Kristine Series 20 - My Wild Heiress (UNEDITED) (COMPLETED)
Marthacecilia Phr · 41 chapters · 54,350 words
Notes:
Dear Friends,
Ang orihinal kong paano na love interest ni Leandro Jace (Monte Falco) ay si Angeli Montaño (remember Billie Rose’s younger sister in Colorado?). Now, I guess I can forget about her, dahil sa mas marami ang humihiling sa kasaysayan ng anak nina Nick at Alaina.
Doon po sa mga hindi pa nakabasa ng Monte Falco parts 1 & 2, sana po ay basahin ninyo dahil ang serye pong ito ang sequel ng kasaysayan ng nawawalang kapatid ni Tristan na si Leandro.
-Martha Cecilia
Prologue
SA ISANG luma at maliit na ospital sa labas ng Metro Manila ay mabigat ang dibdib na niyuko ni Cornelia ang limang taong gulang na anak. May tubong nakapasok sa ilong nito na siyang dinadaanan ng gatas kapag ito’y nagugutom. Sa braso nito’y naroroon ang tubo na dinadaluyan ng dextrose na malapit nang maubos at kailangang bilhan na ng panibagong bote.Sa loob ng portamoneda niya’y hindi pera ang laman kundi ang ilang reseta ng gamot na kailangan niyang bilhin kung gusto niyang mabuhay ang bunsong anak.Acute bronchopneumonia at may komplikasyon.
Kanina pa niya pinipigil ang luha na huwag bumagsak. Nagsisikip ang dibdib niya habang hinahaplos ang buhok nito. Kahit ang gatas ay nahihirapan silang bilhin, ang mga gamot pa kaya?
“Huwag kayong mag-alala, misis,” banayad na wika ng nurse, isang babae na nasa mid-twenties.
“Hindi ko pababayaan ang anak ninyo. At sana ho’y may mabili kayong gamot pagkabalik ninyo.” Hindi nito maiwasang lumitaw sa tinig ang pag-aalala sa huling sinabi.
Tumayo si Cornelia mula sa pagkakaupo sa gilid ng katre. Hindi niya makuhang sumagot dahil nagsisikip ang dibdib niya. Nilingon niya ang asawa na nakatiim ang mga bagang. Hindi nito gustong lumapit at tingnan ang anyo ng bunsong anak. It was breaking his heart.Nakatayo ito sa may pinto ng pediatric ward na nagsisikip sa dami ng mga pasyenteng bata. May ilang katre kung saan dala-dalawa ang pasyente. Ang anak man niya’y may kasama sa teheras na iyon subalit inilipat sa tabi ng ibang batang pasyente dahil nakakahawa ang pulmonya sa ibang bata.
Nagulat pa siya nang mula sa pinto ay makita ang panganay na anak. Naiwan ito sa labas dahil hindi gustong papasukin ng mga naka-duty na nurses at baka mahawa ng sakit mula sa mga pasyente.
Tumakbo ito patungo sa kanya.
“Tristan.”
“Gusto kong tingnan si Leandro, ’Nay,” wika ng bata. Lumapit sa teheras at hinawakan ang kamay ng natutulog na kakambal. “Uwian ka namin ng mansanas,” bulong nito at sumampa sa silya at yumuko at dinampian ng halik sa noo ang bunsong kakambal.
Cornelia choked her tears. Nilingon ang asawa na mabilis na tumalikod.
Nilingon ni Cornelia ang nurse na tahimik na nakamasid. “Please, hindi kami magtatagal. Sisikapin kong narito rin ako bukas ng hapon dala ang mga kakailanganing gamot ng anak ko. Ipangako mong hindi mo siya pababayaan.”
Bahagyang nabigla ang nurse sa huling sinabi niya, hindi malaman ang sasabihin. Subalit nang marahil ay makita nitong naghihintay siya ng isasagot ay alanganing tumango.
“H-hindi ko ho pababayaan ang anak ninyo, misis. Lumakad na ho kayo nang makabalik kayo kaagad.”
Bahagyang gumaan ang dibdib ni Cornelia sa sagot ng nurse. Niyuko niya ang anak at bumulong sa may tainga nito.
“I love you, Leandro, kayo ni Tristan. Mahal namin kayo ng itay mo. Gusto kong tandaan mo iyan.” Hinagkan niya sa pisngi ang bata at pagkuwa’y atubiling nag-angat ng katawan. Niyuko at kinarga ang panganay na kakambal.
“Tayo na, Tristan.”
Si Tristan ay hindi inalis ang tingin sa kapatid mula sa mga balikat ng ina hanggang sa makalabas sila ng ward.
“MATILDA, telephone,” wika ng isang nurse sa kanya habang tinuturukan niya ng gamot ang tubo ng dextrose ni Leandro. Kinuha niya iyon mula sa tray ng mga gamot para sa ibang pasyente.
Kailangan niyang gawin iyon kung gusto pa niyang datnan ng ina nitong humihinga ang anak. Dalawang dose na ang naibibigay niya sa bata sa maghapong iyon mula sa pagbawas ng gamot sa magkakaibang pasyente.
Hindi niya maintindihan kung bakit, sanay na siyang nakakakita ng mga magulang na hindi kayang ipagamot ang anak at ikinalulungkot niyang ang karamihan sa mga iyon ay hindi nakaliligtas dahil sa kakulangan ng gamot.
But a part of her heart went out to this five-year-old boy. Hindi niya alam kung bakit. Siguro’y dahil hindi perhuwisyo ang bata sa kabila ng dinaramdam. O siguro dahil magandang bata si Leandro sa kabila ng humpak na mga pisngi. He had thick eyelashes, katulad din ng kakambal nito.
She had never seen two handsome young twins in her life. The two boys were almost identical.
O kaya naman dahil sa kabila ng marami namang ina sa mga katabing katre ay sa kanya ipinagkatiwala nang diretso ni Mrs. Falco ang anak. At nangako siyang siya ang bahala sa anak nito.
Lumakad siya palabas ng pediatric ward patungo sa nurses’ station sa kabilang dulo ng pasilyo upang sagutin ang telepono. Alam niya kung sino ang nasa linya, si Concordia.
Magkaibigan sila ni Concordia mula pa noong unang taon nila sa kolehiyo. She loved her. Pagmamahal hindi para sa isang kaibigan kundi para sa isang lalaki sa babae. Subalit hindi si Concordia ang uring tumatanggap ng ganoong klaseng atensiyon. Bagaman hindi nito hinuhusgahan ang kanyang pagkatao ay matapat nitong sinabi sa kanyang hindi nito gusto ang ganoong uri ng relasyon.
Nasaktan siya roon. Gayunma’y nanatili silang magkaibigan. And they shared one thing in common—pareho na silang walang mga magulang.
Dinampot niya ang telepono. “Hello.”
“Tilda, may magandang balita ako!” tili ni Concordia sa kabilang linya. “Tumelegrama ang Papa Gerardo, tinanggap ng DECS ang application kong magturo sa isang elementary school sa Infanta.”
“Congratulations,” wika niya at nilagyan ng galak ang tinig gayong sa kaibuturan ng puso niya’y naroon ang lungkot. Dahil tuluyan na silang magkakahiwalay. Uuwi na ng Sto. Cristo si Concordia.
“Let’s celebrate,” patuloy ni Concordia. “Anong oras ang off mo?”
Hindi agad siya makasagot. Ang totoo’y off na niya mamayang alas-dos ng hapon. Nilingon niya ang pasilyo kahit na hindi niya matanaw ang pediatric ward. Kanino niya iiwan si Leandro? Ang sabi ng ina’y bukas pa ng hapon ito babalik.
“Tatawagan kita sa dorm mamaya, okay?”
Subalit bago makasagot si Concordia ay isang malakas na pagsabog ang narinig niya.“Matilda, ano iyon?” ang kabilang linya. “Matilda?”
Subalit hindi niya makuhang sumagot. Wala sa loob na nabitiwan niya ang telepono. Lahat ng nasa nurses’ station ay pawang mga nangagulat. May ilang pasyenteng naglabasan mula sa mga ward. Hindi nagtagal ay napuno na kaagad ng mga pasyente ang buong pasilyo.
May sumigaw ng sunog. Sapat upang magkagulo ang lahat. At saka pa lang niya nakuhang gumalaw mula sa pagkabigla. Tumakbo siya pabalik sa pediatric ward subalit hindi agad siya makalusot sa nagpa-panic na mga tao. Hiyawan at iyakan ang naririnig niya kabi-kabila. May usok na siyang natatanaw na hindi naman niya alam kung saan galing.
Napuno ng ingay ng fire alarm at hiyawan ng mga tao ang buong ospital.
May natanaw siyang usok sa mismong pediatric ward. Kinakabahang nakipaglaban siya sa palabas na agos ng mga tao pabalik sa ward.
Sa pinto ay natanaw niya ang apoy na pumapasok sa mga bintana ng pediatrics. Naghihiyawan na ang mga pasyente at nagpa-panic na ang iba na lalong nagpangyari upang may mga masaktan.
She ran for Leandro’s bed. Only to be horrified. Bumagsak ang poste ng dextrose at basag ang bote sa tabi ng ulo ng bata na nanlalaki ang mga mata sa nangyayari sa buong paligid.At sa gilid ng noo nito’y may sariwang dugong umaagos.
“Leandro!” Mabilis niyang inalis ang karayom na nakatusok sa braso nito, gayundin ang tubo na nakakabit sa ilong.
Umungol ang bata. Kung sa sakit galing sa madaliang pagtatanggal niya sa mga tubong nakakabit dito o sa sugat na sanhi ng basag na bote ng dextrose sa may ulo nito, ay hindi matiyak ni Matilda.
She had to get the boy out of the hospital bago pa parehong manganib ang buhay nila. Natitiyak niyang may mga pasyente nang nasaktan sa kabilang bahagi ng ward. Hindi niya gustong isipin ang mga kahihinatnan ng mga iyon.
Balot ng bedsheet ng ospital, inilabas niya ng ward ang bata. Hindi miminsang bumalya siya at nagmuntik-muntikanang matumba dahil sa mga taong tulad niya’y gusto ring lumabas ng ospital. And if she didn’t hurry, Leandro would soon die of asphyxia. At ang bata’y masama na ang kalagayan sanhi ng bronchopneumonia nito.
At dahil kabisado niya ang mga emergency exit ng ospital ay naging madali sa kanya ang makalabas ng building. Tuloy-tuloy siya sa labas ng compound ng ospital. Kailangang madala niya ang bata sa ibang ospital kung gusto pa niya itong mabuhay. Bagaman alam niyang madugo ang bahagi ng ulo kapag nasugatan ay hindi niya alam kung gaano ang epekto niyon sa bata.
Unti-unti nang napupuno ng mga tao ang buong paligid. Sa di-kalayuan ay naririnig na niya ang sirena ng fire truck. Pinara niya ang isang nagdaraang pribadong sasakyan.
“Please, pakidala n’yo kami sa pinakamalapit na ospital!”
************************************Prologue pa lang ang dami ng ganap my God…… Namiss ko ang kwentong ito sorry bibi James , iiwan na kita sapagkat masaya ka na sa piling ni Chantal, hayaan mo na akong sumaya sa piling naman ni bibi Jace ko char ay ni Leandro pala hahahahaha. Umagang kay ganda para sa kagaya kong maganda char hahahahaha. Sana all good ang morning n’yo mga beshie. Happy Dec. to us, sana ngayong pasko ay may magregalo sa akin char hahahaha. Wish ko sana maging okay na ang lahat para sa atin. Take care mga beshie at Happy weekends to us. Love lots. - Admin A **********************
PS: Nababasa ko mga comments n’yo lalo na dun sa Youtube Channel ni Sir Jun, Natetempt na nga akong magreply sa inyo eh kaya lang baka makilala n’yo ako kaya hanggang basa na lang ako sa comments n’yo hahahaha. Thank you sa inyo at sa mga hindi pa nagcocomment at nagsasubscribe . Gawin n’yo na mga beshie char hahahaha. - Admin A
1
Houston
“I DON’T think this is the time to flirt with another man, Andrea Monica,” ani Cameron habang tumatakbo sa treadmill.
Umikot ang mga mata niya sa pagbuo nito sa pangalan niya at sa tonong tila ba ito ang matanda. And she smiled to herself dahil mas bata ang pinsan sa kanya ng dalawang taon at kasalukuyan pang nasa unibersidad.
“And why so?” Tumaas ang mga kilay niya, tested the twenty kilos dumbbell, nang mabigatan ay ibinaba. “Besides, this isn’t a flirtation, my dearest cousin. I think I’m really in love!”
Cameron rolled her eyes. “For the nth time! Anyway, paano si Leandro?“Agad na nawala ang ngiti sa mga labi niya. Kumunot ang noo. Leandro. The name was giving her nightmares. Ni hindi pa niya ito nakakatagpo subalit sa nakalipas na siyam na buwan ay tila aninong laging nakasunod sa kanya ang pangalang iyon.
“What about him?” She almost snapped at her cousin.
“Nakalimutan mo na bang nasa graduation party mo ako nang sabihin ni Uncle Nick sa ilang reporter na engaged ka na kay Leandro?”
“Leandro. Leandro!” she spat the name.
Nang ianunsiyo iyon ng ama ay siyam na buwan na ang nakalilipas. She even thought it then as her father’s joke to ward off unwanted suitors. But she was wrong. Her father had never been more serious.
At hindi siya nawalan ng mga manliligaw sa kabila ng anunsiyong iyon. Dahil kahit minsan sa nakalipas na siyam na buwan ay hindi niya nakita kahit na anino ng lalaking inihayag ng ama niyang ipakakasal sa kanya.
“At sinong kaibigan ng pamilya? Paanong hindi ko kilala ang kaibigang ito ni Daddy?” dugtong niya. Ayon sa ama’y anak si Leandro ng kaibigan ng pamilya.
“May mga malalapit na kaibigan ang ating pamilya na hindi natin kilala, Drew, alam mo iyan. Ito iyong mga kaibigang hindi nakikisakay sa katayuan ng ating pamilya sa buhay. Yaong mga taong kung tawagin nina Daddy at Mommy na totoong mga kaibigan at naroroon sa panahon ng krisis.”
“My god, Cam, I don’t even know if the man exists. For all I know, paraan na naman iyan ni Daddy para huwag akong makipag-boyfriend.”
“Though it didn’t work, you can’t blame your father,” wika nito at binilisan ang pag-agapay sa treadmill dahil bumibilis na rin iyon. “The press tagged you as the playgirl heiress. Sa taong ito lang ay tatlong beses kang nagpalit ng boyfriend. And can you imagine Uncle Nick’s horror when you went dating with Brad Pitt?”
Malakas na tawa ang pinakawalan niya. “You call it a date? Gosh. He’s my friend and I just watched his commercial shoot. That was just it. And goodness, he’s married!“Cameron rolled her eyes. “Kaya nga nasindak ang daddy mo, eh.” Unti-unti na itong naghahabol ng hininga, the treadmill went faster every three minutes. “Anyway, back to Leandro, I’m really intrigued with this man. We do not know anything about him, do we? Maliban sa salitang nanggagaling sa daddy mo. And for months now, you are engaged to a phantom.”
“A very rich phantom, I’m sure,” matabang niyang sabi.
Natitiyak niyang hindi siya ipagkakasundo ng ama sa isang hindi masalapi. That way, makatitiyak si Nick na hindi ang mamanahin niya ang pag-iinteresan nito.
“And the man’s conceited,” patuloy niya sa iritadong tono. “Sa loob ng nakalipas na mga buwan mula nang ianunsiyo ni Daddy ang engagement namin ay ni hindi siya gumawa ng paraan na makita o makausap man lang ako!”
“That surprised me, too,” Cameron said breathlessly. “To be engaged to an heiress isn’t an ordinary thing. At ano ang malay natin, baka naman tulad mo’y hindi rin niya gustong ipinagkakasundo siya ng mga magulang niya?”
“I only hope so.”
“Pero may palagay akong seryoso si Uncle Nick sa pagkakataong ito, my dear cousin. Hindi sasabihin ng daddy mo sa press ang tungkol sa engagement mo kung hindi siya seryoso.”
“Oh, I won’t be manipulated by my father, Cam,” paniniyak niya sa pinsan. “And I’m getting married, all right, pero hindi sa lalaking gusto ni Daddy para sa akin. Ako ang pipili ng lalaking pakakasalan ko.”
“Kasalanan mo rin naman kung bakit nagiging drastic si Uncle Nick sa pag-iisip na ipagkasundo ka sa anak ng kaibigan niya. Lahat ng ipinakilala mo sa kanya’y napatunayang iisa lang ang gusto sa iyo, ang mamanahin mo.”
“Ikaw ba? Sa palagay mo ba’y makatitiyak kang ang mga nanliligaw sa iyo’y hindi rin kayamanan ng pamilya ang gusto?” Hindi niya intensiyon ang counterattack na iyon. Ni walang halong galit ang tinig niya. She was bitterly stating a fact.
Cameron sighed her understanding. Ini-off ang treadmill, inabot ang nakasabit na tuwalya at umupo sandali upang bawiin ang paghinga.
“We’re learning from you, my dearest cousin,” she said cocking her head. “When do you think was the last time I attended family gatherings and parties na dinadaluhan ng mga taong nakakakilala sa atin?”
“Oh, well…” Mabilis na gumana ang isip niya subalit wala siyang matandaang social gatherings na present ang pinsan, malibang iyon ay pampamilya at sa mismong Alta tierra ginanap.And Cameron attended her graduation party nine months ago. Pero iilan lang ang mga bisita at kung tutuusin ay hindi naman ito nakihalubilo. Dinaluhan nito ang party niya dahil pinilit niya. At nakiusap pa ito sa kanyang huwag niya itong ipakilala bilang Navarro-Fortalejo na ipinagkibit lamang niya ng mga balikat.
“Ang huling pagkakatanda ko na nakikipagsosyalan ay noong nasa high school ako, Drew,” wika nito nang hindi siya makahagilap ng sasabihin. “Wala akong intensiyong ipakilala ang sarili ko bilang anak ni Zandro Fortalejo at Jennifer Navarro. And I’m enjoying it, my dear. And though Dad’s really against it, sinusuportahan ako ni Mommy.”
“Lucky you. Bakit ba hindi ko naisip iyon?” she said thoughtfully.
“Admit it, you love the social life, the glitters and the intrigues created by the press. Paraan mo iyon ng rebellion mo sa daddy mo. Na kung maaari mo lang gastahin ang lahat ng salapi ni Uncle Nick sa loob ng beinte-kuwatro oras ay ginawa mo na.”
“I’m so bored, Cam.” Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan niya at sinang-ayunan ang pinsan. Sumakay sa stationary bicycle at marahang pine-pedal iyon. “And to tell you frankly, I hated those guys na nabayaran ni Daddy!” And hurt, too, gusto niyang idugtong subalit inawat ang sarili.
Cameron laughed. “My poor, dear cousin. Well, at least, sa Leandro na ito ay nakatitiyak kang hindi ang mamanahin mo ang gusto niya.”
“Do you really think so?” Naghahamon ang tinig niya.“I think so. Hindi ka ipagkakasundo ni Uncle Nick sa isang lalaking hindi katulad mo ang katayuan sa buhay.“Hindi siya sumagot. Isinatinig lang ni Cameron ang iniisip niya.
*******************Mukhang marami ata ang naguguluhan sa inyo kung bakit sa notes ay may nakalagay na Tristan at Monte Falco Series. Ang totoo niyan ay Part ang Monte Falco series ng Kristine Series nasa bandang huli parte na sila lalo na sila Tristan At Jose kung tama ako ah, di ko sinasabing tama ako sa lahat pero ayon sa pagkakaalala ko tama yang sinasabi ko. char hahahaha. Basta then si Jace naman ay kapatid nila kaya lang siya nauna sa tatlo ay partner siya ni Monica kaya andito tayo ngayon. Bilang si Monica ay anak ni Nick. So sana hindi kayo naguluhan kasi kung naguluhan kayo ay maguguluhan na rin ako bakit kayo naguguluhan basta wag tayo maguluhan kasi magulo na nga ang mundo at makikigulo pa ba tayo char hahahahah. Basta yun na yun hahahaha. Sa mga nagtatanong naman kung mababasa ba nila ang Kwento ng mga Monte Falco ang sagot ko dyan ay oo at ito na nga ang unang parte sa series nila. Tapos abangan na na lang natin ang mga susunod na kwento tingin ko nasa part 32 at 33 ang kwento nila Tristan at Jose. So sana hindi tayo mag skip ng pagbabasa para di kayo lalong maguluhan. So ayun lang kung naguluhan pa kayo ay guluhin na lang natin lalo char hahahahaha. Magtanong na lang tayo sa mga beshies natin para malinawan tayo. SO ayun lang, malamig na hapon para lumamig ang ating mga ulo. At pahabol lang pala. Binabati ko ang aking sarili kasi ang ganda ganda ko char hahahaha , binabati ko kayong lahat kasi andito na tayo at malapit na tayong matapos sa Kristine Series nasa half na tayo. Sana tuloy-tuloy lang tayo. Thank you sa inyong lahat. Love lots. - Admin A **********************************************************************************************
2
“ANO NA naman ba itong nabalitaan ko, hija, na may boyfriend kang empleyado ng hotel?” Dumating kahapon ang ama mula sa Pilipinas para sa isang annual four-day meeting ng board ng MGN Hotel and Resort International.
“Kanino mo naman nabalitaan iyan, Daddy?” Bahagya lang niyang sinulyapan ang ama. Binigyan ng huling hagod ang sarili sa malaking salamin. Nang masiyahan ay nag-spray ng Paco Rabane’s Ultraviolet sa pulse points.
“Sa palagay mo ba’y maililihim mo iyon?”
Dinampot niya ang shoulder bag sa kama. Lumakad patungo sa pinto at nilampasan ang ama at bumaba ng hagdan. Dalawang buwan na siyang nagtatrabaho sa MGN Hotel-Houston bilang management trainee. She smiled drily. Dahil pinayagan siyang magtrabaho nito.
Sa kanilang magpipinsan bukod-tangi lamang siya ang hindi nakapag-part-time job sa panahong nag-aaral. At hindi dahil iyon ang gusto niya kundi iyon ang gusto ni Nick na hindi niya nakayang kontrahin.
At nang magtapos siya sa kolehiyo, iminungkahi niya sa ama na uuwi siya sa Sto. Cristo upang siyang mamahala sa rancho. Subalit sinisimulan pa lang niyang sabihin iyon ay tumatanggi na ito.
“Alam mo ang regulasyon sa kompanya, Drew,” mahinahong untag ni Nick sa pag-iisip niya at sumunod sa pagbaba sa hagdan. “Hindi maaari ang employer-employee relationship.”
Nasa ibaba na siya nang tingalain ang ama. “Oh, I am not Grant’s employer, Daddy,” she said, smiling sweetly. “Empleyado rin ako, ’di ba? Besides, you’re the Chairman and CEO, you can always bend the rules a little. I am your only daughter anyway.”
Tumiim ang mukha ni Nick nang lingunin niya. Nakikita niyang unti-unti nang humuhulagpos ang hinahon na sinisikap nitong pairalin. Nagbawi siya ng tingin at nagtuloy sa breakfast room kasunod pa rin ang ama.
“Wala pang sumusuway sa patakarang iyan ng kompanya, Andrea Monica. And I am not about to start now just because you—”
“I love Grant, Daddy.” Umupo siya sa puwesto niya sa mesa. Nagsalin siya ng kape sa tasa, nilagyan ng isang cube na asukal at hinalo iyon ng kutsarita.
Isang marahas na paghinga ang hinugot ni Nick Gascon-Navarro at tinitigan siya nang matiim. Nahuhulaan na niya ang iniisip nito. She was almost twenty-three. Mula sa edad na katorse, she had fallen in and out of love as fast as she had changed her designer shoes.
Subalit hindi ikinabahala ni Nick ang mga naging boyfriend niya. Dahil hindi iyon lumalampas sa dapat lampasan. Gustuhin man niya ay hindi maaari. May bodyguard siyang nakasunod parati sa paghihimagsik niya. And yet she couldn’t do anything about it.
Isa pa ay bago pa nito matutulan ang latest boyfriend niya ay may panibago na naman siyang boyfriend.
At nitong nakalipas na mga panahon at nakikita nitong nagiging seryoso na ang affairs niya ay kumikilos na ang ama sa pamamagitan ng mga abogado nito.
May salaping katapat ang bawat lalaking makakatagpo mo, Drew. That was her father’s maxim.Subalit kaiba ang kaso ni Grant. Ito ang pinakamatagal niyang naging boyfriend. At alam niyang inalok na ito ng pera ng isa sa mga abogado ng ama at tinanggihan iyon ni Grant. Na lalo lamang nagpangyari upang ipakipaglaban niya ang relasyon nila. Grant really loved her. Not just because she was a wealthy woman.
“Hindi mo nakuhang bayaran si Grant, Daddy. Isn’t that enough?” Dinala niya sa bibig ang kape at banayad na ininom.
Halatang nagpipigil ng galit si Nick nang muling magsalita. “Hindi ang lalaking iyon ang unang tumanggi ng bayad, Drew. Kilala ko ang mga ganoong uri. Naghihintay na taasan ko pa ang halagang iniaalok ko.”
“Well, I’m sorry to disappoint you, Dad. Grant loves me.”
“Huwag mong ubusin ang pasensiya ko, Andrea. Nag-usap na kami ng mama ni Leandro. Sa katapusan ng buwan ay uuwi ka sa Pilipinas para sa engagement ninyo.”
“Oh, forget it!” matigas niyang sabi. “Wala akong balak na makipag-engage sa lalaking hindi ko man lang nakita pa.”
“Makikilala mo siya sa sandaling umuwi ka sa Pilipinas. He is a busy man, hija, and—“Isang ngiti na hindi naman umabot sa mga mata ang pinakawalan niya. Deliberately, ibinagsak ang tasa sa platito nito.
“Busy saan? Sa mga negosyo ng pamilya? Saang buena-familia siya nanggaling, Daddy? Paanong hindi ko siya kilala? Wala man lang sa pinsan ko ang nakakakilala sa kanya?”
Huminga nang malalim si Nick bago sumagot. “Because you’ve asked the wrong cousins. Kilala nina James at Renz si Leandro.”
“I know all their friends, Daddy!”
“Ang sabi ko’y kilala, hindi ko sinabing kaibigan. But Leandro’s not their enemy either. Nagkataon lang na hindi ang uri ni Leandro ang nakikihalubilo sa sirkulong ginagalawan ng mga pinsan mong lalaki, hija.”
“And pray, tell me why?” sarkastikong sabi niya.
“He’s a working man, Drew.”
“A working man!” hindi makapaniwalang bulalas niya. Nanlalaki ang mga matang tinitigan ang ama. “Ano ang ibig mong sabihin?”
“Contrary to what you believe, Leandro’s family isn’t rich. Oh, may kaunting lupain sila at iyon ang pinagkukunan ng kabuhayan nilang mag-ina. When his grandfather died more than a year ago, he decided to resign from his high paying job in Texas and returned to the backwater. Her mother’s a teacher.”
A working man! At teacher ang ina. Hindi makapaniwalang napatitig siya sa ama.
“And that is the man you want me to marry? Why, you surprised me, Daddy. Surely, kung ano ang layunin ng ibang mga naging boyfriends ko’y ganoon din ang lalaking iyon.“Kumislap ang mga mata ni Nick doon. “Now, that’s where you’re wrong, hija. Kilala ko si Leandro. He is an honest man. May prinsipyo at integridad. Katunayan ay pagkakalooban ko siya ng share of stocks sa ating kompanya bilang regalo ko na rin sa nalalapit ninyong—”
“Share of stocks! Ibibigay ninyo sa Leandro na iyon?” Hindi matapos-tapos ang pagkamangha niya.
Nagkibit ng mga balikat si Nick. “Ang totoo niyan ay pinagpipilitan ni Leandro na bayaran ang share, ’yong tama lang na kaya niyang bilhin. He has his pride, I understand that. Pero hindi niya alam na ipagkakaloob ko rin iyon nang libre. Tutal ay sa iyo din naman iyon mapupunta. But I want Leandro to sit on the board.”
She couldn’t contain her amazement. “Oh, great. This is great, Daddy!”
“And one more thing, hija,” patuloy ni Nick. “Mula sa katapusan ng buwan ay si Leandro ang mamamahala sa Sto. Cristo Ranch. I gave him full power. Nakalagay iyon sa kontrata. Nagretiro na si Manong Hilarion. He is over sixty, at hindi na niya kaya ang trabaho.”
“Y-you’re joking…” She almost choked. But looking at her father’s face, natitiyak niyang totoo ang sinasabi nito. At nagsisimula nang mag-init ang sulok ng mga mata niya.
Hindi pa man siya nagtatapos sa kolehiyo ay hindi niya miminsang sinabi sa ama na gusto niyang sa rancho magtrabaho. She wanted to run the place. Iyon ang trabahong gusto niya, to raise and breed horses.
At ngayon, ang trabahong gusto niyang ipagkaloob sa kanya ng ama ay ibinigay nito sa ibang tao!
Hurt and disappointed, she felt like bursting into tears.“At ni hindi mo man lang sinabi sa akin ang pasya mong iyan.” Her voice husky from controlled emotion.
“I would have discussed this matter with you. Pero abala ka sa pakikipag-date sa Grant na iyon.”
“That’s just an excuse, Daddy. Kung gusto mong ipakipag-usap sa akin ay walang makakaawat sa iyo!”
“All right, I was wrong in that count. Still, iyon pa rin ang magiging desisyon ko kung nauna ko mang ipinaalam sa iyo.”
“And you said I am naïve, Daddy…” aniya. “When all the while, Leandro’s having you eating at his palm.” Tumayo siya. Dinampot ang bag na inilagay sa kabilang silya.
“Drew, gusto kong magkita at magkausap kayo ni Leandro—”
“Tell him to go to hell, Daddy! I am not meeting him, let alone marry that bastard! At kung magpapakasal ako’y kay Grant iyon!” Pagkasabi niyo’y nagmamadaling tinalikuran niya ang ama.
“Ipatatanggal ko sa trabaho ang Grant na iyan, Drew! Alam ng lahat ang regulasyon ng kompanya!”
Halos takbuhin niya ang palabas ng pinto, hindi niya gustong humagulhol ng iyak sa harap ng aroganteng ama.
3
Mirage Hotel, Las Vegas
“USE THE en suite first,” ani Grant nang makapasok sila sa hotel suite. “Alam kong kayong mga babae’y kumokonsumo ng maraming oras sa simpleng pag-aayos lang.”
Napangiti si Drew. “Dahil gusto naming mga babae na laging maganda sa paningin ninyong mga lalaki.”
Sinuyod siya nito ng tingin. Something sparked in his eyes. She recognized it as lust.
“You know,” wika nito. “Hindi naman talaga tayo nagkaroon ng pagkakataong magkasarilinan sa nakalipas na mga buwan maliban ngayon.” Humakbang ito palapit sa kanya.Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakahingalay sa kama. Dinampot niya ang shopping bag.
“What time is it? Kailangang naroon tayo ng alas-onse.”
Umangat ang mga kilay nito at hinawakan siya sa braso. “Umiiwas ka ba?“Kunwa’y nanlaki ang mga mata niya. “Umiiwas? Nagbibiro ka ba?” She laughed. Kaswal na pinakawalan ang sarili mula sa pagkakahawak nito. “We have plenty of time for that, lover boy.”
She fluttered her eyelashes. Pagkuwa’y nagmadaling lumakad patungo sa en suite.
Alam niyang sinusundan siya nito ng tingin. She walked casually. Maingat niyang ini-lock ang pinto upang huwag marinig iyon ni Grant. She didn’t need him to fuss. They would be married in just a couple of hours. But until then, she had no wish of starting their honeymoon.Nag-retouch siya ng makeup niya and slipped into her red Donna Karan stilletos, isa pa sa madaliang pinamili niya sa Duty Free sa airport nang lumapag ang Lear Jet kanina.Hinagod niya ng tingin ang sarili sa malaking salamin.
It was her wedding day. At bagaman gusto niyang malungkot na wala kahit sino sa mga kamag-anak niya ang nakakaalam sa gagawin niyang pagpapakasal ay hindi niya gustong sirain ang araw niya.
It wasn’t her dream wedding. Far from it. Subalit wala siyang magagawa. Itinulak siya ng ama na gawin ang bagay na iyon.
Nakilala niya si Grant tatlong buwan na ang nakalilipas nang magtrabaho siya sa hotel. Grant was a handsome twenty-eight-year-old blonde. Isa ito sa mga page boy ng hotel.
Most American employees at the hotel regarded her with polite hostility, lalo na ang kababaihan. Sa mata ng mga ito, siya ay anak ng milyonaryo at walang ginagawa kundi ang gumasta ng salapi habang ang iba’y labing-anim na oras ang ginugugol sa pagtatrabaho para mabuhay. At sa pananaw ng mga ito, nagtatrabaho lamang siya out of whims and caprices.
She thought it unfair dahil sinsero ang pagnanais niyang magtrabaho at nagtatrabaho siya nang maayos sa hotel. Bagaman makalipas lamang ang sampung linggo ay nag-resign siya dahil nakita niyang pinagbibigyan lamang siya ng ibang empleyado.
They weren’t really taking her seriously. Even the hotel manager indulged her as if she were a dumb millionaire’s daughter pretending to work.Subalit hindi katulad ng ibang empleyado ng hotel si Grant. He was friendly, nice, charming, and sympathetic. And it didn’t take long for him to tell her that he loved her and showered her with chocolates and roses. Kaya naman bago natapos ang maikling panahong pagtatrabaho niya ay mag-boyfriend na sila.
Tinitigan niya ang sarili sa salamin. She smiled. She was beautiful, felt beautiful. And she was excited. Nasa labas ng en suite na iyon ang mapapangasawa niya.
And she would be Mrs. Grant Howard in less than two hours.
“Mrs. Grant Howard.” Binigkas niya iyon nang malakas.
It had a nice ring to it, so American. Ganoon pa man Pilipino si Grant. Ipinanganak at nagkaisip sa Pilipinas. Ayon dito, ang ina nito ay dating empleyado sa isang kilalang hotel sa Maynila at doon nito nakatagpo ang Amerikanong ama.
High school pa lang ito nang pumanaw ang ama at ang ina ay nag-asawang muli subalit muli ring nabiyuda nang maaksidente sa pinagtatrabahuhang minahan ang ikalawang asawa. Kaya naman naiwan dito ang responsibilidad sa ina at sa dalawang anak nito sa ikalawang asawa.
And Drew’s heart went out to him. Hinangaan niya ang hindi nito pagpapabaya sa pamilya. Kaya naman sa kabila ng pagtutol ni Nick ay pinanindigan niya ang relasyon nila ni Grant.
Her father’s threat to sack Grant didn’t stop her from seeing him. Hindi siya naniniwalang ipatatanggal nito ang kasintahan. Her father was a fair man. At hindi ito basta magrerekomenda sa hotel management na alisin si Grant nang dahil lang sa personal na dahilan.
Kaya naman patuloy ang pagkikita nila ni Grant kahit nang mag-resign na siya. Pagdating ng off nito’y niyayaya niya itong lumabas sila. She had been with him to the theatre, mag-stroll sa parke o di kaya’y manood ng football games.
At bagaman nagpupumilit itong magbayad tuwing lumalabas sila, hindi siya pumapayag. Grant was only an employee with a family in the Philippines to support. So to save his pride, she had always agreed on a dutch treat. At para naman hindi na ito gumagasta, minsan ay hindi na sila umaalis ng kotse kapag namamasyal.
Subalit nang magtungo siya sa hotel isang hapon ay nanlilisik ang mga matang sinalubong siya ng receptionist, si Abby Roberts. Kasing-edad ito ni Grant at hindi miminsang naaabutan niyang nag-uusap ang mga ito nang sarilinan. At hindi itinatago ng babae ang animosity sa kanya tuwing dumarating siya sa hotel.
“So you’re happy now, Miss Navarro,” wika nito sa mataas na tinig. “Grant’s out of job.”
“What are you talking about?” nakakunot-noong tanong niya.
“Don’t play dumb, Miss Navarro!” Puno ng pagkamuhi ang tinig nito.
“Miss Roberts,” she said patiently. “I wouldn’t be asking you if I knew what this is all about. Where’s Grant?”
“Packing his things,” wika nito. Kung patalim ang inilalabas ng mga mata nito’y baka kanina pa siya bumulagta sa sahig. “The manager sacked him. Thanks to you.”
May sinasabi pa ang babae subalit tinalikuran na niya ito. Sa opisina ng hotel manager siya nagtuloy at niliwanag ang sinasabi ng receptionist. Ang order na tanggalin sa trabaho si Grant ay nanggaling sa itaas, ayon sa manager. And that the manager had no idea who among the bosses in particular.
Subalit hindi kailangang hulaan kung sino sa mga board of director ang may kagagawan ng pagkawala ng trabaho ni Grant. Nagpupuyos ang dibdib niya sa galit sa ama. At nang abangan niya ito sa likod ng hotel building kung saan naroon ang employees’ lockers ay nakita niya ang pagkamuhi sa mga mata nito.
“Grant… huwag kang magalit sa akin. Wala akong alam sa nangyaring ito.”
“What now, Drew? I’m out of job. Lalo na kitang hindi maililibre sa date natin ngayon,” wika nito sa tinig na puno ng kapaitan, galit, at sarkasmo.
“I don’t care!” sabi niya. Nilapitan ito at niyakap. “I have so much money and I’ll go to my grave in my old age and yet hindi ko man lang mababawasan iyon.”
“Lucky you,” matabang nitong sabi. “Subalit paano ako na ang tanging ikinabubuhay ay ang pagpapatulo ng pawis? Paano ang mga kapatid ko?”
“They won’t suffer, Grant, tinitiyak ko sa iyo. Because I’ll marry you,” she said impulsively.
“M-marry me?” hindi makapaniwalang pag-ulit nito sa sinabi niya. Inilayo siya mula sa pagkakayakap niya rito at tinitigan. “Tama ba ang narinig ko?”
“Yes, Grant. Magpapakasal tayo!” She raised a determined chin and saw his eyes sparkled. Then he bent and kissed her.
Subalit nang magkausap sila ng ama sa telepono at ipaalam niya rito ang balak na pagpapakasal kay Grant ay halos magliyab ang linya sa galit na inihahatid ng ama.
“Don’t defy me, Drew!” Nick said angrily. “Hindi ang lalaking iyan ang nararapat sa iyo. Pinaimbestigahan ko siya at nalaman kong siya at si—”
“Tulad ng laging ginagawa mo sa mga boyfriends ko!” putol niya sa sinasabi nito. Kung galit ang ama’y lalo siyang galit. “Wala naman talagang lalaking mabuti sa iyo para sa akin, ’di ba?” Gumagaralgal ang tinig niya sa pinagsama-samang galit at sama ng loob.
“Dahil wala kang lalaking ipinakilala sa aking matino! Lahat ay oportunista, iisa ang puntirya, ang mamanahin mo! Listen, Drew, this Grant is Le—”
“So what?” she cried, muling hindi pinatapos ang ama. “We have so much, Daddy. At kahit pa marahil sampung oportunista ang makatagpo ko, hindi mauubos ang kayamanan mo!”
Narinig niya ang mabigat na paghingang pinakawalan ng ama. “Maraming charity institutions ang nakikinabang sa kayamanang sinasabi mo, Andrea,” wika nito. “Not to mention thousands of employees and their families all over the world,” patuloy ni Nick. “At dapat mong maunawaan na hindi lang para sa iyo ang salaping dugo’t pawis ang pinuhunan ko.
“Kundi para din sa magiging mga anak mo at sa magiging mga anak nila. Besides, why would you want to choose a man who only loves you for your money? Don’t you have any self-respect at all?”
The words hit her and she cried murder. “I hate you, Daddy! And whether you approve it or not, I’m marrying Grant. And you can’t stop me!” Ibinagsak niya ang telepono sa nagpupuyos na damdamin.
Mula sa Pilipinas ay lilipad agad patungong Texas ang ama niya, natitiyak niya iyon. Subalit hindi papasok sa isip ni Nick Gascon-Navarro na magpapakasal siya kay Grant sa Las Vegas.
Gamit ang Lear jet, she had flown to Las Vegas with Grant this morning. Laking gulat pa ni Grant nang hindi sila sa MGN Hotel tumuloy kundi sa Mirage.
Sinabi niyang pagkakataon niya iyon upang makita at masuri ang loob ng mga kalabang hotel. Isang mababaw na dahilan subalit hindi na nag-usisa si Grant.
*************************Haysss super busy na naman at mahabang bakasyon na ata ang ginawa ko dahil holiday hahahaha tapos next week na last day ko sa work how sad no updates na sa mga susunod pa na araw. Buti sana kung may magagamit akong pang update sa bahay. Mukhang 3 weeks tayong alang update , unless maghimala si Papa GOD ay may magbigay sa akin ng ways para makapag update. Baka kasi mawili ako sa bakasyon at makalimutan ko na mag update. HAHAHAHHA iyak na lang tayo kapag nagkataon na ganun char . So by the way maraming sale na parating sana bumili kayo ng books ni Ms. MC char hahahaha at may balita akong nasagap sa mga friends ko na nagwowork sa PHR may bagong edition yatang lalabas new covers sa mga stories ni Ms. MC so abang - abang na lang mga beshie tapos bilhan n’yo na rin ako char hahahaha. - Ang lamig ngayon ang sarap matulog pero pinapainit ni Drew ang ulo ko char hahahaha. Ramdam ko siya kasi ganyan din ako eh. - Admin A ********************************************************************************************
4
MABIGAT ang buntong-hiningang pinakawalan niya. Agad niyang inalis sa isip ang ama. Hindi nito kayang sirain ang araw ng kasal niya. At kapag mag-asawa na sila ni Grant ay wala na itong magagawa.
Binigyan niya ng huling hagod ng tingin ang sarili sa salamin. She wrinkled her nose nang medyo makitang bumakat ang dibdib niya sa damit.
Wala siyang bra. She’d never thought of buying one at wala naman siyang dalang mga damit dahil kung magtatagal pa siya’y baka abutan siya ng kung sino mang uutusan ng ama na pigilan siya.
Humakbang na siya patungo sa pinto ng en suite at maingat na binuksan iyon. She wanted to surprise Grant. Hindi pa siya nito nakitang nakabestida maliban sa tailored office suit na suot niya, tuwina’y jeans and T-shirt ang suot niya sa mga date nila dahil komportable siya sa ganoong damit.
Hindi gumawa ng ingay ang paghakbang niya sa makapal na carpet at narinig niyang may kausap si Grant.
“Don’t be stupid, Abby darling. We’ll both—”
Hindi nito tinapos ang sinasabi dahil marahil naramdaman ang paglapit niya. Lumingon ito at nginitian siya, pagkatapos ay muling ibinalik ang pansin sa kausap.
“I’ll call you back.” Ibinaba nito ang telepono sa cradle at muli’y nginitian siya. “You’re fast.” Indulgently, sinuri siya nito ng tingin.
“Was that Abby Roberts on the phone?” She was mildly surprised.
“Yes, hon. Itinanong ko sa kanya kung ano ang balita mula sa manager. Kung talagang wala na akong pag-asang mabalik sa trabaho,” wika nito na may bahagyang lungkot sa tinig.
“Bakit kailangan mong mag-alala tungkol sa trabaho mo, Grant? You’ll be my husband in less than two hours from now. At dahil asawa na kita, natitiyak kong ibibigay sa iyo ni Daddy ang managerial post sa MGN Hotel sa Pilipinas.”
Sukat doon ay biglang nagbago ang anyo ni Grant. Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. “Of course, honey. Gusto kong sa Pilipinas tayo manirahan pagkatapos nating makasal.” Lumapit ito at hinawakan siya sa baywang at iniangat sa ere at inikot.
“Put me down, Grant!” Magkahalo ang tili at tawa niya. “Magugusot mo ang damit ko!“Sumunod naman ito pero hindi siya pinakawalan. Sa halip ay yumuko ito at inangkin ang mga labi niya. Her arms curled around his neck at nagpaubaya. Nang maramdaman niyang umangat ang kamay nito sa dibdib niya’y natilihan si Drew. Banayad niya itong itinulak at kumawala.
“What’s the matter with you?” wika nito, a leering smile on his lips. “You’ll be my wife anytime today but you’re acting like a virgin fiancée if I hadn’t known better.” Idinagdag nito ang huling sinabi nang may sarkasmo sa tinig.
She gazed up at him. Gusto niyang sabihin na nagkakamali ito sa kung ano man ang inaakala nito sa kanya. But she decided she’d give him the surprise of his life when she finally surrendered herself to him.
