loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Kristine Series 25 - Have You Looked Into My Heart?

Kristine Series 25 - Have You Looked Into My Heart?

Marthacecilia Phr · 23 chapters · 28,656 words

Prologue

“SASABIHIN ko ba kay Kathleen kung saan ka nagpunta, Jared?” tanong ni Jordan sa kakambal na may kasamang panunudyo. Si Kathleen ang latest nitong girlfriend na gusto na nitong idispatsa subalit tila ito talaba na mahigpit na nakakapit sa gilid ng bato.

“Tell her or anyone else where I am and you’re dead meat!” Jared stared at his older brother threateningly. Pagkatapos ay sumakay na sa four-wheel drive jeep at ikinabit ang seat belt. “Kaya ko lang sinasabi sa iyo kung saan ako pupunta ay para madali mo akong matunton kung may importanteng pangyayari.”

“Seryoso si Carrie na magpakasal sa bago niyang boyfriend. Don’t you think that’s important?”

Jared’s face softened. “I am happy for her. Napaimbestigahan mo na ang Emilio Mendrez na ito at napatunayan mong mabuting tao. Sana’y maging maligaya si Carrie sa pagkakataong ito. Hindi ako nangangako, but i will try to be back on or before the wedding. May plano na ba kung kailan?”

“Nothing definite. But knowing Carrie, it’s gonna be soon. Anyway, ano sa palagay mo ang mapapala mo sa ginagawa mong ito?” Ibinalik nito ang usapan sa pag-alis ni Jared. Nakasandal ito sa poste ng garahe at nakakrus ang mga braso sa dibdib.

The twins could have been identical. Magkasintaas at halos magkahawig ang dalawa, maliban sa may-kaputian si Jordan at si Jared naman ay kulay-kamagong ang balat. And both were extremely good-looking.

Pero doon nagtatapos ang similarity ng magkapatid. Jared was the brown-eyed charmer and was dazzled by long-legged women with more boobs than brains.

While Jordan, who was ten minutes older, was fascinated by matured and intelligent women who carry briefcases larger than his.

And the Atienza brothers were the favorites of the paparazzi. Bawat iskandalong maaaring ikapit sa magkapatid ay pinagpipiyestahan ng mga ito.

“Gusto kong mag-unwind… mag-isip, bago dumating ang Papa at Mama mula sa Europa,” sagot ni Jared sa tanong ng kapatid.

“At sa asyenda sa Marinduque mo gustong magtungo?” nakangiting sabi nito. “Kunsabagay, natitiyak kong matutuwa si Lola Eleanor kapag dumalaw ka. It’s been more than a year since we last saw Grandma.”

Matagal-tagal na nilang hindi nadadalaw si Eleanor—their mother’s mother. Nang mamatay si Roberto, ang lolo nila, ipinasya ni Eleanor na mamirmihan na lang sa Marinduque. Ang papa nila, si Jake Atienza, ay biniling muli ang kapirasong lupang dating pag-aari ng pamilya ni Eleanor.

Hindi lang iyon, kasamang binili ni Jake ang malawak na lupaing katabi ng lupain ng namayapang mga magulang ni Eleanor. Kasabay niyon ay nagpatayo ng bahay-bakasyunan sa nabiling lupain si Jake para sa biyenan.

“Then there’s no need to lie of your whereabouts,” patuloy ni Jordan. “Natitiyak kong hindi ka susundan ni Kathleen doon at ng iba pang girlfriends mo.” He slanted a teasing smile at his brother. “Kathleen hated country life.”

Jared grunted. “Oh, she will follow me to hell, Jordan.” His smile was self-mocking. Pagkatapos ay nagpakawala siya ng malalim na hininga. “If only grandfather hadn’t made that stupid codicil in his testament.”

“It was your fault, anyway,” wika ni Jordan, dumilim ang mukha. “Binigyan mo ng dahilan ang Lolo para gawin iyon sa atin. Sukat mo ba namang sabihing wala kang intensiyong mag-asawa!”

“And I would have!” Jared’s sigh was troubled. “Kung hindi lang dahil diyan sa codicil na iyan.” Itinaas niya ang kamay at itinuro ang forefinger sa kapatid. “But don’t count on it.”

“Pareho nating hindi gusto na ang pinaghirapan ng Papa ay mauuwing lahat kay Uncle Ryan,” Jordan said grimly. “Ikaliligaya ni Uncle Ryan na mauuwi sa kanya ang Batangas paper mill, hindi dahil sa perang iaakyat niyon sa kanya kundi sagisag iyon ng pananagumpay niya laban sa Papa. Alam niya kung gaano kahalaga kay Papa ang pabrika na magkasamang itinatag at pinaghirapan nila ni Lolo. At sa isang kisap-mata’y iguguho ni Uncle Ryan ang paper mill. If only to spite Father.”

Nang mamatay ang lolo nilang si Don Benedicto Atienza, may apat na taon na ang nakalipas, ang kayamanan nito ay legal na ipinagkaloob sa dalawang anak na lalaki, kina Jake at Ryan.

Minana ni Ryan ang sangay ng Atienza Paper Mill sa Bulacan habang napunta naman kay Jake ang paper mill sa Batangas at ang isa pang malaking sangay sa Laguna. Maliban pa roon, ipinamana rin ni Don Benedicto kay Alexa, Jake’s wife, ang antigong mga alahas ng pamilya na ang halaga ay isa nang malaking kayamanan. Ganoon din ang mansiyon sa Maynila.

Ikinagalit ni Ryan ang hindi pantay na hatian at pilit na kinontesta sa korte. Ayon dito ay walang karapatang manahin ni Jake ang malaking bahagi ng kayamanan ng mga Atienza dahil hindi ito tunay na anak ni Don Benedicto kundi pamangking-buo na inampon nito nang maulila si Jake sa murang edad.

Subalit walang nangyari sa pag-apela ni Ryan sa korte. Don Benedicto’s testament was watertight.

Natitiyak nina Jordan at Jared na kaya ginawa ni Don Benedicto ang hindi pantay na paghahati ng mana dahil na rin sa katotohanang si Jake ang nagpalago sa negosyo ng mga Atienza. maliban pa sa natitiyak ni Don Benedicto na hindi ang uri ni Ryan ang magpapahalaga sa mga pinaghirapan nito.

Ryan was a chronic gambler. Sa sandaling mapasakamay nito ang Batangas mill ay natitiyak ng lahat na malulusaw iyong parang yelo. At kahit nang maipasa sa kamay ni Ryan ang paper mill sa Bulacan ay nanatiling utak pa rin ni Jake ang gumagana sa likod ng pananatiling nakatayo ng kompanya. Alam ni Ryan na hindi kayang pabayaan ni Jake na malugi ang kompanya bilang pagtanaw ng utang-na-loob kay Don Benedicto.

Sa nakalipas na mga taon mula nang mamatay si Don Benedicto ay hindi gaanong pinag-ukulan ng pansin nina Jordan at Jared ang codicil sa testamento ng abuelo. Subalit nitong nakalipas na taon ay ipinaalala iyon ng abogado ng pamilya.

Mula noon, ang mama nila ay lagi nang inuungkat ang bagay na iyon sa bawat pagkakataon. And to the dismay of the twins, their mother started playing the part of a matchmaker, though they couldn’t blame her.

Ang codicil sa testamento ni Don Benedicto ay nagsasabing kapag hindi makapag-aasawa ang magkapatid sa edad na treinta y tres, ang Atienza Paper Mill sa Batangas ay mauuwi kay Ryan.

Bilang pagsasaalang-alang sa damdamin ng mga anak ay nagpahayag ng pagtutol si Jake sa ginawang codicil ng ama at inihanda ang sarili sa pagkakaloob kay Ryan ng pabrika.

The twins were angered by Don Benedicto’s manipulation even in death. Ang galit ni Jared ay dahil napipigil niyon ang kagustuhan niyang manatiling malaya hanggang sa panahong gusto niyang itakda. Samantalang si Jordan ay nakatuon ang isip at damdamin sa katotohanang malaking bagay para sa mga magulang ang Batangas mill.

Bukod pa roon, estudyante pa lang sila ni Jared ay nagtatrabaho na silang magkapatid sa pabrika. At nang makatapos sila sa kolehiyo, kasama na si Jordan ng amang nagpapalakad ng Batangas at Laguna paper mills.

May mga kompanya nang naitayo ang mga Atienza sa nagdaang mga taon at pawang matagumpay lahat. Subalit mahalaga para kay Jake ang unang kompanyang itinayo ni Don Benedicto na kasama itong nagpalago.

The Batangas paper mill was Jake’s pride and joy. Doon ito unang pinagkatiwalaan ni Don Benedicto at sa kompanya ring iyon una nitong napatunayan sa ama ang kakayahan nito sa pagpapatakbo ng negosyo.

“And mother’s hell-bent on getting us married before our thirty-third birthday,” ani Jared sa kapatid. “Dammit, but we only have four months left!”

Nagbuntong-hininga si Jordan. Napakabilis lumipas ng mga taon. Mga taong ang buong atensiyon nito ay nakaukol sa pagpapaunlad sa mga negosyo ng pamilya.

“At higit kang dapat mag-alala kaysa sa akin,” patuloy ni Jared. “Because next to Father, nakasalalay sa mga balikat mo ang mga kompanya at alam kong hindi mo gugustuhing mapasakamay ni Uncle Ryan ang mga bagay na kasama kang naghirap.”

“Aren’t you worried yourself?” Jordan asked angrily. “Don’t you care about our parents?”

The codicil was stupid enough, pero ang ipamukha niya kay Jordan ang responsibilidad na tila ba hindi siya kabilang ay pumukaw ng iritasyon nito.

“Oh, I do,” sabi ni Jared at sinamahan ng nakakalokong ngiti na kung hindi siya kilala ni Jordan ay iisipin nitong bale-wala sa kanya ang problemang kaharap nila. “But there’s what you call ‘married of convenience,’ dear brother,” aniya sa magaan na tono. “Then file a divorce later. At maraming nakapila riyan para mapasang-ayon ko.”

“Really?” Umangat ang kilay nito. “So, how come you’re running away from Kathleen?”

Hindi agad niya masagot iyon. Ano nga ba ang iniaayaw niya kay Kathleen? Siguro dahil obvious ang pagpupursige nito na mabitag siya sa marriage net. Sa maraming pagkakataon ay gumawa ito ng paraan upang mapilitan siyang mag-propose. At lahat ng iyon ay naiwasan niya.

He hated scheming women.

He sighed. Tinitigan si Jordan. “Eh, ikaw, ano ba ang iniaayaw mo kay Simone? She’s perfect for you.”

Jordan’s nose flared. “Perfect, my ass.”

Ang nakakalokong halakhak niya ay nag-echo sa paligid na lalong ikinainis ni Jordan. “Hindi kita naiintindihan, Jordan,” patuloy niya, amusement still in his eyes. “Anak si Simone ng isa sa mga kasosyo ng Atienza Corporation. Her parents are equally rich. Ano ang problema?”

“Totoong masalapi ang mga magulang ni Simone, Jared. Pero bali-balitang malaking salapi ang nalugi kay Don Anselmo sa negosyong binuksan ng anak nitong lalaki sa Las Vegas. Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit hahangarin nilang magpakasal kami ni Simone.”

“Gosh, wala ka bang kompiyansa sa sarili mong katangian at puro salapi ang iniisip mong dahilan kaya hinahabol ka ng mga babae? In fact, I envy you, brother. You’ve got something that attracts women to you like flies to manure,” Jared added teasingly.

“Yeah. My money. Malaking bagay ang salapi para gustuhin ako ng kahit na sinong babae, Jared,” he said cynically. “You should know that more than anybody else.”

Umangat ang mga kilay niya. “Oh, I don’t think women want me for my money, Jordan. Alam ng lahat na bilang panganay ay ikaw ang may hawak ng lahat at aasa lang ako sa iyo—”

“That’s unfair, Jared!” putol nito sa sinasabi niya. “I built AtienzaTech without any help from our father!” Ang AtienzaTech ay sariling kompanya nito. It was a computer trading firm.

“Oh, alam ng lahat iyan,” sagot niya, not even a slight bitterness in his voice. “At alam din nilang ikaw ang nakatakdang maging chairman of the board ng AtienzaCo once Father retires, dahil iyon ang tradisyon. Everybody knows I have nothing to my name but an inheritance should Father die. Kaya natitiyak kong dahil sa gandang lalaki ko kaya nagkakandarapa ang mga babae sa akin.”

There was no conceit in Jared’s voice, just pure amusement. “And of course, there’s the ranch. Nabanggit na ni Lola Eleanor na balak niyang ipamana sa akin ang rancho. You don’t grudge me that, do you?”

“You can have the ranch, Jared,” wika nito, tumiim ang mukha nang tumingin sa kanya. “Tulad ko, alam natin parehong hindi mo kayang basta na lang ibigay kay Uncle Ryan ang mana ng Papa. So don’t pretend you don’t care at all.”

“Oh, I care, Jordan. Pero higit ka. Tulad ng Papa, pinaghirapan mo ang mga kompanyang minana niya sa Lolo.” Then he added in a singsong voice. “Besides, you’re the oldest and it is your duty to sire an heir to the family fortune.”

Jordan grimaced. Sire an heir. Kung hindi sa nanunudyong ngiti ni Jared ay iisipin nitong bumalik sila sa panahon ng mga hari at reyna.

“Sampung minuto lang ang tanda ko sa iyo, Jared. Why can’t you be as responsible?”

“Ikaw ang henyo pagdating sa negosyo,” patuloy ni Jared. “You should take care of the family fortune.”

“I have done my part,” he said irritably. “At hindi ako naniniwalang wala kang alam. Ginagamit mo lang na dahilan iyan para makapagpatuloy ka sa mga kalokohan mo. Kung titigil ka sa pagiging palikero at tulungan akong—”

“Palikero!” He faked an indignant tone. “Is it my fault that women love me?”

Hindi sumagot si Jordan, sa halip ay isang naiiritang buntong-hininga ang pinakawalan. “So, what shall I tell everyone?”

“Sabihin mo sa lahat na nasa Timbuktu ako, for all I care.” He laughed carelessly. Pinaandar na niya ang makina ng four-wheel drive, pagkatapos ay nilingon ang kapatid. “And, my dear brother, magmadali kang maghanap ng mapapangasawa.”

Isang nakakalokong tawa ang iniwanan niya sa kapatid.

*************Kumusta mga beshie? Tagal ko ring hindi nakapag-update pasensya na. Nagkasakit me kaya bumawi talaga ako ng pahinga at ito na ulit ako ngayon. Sobrang miss ko na kayong lahat!! Sana na-miss n’yo rin ako hahahaha, sadghorl lang char hahaha.  I love you all. Take care always mga beshie. :) - Admin A ****************

1

MULA sa mataas na bahagi ng burol ay sinisipat nang husto ni Serena ang lalaking nasa ibaba at nagmamando sa apat pang lalaking nagkukumpuni ng sirang bakod na naghahati sa dalawang lupain.

“May bago bang kapatas ang katabing rancho, Tiya Adel?” tanong niya sa matandang nangunguha ng pakô sa gilid ng bundok. “Ngayon ko lang siya nakita rito sa atin.”

