro.

“Where’s your hair clip? Hinubad mo na naman?” nagulat ako sa tinig ni Hiro.

Nilingon ko siya at nakitang nakahalukipkip pa rin sa gilid ng pintong nakasara. Magagalit na sana ako kung bakit pati siya ay nandito sa loob kaso nang maalala ang sinabi ay mabilis kong kinapa ang aking buhok.

Wala nga roon ang clip ko! Napatayo ako sa pagkagulat.

“Nasaan?!” I panicked. “I love that clip! It’s elegant!”

His lips parted. He looked so stunned. Napatuwid siya ng tayo at parang handa nang solusyunan ang aking problema.

“You probably dropped it… Hahanapin ko,” aniya at deritso nang binuksan ang pinto para lumabas, nagmamadali.

Halatang hindi marunong magkabit! Ang luwag siguro! Naglaho rin siya sa aking paningin. He even locked the door. Kaya noong bumalik ilang minuto at kumatok na ay tumayo pa ako para pagbuksan siya.

Inilahad niya iyon sa akin. Kinuha ko ito sa kanyang kamay at deritso ko nang isinilid sa suot na sling bag dahil baka mawala pa.

“You’re not planning to wear it again?”

Umiling ako habang abala sa ginagawa.

“Mawala pa ’to ulit…” medyo simangot ko.

“I’m sorry. My fault. I don’t know how to put it correctly…” may pag-iingat sa tinig niya.

“It’s fine. Nahanap mo naman,” wala sa sariling sabi ko.

Hiro chuckled and nodded with amusement.  “Kung nawala man, reregaluhan nalang kita ulit. Simple…”

Natigilan ako at napaangat ng tingin sa kanya. Nasa labi niya pa ang ngiti habang hinahangin ang kanyang buhok. May sasabihin pa sana nang sumenyas na siyang isara ang pinto.

“Malamig. At maninigarilyo ako rito. Diyan kana muna sa loob,” agap niya.

Natutop ang aking labi. Ang balak kong sabihin ay hindi tuloy natuloy. But it wasn’t nice and it’s confrontational. Mapagsisimulan ’yon ng away…

“Mukha mo talaga pag mang-aaway…” rinig kong sabi niya bago ko isinara ang pinto.

Tumabi lamang ako kay Keyla at humiga higa. Pumikit pikit ako kaso may humuhukay na ata sa aking tiyan idagdag pang nakalutang lamang sa dagat. Pakiramdam ko ay nararamdaman ko ang bawat alon. Medyo nakakahilo kaya bumangon ako lalo na’t nasusuka.

Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto at sumilip. Lumakas agad ang kantang galing sa harapan habang natatanaw ko si Hiro na nakayuko sa barandilya at bumubuga ng usok. Malayo ang kanyang tingin at tila malalim ang iniisip.

Ilang sigundo pa lang ay napalingon na siya sa akin. Tinakpan ko ang aking bibig kaya mabilis siyang tumuwid ng tayo at lumapit.

“Nasusuka ka?” tanong niya nang daluhan ako.

Tumango ako at pumikit pikit. Nakakahilo dahil humiga ako!

Inipit ni Hiro sa labi ang sigarilyo at kinapa ang kanyang bulsa. May dinukot siya saka ako binigyan ng mint candy.

Akmang kukunin nang binawi niya iyon at binuksan ng mabilis. Muli niyang inilahad iyon sa akin.

“Stand here so you can get some fresh air,” ani Hiro at tinutukoy ang pwesto niya kanina.

Lumabas ako ng dahan dahan. Inabot niya ang handle at hinila iyon para maisara ang pinto. Sumabog agad ang aking side bangs dahil sa hangin.

Nginuya ko ang candy habang lumalapit sa barandilya. Mabilis ang tingin ni Hiro sa aking kilos, pinong pino ang pagkakasunod at walang pinapalampas.

I crossed my arms and rested it on the aluminum railings of the yacht. Palingon lingon si Hiro sa kinatatayuan ko, sa posisyon ko, at halos hindi naipapanatili ang tingin sa dagat na tahimik kong pinagmamasdan na paea bang mawawalan ako ng balanse ano mang oras o malalaglag nalang bigla sa dagat.

I curiously glanced at him coz he’s distracting me. Nakatuwid siya ng tayo sa aking gilid at nakahawak sa barandilya bilang suporta habang malapit ng kaonti sa akin.

He’s really tall. Parang balikat lang ako. Idagdag pa sa build ng katawan kumpara sa aking kanipisan, talagang kapansin pansin siya.

Tiningnan ko ang dulo at napagtantong pabalik na kami. The party is almost over. Pasado alas onse na rin ata.

Medyo nawawala ang pakiramdam kong nasusuka. Sumilip ako sa kasiyahan na nangyayari sa harap at nakitang nagsasayawan pa ang mga girls, tila sinusulit ang bawat minutong natitira. Iniwas ni Hiro ang katawan ng kaonti para makita ko sila ng maigi.

Noong makontento ay tumigil ako sa kakasilip at dinala ang tingin sa harapan. Kalmado ang dagat at halos naging salamin ang madilim na langit habang may kaonting liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan.

Bumalik naman ulit si Hiro sa pagkakahilig sa barandilya.

“You still want to have fun? I’ll guard the room so you can join the girls. Panonoorin kita rito.”

Naibalik ko tuloy ang tingin ko kay Hiro.

“Wala si Keyla. No one will guide me how to dance,” sabi ko.

Ngumuso siya at tila ba may naalala. Pinanood niya akong sumayaw kanina.

“You’re a bit good at it. Swabe lang at…”

“At?” Napaangat ako ng kilay.

He licked his lips and smiled. Nagdududa na tuloy ako.

“At ano?” kuryoso kong tanong.

“Aawayin mo na naman ako kung hindi mo nagustuhan ang sasabihin ko,” he said carefully.

Tingnan mo na! Ano kaya ’yon?

“Hindi naman. Ano ba ’yon?” marahan kong tanong.

“Stop being curious,” he smiled.

“Ano nga!” halos ma-frustrate ako.

Pumikit si Hiro at nangingiting hinilot ang sentido. Sinilip ko ang kanyang ekspresyon.

“Bastos ka ha…” bintang ko.

Dumilat siya at umismid agad. “Anong bastos?”

“Hindi mo sinasabi kasi bastos,” sabi ko.

He sighed and shook his head. “Hindi bastos…”

“Ano nga kasi,” pamimilit ko.

“Sexy,” bulong ni Hiro sabay iwas ng tingin.

Natahimik ako. Binalikan ko pa sa isip ang panghahagod ng tingin niya sa oras na iyon. Swabe at sexy?

Natahimik kami saglit. Aawayin ko pa ba siya sa parteng iyon? It’s a compliment.

Dinama ko nalang ang hangin. Pumikit ako at hinayaan itong halikan ang aking mukha. Noong dahan dahang dumilat ay sinisilip na ni Hiro ang aking mukha habang nakayuko rin sa barandilya.

“Bakit ba ang hilig mong tumingin sa akin? Hindi ka naman ganyan sa ibang girls. Tapos itatanggi mo na wala kang crush sa akin.”

“What’s the problem if I stare too much? Marami rin namang tumititig sa’yo. Hindi lang ako.”

“Hindi ako ang tinititigan mo noon kaya nagdududa ako.”

Iniyuko niya ang ulo at sinuklay ang buhok. Nasilip ko ang munting ngiti sa kanyang labi ganoon din ang perpekto at mapuputi niyang ngipin habang pumipikit.

“Tumitingin ka pabalik kaya nakakaduda ka rin,” at talagang nailusot na naman ni Hiro.

Siya na.

Nakita ko si Christian na pinagdidiskitahan ng mga girls.

“Ang saya noong body shot,” I said out of nowhere nang bigla kong maalala.

“You looked so curious. Gustong gusto talaga,” aniya.

“Nagpass ka nga noong una pero gusto mo rin naman pala,” sabi ko.

“Nakakapagtaka nga. Gustong gusto mo rin pero hindi mo itinuloy. I’m curious why…” makahulugan agad ang kanyang tingin.

Sinasabi ko na nga ba’t ipang-aasar niya ’yon sa akin! Tama lang ang desisyon ko na hindi tumuloy dahil baka triple pa ang pang-aasar na mararanasan ko sa kanya.

Pumikit ako lalo na’t alam ko na kung saan patungo ang usapang ito. Hindi na nga nahihilo pero sa daloy ng usapan, parang doon ata iikot ang isip ko.

Humarap ako at sumandal patalikod sa dagat. Humarap din si Hiro at namulsang sumandal sa railings. He looked at me silently.

Tiningala ko siya at tahimik ding tiningnan. His eyes were full of emotions but I couldn’t name any of it. The mysterious villain is slowly revealing himself after lurking in the dark for so long.

“Coz everyone’s watching. And I realized you’re gonna tease me again,” rason ko.

“O baka naman… nagkakagusto kana sa akin?”

“What?” halos matawa ako sa kanyang bintang sa halip na maasar. It’s funny coz I didn’t think about it in a romantic way.

Gusto kong magdabog sa mga bintang niya kaso nahihilo pa ako ng kaonti at ayokong galit na naman pag-uwi.

Gumalaw si Hiro. I saw his slow movements. My eyes were wide opened while watching his effortless trance. Nasa harapan ko na siya.

Tumikhim ako habang yumuyuko siya at itinutukod ang bawat kamay sa aking gilid. He’s watching my reaction like he’s gonna find an answer to his question.

Nanatili akong nakahalukipkip. Tiningnan ko ang kanyang labi at bumalik ulit sa kanyang mga mata.

“Should I kiss you first this time?” nanghahamon ang kanyang tinig.

My eyes widened. He’s using my tricks in order to answer the curiousity that’s circulating inside his head! Iniisip niya talagang may gusto ako sa kanya, o inaasar na naman ako, o sadyang gusto niya lang talagang maghalikan kaming dalawa?

“Wala akong gusto sa’yo, Hiro,” mataman kong sabi ngunit nangingiting napatingin sa kanya.

“Wala?” he smirked playfully and crouched a bit.

“Wala nga…” pissed with his accusation I tried to push him.

Hindi natinag si Hiro.

“Then let me kiss you so I can confirm if you won’t kiss me back.”

Namilog muli ang kanilang mga mata. Nakadungaw si Hiro sa akin, yumuyuko at nakangising tumitingin sa aking labi.

“So what if I kissed back? You will kiss me first. Meaning… it’s a confirmation that you liked me,” sabi ko.

Humalakhak si Hiro, marahil ay pamilyar sa kanya ang aking mga sagot. I arched my brow confidently and watched him with a smile, too.

“Galing ah?” he chuckled and licked his lowerlip sedcutively. “Nakakaisa ka talaga…”

“Siyempre nakakaisa ka rin,” sabi ko at binawi ang kamay na ipinantulak ko sa kanya para muling humalukipkip.

Ngumuso si Hiro. I chuckled when I realized our fights were funny. Remembering how I tried to kiss him? Ano ’yon? Hindi ko alam kung dahil ba lasing ako kaya ko naiisip ang kahibangan o natatawa lamang ako sa pinaggagawa ko noon.

Tiningnan ko ang kanyang mga matang matamang nakatingin sa akin. Bumaba sa labi niyang nakaawang. At ibinalik agad sa kanyang mga mata.

Kaya siguro ang daming nababaliw rito. Gets ko naman ang parteng iyon. Hindi lang guwapo kundi hot din. Lahat ng babae ay mahuhulog sa ganoon.

Ngunit ngayong tinitingnan siya sa positibong paraan, kinakalimutan muna ang mga pangit na alaalang baon baon ko sa aking isipan, napagtanto kong nakakamangha pala talaga ang mukha niya.

“Silence means yes,” si Hiro na nawiwili na ata akong asarin.

Wala rin akong takas lalo na’t nasa bawat gilid ko pa rin ang kanyang kamay.

“I won’t kiss you back, Hiro,” I explained calmly.

He angled his face, tilting it. Lumunok ako dahil binabalak niya na talaga.

“Subukan nga nang malaman…” palapit na halos lalo na’t naunang humalik ang mainit niyang hininga sa aking labi.

Talagang inuulit niya ang ginawa ko sa kanya noon. This villain is so good!

“Gusto mo lang talaga akong halikan,” I said.

Humalakhak siya at umahon muli ang ulo. Nailing ako lalo na’t basang basa ko ang kilos niya. Sa huli, Inilayo niya rin ng kaonti ang mukha, marahil ay suko na sa pang-aasar at binabalak. He smiled while watching me. I smiled back to mirror it.

Nagsibabaan na rin isa isa ang lahat sa yate. May iba na nawawalan pa ng balanse na mabilis inaalalayan at may iilang nagsusuka pa. Some were wasted and some were sober. Nahihilo pa ako ngunit kaonti nalang.

Umakyat agad ang isang lalake na deri-deritso ang lapit kay Christian kasama ang dalawang bodyguards.

Kuryoso akong sumilip dahil mukhang galit na galit ito. Nailing ang lalake at malalaki na ang hakbang patungo sa kinaroroonan namin ni Hiro.

“Where’s Keyla?” tanong ng lalake nang tingnan kami ni Hiro.

“Nasa loob po,” ako ang nagsalita.

Nailing ito at nahilot ang sentido habang binubuksan niya na ang pinto. Sumunod ang dalawa pang bodyguard at inalalayan na si Keyla palabas na halos wala pang malay.

“Where’s her things?” tanong noong lalake na nanatili sa loob. I think he’s Cholo.

Pumasok ako at tumulong sa paghahanap. Nauna kong makita ang paperbag lalo na’t ako ang kasama kanina ni Keyla noong ibinalik niya ang mga gamit.

Iniabot ko ito sa kanya habang nakikita kong napapasulyap pa siya kay Hiro na nakahalukipkip sa pinto at nanonood.

“Hijo… May picture ba kayo? Gusto ko sanang humingi ng pabor na huwag i-upload lalo na’t patong patong na ang issue niya at kakasimula pa lang sa pag-”

“We didn’t interact and I don’t know her, Sir,” si Hiro sa pormal na tinig.

Kumurap ang lalake at natutop ang bibig. Kumunot ang kanyang noo at para bang lito sa nangyari ngunit ngumiti rin naman at tumango. Nilingon niya ako.

“Thank you…”

I smiled and nodded. “Pakisabi po kay Keyla na natutuwa po akong makilala siya.”

“Oh? She won’t remember you once she’s sober, hija. Makakalimutin ang batang ’yan pag nalalasing…”

Oh…

Tumango na lamang ako at ngumiti. Muli siyang sumulyap kay Hiro at ngumiti habang nagpapaalam na sa amin.

Hindi ako maaalala kinabukasan? Natigilan pa ako ng ilang sigundo hanggang makita ko ang tingin ni Hiro sa akin. Nakalabas na iyong lalake na nilingon ulit ni Hiro pero mabilis na ibinalik ang tingin sa akin.

“Do you want her number? Hihingiin ko sa kanyang manager so you two can communicate,” ani Hiro.

Kumurap ako at unti-unting ngumiti para asarin siya.

“Tipo mo siguro ’no? Ako pa ang gagamitin mong alibi…”

Hiro rolled his eyes like I said something offending. Natatawa akong lumabas. Namulsa siya at tumuwid ng tayo.

“Ayos lang. Baka magkita kami sa iba pang parties,” sabi ko.

Tumango siya at lumipat pa sa gilid para doon pumwesto. Siya ang nasa may bandang barandilya habang lumalabas na rin kami sa maliit na pathway.

Kaonti nalang ang nasa yate at nakababa na halos lahat. May grupo pang babae na palingon lingon sa amin ngunit pababa na rin habang kausap pa si Christian. Noong napansin kami ni Hiro ay may sinabi siya sa mga babae saka rin lumapit sa amin.

Nagkamot ng batok si Christian nang sinalubong kami. May pulang pantal pa ang kanyang leeg ganoon din ang dibdib.

“Badtrip pinagalitan ako noong manager niya. I can’t post some pictures! Tumakas na naman pala.”

“Huwag kanang magpost. Mukhang maraming issue ang babaeng ’yon,” si Hiro.

“I really can’t post, bro! Sikat ang Mommy noon pati ang kapatid. Dadayuhin ako ng mga fans niya. Baka i-bash pa ako,” si Christian na naiiling habang pumupwesto sa aking gilid.

“Nag-enjoy ka, Franca?” nangingiti niyang tanong nang lumingon sa akin.

“Oo…” ngiti ko.

“You’re not drunk? Nakita ko sumasayaw kana kasama si Keyla. Wild talaga ’yon.”

“Ilang taon na ba siya?” kuryoso kong tanong.

“Hmm… I guess I’m three years older than her. Bata pa ’yon. Baka sixteen? Hindi ako sigurado.”

“Wala kang number, Chris?” tanong ni Hiro na umikot at sumingit sa aming gitna.

Wala sa sariling napalayo si Christian sa akin lalo na’t distracted din sa tanong ni Hiro.

“Wala eh… Mailap ’yon kasi alam mo na… strict ’yung manager. Bakit? Tipo mo ’yon? Ganoon pala ang tipo mo bro?” halakhak ni Christian.

“Hindi,” si Hiro na pasimpleng tumingin sa akin.

“Nakakacurious na talaga kung sino ’yang tipo mong babae! Simula ata noong maging kaibigan kita ni isang babae wala kang pinopormahan! Dinaig mo pa ang mga pinsan mo. Hakot awards pagdating sa pangchichix!”

Nagkibit na lamang si Hiro at naunang bumaba sa hagdan. Tumigil siya sa ikalawang baitang at inihad ang kamay.

“Give me your hand,” si Hiro.

Wala sa sariling inilahad ni Christian ang kamay kay Hiro. Iritang tinabig ni Hiro ang kanyang kamay.

“Gago. Hindi ikaw,” si Hiro.

Humalakhak si Christian.

“Bro… Nakakaiyak. Mabait ka sa babae,” kantiyaw niya.

Tiningnan ako ni Hiro, naghihintay. Kinuha ko ang kamay ni Hiro. Hinawakan niya iyon sa maingat na paraan at iginiya na ako pababa.

“Iba talaga pag family friend ang mga Buenaventura… Deritso bait,” si Christian na nakapamulsang sumusunod.

Dumeritso kami kung saan nakapark ang kanilang mga kotse. Kinausap pa kami saglit ni Christian bago tuluyang lumapit sa iba pang grupo para kumustahin ang mga ito.

May iilan pang naroon at mukhang hindi pa nakakamove-on habang ang iba ay nagpapakalma pa ata.

Nagtipa ako ng mensahe kay North habang si Hiro ay tahimik na nakasandal sa pula niyang Mustang.

Ako:

North. Where are you?

Hinaplos ko ang mga braso. Malamig na ang ihip ng hangin. Bumukas ang pinto ng kotse ni Hiro at may inabot siya roon.

Nang nilingon ko ay inilalahad niya na sa akin ang isang hoodie. Naalala ko tuloy ang hoodie niya na hindi ko pa naibabalik.

“Wear it. It’s cold,” aniya.

Mag-iinarte pa sana ako kaso malamig talaga lalo na’t galing sa dagat ang hangin. Kinuha ko ang jacket at isinuot. Namulsa siya at sumandal ulit sa kanyang pulang Mustang.

Tinanaw ko ang dulo. Hindi pa dumadating si North. Muli kong nilingon si Hiro na tahimik lang na sumusulyap sa akin. Binawi ko ang mga mata at muling hinaplos ang buhok nang mapagtantong wala roon ang aking clip.

“My clip!” I shouted.

“Nasa bag mo. Check it,” ani Hiro.

Kumurap ako at naalalang nahanap niya pala iyon kanina. Huminga ako at pumikit. Am I drunk or somethin’?

Noong dumilat ay nahuli ko naman ang pagyuko niya habang ngumingiti. Nakakailan na ba siya ngayong araw?

Tahimik kong niyakap ang sarili. Ilang sandali lang ay natanaw ko na ang kotse ni North. Pumikit ako nang umilaw ang headlights at dahan dahan na itong nagpapark sa aming harapan.

Kita ko ang paghinahon ng mukha ni North nang matanaw din si Hiro na kasama kong naghihintay. Lumabas siya at lumapit sa akin.

“Sorry. I’m late…”

“Ayos lang,” sabi ko.

Pinasadahan ako ng tingin ni North at tila ba sinisiguradong wala akong galos o ano. Nilingon niya si Hiro at nginitian.

“Thanks, Hiro.”

“No problem.”

Nilingon ko si Hiro habang hawak ko ang sling bag. Inakbayan ako ni North at iginiya na sa kotse. Hiro silently watch us. Nilingon siya ni North at sinenyasan. Noong nilingon kong muli si Hiro ay hinuli niya agad ang aking mga mata.

Pinagbuksan ako ng pinto ni North. Pumasok ako sa front seat. Nakita ko kung paano tinawag ng ibang grupo si North at mukhang yayayain pa ngunit ngumisi lamang si North at umiling habang binubuksan na ang pinto ng driver’s seat. Pumasok na rin si Hiro sa kanyang kotse.

“You looked happy. May naging kaibigan ka ulit?”

I smiled when I remember Keyla. Kaso malabo eh. Sikat ata ’yon. No one has her number. Baka kung nagtext din ako ay limot niya na ang nangyari? Sa dami rin siguro ng kanyang nakakasalamuha lalo na tuwing lasing at nagpaparty.

“Nag-enjoy ako sa party,” sabi ko.

North nodded and smiled. “That’s good.”

Wala sa sarili kong dinala ang tingin sa labas ng bintanang nakabukas ang salamin at nakita ang paglebel ng pulang Mustang ni Hiro sa amin. Nakabukas din ang salamin ng kanyang bintana at nakasandal ang isang kamay roon kung saan nakaipit sa daliri ang stick ng sigarilyo, ang isa naman ang nakahawak sa steering wheel.

Dinala niya iyon sa kanyang labi at hinithit sabay lingon sa akin. I watched him curiously. Ibinuga niya ang usok ng marahan nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Kuminang ang kanyang earring nang matamaan siya ng lights.

“Sa bahay, Hiro. Inuman,” rinig kong anyaya ni North.

Hiro nodded. North is so fond of him, kaya rin tipo niya itong ireto sa akin. Madalang magkagusto ang aking pinsan sa mga taong nakapaligid sa kanya lalo na’t kinikilatis niya pa ng maigi. Namimili ng kakaibiganin. And I guess he likes him so much. Maybe they vibe.

Sumandal ako sa upuan lalo na’t malalim na ang gabi at nakakaantok na, idagdag pa na nakainom ako ng kaonti. Hindi na ganoong nahihilo o nasusuka man. Inaantok na lamang.

22nd Ruled

Ruled

Hot

Pumipikit pikit na ako nang makarating kami sa bahay. Bumukas ang malaking gate habang humihikab ako. Natanaw ko agad si Dad sa terasa, may kausap sa kanyang cellphone at mukhang naghihintay sa aming pagdating.

Tumigil saglit si North at bumusina. Dumungaw siya sa bintana at may kung anong sinenyas sa likod. Mapupungay na ang aking mga mata nang tumingin sa itaas ng salamin at nakita ang paghagis ni Hiro sa upos ng sigarilyo palabas ng bintana.

Nauna akong bumaba. Napatingin si Dad, bumabagal ang pagsasalita hanggang sa pinatay niya na ang tawag. Sinalubong niya ako.

“Dad…”

“Sweetheart,” si Dad.

Yumakap agad ako. Hinagkan niya ang tuktok ng aking ulo at hinaplos ang aking likod.

“How’s the party?” bulong niya.

“Nag-enjoy ako,” nangingiti kong sabi nang humiwalay.

My father nodded and looked at North. Nilingon ko rin ang pinsan kong lumabas na sa driver’s seat pagkatapos i-park ang kotse habang iginigiya ang kotse ni Hiro papasok sa loob.

“Tito… we’ll drink here,” ani North nang lingunin si Dad na napunta na ang tingin sa Mustang ni Hiro.

My father nodded and went to my cousin. Humalukipkip ako at humikab. Kita ko kung paano lumabas si Hiro sa driver’s seat. He looked calm but I can sense his nervousness. Magaling niya lang nadadala.

“Good evening, Sir,” bati ni Hiro kay Dad.

I saw how my father looked at him with judgements in his eyes.

“You’re Scarlet Gail’s son, am I right?” ang mala awtoridad na tinig ni Dad ay parang kulog na pumaibabaw.

“Yes Sir…” marahang sabi ni Hiro.

Naninimbang ang tingin ni Daddy kay Hiro. I’m not sure if he will like the idea of having a Delafuente inside our mansion. Kabilin-bilinan niya last year, noong issue ni Nana, na iwasan muna ang mga ito.

But North just invited a Delafuente. At ang ama kong may tiwala lagi sa desisyon ni North ay magiging maamo rin. Wala namang atraso ang mga ito sa amin, kami pa nga dapat ang magpakumbaba, lalo na’t hindi naging maganda ang nangyari.

“Parehas nilang kaibigan ’yung nasa party na dinaluhan ni Franca, Tito. Mabuti nga at nandoon pala si Hiro. Na-late ako sa pagsundo…” halakhak ni North.

Kitang kita ko ang pagkalma ng ekspresyon ni Dad at tumango sa pangyayari.

“Pumasok kayo at sa loob na mag-inuman,” ani Dad bago tumalikod at nagtungo pabalik sa akin.

I smiled to my father. His face calmed down. Inakbayan niya ako nang makalapit habang inaantok kong niyayakap sa gilid si Dad.

Naririnig ko ang yabag ng mga paang nakasunod sa amin. Bukas pa ang ilaw sa malaking sala. Wala nang gising na kasambahay lalo na’t hindi ko nakikita si Manang Jema. Mukhang pati si Mommy ay tulog na rin at si Daddy ang nagtiyagang hintayin ako.

“I’m sorry matagal ako ng kaonti, Dad,” sabi ko.

“It’s fine… Nagpaalam ka naman.”

I smiled and nodded.

“Goodnight, Dad…” sabi ko at hinagkan siya sa pisngi.

“Goodnight…”

Kumalas ako kay Daddy. Nilingon ko ang pinsan.

“Goodnight North,” bati ko.

My cousin smiled. “Goodnight.”

Saka lumipat ang aking tingin kay Hiro na nakapamulsa sa gilid ni North at tahimik lamang. Ilang sigundo kaming nagtinginan ngunit binawi ko na lamang lalo na’t inaantok na rin.

Umakyat din ako sa hagdan. Hinayaan ko na sila sa ibaba. Nakaya ko pang maghalf bath ngunit bagsak din pagkatapos sa kama.

Hindi ako maagang nagising kinabukasan. It’s Saturday so I don’t have to worry. May practice lamang mamaya sa simbahan.

Humawak ako sa barandilya at bumaba na nang matanaw si Hiro sa sofa, nakahalukipkip at pikit ang mga mata habang nakaupong natutulog.

Kuryoso akong lumapit. Halos nakatingala ito lalo na’t ginawa niyang unan ang headrest ng sofa at nakaawang pa ng kaonti ang mga labi, ang buhok ay magulo at mahimbing ang tulog.

Iisipin ko sanang inapi ni Dad at pinagkaitan ng kuwarto kaya hindi pinagamit ang guest room kaso nang matanaw ko sa ilalim ng mesa ang nakasilip na mga paa ni North, natutulog sa sahig, nabura rin ang iniisip ko.

Tiningnan ko sa mesa ang kaninang ininom na whiskey at pulutang hindi naubos. Naubos nila ang isang bote at mukhang si North itong lasing na lasing dahil sa sahig na dumapa habang si Hiro ay mukhang nakatulog lamang sa sofa, marahil dahil lamang sa kaantukan.

Nakita ko ang paggalaw ni Hiro. Umahon siya at nagmura habang hinahaplos ang ulo. Ayan… nakainom na ’to sa yate tapos nakipag-inuman pa sa pinsan ko.

Umahon ang ulo ni Hiro at pikit-matang tumingin sa akin. His eyes squinted and groaned more as pushed his head back to the headrest of the sofa.

“Good morning,” namamaos niyang bati.

“Morning,” sabi ko.

Huminahon ang mukha ni Hiro. Natanaw ko ang kasambahay na dala ang tray. May dalawang peppermint tea na naroon.

“Pinapautos ng Mommy mo na ibigay ito sa dalawa pag nagising,” aniya habang inilalapag na iyon sa mesa.

“Umalis na si Mommy at Daddy?” tanong ko.

“Oo hija. Maaga sila,” si Manang habang inabala nang linisin ang kalat sa mesa.

Noong lumingon ako kay Hiro ay dumidilat na siyang muli. Pinasadahan niya agad ang magulong buhok at tinanaw si North sa sahig.

Nailing na lamang ako sa kanilang dalawa. Nagtungo ako sa kusina para magpahanda ng sarili kong breakfast. Si Manang Jema ang umasikaso sa akin at ngumingiti pa.

“Manliligaw mo ’yung kasama ng pinsan mo? Delafuente ’yon, ’di ba?” kuryoso niyang tanong habang abala sa paghahanda ng aking makakain.

“Opo Manang, at hindi po siya manliligaw ko,” I smiled.

“Oh? Kay guwapo talagang bata! Akala ko nanliligaw at naglakas loob lang na dumalaw rito. Nagpapasuyo kasi ng pulutan kagabi ang Dad mo. Sumali siya sa pag-iinuman ng dalawa.”

Sumali si Dad? I am aware that my father isn’t the friendly type person. Niyaya ni North?

“Ako nga ang nininerbyos para sa bata. Alam mo naman ang Daddy mo at nagbibiro pa iyon na titirikan ng bala ang ulo ng mga lalakeng mangangahas na manligaw sa’yo,” sabay tawa ni Manang habang inilalapag na sa aking harapan ang niluto.

Nahulog pa ang aking tingin sa bacon at pinanood ang pinagpapatong ni Manang Jema na pancake. Inilapag niya ang chocolate syrup lalo na’t ako ang mahilig na maglagay.

“Simula noong naging eighteen ka ni isa ay wala pang nangangahas na pumunta rito at umakyat ng ligaw. ’Yan palang ang napansin kong nakapasok dito nang walang okasyon kaya inakala ko talagang manliligaw na,” patuloy ni Manang habang binibigyan ako ng kubyertos.

And Hiro just effortlessly went here. Gustong gusto ng aking pinsan, at may pag-asa ring makuha ang loob ni Dad. He will definitely pass as a visitor in this house. My father will probably approve his visits if he’ll ask for a permission.

He earned my father’s trust. The smartass villain knows well how to appear likable infront of a ruthless king. Nakakabilib talaga itong si Hiro.

At ang naalala ko, gusto rin ito ni Mommy. Guwapong guwapo si Mommy kay Wayt pero namamangha siya kay Hiro. Like there’s something about him that’s addicting. Ewan ko nga lang kung ano.

Roche:

What are you doing outside?

Sumasandal pa ako sa aking upuan at kakatapos lamang kumain nang mabasa ang text ni Roche.

He’s asking what I’m doing so I told him I’m outside.

Ako:

Galing akong simbahan. Nagpractice kami ng mga choir members tapos nagkayayaan kumain :)

“Maaga ka bang uuwi, Franca? Nood tayong live band sa Strumm’s,” si Hattie, isa rin sa close ko na choir member.

Roche:

Where? I’m outside, too.

“Sige. Sama ako,” sabi ko habang nagtitipa na ulit ng mensahe para kay Roche.

Ako:

Pupunta kaming Strumm’s. Manonood sila ng live band. Sasama ako.

Sumama rin ang boys sa amin. Panay ang ngiti ni Mateo habang pumapasok kami lalo na’t siya ang nasa aking gilid.

“Kain tayo ng ice cream sa labas mamaya, Franca,” anyaya niya.

“Libre mo?”

“Sige ba!” nangingiting haplos niya sa batok habang naglakakad na kami patungo sa table.

“Uy ang pogi noong drummer!” turo ni Ricia sa stage.

Dim ang loob at may neon light sa harapan. May mga tables na inuukupa ng iilan. Pagkaupo ay inabala ko agad ang sarili sa cellphone lalo na’t nagreply si Roche.

Roche:

My friend is there right now.

Friend? Kuryoso akong naghanap sa paligid kung may katulad ba ng aura ni Roche. Napunta saglit ang tingin sa stage at napansin ang pinag-uusapan nila Hattie na drummer. He looked so badboy, like someone who has a bad temper because of those furrowed brows.

Roche:

Nasa labas ako.

Tumayo ako nang mabasa iyon. Napatingin sila sa akin.

“Ah. Lalabas lang ako. May friend ako na pupuntahan at naghihintay sa labas,” sabi ko.

“’Yung ice cream natin, Franca,” si Mateo.

“Uh… next time nalang, Mateo. After nalang ng performance. Baka mamaos boses natin,” sabi ko.

Tumango siya kahit ramdam ko ang kanyang lungkot. Natawa si Patric at tinapik ang kanyang balikat.

“O hindi ka naman binasted! Tinanggihan ka lang mag ice-cream!” rinig kong sabi nito habang naglalakad na ako palabas.

Pagkalabas ng pinto, natanaw ko agad si Roche na nakapamulsa sa gilid, tumitingin tingin sa mga tao suot ang leather jacket at puting tshirt sa panloob.

“Roche,” tawag ko.

Napatuwid siya siya sa pagkakatayo. Naglakad siya patungo sa akin. Ngumiti ako habang nakahawak sa sling ng aking crossbody bag.

Tumigil ako at hinintay siya. Kitang kita ko kung paano niya ako pinasadahan ng tingin. Kung hindi siya ngingiti, pakiramdam ko kaonting kalabit lang sa kanya makikipagsuntukan na eh.

“Hi…” he smiled.

Ngumuso ako sa hagod ng kanyang tinig.

“Hello…” I laughed softly.

Binasa niya ang labi at iginiya na ako sa paglalakad.

Namasyal kami sa gabing iyon. Kwentuhan lang naman. Masaya pala siya kausap. Kaso sa bawat galaw niya ay pakiramdam ko senswal. Hindi naman sa pinagnanasaan ko siya, pero dahil na rin siguro nakatatak sa aking isip na maglalandian kaming dalawa kaya nakukulayan agad ng ibang bagay ang aking imahinasyon, nakatatak agad sa aking isipan ang tunay na gusto kong mangyari sa aming dalawa.

Importante lagi sa akin ang first impression. Doon ko kasi natutukoy kung magkakasundo ba o kung paano ko siya iisipin. If I don’t like them from the start then it’s hard to looked at them in a likable way. It takes more time to change my mind.

Si Roche ang katext ko sa mga sumunod na araw. Naaaliw tuloy ako sa kanya at nawiwili rin tuwing tatawag siya. Bukod sa magkasundo agad kami sa unang gabi, mas lumalambot ang loob ko sa kanya at nakakagaan din ng loob.

“Wala akong boyfriend, Roche. Kung meron man, edi sana hindi ako nakikipag-usap sa’yo ’di ba?” nangingiti kong sambit sa gabing iyon.

“So no one will get mad if I’ll pursue you?”

“Wala…”

“How about that family friend of yours?” may tabang agad sa kanyang tinig. “Hindi ko pa nakakalimutan ang isang ’yon.”

Oh? Si Hiro? Naalala ko tuloy iyong body shot! Pumikit ako para maalis iyon sa aking isip. Bakit nga ba hindi ko iyon itinuloy? Kung hindi lang talaga nakakapikon minsan mang-asar ang lalakeng ’yon…

“Hindi ko ’yon boyfriend…”

Imbitasyon ni Roche sa buwan ng Mayo ang palagi kong pinagbibigyan. I have nothing to do. Ayokong sumabay kina Philip dahil alam kong sakop ni Hiro ang circles nila. Kahit saang house party ata ay bigla siyang susulpot dahil imbitado rin lalo na’t kaibigan din siya ng ibang boys.

Hindi naman sa umiiwas ulit ako kay Hiro, pero ewan ko ba, ayoko lang talaga ngayon ng gulo. Parang sa tuwing malapit ako sa kanya ay may biglaang away na nabubuo kahit hindi namin intensyong mag-away talaga.

But our last encounter is quite calm. Kung ganoon lagi ang pagkikita namin ay ayos lang naman sa akin kahit sumulpot sulpot siya, kaso nakikialam din kasi minsan…

Roche isn’t close with the Delafuentes. He has his own circle. Advantage iyon sa akin dahil hindi ko kailangang magdahan dahan.

“Gago. Nandito si Roche,” rinig ko ang tinig ng iilan habang pumipila kami sa sine.

Namumutlang naglilingunan ang grupo ng mga lalakeng nasa unahan. Kalmadong tingnan si Roche hawak ang popcorn at nakatingin sa harap.

“Tara… Baka nandito sila Crius,” rinig kong sabi ng isa na umaalis sa pila.

Kuryoso kong sinundan ng tingin ang apat na lalakeng patay malisyang nag-iiwas ng tingin at umaalis. Noong tiningala ko si Roche ay parang hindi niya rin napapansin ang apat o sadyang… wala siyang pakialam?

Yumuko siya at ngumiti. I can really think of him as a troublemaker because of his aura but he’s good at suppressing his dark intensity, na kahit ganoon siya ay kaya niyang baliin para tingnan siya ng babae sa positibong bagay.

“Let’s go…” haplos niya sa aking likod para igiya ako sa pagpasok.

Tumango ako at sumabay sa kanya. Nasa pinaka ibabaw kami. Hindi ganoon ka rami ang nanonood ngunit hindi rin ganoon ka konti. It’s a perfect spot for kissing.

Naging dim ang loob. Inayos ni Roche ang pagkain namin habang naiisip ko ang nangyari kanina.

“Nasasangkot ka ba sa gulo?” tanong ko habang hinuhubad niya ang itim na leather jacket.

“What do you mean?” tanong niya at ipinatong sa aking balikat iyon.

“Uh… mga gulo. Katulad ng suntukan?”

Binasa niya ang labi. “Ah…” Hinaplos niya ang buhok. “Basagulero ang mga kaibigan ko.”

Mga kaibigan niya? So… bad influence ang mga kaibigan niya. Pero sabi nila, same feathers flock together. Edi ibig sabihin, ang isang ito, basagulero rin?

“My father doesn’t like troublemakers,” I said while getting some popcorn.

Roche nodded. “Don’t worry. My friends won’t cause troubles.”

Tumango ako at ngumiti. He smiled sensually and looked at my lips. Sumubo ako ng dalawang popcorn habang nagkakatitigan kaming dalawa.

I know this…

Roche slowly crouched to reach for my lips. Hindi ako gumalaw. I watched him carefully. Gustong gusto ko talaga ang mga ganitong galawan… Roche smirked and tilted his head so he can have an access to my lips.

Idinampi niya ang kanyang labi sa aking labi. He chuckled when he realized I am down for his kisses. He inserted his tongue inside my mouth. Ramdam ko kung paano gumalaw ang kanyang dila at kinuha ang isang popcorn.

Nangingiti siyang umayos ng upo at nagsimula ng ngumuya habang ibinabalik ang tingin sa screen. Ngumuso ako at wala sa sariling nginuya ang isang popcorn. That was hot…

Kaya noong tinangka niyang agawin ulit ang aking popcorn ay hindi ko na pinakawalan ang kanyang labi. I grabbed his nape so we can kiss continuously.

This man isn’t saint. Alam ko. Galaw niya pa lang, sigurado na agad ako na marami na siyang experience sa babae. He’s a smooth talker. Alam na alam niya paano dadalhin at hahawakan ang isang babae. Sa halos ilang araw na nag-uusap kami, masasabi ko talagang magaling siyang pumorma.

Kaya noong tuloy tuloy na ang halikan namin pagkapasok sa kotse, ramdam ko agad ang mapangahas niyang halik na tumutupok sa aking katinuan.

Walang kahirap hirap niya akong naiangat at naidala sa kanyang kandungan. Tumindig ang aking balahibo sa aming pwesto. This is new to me. Bumababa ang kanyang labi sa aking leeg. Pumikit ako at tumingala. I am right about him.

Si Latch ang huli kong nakahalikan. It was last year. Kaya ngayong may nakakahalikan ulit ay nagiging sabik ako sa maaaring magawa namin. At sa galaw ni Roche, sigurado akong marami akong matututunan sa kanya.

Tumunog ang aking cellphone. Namumungay ang aking mga mata nang dumilat. Umahon ang ulo ni Roche at yumuko para mahalikan ako.

“Someone’s calling…” I said while kissing him back.

“Is it important?” namamaos niyang tanong.

Tumango ako. Roche stop. Umayos siya at binasa ang pulang labi. Hinaplos niya ang buhok habang umaalis ako sa kanyang kandungan para abutin ang bag sa front seat lalo na’t nasa back seat kaming dalawa.

Umupo ako sa kanyang tabi at inaabalang kunin sa loob ng maliit kong bag ang aking cellphone.

It’s North…

Dumungaw si Roche. His eyes squinted when the light kissed his handsome face. I chuckled and adjusted the brightness of my phone.

“It’s my cousin…” sabi ko.

“Uuwi kana?”

I nodded slowly. He sighed and nodded. Ngumiti ako nang makita siyang sumulyap sa aking labi.

Itinuon ko ang tingin sa screen at nagtipa ng mensahe nang mamatay ang tawag.

Ako:

Yes North?

“Pumuporma rin ba ’yung family friend mo?” tanong ni Roche.

Naalala ko bigla ang eksenang iyon sa nakaraang buwan. Umiling ako at ngumiti.

“Bakit? Nagseselos ka ba?” marahan akong natawa.

Nag-angat siya ng kilay. He looked so snob when he’s serious. Ngunit ang charming din kung ngingiti. I can imagine him as a boyfriend. Parang masungit sa ibang girls pero palaging nakangiti sa’yo.

Humalukipkip si Roche at isinandal ang ulo sa gilid habang nakaharap sa akin.

“Dapat ba akong magselos?”

Natawa ako. Kinagat niya ang nakangiting labi.

“Hindi ah… He’s not my type. Masungit ’yon.”

Besides, hindi naman talaga kami madalas magkita ni Hiro, mga aksidenteng pagtatagpo lang ang iba katulad sa school, mga parties na dadaluhan ngunit iyong planado talaga kaming magkikita ay madalang, at mas malabo pa ngayong nagsisimula na ang Summer. Magkikita lang siguro kami kung sasadyain niya talaga akong pupuntahan sa bahay. And that’s impossible.

“Sino ang tipo mo kung ganoon?”

Naisip ko agad ang mukha ni Ken. Tipo ko talaga siya. Kaso hindi naman pumuporma. Medyo nawawala rin ang interes ko sa kanya ngayon pang nandito si Roche.

“Are you expecting me to say your name instead?” nakangiti kong tanong.

Pumikit si Roche at pinasadahan ng haplos ang buhok suot ang ngiti.

“You really amaze me, woman…” aniya nang dumilat at makahulugan na ang tingin sa akin.

“Tss. Playboy,” I said while looking at the screen of my phone.

“I’m not…” ani Roche at inabot ang aking braso.

Pabiro akong umirap habang binabasa ang text ni North.

North:

Where are you? Let’s watch some movies. Dito sa bahay. I’ll invite Irah, too.

Roche pulled my waist kaya na-distract ako. Tumawa ako lalo na’t ang kulit niya. Ngumisi lamang siya at mas hinila ako hanggang sa madikit ang aking likod sa kanyang matigas na dibdib.

Inalis ko sa screen ang nakabalandrang messages at pinindot ang camera. I tilted my head so I can capture Roche’s face, too. Nakangiti niyang ibinaon ang mukha sa aking leeg at hinaplos ang dulo ng kanyang ilong sa kahabaan nito.

Tumawa ako sa kiliting humagod sa aking balat. Roche chuckled on the skin of my neck while planting small kisses.

Ayan tuloy… hindi maayos ang pagkakapicture. We both looked blurry.

“We should date…” he whispered.

Natigilan ako at nag-isip isip pa. Dinungaw ni Roche ang aking ekspresyon. Hinawakan niya ang aking panga at hinaplos para maharap ko siya.

Hinagod niya agad ng halik ang aking labi sa marahang paraan.

“I’ll be a good boyfriend…” aniya at patuloy ang halik sa aking labi.

“Ilang babae na ang nasabihan mo nito, Roche?”

Tumigil siya at nakangiting tumingin sa akin. Nanatili ang kamay niya sa aking panga. He caressed it gently.

“Ikaw pa lang…”

Oh please? Humalakhak ako sa paraan ng pagkakasabi niya. Kinagat niya ang nakangiting labi. Pumikit siya at nakayukong itinago ang mukha sa aking balikat.

“Why do I feel like you’re expert when it comes to boys?” aniya nang muling umahon ang tingin. “Ibang iba ka ata sa lahat ng mahiyaing babae. I didn’t expect you’re…”

Nagkibit ako at ngumiti. Nailing siya.

“You’re so interesting…”

Nabanggit niya na iyon sa akin sa nagdaang araw. Tipo niya ang mga babaeng tahimik at mababait tingnan, iyong malaanghel at halos diwata na ang kagandahan.

“I wanna date you…”

“Alright, we’ll date. You should talk to my father first,” ngiti ko.

“Easy,” aniya.

Pwede namang iyong nakasanayan ko lang kay Latch, like the sneaky type of relationship. Kaso hindi na ako minor. Pwede na akong magkaroon ng bulgarang boyfriend at aprubado pa mismo ni Dad na pwede na rin akong ligawan. Maganda na ngayon na magpaalam. Hindi ko siya madadala sa kuwarto ko kung patago kami lagi.

“Pursue my father first. Para naman madala kita sa bahay at…” hinila ko ang kanyang batok at hinagod ang aking labi sa kanyang labi sa nanunuyang paraan.

Roche chuckled. “You’re too hot for being an angel, Franca…”

God. Tumitindig ang balahibo ko sa kanya. Namamaos na tinig. Senswal na galaw. Parang napaka delikado kung kasama siya sa kuwarto dahil imposible atang walang hindi mangyayari sa inyong dalawa. I want him as my boyfriend. We’ll click!

23rd Ruled

Ruled

Birthday Gift

“May bago kang kotse?” puna ko sa BMW na sasakyan ni North.

“I found a friend who’s selling cars. Bumili ako,” he smirked.

Oh? Iyon ba ’yung circles niya ngayon na madalas niyang kasama? Naririnig ko lang sa kanya sa nagdaang araw na may mga new friends siya.

North is popular. Everyone’s eager to pull him as their friends. Kaso mapili ito. Hindi basta bastang sasali sa isang grupo. At kung nakakasali man, talagang nagugustuhan agad siya.

Nasa bahay nila kami. Manonood ng movie at dito na rin matutulog. Hindi ko siya napagbigyan noong nakaraang nagyayaya. Si Irah na hindi rin pinagbigyan noong malamang wala ako. Mag-aaway lang sila lalo na’t pauulanan siya ng asar ni North. Hindi ko alam kung magkabati na ba sila ni South kaso lagi naman iyong tahimik, ganoon din si Irah na akala mo bato na sa gilid dahil walang imik.

Horror movie ang napagpasyahan naming panoorin. No one’s talking. Si South na tamad na nakahalukipkip sa gilid suot ang hoodie, si Irah na deritso ang tingin yakap yakap ang unan, ako na kumakain ng popcorn, at si North na nakaakbay sa akin habang nakikikuha rin ng aking kinakain.

Nasa sofa kaming lahat. Tanging ilaw lamang sa palabas ang nangingibabaw sa kabuuang kuwarto ni North. Malakas ang tunog na galing sa pagsigaw noong babae lalo na’t hinahabol na ang killer ngunit nadapa pa.

“Tanga,” iritang sabi ni Irah.

Nangingiti kong sinubuan ng popcorn si Irah. Irita niyang inilayo ang mukha at itinulak iyon kaya ipinasa ko nalang kay South na tulala lamang, wala sa sariling binuksan ang labi at kinagat ang popcorn na aking bigay.

She’s really strict when it comes to her diet. Hindi basta basta napapakain ng matamis! Masyadong tutok sa katawan lalo na’t modelo rin.

“’Yun na ’yon?” reklamo ni North nang matapos iyon.

“Ang boring mong mamili. ’Yung matatakot naman tayo,” si Irah.

It’s a thriller movie! Daming nakakasindak na scene kaso ni isa sa amin walang sisigaw, magiging maingay lang kung nadadapa dahil sa iritasyon ni Irah.

“I’ll find another movie,” presinta ko. “Vampires naman.”

Nakatatlong movies kami sa gabing iyon. Nakatulog nalang si Irah sa huling pinanood namin, si South naman ay umidlip na rin sa sofa. Kami pa lang ni North ang gising at inuubos ang pizza.

“Kilala mo si Roche?” bigla niyang tanong.

Napatingin ako kay North. Nanatili ang tingin niya sa movie, tutok na tutok ngunit alam kong may problema sa pagbanggit niya.

I never shared that piece of information about us. Hindi naman ako palakwento sa mga ganoong bagay, kahit pa kay North na sobrang close kong pinsan.

I know he hates sneaky boys pero magpapaalam naman si Roche kay Dad. Walang rason para hindi niya iyon gustuhin. Unless…

“You know him, too?”

He only smirked. Ngumiti na lamang din ako at dahan dahang nginuya ang aking pizza kahit kitang kita ko sa gilid ng aking mga mata ang biglaang pagseryoso ni North.

Are they friends? I hope so.

Maaga kami sa simbahan sa Linggong iyon lalo na’t kailangan din ng preparation lalo na’t kasali ako sa choir. Nakita ko ang nagsisidatingang Delafuente.

Last year pa ata ang interactions ng aking pamilya sa pamilya nila. Nag-uusap naman dito minsan sa simbahan ngunit sa tuwing magyayaya ng kainan sa kanilang bahay ay tumatanggi na talaga ang aking parents.

Medyo nahihiya rin kasi si Mommy. Ang sabi niya sobrang bait ng mga Delafuente at kaibigan pa rin ang turing sa buong angkan namin sa kabila ng nangyari kay South at Nana.

“Imagine hija if it was reverse… Let’s say ikaw ang nasa posisyon ni Nana at isang Delafuente naman ang kay South. Do you think your father’s clan will go easy on them? Your father isn’t nice. Malaking gulo iyon kung sakali man,” si Mommy nang mapag-usapan namin sa gabing iyon pagkatapos ng nangyari.

Oo nga naman… That’s probably a big war between our clan.

“I’m curious Mom. Why did you marry my father if he’s…” hindi ko madugtungan lalo na’t hindi ko naman kinukwestyon na naging sila. Kuryoso lang ako lalo na’t walang babae ang itatali ang sarili sa lalakeng mapangmanipula?

“Coz I love him, hija…” she smiled. “You see, kahit pa gaano kasama ang isang tao, kung natutunan mong mahalin, makakakita ka ng maraming rason para ipaglaban siya.”

“Even when it’s uh…” ano bang mas magandang term sa toxic? Baka masampal ako ni Mommy pag dederitsuhin ko.

“You’re still young. Hindi mapipigilan ang puso, hija.”

Yes. Maybe. I’m still young. Kahit ang aking ama, aminado siya na hindi siya karapat dapat kay Mommy.

“Parang pinilit ko ang langit na ibigay sa akin ang Mommy mo kahit alam kong hindi ako nararapat sa kanya,” si Dad noon.

Kahit na sila na, kahit may anak na, kahit pinakasalan na, malinaw sa akin ang sinabi ni Daddy. He still thinks he doesn’t deserve her but he’s willing to earn his chance until they’re old, until forever.

And maybe, may mga ganoon nga talagang pagmamahal. Na kahit parang imposibleng paniwalaan, imposibleng isipin kung bakit nagkatuluyan, mangyayari at mangyayari kung kapwa ipinaglaban.

I saw Hiro’s eyes while we’re singing. Nakapangalumbaba sa upuan, magkasalubong ang kilay at titig na titig sa aking pagkanta.

Pakiramdam ko tuloy ang susunod naming pag-uusap ay mangyayari lamang sa pasukan, hindi ngayong summer. And oh… it’s almost his birthday. Nagbigay pa naman siya ng regalo sa akin at nagbibigay lang ako dahil sa condom na pinagpapasa-pasahan.

Kaso wala rin namang balak na dumalo ang aming pamilya sa mga imbitasyon ngayon ng Delafuente. My mother said huwag na raw muna. Kahit next year nalang siguro at makikihalubilo kaming muli sa kanilang angkan.

Nakipagkita ako sa gabing iyon kay Roche lalo na’t plano naming magpaalam kay Dad. He’s so confident to meet my father. Siya pa lang ang lalakeng kilala ko na sabik sa ganoong bagay.

“Baka umatras ka ha…” banta ko habang namamasyal kaming muli.

“Bakit ako aatras?” he looked confused.

“Wala lang. Baka matakot ka sa Dad ko?”

“Danger doesn’t scare me. My friends are dangerous, too,” may pagmamalaki sa kanyang tinig.

Oh. Tumango ako kahit nakakapangduda pa rin. Pero malay natin?

Pagkatapos naming kumain ay hinatid din ako ni Roche pauwi. Tinanaw niya ang malaking bahay habang pinapark niya iyon sa labas ng gate. It’s almost ten. Ganitong oras din umuuwi si Dad. He’s probably inside the house? O pauwi pa lang.

Nauna siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto sa front seat. Kakalabas ko pa lang nang umilaw ang likuran. The lights were so blinding that my eyes squinted. Tinakpan ni Roche ang liwanag gamit ang kamay kaya naisip ko ng malinaw na kotse iyon ni Dad.

“It’s my Dad,” sabi ko. “Perfect timing.”

I saw his confidence. Kitang kita ko ang pagiging kalmado niya. Tinted din naman kasi ang kotse kaya hindi namin nakikita kung sino ang mga nasa loob. But I know it’s my father’s car.

“Your father must be very pleasing coz you looked like an angel,” aniya.

Oh right… He has no idea.

“Ipapakilala na kita,” sabi ko.

Tumango si Roche at namulsa. Kapwa namin tinanaw ang paghinto ng kotse ni Dad, ang pagkamatay ng head lights at ang pagbukas ng pinto.

Hinawakan ko sa pulso si Roche para dalhin siya roon. Naglalakad na kaming dalawa habang natatanaw ang paglabas ng kasamang tauhan ni Daddy na naka all black, malalaki ang katawan at nagsipwesto sa gilid para hintayin ang paglabas ni Dad. Patuloy ang aming lakad hanggang sumunod na lumabas ang aking ama, may hawak pang sigarilyo suot ang formal attire at mukhang galing sa kompanya.

Naninigarilyo si Dad kaya sigurado akong hindi sila magkasama ni Mommy. He doesn’t smoke when he’s with her.

Ramdam ko ang pagkatigil bigla ni Roche kaya nabitiwan ko siya sa pulso. Kunot-noo ko siyang nilingon. Nasa may pwet pa lamang kami ng kanyang kotse at hindi pa tuluyang nakakalapit.

“That’s your… father?” kunot-noong tanong ni Roche nang tiningnan si Dad.

I nodded. Roche’s looked at me. And then he looked at my father. Ibinalik ulit sa akin, at balik naman kay Dad. Ang kumpyansang suot niya kanina ay halos hindi ko maaninag sa kanyang mukha.

“Are you sure?” he’s a bit hesitant.

Ngumiti ako at tumango ulit.

“Mabait ’yan…” sabi ko at napansin ang atensyon ni Dad sa amin, kitang kita ko kung paano tinapunan ng tingin si Roche.

“Dad,” ngiti ko at naunang lumapit para makabati.

His expression calmed down. Inilayo niya ang sigarilyo at hinayaan akong yumakap sa kanya. Nakita ko kung paano siya sumenyas kaya mabilis kong sinundan ang kilos ng dalawang tauhan na para bang alam agad ang gusto ng aking ama.

My eyes widened when they pinned his face on the window or his car. Mariing pumikit si Roche at umukit ang sakit sa mukha nang ipiniko ang dalawa niyang kamay sa kanyang likuran para hindi makapanglaban.

Roche groaned and tried to use his force but he couldn’t.

“Dad!” I called.

Humithit si Daddy sa sigarilyo at sinenyasan ang isa pang tauhan.

“Take my daughter inside the house,” kalmado ang tinig ngunit ramdam ko ang pagiging seryoso niya.

Fuck. Lumapit ang tauhan at marahan akong hinawakan sa braso.

“Dad…” I called. “Dinala ko siya rito para makapagpaalam siya-”

“Get inside the house, angel,” si Dad na muling hinithit ang sigarilyo at deritso na ang tingin kay Roche.

I sighed and nodded. Dinukot ni Daddy ang cellphone sa loob ng kanyang bulsa. Pinapapasok pa lamang ako sa gate. Nagdodoorbell pa.

“Hello, Simon? Search the background of this boy named-” Sabay angat ng kilay ni Dad kay Roche. “What’s your name, kid?”

“Roche, Sir…” aniya habang pumipikit pikit at nasasaktan sa pagkakadikit ng kalahating mukha sa salamin ng bintana.

“Roche, what?” si Dad.

“Roche Dreyden…” parang hindi mabuo ni Roche ang pangalan.

“Roche Dreyden what?” si Dad sabay senyas ulit sa tauhan.

Roche groaned more. Hindi kita ng aking mga mata kung anong ginawa ngunit pakiramdam ko ay hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang mga kamay.

“Dad!” I called.

“Take my daughter inside the house,” ulit ni Dad sa tauhang hawak ako.

Tiningnan ako ni Roche ngunit nabawi rin nang idiin siyang lalo sa bintana. Umiling ako at pumasok.

My father hates sneaky boys lalo na’t ganoon din si North sa akin. Dapat ay pinakilala ko pala ng maaga? Ilang buwan na rin kaming nag-uusap at nagkikita kaso bakit hindi ko man lang naisip ang bagay na iyon?

Nasanay ako lalo na’t ang mga nakapaligid na lalake sa akin ay kakilala lamang ni Dad. Mga Delafuente, si Latch, at kung sino pa sa aking mga kaibigan na namukhaan niya dahil na rin dumadalo at imbitado sa aking birthday.

Naisip ko na baka ganoon din ka kalmado si Dad kay Roche ngunit napagtanto kong hindi nga pala ito parte sa kaibigan ng pamilya namin.

Roche is new. He’s not familiar to my father. He doesn’t know him. Bukod doon, wala rin siyang background. Alam ko naman na mahigpit si Dad sa boys pero ngayon ko lang napatunayan lalo na’t ngayon lang din ako kumilala ng ibang lalake na hindi pamilyar sa kanya.

Nagtipa ako ng mensahe kay Roche.

Ako:

Just give your full name.

Pagkapasok ay si Manang Jema ang sumalubong sa akin.

“Anong nangyayari sa labas?” nag-aalala niyang tanong.

“Where’s Mom?”

“May ibang lakad ang Mommy mo, hija…”

Shit!

Deritso ang aking akyat lalo na’t gusto kong masilip ang nangyayari sa labas. Hinawi ko ang kurtina at binuksan ang sliding door ng balkonahe. Lumbas ako at natanaw si Dad na nasa harapan na ni Roche.

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala nang ginagawa ang mga tauhan sa kanya. But with my father’s presence infront of him, parang doon ako mas kinabahan kahit wala pa naman itong ginagawa. He’s looking at him intently while Roche was bowing his head apologetically.

Akala ko ba hindi siya takot?! Akala ko ba madali lang ito? Kahit hindi ako malapit sa kanila ay kitang kita ko ang pangliliit ni Roche sa harapan ng aking ama!

Nakita ko ang isa pang pagdating na kotse. It’s Mom’s! Lumabas ang iilang tauhan at sumunod si Mommy na kunot-noong napatingin sa kaguluhan. My father went to my mother. Tapon na ang sigarilyo at mukha na namang mabait sa harapan ng aking ina si Dad.

I saw how my Mother curiously looked at Roche. Tiningnan ulit ni Mommy si Dad sabay angat ng kilay. My father looked tamed. Bumuntonghininga ako at nagtipa ulit ng mensahe.

Ako:

You’re safe to my father. That’s my Mom.

Muli kong binalik ang tingin at nakitang lumapit si Mommy kay Roche. My mother said something while smiling but not in a friendly way.

Umiling si Roche at mukhang may tinanggihan. Sinamaan ng tingin ni Mommy si Dad. Namulsa lamang si Dad at sinenyasan pa si Roche, mukhang pinapauwi na.

I sighed and went downstairs. Mararahan ang aking hakbang habang hawak ang cellphone. Naririnig ko na sa ibaba ang pagpasok nila, pati ang boses ni Mommy na nangingibabaw.

“What did you do to that poor kid, Dos? He looked so scared,” si Mommy.

“Binati ko lang. Mukhang kaibigan ng anak mo,” si Dad na hugas-kamay agad.

“Binati? In what way? Don’t tell me tinutukan mo ng baril! Ako talaga ang babaril sa’yo! He looked nice!”

My father snorted. Bumaba ako sa hagdan habang matalim na tinitingnan ni Mommy si Daddy.

“Tinatakot mo ang mga manliligaw ng anak mo. Be extra gentle. These kids will think that you’re a mafia boss who’s protecting a-”

“It’s our daughter we’re talking about, Addi. I don’t fucking care if these kids will think of me as a demon,” Dad said flatly.

Nasa ikatlong baitang na ako nang mag-angat ng tingin si Dad. I smiled apologetically. Napalingon din si Mommy at mukhang napansin ang pagtingala ni Daddy sa akin.

“Hija,” my Mom smiled.

“Oh I’m sorry. Your father scared your friend! Inimbita ko papasok kaso sa takot ata sa ama mo, tumanggi,” si Mommy na naglalakad para salubungin ako pababa.

Yumakap ako at humalik nang huminto sa kanyang harapan. Tahimik kong tiningnan si Dad.

“Nanliligaw ’yon?” nangingiting tanong ni Mommy.

“Kinikilala pa lang namin ang isa’t isa, Mom. At sa nangyari baka…” sabay tingin kay Dad.

My mother glared at my father. Namulsa si Dad at patay-malisyang tumingin sa kanyang sapatos. Sinamaan din ni Mommy ng tingin ang tauhan na patay-malisya ring nagsiiwas ng tingin.

“Oh don’t worry… kung seryoso ’yon mag-eeffort ’yon…”

Bigla ko tuloy naisip ang iba pang nakapaligid na boys sa akin, lalong lalo na si Ken na laging nababanggit ang takot niya para sa aking ama. Iyon din siguro marahil ang rason kaya kahit gusto ako ng isang tao ay natatakot pumorma? Natatakot manligaw?

“Find someone who’s not scared to face me, Torrefranca,” si Dad.

“At sino naman ’yon, Dos? Baka kahit si Satanas manginig sa’yo,” si Mommy na nag-aangat ng kilay.

Natutop ang bibig ni Dad at ayaw nang makipagtalo kay Mommy. Noong nilingon ako ay ngumiting muli sa akin ang ina. Hinaplos niya ang aking pisngi.

“Don’t be sad.”

I nodded weakly. Tiningnan ko muli si Dad. Nag-iwas siya ng tingin.

“Goodnight Mommy… Busog na po ako. Hindi na ako sasabay kumain…”

Umawang ang bibig ni Mommy at may sasabihin pa sana pero tuloy na ang pag-akyat ko.

“Walang goodnight para sa akin?” I heard my father’s voice.

“Ewan ko sa’yo, Dos. Kumain ka mag-isa,” si Mommy na humalakhak.

Dinungaw ko ang screen nang makita ang text ni Roche.

Roche:

Your father is scary. Jesus!

Natawa ako ng kaonti nang maalala ang ekspresyon niya kanina.

Ako:

Ayos ka lang?

Roche:

Your father’s stare is murderous. Saan ka ba nagmana? Your Mom looked intimidating, too.

Ako:

I’m sorry for what happened.

Roche:

Parang isang taon ko atang paghahandaan ulit ang Daddy mo. His deadly stare almost beat the shit out of me. Fuck!

Nagpatuloy naman ang pagtetext namin ni Roche pero hindi na muna nagkikita. Parang ayaw niya rin muna. Hindi ko alam kung natakot ba o pinagbantaan ni Dad.

Nakakalungkot tuloy at parang mauudlot pa ata ang lovelife ko? Nakakawalang gana naman ito!

Nagpapapansin si Dad lately. Nagdala siya ng bouquet of flowers na akala ko para kay Mommy pero para pala sa akin.

“I’m sorry,” ani Dad at hinagkan ang aking ulo.

Nasa patio lamang ako at walang masyadong ginagawa suot ang mahabang puting sleeveless dress at nakayapak lamang. May mga binigay na libro si Irah sa akin kaya nagka-interesan ko nalang na basahin.

“It’s fine, Dad…” I smiled.

Inukupa niya ang isang upuan. Ngumiti ako at tiningnan ang flowers. Pinagalitan siguro ito ni Mommy.

Pumangalumbaba si Dad sa aking harapan at tiningnan ako ng mataman.

“You like that boy? He’s a troublemaker,” para bang sigurado siya sa bagay na ’yon.

“Dad, no one’s perfect,” sabi ko.

“I want a perfect boy for you.”

I chuckled and shook my head. Tamad kong ibinalik ang tingin sa pahinang binabasa at inilipat iyon sa kabila ng marahan.

Saan naman ako makakahanap ng perpektong lalake? Nagbasa ako sa libro. Bumaba ang tingin ni Dad doon kaya natatawa kong isinara.

“Please, Dad…”

“Alright, alright. I’ll let you be. I know. Privacy…” si Dad na tumatayo na.

I smiled while looking at him. Namulsa siya at tumayo.

“I’m sorry, hmm? I’m willing to give that boy a chance but he must earn it first. I don’t like his background.”

Ano naman kayang nadiskubre niya? Roche has friends at nabanggit niyang troublemakers daw? Ngayong iniisip ko ng maigi, napagtanto kong hindi ko talaga ganoon ka kilala si Roche, ganoon din siya sa akin. We’re both strangers. Hindi alam ang mga background ng aming pamilya at wala ring ideya sa malalim na paraan sa isa’t isa.

Iniisip ko tuloy kung patuloy ba siyang puporma sa akin pagkatapos niyang makilala si Dad. And for sure, may sinabi si Dad sa kanya.

Medyo nastress ata ako kakaisip sa kaganapang iyon sa buwan iyon hanggang sa hindi ko namamalayang June na pala. Doon ko lang naalala nang makita ko sa facebook ang mga greetings sa wall ni Ken habang nakaupo ako sa patio.

Bumati rin ako at nagscroll muna sa kanyang wall nang biglang may tumawag. Nagulat ako lalo na’t hindi ko inaasahang makikita ang pangalan ni Ken sa screen.

Namatay iyon sa unang beses lalo na’t tinitigan ko pa. Maybe he accidentally clicked my number? Ngunit nang tumawag ulit, naisip kong sadya talaga.

Tumikhim ako at sinagot iyon. I didn’t know what to say to be honest. Tagal na rin kasing hindi siya nagpaparamdam sa tawag. Iniisip ko rin na mailap siya dahil sa nangyari kay Nana.

“Hello…” I said softly when he didn’t speak.

Ken sighed and chuckled. Kinagat ko ang labi at nahawa agad sa kanyang tinig.

“Thanks sa greetings…” aniya.

Pumikit ako at napangiti. Tumawag siya para lang doon? I mean pwede namang magreply ah?

“No problem, Ken…”

He chuckled. Naghintay pa ako na baka ibababa niya na kaso…

“Hindi ba ako nakakadisturbo?”

“Uh… hindi naman. Nagf-facebook lang din.”

“Oh I see. May party pala mamaya sa bahay. Punta ka…”

Huminga ako. I can’t. Hindi pwede.

“I’m sorry. Uh… ano eh, may gagawin ako.” At nandoon halos lahat ng mga Delafuente. Parang hindi pa magandang may makita silang Buenaventura? Siguro next year nalang?

“Is it because of what happened to Nana? You don’t need to worry, Franca. Labas naman sila sa hang-out natin kung sakali…”

“What?” natawa ako lalo na’t akala ko ay nakalimutan niya na ang bagay na ’yon.

“I told you we’ll hang-out. And I miss you…” he chuckled more.

“Ah… akala ko hindi na tuloy lalo na’t uh… you’re not replying on my text and you’re uh… busy with other girls.”

“I’m sorry, hmm? Babawi ako. After my birthday celebration. We can… uh, have dinner?”

Pumikit ako dahil hindi ko inaasahang mangyayaya siya.

“Tayo lang dalawa?” I chuckled.

“Yes.”

Ngumuso ako. Wala pa ngang nangyayari, parang nabubuhay na naman ang namatay na interes ko sa kanya. Bigla kong gustong bitiwan si Roche at sabihing may nagugustuhan na naman akong iba.

But no! Baka katulad na naman ito noong kay Latch. Baka ilang buwan hindi na naman magpaparamdam si Ken. I should take this invitation as a friendly one.

“Come on… Ayaw mo ba?” si Ken sa kabilang linya.

“Uh, no. Ayos lang. At uh, may ibibigay rin ako.”

“Shit. Really?” Humalakhak si Ken.

“Oo. Birthday gift para hindi naman nakakahiya sa anyaya mo, Ken…”

“Fuck. I can’t wait to see you…” ramdam ko ang excitement sa kanyang tinig.

24th Ruled

Ruled

Accident

Humaba ang usapan namin ni Ken sa phone. Oh I missed him. I missed his voice. I missed his laugh. I really missed him.

Siya ang una kong gusto, lulubog man o lilitaw, alam kong mananatili ang nararamdaman na siya lamang ang nakakapukaw. Kaya ngayong heto na naman, nag-uusap na naman, hindi ko matanggal tanggal ang saya ko.

Nagmamadali akong umakyat sa aking kuwarto at nanghalungkat agad sa walk-in closet ng maisusuot. Puro talaga puti ang dress ko. Oh, I remember Florisse’s gifts! May mga pulang dress siyang ibinigay sa akin.

Kinalkal ko ang mga paper bag na nasa gilid lang at hindi ko pa talaga naisasali sa ibang damit ko sa walk-in. My Chinese cousins loves the color of red. Like it’s part of their tradition to wear some red colors.

Yumuko ako at kinuha ang dress na nasa H&M paper bag. Hinubad ko agad ang aking suot para masukat iyon at tiningnan ang sarili sa salamin.

It’s just a simple sleeveless dress but it’s flowy. Ekis ang likuran at sweetheart top ang parteng neckline. The strings were so thin so it really showed my deep collarbones.

I should wear some hair clip to match my dress! Oh right. That bow hair clip chanel. Meron pa ’yung isa na hindi ko nagagamit. Iyong isa ay nagamit ko noong birthday ni Christian.

Kaya sa gabing iyon ay abala na akong maglagay ng make-up sa aking mukha. Half ponytail lamang ang aking buhok at ginamit ang bow hair clip bilang pang tali. My curtain bangs hang freely. Sinuklay ko ang malambot na alon sa dulo ng aking buhok habang inaabot na ang isang perfume.

I pursed my red glossy lips while waiting for Ken’s call. Eight-thirty pa lang! I mean, he told me mamayang Nine kami magkikita. Mas mabuti iyong ready na ako kaysa paghintayin ko pa siya. And my father’s coming, later. Ayoko nang maabutan kami ni Dad. Nagtatampo pa ako sa nangyari noong nakaraan.

Ako:

Mom, may lakad ako. Kindly tell it to Daddy.

Ilang sandali lamang ay tumawag si Mommy.

“Makikipagkita ka sa lalakeng ’yon? Tell me so I can back you up once your father will get mad.”

“Ah hindi po. It’s Ken’s uh… birthday.”

“Oh… He invited you?”

“Yes, Mommy.”

“Oh okay! Mapapanatag ’yang Daddy mo kung nalamang Delafuente ang mga kasama mo. Alright. Enjoy, sweetheart.”

I smiled and nodded. Kahit hindi naman iyon makikita ni Mommy talaga.

“Thanks Mom…”

Handang handa na ako noong Nine. Kaso hindi pa nagtetext si Ken. Ayoko namang kulitin baka nag-eenjoy pa.

I smiled on the mirror while watching my reflection. Umikot ako ng kaonti sanhi para sumabay ng galaw ang aking dress. My crossbody bag matches my bow hair clip since it’s Chanel, too. And it’s also black.

Nabagot ako kakahintay. Malapit nang mag nine-thirty kaso wala pa rin ang text ni Ken. Should I text him? I should. Baka nakalimutan niya!

Ako:

I’m ready. Tell me once you’re here para makalabas ako agad.

Ganyan nalang para hindi gano’n ka pushy. Ngumiti ako nang makita agad ang reply niya.

Ken:

Oh shit, sorry! Yes yes, I’ll pick you up. Nagkayayaan pang uminom.

Ngumiti ako at nagreply.

Ako:

Ayos lang Ken. I’ll wait :)

Kinuha ko ang maliit na paper bag na kulay itim. Naroon ang keychain. Ano kayang iisipin niya. I mean, wala kasi akong napaghandaang bilhin! Hindi ko naman inaasahang mangyayaya siya bigla sa mismong birthday niya edi sana mas may nabili akong mamahalin, like watch.

Mga bandang ten ay naka park na nga ang itim na kotse ni Ken sa labas. Tanaw na tanaw ko ang paglabas niya sa driver’s seat ng kanyang Ford Ranger raptor suot ang puting shirt na bukas pa ang iilang butones.

Kitang kita ko ang pagkinang ng mga mata ni Ken nang matanaw ang paglabas ko. His eyes widened and his lips parted. I smiled and went to him.

“What the…”

I chuckled softly. Nang makita niya iyon ay dahan dahan din siyang napangisi.

“Happy birthday…”

“Thanks. God you’re so…” pinasadahan niya ako ng tingin at ngiting ngiting hinaplos ang buhok.

Ngumuso ako at tumingin sa front seat.

“Oh right! Let’s go,” natatarantang si Ken sabay halakhak at binuksan ang front seat.

Naamoy ko agad ang kaonting alak sa kanya. Mukha namang hindi ganoon ka lasing lalo na’t maayos pa rin ang mga kilos niya.

Pagkapasok naming dalawa sa kotse ay halos hindi ko ata mabilang kung nakakailang tingin siya.

“Hindi ko alam kung lalo ka bang nagdalaga o sadyang ang tagal nating hindi nagkita,” ani Ken.

“You looked tall, too…”

“Tall lang? Hindi ako guwapo?”

“Guwapo kana Ken.”

Humalakhak si Ken at naiiling na ibinalik ang tingin sa harap ng kalsada. Natawa rin ako kaya sumulyap siyang muli sa akin.

“Ang ganda talaga…”

I couldn’t contain my feelings. Isang ngiti lang, isang tawa lang, isang tingin, heto na naman at parang umiikot na naman ako sa kanya. Talagang may epekto siya sa akin. Akala ko nawala na dahil nga at nagkakamabutihan kami ni Roche sa mga nagdaang araw kaso hindi pala.

Iniisip ko pa lang na ito ang unang alis naming dalawa, unang hang-out, ngiting ngiti na agad ako.

“Pag sa Restaurant tayo nila Wayt baka manggulo pa ang mga kumag. Ayokong may disturbo,” ani Ken nang iginigiya ako papasok at nasa aking likod na ang kamay.

Oh right! Alam ko may Restaurant ang pamilya ni Wayt pero sa ibang Restaurant siya nagpa reserved para hindi kami madisturbo.

“Hindi pa ako nakakapunta roon.”

“Don’t worry. Madalas na ’yan sa susunod na mga araw. Dadalhin kita roon,” ani Ken.

May susunod pa? So… hindi ito ang magiging unang beses na kakain kami sa labas? Magdidinner?

Hindi na ako nakapagsalita lalo na’t kinausap siya noong sumalubong na waiter sa amin at iginiya kami sa reservation ni Ken.

The whole place looked elegant. Ang sarap mag-isip na baka… uh, date ’to? Kaso… sabi niya… bumabawi siya sa naudlot lang na pangako na hang-out.

Pero iyong mga susunod na planong dinner, ano kaya ’yon? Is it a date? Is he planning to uh… pursue me this time?

Coz if he’s planning, with Roche’s absence, sigurado akong gugulong na naman ako pabalik kay Ken. Lalo na kung kami ang madalas na magkikita, madalas na magkakasama, madalas na kakain, sigurado akong lagapak na naman ako sa kanya.

Ken pulled the chair for me. Hinaplos ko ang pwetan ng aking dress at marahang umupo. The waiter started giving some menu. Umupo si Ken sa aking harapan.

Kapwa namin inabala ang sarili sa pamimili ng order. Kaya noong iwanan ng waiter ay nagkaroon ako ng tsansa na ibigay ang maliit na paper bag na dala.

“What’s this?” ramdam ko ang saya ni Ken habang tinitingnan ang paper bag.

“Huwag mo munang buksan! Nakakahiya. Sa ano nalang… sa bahay niyo,” pigil ko sa plano niya.

Umangat ang kilay ni Ken ngunit malawak ang ngisi. God. He’s so charming. Papatayin talaga ako nito sa ngiti niya.

“Nakakacurious ah?”

“Hindi gano’n ka bongga, Ken. Hindi ko napaghandaan. Baka ma disappoint ka,” sabi ko.

“Bakit naman? Bigay mo tapos madidisappoint ako? I’ll gladly use it, Franca. Baka halikan ko pa,” halakhak niya.

Pumikit ako lalo habang may ngiti sa labi.

“Sa bahay na…”

“Fine. I’ll open this later,” sabay tabi niya noong dumilat ako.

Kumalma ako at hinaplos ang aking buhok. Napapansin ko na halos lahat ata ng nandito, parang may date, at ang iba ay family dinner ata. I know he can afford a luxurious dinner for the both of us since he’s a Delafuente pero napapaisip talaga ako pag ginagastusan ako ng isang lalake.

Sino ba kasing friend ang it-treat ka sa dinner at mamahalin pa? Gusto ko talagang magtanong kaso ayokong sirain ang mood. I’m enjoying it, too.

“So… how’s your life lately? Nakita ko ’yung celebration mo sa France. You looked so happy,” ani Ken habang hinahaplos ang katawan noong baso, ang kamay ay nasa pisngi at deritso ang titig sa akin.

“Oo. Doon ko rin nabili ’yung regalo sa’yo, actually. It’s cute so…”

His face lightened. “Naalala mo ako while you’re in Paris? Wow…” he chuckled happily.

“Yes. I mean… you told me we’ll hang-out so…” hinaplos ko ang buhok at humilig din sa mesa.

Ken licked his lip. “We’ll start it, alright? Busy lang these days. Nagkataon din na sumabog ’yung issue ni Nana. Medyo nakaka-miss ang pagkawala niya rito. Wala na akong aasarin.”

“I miss her, too,” I smiled weakly.

Nai-serve din naman ang pagkain. Ganado ko iyong ginalaw, si Ken na pasulyap sulyap sa akin at iaalok din ang sarili niyang order para tikman ko.

“Here,” abot niya sa tinidor.

Ngumuso ako at hindi alam kung paano iyon tatanggapin, kung ilalapit ba ang labi o kukunin iyon sa kanyang kamay para isubo ko sa aking sarili.

“Nahihiya pa…” tawa ni Ken sabay lapit lalo sa tinidor sa aking labi kaya napunto ko ang kanyang gusto.

Kinagat ko iyon ng dahan dahan. Ngumuso si Ken habang pinapanood ako. Nahulog ang aking tingin sa sariling pagkain ngunit hindi na maitago ang ngiti.

“Ganda mo talaga,” si Ken na isinusubo rin ang tinidor sa kanyang bibig.

Ang tapang ko noong sinabi kong friendly date lang ito kaso hindi ko maiwasang hindi matuwa. I like him and it’s inevitable to feel butterflies inside my stomach everytime he smiles, everytime he compliments me, everytime he does something nice.

Nararamdaman ko tuloy na baka… mutual kami? Like he also likes me secretly? But isn’t it too early to think like that? Baka pala ito na rin ang huli at bumabawi lang talaga siya.

Hindi na namin namalayan ang oras. Doon ko nalang napansin na maghahating gabi na noong kaonti nalang pala ang tao sa loob, at medyo naghahanda na ring magsara ang Restaurant.

“God nakakahiya,” natatawa kong sabi habang lumalabas na kami ni Ken.

“We can’t blame ourselves. This is our first time, Franca. Nawili rin ako sa’yo lalo na’t ang sarap mo na ngang kausap, ang sarap mo pang titigan.”

Jesus! The bluntness! He’s vocal! Alright…

Iginiya niya ako sa parking lot, pinagbuksan ng front seat habang kapwa kami natatawa sa nangyari.

“Ah… Umeepekto na ata ’yung nainom ko,” si Ken nang pumapasok sa driver’s seat at pumipikit saglit.

“You should rest first. Mamaya ka nalang magdrive,” sabi ko habang kinakabit na rin ang seatbelt.

“Your father will surely kill me once you’re late. Ano na bang oras?” tinanaw niya sa pulso ang suot na mamahaling relo at namilog ang mga mata.

“Fuck! It’s almost twelve? Do you have a curfew or somethin’?” deritsong pinaandar ni Ken ang kotse, hinila ang gear, at mabilis na pinaikot ang manibela.

“Calm down, Ken… Hindi ako mapapagalitan lalo na’t nagpaalam ako kay Mommy.”

“Ikaw Franca. Pero ako? Your father will surely kill me!” aniya at mukhang seryoso sa bagay na ’yon.

Tumingin ako sa harapan. Buhay na buhay pa rin ang ilaw sa dulo ngunit may parte ng kalsada na madilim na. Nilingon ko si Ken at kitang pumipikit pikit, lilingon sa akin at ngingiti.

“Eyes on the road please…”

“Oh sorry. Can’t help it. You’re just too…” sabay lingon ulit sa akin.

Nangingiti kong ibinalik ang tingin nang matanaw ang itim na pusang nagmamadaling tumawid.

“Oh my God! There’s a black cat!” taranta kong sigaw.

Napamura si Ken at mabilis na iniwasan ang pusa ngunit tuloy tuloy ang pagmamaneho hanggang sa nabangga kami sa isang poste.

Ang malakas na pagkakatama roon ay gumawa ng ingay, halos matilapon ang aking katawan paharap ngunit mabilis na nahila ng seatbelt.

“Fuck!” Ken cursed loudly.

Nakita ko kung paano umusok ang harap na nayupi sa pagkakabangga. Tanaw ko ang nakapansing mga sasakyan na huminto, ang mga taong naglalabasan at nagugulat. I couldn’t feel myself. Para akong lumulutang nang nilingon si Ken. My eyes widened when I saw some blood on his head.

“Ken you’re bleeding!” turo ko sa gilid ng kanyang ulo.

Sa halip na unahin ang sarili ay mabilis niya akong sinuri.

“Tell me you’re not hurt. Fuck!” natataranta niyang inalis ang seatbelt at hindi maalis ang mga mata sa akin.

May mga taong lumapit sa aming kotse, ang iilan ay kumakatok sa bintana, at may mga tumawag sa cellphone na para bang nanghihingi na ng tulong.

“Damn it! May sugat ka!” namimilog ang kanyang mga mata nang hawakan ang aking braso.

Kunot-noo ko iyong tiningnan at nakitang may gasgas ako at dumudugo pa. Hindi ko alam kung saan nakuha lalo na’t hindi ko naramdaman, marahil na rin siguro sa gulat kanina sa pagkabangga ay hindi ko na namalayan.

Naunang lumabas si Ken sa driver’s seat at agarang umikot. May mga kumausap pa sa kanya na tinanguan niya lang at itinuro ang front seat, alalang alala sa akin.

Binuksan niya ang pinto at mabilis akong inalalayan ni Ken. I almost lost my balance because of my wobbling knees. Sinalo niya agad ako at seryosong dinungaw ang aking kabuuan.

“Damn it, Franca. I’m sorry… I didn’t… fuck…” paulit ulit niya iyong binubulong at nagawa pa akong yakapin.

Umiling ako lalo na’t hindi niya iyon sinadya, aksidente ang nangyari at kapwa hindi namin inaasahan. Ramdam ko ang nginig ni Ken, takot hindi para sa nangyari, kundi dahil nasaktan ako.

Dumating ang ambulansya. Nasa loob na kami at nilalapatan na ng first aid ngunit kabado pa rin akong tinatanaw ni Ken, ayaw alisin ang mga mata sa akin.

“We’ll do an x-ray to your girlfriend, Sir. Huwag na po kayong mag-alala,” ang nurse na mukhang napapansin na rin ang nerbyos ni Ken.

“Buhay ko ang nakasalalay dito, Nurse… Makaligtas man ako, mapapatay naman ako ng ama niya,” halakhak niya ngunit ramdam ko ang nerbyos.

Sa sarili kami nilang ospital dumeritso. Naging priority agad lalo na’t Delafuente ang kasama. May mga ginawang test, check-ups, at noong napatunayang wala naman kaming natamong seryoso ay ginagamot nalang ang aming sugat.

“Malalim po ba ang sugat?” tanong ko sa nurse na umaasikaso kay Ken sa kabilang kama.

Kakatapos lamang gamutin ang aking sugat. Nakaupo na ako sa gilid ng kama habang kaharap din ang kamang inuupuan ni Ken. Sa ulo lamang ang sugat niya, siguro ay nabagok dahil sa biglaang pagbreak at marahas na pagkakatama ng sasakyan niya sa poste.

“Mababaw lang naman, hija… Huwag kanang mag-alala sa boyfriend mo,” aniya.

“Sarap namang pakinggan niyan, nurse…” nakangising si Ken.

Bumuntonghininga ako at pinanood ang ginagawang paglalagay ng bandage sa kanya.

“Na-contact niyo na ba ang parents niyo?” tanong ng nurse.

“May natawagan ako kanina. Sa sobrang taranta ko si Wayt na pala. Papunta na siguro ’yon. Kasama niya ata si Hiro…” si Ken na tinitingnan ang paggagamot sa kanya.

What… Oh fuck. Hindi ko pa narerehistro ng buo sa aking utak ay marahas nang bumukas ang pinto.

Napaangat kami ng ulo ni Ken sa pumasok. Natanaw ko agad si Wayt, magkasalubong ang kilay at nag-aambang pumasok ngunit nahawi agad dahil sa pagsingit ni Hiro papasok dala ang madilim na ekspresyon.

Mabilis na nagtama ang aming mga mata. Natigilan si Hiro sa paghakbang at nalaglag ang tingin sa braso kong may patch band-aid. His shoulder loosened. His both hands turned into a fist. His lips parted. Naging makulimlim agad ang kanyang mukha habang nakikita ko sa kanyang mga mata ang sakit na dumaplis.

“We’re fine. Wala namang natamong malalim na sugat,” paliwanag ni Ken nang makita ang mga pinsan.

Gumalaw ang panga ni Hiro at nilingon ang pinsan sa matalim na paraan. Nasundan ko kung gaano kabilis ang kanyang kilos patungo sa kama ni Ken at mabilis itong kinwelyuhan.

“Tangina ah? Nandamay ka ng babae sa kagaguhan mo?” Hiro’s voice thundered.

“Ano ba, Hiro? Gets ko na nag-aalala ka dude! Pero mamamatay ata ako sa pagkakahawak mo!” reklamo ni Ken lalo na’t umaangat pa siya ng kaonti.

Kitang kita ko ang pagkakasalubong lalo ng mga kilay ni Wayt na pumapasok at tahimik na sumulyap sa akin, sabay balik kay Hiro, at sa akin ulit.

“Sir… masasaktan po lalo ang pasyente,” awat ng nurse kay Hiro.

I saw Hiro’s moving shoulders. Mabibigat ang hininga at gumagalaw ang panga ganoon na rin ang ugat sa kanyang kamao na mariing nakahawak sa kwelyo ni Ken habang nasisilip pa rin sa mukha ang kulimlim na dala ng kanyang galit.

“Gago, dude! Bitaw!” sigaw ni Ken.

Wayt walked towards me. Imbes awatin ang pinsang magwawala na ata ay hinayaan niya lamang. Nilingon niya si Hiro na abala pa kay Ken at hindi niya pa rin tinatantanan saka ibinalik ni Wayt sa akin ang tingin. He looked curious, like he found something interesting.

“Patingin nga…” si Wayt na yumuko at sumilip sa aking sugat.

Ang ambang paghawak ni Wayt sa akin ay hindi natuloy lalo na’t hinila agad ni Hiro ang kanyang braso palayo sa akin.

“Don’t even go there,” si Hiro na ngumisi ngunit naghahalo na ang galit at panganib sa tinig.

Ken groaned on his bed. Hindi na halos napagtutuunan ang mga pinsan ng pansin pakiramdam ko ay nasaktan sa marahas na pagkakabitaw ni Hiro sa kanya.

Nag-angat lamang ng kilay si Wayt at nilingon ako. Binitiwan siya ni Hiro at ibinulsa ang nakakuyom pa rin na kamao.

“Ano bang nakain mo at umalis ka sa party?” si Wayt nang lapitan na ang pinsan, umaalis sa harapan ni Hiro.

“Nagdinner kami ni Franca. May ipinangako akong hang-out—”

“Gago ka talaga,” si Hiro na sinipa ang kama habang nakapamulsa pa rin sanhi para kumalabog ang kama ni Ken.

“Sir,” awat ng nurse at kinakabahan sa galit ni Hiro.

“I know you’re worried, dude. I’m fine!” natawa lang ito sa pinsan, tila ba nag-aalala lamang sa kanya ng sobra kaya hindi niya mapagdudahan ang galit.

“Isang lapit pa…” banta ni Hiro ngunit dumadaing na si Ken kaya mukhang hindi narinig ang sinabi ng pinsan.

Humalukipkip si Wayt sa may pader, itinagilid ang ulo at muli akong sinilip na tahimik lamang.

“Are you okay, Franca?”

“Uh… oo,” I smiled.

Lumingon si Hiro sa akin. Halos daplis lamang ang nagawa ko at nag-iwas ng tingin habang ramdam ko kung paano lumipad ang kanyang mga mata sa aking buhok.

Malalim ang binugang hininga ni Hiro, parang nagtitimpi na naman sa galit na gustong kumawala.

I couldn’t digest anything. Para bang ngayon pa nagsisink-in sa akin ang nangyari kaya late reaction ako at natutulala nalang.

“Did you call your Dad?” malamig na tanong ni Hiro nang bumaling sa akin.

Nag-angat ako ng tingin. Namilog agad ang mga mata ni Ken nang marinig iyon. Kumurap naman ako at nakalimutan ang parteng iyon.

Dinukot ni Hiro ang cellphone at ibinigay sa akin. Tumingala ako at kitang kita ang kontrolado niyang galit, pinipilit na magmukhang seryoso ngunit sa tuwing napapasulyap sa bandage sa aking braso ay gumagalaw ang panga at nagiging triple ang pagiging irita.

Inabot ko iyon. In-on ko ang screen. Natanga pa ako lalo na’t hindi ko alam ang password kaya nag-amba akong ibalik sa kanya.

“082229,” ani Hiro.

Kumurap ako at tinipa iyon. Bumalandra agad ang homescreen. Medyo nagulat pa nang makitang… ako… ako ang homescreen niya. Iyong picture kong nakikita ang kalahati ng aking mukha at nakatingin sa camera.

Tinitigan ko iyon ng ilang sigundo. Yumuko si Hiro at pinindot ang call button.

“Type your father’s number,” aniya.

Huminga ako at wala sa sariling tinipa ang numero ni Dad. Inilagay ko iyon sa aking tainga habang kitang kita ko ang panonood sa amin ni Wayt, tahimik lamang habang kinakausap ni Ken at nagkukwento sa nangyari.

“May itim na pusang dumaan. And I was a bit drunk—”

“Nakainom ka tapos magmamaneho? At may kasamang babae? Eh kung tuluyan nalang kita?” nakangising putol ni Hiro nang nilingon ang pinsan.

“Dad…” I called and shut my eyes.

“Franca?”

“Uh… something happened and… uhm… nasa ospital ako—”

“What hospital?” rinig ko agad ang kalampag sa kabilang linya.

“Uh, Delafuente’s…” huminga ako lalo na’t alam kong mapupunto niya na iyon.

Wala na ata ako sa aking sarili. Hindi ko alam kung paano magsasalita lalo na’t nadidistract ako sa galit ni Hiro, sa dumudugong ulo na naiisip ko kay Ken, at sa sugat na natamo. Dumagdag pa sa aking alalahanin ang magiging reaksyon ni Dad sa bagay na ito.

Kaya noong bumukas ang pinto, nauunang pumasok si Daddy kasama ang tatlong tauhan at deritso ang lakad, kabado na ako. Hindi para sa sarili, kundi para sa mapagbubuntunan niya ng galit sa aksidenteng ito.

Kitang kita ko ang pagtayo ng tuwid ni Wayt sa pagkakahalukipkip at medyo naalarma, ang pamumutla ni Ken, at ang paglingon ni Hiro sa aking ama na mabilis siyang kinwelyuhan at inambahan ng suntok lalo na’t siya agad ang unang nakita.

“Dad! Hindi siya ang kasama ko!” sigaw ko, natataranta.

Hiro’s eyes squinted. Nasa mga bulsa niya pa ang kamay at dahan dahang lamang dumilat nang huminto sa harapan niya ang kamao ng aking ama.

“Who’s with you?” tanong ni Dad sa madilim na ekspresyon at marahas na binitiwan si Hiro.

Yumuko si Wayt. Malamig na nilingon ni Hiro si Ken na sunod sunod ata ang paglunok. Hindi ako halos makapagsalita at maisambit ang pangalan ni Ken kahit halata naman na siya iyon lalo na’t may natamo ring sugat.

I saw my father’s murderous stares when his eyes went to Ken. Namumutla siya, hindi na halos makapagsalita at parang gulat na gulat sa nasaksihan.

“It was an accident, Dad,” sabi ko.

I saw how Hiro arched his brow and looked at me. Para bang may mali sa aking sinabi, o may kulang, kaya ganoon ang naging reaksyon niya.

“I-I’m sorry, Tito…” si Ken na hindi makatingin ng deritso sa aking ama.

25th Ruled

Ruled

Inlove

Ramdam ko ang kaba ng tatlo sa presensya ni Dad. Yumuyuko si Ken, ayaw nang tingnan ang aking ama. Tahimik si Wayt, ayaw nang magsalita. Nakamasid naman ang tingin ni Hiro, para bang pinipigilan nalang ang sarili na huwag nang galitin ang aking ama.

Medyo nakahinga ako nang sumunod na dumating si Mommy. Nagrequest lang ulit si Dad ng panibagong check-up lalo na’t gustong makasigurado saka rin kami umuwi noong gabing iyon.

Tahimik na ang mga Delafuente, at hindi ko rin alam kung sino pa ang nagsidatingan bukod sa dalawang naunang pinsan ni Ken.

“Are you sure you’re not hurt? Pinag-aalala mo ako. Hindi ata ako makakatulog sa’yo…” si Mommy na niyayakap ako sa backseat.

“I’m fine, Mom. It was an accident…” paliwanag ko at kita ang pag-angat ng tingin ni Dad sa itaas ng salamin.

“Pumuporma ba ’yon?” malamig na tanong niya.

Umiling ako ng bahagya. “It’s his birthday, Dad…”

“Birthday? And he invited you to eat dinner? What’s that? A friendly dinner?”

Hindi ako makapagsalita lalo na’t kahit ako ay lito rin naman sa anyaya ni Ken. He’s wellknown for being friendly with girls but he’s also wellknown for being a playboy.

“’Yung pinsan niya pa ang kamuntik kong masuntok dahil akala ko ’yun ang kasama mo at hindi pa nagpaalam. Kung hindi ko lang nakitang ginagamot ang ulo ng batang iyon, baka dinagdagan ko ang bali sa katawan,” si Dad.

“Sino ang kamuntik mong suntukin?” kunot-noong tanong ni Mommy.

“’Yung nasa bahay na kaibigan ni North,” si Dad.

“My God, Dos! You almost hit Scarlet Gail’s son?!” sumabog ang tinig ni Mommy sa kabuuan ng kotse.

“Napagkamalan ko…” si Dad sabay tingin sa akin sa itaas ng salamin.

Mariing pumikit si Mommy at parang nai-stress. Nanatili akong tahimik nang maalala ang homescreen ni Hiro.

Ngayon ko lang ulit nabalikan sa isip ko ang parteng iyon. Malinaw naman ang kanyang mga kilos, na may nararamdaman siya sa akin, kaya kahit hindi sabihin, alam ko na agad.

Ngunit hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa parteng iyon. Malinaw sa akin sino ang gusto ko sa magpipinsan. Nalalaglag pa siya sa listahan at minsan ay nabubura lalo na’t marami kaming pangit na alaala sa isa’t isa.

Ngayon lang ulit siya bumabalik sa pinakaibaba noong kalmado na ang mga interaksyon namin at madalang nang mag-away. Nagugustuhan ko siya sa parteng iyon ngunit hindi sa paraang masusuklian ko ang nararamdaman niya para sa akin.

“Mga gamit mo,” si North nang magpakita sa bahay kinabukasan.

Dala niya ang mga gamit kong naiwan sa kotse ni Ken noong mabangga kami.

“Binigay sa’kin ni Hiro. Hindi siya makapunta rito lalo na’t galit pa si Tito Dos sa nangyari sa’yo.”

It’s my bag. Binuksan ko iyon at nakita pa ang mga gamit kong dala. Ang cellphone, pabango, at wallet.

Sumandal si North sa ulo ng kanyang kotse at tiningnan ang aking braso.

“Gago talaga. Kung nandoon lang ako…” nakangising sambit ni North sabay hithit sa kanyang sigarilyo.

Hindi magandang timpla ang kanyang ngisi. He’ll gone berserk once he’s there. Tahimik ko lamang na tiningnan ang aking mga gamit habang umiiling si North, binubuga ang usok ng sigarilyo at nakatingala sa kawalan na para bang malalim ang kanyang iniisip.

“Tanginang ’yon…” he snorted.

I sighed. “North…” seryoso kong tiningnan ang aking pinsan.

“I warned you with that man,” si North na sumeryoso rin.

“It’s just a friendly dinner. Hindi siya pumuporma. Pinagbigyan ko dahil…” dahil gusto ko rin naman!

Inihulog niya ang natitirang upos ng sigarilyo at inapakan.

“Kung hindi lang talaga magagalit si Mommy pag ginalaw ang mga Delafuente inupakan ko na ’yan. Gago siya,” halakhak niya at hinaplos ang buhok.

Right… Malalagot siya kay Tita Aly kung nagsimula na naman ng gulo laban sa pamilya nila. Hindi pa humuhupa ang tensyon sa issue ni Nana at kung dadagdagan ng panibago ni North, sigurado akong hiyang hiya na si Tita Aly sa kanila.

Mukhang wala rin naman kasing pakialam si Tito Uno sa away babae ng kambal. Iisipin lang noon nagbibinata. Si Tita Aly naman ang nahihiya dahil pinsan niya rin ang isa sa asawa ng mga Delafuente. She’s very close to their circles when she’s young, too.

“It was an accident okay…”

“Tss. Accident my ass. Pinagtatanggol mo talaga dahil gusto mo.”

“Kasi aksidente naman talaga iyon, North. We didn’t saw it coming. Gabing gabi na rin noon. Accident is unpredictable. Kapwa kami may sugat na natamo. Stop being one-sided.”

“Kung si Hiro ang kasama mo kahit lasing ’yon matino pa rin mag-isip. Gago talaga,” halos pinalabas niya lang sa tainga ang aking sinasabi.

Bakit sinisingit niya si Hiro?

Nailing ako kay North, tumahimik nalang lalo na’t mainit talaga ang kanyang ulo. Kahit si Daddy ay ganoon din, nagpapahupa lamang ng galit lalo na’t pinapaliwanag ko naman na aksidente at kapwa namin hindi ginusto. It wasn’t intentional.

Hindi na ako nagtaka pa noong hindi masyadong nagtext si Ken. Kitang kita ko ang takot at gulat niya kay Dad kaya gusto ko nalang ding pakawalan ang ideyang binubuo ko sa aking isipan na tuloy tuloy ang aming hang-out.

Isa pa, nakatatak din naman sa aking utak na hindi na ako mag-eexpect pa. Mawawala rin naman ulit siya. Ngayon pa na grabe ang takot niya sa aking ama.

Tuloy tuloy ang text namin ni Roche pero nawawalan na ako ng interes. Parang namamatay ang lumiliyab na apoy na pinanghahawakan ko.

Roche:

Wanna watch a movie?

Ilang sigundo ko pa iyong tinitigan. Hindi na kami nagkikita lalo na’t puro lang kami text at magsisimula na ulit ang pasukan. Hindi ko rin alam kung saang parte ako medyo nawawalan ng gana. Parang may ninakaw si Ken na kasiyahan ko kaya hindi ko na iyon maramdaman pa kay Roche.

Ako:

I’ll pass :)

Hindi ko pa naibaba ang cellphone, tumawag na agad siya. I sighed and answer his call.

“What’s the matter?” bungad ni Roche nang ilagay ko sa aking tainga ang cellphone.

Sumandal ako sa upuan habang hinahaplos ang pahina ng librong binabasa. It’s one of Michael Faudet’s best selling book. Regalo ito ni North sa akin lalo na’t alam niyang mahilig ako sa poetry.

“Wala naman,” I answered boredly.

Bumuntonghininga si Roche.

“I’ll pick you up and I’ll ask for your father’s approval.”

I smiled but I couldn’t feel the excitement.

“Huwag na…” sabi ko.

I can feel his breathe. Malalim ang paghinga niya, para bang hirap.

“You don’t miss me?” his voice was sensual.

Pumikit ako at nangingiti ngunit hindi ata iyon sapat para maakit ako.

“Coz I missed you and your kisses,” patuloy ni Roche.

I chuckled softly. Galing talaga nitong mang-akit!

“Hmm…” nag-isip isip ako.

Roche chuckled back. “I missed kissing you…” namamaos ang tinig niya.

Wala akong masabi. Lumilipad talaga ang isip ko. Maraming bumabara. Dumadagdag pa sa aking alalahanin ang nakita sa homescreen ni Hiro.

Roche sighed heavily.

“What’s wrong? You can talk to me.”

“Sa personal?” tanong ko.

“Gusto mo ba?”

Umirap ako at isinara ang librong binabasa.

“Hindi tayo makakapag-usap ng matino sa personal. Knowing you…” Papaungulin niya lang ako! Hahalikan… hahawakan… at ako na nang-iinit makakalimutan ang mga sasabihin!

Humalakhak si Roche. “Fuck. Alright. Spill.”

Tumikhim ako. Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko lalo na’t marami akong iniisip.

“Is it about us? Family? Friends? Or…” bumitin ang tinig niya.

Pumikit ako. Maayos naman ang relasyon namin ni Roche. Sa totoo lang, gusto ko siya katulad noong pagkagusto ko kay Latch. Kaso mababaw. Madaling magagasgasan at mabubutas. Ngisi lang ni Ken…

Mali talaga na in-entertain ko ang friendly na dinner date na iyon! Heto at hinihila na naman ang aking katinuan. Heto at ginugulo na naman ang aking isipan. Isang araw ko lang nakasama at nadisgrasya pa pero ngiting ngiti ako lagi sa tuwing naaalala ang gabing iyon!

Hindi naman sobrang lalim ang nararamdaman ko kay Ken pero alam kong mas matimbang iyon sa lahat. At kung papipiliin ako, sa lahat ng lalakeng sasamahan ko, kay Ken ako sigurado.

“Ayoko na, Roche,” deritso kong sabi.

Naramdaman ko ang pagkatigil niya. Desidido na ako sa desisyon ko.

“You’re… what?”

Huminga ako. “Gusto kong itigil na natin ang meron sa atin.”

I heard him cursed. I pursed my lips. Tiningnan ko ang aking mga daliri at ang ayos ng mahahaba kong kuko. Wala na iyong kulay lalo na’t malapit na rin ang pasukan.

“Hindi pa nga nagiging tayo…” he whispered.

Ngumuso ako. Mabubuntis ako ng maaga kung naging kami! Hindi naman sa iyon ang ikinakatakot ko, pero nawawalan talaga ako ng gana ngayon. Isang paramdam lang…

“We can be friends,” I offered.

“Friends? Really woman? You’re giving me hard ons—”

“Hey…” tumawa ako.

Roche groaned. Binasa ko ang nakangiting labi. Aggressive talaga ang isang ’to. Kaedaran ito ni Trey? Kaya rin expert. Hindi na ako magtataka sa bagay na ’yon. Marami siyang experience.

Malinaw ang desisyon ko. Hindi naman namimilit si Roche pero gusto niya pa ring ka-text ako. Ayos lang naman sa akin. Besides, ganoon din naman kami ni Latch. We’re texting. Like a friend.

Naging abala rin naman sa first day of school, na-distract sa lessons sa buwan ng Agostong iyon.

The month feels nostalgic. Doon ko lang napagtanto na kaarawan ni Hiro. Hindi lang din kami pumunta kahit inimbita.

May nagdodoorbell sa bahay. Kunot-noo akong napatingin sa may pinto kahit hindi ko naman makikita kung sinong nasa labas.

Nakita ko ang paglabas ni Manang Jema sa kusina at nagpasyang pagbuksan ang kung sino mang naroon. Nasa sofa lamang ako, tamad na nag-iinstagram sa aking iPad habang pumapaibabaw ang tunog galing sa TV na hindi ko naman pinapanood.

“Hija… Nandito ’yung kaibigan ng pinsan mo. ’Yung Delafuente,” nangingiting si Manang Jema.

Huh? Si Hiro?

“Bakit daw, Manang?”

“Ay teka… papapasukin ko.”

Naalarma ako at napatayo. Mabilis kong isinuot ang indoor slipper at pabaliktad pa sa pagmamadaling makaalis sa sofa.

Deritso na ang pagtakbo ko paakyat sa kuwarto. I don’t want to face him. I don’t want to see him. I don’t want to talk to him. Ayoko siyang harapin dahil alam ko kung saan patuno ang usapan. Bubuksan niya lamang iyong nangyari noong birthday ni Ken at magtatalo na naman kami.

Nagkulong ako sa aking kuwarto. Sumilip ako sa may veranda kung lumabas na ba si Hiro hanggang matanaw ko nga itong pumapasok na ulit sa kanyang kotse.

Tumingala siya kaya mabilis akong nagtago sa may kurtina. Noong dahan dahan kong sinilip ay umaalis na ang kanyang kotse.

Doon ako nagpasyang bumaba. Nahanap ko si Manang Jema sa kusina at nakitang may inaasikasong mga tupperware at puro pagkain ang laman na nilalabas niya sa paper bag.

“Dinala noong kaibigan ni North! Pinapabigay sa inyo. Marami kasing handa at sayang daw kung itatapon kaya naisipan ng Mommy niya na ibigay nalang.”

Ang fishy naman sa parteng iyon. He just want an alibi in order to see me, in order to talk to me.

Roche:

You’re North’s cousin?

Kunot noo akong nagtipa ng mensahe kay Roche.

Ako:

Yes. You’re both friends, right?

Hindi na ito nakapagreply kaya hindi ko nalang din pinansin lalo na’t marami pa akong gagawin sa gabing iyon. Nai-stress pa ako sa minor subjects ko. Mas pinapahiran ako.

Kaklase ko pa rin si Naia sa iilan kong subjects. Hindi pa rin namamansin ang maldita. Hindi ko nalang din kinakausap ngunit kuryoso ako lalo na’t alam kong pinagpaplanuhan siyang isali ni Ken sa circles nito. At noong mga nakaraang buwan, pansin ko close na talaga sila.

May progress kaya? Ano nang nangyayari? Kahit nilinaw sa akin ni Ken na hanggang kaibigan lang daw, kung magpapakita ng interes si Naia kay Ken, sigurado akong malaki ang tsansang magiging sila?

Lumingon si Naia sa akin. Kumurap ako at ngumiti dahil nahuli niyang titig na titig ako sa kanya. Her cold eyes watched me blankly. I chuckled.

“Hello Naia…” bati ko.

Kinuha niya ang tingin at ibinalik sa harap. Snob talaga!

Hindi ako nagtatagal sa aking mga subjects. Pag natatapos ay lumalabas agad, minsan sa library, minsan lalabas sa school para sa Mall magpalipas ng oras, minsan sa iba’t ibang sulok, basta alam kong malayo kay Hiro. Iyong hindi kami magkikita, at magkakaroon ng tsansang makapag-usap para wala lang bangayan.

It’s tiring, actually. Bukod sa alam kong may gusto siya sa akin, may halo ring pagseselos ang kanyang galit sa gabing iyon. He almost punch his cousin instead of thinking that he’s hurt, too!

Ayaw ko sanang isipin na nagseselos siya. Kaso alam ko! Alam na alam ko ang ganoong galawan ng mga lalake. Maaga akong namulat at maaga akong lumandi ng palihim kaya alam ko. Hindi niya iyon mapagtatakpan lalo na’t alam kong sinasadya niya ring ipaalam sa akin ang nararamdaman niya. He’s not vocal but his action speaks words! Kahit wala siyang sabihin, kahit hindi umaamin, alam ko. Naiintindihan ko.

Ken:

Hindi kita nakikita sa school.

Nagulat ako sa text ni Ken noong Setyembreng iyon. He’s looking for me? Ang pagkakapangalumbaba ko sa isang cafe habang sinisipsip ang order na trappe ay naging tuwid.

Mabilis akong nagtipa ng mensahe.

Ako:

Nasa paligid lang naman Ken :)

Ken:

I’ll call tonight.

Nabuhayan ako roon. Hindi siya nagparamdam ng ilang buwan at iniisip kong natatakot talaga siya kay Daddy kaya hindi ko rin siya kinulit. Which is totoo naman na takot talaga siya. Pero hindi ko ini-expect na magtetext ng ganito ka aga!

Matagal naman ang ilang buwan na lumipas pero akala ko kasi Desyembre na naman magpaparamdam. Sa birthday ko na naman at baka maalala niya lang ako pag nakita ang post ko sa social media.

Isa siguro iyon sa pampalubag loob sa mga nangyayari. We’re texting. Dumadaan ang mga araw na lagi kaming ganoon kaya hindi ko rin pinagsisihan ang naging desisyon sa amin ni Roche.

And speaking of that flirt, hindi na nagtetext! I’m not sure if he’s hurt after I rejected him kaso ayos naman kami bago iyon? Nagtetext pa nga. We both planned to hang-out as a friend. Kaso simula noong nagtanong siya tungkol kay North, hindi na nagparamdam.

Ano kayang nangyari?

Hindi ko nalang din masyadong inisip lalo na’t distracted din ang isip ko kay Ken lately. Imagine it. He’s my long time crush! Kahit sino pa ata ang makakalandian ko, pag sumulpot itong si Ken ay irereject ko ng buo. And it’s tiring. Ayoko na sa ganoon. Ayokong parang napaglalaruan nalang lagi ang damdamin ko. I’ll pursue my feelings for Ken this time.

Ayos lang kahit matagal ang proseso. Ayos lang kahit hindi muna siya manligaw. Ayos lang sa akin! Masaya naman ako sa text text muna. Masaya ako na nakakausap ko siya.

Ayos na ring bakante ang isip ko at isang lalake lang gumugulo sa aking utak. Sa pagkakataong ito ay wala na akong planong kumilala ng iba pa. At kung nagtuloy tuloy man, aamin ako.

Nakakapagod na rin kasi iyong may dadating na lalake sa buhay ko, maglalandian, mauudlot dahil sa napakaraming dahilan, tapos babalik na naman ako kay Ken dahil lang nagpaparamdam na naman. Isa pa, hindi ko rin naman kasi sinasabi kay Ken na gusto ko siya. Dapat malinaw rin sa kanya para naman makakuha ako ng sagot agad kung tama pa bang ipagpatuloy ang pagiging ganito o bitiwan na agad. Ayoko rin namang umasa. Ayokong magpakatanga.

He’s calling every night. Hindi man araw-araw, pero kung nagkakaroon ng oras ay talagang nagtatawagan kaming dalawa. Hindi masyadong nagkikita sa school lalo na’t nag-iingat pa rin ako at ayokong makaharap si Hiro, kaya nakokontento nalang din sa text at tawagan namin.

“Ilap na ilap ka sa school. Saan ka ba pumupunta at baka pwede kitang masabayan?” si Ken sa gabing iyon sa tawag.

“Hindi rin naman kasi magkatulad ang break time natin…”

“Sayang naman. Si Naia nawawala rin na parang bula. Girls…” para itong naiiling sa kabilang linya.

I chuckled but it feels weird. Hearing another girl from his mouth feels… weird. Alam ko pa naman ang boundary ko. Yes he has friends. Kadalasan din babae. Kaya kung pagseselosan ko isa isa, baka walang hanggang pagseselos ang mararanasan ko lalo na’t marami talaga siyang kaibigang babae. Isa lang doon si Naia.

At hindi pa naman kami? Hindi pa ako umaamin… Hindi ko pa alam kung anong plano niya. Manliligaw ba siya? May plano bang pumorma? May mangyayari bang malalim sa aming dalawa?

I don’t want to rush it. Ayos lang. Maghihintay ako.

Laging sa library ang lungga ko hanggang sumapit ang Nobyembre. Nagbabasa basa ng kung ano-ano. Nakikita ko paminsan minsan si Grey, may suot na glasses at seryosong nagbabasa noong makapal na libro.

Ilang beses ko siyang nakakasabay, minsan ay nakakatabi pa ngunit tutok lagi sa binabasa at hindi umiimik. He’s not friendly and I don’t want to approach him, too.

Kaya noong may isa pang Delafuente na napadpad, at hindi si Grey, takang taka na ako. Hiro isn’t a bookworm! Talagang mapapaisip ka kung anong gagawin niya rito?

Nagpatuloy ako sa librong binabasa, hindi na nag-angat ng tingin pa at desididong huwag siyang makatinginan. I saw his silhouette walking towards me. Umupo siya sa harapan at inilapag ang librong walang kahirap hirap niya lang hinablot kanina sa nadaanang shelf.

Nagconcentrate ako sa libro kahit nakikita ko si Hiro na patingin tingin sa akin habang binubuksan din ang libro. I nibbled my lowerlip and turned the next page. At ang walanghiyang si Hiro, kinagat kagat din ang pang-ibabang labi, nagkakasalubong pa ang kilay noong wala sa sariling inilipat ang pahina ng binabasa.

Wala sa sarili akong tumayo at dinala ang libro para ibalik sa shelf na pinagkuhaan. Hindi ko na nilingon si Hiro at deritso ang lakad. Chill. Kung tatakbo ako, para naman akong baliw titingnan.

Pumasok ako sa isang pasilyo at ibinalik ang libro. Sa gilid ng aking mga mata ay lumitaw si Hiro, nakapamulsang pumapasok at patingin tingin din sa libro.

I curiously watched him. Lumingon din siya at tahimik akong tiningnan. Binawi ko agad para makalipat ulit sa ibang sulok.

Wala talagang pinipiling lugar ang isang ’to! Hindi naman sa baka makipagtalo siya sa akin kahit kalmado lamang ngunit alam ko ang pakay niya. Alam kong may isusumbat siya. Baka ungkatin niya iyong gulong nangyari at magtalo na naman kami.

I defended him, alright? Hindi naman siya nasuntok talaga ni Dad. Hindi ko naman sinadyang masali na naman siya. Eh siya ang napagkamalan ni Dad. I don’t want to involved him to my troubles all the time but I don’t know why we’re always linked to each other.

Lumipat ako sa kabilang pasilyo para doon maghanap ng libro. Lumipat din si Hiro, kunwari’y naghahanap ng din ng libro. Noong lumipat ulit, nakasunod na naman at libro pa rin ang hanap!

I stopped to get some books. Tiningnan tingnan ko ang cover. Naramdaman ko siya bigla sa aking likod. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang maugat niyang kamay na may inabot din sa aking gilid na libro. Huminga ako at nagtangkang umalis ngunit pasimple niya ring inabot sa kaliwang bahagi ang libro sanhi para humarang ang kanyang kamay sa aking dinadaanan.

Sa kanang bahagi ko tinangkang dumaan ngunit ang makulit na si Hiro ay may inabot na namang libro doon kaya humarang na naman ang kamay! I’m trapped! He locked me on his arms!

“Mag-usap muna tayo,” marahan niyang sabi sa aking likuran.

Nagkasalubong ang aking kilay. I don’t wanna talk to him! Ayoko siyang kausap. Ayokong marinig ang sasabihin niya. I want to stop our fights by avoiding him. Malaki na kami, ’di ba? Kung pag-iwas ang magiging solusyon sa bangayang hindi matapos tapos ay ibibigay ko sa kanya.

Humarap ako ng buo. Tumambad agad ang katangkaran ni Hiro. Tiningala ko siya, seryosong tiningnan. His gaze slowly went down until our eyes met.

Humalukipkip ako at sumandal sa shelf lalo na’t nakaharang na sa bawat gilid ang kanyang kamay. At baka kung magpumiglas akong makawala, habul-habulin niya ako rito at nakaw atensyon pa kaming dalawa.

Yumuko siya para makalebel ako. Ang matapang kong tingin ay medyo nabali at nakakain ng buo dahil sa titig niya. For God’s sake! Oo na at hot siya pero hindi ba kami pwedeng mag-usap nang hindi ganito ka lapit sa isa’t isa?

Lumingon lingon ako. Walang estudyante sa pasilyong iyon. Kami lang. Nasa dulo pa at hindi gaanong tanaw. Malaki ang library kaya kung makikipagtagu-taguan ka, hindi ka agad mahahanap dahil maraming mga sulok na walang estudyante.

Ibinalik ko ang atensyon kay Hiro na wala atang pakialam kung may estudyante mang makakita.

“Kung tungkol ito sa nangyari noong birthday ni Ken—”

“This isn’t about him,” a bitter tone coated in his baritone voice.

Natutop ang aking bibig. Hindi? Then… what… what is it? Kinabahan ako bigla. Kung kanina’y malaki ang kumpyansa ko, makikipagtalo at handang handa, ngayon ay parang unti-unting nahuhubad sa akin ang koronang suot. Ang tapang ay hindi na halos mapanindigan.

Bumaba ang aking tingin, napunta sa leeg niya. Natahimik ako lalo na’t parang… may ideya ako.

“Then… what is this all about?” marahan kong tanong, medyo kabado lalo na’t ayaw kong mapunta iyon sa ganoon.

Hiro licked his lowerlip. Nakita ko pa ang paggalaw ng kanyang balikat dahil sa paghinga. Kumurap ako. Tumingin sa kanan. Tumingin sa kaliwa. Kabado.

“A confession,” he started.

Oh shit.

Mas lalo akong kinabahan. Oh I don’t really like this! Natigilan ako at dahan dahang naibalik ang tingin sa kanya. He looked so serious, his eyes were full of emotions yet unseen. Sanay akong seryoso si Hiro pero hindi sa ganitong paraan. Hindi galit. Hindi nakakatakot. Ngunit nakakakaba.

“Hiro…” pigil ko at bumuntonghininga.

He licked his lowerlip like he’s expecting I’ll reject everything he said right now.

“This isn’t your first time,” parang may pinapahiwatig ang kanyang tinig.

I glanced from the side to avoid his eyes. Titig na titig siya sa akin.

“Alam kong maraming nangangahas pumorma at umaamin sa’yo. Hindi ito ang magiging unang pagkakataon kung sakali man.”

Damn it! Nanatili akong tahimik, kabado at ayaw siyang tingnan.

“You’re aware. Alam kong alam mo kung bakit ako ganito,” halos bulong ang lahat at nagpapapugto ng aking hininga.

Malinaw sa akin ang gusto ko ngayon. Ang pinsan niya! At kung magugustuhan niya ako, pag nalaman ito ni Ken, aatras iyon! Sigurado ako! Ayoko!

Umiling ako at gusto na lamang kumawala. This isn’t right. I don’t wanna hear it. Itinulak ko ang kanyang kamay paalis. Kaya noong nahawi at kusang binawi, malakas na ang kumpyansa kong umalis!

Deritso ang hakbang paalis. I am so eager to walk away and run! Ngunit ang pagtangka ay napigilan sa kamay niyang kumapit bigla sa aking braso.

Tumigil ako at kinikilabutan. I swallowed hard.

“I’m inlove with you…” he confessed.

My eyes slowly widened. Pakiramdam ko ay may multong dumaan sa aking likuran kaya tumindig ang balahibo sa aking batok.

“I’m inlove with you, Torrefranca,” inulit pa talaga!

Mas lumaki ang aking mga mata. I couldn’t move. I couldn’t blink. I couldn’t face him.

Dahan dahang dumausdos ang kamay niya sa aking braso hanggang napunta sa aking pulso. Hinawakan niya ako roon at mas hinila papalapit.

Pumikit ako at halos natangay sa kanyang hila, hindi alam kung nanghihina ba sa kanyang sinabi o wala akong lakas para manlaban.

“I know you know this but I still want to be clear. I’m inlove with you,” halos bulong iyon ngunit malinaw.

26th Ruled

Ruled

Friend

Hindi ko maintindihan kahit malinaw sa akin. Para bang may sinasabi siyang ibang lenggwahe kaya hirap akong intindihin iyon.

Inlove? I expected that he has feelings for me but not like this! I am expecting he’d say he likes me! Just like how he confessed to Naia. Ganoon ang iniisip kong maririnig kaso parang nabibingi ako kahit paulit ulit niya iyong binanggit.

Anong inlove. Ganoon ba ka lalim ang nararamdaman niya sa akin para masabi niyang inlove siya sa akin? I couldn’t remember I flirted him so how come he fell inlove to me? Hindi ko naman pinapakitaan ng interes. Hindi ko nga inaakit.

Kaya bakit na-inlove siya sa akin?

“I didn’t ask for an answer. I just want to be clear,” he stated.

Huminga ako. Binitiwan niya ang pulso ko na medyo nagpagaan ng aking pakiramdam ngunit nang maramdaman ko ang kanyang pag-ikot, ang pagtayo sa aking harapan at pagharap sa akin ng buo, tripleng kaba ata ang umahon sa aking dibdib.

“Ayokong malito ka sa mga kilos ko. Gusto kong malinaw sa’yo ang nararamdaman ko. At ang… pagseselos ko.”

Para atang ginugupit niya ang aking paghinga kaya napuputol. I slowly licked my lowerlip. I saw how his tongue slowly trace his lowerlip, too. Pumikit ako lalo na’t… hindi nakakadagdag ang mga nakikita ko sa kilos niya.

I can’t imagine us in one frame as a couple. Fine, he’s hot. He’s oozing hot. Aaminin ko ang bagay na ’yon. Guwapo rin. Oo na at nakuha niya sa lahi nilang puro magaganda at sobrang guwapo dahil sa lahing Espanyol na dumadaloy sa kanilang dugo pero iba ang impresyon ko kay Hiro.

At hindi dahilan ang kanyang tindig o mukha para masuklian ko itong nararamdaman niya sa akin.

“Hindi tayo magkakasundo,” talagang pinaglaban ko nang muling dumilat at tiningnan siya ng maigi.

“Ako naman ang laging magpapakumbaba. I’ll find a way so we can work out. I’ll agree to your rules. I’ll submit to your needs—”

“What the hell are you talking about? Hindi tayo magkakasundo dahil ayaw mo sa mga gusto ko,” giit ko at pinipilit lang na ibulong ang mga iyon.

“That’s why I’m trying to adopt the things you like so I can like it, too. So I can understand you. So I can relate—”

Umiling ako at nagpalakad lakad. Lumipat ako sa kabilang pasilyo, si Hiro na nakasunod. May estudyanteng naroon kaya nagpanggap akong may kinukuhang libro, si Hiro naman ay walang hiyang tumabi sa akin at kumuha rin ng libro ngunit nasa akin ang atensyon.

“So I can relate to you,” patuloy niya.

Goddamn it. Nababaliw na si Hiro. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy sa tinitingnan kong libro na hindi ko na talaga maintindihan kung ano ang mga nakasulat sa pahinang iyon. Pakiramdam ko ibang lenggwahe kaya kahit paulit ulit kong tingnan, paulit ulit na basahin sa isip ay hindi talaga pumapasok sa aking isipan.

“Natutunan ko ngang inumin ’yung paborito mong Dutch Mill kahit lasang gamot.”

Nanliit ang aking mga mata. “Hindi kita pinilit na tikman iyon.”

“Tinikman ko kasi gusto mo,” rason niya.

Tinikman niya kasi gusto ko? Kaya kung siguro ay gusto ko siya, ang maiisipan niya agad ay tikman ako?

Nailing ako at umalis sa aking kinatatayuan. Lumipat ako sa kabilang pasilyo. Nakabuntot na naman si Hiro, at kami na naman dalawa! Walang estudyante.

Isinandal ko ang braso sa book shelf at humalukipkip. Humalukipkip din si Hiro at sumandal din sa book shelf habang nakaharap sa akin ng buo.

“I can’t imagine us as a couple. Oh we’ll fight all day. We’ll argue all night…” patuloy ko at kumuha ng librong mapagkakaabalahan.

My last sentence made him smile. Binasa niya ang labi at muling nagseryoso sabay abot din ng librong unang nahawakan. Noong mapagtanto ang aking sinabi, baka may naisip siyang iba roon!

“Malay mo may iba tayong maisipang gawin bukod sa pag-aaway,” he flashed a small smile.

Oh my God. This is insane. Ni ayoko’ng isipin kung ano iyon kahit nahuhulaan agad ng aking utak.

Is he bluffing? Baka nangt-trip siya sa akin? Anong petsa ba ngayon? Baka may okasyon? But he’s not that kind of person. Hindi ito basta bastang mangtitrip ng babae. Sa suplado niyang ’yan?

Dahan dahang nag-angat ang kanyang tingin at sinilip ang aking ekspresyon.

Huminga ako. Bumaba ang aking tingin sa librong hawak na nakabuklat. Dahan dahan ding ibinaba ni Hiro ang tingin sa librong hawak.

“May nagugustuhan ka bang iba kaya ka umaamin sa akin?” kuryoso kong tanong.

Baka katulad lang ito kay Naia? Oh I’d gladly reject him right now so he can like another girl.

“How can I even like someone else right now if I’m inlove with you?”

Sa sobrang swabe, para atang gusto kong may kumunoy na biglaang lumitaw sa aking kinatatayuan at magpalamon sa lupa, o kung pwede si Hiro itong higupin paalis sa aking harapan.

“Ganoon ka kay—”

“I’m not inlove with her. Hindi ko siya pinormahan at hindi ko rin binalak,” he clarified.

“Pero umamin ka. Kaya ka hindi pumorma dahil basted ka,” nilusot ko pa.

“I never dreamed of being her boyfriend, Torrefranca. I like her but not romantically.”

Damn it. Lumunok ako. This is really bad. This villain… he’s really inlove with me! Nag-iwas ako ng tingin.

“Isa lang ang magiging babae sa buhay ko,” he said clearly.

Magiging? At sino ’yan kung ganoon? Ako? Ako ang magiging babae sa buhay niya? Nailing ako at binasa ang labi.

“I don’t like you that much…”

“Give me more time. I’ll work on it.”

Matapang talaga. Desidido!

“I can’t offer anything aside from being… friends,” I said slowly.

Hiro arched his brow and looked at me.

“Thought we’re not friends? You never considered me as your friend. Tapos ngayong babasted-in mo ako, sasabihin mong ‘friends nalang tayo?’ Unbelievable…” Naiiling niyang ibinalik ang tingin sa libro.

Edi friends nalang kaysa more than friends. Plus we’re cool lately. Ayos na ang ganito. Wala rin naman akong maalalang may mabigat itong atraso sa akin. Siya nga dapat ang nag-iinarte sa akin lalo na’t nasasabit siya lagi sa mga gulo ko.

Not to mention my father almost break his face months ago.

“Basta friends tayo,” I said clearly.

He nodded calmly.

“Sige. Friends muna.”

Muna?

Magsasalita pa sana nang may sumulpot na lalakeng estudyante. Nagulat ito nang makita kami roon ni Hiro. Naging mabagal ang paglalakad niya habang sinisilip ang section na sinasandalan ko.

Nag-angat ng kilay si Hiro at seryosong nilingon ang lalakeng kabadong inabot ang librong tinutukoy, nabitiwan pa sa pagkakataranta, at mabilis ding umalis.

Huminga ako at nailing. This doesn’t feel right. Tinitigan ko ng maigi si Hiro. I feel like he unconsciously trapped me. Pakiramdam ko may naapakan akong bitag na nakakabit na sa aking katawan nang hindi ko namamalayan.

Hahayaan ko siya ngayon sa buhay ko pero kung nakialam siya sa mga lalakeng nagugustuhan ko, talagang ako mismo ang gagawa ng paraan makalabas lamang siya sa mundo ko.

I rejected him. It’s clear to him. Kaso muna. Nakaka-bother talaga ’yung muna. Friends muna. Ano na kami sa susunod? Fine. He’s free to like me. At friends lang talaga kami.

Dala dala ko na ata ang alalahaning iyon noong sumapit ang Disyembre. Nagpapasalamat ako noong wala nang pasok dahil talagang hindi na kami magkikita.

