loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)

Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)

Marthacecilia Phr · 27 chapters · 20,116 words

Chapter 1

“A RE you leaving?” tanong ni Kate sa asawa nang mapasukan niya ito sa silid na naglalagay ng mga damit sa maleta. Kararating lang nito kahapon galing Baguio para sa advertising seminars.

“Three hours from now ang flight ko patungong Hong Kong, Katie,” sagot ni Melvin na ipinagpatuloy ang paglalagay ng mga damit sa maleta.

“You’re never home,” wika niya. Walang akusasyon sa tinig, walang paninisi. She was stating a fact.

Nilingon siya ni Melvin. Nang-uuyam na ngiti. “You know ours is a sham marriage, Katie.”

“Then you should have ended this while we were in Vegas!” Doon siya nagalit. “At kung hindi ka masyadong nagmamadali at gahaman sa mamanahin mo’y pareho sana tayong nakalaya sa pagsasamang ito!”

Pabagsak na isinara ni Melvin ang maleta. Halos matanggal sa pagkakakabit ang zipper sa marahas nitong pagsara. “I didn’t want to marry you. My father chose you for me. I often wonder why he didn’t marry you himself,” paismid nitong sabi. “Anyway, gusto kong sabihin sa iyong uuwi tayo sa America tatlong buwan mula ngayon,” kitang-kita ni Kate ang kislap mula sa mga mata nito nang sabihin iyon. “I am divorcing you, my dear wife.”

“What?” bulalas niya. Nabigla sa narinig.

Ikiniling ni Melvin ang ulo at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa at sa patuyang tinig ay: “Poised, cold, and contained, Katrina Carreon. Smart at matalino. You fooled my father. But you’re nothing like my mother,” at nagbitaw ito ng masagwang salita na napangiwi si Katrina. “Pinakasalan kita dahil sinabi ng Daddy na malinis kang babae. Na wala kang naging boyfriend sa panahong nag-aaral at nagtatrabaho ka,” at saka tumawa ito. “Little did my father know na may lalaking nakauna na sa akin!”

Isang nahahapong buntong-hininga ang pinakawalan ni Katrina. “Pag-uusapan na naman ba natin iyan, Melvin?”

“Dahil dinaya mo ako!” sigaw nito. “Hindi ko kayang kalimutan na ang babaeng pinakasalan ko’y pinagsawaan na ng iba. I have always dreamed of marrying a virgin, Katie. And father made me believed that you were!”

“Hindi kita niloko. I happened to take it for granted,” katwiran niya. “Nasa isang permissive na bansa ako and you are half American. How would I know that you wanted a virgin for a wife? And how would I know too that you were expecting me to be one,” she gritted her teeth. “And again, why didn’t you tell your father and divorced me the next day?” Naniningkit ang mga matang sagot niya. “Did you think I want this marriage, too?”

“Oh, yes, you do. You were after my inheritance, Katie,” ismid nitong sagot. “Iyon ang dahilan kung bakit pumayag ka sa gusto ng ama kong pakasal tayo. My god, you were as cold as ice nang unang gabi ng ating kasal na gusto kong makadama ng insekyuridad sa pagkalalaki ko. A frigid non-virgin sonofa—”

“Shut up, Melvin!” All those times na paulit-ulit na sinasabi sa kanya ni Melvin ang mga ganoong insulto ay nanatili siyang tahimik at hindi sumasagot. Subalit sa pagkakataong iyon ay nakipagsagutan siya rito.

Subalit nagpatuloy ang lalaki. “Nakahanda akong kalimutan lahat ang katotohanang may nakauna sa akin, Katie, nang nasa Las Vegas tayo. I would have made love to you again that night at patawarin ka sa kalamigan mo noong unang gabi natin. Pero hindi ka naging maingat at—”

“You’re a broken record, Melvin,” agap niya sa nababagot na tono. “And your plan of divorce is long overdue, I couldn’t wait the next three months.”

“Damn you! You wouldn’t get a cent from me, Katie!” At nagtuloy na itong lumabas, slamming the door behind.

May ilang minuto nang nakaalis si Melvin ay nanatiling nakatitig sa kawalan si Katrina. Totoo ba ang sinabi nito? How? Why? Bagaman naroon ang relief na sa wakas ay matatapos na rin ang kulang dalawang taong walang kakuwenta-kuwenta nilang pagsasama ay hindi niya maiwasang magtaka at masaktan sa mga akusasyon nito. Paulit-ulit na akusasyon na para bang wala siyang damdamin.

Wala sa loob na napasulyap siya sa relo sa may tabi ng night lamp. Alas-nueve-y-media ng umaga. Tila naalimpungatang kumilos siya upang maghanda para sa pagtungo sa fast food station niya. Lumabas at bumalik sa sariling silid.

Kalalabas lang niya ng shower room nang tumunog ang telepono sa silid niya. She pressed a button for the speaker phone.

“Hello…”

“Kate, hija, ang Daddy mo ito…”

“Oh, Dad!” bulalas niya sabay ngiti, napasulyap sa speaker phone. Overseas call iyon mula sa Amerika. “How’s Mom? Anong oras na ngayon diyan?”

Tumikhim ang kabilang linya. “Ah… eh… is Melvin there?”

“No. Kaaalis lang niya, Daddy. Paalis siya ngayon patungong Hong Kong. Why?” Inalis niya ang tuwalyang nakapaikot sa buhok at ikinuskos sa buhok upang matuyo habang nakikipag-usap sa ama.

“Listen, Kate, hindi ko alam kung paano tatanggapin ni Melvin ang balitang ito but…”

Chapter 2

KINSE minutos makalipas ang alas-diyes ng gabi. Bumukas ang pinto ng bachelor pad ni Rafael. Kinapa niya ang ilaw.

“There’s no need to turn the lights on, darling,” si Marie habang nakapulupot sa binata. “We’ll see each other in the dark anyway,” at humagikgik ito ng tawa.

“There you are,” wika ng binata nang makapa ang switch at lumiwanag. Akbay si Marie na pumasok at isinara ng paa ang pinto.

“I’m hungry, Marie,” wika niya at lumakad patungo sa adjacent kitchen.

“Me too, Raf,” malambing nitong sabi sabay tanggal sa mga butones ng polo niya.

“C’mon,” natatawang wika ng binata sa kasama. Si Marie ay isang Civil Engineer at isang taon pa lang sa kompanyang pinapasukan niya. And has been his bed partner for almost seven months now. “You want us to go straight home from the meeting, so let me eat first…” binuksan niya ang ref at naglabas ng cold cuts.

“All right, all right,” natatawang itinaas ng babae ang mga kamay. “Bahala ka sa kusina mo and I’ll take a shower.”

“Hindi mo ba ako gustong tulungan?” lingon ng binata sa babae na unti-unting naghuhubad ng damit.

“I hate preparing meals, Raf, darling. Kaya nga sa labas ako kumakain, eh,” wika nito at nagtuloy-tuloy na sa banyo.

Isinalang ni Rafael ang frying pan nang tumunog ang telepono. Tahimik na nagmura ang binata. Sino ba ang tatawag sa kanya sa oras na ito. Everyone was at the meeting this evening at napag-usapan na nila ang dapat pag-usapan. Wala siyang balak sagutin ngunit patuloy sa pag-ring ang telepono.

“Damn!” Inis niyang muling pinatay ang kalan. Sa malalaking hakbang ay pahablot na dinampot mula sa craddle ang mekanismo. “Hello, Barrios here…” he answered impatiently.

“Mr. Barrios,” ang kabilang linya. Lalaki. “Quezon City General Hospital…” patuloy nito sa pagsasalubong ng mga kilay ni Rafael. Napahugot ng paghinga si Rafael, nagsimulang bayuhin ng kaba ang dibdib.

Makalipas ang ilang sandali’y halos pabagsak na ibinaba ang telepono, tumayo at mabilis na dinampot ang susi ng sasakyan sa mesa.

“Marie, I’m leaving!” sigaw niya. “There’s an emergency…”

“What?” sumungaw ng banyo si Marie subalit likod na lang ni Rafael ang nakita nito.

Chapter 3

MAKALIPAS ang beinte minutos ay narating niya ang ospital. Kung sa paano na lang ipinarada ang kotse sa parking lot at halos takbuhin ang papasok sa reception ng ospital.

“Saang silid si Mrs. Winters?” nagmamadaling tanong niya sa nurse sa counter bagaman sandaling nag-alangan sa huling pangalan. Hindi pa rin siya nasanay na iba na ang apelyido ng pinsan.

Sandali lang ang pagkunot ng noo ng nurse. “Kung ang tinutukoy ninyo ay ang biktima ng car accident kanina ay nasa ICU siya. Second floor, sa kanang bahagi ng—” subalit hindi na hinintay ni Rafael na matapos ng nurse ang sasabihin. Sa dalawang hakbang ay tinakbo papanhik ang ikalawang palapag.

“Sino ang guwapong iyon?” tanong ng isang palapit na nurse sa counter. Nakatingala ang mga mata sa hagdan.

Nagkibit ng mga balikat ang nurse. “He could be the husband,” wika nito na sinabayan ng iling at buntong-hininga. “Mapalad na kung abutin ng umaga ang pasyente.”

Sa itaas ay luminga-linga si Rafael at nang matanaw ang ICU ay halos takbuhin niya iyon. Muntik na niyang tamaan ng pinto ang doktor na palabas naman.

“I’m Mrs. Winter’s cousin,” agad niyang pakilala. Humihingal sa ginawang pagpanhik.

Tumango ang doktor at saka malungkot na umiling. “I am very sorry, Mr. Barrios, but she lost a lot of blood. Ginawa na naming lahat…”

Parang gustong gumuho ang lahat sa binata. Tumiim ang mukha at nagsikip ang dibdib. “Maaari ko ba siyang makausap?” tanong niya sa nagbabarang lalamunan.

Muling tumango ang doktor. “Ikaw ang hinahanap niya mula pa kanina,” nilingon ng doktor ang pasyente. “Go ahead…”

Sa mabagal na mga hakbang ay lumakad si Rafael patungo sa pasyenteng nakabalot ng benda ang ulo at mga braso. Maga ang mukha sanhi marahil ng bugbog mula sa aksidente. Kung ano-anong mga tubo ang nakakabit sa katawan.

Yumuko siya at banayad na hinawakan ang kanang kamay ng pasyente. “Camille…” bulong niya sa tainga nito. Bagaman hindi halos maidilat ng pasyente ang mga mata’y agad na nagmulat nang marinig ang tinig niya.

“R-Raffy…”

“I’m here, Cam,” halos madurog ang puso niya sa anyo ng pinsan.

“C-come clo…ser and… listen…” nahihirapang sabi nito. At ang putol-putol na sinabi nito sa kanya ay nagpamangha kay Rafael. “M-mangako… ka sa akin, Raffy, please…” dagdag nito.

Hindi pa siya nakaka-recover sa sindak sa nangyari sa pinsan at sa kaalamang hindi na maisasalba ang buhay nito ay higit pang pagkabaghan ang naramdaman niya sa narinig mula rito. At hindi niya maintindihan ang gustong mangyari ni Camille pero wala siyang pagpipilian kundi ang tumango at sumang-ayon.

“Nangangako ako, Cam…”

Chapter 4

T AHIMIK na pinagmamasdan ni Katrina ang silver picture frame sa may chest. Wedding photo nilang dalawa ni Melvin. Nakangiti siya. Puno ng buhay. Was that how she looked more than a year ago? One year and eight months to be exact. On her twenty second birthday ay nagpakasal sila ni Melvin.

Si Moana na nasa isang bahagi ng bahay ay marahang tumayo at nilapitan ang kaibigan at banayad na hinawakan sa braso.

“Hindi ka tumitikim ng pagkain mula pa kahapon,” wika nito sa nag-aalalang tinig. “Maliban sa kape at gatas ay wala nang iba pang laman ang tiyan mo. Baka magkasakit ka sa ginagawa mo, Kate.”

Inalis niya ang mga mata sa pagkakatitig sa picture frame at hinarap ang kaibigan at tipid na ngumiti. “I… I’m okay, Moana. Thank you,” isang tipid na ngiti ang pinakawalan ni Kate sa kaibigan. Pinisil ang kamay nito. “I’m so glad you’re here…” sinserong pahayag niya.

Dumating si Moana mula San Ignacio nang tawagan niya matapos malaman ang nangyari kay Melvin. Bagaman kasalukuyang nasa ibang bansa si Vince at naiwan ang tatlong taong gulang nitong anak sa San Ignacio ay nanatili sa tabi niya ang kaibigan mula pa kahapon at hanggang ngayon.

“What are friends for, Kate,” ngumiti si Moana at tumayo. “Igagawa kita ng sandwich at sa ayaw at sa gusto mo’y kakain ka,” dugtong nito sa awtorisadong tinig.

“Ako na ang maghahanda ng kakainin ninyong dalawa,” si Manang Elena, ang matandang kasama ni Kate sa bahay. “At tama si Mrs. Saavedra, Kate. Kumain ka.”

Nakadalawang subo lamang ng mainit na sopas si Kate nang bumunghalit ng iyak.

Hindi malaman ni Moana ang sasabihin. Hindi rin niya gustong awatin sa pag-iyak ang kaibigan. Mula kahapon ay ngayon lang nito nakitang talagang umiyak si Kate. Iyon marahil ang dahilan kung bakit hindi man lang pinalamayan ni Kate ang asawa at agad na ipinalibing. Hindi nito gustong makita ng mga tao sa ganoong kalagayan.

Bagaman napasabihan na ni Kate ang mga empleyado ng Winters Garment na walang vigil na gagawin ay may ilan pa ring mga kakilala at kaibigang dumating kaninang umaga. At matatag na pinakiharapan ni Kate ang mga ito.

“I’m… sorry,” sumisinghot niyang wika nang muling maikalma ang sarili makalipas ang mahaba-habang sandali.

“Sorry? For pity’s sake, Kate, I’m glad you cried like that. Hindi tamang ikulong mo sa dibdib mo ang dalamhati.”

“You don’t… understand, Moana,” gumagaralgal niyang sabi. “H-hindi ako umiiyak dahil na—nawala si Melvin… umiiyak ako para sa sarili ko… bagaman hindi ko alam kung alin sa dalawang dahilan. Dahil niloko ako ng asawa ko o dahil nakalaya na ako mula sa kanya?”

Nagsalubong ang mga kilay ni Moana. “Niloko? Hindi kita naiintindihan…”

Inabot ni Kate ang baso ng tubig at uminom at matapos mapangalahati ang tubig ay muling ibinaba sa mesa. Tumayo at lumakad-lakad, her arms hugging her chest. Pagkatapos ay huminto at hinarap ang kaibigan.

Isang mapait na ngiti ang ibinigay niya kay Moana. “Alam mo ang balitang nakalagay sa mga peryodiko, Moana,” gumagaralgal ang tinig niya. “… na m-may kasamang… ibang babae si Melvin nang mangyari ang aksidente, hindi ba?” hindi sumagot si Moana at nanatiling nakatingala sa kaibigan. Puno ng simpatya ang mukha.

“But you never asked me once about it,” patuloy ni Kate. “Sa mga taong nakausap ko mula pa kahapon at kaninang umaga’y bukod tanging ikaw lang ang hindi nagtanong kung ano ang nangyari, paanong nangyari, sino ang kasama niya sa kotse,” she smiled bitterly. “Such tact you have, my friend.”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Moana. Iyon pa ang isang dahilan ng maagang libing. Hindi gusto ni Kate na pag-usapan ang nangyaring aksidente.

“Narito ako upang damayan ka, Kate. And people have asked you those things already at kulang na lang ay i-tape mo ang sagot. Ang alam ko’y naaksidente sa sasakyan ang asawa mo na siyang naging sanhi ng kamatayan nito. Details of his death are secondary. You may or you may not tell me about it.”

Naupo si Katrina and again burst into tears. “W-wala akong alam, Moana,” wika niya makalipas ang ilang saglit. Iniabot ni Moana ang sariling panyo sa kaibigan at banayad na hinawakan sa braso. “Ang alam ko’y nasa Hong Kong si Melvin. Isang linggo siya roon. Iyon ang paalam niya sa akin…” pinahid niya ang mga luha. “I-iyon pala’y nandito lang siya.”

“And this woman…” si Moana na nawalan na rin ng ganang galawin ang sopas sa harap. “do you know her?”

Umiling siya. “Walang binanggit ang peryodikong pangalan ng babae. Malabo ang kuha sa peryodiko. Walang nakitang identification. My husband died on the spot.”

“For all you know, she could only be a friend or a business associate, Kate…” konsola ni Moana bagaman duda siya roon. Bakit ipinagsinungaling ni Melvin kung nasaan ito?

Mapait na ngumiti si Kate. “I doubt it. He lied to me. He was supposed to be in Hong Kong. At ngayon ko lang napag-isip-isip nang husto, mapalad nang manatili dito sa bahay ng dalawang araw sa loob ng isang linggo si Melvin. Most often than not ay out of the country siya kung hindi man out of town. Sasabihing business.”

“I know it’s useless to talk about him, Kate,” banayad na wika ni Moana. “But why did you allow him those alibis?”

Muling bumukal ang mga luha sa mga mata niya. Agad na pinahid iyon bago pa pumatak. “It didn’t really bother me a bit. I was busy with my own business.”

