loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Kristine Series 24 - Ivan Henrick (UNEDITED)(COMPLETED)

Kristine Series 24 - Ivan Henrick (UNEDITED)(COMPLETED)

Marthacecilia Phr · 21 chapters · 29,946 words

Prologue

“WALA akong file tungkol kay Ivan, Tito Alvaro,” ani Kurt. “You just have to ask me anything about him.”

Sumandal sa high-backed swivel chair si Alvaro at bahagyang inuga-uga iyon. “Like if he’s married or not. And what has he been doing now that he has retired. Saan siya nakabase ngayon?”

Nang ipatawag siya ni Alvaro sa mansiyon nito ay wala siyang hinagap kung ano ang sadya nito sa kanya. Ang huling pagkakataong nagkita sila ay dalawang taong mahigit na ang nakalipas. Then Alvaro told him that he had a little misunderstanding with his daughter Nayumi. Na umalis ito ng mansiyon may dalawang araw na ang nakalipas.

Humigit-kumulang, nahuhulaan na ni Kurt ang dahilan. Kamakailan ay tumawag si Adora sa opisina niya upang pasubaybayan at alamin ang pagkatao ni Ranjo Martinez—Nayumi’s latest suitor. Kaya naman dala niya ang lahat ng record na nalikom ng tao niya tungkol sa lalaki.Subalit ikinabigla niya ang sunod nitong sinabi. Iyon ay kung ano ang nalalaman niya tungkol kay Ivan Henrick—international secret agent of high caliber. Yet Kurt’s face remained passive.

“As far as I know, Ivan’s unmarried. Since his retirement from the agency two years ago, he settled in his mother’s farm in Davao. He owns a restaurant/bar in the outskirts of the city which caters mostly of men.”

Alvaro surprised him by chuckling. “A restaurateur. Isn’t it amusing for a man of Ivan’s caliber?“He had to agree to that.

“Talk to him, Kurt. Kailangan ko siya para kay Nayumi.”

Huminga nang malalim si Kurt. “He’s retired, Tito Al. He wouldn’t take a job, any job that has something to do in one way or another with his former job. Kung natatandaan ninyo, ipinahanap ninyo siya sa akin para sa kaibigan ninyong si Don Manuel Lagdameo nang makatanggap ito ng kidnapping threat pero mahigpit na tinanggihan ni Ivan ang trabaho.”

“This time, I am the client, Kurt,” seryosong sabi ni Alvaro. “Tiyakin mong hindi siya tatanggi.”“Bakit kailangang siya kung bodyguard lang para kay Nayumi ang gusto ninyo? May mahuhusay akong taong maibibigay. Hindi siguro kamukha ng kalidad ni Ivan, pero mahusay.”

“Six years ago, after he saved Nayumi from being kidnapped, my daughter started idolizing him. She asked me his name which, of course, I said I didn’t know. Yet there wasn’t a time then that Nayumi didn’t speak of him. Minsan sa akin at mas malimit kay Adora…”

“Pero hindi nagkaroon ng pagkakataon si Nayumi na makita si Ivan, Tito Al…” Now he couldn’t contain his surprise. “Kahit sina Brad at Trace ay hindi niya nakita.”

May ilang sandaling hindi kumibo si Alvaro. Inikot ang swivel chair at sa credenza sa likuran ay may kinuha. Iniabot iyon kay Kurt.

Kunot ang noong tinitigan ni Kurt ang nasa harap niya. Isa iyong caricature ng isang knight sa ibabaw ng kabayo at sa harapan nito ay isang caricature ng isang babae. Lamang, ang mukha ng babae ay ginupit mula sa larawan ni Nayumi at ang knight ay sinulatan nito ng: My knight without a name and face.

“Nayumi must have sketched this when she was fifteen,” ani Kurt. “She hero-worshipped Ivan for saving her, kahit na hindi niya ito nakita o nalaman man lang ang pangalan. So, what has this got to do with… with your request to contact Ivan?”

“There are more of that, Kurt, as years passed. But I can’t show you. Hindi ko gustong dagdagan ang kasalanan ko sa anak ko sa pamamagitan ng pakikialam pa sa mga personal niyang gamit. This hero-worshipping stopped when she turned eighteen. Subalit hindi niya itinapon ang mga iyan. She kept them in lock and key in her drawer.”

“Mementoes. Wala namang unusual doon, Tito Al.”“Naya’s twenty-two in four months’ time. She might not know it consciously but perhaps she hasn’t gotten over her fantasy with the man who saved her. Why else would she take a trip to the south with no place in particular? Pero naniniwala akong sa Davao siya bababa.”“Paano ninyo nalaman iyan?”

“Gumamit siya ng card kahapon. I checked the bank.”“Gusto ninyong kontakin ko si Ivan para kay Nayumi,” he stated. “You’re throwing them to each other!”“I’m taking a gamble, Kurt. Naya’s been seriously dating unsuitable males since she was eighteen.”“You know nothing about Ivan, Tito Al—”“I’m trusting my instincts. Now, get in touch with him.”“Tinitiyak ko sa inyo na tatanggihan ni Ivan ang trabahong ito, Tito Al. I know him and—”“Offer him a million, Kurt, or ask his price. Everybody has a price. That and the fact that Ignacio is out on parole.“Davao

“I WANT to see you again,” ani Lizzy, tumayo at lumakad patungo sa bag nito na nasa ibabaw ng mesa at kumuha ng sigarilyo at sinindihan. Bale-wala kung hubo’t hubad man ito.

Mula sa pagpupunas ng basang buhok ay napatitig dito si Ivan. Lizzy was an exhibitionist of the first order. He supposed that went with the territory of having a great body. Huwag nang idagdag na napakaganda nito. Iyon ang ikalawang pagtatagpo nila sa hotel na iyon. At iyon ang magiging huli, tulad din ng ibang babaeng nagdaan sa buhay niya pagkatapos ng relasyon niya kay Thea.

“I told you before, Lizzy,” aniya, inihagis sa sahig ang tuwalya at dinampot ang briefs at isinuot. “I don’t sleep with the same woman more than twice. Niliwanag ko sa iyo iyan sa simula pa lang. Sa ganoong paraan ay walang emotional entanglements and the scenes which go with them when I say good-bye. And trust me, sweetie, I always say good-bye.”

She blew the smoke upward. “I don’t want to be involved emotionally with you, Ivan, ipanatag mo ang loob mo. I only want you for the sex. You’re the best I ever had. But you already know that, don’t you?”

Nagkibit siya ng mga balikat. “Practice makes perfect.”

Isang nang-aakit na tawa ang pinakawalan nito. “You’re an arrogant, ruthless bastard, Ivan. Isa sa mga dahilan kung bakit gusto kita.”

“I’m flattered. But the answer is still ‘no,’” wika niya sa walang emosyong tinig.Napahugot siya ng malalim na hininga. Sa nakalipas na walong buwan mula nang tapusin niya ang relasyon kay Thea ay hindi lang ilang babae na ang nakaniig niya. Some were really good in bed. At hindi pa nangyaring hindi siya dumating sa kasukdulan.

Gayunman, ang kasiyahan ay pisikal. There was something missing in those sexual encounters with women. Something he couldn’t explain. After the shattering climax, it left him feeling empty more than ever. Hindi niya gustong isiping magmula lang iyon nang maghiwalay sila ni Thea.Thea was insatiable. She wanted him to have sex with her in the morning when she woke up. Kung minsan naman ay tatawag ito sa kanya sa mobile at sasabihing magtagpo sila sa opisina nito. At sa pribadong silid nito sa munisipyo, on top of her table, madalian siyang nakikipagtalik dito.

Not that he complained. No one could fault Thea when it comes to satisfying a man. Mapamaraan ang ex-girlfriend niya pagdating sa pakikipagtalik. He almost married her. But Thea’s passion was obsessive. And she was obsessed—with him.

Ivan grimaced. Hindi niya gustong isipin si Thea. Thinking about her left a bitter taste in his mouth.

“I’ll pay you, darling,” putol ni Lizzie sa daloy ng isip niya. “A hundred thousand tuwing nagtatagpo tayo. Plus expenses. Meaning, ako ang magbabayad ng hotel room natin… wine and food. Well, with you, Ivan, who needs food? So, what do you say? Next week, same place?“Itinuloy niya ang pagbibihis. “Sorry, honey. Sisingilin kita sa trabahong maaari mong ipagawa sa akin, pero hindi kasama roon ang sex. I give it for free.”

“It is a job. Trabahong gagawin mo para sa akin.“Umangat ang mga kilay niya. “Sex is pleasure, honey.”“I’ll double it, Ivan.” Hinagod nito ng humahangang tingin ang kabuuan niya.He smiled without humor. “I am not that good, sweet.”“That’s a matter of opinion.”

“It’s still ‘no.’”“Lahat ng tao ay may presyo, Ivan. Kahit ikaw,” wika nito, pouting seductively.“I won’t have sex with you again, Lizzy, even for a million. It isn’t you, sweetie. I’d love to f—ck you tomorrow and I’d be in heaven. But a rule is a rule. At tulad ng sinabi ko, I don’t trade sex for money.”

Ang anumang isasagot ni Lizzy ay napigil ng pagtunog ng mobile ni Ivan. Dinampot niya iyon mula sa tokador ng hotel.

“Ivan here.”“Hello, Ivan…”

Kumunot ang noo niya, sandaling natigilan. Kailan pa ba niya huling narinig ang tinig nito? Ang huling pagkakataong nag-usap sila’y nang minsang tawagan siya nito para sa isang trabaho.That was two years ago, kung hindi siya nagkakamali, anim na buwan pagkatapos niyang ipasyang magretiro sa dating trabaho.

Gayunma’y hindi niya nakakalimutan kung sino ang may-ari ng tinig sa kabilang linya. He just didn’t forget voices easily.

“Hello, Kurt. It’s been a long time.” Sa sulok ng mga mata niya’y nakita niyang pumasok sa shower si Lizzy.

“How have you been, Ivan? Ang huling balita ko’y nagbabalak kang gawing orchard ang buong farm. You’re getting busy these days, my boy.”

He cleared his throat. “Hindi lang ikaw ang may pagnanais na maiba ang buhay, Kurt.”“You don’t have to sound defensive. I am happy with what you are doing right now. I can only wish Trace and Brad would be as sensible. So, aside from being a restaurateur, you want to venture now in farming?”

“Natitiyak kong walang bahagi ng pagkatao ko ang hindi mo alam,” matabang niyang sabi. “May naiwang kapirasong lupain ang mga ninuno ko rito. Hindi ko magawang pabayaang tubuan ng damo…”

“A cold-blooded agent-assassin turned restaurateur and farmer. The agency would never believe this.”

Ivan doesn’t care a whit what the agency believed. He had retired. Mahabang katahimikan ang pinaraan ni Kurt. Naniniwala si Ivan na hindi ito tumawag para kumustahin siya. Pero hindi niya gustong magtanong. May palagay siyang hindi niya magugustuhan ang dahilan ng pagtawag nito.

“I want to offer you a job, Ivan…” wika nito pagkalipas ng mahabang sandali.That was what he dreaded. Again, he cleared his throat. “Matagal na akong nagretiro sa trabahong iyan, Kurt. Nasabi ko na sa iyo iyan noong huli mo akong kinontak.”

“The job would be very simple.”

He wanted to laugh. “There is nothing simple about those yobs. We both know that.”“Your job is to simply watch someone to stay out of trouble. And protect her from harm…” patuloy nito na tila hindi siya nagsasalita.

“Protect her from harm,” ulit niya kasabay ng matabang na tawa. “Why, that sounded like a prayer—” He stopped in midsentence. “Her?” Napatuwid siya. “Did you say her?”“It’s Nayumi, Ivan. Remember her?”

Nayumi. Nayumi Navarro. Agad na gumuhit sa isip niya ang anyo nito may anim na taon na ang nakalipas. At fifteen, she was a little taller and a bit overweight. Mestisa. Madali niya itong natatanaw mula sa malayo dahil sa buhok nito. She was walnut blonde. Pero kahit minsan ay hindi niya ito nakita sa malapitan.

Hindi siya interesado sa pisikal nitong katangian. He was there for a job. He and his buddies were there to protect her from being kidnapped. Nayumi had her own personal bodyguards. Tatlo sa mga iyon ay nasa loob ng family van at inihahatid at sinusundo ang dalagita mula sa eksklusibong pambabaeng escuelahan na pinapasukan nito.

Sa loob ng dalawang linggo, sa paiba-ibang sasakyang lihim na nakaparada sa paiba-ibang lugar sa di-kalayuan sa unibersidad ay lihim at maingat nilang sinusubaybayang tatlo si Nayumi. May tinanggap na kidnap threat si Alvaro Navarro para sa anak.

The Navarros had not contacted the police nor the military. Sa halip, sa pamamagitan ni Kurt, they were summoned from the Middle East where they had their last assignment.

Sa ikatlong linggo ng kanilang pagmamanman ay isinakatuparan ng kidnappers ang kanilang plano. Isang hapong pauwi na si Nayumi mula sa pinapasukan nitong unibersidad ay hinarang ang sinasakyan nito sa Commonwealth Avenue. Isang sasakyan ang nasa likuran ng family van at isa sa unahan. Ang baril ng mga bodyguard ay walang silbi sa close range. The six kidnappers were heavily armed.Tatlo sa mga ito ang lumapit sa van na sinasakyan ni Nayumi at pawang mga naka-bulletproof vest.

Subalit hindi inaasahan ng mga kidnapper na maliban sa mga bodyguard sa loob ng kotse ay nakasunod sila nang lihim sa dalawang magkaibang sasakyan. Brad and Trace took care of the vehicle that tailed the family van.

At si Ivan naman ang sumagupa sa unahang sasakyan. Walang ingay niyang binaril sa ulo ang kidnapper na natitiyak niyang pinuno dahil ito mismo ang nakatuon ang armalite sa van at nagbibigay ng senyas.

Nang bumagsak ito’y nataranta ang mga kasamahan nito. Ang humihila kay Nayumi sa sahig ng van ay biglang humarap upang tanggapin ang bala mula sa kanya. Sa pagitan ng mga mata. Ang natitirang isang kasamahan ay binaril niya sa mga kamay at paa. Ang mga kasama niya’y walang-ingay na pinagbabaril ang tatlo pang nasa likuran ng van.

Bago pa man dumating ang mga pulis ay nakuha na ni Ivan na pagtapatin ang isa sa mga binaril niya kung sino ang mastermind ng kidnapping. An hour later, Ignacio was collared in his hideaway in Bulacan by the military.

Naging kontrobersiyal ang balita. Gustong malaman ng press at media kung sino ang backup ng mga bodyguard at pumatay sa limang kidnappers at sadyang nag-iwan ng isang buhay subalit sugatan. The backup men, ayon sa report, were precise and deadly, at may mga makabagongarmas na hindi ginagamit ng military o PNP.

Wala sa mga bystanders ang makapagsabi ng anyo ni Ivan at ng mga kasama niya. Maliban sa ang ginawa nilang pagsalakay sa mga kidnapper ay nangyari lamang sa loob ng isang minuto, pare-pareho silang nakasuot ng dark sunglasses.

Ang opisina ni Kurt ay hindi tinantanan ng media at PNP at ng iba pang sangay ng batas. But Ivan and his companions were special forces whose office was based in Texas, isa iyong lisensiyadong organisasyon ng CIA na kumikilos laban sa mga international terrorist. Ang mga recruit ay mga retiradong lalaki mula sa marine, military, at SEAL, at nagmumula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Kurt had been a former colleague. Walang anumang impormasyon ang nakatala sa opisina ni Kurt tungkol sa kanila. Subalit nahalukay ng mga ito na si Ivan ay isang dating CIA.

Isa sa mga personal bodyguards ni Nayumi ang gustong magpakitang-gilas sa media at nag-quote na ang backup nila ay mga ex-SEALs. Many were awed. With all the kidnapping threats, millionaires wanted their services.

The PNP and the military were angry. The Navarros and Kurt’s agency denied knowing Ivan and his companion. Weeks later, the news died a natural death. Pagkalipas ng ilang buwang kaso, nahatulan si Ignacio ng sampung taong pagkabilanggo.

Dalawang araw pagkatapos ng pangyayaring iyon, si Ivan at ang dalawang kasama niya’y muling lumipad pabalik sa Amerika at nanatili roon para sa panibagong assignment mula sa organisasyong kinabibilangan nila.

Two years later, pagkatapos ng huling assignment sa Colombia na muntik na niyang ikamatay, Ivan resigned from his job.

“You don’t need me. Kung bodyguard lang ang kailangan ng anak ni Navarro, kaya mong ilaan iyon.”

“Ikaw mismo ang ipinakokontak sa akin ni Mr. Navarro. Isa sa mga nabigyan ng parole ng presidente sa kanyang kaarawan si Ignacio, Ivan.”

Napaungol siya. Nadaanan niya iyon ng tingin sa peryodiko. Hindi niya gaanong binigyang-pansin. Ten years ang hatol sa pagtatangka nitong pagkidnap kay Nayumi. Pagkalipas lamang ng anim na taon ay makalalaya ito dahil sa parole ng pangulo.

“Sa palagay ba ninyo’y gagawa ng hindi mabuti si Ignacio pagkatapos ng mahabang pagkakakulong? He is lucky to be given a parole. Natitiyak kong hindi niya gugustuhing bumalik sa kulungan.”

“We can never be sure, Ivan. Gusto ni Mr. Navarro na matiyak ang kaligtasan ng kanyang anak, lalo at kasalukuyang nagrerebelde si Nayumi laban sa ama…”

Bago niya magawang sagutin at tanggihan ang sinasabi nito’y lumitaw sa tagiliran niya si Lizzy, nakabihis na.Tumiyad ito at humawak sa balikat niya. Her tongue snaked through the insides of her ear. Agad namang bumitaw bago pa niya ito maawat.

I’ll see you next week, she mouthed, pagkatapos ay lumakad na patungo sa pinto.Don’t bet on that, he wanted to say. Sa halip, ibinalik niya ang pansin sa kausap sa telepono. “Bakit hindi si Trace o si Brad ang kinontak mo?”

“Wala akong panahon para mahanap ang alinman sa kanilang dalawa, Ivan. Ikaw ang available.”“Humihina na ba ang mga koneksiyon mo, Kurt?” he taunted. “Magagawa kong makausap ang dalawa kung gugustuhin ko.”

“And you don’t want to give me their numbers, do you?”“No. Only where Brad is at this time. He’s in Amsterdam.”

Ivan heard the muttered curse, and he was pleased that there was a limit to Kurt’s connection.“Mr. Navarro is a former client, Ivan. He wants your services. Alinman sa inyo nina Trace at Brad.”“Hindi lang ikaw ang may karapatang baguhin ang buhay, Kurt. But babysitting a millionaire’s brat isn’t my idea of a job. I don’t think Ignacio is a threat to Navarro’s daughter now. Natitiyak kong alam niyang mga tauhan mo na ang bodyguards ng mga Navarro. Sa isang tulad ni Ignacio na maaaring may koneksiyon pa sa dating mga kasamahan sa militar, kabisado na niya ang kapasidad ng mga tao mo.”

Isang buntong-hininga ang narinig niya mula sa kabilang linya. “Mr. Navarro would not want to take chances. Wala akong panahon para makontak ang sinuman kina Brad at Trace. Ilang araw mo lang susubaybayan si Nayumi, hanggang sa mahimok siya ng mga tiyuhin at kapatid na bumalik sa Amerika.”

“No, Kurt,” determinado niyang sagot. “I’m not leaving Davao at this point in time. May mga importanteng trabaho akong mabibitin.”

“No problemo. Two days ago, she boarded the SuperFerry bound for Mindanao. Hindi siya bumaba sa Cebu kaya malamang na dumeretso siya riyan, unless she would take the round trip back to Manila which I doubt.”

“Dammit, why me? Marami kang mahuhusay na tao. I’m retired and—”“And Mr. Navarro’s offering a million for your services, Ivan. Natitiyak kong hindi mo kailangang mag-isip nang matagal.”

He was rendered speechless—isa sa mga bihirang mangyari. Isang milyon para sa ilang araw na serbisyo!

“Alam kong hindi ka naghihirap, Ivan,” patuloy ni Kurt, knowing Ivan’s weakening his resolve. “Pero ang isang milyon ay malaking halaga para sa ilang araw lang na trabaho. Trabahong hindi hinihinging isapanganib mo ang buhay mo. At alam kong bukod sa farm ay nagpaplano kang magtayo ng isa pang branch ng restaurant sa bahagi ng norte. Makatutulong ang perang iniaalok ni Mr. Navarro.”

Damn. Wala ba siyang maililihim dito?

“Hindi mo kailangang magmanman nang lihim, Ivan. Ayon kay Mr. Navarro ay maaari mong lapitan si Nayumi at magpakilala. You can easily do that, my boy,” Kurt said with an indulgent tone. “You can charm any female specie on this planet. Besides, you were Nayumi’s hero. Ayon sa papa niya’y matagal ding panahong walang bukambibig si Nayumi kundi ikaw pagkatapos ng pangyayaring iyon.”

Bahagya na niyang narinig ang iba pang sinabi nito. Isang milyon para bantayan ang isang spoiled brat sa kanyang pagrerebelde. Kurt was right. One million pesos, in any language, was a lot of money. Lalo at kailangan niya ang halagang iyon para sa panibagong sangay ng negosyo niya. He was stupid if he didn’t take the job.

“Sonofabitch,” usal niya nang hindi pa man niya naibibigay ang sagot ay nawala na sa linya si Kurt.

***********************I’m back mga beshie, Pasensya na at medo natagalan hahaha super busy na sa work eh pero heto ako at bumabati sa inyo ng Merry Christmas and Happy New Year char hahaha. Regalo ko hahaha. Yung mga winners pala last time, pinaprocess na yung mga prizes n’yo sana magustuhan n’yo. :) Pasensya na at natagalan. Kumusta ang Pasko n’yo n’yo? - Admin A ****Ano na ang mga bago ngayon? Wala na akong balita huhuhu :( ********************************

1

ALAS-SIYETE na ng gabi nang dumaong ang barko sa pier ng Davao. Isang tipid na ngiti ang kumawala sa mga labi ni Nayumi habang pinagmamasdan ang abalang pier.

Ang nagkakagulong mga porter ay nakaabang na sa mga pasaherong bababa; ang mga cigarette at food vendor ay di-magkamayaw sa pagsigaw sa kanilang paninda; ang mga driver ng mga paupahang sasakyan ay naghihintay at isinisigaw sa mga pasaherong nakaabang na sa paglapat ng barko sa pantalan ang lugar na patutunguhan.

Sa tubig ay naroroon ang mga batang hubad na nakasakay sa kani-kanilang bangka, humihingi ng kahit na magkanong barya na ihulog mo at sisisirin nila iyon.

And Nayumi was surprised that they usually got the coin. Ginaya niya ang ilan sa mga pasaherong naghulog ng barya. Sabay-sabay niyang inihulog ang ilang coins sa tubig. And to her fascination, the boys dove expertly and got all the coins before they reached the sea bottom.

“Sorry, wala na akong coins,” she mouthed, kasabay ng paglahad ng dalawang kamay.Kasalukuyang ibinababa ng mga tripulante ang anchor sa pantalan. Nanatili siya sa upper deck kahit na isa-isa nang nagsibabaan ang mga pasahero sa lower deck upang abangan ang paglalatag ng andamyo. Hindi niya gustong makisiksik sa mga sasakyang ilalabas ng mga pasahero. Bukod pa roon, naaaliw siyang pagmasdan ang sarisaring eksena sa ibaba. Iyon ang unang pagkakataong tutuntong siya sa Davao.

Hindi niya tiyak kung tama ang ginawang iyon. She had thought it for the umpteenth time when the luxury ship left Manila two and a half days ago.

Umalis siya ng Maynila upang lumayo muna sandali at mag-isip. Muni-munihin ang pangyayari sa buhay niya nito lang nakalipas na mga araw. She felt so vulnerable. Alvaro deceived her. Kahit na nga ba maganda ang motibo, pero ang punto ay hindi ito tumupad sa pangako.

Natuklasan niya ang lihim ng pagkatao niya kasabay rin ng pagkatuklas na ang lalaking inakala niyang maipagmamalaki niya sa pamilya ay hindi naman pala karapat-dapat. It certainly had nothing to do with the pain and guilt she was feeling inside. Hindi pa yumayabong nang husto ang relasyon at damdamin niya kay Ranjo.

And Nayumi hadn’t even shed a tear yet. At kung bakit sa Davao siya nagtungo ay hindi rin niya matiyak. Nang huminto ang barko sa Cebu upang magdiskarga, naisip niyang doon bumaba. But she’d been to Cebu a few times since the Navarros had a canning factory in Cebu. At walang magandang lugar doon na hindi pa niya narating.

And Davao was the last port before the SuperFerry sailed back to Manila.Humigpit ang pagkakahawak niya sa barandilya ng barko at wala sa loob na yumuko siya sa tubig. Naroon pa rin ang mga bata pero hindi ang mga ito ang nakikita niya. Sa halip ay tila nagkahugis sa tubig ang larawan ni Ranjo. Handsome and charming Ranjo.