Sa halip ay isang matamis na ngiti ang ibinigay niya. “Nakaayos na ako, Grant. And I hate quickies. You wouldn’t want that, too. Magbibihis ka pa. Baka mahuli tayo sa appointment natin sa marriage celebrant.” The wedding arrangement was pre-arranged through the hotel connection.
“I guess you’re right,” pahinuhod nito. Akma nitong dadamputin ang black suit na nakalatag sa kama nang tumunog ang telepono. “I’ll get that.”
Dinampot nito ang telepono. Kinausap at pagkatapos ay ibinaba na uli iyon sa lagayan ito.
“Ang front desk. May fax message ka mula sa father mo. They’re sending it up. Is your father joining us this evening as we celebrate our marriage? Why, I’ve been dying to meet him. Isang taong mahigit na ako sa hotel pero hindi pa ako nagkaroon ng tsansang makatagpo ang Big Boss.”
“And soon, your father-in-law,” aniya. Lumapad ang ngiti ni Grant doon.
“Anyway, malalaman natin kung darating si Daddy.” Sinulyapan niya ang susuotin nitong nasa kama, iyon lamang ang dala nito mula Houston. “Hindi ka pa ba magbibihis?”
“I’ll use the John first,” wika nito at pumasok sa en suite.
Kasabay ng buntong-hininga’y umupo sa gilid ng kama si Drew habang iniisip kung ano ang laman ng mensahe ng ama. Kahit paano’y hindi niya maiwasang hindi kabahan.That’s fast, Daddy. Pero hindi ka si Superman para makarating kaagad dito at mapigil ang kasal ko.
Kaninang dumating sila sa hotel, nagpadala siya ng fax message sa ama. Her intention had been to taunt him. Because he would be powerless to stop her from marrying Grant. And she had watched the fax machine with satisfaction habang ipinapadala niyon ang mensahe niya.
Hindi alam ni Grant na mahigpit na tinututulan ni Nick ang pagpapakasal niya rito. Ang alam nitong dahilan kung bakit natanggal ito sa trabaho ay dahil sa patakaran ng kompanya na ipinagbabawal ang anumang relasyon sa pagitan ng empleyado at ng kahit na sinong kamag-anak ng mga board of director. That enough was true.
At nang tanungin siya ni Grant kung ano ang sabi ng ama niya sa gagawin nilang pagpapakasal ay sinabi niyang nasa hustong gulang na siya para gawin ang anumang naisin niya.
Cameron had been horrified nang tawagan niya ito at sabihing magpapakasal siya kay Grant. Hindi niya sinabing sa Las Vegas, or else matatawagan nito si Nick at agad na mabibigyan ng instruction ang jet pilot na huwag siyang sundin.
Pinukaw ng katok sa pinto ang pag-iisip niya. Mabilis siyang tumayo at lumabas patungo sa sitting room at binuksan ang main door. Inabot ang papel mula sa hotel boy at nagpasalamat at isinarang muli ang pinto. Binabasa niya ang fax message habang lumalakad pabalik sa main suite.
If you think I’ll tolerate this foolishness,Drew, then perhaps you don’t really know your own father.I couldn’t stop you from marrying that opportunist bastard but I can surely stop you from withdrawing money from all your bank accounts—which is exactly what I am doing right now.And I am meeting my lawyers today to change my will.Part of your inheritance will go to charities.Ang iba’y paghahatian ng mga kamag- anak natin at ng tapat at matatandang empleyado ng kompanya.And you will not receive a single centavo from me while I am alive…
“Ano ang sinasabi ng daddy mo?” tanong ni Grant mula sa likuran niya.
Bahagya pa siyang nagitla. Hindi niya namalayan ang paglapit nito. At bago pa niya maitago ang mensahe ay walang sabi-sabing nakuha na nito sa mga kamay niya ang papel at binasa.“N-no… T-this coudn’t be!”“Grant?”
Kinuyumos nito ang papel at marahas na inihagis sa sahig at nagliliyab ang poot sa mga matang hinawakan siya sa mga balikat at iniharap.
“Hindi mo sinabi sa akin ito, Drew?” sigaw nito. Namumula ang mukha nito sa matinding galit. Ang mga daliri nito sa mga balikat niya’y halos bumaon sa laman niya.
“Hindi mo sinabing aalisan ka ng mana ng ama mo sa sandaling magpakasal tayo!”
“I-it doesn’t matter, Grant,” nalilitong sabi niya. Hindi niya inaasahan ang naging reaksiyon nito.
“Pera lang iyon—”
“Pera lang iyon!” putol nito sa sinasabi niya sa nag-aapoy na mga mata. “Nice of you to say that, dahil ipinanganak kang nahihiga sa salapi! Pero hindi ako, Drew! Importante sa akin ang mamanahin mo sa mga propriedad ng ama mo at ang posisyon ko sa mga kompanya ninyo sa Pilipinas!”
“But I have my jewelry. Plenty of them. My father can’t touch that. I can turn them to cash and it’s a lot of money. Enough for both of us…”
“I don’t need your damn jewelry, Drew! Hindi mo ba ako naiinrindihan! Ang kailangan ko’y ang mamanahin mo!”
“T-there’s the Sto. Cristo Ranch. I… I own it…” she added stupidly. Hindi siya makapaniwalang pinag-uusapan nila ang ganoon.
“Are you stupid?” Halos sumisingasing ito sa galit. “Wala ka nang mamanahin!”
“Y-you said that nothing matters as long as we have each other…” Halos pumiyok siya sa sinasabi. Gusto niyang matakot sa anyo nito.
“Nothing matters?” he mimicked sarcastically. “Your inheritance matters, Drew! Iyon lang ang tanging dahilan kung bakit gusto kong magpakasal sa iyo!”
Napasinghap siya. She was shocked. Hindi niya inaasahang marinig iyon mula rito. Her dreams were shattered right in front of her face. Muli’y tama na naman ang ama niya. At gusto niyang bumunghalit ng iyak sa sandaling iyon.
“I–I thought you… you love me, Grant…” She choked on her words. Umaasang hindi totoo ang lahat, na isa lamang iyong masamang panaginip.
“Love?” he sneered. “I will never love a brat like you, Drew!” malupit nitong sabi. “Bago ka pa dumating ay magkasintahan na kami ni Abby. And she was willing to sacrifice herself for me. Para sa katuparan ng mga pangarap ko. Nawalan na ako ng trabahong pinaghirapan kong pasukan ay dinaya mo pa ako! Pinaniwala mo akong sinasang-ayunan ng ama mo ang pagpapakasal na ito! Dinaya mo ako!”
Napaatras siya at lalong sumidhi ang takot sa poot na nakikita sa mga mata nito.
“At pagbabayaran mo ang ginawa mong ito!”
Sa isang hakbang ay nasa harap na niya ito, marahas siyang hinapit at mabangis na hinagkan. Napaungol siya. Ang mga kamay nito’y marahas na dumaklot sa dibdib niya at napasigaw siya sa sakit.
Nagpumiglas siya. Inubos ang lakas at itinulak ito.
“Y-you’re hurting me!” Puno ng sindak ang tinig niya. Nalasahan niya ang dugo sa mga labi niya. Nararamdaman pa niya ang sakit sa dibdib niya sa ginawa nito.Ngumisi ito. “If I can’t get hold of your money, then at least, I’ll take what you can offer, honey. Hindi mo makakalimutan ang gagawin ko sa iyo, Andrea Monica Navarro!”
Nanginginig ang mga tuhod niya. Hindi siya makapaniwalang ito ang Grant na nakilala niya. Wala sa loob siyang humakbang paatras.
He would rape her. Iyon ang natitiyak njya.“P-pananagutan mo sa batas ang gagawin mo, Grant…” she said weakly.
“Really?” tuya nito. “Mag-asawa tayo, ’di ba? Iyan ang nakarehistro sa atin sa ibaba at iyan din ang alam ng ama mo. At kanina ko pa pinag-iisipan kung bakit sa panahong magkasintahan tayo at hanggang kanina’y napakailap mo…”
Puno ng malisya ang mga mata nito habang naglalakbay sa katawan niya. Pagkuwa’y nanlaki ang mga mata sa naisip.
“You’re still a virgin!” Mahalay na humalakhak ito sa katuwaan. “The playgirl heiress is still a virgin! Unbelievable. Well, Drew, you’ll have your initiation today! At titiyakin kong hindi mo makakalimutan ang gabing ito sa buong buhay mo!”
Mamamatay na muna siya bago nito magawa ang gusto nitong gawin sa kanya, she thought helplessly.
Sa sulok ng mga mata niya’y nakita niya ang mataas na decorative vase sa ibabaw ng bureau. At hustong nakalapit sa kanya si Grant ay nahagip ng kamay niya iyon at marahas iyong inihampas dito.
Subalit nakailag ito at sa balikat nito tumama ang vase. Ganoon ma’y napauklo ito sa sakit at iyon ang sinamantala ni Drew.
Mabilis niyang tinakbo ang pinto palabas.
Sa corridor ay umaasa siyang may makikita kahit na isang guest lamang o kahit isa sa mga page boy.
Sa pagliko niya sa pasilyo ay bumangga siya sa isang matipunong dibdib. At matutumba sana siya kung hindi siya nahawakan nito sa magkabilang balikat.
***************************Hayst ang dami talagang nabubulag ng pag-ibig at pagrerebelde sa magulang kaya ayan tuloy napapahamak ka. Better na makinig ka sa parents mo Drew. Kasi walang magulang ang gugustuhin na mapahamak ang anak nila lalo at baby girl ka pa nila asar ka tlaga buti na lang i can relate to you char hahahaha at may dumating na papable sa harapan mo. Kung hindi mapapa naku ka na lang talaga char hahahaha. I don’t say bad words kasi eh since maraming readers natin dito ang bata pa like me char hahahaha. Parang gusto ko pang mag-update kasi work time na kaya bahala na char hahahaha. Ingat mga beshie lalo na at maulan ngayon. - Admin A *************************************************
5
MARAHAS na nagpumiglas si Drew sa pagkakahawak sa kanya ng nakabunggo. “Easy, Miss,” he said softly. “You’re not looking your way.”
Huminto siya sa pagpipiglas. Nilingon ang pinanggalingan at nakita niyang kasunod niya si Grant.
“Let me go!” wika niya sa may hawak sa mga balikat niya.
“Come back here, hon,” malumanay na sabi ni Grant nang makitang may ibang tao sa pasilyo at hawak siya sa mga balikat. Humakbang ito palapit. “Let’s talk things—ikaw?”
Ang huling salita’y halos pabulong na lumabas sa bibig ni Grant kaya hindi iyon narinig ni Drew. Hindi rin niya nakita ang pagkamanghang nasa mukha ni Grant nang matuunan nito ng pansin ang lalaking nakahawak sa kanya dahil abala siya sa pagsisikap na mapakawalan ang sarili mula sa estranghero.
“Go away, Grant!” sigaw niya sa nagpa-panic na tinig at tumakbo patungo sa elevator.
She pushed the button savagely subalit nang tumingala siya ay nasa 12th floor pa iyon. Binalingan niya ang kabilang elevator, subalit tulad ng isa’y nasa itaas pa rin iyon at parehong nakatuon sa “up” ang arrow.
Wala siyang mapagpilian kundi ang hagdanan. Tinakbo niya ang dulong pasilyo patungo roon.
Si Grant ay tumakbo pahabol at nilampasan ang lalaking nakasunod ng tingin sa kanila.Suot pa rin ni Drew ang stilletos niya at dahil tumatakbo ay hindi sinasadyang nasabit iyon sa isang tila nakausling bahagi ng carpet sa gitna ng hagdan at gumulong siya dalawang baitang patungo sa landing ng susunod na palapag.
Napaungol siya sa sakit at bago niya nagawang bumangon ay naroon na si Grant. Dinaklot nito ang buhok niya at hinila siyang patayo.
Halos sumigaw siya sa matinding sakit. Pagkuwa’y mahigpit siya nitong hinawakan sa braso at kinaladkad pabalik sa itaas.
“You bitch!” wika nito. “Pinahirapan mo ako. Pagbabayaran mo ito, Drew!”
“B-bitiwan mo ako, Grant! Sisigaw ako!”
“Sumigaw ka hanggang gusto mo, tingnan lang natin kung may makikialam sa atin. Remember we’re married, my dear,” he taunted angrily. “At nagpapasalamat ako sa pagpili mo sa hotel na ito.”
Sa itaas ng landing sa pagliko sa pasilyo’y muli nilang nakasalubong ang lalaking nabangga ni Drew. Tila hindi naman yata ito umaalis mula sa kinatatayuan. Sapat iyon upang ayusin ni Grant ang pagkakahawak sa kanya.
“Is there a problem, Miss?” This time, the deep male voice was cold, harsh, and touched with the faintest of Texan drawls.
Napatingala siya rito. Higit itong mataas kaysa kay Grant. At may magandang pangangatawan. He wore a white short-sleeved polo shirt and black pants. It looked like an aviation uniform, katulad ng suot ng piloto ng Lear jet.
Ang aviation uniform na suot nito’y lalong nagbigay-pansin sa malapad na mga balikat at matipunong katawan. Kasing-itim ng uwak ang buhok and was brutally cut short. His nose was straight and set above a sensual mouth and strong, square chin.
May manipis na pilat ito sa kaliwang bahagi ng noo na gumihit pababa sa may sentido. Funny, but the faint scar added to his good looks.
He was not movie-star-handsome as Grant was. But he had a Latin look. Pagkaitim-itim na mga mata na tila ba mawawala siya sa kadiliman ng mga iyon. Na lalo pang pinaitim ng makakapal na pilikmata. She didn’t think that a man should have eyelashes as thick as that.
“Mind your own goddamn business!” singhal ni Grant, though Drew detected the slight edge in his voice. “This bitch is my wife! Now get out of our way.“Subalit tila ang nakikita ng lalaki’y si Drew lamang dahil nanatiling nakatuon sa kanya ang mga mata nito.
“Is there any problem, miss?” again he asked softly.
“There’s no problem at all!” muling sagot ni Grant. “My wife and I are having a little tiff but nothing that can’t be solved by ourselves. And for pete’s sake, stay out of the way!” Nilingon nito si Drew at nginitian. “Isn’t that right, honey?”
Hindi niya makuhang sumagot. Ang itim na mga mata ng estranghero’y nanatiling nakatitig sa kanya; that cool, glittering stare held her transfixed.
“Do you need my help, Miss?”
Bigla’y napuno ng kalituhan ang isip niya. An old fable came to mind. Kung alin sa dalawang pinto ang bubuksan niya? Ang isang pinto’y kaligtasan, habang sa likod naman ng isang pinto’y naroon at nakahimlay ang isang tigreng may mangitim-ngitim at ginintuang balahibo.
“Tell me, miss, do you want me to leave you to—” Nilingon nito si Grant sa unang pagkakataon. And she could see disgust in his face, “this man?” The man’s mouth twisted impatiently.“Leave us alone,” utos ni Grant. “I’ve told you, she’s my wife—”
“Wife?”
“Check with the front desk if you have doubts,” Grant said too abruptly. Ang kamay nito’y umangat sa balikat ni Drew at inakbayan siya.
Isang maluwag na paghinga ang pinakawalan niya. Tila malayang nakadaloy ang dugo sa mga ugat niya nang matanggal ang pagkakapigil nito sa braso niya.
Sa pagkabigla ni Grant, she wrenched free at patakbong lumapit sa lalaki.“H-he’s going to rape me!” mabilis niyang sabi. “Don’t let him come near me!”
Umangat ang mga kilay ng estranghero. Mula sa pagkakayuko sa kanya’y tumaas ang mga mata kay Grant.
“So, you heard the lady—”
“She’s no lady, damn you!” poot na wika ni Grant.
“Leave her.” Nasa tinig ng lalaki ang ultimatum. His eyes turned a shade darker as he looked at Grant na ang mga mata’y halos maglabas ng apoy sa matinding galit.
At alam ni Drew na hindi hibang si Grant upang hamunin ang lalaki na di-hamak na mas malaki at mas mataas dito. And there was something about the stranger that evoked fear on anyone who wished to defy him.
At natitiyak niyang nakikita iyon ni Grant. In fact, something flickered in his eyes… something like—recognition? And hatred.
“You’ll pay for this!” wika nito sa estranghero. Pagkuwa’y binalingan si Drew sa mga matang puno ng pagkasuklam. “You bitch!”
Napasinghap siya at wala sa loob na napaatras sa poot na nasa mga mata nito. Nakalingon ito sa kanila habang humahakbang patungo sa elevator at halos mabasag ang buton sa pagpukpok nito.
Tahimik na nakatingin sila rito habang hinihintay nito ang pagbaba ng elevator. At nang bumukas iyon ay nilingon nito si Drew at bago pumasok ay nagmura na kahit masamang babae ang tumanggap ng sinabi nito’y mapapasinghap.
And Drew was shocked. Hindi niya nakilala nang husto ang lalaking binalak niyang pakasalan. More than ever, now she was glad to have sent that taunting message for her father. At kung hindi nagalit si Nick at sumagot ay pagsisisihan niya habang-buhay kung sakaling nakasal sila ni Grant.
Ang estranghero’y dinalawang hakbang ang pagtungo sa elevator sa nagdidilim na anyo subalit bago ito umabot ay sumara na ang pinto niyon. Gayunma’y nahagip ng tingin ni Drew ang pagsenyas nito ng dirty finger sa lalaki.
At nahagip ng pandinig niya ang huling sinabi ni Grant. She heard something like “you cheated me, bastard! You took something that is mine for the second time.“Second time? Baka nagkamali siya ng dinig. Nag-rumble na sa isip niya ang mga sinasabi ni Grant. Sa palagay nito’y dinaya niya ito.
Napasandal sa dingding ng pasilyo si Drew, itiningala ang ulo at pumikit, sabay hinga nang maluwag. She was stupid to have fallen into Grant’s charm… to have bought his sad story.
“Do you feel safe now?“Again, came that masculine voice. Sandali niya itong nakalimutan. Muli siyang nagmulat. Dark eyes bored into hers.
“Y-yes. I’m safe now… I think so.”
Agad siyang nagbaba ng paningin at lihim na napangiwi sa sakit. Masakit ang ulo niya sa pagkakahatak ni Grant sa buhok niya. Gusto niyang isiping natanggal na yata mula sa anit ang lahat ng hibla ng buhok niya.
At ang braso niyang mahigpit nitong hinawakan ay alam niyang mangingitim mayamaya lang. At ang dibdib niya’y bahagya pa ring nananakit mula sa marahas nitong kamay.
Kasabay ng panlalambot ng mga tuhod ay gusto niyang bumulalas ng iyak. Mas na ang dahilan ay ang pride kaysa sa pisikal na sakit na nararamdaman.
“Hey, don’t faint on me,” wika ng estranghero.
Marahas siyang nagmulat ng mga mata nang maramdaman ang mga kamay ng lalaki sa mga balikat niya. Tila siya napaso roon at napauklo.“Relax, I am not going to hurt you,” wika nito na ipinagkamaling takot ang biglang pag-uklo niya. “Do you have a room here? Do you want me to take you there?”
“No. I’m fine!” she snapped. Tinabig ang mga kamay ng lalaki at itinuwid ang sarili.
She hated herself for the moment of weakness and for the self-pity na unti-unti sanang gustong lumukob sa kanya.
Nang titigan niya ang lalaki’y nakita niya ang pagtiim ng mga bagang nito. Pagkuwa’y walang kibong tumalikod ito at humakbang patungo sa elevator.
Nanatili siyang nakasunod dito ng tingin. Hindi malaman ang sasabihin. Bumaba ang elevator at bumukas iyon. Pasakay na roon ang lalaki nang tawagin niya.“H-hey… don’t go yet!”
Napigil ang paghakbang ng estranghero papasok sa elevator. His mouth twisted, at sa walang emosyong tinig ay, “What else do you want?”
“Y-you’ve done me a… a favor,” wika niya sa alanganing tinig. She gasped softly as he looked into her eyes deeply.My god, the man intimidated her, as no one had ever done before.
“You’ve rescued me from being raped. He’s not my husband, yes. But we’re supposed to get married today and I’m glad… I’m glad that I never had to…” Nag-uunahan sa paglabas ang mga salita sa bibig niya.
Nakita niya ang pag-arko ng mga kilay nito at ang bahagyang pagkunot ng noo.“Why are you telling me this?”
“Because I want to… to compensate you—I mean… h-how much do you want me to pay you for what you’ve—”
Hindi niya nakuhang tapusin ang sinasabi sa biglang pagdilim ng mga mata nito. At may pakiramdam siyang anumang oras ay hihigupin siya ng karimlang iyon.
“You want to pay me?” he said in a deceptively soft voice na biglang naramdaman ni Drew ang pananayo ng mumunting balahibo niya sa batok.
“I–I don’t… I don’t really mind if—” she made a helpless gesture with her hands “—what I mean is you don’t get anything in this world for free and—”
“So the bastard was right,” putol nito sa sinasabi niya. His nostrils flared and Drew could detect the anger beneath the soft voice. “You’re a bitch.”
His last words. Tinalikuran siya nito at sumakay sa elevator na noon lang niya napuna na kanina pa nito pinipigilan ang pagsasara.
Now, what have I done? nanlulumong tanong niya sa sarili at muling inihilig ang ulo sa dingding sa pasilyo at ikinulong sa mga palad ang mukha.
May ilang sandaling nanatili siya sa ganoong ayos. She was trying to come to terms with what had just happened. Subalit ayaw gumana ng isip niya.
Nang maisip na maaaring magbalik si Grant ay mabilis siyang nagbalik sa hotel suite at nag-lock ng pinto. Pumasok siya sa banyo at naligo na tila ba maaalis ng tubig ang bangungot na nangyari sa kanya nang araw na iyon.
Paglabas niya ng banyo ay ibinalik niya ang suot niyang damit nang dumating sila sa hotel.Nang makapag-ayos ay tumawag siya sa front desk sa ibaba at nag-request ng isang security guard. Maaaring nasa paligid lang si Grant at naghihintay ng pagkakataon.
Pagkatapos niyang makapag-check-out ay kasama pa rin niya ang security guard na pumasok sa boutique sa ibaba ng hotel at pinalitan ang suot ng signature jeans, blouse, at leather jacket upang matakpan ang pasa sa braso niya.
She tipped the security guard at sumakay ng taxi patungong airport.
***************Parang wala ako sa mood para magsabi kung ano ang gusto kong sabihin basta feeling ko matagal ko ng kilala ang lalaking estranghero. Pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala at nagkasama na kami sa ilang mga okasyon char hahahaha. Happy weekends sa inyong lahat. - Admin A *************************************
6
SA ISANG bahagi ng runway, a small jet waited like a sleek silver bird. Sa fuselage ay nakatatak ang “MGN” in discreet gold script.
Drew smiled fleetingly. It was a tribute to her grandmother. Monica Gascon. Kahit ang pangalan niya’y kinuha rito. Subalit idinagdag ang “Navarro” nang legal na ipabago ng lolo niya—si Franco Navarro—ang apelyido ni Nick.
But Nick hadn’t wanted to drop “Gascon.” Ayon dito’y si Jerome Gascon ang kinagisnan nitong ama. At kahit na paano, sa kabila ng lahat, ay ipinamana ni Jerome dito ang mga ari-arian nito.Bagaman naisip ni Nick na kung nalaman ni Jerome na si Franco Navarro ang ama nito bago ito bawian ng buhay ay natitiyak nitong kahit isang sentimo ay walang mauuwi rito.
Her grandmother died young. Namatay ito sa mismong bala ng baril mula sa asawang si Jerome Gascon. Iniumang ni Jerome ang baril upang patayin si Franco Navarro—who accidentally fathered Nick. Lingid sa kaalaman ng lahat ay nagdadalang-tao na si Monica nang magpakasal ito kay Jerome.
At ang balang dapat sanang pumatay kay Franco Navarro ay tinanggap ni Monica. She gave her life to the only man she had ever loved.Great love. Unrequited love.
Huminga nang malalim si Drew. Tulad din ng ama. Sa kabila ng maraming babaeng naghahangad na maging ikalawang Mrs. Nick Gascon-Navarro ay hindi kailanman ninais ni Nick na palitan ang mommy niya sa puso nito.
Nagtungo sa Europa si Alaina para sa isang photography contest. She had never reached her destination, her plane crashed in Rome. But her body was never recovered. Hindi ito kabilang sa mga natagpuang patay sa loob ng nasunog na eroplano. Not even among the charred bodies.Ganoon ma’y nasa manifest ng airline company na kasama si Alaina sa sumakay sa eroplano. Maraming suposisyon. Perhaps her body was burned beyond recognition; o di kaya’y hindi naman talaga ito nakasakay sa eroplano.
At ang posibilidad na maaaring hindi kabilang sa mga pasaherong sumakay sa eroplano si Alaina nang araw na iyon ay nagbigay ng pag-asa kay Nick.
Subalit labing-limang taon na ang lumipas mula noon. At nagawa na ng buong pamilya ang lahat ng magagawa upang matagpuan si Alaina kung sakali mang hindi ito napasama sa pagsakay sa eroplanong bumagsak. Subalit hanggang sa sandaling iyon ay walang Alaina na lumitaw.
Drew missed her mother so much. Sa napakaraming gabi’y tahimik at mag-isa niyang iniiyakan ang pagkawala nito. At kahit masakit ay tinanggap na niyang hindi na ito magbabalik pa sa buhay nilang mag-ama.
That she had really died in that plane crash. There was no other explanation. Alaina would never abandon her husband and daughter. There was no reason for her to do so. She had loved Nick to destruction.
MALAYO pa siya’y sinalubong na siya ng copilot ng Lear jet. A young man in his late twenties. Hindi kataasan at medium built with boyish look.
“Good morning, Miss Navarro.” Inabot nito ang shopping bag niya.Tinanguan niya ito. “Pakisabi mo kay Carillo na lilipad tayo pabalik ng Houston, Hopkins.“Tuloy-tuloy siya sa pagpanhik kasunod ang copilot. Pinili niya ang gitnang upuan at nahahapong umupo roon matapos ihagis sa kabilang upuan ang shoulder bag.She was about to close her eyes nang marinig na muli ang tinig ni Hopkins.
“Ma’am…“She turned impatiently. “Yes?”
“We have a substitute pilot—”
“Why?” Kumunot ang noo niya. “Where’s Carillo?”
“He developed a temperature this morning, ma’am. Nang umalis tayo ng Houston ay masama na ang katawan niya. I think he has a flu. Pero huwag kayong mag-alala, nagkataong narito sa Las Vegas ang pamangkin niya. Tinawagan niya ito para halinhan siya kung gusto na ninyong bumalik sa Houston.”
Kumunot ang noo niya sa bahagyang pag-aalala. Matagal nang piloto ng ama si Carillo at pinagkakatiwalaan niya ito. Pero hindi niya kilala ang pamangkin nito.
“Ano ang credentials ng pamangkin niya? Dapat ba akong magtiwala? Can he land us safely?”
“Yes, ma’am. I’ve met Jace two years ago when I was still on training. I was under his command at the pilot school in Texas. Isa pa’y kilala siya ni Mr. Navarro.”
“I see,” wala sa loob niyang sabi. “I’d like to talk to this pilot, Hopkins.”“Yes, ma’am.” Lumakad na ito patungo sa cockpit.
Muling inihilig ni Drew ang ulo sa headrest ng upuan at pumikit. Binalik-balikan sa isip ang pangyayari sa kanila ni Grant. Hindi niya matiyak kung magpapadala siya sa emosyon at bumulalas ng iyak. Kanina pa niya gustong gawin iyon.
Subalit lumipas na ang tatlong oras mula nang mangyari ang ginawa ni Grant sa kanya at nanatili siyang matatag. Pangangatawanan niya iyon. It was her fault anyway.
The bastard! She idiotically bought his sad story about his family; ang mga pagsisikap nitong suportahan ang ina at ang mga anak nito sa ikalawang asawa.
She even thought him to be a man with principle. Tinanggihan nito ang salaping inalok ng abogado ng ama. He played with her emotions. Mas malaki nga naman ang pakinabang nito kung natuloy ang pagpapakasal niya rito.
MULA sa cockpit ay lumabas si Jace. Subalit napahinto siya sa may entrada patungo sa loob ng passengers area nang makita kung sino ang nakaupo sa gitna at nakahilig sa upuan.He couldn’t contain his surprise. So this was Nick’s daughter.
Pinagsawa niya ang kanyang mga mata sa pagtingin sa magandang mukha nito. Ang magandang mukhang hindi niya maiwasang maglaro sa isip habang nagbibiyahe siya patungo sa airport.
Kanina sa hotel, he would have wished to linger at gustong makilala pa ang babaeng iniligtas niya mula sa mga kamay ni Grant. Subalit hindi siya pumapatol sa bayarang babae gaano man kaganda iyon.
Bayarang babae. Iyon ang iniisip niya kanina rito and felt pity and disgust because she was young, too beautiful and too classy to be a prostitute.
Inisip niyang nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nito at ng customer—ni Grant. Business suddenly turned ugly. And knowing Grant, hindi siya nagtataka.
Hindi niya gustong makialam dahil iniiwasan niya hanggang maaari ang magpang-abot sila ni Grant, pero kinasusuklaman niya ang mga lalaking nandadahas ng mga babae, ano man ang uri ng pagkababae ng mga ito. At natitiyak niya kaninang sasaktan ito ni Grant.
And what he expected from her was a simple “thank you.” Ganoon lang.
Subalit wala kahit isang ungol ng pasasalamat. Sa halip ay tinanong siya kung magkano ang gusto nitong ibayad sa kanya. Totoong namangha siya at nainsulto.Now he knew why. Hindi ito isang prostitute tulad ng una niyang inaakala.
She was Andrea Monica, Drew sa mga kaibigan at kakilala.The playgirl heiress. Ayon kay Carillo, iyon ang taguri ng press sa unica hija ng hotel magnate na si Nick Gascon-Navarro.
Bagaman naiintriga siya rito, wala siyang maaaring pagkakakilanlan dito. Ni hindi siya nagbabasa ng mga society column sa peryodiko.
Ang una at huling pagkakataong nakita niya ang mukha ni Drew ay halos isang taon na ang nakalilipas. Isang de-kolor na larawan sa isang peryodiko. That was her graduation party. Inimbitahan siya ni Nick na daluhan ang party na iyon. Subalit may hindi inaasahang pangyayari ang naging dahilan kung bakit hindi siya nakarating.
And the photo hadn’t done her justice. At hindi niya iniugnay ang larawang iyon sa magandang babaeng iniligtas niya sa hotel. Hindi niya inaasahan na ang isang tulad ni Drew ay makakatagpo niya sa ganoong sitwasyon.
Besides, he hadn’t heard from Grant for more than a year now. At hindi ang tulad nito ang maiuugnay niya kay Drew. She was way beyond Grant’s league. That was why she thought of her as a prostitute. Pero hindi niya maitatangging maraming babaeng nahuhumaling sa gandang lalaki ni Grant.
At binabayaran ni Drew Navarro ang bawat taong mag-alok ng tulong dito. Mag-alok. Yes. Because the damn proud bitch hadn’t sought his help.
He offered it to her like a valiant knight to a distress princess.Don’t let him come near me! Iyon ang sabi nito. Hindi nakikiusap sa kabila ng panganib kundi nag-uutos. Tulad ng isang prinsesa.
Yes. A princess. She wasn’t royalty by blood but she was a princess nevertheless. Kahit si Carillo ay iyon ang tawag dito.
At ni wala siyang ideya na ang babaeng ipinagtanggol niya ay ang anak ni Nick. Ayon kay Carillo, Drew was a spoiled brat. A rich man’s daughter who got whatever she wanted.And yet Carillo also said that she was nice and adorable.
Nice and adorable were for kids. This young woman was alluring that, to his surprise, he could feel a stirring in his loins just by watching her lovely albeit troubled face.
Drew had a flawless skin. Maputi na para bang kahit hawakan lang ay magbabakat na sa balat nito ang mga daliri ng hahawak. She had a shoulder-length dark-brown hair. Nakasabog sa headrest ang alon-along buhok nito, na tila ba inaanyayahan siyang ipaloob ang mga daliri doon.
Matangos ang ilong nito kaysa sa karaniwang Pilipina, the soft brown-painted lips were wide and were parted a little. And Jace cursed himself for reacting that way because he had this sudden urge to claim those sensual lips.
His eyes moved down to her swan-like neck and wondered how she would moan kung paglalandasin niya ang mga labi roon. At muli’y gusto niyang kainisan ang sarili sa pantasyang hindi naman niya dating ginagawa.
Then his eyes moved down to her breasts. Sa kabila ng makapal na leather jacket na suot nito’y nakikita niya ang pagtaas-baba ng dibdib nito. At naalala niya kung paanong bumakat ang dibdib nito sa suot na damit nang umagang iyon.
She had been wearing a pristine off-white silk dress and red stilletos and no bra. He smiled wryly. Knowing her reputation, she didn’t have the right to wear white.
Oh yes, nasabi nito sa kanya sa hotel na magpapakasal sana ito at si Grant. Iyon ang dahilan kaya ito nakaputing damit kanina.
Si Carillo ay hindi nasabi sa kanya kung bakit naroon si Drew sa Las Vegas na may kasamang lalaki. At bagaman matagal na silang magkakilala’t magkaibigan ni Carillo ay hindi nito kilala si Grant.
Ano ba talaga ang nangyari? At bakit pinayagan ni Nick na magtungo sa Las Vegas ang anak kasama ang isang tulad ni Grant? Higit sa lahat, ang magpakasal sana rito.
***********************************Naguguluhan din ako Jace kasi hindi mo na ako maalala matapos ang mga masasayang sandali natin char hahahaha. Ako ang una mong nakita at nakilala bago si Drew hahahaha pero para sa’yo parang ang lahat ay isang sandali lang at kinalimutan mo na ako agad hahahaha kakaloka ka. Mabuti na lang wala ako sa mood ngayon. Take care mga beshie. Hoping everything will be alright. - Admin A ******************************
7
“WHY WOULD you want a man who only loves you for your money, Drew? Don’t you have any self-respect and dignity at all?”
Damn your money, Daddy! Why can’t a man love me for what I am and not because I am your daughter? she thought miserably.
A bitter sob came out of her throat.
“Are you unwell, Miss Navarro?”
Marahang napasinghap si Drew. For a while, she held her breath. Kinakabahan siyang magmulat ng mga mata. Because she was certain who the voice belonged to.
“Gusto mo raw akong makausap.”
Muli’y nagulat siya. He was a Filipino. Subalit hindi nito naitago ang Texan drawl sa tinig. And she thought it sounded sexy.
She opened her eyes slowly and met those compelling jet-black eyes. Nakatayo ito sa munting pasilyo sa pagitan ng dalawang hilerang upuan ng eroplano at nakatunghay sa kanya. He was big and tall na tila ang loob ng eroplano ay biglang naging masikip.
At para sa isang malaking taong katulad nito, nakapagtatakang hindi man lang niya namalayan ang paglapit nito. She would always know kung lumalapit si Hopkins o kahit ang pilotong si Carillo.
She swallowed. “Kaninang umaga… sa hotel, alam mo ba kung sino ako?”
“No, ma’am,” sagot nito. Ang pagkakasabi ng “ma’am” ay sa paraang tila siya iniinsulto. “I had no idea.”
“Bakit ka nasa hotel kanina? Although, I’m glad you were there.”
Muli’y umangat ang kilay ng kaharap. At kung sinagot siya nito ng “wala kang pakialam doon” ay hindi, siya magtataka.
“I visited a friend.”
The even and darkly textured voice was toneless. At pinigil niya ang sariling itanong kung ang “friend” na sinasabi nito ay babae. But of course it must be a woman. At marahil ay doon ito nagpalipas ng gabi.
“Fly this jet back to—what’s your name?”
The corner of his mouth twisted upward in a mocking smile. “Jace. Jace del Mare, Miss Navarro.”“Del Mare?” pag-ulit niya kasabay ng pagkunot ng noo. The name sounded familiar. “At pamangkin ka ni Carillo?”
“Not by blood. We’ve known each other for a long period of time. Magkamag-anak na ang turingan namin sa isa’t isa.”
Tumango si Drew. Iniwas ang mga mata sa pagkakatitig nito. Itinuon iyon sa maliit na bintana ng jet. She was about to say something nang mula sa cockpit ay lumabas si Hopkins at humakbang palapit.
“Jace, telephone.” Tinapunan nito ng alanganing sulyap si Drew at halos ayaw salubungin ang tingin ng dalaga.
“Is it my father, Hopkins?”
“No, ma’am. It’s Mrs. Blanco, your father’s secretary.”
“Alam ba niyang narito ako?” Sinundan niya ng tingin si del Mare na lumakad patungo sa cockpit while silently admiring the sinewy back.
“Yes, ma’am. I volunteered the information that you’re here.”
“D-did she inquire about me… about Grant? Iyong kasama ko kaninang umaga?”“No, ma’am,” sagot nito kasabay ng pag-iling. Nang hindi siya magsalita ay bumalik ito sa cockpit.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. So her father didn’t want to have anything to do with her anymore, may kapaitang naisip niya. Inakala marahil ni Nick na kasal na sila ni Grant nang mga sandaling iyon.
Now she understood her father’s disappointment. Alam nitong tiyak ang uri ng pagkatao ni Grant dahil sa mga bayarang private investigators nito. Pero hindi niya pinakinggan ang mga sinasabi nito.
Akma siyang tatayo upang magtungo sa cockpit at kausapin na ang sekretarya ng ama nang muling lumabas si del Mare.
“N-nasa linya pa ba si Mrs. Blanco?”
“Ibinaba na niya ang telepono. She only had one message to relay. And that your father gave a strict order to fly this jet to the Philippines, now…” wika nito at halos magdikit ang mga kilay sa pagkakatitig sa kanya bago dinugtungan ang sinabi, “without… you.”
Mabilis niyang iniwas ang mukha upang hindi nito makita ang pait sa mga mata niya. Muling itinuon ang paningin sa labas ng bintana ng Lear jet. Nagsisikip ang dibdib niya sa sama ng loob. Sa natuklasan at ginawa sa kanya ni Grant ay kailangan niya ang simpatya ng ama higit kailanman.
Subalit sa nangyayari’y tila gusto siyang abandonahin nito. Kilala niya ang ama. Hindi ito nagbibiro. And she couldn’t even blame him. She had pushed him to his limit.
Mrs. Blanco was sympathetic and understanding. But she was also her father’s very loyal and efficient secretary. Kung ano ang sinabi ni Nick ay iyon lamang ang ipararating nito.More than ever, she felt so alone. Yet she couldn’t wallow on self-pity.
Tumayo siya. At hindi man lang nagtangkang pumasok sa pagitan ng hilerang upuan ang substitute pilot nang dumaan siya upang umiwas. Dahil makitid ang pasilyo sa pagitan ng magkabilang hilera ng upuan ay hindi maiwasang hindi siya masagi sa katawan nito.
Iyon at ang pagkalanghap niya sa pinong amoy ng mamahaling aftershave cologne nito’y nagdulot ng kakaiba sa damdamin niya.
She wondered why it did so? It was just a simple aftershave. At bakit kailangang makihalo sa gulo ng isip niya ang amoy nito?
Mabilis ang mga hakbang na lumakad siya patungo sa kinaroroonan ng telepono sa loob ng cockpit. Tatawagan niya ang ama. Sasabihin niya rito na hindi siya nagpakasal kay Grant. At saka na siya mag-iisip ng idadahilan, kung hindi man nito mahuhulaang tiyak ang nangyari.And then she would appear like a total idiot.
Of course, Nick would forgive her, naturally. At dahil tama na naman ang ama niya, magagawa nitong manipulahin nang husto ang buhay niya. At isa roon ay ang pakasalan ang lalaking gusto nito para sa kanya.
She stopped on her tracks.
All right, so be it. Maiiwan siya sa Las Vegas. Mula roon ay babalik siyang mag-isa sa Houston. Subalit hindi siya mapipilit ni Nick na pakitunguhan ang isang lalaking ni hindi niya gutong makasama man lang ng kahit limang minuto sa iisang silid.
She turned around only to find Jace staring at her with those dark and hypnotic eyes.Sapat iyon upang manumbalik ang lakas ng loob niya. She raised her chin indignantly.
“All right, fly this jet back to the Philippines,” wika niya. “Maiiwan ako rito.”
******************************************************************Ma-miss ko kayo mga beshie char hahahaha parang pagkamiss ko sa moments namin ni Jace. Happy weekends sa inyong lahat. Stay healthy, keep safe. God bless and Stay beautiful like me para mas marami pa tayong boylets char hahahaha. Thanks sa inyong lahat. - Admin A ***********************
8
HUMAKBANG siya pabalik sa kinauupuan at sa pagkakataong iyo’y umatras sa isang hilera ng mga upuan si Jace upang makaraan siya nang maluwag.
Kinuha niya ang shoulder bag sa upuan at humakbang patungo sa labasan ng jet nang hawakan siya nito sa braso. Napasinghap siya sa pagkakadikit ng kamay nito sa balat niya. As if a live wire touched her skin.
“What did your father mean when he said ‘without you’?“Marahas niyang binawi ang braso, mas sa pagkamangha sa biglang naramdaman kaysa sa pag-iwas. “Wala kang pakialam!”
“Tell me, Miss Navarro. And I’ll decide whether to leave you here in Las Vegas or not.”
Her eyes went wide for a fraction. Banayad ang tono nito. Kauna-unahan mula kanina sa hotel. At mas kaya niyang pakitunguhan ang pagiging pormal, walang emosyon nitong pagsasalita, at ang pahaging na panunuya nito.But not tenderness.
And lord, at gusto niyang bumulalas ng iyak anumang sandali kung hindi niya aawatin ang sarili. Hindi niya kailangan ang simpatya mula sa isang estranghero.
Not when her scalp still ached, mula sa pagkakahila ni Grant sa buhok niya; ang braso niyang mahigpit na kinuyumos nito kanina’y nananakit pa rin; higit sa lahat, ang humiliation na naramdaman niya para sa sarili sa ganoong uri ng pagtrato.Subalit hindi niya kayang isang tao na naman ang mawawalan ng trabaho dahil sa kanya.
“Y-you’re under my father’s employ, del Mare. Hindi mo siya masusuway.”
“I’ll determine that,” wika nito. Ang mga mata’y tila naglalagos sa kaibuturan ng mga buto niya sa pagkakatitig sa kanya.
Nagsisikip ang dibdib na umupo siya sa upuang malapit sa exit. Hindi niya gustong magpaliwanag dito, but she was so vulnerable at the moment, at hindi niya napigil ang sarili.
“N-nagpunta kami ni… ni Grant dito sa Las Vegas sa planong magpapakasal…” Tumingala siya rito. Kung ano man ang inaasahan niyang magiging reaksiyon nito’y hindi niya alam.But his face remained passive.
“Dad warned me about him. H-hindi ako nakinig.” Nagkibit siya ng mga balikat, then added ruefully, “So okay, nagkamali ako ng pagkakakilala kay Grant. At napatunayan na naman ng ama kong mali na naman ang desisyon ko…” Itinaas niya ang dalawang kamay, in a helpless gesture.
She sniffed. “Pero hindi tamang manipulahin niya ang buhay ko. Na para bang wala na akong ginawang tama… na para bang isa akong bata!” tuloy-tuloy ang litanya niya, sinisikap pigilin ang pag-alpas ng luha.
Nagsama-sama ang sama ng loob at galit sa tinig. Kung kay Grant, o kay Nick, o sa sarili niya’y hindi niya matiyak. Marahil ay sa lahat na.
“Perhaps you are behaving as if you were a child,” sagot ni Jace. A hint of amusement in his voice.
Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. Pero sandali lang iyon. Umiwas siya ng tingin at may ilang sandaling hindi kumibo. Sinisikap paganahin ang isip.
“I’m… almost twenty-three,” anas niya. “My father loves me, I know that for sure. Pero gusto kong makawala sa hawlang pinagkukulungan ni Daddy sa akin. Nasasakal ako sa pagiging overprotective niya. Naintindihan mo ba ako?” Hindi niya alam kung bakit sinasabi niya iyon sa isang estranghero. Perhaps she was really upset.
“Poor little rich girl.”
It was a terrible cliche, at lalo pa yatang gumasgas sa paraan ng pagkakasabi nito.
“Don’t patronize me, del Mare,” she said, gritting her teeth. Tinitigan niya ito. Ang sinag ng panghapong araw na naglagos sa maliit na bintana ng jet ay tumama sa mukha nito.
His features were ruggedly handsome. He looked tough and self-assured. Capable of dealing with anything.
“I’ll fly this jet to Houston if that is where you want to go,” wika nito.
“B-bakit mo gagawin iyon? I mean, you will risk losing your job!”