“What do you mean by that?” nalilitong tanong ni Moana. “I mean, you couldn’t be that busy to…” ibinitin ni Moana ang sinabi.

Umiwas ng tingin si Kate. Sandaling nag-alangan bago muling nagsalita. “N-nasa Amerika pa man kami’y pakitang-tao na lang ang dahilan ng pagsasamahan namin ni Melvin, Moana,” suminghot siya. Lalong nagdikit ang mga kilay ni Moana.

“But you’ve only been married for more than a year!”

“Our marriage has ended after my skiing accident in Nevada. Sa akin niya isinisi ang nangyari at mula noon ay mag-asawa na lang kami sa pangalan.”

“That was barely two months after your wedding!” hindi makapaniwalang bulalas ni Moana.

“One month and one week,” espesipikong sabi niya. “Nang sabihin ng doktor sa isa sa clinic na pinagdalhan sa akin sa Nevada na hindi na ako magkakaanak ay tuluyang naging iba si Melvin.”

“Then why he didn’t divorce you then? Napakadaling gawin noon sa Nevada.”

Isang nang-uuyam na ngiti ang pinakawalan ni Kate. “Hindi niya magagawa iyon. Mawawalan siya ng mamanahin.”

“Ano ang ibig mong sabihin?” Tuluyan nang napukaw ang interest ni Moana.

“He didn’t really love me, Moana,” mapait niyang sinabi. At sinabi niya rito ang isang pangunahing dahilan kung bakit ganoon na lang ang pagkasuklam ni Melvin sa kanya. “At isa pa iyon sa ikinasasama ko ng loob. Melvin was a prude, a double standard hypocrite. Kinasuklaman niyang may ibang lalaking nakauna sa kanya pero hindi siya nangiming magtago ng babae.” Tumiim ang mukha niya roon.

“Melvin wanted a woman he could manipulate,” patuloy niya. “I am too smart for him. She hated my brain. Kinasusuklaman ni Melvin na maayos kong napapatakbo ang pizza franchise na nabili ko samantalang nahihirapan siya sa import-export business niya ng undergarment na sabay lang naming na-acquire apat na buwan pagbalik namin ng Pilipinas.

“Melvin’s father owned a chain of restaurant in Los Angeles. I worked part time with his father sa main branch tuwing summer at nang makatapos ako’y inalok ako ni Mr. Winters na magtrabaho sa kompanya bilang food supervisor,” bahagya siyang ngumiti sa bahaging iyon. “Magkasundo kami ng Papa ni Melvin, who had so much respect for my capability. Ang father-in-law ko ang pumili sa akin para mapangasawa niya…”

Pinigil ni Moana ang magtanong. Nanatiling nakamata sa kaibigan at naghihintay ng susunod na sasabihin.

Nagpatuloy si Katrina. “Isang Pilipina ang ina ni Melvin, ang ama niya ang American. He was in college when his mother died. My father-in-law loved his wife so much that he wanted his own son to marry a Filipina…”

Nagkakilala sila ni Melvin sa anniversary party ng kompanya. Tatlong taon ang tanda nito sa kanya. A handsome blonde who danced and flirted with her all night. Marunong itong mag-Tagalog dahil noong nabubuhay pa ang ina nito’y malimit dumalaw ang mag-anak sa Pilipinas at nanirahan din doon ng ilang taon. Tulad ng ibang mga kadalagahan ng gabing iyon ay na-attract siya kay Melvin. At buong akala niya’y ganoon din ito sa kanya. She would have to learn later na ang ama nito ang nagtutulak kay Melvin na huwag siyang hiwalayan.

Matapos ang halos gabi-gabing pagdalaw ni Melvin sa kanya and a couple of dates, Melvin offered marriage. Attraction was different from love. Natitiyak niya sa sariling magkaiba ang kahulugan ng dalawa. Pero naniniwala siyang mauuwi sa pag-ibig ang atraksiyon. On her twenty second birthday, pinakasalan siya ni Melvin, isang buwan mula nang sila’y magkakilala.

Isang buwan at kalahati matapos ang kasal ay nalaman niyang nagdadalang-tao siya. Ni hindi niya mapaniwalaang nagbunga ang isang beses na pag-angkin sa kanya ni Melvin. Noon lamang unang gabi ng kanilang kasal. At nang malaman nitong hindi na siya birhen ay hindi na siya muling nilapitan pa ng asawa.

Ganoon na lang ang tuwa ng ama ni Melvin nang malamang nagdadalang-tao siya. Ni walang kaalam-alam na may igtingan ang mag-asawa. Binigyan sila nito ng libreng biyahe sa Nevada para sa ikalawang honeymoon. Unang araw pa lang nila sa hotel ay nagyaya ng mag-ski si Melvin. At nangyari ang aksidenteng iyon. Nasa pababang slope sila ni Melvin nang isang teenager ang hindi sinasadyang nabangga siya at nagtuloy-tuloy siyang dumausdos at bumagsak sa niebe.

“And you were brought to the hospital bleeding,” si Moana na bumuntong-hininga. Alam na nito ang bahaging iyon ng kuwento.

“Melvin blamed me for that, Moana,” mapait niyang wika. “Lalo na nang sabihin ng doktor sa Nevada na hindi na ako magkakaanak. Nang malaman ng father-in-law ko ang nangyari ay nanlumo ito subalit sandali lang. Umasam na agad naming masusundan ang nawala. Hindi gusto ni Melvin na malaman ng ama niya ang prognosis ng doktor sa akin at nagpasyang umuwi kami rito sa Pilipinas.”

“But why? Ano ang dapat niyang ipag-alala kung sakaling malaman ng father-in-law mo na hindi ka na magkakaanak?”

“Nang araw na ikasal kami’y ipinaalam ng ama ni Melvin ang laman ng testamento nito. Melvin will inherit his father’s business at the age of thirty provided we are still married by then. But there’s an added provision too that he will inherit the business immediately, kahit hindi pa siya dumarating sa edad treinta kung magkakaanak kami.”

“At ikaw ang sinisisi niya kung bakit hindi napaaga ang pagkakaloob sa kanya ng mamanahin niya?” Umiiling na tanong ni Moana.

Tumango si Katrina. “And the irony of it all, a week ago, the day Melvin left suppossedly for Hong Kong ay nag-overseas ang Daddy. My father-in-law died of a hard attack. At ni hindi ko alam kung saan kokontakin sa Hong Kong si Melvin. Kung aling hotel roon.”

“Ironic indeed,” sang-ayon ni Moana na matabang na ngumiti. “And what will happen to Melvin’s inheritance ngayong pareho na silang wala ng kanyang ama?”

Naguluhan siyang umiling. “I don’t really know, MM,” aniya. Ginamit ang palayaw ng kaibigan noon pa mang mga high school pa sila. “What puzzled me most was Melvin’s parting words na uuwi kami ng Amerika at ididiborsiyo niya ako. Pagkatapos ay ang sinabi ng Daddy sa akin na ayon sa solicitor ng father-in-law ko ay nailipat na sa pangalan ni Melvin ang lahat ng ari-arian ng ama nito at sa magiging apo.”

“Apo?” Nagsalubong ang mga kilay ni Moana. “Nag-assume na ang matandang lalaki na magkakaanak kayo ni Melvin.”

“Marahil,” nalilito rin niyang sagot. “Kaya ganoon na lang kalakas ang loob ni Melvin na idiborsiyo ako sa susunod na tatlong buwan ay dahil nasa pangalan na nito ang mamanahin.”

“Then you’re a rich woman now, Kat,” biro ni Moana.

“My husband didn’t leave a will. At iba ang batas sa ibang bansa pagdating sa ari-arian, Moana. Hindi tulad sa atin na protektado ang asawa. At hindi ako interesado sa salaping minana ng asawa ko. And death did us part, my only consolation,” bahagya siyang nakadama ng usig ng konsiyensiya sa sinabi. Wala pang tatlong araw mula nang mamatay ang asawa.

Subalit kasabay din ng surot ng konsiyensiya ay ang galit. Ginawa siyang tanga. May babae pala itong itinatago pero hindi siya magawang hiwalayan nang dahil lamang sa pera. At ngayong patay na ito’y lalong malaking kahihiyan ang ibinigay sa kanya. Alam niyang may mga bulong-bulungan sa mga kaibigan at kakilala nito tungkol sa kaalamang may ibang babaeng kasama sa sasakyan si Melvin.

“Itinawag ko na sa Daddy kahapon ang pagkamatay ni Melvin and Dad was so shock. And both my parents were so frantic about my health condition na para bang hindi ko kakayanin ang pagkamatay ni Melvin,” paismid siyang ngumiti.

Huminga nang malalim si Moana. Banayad na hinawakan sa braso ang kaibigan. “I am sorry to say this, Kate, pero sa loob ng mahigit isang taon mula nang magbalik kayo dito sa Pilipinas ay dalawang beses ko lang nakatagpo si Melvin. Handsome yes, but I never really liked him.”

“I know,” marahang sagot niya. Bagaman magalang ay malamig ang pakikitungo ni Melvin sa mag-asawang Vince at Moana nang una niya itong ipakilala sa mga kaibigan. Iyon marahil ang dahilan kung bakit tuwing dinadalaw siya ni Moana sa Maynila ay tinitiyak nitong wala ang asawa niya.

“How did he meet this woman?” muling tanong ni Moana.

Nagkibit siya ng mga balikat. “H-hindi ko alam,” paismid siyang ngumiti. “Sa maraming pagkakataon ay ipinagdiinan sa akin ni Melvin na ang gusto niya sa babae’y isang simpleng housewife. Sa bahay lang,” she answered brokenly, naroon pa rin ang sakit sa ginawang panloloko ni Melvin at habag sa sarili.

“Ano ang plano mo ngayon?” Puno ng simpatya ang tinging ipinukol nito sa kaibigan.

Hindi siya agad sumagot. Tumayo at inikot ang paningin sa condo unit. Humakbang patungo sa bintana at hinawi ang kurtina. Mula sa ikaanim na palapag ay tanaw niya ang PICC, ang dagat at ang ilang barko at yate sa marina.

“I’d sell this unit or have it rented. Hindi ko pa tiyak. I’ll probably hire someone to manage my pizza station at magtayo sa atin ng branch,” hinarap niya ang kaibigan. “Gusto kong umuwi sa atin, MM,” may kislap sa mga mata niya nang sabihin iyon. “Ilang beses kong tinangkang dumalaw sa San Ignacio pero hindi gusto ni Melvin. Minsan lang niya akong sinamahang umuwi sa atin, noong bagong dating kami galing America.”

Alam ni Moana iyon. Doon nila unang nakilala ni Vince si Melvin who was so polite to the point of rudeness.

Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa dalawa. Pagkatapos ay marahang tumayo si Moana mula sa pagkakaupo. “I really hate to leave, Kate, dahil dalawang araw na akong wala at wala rin si Vince. I’m worried about my son. Hindi siya sanay na pareho kaming wala ni Vincent.”

Isang tango ang ginawa niya. “Thank you so much for coming, MM. And give my kisses to Jason.”

“I will. And I’m a phone call away if you need me.”

Chapter 5

N ASA ikalimang palapag ng Legaspi Towers sa may Roxas Boulevard si Rafael. Binabaybay ang pasilyo at isa-isang tinitingnan ang numero sa pinto ng mga unit.

“Here you are,” bulong niya sa sarili nang makita ang numero ng unit. Una niyang sinubukan ang door chime. Nakatatlong diin na siya at naririnig niya sa loob ang chime ay wala pa ring nagbubukas ng pinto.

Naiiritang inulit ng binata ang pagdiin sa chime. Baka wala ang sadya niya. Sana’y tumawag na muna siya sa telepono. Iyon ang unang plano niya, ang tawagan si Mrs. Melvin Winters. Subalit naisip niyang hindi mainam na sa telepono ipakipag-usap ang ganoon ka delikadong topic. At hindi siya nakatitiyak kung ano ang reception ng biyuda ni Melvin Winters.

Sinubukan niyang kumatok nang magbukas ng pinto ang katapat na unit.

“Are you looking for Mrs. Winters?” ang matandang babae na bahagya nang ngumiti kay Rafael. Mukhang foreigner.

“As a matter of fact, yes,” sagot ng binata. “Is she out of her unit?”

“You’ve missed her by two days, son,” wika ng matandang babae. “Now, you wait for me here…,” at bago pa nakapagsalita uli ang binata ay muling pumasok sa loob ng unit ang matandang babae.

He waited impatiently. Hindi nagtagal ay muling lumabas ang matandang babae. May iniabot na papel sa kanya.

“That unit is either for rent or for sale. If you’re interested you can call her agent. Bye…”

Malayo na ang matandang babae’y nakatingin pa rin sa papel na hawak si Rafael. For sale ang unit ng biyuda ni Melvin Winters!

You’ve missed her by two days. Baka nagbalik na ng Amerika ang babae. Napaungol ang binata. Nalilito at hindi malaman ang gagawin. Nabibitin na ang trabaho niya sa opisina’y puyat at pagod pa siya. At kung sakaling umuwi na nga ng ibang bansa ang babae’y hindi niya masusunod ang ipinangako sa pinsang si Camille bago ito namatay.

Nagmamadaling hinakbang ng binata ang elevator.

Chapter 6

MADILIM na nang bumiyahe pauwi sa San Ignacio si Rafael. He could have left yesterday afternoon matapos niyang makausap ang ahente ni Mrs. Winters kung hindi lang dahil sa apurahang trabaho at meeting sa opisina.

“Wala akong iba pang impormasyong maibibigay sa iyo, Mr. Barrios, maliban sa address na ito ni Mrs. Winters sa San Ignacio,” ang ahente kahapon ng hapong mag-usap sila. “Hindi ko rin alam kung bakit sa lugar na iyon nagpunta si Kate. Ang bilin niya’y kontakin siya ’pag may buyer na ang unit niya sa Legaspi Towers.”

“Taga-San Ignacio ako, Mr. Torres,” wika ni Rafael sa tinig na hindi pagdududahan. “Bukod pa sa gusto kong makausap nang personal si Mrs. Winters. At kung magkababayan kami’y baka sakaling mabigyan niya ako ng magandang presyo,” isang ngiti ang pinakawalan niya. “But don’t worry, should there be a sales, you’ll get your commission.”

“Hindi ko pinagdududahan iyon,” nakangiti ring sagot ng ahente. “May kontratang pinirmahan si Mrs. Winters na magdadaan sa akin ang anumang bentahang mangyayari.”

At heto siya ngayon at pauwi sa San Ignacio after almost three years? Nang dahil lang sa habilin at ginawa ni Camille para sa Mrs. Winters na ito. Nang dahil lang sa pagkasangkot ng pinsan kay Melvin Winters.

He gritted his teeth. Kahit minsan ay hindi niya gusto ang bayaw sa pinsan… o bayaw na hilaw. He may rot in hell! At pinigil niya ang sariling magalit para kay Camille. Wala na ito.

Pero bakit San Ignacio? Naguguluhang isip niya. Ano ang ginagawa ng biyuda ni Melvin sa San Ignacio?

Chapter 7

“AY, SANTA BARBARA!” bulalas ni Tata Elmo nang mababaan si Rafael na nakaupo sa breakfast table sa kusina at nagkakape.

“Magandang umaga po, Tata Elmo,” bati niya sa matandang pinagkatiwalaan niya ng bahay nila nang mamatay ang mama niya.

“Rafael, ikaw nga ba?” Hindi pa rin makapaniwalang sabi ng matandang lalaki. “Kailan ka dumating, anak? Bakit hindi ka man lang nagpasabi?”

Tuluyan nang napangiti ang binata. “Relax, Tata Elmo. Isa-isa lang ang tanong. Kanina pa ho akong alas-kuwatro dumating at hindi ko na kayo ginising.”

“Bakit hindi mo ako pinagising? Diyaskeng bata ito,” sinipat nito ang tasa ng kape sa harap ng binata. “Teka nga at ipagluluto kita ng almusal.” Nagtuloy ang matanda sa kusina.

Dinampot niya ang tasa ng kape at tumayo. Lumabas sa screen door sa kusina at naglakad patungo sa may puno na may nakapaikot na upuang kawayan. Tinanaw niya ang dagat habang hinihigop ang mainit na kape. Nararamdaman niya ang lamig ng hanging pang-umaga. Pinuno niya ng sariwang hangin ang dibdib. He could even taste the salty wind.

How he missed this place. Kaibang-kaiba sa buhay sa Maynila. Simple, tahimik. May isang bahagi ng baybayin ang napagtuunan niya ng pansin. May isang alaalang pilit na nagsusumiksik sa isip. Napapikit siya at umiling. He thought about it oftentimes. Pero ang makita mo ang mismong pinangyarihan ay iba. May tila gustong humalukay sa sikmura at dibdib niya.

Inilapag niya ang tasa sa mesa at hinugot sa bulsa ng pantalon ang cell phone at ganoon din ang kapirasong papel na ibinigay ng ahente ni Mrs. Winters.

Apat na ring bago may sumagot. “Hello… Mrs. Winters speaking…”

Hindi agad nakapagsalita si Rafael. He wasn’t expecting a young voice… a bedroom voice for that matter. Whispering huskily as if she was being made loved to. Napapikit ang binata. He wasn’t prepared for the sudden kick of desire he felt below his stomach.

He cursed himself silently. Ano ang nangyayari sa kanya at boses lang ng babae’y kung ano-ano na ang gumagana sa imahinasyon niya.