Sa bahay kami nagpasyang magcelebrate ng pasko kasama ang iba pang Buenaventura na nasa Manila lang din lalo na’t tuwing New Year ay sa Davao ang punta namin.

Nasa bahay kami nila North. Nagbibigayan kami ng regalo. Umungol si Irah sa pandidiri nang halikan ni North ang kanyang pisngi pagkatapos niya itong bigyan ng regalo. Natatawang tumakbo si North palayo na hinabol pa talaga ng aking pinsan at pinaliparan ng soft pillow.

“Stop kissing my cheek, jerk!” Irah shouted annoyingly.

Humagikhik ako at tumabi kay South para ibigay ang regalo. Binitiwan niya ang hawak na beer at kunot-noong tinanggap ang aking gift.

“Thanks,” he murmured and arched his brow.

I smiled and nodded. Grabe talaga ang pagkakaiba nila ni North…

My phone beeped. Kunot-noo ko iyong tiningnan at nakita ang mga text na bumalandra agad sa screen.

Latch:

Merry Christmas.

Edward:

Merry Christmas, Franca <3

Philip:

Merry Christmas.

Christian:

I miss our hang-out. Let’s party next time. Merry Christmas.

Ken:

Merry Christmas.

Nangingiti kong binuksan ang message ni Ken at naunang magtipa roon ng mensahe para sa kanya.

Ako:

Merry Christmas Ken :)

Na-distract ako sa paglapit ni North lalo na’t yumuko ito bigla sa sinasandalan kong sofa at sumilip. Mabilis kong ikinulob ang screen ng aking cellphone sa aking palad sabay lingon sa aking pinsan.

“Your gift,” bigay ni North at hinagkan ako sa pisngi. “Merry Christmas…”

I smiled. “Thanks North. Sinira mo na naman ang mood ni Irah!”

“Mamaya at sisirain ko pa lalo,” halakhak niya at tumuwid ng tayo.

Noong lumalalim na ang gabi ay nagkakayayaan na ang aming parents na uminom. Nasa labas sila Dad kasama sina Tito Uno at Tito Tres habang nakikita ko sa babasaging bilugang mesa ang mga hard drinks na naroon.

Kasali si North at South na niyaya ni Tito Uno. Si Irah ay abala sa kanyang cellphone habang ako naman ay nagbubukas ng mga regalong natanggap.

Noong mabagot sa ginagawa, humalo na ako kina Mommy na umiinom din ng wine kasama sina Tita Christienne at Tita Aly pero may iba silang topic lalo na’t natatawa pa sila.

“Dalhin mo nga roon sa labas itong pinapalutong pulutan ng Dad mo, hija…” si Mommy nang ibinigay sa akin ang request ni Dad.

I smiled and nodded. Ngiting ngiti si Tita Aly sa akin. Masunurin ko iyong dinala palabas. Lumingon si Dad habang sumisimsim sa kanyang rum.

“Dad…” sabi ko.

“How’s your wound, Torrefranca?” si Tito Tres nang tingnan ako.

“Uh… magaling na po. Scratch lang naman…” paliwanag ko habang inaabot na ni Dad sa akin ang plano.

“Be careful next time,” si Tito Uno nang mapatingin din sa akin. “Magiging kriminal ’yang Daddy mo kung may nangyaring masama sa’yo.”

Ngumuso ako.

“Invite your friend here, North,” si Dad nang lingunin ang aking pinsan, marahil ay naalala ang ginawa.

Kumurap ako habang nanonood sa paglalapag ni Daddy noong pulutan. Gumalaw si Tito Uno at nag-abot ng isang chicken wing.

“Si Hiro, Tito?” pangungumpirma ni North habang pumipikit pikit pa noong dinukot ang cellphone sa bulsa.

“Hmm. Scarlet Gail’s son?” si Tito Uno na nakaangat ang kilay.

“Oo. I almost hit that kid.” Sabay tingin ni Dad kay North. “Invite him here so he can join us.”

“Is it so hard to say sorry?” ngisi ni Tito Uno sa aking ama.

“Sorry for what?” si Dad na matigas.

Kita ko ang pagtango ni North habang umiilaw na ang mukha dahil sa pagbubukas ng kanyang cellphone. May pinindot lang doon at inilagay agad sa tainga ang cellphone.

“Mag-ingat sa susunod,” si Tito Tres na patuloy akong kinakausap.

I smiled and nodded. Naiiling naman si Dad, binasa ang labi at pinasadahan ng haplos ang buhok. He murmured something to Tito Tres. Na-distract naman ako kay North.

“Hello. Hiro?” aniya. “Hindi kita marinig?” Tumayo pa ang aking pinsan kaso naglahad si Daddy ng shot kaya nilingon ako ni North at inilahad sa akin ang cellphone.

“Kausapin mo nga. Tell him Tito Dos is inviting him here,” si North na ang isang kamay ay iniaabot na ang shot.

Kumurap ako. Pinapanood iyon nila Tito kaya wala sa sarili ko pang inabot. Inilagay ni North sa kanyang baywang ang kamay, ang isa naman ay ginamit sa basong dinala niya sa labi at sumimsim doon habang sinisenyasan akong kausapin si Hiro.

I sighed and walked away from them so I can speak to him clearly. Ilang hakbang lang ang ginawa ko. Inilagay ko sa aking tainga ang cellphone at naririnig ang background, tila ba lumalayo na ito sa ingay lalo na’t naririnig ko pa sa background ang sigawan at halakhakan ng kanyang mga pinsan.

“North,” I heard Hiro’s cold baritone voice.

It’s my first time hearing his voice through phone call. Seryoso at malamig.

Tumikhim ako. “Uh… This is me.”

Hindi siya nakapagsalita kaya nagpatuloy ako.

“Pinapasabi ni North na pumunta ka raw dito sa bahay nila. Dad’s inviting you to come over here…”

“Hmm? Right now?” marahan ang kanyang tinig kumpara kanina.

Pumikit ako. Tuwang tuwa pa ako na hindi na kami magkikita tapos pupunta siya rito sa mismong Christmas!

“Uhm yeah…” I said and glance to my cousin.

Nakaupo na muli si North, tumatango tango habang may sinasabi si Tito Uno. Si South ay pumipikit pikit lang sa upuan habang nakahalukipkip, si Tito Tres na nasa kawalan ang tingin, si Daddy na magkasalubong ang kilay at patuloy na nilalaro sa kamay ang rum na pinapaikot ikot niya sa baso.

“Hiro saan ka pupunta? Thought you’re too sleepy to move,” rinig ko ang tinig ni Ken.

“Sa labas lang. Ipagpatuloy niyo na ’yan,” si Hiro.

“Saan bang labas? Sasama ako—”

Isang marahas na pagkakasara ang narinig ko. Sumunod ang tunog ng sasakyan.

“Uh. Ibababa ko na. Ibabalik ko na kay North,” sabi ko lalo na’t wala na ring masabi.

“Your father invited me?” tanong niyang muli.

He’s driving, right?

“Yes. Naalala niya lang na kamuntik ka niyang masapak. Mom keeps on talking about it. Kaya siguro naisipan niyang papuntahin ka rito.”

I heard him sighed. Nagkasalubong ang aking kilay at nilingon si North. Nakangisi ang aking pinsan habang sumisimsim sa inumin kaya noong magtama ang aming mga mata, sinenyasan ko agad siya at itinuro ang cellphone.

“Ibabalik ko na kay North,” sabi ko at inilayo sa aking tainga ang cellphone para ibalik na sa aking pinsan.

Lumapit ako sa kanila. Kunot-noong tinanggap ni North ang cellphone at inilagay sa kanyang tainga.

“Ang rahan ng boses ah? Merry Christmas din!” halakhak ni North sa nang-aasar na tinig.

Nagpaalam na akong umalis doon at ayaw nang marinig pa ang usapan nila.

“Nakakahiya nga si Dos. May atraso pa tayo sa mga Delafuente tapos kamuntik pang dagdagan,” rinig ko namang si Mommy at mukhang iyong nangyari din ang kanilang topic sa sala.

Nang makita akong pumasok, itinuon agad ni Mommy sa akin ang atensyon.

“Tell your father to say sorry to that kid, hija!”

“Ah… Pinapapunta na rito ni Dad, Mom,” sabi ko.

Kumalma ang ekspresyon ni Mommy. Ibinalik niya ulit ang atensyon kina Tita.

“Puro talaga gulo at sakit sa ulo ang ambag ng mga Buenaventura,” iling niya, akala mo naman hindi na rin Buenaventura.

Nagfacebook ako sa sala para magpost ng pictures. Sumabog agad ang notifications ko. Nakipag video call pa si Florisse kaya lumabas ako para sa terasa pumwesto.

“Merry Christmas!” nangingiti kong bati habang lumalabas.

Nakita ko ang kakabukas lamang na malaking gate at pumapasok na ang pulang Mustang. Huminto iyon pagkatapos magpark ng maayos saka lumabas si Hiro sa driver’s seat suot ang itim na hoodie at denim pants. Kuminang ang earring sa kanyang tainga. Magulo ang kanyang buhok na inayos niya pa ng kaonti habang sinasalubong ni North.

Natangay saglit ang tingin ni Hiro sa akin ngunit umiwas din at nakipagbungguan ng balikat kay North. North chuckled and tap his shoulder. Iritang umiling si Hiro ngunit may ngisi sa labi dahil sa pang-aasar ng halakhak ni North.

“Merry Christmas, Sir…” si Hiro nang igala ang tingin.

Sinenyasan ni Dad si Hiro na lumapit. Tito Uno and Tito Tres watched him silently. Dumilat lamang si South para tingnan si Hiro saka rin dinampot ang shot at sumimsim.

“Merry Christmas din. Where’s Irah?” si Florisse na naghahanap ang mga mata sa aking likuran.

“Join us,” si Dad kay Hiro.

“It means he’s sorry,” Tito Uno chuckled.

Sumandal ako sa barandilya ng terasa. Napapanood ko ang paglapit ni Hiro sa patio kung nasaan sila Daddy. North dragged the chair for him. Umupo si Hiro.

“Nasa loob,” sabi ko kay Florisse. “Excited akong pumunta diyan lalo na’t diyan ko rin icecelebrate ang birthday ko,” nangingiti kong kuwento kay Florisse.

“Pool party?”

“Yes…”

Narinig ko ang tawag ni Mommy kaya bumalik pa ako sa loob. May ibinibigay siyang panibagong pulutan. The maids aren’t around. Tuwing ganitong okasyon kasi ay pinapauwi nilang lahat at sa susunod na taon pa ang balik, pagkatapos ng New Year. Kaya heto ako ngayon, gagawin atang utusan ni Mommy buong gabi. Wala na rin si Irah rito sa ibaba at mukhang umiiwas na mautusan.

“Dalhin mo sa Dad mo, hija…”

“Sure po,” sabi ko.

Hawak ko iyon sa kabila kong kamay, ang isa naman ay ang aking cellphone at hinahanap ko pa sa aking mukha.

“I’ll introduce you to my friends,” ani Florisse. “Guwapo rin ang iba…”

“Gaano ka guwapo?” halakhak ko habang papunta na sa kinaroroonan nila Dad.

Napansin ko ang paglingon ni Hiro habang nag-uusap ang lahat. Sinisimsim niya ang sariling shot at binawi rin ang tingin nang tingnan ni Dad.

“You’ll see,” si Florisse.

Nailing ako at hindi muna nagsalita. Naririnig ko na ang pag-uusap nila at mukhang tungkol sa sports habang papalapit na ako sa kanila.

“Boxing, Sir… Varsity din sa school,” paliwanag ni Hiro habang nasa kanya ang atensyon nila Tito.

“Judo player din ’yan noong highschool days. Huminto lang,” si North na mukhang maraming alam kay Hiro.

“What rank?” si Dad.

“I didn’t pursue the degrees of my belt, Sir. Lalo na’t medyo na-distract na sa basketball last year…” ani Hiro.

“Black belter ka sa Judo hindi ba, North? In what level?” si Tito Uno.

“Yes Dad. First degree,” si North.

“How many years does it take to earn a black belt in Judo?” si Tito Tres.

“Four to six years… Depende kung committed student din, Tito,” si North.

“Let’s try your skills,” si Dad sa maangas na tinig at hinuhubad na ang relong suot habang nakatingin kay Hiro.

Umiling si Hiro at ngumisi. “I don’t use those skills for violence, Sir. I respect the rules of martial arts.”

Humalakhak si North. Ngumisi si Tito Uno. Nag-angat ng kilay si Tito Tres at nanghahamon ang tingin kay Dad. Kahit si South ay dilat na, tahimik na nakikinig at nakatingin kay Hiro.

“Ayaw niya raw subukan sa’yo kasi baka mapahiya ka. You’re old. He’s young,” si Tito Tres.

Umaangat ang kilay ni Dad, parang ayaw maging pulutan ng asaran nila Tito.

“Stand up, kid. Let’s try,” si Dad na nag-aamba pang tumayo kaya mas natawa si North.

Umiling si Hiro at yumuyuko ngunit nakapaskil ang ngisi sa labi.

“Pasikat lang ’yan, hijo. Don’t mind him,” si Tito Uno na sumenyas pa habang ngumingisi.

“Nangunguna pa naman ’yan sa highest rank ng MMA,” si Tito Tres na yumuko at ginagalaw ang natitirang pulutan.

“Woah? Mixed Martial Arts, Tito?!” nagagalak na si North.

“Mixed Motherfucker Ass,” si Tito Tres na ikinahalakhak agad ni North.

Doon lamang natigil sila Dad nang lumapit ako ng tuluyan para ilapag ang dalang pulutan. Medyo nagtitino sila noong makalapit ako ngunit bumabakas pa rin ang ngisi sa labi ni North.

Sumulyap si Hiro sa cellphone na hawak ko pero binawi rin ang tingin. He’s paying too much attention to their conversation, to my father, and to my Titos.

Bumalik ulit ako sa terasa pagkatapos maghatid. Nagpatuloy ang usapan namin ni Florisse ganoon din ang usapan nila Daddy at napupunta na ata sa ibang bagay. Ngiting ngiti ako sa kwentuhan hanggang sa namatay ang tawag.

Pumasok ulit ako at doon na nagtagal. Noong lumabas, panibagong utos na naman galing kay North nang maghatid ulit ng pagkain.

“Pakisamahan nga si Hiro sa cr…” si North na pulang pula na at namumungay ang mga mata.

Tiningnan ko si South na nakahalukipkip sa upuan, pikit ang mga mata at nakayuko roon. Sina Tito ay patuloy pa rin ang usapan at parang ginagawang tubig ang inumin dahil hindi pa mukhang mga natatablan.

I nodded and looked at Hiro. Tumayo siya. Nauna akong maglakad. Sumunod siya sa akin. 

Sa likuran kami dumaan lalo na’t may pathway naman doon patungo sa likod na pinto at naka konekta sa malaking kusina. Nadaanan pa namin ang pool. Binuksan ko ang sliding door at nilingon si Hiro na nakapamulsa sa hoodie, tahimik na sumusunod.

Itinuro ko sa kanya ang pinto. He nodded and looked at me. Nilingon ko ang pool area at tiningnan.

“Dito nalang ako,” I said.

Hiro nodded. Pumasok siya. Humalukipkip ako at sumandal sa pader habang pinapanood siyang pumapasok na. Kahit nakatalikod, ang tangkad talagang tingnan.

Gusto ko na sanang bumalik kaso baka mapagalitan pa ako kung iniwan ang bisita. Just great! Ni-jerect ko tapos heto ako ngayon, hinahatid siya sa cr at hinihintay na bumalik!

Lumabas si Hiro. Basa na ang kamay. Tumingin siya sa akin.

“Sino ’yung katawagan mo?”

Nagkasalubong agad ang aking kilay. His face calmed down.

“I am just asking. We’ll not fight,” aniya.

“It’s my cousin,” sabi ko habang nagkakasalubong ang kilay.

He nodded. Huminga ako at gusto na siyang hilain pabalik lalo na’t alam ko ang mga ganito.

Nauna akong maglakad. Nasa aking likuran siya.

“Merry Christmas by the way…” he whispered.

Tumigil tuloy ako. Kunot-noo ko siyang nilingon. Ang liwanag galing sa tubig ay humahalik sa kanyang mukha. He’s glowing. I can clearly see his features.

“Merry Christmas,” I said.

Hiro flashed a small smile and bowed his head a bit. Lumebel siya sa akin at sumabay sa paglalakad ko.

“Dito ka magbibirthday?” he asked calmly.

Umiling ako habang natatanaw ang bilog na buwan sa madilim na langit nang tumingala.

“Sa Davao.”

“Sa mga chinese niyong pinsan?”

I nodded.

“Happy Birthday,” bati ni Hiro na ikinakunot ng aking noo.

“Malayo pa.”

“December twenty-nine. Apat na araw nalang…”

What? Pati iyon alam niya? Pero sabagay, nakabisado ko nga rin ang kanya lalo na’t tinandaan ko noong nagpapasahan kami ng condom para maibalik ko sa kanya.

“Hindi pa rin ngayon kaya huwag ka munang bumati,” sabi ko at dinala ang tingin sa harap.

“Paano babati kung hindi tayo friends sa mga social media mo? Hindi mo na sini-seen ang mga mensahe ko. Wala rin akong number mo,” ani Hiro.

Huling seen ko ata sa mensahe niya ay last year pa? Iyong nag-aasaran kami sa smiley.

“I don’t like texting. Hindi rin active sa social media,” I reasoned.

“Liar. Ayaw lang talaga…”

Ayaw ko naman talaga. Ako lang ang tanging babaeng mapapasok sa friend list niya. At sa numero naman, hindi naman kami ganoon ka close para may numero ng isa’t isa.

“Wala naman tayong kailangang pag-usapan sa text,” I said.

“We should text, too. Ganoon ka sa mga lalake mong kaibigan. Kina Philip…”

Ang wais talaga nitong si Hiro. Now that I considered him as a friend after rejecting him, iyon na ang ginagamit niyang alas para makuha ang numero ko.

Hindi ako nagsalita. Sinilip niya ang aking mukha.

“Do you really consider me as your friend? Parang hindi e…” tingnan mo na?

Huminga ako ng malalim. Fine! Tumigil ako kaya tumigil din siya at humarap sa akin. Nakikita ko sa kanyang mukha ang liwanag ng tubig na galing sa pool lalo na’t dim ng kaonti sa kinatatayuan namin.

“Give me your phone,” irita kong inilahad sa kanya ang kamay.

Ngumuso si Hiro. Dinukot niya ang phone sa bulsa at inilahad sa akin. He recited his password. Itinipa ko iyon. Magkasalubong ang aking kilay at irita pa.

Mabilis ang pagtitipa ko. Tahimik akong sinusulyapan ni Hiro, nakabulsa ang mga kamay sa pants habang pinapanood ako ng maigi.

“Babati lang ako sa birthday mo. You don’t have to reply if you find it annoying,” he said.

“Bahala ka…”

Pumasok lang ulit ako sa loob pagkatapos siyang ihatid sa upuan. Nakatulog din naman ako. Wala na akong ideya kung ilang oras ang itinagal ng inuman nila. Humihikab na lamang ako noong lumabas nang matanaw ko sa kusina ang repleksyon ni North sa may pool kasama si Hiro na naliligo.

Umahon si Hiro at itinulak ang sarili paalis sa pool. The veins on his arms were visible as the water dripped all over his body. Isang haplos lang sa basang buhok paatras ay sumunod na agad ang mga iyon habang naglalakad siya patungo sa upuan. Tinusok niya ang tainga gamit ang hinliliit na daliri habang pumipikit ang isang mata at yumuko para abutin ang puting tuwalya.

Binawi ko rin ang tingin nang nahuli niya akong nakatanaw. I opened the fridge so I can drink some cold water. Sa gilid ng aking mga mata, nakikita ko siyang nagpupunas ngunit nasa akin ang tingin.

Bumibilib talaga ako kay Hiro sa parteng ito. Maraming takot na makihalubilo sa aming pamilya sa mga kaibigan kong lalake o kung sino mang kaedaran ko. Ngunit itong si Hiro, hindi lamang si Dad ang nakakayang harapin dahil pati sina Tito. Nakipagkwentuhan at nakipag-inuman pa?

Wala rin naman siyang dapat katakutan. Ngunit talagang nasisindak ang lahat sa kanila. Iyon ang rason kaya limitado ang nagtatangkang manligaw at pumurma sa amin ni Irah. Kahit ang mga kaibigan ko lang namang lalake, takot pa ring humarap kay Dad.

Si Hiro? He’s scared but he’s willing to face them. Para bang handang sumabak kahit alam niyang may tsansang matatalo siya.

Lumabas din naman ako suot ang puting one piece bikini. Hinaplos ko ang aking buhok at ngumiti.

“Happy Birthday!” bati agad ng lahat.

Tumawa ako at hinipan ang kandila ng cake na hawak ni Rehan. Katulad ng naging plano ko, sa Davao ako nagcelebrate ng birthday at pool party ang naisip na theme.

“Ganda ng pinsan mo, Rehan!” isa sa mga kaibigang lalake ang may sabi noon.

“Off limits. Hindi pasado ang tarantado sa akin,” banta ni Rehan at pinagtuturo ang mga kaibigan na nagtawanan agad.

Hinila rin ako ni Florisse at pinakilala sa kanyang circles. Suplada man ang aking pinsan pero hindi ganoon ka anti-social hindi kagaya ni Irah na talagang walang kaibigan, walang circles.

I posted some photos after the party. Sa facebook iyon. Binaha agad ng mga greetings. Nangunguna si Blue sa comment section. I smiled and reacted to his comment.

Sunod sunod din ang text na natanggap ko. Binuksan ko ang iilan. I scrolled down since I’m flooded by my friend’s greetings. Hinanap ko kung may text na ba si Ken but surprisingly, may isang unknown ang nangunguna na saktong pumasok noong twelve midnight. It’s an unknown number. Nauna itong mag-greet.

Binuksan ko iyon at nakita ang text.

Unknown:

Happy Birthday.

This is probably Hiro, oh my new friend. Akmang magtitipa ng reply para sa kanya nang bumalandra ang humabol na text ni Ken.

Ken:

Happy Birthday. I miss you :(

27th Ruled

Ruled

Like

Nangingiti akong nagtipa ng mensahe habang nakikita kong nagb-blower na ng buhok si Florisse. Nasa kuwarto kami, kung saan din matutulog kasama ang mga babae pa naming pinsan.

Ako:

Thanks Ken. I miss you too

Ken:

I’ll call? Are you busy?

Ako:

Hindi naman. Sure!

Tumayo agad ako at itinuro ang veranda lalo na’t lumingon si Florisse. Tumango siya habang tuloy tuloy na ang pagbubukas ko sa glass door.

Natanaw ko agad ang ilaw na nanggagaling sa kabuuang Subdivision. Sa ibaba ay kitang kita ko ang pool at iilang kalat na galing sa aking party at sinisimulan nang linisin ng mga katulong.

Humilig ako sa railings at sinagot ang tawag ni Ken.

“So you’re having a pool party? Bikini huh…” he chuckled.

Ngumuso ako. It’s actually a one piece white bikini. Hindi naman masyadong revealing pero… it’s sexy.

“By the way. I bought a gift for you. Ibibigay ko once you’re here in Manila. Say… let’s have dinner again?”

Pumikit ako at hindi ko na naman mapigil ang ngiti sa aking labi. Humampas ang hangin. Sumabog ang aking buhok. Dumilat ako at isinabit iyon sa gilid ng aking tainga habang tinitingnan ang nangingislap na mga ilaw sa kabuuan.

“Ibabangga mo na naman?” I chuckled.

“I’ll be extra careful, I promise. Badtrip nga. Ayaw na akong payagan magdrive ng aking parents. Mom is too strict. Kahit sarili naming kotse bawal,” he groaned.

“Ayos na rin ’yon. Baka maulit pa at malala ang mangyari this time…”

“Paano tayo lalabas nito kung wala akong kotse? Man. I hate this…”

“Pakabait ka muna, Ken… Baka next year malay mo…”

Umikot ang topic namin sa kotse niya. Ramdam kong gustong gusto niya talagang may sarili ulit siyang kotse. Kung nasa harapan ko lang ito, baka nakabusangot na.

Suot ko pa ang ngiti noong matapos ang tawag at muling bumalik sa loob. Nakahiga na si Irah sa kama. Naroon si Rina, sinusuklay pa ang basang buhok ngunit humihikab, si Florisse naman ay bihis bihis na at nakapajama.

“Ano ’yung kwento ni North na nabangga ka raw?” tanong ni Florisse nang inayos niya ang kabilang kama lalo na’t kaming dalawa ang magkatabi.

Tumulong ako sa pag-aayos. Si Rina ay humihiga na ng tuluyan at pumipikit pikit na, lalo na’t si Irah ay nakaidlip na agad.

“Nabangga kami sa poste habang papauwi. Sobrang gabi na rin kasi,” sabi ko habang umuupo na sa kama at hinihila ang kumot para talkpan ang kalahating katawan.

“Boyfriend?” she insinuated.

“Uh. No. Family friend,” I smiled.

Tumango siya at gumapang sa aking tabi. Hindi na nagtatanong ngunit nagpatuloy ako sa pagkukwento dahil parang handa siyang makinig.

“May tumawid kasi na itim na pusa. And he’s a bit drunk. Iniwasan namin kaya ayon… sa poste—

“A black cat?” putol ni Florisse habang tumatabi na sa akin.

Amoy na amoy ko ang strawberry shower gel ko na ginamit niya.

“Oo. Kawawa naman kung masasagasaan kaya iniwasan namin,” paliwanag ko habang napapansin ang pagtatagal ng tingin niya sa akin.

“Did it cross from left going to right or right going to left?”

Inalala ko agad ang gabing iyon.

“Right going to left. Lalo na’t ako ang nakapansin sa itim na pusa.”

Kita ko ang pagkakasalubong ng kilay ni Florisse.

“It’s a bad omen,” aniya.

Kumunot ang aking noo. Inabot niya ang lampshade at pinatay. Bukas pa ang pinto galing sa veranda kaya natatanaw ang liwanag galing sa buwan na pumapasok, nagsisilbing ilaw sa loob kaya hindi ganoon ka dilim kahit patay na ang mga ilaw.

“What do you mean?”

“It means misfortune… or death,” si Florisse na naninimbang ang tingin.

Umihip ang malamig na hangin kaya medyo gininaw ako. Gumalaw ang kurtina at sumayaw. Na-distract ako saglit doon habang nagpapatuloy sa pagsasalita si Florisse.

“May kasabihan na kung may itim na pusang tatawid patungong kaliwa, dapat iwasang masaktan ang pusa o magkaroon ng disgrasya habang umiiwas. It’s a curse. Either a misfortune or you know… death.”

Hindi ko alam kung bakit kinikilabutan ako sa sinasabi niya, maybe because the word death is involved.

“Pero we’re safe. Gasgas lang din ang natamo. I mean… nothing bad happened.”

Nagkibit si Florisse. “Perhaps future. But I hope not.”

“Parang babala?” I laughed.

Tumango si Florisse. “But it’s just one of the superstitious beliefs. Mamamatay rin naman tayong lahat.”

Natawa na lamang ako at ipinagkibit balikat ang bagay na iyon. Hindi naman ako masyadong naniniwala sa mga kasabihan ngunit marami rin kasing paniniwala sa side ng mga pinsan kong pure Chinese.

Umuwi rin naman kami sa Manila pagkatapos ng New Year lalo na’t klase na ulit. Babalik din sa Davao sa Chinese New Year kaya excited ulit ako.

Kaso naalala ko iyong sabi ni Ken na magdidinner kami kaya iyon na ang nagpapangiti sa akin.

“Manang Jema…” bati ko nang makababa sa kotse.

“Hija!” Nangingiti niya akong sinalubong.

Yumakap agad ako sa kanya, ganoon din siya. Hinaplos niya ang aking likod at noong humiwalay ay pinisil agad ang aking pisngi.

“Namiss kitang bata ka!”

Ngumiti ako at pinanood ang iilang tauhan na inilalabas na ang aming mga gamit sa likod ng kotse at pinaghahakot papasok. Mommy looked tired. Dad was giving orders.

Tumunog ang aking phone kaya taka ko iyong dinungaw. Nakita ko agad ang unknown number, at kahit pa walang pangalan, alam kong si Hiro ’yon.

Unknown:

Nakauwi na kayo?

Hindi ko iyon pinansin ngunit may sumunod ulit.

Unknown:

I have a gift for you. Idadaan ko diyan tapos uuwi din ako agad.

What? Alam kong ginawa naming tradisyunal ang pagbibigay ng regalo ngunit buong akala ko ay naputol na ito ngayong taon lalo na’t noong birthday niya ay hindi na ako nagkainteres pang regaluhan siya.

Hindi ko ulit iyon pinansin kaso nagtext na naman si Hiro. But when I received another text from him, sa huli ay nahanap ko nalang ang sariling naglalakad patungong gate dahil sa kakulitan niya.

Unknown:

I’m outside.

Nilingon ko si Dad na abala pa rin sa mga gamit, si Mommy na humihikab at pinapanood si Daddy, ang mga tauhan na distracted sa ginagawa, at si Manang Jema na nakikisali rin doon. Lumabas ako ng tuluyan.

Bumungad agad si Hiro, nakasandal ang pwetan sa pinto ng pulang Mustang niyang kotse habang nakatingin sa kanyang sapatos suot ang panibagong hoodie na hindi ko na mabilang kung ilang pares ang meron siya.

Nag-angat siya ng tingin at napatuwid sa pagkakatayo. Bumagal ang paglalakad ko patungo sa kanya. Binuksan niya ang front seat at yumuko para may abutin doon. Noong tumuwid ay may hawak na siyang itim na paper bag.

The luxurious brand of chanel flashed. Kumunot ang aking noo. Isinara niya ang pinto ng kanyang kotse at humarap sa akin. Inilahad niya iyon.

“Belated Happy Birthday,” he greeted.

Ibinalik ko ang tingin kay Hiro. He looked at me seriously but he’s calm.

Nahulog ulit ang tingin ko sa paper bag. I’m a bit hesitant. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba, kung iiling at iiwan siya rito para pumasok nalang ulit sa bahay, o ano.

The suggestion on my head is quite harsh. Don’t take his gift and just leave him. Tumatanggap naman ako ng mga gifts. Kahit sa mga male friends ko nang walang iniisip na malisya lalo na’t bigay rin naman.

Kaya anong kaibahan nito kay Hiro?

“You wore red last time so I’m thinking you like red colors…” ani Hiro.

Napaahon ang tingin ko sa kanya.

“Uh, black…” I said to correct him.

“Black?” he looked surprised.

Tumango ako at muling tiningnan ang paper bag.

“You always wear white but you like black?”

Ngumuso ako at tumango. Right? I’m weird.

Hiro chuckled. “I’ll take note…”

“Nagsuot lang ako ng red lalo na’t mga Chinese ang pinsan ko. Regalo iyon ng babae kong pinsan,” sabi ko.

Tumango tango si Hiro. Nahulog ang tingin niya sa paper bag. Nahulog ulit ang tingin ko roon. Ayoko talagang tanggapin. Baka may iba siyang maisip ’di ba?

“You looked so curious. Take it…” he wiggled it.

“Baka isipin mo…”

Umiling agad siya. Natutop ang aking bibig. Kinuha ko iyon ng dahan dahan. Noong nasigurado niyang hawak ko na, saka niya lang binitiwan at ibinulsa ang mga kamay.

“How’s your birthday celebration?” Hiro asked.

“Ayos lang naman…”

“I saw your posted pictures.”

Nilingon ko ang aming gate. Noong ibinalik ko kay Hiro ay tiningnan niya rin ang aming gate.

“Pumasok kana. I know you’re tired…”

Tumango ako at ngumiti ng tipid. “Uh… thanks…”

Hiro nodded. Tiningnan ko ang kotse niya. Nanatili siya sa kinatatayuan at mukhang desididong panoorin akong maunang pumasok.

Naglakad ako pabalik sa gate. Nilingon kong muli si Hiro. Tahimik niya akong tinanaw. Binawi ko rin ang tingin at tuluyang pumasok.

Dinala ko sa kuwarto ang gift ni Hiro. I curiously opened it. Parehas lamang ang box noong huli niyang bigay. Noong binuksan ko ay panibagong pares ulit ng hair clip but this time it’s red.

Pumunta ako sa salamin at kuryoso iyong sinubukan sa aking buhok. The luxurious golden brand logo of Chanel sparkled. I took a photo of my hair and send it to him. I typed another message.

Ako:

Maganda :)

Nakita ko agad ang nakalagay na read sa ibaba. Hiro automatically reacted on my photo. He also reacted loved on my text. Bumalandra agad ang typing.

Unknown:

I’m glad you like it :)

Ibinaba ko ang cellphone at hinubad iyon sa aking buhok ng dahan dahan. I should wear this on Chinese New Year. I will match it to my red dress.

Nakita ko sa screen ang typing ni Hiro.

Unknown:

I wanna post it on my story. Is it okay?

What? Akala ko ba he won’t post something that’s so private? Kinuha ko ang aking phone at mabilis na nagtipa ng mensahe.

Ako:

Akala ko ba ayaw mong magpost pag masyadong private?

Hiro automatically read my message. Parang nakatambay lamang siya roon kaya mabilis na nababasa. He reacted on my message first before typing another reply.

Unknown:

Hindi naman kita ang mukha.

Ako:

Kahit na. Everyone will assume that you’re dating someone secretly.

Unknown:

Alright. Your rules.

Hindi pa halos ma-proseso ang text niya, may sumunod agad na isa.

Unknown:

Wait I’ll just park my car.

Huh? He’s driving? And he’s texting? Nailing ako at nagbihis na muna. Naghalfbath din. Medyo hinihila na ng antok ang talukap ng aking mga mata noong nakita kong bumalandra ang FaceTime sa screen.

Hiro’s requesting for a FaceTime! Kunot-noo ko iyong tiningnan. Ano naman kayang kailangan niya? Kakatitig ko ay nawala rin naman. Ngunit noong tumawag ulit, sinagot ko na lamang habang humihiga na sa kama.

Lumabas ang screen at nakita ko ang magandang ceiling. Mukhang nakalapag ang phone kaya sa itaas agad ang bumalandra. I looked at my perfect thick brows on my camera. Kapansin pansin ang medyo singkit kong mga mata at medyo nabuhaghag pa ang iilan kong bangs. Kalahati lamang ang kita ng aking mukha habang sabog ng kaonti ang alon ng aking buhok na nakikita rin.

Ilang sandali lamang ay nakita ko ang pagyuko ni Hiro sa camera na topless lamang at sumabit pa sa ere ang suot na kwintas. Dinampot niya iyon at dinala sa kanyang mukha. Dim ang kuwarto ngunit dahil din sa liwanag galing sa screen ay nagiging malinaw ang bawat anggulo niya.

“What?” I asked, a bit irritated.

Hiro’s gaze were deep. I pressed my lips on my pillow while watching him fix his disheveled hair.

“I just called to try my luck since it’s your first time to reply on my messages.”

’Yun lang? Akala ko pa naman kung anong importante! Inaantok pa naman ako. I saw my sleepy eyes on the screen of my phone. I’m sleepy but I couldn’t help to looked at him since I’m curious.

“What’s this call all about?” I asked using my tired voice.

“I just want to see you,” aniya habang sumasandal sa itim na headboard ng kanyang kama, ang isang palad ay dinala pa sa likuran ng ulo para gawing unan.

Umangat ang aking kilay. “Ibababa ko na.”

“Thought we’re friends?”

Nanliit ang mga mata ko. Gamit na gamit talaga ’yang pagiging magkaibigan kuno namin. It’s obviously one sided. Ako lang ang nakikita siyang kaibigan, at siya, ang nakikita sa akin ay… hmm… babae niya?

“Anong ba kasing gagawin natin? Tititigan ang isa’t isa?” irita ko pa iyong sinabi.

“I can watch you all night. It’s up to you on how you want to deal with your friend…”

It’s really up to me, huh? Hindi ako umimik at panay lang tingin sa end button.

“Lemme see your—

“My what? Huh?” I leered at him aggressively. This villain!

“Your hair clip. Patapusin mo nga muna ako? Jesus,” he groaned.

Huminahon ako. He looked pissed, siguro dahil alam niyang mapagbibintangan na naman ng iba.

“Pinakita ko na ’yon sa’yo ah?” hindi ko maiwasan dahil sa reaksiyon niya, para bang naiinis siya sa ibibintang ko sa kanya.

“Whatever,” pagsusungit ni Hiro. “Pagbibintangan na naman akong bastos…”

I copied his expression.

“Linawin mo kasi…”

“You didn’t let me finish,” he argued.

“Teka…” napaahon ako at irita siyang tiningnan. “Pinapagalitan mo ba ako?”

Hiro sighed and shut his eyes. Napatingala siya saglit kaya nakita ko ang paggalaw ng adam’s apple niya nang lumunok ito. I put my phone down. Yumuko ako at sumilip sa camera habang iritang irita pa rin. Dumilat si Hiro, medyo kumalma.

“I’ll end it. Don’t ever call!” I hissed.

“Hindi kita pinapagalitan,” pilit niyang pinalambot ang tinig.

“You said ‘whatever’. And you’re mad.”

“Was it so harsh? I’m sorry. I’m not mad. I’m just pissed because—”

“You’re pissed at me,” putol ko sa marahan niyang tinig.

“Pissed at what you’re about to say. Not pissed at you,” he defended calmly.

“Gano’n pa rin. I’ll end this.”

“Calm down. Let me explain first. Nang-aaway ka talaga…”

“Ano? Ako pa huh?” Dinampot kong muli ang cellphone kaya nagzoom ang aking mukha sa camera.

Hiro groaned and licked his lip.

“Fine, ako ang may kasalanan. Ako ang nang-aaway. Ako ang may mali…”

“Sina-sarcasm mo ba ako, Hiro?”

Umiling siya, pinipilit na lang atang maging kalmado kahit gustong gusto niya nang ipagsalubong ang kanyang kilay.

“I’m trying to apologize here so we’ll not fight all night. My bad. I’m sorry…” mas maamo niyang bigkas.

“Whatever,” gaya ko sa sinabi niya kanina saka ko pinatay ang tawag.

I flipped my phone and went back to sleep. Marahas kong hinila ang kumot at mariing ipinikit ang mga mata, parang pinipilit nalang na matulog. Kaso panay na naman ring ng aking cellphone.

Bahala ka. Friend huh?

Panay iyon ring. Nakakarindi. Kinuha ko at tiningnan. Akmang papatayin nang madulas pa ang aking kamay at nasagot kaya bumungad agad sa screen ang magkakasalubong kong itim na kilay, inis at nakabusangot.

Ngumuso si Hiro nang makita ako. Papatayin ko na ulit sana nang magsalita.

“Goodnight…” he said softly.

I nodded without smiling and turned the call off. Nakatanggap agad ako ng mensahe.

Unknown:

Cute hahaha

Hindi na ako nagreply dahil hahaba na naman. Sumimangot lamang ako. Goodness. So much for being his friend huh? Hindi ko na dapat sinagot, e. Kuryoso pa ako at baka importante.

Weekend noong natuloy ang aming dinner ni Ken, lalo na’t iyon din ang nabanggit niya noong call. Sa Restaurant kami kumain ng kanyang pinsan.

“Nakakainis. Puro ako taxi dahil ayaw talagang magpahiram ni Dad. Batas din kasi si Mommy sa bahay,” kuwento ni Ken habang isini-serve ang pagkain.

Kanina ay kuryoso ko pang ginagala ang tingin sa kabuuan lalo na’t maganda ang interior design. Cove lightning at hindi masakit sa mga mata ang ginamit na kulay. It’s relaxing. Nasa second floor kami, ang mismong VIP area ng loob.

“Kumusta na pala ang sugat mo sa braso? Naghilom na ba?” Tiningnan niya ang braso ko.

“Yes. Mababaw lang din naman ’yon na sugat,” I explained and smiled.

Nagtuloy tuloy iyon tuwing weekends kaso naputol din noong marami nang gagawin sa school. Dumagdag pa talaga ang nararamdaman kong inggit ng isa sa mga kaklase ko.

“Yes Ma’am?” taka kong tanong nang ipatawag sa Discipline’s Office.

Napatingin ako sa nakahalukipkip kong kaklase na si Janneth. May kasama siyang iilan pang kaklase kong mga babae.

“Put your things here,” ang head na sinenyasan ako.

I nodded and put my things on the table. Sinenyasan niya akong maupo. Tahimik akong umupo roon at muling sumulyap kay Janneth na kaklase ko sa iilang minor at major subjects ko.

Kinalkal nila ang aking gamit. Tiningnan ko iyo at nakaramdam agad ng kakaiba. Kaya noong may makitang isang puting papel na nakatupi at binuklat, alam ko na agad.

“Miss Buenaventura, you know the rules. Bakit ka may kodigo?” Ipinaharap niya sa akin ang papel.

My eyes slowly widened when I saw the exam’s questionnaire with some answers. Kakatapos lamang ng exam ngayong Enero. Nakakuha ako ng malaking marka sa isang minor subject pero dahil nag-aral ako ng mabuti.

“Ma’am I didn’t…”

“Liar. Nakita ka namin. And it’s unfair,” si Janneth na nakahalukipkip, mariin ang tingin sa akin.

Natutop ang aking bibig. I looked at her innocently. Ah… this annoying bitch. Did she set me up?

“Hindi ko alam ang sinasabi mo, Janneth,” I said with tremble lips, trying to act scared. Lame.

She snorted and shook her head. “We saw her. She cheated. Kaya ang laki ng marka niya noong exam! ’Di ba!” she accused and pointed me.

Tumango ang iilan ko pang kaklase. What?

Sinenyasan siya ng head na kumalma. Hinubad nito ang glasses at mariing tumingin sa akin. Yumuko ako.

“We’ll give you another examination, Miss Buenaventura. Your last score won’t be recorded. Gusto ko ring makausap ang parents mo. I won’t let this slip.”

I nodded defeatedly. Nilingon ko si Janneth, she’s trying to hide her smile. Tingnan natin ang tapang mo. Humanda kayo sa’kin.

Pagkalabas naming lahat ay humalukipkip agad si Janneth sa aking harapan. Her bitchy face screams power. Nakaangat ang kilay, matangkad at tuwid ang buhok.

“Aww… poor little angel…” she teased.

I looked at her blankly. Medyo nilambutan ko lang ang ekspresyon dahil baka makita niyang hindi ako nasasaktan, ’di ba? I’ll satisfy her.

“Ikaw ang naglagay noon?” marahan kong tanong.

“Parang iiyak na, Janneth. Kawawa naman,” isa sa kaklase namin pero natatawa.

“Buenaventura pa naman ’yan. Magsumbong pa ’yan sa Daddy. Sa pinsan,” ang isa pa pero tumatawa rin.

Tumawa si Janneth.

“Look at you! Para kang anghel na itinapon sa lupa at nalaglag sa langit! Your pretty face won’t save you. Next time, know your place,” giit niya.

I bowed my head down. Pinisil pisil ko ang aking mga daliri. Tumawa sila.

“Let’s go girls…”

Nilagpasan nila akong lahat, nakangisi at nangmamaliit. Tahimik ko silang tiningnan. Bakit ba may mga ganitong tao? Hindi nila nasisikmura ang mga umaangat kaya hinihila nila pababa?

For what reason? Dahil inggit? Kaya papakialaman ang buhay ko? Kaya bubutasan ako? And they really think I won’t fight back, huh? Doon sila nagkakamali.

Malapit na ang finals. Tingnan natin kung makakaahon ka. I will bring you down to the pits of hell until you scream for help. Isasama ko ang mga kasabwat mo. And when that time comes, you will see me smiling at you, clapping my hands and enjoying your pain.

I took the examination for the second time. Minor subject ko iyon. Luckily I passed it. Pumunta rin si Dad sa araw na ’yon sa school kasama ang dalawang tauhan.

His tats made him looked superior. His dark piercing gaze were powerful. Deritso ang kanyang lakad at nagtitinginan lahat ng mga students sa kanya.

“Dad…” I smiled apologetically.

“Let’s go home,” si Dad na sinenyasan ang tauhan.

Kinuha agad nila ang aking gamit. Sumabay ako sa paglalakad. This is a disappointment to my parents. Kaso sigurado akong hindi sila basta bastang maniniwalang nagcheat ako. O kahit totoo man, baka hindi rin i-big deal ni Dad.

“Hindi ko nga rin nabilang kung pang-ilang beses akong nagcheat noon. Sinusulat ko pa sa legs ko,” si Mommy nang malaman din iyon.

“Really? Sa legs?” si Dad na iritado.

“Pati ’yang Daddy mo. Nakakailang cheat ’yan,” si Mommy na dinamay pa si Dad.

Tahimik lamang ako, nakikinig. Pinapagaan nila ang aking loob. Hindi naman pinapagalitan pero napagsabihan ng kaonti. Ngunit hindi sa puntong ikakadismaya ko.

“Don’t take it as a competition, hija. Ayos lang sa amin ng Daddy mo kahit low grades.”

“You can fail multiple times. If it’s making you stress then drop it—”

“Dos naman! Hindi nakakatulong,” iritang sabi ni Mommy sabay kalma nang tingnan ako. She smiled and caressed my cheek. “No pressure, sweetheart. We’re not mad. Nanggaling kami diyan kaya naiintindihan ka namin.”

Hindi ko na sinabi ang totoo lalo na’t baka aksyunan pa ni Dad at lumaki lalo. Knowing him. Ako nalang ang maglilinis. There’s probably a minor damage but I won’t let this slip.

Pinadaan ko ang mga buwan, katulad ng aking nakasanayan. Ibabalik ko sa kanila kung saan niya ako tinira ngunit sa tripleng paraan.

I started creating my plans before our final exam. Siyempre lahat naman talaga gusto ng malaking marka, lalo na sa major subjects.

“It’s a good idea, Jack. Maraming stress at gustong pumasa sa major subject. Kung may discussion tayo at group study ay baka makatulong din,” I smiled to my classmate.

Nakatitig siya sa akin at inayos pa ang salamin nang sulsulan kong gumawa ng group chat. I shared all my wrong ideas to him and claimed that it came from a reliable source. Kumalat agad iyon sa bawat kaklase ko lalong lalo na kina Janneth kaso hindi naman talaga lantarang galing sa akin lalo na’t ipinadaan ko lahat kay Jack at siya lamang ang naglapag.

Kaya noong lumabas ang highest score, ako ang nangunguna na pumunta sa harapan at nakita ang reaksyon ni Janneth, matamis na ngiti agad ang aking ibinigay sa kanya.

Siya ang unang sumugod at galit na galit. Una sa lahat, ako ang iniisip niya na gagawa ng ganoon dahil alam niya kung ano ang ginawa niya sa akin noong mga nakaraang buwan.

The boys defended me of course. Janneth was so mad since it’s our major subject. Siya ang pinaka apektado, pati ’yung iba pang kasama niyang mga kasabwat. They got fool so easily because they don’t have time to study. They have more time to ruin people’s lives.

At kung ikakanta niya man ang nangyari, marami siyang makakalaban, hindi lamang ako dahil buong kaklase kasali roon. She won’t reveal it. Sigurado ako.

Doon ko rin napansin ang malamig at makahulugang paninitig ni Naia habang nagkakagulo ang lahat. I smiled. No need to pretend coz I know she’s thinking I’m behind this mess.

I left a bad impression to this girl and she will remember it for sure. She’ll think of me as a demon who’s trying to looked like an angel. Judgemental pa naman…

“Do you like parties? Like Clubs? Bar?” si Ken sa gabing iyon noong tumawag.

Unang pasok ng Summer, imbitasyon niya agad ang sumasalubong sa akin.

“Hmm… Sino bang kasama?”

“My friends. And Naia.”

Madalas niyang yayain si Naia sa ganoon simula noong naging close sila. Napapadalas din ata ang pagkikita nila?

“I can’t Ken. My father is strict.”

“Sayang naman… Kung hindi lang nakakatakot si Tito Dos ipagpapaalam kita,” halakhak niya.

Hindi pa rin ba umaamin si Naia sa kanya? She likes him. Baka nga ayaw ni Naia na naroon ako. Kasi kung ako, at kasama siya habang kasama ko si Ken, ayoko rin.

I don’t really hate her but I don’t like her so much, too. Sakto lang. Hindi rin kasi kami kaibigan. Gustong gusto ko lang din siya asarin lalo na’t babalandra talaga sa kanyang mukha ang pagiging judgemental at parang naglalakbay na agad ang isip niya ang mga pangit na iisipin niya sa’yo.

“Next time nalang, Ken…”

Doon ko siya hindi pinagbibigyan. I don’t want to be pull as one of his circles nor as his friend. Ganoon din naman kasi ang totoong pakay niya kay Naia. Baka pag nakihalo ako, parang magiging kaibigan nalang din ang tingin ni Ken sa akin?

“Hmm, dinner nalang ulit?” he suggested and chuckled.

Kinagat ko ang aking labi at napakulob sa aking kama.

“Kailan?”

Humalakhak si Ken.

“Parang gusto mo akong nasosolo ah?”

“Gano’n na nga…” pag-amin ko na muling ikinahalakhak ni Ken.

Kumakagat na ako sa mga malalandi niyang salita. I’m starting to send signals that I like him. In a romantic way.

“Fuck… I like that, too,” namamaos ang tinig at humalo ang tawa niya roon.

Pumikit ako at pinigilan lamang ang sariling mapaamin. Take it easy! Ayokong dito sa call aamin! At nagtuloy tuloy ang pagkikita naming dalawa na lumalim lamang noong third year na kami.

28th Ruled

Ruled

Trust

“Lagi silang magkasama rito. Girlfriend ni Sir Ken?” rinig ko ang mga empleyado na nasa Restaurant nila Wayt sa tuwing naroon ako.

Madalas kami sa VIP area. Hindi lamang si Ken ang laging naroon lalo na’t pati rin daw si Wayt. Ang alam ko, nagpresinta itong i-handle ang Restaurant.

“Bakit? Hindi ba mahihirapan si Wayt lalo na’t nag-aaral pa siya. Tapos dito siya tuwing weekends? O gabi gabi?” tanong ko.

“Weird nga eh. Bigla niyang naisipan. Hindi ko alam kung nangungulila ba kay Nana kaya naghahanap ng mapagkakaabalahan para ma-distract o…”

“O ano?” kuryoso kong tanong.

“Hmm. He has no girlfriend. Imposibleng may nagugustuhan siyang empleyado rito lalo na’t kabisado ko ’yan pumorma. Mabilis pa sa mabilis.”

Papalit palit nga siya ng girlfriend noong mga nakaraang taon. Laging may nag-aaway na mga babae. Dumagdag pa si Tina at Sofia. Magiging talk show din kasi iyon sa buong school at kakalat pa sa ibang school pag taken na naman si Ryler Wayt Delafuente.

“Nahawa na siguro kay Hiro. Isa rin ’yon. Mailap pa sa mailap. Sobrang hirap hulaan kung may babae bang tinatago o kung sino man ang nagugustuhan. Konti nalang maniniwala akong bading si Hiro,” ani Ken.

Naputol tuloy ang pag-iisip ko. Hindi na ako nagbigay ng komento sa parteng iyon. Nagtetext si Hiro pero hindi ko na rin kasi nirereply-an. I don’t want to give him false hopes or what.

Lalo na’t distracted din kay Ken. Kahit sina Philip, ang mga anyaya nila ay hindi ko masyadong pinagbibigyan dahil bigla biglang magyayaya itong si Ken kaya mabuti na rin iyong bakante ang mga araw ko.

Tinanggap ko na ang katotohanang parte talaga si Hiro sa buhay ko. Lalo na’t noong  birthday niya, nang maimbitahan ang aming parents at nagpasya nang pumunta sina Dad ay kasama na rin ako.

My father is starting to like him. Iba niya na ito tingnan. He even tapped his shoulder after greeting him a Happy Birthday.

Bumati rin naman ako pero hindi na masyadong nakipag-usap at deritso lang sa aking table. As usual, they’re loud. Kung may kumuha man ng atensyon ko sa gabing iyon… ang pamilyar na keychain na nahulog ni Zera at dinampot agad.

“That’s very cute. Kanino ’yan?”

Did Ken give it to her? But that’s my gift for him. Pinamigay niya? Kaso… naalala ko na si Hiro ang mga kumuha noong gamit sa kotse lalo na’t pinapabigay rin ni North sa akin ang gamit ko.

Which means…

“Uh, kinuha ko lang sa kuwarto ni Kuya.”

I knew it.

I smiled and nodded. Kinuha ni Hiro? Nasa paper bag ’yon. I also indicate a simple greetings for Ken. May pangalan din iyon ng kanyang pinsan.

Palihim kong tiningnan si Hiro at sinamaan ng tingin. He caught my eyes. Para bang may ideya na agad siya sa galit ko. Yumuko siya at nakita kong nagtipa sa kanyang cellphone.

Unknown:

Hmm? What’s wrong? You’re mad again.

Nabasa ko iyon sa screen pero hindi ko na binuksan pa. Hindi rin nagbigay ng atensyon pa. Hindi na sumama sa kanilang party sa sariling Bar at nagpasyang umuwi sa gabing iyon.

He called me. I didn’t answer all his calls. Bakit niya iyon kinuha? That’s not for him.

Sa school niya na ako natyempuhan pa. Nahuhuli akong lumabas sa classroom kaya naabutan akong mag-isa, na-corner na naman ako.

“I saw a familiar keychain. Your sister told me kinuha niya sa kuwarto mo. That… that keychain… is that yours?” deritso ang tingin ko kay Hiro.

I want to accuse him right now. But maybe may kaparehas? Kaso alam ko siya ang mga kumuha noong gamit sa kotse.

“If it isn’t yours then… give it back to me,” I abruptly said and looked at him seriously.

Binasa ni Hiro ang lani at hinaplos ang buhok.

“I’ll give it back tomorrow. Nasa bahay. Iniwan ko,” he explained coldly.

I nodded. No fights. No fights…

“’Yun lang naman. Aalis na ako,” paalam ko nang marinig ang kanyang sinabi na nagpahinto sa akin.

“Tss. What’s so special about him? Gustong gusto mo ang gagong ’yon eh kabi-kabilang babae nga ang—”

“Don’t even go there,” I warned him.

Ngumisi siya kahit hilaw. Wala ang tingin sa akin at nasa ceiling.

“Ipagtatanggol mo pa talaga?” Kitang kita ko ang kung paano sumeryoso si Hiro nang bumaba ang kanyang tingin. Tiningnan niya ako ng maigi. I equalled it with dark storms.

Nagkakamabutihan kami ng kanyang pinsan. Wala na dapat siyang pakialam sa bagay na iyon lalo na’t malinaw naman sa kanya ang desisyon ko.

Hindi ko na uusisain kung bakit pati ito ay alam niya ngunit gusto kong maging malinaw sa kanya na hindi ako nakikipaglaro dito.

“I don’t like him for you. He’s reckless. Hindi ko pa nakakalimutang nasugatan ka at napahamak dahil hindi siya marunong magdahan dahan.”

“It was an accident. Hindi niya iyon sinadya—”

“Because he’s not thinking how to be gentle when you’re around!”

“Then what is it to you, Hiro?!” sumabog agad ang aking tinig.

“Ingat na ingat ako sa’yo kaya nakakagago! How dare him handle you recklessly? How dare him hit on you while he’s flirting these other girls!”

Medyo natinag ako ng kaonti roon ngunit hindi nahubad ang galit sa aking mukha. Ken is wellknown for being a playboy but our interactions were real! Ramdam ko ang sinseredad niya. Ramdam kong may gusto siya sa akin. Ramdam ko na magseseryoso siya!

“That’s not your problem anymore,” I said flatly.

He looked at me intently. I mirrored his expression in a cold manner.

“I am willing to break anything that would hurt you. Always remember that,” he warned me.

Umangat ang aking kilay. So he’s telling me that Ken will hurt me? Or he’s just jealous?

I defended Ken. Hiro’s just jealous. Totoo naman. Umamin siya sa akin. I know he’s overreacting because he’s jealous. Wala akong ibang naiisip na ibang rason kaya siya nangingialam.

I didn’t listen to him. Nagpatuloy ang pagkikita namin ni Ken.

“What drink do you like?” tanong ni Ken nang tumigil kami sa isang convenience store na nadaanan.

Kakatapos lamang namin magdinner. Ihahatid niya na ako pauwi kaso nauuhaw kami kaya bumaba nalang muna para bumili ng drinks.

Everything feels familiar.

“Ikaw ang bahala, Ken…”

Kinagat ni Ken ang pang-ibabang labi at litong namili ng drinks.

“Chuckie?”

Tumango ako at medyo natawa. Ngumisi siya at kumuha ng dalawa noon habang ang kanya naman ay dalawang San Mig na lemon flavor.

May panibagong pumasok at mag-ina. Lumapit ang batang babae sa may mga drinks kasama ang kanyang ina at nagtuturo noong Mogu Mogu.

“Want! Mommy!” she said.

Ngumiti ako at binuksan ang fridge habang abala pa ang kanyang ina na mamili sa kabila.

Tumigil si Ken sa paglalakad at kuryoso akong nilingon. Nakita niya akong nag-aabot ng Mogu Mogu sa batang babae na mukhang nasa tatlong taong gulang lamang.

“Here…”

Kumurap ang ina nito at napalingon sa akin. She smiled sweetly and looked at her daughter.

“Thank you…” the little girl said cutely.

Ngumiti si Ken at hinintay akong makalapit sa kanya. I waved my hand to the little girl. She waved back cutely, sa isang kamay ay niyayakap ang Mogu Mogu.

“You love kids?” tanong niya.

I nodded. “Isa sa pangarap ko ang maging ina.”

“Wow. Ang sarap tuloy pangarapin na maging ama ng mga anak mo.”

“Pwede rin!” tawa ko at tumulong sa hawal niyang mga drinks.

“Pero pag naka graduate na siyempre…”

Ken nodded and unconsciously wrapped his arm around my waist since his other hand was vacant. Iginiya niya ako papalapit sa counter habang patuloy kaming nag-uusap.

“Alright. I’ll take note.”

Nanliit ang mga mata ko. “Bakit? May plano ka?”

Inilapag niya ang drinks na hawak at kinuha sa aking kamay ang dalawa pa. Dinukot niya gamit ang isang kamay habang hindi pa rin inaalis sa aking baywang ang kanyang kamay.

Binuksan niya iyon at naglapag ng one thousand bill saka muling isiniksik sa likod ng kanyang bulsa ang wallet.

“We’ll see…”

Oh please… This playboy isn’t ready yet! And we’re too young! Third year pa kami ngayon. Pag naka graduate, magtatrabaho muna mag-iipon saka rin magpaplano ng pamilya. Ganoon dapat.

Dinala namin ang aming drinks sa isang overview looking. He’s using his cousin’s car. Pagmamay-ari ni Blue.

“Hindi ako pinapahiram ni Wayt. Si Hiro naman, ayaw rin. Humanda talaga siya sa akin. I’ll make sure that girl will fall inlove with Wayt. Yabang nitong si Hiro,” pagkukwento niya nang makapasok kami sa loob.

“Girl?” I asked curiously.

Tumango si Ken habang palipat lipat ang tingin sa akin at marahan lamang ang pagmamaneho.

“Nakipagpustahan ako kay Hiro. I challenged him. You know Wayt doesn’t have a girlfriend right now. Ilang buwan na rin. Tahimik at mailap sa babae…”

I nodded while listening.

“Timing may bagong empleyado sa kanilang Restaurant. Maganda. Irereto ko kay Wayt,” ngisi niya.

“Challenge? Like pustahan?” I insinuated.

Tumango si Ken habang hinahaplos ang kanyang buhok.

“Pinusta niya ang Mustang niya. That fucker knows how much I want to have my own car right now. Minamaliit talaga ako ng gagong ’yon… Paluluhurin ko talaga si Hiro. Yabang!”

Nakipagpustahan si Hiro sa kanya? That guy isn’t shallow. Hindi ba nagtataka si Ken kung bakit uh… nakikipagpustahan si Hiro?

“Anong balak mo kung ganoon?” tanong ko.

“I’ll set them up on a date. Ilalakad ko ’yung babae kay Wayt. It’s just a piece of cake.”

Ayos lang naman kung irereto niya ’yung babae kay Wayt. Kaso ang ikinakabahala ko, paano kung na-fall ’yung babae kay Wayt? Tapos pustahan lang?

“You shouldn’t play with someone’s feelings. Pag nalaman ’yan ng babae, masasaktan ’yon,” sabi ko.

“I’ll handle the girl with care don’t worry,” ani Ken, hindi ata napupunto ang ibig kong sabihin.

“Tapos maiinlove ka pala sa kanya?” biro ko at kunwari’y natawa.

Humalakhak siya. “Not my type of girl. Too simple. Sobrang taray rin. I like nice girls. You know. Angelic type. Like you…”

Ngumuso ako. Nakita ko ang pagdating namin sa pakay na lugar. Pinigilan ko ang sarili na magsalita lalo na’t nagpark si Ken at naunang bumaba. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

Dinala namin ang drinks palabas. Tinulungan niya pa akong makaupo sa ulo ng kotse. Tumabi rin siya sa akin at tahimik na tinanaw ang magandang City lights.

“So… you’re saying I’m your type of girls?” I chuckled softly after sipping on my drink.

“Obviously,” he chuckled back after opening his drink, too.

“Kung hindi lang ako takot sa Dad mo matagal na kitang niligawan.” Nailing siya at dinala ang ulo ng San Mig sa labi.

Medyo namula ako. My heart started thumping. Humangin kaya nahawi ang aking buhok at napunta sa likuran. Lumingon si Ken sa akin. He gasped.

I glanced at him and smiled.

“Why don’t you try?” hamon ko.

Ngumuso si Ken. “May pag-asa ba ako kung sakaling…”

“I’ll say yes if you asked me…”

His eyes widened. Lumunok siya at napayuko. He flashed his smirked and chuckled softly. Nangingiti ko siyang tiningnan habang nilalagok niya ang inumin.

“But I won’t rush you,” I smiled.

Ken smiled at me. “Damn…”

Binasa ko ang labi at nangingiting dinala ang tingin sa langit. Sa gilid ng aking mga mata ay titig na titig si Ken sa akin.

There. I confessed that I like him. We’re more than friends. We’re both aware that we like each other. We’re flirting. Ito na ang mga senyales na panghahawakan ko bilang proweba na hindi ako nag-iilusyon sa aming dalawa dahil totoong parehas kami ng nararamdaman. Totoong gusto namin ang isa’t isa.

Hinatid din naman ako ni Ken pagkatapos. Binuksan niya ang front seat. Ngumuso siya nang magtama ang aming mga mata.  Nanatili siya saglit sa pagitan ng pinto at itinukod ang kamay sa gilid para magsilbing harang.

“So… goodnight. I’ll call tomorrow,” he whispered while smiling.

I nodded. Binasa ni Ken ng dahan dahan ang labi. Humawak ako sa kanyang balikat at tumingkayad. Yumuko ng kaonti si Ken para maabot ko siya. I kissed his cheek to bid goodbye.

“Goodnight…”

Noong magkatinginan muli, namumungay na ang kanyang mga mata at nakapaskil na ang ngiti sa labi.

“You’re not doing this to me… Hindi ako makakatulog,” he laughed a little.

Nailing ako at itinulak siya ng marahan para maalis siya sa aking harapan. Nanghihinang umatras si Ken ngunit hinapit niya pa ang aking baywang kaya natangay rin ako sa kanyang pag-atras.

Bumangga ako sa kanyang dibdib. Humalakhak si Ken at yumuko sa aking ulo kaya sumabog doon ang kanyang halakhak na humahalik sa aking buhok. He pressed his lips more and gripped his arm around my waist, his other hand on his pocket.

Pumikit ako at dinama ang sunod sunod na emosyong yumakap sa akin. I am so happy. Para akong lumulutang sa hangin. Hindi ko matanggal tanggal ang ngiti sa labi. Akala mo naman talaga hinalikan sa labi para ganito ako ka saya! Akala mo talaga niyakap ng buo para magdiwang! Well I’m contented! I’m happy. So what if we won’t kiss yet? Pag naging kami naman na… sigurado ako sobra pa roon eh.

Kung gaano kasaya at parang langit ang nararamdaman ko pag kasama si Ken, para namang impyerno kung nakakasama ko si Hiro sa isang lugar. This time I planned on seeing him.

Palagi naming ginagawang sariling lungga ng aming mga pagtatalo ang mga classroom na walang estudyante. Ang dumidilim na langit ay nagiging repleksyon at tumatagos sa bintana sanhi para mag-agaw ang liwanag at dilim sa kabuuan.

Hiro showed up as usual. This time I waited for him. Kaya noong nakita niyang nakatayo ako, nag-aantay, bumabakas agad sa mukha niya na bangayan ang aking nais.

Tumayo siya sa aking harapan, ang repleksyon ng madilim na langit ay umabot sa kanya. He looked so dangerous when he’s lurking on the dark, like a villain who’s willing to be ruthless in order to protect his own territory.

“Nakipagpustahan ka kay Ken? Are you luring him to like that girl?” deritso kong tanong.

Knowing Hiro!

“Ano pa ang mga ginawa mo?”

Nanatili siyang tahimik. My eyes widened when I realized he got more plans. Basang basa ko iyon sa titig niya. Kahit misteryoso, kahit hindi magsalita, ramdam ko ang mga itinago niyang bomba sa lupain na siguradong matatapakan ng mga taong gusto niyang maalis sa teritoryo niya.

Humalukipkip ako sa kanyang harapan.

“Stop that nonsense game,” I said.

“He’s triggered. Hindi ’yon titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang Mustang ko. Let him.”

“Let him? Magpustahan kayong dalawa at huwag niyong isali ang isang babae!” I spat.

Nag-angat siya ng tingin.

“Why don’t you test him?” he suggested.

What the hell?

“Test him? Hiro you’re slowly manipulating him! At paano kung nahulog sa kanya ang babae, huh? Mapapaasa iyon ni Ken lalo na’t—”

“Lalo na’t ano?” he stepped forward.

Natutop ang aking bibig. I won’t tell him what’s happening between me and Ken.

“Why are you doing this?” marahan na ang aking boses, naiiling at nadidismaya.

“Because I don’t like him for you.”

Napabuga ako ng hininga. Pumikit ako at huminga ng malalim. Natatawa na lamang dahil talagang pakialamero siya.

“At sino ang gusto mo para sa akin, huh? Ikaw?” I glared at him.

“Mamili ka ng kahit sino. ’Yung mapapanatag ako na hindi ka masasaktan,” malamig ang hagod ng kanyang tingin, nakapamulsa at hindi nababali ang kompustura.

“I am willing to get hurt—”

“I won’t risk it!” putol niya, galit na galit ang tingin sa akin.

“Ako ang lagi niyang kasama, Torrefranca. I know all his dirty secrets! All his sexual escapades! All his girls! At ayokong nasasama ka sa koleksyon niya!”

“Nasasama? He didn’t fuck me! We’re not even kissing! Paano ka nakakasiguradong itutulad niya ako sa iba niyang naging babae—”

“Stop turning a blind eye just because you like that fucker. Pinsan ko siya pero hinding hindi ko pahihintulutang saktan ka niya. Oh I’d rather pull him away from you. I’d rather distract him to other girls! He doesn’t deserve you!” aniya sabay hakbang papalapit.

Lumingon ako at umatras.

“Nababaliw kana talaga! Pinapangunahan mo siya! Let him! Dahil kung sasaktan niya ako, labas kana dapat doon! Ako ang masasaktan hindi ikaw—” bumundol ang malamig na pader sa aking likuran.

“Triple ang sakit na mararamdaman ko kung nasaktan ka,” putol niya at mariing tumitig sa akin habang itinutukod sa bawat gilid ko ang mga kamay.

I glared at him but I couldn’t talk. His breath tickles on the skin of my face, nakayuko habang angat baba ang mga balikat sa matinding galit, ang titig ay nakakapaso at puno ng hinanakit.

“Hinding hindi ako makikialam kung alam kong hindi ka masasaktan. I will enjoy your happiness. I’m willing to watch you silently.”

Nag-iwas ako ng tingin. His breath kissed my cheek. Binasa ko ang labi ng dahan dahan. Natatahimik, nababahala.

“I am willing to wait for my turn until it’s my time. Until you’re inlove with me. But I won’t let them break your heart. I won’t let them break you. Lahat ng mangangahas na saktan ka, dadaan sa kamay ko. Pipigilan ko.”

Lumunok ako. I couldn’t looked at him. What did I do to him? Bakit ganito ang malasakit niya? Bakit kailangan niyang masali rito?

“He won’t break my heart…” I defended even if I’m not very certain.

“Oh yeah?” he chuckled insultingly.

Pumikit ako nang nadama ko ang mainit niyang hininga sa aking pisngi, humahalik at nagpapatindig ng aking balahibo sa batok.

“Hainan mo lang ’yan ng babae, mauulol na agad ’yan. Coz if he’s serious with you, if he can take good care of you, I’ll let him be. But how come he’s flirting all these girls while he’s hitting on you. Hmm?”

Irita kong tiningnan si Hiro. His eyes were full of anger. He looked calm but I can sense the storm in his eyes. The danger he’s trying to hide.

“Ipagtanggol mo pa…” inunahan niya ang pag-awang ng aking labi.

Natutop tuloy at mariing tingin ang aking iginawad. Nailing si Hiro sa akin, hindi inaalis ang paninitig.

“Masasaktan ka sa kanya,” he said like he predicted it.

“And I know you won’t go easy on him once you’re hurt. Kung pwedeng pigilan ko, gagawin ko.”

“Hindi niya ako sasaktan,” ulit ko, iyon na lamang ang nasabi.

Hiro chuckled again. It was full of insult, full of taunting. Para bang natatawa nalang siya sa kasinungalingang pilit kong ginagawang totoo.

“Kabisado ko ang galawan niya. The reason why he can easily get away with all of those girls he flirted, those girls he told lies, because of his friendly tactics. Like he’s just being friendly. He’s being extra nice. He’s friendly to these girls he likes. And he’s extra nice to these girls he wants to flirt. And once he’s done, he’ll explain that he’s just being friendly. At ang mga babaeng umasa, iisiping kasalanan nila dahil nag-assume. When in fact he indeed showed them signals.”

Pumikit ako at umiling ngunit nagpatuloy si Hiro.

“Mabait siya pero gago. Wala akong problema kahit pa lumandi siya sa iba. Basta huwag lang sa’yo.”

“Sinisiraan mo siya,” umiling-iling ako, lalo na’t alam kong may pakiramdam si Hiro sa akin.

“Last Summer. He acted cold. Reason? He flirted this hot chic we met…”

Irita kong tiningnan si Hiro. Oo at hindi nga nagrereply si Ken sa text ko noon pero hindi ko naman masyadong kinukuli din. Baka naman kasi hinahain niya rin kay Ken? Oh please… hindi ko kayang pagtakpan ang anggulong iyon dahil alam ko naman talaga na babaero si Ken. He will purposely flirt all these girls…

“Kung seryoso siya sa’yo, bakit hindi niya kayang tanggihan ang mga babaeng ito?”

I remained silent. Hiro flashed a small wicked smile.

“Bakit? Hmm?”

Umirap ako at naiiling na hinaplos paatras ang buhok. Sumabog ang aking bangs at nagulo sa gilid. Nag-iwas ulit ng tingin saka humalukipkip.

“The reason why Naia can’t confess she likes him because he’s an ass. She’d rather remain friends with him.”

Damn it. Pati iyon alam na alam ni Hiro.

Hindi na ako makatingin, nababahala, natatakot na maaaring tama nga siya ngunit ayokong magpalinlang. Ayokong maniwala. Baka sinisiraan niya lang din.

Sincere si Ken sa akin. Alam ko.

“And once he’s done with you, sasabihin lang noon na katulad ka lang sa mga babaeng nagustuhan niya. Mababaw. Hindi ganoon ka seryoso. You think I will put you on that spot, huh?”

Iritang irita kong tiningnan si Hiro. Hindi ko alam kung nagagalit ba ako sa paninira niya, o nagagalit dahil parang totoo.

Umiling ako sa kanya. He arched his brow. I don’t like his confidence! Para bang basang basa niya ang mangyayari. I don’t like it!

“Minamanipula mo kasi!” I fired aggressively.

“You can’t manipulate someone’s heart, Torrefranca. Kung mahal ka niya, mahal ka niya.”

Fuck it! Pumikit ako ng mariin at ayaw nang makinig. This smartass villain is wise, unpredictable and ruthless!

“Stop it…” bulong ko.

“Don’t fool your brain just because your heart wants him. Open your eyes and stop being blind—”

“I said, stop! Damn it, Hiro!” I pushed him away.

Napaatras si Hiro palayo sa akin, isang hakbang paatras. His jaw clenched. His eyes were cold. His expression hardened.

“Let me! Stop… stop involving yourself to my life! Stop guarding my heart! Stop it!”

His jaw clenched repeatedly. He bowed his head down. Ramdam ko ang pagiging dismayado niya.

“Hayaan mo ako! Kung nasaktan ako, wala kana roon! Don’t force yourself to me!”

His eyes widened. Umiling siya.

“I will never force myself to you. I won’t fit. You’re not ready.”

What… Ang galit ko ay nahaluan pa ng iba. Alam ko naman ang tinutukoy niya, na malaki ang nararamdaman niya kaya hindi iyon magkakasya sa lugar na inilaan ko para sa kanya lalo na’t kaibigan lamang ang aking tingin ngunit… may ibang… may ibang nahahalo sa isip ko.

“Hayaan mo ako,” giit ko.

“You’ll get hurt…” he warned.

Ano bang topic namin dito? Bakit parang iba?

“Hindi ka patas lumaban…” nailing ako.

“Hindi rin naman patas ang laban. You have feelings for him. He can get you so easily without lifting an effort. Tama lang na hindi rin ako maging patas sa kanya lalo na’t kagaguhan lang din naman ang alam niya.”

“Because he doesn’t know—”

“He doesn’t know? He doesn’t care! That’s the real reason why he didn’t realize all of these. Dahil kung nasa iyo ang buo niyang atensyon, mahuhulaan niya kung sino ang mga kakompetensya niya sa’yo. Mahuhulaan niyang nagseselos ako. But he’s not serious that’s why he doesn’t care,” giit niya sa nagbabagang tingin.

I was about to fire another words when he spoke with a deadly stare.

“Hahadlangan ko ang mga bagay na babasag sa puso mo,” tila batas iyon kung banggitin niya.

Natutop ang aking bibig. Suko na talaga ako. Kahit anong lusot ko, matatakpan at matatakpan iyon ni Hiro. Kabisado niya ang mga nakapaligid sa kanya kaya malaking advantage iyon.

But no. Ken gave his words to me. At malinaw naman iyong sabi niya sa akin. He clearly explain he’ll set her up on a date. Hindi ko kayang pagsabihan si Ken sa bagay na iyon lalo na’t alam ko kung gaano niya kagusto ang Mustang ni Hiro.

I trust Ken. I trust his words to me. I trust him.

29th Ruled

Ruled

Sorry

Kapwa mainit ang ulo namin sa isa’t isa ni Hiro sa taong iyon. Madalas nang magbangayan, madalas nang magtalo, madalas na ring nag-aaway.

But this time, our fights were very different. Hindi na maliliit na bagay. Hindi na tungkol sa mga gulong napapasukan ko.

O siguro nga, may napapasukan akong gulo kaya heto na naman siya, nakikialam at parang superhero na akala mo gustong isalba ang bida sa kasamaan. But no. He’s being a villain! A daredevil who’s willing to ruin the world just to protect the girl who doesn’t even like him.

Wala naman akong napapansin. Pero sa tuwing nagkikita kami ni Ken, madalas niyang bukambibig iyong pustahan na hindi ko alam kung paano talaga patitigilin.

“Ang tigas noong babae. Hindi ko ma set-up sa date. Panay pagtataray. Parang mangangalmot pag nilapitan ko,” halakhak niya habang papauwi na kami.

“Eh kung… itigil mo nalang kaya? Ang pangit din kasi Ken. Nananahimik ’yung babae tapos magugulo siya.”

“Oh she’s safe. Trust me. Gusto ko lang turuan ng leksyon si Hiro lalo na’t nagmamagaling.”

“It’s not worth it, Ken…” sabi ko habang dinadala ang tingin sa labas ng bintana.

“Hindi eh. Mayabang talaga. Nanghahamon. Akala niya siguro aatras ako,” he said.

Boys and their ego. Alam na alam talaga ni Hiro paano itulak ang isang tao sa sariling bangin. Kahit medyo halatang delikado, dahil nahahamon kay Hiro, handang tumalon mapatunayan lamang na mali si Hiro.

That smartass villain…

“Baka ma-inlove ka talaga diyan ha…” I whispered.

“You’re so worried. Hindi ko ’yon tipo. Come on… Don’t be jealous, hmm?”

I sighed and nodded. Paano nga naman ako magseselos eh kailanman, hindi ko ito nakitang lumandi ng harap harapan sa ibang babae. But everyone knows he’s a playboy. Kahit ako, alam ko rin.

“Kung sakali mang… let’s say… you fall inlove with her… uhm… tell it to me—”

“You’re funny, Franca. Hindi ’yan mangyayari. Trust me…” he smirked.

Ngumuso ako. Fine. I nodded.

Oo na. Ako na ang maamo pagdating sa kanya. Ako na ang natutunaw. Ako na ang sunud-sunuran. Kung sinabi niyang hindi, edi hindi.

At bakit niya naman ako gagaguhin ’di ba?

“Ano pa bang… uh… pustahan niyo ni Hiro?” tanong ko.

“Hmm. Wala naman. ’Yun lang. Why? Are you bothered?”

“Tumutulong ba siya sa pang-seset up mo ng date doon sa babae?”

Iritang umiling si Ken.

“I don’t need his fucking help. He’s trying to bruise my ego. Kaya ’yan nakikipagpustahan para magyabang sa akin. I’ll bruise his ego this time.”

Boys.

Talagang mababaw ang tingin ni Ken. At si Hiro na wais, pinalabas na mababaw lamang ang lahat kahit sobrang lalim at nakakalunod na ang larong inilatag.

Hindi ko mapagsabihan si Ken. Mahirap ding pangunahan ang kanyang desisyon. Hiro made a deep cut to his ego that’s why he’s triggered. At pag ang lalake nayabangan, gagawa at gagawa ng paraan para lamang lumaban.

I am not friends with Naia so it’s hard to ask some informations, too. At ang isang ’yon, kakaiba na talaga makatingin sa akin. Komportable rin naman akong asarin siya.

“Pagpasensyahan mo na ’yon. Hindi talaga friendly,” si Ken sa Sabado na iyon sa school.

Hinaplos niya ang batok pagkatapos magwalk-out si Naia, iniwan kami rito sa classroom na nakaupo at magkatabi lalo na’t wala ring estudyante.

“It’s fine. I know she’s really not. Simula Grade Ten ganyan na siya.” Lumala lang ngayon lalo na’t napapansin niya ako, tinitingnan, ngunit sa ibang paraan.

“Really thought you two are friends…” Ken shook his head.

Mapait akong umiling. I smiled.

“I’m trying kaso… mailap.” And I won’t force it. I mean… I have so many friends. If she doesn’t like it then I have no problem with it.

Natawa si Ken. “Sobra. Matigas ’yan. Ewan ko ba… Tinuturuan ko ngang makihalubilo. You know everyone’s spreading fake rumors about her. That she’s… hmm…” Nag-isip isip pa ata si Ken ng malalambot na salita para sa ‘maldita’.

“She’s cold,” I added.

“Yes. She’s coldhearted. But she’s nice. Tahimik lang talaga. Hayaan mo at tuturuan ko ng magandang asal.”

“Does she know how to smile?” I asked curiously.

“Oh yes. Wait. I have a photo of her. Meron ’yon. Na-save ko,” he said and took his phone out.

I curiously looked at his phone. Maganda kasi ’yon kahit hindi nakangiti. Paano pa kaya kung ngumiti hindi ba?

Mabilis ang pagtipa ng password hanggang sa bumalandra ang home screen niya kasama ang kanyang mga pinsan.

I smiled and watched how his finger manipulated his apps. Isang click sa photos at nagscroll ng mabilis. Puro pictures ng kanilang magpipinsan. Sa itaas ako tumingin at nakitang… naka airplane mode.

“Here!” sabay pakita ni Ken.

I curiously crouch so I can see it clearly. Inilayo ng kaonti ni Ken kaya hinabol ko pa ng tingin at humilig na talaga sa desk ng kanyang silya para masundan lamang iyon.

Inilayo lalo ni Ken kaya sinundan ko. Sumimangot ako at nag-angat ng tingin kay Ken ngunit nagulat na ganoon na pala kami kalapit. Nakangisi siya, para bang nag-eenjoy sa pangtitrip at paglalayo ng picture sa akin.

Ken slowly watched my lips. His lips parted. Tiningnan niya ng maigi ang aking mukha, ang buhok na dahan dahan niyang isinabit sa aking gilid para hindi maging sagabal.

“No wonder everyone’s having a crush on you. You’re angelic but… seductive.”

Lumunok ako. I watched his lips. He licked it slowly. I watched his eyes.

“I’m curious,” I asked slowly.

Namumungay ang mga mata ni Ken, titig na titig sa akin, ang kamay ay inilandas sa gilid ng aking leeg at doon humawak habang ang hinlalaking daliri ay hinahaplos ang aking panga.

“Hmm?” he whispered.

“Do you have plans on…”

“What? Pursuing you?”

I nodded. Lumunok ako. Hindi ko alam dahil ba sobrang lapit ng aming mukha. O dahil sa mga sinasabi niya.

His thumb went to my lips. I felt how he caressed it softly. Titig na titig siya sa akin, para bang naghihintay lamang ng senyas.

“We’re mutual. You like me. I like you. Which means, there’s a high chance that we’ll date,” he whispered more while watching my lips.

My eyes widened. I’m left with words. Parang nahihipnotismo niya ako at napapatitig na lamang, tahimik na nag-aabang. Ken smiled and tilted his head to watch my reaction carefully.

“Who’s your first boyfriend?” he asked.

Umiling ako ng marahan. Nagulat siya.

“Wala pa?”

Umiling ako at nangingiti. Umangat ang kanyang kilay at kitang kita ko ang pag-angat ng kanyang kumpyansa.

“Ang swerte ko naman pala kung sakali? Which means I’ll be your first boyfriend, huh?”

Ngumuso ako at tumango. Gumapang paakyat ang pagkakahawak ni Ken sa aking leeg at napunta sa likuran ng aking buhok hanggang ang hinlalaki niyang daliri ay pisngi ko naman ang hinahaplos.

“Let’s not rush if you’re not ready…” I whispered.

“You don’t want to rush? Edi ako lang pala ang sabik na sabik sa ating dalawa?” halakhak niya.

What? Humalo ang aking tawa sa boses ni Ken. Damn it! He’s good at flirting!

“Sabik din naman ako sa’yo. Hindi lang halata…” I said to equal his flirty words. Ako pa ba?

Ken’s eyes widened. Kita ko ang paglingon niya sa may pinto, para bang nababahala na may biglaang papasok at makikita kami. Noong ibinalik niya sa akin ang tingin, lumulunok na siya ngunit ngumingisi.

“Fuck you’re so…” Ken groaned and shut his eyes problematically.

Binasa niya ang nakangiting labi, at noong dumilat, kita ko ang panghihina niya, ang paghinga niyang bumibigat.

I curiously looked down but Ken was so fast. Mabilis niyang hinawakan ang aking baba at iniangat para makalebel lang sa aking mukha.

“Eyes on me…” namamaos ang tinig.

Ngumuso ako. Inabot niya sa bakanteng upuan ang kanyang bag at inilagay sa kandungan. Ngumiti ako lalo na’t alam ko kung anong meron.

Mariing pumikit si Ken at parang pinaparusahan. He rested his head on my shoulder and groaned. I chuckled. Alam ko ang nangyayari…

“This isn’t helping. Fuck. Ang bango mo…” he murmured.

Tumawa ako. Hinayaan ko siyang ganoon. It’s his fault! Nauna siya. I just flirted back. At ako pa talaga na hindi rin inosente, huh?

“So… dinner ulit sa Sunday,” he reminded.

I nodded. Ginagawa kasi naming schedule iyon para kumain sa Restaurant ng kanyang pinsan. Para akong naging VIP customer na madalas doon.

I tilted my head so I can see his expression clearly. Gumalaw ang ulo ni Ken at pahigang humarap sa akin. Nagtama saglit ang aming ilong kaya lumayo ako ng kaonti. Pumikit si Ken at humalakhak.

“Oh I missed. I’ll do better next time and aim for your lips,” he pressed his face on the side of my neck and bark another laughter.

This flirt!

Kay Ken ako nakakakuha ng tsismis. Kahit iyong balita kong may boyfriend si Naia ay kay Ken din. Napag-uusapan din kasi namin si Naia coz she’s one of his close friend. O baka nga, si Naia ang maituturing niya talagang bestfriend? Para kasing ang komportable nila sa isa’t isa. Sobrang komportable ring tingnan ni Naia kay Ken.

I’m quite shock to know that she’s in a relationship. I mean… she’s too cold. She’s almost an ice Queen. Paano nakuha ang atensyon niya noong lalake? Mas kuryoso pa ako sa bagay na iyon kaysa isipin kung ano siyang klaseng girlfriend.

“May boyfriend ba si Naia?” kuryoso kong tanong nang makasabayan ko sa cafeteria si Cassey.

Namimili siya ng mga matatamis. Sabog ng kaonti ang kanyang buhok at nagkakasalubong ang kilay sa pamimili ng bibilhing pagkain.

“Si Naia? Huwag kanang umasa. Magiging matandang dalaga ’yon,” she said without giving too much attention to my question, mas abala pa sa pamimili ng pagkain. “Ito rin po…” turo niya.

So she doesn’t know? I keep my mouth shut and nodded. Bibig pa lang ni Cassey…

“Bakit mo natanong?” takang baling ni Cassey. “May naninira na naman siguro sa kanya sa kabilang Department na malandi siya. Na may nilalanding lalake. Huwag kang maniwala, Franca. Mas bato pa sa bato ang puso noon. Wala nga ’yung crush!”

So she doesn’t really know. Naia didn’t share it to her? Hindi ko din naman malalaman kung hindi nakuwento ni Ken.

“Eh ikaw… sino ang lalake mo ngayon?” tanong ko para malihis ang topic, para hindi na rin mapag-usapan si Naia.

“Taga subdivision. Kaso… err… hardinero!” she looked so offended while talking.

Palabas na kaming dalawa, bitbit ang mga pagkaing binili. Sandwich ang akin, sa kanya ay iyong slice ng chocolate cake na binubuksan niya at meron pang isang chocolate bar sa kabilang kamay.

“What’s wrong kung hardinero?”

“I don’t like poor guys,” her face wrinkled.

Ito talaga ang bulgarang judgemental. Mapanglait na literal hindi kagaya kay Naia na parang patago at sa isip lang. Si Cassey talagang isasaboses.

“What’s wrong with poor guys?” I asked while biting my sandwich.

“Hindi ako maidi-date sa Restaurant! At ano… maglalakad kami? I don’t like it. Masasaktan ako kaya dapat sa mayaman nalang ’no. Kung iiyak man at lolokohin, medyo panatag iyakan kasi alam mo ’yon… guwapo, mayaman. Bahala nang masaktan basta mamahalin pa rin ang dating. I’ll cry expensively.”

Alam ko naman na may kanya-kanyang kabaliwan ang mga tao kaso itong kay Cassey malala.

“Edi kung mahirap, hindi mo na idi-date? What if tipong tipo mo?”

Umiling iling siya. “I’ve never been inlove… Tipo lang. Marami. Crush. Like you know… hottie,” she giggled seductively.

Kinagat ko ang sandwich lalo na’t rinig ko last year iyong pagkaka-link niya sa Captain noong Varsity player sa ibang school. Taga La Salle ata.

“Wala ka pang nagiging boyfriend?” I asked curiously.

“Serious type?” she asked.

Oh? May category pala. Playgirl.

“Ikaw… parang ang hinhin mo, Franca. Mahirap hulaan ang lalakeng nalilink sa’yo rito kasi gusto ka ng lahat. Everyone’s so fond of you,” aniya at kinagatan ang kanyang chocolate cake.

I only smiled and shook my head. I don’t share private informations. At kay Cassey pa? Baka bukas isa na ako na kasali sa talk show lalo na’t malala ang bibig ng isang ’to. Given that she’s an elite, she can spread some rumors effortlessly.

Distracted na ulit ang lahat sa exam. Ang daming gagawin. Noong una, naiintindihan ko na iyon ang rason kaya madalang ang text namin ni Ken.

Nakakapagtext pa rin naman pero hindi na siya masyadong tumatawag. Grabe ba ang effort niya na i-set up sa date si Wayt sa babaeng iyon? Hindi na rin kasi ako pumupunta sa Restaurant nila.

Ken:

I’ll pick you up tomorrow ;)

Ngumiti ako pagkatapos iyong mabasa. Oh at least he remembered! Tomorrow is Sunday. Calm down, Franca. Napaparanoid lang ata ako dahil sa pinagsasabi ni Hiro.

Consistent pa naman siya. Alam ko namang meron pa. I should trust him. Iyon ang sabi ni Ken sa akin, to trust him. Ibigay ko dapat iyon sa kanya.

I always ignore Hiro’s texts. Idagdag pa na nasa bahay siya nila North pag nandoon kami ni Irah. Magsu-swimming sila or mag-iinuman. Ako naman, laging nakakulong sa kuwarto at hindi talaga lalabas.

Kaya noong tumagal tagal, bumaba ako para kumuha ng tubig lalo na’t nauuhaw talaga.

Nasa hagdan pa lang, nahuli ko na agad si Hiro sa sofa, may tinutunggang bote ng beer nang lumingon ang kanyang ulo at nagkatinginan agad kami.

Iniwas ko ang tingin at humawak sa gilid habang bumababa. Hinagod niya ako ng tingin sa marahang paraan. For Pete’s sake… naka shorts pa ako at malaking t-shirt ni North na kinalkal ko lang sa kuwarto niya.

“Franca! Pizza,” anyaya ni North nang mapansin ang pagbaba ko.

I smiled and shook my head. Binawi ni Hiro ang tingin at itinuon sa ibang dako. Deritso naman ang aking lakad patungong kusina.

Binuksan ko ang ref. Yumuko ako at kumuha ng maiinom. Ilang sandali lamang, sumulpot si Hiro.

I glared at him. He arched his brow and went to me.

“Inuutusan lang ako na kumuha ng… beer,” sabay turo niya sa ref.

Hindi ako nagsalita at kumuha ng baso. Siya naman ang pumunta sa harapan ng ref at yumuko para kumuha roon ng maliliit na bote ng beer.

Hinawakan ko ang pitsel at nagsalin sa basong hawak. Inilapag ni Hiro ang mga bote sa sahig. Tumayo at kumuha rin ng baso saka lumapit sa akin.

I glared at him again. He arched his brow and pointed the pitcher.

“Pahingi rin ng tubig.”

Huminga ako lalo na’t itinapat niya na rin ang baso sa akin. I have no choice but to pour some water on his tall glass, too.

Nasa aking harapan siya, titig na titig sa akin habang marahan kong sinasalinan ng tubig ang kanyang baso.

“I’m sorry…” he whispered.

Medyo natigilan ako, ngunit nang makabawi ay nagpatuloy sa pagsasalin sa kanyang baso.

Hindi ako nagsalita. Nakatitig lamang sa baso niyang unti-unti ko nang napupuno.

Lumapit siya ng kaonti. Tinulungan niya akong hawakan ang pitsel, tila ba masyado iyong mabigat para mag-isa kong gawin kaya tumutulong siya.

Hiro watched me silently. Ako agad ang bumitaw noong mapuno na ang kanyang baso. Ako rin ang nagpasyang maunang umalis dala ang sarili kong tubig.

Ngunit bago makaalis, humawak na naman si Hiro sa aking braso. Tumigil ako lalo na’t natapon pa ng kaonti ang laman ng tubig.

Irita kong nilingon si Hiro. Kinagat niya ang labi.

“Ayusin muna natin…” he said calmly.

Huminga ako at tiningnan siya sa naninimbang na mga mata. I appreciate he’s being concerned that his cousin might hurt me ngunit iyong hamun-hamunin niya ng pustahan ang pinsan niya, talagang nakakairita.

Yes, he admitted he wants to distract Ken since he doesn’t want him for me. Pero siya ba ang dapat magdesisyon noon?

I looked at his hand. Dahan dahan niyang binawi at ibinaba. Malamig ko siyang tiningnan. My mask fell on the floor, revealing my coldest expression.

“I’ll take full responsibility once it is out of hand,” aniya.

Mas lumala ang lamig ng aking ekspresyon. He’s insinuating something. I couldn’t name it.

Tiningnan ko lamang si Hiro. Nakakapagod nang magsalita. Nakakapagod nang makipagbangayan sa kanya.

“Done?” I asked coldly.

Huminga siya at dahan dahang tumango. Lumabas agad ako roon. Nakita ko pa ang pagmamadaling bumalik ni North sa upuan at nagkunwaring abala agad sa remote kahit pabaliktad niya pang nahawakan.

Umiling ako at deritso ang pag-akyat. Ang inalala ko nalang ay ang pagyayaya ni Ken. Thank God he’s not manipulating Ken’s feelings for me! Dahil kung pati iyon pakikialaman ni Hiro, ewan ko talaga.

Sunday. Bihis na bihis na ako. Tuwing eight niya naman ako sinusundo. It’s always his treat. Whole meal lagi ang nararanasan ko roon with different course. Busog ako lagi.

Iyon ang iniisip ko habang sinusuklay ang buhok, patingin tingin sa cellphone at muling ibabalik sa repleksyon sa salamin.

I wore a white dress this time. Kaya ko rin kasi gustong gusto ang puting damit dahil lumilitaw ang kaputian ko. It’s like I’m glowing.

Handa na ako wala pang Eight. I just need to wait for Ken’s text. Hindi pa naman nagrereply.

Noong una ay medyo hindi pa ako nababahala. Bumaba pa ako at sa sala naghintay. Nakasandal sa sofa habang nanonood ng movie sa tv.

“Date ulit?” nangingiting tanong ni Manang Jema.

I only smiled. Humagikhik siya at nagtungo sa kusina, hindi na nang-usyoso kung sino ang kasama.

Kumurap kurap ako nang maramdaman ang pagkakaantok. Humikab ako at natanaw sa gate ang pagdating ng kotse ni Dad. Huh? It’s already Ten?

Binuhay ko ang screen ng aking cellphone at walang text doon. Nakabalandra rin ang malaking ten-thirty na oras.

Nakita ko ang pagpasok ng aking parents. Mom looked tired. My father was talking to her while his arm was wrapped around her waist. Noong mapansin ako ng dalawa, kapwa natigil ang kung ano mang usapan nila.

“Nandito ka pa rin?” tanong ni Mommy, lalo na’t nagpaalam ako kanina.

I nodded and smiled. Naninimbang ang tingin ni Dad.

“Is it a date?”

Ngumuso ako. Hinampas ni Mommy ang braso ni Dad.

“Let her. Nagpaalam ’yung bata…”

I waited. Kahit parang pakiramdam ko ay hindi na dadating. Lumabas pa ako ng bahay at sumilip sa may gate. Bumalik sa terasa at doon nagpasyang maghintay.

Nagtipa ako ng mensahe para kay Ken.

Ako:

Tuloy ba ngayon, Ken?

He didn’t reply. Kinagat ko ang aking labi at medyo kinamot ang legs dahil sa dumapong lamok.

Naglabas ako ng alcohol at pinahiran agad iyon. I don’t want to have some red spots! Muli akong tumayo, palakad lakad, titingnan ang gate hanggang sa nangalay ako at nilamig na.

Mga bandang twelve, nagpasya akong umakyat sa kuwarto at sa kama maghintay. Umupo-upo, sisilip sa bintana, babalik sa kama, tayo ulit para sumilip, hanggang sa nagising kinabukasan.

I panicked. Mabilis akong napatayo at tinanaw ang bintana. Nagulat ako nang makitang may liwanag na. It’s already morning!

Natataranta kong tiningnan ang cellphone at nakitang walang text doon si Ken. What… what happened?

Yumuko ako at tiningnan ang suot ko kagabi. Hinaplos ko ang buhok na nagulo. I sighed. Ilang sandali lang ay may natanggap akong tawag galing kay Ken.

Dinampot ko iyon at sinagot. Mura niya agad ang narinig ko at mahabang buntonghininga.

“I’m sorry. Fuck! Did you wait for me last night? I’m really sorry. I forgot…”

I smiled weakly. “Uh, hindi naman ako naghintay. Nanood din kasi ako ng movie at uh… ramdam ko na parang busy ka kaya hindi na rin ako nag-expect.”

Para bang nabunutan siya ng tinik sa kanyang malalim na paghinga. Hindi na ako makangiti pa. I played with the hem of my dress.

“Babawi ako next time…”

“Hmm, alright. Sige. Maliligo muna ako. Napuyat ako kagabi kakanood ng movie,” I chuckled.

He chuckled, too. “Tell me about it, hmm?”

“Sige…”

I am starting to feel it. It’s getting out of hand. Lalo na’t sa mga sumunod na araw, hindi na nagrereply sa text si Ken. Like he just disappear like a bubble.

I couldn’t sleep thinking about it. Hiro predicted it. Hindi ko matanggap ang ideyang iyon, na matutulad ako sa ibang babae na napaglaruan at napaasa.

He’s aware we’re mutual. Ken’s aware with my feelings for him. Kaya bakit hindi man lang ipinaliwanag sa akin? Nagbago ba? Nawala? Did he find another girl?

My heart feels heavy. Yumuko ako at pumikit habang pilit na itinutulog ang sakit na aking nararamdaman. Sa ilang araw na iniisip ko siya, parang nakakapagod. Hindi ko matanggap. Gusto kong tanggapin at unawain kaso mahirap.

Naghintay ako ng paliwanag. Naghintay na baka sakaling maalala. Naghintay na lilinawin sa akin ang lahat, ngunit ang tanging natanggap na sagot ay ang pananahimik at ang biglaang pagkawala ni Ken.

“Narinig ko lahat Ma’am…” sumbong ni George, isa sa mga naging close ko sa Restuarant nila Ken.

“Noong naglilinis ako sa VIP, rinig na rinig ko ’yung sabi ni Sir Hiro kay Aioni. Parang… may kasunduan sila.”

“At si Sir Ken, Ma’am… parang pumuporma kay Marione.”

So the reason why he dropped me all of the sudden because the playboy fell inlove with that girl.

Oh… it makes sense.

“You’re here,” ani Ken nang magpakita ako sa Restaurant ilang araw ang makalipas.

I want to confirm it. Gulat na gulat siya, like he’s not expecting I’ll showed up. May pinagtatakpan siya rito.

“Balita ko… may part time job ka raw dito?” marahan kong tanong.

Panay ang kanyang tingin sa pinto, para bang may kinakatakutan siyang pumasok.

He nodded. “Pero walang sweldo. Kuripot si Wayt,” he chuckled.

I smiled. Kitang kita ko ang nerbyos niya. He looked bothered. Hindi mapakali ang kanyang mga mata sa akin at hindi ako matitigan ng tuwid.

Funny. Halos hindi ito kumukurap noong nilalandi ako ah? Ngayon… nahihiya siya?

“Busy ka ba rito?” I asked more.

Tumango siya.

“Uh… yes. I’m a bit busy here.”

Kaya mahirap mag-explain sa akin? Gaano ba ka busy? Sa sobra bang busy nagka-amnesia siya rito at nakalimutan ang nangyayari sa aming dalawa?

“Hindi kana nagrereply sa akin…”

“Babawi ako next time. I’m sorry,” he said apologetically.

I couldn’t stand it. Parang gustong kumawala ng galit sa akin ngunit pinigilan ko. Hinatid niya ako palabas. Nasulyapan ko pa ang bagong mukha at magandang empleyado.

Malaanghel ang mukha. Maputi. Matangkad. Simple pero maganda.

Noong nasa parking lot na, kitang kita ko sa mga mata ni Ken ang pagsisisi.

“I’m sorry…” parang hindi na nakayanan at humingi siya ng tawad sa akin.

Right. He’s sorry because he knew he’s at fault. Kung malinis ang konsensya niya, hindi siya kakabahan at hindi siya hihingi ng tawad sa akin. He’s even pale… Talagang alam niya na sumobra siya. He’s guilty.

And the only thing I will get after breaking into pieces was his… sorry? ’Yun lang? ’Yun na ’yon? Sorry dahil napaasa ako? Sorry dahil nag-assume ako sa friendly gestures niya?! Sorry?!

“Di mo naman ako girlfriend, ah? You’re free and… you’re not chained to me,” I said in order to calm him.

’Yan lang ang hinihintay niya, ’di ba? Ang marinig mismo sa boses ko na malaya siya. Kahit ako itong ikinulong niya ako sa mga salita niya, sa mga kilos niya.

Malaya siya lalo na’t sino ba naman ako para pagbawalan siya eh wala kaming label, hindi ba?

“We’re good friends,” he said carefully.

Ah… there you go.

Good friends, huh? Sasabihin mo na ’yan sa’kin para malinis ang konsensya mo! Para lumabas na ako ang umaasa at nagpapakatanga sa’yo? Para makatakas ka sa masakit na ginawa mo?

Kaya pala. Kaya pala wala siyang nilalagyan ng label tuwing lalandi para isipin ng babae na kaibigan lang naman. Na hindi naman naging sila. Nakakatakas siya at hindi nasasabit sa bawat babaeng nilalandi niya kaya sobrang bango ng kanyang pangalan sa kanila dahil ganoon ang kanyang estilo.

I nodded inspite of the sudden multiple stab in my chest. Ngumiti ako at nagpaalam. Dinala ko iyon sa aking labi hanggang makapasok sa kotse. Ngunit nang makaupo, nang mapag-isa, nang umaandar na ang kotse palayo sa kanya, sunod sunod na patak ng luha na ang lumandas sa aking mga mata.

30th Ruled

Ruled

Stained

Sunod sunod na hikbi ang kumawala sa aking bibig. Yumuko ako, bigong bigo habang mariing kumuyom ang kamay sa aking mga hita.

He didn’t even bother explaining why he’s cold, why he suddenly left me, why he’s so busy. Hindi niya halos maamin amin sa akin na may iba na siyang pinopormahang babae.

I deserve an explanation for what he did to me but he made a fool out of me! He broke my heart! He made me believe that we’re both mutual! He chained me to his lies! Lahat ng iyon… pinalabas niyang pawang kaibigan lamang dahil hindi nga naman naging kami.

Was he so inlove with her that he forgot to explain his side first? Ganoon ba ako ka walang kwentang babae na isa lamang sa mga nagustuhan niya at ngayong may gustong seryosohing babae ay itatapon lamang ako na parang basura? Damit na pinaglumaan? Walang kuwentang bagay?

Dumaing ako sa sobrang sakit ng aking nararamdaman, nanghihina at nawawasak ang tiwalang ibinigay ko ng buo.

Hindi ako nagpakatanga sa kanya dahil may mga pinanghawakan akong mga salita at pangako niya! Walang magsasabi sa akin na tanga akong babae para maniwala sa kanya lalo na’t alam ko sa aking sarili na pinaramdam sa akin na parehas ang nararamdaman namin sa isa’t isa!

Dahil kung sinabi niyang huminto ako, kung nilinaw niyang wala siyang gusto, titigil ako! Hindi ako lalagpas sa linya!

But no! That jerk made it clear that we’re mutual! That asshole told me promises! That motherfucker made me believe that he’ll pursue me, that we’ll end up as a couple!

Kaya anong pagkakatanga ang ginawa ko kung sa umpisa pa lang, malinaw lahat sa akin ang intensyon niya? Hindi ako tanga! Siya ang gago at paasa!

Lalo na’t hindi ko ilalagay ang aking sarili sa posisyong magmumukha akong tanga sa kanya. Hindi ako magpapakabobo kung alam ko namang wala akong mapapala. But Ken showed signals! Ken told me he likes me!

Hindi lamang salita ang ibinigay niya lalo na’t pati sa kanyang mga kilos ay halatang halata na. Hindi ako nagpakatanga… Siya ang gago. Hindi ako umasa. Siya ang paasa.

“Ma’am…” nababahalang tawag ng driver namin.

Umiling ako. “Please don’t tell this to my father. I just need to… to cry…” my voice broke while wiping my tears but it’s futile. Bumabaha ang aking luha.

Hindi ko alam kung alin ang mas masakit kaya ako umiiyak. Kung ang katotohanan bang ginago ako, kung ang pangtatraydor ba, ang pangmamanipula, ang pagiging paasa ni Ken, o ang nararamdaman kong para sa kanya na dinurog at pinagpira-piraso niya.

Yumuko akong muli, bigong bigo. Nanginginig at halos hindi ko agad matahan ang sarili. Paulit ulit na nakikita ko sa aking isipan ang memorya ko kay Ken. Ang mga araw na magkasama kami. Ang mga araw na pinasaya niya ako. Ang mga araw na pinanghawakan kong ebidensya na may pag-asa kaming dalawa.

But those memories were all trash! Galit, poot, hinanakit, pagkamuhi, parang pinaghalo halo ang lahat ng emosyong iyon at sumasaksak sa aking dibdib, kumakawala ang pagkasuklam na gusto kong manakit.

I will never forget this! I’ll make sure I’ll break his heart, too! Sisiguraduhin kong mararamdaman ni Ken ang lahat ng ito. Sisiguraduhin kong iiyak siya sa sakit, magsisisi sa paglalaro sa puso ng isang babae, at mararamdaman ang pangta-traydor!

Hindi ako nagkulang sa paalala! My intentions are clear! Kaya ngayong gagaguhin niya ako, pasensyahan nalang. I will never hold back. I will put him to my own spot. Sisiguraduhin kong mababasag ang puso niya. Sisiguraduhin kong iiyak siya sa sakit. Sisiguraduhin kong mararanasan niya ang mga katarantaduhan niya!

At kung nakaligtas man siya sa maraming babaeng pinaglalandi, nakawala nang malinis ang konsensya, pwes sa akin siya mapapatid. Sa akin siya magkakamali. Sisiguraduhin kong ako ang papataw ng parusang nararapat sa kagaya niya.

Bumukas ang malaking gate. Malakas ang aking kumpyansa na walang tao ngayon sa bahay lalo na’t wala si Mommy at Daddy, nasa kompanya.

Deritso ang aking lakad paakyat. Itinuloy ko ang pag-iyak sa kuwarto. Ibinaon ko ang mukha sa aking kama at iniyak lahat ng nagpapasama ng aking loob. Nakakabingi.

Halos tulala ako noong magpasyang maligo. Nakaupo sa bath tub, natuyo ang buhok ngunit wala nang mailabas na luha sa kakaiyak.

I feel numb. Hindi ko maramdaman ang aking sarili. Isang katok ang nagpamulat sa akin sa reyalidad. Tamad na lumingon ang aking ulo. Nagpatuloy ang katok, nang walang sumagot, tumigil.

Binawi ko ang tingin at ibinalik sa kawalan. Hinaplos ko ang buhok at naramdaman agad ang pangungulubot ng aking mga daliri, hudyat na sobrang tagal ko na sa loob.

Hindi ako kinulit sa gabing iyon. Tahimik ang aking kuwarto. Naka off ang aking cellphone. Nakabukas ang veranda habang naroon ako, nakaupo at tahimik na tinatanaw ang maliwanag na buwan habang humahalik ang malamig na hangin sa aking katawan.

I saw how the sky changed its color. From pitch black to golden hue. My eyes squinted. I licked my lowerlip and realized it’s already morning.

Wala akong energy. I don’t know how to move with efforts. Nanatiling nakaupo, parang hinihintay ang senyales sa langit kung anong parusang ipapataw sa nangahas na manakit sa akin. O kung anong klaseng pag-uumpisa ang gagawin para lamang makalimutan ang sakit na isinampal sa akin.

Nagbihis ako ng uniporme. Natigilan nang makita ang sarili sa salamin. I looked so pale. Tinitigan ko ng maigi ang mukha ko sa salamin. I always think that my beauty isn’t average. Maganda naman ako. Lalo na’t idagdag rin ang kaonting lahi ng Chinese kaya maputi at singkit ng kaonti. I have a small face, pointy nose and cute chin.

Ngunit habang tinititigan ang sarili, unti-unti akong napapaisip, unti-unting nakukwestyon kung anong mali sa akin.

I sighed and smiled flatly. Baka… sa ugali? May nagawa ba akong mali? Baka may hindi siya nagustuhan? Baka naturn-off? Kaso kahit anong halungkat ko sa aking isip, parang wala naman.

Kaya hindi ko maintindihan kung bakit parang laruan lamang na pinaglumaan noong itinapon niya dahil lamang nakahanap na ng bagong pagkakainteresan.

Kinagat ko ang aking labi. My eyes watered as I looked at myself again on the mirror. Hinubad kong muli ang uniporme, naka-undies na ibinagsak na lamang ang sarili sa kama.

Pumikit ako ng mariin at gustong ilunod ang sarili roon. Triple ata ang sakit ngayong malinaw na sa akin ang lahat. Ngayong wala akong hinihintay dahil nakuha ko na ang sagot.

I started crying because of so much frustration. This time, alam kong hindi na dahil napaasa kundi para na lamang sa aking sarili. Para bang may namatay sa aking loob kaya ganito kung magluksa.

Isang linggo ata akong absent. Nagmumukmok lamang sa kuwarto, tinitingnan lang ang pagsikat ng araw habang nakaupo sa balkonahe ng aking kuwarto.

Laging may kumakatok, hanggang sa gabing iyon, gumamit na ng susi para mapasok ang aking kuwarto.

“Franca…”

Sumulpot si Mommy sa loob. May dala siyang tray. Hindi na ako sumasabay sa dinner. Gusto kong mapag-isa muna. Ayoko munang may kausap.

“I’m not hungry, Mom…”

“What’s wrong? May problema ba? Balita ko kay Manang Jema hindi ka raw pumapasok?”

Hindi ako umimik. Parang nawalan ako ng lakas para magkwento pa, at ayoko na ring maalala iyon. Pag kinwento ko, parang babalik lang ulit.

Umiling ako. Walang ganang magkwento.

“Nag-aalala kami ng Daddy mo, Franca…”

“Magulo lang ang isip ko, Mommy. Gusto lang munang mapag-isa.”

Walang nagawa ang aking parents. Binigay nila ang gusto ko. Pumasok lamang sa school noong pakiramdam ko ay maayos na. I have no time to fake a smile. I wore the coldest expression I tried to hide in the dark.

“Is that… Franca?”

“Halos makita ko si Irah sa kanya. Kaso… mas delikado.”

“She looked different.”

My hair were down. Kahit kaonting hair clip na nakasanayang ilagay sa buhok ay walang makikita. I walked silently. Deritso ang tingin at walang ganang ngumiti o mamansin sa kahit sino.

Pagkapasok sa classroom, kita ko agad ang tingin na ibinigay ni Naia. She looked at me suspiciously. Ano na naman kayang iniisip nito? I arched my brow and equalled her stares with the same intensity.

Binawi niya ang tingin at hindi nagsalita. Bakit ko nga naman ipapakita sa kanilang lahat na nasasaktan ako? Bakit ko ipapaalam kay Ken na masakit ang ginawa niya?

No. I will fool him just like how he made a fool out of me. Papaniwalain kong hindi ako ang kalaban niya rito. Papaikot-ikutin ko si Ken sa sariling palad ko, hanggang mabaliw siya kakaisip kung anong mali ang nagawa niya.

I will fight him invisibly. Mababaliw siya kakaisip at pagmumukhain ko siyang tanga katulad ng pinaramdam niya sa akin. Mananatili akong anghel sa kanyang mga mata, mananatiling maamo kahit ang totoo, ako ang magiging rason ng ikakasira niya.

At kung makikialam man si Naia sa bagay na ito, hindi ako mangangahas na isali siya. Huwag niya akong susubukan at baka totohanin ko ’yang mga iniisip niya sa akin.

Ramdam ko ang dalawang sulyap ng mga estudyante sa akin. Una ay namamangha, ngunit sa ikalawang beses ay parang lito. Everyone feels like something is off.

Lalo na’t noong sa hallway, nang makasalubong si Ken at Blue na naghahagalpakan, kitang kita ko ang pagkatigil ni Blue at kumurap.

“Franca!” ngisi ni Ken.

Ngumisi ako pabalik. “Hello Ken…”

His eyes sparkled. Para bang nabuhayan ng loob. I passed through them, smirking.

“Parang may kakaiba…” si Blue.

“Kakaiba? Bro you’re hallucinating! Kakaiba naman talaga ang mga Buenaventura,” halakhak ni Ken.

I will wait. I will wait patiently until you’re completely inlove with her. Hanggang sa hulog na hulog kana. Saka kita ilalaglag sa kanya. Saka kita sasaksakin patalikod. Ibabalik ko sa’yo ang ginawa mo sa akin. You don’t deserve that angelic girl.

“Bakit usap-usapan ka sa school?” takang tanong ng isa sa mga naging close friend ko.

She’s a transferee student. Isa sa pinaka-mailap na babae sa school na ito.

“Lagi naman ata akong pinag-uusapan,” kibit-balikat ko.

“Ganda kasi…” iling niya ngunit nangingiting hinaplos ang buhok paatras.

I smiled back. Marami naman akong nagagandahan talaga sa school, pero isa ata siya sa may pinaka magandang mukha. She’s not angelic. Her eyes looked wicked and her smile were always sensual. Bawat galaw niya, kaonting kibot ng labi, napapatitig talaga sa kanya.

Bigla akong may naisip. My decision will probably affect her. Hindi ko alam kung… kaya ko bang magpaalam.

Given to her past experience, baka masaktan ko siya. Masasaktan siya. I don’t know how to put things from it’s right place. Ayoko na ring manatili rito.

Hindi pa naman buo ang pasya pero iyon na ang tumatakbo sa aking isipan. I want to transfer. I want a new environment. Pinag-iisipan ko pa.

Dumadaan ang mga araw na may hinihintay ako. Para lamang nakaabang na may umapak sa butas para mahulog sa bitag ko. I never dreamed of hurting Ken. I never dreamed of hurting the people around me. Ngunit kung uunahan nila ako, hindi ko rin maipapangakong tatahimik ako at palalampasin ang gagawin nila sa akin.

Being nice is abusive. Naaabuso kana nga, naaabuso mo pa ang sarili mo dahil hinahayaan mo ang mga taong saktan ka.

Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba na ang pananakit pabalik ay makasalanan. Bakit hindi nila pagsabihan ang mga taong unang nanakit? I don’t need one sided opinions. If they can’t understand me, then that’s not my problem anymore. Kanya kanyang buhay. Kanya kanyang batas.

My life. My rules.

“Miss Buenaventura. You’ve got low grades. You didn’t submit your outputs last time at ngayon naman itong low score mo sa exam. What happened, hija?” concerned na tanong ng Prof noong hapong iyon nang maipatawag ako.

“I’m sorry Prof…”

“Balita ko ganito ka rin sa major subjects mo.”

Yumuko ako at hinaplos ang aking siko. Aaminin kong hindi maganda ang performance ko sa nagdaang araw. I couldn’t concentrate. I couldn’t even sleep. Lagi akong natutulala. Pinag-iisipan ko lagi kung bakit ko naranasan iyon. Kung may mali ba akong nagawa. Kung saan nagkulang.

Lagi akong napapatawag para sa aking grades. Lalo na’t bagsak din sa exam dahil pagkatapos mangyari iyon, exam week sa mga sumunod na araw kaya kahit study, hindi na nagawa.

Lumalagapak ako.

“Miss Buenaventura,” the prof called me.

Kumurap ako at wala sa sariling inalis ang tingin sa bintana para ituon sa harapan. Everyone’s watching me. Kahit si Naia, malalim ang paninitig.

“Yes Prof?” Tumayo ako.

Iritang hinubad ng Prof ang kanyang salamin at mariing tumingin sa akin.

“Nakikinig ka ba?”

Tiningnan ko ang aking mga kaklase. Yumuko ako at hindi umimik. Bumuntonghininga ito.

“Sana ay maalala mong bagsak ka noong nakaraang quarter. Kung nagtuloy tuloy ito, hindi masasalba ang grado mo. You will fail on this subject.”

I nodded weakly. Umupo akong muli at wala sa sariling humilig sa desk para ibalik ang tingin sa bintana. Sa gilid ng aking mga mata ay titig na titig si Naia, tahimik lamang.

Magsisimula nalang ako sa ibang lugar. Pagkatapos kong turuan ng leksyon si Ken, aalis ako.

“Deritsuhin mo nga ako,” matigas ang tinig ni Marione nang magpasya akong kausapin siya.

Pinipigilan pa ako ni Demi. That girl doesn’t like me. She thinks I’ll hurt this girl. Para bang alam niyang isa ako sa mga naging babae ni Ken at nagseselos ngayon kaya handang sirain ang kanilang relasyon.

Oh I’m not even jealous! In fact I feel pity for this girl! Hindi ko pag-iisipan ng masama ang rason ng kasunduan nila ni Hiro at kung bakit siya kasali sa pustahan lalo na’t si Hiro naman ang mapangmanipula. I have no intention to hurt her. In fact, she’s the weapon I want to use in order to break Ken’s heart.

“Pinagpupustahan ka lang ng magpipinsan,” deritso kong sabi, walang pag-aalinlangan.

Gulat na gulat siya, na para bang nakakita siya ng multo.

Hindi ko isisisi ang meron sa kanila niKen lalo na’t isa ako sa mga naging biktima. And if it’s true that Ken’s inlove with her, I hope she’s not! Total kasunduan din naman iyon. Total mukhang may plano rin sila ni Hiro tungkol doon, sana ay hindi niya minahal. That jerk… he doesn’t deserve her!

She’s been fooled. Sinabi ko ang lahat lahat. Walang daplis. Walang kulang. But I will make sure that the first thing she will do is to break up with him.

Ken deserved it. The girl must realize what they did to her. Hindi sana ako makikisali. Hindi ko ilalabas ang bahong iyon. Ngunit isinali ako ni Ken sa umpisa pa lang. Hindi niya nga nalinaw, para pang bulang naglaho sa ere at iniwan akong miserable!

I will never hold back! What he did to me was unforgivable. The heartache, the sleepless nights, the doubts, lahat ng iyon ay naging kinalabasan sa kagaguhan niya!

Kaya tama lamang ito. Tama lamang na maramdaman niya rin ang lahat ng iyon nang matuto siya! He’s too confident because he’s never been fooled. Siya lagi ang nanloloko. Siya lagi ang paasa. Siya lagi ang umaalis at binibitiwan sa ere ang mga babaeng nilalandi niya.

Kaya sapat lamang na maramdaman niya ito sa mismong babaeng mamahalin niya para tumatak sa isip niya na hindi madali ang madurog at mapaasa.

And if he’s serious with her, then he needs to earn her trust again! This time the playboy will taste his own karma. And I will make sure the girl will serve it!

Sigurado akong sasabihin ni Marione ang lahat lahat kay Ken sa matindi niyang galit. At gusto kong ang unang maiisip ni Ken ay si Hiro. Total silang dalawa naman ang nagpustahan.

Ang kaonting pangmamanipula ni Hiro hindi lamang sa babae ay magsisilbing alas ko para silang dalawa ang magkainitan. At walang maiisip si Ken sa akin. Mababaliw siya sa parteng iyon, kung ano nga naman ba ang kasalanan niya?

Ano nga ba ang kasalanan niya? That’s how we reverse it. Let them have a taste of their own medicine so they could savor the bitterness of their actions.

Iyon ang malinaw kong plano. Pagkatapos kausapin si Marione, deritso ang aking pasya na lumipat ng school. Nagtataka ang aking parents ngunit marami na lamang akong nirason para hayaan nila akong sa Davao magpatuloy.

Hindi na ako pumapasok pa. Nag-exam lang at hindi na ulit nagpakita.

Noong Summer ay nag-iimpake na ako. Handa nang umalis. Ang gagawin nalang ay kunin ang aking papers sa school para deri-deritso na rin ang enroll sa Davao.

“Nagquit si Marione, Ma’am…” ani George nang kausapin ko ito.

Nasa loob kami ng kotse. Sinadya kong makipagkita sa kanya para sana kumustahin si Marione.

“Wala ka bang… balita?”

Umiling si George.

“Wala po eh. Bakit po, Ma’am?”

Umiling ako at ayaw nang sabihin ang rason. Gusto ko sanang kumustahin.

May mga nabalitaan ako ngunit hindi ko magawang kumpirmahin kung totoo ba. It didn’t come out, too. Parang pinigilan agad ang balitang iyon para hindi kumalat.

Ngunit nakaabot sa akin na buntis ang babae at… ipinalaglag niya? It sent shivers down my spine. Did she abort the baby because it’s Ken’s…

Para akong namamanhid habang unti-unting naiisip na may batang nadamay. I couldn’t confirm what really happened but it’s slowly scaring me.

She aborted the child because she wants to hurt him? Iyon ba? Oh my God. I hope not. Hindi ako makakatulog kung sakaling.. ang rason ng kanyang desisyon ay dahil sa mga sinabi ko!

I want her to break his heart but not that way! Hindi ko hahangaring may madamay na bata… at mismong… mismong sariling anak niya. Dahil kung buntis nga siya noong panahong iyon at alam ko, hindi ko itutuloy ang binabalak ko.

Mariin akong pumikit. Hindi alam kung ano ang unang iisipin habang papunta sa school.

The students were normal. Wala naman akong napapansing kakaiba tumingin sa akin ngunit laging nagugulat sa aking presensya lalo na’t dala dala ko ang apelyido ng pagiging Buenaventura. Ngunit sa tuwing may mapapatingin, hindi ko maiwasang may maisip na iba.

Some were murmuring things. Some were looking at me intently, and some looked stunned. Ikinalma ko ang aking sarili. Inasikaso ang tunay na sadya, hindi na nagbigay ng interes sa iba pa, at deritso ang lakad patungo sa cr.

Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ang sikip sikip ng lugar kanina. Bumibigat ang aking paghinga. Naghugas ako ng kamay nang mapansing may pumasok.

Sa gilid pa lamang ng aking mga mata, nakita ko na agad ang pamilyar na presensya ni Naia. She looked mad and her eyes were murderous.

This girl again?

Tumabi siya sa akin at kalmadong nagbukas ng gripo para maghugas ng kamay. I remained silent. She purposely followed me. I’m so sure of it.

“Aalis ka?” she asked coldly.

I nodded without saying anything. Bumubula ang aking kamay habang pinapanood ko iyong nawawala dahil sa pagaspas ng tubig.

“Without a proper explanation? Without saying sorry?” deri-deritso ang pagkakasabi niya.

Hindi ako nagsalita. I remained silent.

“Bakit ka nakialam sa relasyong hindi ka kasali?” maingat ngunit mariin ang tingin ni Naia sa akin sa salamin.

Why would I explain my side to her? I don’t need her judgements right now. I don’t need her. Wala akong panahon para pabanguhin at linisin ang pangalan ko sa mga taong marumi na ang tingin sa akin sa umpisa pa lamang.

At ano bang alam ni Naia sa nangyari sa amin ni Ken? Sa kanila ay malinaw na magkaibigan silang dalawa. This girl probably wants me to act like her. To think like her. Gusto sigurong isipin ko ring kaibigan lang ang tingin ni Ken sa akin at ako itong umasa. That I am too bitter to accept the fact that Ken’s not into me. Well, does she even know what’s behind the curtain?

At oo nga pala? Baka gusto nitong ako ang mag-adjust noong nilandi landi ako ni Ken. Total ganoon siya eh. She didn’t confess. Dapat hindi ako nag-assume. Dapat ako ang lumayo. Pinakitaan ako ng motibo. Ilang beses kong nilagyan ng harang ang sarili ko kay Ken at inisip na baka walang kahulugan iyon ngunit palaging ipinaparamdam sa akin na meron!

Ilang beses akong pinatid patid ni Ken! And the angel Franca finally fell.

Kaya sino itong si Naia para pangunahan ang nangyari sa amin ni Ken? Kung iyon man ang iniisip niya sa akin!

“I have no time for you,” paliwanag ko.

Kita ko ang galit na dumaan sa kanyang mukha. No matter how she squeezed me right now in order to know my side, I will never give in. I will never explain!

These people only listen when they want to find some evidence about their judgements towards me. Gusto lamang patunayan na tama ang hinala nila kaya nagkakainteres makinig.

At itong si Naia, nagkakainteres akong kausapin dahil ano? Ngayon pa ba na wala na akong pakialam? Kaya anong karapatan niya ngayon para hilingin sa akin na pakinggan siya kung sa simula pa lang, siya na ang unang nagbingi-bingihan?

Kung sa umpisa pa lang, alam kong masama na ang tingin niya sa akin.

She can’t blame me if I don’t want to open up to her. At bakit ko iyon gagawin? Wala akong pakialam kung madagdagan lamang ang pangit niyang iniisip sa akin. Isipin niya ang gusto niyang isipin! Sisihin niya ako! Bahala siya.

“Ken doesn’t deserve it,” she defended.

As usual. Lagi naman atang walang kasalanan ang lalake. Pag ang lalake ang nangloko, ang sasabihin agad ng lahat ay tanga ang babae, bobo dahil pumatol. Laging nalilihis sa tunay na nanakit. Laging naisasawalang-bahala na ang lalake naman ang nagbigay ng motibo, ang lalake ang nagloko, ang lalake ang gago, ngunit parang ang babae pa mismo ang madidiin at masisisi.

They will call us names. Bobo. Manhid. Bulag. Tanga. Nakakatawa dahil akala mo naman ganoon iyon kadali.

I am so sick of hearing all of it. I expected they will blame me for this. I expected everyone will throw harsh words to me. Ganoon naman talaga.

“Kay Hiro mo sana ibinunton ang galit mo. That guy deserves your wrath more because I know he’s manipulative. Alam ko ang mga pinaggagawa niya para lang makuha ka,” ani Naia nang hindi pa rin ako umimik.

I want to hurt Ken purposely because he deserves it! At anong kay Hiro ko ibubunton? I rejected him! Malinaw iyon at hindi iyon nangahas na baguhin ang nararamdaman ko para sa kanya. Simula pa noon ay nilalandi na ako ni Ken. It was Ken’s own will. Labas si Hiro sa galit ko kay Ken.

Alam ko rin naman. That Hiro’s trying to distract Ken because he wants to guard my heart. Oo at nagmamalasakit siya, mali ang ginawa, ngunit ang puno’t dulo ng galit ko rito ay ang ginawa ni Ken sa akin! His actions aren’t Hiro’s fault.

Hindi ako nagsalita ngunit patuloy na nakatitig sa kanya. Para naman makabawi rin ako sa pagiging tikom ng bibig niya lagi.

“Hindi ka dapat nakialam at si Ken dapat ang kinausap mo,” dagdag niya.

Why would I even talk to him? I gave him so much time to explain his side to me! Ilang beses akong naghintay, ilang beses nilinaw sa kanya, ngunit kahit kaonting salita ay wala akong narinig!

Ni hirap si Ken na sabihin sa akin ang totoo! Hindi niya ibinigay ang hinihingi kong paliwanag na ilang araw kong pilit nililimos ngunit kahit katiting ay wala! Kaya anong karapatan niya ngayon para hilingin ang mga bagay na sila naman ang unang nagdamot!

“Madaldal ka ata ngayon,” sabi ko nang tingnan ang repleksyon niya sa salamin at nginitian ito.

Naia’s face darkened. Mas ramdam ko kung gaano siya ka galit ngayon, para bang lumalaki lamang ang apoy na pilit kong tinatapunan ng mga papel para mas tumindi ang pagsiklab.

Pinatay niya ang gripo ng tubig at humarap ng buo sa akin. Pinatay ko rin ang akin para harapin siya. Humalukipkip si Naia. Humalukipkip din ako, dahan dahang hinagod ito ng tingin mula paa paakyat sa kanyang ulo. I tilted my head and smiled innocently.

This girl kept on judging me and I let it slipped. Kaya ngayong kinakausap niya ako, kinukumpronta, hindi ko maiwasang isipin kung bakit ganito siya ka galit sa akin.

“You think this is funny, huh? If you don’t want our cruel judgements then tell us your side,” she demanded.

Nakakatawa naman. I’ve been judged from the start! Handa lamang makinig ang mga tao hindi dahil may malasakit kundi para patunayan na tama ang iniisip nila sa’kin! Oh I’d gladly fuel their hate.

“Ayoko nga…” I said playfully said to teased her more.