“Sa nangyari sa iyo kanina, you’re still in shock, Miss Navarro.” Sa pagkakataong iyon ay muling bumalik ang dating matalim na tono nito. Nakatiim ang mga bagang na niyuko ang braso niyang natatakpan ng mahabang manggas ng leather jacket, ang bahaging mahigpit na hinawakan ni Grant:
At bago pa siya makakilos ay hinawakan nito ang braso niya at inililis mula sa mga balikat niya ang jacket. Nahantad sa paningin nito ang nagsisimula nang mangitim na bakas ng mga daliri ni Grant.
Tahimik na nagmura si Jace. At nagtataka siya sa reaksiyon nito.
“Kung malalaman ng ama mo ang ginawa sa iyo ni Grant ay hindi siya papayag na hindi kita iuuwi. Pero natitiyak ko ring hindi mo gustong malaman niya, so I didn’t breathe a word to his secretary. And it’s my responsibility to take you back to Houston.”
“I can take care of myself!” she said defiantly. Pinakawalan ang braso at inayos na muli ang jacket.
“Kung ang nangyari sa iyo kanina ay katibayan kung paano mo kayang pangalagaan ang sarili mo’y—” Sadya nitong ibinitin ang sinabi at patuyang umiling. “Anyway, thank you for worrying about my job, Miss Navarro, but I’ll take you back to Houston.”
“Forget it, del Mare. Ayokong ilagay sa mga balikat ko ang pagkawala ng trabaho mo kung saka-sakali. Nawalan na ng trabaho si Grant dahil sa akin…” Akmang sasalungatin ni Jace ang sinasabi niya subalit mabilis niyang inunahan ito.
“In a way, kasalanan kong nawalan siya ng trabaho. Hindi ko siya dapat pinatulan lalo at alam ko ang regulasyon ng kompanya. But I was deceived.”
“I don’t believe somebody could easily deceive you, Miss Navarro,” wika nito. “You were trying to rebel against your father that is why you enjoyed going agaist his wishes to the extent of marrying a fool like Grant.”
Alam niyang iyon ang totoo pero wala siyang balak aminin iyon sa estrangherong ito.“A pilot and a psychiatrist.” sarcasm laced her voice. “Anyway, del Mare, dalhin mo ang jet na ito sa Pilipinas nang wala ako, tulad ng utos ni Daddy. My father could be formidable, if challenged. So don’t stand on his way,” wika niya at lumakad na patungo sa exit.
“At sa paanong paraan, sa palagay mo, mabubuksan mo ang pintong iyan?”
Abruptly, muli siyang humarap dito. At sa nakikita niyang determinasyon sa mukha nito’y natitiyak niyang hindi si Jace ang uri ng taong mapapasunod sa gusto niya.
Unglamorously, ibinagsak niya ang sarili sa isa sa mga upuang naroroon. My god, hindi na ba siya makakawala sa mga lalaking gustong diktahan ang buhay niya?!
Una’y ang ama niya. Then there were his cousins. She was only too glad that James had married recently and his attention was obviously occupied by his pregnant wife. Nakawala siya mula sa pagiging istrikto nito.
And Renz was too protective of her as he was of his sister Cameron and cousin Nayumi that she felt like screaming.
Tapos heto at nang araw na iyon lang sila nagkakilala ng lalaking ito pero gusto nang diktahan ang buhay niya!
“So you feel responsible for me…” anas niya na tila ba ang kinakausap ay ang sarili. Unti-unti’y may ideyang pumapasok sa isip. Sandaling nag-isip at pagkuwa’y tiningala niya ito. “All right, listen, bibigyan ko ng kasiyahan iyang pagnanais mong maging responsable sa akin. I have a proposal to offer.”
“Why is it that I don’t feel good about this?” matabang nitong sabi kasabay ng pag-iling.
******************Parang ang dami ng ganap sa story ngayon kaya lang hindi ako makapagfocus kung ano ba ang sasabihin ko basta ganito na lang luge ako kay Drew dahil mayaman siya perolamang ako sa kanya ng isang paligo pagdating sa ganda char hahahaha. Joke lang yun sympre dun lang tayo sa totoo char hahahaha. Baka maloka na kayo sa akin basta sa dami ng ganap ngayong taon lalo na ang di magagandang pangyayari ay hanapin pa rin natin ang kagandahan sa kabila ng hindi kaakit akit na pangyayari sa ating buhay gaya ng nangyari kay Drew muntikan na siyang ma rape pero good thing is ng dahil sa pangyayaring kanyang ginawa ay nakilala niya si Jace, parang ako kung hindi ako nagkasakit at hindi naging admin dito ay hindi ko kayo makilala mga beshie char hahahaha. uyyy ililibre na nila ako size 43 ako mga beshie share ko lang char hahahahaha. joke lang . Basta thankful ako at nakilala ko kayo. Hindi man tayo magkakakilala personally at dito lang tayo nakakapag usap ay masaya pa rin ako na makilala ko kayo sana in the future ay magkita tayo at makapag chikahan kasi na sa personal ay tahimik akong tao at hindi palakibo at snobber tlga hahahaha. Basta sa maraming hindi magandang nangyari ay may isang libong kagandahan naman akong nakita at isa na kayo dun char hahaahhaa. Thank you at huwag sana kayong magsawang sumuporta. Happy holidays everyone. God bless and keep safe. - Admin A *****************************************
9
MAY KUNG ilang beses siyang nagbuntong-hininga na tila ba hirap makalabas sa bibig niya ang mga salita.
“Bakit hindi mo sabihin sa ama mo ang totoong nangyari?” wika nito nang manatili siyang nag-iisip ng sasabihin.
“Hindi ko gagawin iyon! Nawalan ng trabaho si Grant at natuklasan ko kung ano ang uri ng pagkatao niya. Tama na iyon. I don’t want my father to take any unnecessary action against him. It was no big deal.”
“You call what Grant did to you as ‘no big deal’? Kung wala ako sa hotel nang sandaling iyon ay malamang na napagsamantalahan ka na niya,” he said harshly.
Again, she took a deep breath, tumingala rito at banayad na umusal. “Aside from the few bruises, no harm done. Thank you.“He whistled. “The lady thanked me at last.”
“Anyway,” patuloy niya, binale-wala ang panunudyo sa tinig nito, “dahil hindi ko gustong sabihin kay Daddy ang tungkol sa ginawa ni Grant, iisipin niyang natakot akong mawalan ng mana kaya hindi natuloy ang pagpapakasal ko.”
“At hindi ba ganoon, Miss Navarro?” nanunuyang sabi ni Jace. “Lumaki at nasanay ka sa luho. How do you think you can live without your father’s financial support?”
“Do not underestimate me, del Mare!” she said angrily. “Lalong magkakaroon ng malaking dahilan ang Daddy na igiit ang gusto niya. Sa Pilipinas ay naghihintay si Leandro…” Tumingala siya rito at idinagdag, “he’s the man he wants me to marry.”
Walang reaksiyon mula rito. His face didn’t even move a muscle.
“My god, I do not ever know who the hell he is. Kung kanino siyang anak… at kung anong uri ang pagkatao niya. For all I know, he is another fortune hunter that wormed his way into my father’s favor.”
“Bakit hindi mo itinanong sa ama mo kung anong uri ng pagkatao mayroon ang lalaking ipinagkasundo niya sa iyo? Natitiyak kong kilala niya ang… Leandro na ito.”
“Do you think I did not?” she sneered. “My father won’t listen. And imagine the man didn’t even bother to meet his supposedly intended? Not once!”
“He got so busy.“Umangat ang mga mata niya rito. “What?”
“I mean, this man, he’s probably too busy. Besides, naisip mo bang baka hindi rin naman niya gustong magpakasal sa iyo at hindi rin niya gustong manipulahin ng kanyang ina ang buhay niya?”
“How do you know it’s his mother who’s trying to marry him off to me?“Nagkibit ito ng mga balikat. “Wild guess.”
“Siguro’y tama ka,” she said thoughtfully, “lyon din ang sabi ni Cameron sa akin… oh, that’s my cousin, na baka hindi rin niya gustong magpakasal sa akin. And if that’s the case, I hope he’d be man enough and refuse his parents firmly. Though I doubt it very much.”
“Bakit mo nasabi iyan?”
“Hindi pa man kami nakakasal, may pribilehiyo na siyang tinanggap mula sa Daddy. He is now the new ranch manager. My father gave him full power with my inheritance. I’ve seen and read the contract.” Hindi niya naitago ang galit at pagdaramdam sa tinig. “Ang dating manager, si Manong Hilarion, ay sa rancho na tumanda, pero hindi nagkaroon ng ganoong lubos na kapangyarihan.” She took a deep hurting breath.
“Enough of this man,” wika nito, his dark eyes surveyed her. Natitiyak ni Drew na may galit siyang nakitang nakiraan sa mga mata nito. Subalit bigla ring naglaho iyon. Nahalinhan ng tila pagkahapo. “So, paano kita matutulungan?“May kung ilang sandali ang pinalipas ni Drew bago sumagot. Nag-aalangang tumingin siyang muli rito.
“G-gusto kong malaman ni Daddy na totoong nagpakasal ako nang sa ganoon ay hindi niya na ako mapipilit na ipagkasundo sa lalaking iyon.”
“You want me to lie to your father, is that it? And what made you think you could easily fool your own father?”
“You are right, of course. I can’t. This is where I need your help.”
“And how will I exactly do that?”
“I want you to… to marry me.” Ang huling sinabi’y napakabilis lumabas sa bibig niya. Na tila ba kapag nag-isip pa siya’y hindi makuhang lumabas ng mga salita sa bibig niya.
***************************************************Grabe ka Drew ang bilis mo hahahahaha. Sorry pala sa last AN ko ang haba pala nun di ko napansin hahahaha. - Admin A ****************************************************************************************
10
IF JACE had always been in control of his emotions, ay hindi nang mga sandaling iyon. Nakita ni Drew ang pagkabiglang nagdaan sa mga mata nito.He opened his mouth to say something, subalit inunahan niya agad ito at nagpatuloy sa sinasabi.
“Gusto kong malaman ni Daddy na ginamit ko lang si Grant upang hindi niya matukoy kung sino talaga ang lalaking pakakasalan ko. At tumutugma ang pangyayaring narito ka bilang reliever pilot. Maniniwala siya.”
Ang pagkabiglang nagdaan sa mga mata nito’y nahalinhan ng amusement. His mouth twitched.
“Kung hindi ko mismo narinig sa bibig mo’y hindi ako maniniwala! You live up to your reputation, princess.” He amazingly shook his head.
“And what do you mean by that?”
He chuckled. Kauna-unahan mula nang makita niya ito. He had perfect white teeth. Grant’s teeth were capped. And she wondered what attracted her to him.
“Huwag mo akong pagtawanan, del Mare! Hindi ako nagbibiro!”
“And you’re being ridiculous. Tinatanggihan mong magpakasal sa lalaking hindi mo pa man lang nakikilala, pero heto at inaalok mo akong magpakasal tayo gayong hindi mo naman ako kilala? Kung nakakalimutan mo’y ipaaalala ko sa iyo, princess, we’re perfectly strangers. Hindi dahil naipagtanggol kita kay Grant, you already thought I could be your hero.”
“Oh, I will never think of such thing,” she said acidly. “Ang lamang mo lang sa Leandro na iyon ay nakilala na kita.” She didn’t voice out that Leandro could be hideous or old or fat or had bad habits.
“And Hopkins vouched for you,” patuloy niya. “At itinuturing kang pamangkin ni Carillo. He’s been under my father’s employ for ten years now. And he’s trustworthy.”
“And so you assumed I am trustworthy, too. Well, you’re wrong, princess.” He grinned mockingly. “I am the devil incarnate.”
“Correct,” sang-ayon niya at ngumiti nang pagkatamis-tamis. “So you see, it’s a choice I am forced to make—a choice between the devil and the deep blue sea. Ikaw ang pipiliin ko, del Mare.”
Pumormal si Jace. “I’m sure you’re upset, matapos ang ginawa sa iyo ni Grant. Now, calm down, and tell me where to fly this jet.”
Gusto niyang tumili sa indulgement na nasa tinig nito. “Hindi ako pakakasal sa Leandro na iyon! Kahit na si Carillo ay babayaran ko para pakasalan ako at natitiyak kong hindi siya tatanggi!”
For a long moment he didn’t say a word. Tulad sa isang tahimik na panahon bago ang namumuong bagyo.
“Oh, don’t look at me like that as if I’ve grown two heads. I am offering you a job, del Mare, odd it maybe. But it is still a job.” Nangungumbinsi ang tinig niya.
“Meaning to say, babayaran mo ako para pakasalan kita?”
“Naturally,” wika niya, her chin lifted. “Now let’s discuss your compensation. Magkano ang gusto mong ibayad ko sa iyo?”
For an instant, Drew saw something deadly in Jace’s eyes. Naisip niyang bigla ang tigreng nasa likod ng pinto na inihalintulad niya rito kanina sa hotel.
A muscle in his jaw flexed. “Natitiyak mo bang…” He paused for a moment. “Ang ibig kong sabihin ay kung nasa matino kang kaisipan?”
Gusto niyang mainsulto. Walang nagsasalita nang ganoon sa kanya minsan man sa buhay niya. Subalit wala rin naman siyang inalok na lalaking pakasalan siya sa mismong araw na nakilala niya ito. So she couldn’t really be angry at him.Umiling ito habang titig na titig sa kanya. “Inaantala mo ang paglipad ng jet na ito, Miss Navarro.”
“Oh, please!” She changed tactics, she tried to sound helpless and troubled. “Be practical. As I said, it is just a job. No more no less. Then we could come back here and file for an annulment.”
“Ganoon lang ang turing mo sa pagpapakasal?” Sa kabila ng kontroladong emosyon ay hindi mapigilan ni Jace ang mamangha sa sinasabi niya.
“It’s a desperate measure,” wika niya kasabay ng pagkibit ng mga balikat. Hindi niya gustong salubungin ang mga mata nito. “Hindi ko puwedeng imungkahing magkunwari lang tayong mag-asawa. Maghahanap ng ebidensiya si Daddy na nagpakasal nga tayo.”
Nakita ni Drew ang marahang paghugot nito ng paghinga na tila nagpipigil sa kung ano mang damdaming nasa dibdib nito. Though she was sure anger was one of them. Nakita niya ang tila brilyanteng pagkislap ng maitim nitong mga mata na unti-unting sumisingkit.
“Paano mo natitiyak na gusto kong makipaghiwalay sa iyo sa sandaling makasal tayo?” Naghahamon ang tinig nito. “You’re a very rich young woman. Tulad ni Grant, maaari kong hangarin ang mamanahin mo. And I am telling you frankly, I am not a rich man.”
Isang paismid na ngiti ang pinakawalan niya. “Sa sandaling magpakasal ako sa iyo’y wala na akong mamanahin, del Mare. Titiyakin ni Daddy iyon. At maniwala ka sa akin. Kilala ko ang ama ko. At natitiyak kong kausap na niya ang mga abogado niya ngayon kaya ang sekretarya niya ang tumawag sa iyo.”
“Kung ganoon ay sa papaanong paraan mo ako babayaran?” tuya nito.
“I have my jewelry. At natitiyak kong sasang-ayon kang hindi biro ang halaga ng mga iyon kung ikukumberte ko sa cash ang ilan.” She tossed her head backward, hinawi niya ang buhok at inihantad ang suot na hikaw, and she wasn’t even aware how lovely she looked. Ni hindi niya napuna ang pagnanasang umahon sa mga mata ng kaharap habang nakatitig sa kanya.Ipinakita niya ang hikaw. A flawless one carat each stone yellow diamond set, in princess cut. At suot niya sa daliri ang katernong singsing niyon na kuminang mula sa liwanag ng ilaw sa loob ng jet.
“This simple earring set alone is worth five million pesos.”
Kung inaasahan niyang kikislap ang mga mata ni Jace sa sinabi niya’y nabigo siya. Nanatiling walang emosyon ang mukha nito.
“Grant was stupid,” she murmured disdainfully “Hindi niya ako pinatapos sabihin kung magkano ang halaga ng mga alahas ko.”
“Perhaps he wanted more.”
“Oh, there’s more.” Isang mapait na ngiti ang pinakawalan niya. “That idiot. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa lupaing minana ko sa grandmother ko—not my Lola Beatriz, but Monica Gascon. My father’s mother.
“I am talking about the Sto. Cristo Ranch. Bagaman bale-wala iyon kompara sa milyones ni Daddy ay kumikita iyon nang malaki mula pa nang araw na mamatay ang grandmother ko.”
“And you own it?”
Napatingin siya rito. Umaasa siyang mapukaw man lang niya nang kaunti ang interest nito. She had the feeling that he was asking questions just to indulge her. But then Jace could be a good actor. That or he was really unimpressed.
“Before I was born, inilagay ng grandmother ko sa testamento niya na mamanahin ng unang apo niya ang Sto. Cristo Ranch. All right, it’s an entail inheritance. Hindi maaaring ipagbili. Mamanahin ng magiging anak ko at ng magiging anak niya ang Sto. Cristo Ranch. Pero ang kinikita ng rancho ay sapat upang mabuhay nang maalwan ang kahit ilang tao. Pero hindi niya ako pinatapos magsalita.”
“You’re right, he was an idiot. Pero paano kung ang propriedad na sinasabi mo’y pag-interesan ko? Kahit ba siya entail. Sabi mo nga’y kumikita ang rancho.“Her chin lifted, at sa nakatitiyak na tono’y, “Nalimutan ko bang sabihin sa iyong pipirma ka ng prenuptial agreement?” She smiled sarcastically. “Now, name your price, del Mare.“Nakita niya ang paggalaw ng muscles sa mga bagang nito. May ilang sandaling nanatiling nakatitig sa kanya bago, “Hanggang kailan tayo mananatiling kasal?”
“Oh, don’t worry. Sa sandaling malaman ni Daddy na may asawa na ako natural na ang plano niyang ipakasal ako sa Leandro na iyon ay hindi na matutuloy. Then we could file for an annulment.”
“Paano kung hindi iyon ang plano ng ama mo at ng Leandro na ito?”
“Why are you so picky?” reklamo niya. “Believe me, kapag nalaman ni Leandro na binago ng Daddy ang testamento niya at na wala akong mamanahin ay hindi na siya magkakaintensiyong pakasal sa akin. Tulad din ng ginawa ni Grant.”
Muli, nakita niya ang pakikiraan ng galit sa mga mata nito. At muli rin ay iglap iyong naglaho.“Hindi lahat ng lalaki’y tulad ni Grant, Miss Navarro,” malamig nitong sabi. “At akala ko ba’y hindi mo pa nakikita ang Leandro na ito? Paano mong naisip na mamanahin mo rin lang ang gusto niya sa iyo?”
“He wasn’t interested in me personally, natitiyak ko iyon. My father will give this man a considerable share in the company. He said the man offered to pay for the share but I don’t believe him one iota. Paano siyang makabibili ng malaking share sa kompanya gayong isa lamang siyang working man?”
Jace shrugged his shoulders indifferently.
“Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Daddy sa kanya,” patuloy niya. “Kaya bago maging official sa susunod na board meeting ang paghirang ni Daddy sa kanya bilang isa sa board of directors, kailangang magpakasal ako sa iba. Though at least, Leandro was honest in one count.”
“So after all, may maipagkakapuri ka naman pala sa Leandro na ito. But out of curiosity, in what count was he honest?”
“He didn’t sugarcoat his attention by pretending to like and woe me.”
“So young and yet so cynical,” ani Jace. Nasa tinig ang banayad na simpatya. Then he added huskily, “And perhaps you underrated yourself, Miss Navarro. Hindi lang salapi ang maaaring hangarin sa iyo ng isang lalaki.” Lumipad ang mga mata niya rito. At kung hindi siya nagkakamali’y alam niya ang ibig sabihin nito. Lalo at hindi naman itinago ni Jace ang pagnanasang nasa mga mata nito. A little shiver ran down her spine as she gazed into the depths of his eyes.
“Of course,” paismid niyang sabi. “Pero ang salaping mamanahin ko’y malakas humatak. My face is an added bonus. Now, how much do you want?” pag-ulit niya.
Matagal siyang tinitigan nito bago sumagot, “No, Miss Navarro. I won’t marry you.” At tumalikod ito upang magtungo sa cockpit.
Ang pagkamanghang nadama niya’y sandali lang at agad na humalili ang galit. Mabilis siyang humabol at hinawakan ito sa braso.
“Ang dami mong tanong! Hinayaan mo akong magsalita nang magsalita at ipaliwanag ang mga kondisyones ko. Pagkatapos ay tatanggi ka lang pala!”
Jace sighed patiently. “Miss Navarro, ginawa ko iyon para habang lumilipas ang mga sandali ay maisip mong isang malaking kalokohan ang gusto mong mangyari. Walang matinong babae ang mag-aalok sa isang lalaki na pakasalan siya sa unang pagkakataong magtagpo sila para lang iwasang mapakasal sa isang lalaking napili ng kanyang ama.
“At sa ginagawa mo ngayon, higit marahil na makatwirang isiping mas tama ang pasya ng iyong ama. Though I can easily take advantage of your offer, I guess one of us has to be sane.“Nakatayo pa rin siya roon nang tumalikod ito at nagpatuloy sa paglakad. May pakiramdam siyang napahiya’t nainsulto siya. And she felt like screaming blue murder!Nasa bukana na ito ng cockpit nang lingunin siya. “Now, where shall I fly this jet, Your Highness?” he mocked.
“To Bermuda Triangle, damn you, and I wouldn’t even care!”
*******************Super busy na huhuhu :( kaya bihira makapag update , dami hinahabol sa works hahahaha. Sana all na lnag ako sa inyo mga beshie. Need kumayod para may pera pagdating ng pasko hahahaha. Kayo kumusta mukhang marami na kayong napamili sa mga nagdaang sale , ambunan nyo naman ako char hahahaha - Admin A ***************************************************************************************
11
“I HAVE no intention of meeting this man, Daddy!” Drew said stubbornly. Sa nakalipas na mahigit dalawang linggo mula nang dumating siya sa Pilipinas ay ngayon lang muling binanggit ng ama ang tungkol sa pagtatagpo nila ni Leandro.
Nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain si Nick, na para bang ang sinasabi ng anak ay hindi nito narinig.
“This is really ridiculous! Why would you want to marry me off to someone I do not even know?” Itinulak niya ang plato niya palayo at ibinagsak ang linen napkin sa mesa.
“Hija,” mahinahong sabi ni Nick. “Wala akong hinahangad kundi ang kapakanan mo. Kilala ko si Leandro. Isa pa’y si Leandro mismo ang nagmungkahing bigyan kayo ng pagkakataong dalawa na magkakilala nang lubusan.”
Umismid siya. “How nice of him. But no thanks, dahil wala akong intensiyong makilala nang lubusan ang lalaking iyon!”
“Tinitiyak ko sa iyo,” patuloy nito. “Leandro’s a very good-looking man, kung ang pisikal na katangian ang pinagbabasehan mo sa pagtingin sa isang tao. I’m sure you’ll be attracted to him.”
That, at least, is a relief, ang isip niya. Worse comes to worst, isa na iyong konsolasyon.Nick casually wiped his mouth with the linen napkin. Inabot ang baso ng tubig at uminom. Then he stared at his daughter with cool casualness.
“At panahon na para magkakilala kayo. Ang totoo niyan ay nasa Houston si Leandro nitong nakaraang buwan at pagkatapos ay nagtuloy ng Las Vegas…
“Nabanggit niya sa akin iyon noong nakaraang araw. Hindi niya sinabi sa akin kung sino ang sinadya niya sa Las Vegas. Pero kung alam ko lang na nasa Amerika siya nang panahong iyon ay noon ko pa kayo pinagtagpo.”
“Paano ba naging kaibigan ng pamilya ang lalaking iyon, Daddy?” puno ng iritasyong tanong niya.
“Ang lolo ni Leandro, si Gerardo, ang sana’y napipisil ng ama ng Lola Monica mo na mapangasawa niya. Pero nakamatayan ni Don Luis iyon. At ang Lola Monica mo’y nagpakasal kay Jerome. You knew the whole story. Lihim niyang iniibig si Franco na sa panahong iyon ay walang interes na pagyamanin ang Alta Tierra.
“So she thought if she’d marry Jerome she’d be closer to Franco. Or perhaps she didn’t want to deceive Gerardo. Magkaibigan silang dalawa. At ipinagdadalang-tao na niya ako.”
“Poor Jerome,” tuya niya. “So, gusto mong ipagpatuloy ko ang nauntol na mga plano ng matatandang ni hindi ko man lang nagisnan, ganoon ba, Daddy?“Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Nick. “Pinagbigyan kitang hanapin ang lalaking maiibigan mo, Drew. But look where it got you? You always fall for the wrong man. Hindi mo na ako masisisi kung ako na ang gumawa ng paraan para din sa ikabubuti mo.”
“But I am not in love with this man, Daddy!”
“Don’t give me that crap, Andrea. You were never in love with anyone,” wika ni Nick. “You even thought you loved that hotel page boy that you wanted to marry him. Pero nang malaman mong wala kang mamanahin mula sa amin ay basta mo na lang iniwan sa Las Vegas ang lalaking iyon.
“At ngayong natiyak kong hindi ka mabubuhay nang wala ang salaping napakadali mong gastahin, siguro nama’y walang dahilan upang hindi ka sumunod sa gusto kong mangyari.”
She gritted her teeth. Gusto niyang sabihin sa ama ang totoong nangyari. Na hindi siya nagpakasal kay Grant dahil hindi niya gustong mawalan ng mamanahin. Na tama na naman ito sa pagsasabing lahat ng lalaking makatagpo niya’y ang mamanahin lang niya ang pinupuntirya.
Bukod pa roon, natitiyak niyang hindi patatawarin ni Nick si Grant sa sandaling malaman nito ang ginawang pananakit at pagtatangka sa kanya. Though Grant deserved it, hindi niya gustong makulong ito.
Hindi dahil may damdamin pa siya rito kundi hindi na niya gustong pagkaabalahan pa ito. Tama nang nawalan ito ng trabaho sa hotel.Her father would feel triumphant, anuman ang sabihin niya.
“I am not seeing this man, Dad!”
“That is not for you to decide. Bukas ay uuwi tayo ng Sto. Cristo. At kung gusto mo rin lang na makilala siya nang husto ay magkakaroon ka ngayon ng pagkakataon dahil mananatili ka roon ng isang buwan kasama si Leandro.”
She groaned in frustration. Gusto niyang umuwi sa Sto. Cristo pero hindi para makasama ang Leandro na iyon. He couldn’t possibly marry her at kasabay niyon ay ang agawin sa kanya ang pinakamimithi niyang trabaho.
SA SAPPHIRE bar ng MGN Hotel International ay tahimik na umiinom sina Jace at Henry Carillo, a man in his late forties, sa isang mesa sa sulok malapit sa bar.
“Ano ang plano mo?” tanong ni Henry kay Jace. “Natagpuan mo ang kaibigang nurse ng mama mo. Pero maliban sa mga pangalan ay wala na siyang maituturo sa iyo.”
“Makapagsisimula ako roon. Pero siguro’y isasantabi ko na muna ang bagay na iyan. Pansamantala’y kailangang ayusin ko ang problemang kinakaharap ko ngayon. And I thought it would be so easy to say no. Pero hindi ko magawang tanggihan ang Mama, Henry.” Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Itinaas sa bibig ang wineglass at lumagok.
“Bakit hindi mo tinanggap ang alok sa iyo ni Drew, Jace?” He was mildly amused. “Wala sanang problema.”
Tumiim ang mukha nito. Pagkuwa’y umiling. “She was spoiled rotten by her father. Iniisip niyang kaya niyang bilhin ang lahat ng bagay.” Gumuhit sa isipan ang isang maganda at mataray na mukha. Ang magandang mukhang hindi miminsang pumapasok sa isipan niya sa loob ng nakalipas na mga araw.
“And were you not attracted to her?”
Ngumiti siya nang hindi naman umabot sa mga mata. “She is beautiful,” wika niya, and knew that it was an understatement.
“But I couldn’t believe Drew really loved Grant. Naisip kong kaya niya hinangad na makasal dito’y para magrebelde sa ama dahil sa gusto nitong ipakasal siya sa lalaking hindi niya nakikilala. And I was proved right when you told me she offered you that proposal.” Napapangiting umiling ito. “Why didn’t you tell her?”
He twitched his mouth in a wry smile. “Let her find out for herself.“Muli’y itinaas nito patungo sa bibig ang kopita. But his hand froze in mid-air. Tila biglang may sumuntok sa sikmura niya.
“Speaking of the she-devil.”
Lumingon si Henry at sinundan ang hinayon ng mga mata niya. Nagsalubong ang mga kilay nito nang matanaw si Drew. “What is she doing here? Akala ko ba’y sinabi mong aalis silang mag-ama ngayong hapon patungong Sto. Cristo?”
“Perhaps you might want to ask her. She’s heading for the bar.” Itinuloy niya ang nauntol na paglagok ng alak. But his eyes focused on her over the rim of his glass.
She was wearing a haltered rose-yellow body-hugging miniskirt. Nakataas ang buhok in a simpleand sexy French-style twist and a few hair locksfell on each side of her face. It gave her a sensualand matured look. Nang huli niya itong makita, inblue denims and leather jacket, she looked like alost teenager.
She wore no jewelry but a perfect brack south-sea pearl necklace around her neck. Not even a pearl earring set to match the necklace. She wore such simplicity with elegance and class.
And dear lord, she was gorgeous! With a body a man would kill for. Until now, he had always believed that nobody could be as sexy as Jennifer Lopez. Now, this woman proved him wrong.
At walang mga nakaupo sa mesa ang hindi sumusunod ang mga mata rito, babae man o lalaki. Ang mga waiter na kilala ito’y bumati. But she never took notice. Her lovely chin raised in a defiant tilt as she walked towards the bar counter.
Biglang nag-flash ang camera nang kuhanan ito ng litrato ng isang photographer. She glared at the man.
*************************Lagot na Drew hahahahaha magagalit na naman si Daddy mo nyan ahahahaha. - Admin A ***************************************
12
“TEQUILA, Gonzalo,” ang sabi ni Drew sa bartender.
“T-tequila ho ba, ma’am,” alanganing sagot ng bartender. “Ang… bilin po ni sir Nick ay hindi ko bibigyan ng matapang na alak ang sinuman sa inyong magpipinsang babae—”
“Shut up, Gonzalo, Unless you don’t want to keep this job any longer.”
“R-right away, ma’am.”
Drew sighed in frustration. Hindi niya gustong sa bartender ibuhos ang inis sa ama at sa Leandro na iyon. But she couldn’t help herself. Naiinis siya. At natitiyak niyang hinahanap na siya ng ama nang mga sandaling iyon.
Inabot niya mula sa bartender ang goblet. She took the shot in one swallow. At pagkatapos ay sinenyasan si Gonzalo na muling lagyan ang goblet niya. Atubili itong sumunod.
She was tapping her fingers on the countertop impatiently when one man stood up beside her, grinning foolishly. Nalalanghap niya ang amoy ng alak mula rito.
“May problema ka ba sa bartender, miss?”
Isang pagkatamis-tamis na ngiti ang ibinigay niya rito. “Nothing I can’t handle.”“I see. What’s your name, honey?”
“Please,” she said, giving the man a fixed smile. “I don’t mean to be rude, but I just want to be left alone.”
Tumawa ang lalaki, showing yellowing, large teeth. “Come on, honey, tinatanong ko lang naman ang pangalan mo, ’di ba? Hindi mo ba masasabi sa akin?”
Drew almost rolled her eyes in irritation. Hindi siya makapaniwalang may ganitong customer ang Sapphire bar. MGN Hotel was a five-star hotel frequented by decent men. On the other hand, naka-coat and tie ang lalaki at mukhang disente naman. Marahil ay naparami ng inom.
Nilingon niya ang bartender. “Ask somebody to take my drinks to the suite.” Umikot siya upang tumalikod subalit biglang dumaklot sa braso niya ang kamay ng lalaki.
Natilihan si Drew. Sandaling hindi malaman ang gagawin. Hindi siya natatakot sa lalaki. Hindi siya pababayaan ng mga tauhan ng hotel.
But she also didn’t want to create a scandal. Alam niyang nasa paligid lang ang photographer na kumuha ng larawan niya kanina. One false move at nasa society columns ng peryodiko na naman siya.
“You haven’t told me your name yet, honey,” putol ng lalaki sa paglalakbay ng isip niya, and he breathed fumes of wine into her face that she held her breath for a while.
“Listen,” marahang sabi niya. “If you will just let go of me, I’ll promise to tell you my name.”
“May problema ka na naman ba, princess?”
Kahit sa kanyang pagtulog ay makikilala niDrew ang tinig na iyon. And a thrill of anticipationran through her. She turned to see Jace’s unsmiling face.
“IN EVERY turn, trouble follows you, princess,” wika nito pero sa lalaking may hawak ng braso niya nakatuon ang mga mata. His eyes sparked dangerously, like a predatory animal to its prey.
At ikinalilito ni Drew ang mabilis na tibok ng dibdib niya pagkakita rito. At the same time, she could feel the strangest sensation that had gone through her.
He was wearing khaki pants and plaid polo shirt. Jace had the most arresting face she had ever seen. Nakakaintriga sa kanya kung ano ang naging sanhi ng manipis na pilat nito sa noo pababa na marahil ay may isang pulgadang mahigit ang haba.
His skin was the color of burnished bronze. And never had she seen eyes so impenetrably dark, so that to look into them was like losing herself.
Ang buhok nito’y humaba na nang bahagya mula nang huli silang magkita, and a hint of curl was beginning to turn up impertinently at the tips. His hair was shining with brilliant highlights under the bright lights of the bar.
“I don’t think the lady wants to give you her name,” Jace said in a soft but deadly tone. “May problema ka ba roon?”
Tumikhim ang lalaki, alanganing ngumiti at unti-unting binitiwan ang braso niya.
“Easy, pare. Walang problema.” Sinabayan nito ng kibit ng mga balikat at binigyan ng huling sulyap ng panghihinayang si Drew bago tumalikod.
“Wow! My hero strikes again,” sarkastikong sabi niya at humarap sa bar at naupo sa barstool. She reached for her tequila and sipped from the tall crystal.
Kumunot ang noo ni Jace sa ginawa niyang iyon. “Mukhang iyon ang nagiging papel ko sa tuwing nagtatagpo tayo. At ikalawa mo na iyan, princess,” pagtukoy nito sa iniinom niya.
“I could have handled that this time,” she said ungratefully. Muling itinaas sa bibig ang kristal.
Sa sulok ng mga mata’y nakita niya ang mabilis na pag-angat ng kamay ni Jace upang abutin iyon. Out of sheer stubborness, she emptied the goblet in a hurry.
“Shit!” mura nito kasabay ng pagbaling sa bartender. Subalit bago ito makapagsalita’y inunahan niya.
“Don’t blame him. Tinakot ko siya. Ano ang ginagawa mo rito?”
“Just because I am a working man you think I can’t afford this place?” He shook his head in disgust habang nakatitig sa kopita niya.
“I didn’t say that. Lagi mo na lang nilalagyan ng laman ang bawat sabihin ko.“Hindi sumagot si Jace. Sa halip ay nag-angat ito ng tingin sa ibabaw ng ulo niya. Tumango ito. Lumingon si Drew at sinundan ng tingin ang hinayon nito. Si Henry Carillo at ang asawa nito na patungo sa pinto at kumakaway sa kanila.
“Bakit sila naririto?”
“Tonight’s their wedding anniversary. We were taking a couple of drinks habang hinihintay ang pagbaba ni Irene. Ang buong gabing ito’y regalo ng daddy mo sa kanilang mag-asawa. Kasali na ang overnight stay sa isa sa mga suite ng hotel.”
“Oh.” Napilitan siyang kumaway nang ngitian siya ng mag-asawa. Tumayo siya at balak lapitan ang mga ito para batiin bago makalabas ng Sapphire Bar. Subalit bumuway siya.
Mabilis siyang inalalayan ni Jace, who uttered an unprintable oath.“I… am okay. L-let me go.” Bigla ang tensiyong naramdaman niya sa pagkakadikit ng mga balat nila.
And she felt stunned by the sudden trembling of her heart. Suddenly, unexpectedly, she was aware of herself as a woman, at kung ano ang kaibahan sa pagitan ng lalaki at babae.
Saan galing ang nararamdaman niyang iyon? Jace was just a man. But she had never felt such a compelling force before… not with Grant and certainly not with all the men she had dated before.
Hindi siya pinakawalan ni Jace. Sa halip ay humigpit lalo ang pagkakahawak nito sa baywang niya at inakay siyang palabas ng bar.
And somehow, sa tagong bahagi ng isip niya, hindi niya gustong pakawalan siya nito. Gusto niyang manatili sa init na nararamdaman mula sa mga bisig at katawan nito.
Mixed with his clean breath, nalalanghap niya ang amoy ng alak mula rito, and it was intoxicating as the man himself. At ipinagtataka niyang paanong kakaiba ang amoy ng alak mula rito kaysa sa amoy ng alak mula sa lalaki kanina.
And she found herself questioning her sanity. Bakit ang isang simpleng pagkakadikit ng mga katawan nila’y nagra-riot na ang mga pandamdam niya?
“Saan mo gustong ihatid kita?” tanong ni Jace sa seryosong tono. Unaware of the havoc he was creating on her senses. “Do you have a private suite here o iuuwi kita sa inyo?”
“I–I’ll be all right in a minute. M-maaari mo na akong bitiwan.“Sinikap niyang kumawala mula sa pagkakahawak nito. Hindi niya gusto ang banyagang damdaming nadarama. Marahil ang pisikal niyang reaksiyon dito’y sanhi ng magulong kaisipan niya nitong nagdaang mga linggo.
“Hindi biro ang matapang na alak na ininom mo, Drew. At bumubuway ka. And stop wriggling, pinagtitinginan tayo ng mga tao. Natitiyak kong kilala ka ng karamihan sa mga empleyado, huwag nang sabihing ang dalawang reporter na nasa sulok ng bar at kanina pa nangangati ang mga kamay sa camera nila!” He pulled her closer against him. “Dala mo ba ang kotse mo?”
Sa kabila ng matinding hilo ay gumana ang isip niya. She lied and shook her head. Pagkatapos ay sinundan ng, “D-do you have a car?”
“A Cherokee Jeep. Hindi bagay sa isang prinsesang tulad mo,” sarkastikong sagot nito.
“Go and drive me around, del Mare, baka mawala ang hilo ko.” Inihilig niya ang ulo sa malapad nitong dibdib at iniyakap ang braso sa katawan nito at sadyang nagpaakay.Narinig niya ang marahas nitong paghugot ng paghinga.
“Walk straight, Drew,” he commanded harshly, bahagya siyang inilayo mula rito. “Hindi mo gustong pagtinginan tayo ng mga tao, lalo na ng mga empleyado.”
Kumislap na naman ang camera sa harap nilang dalawa. Marahas na nagmura si Jace.
***********************Ginigigil mo si bibi Jace ko Drew eh char hahahaha. Ang cute pala mainis ni bibi Jace ko hahahaha. Naka holiday break na ang isip ko pero heto pa rin ako alipin ng trabaho char hahahaha. Kayo mga beshie , kumusta kayo? - Admin A **********************
13
“IKINAHIHIYA mo ba ako, Jace?” she purred.
Hindi sumagot si Jace. He hated women who purred. At kakatwang hindi iyon ang nararamdaman niya para sa dalaga. Drew probably wasn’t even aware how seductive her voice was. At iyon ang unang pagkakataong tinawag siya nito sa pangalan niya. It ran through her tongue like honey. And he could feel the stirring of his loins.
“Anak ka ng may-ari ng hotel na ito. At kumikilos ka na parang mumurahing babae. Huwag kang gagawa ng bagay na magdudulot sa iyo ng kahihiyan. And those press people are like hound dogs.”
She pouted sensually. Itinuwid ang sarili at kumawala mula rito. “Oh, dear. The man sounded like my dad.” Humakbang siya upang mauna ritong lumabas patungo sa lobby subalit hindi pa man siya nakakadalawang hakbang ay bumuway na siya.
Jace’s arm shot out and snaked around her waist, kasabay ng muling pag-flash ng camera sa kanila.
“Damn,” he hissed. Mabilis na inakay palabas ng lobby si Drew.
Sa parking lot ay ipinasok niya ang dalaga sa Cherokee Jeep. Agad humilig ang dalaga sa sandalan at pumikit.
Muli siyang nagbuga ng naiiritang paghinga at ikinabit ang seat belt dito. Acutely aware of her scent. Subtle and expensive and sexy. Sunod-sunod ang paghugot niya ng paghinga. Sinisikap kontrolin ang anumang damdaming bumabangon.
Isinara niya ang pinto sa bahagi nito at umikot sa driver’s seat. Pinaandar ang makina at inalis ang sasakyan sa lugar na iyon.
Ilang sandali pa’y nasa kahabaan na sila ng Roxas Boulevard patungo sa reclaimed area.
“NATITIYAK kong ipinahahanap na ako ng Daddy. Kanina pa kami dapat umalis patungong Sto. Cristo,” wika ni Drew makalipas ang ilang sandali.
“Kung ganoon ay ihahatid kita sa inyo.”
“Don’t you dare, del Mare!” she warned. Pagkuwa’y umiling. “I couldn’t believe my father’s marrying me off to a stranger… to another fortune hunter who happens to be a son of a family friend!” wika niya, itinaas ang mukha, welcoming the evening air. Ni hindi niya makuhang magmulat ng mga mata. Ngayon niya pinagsisihang uminom siya at magpaubaya sa estrangherong ito.
Don’t be stupid. He piloted the Lear Jet. He refused your impulsive proposal. Higit sa lahat, pinagkakatiwalaan siya ni Carillo. At ang sekretarya ng daddy mo’y hindi man lang kinuwestiyon kung bakit ito ang nasa lugar ni Carillo. Sa maikling salita, Mrs. Blanco knew this man, ang kabilang bahagi ng isip niya. At pinakalma siya ng isiping iyon.
“You haven’t met the man yet, Drew, pero hinuhusgahan mo na siya,” he said mildly. “At hindi ba’t mahusay ang ama mo sa pagkilatis sa mga manliligaw mo?”
“I really did believe so, until this man. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya at nakuha niya ang tiwala ni Daddy. Oh, I hate this opportunist!” Ang galit na nararamdaman niya’y mas nanggaling sa katotohanang ang pamamahala sa rancho ay ibinigay ng ama sa ibang tao kaysa sa kanya.
“But you will soon marry this opportunist, my dear.”
Subalit dala ng nainom ay hindi niya napansin ang talim sa tinig nito. “Over my dead body!” she said vehemently. “Take me back to the hotel, Jace. I have a suite there,” utos niya makaraan ang ilang sandali.
“Alam kong tatawag sa hotel si Daddy at kapag nalaman niyang wala ako sa kondisyong umuwi sa Sto. Cristo ay maantala ang pagkikita namin ng lalaking iyon. Oh, god, I hate to see his face and I’d die if he ever touched me!”
“Right away, ma’am,” patuyang sagot ni Jace, binilisan ang pagpapatakbo. Hindi nagtagal ay nagmaniobra ito sa isang intersection upang bumalik sa hotel nang mapunang tahimik nang nakahilig sa upuan si Drew.
Nilingon niya ito. She was sleeping like a baby. So beautiful, so young, so bored, and snobbish.He shook his head, the need to laugh was overwhelming.
************************************Kumusta ang mga beshie natin dyan chr hahahaha . Huwag kayong magpapaniwala sa akin ah sa mga sinasabi ko lalo na yung mga char hahahaha pero maniwala kayo kapag sinabi kong maganda ako char hahahaha. Ganyan na ganyan ako matulog tulad ni Drew eh, so beautiful so young char hahahaha - Admin A ******************************************************************************************
14
NAGISING si Drew sa mumunting ingay na hindi niya mawari. Inaantok pa siya at ibinaon ang mukha sa unan, but the noise was persistent. Napaungol siya at nagmulat ng mga mata.
For a while, she was disoriented. Nakabukas ang dalawang malalaking bintana at malamig na hanging pang-umaga ang pumapasok doon. Nakadama siya ng ginaw at agad na hinila ang isang malaking unan at niyakap.
From the open windows, she could see the evergreen tropical trees. She saw rays of sunshine penetrating through the leaves and branches of the trees. It was like watching a painting by the masters. Ang bintana ang pinaka-frame. Then her eyes moved to the window sill, caught a moving object.
Oh. Isang ibon ang naroroon. Another one flew from the outside and joined the first.
Iyon ang narinig at nagpagising sa kanya. Ang huni ng mga ibon sa pasamano ng bintana at sa paligid. Mula sa bintanang capiz ay lumipad ang mga ibon papasok sa silid.Ibon? Bintanang capiz?Nasa Sto. Cristo ba siya?
No, mabilis din niyang kinontra ang sarili. Ang Sto. Cristo ancestral home ay pina-renovate na. Hindi na capiz ang mga bintana roon kundi windowpanes.