Itinuwid ng matandang babae ang katawan, inilagay sa basket ang mga naaning pakô. “Sino ba ang sinasabi mong kapatas?”

Inginuso niya ang mga nasa ibaba ng burol. “Iyon hong nakapamaywang.” Bagaman hindi gaanong malinaw sa paningin niya ang mukha ng lalaki dahil mataas ang burol na kinaroroonan nila ay nakikita niyang mataas ito. Higit na mataas kaysa sa mga taong kasama nito.

He was also naked from the waist up, with muscular body. The way he stood made him distinct from the rest of the men. Para sa isang kapatas lang ay makatawag-pansin ang lalaki.

Hinawi ni Tiya Adel ang sanga ng punong-kawayan at sinipat sa ibaba ang sinasabi niya. Kumunot ang noo nito sa pagsisikap na kilalanin ang itinuturo niya.

“Kung hindi ako nagkakamali ay iyan ang apo ni Eleanor,” wika nito. “Isa sa kambal. Hindi ko nga lang matiyak kung ang bunso o ang panganay.” Muling binitiwan ni Tiya Adel ang sanga ng punong-kawayan.

Nagsalubong ang mga kilay ni Serena. Sa pagitan ng mga sanga at dahon ng kawayan ay muli niyang itinuon ang pansin sa ibaba.

“Eleanor? Kambal? Sinong Eleanor ang sinasabi ninyo?”

“Tagarito ang pamilya ni Eleanor, Serena. Taga-Ilaya. Mga apo niya ang kambal. Hindi mo nga pala nabalitaang ipinagbili na ni Mrs. del Castro ang lupain nila sa mga Atienza nang mamatay ang asawa niya. Hindi ka naman kasi naglalagi rito sa Manzanares,” sagot nito habang patuloy sa pamimitas ng talbos ng pakô.

Serena was thoughtful. “Tiya Adel, hindi ba at malawak ang lupain ng mga del Castro? Higit na malawak kaysa sa atin?”

“Totoo iyon,” sagot ng matanda. “At kaya lang naman lumawak ang lupain ng mga del Castro kaysa sa lupain natin ay dahil naipagbili sa kanila ng papa mo ang dalawampung ektaryang lupain ninyo.”

Ang sinabi nito ay nagdulot ng pait sa dibdib niya. Pero agad niyang pinalis ang nararamdaman. Anuman ang gawin niya ay hindi na mababalik sa kanila ang kanilang lupain.

“At lahat ng dating lupain ng mga del Castro ay pag-aari na ngayon ng—” Sandali nitong inisip ang pangalang binanggit ng mayordoma “—ng mga Atienza?”

“Ganoon na nga. Ang babaeng del Castro ay sa ibang bansa na namirmihan, sa anak niya roon.” Sinuri ni Tiya Adel ang mga pakông napitas. “Tama na itong ensalada,” wika nito, mas sa sarili ang sinasabi.

“Kung nabili ng mga ito ang ekta-ektaryang lupain ng mga del Castro, kasama na ang dati nating lupa, di tiyak na milyonarya ang Eleanor na ito, Tiya Adel.”

“Kung si Eleanor mismo ang tinutukoy mo ay hindi siya masalapi, Serena, kundi ang manugang niya. Ang isang anak niyang babae ay nakapag-asawa ng may-sinasabi. Ang manugang niya ang bumili ng mga karatig-lupain.”

“Hmm…” Nakuha nang husto ang interes niya. Pagkatapos ay muli niyang hinayon ng tingin ang ibaba ng burol, naroroon pa rin ang mataas at matipunong lalaki.

Sa pagkakataong iyon ay natanaw niyang tinutulungan nito ang tatlong tauhang itayo ang poste na pagkakapitan ng barbed wire. Kumislap ang pawis nito sa likod mula sa panghapong sikat ng araw. She could almost see his back muscles flexed.

“Ano ang negosyo ng mga Atienza, Tiya Adel? Ang buong pamilya ba’y nakatira sa dating bahay ng mga del Castro?”

“Aba, hindi. Pinatayuan ng bagong bahay si Eleanor ng manugang niya. Nanatiling katiwala ng mga Atienza ang nakatira sa bahay ng mga del Castro. At sa pagkakakuwento ni Eleanor sa akin ay isang kilalang negosyante ang manugang niya. Sa lupa at bahay yata ang negosyo nito at hindi ko masyadong naintindihan ’yong isa pang sinabi—”

“Yes!” bulalas ni Serena na pumutol sa sinasabi ni Tiya Adel. Gumitaw sa isip ang malaking logo ng AtienzaCo sa naglalakihang cargo vans. “AtienzaCo, Tiya Adel! Isang freight company at sa ilalim din ng kompanyang iyon ang malaki at kilalang real estate developer sa buong Pilipinas!”

“Ah, iyon nga yata ang sinabi ni Eleanor.”

“And there’s also the AtienzaTech. Supplier ng mga computer, computer parts at accessories. Katunayan, ang opisinang pinagtatrabahuhan ko’y sa AtienzaTech kinuha ang lahat ng computers. Hindi gaanong malaki ang AtienzaTech kung ikokompara sa dalawang nauna, gayunma’y nagsisimulang magkapangalan. Isa sa mga kalaban ng Intel…”

“O, eh, di masalapi nga,” matabang na sagot ni Tiya Adel. “Kung hindi ba nama’y mabibili ba ang di-birong lupain ng mga del Castro na lalong lumaki nang madagdag ang lupain ng papa mo.”

Excited na humarap siya sa tiyahin. “Tiya Adel, binata ba ang apong iyan ni Eleanor?” she asked with obvious interest.

Nilinga ni Tiya Adel ang paligid bago atubiling ibinalik ang pansin sa kanya. “Kailan ka pa nagkainteres sa mga kapitbahay nating lalaki, Serena?’

******Kuwentuhan n’yo naman ako mga beshie dami ko ng namiss na mga kwento galing sa inyo eh hahaha char. :) - Admin A **************

2

She smiled sweetly. “Basta, Tiya.”

“Sa pagkakaalam ko’y binata.”

Ibinalik niya ang mga mata sa ibaba ng burol, patuloy ang apat na lalaki sa pagbabaon ng poste at ngayon ay medyo napalayo na sa dating kinatatayuan ng mga ito.

“Tiya, hindi n’yo ba naiisip na ang mga Atienza ang kasagutan sa lahat ng suliranin natin?” Napuno ng excitement ang tinig niya.

Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Tiya Adel. “Ano ba ang pinagsasasabi mong bata ka? Paanong malulutas ng mga Atienza ang pinansiyal nating suliranin? Mangungutang ka ba sa kanila?”

She half rolled her eyes heavenward. “Para namang may magpapautang sa atin ng salaping kakailanganin natin nang walang kolateral,” aniya at napangiwi. “At kung maghimala at may magpapautang, paano naman natin iyon babayaran?”

“Nag-aalala ako, Serena. Bakit hindi na lang natin sundin ang suhestiyon ng abogado? Ipagbili mo na nang tuluyan ang nakasanglang lupain at sa Maynila na lang tayo manirahan. Tutal, ayon sa abogado ay may nakahandang bumili ng mga ari-ariang ito anumang oras. Ang pagsang-ayon mo lang ang hinihintay…”

Marahas siyang umiling. “Naubos ang salapi ni Papa sa paghahanap kay Christian at sa pagpapagamot sa Mama. At hindi ako papayag na ang natitirang ari-arian ng mga Manzanares ay tuluyang mawala.”

Hinayon niya ng tingin ang ibaba ng burol at ang malawak na lupaing nakapaligid.

“Ang lahat ng ito’y pamana ni Christian. Hindi ito dapat mawala sa kanya!” Serena cried passionately.

“Sa iyo ipinamana ni Don Edmundo ang lupaing ito,” wika ng matanda sa pormal na tinig. Nagpapahiwatig ng disgusto sa huling sinabi niya.

Isang masuyong ngiti ang ibinigay niya rito. Kung paanong ikinagalak niya nang labis ang muling pagbabalik ni Christian sa asyenda ay siya namang kabaligtaran ni Tiya Adel. Wala ito kahit na kaunting pagtingin sa binatang Manzanares na kung tutuusin, bagaman malayo na, ay mas kadugo nito kung ihahambing sa kanya.

Si Tiya Adel ay malayong kamag-anak ni Don Edmundo Manzanares na hindi na nag-asawang muli mula nang mabiyuda. Ito rin ang katiwala ng buong asyenda habang nasa Maynila siya.

“Dahil inakala ng Papa na patay na si Christian, Tiya,” katwiran niya. “Subalit ngayong nagbalik siya’y hindi ba dapat na sa kanya ang lahat ng natitirang ari-arian ng mga Manzanares?”

“Kung may natitira pa, Serena,” matabang nitong sagot. “Bakit hindi mo ipagtapat kay Christian na bukod sa mansiyon ay ilang ektaryang lupain na lang ang natitirang pag-aari ng mga Manzanares?”

“Hindi, Tiya!” mariing sabi niya kasabay ng iling. “Sa sinapit ni Christian sa nakalipas na mga taong pagkawala niya ay hindi kailangang bigyan ko siya ng suliranin.”

Muling napabuntong-hininga si Tiya Adel. Hindi nito sinasang-ayunan ang ideyang pagkakaila ni Serena kay Christian ng tunay na kalagayan ng mga Manzanares. Kung isang Manzanares si Christian, at bilang anak ng namayapang Edmundo Manzanares, karapatan nitong malaman ang katayuan ng asyenda At dapat itong tumulong kay Serena na mag-isip at gumawa ng paraan kung paano malulutas ang pinansiyal nilang suliranin.

“Kung ganoon, anong kalutasan ang nakikita mo sa pagkakatitig mo sa apo ni Eleanor?” nalilitong tanong nito.

Muli niyang sinulyapan ang ibaba ng burol. “Gusto kong makilala ang lalaking Atienza, Tiya.” Her voice was soft and yet it was filled with strong determination.

“Madaling gawan ng paraan ang gusto mong mangyari. Pero ano ba ang binabalak mo, hija?”

“Kung walang asawa at nobya ang lalaking Atienza ay malaki ang posibilidad na magustuhan niya ako.” There was no conceit in her soft voice. ang naroon ay katiyakan na nadagdagan ng determinasyon sa susunod na sinabi. “Gagawin ko ang lahat para magustuhan niya ako, Tiya.”

Isang masuyong ngiti ang lumitaw sa mga labi ng matanda. “Bulag lang ang lalaking hindi magkakagusto sa iyo, Serena. Hindi kailangang gumawa pa ng mabigat na hakbang para magustuhan ka ng sino man.”

“Salamat, Tiya,” Serena said drily. Totoong marami siyang manliligaw at nakadalawang boyfriend na rin naman siya. But when it came to men, her silly heart wasn’t a good judge. It picked liars and cheaters. Of course, sa simula’y hindi naman niya alam na maling lalaki ang pinili niya. Sa huli na lang niya nalalaman iyon.

Inalis niya sa isip ang dalawang disastrous relationships niya at ibinalik sa topic ang usapan. “Nararamdaman kong ang Atienza na iyan ang kalutasan ng ating suliranin…”

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Tiya Adel. “Hindi ko yata gusto ang tinatakbo ng isip mo, Serena.”

Nakarinig sila ng kaluskos mula sa may likuran, ng mga natatapakang tuyong sanga at dahon. Pareho silang lumingon ni Tiya Adel. Sumungaw mula sa kawayanan ang isang payat at matandang kabayo. Sa ibabaw nito ay isang lalaki.

“Christian…” Serena smiled lovingly at the lanky but handsome man. Christian was her stepbrother. He was twenty-seven, dalawang taon ang katandaan sa kanya.

“Nangangabayo ako sa paligid nang maulinigan ko ang mga tinig ninyo ni Tiya Adel,” wika nito. Sa likuran nito’y ang pipitsugin at matandang kabayo na siya nitong sinasakyan. “Ano ang ginagawa ninyo rito, Serena?”

“Naisipang manguha ng pakô ni Tiya Adel para gawing ensalada, Christian,” aniya, hindi pinansin ang patagong pagngiwi nito. Niyuko niya ang relo sa braso. “Mag-aalas-onse na rin lang, tayo nang umuwi.”

“Nalibang tayo nang husto,” ani Tiya Adel. Humakbang ito patungo sa isang maliit na landas na pinanggalingan nila. “Pasisingawan ko pa itong mga pakô. Sana’y nakasaing na si Elvie.” Ang tinutukoy nito ay ang dalagitang natitirang katulong ng mga Manzanares.

Binaybay nila ang landas patungo sa likuran ng makakapal na punong-kawayan. Sa kabila ng mga iyon niya itinali si Thor, ang stallion ni Serena.

Kasunod nila si Christian na pilit hinahawi ang mga siit na humaharang sa dinadaanan ng kabayo. Sa likod ng mga punong-kawayan at malalagong talahiban ay naroon ang nanginginaing stallion.

Inalis niya ang pagkakasabit ng renda ni Thor sa sanga ng kahoy. Pagkatapos ay itinaas niya ang kanang paa sa stirrups at sumampa sa kabayo. Pinalakad niya ito malapit sa may nakahapay na punong-mangga kung saan maaaring tumuntong si Tiya Adel upang sumampa.

“Halina kayo, Tiya.” Inabot niya ang kamay nito nang makatuntong sa puno si Tiya Adel at hinila paitaas sa likuran ng kabayo.

Hustong nakaupo si Tiya Adel nang biglang tumaas ang dalawang unahang mga paa ng kabayo, humalinghing. Sapat iyon upang mawala sa puwesto ang matanda at mapadausdos. The stallion bolted and ran.

“Thor!”

“Serena!” magkasabay na sigaw nina Tiya Adel at Christian.

Kung hindi sanay si Serena na mangabayo mula nang dalagita siya ay malamang na sa unang pagdamba pa lang ng kabayo ay naihulog na siya nito. Ipinagpasalamat niya sa mga sandaling iyon ang maraming araw na ginugol ni Don Edmundo na paturuan siyang mangabayo.

Humigpit ang kapit niya sa renda ni Thor at sinikap itong pahintuin. Subalit patuloy si Thor sa mabilis na pagtakbo nang walang direksiyon.

Ang tinalunton ng kabayo ay ang pababa sa burol patungo sa kabilang lupain. Hindi miminsang yumuko si Serena upang iwasan ang mga matutulis na sanga ng punong-kawayan na tumatama sa mukha niya.

“Thor, hoo!”

******************Happy weekends mga beshie. :)- Stay safe always lalo ngayon na may MonkeyPox na naman. - Admin A ***************

3

NAG-ANGAT ng ulo si Jared nang marinig ang malakas na tinig ng isang babae at ang mga yabag ng tumatakbong kabayo.

Napakunot ang noo niya nang makita ang mabilis na pagtakbo pababa ng burol ng magilas at malaking kabayo. Tumaas-baba sa saddle ang sakay nito. Ang maiksing blusa nito ay umaangat din, exposing her midriff. Ang buhok ay inililipad ng hangin palayo sa mukha nito.

On top of the runaway horse, the woman looked like a warrior. Sa ibang pagkakataon, he would be fascinated, both by the horse and its rider. It was like watching a scene in a movie, only it wasn’t. Nakaramdam si Jared ng panganib para sa babae.