Abstinence? Iyon ang dahilan. Ang balak na pakikipagtalik kay Marie ay nauntol dahil sa tawag sa telepono nang gabing maaksidente si Camille. At ang huling pagkakataong nagtalik sila ng babae’y mahigit nang tatlong buwan. He was in Guam for the past months at nagbalik lang nang may bagong project ang kompanya sa Baguio. And the past two weeks was spent attending Camille’s funeral.

Pero sa loob ng dalawang linggo’y apat na beses na nasa pad niya si Marie. Bakit hindi siya makaramdam ng urge na makipagtalik dito? You’re upset, tense and busy grieving for your little cousin and hating that bastard she called husband. Sagot din niya.

“Hello…?” ulit ni Katrina nang mabakante ang linya ng ilang sandali. “Who’s on the line, please?”

Napatikhim si Rafael. “Mrs. Winters, this is Mr. Barrios…”

Tuluyang nagising si Katrina nang marinig na lalaki ang nasa kabilang linya. Deep and very male. She admired the way his voice vibrated through the phone.

“Do I know you, Mr. Barrios?” Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya sa pangalang nabanggit. Subconsciously ay gustong maglakbay ang isip sa isa pang taong kilala niya na may ganoon ding apelyido nang muling magsalita ang kabilang linya.

“No, I don’t think we’ve met. But I’d like an appointment with you—”

“Oh. Are you calling from Manila?” tanong niya at tuluyang nawala sa isip ang balak na pagtatanong sa unang pangalan nito. Wala siyang alam na maaaring tumawag sa kanya sa CP niya maliban sa mga taga-Maynila. “Was it about my unit? Did my agent give you this number?” sunod-sunod niyang tanong.

“Narito ako sa San Ignacio, Mrs. Winters…” makalipas ang sandaling pagdidili-dili’y ipinasya nitong sang-ayunan ang tanong ng nasa kabilang linya. “And yes, it’s about your unit. I’d like to see you this afternoon, kung convenient sa iyo. Say five o’clock?”

Gusto pa sana niyang itanong kung bakit nasa San Ignacio ang prospective buyer ng unit niya sa Maynila subalit sa halip ay iba ang lumabas sa bibig ni Katrina.

“F-five o’clock then,” at ibinaba niya ang telepono. May kung anong damdaming hindi niya maintindihang biglang bumangon sa dibdib. Hindi niya mawari.

Chapter 8

NATITIYAK niyang alam ng bisita niyang nagluluksa siya. And though she didn’t feel like mourning ay pinili niya ang isang navy blue na damit dahil iyon ang inaasahan sa kanya ng makakaharap. Nasabi na marahil ng agent niya na dalawang linggo pa lang namamatay si Melvin kaya naipasyang ipagbili ang condo.

Short sleeves ang damit, V-necked na bagaman mababa nang kaunti ang neckline ay hindi lalampas sa border of decency. With gold buttons hanggang sa ibaba. Lalo siyang nagmukhang slim sa dark na kulay ng suot niya.

Kinuha ang isang velvet headband at binatak patungo sa likod ang buhok. Naglagay ng isang simpleng push-and-pull diamond earring. Nag-polbo at nagpahid ng isang bronze lipstick sa mga labi. Muling sinipat ang sarili sa salamin. A respectable twenty-four-year-old widow. Almost twenty four , pagtutuwid niya sabay ngiti nang tipid.

Sinulyapan niya ang relo sa braso. Sampung minuto para alas-singko. Lumabas na siya ng silid at bumaba upang hintayin ang pagdating ng buyer.

SI Rafael ay nagsalubong ang mga kilay nang ipasok ang kotse sa maluwang na bakuran ng bahay ni Mrs. Winters. Halos tatlong taon siyang nawala pero hindi siya maaaring magkamaling ito ang lumang buhay ng mga… Carreon.

Katrina. Sa isang maiksing sandali ay isang alaala ang pumasok sa isip ng binata. Of happy childhood days long gone. Memories of bits and pieces. And regret…

Muli niyang itinuon ang mga mata sa malaking bahay. Right after her graduation sa high school sa kolehiyo sa San Ignacio ay nag-migrate ang pamilya nito sa America. At hindi na muling nagbalik. Naiwan sila ni Moana. He smiled at the thought. His foolishness over Moana. How he thought he was madly in love with her.

He smiled at himself. Alam niyang maligaya ang buhay ng kababata sa piling ni Vincent Saavedra. Vince was Moana’s first and last love. Bago siya babalik sa Maynila’y dadalawin niya ang dalawa at kukumustahin. The last time he saw them both ay noong mamatay ang mama niya. At iyon ang huling pagdalaw niya ng San Ignacio.

Katrina. And while everyone else called her Katie, he insisted on calling her Kate. At may kung anong usig ng budhi ang biglang sumundot sa dibdib niya.

Marahan siyang lumakad patungo sa bahay. Nagtatalo pa rin ang isip kung tama ang address na ibinigay ng ahente sa kanya. O baka naman nirentahan ni Mrs. Winters ang ancestral home ng mga Carreon sa pamamagitan ng mga katiwala.

Isang marahang katok ang ginawa ni Rafael sa lumang pintong narra. Mula sa loob ay narinig niya ang tunog ng sapatos palapit sa pinto. Naririnig din niya ang pagpihit ng seradura. At natuon ang mga mata niya sa unti-unting pagbubukas ng pinto.

“Good afternoon…” bati ni Rafael na inihanda na ang ngiti sa mga labi.

Lumuwang ang pagkakabukas ng malaking pinto at pormal na tumango si Katrina. Ang ngiti ng binata ay lumapad nang mabungaran ang pinakamagandang mukhang nakita sa buhay nito. Subalit hindi magawang magtagal ng ngiti nito nang matitigan nang husto ang kaharap, humalili ang pagkunot ng noo.

“R-Rafael…?” tulad nito’y nagsalubong din ang mga kilay ni Katrina.

“Kate? Is it really you, Kate?”

Sa isang matagal na sandali’y pareho silang nakatingin sa isa’t isa. Unable to take their eyes off each other. Parehong hindi makapaniwalang ang isa’y kaharap ng isa. While Kate’s heart started to pound furiously ay agad namang nakabawi si Rafael.

“It’s wonderful to see you again, Kate,” nakangiting wika nito at inabot ang nabiglang si Katrina at mahigpit na niyakap. “Hindi ko inaasahang makita ka dito,” pinakawalan nito si Katrina at tinitigan. “My, you’re beautiful! Kailan ka pa dumating mula Amerika? Kasama mo ba ang mga magulang mo?”

Si Katrina’y hindi agad nakasagot. Walang maapuhap na sasabihin. She was expecting a certain Mr. Bar—Rafael Barrios! Si Raf ba ang tumawag sa kanya?

“Don’t just stand there, lady. Why don’t you invite me in?”

“O-of course,” mabilis siyang umatras at pinapasok ang binata. Itinuro ang lumang silyang narra na solihiyang uway ang gitna. “P-please sit down,” hindi niya mapigilang hindi manginig ang tinig nang bahagya.

Umupo si Rafael. Ganoon din siya na pinili ang upuang nasa harap nito. Nanginginig ang mga tuhod niya. Hindi niya inaasahang sa ikatlong araw niya sa San Ignacio ay makikita niya ang lalaking kahit si Moana ay walang balita.

“I-ikaw ang Mr… Barrios na tumawag sa akin kanina?”

Hindi agad nakapagsalita si Rafael sa tanong niya. Disbelief registered on his face. “And you’re Mrs. Melvin Winters?”

Tumango siya. “I… I should have known. Nang sabihin mong Mr. Barrios, fleetingly ay pumasok sa isip ko ikaw,” aniya. Her eyes surveyed him.

Rafael had always been a handsome man. So strikingly handsome na wala siyang natatandaang babaeng hindi nagka-crush dito noon. Maliban kay Moana.

Now after seven years since she last saw him, he’s even handsomer. Like an aged wine. Seven years ago, Rafael was a lanky teenager. Now, tall, dark, and muscular. Nakikita niya iyon sa suot nitong sportshirt. Malapad ang dibdib. Bumaba ang mga mata niya sa suot nitong maong, hugging his muscled legs tightly like a second skin.

Those thighs… was it still the same as…? At nararamdaman niya ang pagtayo ng mumunting balahibo niya sa batok sa biglang pumasok sa isip.

Tumikhim si Rafael at bigla ang pag-angat niya ng mga mata dito. He was smiling. Nag-init ang mukha niya sa pagkakangiting iyon ni Rafael.

“Taking inventory, Mrs. Winters?”

She swallowed hard. Sinikap ibalik ang compusure sa sarili at itinuwid ang sarili.

“Why are you here, Raf?” tanong niya sa prim and proper voice. “Was it really about my unit?”

“How have you been, Kate?” he asked softly. Sa pagkakataong iyon ay ito naman ang humagod ng tingin sa kanya. Admiration in his eyes, natitiyak niya iyon. Hindi iilang beses niyang nakita sa mga mata ng ibang lalaki ang nakikita niya sa mga mata ni Rafael ngayon.

Funny. All those years ay wala siyang natatandaang tiningnan siya nang matagal ni Rafael. Maliban doon sa sandaling… bumuntong-hininga siya. May asawa na marahil ito kaya nagkaroon ng interest sa condo unit niya sa Maynila.

“Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa tanong mo?” aniya na tuluyang naka-recover sa pagkabigla sa muli nilang pagkikitang iyon. “Kamamatay lang ng asawa ko two weeks ago. Sinabi mo kanina sa telepono na interesado ka sa unit ko sa Legaspi Towers.”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Rafael. Pagkatapos ay matiim siyang tinitigan.

“Ginamit ko lang na dahilan iyon dahil hindi ko gustong ipakipag-usap sa telepono ang sadya ko,” simula ng binata na tumayo. Tumingala at inikot ang paningin sa bahay na noong araw ay labas-masok ito. He could imagine the young Kate na bumababa ng hagdan at nakangiting sumasalubong sa kanya.

“Ano ang ibig mong sabihin?”

Nilinga siya ng binata. “Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa iyo ito, Kate,” wika nito na nag-alis ng bara ng lalamunan. “I even had a second thought kung dapat ko pang sabihin sa iyo ngayong malaman ko na ikaw ang Mrs. Melvin Winters.”

“You’re talking in riddles. Ano ang dahilan at narito ka? Malibang pangungumusta. Hindi ko alam kung paano mo nalamang narito ako. Kahit si Moana’y hindi alam kung nasaan ka. Matagal ka nang hindi umuuwi ng San Ignacio ayon sa kanya.”

“Since my mother’s death,” impormasyon nito. “Kate…” muli itong tumikhim. “Ang… babaeng kasama ng asawa mo sa sasakyan—”

Umiwas siya ng tingin. “Please, Rafael, hindi ka nagpunta rito para itanong sa akin iyan,” she said wearily, iniwas ang mga mata. Sa sulok ng isip ay nagtatakang alam iyon ng lalaki. Ang mga peryodiko marahil. “Hindi ko gustong pag-usapan ang bagay na iyan. Tapos na iyon. Patay na si Melvin at hindi ko alam kung ano na rin ang nangyari sa babaeng kasama niya.”

“She died too. A few hours after the accident.”

Nag-angat siyang bigla ng tingin. “Oh.” Umiling si Katrina, nanlumo. “P-paano mong nalaman?”

“She’s my cousin.”

“C-cousin. Paanong—”

“Second degree cousin. Ang ama ni Camille ay pinsan ng Papa, Kate. I don’t know if you still remember her. Sa kabilang bayan sila nakatira, sa Trinidad. Public teacher ang mother niya roon. She was in grade six nang ma-assign sa Maynila ang mother niya and her father went abroad, in the middle east.

“Five years ago, magkasama ang Papa at ina ni Camille na sumundo sa ama niya sa airport sa taunang pag-uwi nito. Pauwi na sila galing ng airport nang maaksidente. Parehong hindi nakaligtas sa aksidenteng iyon ang Papa at ang mga magulang ni Camille,” nagkibit ito at sinabayan ng buntong-hininga. “Nagkataong exam week ni Camille at ako nama’y may interview sa kompanyang inaaplayan ko kaya hindi kami nakasama…”

“I’m sorry,” marahang wika niya.

“Matagal na iyon, Kate. I got over it,” nagkibit si Rafael bagaman bahagyang nagkalambong ang mukha.

“Ang sabi ni Moana’y hindi ka na umuuwi dito nang mamatay ang Mama mo. H-how did she die?”

“Depression. Malaki ang naging epekto sa kanya ng pagkawala ng Papa,” matabang itong ngumiti. “At walang dahilan upang manatili ako rito. May trabaho ako sa Maynila at mas malimit na nasa project ako.”

Tumango-tango si Katrina. Pagkatapos ay tinitigan ang binata. “Paano napaugnay si… Camille sa asawa ko?”

Chapter 9

N AKITA niyang humugot ng malalim na buntong-hininga si Rafael.

“H-how did your… cousin get involved with my… my husband?” inulit niya ang tanong nang hindi agad ito sumagot. “Bakit hinayaan mo siyang pumatol sa may asawang tao?” Hindi niya mapigilan ang galit sa bahaging iyon.

“Makinig ka muna bago mo ako akusahan, Kate,” banayad nitong sabi sa kabila ng talim sa ilalim ng tinig. “Hindi tinapos ni Camille ang kolehiyo. She hated school. Kaya nagtataka rin ako kung paano siyang natanggap bilang assistant manager sa store outlet ng asawa mo. Pero nang magsama sila ni Melvin ay nawala na sa isip ko iyon.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. “I’ve been there twice pero ang pagkakaalam ko’y may asawa ang assistant manager ng store outlet, si Mrs. Lopez.”

“Pinag-resign siya ni Melvin makalipas ang dalawang buwan at itinira sa isang rented apartment sa Quezon City,” sagot ni Rafael na may dinukot sa bulsa. Katrina gave a frustrated groan.

“Here, read this,” iniladlad nito ang nakatuping papel sa harap niya. “Marriage contract. I never bothered to check kung fake ang dokumentong iyan nang ipakita ni Camille.”

Subalit tinitigan lang ni Katrina ang dokumento. May palagay siyang mapapaso siya kapag hinawakan niya iyon. Bukod pa sa hindi siya interesado.

“I never liked Melvin though he was polite. Hindi ko alam kung bakit. But Camille was so in love with him and so happy. Isa pa’y tuwing dinadalaw ko siya ay naroon si Melvin. I never thought for one moment that she was his mistress.”

Bakit nga ba hindi gayong sa loob ng isang linggo ay isa o dalawang beses lang naroon sa kanya si Melvin. Kunwa’y lalabas ng bansa at kung ano-ano pang alibi. She thought bitterly.

Marahas na tumayo si Katrina. “Gusto kong tigilan na ang usapang ito, Raf. My husband is dead at ganoon din ang… ang pinsan mo. Wala na sigurong halaga kung pag-uusapan pa natin ang mga bagay na iyan. Gusto kong kalimutan ang lahat.” Wika niya sa nahahapong tono. Nasasaktan siya, hindi dahil sa nag-uumapaw na pag-ibig para sa asawa. But she was betrayed. At pinagmukha siyang kaawa-awa sa mata ng mga kakilala nang mamatay itong kasama si Camille.

Hindi sumagot si Rafael at matiim siyang tinitigan. He saw the pain in her eyes and in one fleeting moment ay gusto nitong lapitan si Katrina at yakapin at pawiin ang sakit na nasa puso nito.

“Hate me for this, Katrina, but you didn’t deserve a bastard like Melvin!” Ang sa halip ay nasabi nito. Naniningkit ang mga mata.

She gave a faint and bitter smile. “And I’m sorry about your cousin,” marahan siyang tumayo at humakbang palapit sa may pinto. “M-masakit ang ulo ko, Rafael, gusto kong magpahinga…”

Hindi tumitinag sa kinatatayuan si Rafael sa disimuladong pagtataboy. Nanatiling nakatitig sa kanya. Makalipas ang ilang sandali’y humakbang palapit. Huminto ito sa harap niya.

“Please, sit down, Mrs. Winters,” sandaling nilinga ng binata ang sofa bago muli siyang tinitigan. “Hindi ko pa nasasabi sa iyo ang dahilan ng pagpunta ko rito.”

Nagtaas ng naguguluhang mga mata si Katrina. She would have said something nang malanghap niya ang woodsy cologne ng binata. It reeled her senses that she was momentarily shock. Lord, kamamatay lang ng asawa niya at heto siya sa damdaming maraming taon na niyang isiniksik sa ilalim ng puso niya.

“Kat,” tumaas ang mga kamay ni Rafael sa balikat niya. Lalo nang hindi kayang pakitunguhan ni Katrina ang bumabangong emosyon sa pagkakalapit na iyon ng binata. “Alam mo bang may anak ang asawa mo kay Camille?”

Iyon ang gumising sa trance niya. Nanlaki ang mga mata sa narinig. “A-anak?”

“Yes, Kat. A seven-month and two weeks old baby boy who was prematurely born dahil sa nangyaring aksidente,” he whispered softly. Nasa mukha nito ang regret at inabot ang kamay niya at ikinulong sa mga palad nito. “I am sorry about this, Kate. Hindi ko gustong saktan ka. At sana’y hindi na lang ikaw ang Mrs. Melvin Winters, this could have been easier.”