Bagaman may mga puno sa paligid ng ancestral home, hindi iyon malapit sa bahay. Mas na mga puno ng niyog ang matatanaw sa paligid.
Nanatili siyang hindi kumikilos sa pagkakahiga habang umiikot ang paningin niya. Yari sa malalaking kahoy at tabla ang buong silid. Walang pintura kundi natural na flat varnish. Wala ring kisame ang silid na kinaroroonan niya. Ang malalaking kulay-itim na beams at trusses ay nagsala-salabat sa ibabaw niya, giving it an appearance of a generation house. At nagpadapo-dapo sa mga beams at trusses ang dalawang naghahabulang ibon.
Roofings were red, parang tisa.Sa kabilang bahagi ng silid ay may malaking television set, a stereo component, CDs and VCDs na nakalagay sa rack ng isang antique cabinet. May natanaw rin siyang micropone.Tinutop niya ang noo at sinikap alalahanin ang pangyayari nang nagdaang gabi. Iisang tao lang ang agad pumasok sa isip niya.Jace.
Oh.
Mabilis siyang bumangon at agad na napuna ang suot. She was wearing an oversized white shirt. Kay Jace ba ang suot niyang T-shirt? Agad ang pag-ahon ng kaba sa dibdib at pinakiramdaman at niyuko ang sarili. She still had her panties on.
And of course, she would know. Malalaman niya kung may ginawa itong masama sa kanya.
At kung nagkataon mang may ginawa itong masama sa kanya’y kasalanan din niya. Kahit pa siya nalasing ay hindi siya pababayaan ng mga empleyado. Ihahatid siya ng mga iyon sa pribadong suite nilang mag-ama sa fifteenth floor.
But she’d trusted Jace last night. Hindi niya alam kung bakit, subalit sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinagkatiwala niya ang sarili sa isang taong kung tutuusin ay estranghero sa kanya. Which was so very foolish.
At kung malalaman ito ni Cameron, she would be horrified. What more, kung malalaman ng pinsan na inalok niya si Jace na pakasalan siya sa unang araw na makilala niya ito?Muli niyang sinuri ang sarili. Ito ba ang naghubad ng damit sa kanya at binihisan siya?
Agad ang pag-iinit ng mga pisngi niya sa kaisipang iyon. Hindi siya makapaniwalang hinubaran siya nito. Na habang natutulog siya’y may mga matang naglalandas sa buong kahubdan niya. At paano kung… kung…
Hindi niya gustong isipin iyon. She was beginning to seriously doubt her sanity for trusting this stranger.
Tumayo siya at bumaba ng kama. Hindi malaman kung ano ang gagawin nang matanaw ang dalawang panel na pintong yari sa kahoy at salamin. Natatanaw niya mula sa salamin ang labas.
Lumakad siya patungo roon at binuksan ang dalawang panel ng pinto. Malamig na hangin ang sumalubong sa kanya. Agad niyang ipinagkrus ang mga braso sa katawan bilang sanggalang sa lamig.
It was an open balcony. Mahigit sa doble ang laki kaysa sa silid. Rough stone ang sahig bagaman malalaking kahoy ang poste at railings na nakapaligid. May magaspang at mahabang mesang kahoy at may mahaba ring bangko sa magkabilang bahagi.
At natambad sa paningin niya ang makakapal na punong nakapaligid sa buong bahay. The sunshine could hardly penetrate through the branches and leaves of the trees that served as a continuous canopy—a crown canopy.
She could smell rain forest and vegetations. Tumingala siya at pinuno ng sariwang hangin ang dibdib. After many years of living in the city, she missed the countryside. To be precise, she missed Sto. Cristo. Maraming taon na ang nakalipas mula nang huli siyang dumalaw roon.
Napahawak siya sa horizontal wood railings. Luma na ang malalaking kahoy at walang pintura bagaman sa anyo pa lang ng mga iyon ay alam niyang matigas at magandang uri iyon.Sa pagkakayuko niya sa ibaba’y natanto niyang nasa ikatlong palapag siya ng bahay. At natitiyak niyang balkonahe rin ang katapat sa dalawang magkasunod na palapag sa ibaba. At totoong naglalakihang matatandang puno ang nakapaligid sa buong bahay.
Hanggang saan ang kapal ng mga punong nakikita niya? The place was so quiet, maliban sa huni ng mga ibon at pagaspas ng mga dahong hinihipan ng hangin.
Napalingon siya sa loob ng silid nang maulinigan ang mahinang katok. Hinihintay niya ang paglitaw ng bulto ni Jace. Subalit isang babae ang sumilip sa kanya sa pinto ng balkonahe.“Gising ka na pala, hija?”
She was a plump woman. May kaaya-ayang mukha. Must be in her early fifties but looked strong. Nakasuot ito ng pantrabahong damit. A light blue cotton blouse and faded blue denims. Maiksi ang buhok na kakikitaan na ng maraming puti.
Humakbang siya pabalik sa loob ng silid. “Magandang umaga ho.”
“Good morning. Ako si Concordia, hija,” pagpapakilala nito, a pleased smile on her lips. “I’m Jace’s mother.”
Napatango siya. Kahit saang anggulo niya ito titigan ay wala kahit na anong pagkakahawig si Jace sa ina. “K-kayo ho ba ang nag… nagpalit ng damit ko?”
Tumango si Concordia. And relief flooded her. “Ang sabi ng anak ko’y galing kayo sa hotel ng daddy mo at naparami ang inom mo.” Bagaman banayad, her tone suggested disapproval.
Alanganing ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Sa ibang pagkakataon ay wala siyang pakialam sa iniisip ng ibang tao sa kanya. Subalit hindi nang mga sandaling iyon. She couldn’t explain why she was so embarrassed.
“Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ka niya idineretsong inihatid sa Sto. Cristo Ranch. Baka nag-aalala na si Nick.”
“Y-you know my father?“Bahagyang kumunot ang noo nito sa tanong niya. “Of course, didn’t my son tell you?”
“N-nasaan nga ho pala si… Jace?” nalilitong tanong niya.
“Nasa ibaba. Hinihintay ka niya.” Humakbang ito patungo sa pinto. “Sumunod ka, hija, pagkabihis mo.” Itinuro ng mga mata nito ang damit niyang nakatupi nang maayos sa isang armchair at ang isang pinto sa may kabilang bahagi ng silid. “May sariling banyo ang silid na ito. Gamitin mo.”
PAGLABAS niya ng silid ay katamtamang laking landing ang bumungad sa kanya pagkatapos ay hagdanan na. Ibig sabihin ay iisang silid lamang ang nasa ikatlong palapag at marahil ay siyang pinaka-recreation room ng bahay. At nagsisilbi na ring guest room.
Sa ikalawang palapag ay malaking sitting room ang naroon, may wooden handrail at nakatanaw sa living room sa ibaba. Mula sa bubong sa ikatlong palapag ay nakabitin ang isang lumang chandelier na bakal.
At base sa mga nakasarang pintong nakikita niya ay mayroon iyong tatlong silid. Isa marahil doon ay kay Jace, at sa mother nito ang isa pa.
Nagpatuloy siya sa pagbaba. Tama ang hinala niya, isa iyong lumang bahay na yari sa mahuhusay na kahoy. Ang mga kasangkapan ay luma subalit well-maintained. And she could see some pieces of antique furniture, tulad na lang ng grandfather’s clock na nasa isang sulok ng sala. At sa isang sulok ay dalawang magkatabing rocking chair na yari sa solihiya at narra.She smiled. Hindi niya maipasok sa imahinasyon na maupo sa dalawang silyang tumba-tumba ang Lolo Franco at Lola Beatriz niya.
The house was homey. At hindi maiwasang pumasok sa isip niya ang panahon ng kabataan. Bagaman nag-iisa siyang anak ay hindi siya nakaramdam ng lungkot dahil malapit silang magpipinsan sa isa’t isa. Alta Tierra had always been the place where reunions were held during summer vacations.
Subalit nang magsilaki na sila’y nagkanya-kanya na ang buhay. At sa ibang bansa na nagpipirmi ang Lolo Franco at Lola Beatriz niya dahil nagiging masasakitin na ang lolo niya.Until now, she didn’t know how she missed those days, where everything was so simple and life was less complicated.
Mula sa kinatatayuan niya’y nalalanghap niya ang aroma ng pinakuluang kape. Humakbang siya upang sundan ang amoy nang marinig niya ang tinig ni Jace.
May kausap ito. She followed the sound of his voice. It led her to the patio. Nahinto siya sa paghakbang nang makitang babae ang kausap nito. She must be in her late twenties.
“Halos dalawang buwan ka ring nawala, ah,” wika ng babae, ang lambing sa tinig nito’y ikinataas ng kilay ni Drew. “Totoo ba ang nabalitaan kong nag-resign ka na sa pagiging piloto?”
Drew saw him shrugged his shoulders. “Kailangan ako rito, Violy. Matanda na ang Mama.”“Pero hindi iyon ang dahilan kaya ka nagretiro sa pagpipiloto,” wika nito na nakalabi.
“Nakarating sa akin ang balitang sa iyo ipinamahala ang—”
“Nakikinig ka sa bali-balita, Violy. Anyway, gusto mo bang makausap ang Mama? Nasa likod-bahay siya, sa mga orchids niya. Kanina ka pa niya hinihintay.”
It was a dismissal. Hindi malaman ni Drew kung maaawa o matatawa sa anyo ng babae. She pouted seductively at tumingala kay Jace sa isang pahiwatig—flirtation as old as the first woman.
“I’ll see you later, Violy, pagkatapos ninyong mag-usap ng Mama.”
“Aasahan ko iyan, Leandro,” wika nito bago lumakad palabas ng patio upang umikot sa likod-bahay.
Leandro?
****************************Panigurado naguguluhan na ito si Drew buti na lang ako hindi naguguluhan kasi sa puso ko ay si jace lang at si leandro char hahahaha . Hayst dami ko ng iniisip hopefully may magandang balitang dumating sa atin at mukhang need ko na ba ? Magpakilala mga beshie gusto n’yo ba yun char hahaha. Di bale sa mga susunod na stories magpapakilala na ako paunti - unti , mag share na ako ng mga bagay-bagay tungkol sa akin hahahaha. - Admin A *****************************************************
15
MARAHANG napasinghap si Drew.
Leandro? Iyon ba ang narinig niyang pangalang binanggit ng babae? Sinundan niya ng tingin ang pagtungo nito sa likod-bahay hanggang sa mawala ito.
O baka naman nakaringgan lang niya iyon dahil sa nakalipas na mga araw ay parang aninong nakasunod sa kanya ang pangalang iyon.
“Don’t just stand there, princess. Remember what they say about eavesdroppers?” wika ni Jace at unti-unting humarap sa lugar na kinatatayuan niya.
Naguguluhang tinitigan niya ito. Bukod sa pangalang narinig niyang sinabi ng babae’y hindi niya inaasahang alam nitong kanina pa siya nakatayo roon.
“G-good morning,” bati niya at humakbang palabas sa patio, ang mga mata niya’y dumako sa lugar kung saan dumaan ang babae.
“Nakahanda na ang almusal ninyo, Mahal na Prinsesa,” wika nito, his eyes glinting with mocking amusement as he studied her expression. Itinuro nito ang kuwadradong mesang kahoy sa gilid ng patio na noon lang niya napansin. May pagkaing nakahain doon.
“Why do you always have to be sarcastic, Jace?” Lumakad siya patungo sa mesa, nagsalin ng juice sa baso at uminom.
“Because you’re a constant trouble, Drew. In capital T. Mula nang una tayong magtagpo. And I don’t know why I have to put up with you!”
She wondered why that hurt. Sa buong buhay niya, men pampered her. Catered to her every whims and caprices. At si Jace ang kauna-unahang lalaking sa tuwing kinakausap siya’y naroon lagi ang panunuya kung hindi man siya iniinsulto.
Gayunma’y hindi siya sumagot. Iginala ang paningin sa kapaligiran. At least, sa bahaging iyon ay natatanaw niya ang araw.
“Tinawagan ko nga pala ang daddy mo kagabing patungo tayo rito. He is coming to pick you up.”
Wala sa loob na tumango siya. “You have a beautiful home, Jace.”“Ang buong bahay na ito’y maipapasok sa mansiyon ng mga Navarro, princess.”
“It was an honest compliment. Hindi mo kailangang manuya.” Muli niyang nilinga ang paligid. “Where exactly are we?”
“Del Mare Woods.” His eyes on hers, watching her intently.She smiled fleetingly. Muling dinala sa bibig ang juice at uminom. Pagkuwa’y, “I meant to ask you why you’ve brought me here. Ang natatandaan ko’y nagpapabalik ako sa iyo sa—” She stopped in mid-sentence. Umangat kay Jace ang mga mata niya. “D-did you say del Mare Woods?”
Hindi sumagot si Jace, cocked his head in confirmation.
Wala sa loob na lumakad siya sa may gilid ng patio. Tinanaw ang buong paligid. Walang hangang kagubatan ang nakikita niya. No wonder when he first told her his name it sounded familiar.
Del Mare Woods.
She groaned silently. Nasa Sto. Cristo siya!Ang Sto. Cristo ay isang malaking isla. Dalawang oras halos sa ferry boat mula sa pier ng Infanta. Malaking bahagi ng isla ay pag-aari ng mga Navarro, ang Alta Tierra, ang pinakamataas na bahagi ng isla sa may bandang kanluran.
Ang sumunod na malaking bahagi ay pag-aari ng mga magulang ng Lola Monica niya, ang Sto. Cristo Ranch at ngayon ay nasa pangalan niya.
At sa silangang bahagi ng Santo Cristo ay ang Del Mare Woods. At sa kabila ng hangganan ng Sto. Cristo Ranch ay ang maliit na fishing village na pag-aari ng mga Del Mare. At ang kasunod ay ang kagubatan na.
Hindi iyon kalakihan. More or less ay labindalawang ektarya kasali na ang fishing village.
This was a big joke.Nilingon niya si Jace na nanatiling nakamasid sa kanya. “M-mula rito hanggang sa boundary ng… ng Sto. Cristo Ranch, gaano katagal na biyahe?”
“Kung sa dagat ka dadaan, treinta minutos ay naroon ka na. By land, it would take you longer. Two hours, more or less.”
She took a deep breath. Something nagged at her mind. Wala sa loob na dinala ng nanginginig na mga kamay sa bibig ang juice at pinangalahati iyon.
“H-how did we get here?”
The usual route. Nagmaneho ako hanggang Infanta, then I hired a barge.“Ibig sabihin ay hindi pa ito natutulog.She would have said something nang marinig ang pagparada ng sasakyan sa harapang-bahay.
“That must be your father.”
May kabang bumangon sa dibdib niya. May bagay na gustong umahon sa isip niya, though she couldn’t place it. Mula sa labas ng kabahayan ay narinig niya ang tinig ni Concordia.
“Nasa patio ang mga bata, Nick. Halika, pumasok ka.”
“Magandang umaga, Concordia. I didn’t know it would be this easy.“Lumingon si Drew at nakita ang ama na lumalakad patungo sa patio mula sa loob ng bahay. Isang ngiti ng kasiyahan ang nasa mga labi nito.
“Hija…”
“Kung iniisip mong sasama akong pauwi sa iyo sa rancho, Dad, then you’re mistaken,” wika niya.
“You can tell Leandro to go to hell!”
Narinig niya ang magkasunod na singhap ng ama at ni Concordia at ang tikhim ni Jace sa likuran niya.
“Ano ba ang sinasabi mo, Drew?” tanong ni Nick at tinapunan ng tingin si Jace. “Leandro, hijo.”
“Pagkatapos ng mga ginawa ko’y iyan pa ba ang maririnig ko sa iyo, Drew?” wika ni Jace.Marahas ang pagbaling niya rito. Her eyes encounter dark ones, regarding her with a humourless smile.
********************************Naku yare na talaga hahahahaha. Hello nga pala sa inyong lahat, ako nga pala si Admin A . Ang pinakamagandang admin sa balat ng lupa char hahahahaha. Isa akong magandang nilalang na may mabuting puso kahit puro char lang alam ko hahahahah. Huwag kayong maniniwala sa akin kasi chinachar ko lang kayo at huwag n’yo na ako i search sa FB kasi lalabas ang mga poser ko dun char hahahaha joke lng sympre. Advance happy holidays sa inyong lahat , alam ko yung iba sa inyo ay nagbabakasyon na at nagpapahinga, sana all na lng ako sa inyo kasi ako kahit gustuhin ko ay hindi pupuwede sapagkat marami akong intindihin sa buhay nakailangang asikasuhin kaya eenjoy n’yo na lang ako sa mga bakasyon n’yoo hahahahaha. Thank you mga beshie. - Admin A *******************************************************************************************
16
NANLALAKI ang mga matang pinaglipat-lipat ni Drew ang tingin sa tatlong taong nasa harap niya. Isang mahabang katahimikan ang namagitan. Nag-iinit ang mukha niya sa kahihiyan, kalituhan, at galit.
“Well, well,” wika niya makaraan, sinisikap ikalma ang sarili. Her chin tilted dangerously. “So I’ve been taken for a fool. Thank you, del Mare, for not accepting my stupid proposal or I would hate myself forever!”
She was a fool, felt like a stupid fool. But she’d die kaysa ipakita sa lalaking ito na hinahangad niya nang mga sandaling iyon na sana’y bumuka ang lupa at lamunin siya.
“Ano ba ang pinagsasabi mo, hija?” tanong ni Nick sa kanya.
Subalit sa binata nakatuon ang buong pansin ni Drew. “And yes, you can go to hell, Jace… Leandro… or whatever the devil your name is!”
“Drew!” pag-aalsa boses ni Nick kasabay ng pagsinghap ni Concordia.
“Let’s go, Daddy.” Akmang siyang tatalikod subalit nahagip ni Jace ang braso niya at muling iniharap dito.
Her hand raised and would have hit him, but she caught her father’s eyes, glaring at her. Ibinaba niya ang kamay at tumingala kay Jace at nang magsalubong ang paningin nila’y natiyak niyang kahit wala ang warning mula sa mga mata ng ama’y alam niyang hindi lalapat sa pisngi nito ang kamay niya.
“Careful, princess. Cussing doesn’t suit you,” he said in a mocking tone. “Mas bagay iyan sa tulad kong working man.”
“Wala kang pakialam kahit na ano pa ang sabihin ko! You made a fool of me! You lied to me!”
“I did not. My name’s Leandro Jace del Mare. I am Leandro to the village people and old acquaintances like your father. At hindi kita kilala malibang nasa loob ka na ng jet.”
“You intentionally misled me!”
Tumaas ang mga kilay nito. “Was it my fault if you made a fool of yourself? That you had fun derogating my person? Bakit ko ipagkakait sa iyo ang kaligayahang laitin ang pagkatao ko? You enjoyed it, didn’t you, princess?” he taunted.
“Damn you” she hissed. Napagtanto niyang hawak pa rin nito nang mahigpit ang braso niya. “And will you kindly get your hands off me?!”
Ang biglang pagbitiw nito sa kanya’y tila isang insulto. Pagkuwa’y hinarap ni Jace si Nick na nagsasalubong ang mga kilay sa nangyayari.
“I’m sorry about this, Tito Nick,” wika nito, smiling, na tila ba walang tensiyon na namagitan. “At hindi nga pala ako makapagre-report sa rancho bukas. I was occupied last night by my future wife. Give me another two days, may aasikasuhin lang akong mahalagang bagay.”
“I won’t marry you if you were the last man on earth, you swine!”
“Drew!” babala ni Nick.
Umangat ang mga kilay nito. “And did you think I want to marry someone like you? If I said yes to your father and my mother the first time they informed me about this damn arrangement, I would have been married to you a long time ago! Heaven’s sake, princess, playgirl is not my idea of a wife. Much less, I have no tolerance for spoiled brats.”
“Leandro!” Concordia was horrified.
“Hihintayin kita sa Range Rover, Drew,” wika ni Nick sa anak, pagkatapos ay mabilis na tumalikod, sa patio dumaan.
“Gusto kitang makausap, Leandro,” wika naman ni Concordia sa anak at pumasok sa loob ng kabahayan.
Drew groaned silently. She felt humiliated to her very soul and hating Jace and her father at the same time. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Humakbang siya upang sundan ang ama subalit muling nahagip ni Jace ang mga balikat niya at iniharap siya rito.
“Hindi pa ako tapos sa iyo, Drew,” wika nito, and to her horror, he pulled her against him. “It’s time someone tame you, sweetheart.”
“Bitiwan mo ako!”
“Because you’d die if I ever touched you?” he jeered. “Gusto kong mapatunayan.”
Drew made a soundless gasp when he bent his head. Gusto niyang magprotesta subalit walang lumabas na salita sa bibig niya nang yumuko ito at angkinin ang mga labi niya.
He kissed her thoroughly. Not particularly gentle. Lahat ng iringan sa pagitan nilang dalawa ay nasa halik na iyon. The kiss was charged. It was explosive. At may elemento sa halik na iyon na hindi niya kayang bigyan ng pangalan.
At kahit manlaban man siya’y alam niyang walang mangyayari. Gagawin ni Jace ang gusto nitong gawin sa kanya and she would be powerless.
She was breathless when he released her. Alam niyang walang bahagi ng mukha niya ang hindi mapula sa nangyari. Humakbang siya paatras at nagpapasalamat sa mesang nasa likod niya dahil kung hindi ay baka hindi siya nakayanan ng nanlalambot na mga tuhod.
Tumaas ang kamay ni Jace, half-cupping her breast. Dinama nito ang tapat ng puso niya. Her heart hammered violently against her ribs.
“You’re heart’s still beating, princess,” matabang nitong sabi. His mouth twisted. “You didn’t die after all.”
Ni hindi makahagilap ang isip niya ng tamang sasabihin. Tila naparalisa ang buong pag-iisip niya. Confused of her own feelings. It was just a kiss. A kiss that hadn’t been a kiss after all, kundi isang uri ng kaparusahan. And yet it was potent, higit na nakalalasing kaysa sa tequila na ininom niya nang nagdaang gabi.
Unti-unting tumaas ang mga mata niya rito. Wala na roon ang panunuya. Ang maitim na mga mata’y lalo pa yatang dumilim habang taimtim siyang tinititigan.
Her lips parted in a soundless gasp when she realized that his hand was still on her breast. It moved softly against the swell of her breast.
And to her shame, tumutugon ang katawan niya. At nakita niya ang pagtaas ng sulok ng bibig nito bilang pagngiti, ng isang insultong pagngiti. Natitiyak niyang alam nito ang reaksiyon ng kanyang sariling katawan.
Drew wanted the marbled floor to open and swallow her, but it remained solid. With a groan of total humilation, tinabig niya ang kamay ni Jace at mabilis na tumalikod palayo rito, half-running.
****************************************Ano ka ngayon Drew hahahahaa. Akala mo ahh, ganyan na ganyan ang pakiramdam ko nun nung kami pa ni Jace char hahahaha. Happy weekends mga beshie, at mga ingat kayo lalo na dun sa mga lugar na madadaanan ng bagyo. Take care mga beshie. Ako nga pala si Admin A na nag-iiwan ng mga katagang, mag - enjoy habang may panahon pa at maging masaya sa mga munting bagay , tulad ko na masaya makausap lang kayo pero char lang yun tlga hahahaha. Stay healthy and beautiful like me mga beshie. - Admin A ********************************************************************************************
17
Sierra Nevada, one month-and-a-half earlier.
HABANG marahan niyang pinatatakbo ang rented car ay hindi niya maiwasang humanga sa magandang tanawing nakikita—ang Lake Tahoe. The view was breathtaking. Ito ang pinakamalawak na Alpine lake sa buong Estados Unidos at isa sa pinakamalalim. Sa kabilang dako ng mga bundok at ng makakapal at nagtataasang pine trees ay ang icy slopes, kung saan maraming turista ang nag-i-snowboarding.
He once tried snowboarding, years ago, when he was younger. It was fun. But he had to go back to pilot school in Texas. Ipinangako niya sa tao na kumupkop sa kanya na magtatapos siya sa pag-aaral bilang piloto.
“Iyan lang ang pamana sa iyo, Leandro… Hindi ako masalapi katulad ng mga Navarro na dahil sa pag-aasawahan ng dalawang pamilya ay pag-aari na halos ang buong Sto. Cristo. Subalit kaya kitang pag-aralin sa lahat ng paaralang mapili mo sa alinmang bahagi ng mundo at kahit na anong kursong magustuhan mo…”
A sad smile touched his lips. It really broke his heart when the old man died. Totoong minahal niya ito. Kung tutuusin ay higit ang panahong iniukol nila sa isa’t isa kaysa sa ina-inahang si Concordia.
At kung pinalitan man ni Gerardo ang totoo niyang pangalan ay hindi na niya gaanong ikinasasama ng loob iyon. Minahal siya ng matanda nang higit kaysa sa tunay nitong dugo at laman. And they had so many happy years together.
Binatilyo pa lamang siya ay natutuhan na niya ang paggugubat, ang pagsasaka, ang pangingisda, at ang maging mahusay na maninisid na kasama ito. What they did together was fun, kahit na iyon pa ay seryosong pagbabanat ng buto.
“Hindi magtatagal at mapapasaiyo ang buong del Mare Woods at ang palaisdaan, apo. Mahalin mo ang kapirasong lupang itong tangi kong maipamamana sa iyo…”
He laughed. And it echoed through the forests. Pagkatapos ay tinagpas niya ng matalim na karit ang isang bagong tubong puno.
“Hah! Kapag namatay kayo’y ipapakalbo ko ang lupaing ito at gagawin kong subdivision!”
The old man laughed back. “Matanda na siguro ako, Leandro, pero sa akin ka nagbinata. Limang taon ka pa lamang nang dalhin ka sa akin ni Concordia. Alam kong hindi mo gagawin ang mga sinasabi mo. Mahal mo ang kagubatang ito… at ang dagat. Hindi ko alam kung bakit, subalit nadarama ko at nakikita ko sa iyo. Na para bang ang mga bundok at ang karagatan ay bahagi ng iyong pagkatao.”
“Puwes, nagkakamali ka, Lolo,” he taunted, hiding the fear and the insecurities of losing him. Hindi na ito malakas na katulad ng dati. He was seventy years old. At nakikita niyang madali na itong mahapo. “Sige, mamatay ka at nang makita mo kung ano ang gagawin ko sa lupaing ito.”
Muling tumawa ang matandang lalaki. But it didn’t reach his eyes. Nasa mga mata nito ang lungkot. Hinawakan at pinisil siya nito sa balikat.
“Pinunan mong lahat ang mga bagay na nawala sa akin, Leandro,” wika nito. “Kung hindi ka dumating sa buhay ko’y baka hindi rin naman ako umabot sa edad na ito… Pinawi mo ang lungkot ng pagkawala ng aking asawa at ng sana’y unang anak namin. Totoong mahal ako ni Concordia, alam ko iyan. Subalit babae siya at ikaw ay higit pa sa tunay na anak at apo. At hindi ko kayang ipaliwanag ang kaligayahang idinulot mo magmula nang dalhin ka ni Concordia rito.”
Sumimangot siya. Muling iwinasiwas ang karit sa mga matataas na damo. “Nasusuya mo ako kapag nagsasalita ka nang ganyan. Gayong pilit mo akong itinataboy sa Maynila samantalang may kolehiyo naman sa Infanta.”
Sa pagkakataong iyon ay kumislap ang mga mata ng matanda at marahang tumawa. “At kapag nakatapos ka sa taong ito’y mag-aaral ka sa ibang bansa. Ang sabi mo’y gusto mong maging piloto, ’di ba?”
Nagkibit siya. “Isa lang ang pagpipiloto sa gusto kong matapos, Lolo. Pero gusto ko rin naman ang trabaho dito. Kung ako lang ang masusunod ay—”
“Hindi ka mag-aaral sa kolehiyo at maging mangmang na tulad ko!” Tumigas ang tinig nito. “Primarya lang ang tinapos ko, Leandro. Dahil malayo ang mga paaralan at tinatawid pa ng dagat ay kinatamaran ko ang mag-aral. Dahil doon ay namatay ang aking asawa at nadamay ang bata sa sinapupunan niya. Nakita ko nang hindi madali ang kanyang pagdadalang-tao. Subalit sa kamangmangan ko’y pinaniwalaan kong kakayanin ng hilot at ng tapal-tapal ng kung ano-anong dahon ang anumang nararamdaman ng aking asawa.”
Sa kabila ng katigasan ng tinig ay nakita at nahimigan ni Leandro ang pait na nadarama nito at ang paninisi nito sa sarili.
Huminga nang malalim si Gerardo upang payapain ang damdamin.
“Piliin mo ang kahit na anong paaralang gusto mo at mangibang bansa ka, apo. Huwag kang tumulad sa aking hanggang Infanta at karatig-pook lang ang gustong puntahan… na tuwina’y naroon ang agam-agam na kapag nagtutungo sa ibang lugar ay maloloko.”
Naroon si Gerardo nang magtapos siya sa high school taglay ang pinakamataas na karangalan. Ito ang nagsabit ng medalya sa kanya sa halip na si Concordia. Kasama sa tinanggap niya sa pagtatapos ng sekondarya ay ang student exchange sa Texas. At halos ipagtabuyan siya ng matandang lalaki na umalis at samantalahin ang pagkakataon.
Isang taon na siyang nagtatrabaho sa isang airline company nang pilitin niya si Gerardo at Concordia na magbakasyon sa ibang bansa. At sa kabila ng pagsisikap ng matandang lalaki na huwag siyang pagbigyan ay nakita niya ang kasiyahan sa mukha nito nang nasa eroplano na at ang pagmamalaking siya mismo ang nagpapalipad ng eroplanong iyon.
At hindi nito maiwasang hindi sabihin iyon sa katabing pasahero na isang Pilipino na apo nito ang piloto. Taon-taon mula noon ay pinagbabakasyon niya sa Texas ang ina-inahan at si Gerardo. He had made the old man happy.
Pinuno niya ng sariwang hangin ang dibdib. Tinupad sa kanya ni Gerardo ang mga bagay na hindi nito nagawa para sa sarili. At kung ano at sino siya ngayon ay utang niya sa matandang lalaki.
He knew he was adopted. Village people talked. At bagaman may mga flashes ng kabataan ang sumasagi sa isip niya paminsan-minsan ng tatlong taong walang mukha ay hindi niya iyon gaanong binibigyang-halaga. Dahil ipinapaniwala sa kanya ni Concordia na ang mga magulang niya ay mangingisda at inampon siya ng mga del Mare nang maulila.
Subalit nang mamatay ang matandang lalaki sampung buwan na ang nakalipas ay may iniwan itong sulat sa kanya. Doon ay nakasaad ang mga pangyayari kung paano siya napunta sa mga ito. At kung mayroon mang maaari niyang pagtanungan ng katotohanan tungkol sa pagkatao niya ay walang iba kundi si Matilda Gomez na ang komunikasyon kay Concordia ay nagpapatuloy.
“I’m sorry, Leandro,” umiiyak na sabi ni Concordia nang komprontahin niya ito. “Ang Papa ang may gustong ilihim sa iyo ang lahat. Natatakot siyang hanapin mo ang tunay mong mga magulang at iwan mo siya. At ako ma’y ganoon din. M-mahal ka namin ng Papa, Leandro, alam mo iyan… At sana’y mapatawad mo kami sa paglilihim sa iyo…
“Ganoon ma’y sinikap naming kuhanin mula sa ospital ang record mo sa mismong taon na dinala ka ni Matilda sa akin. Subalit kasamang nasunog ang record section ng ospital. At karamihan sa mga nurses at doktor ay nawalan ng pansamantalang trabaho nang masunog ang ospital. At makalipas lamang ang anim na buwan mula nang ibigay ka sa akin ni Matilda ay nangibang bansa siya.”
At ngayon nga ay nagkaroon siya ng pagkakataong hanapin si Matilda Gomez. And her last address was in a little town in Sierra Nevada. Sa bahagi ng lupaing halos nasa border na ng California.
Patuloy siya sa marahang pagmamaneho, admiring the breathtaking beauty of Emerald Bay thousands of feet below. May ilang cottages na siyang nakikita. Muli niyang kinuha ang address na nasa kabilang bahagi ng upuan ng rented car, may kalakip iyong mapa. Iyon ay ipinadala ni Matilda kay Concordia nang sulatan ito ng huli.
Iniliko niya ang sasakyan sa isang makitid na daan pakanan ayon sa nakaturo sa mapa. Mga puno ng pino ang nasa magkabilang gilid ng daan. Then he saw the cottage. May picket fences na napipinturahan ng puti. Ganoon ding kulay ang pintura ng bahay.
Ipinarada niya ang sasakyan sa gilid ng daan na puno ng mga tuyong dahong nalalaglag mula sa malalaking puno. Lumabas siya ng sasakyan at sandaling tinitigan ang cottage bago humakbang patungo roon.
Ang mga halaman ay well-manicured. The flowers were in bloom. Nagtuloy-tuloy siya sa portico. Inabot niya ang knocker at marahang kinatok ang pinto. Mula sa loob ay narinig niya ang pagsigaw ng “coming” ng isang babae at ang mga yabag nito.
He held his breath for a long moment. Pagkuwan ay bumukas ang pinto at sumungaw ang isang matandang babae. Agad niyang natiyak na ito ang hinahanap niya. She was a Filipina. Hindi nagkakalayo ang edad nito sa mama niya.
“Matilda Gomez?”
Tumango ang babae, nasa mga mata ang curiosity. “Yes. Do I know you?”
“I’m Leandro Jace del Mare…”
“Oh.”
**************************ohhhh mukhang malapit na malaman ni Leandro ang mga kapatid niya ahh. Happy Monday sa inyong lahat. Sana happy ang Monday n’yo char hahahaha. Buti na lang may pasok ako kaya me nakakapag update hahahaha paano na lang kaya kung wala akong pasok eh di wala ring update hahahaha . Kumusta ang lahat? - Admin A **********************************************
18
BEINTE minutos na ang nakalipas mula nang makaalis si Jace sa bahay niya. Hindi siya makapaniwalang ang limang taon at malnourished na batang iniwan niya kay Concordia maraming taon na ang nakararaan ay lumaking ganoon kagandang lalaki.
But then as a child, the boy had been very attractive. Iyon ay sa kabila ng kapayatan nito.
Kaninang tinatanong siya ng binata ay patuloy na pinauulit-ulit sa kanya ang mga bagay na nasabi na niya na para bang sa ginagawa nito ay may maaalala pa siya. She couldn’t blame him for wanting to find out anything about his real family.
Natitiyak niyang magtatagal pa sana si Jace kung hindi lang sa tinanggap nitong tawag mula sa isang Henry Carillo. Sa tinatakbo ng pag-uusap ay tila hiniling ng tumawag na si Jace ang humalili ritong magpiloto sa isang pribadong eroplano.
Ang pag-iisip niya ay naputol sa muling pagtunog ng door chime. Nagbalik ba si Jace? May nakalimutan pa ba itong itanong sa kanya?
Binuksan ni Matilda ang pinto. “May nakalimutan ka ba, Leandro?” wika niya nang mabungaran ang nakatayong lalaki, subalit nang makita ang isang magandang babaeng nasa tabi nito ay nagsalubong ang mga kilay niya. May kabang dumamba sa dibdib. Pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang nasa labas ng pinto niya.
“Y-you’re not Leandro…”
“Nagkita na tayo, Miss Gomez… maraming taon na ang nakararaan… sa ospital,” came the baritone voice.
“Oh!” usal ni Matilda Gomez sa ikalawang pagkakataon.
*****************************OMG sino siya hahahahaha. - Admin A ***************************
19
“KAILANGAN kong bumalik ng Maynila bukas din, Drew,” ani Nick. Iyon ang ikalawang araw niya sa asyenda mula nang sunduin siya ng ama sa Villa del Mare. “Si Saling ay darating mamayang hapon mula sa Maynila.” Ang tinutukoy nito ay ang yaya niya mula nang ikasal ang ama at ina niya. “At tuwang-tuwa si Saling dahil muling makapagbabakasyon dito. Tulad mo’y taon na rin ang binilang mula nang huli siyang naririto.”
Hindi siya nagsalita. Itinuon ang mga mata sa pagkaing nasa harapan na hindi naman nagagalaw. Kung sa ibang pagkakataon iminungkahi ng ama iyon ay natitiyak niyang tatanggapin niya iyon nang buong kagalakan.
She had always loved this place. Subalit hindi siya binibigyan ng ama ng pagkakataong mapatunayan dito na kaya niyang pamahalaan ang sariling inheritance. At ngayon ay ipinagdidiinan pa nitong manatili siya sa bahay-asyenda. Iyon ay dahil ipinagkakatiwala siya nito nang lubusan sa isang lalaking kinasusuklaman niya.
Hindi niya mapapatawad si Jace sa kahihiyang dinanas niya rito sa Villa del Mare. At ang inaasahan niyang simpatya sa ama habang pauwi sila ay hindi niya narinig. Para kay Nick, Jace could never do wrong. Na ito ang kabuuan ng isang lalaking pinapangarap nito para sa kanya.
“Isa pa’y hindi ako mag-aalala sa iyo dahil nasa Alta Tierra naman naglalagi ang Tito Alvaro mo at ganoon din si James at Chantal.”
“Bakit hindi mo diretsuhing sabihin, Daddy, na kaya ka hindi nag-aalala dahil lubusan mo akong ipinagkakatiwala sa lalaking iyon?”
Nagkibit ng mga balikat si Nick. “Well, if you want to put it that way, yes. At alam mong ang dahilan kaya ka narito ay upang kilalanin n’yo nang husto ang isa’t isa bago ang nakatakdang pagpapakasal ninyo.”
Marahas niyang itinulak ang pinggan sa gitna ng mesa. “This is so archaic, Daddy! Bakit gusto ninyo akong ipakasal sa lalaking kinasusuklaman ko?”
Umarko ang mga kilay ni Nick. “Kinasusuklaman? Don’t you think that is too harsh a word, Drew? Kagabi’y lubusan mong ipinagkatiwala ang sarili mo sa kanya, hindi ba? Kung ginusto ka niyang gawan ng masama’y napakadali sa kanyang gawin iyon. You-were drunk.”
“So he told you that,” she said angrily.
“Leandro wouldn’t breath a word. Ang bartender ang nagsumbong sa akin at ang ilang empleyado. Bumibiyahe na kayo patungong Infanta nang tawagan ako ni Leandro at sabihing magkasama kayo patungong Sto. Cristo.”
Nasilip ni Drew ang kasiyahang nagdaan sa mga mata ng ama. She sneered. Trust Jace to do just the right thing to please her father. Hindi siya magtataka. A seat in the board, or perhaps her father’s next man in MGN Hotel International.
Hindi na siya nagtataka kung bakit tinanggihan nito ang alok niyang pakasalan siya kapalit ng halagang itatakda nito. Mas malaki ang pakikinabangan nito kung makakasal sila ayon sa kagustuhan at plano ng ama niya.
“Alam kong siya ang piloto ng jet nang iuwi ka niya ng Pilipinas dahil siya ang nakausap ni Mrs. Blanco. Sinabi rin niya sa aking hindi siya nagpakilala sa iyo.” Isang ngiti ang malayang sumilay sa mga labi ni Nick. “Knowing Leandro, hindi ako magtataka. And I never thought you’d meet him earlier than I expected.”
“You’re being unfair!” she wailed. “Hindi ba ninyo narinig ang sinabi niya sa akin? He insulted me, Daddy! At hantaran niyang ipinarinig sa inyong hindi rin niya ako gustong pakasalan. Bakit kailangang pilitin ninyo kami?”
“You insulted him first, anyway,” pagtatanggol ni Nick kay Jace. “And Leandro’s just the right man for you, Drew. Your match.”
“Hindi ko alam kung bakit ginagawa mo ito,” she said. “Hindi ka pinilit ni Lolo Franco na ipakasal sa babaeng hindi mo gusto!”
Nabitin sa ere ang baso ng inumin. Tinitigan ni Nick ang anak. “You don’t know what you’re talking about, Andrea Monica.”
“Alam kong binayaran ni Lolo Franco si Mommy para lumayo. But you married her in the end and—”“Tama na ang argumentong ito,” wika ni Nick sa tonong alam ni Drew na hindi na dapat pang kontrahin. It was wrong of her to mention her mother. Lalo lang na mahirap kausapin ang ama.
“Alam mong gusto ko rito sa asyenda, Daddy,” patuloy niya sa nagsisikip na lalamunan. “You don’t have to hire Jace to manage the place, you know I can do it.”
Nanlaki ang mga mata ni Nick sa sinabi niya. “This hacienda isn’t Beverly Hills’ Rodeo Drive, Andrea Monica! Neither is this Fifth Avenue. We aren’t talking designers’ shops here. Huwag mong isali ang asyenda sa mga kapritso mo.” Tinapos nito ang pagkain at tumayo na.
Hanggang sa makaalis ang ama ay nanatili siyang nakaupo roon. Nag-iinit ang sulok ng mga mata. She was terribly hurt. Ipinamukha lang ng ama sa kanya na buong buhay niya ay wala siyang kayang gawin kundi ang mag-shopping at gumasta ng salapi.
It was partly true. Pero iyon ay dahil na rin hindi siya nito binibigyan ng pagkakataong patunayang kaya niyang magtrabaho tulad ng mga pinsan niya.
******************Kumusta ang lahat char hahahaha - Admin A **********************************
20
“’MORNING, Yaya,” bungad ni Drew pagkapasok sa dining room. Hinila ang silya at naupo. “Anong breakfast?”
“Kalimutan mo na ang almusal at alas-onse y media na,” sagot ni Saling. “Ipinahahanda ko na itong mesa para sa tanghalian.” Nagbukas ito ng ref at kinuha ang pitsel ng fresh mandarin juice at sinalinan ang isang baso at inilagay sa harap niya.
Inabot niya ang baso ng juice at inaantok pang tumikim. “Umalis na ba si Daddy, Yaya?”
“Maagang nagising si Nick at binibisita ang asyenda, hija. Makapananghali na ang balik ng ama mo sa Maynila.” Nasisiyahang ngumiti ang matanda at tinitigan siya. “Ni hindi ka nagising sa ingay ng paglapag ng helicopter na susundo sa daddy mo.”
She smiled back. She felt rested. Napasarap ang tulog niya.
“Totoong tanghali ka na kung gumigising pero ang abutin ka ng alas-onse sa higaan ay hindi pa nangyayari malibang napuyat ka sa magdamagang party nang sinundang gabi. Epekto iyan ng hanging-probinsiya.”
Pinangalahati na muna niya ang juice bago nakangiting sumagot. “At isipin ninyong hindi ako nagbukas ng aircon, Yaya. Napakalamig ng hanging pumapasok sa silid ko. Oh, how I missed this place.”
Magkahalong pananabik at lungkot ang nasa tinig niya. Inikot ang paningin sa maluwang na kusina. It was just as she remembered. Bagaman renovated na ang buong villa ay naroroon pa rin ang antigong mga gamit.
Sa dirty kitchen, sa labas ay naroon pa rin ang old-fashioned oven. Kung tawagin ay ang pugon na ginagamitan ng kusot. Isang alaala ang gumuhit sa isip niya. She was six years old, naakit siyang paglaruan ang nag-aapoy na kusot. Para iyong lusis tuwing pasko.
Sa paghukay niya sa nag-aapoy na kusot ay tumilamsik sa kamay niya ang baga niyon at napaso siya. She screamed the whole house down. Hindi malaman ng matandang katiwala ng villa na si Nana Tonya kung ano ang gagawin dahil nataranta si Nick. At napagalitan ng daddy niya si Saling na noon ay kabibiyuda pa lamang.
Her mother Alaina was calmer. Ito ang naglagay ng yelo sa napasong daliri niya para sa first aid bago siya dinala ng mga magulang sa doktor sa bayan.
Niyuko niya ang kanang kamay, sa may puno ng thumbfinger, isang malabong pilat ang naroroon sanhi ng pagkapaso niya. She smiled at the memory.
Then her eyes went to the old stove and refrigerator. Ayon sa yaya niya ay matanda pa sa kanya ang mga iyon at mahusay pang gumagana. Napinturahan na muli ang ref.
Ang dating lumang tiled sink counter ay granite na ngayon. At ang granolithic flooring ay pinalitan ng terra cotta tiles. Cabinets and cupboards were new in pristine white.
“Sino bang darating na bisita at narinig kong nagbilin ang daddy mo sa kusinera na dagdagan ang lulutuin, hija?” untag ni Saling sa paglalakbay ng isip niya.The nostalgic smile was suddenly wiped off from her lips. Naningkit ang mga mata. Isa lang ang naiisip niyang darating.
“Kung hindi ako nagkakamali’y si Jace, Yaya… o si Leandro del Mare.”