Nakikita niyang tila wala itong kontrol sa kabayo. Nauulinigan niya ang malakas nitong sigaw habang pinahihinto ang stallion.

“Ihuhulog ng kabayo ang babaeng iyon, boss!” bulalas ng isa sa mga tauhan niya.

Aw, shit.

Instinctively, tinakbo ni Jared ang Wrangler Jeep niyang nakaparada sa di-kalayuan. Wala siyang ideya kung paano pahihintuin ang isang runaway horse. Ni hindi siya marunong man lang mangabayo. All his life he lived in the city. Pero iisa ang nasa isip niyang gagawin. Sasalubungin niya ang mga ito sa kabilang direksiyon.

“WHOA, Thor!” sigaw ni Serena, umaasang maririnig siya ng thoroughbred. Subalit patuloy sa mabilis na pagtakbo ang hayop. Gusto nang sumabog ng dibdib niya sa malakas na balya ng hangin.

Hindi niya naiintindihan. Walang dahilan upang umalma nang ganoon ang kabayo. Ang alam niyang dahilan upang tumakbo nang ganito ang alinmang kabayo ay kung natakot. Takot na maaaring manggaling sa ahas, sa putok ng baril, o di kaya ay sa halinghing ng kapwa kabayo.

“Thor, please! Hoo… hoo!”

She clutched the reins tightly and held on for dear life. Kahit paano ay pilapilan ang tinatakbo ng kabayo. Wala na ang mga sanga at dahon ng mga punong tumatama sa mukha niya.

Her heart was pounding in her ears. Ang malamig na hangin ay tila bumabayo sa dibdib niya. Nagsisimula na siyang makadama ng takot.

Or was it hysteria?

Hindi siya dapat mag-panic. Kapag pahihintulutan niyang mangyari iyon ay baka tuluyan siyang mapahamak.

“Thor, please! Hoo!” muli niyang sigaw, her voice was trembling. Now she knew she was really scared.

Hanggang saan tatakbo ang kabayo? Paano kung ang patutunguhan nila ay ang burol sa kabilang dulo ng lupain? At kung tatalon siya sa kabayo ngayon, para na rin niyang tiniyak ang kapahamakan niya.

Ang lupaing tinatakbo ni Thor ay dating bahagi ng Hacienda Manzanares. Natitiyak niyang bagaman pilapilan ang lupang tinatakbo nila ay burol ang dulo ng kapatagang natatanaw niya na ang ibaba ay dalampasigan.

Hindi matarik ang burol, humigit-kumulang walong talampakan lang ang taas niyon. At buhanginan ang ibaba. Sa ibang pagkakataon, kaya niyang patalunin doon si Thor tulad ng ginagawa niya noong dalagita pa.

Pero hindi sa pagkakataong iyon na wala siyang kontrol sa hayop. Hindi sa sandaling iyon na natatakot ang kabayo sa kung ano mang dahilan. It was as if Thor was running for its very life.

Mahusay siyang mangabayo. Doce años siya nang magsimulang paturuang sumakay sa kabayo ni Edmundo Manzanares ilang buwan lamang matapos nitong pakasalan ang kanyang ina. Katunayan, nang matiyak ni Don Edmundo na mahusay na siyang mangabayo ay iniregalo nito sa kanya si Thor—na nang mga panahong iyon ay isang munting bisiro.

At alam niyang kahit na sinong mahusay na mangangabayo ay posibleng ihagis ng kabayo mula sa likuran nito, lalo sa ganitong sitwasyon.

And she could die!

Namuo ang luha sa mga mata ni Serena. Hindi siya maaaring mapahamak, hindi siya maaaring mamatay! Lalo na ngayong muling nagbalik si Christian! Her stepbrother needed her. Obligasyon niyang muling ibalik sa dating karangyaan ang asyenda at ang Villa Manzanares para dito.

Kung mamamatay siya ay maiiwan ang maraming utang kay Christian. At paano nito haharapin ang ganoong problema? Ni hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral. He didn’t even look healthy. Ano ang malay niya kung may sakit ito at kailangang maipagamot? Halos isang buwan pa lang mula nang magbalik si Christian.

Ang mga luhang nanatiling nasa mga mata niya ay humilam sa kanya. Sa ilang sandali ay wala siyang makita. Nawawalan na siya ng pag-asang mapahinto si Thor. She was left with one choice—at iyon ay ang tumalon bago ito dumeretso sa ibaba ng burol.

Hindi pa man ay namimighati na siya sa maaaring mangyari sa kanilang dalawa. Nang mula sa kung saan ay makarinig siya ng ugong ng makina. Makina ng isang sasakyan. Papalapit iyon sa kanila na tila nakikipaghabulan sa kabayo niya.

Ikinurap niya ang mga luha sa mga mata. Lumingon siya sa likuran, sa bandang kaliwa. Nakasunod ang sasakyang hindi na kalayuan sa kanya. It was a top-down Jeep.

Naririnig niya ang tinig ng driver niyon bagaman hindi niya naiintindihan. Nakikita rin niyang umaangat sa lupa ang Wrangler dahil pilapilan ang dinadaanan nila. Gayunman ay hindi nagmemenor ang driver.

“Iwanan mo ang kabayo!” narinig ni Serena na sigaw ng driver nang halos kabuntot na niya ito.

“H-hindi ko kaya!” she shouted shakily.

She now realized that the driver of the vehicle was trying to rescue her. Nabuhayan siya ng pag-asa. Bagaman nag-aalala siya sa maaaring mangyari sa kabayo ay lalong hindi naman niya mapapayagang may mangyari sa kanya.

“Dammit!” he cursed. “Sisikapin kong makaagapay sa iyo! Tumalon ka patungo rito sa Jeep!”

Niluwagan niya ang pagkakahawak sa renda ng kabayo habang nililingon ang Wrangler. Ilang sandali pa ay nakaagapay na ito.

“Talon!” shouted the man.

Nahihimigan niya ang pag-aapura at galit sa tinig ng lalaki. Nang tumingin siya sa unahan ay nakita niyang ilang metro na lang at tutumbukin na ng sasakyan nito ang isang malaking puno.

“Damn it, woman! Bitiwan mo na ang renda at tumalon ka sa sasakyan!”

Hindi alam ni Serena kung paano niya natanggal ang mga paa sa stirrups. Subalit sa isang sandali’y umalis ang kanang paa niya sa kabayo at tumalon patungo sa kanang upuan ng sasakyan.

At hustong lumapat ang mga tuhod niya sa leatherette na upuan ay marahas na kinabig ng driver pakaliwa ang manibela upang iiwas sa puno na halos isang dipa na lang ang layo mula sa bumper ng four-wheel drive. Naging sanhi iyon upang sumubsob siya sa kandungan nito.

The next thing she knew, nakahinto na ang Wrangler. Her breathing pounded in her ear. At nararamdaman din niya ang pagtaas-baba ng dibdib ng tagapagligtas niya at ang marahas na paghinga nito.

“Natitiyak kong hindi napasama ang pagkakasubsob mo,” said the man, with a voice that was obviously masculine and… mocking?

Then to Serena’s horror, she found out that her face landed in the middle of the man’s thighs. Her mouth right on the bulge of his denims!

“Why, you’ve landed ver—rrry nicely,” he added drily.

Nanghilakbot si Serena. Hindi matiyak sa sarili kung kaya niyang harapin ito. Bigla niyang inangat ang sarili mula sa kandungan nito na dahilan upang tumama ang ulo niya sa manibela.

Napaungol siya nang malakas.

Mabilis na napaangat mula sa pagkakasandal sa upuan ng jeep ang lalaki at agad na hinawakan si Serena upang alalayan at iangat nang maayos.

“My god, you’re a disaster area!” he muttered, habang ang kanang kamay nito na nasa likod niya ay hinawakan ang kanang balikat niya.

But his left hand miscalculated. One large and powerful hand grabbed the side of her left breast.

Malakas na napasinghap si Serena. She opened her mouth to vehemently protest the intimacy. Subalit walang tinig na lumabas sa bibig niya.

She was mortified.

Hindi niya malaman kung ano ang unang mararamdaman: ang sakit ng ulo niyang tumama sa manibela; o ang kaliwang binti niyang nabali yata nang talunin ang upuan ng sasakyan nito; o ang magkasamang panghihilakbot at kahihiyan dahil sa pagkakasubsob niya sa mismong… hrmp… kandungan nito; o ang pagkakahawak ng lalaki sa dibdib niya.

Must be all of the above!

Perhaps falling off her horse would have been preferable, after all. Tutal mukhang mamamatay rin naman yata siya sa kahihiyan.

Marahas niyang tinabig ang kaliwang kamay nito. “I… I am all right,” she croaked, itinuwid ang katawan kasabay ng paghugot ng hininga.

Inayos niya ang sarili at sumandal. Ang isang kamay niya’y dinama ang likod ng ulo niya. She winced. Damn. Nabukulan yata siya.

“Masakit ba?” tanong ng lalaki.

She almost rolled her eyes. Why do people always ask the very obvious?

Still, hindi niya makuhang humarap dito. Nag- iinit pa rin ang mga pisngi niya sa kahihiyan. He was so close that his smell assaulted her nose. He smelled of sun, earth, staled expensive cologne, and the man himself.

Sa maikling salita, amoy-araw ito. But why, oh, why a shiver like summer lightning ran along her spine? She shook her head mentally and glanced around her.

Natuunan ng mga mata niya si Thor na tahimik na nanginginain sa damuhan di-kalayuan sa kanila na tila hindi nangyaring muntik na silang parehong mapahamak.

“Oh, Thor…” Nalimutan niya ang sakit ng ulo at mabilis na tumalon pababa mula sa Wrangler Jeep at paikang nilapitan ang thoroughbred.

******Hello mga beshie, pasensya na slow update ang ate n’yo char hahahaha, medyo busy lang din talaga at nabawi pa ng pahinga. :) Pero pag may time naman babawi tayo. Love ko kayo! Sana all love char hahaha - Admin A ******

4

TALK about sexy! The wench had a very nice derriere. Slim though she was, it was well-rounded, Jared thought as his eyes followed her.

She was also tall, must be five-six. And very fair. Mestiza. At mamula-mula ang balat dahil marahil sa init ng araw.

Hindi niya gusto ang mga babaeng sobrang maputi. Kapag pinagtabi sila ay nagmumukha silang kape at gatas. He was a sucker for honeyed-skin women. Nakikita niyon ang totoong ganda ng isang babae.

Kaninang tinititigan niya ito habang nakasandal sa sandalan ng Wrangler niya, wincing at the same time—dahil sa pagkakauntog sa manibela ay nakita niyang may magandang profile ito. She had a small and pert nose and a pouting, almost sensual lips. She would sell millions of L’oréal lipsticks.

Subalit nang mapuna niya ang ilang pinong freckles sa ilong nito, napangiwi siya. That marred the almost exquisite profile.

At nang bumaba ang mga mata niya sa dibdib nito habang hinihimas nito ang nasaktang ulo ay natuon ang paningin niya sa dibdib nito.

Well-rounded breasts. Katamtaman ang laki. Must be thirty-three… thirty-four cup A. Subalit nasilip na naman niya sa ibabaw ng dibdib nito ang ilang pinong freckles. He grimaced in distaste. Tila iyon mga kusot na ikinalat sa maputi nitong balat.

Ang buhok nitong hindi pantay-pantay ang haba na tila buhok ng leon ay chestnut brown, almost dark. Subalit nang tamaan ng sinag ng panghapong araw ay tila nagkukulay-tanso. Napabuntong-hininga siya. Malamang na galing sa mamahaling botelya.

His male gaze swept over her back. If ever there was a mestiza who might make him reassess his decision never to date one, he was staring at her right now.

Hindi lahat ng magagandang babae ay sexy. At lalong hindi lahat ng may magandang katawan ay sexy. It was inherent. Nasa kilos at galaw ng katawan. Hindi lang dahil maiksi ang tank top nito at nakikita ni Jared ang dimples sa may puno ng balakang nito.

She walked with inherent grace, at banayad na umiimbay ang mga balakang nito habang lumalakad. Natitiyak niyang hindi nito sinasadyang magpakembot dahil bahagya itong umiika dala ng pagkakatalon sa Wrangler mula sa kabayo.

And yet there she was, taunting him… tempting him… My god, he wanted… he wanted to…

Oh, shit, but he wanted her!

Jared reeled with shock. To desire this woman was insane. And stupid. And masochistic.

First, he only met her few minutes ago. At ni hindi pa nga niya alam ang pangalan nito. Second, she wasn’t even her type!

Bumaba siya ng sasakyan at sinundan ito. Nakita niyang hinahaplos nito ang ulo ng kabayo.

“Thor, what happened to you? Why did you bolt off like that? You almost get us both killed,” she said softly.

Jared rolled his eyes heavenward. She was talking to the stallion as if it were human. Pagkatapos ay tinitigan niya ang thoroughbred. It has a wine-colored coat with almost silver tail. Bigla siyang nakadama ng pangingimbulo.

How he wished he had a horse like that. Mula nang mabili nila ang lupain sa mga del Castro may dalawang taon na ngayon ang nakararaan ay hindi nila napagtuunan ng pansing bumili ng mga kabayo sa ibang bansa at palahian. At natitiyak niyang ang magilas na kabayong ito ay malamang na kasama nang lumaki ng babaeng ito.

Then he frowned as something caught his eyes. Subalit sa puntong iyon ay humarap ang babae at dito natuon ang pansin niya.

She raised her eyes to him and Jared’s breath caught in his throat. The woman had soft sea-green eyes, tulad ng payapang karagatan na natatanaw niya sa likuran nito.

“Salamat sa pagkakaligtas mo sa akin—” nilingon nito ang stallion “—sa amin…”

Oh, god. She had a voice that could melt even the coldest heart. At gigising ng anumang natutulog…

And right now, may ginigising ito sa kanya. Natitiyak niyang may dugong banyaga ang babae. She didn’t have the stunning beauty that was Carrie when Carrie was this woman’s age. She was pretty and attractive in her own way. She had a to die for cheekbones. Ano ang malay niya, baka modelo ang babaeng ito at nagbabakasyon sa Manzanares.

“Your… your hair,” Jared murmured before he could stop himself. Tumaas ang mga mata niya sa buhok nito, “natural ba ang kulay niyan?”

He didn’t know what prompted him to ask a stupid question like that. He wanted to kick himself. Para siyang ignoramus na ngayon lang nakakita ng babaeng maputi, may mamula-mulang buhok, at may mga matang kakulay ng karagatan.

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng babae. Tumaas ang isang kamay sa buhok. “M-my hair?” she stammered. “Tinatanong mo kung… kung totoo ang kulay ng buhok ko?” Her eyes widened in puzzled amusement. Pagkatapos ay unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi nito.

Now that smile really did something to her face. It was heart-stopping. Tila biglang nagliwanag sa buong paligid.

Damn, he muttered. Kailan pa siya naging makata?

He cleared his throat. “Yes.”

The smile turned to grin. At napuna niyang ang berdeng mga mata nito ay tila biglang nabantuan—to pale green. The palest green he had ever seen.