A seven-month old baby boy! Unti-unting lumilinaw sa isip ang kasagutan sa mga tanong. Nag-init ang sulok ng mga mata niya at hindi niya napigilan ang pagbagsak ng mga luha sa pisngi niya. She brushed them off angrily. Hindi niya gustong umiyak sa harap ni Rafael na bagaman kababata’y estranghero na rin sa paningin niya makalipas ang maraming taon.

Nag-aalalang tinitigan siya ni Rafael. Pagkatapos ay lumakad ito patungo sa kusina at nang magbalik ay may dala ng baso. Binuksan ang isang wine cabinet. Pumili ng isang bote ng alak na hindi pa nabubuksan na marahil ay maraming taon nang naroroon at nagsalin ng dalawang shot sa baso. Muling nilapitan si Katrina.

“Drink this,” utos nito.

“I—I’m o-okay,” she croaked. Hindi na niya matiyak kung alin sa mga emosyong nasa dibdib ang uunahing intindihin. Iniwas niya ang mukha subalit hinawakan ni Rafael ang mukha niya at pilit siyang pinaiinom ng alak.

“Hindi mo kailangang ubusin, Kat. It will make you feel better.”

I doubt it. Ang isip niya pero sumunod and took one swallow. At isa pa uli. Naglandas ang init sa lalamunan niya. And he was right. It did make her feel a little better. At least tila pinamanhid nito sandali ang pakiramdam niya.

“Are you all right?”

“No. I am not.” Gumagaralgal ang tinig niya.

“Kate, please…” kinabig siya ni Rafael at dinala sa dibdib nito.

Gustong iwaksi ni Katrina ang mga bisig ng binata subalit ang init na nagmumula sa mga bisig at dibdib nito’y tila ginhawa sa pakiramdam niya. Tila moog na kanlungan. At tuluyan nang gumuho ang lahat ng emosyon niya at umiyak nang umiyak sa dibdib ng binata.

“I’m sorry… I’m sorry, sweetheart…” bulong ni Rafael habang hinahaplos nito ang likod niya. His mouth on her hair, kissing it softly.

Kung gaano siya katagal sa dibdib ng binata’y hindi niya alam. Ang alam niya’y hindi niya gustong umalis doon. Hindi niya gustong kumawala sa mga bisig nito. Minsan na siyang nakulong sa mga bisig ni Rafael… a long time ago. Sa magkaibang pangyayari subalit iisa ang naging damdamin niya. It always feel like home.

Sweetheart… When was the last time Rafael used that endearment? Ages ago. Ganoon din ba kung tawagin nito si Moana nang mawala siya? No. Gusto niyang paniwalain ang sariling para sa kanya lamang ang taguring iyon. A childhood endearment.

Patuloy sa pag-alo si Rafael sa kanya habang patuloy siya sa marahang pag-iyak. Self-pity, old memories, sama-sama na marahil ang dahilan. Naramdaman niyang hinawakan siya nito sa mukha at itinaas at bago pa niya maisip ang gagawin nito’y dinampian nito ng halik ang mga mata niya. Halik na bumaba sa mga labi niya. A soft kiss that was meant to comfort her.

But she wasn’t comforted. She was shocked by the sensation she felt nang maramdaman ang mga labi ng binata sa mga labi niya. And she would have wanted to cling to him kung hindi niya pinairal ang matinong kaisipan at mabilis na kumawala mula rito na tila napaso at mabilis na tumalikod.

“Y-you… didn’t have to do that…” hinaluan niya ng galit ang tinig.

“What have I done?” he played innocent. Gustong i-humor ang pangyayari upang itago na naapektuhan ito sa ginawa. He didn’t mean to kiss her the way a man should kiss a woman. But when his lips touched hers, may tila spark na biglang nagsalimbayan sa buong katawan nito.

“Don’t play games with—oh!” Nanlaki ang mga mata niya nang makitang basa ang sportshirt nito. Ang galit ay nahalinhan ng pagkapahiya at pag-aalala. “N-nabasa ko ang… damit mo,” tumingala siya rito and saw tenderness in his eyes habang nakatitig sa kanya.

“It doesn’t matter,” bulong nito at inakay siya patungo sa sofa at pinaupo. Isinandal niya ang sarili sa sofa at ipinikit ang mga mata. Muling bumalik sa isip ang sinabi nito. May anak sa ibang babae si Melvin! Isa uli iyong dagok sa pagkababae niya.

No. She must not wallow on self-pity. Nagmulat siya ng mga mata at mukha ni Rafael ang naroon. Nakatitig sa kanya. Hindi niya mabasa ang emosyong nakapaloob roon. Sympathy? Awa?

Sukat sa huling naisip ay tumigas ang mukha ni Katrina at inayos ang sarili at tumayo.

“To pity you is far from my mind, Kat,” ani Rafael.

“Are you a mind reader?” she snapped.

“A face reader,” sagot nito na may bahid ng amusement ang tinig.

“You’re enjoying this, aren’t you?” sarkastikong wika niya nang mahimigan ang tono ni Rafael.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Rafael na sumeryoso. “Wala akong ideya na ikaw ang Mrs. Winters, Kat. And to tell you frankly, bago ako nagtungo rito’y buo na sa loob ko ang saktan ang asawa ni Melvin Winters. Nasa isip ko na kung hindi nagkulang ang babaeng ito ay hindi nito papatulan si Camille at—”

“So, hinusgahan mo na ako,” patuya niyang putol sa sinasabi nito at tumayo.

“Kilala kita, Katrina,” he whispered softly. Ang thumb at forefinger ay nasa ilalim ng baba niya at itinaas ang mukha niya. “Ang pinakapasensiyosang babaeng nakilala ko. Self-giving and selfless… isinasakripisyo kahit ang sariling damdamin,” idinugtong nito ang huling sinabi sa makahulugang paraan. “At nang sabihin mo kaninang ikaw si Mrs. Winters ay hindi ako makapaniwala. Paanong nagawa ni Melvin na pagtaksilan ka at pumatol sa pinsan ko?”

“Now you’re patronizing me.” Matalim niyang sinabi.

“Katrina Carreon, I knew you too much para i-patronize ka.”

Nanatiling naniningkit ang mga mata niya. “Camille must be very young and beautiful.”

“She was nineteen when Melvin met her. And she was not what you call beautiful. She was petite and simple and unsophisticated. Very submissive sa puntong tila martir…”

“Ang mga katangiang gusto ni Melvin sa babae,” matabang niyang bulong.

“She’s your exact opposite, Kat.” Hinagod siya nito ng tingin sa paraang gustong manayo ang balahibo niya sa batok. “You’re beautiful,” he added softly. “Smart and sophisticated. Kung hindi kita kilala mula pagkabata’y mag-aalangan akong lapitan ka.”

Hindi niya kayang labanan ng titigan si Rafael. There was something in his eyes na hindi niya kayang ipaliwanag.

“So what now, Raf? Bakit sinasabi mong lahat sa akin ito? You said you didn’t want to hurt me pero bakit sinabi mo pa rin sa akin? Ano ang magiging silbi nang lahat ng ito?”

Hindi agad sumagot si Rafael. Tinitigan siya nito nang matagal na tila tinatantiya. “Before she died, Camille made me promise na sabihin sa iyong lahat ito. Gusto niyang ibigay ko sa iyo ang anak nila ni Melvin.”

Si Katrina ay namilog ang mga mata. Ginagap ng kamay ang upuan at bahagyang napaatras. Mabilis na lumapit si Rafael upang alalayan siya subalit banayad na tinabig niya ang kamay nito.

“I’m—all right,” mariing depensa niya. “I—I just couldn’t take these all at once. Una’y namatay ang asawa ko na may kasamang ibang babae sa isang car accident gayong ang alam ko’y nasa Hong Kong siya. Pangalawa’y ang pagdating mo ngayon para sabihing pinsan mo ang babae ng asawa ko at may anak sila. Pangatlo ay ang habilin ni—oh, this is ridiculous! Sa palagay mo ba’y papayag ako sa gusto mong mangyari?” Nagagalit na siya.

“Gusto kong maintindihan mong hindi ako ang may gusto nito, Kat. At naisip ko nang hindi ka papayag sa habilin ni Camille,” nasa tinig nito ang pang-unawa. “Nang planuhin kong makipagkita sa iyo ay upang makilala kung sino ang Mrs. Winters na ito na gusto ni Camille na pagbigyan ng anak niya. No matter what her deathwish was, hindi ko kayang ipamigay sa isang estranghero ang pamangkin ko but—”

“You are right there,” galit niyang agap. “Hindi mo dapat ipagkatiwala sa ibang tao ang pamangkin mo. So this conversation is over and—”

“Iyon ay nang bago ko malamang ikaw ang Mrs. Winters, Katrina,” putol ni Rafael. Lumipad ang mga mata ni Kate dito.

“Hindi mo ibig sabihing susundin mo ang bilin ng pinsan mo?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Huwag mong ipagkamaling wala akong damdamin sa pamangkin ko, Kat. Kami na lang dalawa ang natitira sa bahaging ito ng lupa. But I’m not married. And a day after tomorrow ay patungo ako ng Baguio para asikasuhin ang pagtatayo ng building ng aming kompanya. Ano ang gagawin ng isang tulad ko sa sanggol?” he said wearily. At kung hindi lang marahil sa kabigatan ng sirkumstansiya nilang dalawa ay gustong matawa ni Katrina sa helplessness na nasa mukha ni Rafael.

“Hindi ko puwedeng iwan sa Tata Elmo ang bata. Ano ang malay noong mag-alaga ng sanggol. At hindi ako puwedeng kumuha ng estrangherong katulong para siyang mag-alaga sa pamangkin ko at—”

“At lalong hindi ko problema iyon!”

Matagal na katahimikan ang namagitan bago muling nagsalita si Rafael. “Naiintindihan kita kung tatanggihan mo ang bata, Kat,” there was regret in his voice at bahagyang nakadama ng guilt si Katrina.

Dammit! Bakit kailangang makadama siya ng guilt?

“Pero gusto kong malaman mong nang dalhin sa ospital si Camille ay may malay siya. Ayon sa mga doktor na nakausap ko’y she was hysterical about her child. Gusto niyang iligtas ng mga doktor ang bata. The doctors tried to save them both pero marami nang dugong nawala kay Camille—”

Sa ikatlong pagkakataon ay inagapan niya ang sinasabi ng binata. “Oh, please stop it!” Itinakip niya sa mga tainga ang dalawang palad. “Ako ang maghihisterya kung iisa-isahin mo sa akin ang nangyari!”

“Please, listen,” pakiusap ni Rafael. “When the hospital people asked the necessary information about her…” tumingala ito at tumitig sa kanya and held her eyes. Gusto man niyang magbaba ng tingin ay hindi niya magawa. “…ang sinabi niyang pangalan ng ina ng bata ay… Katrina Winters.”

“What!”

Chapter 10

M AY isang oras nang nakaalis si Rafael ay nanatiling nasa bintana si Katrina. Ipinagkaloob ni Camille ang bata sa kanya nang matiyak nitong hindi na mabubuhay. Sa dokumento ng bata ay siya na ngayon ang ina nito. Kung gaano ka-legal ang ganoong dokumento ay hindi niya matiyak.

At hindi niya gustong aminin ang dahilang pilit na isinisiksik ng kabilang bahagi ng isip kung bakit kailangang sang-ayunan niya si Rafael sa mungkahi nitong sumama dito kinabukasan paluwas sa Maynila upang dalawin ang bata sa ospital.

Dahil kay Rafael. The child could be her link to him after all these years. And she knows she’s a fool. Bakit gusto niyang masaktan gayong matagal nang naghilom ang sakit na naranasan niya noon? Huminga siya nang malalim. Bukas ay sasabihin niya kay Rafael na hindi niya gustong tanggapin ang bata. Hindi niya gagawing dahilan ang anak ni Melvin sa ibang babae upang muli silang magkalapit ni Rafael.

Subalit hindi pa man lubusang rumirehistro ang ideya ay agad na binura ng kabilang bahagi ng isip at kinatigan pa ng puso. Eh, ano kung masaktan siya. Eh, ano kung sa ikalawang pagkakataon ay gamitin siya ni Rafael. Gusto niya iyon, ’di ba? Tulad din ng kung paano niya ginusto noon.

“You’ve hurt me once, Raf. Hurting me again doesn’t matter.”

Chapter 11

“HI, SWEETHEART,” si Rafael na tumakbo sa waiting shed. “Nainip ka ba?”

Umiling si Katrina. “Kung hindi pa kita kilala baka sakali,” nakairap niyang sabi dito. “Lagi ka namang late, eh. ’Ayan, inabutan ka tuloy ng ulan.”

Ngumisi ang binatilyo. First year siya at third year si Rafael. Matanda sa kanya nang dalawang taon at kalahati. Magkababata at magkaibigan.

“Akina nga ang panyo mo at ilagay mo sa likod ko. Baka mapulmonya ako,” tumalikod ito sa kanya.

Katrina rolled her eyes. “Mapulmonya? You’re kidding, Rafael Barrios. Para bahagya lang nabasa ang poloshirt mo,” she complained pero iniladlad din ang panyo niya at inilagay sa likod nito. “O, ’ayan! Inalisan mo na naman ako ng panyo.”

“Maraming tissue sa canteen. Ibibili kita. O, ipasok mo sa bag mo itong gamit ko,” si Rafael na mismo ang nagbukas ng bag niya at ipinasok doon ang tatlong notebook. Pagkatapos ay inabot ang payong niya at binuksan at inakbayan siya. “Tara na at baka lumakas pa lalo ang ulan.”

“Hindi ba tayo maghihintay ng tricycle?” tanong niya na nagpalinga-linga sa kalye.

“’Pag ganitong umuulan, puno lahat iyan,” kinabig siya nito at inakay na paalis sa waiting shed. “Bus stop, wet days she’s there I’ll say please share my umbrella…” marahang kanta nito at kumikislap ang mga matang niyuko siya at kumindat. “Bus stop, bus goes, she stays love grows under my umbrella…”

“That isn’t your umbrella, that’s mine,” pairap niyang kontra. Pero nagkibit lang ng balikat si Rafael at kinabig pa siya palapit dahil bahagya siyang nababasa.

Nararamdaman niya ang init ng katawan ni Rafael sa kanya. She’s almost fourteen at mula pagkabata’y crush na niya si Rafael. Subalit hindi niya kayang sirain ang pagkakaibigan nila. Ang tingin sa kanya ni Rafael ay nakababatang kapatid. At tulad ng linya ng kinakanta nito’y ganoon na lamang ang pag-asam niyang mangyari iyon.

…other people stare as if we were both quite

insane, someday my name and hers are going

to be the same…

Bahagyang basa ang tigkabilang braso nila pagdating sa canteen. Naroon ang mga barkada at classmates ng binatilyo at nang matanaw sila’y agad na nanukso.

“’Ayan na pala ang mag-asawa, eh,” sigaw ng isang classmate ni Rafael.

“Bakit hindi pa kayo pakasal?” ang isa pang classmate nito. “Kulang na lang ay magkasama kayo sa—”

“Isara mo ang bibig mo, Roger!” singhal ni Rafael sa mga ito pero nakangisi. Sanay na sila roon at hindi na nila pinapatulan.

“’Pag napikon si Katrina, uupakan kita,” birong totoo ng binatilyo. Pagkatapos ay hinarap ang tindera sa canteen. “Bigyan n’yo nga ako ng tissue, iyong pinakamalaki,” wika nito na nakangisi pa rin.

Mula sa eskaparate ay inabot ng tindera ang isang malaking tissue box. Binayaran ito ni Rafael at ibinigay sa kanya. “O, punasan mo iyang basang braso mo,” mahinang utos nito.

“Paano mo mapapasagot si Linda niyang ginagawa mo,” si Roger uli. “Lagi na lang kayong magkadikit na dalawa.”

Makahulugang ngumisi si Rafael. “Huli ka na sa balita, pare,” pabulong nitong sabi. Hinila ang silya at binaligtad at umupo roon. Nakatukod ang mga braso sa sandalan paharap sa mga kaibigan.

Namilog ang mga mata ni Roger at inikot ang tingin sa barkadang nasa mesa. “Really? Saang deserted beach mo dinala?”

“Heh!” singhal ni Rafael. “Hindi ako tulad ninyo, ha. Kiss and tell.”

“Knowing you, Raf,” ang isang barkada nilang babae. “Hindi lang kiss ang ginawa mo. You went all the way.” Nagtawanan ang mga nasa mesa.

Nilinga ni Rafael si Katrina na nakatayo at nagsasalubong ang mga kilay at namimilog ang mga mata sa narinig. “Punta ka na sa klase mo, sweetheart. Medyo bastos itong mga ito at baka kung ano pa ang marinig mo.”

Atubiling sumunod si Katrina na masama ang loob. Kilala niya ang Linda na tinutukoy ng mga ito. Isa lamang ito sa mga harap-harapang nagpapakita ng gusto kay Rafael. At pinatulan naman ng walanghiyang lalaki!

Chapter 12

NASA kalagitnaan ng school year ng sumunod na taon nang malipat sa SIC ang Chinese-American-Filipina na si Moana Marie Lang. Naging magkaklase silang dalawa sa section A at nagkahulihan ng loob at naging best of friends.