Bahagyang nag-isip si Saling sa pangalang narinig. “Del Mare ba ’kamo? Ang tinutukoy mo ba’y ang apo ng namayapang Gerardo?”
“Wala nang iba!” Tinitigan niya ang baso ng juice na bahagya lang nabawasan. Nawalan na siya ng ganang inumin iyon. “Siya ang bagong manager ng asyenda. Hindi ko siya makakasundo at hindi ko alam kung paano lilipas ang mga araw sa pagitan naming dalawa!”
“Ano ba ang ibig mong sabihin diyan sa sinasabi mong bata ka? Bakit hindi mo makakasundo si Leandro?”
“Kilala n’yo ba ang lalaking hahalili sa puwesto ni Manong Hilarion, Yaya?”
“Ang bahay ng mga biyenan ko’y nakatirik sa hangganan ng lupain ng mga del Mare. At sa kabila’y ang palaisdaang pag-aari ng namayapang Gerardo. At hindi miminsang sumasama sa mangingisda si Leandro at naroroon kami sa aplaya upang mamili ng isda.
“Nang huli kung makita si Leandro ay nagbibinata na siya, hija. Malimit dumalaw dito ang matandang Gerardo noong kasalukuyang namimighati si Nick kay Alaina. At tuwina’y kasama niya si Leandro. Ang ama mo’y gumugol ng ilang buwan dito upang makalimot. At hinihingi ang opinyon ng matandang del Mare sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa asyenda.”
Marahas niyang nilingon ang yaya. “Bago pa lang ako magtapos sa kolehiyo ay ipinarating ko na kay Daddy ang pagnanais kong pamahalaan ang asyenda. Subalit tumatanggi si Daddy. Hindi ko alam kung bakit. Ngayo’y alam ko na!” She paused for breath, sinisikap lunurin ang sama ng loob sa ama sa pamamagitan ng galit.
“Sa pagkakaintindi ko’y hindi naman kalakihan ang lupain ng mga del Mare, Yaya. At malabong pakinabangan dahil bulubundukin at kagubatan. Kaya naniniwala akong noon pa man ay sinuyo-suyo na nila si Daddy. Inasam-asam na ng maglolong iyon ang asyendang ito na kadikit ng lupain nila!”
“Ano ba ang sinasabi mong bata ka—” Hindi naituloy ni Saling ang sinasabi. Napahugot ito ng malakas na paghinga kasabay ng panlalaki ng mga mata.
Padarag siyang tumayo, hindi pinansin ang reaksiyon ng matandang babae. “That gigolo bastard! Marahil ay napapansin nilang mga katiwala lang ang narito sa asyenda sa nakalipas na mga taon! Kung iniisip niyang sa pamamagitan ng pagpapakasal sa akin ay yayaman siya nang walang kahirap-hirap at magiging miyembro ng board ng kompanya, puwes, nagkakamali siya! Mas nanaisin ko pang mag-asawa ng basurero!”
Tinalikuran niya ang matanda at humakbang palabas ng kusina patungo sa dining room. Marahas na binuksan ang swinging louvered door, and collided straight into six-foot of bone, sinew and muscle, na nakatayo sa may kabilang bahagi ng pinto.
Dazedly, she held on to the broad chest to keep her balance. It could not be Guido, ang bodygard niya, who was reinstalled by her father after her escapade with Grant.
Bagaman malaki ang maskuladong katawan ni Guido ay hindi ito mataas. And the hand that held her arm were sprinkled with fine hairs. Walang balahibo si Guido sa kamay. Besides, the masculine scent that assailed her senses was disturbingly familiar. A lemony citrus fragrance melding with a natural clean male scent.
Tumingala siya upang salubungin lamang ng nang-uuyam na mga mata. “Oh, hello, Jace!” eksaheradong bati niya upang pawiin ang pagkabigla sa pagkakita rito.
“Tsk… tsk… Muli ka na namang nagsalita nang hindi nag-iisip, princess,” wika nito. “You never learn, do you?”
She opened her mouth to retaliate, subalit naunahan siya nito sa pagsasalita. “Kung magpapakasal ka sa lalaking hindi gusto ng ama mo’y mawawalan ka ng mamanahin, ’di ba? At saan kukuha ang isang basurero ng ipantutustos sa mga luho mo? O talaga lang na mas gusto mo ng lalaking kaya mong paikutin sa mga palad mo?”
Tinabig niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. “Among other things, you also have the habit of eavesdropping!” she said heatedly. Her heart was beating rapidly and she attributed it to anger.
Kung ano man ang isasagot ni Jace ay napigil nang matanaw nito sa ibabaw ng swinging door ang marahang paglapit ni Saling. Isang matamis na ngiti ang agad na namutawi sa mga labi nito.
“Leandro.”
“Magandang umaga,” bati nito. “Kung hindi ako nagkakamali’y kayo si…”
“Saling, hijo,” dugtong ng matandang babae, a fond smile appeared on her lips. Sinipat nang husto ang binata. “Ikaw na nga ba iyan, Leandro? Aba’y lalo ka yatang gumandang lalaki, ah!“A husky laugh vibrated around the kitchen.
Isang matalim na sulyap ang ibinigay ni Drew sa yaya bago marahas na pinakawalan ang braso sa pagkakahawak ni Jace. Subalit ni hindi siya pinansin ni Saling na ang mga mata ay patuloy sa humahangang pagsuri kay Jace.
“May asawa ka na ba, hijo? Kaya ba magpipirmi ka na rito sa Sto. Cristo?“Lumapad ang ngiti ni Jace. “Binata pa ho ako, Nana Saling. Pero kung may magkamaling tagapagmana, tulad nitong—” nilinga nito si Drew sandali “—alaga ninyo, dalawang kamay kong tatanggapin.”
“Not in this lifetime, Jace!” she hissed.
“Drew, nagbibiro lang si Leandro,” she reprimanded gently. Muling binalingan si Jace. “Huwag mong pansinin ang alaga ko, kagigising lang. At tamang-tama ang dating mo, hijo, inihahanda na ni Dolores ang mesa para sa tanghalian. At si Nick ay natitiyak kong pauwi na. Ikaw pala ang humalili kay Hilarion…”
Nagpupuyos na tumalikod si Drew. Gusto niyang mamangha sa biglang pagbabago ng anyo ni Jace. Mula sa panunuya at insulto ay nahalinhan ng matamis na ngiti. At ang tawang pinakawalan nito ay hindi pilit. He was really amused, taking her duenna’s compliment with unbelievable grace.
The man could be charming if he chose to. At kahit ang matandang yaya niya ay agad na nahalina rito.
Damn him.
***************************Hindi na ako makapag - focus masyado hahahaha kakaloka yung isip ko nasa bakasyon na. Kayo ba? Sana masaya ang pasko n’yo ngayong taon kahit na marami ang hindi magandang nangyari. Tuloy lang tayo mga beshie. - Admin A ****************************************************************************************
21
HINDI niya gustong sumalo sa tanghalian. But that would make her appear like a schoolgirl. Bukod pa sa hindi papayag ang daddy niya. And to her annoyance, magkatapat sila ni Jace sa mesa.
Si Nick ay hindi itinatago ang kasiyahan habang ipinapaliwanag kay Jace ang gusto nitong mangyari.
“Two years ago, may mga contact na akong nagnanais na bumili ng mga kabayong pangarera. Subalit natapat naman iyon sa maraming suliranin sa kompanya. Naapektuhan ng world economic crisis.” Nagkibit ito ng mga balikat na tila ba sinasabing nalampasan nito ang krisis. Sumubo ng pagkain at makalipas ang ilang sandali ay muling nagsalita.
“Naisantabi ang hangad kong makapag-breed ng mga kabayong magagandang uri.” A nostalgic smile appeared on his lips. “I had once a good stallion, his name was Arab. I loved that horse but I got too busy with the company, napabayaan ko. In the long run, I gave the horse to my sister Jenny.
“Anyway, maybe I can activate my contacts. Ang mga kaibigan ko’y sa ibang bansa pa bumibili ng kabayo, hijo, na siyang ginagamit sa pangangarera. Kung magagawa nating mag-breed ng magagandang uri ng kabayo at i-train ang mga itong pangarera, mas mainam,” excited na patuloy ni Nick. “Binata pa ako’y pangarap ko nang gawin ang bagay na iyan. Subalit inagaw na ng kompanya ang buong panahon ko.” May panghihinayang sa tinig nito nang sabihin iyon.
“Sa palagay mo ba naman, Daddy, ay kayang gawin ni Jace ang sinasabi ninyong iyan?” matalim niyang tanong. “Ano ang alam niya sa kabayo gayong isa siyang piloto?”
Binalingan siya ni Nick. “Hindi ko ba nasabi sa iyo, hija, na bago naging piloto si Lean—Jace, ay isa muna siyang horse trainer sa isang ranch sa Colorado? And two of the horses he had trained won in the race.”
Napatuwid si Drew. Bahagyang nanlaki ang mga mata. Hindi niya alam iyon. Kunsabagay, hindi naman niya kilala si Jace para malaman ang anumang bagay tungkol dito. Hindi niya maiwasang hindi ito sulyapan.
Bagaman naiinis ay hindi niya maitatanggi ang attraction nito. His good looks only slightly marred by that faint scar on his forehead that slashed across his temple.
“I worked my way through college,” ani Jace na pumutol sa iniisip niya, a faint cynical smile played on his lips as he added lazily, “Hindi lahat ay may magulang na kayang magpaaral ng anak sa kolehiyo, Drew.”
Agad niyang niyuko ang pagkain sa harap niya upang itago ang inis at kalituhang naramdaman. Alam niyang pasaring sa kanya ang huling sinabi nito. At ni wala itong pakialam kahit na naririnig ng ama iyon. The man was too comfortable with her own father.
“Na ipinagtataka ko naman, Lea—Jace,” patuloy ni Nick, “dahil nabanggit ng lolo mo noong nabubuhay pa ito na handa niyang ipagbili sa akin ang lupang nasa hangganan ng Hacienda Montano kung kakailanganin mo ng salapi.”
“He didn’t have to. Alam kong hindi gugustuhin ni Lolo na ipagbili ang kahit na aling bahagi ng del Mare Woods.” Sadness tinged his voice at muling napasulyap si Drew dito. Only his voice betrayed his emotion, his face remained passive.
“Para kay Gerardo ay higit kang mahalaga kaysa sa anumang lupa, hijo…” ani Nick sa nagsisimpatyang tinig. “Pero tama ka, hindi kailangang magbenta ng lupa ng lolo mo. Masipag ka, responsable, self-reliant. Admirable traits na hindi lahat ng lalaki ay nagtataglay. Kabaligtaran naman ni—”
Jace laughed wryly. Pumutol ang tawang iyon sa karugtong na sasabihin ni Nick. And Drew noticed that he had good teeth, white and even.
“I don’t think your daughter shared your opinion of me, Tito Nick,” wika nito, sinulyapan siya sandali bago ipinagpatuloy ang pagkain.
“My daughter won’t reconigze a good man from a bad one, Jace,” matabang nitong sabi.Drew’s teeth savaged the soft inner flesh of her lower lip to stop herself from saying something she would regret later. Anger swelled in her chest. Wala siyang natatandaang nagsasalita nang ganoon ang ama ng patungkol sa kanya sa harap ng ibang tao.
“Nalimutan ko rin bang banggitin sa iyo, Drew,” patuloy ni Nick, unaware of her daughter’s anger, “na isang buwang nagtrabaho si… Jace sa San Miguel, sa rancho na minana ni Angeli mula sa Lolo Luis mo?”
Napahugot siya ng marahang paghinga. An “oh” formed soundlessly in her mouth. Naging empleyado si Jace ni Angeli Montano sa munting ranchong pag-aari nito sa San Miguel, Colorado!
Si Angeli ay bunsong kapatid ng Aunt Billie niya—Renz’ mother. Si Aunt Billie niya at si Angeli ay mga pinsang buo ni Nick. Ang ama nina Billie at Angeli ay kapatid ng Lola Monica niya, si Luis Montano, na maraming taon nang namayapa.
And guiltily, she admitted to herself that she hadn’t been to San Miguel for ages. It was too far from Houston. Subalit si Nick ay hindi maaaring hindi dumalaw sa nakababatang pinsan sa tuwing nasa ibang bansa ito.
At si Angeli, ay labinlimang taon ang kabataan sa Aunt Billie niya at siyam na taon naman ang katandaan sa kanya sa edad na thirty-one. Nag-asawa si Angeli sa edad na beinte-singko subalit makalipas lamang ang tatlong taon ay nakipagdiborsiyo ito sa asawa.
She was beautiful and stunning. Sa paglipas ng mga taon ay higit pang gumanda. Parang alak na nilaon. She was very good with horses as well as in everything but her marriage. Men never failed to give her a second look, isa sa mga dahilan ng diborsiyo nito sa seloso at possessive ex-husband.
Lumipad ang mga mata niya kay Jace. Bata lang marahil si Angeli ng dalawang taon dito. At ngayon ay nalaman niyang nagtrabaho ito sa rancho sa Colorado. Hindi basta-basta mababale-wala ni Jace ang atraksiyon ni Angeli. And her aunt was available. And he was a handsome man. Posibleng nagkaroon ang dalawa ng—
She abruptly reined her thoughts. At nanghilakbot siya na umabot sa ganoon ang iniisip. At nang mag-angat siya ng paningin ay nakita niyang nakatitig din sa kanya si Jace.She gasped in a faint shock. A smile tipped one corner of his lips, a decidedly masculine smile that told her he knew exactly what she was thinking.
Heat flooded her cheeks. At bago pa niya makuhang magyuko ng ulo ay muling nagsalita si Nick. “At bago ko nga pala makalimutan, Drew,” wika nito. “Ang silid mo sa ibaba ang ipinasya kong ipagamit kay Le—Jace.”
“Ang silid ko!” hindi makapaniwalang bulalas niya, naibaba sa pinggan nang wala sa loob ang hawak na kutsara at tinidor. “Dad, what are you talking about?”
“You don’t have to shout, Andrea, naririnig kita,” saway ni Nick. Bale-walang nagpatuloy sa pagkain. “Hindi mo na ginagamit ang silid na iyon sa ibaba mula nang magdalaga ka. At ang bahay na ito ay nagiging bakasyunan na lang natin sa loob ng maraming taon. And you, actually had never been here for the last five years or so.”
Hindi makapaniwalang nakatitig sa ama si Drew. Ang silid na tinutukoy nito ay ang playroom niya. Bagaman maraming taon ang binilang bago siya muling nasa bahay-asyenda ay mahalaga sa kanya ang silid na iyon. Katunayan, nang dumating silang mag-ama kahapon ay iyon ang una niyang binisita.
Nasa silid na iyon ang marami sa mga laruan niya mula pa nang munti siyang bata. That room held so many memories of her childhood days… with Alaina… with her cousins.
“W-why not give him the guest room, Daddy?” Halos hindi maglandas sa lalamunan niya ang mga salita.
“Nasa itaas ang guest room. At ang silid na iyon sa ibaba ang tanging may anteroom na siyang maaaring gawing opisina ni Leandro… Jace. I am thinking of practicality and convenience, Drew. Jace would soon be entertaining customers.”
Gustong tumayo ni Drew mula sa hapag-kainan at tumakbo palayo… kahit saan. Jace had robbed her of everything now. Hindi lamang ang pagnanais niyang pamahalaan ang asyenda, bagaman ngayon ay natitiyak niyang hindi rin naman ipagkakaloob sa kanya ng ama ang pamamahala sa asyenda, even the privacy of her old room were shattered.
Ipinagkaloob sa kanya ni Nick ang lahat ng bagay na maibigan niya mula pa nang maliit siyang bata. Lahat ng bagay na kayang bilhin ng salapi. And she was spending her father’s money like water. May iilang bagay lamang ang hindi ipinahintulot ni Nick na gawin niya, she wasn’t allowed to drive by herself; hindi siya maaaring mangabayo nang walang kasamang groom; at hindi siya maaaring magtrabaho.
Doon niya nakuha ang taguring “prinsesa” dahil sa ginagawang iyon ni Nick. She even had a bodyguard which her father had terminated when she made that stunt with Grant.At maliban sa mga escapades niya sa mga naging boyfriends niya ay smooth ang relasyon nilang mag-ama. Until Leandro Jace del Mare.
There had never been a time that her father had hurt her like this. Sinulyapan niya ang lalaking siyang dahilan ng indifference ng ama sa kanya, nakita niya sa mukha nito ang pagnanais na magsalita. Subalit kung ano man iyon ay hindi na niya malalaman, Jace opted to keep silent.
********************Patuloy pa rin akong tumatanggap ng mga regalo mga beshie char hahahaha mga pamasko n’yo sa akin char lang hahahaha. Enjoy the holidays mga beshie. Spend time with your love ones para kahit papaano ay may love kayo char hahahaha. - Admin A ******************************************************************************************
22
“GOOD morning, Yaya,” bati ni Drew nang lumabas siya sa dirty kitchen. Ipinagkrus ang mga braso sa dibdib dahil malamig ang hanging sumalubong sa kanya. Sumandal siya sa hamba ng pinto. Namamanaag pa lang ang araw sa likod ng mga bundok.
“Kay aga mong nagising!” ani Saling na bahagya pang nagulat nang malingunan siya.
Ngumiti siya. Ang mga mata ay itinuon sa pugon, pinagmamasdan ang pagsasayaw ng nagbabagang kusot. “Bakit pinahihirapan ninyo ang sarili sa pagpapakulo ng tubig diyan sa takure. What happened to the coffeemaker?”
“Nang maiba naman,” wika nito, bahagyang ngumiti. “Maraming taon ko nang hindi nagagamit ang pugon na ito, hija. Pinanabikan ko rin naman ang mga dati kong ginagawa. Ikaw, bakit kay aga mong bumaba?”
Nagkibit siya ng mga balikat. Pinuno ng sariwang hangin ang dibdib at pinagmasdan ang isa sa mga batang katulong na nagwawalis ng mga tuyong dahon sa likod-bahay.
“Hindi ako gaanong nakatulog kagabi, Yaya. Siguro’y dahil hindi ako sanay na may ibang tao sa loob ng bahay.”
“Subalit hindi rito natulog kagabi si Leandro, hija,” impormasyon ni Saling.Natanggal sa pagkakahalukipkip ang mga braso niya. “H-hindi ho rito natulog si Jace?“Tumango si Saling at pumasok sa loob ng kusina, sumunod siya. Umabot ito ng tasa sa cupboard at sinimulan siyang timplahan ng kape.
“Pagdating mo kasi kahapon mula sa Alta Tierra ay dumeretso ka na sa silid mo at hindi na muling bumaba kaya hindi ko naman naipaalam sa iyo.”
Hindi niya hinintay na makaalis ang ama kahapon matapos silang mananghalian. Alam niyang mahaba pa ang pag-uusapan nito at ni Jace. Nagpaalam siyang dadalaw sa Alta Tierra, pinayagan naman siya subalit kasama ang bodyguard na si Guido at ito na rin ang nagmaneho ng sasakyan patungo roon.
Alas-singko pasado na nang dumating siya at nagpasabi sa katulong na hindi siya maghahapunan dahil busog pa siya sa inihanda sa kanya sa kabila. That was partly true. Half of the truth ay hindi niya gustong makaharap muli si Jace.
“A-ang akala ko’y ngayon ang unang araw ni Jace sa asyenda…” She hated the man, iyon ang sinasabi niya sa sarili. Subalit may gumuhit na kaunting pagtataka at panghihinayang sa dibdib niya nang malamang wala ito sa bahay-asyenda.
Nagkibit ng mga balikat si Saling. “Narinig kong nagpaalam sa ama mo at uuwi sa kanila. May mahalagang bagay yatang aasikasuhin muna. Kung hindi ngayon ay baka bukas na magsimulang magtrabaho si Jace.”
Hindi siya kumibo at marahang humigop ng kape.
“Gusto mo bang kumain na?”
“Mamaya na, Yaya, pagkagaling ko sa pangangabayo. Gusto kong libutin ngayong umaga ang asyenda. Matagal ko rin namang pinanabikan ang lugar na ito.”
“Siya, sige. Pero isama mo si Amalio.”
Ang tinutukoy nito ay ang groom sa kuwadra at gustuhin man niyang tumanggi at sabihing makapangangabayo siyang mag-isa ay natitiyak niyang hindi rin siya pakikinggan ni Saling. Mahigpit ang bilin ng ama na hindi siya mangangabayong mag-isa.
Bitterness rose in her throat. Siguro ay makatwirang tawagin siya ni Jace ng “princess.” Idagdag pa ang press na lagi nang nakaabang sa mga kilos niya, at nariyan ang bodyguard na si Guido na natitiyak niyang kanina pa nasa labas. At ngayon ay nariyan ang groom para samahan siya sa pangangabayo.
Tinalo pa niya ang mga royalty. Kung sa bagay ay hindi lang naman siya ang sinusundan ng press, ganoon din ang mga pinsang babae.
The price of wealth.
************************Sana all wealthy char hahahaha, ako din eh malapit na rin me yumaman, pera na lang ang kulang char hahahahaha - Admin A ************************
23
DALAWANG oras sa paglilibot sa asyenda si Drew. Alas-otso pasado na nang magbalik siya sa bahay-asyenda. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang MGN chopper sa may landing area.
Nagbalik ba ang ama?
Mabilis siyang bumaba ng kabayo at ibinigay iyon sa groom at nagmadaling pumasok sa bahay. Nagulat pa siya nang makitang nasa sala si Saling at nakahanda na ang mga gamit nila.
“Sino ang dumating, Yaya? Bakit nakababa ang mga maleta natin?”
“Ipinasusundo ka ng ama mo, Drew,” wika nito. “At huwag mo akong tanungin kung bakit dahil hindi ko alam. Hindi rin alam ng piloto. Mag-almusal ka na muna at pagkatapos mong mag-ayos ay lilipad tayo pabalik ng Maynila.”
“OH, YOU just miss him, Drew!” excited na salubong ni Sheila, ang assistant ni Mrs. Blanco nang pumasok siya sa opisina ng ama. Sa MGN building siya inihatid mismo ng piloto ng helicopter.
“I miss whom, Sheila?”
“A man. I have instructions from your father that he be directed up the penthouse. And he’s absolutely… absolutely—!”
Kumunot ang noo niya. “Absolutely what?”
“Oh, he’s tall and slim but with a muscular build…” She had a dreamy smile on her face, “if you know what I mean. He’s dark all over—hair, eyes, skin. And he has this brooding look…”
Kung may bisita ang ama sa penthouse ay malamang na mamaya pa sila magkakausap nito.
“May ideya ka ba kung sino ang bisita ng Daddy, Sheila?”
“Hindi ko kilala, Drew.” Umiling ito kasabay ng nangangarap na ngiti sa mga labi. “But he looks like a god.”
She almost rolled her eyes. Matanda lang sa kanya si Sheila ng dalawang taon. Schoolmate niya ito noong high school at nang magtapos ay nag-apply sa MGN nang mag-advertise ang kompanya ng assistant ang sekretarya ng daddy niya. And the chit had the guts to give her name as reference. Though she was admitted in the company because she was qualified.
At bagaman impertinente ay mahusay ito sa trabaho ayon kay Mrs. Blanco.“Sa palagay mo, gaano ako katagal maghihintay sa Daddy hanggang sa matapos ang appointment niya sa bisita niya?”
Sheila frowned. “Nasa loob ng opisina niya si Mr. Navarro, Drew. Kanina ka pa niya hinihintay.”
Oh. So the visitor must wait. Pero sino kaya ang bisita ng ama at sa penthouse pa pinaghintay?
NAPAPITLAG siya nang ihagis ni Nick sa harap niya ang mga peryodiko. Lahat ay sa iisang section nakahayag.
“Basahin mo ang laman ng peryodiko, Andrea Monica!” Dumadagundong ang tinig ni Nick sa loob ng opisina nito.
Nalilitong dinampot ni Drew ang isa sa dalawang peryodikong inihagis ng ama sa mesa. Tumambad sa kanya ang black and white photo nila ni Jace nang gabing nalasing siya. Ang mga braso niya ay nakahawak sa baywang nito at nakatingala siya rito. He was looking down at her.
The picture they projected was so intimate anyone would think she was waiting for him to kiss her. At napasinghap siya nang mabasa ang unang linya ng caption.
Only four weeks from her rumored marriage in Las Vegas to his father’s hotel employee, Grant Howard, who was reported to be a gigolo, Andrea Monica Navarro, tagged by the press as The Wild Heiress was seen last night in the arms of a gorgeous man coming out of the family-owned five-star hotel.
Who is this tall, dark, and breathtakingly handsome man?Andrea Monica’s name has been linked with several men, including lately a well-known Hollywood actor, seen with her on one of her many shopping trips in Paris.
Our sources in Houston have been trying to reach family patriarch, multi-millionaire Franco Navarro, to give comments about his granddaughter’s wild escapades with gorgeous, albeit unsuitable men. But Mr. Navarro wasn’t available for comment. This reporter though was able to hunt Grant Howard in Houston three days ago and he confirmed that there was no marriage between them and yet admitted that he and Andrea Monica spent a night in Mirage Hotel as husband and wife and gave this reporter a conspiratorial wink…
“That bastard!” Her father roared savagely. Pagkatapos ay tatlong printed material ang inihagis nito sa harap niya. “And what is this all about?!”
Still speechless, dumako ang tingin niya sa inilapag ng ama. Hindi niya napigilang mapasinghap. Ang nasa harap niya ay de-kulay na larawan na kuha ng araw na muntik na siyang mapahamak sa mga kamay ni Grant.
Kinunan iyon nang palabas siya ng elevator ng Mirage Hotel sa Las Vegas; na kung sino man ang nagpadala niyon sa ama ay binilugan ang mga pasa sa braso niya. She was even caught by the camera wincing, habang ang kamay niya ay nakahawak sa isang bahagi ng ulo niya.
Ang isa pang larawan ay kinunan habang namimili siya ng leather jacket sa isang boutique sa ground floor ng hotel. Huminga siya nang malalim at itinaas ang dalawang paa sa settee at niyakap ang mga binti.
“Ano ang ibig sabihin ng mga larawang ito?!” hiyaw nito kasabay ng pagtaas-baba ng dibdib sa galit na bigla ay gustong mag-alala ni Drew sa kalusugan ng ama. “At ang mga pasang ito sa braso mo?” Pinukpok nito ng kamay ang mga papel. “Sinaktan ka ba ng lalaking iyon?”
“Dad…” she cringed, but then raised her chin and pretended this was an ordinary scold.
“I could kill him for this, Andrea, and—”
“Dad, please!” mabilis niyang awat. This was a good deal worse than she had expected. Paroo’t parito ang ama, picking up and putting down objects from his table, na tila ba nag-iisip kung alin doon ang ibabato.
“H-hindi ako sinaktan ni Grant, Daddy… Yes!” Agad ang paggana ng isip niya. “Ask Jace. He was there.”
“Ano ang sinasabi mo?” Nick tried to control his fury, tinitigan siya.
“S-sa hotel kami unang nagkita ni Jace, Daddy. Sa oras mismo na matanggap ko ang… sagot mo sa fax ko. Grant was lying! We never spent a night together… H-he was… he was trying to stop me from leaving the hotel room when I got your fax message. Yes, that’s it! Humigpit lang ang hawak niya sa braso ko dahil nagmamadali akong lumabas ng silid. That was when I first saw Jace in the corridor. He was at the same hotel.”
Nag-uunahan ang mga salita sa bibig niya. Relieved at the same time. Hindi siya nakatitiyak sa gagawin ng ama kay Grant sa sandaling malaman nito ang binalak sanang gawin nito sa kanya.
She watched the veins swell in his forehead and she sank back onto the sofa. “Leandro was at the hotel at the same time, iyon ba ang ibig mong sabihin?”
“Y-yes, Dad,” mabilis niyang sagot. “You can ask Jace about it.”
“Hindi na kailangan,” wika nito makaraan ang ilang segundo. “Ang hindi ko maisip ay kung bakit nakaligtaan niyang sabihin sa akin na sa hotel kayo unang nagtagpo… o sadyang kinaligtaan,” dugtong nito at nagdududang tinitigan siya.
Umiwas ng tingin si Drew. Niyuko ng ama ang nakalatag na mga peryodiko. “Ang pagkakataong nasa iisang hotel kayo ay malaking bagay para pangatwiranan ang iskandalong ito…”
“A-ano ang ibig ninyong sabihin?”
“Pumanhik ka sa penthouse, Drew,” utos ni Nick sa kalmante subalit mapanganib na tinig.
“Ipinatawag ko si Jace kagabi pa. Anumang sandali ay darating siya at si Concordia. Kung pinlano kong bigyan ka ng isang buwan para kilalanin siya nang husto’y hindi na ngayon. You and Jace will be married at once.”
“Daddy!”
*************************Wala munang dedication mga beshie since kay Jesus naka dedicate ang chapter na ito char. Basta big thank you sa inyong lahat since kayo ang isa sa malalaking regalong natanggap ko this year. Thankful sa kabila ng mga nangyari sa dami ng mga kaganapan, sa dami ng mga pagsubok at kapighatian ay nariyan kayo. Hindi na ako naghahangad ng mga regalo pero kung bibigyn nyo ay maganda yan tatanggapin ko yan since biyaya yan char hahahaha pero masaya na akong magkaroon pa ng buhay at pagkakataon para makapag enjoy sa buhay kahit salat man sa materyal na kayaman ay sagana naman ako sa panalangin at kaibigan, sagana na ako sa inyo at malaking biyaya na yun para sa akin char hahahaha. Di me sanay mag seryoso baka kc maiyak kayo hahahaha. Maraming salamat mga beshie ❤️ - Admin A
Naku po yari ka na Drew hahahahaha. Kung ako yun go agad wla ng patumpik tumpik pa hahahahaha. - Admin A **********************************
24
“YOU HAVE landed it this time, Andrea Monica! Alam mong matanda na at may sakit ang Papa… ano sa palagay mo ang magiging epekto ng mga ito sa sandaling makarating ang mga ito sa kanya?”
“Oh, Dad, I’m sorry… I didn’t mean to—”
“I didn’t raise you to be a… a…” Hindi nito makuhang sabihin ang salita para sa anak. Nanlulumo itong umiling. “I never thought you would be so ill-bred as to ruin yourself…”
“Daddy, Grant was lying,” paliwanag niya. “We never spent the night together. Jace can attest to that.”
“Pero paniniwalaan ng tao ang pahayag ni Grant!“She raised her chin in defiance. “As if I care what people—”
“Shut up, Drew! Sa pamamagitan ng pagpapakasal ninyo ni Jace ay mapapasubalian mo ang balitang ikinalat ni Grant!”
Tinitigan niya ang ama. At kung ano man ang gusto niyang sabihin ay napigil sa lalamunan niya. Kung ang ama lang ay magagawa niyang makapangatwiran at malusutan ang sitwasyong iyon. Subalit ang pagkabanggit kay Franco Navarro ay sapat upang matahimik siya.
She loved her grandparents so much. To her, Beatriz Navarro was a grandmother, a mother, a friend, all rolled into one. Ang dahilan kung bakit sa nakalipas na tatlong taon ay madalang ang naging pagkikita nila ay dahil sa malimit na pagkakasakit ng Lolo Franco niya.
And Franco’s health was dwindling. He was in his early eighties. Hindi niya gugustuhing siya ang magiging sanhi ng kamatayan nito.
“Pag-usapan ninyo sa penthouse sa itaas ang tungkol sa inyong kasal,” pinal na wika ni Nick. “I would have employed an army of bodyguards had I known you would shame me so.” Idinagdag nito ang huling sinabi.
“Pero bakit gusto mo akong ipakasal sa kanya, Daddy?” maigting niyang tanong. “Hindi ako makapaniwalang gusto lamang ninyong ipagpatuloy ang isang kasunduang hindi nagkaroon ng katuparan sa pamamagitan ng lolo ni Jace at ni Lola Monica!”
Nakita niya ang sandaling pagnanais ng amang itaboy siya palabas ng opisina nito. Pagkuwan ay ibinababa nito ang mga balikat at huminga nang malalim. Humakbang patungo sa swivel chair at naupo. Sa anyo ay tila ba ang itinatanong niya ay walang kakuwenta-kuwentang bagay at hindi na dapat pag-ukulan ng panahon.
“You are right, walang dahilan upang ipagpatuloy ko ang hindi natupad na kasunduan ng mga matatanda sa katauhan mo at ni Jace,” wika nito sa mahinang tinig, isang malaking kaibahan sa matinding galit nito kani-kanina lang. Nick paused for a long moment. Nanatiling nakatayo sa tabi ng pinto si Drew, naghihintay ng karugtong na sasabihin ng ama.
“Years ago,” patuloy ni Nick. “isinanla ng Lola Monica mo kay Gerardo del Mare ang kanlurang bahagi ng asyenda, twenty hectares to be exact. Hindi ko nalaman ito maliban nitong mamatay ang matandang del Mare at basahin ng abogado ang testamento nito. Hindi ko inisip na magkakaroon ng suliranin ang propriedad. The Montano property is entailed, hindi maaaring ipagbili o isanla.
“Iyan ang dahilan kung bakit hindi dumaan sa mga abogado ng pamilya ang transaksiyon. Tanging kasulatang pinirmahan ng Mama at ni Gerardo del Mare ang pinagbabatayan, fully notarized. Kung ang pagbabasehan ay ang halagang pinagsanlaan niyon, maliit lamang ito at madaling bayaran. Subalit sa nakalipas na mga taon ay hindi kumikibo ang matandang Gerardo.
He never bothered to inform me about it. Kahit ang interest ng pagkakasanla ay hindi niya sinisingil sa akin. Along with the capital, it now amounted to more or less twenty miliion.
“Ayon kay Concordia ay isinanla ni Monica ang bahagi ng lupain upang suportahan ang negosyo ni Jerome.” Bahagyang tumiim ang mukha ni Nick sa bahaging iyon. “Hindi rin pinagkaabalahang kusang bayaran ni Jerome, at naiintindihan ko kung bakit. Pinakasalan niya ang Mama dahil lamang sa minana nitong lupain subalit hindi niya akalaing hindi naman pala nito maipagbibili iyon…
“Nang manahin ko ang kompanya ay palugi na rin ito. Subalit hindi maitatangging dahil sa salaping inutang kay Gerardo del Mare nagsimula ang MGN International ngayon. At ayon sa testamento ng matandang del Mare, ang pagkakautang ay mababale-wala kung magpapakakasal kayo ni Leandro.”
“But the old man hadn’t even met me!”
“He had when you were younger… sa asyenda, sa tuwing summer vacation. You were too young to remember. Hindi miminsang dumalaw sa Hacienda Montano ang matandang lalaki sa panahong namimighati ako sa pagkawala ng mommy mo, Drew…” Her father’s face softened at the mention of her mother.
“Ano ang kaugnayan ng pagkakasanla ng bahagi ng asyenda sa pagnanais mong ipakasal ako kay Jace, Daddy?”
“That is what I am explaining,” Nick said impatiently. “Nang una’y isang katawa-tawa para sa akin ang proviso sa testamento ng matanda,” sagot ni Nick. “And I could bring this matter to court. Walang-bisa ang transaksiyong nangyari. The property is entailed. Subalit hindi maitatatwang may inutang ang pamilya natin sa mga del Mare na dapat bayaran. Ganoon din ang moral na aspeto at ang tiwalang namagitan sa dalawang matatanda.
“At bukod sa malaki ang halagang babayaran, ikaw na rin mismo ang nagtulak sa aking sang-ayunan ang proviso ni Gerardo del Mare sa testamento niya,” matabang na sabi nito. “Anyway, both sides will benefit from this marriage…”
“A-anong ibig mong sabihing parehong makikinabang ang magkabilang panig sa pagpapakasal namin ni Jace?”
Nick smiled without humor. “The old man gave me a choice, Drew. Hindi niya ako inipit sa proviso niya. Magagawa kong huwag kang ipakasal kay Leandro pero babayaran ko ang lahat ng salaping nauukol sa kanila sa nakalipas na mga taon.”
“Ang Hacienda Montano ay mana ko, Daddy, kumikita iyon. I can easily pay back the twenty million!”
“That is where you’re wrong, Drew. Dahil nakasanla sa mga del Mare ang asyenda, natural na ang lahat ng income nito sa nakalipas na tatlumpung taong mahigit ay kanila rin.”
“Oh!” nanlulumong bulalas niya.This was getting worse. Tumingala siya sa ama. “You never had the need to touch the property’s income, Daddy. Nasa bangko lang iyon at kumikita ng interest. Pay Jace what is due him!”
“Ang kinikita ng asyenda’y bumabalik din sa asyenda, Drew. Hindi lang iyon, ginamit ang kinita ng asyenda sa nakalipas na mga taon para sa panibagong investment, tulad na lang ng investment natin sa distillery ni James. Besides, kahit pa kaya kong bayaran at ibalik sa mga del Mare ang buong kinita ng bahagi ng asyendang isinanla, ay hindi ko gagawin.”
“What?!”
“I’m a businessman, Drew. Ang pinag-uusapan dito’y hindi lamang dalawampung milyones, kundi ang kinita ng bahagi ng asyenda simula pa lamang ng isanla ito binatilyo pa lamang ako, at hindi birong pera iyon. Iyon ang pinawawalang-bisa ng matandang del Mare kung nagpapakasal kayo ni Leandro. Ang capital at interest ay kailangang bayaran at mauuwi kay Concordia. So you see, pabor sa akin ang proviso ng matandang del Mare.”
“At my expense!” she wailed.
“At maipakakasal pa kita sa isang matinong lalaki,” patuloy nito na tila hindi siya nagsalita. “You brought this upon yourself, Andrea Monica,” matigas na sagot ni Nick. “My god, nilampasan mo ang recklessness at mga iskandalo ng Aunt Jenny mo noong dalaga pa siya. Ang kaibahan lang, your aunt didn’t fall for the likes of Grant.”
Agad niyang pinalis ang sakit na naramdaman sa sinabi ng ama. “At si Jace, Daddy, ano naman ang pakinabang niya sa arrangement na ito?” Hindi niya maitago ang galit at sarcasm sa tinig.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Nick. May ilang sandaling nag-atubili bago muling nagsalita. “Minana ni Leandro ang malaking bahagi ng pag-aari ng matandang del Mare, kasama na siyempre, ang utang na dapat nating bayaran sa pagkakasanla ng lola mo sa asyenda. Subalit sa proviso ng matanda sa testamento niya ay kailangang mag-asawa si Leandro sa loob ng isang taon pagkamatay nito, kung hindi ay mauuwi kay… Grant ang buong Del Mare Woods.”
“Grant?!” manghang usal niya, nagkagatla ang magandang noo niya sa pagkalito. “Paanong napasok si Grant sa usapang ito, Daddy?”
“Ayon kay Concordia, ang ina ni Grant ay ilihitimong anak ng nakababatang kapatid ni Gerardo del Mare. Both died years ago.”
“Oh,” hindi makapaniwalang usal niya. Kung ganoon ay magpinsan si Jace at si Grant! Iglap na pumasok sa isip niya ang sinabi ni Grant nang pumasok ito sa elevator.
You cheated me, bastard! You took something that is mine for the second time…Now it made sense. Kay Jace patungkol ang sinabing iyon ni Grant at hindi sa kanya.
“Nang… magkasintahan kami ni Grant, alam ba ninyong magkamag-anak sila ni Jace?”
Umiling si Nick. “Wala akong ideya, he has a different surname since her mother married an American. Si Jace ang nagsabi nito sa akin nang makausap ko siya.”
“I–I still don’t understand, Daddy. Hindi ba may karapatan si Grant na manahin ang propriedad ng matandang Gerardo dahil apo rin naman siya nito?”
Nick sighed deeply. “Sa pagkakaalam ko’y may bahagi ng lupain na minana si Grant, Drew. Anyway, kay Jace mo hingin ang paliwanag sa iba mo pang katanungan. Naghihintay siya sa itaas.”
May ilang sandaling nanatili siyang nakatayo bago atubiling lumabas ng silid. Maraming katanungan ang nag-uunahan sa isip tulad na lang ng relasyon nina Jace at Grant. At kahit minsan ay hindi man lang iyon binanggit ni Jace sa kanya sa panahong magkasama sila.
***********************Happy New Year everyone. Last update for the year 2020 maybe char hahahaha. Sana maging maganda ang pasok na taong 2021 at sana maging masaya kayong lahat.- Admin A ************************************
25
KUNG hindi lang sa igting ng pangyayari ay gustong matawa ni Drew sa anyo ni Sheila nang malabasan niya ito mula sa silid ng ama. Nangangarap pa rin nang gising.
“Oh, god, Drew, I’m in love!”
She raised her brow. “In love? Kanino?”
“Doon sa lalaking sinabi ko sa iyo kanina, ’yong nasa penthouse,” she smiled sheepishly.
She was incredulous. “In a matter of minutes? Sheila, that is simply not possible.”
“But you have to see that man, Drew, and you’d know what I mean! He’s a god!”
“I don’t believe this!” She rolled her eyes. Tinalikuran ito at lumakad patungo sa elevator.He was dark all over—hair, eyes, skin…
She sighed. Sheila described Jace with accuracy. But a god? She shook her head and smiled drily.
Nang bumukas ang elevator sa penthouse ay maingat siyang lumabas at lumakad patungo sa glass door ng living room.
Through the glass door she could see him. Nakatayo ito at nakadungaw sa nakabukas na bintanang salamin. Mula roon ay alam niyang natatanaw ang buong Roxas Boulevard… at ang dagat. Nakikita niya ang banayad na pag-alsa ng buhok nito mula sa pumapasok na hangin.
Elegance was the first word that came to her mind. The man seemed to radiate it. Na nakapagtataka. Dahil hindi naman pormal ang suot nito. Jace was wearing his usual faded blue jeans and sport shirt… in canary yellow.
Napahugot siya ng marahang paghinga. Not all men could wear that color elegantly! But Jace did. Framed by the glass window, the picture he made was enough to cause a flutter in any woman’s heartbeat. She really couldn’t blame Sheila.
Itinulak niya ang pintong salamin. Lumingon si Jace.
Hindi niya gustong salubungin ang titig nito. Hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang ginawa nitong paghalik sa kanya nang nasa Villa del Mare siya.
“Have a seat, Jace,” wika niya, at sa magalang na tinig ay itinuro ang sofa. “Ano ang gusto mong inumin?”
Humakbang siya patungo sa minibar. Nararamdaman niya ang mga mata nito sa likod niya. Electricity ran down her back in warm rivulets.
“Pag-usapan natin ang anumang dapat pag-usapan, Drew,” wika nito. “May mga trabaho akong naiwan sa Sto. Cristo.”
The arrogance of the man! Nanginginig ang mga kamay na nagsalin siya ng alak sa goblet. Dinala niya sa bibig iyon, and took one swallow. Ang init ng alak ay unti-unting naglandas sa lalamunan niya, down to her stomach. Sapat upang bigyan siya ng lakas ng loob.
“Ipinaliwanag sa akin ni Daddy ang ilan sa mga particulars tungkol sa arrangement na ito. At may mga bagay lang akong gustong linawin. Ayon sa testamentong iniwan ng lolo mo, mauuwi kay Grant ang buong del Mare property kung hindi ka pakakasal sa akin, tama ba?“Bahagya lang na gumalaw ang ulo ni Jace bilang pagtango.
“Pero kung hindi ka naman pakakasal sa akin ay mapipilitang magbayad ng utang si Daddy sa iyo. That alone is enough to make you a millionaire. You don’t have to marry me, Jace, with that money you can buy another land, higit na mas malaki sa del Mare Woods…”
May ilang sandaling kunot-noong tinitigan siya ni Jace sa paraang may hindi ito nauunawaan sa sinabi niya bago ito sumagot. “Kung ako lang ay walang problema, princess,” he said in a bored tone. “Subalit hindi basta salapi at propriedad ang pinag-uusapan dito. My mother wouldn’t live elsewhere. Oh yes, papayag siyang manirahan kami sa ibang lugar, but I know it would break her heart and would die eventually. Kung hindi man sa puso ay sa depression. Del Mare property means so much to her.”
“But surely, you can buy back the property from Grant, you can even double its actual worth.”
Muling lumalim ang kunot sa noo nito. Then he shook his head and smiled drily. “You don’t know what you’re saying. And even if I can afford to buy it back, Grant wouldn’t sell it to me out of spite. Iyan ang tinitiyak ko sa iyo. At ang isa pang mahalagang dahilan, Grant would sell the property to the highest real estate bidder in no time at all.
“And in a couple of years, isa nang beach resort at tourist spot ang lugar na iyon. Your father knows that, at alam din niyang kapag nangyari iyon ay mawawala ang katahimikan ng Sto. Cristo sa sandaling dayuhin ito ng mga local at foreign tourists…
“Not only that, mawawalan ng tahanan ang maraming pamilyang matagal ding naglingkod sa mga del Mare, ganoon din ang fishing village na pinagkukunan ng ikinabubuhay ng maraming tao. Though I doubt if you understand what that means. Buong buhay mo’y nabuhay ka sa luho… nakatira sa mansiyon na hindi mabilang ang mga silid… hindi tumatapak sa lupa…“His words stung. She wondered how this man had the capacity to hurt her deeply.