Humakbang papalapit si Naia. Kaonti lamang ang lamang niya sa height ko. Ngunit kung deritsong titingnan ay magkasingtangkad lamang kami.

“Magseryoso ka. Throw your damn mask and stop wearing your angelic face. We both know that’s not the real you,” ramdam ko ang galit niya.

Umangat ang aking kilay. Look at this judgemental Fortalejo. Kahit pa siguro sakalin ako ngayon, hinding hindi ako bibigay kay Naia. I don’t consider her as a friend. I am not comfortable to show my bruise life because she’s blinded by Ken’s pain.

At mas matimbang ang pagkakaibigan nila. Kami? Hindi. Kaya bakit ko pahihintulutan si Naia na makita ang sugat na ginawa ni Ken sa akin? Ngayon niya lamang ako napansin dahil ang kaibigan niya ang nasaktan. Ngunit noong ako ang nasaktan, lahat sila ay nagbulagbulagan.

“Vengeance isn’t always the key in order to make yourself feel better. You’ll only bring chaos to your life,” aniya sa malamig na tinig.

“That’s your own moral. Not mine,” I said.

“And you’re willing to trap yourself in the dark instead of being free from it just so you could get even? Mas masisikmura mong manakit pabalik kaysa mamuhay ng payapa ang isip? Wow. I knew your were something but I never took you to be someone so… pathetic.”

Napaangat muli ang aking kilay sa huli niyang salita. I know what she’s trying to do. She wants to trigger me. Gusto niyang maglabas ako ng saloobin.

At anong payapa ang isip? Naging miserable ako noong saktan niya ako! Anong kaibahan nito sa pananakit ni Ken sa akin! Ngayong siya ang nasasaktan, parang may pakialam agad ang lahat!

“I never intended to hurt them. We all have our self defense, Naia. If your own self defense is to stay quiet, to endure it, then we’re opposite. Hindi ako tatahimik at lulunukin ang sakit habang inaabuso ko ng mga nakapaligid sa akin. I am not selfless like you,” I said flatly.

Natahimik siya, titig na titig at ramdam ko ang kanyang pakikinig.

“I won’t try to bend your morals in order for you to like me. You stand by your beliefs and I’ll stand with mine,” giit ko.

“It will poison you. Kung sa umpisa ay kaya mong baliwalain ang lahat ng ito, alam kong habang tumatagal, mapaparusahan mo ang sarili mo sa pagkakamaling hindi mo itinama ng maaga,” mariin niyang sabi.

Ano pa bang itatama ko rito? I already did it. Wala na akong maibabalik pa. I intended to hurt Ken and I am not sorry for it.

Ngunit kung totoo man iyong nababalitaan kong sabi sabi… kung ang rason ng ikinakagalit niya ngayon ay dahil may batang nadamay kaya ganito siya ka galit, maiintindihan ko.

Dahil nakakapagtaka kung bakit nagkusa siyang kausapin ako. Nakakapagtaka kung bakit ramdam ko ang sakit sa kanyang mga salita.

“Forgiveness… I don’t really believe in that. Yes, I might regret what I did but I can never forgive people who hurt me first,” nailing ako.

“You’re willing to live miserably instead of accepting your mistakes? That’s cruel,” aniya sa dismayadong tinig.

Nagkibit na lamang ako at gusto siyang iwan doon. Medyo nababali na rin sa naiisip na maaaring iyon ang rason ng matinding galit niya ngayon. Na maaaring, totoo nga…

Coz if that’s true, I might hang and kill myself because of what Marione did to her baby.

“Magmatigas ka. Sa huli, ikaw din ang magdudusa,” pagpaparinig niya nang deri-deritso na ang aking lakad dala dala ang isang alalahanin.

Ang maskarang matagal kong sinuot suot para magmukhang anghel ay nabasag nang tuluyan.

The angel Franca was thrown out of heaven and fell down to hell with her wings broken, her heart scarred and her life forever stained.

31st Ruled

Ruled

Kabaong

Mariin akong pumikit nang unti-unti kong nararamdaman ang sakit.

“Ayos ka lang?” tanong ng lalake.

I nodded while he’s slowly poking it. Binasa ko ang labi at kinagat.

“Calm down. Just relax…” ang lalake na bumubulong bulong.

I nodded again, eager to continue. Nararamdaman ko iyon. Tumutusok nang paulit ulit. Dumilat ako para tingnan ang lalake.

“Masakit?” marahan niyang bulong.

“A bit. But it’s bearable…”

The guy chuckled. “Matapang ka…” saka niya pinagpatuloy ang ginagawa.

Parang may nahihiwa sa akin. Pumikit na lamang ako, hindi alam kung tama ba ang desisyon ngunit desidido.

“First time mo pala!” gulat niyang sabi pagkatapos.

Obviously. Tumayo rin at medyo ininda ang sakit. Inabot ko ang aking damit para makapagbihis.

“Maganda ba ang pagkakatattoo ko, Miss?” nakangiting tanong ng lalake.

I nodded and smiled. “Thanks…”

Masakit ang tusok ng karayom at parang hinihiwa ang iyong balat ngunit kaya namang tiisin lalo na’t minimal lang din ang aking pinalagay.

Saka ako tuluyang tumayo. Itinagilid ko ang ulo nang humarap sa salamin. I pulled the neckline of my top so I can see the tattoo branded on my upper boob.

It’s nice. Bumagay sa kaputian ko. Minimal lang at hindi ganoon ka laking tingnan. May meaning din ito.

“Hot miss…” the guy commented.

I only smirked and payed for the service. This tattoo will be a reminder that I am the only one who can rule myself. Ako lamang ang may kakayahang kontrolin at mamuhay sa paraang gusto ko.

Hindi ko halos nabilang sa aking daliri ang mabilis na pag-usad ng panahon. Ayos naman. Medyo nakakalimutan ko na ang nararamdaman ko kay Ken. It didn’t last for so long. Mas nanatili ang galit ko, ang alalahanin sa aking nakalap na walang kasiguraduhang impormasyon.

Naia didn’t told me things about that girl when she confronted me. Hindi rin noon ugali ang magkwento ng ganoon ka pribado. Baka kahit pilitin ko rin iyon, matigas din.

Noong umalis ako ng Manila, hindi ko na kayang harapin pa si Marione. I don’t know. Ayoko ring… kumpirmahin. Ngunit palaisipan lagi sa akin ang pagkukusa ni Naia na lumapit. Ganoon ba ’yon ka babaw para makipag-usap sa akin dahil lang na-brokenhearted si Ken? Edi i-comfort niya! Girl bestfriend siya. Gawain niya ’yon.

Kaso… bakit talagang nagkusa? That girl isn’t petty. Sa tinagal tagal ko ’yung inaasar, ngayon lang nagsalita. And the way she throw her words… halatang may pinanghuhugutan din ito.

Ganoon siya ka galit na parang nabubulag siya at gusto ring iparamdam sa akin ang sakit.

Pinipilit ko laging kalimutan ang parteng iyon ng aking buhay. It’s not my fault. Ang nangyari kay Ken, karma niya na.

Ngunit talaga bang pinalaglag niya?

Wais din talaga ang Naia na ’yon. Hindi nadudulas ang bibig. Sana pala ginalit ko ’yon lalo kasi baka magsalita siya tungkol sa bagay na ’yon. Kaso, handa ba ako?

“Natutulala kana naman,” si Florisse na pinitik ang aking noo nang maabutan akong tulala sa sun lounger.

“Let me see your tattoo,” ani Florisse nang yumuko at sinilip ang aking dibdib.

Hinawi ko ang buhok para makita niya iyon. She raised her brow and nodded. Inilagay ko ang palad sa aking tiyan at pumikit. Ramdam ko ang init na tumatama sa aking balat dahil na rin sa two piece bikini na suot.

It’s Summer. Maraming plano si Florisse na outing. We already told Rehan about it. Pumayag naman at baka next week ay magtatravel na kami.

Tumabi si Florisse at humiga sa kabilang sun lounger.

“I’m still curious why you changed your mind and didn’t finish your study in Manila,” ani Florisse nang inaabot ang kanyang orange juice.

Kuryoso rin si Mommy lalong lalo na si Dad. Sila ang naghatid sa akin dito. Ilang beses nila akong tinatanong at hindi sila naniniwala sa aking rason, para bang nakukulangan lagi.

“Ang Daddy mo iniisip na may tago kang boyfriend at na-brokenhearted. Maiintindihan namin if you want a new environment for yourself coz you’re hurt…” si Mommy na katabi ko.

“Hindi mo talaga sinasabi. Malaman ko lang ’yan…” si Dad na nagbabanta nang tingnan ako sa itaas ng salamin.

“Huh? Wala akong boyfriend. Wala ngang nanligaw, Dad. Tinakot mo pa nga iyong huli kong lalake…”

Binawi agad ni Daddy ang tingin sa salamin at nagpokus sa daan. Humalakhak naman si Mommy.

“Eh kasalanan mo naman pala, Dos!”

I don’t want to involve my parents to my own trouble. Mananatili iyong tago. Lalo na’t mukhang pili lang din sa Delafuente ang nakakaalam ng nangyari sa amin ni Ken. Baka nga si Hiro lang ang may alam ng lahat.

Si Hiro…

I appreciate his concern but I’m mad at him, too. Hindi pa rin tama iyong pakikipagpustahan niya. Kahit malinis ang intensyon niya sa akin, na gusto lamang akong protektahan, mali pa rin.

That villain! He’s willing to dirty his hand in order to protect me! He’s willing to ruin his relationship to his cousin once I’m hurt. Oh… that…

Ayoko nalang isipin pa lalo. Isa siya sa mga gusto kong kalimutan. Ngayon na malayo na ako sa Manila, wala nang rason para magkita kami. Hindi ko na siya makakasalubong, matatanaw, o makakausap pa.

But whenever I think about it something feels weird. Kumukunot nalang ang aking noo. He’s the least I like. Kaya parang… nakakapagtaka rin kung bakit iniisip ko siya.

“Ako sa front seat!” si Rina nang sumigaw kaya natauhan ako.

Tumayo ako ng tuwid habang pinapanood ang iilan kong pinsan na pumapasok na sa Ford Ranger ni Rehan.

Abala siya sa paglalagay ng mga gamit sa likuran. Kasya naman kaming apat lalo na’t wala si Irah. Nanatili sa Manila. May ibang mundo rin kasi iyon. Isa pa, busy rin sa pagmomodelo kaya hindi maiwan iwan ang meron doon.

O sadyang may hindi rin siya maiwan kaya nagpasyang doon na lamang magpatuloy pa. Sanay naman ’yon mag-isa. She won’t bore herself. Eh kahit magkasama kami ang dalang lang din naman magsalita.

Distracted ako sa Summer dahil sa aming mga outings. Masaya naman. Kaso napapaisip talaga ako lagi.

Totoo kaya ’yon?

Sa Ateneo ako nag-aaral. Nagshift ako ng kurso. Parang hindi ko na rin kayang i-pursue ang Psych. I lost my connection to it. Ayoko ring… nakakarinig ng topics regarding… pregnancy.

But I’m not even sure if it’s true. Parang ang hirap paniwalaan na nakaya niyang, uh ipalaglag? That’s her own child. Kung ang rason ay ang galit niya kay Ken, ang galit sa nalaman dahil sa sinabi ko, hindi ko alam kung kaya ko bang lunukin iyon.

Kanino kaya ako makakapagtanong tungkol sa bagay na iyon?

“Pinsan ka ’di ba ni Florisse? Nila Rehan?” nangingiting tanong ng grupo ng mga babaeng lumapit sa akin.

Tumitig ako ng ilang sigundo sa kanya lalo na’t may iniisip pa ako. Nakalimutan kong ngumiti agad kaya napawi ang ngiti niya at nahila noong kaibigan palayo sa akin.

“Huwag na natin kaibiganin. Mataray na ngang tingnan si Florisse tapos ’yan parang triple pa.”

Hindi ako ganoon ka approachable hindi katulad ng aking nakasanayan. Medyo naiilang ako. Kung saan saan din kasi umaabot ang aking utak.

Si Florisse ang lagi kong kasabayan sa school. Nagiging close ko rin naman ang mga circles niya. Madali akong naka-adjust lalo na’t kilalang kilala rin sa Ateneo ang mga Chua, idagdag pa si Florisse na Chen, mas naging madali lamang sa akin na makilala rin.

“Hindi ka pure Chinese?” tanong ni Ashton nang tabihan ako.

Nagkasalubong ang aking kilay. Medyo umusog ako ng kaonti at umiling. Paulit ulit na tanong ah? Dapat ba ilagay ko sa noo ko na hindi ako pure Chinese?

“Kaugaling kaugali mo talaga si Florisse,” halakhak niya at umusog lalo.

Nairita ako kaya tumayo. I don’t like these men giving signals that they like me, or they want to be my friends. Ngunit sa huli ay babaliktarin ka lang pala.

These men really know how to play smooth at first. Kakaibiganin ka. Kukunin ang atensyon mo. Unti-unting magpaparamdam. Tapos bigla biglang mawawala.

At sila pa ang malinis ang konsensya niyan ha? Sila pa ang akala mo inapi.

“Ang kuripot talaga pag Chinese. Kuripot magbigay ng atensyon,” isa sa mga lalake sabay tawa nila.

Bahala nang walang kaibigang lalake. Huwag lang mabiktima ulit noong sinasabi nilang friendly gestures. If they want to court me then they should be straight to the point! Baka kahit nasa kama na nila ako, nakahubad at may nanyari, sasabihin pa ring friends lang!

“Nag-eenjoy ka naman dito?” tanong ni Dad noong Disyembreng iyon.

Dito sila lagi nag C-Christmas ni Mommy. Hindi nila maiwan iwan ang trabaho sa Manila. The company needs my father. Ayos lang naman ako lalo na’t nandito sina Lola at Lolo, pati pa ang mga pinsan ko.

“Yes Dad…”

Kitang kita ko ang pagbaba ng kanyang tingin sa aking tattoo. Dahan dahang nagkasalubong ang kanyang kilay.

“Your Lolo informed me about this but I didn’t expect it’s really true…” he looked bothered.

“I told you,” si Lolo nang marinig ang sinabi ni Dad habang umiinom ng wine dito sa sala, naroon siya sa countertop kasama si Lola na may pinagkakaabalahan na mga prutas para gawing shake.

Nakaupo ako sa sofa at nagbubukas ng regalo. Si Daddy na tumabi at parang kuryoso na kung ano itong pinagkakaabahalan ko rito.

“Pinagalitan mo rin sana,” si Dad na sinipat ng tingin si Lolo. “You smacked the shit out of me when I put a tattoo on my skin.”

“Bakit ko pagagalitan? It looks cute on her. ’Yang sa’yo… para kang nademonyo,” biro ni Lolo kaya nagtawanan kami.

My father glared at my Lolo. Lolo winked at me and smiled. I chuckled.

“Si Israel pa ang nag-udyok sa bata na magpa-tattoo, Dos. Sabi ng ama mo ‘Oh you want a tattoo? Let’s go I’ll give you a ride,’” si Lola na ginaya ang tono ng pananalita ni Lolo na gayang gaya niya.

“Sumama ka rin, Lola…” buking ko.

“Kasi excited din akong makita ang tattoo…” si Lola na umaangat ang dalawang kilay.

Huminga si Dad at sinamaan lalo ng tingin si Dad. “You scarred my teenage life. Halos mapalayas ako sa pagtatattoo ko tapos ang anak ko… inihatid mo pa? What kind of betrayal is this, Dad?”

Humalakhak si Lolo. Natawa rin si Lola.

“Ako ang palalayasin ni Tracey kung pinalayas ko si Franca. Besides, if she wants it then she can have it. That’s her skin anyway…”

“And my own skin was yours, Dad?”

“Ngayon ka pa ba magtatampo? Ang tanda mo na. Bumabawi din naman ako. Sa anak mo nga lang.”

Ngumisi ako dahil sinasamaan ng tingin ni Dad si Lolo. Noong ibinalik ang tingin sa aking tats, pilit nalang pinapalambot ang ekspresyon.

“You don’t like it, Dad?” tanong ko.

“Sus makapag-inarte, Dos. Tingnan mo nga ’yang katawan mo,” si Mommy naman na lumabas ng kusina at may dalang bagong bake na brownies.

“I like it…” si Dad na parang nadala na sa pressured kaya nagustuhan nalang.

Ang angkan lang talaga namin ang may kayang sabunin ng ganito si Daddy.

New Year noong nagkita kita rin kaming lahat. I hugged Irah. Ang nakasanayan kong itutulak ako, hinayaan niya. Hinaplos ang aking likod at magkasalubong ang kilay.

“I missed you!” I said.

“Bakit ba kasi naisipang dito mag-aral? Sa sobrang bait mo sa Manila, iisipin ko na talagang may lihim kang pinag-aaway doon. Demonyita ka pa naman…”

Humalakhak ako. Sinamaan ng tingin ni North si Irah.

“Ano ’yang mga pinagsasabi mo?”

Umirap lang si Irah kay North at umalis na sa aking harapan. Nakapamulsa namang lumapit si North, sinusundan ng tingin si Irah na umaakyat na.

North’s face calmed down. Binasa niya ang labi at nahulog ang tingin sa akin. Naglakad kami ni North palabas. Malawak ang backyard. Sa gilid ay garahe at dadaan ka sa kaonting pathway ay naroon ang pool area.

Malalim na ang gabi. Hinihintay nalang na tumuntong ng alas dose para makapag-ingay ang lahat. Inilagay ko ang aking mga kamay sa likuran habang binabaybay namin ang pathway patungong pool area.

“How are you?” marahang tanong ni North.

“I’m fine,” I smiled.

Umawang ang kanyang labi ngunit walang lumalabas na salita sa kanyang bibig. Huminga siya at nagkasalubong ang kilay, para bang pinipilit na ikimkim ang mga gustong sabihin.

He’s friends with Hiro. Hindi ako magtatakang may alam siya. Kaya posibleng… baka alam niya rin ang totoo talaga?

Baka sakaling nakwento ni Hiro? Kung ano talaga ang nangyari kay Marione?

“May nakwento ba si Hiro sa’yo?” maingat kong tanong nang tumigil kami sa harap ng mga halaman.

Kumurap kurap si North, tingin tingin sa paligid, umiiling at hindi makatingin.

“Wala naman. Bakit?”

“Kahit ano?” I asked more.

Umiling iling si North.

“Wala…”

“Hindi niya sinabing… naging kami?”

His eyes slowly widened. Nalaglag ang kanyang panga.

“Wala siyang nabanggit na ganyan. Naging kayo?” he looked so shock, but he’s not mad. “Tarantadong ’yon sabi ko hindi maglilihim!”

“Hindi kasi naging kami, North. Kaya hindi niya talaga sinabi,” ngiti ko at mas hinanap ang kanyang tingin. “So you mentioned wala siyang nabanggit na ganito. Which means… may mga napag-usapan kayo?”

North looked cornered. Binasa niya ang labi at nagulo ang buhok. Umiling siya, kahit nahuli na, tatanggi pa rin!

“Wais ka talaga…” halakhak niya.

“Ano nga?” I asked since I’m eager to know what really happened.

Umiling si North, nagkakasalubong ang kilay, sumeseryoso.

“Nangako ako roon. Hindi ko pwedeng sabihin.”

Which means ay alam nga ni North! Kinabahan ako. North isn’t secretive but he’s willing to keep a secret if it will hurt someone’s feelings.

“Ano nga…” pangungulit ko.

Umiling pa rin si North, desidido.

“Huwag kanang makulit…”

North didn’t mention anything. Kahit kaonti, ni isa ay wala at nililiko ang topic. Ni hindi niya nakwento si Ken. Hindi rin nabanggit ang aking pag-alis ng biglaan sa Manila at paglipat dito.

Para bang ingat na ingat siya sa sariling salita at ayaw madulas. Ayaw may masabi.

Buo naman ang aking pasya na dito nalang sa Davao manatili kaso noong nalaman ang nangyari kay Irah, iyon din ang naging rason para muling makita ang mga Delafuente.

Ang pag-iingat kong huwag silang makahalubilo ay parang isinusubo sa akin ng impyerno.

Kakadating lamang, dumeritso na ako sa aking angkan. Irah looked at me curiously, like something’s wrong with my body.

I looked at myself. I’m wearing black stilletos, fit sky blue jeans, and black sleeveless top while the tattoo on my upper boob was revealed.

Siguro dala na rin na ngayon niya lamang nakitang naka cat eyeliner ako. I always wear it in Davao.

“You’ve changed,” she commented. “Not the angelic type…”

I arched my brow. Pinasadahan ko ng haplos ang buhok paatras. Sumabog ang aking curtain bangs na naramdaman kong nagkumpulan sa bawat gilid ng aking mga mata, ang iilan ay umatras at medyo gumulo ng kaonti ang malambot na alon ng aking buhok.

“Boyfriend?” I asked and looked at Toshi from the Delafuente clan.

Nahuli ko ang pagsulyap ni Hiro, ngunit walang pake ko ring binawi ang tingin bago pa magbanggan ang aming mga mata.

I don’t want to looked at his image. I don’t want to see his details, the changes, everything. Ayokong mamalagi sa isip ko.

Irah didn’t answer but it’s obvious. Noon pa man ay alam ko nang gusto niya si Toshi. Ilang beses ko rin siyang inasar asar sa bagay na ’yon. At ang pikunin, mabilis na magagalit.

Ngayon na sila na, medyo may parte sa akin ang hindi na rin nagulat pa. Humalukipkip ako at hinaplos ang pendant ng aking kwintas, ayaw na lamang magbigay ng komento sa bagay na iyon.

Si Irah naman ang magiging pamilya nila, hindi ako.

Seryoso lamang ako at tahimik habang nakaupo na. Walang sinasalubong na tingin sa kahit isa sa magpipinsan. Zera looked at me with curiousity. I can see her watching me on my peripheral vision. Magtatagal ang tingin pero babawiin din naman.

Siguro ay naninibago rin sa ayos ko, sa halos limang taong lumipas ay bigla akong nakita na malayo sa nakasanayan nilang dating imahe ko.

I know I looked prim and proper back in highschool and college days in Manila. Parang hindi makabasag pinggan. Laging may hair clip sa buhok at palangiti.

Unlike now.

Malayong malayo na ako sa dati kong sarili. Humaba ng kaonti ang aking buhok, hindi naman nadagdagan ang katangkaran, siguro alam kong may pagbabago sa pisikal at nagmature din ang katawan.

After the hearing, lumapit si Ken sa akin. He looked serious but calm. I can sense the temper he’s wearing. Parang bomba na sasabog at pinatay lamang ang oras para hindi makapagpatuloy.

“Can we talk for a bit?”

Naalala ko ang huli naming pag-uusap pagkatapos kong sabihin ang lahat kay Marione. It was seconds.

Pahapyaw lamang ang aming naging pag-uusap sa araw na iyon at siniguradong wala siyang maiisip na mali sa akin. He’s probably blaming Hiro until now. Ang kagustuhan kong baliwin siya kakaisip, magmukhang maamo sa kanyang mga mata ay naisakatuparan ko.

Bakit ganoon? Why can’t he admit that he hurt me? Talaga bang friendly gestures lang ang tingin niya sa nangyari sa amin noong mga araw na ’yon? Ano ba ang may malalim na ugnayan sa kanya? Nasusukat ba iyon sa kama? Sa halikan? Dahil hindi kami umabot doon pakiramdam niya ay walang tunay na namagitan sa amin at pawang magkaibigan lamang?

Disappointing.

Pinagbigyan ko ang gusto ni Ken. Lumabas kami at naghanap ng pwedeng lugar kung saan makakapag-usap. Kinakain na ng dilim ang kabuuan at six-thirty na ng gabi. Hindi kami masyadong lumayo lalo na’t iniwan ko lang din ang aking angkan.

May nakitang café kaya doon nagpasyang pumasok. I didn’t order much. Nakikita ko ang kawalang gana sa mga mata ni Ken, nakasandal sa upuan at nakabukaka habang ang kamay ay pinaglalaruan ang hawak na card sa lamesa.

“Kumusta ka?” Ken asked softly, like he’s trying to be gentle.

I’ve changed. Looking at him right now, I felt like he’s not the person I liked from the past years. Hindi siya ang taong nagustuhan ko.

Nakatatak sa aking isip na tama lamang ang ginawa ko. He hurt me first. Kaya wala dapat akong pagsisihan. But then looking at him right now, his weak eyes, his pale smile, I couldn’t help not to think if… it is right to punish him.

“I’m fine. Ikaw?”

“Gusto ko lang linawin ang nangyari years ago, Franca. Were you mad at me?”

Hindi ko inaasahan. He looked devastated. He looked so lost. Kung wala lamang akong narinig, baka palihim akong mapangiti dahil dinanas niya ang gusto kong maranasan.

Ngunit hindi ko maiwasang isipin na baka… maaari ngang totoo?

I was so lost to my own thoughts when his face darkened, his hand turned into fist. Lumingon ako sa ibang dako, tiningnan ang waiter na abalang nagseserve sa kabilang table.

“My baby died…”

My eyes slowly widened. Nanatili akong kalmado ngunit pakiramdam ko’y gusto ang buo kong sistema. The confirmation I’ve been trying to confirm was finally here.

Kahit nakaupo, parang may lindol na naganap kaya hindi tuwid ang aking tingin, hindi deritso ang pakiramdam, at parang nahihilo sa narinig.

“She aborted our child. Ayaw niya raw matali sa akin kaya iyon ang naisip niya,” he chuckled but I can feel his anger.

Hindi ako makapagsalita. Hindi makagalaw. Pakiramdam ko’y parusa ang bawat salita, isang hatol na kailangan kong pagbayaran.

Oo at pinaghihinalaan ko ito. Na marahil ay totoo. Kung sa nagdaang taon ay nakaya kong isawalang bahala, ngayon ay parang ako mismo ang humihila sa aking mga paa pabalik sa hukay.

Buong akala ay nakagapang palayo, buong akala’y nakatakas sa libingang nakahanda, ngunit isang salita lang ay kusa ko na atang itatapon ang sarili sa bangin.

“I’m mad at her for killing our child,” he continued.

Nanatiling tikom ang aking bibig. Pag bubukas iyon ay parang bubuhos agad ang iyak na nag-aabang at bumubukol na sa aking lalamunan.

“Bakit mo dinamay si Marione sa araw na ’yon?” deritso ang kanyang tingin sa akin.

Nanatili akong tahimik. Funny. This is so funny but the sudden revelation of the death of his child weakened me. Parang tinahi ang aking bibig ng mga isiniwalat niya.

“Enlighten me…”

Binawi ko ang kamay na nasa table at inilagay sa aking hita. Kumuyom iyon. Parang umurong ang aking lakas. Gusto kong tumakbo at umalis. Gusto kong magtago sa sulok, malayo sa lahat ng Delafuente.

He licked his lips.

“Gago talaga si Hiro,” may galit ang kanyang tinig, kumuyom ang kamao at dumilim lalo ang ekspresyon.

I couldn’t talk. Oo at gusto kong isipin niya noon na si Hiro ang kalaban niya rito total sila ang nagpustahan para magsilbing patikim ko rin iyon kay Hiro na mali ang pangingialam niya ngunit ngayong mas mabigat na ang dahilan, ngayon na may batang nadamay, parang hindi ko na alam.

Ayokong si Hiro ang nadidiin. Ayokong si Hiro ang maging malinaw na maisip sa lahat ng naging kagaguhan niya noon sa akin ngunit hindi ako makapagsalita.

I don’t want more of these trouble! I don’t want to hear more of these! Gusto ko nang umalis!

“Hindi ko masikmura ang pagiging mapangmanipula niya,” dagdag niya at parang manununtok na ata kung kakalibitin man.

Hindi ko halos marehistro sa aking utak ang nangyari at mga pinagsasabi ni Ken, ang mas matimbang ay ang katotohanang sumampal sa akin. Pakiramdam ko’y nasa butas ako, iniisip ang desisyong ako mismo ang nagtulak.

I pushed Marione in order to kill her child! I was the one who pushed her!

Nanginginig, hindi ko halos matingnan si Ken nang tumayo at handa nang umalis.

“I…. I need to go…” atras ko.

Ken just stared at me, nodding defeatedly. Pagkatalikod, deri-deritso na ang aking lakad ngunit nanlalambot ang mga paa. Nakaya ko pang makarating sa parking lot. Nakayang hanapin ang susi sa aking bag ngunit sa taranta’y nahulog ko.

Dinampot ko iyon ngunit bigong napaupo sa sahig, deri-deritso ang hikbi at mariing pumikit dahil sa sunod sunod na patak ng luha sa aking mga mata.

Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang isang kamay ngunit isang malakas na iyak ang aking nailabas. Yes Ken deserved my wrath but he doesn’t deserve to lost his child! Hindi na ako ganoon ka sama para pangarapin ang ganoon ka sakit na mararanasan niya!

Ang tanga tanga! Hinampas ko ang sahig nang paulit ulit, kung pwedeng iuntog ang ulo para lamang makalimot ay gagawin ko.

I didn’t mean… I didn’t mean to kill their child! I didn’t mean to hurt Marione! Hindi ko binalak na maging ganoon! Ang gusto ko lang ay maramdaman ni Ken na mawasak ang puso niya ngunit hindi ko pinangarap na mamatayan sila!

At mismong anak… mismong anak nila! He’s mad at her for killing their child! Hindi dapat ganoon! Hindi ganoon ang gusto ko! Hindi iyon ang plano ko!

I clutched my chest and punched myself repeatedly. Sumigaw ako sa labis na sakit, dahil pakiramdam ko, malalagutan ako ng hininga sa nalaman.

“Ma’am… ayos lang po ba kayo?”

Binging bingi ako sa mga oras na iyon. Hindi ko matanggap at hindi rumerehistro ang buong pag-uusap namin.

Ramdam kong pinagkakaguluhan ako sa parking lot, ang guard na parang nagtatawag ng ambulansya, at ang iba na nakikiusyoso. My cries were loud, uncontrollable and disturbing.

May dumalo sa akin, umalalay at pinatayo ako. I couldn’t stand. Gusto kong bumalik sa sahig at magpalamon. Umiling ako, tinutulak kung sino man iyon. Para akong nabali at hindi na maibabalik ang pagkakatuwid kaya hirap tumayo.

“Ang susi niyo po,” isa sa mga lalake ang nag-abot.

Kinuha ko iyon habang umiiyak at muli iyong isinaksak sa gilid ng pinto. I can feel my shaking hand while trying to open the handle recklessly.

“Ma’am? Ayos lang po ba kayo?” they asked repeatedly.

“Baka mabangga pa ’yan!” usisa ng iilan.

Hindi ako nakinig, deritso ang pasok at handang paharurutin ang kotse makalayo lamang.

Ang mga nakiusyoso ay nahawi. Hinayaan niyang makaalis ako. To my panicked, I even bumped on someone’s bumper. Siguro’y nagasgasan ngunit desidido ang pag-alis.

Hindi ko na iyon inisip pa, iniliko ang manibela at pinaharurot iyon. My tears flowed like a river. Pabalik balik sa aking isip ang mga mata ni Ken, ang salita, ang pagkabigo.

Hinampas ko ang manibela at inuntog ang aking ulo. My car made a loud noise. I maneuvered my car from the side and made a loud cry.

Hindi ko… hindi ko gusto ang ganoon! Wala akong intensyon na may batang madamay! Dahil kung alam ko lang… kung totoong buntis siya noong araw na iyon, hindi siya mismo ang aking lalapitan!

Nanginginig ang aking mga kamay, nanlalabo ang mga mata at hirap pang huminga dahil sa tiyan kong hinuhukay, sa hanging bumabara na lamang sa aking lalamunan.

I parked the car recklessly, ni hindi tuwid at basta basta ko nalang inihinto sa gilid. I couldn’t breathe! The size of the car is just too small for me! Isang kalabit sa pinto ay nahulog agad ako palabas dahil wala nang pagdahan dahan pa, halos gumapang para lamang makahinga at nagsisimulang magsuka.

My cries coated to my vomit. Pumikit ako ng mariin habang nanghihinang yumuyuko sa bermuda grass at nauubong niyakap ang humihigpit na pakiramdam ng aking tiyan.

Parang walang hangin sa paligid. Parang ang sikip sikip ng aking damit. Impit halos ang iyak, at sa tuwing naririnig ang boses ni Ken sa aking tainga ay paulit ulit na tinutusok ng karayom ang aking dibdib.

What have I done? Hindi iyon ang aking gusto! Hindi ko intensyong maging kabaong sa walang kamuwang muwang na bata!

32nd Ruled

Ruled

Break

I passed out. Lalo na’t noong nagising ay nasa bahay na. Hindi ko alam kung anong nangyari ngunit sa pagod ko, parang gusto ko agad umalis.

Hindi ko man lang kayang magtagal at bumalik agad sa Davao ngunit parang kalbaryo na ang aking nararamdaman.

Marahas akong napabangon habang hingal na hingal. Mabilis kong iginala ang tingin sa aking kuwarto at wala namang natagpuang kakaiba ngunit mabilis ang tibok ng puso ko. Naghahalo ang takot at panganib dahil sa panaginip na paulit ulit.

I saw them in my dreams, accusing me things. I saw them… pointing their fingers at me, accusing me of killing an innocent child.

Pinisil ko ang mga kamay kong nanginginig. Deri-deritso ang aking paghinga at kapos na naman, parang hinahabol sa reyalidad kahit panaginip lang naman.

Pumikit ako ng dahan dahan at pilit kinalma ang sarili. I feel so scared. I feel like someone’s watching me in the dark. Dumilat ako at binuksan ang lampshade sa gilid.

Nagkaroon ng kaonting liwanag sa kuwarto. Iginala kong muli ang tingin sa bawat gilid, tiningnan ang pinto kung nakasarado ba, ang bintana, ang banyo, at kahit ang walk-in closet ay hindi ko pinalagpas.

Noong makasiguradong mag-isa at walang kakaiba ay nahilamos ko ang mukha. Yumuko ako at napahawak sa aking buhok, mariin ang pikit habang binabalikan sa isip ang detalyado at malinaw kong panaginip.

“You killed my child, Franca…” it was Ken’s voice.

“Ken doesn’t deserve it. You deserve to suffer more,” it was Naia’s vision in my head.

“Ikaw ang mismong nagpalaglag ng anak ko!” it was Marione’s cry.

Dahan dahan akong humikbi habang nakikita iyon ng paulit ulit sa aking isip, ang bangungot na nagpagising sa akin at gabi gabing dumadalaw.

Ayokong balikan ang lahat ng iyon sa aking isipan. Kung pwedeng ibagok ang ulo, kung pwedeng makalimot, gagawin ko. I’d rather lose my memory! I’d rather erase all those things to my head!

I couldn’t confront myself from what’s right and wrong. Kahit alam ko naman kung ano ang tama, para bang mali iyon. At ang mga maling iniisip, pakiramdam ko iyon ay ang tama.

Tumayo ako.

“Florisse! I’ll just pee,” sigaw ko sa pinsan at itinuro ang pinto.

Inaaliw ko lagi ang sarili. Gumigimik kami ng aking mga pinsan. Madalas kami sa Club Echelon ni Florisse at minsan naman ay sa Streetz, ang paboritong tambayan nila Rehan dahil chill lang.

Noong makita ang pagtango ng aking pinsan sa dagat ng mga tao habang kasama ang iilan pang kaibigan sa isang couch at nagkalat ang mga puma-party sa dim na kabuuan ng lugar habang sumasayaw ang neon lights.

Napansin ko ang isang matangkad at naka all black na lalake. May suot itong cap, para bang nagmamasid lamang sa madilim na sulok at hindi pamilyar sa akin ang imahe.

I looked at him curiously. Nakaharap ito sa aking kinatatayuan, nakapamulsa at nakita ko pa ang nakasiksik na baril sa gilid ng kanyang pantalon.

Kinabahan ako bigla. Mabilis kong ginala ang tingin. Is it one of the bouncers? Tiningnan ko ang may pinto at nakita ang mga naka all black din. Muli kong binalikan ang kinatatayuan ng lalake ngunit ang likod nalang ang aking natanaw lalo na’t sumisiksik ito palabas habang hinahawakan ang kanyang cap, sinisiguradong walang makakakita sa kanyang mukha.

Maybe he’s one of these elite’s bodyguard? Mayayaman at kilala ang iilang naririto lalo na’t may ibang nabibilan din sa circle ni Rehan. They bring their guards.

Noong makaramdam ng ihi ay isinawalangbahala ko iyon.

I didn’t think of it too much ngunit buwan buwan ata ay napapansin ko iyon, depende kung nasa matao akong lugar. Laging nakamasid at hindi ko talaga namumukhaan dahil palaging nasa madilim na parte.

Kinakabahan ako lagi. At sa tuwing napapansin niyang napapansin ko siya, tatalikod, yuyuko at aalis.

That man isn’t familiar! Kaya sino iyon? Hindi ko kilala.

Bigla kong naisip ang ginawa, ang mga Delafuente. No… did they sent some men in order to punish me? Pinapamatyagan ba nila ako?

“Lolo. Did you send some bodyguard for us?” tanong ko noong madatnan ito sa sala na nagbabasa ng dyaryo.

“I thought you don’t like it? Iyon din ang sabi ni Dos sa akin. Na hindi ka komportable sa ganoon.”

So… That wasn’t our men? Ibig sabihin… may… may nagpapamatyag sa akin?

“Why?”

Umiling ako at ngumiti. “Wala lang po…”

Nagtagal ang tingin ni Lolo sa akin. Naninimbang ang mga mata.

“I’ll give you one if you want—”

“No it’s fine. Nandiyan naman sila Rehan,” sabi ko.

Kumalma ang ekspresyon ni Lolo. Yumuko ako at hinalikan ang kanyang pisngi. Suot ko na ang aking uniporme para pumasok.

Sumakay ako sa van na naghahatid sa akin sa school pagkatapos magpaalam kay Lola at Lolo. Bumubukas na ang malaking gate nang makita ko ang harap na bahay na may kakapasok lamang.

Tindig pa lang, parang pamilyar. May hawak itong aso at mukhang galing sa jogging kaya umuuwi na.

Namamalikmata lang siguro ako. I can’t remember a young man living on that house. Ang alam ko iyong foreigner na malaki ang katawan at sobrang puti. Likod pa lang noon, masasabi kong may edad lalo na’t ilang beses ko na siyang nasulyapan.

Ngunit iyong nakita ko, parang hindi taga roon.

Laman iyon ng aking isip hanggang sa ma-distract sa lesson. Kahit noong mag cr ay natulala pa saglit sa cubicle habang iniisip iyon.

“Buntis ako Cate… Anong… anong gagawin ko?” I heard some sobs inside the cubicle.

“Gago talaga ’yang boyfriend mo!” isa sa kausap niya na naroon din sa loob.

Lumunok ako at nagmamadaling lumabas. Pamilyar ang tinig na iyon! Parang kaklase ko at naging seat mate ko sa isang minor subject.

Hindi ako mapakali nang sa sumunod kong mga subject nang matanaw siyang tumabi sa akin. Nakikita ko pa ang mugto sa kanyang mga mata.

“Honey,” tawag ko sa babaeng kaklase sa harap.

Kumurap ito at medyo nagulat. I don’t really talk. Hindi rin nang-aapproach basta basta kaya ngayong kinalabit, siguro ay hindi niya inaasahan.

Tumayo ako at medyo natataranta pang kinuha ang aking gamit.

“Palit tayo ng upuan,” sabi ko.

Honey looked at me curiously. Kahit ang katabi niyang si Roland, napatingala na rin sa akin.

“Sige na… palit na kayo,” udyok ni Roland.

Honey stood and picked up her things. Sa gilid ako dumaan para hindi masanggi ang katabi. Kita ko ang kuryosong tingin ng aking seat mate na parang may ibang naiisip.

“Kaya talaga ayaw ko diyan sa kanya. Maarte. Parehas lang sila ni Florisse,” I heard one of my classmate.

“Baka crush si Roland…”

Hindi ko pinansin ang mga bulung-bulungan ng aking kaklase. Nababahala talaga ako.

Ganoon ang ginagawa ko. Iniiwasan ko siyang makatabi. Lagi akong malayo. Ayokong nagkakadikit kami.

“Binili na ba ’yung bahay sa harap?” tanong ko kay Florisse nang magpasyang gumimik ulit sa gabing iyon.

“Parang may buyer na last month? ’Yun ang alam ko,” aniya.

Ibig sabihin… ang nakita ko ay ang bagong buyer. And that man is very familiar.

Anong ginagawa niya rito? Kung si Hiro man iyon, bakit siya nandito?

Isang lagok ang aking ginawa sa inumin habang nakaupo sa stool. Sa gilid ng aking mga mata, muli akong may napansing pamilyar na lalake.

This time I know he’s clearly watching me. Naka itim ulit lahat at may cap. Shit. And Hiro’s here in Davao, too. Paano kung kasabwat niya ’yan? Paano kung totoo nga ang hinala kong pinapasundan ako ng mga Delafuente?

Knowing that Hiro knew what I did, baka ngayon niya lang napagtanto na masama ako. Na ako ang nagtulak kay Marione sa bagay na iyon. Kadugo sila ni Ken! At ngayon na may batang involved, sigurado akong lumipad na ang atraksyon niyang meron sa akin sa taong nagdaan.

Right. Coz he’s here. Marahil ay ganoon nga!

Nilalasing ko nalang ata ang aking sarili para hindi na magising pa sa bangungot kahit malinaw sa akin lagi ang panaginip ko. This time it’s creepy. Sinasaktan ako.

What’s that dream all about? Kinwento ko iyon kay Florisse, kuryoso lalo na’t alam kong may mga superstitious beliefs sila.

“That’s a warning. Someone’s trying to hurt you,” aniya habang kumakain kami.

Bigla kong naisip ang nakikita kong lalake. Ang biglaang pagsulpot ni Hiro rito. Hindi naman ako lumalabas ng bahay ngunit sa tindig na iyon, kahit daplis kong nakita alam kong siya iyon.

Bago umuwi, nagpasya muna kaming dumaan sa Mall. Abala si Florisse na bumili ng top kaya may binili rin ako.

“Ingat, Ma’am… Matulis po ’yan,” ngiti ng salesboy na lumapit at nangingiting pinanood akong hinahawakan ang mga pocket knife.

I want to have one. Just in case. I don’t feel safe.

Tatlong klase ang binili ko. Isang pepper spray, isang pocket knife at isang knuckles. Pepper spray is the best option. Sana ay hindi ako umabot sa puntong gagamitin ang kutsilyo.

Dala dala ko iyon lagi. Ang pocket knife ay sinisilid ko lagi sa aking bulsa kahit saan ako magpunta ay mas sinisigurado ko pa iyon kaysa sa ibang bagay.

Lumabas ako ng 7/11 at kunot-noong iginala ang tingin. Kakatapos lamang ng aking klase. Naglakad lakad ako sa gilid ng Roxas ngunit masyadong matao.

Kung hindi lang may napansing sumusunod, hindi ko bibilisan ang aking lakad. Run! I need to be on public places! Mas mapapansin ako at matutulungan kung nasa mataong lugar ako!

Lumingon ako at nakitang malalaki na ang hakang ng lalake, nakaitim at nakapamulsa sa hoodie, tila ba may tinatago roon. My eyes widened when he started running.

Parang naunang kumaripas ng takbo ang kalabog ng aking dibdib. I couldn’t run as fast as I could because of my frigging shoes with heels!

Nahawakan ako sa balikat. Tumili ako hanggang ilang sigundo ay nahawi ang kamay at narinig ko ang pagdaing nito.

Nang nilingon ko, nasa sahig na ang lalake, namimilit ang mukha sa sakit habang nakakulob doon.

I saw Hiro’s familiar figure. He pinned him down on the floor, like a criminal being arrested from it’s crime. Ang isang kamay ay nakahawak sa ulo, ang isa naman ay ang mga kamay na diniin niya sa likuran nito.

Alam kong may alam siya sa Judo ngunit hindi ko sukat akalaing makikita ko ang tinutukoy niyang kaalaman sa martial arts.

May mga nang-usisa. Nakatayo ako, medyo gulat pa sa imahe ni Hiro lalo na’t madilim ang kanyang ekspresyon at galit na galit.

May inagaw si Hiro sa kamay nito. Mas lalong umusbong ang dilim sa kanyang mukha nang mapagtantong pocket knife iyon.

“What’s your motive?” his voice thundered.

“N-Nahulog niya lang at ibabalik ko sana!” the boy reasoned.

Kumurap ako. Parang hindi kumbinsido si Hiro ngunit tumayo at dahan dahang inilayo ang sarili sa lalake.

“Nalaglag niya kanina noong bumaba siya sa hagdan!” the boy said with so much pain and irritation.

“Is that true?” tanong ni Hiro nang tumingin sa akin, medyo malambot ang tinig hindi kagaya kanina na nanghahamon.

Tiningnan ko ang kanyang kamay. Lumapit ako at kinuha iyon. His jaw clenched.

“That’s yours?” para bang hindi makapaniwala na meron akong ganoon.

Hindi ako makapagsalita dahil pakiramdam ko, isa ito sa mga plano niya. Pakiramdam ko, nahulog na naman ako sa patibong niya.

And what if this is just a set up in order to get my attention? Baka magkakilala silang dalawa at planado ito! At kahit iyong lalakeng sumusunod sa akin lagi, na nakikita ko, ay isa rin sa kasama nila!

Hindi ko halos natingnan si Hiro sa mga mata. Deritso ang lakad ko sa nakaparadang mga taxi at napansing marami palang umusisa sa kaguluhan.

I should stay away from him! He’s a Delafuente, afterall! He’s Ken’s cousin! Sigurado akong ang gusto ng kanilang angkan ngayon ay pagbayarin ako sa ginawa ko!

Everything makes sense. Hindi ko na dapat papasukin ulit si Hiro sa buhay ko. Lalong lalo na ngayon na nababasa ko ang kanyang plano.

“May problema ba, Franca? Namumutla ka,” puna ni Lola pagkapasok ko sa bahay.

“Uh… medyo napagod lang sa P.E. Mano po,” sabi ko at lumapit.

Kunot-noo akong tiningnan ni Lola. Ngumiti ako at nagpaalam agad na pumasok sa aking kuwarto dala dala ang nangyari kanina.

Binuksan ko ang pinto ng  balkonahe at sumilip. Nakita ko ang pagpasok ng kotse sa harap ng bahay. Nakita ko rin ang paglabas ni Hiro at agarang nilapitan ng isang aso para salubungin.

Iyon ang suot niya kanina. Black tshirt and and army green pants! Kahit iyong dog tag na kwintas ay suot niya rin na hindi nakaligtas sa paningin ko kanina!

Mabilis akong bumalik sa loob ng kuwarto at naglock. Sinigurado ko ring nakasara ang mga kurtina. Bumalik pa ako sa ibaba para lang tingnan kung sarado ba ang gate at mabilis na tumakbo paakyat.

This can’t be… He’s here! Anong sadya niya kung ganoon? Hindi dapat siya nandito! Wala dapat siya rito!

Mariin akong pumikit at hinabol ang paghinga. Ayoko siyang nakikita rito! Ayokong nandito ang mga Delafuente! Ayoko silang harapin!

Hindi ko naman iyon ginusto! Bakit ayaw nila akong lubayan!

I am so frustrated. Parang ayaw kong manatili sa bahay lalo na’t alam kong harap harapang nakatira si Hiro sa Woodridge Subdivision, kung nasaan ako.

Hindi ko kayang lumabas sa gate kahit maglakad lakad lang. Lalo na’t tuwing umaga, nagjojogging ito kasama ang kanyang aso at parang pinapasyal niya.

Mas naging triple na ata ang pangyayaya ko kay Florisse na gumimik. She doesn’t drink too much. Sakto lang naman ganoon din ako ngunit minsan ay gusto kong magpakalunod lagi sa alak para deritsong bumagsak at hindi na may maisip pa.

Maingay lagi sa Club Echelon. May iba na pamilyar na ata sa aking mukha sa dalas kong nandoon lalo na’t kadalasan din ay puro sa Ateneo ang palaging naroon.

Naka limang shot ako ng tequila kaya noong magpalakad lakad para hanapin si Florisse ay medyo hindi na tuwid.

Nagtipa ako ng mensahe.

Ako:

I couldn’t find you!

Maybe bumalik sa parking lot at may kinuha sa kotse?

Lumabas ako. Maraming tao roon. Pumikit pikit ng kaonti at hinaplos ang buhok paatras habang humahawak sa gilid ng hagdan pababa para makapunta sa malawak na parking lot sa itaas ng isang Mall, kung nasaan din mahahanap ang Club Echelon.

Nasa may hagdan pa lang, naramdaman ko na naman na may sumusunod. It made me vigilant. Kahit lasing ng kaonti ay parang deritso tuwid ang aking katawan at nilalakihan na ang hakbang.

Lumingon ako at nakita ang pamilyar na lalake. Naka itim lahat suot ang isang cap din na itim. That’s him! Lalo na’t nasulyapan ko pa sa kanyang baywang ang nakaipit na baril.

Niyakap ako ng takot. Mabilis ang aking lakad at nang hindi makontento ay tumakbo.

Noong lumingon ay nakita ko ang pagtakbo niya, hinahabol ako at may kuminang pang kutsilyo na dinukot. What… what the hell! He’s planning to kil me! What the hell!

Pumasok agad ako sa parking lot. Lumusot sa malalaking sasakyan para itago ang sarili. Sumilip ako at nakita ang kanyang mga paghakbang. Dahan dahan at tila naghahanap.

Mariin akong pumikit at dahan dahang yumuko habang binubuksan ang aking bag. Nakita ko ang hakbang niyang papalapit na sa pinagtataguan kong kotse. Lumipat ako sa kabila at ramdam ang panginginig ng aking kamay nang halungkatin ang laman ng aking bag hanggang ang una kong mahawakan ay ang pocket knife ko.

I slowly opened it. Taas baba ang balikat, ang mga luhang nagpapaligsahang pumatak, nanginginig ko iyong hinawakan at muling tiningnan ang paligid.

Doble ang aking kaba ang makitang nawala ito at mukhang natakpan ng iilang sasakyan. Tinakpan ko ang labi lalo na’t parang tatakas na ang hikbi sa akin.

My hands are sweating. Ramdam ko ang lamig ng aking pawis at ang yumayakap na takot.

I need… I need help! Walang tao sa parking lot dahil naroon sa itaas ang lahat! Kaya kung sumigaw man ako ngayon, huli ring masasaklolohan dahil sigurado akong mas mauuna akong mahahanap noong lalakeng iyon at magagawa niya ang kanyang gusto.

Dumilat ako nang may panibagong marinig na yapak ng mga paa. Shit! Mas lumaki lamang ang takot nang mapagtantong nasa aking likuran ito. Nang mapagtantong unti-unting lumalapit.

With my determination to save myself, I hurriedly use the knife! Naiiyak na humarap at mabilis na hinampas sa ere hanggang marinig ko ang isang daing.

The voice was so familiar! Nanlalabo pa ang aking mga mata nang lingunin kung sino iyon. Laking gulat na lamang nang makita si Hiro sa aking harapan na napaatras at mabilis na hinawakan ang tagiliran.

His pained expression flashed. Ang puting tela ng kanyang suot na damit ay unti-unting nakulayan ng dugo. My eyes widened when I realized what I did to him!

Nakita ko ang lalakeng naka itim kanina na nagmamadaling tumakbo palayo. Sa halip na maging magaan ang loob at makawala sa panganib, triple pa ang naramdamang takot nang mapagtantong si Hiro… si Hiro ang napagkamalan ko!

Huminga siya at lumapit. Umiling ako at naiiyak na napaatras habang nakaupo pa rin. I was on the floor, trying to pull myself away from him. Dumaing siya at tumigil, pumikit saglit at binasa ang labi. Itinukod niya ang isang tuhod sa aking harapan habang gumagala ang tingin sa akin.

“Are you… okay?” tanong ni Hiro sa halip na unahin ang sarili!

Nabitiwan ko ang kutsilyong may kaonting dugo. He’s hurt! He’s bleeding!

“Where’s your phone? Call your cousin and go… go home,” namumutla niyang sabi habang hinahawakan pa rin ang tagiliran.

Bigo akong yumuko at natakpan ang mukha. Para akong palakang sumalampk sa sahig, nataob at hirap makawala.

“Please… please stay away from me… Please… I beg…” halos hilingin ko iyon.

Hindi ko kayang magkalapit kami dahil baka ano na naman ang magawa ko!

“I will. But once you’re safe. Call your cousin—”

“I said leave! Unahin mo ang sarili mo, Hiro! Leave!” I shouted and cried.

Binasa ni Hiro ang kanyang labi.

“Give me your phone. I’ll call your driver so he can fetch you—”

“Leave, Hiro! Iwan mo na ako! Hindi ka ba nakakaintindi! You’re bleeding! Umalis kana!”

Halos hindi natinag si Hiro, umiling at desididong manatili.

“Not until you’re safe. So give me your phone first. Aalis ako pag nasigurado kong ligtas kana.”

Nailing ako, dismayado. Naalala ko ang kanyang pangako.

“Anong ginawa niya sa’yo?” tanong niya nang manginig ako sa pag-iyak.

“May masakit ba? Sinaktan ka ba?” deritso niyang tanong at nagawa pang tingnan ang bawat sulok ng aking katawan.

“Bakit ba hindi mo maintindihan ang gusto ko! Lumayo ka! Umalis ka! Kung nagmamalasakit ka sa akin… kung talagang ayaw mo akong masaktan, huwag mo akong lapitan!”

“I know… Just… tell me you’re not hurt,” marahan niyang sabi kahit lumalaki na ang dugo sa kanyang suot.

Pinulot ko ang pocket knife. Sinundan iyon ng tingin ni Hiro.

“Leave or I’ll hurt myself! Leave!” sigaw ko at itinapat iyon sa aking leeg.

Namungay ang mga mata niya. Bigong tumayo si Hiro, umatras ng dahan dahan.

“Put the knife down, please…”

“Leave. Huwag kanang lumapit. Leave…”

Tumango tango siya, mas lalong umatras habang umuukit ang sakit sa mukha. Hindi ko alam kung para ba sa sugat o para sa nangyayari.

“Nilinaw ko sa’yo na wala akong gusto sa’yo. Kaya kung nandito ka at nagmamalasakit na naman, nandito ka dahil sa’yong nararamdaman, pwes hindi mababago ang isip ko! Lalo na’t ngayon… Alam ko ang sadya niyo! Alam ko ang ginagawa niyo! You are trying to hurt me!”

His eyes widened. His jaw clenched.

“Alam kong ang mga sumusunod sa akin… ay sa inyo. Dahil… dahil pinatay ko… pinatay—”

“Don’t ever say that!” he cut me off.

Umiling ako, nakatingala kay Hiro na halos maging kakulay ang dilim ng gabi.

“Pinatay ko—”

“Ako ang may kasalanan ng lahat ng iyon, Torrefranca. You’re out of it,” giit niya sa mariing titig.

Umiling ako. Ako mismo ang gumanti kay Ken. Ako mismo ang nagsabi kay Marione ng lahat ng iyon. Ako… sa akin nanggaling ang mga iyon!

“Wala kang kasalanan. You’re innocent. Ako ang may kasalanan. I manipulated you. Kaya mo ’yon nagawa. Hindi ka nagkusa. I provoked you. I triggered you.”

Umiling ako. It was my own will to hurt Ken. He even tried to stop me. Malinaw iyon sa likod ng aking isip kahit hindi man tanggapin ng aking utak na ako ang punot dulo ng gulong ito!

Hindi niya iyon maaako at mapagtatakpan.

“I will fix this. I will fix this. Give me more time,” halos magmakaawa ang tinig niya.

“Please, Hiro! If you’re willing to break everything! Everything that would hurt me then break your heart!”

Ayoko’ng may gusto siya sa akin! Ayokong may nararamdaman siya! He’s willing to forget himself just to save me! I am not worth it. Lalo na’t sa nangyayari ngayon, mas nanaisin ko pang mamatay na lamang kaysa muli kaming magkalapit sa isa’t isa!

“Stop being inlove with me… Please… Just… just leave me alone,” halos idaing ko iyon habang nakatingin sa kanya, nagmamakaawa na sana ay lumayo na lamang siya.

His shoulder loosened. He licked his lip slowly and nodded.

“Hindi ko na kaya kung papasok ka pa ulit sa buhay ko. Mas gugustuhin ko nalang na ilibing ang aking sarili kaysa muling mapalapit sa’yo!”

His eyes widened. I’d rather hurt him with words right now! Baka sa susunod… hindi ko na alam kung anong klaseng kapahamakan ang maibibigay ko sa kanya. Baka sa susunod, mas masahol pa rito ang magagawa ko. Baka sa susunod, siya ulit ang mapatay ko.

Katulad ng ginawa ko sa anak ni Ken!

“Tama ka! Kasalanan mo ang lahat ng iyon! Mapangmanipula ka! Hindi ko kayang mahalin ang kagaya mo. Walang nagbago sa desisyon ko kaya umalis kana! Hindi kita kailangan!” pananaboy ko habang nakikita ang dugo na walang sawang kumakalat sa kanyang suot.

Yumuko siya ngunit bigong tumango, na para bang tanggap niya ang hatol ng langit at handang akuin ang kasalanang hindi kanya.

Tama lamang na ganito. Tama lamang na layuan niya ako! Lalo na’t ang mga napapalapit sa akin, mapapahamak lamang.

“I told you I will break anything that would hurt you. At kung isa man ako roon, kung isa man ako sa nagpapahirap sa’yo ngayon, magkukusa akong wasakin ang sariling nararamdaman ko,” marahan niyang bigkas.

Nanatili siyang malabo sa aking tingin, nakatayo ng ilang dangkal ang layo sa akin habang namumungay ang mga mata.

“Hahadlangan ko ang mga bagay na babasag sa puso mo. Kahit pa ang sariling nararamdaman ko.”

33rd Ruled

Ruled

Familiar

Naiinis ako sa sarili ko. I noticed it when I was in Davao. Those years I was trying to forget everything, trying to fix what they broke to me, trying to heal myself, I slowly realized I like him.

Marahil ay kakaisip ko ng nangyari kaya ganoon. I was never the defensive type of person. Mahuhulaan ko agad kung nagugustuhan ko ba ang isang tao, kung nahuhulog, o kung may nararamdaman na ba.

But it didn’t last. Lalo na’t habang iniisip ang lahat ng nangyayari, nakakatakot na rin.

I noticed and I immediately killed it. Given to our situation right now, parang ayoko na. I’d rather stop it than fall inlove right now.

It’s a disaster. I don’t want this feelings. Lalo na’t alam ko, pakiramdam ko ay aasa lamang ako at masasaktan. And I don’t want to inflict another pain once I’m hurt. Parang takot akong… masaktan siya. Kahit ang totoo ay nasaktan ko na siya noong huling pagkikita.

It wasn’t for me. I’d rather kill it.

His efforts, his care for me, everything. Oo at nakakaabot sa akin ngunit hindi ako deserving para doon. I will fail him. Baka matulad lang ang sinapit niya sa nagawa ko kay Ken. Masyadong malaki ang pagmamahal na iyon na pakiramdam ko’y manliliit ako dahil alam kong may mas karapat dapat doon.

Hindi ako.

Hindi ko na siya nakita pa simula noon. At kung babalik man siya sa bahay na iyon, sisiguraduhin kong wala na ako sa Woodridge Subdivision. Sisiguraduhin kong hindi nila ako mahahanap.

I couldn’t finish my school. Nasa ikaapat na sana na baitang, halos limang taong lumipas pagkatapos noong nangyari sa Manila. I don’t feel safe. Ayokong nadidikit sa mga tao. They’re giving me too much anxiety. Pakiramdam ko kahit wala namang gagawin sa akin ay pag-iisipan ko ng kakaiba. At baka may magawa ulit ako dahil sa takot ko.

And everytime I’m outside, I feel like someone’s watching me, someone’s trying to follow me. I don’t know if I’m just paranoid, ngunit sigurado akong may nagtatangka sa aking buhay. Sigurado akong pinagtangkaan niya akong patayin noong gabing iyon.

My father sent a bunch of guards for me after that incident. Hindi ko naman nakwento. Wala naman akong pinagsabihan lalo na’t noong gabing iyon, noong sumulpot si Florisse, marahil sa lasing din siya ng kaonti ay napagtakpan ko pa kung bakit ako umiiyak.

“It was for your own safety. Wala ako minsan dito sa Davao. Your grandfather is busy sometimes. Wala si North sa tabi mo. South’s busy, too. Kahit ’yang sila Rehan, hindi ’yan palaging kasama mo,” si Dad noong Christmas.

Mom agreed, too. I understand it was for my own safety ngunit sa tuwing nakikita ko ang mga umaaligid na bodyguard sa akin ay parang dumadagdag pa sa alalahanin ko.

“I only want one, Dad. Ayoko ng marami,” sabi ko habang nakahalukipkip sa sofa, pinapanood si Lola at Mommy na abala sa countertop para sa Noche Buena.

“Five,” si Dad ang nagdeklara.

Umiling ako. I don’t want five bodyguards! Masyadong marami!

“It’s for your own good,” si Dad na tinitingnan ako ng maigi.

“One,” I declared without looking at him.

“Five—”

“I said one,” giit ko at tiningnan si Dad.

I saw how he stopped from talking. Kumurap ako at nagsisi. Hininahon ko ang ekspresyon at bumuntonghininga.

“One please,” I said in a soft voice.

My father nodded. He looked at me suspiciously, para bang may mali kaya ganoon makatitig.

“Franca. Just one word. Who hurt you?” madilim ang ekspresyon ni Dad. “Delafuenfe ba?”

No… I don’t want more troubles! Ayoko nang may koneksyon kami sa pamilya nila! Ayoko nang makagawa na naman ng panibagong kasalanan na hihila sa akin pabalik sa nakaraan.

I’m still chained from the past. Hindi pa lubusang nakakalabas at napapapakawalan ang sarili, parang madadagdagan na naman ng harang kung malalaman ni Daddy ang lahat.

I may be cruel for what I did to Ken, ngunit alam kong walang wala iyon sa gagawin ng aking ama sa oras na nalaman niya ito. He’s ruthless. Hindi siya magdadalawang isip na makipaggyera sa angkan nila kung sakaling nalaman niya ang nangyari.

Ayoko na sa ganoon. Kung pwedeng ako na lamang ang umiwas, ako nalang ang magpaka-layo layo gagawin ko. I don’t want another version of misfortune. That’s enough.

Umiling ako at ipinagsalubong ang kilay.

“Please stop thinking that someone hurt me, Dad. Malayo na ako sa mga Delafuente. Nandito ako sa Davao. Stress lang ako sa aking kurso at nag-aadjust pa.”

“Are you sure?” si Daddy.

Tumango ako kahit hindi ako makatingin sa kanya. Graduating ako sa susunod na taon. Ngunit baka ang mga sumunod na klase ko ay homeschooled nalang. Ayokong lumabas. Ayokong makihalubilo. Ayokong may naiisip na iba.

“Do you want to date? May irereto ako,” si Florisse sa New Year na iyon.

Wala si Irah. She probably spent her New Year with Toshi. Ayos lang naman sa akin. Isa pa, Toshi is Tita Aly’s nephew. Pinsan ni Tita Aly ang ina ni Toshi. Sila nila North at South ang may koneksyon.

“Pass, Florisse,” tanggi ko.

Kumunot ang kanyang noo. “You’ve changed a lot. You’re so quiet. Always distracted. I missed your playful side.”

I’m just tired. I feel like I’m slowly losing myself. Ayoko’ng may pumapasok na bagong tao sa buhay ko. Ayokong may pagbigyan. I don’t want to meet new people.

“Just tired with it. Sa sobrang friendly ko sa Manila, naumay rin siguro ako,” I chuckled.

Tumititig si Florisse ng malalim sa akin. Nauna siyang naka-graduate. Lalo na’t ako ay nag-umpisa rin kasi ulit mag-aral sa Ateneo.

I don’t consider love as romantic anymore. Siguro noong bata ako, noong highschool days o noong kolehiyo.

I find it exciting. I am always eager to confess. Para sa akin, wala namang mali total gusto ko naman iyong tao. I didn’t think too much about it. Hindi ganoon ka lawak ang isipan ko sa salitang iyon.

I witnessed how my father loved my Mom. I witnessed that falling inlove is indeed a perfect fairytale. Kaya siguro hindi ako natatakot na sumugal, hindi natatakot mahulog.

Minahal ko nga siguro si Ken ngunit dahil mas mahal ang sarili, noong sinaktan niya ako ay hindi ako nagdalawang isip na gumanti. Dahil kung mas matimbang ang pagmamahal ko sa kanya, baka kahit saktan siya ay hindi ko kaya. But I did.

It scarred me.

Nakatatak naman sa aking isip na tama lamang ang ginagawa ko sa mga taong nangangahas na saktan ako, sa mga taong walang pagdadahan-dahan at nang-aabuso.

I am not like the rest. I am not like the majority. I have my own belief. I have my own rules. Nirerespeto ko ang tingin ng lahat sa bawat anggulo ng buhay ngunit hindi ko maipagkakailang naiiba iyon sa aking pananaw.

Some might say I’m desperate and weak. Desperate for seeking an explanation, and weak for hurting these people back who hurt me first.

Why do they call it weak? Saan masusukat ang katapangan ng isang tao? Kung paano indahin ang pang-aabuso ng nakapaligid sa’yo? Kung paano manatiling tuwid at hindi nababali sa mga problemang haharapin mo? Ganoon ba ang sukatan ng katapangan?

Dahil kung ganoon man, then I am weak. Coz I will never let them hurt me. Na kahit alam kong hindi tuwid iyong tingnan sa mata ng ibang tao, na ang pagganti ay walang naidudulat na mabuti, naging bulag ako.

But indeed, they’re right. Coz if I could turn back the time, I’d rather kill the feelings I have for him. Iyon nalang siguro para hindi ako nasaktan, hindi ko rin siya nailagay sa posisyong sumugat sa buong buhay naming lahat.

Hindi lahat ng nasaktan at nanakit ay ituturing na biktima. Ang kakaawaan ay ang mga may mabigat na pinagdadaanan kahit ang totoo, sila naman ang nanakit sa umpisa.

And because the pain in their hearts are deeper, their lives became miserable. They will automatically earn sympathy from the people around them. As if they were indeed the true victim. But little did they know, some victims are actually the first assailant. They were the ones who gave the first blow. And the the villains they know of now actually suffered because of them.

Kung ’yon lang ang sukatan ng pagiging biktima, I’d rather face the wrath of people around me. If they can’t see or realize that I’m hurt too, then why would I even consider their unsolicited advices and false opinions?

People judge others based from what they can only see on the surface. Just the tip of the iceberg. But turn a blind eye on what’s underneath. The pain hidden underwater—masked by the darkness.

Hindi naman interesado ang mga tao kung bakit naging masama ang isang tao. They will always side the victim of those so-called ‘villains’ because they revealed themselves as the devils.

Ngunit meron bang nakakapag-isip na ang mga demonyong ito, ay minsan din namang naging anghel?

I doubt it. Most people don’t give a flying fuck about what’s behind the curtain. All they care about is what’s outside the box.

And I don’t want to chain myself from those norms.

Five years of misfortune. It didn’t stop. Minsan hinihiling na lamang na sana ay masagasaan at makalimot. I want all those pain to stop. Pagod na pagod lagi ang isip ko. Those nightmares, they’re scary.

Kusa kong nilibing ang sarili sa lupa. Kusang humiga at kusang tinakpan para magsilbing patay sa aking panaginip. I killed myself. I buried myself alive. Palaging ganoon. Magkakaiba man ang sitwasyon ngunit lagi kong sinasaktan ang sarili para lang huminto ang mga humahabol sa akin. Para lang tigilan nila ako.

At sa tuwing hinahabol ako, abot kamay na halos, sa tuwing nahuhulog ako sa itim na tubig at hinahayaan ang sariling makaabot sa pinakailalim at pagod na lumangoy sa itaas, bago pa man makarating sa dulo, bago pa mahawakan ng mga taong sumusunod, agaran akong nagigising.

It felt so real. Pakiramdam ko’y dilat na dilat ako at nasa reyalidad kaya pag nagigising ay parang nakakatakas sa sarili kong kamatayan.

And there’s always that girl. That girl who always speak to me. She’s not nice. She’s always smiling, like a devil who’s trying to deceive me that she’s an angel in disguise.

And everytime I’ll face her, everytime I’ll see her, I will see my own reflection in the mirror wearing a wicked smile.

It was my evil side. The villain who defeated my heroine. The villain who conquered me. The villain who protected the angel Franca and pushed herself out. The villain who broke my mask.

“Do you like it?” nangingiti kong tanong kay Illisha, ang batang babae na anak ko.

She nodded and smiled a little. She liked cute things. She’s very angelic. Sa liit ng kanyang mukha, mga matang maamo, matangos na ilong, perpektong hugis ng labi, talagang magmumukha siyang manika.

Her hair has curls. Ngunit hindi lang sa ends ng buhok. Kalebel ito sa kanyang mga mata pababa sa dibdib.

Maliit siyang tingnan kaya mas lalo siyang nagmumukhang cute. Siguro kung madadagdagan pa ang kanyang edad ay lalaki rin siya.

“Gusto mo bang lumabas?” tanong ko habang kapwa kami naka squat lalo na’t kakatapos ko lamang talian ang kanyang buhok.

Umiling siya ng marahan. She’s distance. She’s scared to people. Snob siyang tingnan na bata lalo na’t tahimik.

“Ayaw mong maglaro?” I asked more just to convince her. “Mangabayo sa labas?”

“Where’s my father, Mommy?” she asked out of curiousity.

Natigilan ako kakayuko, kakasilip sa munti niyang ekspresyon. Hindi ko iyon masasagot. Dala dala niya ang aking apelyido. Alam niyang Buenaventura siya.

Siguro dahil lumalaki na rin, kaya kuryoso.

“Do you want to see him?” I asked softly.

Hindi ko kayang basagin ang pag-asa niya. Wala akong maipapakilala. Ngunit hindi ko rin masabi ang totoo dahil ayokong masaktan siya.

Hindi ko pahihintulutan ang mananakit sa kanya. Kahit ang aking sarili. Walang mananakit sa anak ko.

Wala na kami ni Illisha sa Woodridge. Wala ring nakakaalam sa kanya. Itinago ko siya bilang proteksyon. Kahit sa aking pamilya ay hindi ko inilantad. Kahit sa aking mga magulang.

She’s hidden. Nasa Davao pa rin kami ngunit sa tagong parte na rito sa Crocodile Park. May nabili akong tanging bahay rito, ang unang makikita pagkapasok mo sa Park.

Hindi naman talaga sa mismong loob ng Crocodile Park kundi sa labas lamang, kung nasaan ang malawak na field. May dalawang daan pagkapasok. Hindi pa nakakarating sa mismong field, nasa gilid ang aming bahay ni Illisha.

Sa harap ng aming bahay na two storey ay ang malawak na field. May mga puno at patag ang bermuda grass, mga daang nasa bawat gilid ay lilim ng puno na pinoprotektahan ka sa sinag ng araw.

May mga taong pumapasok sa Park na ito lalo na’t bukas siya sa publiko at walang entrance  ngunit kaonti rin at puro mga nagjojogging ang natatanaw ko, ang mga batang lalake na nagkaka-interes na maglaro sa malawak na soccer field sa dulo. May mga nagbabadminton din lalo na’t sa sobrang lawak ng Park na puro lamang kahoy, mga kabayo, patag na kalsadang walang kotseng dumadaan, nagiging tahimik at payapa tingnan kaya paboritong puntahan.

Noong nakaraang buwan, may natanaw pa akong prenup shoot na pinanood ko lang sa terasa. The whole place is solemn. It’s a perfect place for me and Illisha.

“Do you want to see your father?” ulit ko sa aking tanong.

Hindi sumagot si Illisha sa aking tanong ngunit ramdam ko ang kanyang pagiging kuryoso.

Patay ang cellphone ko at madalang kong ginagamit. Parang bigla ko nalang pinutol ang koneksyon ko sa mga taong nakapaligid sa akin.

I asked for my space. I asked for my own privacy. Ayokong pakialaman ngayon ang buhay ko. Ayokong may magsasabi sa akin kung paano ako mamumuhay.

May kumatok sa pinto. Napatingin kami doon ni Illisha. Tiningnan ko ang aking anak na kuryoso ngunit parang takot. She’s shy.

“Calm down… Ako muna ang titingin,” I said.

She nodded. Hinaplos ko ang kanyang pisngi saka tumayo at naglakad patungo sa pinto. Sumilip ako sa maliit na butas. Oh… ’yung naghahatid ng fresh milk na paborito ni Illisha.

Dahan dahan kong binuksan ang bawat tarangkahan. May lock sa ibaba, meron sa dulo, iba rin iyong sa gitna.

Sumilip ako. His eyes twinkled with admiration. Ngumiti siya at nangingiting ibinigay ang basket.

“Gatas para sa anak niyo, Ma’am…”

I nodded and smiled a bit. Kinuha ko iyon.

“Kukuha lang ako ng bayad…” sabi ko at inilapag muna iyon.

Tumango agad ito at nakikita kong sisilip pa sa loob. Sinara ko muli ang pinto at nagtungo sa kuwarto. Kinuha ko ang wallet saka rin bumalik para buksan ang pinto at iabot iyon.

Minsan, pinapaiwan ko lang naman sa labas ng pinto. Kaso minsan din ay kusang iaabot sa akin lalo na’t may bayad din.

Medyo pinagkakatiwalaan ko na kahit papaano kaso hindi rin buo. Isang taon na rin kasi itong naghahatid ng fresh milk dito at paborito pa ni Illisha kaya hinayaan ko nalang.

Nag-iingat din naman ako dahil baka nagmamasid lang pala ang lalake. Noong una ay naglalagay lamang ako ng note sa labas ng bahay na iwan doon pero at ngayong month lang talaga nagbubukas ng pinto.

Nakita ko ang unti-unting paglubog ng sikat ng araw. Nagiging kulay kahel na ang langit na humahalo sa dilim.

Tulog si Illisha. Antukin siyang bata. At sa tuwing tulog siya ay nagpapasya akong mangabayo sa labas.

Simula noong dumating siya sa buhay ko ay naging payapa na ang aking pamumuhay. Naging masaya ako. Para akong nakapasok sa mundong para lamang sa amin, iyong makakasigurado akong wala akong pangamba at alalahanin.

“Hello Ma’am Ganda! Ang anak niyo po?” tanong ng isa sa caretaker ng mga kabayong madalas kong gamitin.

“Tulog eh…” sabi ko at lumapit sa malaking puting kabayo.

“Antukin talaga ang anak niyo, Ma’am…” ngiti niya.

I only smiled.

Hinaplos ko ang katawan ng kabayong si Basty. Maamo ito sa akin kahit siya ang pinaka delikadong kabayo sa lahat dahil nagwawala at agresibo.

“Paborito ka talaga ni Betty…” si Eric.

Sumampa ako sa kanyang likuran. Ibinigay ni Eric ang tali. I am just wearing a sleeveless white dress. It’s long and flowy. Nakita ng kaonti ang maputi kong binti. Sumabog ang na nakalugay kong buhok dahil sa hanging humalik.

Nangingislap ang mga mata ni Eric habang pinapanood ako. Isang patid sa gilid ng katawan nito ay nagsimula na itong tumakbo ng marahan.

May mga tao pa sa Park ngunit kaonti na lamang at bilang lagi sa daliri. Nililibot ko lagi ang kabuuan. Tumingala ako habang natatanaw ang dilim na nanunuot na sa lilim ng mga dahon. Matatayog ang mga puno sa bawat gilid ng kalsadang may tuyong mga dahon na nagkalat.

Kasama ko naman minsan si Illisha na mangabayo at lagi siyang sa harapan. Mahilig siya sa hayop. Hindi siya natatakot. Ngunit sa tao, mailap siya.

Hindi ko alam kung dahil ba sa pagpapalaki ko, o ganoon talaga siya.

“Para talagang diwata. Kung palangiti itong si Ma’am nako… baka anghel na talaga,” rinig ko ang nadaanang pamilyar na mga tao at nag-aalaga noong mga manok.

May mga ostrich na gumagala. Nakikipaghabulan pa naman minsan si Illisha diyan kaya nakakatakot din talagang pabayaan iyong naglalaro sa labas dahil makulit!

Nadaanan ko ang malaking gate ng isang school. Dito ko paaaralin si Illisha kung sakali mang hindi na mahiyain lalo na’t ngayon ay homeschooled siya. Isa rin ako sa kanyang guro. Ako lagi ang nagtuturo sa kanya.

Medyo madilim na noong ibinalik ko si Betty at umuwi rin sa bahay. Gising na si Illisha, naabutan ko sa kanyang mat at nakakulob doon habang nagd-drawing.

Nangingiti akong lumapit. Sinilip ko ang kanyang ginagawa. Nakita ko ang stick figure na ginuhit niya gamit ang iba’t ibang kulay. Kami lagi iyon, kami lamang dalawa.

“Can you draw my Papa, Mommy? Put him here. Beside you,” aniya sabay turo ng bakanteng gilid.

Hindi ko agad nagawa. Ngunit bilang masunurin sa kanya, nagsimula akong gumuhit gamit ang itim na krayola. Humilig si Illisha sa dalawa niyang mga palad, ang mga paa ay piniko at ginalaw galaw habang pinapanood ang aking gawa.

“He’s tall… handsome… hmm…”

“And a superhero,” dugtong ni Illisha.

Superhero?

“He’s a superhero,” ulit ni Illisha habang pinapanood ko ang aking guhit.

Natigilan ako saglit ngunit ngumiti nalang sa kanya at yumuko para ikiskis ang aking ilong sa maliit niyang ilong.

“A superhero who saved Illisha?” I asked.

“Who saved Mommy!” she giggled.

Ngumuso ako.

Kumuha ng krayola si Illisha na kulay pula at tumulong sa pagguguhit. Nilagyan niya ito ng kapa na mahaba at kumuha pa ulit ng dilaw na krayola para guhitan ito ng korona.

“He’s like a prince…” si Illisha na naaaliw sa kanyang ginuguhit.

Naaliw siya roon kaya tumayo ako para gawan siya ng pancake at ihanda ang kanyang paboritong fresh milk.

Ganoon lagi ang aming mga araw. Payapa lagi. Tulog ulit noong tanghali, sa terasa ako lumabas dala dala ang kapeng sinisimsim para namnamin ang hangin.

Tumayo ako at pinanood ang malawak na field, ang tahimik na lugar. Nag-aagaw na naman ang dilim at kulay kahel sa kabuuan. Sumimsim ako at may napansing nangangabayong lalake gamit si Arthur, isang itim na kabayo.

Nadaplisan ko ang mukha nito lalo na’t sumasayaw ang itim nitong buhok habang swabe ang kanyang pagpapatakbo. It was so vivid, like a sudden slowmotion.

Noong umukit at nakita ang buong mukha, ganoon nalang ang aking gulat at naibuga ang iniinom na kape.

He’s very familiar! Tatlong taon noong huli ko siyang nakita ngunit alam kong siya iyon!

34th Ruled

Ruled

Dream

Bumilis agad ang kalabog ng aking dibdib. Nabitiwan ko ang basong hawak at nanghihinang napaatras, para bang may nakalimutan ako sa nagdaang mga taon. Sa halos walong taong lumipas bago nangyari ang lahat.

Nawalan ng lakas at natumba pa pabalik sa loob. Gumapang ako at mabilis na isinara ang mga pinto. My head started throbbing. Mariin akong pumikit habang isa isang bumabalik ang dilubyong nabura sa isipan.

I curled on the floor while holding my throbbing head. It hurts so much! Pumipintig at parang sasabog. Noong dumilat sa nanlalabong mga mata, pakiramdam ko’y patay sindi ang ilaw at naririnig ang halo halong bintang ng mga pamilyar na tao sa aking nakaraan.

I shut my eyes harshly. Mabilis ang pagpasok ng mga alaalang akala’y nabaon na sa hukay. My mind couldn’t absorb everything. Para akong pinapana ng sunod sunod.

The distorted images from my past flashed on my mind. It was so fast. I saw where everything started even when it’s fractured. Mula sa pamilyar na ngiti ni Ken, paninitig ni Hiro, galit na tingin ni Naia, kuryosong mga mata ni Marione, lahat lahat ay bumabalik at pilit pinapasok ang aking utak. Sa sobrang bilis ay halos hindi ko masundan at parang puputok ang ugat ng aking ulo.

I shouted to stop the pain from coming. No… No! Don’t… please!

“Mommy? Mommy!” si Illisha na dumalo at hinaplos ako.

The throbbing of my head slowly disappeared. Noong dumilat, nakita ko siya sa aking harapan, alalang alala at naguguluhan.

“What… what happened?”

Umiling ako at parang gumagaan ang pakiramdam. I suddenly remembered the days I’m with her. Ang tibok ng puso ko ay kumakalma. Suddenly, everything went back to it’s right places. Parang biglang na-organize ang aking utak kaya unti-unting nagiging payapa ang isip.

Ayokong lumabas sa takot. Parang magkukulong ako ng ilang araw sa loob dahil sa sasalubong sa akin sa labas.

Napatalon ako sa isang katok sa sumunod na araw. My eyes slowly widened. Tumingin ako sa pinto at tarantang tumayo, mabilis na lumapit dahil baka bumukas.

Noong masiguradong lock naman, sinilip ko kung sino ang nasa labas at nakita ang delivery guy na naghahatid ng order na pagkain ko. It’s his routine everyday to deliver food.

Nakakapagluto naman ako kaso more on bake ang aking ginagawa. Kulang ang kitchen utensils. Pili lang.

Muli kong kinuha ang pitaka para manghalungkat ng pera. Akmang bubuksan nang makaramdam ng kakaiba. Nilingon ko si Illisha, nakita itong nagbabasa ng libro.

Nagkaroon ako ng lakas para buksan iyon. The guy smiled. I smiled a little.

Inihanda ko iyon sa lamesa pagkatapos. Pinanood ako ni Illisha. I smiled while putting the plates carefully. Inilagay ko rin sa bawat gilid ang kutsara at tinidor.

“Do you have friends, Mom?” tanong ni Illisha habang kumakain na kami.

“Oo! Marami noong nasa Manila ako. I’m popular way back in highschool and college days,” I said softly.

Kinagatan niya ang brocolli na nakatusok sa hawak niyang tinidor habang gumagalaw ang paa sa ilalim ng mesa.

“Where are they?”

“Busy na rin… Why? Do you want to meet them one by one?”

Illisha looked at me innocently. I smiled. She’s not ready. And she’s too shy for that.

“How ’bout your crush?”

Medyo natigilan ako. She’s so curious!

“Hmm…” Inalala ko ang mga naging crush ko noon.

Crush ko ba si Latch? Nagustuhan ko siya. Si Roche… Si… Kumurap ako.

“Maraming nagkakacrush sa’kin…” sabi ko na ikinamilog ng kanyang mga mata.

“Coz you’re pretty, Mommy. How ’bout your own crush!”

Ngumuso ako at umiling. Pinisil ko ang kanyang pisngi.

“Bakit ikaw… may crush ka?” I asked.

“Meron. It’s Peterpan,” sabi niya.

“But Peterpan isn’t real!” I chuckled.

“I like him. We’ll fly away…”

We both giggled. Kung hindi lamang tumunog ang telepono ay hindi kami madidisturbo. Nagulat pa ako. Hinaplos ko ang likod ni Illisha at tumayo para sagutin ang tawag.

I sighed and answered the call.

“Franca?”

“Mom…”

“I’m bored here in Manila. Gusto ko sanang mag-abroad tayo. Like you know, so we can hang-out.”

Simula ata noong dumating si Illisha sa buhay ko, nakalimutan ko na ang lahat.

“I can’t, Mom…”

“Pumayag?” rinig kong boses ni Daddy na bumulong.

“Sshh Dos! Maririnig ka,” ang maliit na tinig ni Mommy. “Why? We’ll travel. Pumunta tayo ulit sa France. Paborito mo roon.”

Umiling ako kahit hindi niya naman iyon makikita.

“I can’t…”

“Just one week?” si Mommy sa marahang tinig.

“No…”

“One day?” may pagmamakaawa sa boses niya.

“Mom, I said I can’t…”

“Franca please. We missed you. Three years hija… Three years…” her voice trembled.

Huling kita namin noong nasa Woodridge Subdivision ako. Noong New Year. Coz after that, after my homeschool ay umalis na ako. Wala nang kinikita kahit sino.

Tumahimik ako habang naririnig ko ang paghinga ni Mommy.

“Dos… Dos ayaw niya talaga,” I heard her sobs.

Mariin akong pumikit. I’m happy here. Ayokong umalis.

“Sweetheart,” ang tinig ni Dad ang pumaibabaw.

Nilingon ko si Illisha na kumakain.

“Dad…”

“Let us see you. Your Mom missed you so much.”

“Please Dad. Hiningi ko ’to sa inyo,” pagod kong sabi.

“But it’s almost three years. We can’t stand it.”

Umiling ako dahil pakiramdam ko, pag umalis ako rito ay may mangyayaring masama. I want to live here forever. Dito lang ako.

“Kung gusto mo ay pupuntahan ka nalang namin—”

“No!” putol ko sa taranta.

Natutop saglit ang bibig ni Dad. Rinig ko ang mga hikbi ni Mommy.

“What’s wrong, hmm? I am your father. Tell me what’s happening and I will do my best to punish them—”

“Dad!” I shouted when my head started throbbing again.

Bumuntonghininga ito. “Fine. But please… consider our favor. Kahit isang oras. We’ll just check on you. We just want to see you. Nag-aalala ang Lola mo. Ang Lolo mo.”

I missed them, too. I missed everyone.

“Dos… nag-aalala ako. Please… she collapsed on that day! Noong umuwi siya rito sa Maynila. Do something!” si Mommy na rinig na rinig ko.

My mind automatically pushed those thoughts away. Umiling ako at desidido sa aking desisyon.

“I’ll hang up now,” bulong ko at dahan dahang inilayo iyon sa aking tainga.

My head throbbed. Pumikit ako at ikinalma ang sarili. Maayos na ang buhay ko. Payapa na. Para bang nakalabas ako sa impyerno at pinagbigyan nang makapasok sa langit dahil sa gaan ng aking pakiramdam.

I never felt so happy before. Kahit pilit kong alalahanin kung may mga oras bang ganito ako kasaya, ito ang matatawag kong pinaka masarap sa buhay ko. Ito ang masasabi kong totoo.

Nilingon ko si Ilisha. Tumakbo ito sa kakahuyan. Her white dress danced with her as she moved. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

Ngumiti ako pabalik. I heard her soft laughs. Sinundan ko siya ngunit may biglaang humawak sa aking kamay. Nilingon ko ang likuran at nakita ang lalakeng hindi pamilyar. My eyes widened. Nanginginig at natatarantang binawi ang aking kamay ngunit sa sobrang higpit, hindi ako makawala.

I heard a loud cry. Mabilis kong nilingon ang kinaroroon ni Illisha ngunit nagulat ang madilim na ang harapan. And I couldn’t find her! It was so dark!

Dumilat ako at mabilis na napabangon, ang dilim na kuwarto agad ang bumungad. Inabot ko ang lampshade sa gilid para buksan iyon. Nilingon ko si Illisha na mahimbing na natutulog sa aking gilid.

Huminahon ako. Ngayon lang ulit ako nanaginip ng ganoon. Muli akong humiga at niyakap ang aking anak. I kissed her forehead. I love you so much. So much… Ikakamatay ko kung wala ka.

The days went pretty normal inside our house. Muli akong lumabas noong matulog si Illisha para mangabayo.

“Hello Ma’am! Tulog na naman po ang anak niyo?” he smiled.

I nodded. “Mahiyain din kasi…”

Ibinigay ni Eric sa akin ang tali ni Betty. Sumampa ako. Napansin kong wala sa madalas na puwesto si Arthur, ang itim na kabayo.

“Where’s Arthur?” I asked curiously.

“Ah hiniram po noong madalas din dito. Siya kasi ang paboritong gamitin…”

Hindi na iyon bago sa akin lalo na’t talagang maraming dumadayo rito at nangangabayo. Si Betty lamang ang hindi naipapahiram lalo na’t nangako rin si Eric na ako lamang ang sasakay dahil maamo sa akin.

I started roaming around the Park. Hindi ko pinapatakbo at naglalakad lamang kami sa gitna ng kalsada habang nahuhulog na naman ang iilang tuyong dahon dahil sa hampas ng hangin.

“Ayan na naman…” I heard some whispers. “Isang buwan atang hindi siya lumabas ah?”

“Ganiyan naman ’yan si Miss Ganda. Hindi ko pa nakikita ang asawa. Parang byuda siguro. Namatayan.”

My face crumpled to his last word. I don’t like hearing it. Mabilis kong pinatakbo si Betty. Deri-deritso ang karipas ng takbo nito hanggang sa nakita ko ang isang kabayong itim na dumaan at may sakay na lalake.

I abruptly maneuvered Betty lalo na’t mababangga kami! Tumayo siya sa gulat at napasigaw pa.

“Calm down, Betty!” Kumapit ako ngunit dahil natataranta ito ay dumausdos ako pababa, nahulog sa patag na bermuda grass.

Dumaing ako sa pagkakatama ng aking pwetan. Naramdaman kong may mabilis na bumaba sa itim na kabayo at nagmamadaling lumapit sa akin.

“Miss!” he called.

Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na tinig. Mabilis siyang yumuko sa aking harapan.

“Are you okay?”

Nagkasalubong ang aking kilay lalo na’t kilala ko ang boses. Don’t… don’t glance. I reminded to myself.

Hindi ako nagsalita at tumayo nang hindi siya nakakaharap. Naramdaman ko rin ang kanyang pagtayo. Sumusunod.

“Miss…” he called.

Deritso ang lakad ko patungo kay Betty na naghihintay. Mabilis akong sumampa patalikod sa lalakeng iyon, saka nagmamadaling pinatakbo si Betty.

Kailangan kong makauwi! This place isn’t safe! I feel like I’m in trouble! Pumikit ako nang maramdamang para na namang tinutusok ng karayom ang aking ulo.

Ramdam ko ang pagsunod nito ngunit hindi malapit, nasa likuran lamang. Betty is the fastest horse! Kahit si Arthur ay walang binatbat sa kanya. Hindi niya ako mahahabol kung sakali man!

Hindi ko man lang naibalik si Betty lalo na’t tumalon agad ako pababa. Nagmamadaling tumakbo papasok sa bahay, nagmamadaling isinara ang gate, nagmamadaling pumasok sa pinto, nagmamadali iyong isinara at ini-lock.

“Mommy?” takang tawag ni Illisha.

I automatically calmed down. Humarap ako sa kanya at yumuko. Niyakap ko siya. Walang makakapanakit sa kanya. Wala…

Hindi ko alam kung paano lalabas. Inaliw ko nalang ang aking sarili sa pagtuturo kay Illisha.

I’m worried. Nabubuhay na naman ang pangambang pamilyar sa akin. Ang payapang pamumuhay ay parang may nangangahas na sirain.

Tinitigan ko ang mukha ni Illisha. Palagi kong nahuhuli ang anggulong iyon. Hindi naman kami magkamukha. But she’s simple and pretty. Mala anghel.

“Chuckie, Mommy…”

Tumango ako at tumayo. Nagtungo ako sa fridge. Nagpatuloy siya sa binabasang libro habang nakadapa. Inilagay ko sa gilid ang inumin para hindi makadisturbo.

Gusto ko ang kapayapaang dala ni Illisha sa aking buhay. Gusto kong manatili sa lugar na iyon dahil hinihele ako. Ayoko nang lumabas.

“You’re very pretty,” I said to my daughter.

She looked at me. “Coz I’m your daughter.”

Tumango ako at ngumiti. It feels great coz it’s one of my dreams to have my own child.

Nilinis ko ang kalat sa sala pagkatapos niyang magbasa. Hindi gano’n ka laki ang espasyo sa loob ngunit hindi rin gano’n ka sikip tingnan lalo na’t limitado ang gamit. Wala masyadong appliances.

May mga kulang man, matatawag mo pa ring bahay dahil nagkalat ang gamit ni Illisha, ang iilang krayola sa sahig at mga librong madalas niyang basahin.

Naligo ako pagkatapos niyang makatulog. Pumikit ako at tumingala habang sinusuklay ang mahabang buhok na nasa kalahati na ng aking likuran.

Noong pumasok sa kuwarto ay mahimbing na ang tulog ni Illisha. Bukas ang kurtina ng bintana. I saw my own reflection. Medyo nataranta ako at mabilis na hinawi ang kurtina. Noong masiguradong wala ng nakikita ay muli kong nilingon si Illisha na mahimbing ang tulog.

Iikot nalang ata ang buhay ko sa pagiging ina. This is the only dream I have. This is the only reason why I am still alive. Siya ang liwanag ko. Kung wala siya, hindi ko alam kung makakaya ko.

She saved me.

Tumingin ako sa terasa. It’s almost six. Ganitong oras ko pinapasyal si Illisha lalo na’t wala gaanong tao, hindi siya mahihiyang maglaro at hindi ako mangangamba na baka may biglaang magtangka sa amin.

Noong tulog ito ay nagpasya akong magdilig nalang ng halaman sa harap ng bahay. Napapalibutan iyon. Nakapaa lamang sa bermuda grass suot ang mahaba at puting damit habang nagh-hum ako.

I noticed someone’s watching from behind. Pamilyar ang tingin. Pinatay ko ang hose at bumalik agad sa loob nang hindi na lumilingon pa.

I don’t like it. Hindi ko gusto ang pangamba ko na nagsisimula na namang umusbong. Para bang mabubura ang liwanag dahil sa biglaang paglitaw ng kulimlim na may dalang kidlat.

“Oh nandito kana!” nangingiting si Manang Esing.

She’s one of the sweeper in Crocodile Park. Isa siya sa maituturing kong mabait. Nakakausap ko naman siya minsan pero hindi ganoon ka dalas lalo na’t mailap ako at minsan lang lumabas.

“Heto… Ang daming itlog noong mga manok! Naisip kita at ang anak mo,” aniya habang inaabot sa akin ang isang tray ng itlog.

I smiled and nodded. “Thank you po.”

Ngumiti siya. Tiningnan niya ang bahay at ibinalik sa akin. Nahulog pa sa aking dibdib lalo na’t sumisilip din ang aking tattoo.

“Ang anak mo?” aniya nang tingnan ako sa mga mata.

“Tulog po…” sabi ko at tiningnan kung paano niya kinuha ang walis sa sahig.

Tumango siya at nagsimulang magwalis.

“Haynaku. Kung ano-ano ang naririnig kong sabi sabi rito. Ako’y nininerbyos! Byuda ka raw o iniwan ng asawa!”

Inilatag ko ang tray at hinaplos ang pwetan para umupo sa gilid. Mag-aalas sais na. Unti-unti na namang sumisilip ang gabi.

“Itong mga tao talaga kung ano ano ang pinagt-tsismis!”

Napangiti lamang ako kay Manang Esing.

“Eh ilang taon na nga ’yung anak mo? Babae, hindi ba?”

Tumango ako. “Bata pa po…”

“Oh? Hindi naman ba nalulungkot sa tuwing nagmumukmok sa bahay?”

Umiling akong muli.

“Marami naman siyang hilig. Mahiyain din kaya mas madali siyang maaliw kahit walang kalaro.”

“Halatang napaka mahiyain nga.”

Lumayo layo ng kaonti si Manang Esing sa akin kaya tumayo ako at marahang sumunod sa kanyang pagwawalis. Inilagay ko ang aking mga kamay sa aking likuran habang hinahawakan ang aking daliri.

“Eh ang asawa mo? Hindi ko rin nakikita…”

People assume that I am married coz I have a daughter. Kaya rin siguro kung ano ano ang naiisip nila dahil wala naman akong kasamang lalake sa bahay.

I only shook my head, limited with my words. Manang Esing sighed and nodded.

“Kung niloko ka sa ganyan mo kagandang dilag nako may problema sa isip ang lalakeng iyon! Mga lalake talaga…”

I didn’t respond to her comment. I only smiled a little.

Pagkatapos kong makipag-usap kay Manang Esing ay umalis din naman ako lalo’t malapit nang mag gabi. Dinala ko ang tray ng mga itlog at naglakad pabalik sa bahay.

Nasa dulo iyon. Ilang lakad din ang kailangan ngunit hindi rin naman masamang maglakad lakad dito lalo na’t tahimik at napaka payapa. Wala na ring gaanong tao. Kung meron man, hindi lalagpas sa lima.

Natanaw ko ang itim na kabayong si Arthur. May sakay. Isang angat ng tingin, agaran niyang nahuli ang aking mga mata.

His eyes slowly widened. Natigilan ako nang mapagtantong nakita ko ang pamilyar na mukha ni Hiro.

Isang hila ng agresibo sa tali ay huminto si Arthur. Mabilis tumalon paalis sa ibabaw na ikinaatras ko. Sa gulat ay nabitiwan ang tray na ikinabasag ng mga itlog sa aking paanan.

My breath started hitching. I swallowed hard. The first thing that comes into my mind is to run.

Hiro stopped. He watched me deeply. Para bang kinakabisado ang aking mukha, pilit naghahanap ng ebidensyang totoo ang kanyang nakikita.

I trembled while walking. Yumuko ako, ayaw halos tumingin ng deritso. Lumipat ako sa kabilang daan para hindi ito makasalubong.

Malalaki ang aking hakbang. I feel dizzy. Pakiramdam ko’y mahihilo ako ano mang oras.

I ran unconsciously with a blurry vision. My white dress danced untamably. Parang bumabagal ang lahat at nagiging malabo ang aking paningin. Nararamdaman ko ang paggalaw ng aking buhok, lulutang sa ere ngunit marahas na babagsak para muli lang ding tatalon dahil sa aking galaw.

Lumingon ako sa gilid at nahagip pa ang tingin ni Hiro, hindi kumukurap at titig na titig. Binawi ko ang aking mga mata. Everything started sinking. Ang malabong tingin ay naging malinaw, ang katahimikang tumakip sa aking tainga ay biglaang bumukas. Nararamdaman ko na ulit ang paligid. The slowmotion suddenly vanished and everything feels real.

Hindi na ako lumingon pa. Tumakbo palang paalis, tumakbo lamang at hindi na lumingon. Tumakbo hanggang sa makawala.

Nakita ko si Illisha sa terasa. I’m almost… almost…

“Mommy?”

Parang nalulunod noong bumangon at nagising dahil sa kanyang haplos sa aking pisngi. Angat baba ang aking balikat. Kumunot ang noo ni Illisha at binigyan ako ng tubig.

Kinuha ko iyon at hinabol ang paghinga.

“You’re having another bad dreams?” she asked softly.

It felt so real. I saw him. I saw him again.

“It’s not really a bad dream,” sabi ko lalo na’t hindi iyon ganoon kasama katulad ng ibang panaginip.

Umupo si Illisha sa gilid ng kama at maigi ang tingin sa akin. Sumimsim ako sa tubig habang malinaw ko pa ring nakikita si Hiro sa aking isipan.

“You’re special someone?” she smiled.

Natigilan ako. Alam kong laman ng kuwento ko minsan na may lalake. Ngunit hindi ko naman binabanggit sa kanya na masama iyon o mabuti. Isa ang laging nanghahabol at si Hiro na nakatayo lamang, hindi lalapit.

I couldn’t nod. I couldn’t shake my head either.

“Is he bad?”

Doon agad ako napailing. Illisha smiled. Kumunot ang aking noo. I always think of him as a villain but this time not in a dangerous way. Siguro takot.

Ayokong magpakita sa akin si Hiro. Ayokong sumulpot siya. He belongs to my past. The scarred life I wanted to escape. Kaya kung magpapakita siya, parang may mawawasak na naman.

And what’s his motive? Gaganti ba siya? Paano kung iyon nga?

Kinalimutan ko ang panaginip na iyon. Nabura rin sa isip dahil na-distract na kay Illisha. Bonding namin lagi ang magbake. Mahilig kami sa matatamis. Iyon ang isa sa pagkakatulad namin.

“We don’t have eggs anymore, Mommy…” puna niya nang buksan ang ref.

Kunot-noo akong lumapit at tumingin. Weird… Alam ko may isang tray na itlog eh. Hindi ko lang maalala pero hawak ko ’yon.

My memory flashed like a whirlwind. Nababasag na itlog. Si Hiro na nakatayo. Marahas na pagtakbo. My head started aching when I couldn’t remember what happened next.

Tumingala si Illisha. “We don’t have eggs…”

Huminga ako. “Bibili ako sa labas.”

Tumango si Illisha. Isinara ko ang ref. Nagtungo siya pabalik sa mesa. Nagkalat doon ang pinaggagawa namin lalo na’t balak namin gumawa ng cake.

Kinuha ko ang pitaka. Tiningnan ko pabalik si Illisha na abala na ulit doon. Huminga ako at lumabas ng bahay.

“O magandang hapon!” si Manang Esing nang makasalubong ko.

Ngumiti ako. “Magandang hapon po…”

“Ayos kana ba? Nahimatay ka kahapon!”

Natigilan ako. Dumagsa agad sa aking alaala ang pagkabasag ng mga itlog sa kalsada at ang imahe ni Hiro pababa sa kabayo.

Nagsasalita si Manang Esing ngunit sa lakas ng aking iniisip ay parang hindi ko na siya gaanong marinig.

He’s really here? That wasn’t a dream?

“Oh ayon pala siya!” nangingiting tingin ni Manang Esing sa likuran at may kinawayan. “Maayos na!” sigaw niya at tinuro ako.

I swallowed. I couldn’t move. Parang napako ang aking mga paa sa kinatatayuan, lalong lalo na noong naririnig ko ang yapak ng kanyang mga paa na papalapit.

Nakita ko siya sa gilid ng aking mga mata, nakapamulsang tumayo ngunit hindi gaanong malapit. I smelled his familiar scent.

Tahimik kong tiningnan si Hiro. His eyes met mine.

“Ayos kana?” he asked gently.

Manang Esing was smiling infront of us. Gusto ko sanang tumakbo at umalis ngunit hindi magawa dahil ayaw maging bastos sa harap ng matanda.

Tipid akong tumango at binawi agad ang aking tingin. Nalaglag ang aking mga mata sa hawak kong pitaka.

“Saan ba ang punta mo?” tanong ni Manang Esing.

“Bibili po ng itlog,” sabi ko.

“Oh? May tindahan diyan palabas at nasa gilid! Mag-ingat ka lang at hindi gano’n ka patag ang daanan. May pangpang pa. Ang lalaki pa naman ng napapadaang truck!”

“Ako na ang bibili,” presinta agad ni Hiro.

Ngumuso si Manang Esing.

“Kay guwapo na nga… mabait pa!” hagikhik niya sa aking harapan.

Umiling ako nang hindi ito tinitingnan.

“Hindi na.”

“Naku mas mabuting siya nalang, hija! Marami pa namang tambay doon. Ang puti-puti mo, makinis at ang ganda ganda. Baka ay pagtripan ka pa,” si Manang Esing.

“Ako na,” si Hiro na medyo desidido na ngayon.

Bago pa makapagsalita, nauna na siyang magpaalam at deritso ang lakad. Nangingiting sinundan ni Manang Esing ang likod ni Hiro. Hindi naman ako mapangiti. Nagagalit at naiinis na sa nangyayari.

“Mukhang tipo ka. Kay guwapo! Tisoy!”

I wish this is just a dream. I’ll do anything in order to avoid him. I’ll do anything in order to escape on his sight. This is wrong!

35th Ruled

Ruled

Persistent

“O siya… magwawalis na ako hija. Babalik din ’yon,” si Manang Esing na mukhang aalis na.

Kinabahan ako at mabilis na hinawakan ang kanyang braso. Medyo nagulat ang matanda, hindi inaasahan ang aking ginawa.

I slowly pulled my hand away from her. Nag-iwas ako ng tingin. The old lady smiled.

“Naalala ko sa’yo ang anak ko. Ganito rin ’yon noong may nanliligaw sa kanya. Nahihiya,” tawa niya at tumigil sa ambang pag-alis.

Hindi ako makapagsalita lalo na’t hindi ko intensyong ganoon ang maisip niya.

“O sige… maghihintay tayong dalawa. Kaya naman pala mahiyain din ang anak mo! May pinagmanahan,” tawa niya at nangingiting tumingin sa dulo kung saan naglalakad si Hiro, malalaki ang hakbang.

Nagkwentuhan kami ni Manang Esing habang naghihintay. Nakikinig lang din ako sa kanya lalo na’t madaldal si Manang. Noong matanaw si Hiro na may dalang isang tray ng itlog ay natawa si Manang Esing.

“Pinakyaw pa ata ang itlog sa tindahan!” aniya.

I couldn’t smile. Hindi ako makabigay ng reaksyon at hindi rin matingnan si Hiro.

Paglapit niya, inilahad niya agad sa akin iyon.

“Tell me if you need something. I’ll buy it for you,” aniya.

Ngumiti si Manang Esing sa aming dalawa. Binuksan ko ang aking pitaka para maghanap ng bayad.

“Keep it,” si Hiro ngunit hindi ko pinakinggan at inilahad ang isang daan.

“Hindi ko ’yan tatanggapin kung hindi mo ’to tatanggapin,” sabi ko nang hindi ito tinitingnan.

Hiro looked at the money for a moment. Noong makumbinsing seryoso ako roon ay tinanggap din. Kinuha ko ang isang tray saka ko tiningnan si Manang Esing.

“Aalis na po ako…” at isang daplis na tingin kay Hiro. “Salamat.”

Hiro nodded. Namulsa siya. Hindi ko na agad tiningnan at tumalikod na.

I don’t know what to feel. Natatakot ako. Huwag na sana siyang makialam. Kung madadamay rito si Illisha ay hindi ako magdadalawang isip na gumawa ng paraan mapigilan lamang siya.

And I hope he remained ignorant from those things. I hope he’s not aware. Ngunit napapaisip ako. Paano kung alam niyang may anak ako kaya sumunod dito at gustong ihiganti ang nangyari noon?

Pumikit ako nang unti-unti na namang sumasakit ang aking ulo sa tuwing maiisip ang bagay na iyon. I shouldn’t think about it!

“What’s Daddy’s hobby?” biglang tanong ni Illisha habang nakahiga kami sa kama.

Yakap yakap ko siya at pinapatulog. Namumungay na ang mga mata ngunit tiningnan ako para itanong ang bagay na ’yon.

“Hmm…” nag-isip isip ako ngunit walang ibang maisip at ang tanging tumatatak ay ang anggulo niya na nakikita ko.

“Is he snob?”

Umiling agad ako. He’s not snob. But… that’s not even Illisha’s real father. Ewan ko ba kung bakit siya ang naiisip ko.

“He’s friendly,” I said as a guide to give her some infos.

Lumiwanag ang kanyang mukha, kumikislap din ang mga mata.

“Very friendly,” I smiled and pinched her cheek.

Ngumiti siya at natuwa. Nahawa agad ako. Oh I’d do everything just to see her smile all day!

Nagpatuloy ang aming kwentuhan hanggang nakatulog siya. It’s like her bedtime story.

Malinaw sa akin na protektahan si Illisha. Ayokong makita siya ni Hiro. Kaya noong nagkita kaming muli sa labas, noong nagtangka na naman akong tumakas, noong marinig ang tanong ni Hiro, parang bombang sumabog sa aking isipan ang lahat.

“What’s your daughter’s name?”

Kabado ako nang marinig ang kanyang tanong. My chest was aching so bad. Takot, galit at nerbyos ang pilit na yumayakap sa akin.

How did he know?! Narinig niya ba sa mga nandito?!

Mapait akong umiling. Hindi ko kayang ipakilala sa kanya ang aking anak! Hindi ko ilalagay ito sa sitwasyong matutulad ito sa ginawa ko sa kanyang pinsan sa nagdaang mga taon.

I always believe that the true reason why he’s after me because of what I did from the past. Iyon ang kasalanang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maamin amin sa sarili na ako ang rason ng gulong iyon.

Lalo na’t ang huli naming pagkikita ay hindi maganda! I accidentally stab him! Bukod doon, alam kong may nagtatangka pa sa aking buhay kaya nagtago ako! Sigurado akong mga Delafuente ang nasa likod noon dahil nalaman nila!

Kaya siguro hindi ako matigil-tigilan ni Hiro. Kaya hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ako.

Hindi ko kayang paniwalaan na may iba pang rason kaya niya ako sinusundan sa syudad na alam kong malayo sa tahanan niya. Nandito siya dahil gusto niyang gumanti! Hinanap niya ako dahil gusto niyang pagdusahan ko ang nangyari noon!

“Wala siyang kinalaman sa pagkakamali ko noon! Huwag niyo siyang idamay!” matigas at halos manginig ako sa galit nang tingnan siya.

His eyes softened. Umiling siya at ngumiti ngunit hindi ko iyon kayang paniwalaan. Hindi ako madadala.

“She’s my daughter!” giit ko.

Binasa niya ang labi at tumango. He’s calm, like he didn’t want to upset me. Na tanggap niya ang bagay na iyon at nirerespeto niya.

“Who’s her father?” kalmado pa rin ang kanyang tanong.

The lump on my throat made me stop from talking. I couldn’t even tell if this is real from those nightmares or what. Minsan, pakiramdam ko ay malayo na ako sa reyalidad sa lahat lahat ng nangyari dahil ang hirap paniwalaan.

Gusto kong hilingin na sana ay panaginip na lamang ’to. Gusto kong ipanalangin na sana ay hindi totoo si Hiro sa aking harapan.

At sa tuwing nakikita ko siya, pakiramdam ko ay nagiging totoo ang mga bangungot ko. Pakiramdam ko’y bumabalik na naman ang trahedyang matagal nang nakabaon sa hukay.

He’s part of that nightmare. He’s part of that memory I want to forget forever! He’s part of my scarred life that I wished it never existed!

Kaya ngayong nandito na naman siya sa harapan ko, gusto kong isipin na baka ay iniisip niyang kanya ang bata ngunit malabo iyon lalo na’t alam ko ang totoo. At alam kong alam niya rin ang bagay na iyon.

Lalo na’t ang huli naming pagkikita ay noong siya ang aking masaksak, halos tatlong taon na ang lumipas at ngayon lamang ulit kami nagkita.

Ang nangyari sa nakaraan ay magsisilbing palatandaan sa akin kung bakit ayaw ko sa kagaya niya. At kahit ilang taon pa siguro ang lumipas, hinding hindi magbabago ang tingin ko sa kanya.

I don’t want him again in my life. Kahit pa paulit ulit kong itaboy si Hiro para lang maramdaman niyang hindi siya imbitado sa aking buhay ay gagawin ko.

Umatras ako at tumalikod, gustong gusto na namang tumakbo at maglaho sa kanyang tingin.

“I will not hurt her,” he said gently.

Tumigil ako sa ambang paghakbang. Naglalakad lang naman kanina rito ngunit hindi inaasahang nandito pa rin pala siya. Ilang araw na ang lumipas noong nag-abot siya ng itlog sa akin kaya iniisip kong baka ay umalis na kaso nandito pa rin!

“I promise. I will not hurt her,” may pag-iingat sa kanyang tinig.

Tumingala ako at nakikita ang gintong langit na pilit sumisilip sa lilim ng dahon. Some parts of the Crocodile park were starting to get dark, and some parts were kissed by the sunset. Naghahalo ang dilim at kaonting liwanag dala ng matingkad na kulay galing sa kalangitan.

Umiling ako.

“Hindi ako naniniwala,” I muttered. “Bakit ka nandito, Hiro?”

“Marione’s looking for you…”

My eyes slowly widened. The mentioned of her name made an impact. Pakiramdam ko’y nanghihina ako. Ngunit bago pa maisip ang iba ay nagsalita agad si Hiro.

“She’s trying to invite you on her Wedding Day with my cousin but I couldn’t… I couldn’t find you.”

What? Dahan dahan kong nilingon si Hiro. T-Totoo ba ’yon? She’s married? And she married Ken?! Ito lang naman ang pinsan niyang alam kong inlove sa babaeng iyon. Na… nasira nang dahil sa akin.

“They’re married?” mahinahon kong tanong nang lingunin ko siya.

Tumango si Hiro at ngumiti ng kaonti.

“Since last year…” aniya sabay hakbang palapit ng kaonti.

Kunot-noo kong tiningnan ang kanyang galaw kaya tumigil agad siya at nanatili ng ilang espasyo sa aming pagitan.

“She’s waiting for you,” he said gently.

What if… What if this is a set-up?! Gumuhit ang galit sa aking mukha. Hiro looked bothered when he saw it. Umiling iling siya.

“It’s true,” sabay kuha ng kanyang cellphone sa kanyang likuran at inabala ang sarili sa cellphone.

“Here,” saka niya iyon iniharap.

Nakita ko agad ang picture ni Marione kasama si Ken. They looked so happy. My shoulder loosened. But… but I killed her baby.

“But… but I killed—”

“No one killed her baby, hmm?” he cut me off gently.

Umiling ako. Alam ko ang totoo. Lalo na’t iyon ang sabi ni Ken sa akin! Kahit takasan ko ang katotohanang iyon, kahit pa itanggi ko ang mga pagkakamali ko noon, nakalista ang aking mga kasalanan sa likod ng aking utak! Alam kong ako ang puno’t dulo!

Ako ang dahilan kaya nawala ang anak nila. Kung hindi ko kinausap si Marione, kung hinayaan ko nalang siguro na tanggapin ang lahat at nilunok ang sakit, baka buhay pa ang bata!

“Please… let’s not talk about it if you’re not yet ready. I’ll explain everything but once you’re ready.”

May parte sa akin ang hindi naniniwalang gusto akong makita ni Marione. Ngunit natutuwa ako sa balitang iyon. Eight years had pass! Masaya nga ako kay Illisha, kaya natutuwa akong nahanap niya ang isang bagay na makakapagpasaya sa kanya.

“I have more photos,” si Hiro na nakaangat ang kilay at parang dinidistract lang ako sa totoo naming topic.

It’s tempting coz I’m so… so curious. He wiggled his phone infront of me while his other hand rested on his hip.

Ngumuso ako. Baka naman kasi edited? Malay mo may makita akong bakas na edited photo lamang at pinagloloko ako nitong si Hiro!

I slowly walk towards him. His shoulder loosened. His eyes weakened. Tumigil ako sa kanyang harapan at tiningnan ang kanyang cellphone.

“Let me see,” sabi ko.

Ngumuso si Hiro at tumango. “Here. Just swipe.”

Tinanggap ko ang phone ni Hiro. Nanatili siya sa kanyang kinatatayuan at humakbang pa ng kaonti paatras nang pansinin ko ang espasyo namin.

Noong makontentong malayo siya, saka ko tiningnan ang screen ng kanyang cellphone.

I swiped from left using my thumb. Nakita ko ang paghalik ni Ken sa noo ni Marione. They both looked so happy. Ngumuso ako.

I saw how Hiro tilted his head and copied my reaction. Sinamaan ko siya ng tingin kaya nag-iwas siya ng tingin ngunit nakanguso pa rin.

Ibinalik ko ang atensyon sa screen. I swiped more. Maraming picture at parang totoo talaga ang kasal! I tried to zoom-in the photo.

“That’s real,” si Hiro.

Kumurap ako. Hindi sana ako makukumbinsi kaso may video eh.

I started playing the video. Nasa venue sila. Nakita ko pa ang kapatid ni Hiro, seryosong nakahalukipkip at sobrang mature na tingnan. Ang ganda talaga nitong si Zera. Parang goddess.

“Marione isn’t mad at you,” ani Hiro.

Is that… is that true? No… Siguro nga ay masaya sila na ikinasal ngunit sigurado akong hindi niya iyon nakalimutan. At ayokong magpakita para sirain na naman ang kasiyahang iyon!

Ayokong sumulpot nalang bigla at makagawa ng mali na maaaring sisira na naman sa kaligayahan nila! Lahat ng napapalapit sa akin, nasasaktan ko!

Nadismaya ako. Nanginginig kong ibinalik ang cellphone kay Hiro dahil sa mga naiisip ko. Gusto ko agad tumakbo pabalik sa bahay at makita si Illisha.

“They’re happy. Masaya na rin ako dito at… at ayaw kong makita sila,” sabi ko.

Hindi ko kayang lumapit sa mga taong ginawan ko ng masama. Hindi ko kayang ibalik ang paghihirap sa kanilang isipan. Hindi ko kayang maalala nila ang sakit na ginawa ko!

Kaya kung pwedeng dito nalang ako habangbuhay para lang hindi maputol ang kasiyahang iyon ay mananatili ako!

“We’ll work on it. I’m here to help you,” si Hiro sa marahang tinig.

Help? I don’t believe him!

“Tumahimik kana, Hiro. Tigilan mo na ang kakasabi ng mga ito! Masaya na ako rito! Tapos nandito kana naman… guguluhin mo na naman…” namamaos kong sabi dahil sa bumubukol sa aking lalamunan.

He shook his head slowly.

“Wala akong guguluhin sa buhay mo.”

Umiling ako.

“They will not hurt you. Hindi kita ilalapit sa kanila kung sasaktan ka nila,” si Hiro na patuloy ang pangungumbinsi.

Heto na naman… Ayan na naman. I failed myself on that part. Iyon ang una kong motibo sa mga nakapaligid sa akin. Wala akong intensyong saktan sila sa umpisa, depende lamang kung paano nila ako pinatunguhan.

Ikakatuwa ko ang nangyari kay Ken ngunit ang nangyari sa bata ay labas na! At ang ginawa ni Marione ay panghabangbuhay kong dadalhin hanggang mamatay man ako.

It was my intention to hurt Ken coz he hurt me first. I purposely used Marione in order to break Ken’s heart! Sinadya ko lahat ng iyon! Ako ang unang nasaktan pero parang sila ang naghirap.

My head started throbbing. Pumikit ako habang nanghihina kong hinahaplos ang aking ulo at pakiramdam ko’y umiikot na naman ang paligid, pakiramdam ko’y nabibingi ako.

Si Illisha lamang ang meron ako. Wala nang mahalaga ngayon sa akin kundi siya nalang.

“I will protect you and your daughter,” ulit ni Hiro sanhi para mapatingin ako sa kanya.

Ang hirap tingnan ng isang salaming wasak na nga, at kung aayusin at ibabalik ang bawat piraso ay mabibigo lamang ako dahil alam kong imposible ko nang maibabalik ang lahat sa dati.

“Think about it thoroughly. I am not here to hurt you. I will never hurt you,” he confessed sincerely.

The place started to look dark. Malalim ang tingin ni Hiro at nang-aakit ang mga matang misteryoso na paniwalaan ko siya.

I don’t know if I am ready to give my trust to other people. Mismo ang sarili ko ay hindi ko na pinagkakatiwalaan sa mga desisyong ginagawa ko, kaya paano ko iyon maibibigay sa iba kung sa sarili nga’y hirap akong ipagkatiwala?

Buo ang aking pasya at ayokong ipakilala si Illisha sa kanya. Ayokong papasukin si Hiro ulit sa buhay ko lalo na’t may pangamba sa akin na may masisira siya.

And I am not ready to lose it. I am not ready for another consequence of what I did from the past. Hindi ako handa kung ano man ang nakaabang sa dulo. Tatalikod ako at tatakbo kung kinakailangan. Magtatago at mananatiling patay sa isipan ng mga tao kaya hindi na lumitaw pa.

“You looked sad, Mommy,” ani Illisha na ikinakurap ko.

Naiisip ko lang ang anak nila Marione at Ken. Kung nabuhay iyon, sigurado akong kaedad ni Illisha.

Umiling ako at ngumiti. Lumapit siya sa akin kaya kinarga ko siya at ipinaupo sa aking kandungan.

“May nabalitaan lang ako… kinasal na ’yung… ’yung family friend ko noon,” I said and smiled.

“Really?”

Tumango ako at hinaplos ang kanyang buhok.

“Yes. They looked so happy.”

“Then why are you sad? Did you remember Dad?”

Nanghihina akong tumango. Hindi ko kayang malaman ni Illisha ang ginawa ko. I want to be a deserving mother to her. Gusto kong patunayan sa aking sarili na kahit may masama akong nagawa ay may mabuti pa rin akong maiaambag.

My eyes watered. “Yes…” namamaos kong tugon.

Hinaplos ni Illisha ang aking pisngi. Pumikit ako at niyakap siya. Gagawin ko ang lahat mailabas lamang siya sa magulo kong buhay! She doesn’t deserve my mistakes from the past!

“Everything will be alright, Mommy. I am always here for you,” she whispered.

Gumagaan ang aking pakiramdam. Ang pangambang nagbibigay ng dilim ay nagsisimula na namang mabura at napapalitan ng liwanag dahil kay Illisha.

As long as she’s here, as long as she’s with me, I know I’m gonna be alright.

I couldn’t talk to my parents about my sin because I will disappoint them. Their one and only daughter, a murderer of someone’s child? Imagine my mother’s pain. She’s a mother, too. Sigurado akong masakit iyon sa kanya dahil ang sarili niyang anak ay may ganoong nagawa.

At ang mas matindi rito, ang galit ni Daddy kung malalaman niya ang naging rason ko. I don’t want it. I don’t want to push my Dad to become a murderer. Ayokong pati ang buhay ng aking magulang ay masira ko dahil sa kagagahan ko.

I will only ruin everyone’s life who’s dear to me. Mas mabuti pang lumayo ako para maiwasan na ang ganoon.

My thoughts automatically stop from thinking about my past when Illisha showed her face infront of me. My eyes widened and laughed.

“Meow…” she purred like a kitten.

“What did you do to your face! You looked like a kitten!” natatawa kong hinawakan ang maliit niyang mukha.

“I don’t like when you’re not smiling, Mommy. Please always smile for me…”

Bumaba ang aking balikat. Umiling ako at nagsisi din naman agad kung bakit ba nalulungkot ako. Wala na dapat akong panahon sa ganoon!

Simula din kasi noong dumating si Illisha sa buhay ko, nakalimutan ko na rin atang umiyak. Nakalimutan nang mag-isip ng kung ano ano. Nakalimutang malungkot.

She always keep on reminding me that I still have a reason to live. To fight for my life. To smile. To be happy.

At dahil iyon sa kanya.

I nodded and caressed her cheek.

“I’m sorry… Hindi na mauulit, hmm?”

She nodded and smiled. Hinalikan niya ang aking pisngi at tumakbo takbo sa bahay habang nagpapanggap na pusa.

Kung hindi lamang may nagdoorbell, hindi maalis ang tingin ko kay Illisha na tumakbo na papasok sa kuwarto at doon pinagpatuloy ang paglalaro.

Tumayo ako at nagtungo sa ibaba. Baka iyong delivery guy na ng pagkain? Kaso hinahayaan kong bukas ang gate sa ganitong oras para maiwan nila iyon sa may pinto sa harapan pati na rin doon sa nagdedeliver ng fresh milk. Nakakapasok sila sa bakuran lalo na’t pinahintulutan kong hanggang doon lang.

Kunot noo kong binuksan ang pinto at sinilip ang labas. Nakita ko agad ang imahe ni Hiro, may dalang isang tray ng itlog!

What… What is he doing here?!

Kinabahan agad ako. Kaso bakit siya may itlog? Naalala ko bigla si Manang Esing.

Lumabas ako ng pinto at lumapit sa gate. Hiro watched me carefully. Hindi ko matagalan ang tingin sa kanya suot ang seryoso kong mukha. Ni ang punahin ang tindig niya ay ayaw ko.

“Pinapabigay ni… Manang Esing,” aniya at ipinakita ang tray ng itlog.

“Bakit ikaw ang naghatid?”

“Abala siyang magwalis doon sa kalsada. Hindi niya maiwan iwan. Inutos niya nalang sa akin,” he explained calmly.

I sighed and opened the gate.

“Pakisabi salamat,” sabi ko.

He nodded. “Alis na ako,” paalam niya.

Medyo gumaan ang aking pakiramdam doon, na hindi siya magtatagal sa harapan.

Nakumbinsi naman ako sa parteng iyon ngunit noong dumaan ulit ang isang linggo at nakita ko na naman si Hiro sa harapan ng gate, may dalang tray ng itlog ay nagduda na talaga ako!

“Pinapabigay ulit ni Manang Esing,” he explained.

“Hindi pa nauubos ’yung itlog na binigay niya noong nakaraan,” malamig kong sabi.

Nakakalimutan ba ni Hiro na galit ako sa kanya? O siguro’y tingin niya mababaw ang galit ko kaya nawiwiling magpakita sa harap ng bakuran!

Mariin kong tiningnan si Hiro. Nang makita ang galit ko, tumango agad.

“Sige ibabalik ko na lamang kay Manang Esing. Kaso baka malungkot ’yon…” sabay talikod niya at bulong bulong sa sarili.

Pumikit ako at huminga. Just take the eggs. He’s doing Manang Esing a favor.

“Akin na,” sabi ko nang binubuksan ko ulit ang gate.

Humarap si Hiro at inilahad iyon sa akin. Noong akmang hahawakan ko ay inilayo pa ng kaonti.

“You looked mad. Sige na. Ibabalik ko nalang kay Manang Esing,” si Hiro na binabawi.

I glared at him. “Akin na,” sabi ko at hinabol pa iyon ng aking kamay.

Hiro nodded. Ito na ang magiging huli. Iyon ang sabi ko sa aking isip kaya noong nagpakita na naman si Hiro sa aking bakuran, may dalang isang tray ng itlog, hindi ko na talaga nilabas! Bahala siya.

Siya na ang gumawa ng alibi kay Manang Esing. Maiintindihan niya naman iyon. At iisipin noon na tulog kaming dalawa ni Illisha. ’Tsaka may dalawa pang tray ng itlog sa ref. Makakapagtayo na ako ng poultry farm kung tatanggapin ko lagi ang itlog na pinagbibigay ni Hiro!

Akala ko hihinto na. Kaso kinabukasan, nandoon na naman. At sa pagkakataong ito, gatas na ang dala! Gatas at hindi itlog!

Hindi ko matanggihan dahil paborito ni Illisha!

Nakabusangot ako noong lumabas ng bahay. Nasaan na ang tagahatid? Siya na naman inutusan? At bakit parang nandito siya lagi?

Binuksan ko ang gate, hindi na ito tiningnan pa, deritso ang mga kilos at kinuha lang sa kanyang kamay.

“Pinapahatid ni…” Hindi ko na siya pinatapos saka ako tumalikod at nagmamadaling pumasok sa bahay.

He’s getting persistent and I hate it!

36th Ruled

Ruled

Mixed

I never wished of seeing him here. Sa taong nagdaan, wala akong naisip na kahit ano tungkol sa nakaraan ko. I don’t want to see all of them.

And everytime I see him, para akong nahihila pabalik sa nakaraan.

A doorbell made me stop from thinking about it. Kanina ko pa hinihintay ang pagkain lalo na’t gutom na rin si Illisha kaso hindi pa dumadating kaya sigurado akong iyon ’yon.

Sumilip ako sa maliit na butas ng pinto ngunit nagtaka kung bakit wala siya roon sa harapan. He didn’t come in?

Binuksan ko ang pintuan at sinilip ang harapan ng gate ngunit nagulat nang nakadapa ito sa sahig, kita ko ang mukhang namimilipit sa sakit habang nasa ibabaw niya si Hiro, hawak ang mga kamay sa likuran at ang isa naman ay sa ulo.

Oh my God! He pinned him down!

Tumakbo ako papalapit. Isang tulak sa pinto ng gate na hindi ko ini-lock at lumabas agad.

“What are you doing?!” Hinila ko si Hiro paalis sa kanya.

“He’s trying to get in—”

“Coz he’s delivering food for me!” putol ko at tinulungan ang lalakeng makatayo.

“Pinaliwanag ko nga po, Ma’am… Na routine ko iyon kaso hindi naniwala. Nagulat ako nasa sahig na po ako. Bodyguard niyo po?” deri-deritsong tanong ng lalake at may dumikit pang maliliit na bato sa mukha.

Nagtangka akong kunin iyon at tumulong sa pagpapagpag sa kanyang nadumihang katawan. Hiro pulled my arm away from him. Ang ambang tulong ay hindi natuloy. Inilagay niya ako sa kanyang likuran, na para bang hindi pa rin siya naniniwala kahit nagpaliwanag na.

“Totoo ’yon,” giit ko lalo na’t seryosong seryoso si Hiro nang hagurin ito ng tingin.

Nilingon ako ni Hiro. His face calmed down. Ngunit nang ibalik sa lalake, delikado na naman ang tingin.

“Magdoorbell ka. Hindi ’yung papasok ka—”

“Ako ang nag-utos na ganoon,” singit ko.