At dahil kaibigan niya si Rafael ay natural lang na naging kaibigan din nito si Moana. Bago pa nag-graduate ng high school si Rafael ay nahalata na niya na may gusto ito kay Moana at sinarili niya ang sakit ng damdamin.

Nasa unang taon sa kolehiyo si Rafael pero nanatili silang magkalapit na tatlo at tuluyan nang ipinaalam kay Moana ang damdamin nito.

“Tara sa canteen, MM,” padabog na wika ni Rafael sa kanila ni Moana.

Subalit tila hindi naririnig ni Moana ang sinasabi nito at nakatuon ang lahat ng pansin kay Vince Saavedra na nasa di-kalayuan at nakaupo sa bench sa ilalim ng isang puno.

“Moana,” banayad na tawag ni Kate sa kaibigan. Pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang kaibigan. “T-tayo na raw…”

“He’s drop-dead gorgeous, Kat,” patuloy ni Moana.

Masama ang loob na sinulyapan ni Rafael si Katrina bago iniwan ang dalawang dalagita. Nagsisimpatyang sinundan ng tanaw ni Kate ang papalayong binatilyo. Siya ang nasasaktan para dito. Why can’t he leave Moana alone? Nandiyan naman siya. Kung ganda rin lang ang pag-uusapan ay hindi siya pahuhuli sa kaibigan. Hindi nga ba at noong isang taon ay siya ang napiling Miss SIC. Ang titulong iyon ang pinaka-prestigious na maaring makamit ng isang estudyante ng San Ignacio College dahil hindi lang ganda ang pamantayan ng pagpili kundi pati na ang academic performance.

At ang alam niya, sa nakalipas na mga taon sa SIC ay tatatlong high school students pa lang ang nagkamit ng titulong iyon. Ang una’y si Kimberly Antonio Marzan na ang pagkakaalam niya’y sa ibang bansa na naninirahan. Bumilang muli ng mga taon bago may isa pang high school student ang napili, si Lacey Bernardino dela Serna. She’s still in town at asawa ng manager ng pinakamalaking textile company sa kanilang lugar. Katunayan, ang panganay nitong anak ay nasa kindergarten ng SIC.

At para makalusot ka sa mga college students sa iba’t ibang departments then you must be something. At kabilang na siya ngayon sa naunang dalawa na parehong may iniwang magandang pangalan sa SIC.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya at tinitigan si Moana. Gusto niyang magalit dito dahil mula nang dumating ito ng San Ignacio ay tuluyan nang lumayo ang pansin ni Rafael sa kanya. Dati’y silang dalawa ang magkasama mula pa noong mga bata pa sila. But Moana is such a friend at wala siyang masasabi rito. At alam din niyang hindi interesado si Moana kay Rafael. Sa pagpapalit-palit ng boyfriend ni Moana mula nang mag-aral ito ng San Ignacio College ay hindi nito ibinilang si Rafael sa mga iyon gayong maliwanag pa sa sikat ng araw na alam ng kaibigan ang damdamin ni Rafael para rito.

“You are both my friends, Kat,” minsan ay sabi ni Moana sa kanya. “Hindi ko gustong lagyan ng malisya ang damdamin ko kay Rafael at niya sa akin.”

Ikinagalak niya ang sinabing iyon ng kaibigan. Bagaman walang silbi dahil hindi maawat si Rafael sa panliligaw kay Moana. Ang irony ay bukod tanging si Moana lamang ang tumanggi sa pinakamalaking playboy ng San Ignacio College. At ang mga sinasagot ni Moana’y mga lesser ang katangian kaysa kay Rafael. At ang napagtuunan naman ng pansin ng kaibigan ngayon ay si Vincent Saavedra who must be many years older kaysa kanila.

Chapter 13

GRADUATION. Katatapos lang niya ng valedictory speech. Sinalubong siya ni Rafael sa ibaba ng stage at kinamayan. Nauna ito sa mga magulang niyang lumapit. And she was so glad for that.

“Congratulations, sweetheart,” bulong nito at agad ding binitiwan ang kamay niya. Ganoon lang. No gift, no nothing. Lumakad na ito palayo at hinanap ng mga mata si Moana.

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang init na nadama ni Katrina. Gusto niyang umiyak. Nakita niyang inabutan ng regalo ni Rafael si Moana at hinagkan ito sa pisngi. Kung hindi sa paglapit at pagbati ng mga magulang, she would have burst into tears.

PARTY sa mansiyon ng mga Lang. Kung hindi sa pagpipilit ni Moana na dumating siya’y wala sana siya roon. Alam niyang higit siyang masasaktan sa pagpipilit ni Rafael na makuha ang atensiyon ni Moana.

She was wearing her most seductive dress ever. Nasita pa siya ng Mommy niya dahil medyo nakikita nang bahagya ang cleavage niya at miniskirt pa ang yellow dress niyang hapit sa katawan. But she was so daring tonight. Gusto niyang kahit paano’y mapansin siya ni Rafael.

Totoo namang napansin siya ni Rafael subalit hindi sa paraang gusto niya. “Ano ba iyang suot mo? Kulang na lang ay ihantad mo iyang dibdib at binti mo, ah. Bakit hindi ka na lang naghubad,” patuyang sabi nito sa nakakunot na noo kasabay ng paghagod ng tingin sa kanya.

“You’re such a friend. Alam mo ba iyon?” matalim ang mga matang wika niya rito.

“Kaya nga sinisita ko iyang damit mo dahil kaibigan kita. Kung hindi ba’y ano ang pakialam ko kung nakikita na iyang bituka mo diyan sa damit mo…” muli siya nitong tinitigan mula ulo hanggang paa at saka naiinis na umiling. “’Pag nakita kitang nakikipagsayaw kahit na kaninong classmates mo o kaibigan natin ay hihilahin kita, Katrina.”

“Wala kang karapatang gawin iyon!” she stamped her foot sa matinding inis.

“Oh, I have all the rights. You are my friend and hindi ko papayagang pagpiyestahan ng mga lalaki iyang katawan mo!” Akma siyang magsasalita nang hawakan siya nito sa baba at mahigpit na itaas ang mukha niya. “I’m warning you, Katrina. Kung gusto mong makipagsayaw, nagbihis ka sana nang matino.”

She sighed in frustration lalo na nang mabaling ang pansin ni Rafael kina Moana at Vince na nasa gitna ng dance floor at nagsasayaw. Nasa mukha ng binatilyo ang iritasyon dahil nakayakap na halos si Moana kay Vince.

“Ano ba ang nakita niya diyan sa Vince Saavedra na iyan, ha, Katrina?” tanong nito at tuluyan nang nawala ang pansin sa kanya.

“Bakit hindi mo itanong sa sarili mo ang tanong na iyan, Raf?” Nanggigigil niyang sabi at mabilis na lumakad patungo sa loob ng mansiyon. Nagsalubong ang mga kilay ni Rafael na sinundan siya.

Inabutan siya nito sa bar na nagsasalin ng alak.

“Ano ang ibig mong sabihin?” galit nitong tanong at inagaw ang bote ng brandy sa kamay niya. “At ano iyang ginagawa mong iyan?”

“Paano nakakainis ka na!” baling niya rito at muling kinuha sa kamay nito ang bote at padabog na sinalinan ang baso niya at bago pa siya napigil ni Rafael ay ininom niyang lahat ang laman niyon. Sunod-sunod ang ubong ginawa niya. Parang napaso ang buong lalamunan at tiyan niya sa kalahating basong alak na na-straight niya.

“Stupid girl,” bulong nito habang hinahagod ang likod niya. “Bakit ka ba nagkakaganyan, ha? Nakakahiya sa mga magulang ni Moana ’pag nakita ka nilang ganyan…”

“Shut up!” nanlilisik ang mga mata niya. “Manhid ka ba? Nakita mo nang walang gusto sa iyo si Moana pero sige ka pa rin! Si Vince ang mahal ni Moana, naintindihan mo ba, si Vince!”

Tinalaban na siya ng matapang na brandy. Noon lang nasayaran ng alak ang sikmura niya. At kahit nahihilo’y kitang-kita niya ang galit sa mga mata ni Rafael.

“Bakit sinasaktan mo ang sarili mo, Rafael?” patuloy niya. “Hindi ka gusto ni Moana. Kaibigan lang ang turing niya sa iyo at wala nang iba pa! And you’re making a fool of yourself!”

“You’re wrong, Katrina,” sagot nito sa marahang tinig pero alam niyang naroon ang galit. “Infatuation… hero worship. Iyon lang ang nararamdaman ni Moana para kay Vince. Lilipas din iyon.”

“Then you’re a bigger fool than I thought,” tinabig niya ang binata upang lumabas na muli nang bumuway siya. At kung hindi siya naagapan ni Rafael ay babagsak siya sa bar stool.

“Son of a bitch!” galit na wika ng binata. “Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Now, who’s making a fool of one’s self?”

Tinabig niya ang binata. “La—yuan mo ako! Ba—balik na ako sa… party…”

“I’ll be damned if I will let you go back there sa ganyang ayos mo,” sapilitan nitong inakay si Katrina sa tagiliran ng mansiyon kung saan walang mga tao. “Mabuti na lang at nag-iisa kang ganyan sa mga kaibigan ko…” he murmured on their way to the back door.

Sa parking area ay binuksan ng binata ang likuran ng kotse nito at isinakay siyang pilit doon. Nagtangka siyang bumangon subalit itinulak siya ng binata at napahiga siya.

“Ano ba!”

“Subukan mong lumabas diyan ’pag hindi nakatikim ka sa akin,” singhal nito and pointed a finger at her. Isinarang muli ang pinto ng kotse at umikot sa driver’s seat at sumakay. Pinaandar ang sasakyan.

Ilang sandali pa’y malayo na sila sa mansion.

“Saan mo… ako d-dadalhin? A-ayoko pang umuwi,” nahihilo niyang protesta at hinawakan sa braso ang binata mula sa backseat.

“Huwag kang magulo! Gusto mo bang mabangga tayo?” singhal nito sa kanya. In half-amusement, half-irritation. “Nag-iisip ako kung saan kita dadalhin. Hindi kita puwedeng iuwi nang lasing at tiyak palo ang abutin mo sa mommy at daddy mo.”

Sa lasing niyang diwa ay lalong nagalit si Katrina. “Hindi ako p-pinapalo ng mga… magulang ko! B-but I don’t wanna go home yet…”

Umiling si Rafael at sinulyapan siya sa rearview mirror. Naroon ang distaste sa mukha. “Puwes, ako ang papalo sa iyo! Para kang loka diyan sa ginagawa mo. Hindi kita maintindihan kung bakit bigla ka na lang nagagalit at sukat mo ba namang ubusin lahat ang isinalin mo.”

“Manhid!” paangil iyon but she slurred her words kaya hindi naintindihan ni Rafael. At kung naintindihan man ay itinuring nitong itinukoy ni Katrina iyon para rito at kay Moana.

Ilang sandali pa’y tinutumbok na ni Rafael ang private beach ng mga magulang nito at ipinarada ang sasakyan sa dilim. Bumaba ng kotse at binuksan ang pinto sa tagiliran ni Katrina.

“Pahanginan mo iyang mukha mo at kukuha lang ako ng bimpo at maligamgam na tubig sa bahay. Sana’y tulog na ang Mommy at Daddy. Hindi kita puwedeng dalhin sa loob dahil ’pag nakita ka ng mga katulong at ng mga magulang ko, malaking eksplanasyon ang gagawin nating pareho,” pagkasabi noo’y iniwan na siya nito sa loob ng sasakyan at sa dilim.

Humaplos sa mukha niya ang lamig ng panggabing hangin mula sa dagat. Nakadama siya ng ginaw at kawalan. Lasing siya at vulnerable. Bigla’y humagulhol siya ng iyak.

Chapter 14

M ALAYO pa si Rafael ay naririnig na nito ang hikbi niya. Sa malalaking hakbang ay mabilis na nakalapit ang binata. Inilapag nito sa buhangin ang dalang planggana at bimpo.

“Kat, what is it?” nag-aalalang tanong nito na pumasok sa loob ng sasakyan at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Are you hurt?”

Lalong lumakas ang iyak niya nang maramdaman ang mga bisig ng binata sa katawan niya. Sumubsob siya sa dibdib nito.

“Hush, sweetheart,” ani Rafael soothingly. “Hindi ko sinasadyang sigawan ka. Ikaw kasi—” napasinghap si Rafael at nabitin sa lalamunan ang sasabihin. Nararamdaman nito ang mga kamay ng dalagita na pumailalim sa sportshirt nitong suot. “Kat—rina… what are you doing?”

Tumingala ang dalagita. At sa ginawang iyon ay halos gahibla ang layo ng mga labi ni Rafael sa kanya. Boldly, she closed the distance and traced his lips with her tongue. Matalim na humugot ng paghinga si Rafael.

“Kiss me, Raf,” she whispered as she nipped his lips. She had never been kissed pero hindi mahirap gawin iyon. Instinct is the best teacher.

Rafael groaned. “Hindi… tama ang ginagawa mo, Kat. Lasing ka,” hinaluan nito ng galit ang tinig kasabay ng pagkamangha sa biglang reaksiyon ng katawan. He was instantly aroused!

Lord, this is Katrina. Hindi kung sinong babae na lang. Iyon ang pilit na ipinapasok sa isip ni Rafael.

Si Katrina ay hindi pinansin ang pag-awat ng binata. Isang matalim na paghinga ang pinakawalan ng binata nang maramdaman ang kamay niya sa pagitan ng mga binti nito. Touching him softly.

“Ano na nga iyong sabi ng mga lalaki?” her voice seductive. “Nakainom pero hindi lasing. And you’re not that immune to me, Rafael Barrios,” nakadama siya ng kasiyahan dahil sa kabila ng makapal na kayo ng maong ay nararamdaman niya ang matinding arousal ng binata.

Akma siyang itutulak ni Rafael but she went on top of him in astride at itinulak ang katawan ng binata sa sandalan ng kotse.

“Katrina, please… this is wrong,” nahahati ang isip ng binata sa pagitan ng arousal at pag-aalala. He was half-kissing and half-rejecting her.

Damn. Minsan man ay hindi nito naisip na maapektuhan ito kay Katrina. Para dito’y isang nakababatang kapatid ang dalagita. Theirs was a platonic relationship since time immemorial.

But Plato would never be proud of him right now the way his body reacted to her. And there’s nothing platonic about the way she was kissing him. Her tongue is driving him mad. Her breast on his chest is torture. She was riding him and he could feel her thighs on his groin. And he was supposed to be shocked with her. Shy and timid Katrina. Where in hell did she learn to kiss like this?

“Kat, you don’t know what you’re doing…” mabuway nitong sabi. Subalit patuloy si Katrina sa paghalik sa kanya. “Lord, but you’ll hate me tomorrow,” he half-groaned as she raised his shirt at dinama ng dalagita ang dibdib nito.

“I’ll hate you forever, Rafael, if you reject me now,” buong tapang niyang sinabi. She never meant it this way. Gusto lang niyang hagkan siya ni Rafael, madama ang init ng katawan nito. Pero sa tulong ng alak ay siya ang nasusunog sa apoy na sinimulan niyang sindihan at kumalat sa buong katawan niya.

“Katrina, please,” pakiusap ni Rafael sa huling katinuan ng isip. Oh, he knows she was sweet. But never did he think of her sweetness in a sensual fashion. Ang natural na bango ng dalagita ay tila alak. At may pakiramdam si Rafael na nalalasing siya. “It’s—going to hurt like hell, sweetheart, and imagine the consequences afterwards…”

“I won’t complain, Raf, promise,” her hands boldly unzipping his jeans. “And the consequences will be mine alone,” determinadong sabi niya. At sa sulok na bahagi ng isip ay naroon ang pagtataka kung saan siya kumuha ng ganitong tapang. Sa alak marahil… at sa matagal na niyang pag-ibig para sa kababata.

Si Rafael ang nagtuloy sa ginagawa niya and she shivered when she felt on her thighs the steely maleness. Pagkatapos ay tumaas ang mga kamay ni Rafael sa ilalim ng damit niya. Gusto niyang mapaso sa init na nagmumula sa mga kamay nito nang ibaba ng binata ang panloob niya. She could die of the excitement as she raised her body upang ialis ang underwear niya.

Chapter 15

TRUE to her promise, she didn’t complain. Pero hindi siya nangakong hindi iiyak. Raffy tasted the tears.

“Kat—” si Raffy makalipas ang mahabang sandali. Inabot siya at banayad na kinabig at hinagkan sa buhok. “I’m so—”

“Don’t talk,” agap niya at pinahid ng kamay ang mga luha. Damn. She didn’t intend to cry. What made her so maudlin she didn’t know.

Inaayos ang sarili sa dilim sa loob ng sasakyan. Ang tanging liwanag ay ang kislap ng mga alon ng dagat sa dalampasigan at ang malamlam na liwanag mula sa ilaw sa bahay ng mga Barrios labinlimang metro mula sa kinalalagyan nila.

“You’re—only seventeen,” naroon ang pagsisisi sa tinig nito. Remorse came later after the passion. “Lord, can we be married?” walang kasiguruhang wika nito.

“Shut up, Raf,” she gave a false calm. “And take me home. Ang sabi ko, I’ll take the consequences…”

“Paano kung… magbunga ang nangyari, Kat?” He was nineteen at bagaman hindi iyon ang unang pangyayaring nakipagtalik ang binata, Katrina was his first virgin. Somehow, he was so proud of it. At hindi katulad ang dalagita sa mga babaeng nakatalik na nito. At litong-lito ang binata.