“Hindi produkto ng botelya ang buhok ko,” wika nito, nakangiti pa rin. “I’m Serena Manzanares.” Inilahad nito ang kamay sa kanya.

He took her hand, grasping it firmly. “Pleased to meet you… Serena.” Her name rolled in his tongue, na tila nilalasahan iyon. “Ako si Jared… Jared Atienza…” Umangat ang tingin niya at tinanaw ang paligid.

“Manzanares… hmm. So, we are neighbors,” he stated matter-of-factly. Sa main road, bago ang nabili nilang lupain ay makikita ang malaking arko at may nakaukit na Hacienda Manzanares.

“Are we?” she asked, Jared noticed, too innocently. Pagkatapos ay binawi nito ang kamay, which Jared released with reluctance.

Nilingon ni Serena ang pinanggalingan. “Beyond the barbed wire is the Hacienda Manzanares. At ang lupaing ito ay pag-aari ng mga del Castro.”

Tumango si Jared. “Bago nabili ng mga magulang ko two years ago.” Ibinaling niya ang mga mata sa kabayong nasa likuran nito. “That’s a fine horse.”

“Yes,” may pagmamalaking sang-ayon ni Serena kasabay ng paglingon sa kabayo. Tumaas ang kamay nito at hinaplos ang ulo ng stallion. “And thank you. Kung hindi dahil sa iyo ay baka pareho kaming napahamak.”

“Wala iyon. Ipagpasalamat nating natanaw kita.” Patuloy nitong hinihimas ang leeg ng hayop, and Jared thought how it would feel if those hands run through his…

“It’s a palomino,” she said, cutting off his carnal thoughts. “Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang siyang umalma at tumakbo nang ganoon matapos ko siyang sakyan. Thor had always been calm. In fact, nitong nakalipas na tatlong araw na sinasakyan ko siya’y tuwang-tuwa siya. I hadn’t ridden him for more than a year.”

Humakbang si Jared patungo sa kabayo, sa may kanang bahagi ng likuran nito malapit sa saddle. Nilapitan ang bagay na tumawag ng pansin niya kanina. Hinawakan niya ang buhok ng kabayo at pagkatapos ay itinaas niya ang kamay.

“This is blood,” aniya at ipinakita kay Serena ang kamay niya.

Serena’s eyes widened. “Blood!”

******Hinay - hinay lang sa pagbabasa mga bes, pero magandang month ngayon apra humilata ang magbasa sabayan pa ng malamig na panahon. Pero heto ako busy at nagpapahinga huhuhu :( . Sana okay lang kayo mga beshie. :) If may itime kayo at makakapunta sa MIBF SMX kitakits tayo dun char hahahaha. Hanapin n’yo ako . - Admin A **************

5

“PAANONG magkakaroon ng dugo si Thor?” tanong ni Serena. “Baka nasabit siya sa mga siit kaninang tumakbo siya.”

Sinundan ng mga mata ni Jared ang pinanggalingan ng dugo. Itinaas nito ang saddle ng kabayo. “Sonofabitch!” he bit off. Then he looked at her apologetically. “Sorry about that.”

Iwinasiwas ni Serena ang kamay bilang pagbabale-wala sa pagmumura niya. Mas ang interes nito sa nakita niya sa kabayo. “What? What have you found?” She moved closer to look.

Sa tagiliran ay may sariwa at maliit na kahoy na nakatusok sa balat ng hayop. At patuloy sa pag-agos ang sariwang dugo mula roon.

“P-paanong nangyari iyan?” she asked, confused.

“Hold the rein firmly and talk to your horse,” utos ni Jared, pagkatapos ay napangiwi sa sarili. Sinasabi niya rito ang mga napapanood niya sa mga pelikula.

Ano ba ang alam niya tungkol sa kabayo?

Wala. As in nothing. But there was one thing called pure “common sense,” and he had plenty. Once he pulled out the twig, it would hurt like hell. At kinakabahan siyang aalmang muli ang kabayo at maaaring may masaktan sa kanilang pareho.

Mabilis na tumalima si Serena. Hinawakan nito nang mahigpit ang tali ng kabayo, hinaplos ang leeg at muling kinausap.

Jared smiled drily, hoping the soothing words would work.

Isang pulgada lang halos ang nakausli sa kahoy at umaasa si Jared na mahuhugot niya iyon nang madali. Or they would be in big trouble. Mahigpit niyang hinawakan ang kahoy sa pagitan ng thumb at forefinger at malakas na binunot iyon.

Umangat ang ulo ni Thor at nagpaikot-ikot na tila natatakot. Inabot ni Jared ang renda at tumulong na pigilan ito. Ang banayad na tinig ni Serena ang nagpangyari upang ilang sandali lang ay kumalma na ang kabayo.

“Heto ang dahilan kung bakit tumakbo nang ganoon ang kabayo mo,” aniya, itinaas ang halos apat na pulgadang matulis na sariwang kahoy na nakabaon sa tagiliran ng hayop. “Nang maupo ka sa saddle ay bumaon ito nang husto na siyang dahilan upang magwala ang kabayo mo.”

“Paanong natusok sa katawan ni Thor ang patpat na iyan?” naguguluhang tanong nito.

Sinuri ni Jared ang sariwang kahoy. Wala siyang maisagot sa tanong nito maliban sa may nagtusok nito roon. But he couldn’t voice that out.

“Sinakyan ko na siya kaninang patungo ako sa—si Tiya Adel!” bulalas niya nang maalala ang mayordoma. Nilingon ang pinanggalingan. “Oh, god! Baka kung ano na ang nangyari sa kanya.”

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“Nang umalma si Thor ay nahulog sa kabayo si Tiya!”

Kinuha ni Jared ang tali ng kabayo mula sa mga kamay niya at itinali iyon sa malalaking damo.

“Pabalikan mo na lang ang kabayo rito. Tara at puntahan natin ang sinasabi mong Tiya Adel.” Hinawakan niya si Serena sa braso at inakay patungo sa Wrangler.

*****hirap pala gumawa ng admins note wala na akong maisip eh kundi kayo lang ahh sana all char hahahaha - Admin A ******************

6

“ANO ANG ibig mong sabihin na sinakyan mo na siya kanina?” tanong ni Jared nang tumatakbo na ang sasakyan pabalik, sandaling tinapunan ito ng tingin. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito para marahil sa tiyahin nito.

“Sinundan ko sa burol si Tiya Adel na nangunguha ng talbos ng pakô. I-it’s a kind of edible fern,” she tried to explain.

“I know what a fern is… but edible…” He shook his head. “It doesn’t matter. Kailan umalma si Thor?”

Sandali itong nag-isip. “N-nang magyaya akong umuwi at pinasampa ko si Tiya Adel sa kabayo sa may likuran ko.”

“That’s it!” he exclaimed. “Kung tatantiyahin natin, ang nakabaong kahoy ay hindi naman nakatapat sa iyo nang husto. Ang bigat ni Tiya Adel ang nagpangyari upang bumaon ang kahoy sa laman ng kabayo.”

Napaungol si Serena. Pagkatapos ay nag-angat ng tingin nang makarinig ng paparating na mga yabag ng kabayo.

“Serena!” tawag ng paparating na si Christian, sakay ng kabayo nito.

“That’s my brother!”

Inihinto ni Jared ang Wrangler sa tapat ni Christian. Agad na tumayo si Serena at humawak sa bakal na nakapaikot sa windshield.

“Kumusta si Tiya Adel, Christian?’ nag-aalalang tanong nito. “Nasaktan ba siya?”

Sinulyapan muna ni Christian si Jared bago sumagot. “Huwag mo siyang alalahanin. Hindi siya nasaktan dahil sa makapal na damuhan siya bumagsak. Ikaw ang inaalala niya… namin.”

“Thank God.” Isang maluwag na hininga ang pinakawalan ni Serena at muling naupo.

“Ano ang nangyari?” Tumaas ang tingin ni Christian patungo sa pinagtalian kay Thor. “Bakit tumakbo nang ganoon ang kabayo mo?”

Itinuro ni Serena ang kahoy na inilagay ni Jared sa dashboard ng Wrangler at nagpaliwanag. “Nakita naming nakatusok iyan sa tagiliran ni Thor. Nang sumakay si Tiya Adel ay bumaon nang husto ang patpat na iyan at nasaktan si Thor kaya umalma.”

“Mabuti naman at hindi ka nasaktan,” wika ni Christian, nakakunot nang bahagya ang noo nito nang tumingin kay Jared.

“Siya si Jared, Christian. Kanila ang lupaing katabi ng sa atin. Mabuti na lang at nakita niya kami ni Thor, kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari sa amin.” Nilingon ni Serena si Jared. “Jared, ang kapatid ko, si Christian.”

Jared smiled faintly. Hindi niya maiwasang makadama ng awa sa patpating kabayo. Hindi na dapat sinasakyan iyon. Pagkatapos ay tahimik niyang sinuri si Christian. Kahit nakaupo sa ibabaw ng kinahabagang kabayo ay mahihinuhang may-kataasan ito. Though on the thin side, he was fairly good-looking. May katangusan ang ilong.

Kung may masasabi man siyang pagkakahawig nito kay Serena ay iyon lang na maputi rin ito bagaman may karumihan ang balat. May mga pilat ng kung ano-anong pinagdaanang sugat o kung ano man. At mula sa bahagyang nakabukas nitong polo shirt ay nasisilip niya ang tattoo sa dibdib nito.

He seemed to be in his mid-thirties. Baka mas matanda sa kanya ng dalawa o tatlong taon.

“Maraming salamat sa pagkakaligtas mo sa kapatid ko, Mr. Atienza,” putol ni Christian sa ginawa niyang pagsuri dito sa pormal na tinig.

“What are neighbors for?” sagot niya, nagkibit ng mga balikat. “You can call me Jared. I’m almost thirty-three. Hindi naman siguro nagkakalayo ang edad natin.”

Serena smiled. “Christian’s only twenty-seven, Jared.”

“Oh.” Jared hid his surprise and smiled. “Still, tawagin mo akong Jared. Magkapitbahay tayo at nakakailang ang masyadong pormal.” Nilingon niya si Serena. “Ihahatid ko na ang kapatid mo sa inyo, Christian.”

“Hindi na kailangan,” tanggi nito. “Nariyan si Thor at babalikan pa namin si Tiya Adel.”

“Your horse may run off again,” aniya kay Serena. “In fact, I suggest not to saddle him for a couple of days. At dapat na malinis ang sugat ni Thor.”

“Of course. I’ll see to Thor myself.” Tiningala nito ang kapatid. “May katwiran si Jared, Christian. May kalaliman ang sugat ni Thor.” Nilingon niya ang kabayo. “Maaari mo ba siyang iuwi?”

“Pero paano ninyo madadaanan si Tiya Adel?” Christian said sulkily.

Puno ng pang-unawa ang tinging ipinukol nito sa kapatid. “Dating pag-aari ng mga Manzanares ang bahaging ito ng lupain, Christian. We used to play here when we were kids, remember?” she said softly.

Bumalatay ang pagkailang sa mukha ni Christian.

“Nalimutan mo na bang dito ako unang pinaturuan ni Papa na mangabayo? At sa kanang bahagi pabalik…” Itinuro ni Serena ang hindi kataasang burol, “makakapanhik ang sasakyan doon patungo sa itaas. Makakaikot kami kay Tiya Adel.”

Hindi na kumibo si Christian. Mula sa pagkailang ay naging passive ang ekspresyon nito. Muling pinaandar ni Jared ang sasakyan.

“Forgive my curiosity,” ani Jared nang tumatakbo na sila patungo sa daang itinuro ni Serena. “Matagal bang nawala sa asyenda si Christian at hindi niya kabisado ang paligid?”

Mahabang sandali ang lumipas na hindi kumibo si Serena. Inakala ni Jared na hindi nito narinig ang tanong niya. Pagkuwa’y nagbuntong-hininga ito at saka sumagot.

“Twelve years.”

Muling namagitan ang katahimikan. Hindi isinasatinig ni Jared ang karugtong na itatanong. Iniisip niyang para sa ngayon pa lang nagkakilala ay hindi tamang mag-usisa. Subalit dinugtungan ni Serena ang sinabi.

“He just came back. Almost a month ago.”

Kumunot ang noo ni Jared. He turned questioning eyes to her. Subalit natapos na roon ang anumang maaaring pag-usapan nila tungkol kay Christian nang matanawan nila ang isang matandang babaeng pasalubong sa kanila.

“Serena!” anito, nakaguhit sa mukha ang pag-aalala. “Ano ang nangyari? Nasaan si Thor?” Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa.

“Dala ni Christian si Thor, Tiya,” sagot ni Serena. “Huwag kayong mag-alala, hindi ako nasaktan. Si Jared Atienza ho. Siya ang nagligtas sa akin mula sa pagkahulog. Jared, si Tiya Adel.”

“Atienza? Ikaw ang apo ni Eleanor.”

“Magkakilala kayo ni Lola?” Jared asked curiously.

“Magkababata, hijo…” Naghinang sandali ang mga mata nito at ni Serena. Pagkuwa’y naiilang na ibinalik sa kanya ang atensiyon. “Salamat sa pagkakaligtas mo sa pamangkin ko, hijo. Matagal na kaming hindi nagkikita ni Eleanor. Gusto ko kayong anyayahang maglola na sa amin na maghapunan bukas ng gabi bilang pasasalamat at upang magkakumustahan na rin kami ng abuela mo.”

Jared wondered why that pleased him. Hindi siya nagdalawang-isip at agad na tinanggap ang imbitasyon.

“Asahan ninyo kami ni Lola Eleanor bukas ng gabi, Tiya Adel.” He smiled at Serena.

*************Pasensya na mga bes, di ko alam kailan ang next update ko pero bawi na lang ako if ever. Sana tuloy-tuloy na ito at sana mag-ingat kayo palagi, lagi nyo’ng tatandaan na may isang Admin A na nag-aalala sa inyo. ahhh iyak na me huhuu . I love you mga bes at thank you sa inyong lahat. - Admin A ******************

7

KAHAPON lang kayo nagkakilala ng Jared na iyon,“ nakasimangot na sabi ni Christian nang sumungaw ito sa dining room habang abala si Serena sa paggagayak ng mesa.Bigla itong nahinto sa paghakbang nang matitigan siya. May isang saglit na gumuhit sa mga mata nito ang paghanga, na marahil ay hindi naman talaga nakita ni Serena dahil nahalinhan iyon ng iritasyon.

“Bakit kailangang anyayahan mo siyang maghapunan dito sa atin?” patuloy nito, tiningnan ang pagkakaayos ng mesa.

She licked the sauce on her finger. Pagkatapos ay nginitian ang kapatid at isa-isang inilagay ang linen napkin sa ibabaw ng pinggan.

“We are neighbors, Christian. At natural lamang na makilala natin ang pinakamalapit nating kapitbahay. Pareho tayong ngayon lang muli nagbalik dito sa asyenda.”

May ilang sandali ang pinalipas nito bago nagsalita. “Hindi ko gusto ang lalaking iyon. Mukhang mayabang.”

Umangat ang kilay niya sa sinabi nito. Mayabang? Iyon ba ang assessment ni Christian dito? Was it because Jared seemed to be so sure of himself?