Dahan dahan ang lingon ni Hiro. Hindi niya na ako hawak. Gusto ko sanang lapitan ulit ang lalakeng nagpapagpag sa kanyang katawan kaso sa katangkaran ni Hiro na humaharang sa akin, parang hindi ko magagawa.

I remembered those past days he used to do this. Noon ay siya lagi ang nasa likuran ko. Noon, tatayo siya sa gilid at tahimik na manonood. Ngunit ngayon, dito niya ako inilagay. Na dito na ang posisyon ko.

He’s like a tower. Napansin kong nag-iba na ang kanyang katawan. Tama lamang ang kanyang kalakihan ngunit alam mong malakas siyang tingnan lalo na’t sobrang tangkad din.

I tilted my head so I can see the delivery man infront of him.

“Ayos ka lang?” I asked.

Nagkasalubong ang kilay ni Hiro ngunit dahan dahang inalis ang tingin sa akin at ibinalik sa lalake.

“Kamuntik mabali ang buto ko sa katawan pero… ayos lang po, Ma’am!” he smiled and tried to find my eyes but Hiro covered it immediately.

“Mata mo,” parang nagbabanta na naman.

Tumuwid ng tayo ang lalake at parang robot na napag-utusan kaya natakot nang gumalaw sa kinatatayuan.

I sighed and shook my head. Hindi talaga nagbabago ang isang ’to.

“Let me see your ID,” si Hiro na demanding.

“Yes Sir!” ang lalake na natatarantang kinapa ang bulsa at desididong ibigay ang hinihingi.

Humalukipkip ako. I can fully smell him. Hanggang balikat pa rin ako ni Hiro. Ewan ko kung lumiit ako o siya itong tumangkad na naman.

Sumilip akong muli lalo na’t may tinanggap si Hiro. Parang may tinitingnan.

“Is this you?” nang-iinsulto ang tinig niya.

“Opo Sir. Stress kasi ako noong araw na ’yan kaya haggard ako tingnan,” nininerbyos na tumawa ang lalake at hinaplos ang batok.

“Bakit maputi?” si Hiro.

“Ah Sir… nasunog na ang balat ko kakabilad sa araw. Pero ako ’yan!” pinaglaban ng lalake.

“Another ID,” si Hiro na hindi kumbinsido.

Nakisilip ako sa hawak niyang ID. Hiro showed it to me. Tiningnan ko ang lalake at ang ID. Ernesto Odocayen…

“Teka po Sir…” ang lalake na nagtungo sa naka park na motor at doon nanghalungkat.

“Kamukha naman ah?” puna ko.

The snob Delafuente just arched his brow. Noong lumapit ulit ang lalake ay dalawang ID na ang ibinigay.

Tiningnan iyon ni Hiro isa isa. Ikinumpara pa ang bawat ID. Ang lalake ay nininerbyos pa rin. Hindi naman sana pulis itong si Hiro pero ang kaba niya ay parang ganoon.

“Ma’am… asawa niyo po?” bulong niya ng kaonti.

Sasagot na sana kung hindi lang kinuha ni Hiro ang kanyang cellphone at kinuhaan iyon ng picture.

“Where’s your phone?” si Hiro na demanding talaga.

Kinapa muli ng lalake ang kanyang bulsa at mabilis na ibinigay ni Hiro iyon. Sinilip ko muli ang ginagawa niya. He’s typing a number.

“I-text mo ako pag magdedeliver ka ulit ng pagkain. Ako na ang kukuha at ako ang maghahatid dito,” parang pinal na desisyon iyon.

Tiningnan ako ng delivery man. Parang nadidismaya at hindi sang-ayon.

“I’ll pay for your extra service,” si Hiro.

Lumiwanag ang mukha ng lalake at ngumiti.

“Sure boss!” parang ganadong nagsalute.

Ibinigay ni Hiro ang mga ID pabalik. Ngumingiti na ang lalake at parang good mood na.

Totoo na kinakabahan ako lagi sa tuwing susulpot sila sa bahay ngunit ganoon din naman kay Hiro! I am not yet sure if he’s an alley right now or an enemy.

But something from it ease me. Naalala ko ang mga panahong… ganito rin.

Sa kanya ibinigay ni Ernesto ang mga pagkain imbes sa akin. Lalo na’t nasa likuran pa rin ako ni Hiro, tahimik lamang na nanonood at titingin tingin sa malapad niyang likod.

Ibinigay iyon ni Hiro sa akin. “Pumasok kana…” his words were gentle compared to his hard tone awhile ago.

Hindi makapanglaban lalo na’t nanonood ang lalake at ayokong gumawa ng eksena. Tumango lamang ako, tinanggap iyon saka pumasok.

“Lock your gate. Don’t leave it open,” si Hiro.

I nodded silently. Dinala ko ang pagkain sa loob at inilock ulit ang pinto. Umakyat ako sa itaas. Nahanap ko si Illisha sa may terasa, nanonood.

“Illisha!” tawag ko kaya nagulat ito at napaalis doon.

Nilapitan ko siya at hinila agad ito palayo. She looked at me innocently. Hindi naman ganoong kita siya sa ibaba lalo na’t wala siya roon sa barandilya ngunit natatakot pa rin ako.

“Who’s that, Mommy?” taka niyang tanong.

Ang iniisip kong iba ay binangga ng kanyang sinabi. Hinawakan ko ang kanyang pulso para makapunta kami sa ibaba at kumain na.

“Is that him? Your special someone?”

Nagkasalubong ang aking kilay. Hindi siya takot? Hindi siya… takot kay Hiro?

“Nakita mo siya?” I asked.

She nodded. “Kaonti po.”

“Hindi ka takot sa kanya?” I asked more.

Umiling siya. “Hindi…”

Kumurap ako. Illisha’s afraid of seeing people. Isang tingin minsan ay iiyak siya at yuyuko. Iyon din ang dahilan kaya hirap akong kumbinsihin siyang makihalubilo. Kapwa kami hindi agad nagtitiwala, kapwa mahirap makumbinsi kung totoo bang maburi ang hangarin ng isang tao sa amin o hindi.

“You know him, Mommy?” ulit niya habang hinahanda ko ang pagkain.

Tumango ako ng marahan. Her eyes sparkled.

“What’s his name?”

Kinuha ko ang mga pinggan. Hindi ko halos masagot ngunit desidido naman.

“Hiro,” I uttered.

“Hiro? It almost sound like hero…” she giggled.

Ngumiti ako lalo na’t napapasok niya ang kanyang makulay na imahinasyon sa pangalan ni Hiro. Ano pa kaya ’yung isang pangalan nito. It will probably fuel her thoughts more to think of him as a Prince and a Superhero.

Medyo naiibsan ang pangamba ko kaso may takot pa rin at galit. Takot na baka madamay si Illisha at galit para roon.

Nagtuloy tuloy na ata araw araw ang pagiging ganoon niya. Natigil nga ang itlog at gatas ngayon pagkain na naman. Kaso pansin ko umiiba ang mga pagkain.

Brown rice instead of white rice. Hard boiled eggs. Vegetables and fish. Iyon ang ulam. May araw na meat at chiken pero hindi nawawala lagi ang gulay! Minsan gulay lang halos! Merong prutas ngunit avocado at saging!

Where’s the baked chicken?! My bread and pasta! The pancake! Ni isa… wala!

Iyon talaga ang inireklamo ko.

“Where’s the bread and pasta?” tanong ko kay Hiro noong maghatid ulit. “At gulay na naman! Nakakaumay,” reklamo ko nang silipin ang loob.

“Naubusan kaya ’yan ’yung mga na-order ko,” aniya habang nakatayo sa labas ng gate.

Sa ilang beses kong nag-oorder ngayon pa naubusan?

“But I don’t eat fish. Ayoko sa isda,” giit ko.

“You should eat it. Wala nang iba…”

“And veggies. Ayoko na sa gulay!”

“Ayaw din ba ng anak mo sa ganoon?”

Mahilig si Illisha sa gulay pero ayoko! At ang natitirang gulay lagi dahil hindi ko kinakain ang parteng iyon, lalo na’t si Illisha lang naman ang pinapakain ko ng gulay.

Humalukipkip si Hiro. “Ah… maarte ’yung ina,” sabay tango at nakaangat pa ang kilay.

I glared at him. Iniinsulto niya ba ako?

“Buti pa ang anak. Pero ang ina…”

Nainsulto ako roon. Inirapan ko siya at bumalik sa loob. So what? Kaso… nakakainsulto talaga!

Buti pa ang anak. Pero ang ina… Anong sinasabi niya! Eh ano ngayon kung ayaw kong kumain ng isda! Malulunok ko pa ang gulay pero pili lang. At isda… ayoko!

Wala sa sariling pinagkakain at inubos sa sobrang inis kay Hiro mapatunayan lamang na mali siya ng iniisip. Hanggang ngayon talaga ay mahilig siyang makipagkompetensya! At alam niyang palaban ako lagi. Hindi magpapatalo!

Kinakain ko lahat ng mga pagkaing hinahatid. Ganado rin lagi si Illisha. Walang reklamo.

Nagpatuloy naman si Hiro kakahatid. Irap lagi ang aking gagawin pag tatanggapin. At kung may napansin man ako, wala nang nakakapasok sa bahay hanggang pinto. Wala nang nagdedeliver. Siya na lamang ang umaaligid. At natatakot na rin ata ang iba na lumapit dahil handa atang balian ni Hiro ng buto ang mga mangangahas.

Nagpasya akong lumabas sa araw na iyon. Namimiss ko si Betty. Total napagod si Illisha kakalaro at kakabasa ay tulog na naman.

Payapa ang hapong iyon. Medyo mainit pa ngunit hindi masakit sa balat ang paghalik ng sikat ng araw sa akin.

“Hello Ma’am! Long time no see!” si Eric na nangingiting tumingin sa akin habang hinahagod ang katawan ni Betty.

Iginala ko ang tingin. Wala si Hiro. Ngunit wala rin si Arthur. Hindi na ako nagtanong pa at sinimulang palakarin si Betty. The silence was comforting. Ang lamig na hampas ng hangin ay sariwa. Naririnig ko ang ingay galing sa soccer field, ang ingay ng iilang hayop na nagkalat, at pagaspas ng hangin sa mga puno.

Nasalo ko ang pagkalaglag ng tuyong dahon. I smiled and looked at it gently. Kung hindi lamang may narinig na yabag ng panibagong kabayo ay hindi ako matatarantang patakbuhin si Betty.

Katulad ng takbo niya ay matulin na naman. Yumuko ako ng kaonti. Sumabog ang aking buhok. Gumagalaw ang puting bestida dahil sa hanging yumayakap.

Lumingon ako. Nakita kong huminto si Arthur. Naroon si Hiro, hindi na nagtangkang humabol. Wala pa sa gate ay pinahinto ko na at mabilis na tumalon. Ngunit pangit ang aking pagkakababa dahil nadulas at deritso ang bagsak sa sahig.

I groaned painfully. Hindi ako sa bermuda grass napatukod at sa daan mismo! Sa daang may kaonting bato bato at magaspang!

I saw Arthur. Malakas ang pagkakatakbo at papalapit. Isang hila sa tali ay huminto ito at mabilis na bumaba patalon si Hiro. Natataranta akong tumayo ngunit nawalan ng balanse.

Bago pa tuluyang bumagsak ay agaran niya akong nasalo.

“Shit!” si Hiro nang dungawin ang aking tuhod.

“Bitiwan mo ako!” I started pushing him.

“Alright. Calm down…” dahan dahan niyang inaalis ang pagkakahawak sa akin.

Tumayo ako mag-isa ngunit kumirot ang aking paa kaya nawalan ulit ng balanse na mabilis niya akong sinalo muli.

“Bitaw sabi!” muli ko siyang itinulak.

He sighed and he slowly pulled away. I couldn’t stand so I remain on the floor. Nakaupo roon at tinitingnan ang tuhod kong may sugat ganoon din ang aking palad na naitukod ko kanina.

Yumuko si Hiro sa aking harapan para makalebel ako, may kaonting distansya sa pagitan ngunit malapit lang din sa akin.

“Let me see…” marahan niyang sabi.

I glared at him. Bakit ba kasi nandito siya lagi? Payapa ang mga araw ko noong wala siya rito. Ngayong nandito siya, napapahamak ako.

“Patingin…”

I sighed aggresively and shook my head. Itinago ko iyon sa aking likuran at hinila rin ang aking suot para matakpan ang aking tuhod.

“Alis na,” pananaboy ko.

“Let me see your wound please,” si Hiro na inilahad ang kamay at marahan pa rin ang tinig.

I glared at him multiple times. Namumungay ang mga mata nang tingnan ako sa maamong paraan.

“Let me see. Baka ma-infect ’yan. Gusto mo bang may peklat ka sa katawan?”

Kumurap ako at parang napatid. Hindi naman kasi ako madalas nasusugatan simula bata ako. My father is too careful. Ayaw niyang kahit daplis ay maranasan ko. Si Irah ang laging nakakakuha ng ganoon.

Kung may pagkakataon mang nasusugat, galit na galit lagi si Dad. Ang mga tauhan ang napapagalitan o di kaya ay aking mga pinsan. Depende kung sino ang kasama ko lagi.

“Let me see so I can make sure it’s not that deep,” si Hiro.

My expression calmed down. Dahan dahan kong inalis ang aking palad sa likod. Maingat ang kanyang tingin sa akin, hindi gumagalaw at parang ayaw makagawa ng mali sa aking paningin.

“Kindly pull your dress up so I can…”

“Ano?” I glared at him.

“So I can see your wound. Jesus! Your mind…” I can sense his frustration.

Kumalma ang aking ekspresyon at dahan dahang inangat ang dulo ng aking dress hanggang bumungad ang sugat ko sa tuhod.

Hiro sighed. Para siyang pinaparusahan nang makita ang gasgas sa aking tuhod.

“Does it hurt?” marahan niyang tanong habang tinitingnan ang mga iyon.

Ramdam ko ang hapdi. Parang mga karayom na sabay sabay na tumutusok doon.

I nodded. He licked his lip problematically.

“Can you manage to stand? May gamot ba sa loob ng bahay mo? Kaya mo bang gamutin mag-isa?”

Hindi ako makapagsalita. Wala akong… ganoon.

Umiling ako ng bahagya at nag-iwas ng tingin.

“Wala?” he clarified.

Nakatingin sa malayo nang tumango.

He sighed again. “I’ll buy first. Can you manage to stand?” ulit niya sa tanong kanina.

I nodded coz I don’t want his hands on me.  Tumango si Hiro. Pinilit ko ang pagtayo. Noong una ay masakit at kamuntik mapabalik sa sahig, si Hiro na nakaabang agad at sasaluin ako ngunit mabilis kong napigilan ang sarili.

“Careful,” si Hiro.

Muli akong tumayo. Tumayo rin siya at ginaya ako. Ilang lakad nalang naman ang gate eh. Unti-unti akong humakbang ngunit paika ika.

Nilingon ko si Hiro, nakapamulsang sumusunod, nakatingin at parang nakaabang lagi kung sakali mang mawalan ulit ako ng balanse.

“Hugasan mo pagdating sa bahay ng tubig ang sugat mo. Babalik ako mamaya at ibibigay ko sa’yo ang gamot,” aniya.

Napahawak na ako sa gate gamit iyong isang kamay na walang natamo. Muli kong nilingon si Hiro, huminto na at hindi lumapit.

“Mabilis lang ako,” aniya.

Hindi ako umimik at pumasok na. Hindi na rin lumingon pagkatapos isara ang gate.

Binuksan ko lamang ang pintuan at doon napaupo. I couldn’t walk anymore. Parang nakakapagod. Ngunit gusto ko ring… mag-abang. Sa pagbabalik niya.

Tahimik akong naupo sa nakabukas na pintuan. Nilingon ko ang loob. Tulog pa rin siguro si Illisha. Nasa itaas ang kuwarto. Nandito sa ibaba ang sala at kusina.

I sighed. Ibinalik ko ang tingin sa aking tuhod. Nakita ko ang pamumula noon at ang gasgas na may lumalabas na dugong hugis bilog. May mga dumikit na maliit na bato at meron ding isang hibla ng damo. Kinuha ko iyon.

Tiningnan ko ang aking palad. Mas malaki ang nasa tuhod at sa palad naman ay kaonti lamang ngunit mahapdi pa rin.

I watched the gate curiously. Humaba ang aking leeg at tumingin sa paligid. Gusto ko sanang tumayo at sumilip sa labas kaso mahirap na.

Nakita ko ang unti-unting pagsilip ng paglubog ng araw. Dumidilim na ngunit humahalo pa rin ang kulay kahel na galing sa langit.

Kinagat ko ang aking labi at parang nadidismaya. Bakit ang tagal? Akala ko ba mabilis lang? Bakit parang gagabihin?

Pumikit ako nang unti-unting may naalala. I saw myself waiting patiently. Nilalamig at nawawalan ng pag-asa habang may hinihintay.

Kinurot ang aking dibdib. Lumandas ang luha sa aking sa mga mata. Nagsisi agad ako dahil alam kong katulad lamang ito noon. Kahit ayokong masugatan sa bagay na iyon, hindi ko maiwasang masaktan.

Isang doorbell ang mabilis nagpadilat sa akin. Mapaghanap ang aking mga mata at nakita ang mga mata ni Hiro. His eyes widened when he saw me sitting on the floor miserably. Hindi naman iyon nakasara kaya isang tulak lang, nakita ko agad si Hiro na pumapasok.

Malalaki ang hakbang niya para lang makalapit ulit dala ang isang brown paper bag. He’s blurry. Dahil na rin sa luha sa aking mga mata.

Lumuhod agad siya sa akin, handang dumalo at handang gawin ang lahat mawala lamang ang sakit na aking nararamdaman.

“Does it hurt?” tanong niya at mabilis na binubuksan ang dala.

“Ang tagal mo…” my lips quievered.

His shoulder loosened. Natigilan siya sa ginagawa at dahan dahang napatingin sa akin. Kung kanina’y nag-aalala, ngayon ay parang nasasaktan sa narinig.

“Ang tagal tagal mo…” ulit ko at humikbi, nadidismaya at napapagod sa aking nararamdaman.

“I’m sorry. Malayo ang drugstore kaya naghanap ako ng Mall na malapit…” he explained.

Pumikit ako at yumuko. Hindi ko alam… ang sakit. Naaalala ko. At ayoko… ayoko sa ganoong pakiramdam.

“I’m sorry… Forgive me,” si Hiro na nagsusumamo ang tinig.

Hindi ko alam kung para saan ang aking mga luha. Kung para ba sa mga sugat, o sa naramdaman kanina habang naghihintay. Ganoon din iyon. At alam ko… ang mga susunod, mas masakit.

“Traffic sa napasukan ko. Hindi ko pa masyado kabisado ang lugar kaya nahirapan akong makapaghanap. I’m sorry for worrying you. I’m sorry for making you wait…”

Ayokong makinig. Reasons.

“Umalis kana,” namamaos kong sambit.

“Gagamutin natin ang sugat mo at aalis ako agad.”

Umiling ako. Gusto ko ngayon siya umalis.

“Stop crying please,” mababa ang tinig ni Hiro.

Umahon muli ang aking mukha para tingnan siya. Namungay ang kanyang mga mata. Nag-ambang hawakan ang aking pisngi ngunit kumuyom ang kamay at hindi itinuloy.

May kinuha siya sa kanyang likuran at inilahad sa akin ang isang panyo. Tiningnan ko iyon.

“Wipe your tears.”

Inabot ko iyon at pinahid sa aking mukha. Nararamdaman ko ang kanyang panonood, ang mga matang puno ng emosyon.

“I’m sorry. It won’t happen again. Mas bibilisan ko na sa susunod.”

Hindi ako makatingin sa kanya. Hindi ko rin gustong panghawakan ang salita niya. Ayoko ng ganito. Ayoko’ng umaasa ako. Ayokong naghihintay. Ayokong sa huli…

“I’ll park my car outside so you can make sure I’ll be there. Always. All the time,” ani Hiro nang makitang hindi ako nakumbinsi.

“Sa gabi rin. I’ll sleep inside my car. Aalis ako kung may bibilhin lang na kailangan mo. Ngunit babalik agad para maihatid sa’yo,” patuloy niya.

Tiningnan ko siya ng maigi.

“Hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi. I’ll distance myself. But you will always see me from afar watching you. Hindi ako lalapit kung wala kang kailangan. Are you okay with that? Hmm?” he tilted his head and watched my pained expression carefully.

Nagkatinginan kami. Nakukumbinsi ako sa parteng iyon at napapanatag. Tumango ako. Buong akala ko ay ngingiti dahil sa pagsang-ayon ngunit nakita ko kung paano siya nasaktan.

“Can you manage to stand? Gagamutin na natin ang sugat mo,” si Hiro.

Tumayo akong muli. Humarap ako sa pinto at itinulak iyon ng malaki para makapasok. Nauna akong humakbang ngunit tumigil lang nang mapansing nanatili si Hiro sa labas.

“Pasok ka…” imbita ko.

He looked shock but he slowly nodded. Inilagay niya ang brown na paperbag sa sofa.

“Hugasan muna natin ang sugat mo,” ani Hiro.

Right. I forgot what he said. Sa paghihintay ko kanina, hindi ko na iyon naisip.

Naglakad ako patungo sa kitchen area. Binuksan ko ang gripo at itinapat ang aking palad doon. Humalukipkip siya at sumandal sa gilid habang nakaharap ng buo sa akin. Tiningnan ni Hiro ang aking galaw.

“Sa tuhod,” aniya.

I splashed it with some water. Hindi ko alam kung tama ba ang aking ginagawa ngunit hindi naman siya nagrereklamo kaya pinagpatuloy ko lalo na’t nasa ibang direksyon din ang tingin. Doon ko napagtantong kita na pala ang aking legs.

“Do it correctly. Make sure there’s no debris left. If you can’t do it then let me know so I can give you a hand,” aniya.

Ngumuso ako at tiningnan ang aking tuhod. Binuhusan ko iyon ng tubig. Nabasa ang aking binti at umagos pababa. Hindi pa rin nakatingin si Hiro kaya inangat ko lalo ang aking damit para hugasan iyon.

Noong masigurado kong wala na iyong mga dumikit na dumi sa aking sugat ay binalikan ko ng tingin ang aking palad. Hinugasan ko iyon ulit. Tumingin si Hiro.

“Let me see…”

Ipinakita ko sa kanya. Tumango siya.

“Sa tuhod wala na?”

Umiling ako. Tumango siya. Muli akong naglakad patungo sa sofa. Umupo ako roon. Sumunod si Hiro. Tumigil siya sa aking harapan at nakitang nakaabang na ako sa kanyang gagawin.

“Am I allowed to do it?” he asked gently.

“Hindi ako marunong kaya ikaw nalang,” I said.

He nodded obediently. Binasa niya ang labi at inabot ang soft pillow. Ibinigay niya iyon sa akin.

“Put it on your lap,” aniya.

Kinuha ko iyon at inilagay sa aking kandungan. Kinuha niya ang mga pinamili kanina at sinimulang gamutin ang aking tuhod.

Tahimik ko lamang siyang tiningnan. Tahimik din na aahon ang kanyang tingin at titingnan ako pabalik. I noticed his features. He looked different from his usual.

Thick brow and long lashes. Hindi ganoon ka haba ang buhok niya at isang pulgada lamang ata. Ang iilan ay nakaatras at ang iilan ay kumumpol at nalalaglag sa noo. It’s always disheveled.

Guwapo naman siya noon pero may kakaiba ngayon sa mukha niya na parang masasabi kong triple kumpara sa pagkakamangha ko noon. He matured. He looked different.

Kabisado ko naman ang itsura niya noong highschool days at college days. Hiro as a teenager was snob and serious. Tama lagi ang kanyang katawan. Hindi payat. Hindi rin sobrang laki. Bukod sa maalaga siya sa sarili noon, alam kong nasa gym din at mahilig sa sports.

Kaya ngayong nakita ko siya, parang triple na ang inilayo niya sa dating itsura. He’s way more… more…

Manly.

Umangat ang kanyang ulo. Nahuli niya ang titig ko. Dahan dahan niyang binawi ang tingin at nagkasalubong ang kilay.

Maingat ang pagkakagamot niya at hindi ko rin naramdamang lumapat ang kanyang kamay sa balat ng aking kawatan. Sa sugat lamang noong ginagamot niya. Kaya noong matauhan na tapos na, medyo napakurap ako.

“Show me your hand,” ani Hiro.

Ipinakita ko iyon sa kanya. Maingat niya ulit iyong ginamot ngunit sinisiguradong hindi na ako kailangang hawakan pa.

Iniisip ko tuloy. Baka may… girlfriend siya? Meron ba?

Ang pinsan niya nga ikinasal na. At kung totoo mang nandito lamang siya dahil inutusan, baka iyon lang talaga ang sadya niya?

Ngunit nasa isip ko pa rin na baka may iba pang rason. Pinagbibintangan na baka ay gustong gumanti kaso sa sinabi ni Illisha ay medyo gumagaan ang pakiramdam.

Kaso paano naman kung tama ang iniisip ko? He’s manipulative. Binalikan ko sa isip ang nakaraan ko sa kanya.

Everything he did was for my own good. Hindi niya ako pinagtangkaang saktan kahit na maraming beses siyang may pagkakataong gawin iyon. Kung hindi siguro siya Delafuente, kung hindi siya nabibilang sa angkang iyon ay mapapanatag ako sa kanya.

Ngunit alam kong Delafuente siya.

“It’s done,” ani Hiro.

Tiningnan ko ang ginawa niya. May patch band-aid na. Nararamdaman ko ng kaonti ang hapdi pero hindi na ganoon ka lala.

“Stop running. I will not chase you. Hindi kita lalapitan at mananatili ako lagi sa malayo,” ani Hiro.

“Kung nakita mo ako na umaaligid sa susunod, maglakad ka lang palayo. Huwag mong isipin na hahabulin kita. Magdahan dahan ka lang,” patuloy niya.

“Mananatili akong malayo kung ’yon ang gusto mo. Magbibigay ako ng distansya kung iyon ang ikakapanatag mo.”

Hindi ko alam ang sasabihin ko ngunit unti-unting kumakalma.

Narinig ko ang kalabog sa itaas. “Gising na si Illisha…”

Napatingin din si Hiro sa kisame. Nilingon ko ang hagdan lalo na’t naririnig ko siyang bumababa. Lumingon din doon si Hiro.

“Mommy?” tawag niya.

“I’m here…” sabi ko.

Kinukusot ang mga mata suot ang kanyang pantulog. Tumayo siya sa gitna ng hagdan. Tiningnan niya si Hiro at nahiya.

Nilingon ko si Hiro, titig na titig sa direksyong tiningnan ko, kay Illisha. Oh right… siguro ay nakita niya rin ang anggulong iyon?

“Nakikita mo ba ang anggulo? She looked like Marione and Ken’s features. Parang mixed. But she looked like Marione more for me…” I explained softly.

And she’s adopted. I adopted her years ago.

37th Ruled

Ruled

Dream

“Did you see it?” pangungulit ko lalo na’t natitigilan si Hiro.

Binawi niya ang tingin, ang mga mata ay hindi tumititig sa akin. Kinabahan ako. Noong sumulyap siya, halos malambot na at dahan dahan ang pagtango.

“Yes…” he said.

Sabi na at magkamukha eh!

Huminga ako at tiningnan si Illisha.

“You’re hurt, Mommy?” she asked.

I smiled and shook my head. “I’m fine!”

Tumingin si Hiro sa aking ngiti. Muling nilingon ang direksyon ni Illisha.

“Go upstairs. Don’t worry, I’m fine,” I said to convince her.

She nodded quietly. Tumingin siya sa likod ni Hiro ngunit mabilis ding binawi at umakyat pabalik sa itaas.

Ibinalik ko ang tingin kay Hiro. Inalis din ni Hiro ang tingin sa hagdan at tahimik niyang tinititigan ang aking sugat. Maybe he’s thinking I married someone? Yumuko siya ng kaonti at bumuntonghininga.

Hindi ko masabi sabing adopted si Illisha. Kaso sa ekspresyon niya, parang nalilito at may iniisip. Baka naman iniisip talaga nitong nabuntis ako ng iba.

“Where’s her father?” he asked calmly, hindi makatingin sa akin.

“Wala siyang ama,” sabi ko.

Tumango siya, ayaw pa rin tumingin sa akin.

“So… you adopted her?” parang nahulaan agad ang aking iniisip.

Hindi na ako nagtataka sa parteng iyon. Hiro’s wise and unpredictable. He can sense what’s going on around him. Dahil din siguro nahulaan niya lalo na’t hindi ko kamukha ang bata.

“Yes,” I answered honestly.

Tumango siyang muli, hindi pa rin tumitingin sa akin.

“What’s her favorite snack? Bibili ako,” si Hiro na tumatayo.

“Uh, sweets… Anything such as chocolates and chuckie,” sabi ko.

He nodded while turning his back. “I’ll be back,” namamaos ang tinig na iyon habang ibinubulsa ang kamay at deri-deritso na ang lakad patungo sa pinto.

Sunod sunod ang hakbang niya palabas. Hindi ko nalang iyon pinansin pa total gabi na rin.

Umakyat ako at tiningnan si Illisha. She looked happy. Kumunot ang aking noo lalo na’t noong magkatinginan kami ay nangingiti siya.

“I like him for you, Mommy…” aniya nang lumapit ako sa kanya.

“Hmm? You do?”

Tumango tango siya. “I can sense he’s nice. He will take care of you like how I did.”

Pinisil ko ang kanyang pisngi. “He probably has a girlfriend. At masaya na ako sa’yo…”

“But I want you to be happy. For real!”

I sighed. Illisha’s always positive. Nahahawa rin ako sa kanya. She’s always magical to me. Parang isang salita niya lang mawawala na ang pangamba ko.

“He looked like those prince I read in the book,” patuloy niya habang sinusuklay ko na ang kanyang buhok gamit ang aking daliri.

“And he’s finally here… to save you…”

Kumunot ang aking noo. Natigilan ako at nilingon ang kanyang mukha. She smiled. Her sparkling eyes were hopeful. She looked so happy.

“I waited for him too, Mommy…”

Kinabahan ako na nagdududa kung bakit ganoon ang sinasabi ni Illisha. I am not waiting for Hiro. All those years I managed to defeat the demons of my own battle. I managed to stand alone. I managed to live peacefully. I managed to pull myself out of my painful reality.

Kaya nagtataka ako kung bakit… nasasabi niya ang mga ito.

“You should give him a chance this time,” she urged playfully.

“I’m not worth it—”

“No! You are. Stop saying that, Mommy,” putol niya sabay simangot.

She’s too young to understand how falling inlove really works! At wala na akong panahon sa ganoon. Nandito si Illisha sa buhay ko. Gusto kong sa kanya lamang ang buo kong atensyon.

“I will not disturb you if he comes back here. You should entertain him, Mommy. I’m fine reading my books. I’m fine sleeping. I’m fine playing alone. You should think about yourself this time.”

Sometimes, I feel like Illisha isn’t a child. Matalino siyang bata kaya ang mature niya mag-isip. Positibo pa lagi. She’s full of hope. Full of love.

Oo at marami siyang mga kahinaan ngunit palagi siyang nakakahanap ng paraan para pasahahin ang sarili at huwag malungkot.

She mirrored my young self. Full of love. Full of hope. Full of kindness and positivity.

“You want me to date him?”

“What’s… what’s date?” she looked confuse.

“Date. Uh… Hmm… parang papasok sa relasyon tapos magiging masaya. Magpaplano sa future. Gano’n…”

“Then date him, Mommy!” halos isigaw niya ’yon, nangingiti.

What? She giggled playfully.

“You’re like a princess trapped in a big castle and finally your prince is here!”

Oh God… did I feed her of too much fairytale stories?!

“Illisha this is reality. That’s not how it works. Iba ’yung sa libro dahil sigurado naman lagi na may happy ending sila,” sabi ko sabay hagod ng kanyang pisngi.

“But I’m here. I am your fairygod mother! I’ll cast a spell on you… wait!” nagtatakbo siyang nagtungo sa loob ng kuwarto.

Humalukipkip ako at nangingiting naghintay. Nasisilip ko siyang nagbibihis ng mabilis. Natataranta at naghahanap ng mga gamit na pinaghihila niya sa maliit naming walk-in.

Noong lumabas ay may tiara na sa kanyang ulo, may suot na pink tulle dress, ang pakpak na nagmukhang fairy sa kanya at isang wand. Hinilot ko ang sentido at hindi mapigilang mapangiti.

“Stand up, your highness…”

Namilog ang aking mga mata. Well of course I’m obedient. Tumayo ako ng dahan dahan. Hinawakan ko sa magkabila ang aking dress at yumuko ng kaonti para magbigay galang sa kanya.

“I, Illisha Buenaventura, is casting a spell on my Mom to become happy for the rest of her life with her prince—What’s his name, Mommy?” pabulong ang pagkakatanong sa huli.

Pumikit ako, naiiling dahil sa kanyang kalokohan ngunit ayaw sirain ang kasiyahang iyon.

“Hiro…”

Tumikhim siya at muling nagseryoso. She started turning her wand like he’s really casting her spell on me.

“With her prince named Hiro. And they will live happily every after!”

Natawa ako roon. Hindi ko rin talaga kinakaya ang imahinasyon ni Illisha. Ngunit kahit ganoon ay lagi akong nahahawa sa kanya. Nakakatuwa siya at magaan lagi sa pakiramdam.

Hindi ko na namalayan ang oras noong muling may nagdoorbell. Bumaba ako lalo na’t alam kong bumalik siya.

Naroon siya sa gate, nakatayo. Sobrang dilim ng labas pag ganitong oras ngunit may kaonting ilaw galing sa kanyang kotse. Walang mga ilaw ng poste. Wala ring malalapit na bahay kaya mas lalong nakakatakot tingnan.

“Don’t eat too much sweets. It’s for your daughter,” ani Hiro nang ilahad iyon.

I looked at him curiously. Iniwas niya agad ang mga mata ngunit kita ko na medyo… pula.

Did he cry?

Tinanggap ko iyon at tumango. Saan siya matutulog kung ganoon? Nabanggit niyang sa loob lamang siya ng kotse mananatili ngunit sa dilim ng paligid, parang nakakatakot.

At hindi ba siya mahihirapan?

“Pumasok ka nalang muna,” imbita kong muli.

“Ayos lang ba? Gabi na.”

I nodded since it’s too dark. Pitch black. Kung mamamatay ang ilaw sa kotse niya, talagang sobrang dilim.

Binuksan ko ulit ang gate. Pumasok siya ng dahan dahan. Inilock ko iyon ng maigi saka rin kami nagtungo ulit papasok.

“How’s your scrape? Hindi ba kumikirot?” tanong niya.

Umiling ako lalo na’t medyo humuhupa na rin naman ang sakit. Nauna akong pumasok sa loob. Sumunod din si Hiro. Ako mismo ang naglock ng pinto. Pinanood niya kung paano ko isa isang isinara ang tarangkahan na halos nasa apat na bilang.

“Kukuha lang ako ng extra na comforter sa itaas,” paalam ko at nagmamadaling umakyat.

Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Nangangamba ako ngunit noong nakita siya ni Illisha ay hindi ito nagpanic.

Paano ba ako makakasigurado kung hindi gaganti si Hiro sa nangyari noon? Iyon ang aking iniisip habang tahimik akong kumukuha ng isang unan at comforter. Inilapag ko sa bedside table ang binili niyang snack para kay Illisha. Tiningnan ko muna ang aking anak na mahimbing na ang tulog saka ako muling bumaba.

Nakita ko si Hiro, nakatayo sa sulok ng dilim at parang may malalim na iniisip. Kunot-noo ko siyang tiningnan lalo na’t kakaiba ang mga mata niya.

“Your daughter?”

“Uh tulog na,” sabi ko at dinala sa sofa ang kumot ’tsaka unan.

Muli kong sinipat ng tingin ang mga mata ni Hiro. It’s swollen. Did he rub it? Or did he cry?

But does Hiro cry? Hindi ko lang kayang isipin na parang iyakin siya. Sa daming beses ata na makikita ko siyang umiyak ay parang malabo.

“Ayos ka lang dito?” I pointed his own bed.

He nodded. Tumango rin ako at hindi na alam ang sasabihin ngunit ramdam ko ang paninitig niya.

“Pwede bang lumagpas sa linya? Kahit ngayon lang? Kahit saglit lang?” may pagsusumamo ang tinig niya.

Kinabahan ako. Sinuri ko siya ng maigi. Is he hurt?

Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. Ngunit nang dahan dahang hinaplos ang aking siko, nagsusumamo ang mga mata nang hinila ako papalapit sa kanya, alam ko na agad ang gusto niyang mangyari.

His eyes looked weak and tired. Ang kanyang pagkakahawak ay puno ng pag-iingat. Nakatitig lamang ako sa kanyang mga mata, hindi umiimik at natatangay sa emosyong napagmamasdan ko.

Bumangga ako sa kanyang katawan. Ang kamay niyang nasa aking siko ay gumapang sa aking likuran.

“Is this okay?” namamaos niyang bulong, punong puno ng pag-iingat.

I’m bothered coz his words were full of agony, his eyes twinkled with tears when I looked at him. Anong… anong problema?

Tumango ako hanggang naramdaman kong unti-unting humihigpit ang pagkakapalupot ng matigas niyang braso sa aking likuran.

Mas nadikit ako kay Hiro. Mas nadepina ang pagiging nipis at payat ko sa kanyang kalakihan. Yumuko siya at ipinatong ang ulo sa aking balikat, mahaba ang buntonghininga at parang hirap na hirap.

“Is this okay?” he asked more, ang tinig ay sobrang paos na. “Do you feel… comfortable?”

I nodded again coz I can clearly feel that he’s hurt. Parang hindi ko siya kayang itulak. Anong nangyari?

“I’m… proud of you,” nanghihina niyang bulong.

I noticed how his shoulder rocked slowly. Isang kamay lamang ang nakayapos sa akin ngunit mahigpit. Mabibigat ang kanyang paghinga at parang isang tulak lang, mababali siya. Parang unti-unting nauubos at pinanghihinaan ng loob kaya hindi na kayang pigilan pang malunod sa emosyon.

“So proud of you… All these years… you managed to lived alone. You’re healthy and happy. You managed to help yourself,” he whispered more but I can sense his pain.

“I’m so proud of you… You’re such a strong girl,” ulit niya ngunit parang nasusugat ang tinig.

My shoulder loosened. I chuckled weakly. Hiro’s grip tightened. He’s shaking uncontrollably. His shoulder rocked repeatedly. Nagkasalubong ang aking kilay nang nababasa ang aking balikat. He’s crying? But why…

“I wish I was selfish. Ikaw sana ang inuna ko bago ang iba. Pinagsisisihan ko… na sa mga taong iyon, wala kang kasama,” his voice trembled.

Kuryoso ako sa kanyang tinutukoy ngunit hindi niya kailangang mag-alala sa bagay na iyon lalo na’t maayos na ako.

“I have Illisha,” I whispered in order to calm him.

I couldn’t hurt myself coz I don’t want to leave her alone. Ilang beses… ilang beses kong hiniling na sana ay matapos ang lahat ng paghihirap na iyon. Siguro naawa ang langit sa akin. Nakinig kahit makasalanan ako. Pinagbigyan ako.

“I’ll make it up to you. I promise. I will stay by your side…”

Parang hinihiwa ako sa tinig niya. Hindi ko hinihingi ang parteng iyon. Hindi ko kailangan dahil kaya kong mag-isa. Halos lito, hindi ko alam ang sasabihin.

He sighed heavily. Sinilip ko ang kanyang mukha. Nagulat ako lalo na’t basa iyon at talagang… umiiyak siya. Kailanman, hindi ko nakitang mahinang tingnan si Hiro, hindi ko siya nakitang nabali. Hindi ko nakitang ganito siya. Kaya ngayong niyayakap ako ng mahigpit gamit ang isang kamay at ramdam ko pa rin ang pag-iingat ay nagtataka ako.

“I’m sorry…” bulong niya sa namamaos na tinig.

Bakit… bakit siya humihingi ng tawad sa akin? Dahil ba sa sugat ko? Dahil sa nangyari noon? Dahil kung dahil doon hindi na iyon importante sa akin! Umiikot na ang mundo ko kay Illisha. Hindi na kailangang balikan pa ang kahapon.

“I’m sorry for being late,” he whispered weakly.“I’m so sorry… I’m sorry for putting them first before you. I’m sorry for leaving you behind. I’m sorry for letting you carry all this burden alone. I’m sorry!”

Umangat ang aking kamay at dahan dahang napunta sa kanyang likuran. Idinikit ko iyon doon para aluin siya, na sana ay sapat iyon para makatulong ako at matanggal ang nagpapasakit sa kanya.

Gumalaw ang isang kamay ni Hiro at pumalupot din iyon sa aking baywang, na iyon na ang senyales para yakapin ako ng buo. Ibinaon niyang lalo ang kanyang mukha sa aking balikat at niyakap ako ng mahigpit.

I heard him cry weakly. Halos tumingyakad ako at ang isang kamay ay inihawak ko sa kanyang batok.

“Ang laki laki ng kasalanan ko sa’yo,” daing niya.

Kumunot ang aking noo. Hindi ko maalalang siya ang unang nanakit sa akin ngunit… bakit… bakit siya? Bakit siya ang ganito?

“You don’t deserve any of this! Ako nalang sana ang pinarusahan. Bakit ikaw? Bakit ikaw pa?” patuloy ni Hiro.

Parang may sumasaksak sa akin. Masaya ako, Hiro… Gusto ko iyong isaboses ngunit bumabara sa aking lalamunan ang bukol na pumipigil sa mga salitang gusto kong ilabas.

Marahas na ang paggalaw ng kanyang mga balikat. Marahas na ang panginginig. Marahas ang pagkakabaon ng kanyang mga matang basang basa sa aking balikat at sobrang higpit ng yakap sa akin.

“I did everything… everything… pero nahuli pa rin pala,” he cried helplessly on my arms.

“Hiro… ano ba…” halos gusto ko siyang dungawin dahil natataranta ako at nag-aalala.

“What’s wrong?” I asked gently but I couldn’t look at him clearly. “Anong problema? Sabihin mo sa’kin.”

“I’m sorry if it took me so long…” tanging sagot niya.

Huminga ako ng malalim. Nasusugat ako sa mga salita niya. Hindi niya ako responsibilidad! At maayos ako! Maayos ako!

“Hiro maayos ako. Masaya ako. Nakaya ko…” marahan kong sumbong ngunit umiling siya, mas lalo atang nadagdagan ang nagpapabigat sa kanya.

Ayaw niyang bumitaw. Ayaw lumayo. Ayaw humiwalay. At hindi ko kayang magpumiglas dahil parang iyon nalang ang kinakapitan niya para makatayo ng tuwid, para maging matapang para sa sarili kahit durog na durog na.

Tahimik kong hinayaan si Hiro, pinakiramdaman at nanatiling ganoon ng ilang minuto. May parte sa akin ang nadudurog mapakinggan ang iyak niya.

Coz maybe the way he said those words to me. I can feel his regret, his longing, his pain. Nagsisisi ngunit hindi ko alam saang parte. Hindi ko mapangalanan ang mga dahilang iyon at isa-isahin sa aking utak.

Hindi naman siya ganito sa nagdaang mga araw? O baka ngayon lamang dahil pinapasok ko siya sa bahay? Lalo na’t sa isang beses ko siyang tinakbuhan, laging iniiwasan at pinagtataguan, ngayon lamang napagbigyan.

Hindi ba siya naging masaya sa lumipas na taon? Hindi ba siya nakahanap ng rason para maging masaya?

“You should sleep…” namamaos niyang bulong at humiwalay din.

Ngayon na muling nakita ang mga namumulang mata, nanghihina na iyon at pagod.

He looked so hurt. Parang malalim ang sugat kaya hindi niya kayang indahin at masyadong masakit.

“Baka buong gabi kitang yakapin dito,” he said.

Nagkasalubong pa rin ang aking kilay. Gusto kong magtanong kaso parang ayaw niyang magkuwento. Gusto kong manatili kaso mukhang gusto niyang mapag-isa. Tumango ako ng dahan dahan at nagtungo sa hagdan para umakyat ngunit huminto pa sa gitna para tingnan siya.

Nakapamulsa niya akong tiningnan. Nakatayo roon, tinatanaw ako habang namumungay ang pagod na mga mata.

Nasa kalagitnaan na ng hagdan nang bumaba akong muli. Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng baso. Kumuha rin ng pitsel sa ref at binuhusan iyon ng malamig na tubig hanggang napuno.

Muli kong nilapitan si Hiro. Inilahad ko iyon sa kanya.

Tinanggap niya iyon ngunit parang hindi ko man lang mabawasan ang umuukit na sakit sa kanyang mukha. Kahit kaonting gawin ko ata, walang magbabago.

“Thanks,” ani Hiro.

Tumango ako. “Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka.”

He nodded. I sighed and nodded, too. Tuloy tuloy na akong umakyat habang palaisipan sa akin ang nangyari.

Tumabi ako kay Illisha. I kissed her shoulder and hugged her from behind.

Palaisipan sa akin ang pag-iyak ni Hiro ngunit nahehele rin kay Illisha na nakikita kong mahimbing ang tulog.

She’s really a blessing. Sa tuwing nasa tabi ko siya ay payapa lagi ang nararamdaman ko. Ilang beses kong hiniling noon na sana ay maaksidente nalang o bawian ng buhay bigla ngunit bigla siyang inihulog ng langit sa akin.

Nagising ako sa madaling araw lalo na’t nauuhaw. Bumaba ako at humawak sa gilid ng hagdanan nang makita ko sa sofa si Hiro na gising pa rin, nakaunan ang dalawang kamay at sumisilip ang biceps sa puting nipis na tshirt na suot.

Kumunot ang aking noo lalo na’t alas dos na ng madaling araw. Nakatitig lamang siya sa kisame at tila malalim ang iniisip. Hindi na mukhang umiiyak ngunit ramdam ko pa rin ang hinagpis na pilit niyang tinatago.

Isang apak sa baitang ay agaran niya akong napansin. Bumangon siya at tiningnan ako.

“You couldn’t sleep coz I’m here?” he insinuated. “Lilipat nalang ako sa kotse—”

“Hindi. Nagising lang ako dahil nauuhaw,” sabi ko lalo na’t parang handa nang lumabas dahil tumatayo na siya.

Nagtungo ako sa countertop para kumuha ng baso. Nilingon ko si Hiro. Nakapangalumbaba siya roon sa sofa, tahimik akong pinapanood.

Nagtungo rin sa ref at binuksan iyon para kumuha ng pitsel. Muli ko siyang nilingon. Nahuli niya ang aking mga mata.

“Do you need help?”

Umiling ako lalo na’t ang gaan gaan. Sumimsim ako ng kalahati at muling ibinalik ang pitsel ng tubig sa ref. Hinugasan ko rin ang baso bago ibinalik sa pinagkuhaan.

Muli akong naglakad ngunit bumagal saka tiningnan si Hiro na buhaghag pa ang buhok. Gusot ang nipis na puting nipis na t-shirt.

What did he do for the past years? Maganda ang hubog ng katawan niya. Nakakamangha. Kahit sa dibdib, makikita mo ang paghulma noon dahil sa suot. Ang biceps na sumisilip pa rin at parang puputok ano mang oras.

Tiningnan ko siya sa mga mata. He bowed his head down when he noticed my eyes. Umiiyak pa rin ba siya? Ayos na ba siya? Ano bang problema? Bakit ganoon?

“You couldn’t sleep?” I asked softly.

He nodded slowly.

“Dahil ba hindi king size bed? Ibang iba sa malamansyon niyong bahay sa Manila?”

He shook his head.

Tiningnan niya ang kinatatayuan ko. Tumayo siya at tinapik ang sofa.

“Take a seat.”

Naglakad ako patungo roon. Lumayo siya ng kaonti at nagpasyang umupo sa sahig. Ipiniko niya ang mga paa at ipinalupot ang kamay roon.

“How did you spend your life here?” tanong ni Hiro.

“Parang kung paano lang din doon sa Manila. Kaso ang kaibahan lang may inaalagaan akong bata,” I explained while looking at him.

He nodded and looked away. Humalukipkip ako at medyo nakaramdam ng ginaw kaya kinuha ko ang kumot para itakip sa katawan.

“Do you have a problem?” I asked curiously.

Tiningnan ako ng maigi ni Hiro ngunit iniwas din ang tingin at sumandal sa pader sa kanyang likuran.

“I’m sorry for crossing your boundary. I hugged you,” he sighed.

Umiling ako lalo na’t nagpaalam naman siya at pumayag ako. He looked so guilty. Besides… I hugged him back.

“I hugged you back,” isinaboses ko ang nasa isipan ko.

Pumikit siya at tumingala. Kahit madilim ng kaonti ay nakita ko kung paano ulit gumuhit ang sakit sa kanyang mukha. Isinandal niya ang ulo sa pader. I saw him swallowed. His adam’s apple moved. Binasa niya saglit ang labi at dumilat muli sa namumungay na mga mata.

“That’s our first hug,” aniya.

Ang pangit din kasi kung itutulak ko pa tapos ganoon na siya. Umiiyak. Nasasaktan.

“Umiiyak ka dahil…” hiniwalayan ng girlfriend?

Baka kasi isa iyon sa problema niya? Kaya umiiyak? I-cocomfort ko naman siya.

“Hiniwalayan ka ng girlfriend?” hindi ko na napigilang isaboses iyon.

His brows furrowed and shook his head.

“I don’t have a girlfriend…” kalmado niyang paliwanag.

Kumurap ako. Oh? Wala? Naalala ko agad ang spell ni Illisha kanina. She’s rooting for him. Ayaw ko namang seryosohin iyon lalo na’t alam kong pambatang laro lang din ngunit iyon din marahil ang isa sa nagbigay ng panatag sa akin na pagkatiwalaan ng kaonti si Hiro. Kahit parang kurot lang ang pinanghahawakan.

“How come you don’t have a girlfriend for the past years? Kasal na ang pinsan mo. Sigurado akong ganoon din ang iba. Tapos ikaw…”

He looked at me seriously. Para bang nasa mukha ko ang sagot sa sarili kong tanong. He looked wounded. Parang siya pa itong may sugat sa aming dalawa.

“She rejected me multiple times,” makahulugan niyang sabi.

Natutop ang aking bibig lalo na’t pamilyar. Nag-iwas ako ng tingin. Hanggang ngayon ba ay… ganoon pa rin?

Hindi ko tuloy alam ang mararamdaman ko. Ayokong pag-isipan ng kahit ano ngunit may kaonting sinusulsol sa likod ng aking utak.

Meron pa ba, Hiro? Dahil kung meron, kahit siguro mahulog ulit ako ngayon, hindi ko pa rin matatanggap. Mananatiling nakabaon sa lupa ang nararamdaman ko noon, na kahit mahukay at mabuhay mo man, hindi nang nakatago panghabangbuhay.

Ayokong isatinig lalo na’t makadagdag iyon sa nararamdaman niya ngayon. At wala na rin akong panahon sa ganoong bagay. Gusto kong ibigay ang buo kong atensyon kay Illisha. Sa kanya lamang.

“I’m curious…” sabi ko para maiba ang topic.

“What is it?”

“Paano nagkabalikan si Ken at Marione?”

“Gusto mo bang magkwento ako?”

I nodded coz it’s really making me curious.

“He actually courted her. Sinundan sundan…”

I listened carefully. Nagpatuloy siya.

“Nag-effort. Humingi ng tawad. Nagbago. And the whipped Delafuente finally got her.”

Natawa ako ng kaonti. Napatitig siya sa aking labi saka ganadong nagpatuloy sa pagkukwento.

“Pinaghirapan niyang makuha ang loob ni Marione hanggang pinatawad siya. This time I know it’s for the better. He learned. Sigurado akong hindi niya lolokohin si Marione.”

Gumaan ang loob ko. Ngayong naririnig ko ito ay parang unti-unting naaalis ang nakadagan sa aking puso. Unti-unti akong pinapalaya.

Humiga ako sa unan at paharap lamang kay Hiro lalo na’t gusto ko pang makinig sa kanyang kuwento. Ginaya niya ang aking ginawa at humiga sa carpet. Ang isang kamay ang ginawang unan at ang isa ay ipinatong sa tiyan.

Kumulob ako para makita ang mukha niya. Nahulog ang aking buhok at sumabit kaya inilagay ko ang iilang hibla sa gilid ng aking tainga. Nahuli ko agad ang mga mata niya, maingat na nanonood at halos hindi kumukurap.

“Tapos…” I urged him to continue.

Tumikhim siya.

“Ilang taon niya ’yung sinuyo. Kaya noong sinagot siya, sobrang saya at pinakasalan niya agad.”

My face lightened. Wow. That’s cute!

“My turn. Let’s talk about your life with your daughter,” si Hiro na titig na titig sa akin.

“Ano bang gusto mong malaman? She’s my daughter.”

“I know. But… where did you find her? What’s her real name?”

Kinalkal ko iyon sa aking isip. Basta ang alam ko may pinuntahan akong orphanage dito sa Davao. Tapos nakita ko si Illisha. Kaya ayun…

“Why?” I asked.

“Just curious.”

“Iniisip mo bang kasal na ako at may asawa?”

“I’d rather think like that. Parang katanggap tanggap dahil masaya ka, may kasama, at namumuhay ng payapa.”

“Bakit? Kahit wala akong kasama sa pag-aalaga kay Illisha masaya pa rin naman ako.”

Tumango tango siya ngunit nag-iwas ng tingin. “Pansin ko nga…”

Kung alam lang ni Hiro kung gaano kasaya ang pamumuhay ko rito, kung gaano ka payapa, kung gaano ako ka kontento, sigurado akong maiintindihan niya kung bakit mas gusto kong manatili rito habangbuhay kasama si Illisha kaysa lumabas at harapin ang masalimuot kong mundo.

“It was my dream. Pangarap kong maging ina. Masaya ako dahil dumating si Illisha sa buhay ko. Sobrang saya.”

38th Ruled

Ruled

Date

Tiningnan ko si Hiro. He looked so awake. Mukhang hindi pa rin dinadalaw ng antok, nakatitig sa ceiling at seryoso habang ginagawa pa ring unan ang isang palad, ang isa ay namamahinga sa tiyan.

“I also have a good news for you…”

“What is it?” I watched him curiously like a kid.

“Do you remember that girl you met on Christian’s birthday party? Si Keyla?” tumingin siya sa akin.

Keyla? Keyla! Tumango tango ako lalo na’t naaalala ko siya.

“She’s Red’s wife now.”

My eyes slowly widened. What?! Red? Ang pinsan niya? Ang kakambal ni Blue na mahiyain at tahimik!

“And she recognized me. She’s also looking for you. She remembered you on that night. She didn’t forget you…”

I couldn’t help not to smile. I just… I couldn’t!

“She did?” my eyes twinkled.

Hiro mirrored my smile a little and nodded. Kumikislap ang mga matang nakatingin sa akin, na kahit dim ang ilaw dito sa ibaba at kinakain ng dilim ang ibang lugar ay detalyado ko siyang nakitang nangingiti rin.

“Meron pa…”

“Ano?” halos intense na ata ang nararamdaman ko.

“One of your bestfriend… is in a relationship with my cousin, too.”

What the hell? Wala pa akong banggitin alam ko na agad. Natutuwa ako sa balitang iyon na masaya rin sila at nahanap na ang mga taong magpapasaya sa kanila.

“Do you want to visit your friends in Manila? They missed you.”

Umiling ako. Mas maganda na malayo ako sa kanila. Ayaw kong makagambala. Sana sa susunod kong buhay, kung totoo man iyon, masaya pa rin ako pero kasama silang lahat. Sana iyong hindi ganito ka saya pero limitado at pakiramdam ko’y hiniram ko pa.

Kontento naman ako. Kontento akong ganito. Ayos na ’to. Ayokong nalulunod ulit sa lungkot dahil kawawa si Illisha. Madadamay lagi pag ganoon ako.

Hindi ko maipagkakailang namimiss ko rin sila. May parte sa akin ang nangungulila sa aking nakaraan at gustong bumalik ngunit alam kong hindi na pwede. Ayos na ito sa akin. Ayos na iyong malaman kong masaya sila.

My eyes feel heavy. Namumungay ang mga mata nang nag-iba ako ng posisyon at patagilid na humiga, paharap sa kinaroroonan ni Hiro.

“Do you jog every morning?” tanong niya.

Umiling ako. Matagal na akong hindi nagjo-jog. Umikot din kasi ang mundo ko kay Illisha. Halos pangangabayo nalang nga ang gagawin at hindi pa ganoon ka dalas.

“Do you want to jog with me?” anyaya ni Hiro.

Tumango ako, marahil dala na rin ng antok. My sleepy eyes couldn’t take it anymore. I want to sleep so bad!

“Let’s jog later,” I heard him.

“Hmm…” I mumbled coz I’m too sleepy to talk to him.

Naramdaman ko ang paggalaw niya, nakita ko rin ang pagtayo dahil sa pumipikit kong mga mata. Inayos niya ang kumot sa aking katawan. Inayos din ang tumakip na buhok sa aking mukha nang hindi ako nadidisturbo dahil sa humihilang antok.

“Hey…”

Kumurap kurap ako at nagising sa kanyang tinig sa umagang iyon. I saw him crouching a bit. Noong makitang gising na ay tumayo siya.

Humikab ako at napagtantong nakatulog ako sa sofa, hindi na nakalipat sa itaas! And he really slept on the carpet? How cruel of me to let him sleep on the cold floor!

Kinusot ko ang mga mata.

“We’ll jog outside. It’s almost six,” ani Hiro nang sinilip ang bintana at tinanaw ang labas.

I’m still sleepy!

“I need to prepare Illisha’s breakfast first,” sabi ko nang tumayo at hinanap ang pares ng aking indoor slipper.

Napansin ni Hiro ang ginagawa ko kaya lumapit at yumuko. Tiningnan ang ilalim ng sofa saka kinuha ang isang pares noon. Inilagay niya iyon sa tabi ng isa pa at muling tumayo.

“Tapos na akong nagluto kanina. We’ll eat first and we’ll jog later,” si Hiro na lumapit na doon sa lamesa at may inayos.

What? Anong oras na ba siya natulog at ang aga niyang gumising o hindi talaga ito natulog?

Tumayo ako at nagtungo roon. Hinila ni Hiro ang isang upuan. Umikot siya at sa kabila umupo, imbes sa tabi lalo na’t may bakante pa naman sana.

Pinasadahan ko ng tingin ang lamesa habang umuupo ng marahan. Boiled eggs. Corn. Fresh fruit and cereal with milk.

“I don’t like corn,” I mumbled.

“Just try it. Baka pag nagjogging tayo mahimatay ka,” ani Hiro at inilahad sa akin ang kutsara at tinidor.

Kinuha ko iyon at tiningnan ang mga nasa lamesa. Lito pa ako kung alin ang kakainin. Kung may gusto bang tikman. Ramdam ko ang paninitig ni Hiro habang marahan ang kanyang galaw at naghihintay lang na may tusukin akong pagkain.

Ibinaba ko ang aking tinidor at kinuha ang baso para sumimsim nalang ng gatas. Hiro started eating, too.

“Pinakialaman ko ang kitchen mo. I’m sorry for that. I couldn’t ask for your permission coz you’re sleeping peacefully.”

Tiningnan ko siya. Tinusok niya ang isang hard boiled eggs gamit ang hawak na tinidor at inilagay sa sarili kong plato.

“Ayos lang. Kaso hindi kompleto ang gamit kaya hindi ka masyadong makakapagluto ng kahit ano,” saka bumaba ang aking tingin sa hard boiled egg na hiniwa pa ni Hiro gamit pa rin ang tinidor.

“Pansin ko nga…”

There’s no knife. I don’t like seeing knife. And I’m not even sure if I can still handle it correctly.

Wala sa sarili kong kinuha ang kutsara at kinain ang nasa plato. Lumilipad ang isip ko hanggang sa lasang corn na ang nginuya nguya ko.

Pagkatingin ulit sa plato, sandamakmak na ang naroon! Nilagyan ni Hiro!

I glared at him.

“Arte mo talaga,” he commented.

“I don’t like corns,” irita kong sabi at napainom ng gatas.

“Try the cereal then.” Sabay lapit noong bowl.

Tinitigan ko pa iyon at muling hinawakan ang aking kutsara para tikman. Hindi ako sanay sa mga ganitong pagkain lalo na’t puro matatamis din ang nakasanayan o pasta. Tuwing umaga, pancake pa minsan.

“You should change your food intake. Pati sa anak mo. It’s not healthy to feed her with too much sweets. Too much pasta. Too much bread…” si Hiro na inabot ang basong tubig at sumimsim.

I listened carefully. Kumakain naman ng gulay si Illisha. Pero ako minsan nauumay.

“Hindi masyadong maarte si Illisha,” sabi ko at tiningnan ang tinabi niyang pagkain para sa aking anak.

“Kids are always curious. They will try what’s on their plate.”

Natutop ang aking bibig. Tiningnan niya ang aking plato. Tumayo siya kaya napatingin din ako sa sarili kong plato. Nagmadaling inubos para makatayo na rin.

Nagtoothbrush muna ako at naghilamos. Umakyat muli sa itaas para tingnan si Illisha na mahimbing ang tulog. Mamayang seven pa ito magigising!

Hinalikan ko siya at kinumutan lalo. Nagbihis din ng pwedeng pangjogging at itinali ang buhok sa isang ponytail.

Pagkababa, nakita kong nagsisintas si Hiro ng kanyang mamahaling sapatos habang nakaupo sa sofa. Bihis na bihis na rin. Lumabas ata ito saglit at kinuha ang mga iyon sa kanyang kotse.

Tumingin siya sa akin at tumayo. He’s wearing a white t-shirt and black jersey shorts. Puti rin ang sapatos at may nakasabit na panyo sa balikat.

Hinaplos niya ang buhok at pinasadahan ako ng tingin. I couldn’t find anything to wear for this activity. Just a fit white t-shirt and black leggings, too. Doon ko napagtantong parehas kami ng kulay at suot lalo na’t plain din ang aking t-shirt kaya sa kalagitnaan ng pagbaba ay napabalik ako.

“Tama na ’yan. Tara na…” anyaya ni Hiro at binuksan ang pinto.

I sighed and went downstairs. Fine. Wala namang meaning. Hindi ko naman wino-worry.

Hawak ni Hiro ang tumbler ko habang lumalabas kami. Inilock ko lamang ang gate saka tiningnan ang kabuuang paligid.

It’s cold but refreshing! May mga bilang na nagjo-jogging at may kaonting fogs pa. Masyadong green ang kabuuan at nag-aagaw pa ang dilim at liwanag.

We started stretching. Ginagaya ko lang si Hiro. Distracted ang aking tingin sa paligid. Sa baka na nag-iingay. Sa mga ibong lumilipad at humuhuni. Sa pagaspas ng mga dahon. Sa hanging nakikipaglaro sa mga puno.

“Let’s jog,” si Hiro na ikinabalik ng aking atensyon sa kanya.

We started jogging. Paikot ikot kami sa mga kalsada. May mga pumapasok man na kotse ngunit deritso sa gate na malaki lalo na’t isa iyong eskwelahan. St Paul College of Davao.

“It’s actually a school,” sabi ko kay Hiro nang tiningnan niya rin iyon.

“St. Paul, right?”

Tumango ako. “Diyan ko balak ipasok sa Illisha kaso mahiyain pa eh…”

Tumango tango si Hiro at itinuon ang atensyon sa harapan.

“Why don’t we take her to a… hmm… parang therapy?” he suggested.

Therapy? That doesn’t sound right to me. She’s a healthy child. Wala namang problema sa kanya. Talagang mahiyain lang.

“So she can cope up with her weaknesses. Ikaw rin,” dagdag niya.

Umiling ako. Kaya ko naman at marunong naman akong kontrolin ang sarili kong kahinaan. Nakaya ko nga sa lumipas na taon eh. Besides ang risky ngayon. Hindi ko pwedeng ilabas basta basta si Illisha at isiwalat bigla sa publiko. Oo at huminto ang sumusunod sa akin. Ngunit dahil nagtatago ako. Kung mahahanap akong muli, madadamay na si Illisha. For God’s sake hinabol ako ng kutsilyo at may… may…

Tumigil ako at huminga. Mabilis akong dinaluhan ni Hiro lalo na’t sunod sunod ang paghabol ko. Parang ang lakas ng aking iniisip at nahihilo na naman ako.

“Stop saying nonsense things!” mariin kong sabi nang magkatinginan kami.

“It was just a suggestion. If you’re not comfortable with it then I will not force you. Calm down, hmm?” Binuksan niya ang tumbler na hawak at inilahad sa akin.

Ilang sigundo ko iyong tinitigan habang nakatukod ang mga kamay sa aking hita. Galit ang tingin at naiirita sa suhestyon niya. Hindi niya alam ang takot ko na pakialaman si Illisha sa bagay na iyon!

“Here… Just relax and stop thinking too much,” marahan niyang sabi.

Hindi ko pa rin iyon tinanggap.

“I agree with you. You’re her mother and I know you know what’s best for her. It’s just a suggestion. Here…” at mas lalong inilapit ang tubig.

Ang kalmado niyang tinig at pagsang-ayon ay medyo nakakatulong para maalis ang galit ko. Fine. I’m overreacting! Pero hindi kasi iyon ganoon ka dali!

“Educate me more about her. I’m willing to listen,” ani Hiro.

Tumayo ako ng tuwid at tinanggap ang tubig.

Uminom ako habang nakapamaywang si Hiro sa akin, titig na titig at mukhang malalim ang iniisip.

“Useless ang therapy lalo na’t takot din ako na ilabas siya malayo sa aming bahay. Baka… biglang sumulpot iyong… iyong… at… at mahanap kami.”

Hiro nodded. “I understand.”

“Hindi ganoon ka dali. At ayokong pilitin si Illisha.”

“We won’t force her. We’ll take it slow. She’s a child.”

Tumango ako lalo na’t sang-ayon ako sa bagay na iyon.

Pagkatapos ilahad pabalik ang tumbler ay nauna akong magjogging. Malalaki ang hakbang ko at magkakasalubong ang kilay.

“I’m sorry…” rinig ko ang tinig ni Hiro sa likod ko.

“It wasn’t my intention to meddle with your daughter’s life. I just want to help her, too.”

Bumagal ang aking pagjo-jogging hanggang naging kalebel ko si Hiro.

“Siya lang ang meron ako, Hiro. Kung nawala siya, ikakamatay ko.”

His jaw clenched. Nakita ko ang galit sa kanyang mukha ngunit nabura rin at napalitan ng iba. Isang halik lang ng hangin ay dinala iyon sa kung saan.

“She’s the reason why I managed to live like this for the past years. Kung wala siya, matagal ko nang ibinitay ang—”

“Stop,” putol niya at medyo pagalit.

“It’s true. She saved me from those nightmares. She’s the reason why I survived.”

Tumango siyang muli, na nagkakaintindihan kami sa parteng iyon. Natahimik kaming dalawa lalo na’t natanaw namin sa isang kalsada si Aling Esing. Nagwawalis ito hanggang sa dahan dahan kaming napansin.

Nagulat siya, kalaunan ay nangingiting tumigil sa pagwawalis.

“Oh! Magandang umaga sa inyong dalawa,” bati niya.

“Magandang umaga po,” bati namin ni Hiro.

“Sige magpatuloy lang kayo. Huwag niyo akong pansinin dito sa gilid,” hagikhik ni Aling Esing.

Nagpaalam kami sa kanya at ipinagpatuloy ang paglilibot. I earned so much sweat. Ngayon lang din kasi ako nakabalik sa pagjo-jogging.

Hindi ko alam kung pagod ba dahil sa jogging kaya natulog lang ako buong hapon. Pagkagising, nakita ko si Illisha sa aking tabi, mahimbing din ang tulog habang nakayakap sa aking baywang at bukas pa ang librong nasa tabi niya.

Humarap ako ng buo sa kanya at tinitigan siya ng maigi. She looked so innocent, angelic and very beautiful. Talagang nakikita ko ang anggulo na iyon. Hindi ko naman masabing baka siya ang anak nila dahil alam kong akin siya. I found her here. Dito sa Davao. Hindi sa Manila.

Sa gabing iyon, muling may nagdoorbell. Alam ko na agad kung sino kaya lumabas ako ng deri-deritso, inaasahang makikita si Hiro at naroon nga, nakatayo habang may dalang bag.

Binuksan ko ang gate at tiningnan ang kanyang dala.

“My things…”

Tumango ako at naunang pumasok. Sumunod siya. Isinara ko muli ang pinto.

“Uh, may natira pang pagkain kanina noong nagdinner kami ni Illisha.”

“I’m full. Thanks,” si Hiro na nilalagay na ang bag sa sofa.

“Kukunin ko lang ang unan ’tsaka kumot mo,” paalam ko.

Tumango siya kaya umakyat akong muli at dinala iyon sa ibaba. Sinalubong niya ako kaya tumigil ako para ibigay iyon.

“Can I use the bathroom, too? I want to shower.”

Tumango ako at itinuro ang pinto ng banyo.

“I hope we’ll jog again tomorrow.”

Naulit nga iyon kinabukasan. Siya rin ang nagluto ulit ng breakfast. Sa hapon ay nakatulog akong muli. At kinagabihan… panibagong gamit na naman ang dala ni Hiro.

Iba na talaga ang iniisip ko. Baka bukas nito makitabi na ito sa amin ni Illisha sa kuwarto. Araw-araw kasi ay ginugulat niya nalang ako. Parang uod na paunti-unti ang gapang hanggang makaabot sa tunay na pakay.

Pero may isa namang bakanteng kuwarto sa itaas. Hindi iyon ginagamit dahil tabi kami lagi ni Illisha.

“Sa itaas ka nalang,” sabi ko nang maisip na baka nilalamok din siya rito sa ibaba.

“Are you comfortable with that? Dito nalang ako sa ibaba.”

Nagtagal pa ang tingin ko sa kanya. Ayoko namang ipilit kung mas gusto niya rito sa sofa. Wala rin namang nirereklamo si Illisha sa kanya kahit hindi niya malapit lapitan si Hiro dahil nahihiya siya.

Kinuha niya ang wallet at naglabas doon ng ilang libo.

“I’ll pay for my rent. For the food, water, electricity…” saka niya inilahad ang lagpas limang libo.

Magtatagal siya rito? At dito niya na talaga binabalak na tumira? Pansin ko kasi pinaghahakot niya na ang gamit niya. Halos nandito na ata lahat.

Plus he’s paying too much. Hindi nga umaabot ng one thousand ang bill sa tubig eh. Iyong kuryente lang dahil may mga appliances kaya lagpas two to three thousand minsan.

But I am an independent woman now. I need money. Para naman hindi nagagalaw ang ipon ko. Pangdagdag. Dapat siguro patungan ko? Nang makita niyang titig na titig ako sa pera ay nag-angat siya ng kilay at dinagdagan iyon ng isa pang libo.

Wala namang kaso sa akin kung dito tumira si Hiro. Medyo napapanatag naman ako sa kanya ganoon din ang anak ko. Hindi rin naman siya nakakaabala. Isa pa, napapadali nga ang trabaho ko sa bahay dahil bukod sa pagluluto, siya rin nagpe-presintang maglinis. Siya na nga ang nagdidilig sa halaman sa bakuran.

Binawi ko ang tingin nang lumingon si Hiro habang nasa sofa ako, siya ay nagdidilig at natatanaw ko, ako na nagbabasa ng libro.

Noong ibinalik sa ginagawa, pasimple kong tiningnan ulit si Hiro. He’s watering the plants seriously. Basa ng kaonti ang gray t-shirt at nakaatras din ang buhok na nagrerebelde. He’s really tall. Tindig niyang matipuno tingnan.

Nakakapangduda talaga siya sa parteng walang girlfriend. Hot na siya noon at guwapo pa tapos trumiple ngayon. Not to mention his body. Isang sulyap sa kanya ay talagang mahihirapan ang babae na alisin ang tingin. Kaya paanong wala kahit isa?

O baka naman may ka-fling? Siguro patikim tikim nalang siya at ayaw magseryoso? Something about it made me uncomfortable. Nagkasalubong tuloy ang aking kilay sa iniisip.

He glanced at me. I effortlessly looked down to read again. Nakatalikod na ulit noong nag-angat ako ng tingin hanggang sa binitiwan ang hose at hinila ang basang t-shirt para hubarin.

Tumikhim ako at nag-iba ng posisyon. I sat correctly to relaxed myself more. Hindi na ako tumingin pa kaso pinatay ni Hiro ang hose at pumasok.

Nakita ko siyang papalapit sa akin. He looked so vividly hot ngunit talagang umugat ang aking tingin sa libro kahit ang nakikita ko siya.

Nagtungo siya sa aking harapan at yumuko. Nakita ko ang paggalaw ng isa niyang kamay. Ikukulong niya ba ako?

“My towel…” his hot breath kissed my cheek.

Oh shit. Umahon ako ng kaonti para makuha niya ang nasandalan kong tuwalya niya. Ayaw ko pa ring tumingin kahit nahuhuli ko ang ngiti sa kanyang labi. Magkakasalubong na ang aking kilay dahil bukod sa walang naiintindihan sa binabasa, distracted pa sa kanya.

Hindi lang iyon ang unang beses na napapanood ko siyang ganoon, may ginagawa lagi at pinagkakaabalahn sa bahay.

Ngunit imbes sa sofa, nasa hagdan naman ako habang nagbabasa ulit ng libro, pasimple siyang pinapanood na pawisan sa paglilinis ng kabuuang first floor. Basa na ang itim niyang damit at noong hinila iyon paalis sa katawan, naabutan niya pa akong nakatunganga sa kanya, nanonood.

Kumurap ako at nagkunwaring tiningnan ang aking libro. Noong masiguradong wala na sa akin ang tingin, muli ko siyang pinanood.

“Maalikabok dito. Sa itaas ka nalang,” ani Hiro nang itinutulak ang sofa at nagf-flex ang kanyang muscles.

“Hindi naman kita pinapanood,” katwiran ko.

Lumingon siya kaya nagkunwari pa rin akong nagbabasa. I saw how he licked his lowerlip with a small smile on it and shook his head unbelievably.

“Sabi ko maalikabok. I didn’t say you’re watching me,” naakangat ang kilay niya.

Nagkasalubong ang aking kilay. Hinila ko patayo ang sarili. I leered at him again. Feeling nitong si Hiro.

Masipag siya. Ang taga deliver ng itlog, gatas at pagkain, naging all-around na ata sa bahay. Tagaluto, tagalinis, taga dilig pa nga ng halaman. Ang inaasikaso ko nalang ay si Illisha. Minsan wala akong magawa lalo na’t kung hindi nagbabasa ng libro, natutulog siya. Kaya nakakatulog nalang din ako bigla sa sobrang gaan ng pakiramdam ko.

At tuwing nagigising, nauuna siya laging magluto. Ang mga pagkain niyang hindi ko na maintindihan minsan dahil wala na ang gusto kong pasta o kahit tinapay wala ngunit nakasanayan ko na rin.

Narinig ko ang ulit ang ingay sa kusina sa umagang iyon. Sa mga araw na lumipas na nandito si Hiro sa bahay, nakasanayan ko nang gumising ng mas maaga para sa aming jogging at maagang breakfast.

Nadatnan ko ang likod niyang topless. Buhaghag ang buhok at nagf-flex ang muscles ng braso habang ekspertong nagluluto sa may countertop.

His back looked so firm. Sinundan ko pa ng tingin ang hiwa nito pababa hanggang matigil sa pwetan. He has a nice and firm butt too! Mabilis kong kinuha ang tingin doon nang may mapansin ako sa kanyang batok. It’s a tattoo.

Tititigan ko pa sana ng maigi para intindihin kaso lumingon bigla si Hiro kaya nagmamadali akong umakyat pabalik, halos madapa pa sa ikatlong baitang. Ngunit dahil desididong hindi mapagbintangang naninilip, gumapang ako paakyat at nagpatuloy.

Pinadaan ko pa ang ilang minuto saka muling bumaba at kunwari’y humihikab. Nag-iinat. Nakapagbihis na ito ng t-shirt habang nilalapag ang mga niluto sa lamesa.

“Good morning,” si Hiro. “Nadapa ka sa hagdan?”

“Huh? Kakagising ko lang,” patay malisyang umupo at sinuri ang luto niya. Brown rice na naman. Makulay lagi ang platings niya pero dahil sa gulay at prutas. Walang boiled eggs ngayon pero may itlog.

Tiningnan ko ang pagkakaluto niya. I’m sure it’s egg coz it’s yellow at may kasamang spinach na magkahalo. What’s this? It looked like a frittata.

“You didn’t bake this?” I asked curiously.

“It’s a scrambled egg. No need to bake,” paliwanag ni Hiro na nagpalito sa akin.

“This isn’t a frittata?” medyo lito ako.

“Ah what?” Kumunot ang kanyang noo, bumabagal ang paggalaw sa pagkain.

“Frittata.”

“What’s that?”

“A baked egg.”

“You mean a baked scrambled egg?” dagdag niya.

“Parang gano’n pero with milk, cream, cheese… basta marami at pwede ring may bacon. Kamukha siya nito. May spinach din pero hindi ganito ka gulo tingnan.”

He gasped unbelievably and sipped on his glass of water. Patingin tingin ako sa scrambled egg. This isn’t scrambled egg. Alam ko dapat may shrimp eh. Kaso ito plain.

“Scrambled siya coz it’s scrambled egg. Not frit… frittata,” aniya nang inilapag muli ang baso. “Try it.”

Tinikman ko iyon at masarap naman ang pagkakaluto. I nodded when I’m still confused.

“Or maybe this is the shortcut style of frittata? Kasi magkamukha sila. May spinach din,” I said while munching it slowly, curious with his scrambled egg.

Ngumuso si Hiro at nagpigil ngumiti. Why is he smiling? Akala siguro nito nag-iimbento ako!

“Tingnan mo sa internet. Kamukha nga siya ng frittata. Or maybe this is a frittata,” giit ko dahil parang hindi kumbinsido sa aking sinasabi.

“Fine if you say so…” marahan ang tinig at pinipigilang magseryoso kahit nasisilip ko ang munting ngiti sa labi.

“Tingnan mo nga muna,” udyok ko.

“If it looked like a frittata then it is a frittata,” he nodded.

“No. Hindi nga ito frittata. This isn’t baked. Kulang din ang ingredients,” talagang gusto kong ipaglaban.

“Pero kamukha?”

“Yes!”

“Baka maarteng version ’yan ng scrambled…” he whispered and looked down to his food.

Nanliit ang mga mata ko. Baka iniisip niya isa sa kaartehan ko lang ang frittata!

“Tell me about it later. I’ll try to cook it for you next time,” agap niya nang makitang naaasar na ako.

Umirap ako at muling sumubo. A small smile slipped on his lips. Sumubo rin si Hiro ngunit nakatingin pa rin sa akin kaya tumahimik nalang ako, gustong magmadali at gustong mauna sa labas para magjogging mag-isa.

Kaya habang nagjojogging, kinukulit niya ako sa parteng iyon. Kaso sa inis ko, talagang binibilisan ko ang pagtakbo hanggang mamamalayang nakakapagod pala.

“Tired?” puna ni Hiro nang tumigil ako para habulin ang paghinga.

Hindi ako umimik. Humalukipkip siya, masyadong strict.

“Stand up. Masisilipan ka…” nag-iwas siya ng tingin.

Yumuko ako at nasilip ang aking dibdib. Nagulat ako.

“Masisilipan lang ako kung sisilipin mo! Bastos ka talaga kahit kailan,” irita kong paratang at nagjogging ulit palayo.

Humabol agad si Hiro.

“Bastos na naman. Lagi nalang.”

Sinamaan ko siya ng tingin. Kalmado ang kanyang ekspresyon ngunit nakaangat ang kilay. Tumagos ang liwanag sa puno at lumilitaw na naman ang kanyang kagwapuhan.

Iniwas ko ang tingin at nagpatuloy. Ayos lang kung makita niya. Hindi naman maliit.

Pagkadating sa bahay, sa itaas nalang ako namalagi. Naligo sa banyo at si Hiro naman sa ibaba. Gising na si Illisha noong dumating kami rito kanina. Kakatapos lamang kumain at ngayon ay nagkukulay na sa coloring book niya habang nakadapa sa sahig.

“Wait. I’ll get you a snack,” sabi ko at nagpasyang bumaba.

Natanaw ko agad si Hiro sa sala. Nakita kong bihis na bihis siya. Kumakalat pa ata ang kanyang pabango sa buong paligid. Pansin ko ang basa at magulong ayos ng kanyang buhok dahil kakatapos lang maligo. Ang pagrorolyo niya sa manggas ng kanyang puting shirt. Ang nakabukas na dalawang butones, ang pagkunot ng kanyang noo dahil masyadong seryoso sa ginagawa.

“Mag go-grocery ako. Do you want anything? List it down so I can buy it for you.”

Grocery sa ganyang ayos? May date ba ’to?

“Date o grocery?” tanong ko at nagtungo sa ref para kumuha ng snacks.

Nakita ko kung paano siya natigilan at napatingin sa akin. Isinara ko ang ref pagkatapos makakuha ng snacks ni Illisha na mga prutas. Hindi ko sinalubong ang kanyang mga mata dahil medyo na-guilty ako sa bintang. Para namang tanga. Bakit pala kung date?

Umakyat ako para maihatid ang snack at makakuha ng papel at ballpen. Dinala ko iyon sa ibaba. Nakita kong naka-topless si Hiro, sinusuot ang plain t-shirt.

Kung kanina’y bihis na bihis, ngayon ay parang nakapambahay dahil simple lang ang suot. Plain black t-shirt and khaki pants tapos itim na nike shoes.

“Bakit ka nagbihis ulit?” tanong ko at umupo, ang dalang papel ay inilagay sa mesa.

“Coz it’s too fancy? Besides… hindi naman date ang pupuntahan,” he explained calmly.

39th Ruled

Ruled

Death

Iniwas ko ang tingin at kunwari’y walang narinig. Nagsimula akong magsulat. Hmm…

Pizza! Iyon ang una ko sa listahan. Tapos nagsulat din ng donut. Akin naman ito lahat. Kay Illisha ang fruits para healthy siya.

Lumapit si Hiro sa akin. Pinigilan ko ang sariling mapalingon sa kanya. Kahit ang simple na ng kanyang suot pero bakit parang bihis na bihis pa rin tingnan?

Tumigil siya sa aking gilid at itinukod ang kamay para tingnan ang aking sinusulat habang ang isang kamay ay humawak sa inuupuan ko.

“I can’t promise if they’re available in the market. Ubusan lagi. You know people nowadays…”

I crossed it out and changed it with ice cream. There. It’s impossible. Meron nito lagi.

“Do you have anything else in mind aside from this?”

Nag-isip isip ako. Nakakaumay na kasi ang snacks na meron dito. Oatmeal, yogurt, fresh veggies and fruits ginawang pang snack ni Hiro. Kulang nalang sabihin niya sa aking huwag na akong tumikim ng mga matatamis na pagkain!

I nibbled my lowerlip. Hiro tilted his head and watched me carefully. I saw how he slowly nibbled his lowerlip, too.

Distracted na nga sa pabango at imahe niya sa gilid ko, nadidistract pa lalo sa panggagaya niya.

“Ito na lahat.”

“Hmm… let me see.” Yumuko siya ng kaonti hanggang sa naging ka-lebel ko ang mukha niya, nasa gilid na.

Tumingin ako sa kandungan, sunod sa papel na binabasa niya, at lingon sa kanya ng marahan. His half profile looked vividly perfect.

“Pati ’yung frittata na paborito mo. I want the full ingredients.” Lumingon siya sa akin at nadatnang nakatingin din ako. I’ll… cook it for you later…“ ang tingin ay bumababa sa aking labi.

Tumango ako at tumikhim. Muli akong naglista habang ramdam ko ang mariin niyang titig.

“I’m not sure kung tama ba ito lahat. Pero alam ko may ganito,” sabi ko.

“Leave it to me. Ako na ang bahala.”

“’Tsaka sa SM Lanang. Malaki ang grocery store nila. Sigurado akong meron lahat doon. Huwag ka rito sa malapit na mga Malls,” pahabol ko.

He nodded. “Alright.”

Ibinigay ko iyon sa kanya. Kinuha niya ang papel at ibinulsa. I watched him hopefully. Sinabayan ko siya sa paglalakad patungong pinto.

“Uh… babalik ka agad? What time?”

Tumingin si Hiro sa akin. “Do you still use your phone? I’ll call so we can talk.”

“Uh…”

Hindi ko na ginagamit ang phone ko eh. Noong makita niyang nagdadalawang isip ako ay ibinigay niya sa akin ang kanyang cellphone.

“Use it. I’ll call later.”

Tiningnan ko iyon ng maigi. I don’t like the idea of it. Gusto ko namang maghintay nalang kaso…

“I’ll buy another phone later. Kung may tumawag na unknown number, ako ’yon. You don’t need to talk. Mag-uupdate lang ako para alam mo kung nasaan na o kung pauwi na.”

Oh? It’s a good idea. Kinuha ko iyon.

“See you later. Lock the gate. Don’t entertain some strangers. I’ll be back right away,” ani Hiro habang naglalakad na kami sa gate.

Pagkaalis ni Hiro ay umakyat agad ako. Nahanap ko si Illisha na nasa terasa, sumisilip sa bawat pagitan ng railings habang nakahawak doon at sinundan ng tingin ang sasakyan ni Hiro.

“Illisha,” tawag ko lalo na’t baka malaglag siya roon.

“He’s leaving, Mommy?”

“Maggo-grocery lang. Are you done reading your book?”

Lumapit siya sa akin. Inilapag ko ang cellphone ni Hiro at hinaplos ang buhok niyang nagulo. Inabala ko iyong talian at ginawang pigtail.

Ilang minutong lumipas, tumunog na ang cellphone ni Hiro. Lumiwanag iyon at tumambad ang pamilyar na lockscreen. It’s me. That night on Christian’s party. ’Yung picture ko noon na suot ang bow hair clip na bigay niya.

“It’s ringing!” excited na sigaw ni Illisha nang marinig din iyon.

Tinitigan ko muna ang unknown number. What if it’s not him? What if… it’s… it’s… one of his cousin?

Ngunit sabi niya, pag unknown ay sagutin ko kasi siya iyon. Namatay ang ring kaya noong umulit ay hinawakan ko ulit at dahan dahang pinadulas sa answer button ang aking hinlalaking daliri.

Inilagay ko iyon sa aking tainga. Pumikit ako, kabadong kabado. I heard him sighed.

“Torrefranca,” he called softly.

Napatayo ako. Kabado pa rin ngunit kung kanina ay dahil baka hindi siya, ngayon ay kabado dahil sa boses niya.

“Uh. Yes…”

“You okay?”

“Yes…”

Narinig ko ang paghinga niya. Napalakad ako sa terasa at yumuko roon para tingnan ang magandang kabuuan ng Crocodile Park. May nakikita akong event organizer na nagseset-up ng kung ano ano. Baka may banda o rave party mamayang gabi. Taon taon may nagaganap na ganoon dito eh. Lalo na’t sobrang lawak ng field, maganda pang spot para sa ganoon.

“Kakadating ko lang dito sa SM Lanang. It’s traffic. Hindi ko pa alam ang shortcuts kaya mahirap umuwi agad.”

“Ayos lang,” I said.

Naririnig ko ang ingay ng paligid. Naiimagine ko ang magulong tao na naroon, namimili at naggo-grocery.

“Uy hala sobrang pogi! Hoy! May girlfriend ka ba?”

Hindi iyon nakaligtas sa aking pandinig ngunit nasundan agad.

“Ay atras ang sungit…” mga babaeng lumalayo na ang tinig.

“What are you doing?” malambing na tanong ni Hiro.

“Nothing. Hinihintay ka lang,” I whispered softly.

Rinig ko ang malinaw niyang paghinga ng malalim.

“I’ll make this quick. Uuwi agad ako pagkatapos nito,” his voice was hoarse.

Nakinig lang ako kay Hiro. Nakakangalay pa hawakan ang cellphone. Namamatay minsan tapos tatawag ulit kaya sasagutin ko.

It’s foreign. Kakaiba ang nararamdaman ko dahil alam kong wala akong naiisip na alalahanin. It was pure and gentle. Parang makakasigurado akong hindi ako babagsak at mababasag.

Natanaw ko sa balkonahe ang pagpark ng kotse ni Hiro ilang oras ang makalipas. I looked at Illisha. Busy pa rin pero nagd-drawing na. Bumaba ako para pagbuksan ng gate si Hiro.

I hurriedly went outside. Hindi halos makatingin ng buo habang tahimik siyang nakatayo, ang bawat kamay ay puno ng dala.

Gusto ko sanang tumulong kaso ang bigat tingnan lahat lalo na’t puno ang bawat cellophane. Lumalabas pa ang ugat sa kanyang kamay ngunit hindi siya mukhang nahihirapang dalhin ang tig dadalawang cellophane sa bawat kamay.

Sumunod ako sa kusina. Inilapag niya iyon lahat sa countertop. Nililingon niya ako bawat sigundo, kuryoso sa mga kilos ko. Tumayo ako sa harapan at kuryosong sumilip sa pinagbibili niya.

“Walang pizza? Donut? Ice cream?”

Umangat ang kanyang kilay. “Naubusan ng stock sa Mall pero may ice cream.”

Buti naman! Tumigil ako nang siya ang naghanap at ibinigay iyon sa akin. Bumungad agad ang pangalan na organic. Inilagay ko iyon sa gilid at muling sumilip habang ipinagpatuloy niya ang ginagawang pagpapasok ng mga pinamili sa ref.

“May nilista akong cheese cake. Wala rin?”

Umiling si Hiro. “Ubos din ang stock.”

“Donuts? Wala?”

Umiling ulit, seryoso ngunit kalmado habang patuloy sa ginagawa.

Nangalngal pa ako. Imposible sa apat na cellophane na malalaki walang naligaw na matinong snack. Prutas… gulay… yogurt… ingredients ng frittata… prutas ulit… gulay ulit… salmon and tuna fish… Marami akong napansing seafood such as clams, crabs, at kung ano ano pa. Kahit drinks wala.

“Bibilhan sana kita noong paborito mong drinks kaso nakakagulat, wala ring stock. Nagkakaubusan na ata. Mag gatas ka nalang, o tubig.”

Para talagang sinasadya ni Hiro. At magrereklamo pa ba ako eh pera niya naman? Kaso… bahay ko ’to ah? Awayin ko kaya?

“Masarap ang tubig pag sobrang uhaw kana,” pinagaan pa ang loob ko.

Umirap ako at naglakad paalis. Nasa ikalawang hakbang pa nang maalala ang organic ice cream na tanging matino. Kinuha ko iyon at muling umalis.

“Smoothie?” he suggested.

Sinamaan ko siya ng tingin at muling umirap.

“Come here and stop glaring at me. Igagawa kita ng strawberry smoothie.”

“Ayoko. At huwag na,” sabay akyat dala ang aking ice cream.

“No sweets for you,” rinig kong sabi niya kaya talagang natigil ako sa huling baitang bago makarating sa itaas.

Muli akong bumaba at iritang sumilip, tanging ulo lamang para taasan siya ng kilay at samaan siya ng tingin. Nanghahamon talaga itong si Hiro.

Nang makita niya iyon, bumagal pa ang ginagawa niya at lumambot ang ekspresyon.

“Kaya babawi ako. I’ll cook your favorite scrambled egg. Ang maarte mong bersyon. Frittata,” may panunuya ang pagkakasabi niya.

“Sarapan mo,” banta ko.

“Sasarapan ko dahil baka mapalayas ako. The landlady of this house is too…” umangat ang dalawa niyang kilay at nagkunwaring abala na ulit.

“Too what?” Talagang bumaba ako ng tuluyan sa baitang at humalukipkip habang nakasandal sa gilid.

Hinagod niya ako ng tingin. Naka shorts short lamang ako at malaking t-shirt. Umangat ang kanyang kilay at itinukod ang dalawang kamay sa countertop.

“Come here and we’ll settle your small problem. Aawayin mo na naman ako mamaya kung hindi natin ’yan sosolusyunan ngayon.”

Kumurap ako at medyo natinag. Mukhang aawayin niya ako. Umirap ako at muling nagmartsa paakyat. Bahala siya.

Siya ulit ang nagpresintang magluto ng dinner. Ayaw niya akong pababain at hindi ko alam kung bakit ngunit naririnig kong naghihiwa siya. Anong ginagamit niyang panghiwa?

“Mommy look,” nangingiting ipinakita sa akin ni Illisha ang kanyang drawing. “This is him.”

Sa caption niya ako napatingin. Nilagyan niya iyon ng happy family. Sa gitna siya at nasa bawat gilid kami. Kaso napatitig ako ng maigi sa pakpak na nasa likuran niya at parang halo sa itaas na bilog. She looked like an angel.

“I’ll fly away… and then I’ll watch you with him,” she smiled.

Kumunot ang noo ko ngunit naalala ang kuwento niya kay Peter pan. It’s one of her imagination. Doon lang natigil ang topic noong nagyaya na ng dinner si Hiro.

Ganado akong kumain, ganoon din si Illisha. Hindi nakuha ’yung timpla noong sa bahay namin pero sobrang sarap din. It’s like his own version of frittata.

Kami kami ang nag-uusap ni Illisha, si Hiro na tahimik at manonood lang ulit. Ngunit sa tuwing ngingiti ako, tatawa, yuyuko siya ng kaonti at babasain ang labi.

Mga bandang alas otso ay tulog na si Illisha. Hindi pa ako dinadalaw dahil nagsisimula na rin ang ingay sa labas at kuryoso rin ako sa mangyayari. Nanatili ako sa terasa, ganoon din si Hiro.

“Taon taon may ganito rito. Kung hindi banda ay rave party naman. Maingay,” sabi ko at humilig sa railings ng balkonahe.

“You like loud places.”

Tumango ako lalo na’t totoo naman. Kaso iba na ngayon. I think I won’t fit anymore.

“Noon…” I said softly.

“Do you missed your old life?”

Maybe? Siguro iyong buhay ko bago nangyari ang lahat. Pero itong buhay ko ngayon kasama si Illisha ang pinaka gusto ko.

“Masaya ako ngayon,” I answered sincerely.

“I know coz you’re wearing white again.”

What? Purket naka white dress?

Lumingon tuloy ako kay Hiro. Nakapangalumbaba siya sa railings, malayo ng kaonti sa akin lalo na’t may espasyo pa rin ngunit kitang kita ko siya.

Namangha ako saglit sa side profile niya. Magulo ng kaonti ang buhok. Pansin ang mahabang pilikmata at makapal na kilay. Matangos ang ilong at nakaawang ng kaonti ang pulang labi. He’s perfect. Like a Greek god.

“What do you mean?” kuryoso kong tanong.

“Lagi kang naka-itim noong sa Woodridge ka nakatira.”

Oh right. That’s my signature look. Black sleeveless top, fitted jeans, black stilletos and black cord necklace. Plus my cat eyeliner. Idagdag pa ang tattoo sa dibdib na laging nakasilip at ang pinalagay kong piercing sa pusod.

“It’s my badasss look…”

“Pansin ko nga. Ibang iba sa nakasanayan ko sa Manila.”

“Do you hate it?” I asked.

“I love all of your version. From angelic to your rebellious look,” he smiled.

Dahan dahan. Tumingin ako sa harapan.

“And I copied most of them. Tattoo at piercing. Noong fourth year college ako.”

Namilog ang aking mga mata. Kaya pala may tattoo siya.

“Talaga?”

“Yes. Para bagay pa rin tayo kahit malayo,” he smirked.

Hindi ko naiwasang matawa sa bagay na iyon kasi ang korni! Nakita ko nga ang tattoo na iyon sa batok niya ngunit hindi ko alam na iyon ang rason niya. Oh North is really good at giving him informations about me!

“Which one do you prefer the most? ’Yung angelic or rebellious look?”

“Hmm… Your angelic mask was innocent and full of passion. Meanwhile, the rebellious side of you looked so intimidating, merciless and powerful. Someone who would protect that angel side of you.”

“So… do you prefer that angelic side of me more?”

“I didn’t turn a blind eye, Torrefranca. I accepted your flaws. I also learned to appreciate it. I am willing to see what’s behind the mask you’ve been showing everyone. Your hidden colors. Light… Dark… I don’t care. It’s still you.”

Unbelievable. Kinabahan ako at tumingin sa harapan. Ang pinatay kong damdamin ay umuusbong. Alam kong unti-unti iyong namukadkad sa nagdaang araw, pilit lamang pinapatay ulit ngunit mahirap pigilan.

Natahimik ako at naalala ang gabing iyon. Noong huli naming pagkikita. Nabubura iyon lagi sa isip ko. Hindi namamalagi dahil isa iyon sa gusto kong kalimutan.

“Patingin nga noong sugat mo,” sinilip ko ang tagiliran niya kahit hindi ko naman makikita.

“Is that an excuse so you can purposely see my abs?” ang mayabang na Delafuente.

Umirap ako at gusto siyang itulak ngunit nang makitang inaangat ng kaonti ang damit ay napatitig ako doon. Yumuko ako para makita iyon ng maayos.

“Mababaw lang naman…” si Hiro.

Mababaw nga at hindi ganoon ka klaro ang iniwang peklat ngunit alam mong may kaonting daplis.

“Masakit ba?”

“Wala lang ’to. Gasgas lang,” si Hiro.

Umangat ang aking kilay. Nasa itaas pa iyon ng v-shape. Gamit ang hintuturo ay hinaplos ko iyon. Umangat ang aking tingin at nahuli ang kanyang reaksyon. He’s squinting his eyes like I’m touching him to his most private part!

Binawi ko agad. Ngumuso si Hiro. Tumayo akong muli. He licked his lowerlip and laugh a little.

Lagi talagang… sabik!

“I’m sorry for what I did…” hindi halos makatingin ngunit desididong aminin ang pagkakamali.

“Ayos lang. You can actually touch it more—”

“No I mean… what happened,” giit ko lalo na’t iba ang iniisip niya.

Hiro nodded. “Don’t worry about it.”

Bumuntonghininga ako at muling humilig sa railings. Ayoko nang maulit iyon. Ayoko’ng makita siyang napapahamak dahil sa akin.

“How about your parents? Your friends? Relatives? Do you missed them?”

“I don’t want to hurt them,” I smiled weakly while watching how the crowd started singing.

“Sigurado akong nangungulila sila sa’yo.”

Pinaglaruan ko ang aking mga daliri.

“Nagkakausap pa ba kayo ng parents mo?”

Tumango ako sa tanong ni Hiro. “Kaso natatakot akong malaman nila ito. You know Dad… hindi ’yon magdadalawang isip na gumanti. At ayokong ako na naman ang rason para maitulak ang mga tao sa ikakasira ng buhay nila. I’m so sick of it.”

Hiro nodded. “I undestand your sentiments…”

Natuwa ako kahit papaano na hindi niya sinasalungat ang aking gusto, na naiintindihan niya ang pinanggagalingan ko.

“Tell me once you’re willing to face those people from your past.”

Hindi ako nakapagsalita ngunit nakikinig ng maigi sa kanya.

“If you want to try, to talk to them, to face them, then I’ll be by your side. I’ll be there for you. I promise.”

My shoulder loosened. Kumalabog ang aking dibdib. Pilit lumulunok ngunit parang may nakabara sa aking lalamunan.

“I will cover you from their judgements. Kalaban ko ang mga kakalaban sa’yo,” tila isang batas sa sarili ang binitiwang salita.

Nilingon ko siya habang seryoso ang tingin sa harap. He’s so vivid. I’m falling for him again. This time it’s deep. It’s foreign. Ibang iba sa unang beses na nahulog ako sa kanya. Malalim.

Binawi ko ang tingin at nangingislap ang mga matang ibinalik sa harapan. Another familiar song started playing. Binabandera ng mga tao ang kanilang cellphone na on ang flashlight habang sinasabayan ang kanta.

“I can see your shadow layin’ in the moonlight. I can feel your heart beat playin’ on my right side…” they started singing.

Nanatili ang tingin ko sa harapan habang sa gilid ng aking mga mata, titig na titig sa akin si Hiro.

“Every night I long for this, makin’ up what I miss…” they continued.

“I love the message of this song,” si Hiro.

“What’s the title of this song?”

“Don’t Let Me Go by The Click Five.”

I nodded.

“I can hear you breathin’, lettin’ out a sad sigh… You try so hard, to hide your scars…Always on your guard…” the crowd.

“Ikaw? Anong hilig mong kanta?” tanong ko na medyo ikinagulat niya.

Kumurap siya at binasa ang labi, ang mukha ay unti-unting huminahon.

“Sparks by Coldplay.”

“Oh. Coldplay. Mahilig din ako sa kanta nila. Kaso noong nasa Woodridge ako, puro cigarettes after sex ang playlist ko.”

“What’s your favorite song on their album?”

“’Yung… Don’t Let Me Go. Relatable lang.”

Siya ang naaalala ko sa kantang iyon. Maybe the reason why I couldn’t forget Hiro and I started falling for him because of those lyrics. Naalala ko siya sa mga bagay na ayaw ko. Laging naiisip. Kaya may mga araw na namalayan kong nagugustuhan ko siya, at nangungulila ako sa kanya. Kaso dahil sa takot din, pinatay ko ang pakiramdam na iyon.

“I’ll add that on my playlist too…”

Tumango ako at nangingiting tumingin sa kanya.

“Ikaw? Ano pa ang hilig mong kanta,” nawiwili kong tanong.

“Hmm. Never Say Never.”

“By Justin Beiber?” humalakhak ako.

“The Fray,” nangingiting sagot ni Hiro.

Hindi ako pamilyar pero papakinggan ko iyon sa susunod. Marami pa akong hindi alam sa kanya pero paunti-unti kong tutuklasin. Paunti-unti kong aalamin.

Itinuon ko ang tingin sa harap lalo na’t nasa chorus na ang kanta.

“Don’t, don’t let me go… Don’t make me hold on… When you’re not…” the crowd.

My eyes softened. Ang repleksyon ng kumikislap na mga ilaw ay sumayaw sa aking mga mata. Nalulungkot ako habang pinapakinggan ang kanta dahil alam ko, may parte sa akin ang nananalangin na sana ay kaya kong hawakan ng mahigpit ngayon ang mga makakapagpasaya sa akin. Na sana ay hindi na magbago pa.

“Don’t, don’t turn away… What can I say… So you won’t… No don’t, don’t let me go…”

“Here,” si Hiro na bigla akong inabutan ng panyo.

Tiningnan ko iyon. Hindi naman lumabas ang mga luha ko ngunit heto na naman siya, laging handa.

Kinuha ko iyon at hinawakan. My heart feels heavy. Pakiramdam ko’y may mga binura ako para lang matanggap ko ang lahat lahat. Para lang mahalin ko muli ang aking sarili.

“Will Illisha let me this time?”

Kunot-noo kong tiningnan si Hiro.

“She ruled your life for the past years. She made you happy. I can see it clearly.”

Hindi ko maalis ang tingin kay Hiro dahil pakiramdam ko may mapapalagpas akong importanteng bagay.

Tumingin siya sa akin. “Sana sa pagkakataong ito hayaan niya ako. Ako naman. Hindi ko siya papalitan sa buhay mo ngunit gusto kong punan ang mga kulang.”

Rinig na rinig ko ang pumapaibabaw na kanta, at ang unti-unting kalabog sa aking dibdib. Mariin ang tingin ni Hiro, seryoso at may pinapahiwatig.

“Alam kong umamin ako sa’yo noon. Gusto ko lang ulit malaman mo na walang nagbago. Kung meron man, nadagdagan lamang at mas lumalim.”

Ramdam ko kung paano mas hinataw ang aking dibdib. Umalis siya sa aking tabi. Hindi ko masundan ng tingin ngunit ganoon nalang ang paninindig ng aking balahibo nang maramdaman ko siyang pumwesto sa aking likuran.

“After all these years it’s still you.”

My eyes slowly widened. It was so familiar. The confession was so familiar but this time it’s different too. It felt different coz I know, the feeling is already mutual. Hindi man kasing lalim ng kanya, ngunit alam kong nagsisimula ring humabol at paulit ulit na nahuhulog kung nasaan siya.

“I’m still inlove with you,” he said clearly.

I swallowed hard.

“But this time it’s different. This time I know how to love you better. This time it’s unconditional,” patuloy niya.

Parang sasabog ang kalabog sa aking dibdib. Pakiramdam ko’y mahuhulog ako sa pinaka-ibaba sa bawat hagod ng kanyang hininga sa aking buhok, sa bawat ulit ng mga salitang kabisado ngunit banyaga sa aking puso.

Kung noon ay matapang ko siyang mahaharap, matapang akong makakahalukipkip, ngayon ay hindi ko magawa.

“I didn’t love you the right way when we were young. I scarred your young heart. I still owe you for what happened in our past. And I am still trying to earn your forgiveness. I’m still here trying my luck.”

Sumasabog ang kanta at humahalo sa pagsasalita ni Hiro sa aking harapan ngunit sa pagkakataong ito ay mas malinaw ang kanya. Sa pagkakataong ito, mas naiintindihan ko siya.

“Mahal pa rin kita hanggang ngayon, Torrefranca,” ulit niya na nagbigay ng kilabot sa aking batok.

Pumikit ako at hinaplos ang puso kong pumipintig. I slowly licked my lowerlip, trying to act cool, trying to act unbothered, but deep inside I know it’s deep.

“Mahal na mahal kita,” bulong niya at halos halikan ng mainit na hininga ang aking buhok.

I tried to swallow again but I couldn’t. Dumilat ako at nakita ang kumikislap na liwanag sa harapan. Ang kalabog ng aking dibdib ay nakikipagsabayan na sa hataw ng drums.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa totoo lang. Magulo ang isip ko. Minsan sa sobrang totoo ni Hiro, sa dami ng ipinaparamdam sa akin, nakakatakot. Pinaghahalo halo.

Dahil matatanggap niya ba ako ngayon? I’m a mess. Organized but still a mess. Hindi siya nababagay sa ganoon.

“I’m sorry if I couldn’t kill this love. I’m sorry if I couldn’t bury my feelings for you. I’m sorry if I can’t unlove you,” his voice was sincere.

Talagang… hindi nawala?

“Alam kong takot ka sa pagmamahal na ito ngunit hindi kita ikukulong sa nararamdaman ko, Torrefranca. You are free. Malaya kang magmahal. Malaya kang mamili. Malaya ka sa akin.”

Humalik ang hangin. Ang lamig ay hindi ko halos maramdaman dahil mas nanaig ang init na yumakap sa akin. It feels so warm and comforting.

Tiningnan ko ang bawat kamay niya sa aking gilid. Naroon pa rin. Nakatayo siya sa aking likod, parang sinasaksak ang bawat pangako kahit walang kasiguraduhan kung tatanggapin ba.

Noong hindi siya nagsalita, muli ko siyang nilingon.

“Mababali na ’yang leeg mo kakalingon sa akin. Please face me…”

Ngumuso ako at dahan dahang humarap ng buo, tinalikuran ang bandang sumisigaw sa kabuuan ngunit ang boses lamang ata ni Hiro ang aking naririnig.

Yumuko siya ng kaonti, hindi ganoon ka lapit sa aking mukha ngunit para magkalebel kaming dalawa.

“Makakahintay ka ba?” mahina kong tanong.

Curious with his reaction, I slowly watched him. Nagulat ako lalo na’t nagulat siya, magkasalubong ang kilay ngunit nangingislap ang mga mata.

Humalukipkip ako at iniwas ang tingin, ayaw siyang tingnan. Damn. I couldn’t stand his face. Paano ko nakayang makatitigan siya noon? Ngayon ko lang napagtanto na masyadong matapang ang bata kong puso para makipagsapalaran sa kanya nang hindi iniisip na mapapana niya ako ano mang oras.

“What’s your question again? Hmm?” masuyo ang haplos ng tinig kaya gusto kong masunog.

“Kung makakahintay ka ba…” halos hindi pa rin ako makatingin.

He tilted his head. It was serious but he’s a bit playful.

“Look at me please…”

Ano ba itong si Hiro? Alam na ngang guwapo at hot, gusto pang nakikipagtitigan!

Sinamaan ko siya ng tingin. He bowed his head a bit but he’s wearing a half smile.

“What’s your question again?” namamaos ang tinig at nagagalak.

Umirap ako ng husto. “Paulit ulit naman!” reklamo ko at gusto na siyang talikuran.

Humalakhak si Hiro. “Fine. Just… for the last time. Ask me again.”

Huminga ako at umirap muna. Ngumuso si Hiro. Titig na titig at nag-aabang.

“Makakapaghintay ka ba?” ulit kong tanong.

“Hihintayin kita…” agaran niyang sagot.

My eyes slowly widened but I immediately masked it. I couldn’t look at him. Pilit inilayo ngunit hinahabol niya ang aking tingin.

“Marami akong natutunan noong minahal kita. At patuloy akong matututo ngayon habang tinuturuan ko ang aking sarili kung paano kita mamahalin ng tama. Sa pagkakataong ito, handa ako kahit ano man ang kapalit. Na kahit hindi masuklian, mananatili akong tapat sa’yo. Mananatili ang pagmamahal ko. Mananatili akong sa’yo.”

Nanghinina ako sa bawat hagod ng kanyang salita. Para akong lumulubog. Hulog na hulog at hindi makaahon. My young heart made a wrong choice from the past. It made me broken.

Ngunit naiintindihan ko kung bakit hindi handa ang puso ko para sa kanya. Kahit ngayon, hindi pa rin handa. Nakakatakot dahil kung sa kanya ako nasaktan, alam kong iyon ang magiging katapusan ko. Hindi ako makakatayo.

I looked at him softly. Bumababa ang kanyang mga mata sa aking labi ngunit inaakyat niya agad patungo sa aking mga mata, na dapat doon lamang manatili, hanggang doon lang muna.

Yumuko ako. Gusto kong umamin ngunit parang nakabara lahat at may takot pa rin. Ang magsisilbing panghahawakan ko lamang ngayon ay makakahintay siya.

Kahit natutuwa ako, pakiramdam ko masakit. I told him to kill his feelings for me. Kahit ngayon, iyon pa rin ang pinapanalangin ko. Na sana magbago ang puso niya at makalimutan ako.

Ngunit kung noon ay kaya kong sabihin, ngayon ay parang hindi. May parte sa akin ang natatakot siyang mawala. May parte sa akin ang ayaw bumitaw. May parte sa akin ang gusto siyang hawakan sa paraang alam ko.

“Noong hinanap kita. Tinanggap ko na maaaring masaya kana sa iba.”

Sa aking gulat ay napaahon ang aking tingin.

“Wala akong ibang nagustuhan. Huli iyong nasa Woodridge ako,” pag-amin ko lalo na’t ayokong ganoon ang maisip niya.

Siya naman ngayon ang nagulat.

“So… may nagustuhan kang iba habang nasa Woodridge ka?”

Tumango ako. “Meron…” Ikaw.

Suminghap siya at lumunok. He looked bothered but he slowly nodded.

“Did you confess?” namamaos ang kanyang tanong.

Umiling ako. “Malayo siya.”

Kung kanina ay dismayado at pilit niyang tinatanggap, ngayon naman ay nagdududa.

“Gaano ka layo? Nasa Manila ba?” hula niya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at nagpigil ng ngiti. Tiningnan iyon ni Hiro. He sighed and licked his lowerlip while watching my lips.

“Basta nasa Pilipinas,” I answered playfully.

Dahan dahang bumalik ang mga mata niya sa akin. His eyes were hopeful.

“So he didn’t know?”

Umiling ako ng marahan, nangingiti sa kanya. Hiro’s gaze were deep this time. Gusto kong matawa dahil baka nagfefeeling siyang siya iyon, pero siya naman talaga?

“Dito? May nagugustuhan ka ba dito?”

“Bakit pagseselosan mo? Seloso ka pa naman,” bintang ko.

“Sino bang pagseselosan ko dito? Ang mga kabayong sinasakyan mo?” sarkastiko ngunit nangingiti niyang pagkakasabi.

Humalakhak ako. Hiro laughed a little too. Gusto ko sanang sabihin na si Eric! Kaso baka humirit siya ng ‘Bakit? Sinasakyan mo ba si Eric?’ That’s awkward! Malala pa naman lumusot itong si Hiro.

“Baka si Eric ’yan ha? O kaya si Ernesto?”

Umirap ako ngunit hindi makawala ang tingin sa kanya lalo na’t nangingiti niyang hinahabol.

“Handa naman ako kahit sino pa ’yan. Handa akong lumaban. Kaso medyo unfair sa kanila kasi lamang na lamang ako?” mayabang na umangat ang kanyang kilay.

Sumabog ang aking tawa. Humalakhak din si Hiro. Hindi man lang kami naaabala sa gitna ng ingay sa likod.

“Ang pangit ng ugali mo!” turo ko sa kanyang mukha.

“Ugali lang…” mas lalong naging mayabang!

Pumikit ako ng mariin, hindi na mabura bura ang ngiti. Noong dumilat, parang salamin na ang labi ni Hiro dahil nakangisi rin, titig na titig sa akin.

Tumitig ako roon ng matagal. His lips… I like the way he smirks. It’s so sexy. Sa lahat ng ngising nakita ko, sa kanya ata ang napaka delikado. Nanghihila ng huwisyo. Nang-aakit. Masyadong senswal o talagang… ganoon na iyon at ngayon ko lang napansin dahil lagi siyang seryoso noon.

Lumunok ako. Napansin iyon ni Hiro. Pinasadahan niya ng haplos ang buhok, namumungay ang mga mata at magkasalubong ang kilay.

Kung isa ito sa mga panahong matapang ako lagi, baka hinila ko na ang batok niya at nakipaghalikan na sa kanya. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ko magawa. Ayokong masyadong maging masaya.

“Pwede bang mangako ka sa’kin?”

“Ano ’yon?” bulong niya.

“Si Illisha. Gusto ko mahalin mo rin siya katulad ng pagmamahal na meron ka para sa akin. Gusto kong unahin mo siya, bago ako. Protektahan mo siya.”

I saw how his eyes twinkled with so much pain.

“Kasi laging may nawawala pag masaya ako. Ayaw ko ng ganoon… Ayokong may mawala ulit.”

His jaw clenched. He looked so hurt while watching me.

Masyadong masaya. Nakakatakot. Parang… hindi ko kaya. Dahil kung papipiliin ako ngayon, mas handa akong patayin ang nararamdaman ko para kay Hiro kaysa ang isuko ang kasiyahang nararamdaman ko kay Illisha.

Simula noong gabing iyon, bawat tinginan namin ni Hiro ay may laman na ata. Nakakaasar lang dahil matatagpuan ko lagi ang munti niyang ngiti kaya iirap ako ngunit nangingiti rin. Kahit nagdidilig, susulyap tapos ngingiti! Maglilinis, susulyap! Siyempre palaban ako lagi kaya susulyap talaga ako pabalik.

At sa tuwing dadaan sa kanyang gilid, halos nangangatog ang tuhod ko dahil sa hagod ng kanyang tingin. His gaze was so sinful and illegal! Nakaupo pa siya minsan sa sofa kaya pakiramdam ko gusto niyang sa kandungan niya ako umupo sa paraan ng paninitig niya. Damn him! Ngayon pa talaga ako nagkakaganito ngayong nasa iisang bahay kami huh?

Hindi ko ata maalala kung kailan ako nagkagusto ng ganito ka lala. This one is deep. Ngayon lang din ako natakot ng todo.

I feel lighter than the usual. Isa iyon sa napansin kong pagbabago sa mga dumaang araw. Siguro dahil na rin sa jogging, pagbabago ng pagkain, sa daming oras na nakakatulog ng mahimbing kaya pakiramdam ko ay magaan ako at ganado na laging lumabas.

Kahit sa pisikal ay ramdam ko rin ang pagbabago noong sinusukat ang isang shorts. Masikip sa parteng pwetan at kapansin pansin din ang medyo malaman kong hita. It’s long and slender but this time it’s firm.

Naalala ko tuloy ang hagod ng tingin ni Hiro. Kaya siguro… kasi napapansin niya?

I really gained some weight. Payat pa ring tingnan ngunit malaman. This is all Hiro’s fault! Buti at flat ang tiyan ko dahil na rin sa dalas naming exercise. Maliit pa rin ang braso pero talagang sa pwetan at hita, nagbago!

“Mommy lets go outside. Gusto ko pong mangabayo,” anyaya ni Illisha sa hapong iyon kaya natigil ako kakapuna sa sarili.

Sabay kaming bumaba. Hawak ko siya sa kamay nang makita ko si Hiro na nagdidilig. Napatingin siya sa kamay kong nakahawak kay Illisha.

“Mangangabayo raw si Illisha…” sabi ko habang dinadala ko ito palabas.

Tumango si Hiro. “Sasama ako.”

Hinayaan ko siyang bumuntot sa amin. Wala na masyadong tao sa field. Si Hiro ang lumapit kay Eric para kunin ang kabayo. Tinuro ni Illisha ang maliit na kabayo kaya sinabihan ko rin si Hiro na iyong maliit lang.

“I want to try it alone, Mommy,” ani Illisha nang hinihila na ni Hiro ang tali patungo sa amin.

“Are you sure?”

Ngumiti siya. Pinagbigyan ko ang gusto ni Illisha. Hawak ni Hiro ang tali. Ako naman ay nasa gilid, nakaalalay.

“Hiro…” tawag ko na ikinalingon niya sa akin.

“Sasama ka ba next week? Gusto kong bumisita sa Woodridge. Dalhin natin si Illisha.”

His eyes slowly widened. “How about your parents?”

“Tatawagan ko sila mamayang gabi. Para makilala rin nila,” I smiled.

He slowly nodded. “Kahit anong desisyon nila, sigurado akong para ’yon sa ikakabuti mo.”

I know. At gusto ko ring ipakita sa kanila na ayos ako. Gusto kong humingi ng tawad dahil napag-alala ko sila. Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas ngunit parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko na handa akong buksan ang mga pintong matagal kong isinara. Matapang ako dahil alam kong may sumusuporta sa aking desisyon.

“I’m thirsty…” reklamo ni Illisha.

“Kukunin ko lang ang tumbler mo,” sabi ko nang maalala iyon.

“I’ll do it,” si Hiro na ibinigay ang tali sa akin.

Natuwa ako sa pagrerepresinta ni Hiro dahil ayaw ko rin talaga itong iwan. Hinawakan ko ang tali. Naglalakad na lamang ito ng marahan habang nakahawak din si Illisha sa isa pang tali.

“Mommy let go. I’ll do it!” si Illisha na makulit.

“No… you don’t know how to do it yet.”

“Please let me try,” she pouted.

Tumitig ako ng maigi sa kanya, kalaunan ay bumuntonghininga at tumango. Gusto ko rin siyang hayaang tumuklaa ng bagay bagay. Gusto ko siyang unti-unting mamulat.

Nagpatuloy sa paglalakad ang kabayo. Tumigil ako at nakatanaw. Illisha giggled and glanced at me.

“I love you, Mommy!”

My shoulder loosened. I love you so much… So much. I smiled and nodded.

“I love you more. I love you so much…” sabi ko.

Ibinalik niya ang tingin sa harap. Nakita ko naman ang mga nagjo-jogging at may isang bata na may hawak na plastic bag. Medyo maingay iyon. Illisha’s horse jumped a little and started running fast.

Ang nakahalukipkip kong mga kamay ay natatarantang tumakbo para habulin ang kabayong sakay si Illisha.

“Illisha!” tawag ko habang humahabol.

Nagtinginan ang iibang nagjojogging ngunit sinundan lamang ng tingin ang kabayong deri-deritso at hindi humihinto.

Namilog ang aking mga mata nang mapagtantong ang nasa dulo ay kalsada at may mga malalaking sasakyan na hindi tumitigil.

“Illisha!”

My daughter glanced at me while holding the rope of the horse. Ngumiti siya sa akin sa payapang paraan. Kumaway at parang nagpapaalam.

Parang tumaas ang balahibo sa aking katawan, unti-unting nanghihina at nawawalan ng lakas.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong malapit na sa malaking kalsada ang kabayong sakay niya at hindi niya mapahinto.

No! Please! Please! You are not doing this to me!

“Illisha!” I cried harshly while I’m slowly losing my strength.

Mawala na sa akin ang lahat huwag ka lang! Come back! Please save her! Save her!

Parang daplis ng hangin ang dumaan sa aking gilid dahil sa mabilis na takbo ng kung sino. Dumadahan ang mga hakbang ko habang nakikita ang likod ni Hiro na naaabutan na ng paunti-unti ang kabayong nakatawid sa kalsada.

Para akong nahihilo, halos nanlalabo ang mga mata at mawawalan na ata ng ulirat ano mang sigundo. Bumagsak ako sa sahig. Noong muling tiningnan ang kalsada, kahit hindi malinaw ang paningin ay nakita kong nakahiga na roon si Hiro, si Illisha na nawawala sa itaas ng kabayo at ang mga kotse’ng huminto para saklolohan ang aksidenteng nangyari.

Where’s… Where’s Illisha? What happened to Hiro? I don’t want another death! Unti-unting pumikit at naging madilim na sa akin ang lahat.

40th Ruled

Ruled

Trigger Warning

Chained

Dahan dahan ang pagdilat ko sa aking mga mata. I feel so tired, like I did so many things to drain my whole energy.

Malabo ang paligid ngunit kita ko ang ilaw na lumiliwanag sa kabuuan, ang puting kuwarto na hindi pamilyar sa akin.

Slowly, I remembered what happened. Nakita ko… si Hiro na nakahiga sa daan at si Illisha na hindi ko matagpuan sa kabayong nagwawala.

Napadilat ako nang malaki dahil doon. Was it a dream?! Nangyari ba iyon? Gumuho ang pananalangin nang matagpuan ang kasama ko sa kuwartong iyon.

Nilingon ko ang isang nurse na abala sa aking gilid.

Why am I in the hospital? Sinong nagdala sa akin? Ano ang nangyari? Si Illisha? Si Hiro? Nasaan sila? Bakit wala sila rito kasama ko?

“Ma’am…” nangingiti ang nurse nang mapansing gising na ako.

Nagtangka akong bumangon. Kumilos ako at gumalaw ngunit dumalo agad ang nurse.

“Ma’am, steady lang po muna kayo…” she said in a concerned tone and smiled more.

“Ang… ang mga kasama ko,” nakaya kong magsalita sa namamaos na tinig.

“’Yung lalake po ba? Ayos na po, Ma’am…”

I shut my eyes when I realized the accident was really true. Kumakalabog ang aking dibdib sa pag-aalala. Sapat na ang narinig na maayos ang kalagayan nila ngunit hindi mawala sa aking isip na napahamak pa rin.

“Eh ang bata, ang anak ko… kumusta?”

She looked at me with confusion.

“Si Illisha. ’Medyo kulot ang buhok niya at sobrang bata pa. Siya ang may sakay sa kabayo,” I explained clearly.

She looked so puzzled. “Ma’am, dalawa lang po kayo ang isinugod sa hospital.”

Dalawa lang? Ibig bang sabihin nito nakaligtas si Illisha? Ngunit sigurado ako sa nakita ko, nawawala siya sa kabayo at maaaring nahulog siya dahil sa pagwawala ng kabayo!

Umiling ako, medyo naaalarma.

“Hindi. May bata. Anak ko. Si Illisha. Siya ang may sakay sa kabayo,” giit ko.

“Wala pong kasamang bata sa naaksidente, Ma’am…”

What? Anong wala? Kung ganoon, nasaan si Illisha? Nakaligtas ba? Nasaan kung ganoon?! Lalo na’t nakita ko na kahit ang kabayo ay nagsisigaw dahil mukhang isa sa natamaan! Kaya nasaan si Illisha!

Umiling ako at nagpumilit bumangon. Si Hiro… Baka alam ni Hiro! Kung wala siya rito, ibig sabihin ay alam ni Hiro at baka nailigtas niya bago… bago siya nabangga!

Bumangon ako ngunit mabilis akong pinigilan ng nurse.

“Magpahinga po muna kayo, Ma’am. Ipapa double check ko po ang sinasabi niyong pasyente. Pwede po bang malaman ang buong pangalan noong batang tinutukoy niyo?”

“Illisha… Illisha Buenaventura,” sabi ko na ikinatango niya at ngumiti. “Kumalma po muna kayo. Kailangan niyo pong magpahinga.”

Hindi… Hindi ako makakalma hangga’t hindi ko nakikita si Illisha! Kailangan ko siyang makita! Kailangan kong malaman kung nasaan ang anak ko!

“Ako na po ang bahala, Ma’am…”

Nagpaalam ang nurse sa akin. Huminga ako at pilit na inalala ang nangyari kanina. I tried to recall everything but I couldn’t. Sumasakit ang aking ulo. Dumilat ako at tiningnan ang pinto.

Bakit ang tagal? Anong nangyari sa anak ko? Anong nangyari kay Illisha?! Hindi na ako makapagtimping maghintay pa kaya tinulungan ang sarili na makabangon nang dahan dahan.

Noong makaupo ay tiningnan ko agad sa aking kamay ang nakaturok na dextrose. Hinila ko iyon at dumaing sa hapdi ngunit mas inisip na makababa sa kama.

Hindi ko na inayos ang nagulong hospital gown na suot. I need to see my daughter! Kailangang masigurado ko mismo sa aking mga mata na maayos siya, sila ni Hiro!

Binuksan ko ang pinto. Isang pihit ay halos hirap pa ako. Muli kong sinubukan hanggang nabuksan ko ng kusa.

Naglakad ako sa pasilyo. Natanaw ko ang nag-uusap na nurse at doctor. The nurse looked at me curiously. Nakita niya ang suot ko. May sinabi siya sa doctor saka nagmamadaling lumapit sa akin.

“Ma’am…” tawag niya sabay lapit.

“Nurse… gusto ko lang malaman kung nasaan ’yung room noong naaksidente dahil sa kabayong tumawid sa daan. Sa… sa labas ng Crocodile park,” sabi ko, halos ramdam pa ang paghihingalo ngunit wala nang pakialam.

“Ah, sa ngayon ay ginagamot pa po ang pasyente pero safe na po, Ma’am.”

Medyo nakahinga ako ng maluwag ngunit hindi pa rin lubusang nakakasigurado hangga’t hindi ko nakikita. I feel dizzy. Hindi ko alam kung bakit ngunit talagang umiikot ng kaonti ang paningin ko.

“Pwede bang puntahan ko? I just want to check…” hinagod ko ng haplos ang aking ulo kaya mabilis akong dinaluhan ng nurse at inalalayan.

“Ihahatid na po kita sa kuwarto niyo, Ma’am. Kailangan niyo pong magpahinga para mabawi ang lakas niyo.”

Umiling ako. “No… Take me to their room first please. Gusto kong makasigurado. Patingin ako.”

Tumango siya.

“Pagkatapos po nating masilip ay ihahatid ko na po kayo sa kuwarto niyo, Ma’am ha…”

I nodded while trying to clear my blurred vision. Inalalayan ako ng nurse. May napansin akong band aid sa gilid ng aking braso at pakiramdam ko ay may itinurok sa akin kaya ganito ako.

My steps were slow and weak. Patingin tingin sa akin ang nurse, ngingiti ngiti.

“Ang ganda niyo po, Ma’am…”

Hindi ako makangiti man lang dahil binabalot ng pag-aalala para kay Hiro at mas lalong para kay Illisha. Hindi ko kaya kung may isa sa kanila… kung… may napahamak.

“Nandito na tayo, Ma’am…” ang nurse na dahan dahang binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang loob, ang isang kama kung nasaan nakaupo si Hiro, topless at ginagamot ang sugat sa ulo habang may cast ang kanyang kamay.

Nagkatinginan kami. Mabilis niya akong sinuri. Nag-amba siyang gumalaw ngunit pinigilan ng nurse at agarang pinagsabihan.

“Huwag po muna kayong gumalaw, Sir…” ang nurse na hindi tiningnan ni Hiro at nanatili ang mga mata sa akin.

“Are you okay, Torrefranca?”

Tumango ako ngunit naghahanap ang aking mga mata. Thank God Hiro is fine! Ngunit… bakit… wala ang anak ko rito?

“Nasaan si Illisha, Hiro?” tanong ko.

His jaw clenched. Binasa niya ang labi at hindi agad makasagot kaya ang nurse ang nilingon ko.

“Saan ang kuwarto noong bata naming kasama?”

Nakita ko kung paanong litong nagkatinginan ang dalawang nurse.

“’Yung bata. Ang anak ko,” giit ko at nilingon muli si Hiro. “Si Illisha, nasaan… Hiro?”

“Ma’am. Dalawa lang po kayong pasyente na isinugod sa aksidente. Wala pong bata.”