“I will be thousands of miles away from you, Raf, should that happen. Three weeks from now ay paalis na kami patungong America.”

“Fat chance…” pagdiriin niya. Ang isa sa mga paboritong charity work ng Mommy niya ay ang family planning sa center sa San Ignacio. Maraming brochures sa bahay nila sa pagpaplano ng pamilya at kung kailan safe ang isang babae. At bagaman hindi niya pinlano ang nangyari ay alam niyang malayong mangyaring magbunga ang naganap sa kanila.

“I’ve ruined you!” nanlulumong wika ni Raffy.

“You did not!” hiyaw niya rito, wanting to hate him. Sa kabila ng dilim ay alam niyang sising-sisi si Raffy sa nangyari na tila ba mapipilitan itong panagutan siya kung igigiit niya. “Ano ba, iuuwi mo ba ako o hindi?”

“Paanong hindi ka naliligalig sa nangyari sa atin?” magkasamang kalituhan at galit ang nasa tinig ng binata.

Nangibabaw ang pride kaysa sa sakit ng damdamin. Itinaas niya ang mukha. “Raffy, what happened was nothing but a physical joining of our bodies. Nothing more. So calm down.”

Kung hindi lang madilim ay nakita na niya sana ang galit sa mga mata ng binata sa pagkakatingin sa kanya. But his voice said it all.

“So after all these years, I don’t really know you at all,” wika nito sa sarkastikong tinig. “Sweet and shy Katrina. Initiated the seduction, not that I am denying my part of it. I’m as much to blame as you, but to take it as if nothing important happened, ay hindi ko maintindihan, Katrina,” narinig niya ang matalim nitong paghinga. “Nothing but a physical joining of our bodies,” ulit nito sa sinabi niya. “Shit!” At saka pinaandar ang sasakyan.

Ilang sandali pa’y wala silang kibuan pauwi sa kanila. Si Katrina’y nanatili sa backseat. Bukas pa ang ilaw sa silid ng mga magulang niya nang iparada ni Raffy ang kotse sa harap ng bahay nila.

“Good-bye, Rafael,” gumagaralgal ang tinig niya nang sabihin iyon. Binuksan ang pintuan ng kotse at lumabas.

“Kat…” tawag ng binata subalit hindi lumingon ang dalagita at tuloy-tuloy.

“Damn, damn!” Pinukpok nito ang manibela ng kotse. Pagkatapos ay mabilis na umalis sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung ano ang iisipin at gagawin. Ano na ang mangyayari? Paano kung magbunga ang ginawa nila. Hindi sa hindi niya gustong panagutan si Katrina kung sakali pero tama bang mag-asawa sila? Ang babata pa nila at wala siyang trabaho. Paano niya sasabihin sa mga magulang niya ang lahat kapag nagkataon?

Ano ang gagawin niya? Hindi niya maaaring pabayaan si Katrina.

Ilang sandali na siyang nagda-drive nang wala sa loob na nalingunan ang malaking kahong nasa katabing upuan. His gift for Katrina sa graduation nito. Nalimutan na niyang ibigay sa dalagita. He intended to give it to her after the party kapag ihahatid na niya ang kababata, sa halip ay iba ang nangyari.

Chapter 16

“YOU’RE early, Kate,” si Mr. Ricardo Carreon na nasa bungad ng hagdan. “Huwag mong sabihing tapos na ang party ni Moana…”

“S-sumakit ang ulo ko, Dad,” kaila niya. Iniwas ang paningin sa ama.

Nagsalubong ang mga kilay na tinitigan ni Mr. Carreon ang dalagitang anak. “Are you all right? Bakit gulo iyang buhok mo?”

Halos mawalan ng kulay ang mukha ng dalaga na kung hindi siya nakatalikod sa ama’y baka nakita na nito ang guilt sa mukha niya.

“I—I… slept at the back of… of Raffy’s car all the way here, Dad. M-masakit talaga ang ulo ko. Could be my migraine again. N-nakakahiya nga kay Moana at sa… sa father niya…”

Isang buntong-hininga ang narinig niya mula sa ama. “Siya, sige, magpahinga ka na at uminom ka ng gamot. Ang mommy mo’y kanina pa tulog,” nagmamadali siya sa pagpasok sa silid nang muling tawagin ng ama.

“Y-yes, Dad…”

“On the contrary, mabuti na ring nakauwi ka nang maaga, hija. Baka hindi ka magising nang maaga. Aalis tayo bukas patungong Maynila. Doon na muna tayo sa bahay ng Ninong Daniel mo habang inaasikaso ko ang huling mga papeles paalis.”

Isang tango ang isinagot niya at pumasok na sa silid. Ibinagsak ang sarili sa kama at umiyak nang umiyak. Hindi niya gustong umalis ng San Ignacio. Hindi niya gustong malayo kay Raffy sa kabila nang masasaktan siya. Pero marahil ay mabuti na rin ang nangyari. Hindi niya alam kung kaya niyang manatiling matatag kapag nagkaharap sila. At hindi niya gustong maobliga si Raffy na pakasalan siya.

Si Moana ang mahal nito at natukso lang ito sa ginawa niya kanina. At alam niyang nagkasala siya. Hindi niya dapat ginawa iyon. Ikinahihiya niya ang sarili sa nangyari. She promised herself never to indulge in pre-marital sex. Ipinangako niya sa sariling ang magiging asawa lamang ang pagkakalooban niya ng sarili. Pero nang dahil lang sa impulse na tinulungan ng alak ay nasira niya ang moral values niya.

Sana’y mabaling ang pansin ni Moana sa binata at hinahangad niya ang kaligayahan ng dalawang taong mahal niya sa buhay. Then Raffy would soon forget about it.

“HI,” bati ni Moana kay Raffy nang labasin nito ang binata sa may verandah. “Mukhang hindi ka pa natutulog, ah. Ang pagkakaalam ko’y maaga kayong umalis ni Kate sa party ko kagabi,” wika nito at hindi na idinugtong na ito man ay pumanhik na rin nang malamang umalis si Vince matapos kausapin ng ama.

“Bakit walang sumasagot sa telepono sa bahay ng mga Carreon, Moana?” sagot ng binata. “Kanina pang tanghali ako tumatawag sa kanila…”

Hindi siya mapalagay at halos hindi siya nakatulog kagabi. Magkakaibang damdamin ang nag-uunahan sa dibdib niya. Ang eksperiensyang iyon kay Kate na nagdudulot pa rin ng init sa buong pagkatao niya sa sandaling sumasagi sa isip ang katawan ng kababata at kaibigan. At guilt. Hindi niya dapat ginawa iyon. Magkababata at magkaibigan sila. Parang magkapatid ang turingan sa isa’t isa. Bakit ginawa ni Kate na mag-initiate nang ganoon kagabi? At bakit naman siya nagpatukso? Anong klaseng tao siya at nagawa niyang pagsamantalahan ang kaibigan? And to top it all, he really enjoyed it that he wanted to do it over again with her!

Oh, damn him.

Nagsalubong ang mga kilay ni Moana. “Hindi ba sinabi sa iyo ni Kate ang tungkol sa pag-alis nila, Raf?” Ibinaba nito sa harap ng binata ang isang baso ng juice.

“Pag-alis?” Lalong lumalim ang kunot sa noo ng binata. “Ano ang ibig mong sabihin? Saan sila pupunta?”

“Sa States. Huwag mong sabihin sa aking hindi mo alam na balak ng pamilya nilang mag-migrate sa Amerika?” nagtatakang wika ni Moana at saka idinagdag: “Of course, you knew that.”

Napaungol si Raffy. May panibagong damdaming nadagdag sa dati ng nadarama. Relief, dahil nasagot ang suliraning kagabi pa bumabagabag sa kanya. And anger, dahil hindi man lang sinabi sa kanya ni Katrina na ngayong umaga na sila aalis. Kaya ba ipinagkaloob ng kababata ang sarili sa kanya? But what made her do it?

“Are you all right, Raf?”

No. I am not! Gusto niyang ihiyaw subalit sa halip ay iba ang lumabas sa bibig: “I’m… fine, Moana,” pinilit niyang ngumiti. “Alam kong balak ng mga Carreon na mag-migrate sa ibang bansa but I never expected it to be this soon. Hindi sinabi sa akin ni Katrina kagabi iyon…” at kung may bahagya mang sakit siyang nadama sa dibdib ay hindi iyon pinag-ukulan ng pansin ng binata at isiniksik sa sulok ng dibdib.

It is much safer to entertain anger. He considered it betrayal on Katrina’s part na huwag ipaalam sa kanyang ngayong araw na ito ang alis ng pamilya niya.

Chapter 17

“I DON’T BELIEVE IT!”

“Truth is stranger than fiction, they say,” matabang siyang ngumiti kay Moana. “And this is one of those.”

“Sa dinami-rami ng tao sa lupa, ha?” hindi pa rin makapaniwalang iling ni Moana. “Your husband’s mistress was Raffy’s cousin, oh dear. And out of the blue, may anak kang isinilang ng pitong buwan!”

Hindi sumagot si Katrina. Hindi na siya halos nakatulog kagabi sa kaiisip sa bagay na iyon. Aalagaan niya ang anak ni Melvin sa ibang babae dahil nagkataong sa kanya inihabilin ng babae nito ang bata sa huling hibla ng buhay.

“Ano ngayon ang plano mo?” si Moana uli.

“Susunduin niya ako bukas ng umaga, MM. May mga aasikasuhin at ipagbibilin lang siya sa tumatao ng bahay niya,” sinabayan niya iyon ng buntong-hininga. “Hindi ko alam kung tama ang pasya kong pagbigyan si Rafael, MM.”

Tumikhim si Moana at ilang sandaling tinitigan ang kaibigan bago muling nagsalita. “Have you forgotten him, Kat?”

Bigla ang baling ng tingin ni Katrina sa kaibigan. Sandaling nagsalubong ang mga kilay at pagkatapos ay isang tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi.

“I haven’t thought about Melvin for days now, MM, and I felt guilty about it. Hindi ko rin maintindihan gayong anak niya sa ibang babae ang pinag-uusapan namin ni—”

“Hindi si Melvin ang tinutukoy ko kundi si Rafael.” Agap at direktang sabi ni Moana.

She had the strangest feeling na iyon ang gustong sabihin ni Moana. Nailang si Katrina at kunwa’y hindi makuha ang sinasabi ng kaibigan.

“I don’t know what—”

“Alam kong may crush ka kay Rafael noon pa man,” muling putol ni Moana sa sinasabi niya. “Hindi ko lang gustong sabihin sa iyo dahil ayokong mailang ka sa akin o makadama kaya ng self-pity dahil nililigawan niya ako noon,” nakakaunawa at nagsisimpatyang tingin ang ibinigay ni Moana sa kanya. Nanatili siyang nakamata rito.

“W-was I that obvious?”

“Sa akin marahil dahil babae ako at sa ibang mga malalapit ninyong barkada ni Raf. Maliban kay Rafael na sarado ang mga mata para makita iyon. At isa iyon sa dahilan kung bakit noong mga panahong iyon ay hindi ko magawang isama si Raf sa mga strings ng boyfriends ko. I don’t want to hurt you bukod pa sa talagang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.”

Pinuno niya ng hangin ang dibdib. Tinanaw ang dagat sa di-kalayuan. Ang property ng mga magulang ay isa sa mga mapapalad na nasa malapit sa dagat.

“Hindi ko pa napag-uukulan ng pansin ang bahaging iyan ng damdamin ko, MM,” she half-lied. Wala siyang intensiyon hukayin sa dibdib niya ang damdaming matagal na niyang naibaon roon. “Nasasaktan pa rin ako sa ginawa ni Melvin sa akin and I am still in shock na may anak sila ng babae niya at na ibinilin ni Camille na ibigay sa akin ang bata,” nahahapo siyang umiling.

Nakakaunawang tumango si Moana. “Then I hope na muli mong pag-ukulan ng pansin ang sarili mo, friend. There’s no sense mourning a man like your husband was, I am sorry to say that. You’re still very young, only twenty four. Kung hindi man naging maganda ang kinahinatnan ng buhay mo kay Melvin ay hindi nangangahulugan iyong magiging ganoon din sa susunod na pagkakataon.”

Hindi niya alam kung paniniwalaan iyon. Her heart failed her twice. Totoong hindi niya minahal si Melvin sa tunay na kahulugan ng salita. But she had been a good wife to him.

Chapter 18

“I’VE missed you, Kat,” si Rafael na siyang bumasag sa katahimikan ng biyahe nila paluwas sa Maynila kinabukasan. “I thought of you once in a while throughout the years. Umalis ka nang hindi nagpapaalam. And you never wrote… never bothered to send a note…”

He spoke softly na nagpabara sa lalamunan ni Katrina. Hindi niya alam kung paano sasagutin iyon. Nakadalawang tikhim siya pero walang salitang gustong lumabas sa bibig niya. Paano niya sasabihin ditong sa unang taon niya sa Amerika’y walang araw na hindi laman ng isip niya ang binata.

“W-why did you give her up?”

Nagsalubong ang mga kilay na nilingon ni Rafael si Katrina. “Gave up who?”

“Si… MM…” muli siyang nag-alis ng bara ng lalamunan. “Ang sabi ni MM ay umalis ka bago sila talagang nagkasundo ni Vince. H-how did you take it, Raf?” Bahagya niyang nilingon ang binata at saka muling ibinaling sa kabilang daan ang paningin. Hindi niya gustong makita sa mukha ni Rafael ang sakit na dulot ng tanong niya. Mas higit siyang masasaktan kung paanong nasaktan siya para rito nang ibalita ni Moana na magpapakasal na ito at si Vince.

Nagkibit ng mga balikat si Rafael. “I got over it as soon as I left San Ignacio…”

Nagsalubong ang mga kilay ni Katrina. Muling ibinalik ang paningin dito. “G-ganoon lang? I mean—”

“I know what you mean,” agap ng binata and twisted one corner of his lips in a dry smile. “Sorry to disappoint you, sweetheart, but my heart was far from broken when I left San Ignacio. Oh, well, hindi sa paraang inaakala mo. Though I was a broken man when I left home at sinabi ko na sa iyo ang dahilan…”

“I—don’t understand…”

“Tapos na iyon, Kat. And I’m happy for Vince and Moana,” wika nito sa tinig na nagpapahiwatig na hindi na nito gustong pag-usapan ang bagay na iyon. “Ikaw ang gusto kong kumustahin. Hindi mo sinasagot ang sinabi ko kung bakit hindi ka sumulat man lang. Alam kong sumusulat ka kay Moana dahil sinasabi niya sa akin at sa bawat sulat mo’y umaasa akong maisipan mong kumustahin ako…”

Hindi siya sumagot dahil wala siyang maaaring isagot doon. Sadya niyang hindi binabanggit si Rafael sa mga madadalang niyang sulat kay Moana.

Matagal na katahimikan ang namagitan. Nakabibingi ang tunog ng air conditioner mula sa sasakyan. Si Rafael ang bumasag sa katahimikang iyon.

“Nagagalit ka ba sa akin dahil sa nangyari sa atin bago ka—”

“Hindi ko gustong pag-usapan iyon, Raf,” mariing putol niya sa sasabihin nito. “I have forgotten all about it,” she said it with conviction. Umaasang paniwalain kahit ang sarili. Nakita niyang tumiim ang mga bagang ng binata bagaman hindi inaalis ang mga mata sa daan. At pagkatapos ay ang banayad na pagtango.

Chapter 19

“A RE we dining out today?” Si Marie kay Rafael. Nakalabi. “You’ve been neglecting me, Raffy,” may tampo sa tinig nito na yumuko sa mesa niya.

He smiled silently. Nakaharap sa kanya si Marie at nakahantad sa kanya ang dibdib nito na sadyang ipinakikita. At nalalanghap niya ang mamahaling pabango ng dalaga.

“Babalik ako ng Manila bukas ng umaga, Marie, kaya kailangang tapusin ko ang ginagawa ko,” siya ang arkitekto ng hotel building na ginagawa nila sa Baguio. Ilang phase na lang ng trabaho ang kailangan ng kaunting pagbabago at matatapos niya iyon ngayong gabi. “And you know that.”

“Bakit kailangang magmadali kang bumaba ng Manila? Aapat na araw pa lang tayo dito. We can stay here until the end of the month, ’di ba?” giit ng dalaga.

Ibinaba ni Rafael ang lapis sa mesa at tumingala rito. “Nasa ospital pa ang anak ni Camille at—”

“Call the hospital, darling,” agap ng dalaga at iniabot ang telepono sa kanya. “Baka naman hindi mo kailangang bumaba kaagad. Siguro nama’y iniwan mo sa kanila ang telepono mo dito at natitiyak kong tatawagan ka nila kung may problema man.”

Sandaling natigilan si Rafael sa sinabing iyon ni Marie. Sa inis niya kay Katrina bago umalis ng condo unit nito’y nawala na sa isip niyang ibigay dito kung paano siya kokontakin kung sakaling kailangan siya.

Dinampot niya ang telepono at tinawagan ang ospital. Si Marie ay nanatiling naroon at balewalang sinisipat ang architectural design sa mesa.