How stupid of her, pero itinuring niyang romantic ang paraan ng pagtatagpo nila. Perhaps one of the reasons why she immediately had taken to him…

Pagkagaling ng parlor ay niyaya niya si Adora saTGIF, isang kilalang bar/restaurant sa Glorietta sa Makati. Pagkatapos niyang ibigay ang order sa waitress ay tumayo siya upang magtungo sa ladies’ room. Sa pagtayo niya at paghakbang ay siya namang pagdaan ni Ranjo na marahil ay patungo rin sa men’s room. Nagkabungguan sila.

Nabitiwan nito ang bitbit na malaking bag at sumabog ang laman sa sahig. Kasabay ng pag-usal niya ng paumanhin ay ang pagyuko upang damputin ang kumalat nitong mga gamit at tulungan si Ranjo na ipasok iyong muli sa bag. They were sample medicines and prescription pads.

She would learn later that Ranjo was a medical representative. Not to mention that he looked like it in white long-sleeved polo and necktie and black slacks and leather shoes.

Iyon ang simula ng pagkikilala nila. Inalok ito ni Nayumi na sumama na sa mesa nila yamang nag-iisa lang ito sa kabila ng matinding pagtutol sa mga mata ni Yaya Adora.

Ranjo was charming and with a good sense of humor, ipinagpilitan nito na ito na ang magbayad ng kinain nila. At nang maghiwalay sila’y ibinigay nito sa kanya ang sariling calling card. At nang atubili siyang ibigay ang telepono niya ay deretsahan nitong itinanong iyon.

One meeting led to another. Sa ikatlong pagkikita nila ni Ranjo ay deretsahang nagkomento si Yaya Adora.

“Hindi ko gusto ang lalaking iyon, Nayumi,” nakasimangot nitong sabi.

“Yaya!” she exclaimed, laughing at the same time. Sanay na siya rito. Lahat ng manliligaw niya ay kinikilatis nito. “Mabait at magalang iyong tao. Ano ba naman ang maipipintas mo?”

“Iyon mismong wala akong maipipintas,” sagot nito. “He is too perfect. Hindi na totoo ang ganoon. Parang aral na aral ang bawat kilos.”

She rolled her eyes. “Dahil wala kayong makitang kapintasan kaya iyon mismong bagay na iyon ang iniaayaw ninyo? Oh, God!” Hindi niya malaman kung matatawa o maiinis. Ilang sandali muna silang nagpaikot-ikot sa shopping center bago niya niyaya ang yaya na umuwi na.

Sa buong panahong pagkikilala nila ni Ranjo ay hindi nito alam ang tunay niyang pagkatao. Hindi iyon isang bagay na madaling sabihin. At ipinipilit ni Adora na tuwing nagde-date sila ay kasama ito na ipinakilala niyang tiyahin.

Kahit minsan ay hindi nagpakita ng iritasyon o pagtataka si Ranjo na lagi na’y kasama niya si Adora. Hindi rin ito nagtatanong o nagmungkahi kayang mag-date naman sila nang wala siyang chaperone. Tila ba tinanggap na nitong naroon lagi si Yaya Adora tuwing magkikita sila.

Nitong huling dalawang date nila ay atubili siyang pinagbigyan ni Adora na mag-drive mag-isa sa kakapilit niya. Naiilang siyang nag-uusap sila ni Ranjo habang nakikinig si Adora.Hindi niya maitatangging nag-e-enjoy siyang kasama ito. Nararamdaman niyang nahuhulog ang loob niya rito. At wala mang deretsahang mga salita ay alam niyang may mutual understanding sa pagitan nilang dalawa.

“Gabi na para makipagkita ka pa sa lalaking iyon, Nayumi,” ani Adora na nasa puno ng hagdan at hinihintay ang pagbaba niya.

Nayumi sighed impatiently. Ipinagpatuloy ang pagbaba. “Ano ka ba naman, Yaya? I’m nearly twenty-two, not two years old. I can take care of myself.”

“Bakit kailangang sa gabi ka makipagkita sa kanya?”“Yaya, I’ve been dating since I was sixteen. Minsan ay inaabot ako ng hatinggabi pero hindi ka nagrereklamo, kung paanong hindi rin nagrereklamo sina Papa at James.”

“Dahil kilala naming lahat kung sino ang kasama mo. Wala akong ideya kung anong uri ng pagkatao mayroon ang Ranjo na iyan, Naya. Nakilala mo lang siya sa bar isang buwang mahigit pa lang ang lumipas.”

Unti-unti nang namumuo ang iritasyon sa dibdib niya. “Okay, para lang mapayapa kayo, I’ll be home before eleven. At sa Paradiso Bar sa Monica Hotel kami magtutungo. See? It’s one place you would surely approve,” she said sarcastically. “Alam nating pareho na hindi alam ni Ranjo na pag-aari ng mga Navarro ang Monica Hotel. O kung alam man niya, hindi niya iyon iuugnay sa akin. Napakaraming Navarro sa buong lupa. And I can only hope the employees won’t recognize me.”

Kumunot ang noo ni Adora. “Bakit sa Monica Hotel? Hindi ako makapaniwalang kaya kang dalhin doon ng lalaking iyon.”

She groaned impatiently. “Hindi dahil isang med rep si Ranjo ay hindi na niya ako kayang dalhin sa isang five-star restaurant, Yaya. And I have this feeling na ngayong gabi magtatapat si Ranjo. Nagpa-reserve siya ng mesa sa Paradiso Bar.” Iglap na naglaho ang iritasyon at nahalinhan iyon ng isang nangangarap na ngiti.

“Nayumi, mag-isip-isip ka. Hindi ka seryosong nakipag-boyfriend sa panahong nag-aaral ka para lang mapunta sa isang tulad ng lalaking iyon.”

“Don’t start again, Yaya,” she warned, naglaho ang ngiti. Nababagot na siya sa pare-parehong dialogue nito tuwing may date sila ni Ranjo. Sinulyapan niya ang relo sa braso. Alas-singko y media na. “Alas-siyete ang usapan naming magkikita. I don’t want to be late.”

“Huwag kang magpadalos-dalos ng pasya. Marami naman sanang nanliligaw sa iyo, magagandang lalaki rin naman at kilala nating lahat ang uri ng pamilyang pinagmulan. Hindi ko maintindihan kung bakit ang Ranjo na iyan ang pinatulan mo.”

“At lalo namang hindi ko naiintindihan ang disgusto ninyo sa kanya, Yaya. Kung ugali ang pag-uusapan ay wala ka namang maipipintas, ’di ba? It must be because he’s poor. Iyon lang ang dahilang maaari kong isipin.” Sinisikap niyang kontrolin ang iritasyong unti-unting umaahon sa dibdib. Ipinagpatuloy niya ang paglakad patungo sa pinto.

“Binabawalan kitang makipagkita sa lalaking iyon, Nayumi.”

“My God!” bulalas niya. Napatitig dito nang husto. “Hindi kaya lumalampas na kayo sa dapat ninyong panghimasukan?” Naniningkit ang mga matang hinarap niya ito.

“Mula pagkabata ninyong dalawa ni James ay sa akin na naatang ang tungkulin na mangalaga sa inyo. Lalo ngayong nasa Amerika sina James at Chantal at nasa Alta Tierra naman si Alvaro.”

“Well, I appreciate what you are doing. Pero wala kayong karapatang pagbawalan at sikilin ako sa gusto kong mangyari nang walang matibay na dahilan maliban sa mahirap ang lalaking ito.” She frowned at the old woman. “Hindi ko gustong isiping sa tagal ng panahong inilagi ninyo rito ay nagiging matapobre kayo. Daig pa ninyo ang Papa!”

“Makinig ka sa akin, Naya,” patuloy ni Adora nang humakbang siya patungo sa malaking pinto. “Hindi si Ranjo ang tamang lalaki para sa iyo. Hindi ko mapapayagang makipagkita ka sa kanya ngayon!”

Napahinto sa paghakbang si Nayumi sa marahas na paghawak ni Adora sa braso niya. Nilingon niya ito kasabay ng pagwaksi sa kamay nito. She was shocked by the vehemence in the old woman’s voice. Noon lang ito gumamit ng ganoong tono sa kanya.

“Alvaro will never approve of this man. Sasabihin ko sa kanyang paimbestigahang mabuti ang pagkatao ng lalaking iyon!”

****Go YAYA Adora. Pigilan si Nayumi hahahaha -Admin A *********************

2

Nabawasan ang inis niya sa sinabi nito at isang nakatitiyak na ngiti ang kumawala sa mga labi niya. “Oh, that is where you’re wrong, Yaya. Nangako sa akin si Papa na hindi niya gagawin ang ginawa ni Uncle Nick sa mga manliligaw ni Drew. Na malaya kong mapipili ang lalaking mamahalin ko.”

Iyon ang totoo. Pinanghawakan niya nang mahigpit ang pangako ni Alvaro na hindi nito gagawin sa lalaking napupusuan niya ang paimbestigahan na tila kriminal. Tulad ng ginagawa ng mga tiyuhin niya sa mga pinsang sina Cameron at Drew. Bagaman sa kaso ni Drew ay may dahilan ang Uncle Nick niyang gawin iyon. Drew had always been impulsive and reckless. She was only glad her cousin married the right man in the person of Jace.

Nayumi was never reckless. Lagi na’y kumikilos siya nang naaayon sa tamang pamantayan. Subconsciously, dahil marahil sa pagiging ampon niya’y hindi niya gustong makagawa ng pagkakamali na magdudulot ng kahihiyan kay Alvaro at sa buong pamilya.

Totoong empleyado lamang sa isang malaking kompanya ng gamot si Ranjo. But he was good, decent, and honest. Hindi nito ikinahihiya ang pagiging mahirap. Ayon dito, basta masipag at masikap lang ang tao ay hindi magugutom.

Tulad ng sinasabi ni Yaya Adora, Ranjo’s behavior was exemplary. Natitiyak niyang mabuting pamilya ang pinagmulan ni Ranjo kahit na mahirap. Alvaro and James would approve of him.“Huwag mong sabihing ang lalaking iyon ang napili mong mahalin, Naya?”

Muling bumalik ang galit sa dibdib niya sa tono ni Adora. “What is it with you? Nakalimutan n’yo na ba ang katayuan n’yo sa bahay na ito?”

“Sa akin ka ipinagkatiwala ng papa mo, Nayumi.”“Tama. But you are overdoing it! Nanghihimasok na kayo. Wala kayong karapatang gawin iyon. So okay, hindi pa ako ipinapanganak ay narito na kayo. Pero hindi niyon mababago ang katayuan ninyo sa bahay na ito. You are still a hired help. Hindi na kayo dapat na lumampas pa roon!”

Wala siyang ideya kung paano nasabi iyon. And it was too late to take back the cruel words. Nang makita niya ang pagkamangha at pait na gumuhit sa mukha ni Adora ay nakadama siya ng usig ng budhi. Lihim siyang napaungol. She opened her mouth to say she was sorry. Subalit isang awtorisadong tinig ang pumigil sa anumang sasabihin niya.

“Nayumi!”

Pareho silang napalingon ni Adora sa malaking pinto. Si Alvaro. Ang pagkabigla ay nahalinhan ng ngiti pagkakita sa ama. Nakalimutan niyang iglap ang namagitan sa kanilang dalawa ni Adora at may pananabik na sinalubong ito. She hadn’t seen him for two months. Nang umalis patungo sa Amerika sina James at Chantal ay naatang kay Alvaro ang trabaho sa disteleria.

“Bakit hindi ka nagpasabing darating, Papa?” Nakangiting niyakap niya ang ama. Sa driveway ay nakita niya nang iparada ng driver nito ang Wagon Hummer. “Sa isang linggo pa kita inaasahan.”

Inalis ni Alvaro ang mga braso niyang nakayakap sa leeg nito at inilayo. Naniningkit ang mga mata nito nang titigan siya. “Hindi ko kailanman inisip, Naya, na pagsasalitaan mo si Adora nang ganyan. Hindi ko inaalis sa inyong mga anak ko na magalit o pagalitan ang alinman sa mga katulong kung may kasalanan. Pero hindi ko ipinahihintulot sa inyong mga anak ko ang laitin ang alinman sa mga kasambahay o mga tauhan natin. Lalo na si Adora!”

She gasped. Marahang napaatras. Nagulat sa galit na nasa tinig ng ama. Buong buhay niya’y wala siyang natatandaang nakaringgan ng ganoong tono ang ama sa kanya. Wala sa loob na nilingon niya si Adora na nanatiling nakatayo sa may puno ng hagdan.

“Mr. Navarro, please. I… I don’t really mind,” wika ni Adora. “H-hindi sinasadya ni Naya na masabi sa akin iyon. Ako ang may kasalanan. I provoked her into—”

“Huwag mo siyang ipagtanggol, Adora! Kaya umaabuso ang batang ito dahil na rin sa ginagawa mo. You spoiled her!”

“Papa, I am—”

“Shut up, Naya!” Marahas siyang binalingan ni Alvaro, nakaturo ang daliri sa kanya. “Huwag kang aalis diyan at mag-uusap tayo mamaya.” Pagkatapos ay lumakad ito patungo kay Adora. “I want to talk to you, Adora.”

Humihingi ng paumanhin ang tinging ipinukol ni Adora sa kanya bago ito alanganing sumunod kay Alvaro sa library.

Itinaas ni Nayumi ang dalawang braso sa ere at nagbuntong-hininga. She felt guilty and confused. Gusto niyang humingi ng paumanhin kay Adora at sa ama. Pero marahil ay matatagalan pa ang pag-uusap ng mga ito. Lalo na siyang naantala sa date nila ni Ranjo.Kinuha niya ang cellphone sa bag at tinawagan ito. Ipinaalam na maaatraso siya,

“Dumating nang hindi inaasahan ang Papa, Ranjo. I might be late, for at least… an hour.”“It’s okay, sweetie,” ani Ranjo sa kabilang linya. “Naiintindihan ko. Bukas na lang natin ituloy ang date.”

“Are you sure?” Nakahinga siya nang maluwag. Siguro nga’y kailangan niyang ayusin ang ginawa. Isa pa’y kararating lang ng papa niya.

“Of course. At susunduin kita bukas sa inyo. Gusto kong makilala ang papa mo. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako.”

“Mabait ang Papa, Ranjo…” Sinulyapan niya ang hallway patungo sa library. “Wala kang dapat na ikabahala. Be here at eleven. I’m inviting you to have lunch with us.” Ibinigay niya ang address ng mansiyon sa kauna-unahang pagkakataon. Bahala na kung ano ang iisipin ni Ranjo sa paglilihim niya sa totoo niyang pagkatao.

Ilang sandali ang pinalipas ni Ranjo bago sumagot. “Nariyan ako ng eksaktong alas-onse. Tamang-tama, Sabado.”

In-off ni Nayumi ang cell phone at muling sinulyapan ang pasilyo patungo sa library. She sighed. Pagkuwa’y humakbang patungo roon. Kung hihingi siya ng paumanhin ay walang ibang pagkakataon kundi ngayon na mismo habang kinakausap ng papa niya si Adora tungkol sa inabutan nito.

Ilang hakbang pa lang mula sa library ay naririnig na niya ang tinig ng ama at ni Adora. She sighed worriedly. Akma siyang kakatok bago itulak ang hindi nakalapat nang hustong pinto nang marinig ang malakas na tinig ng ama.

“Adora, it won’t change a thing. Mahal ko si Nayumi tulad sa isang tunay na anak. For heaven’s sake, I held her in my arms when she was a baby… changed her diapers… fed her myself like you did… When Kristine died, Nayumi brought a ray of hope into my life. Into our lives. We all love her. Pero hindi ko papayagang abusuhin niya ang pagmamahal na iyon. At narinig ko ang pagsinghal niya sa iyo kanina at—”

“Nabigla lang si Naya, Mr. Navarro. May pinagtatalunan kami tungkol… tungkol sa manliligaw niya. Hindi ko gustong makipagkita siya rito…” She paused. Then, “Tulad ng bilin ninyo, pinaiimbestigahan ko ang lalaking ito.”

Mula sa pinto’y napasinghap si Nayumi. Ang pagnanais na humingi ng tawad ay natakpan ng pag-ahon ng galit. Pinaniwala siya ng ama na hindi nito paiimbestigahan ang mga manliligaw niya!

“I’m sure you’ve done it discreetly, Adora. Ayokong malaman ni Nayumi. So what have you found out?”

“Kinausap ko ang isa sa mga imbestigador ni Mr. La Pierre. Mamaya’y itatawag niya ang report sa lalaking iyon. Pero noong isang araw ay nabanggit ng PI na maraming naging nobya ang Ranjo na ito…”

Nayumi’s eyes narrowed. Bihirang lalaki ang hindi nagkaroon ng ibang girlfriends. At inaasahan na niyang ganoon din si Ranjo pero kung magkasintahan na sila’y natitiyak niyang magiging tapat ito. Narinig ni Nayumi mula sa pinto ang pagbuntong-hininga ng ama. Hinawakan niya ang doorknob at itinulak iyon upang komprontahin ang ama. Kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang kasunod na sinabi ni Alvaro.

“Kung ganoon ay tamang napaaga ang uwi ko. Makakausap ko ang PI na ito. Gayumpaman, hindi pa rin nito mababago ang pagnanais kong ipaalam na kay Nayumi ang katotohanan…”

“No, Mr. Navarro!” Adora was frantic. “Ayokong malaman ni Naya… please.”

“Hindi ko gusto ang mga salitang binitiwan ni Nayumi sa iyo, Adora. Nagiging abusado ang batang iyan sa iyo. Panahon na para malaman ni Naya na ikaw ang tunay niyang ina.”

***************OMGGGG is this true talaga ba? - Admin A **************** Aga-aga revelations agad char hahaha . ***************

3

NAHINTO sa paghakbang si Nayumi kasabay ng malakas na singhap. Napalingon sa kanya ang dalawa. Sa loob ng ilang saglit ay nanatiling walang salitang namutawi sa kanilang tatlo.Adora recovered first. Mabilis itong tumayo mula sa sofa at humakbang palapit sa kanya. Pero bago siya nito malapitan ay mabilis siyang umatras sa pinto at itinaas ang kamay upang huwag siyang mahawakan nito.

“N-Naya…”

Hinayon niya ng nag-aakusang tingin si Alvaro na muling nagbuntong-hininga at umiling. “Tell me all about it,” aniya sa gumagaralgal na tinig.

“A-ako ang magsasabi sa iyo,” ani Adora na nagsisimula nang umiyak. Sa paningin ni Nayumi ay tila tumanda ito nang maraming taon. Si Alvaro ay humakbang patungo sa wine tray at kumuha ng alak mula sa decanter at nagsalin.

Muling bumalik si Adora sa sofa at umupo. “Tulad ng alam mo’y naging nurse ako ni… Kristine… ni Mrs. Navarro, and later on, bilang private nurse ni Don Franco. Isang taon pa lang ako sa Amerika nang mga panahong iyon. Nakarating ako doon sa pamamagitan ng pagsasangla ng mga magulang ko ng kapirasong lupa. Inaasahan nilang tutulungan ko silang maiahon mula sa kahirapan at mabayaran ang lahat ng pagkakautang simula nang ako’y mag-aral… When your father died, I was lost. Hindi ko alam ang gagawin ko.”

“What about my father’s parents?” Nanginginig ang tinig niya nang magtanong.“Ang ama mo’y lumaki na papalit-palit ng foster parents. He had nothing but the job he held at the hospital as nursing aid. Nang malaman ni Doña Beatriz ang problema ko’y inalok niyang ampunin ka…

“Wala akong pagpipilian, Naya. Hindi kita gustong ipaampon, subalit sa Amerika’y agad na kukunin ng social service ang sino mang batang hindi kayang palakihin ng mga magulang nang maayos. Ipapaampon ka nila sa kung sino mang may kakayahang buhayin at palakihin ka. Or worst, you would be raised by foster parents all your life… j-just like your father.” Itinakip nito ang kamay sa bibig upang pigilan ang pagkawala ng hagulhol.

Pagkuwa’y hilam sa luhang tiningala siya nito. “Nang ampunin ka ng mga Navarro ay pumayag ako sa kondisyong ako mismo ang mag-aalaga sa iyo.”

“Why, that’s a poor imitation of what Jochebed have done to her son Moses,” sarkastikong sabi niya, ikinompara ang eksena mula sa Bible.

“Naya…” Alvaro’s tone was gentle but reprimanding. “Your mother did what she had to do.”“My mother…” usal niya, napuno ng kapaitan ang tinig. “Buong buhay ko’y hindi ko miminsang pinangarap kung paano ang magkaroon ng isang ina… ang yakapin at pagsabihan ng lahat ng mga nasa dibdib ko… ng mga pangarap ko… ng mga kabiguan at tagumpay ko…”

“Narito akong lagi, hindi ba?” ani Adora, gumagaralgal ang tinig.

“Bilang yaya!” she cried. Tumalikod siya upang lumabas ng pinto nang tawagin siya ni Alvaro. Nilingon niya ito. “I love you, Papa. So much. Minsan lang sumagi sa isip ko kung sino ang tunay kong ama. You’ve given me so much love I could never ask for more. Ipinagpapasalamat kong lahat iyon. And what you did was no big deal. Still, it was a deception.”

“Ginawa ko lang ang alam kong tama para sa iyo, Nayumi,” depensa ni Alvaro.She gave a bitter smile. “Lagi namang ganoon, ’di ba?” Binigyan niya ng huling matalim na sulyap si Adora bago lumabas ng silid.

Humabol si Adora pero pinigil ito ni Alvaro. Ito ang nagmadaling humabol kay Nayumi. Inabutan siya nito sa sala palabas ng mansiyon.

“Nayumi, hija…”

“Huwag kayong mag-alala, Papa. I promise, I’ll be fine. Gusto ko lang mag-isip. At hindi ko magagawa iyan dito.” Tinungo niya ang kotse sa garahe subalit naharangan iyon ng Wagon Hummer ng ama.

Nilingon niya ang driver na nakahandang ialis sa garahe ang sasakyan kung iuutos niya. But she was just in a hurry to get away.

“Give me the key.”

*******************Parang ang bilis ng phasing ng story nito ni Nayumi :((( . Dami agad ganap parang ako laging may ganap sa amin ni baby Ivan char hahaha. Merry Christmas and Happy New Year sa inyong lahat. - Admin A ***********************************

4

NAYUMI was sipping her Irish creme-flavored coffee. Another time, she would have enjoyed her coffee. She was a coffee lover. Pero hindi sa araw na iyon. Nakatitig siya sa paligid pero wala naman talaga siyang nakikita. Ni hindi niya napapansin ang paglabas-masok ng mga customers sa TGIF. Hindi niya alam kung bakit doon siya nagtungo. Marahil dahil doon sila unang nagkita ni Ranjo.

Gusto niya itong tawagan upang magkita sila roon. But she dismissed the idea immediately. They both cancelled their date tonight. Isa pa’y gusto niyang mapag-isa, mag-isip. Ang natuklasan niya’y masyadong personal at hindi pa niya maaaring ipagtapat sa ibang tao.Dapat ba niyang kasuklaman si Adora sa paglilihim nito? O si Alvaro? Totoong nakikita niya at nararamdaman ang pagmamahal ni Adora sa kanya. Hindi lang sa kanya, kundi maging kay James. Ginampanan nito ang pagiging ina sa kanila ni James.

She loved Adora, too. Tulad din ng pagmamahal ni James dito. Wala siyang natatandaan sa buhay niyang hindi ito kasama sa lahat ng pagkakataon, malibang nasa Amerika siya. Gayunma’y naroon lagi ang reserbasyon. Gaano man kalapit si Adora sa kanilang magkapatid, naroon pa rin ang pader na hindi ito miyembro ng pamilya.

Sana’y ipinagtapat ni Adora na ito ang tunay niyang ina noon pa man. Nothing would have mattered. Alam ng mundo na ampon siya ng mga Navarro and she never felt bitter about it. She was thankful and blessed. May mga kabataang lumaking kilala ang sariling mga magulang subalit hindi nakaranas ng tunay na pagmamahal at kalinga.

Minsan man ay hindi naging issue sa mga Navarro ang pagkatao ni Nayumi. James loved her that he would kill anyone who would try to hurt her. Renz, Cameron, and Drew loved her, too… unconditionally. At kahit ang mga tiyuhin niya, at ang Lolo Franco at Lola Beatriz niya.

Hindi ba siya nakahandang patawarin si Adora sa paglilihim nito? Napakarami niyang pagpapalang tinanggap sa buong buhay niya. And Adora had been there all her life; nakadarama ng pait dahil hindi man lang nito maipahayag ang damdamin bilang kanyang ina.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang maagaw ang atensiyon niya ng tawanan ng mga lalaking umupo sa likurang mesa. Sandalan lang ang nakapagitan sa kanila. At kung sinulyapan man siya ng mga ito’y ulo lang ang makikita sa kanya. Nagtatawanan pa rin ang mga ito habang ibinibigay sa waiter ang order ng bawat isa.

“Ang palad mo talaga, pare. Paambon naman diyan,” wika ng isang tinig. “Super-ganda na tisay na iyon ay super-yaman pa. Ito ang pinakamatindi sa lahat ng diskarte mo.”