Umiling ako at kumawala sa pagkakahawak ng nurse. Anong kasinungalingan ang iniimbento niya?! Paanong walang bata eh nakasakay si Illisha sa kabayo!

“Meron! Nakasakay siya sa kabayo! At… at nawala siya! Baka hindi niyo napansin na nahulog! Kaya sigurado ako na may nangyari sa kanya! Nawala siya sa kabayo at maaaring nahulog siya sa daan!”

“Ma’am… kumalma muna kayo—”

“Si Illisha! Meron! Hiro! Nasaan ang anak ko?! Bakit wala siya rito!”

Tumayo si Hiro kahit nagdadalawang isip pa ang nurse at ayaw siyang pakawalan.

“Calm down first, Torrefranca…” si Hiro na lumapit ngunit umiling ako.

“Nasaan si Illisha? Nasaan ang anak ko! Ilabas niyo siya sa akin! Huwag niyo akong niloloko!”

“Call the doctor,” rinig kong sabi ng isa sa nurse lalo na’t gusto ko nang magwala.

Nakita ko ang pagtakbo ng isang nurse palabas. Tiningnan ko ng maigi si Hiro. Kung pwedeng magmakaawa ng sagot galing sa kanya ay gagawin ko malaman lamang ang totoo!

“Hiro! Nasaan ang anak ko?! Bakit ikaw lang ang nandito?! Nasaan siya?! Anong nangyari sa kanya? Huwag kayong mag-imbento ng kasinungalingan at ibalik niyo sa akin ang anak ko! Ibalik niyo siya!” sigaw ko habang itinutulak ang pagdalo ni Hiro, ang paglapit.

“Sir, kami na po ang bahala. Umupo po muna kayo at baka mapano ang sugat niyo,” ang nurse na lumapit din.

Hiro looked at me softly. Gusto kong lumabas ngunit pinipigilan ako ng nurse. Ilang sandali lamang ay may dalawa pang nurse na pumasok. Ang isa ay lumayo at may kinuha na injection habang natatanaw kong pumapasok na ang isang doctor.

“Be gentle,” si Hiro sa mga nurse na isa-isang lumapit para lang awatin ako.

What’s… what’s happening?! Pinilit kong makawala ngunit natigilan at napadaing dahil sa tusok ng karayom sa sa kung saang parte ng aking katawan.

I am slowly losing my consciousness, my energy, my vision. Si Illisha? Nasaan? Bakit ganoon ang sinasabi nila? Bakit nila ako pinagsisinungalingan?!

Tiningnan ko si Hiro. “You… you promised…” halos ibulong ko iyon sa matinding panghihina.

I couldn’t find her. Even in my dreams. It’s empty. I couldn’t find her! Illisha’s missing! I couldn’t find her! Nasaan siya?! She’s missing! I couldn’t find my daughter!

Dahan dahang dumilat habang naririnig ko ang mga boses ng nakapaligid sa akin.

I slowly glanced from my side and found the doctor talking to my parents. Nahanap ko rin si Hiro sa may pader, tahimik na nakasandal habang nakayuko.

I saw my mother cried in my father’s arms. I couldn’t feel myself. Hindi ko rin sila naririnig ng maigi. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ng doctor para maging ganoon ang reaksyon ng aking ina.

“Anong ibig niyong sabihin, Doc?” my father’s voice thundered.

“Her physical examination was unremarkable, with no evidence of focal neorological signs, movement disorder or soft neurological signs. It also included her routine blood tests which was normal—”

“Normal? Then what is the meaning of those hallucinations?” it was my father’s furious voice.

“Hindi ko na hawak ang ibang problema ng pasyente, Sir. Iyon ang lumabas sa diagnostic tests. Since this is beyond my expertise, she needs a psychiatrist that can help with her condition and give a more in-depth diagnosis regarding her mental health and issues. I’m sure she can help the patient recover from her trauma.”

Pinakiramdaman ko ang sariling hinang hina. Where’s Illisha? Bakit… bakit pinagsisinungalingan nila ako? Bakit parang tinatago nila ang aking anak? Alam kong meron at hindi nila ako mapapaniwala sa mga sasabihin nila! Si Hiro! Alam niya… at sigurado akong kakampihan niya ako dahil kasama ko siya sa bahay! Nakikita niya si Illisha! Hindi man sila close ngunit alam ko, ipagtatanggol ako ni Hiro!

Bumangon ako sa kagustuhang linawin nila sa akin ang kasinungalingang iyon. Napaahon ang ulo ni Hiro at nakita ko pa ang patch band aid sa kanyang ulo.

“Torrefranca,” tawag niya nang makitang gising ako.

Mabilis na napatingin sa akin ang aking parents. Did Hiro called them? Si Mommy agad ang lumapit. Ang Doctor ay sumenyas sa nurse at mukhang balak nilang lumabas.

“Just call us if something happened,” ang doctor kay Hiro.

Sinundan ko ng tingin ang kilos ni Mommy. Umupo siya sa gilid ng aking kama. Noong magkatinginan, bumalandra agad ang namumugto niyang mga mata.

“Kumusta?” nangingiting tanong ni Mommy ngunit namamaos ang boses nang haplusin ang aking pisngi.

Lumapit din si Daddy. He was beside her looking at me intently.

“Hiro… nasaan si Illisha?” tanong ko sa pagod na tinig, na sana ay sagutin niya nalang iyon ng maayos.

Tumingala si Mommy at tiningnan si Dad sa nag-aalalang mga mata. Noong ibinalik sa akin, pilit ngumingiti at pinapalakas ang loob kahit ramdam ko ang panghihina niya.

“Dos tingnan mo… she looked so healthy! Akala ko talaga nangangayayat! Look at her!” Mommy said proudly when she held my hand.

Bakit hindi nila sinasagot ang tanong ko? Yumuko si Dad at kita ko ang panunuri ng kanyang mga mata. Yumuko siya lalo hanggang dumampi ang labi niya sa aking noo.

“You made us worry,” ani Dad sa nasusugat na tinig.

Umagos ang aking luha nang mapagtantong ito ulit ang unang beses na nagkita kami simula noong tatlong taong dumaan.

Napunta sa aking likod ang kamay ni Daddy at niyakap ako. Hinagkan niya ang gilid ng aking ulo at ilang sigundong nanatili doon hanggang naramdaman ko ang panginginig ng kanyang labi.

“We’re here for you. I’m here for you,” bulong ni Dad sa paos na tinig.

Humikbi ako. “Dad…”

“Nothing’s gonna hurt you, hmm? I am here. I love you so much.”

Tiningnan ko si Mommy. Bigo akong umiling.

“I’m sorry…” nabasag ang aking tinig.

Bumuhos agad ang kanyang luha at yumakap din sa akin. Hinagod niya ang aking likod.

“Alalang alala ako sa’yo, Franca…” si Mommy na umiiyak.

“Mom, Dad… I’m so sorry! I didn’t mean to do it! I didn’t mean!” sumbong ko at sunod sunod ang pag-iyak.

“I believe in you, hmm?” si Dad na nanatili lamang ang labi sa gilid ng aking ulo.

Pumikit ako ng mariin. “Hindi ko masabi sa inyo dahil natatakot ako, Dad… natatakot akong gumanti kayo sa kanila. Natatakot akong maranasan niyo ang pagkakamali ko. Sa kagustuhan kong ibalik ang sakit… may nadamay na bata, Dad… Ang anak niyo… ang nag-iisang babaeng anak niyo, may batang napatay…”

“So please… please huwag niyo nang isipin kung ano man ang nangyari sa akin noon! I don’t want another trouble! Ayoko na! Napapagod na ako!”

“Whatever you say, sweetie. Ikaw ang masusunod. Kung ’yan ang gusto mo… susundin ko…” si Dad na bumubulong sa namamaos na tinig.

“I am a disappointment. I’m sorry if I disappoint you as a daughter, Mom. I’m so sorry… I’m a failure. Wala akong kuwenta—”

“Please… I beg you… stop saying that,” si Mommy na humiwalay agad sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi habang nangingiti kahit umaagos ang luha. “You are not a disappointment, hija! You never failed us! In fact we are so proud of you! You managed to lived by yourself! Ang tapang tapang mong bata… kaya hindi mo dapat sinasabi ang mga ito. Bilang ina mo… sobrang hanga ako sa’yo.”

Tumango si Daddy nang dungawin din ang aking ekspresyon.

“Kaya mo ’to. We’ll help you. Tutulungan ka namin. May kakilala kaming magaling na therapist—”

“Para saan ang therapy, Mommy?” tanong ko.

“Hija… that child…” hindi niya maipagpatuloy ngunit alam ko na agad.

“What? She’s real! Ask Hiro!” I pointed out and glanced at him.

Nanatiling nakayuko si Hiro.

“Tell them about my child, Hiro! Please…”

“Hija… she’s not… she’s not real,” si Mommy na umiiyak.

Nalaglag ang aking panga. Umiling ako ng marahas at itinulak si Dad palayo, binawi ang kamay kong hawak ni Mommy.

“Anong sinasabi niyo? Paanong… paanong hindi naging totoo? Si Hiro! He even saved her! Alam niya na may anak ako! Kilala niya si Illisha! Nliingon ko si Hiro sa gilid. “Tell them about her! Tell them about my adopted child! Tell them how I lived happily with my child! Tell them!”

Dahan dahang nag-angat ng tingin si Hiro sa akin, namumungay ang mga mata at parang kaonti na lamang ay iiyak na.

“You saved her! Please tell them about my daughter! Tell them about her!”

Bigong umiling si Hiro.

“I never saw her, Torrefranca,” pag-amin niya na ikinatindig ng aking balahibo.

What… hindi! Hindi iyon totoo! Nagsisinungaling siya! Imposible! Nakasama niya kami! Nakasama niya si Illisha! Imposible! Bakit ipinapalabas niyang hindi totoo si Illisha?! Silang lahat?!

Huminga ako ng malalim kahit pakiramdam ko’y sasabog na ang aking ulo sa mga nalaman.

“Pinagkakaisahan niyo akong lahat…” nabasag ang aking tinig.

Tiningnan ko ang nakaturok na dextrose sa akin. Hinablot ko iyon ng malakas.

“Franca! Please calm down, please…” nagmamakaawa si Mommy ngunit desidido akong makawala.

“Kung hindi niyo siya hahanapin pwes ako ang magkukusa! Ako ang maghahanap sa kanya!” nag-amba akong bumaba sa kama ngunit pinigilan ako ni Dad.

“Dad please! Get out of my way! Hayaan niyo akong hanapin ang anak ko!” Itinulak ko siya.

“Hija…” Dumalo agad si Mommy sa aking harapan at niyakap ako.

“Nasaan si Illisha?! Ilabas niyo siya! Huwag niyo akong pagmukhaing nababaliw dahil alam kong totoo siya! May anak ako! May anak ako!”

Ang kaonting pag-asa ay halos dumudulas na sa aking mga kamay, sumasama sa dahan dahan kong pagkakalugmok sa sahig. Yumuko si Mommy, ayaw akong pakawalan sa kanyang yakap na lumuluwag.

“Bakit niyo ako ginaganito?! Bakit niyo pinagkakait sa akin ang tanging kasiyahan ko?! Siya nalang… siya lang ang meron ako! Pati iyon… bakit niyo ipinagkakait?”

Bigo akong yumuko, halos isigaw ang iyak at umiling sa labis na pagkadismaya.

“Ibalik niyo siya sa akin! Nagmamakaawa ako! Ibalik niyo ang anak ko! Pakiusap… handa kong pagbayaran ang kasalanan ko basta ibalik niyo lang siya! Nag… nagmamakaawa ako… pakibalik… ang anak ko…”

Niyakap akong muli ni Mommy. Gusto kong magpumiglas, gusto ko siyang itulak ngunit nanghihina ako. Pakiramdam ko ay wala akong kakampi. Si Hiro, ang tanging kakampi ko, pakiramdam ko ay tinalikuran ako. Pakiramdam ko ay pinagkakaisahan nila akong lahat!

“Totoo si Illisha… Totoo siya! Nararamdaman ko siya! Nakikita! Nakakausap! Paano niyo ipapaliwanag sa akin ang lahat ng iyon! Sa tatlong taon… siya ang naging karamay ko! Siya ang kasama ko! Siya ang nagparamdam sa akin na may karapatan pa rin akong maging masaya! Kaya paano… paano niyo nasasabing hindi siya totoo?!”

Walang sumagot. Ngunit natanaw ko kung paano tumingala ang aking ama at huminga ng malalim, kung paano umagos ang luha sa kanyang mga mata.

“Nandito kami… Kakayanin mo ito dahil nandito kami…” namamaos na bulong ni Mommy.

Umiling ako. “Ibalik niyo siya. Wala akong ibang kailangan ngayon. Siya lang. Huwag niyo siyang ipagkait sa akin! Huwag niyo akong pagmukhaing baliw!”

“Sshh… malalagot sa akin ang magsasabi noon sa’yo. Mahal na mahal kita, Franca. Mahal na mahal ka ni Mommy…” hagulhol niya sa akin habang niyayakap ako ng mahigpit.

Tinanaw ko si Hiro. Hindi nakaligtas sa akin ang namumula niyang mga mata. Yumuko siya para itago iyon. Nailing si Dad at namaywang na humarap sa pader. Itinukod niya ang isang kamay roon at yumuko habang natatanaw ko ang paggalaw ng kanyang balikat.

“Kahit si Illisha nalang… kahit ibalik niyo siya sa akin. Hindi ko kakayanin. Kailangan ko siya. Kailangan ko siya…” daing ko.

I couldn’t digest everything. Kahit pa anong sabihin nila, hindi ko kayang paniwalaan. Baka sa kagustuhang itago sa akin ang katotohanan ay pinapalabas nilang hindi totoo ang aking anak? Hindi totoo si Illisha? Kung ganoon anong nangyari sa kanya?

Paano kung… sa aksidenteng iyon… Hindi ko maipagpatulog sa aking utak ang nangyari dahil ayokong isiping patay na rin siya!

Inalala ko ang huling pagkakataong nakita ito. Ngumingiti ang anghel kong anak habang winawagayway ang kanyang kamay at tila ba nagpapaalam.

Anong ibig sabihin noon, Illisha? Bakit mo ako iiwan, huh? Ayaw mo na bang maging anak ko? Nagkulang ba ako? May hindi ka ba nagustuhan? Kaya ba iiwan mo ako sa ere?!

Hindi ko kayang tanggapin ang mga pinagsasabi nila. Pinagkakaisahan nila akong lahat! Kahit si Hiro… hindi ako makapaniwalang kaya niya itong gawin sa akin.

“How are you?” ang psychiatrist sa aking harapan sa sumunod na araw.

Nasa labas ang aking parents. Nakikita ko paminsan minsan si Hiro lalo na’t nanatili siya rito ngunit ayoko siyang kausapin hangga’t hindi siya nagsasabi ng totoo. Hangga’t hindi niya nililinaw sa akin kung nasaan si Illisha.

“Would it be alright for you to tell me what’s been going on?”

Hindi ako umimik. Natuyo na ata ang luha sa aking mga mata. Hindi nila inilalabas si Illisha. At ayokong paniwalaan ang imbento nilang kasalanan dahil alam ko ang totoo.

Gusto ko lang namang makita ulit ang aking anak.

“This child… what does she looked like?”

Ayaw ko sana iyong sagutin ngunit dahil tungkol kay Illisha ay medyo nagkakaroon ako ng kaonting enerhiya para sumagot.

“She’s simple but very angelic,” I answered in a flat tone.

“Her hobbies?”

“Reading books. Sleeping… horse backriding. Drawing…”

Tumango siya at ngumiti.

“So you two shared the same hobbies?”

Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang ideyang iyon ngunit naisip ko agad si Mommy. Siguro ay nag-usap na sila bago pa man ako kausapin?

“May kamukha ba ang anak mo?” ulit niyang tanong.

Tumango ako sa parteng iyon, medyo nawawalan na ng gana sumagot.

“Your friend told me about what happened from the past. Is it alright if I’ll ask you more about it?”

I looked at her blankly. Para saan pa ba ang lahat ng ito? Ang gusto ko lang naman ay ilabas nila ang anak ko.

Nagpatuloy ang kanyang pagtatanong. Para akong naglalakad pabalik kung saan nangyari ang lahat. Kung paano unti-unting nawasak ang mundong itinuring kong reyalidad.

“You badly wanted to escape from the past. A person’s mind… is fragile yet powerful. It does everything it can to balance stability. That’s why when you underwent severe trauma, your mind… adjusted. It made a shield to protect you from the pain.”

Ayokong makinig. Alam kong totoo si Illisha. Hindi nila mababago ang isip ko.

“Those men that you thought were chasing you, they reflect your fears. You badly wanted to get away from them. You’re afraid of them. But they do not exist,” patuloy niya.

“At base sa kuwento mo, hindi na kailanman nagpakita ang taong iyon. Ang humahabol sa’yo. It disappeared because you created another illusion out of it. And it was Illisha. Your mind created her to stabilize your emotions. To rule it. To free yourself from being chained.”

Ayaw kong tanggapin ngunit nanunuot ang bawat salita niya.

“Si Illisha ang nagsilbing tagaayos ng magulo mong isip para lamang mabura ang takot sa’yo. Para lamang makawala ka sa kinatatakutan mo.”

Tiningnan ko siya sa nanlalabo kong mga mata.

“She’s the reflection of both hope and love. You might think that she’s just there to help you move on but… she’s more than that. She’s your hope. Your hope that things would get better. And she’s your love. The love you have for yourself that you seem to have forgotten because of the guilt.”

Pumikit ako habang dinadama ang umaagos kong luha.

“Don’t you realize the similarities? Illisha is full of positivity. Full of passion. Full of hope. She’s the perfect image of your younger self. Your mind might have projected a mixed image of Marione and Ken but… Illisha is you, Franca. The child you wanted to be. Free of hatred. Free from guilt. A child full of happiness and love.”

Bumibigat ang aking pakiramdam. Malinaw ang kanyang sinasabi ngunit mahirap paniwalaan. Sa tingin ko, siya ang halusinasyon na hindi ko tatanggapin. Na hindi ito ang reyalidad na gusto ko.

“Your mind made illusions. Fear, hope… and love. That’s what led you to see those things.”

Humikbi ako. Hindi. Hindi siya ilusyon. Mahal na mahal ko siya. Paano siya naging ilusyon? Paano siya hindi naging totoo? Mas higit pa ang pagmamahal ko sa kanya kaysa sa sarili ko. Mas nanaisin ko pang ako na lamang ang mawala kaysa si Illisha.

“Ayoko siyang mawala… ibalik niyo siya sa akin,” hikbi ko.

“You didn’t lose her. She’s part of you. Hindi mo man ulit makikita, ngunit mananatili siyang parte ng buhay mo.”

Itinakip ko sa aking mukha ang dalawa kong palad at doon tahimik na humagulhol.

41st Ruled

Ruled

Best

Nakakapagod.

Tulala na lamang sa nagdaang araw, ni hindi ko alam kung alin ang tama at mali sa nangyayari sa aking paligid.

Kung alam man, wala ring lakas para isipin ang iba pang bagay.

“Here’s your medicine, Ma’am…” nangingiting ibinigay ng nurse ang hindi ko malamang pang-ilang gamot na iniinom ko araw-araw.

“Tapos na akong uminom,” I said to stop her from bugging me.

Yakap ang mga binti at nakaupo sa kama, nakasandal ang aking ulo sa pader habang nasa kawalan ng tingin.

Naka-confine pa rin ako. Nandito rin lagi ang aking parents, si Mommy at Daddy na laging dumadalaw at si Hiro na sumusulpot.

“Kahapon po ’yon, Ma’am…”

I looked at her blankly. Para saan pa ba ang mga gamot na ’yan? Maibabalik ba si Illisha sa akin? Maging magaling man ako o hindi, wala na ring kuwenta sa akin iyon dahil wala na siya.

“Lumabas kana,” I warned her.

Bumukas muli ang pinto. Nakita ko ang pagpasok ni Hiro, may dalang basket ng prutas at tumingin agad sa akin.

“Anong problema?”

“Ah Sir… Hindi niya pa iniinom ang gamot niya.”

I remained silent. Nakikita ko ang paghuhubad ni Hiro sa kulay beige na jacket, ang tanging naiwan ay ang puting t-shirt at inilapag ang basket ng prutas sa lamesa.

“Ako na.”

Tumango ang nurse at ibinigay iyon sa kanya. Nanatili akong walang imik. Tiningnan ng nurse at ngumiti bago nagpaalam na lumabas.

“Take me home, Hiro,” sabi ko nang sumara ang pinto.

“I’ll do it once you’re…”

“Once I’m normal?” Nag-angat ako ng kilay.

“Once you’re fully recovered, Torrefranca. You need to rest.”

What kind of rest? Sa sobra kong pagod ngayon hindi sapat ang pananatili sa ospital na ito dahil baka makagawa na ako ng ibang paraan para lang sumunod agad kung nasaang lupalop man ng mundo ang aking anak.

“Iuwi mo na ako at hahanapin ko si Illisha. Naririndi na ako sa mga kasinungalingang iniimbento niyo,” halos walang gana kong sabi, tulala pa rin.

He didn’t say anything. Inilahad niya sa akin ang gamot, sa kabilang kamay ay hawak ang baso ng tubig na nakahanda.

Umiling ako, desididong panindigan na ayokong inumin iyon.

“Uuwi tayo pag nabawi mo na ang lakas mo.”

My eyes slowly watched him. Kung totoo mang may sakit ako, paano kung… pati siya… hindi totoo?

I watched him curiously. Illisha felt so real like the rest. Sa sobrang totoo niya, mahirap paniwalaang imbento lamang siya ng aking isip.

Kung hindi totoo si Illisha, ibig sabihin, may tsansa ring hindi totoo ang mga nakapaligid sa akin. Baka pati ito, hindi rin totoo.

Paano kung panaginip na naman ito? Paano kung lahat ng nangyari ay panaginip lang? Binabangungot ako at hindi pa rin nagigising.

Pumikit ako at gustong gisingin ang aking sarili. Ngunit nang muling dumilat, walang nagbago.

Ang parents ko naman ang dumating pagkaraan ng ilang oras. My mother looked tired but she managed to smile. Si Dad ay seryoso at sumulyap pa kay Hiro na abalang nagbabalat ng prutas.

Lumapit si Daddy sa akin para humalik sa aking ulo. Si Mommy naman ay umupo sa gilid ng kama at hinawakan ang aking kamay.

“You have another therapy appointment later…”

I didn’t speak.

Mommy kissed my hand. “Konting tiis muna. Baka sa sumunod na mga araw ay pumayag na ang psychiatrist mo na ilabas ka rito. Uuwi tayo sa Manila at—”

“Manila?” mabilis kong tiningnan si Mommy.

Binawi ko ang aking kamay at tiningnan si Dad. Ibabalik nila ako sa Manila? Ilalayo nila ako kay Illisha?!

“Nandito pa si Illisha! Bakit tayo babalik sa Manila?! Iiwan ko ang anak ko?” halos tumaas ang aking tinig sa iritasyon at dismayang naghahalo.

My mother sighed and shook her head calmly.

“No… Of course not. Kung gusto mong dito muna…”

“Ayoko sa Manila!” giit ko.

My father nodded. “Alright. We’ll stay here for the mean time. Dito muna tayo sa Davao. Sa Lolo at Lola mo.”

Dumaplis sa aking mga mata ang pamumungay ng mga mata ni Mommy. Doon ko napagtantong pinagtaasan ko sila ng boses ni Dad. Mariin akong pumikit at huminga.

“Just please leave…” bulong ko habang tinatakpan ang aking mga mata ng aking palad.

“Hija…” my mother’s soft voice.

“Leave. All of you!” giit ko at dumilat.

My mother’s shoulder loosened. Tumayo siya sa upuan. Kahit si Hiro ay tumayo ng tahimik at sumulyap sa aking parents, si Daddy na napasulyap din kay Hiro.

I bit my lower lip as I tried not to cry. Yumuko ako at itinago ang aking mukha. Dumaing ang aking Mommy at mabilis na yumuko para mayakap ako.

“I’m here for you, baby…” bulong niya habang ipinagkakasya ang sarili sa gilid para tumabi sa akin.

Hindi ko kayang tanggapin. Hanggang ngayon, ayoko pa rin. Ayokong bitiwan ang pinanghahawakan ko kay Illisha.

Hinawakan ni Mommy ang aking ulo at iginiya sa kanyang balikat. Pumikit ako habang dinadama ang mainit na pag-agos ng luha sa aking mga mata. Itinago ko sa kanyang leeg ang aking mukha.

“Lumabas muna kayo,” si Mommy.

Dumilat ako at tiningnan si Dad. Nakita ko siyang nilingon si Hiro.

“Lumabas ka muna,” seryosong sabi niya.

“Dos, kayong dalawa,” giit ni Mommy sa matigas na tinig.

My father looked at my Mom softly. Itinuro niya muna ang sarili. My mother nodded. Naunang nagtungo si Hiro sa pinto at binuksan iyon sabay lingon kay Dad para hintayin ang paglabas nito.

Huminga ng malalim si Daddy at naglakad palabas. Tahimik silang lumabas ni Hiro. Hinalikan ni Mommy ang aking noo at sinilip ang aking mukha.

It’s tiring. Araw araw, parang pinipilit ko nalang na makausad at naghihintay ng himala. Lagi akong gigising na walang buhay. Hirap ding kontrolin ang emosyon at napapangunahan ng iritasyon.

My parents are always patient with me. Si Mommy ang sumasama sa akin lagi para sa therapy appointments ko. Si Dad naman ay nagbabantay din minsan ngunit nakakatulog pa kaya si Hiro minsan ang nariyan, tagabalat ng prutas na hindi ko naman tinatanggap sa tuwing bibigyan niya ako.

He’s always there. All the time. Matutulog akong isa siya sa huling makikita, at gigising na siya minsan ang bubungad.

Nahuli ni Hiro ang pagsulyap ko.

“Do you need anything?” tanong niya habang nasa upuan pa rin, kung saan siya madalas pumwesto at prutas lagi ang inaatupag.

Ibinaba ko ang librong binabasa at tiningnan siya ng maigi. Nakaupo ako sa kama at nasa dulo siya ng mesa, naroon at nagbabalat na naman ng prutas.

“Tell me the truth, Hiro.”

Tumigil siya sa pagbabalat ng orange at tumingin sa akin. Seryoso ko siyang tiningnan.

“I want you to tell me the truth. Where’s Illisha? What happened to her?”

Hiro sighed. Umiling siya at binasa ang labi.

“That horse was empty, Torrefranca.”

“Then why did you try to save it?! Why did you put yourself in danger for saving a nonexistent child?!”

“Because she’s part of you. Hindi ko kayang wasakin ang nakikitang saya sa mukha mo dahil sa batang inaakala mong totoo.”

I glared at him.

“Sa tagal kitang pinapanood, iyon ang mga panahong masasabi kong sobrang saya mo. Kaya ang hirap… dahil kahit ako, kahit alam kong ilusyon, parang ayokong wasakin. Ayokong ipagkait sa’yo.”

Mas lalo akong nairita ngunit hindi makapagsalita. Namumungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin, marahan at may pag-iingat.

Umiling ako. Totoo si Illisha. Hindi ko kayang paniwalaan silang lahat. Kahit pa paulit-ulit nilang sabihin sa akin na ilusyon lamang siya, na nababaliw ako, alam kong totoo siya.

“Leave,” malamig kong tugon.

Hindi man lang natinag at nagpatuloy sa ginagawa.

“I said leave, Hiro,” ulit ko sa matigas na tinig, ang mga mata ay nagiging malabo dahil sa luhang tumatakip.

“Huwag mo nalang akong pansinin. I’ll stay silent. I won’t bother you,” may paninindigan ang tinig niya.

Mariin ko siyang tiningnan. “You’re willing to stay after everything? If Illisha isn’t real then that means I am really sick! Nababaliw na ako!”

Hindi siya nagsalita at seryoso lamang sa ginagawa.

“Huwag kang nakikihalubilo sa akin! I’m sick!” sigaw ko nang matauhan siya.

“But you are not your sickness,” he explained calmly and looked at me softly. “You’re not your sickness, Torrefranca.”

“Each individual face their own battle. Different issues, different battlefields. Some lives with physical health issues. And some, mental health issues. Just because you’re a bit different from everyone else doesn’t mean you’re crazy or you’re sick. You’re human. And this, is normal,” aniya.

“Wala kang nakakahawang sakit para layuan at pandirihan ka. It’s a mental health issue. It’s not a virus.”

Bakit? Hindi ko maintindihan. Kahit alam niyang may mali sa akin, nanatili pa rin siya sa tabi ko. At kahit ngayon, nandito pa rin.

“Gusto kitang mapabuti ngunit nakakasilaw ang kasiyahan mo. Hindi ko kaya. Kung pwedeng hayaan kitang ganoon habang buhay gagawin ko lalo na’t masaya ka naman. Kaso hindi. That’s not for you.”

Nag-iwas ako ng tingin at hinaplos ang pisngi dahil sa luhang umagos.

“You don’t deserve being trapped in borrowed happiness just make yourself feel better. You deserve something real. Something yours.”

“Illisha’s mine,” giit ko.

“At ang ginagawa niyo sa akin, pinagkakaitan niyo ako! Pinapamukha niyo sa aking baliw ako kaya hindi kayo naniniwalang totoo si Illisha! Binubura niyo siya sa isip ko!”

“No. I never told you she’s not real. Oo at hindi ko nakikita pero ramdam kong totoo siya. I witnessed it. You were happy. Nakikita ko ang epekto niya sa’yo.”

Kumalma ang aking nararamdaman habang nanlalabo ang tingin kay Hiro.

“We may not see her but I know she’s in our hearts… Kahit mabura man ang memorya mo sa kanya, hindi makakalimot ang puso. She’s inside your heart. No one can snatch that piece of love you have for her. No one can erase that.”

Yumuko ako at tinakpan ang aking mukha para umiyak ng tahimik. Naramdaman ko ang paggalaw ng kama. Noong dumilat, nakita ko siyang naglalahad ng malinis na panyo sa akin, ang mga mata ay namumungay pa rin.

I looked at his clean handkerchief. Tiningnan niya ang basa kong mga mata at gumalaw ang kanyang panga.

Noong hindi ko tinanggap ay kusang gumalaw ang kanyang kamay ay pinunasan ang aking luha sa maingat na paraan.

Tinitigan ko ng maigi si Hiro. “Kailan ka ba mapapagod?”

His eyes looked at me softly.

“I’ll never get tired…”

“Sumuko kana.”

Umiling siya. “This isn’t your own battle. This is ours. And I am not planning to give-up.”

“Ganoon ba ako ka hina sa paningin mo at pakiramdam mo kailangan kita sa buhay ko, Hiro? Na kailangan ko ng malakas na lalake na magtatanggol sa akin?”

“My old self would probably say yes. Yes you’re weak. Girls are weak emotionally. They’re easily swayed by their emotions, they’re easily ruled by their feelings. Ngunit hindi na ako ang lalakeng iyon, Torrefranca. Natuto na ako.”

Nagpatuloy siya sa pagpupunas ng aking luha, nakatingin ng maigi sa akin sa marahang paraan.

“You taught me so many things. Natuto akong tingnan ang mga bagay na nagmulat sa akin tungkol sa mga babae. Hindi man pantay ang lakas na meron tayo, ngunit alam ko matapang ka rin sa ibang paraan.”

Nagkasalubong ang aking kilay. Tumingin ako sa kanyang mga mata ngunit umiiwas at nalalaglag sa galaw ng kanyang labi.

“I realized you don’t need a man. A man to comfort you. A man to protect you. A man to shelter you in his arms. You are capable of everything you want to be. And that’s what makes you strong.”

Hindi ako nakaimik. Ang pusong nanlalamig ay tila ba hinahaplos.

“Ngunit kahit hindi mo iyon kailangan, gusto kong manatili sa tabi mo. Gusto kong tumulong. Gusto kong kusa mong makita na pwede mong ibuhos sa akin ang mga nagpapabigat ng damdamin mo dahil makikinig ako, pwede kang magtago sa likuran ko kung natatakot kang lumaban, pwede kang magpahinga sa’kin kung pagod kana, pwede kang manatili sa tabi ko at hahayaan kita.”

Parang na cardiac arrest ang aking pusong akala ko’y patay na at muling nagkakabuhay. It was so loud. Nakakabingi ang tibok ng aking puso.

Bumukas ang pinto at pumasok si Daddy na may dalang pink tulips. Huminga ako at binawi ang tingin kay Hiro, si Hiro naman ay lumingon din sa kanya.

My father’s movement slowed down. Naninimbang ang tingin kay Hiro suot ang seryosong mukha.

Tumayo si Hiro at naglakad pabalik sa upuan. Naglakad si Daddy patungo sa akin ngunit tinatapunan ng tingin si Hiro.

Patay-malisyang bumalik si Hiro sa pagbabalat ng prutas habang titig na titig si Dad sa kanya.

His gaze looked dangerous. Ibinalik ni Dad sa akin ang atensyon at inilahad ang pink na tulips.

“Your favorite flower,” si Dad na ikinaangat ng tingin ni Hiro at sumulyap sa bulaklak.

Tinanggap ko iyon. Yumuko si Daddy at hinagkan ang aking noo. Noong tumayo ng tuwid ay muling sumulyap kay Hiro.

Wala naman akong naririnig na reklamo ng aking parents sa presensya ni Hiro. Ako lang ata minsan ang nananalangin na sana ay wala siya.

Nanatili buong gabi  sa isip ko ang aming pag-uusap. Nabura lang kinabukasan dahil sa panibagong therapy appointment at balitang pwede na akong ilabas.

“Just make sure she drinks her meds on time and attend her appointments. Malaking tulong din sa kanya ang exercise at gluten free na mga pagkain,” ang aking psychiatrist na si Mommy ang kausap.

Gluten-free? Naalala ko ang mga pagkaing niluluto ni Hiro. Ang jogging araw araw. Nagsasalita na si Mommy ngunit distracted pa ako sa nakaraan ko kasama si Hiro.

Tulala ako sa mga tanong ni Mommy. Naiirita ako sa mga iniinom na mga gamot ko dahil minsan, nagiging totoo na ang sinasabi nila. May mga alaalang hindi pamilyar sa akin ngunit para bang nakatambak lamang ng matagal sa aking isip at ngayon lamang nakalkal dahil sa mga gamot na iniinom.

Ngunit hindi ko talaga matanggap ang totoo. Bangungot ang tingin ko sa nangyari. Na maaaring natutulog lamang ako ng matagal at hindi pa rin nagigising.

Hinihintay ko ang mga araw na hahaplusin ni Illisha ang aking pisngi, papagaanin ang aking nararamdaman at sasabihin sa akin na magiging maayos lamang ang lahat ngunit para na rin akong humihiling na makita ang sarili kong anino habang nagtatago ako sa dilim.

She disappeared like a bubble without a trace of her existence. Ang tanging hawak ko lang ay ang memorya ko sa kanya na nagpapatunay na totoo siya.

“That’s the stigma regarding mental health that we’re trying to break, Mrs. Buenaventura. Everyone thinks that patients who are suffering mentally should be jailed in hospitals forever. Or must be isolated from society. But no. These patients are humans too. Medicines, modern technologies and therapists exist for them to be able to go on with their lives and live normally again like the rest of us.”

“Maraming natatakot na kabataan ang magpatingin dahil sa panghuhusgang makukuha sa lipunan. Imagine if everyone’s educated about this issue, baka maraming magkakaroon ng lakas para magpakonsulta dahil alam nilang normal ang ganitong problema at hindi dapat ikinakahiya.”

My mother nodded. She looked so interested.

“People suffering from mental health issues need not just a lifetime treatment but also respect from the society. This isn’t a joke to be made fun of. This is a serious matter.”

I looked at my psychiatrist. Naalala ko ang mga sinabi ni Hiro sa akin noong nakaraan.

Noong mga nakaraang araw, parang walang laman lagi ang aking isip. Para akong robot na naka baterya at naka program para lamang gusmising at matulog ulit. Siguro iyon na rin ang nagagawa ng gamot. Hindi ako nakakapag-isip, ngunit hindi rin halos maramdaman ang sarili.

Alam kong wala pa ako sa kalahati ng proseso ng paggaling lalo na’t minsan, naiisip ko, wala na ring kuwenta ang aking buhay.

Iyon ang naging huling araw ko ngunit magpapatuloy pa rin ang appointment ko. Ang mga gamot ay magiging baon ko.

Nakapikit ako sa byahe. Nakaidlip noong una ngunit narinig ang tinig ng aking parents na nag-uusap.

“Dos, Hiro’s suggestion was right. You need to listen to him. Kung makakatulong iyon kay Franca, dapat ay pagbigyan natin siya,” mahinahon ang tinig ni Mommy.

“And what if it will worsen her condition, Addi? Paano kung hindi magandang ideya iyon? Did you see her reaction after we mentioned Manila? She looked scared. She’s not ready to face them,” ramdam ko ang pagtatagis ng bagang ni Dad.

“Kaya nga kailangan nating hintayin na magkusa siya. Hiro’s suggestion is the best option right now.”

Natahimik si Dad.

“Kung wala nang kaonting tiwala ang natitira para sa’yo sa kanila, kahit kay Hiro nalang. I believe he won’t hurt her, Dos… Nagmakaawa siya sa atin na hayaan siyang makalapit kay Franca…” humina ang tinig ni Mommy at may binulong. “Kaya mas magandang hayaan muna natin si Hiro bago tayo mag migrate sa France. Nangako siyang lalayuan na ang ating anak pag nakausap niya na sila kaya maghintay muna tayo.”

“I don’t care about their fucking judgements to my daughter, Addi. Heck I don’t fucking care if she’s at fault. Kung nasaktan ang anak ko, kaya kong maging bulag sa kasalanan niya sa kanila. They hurt her first!”

“I understand your anger but we should trust our daughter. Kailangan nating magpakatatag, Dos. Kung mababali tayo ngayon ng galit, kawawa lalo si Franca.”

“My daughter doesn’t deserved this! Tingin mo humihinga pa ang putanginang iyon kung ako ang unang nakaalam sa kagaguhan niya? At ngayon ang anak ko ang naghihirap? Anong magagawa ng sorry sorry na ’yan ngayon? Kung ako ang masusunod, hindi iyon sapat!”

“We don’t know. Siguro para sa atin mababaw na lamang kumpara ng naging epekto kay Franca ngunit baka para sa ating anak, malaking bagay na iyon. A simple word will heal a deep cut of pain.”

“Hindi ko kayang sumugal, Addi. I will not hold back once she’s hurt again. I want them out. All of them.”

My mother sighed problematically. She’s so done with him.

“Franca’s blaming herself because she thinks she killed their child.”

“But she didn’t! Kaya bakit kailangan pang lumapit ni Franca sa kanila, huh? Ang anak ko ang magpapakumbaba kahit siya naman ang unang nasaktan? Bullshit.”

Biglang tumaas ang tinig ng pabulong bulong ni Mommy.

“Goddammit, Dos! You heard Scarlet Gail! And she’s right. Our daughter needs to aknowledge her fault in order to build herself again. Aminin natin, kilala ang ating pamilya bilang mapaghiganti! Hindi natin mapagtatakpan ang bagay na iyon kung gumanti nga si Franca kaya sising sisi siya ngayon. Kaya kahit iyong suhestyon nalang ni Hiro ang pagbigyan natin kung iyon lamang ang paraan para mapanatag at makalaya sa paghihirap ang anak natin! Hayaan natin siyang humingi ng tawad! Hayaan natin siyang magpakumbaba! Para maliwanagan din si Franca. Para makawala siya sa putanginang nakaraan na ’yan!”

“Alright, Addi…” biglang hinahon si Dad.

“Hindi natin paiiralin ngayon ang pagiging matigas natin! I am trying to understand each side kahit si Franca lang ang matimbang sa akin ngayon! Ngunit kailangan, Dos. Kailangan nating ipakita sa ating anak na suportado natin siya!”

“Addi calm down please baby,” maamong tinig ni Daddy.

My mother’s trembling voice strangled me. Hindi ako makahinga ng maayos, nagpapanggap na tulog at natatakot na mapagtanto nilang nakikinig ako, gising ako.

“Tandang tanda ko, Dos… Kaya pala noon ay halos ayaw niyang pumasok at biglang nagdesisyong lumipat sa Davao! Lumagapak siya sa subject niya! Sa limang taon niyang nasa Woodridge, halos naging iba ang ating anak. At noong bumalik sa Manila… nahihimatay at natutulala! Florisse even told me she’s so distant. Kahit sa atin lumayo siya ng tatlong taon! Ang laki laki ng pinagbago niya. Hindi siya ganito. Tripling sakit ang nararamdaman ko at gusto ko silang parusahan, Dos… Ngunit kailangan kong lunukin ang parteng iyon dahil ayaw kong makadagdag sa nagpapabigat sa kanya kaya pilit kong pinapalambot ang puso ko,” sunod sunod ang hikbi ni Mommy.

Tumigil ang sasakyan. Dahan dahan akong dumilat. Nakita ko ang pag-abot ni Daddy kay Mommy para yakapin ito. My Mom trembled helplessly in his arms.

“She looked so lifeless… Ang sakit sakit, Dos…”

My father kissed the side of her head. Pumikit akong muli at naramdaman ang mainit na luhang umagos sa aking mata.

“Hindi pwedeng parehas tayong galit dahil alam ko… alam ko parehas tayong guguho. Paano ang anak natin? Kailangan niya tayo ngayon. Tayo ang dapat maging matatag para sa kanya. Kaya subukan nating intindihin ang sitwasyon. Alang alang sa ating anak, kalimutan natin ang galit. Matuto tayong magpatawad kahit mahirap. Please Dos…” my mother cried.

“I will. I’m sorry. I’m sorry…” namamaos ang tinig ni Dad.

Diniin ko ang labi sa isa’t isa at pinigilan ang iyak na kumawala. Slowly, I realized why my childhood was the happiest part of my life. Iyon ang binalikan ko sa aking isip dahil alam ko, walang ibang ipinaranas sa akin ang aking mga magulang kundi ang walang kapantay na kasiyahan.

Kung hindi ko man maibabalik si Illisha, kahit ang ngiti nalang sa labi sa aking mga magulang. Ngiti sa labi ng mga taong mahal ko. Kahit iyon nalang.

I’ll do my best to help myself in a right way this time. I won’t waste Illisha’s efforts. Iwawasto ko ang mali ko sa nakaraan at ibabalik ko ang ngiti sa mga taong mahalaga sa akin.

42nd Ruled

Ruled

Patient

Nagpatuloy ang pag-uusap nilang iyon. Ngunit sa pagkakataong ito, kalmado na. Tumigil na rin sa pag-iyak si Mommy, ako naman, nagpapanggap pa ring tulog.

“He looked sincere,” si Mommy sa marahang tinig.

“Sincere my fucking ass. I never liked that kid. Si Grey lang ang matino sa Delafuente.”

“Hiro too… You liked him too. Without all of these troubles from their past, you’d probably consider him as a candidate for your daughter.”

“Close kay North ang batang ’yan. ’Yan lang din ang nangangahas pumunta sa bahay noon. Nagpapaalam. ’Yung isa, kahit minsan hindi ’yon umapak sa bahay kaya paanong nakapuslit?” matigas ang tinig ni Dad.

“Our daughter liked him. They’re friends. But I never imagined…” tunog dismayado si Mommy, bumuntonghininga na lamang at ayaw dugtungan.

“Friends? Dinner huh? I was an asshole back in my times but—”

“Everyone has their own share of evilness, Dos. Siguro ikaw ay mabait ka sa parteng iyan at masahol siya, ngunit may mabait din sa parte niya na masahol sa’yo. Example is your…”

“Talagang may mas ikakasahol pa ako kung pamilya ko ang naagrabyado. Huwag nila akong susubukan.”

My Mom paused and sighed more, kalaunan ay nagsalita ulit.

“Kailan natin sasabihin kay Franca ang pagma-migrate natin sa France? Papayag kaya siya? Tingin mo, Dos?”

“She needs to come with us. It’s for her own good. Her therapist told us we need to give her a peaceful environment. She loves France so much. Doon nalang tayo.”

“And our work here?”

“I’ll find another way for that. Si Franca ang importante sa akin ngayon, Addi. I don’t care about the company. I don’t care about my work.”

“Gusto ko nga ring maging full time housewife nalang, Dos. Ayokong iwan si Franca.”

“Don’t worry. Aasikasuhin ko na agad lahat para kung sakali mang natapos na ’to, pwede na agad tayo umalis.”

Rinig ko ang buntonghininga ni Mommy.

“Tama naman si Hiro. Naniniwala ako sa batang ’yon. Alam kong para sa ikakabuti ni Franca ang suhestyon niya.”

“I lost my trust Addi. Hindi na magbabago ang pasya ko.”

Gumalaw ako at gusto nang umupo dahil nangangalay. Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata. They both glanced at me. My Mom smiled. My father’s serious face calmed down.

“Malapit na tayo sa bahay ng Lolo at Lola mo. Ayos lang ba kung doon muna tayo pansamantala?”

I nodded. I’m fine with it. Ayokong masyadong magreklamo ngayon.

Iniwas ko ang tingin at tahimik na tiningnan ang labas ng bintana. Naisip ko bigla ang ilang parte ng pag-uusap ng aking parents kanina.

Kung magm-migrate kami sa France ayos lamang. Ngunit sa ngayon, dito muna ako. Mag-iipon pa ako ng lakas hanggang sa kaya ko nang humarap kay Marione at Ken.

Ang nangyari kay Illisha ay nagbigay sa akin ng lakas na maintindihan lalo si Marione. Oo at naiintindihan ko siya simula pa noong una ngunit sa labis na sakit na naramdaman, pakiramdam ko ay nalagay ako sa posisyon niya.

Nawalan ako ng anak. Ang hirap tanggapin. Ito ang isang bagay na kailanman ay hindi ko kayang paniwalaan kahit pa isampal sa akin ang katotohanan, kahit pa ilang therapy ata ang aking mapagdaanan.

Habang iniisip ang lahat, bigla kong naisip si Hiro.

Sapat na ang lahat ng ginawa niya. Tama na ’yon. He needs to rest. Kaya ko na ’to. At ayokong magkaroon siya ng alalahanin lalo na’t sang-ayon din naman ako sa plano ng aking pamilya. Aalis naman ako.

Magiging pabigat lang ako sa kanya. At ayoko ng ganoon. I don’t want to trouble him anymore. At ayoko nang nasasabit siya sa panibagong problema ko.

Napapagod na akong hawakan ang mga bagay na hindi naman para sa akin. Siguro nga sa laki ng kasalanan ko, ito na iyong karma ko. At ayokong pati siya madamay sa bagay na ito.

Magmamahal naman siguro siya ng iba? Ngunit sana, iyong hindi katulad ko. Iyong hindi puro problema ang maibibigay sa kanya. Iyong makakahinga siya ng maluwag. Iyong para talaga kay Hiro.

Kaso ang hirap pala. Mahal ko si Hiro. Noon madali lang naman bumitaw. Ngayon, mahirap.

I told him to wait for me coz I was hopeful that maybe, someday, I’ll be deserving for him too. Ayokong sumugal agad dahil lang gusto ko na siya. Gusto ko, pantay ang magiging nararamdaman namin sa isa’t isa. Gusto ko, kasinglaki na rin ng pagmamahal niya ang sa akin.

Ngunit mukhang malabo ko na ata iyong mapapantayan. Sa mga nalaman ko ngayon, walang wala itong nararamdaman ko kumpara sa nararamdaman niya.

Unfair iyon sa parte niya. Ayokong maulit ang pagkakamali ko noon na sumugal kahit kaonting pagmamahal lamang ang hawak ko. Gusto ko malalim.

Ngunit hindi pa rin ba ito malalim? Natatakot akong masasaktan ko siya. Natatakot akong makita siyang naghihirap kasama ko. Hindi ko ito kailanman naramdaman sa iba. Sa kanya lang.

Tahimik ako buong byahe. Pumasok ang kotse sa gate ng pamilyar na malaking bahay. Naunang lumabas si Daddy at pinagbuksan ako ng pinto. Natanaw ko agad ang paglabas sa terasa ng aking grandparents.

My Lola’s weak smile welcomed me. Lumapit siya at dinaluhan agad ako para sa isang yakap.

“Miss na miss ka namin…” bulong niya at hinagkan ang gilid ng aking ulo.

Natanaw ko ang paglalakad palapit ni Lolo. Humiwalay si Lola kaya siya naman ang lumapit at yumakap. Hinagkan niya ang tuktok ng aking ulo at hinagod ang aking likod.

“I love you, our dear angel,” si Lolo.

I smiled a little. Wala pang ganang makipag-usap, pinayagan naman nila akong magpahinga agad.

Pagkapasok sa kuwarto, pansin ko ang naiibang pagkakaayos. Pamilyar ngunit may mga gamit na wala.

Ilang sandali lamang ay bumukas ang pinto at pumasok si Mommy. Ngumiti siya at lumapit sa akin lalo na’t nakaupo na ako sa kama, yakap yakap ang aking binti at tahimik na tulala ulit sa kawalan.

“Can I sleep beside you tonight?”

Tiningnan ko si Mommy sa mga mata.

“Wala kayong trabaho ni Dad?”

Umiling siya at hinaplos ang aking pisngi.

“Work can wait, hija.”

“Mom. Huwag kayong nag-aalala ni Daddy sa akin. Iinumin ko ang mga gamot ko. Sisipot ako sa mga therapy appointment ko. Aalagaan ko ang sarili ko.”

“We missed you so much. Gusto ka naming makasama muna, hija. Nangungulila kami sa’yo,” ani Mommy.

Ayos lang naman sa akin kung dito muna sila ngunit alam kong malaking sakripisyo na ang ginagawa nila. May pangamba pa rin sa akin ngunit gusto kong maging matatag din para matulungan ang sarili.

Nagbihis ako ganoon din si Mommy. Paharap siyang humiga sa akin. Umusog siya ng kaonti at hinila ang kumot para matakpan ang aking katawan.

“Oh I missed this…” she chuckled softly.

Nakatitig ako sa ceiling, hindi alam ang iisipin.

“We’re always like this when you were a kid. Sinasamahan kita lagi. Nangangabayo… nagbabasa ng libro… natutulog… I missed spending time with you, sweetheart.”

Gumalaw ang aking ulo at tiningnan siya.

“Ganoon din ang ginagawa namin lagi ni Illisha, Mom…”

Her eyes twinkled. Unti-unting may namuong luha ngunit natakpan niya sa ngiti.

“Nag-eenjoy ka naman?” namamaos niyang tanong.

Tumango ako. “It’s peaceful.”

My Mom nodded and smiled. Ninamnam ko ang sandaling iyon. Pamilyar ang humahagod na emosyon sa akin. Hindi ko mapangalanan ngunit komportable na nakatulog agad ako.

Hindi ko agad mahila ang sarili pabalik sa umpisa. Mahirap pala. Akala ko madali lang itulak ang sarili na ibalik ang dating nakasanayan ngunit nawawalan ako minsan ng gana, nahuhuli ang sarili sa balkonahe na nakaupo at tinatanaw ang tahimik na syudad.

Si Lola lagi ang nagyayaya sa akin lumabas. Si Mommy ay lagi ring nandito ngunit minsan umaalalay kay Dad sa sinasabi nilang importanteng aasikasuhin. Alam kong sinisimulan na nilang pinagpaplanuhan ang bagong simula namin sa France. Hindi pa man nila binabanggit, ramdam ko iyon.

Bihis na bihis na ako at hinihintay nalang si Mommy sa sala. Abala ang lahat. Si Lola na may kung anong bini-bake, si Lolo na nasa garahe, ang mga kasambahay na naglilinis, at ako na nakatunganga lamang.

May appointment ako ngayon. Si Dad ay nangakong uuwi ng maaga mamaya. Hindi naman sana kailangan na lagi silang nandito ngunit gusto nila.

“Ma’am, ang gamot niyo po,” lapit ng kasambahay.

Bumuntonghininga ako at uminom noon. Pumikit ako saglit, nahihilo ng kaonti ngunit kaya pa namang indahin.

My medicine helped me alot. Ramdam ko ang totoo sa hindi. Siguro noon ay mahihirapan akong kumbinsihin ang sarili kung alin ang reyalidad ngunit ngayon ay parang malinaw iyon sa aking paningin. Malinaw kong maaayos sa utak ko ang dapat paniwalaan sa hindi.

“Nandiyan na raw po ba ang driver, Sir. Pinapatanong ni Ma’am Addi,” ang kasambahay na kakababa lang at lumabas para kausapin si Lolo.

Magsasalita na sana si Lolo nang may nagdoorbell. Nagtungo roon ang kasambahay. Si Lolo naman ay tinanaw ako. Kumaway siya at ngumiti. I smiled a little and nodded.

“Sir,” ang kasambahay na tumawag kay Lolo.

Kunot-noong inalis ni Lolo ang tingin sa akin at naglakad patungo sa gate.

“’Yan na siguro ang hinihintay na driver ni Addi,” si Lolo.

Umawang ng malaki ang gate at nasilip ko ang pamilyar na matangkad na imahe ng kung sino sa harapan.

Kumunot ang aking noo at tumayo. Naglakad ako ng kaonti hanggang nasa terasa na ako. Nakita ko ng malinaw si Hiro na may hawak pang pink na tulips.

Humalukipkip si Lolo at tiningnan ng maigi si Hiro. Nandito pa rin pala siya sa Davao? Akala ko umuwi na siya noong nakaraan. Bakit nandito pa rin siya?

“Good morning Sir.”

My grandfather nodded snobbishly. Humalukipkip siya at titig na titig sa hawak na bulaklak ni Hiro.

“Ikaw ’yung driver na hinihintay ni Addi?” he asked using a stern voice.

Hiro nodded politely. Lumingon si Lolo sa akin. Dalawang kilay ang umangat at parang may naiisip. Ibinalik niya ang tingin kay Hiro sa striktong paraan.

“Para saan ang bulaklak? Para sa sasakyang imamaneho mo?”

Hiro shook his head calmly but I can sense his nervousness. Katulad sa aking ama, nadadala niya lamang ng maayos ngunit halatang nagdadahan dahan para walang magawang mali sa mata ng aking maangas tingnan na Lolo.

“Trace… come here. May pinapa deliver ka bang bulaklak?” biglang sigaw ni Lolo at lumingon pa.

“Ah… para kay…” si Hiro na hindi matapos tapos ang sasabihin.

“Sa asawa ko? Baka nanliligaw ka sa asawa ko?”

Umiling si Hiro. I sighed.

“Lolo,” tawag ko.

My Lolo’s expression automatically calmed down. Kumalma ang kanyang ekspresyon at tinapik ang balikat ni Hiro.

“I’m kidding. Come in…”

Lumabas si Lola sa bahay at nasa terasa na rin, kunot-noong nakatingin sa pinaggagawa ni Lolo.

“Haynaku Israel! Tigilan mo ang kakabiro sa bata. Pasok hijo…” nangingiting si Lola habang pinupunas pa ang kamay sa suot na apron.

“Magandang umaga po,” bati ni Hiro.

Tumango si Lola at ngumiti. Humalukipkip si Lolo sa gilid, nakaangat ng kilay at sumesenyas kay Lola.

“May pa bulaklak pa,” si Lolo.

Umiling si Lola at sinenyasan si Lolo. Hiro glanced at me. My grandfather arched his brow when he noticed his gaze. Tumikhim ng marahas ni Lolo kaya kumurap si Hiro at marahang binasa ang labi para mag-isa ng tingin.

“Halika rito sa loob at tulungan mo ako sa kusina. Iwan mo ang mga bata. Hayaan mo sila,” si Lola na sinesenyasan si Lolo.

Lolo looked at Hiro suspiciously. Inangatan niya pa ng kilay. Hiro bowed his head a bit, trying to humbled himself.

“Guwapo kang bata. Huwag kang magtatangkang may gawing iba. Babasagin ko—”

“Israel!” si Lola na talagang sinigawan na si Lolo.

My Lolo shut his mouth. Tumingin si Lolo sa akin at ngumiti. Sumeryoso ulit nang tinginan si Hiro saka nagpasyang sumunod na kay Lola na nanliliit ang mga mata kakahintay sa kanya.

“Tinatakot mo ’yung bata,” rinig ko pang tinig ni Lola.

“I’m just trying to greet him.”

Nawala sa aking atensyon si Lolo at Lola kaya bumaling ako kay Hiro. Ang huling kita ko sa kanya ay sa ospital. Tatlong araw pa lamang ’yon ngunit naninibago na naman ako sa tindig niya.

“Bought this since it’s your favorite flower,” sabay lahad ng pink na tulips na hawak niya.

Tiningnan ko iyon ng matagal. Nakasandal ang aking pwetan barandilya ng terasa.

“Hindi ka pa bumabalik sa Manila?” malamig kong tanong at hindi iyon tinanggap.

Umiling si Hiro. “Kumusta ang pakiramdam mo? Nakaka-adjust ka ba sa side effects ng mga gamot?”

“Bakit nandito ka pa rin? Bumalik kana dapat sa Manila, Hiro,” mataman kong sabi.

His eyes softened. Hindi siya nakapagsalita at tumahimik kaya pakiramdam ko, may nasabi akong mali. Muli kong tiningnan ang bulaklak na inilalahad niya pa rin sa akin.

Tahimik ko iyong tinanggap. I looked at him silently. He’s wearing a simple black shirt, khaki pants and black shoes. Umaalingasaw na naman sa aking ilong ang pamilyar niyang perfume at naghahalo rin ang shower gel doon. Some strands of his disheveled hair were falling on his forehead, kissing his thick brows. He’s always intense. Always hot. Always handsome.

We’re both wearing the same color. Naka long sleeve dress ako na fit at hanggang kalahati iyon ng aking hita at heels. Nakalugay ang aking buhok, nakaatras ang ilang hibla.

“May appointment ka ngayon?” he asked.

I nodded and looked at the flowers. It looked so fresh. Dinala ko pa iyon sa aking ilong at inamoy.

Tinitigan niya ako ng mataman. Tiningnan ko siya. Binasa niya ang labi at nag-iwas ng tingin para igala ang mga mata sa bahay.

Oh right. This is his first time. Should I… uh, tour him around?

“Mas malaki palang tingnan sa loob kaysa sa labas,” he commented.

Naalala ko agad ang bahay sa harapan.

“Binili mo ang bahay sa harap?”

Naibalik ni Hiro ang mga mata niya sa akin. He nodded.

“Three years ago.”

Tama nga ang hinala ko. Hindi naman iyon imposible. He came from a wealthy clan. Maliit na halaga lamang sa kanya ang ganyang bahay. He can obviously afford it.

“Manang… pakilagay po sa vase na nasa kuwarto ko,” utos ko sa kasambahay na dumaan.

“Sige po, Ma’am…”

Namulsa si Hiro at yumuko ng kaonti. I don’t want to looked at him. Ayokong may masilip sa ekspresyon niya.

Lumabas si Mommy na medyo nagmamadali. Nang makitang nandito si Hiro ay ngumiti agad.

“Good morning, Tita,” banayad niyang bati kay Mommy.

“Good morning! I’m really sorry for troubling you…” si Mommy na inilahad kay Hiro ang susi.

Umiling si Hiro. “It’s fine with me.”

“Sinabi mo sana na driver pala ang kailangan mo, Addi. Marami naman tayong tauhan—”

“Israel tumahimik kana nga!” si Lola na sumapaw agad.

My Mom chuckled and tapped Hiro shoulder.

“Inaasar ka lang…”

Gusto kong kwestyunin kung bakit si Hiro ang naisipang kunin ni Mommy na driver namin. I can obviously drive. At tama nga rin naman si Lolo, maraming tauhan dito!

But then again, I remember their small talk yesterday. Baka kaya rin siya mismo ang kinuhang driver ni Mommy para pagbigyan ito sa hiling ni Hiro bago kami lumipat sa France.

Tahimik lamang ako sa back seat. Si Mommy at Hiro ang madalas nag-uusap. Ako naman, nakakapagsalita lamang pag sa appointment ko na lalo na’t may mga tanong na kailangang sagutin.

Ganoon araw-araw. Bubungad sa akin ang pagsusungit ni Lolo kada dadating si Hiro tuwing may appointment ako, si Mommy at Lola na mapapangiti na lamang, si Hiro na kakausapin ako saglit, ako na tahimik lamang lagi at hindi halos makapagbigay ng emosyon.

Tulog ako minsan sa kotse, o di kaya ay nagtutulug-tulugan para hindi ko masalubong ang tingin ni Hiro. Pagkatapos niya kaming ihatid ay maagap siyang maghihintay, minsan ay nakahalukipkip sa sofa habang nakikipag-usap ako sa aking therapist at mapapansing nakakaidlip ito.

“Hiro, hijo…” si Mommy ang humaplos sa kanyang braso.

Nag-iwas ako ng tingin at naunang maglakad patungo sa pinto. Bakit ba kasi pinagtitiisan niya ang ganito? At bakit mukha siyang pagod?

Nauna ako sa back seat. Si Mommy ang kumakausap sa kanya. May parte sa akin ang ayaw nang mapalapit, ngunit may parte rin ang may gusto. Minsan, kakaisip kung alin ang matimbang ay hindi ko na alam kung alin ang susundin.

“Tamang tama, kakatapos ko lang magluto,” nangingiting salubong ni Lola paglabas ko ng kotse.

Lumapit ako at yumakap. Hinalikan ko siya sa pisngi. Ang kanyang tingin ay napunta sa aking likuran at ngumiti lalo.

“Dito kana magdinner, hijo…”

“Sige po,” si Hiro na talagang hindi man lang tumanggi.

I glanced at him coldly. Binawi ko rin naman bago pa kami magkatitigan. Nagpaalam akong magbibihis muna. I wore a black flowy satin dress and ponytailed my long hair. Nalaglag sa gilid ang iilang mahabang curtain bangs ko saka rin ako bumaba para sa dinner.

Nasa sofa si Hiro, nakapangalumbaba habang kinakausap ni Lola. Nag-angat siya ng tingin at mataman akong tinitigan habang bumababa ako sa hagdan.

“Nasaan si Papa, Ma?” tanong ni Mommy kaya bumaling si Lola kay Mommy na naroon sa countertop, abala sa kung anong prutas.

“Pumunta sila ni Dos sa bukidnon. Mamaya ay dadating din ’yon.”

Ang doorbell ang aking kumpirmasyon na narito na nga si Lolo at Daddy. Lumapit ako kay Hiro lalo na’t mukhang magiging abala si Lola para salubungin sila.

Humalukipkip ako sa gilid, hindi na umupo pa. Tiningala ako ni Hiro, seryoso ang tingin.

“Umuwi kana pabalik sa Manila, Hiro,” muli kong sabi nang maalala ang pag-idlip niya kanina.

Naririnig namin ang ingay na nangyayari sa labas. Si Mommy ay naroon na rin para makisalubong kay Dad. Kami lamang ang narito, ang kasambahay na matatanaw mo sa kusina at ang tahimik na magarbong sala.

“Nangako akong mananatili ako sa tabi mo hanggang nakausap mo na sila. Pagkatapos noon…”

Bumaling ako sa kanya. He licked his lowerlip and lowered his gaze. Pagkatapos noon, nasa France na ako at alam niya iyon. Iyon ang narinig ko sa aking parents. My father wants me away from them.

Binawi ko ang tingin dahil kumirot ang aking dibdib. Hindi dapat ako nasasaktan sa parteng iyon ngunit hindi ko maiwasan.

“Nag-iipon pa ako ng lakas,” namamaos kong paliwanag.

Hiro nodded. “Take your time. Don’t rush. But if you want to get rid of me…” he paused and chuckled a little.

Mabilis ko siyang tiningnan sa matalim na paraan. Yes I was eager to get rid of him because he doesn’t deserved this! Bakit siya nandito at inaaksaya ang buhay niya sa babaeng wala nang kasiguraduhan kung titino pa ba ang takbo ng isip? I’m a mess!

“What about your life in Manila, Hiro?” matigas kong tanong.

“My life is here…” he smiled weakly.

My eyes widened. Bumaba ang aking balikat at mabilis na binawi ang tingin. Hindi siya taga rito! He’s just here for someone who abandoned him! At hanggang ngayon, tinutulak pa rin siya! Kaya bakit siya magtitiis?

Nasa lalamunan ko na ata ang puso ko at pumipintig. Kahit anong lunok, hindi ko magawa. Pumasok ang lahat at nadatnan kami sa sala. Tumayo si Hiro habang ako naman ay tumingin kay Dad at Lolo at deritso agad ang tingin sa kanya habang si Lola at Mommy naman ay nagkakatinginan.

“Good evening Sir,” bati ni Hiro.

Lolo nodded. My father looked at me. Lumapit ako sa dalawa at humalik sa pisngi.

“We brought lots of fresh fruits for you,” nakangiting anunsyo ni Lolo.

Ngumiti ako ng tipid at hindi na makapagsalita pa dahil sa naantalang pag-uusap namin ni Hiro.

“Kumain na tayo. Hijo…” ngiti ni Lola at iginiya siya sa dining table.

Nagsiupo kami roon isa isa. Ang mga kasambahay ang naging abala sa paglalapag ng pagkain. Katabi ko si Hiro. Sa aming harapan ay si Lolo at Daddy. Si Mommy sa gilid ni Dad, si Lola na nasa gilid ni Lolo.

“Magka edad lang kayo ng apo ko?” tanong ni Lola habang suot pa rin ang ngiti.

Hiro nodded with a small smile. Si Daddy at Lolo ay parehas na suot ang estriktong mukha.

“What’s your work?” tanong ni Lolo at itinuro ito gamit ang table knife na pinanghiwa niya ng steak.

Inilagay sa aking harapan ang sarili kong pagkain na mismong personal chef ko ang nagluto. My Lolo hired him for me. Meron din akong personal gym trainer.

“Isa po ako sa Chief Executive ng kompanya ng angkan namin,” paliwanag ni Hiro.

“Ang Daddy mo ang CEO ng kompanya hindi ba, Hiro?” tanong ni Mommy na naantala pa ang pagsubo.

Umiling si Hiro. “Bumaba na sa pwesto si Dad, Tita. Ang pinsan ko na ang umupo.”

“Huh? Bakit hindi ikaw?”

Hindi agad nakasagot si Hiro. Bumagal ang aking pagnguya.

“Iba ang priority ko noong panahong ’yon, Tita. Sagabal lang kung ako ang uupo sa pwesto. Kawawa ang kompanya at hindi ko maaasikaso.”

My father arched his brow and sipped on his water. Nanatili ang atensyon ko sa aking pagkain kahit nahuhuli ko ang reaksyon ng lahat, ang simpleng binibigay na tingin ni Dad sa akin minsan.

“What brings you here in Davao? Bored in Manila, city boy? Are you here to play?” tanong ni Lolo sa maangas na tinig.

“Israel,” tawag ni Lola.

Inosenteng tumingin si Lolo kay Lola saka umiling si Mommy sa kanya. Hiro bowed his head a bit. Binasa niya ang labi at seryoso sa kanyang upuan.

“Nandito po ako para itama ang mali ko,” si Hiro nang mag-angat ng tingin.

I chewed my food slowly.

“Papa,” buntonghininga ni Mommy.

My grandfather isn’t the nice type of person. Ang pagiging kalmado niya ngayon, alam ko ay malaking bagay na.

Nalihis agad ang topic dahil sa pakana ni Mommy at Lola. My father looked so serious. Si Lolo naman, hilaw ang ngiti dahil sa matatalim na tingin ni Lola sa kanya.

“Huwag ka munang umuwi. Mag-inuman tayo,” anyaya ni Lolo kay Hiro.

Hiro nodded. Hindi ko naman siya bisita, ngunit pakiramdam ko obligasyon ko siya. My father liked him from the past. Si Lolo naman ay naninibago sa kanya, hindi sanay na marahil  ay nararamdaman niyang nanliligaw sa akin dahil sa pa bulaklak.

Ngunit baka ang pagiging mahigpit niya ngayon ay dahil din sa dala dalang apelyido ni Hiro. Alam din ba ni Lolo?

Iyon ang bumabagabag sa aking isip sa gabing iyon. Nakaidlip ako saglit ngunit nang makaramdam ng pagkauhaw ay nagising din.

Bumaba ako. Natanaw ko na bukas ang sliding door na kumukonekta sa labas at mukhang sa pool area sila nag-iinuman. Nagtungo ako sa kusina nang madatnan doon si Hiro, nakahilig ang mga siko sa sink at nakatingalang pumipikit.

Isang hakbang ay dumilat siya. Kita ko agad ang gumuhit na kalasingan sa kanyang mukha. He looked at me curiously.

“You couldn’t sleep?” namamaos ang tinig niya.

“Nagising lang dahil nauuhaw. Bakit ka nandito?”

Ipinakita niya ang basong tubig. Tumango ako at nagtungo sa ref. Nakikita ko siya sa gilid ng aking mga mata. Bukas na ang tatlong butones ng kanyang itim na dress shirt at naka rolyo ang sleeves hanggang siko. Hindi ko alam kung pinagtulungan siya ni Daddy at Lolo kaya magulo ’yang buhok niya o sadyang ganoon talaga ang ayos kakagalaw niya.

Inilabas ko ang pitsel. Dumalo agad si Hiro at tumulong. Naamoy ko sa kanya ang alak na iniinom at pabango niyang humahalo sa aking ilong.

“Ako na,” presinta niya at inagaw iyon sa akin.

Binitiwan ko iyon lalo na’t sumasapaw na ang kanyang kamay. Tahimik ko siyang pinanood na kumuha ng baso at unti-unti iyong sinalinan.

“Pasensya na kung ganoon si Lolo,” sabi ko.

Napatingin si Hiro sa akin. Dim ang kusina at tanging ilaw sa labas ang pumapasok ngunit ang linaw niya sa paningin ko. Palagi siyang bumabagay sa dilim. It’s like his home. Misteryoso lagi at marahas tingnan.

“It’s fine. Don’t worry too much about me…”

Nagkasalubong ang aking kilay. Gusto ko sanang itanggi na hindi naman ako nag-aalala kaso parang ganoon nga.

“Nakailang baso kana ba?” kuryoso kong tanong nang lingunin ang bukas na pinto, halos kita ko si Lolo at Daddy na seryosong nag-uusap habang nakaupo sa patio.

“I lost count. I’m sorry…”

Nilingon ko agad si Hiro, nagugulat sa paghingi niya ng tawad. Namumungay ang kanyang mga mata, hindi ko alam kung dahil ba lasing na ito o ano.

Inilahad niya sa akin ang basong tubig. Kinuha ko iyon. Namulsa siya at bumalik sa pagkakasandal sa sink, ang ulo ay nakayuko na akala mo’y pinapagalitan.

“Huwag kang masyadong magpauto kay Lolo at Daddy. Lalasingin ka nila at kung ano ano lang ang itatanong sa’yo.”

Umahon ang kanyang tingin. “Hindi naman ako magsisinungaling kahit lasing ako. I’ll answer them honestly.”

Saan niya ba hinuhugot ’yang katapangan niya? Nanatili ang malalim kong tingin niya sa kanya kaya tumango siya kalaunan.

“Hindi ako iinom ng marami,” marahan niyang sabi.

“Malalasing ka at sasakit ang ulo mo pag uminom ka ng marami,” giit ko.

Tumango si Hiro at nakapikit na tumingala. Huminga siya at binasa ang labi kaya nag-iwas ako ng tingin para sumimsim sa aking tubig. He looked drunk.

“Hindi ako iinom ng marami kasi magagalit ka pag nalasing ako,” ulit niya.

“Eh lasing kana nga,” irita kong sabi at nailayo ang baso ng tubig sa aking labi.

“Kaya nga galit ka, coz I’m… I’m drunk,” sabay hilamos ng kanyang problemadong mukha gamit ang isang palad.

What? Anong iniilusyon nito? Lasing na nga! Nailing kong dinala ang tingin sa malayo.

“Lasing kana talaga…”

“Pinagsabihan mo sana ako kanina. Hindi ka namamansin. I’d always listen to you, you know…” aniya sa baritonong tinig.

Muli ko siyang tiningnan. Nasa ceiling ang kanyang tingin, nang mapansing nakatingala ako sa kanya ay nahulog agad ang buong atensyon sa akin.

“Hiro lasing ka talaga. Ang akin dito, ayokong malasing ka ng sobra dahil baka kung ano ano ang itanong sa’yo ni Dad at Lolo. Ngunit ayos sa akin kahit malasing ka diyan. Walang problema,” paliwanag ko sa lasing na ’to.

Ngumuso si Hiro. Goddammit. Ano na naman ang naiisip niyang iba? Pumikit siya at nangingiting tumingala, binasang muli ang labi.

“Sarap uminom lagi kung papagalitan mo ako. Kahit awayin mo ako ngayon, matutuwa pa ata ako,” naiiling niyang sabi habang suot pa rin ang ngiti.

Bumaba ang aking balikat. Ngayon lang ulit kami nakapag-usap ng ganito simula noong nangyari. At aaminin ko, nangungulila rin naman ako.

“Just be patient with me, hmm? Sinusulit ko lang…” makahulugan niyang bulong na hindi nakaligtas sa aking tainga.

43rd Ruled

Ruled

Hottest

Maaga akong nagising kinabukasan. Naligo agad at ganadong nag-ayos. Nangalkal ako ng maisusuot. I sighed when I couldn’t find a single white dress for myself. Lahat ng puti kong damit, naroon sa kabilang bahay ko sa Crocodile Park.

Pero mag-iitim naman ’yon si Hiro. Pagkababa ko sa hagdan, nanibago ako sa sofa na walang laman. Nariyan siya lagi. Naghihintay. Baka nasa kotse na sila ni Mommy?

Humalik ako kay Lolo at Lola para magpaalam. Dumeritso sa garahe at nakikitang binubuksan na ng katulong ang malaking gate. Lumapit ako sa kotse. Binuksan iyon ng tauhan na naghihintay sa labas.

Sumulyap ako sa driver’s seat nang makitang… hindi si Hiro ang naroon. Tumitig ako ng ilang sigundo at kunot-noong hinila papasok ang aking sarili.

“Where’s Hiro?” I asked my mother.

“Nagbigay ng bagong driver ang Dad mo. Hiro’s probably…” nagkibit si Mommy habang abala sa kanyang bag.

Umuwi na sa Manila? Lumunok ako lalo na’t iyon ang sinabi ko sa kanya sa huli naming pag-uusap. Na umuwi na siya sa Maynila dahil naroon ang buhay niya.

Kaso sabi niya, narito ang buhay niya! Ano ’yon? Naalala niyang naroon talaga ang buhay niya at wala rito? Nahimasmasan kagabi sa kalasingan at napauwi nang wala sa oras?

O baka… may sinabi si Lolo at Daddy sa kanya! Baka tinaboy na nila? Pinagbantaan?

Hindi ba dapat matuwa ako? Kaso hindi! Naiinis ako. Sinungaling ’yon! Sabi ko na nga ba… mawawala rin siya. Sabi ko na talaga.

Dismayado ako at parang kinukurot ang puso ko. Anong ginawa ni Daddy at Lolo?! O baka… ako rin ang may kasalanan lalo na’t halos hindi ko siya pinapansin talaga sa mga nagdaang araw. Iniiwasan. Pinagsabihan ko pang umuwi na siya.

At naniwala naman siya! Pag sinabi kong tumalon siya sa bangin para sa akin tatalon ba siya?! Ang uto-uto niya kung gagawin niya iyon!

Hindi ko na nasaulo ang pag-uusap namin ng therapist ko. Pagkauwi, deritso na lamang ako sa kuwarto at nagmukmok.

Hindi ako sanay sa driver. Hindi ko gusto na siya ang naroon. Maaga kong itinulog ang lahat lahat.

Gusto ko sanang komprontahin si Lolo at Daddy sa sobrang frustration ko kaso para saan? Eh kasalanan ko rin naman hindi ba? Ako nga ang may gusto na wala siya rito. Kaya bakit… bakit isisisi ko sa iba?

Hindi ko ulit siya nakita sa sumunod pa na araw. May nagdoorbell. Kuryoso akong bumaba at naunang sumilip nang makita ang pagpasok ng gym trainer ko.

Bumuntonghininga ako.

Binuhos ko ang buong araw sa pagpapawis kahit hindi matanggal tanggal sa aking isip ang huling sinabi ni Hiro. It lingered in my mind.

Sinusulit? Gusto niyang sulitin? What for? Kung masasaktan siya sa dulo, bakit siya magpapatuloy? Ayoko sa ganoon. Ayoko iyong ilalagay ako sa sitwasyong masasaktan ako. Ayokong umaasa ako. Kaya siguro noon, gusto ko laging malinaw. Kung walang mapapala ay hihinto agad ako.

I never liked those relationship where you only give. Dapat give and take. Ngunit si Hiro, handang ibuhos ang lahat kahit walang makuhang kapalit. Kahit puro lamang sakit ang maisusukli.

What kind of love is that? Unconditional? He’s hurting himself. My old self would mock him probably.

Ngunit hindi na rin ako ang babaeng iyon. I learned too. Kaya hindi ko magawang itulak tulak siya ng lubusan. Hindi ko magawang saktan siya para lang tumigil na. Iniiwasan ko ngunit mahirap. Dahil para sa akin, gusto ko rin iyon ng palihim. Gusto ko ring nandiyan siya.

Gusto kong sumandal siya sa akin kung nahihirapan siya. Gusto kong magpahinga rin siya sa’kin kung pagod na siya. Gusto kong manatili siya sa tabi ko.

Gustong gusto ko rin ang ganoon.

Ngunit ang hirap. Pinupuno niya ng saya ang puso ko. Nakakatakot dahil baka magising nalang ulit ako, wala na siya sa tabi ko. Nakakatakot dahil baka produkto rin pala siya ng imahinasyon ko kahit malinaw naman sa akin na reyalidad siya.

“Pahinga muna tayo. Ten minutes,” ang gym trainer ko na tinanguan ko.

Pinanood ko siyang lumayo at lumapit sa meryendang nakahanda para sa kanya. Ang akin naman ay nasa kabilang tray. Puro prutas, yogurt at fresh veggies.

I smiled and shook my head. Buti at sinanay ako ng first chef ko. Kaso mas strict ’yon si Hiro. Damn him for lying! Akala ko talaga namumulubi na ang mga Malls dahil nagkakaubusan lagi, ’yun pala ay pinagdadamutan ako ng matatamis!

Humiga ako sa mat at tinakpan ang aking mukha, magkasalubong ang kilay ngunit nangingiti sa naaalala. Iyon ang naging hakbang ko para disiplinahin ngayon ang aking sarili. Kahit wala naman siya rito, pag gusto kong kumain ng matamis, naririnig ko agad siya sa isip ko. Na bawal iyon. Hindi pwede. No sweets for me. Maiirita ako ngunit sa huli ay ngingiti na lamang din.

Malala na ’to. Makakaahon nga sa napagdaanan pero mababaliw ata ako kay Hiro. Sa kanya ako malulunod. This is what I hate when he’s not around! Nangungulila agad ako sa kanya! Kung nandiyan siya, ayaw ko naman siyang pansinin. Tapos wala, hahanap-hanapin!

“Aerobics tayo next,” paalala ng gym trainer ko.

I nodded without saying anything. Oh how I wish he’s here— Shut up! Stop it! Baka kung ano naman iyang maimbento mo sa isip mo!

I cleared my mind and focused with my aerobic session. Magaan ang pakiramdam ko tuwing natatapos. Naligo ako at nagpasyang magbasa ng libro ni Michael Faudet pagkatapos.

Natanaw ko ang kakadating lamang na si Dad. He looked so formal, intimidating and very serious. Ang kanyang katangkaran at malaking katawan ay talagang marahas tingnan.

Bumaba ang tingin ko sa bulaklak. Pink tulips. Ibinalik ko ang mga mata sa pahinang binabasa hanggang makarating siya sa aking gilid at yumuko para patakan ako ng halik sa aking noo.

“Done with your exercise?” tanong ni Dad at inilapag sa mesa ang bulaklak.

“Yup,” I smiled a bit.

Tumango siya at hinila ang isang upuan. Ipinwesto niya ito sa tabi ko. Bumagal ang aking pagbabasa gamit ang mga mata at medyo distracted kay Daddy na pumangalumbaba sa nakabukaka niyang hita sa aking gilid, seryosong ipinagsalikop ang mga kamay at mariin ang titig sa akin.

“I have something to say…” may pag-iingat sa marahan niyang boses.

“What is it, Dad?” hindi ko inalis ang tingin sa libro.

“So… I found a place for us in France. May nabili akong property. Malaki ang bahay. Maganda rin ang paligid…”

I know what he’s planning to say. I nodded and listened carefully.

“If you wish to leave then…”

Ilang buwan na rin simula noong nawala si Illisha. Nangungulila pa rin ako hanggang ngayon. Nalulungkot pa rin. Ngunit kumakalma lagi ang aking puso sa tuwing naalala ang sinabi ni Hiro. Illisha’s in my heart. She’s there. She’s always with me.

Ang ginagawa ko na lamang ngayon ay paghahanda sa pagpunta ko sa Manila. Ayokong humarap sa kanila na durog durog at dala dala ang sugat ng kahapon. Ayoko silang bigyan ng rason para malungkot sa akin. O ayoko ring maisip nila na kinarma ako. I want to stand firm. I want to look strong for myself. Hindi ko ihaharap ang mahinang sarili ko.

“Give me more time, Dad. Binabalak ko pang pumunta sa Manila. Siguro pag sinabi na ng therapist ko. Pag kaya ko na.”

Ni hindi ko pa kayang makihalubilo. Hindi pa kailanman nakakapunta sa mga mataong lugar katulad ng Malls o Restaurants. Hindi ako nakakagala. Kahit ang shopping ay may sarili na ring gumagawa at iyon ay ang personal shopper kong si Rhea. I love Europian brands kaya siya madalas ang nangingibang bansa para lang bumili ng mga damit ko. Si Mommy mismo ang naghire sa kanya.

Umiikot na lamang ang mga araw ko sa bahay at sa clinic.

I can’t even watched some movies or have a phone. May mga bagay pa rin na nakakapanginig sa akin. May mga bagay na hindi ko kayang hawakan dahil napapangunahan ng takot at pangamba.

“Do you want to see them? Are you sure?” si Dad.

Umangat ang aking tingin at napunta sa pool. Kumikinang ito dahil sa halik ng liwanag sa hapong iyon. Hindi ganoon ka init ngunit hindi rin ganoon ka lamig ang buwan ng Setyembre sa Davao.

“I want to, Dad… May kasalanan ako.”

He sighed and bowed his head a bit. Ilang sigundo niyang itinago ang ekspresyon niya.

“I understand. But… it wasn’t your fault,” he said.

Pero pakiramdam ko kasalanan ko. Ang mga panahong iyon, pakiramdam ko, sinisisi ako. Na ako ang dahilan. At hanggang ngayon, ganoon pa rin ang nararamdaman ko. Na kasalanan ko.

Ayoko laging balikan iyon. Nakalimutan ko siya sa tatlong taon na namuhay kasama si Illisha at naging masaya ako. Naiintindihan ko ang sinasabi ng psychiatrist ngunit mali bang hangarin na sana, nakakulong nalang ako sa ilusyong iyon habang buhay?

Mas pipiliin ko atang mamuhay ng mali sa mata ng lahat kung alam ko, sa mga mata ko, iyon ang tama. Dahil masaya ako.

“I have another question,” si Dad nang matahimik na ako.

Tumango ako at muling ibinalik ang atensyon sa libro para ilipat ang pahina.

“Are you…” he paused and licked his lip. Humilig siya sa kanyang palad at isinandal niya ang isang kamay sa bilugang mesa sa aming harap.

“Are you inlove with him?” mahina ngunit malinaw ang pagkakatanong ni Daddy.

Natigil ang aking mga mata kakabasa. Tinitigan ko ang mga salitang tila banyaga sa akin dahil hindi ko maintindihan.

I looked at my father and smiled.

“I am not the right girl for him,” I said.

Nagkasalubong ang kanyang kilay, medyo gulat sa sagot ko at para bang dismayado.

“What do you mean?”

Nagkibit ako. “I’m a mess, Dad—”

“Mess? You’re fucking perfect,” giit ni Daddy.

Akala ko ba… nawala na ang tiwala niya sa kanila? Kaya bakit ngayon, parang pinagtatanggol niya?

“So you want me for him?” I chuckled a bit.

Gumalaw siya sa kinauupuan at humilig. Ang mga daliri ay nagta-tap na sa mesa, ang tingin ay malalim at halatang nag-iisip ng mabuti.

“You want him for me?” ulit ko sa ibang kategorya.

He didn’t speak. Madilim ang ekspresyon ngunit kalmado.

“Sa France, maraming french doon. Mas guwapo pa siguro sa kanya. Ano lang ba ang tindig ng batang ’yon? Maraming ganoon sa ibang bansa.”

“Marami ring katulad ni Mommy sa ibang bansa, Dad…” I smiled.

“I love your Mom. She’s irreplaceable…” he answered nonchalantly.

I nodded. “He is, too…” sabay lipat ng pahina.

Natahimik si Daddy. Alam ko na gets niya na.

“So you love him,” tila ba kumpirmasyon sa tanong niyang hindi ko nasagot kanina.

Hindi ako nagsalita.

“You love him,” ulit niya na akala mo’y nabibingi na ang babae niyang anak dahil walang imik.

“Sasama ako sa inyo sa France. Pwedeng next year…”

Natutop ang bibig ni Daddy. He looked bothered. Hindi man ganoon ka klaro ngunit ramdam ko. Tumango siya at tumayo. Hinalikan niya ulit ang aking ulo.

“Alright…”

Tumalikod si Daddy at namulsa. Dahan dahan kong dinala ang aking ulo para tingnan siya. Inalis ko iyon doon at ibinalik sa pink na tulips na nasa mesa.

I sighed. Iniisip ko tuloy kung maaga akong nahulog kay Hiro. Ano kaya ang naging buhay naming dalawa ngayon?

He’s the least I liked. Sa magpipinsan, siya rin ang hindi ko gaanong napapansin dahil nga misteryoso at ang sungit tingnan. Masungit din naman si Latch at Roche kaso sila kasi iyong palaging ngingiti sa akin pag kasama ko. I hate Hiro’s intensity. He’s always mighty. Parang nasa tuktok lagi at nakapangalumbaba sa kanyang trono habang mariing kinikilatis ang mga mababang uri ng tao sa kanyang paanan.

Ganoon siya lagi. Kahit bata pa ako, ganoon din kaya hindi ko siya napapansin talaga. Mas close pa ako sa kapatid niya. Kahit naman supladang tingnan si Zera, kalmado ’yon sa akin. Hindi ako tinatarayan.

Kaso si Hiro? Ewan ko ba. Ang sungit sungit! Hindi ako takot sa kanya. Ngunit hindi ko rin gusto. Palaging blangko ang utak ko pag tungkol sa kanya noon. Parang estranghero na kilala ko lamang ang pangalan ngunit walang maidedetalye sa sobra niyang ilap.

Kaya bakit ngayon, hulog na hulog ako sa kanya?

“May appointment ulit tayo bukas, hija,” paalala ni Mommy kinagabihan nang ihatid ang aking gamot.

Siya na lagi ang naghahatid noon kung hindi ay si Lola. The maids were intimidated by me. Minsan kasi, nakakalimutan ko na hindi pa pala ako uminom at maiirita kung pinilit sa akin. Hindi ko naman sinasadyang magsungit minsan at humihingi rin naman ng tawad agad. Para daw akong si Daddy at Lolo pag tumitig, iyon ang sumbong nila lagi kay Lola.

Tumango ako kay Mommy at tinanggap ang gamot. Hindi ko pwedeng hindi inumin dahil hindi ako makakatulog sa dami ng babara sa isip ko. Ang mga side effects ay matapang minsan kaya nakailang palit din ako ng gamot para lang maka-adjust.

Ang tagal kong nagising kinabukasan. Malamya ang kilos.

Pagkababa, natanaw ko na may nakaupo sa sofa. Ang nakapangalumbabang si Hiro ay napaahon ang ulo nang makita ako.

Tumigil ako at medyo iniisip na baka namamalikmata na ako nito. Baka nakabuo na naman ng imahinasyon sa sobrang pangungulila ko. He’s probably not real.

Habang bumababa, mas lalo siyang nagiging malinaw sa akin. Nauna na atang tumalon ang aking puso. Pilit ko nalang dinadala ang aking sarili sa kalmadong paraan para hindi magmukhang sabik o naaapektuhan sa presensya niya. Alam kong totoo siya. Hindi ako namamalikmata.

He came back? Sa sobrang sama ng pakiramdam ko sa kanya, nilagpasan ko siya at dumeritso na ako sa kotse.

Humalukipkip agad ako sa back seat nang makapasok. Pinanood ko kung paano kinausap ni Mommy si Hiro na nakapamulsa, naka-itim na t-shirt ulit, kulay beige na jacket at denim pants. He looked so serious while listening to my Mommy who’s shaking her head problematically, parang nagsusumbong na ewan.

Bumukas ang pinto at dumungaw si Mommy sa akin.

“Goodbye, hija. See you later hmm?” Inabot ni Mommy ang aking ulo kaya lumapit ako ng kaonti, nagtataka habang dumadampi ang halik niya sa aking pisngi.

“You’re not coming with us, Mom?” I asked curiously.

Umiling si Mommy at sumulyap kay Hiro na pumasok na sa driver’s seat.

“Oh no. Sasama ako sa Dad mo. Nagpaalam ako sa’yo kagabi while we’re having dinner. Sabi ko kayo lang muna ni Hiro. Tumango ka…”

What? Masama ang loob ko sa nagdaang araw at walang pumapasok sa isip ko. I was busy with my own thoughts.

“Hiro…” tawag ni Mommy para magpaalam don sa kanya.

Tumango si Hiro. Ngumiti si Mommy sa akin at isinara rin ang pinto. Tumingin si Hiro sa itaas ng salamin, tiningnan ako bago pinaandar ang kotse.

Tahimik ako buong byahe kahit nasasakal ako sa sama ng loob. Kung sa nagdaang araw ay dahil sa pagkawala niya, ngayon naman ay sama ng loob dahil nagpakita siya.

“Bakit ka bumalik?” naisatinig ko na ang aking iniisip.

I saw how his eyes looked at me on the mirror. He looked puzzled.

“What do you mean?”

Kinurot ko ang mga daliri kong pinaglalaruan ko sa aking kandungan. Dinala ko ang tingin sa labas ng bintana. Makulimlim at madilim ng kaonti, hudyat na bubuhos ang ulan ano mang oras.

“Umuwi kana sa Manila, hindi ba? Bakit ka bumalik kung ganoon?” gusto kong magtunog kalmado ngunit humahalo ang pagkakadismaya, ang naipong sama ng loob sa nakaraang araw na pilit kumakawala.

“Nandito lang ako sa Davao, Torrefranca. Hindi ako umalis,” he explained calmly.

Liar.

Hindi ako umimik. Naiirita ako.

“Anong kasalanan ko. What’s making you mad. Tell me please…” malambing at nagsusumamo ang tinig na iyon.

Kinurot kong muli ang aking daliri ngunit matinding kurot ang nangingibabaw sa aking puso. Namalayan ko nalang ang luhang pumatak. Mabilis kong pinalis iyon, nagdadasal na sana ay hindi niya nakita.

Rinig ko ang marahas niyang paghinga, ang murang humalo, at ang unti-unting paghinto ng kotse sa gilid.

“Hindi ako umalis…” his voice was so gentle.

“Hindi kita nakita noong…”

“Hang-over ako kinabukasan. Your father doesn’t want me to drive. Kaya ko naman pero ayaw niya kaya hindi ko napilit. You didn’t get my flowers?”

Pinagtagpi tagpi ko ang lahat sa aking isip. Lasing nga siya sa gabing iyon. At… ang mga bulaklak na bigay ni Daddy sa akin ay galing sa kanya? Sa kanya ang mga iyon?

Hindi ko alam kung bakit imbes na matuwa, mas lalong lumulubog sa sakit ang nararamdaman ko. Pinalis kong muli ang luhang kumawala, naiirita at nadidismaya sa sariling nararamdaman.

“I’m sorry…” buntonghininga ni Hiro, ang boses ay paos at tila nasusugatan.

I swallowed the lump on my throat. I couldn’t talk. Malakas ang pintig ng puso ko. Nakakabingi. May nagwawala sa aking tiyan at may sumusuntok sa aking dibdib.

Hindi ko siya nilingon kahit nakadungaw siya sa akin dito sa back seat. Nakikita ko ang namumungay niyang mga mata, ang pagmamakaawa roon na sana ay patawarin ko siya.

“You didn’t read my letters? May mga notes sa bulaklak…” he explained more.

Hindi ko nakita! Pinalis kong muli ang luhang malalaki dahil panay tulo. Nanlalabo ang aking paningin sa labas na natatakpan ng dilim ng langit.

Naglahad siya ng panyo sa akin. Hindi ko iyon tinanggap. Gusto kong manindigan.

“Stop crying please…” namamaos niyang bulong.

Imbes makinig, nanlabo pa lalo ang mga mata ko. Mas lalo pa ata akong maiiyak sa tinig niya. Ang pangungulila ko ay naipon kaya kaonting bulong bulong niya lang, bubuhos na ata ang iyak ko!

Ang tapang tapang mo noong nakaraang araw para sabihing sana ay umalis siya at kaya mo naman, hindi ba? Na dapat ay wala siya sa tabi mo! Na huwag na siyang magpakita at umalis na! Ngunit ngayong ilang araw lang na hindi sumulpot, nangulila ka agad!

Hindi naman ako ganito ma-inlove eh. Nakakatiis naman ako lalo na’t malinaw naman sa akin ang relasyon namin ni Hiro. We’re not even couples! Kaya bakit ganito ako? Feeling girlfriend na umiiyak dahil pinagdadamutan ng atensyon!

I’m ashamed for acting like a fucking baby who wants to be held in his arms so bad. A fucking girlfriend who’s yearning for a hug.

“Mali-late na ako sa appointment ko,” namamaos kong sabi at nagmamatigas pa rin.

He sighed problematically. Bigo siyang tumango at humarap sa kalsada para makapagmaneho ulit.

His words comforted me but it wasn’t enough. Ngunit dahil matigas ako, kunwari ay walang pakialam kahit ramdam kong pumupula na ang aking ilong dahil umiiyak.

Tahimik na lamang akong nakatingin sa bintana. Panay ang tingin niya, ayoko naman siyang tingnan. Nagtatampo ako kahit ako itong may kasalanan.

Pagdating sa clinic, nauna pa akong bumaba. Naunang maglakad papasok. I was so snob. Tapos mamayang gabi, pagsisisihan mo na naman, huh? Magiging emosyonal na naman.

Paglabas ko, tumayo agad si Hiro. Sabay kaming naglakad sa parking lot. Pinagbuksan niya ako sa backseat ngunit nauna kong buksan ang front seat at doon pumasok, doon nagpasyang umupo para magtulugtulugan ulit.

I reclined my chair so I can sleep. Ayoko siyang pansinin. Hindi ko naramdamang gumalaw ang kotse. Dumilat ako at nakita siyang inaadjust din ang kanyang upuan hanggang sa humiga siya roon at ginawang unan ang dalawa niyang palad.

Lumingon siya kaya mabilis akong pumikit. Bakit naman hindi pa kami aalis? Kaso uuwi rin naman agad kami. Hindi ko na pinuna dahil baka bigla siyang umahon at magdrive na pauwi agad.

“Ang haba na ng buhok mo,” he commented.

Napadilat tuloy ako ng wala sa oras. Sa gilid ng aking mga mata, nakikita ko ang ulo niyang nakaharap sa akin, sumisilip sa aking mukha.

Pumikit ulit ako kaso… kuryoso sa tinutukoy niya.

Baka mukha na akong aswang? Dumilat akong muli. Umahon ako sa pagkakahiga. Binuksan ko ang aking dalang bag at dumukot ng salamin. Tiningnan ko ang aking buhok.

The soft curls looked tamed. Ang curtain bangs na nakasanayan ay lumagpas na rin sa aking maliit na mukha at hanggang leeg na.

“Pangit?” I asked.

“No. Napansin ko lang,” si Hiro. “Why? Do you want to cut it? May malapit naman siguro na salon dito…”

Tumingin ako sa bintana. Ayokong lumabas sa totoo lang. Kaso, ngayong pinuna niya ang aking buhok, naisip ko rin na maganda ngang magpagupit.

“Sasamahan kita kung gusto mo,” Hiro offered.

Nag-isip isip pa ako at wala sa sarili siyang nilingon. Nakahiga pa rin siya. Sumisilip sa bawat braso ang biceps niya lalo na’t inuunan pa rin ang magkabilang palad.

Nagtagal ang paninitig ko sa kanya. His eyes softened when he noticed I’m staring at him.

“Pwede ba akong bumisita araw-araw sa bahay niyo?”

Huh?

“Bakit?” kahit alam ko ang sagot ay nagtanong talaga ako.

“To see you, of course…”

Kumunot lalo ang aking noo.

“Bakit hindi ka bumisita noong nakaraan?”

“Your Lolo looked so strict and… I thought you don’t want to see me…”

Namilog ang aking mga mata. Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Bumalik ako sa pagkakahiga at inilagay ang aking kamay sa aking tiyan. Tumitig ako sa itaas.

Bigla akong nanghihina. Pinagsisihan ko ngayong naririnig ko ito sa kanya. Ayokong naiisip niya ang ganoon kahit iyon naman ang gusto kong iparamdam. Hindi lang nagpakita, heto ako at parang napaparusahan din.

Gumalaw si Hiro at paharap nang humiga sa akin, ang kamao ay nasa gilid na ng kanyang ulo.

“Sinabi ko ba ’yon?” I asked softly.

“Umiiwas ka. Thought you’re slowly… hating me.”

Kumirot ang aking dibdib. Oo at iyon ang gusto ko na maisip niya, na wala na siyang aasahan sa akin. Na dapat ay hindi na siya maghintay pa. Ngunit traydor ang puso kong naghahangad na sana ay nandiyan siya lagi. Nangungulila.

Pumikit ako, pinilit na magpakatatag. Nasa dila ko na ang pag-amin. Ngunit parang nabibingi sa lakas ng kalabog ng aking dibdib at nasasakal sa pintig ng puso ko.

“I’ll visit you tommorow,” pinal ang tinig niya.

“My grandfather is strict,” namamaos kong bulong.

“Kung papayag kang bibisitahin kita. Haharap ako sa Lolo mo. Makapal naman lagi ang mukha ko.”

Napadilat ako ng wala sa oras at irita siyang tiningnan ngunit nangingiti rin. Hiro chuckled.

“Ngayon pa ba ako mahihiya? Kahit hindi ako imbitahan, pupunta ako.”

Umirap ako at umiling. “Bahala ka…”

“Bahala ako huh? Pupunta ako kung ganoon. You didn’t say no so… I’ll assume it’s a yes.”

Kinagat ko ang nakangiti kong labi. “Bahala ka. At… ayos lang naman.”

Pumikit siya ng mariin at tinakpan ang mukha. Nasilip ko ang pagngisi niya. He sighed heavily.

His smirk is really one of his sexiest asset. Imagine if he’s always like this back in our younger days, siguro siya ang pinaka popular na Delafuente? Kaso sikat na rin naman talaga siya sa mga babae eh. No wonder everyone’s saying he’s the hottest Delafuente…

Well it’s obviously true.

Tapos walang girlfriend? Kung naging kami ni Hiro, anong klaseng couple kaya kami? Noon iniisip ko na mag-aaway kami lagi. Hindi magkakasundo. Kaso ngayon na malaki na kami, nagbabago na ang pananaw ko sa bagay na iyon. Kung naging girlfriend niya ako, baka…

Muli kong inangat ang hawak kong salamin at tiningnan ang aking buhok at doon nalang ma-distract.

“Gusto kong magpagupit,” desisyon ko.

Bumangon siya sa pagkakahiga at ibinalik sa dating ayos ang kanyang upuan.

“May malapit na Mall dito,” aniya.

Tumango ako. “Pumunta tayo.”

44th Ruled

Ruled

Tamed

Nasa entrance na kami ng Mall nang kumalabog ang aking dibdib, kabado at gusto na lamang umatras nang makita ang dagat ng mga taong nagkalat.

Nilingon ko si Hiro na dumadaan sa Men’s entrance. Ako naman ay sa pambabae. Pagkapasok, nilapitan niya agad ako.

“Are you okay?”

Tumango ako at binasa ang labi. Nanliliit ako at hindi kumportable ngunit pinipilit ang sarili na magpakatatag. Gustong maglakad pabalik sa kotse ngunit nilabanan ko.

Ilang taon kong iniwasan ang ganitong mga lugar. Ilang taon ko ring ikinulong ang aking sarili kaya nakakapanibago at nakakatakot.

Nagsimula kaming humakbang. Malapit si Hiro at halos wala nang espasyo sa aming pagitan. Nakapamulsa siya, panay ang lingon sa akin at ako naman itong yuyuko minsan.

May nakasalubong kaming grupo ng mga babae. Rinig ko ang paghahagikhikan nila. Nakita ko rin ang pagsulyap sa akin. Nagkasalubong ang aking kilay nang makitang nagtawanan silang lalo.

My heart pounded harshly. Pumikit ako at pakiramdam ko’y nabibingi na naman.

“Heard them saying you’re so pretty…” bulong ni Hiro na ikinadilat ko.

“Huh?” lito ko siyang nilingon.

“’Yung mga babaeng dumaan.”

Kumalma ako. Mukha nila akong pinagtatawanan at hindi ko alam kung bakit.

“Baka pinagtatawanan nila ako kasi ako ang kasama mo?”

Umangat ang kanyang kilay. “What’s so funny about you?”

“Baka…”

“Tumititig sila kasi ang ganda mo,” paglilinaw ni Hiro na ikinatutop ng aking bibig.

Hindi ko alam kung gawa gawa lang ba iyon ni Hiro para pakalmahin ako o ano. Inalis niya ang isang kamay na nakabulsa at ibinalandra sa akin.

“Still nervous? You’re free to hold my hand.”

Kumunot ang aking noo. Parang tsansing naman ’yon! Umismid ako.

“Tsansing ka lang eh.”

“Malay mo effective? Let’s hold hands,” nangingiti niyang sabi.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Humalukipkip ako at matapang na naglakad para ipakitang kaya ko naman.

“Hindi mo ako mauuto, Hiro.”

“Defensive. You’re falling huh…” bulong niya na hindi nakaligtas sa aking tainga.

My eyes widened.

“Baka ikaw,” I fired back. “Inlove ka sa’kin.”

“Oo. Alam mo ’yon,” sabay angat ng kilay sa akin.

Hindi man lang itinanggi! Ang tapang. Nagkasalubong tuloy ang aking kilay habang sumusunod lamang sa kanya sa paglalakad hanggang sa sobrang distracted ko sa kanya, nagulat na lamang ako noong makarating kami sa harapan ng Salon.

I looked back, shocked with my steps. I… I did it! Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang munting ngiti na lumabas. Itinuon ko ang tingin sa harap at muling tumatapang para sa panibagong papasukan.

Pinagbuksan kami ng guard sa loob. Ngumiti ito sa amin. I couldn’t looked at him in the eyes. Pagkapasok ay sinalubong ako ng babae. Sumulyap saglit kay Hiro na naglalakad patungo sa sofa at pasulyap sulyap din sa akin.

“Hello Ma’am… Anong gusto niyo? Magpapakulay ka ba? Magpapa gupit?”

I nodded.

“Gupit, Ma’am?” she asked softly.

Tumango akong muli. Ngumiti siya at iginiya ako sa upuan. Nilingon ko si Hiro. Dumampot siya ng magazine, nakaangat ang kilay at hinuli agad ang aking mga mata. Huminga ako at kinuha ang tingin paalis.

Umupo ako at tiningnan ang ibang customer na may kanya kanyang pinagkakaabalahan. May iba na nagpapakulay, may iba naman na bino-blower na ang buhok. I played with my fingers and glanced at Hiro again. Lumingon siya at muling hinuli ang aking mga mata.

Noong makontento ay tiningnan ko ang sarili sa salamin. I pursed my pale lips. Dinilaan ko iyon at awtomatikong pumula. My sleeveless dress revealed my deep collarbones. Kapansin pansin din ang hiwa sa aking dibdib at ang pendant ng kwintas kong namamahinga roon.

Hindi ako naging conscious sa ayos ko sa nagdaang taon. Ngayon ko lang ata ulit pinuna ang sarili. Ngayon lang nagkaka-interes na may baguhin.

Pumwesto ang babae sa aking likuran at may ipinasuot sa akin bilang proteksyon. May hawak siyang gunting na medyo tiningnan ko pa saglit. Pumikit ako. I need to relax. Hiro’s there and if something bad happened, I know he’s gonna rescue me.

Right. Right. So… relax.

Dumilat ako at muling nilingon si Hiro. Parang hindi man lang nagbabasa ng magazine at lumingon agad sa akin. Sa huli, tumayo siya at binitiwan ang magazine.

Namulsa siyang naglakad patungo sa akin. Napapatingin sa kanya ang lahat. Namamangha sa kanyang tindig at ayos. Ngayon ko lang napansin talagang masungit ito at magmumukhang badboy kung hindi ngingiti. A Greek god. Masyadong guwapo.

Kumalma ang aking pakiramdam nang pumwesto si Hiro sa gilid.

“Are you okay?” kuryoso niyang tanong.

Inilusot ko ang aking kamay palabas at inabot ang kanyang pulso para mahawakan siya. I don’t like seeing sharp things with all of these strangers around me. It’s… It’s making me nervous. Pumikit ako at huminga, mas hinigpitan ang kapit sa kamay ni Hiro.

Naririnig ko ang tunog ng gunting. Ramdam ko rin ang kalabog ng dibdib ko. Ayokong dumilat at pinakiramdaman lamang ang pagkakahawak kay Hiro sa aking gilid.

“Ang cute naman ng girlfriend niyo Sir. Clingy…” I heard the girl commented and chuckled softly.

“Kaya nga eh…” si Hiro.

Dumilat ako at sinamaan siya ng tingin sa salamin. Binitiwan ko ang kanyang kamay sa ngunit ngumuso siya at agarang hinabol para muling hawakan. He held my hand gently like it’s the most fragile thing in the world.

“Sorry,” he smiled.

Iniwas ko ang tingin. Ngumuso si Hiro, ang isang kamay ay inilagay sa baywang at ngumingiti.

“Ako ang clingy,” he chuckled.

Humagikhik din ang babaeng naggugupit sa akin. I looked at her on the mirror. Panay ang lingon niya kay Hiro at ngiting ngiti. Saan ba siya kinikilig? Sa amin ni Hiro, o kay Hiro lang sa gilid niya?

“Parang si Ma’am ang mas clingy Sir… Hindi kayo,” the girl said and giggled again.

Ay nakikisali.

I unconsciously pulled him away from her. Mabilis na natangay si Hiro. Inilagay ko siya sa harapan. Hindi ko halos sinalubong ang tingin niya dahil ayokong makita sa kanyang mga mata ang ebidensya ng pagiging… clingy ko.

He slowly turned his hand to face my palm and wrapped his fingers around my pulse too. Patay-malisya ako kahit parang tambol ang puso ko. Kunwari na lamang na unbothered.

Illisha… Do you see us right now? Nanonood ka ba? I’m slowly exposing myself that I’m inlove with him, too. Are you proud of me? Kaya ko nang buksan ulit ang puso ko. Paunti-unti.

Narinig ko ang click ng camera sanhi para maputol ang iniisip ko. Tiningnan ko siya. Isinilid niya ulit ang cellphone sa bulsa at tumingin sa akin.

“I took a photo. Memories…” he smiled.

Something about what he said pinched my heart. I want to create happy memories with him too. Wala kaming ganoon. Kung meron man, mababaw lang at hindi malalim. Iyon tuloy ang namalagi sa isip ko hanggang natapos na ang paggugupit sa akin.

“I’ll just pay,” si Hiro na nagpaalam na pupunta sa counter.

Pinanood ko ang kilos ni Hiro sa salamin. The girls are so fond of him including the gays who’s talking to him in a soft manner. Pinaliligiran siya ngunit hindi naman ito nagsasalita kaya may iba na medyo na na-iintimidate sa kanya.

“Pogi naman! Bango bango!” hagikhik ng baklang panay ang tingin kay Hiro.

Naroon siya sa counter, hawak ang black card at seryosong seryoso habang ang isang kamay ay nasa baywang kaya nahawi ang beige niyang jacket at bumabalandra lalo ang itim niyang panloob na t-shirt.

“Ang ganda niyo, Ma’am!” puri ng babae pagkatapos tanggalin ang proteksyon sa akin.

Tinitigan ko ng maigi ang aking sarili sa salamin. Hanggang underboob na ang haba ng aking buhok at may kaonting alon pa rin ang ibaba. Ang curtain bangs ko ay hanggang gilid na rin ng aking mga mata na magulo pa ng kaonti dahil sinuklay ko paatras.

Tumayo ako at ngumiti ng tipid. Si Hiro naman ay abala pa ring magbayad sa counter at lumingon sa akin. One glanced made him stop from talking. His lips parted a bit. Tumitig siya ng malalim habang ang babae sa kanyang harapan ay kinakausap siya at binibigay ang card niya pabalik.

Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. I looked at myself again on the mirror. I remember my old self but in a more mature version. I don’t look cute anymore. With my less emotion and small smile, I really looked so intimidating.

“It looks good on you,” namamaos na sabi ni Hiro nang lumapit na.

Nilingon ko siya. “Kamukha ko ’yung college days ko na sarili.”

“Gumanda lalo,” Hiro whispered.

Kinagat ko ang aking labi. Lumabas kami roon at talagang pansin ko kung nakakailang lingon si Hiro.

It was an achievement for me. Nagyaya nga lang agad akong umuwi dahil kinakabahan na talaga sa daming tao. Ngunit kontento ako at masaya dahil nagkaroon ng tapang na subukan ang bagay na kinakatakutan ko.

Tahimik ako ulit sa front seat ngunit panay ang baba ko sa salamin sa itaas para tingnan ang sarili. Sigu-sigundo ring napapalingon si Hiro, tumititig.

“Are you comfortable taking selfies?”

Wala sa sarili akong napalingon sa kanya habang inaayos ang curtain bangs ko. Itinuon niya ang tingin sa kalsada.

“I want to… change my homescreen. Baka gusto mong gamitin ang cellphone ko. You looked so pretty,” paliwanag niya at deritso ang tingin sa daan.

Ilang sigundo akong natahimik, ang isip ay naglalakbay pa. Mahilig naman akong magpicture noon… kaso simula noong nandito na ako sa Davao kahit sa bagay na iyon ay mailap ako. Hindi na nagpipicture.

“Akin na,” I said.

Hiro looked shock but he managed to pull back his composure. Dinukot niya sa bulsa gamit ang isang kamay at ibinigay sa akin.

Tumikhim siya at pinasadahan ng haplos ang buhok.

“I won’t disturb you so take your time.”

Ngumuso ako habang nasa kamay ko na ang kanyang cellphone. I opened the icon of the camera and took a photo of myself immediately.

Nakayuko ako, titig na titig sa camera sa kuryosong paraan lalo na’t magkasalubong ng kaonti ang aking kilay, ang bangs kong nagkukumpulan at ang alon ng buhok kong nakikita sa bawat gilid.

D-in-elete ko iyon at muling sinubukang magpicture. I tried to smile but I noticed how Hiro glanced at me. Tumalikod tuloy ako paharap sa bintana at muling nagpicture.

Nakuha si Hiro sa likuran. You can obviously see him driving, his other hand on the steering wheel and his half profile wearing his perfect features. Black disheleved hair, thick brows, pointed nose, red lips… he’s vividly handsome.

Kuryoso siyang lumingon kaya medyo nataranta ako at na-click pa ang camera. Shit. Mabilis kong tiningnan ang kuha. He’s looking at me while I’m looking at him on the camera. I bit my lowerlip and deleted it automatically.

“Walang maganda e,” sabi ko sabay balik ng kanyang cellphone.

“You deleted all of it?” he asked.

Tumango ako at humalukipkip agad pagkatanggap niya ng kaniyang cellphone. Alam kong irerecover niya rin naman kaya siya na ang bahalang mamili.

Bigla kong napagtanto na wala kaming picture dalawa. Marami kaming picture ng pinsan niya. Naroon iyon sa cellphone ko. I love taking pictures. May pictures ata ako ng lahat ng mga malapit sa akin. Kahit sa mga group pictures ng aking kakilala, nandoon din ako lagi.

May picture nga ako kasama si Nana at Wayt. It was taken way back in our first year college. Kami nila Elle at ang kambal tuwing may okasyon. Kami ni Zera na meron din noong birthday niya na nag-away sila ni Irah sa cake. Ngunit kami ni Hiro… ni isa ay wala akong maalala.

Kasalanan niya rin naman iyon noon lalo na’t sa sobrang ilap niya, pati iyon pinagdadamot.

“Wow! I love your hair, hija!” ngiting ngiti si Mommy nang makita ang bagong ayos ko.

“Ang ganda ganda mo naman, apo!” si Lola Trace na nawili rin sa aking buhok.

“Siyempre Mama… Mana sa akin!” pagmamayabang ni Mommy saka sila nagtawanan.

Noong makita rin ni Dad at Lolo ang bagong ayos ko kinagabihan ay pinaliguan din nila ako ng papuri. Nagulat pa sila na nakapasok ako sa Mall. They’re so overwhelmed. Sobrang saya nila na naging topic iyon buong gabi habang nagdidinner kami.

And maybe it was the reason why my grandfather didn’t act so strict infront of Hiro when he visited me on the next day.

Alam ko naman na sinabi niya iyon ngunit nagulat pa rin talaga ako na pumunta siya. Timing pa na may session ako ng Aerobics at inaalalayan ng aking gym trainer.

Kausap siya ni Lolo sa sala. May meryenda sa kanilang harapan. Lolo’s talking about business. Si Hiro ay tumatango at nakikinig ngunit napapasulyap dito sa gym area na matatanaw lamang.

“Magbusiness ka ng sa’yo. It is more convenient if you have your own business,” rinig kong payo ni Lolo.

“Binabalak ko nga, Sir…”

“Build your own company. Huwag kang magsettle sa kompanya ng mga magulang mo.”

“Yes Sir…”

Tumango tango si Lolo. Ang kalmado niya ngayon kumpara noong unang nakita si Hiro na parang pinagbabantaan niya sa pamamagitan ng tingin. Ngayon ay parang welcome na welcome dahil ini-entertain niya.

Umupo ako sa mat at itinukod ang aking mga kamay sa likod. Pumikit at tumingala para habulin ang hininga. Noong dumilat, nasa harap ko na ang gym trainer kong si Sir Benjamin na nangingiting naglahad sa akin ng tubig.

Tinanggap ko iyon at iginiya sa aking labi.

“Maganda ang posture mo ngayon, Franca. Nakakaya mo nang magtagal…” aniya.

Noong una kasi, laging masakit kaya hindi ako sanay. Sampong bilang lang lagi ang kinakaya ng katawan ko. Ngayon pa lang nakaka-adjust sa tinagal tagal din ng session.

I smiled and nodded. “Magaling po kayong instructor.”

Tumawa si Sir Benjamin. Sa gilid ng aking mga mata, nahuli ko ang pagsulyap muli ni Hiro rito. Nang nilingon ko siya, seryoso niyang binawi at pumangalumbaba sa pagkakaupo. Kita ko kung paano pasimpleng gumalaw ang kanyang panga ngunit agaran ding nawala at lomobo ang pisngi, mukhang ang kanyang dila ay hindi mapakali sa loob ng bibig.

“Dalasan mo rin ang swimming,” si Mr. Benjamin.

Tumango ako at hindi na makapagsalita dahil distracted sa nasisilip ko sa mukha ni Hiro. Noong matapos na ay nagpaalam din naman si Mr. Benjamin sa aking Lolo. My grandfather nodded. Nanatili ako sa gilid niya para maihatid din ito palabas. Si Hiro naman, ang seryoso ng tingin ngunit binabawi lang para muling ituon ang atensyon kay Lolo.

“Sa next session ulit, Franca,” si Mr. Benjamin na pumapasok na sa driver’s seat.

I nodded and smiled a little. Binuksan ng kasambahay ang gate. Noong masigurado itong lalabas na ay doon lamang ako nagpasyang pumasok para makaligo na rin at makapagbihis.

Nagmadali ako. Hiro’s still downstairs. Nagpahid ako ng lotion at nagspray ng perfume saka inabot ang blower para mapatuyo ang basa kong buhok. Nagbihis ako ng simpleng satin na sleeveless top at shorts.

Pagkababa, nadatnan ko si Hiro sa sala. Sabay silang lumingon ni Lolo sa akin. Tumayo siya at tinapik ang balikat ni Hiro. Sumenyas si Lolo sa akin na lalabas at mukhang pupuntahan na si Lola na abalang magdilig ng halaman.

Lumapit ako kay Hiro. Triple ang pagiging seryoso niya at nag-iiwas pa ng tingin.

“Gusto niyo po ng meryenda, Ma’am? Sasabihin ko po kay Chef,” ang kasambahay nang makita ako.

Umiling ako. “Ayos na. Kakakain ko lang din kanina.”

Tumango ito at tumingin sa meryenda sa table. Noong makita niyang marami pa naman ay umalis din ito.

Humalukipkip ako sa gilid ni Hiro at ibinalik ang tingin sa kanya. The snob Delafuente didn’t speak. Umangat ang aking kilay dahil talagang ang suplado niyang tingnan.

“Nasa early fourties na ’yon si Mr. Benjamin. Sadyang makisig lang talagang tingnan kahit may edad na,” I explained to stop him from thinking things.

Nagkasalubong ang kilay ni Hiro, bingi-bingihan at inabot ang dyaryo na tinitingnan kanina ni Lolo.

“Pero single,” I said.

Gumalaw ang kanyang panga at parang may nakitang nakakairita sa dyaryo. Matalim ang tingin niya roon, nagpapanggap na abala.

Seloso talaga nito…

“Ang tanda niya na ’no? Kita mo… may kulubot siya sa mukha. Naalala ko kasi tinititigan ko siya minsan,” puna ko.

Imbes ata pahupain ang pagsusuplado, nakadagdag lang sa sama ng loob niya. Halos ibalibag ang sunod na pahina para lang mailipat ang papel sa likod.

Yumuko ako at sinilip ang kanyang binabasa. Umusog si Hiro at binigyan ako ng espasyo sa sofa. Napatingin ako roon. I know what he wants right now. Gustong magpasuyo.

Umupo ako sa kanyang tabi at nakitingin sa dyaryong hindi ko alam kung ano ang babasahin ko roon lalo na’t mga news lang naman. Tiningnan ko ang suot niya. Naka itim na t-shirt at kulay army green na shorts. I looked at his manly legs. It looked so firm unlike my legs. My skin was milky and smooth.

“Anong pinag-usapan niyo ni Lolo?” kuryoso kong tanong kahit narinig ko naman ang lahat.

“Business,” he answered flatly.

Umangat ang aking kilay. Flat ng boses ah? Tipid tipid. I nodded. Hindi na ako nagsalita pa at itinuon ang tingin sa ibang direksyon.

“He’s talking about building my own business,” he explained calmly.

Napalingon ako sa biglaan niyang paliwanag. He looked calm now. Ang magkasalubong na kilay ay parang pinilit niya lang na huminahon.

“Okay…” sabi ko.

Umangat ang kilay ni Hiro at tumingin sa akin. Iniwas ko ang tingin at hinaplos ang buhok ko.

“Huwag kanang bumisita bukas…” sabi ko.

He looked disappointed when I tried to looked at him but he nodded defeatedly. Napairap tuloy ako nang wala sa oras. Hindi ako pinapatapos.

“Magjogging nalang tayo sa umaga,” dagdag ko nang kumalma na siya.

He looked surprised. Ibinaba niya ang dyaryo sa kandungan niya.

“How about your sessions with your gym trainer,” nag-uumapaw sa tabang ang tinig niya nang tingnan ako.

“He’s old, Hiro. Nagseselos ka ba?”

His jaw clenched. Binawi niya ang tingin at muling dinampot ang dyaryo niya para doon ituon ang atensyon. Nagsalubong ang kilay niya at sa matalim niyang tingin, mabubutas na ata ang papel.

I remember his old self getting jealous. Sabog siya lagi. Nagagalit. Panay kami away pag ganoon siya. Ngunit ngayon, nagugulat ako dahil halata namang nagseselos pero kontrolado. Kung ano man ang rason, iyon ay hindi ko alam.

“I don’t like older men.”

Kita ko ang daplis ng tuwa sa kanyang mukha ngunit nag-aagaw ang pagtatampo niya na ikinakasama ata ng kanyang loob.

“I prefer someone who’s months older than me…”

Pilit pa rin siyang nagseryoso.

“Huwag kang magselos. Wala lang ’yon…” marahan kong sabi.

Hiro’s lips slowly curved for a small smile. Ngunit sinapawan agad ng pagseseryoso.

“You don’t want me to get jealous?” he asked while trying to act serious.

I am obvious when I’m inlove. Heck I couldn’t even stay quiet! Pinagsisisihan ko tuloy.

“Does it bother you when I’m jealous?” nag-angat siya ng kilay, nagpipigil ngumiti kahit sumisilay na iyon sa kanyang labi.

“Sinasabi ko lang. Seloso ka eh. At ayoko lang na nagseselos ka…” I answered honestly looked away.

Pumangalumbaba si Hiro sa nakabukaka niyang mga binti. Sinilip niya ang mukha ko. Tiningnan ko siya saglit kaso hindi ko kinakayang magtagal ng tingin sa kanya. Napapansin ko ang detalyado niyang mukha. Ang mga hiblang nakaatras ang iilan at nagkukumpulan, ang iilan naman ay nalalaglag sa kanyang noo.

“Bakit ayaw mo?” namamaos ang kanyang tanong at sumisilay ang ngisi sa labi.

Lumunok ako. I’m cornered. Distracted pa sa ngiti niya, sa kagwapuhan, hindi ko na alam kung paano tumakas.

I glared at him. Kita ko ang dahan dahang pagsuko niya. Binawi niya ang tingin at binuksan ulit ang dyaryo para doon maglabas ng sama ng loob.

“Nagtatanong lang…” bulong ni Hiro.

“Seloso,” irap ko at palihim na natuwa dahil nakatakas sa hatol niya.

Hindi siya nagsalita kaya kuryoso ko siyang nilingon. Nasa dyaryo na ulit ang atensyon niya, seryoso pa.

I suddenly feel guilty. Natahimik din tuloy ako. I don’t know what to say anymore. Nang maramdaman niya ang pananahimik ko, unti-unti siyang lumingon sa akin. Hindi ko namalayang nakatitig lang ako sa kanya kaya naabutan niya akong nakatingin.

We both looked at each other. His face calmed down.

“Komportable ka naman sa kanya?” bigla niyang tanong.

I nodded. “Gym trainer kasi ’yon ng mga Chua. Kilala ko na noon pa. H-in-re lang ulit ni Lolo para sa akin.”

He nodded like it’s enough to calm him too.

“I’m sorry for getting jealous,” he whispered.

My stomach churned. Parang lumipad lahat ng paru-paro patungo sa aking lalamunan kaya bumaba ang mga salita roon at hirap pa akong lumunok.

Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Alam ko naman na nagseselos siya ngunit ngayong inaamin niya at humihingi pa ng tawad ay parang nakakalunod.

“That’s our bond. Nagseselos lang dahil may pumalit sa trono ko,” pag-amin niya sa kalmadong tinig.

Lumunok ako at ramdam ang pamumula ng mukha.

“Kaya nga magjogging tayo tuwing umaga,” sabi ko.

Tinitigan ako ng maigi ni Hiro. It’s suspicious. Binasa ko ang labi at nag-iwas ng tingin, handang itago ang anumang gusto niyang mabasa o malaman sa mga mata ko. Hinawi ko ang buhok at hinaplos ang aking batok.

“Init naman dito…” reklamo ko at tumayo.

“Take a seat again. Papaypayan kita,” sabay tapik niya sa tabi niya.

Umiling ako, desididong magwalk-out. Ngunit hindi pa nakakalayo, hinawakan niya na agad ang pulso ko.

My eyes widened when he slowly pulled me back. Napahinto ako sa harapan niya, sa mga binti niyang nakabukaka. Tiningala niya ako at nag-angat ng kilay.

“Tatakas ka pa talaga huh…” nanunuya niyang bigkas.

“Iinom ako,” giit ko at gustong kumawala sa kanyang hawak.

He tilted his head and watched the table infront of us. Nahulog din ang aking tingin doon at nakita ang pitsel ng tubig at mga baso.

“I have my own water,” depensa ko nang ibalik ang tingin sa kanya.

“What’s making you blush?” he whispered huskily and tilted his head to watched me deeply.

“Coz it’s hot in here,” sabi ko kahit nalulunod ata sa kaba ang puso ko.

He leaned on the headrest of the sofa without letting me go. Napahakbang ako at natangay sa kanyang kilos hanggang dumikit na ang aking paa sa sofa, nasa gitna na mismo ng nakaparte niyang mga hita. Ginawa niyang unan ang isang kamay sa kanyang ulo at tinitigan ako ng malalim, tila ba isang preso na gusto niyang maging bihag habang buhay.

Bumaba ang aking tingin sa kanyang tiyan patungo sa kanyang kandungan. Heto na naman ang mga kilos niyang tila nang-aakit na upuan siya. Huminga ako at hinagod ng haplos paatras ang aking buhok. Iba na talaga ang naiisip ko.

At ano nalang ang iisipin ni Lolo at Lola kung nakita nilang ang babaeng anak, nakakandong sa bisita sa sala? Oh my grandfather would probably freak out!

“I’ll drink. Uhaw na uhaw na ako, Hiro…” pagmamakaawa ko para lang bitiwan niya ako.

Lumuwag ang kapit niya. Noong ramdam kong makakatakas na ay mabilis akong lumayo kaso ang makulit na si Hiro ay muling hinigpitan ang pagkakahawak sa aking pulso.

Suminghap ako. He chuckled softly. I glared at him. Nakakangalay na tumayo sa harap niya. At ang kandungan niya, bumabalandra sa harapan ko. Talagang naaasiwa ako.

Narinig ko ang boses ni Lolo at Lola. Malaki ang kumpyansa ko na matatakot si Hiro at bibitiwan ang pulso ko. Ngunit ilang sigundo ang tumagal, hindi pa rin!

Nabitin ang pag-uusap ng dalawa at alam ko na agad. Lumingon ako at nakita si Lolo na deritso agad angat ang kilay. Noong ibinalik ko ang tingin kay Hiro, nakahawak pa rin sa pulso ko.

“Nasira pala ’yung punching bag kakasuntok ko noong nakaraang araw. Palitan na dapat ’yon ng iba,” my grandfather whispered loudly.

“Huwag na nating disturbohin…” Humagikhik si Lola at hinila ang braso ni Lolo para lagpasan lamang kami sa sala.

I sighed and looked at Hiro. Parusa ba ’to? Kasi nagseselos siya? Tiningnan ko ang grandparents kong wala nang bakas sa sala.

I sighed and crouched a bit. Titig na titig si Hiro sa kilos ko. He didn’t move. Isinabit ko sa gilid ng aking tainga ang buhok kong nalaglag at tumakip sa aking mukha. I angled my head and gave him a soft kiss on his cheek. His grip loosened. His lips parted a bit. His eyes looked at me helplessly. Nanghihina niyang nabitiwan ang aking kamay at halos namumungay na ang mga mata sa akin.

“Seloso ka talaga…” bulong ko sabay iwas ng tingin at tumayo rin ng tuwid.

Hindi ko na siya tiningnan pa. Kalmado akong naglakad paalis dala ang munting ngiti at naghuhuramintadong puso ko. He looked so tamed…

45th Ruled

Ruled

Always

Nanatili siyang nakaupo ng matagal sa sofa. Naroon lamang si Hiro, tahimik at mukhang abala sa kanyang iniisip. Kung hindi siguro inimbita ng dinner, uumagahin siya roon kakaupo.

I acted like it’s nothing. Si Hiro naman, mas maamo at kalmado. Hindi nga lang ako makatingin sa kanyang mga mata dahil baka magngitian kaming dalawa sa harapan ng aking Lolo at Lola ganoon na rin kay Daddy at Mommy.

Natuloy ang jogging namin kinabukasan at sa mga sumunod pa na araw. Bond namin iyon simula pa noon.

Ganoon kami lagi tuwing umaga. Kasama namin iyong aso niyang si Franky. Weird nga ng pangalan ngunit suot niya ang isa sa pendant noong cute keychain na ibibigay ko dapat noon kay Ken.