Sandaling gumitaw sa isip niya ang anyo ni Jared Atienza. Tall, dark, and ridiculously handsome. Jared was very male. Devastatingly so. Squared jaw, dark, and penetrating eyes. At may katawan na tila lumabas mula sa mga pahina ng GQ.

“We also invited his grandmother,” wika niya. Sinuyod ng tingin ang pagkakaayos ng mesa. She smiled with satisfaction.

“Bakit kailangang gamitin natin ang dining room na ito?” Inikot nito ang tingin sa malaki at maluwang na silid at sa mesang para sa labindalawa-katao.

May maganda at antigong aranya na nakatanglaw sa antigong mesang kainan. Ang makintab na mga upuan ay upholstered at tulad ng edges ng mesa, may mga elaborate carvings. At may apat na putahe ang ipinaluto ni Serena kay Tiya Adel at sa nag-iisang katulong na natira sa Villa Manzanares.

“Pang-animan ang mesa sa dining room malapit sa kusina, bakit hindi doon? Napakarangya ng hapunang ito, Serena. Mula nang dumating ako’y ngayon lang kayo nagluto ng apat na putahe,” he said sulkily.

Masuyong tinapik niya sa balikat ang kapatid. “Bihira tayong magkabisita, Christian. At hindi ordinaryong tao ang mga Atienza. Nararapat lamang ang ginagawa naming paghahanda ni Tiya Adel. Isang pagtanaw ng utang-na-loob dahil sa pagkakaligtas ni Jared sa akin.”

“Ginawa mong malaking bagay ang pagkakaligtas sa iyo ng lalaking iyon,” pasimangot nitong sabi. “Kahit sino’y magagawa iyon sa iyo, Serena. Magagawa ko iyon kung hindi lang patpatin ang kabayong ipinapagamit mo sa akin.”

She smiled at him lovingly. Naalala niya ang batang Christian na lagi na’y gusto siyang protektahan. “Of course, I know you could have saved me. Don’t let us talk about the incident anymore. Now, go up and change. They will be here any moment now.”

Marahas nitong pinalis ang kamay niya na nasa balikat nito. “Huwag mo akong Inglisin, Serena. Naiintindihan kita, oo. Pero alam mong hindi ko kayang makipag-usap sa iyo nang deretso sa banyagang wikang iyan! Ipinararamdam mo lang sa akin ang malaking kakulangan ko! Pero putang— kasalanan ko ba iyon?”

Serena gasped softly. Nakita niya ang galit na sumungaw sa mga mata nito. Agad ang pagbangon ng simpatya at habag niya para sa kapatid. Subalit hindi niya gustong ipakita rito ang pagkaawa.

“Huwag kang mag-alala, Christian,” banayad niyang sabi. “Planuhin natin ang pagkakaroon mo ng pribadong tutor. O di kaya ay mag-aral ka sa pamamagitan ng correspondence at—”“Hindi na kailangan!” magaspang nitong sabi. “Hindi ko gustong mapahiya na sa edad kong ito’y wala akong pinag-aralan!” Pagkasabi niyon ay mabilis itong tumalikod. Naiwang sinusundan ni Serena ng tanaw ang kapatid.

“Ang dating Christian ay mahinahon at may pinong pag-uugali at laging nakangiti sa hindi man kaaya-ayang pagkakataon,” komento ni Tiya Adel na sumungaw mula sa kabilang bahagi ng pinto.

Kanina pa marahil ito nakatayo roon at narinig ang palitan nila ng usapan. Tangan nito sa mga kamay ang isang malaking bandehado ng ulam. Humakbang ito papasok at inilapag ang bandehado sa mesa.

Gumuhit ang usig ng budhi at kalungkutan sa mukha niya. “Dapat nating unawain si Christian, Tiya Adel. Ilang taon siya sa bahay-ampunan at nang walang mag-ampon ay ipinadala sa Boys’ Town nang magbinatilyo. Hindi nakapag-aral—”

“Akala ko ba sa mga ganyang institusyon ay pinag-aaral ang mga kabataan?”“Maaaring hanggang high school lamang.” Nagkibit siya ng mga balikat. “Nang magbinata’y pinalabas na siya sa ampunan. At hindi birong hirap ang dinanas niya, Tiya. Kung hindi dahil sa aksidenteng kinasangkutan niya ay hindi niya maaalala ang nakaraan. Sana’y matutuhan ninyo siyang pagpasensiyahan…”

Nagbuntong-hininga si Tiya Adel. “Ako ang pagpasensiyahan mo, Serena,” wika nito. “Marahil ay matagal ko nang tinanggap sa puso kong patay na ang aking si Christian. Hindi ko mapaniwalaan ang kanyang pagbabalik. At lalong hindi ko matanggap na ang dating masuyo, palangiti, at mabait na si Christian ay isang lalaking may magaspang nang pag-uugali ngayon.“Masuyo niyang nginitian si Tiya Adel. “Isisi natin iyon sa kagaspangan ng kapaligirang kinalakhan niya sa nakalipas na labindalawang taon, Tiya. Huwag kayong mag-alala at babalik din ang dating pag-uugali ni Christian. Anyway, kalimutan na muna natin ang tungkol sa naging buhay niya…”

Itinuon niya ang mga mata sa mesa. Relyenong malalaking pusit, sinigang na baka sa talbos ng dahon ng sampalok, inihaw na malalaking isda, at pinasingawang Chinese pechay na binudburan ng pinong bawang. At gumawa siya ng simpleng buko pandan para sa dessert.“Magugustuhan kaya nila ang inihanda nating pagkain? Masyado tayong native.”

Muling humugot ng hininga si Tiya Adel. “Hindi biro ang halagang ginastos natin sa mga pagkaing iyan, Serena. Pagkaing sasapat sa atin sa susunod na isang linggo.”

“Sshh,” awat niya rito. Tumingin sa may pinto. “Baka marinig tayo ni Christian. At huwag kayong mag-alala, malaki-laki pa ang savings ko sa bangko. Isa pa’y namumuhunan tayo, Tiya.“Napailing ito sa huling sinabi niya. “Hindi ko gusto itong ginagawa mo, Serena. Hindi ko sila aanyayahang maghapunan dito kung hindi sa makahulugang titig mo sa akin kahapon…”

Napatawa siya nang marahan. “Natutuwa ako at madali ninyong nahuli ang gusto kong ipakahulugan. Believe me, Tiya,” she said confidently. “Ito mismo ang paraan para sa kalutasan ng mga suliranin natin.”

“Dapat ay ipinaubaya na lang natin kay Attorney Vidal ang lahat. Wala na tayong magagawa kundi ipagbili ang—”

“Tiya…” she said patiently, pinutol ang sasabihin nito. “Babalik na naman ba tayo riyan? May dalawang buwan pa tayong natitira bago ilitin ng bangko ang pagkakasangla sa buong ari-arian ng mga Manzanares. At kailangang bago matapos ang panahong iyan ay mahulog ang loob ni Jared Atienza sa akin!”

Nakatitig siya sa mga pagkaing nasa mesa. But she wasn’t really seeing them. Nasa ibinangong suliranin ang pag-iisip niya. Hindi siya makapaniwalang isinangla nang lubusan ni Edmundo Manzanares ang villa at ang lupaing nakapaligid dito.

But she couldn’t blame her stepfather. Hindi birong pera ang ginugol nito sa mama niya. At dahil wala namang salaping pumapasok magmula nang mawala si Christian ay unti-unting naubos ang salapi nito.

Ang mama niya, si Emma, ay kahera sa isang gasolinahan sa isang bayan sa kabilang bahagi ng Marinduque nang makilala ni Edmundo Manzanares, isang negosyanteng biyudo at may isang anak—fourteen-year old Christian.

Sa edad na treinta y cinco ay maganda pa rin ang ina. Hindi iilan ang nagpahayag ng pagkakagusto rito. Ang nakakalungkot nga lang ay hindi para pakasalan kundi para pakisamahan lang, lalo na iyong may mga asawa na masisigasig sa panunuyo sa ina niya. Hindi rin miminsang sinugod ng mga asa-asawa ng mga lalaking iyon si Emma sa walang basehang paninibugho.

Para sa mga kababayan ni Emma, hindi ang uri niya ang pinakakasalan. Dalawampu’t isang taong gulang ito nang makilala ang isang German geologist na kinuha ng isang mining firm upang suriin ang estado ng pagmimina sa Marinduque.

Umibig si Emma sa Aleman at nagkaroon ng relasyon ang dalawa. Subalit nang magdalang-tao si Emma ay bigla na lamang nawala sa bayan nila ang geologist. Ayon sa mga kasamahan nito ay umuwi na ito sa Germany, sa pamilya nito.

Emma was devastated. Ang pagdadalang-tao nito nang walang ama ay naging kahihiyan ng nag-iisa na lang nitong magulang. Ang kinahinatnan nito ang siyang dahilan ng maagang pagkamatay ng tatay ni Emma. Ipinagtanggol nito ang anak mula sa pambabastos ng mga kainuman. Bagaman nakulong ang kriminal ay hindi na nito maibabalik ang buhay ng ama ni Emma.

Iniukol ni Emma ang panahon sa pagpapalaki kay Serena. Nakilala nito si Edmundo minsang nagpagasolina ito sa gas station na pinapasukan ni Emma. Naakit dito ang mayamang biyudo at hindi miminsang nagbalik at nagluhog ng pag-ibig. Mula nang maging dalagang-ina si Emma ay si Edmundo Manzanares ang kauna-unahang lalaking nag-alok dito ng kasal kaya naman hindi na ito nagdalawang-isip pa.

Ang pagpapakasal nito kay Edmundo ay nagpabago sa buhay ng mag-ina. Edmundo legally adopted Serena. Itinira silang mag-ina sa magarang villa kasama ng tunay nitong anak, si Christian. Pinag-aral nito si Serena sa isang mahusay at pribadong paaralan sa Marinduque kung saan doon din nag-aaral ang anak nito. Itinuring siyang tulad sa isang tunay na anak.Nagbago ang buhay ng mag-ina. Wala nang mga kamag-aral na tumutukso sa kanya na putok siya sa buho. Walang nagpapasaring na dalagang-ina ang mama niya.

Kilalang angkan ang mga Manzanares at hango ang pangalan ng bayang iyon sa mismong ninuno ni Don Edmundo Manzanares.

Bilang pasasalamat, minahal niya tulad sa isang tunay na ama at kapatid sina Edmundo at Christian. Subalit isang taon makalipas ay isang trahedya ang naganap. Lumubog ang ferryboat na sinasakyan ng mga estudyanteng nag-field trip na kinabibilangan nina Christian at Serena mula sa Maynila.

Isa si Serena sa mga nakaligtas. Naghisterya siya nang malaman ang nangyari kay Christian. Sinisi niya ang sarili. Naroon ang bigat sa dibdib na buhay siya gayong hindi malaman kung ano na ang nangyari sa kapatid.

Hindi birong salapi ang ginasta ni Edmundo upang hanapin ang katawan ng anak sa mga kalapit-pulo kung ito man ay sinawimpalad na nalunod. But Christian’s body was never found.Dahil sa nangyari ay sa Maynila na nanirahan ang mga Manzanares. Mapagmahal nitong tiniyak kay Serena na hindi niya dapat sisihin ang sarili sa nangyari; na gagawin nito ang lahat upang matagpuan si Christian o malaman ang talagang nangyari dito.

Sa loob ng tatlong taon ay napabayaan ni Edmundo ang asyenda sa paghahanap sa nawawalang anak. Isa-isang nagsialis ang magbubukid at ang nangangasiwa sa mga hayupan. Tuluyang napabayaan ang ekta- ektaryang palayan at niyugan.

Matapos ang tatlong taon at paggugol ng hindi birong salapi upang malaman lamang ang kinahinatnan ni Christian ay muling sumapit sa kanila ang isa pang dagok. Iginupo si Emma ng breast cancer. Cancer na ayon sa mga doktor ay nasa dangerous stage na.

Ipinagbili ni Edmundo ang malaking bahagi ng lupain upang dalhin sa ibang bansa si Emma. Nanatili ang mag-asawa sa Amerika nang mahigit dalawang taon—ang mismong haba na ng buhay na naidugtong kay Emma bago ito tuluyang binawian ng buhay.

Sa nakalipas na mga taon ay nakita ni Serena kung paanong labis na minahal ni Edmundo ang mama niya. Nakita rin niya kung paano ito namighati nang mamatay ang asawa. She even consoled her stepfather for her mother’s death.

Ang sunod-sunod na trahedya ang naging dahilan upang humina ang puso ni Edmundo. Anim na buwan matapos mailibing si Emma ay sumunod ito.

Nakapagtapos ng pag-aaral si Serena sa tulong ng trust fund na inilaan sa kanya ng stepfather bago ito mamatay. At nang makatapos siya ay agad naman siyang nakapagtrabaho sa isang publishing company sa Quezon City bilang editor in chief ng isang kilalang magazine.

A month ago, ginulat si Serena ng balita mula kay Tiya Adel na isang lalaki ang dumating sa asyenda at nagpakilalang si Christian. Agad na humingi ng bakasyon mula sa trabaho si Serena at umuwi sa Marinduque upang makatagpo ang nagpakilalang si Christian.Suot nito ang kuwintas na pagkakakilanlan niya rito.

“Natatandaan kong regalo sa akin ito ng Mama mo noong fifteenth birthday ko, Serena,” wika nito at hinaplos ang kuwintas sa leeg.

Bumunghalit ng iyak si Serena at niyakap ang kapatid. Pagkatapos ay pinakinggan niya ang pagsasalaysay nito sa nangyari nang araw na maaksidente sila.

Wala itong malay at may sugat sa ulo nang matagpuan ng isang mangingisda sa isang baybayin sa Masbate. Walang matandaan ang batang lalaki sa nangyari sa kanya. Kinupkop ito ng pamilya ng mangingisda subalit lumayas si Christian nang pagmalupitan ng mga anak ng kumupkop.

Sumakay ito ng barko patungo sa Maynila at nagpalaboy-laboy sa lansangan hanggang sa mahuli itong nagnanakaw ng prutas sa palengke. Dinala ito sa Boys’ Town at nanatili roon hanggang sa maglabing-walong taong gulang.

**************Hello mga bes. Pasensya na now lang ulit. Thank you dun sa isang reader na nakausap ko. Miss na kita bhieee chariz hahaha. Thank you at namotivate ako sa’yo. Hello sa lahat ng nakita ko nung MIBF. :) - Admin A ***************************

*******Thank you bes sa chumika sa akin need na need ko pa naman ng kausap at nalulungkot ako hahaha. Buti na lang nagtiyaga kang kausapin ako bes kahit na tahimik akong tao, nahihiya me makipag-usap sayo. Nakalimutan ko na paano maging tao , kung paano makipag-usap hahahaha. Di ko alam paano mo ako napakwento eh tahimik me hehehe chariz hahahaa. Basta thank you bes kilala mo na kung sino ka, no need to name drop na baka ilibre mo pa ako eh nakakahiya na chariz hahaha. Thanks a lot at nahawaan mo ako ng kasipagan sana sipagin na talaga me. Grabe ang haba ng message ko hindi me sanay sana naiyak ka hahaha chariz . - Admin A ***********************

8

BAKIT hindi mo palitan iyang damit mo, Serena?“ payo ni Tiya Adel na pumukaw sa paglalakbay ng isip niya sa nakalipas. “Hindi ako makapaniwalang nagsusuot ka ng ganyang damit. Masyadong hapit sa katawan mo.”