“Sabihin mo’y ito ang pinakabata,” sabi ng ikalawang tinig. “Pulos gurang ang dinidiskartehan nitong kumpare natin, eh. Mga matatandang mayamang naghahanap ng batang lover.”

Napapangiwi si Nayumi sa uri ng usapang naririnig niya. Maraming bakanteng mesa pero hindi niya maisip kung bakit sa bahaging iyon umupo ang mga ito. She took another sip of her coffee. Subalit nabitin sa ere ang mug ng kape nang marinig ang isang pamilyar na tinig.

“Ang sabi ko sa inyo, mga pare, huwag pulos trabaho iyang inaasikaso ninyo. Umistambay kayo paminsan-minsan sa parking lot at tingnan kung sinong bebot ang walang kasama.Tingnan mo ako.” Isang kompiyansang tawa ang pinakawalan nito bago itinuloy ang sinasabi. “Magkaka-girlfriend ako ng tagapagmana. At ni hindi niya alam na alam ko kung sino siya at na matagal ko nang alam kung saan siya nakatira.”

“Hindi ako makapaniwala sa suwerte mo. Nakita mo lang siyang bumaba mula sa isang BMW sports car ay agad mo nang ginamitan ng taktika,” wika ng naunang tinig. “Luma na ’yong diskarte mong sadya mong binangga ’yong tisay. Kung ’di pa namin alam na talaga namang hindi nakasarado ang bag mo.”

Nagtawanan ang mga ito. Nagtagis ang mga bagang ni Nayumi.

“Effective pa rin naman, ’di ba?” sagot naman ng isa pang tinig. “At kita mo naman, bilib na bilib sa iyo. At kuwidaw, marami ka nang utang kay Julieta, pare. Gabundok magpainteres iyon, lalo at sa date mo ginagamit. Kunsabagay, kapag napasagot mo naman ang bebot na iyon madali ka nang makakapagbayad.”

“Pero, mga pare, parang hindi ko maatim na lokohin si Nayumi,” wika ni Ranjo sa seryosong tinig. “Hindi lang mayaman at maganda, mabait pa. Bale-wala sa kanyang ordinaryong empleyado lang ako. Nahuhulog ang loob ko sa kanya.”

“You’re singing a new tune, pare,” kantiyaw ng isa.

Malakas ang buntong-hiningang pinakawalan nito. “I think I’m falling in love with her.”“Wow! Talaga, ha?”

Kinawayan ni Nayumi ang waiter at binayaran ang kape at sandwich na hindi naman nagalaw pagkatapos ay tumayo at sadyang huminto sa mesa ng tatlo.

“Hello, Ranjo,” wika niya sa pagkagulat ng tatlo.

“N-Nayumi!”

She smiled without humor. “Konsolasyon ko nang marinig na nahuhulog ang loob mo sa akin. Thanks, anyway.” Iyon lang at tumalikod na siya.

Patakbong humabol si Ranjo sa kanya. “Nayumi, wait…”

Marahas niya itong nilingon. “Don’t push, Ranjo,” she warned. “So, you are falling in love with me… Gee, thanks. Pero natanto kong wala naman pala akong pagtingin sa iyo, okay?” Tinalikuran niya ito.

Nang gabing iyon ay sa isang hotel sa Makati siya natulog. Tinawagan niya ang ama at sinabing huwag mag-alala; na bigyan siya nito ng panahong mapag-isa at mag-isip. Sa background ay naririnig niya ang pag-iyak ni Adora. Lalo lang siyang nanlumo. Pero hindi niya ito gustong kausapin… muna.

Nang sumunod na umaga, pagkatapos niyang bumili ng mga kailangan sa Rustan’s, nagtuloy siya sa north harbor at sumakay sa barko patungo sa Mindanao nang walang tiyak na destinasyon.

****************Hirap talaga ngayon magmahal hindi mo alam kung mahal ka ba talaga o niloloko lang. My goodness di bale na lang palang walang jowa basta walang sakit at sama ng loob. Di bale ng single basta nandyan kayo masaya na ako char hahaha. Kahit na 2nd choice n’yo lang naman ako mga beshie, ayos lang sino ba naman ako para piliin hahahaha, sad ghorl Admin A is that you char hahaha. Dapat happy lang tayo lalo na at New Year na. (Mantra for the upcoming year is maging positive sa lahat wag lang sa covid char hahahaa. At update and make usap-usap with all of you char. Kahit niloloko n’yo lang talaga ako hahaha. 

Kulang ang salitang pasasalamat para sa inyong lahat na nagbigay lakas sa akin nung mga panahong nanghihina ako char hahahaha. Alam n’yo na yun kasama ko kayo nung mga panahon na yun. Sa kabila ng maraming hindi magandang pangyayari ngayong taon ay isa kayo sa mga pinakamagandang nangyari sa akin. Iyak na ba ako char lang. Kaya maraming  thank you sa inyong lahat . Sa makalipas na ilang taon nating pagsasama ay nandito pa rin kayo, dumating man ang maraming pagsubok at suliranin ay di n’yo ako iniwan kaya ano ba ang gusto n’yo , mamimigay ako bilang pasasalamat, yung mga nanalo last time, pasensya na at delay sa pagpapadala December kasi at busy si Admin A pero on process na yun lahat baka by January mareceive n’yo na. Thank you and Happy New Year sa inyong lahat mga bes. :) - Admin A

Niloko man tayo ng panahon at mga sakuna pero dito pa rin tayo patuloy na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Niloko man tayo ng mga minahal natin ay andito pa rin tayo pilit natumatayo at lumalaban kaya sa bagong taong paparating. Hangad ko na magtagumpay kayo sa inyong mga adhikain at mga layunin sa buhay, maging busy man kayo sa buhay ay dito pa rin ako maghihintay sa inyong muling pagbabalik char lang hahahaha. Basta masaya ako na maging masaya kayo yun lang ang aking dasal para sa inyo. :) Thanks everyone. :)

Nakadedicate ang chapter na ito para sa ating lahat.

Cheers para sa inyong lahat mga beshie, sa inyong lahat na patuloy na bumangon at nagsisikap sa buhay. :) Happy New Year and God Bless :)

 **************************

5

DAVAO here I am… ang nasa isip ni Nayumi habang nagmamaneho sa malapad na kalyeng hindi niya alam kung ano’ng pangalan. Kumikislap sa dilim ang mga taillight ng mga sasakyang nasa unahan niya.

Palinga-linga siya sa paghahanap ng restaurant na makakainan. Pagkuwa’y may nakita siya sa kabilang bahagi ng daan na kumuha ng interes niya. Bigla siyang nagpreno at kinabig ang manibela patungo sa kabilang lane.

Umingit ang gulong nang iliko niya ang sasakyan sa parking lot ng bar/restaurant. Pagkatapos ay isiniksik niya iyon sa nag-iisang parking space sa pagitan ng isang truck at isang motorsiklo.Napaungol siya nang mapunang gahibla lang ang pagitan ng kanang pinto ng sasakyan niya sa kaliwang manibela ng malaking bike. In fact, may pakiramdam siyang nasagi niya iyon nang bahagya, pero hindi sapat upang mapinsala ang motorsiklo.

Kanina pa siya naghahanap ng makakainan at bagaman may nadadaanan siyang restaurant ay puno naman ang mga parking area. And she couldn’t spend the whole night looking for a place to eat.

Wala rin siyang balak kumain sa hotel na tinutuluyan niya. Eating at the hotel restaurant was one of the routines. At wala siyang rutinang susundin sa pagtungo roon. She left Manila not only to think but also to shed off the sweet image she was sick and tired of showing to people.Bumaba si Nayumi at inikutan ang motorbike. Napasipol siya. It was a Harley Electra Glide. James had one like that in the mansion garage. Mula nang mag-asawa’y hindi na iyon nagagamit ng kapatid.

Hinanapan niya ng pinsala ang bike sa bahagi ng salamin. Nang wala siyang makita ay kalmante siyang lumakad patungo sa harap ng restaurant at tiningala ang karatula.

She was intrigued by its name. Taverna. Kahit ang façade ng restaurant ay tila dinisenyo mula sa eksena ng isang old Western movie. And it offered delicious grilled steaks and seafood. Iyon ang nakalagay sa ibaba ng karatula. Kumalam lalo ang sikmura niya. Ang huling kain niya’y ang kape at sandwich sa loob ng suite niya sa SuperFerry. At kanina pang alas-diyes ng umaga iyon.Lumakad siya patungo sa restaurant. Wala siyang nakikitang security guard sa may pinto. Pero nang itulak niya ang pinto pabukas ay magaan iyon dahil kasabay naman iyong hinihila ng security guard na nasa loob.

Umangat ang kilay nito nang mabungaran siya. Tumaas-baba ang mga mata nito sa kanya. Hindi niya ito pinansin at tumuloy sa loob. Amoy ng usok ng sigarilyo ang agad na sumalakay sa ilong niya.

Then Nayumi stopped on her tracks. Napangiwi siya nang makita ang loob ng restaurant/bar. Actually, halos wala siyang makita sa makapal na usok ng sigarilyo at tabako. Tila iyon fogs sa madaling-araw.

The restaurant had a deceptive appearance from the outside. And if she had any sense at all, magmamadali siyang tumalikod at lumabas.

But she wasn’t sensible at this point in time. She was here in Davao to rebel against her father and Adora… and everything she had been all her life. Gusto niyang makakawala sa lahat ng restrictions na siya mismo ang gumapos sa sarili sa buong buhay niya.

All her life she was sensible, rational, prim and proper. She had always acted with propriety. She was eager to please. Her cousins called her “Miss Goody Two-shoes.” To her family, she was the sweet little Naya. Except that she wasn’t little. She was five feet six inches. Also, she wasn’t sweet. She could wring a man’s neck until he would run out of breath.

At kung adventure at excitement din lang ang hanap niya, then she came to the right place. Hindi ba’t naisip lang niya kanina sa labas ng restaurant na parang eksena sa Western movies ang harap ng restaurant? Why, the place lived up to it.

Nang muli niyang igala ang tingin sa loob ay napuna niyang pulos mga lalaki ang noventa por ciento sa mga customer at lahat ay pawang umiinom at naninigarilyo. Wise or foolish, she couldn’t turn tail now.

Marahan siyang humakbang papasok. Kahit hindi niya igala ang tingin ay alam niyang sa kanya nakatutok ang mga mata ng lahat sa masikip, mausok, at maamoy na lugar na iyon. Ang iilang babaeng naroroon, kasama na ang waitresses, ay naiintrigang tingin ang ipinupukol sa kanya. Ang mga lalaki’y tila siya hinuhubaran sa pagkakatitig at pagkakangisi.

NASA isang sulok malapit sa pinto nakaupo si Ivan. Ang akmang pagdadala niya ng baso ng alak sa bibig ay napigil sa ere sa pagpasok ng babae. Sandali itong naudlot at iginala ang tingin sa loob ng bar. He saw her squirm. Nasa anyo nito ang pag-aalinlangan kung papasok o hindi. Inaasahan na niyang tatalikod agad ito at lalabas ng bar.

Pero nanatili itong nakatayo roon. She surveyed the place like a goddess to her minions.Ano ang ginagawa ng babaeng ito sa lugar na iyon at sa klase pa ng suot nito? Somehow, there was something about her that looked vaguely familiar. Pero natitiyak ni Ivan na hindi pa niya nakatagpo ito. Hindi siya ganoon kadaling nakakalimot ng mukha. Lalo na ang mukha ng babaeng ito.

She was a little bit tall. At nadagdagan pa ito ng tatlong pulgada mula sa takong ng boots nito. She was wearing a tank top that didn’t quite cover her belly and jeans that rode low on her hips.The woman had a body men would die for. Hinuhulma ng tank top nito ang katamtamang dibdib. Ganoon din ang pantalong maong sa bilugang katawan. She had a waist he probably could span in his two hands.

Ang tuwid at lampas-balikat nitong buhok ay kumikislap sa liwanag ng ilaw sa tapat nito. It was walnut blonde with streaks from almost white to red-brown. Kung galing sa botelya ay hindi niya matiyak dahil mestisa ang babae.

She was beautiful and sexy as hell. Temptation in capital T. Yet there was nothing soft and fragile about the way she looked. She had a determined chin. And Ivan noticed the soft muscles in her arms.

Nang humakbang papasok ang babae ay marahang napamura si Ivan. Para itong sisiw na pumapasok sa lungga ng mga makamandag na ahas. Damn it, he didn’t need this woman in his bar. Trouble was brewing, he could feel it. It was either the woman was crazy or she had a death wish.

Kaswal itong lumalakad na tila nasa loob ng mall. Hindi nang-aakit ang bawat kilos at galaw nito. Her grace was inherent. Gayunma’y nakikita niya sa mga mata ng mga lalaking naroroon ang pagnanais na daluhungin ang babae.

Ang high-heeled boots nito ay gumagawa ng mahinang ingay na sa ganoong pagkakataon ay hindi dapat marinig. Subalit katahimikan ang umiral sa buong paligid. Natigil ang usap-usapan nang pumasok ito at lumakad patungo sa bar counter. Kahit ang isang customer na kumakanta sa videoke ay nahinto.

Umupo ang babae sa isa sa mga stool at nahantad sa nanlalaking mga mata ng karamihan ang katakam-takam na ibabang balakang nito. Humingi ito ng maiinom sa bartender at pagkatapos ay muling sumulyap sa paligid na para bang ang naroroon ay mga panauhing nanonood ng fashion show nito.

Muling napamura si Ivan nang sa sulok ng mga mata niya’y nakita niyang tumayo ang isang malaking lalaki at humakbang palapit sa babae. Kilala niya ang lalaki, si Boying. Isa sa mga halang ang bituka sa lugar na iyon at bodyguard ng isang kilalang pulitiko

.

Dammit to hell! Wala siyang balak makabangga si Boying at ang grupo nito. Regular customers ang mga iyon. At lalong wala siyang balak magpakabayani sa gabing iyon. Ang gusto lang niya’y tahimik na uminom bilang pampaalis ng pagod at pagkatapos ay umuwi at matulog at kinabukasan ay hanapin sa lahat ng hotel sa Davao kung saan tumutuloy ang babantayan niya.Pero wala namang pipigil sa kanya kung tatayo siya at lumabas ng bar at bahala na ang walang-isip na babae sa buhay nito.

But fool that he was he didn’t want to leave. Hindi niya gustong mapahamak ang istupidang babaeng ito sa mga kamay ni Boying at sa mga kasamahan nito sa mismong restaurant/bar niya. Hindi niya gusto ang ganoong uri ng gulo.

Nagtagis ang mga bagang niya at pagkuwa’y nilagok ang natitirang laman ng baso.

Mukhang sumabay sa New Year itong si Nayumi eh, hahahaha napapalaban agad char hahaha. Happy New Year mga beshie. Kumusta kayong lahat? - Admin A******

6

KUNOT ang noong nilingon ni Nayumi ang lalaking biglang tumabi sa kanya. Umupo ito sa stool na biglang nabakante nang lumapit ito. Sadya itong dumikit sa kanya. Nararamdaman niya ang nanlalagkit nitong braso sa braso niya.

“Hi, Miss beautiful…” malagihay nitong bati kasabay ng pagngisi. Sa liwanag ng ilaw sa tapat ng bar ay napansin niya ang naninilaw nitong ngipin, huwag nang idagdag ang masangsang na hininga mula sa pinagsama-samang alak, sigarilyo, at kung ano-ano pang amoy.Kahit nananayo ang balahibo niya’y sinikap niyang ngumiti.

Lumapad ang pagkakangisi nito. Nasiyahan sa ginawa niyang pagngiti. “I am Boying,” wika nito na inakalang banyaga siya. Inilahad nito ang kamay sa kanya.

“Hello, Boying,” she said but ignored his sweaty hand. Inabot niya ang alak na ibinigay ng bartender at dahan-dahang sinimsim iyon. She ordered daiquiri and grilled steak and wondered if she could eat peacefully and get out of this bar without any trouble at all.

Nagkibit-balikat si Boying at ibinaba ang kamay na hindi niya pinansin. “What’s your name, beautiful?”

“Nayumi,” sagot niya pero hindi ito nilingon. Nilaro niya ng daliri ang rim ng goblet. Nang titigan niya ang bartender ay nakita niya ang simpatya sa mukha nito kasabay ng pagkibit ng mga balikat.

Nayumi smiled at the bartender. Muling dinala sa bibig ang goblet at banayad na sinimsim. Kung malalaman ni Alvaro… at ni Adora kung nasaan siya nang mga sandaling iyon ay malamang na magkakasakit sa puso ang mga ito.

But heaven’s sake, she was almost twenty-two!

“Nayumi…” usal nito na tila nilalasahan ang pangalan niya. “Pati pangalan mo’y sexy. Parang kay bango-bango. Let’s dance, Miss Nayumi.” Hinawakan nito ang braso niya. Tinitigan niya iyon at pagkuwa’y inilipat ang tingin sa mukha ni Boying.

“Pakialis mo ang kamay mo sa braso ko.” Her tone was chillingly polite. “Hindi ko gustong magsayaw. Mas gusto kong maupo at uminom na lang.”

“Oww. Tagalog.” Tumango-tango ito. “Napeke mo ako roon. Pero walang problema, Miss Nayumi…” Nilingon nito ang mesa ng mga kasamahan na nakatingin lahat sa kanila at mga nakangisi, pawang mga nakainom na. “Tara sa mesa namin, may bakanteng silya pa. Sagot ko ang iinumin mo, pati pulutan. Sky’s the limit.”

She twitched her mouth. “Salamat, pero mas gusto kong mapag-isa.”

“Miss Beautiful,” giit nito na hinawakan siyang muli sa braso. “Huwag mo naman akong hiyain sa mga kasama ko. Halika na.”

Hinayaan niyang hawakan siya nito sa kamay pero tumayo siya mula sa pagkakaupo sa stool at hinarap ito. “Nakikiusap akong bitiwan mo ang kamay ko.”

“Huwag ka nang magpakipot pa, Miss Beautiful.” Inilapit pa nito ang mukha sa kanya. “Kung ayaw mong maupo sa mesa namin ay lumabas na lang tayo. Nasa labas ang jeep ko. Bumiyahe tayo sa langit.”

Nayumi grimaced, inilayo ang mukha. Pagkatapos ay niyuko ang kamay niyang mahigpit nitong hawak at pilit siyang hinihila. Walang ibang paraan upang makaiwas sa sitwasyong iyon maliban sa paggamit ng nalalaman niya. Hindi niya gustong gawin pero mapipilitan siya.

Disimulado niyang inikot ang kamay niyang hawak nito at sa isang iglap ay siya na ang may hawak dito at walang anumang pinisil niya ang isang bahagi ng palapulsuhan nito.

Boying screamed. Ang mga taong kanina pa nakatuon ang pansin sa kanila’y tuluyan nang inihinto ang pagkain at pag-inom at napatingin sa kanila.

“Hijo de pu—! Ano ang ginawa mo sa kamay ko?” pagmumura nito na tila naubusan ng lakas.“Nasaktan ba kita?” she said innocently. “I’m sorry,” nakapamaywang niyang sabi. “Pero hindi ka nakikinig sa sinasabi kong gusto kong mapag-isa.

Muli siyang bumalik sa stool upang maupo nang itaas ni Boying ang isang kamay at daklutin siya sa braso. “Hindi ka rin nakikinig, Miss Beautiful. Gusto kitang maka-table at—” Hindi nito natapos ang sinasabi at isang malakas na sampal ang pinakawalan niya.

“Put—kang babae ka!” angil nito sa kanya kasabay ng pagdama sa pisnging nasaktan. Tawanan at kantiyaw ng mga kasamahan nito ang umalingawngaw sa paligid ng bar na lalo lang nagpamula rito sa galit.

Sa sulok ng mga mata ni Nayumi ay nakita niyang tumayo mula sa mesa ang isang kasama ni Boying at humakbang palapit sa kanila. She rolled her eyes. Hindi niya matiyak sa sarili kung dapat siyang matakot o mainis sa nangyayari. Excitement and trouble were two different things. She wanted excitement, not trouble. And trouble seemed to be the order of the night.

Nang itaas ni Boying ang kamay nito upang muli siyang hablutin ay mabilis siyang humakbang paatras. Pinalawak ang distansiya sa pagitan nila ng lalaki bilang paghahanda. Pero hanggang magagawa niyang umiwas ay iiwas siya.

Subalit wala na siyang aatrasan dahil naramdaman niyang bumangga ang likod niya sa isang matigas na katawan, umaawat ang tila bakal na dibdib na iyon sa pag-atras niya. Ang sandali niyang pagkalito’y sinamantala ni Boying at ng kasamahan nito. Dumaluhong ang mga ito.Kasabay ng pag-ikot niya upang hawakan ang sino mang nasa likod niya ay ang pag-igkas ng binti niya para sa isang flying kick at tumama iyon sa dibdib ni Boying. Bumalandra ito sa kasamahan at magkasabay na natumba ang dalawa.

Mabilis na umikot si Nayumi upang bigyan ng uppercut ang sino mang nasa likod niya subalit bago pa magawa iyon ay dalawang makapangyarihang kamay ang biglang dumaklot sa palapulsuhan niya.

“Easy, hindi ako kalaban,” wika nito sa tinig na hindi niya malaman kung galit o naaaliw.Hindi niya matitigan nang husto ang lalaki dahil ang buong atensiyon niya’y nakatuon kina Boying at sa susunod na maaaring gawin ng mga ito.

Gusto niyang hablutin ang mga kamay mula sa lalaking humahawak sa kanya subalit nararamdaman niya ang dalawang thumb nito sa palapulsuhan niya na nagbabantang gawin sa kanya ang ginawa niya kay Boying kanina lang.

“Huwag kang magpumiglas, hindi kita gustong saktan…” he drawled in a voice that was like dark velvet.

Kasamahan ba nito si Boying? Kung hindi siya natakot sa sanggano, sa isang ito ay tila nagyelo ang dugo niya. Agad na gumana ang isip niya kung paano makakapanlaban. Lumiliit ang espasyo sa paligid niya dahil sa mga taong biglang nagtayuan at gustong makiusyoso.

“Huwag mong pag-isipan,” babala ng lalaki na tila nahuhulaan ang nasa isip niya. “Kung gusto kitang sakta’y kanina ko pa ginawa. I know better techniques you wouldn’t even feel it. And I’m a lot stronger. Ang sabi ko’y hindi ako kalaban. At kung ako ikaw ay sasama ka sa aking lumabas ng bar na ito nang tahimik.”

Humigpit ang pagkakahawak nito sa mga kamay niya. Napalunok siya. Pagkatapos ay nilingon si Boying at ang kasamahan nito na nakatayo na. Si Boying ay tutop pa rin ang dibdib at nasa mukha ang matinding sakit. Pero nasa mukha ng dalawa ang pag-aatubili nang makita ang lalaking nasa likuran niya.

“Tama na, Boying,” wika ng lalaking nakahawak sa kanya. “Ibalato mo sa akin ang babaeng ito.” Buo, malalim ang baritonong tinig na nagbabanta ng panganib. Pagkatapos ay inilapit nito ang bibig sa tainga niya at bumulong sa nagbababalang tinig. “Ayunan mo ang sinasabi ko. Para din sa iyo.”

“Huwag kang makialam, boss. Ako ang unang nakakita sa kanya! Pagkatapos ko’y sa iyo na.“Nanlaki ang mga mata ni Nayumi sa palitan ng usapan ng dalawang lalaki. “Tama ang sinabi niya. Huwag kang makialam at bitiwan mo ako!” she hissed

.

Muling inilapit ng lalaki ang bibig sa tainga niya at muling bumulong. “Bibitiwan kita,” wika nito. “Pero huwag kang kikilos nang masama kung gusto mong pareho tayong makalabas dito nang buhay. Ipaubaya mo sa akin ang pakikipag-usap.”

Bahagyang napasinghap si Nayumi nang manayo ang mumunting balahibo niya sa katawan sa hindi maipaliwanag na sensasyon. Nalalanghap niya ang mabangong hininga nito na nababahiran ng amoy ng alak.

“Narinig mo ang sinabi ng tisay, bossing. Bitiwan mo siya at kami na ang bahala sa kanya,” patuloy ni Boying, nakalatay pa rin sa mukha nito ang sakit ng dibdib, at sa mga mata’y naroon ang matinding galit.

“Sa nakikita ko’y ni hindi mo magagawang hawakan man lang ang dulo ng daliri niya, Boying,” sagot ng lalaki. “Baka magkasakitan lang kayo. Hindi gugustuhin ni Konsehal na madawit ang pangalan niya sa gulo.”

Humakbang ito palapit kasabay ng kasamahan na tumango at mahalay na ngumisi. “Ow, walang gulo. Akong bahala roon,” kompiyansang sabi nito. “At babae lang iyan. Naunahan lang niya ako kanina kaya—”

Hindi nito natapos ang sinasabi sa biglang pag-igkas ng binti ni Nayumi, ang puntirya ng matulis at tatlong pulgadang takong ng designer’s boots niya’y ang mukha ng sanggano.