It’s nostalgic but it didn’t mean anything to me anymore. Ken belongs to my past. Hindi ko gustong ikumpara ang nararamdaman ko sa kanya at kay Hiro ngunit alam ko, mas malalim ito ngayon.

Siguro kung nauna akong nahulog kay Hiro, kung hindi tumakip ang una kong impresyon sa kanya bilang villain at masungit, hindi ako madadala noon kay Ken. Baka sinagot ko si Hiro?

Ngunit wala akong masisisi sa mga nangyari. I’m done blaming myself for the past years. Bugbog sarado na ang katawan at utak ko sa mga panghuhusga ko sa aking sarili, sa kumpyansang ipinagkait at kasiyahang pinagdadamot ko.

I learned how to appreciate the things around me. Gusto kong hayaan ang aking sarili na maging masaya imbes ikulong sa kalungkutan.

Ito ang itinuro ng nararamdaman ni Hiro sa akin. His love will always be a sweet reminder that someone is capable of loving me even when I’m a mess. Someone will accept me even at my worst. Someone will appreciate all of me during my darkest times. Someone will choose me first before anyone else. And that someone is him.

Nasasanay ako na lagi siyang nariyan. Lagi kong nilalagyan ng espasyo para sa aking sarili dahil ayokong naka depende ng buo rin sa kanya. Ayokong mangulila ulit pag wala siya. Ayokong ganoon lagi ang mararamdaman niya.

Kasi paano kung dumating ang araw na wala na ang nararamdaman niya sa akin? At nakita niyang dumedepende na ako sa kanya? Idagdag pa ang therapy ko araw-araw, baka maisip niyang nakakaawa ako kung iiwan niya?

I don’t like it. Ayokong naroon siya sa tabi ko dahil naaawa siya sa kalagayan ko. At ayoko ring nasa tabi niya ako dahil nasasanay lang ako na lagi siyang nandiyan.

Iyon din siguro ang rason kaya maingat ako lagi. Hindi nagpapadalos dalos at hinahayaan ang panahon na humatol sa aming dalawa. Hindi rin iyon ang priority ko sa ngayon. I am trying to build myself again. My confidence, my trust, myself… I am trying to make myself whole again.

Hiro’s always there to support me. Nandiyan din ang pamilya ko para suportahan ako. At alam ko, si Illisha, isa rin iyon sa suportado ako.

“Your nails…” biglang puna ulit ni Hiro sa araw na iyon.

Kami nalang minsan dalawa ang pumupunta sa appointments ko. My father is okay with it, too. Lahat sila ay magaan ang loob kay Hiro na handa ata akong hayaang pumunta kahit saan kahit siya lang ang kasama ko.

I looked at my nails curiously. Wala iyong kulay at medyo mahaba na ang aking kuko.

“Do you want to polish it? Pwede tayong dumaan sa SM Lanang.”

Dalawang kamay ko na ang tiningnan ko at iniisip kung aling kulay ang maganda roon.

“Sige…” sang-ayon ko saka niya hinila ang gear at deritso na ang pagmamaneho.

Huling beses kong pumasok sa Mall one month ago, noong nagpagupit ako. Ngayon lang ulit ngayong nakukuryoso ako sa aking kuko dahil pinuna na naman ni Hiro.

Dumaan kami sa entrance. Hindi gaya ng unang beses na medyo takot pa akong maglakad at panay yuko, ngayon ay matapang akong humahakbang, tumitingin tingin minsan sa paligid at lilingon din kay Hiro dahil magsasalita.

“Let’s shop later too. Maybe you want to buy some new clothes?”

I nodded. “Titingnan ko mamaya.”

Hiro nodded. Pinasadahan niya ng haplos ang buhok at namulsa sa aking gilid.

Dumating kami sa sadya namin. Inasikaso ako as usual. Kung noong una ay hindi ako ganoon ka approachable tingnan, ngayon ay nakakaya kong tumango, magtanong at ngumiti sa kausap.

“Here Ma’am. Ito ang available colors namin,” ang babae na pinakita sa akin ang nakahelerang fake nails na may kulay.

I watched it curiously. Maraming naroon. Magaganda lahat at hindi agad ako makapili. Tiningnan ko si Hiro na nasa sofa ulit, nagbabasa basa lang at tumitingin tingin sa akin kaya ang bilis niyang nahuli ang aking mga mata.

“Hiro,” tawag ko.

Binitiwan niya agad ang magazine at tumayo para makalapit sa akin. Yumuko siya ng kaonti sa aking likuran, ang kamay ay humawak sa aking upuan at ang isang kamay naman ay sa hinahawakan kong brochure kung nasaan ang mga samples nila.

“Hindi ko alam anong kulay. Tingin mo?” tanong ko sabay tingin sa mukha niyang nakalebel sa akin.

Seryoso niyang pinasadahan ng tingin ang bawat naroon.

“Hmm… Try this purple,” sabay turo niya sa napili.

Tiningnan ko ang aking kuko at tiningnan ulit ang purple. Naghahanap pa ako ng magandang design nang may itinuro si Hiro.

“And this…” ang maliliit na diamonds.

Tumango ako dahil iyon ang mga hilig ko. Parang dati kong mga kuko. Laging maganda tingnan. Laging maayos.

“Okay,” I nodded and looked at the girl again. “Ito po… tapos ito,” turo ko sa mga napili.

The girl smiled and nodded. Tumingin pa saglit kay Hiro na tumayo na ng tuwid at naghihintay lamang ng senyas na ayos na. Tiningala ko siya at nginitian.

“Thanks…”

He smiled back and nodded. Bumalik siyang muli sa sofa habang sinisimulan nang ayusin ang aking kuko.

Panay ang lingon ko minsan kay Hiro, kuryoso sa kanyang ginagawa na lagi talagang huhulihin ang aking mga mata. Iniwas ko ulit ang tingin. He smiled a little. I copied it and smiled a little too.

Bumili kami ng mga damit pagkatapos. Siya ang dumadampot sa mga itinuturo ko. Ayoko ring hawakan dahil bago pa lamang ang ayos ng kuko ko.

Kahit noong matapos, siya rin ang nagpresentang hawakan lahat ang aming pinamili.

It was one of our memorable moments. Maraming progress akong napapansin hindi lamang sa amin ni Hiro kundi pati na rin sa aking sarili. I feel like my old self but the better version.

My old self was immature and flawed. Hindi man sobrang perpekto ng inaasahan ng mga taong nakapaligid sa akin ang pagbabago ko ngayon, ngunit alam ko iyon ang nakakabuti para sa akin.

Si Hiro na halos ang kasama ko sa aking mga appointments. Pag tapos na ay dederitso kami sa Restaurant na malapit para kumain. Medyo nasasanay na ulit akong makihalubilo nang walang nararamdamang takot. Nagagawa ko na ang mga normal na ginagawa ko noon.

Summer. Mainit ang panahon at talagang hindi na ako mapirmi sa bahay. Kaya noong matapos ang appointment, nagyaya akong muli kay Hiro na gumala muna bago umuwi.

I looked at our fancy table. I don’t usually use my phone kaya ngayong gandang ganda ako sa table setting, nanghihinayang dahil walang dalang cellphone.

“Here. Use my phone,” biglang offer ni Hiro sa phone niya.

Medyo shock ako ng kaonti na kahit iyon, pansin niya.

“One of your hobbies. You love to take pictures. Puro ganoon ang instagram post mo.”

Friend kami roon? Pero naka-public din kasi iyon. Tahimik kong tinanggap ang phone niya. Nakabukas na iyon at bumabalandra na naman ang wallpaper niya na eight years ago pa ata. Hindi niya talaga pinalitan.

Pinindot ko ang icon ng camera. I started taking photos of our food. Nakukuha roon ang kamay ni Hiro na maugat hawak ang chopstick na sinusubukan niyang gamitin.

“Hindi ka marunong magchopstick?” tanong ko nang makitang nalaglag niya ang isang stick.

“Walang may dugong chinese sa bahay namin. Si Damonisse ang marunong magchopstick dahil mahilig siyang kumain ng Asian food.”

I am a bit fond of Chinese food because of my cousins. Kaya tuwing nasa Davao ako, laging Chinese or Japanese Restaurants ang kinakainan ko.

“Sinabi mo sana sa akin. Ayos lang naman sa akin kahit sa ibang Restaurant,” sabi ko.

Umiling si Hiro at muling sinubukan ang chopstick.

“It’s fine. Madali lang mag-adjust,” aniya habang seryosong nakatingin sa chopstick.

I put his phone down. Kinuha ko ang chopstick sa gilid at hinawakan iyon.

“Like this,” ipinakita ko iyon sa kanya.

He looked at my chopstick curiously. Ibinalik niya sa hawak niyang chopstick. Ngumuso ako nang muli niyang malaglag ang isang stick.

Humilig ako at nakangiting inabot ang kanyang kamay. Mataman akong tinitigan ni Hiro habang abala ako sa pag-aayos ng kanyang mga daliri kung paano niya iyon hahawakan ng maigi.

“Ganyan,” sabi ko at unti-unting hinanap ang mga mata niyang titig na titig sa akin.

He nodded and stop himself from smiling. Lumayo agad ako at ginamit ang chopstick para galawin ang pagkain. Hiro watched me curiously.

“Tama ba ’to?” he asked while using his chopstick too.

Nalaglag ang pagkaing inipit niya. He groaned and shook his head problematically. Halos dismayado nang nanghihinang sumandal sa upuan.

Kinagat ko ang aking labi at nangingiting inipit ang pagkaing kanina niya pa sinusubukang kunin. Ako ang kumuha noon at inilagay sa kanyang plato. Kumuha rin ako ng iba pa at nilagay ulit sa plato niya.

“Baka gusto mong isubo ko na rin sa’yo?” biro ko at nag-angat ng kilay.

Hiro flashed his smile. Binasa niya ang labi at hindi man lang tumanggi. Gustong gusto pa ah?

Muli niyang sinubukan ang kanyang chopstick. Kinuha ko ang aking basong tubig para sumimsim. Sinimulan niyang galawin ang pagkain. Nakita kong naipit niya ng mabuti. Iginiya niya iyon sa kanyang bibig at handa nang isubo ngunit nalaglag ang pagkain pabalik sa plato.

Huminga siya at binitiwan ang chopstick. Kinagat ko ang labi ngunit hindi ko na napigilang matawa. His brow arched at me.

“I’ll try it again,” palaban niyang sabi at muli iyong inayos sa kamay niya.

I took his phone and filmed him. His thick brows furrowed while he’s trying to do it again properly. Katulad ng nangyari kanina, nahulog lang ulit ang pagkain sa kanyang plato na ikinatawa ko ng marahan.

Umahon ang kanyang tingin at napatitig sa camera kaya pinatay ko rin para muling

“Magkutsara ka nalang, Hiro,” ngiti ko at muling dinampot ang aking chopstick.

He shook his head and looked at my chopstick. Iyon lang ba ang problema niya? Ibinaba ko ang aking chopstick at kinuha ang kutsara. Kaya ko rin namang mag-adjust para sa kanya.

Binitiwan niya ang chopstick at nagpasyang magkutsara nalang din.

“Tuturuan kita next time,” I said to calm him.

Nabibilib talaga ako sa lalakeng ito. Handang mag-effort sa mga bagay na bago sa kanya para lang masabayan ako sa aking hilig. Naalala ko pa iyong Dutch Mill na kahit lasang gamot para sa kanya ay iniinom pa rin! I didn’t appreciate it when I was young. Ngayon na muling naalala, unti-unti kong nakikita kung gaano siya ka pasensyosong tao.

“By the way…” panimuna ni Hiro pagkatapos sumimsim sa tubig niya.

“My sister invited you. It’s her Wedding Day next month. Baka gusto mong… pumunta?”

My eyes widened. “Zera’s getting married?”

He nodded. What? Naunahan pa siya ng kapatid niya.

Gulat na gulat pa ako na pilit ko pang inalala ang mukha ni Zera sa aking isip. We’re friends. Hindi man masyadong close pero nagpapansinan kami. Nakakasama ko ang mga Delafuente girls noon gumala at magshopping.

Next month… bigla kong naisip ang Anniversary ni Lolo at Lola. Hindi ko pa alam kung anong klaseng selebrasyon ang mangyayari ngunit nakagawian iyon ng aming pamilya at nagtitipon tipon lahat.

But then again, I remember Marione. Alam kong naroon siya dahil naroon din si Ken. Siguro mas mabuti rin na… pumunta ako para makapag-usap na kami?

Lagi ko iyong naiisip. Lagi kong binibigyan ng espasyo sa aking utak kung kailan ngunit palagi akong napanghihinaan ng loob. Ngunit ngayong naririnig ang imbitasyon ni Hiro, medyo nagkakaroon ako ng lakas ng loob na muling subukan.

Kaya ko na. Alam ko.

“And she’s… pregnant,” ani Hiro na ikinatigil ko.

“Your sister?”

Hiro nodded while looking at me. Naninimbang ang tingin at nag-aabang ng reaksyon sa akin.

Kinabahan ako bigla. Ayoko sa ideyang namumuo sa aking isip. Paano kung… may nangyari? Ngunit kung lalayo siguro ako, hindi lalapit ay wala namang mangyayari? I should distance myself and talk to Marione right away so I can…

My head spinned for thinking about it. Nakita ko kung paano naglahad ng basong tubig si Hiro.

“If you’re not ready—”

“No. I’ll come with you. After my grandparent’s Anniversary,” pinal kong desisyon, ayaw nang umatras.

“Are you sure?”

Tumango ako. Hindi na magbabago ang isip ko. Sapat na ang halos isang taong pinalipas ko para maging maayos lamang ulit. I will take this chance to heal from my past too. To free myself completely.

“Franca!” ngiting ngiti si Tita Aly kinaumagahan nang magising ako.

Natanaw ko si Tito Uno kausap si Daddy sa sala. Mukhang sila lamang dalawa lalo na’t wala akong ibang napansin na kasama nila.

Lumapit siya sa akin at yumakap. Kahit si Tito Uno ay napasulyap sa amin.

“Miss na miss kita!” aniya nang humiwalay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Sobrang daldal ni Tita Aly at panay kwento sa akin ng kung ano-ano. Ramdam ko ang pagiging maingat niya sa mga salita lalo na’t sa tuwing may gusto siyang sabihin ay biglang mapuputol at tatalon sa ibang topic.

Nanatili sila sa bahay sa araw na ’yon. Baka kaya rin sila napapabisita dahil sa nalalapit na Anibersayo ni Lolo at Lola. Maybe they’re already planning for a grand celebration?

Gabi na noong nagpasya akong bumaba lalo na’t nauuhaw. Ang mga mahahabang kurtina ay nakasara at dim na rin ang paligid ngunit maririnig ang usapan sa kusina at mukhang gising pa sila Mommy.

My steps slowed down when I realized she’s talking to my Lola and Tita Aly. Masyadong seryoso na hindi ko magawang magpakita dahil baka maputol iyon. Humalukipkip ako at sumandal sa malamig na pader na hindi naaabot ng liwanag.

“Kinakabahan nga ako kay Uno. Galit na galit din noong nalaman,” rinig ko ang marahang tinig ni Tita Aly.

“I didn’t expect Dos would calm down, Aly. Sinugod niya ang angkan nila. He warned them to stay away from Franca. Nagfile pa ng restraining order sa pamilya nila at pinagbantaan niya na papatayin kung mangangahas lumapit,” my mother sighed problematically.

My father did that? Kung ganoon… bakit nakakalapit si Hiro?

“Pero nandito si Hiro ah?” si Tita Aly, mukhang parehas kami ng iniisip.

“Coz he beg for a chance. Nangakong huwag nang magfile ng restraining order. Ken wants to talk to my daughter so much. Ngunit ayaw na ni Dos. Kahit si Hiro, ayaw niyang palapitin. Ni isa sa kanila. Ngunit nangako at nagmakaawa si Hiro na lalayuan din si Franca kung natapos na ang lahat ng ito. Hiro wants to give Ken a chance to talk to Franca. To talk to that girl, too.”

My shoulder loosened. Walang restraining order ang nangyari dahil… hiningi ni Hiro na pagbigyan ang kanyang hiling? At pagkatapos nito, lalayuan niya na ako?

“Kawawang bata. Pag si Dos ang nagalit, wala tayong magagawa. Hindi ’yon mababali agad,” si Lola.

“Kaya nga, Mama. Franca tamed his father who’s always hungry for vengeance. Sa unang pagkakataon hindi niya inilagay ang batas sa kanyang kamay. His daughter taught him how to put his weapons down,” ani Mommy.

“Natutuwa ako sa pasya ni Dos. Alam kong mahal na mahal niya ang kanyang anak na hindi niya nanaising makadagdag pa sa alalahanin ni Franca,” si Lola sa mas bayanad na tinig.

“Alam ba ni Hiro na aalis kayo at magma-migrate sa France?” si Tita Aly na halata ang pagiging concern.

“He’s aware, Aly. That’s Dos condition. Pumayag ’yung bata at nangakong hindi na kailanman guguluhin ang buhay ni Franca pagkatapos nito. That’s why Dos agreed. Iyon din ang dahilan kaya hindi itinuloy ni Dos ang restraining order para sa kanilang pamilya.”

Bumaba ang aking ulo. Hinaplos ko ang aking dibdib at seryosong tumitig sa harapan.

“Nakakaawa… Akala ko’y nanliligaw na kay Franca! Araw araw na bumibisita sa bahay! Taga hatid sa appointments ng apo ko…”

“Naku Mama… ipinasok ko na nga lang na driver kasi itong si Dos parang pagkakaitan ang bata. Eh alam mo naman na may sariling mga tauhan si Papa. Nandiyan pa ang mga tauhan ni Dos. Kaya sabi ko, si Hiro nalang ang gawing driver. Papalag pa nga sana. Kamuntik ko talagang batukan si Dos,” agresibong tinig ni Mommy.

“Kahit si Israel nga gusto kong batukan minsan. Pero ngayon, kasundo niya naman. Maalam daw sa business. Matalino sa pagpaplano,” masayang sabi ni Lola.

“Inlove ba si Franca kay Hiro? Mukhang hindi ko kailanman nabalitaang nagkaroon ng boyfriend ang batang ’yan, Addi.” Nagulat nga ako ngayon na nandito si Hiro para kay Franca.“

“Who would even dare to court our daughter while Dos is guarding her, Aly? Si Hiro lang ang nangahas! Nagpaalam ’yon noon. Kaso b-in-asted pala ng anak namin!”

“’Yang batang ’yan ang sobrang close kay North. Nasa bahay ’yan paminsan minsan. Sa lahat ng Delafuente, iyon ang kasundo niya.”

“Hayaan nalang sana ni Dos ang bata na ligawan si Franca. Malaki na ’yan. Late twenties na. Huwag niyang ipagdamot,” si Lola na medyo malungkot.

“Iyon nga ang sabi ko kaso ayaw ni Dos. Ayoko ring pilitin dahil baka magbago ang isip at kung ano pang maisipang gawin sa mga Delafuente.”

“Hindi rin natin masisisi si Dos, Addi. He’s a father. Masakit ang nangyari. Kahit ako, baka hindi ko kayanin kung ganyan ang mangyari sa aking anak.”

“We’re both traumatized, Aly. Dos questioned himself as a father. Ang sakit dahil alam ko, ginawa namin ang lahat para lamang huwag masaktan ang aming anak. Ngunit nangyari ito. Hindi ko halos kayang magpatawad ngunit kailangan basta maayos lang si Franca ngayon…” ang napupunit na boses ni Mommy ang nagpasikip ng aking dibdib.

“Pero mukhang healthy tingnan si Franca, Addi,” natutuwang si Tita Aly.

“Natutuwa nga kami dahil natututo nang lumabas ulit sa publiko. Nagpagupit!” my Mom chuckled cutely.

“Pansin ko nga na nagbo-boost ang confidence ni Franca, Addi. Nagjo-jogging ’yan sa labas ng subdivision. Ang sabi ng mga kasambahay, ngumingiti na rin daw at nagpapasalamat. Kinakausap na sila. Hindi na palaging tahimik at seryoso,” si Lola na nagagalak din ang tinig.

“Oo nga, Mama… Kahit kami ni Dos napapansin din. Eh ang friendly ng batang ’yan noon. Daming kaibigan. Hindi naman kami mahigpit ni Dos noon ngunit talagang sinusundo ’yan lagi. Kahit saan saan gumagala. Ngayon, halos ata social media hindi niyan magawa eh. Naka deactivate. Hindi rin gumagamit ng cellphone. Nagmumukmok lang sa loob ng bahay. Lalabas pag pupunta sa clinic. Ewan ko nga kung kaya niya bang makihalubilo lalo na’t buntis pa naman si Irah.”

Wait… Irah’s pregnant? Pumikit ako at napangiti sa balitang iyon kahit naghahalo ang takot sa akin.

“Takot siya sa buntis?” Tita Aly asked curiously.

“Oo. ’Yun ang sabi ng therapist niya. Kaya hindi agad makabisita rito ang mga pinsan niya. Baka kasi ma-trigger si Franca.”

“Eh paano ’yan? Sa Anibersaryo niyo ni Papa, anong balak niyo, Mama?” si Tita Aly.

“Pinag-iisipan nga namin ni Israel. Baka hindi nalang muna. Maselan at sensitibo ngayon sa mga tao si Franca. Baka ma-stress. Bawal ’yon sa kanya.”

“Pumayag nga raw ’yon sumama sa amin sa France, sabi ni Dos,” si Mommy.

“Mabuti na rin ’yan. Edi… si Hiro…” si Tita Aly.

“Ewan ko sa batang ’yon, Aly. Talagang desidido. Ako pa itong nalulungkot dahil parang kami ni Dos itong nagiging hadlang sa dalawa. Eh willing din naman sumama ni Franca. Baka… one sided talaga. Kaya siguro sinusulit nalang din ni Hiro hangga’t pwede pang makasama.”

“Iba pa naman manindigan ’yang mga Delafuente. Hindi babaliin. Kung Buenaventura ’yan…”

“Baka k-in-idnap na siguro kung hinadlangan ng mga magulang. They always break the rules,” si Mommy na natawa.

Umalis ako sa pagkakasandal at nagpasyang umakyat na lamang pabalik sa aking kuwarto.

I don’t know what to feel but I’m sad for Hiro. Nagparaya siya at nangakong lalayuan ako para lamang pumayag si Daddy na malapitan ako ng mga Delafuente? Para lamang matuloy ang paglapit ni Ken sa akin?

So this is what he meant about what he said huh? Sinusulit niya. Alam ko na alam niyang pupunta kami sa France ngunit may munting ideya sa akin na baka ay may iba rin siyang plano.

Ngunit mali ako.

Gusto kong sumama sa France. Wala akong nakikitang mali roon. I also want to spend time with my parents. Gusto kong bumawi. Gusto kong huwag na silang mag-alala pa.

Sa mga narinig ko, mas naging marami ang bumara sa aking isip. Simula noong nakasama ko siya, ni isa ay wala siyang nabanggit. Ang tangi lamang ginagawa ay suportahan ako.

Ibig bang sabihin hindi na siya maghihintay? Hahayaan niya akong makahanap ng iba sa France? Paano nga naman kung may makabangga ako roon na kamukha niya, kaugali, o katulad niya mismo. Papayag pa rin siya?

Isn’t he tired with all of these? Minsan talaga nagtataka na ako. His crown never fell on the floor. Hindi mo siya makikitang guguho kahit sa likod ng ngising iyon ay ang palihim niyang pagbubuhat ng problema ng iba.

Kahit problema ko, hindi ko alam na palihim niya rin palang binubuhat para lamang maging magaan ang lahat sa akin! Why… Why are you doing this for me, Hiro? I don’t understand anymore.

Iisipin ko sana na obsess siya sa akin ngunit hindi. This isn’t obsession. He respects my boundaries. He respects my choices. He respects me. At simula noong nakasama ko siya, hindi siya kailanman nanglimos ng tsansa o kahit anong kapalit na maisusukli ko sa nararamdaman niya sa akin.

He’s telling me how much he loves me but that is it. He never asked for an answer. He never demanded for a label. He was never desperate to sit on the throne when all along, it’s empty! All along… It rightfully belongs to him.

Alam kong nararamdaman niyang may puwang siya sa aking puso ngunit hindi siya sakim para angkinin agad na kanya iyon. Kahit pinaparamdam kong sa kanya na ang tronong iyon sa puso ko, parang wala pa rin siyang karapatang umupo kahit pa may pahintulot ko.

And I understand now why. My father. He doesn’t want to break his rules. He doesn’t want to break the promise he gave to my father for the peace of our family. For my peace of mind. Lahat ng ito, ginagawa niya para sa ikakabuti ko kahit na masasaktan siya sa hiningi niyang kapalit!

This man isn’t selfish! Kahit ang sariling batas ng aking ama ay handa niyang sundin!

Damn you! Oh I hate how you managed to smile at me when you’re carrying all of these burden! Damn you for protecting my heart! Damn you for keeping me safe in your arms while you’re bleeding!

Ano pa, huh? Ano pa ang hindi ko alam na pinaggagawa mo para lang mabuhat ako at maitawid sa daang puno ng tinik? Ano pa?

He never showed his weakness. I saw him cried one time but that’s it.

Yes I judged him. Iba ang tingin ko sa kanya noon. A villain who manipulates people and who thinks girls are weak. Si Hiro iyon noon. But this man infront of me, his matured version, is him too.

And I know, some people would still hate him despite his good side. Kaya lamang nilang tingnan ang mali niya noon, ngunit hindi na ang mga tamang nagagawa niya ngayon.

At may pakialam ba si Hiro kahit magmukha siyang masama sa mga mata ng lahat? Wala.

Noon hanggang ngayon, handa siyang maging marumi sa tingin ng iba para lamang linisin at akuin ang kasalanan ng babaeng mahal niya! It’s still him. Hindi siya nagbago ngunit natuto.

I admired him. Para akong kumakapit sa marupok na tali at nahuhulog lalo sa kanya. Mas minahal ko siya.

Sa buwang nagdaan, wala na ata akong ginawa kundi ang sulitin ang mga araw na nariyan siya sa aking tabi. I don’t want to see him getting sad. Kahit ang kaonting kislap ng lungkot sa mga mata niya, ayoko nang dumapo sa kanya. I just want to make him happy. I want him to spend his time with me without worrying.

“Malapit na po ang anibersaryo niyo, Lolo, Lola…” sabi ko nang umupo ako sa bakanteng upuan sa patio sa tanghaling iyon. Pagkatapos ng aking narinig, hindi ko kayang palampasin na hindi nila ituloy ang pagce-celebrate dahil sa akin.

Nagt-tsaa si Lola. Si Lolo naman ay nakatunganga sa kanya kanina at nag-uusap sila. Ngayon na sumulpot ako ay nasa akin na ang buo nilang atensyon.

“Oo nga eh… Kaso tinatamad kami ni Israel ngayon magcelebrate. Baka next year nalang,” alibi ni Lola at nilingon si Lolo na naghihintay lang ng senyas. “Hindi ba, Israel?”

My grandfather nodded like an actor being ordered what to do.

“May next year pa para sa party. Walang panahon ngayon dahil magiging busy kami ni Tracey,” nasa script siguro ni Lolo.

“Oo magiging busy din,” tumatangong si Lola at sumimsim sa kanyang tsaa.

“Ayaw niyong magpaparty?” tanong ko.

They both shook their heads. Sabay pa.

“Sayang po. Miss ko na sila Florisse. Baka ’yon din ang panahon na makita ko silang lahat,” malungkot kong sabi.

Kitang kita ko kung paano nabuhayan si Lolo. Si Lolo naman ay kunot-noo at naninimbang ng tingin sa akin.

“You want a grand party, Franca?” tanong ni Lolo sa masiglang tinig at nakahilig na sa bilugang mesa.

Tumango ako. “Opo. Miss ko na rin. Huling party ata na nadaluhan ko ay four years ago?” I chuckled.

“Very well then, I’ll throw a grand party!” desisyon ni Lolo.

“Sigurado ka, Franca? Ayos lang sa’yo? Maraming tao niyan!” si Lola na hindi pa rin kumbinsido.

“Ayos lang po. Pupunta rin kasi ako sa Cebu pagkatapos ng anniversary niyo kasi invited ako sa kasal ng kapatid ni Hiro.”

My Lola’s eyes widened more. Ngumisi naman si Lolo.

“Naunahan pa si Hiro ng kapatid niyang babae? Ang bagal niya!” halakhak ni Lolo.

Mabilis na tinampal ni Lola ang braso ni Lola. Natawa rin ako sa bagay na iyon lalo na’t napag-iiwanan nga ng panahon si Hiro. All of his cousins are probably married by now. Si Hiro, kahit girlfriend ay wala!

Kumusta kaya ang iba? Naisip ko tuloy na bumili ng cellphone habang naiisip ang mga iyon. O sa araw nalang ng pag-alis ni Hiro? I’ll use it so we can communicate…

Iyon ang naging plano ko. I bought the latest iPhone like Hiro’s phone.

“You missed your social media accounts?” hula niya habang abala akong buksan ang bagong biling phone sa front seat.

“Gagamitin ko para makapagtext tayo habang nasa Cebu ka,” I answered unconsciously.

I saw his smile. Kumurap ako at medyo natauhan sa aking isinagot ngunit totoo naman talaga. Nakita kong dinukot niya ang cellphone sa bulsa at inilahad iyon sa akin.

“Your number,” hingi ni Hiro habang pabalik na kami sa parking lot.

It feels nostalgic. Parang noon lang din… Kung noon ay handa kong ipagdamot. Ngayon kahit hindi niya hingiin ay kusa ko atang ibibigay.

Tumango ako at kinuha ang kanyang phone. Tinipa ko roon ang number ko. Abala siyang maniubrahin ang manibela kaya ako na ang naghanap ng numero niya.

“Isi-save ko rin ang number mo,” sabi ko.

Hiro nodded and smiled. Nagdownload ako ng apps. Si Hiro ay abala sa manibela ngunit sinisilip ang ginagawa ko sa screen.

“You deactivated all of your accounts right?” tanong ni Hiro.

Tumango ako. Noong lumipat ako sa Davao ay madalang ko nang ginagamit talaga hanggang sa nagpasya akong i-deactivate. Nawalan ako ng gana bigla sa social media.

Ngayon, gusto ko lang gumawa ng bagong facebook account. Ang instagram lang siguro ang bubuksan ko ulit total naka save naman sa email ko ang password.

“Aalis ako bukas pero babalik din ako sa susunod na araw para sunduin ka. Pagkatapos ng Anniversary ng grandparents mo. Is it alright to you?” Hiro asked.

I nodded and smiled. Kabado ako sa totoo lang ngunit mas nanaig ngayon ang kagustuhan ko na makita sila.

Wala naman akong planong magtagal sa Manila lalo na’t sa susunod na linggo ay flight din namin patungong France. Malinaw sa akin ang plano ko. Gusto ko ring gawin ito para sa parents ko. Alam kong mapapanatag si Daddy kung kasama nila ako.

Hiro and I didn’t talk about this yet. Ngunit alam kong alam niya. Sadyang hindi lang namin napag-uusapan sa hindi ko malamang kadahilanan.

“It’s alright,” I said.

Panatag na ako ngayon. He will always come back to me. He will always be there for me. Always.

46th Ruled

Ruled

Insecurities

Pinagmaneho ni Lolo si Hiro para ihatid sa airport. Wala ata akong ginawa buong gabi kundi dumungaw sa aking cellphone para hintayin ang text ni Hiro. Nine-thirty noong matanggap ko ang text niya.

Hiro:

Nasa Cebu na ako.

Humiga ako at nagtipa ng reply.

Ako:

Take care.

At eksaktong 10PM, muli kong nabasa ang kanyang update.

Hiro:

Nasa bahay na ako ng kapatid ko.

Ako:

Have fun!

Binitiwan ko saglit ang aking cellphone para hindi na siya madisturbo pa. I pictured-out his cousins. Puro matatangkad at guwapong lalake, mga magaganda at mapuputi niyang pinsang mga babae.

They’re probably so loud by now. Baka kahit ang pinsan kong si Irah ay naroon kasama si Toshi. Sayang at hindi ako nakadalo sa kasal nila. Ngayon, buntis na siya.

Thinking about it gave me shivers. Nanuot agad sa aking isip kung gaano ka selan ngayon ang aking pinsan. Baka kahit yakap ay magdalawang isip ako.

My thoughts suddenly flew out of the window when I heard my phone beeped for a text.

Dinungaw ko iyon.

Hiro:

What are you doing? Sleepy?

Nagtipa rin agad ako ng mensahe.

Ako:

Hindi pa naman.

Nagsend siya ng picture. Mesa iyon at may drinks kasama ang pulutan. May mga nakikita akong katawan ng mga lalake ngunit hindi na nakuha sa picture kung sino sino. Probably his cousins.

Hiro:

I’ll drink. Is it okay?

I chuckled coz he doesn’t need to ask for my permission. I will let him!

Ako:

Your choice Hiro :)

Hiro:

Your choice please :)

Pumikit ako at nailing. Para akong lulubog sa kama.

Ako:

Ayos lang.

He sent another photo. This time it’s him. Nakaharap sa kanya ang camera, nakayuko siya ng kaonti, seryosong nakatingin habang buhaghag ang buhok at makikita mo ang madilim na langit na bumagay sa itim niyang buhok at makapal na kilay. The two buttons of his shirt is distracting me so much.

I reacted on his picture and took a photo of myself, too. Nakahiga ako, buhaghag ang buhok sa puting unan ganoon din ang bangs habang nakatagilid ko ng kaonti ang aking ulo. I sent it to him.

Mabilis na nagseen si Hiro. He automatically reacted on my picture too. Ang nakasanayan kong mabilis na typing ay hindi bumalandra.

Baka naging busy na ulit. Hinayaan ko muna siya at pumikit pikit na nang ilang minuto ay muling tumunog ang aking phone. Mabilis kong tiningnan ang screen at nakita ang bumalandra niyang reply.

Hiro:

Facetime?

Iniisip ko tuloy kung magcecellphone lang ba siya buong gabi? He needs to bond with his cousins!

Ako:

Okay

Humugot ako ng hininga at kinabahan ng kaonti. Kinuha ko ang unan at niyakap habang unti-unting lumalabas sa screen ang tawag ni Hiro. In-accept ko iyon hanggang sa lumabas ang camera naming dalawa sa screen.

I saw Hiro’s face. Bumalandra pa ang ngisi niya saglit at mukhang may tinitingnan na kung sinong kinakausap siya na boses ng isang babae saka bumaba ang tingin niya sa screen para tingnan ako.

“Hi,” namamaos ang tinig at kumikislap ang kanyang mga mata nang tingnan ako.

“Hi,” bati ko pabalik at niyakap ng mahigpit ang unan.

Hiro chuckled. Tinitigan ko siya ng maigi sa camera. Oh he looked so hot. He looked so fine.

“Kausap ko ang pinsan ko. Siya ’yung boses babae,” he explained like it’s necessary to keep me updated all the time.

I nodded again. Too detailed.

“You’re not yet sleepy?” marahan niyang tanong.

I shook my head. Tumango siya at humithit sa sigarilyong hawak. Binuga niya iyon sa kaliwa at muling tiningnan ang screen.

Naririnig ko ang background. Sobrang ingay ng tinig ng mga babae at humahalo naman ang halakhak ng ibang boys. Sa susunod na araw ay makikita ko na ulit silang lahat.

Ano kayang reaksyon nila? Kabado ako sa parteng iyon. Marami akong naiisip na posibilidad ngunit ayoko ring panghinaan ng loob. I am fine if they hate me. Hindi na bigdeal iyon sa akin. Ang importante ay ang sadya ko.

“Magbond daw kayo ni Damonisse,” ani Hiro.

Medyo nagulat ako. His sister wants to bond with me? Hindi ba siya galit sa akin? Ang ibang Delafuente na babae?

“Ipapakilala rin kita sa pinaka bunsong babae na Delafuente sa amin. ’Yung anak ng kapatid ni Tita Ylissana. She wants to meet you.”

Tita Ylissana? I heard about her name. She’s the sister of the twin’s father if I’m not mistaken. Nasa ibang bansa na sila at doon nagpasyang manirahan. Ang alam ko, may anak na babae na hindi ko kailanman nakita lalo na’t hindi madalas pumunta sa Pilipinas.

“Nandiyan din siya?” I asked curiously.

He nodded. “Pinatapon dito dahil sakit sa ulo sa Canada.”

“Parang kapatid mo lang?” I chuckled.

“Mas malala ’to kay Damonisse. Iba ang pagiging pilya. Napaka spoiled din.”

Ngumiti ako. Excited ako ng kaonti na makilala ngunit… hindi rin maiwasang kabahan. I’m ready for their judgements. Tatanggapin ko iyon.

“Hiro! Your shot,” rinig ko ang pamilyar na tinig.

He extended his arm. Ilang sandali lang, nakira ko na ang shot glass na tinanggap niya saka niya iginiya sa labi at nilagok ng buo. He gulped and licked his wet lips afterwards. Ibinalik niya ang shot glass sabay hithit ulit ng sigarilyo.

“Last shot ko na,” ani Hiro.

“Lame, dude!”

“Iwas away,” ngisi ni Hiro.

Humalakhak ang ilan ngunit walang nagreklamo. Muling itinuon ni Hiro ang tingin sa akin.

“That’s my last shot,” sabay hilig sa railings sa kanyang likuran.

Hinahangin ang kanyang buhok. Tanaw ko sa likuran ang kumikislap na citylights. Maliwanag siyang tingnan ng kaonti dahil sa repleksyon ng ilaw galing sa cellphone at kung saan mang ilaw.

Gusto ko sanang punahin iyong sinasabi niyang iwas away kaso nadidistract ako sa mukha niya.

“I miss you…” biglang bulong ni Hiro na ikinalunok ko.

Niyakap ko ng mahigpit ang unan. Nadikit ang labi ko roon. Hiro tilted his head and smiled more.

“Ang sarap umuwi pabalik diyan…”

“Sa susunod na araw pa,” I reminded him.

He nodded but he couldn’t stop from smiling.

“You looked disappointed,” aniya sa nanunuyang tinig.

“Hindi ah,” I said softly.

Hiro chuckled. Napunta saglit sa harap ang kanyang tingin. May kumuha ng kanyang sigarilyo sa kanyang kamay. Nakita ko rin ang balikat ng kung sino na humilig din sa railings na hinihiligan niya.

Ilang sandali lamang ay dumungaw sa screen ang mukha ni Wayt na hinihithit ang sigarilyo ni Hiro. Binuga saglit ang usok at binasa ang labi sabay balik ang tingin sa camera.

“Hi Hiro’s girl,” ang mababang tinig ni Wayt.

“Fuck off,” iritadong itinulak ni Hiro ang mukha ni Wayt paalis sa camera.

Naalala ko bigla ang nabanggit ni Hiro sa akin noon. One of his cousin is in a relationship with my friend. That girl has a sexy brain! Ano ’yon… paano niya napaamo ang isang ’yon?

Wayt said something. Bumaling si Hiro sa tamad na paraan, nakaangat pa ang kilay. He looked less interested but he’s listening carefully.

Pansin ko kung gaano ka angas ang tingin ni Hiro lagi sa kausap niya, sa ibang tao. Ngunit sa tuwing susulyap sa akin, pupungay ang mga mata at magbabago kahit ang ngiti.

“I should sleep. Bond with your cousins,” udyok ko.

Binasa niya ang labi, halatang hindi pa payag.

“The asshole would rather talk to you than bond with us,” si Wayt sa gilid na tanging usok lamang ang nakikita ko lalo na’t ayaw nang pasilipin ni Hiro.

“Shut up,” he hissed and looked at me softly again. “You should sleep…” mas marahan ang tinig kaysa sa tigas na boses kanina kay Wayt.

I nodded. Ngumuso si Hiro.

“Goodnight…” he whispered.

I smiled and nodded. Pinatay ko ang tawag at kagat labing nagtipa ng mensahe.

Naging abala na sa preparations para sa party ng aking grandparents sa sumunod na araw. Panay naman kami text ni Hiro. Panay din ako send ng pictures kung ano na ang nangyayari.

Hiro:

See you later.

Ako:

See you.

Iyon ang huli naming text bago ako naligo at nagbihis para sa malaking party. I wore a white satin sleeveless dress and put my hair in a high ponytail. My back was so exposed including my deep collarbones. Kapansin pansin din ang tattoo ko sa dibdib. Nagmake-up ako. Hindi naman ganoon ka kapal ngunit sapat lamang para mas ma-enhance ang features ko.

Dinungaw ko ang screen ng cellphone para tingnan kung anong oras na habang abala sa paglalagay ng perfume sa bawat gilid ng aking leeg. Nasa airport pa rin ata si Hiro.

Sa The View ang napiling venue ni Lolo at Lola. Doon ikinasal si Uncle Brennan. It’s a perfect spot for weddings and grand occasions.

“Are you okay?” tanong ni Mommy habang nasa back seat ako, si Dad na nagmamaneho at si Mommy sa front seat.

I nodded and smiled. I know how to mask my nervousness expertly. Ayoko ring ipahalatang kabado talaga ako.

“Tell us if something made you uncomfortable,” si Dad na tiningnan ako sa itaas ng salamin.

I nodded again. Relatives at mga kilala ng aking Lolo at Lola ang imbitado. Malaki laki rin. Ipinakita din kasi nila ang guest list sa akin para kunin ang aking opinyon kung gaano ka rami ang dadalo.

It’s fine with me. Hindi na nila kailangang mag-alala sa akin dahil kaya kong hawakan ang sarili kong kahinaan at maging matatag. I know how to appear confident and strong infront of everyone.

4PM noong makarating kami. Pumasok kami sa itim na gate at natanaw ko agad ang mga nagkalat na kotse sa parking lot. You can clearly see the overlooking City of Davao. Nauna akong bumaba nang pagbuksan ng tauhan sa labas. Hinaplos ko ang buhok at pinasadahan ng tingin ang malawak na kabuuan ng The View.

Sa dulo ng pathway na may poste ng mga ilaw ay matatanaw mo ang puting gazebo kung saan mo rin mapagmamasdan ang gulf course na sobrang lawak.

Hinaplos ni Mommy ang aking siko para kunin ang aking atensyon. My father’s arm wrapped around her waist. Kapwa sila nakatingin sa akin.

“Let’s go? They’re waiting for us,” ani Mommy.

I nodded and smiled. Tinanaw ko ang malaking function hall kung saan nagaganap ang party. It’s an open hall. Tanaw ko agad ang mga pamilyar at ang set-up na halatang enggrande at may halong tradisyon ng chinese.

“Franca!” si Auntie French agad ang naunang makita ako.

Everyone looked at us. Puno ang bawat tables na nagkalat. My grandparents were sorrounded by familiar people talking to them while looking at us.

I saw my chinese cousins, the Chen and Chua, iilang Buenaventura, mga pamilyar na kaibigan ng aming pamilya, at ang hindi pamilyar sa akin na mukhang bigating pamilya at mga kilala ni Lolo. May mga wala pa rito ngunit sa dami, alam kong mahabang gabi ang mangyayari.

I wore my small smile and waved a bit to Auntie French. Everyone’s looking at me, ang mga usapan ay nahinto pa at ngiting ngiti ang iilan sa akin.

“You’re so beautiful, hija…” bulong ni Mommy habang patuloy ang aming lakad.

I smiled to my Mom. Nang tuluyang makapasok sa function hall ay dinagsa agad ako ng iilan kong pinsan. Rehan went to me for a hug. Sa likuran niya ay si Raffiel, nakangisi at naghihintay na humiwalay ang kuya para rin makalapit.

“God I missed you…” bulong ni Rehan at hinalikan ang gilid ng aking ulo.

Hinaplos ko ang likod ni Rehan at ngumiti. Humiwalay siya kaya si Raffiel ang sumunod. Nakita ko ang imahe ni Florisse na patungo na rin sa akin.

Hindi ko masundan ang paglapit ng lahat ngunit parang tambol na humahataw ang puso ko. I was nervous but the excitement coated while everyone’s talking to me. Tawanan at kumustahan.

“I missed you so much,” bulong ni Florisse habang mahigpit ang yakap sa akin.

Pumikit ako at dahan dahang yumakap pabalik.

“You have an explanation to do, Ma’am,” she whispered in a demanding voice.

I chuckled playfully and nodded. Humiwalay siya at ngumiti.

“Where’s your boyfriend?” si Rina na ngiting ngiti rin.

“Wala pa rin ba?” halukipkip ni Rina at nag-angat ng kilay.

Hindi agad ako nakasagot. Inakbayan ako ni Rehan sabay pitik sa noo ni Florisse.

“Don’t put her on a hot seat.”

Tiningala ko si Rehan. “Ganda ng wife…” ngisi ko.

“Come here. I’ll introduce you to her.”

Doon lamang ako nakatakas sa mga tanong nila Florisse ngunit alam kong mangungulit na naman ’yan sila mamaya.

Kahit sa babae ni Raffiel ay naipakilala rin ako. Doon lamang ako na-distract nang may nagsidatingang panibagong bisita. Apat na mamahaling kotse ang agaw atensyon at tinatanaw ng iilan.

“Must be North and South?” si Florisse sa aking tabi lalo na’t nakihalo akong muli sa kanilang table.

Bumukas ang mga iyon at naunang lumabas si North. My smile grew wider. Natanaw ko rin ang paglabas ni South sa driver’s seat na umikot agad sa front seat para pagbuksan ang kanyang asawa, walang iba kundi si Nana.

“May anak na sila, hindi ba?” si Rina na kuryoso ring nakatingin.

Hindi pa nasasagot ang tanong, nagtungo si South sa back seat at binuksan ang pinto saka siya yumuko roon at inilabas ang batang lalake na kuhang kuha ang dugo ng mga Buenaventura.

“Oh shit,” my eyes widened.

Gulat pa nang muling makita ang pagbukas ng isang kotse, naunang lumabas sa driver’s seat si Toshi suot ang seryosong mukha habang umiikot sa fromt seat at pinagbuksan ng pinto ang asawang si Irah na agaran niyang inalalayan. Her swollen belly caught my whole attention.

Ang huling kotse ang bumukas. Hiro went out on the driver’s seat while adjusting the sleeves of his shirt. North smirked and went to him. Hiro looked at him curiously.

“Oh… that’s…” sabay baling ni Florisse sa akin.

“’Yan ’yung pina-ikot ikot ka noong 18th birthday mo ’di ba? He looked so fine! Kayo?” usisa ni Rina.

Hindi ako makasagot lalo na’t agaw-atensyon ang paglapit nila. The Chen and Chua including the visitors were so eager to greet all of them. Kita ko pa si Tito Tres at Tito Uno na kapwa rin titig na titig.

Nahuli agad ni Hiro ang aking tingin. He licked his lowerlip and smiled. Ngingiti na sana nang matabunan iyon ng katawan ni North na nakalapit na sa aking harapan.

“Well hello there, miss… Long time no see,” nakaangat ang kilay ni North at malawak ang ngisi nang inilahad ang kamay sa akin.

Umirap ako ngunit nangingiting inilagay ang aking palad doon. Hinila niya ako patayo.

“Oh come here…” saka niya ako niyakap. “You made me worried,” bulong niya.

I missed his scent. I missed him. I missed everyone! Hindi ko halos matanggal ang ngiting suot at mapupuno ata sa galak ang aking puso dahil sa nangyayari.

Natanaw ko si South kaya humiwalay agad ako lalo na’t papalapit siya karga ang lalakeng anak at nakasalikop ang kabilang daliri sa asawang si Nana na ngiting ngiti sa akin.

“My God. Franca!” mabilis na bumitaw si Nana sa aking pinsan para lang mayakap agad ako.

“Look at you! Beautiful as always!” aniya nang humiwalay.

I chuckled and smiled back. Naagaw agad ang aking atensyon kay South na nasa aking harapan na rin.

“Hi!” I waved my hand to greet his son.

“Hi,” the little boy said seriously.

“Kamukhang kamukha mo, South!” ngiting ngiti kong sambit.

He smiled and crouched a bit to hug me.

“I missed you…” bulong niya na kahit ang kanyang anak ay nakiyakap din.

Hindi ko rin napirmi ang atensyon sa kanila dahil sa sumunod na lumapit. It’s Irah!

Napatingin ako sa kanyang tiyan. Irah glared at me like I did something bad to her.

“Irah…” lapit ko kahit nauna na ang pagtalon ng aking puso palabas.

Naglakad siya at noong makalapit ay yumakap agad. I felt her swollen belly on my stomach. I frozed for a second. Hindi ako halos makagalaw dahil baka kaonting mali ko lang, maaaring mababasag siya o ano.

She sighed heavily. Mas humigpit lalo ang yakap sa akin at tahimik lamang. Nakita ko kung paano tinawag ni Tito Tres si Toshi sa kanilang table. Si Hiro naman ay nahila ni North at ipinahalo sa grupo nila Rehan.

Kinalma ko ang kalabog ng aking dibdib at hinaplos ang kanyang likod. I won’t hurt her if I’ll be so gentle, right?

“I missed you so much,” bulong ni Irah na nagpababa ng aking balikat.

“I missed you too…” bulong ko.

Humiwalay si Irah at mariin akong tiningnan. Humalukipkip siya at pinasadahan ako ng tingin. Noong makontento sa nakita, kumalma rin ang ekspresyon.

“Magma-migrate kayo sa France? At flight niyo next week?” pangungumpirma niya.

Tumango ako. “Gusto ata ni Dad ng new environment. You know how much I love Europe…”

She nodded calmly. “Make sure uuwi ka pag nanganak na ako,” saka niya hinaplos ang malaking tiyan.

Tiningnan ko iyon. Humataw ang aking puso na parang tambol kaya mabilis kong inagaw ang tingin at ngumiti.

Nakihalo din ang mga girls sa amin. Si Ate Florine, ang ate ni Florisse at isa naming pinsang babae ay nasa thirties na. Ang kanyang mga anak na lalake ang isa sa naging kalaro ni Trench kasama ang iilan pang batang babae na nakikipaghabulan sa kanila.

Nilingon ko si Hiro sa grupo nila North. Nahuli niya agad ang aking tingin. Nakapamulsa siya habang inaakbayan ng aking pinsan na umiinom sa champagne glass. Sa harapan nila ay sila Rehan na seryosong nag-uusap ng kung ano.

Hindi ko alam kung paano lalapit sa kanya ngayong pinagkakaguluhan ako ng kahit sino. Nakikita ko rin siyang sinusundan ako ng tingin, tila ba nakaabang nalang kung kailan malalapitan.

“Picture!” si Ate Florine na nagyayaya sa aming mga girls kasama sina Lolo at Lola.

Nagsilapit kami. Hinawakan ni Florisse ang aking kamay, si Rina naman ay nasa gilid ni Irah at panay kausap sa kanya habang tinitingnan ang malaki nitong tiyan.

Hindi ko masundan kung ilang minuto ang kinain ng picture taking. Nahihila pa ako sa mga Chen na kinakausap panandalian, tatawagin na naman ng mga Chua, lalapit sa table nila South, hihilain ulit ng pinsan, at muling tatawagin ni Mommy para maipakilala sa kung sino sinong hindi pamilyar sa akin.

“Ito ’yung nag-iisang babae ni Dos, Israel?” the old man asked while eyeing me curiously.

“Yes. Si Franca,” si Lolo sa matanda.

Sa kanyang gilid ay ang lalakeng nakahalukipkip na kaedaran ko lang. Kapansin pansin ang dugong chinese sa kanya lalo na’t bukod sa maputi at singkit ang mga mata, napaka suplado pa tingnan.

“Oh? Is she married? Meron na ba kayong naipapares sa magandang batang ’to?” ang babaeng matanda sa tabi ni Mr. Cojuangco.

I know the history of their family and their clan. They’re one of the richest Chinese family in Davao. Napaka respetado at close si Mr. Cojuangco kay Lolo.

“Oh no… She’s single,” si Lolo sabay tingin sa akin.

Mr. Cojuangco’s son looked at me curiously. “Sa Ateneo ka nag-aral, ’di ba?” he asked.

Napatingin ako sa lalake. I nodded slowly while the oldies were looking at us like urging us to talk to each other.

“Kilala mo siya, Aldric?” his mother asked with a smile on her lips.

“She’s famous in Ateneo for being…” his brow arched and jerked his head to looked at me again.

“For being?” I arched my brow and chuckled a bit.

“I hope that’s a compliment hijo,” si Lolo na ngumisi.

“Oh that’s probably a compliment, Israel. Alam ko kung paano maging interasado ’yang anak ko sa babae,” halakhak ni Mr. Cojuangco.

Fixed marriage isn’t new in Chinese culture. Fixed marriage halos lahat ang aking Uncle at Auntie. Kahit si Florisse, ang mga pinsan kong lalake ay dumaan din sa ganoon. Kaming mga Buenaventura lamang ang hindi masyadong sinusunod ang ganoong tradisyon lalo na’t hindi rin naman kailangang ipagkasundo kami.

Nahuli ko ang pagsulyap ni Hiro sa aking kinaroroonan. He looked so serious. Noong tiningnan ko siya pabalik ay binawi rin ang tingin at seryosong nakinig sa kung anong sinasabi ng aking pinsang si North.

“Lolo… lilipat lang ako sa table nila North,” sabi ko.

My Lolo looked at North’s table. He smiled and nodded. Si Mr. Cojuangco ay sumulyap sa lalakeng anak. Tumayo si Aldric at seryosong lumebel sa aking tumatayo na rin.

“I’ll escort you,” he said.

Umiling ako at humakbang ngunit halos walang pake siyang sumabay, nakapamulsa at ayaw makinig.

Nang tumingin akong muli sa grupo nila North, kita ko ang nakayukong ulo ni Hiro, gumagalaw ang panga at seryosong tinitingnan ang sapatos.

It’s a bad idea to join them when Aldric’s tagging along with me. Ni hindi pa kami nakakarating doon ay natawag sa kabilang table ng mga Chen kasama ang iilang pamilyang chinese din.

“Oh! Cojuangco!” nangingislap ang bulong ng kung sinong babae.

“Si Franca nalang ang hindi pa kinakasal. There’s a big possibility that the Cojuangco will consider her lalo na’t malapit si Mr. Cojuangco at Israel,” si Tita Lillian.

“Bagay na couple! May lahing Chinese at pure Chinese!” isa sa mga kaibigan ng Chen na malakas ang tinig at nagmamalaki.

Everyone’s starting to acknowledge us like we’re new couples who’s planning for a grand wedding. Hindi ko matigil tigil ang matatanda kakapuna sa amin, ang mga nag-iisip na may kung ano nang importanteng namumuo sa aming dalawa dahil lamang magkasama.

“Why are you still single? You’re so famous in Ateneo. A snob girl with a Chinese blood and an elite…”

“Hindi pa handa sa ganoon,” I smiled a bit.

Tumango si Aldric. His hair made him looked so clean and gentleman. Nakaatras iyon kaya ang aliwalas ng suplado niyang mukha. Matangkad at sakto lamang ang katawan. Kahit hindi mo amuyin, kapansin pansin dahil mabango kahit malayo.

My cousins, sila Rehan, aren’t like this. They may looked like Chinese but they looked so rebellious because of their snob and badboy aura. Aldric looked snob but not really. Kung pasungitan lang… alam ko kung sino agad ang mananalo.

And speaking of that snob… nilingon ko ang grupo nila North. Hiro isn’t there anymore. Nilingon ko rin ang table nila Toshi, naroon sila Nana at Irah kasama si South ngunit wala rin si Hiro.

“I’ll schedule our dates base from my free time. I’m a bit busy but I know I can work on that,” ani Aldric na ikinatingin ko sa kanya.

“Dates?”

He nodded. “It’s obvious. Don’t you know fixed marriage? They’re trying to fix us.”

Hindi naman ganoon ang nangyari. His parents were the one who pushed it. Hindi naman talaga pinagkasunduan o ano.

“Do you like me?” I asked.

Umangat ang kanyang kilay. “I can also work on that. Besides you’re…” tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Likable.”

Muli kong iginala ang tingin para hanapin si Hiro. Where’s that man? I couldn’t find him.

“Do you like me?” tanong ni Aldric.

Tiningnan ko siya. “I like you but not romantically.”

“We can also work on that,” para bang may solusyon siya sa lahat ng sasabihin ko ngayon.

Umiling ako. “I like someone else. And I am not planning to date anyone else right now.”

Aldric looked at me coldly. Kalaunan ay tumango rin.

“Your choice.”

I nodded and stood. “Excuse me…” ngiti ko at umaalis na sa kanyang harap.

Hindi na ako lumingon pa. Nahahagip ng aking tingin ang iilan na tinatawag ako ngunit deritso na ako sa kinaroroonan ni North na nakikipag-usap kina Rehan.

“North,” tawag ko.

Lumingon ang aking pinsan. Ngumisi agad at akala mo may nakakatuwang bagay sa kanyang harapan.

“Nasa gazebo. Maninigarilyo daw ’yon. Puntahan mo at baka nalason na sa usok at sama ng loob,” halakhak niya.

I glared at him but chuckled. Sumulyap saglit sila Rehan ngunit nagpaalam din akong umalis.

Lumabas ako sa function hall. Gabi na. Tinahak ko mahabang pathway patungo sa puting gazebo sa dulo at natanaw ang likod ni Hiro na nakayuko sa barandilya habang nakatingin sa harap.

Matingkad ang kulay sa bawat gilid ng daan. Malamig ang simoy ng hangin at lumalabas ang ilaw sa function hall ngunit may parte pa rin ang madilim.

Malayo ang puting gazebo. Ilang hakbang pa ata ang gagawin bago makarating agad doon. Hiro looked distracted while smoking. Akala mo inapi ng lahat kaya nagpasyang mag-isa nalang sa malayo.

I smiled with my thoughts. Akala niya siguro papayag akong apihin siya? Hindi naman sa inapi talaga, ngunit baka ganoon ang iniisip niya?

Nasa kalagitnaan na ako nang gumalaw siya. Dumungaw siya sa kanyang likuran at nagulat nang makita ako. Dahan dahan siyang humarap at humilig, nakasandal ang bawat kamay sa likod habang hawak pa rin ang sigarilyo.

Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit malalim ang paninitig ni Hiro, nakakapaso at nakakahilo.

Ipinitik niya ang sigarilyo sa malayo at tumayo ng tuwid. Namulsa siyang naghintay sa akin habang patuloy akong naglalakad.

He looked like a groom who’s waiting patiently for his bride. Baka ganoon na ang iniisip niya? Noong makarating sa kanyang harapan ay nag-iwas agad siya ng tingin habang nagkakasalubong ang kilay.

“Why are you here?” I chuckled and looked at him curiously.

“Why are you here?” ulit niya sa aking tanong.

“Hinahanap kita. Nawala ka roon.”

Tumingin siya sa akin ngunit saglit lang at muling iniwas ang tingin. Sumandal siyang muli nang hindi inaalis ang mga kamay sa loob ng kanyang slacks na suot.

“Don’t tell me you’re jealous again?” hula ko.

“Tss…” he smirked but there’s no humor on it.

Humalukipkip ako sa kanyang harapan. Nasa malayo ang tingin niya at nakikita ko sa repleksyon ng kanyang mga mata ang mga ilaw sa likuran na kumikislap. Sa likod ay parang may mga nalalaglag na bituin sa langit dahil sa kislap ng citylights sa malayo. It’s peaceful.

“That’s Aldric Cojuangco,” I said.

Tumango siya kahit mararamdaman mo ang pagiging dismayado niya.

“Chinese. Mukhang gusto siya ng Lolo mo. Your parents will surely like him too,” namamaos ang tinig at parang pinipilit na lamang ang sarili na ganoon ang sabihin.

“Huh? I don’t like him,” medyo natawa ako.

Binasa niya ng dahan dahan ang labi. Ngumuso ako at napunta ang tingin sa butones ng kanyang dress shirt. Tatlo ang nakabukas doon. Parang sinadyang buksan dahil masyadong nasasakal sa kanyang nararamdaman kaya kulang nalang ay maghubad. Humakbang ako papalapit lalo.

“You’re single. You’re free to like him,” he urged.

I smiled sensually and fixed the third button of his shirt. Tanging mata ko lamang ang umakyat para tingnan siya habang ibinubutones ko iyon.

“Hindi pwede,” I answered playfully while he’s watching me intently.

“Why not?”

Napunta ang tingin ko sa butones ng kanyang damit. Ang sumisilip na kuwintas ay nakakaakit hawakan.

“May magseselos,” I whispered.

“Wala ’yung magagawa kung gusto mo,” namamaos pa rin ang kanyang tinig habang hindi inaalis ang tingin niyang malalim sa akin.

Umangat ang aking kilay. Nagpapaubaya ba siya? He’s willing to hurt himself just to obey my father’s rule? Because Aldric has a chance? At ang tsansa niya, isinuko niya na kapalit ang hiling niya sa aking ama?

I looked at his necklace again. Hinawakan ko ang pendant gamit ang aking daliri. Humampas ang hangin sa aming dalawa. Gumalaw ang kanyang buhok ngunit hindi natinag at natangay ang tingin ni Hiro sa akin.

“Gusto mong mapunta ako sa kanya?” I asked.

“Gusto mo ba siya?” marahan ngunit ramdam ko ang pag-iingat niyang hindi makatakas ang pait.

Umiling ako ng dahan dahan. Hiro nodded but the sadness in his eyes bothered me so much. Daplis lagi ang pagkakataong iyon ngunit hindi nakakaligtas sa mga mata ko.

“As long as you’re happy…” he whispered, like he’s willing to let go as soon as I’m happy.

“Are you happy with me?” I asked.

He looked at me gently. Tinitigan ko siya ng malalim. Pilit kinakabisado ang bawat sulok ng kanyang mukha.

“I am…” ani Hiro.

I smiled and nodded. “I am too…”

His eyes widened a bit but he masked it right away. Ngumisi ako. He looked so serious while trying to avoid my gaze.

Inilagay ko ang aking palad sa kanyang pisngi. His shoulder loosened and I felt him stiffened. His jaw clenched and looked at me weakly. Hinaplos ko ang kanyang pisngi gamit ang hinlalaking daliri.

“Did you see me interact with my relatives?” I chuckled softly.

Ngumuso siya at hindi napigilang mapangiti. Oh he’s always happy with my achievements.

“You looked so strong and I’m so proud of you,” he whispered.

Kabadong kabado ako sa totoo lang ngunit dala na rin siguro ng pangungulila sa kanila ay mas nanaig ang kagustuhan kong labanan ang kinakatakutan ko.

“Lets go back. I’ll introduce you to my relatives,” I smiled.

Hindi siya nagsalita ngunit kita ko ang gumapang na tuwa sa kanyang mukha.

Nag-angat ako ng kilay. “Ayaw mo?”

“Hindi ako Chinese…” namamaos pa rin ang kanyang tinig.

Tumawa ako. “Hindi naman talaga.”

“Your male cousins told me—”

“Sila Rehan? Inaasar ka lang nila. Pambawi siguro sa inis nila sa’yo noon sa birthday ko,” putol ko.

Medyo nagkasalubong ang kanyang kilay at nangingiting umiling. Ngumiti akong lalo.

“At akala ko ba makapal ang mukha mo? Nag-expire na? Nahihiya kana?” biro ko at tumawa.

Hiro laughed and shook his head.

“Inaraw-araw ko kaya wala nang natira,” rason niya.

So it’s my turn to boost his confidence again huh? I pulled his arm. Natangay siya sa akin at suot pa rin ang ngiti sa labi.

“Lets go,” udyok ko.

He nodded. Nailing ako at gustong matawa ngunit pinigilan na lamang. Saan saan kaya umabot ang isip niya?

Bumalik kaming dalawa. Nasa likod ko si Hiro habang pumapasok ulit kami sa function hall. Natanaw agad kami ng iilan. Kitang kita ko ang paglingon ni Daddy sa amin ganoon din si Mommy na ngiting ngiti. Humagikhik pa si Tita Aly sa kanyang tabi at si Tita Christienne na natutuwa sa panonood.

Bawat tables ata ay naging interesado kaming tingnan lalo na’t alam kong kapansin pansin lagi si Hiro. Everyone’s curious.

I saw how the Cojuangco looked at me. Kinawayan ako ni Mrs. Cojuangco para palapitin muli sa kanilang table.

“Mukhang may Cojuangco na madadagdag sa pamilya ng mga Buenaventura ah?” iilan sa mga bisita nang tingnan kami.

“Sino ’yang kasama niya?”

“Delafuente raw…”

“Hindi mukhang chinese.”

Narinig ko ang halakhak ni North sa kung saan.

“Naniningkit na ang mga mata ni Hiro sa sama ng loob. Nagmumukha nang intsik. Pasado na ’yan bilang chinese!”

I heard Hiro’s cursed behind me. Natawa rin ako ng kaonti at nilingon si Hiro. May espasyo sa aming pagitan kaya inabot ko ang kanyang braso para mas mapalapit siya sa akin.

Hiro’s face calmed down. Nakalimutan ang iritasyon sa aking pinsan at napatingin sa kamay ko. Mas ngumiti ako at pinadulas ang aking kamay sa kanyang palad. Nahulog ang kanyang tingin doon. I slowly intertwined our fingers and pulled him completely beside me to erase his insecurities and worries.

“Ipapakilala kita sa kanilang lahat,” sabi ko.

47th Ruled

Ruled

Scam

Hindi ko na mabitiwan ang kamay ni Hiro at ramdam ko kung paano niya rin iyon hinawakan, na kahit bitiwan ko ata siya ngayon ay mananatili niya iyong hawak.

Panay ang kanyang tingin sa kamay naming magkahawak. Bawat sigundo ay titingnan niya, wala namang sasabihin ngunit talagang laging mahuhulog ang mga mata niya roon.

Doon lamang malilihis ang kanyang tingin kung hihinto kami sa isang table.

Sunod naming pinuntahan ay ang table ng mga Chen. Ang aking mga Tita at Tito ay nangingilatis ang singkit na mga mata habang ang aking mga pinsan na babae ay ngiting ngiti.

“This is Hiro Delafuente Tita, Tito…” pakilala ko.

Hiro bowed down his head a bit. Everyone on the table looked at him curiously. Ang aking Tito ay tumatayo at nakikipagkamay para magpakilala rin.

“You’re Toshi’s cousin? Irah’s husband?” si Tito Ellios.

“Yes Sir.”

“Isa sa mga apo ni Rico at Dwight pala. Those two are very powerful,” isa sa kakilala namin ang nagsabi.

Some of their eyes lingered on him like he’s an art in a museum who strikes a dark and menacing aura. The mystery he’s wearing as a crown will always be an evident that he’s deep and dangerous.

Hindi kami nagtagal ni Hiro roon at muli ko siyang hinila sa kabilang table, sa mga Chua. They’re a bit friendly. Ngiting ngiti si Auntie French at si Uncle Brennan naman ay tinapik pa ang balikat ni Hiro nang tumayo siya para makipagkamay.

“Humabol kayong dalawa,” makahulugang sabi ni Auntie French sabay ngisi.

Hindi ko iyon sinagot ngunit kita ko ang pagnguso ni Hiro at parang may ibang naiisip. Nagtagal pa kami saglit sa table lalo na’t nawiwili si Uncle Brennan at topic pa nila ay business.

Sa katabing table ay ang mga Buenaventura. Kita ko ang paninitig ni Daddy sa kamay ko kay Hiro ngunit walang sinasabi at tahimik na sumisimsim sa inumin.

Kaya noong matapos at napadaan kami ay pinagbabati nalang sila ni Hiro. Tito Tres and Tito Uno nodded.

“Pupunta kayong Cebu pagkatapos nito?” Tito Uno asked.

Hiro nodded. Alam kong nakapagpaalam na ako noong nakaraang mga araw ngunit hindi ko alam na sinabi rin pala iyon ng aking parents sa kanila.

“Yes Sir,” si Hiro.

“Mag-ingat kayo,” si Tito Tres sa kalmadong tinig.

Tumango kami ni Hiro. My father didn’t talk. Panay lang simsim sa inumin at sulyap sa kamay kong nakahawak kay Hiro.

“Dad,” tawag ko at itinuro ang kabilang tables.

He nodded and looked at Hiro. “Did you drink?”

Umiling si Hiro. “No, Sir.”

Tumango si Daddy at kumalma ang ekspresyon. Humagikhik si Mommy kakatingin sa aming mga kamay.

“They’re holding hands, Dos. Bagay sila,” my mother teased.

My father just arched his brow and sipped on his drink again. Si Daddy naman parang hindi malandi noong kabataan niya? Holding hands na nga lang itong akin…

Nagpaalam ako sa kanila at hinila na siya paalis doon para ipakilala pa si Hiro sa iba pa. I saw how Nana giggled when she saw our intertwined fingers. Napadaan din kami sa kanilang table kaya kahit si Irah na kasama nila roon, titig na titig.

“I didn’t know you two are dating,” si Irah na seryoso ang tinig at halos nagtatampo.

I chuckled.

“Ngayon kayo agad pupunta sa Cebu, Hiro? O bukas?” tanong ni Toshi.

Hiro looked at me. Para bang nasa akin ang pagpapasya.

“Pagkatapos nito,” I answered.

Toshi looked at me. Nagtagal pa ang kanyang tingin ngunit tumango kalaunan.

“I’ll be there too,” si South na parang may pinapahiwatig sa bagay na ’yon.

“Me too,” si Irah na nakaangat ang kilay.

Ayokong malaman nila ang lahat lahat. Gusto ko nalang manatili sa kanilang isip na ang aking pagkawala ng ilang taon ay bunga lamang ng kagustuhan kong mapag-isa. I don’t want them to worry. Ayokong bawat galaw ko ay parang nag-aalala sila na baka mabasag ako ano mang oras.

Naglakad lakad kaming muli at napahinto naman sa table nila Rehan. North stood and chuckled while tapping Hiro’s shoulder. Hiro just smirked.

“Hindi naman palaging Chinese ang para sa mga may dugong chinese, hindi ba North?” nakangising tanong ni Rehan.

“Shut up, Rehan. That’s not what you said to him,” nakangising si North.

“I was just kidding,” si Rehan nang sumulyap kay Hiro.

“Stop messing with my man,” banta ko at ngumisi sa mga pinsang lalake.

Napa ‘ohhh’ ang mga boys at napuno ng halakhakan. Rehan raised his hands defeatedly. Si Raffiel naman ay umiling agad at humalakhak.

“Dream come true ba, Hiro?” pahabol pang tanong ni North nang muli kaming umalis sa table na iyon.

Humalakhak lamang si Hiro nang lingunin ang aking pinsan. Pinisil niya ang kamay kong hawak at kinagat ang labing nakangisi habang patuloy ko siyang ginigiya sa iba pang tables.

Ang mga wife nila ang sumunod na pinuntahan namin.

“I heard about the Delafuentes when I was in Manila for a vacation,” ang wife ni Rehan. “May pinsan din kasi ako na kilala si Ryler?”

Oh it’s Wayt again. Baka naman isa sa naging girlfriend nito noon. Kulang nalang talaga ubusin ng mga babaerong Delafuente ang babae sa buong syudad. Kahit dito sa Davao ay makikilala sila dahil lang din sa babae.

“He’s my cousin…” sabi lamang ni Hiro at hindi rin kami nagtagal doon.

Ang huling table na pinuntahan namin ay kay Lolo at Lola. The Cojuangco’s looked at our intertwined fingers. Sumimsim si Mrs. Cojuangco sa kanyang inumin at para bang may mali siyang nakikita sa pagkakahawak kamay namin.

“This is Hiro…” pakilala ko.

Aldric stood and gave his hand to Hiro. Hiro looked at his hand first before shaking it.

“This man is very good at project planning, Mr. Cojuangco. Sa kanya galing ’yung proposal ko na project sa’yo at in-aprubahan mo,” Lolo said.

Kita ko ang interes sa mukha ni Mr. Cojuangco.

“Really? That proposal earned so many international clients,” namamanghang si Mr. Cojuangco at tiningnan ng maigi si Hiro.

“Do you have your own business?” tanong ni Mr. Cojuangco.

“Still planning, Sir,” Hiro answered formally.

Kita ko ang dumulas na tingin ni Lola sa aming mga kamay. Palihim siyang ngumiti at kinalabit si Lolo. Itinuro niya ang kamay namin at ngumiti.

Lolo smirked and whispered something to my Lola. Humagikhik si Lola habang si Hiro ay seryosong kinakausap ni Mr. Cojuangco.

“I’ll invest on you,” si Mr. Cojuangco na ibinigay ang calling card kay Hiro.

Tinanggap iyon ni Hiro at ngumiti. “Thanks, Sir.”

Lolo smiled proudly. Si Mrs. Cojuangco naman ay pasimpleng nililingon si Aldric at parang may binibigay na mensahe sa paninitig na hindi masyadong pinagtuunan ng pansin ng kanyang anak.

“They’re one of the richest Chinese clan in Davao,” bulong ko kay Hiro nang nagpaalam din kaming umalis doon.

“I know. I heard about their names in Manila. My great grandfather has an eye for them too.”

“Talaga? Eh anong nangyari?”

“Strikto at mailap daw. Hindi basta bastang nakikipagnegotiate,” bulong pabalik ni Hiro habang naglalakad kami sa kalagitnaan, pinagtitinginan ng lahat.

Kaya ba ganoon siya ka dismayado tingnan kanina noong pinuntahan ko sa gazebo? Dahil alam niyang nabibilang si Aldric sa pamilyang hindi basta basta? At Chinese pa?

I chuckled with my thoughts. Kunot-noo akong tiningnan ni Hiro sa kalagitnaan ng pagbubulungan namin.

“Tapos nakuha mo agad si Mr. Cojuangco sa isang gabi? Oh… you’re so…” I whispered in a very sexy voice.

Hiro flashed his smile and crouched to whisper back. “Stop that…” he said in a hoarse voice and laughed a little.

I let him enjoyed the night. Naghiwalay din kami at pinahalo ko sa mga boys lalo na’t panay lingon si Florisse sa akin at kulang nalang hilain na ako palayo kay Hiro para kami naman.

“Aalis kayo next week at magma-migrate na sa France? What the hell? Our bond…” she looked so disappointed while we’re eating on our table.

“Marami tayong bond don’t worry. Babawi ako,” I smiled.

Kumurap siya at napatingin sa aking ngiti. Nabitiwan niya pa ang hawak na kubyertos.

“That smile… I missed that smile. You’re wearing your old smile.”

“Coz I have so many reasons to wear it again, Florisse.”

Her eyes widened but chuckled right away.

Sumulyap ako sa table nila Hiro at ngumingisi na rin si Hiro sa tabi ni North na kinakausap siya. Oh he’s having fun. His eyes moved effortlessly to captured my eyes without glancing his head. His smirk turned into a warm smile. I mirrored it again.

Mga bandang 9PM noong magpaalam kami sa lahat na aalis na. Irah and Toshi, South and Nana is planning to come with us. North will not be there.

“Pinagtataguan ka ba kaya hindi mo rito naisama?” natatawa kong tanong nang mapagtantong mag-isa lamang siya ngayong gabi.

North chuckled. “Dapat kay Hiro ko ’yan ipang-asar.”

Whatever it is, I know he’s gonna be fine. He’s North afterall. Kung kaya ko, alam kong kaya niya rin. I trust him.

“Tell her I want to bond with her soon…”

North nodded and chuckled meaningfully. Sa akin niya pa ba itatago ’yan eh alam ko naman kung sino.

Lumapit akong muli sa huling pagkakataon kay Lolo at Lola para humalik sa kanilang pisngi at magpaalam. Ganoon din ang ginawa ko kay Mommy at Daddy.

“Give us a call, sweetheart…” ani Mommy na nangingislap ang mga mata sa akin.

“I will Mom…”

Tiningnan ko sila Tita at Tito na tumango sa akin at may mga habilin. Sumulyap ako sa kinaroroonan ni Hiro na karga karga na si Trench na binubulong bulungan niya.

Karga niya si Trench nang lumapit ako, napagod na ito kakalaro at mukhang inaantok habang niyayakap ang kanyang balikat at nakasandal ang ulo paharap kay Hiro na kinakausap siya.

He looked like a father and it suits him well. He will be a good father for sure. Ramdam ko iyon.

Hinaplos ko ang likod ni Trench nang makalapit. Pumwesto ako sa harapan ni Hiro at dinungaw ang munting mukha ng bata.

“He’s sleepy?” I asked softly.

Hiro nodded while looking at me.

Trench rubbed his eye using his other hand. Pumikit pikit siya at muling ibinalik ang kamay sa batok ni Hiro para doon humawak.

“Bagay,” I smirked at him.

He arched his brow and smirked back.

“Mama…” Trench whispered and unconsciously reach for me.

Kumurap ako. Umabante si Hiro at hinayaan si Trench na maabot ako. Pikit-mata niya akong inaabot.

I held his small fingers. Hinawakan niya ang aking daliri at doon kumapit. Titig na titig ako sa kanyang kamay habang si Hiro ay nasa akin ang mga mata.

“He likes you,” he whispered.

Napaangat ang aking tingin kay Hiro. Parang may bumabara sa aking lalamunan at kung magsasalita ako, mababasag ang aking boses. I am a mother. May ganito rin akong anak noon. His touch reminded me with Illisha.

Matapang kong nilabanan ang mga luha ngunit hindi ako makagalaw para lang hayaan si Trench na hawakan ako.

Sinilip ko ang mukha ni Trench at nakitang mahimbing nang nakatulog sa balikat ni Hiro. I tiptoed and kissed his head.

Noong lumayo, ngumuso na si Hiro. Umangat tuloy ang aking kilay dahil pakiramdam ko, siya itong nahalikan para maging ganoon.

Tahimik lamang kaming dalawa at natatakot mag-usap dahil baka madisturbo si Trench. But we’d always looked at each other like we’re talking through our eyes.

Lumapit si South nang mapansin ang anak na nakatulog. Kinuha niya ito kay Hiro.

“Ganitong oras siya nakakatulog talaga,” ani South habang sumisiksik na si Trench sa leeg ng ama at kumapit ulit sa batok.

Sumulyap si South sa akin. I smiled. I am so happy for him. Isa ako sa nakita ang lungkot niya noong wala si Nana sa kanyang tabi. Ngayon ay ramdam ko kung gaano siya ka saya sa pamilyang binuo kasama ang tanging babaeng mahal niya.

Mga 11PM na ata noong dumating kami sa Cebu. Humihikab na ako at medyo antok na. Sa Shangri-La Mactan kami nagcheck-in lahat at bukas nalang pupunta sa bahay nila Zera. Ayaw na rin makadisturbo dahil baka tulog na raw ang buntis.

Isang room kaming mga girls. Ang mga boys naman ay kumuha rin ng kanilang room. Pagkapasok, reaksyon agad ni Nana ang nangibabaw sa loob.

“Hindi ko talaga alam na may something pala sa inyo ni Hiro! I was so shock,” aniya.

Wala naman talagang something sa amin noon ni Hiro kaya paano kami paghihinalaan. Ngayon lang naman kami ganito.

“Hiro is our most mysterious cousin. We don’t know too much about him. He’s secretive. He doesn’t share his secrets unlike Ken and the other boys who’s always vocal. Si Hiro…” halos mailing si Nana habang tinitingnan akong hubarin ang jewelries sa aking katawan.

“Hindi pa naman kami,” I said but Nana’s too occupied to consider my answer and jerked her head to looked at Irah.

“Ikaw Irah… alam mo ba?” pangungulit niya sa buntis na inaayos na ang sariling higaan.

Malaki naman ang kuwarto kaya kasyang kasya kaming tatlo. Irah wants to be with me. Kaya noong malaman ni Nana na sa isang room kaming dalawa ay nakihalo rin.

“Hindi rin. Nagulat din ako,” ani Irah sabay angat ng kilay sa akin.

Nana giggled. “I can’t wait for everyone’s reaction! Kuryoso ang lahat kung sino ang babae ni Hiro dahil wala silang ideya. Ang galing magtago!”

Maliksi agad ang kanyang kilos kaya sinundan ko lang siya ng tingin, hindi makapagsalita dahil may dinagdag agad siya.

“Wait. I brought your dress pala. Sayang at hindi ka nakasali sa Bridal shower ni Zera,” si Nana na may kinukuha nang paper bag sa gilid.

Nagbeep ang aking cellphone. Tiningnan ko ang screen at bumalandra ang text ni Hiro.

Hiro:

Good night. Bond with them :)

I smiled and typed my message for him too.

Ako:

Good night. I will :)

Pinasukat ni Nana sa akin ang dress. It’s red like the color of wine. Silk ang damit at fit sa balakang ngunit flowy na hanggang ibaba. Noong isinukat ko ay hubog na hubog ang aking katawan. The sweetheart neckline of the dress exposed my tattoo.

Tumalikod ako ng kaonti para tingnan ang pwetan. My butt protruded.

Kumatok si Nana kaya nagpasya akong buksan ang pinto. Her eyes slowly widened and her lips parted.

“Bagay na bagay sa’yo ang kulay pula…”

I smiled a little and brushed my bangs backwards. Yumuko ako para tingnan din ang dress na ikinasabay ng munting bangs ko pabalik sa bawat gilid.

“Ang ganda ng gawa mo…” puri ko.

Nana giggled. “Thanks! Oh wait. I’ll take a photo…” nagmamadali siyang nagtungo sa kama at kinuha ang bag niya.

Lumabas ako ng tuluyan. Irah’s sleepy eyes looked at me. Nakahiga na siya at sumilip nalang para tingnan ako.

“Bagay sa’yo lagi ang pula,” ani Irah.

I smiled. “Thanks…”

Her eyes slowly went back to sleep. Sumulyap si Nana sa kanya ngunit natawa.

“Antukin talaga siya simula noong nabuntis,” aniya nang lumapit sa akin dala ang kanyang cellphone.

I feel like everyone’s a stranger. Ang dami kong napalampas sa mga taong nagdaan. Pamilyar ang mga mukha ngunit blangko ang aking isip sa nangyayari.

“Pwesto ka dito…” turo ni Nana sa may mahabang kurtina.

Nagtungo ako roon at pumwesto. Her eyes twinkled.

“Kaya naman pala crush na crush ka ng mga pinsan kong lalake noon. Lagi kang topic,” ani Nana na ikinakunot ng noo ko.

She started taking pictures of me. Nagpatuloy naman siya sa pagsasalita.

“Noong first year tayo lagi kong naririnig ang pangalan mo sa kanila. Alam mo naman nakadikit ako lagi kay Wayt. Ikaw madalas ang laman ng mga kwento nila.”

Medyo gulat pa ako sa sinasabi niya ngunit ang unang hinala ko ay si Ken at si… Blue?

“Your eyes resembled North’s eyes! Ang fierce ng mga mata ni Irah noon pa man lalo na’t lagi siyang seryoso. Hindi ko napapansin dahil palangiti ka noon. Noong makita kita one time gulat na gulat ako. You’re so serious and you looked so intimidating. Buti nalang ang friendly mo noon dahil baka hindi rin tayo naging close. Matatakot ako sa’yo,” halakhak niya at abala pa sa kakatingin sa kanyang mga kuha.

“Nana,” tawag ko kaya napaangat siya ng tingin, medyo distracted pa sa kakatingin sa pictures.

“I just want to apologize for… taking advantage of your innocence.”

Kumunot ang kanyang noo. “We’re friends back then, Franca. Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin para doon.”

“Pero marami akong pinagtuturo sa’yo at may mga bagay rin akong nagawa sa likod mo na hindi mo alam. I want to apologize for my past behavior.”

“Oh ’yun bang kiss?” she chuckled meaningfully. “That’s the only cute memories I have with you. Hindi naman offending.”

Kumalma ang aking nararamdaman. Napangiti ako at tumango.

“Don’t feel bad about it! We’re so young back then. It’s part of our teenage days.”

“Mali pa rin dahil isa ka sa mga ginamit ko noon para maghiganti sa mga taong sinaktan ako.”

“Si Tina?” parang may ideya siya.

I nodded.

“She’s mean to me purposely. Binabalewala ko lang noon pero mataray talaga siya.”

“You’re so kind for letting it slipped,” I said.

“You’re also kind, Franca. Siguro sa mga taong deserving lang. But you’re nice.”

I smiled but I couldn’t agree. I did so many things from the past. Hindi bagay sa akin ang ganoong salita dahil alam ko masahol akong magalit. Hindi ako kagaya ng iba na magpapaubaya at palalampasin ng kasalanan ng iba sa akin.

Tumawa si Nana. “Nakwento nga ni South sa akin na mapang-asar ka raw pag komportable ka sa isang tao katulad ni North. I understand you, Franca. I love your past self.”

Parang may tinik na nahugot sa puso ko. I can do this. Konti pa.

My heart feels lighter for the rest of the night. Suot ko ang ngiti na iyon kahit noong breakfast. Medyo naging ganado akong makipag-usap kay Nana. Nahahawa ako sa mood niya dahil ang gaan gaan niya kausap.

Plano naming pumunta sa bahay nila Zera mamaya. Problemado pa ako dahil wala pala akong dalang damit o kahit ano at gustong gusto kong maligo.

Wala na si Irah at Nana. Lumabas para puntahan ang kani-kanilang asawa at doon maghihintay lalo na’t sabi ko ay maliligo pa ako.

Nagtipa ako ng panibagong mensahe kay Hiro na kanina ko pa ka-text.

Ako:

I forgot to bring my perfume.

I am so frustrated. Pwede naman siguro akong dumaan ngayon sa malapit na Mall? Ilang sandali lang ay nabasa agad ni Hiro ang text ko.

Hiro:

What’s your perfume?

Ako:

It’s Maison Francis Kurkdjian. ’Yung gentle fluidity.

I discovered that perfume in Paris, France. Doon din kasi nagmula ang perfume na ’yon. Mabango siya kaya gustong gusto ko.

Hiro:

How about your other things? Tell me. I’ll buy it too.

I don’t have underwears too! Ako sana ang nagpaplanong bilhin iyon kagabi kaso hindi ko na nabanggit dahil pagod na rin ang lahat. Now I’m a bit bothered coz I didn’t bring anything.

Hindi agad ako nakapagtipa. Nakita ko ang typing ni Hiro.

Hiro:

You didn’t bring any aside from your bag.

He noticed it, too? God. He’s so…

Ako:

Meron naman silang toiletries dito.

Hiro:

Your skin is sensitive. Don’t use it. Tell me the names of your toiletries and I’ll buy it too.

Ngumuso ako. Ako na lamang ang hindi nakakaligo. Hindi ko rin ugaling manghiram ng mga ganoon na personal na masyado. My skin is sensitive.

Ako:

I think some of those products aren’t available on the market. Sa ibang bansa galing ang iba.

Hiro:

I’ll try. Maybe they have it.

Nag-isip isip pa ako. He sent a photo. Nagulat ako nang mapagtantong nasa Mall na siya. That fast? I mean siguro ilang minuto lang ang Malls dito ngunit hindi ako makapaniwalang umalis agad siya.

I told him everything. Sarili kong gamit na sabon, shampoo, salt scrub, body wash, sunscreen, lotion, at klase ng damit na gusto kong suotin ngayon. May ilan siyang mga nabili, merong iba na hindi nga available dahil out of stock na or wala rito kaya cetaphil ang ginagawa kong alternative lalo na’t iyon lang din ang friendly sa balat ko na pwede ko agad takbuhan kung sakali.

Hiro:

Anything else?

Kinagat ko ang aking labi. Undies! Ngunit… nakakahiya. Iniisip ko pa lang na siya ang mamimili parang aapuyin na ng lagnat ang mukha ko.

Ako:

Underwears

Pumikit ako at gustong itapon sa bintana ang aking cellphone. Tumunog iyon at noong dumilat ay nagreact pa siya ng heart. Uminit lalo ang aking pisngi. Alam ko naman na panay react siya sa sasabihin ko kaso weird lang dahil undies ko ’yon.

Hiro:

What brand?

Shit. Kailangan ba detailed? Kinagat ko ang aking labi at pinagdikit ang aking mga hita.

Ako:

Anything!

Pulang pula ang aking pisngi. Hindi pa nakatulong noong magsend siya ulit ng picture, may hawak na panty set at ipinakita sa akin. And it’s an expensive brand.

Hiro:

Is this okay?

Ako:

Yup!

Medyo nakakahinga na ako kaso ang sumunod niyang s-in-end na picture ay muling naggupit ng aking paghinga. Mga bra!

Hiro:

Your size?

Mariin akong pumikit. God. Kung alam ko lang na may ganito sana umuwi nalang muna ako bago bumyahe.

Malakas na ang pagkakakagat ko sa aking labi at gustong maki-cooperate nalang lalo na’t talagang seryoso siya sa pagtatanong.

Ako:

32C

Napahiga ako sa kama. Ilang minuto ata akong tulala at hinayaan na si Hiro. Ngayon alam niya na ang sizes ko. From my bra to my panty!

Palakad lakad ako sa kuwarto hanggang may nagdoorbell. Tumikhim ako at kinalma ang sarili saka binuksan ang pinto.

Kita ko agad ang sandamakmak na paperbag na hawak niya. Nilakihan ko ang pinto at pinatuloy ito. Kalmado ang aking reaksyon ngunit hindi makatingin sa kanya.

“Nasa baba sila. Hinihintay tayo. Sabi ko maliligo ka pa. Baka mauna sila papunta roon,” ani Hiro habang inilalapag ang paper bag sa sofa.

Tumango ako at isa isang dinungaw ang kanyang dala. Namaywang siya at tahimik akong pinanood.

Chi-in-eck ko ang bawat isa at inilabas para makaligo na.

“Nagcheck-out kana sa room mo?” I asked.

He nodded.

Binasa ko ang labi at itinuro ang sofa.

“Dito ka nalang maghintay. Maliligo lang ako ng mabilis.”

He nodded again. Hindi ko na siya matingnan pa lalo na’t naiisip ko na naman ang mga pinabili ko sa kanya. Dinala ko iyon kasama ko sa loob ng banyo at naligo na.

Isang oras ang itinagal ko. Iyon na rin ang pinaka mabilis na kilos ko. He also bought a dress for me. It’s white. May prize pa at sa H&M niya binili.

Nagpahid ako ng lotion, nagperfume, naglagay ng sunscreen sa mukha saka rin nagbihis. Lumabas lamang ako noong pinupunasan ko na ng tuwalya ang aking basang buhok suot ang kanyang biniling dress para sa akin.

His head slowly glanced at me. Kita ko ang paninitig niya habang nakaupo sa sofa, sa kamay ay nilalaro ang hawak niyang cellphone na pinapaikot ikot niya.

Pumasok ako sa kuwarto kung nasaan ang bag ko. Kumuha ako ng suklay at dinala iyon sa labas.

Nanatili si Hiro sa sofa, inaabala ang sarili sa cellphone at tahimik lang, halos hindi tumatayo habang ako itong panay lakad para magsuklay, tumingin sa salamin, magsuot ng heels at kung ano ano pa.

“I’m done,” sabi ko habang amoy na amoy ang halimuyak ng aking pangligo at pabangong humahalo.

He nodded and stood. Hinila niya ang suot na tshirt pababa para ayusin iyon.

“Wala kanang nakakalimutan?” namamaos niyang tanong.

“No wait…” naglakad ako pabalik sa banyo para kunin ang mga paperbags. Pinagbabalik ko sa loob ang mga ginamit ko saka iyon dinala palabas.

Sumalubong si Hiro. Kinuha niya iyon sa aking kamay. Pinasadahan ko ng tingin ang loob ng kuwarto at nang masiguradong wala nang naiwan ay saka lamang kami lumabas.

Sa front seat na ako nagmake-up. Kabado ako sa totoo lang. Parang lalabas lagi ang aking puso sa tuwing naiisip na nandoon silang lahat, lalo na si Marione.

“Nandoon silang lahat. Including Keyla,” ani Hiro.

Abala ako sa pagpapahid ng matt lipstick sa aking labi nang sabihin niya iyon. Kabado ako sa totoo lang. Parang lalabas lagi ang aking puso sa tuwing naiisip na nandoon silang lahat, lalo na si Marione.

“My other friends like…”

“I’m not sure. Wala siya noong nakaraang araw. I’ll ask my cousin later.”

Tumango ako habang ibinabalik sa aking bag ang make-up na mga inilabas. Inilagay ko iyon sa paanan at muling nagsalita.

“How about… Naia?” sabay tingin ko sa harapan ng kalsada.

Hindi ganoon ka traffic. Mabagal lamang ang pagmamaneho ni Hiro. Matingkad din ang sikat ng araw lalo na’t Summer.

“She’s always busy. Do you want to see her too?”

Tumango ako at pinisil ang aking mga daliring namamahinga na sa aking kandungan.

“I want to…”

“I’ll text her,” paalam ni Hiro at dinukot agad palabas ang kanyang cellphone.

Napatingin ako sa kanyang ginagawa. Oh his first crush…

“You still have your first love’s number huh…” ngisi ko.

“Hindi naman kami gano’n ka close,” paliwanag niya, na parang may laman ang tanong ko. “And she’s not my first love. I didn’t love her.”

Tumango ako at itinuon ang tingin sa labas ng bintana.

“You’re the only woman I’ve ever loved…”

Uminit ang aking pisngi ngunit pinanindigang umugat ang tingin sa labas ng bintana.

“You can… read our convo if you feel like I’m not telling the truth. Hindi ko naman siya masyadong tini-text noon.”

“Hindi naman ako nagseselos,” pag-amin ko.

“Hindi rin kailangan. Ikaw lang ang minahal ko. Noon at hanggang ngayon.”

May humampas na alon sa aking tiyan at parang binubundol ako ng mga nagwawalang paru-paro. Kinagat ko ang aking labi, nagpigil lamang na mapangiti.

Besides, I got a lot of crush too before him. Nandiyan si Latch… si Roche… ang pinsan niya… hindi pa kasali ang mga lalakeng friends ko. Kaya walang kaso sa akin kung may ex ba siya, may kaibigang babae o ano pa man. Malaya siyang magkaroon ng mga kaibigang babae. Si Naia man o kahit sino.

“Kay Elle nalang ako magpapasuyo. Besides this is her old number. She probably changed it for the past years…”

Kumunot ang aking noo kung para saan ang paliwanag niya ngunit tumango pa rin ako, ipinatili nalang ang tingin sa labas ng bintana.

Hindi na ako umimik pa at iniisip ang kaba ko kanina na naputol. Pumasok kami sa isang private Subdivision. Nabasa ko pa sa harapan ang Maria Luisa Estate Park. Dito siguro nakatira si Zera? Sa Cebu rin kasi ang venue ng kanilang kasal at hindi sa Manila.

May kausap sa cellphone si Hiro habang nagpapark na. Rinig na rinig ko ang lumalabas na boses ni Zera sa speaker.

“Bring her here! Sinosolo mo talaga, Kuya! Nagpaiwan daw kayo sa Hotel! Mamaya na ’yan. Pumunta na kayo rito!”

“Nandito na kami,” seryosong sabi ni Hiro habang ang isang kamay ay iniikot ang manibela at tumitingin sa salamin.

“Anong ginawa niyo sa Hotel huh?”

“You’re so loud, Damonisse. Bye,” ibinaba niya ang tawag at pinatay agad habang naiiling.

Hindi ko na halos maramdaman ang aking sarili. Pinagbuksan niya ako sa front seat. Mas lalo lang atang lumabas ang kalabog ng aking dibdib noong papasok na kami.

Inilahad ni Hiro sa akin ang kanyang kamay. Hinawakan ko iyon at nagpatianod na sa paglalakad niya.

Nakatago ako sa kanyang likuran at nakikita ang tattoo niya sa batok. Ni wala na akong oras para igala ang tingin sa kabuuan lalo na’t deri-deritso na ang pasok namin.

“Kuya!” ang boses ni Zera ang pumaibabaw.

Sunod sunod ang singhap na pumaibabaw. Humalo rin ang boses ng mga boys. Nakatingin lamang ako sa kamay namin ni Hiro at mas lalo kong nahihigpitan ang pagkakahawak sa kanya.

“What the…” it’s his cousin’s voice. Si Blue.

“I’m with Torrefranca,” ani Hiro saka ako dahan dahang inilagay sa kanyang tabi.

Umahon ang aking tingin at nakita silang lahat. Sa sobrang dami sa malaking sala, ang mga boys na nasa labas at nakabukas na sliding door na nakatingin sa amin, hindi ko na halos alam kung sino ang titingnan.

“Hi…” I smiled a little.

“Franca!” sigaw ni Keyla at natatarantang tumayo.

My eyes widened when I really saw her. Malalaki ang hakbang niya hanggang sa nakarating sa aking harapan at mabilis akong niyakap.

“Oh my gosh!” she screamed while laughing.

Tumawa ako habang isa-isang natanaw ang mga babaeng lumapit. Ang mga boys ang lumapit kay Hiro at isa isa pang humiyaw.

“Akala ko talaga scam itong si Kuya. Kamuntik ko nang isipin na assuming lang siya,” si Zera nang lumapit din sa akin.

48Th Ruled

Ruled

Aggressive

Everyone’s so shocked to see me including the boys. Ramdam ko kung paano inulan ng tanong at asar si Hiro na para bang isang malaking pasabog ang pagdala niya sa akin sa araw na ’to.

Sunod sunod ang batian at kwentuhan. I noticed Marione isn’t around. Alam ko na nandito sila lahat ngunit hindi ko siya mahanap.

Sumulyap ako kay Hiro na pinalilibutan pa rin ng mga boys. Humahalakhak si Blue habang nakaakbay sa kanya at may topic sila na ikinatuwa ng lahat dahil ngumingisi habang si Hiro ay suot din ang kanyang ngiti. Ken isn’t around too.

“Paano ’yon nangyari? Hindi ko maalala na pumuporma si Kuya Hiro noon sa kahit sino!” si Elle na isa ring gulat na gulat.

Oh right… I remember how I taught her about boyfriends! I hope she didn’t take my joke seriously. Sila ang paborito kong asarin ni Nana dahil ang inosente.

Inaasar ko naman talaga lahat ng mga babae. Kahit si Cassey… ngunit sa mga Fortalejo talagang mas kay Naia ako nag-eenjoy mang-asar. I always want to fuel her thoughts that I am evil. I am evil when I’m triggered. Hindi ko naman itinatanggi ang bagay na ’yon noon.

Kaya siguro isa rin siya sa gusto kong makita. Lalo na’t ang huli naming pag-uusap ay medyo hindi maganda.

“Wala rin akong idea sa babae ni Kuya. Sabi lang ni Mommy, hindi daw siya crush ng crush niya,” si Zera sabay ngisi sa akin.

“To think na nandoon din si Hiro noong party na ’yon but you two aren’t suspicious!” si Keyla na isa ring gulat.

I guess all of them aren’t aware what really happened to us from the past. Some of the girls are clueless. Si Zera, Elle at Nana ay parang wala ring ideya na isa ako sa naging parte ng gulong iyon. O ako mismo ang pasimuno kaya nagkaganoon.

“Hindi kami noon,” paliwanag ko kay Keyla lalo na’t titig na titig ang lahat sa akin habang nandito kami sa sofa, si Zera na kapansin pansin din ang malaking tiyan at sa tabi ay si Irah na ganoon din.

Nakaupo na kami sa malalaking sofa sa living room. Ang iilang girls ay nakatayo, ang ilan ay nasa tabi ko, ngunit lahat ay desididong makinig sa bawat sasabihin ko.

“May nililigawan daw si Kuya sa Davao. Is it you?” deritsong tanong ni Zera.

Ligaw? Nanliligaw si Hiro sa akin sa Davao? Sa dami ng pinaggagawa niya hindi ko na alam kung ano ang ipapangalan noon. He became my bodyguard, delivery guy, driver, all-around siya kaya kahit ang pagiging manliligaw ay hindi na siguro kataka taka.

“Nagholding hands sila sa Anniversary ng grandparents namin,” si Irah na tiningnan si Zera.

“Really? You didn’t send pictures,” iritang tiningnan ni Zera si Irah.

“Paano ako makakapagsend eh gulat din ako buong gabi?” nakaangat ang kilay ni Irah at irita rin ang tinig.

“Gulat tayong lahat…” halakhak ni Nana sa dalawang buntis na mainit agad ang ulo.

Muling bumaling si Zera sa akin.

“O baka inaako ka lang na babae ni Kuya tapos hindi pala? Kuya ang feeling talaga!” malakas na sigaw ni Zera kaya nagtawanan ang mga girls.

“Sweet sila noong nasa Davao kami, Zera. Pinakilala ni Franca sa mga relatives nila na Chinese si Hiro,” kuwento ni Nana.

“Ang init ng ulo ni Kuya noong third year siya. Mas strict pa kay Mommy at Daddy. Ako ang napagbubuntunan. Panay sundo. Sagabal sa secret date namin ni Isaiah! Kaya naman pala… basted!” sigaw ni Zera sa kapatid niyang kasama ang mga lalake, sumulyap dito at sinamaan ng tingin ang kapatid.

Tawang tawa ang mga babae at kahit ako, hindi rin maiwasang mahawa. Kumalma ang ekspresyon ni Hiro at nakangiting binawi ang tingin dito para muling bumaling sa mga boys.

“Oh tapos? Nanligaw ulit? Lagi siyang nasa Davao. Sobrang busy… Sinagot mo na this time?” atat na tanong ni Zera nang ibalik ulit ang tingin sa akin.

“Hindi pa kami,” habol ko para naman hindi masyadong asarin si Hiro.

Nalaglag ang panga nila. Zera laughed hysterically. Halos mapasandal siya sa balikat ni Irah na napangisi rin sa akin. Kung si Irah medyo naging clingy dahil lang buntis, si Zera minu-minuto atang tatawa.

“Sagutin mo na,” si Elle na ngiting ngiti.

“Kuya ang bagal talaga!” sigaw ulit ni Zera kaya muling tinginan ang boys sa amin.

Sunod sunod ang kanilang mga sinasabi sa amin ni Hiro. Lulunok pa lang ako ng laway may panibago na namang tanong. Magsasalita pa lamang ako ay uulanan ulit ako ng panibagong tanong. Sa huli, sila sila lang din ang nag-aassume ng kung ano ano sa sobrang excited nila.

Noong humupa ang kumustahan ay ipinakilala agad ako ni Hiro sa babaeng hindi pamilyar sa akin. Kakarating lang din at mukhang lumabas. She looked at my tattoo and smirked.

“Finally. Hiro’s girl…” she chuckled.

“This is Torrefranca. And this is Brandy,” pagpapakilala ni Hiro sa amin sa isa’t isa.

I smiled. Kita ko ang pagbaba ng kanyang tingin sa aking dibdib. She tilted her head and looked at my tattoo.

“You’re seductively stunning. No wonder Hiro’s so…” aniya sa matigas na accent sabay angat ng kilay kay Hiro.

She’s very pretty. Naaalala ko sa kanya ang kaibigan ko. They share the same vibe. Sensual and dangerous. Ngunit ang isang ’yon, maangas. Parehas silang senswal ang ngisi. Parehas din na mapaglaro ang malalim na paninitig.

“What’s your tattoo all about?” kuryoso niyang lapit at hinaplos ang balat ko kung nasaan ang tattoo.

“Uh…” halos ma-distract ako dahil ang ganda niya.

Umahon ang kanyang tingin, nakaangat ang kilay at ngumingisi habang nginunguya ang bubble gum.

“Hmm?”

Damn… She’s like Hiro’s girl version.

“Diyan ko nalang din ipapalagay ang tattoo ko. I’m planning to have one…” aniya habang ang hinlalaking daliri na ang humahaplos sa tattoo ko.

Yumuko ako para tingnan iyon. Pakiramdam ko tuloy nandito ang kaibigan ko. They resembled so much. Mapang-akit na hindi mo maipaliwanag.

I nodded and smiled. She chuckled and looked at me intently.

“Oh dear… I love your sexy smile.”

Magkakasundo talaga sila noong kaibigan ko. Brandy will like her for sure.

“Where’s Ken and Marione?” rinig kong tanong ni Hiro nang maglakad siya sa counter kung nasaan si Zera.

“Lumabas sila saglit. May bibilhin daw,” aniya at may isinubo sa kanyang bibig habang hawak ang isang bowl. “Bakit?”

Umiling si Hiro at humilig doon sabay tingin sa akin.

Lumabas… Which means maya maya ay nandito silang muli. I should calm myself down.

Lumapit muli si Keyla at kami naman ang nagkwentuhan. Nagmemeryenda ang lahat habang kuryoso pa rin sa bawat pagsasalita ko dahil ako pa rin ang nagiging laman ng topic.

“Nandito na si Ken at Marione, Kuya,” ani Zera.

Ang nakapamulsang si Hiro habang nakasandal sa balkonahe kasama ang iba pang lalake ay napatayo ng tuwid. Nag-umpisang kumalabog ulit ang aking dibdib.

“Sa taas tayo,” ani Hiro nang lumapit sa akin.

Hawak ko ang basong may lamang orange juice na sinisimsim ko. Ibinaba ko iyon at lumingon sa mga babaeng napapatingin sa amin.

“Saglit lang. Hihiramin ko muna,” ani Hiro nang sumulyap sa mga babae.

They all looked curious but everyone nodded.

“Kiss? Dito na, Hiro. We’ll watch,” ngisi ni Brandy na nakahalukipkip sa gilid.

Umangat ang kilay ni Hiro ngunit walang sinabi. Iginiya niya ako sa pinakatuktok ng bahay. At habang pumupunta roon, unti-unting nagsisink-in sa aking kung gaano ka laki ang bahay nila.

Hindi ko nabilang ang floor ng bahay ngunit sa pool area kami nanatili. Bumungad ang tatlong malalaking sofa sa veranda na nakaharap sa infinity pool. Tanaw mo rin ang overlooking na syudad at talagang puro puno ang matatanaw mo, kung may mga bahay man ay hindi ganoon ka rami at malalayo rin.

Naglakad ako sa hanging egg para doon magpalipas ng kaba. Umupo ako at mabilis na inalalayan ni Hiro, ang isang kamay ay hawak ang itaas ng hanging egg, ang isa naman ay mismong katawan ng upuan ang pilit niyang binabalanse.

Inayos ko ang buhok at sinuklay paatras ang aking bangs na mabilis bumalik sa bawat gilid.

“Nervous?” he asked.

Tumango ako.

“You looked calm,” ngiti ni Hiro.

“Nadadala ko lang ng maayos.”

“Kaya pang dalhin?”

I nodded. He chuckled.

“That’s my Torrefranca…” he said sexily.

I bit my lowerlip and watched him playfully. Bumalik agad ang nararamdaman kong nerbyos nang may narinig na yapak ng mga paang paakyat, ang pamilyar na mga boses na nag-uusap, parang umakyat ang mga kabang pilit kong hinila pababa sa aking talampakan at nagsiahon patungo sa aking dibdib, paakyat sa aking lalamunan.

I saw how Marione and Ken entered with a bouquet of pink tulips on Marione’s hand.

Nagsasalita si Ken at nakapamulsa nang dinala ang tingin sa amin ni Hiro na kapwa nakatingin sa kanila.

Marione stopped. Si Ken ay tumingin sa akin at bumaba ang balikat habang namumungay ang mga mata.

Nagkatinginan kami ni Marione. She looked shock with my presence. Nangingislap ang kanyang mga mata at pilit humahalik sa labi ang ngiting pinipigilan niya lamang.

Nilingon niya si Ken at may sinabi. Ken nodded and looked at her gently. Naglakad si Marione, humahakbang na patungo sa akin.

Tiningala ko si Hiro. Tumayo siya ng tuwid at inalalayan akong tumayo paalis sa hanging egg.

“You can do it…” Hiro whispered gently.

Ibinalik ko ang tingin kay Marione at humakbang para makasalubong siya. I couldn’t contain my feelings. Halo halo. Parang sasabog sa kaba ngunit mas matimbang ang kagustuhan ko na mayakap siya.

Noong makarating sa kanyang harapan ay mabilis ko siyang niyakap.

“Uh… Sabi ni Hiro mahilig ka sa tulips na bulaklak kaya lumabas muna kami ni Ken para bumili,” sabi niya kahit hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin.

Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang balikat. Sunod sunod agad ang hikbi ko.

“I’m sorry! I’m sorry for what I did! Hindi ko sinasadya! I’m so sorry!” deri-deritso kong sambit habang humahalo ang aking iyak.

“Ayos lang, Franca…” Hinaplos niya ang aking likuran habang mahigpit ang yakap ko.

Umiling ako dahil alam ko, ang bigat bigat ng nagawa kong kasalanan sa kanya!

“You killed your child because I pushed you to do so! Ako ang may kasalanan kaya pinatay mo ang anak mo! Kaya nawala siya! Ako ang nagtulak sa’yo! Ako ang pumatay sa anak mo…” bigo kong pag-amin.

Ang kasalanang tinakasan ko ng ilang taon ay parang bumundol sa aking isipan ng paulit ulit. Naninikip ang aking dibdib at parang pinipilipit ang aking tiyan ngunit handa akong indahin ang sakit makahingi lamang ng kapatawaran sa kasalanang nagawa ko.

“I’m sorry… I’m sorry! Pinatay ko… ang… ang anak niyo… ako… ako ang may kasalanan…”

“Ano? Bakit… bakit ganyan ang sinasabi mo? Hindi mo siya pinatay, Franca. Walang pumatay sa anak ko. Bakit ganyan ang iniisip niyo ni Hiro?” humahalo ang pagtataka at sakit sa kanyang tinig.

“I killed your child! I am such a demon for using you in order to seek justice for my pain. Nadamay pa ang anak niyo! Ako ang totoong pumatay sa kanya… Ako…”

Marahil ay nanghihina rin siya kaya noong unti-unti akong mawalan ng lakas sa pagtayo, napapaupo sa sahig at nakayakap sa kanya ay natangay siya.

“Hindi ko pinalaglag ang anak ko, Franca. Nakunan ako…”

What? Bigo akong yumuko at mas lalong umiyak.

“Pinaniwala ko si Ken at lahat ng mga Delafuente na pinatay ko para lang maibalik ang sakit sa kanya, sa kanila. Kaya naiintindihan kita sa parteng ginamit mo ako para lang maiparamdam ang sakit dahil bilang babae, masakit na pakiramdam mo napaglaruan ka.”

“Kaso buntis ako noong oras na ’yon kaya napangunahan agad ako ng emosyon. Hindi ko man lang naisip na isa rin ako sa nakipaglaro. Isa ako sa pumayag sa pustahang iyon. Kusa kong ipinasok ang sarili ko roon. Pwede ko namang tanggihan. Ngunit nagkusa ako kaya may kasalanan din ako sa parteng iyon.”

“Kahit siguro hindi ikaw ang magsabi sa akin, kahit manggaling man kay Ken o sa iba pang tao, magiging ganoon pa rin ang reaksyon ko. Mapapangunahan ng nararamdaman at magagalit pa rin kay Ken lalo na’t masakit din dahil minahal ko na siya noong mga panahong ’yon.”

Hinaplos niya ang aking likuran habang ang bulaklak ay nabitiwan niya ng tuluyan.

“Oo at may kasalanan din si Hiro, may kasalanan si Ken, ikaw rin meron. Ngunit kahit ako ay aminadong may kasalanan din, Franca. Lahat tayo. Ngunit ang nangyari sa anak ko, hindi natin lahat ginusto,” marahan niyang sabi.

“Hindi ko kailanman naisip na isisi sa’yo ang nangyari sa aking anak dahil unang una sa lahat, menor de edad pa ako noon, Franca. Ang sabi ng doctor ay hindi handa ang aking katawan. Idagdag din ang trauma sa pamilyang kinalakihan ko, at ang maaga kong pagtatrabaho.”

“Wala akong masisisi dahil alam ko, may parte rin sa akin na may mali ako. Masyado akong bata para pumasok sa ganoong responsibilidad. Nagpadalos dalos. Kahit pa ayokong mangyari iyon, wala akong magagawa dahil katawan ko mismo ang may problema. Hindi ito handa dahil masyado pa akong bata…”

Bumubuhos ang aking mga luha, hindi alam kung ano ang sasabihin at nanatiling makinig sa tinig niyang may pag-iingat.

“Kahit pa hindi tayo mag-usap noong araw na ’yon… makukunan pa rin ako.”

Nanindig ang aking balahibo. Suminghap ako at mas lalong tumakas ang hikbi sa akin. Ang sakit sakit marinig bilang babae. Ang sakit sakit isipin dahil alam ko hindi iyon ganoon ka dali. She lost her child. She lost her just like how I lost my own Illisha. Just like how I lost myself.

At lalong mas masakit ngayon na nalaman kong hindi niya iyon kusang pinalaglag.

“Kaya Franca… bakit ka humihingi ng tawad sa pagkamatay ng aking anak? Hindi kita sinisisi sa bagay na iyon. At hindi mo iyon kasalanan. Walang may kasalanan sa parteng iyon…”

“Sinadya kitang kausapin at sabihin ang lahat ng iyon para masaktan ko si Ken, Marione. Para madurog ko siya. Para maibalik ko ang sakit na ipinaramdam niya. I was blinded by my pain. Inisip ko na ikaw ang magpapataw ng nararapat na parusa sa kagaya niya…”

“And I was so stupid for letting my pain ruled over me! So stupid for using you to hurt him! I’m so sorry!” parang sinakal ang lalamunan ko sa pait ng aking nararamdaman.

“Naiintindihan ko. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na gago si Ken bago naging kami. Isa rin ako sa mga nakita iyon. At bilang babae, naiintindihan kita sa parteng iyon. Naiintindihan kita na nasaktan ka. Naiintindihan kita, Franca.”

Pumikit ako ng mariin. Walang humpay ang luha at hindi ko matahan ang sarili na kahit ang sarili kong balikat ay nababasa. Umiiyak din siya.

“Ilang taon din akong naghirap. Ilang taon kong kinulong ang sarili ko sa nakaraan. Noong una ay sinisisi ko ang iba ngunit habang tumatagal ay sarili ko lamang ang pinarusahan ko. Mahirap… at ayokong may mga babaeng mapagdaan ang ganoong bagay. Ayokong may mga babaeng maranasan ang ganoong sitwasyon,” aniya sa garalgal na tinig.

“Kung ang hinihingi mo ng tawad ay ang paggamit sa akin para saktan si Ken, para maiparamdam sa kanya ang sakit na dinanas mo sa kanyang kamay, pwes bilang babae ay kakampihan kita ngunit hindi ko pagtatakpan na mali din iyon. Mali na may gamitin kang ibang tao para saktan ang mga nanakit sa’yo. Natuto ako roon. Dahil sa kasinungalingang inimbento ko para parusahan si Ken, napagtanto kong ako lang din ang naghirap.”

Humiwalay siya kaya dumilat ako. Nangingiti niya akong tiningnan. Hinaplos niya ang pisngi ko kahit basang basa rin ang kanyang mukha ng sariling luha.

“Ngunit kung ang hinihingi mo ng tawad ay dahil sa anak ko, sa nangyari sa kanya, hindi ko matatanggap, Franca. Labas ka roon. Wala kang kasalanan sa parteng iyon. Kahit si Ken. O si Hiro. Walang may gusto noon. Kahit ako, hindi ko ginusto…”

Namungay ang aking mga mata. Ang mga luha ko ay pumatak na sa aking kandungan ngunit wala na akong pakialam pa.

Bumaba ang kanyang balikat at yumakap ang umukit ang lungkot sa kanyang mukha.

“Masasaktan ako kung ang rason ng hindi mo pagpapakita sa akin ay dahil doon. Hinihintay ka namin ni Ken araw-araw. Kinukulit namin lagi si Hiro. Kaya nagtataka ako. Bakit hindi kita nakikita.”

“Hindi ko kaya… Dahil akala ko…” huminga ako at hindi masundan ang gusto kong sabihin.

“Kung alam ko lang na ito ang rason kaya ka umiiwas dahil nasasaktan ka, ako mismo ang pupunta sa’yo para yakapin ka. Ako mismo ang lalapit para gumaan lang ang pakiramdam mo. Magkukusa ako at tutulong para lang mapalaya kita sa parusang ibinigay mo sa sarili mo.”

Muli akong napayuko at ginamit na pantakip ang aking mukha para umiyak ng tahimik. Bigo akong umiling. Muli kong naramdaman ang kanyang yakap.

“Malaya ka sa kasalanang iyon, Franca. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Hindi iyon para sa iyo. At hindi ko pahinintulutan na manatili ka roon habangbuhay. Hindi mo iyon kasalanan. Ang nangyari sa aking anak ay walang may gusto…”

Hindi ko alam kung ano ang maiisip ko. Kahit pa nandito na lahat sa harap ang aking sagot, parang may nakadagan pa rin sa aking puso.

Noong humiwalay ulit siya ay muli niyang pinunasan ang aking luha. She smiled gently and picked up the flower.

“Heto. Sorry medyo hindi napaghandaan. Wala akong ibang maisip na ibigay eh…”

Umiling ako at tinanggap iyon. Nauna siyang tumayo. Yumuko siya at inalalayan din akong tumayo. Hinawi niya ang buhok ko patungong likuran at kahit ang ilang hibla na dumikit ay tinanggal niya rin.

Lumingon si Marione kay Ken. Noong tiningnan ko siya, namumula na ang kanyang mga mata at tahimik lamang na nanonood.

“Ken…” tawag ni Marione.

Ken stepped forward. Ilang sigundo lang ay nasa harapan ko na siya at mabilis akong niyakap ng mahigpit. Huminga siya ng malalim.

“Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa laki ng kasalanan ko sa’yo, Franca…” bulong niya sa namamaos na tinig.

“I’m sorry for—”

“No. I’m sorry for being an asshole. I was a jerk. I didn’t consider your feelings. Iniwan kita sa ere…” putol niya sa akin.

Natutop ang aking bibig. Hindi ako halos makaganti ng yakap lalo na’t hawak ko ang bulaklak.

“Don’t apologize. I don’t deserve it. Ako dapat ang humihingi ng tawad. Hindi ikaw. I should’ve explain everything first before pursuing my feelings for Marione. Inaamin ko na gago ako noon pa man bago ko nakilala si Marione, Franca. At isa ka sa mga babaeng binitiwan ko agad dahil lang nakahanap na ako ng seseryosohin.”

My memories with him from the past flashed. Kung noon ay masakit sa akin ang mga alaalang iyon, ngayon ay parang bulang unti-unting naglalaho. Parang mga saranggolang nakawala sa tali at nagiging malaya.

“I’m sorry for giving you false hopes and for the mixed signals I showered. I’m sorry for taking advantage of you just because you’re so nice to me. I’m sorry…”

“I’m sorry for using Marione to hurt you, Ken…” bulong ko.

“No. I deserved her wrath. I deserved her anger. I deserved yours too. I deserved all of it. Hindi lamang ikaw ang babaeng napaglaruan ko, Franca. And thinking about all of those girls I flirted, all of those girls I showed signals, disappointed me. Mas lalo akong nadidismaya dahil aminado akong pinagmamayabang ko iyon noon. Ang babaw ko para pairalin lang ang tawag ng katawan nang hindi iniisip ang mararamdaman ng isang babae.”

Natutop ang aking bibig at inangat ang isa kong kamay para haplusin ang likod ni Ken. He sighed heavily.

“All these years I blamed Hiro and turned a blind eye on my own fault. I blamed him for your wrath. I blamed him for my child’s death. I blamed everyone else when in fact, I was the one to be blamed for all of this.”

“Kaya kung hindi mo ako kayang patawarin agad, maiintindihan at tatanggapin ko. But please… tell me if there’s something I can do for you. Anything. Just… let me fix it.”

Umiling ako. Sapat na ang paghingi niya ng tawad. Hindi niya na kailangang maghirap pa. Ang mahalaga sa akin ngayon ay tinanggap niya ang pagkakamali niya.

“Just be happy Ken. Iyon lamang ang hiling ko. And take care of Marione…” I whispered softly.

Naramdaman ko ang kanyang pagtango. Humiwalay siya sa akin. Malalim ang buntonghininga niya nang tingnan ako sa marahang paraan.

“I will…” malambot niyang bulong, hindi halos makangiti at kita ko ang pagsisisi niya.

Lumingon ako kay Hiro. Nahanap ko siya sa kung saan ko siya iniwan. Tahimik na nanonood suot ang seryosong mukha.

Nilingon ko si Ken at Marione. Ken went to his wife to comfort her. Nagpupunas ng luha si Marione at noong sumulyap sa akin ay ngumiti.

Ngumiti ako pabalik at naglakad patungo kay Hiro. Ang nakapamulsa niyang kamay ay inalis niya sa bulsa habang namumungay ang mga mata sa akin.

I wanted to cry happily in his arms. I spent my years punishing myself! And I spent more years trying to recover some parts of me. Ito ngayon ang bunga ng pagtayo ko at pagpiling lumaban at harapin ang kinakatakutan ko.

Nilakihan ko ang hakbang ko hanggang narating ko ang kinatatayuan niya. I tiptoed and pulled his nape for a tight hug. Ang isa kong kamay ay nanatiling karga ang bulaklak. Huminga nang malalim si Hiro at yumakap pabalik gamit lamang ang isa ring kamay.

“I did it…” I whispered using my trembling voice.

“I saw it…” marahan niyang sabi.

You are part of this achievement, Hiro…

Bumuhos ulit ang aking mga luha. Hindi ko alam kung bakit nanghihinayang ako sa lumipas na mga taon at parang ipinagkait iyon sa aming dalawa. My shoulders trembled miserably. Huminga ako nang malalim at sunod sunod.

“So proud of you. Alam kong kaya mo. You’re so strong to face this…” bulong niya.

“Thank you… Thank you for this. Thank you,” sunod sunod kong bulong.

“Wala akong masyadong nagawa, Torrefranca. This is all your own achievements. I am just your audience. Your supporter…”

Umiling ako. Malaki ang naging parte niya. Alam ko…

“You are part of my achievements,” I whispered.

He chuckled weakly. Pumikit ako habang nakahilig sa kanyang dibdib, habang ang kanyang braso ay nakapalupot sa akin at niyayakap ako.

Our first hug was memorable for me because he cried in my arms. Ngayon, sa ikalawang yakap, ako ang umiiyak sa kanyang mga kamay. Walang nagbago sa kanya. He’s supportive and proud.

Ken suffered. Marione suffered. I suffered too. Ngunit pati rin si Hiro na nilunok lamang ang lahat at tinanggap ang sisi ng iba sa kanya. Na kahit ako, isa sa mga sumisi sa kanya noon.

Matatag lamang siyang tingnan ngunit alam ko, pinipilit niya lang huwag gumuho para lamang pasanin ang mga problemang ibinato sa kanya. He accepted it willingly. He didn’t turn his back. Kahit ngayon, nandito pa rin.

Kung kayang magtago laman sa dilim at hindi makita ng iba ang kanyang mga ginawa, gagawin niya.

“Hinahanap tayo nila sa ibaba,” ani Ken kaya nagpasya rin kaming apat na bumalik.

Kami na halos ni Marione ang nag-usap sa araw na ’yon. Some were curious because of our swollen eyes ngunit natakpan din dahil nagkakatuwaan na.

Zera’s Wedding was so pretty. Garden Wedding ang theme at isa ako sa bridesmaid. We’re all wearing red. Naka half ponytail ang aking buhok at kapansin pansin ang diamond necklace na aking suot. Hindi na ata ako nakalapit kay Hiro simula noong humalo ako sa mga babae at ganoon din siya sa akin. Naka tuxedo siya at nakaatras pa ang iilang hibla niyang buhok kahit may ibang nagrerebelde at nalalaglag sa kanyang noo.

Mas dumami ang bisita noong araw na ’yon ngunit ang kabang baon baon ko ay parang tinangay ng hangin. Alam ko naman na malaki ang angkan ng mga Delafuente. But seeing all of them in one place still shocked me. Bukod sa buntis pa ang iilang asawa ng mga Delafuente ngayon na kaedaran ko lang noon, may iba na gumagawa na rin ng sariling pamilya.

I saw some of the elders. Pamilyar sila sa akin at talagang makikisig tingnan kahit matatanda na talaga. It’s like they’re all God’s favorite for living a healthy life.

The ceremony started. Sa gilid ng aking mga mata, pansin ko lagi ang pagsulyap sa akin ni Marione. Gagalaw lang ang aking mga mata at ngingiti sa kanya. Mamumula siya at ngingiti pabalik.

Pumalakpak kaming lahat noong maghalikan si Isaiah at Zera pagkatapos basbasan ng Pari bilang ganap nang mag-asawa. I smiled and clapped happily.

I know her husband coz he’s one of Trey’s circle of friends. Masungit nga lang at nakakagulat na sila ngayon ni Zera. Ang aking gulat ay katulad lamang din ng gulat nila na makita kaming magkasamang dalawa ni Hiro.

Pinalibutan ulit ako ng girls pagkatapos. Nasa braso ko na ang kamay ni Keyla at nakalingkis. She started talking about our future bonds. Medyo nalulungkot ako dahil magma-migrate kami sa France next week ngunit alam ko may mga araw pa naman.

Ang mga boys din ang kasama ni Hiro buong araw. Hindi ako maalis alis sa grupo ng mga babae dahil kung sino sino nalang ang kakausap sa akin at kahit kami ni Marione minsan ay nagkukwentuhan na rin hanggang Wedding Reception.

Kahit text ay hindi na ata nagawa namin ni Hiro. At hindi rin siya nangungulit. Hindi rin nangdidisturbo. Minsan, ako na ang gustong lumapit sa kanya at kumustahin siya. Kaso talagang ang mga babae ay ayaw ata akong pakawalan.

“Siguro kung hindi ako buntis noong oras na ’yon at sinabi mo sa’kin na pustahan lang matatawa ako kasi nakipagpustahan din ako. Pero nakukwento ni Ate Demi na madalas ka noon sa Restaurant at napagkakamalan ka talagang girlfriend ni Ken…”

Tumango ako at ngumiti. “Lagi niya akong niyayaya. Demi doesn’t like me and I understand why coz I don’t looked so friendly.”

“Kahit noong una kitang nakita medyo na-iintimidate ako sa’yo. Angelic ka pero… delikado.”

I chuckled.

“Hindi naman…” saka ako sumulyap sa pagkaing hindi ko man lang nagalaw dahil sa pakikipagkuwentuhan sa kanya.

Kinuha niya ang inumin at sumimsim. Kinuha ko ang tsansang iyon para sumulyap sa table ni Hiro at nakitang kinakausap din siya ng mga boys ngunit lilingon din sa akin para tingnan ako pabalik.

Sa kakasulyap ko, nahagip ng aking tingin ang table nila Tita Sky. Medyo nahiya agad ako dahil nahuli niyang tumitingin tingin ako sa kanyang anak. Nagpanggap na lamang na walang napansin at muling bumaling kay Marione.

“Hindi ko talaga inaakala na ikaw pala ang babae ni Hiro. Medyo natutuwa rin ako dahil noong mga panahong hindi ko alam kung paano lalapitan si Ken para humingi ng tawad at itama ang pagkakamali sa kasinungalingang inimbento ko, si Hiro ang nandoon. Umalalay…” she smiled.

Kumurap ako at medyo nagtaka. Ang kwento ni Hiro sa akin, nagkusa si Ken na lumapit at ligawan ulit si Marione. Na sinuyo niya ito. Hiro never mentioned he’s part of their progress.

“Hindi ko nga alam kung bakit ganoon din umasta si Hiro. ’Yun pala sinisisi niya rin ang sarili niya. Hindi niya naman sana ’yon kasalanan…”

“Ken didn’t… pursue you while you’re…” I paused when I couldn’t formulate my words well.

“He’s hurt. Wasak siya at galit pa sa akin. Parang isusumpa ako pag nakita niya ako,” she chuckled.

Natutop ang aking bibig. Naalala ko bigla ang mga sinabi ni Hiro sa akin. Nagsisisi siya na inuna niya ang iba kaysa sa akin. Wala siyang ginawa sa mga taong lumipas kundi ang unahin ang ibang tao bago ang sarili niya?

“Kaso pinagtagpo ulit kami. ’Yung kompanyang pinasukan ko sa kanila pala. Ang co-incidence nga.”

Co-incidence? Wala sa sarili akong napasulyap kay Hiro. Noong nahuli niyang muli ay binawi ko at bumaling kay Marione na nagkukwento pa rin.

“Ikaw… kumusta naman ang buhay mo sa… lumipas na panahon?” ramdam ko ang paninitig niya.

I smiled.

“Maayos naman. Naduwag lang talaga magpakita sa inyo. Ikaw?” balik ko sa tanong dahil hindi na kailangang malaman ang lahat ng iyon.

“Ano lang… uh… nagpatuloy ako ngayon sa pag-aaral. Malapit na ring maka graduate,” she smiled.

My eyes widened and smiled more.

“Wow. Congrats,” I smirked.