And Jace would sacrifice himself by marrying her. At siya ay ipakakasal ng ama niya rito dahil sa kadahilanang hindi nito kailangang magbayad ng milyones na utang sa mga del Mare.
Gusto niyang maliyo. Mas honorable pa ang intensiyon ni Jace kaysa sa ama. She wanted to hate her father. Subalit sumisiksik sa isip niya ang sinabi nito.
“You brought this upon yourself, Drew… nilampasan mo ang mga iskandalong ginawa ng Aunt Jenny mo… ang kaibahan lang, your aunt didn’t fail for the likes of Grant…”
“Ngayong naipaliwanag ko na ang lahat ng dapat mong malaman maaari na nating pag-usapan ang tungkol sa kasal,” untag ni Jace sa sandaling pananahimik niya.
Nag-angat siya ng tingin dito. At bigla ay tila gustong mag-panic ni Drew. She didn’t want to get married. Hindi sa lalaking ito na kaya lamang siya pakakasalan ay dahil sa pansariling motibo.
You idiot! ganti ng isang bahagi ng isip niya. Hindi ba at inalok mong pakasalan si Jace una mo pa lang siyang makatagpo nang dahil din sa pansariling motibo? Lamang ay tumanggi ito gayung doon din naman pala ang kauuwian.
Well, he wanted to call the shot. Iyon ang dahilan.
Sinikap niyang ikalma ang sarili at hinarap ito. “O-okay. So we both have no choice. But… but I want no fuss, no bother, no frills,” malamig niyang sabi.
“Princess,” Jace said scathingly. “Ang pinag-uusapan natin dito’y ang tungkol sa ating kasal, not your scheduled trip to one of the shopping centers in Paris.”
“I am perfectly aware of what we are discussing, Jace!” puno ng iritasyong sabi niya. “I want us to go back to Vegas and marry there.”
“Oh no, Drew,” salungat nito kasabay ng pag-iling. “Kung magpapakasal din lang ako, gusto ko’y maayos na. I always think of marriage as—”
“You’re being ridiculous!” putol niya sa sinasabi nito. “We are not certainly talking about love in bloom here!” matalim niyang sabi, humakbang patungo sa bintana at pinuno ng hangin ang dibdib. Pagkatapos ay humarap siyang muli rito at sa determinadong tinig ay, “I want us to marry in Las Vegas.”
“Paano kung hindi ako pumayag sa gusto mong mangyari? O di kaya’y ang daddy mo?” naghahamong sabi nito.
She raised her hands in the air impatiently. “Ang kailangan lang namang mangyari ay ang magpakasal tayo, ’di ba? At pumapayag na ako kaya wala akong makitang dahilan para ang maliit kong kahilingan ay tanggihan ninyo ni Daddy. Besides, I know you can handle my father,” mapait niyang sabi, at pagkuwa’y dinagdag, “so do it, let’s fly to Las Vegas… today, tomorrow… and be done with this farce of a wedding!”
“I’m just curious,” he frowned, “why in Las Vegas?” He wondered why he had to ask when more or less he knew the answer to that.
“All we need is a marriage certificate to show to your lawyer. After we’re married, everybody’s happy. Hindi na babayaran sa iyo ni Daddy ang milyones na pagkakautang sa iyo. At ang threat sa katahimikan ng Sto. Cristo ay mawawala na, and most importantly, mananatili sa inyo ang del Mare property,” mahabang sabi niya. “So next in line is annulment… and it would be a piece of cake if we were married in Vegas.”
May ilang segundong hindi ito kumibo. Sandaling nakiraan ang galit sa mga mata. At sa mahinahong tinig ay, “nagpaplano ka na ng annulment hindi pa man tayo naikakasal!”
“The subject here is compulsion, Jace,” she said heatedly.“Perhaps you’re right.” His voice was dangerously calm. Subalit marahas itong humakbang palapit sa kanya. “Compulsion is the key word because right now I feel compelled to wring your lovely neck and put some sense into your brain.”
Kung tototohanin man nito ang banta ay hindi na malalaman ni Drew dahil bumukas ang pintong salamin at pumasok sina Nick at Concordia.
Nahinto sa paghakbang si Jace at nilingon ang dalawang bagong pasok. Hindi nito nagawang maitago agad ang galit sa mga mata.
“What’s going on?” kunot-noong tanong ni Nick.
*****************Grabe naman silang dalawa kung kailan magbagong taon na eh at ganito ang update ko dapat give love lang char hahahaha - Admin A *********************
26
“DON’T tell me, let me guess,” ani Concordia na umiling matapos paglipat-lipatin ang tingin sa dalawa, humakbang ito palapit sa anak. “Hindi pa man, nagsisimula na ang digmaan sa pagitan ninyong datawa, am I right?”
Walang parehong kumibo. Si Drew ay itinaas sa bibig ang hawak na goblet at inubos ang laman.
“Wala bang magsasalita?” wika ni Nick, his voice deceptively calm.
“Napalo mo na bang minsan man lang ang anak mo, Tito Nick?” ani Jace na tila siya limang taong gulang. “And talking again of compulsion—” Sinulyapan siya nito sa nakakalokong paraan bago muling ibinalik ang tingin kay Nick “—why, I’m compelled to spank your daughter right at this moment…”
“You swi—!”
“Enough, Drew!” Nick’s tone had a cutting edge.
“Ano na ang napag-usapan ninyo tungkol sa inyong kasal?” patuloy ni Concordia.
“Gusto niya ng marangyang kasal!”
“Gusto niyang tumakas na tila magnanakaw sa gabi!“Halos sabay na nagsalita ang dalawa.
“Tumakas?” kunot-noong wika ni Nick sa anak sa hindi makapaniwalang tono. “Gusto mong magtanan kayo?”
“Of course not!” She stomped her foot angrily. “I only said I want a simple wedding. No fuss, no frills, no nothing!“Binalingan ni Nick si Jace na tahimik na sumisimsim ng alak. “While you, Jace, want a splashy wedding?”
“Not at all,” pagtutuwid nito. “I also want a simple wedding. But it seems your daughter has a different definition of the phrase ‘simple wedding.’ Ang gusto niya’y sa Las Vegas kami pakasal… na kaming dalawa lang.”
“Las Vegas!” magkapanabay na bulalas nina Nick at Concordia.
“HINDI ko alam kung tama itong gusto mong mangyari,” ani Concordia sa naguguluhan at nag-aalalang tinig nang pauwi na silang mag-ina. “I know your time’s running out, na hindi ko naman maintindihan kung bakit pinatagal mo pa nang ganito. Pero hindi nangangahulugang kailangan mong isakripisyo ang sarili sa pagpapakasal kay Drew nang dahil sa akin, hijo. We can live elsewhere—”
“Hindi mawawala sa iyo ang Villa del Mare, Mama,” mariing sagot nito. “And do you think marrying that spoiled brat is a sacrifice?” lingon niya sa ina, a small smile played his lips.
“She’s very spoiled, nakikita ko ngayon iyan. Pinalayaw ni Nick at lumaki sa luho at karangyaan. How could anyone like her make a good wife?” patuloy nito.
“Huwag mong husgahan si Drew sa nakikita mo lang, Mama.”“She seems to… to hate you,” patuloy ni Concordia, uncertainty in her voice.
“That’s a harsh word to describe what she feels for me. But I assure you, she doesn’t hate me. Hindi lang umuubra ang kalokohan niya sa akin. Sa bawat pagkakataon, she wants to call the shot. My god, that woman needs taming.”
“Challenge doesn’t make marriage, Leandro. Kung magpapakasal ka sa isang babae ay dahil gusto mo at mahal mo.”
Hindi niya sinagot iyon. Then after a long moment, said with determination, “I will marry her…”
Hindi na kumibo si Concordia. His chest rose slightly in a silent sigh. As in every facet of his life, when a decision was made, he carried it through with ruthless determination.Nang unang imungkahi sa kanya ni Nick na magpakasal sila ni Drew mahigit isang taon na ang nakalipas ay atubili siya. Bagaman hindi pa niya nakita nang personal si Drew, sapat na ang mga bali-balita upang hindi niya pangarapin ang isang tulad nito ang makasama sa habang-buhay.
Ni hindi siya nagbigay ng pagsang-ayon o pagtanggi man dahil na rin sa proviso ni Gerardo del Mare sa testamento nito. Gusto niyang mag-iwan ng maraming options. But Nick took his silence as acquiescence. Then Nick made the announcement of his daughter’s engagement to him. Hindi niya gusto ang ginawa nito subalit nagsawalang-kibo siya. Bentahe sa kanya iyon kung ang proviso ni Gerardo del Mare ang pagbabasehan.
Then he met her. Call it twist of fate, na siya mismo ang magligtas dito mula sa mga kamay ni Grant. Unang pagkakita pa lamang niya rito sa corridor ng hotel ay hindi na ito nawaglit sa isip niya. Nanghihinayang na isa itong masamang babae—ang una niyang inakala.She aroused in him his protective instinct. He wanted to kill Grant for hurting her. Kahit siya ay nagulat sa sariling damdamin.
And then she offered him that crazy proposal. He was amused… and irritated at the same time. She was right, he intentionally misled her, gusto niyang ipakita kay Drew na hindi lahat ay kaya nitong paikutin sa palad nito.
At nang malasing ito, and recklessly entrusted herself to him, he was furious. Pinagselosan niya ang mga lalaking pinagkatiwalaan nito sa nakalipas na mga panahon ng buhay nito. And that moment a decision was made, no other man would touch her… again.
And brat or not, tame or wild, she would be his
*********************MY GOD napakabait ko naman char hahahaha. New Year Gift ko na ito sa inyo char hahahaha . Sana maging happy ang New Year n’yo at balitaan n’yo ako next year char hahahaha. Matutulog lang kasi ako sa New Year eh i’m so pagod much na kasi eh char hahahaha. Gumaganda na ang mga ganap kina Drew at Jace , hayss nalulungkot na ako at malapit na si bebe Renz ko :( - Admin A ****************************
27
“WHERE’S the ring?” the marriage celebrant asked impatiently.Parehong nagkatitigan sina Jace at Drew nang marinig ang hinihingi ng marriage celebrant sa kanila. Hindi nila naisip iyon. Dalawang araw matapos ang mahabang pagtatalong namagitan sa penthouse tungkol sa kanilang kasal ay lumipad sila ni Jace patungong Nevada.Nick had pointed out determinedly that he wanted everyone in his family to be present; that the wedding should be according to tradition; na nag-iisa siyang anak at marapat lamang na isang maayos na kasal ang magaganap.
Hindi na niya inaasahang mangyayari ang gusto niya, the odds were three against one. Out of sheer stubborness, she insisted that she wanted their wedding to be held in Las Vegas, nang sila lang dalawa ni Jace. Subalit sa pagtataka niya ay biglang nag-about-face si Jace. Pumayag ito sa gusto niyang mangyari nang hindi sinabi sa dalawang magulang ang totoo niyang dahilan.
“Drew wants us to be married in a place where we first met,” wika nito, isang malamig na ngiti ang namutawi sa mga labi. “She’s a sucker for romance, you know.“Isang matalim na tingin ang ipinukol niya rito, ganoon man ay lihim na nagpasalamat. Matapos ang ilang sandaling pag-iisip ay sapilitang pumayag si Nick. Na sapilitan ding sinang-ayunan ni Concordia.
“Ano ang motibo mo sa biglang pagpayag na sa Vegas tayo pakakasal?” nagdududang tanong niya nang mapag-isa na lang silang muli. “You were against it when I suggested it to you.”
He stared at her cooly. “Perhaps you’re right, after the wedding, everybody’s happy. Our marriage had served its purpose. Then we can plan annulment afterwards…”
“O-okay lang sa iyo?” hindi makapaniwalang taong niya.
“Perhaps I don’t want to stay married to you, too.“Nasisiraan na marahil siya ng bait dahil hindi niya maintindihan kung bakit may bahagi sa dibdib niya ang biglang gustong magrebelde sa pagsang-ayon nito sa ideyang siya naman sana ang nagbigay at ipinagpilitan.Pride? She had no idea.
“DON’T you have a ring at all?” muling tanong ng nagkakasal na ikinabalik ng atensiyon ni Drew dito.
Tumikhim si Jace at itinaas ang dalawang kamay sa batok. “This would do…” anas nito at tinanggal ang suot na kuwintas. May nakapalawit doong gold band ring.
Nang matanggal ay muling ikinabit ang kuwintas sa leeg at walang sabi-sabing inabot nito ang kaliwang kamay niya at isinuot sa palasingsingan niya. It fitted her perfectly. Gusto niyang magprotesta subalit nakita niyang kumunot na ang noo ng nagkakasal sa pagkainip.
“Wear this ring while I’m married to you,” utos nito sa pabulong na paraan subalit hindi nakaila kay Drew ang warning sa ilalim ng tinig nito.
“Hmp… actually, there’s no need to—”
Payukong muling bumulong si Jace. “Let’s make this real as much as possible, okay? Ano na lang ang sasabihin ng daddy mo sa akin? Magpapakasal tayo pero singsing lang, hindi ko pa kayang bilhin?”
Naniningkit ang mga matang tumingala siya rito dahil sa painsultong tono nito. Subalit wala na sa kanya ang pansin nito at nasa nagkakasal na.
Natapos ang rituals, in what must have been more or less five minutes.
“You may now kiss the bride,” wika ng marriage celebrant.
“That’s not necessary,” mabilis niyang sabi. “Let’s have that documents now and be done with it.”
She attached her signature on the marriage contract at pagkatapos ay ibinigay iyon kay Jace. Ni hindi niya ito hinintay na matapos pumirma at mabilis na lumakad patungo sa exit.
Subalit bago niya mabuksan ang pinto ay naabutan siya nito. “Hey… hey… hey!” Inabot nito ang braso niya at hinila siya pabalik. Napaharap siya rito.
“Ano ba?!” singhal niya, sinikap pakawalan ang brasong hawak nito, but he drew her even closer, na bahagyang ikinatama ng noo niya sa mga labi nito.
“Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpakasal ako, my dear wife, so let’s follow tradition.” At sa pagkamangha niya ay yumuko ito at inangkin ang mga labi niya.Ang unang pumasok sa isip niya ay itulak ito. But she couldn’t have done so if her life depended on it.
The lips that claimed hers were warm, soft yet firm. And it was sending darts of hot pleasure coursing through her. All at once, tulad din ng unang angkinin nito ang mga labi niya, ay tila may sulo na sinindihan sa katawan niya.
Only this time, the kiss was so different from the first one. It was tender and thorough. And her entire being seemed to burst into flames.
And she must have parted her lips because he thrusted his tongue and tasted the insides of her mouth.
Instinctively, ang mga kamay niya ay dumako sa matipunong dibdib nito. She would have totally melted in his arms kung hindi sa biglang pagpapakawala nito sa mga labi niya.Dazedly, she gazed into his dark eyes. At nang makita niya ang nagtatawang mga mata nito ay agad ang pagbalik ng katinuan sa isip niya.
Galit ang pinakamabisang panlaban sa kahihiyan. “How dare you—”
But Jace covered her still throbbing lips from his kiss with his forefinger. “Rule number one, I’m your husband not your employee, so let’s have some respect here, okay? Hindi mo ako kailangang singhalan.”
She hated the mockery in his eyes and voice. Oh, she hated him! “This… this isn’t a real marriage,” mabuway niyang protesta.
“Isn’t a real marriage?” he mimicked, the sensual mouth twitched mockingly. Nilingon ang marriage celebrant na kasalukuyang naghahanda sa panibagong kakasalin. “Hindi ba totoong kasal ang naganap ngayon lang?”
“I’m compelled to marry you—”
“And that made you Mrs. Leandro Jace del Mare, princess,” sarkastikong wika nito. Hinawakan siya sa kamay at hinila patungo sa exit. “Let’s stop this nonsense.”
“W-where are we going?”
“Back to the hotel.”
“H-hotel!” bulalas niya habang itinaas ni Jace ang kamay at tinawag ang taxi na nakapila sa di-kalayuan.
“MGN, remember?” wika nito na tila siya may amnesia. Iginiya siya papasok sa taxi. “Your father reserved us the honeymoon suite, na hindi mo man lang pinagkaabalahang panhikin.” Sumakay ito at isinara ang pinto ng taxi at sinabi sa driver kung saan sila patungo.
“Honeymoon suite!” she cried in horror as the implication of his words sunk in. “I cannot… we cannot… I mean—”
“I know what you mean, princess,” ani Jace sa walang emosyong tono. “But we have to oblige the olds—”
“No!” mariing protesta niya. Pagdating nila kaninang umaga sa hotel ay hindi siya sumama kay Jace sa pagpanhik. Inubos niya ang oras sa window-shopping sa ibaba ng hotel kahit pagod siya sa biyahe. “There’s no way we are going back to the hotel!”
“You protest too much,” matabang nitong sabi. “Let’s celebrate this occasion, Drew.”
“B-but…?” Suddenly she was confused. Hindi niya alam kung paano itutuloy ang sasabihin.
“Manatili tayo sa hotel ngayon at bukas. Then we can go back home. Hindi nila malalamang nagpalipas lamang tayo ng gabi…”
Isang pagkalalim-lalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya at hindi malaman kung ano ang iisipin.
“Kung masindak ka’y para kang matimtimang dalagitang bagong labas galing sa kumbento at hindi pa man lang nahahawakan ang kamay,” ani Jace sa nakakalokong tinig. “If I hadn’t known better.”
Ang likod niyang hindi pa man halos lumalapat sa sandalan ay muling napaangat at hinarap ito. “And what is that supposed to mean?” she asked heatedly.
“In spite of what you think, I also read the papers. Wild heiress… playgirl heiress… notorious heiress… what else?” Sinabi nito ang mga taguri sa kanya ng press na tila iyon mapaklang bagay sa dila nito. “Mas mabilis ka pang magpalit ng boyfriend kaysa sa pagpapalit mo ng sapatos…“Her eyes grew wide in shock and anger.
“And it isn’t as if you haven’t enjoyed my kisses,” he said ruthlessly.
“You scum-of-the-earth—” Hindi niya nakuhang tapusin ang sinasabi, nahagip ng paningin niya ang mga mata ng driver na nakatitig sa kanya sa rearview mirror.
Gritting her teeth, muli siyang sumandal. Magkasamang pagkapahiya at galit ang nasa dibdib. My god, wala siyang natatandaang may lalaki siyang gustong kalmutin ang mukha sa matinding galit. Kahit si Grant sa ginawang pagtatangka nito sa kanya ay hindi napukaw ang ganoong damdamin sa kanya.
Sa loob ng mahabang sandali ay namagitan ang katahimikan. Jace broke the silence.
“I’m sorry,” wika nito.
“What?”
“I said I’m sorry.” His voice gentle. “I should have not said that. I demanded respect from my wife, I guess I should know how to give it, too.”
Maang na napatitig siya rito. Pagkuwan ay mabilis ding nagbawi ng tingin at nilinga ang dinadaanan nila. Lumalim na lalo ang kalituhan ng isip niya. Nakahanda siya sa giyerang maaaring mamagitan sa kanila, subalit hindi ang biglang pag-iiba nito ng tono.Napakislot pa siya nang gagapin nito ang kamay niya. “Let’s make a truce, Drew,” he said huskily.
“I am not usually like this to women… but you always bring out the worst in me.”
“And now, it is all my fault?” she snapped. Binawi ang kamay subalit mahigpit ang pagkakahawak ni Jace doon.
He grinned, that heart-stopping grin. “No. Pero siguro’y pareho lang tayong tensiyonado. Is it so awful to contemplate being married to me?” he asked softly.
“No!” mabilis niyang sagot. “I-I mean…” she stopped and tried to gather her wits, and aware that she was blushing like a bride. No. It was a wrong simile. She was a bride. No, not really. Mabilis niyang nilinaw ang nagkabuhol-buhol na isip. “I mean you’re not that… that… bad. In fact, I’ve proposed to you, haven’t I?”
“I was tempted to accept your proposal then,” wika ni Jace, his smile was teasing. “Tutal alam ko namang magpapakasal din tayo.”
“Why didn’t you?”
Nagkibit ito ng mga balikat. “I don’t take advantage on women who act like little children…”
“You—” she stopped when she saw the gleam in his eyes. Nanunukso lamang ito. Huminga siya nang malalim. “Yeah, I guess you’re right. I always act on impulse and regret later…” marahang sabi niya. “And I’m glad that it was always you. Tulad na lang noong malasing ako.”
“Natitiyak kong hindi mo gagawin iyon sa ibang tao, Drew,” Jace said thoughtfully. “Subconsciously, alam mong mapagkakatiwalaan ako.”
That earned a chuckle from her. Tuluyang nag-relax. “Don’t push your luck, del Mare.”
*****************************OMGGG nagkakamabutihan na sila char hahahaha. Nga pala yung regarding sa giveaway na MC Books dun sa youtube channel ni sir Segundo Matias ay next year ko na ipapamigay random lang na MC Books baka kasi wala ng stocks yung mga gusto n’yo eh. Iniisip ko pa kasi paano ko gagawin yun. Pero dahil mabait ako , ang makapag screenshot ng nakafollow at subscribe sa youtube channel ni sir Segundo Matias ay bibigyan ko rin ng book. Icomment lang dun sa latest video na nakaupload para macheck ko. Palagay na lang din ng username sa wattpad para ma-pm ko kayo dito sa page. Ako lang ang mag-ppm para hindi magulo basta ang usapan ay sa pinakalatest na video dun n’yo icocomment. Pa-thank you ko sa inyong lahat yun pero isa lang muna siguro yun lng kaya ko eh char hahahaha poorita lang ako mga madam. Happy New Year at maraming salamat sa inyong lahat. - Admin A *******************************************************************************************
28
ANG NAPAGKASUNDUANG truce nina Jace at Drew ay nagpatuloy hanggang sa gumabi. Sa bar sa ibaba ng hotel ay may mga slot machines at naglaro ang dalawa. Walang nanalo sa kanila.
“I can’t believe we’ve lost!” bulalas ni Drew nang makabalik sila sa mesa nila. “I should know all the techniques. My father owned this hotel!”
Isang tawa ang pinakawalan ni Jace. Pagkatapos ay lumapit ang isang waiter, he set an enormous margarita in front of her and another for Jace.Tinitigan ni Drew ang laman ng kristal, ang pinong asin sa rim ng kristal ay contrast sa kulay-dilaw na laman niyon.
Jace raised his glass to her. “Let’s toast,” wika nito. “This is our wedding night and I hope the many nights to come will be as enjoyable as this.”
Pagkabanggit sa “wedding night” ay sandaling natilihan si Drew. Sa nakalipas na sandali ay nakalimutan niya ang bagay na ikinasal sila kaninang hapon lang… that she was now married to him. At bagaman kakaiba ang pagpapakasal nila ay hindi pa rin nito maitatatwang mag-asawa na sila. At hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa susunod na mga araw.
Gayunman ay itinaas niya ang kristal. As their glasses touched, she met his eyes. Ipinahihiwatig ng mga mata nito na alam nito ang iniisip niya. She wanted to look away. He made her feel uneasy. Isang bagay na hindi niya kailanman nararamdaman sa kahit na kaninong lalaki. But she couldn’t look away.
“To the most beautiful wife a husband could ever have,” Jace said huskily.
“Thank you,” halos pabulong niyang sagot sa papuri nito. Then she took a sip of her margarita, tasting the salty-sweet tang of it, ang mga mata niya ay nanatiling nakatutok kay Jace. And somehow, being married to him didn’t look so bad.
Then there was music in the air, she couldn’t place it but it was jazzy. Itinuon niya ang pansin sa alak niya at muli iyong dinala sa bibig.
“Come and dance with me,” anyaya ni Jace na tumayo.
Nag-angat siya ng paningin. Nakatayo ito sa harap niya, smiling faintly as he looked down at her. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makitang hawak pa rin nito ang baso ng alak. “H-hindi mo ba ibababa iyan?” He shook his head and grinned. “It’s only driving and drinking that is illegal, but not drinking and dancing. It’s fun.” Hinila siya nito nang patayo at inakay patungo sa walang lamang dance floor. “Besides, who’s going to stop us? My wife owns this hotel.” Hindi niya matiyak kung may sarcasm sa tinig nito. Subalit nang mga sandaling iyon ay hindi iyon mahalaga sa kanya. Dinala siya nito sa gitna ng dance floor na may dalawang parehang nagsasayaw din.
The slow, sultry rhythm of the music captured her. Jace was a good dancer. She matched his step for step, every sway of the hips, every turn of the body.
Ang isang kamay nito ay nasa baywang niya kung saan hawak nito ang wine glass. Then he raised the glass to his mouth and sipped from it. Pagkatapos ay inialok sa kanya.She giggled but drank almost half of the wine, then she tipped her head back ecstatically. “This is silly.”
“Who cares? Life’s a serious business most of the time. Let’s enjoy it to the fullest.”
Hinawakan ni Jace ang kamay niya, then gently sent her spinning away, at pagkuwan ay banayad ding hinila pabalik sa mga bisig nito, at ang mga labi nito ay dumikit sa noo niya.Kung ang init na naglandas sa katawan niya ay sanhi ng alak ay hindi niya alam. Then he made her spin round again, and she laughed. Buong buhay niya ay wala siyang natatandaang nag-enjoy siya nang husto sa company ng isang lalaki tulad ngayon.
She sighed when the music changed and slowed. Iniisip niyang babalik na sila sa upuan nila. Subalit hindi siya hinila ni Jace paalis sa dance floor. Sa halip ay hinapit siya nito, held her close and she didn’t object.
It felt wonderful to rest her cheek on the soft cotton of his shirt, lalo at nararamdaman na niya ang hilo mula sa nainom. She could feel the beat of his heart just under her ear, and that felt wonderful too.
The music was a soft, romantic ballad that talked of love forever lost. Ang kamay ni Jace ay banayad niyang nararamdaman sa likod niya. And she was aware of the slow shiver working its way up her spine. Bahagya nang gumalaw ang mga paa ni Jace, keeping up a pretense of dancing.
She raised her face and met his eyes. Then the room, the day, ang mga tao sa paligid, lahat ay naglaho, lost in the darkness of his eyes.
Nang ibaba ni Jace ang ulo patungo sa kanya ay may pakiramdam siyang biglang nag-iba ang paghinga niya. Humigpit ang hawak ng mga kamay niya sa mga balikat nito, her lips parting in soft anticipation.
His kiss was perfect. Her arms slid upward to circle his neck as her mouth softened beneath the pressure of his.
Nalalasahan niya ang alak mula sa bibig nito. His mouth was warm and firm, coaxing, hungry, demanding, promising. Sa pakiramdam ni Drew ay umiikot ang lahat sa kanya. The ground seemed to rock under her feet, pero paanong hindi iyon napapansin ng mga nakapaligid?
They had danced some more… drank some. Kung bumilis man ang musika ay hindi na niya alam. She was floating on a sea of pleasure; she was only aware of the strong and warm arms that held her; of other stolen kisses that had followed that first devastating assault on her senses.
***************************Kumusta ang lahat? Happy New Year sa inyo mga beshie hahahaha. Sana naging masaya ang bagong taon n’yo. :) - Admin A ***************************************
29
SHE WAS laughing when Jace opened their hotel suite and guided her inside. Inihagis niya sa carpet ang evening bag niya at ibinagsak ang sarili sa kama.Her lids were heavy and yet she had never felt quite so content. Nagmulat siya ng mga mata at sa paanan niya ay naroon si Jace at nakatayo, watching her intently. His eyes dark with blazing passion.
She should be scared, but the wine made her smile and joke. “Have I grown two heads?”
“If you had, I doubt if it would mar your beauty,” he said huskily.She laughed. “I’ve heard that many times, Jace.” Then her laughter vanished, she looked at him solemnly. “Sometimes I wonder if my beauty is a curse or a blessing.”
“Why do you say that? Women would kill just to have your face…”
Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya, almost in a hysterical way. She must really be drunk. “I’m rich… I’m beautiful… gusto ako ng mga lalaki dahil sa dalawang katangiang iyon.”
“I want you not only for those reasons, Drew.” His voice had turned a note huskier, he squatted on the floor and took her high heels off.
Bumangon sa pagkakahiga si Drew at itinukod ang dalawang siko sa kama. “Of course, you want me. I can see it in your eyes,” aniya, sinabayan niya iyon ng tawa, seductive and sensual. She must really be drunk or she wouldn’t be flirting with him this way. Kaiba si Jace sa mga lalaking pinaglalaruan niya. Dito ay nararamdaman niyang tila siya batang musmos at walang alam sa mundo.
Pagkuwan ay tinitigan niya ito. She noticed the scar on his left forehead. Tuluyan siyang nag-angat ng katawan at inilapit ang sarili rito. Itinaas niya ang kamay at banayad iyong dinama nang wala sa loob. Ang nasa isip niya ay itanong dito kung ano ang sanhi ng pilat na iyon. Subalit iba ang inilabas ng bibig niya.
“I want to know your reasons for wanting me, Jace.”
He met her gaze. Inabot ang kamay niya at ikinulong iyon sa mga palad nito. May ilang segundo ang pinalipas bago nagsalita na tila ba hinahanap sa isip ang sagot. Then he took a long and deep breath.
“I… I couldn’t find one reason that is more important than the rest…”
“Why, that—that’s sweet, Jace.” She gave him a soft, lopsided smile.
Jace drew in his breath, yumuko at hinagkan ang mga daliri niya. She moaned in pure pleasure. He raised himself from the floor and joined her in the bed. Lumundo ang bahaging inupuan nito.Drew felt the weight of his hand on her nape. Pumaloob ang mga daliri nito sa buhok niya, then he bent his head, his lips gently touching her hair, then her forehead, brushing the soft concealing tendrils aside.
Nagpaulan si Jace ng mumunti at nag-aapoy na halik sa mukha niya, at sa leeg niya, while his hands moved to her back with bewildering swiftness, unzipping her dress partially. She felt the shiver of silk on her skin as he pushed her clothes down to her waist. The zip of her dress rasped downwards, as she clung to him as he guided her out of her dress.
Kung paanong pagkatapos niyon ay nakapag-alis ng sariling kasuotan si Jace ay hindi niya alam. He pulled her against him, at nagsindi ang apoy sa katawan ni Drew, as the tips of her lace-covered breasts grazed against the wall of his chest. She was pressed against him, feeling the irregularity of his heartbeat.
He rained kisses on her eyelids, her cheekbones, caressing the tip of her nose, her chin, but not her lips. And it was killing her. She wanted him to kiss her more than she needed air to breathe.
“Kiss me.” Si Jace ba ang may sabi niyon? Or was it her own potent longing she heard?His tongue stroked her lips, parting them. Then his mouth was on hers, banayad muna sa simula, pagkatapos ay lumalim, nagsisindi ng kakatwang kirot ng pangangailangan sa buong pagkatao niya ng isang apoy. And she drank thirstily from that fire.
“Oh, god, Drew,” he said hoarsely. “My sweet…”
Pumulupot ang kamay nito sa buhok niya, banayad iyong hinila pababa, tipping back her head, and he kissed her mouth again with a passion that needed fulfillment. Drew’s head was spining, the race of her blood sounding like thunder in her ears.
Pumakabila sa likod niya ang kamay ni Jace upang tanggalin ang hook ng bra niya. He drew the straps down her arms, freeing her breasts from the concealing lace. Then his fingers teased her nipples into an agony of pleasure.
Wanting more, his head went down and kissed her breasts, circling the hot peaks with his tongue. His hands stroked her body, habang unti-unti nitong ibinababa ang lacy panties niya.May bahagi ng isip niyang sumasalungat sa nangyayari subalit isiniksik niya iyon sa kailaliman. She wanted him now as she had never wanted any man in her life.
“I know you’re drunk, Drew,” Jace murmured in her mouth. “But that won’t stop me from needing you… from wanting you tonight… from making you mine. You are my wife, I have all the right…”
Bahagya na niyang naririnig ang sinasabi nito. Ang buong kaisipan niya ay nasa mga kamay nito na naglalakbay sa katawan niya. His hand parting her thighs. His fingers gentle as he caressed her, then suddenly not gentle at all.
Muli siya nitong hinagkan, mariin. And as he entered her, she cried out.
******************************OMG ang hot naman ng bagong taon nila Jace char hahahahaha. Sabi ko na nga ba eh sumabay sila sa New Year char hahahahaha. Ang New Year’s Resolution ko ngayong taon ay sana matupad n’yo mga New Year’s Resolution n’yo mga beshie char hahahaha. Be happy always. - Admin A *****************
Yung iba ata sa inyo nagpaputok rin nung New Year eh char hahahahaha
30
HINDI niya gustong gumising, may pakiramdam siyang noon lamang siya pumikit. Bukod pa roon, may isang magandang panaginip siyang gustong hulihing muli. And if she woke up, tuluyan iyong mawawala. It wasn’t every night that she dreamt of something wild and erotic.Subalit hindi humihinto ang ingay na naririnig niya. Kinapa niya ang bahaging pinanggagalingan ng ingay. Her hand connected with something smooth and cool. She fumbled with it, her fingers curling around a handle and pulling. It was the phone. Sapilitan niyang sinagot iyon sa nakapikit pang mga mata.
“Hello.” Her voice sounded thick and fuzzy, tulad ng pakiramdam niya. Narinig niyang tumikhim ang nasa kabilang linya bago nagsalita iyon.
“M-Mrs. del Mare, good morning… Ma’am, si Hopkins ho ito…“Si Hopkins ang nasa linya, ang copilot ng Lear Jet. She opened her mouth to give him a tongue lashing for waking her up. Nang biglang mahagip ng isip niya ang unang sinabi nito.
Mrs. del Mare.
Mrs. del Mare!Napamulat siya. And cursed silently when the pain in her head intensified. Dumulas sa kamay niya ang telepono patungo sa dibdib niya. Kumunot ang noo niya nang mapunang hubad ang katawan niya mula baywang pataas.
That was odd. Hindi siya natutulog nang hubad!
Sinisikap niyang hilahin ang kumot mula sa baywang niya pataas upang takpan ang sarili subalit tila may umiipit doon. Surely it wasn’t her legs, dahil malaya iyong nakagagalaw.Ang atensiyon niya ay muling natuon sa telepono dahil naulinigan niyang muling tumikhim at nag-hello ang nasa kabilang linya. Idinikit niya iyon sa tainga.
“Yes, Hopkins?”
“I–I’m sorry, Ma’am,” wika nito sa alanganing tinig. He ought to be sorry. Bakit siya kailangang gisingin nito? “Ang sabi po kasi ni Jace ay aalis tayo makapananghali pabalik ng Pilipinas. Ala-una pasado na ho pero wala pa ho akong natatanggap na instruction.“Jace! Tuluyang nagising ang diwa niya.
“I’ll call you back, Hopkins!” wika niya at mabilis na ibinaba ang telepono sa cradle nito.
May ilang sandaling tumitig siya sa kisame. Inikot ang paningin niya sa buong silid. It was big and spacious. Ang interior decoration ay ginawa ayon sa isang maganda at mamahaling panlasa. Even the settee was a reproduction of a Queen Anne style. Everything around the spacious room was expensive.
Sinikap niyang bumangon subalit ang sakit ng ulo ay tumindi pang higit. The pain seemed to be centered right behind her eyes, radiating outward from there to make her entire body ache.
Bakit kailangang pati kabuuan ng katawan niya ay sumakit nang dahil lang sa sakit ng ulo? Lalo na sa bahaging—
Isang ungol ang naririnig niya sa kabilang panig ng kama. She froze, feeling her heart nearly stopped beating.
Her head was aching. Her body was tender in… some parts.Wine. Dancing. Laughter.Jace. Wedding. Mrs. del Mare.
Hardly daring to breathe, Drew turned slowly. Humihiling na ang narinig at ang alaalang unti-unting sumisiksik sa isip ay bahagi lamang ng panaginip niya.
Tumambad sa kanya ang isang matipunong likod. The tanned back contrasted with the snowy white sheets. Tanned, muscular, and very bare.
Sa nanlalaking mga mata ay naglakbay ang paningin niya sa kabuuan ng hubad at nakadapang katawan. She had an uninterrupted view of his tanned shoulders, and the long, naked length of his back before stopping at the sheet that was draped low on a pair of masculine hips.
May pakiramdam si Drew na unti-unti siyang kinakapos ng paghinga. Hindi siya magtataka kung anumang sandali ay mauupos siyang parang kandila.Ang nangyari ay hindi isang panaginip! It had been all too real. Pinahintulutan niya ang sariling malasing. And then she and Jace…
She grasped for the sheet to cover her body. Sa paghilang ginawa niya ay nagising si Jace. She watched him stir, stretch and turn. Nakapikit pa ito nang ang braso ay agad na hinanap ang katawan niya sa katabing unan, na para bang natural na naroroon siya.
Nang walang mahagip ang kamay nito ay mabilis na nagmulat ng mga mata si Jace. He reached for her, lazily scooping her back across the bed to the warm curve of his body. He smiled down into her outraged eyes.
“Good morning, Mrs. del Mare… or is it afternoon already?” Ang isang kamay nito ay umangat pataas sa dibdib niya sa isang pamilyar na paraan, kneading one breast softly. Drew bit her lower lip to keep herself from gasping aloud. “Hmm… Wala akong natatandaan sa buong buhay kong nagising akong ganito kaganda ang araw.”
“B-bitiwan mo ako,” Drew said hoarsely. Gusto niyang kamuhian ang sarili sa mabilis na pagtugon ng katawan sa ginawa nito. “T-tumawag si Hopkins, dapat ay nasa jet na tayo.” Sinisikap niyang alisin ang kamay nito sa pagkakayakap sa katawan niya subalit hindi niya iyon matinag.
“Forget Hopkins.” His teeth bit her lobe gently. “We can stay the whole day in this room. At kung ako ang tatanungin mo, hindi ko gustong lumabas ng silid na ito sa loob ng isang linggo o di kaya’y—”
“Kailangan nating bumangon, Jace,” wika niya sa tinig na sinisikap maging pormal. “Gusto kong bumalik na ngayon sa Pilipinas..:”
Hindi sumagot si Jace, sa halip ay isiniksik ang mukha sa leeg niya, inhaling her warmth. “So, the playgirl and untamed heiress has—had,” he ammended softly, “an unimpeachable virtue. Forgive me, Drew, for thinking the worst of you…” Mariin nitong hinagkan ang balikat niya, pagkuwan ay napangiwi nang makita ang pamumula ng balat niya sanhi ng tumubong stubbles mula rito.
“No, I won’t!” tila batang padabog niyang sinabi. “Hindi dapat nangyari ang nangyari. After a couple of months, we would have filed an annulment!“He grinned at her lazily. “You can only file an annulment for non-consummation of marriage.”
“Divorce then.”
One brow arched. “On what ground?”
“Oh, shut up, Jace!” Ang pagsisikap niyang makawala sa mga braso nito ay walang silbi. Nanatili pa rin siyang nakahiga. “Alam mong kaya tayo dito sa Las Vegas nagpakasal ay para madali ang divorce sa atin. At kagabi’y alam mong lasing ako!”
Inangat nito ang katawan at itinukod ang siko sa kama at tinitigan siya. “Alam kong lasing ka, Drew, pero hindi ganoon kalasing para hindi mo malaman ang nangyari sa atin. Mas lasing ka pa noong dalhin kita sa Villa del Mare mula sa Maynila kaysa kagabi. Marahil dahil kagabi ay unti-unti ang ginawa mong pag-inom.”
“I’ve trusted you. Tinanggap ko ang alok mong truce. You should not have—”
“You trusted me all right,” putol nito sa sinasabi niya. “At the same time you wanted me, bago pa man nangyari ang nangyari kagabi. Hindi lamang sa paraan ng pagtugon mo sa mga halik ko kagabi kundi sa ibang pagkakataong hinagkan kita.”
“H-hindi totoo iyan!”
“Iyon ang totoo. You practically begged to be kissed—touched. Anyway, ano ba ang problema, asawa kita?”“Technically!” she spat.Jace laughed. “Technically, legally, permanently. Do you understand?”
“No, I don’t!” aniya. “Alam mong hindi iyan ang plano ko. And last night, you took advantage of me,” she accused in a ragged voice.
Ang tawa ni Jace ay unti-unting naglaho. “We’ve made love more than once last night, princess. Ang nangyari kagabi ay pareho nating gusto at normal lamang para sa mag-asawa. Pagmasdan mong mabuti ang katawan ko, at nang makita mo kung ano ang ginawa mo sa akin.” Hinawi nito ang kumot na itinakip nito sa katawan kaninang tumihaya at abutin siya.Embarrassed and horrified, Drew gasped. Two red marks were on the lower part of his chest.
“Move your eyes lower, wife,” he commanded drily.
She shook her head at mabilis na ibinalik sa mukha nito ang mga mata niya. “I–I have never… done anything l-like that in my whole life…” halos hindi maglandas sa bibig niya ang mga salita. Alam niyang mapulang-mapula ang mukha niya sa matinding kahihiyan.
“I can believe that now,” he said curtly, at nang marahas nitong alisin ang kumot na tumatakip sa ibabang bahagi ng katawan upang bumangon ay mabilis na umiwas ng tingin si Drew. Inabot ni Jace ang boxer shorts na nasa sahig at isinuot at pagkatapos ay tuluyang tumayo. “Ang ginawa mo at ang mga bali-balita sa peryodiko ang dahilan kung bakit kahit bahagya’y hindi ko naisip na wala kang karanasan.
“I am not an old-fashioned man, princess, and yet it feels good to know that there had been no other man before me,” wika nito at nilingon siya. “I would hate to think that I married a woman of loose moral character and easy virtue, kahit na nga ba isa siyang tagapagmana ng milyon-milyong salapi.”
Nagsiklab siya at kipkip ang kumot ay tumayo mula sa kama. “I wish I had given myself to…to… Grant!”
There was tension in him now. A dangerous glint crossed his eyes. Humakbang ito pabalik sa kanya. Hinawakan siya nito sa baba at marahas iyong itinaas.
“Grow up, love,” wika nito sa malamig na tinig. He bent his head and gave her surprised mouth a quick and cruel kiss. Pagkatapos ay bigla rin siyang pinakawalan na napaatras siya sa gilid ng kama.
“I don’t want you to ever touch me again!” she cried.Jace gave an indulgent smile. “You’re becoming a bore, princess. I wonder what is it this time. We’ve proven already that you wouldn’t die if I ever touched you long before we did what I recall was… more than just touching.” He gave her a leering smile.
“Oh, I wish I never had to see you again!” nanginginig ang tinig na sabi niya.
“No such luck, Drew,” bale-walang sabi nito. “Mag-asawa na tayo, and as such, I am entitled to my marital rights.”
“No! That won’t happen again. I hate you, Jace. Ang nangyari kagabi’y hindi mangyayari kung hindi mo ako nilasing!”
He gave a bore sigh. “Now you’re lying, my dear.” Itinaas nito ang kamay patungo sa mukha niya. Pinaraanan ng thumb finger nito ang mga labi niya bago dahan-dahan iyong bumaba patungo sa leeg niya… pababa sa dibdib niya. Ni hindi makuhang huminga ni Drew. Then his thumb gently brushed one breast, sa paraang tila hindi iyon sinasadya. And yet her tender nipple came to taut life.
“You’re disgusting!” aniya. At nang dumako ang kamay nito sa laylayan ng kumot na hawak niya upang tanggalin iyon ay mabilis siyang umiwas, at pinulupot sa katawan ang kumot habang halos takbuhin nito ang anteroom bago pa niya bigyan ng panibagong kahihiyan ang sarili. Sinundan siya ng nakakalokong halakhak nito. Drew closed her eyes at isinandig ang ulo sa dingding ng anteroom. Nag-uunahan sa pagpintig ang puso niya mula sa iba’t ibang damdamin. From shame; from the savage and burning ache of desire that he awakened inside her; mula sa galit sa sarili, dahil iyon lang ang ginawa nito pero agad nang tumugon ang katawan niya, na lalo pang tumindi as memories of what happened last night was starting to intrude now. Malinaw na nagsasalimbayan sa isip niya.
Tama si Jace, hindi ang alak ang dahilan kung bakit ipinagkaloob niya ang sarili rito. Dahil hindi naman ganoon karami ang nainom niya.
Many times in the past, she rebelled against her father. Dahilan upang tagurian siyang Wild Heiress. Hindi miminsang iniugnay ang pangalan niya sa ilang kilalang personalidad. Karamihan sa mga nalalahathala sa peryodiko ay walang katotohanan subalit wala siyang ginagawang paraan upang pasubalian ang mga bali-balita. Kahit sa mga ambush interviews ay ipinagkikibit niya iyon ng mga balikat at matamis na ngiti lamang ang isinasagot.