Alanganin siyang napangiti. Sinulyapan ang sarili sa decorative etched mirror na nasa ibayong bahagi ng dining room. It was a pale yellow sleeveless dress. The fine silk clung her body exquisitely, and the scooped-neckline showed a considerable cleavage.

Binili niya, on impulse, ang damit nitong nakaraang dalawang buwan sa intensiyong gamitin sa anibersaryo ng opisina dahil gusto niyang maging kaakit-akit sa paningin ni Vince sa gabi ng party.

Si Vince ang head ng art department at ang huling boyfriend niya, rather an ex-boyfriend. Pero bago dumating ang anniversary ay isinama siya ni Vince sa bahay nito. Isang inuupahang two-bedroom apartment sa San Juan. Ipinakilala siya sa mga magulang at sa anim na mga kapatid.Nang paalis na sila’y pinauna siya ni Vince sa sasakyan niya—ang lumang sedan ng stepfather niya. Subalit nang bubuksan niya ang kotse ay nalimutan niyang naiwan niya sa loob ng apartment ang susi.

Nagbalik siya at hindi sinasadyang marinig niya ang pagmamayabang ni Vince sa mga magulang na sa sandaling makasal sila’y lilipat silang lahat sa bahay ni Serena sa Quezon City. Na tiyak na hindi siya tatanggi at makapag-aaral na ang mga kapatid nito.

Nanghilakbot siya. Ni hindi nga niya alam kung paano matutubos sa pagkakasangla ang Manzanares property, heto at may mga nakaambang pabigat sa mga balikat niya.

The next day, sinabi niya kay Vince na tulungan siyang humanap ng malilipatang apartment dahil nailit na ang bahay at lupa niya sa Quezon City. At kahit ang lumang Toyota sedan niya ay ipinagbili na rin niya.

Sa mismong araw na iyon ay sinimulan siyang iwasan nito. She didn’t know whether to laugh or cry. Pero aminin man niya o hindi, nakagaan sa loob niya ang paghihiwalay nila.

Natanto niya sa unang pagkakataon na sa loob ng dalawang buwang magkasintahan sila’y hindi siya nito nayaya man lang na kumain sa labas. At kung nagkakasabay man sila sa canteen ay hindi niya hinahayaang bayaran nito ang pagkain niya at hindi naman ito nagpipilit.Poor Vince, she thought. Kailangan nito ng milyonaryang “mama” upang maiahon sa kahirapan ang pamilya.

Tatlong linggo pagkatapos niyon ay tinawagan siya ni Tiya Adel tungkol sa biglang paglitaw ni Christian. Agad siyang humingi ng bakasyon at nagmamadaling umuwi.

“Kung wariin ko pa’y wala kang panloob,” may disgustong patuloy na komento ni Tiya Adel sa suot niya.

Alanganin niyang nginitian si Tiya Adel. Hindi niya gustong panghinaan ng loob at magpalit ng damit. With Vince, the dress would make him drool. Natitiyak niyang iyon din ang magiging epekto niyon kay Jared.

“Tiya Adel, hindi ba at ang plano ay upang akitin ang apo ng dating classmate n’yo?”“Ako’y nasasagwaan diyan sa suot mo na iyan, Serena—”

Naputol ang sinasabi nito sa pagpasok ni Elvie. “Ate, pumaparada na sa harap ng bahay ang sasakyan ng mga bisita.”

Tinanguan niya ito. “Lalabas na ako, Elvie.” Muli niyang sinulyapan ang sarili sa etched mirror, pagkatapos ay nilingon si Tiya Adel na gumuhit ang disgusto sa mukha.

“Huwag kayong mag-alala, Tiya. Accessory lang ang damit na ito sa mga plano kong isalba ang kabuhayan ng mga Manzanares.” With that, she turned to meet her guests.

***********Bawi tayo sa updates today chariz hahaha - Admin A **************

9

NATUTUWA ako at naimbita mo kami ng apo ko rito, hija,“ nakangiting sabi ni Eleanor nang nasa harap na sila ng dining table. “Nagkakilala tayo… at ng kapatid mo.” Nilingon nito si Christian na nakaupo sa kabisera at bahagya nang mag-angat ng ulo.

“Matagal din akong namirmihan sa Maynila at gusto ko namang makilala ang pinakamalapit naming kapitbahay,” she said demurely, at pailalim na sinulyapan si Jared.

“Tama ka,” sang-ayon ni Eleanor. “Isa pa’y matagal ko nang gustong makahuntahan itong si Adel…” Tinapik nito sa braso si Tiya Adel na kung hindi pa pinilit ni Serena ay hindi mauupo sa mahabang mesa.

“Gusto kong tumawid sa iyo, Eleanor, pero nag-aalala ako sa agwat ng ating katayuan sa buhay,” ani Tiya Adel na bahagyang ngumiti.

“Hindi ako nagbabago, Adel,” sagot ni Eleanor, gumuhit ang ngiti sa mga labi.Ilang sandali pa’y nagpalitan na ng usapan ang dalawang matandang babae. Christian remained silent. Nakamasid lang at kung isasali ni Serena sa usapan ay bahagya nang sumagot.

“You look lovely in that dress,” bulong ni Jared kay Serena, as he gave her a once-over. Desire mirrored in his eyes. “Napakalaking transformation sa cowgirl kahapon…”

His lopsided smile turned Serena’s stomach into knots. Sanay na siyang napupuri at natititigan nang ganoon ng mga kalalakihan. So she wondered why all of a sudden she felt shy with Jared’s compliment.

“Thank you,” sagot niya at tipid na ngumiti. “Nagbabakasyon ka lang ba sa Manzanares?” she asked.

Tumango si Jared. “Indefinitely. Ang totoo’y maraming trabaho sa rancho tulad na lang ng pagbabakod na hindi naaasikaso. Matanda na si Lola at isa pa’y wala naman talagang konkretong plano para sa mga lupain. But I planned on breeding cattle and horses.”

“What a coincidence!” she said raising her eyes to him. “Ako ma’y nagbabakasyon din. May trabaho akong iniwan sa Maynila. Tulad mo’y marami rin akong dapat asikasuhin dito.“Jared’s eyes sparkled like black diamonds. “Halos isang buwan na ako rito at bukas ay tapos na ang pagbabakod. And the next thing that I wanna do is to learn how to ride a horse. You’d be a great help…”

Niyuko ni Serena ang pagkain upang hindi nito makita ang katuwaan sa mga mata niya. Umaayon ang pagkakataon sa plano niya. Kailangang magawan niya kaagad ng paraang mapalapit dito. Kaunting panahon na lang ang natitira sa kanya.

“Madali lang mangabayo, makikita mo…” she promised.“THIS is a grand house,” komento ni Jared sa villa nang himukin niya si Serena na bigyan siya ng tour sa buong kabahayan.

The Manzanares must have come from the old and influential families. Totoong masalapi ang mga Atienza subalit ang lahat ng tinatamasa ngayon ng pamilya niya ay galing sa hirap at pagpapagal. Kung tawagin ay “new money.”

And Jared had always admired the grandeur of the old things. May kalidad iyon na hindi nakikita sa mga bagong bagay gaano man kamamahalin at karangya. It had a timeless quality. Ang itim at makislap na mga kahoy na ginamit ay antigo at matandang narra. Even the floorings were as old as the house.

Gayunman, nagtataka siya na bagaman may mga luma at antigong kasangkapan sa kinakailangang lugar ay halos hubad ang bahay. As if there were missing pieces of furniture. Katunayan ay may dingding silang nadaanan na parang natanggalan ng nakasabit na kuwadro.Ang bahay ng mga magulang niya ay malaki ring tulad nito subalit iyon ay may modernong kayarian at ipinatayo nang magsimulang umasenso ang Lolo Benedicto niya. At bagaman may halos limampung taon nang nakatayo ay hindi matatawag na antigo.

Ang bahay na ito ay natitiyak niyang nakatayo na rito nang ilang henerasyon. Ni hindi kayang igupo ng panahon. Sa dalawang linggong mahigit niya sa bayan ng Manzanares ay ito ang pinakamalaki at pinakamarangyang bahay na nakita niya sa kabila ng kalumaan.

And he would give anything to have a house like this. He would be willing to spend a considerable amount of money to renovate this house and restore to its former grandeur.Then he turned to Serena, his eyes moved down to the V of her breasts. Again, his loin stirred. And of course… aside from the house, he would be willing to give anything to have this woman in his bed.

To his shame, he was blatantly staring at her breasts like a schoolboy.She wasn’t a stunning beauty. Not to mention he wasn’t a sucker for foreign beauties. But she had got something that made her beautiful.

Perhaps the sea-green eyes… or the pouting lips… or the to die for body… or perhaps the combination of all.

Alam ni Jared na alam ni Serena na nakatitig siya sa dibdib nito. But she never made any comment about it. Pero nakikita niya ang pamumula ng mga pisngi nito sa ilalim ng liwanag ng ilaw sa pasilyo. Another plus, dahil matagal nang panahong hindi siya nakakakita ng babaeng namumula pa ang mga pisngi.

Kanina, sa hapunan ay naninikip ang pantalon niya habang paiwas na sinusulyapan ang dibdib nito. He could have kicked himself. Tinalo pa niya ang binatilyo. He wasn’t easily turned on by the sight of a cleavage.

And for goodness’ sake! Since fifteen, he had not only seen cleavages but breasts… had fondled them and…

“It is,” sagot ni Serena na pumukaw sa tinatakbo ng isip niya habang binubuksan nito ang pinto papasok sa library. “May walong malalaking silid ang bahay na ito. Dalawa sa third floor, apat sa second floor at dalawa rito sa ibaba, ang guest room at itong library.” Itinulak nito ang pinto pabukas at pumasok sila.“

“Wow!” he whistled. “Wala pa akong nakitang ganito karaming libro maliban sa mga bookstore sa Maynila.”

She laughed. Ang uri ng tawa na gumuhit sa isip ni Jared ang isang umaga matapos ang magdamag na pagtatalik.

“The Manzanares loved to read. May mga collections sila ng mga antigong libro mula pa nang panahon ng mga ninuno ng stepfather ko…” Napalingon siya rito. “Stepfather?”“Yes. My mother was the second wife.”

“Si Christian?”“Anak ng Papa sa unang asawa.”“But you are a Manzanares?”

“When my stepfather married my mother, he adopted me and changed my name into his. Biologically, he wasn’t my father. Subalit wala akong natatandaang pagkakataong hindi ako itinuring na isang tunay na anak ni Papa…” Bahagyang nabasag ang tinig nito sa bahaging iyon.Tumango-tango si Jared. Iyon marahil ang nakita niyang malaking kaibahan sa magkapatid. They were not blood related. “Your father was a rancher?”

Umiling siya. “Nagbabayad ng kapatas si Papa para sa nagbubukid at nag-aalaga ng mga bakahan. He said he wasn’t very good at farming. He was more of a businessman.”

Ang tangka niyang pagtatanong kung anong negosyo ng papa nito ay nawala sa isip nang matuon ang mga mata niya sa isang tatlong kuwadrong nakasabit sa dingding. In oil paintings. Ang pinakamalaki ay ang nasa gitna, na natitiyak niyang ang mag-asawang Manzanares.Sa magkabilang tagiliran ay ang smaller frames na kinapapalooban ng ipinintang mukha ng isang batang babae at ng isang batang lalaki.

“Si Christian at ikaw…” komento niya.Serena smiled, a little bit sadly. “Ipinapinta ni Papa iyan sa isang kaibigan niyang pintor. He invited the artist to stay here for a month. Iginuhit niya ang mga iyan ilang buwan matapos ikasal ang Papa’t Mama.”

Sinipat ni Jared ang malaking kuwadro. “Ang suot na choker ng mother mo, the blue stones, were they aquamarines?” Hindi siya interesado sa anumang uri ng alahas, katunayan ay marami niyon ang mama niya. But the bluish stones caught his attention. “Napakahusay ng pagkakaguhit ng pintor at nabigyan nito ng buhay ang choker.”

She smiled. “People never fail to notice my mother’s choker. Pero hindi aquamarines ang mga iyan, Jared. They were blue diamonds, of the best kind. Dalawang kilatis ang bawat isang bato. It was my stepfather’s gift to her on their wedding day. Natatandaan kong sinabi ng Mama na hindi niya maisusuot ang alahas na iyan. For my mother, it was too ostentatious.”

“And of course, you inherited the choker,” Jared commented matter-of-factly. Hindi sinagot ni Serena iyon. Sinipat niya ang smaller frames. “Hindi gaanong nalalayo ang anyo mo sa painting ngayon. Pero hindi ang kay Christian.”

“My brother has changed, Jared,” she said with a poignant sadness.At bago pa makapag-usisa si Jared ay maluwang na bumukas ang pinto. “Tulad din ng napakaraming pagbabago sa bahay na ito,” ani Christian sa marahas na tinig. “Natatandaan kong ang kuwadro ni Juan Luna ang nakasabit sa bahaging iyan ng dingding, Serena, sa halip na iyang mga kuwadrong iyan!”

“Juan Luna?” Curiously, Jared raised his brows.“Y-yes,” sagot ni Serena na biglang nailang.“At may mga iba pang mahahalagang bagay na pag-aari ko ang nawawala sa pamamahay na ito, Serena… Ngayon ko lang napag-ukulan ng pansin. Nasaan ang mga iyon? Tulad ng grandfather’s clock sa kanang bahagi ng sala?”

“Must we talk about this now, Christian?” Her voice held warning, kauna-unahang tono na ginamit niya rito mula nang dumating ito sa villa.Hindi sumagot si Christian. Matalim nitong tinitigan si Jared. Pagkatapos ng ilang sandali ay tumalikod at muling lumabas.

“I… I’m sorry about that.”“Huwag mo akong alalahanin, Serena…” he said. “May pakiramdam akong ako ang dahilan ng animosity ng kapatid mo. He doesn’t like me.“She sighed. Humakbang patungo sa visitor’s chair sa harap ng study table at naupo. “It’s not you personally, Jared. Nagiging possessive lang sa akin si Christian. Sa nakalipas na labindalawang taon ay ngayon lang uli kami nagkita…”

“Believe me, I’m curious as to why. Pero kung hindi mo gustong sabihin sa akin, maiintindihan ko. We’ve only met yesterday…”

“It’s all right. Wala namang sekreto maliban sa nawala siya noong kinse anyos pa lamang siya.” Ikinuwento niya rito ang trahedyang nangyari sa ferryboat na pareho nilang kinasangkutan ni Christian.

***************nakakamiss din pala mag update chariz hahaha - Admin A. Kumusta naman kayo mga bes? Miss ko na kayo ayyiiehh hahaha - Admin A **************

10

NAPATINGALA si Jared sa kinasasabitan ng mga oil paintings matapos ang paglalahad ni Serena ng mga pangyayari. “At ang Juan Luna painting na sinasabi ni Christian?”