**************Ito talaga ang gusto ko kay Nayumi eh palaban kung palaban. Saktong - sakto sa new year may labanan at putukan agad hahahaha char lang. May naputukan ba sa inyo mga beshie? - Admin A ******************************

7

NAPASINGHAP nang malakas si Boying, nanlalaki ang mga mata sa takot. Ganoon din ang makikita sa mga lalaking nasa paligid nang ang takong ni Nayumi ay manatiling nakadikit sa mukha nito, hindi bumabaon. Ni hindi makuhang kumilos paatras ng lalaki. Munting pagkakamali ay natitiyak nitong babaon sa mukha nito ang matulis na takong ng boots.

“Subukan mong kumilos!” Nayumi warned angrily. Ang mga kamay niya’y mahigpit na nakakuyom at nakahandang umigkas. Now she was furious. “Tingnan natin kung sinong babae lang.”

“Shit.” Ang narinig ni Nayumi na inusal ng lalaki sa likuran niya at pagkatapos ay naramdaman niya ang tila bakal na mga daliri nito sa mga balikat niya.

“Kung mapapairal mo ang katinuan ng isip mo,” bulong nito malapit sa tainga niya. “Na hindi mo ginamit nang pumasok ka rito, ipinapayo kong ngayong oras na ito’y sumama ka nang mahusay palabas ng bar na ito. Hindi natin parehong gustong paglamayan kinabukasan…”“Shut up!” she hissed.

Nakita ni Nayumi ang mailap na pag-ikot ng mga mata ni Boying sa mga kasamahan nito sa mesa. Ito at ang iba pang mga kasama ay apat lahat. Kaya niyang labanan ang mga ito. At papayagan ba ng mas nakararaming customers ang ano mang maaaring gawin ng mga kasamahan ni Boying sa kanya?

Definitely not. Besides, hindi ba lahat ng bar ay may bouncer? Surely this bar must have one, she thought weakly.

“Kung iniisip mong kaya mong lumaban sa mga iyan, nagkakamali ka. Bukas, sa estero ka matatagpuan. Now, behave and let’s get out of here.”

Hindi niya gusto ang paraan ng pagmamando nito. Pero hindi rin naman niya mababale-wala ang kaseryosuhan sa tinig ng lalaki sa likuran niya. Nararamdaman niya iyon.

Tama man o hindi ang sinasabi nito, unti-unti ay bumaba ang binti niyang nakaamba sa mukha ni Boying. Dahan-dahan ding lumuwag ang pagkakakuyom ng mga kamay niya at ibinaba ang mga braso bagaman lahat ng senses niya’y alerto sa anumang panganib. Narinig niya ang maluwag na pagpapakawala ni Boying ng hininga. Ganoon din ang estrangherong pakialamero sa likuran niya.

“Sumama kang lumabas nang walang argumento,” wika ng lalaking tinawag na “boss” ni Boying. Hinawakan siya sa braso at nagmamadaling inakay siya palabas.“I–I haven’t paid my—”

“Akong bahala roon. Let’s go.”

Tila maamong tupang sumunod siya, wondering at the same time why she meekly obeyed this stranger. And she thought she had discarded her old self. She grunted at herself.

Pero may pinukaw sa kanya ang lalaking ito na hindi niya mawari kung ano. Something like fear? Iyon ba ang nararamdaman niya sa estrangherong ito? Surely not!

Buong pagkagahamang nilanghap niya ang sariwang hangin nang makalabas sila, umaasang matatanggal niyon ang lahat ng toxic na nasinghot niya sa loob ng Taverna. Pagkatapos ay pinakawalan niya ang braso sa pagkakahawak ng lalaki. She could still feel the imprint of his fingers on her arm. Hinaplos-haplos niya ang brasong hinawakan nito. Natitiyak niyang magmamarka iyon mamaya lang.

Tinapunan niya ito ng tingin. Madilim sa parking lot. His face was partly shadowed. And the image that came immediately to mind for this man was that of a sleek, dangerous, black cat.

**********Hello sa inyo mga beshie. :) Kumusta ang lahat? - Admin A ********************

8

“MAY SASAKYAN ka ba?” tanong ni Ivan sa nagmamadaling tono na pumutol sa assessment ng babae sa kanya. Ano mang sandali ay maaaring sumunod palabas ang grupo nina Boying. And who knew what would happen next. Not that he couldn’t handle them.

But he didn’t need that kind of trouble in his restaurant. Should that happen, police would swarm around his place for the next couple of days. Bukod pa roon, hindi niya gustong makabangga si Boying at ang grupo nito. Natitiyak niyang ipagtatanggol ito ni Konsehal. Kapag nangyari iyon, simula na ng walang-katapusang gulo.

Hell, but he had enough trouble in the past to last him a triple lifetime. And he almost risked his chance at peaceful life just because of this stupid woman.

“There’s my car.” Itinuro ng babae ang sasakyan nito kasabay ng paghakbang patungo roon.Sumunod siya rito nang sa sulok ng mga mata niya ay may pamilyar na bulto siyang napuna malapit sa poste ng ilaw. Nang lingunin niya’y wala naman siyang nakita. It must have been a figment of his imagination.

Ibinalik ni Ivan ang pansin sa sasakyang itinuturo ng babae. Napahugot siya ng hininga at hindi napigilan ang pagsipol. “Sonofabitch.”

Black Wagon 2003 Hummer H2 Lux. The vehicle was very, very expensive. Its peso equivalent must be close to four million.

Wala pang ganoong uri ng sasakyan sa Pilipinas maliban sa mga assembled imitation. Ganoon man, ang mga assembled imitation ay kopya lang sa mga naunang modelo.

But this all terrain Wagon 2003 Hummer was this year’s model and a luxury vehicle as well. Ang halagang ibinayad niyon sa Customs para lang madala sa Pilipinas ay mahal pa marahil sa halaga ng isang bagong kotse.

Ang secondhand Harley Electra niya ay nagmukhang junk sa tabi ng Hummer Lux. The woman didn’t come cheap. She was classy and expensive from the roots of her walnut blonde hair to the sole of her expensive Italian leather boots.

Hindi niya kailangang itanong kung sino ito. Her vehicle was a giveaway. “Nayumi’s driving a Black Wagon Hummer, Ivan. You surely can’t miss that.”

Maliban sa pangalan ay ang sasakyan lang nito ang sinabi ni Kurt na mapagkikilanlan dito nang tanungin niya kung paano ito makikilala. Typical of Kurt not to tell him everything. Just as he didn’t tell him that the rich spoiled brat was as deadly as she was breathtakingly beautiful; napakalayo na sa may-katabaang dalagitang iniligtas nila mula sa mga kidnapper.

May ilang sandali siyang humugot ng hininga bago tinitigan si Nayumi na dinukot ang susi mula sa bulsa ng jeans nito.

“Bilisan mong magmaneho palayo sa lugar na ito.” Muli niya itong hinawakan sa braso at inakay patungo sa Hummer. “Susundan kita patungo sa hotel mo.”

Kumunot ang magandang noo nito, gumuhit ang iritasyon sa magandang mukha. Pinamaywangan at hinarap siya. “There’s no need for you to—”

“Oh, shit!” malakas na usal ni Ivan. Hinablot niya ang susi sa kamay ni Nayumi at binuksan ang passenger seat at pagkatapos ay hinatak ito at halos ipagtulakan papasok sa Hummer. “Sumakay ka na, pronto!”

“Hey! Wala kang—”

Ibinagsak niya pasara ang pinto ng Hummer at nagmamadaling umikot sa driver’s seat at iyon naman ang binuksan at pagkatapos ay sumampa sa sasakyan.

“What are you doing?” Nayumi asked angrily. “Akina ang susi ng sasakyan ko at bumaba—” Muli ay hindi nito natapos ang sinasabi dahil itinuro niya ang grupo nina Boying na palabas ng bar at nagpapalinga-linga.

“You idiot, I can take care of myself!” singhal nito. “Ang pakikialam mo’y hanggang sa parking lot na lang. Give me my keys!” Inaagaw nito sa kanya ang susi subalit naisubo na niya iyon sa ignition hole habang hinaharang ng braso niya ang kamay nito.

Ilang sandali pa’y paragasang inilalabas na niya ng parking lot ang Hummer Lux, hitting his own Harley at the same time.

“Fuck!” he muttered. Wala siyang pakialam kung naririnig man siya ng babaeng ito. Kinukuwenta na niya sa isip kung ano ang napinsala sa bike niya at kung paano ipapa-reimburse kay Kurt ang gastos doon.

Kung natanaw man sila ng grupo nina Boying ay hindi niya matiyak. Bukod sa madillm ay tinted pa ang salamin ng sasakyan.

“You can pull over now,” utos ni Nayumi sa nanlilisik na mga mata. “Malayo na tayo sa kanila at duda ako kung hahabulin nila tayo.”

“Hindi mo kilala ang mga taong iyon,” sagot ni Ivan at sinulyapan ang rearview mirror. Wala siyang napupunang nakabuntot sa kanila maliban sa mga normal commuter. But he had to be sure.

“Ano ang malay ko kung kasamahan ka ng mga iyon? Ihinto mo sa tabi at bumaba ka at ako na ang bahala sa sarili ko. Kung tutuusin ay magagawa kong bumalik sa Taverna. At hindi ko kailangan ang tulong mo.”

“I’ll remember that when I’m reading about your rape and murder in tomorrow’s paper.“She snorted. “Sa isip mo lang iyon. Now, please pull over and let me do the driving of my own car.”

“This isn’t a car,” he corrected idiotically only to rile her. “This is a Hummer, and I don’t mind driving you to your hotel, Miss Navarro…”

Mula sa pagkakasandal ay mabilis na nag-angat ng likod si Nayumi at hinarap siya. “Kilala mo ako!”

Hindi agad sumagot si Ivan. Muli siyang sumulyap sa rearview mirror at nang tuluyang matiyak na walang sumusunod sa kanila ay unti-unting binagalan ang pagpapatakbo.“Now tell me, bakit mo ako kilala?” she demanded.

“Kurt phoned me the other day. Binigyan mo ng karangalan ang Davao sa pagtungo mo rito, Mahal na Prinsesa.” He twitched his mouth in a facsimile of a smile.

“Kurt?” Sandali itong nalito bago, “Oh, shit!” she muttered angrily. Bagay na hindi nito gagawin kung ang kaharap ay sina Alvaro at Adora. But James and Renz had indulged her once in a while. Pabagsak na isinandal nitong muli ang sarili sa sandalan at ipinikit ang mga mata.

“So,” aniya nang manatiling nakapikit at hindi kumikibo si Nayumi. “Ano ang dahilan at nalihis ka ng daan? Davao is a far cry from Paris or London or Lake Tahoe.”

“I don’t need your sarcasm, Mr. Whoever-you-are!” Isang naiiritang buntong-hininga ang ginawa nito. “Hindi ko naiisip na malalaman kaagad ng ama ko kung saan ako nagtungo. My father or Kurt must have checked with the bank. I used credit cards. Damn.” Nakasimangot nitong pinagkrus ang mga braso sa dibdib.

“Next time, don’t underestimate your father or Kurt,” he advised unnecessarily. “But that doesn’t answer my question.”

May ilang segundong hindi ito kumibo at pagkuwa’y nagkibit ng mga balikat. “None of your business!” Nilingon siya nito. “So paano mo akong nakilala? Kurt faxed my photo?” She was sarcastic.

“Hanggang sa makalabas tayo’y hindi kita kilala maliban na lang nang ituro mo ang sasakyan mo. Mas idinetalye niya ang Hummer Lux mo kaysa sa iyo,” he smiled drily.

“So, hindi mo ako kilala nang makita mo ako sa bar pero nakialam ka. Likas kang bayani o sadyang pakialamero?”

He was undaunted by the sarcasm. “I am always and ever the knight in shining armour to princesses in distress, Miss Navarro. Maging iyon man ay sa karaniwang babae o sa walang-isip at kapritsosang mayamang katulad mo.”

Napahugot ito ng hininga sa insulto. Mas nararamdaman ni Ivan ang galit mula rito kaysa nakikita. “Who made you my protector?”

“Unfortunate timing.” Ungrateful brat. He could have left her to the wolves. Kaninang hapon lang dumaong ang barkong sinakyan nito at ang usapan nila ni Kurt ay bukas na ng umaga niya ito hahanapin sa mga hotel sa Davao.

Kurt wouldn’t surely blame him if anything happened to this brat. Pero hindi niya magawa. Ang kaligtasan nito’y nakasalalay sa kanya. Tulad ng sinabi niya, ito man ay pangkaraniwang babae o anak ng multimillionaire.

Hindi marahil inakala ni Kurt na sa unang gabi ni Nayumi sa Davao ay panganib na kaagad ang susuungin nito.

“I didn’t need your help back there.”“Really? Oh, I admire the martial arts display. When did you learn that? Pagkatapos ng tangkang pagkidnap sa iyo?”

Muling napaangat sa pagkakasandal si Nayumi, nanlalaki ang mga mata. “Paano mong nalaman ang bagay na iyon?”

“Oh, I know a lot of things, Miss Navarro.” He shrugged his shoulders. “I also have to admit your techniques are good. Pero paano mong kakayanin ang grupo? Baka sa kinabukasan ay mababasa na lang ng ama mo sa peryodiko na natagpuan ang katawan mo sa pusali.”

From the corner of his eyes, he saw her shiver a little. Good. At least, marunong naman pala itong matakot. Then he saw her raise her stubborn chin.

“Hindi mangyayari iyon. Apat lang sila at mga lasing na. I could have handled them easy. Nakialam ka kaagad.”

“Iniisip mo ba talagang apat lang ang mga iyon? Dalawang mesa ang okupado ni Boying at ng mga goon niya. I counted them all. Pito silang lahat, Miss Navarro. Naghihintay lang ng senyas ni Boying o marahil ng tamang sandali. They enjoyed watching your flying kick ability.”

Nilingon niya ito upang tingnan ang reaksiyon ng mukha nito. She flared her nose in fury at his insulting tone.

She gave a false smile. “Ganoon naman pala at ginusto mong makialam, dapat ay hinayaan mo na lang. Pito kontra dalawa,” she said sweetly yet her eyes sparked fury. “We could have given them a good fight. That would be an experience of a lifetime. Parang pelikula, ’di ba?”

“Yeah.” Umismid si Ivan at ibinalik ang mga mata sa daan. “You must have thought it was some scene from the movie and you’re Lara Croft. But it’s either you have a death wish or just plain stupid.”

Hindi ito sumagot. Sa halip ay itinaas sa dashboard ang kaliwang paa at itinaas ang laylayan ng denims. She unzipped her Italian leather boots, pagkatapos ay hinugot mula roon ang isang munting baril.

Pinaikot nito iyon sa forefinger, then she smiled at him. A smile without humor. “I am a crack shot, Mr. Whatever-your-name-is. I won’t miss even in a semidarkened room. See? I can take care of myself.”

Sonofabitch. A 4.8 inches American derringer. And he didn’t doubt her for one moment when she said she was an excellent shooter. “Would you really use that gun? Are you licensed to carry that?”

“Yes to both questions.” Muli nitong ibinalik sa boots ang munting baril at ibinaba ang binti at pagkatapos ay panatag na sumandal.

Ivan shook his head, more in dismay than shock. Lord, Nayumi was one wild number. With her father’s millions, she could have hundreds of bodyguards like royalty. Bakit kailangang siya ang magbantay rito na tila ito batang musmos? Aminin man niya o hindi, kaya nitong pangalagaan ang sarili kung simpleng harassment lang ang makakaharap nito.

At bakit sa Davao nito napiling magbakasyon? Nagsawa na ba ito sa kakaikot sa buong mundo?

Thank you mga beshie sa inyong pag-aalala sa akin. Nagkasakit ako last time at nagpositive sa swab test result . Positive for Covid kaya mahaba-habang pahinga ang nangyari at dahil dun kaya walang update. Pero ito naman na ako ngayon magaling na kaya nakakapag-update na ulit. Maraming salamat sa inyong lahat. :) - Take care mga beshie, mahirap magkasakit ngayon at magastos :( . Kaya back to work na ulit ako dahil super broke na si Admin A char hahaha -********

9

TAHIMIK na napapangiti si Nayumi. Ikinagagalak niyang nasindak niya ito nang ipakita niya ang baril at hayaan itong isiping ginagamit niya iyon upang pumatay ng tao; na maaaring gamitin niya kanina sa grupo ni Boying ang baril.

It was James and Renz who encouraged her to study martial arts months after her thwarted kidnapping. Along with Cameron, hindi lang martial arts ang pinag-aralan niya kundi pati na ang paggamit ng baril at kung paano tamaan ang target.

Pareho ring sinabi ng dalawang lalaki na hindi gagamitin ang kaalaman malibang nanganganib ang buhay nila, gayunma’y gamitin iyon nang may katalinuhan at hindi dala ng kapusukan o galit.

And she would have used the gun. Iyon ay kung wala siyang mapagpipilian. Lalo na at ang sabi nito ay pitong lahat ang grupo ni Boying. Kung walang alam sa self-defense ang mga sangganong iyon ay kakayanin niya, katulong ang baril. At duda pa nga siya kung magagawang pagtulong-tulungan ng mga iyon ang nag-iisang babae.

Ano’t ano man, the gun meant to scare. And if worse came to worse, only to wing her enemies.And Nayumi was so delighted that this man was shocked at her. He was too arrogant, too sure of himself. And she was sick and tired of his kind. She had enough of overbearing and arrogant men to. last her a lifetime.

She slanted him a quick look. Tahimik na nagmamaneho ang lalaki na hindi man lang nag-abalang sabihin sa kanya ang pangalan. But she could hear his breathing, smell the scent of him. Hindi ng kahit na anong cologne na panlalaki. But a fragrance nothing she knew. Wind and freedom—and danger.

He also had a voice that befitted the exotic animal she had envisioned of him—a deep growl. Napuno ng kuryosidad ang dibdib ni Nayumi na makita ito sa maliwanag. Crazy, but it was as if she had known him forever.

She realized in that instant that the men she had dated were painfully dull. That included Ranjo.“Saang hotel ka tumutuloy?” tanong nito. Sinabi niya ang hotel na tinutuluyan. “It’s a third-rate hotel.” May-pagtatakang nilingon siya nito.

Nagkibit ng mga balikat si Nayumi. “For a change.“He snorted. “Another of your whims, Miss Navarro? Kung pinlano mong magbakasyon dito tulad ng isang simpleng tao, di sana’y hindi ang Wagon Hummer na ito ang ginamit mo. This is a dead giveaway, sugar.”

She hated the indulging tone. Pero hindi siya kumibo. The trip wasn’t planned. It was a spur-of-a-moment decision out of rebellion. O perhaps she just wanted to be free. To perk up her life a bit. Matagal na iyong nakatanim sa dibdib niya at na-trigger lang ng nangyari sa mansiyon.At kung ang pagbabasehan ay ang nangyari kanina sa bar, well, that was fear and excitement combined. Or just plain stupidity tulad ng sinasabi ng lalaking ito. She could have been in real danger.

Hindi niya gustong magpakitang-gilas. It wasn’t like her to put on a show. Ang nangyari sa bar ay wala siyang pagpipilian. It was too late to run and get out of the bar. Natitiyak niyang haharangan din siya ni Boying.

And for a minute there, it was really kind of exciting though a little on the edge. Hindi man niya gustong aminin, gusto niyang magpasalamat na nakialam ang estrangherong ito. After all, she didn’t want to use her gun. At kung nakasakit siya ng tao, kahit na nga ba kasalanan ng mga ito, dadalhin pa rin niya sa konsiyensiya iyon.

Nilingon ni Nayumi ang katabi na nakatuon na ang pansin sa pagmamaneho. Hindi na ito nagsalita pang muli at hindi man lang nag-abalang sabihin sa kanya ang pangalan. Ilang sandali pa’y ipinarada na nito ang Hummer sa harap ng limang palapag na gusali ng hotel.

Hindi pa nito napapatay ang makina’y bumaba na siya. Nang isinasara nito ang mga pinto ng sasakyan ay nagkaroon si Nayumi ng pagkakataong matitigan nang husto ang estranghero mula sa liwanag ng mga ilaw sa parking lot.

From his hair that reminded her of her crush tennis champion, Marat Safin, down a leanly muscled frame of nearly six feet, he was splendidly male. His rugged jaw was darkened by stubble that gave him an aura of mystery and brooding sensuality.

He was definitely… handsome. Menacingly so. Malalim at matalim, ngunit maganda ang mga mata nito na ang mahahabang pilik ay hahangarin ng maraming babaeng mapasakanila. Makapal ang mga kilay na halos magsalubong sa puno ng matangos nitong ilong. He had a firm, chiselled mouth.

And every inch of him screamed danger.

Sa ilalim ng itim na jacket ay itim na T-shirt na nakahapit sa matipuno nitong dibdib.Humakbang siya palapit dito nang maisara na nito ang pinto sa passenger seat. Humarap ito palapit sa kanya at napakunot-noo si Nayumi nang matitigan ito nang malapitan. Of course, he was exceedingly attractive. Pero natitiyak niyang may dugong banyaga ang lalaki. Sa bahagyang liwanag ng ilaw mula sa poste ay hindi niya matiyak ang kulay ng mga mata nito, pero hindi itim ang mga iyon.

“Pumanhik ka na sa silid mo,” utos nito. “Bukas ng umaga’y susunduin kita.”“Susunduin? Ano ang ibig mong sabihin?” she snapped.

“I am playing your babysitter, sugar,” he said mockingly with a twitch on his well-sculpted mouth, “Habang naririto ka sa Davao.”

Naningkit ang mga mata ni Naya. “I presume Kurt’s instructions.”“Iniisip mo bang gusto kitang sundan, samahan, at bantayan sa ano mang kapritsong maaari mong gawin?” He shook his head in disgust. “I have more important things to do with my time than damn babysitting some stupid rich girl.”

“You’re rude!“Ikiniling lang nito ang ulo, unperturbed and tossed her car keys to her. Muntik pa niyang hindi masalo iyon sa pagkabigla.

“Hindi mo kailangang sundin si Kurt!” Tumaas-baba ang dibdib niya sa galit. “Ako na mismo ang nag-uutos sa iyo.”

“Oh, tell that to Kurt, honey. And I’ll be glad to be out of your sight, pronto. Hasta mañana.” Sumaludo pa ito bago tumalikod at pagkatapos ay lumakad patungo sa kalye at pumara ng taxi.Hanggang sa mawala sa paningin niya ang taxi ay nanatiling nakatayo roon si Nayumi. Hindi makapaniwala. Pagkuwa’y mabilis na tumalikod. Hiningi ang susi ng silid niya at halos takbuhin ang elevator.

Sa ikatlong palapag, sa loob ng silid niya ay halos mawasak ang bag niya nang kuhanin doon ang cell phone at tawagan si Kurt.

“Hindi ko kailangan ng antipatikong bodyguard, Kurt!” agad niyang sabi nang sumagot ito.“Oh, so you’ve met Ivan already. Inaasahan kong bukas pa kayo magkikita.“Ivan. So, that was his name. “Paano mo nalamang dito ako nagtungo? Or it was stupid of me to ask?”

Ilang sandali ang pinalipas ni Kurt bago sumagot. “Una’y nag-alala sina Alvaro at Adora na nakipagtanan ka kay Ranjo kaya ipinadala ko roon ang isang ahente ko. The man was honestly worried, Nayumi.”

She snorted.

“Anyway,” patuloy ni Kurt, “iisang tao lang sa Pilipinas sa ngayon ang gumagamit ng Wagon Hummer Lux, Naya. You’re traceable.” He paused. When he spoke again, his tone was gentler.

 “Your father’s worried, sweetheart. Lalong-lalo na si Adora. Bakit hindi ka muna umuwi at pag-usapan ang problema?”

***************Kumusta ang lahat? Kumusta ang Valentine’s n’yo mga beshie? Sana all may ka date , sana all may ka motmot char hahahaha. So busy ko na ngayong mga nagdaang araw. :) - Take care mga beshie. - Admin A ******************

10

“Sabihin na lang nating overdue vacation ang ginagawa kong ito,” aniya, nagbuntong-hininga. “And my way of saying, I wanna be free.”

“Pero hindi mo maiisip gawin ito kung hindi masama ang loob mo, ’di ba?”

Matagal bago niya nasagot iyon. “Siguro. Pero matagal ko nang gustong maging malaya, Kurt. Yaya Adora’s overprotective. Ganoon din si Papa at James.”

Napakalalim ng hiningang pinakawalan ni Kurt. “You can’t blame your family for being so overprotective, Naya. Bunso at nag-iisa kang babae.”

“Nasasakal ako, Kurt. Hindi na ako makahinga. Magmula nang mangyari ang tangkang pagkidnap sa akin six years ago, may pakiramdam akong gusto nila akong ilagay sa kaha at susian doon. Still, I would have continued to be an obedient daughter had I not found that Alvaro deceived me…”

“Na napatunayan mong tama naman siya. Sa pagkakaalam ko’y may reputasyon ang Ranjo na iyon bilang gigolo at—”

“Maybe so. Pero hindi iyon ang punto. Hindi tinupad ni Papa ang salita niya. And he would do it again, that I am certain. And then there’s Adora… kay tagal nilang inilihim ang tungkol sa pagkatao ko.”