Humalakhak siya at namumulang umiling. “Hindi pa… Sa susunod pa.”

“Doon din patungo…” mas nanunuya kong sabi.

Humalakhak lalo si Marione.

“I’m proud of you.”

Her eyes widened and blushed. She looked like Illisha. Kakatitig ko sa kanya, pakiramdam ko ay nasa tabi ko si Illisha. Nanonood at ngumingiti. Pumapalakpak.

Pumaibabaw ang kanta ni Ed Sheeran at sumasayaw na ang bagong mag-asawa sa gitna. Dimmed ang lights habang ang mga ilaw ay kumikislap para lamang sa kanila.

“I found a love for me…” it’s Ed Sheeran’s song.

They’re dancing slowly. May parang sinasabi si Zera at malamin ang paninitig ng kanyang asawa sa kanya, nakikinig lamang.

I saw how Ken started teasing Hiro. Tinutulak niya ito at parang ginagatungan din ni Blue.

Ilang sandali lang ay naiiling na tumayo si Hiro, nakapamulsang naglakad sa table namin. Everyone watched him stopped infront of me. At nagsimulang tumili ang mga babae noong naglahad siya ng kamay sa akin.

“Let’s dance…”

What… Marione started laughing. Kinuha niya ang hawak kong wine glass at sumenyas na pumayag.

Ipinatong ko ang aking kamay sa kanya at tumayo. Everyone cheered for us like we’re newly-wed couples too. Mas malakas pa ang tilian kumpara kanina sa halikan ni Isaiah at Zera.

“Kuya ang bagal!” asar ni Zera nang pumwesto rin kami sa kanilang tabi.

Isaiah looked at us and chuckled a bit.

“Kayo na ang sumunod magpakasal,” aniya.

Hindi matigil tigil ang asaran sa aming dalawa habang marahang inilagay ni Hiro ang kanyang kamay sa aking baywang, ako naman ay nakahawak sa kanyang balikat.

“I’m sorry for this…” ani Hiro habang nakangiti. “Mukhang naging laman tayo ng asar dahil sa akin.”

Umiling ako. “I’m actually having fun.”

“Huwag mong seryosohin ang mga pinagsasabi ng kapatid ko. Hindi naman ako assuming. I’m just trying to feed her curiousity.”

Umiling ako habang nangingiting tumititig sa kanya. Everything looked so familiar. Dumaplis sa aking isip ang 18th Birthday ko. Ganitong ganito rin iyon. Sa kulay ng aking suot at sa tindig ni Hiro. Kung may nagbago man iyon ay ang paninitig namin sa isa’t isa at ang nararamdaman naming dalawa.

The dimmed lights made him looked more vivid. Bukod sa nakaturo sa amin ang isa sa spotlight, talagang lumiliwanag si Hiro sa aking mga mata. Doon ko lang napagtantong kami nalang pala ang nasa gitna nang magpasya si Zera at Isaiah na iwanan kami roon.

“I will not give you up this time… But darling, just kiss me slow… Your heart is all I own… And in your eyes, you’re holding mine…” the song played smoothly.

Tinitigan ko ng maigi si Hiro.

God took his time so much when he made this man. He’s perfect. Siguro ay may sangkap na natapon ng kaonti ngunit tamang tama pa rin ang kanyang timpla.

His eyes screams all the emotions he’s trying to suppress for the past years. Laging nang-aakit ang tingin niya. Misteryoso man ang hagod ng titig ngunit nakakawili siyang titigan.

His thick brows were perfectly made. Cupid was probably so fond of him that he gave up his bow just to shape his thin lips. If I were his girlfriend, I’d probably kiss him from time to time.

His disheveled hair made him looked more seductively hot. He’s effortlessly handsome. Kaonting salita lang, kaonting kibot ng labi, kaonting ngiti, kaonting galaw, talagang guwapo siya.

And his height? A six footer who has a nice body. Kahit ngayong hawak niya ako ay puno lagi ng pag-iingat dahil baka masaktan ako pag nilagyan niya ng pwersa kahit kaonti man lang.

I will always looked like an angel infront of this beast. Para lamang akong isang babasaging plato na pilit binabalanse ng magaspang niyang kamay.

“Next week…” I started.

He nodded. “I know…” namamaos niyang sagot. “Ihahatid kita sa airport. Ayos lang ba? Total… huli na?” he chuckled again.

Hangga’t kaya talagang indahin at lunukin ay magtitiis ka ’no?

“Sure ka?” I asked softly.

“Yes.”

Tinitigan ko siya ng mataman. Bawat anggulo ng kanyang mukha.

“Wala ata akong mahahanap na ganito sa France,” biro ko.

“As long as you’re happy…” he answered sincerely.

Hindi ata naging mapagbigay ang langit noong mga panahong hiningi niya ako. Sa lahat ng desisyong pinagsisihan ko sa mga lumipas na taon, siguro iyon ay ang nahuli akong makita kung sino siya.

Huling huli ako.

Binasa ko ang aking labi at hinahagod ng haplos ang kanyang batok. Naroon ang aking daliri, humahaplos sa kanyang buhok.

“Our last dance was memorable…” I pointed out to divert the topic.

“Pinaikot ikot kita?” hula niya.

Tumango ako at natawa. “Nahilo ako noon.”

“I’m sorry. I was a bit aggressive. I’m annoyed. Inapakan mo ang paa ko. Maldita…”

What? Tumawa ako dahil totoo naman. Inapakan ko nga siya. Naiisip ko pa lang ang mga bangayan at away namin noon natatawa na lamang ako.

“You’re getting on my nerves all the time. Pinapakulo mo ang dugo ko.”

“You too…”

I chuckled. So we’re both mutual huh? Hindi nga lang romantically. Pero at least mutual?

“Let’s do it again…” he said.

“What? Ang pag-ikot?” halakhak ko.

He nodded and smirked. Ngumisi ako at hinayaan siya sa kanyang plano. I never trusted him when I was young. Ngunit ngayon, sa sobrang laki ng tiwala ko sa kanya, kahit pa pumikit ako sa pag-ikot ay makakasigurado pa rin akong maingat niya akong sasaluin.

Sumabog ang kanta ni Ed Sheeran kasabay ng pag-angat ni Hiro sa aking kamay para paikutin ako.

“Baby I’m… dancing in the dark…” the lyrics boomed dreamily. The instrumental background made it more emotional.

Isang ikot lamang ang ginawa ko at muling iginiya ni Hiro pabalik sa kanya. My hair and dress moved with me. I smiled and looked at him happily. He looked at me intently and pulled my waist. I saw him crouched and angled his head to meet my lips.

My eyes widened when he kissed me. Narinig ko ang patuloy na pagsabog ng kanta kasabay ng sunod sunod na kalabog ng aking dibdib at hiyawan ng mga nanonood sa amin.

I didn’t expect his sudden kiss but my lips welcomed him and kissed him back. Unti unti kong iniyapos ang isang kamay sa kanyang batok, ang isa naman ay napahawak sa kanyang braso. Gumapang ang isa niyang kamay at pumalupot sa aking baywang.

Namungay ang aking mga mata hanggang nahilang pumikit. Dinama ang sunod sunod na paggalaw ng labi ni Hiro at ang walang awat na emosyong humampas sa aking tiyan. He kissed me gently infront of everyone.

Para akong maiiyak sa tuwa. I tilted my head and kissed him in a deeper way. Lumalim din ang halik ni Hiro at pinadulas ang kamay sa gilid ng aking leeg para hawakan ako ng maigi habang ang hinlalaking daliri ay humahaplos sa aking panga.

Marahan lamang ang bawat hagod ngunit nagiging sabik ako sa bawat galaw ng kanyang labi. My feelings for him made a dramatic explosion and turned into fireworks inside my spinning head. The harsh pound of my heart was deafening.

Para akong mahihimatay sa sobrang tamis ng kanyang halik at pakiramdam ko ay umaangat na kaming dalawa sa langit sa sobrang lambot ng aking nararamdaman. Tila umiikot ang buong mundo at may sumasabog na fireworks sa buong paligid.

He tilted his head from the other side and kissed me more. This time it’s a bit aggressive without including his tongue. My head spinned. My stomach churned. I feel like the whole world shattered and everyone vanished. Tanging ako lamang, si Hiro at ang mga halik niyang nanghihila ng katinuan.

I’m inlove with you, Hiro… I am so inlove with you.

I stopped and sighed heavily to catch my breath without pulling my lips away from him. Isinandal ni Hiro ang kanyang noo sa aking noo. Huminga rin siya nang malalim, hindi lumayo at hinayaan ang mainit na paghinga niyang humahaplos sa aking pisngi.

Hinagod niya ng haplos ang aking ilong gamit ang kanyang ilong. Humigpit ang hawak ko sa kanyang balikat at gumapang sa likod para kumapit sa kanya.

Dumilat si Hiro. Muli akong tumingkayad. Sinalubong niya ako at kusang yumuko para muling salubungin ang aking labi. Isang hagod ng halik ay muli niya akong nadala sa ibang dimensyon. It was so sweet. So addicting. So passionate.

“OMG!” ang mga babae.

“Ikasal na dapat ang dalawang ’yan bukas na bukas!” I heard his cousins shouted shamelessly.

Doon ko napagtantong nasa harapan nga pala kami ng lahat! Hindi lamang sa kanyang mga pinsan kundi sa buong bisita sa Wedding Reception!

Pumikit ako at tumigil sa paghalik pabalik kay Hiro. Dumilat ako nang dahan dahan para tingnan siyang muli. Nakita ko agad ang titig na titig niyang mga mata sa akin.

“I want to replace your memory with me on that night. And I’m sorry for being aggressive again…” he whispered breathily.

What… Uminit ang aking pisngi. Lalo na’t pakiramdam ko ngayon ay umiikot ako buong oras kaya hilong hilo sa pagiging agresibo niya.

It’s our first kiss!

49th Ruled

Ruled

Unconditional Love

Natapos nalang kami sa halikan, panay pa rin ang kanilang tilian. I acted like nothing happened when in fact my face heated after our kissing scene. Iginiya ako ni Hiro pabalik sa aking upuan.

“That was hot. Do it again,” si Brandy na ngumingisi.

Si Hiro naman ay namulsang naglakad sa mga boys na agarang pinaulanan ng asar.

“Gago! Sinabi lang namin isayaw mo!” Ken laughed hysterically.

Nagkibit si Hiro at kinuha ulit ang champagne glass, nagawa pang sumimsim at parang wala lang din kahit tumatakas ang ngisi sa kanyang labi.

They’re so hyper with our live kiss. Naka move-on na siguro kami ni Hiro at kalmado nang nakikisamaluha sa iba, sila hindi pa rin umaawat dahil iyon pa rin ang topic nila.

At halos hindi ko malingon lingon ang table ng parents ni Hiro. I kissed back. I kissed their son back. Mayabang ko pang binalandra ang magkahawak kamay namin sa Anniversary ng grandparents ko. Itong si Hiro, mayabang ding binalandra ang halik sa buong angkan nila!

We’re flirting shamelessly infront of these people who have no idea about us. Nagulat na nga dahil magkasama kami, nagulat pa sa mga bulgaran naming galaw.

Picture taking na ang sumunod. Nagugulat ako minsan pag hahawakan ako ni Zera at hihilain sa kanyang tabi para magpicture taking. Lagi akong napapasulyap sa tiyan niya.

Ngunit siguro dala rin ng mga nangyari, naiibsan ang pangamba ko. I blended well without worrying so much. Oh how much I missed their warmth! I missed their noise. I missed everyone so much!

Kung sino sino nalang ang humihila sa akin. Nakapalupot lagi ang kamay ni Keyla sa aking braso at minsan ay dadausdos sa pulso.

Marione glanced at us and looked at Keyla’s arm around me. Noong mahuli niya akong nakatingin ulit ay bumaling agad kay Nana na nakikipagtawanan sa kanya.

Nagyaya pa si Brandy at pinaligiran nila ako ni Keyla, ako ang nasa gitna. She stuck her tongue out while Keyla’s kissing my cheek. I winked and smirked.

“Your instagram?” si Brandy na ngumunguya ulit ng bubble gum at pinapalobo pa iyon habang hawak ang phone pagkatapos namin magpicture taking.

“It’s torrefrance…”

“Torrefrance? That’s so cool,” angat ng kanyang kilay at abala na sa pagtipa.

Dumungaw ako at nakita ang aking wall na Franca ang pangalan. I saw her followed me.

Muli akong mulingon sa ibang babae. Irah’s calling for me at itinuro ang photographer. Sa kanila naman ako lumapit. Noong makita kami ni Zera ay lumapit din at sumali.

I glanced at Marione. Abala na itong makipag-usap sa iba pang babae at mukhang nagkakatuwaan sila. Lumapit ako sa kanilang grupo at tumayo sa likuran ni Marione. Hinaplos ko ang kanyang siko para kunin ang kanyang atensyon. Napalingon siya at namilog ang mata sa gulat. Itinuro ko ang photographer para may solo rin kaming dalawa.

“Picture tayo…” anyaya ko.

She automatically smiled. Hinawakan ko ang kanyang pulso at hinila na siya patungo roon.

“Kanina ko pa naiisip magpicture tayo kaso ang daming lumalapit sa’yo,” ngiti niya.

“They’re my old friends from the past at ngayon lang din ulit nagkita,” I explained and smiled while we’re walking.

“Pansin ko nga… Sayang at hindi tayo naging close nang maaga,” she chuckled weakly.

I smiled. “Doon din tayo patungo.”

Her eyes widened. Ilang sandali lang ay nangingiting tumango. Naka-ilang picture sa amin ang photographer hanggang humalo na ulit ang ibang girls.

“Kuya! Picture taking!” tawag ni Zera at ngumisi ng pilya sa kapatid.

Lumapit si Hiro na galing pa sa table ng kanyang parents. Tita Sky found my eyes. She immediately smiled and raist a toast. I smiled back. Ang paglapit ni Hiro ang umagaw ng aking atensyon kaya naalis sa kanyang ina.

“Ako sa gitna,” Zera demanded.

Pinagbigyan siya ni Hiro habang nangingiti akong tumingin sa camera.

“Tayo naman,” bulong ni Hiro sa aking tainga pagkatapos. “We don’t have our own photo yet. I want to have one.”

Right. We never had a photo together. Ang dami pala talagang… wala sa amin. Mga memorya lamang at ang iilan pa ay masakit balikan.

“Ano ’yang bulungan niyo?” singit ni Zera nang makita iyon.

Buti at lumapit si Isaiah para sunduin ang buntis na makulit. Hinila niya ang baywang at binulungan ng kung ano sabay paalam sa amin na pumunta sa isang table, tinuturo ang siguro ay ama ni Isaiah lalo na’t nakikita ko ang anggulo nito sa kanya.

Nagpicture kami. Noong makita na naman ng mga boys ay hiyawan ulit. Ngiting ngiti nalang kaming dalawa.

“My parents are waiting for you,” ani Hiro nang haplusin ang aking siko pagkatapos ng aming pictures.

Napakurap ako at tumingin sa table ng kanyang parents. His father looked so serious while his mother looked so composed.

“Let’s go…” ani Hiro at inilahad ang kamay niya sa akin.

Kinuha ko ang kanyang kamay at humawak doon. He held my hands gently and pulled me to his parent’s table.

Pansin ko na hindi lamang ang kanyang parents ang naroon sa parteng iyon kundi ang buong angkan nila. Hindi ko halos mabilang sa sobrang dami at talagang sumisigaw na makapangyarihan ang mga ito isang sulyap pa lang.

“Mom… Dad…” tawag ni Hiro nang lumapit kami ng tuluyan.

Tita Sky tilted her head to see me clearly. Huminto ako sa gilid ni Hiro at ngumiti sa mag-asawa.

“Hello po Tita, Tito…”

Inalis ni Tita Sky ang purse sa kanyang kandungan at tumayo. Inabot niya ang aking pisngi at bumeso sa akin.

“Proud of you…” she whispered meaningfully.

Kumurap ako at tumingin sa kanya nang humiwalay siya at ngumiti. Ang asawa niya naman ay tumango sa akin.

“Kamuntik ko nang isipin na kasal mo ’to, Hiro…” her mother chuckled when she looked at Hiro.

She’s probably talking about our kiss. Ibinalik ni Tita Sky sa akin ang tingin. Hinaplos niya ang aking pisngi at mas lalong tumamis ang kanyang ngiti.

“You looked so gorgeous, hija…”

“Thanks Tita…”

It’s actually a big compliment for me. She’s a perfect image of timeless beauty. Napaka elegante niya lagi tingnan. Kahit ata lumipas ang ilan pang panahon ay pamatay pa rin ang kanyang ganda.

You can clearly see why her son and daughter looked so perfect. Zera who has an alluring beauty like a goddess, and Hiro like a greek god. Idagdag pa ang ama nila… ang ganda talaga ng kanilang genes.

“I’ll introduce you to my great grandfathers…” Hiro whispered after talking to his parents.

Tumango ako at nagpatianod. Noong huminto sa tables ng matatanda ay ngumiti agad ako pagkatapos ipakilala ni Hiro sa kanilang lahat.

“Good evening po,” bati ko.

“Ito na ba ’yon?” one of the elders asked.

Kinilatis ako ng maigi.

“You are Dos Buenaventura’s only daughter?” ang pinakilalang Grand Uncle Dwight sa akin ni Hiro ang nagtanong.

“Yes po,” I smiled.

“Oh… Your eyes looked like him so much. May dugo kayong Chinese, hindi ba hija?”

I nodded and smiled again. They looked at me like an art who’s attracting so many audience.

“Your grandfather is friends with Mr. Cojuangco,” someone pointed out.

“Yes po…”

“Alexus Cojuangco? ’Yung kuripot na Chinese at mahirap suyuin, Ric?” it’s Hiro’s grandfather.

“Oo ’yon. Mailap…”

Bahagya akong lumingon kay Hiro na tahimik lamang na nakikinig. Sumulyap din si Hiro sa akin, mukhang walang balak banggitin ang nangyari sa Davao. Well… it’s expected. He doesn’t share too much information. Ginugulat niya ang lahat sa bulgarang ebidensya mismo.

“Oh wala na bang kasal bukas? Ayaw niyong sumunod? Dito na muna kami sa Pinas, Hiro,” ang Grand Uncle Rico niya.

“Sa halikan niyo kanina parang…” at sumimsim ng inumin iyong nagsalita.

Nagkatinginan kami ni Hiro. We both looked calm. Hindi nahihiya.

“Galit pa rin ba si Dos?” Tumingin ang matanda sa akin. “Ang ama mo napaka…” nailing ito.

“Ituloy mo Ric,” halakhak ng isa pa.

“Ayoko nalang magsalita. Baka isang suntok noon kahit pustiso malulunok ko.”

Humalo ang aking tawa sa matatanda.

“Kung kaedaran natin ’yon, may laban naman tayo. Kaso mas bata ng ilang taon sa atin. Baka pag sinuntok ko umatake ang rayuma ko. Edi napaaga ako sa langit?”

Hiro glanced at me. Tumawa akong muli. Umiling ang matatanda at nangingiting tumingin sa akin.

“We’re kidding hija. I hope you enjoyed the night…”

I nodded coz I’m actually having fun.

Batian din ang nangyari sa parents ng iilang magpipinsan. Tita Abbegail hugged me. Si Tita Ellie Klaire ay nangungumusta kay Mommy. Isa rin sa Mommy ni Ken ang lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit.

“I’m sorry…” she whispered.

Lumunok ako. I know what my father did. Kahit hindi detalyado alam kong nakakatakot si Dad magalit. Ngunit ngayong kahit ang ina ni Ken ang humihingi ng tawad sa akin, parang sobra na. Tama na ’yon. Sapat na sa akin ang paghingi ng tawad ni Ken.

Bumuntonghininga si Tita at noong humiwalay ay namumungay ang mga mata.

“Please let me know if there’s anything you want…”

“Wala po, Tita. Ayos lang po. At… nakapag-usap na kami ni Ken ’tsaka Marione.”

Her face lightened. Ngumiti siya at bumaba ang balikat.

“Are you sure?”

Tumango ako. “Opo…”

Suminghap siya at tumango.

“But if you need anything just let me know, hija…”

“Kung ano man ang nasabi ni Daddy sa inyo, humihingi rin po ako ng paumanhin. Ganoon po siya magalit at—”

“No. We understand your father. Kami nga itong nahihiya sa’yo. Hindi ko alam kung paano makakabawi…” nailing siya at problemado akong tiningnan.

“Ayos na po. Masaya ako ngayon at masaya rin po sila Ken. Sapat na sa’kin ’yon. Nakikita ko naman ang pagbabago kay Ken at humihingi rin ako ng tawad sa mga ginawa ko noon.”

“It’s not your fault, hija…”

I nodded. Still, I am part of that chaos. I was the one who created the fire. Iyon ang nagpamulat sa akin na hindi lahat ng paghihiganti ay may magandang dulot.

Nagkuhanan kaming lahat ng number. Hindi ko alam kung para saan pa ’yon ngunit nananalangin ako na hindi iyon ang unang beses na makakasama ko sila, lalo na si Marione.

I am looking forward for our future bonds. It’s actually blurry but I don’t want to close some doors. Ewan ko ba… minsan pakiramdam ko hindi na ako nababagay sa ganoong ingay.

The silence in the dark comforted me for so long. I learned how to appreciate being alone. It was very different from the life I used to have.

Ngunit sapat na sa akin ang ganoong closure. At kung mapagbibigyan man ulit sa iba pang pagkakataong makasama sila, ikakatuwa ko.

Yakapan ang naging pamamaalam namin sa isa’t isa sa gabing iyon. Mahihigpit at nakakalusaw ng puso.

Hindi ko masabi sabi ang pag-alis ko. Siguro dahil alam kong tuwing okasyon, makikita ko pa rin naman siguro sila. Hindi man palagi ngunit alam ko hindi ito ang huli.

Si Hiro ang kasama ko patungong Manila lalo na’t gusto ko munang dumaan sa bahay namin doon bago bumalik sa Davao. Buong byahe ay antok ako ng kaonti ngunit baon ko ang magaan kong pakiramdam at ngiting ibinigay nila sa akin.

“Is that… Naia?” namilog ang aking mga mata nang makita ang malaking Billboard ng Calvin Klein at may pangalan niya sa gilid sa sumunod na araw.

It’s her solo shot and she looked so foreign! Buhaghag ng kaonti ang kanyang buhok habang suot ang underwears ng Calvin Klein, isang baggy jeans kung saan siya nakapamulsa habang kita pa ang pangalan ng Calvin Klein ng suot niyang panty at tanging itim na sports bra sa itaas.

Oh my God! Noon pa man, sinasabi ko na lagi sa kanya na maganda siya at bagay sa kanya ang magmodelo. And now she’s really a model!

“Yes. Modelo ng Calvin Klein,” ani Hiro nang lumingon sa akin, hindi na tiningnan ang Billboard.

Nalaman ko rin na talagang busy siya. Hindi masyadong nagpapakita sa mga okasyon at mahirap daw talagang imbitahan dahil madalang lamang sumipot. Maliit lamang ang tsansang mapagbibigyan ako.

Kung hindi man kami makapag-usap, hindi ko alam kung kailan ulit. Years? I don’t know.

Hinatid ako ni Hiro sa bahay. Si Manang Jema ang nagbukas ng gate at nalaglag ang panga nang makita ako.

“Dios ko! Franca!” naiiyak niya akong nilapitan at mahigpit akong niyakap.

Tumawa ako at hinagod ng haplos ang kanyang likod. Humikbi si Manang Jema na ikinagulat ko pa.

“Ikaw talagang bata ka! Lagi mo akong pinag-aalala! Hinihintay kita lagi!”

Nilingon ko si Hiro na namulsa sa aming gilid. Tumulong ako sa pagpupunas ng luha ni Manang habang ngumingiti.

“I’m sorry, Manang… Napasarap ang bakasyon ko sa Davao.”

Sumimangot siya sa akin at muling yumakap. Kahit noong makapasok, hindi na ata maawat awat si Manang. Pasulyap sulyap kay Hiro, kuryoso ngunit siguro hindi na nagtanong kahit gulat ito.

“Teka ipaghahanda ko kayo ng meryenda!” natataranta siyang nagtungo sa kusina.

I sighed and smiled. Tiningnan ko ang kabuuan naming bahay. Masyadong tahimik. Simula noong nasa Davao na ako ay hindi ko na halos matandaan ang detalye ng kabuuan. Ngayon ay naninibago ako ngunit pamilyar sa akin ang bawat mwebles, bawat painting sa pader, malaking frame ng aming pamilya kung saan nakatayo ako sa gilid ni Mommy na nakaupo, seryoso ang tingin at si Daddy sa kabila na nakahawak sa upuan ni Mommy habang ang isang kamay ay nakabulsa. Kaming tatlo ay puro seryoso ang tingin at litaw na litaw ang aking kaputian.

“Hiro…” tawag ko.

“Hmm?”

Itinuro ko ang hagdan. “Sa kuwarto tayo…”

Nagtagal ang tingin niya sa akin ngunit kalaunan ay tumango. Sinabi ko kay Manang Jema na ihatid na lamang doon ang meryenda.

Ako ang bumukas sa pinto ng aking kuwarto. My eyes twinkled when I saw my old room. Nakita ko agad ang batang ako na nakahiga sa kama habang may binabasang libro.

Iba ito sa kuwarto ko sa Davao ngunit malaki rin. Pink pa ang bedsheet at kapansin pansin ang mga box kung saan ko inilagay ang mga gamit ko noon.

“Pasok ka,” anyaya ko kay Hiro at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto.

Namulsa siyang tumango. Gumala agad ang kanyang tingin habang ako naman ay naglakad patungo sa box na nasa gilid. Yumuko siya at binuksan iyon. Sumilip ako sa kanyang ginagawa at yumuko rin.

“Your old things?” he asked.

I nodded. Lumuhod ako sa carpet. Umupo rin si Hiro at nag-indian sit. Kinalkal ko ang loob. Tumambad agad ang mga luma kong gamit. Nangunguna ang box ng Chanel.

Nagkatinginan agad kami ni Hiro. Kinuha ko iyon at itinabi. Ang sunod ay isang mamahaling perfume na regalo ni Ken. Hindi ko nalang iyon masyadong pinagtuunan ng pansin at nangalpal pa ng ilan.

Puro cute things na ang nandoon. I hated my past self kaya ganoon ako ka pursigidong itapon lahat ng bakas na magpapaalala sa akin sa malaanghel kong sarili.

I was so harsh for killing my old self because she’s a big disappointment and a failure.

If only I could time travel, I wanna give her a hug and comforted her instead of being harsh to myself. I will whisper so many good things to her. Papagaanin ko ang loob niya dahil alam kong iyon ang kailangan niya.

Nagulat ako nang mahanap ang aking dating cellphone. Naka-off iyon kaya kinalkal ko ang charger and luckily gumagana pa naman.

Kumatok si Manang at pumasok sa pintong nakabukas ng malaki. Nangingiti niyang dinala ang tray ng meryenda at inilagay sa round table, sa harap ng puting sofa.

“Meryenda muna kayo…”

“Thanks Manang…”

Iniwan agad kami ni Manang para makapag-isa. Iyong sunod naman na box ang binuksan ko.

“What’s this?” takang tanong ni Hiro nang may kinuhang lipstick. Hindi pa nakatulong noong napindot niya at nagvibrate agad.

My eyes widened. ’Yan ’yung regalo sa akin ni Irah sa irita niyang puro pang-aasar ang pinangreregalo ko sa kanya. It’s a vibrator!

“Oh that’s…” mabilis ko iyong binawi at ibinalik sa box.

Umangat ang kilay ni Hiro. Patay-malisya akong nangalkal ng iba pa. Hindi ko naman ’yan ginamit.

God. Kalahati ata ng kalokohan ko sa buhay ay si Hiro ang nakakakita. At bakit ’yung mga nakakahiya pa?

“Girl’s stuff. Lipstick,” I answered coz he’s looking at me.

“And it’s moving?”

“Lips are moving too, Hiro,” giit ko, gustong lumusot sa kalokohan at hindi siya tiningnan.

“A normal lipstick won’t move like that,” aniya.

Umirap ako. “Siyempre it’s a modern lipstick. High-tech na ngayon ang mga gamit. Gumagalaw na sila mag-isa,” I reasoned.

He tilted his head and looked at me suspiciously.

“You’re really obvious when you’re…” nailing siya at binasa ang labi.

“Fine. It’s a vibrator. Someone gave it to me,” kaonting sulyap lamang at binawi ko agad.

Humilig si Hiro sa isa niyang hita at pumangalumbaba. Ang kanyang kamao ay nasa baba niya na.

“Who gave it to you?”

“Irah,” sabi ko para tumigil na siya sa pagiging kuryoso niya.

“And you…” he stopped.

“Use it?” I smirked at him.

Nagtagal ang titig ni Hiro sa akin.

Hindi naman ako ganoon ka tigang noon. Yes I was curious with things and such but I am more active with my social life rather than my sex life.

“I didn’t,” sabi ko para matigil tigil ang iniisip niya.

Hiro nodded calmly. Isinara ko na ang box dahil baka kung ano pa ang makita ko ulit doon.

“Why are you so curious with my sex life? Wala ka bang ganoon?” kutya ko kahit ako rin naman itong walang ganoon.

“I’m not sexually active,” aniya.

Tumango ako at hindi makatingin. Bukod sa nasa kuwarto kami, nakabukas ang pinto, nasa ibaba si Manang Jema, tapos ganito pa ang pinag-uusapan.

“Edi hindi mo nagamit ang mga condoms natin noon?”

He laughed a little and shook his head.

“Hindi…” namamaos niyang sabi, tumitingin tingin na sa aking labi at namumungay na ibabalik sa aking mga mata.

I nodded again. “Wala kang naging… fling or… you know… one night—”

“Virgin you say?” dugtong niya.

Natutop ang aking bibig at tumango.

“I am.”

My eyes widened a bit. He’s… huh… virgin?! I mean hindi naman dapat bigdeal iyon. Ngunit gulat pa rin ako.

“You never tried…” nagkatinginan kami at hindi ko halos madugtungan.

He shook his head slowly.

Oh I am so stupid for thinking about him and Naia doing it when I was young. Ang babaw din naman kasi ng tingin ko kay Hiro noon. He’s sorrounded by his playboy cousins. But thinking about his circle of friends, sina Philip, Christian, at iba pa, unti-unti kong napagtanto kung gaano siya ka mapili sa mga kakaibiganin. Those men aren’t wellknown for being playboy but for being academically smart and gentleman.

Isa sa naalala ko, wala siya sa circles ni Trey. Si Toshi ang nasa circles ng aking pinsan. Si Hiro naman ay nasa circles ni North. And my cousin is fucking smart. Marami mang nagkakagustong babae at pilyo pa ang delikadong ngisi ngunit hindi iyon playboy.

“But I jerked off sometimes before bed,” he admitted casually.

Nabuga ko ang tawa. Oo at normal naman sa boys ngunit… natatawa ako. Nagkasalubong ang kilay ni Hiro ngunit ngumingiti.

“Pampatulog mo?” halakhak ko.

Ngumisi si Hiro at nailing. “Tsss.”

“Nagtatanong lang ako!” giit ko kahit ngiting ngiti.

Hindi siya umimik kaya mas lalo akong tumawa. Ngumuso si Hiro, kalaunan ay papayuko habang hinahaplos ang buhok at natawa rin.

“Stop it…” namamaos niyang sabi at nasisilip ko ang ngiti.

“Akala ko kasi pipikit lang para makatulog. May iba ka pa palang paraan?”

Umahon ang kanyang ulo. Inangatan niya ako ng kilay. “I needed it when I’m turned on.”

Tumango ako at ngumisi.

“What turned you on?” kuryoso kong tanong.

Naninimbang ang tingin ni Hiro sa akin at kinakagat kagat ang pang-ibabang labi. Iniisip ko tuloy… baka… ako pala? Pinagnanasaan siguro ako nito? I mean he’s inlove with me. Siguro naman may gumagapang na ganoon sa imahinasyon niya?

“Your dance…” sabay pasada ng haplos sa buhok.

Nagkatinginan kaming dalawa. Bumababa ang tingin niya sa aking labi ngunit mabilis na iaakyat sa aking mga mata.

“Do you get horny when you’re with me?” nagtagal ang titig ko sa kanya.

His brows furrowed but he looked so willing to answer all my curiosity.

“Pag mag-isa ako. At… naiisip kita,” maingat niyang sagot.

“Pero pag magkasama?” talagang pinagpipilitan ko huh.

“Our moments together are short-lived. At magkakaroon pa ba ako ng oras sa ganoon kung malakas kang mang-away? Titingnan ka lang bastos agad…” nailing siya.

“It’s because of your lustful eyes…”

“What? That’s not how I looked at you,” pag-alma niya sa paratang.

“Para kang nanghuhubad kung makatitig. Sabik na sabik,” irap ko.

Humagalpak si Hiro. Nanatili ang palaban kong ekspresyon dahil totoo naman. Napaatras siya at naitukod ang kamay kakatawa. He pushed his head back and laughed hysterically.

Tumingin ako saglit sa kandungan niya. Tumingin ulit sa malaking katawan niya. Tumingin sa dibdib niya ganoon din ang biceps na sumisilip. Binawi ko ang tingin nang gumalaw ang kanyang ulo at nakangising sumulyap sa akin.

“Mukha lang akong patay na patay sa’yo kung makatitig pero hindi ’yon dahil pinagnanasaan kita.”

“Still…” I arched my brow.

Tumango siya at parang gusto nalang sumuko.

“I’m sorry for that if it’s making you uncomfortable. Masarap ka kasing titigan…” pag-amin niya.

I flashed a smirk.

“But I’m not sexually aroused everytime I looked at you. Hindi rin kita pinag-iisipan ng kahit ano pag tinititigan kita. You’re just so damn beautiful so…” paliwanag niya agad.

I chuckled. “No need to apologize. Komportable naman ako.”

He nodded and smiled. Ibinalik ko ang atensyon sa box at nagpasyang itabi na ang mga iyon.

Hindi na rin siya nagtanong ng kung ano ano sa akin. Ni hindi nagtanong kung may experience din ba ako. Maybe it wasn’t a bigdeal for him or he doesn’t like asking things about virginity and such. Komportable naman akong pag-usapan kung sakali man.

“Mag-iingat ka lagi…” haplos ni Manang Jema sa aking pisngi sa namumungay na mga mata nang magpaalam din kami.

Yumakap ako sa kanya. Noong humiwalay, sumulyap kay Hiro.

“Ikaw rin hijo…”

Tumango si Hiro. Hindi rin naman kami nagtagal doon lalo na’t kailangan ko ring bumalik agad sa Davao.

Tanging cellphone at regalo ni Hiro sa akin ang dinala ko pabalik. I want to recover my old photos for the good memories I had when I was young.

Buong byahe, pansin ko na wala namang tanong si Hiro tungkol sa pag-alis namin. He’s silent about it. He looked contented and he’s willing.

Laman iyon ng isip ko hanggang makauwi kami sa bahay. Ang unang sumalubong sa akin ay si Lola. Sumunod si Lolo. My parents aren’t around ngunit maya maya ay nakauwi rin at nangumusta agad sa lakad ko sa Manila.

Napuno ng kwentuhan sa dinner. Muling naimbitahan si Hiro na kumain sa amin. Dinaldal ko sa kanila lahat lahat habang nakikinig sila, ngiting ngiti at halatang nag-eenjoy sa kuwento ko.

“Nakapag-impake kana ba para sa pag-alis natin?” biglang singit ni Daddy pagkatapos ng kuwento ko.

Nangingiti pa ako noong bumaling sa ama kong nasa pagkain ang tingin at sumusubo. My Lola’s smile slowly vanished. Si Mommy ay medyo naging hilaw din ang ngiti at kahit si Lolo ay napatingin kay Hiro.

“I’ll do it later, Dad. After this…”

Tumango si Daddy. “Good.”

Nagkatinginan si Lola at Mommy. Si Lolo naman ay sumimsim sa kanyang basong tubig at si Hiro ay nakatingin sa pagkain.

“Malaki ba ang bahay na nabili niyo roon, Dos?” tanong ni Lola at mukhang pilit pinapahupa ang sumapaw na tensyon sa biglaang katahimikan.

“Malaki rin…” si Daddy.

“Which part of the City?” makahulugang tanong ni Lolo.

“I already told you about it, Dad…” nag-angat ng kilay si Daddy kay Lolo.

“I forgot. You know I’m old…” sabay ngisi.

“Alam ni Mama,” si Daddy.

“Naalala mo, Tracey?” baling ni Lolo kay Lola.

“Teka… parang… hindi. Saan nga ’yon, Dos?” si Lola na ngayon ay nakatingin na rin kay Dad.

“Sixteenth Arrondissement,” my father murmured.

Oh? That’s one of the nicest Arrondissement in Paris. If my memory is right, it’s located across the Seine from the Eiffel Tower in the southwest corner of Paris. Maganda nga naman roon.

“That’s the entire address? Walang… exact location?” si Lolo.

Bumagal ang pagnguya ko. Sa gilid ng aking mga mata, ramdam kong nakikinig si Hiro ngunit parang malalim din ang iniisip.

“That’s it,” si Daddy na parang gusto nang tapusin ang usapan tungkol sa address.

Panay ang lingon ko kay Hiro. Si Lola nalang ang nagbukas ng panibagong usapan ngunit hindi mo naman makikitang apektado si Hiro. He’s composed. Of course he’s willing to follow my father’s rule.

Nag-impake ako kinagabihan habang nagte-text kaming dalawa ni Hiro. Nagtutupi na ako ng damit sa aking bagahe noong matanggap ulit ang text niya.

Hiro:

Are you planning to activate all your social media account? Instagram?

Binitiwan ko ang tinutupi kong undies at kinuha ang aking phone.

Ako:

Maybe? I missed posting photos.

Inilapag ko ulit iyon at ganadong pinagtutupi ang ilan ngunit matitigil para muling tingnan ang text ni Hiro.

Hiro:

Public?

Ngumiti ako. I didn’t follow him on that account. Alam ko dahil ang batang ako ay hindi naman kuryoso sa kanya. I only followed few of the Delafuentes. Mostly girls.

Ako:

I’ll follow you don’t worry :)

Ngumiti ako ng matamis. Tumayo ako at nagtungo ulit sa walk-in para tingnan ang mga importante kong gamit doon. Oh I should bring some of my heels! Nandito halos lahat ang mamahalin kong gamit at ang iba pang dress ay nasa plastic, hindi halos nagagalaw.

Kumuha ako ng mga damit sa hanger rack at dinala lahat palabas. Umilaw ang screen ng aking phone dahil sa panibagong text.

Binitiwan ko sa kama ang mga iyon at dinampot muli ang aking cellphone.

Hiro:

Thanks :)

Hiro:

Your facebook account?

Kinagat ko ang labi at nagtipa ng mensahe.

Ako:

Gusto mo rin doon?

He reacted on my text first before typing for another reply.

Hiro:

It’s up to you.

Ako:

’Yung friend request mong more than ten years na?

Ilang taon nga lang ako noong mangyari iyon? Eighteen? Nineteen? Natatawa pa ako dahil aksidente kong na like ang post niya months ago.

Hiro:

It’s fine if you want me as your follower.

Ngumiti ako at nagreact sa mensahe niya. Wala sa sariling napahiga ako sa kama. Oh you’re so… pumikit ako at nasapo ang dibdib. Malala na talaga ako. Kahit aalis, kampante ako kay Hiro. Kahit nasa malayo, panatag ako.

For the longest time that we’ve known each other, his consistency never failed to give me the assurance I needed.

Kaya kahit siguro nasa kabilang panig ako ng mundo, malayo at wala sa tabi niya, magiging panatag ako!

Ni hindi ko magawang ma-insecure sa nakapaligid sa kanyang babae. Sadyang sa sobrang laki ng ibinigay niyang assurance, panatag ang puso ko kahit wala man siya sa tabi ko.

“Ihahatid mo kami?” gulat na tanong ni Mommy nang magpakita si Hiro sa aming bahay at nagpresentang ipagmaneho kami sa airport sa araw na ’yon.

“Baka balak mong sumama. Tatlong plane ticket lang ang naka reserba,” nagawa pang magbiro ni Daddy.

“Hindi Sir. Baka ihulog niyo lang din ako sa eroplano o isabit sa labas ng bintana pag tinangka ko,” Hiro chuckled playfully.

Nagawa pang makipagbiruan! Nagkasalubong tuloy ang kilay ni Daddy.

“Huwag mo ’yang pansinin, hijo. You know… matatanda. Istrikto,” my Mom giggled.

Hinayaan nila si Hiro na ihatid ako lalo na’t pumayag din ako. My Lolo let him. Ayaw na rin kasi nilang sumama sa airport. Yakapan at pamamaalam ang ginawa namin bago umalis.

Besides, may mga okasyon naman. Uuwi paminsan minsan for sure. May pasko, Anniversary, Chinese New Year, birthdays, maraming okasyon! Hindi ito ang magiging huli.

Hinalikan ako sa ulo ni Lolo at Lola bago ako pumasok sa kotse ni Hiro kung saan ako sasabay. Tatlong kotse ang gamit. Isa kay Hiro, isa sa aking parents, at isa sa mga tauhan na sisiguraduhing safe na pupunta roon.

Tahimik si Hiro sa driver’s seat. Ako naman nakatingin sa bintana, tahimik din. Tinitimbang ko ang sitwasyon ngunit malinaw sa isip ang aking plano.

Hindi naman ito ang magiging huli naming pag-uusap ni Hiro. Kaya siguro… ayos nalang din sa akin ang pananahimik niya.

Natanaw ko ang airport. Pumasok kami sa parking lot. Naunang bumaba ang aking parents at kita ko ang pag-aabang nilang makababa ako habang kinukuha palabas ng mga tauhan ang dalang bagahe. Lumabas si Hiro sa driver’s seat. Umikot siya at pinagbuksan ako sa front seat.

Lumabas ako at muling pinanood si Hiro na nagtungo sa back seat para kunin ang aking malaking bagahe.

Ibinaba niya iyon at hinila paakyat ang handle. Imbes na ibigay sa akin ay siya mismo ang humawak noon.

Tahimik pa rin siya habang naglalakad kami patungo sa aking parents. Sabay kaming pumasok at naghintay sa flight sa upuan. Matao. My heartbeat is stable. Hindi na ganoong nininerbyos.

Nag-uusap si Mommy at Daddy sa gilid. Sa aking tabi, tahimik na nakahalukipkip si Hiro at seryoso. He’s not talking to me.

Ngumuso ako. Wala ba siyang… sasabihin? Aalis ako at tahimik siya? Talagang namamangha ako sa paninindigan ni Hiro at pagiging matibay niya.

“Franca,” tawag ni Dad na ikinabalik ko sa sarili. “It’s time…” aniya habang tumatayo na rin sila ni Mommy.

Tumango ako at tumayo. Tumayo rin si Hiro. My mother went to him first. Tumingkayad siya at niyakap si Hiro.

“I’m gonna miss you…” bulong ni Mommy.

Hiro bowed his head a bit but didn’t say anything. Humiwalay si Mommy at ngumiti. Tinapik niya ang balikat ni Hiro at bumalik sa gilid ni Dad.

My father just looked at him seriously. Napatingin din si Hiro at iniyuko ng kaonti ang ulo para magbigay galang.

“You take care,” malamig na tugon ni Daddy.

Mommy chuckled. Hiro nodded and smiled a little.

“You too, Sir…”

Ako naman ang lumapit kay Hiro. I saw how his jaw clenched a bit. His weary eyes looked weak. Humigpit ang hawak niya sa handle ng aking bagahe noong huminto ako sa harap niya.

He slowly put my baggage infront of me. Tumingin ako saglit doon at muling umahon ang tingin para tingnan siya.

“So… see you?” I chuckled weakly.

He nodded and smiled. “See you…” he whispered hoarsely.

Doon ko napagtanto kung bakit siya hindi nagsasalita o kinakausap man lang ako. Bumaba ang aking balikat at kinuha ang handle ng aking bagahe.

I looked at Hiro. Sumeryoso siyang muli, matatag tingnan at hindi nababali ang kompustura. I smiled and nodded, slowly turning my back.

I have so many things left on my mind. Marami akong gustong sabihin ngunit parang hindi ko rin kayang magsalita lalo na’t sa pananahimik niya, parang hindi ko rin kayang baliin iyon.

I won’t forget your love, Hiro. It will always serve as a reminder for your long rope of patience. You have everything. Flawed but still worthy.

Marahan kong hinila ang bagahe at sumunod sa aking parents. Lumingon ako sa likuran. Nakita ko sa dagat ng mga tao si Hiro. Nakapamulsa habang malalim ang paninitig at hindi umaalis sa kanyang kinatatayuan, tahimik akong tinanaw na umaalis.

I saw him on my mind. Different places. But same image and deep brown eyes. It was so fast. Nagbabago ang damit niyang suot, ang paligid, ang kulay ng langit, ang dagat ng mga tao, ngunit mananatili siyang nakatayo, tahimik akong titingnan sa malayo.

And that’s how he loved me for the past years. Until now. Patience. Sacrifice. Unconditional love.

I smiled and bowed my head a bit. My heart hurts for him. Ngunit kontento at kampante ako ngayon. Hindi siya aalis. Mananatiling naghihintay. Magpapaubaya at mamahalin ako ng walang kapalit. Mamahalin ako sa malayo. Mamahalin ako ng kusa. Mamahalin ng tunay.

50th Ruled

Ruled

This is the last chapter of the story! See you in Epilogue. ———-

Completely

Tiningnan ko ang pagbaba sa airport. Matao at makikita mong umuuwi rin ang iba, ang iba naman ay paalis pa.

I will start another life in here. Bago. Siguro malayo na sa nakagisnan ko ngunit alam ko kung paano magsisimula.

I needed a fresh start after what happened. Malayo man sa Manila at sa mga mahal ko sa buhay katulad nila Lolo at Lola, ang mga pinsan ko, at mga nagmamahal sa akin, ngunit alam kong masaya sila para sa desisyon kong ito.

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan. Ngumiti ako at ganadong naglakad patungo sa direksyong dapat balikan, tinatanaw ang pamilyar na lalakeng hindi man lang umalis sa kinatatayuan niya, nakapamulsa at nakayuko.

Para na namang inapi kaya ganoon ka dismayado, ganoon ka lungkot at umugat na ang paa sa kung saan ito iniwan. Miserable at pilit tinatanggap ang desisyong pinanindigan hanggang dulo.

Umahon ang tingin ni Hiro. Ang namumungay at pagod na mga mata ay nahanap ang akin. I smiled. His eyes slowly widened and his lips parted. Kita ko ang paglabas niya sa kanyang mga kamay sa kanyang bulsa at kumunot ang noo.

I saw how his eyes turned into bloodshot. How his jaw clenched and looked at me intensely. Sunod sunod ang malalaki niyang hakbang at halos may pagmamadali sa kilos para lang masalubong ako.

Huminto ako.

“I’m inlove with Hiro, Mom… Dad…” sa gabing iyon bago ang flight.

My mother’s eyes widened but she slowly calmed down and smiled.

“We know, hija…” she laughed happily.

“At gusto kong manatili rito sa Davao. Sa bahay namin sa Crocodile Park…”

My mother nodded and smiled. My father looked at me seriously but he’s calm.

“Did you confess to him?” my father asked.

Umiling ako. “But we kissed.”

Mommy laughed hysterically.

“Duda talaga ako sa goodbye kiss na ’yon…” nailing si Dad at parang may ibang alam.

“And you didn’t tell him that you love him?! But you kissed him?!” tawang tawa si Mommy habang si Daddy, mariin ang titig sa kanyang tabi lalo na’t nakaupo sila sa malaking sofa at ako itong nakatayo sa kanilang harapan.

“It was an assurance Mom… he kissed me infront of their clan,” I chuckled.

“At anong reaksyon mo?” tanong niya, tila ba proud na proud na may ganoong nangyari.

“Of course I kissed back,” mayabang kong sabi at ngumisi.

Mas naging malakas ang tawa ni Mommy at sunod sunod. My father’s brows furrowed.

“Torrid?!” Mommy asked more.

“Addi,” saway ni Daddy at napahilot sa kanyang sentido.

“It’s a long kiss…”

Naging mahaba ang tawa ni Mommy, walang pakialam kahit sobrang magkasalubong na ang kilay ni Dad. I chuckled and brushed my hair. Binasa ko ang labi at tumingin sa ama kong pinoproseso pa ata sa isip ang lahat.

“Nangako ’yon sa’kin na hindi ka hahabulin at tatantanan kana,” ani Dad, na sigurado siyang hindi mababali ang paninindigan ni Hiro.

“Kaya ako ang hahabol, Dad…” ngisi ko.

Ang humuhupang tawa ni Mommy ay nadagdagan ng panibago at lumakas. Natutop ang bibig ni Daddy at mariin akong tiningnan.

“I’m a mess but you told me I’m perfect for him…”

“I said you’re perfect, sweetheart. Not perfect for him,” pagtatama ni Daddy.

“Ano ka ba, Dos! Anong ginawa noong bata sa’yo para ganyanin mo? Lower down your pride and admit to yourself that you like him for our daughter! Kunwari ka pa talaga…” si Mommy na irita ngunit sumisilay ang ngisi.

My father snorted.

“Baka ginayuma ka niyan kaya mo nagustuhan? Ilang beses mo yang b-in-asted. Maybe you’re just confused because of his dreamy kisses,” aniya.

“Dad that was our first kiss,” I chuckled.

Namilog ang mga mata ni Mommy. “He never kissed you? Pero lagi kayong magkasama ah? Hindi naman sa dirtyminded ako hija but let’s be honest. Imposible minsan na…”

“Hindi, Mommy. Pero one time…”

“Ano?” atat agad si Daddy, madilim ang ekspresyon at parang babalian ng leeg si Hiro kung mali ang nasabi ko.

“One time he asked for my permission to hug me. Dito ’yon sa Davao. And our second hug was in Cebu. I initiated it.”

Nalaglag ang panga ni Mommy, kalaunan ay ngiting ngiti at mayabang na nilingon si Daddy.

“Kaya mo ’yon, Dos?” nanunuyang tanong ni Mommy.

My father snorted again and shook his head.

“Dapat lang na huwag ka niyang basta bastang hawakan. You’re my daughter. Matakot siya.”

“Edi first time niyo rin ’yung holding hands niyo sa The View?”

Tumango ako sa tanong ni Mommy. She started laughing again.

Hindi pa rin mukhang kumbinsido si Dad kahit halata na sa mukha na natutuwa. Nagpipigil lang.

“Sabi ko na talaga! Kaya siya talaga ang pinaka gusto ko sa mga magpipinsan…” pagmamayabang ni Mommy.

“Thought it’s Snow’s son?” si Dad.

“Hindi ah! Si Hiro. Guwapo naman silang pareho. Kay Hiro ako boto,” ani Mommy.

My father sighed and looked at me again.

“Sino ang titira sa bahay natin sa France? I bought that place for you,” si Dad.

“Edi mga apo natin, Dos.”

Nagkasalubong muli ang kilay ni Daddy. Mas naging problemado pa ata sa binanggit ni Mommy kaya halos hindi na maibalik sa dati ang kilay.

“Magbakasyon nalang po muna kayo, Mom, Dad…”

“Buti pa nga, Dos. Lately ang stress mo. Parang tumatanda kana,” nagawa pang tingnan ni Mommy ang mukha ni Daddy at hinaplos ang pisngi.

“Kailangan mo siguro muna mag-unwind, Dos. Nagkaka wrinkles kana nga…” my Mom’s voice softened teasingly.

Mas lalong naging estrikto si Daddy at mariing tiningnan ang aking ina na nawiwiling asarin siya. Ibinalik ni Mommy sa akin ang tingin, ngiting ngiti.

“Oh hija…” tumayo si Mommy at niyakap ako. “I am so happy for you…”

Yumakap ako pabalik. “Thanks a lot. And I’m sorry for being a burden, Mom…”

“What? Oh please! Kami pa ba ng Daddy mo? Huwag kang mahiya sa amin! We’ll do anything for you!” tawa ni Mommy nang lumayo at hinaplos ang aking pisngi.

Hindi ko halos matanggal ang ngiti. Tumingin ako kay Daddy na nakaupo pa rin, estrikto at hindi talaga ngumingiti.

“Magpapasuyo lang ’yan kasi magkaka-boyfriend kana…” bulong ni Mommy.

I chuckled and went to my father. Umupo ako sa kanyang tabi at niyakap siya sa gilid. He sighed and kissed my head.

“I have no choice if you’re inlove with him…” ani Dad nang inakbayan niya ako para mayakap siya nang maigi.

“Thanks a lot, Dad… I love you so much…” bulong ko sabay tingala sa kanya.

Yumuko siya at hinalikan ang aking noo.

“Anything for our baby…”

I have so many reasons to choose him completely. So many reasons why I want to be with him. Ang mga lumipas na taon ay magiging palatandaan kung paano kami pinatatag at tinuruan ng leksyon para matanggap ang isa’t isa.

I want a life with him. Alam kong mahaba pa ang proseso noon. Marami pa akong matututunan ngunit handa akong matuto habang minamahal ko siya. I know what I’m trying to achieve is impossible, knowing that the love Hiro gave me is way too big to compensate. Ngunit ang itinuro niyang pagmamahal sa akin, na dapat ay walang kapalit at hindi kailangang tumbasan, napagtanto kong hindi mahalaga kung sino ang mas higit na nagmamahal.

Higit man sa kanya ngunit alam ko, sapat lamang akin para manatili ako sa tabi niya. Higit sa kanya para tiisin at magpaubaya, sapat naman sa akin para piliin siya.

And if he can’t break my father’s rule then I’ll gladly break it for him…I will break it to be with him.

Isang hila sa aking baywang, nadikit agad ang aking katawan patungo kay Hiro. Niyakap niya ako ng walang pag-aalinlangan.

“Why did you come back?” namamaos niyang bulong at idiniin ang mukha sa gilid ng aking leeg.

“I’m inlove with you, Hiro…”

“You’re what?” garalgal ang kanyang tinig, tila ba banyaga iyon na halos hindi niya makilala dahil kailanman, hindi niya narinig sa aking labi.

“I want a life with you…” ulit ko.

He sighed heavily. Ramdam ko ang gulat niya, ang pagkakatitigil at ang paghigpit lalo ng yakap sa akin.

“Hindi ko maamin amin sa’yo dahil gusto ko munang kumpirmahin ang nararamdaman ko bago magpadalos dalos. Ngunit… simula noong nandito ako sa Davao, nagugustuhan na kita. At noong bumalik ka, natuto na ang puso kong mahalin ka…”

Mas ibinaon niya ang mukha niya sa aking leeg. He sighed again. Parang hindi siya makapaniwala sa naririnig niya.

“Ikaw nalang ang nagugustuhan ko noong mga panahong iyon. At simula noong nagustuhan kita… hindi na ako nahulog sa iba pa. Hindi na ako nakaahon pa.”

“Ngunit hindi ko kayang sumugal dahil natatakot ako lagi. I’m a mess. Nakakapangliit ang pagmamahal mo kaya noong nagustuhan kita, nilibing ko agad.”

“Tinanggap ko na noon na hindi para sa akin ang ganoong pagmamahal kaya hindi ko na sinabi sa’yo noong magkita ulit tayo. Tinanggap ko na hindi ka para sa akin at… hindi ako karapat dapat sa’yo.”

I buried my feelings for him in the dark for so long. Hoping I would forget him but, I couldn’t. And I guess he’s right. You can’t manipulate someone’s heart so easily. Kung mahal ka ng isang tao, mananatili ang nararamdaman nito para sa’yo. Kahit nasa malayo ka man, kahit ilang taon pa man ang dumaan, hindi makakalimot ang puso.

“But your love and patience taught me so many things. Your love pulled my dead heart from its grave. Kaya gusto kong… manatili sa tabi mo dahil naniniwala akong kaya rin kitang mahalin sa paraang alam ko.”

He sighed again.

“Mahal kita, Hiro…”

“You’re inlove with me?” he repeated weakly.

Tumango ako at ngumiti. “I am inlove with you…”

“Hindi ka aalis?”

Umiling ako. “Hindi. Mananatili ako sa tabi mo.”

“How about your life in France? Hmm?” tanong niya habang nakayakap pa rin.

“My life is here. In your arms.”

Humaplos ang kanyang hininga sa aking leeg nang muling huminga nang malalim at hinigpitan lalo ang yakap sa akin.

“Hindi mo ba nararamdaman na… nagugustuhan na kita? At mahal kita?” bulong ko nang manahimik siya.

“Hindi mo naisip na pipiliin kita ngayon?” dagdag ko nang wala siyang naisagot.

“I was never your first choice, Torrefranca.”

Bumaba ang aking balikat. Nasusugat ang puso ko dahil totoo iyon. Yes, he was never my first choice. The least I liked. But that was years ago. Iba na ngayon.

“Handa ang puso ko ngayon na piliin ka, Hiro. Simula ngayon. Bukas. Sa susunod na mga araw. Sa lilipas na taon. O hanggang pagtanda nating dalawa.”

“God…” he whispered breathily and planted a small kiss on my shoulder.

I’m sorry if it took me long… and thank you for being patient… Thank you so much.

Hindi na ata namin nabitiwan ang kamay ng isa’t isa. Kung bibitiw man ako, ililipat niya iyon sa gilid ng aking baywang at doon ako hahawakan.

Naninindig ang aking balahibo. Ngayon niya lamang ako hinawakan doon at parang kinukuryente ang aking katawan sa bawat haplos ng kanyang kamay.

“Let’s go home,” bulong niya habang ginigiya na ako pabalik sa parking lot.

Tahimik kaming dalawa buong byahe ngunit magkasalikop pa rin ang aming mga kamay. Paulit ulit kaming naglilingunan at kung magkakatinginan ay kapwa mapapangiti at iiwas ng tingin.

Pagdating sa bahay ay iginala ko agad ang tingin. I couldn’t find Illisha but it feels nostalgic. It feels like home. Ang memorya ko sa kanya ay mananatili sa isip ko. Magiging palatandaan iyon na naging matapang ako sa lumipas na taon.

Umakyat kaming dalawa ni Hiro. Ipinasok niya ang aking bagahe sa kuwarto. Nagtungo ako sa balkonahe at humawak doon habang tinatanaw ang kabuuan.

Ilang sandali lamang ay may dumagdag na mga kamay sa bawat gilid ko. Naramdaman ko ang tindig ni Hiro sa aking likuran, naaamoy ang kanyang pabango.

“Do you miss her?” he whispered.

I nodded weakly. “Hindi ko pa rin tanggap hanggang ngayon, Hiro…”

“You don’t need to forget her, Torrefranca.”

Namungay ang aking mga mata at tumingin sa kulay bughaw na langit. Nakita ko kung gaano iyon katingkad. Payapang gumagalaw ang mga ulap.

Kung bibigyan man ulit ako ng tsansa na makita siya, na mahawakan at mayayakap siya, ibubulong ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kung paano niya binago ang pananaw ko sa buhay.

My medications pulled me back from the reality, away from her. Mahirap dahil kailangang masira ng imahinasyong kasama si Illisha para lamang maibalik ako sa reyalidad na wala siya.

Until now, I am still longing for her like a mother who lost her child. Nangungulila at nagdadasal na sana, kahit sa isang sandali lang, makita siya at mayakap.

I felt Hiro’s warm hug behind me. He rested his chin on my shoulder and watched the sky with me.

“Gusto mo bang bisitahin ang puntod ng anak nila?”

Lumunok ako at parang may sumaksak sa puso ko. Pumikit ako.

Mabigat pa rin kahit na nakausap ko na si Marione at Ken. Ni hindi ko pa kayang tanggapin ang pagkawala ni Illisha. At hindi ko alam kung kaya ko bang humarap sa puntod ng mismong anak nila.

“Tell me when, hmm?”

I nodded and smiled a little. Payapa kong tiningala ang langit. Ilang minuto ang nanaig na katahimikan sa amin hanggang sa nagpasya akong humarap sa kanya.

Humiwalay siya sa pagkakayakap. Itinukod niya ang isang kamay sa gilid, ang isa naman ay dumulas patungo sa kanyang baywang at ipinalupot niya iyon doon.

Nahulog ang tingin niya sa akin. Dito rin ’yon… halos isang taon na ang nakalipas ngunit malinaw ang bawat detalye sa isip ko.

“So… pwede na akong manligaw?”

My eyes widened for a second. Namamangha akong natawa at hindi makapaniwalang naiisip niya pa iyon?

“Hiro we’re too old for courtship. At hindi pa ba panliligaw ang ginawa mo sa mga nagdaang taon?”

“I was willing to stay by your side, Torrefranca. Kahit hindi man bilang manliligaw mo.”

Humampas ang hangin kaya sumabog ng kaonti ang aking buhok. Isinabit iyon ni Hiro sa gilid ng aking tainga.

“Huwag kanang manligaw… Hindi na kailangan,” sabi ko. “And I don’t want you as a boyfriend…”

His eyes twinkled. Ngumuso siya ngunit nangingiti talaga. Yumuko siya at ipinagdikit ang aming noo. His nose slowly traced my nose.

“Then what do you like, hmm?” pikit-matang tanong at namamaos ang pagbulong.

“Husband,” I murmured.

He shut his eyes and flashed a triumphant smile.

“Hmm… You’re so madly inlove with me that you don’t want me as your boyfriend but as your husband? Really?” he laughed on my ear.

“Ayaw mo?”

“No,” agap niya at nangingiting ibinaon ang mukha sa aking leeg. “I want you as my wife, Torrefranca…”

I chuckled and nodded. “We’re too old as a couple. At sigurado naman ako sa’yo.”

Umahon ang kanyang ulo at dinungaw ako.

“I don’t want to sound assuming but… I actually bought a ring years ago,” aniya na ikinagulat ko.

May kinapa siya sa kanyang bulsa. Ilang sandali lamang ay yumuko at may hinagilap sa binuksang pitaka.

“Nangako ako sa sarili ko na kung sakali mang… kahit kaonti… ay may maramdaman kana, pakakasalan agad kita.”

My eyes widened when I saw his ring. Nangingislap ang aking mga mata nang umahon ang tingin kay Hiro. Ibinalik niya ang wallet sa bulsa at hinagilap ang aking daliri.

“Let’s get married…” he whispered and slowly inserted the ring on my ring finger.

I smiled warmly and nodded. Tumingkayad ako at niyakap siya. Ipinalupot niya ang kamay sa aking baywang. He sighed and kissed the side of my head.

Tiningnan ko ang singsing. The diamond ring sparkled. Tumingin ako sa langit at napangiti. Illisha… Do you see this? We’ll build our own family soon. The spell you casted on me worked. I’m… I’m happy with him.

“Pwede na ba kitang hawakan lagi?” namamaos na bulong ni Hiro.

Tumango ako at natawa. “You can.”

“Hold your hands?”

“Yes, Hiro…”

“Hug you?”

“Ahuh…”

“Kiss you all the time?” ibinulong niya iyon sa aking leeg.

“All the time huh? Baka naman hindi na ako makakahinga niyan?” sinilip ko ang kanyang mukha kahit sinisiksik niya iyon sa aking leeg.

“Touch you?”

Of course yes!

“Oo…”

“Make love?” his shameless suggestion made me chuckled.

“Anything, Hiro. We’re getting married soon so I’m allowing you to do all the things you want to do with me. Oh we’ll make love all day. All night…”

He grunted. Isang halakhak ang nagawa ko. I’m ready.

His hug tightened. “I love you…”

“I love you…” bulong ko.

His shoulder jumped a bit. Ngumuso ako dahil ramdam ko na kinikilabutan siya.

“I’m inlove with you,” he said like he won’t get tired saying it.

“I’m inlove with you too…”

“I love you so much,” he murmured again which made me laughed.

“Paulit ulit naman!” reklamo ko at humiwalay para magkatinginan kami.

“Masarap lang pakinggan na sumasagot ka. I love hearing it,” aniya sa namumungay na mga mata suot ang munting ngiti.

Huminga ako at hinaplos ang kanyang pisngi. Dumulas ang kanyang kamay patungo sa aking palad hanggang ipinagsalikop niya ang aming mga daliri.

“I won’t get tired saying it. Always,” he said.

His love feels warm. Iyon din siguro ang dahilan kaya kahit inilibing ko na ang nararamdaman ko sa kanya, kahit nabalot na ng yelo ang atraksyong pilit kong kinakalimutan, natutunaw pa rin iyon ni Hiro. Nahila niya ang pag-ibig na matagal kong itinago sa dilim.

Nagtungo kaming muli sa Manila sa sumunod na araw para makapag-usap kami ni Naia. Naunang bumaba si Hiro at pinagbuksan ako ng pinto.

“I will stay here while you talk to her,” aniya nang makarating kami sa isang Exclusive Restaurant sa Makati.

I nodded while holding the magazine we bought. She was featured in different Magazines. ’Yung inasar asar ko lang noon international model na?

“I’ll be right back…” sabi ko kay Hiro nang ibinigay niya sa akin ang purse ko.

“Take your time…” nagsasalita siya noong tumingkayad ako at wala siya sa sariling yumuko. I kissed his cheek and smiled.

Nag-amba na akong umatras ngunit hinila ni Hiro ang aking baywang patungo ulit sa kanya. Yumuko siya at hinagkan din ang aking pisngi. Ang malambot niyang labi ay humagod doon ng marahan.

“Mamaya ulit natin ’to ipagpatuloy,” bulong ko kahit gumagapang na ang kamay ko sa kanyang batok.

“Mamaya huh. Anong gagawin natin mamaya…” he chuckled while his lips kept on planting small kisses on my cheek.

“We’ll kiss,” mayabang kong sabi.

Hiro laughed more while he’s still pressing his lips on my cheek.

“Alright…” nauna niyang inalis ang pagkakakapit sa akin kaya humiwalay din ako.

Isang hakbang pa ang nagagawa ay muling hinila ni Hiro ang aking baywang. I groaned but smiled.

“Hiro!”

He crouched and buried his face on my neck. Isang halik doon ay wala sa sarili kong naitagilid ang ulo at nakapikit na hinaplos ang kanyang buhok.

“Hmm… that’s my…” namamaos ang aking tinig nang ibulong iyon lalo na’t parang nagwawala sa aking tiyan ang mga paru-paro.

He planted small kisses on my neck and scraped his teeth teasingly on it’s skin, his sinful tongue teasing me! God! Isang pihit sa aking baywang at muli ko siyang naharap, ang isang kamay ay bumababa sa aking pwetan at ang isa naman ay nakahawak sa aking panga.

“One last kiss,” bulong niya sa aking labi bago hinagod iyon ng masuyong halik.

I gave him my consent to kiss me all the time but I’m really shocked that he’s doing it every seconds! Baka mamaya, kahit nasa loob ako, sumugod lang para humalik at aalis din!

At ako na sabik din, gustong gusto.

Humiwalay siya noong hinahabol ko na ang paghinga ko. Oh damn him! Sa aking inis ay hinampas ko talaga ang kanyang dibdib. He smirked and licked his red lowerlip.

“Aalis na ako. You ruined my lipstick,” I glared and walked out while smiling from ear to ear.

God. Mabuti nalang at hindi na nangulit. Huling sulyap sa kanya, nakapamulsa na habang nakasandal sa kotse niya. Titig na titig? medyo magulo ang buhok at namumula pa ang labi. Naiiling kong binawi ang tingin dahil napaka hayop na naman ng kanyang kagwapuhan at nakakaakit pa ang suot na ngisi. Baka ako itong mapatakbo pabalik para nakawan ulit siya ng goodbye kiss.

Tuluyan akong pumasok sa loob dala ang seryoso kong mukha. Sinalubong ako ng waiter.

“Good afternoon. Do you have a reservation, Ma’am?”

I nodded. “Fortalejo.”

“This way Ma’am…”

Iginiya ako ng waiter sa VIP area. Natanaw ko agad ang babaeng naka itim na top, fit na jeans at kulay mint green na coat na hanggang hita niya, ang mga sleeves ay nakarolyo. Her hair was in a high ponytail. Abala siya sa menu nang umahon ang tingin at wala sa sariling napatingin sa akin.

I was wearing a silk cowl neck top and faded jeans while holding my chanel purse and her magazine. Hinaplos ko ang buhok na nakatali ganoon din ang bangs kong magulo ng kaonti.

Naia looked at me coldly. Oh that gaze… It’s foreign. Hindi na kasing lamig ng paninitig niya noon.

“I’m sorry for making you wait…” sabi ko habang pinaghihila ng upuan noong waiter.

She shook her head a bit. “It’s fine…” aniya habang titig na titig sa akin.

Inilapag ko ang dala sa table at hinaplos ang aking pwetan para makaupo ng marahan. Hindi halos maalis ni Naia ang titig sa akin.

Isa si Naia sa masasabi ko talagang maganda noon sa batch namin. At ngayong nakita siya pagkatapos ng halos sampong taong lumipas, masasabi kong maganda talaga siya.

“Nag-order kana?” tanong ko at pinulot ang menu sa gilid.

“Namimili pa.”

I nodded and scanned the menu curiously. Nahulog saglit ang tingin ni Naia roon ngunit kuryosong nag-angat ng tingin at muling akong titingnan.

Umahon ang aking tingin sa kanya ngunit binaba niya rin pabalik sa menu ang tingin. Muli kong tiningnan ang menu at seryosong namili.

Tiningala ko ang waiter na nasa tabi lamang namin. Sinabi ko ang aking order at itinuro habang kapansin pansin ang kulay dugo kong mga kuko na bagong polish lamang.

Sumunod si Naia sa pagsambit ng kanyang order hanggang sa maiwan kami ng waiter.

Humilig ako sa mesa. Tahimik kami ng ilang segundo hanggang magkatinginan.

“You have my…” she pointed out and looked at the magazine beside me.

“Pa autograph ako?” nangingiti ko iyong inilapit sa kanya.

Her eyes widened but slowly, I saw how her lips curved for a small smile. I mirrored her small smile and watched her took a pen out on her signature bag.

Pinagmasdan ko siyang pirmahan iyon sa gilid ng kanyang picture.

“Are you even my fan? Hindi ko maalalang gusto mo ako,” nag-angat siya ng kilay at sumulyap sa akin saglit.

Humilig ako sa mesa at pinanood ang korteng puso na iginuhit niya. Nagsusulat siyang muli ngunit mensahe na.

“Paborito kitang asarin,” I confessed and chukled.

“You’re comfortable teasing me,” angat ng kanyang kilay.

Tumango ako at ngumiti. “Nagkakasalubong kasi ang kilay mo. You’re so cold. Kaya natutuwa ako sa tuwing naaasar kita.”

She rolled her eyes. “Parehas lang kayo ni Hiro,” saka niya inilapit ang magazine.

Kuryoso ako kung paano siya inaasar ni Hiro ngunit na-distract ako sa isinulat niya sa magazine. Kinuha ko iyon para tingnan. She put a simple message like “Happy to see you.”

Humalukipkip si Naia sa upuan at hinaplos ang nakataling buhok. Ramdam ko ang malalim niyang titig.

“Did I offend you on that day?”

Medyo huminahon ang aking ekspresyon. Alam ko ang tinutukoy niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko lalo na’t alam kong may parte rin sa akin ang naging matigas sa oras na iyon lalo na’t nabulag ako sa sarili kong sakit. I didn’t consider Ken’s feelings after I hurt him. I didn’t consider the people’s feelings around me.

It was wrong. And I understand why she’s in favor with Ken that time. Ngayon ay naiintindihan ko na ang pinanggagalingan ng galit niya. Naiintindihan ko kung ano ang tinutukoy niyang hindi deserve ni Ken iyon, ang mamatayan ng anak.

Hindi ko man maalalang pinagdiinan niya sa akin na ako ang may kasalanan noon, ngunit sa galit niya, alam ko nasa kaibigan niya ang buo niyang simpatya sa araw na ’yon.

“You were right,” I chuckled a little.

Her eyes looked at me seriously.

“May mali ako eh. Masyado akong nagpadalos dalos dahil nasaktan ako.”

She nodded. “Ken is a notorious playboy and an asshole for fun. Hindi ko pagtatakpan ang baho niya noon. That’s his nature.”

I nodded too. Naging seryoso ako habang naiisip iyon. Ang bata kong puso ay nabulag sa pagmamahal na akala ko ay para sa akin. I was so young and the pain was so foreign. I didn’t know how to deal with it correctly. Para sa akin, ang mga mananakit sa akin ay dapat lamang saktan pabalik.

Ngunit ngayon, unti-unti kong naiintindihan na hindi mo kailangang ibalik ang sakit na naramdaman mo sa mga taong nanakit sa iyo. They will learn their mistake eventually. Matututo rin sila sa paraang ikakapanatag ng isip mo.

“I’m sorry,” she uttered.

Kumurap ako at medyo nagulat. She’s saying sorry?

Binasa niya ang pang-ibabang labi, tumitig saglit sa aking mga mata ngunit iniwas.

“I squeezed you too much. I was so eager to know your side. Gusto kitang intindihin sa araw na ’yon ngunit hindi ko itatangging mas nasasaktan ako sa nararamdaman ni Ken. He’s my friend. I saw his pain. I saw him cried and questioned himself.”

I looked at her silently.

“But I didn’t see yours. You looked unbothered and it angered me. Hindi ko man lang naisip na baka… kinikimkim mo lang. Na baka, una kang nasaktan,” makahulugan niyang bigkas.

“You are not shallow. You won’t hurt the people around you if they won’t hurt you first,” she added.

“And maybe I was a bit harsh for judging your pain. For squeezing you to open up. To demand for an explanation. Ngunit nasaan ba naman ako noong ikaw ang nasaktan? I am not there. You successfully made us think that you’re an enemy but… we failed to see your pain. Kaya anong karapatan kong hingiin sa’yo ang paliwanag kung isa rin ako sa mga taong nanghusga sa’yo sa simula pa lang?”

I looked at her softly. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nagugulat ako.

“Inaamin ko galit ako sa’yo noong oras na ’yon. Idagdag pang hindi maganda ang naiisip ko sa’yo, kaya rin siguro naging bulag ako sa ibang parte ng ginawa ni Ken sa’yo. I am aware he’s an asshole. But losing a child… I’m sorry but… all I think about that day is to defend him. He’s grieving. I didn’t care about your reasons. It wasn’t enough to patch his pain.”

Tumango akong muli.

“And the reason why I got mad at you because you purposely talked to Marione instead of talking to Ken. You should’ve settled it correctly. Confronted him for being an ass. Slap him. I don’t care. Kakampihan kita sa parteng iyon dahil alam kong gago si Ken noon. Mapaglaro sa babae.”

“But who am I to judge you? What you did is the consequence of Ken’s actions towards you. You were right too. We have our own ways to deal with our battles. Hindi rin pare-parehas ang paraan natin kung paano tatanggapin ang sakit na naidulot ng mga nakapaligid sa atin. May mga taong kagaya mo na handang ibalik ang sakit, may mga taong kagaya ko na handang tumahimik at kimkimin, at alam ko, may mga taong naiiba rin sa ating dalawa.”

“I was wrong for turning a blind eye just because he’s hurt. I didn’t consider yours and invalidated your reasons. For me it’s shallow. Dahil lamang matimbang ang nakikita kong paghihirap niya, nabalewala kita at hindi man lang naiisip na baka kinikimkim mo lang. That maybe you’re trying to endure it because you don’t want to look weak infront of these people who mock you.”

Hindi ko na maiwas ang tingin ko kay Naia. Ramdam ko ang bigat ng bawat salita na minsan, naiisip ko, hindi ang nakaraan namin ang dahilan ng humahalong sakit sa tinig niya ngayon.

“Maiintindihan ko ngayon kung mas pinili mong layuan ang mga taong hinusgahan ka noon. Maiintindihan ko kung tatalikuran mo kami. Maiintindihan ko kung didistansya ka. Maiintindihan kita…”

I looked at her deeply. Iniwas niya ang tingin at napunta sa mesa.

“I’m sorry if it took me years to realize your own pain. But I hope you healed from it. Hinihiling ko na masaya ka ngayon. At sana… hindi mo sinisisi ang pagkamatay ng anak ni Ken. That’s not your fault. Don’t bury yourself alive and live with guilt.”

I smiled a little and nodded. Hindi na kailangang malaman ng mga tao ang pagdurusa ko. Mananatili iyong nasa likod ng mga ngiti ko ngayon. Mananatili iyong nakatago sa kurtina. Hindi na kailangang makita kung gaano ka lalim ang naging sugat ng markang nakalantad sa kanilang mga mata. Mananatili iyong anino ng pagiging matatag ko ngayon.

“I understand your point, Naia. People judge our sin without knowing the story. Tanggap ko kung isa ka man sa mga taong iyon. Naiintindihan ko rin kung wala sa akin ang simpatya mo.”

“Hindi kailangang limusin ang simpatya para maintindihan ka ng iba, Franca. It was us who failed you. And I am disappointed with my past self because I didn’t listen first before firing my judgements. I’m sorry…”

“I also want to apologize for my misleading jokes… I’m sorry. But I purposely said those things to fuel your evil thoughts about me…” I sighed.

She leered at me. “So you’re aware I’m judging you.”

I chuckled. “Oo naman. Kakaiba ka lagi tumitig. Napaka-judgemental…”

“I said so many bad things about you on my mind.”

“Kaya nga masarap kang asarin. Gustong gusto kong makita ang ganoon mong reaksyon dahil minsan robot kana. You’re silent and you don’t smile,” I grinned.

Humalukipkip siya sa kanyang silya, seryoso na naman at deritso ang titig sa akin.

“So you really want me as your friend that time? That was sincere?”

Tumango ako. “Oo. Close friend ko si Cassey. Hindi natin ka edad si Chey kaya gets ko na may sarili rin siyang mundo. Halos ka edad lang din tayo kaya gusto ko rin sanang kaibigan kita.”

“You’re mysterious for me. Hindi kita mabasa minsan kaya mahirap kang hulaan. But you successfully fueled my thoughts with hates. And you’re really getting on my nerves. Sa’yo lang ako naiirita talaga noon. Kayo ni Hiro.”

“It’s a compliment I guess? You’re wellknown for being unbothered and you care less with the people around you. Pero nati-triggered kita?” muli akong natawa ng marahan.

Pumikit siya at napangisi. Nahilot niya ang noo at pilit tinatago ang ekspresyon niya.

“Yes… childish but… yes…” halos hirap aminin sa namamaos na tinig.

“That’s cute…” I chuckled.

Umahon ang kanyang tingin at naiiling na binasa ang labi.

“I’m sorry. I’m not really the friendly type of person. I know how to blend well with the people around me pero madalas tahimik ako sa gilid. Unlike you. You’re a social butterfly. You’re too much for me.”

“Ayos lang. I won’t force that kind of friendship.” Nangingiti akong sumimsim sa wine. Nalaglag naman ang kanyang tingin sa pagkain at ginalaw iyon.

“We can… start,” bulong niya at nasa hinihiwa na steak ang tingin. “Not super friends but at least, we’re friends.”

“An international model is proposing a friendship to me huh? You’re getting clingy,” asar ko.

Kunwari ay seryoso sa pagkain ngunit nasisilip ko ang munti niyang ngiti.

Noon, ito ang gusto ko sa amin ni Naia. I always want her as my friend. Gusto kong close din kami katulad ng pagiging close namin ni Cassey.

Ngunit habang binabalikan ko sa isip ko ang mga pagkakataong nag-uusap kami, kung paano niya ako sinusungitan pag nang-aasar siya sa akin, napagtanto kong isa iyon sa memorya ko sa kanya na masasabi kong naging magkaibigan nga siguro kami sa ibang paraan.

“Here,” inilahad ko pabalik ang cellphone ni Naia sa kanya pagkatapis kunin ang numero ng isa’t isa.

“I’ll call sometimes. Baka snob ka pa rin?” ngiti ko.

“I’ll answer it if I’m not busy…”

Ngumiti ako at tumango. May waiter na dumaan at sinenyasan niya pang lumapit sa amin. Nakisuyo siyang kunan kami ng picture na medyo ikinagulat ko ngunit sa huli, ngumiti rin nang kapwa namin tumingin sa cellphone niya habang kinukuhnan kami ng picture.

“Send me a copy,” sabi ko habang tumatayo na kami.

She nodded. Lumapit muli ang waiter at ibinigay ang bill out na hinihingi. Inilabas ko ang aking wallet ngunit nauuna nang magbigay si Naia ng card.

“My treat,” she offered.

Nagkatinginan pa kami saglit. I leered at her.

“My treat next time,” giit ko.

She smiled a little and nodded. “Of course it’s your turn. Give and take. That’s the rule of being friends.”

I chuckled. Sabay kaming lumabas. Naantala pa saglit dahil may nagpapicture sa kanya saka kami tuluyang nagtungo sa parking lot.

“Nakakahiya namang sumabay sa’yo. You’re so famous,” I said.

“Coming from a social butterfly huh?”

“Iba ’yon noon.”

Tiningnan ni Naia ang nakapamulsang si Hiro na naghihintay habang nakasandal sa kanyang kotse. Nakita ko naman ang mukhang personal driver niya na pinagbubuksan na rin siya ng pinto.

Hindi man lang nagulat si Naia. It’s like she expected it. Siya lang ata ang may ganitong reaksyon kumpara sa iba. Besides, friends naman sila ni Hiro.

“So…” ibinalik niya ang tingin sa akin.

I smiled and closed our distance for a hug. Naramdaman ko ang kaonti niyang gulat ngunit nagpaubaya. I felt how she slowly released her sigh. Yumakap siya pabalik, mahigpit.

“Take care. Whatever it is, I hope you learn how to shout your pain too. Pagiging matapang din ang pagsasalita, Naia…” I whispered.

Ramdam ko ang sandaling pagkabali ng kanyang kompustura ngunit mabilis ding nakabawi.

“Thank you. Take care too…” she whispered breathily.

Humiwalay ako. She remained cold and serious but this time it’s welcoming. This time it’s comforting. Ngumiti ako ng kaonti at nagpasya nang lumapit kay Hiro.

Hiro looked at Naia and nodded. Naia arched her brow, rolled her eyes but there’s a small smile on her lips.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Hiro sa front seat. Sumulyap ako kay Naia na pumapasok na sa kotse. Sumulyap siya at nangingislap ang mga mata. I tilted my head and smiled. She slowly smiled too.

Isa ako sa magiging masaya sa araw na malaya kana rin sa sakit ng nararamdaman mo, Naia. I know you can do it.

“No wonder she’s your crush. Ang ganda…” ngisi ko kay Hiro noong papaalis na kami.

“How was it?” tanong niya habang nagmamaneho na.

“Nag-usap kami about our confrontation years ago…”

“She mentioned it to me years ago. Sa rooftop din.”

Kumunot ang noo ko. “Special place niyo ba ’yon?”

“She likes peaceful places. Tambayan ko rin ’yon noong panay iwas ka sa akin. You’re purposely avoiding me so I want to give you space.”

Tumango ako. Kaya pala parang walang bakas niya sa school minsan.

“Eh bakit sa rooftop?”

“Sa rooftop nalang total hindi ka napapadpad doon dahil baka pag nakasalubong kita sa hallway mabangga kana sa pader kakatakas,” he smirked.

“Alam mo pala talaga na umiiwas ako noon?” natawa ako.

“You were so eager to avoid me. Simula first year pa lang…”

“Malay mo crush pala kita noon kaya ako nahihiya sa’yo, Hiro?” I smiled innocently.

“Oh don’t fool me, woman. Kung crush mo ako noon baka ngiting ngiti ka lagi pag nakikita ako. All you did was scowl at me. Matalim pa ang tingin mo. You’re always hot-headed.”

“Eh kasi hot ka?” ngiti ko.

Ngumisi siya sa akin. “Inlove ka nga talaga.”

“Hot ka naman talaga noon pa man, Hiro. Feeling ko nga naglalaway ako minsan kaka titig sa’yo.”

Ngumuso siya, nasa daan ang tingin habang ako ay ngiting ngiti.

“Tapos guwapo ka. Para kang greek god. Matangkad…”

“If you care too much about my visual then why do you like me the least? Kung pagiging hot lang naman pala… bakit hindi ako agad ang natipuhan mo?” ang nag-uumapaw sa kayabangan na si Hiro ay nagsalita.

“Coz you’re so intense! Snob pa. Misteryoso. Masungit.”

Ngumuso siyang muli. “Kung palangiti ako noon sa’yo, friendly, ako ba agad ang magugustuhan mo?”

I nodded. “Oo. Aamin agad ako. ‘Hiro mahal na yata kita…’” malambot kong sabi para ibahin ang boses. “Ganoon…”

Bumuga ang tawa niya sa buong kotse. Para bang hindi iyon kapani-paniwala at binobola ko siya kaya ganoon ka lakas ang tawa niya.

“I watched you silently for the past years, Torrefranca. You can’t fool me.”

“Crush nga kita!” hinabol ko ang tinging inilalayo niya sa akin habang suot ang ngiti niyang hindi na mabura bura.

“Bakit hindi mo itinuloy ang body shot kung crush mo pala ako?”

“Kasi nahihiya ako sa’yo! Kasi crush kita!”

Humagalpak si Hiro.

“Sus…” naiiling niyang binasa ang nakangising labi.

“Hiyang hiya ako kaya umatras ako. Imagine… tiyan ng crush ko…” I said dreamily.

“Shut up. I’m not buying it…” ngiting ngiti niyang hinuli ang aking kamay at ipinagsalikop iyon.

I chuckled cutely. Tumingin ako sa daan. Hindi ganoon ka bilis ang pagmamaneho niya. Maraming sasakyan at bumabagal na ang mga sasakyan sa unahan.

“Fine. You weren’t my crush…” sabi ko at suko na sa pang-aasar sa kanya.

“Sige lang. Saktan mo ako. Diyan ka naman magaling,” aniya kaya natatawa ko siyang nilingon at binawi ang kamay.

“Bakit? Hindi rin ako ang unang crush mo ah! It’s Naia!”

Tumingin siya sa kamay kong lumayo at hinabol iyon saka niya muling ipinagsalikop. Nangingiti niyang dinala sa kanyang labi at hinalikan.

“My baby Torrefranca is jealous, hmm?” his sexy voice made my stomach churned.

Fuck. Hindi naman ako nagseselos ngunit sa atake at hagod ng tinig niya, parang gusto kong aminin na nagseselos nalang ako.

“You’re not my first crush so it’s mutual,” namamaos kong dinala ang tingin sa labas ng bintana, pilit kinakalma ang katawang apektado pa rin sa hirit niya at binawi ang kamay dahil nakukuryente ako sa kanya.

I saw him park his car. Kumunot ang aking noo at nilingon siya lalo na’t sa gilid iyon ng kalsada, hindi man nakakahadlang sa ibang sasakyan ngunit kuryoso ako bakit kami huminto bigla.

Hinila niya ang upuan paatras at hinubad ang seatbelt. He glanced at me and patted his lap.

“Come here and sit on my lap. We’ll talk about your small problem…”

Namilog ang aking mga mata. What? In the middle of the road? No. I looked at his lap. It looked so welcoming. Oh the bulge of his pants made him looked more hot!

“Just drive, Hiro. Magpapa-tattoo pa tayo,” sabi ko kahit namanaos ang tinig ko at hindi matanggal ang tingin sa kandungan niya.

He reclined his seat. Ginawa niyang unan ang dalawang kamay at talagang komportableng humiga roon. Oh damn him!

“I want you on my lap right now,” he demanded.

Fuck. Kinalabit ko ang aking seatbelt. My heart pounded harshly. This isn’t my first time to sit on someone’s lap ngunit iniisip na kay Hiro… Kay Hiro! Parang mawawala agad ang ulirat ko at lalagnatin ako.

Umalis ako sa aking upuan at gumalaw. Ayan na naman ang sabik niyang tingin! Umupo ako sa kanyang kandungan at irita siyang tiningnan. His blazing eyes turned weary. His lips parted a bit. His jaw clenched and he looked at me deeply.

“Ano?” I arched my brow and put my palm on his hard rock stomach.

He sighed when he felt my palm on his stomach. He pressed his lips and shut his eyes. Oh damn him!

“Hiro ano ba!”

“This is your first time sitting on my lap so…” he looked so helpless and flashed his sexy smile.

Humalukipkip ako. This man is dangerously hot.

“Hindi ako nagseselos,” giit ko.

He nodded and pulled my waist. Kinilabutan ako sa dumaang kuryente sa buo kong katawan at napayuko para tingnan ang gitna niyang bumabakat sa kanyang pants.

“Come here my angel baby…” his husky voice made my throat ran dry.

Oh damn him! Para akong natunaw kaya nagpatianod sa kanyang panghihila hanggang bumagsak ako sa kanyang dibdib. Humiga ako sa kanyang balikat.

“Are you horny or what? I’m fine with car sex,” talagang higad ako.

Hiro pressed his lips on my forehead and groaned.

“I’m turned on but not here. Masikip at mahihirapan kang huminga. It’s uncomfortable for you,” namamaos at halos ramdam ko ang disiplina niya sa sarili.

Ganoon ba siya ka wild na… kakapusin ako ng hangin? Uminit ang pisngi ko.

Naalala ko tuloy iyong… nangyari noon. Medyo nalungkot ako nang makita ang sarili na gumagapang palabas sa aking kotse, nagsusuka at sobrang sikip ng pakiramdam. Kahit ngayon, palaisipan pa rin sa akin kung paano ako nagising na nasa bahay na. Someone probably helped me.

It’s one of my darkest moments I wished it never existed. Ngunit sa tuwing naiisip ko ang mga iyon at nakaya kong magpatuloy, natutuwa ako sa aking sarili.

Ngumiti ako at napapikit. I made it. I survived. My heart made it too. I’m finally in his arms where I truly belong.

Sa sobrang komportable ko ata sa itaas niya, pumikit pikit lang ako habang nasa noo ko ang labi niya, nakaidlip ako! Oh too much for being so comfortable.

Tumigil kami sa huling pakay namin sa araw na iyon, ang magpalagay ng tattoo sa aming katawan.

“Like this,” ipinakita ko sa tattoo artist ang picture ng sun na gusto kong ipalagay sa aking batok.

It has a deep reason why I wanted a sun tattoo. Ang tattoo sa batok ni Hiro ay may malalim din na dahilan kaya iyon ang nagbigay ng ideya sa akin para gayahin iyon at magsisilbi ring couple tattoo namin. The tattoo on his nape is a planet Saturn. Ngunit sa bilog na saturn ay makikita mo ang mukha ng moon. Parang kombinasyon ng Saturn at Moon.

“It’s your birth month. You’re ruled by the planet Saturn and the moon…” that’s what he said when I asked him about his tattoo.

Sun ang pinili ko na ilagay sa batok dahil din sa ganoong dahilan. It’s his birth month. He’s ruled by the Sun.

The tattoo located on my chest area is a tattoo of five different shapes of moon. One full moon is located in the middle, two half-moons curved inwards to the left and the same thing goes for the two half-moons to the right.

The half-moons symbolized my dark moments. I went through so much pain and ruled by my guilt for so long that it crushed me into pieces. Though I may not appear so bright like the sun, I will always remain whole just like the moon in the dark.

Hiro decided to put a tattoo on his chest too just like mine. Ang kaibahan lamang ay sun ang nasa gitna. Maliit lamang din para minimal tingnan sa kanyang dibdib.

How convenient is this coincidence? I’m ruled by the moon and he’s ruled by the sun. On a daily basis, the moon sets as the sun rises. The sun fades into the darkness as soon as the moon conquers the darkened skies.

Ang tanging magpapatunay lamang na kayang magkalapit ang dalawa ay sa pamamagitan ng solar eclipse. The phenomenon occurs when the moon moves between the sun and the earth. The moon blocks out the sun’s rays and casts a shadow on parts of the earth, eclipsing all or part of the sun.

Hiro’s love feels like the heat coming from the sun. Strong and Warm. And can be felt even when he’s miles away.

My love for him is like the moon. Hidden in the shadows for such a long time. And one cannot feel it until it wants to be felt.

And just like during an eclipse—when the moon blocks the sun, we become one. The moon finally embraces the sun. I finally embrace him. Completely.

Epilogue

Ruled

This is the end of the story! Ito ’yung story na alam kong hindi madaling isulat. I waited for so many years to mold myself as an author just to deserve Ruled. I need a mature version of myself just to understand them. Nagpapasalamat ako dahil binigyan niyo ako ng tsansa na patunayan sa inyo na kaya ko.

For the readers who defended them, for the debate, for the long comments, I am highly entertained because I know some of you reach Franca and Hiro’s silent cries.

I didn’t write Ruled to throw some hates on my other characters such as Ken and Naia. If you clearly read their stories, I know I gave them the character development they deserve. But this story is intented to understand Hiro and Franca’s sides too. Kahit alam kong maraming tumutol at ayaw sila bilang pares, malaki ang paniniwala ko kung bakit sila ang para sa isa’t isa.

Thank you for comprehending the real message of the story. Thank you for being there not just for me but for my characters who deserve the support too. I can proudly say we made it all. I love you all my inerysians! ———————

Warning: SPG

Kneel

Huminga ako, sa sobrang lalim ay parang lulubog ako sa sarili kong nararamdaman. Pumikit ako at naisandal ang ulo sa upuan ng driver’s seat. I shut my eyes miserably and swallowed the lump on my throat but I couldn’t.

Huminga akong muli ngunit nabigo na nang nagbagsakan ang aking mga luha. I tried to exhale the pain but its too much. It’s strangling me. It’s killing me to the core. I feel like death’s gonna choke me seconds by seconds.

Nailing ako sa sobrang pagiging dismayado. My lips trembled when I licked my lowerlip. I punched the steering wheel so hard.

She’s… she’s imagining things! Pinakilala niya ako… tang ina… sa batang hindi ko nakikita at iniisip niyang kamukha pa ni Marione at ng aking pinsan!

My breath labored and my tears flowed like a river. It was unstoppable. Kahit anong pigil kong madurog, pakiramdam ko’y nasa bingit na ako ng kamatayan.

What have I done to her?! Damn it! This is all my fault! Wala akong masising ibang may kasalanan dito kundi ako.

I was such a bastard for manipulating the people around us just to protect her in my arms. Yumuko ako at pumangalumbaba sa aking mga binti. Nahawakan ko ang sariling buhok at sunod sunod ang daing na pinakawalan ko.

I don’t deserve her. And I will never ever deserved her! Mas tatanggapin ko ngayong masaya siya sa iba, may sariling anak at kasal na kaysa sa ganito! Mas gugustuhin kong makita siyang ngumingiti sa bago niyang asawa hindi ang ganito!

I don’t know anymore. Noong una ay nirerespeto ko pa na hanggang kotse lamang ako, hanggang labas lamang ng kanilang bahay ngunit sa nakita ko, parang gusto kong nasa tabi niya ako lagi.

“Pwede bang lumagpas sa’yo?” I begged.

Hindi ko siya magawang yakapin kanina dahil pakiramdam ko guguho ako sa kanyang harapan. Hindi ko makokontrol ang emosyon ko. At baka, sa sasabihin ko ay lumayo na naman siya sa akin. Baka hindi ko na siya makikita ulit pa.

I slowly wrapped my arm around her small waist. I made sure she’s comfortable when I wanted to hug her so bad. I wanted to comfort her. I wanted to shelter her in my arms and whisper her that she’s safe with me!

“I’m sorry…” bulong ko at nanginig agad sa sarili kong nararamdaman.

It was my fault! Everything! Ang laki laki ng kasalanan ko sa kanya. At hindi ko alam kung sapat ba ang gagawin ko para lamang makabawi. Para na akong naghahangad ng ulan sa gitna ng desyerto sa pinapangarap ko.

I cried weakly in her arms. I cried my frustrations. My weakness. My longing for her. My pain. My failure as a man. My regrets.

Sa bumabaha kong emosyon, halos maisip ko na sana ay siya ang inuna ko, sa halip na ang iba. Siya ang tinulungan ko at inalalayan, sa halip na ang iba. I regretted all the things I did! Nahuli ako sa kanya. Sa babaeng tanging minahal ko, nahuli ako.

I regretted for doing the things I wished I spent only for Torrefranca! Nagagalit ako sa sarili at nadidismaya.

Kung sana ay hindi nalang ako umalis sa gabing iyon… sa tabi niya. Kung sana ay hindi ako tumalikod at nagpaubaya sa gusto niya dahil sa takot niya. Kung sana ay niyakap ko siya ng mahigpit at binulungan na hindi ko siya sasaktan! Na mabuti ang hangarin ko.

But I turned my back on her. I… I abandoned her on that night.

Katulad ng hiling ko sa langit sa gabing iyon, paulit ulit kong hinihiling ulit ngayon na sana ay sa akin nalang ibuhos lahat ng pagdurusa niya. Na sana ay ako na lamang ang parusahan. Sana ako nalang ang maghirap.

I don’t want her in this world. She doesn’t deserve any of this. The people around her turned her evil and blamed her for seeking justice to her pain after hurting her first!

The people who hurt her deserved her wrath. Kahit ang kasalanang iyon ay handa kong linisin sa kanyang kamay at akuin ang parusang ipapataw sa kanya.

Gago ang magiging tingin ng lahat sa akin sa parteng iyon ngunit mananatiling matibay ang paninindigan ko. Na sana, sa akin na lamang ang lahat ng paghihirap at kasalanan niya. Handa akong magdusa para sa kanya. Handa akong masaktan para sa kanya! Handa ako sa lahat para lamang sa kanya!

Hindi ko iyon nakita noong bata pa ako lalo na’t katulad ako ng iba noon na hinusgahan siya. I couldn’t properly recall our memories together but I know I have it when I was a kid.

“Hiro!” tawag ni Mommy sa akin at sinenyasan akong lumapit.

Nagtungo ako kay Mommy. She’s holding her phone while she’s infront of Tito Dos and Tita Addi’s only daughter… Franca.

“Picture kayo,” Mommy suggested and pulled my arm.

Nagkasalubong ang aking kilay. Nilingon ko siya. Mas matanda ako sa kanya ng ilang buwan. Her medium length hair was properly done with a natural soft curls on its tip. Bukod sa maliit ang mukha, pansin din ang kanyang mga mata na naiiba sa aming angkan.

Maputi siya at nangingibabaw pa lalo iyon dahil kulay pula ang suot niyang dress lalo na’t iyon ang theme sa birthday ko na si Mommy mismo ang nagdesisyon.

She’s mixed. Perhaps Chinese. Hindi sobrang chinita ngunit singkit ng kaonti ang mga mata.

“Huwag na, Mommy,” I said snobbishly and tried to stay away from her side.

Hinuli ni Mommy ang pagtangka kong pag-alis.

“Magpicture na kayo. Para may remembrance paglaki, Hiro,” ani Mommy at muling tinatapat ang phone niya sa amin.

Umiling ako dahil ayoko talaga. Not that I hate her but I just hate taking photos. Bago pa tumanggi, nauna na itong magsalita.

“Ayos lang po. Alis na po ako,” she said and smiled to my mother.

Bago pa man makapagsalita si Mommy, naglakad na ito paalis sa aming harap.

“Franca picture!” it was my cousin Ken and pulled her pulse. She smiled.

Nahulog ang tingin ni Mommy sa akin at dahan dahang binitiwan ang aking braso.

“Be friendly to that girl, Hiro…” ani Mommy na halata ang panghihinayang.

“What for, Mom?” namulsa ako at sumulyap ulit sa kanya na ngayon ay nakikisalamuha na sa pinsan ko.

“Malay natin pag laki niyo kayo pala? Edi napalampas mo na wala kang picture sa kanya?” she smiled.

That’s hilarious. I didn’t think about it that much. Siya? Matitipuhan ko? No.

Maybe it lingered on her mind because on her birthday, when her mother called me for a picture with her daughter, she shook her head immediately.

“Ayoko, Mommy…”

“Franca just a picture. Kayo nalang ni Hiro ang walang picture. Meron kana lahat sa bisita mo. We’ll put it on your Album on your 6th birthday…” si Tita Addison na pilit siyang kinukumbinsi.

Still, she shook her head.

Nagkibit ako. Maybe it was her own revenge because I declined first? Nanatili na iyon sa isip ko. Ibabalik niya sa mga nakapaligid sa kanya kung paano man siya pakikitunguhan.

I don’t know if its a good idea but when I saw her on that day on the playground, talagang nahuli ko kung paano niya pinakawalan ang maliliit na palaka sa itaas ng slide, alam ko na agad na may punterya siya.

Nagkatinginan kami. Imbes na matakot, desidido niyang pinalabas ang huling maliit na palaka at pinagpatuloy ang plano. What’s her plan?

I watched the girl on her pink dress climbed up on the house of the slides. Wala na roon si Franca. Nangingiti itong nakarating sa itaas ngunit namilog din ang mga mata at sumigaw habang umaatras.

“Hey watch out!” sigaw ko lalo na’t umaatras siya palabas hanggang madulas ang paa niya at nahulog doon.

The girls started screaming. Ang mga boys ang lumapit at nagsialisan sa pinaglalaruan nila para makiusyoso.

The girl cried and hurt her nose. It’s bleeding. Yumuko ako sa harap niya. The little frogs probably scared the shit out of her. And speaking of frogs… sa gilid ng aking mga mata ay kita ko ang malditang bubwit na tahimik na nanonood suot ang munting ngiti.

Iritado ko siyang nilingon. Her face immediately turned innocent. She looked hurt and concerned now. Really?

I glared at her. She noticed my eyes. She looked at me blankly. Walang emosyon sa mga matang iyon. It’s like she’s watching something nonexistent in her eyes. Something irrelevant. Something less important.

“Nahulog po siya mag-isa,” Nana said when her parents went to get the girl.

Inakay ito agad ng ina at iritado kaming tiningnan lahat, na nasa amin ang gumawa noon.

“Baka tinulak niyo!” she shouted.

I glanced at Franca. Nahuli niyang tiningnan ko siya. She equalled my stare with coldness. Eh kung isumbong kitang bata ka? Makapagtaray ka pa kaya?

“Mommy…” her daughter cried and hugged her Mom’s neck.

Doon nalihis ang atensyon at tumalikod na ang lahat. I glanced at Franca once again. Ngumingiti na ito kay Nana at nagpatuloy na ang paglalaro sa swing na parang… walang nangyari.

She’s not even sorry? Ganoon nalang ’yon? Wala na? How evil.

“Tara Nana,” hila ko sa pinsan kong babae na kalaro niya.

“But Hiro… naglalaro pa kami ni Franca!” she whined and looked back.

Lumingon ako pabalik at tiningnan si Franca na mag-isa nalang sa swing, tahimik na lamang na nanonood sa amin na umaalis. Irita kong ibinalik ang tingin kay Nana.

“Huwag kang makikipaglaro sa kanya,” malakas ang pagkakasabi ko.

“Bakit?”

Nasa dulo na ng dila ko. Gusto kong siraan sa pinsan ko. Dapat hindi ’yan nilalapitan. Masama ang ugali. Maldita. Baka sa susunod ipahamak niya rin ang mga pinsan ko at pagtripan niya.

“Franca! Uwi kana rin! Ipagamot mo ang sugat mo!” sigaw niya nang lingunin ito pabalik.

Franca smiled a little and nodded. She looked lonely but heck, she deserved being alone. Nakita ko ang ginawa niya and she didn’t say sorry.

“Anong sugat?” tanong ko kay Nana na hawak ko pa rin sa pulso habang naglalakad kami paalis sa playground.

“She hurt her arm. Dumudugo. Natusok daw habang naglalaro siya. Hindi niya namalayan.”

What? There’s no sharp things around the playground. Pagkahatid ko sa bahay kay Nana, may kinuha lamang ako at bumalik din sa playground. Naroon pa rin ang malditang bubwit, mag-isa na sa swing at tahimik na tinutulak ang sarili.

Huminga ako at nagtungo sa kabilang swing para doon umupo. Umahon ang kanyang mukha at lumiwanag, nangingiti siyang lumingon ngunit nang ako ang makita, nadismaya.

Her face turned blank. Her eyes turned cold. Her smile vanished. Sumulyap ako sa kanyang braso at nakita ang tinutukoy ni Nana. It’s still bleeding. Ngunit natuyo ang dugo kaya klaro kong nakita ang dalawang marka ng kuko.

Akala ko ba natusok? Nag-amba akong magsalita para magtanong ngunit tumayo na siya, umalis sa kanyang swing at naglakad palayo.

Natutop ang aking bibig. Nairita ako ngunit unti-unting bumalik sa akin ang ginawa niya noong tinanggihan ko siya sa isang picture. Ganoon din ang ginawa niya sa akin.

Is that the reason why she put those little frogs in order to scare that girl because she hurt Franca first? Ngunit… bakit iba ang sinabi niya kay Nana? Pwede niya namang sabihin na iyong babae ah?

Nairita akong lalo dahil imbes magsumbong na sa akin, ganoon pa makitungo! Maldita talaga.

Or maybe she doesn’t like me because I helped that girl? And I glared at her? Isa pa, kinuha ko ang tanging kalaro niyang si Nana.

I’m pissed. Hindi alam kung para saan ngunit iritado kung bakit wala siyang kibo sa akin.

I tried to fix it when I was Ten. Maybe to erase the feelings she had for me because I don’t want her to grow up hating me, or the least she likes.

Hindi naman dapat bigdeal. Pwede ko namang pakawalan nalang. But I don’t want a bad blood with this girl. Kaya minsan, sinusubukan ko. Palpak nga lang…

“Kuya nakakairita! Bakit ka sumasali sa laro namin! This is for girls only!” Damonisse glared at me after I ruined the dress of her doll.

Inayos ko lang. Tang ina. Dinadamitan ko nga kaso nipis at napunit! Franca looked at me with so much judgements.

“Alis na nga, Kuya!” my sister scowled at me with so much irritation.

Fine. I give up. Tumayo ako at nagtungo sa pinto.

“Bastos ang kuya mo…” I heard Franca whispered.

I just worsened her thoughts about me. Binasa ko ang labi at nairita. At anong bastos? I stopped and glared at her.

“Last time, tinanggalan niya ng ulo ang doll ko. It pissed me off. Masama ang ugali niya,” si Damonisse naman na lumingon pa at nahuling nakatayo pa rin ako. “Kuya—”

“Fine. Tss,” irita kong bukas sa pinto at padabog iyong isinara.

Bahala na nga. Kung ano man ang gusto iyang isipin sa akin, bahala siya. Not that it matters to me. Kung ayaw niya sa akin, edi huwag.

I didn’t give too much meaning about it but she’s the least girl I want to associate myself with. Dala ko iyon hanggang tumuntong noong Grade Seven na.

Umahon ako sa pool at hinila ang suot na goggles at hinaplos paatras ang basang buhok. Umupo ako habang hinahabol pa ang hininga sa intense na paglangoy.

Our parents enrolled us in swimming classes. Bukod sa nandito rin para taga bantay sa kapatid ko, nakakahiligan ko rin lalo na’t maganda ring maalam ka sa paglangoy.

I poked my left ear and saw some pair of girls who entered the pool area. It’s her. She’s sorrounded by her friends. Girls and boys.

Tamad kong binalik ang tingin sa kapatid kong inaalalayan ng swimming instructor at medyo hindi pa marunong.

“Crush ka ata noon, Franca…” I heard them talking.

“Hindi naman siguro…”

Muli kong isinuot ang goggles at nagpasyang lumangoy. Ilang minuto ang umahon ako at tinuro ang shower room sa aking kapatid.

“Magbibihis na ako,” I informed her.

She didn’t talk but nodded. Halos sumasakit ang ulo ng instructor sa kanya dahil minsan nasisiko pa sa panga o nasisipa sa mukha pag nagtatangka nang lumangoy.

Deri-deritso ang hakbang ko nang may marinig na munting tinig sa loob. Bumagal ang aking paglalakad hanggang huminto sa gilid.

“I’m your first kiss?” someone chuckled.

“Yes,” her sensual voice made my brow arched.

“Ang swerte ko pala? I am Franca’s first kiss?” the boy with a lustful voice sounds thirsty.

“Ikaw nga. You should teach me how to kiss well so I can kiss you properly…” at mukhang siya rin, uhaw sa halik.

I made a loud thud to disturb them. Annoying. Sa shower room naghahalikan? Disgusting. She lets her first kiss on a cheap place? At ilang taon na ba ’to? If I’m not mistaken she’s just in Grade Seven. Kaedad ko siya at ganyan na agad ang inaatupag.

I don’t like this girl. Maagang lumalandi. Kaya siguro maraming nagkakagusto dahil ganyan ka sabik.

Lumilipas ang mga taon na wala akong masyadong nagugustuhang babae. My cousins are vocal when it comes to their girl crush. Hindi nagkukwento si Wayt ngunit mapapansin mong may interes din at kuryoso sa babae.

“Tara sa gym! May volleyball game ngayon ang mga Grade Ten!” anyaya ni Ken at nagmamadaling pumunta roon.

Hindi sana ako interesado, kaso kahit si Wayt at si Blue ay doon ang punta. Tamad akong namulsa nang makapasok sa gymnasium.

Nasa bleachers na ang aking mga pinsan para umupo. Naglakad ako roon at tiningnan ang mga babaeng maglalaro.

Nahanap ko agad ang nags-stretching na anak ni Tito Dos na babae. She’s wearing her PE uniform, her hair in a half ponytail. Her butt potruded on her tight shorts. You can clearly tell she has a mature body for her age.

“Ang hot ni Franca…” Ken murmured while watching her.

Tumabi ako kay Wayt na nakapangalumbaba at namulsa sa aking jacket. Sa kanyang gilid ay si Ken, nakahilig sa likurang bleachers at ngiting ngiti habang si Blue ay nasa ibabang bleachers.

What’s so special about that girl? Iniwas ko ang tingin at tiningnan ang ibang girls. I saw Naia who’s silently watching her classmates. Nasa gilid at parang punong seryosong nakatingin sa ibang nagkakatuwaan.

“May lahing Chinese ’di ba sila?” takang tanong ni Blue at tiningala kami.

I didn’t answer.

“Sino? Si Franca?” si Ken.

“Oo…”

“Parang meron. Puro singkit ang relatives nila na taga Davao. Hindi naman sobrang chinita si Franca pero alam mong may lahi…”

“Ganda nga eh…” ngiting ngiti si Blue at sumulyap ulit sa harap para panoorin ito.

Humilig ako sa likuran ng bleachers. I’m bored. Bukod sa walang interes, hindi ko rin gets ang topic nila. Yes she’s pretty but that’s it. Kung alam lang nila. Nakikipaghalikan na ’yan noong Grade Seven. Baka ngayon, malala na ang pinaggagawa.

“Ganda rin ni Naia…” ani Ken nang malihis ang atensyon.

I looked at her. Ngayon lang gumalaw. My eyes slowly went to her long legs. Umangat ang aking kilay.

“Ikaw Wayt? Kung papipiliin ka? Si Naia o Franca?” ang tinig ni Ken.

“’Yung gusto mong i-girlfriend ha. Mga tipo mo.”

“Franca,” Wayt said.

Ang paninitig ko kay Naia ay nadala ko sa pinsan ko.

“Your type of girls?” I asked.

He nodded. “Maganda. At hindi mataray.”

“Ikaw Blue?” si Ken na kinalabit ang isa naming pinsan.

“Gago ka ba? Pinsan ko si Naia kaya kay Franca rin!” halakhak ni Blue.

Humalakhak si Ken at ako naman ang tiningnan.

“Ikaw Hiro? Franca o Naia?”

Lumingon agad ang ulo ni Blue sa akin, kuryoso. Kahit si Wayt na abala pa kanina sa cellphone, napalingon na rin.

Ibinalik ko ang tingin sa harapan. Franca’s talking to her classmates while smiling. I slowly grazed my eyes on her legs. Umangat ang aking kilay. Ilang taon na nga ulit siya? She’s too hot for her age.

Humilig ako sa baitang sa likuran ng bleachers at tamad na iniwas ang tingin sa kanya nang lumingon ito sa bleachers namin. Si Ken agad ang pasimpleng tiningnan.

“Kahit sino,” I answered flatly.

“Oh… baka mga Westernized ang gusto mo like Naia,” si Ken sabay ngisi.

Kumalma ang ekspresyon ni Blue at nangingiting ibinalik sa direksyon ni Franca na nakikipagngitian na sa grupo ng mga lalakeng kaklase.

I’d rather choose Naia. Mabuti pa ang isang ’to. Tahimik lang. Madaling gustuhin. Bukod sa alam mong mataray at hindi basta bastang nang-eentertain ng lalake, halatang mailap din.

Not that I wanna court her or try my luck. But yes she’s pretty. Westernized. Smart. But I am not interested romantically.

I continued liking her until I was in Grade Eleven. Siguro dala na rin na nagkakaroon na ng kabi-kabilang babae ang iilan kong pinsan na lalake, ayoko ring magpahuli. Dapat may nagugustuhan din ako.

Kaso hindi talaga ako nagkainteres na lapitan o magparamdam man lang. Basta may gusto. Ayos na ’yon.

“Her boobs were so soft when I squeezed it. Ang lambot din ng labi,” iyon ang laman ng kuwento ni Ken noong nasa shower room kami ng pool.

Nakatalikod si Wayt sa kabila, kinukuskos ang katawan habang ako naman ay nagsasabon. Ken’s looking at me, talking about his third base experience. He looked so satisfied. You can see it clearly in his eyes.

“May kaibigan ’yon. Irereto ko sa’yo, Hiro,” ngisi niya at pinadulas ang sabon sa katawan.

Pinihit ko ang handle ng shower sabay tingala at pumikit para maramdaman ang pagbuhos ng tubig.

“Maganda ’yon. Sexy…”

“Pass,” tipid kong sambit.

“You’re gifted. Gamitin mo ’yan!” halakhak niya kaya napadilat ako at yumuko.

We’re all naked. Noong sumulyap ako sa aking pinsan, nakangisi nang nakatingin din sa akin. I lowered down my gaze and looked at his member too. Humalakhak siya at nilingon si Wayt sa likuran na abalang magkuskos.

“Irereto ko sa’yo, Wayt. Ano?”

“Let me see her picture first,” ang isa pang gago kong pinsan nang lumingon.

“Sige ba! Magugustuhan mo ’yon…” ganadong tarantado na si Ken.

It’s always like that. Laging babae ang laman ng topic nila. Kahit pa siguro huling hininga na, babae pa rin ang iuungol bilang huling pamamaalam.

I really have no time for those nonsense things. Girls. Iniisip ko pa lang si Damonisse halos hindi ko na kinakaya ang isang ’yon tapos magdadagdag pa ako ng isa pa?

“Ano ba ’yan, Kuya! Amoy usok!” irita niyang reklamo at mabilis na nagspray ng perfume sa balkonahe.

Lumabas nga ako para manigarilyo, lumabas din para mag-inarte.

Binuga ko ang usok sa kabilang direksyon. She pinched her nose dramatically. Muli siyang pumunta sa direksyong iyon at nagspray ng perfume. Oh this brat. Tapos maggi-girlfriend ako at ganito ka arte? No fucking thanks.

“Pumasok ka sa loob. Kita mong naninigarilyo ako,” sinenyasan ko siyang umalis.

Namaywang siya at nag-angat ng kilay.

“Pupunta raw si Nana rito kaya inaabangan ko.”

Which means Wayt is gonna be here too for sure. Humaba ang kanyang leeg at may tiningnan sa gate. Bumaling ako roon at muling humithit sa aking sigarilyo.

Binuksan ni Manang ang gate. Nakita ko ang pagpasok ni Nana, may hawak ang kamay. Sumunod ang anak na babae ni Tito Dos. At sa likuran, nakabuntot si Wayt.

Nana’s wearing a longsleeve baggy dress while Franca looked so fancy. Laging maganda ang ayos ng kanyang buhok at puting ribbon na hair clip. Naka half ponytail at magulo ang curtain bangs na inaayos at pinapasadahan niya minsan gamit ang mga daliri niyang kumikintab din dahil sa kulay ng kanyang kuko.

She doesn’t looked small. Tama lamang ang sukat ng kanyang height. Hindi sobrang payat ngunit hindi rin gaanong malaman. Nangibabaw ang kanyang kaputian. Her natural pink lips looked glossy. Parang dinidilaan niya kaya kumikintab.

“Ganda ni Franca,” Wayt whispered and looked at her too.

“Not really,” tanggi ko dahil baka mapagkamalan akong kasali sa nagpapantasya sa kanya.

She looked angelic, alright. Her beauty is beyond the earth, it’s ethereal. Ngunit ang kagandahan niya ay mapanglinlang lalo na’t noong nahuli ko sa isang party at umiinom pa, talagang nakakapangduda siya.

She tried to mask it and acted ignorant. Kumuha ng juice kahit alam ko na iyong alak ang sadya. Nakakamangha dahil alam niya kung may nanonood sa kanya, alam niya kung paano itago ang tunay na siya.

Maybe she’s curious since her parents are strict. Everyone’s fond of her. Halos lahat ata ng lalake ay nauulol sa kanya.

“Yes! Na-confirm din sa wakas!” one of the varsity player screamed while we’re having our warm-up before the game.

Yumuko ako at humilig sa aking mga hita habang nakikiusyoso ang ibang players sa sumigaw.

“Si Franca!” he shouted cockily.

This girl again.

“Tang ina, hindi nga?”

“Gago seryoso? Patingin nga! Baka poser ’yang na add mo,” the boys looked so stunned.

Nailing ako at tumayo ng tuwid sabay pasada ng basa kong buhok. Nagtungo ako sa bleachers at kinuha ang aking tubig.

“Ichat mo nga! Kung nagreply ’yan…” they’re still making a fuss about it.

Pumito si coach. Halos hindi pa masira sira ang kumpulan nila. Tumayo ako at ibinuhos ang natitirang tubig sa aking buhok sabay iling para malamigan.

Tumakbo ako at nagjog muli palapit sa court. The idiots started screaming. Kahit si coach ay napatingin lalo na’t pinagtutulungan nang sakalin si Theo at patalon pang babanggain kaya nagtatalsikan na sila.

“Gago! Nagreply! Ang swerte mo!”

“Sino ka para reply-an ng isang Franca Buenaventura ha?”

“Coach bangko raw muna si Theo at may aasikasuhin lang siyang lovelife!”

Hinila ko ang dulo ng aking jersey at ipinunas sa pawis ko sa noo. May nagtilian na mga girls.

“Abs mo lang sapat na!”

I was too occupied with my own thoughts to mind those screams. Nireply-an lang lovelife agad? Baka dagdag sa koleksyon lang ’yan. That girl seriously…

Hindi lamang mga pinsan kong lalake ang lumuluhod sa kanya lalo na’t lahat din ng kaibigan kong lalake, close sa kanya.

“Cute talaga kausap nitong si Franca sa text! Ang friendly,” Philip chuckled while he’s busy with his phone.

Nasa labas kami ng school at nagpasyang mag Cafe. Dumating na ang order namin at sinisipsip ko na ang akin, abala pa rin siya sa cellphone.

“Close din ni Franca sila Kurt. Madalas nila itong imbitahan sa mga house party,” ani Philip nang nangingiti akong tingnan.

I only arched my brow, less interested with the topic. He smirked.

“Close niyo ang mga Buenaventura ah. Hindi mo ba naisip na pormahan man lang si Franca?”

Umiling ako. I boredly glanced outside and sipped on my drink. Sinilip ni Philip ang mukha ko.

“Ang swerte mo. Kung family friend ko ’to baka araw araw akong dumikit sa kanya. Imagine being with her all the time. Mas gusto ko ’to kaysa sa mga Fortalejo. Magaganda naman sila at Westernized pero grabe… iba itong si Franca.”

“We’re not close,” sabi ko nang tumigil na siya.

“Halata nga dude. Itinanggi ka rin niya. Hindi raw kayo close,” halakhak niya at muling tiningnan ang screen ng phone niya.

Nahulog doon ang aking tingin. Nagreply ang malditang bubwit.

Franca:

Okay sa weekend. I’ll try :)

Kahit pa ata lumuhod lahat ng mga lalake sa kanya, mananatili akong nakatayo. Mamumuti nalang ang uwak…

Girlfriend isn’t my thing. I am not like my cousins. Grey’s into Chey. Toshi secretly likes her. Ken’s into Franca. Blue secretly likes her too. At kung sino man ang nauna, laging magpaparaya ang sunod kong pinsan dahil iyon ang bro code namin.

Toshi and Blue will never pursue their feelings because they didn’t earn the spot first. Or maybe their feelings are too shallow.

Wayt… he’s always open for new relationships after his break-up. Red… this guy is the silent type, but I think he got a crush. Mahilig ’yon sa modelo lalo na’t laging may inaabangang tv show tuwing tanghali. For him it’s out of his league.

Sa aking mga pinsang lalake, mas kasundo ko si Wayt sa maraming bagay. Sa kanilang dalawa ni Ken, ito ang mas maganda humawak ng babae. Pero gago pa rin naman dahil papalit palit din ng girlfriend. His ass doesn’t know how to settle down.

“If you want this certain girl to notice you then start copying her. Maninibago siya sa’yo at mapapansin ka niya. Easy,” payo ko habang nasa okasyon kami at may tinitingnan siyang babae.

“Lame. Bakit kailangan pang magpapansin?”

He didn’t put too much efforts when it comes to girls.

“Kasi lagi ka namang napapansin?” halakhak ko.

“There’s always that one girl who will never notice you no matter how good you look. That one girl who’s never into you…” I said.

“Why would you court someone who’s not into you from the first place? If the girl doesn’t like you then you should respect it,” aniya.

“That’s not how it works, Ryler…” nanunuya kong tawag sa kanyang pangalan.

“Watch out with that one girl who will push all your limits. That’s gonna be your downfall,” I smirked.

I am always out of the picture when it comes to girls. Gusto ko naman si Naia kaso hindi kasing lalim. Ni hindi ko alam kung paanong gusto ko rin siya. Nagagandahan ako. ’Yun lang. Tahimik din.

It’s not enough to push me from pursuing her. Baka nagdilang anghel na ang maldita kong kapatid kaya wala akong nagiging girlfriend ngayon. Dahil masungit nga raw ako at masama ang ugali. Sino bang kapatid ang makakapagtiis din sa kanya? Ako lang. Kung iba ’yan binitay na siya patiwarik sa sobrang kulit niya.

“What’s with you, Kuya? Kaya ka siguro walang girlfriend dahil masungit kana nga, strict ka pa. Kahit ako siguro ang nagugustuhan mo hindi kita gugustuhin pabalik,” irap ni Damonisse sa gabing iyon habang nagdidinner kami.

“Shut up, Zera,” my father hissed at her.

“It’s true, Dad. Walang girlfriend si Kuya dahil pangit ang ugali niya,” the brat said.

“Hindi kasi siya gusto ng gusto niya, Zera,” my Mom smiled.

“Huh? Sino?”

I sighed. She always noticed it everytime Naia’s around. Titingnan ko ng palihim at sa tuwing iiwas, ngingiti ang aking ina. Oh I remember what she told me on that night.

“Wala kang balak ligawan?” she’s talking about Shanaia.

Umiling ako. “I don’t like her romantically, Mom…”

She nodded and smiled. “I know. You’re not inlove.”

I’m not even sure if I’m really into those kind of things. Kung hindi lang siguro mababaw ang tingin ko sa pagkakaroon ng kabi-kabilang babae, puro one night stand siguro ang magiging hilig ko.

I am just like the rest of these boys. I get excited with someone’s body. I love watching someone’s butt especially their legs. I am such a liar if I would say that I never crave for sex. I’m active at watching porn and those hot chic clearly turns me on.

Iginala ni Mommy ang tingin. I watched her eyes stopped. She smiled meaningfully and arched her brow.

“How about Dos’ daughter?” para namang bugaw itong ina ko.

I licked my lowerlip and shook my head.

“Kung maggi-girlfriend ka, ganyang babae ang gusto ko para sa’yo. Elegante. Gandang lahi niyan kung sakali, Hiro…” she smiled more.

Nagkasalubong ang aking kilay.

“She’s a pain in the ass, Mom,” I complained.

“Hmm. Basted ka rin diyan. Hindi ka tipo,” she chuckled.

Umismid ako.

“I should talk to Dos and Addi. Malay natin…” biro niya ngunit alam kong seryoso siyang gusto niya ang babaeng iyon para sa akin.

My Mom and her crazy ideas.

Hindi na ata huhupa ang tingin ko sa kanya lalo na’t noong nalaglag niya ang binibiling condom, mas lalo ko lang nakumpirma na talagang matinik ang isang ’to.

There’s always that sudden change in her eyes when she’s doing something suspicious. It’s dark and full of menace. Kahit daplis lang lagi, hindi iyon nakakaligtas sa mga mata ko.

I’m always curious when her eyes turned dark. And everytime her innocent mask will fall and roll on her feet, she turned deadly and dangerous.

Turn-off. Madaming nagkakagusto sa kanya? Mga tanga. Bibilugin lamang sila niyan. Pipikutin. Paiikutin sa sarili niyang kamay. Masakit sa ulo ang ganyang babae.

“Bakit ang sungit mo kay Franca?” biglang tanong ni Blue pagkatapos ng practice.

Isa rin ’to.

Paano ko ba ’yon pakikitunguhan? Clearly I don’t like her. Si Naia nga na gusto ko hindi ko maporma-pormahan at malapit lapitan tapos ’yon na hindi ko pa gusto?

Sa dami ng babaeng sinusungitan ko, ang tahimik nila. Ngayong si Franca, ang daming satsat.

“Guwapo mo naman ata para magsungit kay Franca. Fucking asshole,” now it’s Toshi.

I rolled my eyes and smirked flatly. Man… What’s with them? Magsasalita pa sana nang pati si Grey, matalim ang tingin.

“Ang bastos mo kanina. Isang ngisi pa nga nang masukat natin ’yang kayabangan mo,” si Grey na pinapatunog na ang magkabilang mga daliri.

Napawi ang aking ngisi at binasa na lamang ang aking labi.

Goddamn it! Bakit kasalanan ko pa? Kunwari lang na malungkot ’yon pero palihim na ngumingiti ang malditang bubwit na ’yon noong practice.

“Ayusin mo sa birthday niya. Huwag mo kaming ipahiya sa mga Buenaventura,” banta ni Grey.

Purket Buenaventura, kailangan luhuran at ituring na ginto. Dala dala ko ata ang sama ng loob na ’yon kaya noong sumayaw kaming dalawa at nagawa pang apakan ang paa ko, inikot ikot ko talaga.

She tried to do it again but I never gave her another chance for her evil plans. Talagang inikot ko hanggang mahilo at matanggal sa katawan niya ’yang masamang ugali niya. This girl is such a headache.

I was eager to punish her on that night but I never think of it romantically.

Kaya noong mapanaginipan siya, katulad lamang sa sayaw namin ngunit malumanay at may pag-iingat ang kilos ko, lalo na noong inikot ko siya at hinila ang baywang para salubungin ng halik, ay talagang napaahon ako sa aking bangungot.

Fuck. What’s that? Mariin akong pumikit at napaupo sa dulo ng aking kama. Yumuko ako at hinaplos ang magulong buhok. I groaned when I see the bulge on my sweatpants. This isn’t right. May abnormalities atang nangyayari sa katawan ko.

What’s with my dream? Hindi ko kailanman pinagnasaan ang labi noon. Inalala ko pa kung anong ginawa bago natulog at baka may ritwal na naganap sa aking isip kaya nadala ko sa panaginip ngunit wala.

Lalo na’t simula noong araw na ’yon, sa tuwing mapapasulyap ako sa kanya, talagang kakaiba na ang nararamdaman ko.

Kaonting galaw, kaonting kibot ng labi, kaonting ngiti niya lang, napapansin ko na!

Man. Did she cast a spell on me? Pinagdasal niya bang mahulog ako sa kanya nang maging maamo ako at mapasunod lagi sa gusto niya? Is this my karma for being aggressive on that fucking night?

I don’t understand it fully yet but I’m eager to confirm.

“Wala pa ring boyfriend si Franca? Eighteen na ah? Ganoon ba ka higpit si Dos?” my mother asked when Tita Addison visited her.

Nasa sala silang dalawa habang ako ay nasa counter at abalang maghanda ng sariling meryenda.

“Kahit hindi mahigpit, marami kasing takot. Alam mo naman ang tindig ni Dos. Kaya siguro walang nangangahas.”

Pero ’yung anak nakakailang lalake na hindi pa rin ata nahuhuli. Gusto kong mailing ngunit pinigilan ko lamang.

“Minsan nga kinakabahan ako. I was so playful when I was on her age. Kabado ako na baka lalaking ganoon si Franca ngunit sa nakikita ko naman…”

Umangat ang aking kilay at umahon ang aking ulo. My Mom’s unpredictable glance made me stop from giving a harsh reaction with their talk.