“N-nasa Maynila. May bahay kami roon. Doon ko dinala ang ilang gamit na narito sa bahay.” Umiwas siya ng tingin upang hindi mabasa ni Jared sa mga mata niya ang kasinungalingan. “Binili ni Papa nang mawala si Christian. At hindi pa nakikita ng kapatid ko ang bahay na iyon.” Hindi niya gustong ngayon pa lang ay magkaideya na si Jared sa kalagayan nila.

She knew when her stepfather sold the grandfather’s clock and one Amorsolo painting. Naroon siya nang dumating ang business partner nito at kuhanin ang kuwadro at grandfather’s clock.

Narinig niya nang umusal ng panghihinayang ang mama niya sa pagkakadispatsa sa mga antigong gamit. But her stepfather had said something like the painting was only a reproduction, an excellent one. Gayundin ang grandfather’s clock, something like a seventy-five-year-old repro.

She had learned later that there are some reproductions that commanded exuberant prices.Pero hindi siya nakatitiyak na ipinagbili nito ang collection nito ng Juan Luna. Ang kuwadro ay isa sa mga unang gawa ni Juan Luna na minana pa ni Edmundo mula sa mga magulang nito. Her stepfather proudly told her mother about it.

At hindi rin siya naniniwalang ipinagbili ng stepfather niya ang choker ng mama niya. Dahil kung naipagbili nito ang mga iyon, walang dahilan upang magsangla ito ng mga ari-arian.The choker alone was worth millions. Gaano pa ang Juan Luna painting?

Kung sana ay malalaman niya kung saan iyon nakatago, disin sana’y hindi manganganib na mawala ang mga ari-arian nila. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi niya gustong ipagbili ang villa.

“Ang choker ay nasa isang safe deposit sa bangko sa Maynila,” idinagdag niya. And the lies came easily.

Humarap si Jared sa kanya. His finger touched the hollow of her throat that Serena shivered.“I would love to see that choker on your neck, Serena.” His voice was a note huskier.

Serena swallowed. She dismissed the heat that spread through her by that simple touch. It was one thing to seduce him, but to feel something for him was another thing. Muli siyang tumayo at lumakad patungo sa pinto. Huminto siya sa bukana at nilingon si Jared.“Ipakikita ko sa iyo ang ibang bahagi ng bahay…”

“I would love that. But some other time, Serena. It’s late.” Niyuko nito ang relo sa braso. “May oras ang pag-inom ng gamot ni Lola Eleanor.” Humakbang ito palapit sa kanya. Too close that it brought out a soft gasp from her. “I enjoyed tonight, Serena.” A smile curved Jared’s mouth as he looked at her.

Then he cupped the back of Serena’s head with his hand and brought her to him. Sa isang sandali ay nagtagpo ang mga mata nila bago yumuko si Jared upang angkinin ang mga labi niya.Serena caught her breath. And then had it snatched away from her again when Jared bent his head and kissed her.

Every butterfly-piloted jet flying in her stomach instantly crashed and went up in flames.She had been kissed. Pero may pakiramdam siyang iyon ang kauna-unahang halik niya. All kisses she had shared with her previous relationships had paled in comparison to Jared’s kiss.It was as if those years of daydreaming had been wrong. That this was the right daydream. The right kiss. The right man.

Serena could feel herself melting in the heat of Jared’s kiss as it unfold and spread out to every single space within her body. Claiming it. Claiming her.

The kiss didn’t last long and yet it left her breathless. She was gaping at him like a starstrucked teenager when he left her mouth.

“I have been wanting to do that since yesterday,” he said as desire hooded his eyes. Pagkatapos ay pinahid ng thumb nito ang mamasa-masa pa niyang mga labi. “Goodnight, Serena.” Then again, he bent and planted a brief kiss on her mouth. “I’ll see you tomorrow.”

**************SHheeeeet may kiss na agad OMG hahaha-  Admin A *********************

11

NASAAN ang Juan Luna painting, Serena?“ sita ni Christian sa kanya nang makaalis sina Jared at Lola Eleanor. Umaalingawngaw ang tinig nito sa buong kabahayan.

Hindi agad siya makasagot. Hindi niya akalaing naisip at naalala nito ang priceless painting. But then, why not? Buong labing-apat na taon ng buhay nito’y nakikita nito ang kuwadrong iyon na nakasabit sa mismong pinagsasabitan ngayon ng larawan ng mga magulang nila.

“N-nasa bahay sa Quezon City, Christian. Nasabi ko na ba sa iyong—”“Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang totoo, Serena?” awat ni Tiya Adel sa tangkang pagsisinungaling niya.

Bigla niyang nilingon ang matandang babae. Nakikiusap at nagbababala ang mga mata niya. Subalit wala sa kanya ang tingin ni Tiya Adel kundi na kay Christian.

“Malutas mo man ang suliranin sa asyenda’y hindi mo na mababawi pa ang kuwadro—kung nasaan man iyon ipinagbili ng ama ninyo,” patuloy nito. “Hindi biro ang halaga niyon… na hindi ko maintindihan kung bakit ang isang iginuhit ng matagal nang namayapang pintor ay kayamanan ang halaga.”

Lumipad ang nanlilisik na mga mata ni Christian kay Tiya Adel at pagkatapos ay ibinalik sa kanya. “Ano ang ibig niyang sabihin?”

Umiwas siya ng tingin, humakbang patungo sa bintana, at tumanaw sa kadiliman sa labas. Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala mula sa kanya.

“H-hindi ko alam kung nasaan ang Juan Luna painting, Christian. Iyon ang totoo,” she said in trembling voices.“Ano ang ibig mong sabihing hindi mo alam?” he almost screamed. “Ninakaw mula sa bahay na ito? Itinago?”

Umiling siya. “Marahil ay ipinagbili ni Papa ang painting nang magkasakit si Mama, kasama ng ilang gamit. Hindi niya nabanggit sa akin. Ang kabuhayan natin ay unti-unting naubos nang mawala ka. Sa loob ng ilang taon ay hindi birong halaga ang ginastos ni Papa para matagpuan ka.

“Hindi iilang tao at agency ang binayaran niya. Ang ilan ay nagpapaasa para lang patuloy na makatanggap ng pera mula sa kanya. But you can’t blame him. Nais ka niyang matagpuan… ang malaman kung ano talaga ang nangyari sa iyo.” Humarap siya rito. “Nahinto sa pagbibiyahe si Papa. Napabayaan ang asyenda at pagkatapos ay nagkasakit si Mama…”

“Sa maikling salita, Serena!” he said impatiently, angrily.“Wala nang natitira sa kabuhayan natin. Ang bahay at ilang ektaryang lupaing nakapaligid ay nakasangla sa bangko at malapit nang mailit…”

“Putang—!” marahas na mura nito na ikinagulat nilang dalawa ni Tiya Adel.“Christian?” gulat niyang usal. Huwag na ang pagmumura nito kundi ang matinding kabangisan na nakita niyang sumungaw sa mga mata nito.

Inihilamos ni Christian ang kamay sa mukha at ilang sandaling hindi kumibo na tila kinakalma ang sarili. Pagkuwa’y humarap ito sa kanya.

“Ipagpaumanhin mo, Serena. Nabigla ako sa sinabi mo. Hindi mo ipinahiwatig sa akin iyan magmula nang dumating ako…” wika nito sa mababa nang tono. “At ang painting na iyon ay hindi biro-biro ang halaga.”

“Alam ko,” mahinang usal niya. “Hindi ko rin alam na ipinagbili ni Papa. Hindi ko sinabi sa iyo dahil ayokong mag-alala ka. Ginagawan ko ng paraan ang pinansiyal nating suliranin.”“Sa paanong paraan?” Bahagyang tumaas muli ang tono nito. “Ang sabi mo’y maiilit na ng bangko ang kabuhayan ko…” Inikot nito ng tingin ang buong bahay bago ibinalik sa kanya. “Gaano katagal bago mailit ng bangko ang ari-arian ng mga Manzanares?”

“Dalawang buwan—”“Dalawang buwan!” bulalas nito, hindi makapaniwala. “Paano mo magagawan ng paraan ang bagay na ito?” Nagpalakad-lakad ito sa buong sala.

“Ang suhestiyon ni Attorney Vidal ay ipagbili ang propiedad. May kaunting matitira sa atin kapag nabawas na ang halaga ng pagkakasangla at interes. Maaari tayong makapagsimula sa Maynila. May bahay tayo roon, Christian. Binili ni Papa matapos ang nangyari sa… sa dagat dahil mas madaling makipag-ugnayan doon sa mga awtoridad.”

Biglang umangat ang mukha nito sa kanya. “Magkano ang halaga ng bahay na sinasabi mo?“She met his eyes squarely. “Hindi ko binalak ipagbili iyon, Christian. Paano tayo kung pati iyon ay mawawala?”

“Magkano ang matitira sa atin, Serena, kung ipagbibili ang asyenda at ang bahay na ito?” he asked abruptly, hindi pa man niya halos natatapos ang sinasabi.

Muli silang nagkatinginan ni Tiya Adel. “Ayon kay Attorney Vidal ay hindi kukulangin sa dalawang milyon…”“Ganoon lang?” hindi makapaniwalang sabi nito. “Tantiya ko, ang bahay lang na ito’y hindi kukulangin sa sampung milyon ang halaga. Ang lupa pa?”

Serena sighed wearily. “Matagal nang unti-unting naisangla ni Papa ang ilang bahagi ng lupain. Iilang ektarya na lang ang natitira. At sa nakalipas na halos anim na taon ay bahagi lang ng interes ang binabayaran ko sa bangko at nagkapatong-patong na iyon.”

Sandali itong natigilan. Pagkuwa’y kumislap ang mga mata nito nang muling humarap sa kanya. “Iyan ba ang dahilan ng pakikipag-ugnayan mo sa mga Atienza? Kaya ba ipinakita mo ang buong kabahayan? Interesado ba silang bilhin ang bahay at lupa?” excited at sunod-sunod nitong tanong.

Alanganin siyang umiling at tumingin kay Tiya Adel na napapailing din. “H-hindi.”“Hindi?” Muling tumaas ang tinig nito. “Hindi negosyo ang dahilan ng pagpunta rito ng mga Atienza? Sosyalan lang? Kung ganoon ay sino ang bibili ng propiedad, Serena? Kailan ang pinal na usapan?”

“Walang taong bibili ng Manzanares property, Christian. Hindi ko balak ipagbili ang natitirang pag-aari ng mga Manzanares,” she said, unaware of the determination in her voice.

“D-don’t… sell… houssse…” her stepfather had slurred the words. Umiiyak at nakadukwang siya rito upang marinig lamang ang sinasabi nito. “Pain… ing… foorr…. boors…” Hindi nagawang tapusin ni Edmundo ang sinasabi at binawian na ng buhay. At ni wala siyang naintindihan sa huling sinabi nito maliban sa huwag ipagbili ang villa.

“Ipaiilit mo sa bangko ang mga ari-arian ko?” singhal ni Christian na nagpakislot sa kanya.“Hindi, Christian. Magpapakasal ako kay Jared Atienza upang matubos ang pagkakasangla ng ating mga ari-arian,” she said with uncertainty.

Magpapakasal? She just met the man yesterday. And she only had two months to produce the money.“Magpapakasal? Paano ka magpapakasal sa isang lalaking kahapon lang ng umaga mo nakilala?” Inulit lang nito ang laman ng isip niya.

“Problema ko na iyon,” wika niya, itinaas ang mukha.“Ipagbili mo ang mga ari-arian.” Nag-uutos ang tinig nito. “Bilang anak ay iyan mismo ang aking pasya!”

“But that would be our last resort, Christian,” aniya. “Anyway, ayon sa abogado’y may nakahandang buyer anumang sandali natin naising ipagbili ang mga ito. Pansamantala’y ipaubaya mo muna sa akin ang paghanap ng solusyon.”

“Sa loob ng dalawang buwan?” sarkastikong balik nito. “Malabo ang gusto mong mangyari, Serena. Gusto kong ipagbili ang mga ari-arian. Iyon ang pinakamabuting gawin mo. Bukas din mismo ay aasikasuhin ko ang bagay na iyan. Kakausapin ko kung sino man ang dapat na kausapin.”

Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya. “Nasa pangalan ko ang lahat ng mga natitirang ari-arian ni Papa, Christian.”

Muli itong marahas na nagmura. “Inilagay ni Papa sa pangalan mo ang mga ari-arian ko! Hindi ako makapaniwala! Isang malaking kalokohan ito!”

“Walang umaasang mula sa mga patay ay babangon ka, Christian,” sabad ni Tiya Adel sa unang pagkakataon sa sarkastiko at mariing tinig.

Napalingon dito si Christian. Ilang sandaling matalim na tinitigan ang matandang babae subalit ni hindi umiwas ng tingin si Tiya Adel. Si Christian ang unang nagbaba ng tingin.

Pagkuwa’y itinaas nito sa ere ang mga kamay. “Sige, gawin mo ang sa palagay mo’y nararapat, Serena. Tiyakin mo lang na hindi mauuwi sa wala ang mga ari-arian ng Manzanares.” He turned and went out of the room.

************Dami namang ganap dito kay Christian OMGGGGG - Admin A **************

12

ALAS-NUWEBE na ng gabi nang makarating sa bahay-asyenda si Jared. Inaasahan niyang tulog na ang abuela. Pero nagkamali siya dahil pagpasok pa lang ng four-wheel drive niya sa garahe ay agad nang bumukas ang pinto at sumungaw si Eleanor.

’’Kumusta ang kasal ng kapatid mo?“ agad na bungad ni Eleanor pagkababa na pagkababa niya ng sasakyan.

Jared smiled tiredly at his grandmother. “They missed you. How’s the arthritis anyway?” Sinulyapan niya ang paa nito.

“Namamaga pa nang bahagya. Hindi mo sinasagot ang tanong ko, Jared.“Kinuha niya ang briefcase sa loob ng sasakyan at pagkatapos ay inakbayan ang abuela at pumasok sila sa loob ng bahay.

“I took videos. Ipakikita ko sa inyo bukas.”

“Gusto kong panoorin ang video ngayon, Jared,” giit ni Eleanor. “Mag-shower ka at magpahinga na habang nanonood ako. Nagagalit ako sa sarili kong hindi ako nakadalo sa kasal ng kapatid mo.”

He sighed. “I am not that tired anyway. Let’s watch it together.“Habang isinasalang niya ang video cassette ay naghanda ng light meal si Lola Eleanor para sa kanya. Pagkatapos ay magkasama nilang pinanood ang kuha sa kasal ni Jordan. Eleanor’s face light with gladness.

“She’s beautiful, Jared!” bulalas nito. “And look at your twin, he couldn’t seem to take his eyes off his bride when he thought no one notice.”

Jared laugh. “Exactly, Grandma. And Jordan denied that he was enamoured with his wife.“Eleanor’s eyes turned misty. “I am so happy for Jordan. Sinabi mo ba sa kapatid mong dalhin niya rito at ipakilala sa akin ang asawa niya?”

“Yup.” Tumayo siya at dinala sa dining table ang wala nang lamang pinggan. Kumuha ng tubig sa ref at nagsalin sa baso. “They will sail for Paso de Blas and will stay there for two weeks. Pagkatapos ay tutuloy ang dalawa sa Caribbean. You have to wait for two months, darling, bago mo makilala ang bagong apo mo.”