“Okay, give yourself some time. But why Davao, Naya?” Kurt was puzzled. “You could have saved Alvaro and Adora half the worry had you went to the States and joined James and Chantal.”

“The place just popped up in my mind. Anyway, I was enjoying it until your bodyguard appeared out of nowhere. Call off your greyhound, Kurt! I don’t need a protector.”

“If I’ll pull him out, Alvaro would send a battalion. So, alin na lang sa dalawa: ang sumakay ka bukas nang umaga sa unang barko patungong Maynila o mananatili si Ivan hanggang nariyan ka.”

She groaned in frustration. Pabagsak siyang umupo sa gilid ng kama. “I don’t like your bodyguard, Kurt. He’s so rude!”

“Is he?”

Was it amusement she heard from his voice?

“At paano mo siyang nakilala?”“Ask him.”“Well, I demand you tell me how you come to know this man,” giit niya sa determinadong tono. “Or I’ll make his life miserable while I am here. I won’t cooperate, Kurt. And it would be easy for me to do just that now that I’ve found my freedom. I’m sick and tired of arrogant men telling me what to do and not to do!”

“Kaya nahulog ang loob mo kay Ranjo. By the way, ano ang nangyari nang huli kayong magkita?”

“Don’t sidetrack me, Kurt. Who is this man? How did you come to know him? Ipagkakatiwala mo ba ako sa taong ito?”

Ilang sandali ang pinalipas nito bago atubiling sumagot. “His name’s Ivan Henrick. American-Dutch-Filipino. His father’s grandfather was Dutch. Ang mother niya’y purong Pilipino mula sa Davao. He was very young when his father forced him to join the SEAL. When his father died years later, the organization where his father worked took him. He lived in Europe, Asia, and Middle East for most of his career. He quit three years ago.”

She groaned aloud. The man’s former profession had involved violence in a grand scale and at an international level.

“And yes, I’d trust you with Ivan. He is very capable and he’d protect you with his life, Naya. Tulad din ng ginawa niya sa iyo may anim na taon na ang nakararaan. Ivan was the leader of the group who thwarted Ignacio’s kidnap attempt on you.”

Nakulong sa lalamunan niya ang hininga niya sa narinig. Sa nakalipas na mga taon ng buhay niya’y hindi niya miminsang pinantasya ang taong nagligtas sa tangkang pagkidnap sa kanya. She knew there were three of them. Pero nakatuon ang pantasya niya sa lider ng mga ito na siya mismong pumatay sa kidnapper na humihila sa kanya mula sa pagkakadapa sa sahig ng van.

She had screamed in terror. And then in an instant, humulagpos ang kamay ng kidnapper mula sa kamay niya. Tila iyon isang eksena sa sine. He saw the blood oozed from the kidnapper’s neck. And then everything came in a blur. The next thing she knew, naroon na si Alvaro at si James… and then the whole clan.

She hadn’t seen the face of her rescuer. Kahit ang pangalan nito’y hindi niya alam. No among her family would tell. Subalit ang pantasya niya rito bilang knight in shining armour niya ang bumura sa karahasan ng araw na iyon sa isip niya.

Her young heart wished they would meet one day.And now they did!

Kurt said he was capable. And “capable” for Kurt meant that the man would kill without qualm. She shivered a little.

Tinig ni Kurt ang nagpabalik sa isip niya rito. She said good-bye to him. Nangako siyang uuwi pagkalipas ng tatlong araw. Then she turned the power off her mobile again. Hindi niya gustong makatanggap ng tawag mula sa pamilya.

Inilatag niya ang katawan sa kama. The image of Ivan lingered in her mind—big, solid block of blatant male sexuality with the eyes the color of thunderheads. Physically, he was the man she kept in her heart for three years.

But not his attitude. Ang Ivan na nakilala niya ngayong gabi ay bastos, walang modo, arogante.

INILATAG ni Ivan ang katawan sa kama. This was better than sitting at the lobby the whole night. Hindi niya makuhang umuwi pagkatapos niyang kuhanin sa Taverna ang bike niya. He was being paid to watch this woman, so he would do his job to the letter. He wasn’t used to doing a job halfway.

Hinugot niya ang cell phone sa pantalong maong at tinawagan si Kurt.“Kausap ko lang si Naya ngayon, Ivan. You’re fast, man.”

“Hindi ko inaasahang makikilala ko ngayong gabi ang pinaaalagaan mo sa akin,” he said drily.

 “Sumagupa na siya kaagad sa gulo ilang oras pagkatapos niyang tumapak sa Davao.” Sinabi niya rito ang buong detalye ng pagtatagpo nila ni Nayumi. Malakas na nagmura si Kurt. “Hindi mo ako kailangan para bantayan siya. Kaya niyang pangalagaan ang sarili niya. I’m off.”

“No, Ivan,” sagot nito sa seryosong tinig. “She needs you. Gusto ng ama niya na manatiling may kasama diyan si Nayumi. Tulad na nga lang ng sinabi mo, muntik na siyang mapahamak ngayong gabi.”

Ivan snorted, itinuon ang tingin sa kisame. “Walang sentido kumon ang babaeng iyon, Kurt. Paano kung wala ako sa Taverna kanina?”

“Umalis siya ng Maynila na masama ang loob, Ivan. She’s confused and vulnerable right now. Sinira ni Tito Alvaro ang pangako sa kanyang hindi paiimbestigahan ang alinman sa mga

 manliligaw niya. Pero may dahilang gawin ng papa niya iyon. Her prospective boyfriend’s a jerk.“

Ivan rolled her eyes. “And so she’d set for Davao.”

“Natuklasan niya ring ang tunay niyang ina’y walang iba kundi ang pribadong nurse cum yaya nila ni James,” patuloy ni Kurt na tila hindi siya nagsalita. “Anyway,” Kurt sighed. “At the most, sabi niya’y hanggang tatlong araw lang siya riyan. Another three days won’t hurt, Ivan.”

Duda siya roon. Nararamdaman niyang malaking bagay ang tatlong araw na iyon sa buhay niya.

ALAS-SAIS pa lang ng umaga ay nakaayos na si Nayumi. Sinadya niyang agahan ang gising. Kung darating man ang Ivan na iyon sa hotel ay titiyakin niyang wala na siya. Paglabas ng banyo’y humingi siya ng kape mula sa restaurant sa ibaba ng hotel At nang dalhin ng boy iyon sa silid niya ay napangiwi siya nang malasahang instant iyon.

Ipinasya niyang sa labas na lang magkakape kung may bukas na disenteng restaurant. Davao was a progressive city, hindi mawawalan ng mga kilalang coffee shop. Mag-iikot siya sa buong Davao maghapon. Ayon sa brochure na kinuha niya sa ibaba ng hotel ay maraming maaaring puntahan.

Pero ano ba ang bago roon? Nanggaling na siya sa maraming magagandang lugar sa buong mundo, still, there’s no place like Alta Tierra. But she had to admit she loved the exotic fruits. Ang durian, mangosteen, at marang.

Anyway, kung walang bagay sa Davao na makakakuha ng interes niya ay babalik siya kaagad sa Maynila mamayang gabi kung hindi man kinabukasan ng umaga at ibabaon na sa limot ang pantasya niya sa lalaking nagligtas sa kanya mula sa mga kidnapper.

Isinukbit niya sa balikat ang shoulder bag kasama ang tourist brochure at lumabas ng silid. Ibinigay niya ang susi ng silid niya sa receptionist sa counter at lumabas patungo sa pinagparadahan ng Hummer.

Bahagya siyang napapitlag sa malakas na tikhim mula sa kanang bahagi niya. Agad siyang napalingon. Si Ivan. He was leaning lazily against the big familiar bike, relaxed and comfortable.His worn-out gray shirt was clinging to his body, rippling over his hard chest and flat stomach. Sa gitna ay naroon ang kupas nang malalaking letra ng SEAL. The hip-hugging old jeans, worn low and belted by a thin strip of leather, molded his hard thighs. The way he worn his good old jeans would make Levi Strauss rise from his grave.

In the light of day, the man was more than attractive. His eyes were gray… Tulad sa isang kalangitang may namumuong bagyo. The man was lethal, figuratively… literally.

“Ano ang ginagawa mo rito?” Binahiran niya ng iritasyon ang tinig upang pagtakpan ang ginawang pagsuri dito.

“Good morning to you, too,” sagot ni Ivan.

She dismissed the sarcasm. “Hindi mo sinasagot ang tanong ko. It’s early yet.“He smiled drily. “You’re predictable, sugar. Kagabi pa lang ay nahuhulaan ko nang aalis ka nang maaga para makaiwas sa akin. But no can do. Binabayaran ako ni Kurt bilang bodyguard mo. I need the money, honey pie.”

“Don’t call me that! And I’ll double your fee, just get out of my sight!“Umangat ang mga kilay nito. “Tempting. But I doubt if you have two million pesos right now, in solid cash, since you’re offering to double the money.”

She was shocked. “My… my father offered you a million?”

His smile was lethal. “I don’t come cheap, honey pie. So, what is it? Your Hummer or my Harley?” Saglit nitong nilinga ang sinasandalang bike.

Hindi agad kumibo si Nayumi. Sa ayaw at sa gusto niya’y makakasama niya ang lalaking ito sa lahat ng sandali. At wala siyang alam na paraan— so far—kung paano ito tatakasan. Iyon ay kung matatakasan nga niya.

Nayumi eyed the Harley Electra with longing. Ang huling pagkakataong nakasakay siya sa bike ay binata pa si James. It could be exciting backriding this hunk of a man. Pero wala siyang balak sagaping lahat ang alikabok sa kalye bukod pa sa hindi niya gustong madikit dito.

“My Hummer,” nakasimangot niyang sabi.

**********Ganda talaga ng story nito ni Nayumi at Ivan dami kong naalala sa kanila char hahahaha. Parang naaalala ko yung mga panahong enjoy at chill lang ako sa buhay. Sana all na lang talaga ako. How are you all mga beshie? May marerecommend ba kayong songs sa akin , yung nakakabuhay ng laman at pagkatao char hahaha . Ikomento nyo lang kung meron hahaha. - Admin A ****************************

11

NANININGKIT ang mga matang tinitigan ni Ivan ang shopping bag na dala ni Nayumi nang lumabas siya ng mall patungo sa pinagparadahan ng sasakyan. “Dalawang oras ka sa loob ng mall pero iyan lang ang binili mo?”

“Tired of babysitting?” she taunted. Inilagay niya ang shopping bag sa likuran at pagkatapos ay sumakay na sa harapan.

Hindi ito sumagot at paarangkadang inilabas sa parking ng mall ang sasakyan. Kahapon ay inubos nila ang buong araw sa pamamasyal sa buong Davao. They went to Mount Apo National Park and saw the endangered eagles. At pagkatapos ay sa lahat ng maaaring puntahan pa.

Isa sa mga pinagdalhan nito sa kanya ay ang Hilltop kung saan sa isang restaurant doon ay naaliw siya nang makita ang mga buwayang kasinlalaki ng butiki sa isang maliit na aquarium. Other than that, wala nang kumuha ng interes niya.

Pagkatapos nilang maghapunan sa isang restaurant ay nagyaya na siyang bumalik sa hotel. This morning, she woke up very late. Napagod siya sa pamamasyal maghapon. Bukod pa sa binayaran niya kagabi ang ilang araw na hindi pagtulog mula nang umalis siya ng Maynila.Ala-una pasado na siyang bumaba at dinatnan na sa lobby si Ivan. And since there was really no particular place to go, niyaya niya itong mag-shopping.

“Saan ka nakatira, Ivan?” tanong niya nang nasa daan na sila.“Why the sudden curiosity about me?” he snapped.

Nayumi rolled her eyes. “I am making a simple conversation. Bakit kailangan mong umangil?“A muscle in his jaw twitched. “I have a farm ten miles from the town proper.”

Mahabang sandali ang pinalipas ni Nayumi bago muling nagtanong. “After that incident six years ago, where’d you go?”

Nagdikit ang mga kilay nito nang sulyapan siya. “Hindi ko inaasahang babanggitin sa iyo ni Kurt iyan.”

“I threatened not to cooperate if he didn’t tell me everything about you.“His laugh was sardonic. “Hindi mo kilala si Kurt kung iniisip mong kaya mo siyang takutin. May sarili siyang dahilan kung bakit ipinakilala niya ako sa iyo.”

Nagkibit-balikat siya. “Gusto niyang mapanatag ako.“Muli siyang nilinga ni Ivan, a predatory male-gleam in his eyes. “Are you?“Hindi niya alam kung ano ang isasagot doon. “Hindi mo sinasagot ang tanong ko.”

“We went back to the States, waiting for another assignment.”“Who’s we?”“Brad and Trace.”

Tumango siya. “Kurt said your father had Dutch blood but your mother was pure Filipino. Nagtrabaho ba sa ibang bansa ang mother mo at doon sila nagtagpo ng father mo?“Sinulyapan nito ang sideview mirror, his eyes narrowed. “My mother never left Davao until her death.”

“Wala ka bang mga kapatid?”

Muli ay dumako ang mga mata nito sa rearview mirror. “I am an only child. And will you just shut up, Miss Navarro? Hindi ako binabayaran ni Kurt para sagutin nang sagutin ang walang kakuwenta-kuwenta mong mga tanong.”

Nayumi’s nose flared in anger. “Why, you… you’re such a Neanderthal!“Subalit wala sa kanya ang atensiyon nito. “What the f—ck!” Kasabay ng dagil sa bumper sa likod ng wagon ay ang pagtapak nito sa accelerator at pagkabig sa manibela pakanan.

Nagtuloy-tuloy ang sasakyan pababa sa gilid ng daan, isang metro mula sa man-made ditch.Kung wala ang seat belt ay humampas ang ulo ni Nayumi sa window shield sa unahan sa biglang pagpreno nito at pagpahinto sa Hummer.

“What was that all about?” sindak na tanong ni Nayumi.Sinundan ni Ivan ng tingin ang itim na van na humarurot at hindi man lang huminto. It was too late to get its plate number.

Binalingan siya nito. “Are you all right?” he asked with a worried frown. “May nasaktan ba sa iyo?” Hinawakan nito ang mukha niya at hinanapan ng pinsala at pagkatapos ay ang mga braso.“I’m fine, Ivan. Ano ang nangyari?”

His face looked deadly. Tila alamid na gustong sumila ng kalaban. Nanayo ang balahibo ni Nayumi sa anyo nito. “’Yong kasunod nating itim na van ay kanina pa halos gustong humalik sa bumper ng Hummer. I indulged the driver, naisip kong humahanga lang. This car is a man’s dream, Nayumi. Pero nawalan siya marahil ng kontrol at muntik na niya tayong ihulog sa hukay.”“Ang agang lasing ng driver na iyon,” komento niya at umiling. “At least, walang nasaktan sa atin.”

“Are you sure you’re not hurt?”

Nayumi smiled at him. “Positive.” She saw his Adam’s apple move as he gazed at her, then his eyes moved to her lips that her breathing suddenly turned erratic. Bahagyang yumuko ito at natitiyak ni Nayumi na hahagkan siya nito. To her horror, she anticipated the touch of his lips to hers.

Subalit bigla ay tumuwid ng upo si Ivan at pinaandar ang makina ng sasakyan at iniahon pabalik sa daan.

Hanggang sa makarating sila sa hotel ay wala nang salitang namagitan sa kanila. Pagkatapos siya nitong ihatid sa silid niya ay muli itong bumaba.

May ilang sandaling nanatiling nakahiga sa kama si Nayumi at nakatitig lang sa kisame, binalik-balikan sa isip ang sandaling iyon sa loob ng kotse. What made Ivan change his mind? Natitiyak niyang binalak siyang hagkan nito.

Ano ang gagawin niya kung hinagkan siya nito? Dinama ng mga daliri niya ang mga labi, then closed her eyes dreamily.

Don’t be stupid, Nayumi. Ano ang dahilan at gugustuhin mo ang isang tulad ni Ivan… ?

Malalim siyang huminga at bagot na tumayo. Alas-nuwebe pa lang ng gabi at wala siyang balak matulog nang maaga. Sumilip siya sa bintana. Wala roon ang bike ni Ivan. Umuwi na ba ito?

Biglang pumasok sa isip niya ang isang ideya.

*************Parang natatakot ako sa kung ano man ang biglang naisip ni Nayumi kakaloka ka ghorl char hahaha. Kumusta ang lahat? - admin A *******

12

MULA sa pagliko sa kabilang kalye ay natanaw ni Ivan ang pagsakay ni Nayumi sa taxi. Napamura siya. Wala pang kalahating oras siyang nawala.

Hindi nito ginamit ang Hummer upang hindi nga naman siya mag-isip na umalis ito. Smart girl. Lihim niya itong sinundan. Hinayaan niyang may ilang sasakyang nakapagitan sa kanila. Sa isang KTV bar/restaurant ito nagtungo. Muttering an oath, he waited outside.

Sa labas ay mukhang ordinaryo at disente ang restaurant. Pero iba sa loob. Istambayan iyon ng mga drug addict, prostitute, at ng kung sino-sinong halang ang kaluluwa.

At nasa gitna ng lahat ng iyon si Nayumi. So this is her ways of rebelling against her father… and newfound mother. Hindi nakapagtatakang mag-alala si Alvaro sa anak.

Sinilip niya ito. Isang maiksi at makintab na black skirt ang suot nito at sa mga paa’y strappy sandals. Sa pagkakataong iyon ay long-sleeved ang blusa nito na may ruffles sa disenteng neckline at sa dulo ng manggas. It didn’t make any difference. Kahit pa magsuot ito ng abito ng madre, she was still sexy as sin.

Nagtiyaga siyang hintayin ito sa labas ng bar. Pagkalipas ng isang oras ay lumabas na si Nayumi. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siyang naroon at nakasandal sa bike niya.Nakapamaywang itong hinarap siya. “My God! You are really taking your babysitting job seriously.”

Bahagyang umarko ang kilay niya, cocking his head to an angle. “You’re not a baby.“A seductive smile curved her lips. Ngayon natiyak ni Ivan na nakainom ito.

“So you’ve noticed.”

Naglandas ang mga mata niya sa katawan nito. “Imposibleng hindi.“Ivan liked the way she blushed. He couldn’t remember the last time he’d seen a woman blushed. A real one.

“You’re becoming a pest!” she countered hotly. “Wala ka bang sariling buhay, asawa kaya?”“Are you fishing, lady? If you are, then no. I am not married. Never have been. Wala akong intensiyong ma-trap sa isang babaeng walang iniintindi kundi ang sarili. Tulad mo.”

“Oh, I hate you. Ikaw ang pinakaantipatikong bodyguard na nakilala ko!”

Her anger didn’t stop him from giving her a leering stare. Beautiful. Just beautiful. And tempting. Alam kaya ng babaeng ito kung ano ang ginagawa nito sa isang lalaki? She was temptation incarnate.

Alam ni Ivan na hindi niya magagawa kay Nayumi ang tinatakbo ng isip niya. Ganoon pa man ay hinayaan niyang magpatong-patong ang imahinasyon niya tungkol dito. He ended up with her image parading through his mind without a stitch of clothing.

Nakaramdam siya ng paninikip ng hininga. At ng pantalon. Huminga siya nang malalim, itinaboy ang agiw sa utak at pagkatapos ay sumakay sa bike at binuhay ang makina niyon.“Sakay.”

“I’ll take a taxi,” she said defiantly. Lumakad ito patungo sa gilid ng daan upang mag-abang ng taxi.

Tumingala sa madilim na kalangitan si Ivan, sinisikap kontrolin ang iritasyon. Nang umingit ang pinto ng bar ay napalingon siya roon. Dalawang lalaki ang nakita niyang nakatuon ang mga mata kay Nayumi, nagbulungan at pagkatapos ay humakbang palapit dito.

Marahas siyang nagmura. Pinagulong niya ang bike patungo rito. “Get on, Miss Navarro. Mukhang may atraso ka sa dalawang iyon.”

Nilingon nito ang itinuro niya. “I can handle them. No sweat.“Ivan’s lips tightened into a grim line. Without another word, he slapped his arm around her waist and dragged her across his lap.

Napataas ang mga binti ni Nayumi. Ang siko nito’y pilit na binabalya ang sikmura ni Ivan. Nang hindi niya indahin iyon ay isang suntok ang pinakawalan nito sa mukha niya at bahagya na siyang nakaiwas. His teeth knocked together. He was momentarily stunned.

“Not a bad left cross,” he said, amused. Pinatakbo niya ang motorsiklo palayo sa lugar na iyon.Nayumi glared at him. Hindi nito malaman kung paano o saan hahawak sa biglang pagbilis ng takbo ng bike. She grappled for balance. He hoisted her tightly between his thighs.

“This is kidnapping, you know. Hindi ito kasama sa trabaho mo.”“Sue me.” Iniliko niya ang sasakyan sa daan patungo sa hotel.

“You are only my bodyguard, Ivan. Wala kang karapatang gawin ito sa akin!”“When somebody hired my services, I call the shot, Miss Navarro. Kurt knows that.”“Oh, I hate you.”

“Good.” Bumaba sandali ang mga mata niya sa mga binti nito. Her skirt hiked up so that he could almost see the shadow between. He swallowed. Inalis niya ang kamay sa baywang nito at itinuon ang mga mata sa daan. “Ayusin mo ’yang palda mo at nakikita na ng madla. Kahit maghahatinggabi na’y may mga kasabayan pa rin tayong sasakyan. Huwag mo silang bigyan ng libreng burlesque show.”

GUSTONG humiyaw ni Nayumi sa matinding galit at pagkapahiya. Pero tama ito. Ang miniskirt niya’y nagrolyo pataas na halos makita na ang briefs niya. Kung maaari lang mapunit ang palda niya sa marahas niyang paghatak pababa’y napunit na iyon.

She knew she couldn’t win fencing with him verbally. Pinuno niya ng hangin ang dibdib at hinawi ang buhok sa mukha niya na inililipad ng hangin. She had her share of overbearing men all her life. Iyon marahil ang dahilan kung bakit naakit siya kay Ranjo sa pagiging mahinahon, magalang, at banayad nitong pagkilos at pagsasalita—which of course a hoax.

She wanted freedom, excitement, and danger, then maybe she could take it from this man. Kung papaano ay hindi niya alam. At least sa natitirang dalawang araw ng pananatili niya sa Davao ay hindi magiging boring.

“Okay, so take me home, bad boy,” aniya sa malambing, nanunuksong tinig. Hinawi niya ang itim nitong jacket at isiniksik ang mukha sa matipunong dibdib nito. Ang kanang kamay niya’y sumalikop sa baywang nito.

Lord, it felt good. Men that she had dated with before smelled of expensive perfume or cologne. Tulad din ni Ranjo. Pero wala siyang nalalanghap na cologne mula kay Ivan. She could smell the untouchable wildness surrounding him.

Yumuko si Ivan at nagsalita sa may tainga niya. “You wouldn’t know bad if it was right behind you, sugar.”

Tumingala siya, ang mga labi niya’y lumapat mismo sa baba nito. She could feel his whiskers graze her lips. She felt a shiver run down her spine. Subalit ipinalagay niyang sanhi iyon ng malakas na hanging dumadapyo sa katawan niya.

“Is that so?”“Yeah. Or you wouldn’t be riding with me.“She rolled her eyes. “Like I have a choice.”

Ivan gunned the engine. Her body mashed back against his and he slipped one arm around her waist. Napahugot ng hininga si Nayumi. And when he tipped the big machine on a sharp turn, Ivan’s arm tightened around her.

The Harley vibrating between her legs had nothing to do with the quickening of her breath, it was him, all him. Ang tagilirang bahagi ng katawan niya’y nakasiksik dito. His thighs encasing hers and she felt like she was wearing him.

Minsan man sa buhay niya’y hindi pa naranasan ni Nayumi ang ganoong uri ng puwersa. Ipinikit niya ang mga mata at umaasang kaya niyang kontrolin ang reaksiyon dito.

Nararamdaman niya ang hininga nito malapit sa tainga niya. As their speed increased, his hand shifted, moving a fraction lower. At dahil hindi naman niya napanatiling nakababa ang palda niya, naramdaman niya ang init ng palad nito sa hita niya. Currents of something warm and intoxicating traveled up her arm and spread through her body in waves. Tumingala si Nayumi at tinitigan ang nakatiim nitong mukha, wondering exactly what it was, wondering if he felt it, too.

Ivan liked the soft, shuddering sound he felt rather than heard. Mabilis niyang inalis ang kamay na nakahawak kay Nayumi at ibinalik sa handgrip. Hindi niya kailanman naisip kung gaano kasarap damhin si Nayumi sa mga bisig niya.

Sa nakalipas na walong buwan ay hindi siya nawawalan ng babaeng nakakatalik. Pero ikinamamangha niyang sa pagdikit ng katawan nito sa katawan niya’y tila ba iyon ang unang pagkakataong nadikitan siya ng babae.

Dapat ay pilitin niya itong umuwi na pabalik sa Maynila bukas. He wasn’t supposed to like her. Ang dapat lang niyang gawin ay bantayan ito at ilayo sa anumang gulo at pagkapahamak. Iyon ang binabayaran sa kanya, wala nang iba pa.