“Franca doesn’t looked like a shy girl. She’s sociable and playful. She knows how to blend well with the people around her. Bukod doon, mukhang hindi rin basta bastang maaapi ang batang ’yan,” my mother said and sipped on her tea.

Tumango si Tita Addi. “Nakakapangduda nga minsan ngunit ayoko ring higpitan. I’m fine if she’ll explore at a young age. Estrikto man ang kanyang ama, papayag din naman ’yon kung talagang si Franca na mismo ang may gusto na magboyfriend na.”

Hindi na naging maganda ang paglalagay ko sa palaman ng aking sandwich. Kung ako ang ama niya, hihigpitan ko ’yan lalo. Dapat diyan dinidisiplina. She’s obviously a spoiled brat who’s not afraid to break rules.

“Ang ganda pa namang bata. Sa lahat ng kaedaran ni Hiro na babae, diyan ako pinaka nagagandahan talaga. She’s angelic but she’s also fierce and seductive. Sadyang marunong siya kung paano dalhin ang sarili. Lagi pang nakangiti. She’s full of class and elegance,” si Mommy na manghang mangha.

Out of the girls around me, she’s indeed unique. Siya lamang ang mala-anghel ngunit talagang mapang-akit at delikado. She’s calm and beautiful like the sea. Unpredictable and deep. Everyone’s tempted to take a dip but if only the brave can dive down to try reach the bottom. But no one succeeds.  No one.

Tita Addi giggled with so much amusement. I am aware how much my Mom likes her.

I don’t like it. Ang sama ng ugali noon. Maldita. Sakit sa ulo at pantasya pa ng mga kalalakihan dito kaya talagang mapapaaway ang mga mangangahas na pormahan siya sa daming nakapila. At ama pa lang niyan…

But damn this, bakit nagugustuhan ko siya? Baka naman dahil ito sa pagiging kuryoso ko sa kanya?

Noong nagkolehiyo na kami, inisa isa na ata agad ng aking mga gagong pinsan ang bawat Department para mang chix. Ken is the most notorious flirt in the City. Well not just in school but in the whole City of Manila.

Si Wayt naman, mapili pero isa rin ’yan. Ilagay mo ’yan sa bawat sulok, sa sampung babaeng estranghero, dalawa siguro ang ex niya, ’yung lima ang may gusto sa kanya, dalawang may galit dahil baka napaasa niya at isang babae lamang ang walang pakialam sa kanya ngunit nagaguwapuhan din naman. And that one girl out of the ten girls is obviously his match. Someone who doesn’t care about his existence…

“Sino ’yung kalandian mo sa kabilang Department? Nursing student daw?” Ken asked curiously.

Now he’s gonna find a nursing student for himself because he doesn’t like being ahead of him when it comes to girls all the fucking time. It’s always a competition between him and my cousin.

“Wala na ’yon,” Wayt shrugged and looked at the group of girls who passed by.

Pasimple kong tiningnan ang grupo at nakita ang grupo ng mga Architect students. My eyes slowly drifted on someone’s legs. Umangat ang aking kilay.

“Anong wala? Man you’re lame. Narinig ko kina Stella na meron ka raw sinundo na nursing student sa kabilang building!” Ken’s voice sounds irritating.

Sabay naming kinuha ang tingin ni Wayt sa grupo ng mga babae at tumingin sa bugok naming pinsan na desididong makakalap ng sagot.

“Wala nga,” iritang si Wayt at tamad na humilig sa bleachers.

I smirked. “Wala dahil nakalipat kana ng ibang Department? Architect na ba?”

Wayt glanced at me coldly.

“Psych student,” oh this liar…

Mas namilog ang mga mata ni Ken. “Gago? Si Naia?! Tang… si Franca?!”

I slowly grazed my tongue on my upper teeth. I don’t like the topic. Nasisingit na naman ang malditang bubwit. At mas naiirita ako ngayon kahit na kasali rin naman sana si Naia.

“Gago ka! Sino sa dalawa! Sila ang nangungunang magaganda sa Psych students ah!”

Tahimik kong tiningnan si Wayt. Kung si Naia at Franca… sigurado akong si Franca ang tipo niya. Nice. Mabait? Akala niya lang ’yun! Mas hindi niya kaya ’yan. Talagang ako ang makakapagpatunay kaya kung pinormahan niya… hmm… wala siyang pag-asa. Masyado siyang badboy looking. Hindi siya type noon. Gusto ng bubwit na ’yon ang kasing pleasing na personality ni Ken. Someone who’s friendly and nice. Sabit agad siya sa friendly, sa nice ay talagang hindi na siya papasa. Ugali niya pa lang…

“Basta psych,” Wayt answered nonchalantly.

“Imposibleng si Franca! Hindi ka papasa sa ama noon,” Ken said proudly, akala mo naman talaga papasa rin siya?

Problema niya lagi Ken ang lovelife ni Wayt. For him he’s his competitor when it comes to girls. Mas maraming kaibigan si Ken na babae, si Wayt naman pihikan at namimili. Ako lamang ang wala talaga. Walang girlfriend, walang kalandian, wala ring kaibigan na babae.

I don’t know how friends with girls work. Bukod sa gym ang hilig ko, basketball, judo at boxing, wala atang babae na makakasabay noon. Kaya bakit ako may kakaibiganing babae hindi ba? Isa pa, sabit lang ’yan sa oras ko. Isisingit ko pa ba?

I groaned when I hit my back on the mat. North chuckled while he’s on top of me, strangling my neck with a force.

“Get off. Papatayin mo ba ako?” reklamo ko at itinulak siya palayo.

He whistled and smirked. “Why did you stop pursuing the belt of your Judo? Magaling ka,” puna niya nang tumayo na.

Bumangon ako at itinukod ang siko sa mat.

“Hindi na maisabay sa schedule. Distracted din sa basketball lalo na’t kasali sa varsity.”

“Why don’t you drop your basketball sport? Hindi ka naman ganoon ka galing doon. Sablay lagi ang shoot mo.”

I glared at him. May pagka demonyo talaga itong bibig ng mga Buenaventura. Hindi ako sumagot.

“O baka busy ka sa girlfriend?” hula niya at inangatan ako ng kilay.

Naisip ko agad ang kanyang pinsan. Hindi ako nakapagsalita kaya natigilan siya at naninimbang ang tingin sa akin.

“May girlfriend ka?”

Umiling ako. Hindi pa nga ako sigurado sa nararamdaman ko…

“Nagugustuhan?”

Baka pag nalaman niyang ang pinsan niyang babae ngayon ang iniisip ko ay totohanin niya na talaga ang pagbali sa leeg ko.

I should confirm this feeling. I feel like it wasn’t Shanaia anymore. But I never like her romantically. Should I confess?

Ako:

Rooftop

I’ll try to confess. Hindi naman sana kailangan. Pwede namang baunin hanggang hukay. Kahit siguro magka-boyfriend ang isang ’to, ayos lang.

Ngunit ano bang mararamdaman ko kung sakaling ni-reject ako noon?

“Hindi kita gusto, Hiro…” ani Shanaia sa araw na iyon.

“Si Ken ang gusto ko.”

Sa sobrang tuwa ko, parang gusto kong yakapin ng mahigpit si Naia. Goddamn it. I really like Torrefranca. Kung iyon ang nambasted sa akin, gugulong siguro ako sa putik sa sobrang sakit.

“I just want to confirm something that’s why I confessed,” I smirked.

“Hindi rin kapani-paniwala na may gusto ka sa akin,” aniya sabay halukipkip.

Oh this cold girl…

“May iba akong nagugustuhan. It’s… Torrefranca.”

Her brow raised. “Tito Dos’ daughter?”

I nodded and smiled. She nodded back.

“Okay.”

I chuckled. This girl thinks I got evil plans. Baka nga hindi ito naniniwalang gusto ko siya. Well I like her. Maybe as a friend?

I know Torrefranca’s always driven by her curiousity. She’s like a little kid who will do anything just to discover new things around her.

Kaya noong nahuling naninilip sa rooftop at tumakbo pa pababa ay talagang hinabol ko. Narinig niya ba?

I don’t want to confess yet. She doesn’t like me. Alam ko ’yon. Sa kislap ng kanyang mga mata lagi sa tuwing nariyan ang pinsan ko, at sa bilis ng pagbabago ng kanyang ekspresyon pag nakikita ako, alam ko agad kung sino ang gusto niya.

The asshole. Torrefranca likes my cousin. Nauunawaan ko pa noong una kung si Naia ang nagkakagusto sa kanya. Kaso ngayong pati siya, parang ang hirap intindihin at hindi ko matanggap.

I should change her perception about me. Gago rin talaga ako noon. Nasobrahan sa pagsusungit. Eh kung alam ko lang na mangyayari ito edi sana nginiti-ngitian ko lagi ang babaeng ’yan noon pa. Edi sana sa akin nahulog. Sa akin may gusto.

“I want to do some sits-ups…”

I saw it clearly. The sudden changed of her eyes everytime she’s up to something. It’s like a warning not to mess with her.

Huminga ako at pinagbigyan. Kuryoso talaga. Palaban kahit halos nag-aagaw buhay tingnan sa pagbangon. I looked at her lips. Bumaba pa ang tingin ko sa leeg niya at napatingin sa sumisilip na malalim niyang collarbone.

That’s gonna be my spot for sure once I’m her boyfriend. I’ll rest my head on her shoulder and kiss her neck, her jaw…

Bumalik ako sa reyalidad nang matagumpay siyang nakabangon at napapasobra sa paglapit sa akin, tila ba gusto akong tuksuhin.

I arched my brow. Look at this girl trying her best to find an answer to her curiousity. She pushed my shoulder when she couldn’t take it anymore. Ang marupok kong katawan ay napaupo, nanghihina at kung pwede ay kusa siyang hilain paupo sa aking kandungan. Oh I’d gladly kiss her right now.

“What the hell?!” she cursed loudly and stood.

Nangingiti akong napapikit habang tinutukod ang magkabilang siko sa mat para hindi mapahiga.

Fuck… I’m at her mercy. She has me wrapped around her fingers and I’m more than happy to be at her beck and call.

Oh I’ll just entertain her curiosity. Baka mahulog din kalaunan. Ngunit palaban ang isang ’to. Matapang. Una, gustong makipaghalikan. Pag hinalikan ko siya at makita niyang sarap na sarap ako sa labi niya baka tumakbo at magtago! Mahihirapan na akong pumorma.

I bought her a bow hair clip on her 19th birthday. I also added her on facebook. Kagat labi akong nagscroll down. Famous ang maldita. Puro lalake pa ang likers. Kahit si Wayt nagla-like din. Oh this fucker.

Nakita ko pa ang ilang kong mga pinsan sa comment section. Nangunguna si Ken. Kung hindi naman ay si Blue. Gago ng dalawang ’to. Perfect attendance lagi sa post niya ah?

I chuckled and kissed the screen of my phone after reading her last reply on me. Simpleng ‘:PPPPP’ lang at hindi na nagreply. She’s pissed again.

Kontento ako kung ganoon na muna ang relasyon namin. Kaso may sumulpot na asungot. Nakakagalit.

“’Yung pinsan mo… parang kalandian ’yung malaking bahay sa dulo,” talagang hindi ko na nakayang ibuga ang iritasyon ko nang magkayayaang mag-inuman kasama si North.

Simula noong issue ni Nana, alam kong pinapaiwas kami sa mga Buenaventura. But we’re lowkey friends. Kapwa kasi mahilig sa Judo kaya nagkakasundo.

“Si Franca?” he insinuated while looking at me suspiciously.

Tumango ako habang pumipikit pikit, medyo nahihilo na sa sunod sunod kong shot.

“’Yung may hiwa ang kilay?” irita agad ang tinig niya.

Napadilat ako. “Kilala mo?”

“’Yun ba ang pumoporma?” halos mandilim ang kanyang ekspresyon at nakakalokong ngisi agad ang pinakawalan.

This one is very dangerous too. Hindi rin basta basta. Mas mabait si South kumpara rito.

“He got her number.”

Humalakhak siya. “That piece of shit… Pinopormahan niya rin ’yung kapatid ni Latch,” naiiling niyang dinala ang baso patungo sa kanyang labi.

Latch? ’Yan ’yung naririnig kong last dance ni Torrefranca na hindi sumipot ah? May kapatid na babae?

Ang kilay ko ngayon ang umangat. I saw how his eyes mirrored Franca’s eyes everytime she’s mad. Now I’m bothered.

“Hayaan mo na. Baka naman…”

“Gago ’yon. Anong hayaan? We don’t tolerate shit, Hiro,” ngisi niya.

Wala sa sarili kong dinala ang sigarilyo sa aking labi. Baka ma badshot ako sa pinsan niya kung nanggaling sa akin. Kaso ang sinungaling ko kung hindi ako natutuwa nang palihim. Asungot ’yon. Mabuti na rin ’yung mawala siya sa landas niya total mukhang playboy. Tss.

“Bakit mo pala alam?” huminahon ang kanyang ekspresyon at naninimbang ang tingin sa akin.

Hindi ako nagsalita at binuga ang usok ng sigarilyo sa gilid. Ngumisi ng pilyo si North habang inilalahad ang aking shot.

Kinuha ko iyon at iginiya sa aking labi.

“Gusto mo?”

Isang lagok ang ginawa ko at binasa muli ang labi. Pumulot ako ng pulutan para isubo sa aking bihig habang nakasunod ang tingin niya sa akin.

“Balak kong ligawan,” deritso kong sabi, hindi makatingin at tinitimbang ang magiging reaksyon niya.

Humalakhak si North at nailing na humithit sa kanyang sigarilyo.

“Payag ka?” I arched my brow and looked at him.

“Bakit ka sa akin nagpapaalam? Ako ba ang ama?” aniya na ikina-kwestyon ko kung bakit ko ba naging kaibigan ang isang ’to.

“Pinsan kayo. I thought you hate sneaky boys. I’m trying to give respect since she’s your cousin.”

He smirked and nodded.

“Magpaalam ka sa ama noon. Kay Tito Dos,” he pointed out.

I’m nervous alright. Their clan is wellknown for being dangerous and ruthless. Parang mga halimaw na natutulog sa kuweba at kung nagambala ay hindi ka palalabasin ng buhay. Just don’t mess with them. Don’t.

“Dito kami mag-iinuman, Tito Dos,” ani North na talagang nagpakaba sa akin sa mga sumunod na araw.

Tang ina. Hindi pa ako handa pero parang pinasabak niya agad ako sa gyera. Pakiramdam ko hahatulan ako ng kamatayan sa gabing ito.

“Gago ka,” irita kong iling kay North na ngiting ngiti habang dinadala namin ang inumin sa sala.

Nasa labas si Tito Dos at mukhang may kausap sa cellphone lalo na’t seryoso ito.

“It’s your time. Just ask for his permission,” ani North habang sinasalinan ang shot glass sa aking harapan.

Para akong lulubog sa sinasandalang sofa. I sighed heavily and licked my lowerlip. Ngumisi si North.

“Mabait ’yan…”

Mabait? Damn you, North! Hindi ko maalalang mabait ang pamilya nila. They’re intimidating. Sa tatlong Buenaventura, si Tito Dos ang talagang nakakapangliit.

Now I understand why no one’s trying to court his angel. Sino bang mangangahas? Ako nga na family friend nila kinakabahan. Ang ibang tao pa kaya?

“Tito Dos,” si North na binigyan ito ng shot nang dumaan ito sa aming gilid na parang hari.

He looked at me first. I bowed my head a bit and intertwined my fingers. Parang kailangan kong magdasal ngayong gabi.

“Wala kayong pulutan,” he said after sipping his shot.

“Oo nga eh,” halakhak ni North.

Ang demonyong ito ay ramdam kong tuwang tuwa sa nakikita niyang pananahimik ko.

“Join us, Tito,” talagang gusto ata ni North na patayin ako ngayong gabi.

Damn him!

Tumango ito at naglakad sa kusina. Bahagya kong nilingon at mukhang nagpapaluto ata ng pulutan. Huminga ako at iritadong tiningnan si North.

“Did you pee on your pants? Hindi pa nga umuupo…” he chuckled and pour another drink for me.

Goddammit. Hindi ko maalala kung kailan ako lubusang kinabahan. This is my first time.

Nakipag-inuman si Tito Dos sa amin. Nasa harapan ko ito. Si North ay nasa aking gilid at ngiting ngiti habang pasulyap sulyap lagi sa akin.

Tiningnan ko si Tito Dos. He’s wearing a plain black t-shirt. Sumisilip ang tattoo sa kanyang braso. Malaki ang kanyang katawan at talagang napaka estrikto.

“You okay, kid?” puna niya nang mahuli ang tingin ko.

I nodded and chuckled nervously. No wonder Torrefranca is always aware when someone’s watching her silently huh? May pinagmanahan.

“May nanliligaw ba ngayon kay Franca, Tito?” biglang bukas ni North sa panibagong topic.

Tahimik akong nagsalin sa shot glass at patay malisyang nakikinig. Itinulak ko iyon papalapit kay Tito Dos.

“Wala pa naman. Bakit? May mangangahas?” he arched his brow and looked at me suspiciously.

Napabaling din si North sa akin. This motherfucker! Bumubwelo pa ako tapos titingnan niya ako. Kulang nalang siya na ang magpaalam sa akin.

“Kung sakaling… may manligaw Sir. Papayagan niyo na ba?” hirit ko sa marahang tinig.

Nangingiting dinampot ni North ang sarili niyang shot.

“Bakit? Manliligaw ka?” deritso niya akong tiningnan at halos impyerno ang pakiramdam ko sa hagod ng kanyang paninitig.

“Ah…” pinasadahan ko ng haplos ang buhok at kabadong tumango. “Balak ko sana, Sir…”

Naibuga ni North ang inumin at humalakhak. Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin. Kung wala lang si Tito Dos sa harapan namin, binugbog ko na ’to. Pilit kong ikinalma ang sarili at ibinalik kay Tito Dos na hindi natinag ang paninitig sa akin.

“What grade are you?” Itinuro niya ang pakete ng sigarilyong sumisilip sa bulsa ko.

Yumuko ako at kinuha agad iyon. Inilahad ko sa kanya. Pumangalumbaba siya sa kanyang hita at kumuha ng isang sigarilyo. Kinuha ko ang lighter at kinalabit para ilapit. Magpapaka sipsip muna…

“Katulad ng anak niyo, Sir…”

He looked at me intently. Humithit siya sa hawak na sigarilyo at binuga iyon sa gilid sabay tingin ulit sa akin.

“One rule. Ask for my permission all the time. I hate sneaky dates.”

Tapos ang anak niyo nakakalusot sa’yo. Nakikipaghalikan pa noon sa comfort room sa pool area noong Grade Seven pa lamang! Pinigilan ko ang aking bibig dahil baka umuwi akong kulang ang ngipin.

Ngumuso si North habang siya na ang nagsasalin sa aking shot glass. Tang ina ng gagong ’to. Wait until this is done and I’ll beat the shit out of you.

Tumango tango ako.

“Yes Sir…”

“Mabait ’to, Tito… Masungit din sa ibang babae at hindi playboy,” dagdag ni North.

Humithit si Tito Dos sa kanyang sigarilyo, nakikinig ngunit parang walang pakialam. Gusto ko sanang ipagmayabang na matalino ako kaso… baka mairita.

Matalino ako saan? Well I got good grades. Seryoso akong nag-aaral at hindi nambababae.

“Wala kasi akong panahon talaga sa babae. Seryoso akong nag-aaral, Sir…” Oh fuck it! Ano ’yon? Lasing na ata ako.

Natigilan si Tito Dos sa kakahithit sa sigarilyo, bumibitin lamang iyon sa labi at nagkakasalubong ang kilay habang tumititig sa akin ng matagal. Fuck it! Bahala na! Kunwari lasing nalang!

“Oo Tito! Sa sobrang seryoso nito sa library na ata nakakatulog kaka aral!” tapik ni North sa balikat ko.

Gago para namang tanga! Ni hindi nga ako pumupunta roon! Makatulog pa kaya?

I smiled and looked at North.

“Stop it, dude. Nakakahiya…” ngiti ko kahit gusto ko siyang saktan.

“Mas matalino pa ito kay Grey,” pagmamayabang ni North na talagang hindi na makatotohanan.

Napawi ang aking ngiti. Halos hilaw nalang at hindi na ako halos makatingin kay Tito Dos. Nagpapabango ako kaso hindi ganito! Gago nitong si North! Parang sinisiraan pa ata ako!

“Really?” si Tito Dos na humalukipkip at mukhang hindi kumbinsido.

“Ah hindi, Sir… Mas matalino si Grey,” tanggi ko.

“What? No! You’re smart, Hiro,” si North na pinaglalaban ang kawalanghiyaan niya.

Hindi na ako nagsalita pa at mas triple lamang ang kaba na lumutang sa akin. I’ll fucking lose my chance because of North’s fucking mouth!

“I’ll fucking kill you if you hurt her,” he threatened and sipped on his shot again without leaving his eyes off me.

Namilog ang mga mata ko. Halos umahon ako sa pagkakasandal sa pag-aproba ni Tito Dos na ligawan ko ang anak niya.

It was one of my happiest night. But then everything turned upside down when something bad happened to her daughter.

Pikit mata kong nakita ang biglaang pag-amba ng kamao ni Tito Dos sa aking mukha. It stopped when her daughter shouted. Naramdaman ko ang pwersa ng hangin na humalik sa aking mukha at sigurado akong basag ang aking ilong kung natuloy iyon.

His eyes looked so dangerous. Kahit pino pa ang galaw ay parang nasa impyerno kami dahil sa yumakap na galit niya. I lost my chance.

Iritang irita ako ngunit wala ring magagawa dahil alam kong galit na galit si Tito Dos. Ang binabalak kong bumisita araw araw para umakyat ng ligaw ay naudlot. Fuck it.

“Kailan lang?” tanong ni Wayt pagkatapos ng kaguluhan sa loob.

Umalis na si Franca kasama ang kanyang parents.

“After her eighteenth birthday,” I answered flatly.

His brow shot up. “May gana ka pang ma-inlove sa lagay na ’yon? You made her dizzy you piece of shit.”

Nagkibit ako. “I don’t understand it too.”

Nailing siya at pinasadahan ng haplos ang buhok. Humalukipkip ako sa sinasandalang pader. Naiwan pa ang gago naming pinsan sa loob ng kuwarto. Pinapahinga at pwede nang ma discharge mamaya.

“Gustong gusto ’yon ni Ken at Blue,” he pointed out.

“Alam ko. Tipo mo rin ’di ba? Gago ka…” ngisi ko sa iritadong paraan at nilingon siya.

“My type of girls. Nice and angelic. Crush ko noong Senior high…”

Nagkasalubong ang aking kilay. He’s always vocal when it comes to me. Tahimik siya kay Ken dahil alam niyang makikipagkompetensya agad sa kanya. Sa akin naman, nakikinig ako pero madalas wala talaga akong pake. Ngayon lang talaga. Thats the reason why I know all of his secrets.

“Baling bali ang kompostura mo kanina ah? Nasaan na ang pagiging misteryoso mo sa babae huh?” nang-aasar pa?

“Kaya nagawa mo pang mang-asar hayop ka,” nailing ako at hinaplos ang aking buhok.

“I’m concerned. Gusto ko noon napahamak…” he taunted.

Ngumisi ako ng nakakaloko. “Wait until it’s my turn you motherfucker. Talagang babaliin ko ’yang composure mo. Oh I won’t stop until you’re pissed. Until you lost your confidence. Kahit pa magsuntukan tayo gago ka…”

Mayabang niyang inangat ang kilay.

“That won’t happen,” kampante niyang sambit.

“Just wait. You will see my smirk pissing you off. Ako ang unang taong makakabali ng pasensya mo,” I assured him.

Papalipasin ko nalang siguro muna at pahuhupain ang galit ni Tito Dos. Iyon ang iniisip ko habang kinukuha ang mga gamit na natira sa kotse na ibinigay ng pulis sa akin lalo na’t dinala ito sa police station.

Umangat ang kilay ko sa paperbag. I curiously opened it and saw a cute keychain. This girl really like Ken, huh? Ngumisi ako ng matabang sa sarili. She wore red on their first date. Ganoon ba siya ka excited na… ang nakasanayan niyang puting damit ay iniba niya?

Irita dahil sa katarantaduhan ng aking pinsan, hindi ko binalik sa kanya ang regalong iyon. I’ll fucking keep it for myself. Pambawi sa naudlot na panliligaw at kagaguhan niya.

“Gago ’yang pinsan mo. Isang pagkakamali pa…” ngisi ni North nang ibigay ko ang mga gamit ni Torrefranca sa kanya.

I let the day slipped while waiting for my chance again. I should confess to her first before courting her. Pag pumayag siya… baka sakaling lumambot na ulit ang loob ni Tito Dos sa akin?

But who am I kidding? She doesn’t like me. Kulang nalang tumagos siya sa mga pader maiwasan lamang ako sa tuwing nakakasalubong ako. It’s like I am a fucking virus and she doesn’t want to be contaminated.

She likes my cousin more. At talagang nakakagago dahil ang pinsan ko na gusto niya ay nambababae at walang pakialam sa kanya.

Kung gusto niya ito, bakit nakakapambabae pa rin siya? I know this asshole. Kabisado ko ito mula talampakan hanggang ulo. He’s not inlove. Heck he’s never been inlove! He only likes the thrill of collecting these girls and feeding his ego that he can play better than Wayt.

“Nakakaraming babae na si Ken. Ikaw Hiro?” Trey chuckled while I’m busy watching Ken who’s grinding his crotch on someone’s butt.

Tamad akong bumaling kay Trey. May babae sa kanyang kandungan. His new girlfriend.

“I have no time for nonsense things,” I said and sipped on my shot.

“Or you’re just sneaky? Hindi ako naniniwalang wala kang babae. One night stand? You’re probably just like your cousin… you know Wayt and Ken… close kayong tatlo,” he pointed out and chuckled again.

“Uh no…” I said flatly.

“Delafuentes are wellknown for being a playboy and an asshole. Blue’s playful too. Si Red… tahimik pero mukha ring matinik. Parang si Grey lang…” he paused and smiled.

Damonisse and her poor taste in boys.

“Ikaw Trey? What made you think you’re unique?” I chuckled and smirked.

“Well I’m serious when it comes to relationships…”

I nodded. “Seryosong nagpapalit palit?”

Trey chuckled playfully. “Seryoso ako pagdating sa babae, Hiro. Unlike your cousins.”

Tumango ako at ayaw nang makipagtalo pa. Eh gago pa rin naman.

“Tito Dos is asking me things about the Delafuentes… I told him si Grey lang ang matino at seryoso.”

Ah… Kaya naman pala tingin ni Tito Dos sa aming lahat ay mga playboy?

I nodded again and smirked. “Totoo naman.”

Well right… Masahol ako kay Grey. Lalo na’t kahit ang lovelife ng aking kapatid ay handa kong pakialaman huwag lamang siyang mapunta sa lalakeng tarantado at maraming babae.

I will make sure she’s over you once you’re finally ready to court her. Itataob kita ng palihim. Ilalagay kita sa sitwasyong hindi mo mape-predikta at aasahan.

At kung hindi ko mailalayo si Torrefranca kay Ken, sigurado akong ang mangyayari kay Torrefranca ay dadanasin din ng kapatid ko kung hinayaan ko ito sa lalakeng katulad lamang ng tarantado kong pinsan.

Si Naia ang una kong target. Gusto niya si Ken kaso ang isang ’to, handang magtiis bilang kaibigan dahil alam niyang masahol sa babae ang isang ’yon.

I don’t wanna push it so much since that’s her feelings. Kung ayaw niya ay wala akong magagawa.

Well my next target is… hmm… that hot chic. Kaso may sabit kaya hindi ko rin masyadong pinilit lalo na’t alam ko, hahadlang talaga itong pinsan ko.

Hindi ako pwedeng walang gawin. I need to distract Ken. Iyong hindi niya na nagagambala si Torrefranca. He won’t like her once she’s mad. That girl won’t go easy on this idiot once she’s hurt.

She’s completely into him. I can sense it. Wala akong detalyadong alam kung anong pinaggagawa ng aking pinsan sa kanya ngunit alam kong hulog na hulog siya para rito.

Grade Twelve pa lamang kami, napansin ko na iyon. Nangingislap lagi ang kanyang mga mata at napapangiti agad pag kakausapin siya ni Ken. And once Ken made a move and pursue her, kahit hindi naman siguro malalim ang motibo, sigurado akong mas mahuhulog at magugustuhan niya ito.

Hindi ko na hawak ang damdamin nilang dalawa. The only thing I can do right now is distract my cousin until he’s inlove with someone else. Coz I know for sure, if Ken stop on showing signals, Torrefranca will eventually lost her feelings for him. Just like how she entertained that motherfucker who got her number.

At bahala na kung makahanap siya ulit ng iba basta ay iyong kampante ako at hindi nababahala ng ganito.

“Just fucking tell him to fuck off,” iritang sabi ni Wayt sa gabing iyon.

Umiling ako. The asshole won’t take my advice seriously. He will use it to hurt my ego instead. Baka kompetensya ang maging tingin niya. Knowing that asshole. Pakiramdam niya lagi kaming nakikipagkarera sa kanya pagdating sa babae kahit ang totoo ay hindi naman.

“You can’t correct someone who thinks they’re not doing anything wrong,” sabi ko.

Hindi naman ako makikialam kung matino siya! Kaso hindi eh, noong nabangga niya pa lang ang kotse niya at silang dalawa pa ang magkasama, alam ko na agad na hindi siya matino para sa kanya.

Wayt’s haw clenched. Oh he’s bothered.

“What’s your reason why you can’t admit you like that girl huh?” ngisi ko at dinala ang shot sa aking labi.

Nagkasalubong ang kanyang kilay.

“Same reason. You don’t want Ken to think of you as his competitor. You know he’ll get cocky once he finds out you like that girl. Mas magiging confident ’yan,” siguradong sabi ko.

Hindi siya umimik ngunit deritso ang tingin sa akin. Humalakhak ako.

“And what’s the reason why you suddenly managed your family’s business?” nag-angat ako ng kilay.

“Malamang. Family business. I want to help you idiot. Anong masama roon?”

“Ah… Nalaman mo lang na nag-aapply sa mga Restaurants…” pasimple kong bigkas at ngumiti.

Sa sobrang business minded nito halos sa Restaurant na nila tumambay. Hindi na gumigimik. And Ken’s always there too. Ayokong naroon ako dahil alam ko kung ano ang ginagawa ng gagong iyon. Baka magsuntukan lang kami kung makita kong dinadala niya sa dinner si Torrefranca.

Irita niya akong tiningnan.

“Halos kopyahin mo rin ang pananamit ah? Sinusunod mo na ba ang payo ko? The two buttons of your uniform are always open like how she wears her blouse. Fucking obvious,” naiiling kong bigkas suot ang nanunuya kong ngisi.

Hindi siya umimik ngunit nasa malayo na ang tingin.

“Basted ka roon,” halakhak ko.

“Shut up,” he hissed.

“Umatras sila sa gig? Baka nalaman niyang ikaw ang namamahala? Mailap—”

“I’ll fucking punch your mouth if you don’t shut up, Hiro,” he warned and glared at me.

Nangingiti kong itinaas ang dalawa kong kamay at sumipol. Ang bilis talagang mag-init ng ulo nito pag napag-uusapan ang babaeng iyon.

I know how to trigger my cousins. Alam ko ang mga kahinaan nila. That’s why when Ken and I started our bet, sigurado agad ako na mananalo ako.

I will never give way. I’ll earn my spot until she’s finally inlove with me. Until it’s my turn. Until she’s into me. Handa akong maghintay kahit ilang buwan, taon o panahon pa man ang lumipas hangga’t pwede na, hangga’t ako na, hangga’t kaya pa.

Hinding hindi ko ipapaubaya sa kahit sino ang tsansang iyon. If Ken likes her so much then he needs to man up and court her correctly! He needs to surpass me! He fucking needs to become a man and show to me that he deserves her!

Kahit sinong lalake na mangangahas na pumorma at manligaw sa kanya ay ganoon dapat. Oh I won’t tolerate these assholes who will only play with her heart and break her into pieces. Hindi ako kailanman magiging patas kung ang motibo nila ay mababaw lamang at sasaktan lamang siya. I will not stop until she realized what kind of man she truly deserves.

At bakit ko pangangaralan si Ken sa bagay na ito? Hindi na dapat kailangang ituro sa kanya ang ganitong bagay! Pinili niyang ituring siyang ganoon dahil iyon ang gusto niya. Kaya kahit hainan ko ’yan ng babae, talagang madidistract at kakagat ’yan.

But something happened. Something made it more complicated. Marione is pregnant. And she aborted her child.

Yumuko ako at namulsa nang marinig ang nakakabinging iyak ng aking pinsan sa loob ng selda. My sister trembled. Hinawakan ko ang kanyang kamay at umiling nang magtangka siyang sugurin ulit si Marione. I know my sister is hurt but I couldn’t blame Marione’s wrath right now.

It changed our lives.

Franca left and settled down in Davao. That’s right… Leave. I will fix everything while you’re not around hmm?

“Baka karma mo ’yan kasi babaero ka,” ngisi ni North nang makitang umiinom si Ken, halos miserableng tingnan sa gabing iyon sa isang Bar dito sa BGC.

Ilang sandali lang, napaatras na si North dahil sa malakas na suntok ni Ken sa kanya. Nagmura ako nang makitang walang kahirap hirap niyang sinugod ang aking pinsan at sinuntok pabalik.

Natilapon si Ken ngunit desisidong makipagsuntukan at muling sumugod. One hard kick on the stomach and he lost his balance again.

“Ano? Stand up and fight you asshole!” Isang hila sa kwelyo ni Ken ay muli niyang sinuntok kaya muling napaatras.

“Tama na,” marahas kong hila sa braso ni North kahit talagang ngumingisi at ayaw magpaawat.

“Ako ang papatay sa pinsan mo kung anong nangyari sa pinsan ko, Hiro,” banta niya at itinulak ako.

Namulsang umalis si North. Nilingon ko si Ken na yakap ang tiyan at nauubong gumulong sa sahig. Huminga ako at nagtungo sa kanya. Inalalayan ko itong tumayo ngunit tinulak ako.

“You ruined my life,” he chuckled and looked at me.

I looked at him blankly. Humalakhak siya at natatawang itinukod ang mga kamay sa sahig habang dumudugo ang kanyang labi.

“Let’s go home,” I insisted and tried to help him again.

Tinabig niya ang inilahad kong kamay at matalim akong tiningnan.

“Rot in hell, Hiro.”

It wasn’t the first time he acted so harsh. Simula noong nangyari iyon, araw-araw ay pinag-iinitan ako ni Ken. Matagumpay niya mang naitatago ang galit ngunit nababali lagi ang kompostura niya sa akin.

“How’s the feeling of ruining someone’s life just to mold yours perfectly, hmm?” it was Naia’s wrath this time.

I couldn’t blame her. She doesn’t know what’s between Ken and Torrefranca. Alam kong hindi niya masisikmura ang rason ng babaeng iyon ngayon kaya niya ito nagawa kay Ken dahil mas matimbang ang nangyayari sa pinsan ko.

Ngunit ang demonyo ko na ata dahil kahit alam kong mas matimbang ang sakit na nararamdaman ng pinsan ko, hindi ko siya kailanman makakampihan. I am willing to stand on Franca’s side. I am willing to cage her from their judgements. I am willing to defend her. I accepted her fault and I am willing to turned it into mine. I’ll clean her hands and own her mistakes.

“You’re lurking in the dark to stab your opponent secretly you demon,” she fired more.

I smirked. Seriously this girl…

“His baby died,” giit niya.

Napawi saglit ang kumpyansa ko. I know. She purposely strikes those word to bend my composure which she didn’t fail.

I smiled a little. Parang pinupunit ang puso ko sa tuwing naaalala na may nadamay na bata. Marione clearly aborted her child in order to free herself from my cousin.

“I am willing to trade my own life just to bring his baby back, Naia… I am willing. But I know it’s too late. Hindi na iyon ganoon kadali,” I confessed sincerely.

Wala akong ibang maisip kundi ang magmakaawa sa langit na sana ay may gawin siyang himala para maibalik ang sanggol na iyon.

Ang gago ko sa parteng iyon. Iniisip ko kung hindi ko nalang sana pinakilala sa isa’t isa ang dalawa, ano kayang magiging takbo ng panahon?

“Kung nagtanong man siya, huwag mong sabihin ang tungkol sa bata, North,” sabi ko noong mag-inuman kaming muli.

“Gago talaga ’yang pinsan mo. Ano, kahit sarili niyang kasalanan aakunin mo?” iritang nailing si North.

“Ano pa bang magagawa kung malaman niyang may kasalanan din siya? Nangyari na ang lahat. I’ll try to fix it—”

“Man… that’s too much. Let the asshole pay for his own crime. Labas ka roon! Inutusan mo ba ’yang lumandi sa pinsan ko? Eh siya nga ang rason kaya nadudumihan ang tingin ni Tito Dos sa’yo! Sa inyong magpipinsan! Hindi ko pa nakakalimutan ang kasalanan niya noon tapos dadagdagan niya. He kept on showing her signals! Ayos sana kung pinanindigan niya kaso hindi!”

“Mali ko rin dahil hindi ko pinagsabihan,” sabi ko.

“Gago. Pati ba ’yon kailangang isubo sa bibig niya? He’s clearly an ass! Dahil kung matino siyang lalake, sa umpisa pa lang ay hindi niya niyayaya ’yang pinsan kong nananahimik! Anong ginawa ng kumag na ’yan para baliin ang isip ni Franca huh? Kung matino ang intensyon niya sineryoso niya ’yan sa umpisa pa lang at hindi na nambababae pa! Kaso tingnan mo nga, kabi-kabila ang babae.”

Humalukipkip ako.

“This isn’t about your bet with that girl and that motherfucking asshole, Hiro. Don’t even own your cousin’s dirt just to flip the real side of the story. Siya ang malandi putangina niya.”

Kung may nakakaalam man sa totoo, si North at Wayt lang. They both knew what’s my real intention that’s why I made that bet. At si Ken? Hanggang ngayon, iniisip niyang dahil pa rin iyon sa pustahan kaya kinausap ni Franca si Marione. No. That’s her revenge for my cousin.

“Gago ano, Hiro? Maangas ka ’di ba?” Ken started pushing my shoulder when his temper got on his way again.

Irita ko siyang tiningnan lalo na’t talagang umiinit din ang aking ulo. That’s his fucking fault for flirting her! Kung hindi lang ito namatayan, talagang sasabog ako sa galit ngunit hindi, malaki ang kasalanan ko ngayon sa anak niya. Marione aborted her child because she thought Ken isn’t inlove with her. Dahil sa putanginang pustahang iyon!

“What did you fucking do to Franca, huh?” muli niya akong itinulak sa balikat.

That girl purposely made him believe that it was my fault.

Ngunit kung ganoon ang gustong mangyari ng babaeng iyon, tatanggapin ko. I’ll gladly suffer. Isa pa, ito rin siguro ang kabayaran ko lalo na’t pakiramdam ko, ako mismo ang pumatay sa sanggol na iyon. Ako ang nagtulak kay Marione na gawin iyon sa sarili nilang anak.

I was so sure that Marione will click on my bait. She’s craving for a wealthy life. Alam ko na gusto niyang akitin si Wayt dahil mayaman. And I took advantage of her weakness. Ginamit ko ang pera dahil alam kong mapapasubo siya, katulad na lamang ng kotse na ipinangpusta ko kay Ken dahil alam kong iyon ang gustong gusto niya.

“Gago ka! Nang dahil sa’yo pinalaglag niya ang bata! Dahil sa pangmamanipula mo!” he punched me hard.

Umatras ako at dinilaan ang dumugo kong labi.  I only smirked and laughed.

“Tang ina mo talaga! Demonyo! Sarili mong kadugo isasali mo sa laro mo! Nakipagpustahan ka rin sa kanya para mataob mo ako! Nakipagsuntukan kana lang sana sa’king gago ka!” he pulled the neckline of my t-shirt and throw another punch.

My eyes squinted and stepped backwards. I grazed my tongue on my upper and lower teeth to make sure I didn’t lose one. I smiled mockingly.

Dumilim ang kanyang ekspresyon. Sa galit ay muling sumugod. Nakita ko ang pagtapon ni Wayt sa sigarilyo at iritang naglakad patungo sa amin. He was about to throw another punch when Wayt caught his fist.

“Oh? Nakikialam ka? Bitiwan mo,” ngisi ko kay Wayt at tinapik ang kanyang balikat.

“Bitiwan mo ako, Wayt! Ang gago na ’yan!” nag-ambang lumapit si Ken.

Ngumisi lamang ako habang sinasangga ni Wayt ang kanyang sarili nang hindi ito makalapit sa akin. Maybe he’s tired watching us fight since this isn’t the first time Ken tried to trigger me.

“Tama na,” iritang tulak ni Wayt palayo. “Learn to think what you did, too! Hindi iyong ibubunton mo ang lahat ng galit kay Hiro!”

“Ang gagong ’yan, ginalit si Franca! Kaya ako ang napagbuntunan! Franca told Marione about our bet!—”

“Bakit? Nakipagpustahan ka rin hindi ba? You clearly shove yourself on that mess from the first place, Ken,” Wayt said aggressively.

Natahimik si Ken at agresibo na ang tingin kay Wayt.

“We fucking understand you’re mad. You lost your child. But learn how to think about your own mistake too,” iritang itinuro ni Wayt si Ken.

“Shut up, Ryler! Ano, may pustahan din kayong dalawa? Pinagkakaisahan niyo ako? Kaya ba hindi ka matinag noon dahil alam mo ang plano ni Hiro?”

Namaywang si Wayt at iritang tiningnan si Ken.

I saw how Ken tilted his head and looked at him mockingly. Oh this idiot. Kung ako ang aangasan niya, sa akin siya mapipikon dahil talagang mauubos nalang ang pasensya niya, hindi pa rin ako matitinag.

I stepped forward  and pulled Wayt away from Ken.

“Oh right… baka kaya hindi mo sinabi sa akin ang mga plano ni Hiro dahil galit ka rin sa akin lalo na’t ’yung babae mo nagawa kong pormahan—”

I cursed when Ryler swiftly pulled the neckline of his t-shirt and punched him hard on the face. Napaatras ito at kamuntik mawalan ng balanse.

“Don’t fucking include her on this fight,” banta ni Wayt sa madilim na mukha.

Ngumiti si Ken, nanunuya at alam kong gustong sagarin ang pasensya naming lahat. Tinapik ko ang balikat ni Wayt. Tinuro niya si Ken.

“Mali ko noong nanahimik ako at hindi ko kayo pinagsabihan sa laro niyo. Ngunit gaano ba ka hirap tumanggi? Eh gago ka rin eh! You are so full of yourself! Nauulol ka agad sa babae! Kaya ka siguro namanipula ni Hiro dahil wala kang utak. Hindi mo ginagamit ang utak mo! Ganoon ka ka bobo kaya nandito ka ngayon sa sitwasyong ito!” parang nauupos na sigarilyong sigaw ni Wayt.

Oh Ryler and his mouth when he’s triggered…

Si Ken naman ngayon ang dumilim ang ekspresyon at muling sumugod. Pumagitna agad ako sa dalawa. Ako muli ang nasuntok ni Ken. I groaned and stopped Wayt from punching him back. Umungol ako sa iritasyon nang tumama sa panga ko ang suntok ni Wayt kakapigil.

Damn these two. Ako pa ang nasa gitna!

“Bobo ka rin tang ina ka!” si Ken na ’yon nalang ang naisigaw habang umaamba ng suntok ngunit sa akin tumatama.

“You think so? You got manipulated because you’re not using your brain. Look at yourself! Think about the girls you showed signals! Those girls before Marione! Think about it you idiot!”

“Isa ka rin namang gago! Mas masahol ka pa nga! Explain why Cassey hates you so much! Explain why these girls are fighting and losing their friendship because of you! Huwag kang magmalinis dahil marumi ka rin!”

“I never played with their hearts you piece of shit! Stop including Cassey’s hatred because I have nothing to explain! I never hurt her! At wala akong ikinama na hindi ko girlfriend! Wala akong nilandi na hindi ko pinanindigan! And you… you fucking asshole, is the worst! And oh… what’s your reason why you’re taking Franca on a fucking dinner? What’s that for, huh?! Friendly?! Damn you!”

I grunted loudly when Ryler’s punch landed on my chest and Ken’s fist kissed my jaw.

“Tumigil na kayong dalawa! Parehas lang kayong gago at tarantado sa babae noon,” irita kong singit dahil ipit na ipit na ako sa gitna nila.

“Boys. What’s this mess?” Mommy suddenly showed up inside the house.

Doon kami natinag. Mararahas pa ang paghinga ng dalawa at matalim ang tingin sa isa’t isa. Ako na magulo ang buhok at iritang ginalaw ang ulo para patunugin. Ang sakit ng panga ko.

“Hiro,” Mom called and crossed her arms.

Kakarating niya lang, naka corporate attire at coat na itim habang mariin ang titig sa aming tatlo.

“Nothing Mom…” I said.

Shit. Yumuko ang dalawa kong pinsan. Itinulak ko ang balikat ng dalawa.

“Tara sa pool,” anyaya ko.

Hindi gumalaw si Ken. Si Wayt ay mayabang pa ang tingin sa kanya at nanghahamon lalo na’t naglalabasan pa rin ang ugat sa kamao. I sighed and pushed him first.

“Gago tama na…” bulong ko.

Alam ko hindi iyon ang magiging huli na magkakainitan kami ni Ken. Kay Wayt panatag ako. Ngunit sa gagong iyon… hindi kami pwedeng maiwang kami lamang dalawa dahil talagang hahanap at hahanap siya ng paraan para lang magkainitan kami.

“Is that Franca? She looked so different…” it was Nana who whispered.

Kuryoso at tahimik na napapasulyap ang mga pinsan kong babae sa kanya. Indeed she looked so different. Limang taon ang lumipas at muli ko siyang nakita. She looked just like them, the Buenaventuras. Her sharp deep eyes… those looks that kill. Her aura screams power and ruthlessness. She looked more fierce, more intimidating, more dangerous.

Ken approached her. My jaw clenched. I don’t like him getting near her! Alam ko ang ugali niya ngayon. He’s lost! He would probably tell her about Marione’s abortion!

Fear crawled in my veins when I saw her lying on the side of the road unconsciously. Sa taranta at pagmamadali ko, hindi ko na naiparada ng maayos ang kotse at mabilis na tumalon pababa sa aking sasakyan malapitan lang agad siya.

Maraming pumapalibot sa kanya, ang iilan ay mukhang nagtatawag na ng ambulansya at takot na galawin ito.

Mabilis akong yumuko at sinuri ang kanyang pulso. Noong makumpirmang may buhay pa, halos mabunutan ako ng tinik at kinarga ito.

“Kaano ano mo ang babae, hijo?” tanong ng matandang nakikiusyoso.

She collapsed. Abot abot ang kaba ko at halos wala nang pakialam sa magiging galit ng kanyang ama sa akin kung inuwi ko ito sa kanila na walang malay.

Ang kasambahay ang sumalubong sa akin. Tita Addison panicked and called for a doctor right away. Mariin at delikado ang binibigay na tingin ni Tito Dos sa akin.

I don’t care anymore if I lost my chance. Bahala na kahit wala na akong pag-asang manligaw! Kahit iba nalang. Tatanggapin ko basta maayos lamang siya.

I asked North about their address in Davao. I need to check on her. Alam niya na ang nangyari kay Marione at kung pwedeng magpaliwanag ako para lang hindi niya sisisihin ang kanyang sarili ay gagawin ko!

“Bili ka ng aso tapos kunwari ipapasyal mo. Nagjo-jogging ’yon tuwing umaga. Saka ka pumapel,” ang suhestyon ni North na walang kwenta pero sinunod ko rin naman.

Lalo na’t noong nandoon na ako, nakakailang pasyal ako sa aso at binili pa ang sinabi ni North na bahay sa harap ngunit talagang hindi ko matyempuhan ang pinsan niya.

“Sa Club Echelon daw madalas,” iyon din ang sabi ni North at hindi nga naman ako nagkamali.

I saw her on that night. Halos malaglag ang panga ko sa kabuuan niya. Her long hair was straight. Itim na top na halos lantad ang tattoo niya sa dibdib at kumikinang na piercing sa kanyang pusod, fit jeans at heels.

It’s different from her usual attire in Manila. She’s completely different. I couldn’t even blinked while watching her dance on the dance floor sensually while she’s stroking her hair and feeling the beat of the music.

I gulped when she slowly grind her hips and tilted her head while caressing her neck. Pumipikit pikit ang lasing niyang mga mata at nakaawang minsan ang labi habang ang mga lalake sa kanyang paligid ay halos lumuhod sa kanyang harapan.

As much as I want to go near her, I couldn’t. Wala akong karapatan. Anong gagawin ko? Hilahin at pagbawalan? Lalo ’yang magagalit.

Kunot-noo kong tiningnan ang pagmamadali niyang tumakbo, halos natataranta at napapalingon sa likurang wala namang tao.

What’s happening? Nakita ko siyang nagtago sa isang kotse at halos takot na takot. What’s… happening?

She’s trembling hard when I went to her. Kuryoso at nag-aaalala noong una ngunit nang iwinasiwas niya ang hawak na kutsilyo ay naalarma na ako.

She’s eager to hurt someone just to protect herself. Fuck it. Did I miss something while watching her? Takot na takot, nanginginig at humahagulhol siya habang natatarantang umaatras palayo sa akin at nabitiwan ang hawak na kutsilyo.

“Please Hiro! If you’re willing to break everything… everything that would hurt me then break your heart!”

“Stop being inlove with me… Please… Just… just leave me alone…” halos nagmamakaawa ang garalgal at nasusugat niyang tinig habang nakatingin ang umiiyak niyang pagod na mga mata sa akin.

Alright, Torrefranca… Kung isa man ako ngayon sa nagpapahirap sa’yo, at isa rin ako sa magpapahupa ng sakit kung nawala ako sa paningin mo, pwes lalayo ako.

The pain on my wound didn’t matter at all. Pagod akong ngumiti at tumalikod, pilit humahakbang palayo sa kanya para lamang mapanatag siya.

I sighed heavily and glanced at her for the last time. She covered her whole face and cried miserably. Kumislap siya sa aking mga mata at nagiging malabo. She’s in the dark. Huminga akong muli ngunit sunod sunod na patak ng luha ang sumalubong sa akin sa bigat ng aking nararamdaman.

How did I put her on this spot? God… just please punish me. Just spare her sins! Punish me! Let her live happily! Free her from her guilt and give all her burdens to me! I beg you…

“I want to request a full pack of bodyguard for Torrefranca, Sir,” halos kapalan ko ang aking mukha at pinuntahan siya sa sarili nilang kompanya.

Nakaupo siya sa swivel chair, deritso ang titig sa akin at para akong papatayin sa pamamagitan ng tingin.

“Tell me, kid. Who hurt my daughter?”

Yumuko ako. Delikado kung nalaman niya ngayon pa lang. With Torrefranca’s condition, I don’t think its a better idea to tell him right now.

Hindi ko alam kung sinunod ba ni Tito Dos iyon ngunit alam kong protektado siya ngayon. Who are those people? Hindi ko namamataan ngunit sa takot niya, alam kong meron.

Ganoon nalang ka bigat sa dibdib nang malaman ko ang records ni Marione. She’s depressed. Pabalik balik sa hospital dahil doon.

I know she’s the only girl who can fix my cousin. I can’t fix that asshole. Siya lamang ang makakapagpaamo ngayon kay Ken. I couldn’t blame him for getting mad. Ngunit kung pababayaan ko ’yan, hanggang ilang taon ang sasayangin niya saka niya kusang lalapitan si Marione huh? I’d rather do it in behalf of their child, in behalf of Torrefranca!

Iyon ang tunay na rason kaya gusto ko silang paglapitin ulit. Kung ako lang ang masusunod, hahayaan ko si Marione na malayo kay Ken hangga’t mamulat ito at magtanda. But no. Sa nakita ko noong nasa Davao ako, makakawala lamang sa pagsisisi si Torrefranca kung naayos ko ito!

Si Grey ang nakaalam ng records ni Marione. She didn’t abort her child. Nakunan siya.

Fuck it! Halos manginig ako nang makita ang rason kung bakit nalaglag ang bata. She’s too young. Her body couldn’t handle the fetus inside her womb.

Imbes matuwa, hindi ko alam kung bakit mas lumaki ang panghihinayang ko. Torrefranca blamed herself because Ken told her that Marione killed the child, that she aborted the baby.

And that’s the reason why Ken suffered too. She made those lies in order to hurt us. In order to make my cousin suffer. Hindi lamang si Ken, dahil kahit si Torrefranca, pakiramdam niya, siya ang nagtulak kay Marione na ipalaglag ang sariling anak. Because that’s what we thought. Marione’s hurt. Franca’s hurt. Ken’s hurt. They all suffered from what happened.

Ngunit hindi ko maiwasang isipin kung hindi ba siya nagsinungaling at inamin na lamang ang totoo, magkakagulo ba kaming lahat? Ken will probably understand her side. Ngunit hindi ko rin siya masisisi sa bagay na iyon dahil akala niya, hindi siya minahal ng pinsan ko dahil sa pustahang iyon. Hindi ko siya masisisi kung kami ang nakikita niyang rason kaya nawala ang kanyang anak.

“Bumawi ka nalang. Girls are weak. Physically and emotionally. Kaya nga ang bilis nilang maloko,” sabi ko sa gabing iyon noong malaman na rin ni Ken ang totoo.

Indeed. These girls are weak. They’re easily swayed by their emotion. Isa pa, bukod sa mahina sa pisikal na paraan, madali ring mapangunahan ng emosyon.

“Guilty ka ba kaya mo siya ulit dinala sa akin?” Ken glanced at me.

“Kailangan niyo ang isa’t isa. I am just doing your child a favor. Alam kong sasaya siya kung magkakabalikan ang mga magulang niya.”

Tumingala siya sa langit sa namumungay na mga mata. I saw how his tears rolled down his cheek. Yumuko ako at napangiti ng hilaw sa sarili.

He’s lost for the past years. Six years of grieving for his child’s death… I know it’s too much. He’s an asshole from the past but I know he loves that girl so much. Sadyang naging mali lang ang simula.

His pain is valid but Torrefranca’s pain from the past was valid too. At patuloy ko iyong uunawain kahit pa sabihin ng lahat na mali ang kanyang ginawa.

“Baka nagustuhan mo talaga si Marione huh?” he arched his brow again.

I chuckled and shook my head.

“Isa lang ang babae ko,” I said to calm him from getting jealous.

“Who?”

Look at this idiot…

“Torrefranca.”

His eyes slowly widened. His jaw dropped. I smiled cockily.

“Gago? Si Franca?” halos hindi siya makapaniwala.

I nodded and sipped on my beer. Tiningnan ko ang kumikislap na citylights sa balkonahe ng kanyang condo.

“Are you kidding me? Hindi mo ’yon pinormahan ah—” tila natigilan at may napagtanto siya.

“Damn you! Kaya ka ba nakipagpustahan sa akin noon dahil sa kanya?!”

I chuckled. Sinipa niya ang upuan ko ngunit nangingiti.

“Tarantado ka!”

“Basted ako. Dahil sa’yo. Gago,” irita kong sabi ngunit nasa labi pa rin ang ngisi.

He laughed hysterically. “Sinubukan mo pala talaga?! Hindi ko nga maporma-pormahan ’yon noon dahil sa takot ko sa ama niya.”

“But you showed her signals…” I arched my brow.

“Oo nga pero hindi ganoon ka lalim ang namagitan sa amin. We never fuck, Hiro. Kahit halik hindi—”

“How about those dinner huh? Those time you spent with her? It doesn’t mean anything to you?”

Natigilan siya at medyo nag-isip. Nailing ako. Na-inlove lang kay Marione, nakalimutan agad ang pinaggagawa niya. Ganoon naman talaga siya sa mga babae noon. Walang pakialam. Kay Marione lang natuto.

“That’s the real reason why she purposely talked to Marione you idiot.”

His eyes widened again. “Hindi. Nakapag-usap kami bago iyon. We’re fine.”

“Well for you maybe. Baka nasanay ka na ganoon lagi total wala namang babae ang nagagalit sa’yo. Ngunit ibahin mo ’yon.”

His shoulder loosened. “Fuck… Franca’s the most mysterious girl, Hiro. Ang kalmado noon. Ang bait! Hindi ko kailanman naisip na galit siya sa akin!”

“She wants to break your heart you asshole,” I arched my brow.

Kung hindi lamang buntis si Marione sa oras na ’yon, baka pagtawanan ko si Ken dahil alam kong karma niya ’yon. I’ll be a proud nonexistent boyfriend of Torrefranca because she punished him well for being an asshole. Kaso hindi eh…

Pumangalumbaba siya sa upuan at nasabunutan ang sariling buhok.

“I’ll talk to her. I’ll say sorry. Fuck…”

“That’s the reason why she left. Kaya bumagsak sa subjects noon. Pinaasa mo. Gago ka.”

Napaahon ang kanyang ulo, buhaghag ang buhok kakasabunot at namimilog ang mga mata. He groaned and leaned on his chair problematically.

“I was an ass before I met Marione. Sa dami ng nilandi ko, ganoon ang trato ko sa lahat ng babae. Fuck it! Ang gago ko.”

Nasa huli nga talaga ang pagsisisi. It was a perfect timing. Pumunta akong muli sa Davao kaso mukhang wala na siya sa Woodridge. Hindi ko na mahanap.

“Si Franca, Hiro?” kuryosong tanong ni Marione bago ang kasal nila.

Nagkibit ako at ngumisi. “Wala eh…”

Her eyes softened. “Wala kang contact?”

Umiling ako. Bumuntonghininga siya.

“Sayang naman…”

Three years… Tahimik kong tiningala ang bilog na buwan sa malamig na gabing iyon. She’s like the moon. Deep, mysterious and always out of reach.

Are you okay? I hope you’re fine. I hope you’re happy. Let me see you for the last time please…

“You didn’t find her?” Naia showed up.

Rinig na rinig dito ang Wedding Reception ng aking pinsan ngunit hindi ako makasali.

Nilingon ko siya sa aking tabi. “Can’t relate to the crowd that’s why you’re here?”

She looked at the moon silently. Ibinalik ko ang tingin doon. Isa siya sa gustong inaasar lagi ni Torrefranca kaya siguro nakahiligan ko rin siyang asarin simula noong college days namin.  Ang maganda kasi sa babaeng ito, palaging seryoso.

“I fully understand her now…” she whispered.

Napalingon ako sa kanya. For the first time I saw the sadness in her cold eyes.

“Pakiramdam ko noon namatayan din ako. And when you’re grieving, you’re clouded by your emotions. I don’t blame these people who would throw harsh words and judgements when they’re mad. I represent some of them on that day I tried to question and squeezed her to speak up. I understand now. Kaya naiintindihan ko rin dahil alam ko, for once in my life, I know I was one of the villain on someone’s story, someone’s point of view.”

Lumingon siya sa akin. Nagkatinginan kami.

“Maybe you were the villain in Ken’s point of view. Kayo ni Franca. But I know Ken is one of the villains in your own part too. Ganoon din ako. Kami na humusga sa inyo,” patuloy niya.

“You only showed your other side. Ganoon mo ipinakita ang sarili mo. And I labeled you as a bad person. I judged you too. I didn’t realize everyone has a bad side. Lahat tayo. Magaling lamang ang iba na ikubli, may iba na bulgaran, ngunit hindi dapat nasusukat sa ganoon kung paano titingnan ang isang tao.”

I nodded. Clearly I don’t mind the judgements of the people around me. They don’t affect me at all. Kaya kong maging masahol sa mga mata ng lahat maprotektahan ko lamang siya sa kahit anong paraan.

“I’m sorry for that,” she said and looked at the moon again.

“I understand. That girl didn’t left because she’s guilty, Naia. She left because she’s hurt. She left to save herself. To start over again.”

“Bumabagsak nga ’yon noong third year kami. I noticed it but I didn’t…” she sighed heavily.

“Because you think she’s evil?” I chuckled.

She nodded. “I was immature for thinking she’s bad. Ngunit iniisip ko ng maigi kung may nagawa siyang mali sa akin para tingnan ko siya ng ganoon, parang wala naman. That’s just how I viewed her because I’ve witnessed how she played innocent for doing bad things to those people around her.”

“To those people who hurt her first,” I corrected her.

She looked at me curiously.

Torrefranca has many shades. Iisipin ng ibang tao na peke siya at nasa loob ang kulo niya dahil mapagpanggap at tinatago ang tunay na siya. I always believe its her true identity. She’s nice, angelic and playful. That’s her. But she’s also dangerous, cold and ruthless when she’s mad. Para siyang salamin. Tatratuhin ka niya kung paano mo siya tatratuhin sa umpisa.

Plastic. Nasa loob ang kulo. Mapagpanggap. She’s clearly not. And I don’t think it’s right to label her like that. Everyone must stop thinking that her bad side is her true identity. Its her right to get mad. Sadyang naiiba lang talaga.

“Sa Davao ka ulit, Kuya?” tanong ni Damonisse nang dumaan ako saglit sa kanyang Cafe para bisitahin siya bago tuluyang umalis ulit.

I nodded and looked at the tray she put down on my table. Matagal ang paninitig niya, nagtatanong at kuryoso.

“Anong gagawin mo? May liligawan ka raw sa Davao sabi ni Mommy?” she asked curiously.

Sumimsim ako sa kape. Medyo mainit pa iyon kaya hinipan ko pa.

“Bibisitan ko ang girlfriend ko,” I answered nonchalantly.

Her deep eyes bore into mine.

“Hindi talaga ako naniniwalang papatulan ka ni Franca. Buenaventura ’yon, Kuya.”

Nasamid ako at iritang ibinaba ang tasa dahil napaso pa ang aking labi. I’m not sure if she’s bitter because of what happened from her past or she really thinks Franca’s too high and I’m too low in her eyes.

“Sabay kaming uuwi sa Manila sa susunod. Just wait and see.”

She scoffed and crossed her arms. Sumandal siya sa upuan niya at tamad na hinaplos ang buhok.

“She’s too much for you,” she said.

“Ano bang tingin mo sa akin, pangit?”

“Imposible talaga…” wala sa sarili niyang iling at nagdududa. “Baka nananaginip ka ng gising at si Franca pa talaga ang pinapangarap mo.”

“Ang pangit ng lasa nitong kape mo. Isinali mo ba rito ang ugali mo?” irita kong bigkas.

“Pay double. It’s not free,” at talagang piniperahan pa ako?

Binigyan ko ng isang libo. “Don’t be so hard on yourself. Stop blaming yourself for what happened to him from the past.”

Natigilan siya. Pinitik ko ang kanyang noo. She frowned and rolled her eyes. I smiled. She’s gonna be fine…

I started looking for her again after the Wedding of my cousin. Halos libutin ko ang buong lugar sa Davao. Kahit ang pinsan niya, walang ideya kung nasaan ito. She’s like a missing person.

God. Just let me see her again. I will show Marione’s records and their Wedding Day. Ayos na sa akin kahit nagpakasal na siya. May anak. May asawa. Bahala na. Makawala lamang siya sa pagsisisi. Kahit iyon nalang.

“Hindi mo pa rin nahanap?” Ryler asked through a phone call.

“Shut up and stop making me stress,” irita kong bigkas habang pinupuntahan ang Park na inirekomenda sa akin para magjogging.

I need to release my stress. Habang tumatagal na walang nahahanap na bahid niya, para akong mababaliw.

“Isang taon kanang naghahanap diyan. Dinaig mo pa ang uod sa sobra mong bagal—”

“Damn you! Don’t fucking call and stop wasting my time,” irita kong putol sa tawag.

Pumasok ako sa Crocodile Park at nagpark sa gilid ng daan. Mas malaki ata ito kumpara sa People’s Park kung saan din ako minsan magjogging. Wala gaanong tao. Puro puno. Malawak pa ang field at maganda ang lugar para magpapawis.

I started jogging. Nang may madaanang mga kabayo ay sinubukan ko rin.

“This white horse,” sabi ko sa lalakeng sinusuklay ang buhok nito.

“Ah mailap ito, Sir… Hindi basta bastang umaamo. Sa isang babae lang ito kalmado,” he said and smiled.

Umangat ang aking kilay. “I’ll try.”

“Hindi talaga, Sir… Nangako rin ako roon na sa kanya ko lang ipapagamit si Betty.”

Namaywang ako at tiningnan ang itim na kabayo. Mas malaki ito ng kaonti kumpara sa puting kabayo.

Hindi ko ito napilit ngunit habang palagi akong naroon, kakaiba na ang mga kuwento niya tungkol sa babae.

“Mala diwata ang ganda, Sir. Ang puti. Mga alas singko ng hapon lumalabas. Pag nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa langit. Sakay siya lagi kay Betty. Binansagan siyang diwata rito dahil talagang napaka ganda kahit hindi ngumingiti.”

Mala diwata? I don’t know if he’s scaring me or what. Ngunit sa ilang araw ko roon, wala naman akong napapansing magandang babae na nangangabayo. Baka guni guni niya lang.

Ngunit hindi lamang siya ang nakakaalam at nakakakita sa babae dahil pati ang iilang madalas sa Park na ’yon, kilala rin ito.

“Ang ganda noon! Madalang lumabas. Pero alam naming may anak. Kaso parang walang asawa. Baka byuda. Mukhang anak mayaman dahil nagpapautos lang.”

Kinutuban agad ako. I need to see her in order to confirm my speculations.

Kaya noong may nakita akong nangangabayo na babae, halos malaglag ang panga ko. Nakaputing bestida at mahaba ang buhok na kapansin pansin ang natural na alon sa dulo. Maputi at payat. Likod pa lang, kumalabog na ang aking dibdib.

She ranaway. Hindi ko nasilip ang mukha. At isang buwan halos bago lumabas muli.

I saw her. It’s Torrefranca. Maputi. Matangkad tingnan. Masaya. Ngunit walang emosyon ang mga mata.

Kung totoo ang sabi sabi, noong mahimatay siya at ipinasok ko siya sa kanyang bahay, bakit walang bakas ng bata? Where’s her daughter? May mga gamit na nagkalat ng bata ngunit walang naroon sa madilim na bahay.

It slowly scared me. She’s not well. Lalo na’t sa tuwing kakausapin niya ako, uukit agad ang takot sa kanyang mukha. Nanginginig siya at nababalisa na pakiramdam niya, sasaktan siya.

“Grey…” I called.

“What? This is new. You called,” his tone was flat.

“I need to talk to a psychiatrist right now. Recommend me,” I said desperately.

“What about it? Nasa Davao ka pa rin?”

“Yes. Just recommend me. I want it today. I have some questions to ask.”

Kahit takot man akong isipin na maaaring may problema nga kay Torrefranca, ngunit sa nakikita at nararamdaman ko, hindi ko iyon maisawalang bahala.

“Hallucinations and delusions are both symptoms of a serious mental health problem, Mr. Delafuente. You should encourage the patient to seek for help of a psychiatrist. Kung pwede, dalhin mo sa clinic as much as possible…” sabi ng Doctor pagkatapos kong idetalye ang napansin ko kay Torrefranca.

Damn it. Napapikit ako sa sinabi niya. That’s hard. Takot nga minsan lumabas ng bahay at kabado lagi pag may nakikitang tao kaya hindi iyon ganoon ka dali.

“Is there a way to help her, Doc? Kahit ma improve ko muna ang kondisyon niya habang hindi pa siya natitingnan?”

“Change her diet. Maganda sa kalusugan niya ang ehersisyo, mga aerobics at gluten free na pagkain para ma lessen ’yung hallucinations at delusions niya. It won’t really help her completely but it will improve her condition. She still needs to undergo with therapy and full medications, Mr. Delafuente.”

That’s what I did. Simula noong hinayaan niya akong makapasok sa bahay niya, iyon na ang ginawa kong hakbang para makialam sa kanyang kusina at mabago ang kanyang mga kinakain. She’s into sweets since she was young. Masakit na parang pinagdadamutan ko siya sa mga gusto niyang pagkain ngunit kailangan kong manindigan.

Pansin ko ang limitadong gamit sa bahay niya. Walang salamin. Walang matutulis na bagay. Walang telebisyon. Walang kahit anong gadgets. She’s living a simple life.

It indeed traumatized her. Ang dating babaeng namumuhay ng masaya ay bigla nalang naging mailap sa buong mundo. She thinks she disappointed all the people around her that’s why she turned her back.

It made a big impact to her life. Kahit anong pilit ko na hindi siya ang may kasalanan sa nangyari, na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng bata, siya mismo ang kusang itinali ang kanyang sarili sa nakaraan.

Nakita ko siyang umupo sa balkonahe sa gabing iyon. Tinitingnan niya ang madilim na langit at bilog na buwan. The air blew against her and made her hair danced. Dahan dahan siyang lumingon sa akin at ngumiti habang nakikita ko kung paano niya inihulog ang sarili roon.

My eyes widened from my nightmare. Mabilis ang pagbangon ko sa sofa at takbuhan ang hagdan paakyat sa ikalawang palapag at nadulas pa sa hagdan sa pagmamadali ko. Tumakbo ako patungong balkonahe at tiningnan ang ibaba ngunit wala siya roon.

Fuck it! Nahilamos ko ang sarili at napansin ang pamamawis ko dahil sa panaginip. She’s probably asleep by now.

Lagi akong natatakot sa tuwing nawawala siya sa tingin ko. Natatakot na baka isang kurap ko lang, magkatotoo ang panaginip ko.

“You’re the prettiest girl, Illisha,” tawa niya at kiniliti ang batang hindi ko nakikita sa bakanteng upuan.

I slowly chewed my food and looked at her smile. I smiled back. What a strong girl. She created something in her mind in order to protect herself and to stop her own pain.

She always talk to her imaginary child. Something about her smile put me at ease. Kahit wala naman akong nakikita, ngunit habang pinapanood siya, minsan nahihirapan ako sa aking plano na ipakonsulta siya.

She’s happy and she’s contented. God I am such a slave when it comes to this woman. I am willing to tolerate everything that would make her happy! Ngunit handa rin akong gawin ang lahat maging maayos lamang siya kahit mailalagay ko ang posisyon ko sa lugar na kakamuhian niya ako.

“What happened huh?!” kinwelyuhan ako ng kanyang ama nang maisugod kami sa ospital.

“Dos please! Just calm down!” awat ng kanyang ina.

“She collapsed Sir…” I explained softly.

Marahas niyang binitiwan ang kwelyo ng aking suot at nahilamos ang mukha. He looked so mad. After so many years they saw their daughter again. At ang mapait dito, sa ospital pa.

Umiling siya at namaywang, madilim ang ekspresyon, taliwas sa maamong mukha na ipinapakita sa akin ng kanyang asawa.

“Ayos ka lang ba?” she asked and looked at the bandage on my head.

Mariin akong nilingon ni Tito Dos. Tumango ako.

“Yes, Ma’am…”

She nodded and glanced at her husband. She glared at him.

“Stop being so mad, Dos. We didn’t know what happened.”

Handa ako sa kahihinatnan nito kung sakali mang nalaman na ni Tito Dos ang totoo. I won’t hide it forever. Alam ko ay malalaman niya rin.

Kaya noong nagmakaawa ang kanyang anak na babae at hiniling na huwag gumanti, inaasahan ko na ang nag-aalab na galit na nakahanda sa aming pamilya.

“You son of a bitch!”

Tito Dos’ explosion made everyone shocked. Nasa sahig na si Ken nang matumba pagkatapos ng malakas na suntok galing sa kanya. Sumugod siya rito sa Manila at dito sa opisina nadatnan ang aking pinsan.

I saw how Tito Dos pulled his gun on the side of his waist and pointed it to my cousin. Sa aking takot, mabilis akong pumagitna.

“Sir…” I called nervously while looking at him.

“Move kid or I’ll fucking shoot your head,” matalim ang tingin at desididong manakit ang mga mata niya.

“Dos!” ang nababahalang tinig ng kanyang asawa.

Lumunok ako at tiningnan nang maigi ang baril na nakatutok mismo sa aking ulo.

Tumayo si Ken at pinunasan ang labing dumudugo.

“I’m so sorry, Tito…” he said sincerely behind my back.

“Dos,” mas matigas na tawag ni Tita Addi sa asawang nagtatagis ang bagang.

I saw how Tito Dos slowly put his gun down. Nakahinga ako ng maluwag ngunit alam kong hindi rito natatapos ang galit niya.

“Tita… I’m so… so sorry,” daing ni Ken nang tingnan si Mrs. Buenaventura na namumula ang mga mata dahil sa galit at mga luhang nag-aagaw.

Tatlong hakbang ay napunta siya sa aking likuran at rinig ko ang malakas na sampal na iginawad niya sa akin.

“You…” nanginginig sa galit at namumula ang mga mata nang itinuro niya ang mukha ng aking pinsan. “You ruined my daughter’s life here in Manila that’s why she left!” she screamed angrily on his face.

My shoulder loosened. Kahit pa pakiramdam ko malinis naman ang kamay ko sa landiang naganap sa pagitan nila, parang responsibilidad ko pa rin iyon.

“Anong magagawa ng sorry mo ngayon, huh? Ano?!” her voice raised.

“I’m so sorry, Tita…” Ken’s trembled voice made me close my eyes.

Binasa ko ang labi at dismayadong yumuko. Ang raming bumabaha sa isip ko. What if I tried so hard to educate him? Kaso ang gagong ’yan noon ay talagang hindi napagsasabihan! He will only think of it as a damn competition!

Kahit pa galit ako noon sa pagiging gago niya, hindi ko siya hahayaang magdusa sa kamay ng mga Buenaventura, lalong lalo na sa ama ni Torrefranca.

Ang pagdating ni Mommy kasama si Grand Uncle Rico ang nagpahupa ng tensyon. Kahit nakaupo na ang lahat, parang lumulubog ako sa sariling upuan dahil sa kaba.

“Is there anything we can do in order to help your daughter, Mr. Buenaventura?” Grand Uncle Rico offered.

Umuwi ito rito noong nakaraang linggo dahil sa importanteng bagay at mukhang nasabit pa sa gulong ito.

“What? Bribe me with your wealth? Kung pera lang naman, marami rin kami niyan! Huwag niyo akong malapag lapagan ng tulong galing sa pera dahil walang magbabago sa nangyari sa anak ko!” parang kulog at kidlat ang boses ni Tito Dos na nagpa gulat sa matanda.

“That’s not what I’m trying to say hijo. Kahit anong tulong… para mapagbayaran ang ginawa ni Ken sa anak mo,” ani Grand Uncle Rico.

“Skin him alive and give his damn head to me. Can you do that huh?” hamon ni Tito Dos.

Grand Uncle Rico looked at Ken innocently. Hinaplos ni Mommy ang kanyang noo. Bumuntonghininga ako.

“Simula noong tumuntong ako sa ganitong edad, napagtanto ko kung gaano ka iksi ang buhay. You should learn how to forgive the people around you—”

“Then I am not yet old enough to forgive these people who hurt my family,” putol ni Tito Dos na nagpatutop ng bibig ni Grand Uncle Rico.

“Dos,” it was my Mom who attempted to talk to him.

“Let’s talk calmly. Walang magandang maidudulot kung papairalin natin ngayon ang galit lalo na sa kondisyon ni Franca,” aniya sa kalmadong tinig.

“I understand your hatred right now. Mali ang ginawa ni Ken sa inyong anak at sigurado akong handa niyang pagbayaran iyon. Right, Ken?”

Ken nodded weakly while licking the cut on his lowerlip. Dumudugo pa rin ng kaonti.

“Punishment you say? What kind of fucking punishment huh? I want to skin him alive right now. ‘Yun lang ang parusang naiisip ko sa kagaguhan niya sa anak ko,” Tito Dos’ voice thundered.

“Addi… what do you think? Do you have something in your mind…” si Mommy nang kay Tita Addi bumaling.

I looked at her. She looked so mad. I never saw her like this. She’s always intimidating but this time, she looked so fierce and ready for a fight.

“This is fucking bullshit. I don’t fucking need a peaceful talk for what this asshole did to my daughter! Kung kayo, madadaanan niyo sa mahinahong usapan ang lahat, pwes ibahin niyo sa kamay ko. I want you all out in our life! Never fucking show your face to my daughter or else I’ll fucking kill all of you!” Marahas na tumayo si Tito Dos at parang dragong ibinuga ang apoy ng kanyang galit sa aming lahat.

“Dos—”

“I will file a restraining order for all the Delafuentes to stay away from my daughter! All of you,” giit niya at mariin kaming tiningnan.

I gulped. Napatingin si Ken sa akin.

“Sir. I think Franca needs to talk to my cousin—”

“Bullshit. Don’t fucking give me that idea you asshole! Isa ka rin! Pinagkatiwala ko sa’yo noon ang anak ko! At anong ginawa mo huh… Ano?” he pointed me.

My mother looked at me calmly.

“Continue son…” she encouraged.

Binasa ko ang labi at huminga.

“Ako ang may kasalanan sa lahat ng ito Sir—”

“Bullshit, Hiro,” si Ken na irita. “I am willing to take the punishment! What I did from the past was wrong!”

Sinenyasan ni Mommy si Ken na tumahimik. My cousin sighed and looked at me unbelievably.

“She’s guilty, Sir. She’s blaming herself for what happened to Marione’s child. If we give her more time until she’s ready to face what she left from the past then that’s the only way she can finally free herself from her guilt. Baka doon siya unti-unting gumaling at makausad.”

“My son is right, Dos… Addi… What happened to the child wasn’t Franca’s fault but she needs this. If saying sorry will ease her guilt then you should let your daughter.”

“Bakit siya ang hihingi ng tawad huh? The records clearly showed what happened to the unborn child. What the fuck are you all talking about forgiveness?”

“She’s blaming herself. If she admits her mistakes, reflected from it and learn how to accept her fault then you should let her face her past. Baka ang paghingi niya ng tawad ay hindi lang dahil siya ang may kasalanan kundi para na rin sa sarili niya. Maybe she’s not just sorry for what happened but also she’s sorry for punishing herself. She’s lost. If we let her accept all of this then maybe that’s the only way she will realize she needs to forgive herself more. It’s an atonement for her past self for blaming and punishing herself.”

Natahimik ang mag-asawa. Tumango si Grand Uncle Rico. Kami ni Ken ay nagkatinginan.

“I promise I will leave her alone once I settled this, Sir. Lalayuan ko na ang anak niyo kung… natapos na ’to.”

Tito Dos looked at me intently. Namungay ang mga mata ni Tita Addi sa akin.

“So please, let her talk to my cousin. Let her talk to Marione…”

I convinced her father. Sa sobrang bigat ng usapang iyon, pag-alis ng mag-asawa ay parang doon lamang sila nakahinga ng maluwag.

“Ano bang trabaho ng lalakeng ’yon noon at nakakasindak?” ani Grand Uncle Rico habang niluluwagan ang kanyang tie. “Parang siya ata ang maghahatid sa akin sa kabaong. Aatakihin ako sa puso kung siya ang kausap ko.”

“That clan are like time bombs. Mabuti nga’t nakumbinsi. Dos is probably doing Franca a favor,” si Mommy sabay sulyap sa akin.

“Noong nakaraan si Blue at Wayt ang may problema sa babae. Ngayon naman ikaw. Kailan niyo ba ako pagpapahingahin diyan sa mga problema niyo sa babae?” si Grand Uncle Rico na nakahalukipkip na sa kanyang silya at malalim ang paninitig sa akin.

Dumating na rin ang iba pa. Ken’s parents are here too. Si Mommy ang kumausap sa kanila. Kahit si Dad, nandito na rin.

“Hiro,” tawag ni Ken at problemadong lumapit sa akin. “Let me handle this. I will handle Tito Dos’ wrath. Stop saving my ass, man…”

“Focus on Marione. Kaya ko na ’to,” I smiled and stood.

He looked at me unbelievably. His jaw clenched and sighed heavily.

“I’m sorry for this,” he looked at me apologetically.

“It’s fine.”

His shoulder loosened. “Tell me if you need help.”

I nodded and patted his shoulder. Hindi ako nagtagal doon lalo na’t gusto kong bumalik agad sa ospital. My heart feels heavy.

“Hiro,” tawag ni Mommy noong matyempuhan akong lumabas.

Tumigil ako at hinintay siya. She smiled and went to me. Tumigil siya sa aking harapan. Namulsa ako at tiningnan ng seryoso ang aking ina. I stiffened when she caressed my cheek.

“I’m so proud of you,” nangingiting sabi ni Mommy.

I clenched my jaw. Gusto ko iyong itawa ngunit hindi ko magawa. Nagkasalubong ang aking kilay.

“Don’t take this as a defeat. Hindi ka man nanalo sa paraang ikakasaya mo, ngunit ang unahin ang kasiyahan at makakabuti para sa kanya, doon palang ay panalo kana, hijo…”

I bowed my head a bit. My shoulder loosened. I feel like the world just crumbled down. Hindi ko kailanman nakita ang paghihirap ko sa nagdaang taon. Ngunit sa sinabi ng aking ina, ngayon ko lang naramdaman kung gaano ka bigat ang lahat.

“Not everything in this life will go our way. It’s always up to us on how we deal with it. And I’m so proud how far you’ve come. I’m so proud of you. You carried all the burdens so well, son…” ngiti ng aking ina at hinila ang aking batok para igiya ang aking ulo sa kanyang balikat.

I shut my eyes and rested my head on her shoulder. I sighed heavily and licked my lowerlip. She patted my back. Thanks Mom…

I don’t want to lose her but, I think I have to…

“Hindi ko na kaya, Mommy…” her weak voice stab my heart multiple times on that night.

“Anong hindi mo na kaya? You have us. We’ll be your strength, hija…” her mother comforted her even when she’s slowly losing it too.

“Pagod na ako. Ayokong bumalik sa dati. Kung wala si Illisha, wala na ring saysay ang buhay ko,” ang mahina at pagod niyang tinig ay nananasaksak ng dibdib.

Yumuko ako at pumikit. I don’t wanna hear her lifeless voice but it kept on ringing in my ears.

“Hindi na gamot ang kailangan ko kundi pahinga. Ayoko na…”

I sighed heavily and shut my eyes closed. Binasa ko ang labi. Pinipiga ang puso ko.

“Please don’t say that…” her mother begged.

“Alam ko kung ano ang magiging epekto ng gamot sa akin… Hindi ko na siya makikita kailanman. Buburahin siya sa alaala ko… Hindi ko na makikita ang anak ko… Mawawala na siya sa akin,” she cried weakly.

Fuck.

I never dreamed of putting her to this kind of situation. All I did from the past is to protect her heart.

I held her hand gently. Tuwing gabi, ako lagi ang nagbabantay sa kanya sa ospital. At sa tuwing tulog siya, doon lamang ako nagkakaroon ng tsansa na umupo sa tabi niya. Her medicines made her sleep. Kung wala ang mga iyon, hindi siya nakakatulog at lagi lamang tulala.

I looked at her face. She looked so peaceful. I smiled and kissed the back of her hand.

“I talked to your father and I surrender my chance, Torrefranca…” I whispered sincerely and smiled.

“It’s for the better. You should leave and start your life away from us. I know you’re always better without me. Kaya mo ’yon…” namamaos kong patuloy.

“Pag nasa France kana, alam ko, may mas mahahanap kang higit pa sa akin. I will probably miss you everyday but it doesn’t matter. I know you’re happy…” I chuckled weakly.

“I gave up my chance but it doesn’t mean I will stop loving you. I will stay inlove with you. I will not kill this love. I will remain faithful.”

I slowly realized why it always hurt when I’m trying to talk about my feelings for her. She was never been mine. Naramdaman kong may kaonti siyang nararamdaman sa akin sa gabing iyon, ngunit huli na.

And I have no plans on pursuing it. Kung mas makakabuti sa kanya ang paglayo, ang wala sa aking tabi, ang mamuhay sa malayo, pwes magpapaubaya ako. I will let her go.

I kissed her fingertips and sighed heavily.

“Please don’t give-up on yourself. I beg you. You are strong. I’m sorry for thinking that girls are weak. I’m sorry for judging you when I was young. I’m sorry for loving you too late. I’m sorry…”

Pumikit ako at dinala ang kanyang kamay sa aking labi, halos idasal na sana, sa mga sumunod na araw, ay makahanap siya ng panghahawakan niya para lumaban. Kahit hindi ako. Kahit para na lamang sa pamilya niya. Para sa sarili niya. Matutuwa na ako kahit hindi man ako kasali sa magpapagaan ng loob niya.

“I love you so…” halos mabasag ang aking tinig, bigong yumuko at maingat na hinawakan ang kanyang kamay. “I love you so much. Please learn how to love yourself again.”

I cleared my throat and noticed my tears. Umiling ako sa sarili. Noong makarinig ng pagkakasara ng pinto, doon din ako napatayo dahil alam kong hindi gugustuhin ng kanyang ama na lumapit ako.

Kuryoso kong tiningnan ang loob nang walang pumasok. Mukhang isinara lamang iyon galing sa labas.

Noong lumabas siya sa ospital, naramdaman ko agad kung gaano siya ulit ka ilap sa akin. Nagbago na ulit ang paningin niya. Malamig at walang emosyon. Para akong hangin lagi.

She’s mad I guess? She’s probably blaming me for what I did. I failed to save Illisha. At baka naisip niya rin na siguro kung hindi ako nagpakita sa kanya, hindi sana nagulo ang buhay niya.

She always think of me as the villain since then. At siguro nga, kahit ngayon, ganoon ulit ang naiisip niya sa akin. Kaya pinapauwi niya ako sa Manila. Kaya ayaw niya na akong makita.

Mas mabuti sigurong ganito para kung sakaling umalis siya, hindi ganoon ka sakit? Who am I kidding. Pinipilit ko lang magmukhang buo lagi kahit durog na durog na ako.

“Tell me honestly, do you love my grand daughter?” Sir Israel asked while we’re drinking on that night.

Kung gaano ka triple ang takot ko kay Tito Dos, abot langit na ata sa Lolo ni Torrefranca. He’s like the combination of Tito Uno, Tito Dos and Tito Tres in one frame. Mga mata niya pa lang, parang ang tuso at walang kinakatakutan.

“Patay na patay ’yan sa anak ko,” Tito Dos answered and looked at me darkly.

“O anong masama roon, Dos? Parang hindi ka rin patay na patay kay Addi noon ah?” pambabara niya sa kanyang anak.

Man… he’s indeed Tito Dos’ father.

Ibinalik ni Sir Israel ang tingin sa akin.

“Nanliligaw ka ba kay Franca?”

“Hindi, Papa,” giit ni Tito Dos at inunahan ako.

Natutop ang bibig ko at ininom ang sarili kong shot. Bakit pa ako magsasalita kung may spokesperson ako, ’di ba? Iritadong tiningnan ni Sir Israel ang anak.

“Bakit panay ka sagot, Dos? Ikaw ba ang tinatanong ko? Let the kid talk you piece of shit.”

Hilaw ang aking naging ngiti. “Hindi po, Sir…” I answered.

“See?” si Tito Dos at nag-angat ng kilay. Pinagbawalan ako, Sir. ’Yang anak niyo. Kapalit sa restraining order, kailangan kong sumuko kay Torrefranca, Sir.

Isusumbong ko sana kaso ako pa rin naman ang dehado. Anak niya ang mahal ko. Kung magsusumbong ako sa ama niya, ako pa rin ang kakawawain niya. Besides I respect his order. Hindi ako ganoon ka gago para lumagpas sa napag-usapan.

“Bakit hindi? Ano lang ang ginagawa mo rito?”

“Delafuente ’yan Papa,” Tito Dos said bitterly.

I saw how Sir Israel’s eyes sharpened. Mabilis na nagbago ang ekspresyon at parang papatay ano mang oras sa dilim ng mukha.

“Ay putang ina! Ikaw ba ’yon? Ito ’yon, Dos?” Itinuturo ako ni Sir Israel at parang handa na akong bugbugin lalo na’t nag-aambang tumayo sa kanyang upuan.

“Hindi. ’Yung pinsan niya,” si Tito Dos.

Medyo nakahinga ako ngunit talagang pakiramdam ko huling gabi ko na. Sunod sunod ang pag-inom ko para lang maibsan ang aking kaba na bumabara sa aking lalamunan.

“Bakit ikaw ang nandito? Anong kailangan mo sa apo ko?” mariin niya akong tiningnan.

“Mahal ko po, Sir…” pag-amin ko total nandito na rin naman.

“Pero basted po ako,” I chuckled to stop him from asking things.

Humalakhak si Sir Israel. Si Tito Dos naman ay naninimbang pa rin ang tingin.

“Huwag mong mamaliit ’yang apo ko, hindi basta basta ’yan!”

Ngumisi ako at tumango. Hindi talaga. Sa lahat ng babaeng nakilala ko, siya ang pinaka mailap at matinik.

“Delafuente siya, Papa,” giit ni Tito Dos at parang pinapaalala sa ama niyang nagkaka-amnesia.

“Paulit ulit, Dos. Hindi pa ako ganoon ka ulyanin para makalimutan agad. And what’s the matter? Hindi niya kasalanan ang kasalanan ng kanyang pinsan. You know what, your mother accepted me after what your great grandfather did to her family…” turo ni Sir Israel gamit ang hawak na shot.

Umiling si Tito Dos. “I am not Mom,” he insisted.

Umismid si Sir Israel. Umiling siya at sumimsim sa inumin saka ako muling tiningnan.

“’Yung ina ni Trace, talagang katulad ni Dos. Pag pumupunta ako sa bahay ng aking asawa, nagkukunwaring abala sa itak ang ina niya tapos matalim ang tingin sa akin. Kulang nalang ako ang iitakin.”

I chuckled. “Ang tapang niyo po, Sir…”

“Nakikita kita sa bata kong sarili noon. You’re persistent. Tinakot takot kita noong nakaraang araw ah? Bumabalik ka pa rin talaga.”

“Oo nga Sir. Nakita ko ngang pinupunasan niyo ’yung shot gun niyo minsan tapos matalim ang tingin niyo sa akin. Parang gusto niyo rin akong barilin,” I tried to laugh my nervousness.

Humagalpak si Sir Israel. I smiled and licked my lowerlip.

“Mahal ko ang mga apo ko, lalong lalo na ’yang si Franca. Unang apo kasi namin ni Trace…”

Nagtuloy tuloy ang usapan ngunit ramdam ko kung paano binabara ni Tito Dos ang ama. At ang matapang niyang ama, babarahin ito pabalik.

“Have patience with the patient. You need to be empathetic all the time. May mga araw na hindi normal ang emosyon niya at mabilis mag-iba ngunit dahil iyon sa kondisyon niya. It’s hard for them to organize not just their thoughts but also their emotion. You need to be calm all the time and listen to them.”

Iyon ang payo ng therapist niya sa akin. I’ve been doing that my whole life everytime I’m with her. Para sa akin ay madali lang naman iyon. Kahit siguro hindi niya sabihin, kusa akong lalambot sa kanya, kusang makikinig sa mga sasabihin niya, kusang mag-aadjust at hahayaan siyang manalo kaysa makipagtalo sa kanya.

That’s when I realized she became a baby for awhile. The baby Torrefranca wants to hold my hand while she’s having her haircut. The baby Torrefranca cried when she didn’t see me for a couple of days. Her red nose, swollen eyes and flushed cheek will always drive me insane. Parang ang laki ng kasalanan ko kaya umiiyak siya.

As much as I enjoyed her for being a baby, mahirap din dahil alam kong hindi siya dapat ganito. This isn’t her normal self. She’s always calm. She rarely showed emotions. Kung galit man, tahimik lang ’yan at ipaparamdam sa’yo na para ka lamang hangin sa kanya. She rarely cries at sobrang sakit makita na naiiyak siya sa maliliit na bagay dahil hirap siyang kilalanin at ibalanse ang kanyang emosyon.

Maraming beses at hindi ko na mabilang kung ilang beses kong gusto siyang yakapin at ilagay sa kandungan ko. Gustong aluin. Gustong hawakan. But I know my boundary right now. Baka pag sabik na naman ako, bigla ’yang aayaw dahil hindi komportable sa akin. I don’t like giving her those kinds of feelings. She’s fragile.

Ilang taon niyang inisip na may gustong pumatay sa kanya, at kahit ako, pakiramdam niya ay pinagpaplanuhan siyang saktan. A physical touch isn’t what she truly needs right now but an assurance that I can stay beside her even when we’re not touching. She can rest with me comfortably without worrying that I will do something bad to her. Gusto kong ganoon ang maramdaman niya sa akin.

Ako na lagi ang kasama ni Torrefranca sa appointments niya. Mahirap pumapel noong una lalo na’t estrikto ang kanyang Lolo idagdag pa ang ama ngunit habang tumatagal ay ramdam ko kung paano na nila ako tinanggap.

O baka makapal lang talaga ang mukha ko at ako itong nag-iisip na kasali ako sa pamilya nila kahit hindi naman ako Buenaventura.

“Si Franca?” gulat na tanong ni Blue nang dalhin ko siya sa Manila.

“Ganyan din ang tanong ko sa Davao. Nagholding hands,” si Toshi na nakapamulsa.

“Alam mo, Wayt?” takang lingon ni Red sa pinsan naming nakahilig sa railings, ang kamay ay may hawak na sigarilyo.

“College days,” si Wayt.

“Kaya ba kayo nagsusuntukan ni Ken noon? Gago… kaya pala,” parang naliwanagan sa wakas si Blue.

“Misteryoso na ’yan noon pa man. Ma sekreto. Kaya naman pala… Buenaventura pala ang pinagpaplanuhan,” iling ni Red na nakapamulsa sa slacks.

“Maniniwala ako kung si Wayt ang palihim na nagkakagusto noon kay Franca! Kaso itong si Hiro…” iling ni Blue.

I only smirked. Hindi na ata ako nila tatantanan sa bagay na ’yon. They’re not convinced. Kahit noong halikan, gulat pa rin ang lahat.

Kahit ako, hindi rin makapaniwala. I was never her first choice. Tinanggap ko noon pa man na hindi siya mapapa saakin, lalo na noong binitiwan ko ang tanging hawak ko para sa amin alang alang sa kagustuhan kong maiurong lamang ng kanyang ama ang restraining order sa buong Delafuente.

I accepted my fate. Matagal ko nang pinalaya ang pagmamahal na alam kong hindi kailanman naging akin.

She will probably find someone else while she’s in France? Iniisip ko pa lang iyon ay sumisikip na ang dibdib ko kahit masaya ako para sa kanya. How can this love showered me pain while embracing it completely huh? Kahit masakit, masaya pa rin. Kahit mahirap, kayang indahin.

My heart clutched. I sighed, disappointed for the love that was never been mine. Maybe in another life, I would deserve her?

But who am I kidding? I won’t find another girl even in another life. I will remain faithful to her in this lifetime.

“What’s with the ring?” nakangiting tanong ni Mommy nang lumapit kaming magkahawak kamay ng aking fiancé sa kanya. She noticed it first.

“I proposed, Mom,” I chuckled.

She doesn’t looked shock ngunit mahahalata mong namamangha pa rin.

“You made this beautiful girl said yes to you? Ang guwapo mo naman ata, Hiro,” biro niya at nag-angat ng kilay.

Torrefranca chuckled. I laughed a little. Mommy shook her head and laughed too. Inilagay ni Mommy ang isa niyang kamay sa pisngi ni Torrefranca, ang isa naman ay sa akin.

“Both of you deserved each other,” she said.

Nagkatinginan kami ni Torrefranca. Hindi na nawala wala ang ngiti niya. Kanina pa. Kahit minsan ay nahihiwalay siya sa akin dahil sa mga babae, suot niya pa rin ang ngiting iyon.

I missed her smile so much. I missed her warmth. I missed how she socialize like her old self.

The reason why everyone loves being with her because of her calmness and positivity. She always radiate that. Magaan siya at komportable hindi lamang sa mga babae kundi pati na rin sa mga lalake kaya marami siyang kaibigan noon pa man.

“Ginugulat niyo talaga kaming dalawa. Noong nakaraan halikan niyo, ngayon naman, engaged na kayo!” Blue laughed and patted my shoulder.

“Matagal niya ’yang pinagtrabahuan ng palihim kaya pinagmamayabang na ngayong nakuha na,” ngisi ni Ken.

Everyone’s congratulating us. Mga pinsan ko, asawa nila, iilang kaibigan namin ni Torrefranca noong college days ang imbitado sa aking birthday. Hindi ganoon ka crowded at sapat lamang na hindi mailang ang aking fiancé.

“Akala ko ba hindi mo tipo?!” gulantang na tanong ni Philip, isa sa kaibigan ko na kaibigan din ni Torrefranca noon.

Tinapik niya ang aking balikat suot ang nanunuyang ngisi. I smirked.

“Hindi ko nga kayang paniwalaan noong s-in-end sa akin ni Kurt na may picture kayo. Damn bro!”

Nangingiti akong napailing. Nasulyapan ko kung paano yumakap si Christian kay Franca. She looked excited while hugging him back. Umangat ang aking kilay at nagpaalam kay Philip.

“Chris,” tawag ko.

Natatawang humiwalay si Christian sa kanya. Huminto ako sa gilid ni Torrefranca.

“Bro!” he greeted and gave his hand to me.

Kinuha ko iyon at nagbungguan kami ng balikat. Bumitiw kami sa isa’t isa saka ko idinulas ang aking kamay sa baywang ni Torrefranca.

Nahulog ang tingin doon ni Christian. Mas lumawak ang kanyang ngisi. Natawa siyang lalo nang dumikit si Torrefranca sa akin at sumandal sa aking katawan. Damn.

This is what I always dream since then. Kaya ngayong pwede na, may pahintulot niya, wala na atang makakapigil sa akin na hawakan siya lagi.

“Kaya naman pala nakakapangduda ka noong birthday ko. For the first time you acted so gentleman infront of a girl! ’Yun pala future asawa huh?!” he teased.

Ngumiti si Franca at tiningala ako. I smiled too.

“Crush niya ako,” she said confidently.

Christian laughed infront of us. Franca laughed with him. Nangingiti akong yumuko at pinatakan siya ng halik sa labi.

“More than my crush,” I whispered.

She chuckled and caressed my cheek. Christian cursed.

I enjoyed the night watching her have fun. I gave her more time to be with the girls. Malikot siya. Minsan nakikita kong si Keyla ang katabi, maya maya, nakikipagkwentuhan na ulit kay Marione. Isang minuto niyan, hihilain na naman ulit ng iba pang babae at makikipagtawanan na sa iba.

It was my birthday but I feel like it’s her night and I am happy to see her like this. 

Tago sa lahat ang pinagdaanan niya sa Davao. I know she wants to keep it to herself. It will serve as a sweet reminder how strong she was from the past.

Torrefranca, like the moon who lived in the dark for so long, distanced from everyone but remains bright and whole every time you look at her. Everyone will watch how she shines brightly even in her darkest moments. Because that’s how she conquers every battle alone. She will always triumph over darkness instead of being swallowed by her weaknesses.

And I am always her sun. Someone who’s willing to go low just to lift her up.

“Hiro…” she moaned breathily when I showered her with kisses while her fingers were busy manipulating the buttons of my shirt.

Hinapit ko ang kanyang baywang. I slowly pulled down the zipper of her dress.

“Do you want a baby after this, hmm?” I asked while my kisses traveled down to her jaw.

“I want to travel first, Hiro…”

Her dress fell on the floor. Tinulungan ko siya sa paghuhubad ng aking shirt at itinapon lang iyon sa kung saan habang hindi napuputol ang aming halikan.

“Do you want me to use some protection so we can make sure?”

“I’m safe today.”

My body heated. I scooped her butt and carried her. She wrapped her arms around me and deepened the kiss.

Umupo ako sa dulo ng kama. I angled my head and inserted my tongue inside her mouth. She moaned when I squeezed her butt.

My body tingled so much in each flicked of my tongue inside her mouth. Her other hand went to my stomach and she started caressing my abs.

I unclasped her bra and molded her breast alternately. She moaned softly when I thumbed and played with her aroused nipples.

Her other hand palmed me. I sighed and crouched to kiss her breast. I twirled my tongue and played with her aroused nipple. Iniwan ko iyon at lumipat sa kabila.

I slipped my hand on the thin fabric of her underwear. I groaned when I felt how wet she was down there.

Her lips parted. She looked at me helplessly. I delved my one finger and stroked her. She bit her lowerlip and grind against my finger. I delved another finger and rub her back and forth.

She shut her eyes and threw her head back. I leaned closer and kissed her neck. She moaned as her legs started trembling.

I scraped my teeth on her soft skin and sucked it lightly while rubbing her fast. Her moan intensified until I felt her release. She came so much.

Nanghihina niyang naisandal ang ulo sa aking balikat. Binawi ko ang kamay palabas. Sinundan niya iyon ng tingin at nakita kung paano ko iyon dinala sa aking labi.

“Hiro that’s…”

I licked my fingers. Her jaw dropped. I arched my brow and smirked.

“What the hell!” she said and laughed.

“What’s wrong if I taste it, hmm?” I asked and laughed a little.

She rolled her eyes but her smile remained on her lips. God, why is she so damn beautiful?

“My turn,” she said and pulled my boxers down.

My proud member sprang to life. She looked so amuse. Itinukod ko ang isang kamay sa likuran. I tilted my head cockily and let her do what she pleased.

She leered at me. “Isusubo ko ’to.”

Humalakhak ako at pikit matang napatingala dahil sa hamon niya. I felt how she slowly wrapped her fingers around my shaft. I licked my lowerlip.

“Fuck it…” I sighed.

She started stroking it. I groaned and pushed my head back.

“Hmm that’s so good, baby…” I said breathily.

“It’s getting bigger,” she said with so much amusement in her voice.

“Coz you turned me on so much…”

“You like it?” she asked.

I nodded weakly. My eyes squinted as I tried to looked at her helplessly. Her fingers couldn’t touch each other.

“Torrefranca,” I moaned.

I saw how she swallowed hard while watching me. I shut my eyes again and breathe heavily. It feels so good damn it!

Naitukod ko ang isa ko pang kamay sa likod sa labis na panghihina. Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang dinadama ang kanyang ginagawa.

I felt her kisses on my jaw. I groaned when I felt how she brushed her wet flesh on the tip of my member.

“Oh fuck!”

Dumilat ako at agresibo siyang hinalikan. I wrapped my arm around her waist and flipped our position. Napahiga siya agad sa kama.

Mabilis ang aking kilos at lumuhod sa pagitan ng nakaparte niyang hita. Bumangon siya para tingnan ang aking balak ngunit nanghihinang napabagsak sa kama nang hinagod ko ng halik ang kanyang gitna.

“Hiro!”

I put her both legs on my shoulder and kissed her wet folds. Her fingers found my hair. I caressed it slowly using the tip of my nose and breathe to release my fascination. She arched her hips impatiently. I stuck my tongue out. Isang hagod ng aking labi paakyat ay naramdaman ko agad ang panginginig niya.

Nanghihina siyang dumilat at dumungaw. My eyes watched her intently. I used the tip of my tongue and thrust it in. I delved my one finger on her pulsating folds.

She shut her eyes and cried helplessly. Pumikit ako at hinalikan siya ng paulit ulit habang ang aking daliri ay nanunuya ang haplos at dumudulas doon.

“Hiro… I… Ah… I’m so… Ah…” she couldn’t formulate her words.

I chuckled and inserted my middle finger. Her hips started moving. My tongue sucked and played with her sensitive bud.

She’s trembling hard for the third time.

“Hiro please… I want yours!” she pleaded.

Umahon ako at muling gumapang sa kanyang ibabaw. Yumuko ako at muli siyang hinalikan.

The tip of my member kissed her entrance. Her uncontrollable loud moans triggered me. She like it so much.

I moved back and forth just to rub myself on her wetness. Tinitigan ko siya ng mariin. The sight of her ignited the heat of passion I was trying to control for the past years.

“I’ll put it in, Torrefranca,” I said when it’s already tempting me.

My member was slipping on her folds when I attempted to thrust it in. And everytime it would slip, she’d moan loudly.

Yumuko ako at hinawakan iyon para igiya. I bit my lowerlip and pushed the tip.

“Masakit? Hmm?” I asked.

Ngumiwi siya ngunit umiling. Binasa ko ang labi at hindi makagalaw agad.

“Baby tell me if it’s hurt and I’ll stop.”

Umiling siya at gumalaw ng mag-isa. I sighed heavily when she pushed herself and I entered half an inch. I hissed when she pushed herself again.

My insides throb uncontrollably. I groaned when it sent another volt of electricity all over my body. She’s so tight and so fucking hot. Fuck it.

I pushed the last inches and heard her scream. Fuck. Inihiga ko agad ang aking ulo sa kanyang tabi at hinalikan siya ng paulit ulit sa pisngi.

“I won’t move yet hmm?” namamaos kong bulong kahit parang sasabog ako ano mang oras.

“Hiro just… ah…” she looked hurt but she’s eager.

I’ve witnessed her played when she was so young. I also witnessed her buying condoms for herself. And even that vibrator made an impact to my mind. Given to her hidden playful side, I know she’s wild.

But I never expected her to be so wild in bed. I never think of it. Siguro dala na rin ng kontrol sa sarili kahit isa iyon sa mga nagpapahirap sa akin na makatulog.

She started grinding slowly. Pumikit ako at sunod sunod halos ang paghinga ko sa kanyang tainga lalo na’t gumagalaw siya ng kusa.

“You’re killing me… Ah… Torrefranca…”

I started copying her. I met her thrust slowly. I watched her reaction while she’s trying to control the pain and enjoy it. I thumbed her sensitive spot and kissed her neck while pushing slowly, pulling it and pushing again.

I saw how she started whimpering and she looked so pleasured. I slammed hard and saw how her lips parted, her eyes shut and she moaned loudly. I pulled and slammed again. Her moans intensified. Her lips parted more.

God, I love this woman so much. Thinking I’m doing it with her, the only girl I’ve ever loved, turned me on so much.

She looked down curiously. I looked down to watch how I pulled my member slow and rammed it back. It looked so red and swollen. She looked so entertained while watching it.

“Hiro…”

“You like what you’re seeing, hmm?” I whispered and thumbed her sensitive spot.

“Yes…” namamaos niyang sambit.

“Fuck. You’re driving me crazy,” I groaned and pushed my member to the core.

Muli siyang dumaing. She’s dripping wet. I grazed my tongue on her long sweaty neck and scraped my teeth on her skin. I moaned on her ear when I felt her squeezed me.

“Fuck baby… you’re squeezing me,” I sighed.

“Hiro… It’s so good… Please… do more… I want it so much…”

I found her spot and angled her hips so I could hit it. Kita ko kung paano niya iyon nagustuhan. Her perfect brows furrowed and she shut her eyes like she’s so turned on.

This time I started changing my pace. Lust ruled over me. I licked my lowerlip and parted my lips when I moved fast.

“Oh just do me hard, Hiro…”

She looked so pleased and satisfied. I held her other leg and pulled her sideways to change our position without stopping. The bed started creaking and I know I’m going too fast.

Her brows furrowed. Her lips parted. Her eyes looked so weak and sleepy. I groaned in each ruthless thrust without breaking our eyes contact.

“I love you so much,” I whispered in each pull.

She shut her eyes and started whimpering under me.

“God… You’re so beautiful, Torrefranca,” I whispered and kissed her and rammed her continuously.

Our first was a bit gentle. Our second was a bit rough. Our third was so aggressive. Our fourth was so intense that even in our fifth round made me cum so much.

Nakatulog agad siya. It’s almost four in the morning. Mahimbing na ang tulog niya sa aking kamay habang ako ay titig na titig pa rin sa kanya.

I caressed her cheek. I am still processing everything. I couldn’t believe she’s finally mine.

I leaned closer and caressed her nose using the tip of my nose. Sumiksik siya sa akin kaya tumama ang kanyang labi sa aking labi. I smiled and pulled the sheet of the bed so I could cover her naked body.

Pumikit ako at idinikit ang aking labi sa kanyang noo. I planted small kisses on her forehead while caressing the curves of her waist.

The bed feels warm when she’s beside me. For the past years of sleeping alone, I suddenly realized the difference.

She’s the only girl who can bring felicity to my life.

I built my own business in Crocodile Park. Nagpatayo ako ng Hotel and I named it after my wife’s name. Kapansin pansin iyon sa Park lalo na’t nasa 17th floor lahat.

Ang dating bahay ay hindi ko na ginalaw pa but I made another extention. Parang isang buong compound. Halos tatlong malalaking bahay ang masisilip sa labas.

Her therapy appointments continued. So far she’s improving. Bukod sa hindi na masyadong mailap sa mga tao, marami na rin siyang kayang gawin na takot niyang gawin noon.

“Baka hindi masarap pag ako ang magluluto ng frittata!” she whined while I’m guiding her.

It was one of our bonds. Natututo na siyang humawak ng kutsilyo ngunit minsan ay pikit matang maghihiwa kaya kailangan talagang gabayan. Baka mawalan ng isang daliri pag pinabayaan ko ang asawa ko sa kusina.

She’s slowly overcoming her fears. Minsan ay may mga lakad siyang hindi ako kasama. I’m worried sometimes but I wanna let her have her own pace too. It’s an achievement. She inherited the real estates of his grandparents here in Davao kaya siya ang humahawak.

Sa tuwing may okasyon ay doon kami nakakauwi sa Manila. I always let her bond with the girls. Ako naman, laging nasa mga boys. But there’s always that signal I will never missed my chance to come near her.

She smiled and tilted her head. I pressed my tongue on the side of my cheek and chuckled. I know what my wife wants.

Umalis ako sa grupo ng mga lalake. Wayt who’s listening to Toshi’s serious topic about businesses followed me using his eyes. Nagtungo ako sa table ng mga girls. They’re in the middle of God knows what kind of girl’s topic lalo na’t nagkakatuwaan sila.

Franca’s eyes hawked in me. She smirked more and acted like she’s busy listening when I know she’s waiting for my lips on her neck.

Nagtungo ako sa kanyang likuran. The girls noticed me. Si Nana na nagsasalita pa ng kung ano ay bumagal lalo na’t yumuko na ako at pinatakan ng halik ang lesg ng aking asawa.

“Kuya! Oh my God!” sigaw ni Damonisse.

Torrefranca chuckled and caressed my cheek. Tumingala siya at hinila ang aking batok para mahalikan ako. Isang hagod sa labi ay pinakawalan din naman namin ang isa’t isa. The girls screamed dramatically.

Umangat ang aking kilay at tumayo ng tuwid. Namulsa akong lumapit ulit sa mga pinsan kong nagmura agad.

“Fucking clingy!” my cousins shouted. I am.

She loves tilting her head because she knows I’ll always come near her and worship her neck like a Goddess. And my wife will always do it everytime she wants my kisses.

It always not like that. Lalo na’t minsan, siya ang kusang lumalapit sa aming table. At sa tuwing gagawin niya iyon, hihilain ko agad ang baywang at hahayaan ko na umupo sa aking kandungan.

“Ayos naman ’yung business na itinayo ko sa Davao,” patuloy ko sa aming topic habang ang isang kamay ay hawak ang shot glass, at ang isa ay nakahawak sa baywang ng aking asawa na nakahiga na ang ulo sa aking balikat

“Nagpaplanong magtayo ng business si Grey kasama sila Crius sa Cebu ah?” Ken said.

Umangat ang aking kilay. Tatlo silang kasosyo sa pagkakaalam ko. Si Toshi ang sumagot noon kaya yumuko ako at pinanood ang pagcecellphone ni Torrefranca.

“You don’t want to bond with the girls hmm?” I whispered softly.

“I’m sleepy so I’ll rest first,” she murmured.

I really love this side of her. I love it when she’s clingy.

“You’re bored?” I asked softly.

Ramdam ko ang pag-angat ng kilay ni Wayt nang marinig ang rahan ng boses ko na kahit si Isaiah ay napatingin. Hindi ko sila pinansin lalo na’t nagpatuloy ang topic nila.

Umiling siya at nanatili ang atensyon sa screen ng cellphone. She’s busy looking at her old photos. I joined her fingers and swiped slowly.

“How’s your bond with the girls?” marahan kong tanong, sapat lamang na siya ang makarinig.

“Plano namin mag beach next week pero sa Cebu. Iniisip ko kung ano ang susuotin ko.”

“Alis tayo bukas? Let’s buy your swim wear,” I offered.

She nodded again and showed her fingers.

“Gusto ko rin magpa nail polish. Ano magandang color?” tiningala niya ako.

I smiled and held her fingers gently.

“How about nude color?”

She nodded. “Okay…”

“And your hair hmm?” I pointed out and pressed my lips on her hair.

“Mahaba na nga ulit. Gusto ko medium length nalang.”

“Alright baby.”

“’Tsaka massage, Hiro. Tomorrow,” aniya.

“Alright. Anything you like…”

Tumango siya at ibinalik ang tingin sa cellphone niya. Hinawi niya ang aking kamay at pinindot ang camera. Nakita agad kaming dalawa roon. She smiled and tilted her head so she could capture us. I smirked and kissed her cheek.

Nakatatlong picture siya saka niya binuksan ang instagram app. Dumeritso agad sa account ko. I pressed my lips on the side of her head and watched what she did. Lumipat siya sa kanyang account at doon nagpost.

Puno lagi ang story ko ng mga pictures namin. She’s fond of taking photos. Siguro kung naging kami noon ng mas maaga, milyong pictures na siguro ang naipon naming dalawa.

“Pinapataba mo talaga ako,” she whined and showed the picture of us while we’re in the middle of our travel in France.

“You’re not too chubby…” I said and looked at the photo she’s talking about.

Kaming dalawa iyon sa gym room. Nakaluhod siya sa pagitan ng paa kong nakahiga sa mat habang nakahawak siya siya sa aking balikat at kinukunan kami ng mirror shot. Ang isa kong kamay ay makikitang nakapalupot sa kayang baywang, ang isa naman ay nakatukod sa likuran habang nakatingala ako sa kanya.

“I am! Touch my butt. Touch my boob. Touch my legs! Malaman! Fifty kilogram na kaya ako.”

“Magaan ka pa rin. I can lift you up using my one hand.”

“Coz you’re strong. Look at your body. Matangkad kana nga, malaki pa ang katawan mo. You’re very manly.”

I laughed a little. Inilagay niya sa kandungan ko ang kanyang cellphone at kinapa ang dibdib. Yumuyuko siya at naroon ang tingin.

“Hindi ganito ka laki ang dibdib ko during college days sa Manila. Maliit ito noon kumpara ngayon.”

I joined her hand on her boobs and covered it with my large hands. Inalis niya ang kamay niya kaya akin na lamang ang naiwan. I squeezed it lightly.

“Sinasadya mo talaga akong patabain para may mahawakan ka,” she glared at me playfully.

Ngumisi ako at hinagkan ang kanyang leeg.

“It’s for you, baby. You’re fit and thick.”

“Hindi eh. Pinapalaki mo para…”

Umangat ang aking kilay habang tinitingnan niya ako sa senswal na paraan.

“Kaya sa tuwing nasa ibabaw mo ako sarap na sarap ka—”

Humagalpak ako. This girl’s mouth…

“And I will make your tummy big after our travel…” I crouched and angled my head so I could kiss her while wearing my smile.

She nodded and laughed cutely. I can’t wait for our baby but of course it’s always up to her. We consulted her therapist about it and told us she’s healthy. Sadyang huwag lang talagang ma-stress. Kaya iniiwasan ko talagang mag-away kami. Kung pwedeng siya nalang ang masunod lagi gagawin ko. Tapos ang isang ’to, mahilig pang mang-away minsan.

“At least may suot pa rin, Hiro,” she argued while we’re in Maldives for a swim.

“Look at the string of your bikini top.” Isang hila lamang doon ay kumalas agad at lumantad ang kanyang dibdib sa harap ng salamin.

“See?”

She glared at me. “Eh hinila mo. Kung hindi mo ’yon hinila hindi ’yon mahuhubad.”

Her reasoning skill is always beyond my imagination. Magaling lumusot! I sighed and cupped her boob so I can cover it with my large hands.

Itinapat niya ang hawak niyang phone sa salamin. She tilted her head and smirk.

“My beautiful wife…” I whispered on her neck and kiss her skin lightly.

She took a photo of us. She’s only wearing her two piece bikini, my hands as her top covering her boobs while I’m topless behind her. The husband who looked so tamed by his beautiful wife.

Dinungaw ko ang kanyang ginawa. She put it as her lockscreen. I hugged her from behind and rested my chin on her shoulder.

“I should get a tan skin so I’ll match your skin color. What do you think?” it’s one of her issues while we’re in Amsterdam to visit the fields of tulips, her favorite flower.

“I’m not so tan. You’re just paper white…” I said while I intertwined our fingers.

She looked bothered. I chuckled and kissed the side of her head. She’s adopting the things I like and she always make sure we’re always match. Parang noon lang ako halos ang ganito. Ngayon, kaming dalawa na.

I love how she’s putting efforts just to make me happy. Una ko iyong napansin noong nagtatanong siya ng hilig kong kanta. She’s never curious with the things I like. That night was memorable for me because the way she looked at me for the past years changed too.

Namumungay lagi ang kanyang mga mata at kumikislap. Para bang umaabot ang ngiti roon at masaya siyang tingnan sa akin. That’s when I confirmed she’s probably falling for me. The coldness in her eyes everytime she looked at me from our past suddenly melted.

“Iniisip ko lagi kung maagang naging tayo, say… uh… senior high. Ano kayang klaseng relasyon ang meron tayo?” ang panibago niyang alalahanin noong nasa Hawaii naman kami.

Nakaupo na siya sa kandungan ko, abalang pinaglalaruan ang aking mga daliri at binali bali habang ang aking labi ay nakadikit sa gilid ng kanyang noo at ang isang kamay ay namamahinga sa kanyang hita.

Kakatapos lang lumangoy at nagpapahinga muna kami sa lounger ng aming villa.

“Sweet kaya tayo?” she continued.

I smiled. She’s thinking about it? Kuryoso siya kung anong klase akong boyfriend sa kanya noon huh?

“Imagine that scene on the library where I confessed I like you, Torrefranca…”

Tumango siya at tiningnan ako ng maigi. I smiled more.

“Kung girlfriend kita sa araw na ’yon baka saksi lagi ang mga libro sa magiging halikan natin? That’s gonna be our spot for our sneaky make outs…” I chuckled.

Her eyes widened but slowly she chuckled cutely. Mukhang gusto niya rin.

“Aminin mo nga! Noong hinahamon mo ako ng halikan sa yate, ibig bang sabihin gustong gusto mo talaga akong halikan noon?”

I nodded. “I was so tempted to kiss you everytime I looked at you.”

“Edi bakit hindi mo nalang ako hinalikan? Malay mo ’di ba humalik ako pabalik?”

“Baka tinapon mo ako sa dagat kung hinalikan kita ng kusa? You and your temper…” iling ko na ikinatawa niya.

“Malay mo Hiro masarapan ako noon sa halik mo tapos mainlove ako sa’yo.”

She’s really good at this huh…

“What’s that? You only love my kisses? Pagnanasa ata ’yan. You’re not inlove with me.”

Nag-isip isip siya, kalaunan ay natawa.

“Sabagay rin… dami ko ring nakakahalikan noon at baka nga…” she paused and realized what she said.

I arched my brow. Ngumuso siya. Hinawakan ko ang kanyang baba at iginiya iyon sa aking labi. Hinagod ko siya ng malalim na halik at ipinasok ang aking dila. She moaned. I stopped. Her sleepy eyes looked at me, begging for another kiss. I smirked.

“Oh you will forget all your cheap boys once I kissed you. Baka nga kung maaga tayong naghahalikan noon, madidismaya ka lagi sa mga lalakeng makakahalikan mo dahil walang makakapantay sa akin.”

Bumuga siya ng tawa. Nangingiti kong sinundan ng tingin ang kanyang mga mata.

“Ang yabang mo!”

I chuckled on her ear. “Baka gabi gabi hindi ka makatulog kakaisip sa labi ko?”

She laughed hysterically and slapped my arm. I laughed with her.

“What?”

“Eh baka nga ikaw ang hindi makatulog sa kakaisip sa akin gabi gabi kaya nagagawa mong magsarili para lang makatulog ka!” she pointed out and laughed more.

Pumikit ako habang suot ang aking ngisi lalo na’t totoo rin.

“Yes. And you know that…” namamaos kong sabi.

“Kaya paano pa kaya kung naghahalikan na tayo noon pa man? Edi puyat ka lagi kakaisip sa labi ko!”

Damn girl! You and your confidence huh.

I laughed a little and nodded. Ang kamay kong nasa kanyang hita ay pinalandas ko patungo sa kanyang gitna.

“Baka buwan buwan ubos lagi ang stock nating condom, hmm?” I asked and started rubbing her.

Inipit niya ang aking kamay gamit ang magkabila niyang hita. It didn’t stop me to rub her even more.

“Hmm… baka nga…” nangingiti niyang sambit at inabot ang aking labi. Yumuko ako ng kusa para mahalikan siya ng maigi.

We went in Manila after we heard about Marione’s birth of their first born daughter. Torrefranca was excited.

We’re planning for a baby this month too. Active naman kami lagi sa kama kaso hindi rin namin namadali agad dahil sa mga plano namin. I understand why she doesn’t want it yet.

Sinalubong ako ni Ken at ngumisi sa akin. Tinapik niya ang aking balikat habang si Torrefranca ay nakihalo na sa mga babae at sabay na titingnan ang anak ni Marione.

“Tagal niyong nakabuo ah?” he chuckled.

“Nawili pa sa travels,” sabi ko at kunot noong napatingin sa pagpupunas ng luha ng aking asawa.

“Hiro! Umiiyak siya,” Wayt’s wife called me.

Lumapit agad ako habang tumutulong siya sa pagpupunas ng luha, na kahit ang ibang mga babae ay kuryoso roon.

She looked at me and smiled. Ipinalupot ko ang aking kamay sa kanyang baywang. Ibinaon niya ang mukha niya sa aking dibdib.

“What’s wrong hmm?” bulong ko at kabado sa kanyang munting iyak.

“Hiro… the baby… she… she looked like Illisha,” she whispered and cried weakly.

Natigilan ako. Tumingala si Torrefranca. She smiled a little. I wiped her tears.

“Kamukha niya… kamukhang kamukha sila, Hiro…”

I smiled and crouched so I could kiss her eyes. Pumikit siya at itinago muli ang mukha sa aking dibdib.

“Bakit daw?” Ryler’s girl looked bothered.

“She’s just emotional,” I said.

Naniniwala akong buhay si Illisha sa ibang parte ng kanyang isip. She’s the reason why she managed to live peacefully, free from her guilt. Ang batang iyon ang dahilan kung bakit nakaya niyang maging masaya kahit hiram lamang.

I watched her smiled warmly while Marione’s trying to put her baby in her arms.

“Baka malaglag ko!” she chuckled nervously.

Marione smiled and guided her properly. I saw how her eyes twinkled. She looked at the baby softly.

“Pag lalaki si Indira, sigurado ako kamukhang kamukha niya si Illisha, Hiro,” ang bukambibig ng aking asawa noong nakauwi na sa Davao at nagpapahinga kami sa duyan.

Pansin ko na nawawala na ang takot niya sa mga buntis ganoon na rin sa mga baby. Iyon din kasi lagi ang kinakatakutan niya kung sakali mang nabuntis siya kaya mahirap talagang buntisin siya agad.

“Gusto ko na magka baby… Gawa na rin tayo,” she rested her head on my shoulder and looked at me softly.

I laughed. Para lang nanghihingi sa akin ng pagkain ah?

“Later?” I suggested and caressed her cheek.

Tumango siya. “Sana babae ’no? At gusto ko isa lang.”

“What if it’s a boy?”

“Hmm… Ayos lang din. Tapos gawa ulit tayo isa. Kung babae, huwag na. I’m fine with one girl. Ikaw?”

“I’m fine with it, too…”

She nodded and smirked. “Kamukha ko dapat. Huwag ka masyadong masarapan para kamukha ko.”

Humalakhak ako sa kanyang leeg. “That’s hard…”

“Oh I love your moans so much. It’s addicting,” aniya.

Pumikit ako at itinago ang aking mukha sa kanyang leeg habang nangingiti na.

“Dito kaya natin sa duyan subukan?” suhestyon niya.

“No,” namamaos kong tanggi kahit pumapasok na sa kanyang suot ang kamay ko.

“Hindi naman ako maingay. Ikaw ang maingay,” she said while parting her legs a bit.

I chuckled and started stroking her. Kinagat niya ang labi at rinig ko ang marahan niyang halinghing.

“Makikita tayo ng guard,” I whispered hoarsely.

“Hmm?” she arched her brow and palmed my bulge.

Fuck! I sighed heavily. Iginiya ko ang kanyang baba at agresibo siyang hinalikan habang pumapasok na ang kanyang kamay sa loob ng aking sweatpants.

“Baka makatulog ka huh…” asar niya nang pilya niya iyong hagurin.

Fuck it. Binasa ko ang labi at nilingon ang gate. Malayo kami roon. Hindi naman makikita sa parte ng duyan kaya kung sakali mang… may mangyari ay walang makakakita.

I carried her waist and pushed her down to my member. Sunod sunod agad ang paggalaw ng aking balakang na sinasalubong niya. I groaned when I reached my climax. I carried her and we started another round on the sofa. Her second climax was intense.

Sa tuwing sisimulan namin, talagang lumalagpas kami lagi sa limang bilang.

“Let me see,” hinawakan ko siya sa siko at dumungaw sa harap ng ginagawa niyang test.

“After three minutes pa ang nakalagay dito bago lumabas ang result…” turo niya sa hawak na procedure.

I wrapped my arm around her stomach. I rested my chin on her shoulder and watched the pregnancy test without blinking.

“Ang tagal!” she wiggled the test impatiently.

“Let’s wait…” kahit isa rin akong atat.

She nibbled her lowerlip. “Ang tagal talaga!” reklamo niyang muli.

I laughed and guided her chin so I can kiss her for a distraction. One flicked of my tongue inside her mouth and she forgot about the test. Humarap na siya at agresibong sinalubong ang mga halik ko.

Kinuha ko ang test sa kanyang kamay at inilagay sa bulsa ng pants ko. I carried her and pulled her tube down so I could kiss her boob.

Lately I noticed how she easily loses her temper. Nagrereklamo siyang nahihilo. Nagrereklamo rin minsan na masakit ang likod. Noong nanghihingi na ng kung ano anong pagkain, na hindi niya naman talaga gusto noon pa lalo na’t maarte siya sa pagkain, nagtaka na ako.

Lalo na’t noong isang araw, halos iyakan niya ang taho na lumagpas sa bahay namin. Nasisi pa ang guard. Kaya imbes na ilako noong tindero ang taho nila, palagi ko nalang binibili ang buong tinda nang hindi siya maghanap buong araw.

“It’s positive!” she shouted after our ten minutes of vigorous lovemaking.

My eyes widened and hugged her tightly. Mariin akong pumikit, gustong ngumiti ngunit sa sobrang saya, parang lumagpas na sa aking labi.

“We’ll create our own world where you can rule everything…” I whispered.

She chuckled merrily. We’ll bring Illisha from reality with us. I promise you that.

Marami akong pagkakamali noong bata pa ako. I hope I tried my best to earn her trust on that day. I hope I comforted her and told her I was on her side. Maybe it changed her perception about me?

But I always care… silently.

Tumayo ako sa swing at humabol sa kanya.

“Here.” Inilahad ko ang band aid na dinala ko para sa kanya lalo na’t iyon ang rason kaya ako bumalik sa playground.

Tumigil siya at tiningnan iyon. She shook her head.

I sighed. “I know what you did that’s why I got mad and—”

“Ano naman ngayon kung galit ka sa akin? Wala naman akong pakialam kung galit ka,” she said coldly.

Ang malditang bubwit na ito.

“Alright I’m sorry,” I said defeatedly and handed the band aid for a peace offering.

The authority in her eyes didn’t vanished.

“Kneel first.”

Nalaglag ang aking panga. This kid… I shook my head and turned my back. There’s no reason to kneel for someone like her!

And I fully understand it now why I hate associating myself with this girl since I was young. I needed a mature version of myself to love her right. To looked at those scars and learn how to value her worth.

A boy will never kneel for a girl but a man can.

“On your knees, Hiro…” my Torrefranca whispered after our heated kisses.

A man will kneel only for his wife.

Ngumisi ako at dahan dahang dinala ang halik pababa sa kanyang dibdib, sa kanyang tiyan, hanggang sa kanyang mga hita.

I’ll always submit to her needs. I’ll always… always obey her rules. I’ll gladly kneel and surrender myself for this kind of love.


Return to top?

Part of a series

Ngs

Part 9 of 10
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.