“Shall I say I told you so? “ nanunuksong wika ng dalaga nang ibaba ni Rafael ang telepono. Maayos ang bata at walang problema. Tatlong araw na dumadalaw sa ospital si Mrs. Winters ayon sa Pediatrician maliban sa araw na iyon.

Hindi siya sumagot at muling dumayal upang tawagan si Katrina sa condo nito. Subalit walang sumasagot. Nairitang ibinaba ng binata ang telepono.

“Sino ang tinawagan mo?” ulit ni Marie.

“I really have to finish this job, Marie, if you don’t mind. Kailangang makabalik ako ng Maynila bukas din,” wika ng binata sa hantarang pagtataboy.

Sandaling tinitigan ni Marie si Rafael. Wala siyang natatandaang ni-reject siya ng binata ng ganoon sa panahon ng pinagsamahan nila. Nitong nakaraang mga araw ay kakaiba ang mga ikinikilos nito. Tila laging malayo ang iniisip. Walang kibong lumabas ito ng silid.

Si Rafael ay itinuon ang isip sa trabaho. Ilang beses siyang nagkusot ng papel at itinatapon sa basurahan. Makalipas ang isang oras ay muling dumayal ng Maynila upang muli ring ibaba ang telepono. Sa loob ng dalawang oras ay nakaapat na tawag ang binata at parehong walang sumasagot.

Tumayo siya at lumabas ng silid. Nilapitan ang mesa ng assistant niya.

“Leo, pakitapos mo ito,” inilahad niya ang mga designs sa harap nito. “Madali mo nang sundan ang ginagawa ko. ’Pag may problema’y tawagan mo ako. Babalik ako ng Maynila ngayon din.”

“No problemo, boss,” ang batang arkitekto. “Halos tapos na rin naman ang bahaging ito, eh.”

Chapter 20

“GOODNIGHT, Mrs. Winters,” ang elevator boy nang lumabas ng lift si Katrina. Nginitian niya ito. Tahimik ang buong pasilyo sa bahaging iyon ng sixth floor. Malapit na siya sa unit niya nang mapunang may taong nakasandal sa tabi ng pinto niya. Bahagya pa siyang nagtaka nang mapagsino ito.

“Rafael?”

“So you’re home at last,” galit nitong bungad sabay tingin sa relo. “Saan ka nanggaling? I’ve been trying to reach you since four o’clock this afternoon at dalawang oras na ako rito.”

Tumaas ang isang kilay niya. “Dalawang oras kang nakatayo rito?” She tried to humour his anger kaysa magalit din siya. Ano ang karapatan ng lalaking itong usisain siya nang ganito. Dinukot niya ang susi sa bag at binuksan ang pinto.

“It isn’t funny, Katrina,” puno ng iritasyon ang tinig nito lalo na nang mapuna ang amusement sa mukha niya.

“You are funny, Raf,” aniya at binuksan ang ilaw at pumasok sa loob. Sumunod si Rafael. Ito na mismo ang nagsara ng pinto. “You’ll make a nagging husband,” huli na para bawiin niya ang sinabi.

“Really? And you’re a lousy wife,” angil ng binata. Huli na rin para bawiin ang sinabi. Nakita nito ang pagkawala ng ngiti ni Kate kasabay ng paglingon sa kanya. Itinaas nito sa ere ang dalawang kamay. “Sorry about that… didn’t mean it…”

She sighed. Inihagis sa sofa ang shoulder bag at nagtuloy sa maliit na kusina. Inalis sa box ang pizza na dala at ipinasok sa oven. “Have you eaten?”

“Nagkape ako sa ibaba habang nag-aabang sa iyo.”

“Puwede na ba sa iyo ang pizza at kape o pizza at juice o pizza at beer?” Inabot niya ang tasa ng kape sa pantry. “I’ll have coffee.”

He smiled. “Pizza and beer,” wika nito at dumiretso sa ref. Kumuha roon ng canned beer, binuksan at ininom. “Now, where have you been all day?” muling tanong nito at sumandal sa ref. Sinuyod ng tingin si Katrina habang nagtitimpla ng kape. Very chic and dignified in cream tailored suit, cream high heeled shoes at nakapusod na buhok. Gusto niyang isiping pagod ang nakikita niya sa mga mata nito. “I called the hospital, hindi ka nagpunta doon ngayong araw na ito.” Muli niyang dinala sa bibig ang lata ng beer.

Matabang na ngumiti si Katrina. Hinila ang upuan at naupo. “Dumaan ako roon bago umuwi. He’s gaining weight,” sa pagkakataong iyon ay nakita ni Rafael ang kislap sa mga mata niya. “Sabi ng pedia niya baka puwede ko na siyang iuwi two weeks from now.”

Tumango ang binata. Muling dinala sa bibig ang beer. Pagkatapos ay muli ring nagtanong. “Bago ka nagpunta ng ospital, saan ka galing?”

“Rafael!” bulalas niya kasabay ng pagsasalubong ng mga kilay. “Bakit kailangan kong sabihin sa iyo kung nasaan ako.”

“Because I am your friend at nag-drive ako mula Baguio patungo rito dahil lang hindi kita makausap. Now, is it too much kung sasabihin mo sa akin kung bakit wala ka maghapon?”

She held her temper. Kilala niya si Raffy. Hindi ito titigil hangga’t hindi nito nalaman ang gustong malaman. And she’s too tired to argue with him.

“Nasa Winters Garment ako kaninang umaga,” she sighed at inihilig ang ulo sa sandalan. “I really don’t know what to do with the company. Tiningnan ko ang libro at nakausap ko ang accountant, hindi kumikita ang kompanya sa nakalipas na mga buwan. Gusto kong ipagbili ang patahiang iyon. Hindi ko linya ang negosyong napili ni Melvin.”

“Sell it,” mabilis na susog nito. “Hindi mo kailangan ang kompanyang palugi. Remember you have his inheritance.”

Hindi pinansin ni Katrina ang panunuya sa tinig nito. “I’m not interested with Melvin’s money, Raf. Pag-aari iyon ng bata, hindi sa akin. And even without it, I have enough of my own to raise a child and send her to the best schools.”

“If you live a simple life perhaps. Pero hindi ganyan ang nakikita ko sa loob ng unit mo, Kate,” inikot nito ang mga mata sa karangyaang laman ng unit niya. “And you’re wearing expensive clothes, expensive jewelry,” sinulyapan nito ang hikaw niya. Hindi magarbo pero hindi biro ang halaga ng batong naroroon. Ganoon din ang designer’s watch niya. “And expensive perfumes.”

Nagbuntong-hininga si Katrina. Tumayo siya at pinatay ang oven. Kinuha ang pizza at inilapag sa mesa. Pagkatapos ay tumingala kay Rafael. “Kung mayroon nito sa San Ignacio, sa palagay mo’y tatanggapin ng mga tagaroon?”

Nagsalubong ang mga kilay ni Rafael sa biglang pagbabago ng usapan. Dinampot ni Katrina ang isang slice at kumagat. “I’ve been thinking about putting up a branch in San—”

“A branch?”

“Uhuh,” wika niya, taking her time in chewing. “I bought a franchise months after we came back. May dalawa akong branch dito sa Manila. One in Taft and one in Carriedo. Puwede ko sigurong ilipat ang isa sa atin at—” ibinitin niya ang huling sinabi at ipinagpatuloy ang pagkain.

Ilang sandali muna ang pinalipas ni Rafael bago nagsalita. “All right, I got the point.” Nasa mukha ang respeto para sa kanya. “I’m sorry.”

She smiled. “You’re forgiven. Eat and then leave. I really had a tough day, Raf, at gusto kong magpahinga.”

“Can’t I sleep here?” birong-totoo ng binata.

“Yes.” Umiwas siya ng tingin.

“Yes I can’t or yes I can?”

She gave a humourless smile. “Goodnight, Raf. Lock the door when you leave.” Nang akma siyang tatalikod ay hinawakan siya ni Rafael sa magkabilang balikat.

“I’m tired too. A good-night kiss is nice…” his eyes caressed her face and then moved to her lips.

Umiwas ang mga mata niya. “P-please, Raf, I’m tired…”

“Goodnight,” pabuntong-hiningang sabi nito at binitiwan siya. Humakbang patungo sa pinto at binuksan ito. “Isara mo lahat ang mga lock,” utos nito at saka lumabas.

She closed her eyes for a while. Alam kaya ni Rafael ang tunay niyang damdamin para rito? Hindi na siya ang disi-siyete na dalagita at natitiyak niyang hindi halik para sa magkaibigan ang hinihingi ni Rafael. There was something in his eyes na hindi niya gustong bigyan ng pangalan.

Pero bakit? Mula nang magkita sila uli’y nagbibigay siya ng distansiya para sa kanilang dalawa.

Chapter 21

KINABUKASAN ay nagising siya sa tawag nito. Pabalik itong Baguio at nasa expressway na dahil may itinawag ang assistant na problema. Nagdaan na ito sa ospital at dinalaw ang bata bago umalis.

Nang sumunod na gabi’y tinanggap niya ang long distance ni Rafael. Kapapasok lang niya ng bahay.

“Hi…” bati nito nang sagutin niya ang telepono. “Anong oras ka dumating? Kanina pa ako tumatawag?”

Napangiti siya. Tossed her highheels. “Raf, tinalo mo pa ang isang asawang nagmo-monitor sa pag-uwi ko.”

“Ganoon ba si Melvin?” he asked moodily.

Nawala ang ngiti niya. “Bakit ka tumawag?”

“I am missing you…”

Hindi niya maiwasang hindi matawa nang malakas. “Raf, kahapon ka lang nandito.”

“Yes. Pero alam mo bang hindi ko gustong umalis. You actually throw me out…” akusa nito. Her heart raced bagaman alam niyang wala namang bago sa paraan ng pakikipag-usap sa kanya ni Rafael. Tulad din noong araw.

“Alam mo bang nahihirapan ako sa ginagawa ko?” wika nito makalipas ang ilang sandaling patlang sa linya.

Nagsalubong ang mga kilay niya. “Nahihirapan saan?”

“Maintaining my distance with you, Kate. Kagabi, inawat ko lang ang sarili kong ikulong ka sa aking mga bisig.”

Hindi mapigil ni Katrina ang mapasinghap nang malakas.

“A-alam mo ba kung ano ang sinasabi mo?” she asked breathlessly.

Tumikhim ang binata sa kabilang linya. “I haven’t forgotten that night, Kat. What happened haunted me…”

Hindi siya sumagot. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Nanginginig ang kamay niya.

“Kat, are you still there?”

“Yeah,” bulong niya at sinabayan ng paghinga nang malalim. “You know I’m vulnerable right now, Raf. Don’t take advantage of it, please,” gumagaralgal ang tinig niya.

“Hindi ko alam na iyon ang ginagawa ko, Kate,” he sighed. “Pero gusto kong malaman mong sa loob ng mga nakalipas na taon ay hindi ka nawaglit sa isip ko. I’m sure it wasn’t guilt dahil sa nangyari sa atin…”

“Raf, please, ayokong pag-usapan. Wala pang isang buwan mula nang—”

“He’s dead, Kate,” agap nito. “And don’t pretend that you mourned for him because you are not. Maybe I am getting too fast for you but this is it. This is what I feel.”

Hindi niya tiyak kung ano ang dapat na maramdaman. Nanatili siyang hindi kumikibo.

“Why exactly did you give yourself to me that night, Kate?” muling tanong ni Rafael sa tonong naniniyak ng kasagutan.

“Don’t make me say it, Raf, please…” nakikiusap ang nanginginig niyang tinig.

“All right,” he conceded. “Goodnight…”

Matagal nang naibaba ni Rafael ang telepono nito’y nanatiling hawak niya ang receiver. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Ano ang sinasabi nito? Bakit nila pinag-uusapan ang nakaraan?

Inihilig niya ang ulo sasandalan at pumikit.

Chapter 22

NANG sumunod na araw ay kasama ni Katrina si Louie del Prado, ang ahente ng unit niya, sa isang cafe sa ibaba ng building.

“May buyer na ako, Kate,” wika ng binata na inabot ang card mula sa waiter. “When are you available to meet these couple?”

“Let me see, bukas ng umaga ay may meeting ako sa mga empleyado ko sa food station. How about tomorrow afternoon?”

“Deal,” tumayo na ito, ganoon din si Kate na hindi na hinintay ang paghila ng lalaki sa upuan niya. Inilahad ng lalaki ang kamay. “I’ll see you tomorrow then.”

“Okay,” sabay na silang lumabas. Si Louie sa parking lot at siya naman ay sa elevator.

Paglabas niya ng elevator sa floor niya’y dere-deretso si Katrina sa pasilyo. At sa ikalawang pagkakataon ay nakita niyang nakasandal sa pinto niya si Rafael. A surge of joy rush through her. At nagsimulang magkarera ang pulso niya pagkakita dito.

“Hi.” Bati niya kasabay ng paglabas ng susi sa bag.

“Hi yourself.” Ganting-bati nito na ngumiti. Inabot ang susi sa kamay niya at ito na ang nagbukas ng pinto.

“Hindi ka pa ba umuuwi sa apartment mo?” tanong ni Kate na sinulyapan ang katamtamang bag nito bago pumasok.

“Dito ako tumuloy,” itinulak ni Rafael pasara ang pinto.

“Baka puro agiw na ang bahay mo, Raf,” pinakaswal niya ang tinig at sinabayan ng mahinang tawa.

“Have you missed me, Kat?”

“Kagabi lang tayo nag-usap,” aniya na lumingon. Gusto niyang mapaso sa titig na itinuon nito sa kanya. “Bakit kita mami-miss. Isa pa’y abala ako sa pakikipag-usap sa ahente ko para sa pagbibili ko nitong unit.”

Nagsalubong ang mga kilay ng binata. “Sinong ahente? Iyong nagturo sa akin sa iyo sa San Ignacio?”

“Exactly,” sinabayan niya iyon ng kibit. “In fact may appointment ako sa kanya bukas ng hapon…”

“That’s one hell of a good looking guy,” nairitang sabi nito.

“He sure is.”

“If you’re making me jealous then you’re doing a very good job, Katrina.” Matalim nitong sabi.

“Nagseselos?”

Chapter 23

NANG sumunod na araw ay kasama ni Katrina si Louie del Prado, ang ahente ng unit niya, sa isang cafe sa ibaba ng building.

“May buyer na ako, Kate,” wika ng binata na inabot ang card mula sa waiter. “When are you available to meet these couple?”

“Let me see, bukas ng umaga ay may meeting ako sa mga empleyado ko sa food station. How about tomorrow afternoon?”

“Deal,” tumayo na ito, ganoon din si Kate na hindi na hinintay ang paghila ng lalaki sa upuan niya. Inilahad ng lalaki ang kamay. “I’ll see you tomorrow then.”

“Okay,” sabay na silang lumabas. Si Louie sa parking lot at siya naman ay sa elevator.

Paglabas niya ng elevator sa floor niya’y dere-deretso si Katrina sa pasilyo. At sa ikalawang pagkakataon ay nakita niyang nakasandal sa pinto niya si Rafael. A surge of joy rush through her. At nagsimulang magkarera ang pulso niya pagkakita dito.

“Hi.” Bati niya kasabay ng paglabas ng susi sa bag.

“Hi yourself.” Ganting-bati nito na ngumiti. Inabot ang susi sa kamay niya at ito na ang nagbukas ng pinto.

“Hindi ka pa ba umuuwi sa apartment mo?” tanong ni Kate na sinulyapan ang katamtamang bag nito bago pumasok.

“Dito ako tumuloy,” itinulak ni Rafael pasara ang pinto.

“Baka puro agiw na ang bahay mo, Raf,” pinakaswal niya ang tinig at sinabayan ng mahinang tawa.

“Have you missed me, Kat?”

“Kagabi lang tayo nag-usap,” aniya na lumingon. Gusto niyang mapaso sa titig na itinuon nito sa kanya. “Bakit kita mami-miss. Isa pa’y abala ako sa pakikipag-usap sa ahente ko para sa pagbibili ko nitong unit.”

Nagsalubong ang mga kilay ng binata. “Sinong ahente? Iyong nagturo sa akin sa iyo sa San Ignacio?”

“Exactly,” sinabayan niya iyon ng kibit. “In fact may appointment ako sa kanya bukas ng hapon…”

“That’s one hell of a good looking guy,” nairitang sabi nito.

“He sure is.”

“If you’re making me jealous then you’re doing a very good job, Katrina.” Matalim nitong sabi.

“Nagseselos?”

Chapter 24

B AGO pa maka-recover sa pagkamangha si Katrina ay nakalapit na si Rafael sa kanya. Hinawakan siya sa magkabilang balikat at hinapit.

“Hindi ko kayang isiping makikipagkita ka sa ibang lalaki, Kat…”

Kaya niyang kumawala at umiwas dahil hindi naman mahigpit ang pagkakahawak ng binata sa kanya. Pero nawalan siya ng lakas na gawin iyon. Nang bumaba ang ulo nito patungo sa kanya ay bahagya siyang tumingala upang salubungin ito. Her lips parted a little. Their breath mingled. She moved towards him at itinaas ang mga kamay sa leeg ng binata nang tuluyan nitong angkinin ang mga labi niya.

Nag-aapoy ang halik na iyon. Apoy na tila pumapaso sa mga labi niya pababa sa buong katawan. Pamilyar na apoy. Minsan na siyang natupok nito.