Pagkalipas ng ilang sandali, ipinapasok na niya ang bike sa parking lot ng hotel. He shoved the kickstand down and shut off the motor.

*************Parang ang wild naman ni Nayumi OMGGG hahahaa. Pati ako nagiging wild na para kay bb Ivan ko, rock my world baby Ivan char hahahaha . Thanks sa mga reco nyo mga beshie, pinakinggan ko at ang gaganda ng mga music taste nyo pasok na pasok para sa akin hahaha. Thank you and mag-ingat kayong lahat. Happy weekends - Admin A *********************

13

PADAUSDOS na bumaba mula sa malaking bike si Nayumi. Tumayo siya subalit ni hindi nakuhang humakbang. Umiikot ang paningin niya at napahawak siya sa binti nito.Paano siyang nahilo sa kaunting alak na kanina pa niya ininom?

“Namumutla ka.”“Dalawang shots lang naman ang nainom ko,” mahina niyang sabi.“Dahil hindi ka naghapunan. Ang sabi mo’y sa hotel ka kakain pero hinintay mo lang na makaalis ako at tumakas ka na.”

She glared at him. “You’re a bully, don’t you know that?” She took a step but the ground rolled. Inalalayan siya ni Ivan papasok sa hotel. Hiningi nito ang susi sa counter at inakay siya patungo sa elevator.

“Gusto mong pumasok?” anyaya niya pagkatapos buksan ni Ivan ang pinto ng silid niya.“And watch you get sick? No, Ma’am.”

“I won’t puke, promise.” Subalit nanatiling nakatayo sa pintuan si Ivan, not bulging a muscle. She pouted. “What are you afraid of, bad boy?” Careful, Naya.

Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha nito at nanatiling nakatitig sa kanya. Humarap si Nayumi rito, tumaas ang mga kamay at ipinaloob iyon sa jacket nito. A muscle tensed beneath his shirt. Still, he didn’t move.

“Hindi mo alam ang ginagawa mo sa dalawang shot na ininom mo, Nayumi.“Iyon ang unang pagkakataong tinawag siya nito sa pangalan niya. It sounded sexy coming from his lips.

“Do you know that since that day you saved me from those kidnappers I’ve been fantasizing about you?” Talaga sigurong nalasing siya para masabi iyon at magawang haplusin ang dibdib nito. “I was really so disappointed when I heard my father talking to Kurt that you left for the States. Yet it didn’t stop me from dreaming of you as my knight in shining armour.”“You were fifteen. Natural lamang ang hero-worship na nararamdaman mo.”“I’m not fifteen now,” she said meaningfully.

“Back off, Nayumi,” came the low rasp.“What will you do, Ivan? Chew me up and spit me out?” Inilapit niya ang mukha rito. The whisper of her breath on his lips. Ni hindi siya kumukurap habang tinititigan ito upang pagmasdan ang magiging reaksiyon nito.

Subalit tila estatwang nanatiling nakatayo roon si Ivan. Walang damdaming rumehistro sa mukha. His stillness tempted her to go on. Gusto niya itong tumugon. She let her mouth hover over his. Her lips almost touching his.

“Now what, Ivan?” Her words moistened his lips. “Mananatili ka lang bang estatwa?“Then his gaze thinned, pale with a predatory gleam. Humakbang ito papasok at sinipa pasara ang pinto. Pagkatapos ay marahas nitong hinawakan ang buhok niya sa likod at hinila iyon. Napaangat ang mukha niya rito.

Bigla’y lumipad palayo ang tapang ni Nayumi. Gumuhit ang agam-agam sa mga mata niya habang nakatitig dito.

“B-bitiwan mo ako…” she croaked, ang mga kamay niya’y nasa dibdib ni Ivan upang itulak ito.“See, little tigress?” he rasped in her ear. “You don’t know what danger is.” He twisted her around. “It was right behind you.”

Panic flickered in her eyes as she stared into his fathomless gray eyes. Then she heard him groan.

“Shit, you asked for this.” Binitiwan ni Ivan ang buhok niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat at naramdaman niya ang magaspang nitong mga daliri sa manipis niyang damit.It was very erotic. His lips were touching hers yet he still wasn’t kissing her.

Then he smiled. It was wicked. Bumaba ang mga palad nito sa dibdib niya. Mabilis ang ginawa niyang pag-atras subalit ang isang kamay nito’y biglang bumaba sa likod niya upang pigilin siya. At ang kamay mismong iyon sa likod niya’y pumasok sa blusa niya at humaplos sa likod niya.At bago pa siya makakilos, yumuko ito. His mouth a hard slash across hers. The kiss was intense, unrelenting, laced with dangerous consequences. At kahit nagliliyab ang pakiramdam niya sa tila apoy na kumakalat sa katawan ay sinisikap niyang itulak ito palayo.

She pushed at his shoulders, his chest, tried tearing her mouth away. Subalit sinusundan ng mga labi nito ang bawat pag-iwas niya, naghahanap ng katugon. Sinisikap niyang huwag ibigay iyon. Gayunma’y nanatili siyang hinahagkan nito habang ang katawan nito’y itinutulak siya patungo sa naghihintay na kama.

Unti-unti nang ipinagkakanulo ng sariling katawan si Nayumi sa kabila ng pagtutol ng isip niya. His warm and wet mouth on hers was glorious. Without warning, her lips softened beneath his. When he thrust his tongue inside her mouth, she met it with equal hunger.

Ivan jerked back. Tinitigan siya. His potent glare clashing with hers. Their breathing labored, bodies aroused to unthinkable heights.

Ivan pushed the limit. He grasped her hips and ground her to his hardness. Ang nakababaliw na sensasyon ay tuluyan nang umalipin kay Nayumi. She thought she’d go mad if she didn’t have more.

Ibinigay iyon sa kanya ni Ivan. He raised her skirt up to her waist and parted her legs with his knee. Ang isang kamay nito ay pumaloob sa buhok niya upang mahigpit siyang hawakan at tanggapin ang nag-aapoy at marahas nitong halik habang ang isang kamay ay pumaloob naman sa ilalim ng blouse niya at tinanggal ang snap ng bra.

He tore his mouth from hers. Hinawakan ang laylayan ng blusa niya at itinaas iyon sa ulo niya. Kasama ng bra ay inihagis iyon ni Ivan sa sahig.

Then he ground his lips to her neck, nipping, licking, urging her head back. Nararamdaman ni Nayumi ang magaspang nitong whiskers sa leeg niya. Bigla siyang napakislot nang ang pangahas nitong kamay ay maramdaman niyang sumakop sa dibdib niya. His fingers squeezed, his thumb wildly flicking her tender nipple.

Kumawala ang isang ungol mula kay Nayumi.Deliberately, gumawa ng daan ang mga labi ni Ivan mula sa leeg niya patungo sa dibdib niya.

 Then he took one nipple in his mouth, suckled it like a hungry babe. Pagkatapos ay ibinaba nito ang kamay sa palda niya at itinaas iyon. His fingertips curling behind and enveloping her buttocks.

“I-Ivan…“A dark groan sounded in Ivan’s throat. She wore a thong and he touched naked skin. It nearly destroyed him.Magagawa nitong angkinin si Nayumi sa sandaling iyon… sa anumang paraan nito gusto. She was open and ready and only too willing. Pero mayroon itong batas na pinaiiral sa sarili: never mess around with clients.

And for Pete’s sake, she was Alvaro’s daughter!

Anuman ang pagnanasang nararamdaman ni Ivan sa mga sandaling iyon ay kailangan niyang pigilin para sa sarili niyang katinuan. Hindi siya kailanman nawawalan ng kontrol sa sarili sa kahit na kaninong babae. Not even with Thea when he thought he was the right woman for him.

“You want me to be inside you, sugar?” he asked roughly against her lips before he kissed them with deliberate torture which Nayumi responded. His fingers cupped one breast roughly.

Nayumi whimpered. Tuluyan nang tinatakasan ng matinong kaisipan. Her body was on fire.“I wonder how your ex-boyfriend had made a fool out of you. Perhaps he got tired of easy sex you were so willing to give anytime and anywhere?”

Napakurap si Nayumi, pinanlalabo ng sensasyong nararamdaman ang isip kaya hindi niya gaanong nauunawaan ang kalupitan ng mga salitang namutawi sa bibig nito. At bago pa iyon tuluyang rumehistro sa isip niya, muli itong nagsalita.

“You want me to fu—k you now, sugar?” Marahas nitong idiniin ang pagkalalaki sa ibaba ng puson niya. Napaungol siya sa sakit… and idiotic of her… in pleasure.

“How long have you been fantasizing my sex, huh, Nayumi?” Sa bulgar at magagaspang na salita’y inuusal nito ang mga bagay na gustong gawin sa kanya.

Ang mga salita’y nababasa at naririnig lamang niya pero minsan man ay hindi ipinatutungkol sa kanya. O ni sa panaginip man ay maiisip niyang ipatutungkol sa kanya.Tila siya binuhusan ng malamig na tubig. Bigla niya itong itinulak, ngunit hindi tumigil si Ivan. 

Pumailalim ang kamay nito sa briefs niya. His strong fingers cupped the apex of her thighs… his fingers touched wetness. He muttered a series of expletives.

And before he could thrust his finger, she twisted and pushed hard. Pagkatapos ay tumaas ang kamay niya at dumapo sa pisngi nito.“Jerk!”

Subalit ni hindi ininda ni Ivan ang sampal. Muli siya nitong hinapit. Ipinailalim. Nayumi panicked. He would rape her! Oh, God, he would rape her. Her sensual dreams shattered, at dahil hindi niya magamit ang nalalaman dito dahil nakapailalim siya, she bit the tender flesh on the side of his neck.

He hissed and lurched back. “You little viper!”

Sinamantala iyon ni Nayumi. Mabilis na umatras, tumayo, hinagip ang kumot at itinakip sa dibdib. Nakahanda sa gagawing pagsalakay nito.

Hinawakan ni Ivan ang bahaging kinagat niya upang tingnan kung may dugo. Pagkatapos ay tumingin ito sa kanya. She met his eyes. Puno ng kahihiyan at pagkabigla ang sa kanya—blangko at walang emosyon naman dito.

In blatant contempt, she wiped the back of her hand across her mouth—which was still throbbing from his kiss.

Bago siya makaatras ay mabilis itong nakatayo at lumapit sa kanya. Ivan reached over and caught her jaw in his hand. “Sa susunod, mamimili ka ng lalaking paglalaruan mo, Nayumi.” He kissed her, hard, lacking even a hint of apology.

Iyon lang at tumalikod na ito, dumeretso ng labas ng pinto at kinabig iyon pasara na halos magpayanig sa buong building.

Nanatiling nakatitig sa nilabasang pinto ni Ivan si Nayumi. Nanginginig ang buong katawan niya sa kahihiyan… at galit sa sarili. Then she looked down at herself and choked a sob.Ano ang ginawa niya sa sarili? Kasama ba iyon sa excitement na hinahanap niya? Lord, no. Wala pang lalaking nagdulot sa kanya ng ganoong uri ng kahihiyan.

Nanlulumong napailing siya. Muntik na niyang ipagkaloob ang sarili rito. Sa isang mababang bodyguard na wala pang tatlong araw niyang nakilala. In more ways than one, dapat niya itong pasalamatan sa kagaspangan nito.

She closed her eyes tightly. Sinisikap pigilin ang pagbagsak ng mga luha nang biglang may pumasok sa isip. Somewhere… sa pagitan ng pagniniig nila, something went wrong. Bigla itong naging bastos at vulgar, tila ba sinadya nito iyon. Her instincts told her so. Dahil kung gusto siyang pagsamantalahan nito ay madali nitong magagawa.

Totoong kaya niyang ipagtanggol ang sarili. Pero bale-wala ang nalalaman niya sa martial arts kay Ivan sa uri ng kakayahan nito. My God, the man had dealt with terrorists and spies all his adult life.

Kung bakit ginawa iyon ni Ivan ay walang mahagilap na kasagutan ang isip niya. Gayunman, hindi niya kayang ipagkaila na sa kabila ng ginawa nitong kabastusan at kagaspangan ay may naramdaman siyang kakaiba—something wild and raw. And she could swear Ivan had felt it, too. Yet, she wished she’d never see him again.

SA KABILA ng hindi naman siya gaanong nakatulog ng sinundang gabi ay maaga pa ring nagising si Nayumi. Pagkatapos maligo at magbihis ay mabigat ang katawang bumaba siya sa lobby. May bahagyang takot at kabang namumuo sa dibdib niya sa paghaharap nila ni Ivan. Pagkatapos ng nangyari kagabi ay hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan.

Subalit nang makitang wala ang anino nito ay humalili ang pagkadismaya sa dibdib niya. Pagkuwa’y napaungol siya. Gusto niyang sipain ang sarili sa magkasalungat na emosyong nararamdaman.

Ipinasya niyang iyon ang huli niyang araw sa Davao. Bukas ng umaga’y babalik na siya sa Maynila. Inilabas niya ang Hummer sa parking lot ng hotel. Alas-nuwebe pasado ng umaga. Sa labas na siya magkakape. Coffee in the hotel left nothing to be desired.

Pagkatapos mag-almusal ay nagtungo siya sa palengke. Mamimili siya ng mga pasalubong para kina Alvaro at kay Adora. Funny, sa nakalipas na tatlong araw ay halos hindi pumasok sa isip niya ang ama. Thanks to Ivan, she thought drily. These past three days, her mind was filled with him. Bagay na hindi nangyari kay Ranjo.

Aminin man niya o hindi, she was attracted to Ivan and at the same time, he scared her with his empty eyes and vacant expression. Sometimes, it seemed like no one lived behind those beautiful, gray eyes. Pero sa kabila ng takot at kakulangan niya ng karanasan at kaalaman sa mga lalaki, she was drawn to him. As if she could feel an invisible lure.

Ipinilig niya ang ulo. Enough of Ivan. Hindi na niya ito makikita dahil babalik na siya sa Maynila kinabukasan. Hindi rin niya gustong pansinin ang lungkot at panghihinayang na nakiraan sa dibdib niya.

Isang progresibong siyudad ang Davao pero kahanga-hangang may ilang building na ang disenyo ay may mga Islamic element. Sa palengke ay ethnic ang atmosphere ng paligid at ang ilang tinderang Muslims ay suot ang kani-kanilang native dresses.

Sa kakaikot sa dry market ay hindi niya napunang tanghali na. Ibinili niya si Alvaro ng dalawang batik na polo, si Adora naman ay dalawang malong at ilang housedress na yari din sa batik.Palabas na siya ng mga stall sa palengke nang may bumunggo sa kanya. Bumagsak ang isang plastic bag na hawak niya at sumabog ang kalahati ng laman niyon sa baldosa.

“Oh, I’m sorry,” hinging-paumanhin ng babaeng nakabunggo sa kanya…“I-it’s all right.” Alanganin niyang nginitian ang babae na agad yumuko upang pulutin ang mga pinamili niya. “Ako na.”

Iniabot sa kanya ng babae ang ilan sa mga pinamili niya. Titig na titig ito sa kanya. Then she smiled. A kind of smile that was so chilling.“T-thank you.”

“Nayumi.“Napalingon siya sa pamilyar na tinig. Nagsasalubong ang mga kilay ni Ivan na nilapitan siya. Ang mga mata’y nakatuon sa babaeng nakabungguan niya.

“Hello, Ivan…” wika ng babae, Ang kakaibang ngiti kanina’y nahalinhan ng matamis at kaakit-akit.

“Thea…”

“Magkakilala kayo?” tanong ni Nayumi.

Marahas ang ginawang paglipat ng tingin ng babae sa kanya, na para bang noon lang siya napansin. “Higit pa sa magkakilala. I am his girlfriend.”

“Was,” pagtatama ni Ivan sa nag-iigting na mga bagang. Kinuha nito ang dalawang plastic bag sa kanya at naunang tumalikod. “Let’s go, Nayumi.”

Nalilitong nilingon niya ang babae. Kung may patalim na lumalabas sa mga mata nito, marahil ay tumagos na iyon sa dibdib niya. Alanganing sinundan niya si Ivan. Nakailang hakbang na siya nang muling lumingon. Nawala na ito sa kinatatayuan. Ang nakikita niya’y curious na mga mata ng mga nakapaligid na tindera at ilang customers.

Hindi niya maunawaan ang damdaming biglang umahon sa dibdib niya sa sinabi ng babae. I’m his girlfriend. Nagagalit siya kay Ivan mula pa kagabi. Subalit ang panibughong naramdaman niya ay halos magpanghina sa kanya.

Halos walang lakas ang mga binti niya nang sumunod dito. Nagpaikot-ikot sila sa masalimuot na stalls. Inabutan niya ito at hinawakan sa braso sa labas na ng dry market.

At bago pa maibuka ang bibig sa anumang nais niyang sabihin ay inunahan na siya nito. “Don’t make a scene, Nayumi,” he warned, cold fury in his eyes. “Mapapatawad ko ang ilang babaeng gumagawa ng eksena sa publiko pero hindi mula sa iyo. You were brought up a lady.”

Wala siyang intensiyong gumawa ng eksena. It wasn’t her style. Gusto lang niyang itanong kung ano ang ginagawa nito roon. Kung bakit bigla na lang itong sumulpot mula sa kung saan.

But she stood there gaping at him like an idiot. Surprised and confused at the intensity of his anger. Unti-unti siyang nagbaba ng tingin at nagpaunang lumakad patungo sa pinagparadahan ng Hummer.

Sa parking lot ay natanaw niya ang Hummer. Binilisan niyang lalo ang paghakbang nang bigla siyang matigilan. Bigla ang paggapang ng lamig sa katawan niya.

“What’s wrong?” tanong ni Ivan nang mapunang natitigilan siya. Hinayon nito ng tingin ang tinatanaw niya. Nakabukas ang mga pinto ng Wagon Hummer.

“Aw, shit!” bulalas nito, at sa malalaking hakbang ay inunahan siya sa pagtungo sa sasakyan niya.

**********Sorry mga bes, super bagal ko na mag-update ngayon. Medyo busy na kasi talaga. Daming hinahabol na mga reports kaya pagpasensyahan na lang. Thank you sa makakaintindi , sa hindi thanks na lang din. Hahaha. - Admin A ********************* 

***Pa games tayo soon kapag goods na. Happy 200k readers sa inyong lahat. Maraming thank you kahit super daming nangyari ay nandyan pa rin kayo at patuloy na dumadami at tumatangkilik. Take care mga beshie. - Admin A ***************

14

TILA tuod na nakatitig si Nayumi sa sasakyan niya. Ang mga upuan sa harapan at likuran ay laslas at nakatumba patalikod. Nakaangat ang carpet sa sahig hanggang sa likod. Ang laman ng glove compartment ay isinabog lahat.

“Oh, God!” bulalas niya sa nanginginig na tinig.

Nang makita ni Ivan na tila bubuway siya ay mabilis siya nitong kinabig payakap. “Sino ang gumawa nito, Ivan?” There was terror in her voice.

Hindi sumagot si Ivan at nakatiim ang mga bagang habang nililinga ang paligid. May mga sasakyang nakaparada sa parking lot at may mangilan-ngilang tao sa di-kalayuan at abala sa kani-kanilang gawain. Pero duda si Nayumi kung may alam ang mga iyon sa nangyari sa Hummer. Nakapagitan sa Hummer ang isang delivery van at isang jeep na puno ng saging na hilaw.

Nang makita ni Nayumi ang bike ni Ivan sa kabilang parking space ay kumawala siya mula rito. “Saan ka galing? Bakit bigla ka na lang sumulpot? Hindi mo ba nakitang—”

“Kanina pa kita sinusundan mula nang umalis ka ng hotel,” sagot nito. “Nang iparada ko ang bike ko ay nariyan na rin ang mga sasakyang iyan. Sinundan kita sa loob. Dalawang oras kang nagpaikot-ikot. Nakikipagtawaran. For a rich woman like you…” He let his voice trail off and shook his head.

Nayumi was certain there was amusement in his eyes. Pero tinakpan iyon ng galit at pag-aalala sa nangyari sa sasakyan niya.

Muling ibinalik ni Nayumi ang tingin sa loob ng Wagon Hummer. “W-who could have done this?”“Natitiyak kong hindi magnanakaw, Nayumi,” Ivan said grimly. Trained eyes surveyed the car’s interior. “Walang nawalang anumang bahagi ng sasakyan mo. Nariyan pa rin ang mga car accessories. And those are all so expensive they could have easily dispensed them even at half the price.”

“Then… why?”

Naguguluhang umiling ito. “Iyan ang hindi ko pa kayang sagutin. In fact, maliban sa mga laslas na upuan, bukas na glove compartment, at carpet, ay walang nagalaw. Gusto kong i-report natin ang pangyayaring ito—”

“No,” mabilis niyang awat. “Hindi na kailangan. The insurance will take care of the damages. At walang nawala. It was purely vandalism. Duda ako kung mahuhuli pa ng mga pulis ang gumawa nito. I just want to go back to the hotel.” Suddenly, she felt very tired.

Huminga nang malalim si Ivan, “Iaangkas kita sa bike. Maghahanap ako ng taong mababayaran para isunod sa atin ang Hummer.”

Pinigil ni Nayumi ang akmang pagtalikod nito. “I-I can drive the Hummer back to the hotel.” She closed ner eyes for one moment. Hindi niya kayang isipin ang uri ng tao o mga taong gumawa niyon sa sasakyan niya.

“You don’t have to drive it, Nayumi. Maaari kong—”“It’s okay, Ivan,” she said in a forced bravado. “I’ll drive it. Itayo mo na lang uli ang upuan ko.“Ivan stared at her with uncertainty in his eyes. Pagkatapos ay tinungo nito ang hood at binuksan iyon. Sinuring mabuti ang makina, preno, at iba pang bahagi niyon. Nang matiyak nito na walang nagalaw roon ay inayos ang driver’s seat. Walang kibong pumasok sa loob si Nayumi.Itinukod ni Ivan ang braso sa bubong ng Hummer at pagkatapos ay niyuko siya. “Will you be all right?” he asked softly.

She swallowed a lump in her throat. Ang pag-aalala sa tinig nito ay tila gustong magpabunghalit sa kanya ng iyak. Nag-init ang sulok ng mga mata niya.

“Dammit, Nayumi,” Ivan murmured. “Snap at me… scream or hit me if you want. But I don’t think I can handle it if you cry.”

Other times, she would have laughed at the confusion and worry in his eyes. She smiled through misty eyes. “You’re a very complex man, Ivan Henrick.”

Yumuko ito at inabot ang baba niya at itinaas. Dinampian siya nito ng banayad na halik sa mga labi. The kind of kiss that was far from sexual.

“Now, you’re making me cry.”“Drive slowly,” he said. “I’ll be right behind you.” Sinundan ni Ivan ng tingin ang paglabas ng sasakyan ni Nayumi. He cursed himself. The kiss was meant to console her and yet he couldn’t stop the stirring of his loins.Hell, what is wrong with him?

ILANG minuto pa’y nasa hotel na sila. Bumaba ng sasakyan si Nayumi. Bahagya na niyang sinulyapan ang police car na nasa tapat mismo ng entrada ng hotel. Tuloy-tuloy siya sa front desk at hiningi ang susi ng silid niya sa receptionist.

“Eh, Ma’am, bukas na po ang silid ninyo…“She frowned. “Bukas?”

“Eh, kasi po… kasi po… may nangyari po sa… sa silid ninyo…“Naguguluhang nilingon niya si Ivan na papasok at narinig ang sinabi ng receptionist. Binalikan ng tingin ni Ivan ang police car sa likuran nito.

Pagkuwa’y mabilis niyang tinungo ang hagdan at halos takbuhin iyon papanhik. Mabilis na sumunod si Ivan. Sa itaas ay may ilang occupants na nasa labas ng pasilyo at sinisilip ang silid niya.

Nakisiksik siya sa mga nag-uusyoso. Nang mapatapat sa pinto ng silid niya ay isang malakas na singhap ang kumawala sa kanya.

Nasa loob ng silid ang dalawang pulis at ang manager. Her room had been ransacked! Nasa sahig ang kutson at ang mga drawers ng cabinet ay bukas at nagkalat ang mga gamit nito.“W-what happened?” usal ni Nayumi, shock in her eyes.

Nang malingunan siya ng manager ay agad itong lumapit at natatarantang humingi ng paumanhin. “Nagulat na lang kami, Miss Navarro. Pagpasok ng maid para maglinis ay naabutan niyang ganito na. Hindi rin namin alam kung paanong nangyari. People come and go. They couid have posed as guests.”

“Ikaw ba ang tenant dito, Miss?” sabi ng isa sa dalawang unipormadong pulis na naroon.Wala sa loob na tumango si Nayumi. Puno ng kalituhan at pagkagimbal ang mukha.“May iba ka bang kilala rito?” patuloy na tanong ng police officer. “Sabi sa reception ay may kasa-kasama ka raw—”

“Ako ang kasama niya. Okupado ko ang silid sa kabila,” Ivan said grimly Tumaas ang kamay nito sa kanya at pumaloob siya roon. She couldn’t help herself from trembling. Una’y ang sasakyan at ngayon ay ang silid naman niya.