In spite of her reckless ways, sa kabila ng peer pressure, lalo na noong nag-aaral pa siya, at sa bansang kinalakhan niya kung saan sa batang edad ay dapat na may karanasan ka na sa sex, ay hindi niya makuhang ipagkaloob ang sarili sa isang lalaki… gaano man kalaki ang atraksiyon niya sa lalaking iyon.
May ilan siyang naging boyfriend na totoong sa ilang pagkakataon ay pinukaw ang damdamin niya subalit hindi sapat upang hindi makapanaig ang moral values na itinanim ni Beatriz Navarro sa puso at isip niya.
But last night was different. Siguro dahil sa kaibuturan ng puso at isip niya ay alam niyang asawa niya si Jace—sa kabila ng konsekuwensiya ng kanilang pagpapakasal. Subconsciously, sa dance floor pa lamang ay alam na niyang iyon ang mangyayari sa kanila. Perhaps she even anticipated it to happen.
At hindi man iyon nangyari kagabi ay mangyayari din iyon isa sa mga araw na darating. She was his wife now, and Jace was the kind of man who would insist on his marital rights.
And denying him would be cheating.Subalit hindi normal ang pagpapakasal nila. It was a marriage of convenience. After their marriage had served its purpose, she would file an annulment in a few months. That was her plan. So how could she possibly have allowed last night to happen?
She groaned in despair. Hindi ito ang uri ng buhay na pinapangarap niya para sa sarili. Bagaman hindi isang masayang ending ang buhay at pag-ibig ng ama at ina niya, she had always dreamed of love and happiness ever after. Tulad ng Lolo Franco at Lola Beatriz niya na magkasama sa pagtanda; ng Uncle Zandro at Aunt Jenny niya; ng Tito Lance at Tita Billie Rose niya.
Subalit ang kayamanang mamanahin niya ay lagi nang isang malaking hadlang sa paghahanap niya ng matinong lalaki.
Hindi ba at si Jace ay isang mabuting lalaki? And he was now her husband? Ano pa ba ang hinahanap niya?
But he doesn’t love me, she thought agonizingly. Ang dahilan lamang ng pagpapakasal na iyon ay dahil sa kapakanan ng ama at ni Jace. She was only a part of the deal—an important part of the deal.
Hindi niya dapat ipinagkaloob ang sarili rito.
***********************Nakakamiss mag update ah hahahaha . Super dami kasi ng work eh at natambakan nga ako gawa ng holiday hahahaha. Namiss ko tuloy mag - update. Kumusta kayong lahat? May nakamiss ba sa akin char hahahaha. Happy weekends everyone. Enjoy. - Admin A ************************************************
31
MULA sa barandilya ng ferry boat ay tahimik na pinagmamasdan ni Drew ang karagatan. Sa paligid ay natatanaw niya ang ilang isla. Ni wala siyang ideya kung ano ang mga islang iyon. But she could see cottages lining along the shore. Siguro ay pribadong beach resort at nararating lamang sa pamamagitan ng ferry boat o bangka mula sa pantalan ng Infanta.
Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nakasakay siya ng isang pampublikong sasakyang pandagat, kung hindi ibibilang ang pangyayaring iniuwi siya ni Jace sa Sto. Cristo nang tulog siya. Buong buhay niya ay ang chopper ng kompanya ang paraan nila ng transportation sa pagpaparoon at parito mula Maynila at Sto. Cristo, kung hindi man ay ang lantsa ng Tito Alvaro niya.
Mula sa airport ay ilang oras lang siyang hinayaang magpahinga ni Jace bago ito nagyayang umuwi ng Sto. Cristo.
“Alam kong pagod ka sa biyahe at may jet lag pa. Pero kailangan nating umuwi ng Sto. Cristo, Drew,” wika nito. “Tumawag ang Mama at may problema roon simula pa nang umalis tayo ng Pilipinas.”
“Sure.” sinabayan niya iyon ng kibit ng mga balikat, ni hindi nag-angat ng mukha mula sa binabasang fashion magazine. “I’ll be fine here.“Lumapit si Jace. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Natin. Plural. Ibig sabihin, kasama kita.”
“So, okay,” she said defiantly. “Sasama akong pauwi ng Sto. Cristo pero sa Hacienda Montano ako tutuloy.”
“Asawa kita, Drew. Ayoko ng long distance relationship. Kung saan ako naroroon ay naroroon ka rin,” he said patiently.
Padabog niyang inihagis sa carpet ang magazine. “You’re being ridiculous, Jace! It isn’t as if we’re besotted to each other. Now that we’ve satisfied the lawyers and my father, we can both go our separate ways.”
“Really?” sarkastikong nag-angat ito ng mga kilay. “And have we, too, satisfied the lust we have for each other in just one night?”
Her face flushed, umiwas ng tingin. “Ang… nangyari sa hotel ay isang… temporary aberration.”
“Temporary aberration,” ulit nito. At sa isang matagal na sandali ay tinitigan siya nito bago, “I beg to disagree, princess. Ngayon lang mismo, if I so much as touch you, alam nating pareho kung saan iyon hahantong.”
“Sumobra ang tiwala mo sa sarili—” Ang sasabihin niya ay nahalinhan ng pagsinghap nang ang kamay ni Jace ay dumako sa baywang niya at itaas siya nito mula sa upuan. He stared straight into her eyes before he slammed his mouth over hers.
Drew curled her hands into fists against his broad shoulders, stunned by the intensity of his kiss. It was a bold, openmouthed assault that scorched her body all the way down to her toes.His scent swirled through her senses. And she groaned deep in her throat as waves of sensation flooded her body, until she was trembling in his arms. At namangha pa siya nang bitiwan siya nitong bigla at muli siyang mapaupo sa upuan.
“Beast…” ang nausal niya nang wala siyang mahagilap na salita at nakatunghay ito sa kanya sa nang-uuyam na ngiti.
“And you, my lovely Drew, is a hypocrite, if we are to hurl names at each other. At kung hindi lang kailangan akong makausap ng daddy mo ay malamang na kahit sa carpet ay may mangyari sa atin.”
Drew bit her lips to keep herself from saying anything. Mapapahiya siyang higit. Humakbang ito palayo sa kanya.
“Matatagalan tayo sa Sto. Cristo.” Nagbuntong-hininga ito. “Binigyan ko na ng instruction si Yaya Saling. Inihahanda na niya ang mga gamit mo. Magbibiyahe tayo patungong Infanta bukas nang madaling-araw para maliwanag pa ay nasa Villa del Mare na tayo.”
Mula sa sofa ay napatayo siya. “Mahabang oras na biyahe iyon! We could use the chopper. I’m sure my father will—”
“Oh, nakalimutan kong isa nga palang milyonarya ang napangasawa ko,” putol nito sa sinasabi niya, “at hindi sanay sa ordinaryong paraan ng pagbibiyahe,” he mocked. “But I’m sorry, princess, hindi ako sanay sa ganoong luho. Magbibiyahe tayo pauwi ng Sto. Cristo sa pampublikong transportasyon. At simulan mo na ring mabuhay tulad ng isang karaniwang tao dahil karaniwang tao lamang ang asawa mo!”
At wala siyang nagawa sa gusto nitong mangyari. Kaya heto at nagbibiyahe sila sakay ng ferry boat kasama ng maraming mga tao matapos ang mahabang oras na biyahe sa Cherokee Jeep nito mula kaninang madaling-araw. At sa kabila ng maaari naman siyang matulog sa durasyon ng biyahe ay nanatili siyang gising. Gayong tulog sa likod ng jeep si Yaya Saling.
Kung sa ibang pagkakataon ay katatakutan niya ang biyaheng iyon dahil madilim ang kabundukang nakapaligid sa kanila. At maliban sa mangilan-ngilan at napakadalang na sasakyang nakakasalubong nila ay puro kadiliman ang nakikita niya. At alam niyang nakapangalat sa kabundukang iyon ang mga taong-labas.
Subalit hindi iyon ang nararamdaman niya. She was very much aware of the man behind the wheels; ang lakas sa mga bisig nito habang minamaniobra nito ang manibela sa bawat pag-ikot at pagliko ng sasakyan. At hindi miminsang sumagi sa isip niya ang ginawang pag-aangkin nito sa kanya sa unang gabi ng kanilang kasal. At sa tuwina ay may masarap na kilabot siyang nararamdaman… at isang pangangailangang hindi niya gustong tanggapin.
“Are you cold?” tanong nito kasabay ng paglingon sa kanya at huling-huli siyang nakatitig nang husto rito.
Mabilis niyang ibinaling ang pansin sa kadiliman sa labas at umiling at ipinagkrus ang mga braso sa katawan.
“Kanina mo pa ako tinitigan. And everytime you do it, you seemed to shiver…” There was a knowing smile on his lips.
“You’re being ridiculous,” naiiritang sabi niya at napasinghap nang abutin nito ang isang kamay niya at dalhin sa mga labi. And to her horror, he erotically sucked one finger.
“Don’t do that!” she screamed, marahas na binawi ang kamay sa paraang tila siya nadikit sa isang nagbabagang bakal.
A soft chuckle rumbled in his chest. “You’ll wake the dead, princess.”
Ang anumang sasabihin niya ay napigil nang agad na dumukwang sa lugar niya si Yaya Saling.
“T-tumili ka ba, Drew?” naalimpungatang tanong nito.
Umalingawngaw sa katahimikan ng paligid ang malakas na halakhak ni Jace. At padabog niyang isinandal ang sarili sa sandalan ng jeep at naglabas ng naiiritang paghinga.
**********************HAHAHAHHAA kakaloka ka talaga Drew para kang yung kakilala ko eh akala mo talaga eh char hahahaha. - Admin A *********************
Happy birthday pala sa mga beshie natin dyan di ko na kayo nabati, belated sa inyo at sa mga magdidiwang pa. Happy birthday in advance. Libre n’yo na lang ako sagot ko na ang update n’yo char hahahaha. - Admin A *********************************************
32
SANDALI niyang nilinga ang loob ng ferry boat. Si Manang Saling ay naiwan sa loob ng pribadong deck sa ibaba dahil nahihilo.
Maliban sa discomfort ng mahabang biyahe sa daan, she was actually enjoying it. At isa lamang ang napatunayan niyang hindi niya kayang iwasan nang makarating sila ng pier sa Infanta—ang sulyap ng mga tao sa tuwing naglalakad siya. Mapababae man iyon o mapalalaki. Sa mga babae ay naroon ang paghanga, sa mga lalaki ay ang pagnanasa.
Ang ilan ay bumabati ng magandang araw. Ni isa ay wala siyang pinagkaabalahang pansinin. At nagtuloy-tuloy siya sa upper deck.
“Nakita kita kanina nang batiin ka ng isang matandang babae.” Mula sa likuran niya ay pumukaw sa pag-iisip niya ang mahinang tinig ni Jace.
She was aware of the broad chest that touched her back; sa nakakakiliting init ng hininga nito sa tainga niya. Agad ang pagdaloy ng alaala ng unang gabi… ng halik na iginawad nito sa kanya kahapon, sapat upang manayo ang balahibong pusa niya sa katawan.Sinikap niyang lagyan ng renda ang daloy ng pagnanasa at pinairal ang iritasyon. “So?” she said haughtily. “Hindi ako politician para ngitian at batiin ang lahat ng taong makasalubong ko.”
“You don’t have to be a politician to be polite, Drew,” wika nito. Nasa tinig nito ang bahagyang galit. “Halos lahat ng sakay ng ferry boat na ito ay mga taga-Sto. Cristo. Kung hindi man mga tagabayan ay natitiyak kong ang ilan ay mga pamilya ng mga tauhan ninyo sa asyenda.”
“I don’t feel like smiling back!” she snapped unreasonably.
“My god, you’re a snob! And to think you have expressed your desire to manage the Hacienda Montano.” Bagaman mahina lang ang tinig nito ay hindi maipagkakaila ang tuluyang pag-ahon ng galit. “Ngayon ay alam ko na kung bakit hindi ka pinagbigyan ng ama mo. Gusto mong pamahalaan ang rancho nang dahil lang sa kapritso!”
Nanlaki ang mga mata niya roon at mabilis na humarap dito. Isang pagkakamali dahil dibdib nito ang nalingunan niya at nang ihawak ni Jace ang mga braso sa barandilya ay nakulong siya sa mga bisig nito. But she was too angry to notice.
“How dare you to—!”
“Kung intensiyon mong pamahalaan ang asyenda ay kailangang bumaba ka sa kinalalagyan mo, Drew,” putol nito sa sinasabi niya. “Ang matandang bumati sa iyo ay ang tiyahin ni Manong Hilarion, ang dating katiwala ninyo. Ano sa palagay mo ang iisipin niya gayong kahit kapirasong ngiti ay hindi mo tinugon ang pagbati niya?”
“At kaninong kasalanan iyon? Ikaw ang may gustong dito tayo sumakay!” Her voice a note angrier for making her feel guilty. Inilagay ang dalawang kamay sa dibdib nito at marahas na itinulak.
But Jace held both her hands forcefully. “We’re in public, my dear!” marahan subalit mariing paalala nito. “Unless you want to hang our dirty linens in public.”
Drew opened her mouth to say something scathing but his words sunk in. Nang ihayon niya ang mga mata sa paligid ay may ilang taong nasa kanila ang paningin. Ang iba ay curiosity ang nasa mukha, at ang iba naman ay mga nakangiti, hinihinuhang magkasintahan silang nagkakagalit.
For a while she seemed to be lost… confused. Had she been in a party, it would be easier to tilt her head and walk out of the room. Pero wala siya sa party na ang mga naroroon ay kapwa niya mga taga-alta sociedad. Ang nakapaligid sa kanila ay tulad nga ng sinabi ni Jace, mga taga-Sto. Cristo. At karamihan sa mga iyon ay mga tauhan ng asyenda.
At nang ibalik niya ang paningin sa asawa ay nakatitig ito sa kanya, wala na sa mga mata nito ang galit at panunuya. In his eyes was understanding. Or was it?
Kung anuman ang dahilan, ang igting sa mga braso niya ay iglap na nanghina. Sapat upang luwagan ni Jace ang pagkakawak sa kanya. Her hands unwittingly moved to the lapel of her shirt, sa mga mata ng maaaring makakita, a sign of a lover’s surrender.He gave her a lopsided smile as he gazed down at her with a mixture of teasing and tenderness in his eyes. “When I first saw you, I thought I could tame you, Drew…“Muling naningkit ang mga mata niya. Her hands grasped on his lapel. “Tame?” she hissed. “Ano ang tingin mo sa akin? Mailap na hayop?!”
“Aren’t you, princess?” Hindi nagmamaliw ang panunukso sa mga mata nito. “You’re like a wild cat, with claws ready to strike. But the cat in you purred in my arms.” He raised his hand and touched her face softly with his knuckles.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Nagtatalo ang puso at isip kung magagalit o mapapahiya. Then undiluted passion appeared in his dark eyes that she gasped softly.“I can hardly wait until you’re in my arms again,” he whispered above her ear. “Sa nakalipas na dalawang araw, I’ve been so busy. With all the long hours meeting with your father and my meeting with my lawyer.” Umiling ito at pailing na idinagdag, “some honeymoon!”
“Get yourself busy. Ikagagalak ko kung iwan mo akong mag-isa!”
“Empty talks, my dear wife.” Jace bent his head as if to whisper in her ear. At sa isang disimuladong paraan, he licked the insides of her ear. Involuntarily, her eyes shut and a soft moan escaped from her. Nag-angat ng mukha si Jace, slowly she opened her eyes and saw him smiling at her flushed face. Pagkatapos ay lumakad na ito palayo.
Naiwan siyang nakasunod ng tingin dito at naghahabol ng paghinga na tila nalulunod. Ang mga tuhod niya ay tinakasan na yata ng lakas. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa barandilya ng ferry boat na para bang kapag bumitaw siya mula roon ay mahuhulog siya sa dagat.
Nang matuunan niya ng mga mata ang mga tao sa paligid, napuna niyang nakangiti ang mga ito sa kanya na tila ba alam ang namagitan sa kanila ni Jace. Horrified, agad siyang tumalikod at muling itinuon ang mga mata sa karagatan. Then she closed her eyes tightly. Nalilito siya sa sariling damdamin. She was torn between hating and wanting her husband.But then what was there to hate about him? Maliban sa kapag kaharap niya ito, she felt so expose, vulnerable, and unsure.
At banyaga sa kanya ang mga damdaming iyon.
ALAS-SAIS na nang sapitin nila ang Villa del Mare. Sandali lang na nakipag-usap si Jace sa ina at pagkatapos ay nagpaalam sa kanyang aalis muna. “Don’t wait up. Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi. Maghapunan na kayo at magpahinga ka na pagkatapos,” wika nito. “Pagod at puyat ka sa biyahe.”“
Ikaw rin naman, ’di ba?“ she said softly.
May kumislap sa mga mata ni Jace na hindi niya kayang bigyan ng pangalan. He smiled. “Yeah. Pero sanay ako sa pagod at puyat, Drew. Isa pa’y kailangan kong makausap ang mga tao sa Baybayin.”
“S-saan ka maghahapunan?” Hindi niya napigil ang sariling itanong.
“Now you sound like a wife and I like that,” tukso nito.Tumalim ang mga mata niya at magsasalita sana subalit yumuko si Jace at dinampian ng halik ang mga labi niya. “I’ll see you tonight…” There was a promise in his voice, at hindi mapigilan ni Drew ang pag-ahon ng antisipasyon sa dibdib niya.Habang sinusundan niya ng tanaw ang paglabas ni Jace ng villa ay gusto niyang kainisan ang sarili dahil sa damdaming iyon. She felt like a wanton.Ilang sandali pa ay naririnig na niya ang pag-andar ng Cherokee Jeep nito.
“Sa Baybayin ang tungo ng asawa mo, Drew,” wika ni Concordia na lumabas mula sa kusina. “May mga taong naghihintay sa kanya ngayon doon na pupulungin niya.” Payak na ngiti at tango ang isinagot niya. Nagpatuloy si Concordia, “ikinalulungkot kong agad kayong napauwi rito, hija. Pero hindi ko kayang gawan ng paraan ang problema sa Baybayin. Bukod pa sa si Leandro ang gusto nilang makausap.”
Gusto sana niyang magtanong kung tungkol saan ang ipakikipag-usap ni Jace sa mga tao subalit mas natuon ang isip niya sa paghingi nito ng paumanhin sa madalian nilang pagbabalik sa Sto. Cristo.
“It’s okay… napag-usapan na namin ni Jace bago pa man na pagkatapos ng kasal ay babalik kami kaagad dito.”
“Nag-aalala lang ako dahil bagong kasal kayo at—”
“We don’t have a normal marriage, kaya walang dapat ipag-alala…” She didn’t want to sound sarcastic, pero ganoon lumabas ang tono niya.
Nagbuntong-hininga si Concordia. “M-my… son’s a good man, Drew. Hindi ko gusto ang pagpapakasal ninyo hindi sa kung ano pa mang dahilan. But I want him to fall in love and be loved in return. I want him to be happy… marry the woman of his choice. And he could have—”
“Married someone else had it not been for that stupid proviso in his grandfather’s will,” idinugtong niya, “and my own father’s unwillingness to pay back what is due the del Mares.” She couldn’t understand why that hurt so much.
Nagsalubong ang mga kilay ni Concordia. “What are you—“Muling pinutol ni Drew ang sinasabi nito. “Please, huwag na nating pag-usapan ang lahat ng ito,” pakiusap niya. Napapagod na siyang marinig ang tungkol sa salapi na siyang ugat ng lahat ng mga pangyayari sa buhay niya.
Ang masasamang karanasan niya sa mga lalaking walang hinahangad kundi ang mamanahin niya… mga lalaking huwag lang di-alukin ng salapi ng abogado ng ama ay agad na bumibigay. At nitong huli ay si Grant, na totoong pinaniwalaan niyang hindi kayang bayaran ng ama, but was even the worst than the previous men she had met.
Totoo namang may mga naging boyfriends siyang mayayaman din naman. Subalit ang motibo ay salapi pa rin. Upang tiyakin ang katayuan ng mga ito sa negosyong kasosyo sa ama niya.Then came Jace. Oh, yes, napatunayan niyang hindi salapi ang hangad nito sa kanya. At lalong hindi ang mapabilang bilang direktor ng kompanya. Still, salapi pa rin ang dahilan kung bakit napakasal sila sa isa’t isa.
Nasa mga mata ni Concordia ang tanong, gayunman ay tumango ito at sinamahan siya sa silid na inokupa niya noong unang dalhin siya ni Jace sa villa.
“Ito ang magiging silid ninyong mag-asawa kung naririto kayo sa villa, hija,” wika nito. “Actually, ay silid ni Jace ito. Ang silid lamang na ito ang may sariling banyo. Sa second floor, common ang toilet and bath na nasa dulo ng pasilyo. Ang kama ay pinapalitan ko dahil maliit ang dating kamang nakalagay dito.”
Naramdaman niya ang pagkalat ng init sa mga pisngi niya kahit na wala namang ibig ipahiwatig si Concordia. Naiilang na iginala niya ang paningin sa silid. Kapuna-puna ang king-size bed, four-poster in solid old narra. May isang lumang chest sa paanan ng dulo ng kama.
Lahat sa loob ng silid ay gamit at kulay panlalaki. Hindi niya iyon gaanong pinag-ukulan ng pansin noong huli siyang naroroon. Now, she could even smell Jace’s scent inside the room and that brought a shiver of delight to her senses.
“Hindi nagagamit ang air-conditioner na iyan dahil napakalamig dito.” Dumako ang tingin nito sa aircon na nasa isang bahagi ng dingding. “Pero kung gusto mong gamitin ay nasa sa iyo. You can take a shower. Mamaya’y ipatatawag kita kung nakahanda na ang mesa.”
Tumango at umusal ng pasasalamat si Drew at sinundan ng tingin ang paglabas ni Concordia at ang pagkabig nito sa pinto pasara. Humakbang siya patungo sa malaking pinto palabas ng balkonahe at maluwang iyong binuksan upang pumasok ang hangin. Gayundin ang mga bintana.
Pagkatapos niyang mag-shower ay nagpalit siya ng damit at kinuha ang paperback sa bag niya upang magbasa na lang. Ni hindi niya natatandaan kung paano siyang nakatulog.
*************************malapit na pala itong matapos nakakalungkot naman. May mga questions ba kayo tungkol sa akin? Willing to answer ako mga beshie wag lang may kinalaman sa private life at pribado akong tao char ahahahaha. Kung may questions kayo comment lang at sasagutin ko kung kaya ko hahahaha. - Admin A . Ireready ko lang ang sarili ko para mag move on kay Drew at Jace hahahaha. - Admin A *********** See yoou next week~
33
NAGISING si Drew sa marahang langitngit ng pinto. She opened her eyes drowsily. Nakita niya si Jace at kasalukuyang isinasara ang dalawang panel ng pinto sa balkonahe. Gayunman ay naramdaman pa rin niya ang paghaplos ng mabining hangin sa mukha niya.
“I’m sorry if I wake you up. Masyadong malamig ang hanging pumapasok,” wika nito. “Tama na ang mga bintana.”
A tiny frown marred her brow as she wondered about the time. “W-what time is it?” she asked sleepily and would have yawned when she noticed that he was only wearing a towel around his hips. Napabangon siya nang tuluyang pumasok sa isip kung bakit naroon si Jace at nakatapis lang ng tuwalya. Basa ang buhok nito at natiyak niyang kanina pa ito dumating at nakapaligo na.
“A-anong oras ka dumating?” Wala siyang maisip sabihin.
“Ten-thirty. Hindi ka nakapaghapunan sabi ng Mama. Pero hindi ka na rin ginising ni Yaya Saling nang makitang tulog na tulog ka. Gusto mo bang bumaba at kumain?“Mabilis siyang umiling. Nakahanda ito sa pagtulog at hindi niya alam kung ano ang gagawin at sasabihin. She was gaping at him. Ang kabang nararamdaman ay halos magpabasag sa dibdib niya.
Pinukol ni Jace ng tingin ang suot niya. His lips twitched in one corner in a hint of a smile. “Leggings and a T-shirt? At inaasahan ko pa namang daratnan ko ang asawa ko sa isang manipis na negligee.” Humakbang ito patungo sa kama at naupo sa kabilang gilid.
Instinctively, Drew started up. Tumayo mula sa kama sa kabilang bahagi naman.
“Napakadali para sa aking buhatin at ihiga ka sa kama, Drew,” he said arrogantly. “Iisa din ang kauuwian niyon, you will fall into my arms quickly. At huwag mong itatanggi iyon dahil iyon ang totoo.”
“It’s because I’m insane. It’s the only possible answer!“Jace sighed patiently. “Do we have to argue all the time? I’ve missed dinner… I’m tired… at mas gugustuhin ko na lang na matulog. But not too tired to make love with my wife. I’ve been fantasizing this moment since we left Manila. So let’s stop this nonsense, Drew. Come back to bed.”
“It will be a cold day in—” Nahinto sa lalamunan niya ang sasabihin nang bale-walang alisin ni Jace ang tuwalyang nakatapi sa balakang nito.
Her eyes went wide… and stared. She didn’t understand why he was fully aroused when they had not even touched. Curiosity, awed, delight, filled her that she could not even look away.The arrogant brute was one of the most compelling men she had ever seen. Beautiful. Sculpted muscles, smooth skin, dark hair. Standing there naked and fully aroused, he was simply devastating. She couldn’t breathe.
“He’s a god, Drew…”
She couldn’t blame Sheila.Inihagis ni Jace sa sahig ang hawak na tuwalya at pumaloob sa bedsheet, covering his body from the waist down. Kalmanteng nahiga at iniunan ang dalawang braso sa ulo.Ang katahimikan ng gabi ay tila lambong sa pagitan nila. For an untold number of minutes, they stared at each other. Then Jace shattered the silence with soft, beguilling suggestion.
“Let’s make mutually satisfying love, my princess.”
Muling napahugot ng hininga si Drew. Ang nangyari sa kanila sa loob ng honeymoon suite sa hotel sa Las Vegas ay hindi maihahambing ngayon. Ang una ay isinisi niya sa margarita. Wala siyang mahagilap na maaaring idahilan kung isusuko niya ang sarili ngayon dito. Na siya niyang gustong gawin.
“We are married, Drew. I want to make love with you. You want to make love with me. Huwag nating gawing dahilan ang alak sa pagkakataong ito,” wika nito na tila nabasa ang iniisip niya. Lifting his hand, he held it out to her, palm up. “Come over here,” he coaxed gently. All the arrogance disappeared, leaving only a man. A very attractive man.
As if hypnotized, she slowly walked back to the bed—and him. Inabot siya ni Jace. “Come lie with me, love,” he paraphrased in a voice low with gathering passion, “and be my wife, again.“Ni hindi makuhang magsalita ni Drew. She knew that what she did was an act of surrender. And she might really be insane, because she had risked her pride for this moment.
“I want you naked.”
“W-what?”
“Take your clothes off for me, Drew. I want to see you… all of you.” The command was sensual.
Alanganing iling ang ginawa niya. “N-no…” “I’ve seen it all before. Pero gusto kong gawin mo para sa akin… please…“Of course, he had seen it all. Subalit si Jace mismo ang nagtanggal ng kasuotan niya noong una sa paraang hindi niya namamalayan.
Subalit nakikiusap ang tinig nito. At sa panahong nakilala niya ito, ang pakiusap yata ang salitang wala sa bokabularyo nito. Humugot siya ng marahang paghinga at alanganing tumalikod upang hubarin ang T-shirt subalit kinabig siya paharap ni Jace.
Then he smiled coaxingly. “You’re mine, Drew. Just as I am yours. Shyness and propriety have no place in my bed, in our marriage bed. Only pleasure.“Ang mga kamay niya ay dumako sa laylayan ng garter ng leggings niya at unti-unting ibinaba iyon.
Jace watched. Entranced by the black nylon gliding over her belly, thighs, and the long length of her legs. Kinuha nito mula sa mga kamay niya ang leggings at inihagis sa sahig. Isinunod ni Drew ang T-shirt. At muli ay inabot iyon ni Jace at isinama sa naunang hinubad niya.
The light from the lampshade glowed against her smooth skin. Her breast rose and fell with each breath, her pink nipples tempting.And Jace sucked in his breath. She was far more beautiful than his memory of four days ago.
“Take the last thing off, Drew,” he commanded hoarsely.
Sandali siyang natigilan. Jace smiled tenderly. “I never imagine you to be this shy, Drew,” usal ni Jace. “Sa dinami-dami ng hindi magagandang taguri sa iyo ng press. Namamangha ako sa bawat pagkakataong nagniniig tayo.”
Subalit ang ngiti ay unti-unting naglaho nang hagurin ng mga mata nito ang kabuuan niya. His eyes ablazed with undiluted passion and desire. Tila siya mitsa ng dinamita at ang apoy ng pagnanasa sa mga mata ni Jace ay posporong nagsindi sa kanya upang tuluyang maglaho ang anumang inhibition na nararamdaman niya.
Her lacy briefs joined her leggings and T-shirt on the floor.“You’re a siren!” He pulled her against him and clasped her mouth to his.“What’s a siren, Jace?” she murmured in his mouth.
“Someone who lures men to death… and I’m dying, Drew… of want and longing,” bulong nito. Then his tongue slid down her neck, pausing where the throb of her pulse beat wildly beneath his lips.
“Touch me, love me,” Jace whispered against her mouth.Ang tinig nito ay tila mumunting alon na humahaplos sa pagkatao niya. She slid her hands across his shoulders, down- his back, nagmamadali siyang damhin ang katawan nito. His skin was hot satin stretched tautly over thick muscles that shifted beneath her touch.If she had risked her pride for this moment, it was a small price to pay for the pleasure of holding
him this way.
He spread the warmth of his lips and tongue down her body, tasting her breasts, her ribs, her belly.
Napasinghap si Drew. Isang mahinang ungol ang kumawala mula sa kanya. What Jace did was wicked. How incredibly delicious. He delighted her in every possible way until she shimmered with pleasure, shivered and called his name.
Pagkatapos ay tinakpan siya ng init ng katawan nito. She trembled at the touch of his hard masculinity against her thigh. He pressed against her, watching her face as he entered her body. Her lips parted in a soft gasped and he covered them with his own.“Drew,” he groaned as he moved within her.
Hindi na mahalaga kung sino ang nagpasuko at sumuko. Nang mga sandaling iyon, she arched as the world shattered around her. She wanted nothing more than to live the last day of her life in his arms.
Jace collapsed beside her catching his breath. He embraced her spoon style. Ang kamay nito ay nakapulupot sa baywang niya. Nararamdaman niya ang mainit nitong paghinga sa batok niya. The heat of his body warmed her.
“I love you…” He spoke in a gurgled tone.
She stiffened. “Y-you do?”
Subalit hindi sumagot si Jace. Marahan siyang bumaling paharap dito. Bahagyang umungol si Jace at sandaling humigpit ang pagkakayakap nito sa baywang niya. She turned and he eased into her arms. She slid her hand down his back, cradling him.
“Jace…“Tulog na ito.
I love you. Narinig niyang sinabi ni Jace. Pero iyon ba talaga ang sinabi nito? She wanted to believe so… to hope so. It would make a lot of difference. Para sa pagsasama nila.
He lay naked as a babe in her arms, ang mukha nito ay nakasubsob sa dibdib niya. And something inside her stirred. Damdaming hindi gustong huminto sa pagdaloy mula sa puso niya. Softly, she combed his dark hair with her fingers.
Drew sighed contentedly. All the explanations in the world could not have prepared her for the shattering pleasure of making love with this man. There simply weren’t any words to describe the splendor of it. Subalit ang pagkatapos, tulad ngayon, ay lalong hindi niya kayang bigyan ng paliwanag. She had never been happier in all her life.
And she was a fool, kung patuloy siyang makikipagtalo sa asawa. He was right, she would fall easily into his arms, nang walang kahirap-hirap sa bahagi nito.Deep in her heart, she had wanted him the first time she saw him. And everytime he touched her she came apart. Hindi lang niya kayang aminin sa sarili iyon. She never thought she could want anything as much as she wanted him.
And now she had him. At marahil ang pagpapakasal niya kay Jace ang pinakamagandang pangyayari sa buong buhay niya. How could love have come so unexpectedly? Paano niyang naisip na may pagtingin siya kay Grant gayong kahit saan niya hanapin ay walang maaaring ikumpara sa nararamdaman niya ngayon sa asawa?
She smiled above his head at banayad na dinampian ng halik ang ibabaw ng ulo ng asawa.
*************************Sana all kinikiss char hahahaha. Sorry mga beshie tambak pa ako sa mga reports kaya di me makapag -update huhuhu :( pagod much na me buti sana kung kada uwi ko may kikiss sa akin kaso wala eh yung aso ko lang char hahahaha. Kumusta kayong lahat? - Admin A ******************************
34
“HEY, SLEEPYHEAD, wake up.” Umungol si Drew at isinubsob ang mukha sa unan.Isang tawa ang pinakawalan ni Jace. “We’ve missed dinner last night, sweetheart. And we’ve missed breakfast this morning. If we are going to miss lunch altogether, natitiyak kong hindi mo kayang humarap sa Mama at kay Yaya Saling.”
Sukat doon ay napabangong bigla si Drew at nang mapunang wala siyang saplot maski na ano ay hinagilap ang kumot at itinakip sa sarili. “What time is it?”
“Quarter to twelve.”
She groaned. “At kaninong kasalanan kung bakit ngayon lang ako nagising?!”
He smiled tenderly at her. She looked soft, warm, and devastatingly beautiful. Pagkatapos ay napangiwi nang makita ang namumulang puno ng dibdib niya. Banayad nito iyong dinama. “Ginawa ko ba ito?”
Niyuko niya ang sarili and wrinkled her nose. “Tatlong araw na ang stubbles mo.”
“Okay, I promise to shave after lunch. Pumasok ka na sa banyo at hihintayin kita sa dining room pagkatapos.” He bent and kissed her and went out of the room.
NASA ikalawang palapag na si Drew nang marinig ang isang pamilyar na tinig. Binilisan niya ang pagbaba.
“Pag-aari ko ang lupaing iyon, Leandro. At karapatan ko ang anumang naisin ko, and those people have squatted on my property!”
“Hindi ka pa isinisilang ay nakatira na sa Baybayin ang mga taong iyon! Inalis mo sila roon nang dahil lang sa galit mo sa amin ng Mama!”
Nahinto sandali sa paghakbang pababa si Drew. Tinig iyon ni Grant. Hindi siya maaaring magkamali.
“Dahil ang isang ampon na tulad ninyo ni Concordia ay walang karapatan sa pag-aari ng matandang del Mare!”
Napasinghap si Drew doon. Ampon? Ano ang ibig sabihin ni Grant?
“Besides,” patuloy ni Grant, “ipinagbili ko na ang lupang iyon at hindi ninyo mabibiling muli dahil kasama iyon sa kontrata.” Isang ismid ang pinakawalan nito. “Bukod pa sa wala ka namang salaping ipambibili! At kahapon ay ang unang anibersaryo ng kamatayan ng matanda. At tulad ng nakalagay sa testamento ay mauuwi sa akin ang buong del Mare Woods kapag hindi ka nag-asawa.”
“Grant…” It was Concordia’s voice.
“Sa akin pa rin mauuwi ang lahat ng ito, Concordia. Dahil ako ang tunay na apo… ang tunay na del Mare. Ang isang ampon na tulad ninyo ay walang karapatan kahit na kapirasong lupa sa propriedad ng matanda!”
“Hinati ng… ng Papa Gerardo ang lupain niya sa inyo ni Leandro, Grant, at—”“Mas nakalamang ang ampon mo sa hatiang nangyari na hindi dapat!” asik nito, hinarap si Jace.
“Hindi ipinahihintulot ng proviso na mag-asawa ka sa kung sino na lang, Leandro. Maliwanag ang nakalagay sa testamento. Dapat ay kilala ninyo ni Concordia ang pakakasalan mo, and your engagement must be announced, six months in the least. And you couldn’t just marry any woman, my lawyers would see to that.”
“You’ve been neglecting your homework, Grant,” ani Jace. Nilingon ang bahagi ng hagdan. “Meet my wife. No further introduction needed because you’ve known each other.“Napalingon si Grant sa itinuro ng kamay ni Jace. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang nakatayo sa puno ng hagdan si Drew. “Ikaw!” bulalas nito. Ang pagkamangha at gulat ay lumatay sa mukha. Na tila ba isang aparisyon ang nakita nito.
“Hello, Grant.”
“What are you doing here?” Danger laced his voice.“I live here, Jace’s my husband. We’ve married four days ago.”
“What?” Magkahalo ang kalituhan at galit sa mukha nito. Umiling ito. “No. This couldn’t be! Bago pa man mamatay ang matandang Gerardo ay namirmihan na si Leandro dito. At ikaw, Drew, ay matagal nang sa ibang bansa naglagi. You could have not known each other. Ang lupain ng matandang del Mare at ng mga Navarro ay magkabilang dulo ng isla! Hindi kayo magkakilala. Isang masamang pagkakamali lamang ang pagkikita ninyo sa hotel!”
“That is where you’re wrong, Grant,” ani Concordia. “Magkaibigan sina Papa Gerardo at ang mga magulang ni Nick. Ang Sto. Cristo ay totoong isang malaking isla subalit ang mga Montano at del Mare ay taal na mga tagarito.”
Sa isang mahabang sandali ay nanatiling parang estatuwang nakatayo si Grant. He was deathly pale.
“Kung nagbabasa ka ng peryodiko,” Drew said drily, “sa halip na maghanap ng mayayamang maloloko mo, di sana’y nabasa mo ang engagement namin ni Jace almost a year ago.”
“Y-you were engaged to him prior to our meeting?”
Kung hindi niya pinigil ang sarili ay magtatawa siya sa anyo nito… “The… announcement was made by my father on my graduation party, Grant.”
“At pinaglaruan mo ako! You bitch!”
“You know that’s not true,” depensa niya, biglang kinabahan sa panlilisik ng mga mata nito. “We would have been married by now, kung hindi ka lang naging gahaman at—” Napigil ang mga salita sa bibig niya nang marahas itong humakbang patungo sa kanya.Napaakyat paatras ng isang baitang si Drew sa ginawa nito. Ang alaala ng pagtatangka at pananakit nito sa kanya ay sapat upang matakot siya.
“Lay a finger on her and I’ll kill you.”
The warning was spoken softly but Grant went dead still. Sumisingasing sa galit na pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa.
“You’ll both pay for this!” banta nito kasabay ng marahas na hakbang palabas ng villa.
Inilabas ni Drew ang pinipigil na paghinga habang sinusundan ng tingin ang paglabas ni Grant ng villa.
“Are you all right?” tanong ni Jace nang makita ang pamumutla niya. Bahagya lang siyang tumango. Inabot ni Jace ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa balustre ng hagdanan at pinakawalan iyon.
“Grant can’t hurt you again, Drew,” wika nito, nasa tinig ang paniniyak.
**************Ingat-ingat din Drew naku malapit na talaga itong matapos parang ayaw ko na tuloy mag-update hahahaha. -Admin A *************************
35
PAGKATAPOS nilang mananghalian ay ipinasyal ni Jace si Drew sa bahagi ng lupain ng del Mare kung saan nakatayo ang isang sampung metrong taas na parola.Hinahabol ni Drew ang hininga nang makarating sa itaas. At nang akayin siya ni Jace palabas sa paikot na platform ay napahawak sa may hambang bato si Drew at nagpilit pakawalan ang kamay sa pagkakahawak ni Jace.
“I–I don’t think so.” Hindi niya kailangang dumungaw sa railings upang malamang sa ibaba ay matarik na mga batong hinahampas ng malalaking alon.
Nagtatanong ang mga matang napatitig sa kanya si Jace.“I–I’ve never been in a light house, Jace…” she said breathlessly, her hands grasping his shirtfront.
“Sa pagkakaalam ko’y may parola din sa isang bahagi ng Alta Tierra.”
“Yes,” aniya. “At kaya mo lang ako naisamang pumanhik dito ay dahil ang lighthouse na ito’y nasa loob ng tore ang hagdanan. Ang sa Alta Tierra ay nasa labas nakapaikot ang hagdanang bakal. And I’m afraid of heights.”
“May altophobia ka?” he asked gently, his face softened.
“I was six years old when they first learned about my fear. Sumama ako sa mga pinsan ko sa pagpanhik sa lighthouse sa Alta Tierra. I was so scared and beg off but they called me names. With my eyes closed I went up further, umikot ang tingin ko at nahulog ako ng limang baitang bago ako nasalo ni Renz na nasa likuran ko.”
“One of the reasons why your father is too protective of you.”
She frowned. Kumawala rito at humakbang papasok sa loob ng parola. “Ano ang ibig mong sabihin?”
Nagkibit ng mga balikat si Jace at sumandal sa batong dingding. “Sinabi sa akin ng Tito Nick— ng Daddy, na masama ang loob mo sa kanya dahil sa akin niya ipinamahala ang asyenda…”
Umiwas ng tingin si Drew.
“Natatakot ang daddy mo na baka ka masaktan, Drew. Kaya kahit sa pangangabayo ay lagi nang may nakasunod sa iyo.”
“That’s unbelievable!” aniya.
“Iyan ang totoo. Lalo na nang mawala ang… mommy mo. You’re an accident freak, you know,” he teased, giving her a sexy smile that she felt like begging him to kiss her. “You almost drowned when you’re small.” At ipinaalala nito sa kanya ang mumunting mishaps na nangyari sa kanya sa panahon ng kabataan at pagdadalaga niya. Tulad ng pagkahulog minsan sa kabayo… two mild accidents while she was driving… at kung ano-ano pang pangyayari na mas malimit siyang masaktan.
“My father told you all that?” Tumango si Jace. “But Dad can’t protect me forever!”
“I know that. He knows that. It may sound unreasonable, pero hindi mo maiaalis sa kanya iyon. You’re all that he has. Kung may mangyari sa iyo ay hindi niya kakayanin. He loves you so much.”
Biglang nag-init ang sulok ng mga mata niya. Now she understood why all the restrictions when her safety was concerned.
Humakbang si Jace patungo sa gitna ng platform. “Come here, princess. Don’t be afraid, i won’t let you fall…” Iniangat nito ang mga bisig sa kanya. Nanlalaki ang mga mata niyang tinitigan ang asawa.
“Don’t look elsewhere. Come straight to my arms.“She took a deep breath. Ginitian ng pawis sa noo. But she believed him. Hesitantly, humakbang siya palapit, ang mga mata niya ay nakatuon lamang sa mga mata nito. Sa dalawang hakbang ay pumaloob siya sa mga bisig nito. He held her against him.
Sa loob ng ilang sandali ay nanatili siyang nakahilig sa dibdib nito, felt the safety in his arms. Sa ibaba ay hinahampas ng mga alon ang batuhan, ang mga ibong-dagat sa paligid ay humuhuni, malakas na umiihip ang hangin. Subalit wala siyang naririnig kundi ang pintig ng puso ni Jace sa tainga niya.
Pinakawalan niya ang sarili at tumingala rito. “Sino ang nag-iilaw ng parola kapag gabi?”
“Hindi na ginagamit ang parolang ito matagal na. Kung inaabot ng gabi ang mangingisda ay tinutunton nila ang liwanag na nagmumula sa Alta Tierra. Higit iyong natatanaw dahil iyon ang pinakamataas na bahagi ng isla.”
Nilingon nito ang paligid ng kinatatayuan nila. “Marurupok na ang mga tabla at ang mga barandilyang bakal ay puno na ng kalawang. Pag-uwi natin ay ipagbibilin ko sa mga taong lagyan ng babala sa ibaba na mag-ingat sa pagpanhik dito.” Nagsalubong ang mga kilay nito nang makitang nakatitig siya rito nang husto, na para bang wala sa sinasabi nito ang atensiyon niya. “Something’s wrong?”
Her eyes searched his face for a moment. “May gusto akong itanong sa iyo… that is if you don’t mind…”
“Fire away.”
“’Yong… sinabi ni Grant tungkol sa iyo—”
She felt him stiffened. Then said drily. “the ‘ampon’ part, I’m sure.“She swallowed an imaginary lump. Tahimik na tumango.
“Do you have a problem with that?” he asked coldly. “Mahirap na ang napangasawa mo’y ampon pa pala.”
Umatras siya pabalik sa loob ng parola sa nanginginig na tuhod. “If—if you don’t want to talk about it then forget I asked.” Pinagsisihan niyang itinanong iyon. But the question had been nagging her since this morning. Kanina sa tanghalian, bagaman masiglang nagkukuwento si Concordia upang maalis ang tensiyon ay nanatili walang-kibo si Jace. At siya ang nakikibahagi sa usapan paminsan-minsan.