Huminto sa paghalik si Rafael and gazed at her with blazing passion in his eyes. Inikot ng binata ang buhok niya sa mga daliri nito and pulled her head back so that she was curved intimately against the hardness of his body.

“Let me love you, Kat… please…” he almost begged.

No. Iyon ang nasa isip niya subalit hindi niyon nagawang makalabas sa bibig niya. Sa halip ay tumingala siya rito, her eyes filled with wanton desire. And when his hand moved down to caress the swell of her aching breast kasabay nang muling pag-angkin nito sa mga labi niya’y tuluyan nang naisiksik sa kailaliman ng isip ang bahagya mang pagtanggi. His tongue languorously plundered inside her mouth, hinahanap lahat ang matatamis at sensitibong bahagi.

Hindi siya tumanggi bahagya man nang unti-unting tanggalin ng binata ang mga butones sa damit niya… he was taking his time. Binibigyan siya ng pagkakataong tumanggi. Then he bent and buried his head in the valley of her breasts, pulling the delicate laces down with his teeth. She moaned softly as his mouth captured one tender nipple. Habang abala ang mga labi ng binata ay ganoon din ang kamay nito na inaalis ang hook sa palda niya, unzipped it at ibinagsak sa paanan niya.

Patuloy siyang hinahagkan habang inaakay siya nito patungo sa silid niya. Kung paano nabuksan ng binata ang pinto ng silid habang hinahagkan siya’y hindi niya alam. Her back touched the softness of satin sheets. Nagmulat siya ng mga mata nang bitiwan siya nito. Nakatunghay sa kanya si Rafael at hinaplos ng tingin ang kabuuan niya. She was naked maliban sa kapirasong bikini lace.

“You’re lovely, Kat,” his voice in a lazy drawl. “Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong pagmasdan ang katawang iyan noon. You didn’t give me the chance.” Yumuko ito. Smoothed his hand down over her naked body in a possessive way.

She moaned and arched her body in delight. Rafael smiled in satisfaction at muling tumuwid. Inalis ang poloshirt at inihagis sa sahig. Isinunod nito ang maong kasama ang kahuli-hulihang saplot. And then joined her in bed astriding her.

She was breathless as her eyes surveyed his body with hunger. “You’re beautiful, Raf. I have almost forgotten the lanky boy who was my friend.”

“Was your friend… lover now,” he said huskily. “Tell me, Kate, bakit mo ginawa iyon?”

She didn’t pretend to misunderstand him. Iniwas niya ang mga mata subalit nahawakan ni Rafael ang mukha niya at muling iniharap.

“Gusto kong marinig mula sa iyo,” he demanded.

“I—I… loved you then…” bulong na lang lumabas iyon sa bibig niya. At umaasang masisiyahan na ito sa sagot niyang iyon. Itinaas niya ang mga kamay sa mga balikat nito… gently pulling him towards her. “Shall we talk about the past?”

His face inches above her. “You loved me then,” ulit ng binata. “At ngayon, Katrina, why have you allowed this? Was it because I seduced a hungry widow?”

Natilihan siya. Galit ba ang nasa tinig at mga mata nito?

“I—didn’t invite you here, Raf…” she said in a weary tone. “I didn’t expect this to… to happen…” she lied.

“Yes!” marahas nitong bulong. “But you could have refused. Nang una tayong magkitang muli, you’re cold and contained, Kat. Parang hindi magigiba ng kahit na ano ang composure mo. Ni hindi ka nangatwiran sa akin nang hindi direkta kitang akusahang kaya mo lang tinanggap ang bata ay dahil sa mamanahin nito.”

Nagtangka siyang bumangon pero ibinalik siya ng binata sa pagkakahiga.

“Why are you doing this?” Gumagaralgal ang tinig niya. “Nagpatangay ako, all right… and I want it and—”

“It!”

“Raf, what do you want?” naguguluhang tanong niya. They’re both naked, their bodies entwined, pero heto sila at kung ano-anong pinag-uusapan. “Hindi kita naiintindihan.”

Huminga nang malalim ang binata at ibinagsak ang sarili sa tabi niya. “I’m sorry… ang ibang babae’y magagalit sa ginagawa kong ito…” umiling ito and mocked himself by laughing softly. “Sira siguro ako. I’m expecting too much…”

“Ano ang inaasahan mo, Rafael?” mahinahon pa ring tanong niya, inabot ang kumot at itinakip sa katawan.

“You loved me then kaya ipinagkaloob mo ang sarili mo sa akin. At ibibigay mong muli sa akin ngayon. At gusto kong marinig sa iyo na mahal mo pa rin ako hindi dahil sa baser needs. I know I’m asking too much and I’m crazy, but I don’t want you to think of another man when I made love to you…”

Isang pinong ngiti ang pinakawalan ni Katrina. “Walang pag-ibig na namagitan sa amin ni Melvin, Raf. When he married me it was more of an obligation. Pero kinasuklaman niya ako dahil sa unang pagkakataong nakipagtalik siya sa akin ay hindi ko kayang tumugon and hated me even more nang malaman niyang may nakauna na sa kanya. He never touched me again…”

“Ipaalala mo sa aking magbigay ng isang pasasalamat na panalangin kay Melvin bukas,” he smiled at inalis ang kumot na nakatakip sa katawan niya and gazed at her body.

Itinaas ni Katrina ang kamay at banayad na dinama ang dibdib nito, revelling the pleasure of touching the hard muscles. “I have always loved you, Rafael, at walang nabago sa damdaming iyon…” at nang akma niyang ibababa pa ang kamay ay hinuli ito ng binata and suckled her fingers one after the other.

It was so erotic she could have died of pleasure.

Pagkatapos ay muling inangkin ang mga labi niya as she felt his fingers beneath the lacy briefs and pulled it slowly to her hips down to her ankles.

She didn’t mind nang sadyang idagan ni Rafael sa kanya ang buong bigat nito. She arched her body in total submission. She didn’t mind nang hanapin ng kamay nito ang pinaka-intimate na bahagi ng katawan niya and arousing it with infinite skill. Tuloy-tuloy sa pagsiklab ang apoy sa katawan niya.

“I love you, sweetheart,” halos isigaw iyon ni Rafael.

And she sobbed with exquisite pleasure when he finally demand her ultimate surrender.

Chapter 25

LUMIPAS ang isang linggo na hindi tumawag o dumalaw uli si Rafael. Naiuwi na niya sa bahay ang bata mula sa ospital. Nakakuha siya ng isang private nurse na siyang mag-aalaga rito habang wala siya sa bahay at inaasikaso ang negosyo niya.

Lunes ng umaga nang sumunod na linggo’y ipinasya niyang tawagan si Rafael sa Baguio. Babae ang nakasagot. Sandali siyang nag-alangan.

“Hello, sino ito?” Nairita si Marie.

Tumikhim siya. “Gusto kong makausap si Rafael. Si Mrs. Winters ito.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Marie at sinulyapan ang binatang nakatulog na sa ibabaw ng drafting table.

“Ikinalulungkot ko pero katutulog lang niya. Any message?”

“P-pakisabing tumawag ako. T-thank you,” iyon lang at ibinaba niya ang telepono. Nanlalambot na napaupo siya sa sofa. Tila may patalim na humihiwa sa dibdib niya at napakakirot ng dulot niyon.

Si Marie sa kabilang dako ay nagkibit ng mga balikat at muling ibinalik ang CP ni Rafael sa ibabaw ng mesa nito. Umiiling na hinaplos ang buhok ng binata na hindi nagising sa tunog ng telepono.

Chapter 26

“K AMUKHA ba ni Melvin ang bata, Kate?” tanong ni Moana na pinagmasdan ang natutulog na sanggol sa crib nito.

Umiling siya. “Hindi ko matiyak. Pero ang buhok niya’y nakuha niya kay Melvin.”

“Tita Kate, the baby’s smiling at me,” wika ni Jason, ang tatlong taong gulang na anak ni Vince at Moana.

Sinikap niyang ngumiti sa bata. “Did he really, sweetheart?”

“Oh, yes, Tita Kate. He likes me…” at saka muling pinagmasdan ang sanggol.

“Ano ngayon ang plano mo?” patuloy ni Moana.

“Dito ko palalakihin ang bata sa San Ignacio,” paniniyak niya at tumanaw sa bintana. Mula roo’y kitang-kita ang malawak na karagatan. “Ipagbibili ko ang unit ko sa Maynila. Inaasikaso ko ang pagtatayo ng branch ng pizza station sa bayan. Nakakuha na ako ng lupang pagtatayuan ng two-storey building. Ang ibaba’y ang pizza house.”

“Alam ba ni Raffy ito?” muli nitong tanong. Dalawang linggo nang mahigit mula nang makauwi si Katrina at ang sanggol sa San Ignacio.

“Sinubukan kong tawagan siya, MM. B-babae ang nakasagot sa tawag ko,” alas-siyete ng umaga siya tumawag at katutulog lang ni Rafael ayon sa babae. Marahil ay ginugol ng mga ito ang buong magdamag sa pagtatalik. Tulad din ng ginawa nilang dalawa noong huli silang magkita.

Dalawang linggo na ang nakalipas mula noon subalit ang sakit ay hindi man lang nababawasan.

“At hindi rin niya alam na naglilihi ka?” patuloy ni Moana, ang mga mata’y nasa likod ng kaibigan.

Matagal bago siya sumagot. Nakailang hugot siya ng malalim na paghinga. “Paano kong sasabihin sa kanya?” Her eyes filled with misery. “Na payag na akong pakasal kami dahil naglilihi ako… na nagkamali naman pala ang doktor na tumingin sa akin sa Nevada…” umiling siya. “I don’t think so. Ano na lang ang iisipin sa akin ni Rafael.”

“Na mahal ka niya… at lalo ka niyang mahal ngayong magkakaanak kayo at lalong higit na magpakasal kayo,” ani Moana na hindi malaman kung maiinis o maaawa sa kaibigan.

“It isn’t easy as that, MM.” Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya.

Umikot ang mga mata ni Moana. “Oh, dear. Why can’t you be like me, Kate. Kung sinabi mo noon kay Raffy na mahal mo siya, di sana’y natigil na ang kahibangan niya noon pa man. Di sana’y hindi ka na nag-asawa pa. Di sana’y… oh, damn. Puro di sana…”

Hindi niya mapigil ang hindi mangiti sa kaibigan.

Chapter 27

“GOOD MORNING, Mrs. Winters,” bati ng nurse pagpasok ni Katrina sa nursery, nakapantulog pa. “Maaga kayong nagising…”

“Hindi ko nga sana gustong bumangon, Elaine, dahil nahihilo ako. Pero may appointment ako sa building contractor ngayong umaga.” Lumapit siya sa crib ng bata at tiningnan ito. “Hello, sweetheart,” nilaro-laro niya ang kamay ng sanggol. “Kanina pa ba siya gising, Elaine…”

“Yes, Ma’am. And I fed him already.”

“Siya, sige bumaba ka na’t mag-almusal. Pakisabi kay Manang na panhikan ako ng mainit na gatas.”

Tumango ang nurse at bumaba na. Ipinagpatuloy niya ang paglalaro sa sanggol nang biglang tutupin ang sikmura. Napatuwid siya ng tayo.

“Oh, no,” she groaned. Wala pa naman siyang kinain kagabi dahil ilalabas niya rin kapag nilagyan niya ng pagkain ang sikmura.

Halos takbuhin niya ang paglabas sa nursery patungo sa sariling kuwarto. Sa pagmamadali’y hindi na napansin ang may dala ng mainit na gatas sa may ibaba ng hagdan.

Tuloy-tuloy siya sa banyo at lumuhod sa tabi ng toilet bowl. Nagduduwal na halos bumaligtad ang sikmura pero wala namang inilalabas. Pinagpawisan at nahahapo lang siya. Umiiyak na umupo siya sa tiles.

Muntik na siyang mapasigaw nang may yumuko at buhatin siya.

“R-Rafael…?”

Dinala siya ng binata sa kama at inihiga. Walang kibong pumasok sa banyo at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa rack at binalikan siya. Umupo sa gilid ng kama at pinunasan ang pawis at luha niya.

“What’s wrong with you? Para kang batang basta na lang umupo roon at umiiyak?” amused nitong tanong habang pinapahiran ang mukha niya.

“I’m—I’m having… stomach upset…”

“Uhuh,” tumango ang binata. At hindi niya maintindihan kung bakit kumikislap ang mga mata nito na tila naaaliw. “Ano ang kinain mo kagabi?”

Wala siyang maisip dahil wala siyang kinain. “I—I can’t remember…”

“Of course.” Inabot siya nito at itinayo. Inayos at isinandal sa headboard. Kinuha ang gatas sa mesa at inilapit sa bibig niya. “Inumin mo ito para mainitan ang tiyan mo…”

Inabot niya ang baso at uminom. Nang makapangalahati ay ibinaba niya sa side table. Pagkatapos ay tinitigan ang binatang nakamasid lang sa kilos niya.

“K-kailan ka dumating?” Hinagod niya ito ng tingin. Magulo ang buhok at tila hapung-hapo ang hitsura. She wanted to reach out to him pero nagpigil siya.

“Minutes ago. I came straight from Baguio, sweetheart. Ibig sabihin ay nagbiyahe ako ng sampung oras mula norte patungo rito sa San Ignacio via Manila. And I’m dead tired…”

Tumango siya. “Bakante ang kabilang silid. Puwede kang magpahinga roon at—”

“Pagod ako,” agap ni Rafael sa sasabihin niya at muli siyang ibinalik sa pagkakasandal sa headboard nang tangkain niyang bumangon. “Kaya wala akong panahon sa mga kalokohan mo. Now, mayroon ka bang sasabihin sa aking hindi ko alam?” Itinaas nito ang sportshirt sa ulo at inihagis sa couch. Pagkatapos ay tumayo at isinunod sa paghubad ang maong at isinama rin sa couch.

A certain heat ran through her as she watched him strip tease. Nang bumaba ang mga kamay ng binata sa white briefs nito ay umiwas ng tingin si Katrina. Si Rafael ay umikot sa kabilang gilid ng kama at humiga sa tabi niya.

“And I’m sleeping here.” Hinila nito ang hindi pa naililigpit na kumot ni Katrina at itinakip sa ibabang bahagi ng katawan.

Si Katrina ay wala pa ring masabi. Nanatiling nakatitig sa mukha nito.

“O, para kang natuka ng ahas diyan…” natatawang sabi ni Rafael. “Start talking, Kate. Makikinig ako.”

But she burst into tears instead. Ikinulong ang mukha sa mga palad. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Rafael at masuyong inabot siya. Pinahiga at kinabig sa dibdib nito and kissed her hair.

“Hush, sweetheart, or you’ll never be able to breath. Magbabara iyang ilong mo.” Sinuklay nito ng kamay ang buhok niyang nakasabog. “I know you’re pregnant… itinawag sa akin ni Moana. I’m sorry dahil hindi ko nabasa ang note ni Marie sa akin noong tumawag ka. Dinatnan niya akong tulog sa ibabaw ng drafting table. I’ve been drinking most of the nights para makatulog at hindi kita maisip.” Niyuko siyang muli nito. “Ikaw ang pinagsasalita ko, bakit ako ang nagpapaliwanag.”

“W—what…” suminghot siya. “Do you want me to say?”

“You know my terms, Katrina. It’s all or nothing.” He said softly pero sa ilalim ng tinig ay naroon ang determinasyon.

Tumingala siya rito. “I love you, Rafael… and I don’t know what to do without you in my life…”

He laughed softly. “I know. Nakita ko ang ebidensiya kanina. Naglulupasay ka na sa banyo and wished na sana’y naroon ako para damayan ka sa nangyayari sa iyo.”

Nanlaki ang mga mata niya. “P-paano mong nalamang iyon ang iniisip ko?”

Lumakas ang tawa ng binata. “Sinabi ni Moana na hindi madali ang maglihi. Sensitive and emotional and unreasonable. Perhaps due to hormonal changes and all that. And all she wanted when she was pregnant with Jason was Vince at her side.” Pumormal ito at itinaas ang mukha niya. “Did you really want me, Kate?”

“Hindi lang dahil naglilihi ako, Raf. I want you forever.”

“I love you,” dinampian nito ng halik ang noo niya. Ang isang kamay ay masuyong inihaplos sa tiyan niya. “Remind me to send a card para doon sa doktor sa Nevada,” he slurred his words. Unti-unting hinihila ng antok dahil sa pagod at puyat. Sumiksik ito sa leeg niya. “Oh… and Mrs. Winters…” bahagyang pinisil nito ang braso ni Kate. “I’m warning you, tomorrow your name and mine are going to be the same.”

Nakita ni Katrina na nakapikit na ito. She smiled mischievously at idinikit ang sarili rito. Her hands deliberately brushing the silkiness of his flesh.

“Raf…”

“Hmm…”

“Gusto ko lang ipaalala sa iyo na kasama sa changes ng naglilihi ay iyong—” umangat siya at may ibinulong.

Umungol si Rafael at kumawala at idinapa ang sarili sa kama at ibinaon ang mukha sa unan. Nag-echo sa silid ang tawa ni Katrina.

Wakas

Available at https://www.preciousshop.com.ph/products/series/phr-series/sweetheart/swg00006-sweetheart-6-mrs-winters/


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.