“Ivan,” anang officer na nagliwanag ang mukha nang makilala si Ivan. “Ano ang alam mo rito, pare?”

Nakatiim ang mukhang sinuyod ni Ivan ng tingin ang magulong silid. “Her car was vandalized this afternoon, Rick. Sa parking lot ng public market. Walang kinuha…” Inilahad nito ang nangyari sa sasakyan niya.

“Sa palagay mo ba’y iisang tao ang may kagagawan nito?” tanong ng pulis.“Hindi ko masasagot iyan, Rick. Maliban sa akin ay walang kakilala rito si Miss Navarro. But you can both get fingerprints. Nasa ibaba ang Wagon Hummer niya.“Bumaba ang tingin ng pulis sa kanya. “Ano sa palagay ninyo, Ma’am, ang nawala sa mga gamit ninyo?”

“M-maliban sa bag ko—” Humigpit ang hawak niya sa strap ng Gucci bag niya na tila ba makakakuha siya roon ng lakas “—ang nakakalat na iyan na ang kabuuan ng gamit ko.”“Kung ganoon ay walang nanakaw na mahalaga sa gamit ninyo,” wika ng pulis na nasa loob ng silid.

“Gusto ko kayong makausap, Ma’am,” wika ng pulis na kakilala ni Ivan. “Maaari ba kayong sumama sa presinto?”

“Not now, Rick,” tanggi nito. “Can’t you see she’s in shock? Una’y ang sasakyan niya at pagkatapos ay ito naman. Ako ang magbibigay sa iyo ng detalye ng nangyari bukas ng umaga. Pansamantala’y iuuwi ko na muna sa farm si Miss Navarro. Naniniwala akong hindi niya gugustuhing matulog sa hotel na ito ngayon.”

Inakay siya nito patungo sa kabilang silid. “Get inside.”“Kaninong silid ito?”

“Sa akin. Mula nang araw na magkita tayo ay kinuha ko ang katabing silid na ito.“Napaungol si Nayumi. She was surprised. All along, nasa kabilang silid ito. Pagkatapos ng nangyari, somehow, nagdulot iyon ng kapanatagan sa kanya. Lumakad siya patungo sa kama at umupo sa gilid niyon.

“Hindi ko gusto ang nangyayaring ito, Nayumi. Hindi pagkakataon ang nangyari. Kilala ka ng sumira ng Hummer at nag-ransack ng silid mo.”

“Where did you get that idea?” Her voice was weary. “Tulad ng sinabi mo sa pulis, wala akong kakilala rito maliban sa iyo.”

“Kung pagnanakaw ang motibo, dapat ay ninakaw ng mga iyon ang accessories ng Hummer, ganoon din ang maleta mo. It’s a Louis Vuitton, for crying out loud, and more than a hundred thousand. Hindi pagnanakaw ang motibo ng mga gumawa nito. It’s as if they were looking for something.”

Her eyes flew to him. “Looking for what?” She was incredulous. “Maliban sa maleta at ilang gamit na binili ko bago ako sumakay sa barko ay wala na akong iba pang gamit.”

Hindi agad sumagot si Ivan. Lumapit ito sa bintana at hinawi ang kurtina at tumanaw sa labas. “It is only an assumption, Nayumi.” Kinuha nito ang cell phone sa bulsa ng pantalon. “Tatawagan ko si Kurt.”

She moved to the window. Her arms across her chest. Naririnig niya ang paglalahad nito ng pangyayari kay Kurt. Nang lingunin niya ito’y nanatili itong nakatitig sa kanya.

“TAKE today’s flight for Manila, Ivan,” nababahalang utos ni Kurt. “Ihatid mo siyang pauwi. It’s off season. Hindi mahirap kumuha ng ticket. You can ship back the Hummer later.”

“I don’t like this, Kurt,” sagot niya. “Noong isang gabi ay sinadyang bungguin ang sasakyan namin ng isang itim na van.” Bigla ang paglipad ng mga mata ni Nayumi sa kanya sa sinabi niya. “I didn’t want to worry you,” wika niya rito bago binalikan si Kurt. “Maaaring kagagawan ito ni… Ignacio upang takutin siya.”

“Hindi umaalis ng Cavite si Ignacio, Ivan. Hanggang ngayon ay may mga tao akong nakasubaybay sa kanya. I had his phone tapped very discreetly by one of my men. Wala siyang tinatawagang kaduda-duda. Wala siyang kasama kundi ang pamilya niya.”

“Maaaring nagdududa siyang sinusubaybayan ninyo siya, Kurt. Nag-iingat siya nang husto. Sino ang mga taong kausap niya?”

“Believe me, Ivan, kahit ang asawa niya’y under surveillance. They’re clean.”“What about the ex-boyfriend?” Nakita niya ang pagtaas ng mga mata ni Nayumi sa kisame sa tanong niya.

“The man’s a leech. A gigolo. Pero duda akong susundan niya si Nayumi riyan para lang gantihan. Besides, hindi ipinaalam ni Naya kahit na kanino na diyan siya pupunta.“Huminga siya nang malalim. “Hindi ko magagawang ihatid siya sa airport ngayon, Kurt,” seryosong sabi niya. “Hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Sa nangyayari, it could be dangerous for her.”

“It’s been years since you rely on your gut feeling, Ivan. It may not be as accurate as it is before. Huwag mong lagyan ng maraming kahulugan ang simpleng pagkakataon.”

“Dammit, it wasn’t a coincidence!” he snapped. “At hindi ko magawang umalis ngayon para ihatid siya pauwi. May inaasahan akong taong darating bukas ng hapon sa farm. I suggest she stays at the farm for a couple of days.”

“Two days,” sang-ayon ni Kurt.

In-off niya ang mobile. Pagkatapos ay nilapitan si Nayumi.

“Kurt’s right,” anito, tumayo. “Pagkakataon lang ang nangyayari. Huwag mong gawing big deal.“Hindi niya pinansin ang sinabi nito. “Natitiyak kong hindi mo gustong gamitin ang mga nakakalat mong gamit. Tara sa mall. Bumili ka ng panibagong gamit mo at pagkatapos ay tumuloy tayo sa farm.”

“Hindi ko kailangang sumama sa iyo. I could book myself in another hotel, sa downtown. Then I’ll take the first flight tomorrow morning.” Lumakad ito patungo sa pinto. “I’ll drive the Hummer to another hotel now.”

Bago nito mahawakan ang doorknob ay naroon na siya. Hinawakan niya sa braso si Nayumi at hinila pabalik. “Nakasalalay sa akin ang—”

“Bitiwan mo ako!” pagpupumiglas nito. “For all I know, ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito!”

He went still. “What?”

“Walang nawala sa Hummer, wala ring nawala sa mga gamit sa silid ko. Ginawa mo ito para matakot ako dahil gusto mo akong isama sa farm mo!”

“F—ck!” Itinaas niya ang kamay sa batok niya at minasahe iyon. Pagkatapos ay hinarap siya. “I can play dirty, Nayumi. Pero hindi sa paraang sinasabi mo. Dahil kung gusto kitang isama sa farm ko, hindi ko kailangang manira ng gamit. Maisasama kita sa ayaw mo at sa gusto.”

**********Ako na lang ang isama mo baby Ivan , di mo na ako kailangan pang yayain gogora na me agad char hahaha. Kumusta kayo mga beshie? -  Admin A **********

Hello pala kay Ms. Magda kung sino ka man pinapabati ka nung friendship ko , napasaya mo raw siya hahahaha. - Admin A********************

15

IPINAGSALIKOP ni Nayumi ang mga braso sa dibdib. “I’m sorry,” she whispered but didn’t meet his eyes. “Naguguluhan ako sa nangyayari. Narinig kong binanggit mo ang pangalan ng taong iyon kaninang kausap mo si Kurt.” She turned worried eyes to him. “Hindi ba at nakakulong si Ignacio?”

		 "Kasama siya sa binigyan ng presidente ng parole noong isang linggo. Ayon sa balita'y mahusay ang record niya sa loob ng bilangguan."

		 "Dati siyang militar, Ivan. Marami siyang mahihingan ng tulong upang makapaghiganti." Sinisikap nitong pigilin ang pag-ahon ng takot sa dibdib.

		 "Nakasubaybay ang mga tauhan ni Kurt at malalaman natin kung siya nga ang may kagagawan nito. Ayon kay Kurt ay malinis ito."

		 "If Kurt said that... then I must believe him, mustn't I?" Her voice trembled. "I don't want to be scared, Ivan. But I am now..."

		 Sa dalawang hakbang ay nasa harap na siya ni Nayumi at kinabig ito payakap. Protectiveness surged through him like tidal waves. He was overwhelmed by his own emotion to protect this woman from any harm, imaginary or real.

		 "I guess I have never really forgotten that episode of my life. Sometimes there were nightmares... a man pulling me from the van's floor... and I wake up screaming."			 "Sshh. No one's going to hurt you, Nayumi. I promise you that."

		 May ilang sandaling nanatili si Nayumi sa mga bisig niya. Pagkatapos ay tumingala ito. "Kiss me, Ivan."			 He went still.

		 "Please."			 Niyuko niya ito at tinitigan. His eyes searched hers. "Nayumi, last night—"

		 "Was deliberate," she said. "Sinadya mo upang magalit at manlaban ako. You can be rough, crude, and vulgar now, but I won't fight you this time. Ivan. Pero hindi ako naniniwalang magagawa mong sabihin sa akin ngayon ang mga sinabi mo kagabi..."

		 "I am not a saint, Nayumi. I want you. Natitiyak kong alam mo na iyan. If I kiss you now, you know I won't stop from there."

		 "Then don't," she said. "Pagkatapos ng pagliligtas mo sa akin sa mga kidnapper ay agad akong ipinadala ng pamilya ko sa Amerika. They thought I have recovered from the trauma of that day. But little did they know that my fantasies of you had kept me going through those months.

 Always, in my dreams, a knight in shining armour would come and save me… subalit tuwing tatanggalin ko ang helmet sa ulo ng knight ay wala siyang mukha. Give that knight a face, Ivan.“

		 His face tightened. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. "Don't make me a hero, Nayumi. I am not. You can ask Kurt everything about me. I've killed—"

		 "Bad men... spies and terrorists. And kidnappers. Don't torture yourself about your former job, it won't make a difference to me."

		 "You'll hate me afterwards. You're vulnerable right now and I can't take advantage."			 "Define vulnerable."

		 "In your case, it's easy. Dumating ka rito sa Davao dahil masama ang loob mo sa papa mo at sa yaya mo. And that jerk of a man you left in Manila. Today, your car was vandalized and your room was ransacked. All these things made you vulnerable." He took in breaths, then gazed at her. "I don't want you falling in love with me, Nayumi. And you might if we made love. I am not worth it. I am not very good at commitment. In the end, I always say good-bye." Would he? With this woman?

		 TILA patalim na itinusok sa puso ni Nayumi ang huling sinabi nito. But there was no way she would let him know how his words wounded her.

		 "Trust me, Ivan. It won't happen." It's hard to fall in love with someone you already loved, she thought with agonizing reality. Kanina, nang maramdaman niya ang matinding panibugho sa babaeng nagpakilalang girlfriend ni Ivan ay natiyak niyang umiibig siya rito.

		 "Don't tempt me like this, Nayumi..." His heart pounded against his chest, his mind flooded with images—wild, erotic images of them making love.

		 "Don't make me beg, Ivan." She tiptoed and brushed her lips against his.			 He groaned, humulagpos ang kontrol sa sarili. He reached for her and claimed her mouth. The kiss was meant to be gentle and comforting. But when she shuddered as his lips touched hers, all pretense of gentleness flew away. His hunger for her took over.

		 Napasinghap nang malakas si Nayumi. Dahil hindi lamang siya hinahagkan ni Ivan. He possessed. Seduced. Corrupted. Then his hand found her breast and her nipple immediately swelled to the heat of his palm, the nipple hardening and distending.

		 "Tell me what you want me to do, darling... tell me what you like..." he murmured, his mouth trailing kisses from the corner of her mouth to her ear. The tip of his tongue traced the outer swirls of her ear before sliding inside.

		 She sucked in her breath, then she shivered.			 Inakay siya nito patungo sa kama, barely breaking the kiss. Sa sumunod na mga sandali ay ang nagmamadaling pagtatanggal ni Ivan ng mga damit nila at ihagis ang mga iyon sa sahig. Nayumi gasped at the touch of his body against hers. He was fever hot. He bent her back over his arm and fastened his mouth on her breast, flicking his tongue against her nipple, then sucking hard. Nayumi couldn't contain her cries.

		 His knee parted her thighs then his hand went down to cup the apex of her thighs. Nayumi tensed.

		 "Relax, darling, I won't hurt you." 			 Of course, you'll hurt me, no matter what you do... Nang tumayo ito sandali kanina at naghubad, she had a glimpse of his sex. She was awed, mixture of fear and excitement filled her.			 She moaned and tensed her body as his finger delved deeper. She opted to tell the truth. "They say the initial pain doesn't last very long."

		 Then he went dead still. Tumaas ang katawan nito at tinitigan siya. Hindi siya umiwas ng tingin bagaman gusto nang sumabog ng dibdib niya sa matinding kaba sa galit na nasa mga mata nito. "Fu—ck you," he murmured furiously. 

		 "Oh, you will," she said cockily. "You can't stop now just because I'm a virgin, can you?"			 He gritted his teeth. "Oh, I can, believe me. Provided I don't touch you again."			 Her smile was faint. "How ironic. You're on top of me right now, just in case you have forgotten..." She took a breath. "Don't be damned honorable, Ivan, because you're not. You just said so. And this is just sex."

		 A muscle in his jaw flexed. His gaze were like daggers. Yes, this is just sex. "Perhaps you're right. It is just sex..." Then he kissed her again, a kiss that meant to punish. He ground his teeth against her lips and Nayumi could taste the blood in her mouth.

		 Muli ay gusto niyang matakot. She awaken the beast in him. But it's too late to turn tail now. Besides, she loved him. She wanted him. She would never forget tonight for the rest of her life.			 Subalit sandali lang ang karahasan. His kisses softened, his touch gentled. The wild black cat was tamed. And yet the urgency, the hunger, and the passion was not diminished.

*********Happy Weekends mga beshie :) Stay hydrated at mainit na ang panahon. Para na rin pala akong summer ngayon, since lagi naman akong HOT char hahaha - Admin A **************

16

HIS ARMS held her possessively. Kanina pa tulog si Nayumi subalit nanatili siyang gising. Pagkatapos ng mainit na pagniniig, pagkatapos ng sandaling kamatayan nang sapitin niya ang walang katumbas na kasukdulan, now he knew the difference between sex and making love.

He had had sex with Thea, and the women before her, and Lizzie. But he made love to Nayumi.Sa ibang mga babae, hanggang maaari, he preferred any position where he didn’t have to look into the woman’s eyes. It was impersonal that way.

But not with Nayumi. He wanted to see her face as she gasped and moaned in each and every thrust he made. And he wanted to see her eyes as she experienced that small death as he gave her her climax.

He had found paradise in that first moment of joining. He was his first lover. Hindi niya maiwasan ang makadama ng pagmamalaki.

Gusto niyang sabihin ditong hindi lang iyon sex. That he made love to a woman for the first time in his goddamn life. And that he couldn’t get enough of her… that he wanted it to go on and on until he couldn’t even raise a limb.

He wasn’t a selfish lover. Wala siyang natatandaang babaeng hindi niya nadala sa kasukdulan. Pero wala rin siyang babaeng natatandaang niyakap niya pagkatapos ng pagtatalik… maliban kay Nayumi.

Gumalaw at umungol ito. Hinagkan niya ito sa noo—another thing that surprised him. Hinawi niya ang buhok ni Nayumi palayo sa magandang mukha nito. Then her hand went instinctively around his chest. Muli itong nahimbing. Her body pressed tantalizingly against his.

Nanatili siyang gising at nakatitig sa kisame. Instant need and desire consuming him. Pero hindi niya kayang gisingin si Nayumi para pawiin ang pagnanasang nararamdaman. She was exhausted, and sore.

It was another first for him—caring.

At kinatatakutan niya ang maraming damdaming pinukaw sa kanya ni Nayumi. Para dito, he was her hero, her knight in shining armour. Pero pantasya ang mga iyon. Pagkatapos ng gabing iyon ay ano?

Kung sana’y natutupad ang mga kahilingan, he would just have but one wish—ang sana’y huminto ang pag-ikot ng mundo at manatili si Nayumi sa mga bisig niya.

HINDI matiyak ni Nayumi kung bakit siya nagising. Pero nakadarama siya ng pamamanhid ng katawan at pangangapos ng hininga. Sinikap niyang kumilos. Pagkuwa’y natanto niya ang dahilan kung bakit nagising siya.

Mahigpit na nakayakap sa kanya si Ivan na tila ba natatakot itong makawala siya. She smiled softly. Unti-unting niluwagan ang braso nito mula sa pagkakayakap sa kanya. Mula sa liwanag na nanggagaling sa lampshade ay tahimik niyang pinagmasdan ang magandang mukha nito. Banayad niyang hinaplos ng daliri ang mga labi nito.

She shivered a little. Oh, my god, what those lips could do.

“You warned me not to fall in love with you…” she whispered. “I said that won’t happen. Because it’s hard to fall in love with someone you already loved. But you won’t know that. No matter what tomorrow brings, I will always remember tonight, Ivan…”

Banayad niyang hinagkan ito sa mga labi upang hindi magising. Pagkatapos ay isiniksik ang sarili sa dibdib nito. Pagkalipas ng ilang sandali’y tulog na siyang muli.

**********Grabee kayooo Ivan at Nayumi, Sunday na sunday eh my goodness my innocent mind and body char hahaha. - Admin A . Kumusta kayo mga beshie? ****************

17

NAGISING si Nayumi na wala sa tabi niya si Ivan. Naghihikab siyang bumangon, bahagya nang binigyang-pansin ang pananakit ng katawan. Kinuha niya ang relo niya sa ibabaw ng nightstand. Alas-nuwebe ng umaga.

		 Napaungol siya nang maisip na wala siyang ibang damit kundi ang suot niya rin kahapon. Nakita niya ang mga iyon na maayos na nakatupi sa pang-isahang sofa. Kumunot ang noo niya. Bagong laba at plantsa ang mga damit. Kahit ang panties niya'y malinis.

		 Napangiti siya. Natitiyak niyang maagang nagising si Ivan at pinalabhan at pinaplantsa sa laundry ng hotel ang mga damit niya. How thoughtful.

		 Kumuha siya ng malinis na tuwalya sa ibabaw ng tokador at pumasok sa banyo at naligo. Hanggang sa makapagbihis siya'y wala pa rin ito. Sumilip siya sa bintana, nasa parking ang bike nito, ganoon din ang Hummer. Maaaring nasa lobby lamang ito.

		 Kinuha niya ang bag at lumabas ng silid. Nang mapadaan sa silid niya sa kabila ay bahagyang bukas ang pinto niyon at narinig niya ang tinig nito. Napahinto siya.			 "Nai-report ko na sa pulisya ang nangyari, Mr. Navarro..."

		 She frowned. Ang papa ba niya ang kausap nito?

		 "Tumawag lang ako ngayong umaga sa local travel agency, sir. Nai-book ko na ang flight para mamayang hapon.... ako na ho ang bahala sa pagpapakarga sa Hummer sa barko..."			 Umatras pabalik sa kabilang silid si Nayumi. Gustong sumabog ang dibdib sa sama ng loob. Pauuwiin na siya nito ngayong araw.

		 Pero hindi ba at iyon naman talaga ang plano niya? Ang kunin ang unang biyahe ngayong umagang ito?

		 I don't want you falling in love with me, Nayumi...			 Bakit kagabi ay handa niyang tanggapin iyon? Bakit ngayong umaga'y tila hinatulan siya nito ng kamatayan? Tinakpan niya ang bibig nang mahigpit upang huwag kumawala ang hikbi niya. Kung iiyak siya'y sa eroplano na. Hindi niya gustong kaawaan siya ni Ivan.			 Kagabi pa siya nagkukunwaring bale-wala ang lahat. It was just sex... Kaya niyang pangatawanan iyon ngayon.

		 Nang umingit ang doorknob ay mabilis siyang tumayo. Namamangha siyang nakuha pa niyang ngumiti nang sumungaw si Ivan sa pinto.

		 "'Morning..." she greeted awkwardly.			 Hinagod siya ng tingin nito. May nakiraan sa mga mata nito sandali na hindi niya kayang bigyan ng pangalan. "Nakabihis ka na pala," he said without any emotion.

		 "S-salamat sa pagpapa-laundry mo sa mga damit ko." Her voice almost cracked.			 Nagkibit ito ng mga balikat. Then tenderness crossed his eyes. "Are you all right?"			 I will be in a thousand years. "Why wouldn't I be?" Ang ngiti niya'y nakaplaster na sa mga labi niya.

		 The tenderness gone in an instant. "I have booked your flight to Manila this afternoon. Sasalubungin ka sa airport ni Kurt at ng papa mo. I'll take care of the Hummer."			 She bit her lip, pagkuwa'y tumango at muling ngumiti. "Thanks. Have you had breakfast? I'm starving."

		 "Sa coffee shop sa mall. Bukas na iyon pagdating natin doon. Let's go. Dederetso na tayo mamaya sa airport. Hindi na kailangang bumalik pa rito."

		 Tumango si Nayumi at umiwas ng tingin kung hindi ay baka mabasa nito sa mga mata niya ang damdamin niya. Hinawakan siya nito sa siko palabas. The warmth of his fingers on her skin made her want to weep but she held herself. Sa ibaba'y ibinigay ni Ivan ang susi sa reception.			 Dahil sa nangyari sa silid niya'y hindi na siya siningil ng manager sa room charges. Palabas na sila nang mula sa entrada ng hotel ay lumitaw ang babaeng nakatagpo niya sa dry market. Sa mga kamay nito'y nakatuon sa kanila ang isang baril.

		 "Thea, ano ang ibig sabihin nito?"

		 Sharp fear ran through Nayumi. Bigla'y tila tinakasan siya ng hininga. Sa kanya nakatutok ang baril ng babae.

Kumusta kayo mga beshie, sorry medyo busy na ulit si Admin A :(. Chat n’yo ako char hahaha - Admin A*

18

“THEA, ano ang ibig sabihin nito?” ani ivan, sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay natakot siya sa isang baril—dahil nakatutok iyon kay Nayumi. He absorbed the situation in one horrifying flash. Mananatili na marahil iyon sa isip niya sa habang-panahon.

		 Nang lumipat ang tingin ni Thea patungo sa kanya ay gumalaw rin ang baril palayo kay Nayumi. Bahagyang-bahagya lang pero para kay Ivan ay malaking bagay iyon.

		 "Papatayin ko ang babaeng iyan, Ivan," wika nito sa pinakamalamig at pinakamapanganib na tinig.

		 Beside him, he could feel Nayumi's fear. "Bakit mo gagawin ito, Thea?"			 "Bakit? Dahil mahal mo siya. At hindi mo kayang mabuhay nang wala siya. Lagi kang nasa tabi niya! At akin ka, Ivan... Akin ka lang!"

		 Sinisikap ni Ivan na huwag mag-panic. He had been in a situation worse than this. Walang dahilan upang hindi niya kayang gawan ito ng paraan.

		 Sa pakikipagnegosasyon sa mga terorista, o sa isang espiya na nakatakdang mabura sa mundo, o sa isang ex-fiancée na nawawala na sa katinuan ng isip at nakatakdang patayin ang kaisa-isang babaeng minamahal mo, ang pinakamatalinong magagawa ay ang sabihin kung ano ang gustong marinig ng mga ito.

		 Kailangan niyang bumili ng panahon at mag-isip kung paano ito malulusutan.			 isang hakbang ang ginawa niya palapit kay Thea.

		 "Huwag kang kikilos, Ivan!" itinaas nito ang baril kay Nayumi na biglang napasinghap nang malakas. Napahinto si Ivan sa paghakbang. Terror numbing his senses.

		 "Huwag kang lalapit man lang sa akin," mariing banta nito. "Alam ko ang mangyayari kapag pinayagan kitang makalapit. Hindi mo maililigtas ang babaeng minamahal mo."

		 "Hindi totoo ang sinasabi mo,Thea," wika niya. "Alam mong wala akong ibang minahal kundi ikaw—"

		 "Sinungaling!" she screamed. "Sinusubaybayan kita, hindi mo ba alam iyon?" Tumawa ito nang malakas na tila ba ipinagyayabang na napaglalangan nito si Ivan sa bagay na iyon. "Lahat ng ginagawa mo'y alam ko, Ivan. Alam ko nang ipagtanggol mo siya sa mga bataan ni Mayor."			 Ivan's jaw tightened. So, she was the one he saw lurking at the shadows that night.

		 "At lalong alam kong hindi ka nakikipag-date sa mga babae nang labis sa dalawang pagkakataon. Pero limang araw nang walang patid kayong magkasama ng babaeng iyan. Hindi ka man lang umuuwi sa farm!"