Humarap sa dako ng dagat si Jace at itinukod ang mga kamay sa railings na bahagyang umuga. Tinantiya nito ang bakal at inalis ang mga kamay roon at sa halip ay namulsa.
“Limang taon ako nang maospital dahil sa acute bronchopneumonia. Ayon sa nurse na pinag-iwanan sa akin ay sandali akong iniwan ng mga magulang ko upang maghanap ng ipambili ng gamot at ipambayad sa ospital.
“Subalit bago sila makabalik ay nasunog ang ospital, sa mismong malapit sa pediatric ward. Sa pagkakagulo’y tinamaan ako ng basag na dextrose sa noo…”
“That’s where you get the scar…”
Tumango si Jace pero nanatiling sa karagatan sa ibaba nakatingin. “At kung hindi ako inilabas ng nurse sa ospital ay malamang na hindi rin ako nakaligtas, hindi dahil sa sugat sa noo ko kundi sa pneumonia at malnutrition.
“Ayon kay Matilda ay maraming beses siyang naghintay sa nasunog na ospital para sa mga magulang ko. Hindi niya alam kung ano ang nangyari but they never came. Sinabi niya ang pangalan ko sa mga imbestigador bilang isa sa mga nakaligtas. Kung ano ang nangyari ay walang nakakaalam. When Concordia saw me, agad niya akong kinupkop at dinala rito.
“Wala akong maalala sa pangyayaring iyon hanggang ngayon… May mga malalabong flashes sa isip ko tulad ng bulong ng pagmamahal at haplos sa aking noo mula sa isang babae at lalaking parehong walang mukha… at isang pangakong magbabalik mula sa isang batang lalaking kamukha ko. Ayon kay Matilda, may kakambal ko.”
“W-why can’t you remember?”
“Nang mamatay ang lolo, nakipagkita ako sa doktor… maraming factors ang sinabi niya. One is trauma, bukod pa sa pagiging musmos.” Pinuno ni Jace ng hangin ang dibdib. “Nalaman ko lang ang lahat ng iyan nang mamatay si Lolo Gerardo. Nang magkita tayo sa hotel sa Las Vegas ay dahil sinadya ko roon si Matilda Gomez, ang nurse na pinag-iwanan sa akin ng mga magulang ko. Ang sinasabi ko sa iyo ngayon ay ang kabuuan na ng mga ikinuwento niya sa akin.”
Itinaas niya ang daliri at tinitigan ang singsing sa kamay niya. “Ang… singsing na ito, may nakapangalan ditong Cornelia Falco. Who is she?”
“Ayon kay Matilda Gomez ang pangalan ng aking ina ay Cornelia Falco Monte. Ibinigay niya sa akin iyan nang dalawin ko siya. Ang sabi niya’y iniwan ng aking ina sa akin ang singsing na iyan. Nakaperdible iyan sa aking kamiseta… ang nag-iisang alaala ng aking pagkatao.” Tumiim ang mga bagang nito.
Sa mahabang sandali ay namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa. “M-malaking bagay ba kung hindi mo na malalaman pa kung sino talaga ang totoo mong magulang?”
Humarap ito sa kanya. Ang maitim na mga mata ay lalo pang umitim. “Minahal at inari akong tunay na apo ni Lolo Gerardo… at ng Mama. Buong buhay ko’y wala akong natatandaang hindi ako maligaya sa piling ng mga taong umampon sa akin. Ang tanging gumugulo sa aking isipan ay ang paminsan-minsang flashes. Still, I could have forgone that. Iyon ay kung hindi ko nalaman ang tunay kong pagkatao.”
“You want to find them?”
“My parents were very poor. At ipinahiwatig sa akin ni Matilda na baka sadya akong hindi na binalikan ng mga magulang ko.” His throat constricted, pain crossed his eyes. At nakita ni Drew ang pagkislap niyon dahil sa pinipigil na luha.
She had totally forgotten her fears, na sa sala-salang tabla ay natatanaw ang matarik na ibaba. Sa dalawang hakbang ay nilapitan niya ito at niyakap.“Oh, Jace.”
Subalit marahas siyang inilayo nito. “Hindi ko kailangan ang awa mo, Drew.”
“H-hindi iyon ang nararamdaman ko,” wika niya sa gumagaralgal ang tinig. “Alam ko kung ano ang nararamdaman ng isang nawalan ng magulang na hindi alam kung ano talaga ang nangyari. But I have my Dad… and you have the del Mares.”
“Yes,” sagot nito sa bahagyang bumabang tinig. “Dapat kong ipagpasalamat iyon. And you’re right, hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari. Hindi rin alam ni Matilda iyon.” Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at tinitigan. “Ang aking asawa’y may malambot palang puso sa mga drama ng buhay, eh…”
“We don’t really know anything about each other, do we, Jace?“Tumango ito. Subalit nagdikit bigla ang mga kilay nito nang makita ang ekspresyon sa mukha niya. “Something else is bothering you?”
“Gumamit ng ‘ninyo’ si Grant nang sabihin niya ang salitang ampon. Ano ang ibig niyang sabihin?”
“Ang Mama ay hindi anak ni Lolo Gerardo, Drew…” Tinitigan siya nito na tila inaasahang may sasabihin siya. But she kept silent and waited for him to continue.
“She was eleven years old when Gerardo del Mare adopted her. Ang ama niya at ang ilan pang mga mangingisda ay namatay sa dagat nang makalimutang sindihan ang parolang ito minsang masama ang panahon…”
“Oh,” usal ni Drew, itinuon ang mga mata sa loob ng parola. “Nakita kong kumpleto ang lighthouse para sa isang tirahan. Sino ang nangangasiwa sa parola?”
“Ang mga magulang ni Concordia… Subalit nang gabing iyon ay hindi nagawang sindihan ng ina ni Concordia ang parola. Lolo Gerardo’s brother Crispin… raped her that night… sa mismong harap ng batang Concordia.”
Walang salitang maiusal si Drew. Nakatitig lang sa asawa sa panlulumo.
“Nang malaman ng ina ni Concordia ang nangyari sa asawa at sa mga mangingisda sa laot ay nagpakamatay ito…” yumuko ito sa ibaba, “sa mismo sa parolang ito, Concordia’s mother jumped to her death.”
Drew gasped in horror at wala sa loob na yumuko. Agad na umikot ang paningin niya at napakapit nang mahigpit kay Jace sa nanginginig na kalamnan.Jace held her close. “Don’t look down,” he commanded.
Drew stayed in her arms for a long moment, pinalipas ang hilo at panghihilakbot bago muling nagtanong. “Ano ang nangyari sa Crispin na ito?”
“Pinatay siya sa umog ng mga taga-Baybayin nang malaman mula sa batang Concordia ang totoong nangyari.”
“Justice well-served,” usal niya sa nagpupuyos na dibdib. “At ang Crispin na ito ang lolo ni Grant, ang ama ng mother niya?” Tumango si Jace. “What happened to Crispin’s wife, ang grandmother ni Grant?’”
“Crispin’s young widow left town two years later. Subalit iniwan ang sampung taong anak na babae, Grant’s mother, kay Gerardo. Nang panahong iyon ay kamamatay din lang ng mag-ina ni Lolo Gerardo. Pero hindi ito tumalikod sa responsibilidad na naatang dito. Tulad ni Concordia ay pinag-aral din nito ang ina ni Grant. Ipinadala sa Maynila nang magkolehiyo.
“Subalit dumadalaw lamang ang mama ni Grant sa Sto. Cristo malibang nanghingi ng salapi. Nagtrabaho ito sa isang bar sa Pampanga. Doon nito nakatagpo ang napangasawang Amerikano, Grant’s father. Lolo Gerardo never met Grant until he was sixteen. At iyon ay upang manghingi rin lang ng salapi.
“Hindi interesado sa Sto. Cristo si Grant maliban sa salaping maiaakyat nito sa kanya. Kulang na lang ay tahasan nitong hingin ang pamana kay Lolo Gerardo. Labing-isang ektarya ang kabuuan ng del Mare property. Nang mamatay ang matanda ay ipinamana kay Grant ang tatlong ektaryang lupain sa Baybayin, kasama na ang fishing village na tinitirhan ng mga mangingisda. Umaasa si Lolo Gerardo na pagyayamanin nito ang fishing business but Grant sold the land to a real estate company when we were in Vegas four days ago.”
“Kaya nagagalit si Grant dahil hindi pantay ang hatian at nalaman niyang ampon ka lang…”
Tahimik na tumango si Jace.
************************************Natatanaw ko na na malapit ang wakas sa kwento ni Drew at Jace, naiiyak na tuloy ako sa kalagayan ni Jace huhuhu. Happy birthday nga pala sa lahat ng magbibirthday sa taong ito, ngayon ko na kayo babatiin lahat at baka hindi ko kayo mabati sa araw ng birthday n’yo eh magtampo pa kayo sa akin at hindi n’yo ako padalhan ng milktea char hahahaha. So Ayun na nga happy birthday sa inyong lahat. :) Super advance ko na bumati ah hahahaha. Take care mga beshie. God bless us all. - Admin A ***********************************
36
MAKAALMUSAL kinabukasan ay nagpaalam si Jace na tutungo sa Baybayin upang tulungan ang mga tao na mamili ng pagtitirikan ng bahay sa dakong mataas na lupa, ang bahagi ng lupain na inialok nito upang siyang malilipatan ng mga tao.
“Maaari ba akong sumama?” ani Drew.
Umiling si Jace. “Mahirap ang trabaho, Drew. Bukod pa roon ay makikipag-usap ako sa mga tao at hindi lang kita maaasikaso.”
“But I would like to—” Ang protesta niya ay napigil nang yumuko si Jace at hagkan siya at pagkatapos ay tumalikod na palabas ng villa at sumunod kay Concordia na naunang lumabas.
Sumunod siya sa labas at sinundan ng tanaw ang papalayong jeep. “Alalahanin ka pa ni Leandro kung sasama ka, Drew,” banayad na sabi ni Yaya Saling sa likod niya.
“Isa pa kayo,” masama ang loob niyang sabi. “Gusto kong tumulong, makibahagi, abutin ang mga taong iyon. Hindi ba at iyon ang sinasabi ni Jace sa akin?”
“Ayon kay Concordia ay mainit ang sitwasyon sa Baybayin, hija. Nagagalit ang mga tao dahil sa biglaang pagpapaalis sa kanila. At sa pagkakaalam ko’y naroon ang mga tauhan ng nakabili. Baka magkagulo.”
Sa sinabing iyon ni Yaya Saling ay bahagyang nabawasan ang sama ng loob ni Drew.
Hindi umuwi sa tanghalian ang mag-ina. Nang bandang hapon ay umulan nang mahina at si Concordia lamang ang umuwi at ang sabi ay kasalukuyang tinutulungan ni Jace ang mga tao sa paglilipat ng mga bahay na maaaring buhatin. Bayanihan, ayon dito.Hindi huminto ang tikatik ng ulan. At nakatulugan na niya ang paghihintay dito. Naalimpungatan siya nang maramdaman ang paghalik nito sa kanya.
“Go back to sleep,” bulong nito. Nalalanghap niya ang amoy ng sabong pampaligo mula rito. Pumuwesto ito sa likod niya at mahigpit siyang niyakap. His hand on her breast. “The spirit is willing but the flesh is weak. Lord, I wish I had Superman’s strength.”
She smiled and closed her eyes contentedly and held his hand close to her heart.
THE NEXT morning, Drew woke feeling wonderfully refreshed. The wind brushed against her skin with a feather stroke. Bukas ang dalawang panel ng pinto sa balkonahe.
Nilinga niya ang kabilang bahagi ng kama. Jace’s side of the bed was empty. Bahagya siyang nakadama ng disappointment. Pero nanatili siyang nakahiga at kinuha ang unan nito at niyakap. It still held his scent and she inhaled it deeply.
Mananatili pa sana siya sa ganoong ayos nang umabot sa pandinig niya ang mga tinig mula sa ibaba. Tumayo siya, kinuha ang silk robe sa closet at isinuot at pagkatapos ay lumakad patungo sa balkonahe. Doon higit na mas malakas ang mga tinig. Barefoot, humakbang siya palabas. Nangaligkig siya dahil malamig at basa ang batong sahig ng balkonahe dahil sa ulan kagabi.
“Sa nakalipas na isang taon ay umasa akong tayo ang magpapakasal, Leandro…”“Violy, please. Hindi pa ba sapat na magkasama tayo kagabi? Bakit kailangan mong pumarito?”“Dahil hindi ko matanggap na sa ganito lang hahantong ang lahat, Leandro!” Isang hikbi ang narinig ni Drew na kumawala mula sa babae.Kunot ang noong dumungaw siya sa ibaba. Sa balkonahe sa second floor ay naroon si Jace at ang isang babaeng nakasubsob sa dibdib nito.“Naipaliwanag ko na ang dahilan, Violy.”
Mula sa dibdib ni Jace ay nag-angat ng mukha si Violy, mabilis na napaatras mula sa pagkapanungaw si Drew upang hindi siya makita nito.
“Dahil sa testamento ng lolo mo,” wika nito at humagulhol ng iyak. “Dahil sa testamento ng lolo mo kaya pati pag-ibig natin sa isa’t isa’y—oh, Leandro!”
Dahan-dahang muling dumungaw si Drew. Ang nakita niya ay nagpahugot ng kanyang paghinga. Nakapulupot sa leeg ng asawa ang mga braso ni Violy at hinahagkan na nito ang babae.
Mabilis siyang tumalikod at patakbong bumalik sa silid. At sa sumunod na mga sandali ay nanatili siyang hindi kumikilos sa pagkakaupo sa kama. Nakatitig lang sa kawalan.Ni hindi gustong gumana ang isip niya. Iisa lang ang tumitining sa isip niya. Magkasama kagabi ang dalawa. Iyon ang narinig niyang sinabi mismo ni Jace.Wala pang isang linggo silang nakakasal!
And didn’t he say he loved her that night? And that gave her hope that their marriage had not been a bad idea after all. That eventually feelings would grow and they would learn to love each other deeply. O nakaringgan lang niya iyon? Dahil iyon ang inaasam niyang marinig mula rito?
Itinaas niya ang kamay sa bibig upang pigilan ang paghikbi. Bakit parang gustong mamanhid ng buong pagkatao niya? Bakit nagsisikip ang dibdib niya? Bakit gusto niyang umiyak pero ayaw namang lumabas ng mga luha niya?And why did it hurt so much?
Inilatag niya ang katawan sa kama at tumitig sa bubong ng villa. Tulad ng nakaraang umaga ay nagliliparan sa mga tahilan ang dalawang ibon. Nakapagtatakang wala iyong atraksiyon sa kanya nang mga sandaling iyon.
“Maybe I don’t want to stay married to you, too…“Iyon ang sinabi sa kanya ni Jace sa biglang pagbabago nito ng pasya at ayunan siyang pakasal sila sa Las Vegas. Kung may bahagi ng puso niya ang nasaktan noon, ay lalong higit ngayon. Parang hindi niya kakayaning ilagay sa isip na anumang araw ay maaari nilang pawalang-bisa ang kanilang kasal.
Isang mahinang katok ang nagpalingon sa kanya sa pinto. Mayamaya ay bumukas iyon at pumasok si Yaya Saling.
“Mabuti at gising ka na, hija.” Tuloy na itong pumasok. “Gusto ko sanang sabihin sa iyong sasaglit ako sa asyenda. Naiwan ko roon ang mga gamot ko sa rayuma. At dalawang gabi nang sumusumpong itong rayuma ko.” Kumunot ang noo nito at nilapitan siya. “Bakit ganyan ang anyo mo? Tila ka maiiyak?”
Umiwas siya ng tingin at bumangon. The old woman knew her too much. “Kagigising ko lang, Yaya. Nasa ibaba ba si… Jace?”
“Kaaalis lang. Inihatid iyong biyenan mo at ang kasamahang guro. Dumaan dito kaninang maaga pa at sabay na raw sila ni Concordia patungo sa paaralan sa bayan. Babalik din ang asawa mo kaagad at nagbiling sabay na kayong mag-almusal.”
“Sasama akong pauwi sa asyenda, Yaya,” wika niya sa matigas na tinig. “Pakihanda na ninyong lahat ang mga gamit ko.”
Nabigla si Yaya Saling doon. “Aba’y hindi papayag si Leandro na umuwi ka, hija…”
“Wala siyang karapatang pigilin ako rito!” mainit niyang sagot at tuloy-tuloy na pumasok sa banyo.
***********************I’m so busy ngayon my god na miss ko na ang mag -update char hahahaha . Kumusta ang lahat? - Admin A ***********************
37
KUNG siya ang masusunod ay hindi niya hihintayin si Jace at aalis na lang kaagad. Nasa garahe ang lumang pickup ni Concordia. Subalit hindi pumayag si Yaya Saling sa gusto niyang mangyari.
Nagulat pa si Jace nang sa pagbaba sa jeep ay makitang nasa portico sila ni Yaya Saling at nakahanda na sa pag-alis.
“Ano ang ibig sabihin nito?” kunot noong tanong nito.“Ewan ko ba rito sa asawa mo at nagyayang sumama sa akin pauwi ng asyenda,” depensa ni Yaya saling. “Hindi ko maawat at mapaliwanagan. At ipinaempake nang lahat ang mga gamit niya.”
“I’m leaving here, Jace,” she said coldly. Iniiwasang makasalubong ang mga mata nitong puno ng mga tanong. “Hindi ko gusto rito. Naiinip ako. I’ll bore myself to death!”
“Hindi ko maaaring iwan ang responsibilidad ko sa mga tao rito, Drew,” he said quietly. “It will take a few more days, bago ko maiayos ang lahat.”
“Kailangan ka ng asyenda, ’di ba? My father hired you to manage it. Dapat ay naroon ka!”
Si Yaya Saling ay napahugot ng paghinga. Si Jace ay sinisikap na ikalma ang sarili.
“Be reasonable, Drew. Alam kong hindi ito ang lugar na kinasanayan mo. All I’m asking is—”
“You’re right. Ayoko sa lugar na ito. At hindi ko kailangang maghintay ng ilang araw dahil aalis na ako ngayon. Hindi mo kailangang sumama, Jace. You can stay here for as long as you want!”
“You are a married woman now, Drew, kung nakakalimutan mo ay ipinaaalala ko sa iyo,” he said tightly. “It’s time you should learn how to act and behave like a matured woman. Hindi ka maaaring gumawi na lang basta nang walang konsiderasyon sa kahihinatnan ng mga ikinikilos mo.”
“Hindi ko ginustong makasal sa iyo, Jace. We both know that…” She knew she was being unreasonable, subalit binubulag siya ng panibugho. “Our marriage had served its purpose. Ayokong magpagamit sa iyo hanggang sa panahong itakda mong—”
“Magpagamit?” he was surprised. “What the hell are you talking about? Were you referring to our marriage bed? Sa ginagawa natin bilang mag-asawa?” Unti-unti nang bumangon ang galit sa tinig nito.
Pinamulahan ng mukha si Drew. Si Yaya Saling ay mataktikang pumasok sa loob ng kabahayan. “That and more. You know I hated it when you touch me—”
“Like hell you do!” marahas nitong sabi. Akma siyang hahawakan subalit mabilis siyang umiwas.
“Huwag mong gamitin sa akin iyan, Jace,” wika niya. “It’s nothing but sex… pinaging legal ng kasal natin at natural lamang ang nararamdaman ko. Don’t mistake it for… for… lo—” She stopped hersetf in time. She would have said love. Only to be stunned at her own thoughts. And realized that she really did love him. Kung hindi ay bakit ganoon na lang kahapdi para sa kanya ang kataksilan nito?
Wala sa loob na napatingin siya sa asawa. Something in his eyes made her feel like crying and run into his arms; to beg him to love her, too. Subalit iglap ding naglaho ang kung ano mang nakita niya roon. Muling dumilim ang mukha nito.
“For what?” he hissed.
“For anything other than baser needs. As simple as that.” Itinaas niya ang mukha bilang paghamon sa katotohanan ng sinasabi niya. “Remember I would have married Grant? That I would have given myself to him had he not showed his true colors before the wedding?”
Furiously, he closed the distance between them in two long strides. Instinctively, itinaas ni Drew ang dalawang kamay upang ipagsanggalang ang sarili sa inaakalang pagsalakay nito.Jace froze as if she had shot him. Tinitigan siya nito. Ang sakit ay humalo sa galit sa mga mata nito.
“Iniisip mong… sasaktan kita?” he whispered.
Ibinaba niya ang mga kamay. Confused and stunned by the soft and aching sound of his voice.“A-at the moment… you look angry enough to… to tear me to pieces…“Nanlulumong umiling ito. “I’ve never hit a woman in my life, Drew.” Isang mahabang paghinga ang pinakawalan nito, ang anyo ay tila hapong-hapo. “Kung gusto mong umalis ay ihahatid kita sa Hacienda Montano…”
Mabilis siyang umiling. Kung gagawin nito iyon ay hindi niya maipangangako sa sariling hindi magbabago ang saloobin niya. Sa kasalukuyan ay gusto niyang bumulalas ng iyak. Gusto niyang sabihin ditong nagbago na siya ng pasya. Subalit ang nadungawan niya sa balkonahe ay gumigitaw sa isip niya at sapat iyon upang muling tumigas ang dibdib niya.
“I can manage, Jace. Ipahiram mo na lang sa akin ang pickup ng… ng Mama mo.”“No. I’ll drive you to—”“No!” pagmamatigas niya at kasabay niyon ay ang determinasyon sa tinig.“Damn you.” Marahas itong humakbang papasok sa loob ng kabahayan.“Tayo na, Yaya,” mahinang tawag niya sa matandang babae na alam niyang nasa likod lamang ng pinto.
“IT’S a private and old port,” wika ng babae nang abutin ng lalaki ang kamay nito at akayin pababa ng yate. “It looks deserted. Tama bang dito tayo dumaong?” Iginala nito ang paningin sa buong paligid, sa kagubatang walang pinagkaiba sa pinanggalingan nila.
Ngumisi ang lalaki at nang maibaba ang kasama sa platform ay bumalik sa yate at isa-isang ibinaba ang dalawang mountain bike. “Gusto mo ng adventure, ’di ba? Kung sa pier sa Sto. Cristo tayo dumaong ay isang oras mahigit patungo sa villa sa pribadong sasakyan. Ayon sa impormasyong nakuha natin ay walang pampublikong sasakyan patungo roon. At sampung minuto lang mula rito hanggang sa bahay ng mga del Mare.”
Umingit ang tablang sahig nang ipagulong at akayin ng dalawa ang mountain bike sa pantalan. Napayuko ang babae. “Kinakabahan akong lulusot tayo rito anumang oras. Marupok na ang mga tabla.”
“Mababasa ka lang. Mahusay kang lumangoy at mabuting exercise ’yon para sa iyo.” His eyes surveyed her figure with amusement.She glared at him. “Para mo na ring sinabing mataba ako.” He laughed. Tumaas ang mga mata ng babae sa lighthouse. “Could we go there? I haven’t been inside a lighthouse.”“Oo, ba.” Tumingin ito sa relo. “Alas-nueve y media pa lang naman.”
“NATITIYAK mo bang alam mo ang daan patungo sa bayan?” tanong ni Yaya Saling nang makalipas ang sampung minuto ay wala pa rin silang makitang malaking daan. “Ang alam ko’y sandali lang mula sa malaking daan patungo sa villa. At mukhang papasok yata tayo sa gubat, Drew…”
Hindi siya kumibo. Hindi niya gustong amining naliligaw sila. From the main road, it didn’t take five minutes to the villa. At tulad ng sinasabi ni Yaya Saling ay tila papasok sila nang papasok sa gubat. Tatlong sangang-daan ang dinaanan nila. And she must have made the wrong turn.Mula sa isang sangang-daan ay may natanaw siyang isang owner-jeep. Tuloy-tuloy sana iyon nang malingunan sila. Nakatawid na ito nang biglang magpreno at pagkatapos ay umatras at iniharang ang owner-jeep sa daan.
“Maaari tayong magtanong sa driver—” Napigil ang sasabihin niya nang bumaba ang driver ng owner-jeep at makilala kung sino ito. “Si Grant ang driver ng jeep, Yaya.”
“Ano ang ginagawa niya rito?” “Pag-aari niya ang lupaing kasalukuyang inaalisan ng mga tao.” Nagpreno siya dahil nakatayo sa gitna ng daan si Grant.
“Sabi ko na nga ba at ikaw, Drew,” wika nito, ngumisi. Sumilip ito sa loob ng pickup. “Wala ang guard dog mo. Ang palad ko naman.” Walang sabi-sabing binuksan nito ang pinto ng pickup sa bahagi niya.
“Alisin mo ang jeep mo sa gitna ng daan, Grant,” utos niya.“Wala ka sa kakayahang utusan ako ngayon, mahal na prinsesa!” Humalakhak ito, at pagkatapos ay walang sabi-sabing hinila siya palabas ng pickup. Napasigaw sa gulat si Drew. Si Yaya Saling ay binuksan ang kabilang pinto ng pickup at lumabas.
“Bitiwan mo ako, ano ba!” aniya nang hatakin siya nito. Muntik na siyang masubsob sa pagbaba sa pickup.
Isang halakhak ang nag-echo sa paligid. “You won’t get away this time, Drew. Walang Leandro na tutulong sa iyo. Nakita ko sila ni Violy kanina. And knowing Violy, duda ako kung makakaalis si Leandro kaagad.” Isang makahulugang ngisi ang pinakawalan nito.
“Bitiwan mo si Drew, walanghiya kang lalaki ka!” wika ni Yaya Saling na nakadampot ng patpat sa lupa at inihalibas dito. Tumama iyon sa punong-braso ni Grant. Napangiwi ito sa sakit. Binalingan ang matandang babae at inundayan ito ng suntok. Walang-malay itong bumagsak sa lupa.
“Yaya!” sigaw ni Drew. Ang akmang pagdalo sa yaya ay napigil nang hatakin siya ni Grant sa buhok.
“Halika ritong babae ka…” Kinaladkad siya nito patungo sa jeep nito.
“Walanghiya ka! Pati matandang babae ay pinatulan mo!” Pinagsusuntok niya si Grant na ginantihan siya ng isang malakas na sampal. She groaned in pain.
Hinila siya nito papasok sa loob ng sasakyan. “Now, you drive,” utos nito at itinulak siya sa driver seat at sumakay. Mahigpit ang hawak nito sa palapulsuhan niya. “At lumiko ka sa kanan. May alam akong lugar,” nakangising sabi nito. “Akmang-akma sa gusto kong gawin sa iyo.”
*****************************Naku my god ano ng nangyayari sa inyo Drew. :( . nahahati ang isip ko kakaisip kay Drew at Jace at sa work ko hahahaha. - Admin A *****************
BUKAS ko na lang ipopost yung ENDING mga beshie or kapag nagkatime na ako hahahaha. Thank you at bawi na lang me sa susunod. - Admin A
38
DREW was driving slowly and with trembling hands. Alam niya kung saan sila patungo. Dinaanan na nilang minsan ni Jace ang daang iyon. Napahikbi siya nang maisip ang asawa. She loved him. Oh, how she loved him.
At mapapahamak siyang hindi nito malalaman ang totoong damdamin niya. Nagpadalos-dalos siya. Isang pagkakamali ang ginawa niya pero huli na para sa pagsisisi.
At kung magpapadaig siya ngayon sa takot ay higit na kapahamakan ang sasapitin niya. Ang isip niya ay gumagana kung paano matatakasan si Grant. At bago pa man mabuo ang ideya ay mabilis niyang inirampa sa malalaking ugat ng kahoy sa gilid ng daan ang Jeep. Dahilan upang mapatagilid iyon. Sapat upang bumitaw si Grant at itukod sa windshield ang mga kamay.Iglap niyang diniinan ang preno at patalong bumaba ng jeep at tumakbo palayo. Kasunod niya ang sigaw ni Grant.
“I’ll get you, Drew! Hindi ka makalalayo!”
Hinahabol niya ang paghinga nang huminto at magpalinga-linga. Ilang metro sa kaliwa niya ay natatanaw niya ang parola. If she would go there, she would surely die. Kung hindi man kay Grant, sa phobia niya. Sa malayong kanan, sa pagkamangha niya ay may natanaw siyang yate. Kung may yate, tiyak na may tao. Doon siya tumakbo. Subalit hindi pa man siya nakalalayo ay lumitaw sa harap niya si Grant.
Dinaklot nito ang buhok niya at hinila siya patungo sa lugar na hindi niya gustong puntahan. “Gusto kong marinig na magmakaawa ka, Drew,” wika nito. “Gusto kong makita kang bumababa mula sa katayugan mo.”
She bit her lip. Mamamatay siya pero hindi niya bibigyan ng kasiyahan si Grant na gawin ang gusto nito. Patuloy ito sa paghatak sa kanya patungo sa parola. Parehong hindi nila napuna ang dalawang mountain bike na nakahiga sa damuhan.Inubos niya ang lakas sa pagpupumiglas. Subalit muli ay sinampal siya nito. Napasubsob siya sa entrada ng parola.
“Huwag mo akong pahirapan, Drew!” humihingal nitong sabi. “Masasaktan ka lang!” Nilapitan siya nito at hinawakan sa braso at hinatak papasok sa parola.
Isinara ni Grant ang nakabukas na pintong kahoy ng lighthouse at sapilitan siyang hinila sa loob. Drew inhaled and exhaled trying to gain back her strength. Nasa gitna na sila at akma siyang itutulak ni Grant sa naroroong papag na kawayan nang balyahin niya ito at sipain sa harapan. Sapo ang sariling napaupo sa papag si Grant kasabay ng pagmumura sa kanya.
Tinakbo niya ang unang pintong nahagip ng tingin. Iyon ang hagdanang bato patungo sa itaas ng parola. Hindi kailangang mag-isip ng mapagpilian. She would die anyway. But she would die fighting. Patakbong pinanhik niya ang hagdanang bato. Hindi siya miminsang dumulas sa sementong baitang at halos gumapang siya sa pagpanhik sa tuktok.
Humihingal na napahinto siya sa bungad ng pinto palabas. Pero saan siya pupunta? Paikot lamang ang platform na iyon sa buong parola. At hindi niya matiyak kung kaya niyang tumalon sa kamatayan kaysa sa mapasakamay kay Grant. Pikit-matang tinakbo niya ang gilid nang dalhin ng hangin ang pangalan niya mula sa ibaba ng parola.“Drew!”
Mula sa siwang ng mga tabla ay natanaw niya si Jace na bumababa mula sa Cherokee nito. “Jace!” sigaw niya.
Sandali lang itong tumingala at tinakbo na ang pinto ng parola. Tumalikod siya upang bumalik sa pinanggalingan. Subalit siya namang paglitaw ni Grant sa likod niya. She moved a couple of steps backwards.
“Sino ang tinatawag mo?” patuya nitong tanong, nakangisi subalit naniningkit ang mga mata habang humahakbang palapit. “Pagkatapos ko sa iyo’y ihuhulog kita sa parolang ito, Drew… muli ay magiging laman ka ng mga peryodiko sa buong lupa. Pero hindi sa society page kundi sa mortuary…”
Muli siyang humakbang paatras sa nanginginig na mga tuhod. May pakiramdam siyang nagsusugat na ang kamay niya sa pagkakakapit sa batong dingding. Natitiyak niyang hindi nito alam na nasa loob na ng parola si Jace.
“You won’t get away with this, Grant…” She was buying time.
“Ang matandang yaya mo lang ang testigo, and I’ll kill her—” Nanlaki ang mga mata nito. Lumampas sa mga balikat niya ang tingin.
Nilingon niya ang hinayon ng mga mata ni Grant upang mamangha ring tulad nito. “J-Jace?” Then she shook her head in amazement. The man looked like Jace but he wasn’t Jace. Nasa ibaba si Jace at iisa lamang ang pasukan at labasan ng parola.
Mula sa paikot pa ay lumitaw ang isang magandang babae. “Sabi ko sa iyo, may mga tinig akong narinig,” wika nito.
“May problema ka ba sa lalaking iyan, miss?” tanong ng lalaki. A muscle in his jaw flexed as he gave Grant a dangerous look. Nakadama siya ng deja vu sa tanong at sa nakikitang anyo nito.
Drew ran to him. Pumakabila sa likod ng dalawang estranghero. “He’s going to rape me!“Ang babaeng katabi ng lalaki ay kinabig siya palapit dito, in a protective manner.
“Huwag kayong makialam!” deklara ni Grant na umilap ang mga mata.
“Drew!” sigaw ni Jace na lumitaw sa entrada, dalawang metro mula sa likod ni Grant.Ang akmang paghakbang ng estrangherong lalaki patungo kay Grant ay nahinto. Gayundin si Jace sa akmang paglapit kay Drew.
Nalilitong umatras si Grant sa may barandilyang bakal at pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaking halos iisa ang mukha at manghang nakatitig sa isa’t isa. His presence was temporarily forgotten.
Grant moved closer to the railings. Sa isang paghakbang nito ay lumihis ang isang malaking tablang sahig. Nang umiwas ito ay nabali ang isa pang katabi nito. Nagpa-panic itong napasadsad sa railings na bakal. At dahil buong katawan nito ang nakasandig at doon ibinuhos ang timbang ay bumigay ang kinalawang ng mga rehas. Humulagpos ang isang bahagi at naalis sa pagkakahinang.
Sa mismong sandaling iyon ay sabay na kumilos ang dalawang lalaki at pinagsikapang parehong abutin ang tig-isang kamay ni Grant. But Grant panicked. The railings creaked and swung. Nagpipiglas at sumisigaw si Grant, sapat upang tuluyang mawala sa pagkakahinang ang kabilang bahagi ng bakal at bumigay. Hangin ang nasunggaban ng dalawang lalaki.
Kasabay ng pagyakap ni Drew sa katabi ay ang nakatutulig na hiyaw ni Grant na bumulabog sa mga ibon sa paligid.Sa loob ng ilang sandali ay parehong sa matatarik na bato sa ibaba nakatunghay ang dalawang lalaki. Walang maririnig kundi ang hampas ng mga alon sa batuhan at ang ingay ng mga ibong-dagat sa himpapawid.
Si Jace ang naunang mag-angat ng tingin mula sa ibaba at tinitigan ang kaharap. It was like looking into his own reflection except that this man was darker. He was having mixed emotions.
Nag-angat ng mukha ang kaharap. Tulad niya ay buong pananabik nitong pinag-aralan ang anyo niya.
“Leandro…”
“Tristan…”
Sabay nilang binigkas ang kani-kanilang pangalan.
“What a memorable reunion!” bulalas ni Meredith. Nakangiti nitong inakay ang natutulala pa ring si Drew na hindi malaman kung alin sa mga pangyayari ang unang bigyan ng pansin. Gahibla na niyang naligtasan sa ikalawang pagkakataon ang kapahamakan sa mga kamay ni Grant. Umangat ang mga mata niya sa asawa.
“Are you all right?” Jace asked softly, then his face hardened when he saw the red mark on her face.
She ran to him and burst into tears. Jace held her close. “I love you, Jace. And I thought I’d never be able to tell you that. I’m sorry… I’m sorry.“Hinagkan ni Jace ang ibabaw ng ulo niya. “Sshh…”
“Hindi tayo kakayanin ng marupok na parolang ito. Why don’t we all get down to a safer place?” suhestiyon ni Meredith.
*******************Hindi ako makapag-isip ng maayos parang need ko ata muna ng break char hahahaha. Parang ako na si Drew sa part na ito hindi alam kung ano ang unang bibigyang pansin hahahaha. Good morning mga beshie , sana all goods ang morning n’yo. ;) - Admin A ***************************************************
39
“PAANO mong nalaman na Tristan ang pangalan niya?” tanong ni Drew nang pababa na sila.“Before we got married, Matilda called my mother. Sinabi niya ang tungkol sa pagdating ng mag-asawa sa Las Vegas. Nagkasalisi kami. A matter of twenty minutes. Kung hindi tumawag si Henry ay baka nag-abot kami. Isa iyan sa mga dahilan kung bakit hindi ko muna gustong umuwi tayo sa asyenda. Inaasahan ko ang pagdating nila anumang araw.”
“We would have come earlier.” si Meredith sa likod nila. “But both the twins caught some virus. But they’re okay now.”
Nasa ibaba na sila nang ipakilala ni Jace si Drew kay Tristan. “My wife, Drew…”
“Si Meredith, ang aking asawa.” For a long moment no one spoke. The brothers stared at each other awkwardly. Hindi malaman kung ano ang sasabihin. Then Tristan cleared his throat. At sa gumagaralgal na tinig ay, “Hinanap kita… matagal na kitang hinahanap…” he whispered emotionally.
Jace smiled through misty eyes. “What took you so long?”
“Kailan lang ako nagmana ng malaking salapi,” ani Tristan, nilingon ang asawa. “Malaking tulong sa paghahanap ko sa iyo.”
Ginagap ni Jace ang kamay ni Drew at itinaas. “Mother’s ring.“Sa smallest finger ni Tristan ay ipinakita nito ang kakambal na singsing. “Ang singsing ni Itay.“Nagtatanong ang mga mata ni Jace. Hindi kayang iusal ang nasa puso at isip. Naroon ang pag-asa… at pananabik. Subalit malungkot na umiling si Tristan.
“Namatay sila kinabukasan din matapos ka naming iwan sa ospital. Inabot sila ng bagyo sa dagat…”
Tumingala sa langit si Jace at pinuno ng hangin ang dibdib. Lumapit si Tristan at nagyakap ang magkapatid. Both women gazed at the twins with tears in their eyes.
“We have a lot of catching up to do…” ani Jace, pinisil sa balikat ang kapatid.
Tumango si Tristan. “Naghihintay ang Monte Falco sa iyo, Leandro.” Ibinabadya ng tinig nito na hindi nito inaasahan ang anumang pagtutol.Leandro Jace smiled. “Iniimbitahan ko nga pala kayo sa kasal ko…” dugtong nito at inakbayan si Drew.
“Kasal?” si Tristan. “Akala ko ba’y mag-asawa kayo?”
“Oh, we are,” nakangising sagot ni Jace. “But we want a proper wedding. You, my big brother is my best man. And your wife’s the matron of honor.”
“At dalawa ang magiging ring bearers mo!” ani Meredith. “Come and see your nephews, Leandro.”
“Very soon,” sagot ni Jace. Hinayon ng tingin ang Cherokee. “Gamitin ninyo ang jeep at mauna na kayo sa bahay. May pag-uusapan lang kami ng asawa ko habang naglalakad.”
“PAANO mong nalaman ang nangyari?” tanong ni Drew, ang kamay ay nakahawak sa baywang ni Jace.
“I was so angry with you, Drew. Pero nang makaalis na kayo ay nag-isip-isip ako. Hindi ko magagawang hayaan kang umuwi at iwan ako. My god, I was willing to agree to your terms, huwag ka lang umalis.”
“I’m sorry, Jace…”
“Sumunod ako at alam kong aabutan kita dahil hindi mo kayang magmaneho nang mabilis sa hindi mo kabisadong lugar. Basa ang daan at nagulat ako nang makita kong hindi patungong bayan ang tracks ng pickup. I was sure you got lost. At nang matanaw ko ang pickup sa daan ay naisip kong nawalan ka ng gas. Pero nang makita ko ang nakahandusay na si Yaya Saling ay tila nawalang lahat ang dugo ko sa katawan. Isinakay ko siya sa pickup at sinundan ang bakas ng Jeep ni Grant.”
“I’m glad you came. Pinagsisihan ko ang ginawa kong pag-alis, Jace… please forgive me.”
He cupped her face and raised it to him. “Why, Drew?” he asked. Hurt in his voice. “Sinabi mo nang mahal mo ako… bakit mo ako iiwan?“The pain in his voice knifed through her. “Kaninang umaga, nakita ko kayo ni Violy. You were kissing her…”
Angrily, he gave a sigh of relief. “She kissed me! Anyway, kung si Violy lang ang dahilan ng muntik mo nang pagkapahamak ay kalimutan mo na siya, Drew. Kung siya ang gusto kong pakasalan, ’di sana’y noon pa.”
“But you couldn’t have married her! Hindi iyon ang proviso ng lolo mo…”“Ang proviso ni Lolo Gerardo sa testamento niya ay mag-asawa ako bago dumating ang unang anibersaryo ng kamatayan niya upang hindi mauwi kay Grant ang del Mare property. But not necessarily you. Ang mahalaga ay matagal ko nang kilala ang babae… o di kaya ay girlfriend ko na. Huwag lang kung sinong babae na kaya ko lang pakakasalan ay dahil sa proviso. At matagal ko nang kilala si Violy. In fact, I contemplated marrying her if only for my mother’s sake. But your father made that announcement a year ago, sa party mo.”
Nagkaguhit ang noo niya. “H-hindi iyan ang sinabi ni Daddy…”
“He lied. He wanted you to marry me,” he said arrogantly.
“Ang… utang ng asyenda?”
“The twenty million?”
“Iyon at ang kinita ng Hacienda Montano sa nakalipas na tatlumpong taong mahigit? Na dapat ay mauuwi sa iyo dahil nakasanla sa lolo mo ang asyenda?”
Kumunot ang noo ni Jace. “Walang ganoong usapan ang mga matatanda, Drew. Nang isanla ng Lola Monica mo ang isang bahagi ng asyenda, ang sinasabi ng kontrata na dapat bayaran ay ang utang lang mismo at ang accumulated interest. At kahit na iyan ay mababale-wala kung magpapakasal tayong dalawa dahil sa atin din naman mapupunta iyon.”
Napasinghap si Drew. “My… my father deceived me…” usal niya. “Pinaniwala niya akong magbabayad siya sa iyo ng napakalaking halaga kung hindi ako pakakasal sa iyo…”
Jace grinned. “At heto ako at naniwalang dinahilan mo lang ang twenty million kaya ka nagpakasal sa akin. At na talaga namang gusto mo akong pakasalan una pa lang. Kaya sinasakyan ko ang mga kalokohan mo.”
She glared at him. “Sinasakyan ang kalokohan ko! Of all the—”
Inilagay nito ang mga kamay sa baywang niya, hauled her against him. “Binabawi mo ba ang sinabi mo sa akin sa parola? O aftermath lang iyon ng takot mo?”
Ikinawit niya ang mga braso sa leeg nito. “I love you, Jace, must have loved you from the first moment I saw you. Sa tuwing maiisip kong muntik na akong magpakasal kay Grant ay nananayo ang balahibo ko.” Nilingon ang bahagi ng kinabagsakan ni Grant. Ni hindi niya ito matanaw mula sa matarik na mga bato. Sa kabila ng lahat ay hindi niya ginusto ang sinapit nito.
“Forget him, Drew. He’s dead,” matiim nitong sabi. Inakbayan siya nito at inakay paalis sa lugar na iyon.
Subalit nanatili siyang nakatayo roon. Namaywang. “Do I have to choke from you the words I
want to hear?“
Jace gave a bark of laughter. Hinapit siyang muli at hinagkan. “I love you, my wild heiress. Sa pagkakatanda ko’y nasabi ko na sa iyo iyan at nang lingunin mo ako’y nagkunwa akong tulog na. I got so insecure that I have exposed myself to you, na baka pagtawanan mo ako… But when you cuddled me in your arms, hope rose. That you might have loved me, too.“She smiled happily and kissed him. Iyon din ang nasa puso at isip niya nang sandaling iyon.
“Will you really marry me again?”
“That was our plan.“Kumunot ang noo niya. “Our?”
“Ng Daddy. I promised him that I’m gonna make you love me. And when you do, pakakasal tayong muli. With all the relatives in attendance. I’ve talked to your grandparents on the video phone, nang araw na sabihin ko sa iyong aalis tayo patungo rito. I had their approval.”
Gusto niyang mainis dahil mukhang napagka-isahan siya. But she was too happy and so much in love that no other emotion could get through her heart.
“I’m so happy for you and Tristan, Jace…”
“Yeah, me too. They have twins. Inaasahan kong kambal din ang ipagkakaloob mo sa akin, princess…” Inakbayan siya nito at nagpatuloy sila sa paglakad.Hindi nagtagal ay natanaw nila ang Cherokee jeep na hinintuan nina Tristan at Meredith. Nasa labas na ang nahimasmasang si Yaya Saling.
WAKAS
******************Mahal din kita Jace kaya lang may Drew ka na kaya pinapalaya na kita char hahahahaha. Magmo-move on na muna ako sa’yo at pag-iisipan ko pa kung kaya ko bang ibahagi si bebe Renz ko. At malaki sa pagkatao ko ang naitulong ng bebe Renz ko char hahahaha. Sana maging masaya kayo mga beshie. AT mag ingat lalo na sa panahon ngayon. Keep safe and God bless us all. - Admin A *******************************