		 Habang tinititigan ni Ivan si Thea ay lalong natitiyak niyang wala na ito sa katinuan ng isip. Gusto nang sumabog ang dibdib niya sa takot. Tatlong metro ang layo nito sa kanila. At ni wala siyang mahagilap na bagay na maaaring maihagis dito upang mabitiwan nito ang baril.

		 Nakikita niya sa sulok ng mga mata ang isang malaking ashtray sa ibabaw ng front desk. Subalit isang dipa nang mahigit ang layo nila ni Nayumi mula roon at bago niya makuha iyon ay maipuputok na ni Thea ang baril kay Nayumi. Thea might not be a crack shot. But she knew how to fire a gun. Hindi ito mimintis.

		 "Thea, ang dahilan kaya mas malimit kaming magkasama ay dahil binabayaran ako ng ama niya bilang personal bodyguard niya habang naririto siya sa Davao. Ngayong hapon ay babalik na siya sa Maynila..."

		 Sandali itong natigilan. Pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Sinamantala iyon ni Ivan at sinusugan ang sinabi. "Nag-check out si Nayumi ngayon. Itanong mo sa front desk..." Itinuro ng kamay niya ang front desk pero hindi niya inaalis ang mga mata sa baril na hawak nito.

		 "Oh, naniniwala akong nag-check out na ang babaeng iyan ngayon," wika nito, ang mata'y tila lalong tumatalim. "Dahil iuuwi mo siya sa farm mo!" she screamed. "At huwag kang magkakaila dahil narinig kong pinag-uusapan ng mga boy nitong hotel kahapon."

		 Lalo nang nadagdagan ang takot na nararamdaman ni Ivan. Gusto niyang abutin ang kamay ni Nayumi at pisilin iyon pero nangangamba siyang baka mas makasama ang gagawin.

		 "Thea, nagkakamali ka. I was killing two birds with one stone. Ginagawa ko ang trabaho ko bilang bodyguard ni Nayumi. And yes, getting some easy sex at the same time..." Nakita niya sa sulok ng mga mata ang banayad na pag-igtad ni Nayumi sa sinabi niya. But his eyes never left his ex-girlfriend. Kasusuklaman siya ni Nayumi, pero gagawin at sasabihin niya ang lahat upang mailigtas ang buhay nito.

		 Paano niyang patatawarin ang sarili kung mapapahamak ito sa kamay ni Thea? He'd fought hardened criminals and terrorists most of his useless life. He had survived the Northern Ireland jungle for almost a week with Brad and Trace. Hindi siya makapaniwalang ang isang simpleng sitwasyong tulad nito ay wala siyang magawa.

		 "You're not a bodyguard, Ivan. Isa kang restaurateur. You love that bitch. Nakita ko ang pag-ibig sa mga mata mo nang hagkan mo siya sa parking sa palengke. Minsan man ay hindi mo ako tinitigan sa ganoong paraan. Ibinigay mo sa kanya ang pagmamahal na dapat ay sa akin!" Hindi na naka-focus ang mga mata nito nang maayos sa pagkasuklam at panibugho. Subalit ang baril sa mga kamay nito'y nananatiling nakatuon kay Nayumi.

		 "I-ikaw ang sumira sa Hummer!" nakatitiyak na sabi ni Nayumi na nakabawi sa pagkabigla.			 Tila baliw na humalakhak ito. "I only meant to scare you. Pati na ang pagsira ko sa mga gamit sa silid mo, para umalis ka na. Pero nagkamali ako. Sa ginawa ko'y inilapit kitang lalo sa kanya. Magkasama kayong natulog kagabi sa katabing silid. Kailangan kang mawala!"

		 Horror galvanized Ivan. Narinig niya ang pagkasa ng baril.

		 "No!" Sa isang kisap-mata'y itinulak niya si Nayumi palayo sa pinupuntirya ng bala at iniharang ang sariling katawan.

		 The bullet meant for the woman he loved slammed into his chest. Napaungol siya at bumagsak sa tiled floor ng hotel.

		 Narinig niyang sumigaw si Nayumi.

		 "Run!" he shouted to Nayumi weakly. Dahil ano man ang gawin niya ay hindi niya kayang takbuhin si Thea kung muli nitong papuputukan si Nayumi.

		 To his horror, Nayumi crawled back to him. Ibinalik niya ang mga mata kay Thea. Sa nanlalabong paningin ay nakita niyang humulagpos sa mga kamay nito ang baril at bumagsak sa sahig. Tila ito estawang nakatitig sa kanya.

		 "H-hindi ko sinasadya, Ivan... hindi kita gustong barilin..." wala sa sariling usal nito. Sumigaw ito at tumakbo palabas ng hotel.

		 Dinaluhan ni Nayumi si Ivan, nagpa-panic na tumingala sa front desk. "T-tumawag ka ng ambulansiya. Ihatid natin siya sa ospital..." Hindi na niya kailangang sabihin iyon dahil ang manager na mismo ang tumawag ng ambulansiya at mga pulis.

		 "Ivan... oh, please, no..." She sobbed hysterically. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin sa dugong umaagos sa sugat nito sa dibdib.

		 "Are... you all right? Hindi ka... nasaktan?"

		 Hindi makuhang sagutin ni Nayumi ang kabalintunaan ng tanong na iyon. Nilalabanan niya ang hysteria na umaahon sa dibdib. "Don't die, Ivan, please. I don't care if you don't love me... just don't die. Oh, god, please..." Sa mga matang pinanlalabo ng mga luha ay tumingala siya sa mga taong naroroon. "Dalhin natin siya sa ospital, please!"

****************Grabe naman ang nangyari sa baby Ivan ko huhuhu :( . Stay strong baby , nandito lang ako char. - Admin A **************

****Ano’ng bagong balita sa inyo mga beshie? - Admin A *****************

19

DALAWANG oras mahigit sa surgery si Ivan. Iyon ang pinakamahabang sandali sa buhay ni Nayumi. Kahit nang sabihin ng mga doktor na ligtas na ito at nasa recovery room ay nanatili siya sa waiting area.

		 Nang sumungaw sa pasilyo si Kurt pagkalipas ng tatlong oras ay sinalubong niya ito ng iyak at yakap. Nang ipasok sa operating room si Ivan ay tinawagan niya ito. Dumating si Kurt sakay ng FNC jet.

		 "How is he?" Inakay siya nito pabalik sa mahabang bench sa waiting area.			 Pahikbing sinabi niya rito ang sinabi ng doktor nang lumabas ito ng operating room pagkatapos ng tila habang-buhay niyang paghihintay.

		 "Nasa recovery room na siya kanina pa. The doctors said he lost a lot of blood, one of his lungs was punctured but the bullet missed his heart. He said Ivan's going to be all right."			 She held Kurt's arm frantically. "I don't want anything to happen to him, Kurt. Ilipat natin siya sa ospital sa Maynila..."

		 "Sshh. Calm down, Naya," he said firmly sensing hysterics and shock was about to set in. "Kung nasa recovery room na si Ivan, ipanatag mo ang bob mo. Ligtas na siya. Sinabi mismo ng mga doktor sa iyo. And Ivan's tough and strong as a bull. Higit pa sa ngayon ang dinanas niya at nalampasan niyang lahat."

		 She inhaled deeply and released the air from her lung slowly. Then breathed again and repeated the process. Kurt's right.

		 "Who shot Ivan, Naya?" Kurt asked calmly.			 "His ex-girlfriend. She was sick, Kurt. At siya ang may kagagawan ng pagkawasak ng Hummer at pag-ransack sa silid ko sa hotel."

		 "Was she apprehended?"

		 Umiling siya. "Wala pang kalahating oras nang ipasok si Ivan sa surgery ay dinala naman si Thea sa ER." Hindi niya mapigil ang panginginig sa sindak at pagkagimbal sa mga sunod-sunod na pangyayari. "Ayon sa mga nagdala kay Thea sa ospital ay tila baliw itong nagtatakbo sa gitna ng kalye. A car hit her."

		 Kinabig siya ni Kurt at niyakap. "Forget her, Naya. Hindi na siya makakapaminsala pang muli. Ipagpasalamat nating hindi malubha ang naging tama ni Ivan."

		 Humugot siya ng tissue paper at muling pinunasan ang sariwang luhang nagsimula na namang bumagsak. "Kilala mo ba si Thea, Kurt?"

		 May ilang segundong nag-atubili si Kurt bago sumagot. "Thea's the daughter of a former mayor in one of the towns here in Davao. Naging magkasintahan sila ni ivan sa loob ng anim na buwan. Ivan had every intention of marrying her and start a family. I thought it was good for him after all he'd been through. But Thea's love turned to obsession. Sinusundan niya si Ivan sa lahat ng lakad nito. Pinagseselosan ang bawat babaeng makilala nito..." Kurt paused. Then, "Do you know that Ivan owns the Taverna?"

		 Nayumi was surprised. "Does he?"

		 Tumango ito. "Maliban sa farm, iyan ang unang negosyong pinasimulan ni Ivan nang magretiro. One of the waitresses was close to him. She flirted with him openly. Ivan may be a lot of things but he established his own rules—no messing up with employees and clients..."

		 Walang kahulugan ang titig na ibinigay sa kanya ni Kurt nang lingunin siya. Subalit agad siyang umiwas ng tingin, na para bang nahuhulaan nitong may namagitan sa kanila kagabi ni Ivan.			 "Isang gabi ay tumawag sa Tavema ang landlady ng waitress at hinahanap si Ivan. Humihingi ng tulong upang madala ang waitress sa ospital. She was badly beaten..."

		 Nag-angat ng mukha si Nayumi pero hindi nagsalita.

		 "Ilang araw sa ospital ang waitress at takot na takot. Nang una'y hindi nito gustong sabihin kung sino ang may kagagawan ng pananakit dito. But Ivan promised her safety at nagtalaga ng isang kaibigang pulis na magbabantay dito sa ospital. Sinabi ng waitress na hindi nito kilala ang lalaking bumugbog dito subalit nakilala nito ang tinig ni Thea na nagmamasid sa dilim habang inuutusan ang lalaking gulpihin ito."

		 Napaungol si Nayumi. "W-what happened?"

		 "Ivan confronted Thea furiously... sa harap mismo ng ama nito. Hindi inaasahan ni Ivan ang agad na pag-amin ni Thea na tila ba ipinagmamalaki pa na ginawa nito iyon upang mawala na ang problema sa pagitan nilang dalawa..."

		 "She's sick!"

		 "Isn't she?" matabang na natawa si Kurt. "Sa mismong sandaling iyon ay tinapos ni Ivan ang ugnayan niya kay Thea. She went into hysterics. Sumisigaw, nananakot, at nagmamakaawang huwag siyang iwan ni Ivan. Tila isang malaking tinik ang nabunot sa dibdib ni Ivan nang araw na makalaya siya mula kay Thea.

		 "Ang ama ni Thea na hindi gusto ng iskandalo ay nakiusap kay Ivan na hikayatin ang waitress na huwag nang dalhin sa korte ang pangyayari. Sinagot nito ang lahat ng gastos sa ospital at iba pang personal damages at nangako kay Ivan na hindi manggugulo ang anak."

		 "What happened to the waitress?"			 "Sa pagkakaalam ko'y may asawa na. Sa isang pulis na kaibigan ni Ivan. Walong buwan na mula nang mangyari iyon, Naya."

		 "I'm happy for her, Kurt." Gumuhit sa isip niya ang pulis na nakita sa silid niya sa hotel kahapon. Iyon marahil ang napangasawa ng waitress. "Ayon na rin kay Thea, sinubaybayan niya si Ivan mula noon. Na-monitor niya ang lahat ng ginagawa nito."			 Napangiwi si Kurt. "Some women are toxic."

		 "Bakit mo alam ang lahat ng ito?"

		 Kurt took a deep breath. "Katungkulan kong alamin kung ano na ang nangyayari sa buhay ng mga kaibigan ko, Naya. Mag-aalok ng tulong kung kinakailangan. The three men who rescued you from being kidnapped six years ago aren't just comrades. They are my friends, sa kabila ng ilang taong katandaan ko sa kanila.

		 "Financially, all three of them are well-off. Their jobs paid well. Subalit ang buhay sa kabuuan ay hindi naging maganda para sa kanila. Ivan's father hadn't really been a father in the truest sense of the word. He'd met Ivan's mother while on assignment in Cotabato and left after a month and had totally forgotten all about her... tulad sa isang barkong nakiraan lang ng isang gabi."			 "P-paanong nakilala ni Ivan ang ama niya?"

		 "It took another assignment. Ivan was twelve... magulo ang buhay sa piling ng ina na kinasusuklaman ang anak dahil nagsilbing alaala ng panloloko ng ama. Call it fate, pero nagkitang muli ang mga magulang ni Ivan sa isang bar, owned by Ivan's grandparents. That was when Ivan's father learned of his son's existence. The mother had only been too willing to hand Ivan over to his father.

		 "Nakita ng ama ni Ivan ang isang potensiyal na agent-assassin sa katauhan ng anak. Ivan's eyes were the color of his father's except that they were filled with hatred and rebellion. He brought him to the States, sent him to school. Labingwalong taong gulang si Ivan nang ipasok ng ama sa SEAL. When Ivan's father died, the agency took him..."

		 "What about his mother?"

		 "She died years ago. Nauna pa sa mga lolo't lola ni Ivan."

		 May ilang sandaling nanatiling hindi kumikibo si Nayumi. She could imagine the boy that had been Ivan. Ni hindi nito naranasang mahalin ng mga magulang. Her heart went out to him.			 "Hindi niya naranasan kung paanong mahalin..." she murmured almost to herself.

		 "You can give it to him, Naya."			 Mula sa pagkakayuko'y biglang nag-angat ng mukha si Nayumi. "W-what did you say?"			 Kurt looked her up and down. "You're in love with him, aren't you, Naya?" patanong nitong sagot.

		 Muli siyang lumunok. "W-what made you say that?"			 "Mag-aalala ka sa nangyari kay Ivan pero hindi ka iiyak at maghi-hysteria nang ganyan kung wala kang pagtingin sa kanya. Nang tingnan kita kanina, bigla kong naisip na kuhanan ka ng silid dito sa ospital at ipa-confine. Babagsak ka anumang oras."

		 A resigned sigh came out of her lips. Muling nag-init ang sulok ng mga mata. "I didn't mean to love him, Kurt," pag-amin niya rito. "But I suppose I started loving a faceless knight since he saved me from being kidnapped. Oh, there was Trace and Brad, as you said. Pero si Ivan ang alam kong naroroon. It was him who I fantasized. At napagtanto ko lang ang damdamin ko sa kanya nang magkita kami at sabihin mo kung sino siya. At natitiyak kong hindi magiging ganito ang damdamin ko kung sinuman kinaTrace o Brad ang nakatagpo ko..."

		 "There's still one thing I don't understand, Naya. Bakit dito sa Davao mo napiling magtungo?"			 She sniffed. Idinampi sa ilong ang tissue paper. "More than two years ago, narinig ko ang pag-uusap ninyo ng Papa. Ipinakokontak niya sa iyo si Ivan para sa isang kaibigan na nakatanggap din ng kidnap threat. Sinabi mong nagretiro na siya at nasa bayan ng mother niya sa Davao..."			 Kurt was incredulous. So Alvaro was right all along. Pero hindi na nito isinatinig ang nasa isip.

		 "Subconsciously, I must have kept that conversation you had had with my father in my mind. Or perhaps my heart led me to him..." Muling nabasag ang tinig niya. Pinahiran niya ng tissue paper ang sulok ng mga mata.

		 "You must have meant something to Ivan, Naya. He took the bullet that was meant for you."			 A poignant smile was on her lips. "You said before he'd give his life to me... me as a client."

		 "Then perhaps you misunderstood me. Ivan was an agent-assassin. Just as I had been. He was trained to kill the bad guys—international spies, terrorists, assassins..." He paused, nagkibit ng mga baiikat. "I'm telling you, Naya, Ivan won't take the job as one of the president's men. But he would kill anybody who would want to assassinate the president.

		 "Nang sabihin kong handa niyang ibigay ang buhay niya sa iyo o sa kliyente niya, ang ibig kong sabihin ay mamamatay siyang ipinagtatanggol ka o kahit na sinong kliyente. Pero hindi niya sasadyaing tanggapin ang balang para sa kliyente. That's suicide. And Ivan, as far as I know was far from suicidal no matter how bad life had treated him. He's a survivor, a fighter..."

		 Hindi matiyak ni Nayumi kung makadarama siya ng pag-asa roon. It must have been human instinct for Ivan—to protect.

		 Nakuha ang atensiyon nila sa paglabas ng isang nurse mula sa recovery room. "Mrs. Henrick."			 Napatayo siya. "Yes?"

		 "Nasa silid na niya si Mr. Henrick, ma'am. Hindi pa siya nagkakamalay pero maaari na ninyo siyang puntahan."

		 "Thank you."	

		 "Mrs. Henrick?" usal ni Kurt nang bumalik sa recovery room ang nurse. A hint of smile hovering his lips.

		 "I had to tell them I'm his wife. Kung hindi ay hindi nila sasabihin sa akin ang totoong kalagayan ni Ivan," she said defensively.

		 Hindi sumagot si Kurt pero nanatili ang ngiti sa mga labi.

Hello everyone. Hoping everyone is okay . Happy day sa inyong lahat. :) Sana all happy char. Take care and God bless everyone. :) - Admin A**********

Epilogue

WALANG ingay na itinulak pabukas ni Ivan ang pinto sa office ng Taverna. Sa ilang sandali ay nanatili siyang nakatayo roon at pinagmamasdan ang asawa habang ang buong atensiyon nito’y nakatuon sa pagkukuwenta at pagbabalanse ng mga kinita ng dalawang restaurant na pag-aari nila.

		 Nayumi took charge of all the accounting. At sa kauna-unahang pagkakataon ay natanto nitong nasa mga numero at pagtutuos ang hilig nito.

		 His heart swelled with love as he looked at his wife. Who could have believed that somebody like Nayumi would love him, then marry him and live with him here in Davao? And, god, she was happy. She was actually happy. They'd been married ten months ago, the happiest day of his life.

		 Ang bawat araw sa piling ni Nayumi ay tila isang pasimula ng bagong buhay. Oh, there had been arguments and misunderstandings. Only because he was an arrogant bastard. Old habits die hard. But his wife had never made him feel unloved despite the individual differences they had.			 Humaplos ang mga mata niya sa tiyan ng asawa. His throat constricted with unshed tears. She was eight months heavy with their child... hischild.

		 Nang mahalin at ibigin siya ni Nayumi ay natitiyak niyang wala nang hihigit pang kaligayahan doon. She made him complete. But the coming of a child overwhelmed him. He could hardly breathe the first day Nayumi told him she was pregnant.

		 The next day, niyaya niya ito sa mall upang mamili sila ng gamit ng mga bata. Nayumi burst out laughing but she indulged him. He chose the baby things himself and Nayumi watched him with happiness in her eyes. Ni hindi nito pinuna kung tama o hindi ang mga pinipili niya. She was just too happy loving him.

		 Since they married, it was a new ritual for himto see the sun rise. Sa bawat pagsikat ng araw ayhindi niya nalilimutang magpasalamat sa kaligayahang tinatamasa ngayon.			 Happiness that he didn't think he deserved.

		 "Tigilan mo ang kakatitig sa akin at baka ako maglaho," nakatawang sabi ni Nayumi. Binitiwan nito ang ginagawa at inikot ang swivel chair paharap sa kanya.

		 Humakbang siya patungo rito. "Paano mong nalaman? Hindi ako gumawa ng ingay at abala ka sa ginagawa mo."

		 Her smile was sweet. "I can always feel you, Ivan. Isa pa'y lagi mong ginagawa iyon."			 Hinawakan niya ito sa mga balikat at banayad na itinaas. He kissed the tip of her nose. "And you don't like it?"

		 Tumingala si Nayumi, she lovingly touched his lips with her thumb. "I'll dread the day when you didn't look at me anymore..."

		 "Hindi mangyayari iyon. I love you so damned much I'd take my last breath loving you, Naya."			 "I love you, too, Ivan. So f—king much..."

		 "Oh, god, you're dirty." He faked a shock. "At sinasabi nilang naririnig ng bata sa tiyan mo ang sinasabi mo."

		 Tumiyad ito at ikinawit ang mga braso sa leeg niya. Pagkatapos ay hinagkan siya, the kiss filled with passion and desire. "Sshh. Kiss me. Oh, god, I want to make love, Ivan. It's been months, darling..."

		 Agad na tumugon ang katawan niya. Katunayan, kanina pa tumutugon ang katawan niya. Just staring at his wife made his loin stir. But of course, he couldn't make love to his eight-month pregnant wife much as he wanted.

		 "But I never stopped giving you a lot of orgasms, honey."'

		 "Now who's talking dirty?" she murmured against his mouth. "I want the real thing, Ivan..."			 He groaned. "I want it, too, honey. But you know we can't. So please stop teasing me like this. It's pure hell, dammit!" He agonizingly crashed his mouth against hers. His hand cupped her tender breasts which he was sure now filled with milk. He wanted his wife, probably would never tire of wanting her even when he was eighty.

		 But right now, he had to refrain himself even if it killed him. He had to take control of his urges. And of hers, too.

		 Nayumi groaned as if in pain. Kumawala mula sa kanya.			 "Naya, I'm telling you now. Stop this or—"

		 "Ivan, sumasakit ang tiyan ko..." Sinapo nito ang puson, napapangiwi. "B-baka manganganak na ako."

		 He tensed. "No. The doctor said it has to be another two weeks yet."			 "B-baka nagkakamali ang doktor... baka gusto nang lumabas ng anak ko..." Muli itong napangiwi sa pagsalakay ng sakit.

		 Nataranta si Ivan, hindi malaman kung saan iuupo ang asawa. Yakap sa baywang, padarag na inabot ang intercom at pinindot. "Mama... pumasok kayo rito, dali!" Binalingan niya ang asawa, binuhat at inihiga sa leatherette bench sa nanginginig na mga tuhod. "We'll take you to the hospital, honey."

		 Ilang sandali pa'y naroon na si Adora na siyang manager ng Taverna. "Bakit, ano ang nangyayari kay Naya?"

		 "Mama, mahigit pa lang sa walong buwan ang tiyan ni Naya. Hindi pa siya manganganak. I am taking her to the hospital. Pakitingnan n'yo siya at ilalabas ko ang sasakyan." He was rumbling. Ibinubukas-sara ang mga drawer ng mesa.

		 "Huwag kang natataranta, Ivan. Manganganak lang ang asawa mo," naiiling na sabi ni Adora, nilapitan ang anak.

		 "Mama, ayon kay doktora ay dalawang linggo pa. Shit!" usal niya nang mahagip ang susi ng sasakyan na nasa harap lang niya.

		 Napapailing si Adora. "Hindi ko gustong naririnig ang mga pagmumurang ganyan kapag nailabas na ang anak mo, Ivan," babala nito. "Manganganak na ang asawa mo. Dahil nanganganay, take or give fifteen days. Ikalma mo ang sarili mo at baka hindi ka makapag-drive nang maayos. Worse comes to worse, I can deliver my grandchild right here in this room."			 Halos matanggal ang ulo ni Ivan sa mga balikat sa pag-iling. "Oh, no! No... I mean, of course, you're a nurse, Mama. Pero..."

		 "Siya... siya, ihanda mo na ang sasakyan," utos ni Adora na pinipigilang mapangiti sa anyo ng manugang. Niyuko ang anak. "Madalas na ba ang sakit?" 			 "Malalayo pa naman ang interval, Mama, pero masakit..."

		 "Ihahanda ko ang kotse, hon." Nagmamadaling tinungo niya ang pinto. Bago tuluyang lumabas ay nag-aalalang nilingon ang asawa na pina-practice ang Lamaze method na pareho nilang dinadaluhan. "Are you all right, honey?"

		 "Minamadali na ng anak mo ang lumabas, Ivan," she said in between breaths. "Narinig niya ako kanina at alam niya kung gaano ako ka-desperate..." She let her voice trail off and winked at him wickedly.

		 "Shut up!" he hissed in between worry and amusement.			 "What was that all about?" nagtatakang tanong ni Adora.

		 Ivan glared at his wife and went out of the room. Nasa labas na siya ng pinto nang marinig ang malakas na tawa ng asawa.

		 Sa kabila ng pag-aalala, hindi niya napigilan ang pagguhit ng ngiti sa mga labi. Then he remembered he had to call his father-in-law. Nangako siyang tatawagan ito sa sandaling sumasakit na ang tiyan ni Nayumi.

		 His filthy rich of a father-in-law would surely arrive with a flair in FNC jet along with the Navarros. At ayon kay Kurt, malaki ang utang niya rito sa pagtatagpo nila ni Nayumi.

		 Ivan's heart swelled with love and happiness. Ilang minuto mula ngayon ay tatanggapin ni Alvaro ang unang installment ng pagbabayad niya—ang masilayan ang apo nito.

		 WAKAS

************Happy weekdays sa inyo at advance happy holidays na rin. :) Sana maganda ang gabi n’yo kahit umuulan . Mag-ingat kayo palagi mga beshie. :) - Admin A **************


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.