Hindi kumibo si Eleanor at ipinagpatuloy ang panonood. Ibinaba ni Jared ang baso sa counter at lumakad pabalik sa abuela. Tumayo sa likod ng sofa na kinauupuan nito.“Ano ang masasabi ninyo kay Serena, Lola?”

The out of the blue question made Eleanor spun and stared at her grandson. “Serena?”“Yes, Serena.” Inilahad niya ang kamay. “We both had dinner with her aunt two nights ago. Tiya Adel, your high school friend, remember?”

“Oh, yes, of course.” Napatango si Eleanor nang maisip ang tinutukoy niya. Then she eyed him curiously. “Natitiyak kong hindi pisikal na katangian ang tinatanong mo, Jared, dahil nakikita mo iyon. At noon ko lang siya nakatagpo para makabuo ng opinyon. Pero nakita ko ang atraksiyon mo sa kanya nang gabing iyon. But what else is new?” She sighed drily. Ibinalik ang tingin sa pinapanood, patapos na ang kasal.

Nakatitig din si Jared sa screen ng TV. Pero mukha ni Serena ang nakikita niya sa screen bilang ang bride sa halip na si Adriana at siya ang groom sa halip na si Jordan.After two days, he still remembered the kiss. It was bone-melting. Hindi siya makapaniwalang makadarama siya nang ganoon sa isang simpleng halik. Never in his adult life had a simple kiss affected him so much. Kung hindi niya inilayo ang sarili at hindi sinasadyang napayuko si Serena, tiyak na mapapahiya siya.

His arousal was obvious and instantaneous. In fact, hindi man niya aminin ay si Serena ang dahilan ng pagmamadali niyang makauwi kaagad sa mismong araw matapos ang kasal ng kapatid. “Do you think she’s a wife material?”

Muling napatingala si Eleanor sa kanya. “Ano ang ibig mong sabihin? Nag-iisip ka na bang mag-asawa?”

“Lola, hindi ako nag-iisip mag-asawa. Kailangan kong mag-asawa… namin ni Jordan, kung nakakalimutan ninyo ang dahilan ng biglang pagpapakasal ng apo ninyo,” he said.Nilinga ni Eleanor ang TV. “I can’t believe that was a marriage of convenience.”

“It was and it wasn’t,” he said. “Carrie admitted to me that she manipulated their meeting and some circumstances that resulted to Jordan marrying Adriana because of the codicil.”“At nag-iisip kang si Serena ang solusyon sa bahagi mo? Akala ko ba’y wala kang pakialam kung mauuwi sa Uncle Ryan mo ang paper mill sa Batangas? That both Jake and Alexa had so much money they won’t be able to spend it in two lifetimes?”

“True. Marriage was the farthest thing on my mind. Pero habang nagbibiyahe ako kanina sa dagat, nakadama ako ng usig ng budhi. It isn’t about money. My father loved that paper mill. Jordan had been willing to sacrifice himself for him. That he fell in love with Adriana was a pleasant surprise. Well, who wouldn’t? Adriana’s pretty and so sweet.”

“Iniisip mo bang kaya mong i-duplicate ang nangyari sa kakambal mo?“Umiling siya. “No, Grandma. Hindi iyan pumasok sa isip ko. It must be the guilt.”“Hindi ako makapaniwalang nag-iisip kang si Serena ang pakasalan. Aba’y napakalayo niya sa mga naging nobya mo.”

“You are right,” he agreed. Dinampot ang remote control at ini-off ang VCR at TV. “And the mere fact that I don’t usually fall for mestizas, that makes her intriguing.”“But you only met her a couple of days ago, Jared!”

“Desperation, Grandma. I will be thirty-three in three months’ time. At natitiyak kong sasang-ayunan ng mga abogado si Serena. She perfectly fits the bill.”“What’s wrong with—sino na nga ba iyong latest girlfriend mo? Iyong ipinakilala mo sa akin noong minsang lumuwas ako?”

“Si Kathleen.”“Yes, that’s her name.” Tumango-tango ito. “And I had this impression that she comes from a buena familia. Why, she epitomizes your ideal woman, Jared. Not that I want you to marry that woman—voluptuous and with more boobs than brain. But I’m curious though. Bakit hindi ang Kathleen na ito ang naisip mong yayaing pakasal?”

“Siya mismo ang dahilan kung bakit ako narito sa asyenda, Grandma, at kung bakit nagmadali akong makauwi kaagad pagkatapos ng kasal,” he said annoyingly. Kung nalaman ni Kathleen na nasa Maynila siya nitong nakalipas na dalawang araw ay malamang na hindi siya agad nakabalik sa Manzanares. “Hindi siya naniniwalang tapos na sa amin ang lahat.”

“Ah. So another relationship had once again ended,” she said drily. “What’s wrong with Kathleen this time?”

“Oh, nothing much.” The sarcasm was self-intended. “Just the clinging vine type and demands a lot of my time. Nasasakal ako. My God, she has started buying my underwears and other personal things! At natitiyak kong hindi papayag si Kathleen sa isang marriage of convenience. Kung maaari lang akong ipasok niyon sa botelya at dalhin sa bag araw-araw ay ginawa na niya.“Napangiwi si Eleanor. “Well, you’re right to end the relationship. Anyway, sa palagay mo ba’y papayag si Serena na magpakasal kayo nang dahil lang sa codicil ng Lolo Benedicto mo?“Hindi agad makasagot si Jared. Katunayan, ang ideyang iyan ay bigla na lang pumasok sa isip niya habang nagbibiyahe siya sa dagat kanina. Ni hindi niya alam kung paano iyon ihaharap kay Serena. At kung sakali, papayag ba naman ito?

Well, they said he could charm the birds out of the tree if he wanted it. Titiyakin niyang magagamit niya ang charm na iyon upang mahikayat si Serena.

Malibang may boyfriend na ito. Iyon ang malaking suliranin. But he doubted it. When he kissed her that night, she responded as if it was the greatest kiss she ever had.At buo na ang isip niya na kung magpapakasal din lang siya dahil sa codicil ng lolo niya, titiyakin na niyang makukuha niya ang lahat ng bentahe.

At si Serena iyon. He intrigued her. He liked her. He desired her. Wala pa siyang babaeng pinagnasaan nang ganitong katindi sa unang pagtatagpo kundi si Serena. Mula nang makilala ito ay hindi niya mabilang ang pagkakataong naiisip niya ito—which was another first.Kaya kung ang pag-uusapan ay ang baser need niya, he might as well take advantage of it by marrying Serena. He liked her. At kung tama ang hinala niya—na bibihira namang magkamali—may pagtingin din ito sa kanya.

“I still have a few weeks to court her properly,” he said.“Kunsabagay, mahusay na pamilya ang mga Manzanares, hijo,” Eleanor concede grudgingly. “Isa sa mga kinikilala sa bayang ito. Ang totoo niyan, ang bayang ito’y ipinangalan mismo sa ninuno ni Edmundo Manzanares… kay Don Agustin Manzanares.”

“She wasn’t a Manzanares by blood, Grandma. Her mother married Christian’s father. Of course, you don’t know that. You spent most of your life in Manila.”

“Really?” Napaangat ang guhitang kilay nito. “Hindi ba mas dapat na pag-isipan mong mabuti kung si Serena nga ang gusto mong iharap sa mga abogado? Hindi ako makapaniwalang malaking impluwensiya ang nagawa niya sa iyo sa unang pagtatagpo n’yo pa lang.”“Baka ang Villa Manzanares ang nagbigay ng malaking impluwensiya sa akin, Grandmother.” Then he grinned at his grandmother shamelessly. “Kapag pinakasalan ko si Serena, kasama sa package ang villa.”

“Don’t be silly, Jared. You don’t marry a woman because she happens to own a crumbling house.”

“Crumbling? Grandma, you must be joking! That villa has a timeless beauty. Bibihira ka na lang nakakakita ng mga bahay na ganyan na pinaninirahanan pa rin. Ang iba’y ginagawang museum kung hindi man pinapasyalan na lang ng mga turista.”

“Na siyang dapat,” she snorted. “I don’t care much for old dilapidated houses, Jared.” She waved her hand, dismissing the topic of the house. “Anyway, naalala mo ba ang kagaspangan ng ugali ng kapatid niya?”

“I am not worried about Serena’s brother, I can take care of Christian.“Napatitig ito sa kanya. “S-seryoso ka bang talaga?”

“I thought about this on my way home, Grandma. Pagkatapos ng panunuyo at papayag si Serena sa proposal ko ay pakakasalan ko siya…”

Nagkalambong ang mukha ni Eleanor at nagbuntong-hininga. “Sagrado ang kasal, Jared. Hindi tayo nagpapakasal para lamang sa kapakinabangan ng bawat isa.”

“Gusto kong sabihing si Lolo Benedicto ang sisihin ninyo sa bagay na iyan…” he said. “But since until a few hours ago I had no intention of adhering the codicil, it’s moot to bring it up. Anyway, Grandma, no matter what you think of me, I also believe in the sanctity of marriage. Kaya nga hindi ko gustong pasukin ang pag-aasawa dahil natitiyak kong sisikapin kong maging matagumpay iyon ano man ang mangyari…”

He sighed. “I always admire my parents for making it through the years. For weathering out the storm of marriage, so to speak. That I would like to duplicate. Though I might regret this decision later, still I’ll stick to it. Kaya nga kung mag-aasawa rin lang ako—ano man ang kadahilanan—ay iyon nang pareho kaming may atraksiyon sa isa’t isa.”

Napabuntong-hininga si Eleanor. “Well, you’ve sown your oats. Perhaps it’s time for you to settle down. Kunsabagay, kahit paano’y nakikita kong may pinong pag-uugali si Serena kaysa roon sa kapatid…”

Then she added when Jared remained silent. “Though the dress she wore that night was too much. I wonder if she had chosen to wear it on purpose. Kung ganoon nga, walang ipinagkaiba si Serena sa mga babaeng nililigawan at iniiwan mo pagkatapos. Inaakit ka niya sa simula pa lang.” Gumuhit ang disgusto sa mukha nito.

“On the contrary, now that you remind me, I can say I liked the dress, Grandmother.” He grinned.“Oh, I bet. I remember the way you were ogling her like you’ve never seen a woman’s cleavage before.”

Nag-echo sa loob ng kabahayan ang halakhak ni Jared.

“Huwag kang padalos-dalos, hijo,” paalala pa rin nito. “Hindi mo ba napansin nang gabing naroroon tayo na halos hubad ang villa? Parang may mga kasangkapang naalis. At kamakailan lang, may naulinigan ako sa bangko na ipinagbibili ang Manzanares property. I heard the manager talking to somebody on the phone…” She paused, tila nag-iisip. “Oh, well, I am not really certain about that but—”

“Kung ano-ano ang iniisip ninyo. No one would sell a house like that, Grandma. May bahay sila sa Manila, malamang na dinala ni Serena roon ang ilan sa mga gamit sa villa, lalo at si Tiya Adel lang ang naiiwan sa asyenda.” Hinagkan niya sa noo ang abuela. “Matulog na kayo. Goodnight.”

*************Sorry mga bes ngayon lang ulit ako nakapag-update. So many ganap nitong mga nakaraan. Marami pang bagyo na dumating sana okay lang kayong lahat. Miss ko na kayo mga beshies. PM n’yo nga ako chariz hahaha. Sana miss n’yo rin me, hopefully maging okay na ako pati kayo para tuloy-tuloy na ang update natin.  

Comment kayo sa baba kung ano namiss n’yo sa akin bukod sa update ko chariz hahaha .

Miss you all mga bes, mahal ko kayo! Mabuhay! - Admin A ************************

13

“KUNG paano kayo nakatatagal sa init dito’y hindi ko maintindihan,” padabog na sabi ni Christian na sumungaw sa silid ni Tiya Adel sa ibaba. Ni hindi ito kumatok. Si Serena na pinapanood ang pagtatahi ng matandang babae sa sirang mantel ay biglang napalingon sa pinto.

“Christian?”“Kahit ang sala’y madilim!” patuloy ang reklamo nito.

“Ngayong alam mo na ang pinansiyal na kalagayan natin ay inaasahan kong maiintindihan mong nagtitipid tayo sa kuryente, Christian,” banayad niyang sabi rito. “Bakit hindi mo na lang buksan ang lahat ng bintana sa silid mo? Malakas ang hangin sa itaas.”

“Anak ng…! Kahit television ay wala. May radyo man ay AM pa! Umaasa akong sa pag-uwi ko’y katapusan na ng paghihirap ko! Iyon pala’y higit pa ang dadanasin ko sa pesteng bahay na ito.” Tinitigan siya nito nang matalim. “Tingnan mo ikaw, paypay ka nang paypay diyan na parang loka. Buksan mo iyang ceiling fan!”

Itiniklop niya ang abaniko at napabuntong-hininga. “Kunin mo ang electric fan sa silid ko. Gamitin mo.”“Ipagbili mo na ang natitirang pag-aari ng aking ama, Serena, at sa Maynila na tayo manirahan. Magnegosyo tayo… kahit na ano.”“Pero, Christian—”

“Ang malabong kalutasan ng suliranin nati’y hindi na nagbalik!” paismid nitong sabi. “Natitiyak kong alam ng mga Atienza ang pinansiyal nating kalagayan. Sino ang gustong makapag-asawa ng isang babaeng may nakakargang malaking pagkakautang sa mga balikat?!”“Christian, please…”

“Nauubos ang mga araw, Serena,” babala nito at pagkatapos ay tumalikod at lumabas ng silid.Naiwan sila ni Tiya Adel na nagkatinginan. Siya ang unang nagbaba ng tingin, tumayo at tinungo ang bintana at sige pa rin ang paypay nang wala sa loob. Natetensiyon siya. Tatlong araw na ang lumipas at hindi na muling nagbalik si Jared sa Hacienda Manzanares.

Kung tutuusin ay hindi na mapakali si Serena. Nauubos ang isip niya sa paghahanap ng dahilan kung paano sila magkikitang muli at kung paano makatatawid sa kabilang asyenda nang hindi siya magmumukhang kahiya-hiya.

She wasn’t so naive as not to realize that Jared was attracted to her on day one. Kaya natitiyak niyang walang dahilan upang hindi ito makipagkitang muli sa kanya. Unless that kiss really meant nothing to him.

Pero nangako itong babalik kinabukasan—na hindi nangyari. Maaaring may girlfriend itong iniwan sa Maynila, and Jared was the faithful type.

Na lalo lang nagpasakit sa loob niya dahil ang dalawang naging kasintahan niya’y parehong sinungaling at mandaraya. And it wasn’t fair that a rich man like Jared could be faithful to whoever was his girlfriend.

“Tama si Christian, Serena,” komento ni Tiya Adel habang muling pinaandar ang makinang panahi. “Lamang, hindi ko gusto ang paraan niya ng pakikipag-usap sa iyo. Tinalo pa niya ang hari kung umasta.”

“Nag-iisip tuloy akong tumawid na sa kabilang rancho, Tiya…” nag-aalangang sabi niya.“Kalimutan mo na ang kalokohan mong iyan sa lalaking Atienza at wala ring mangyayari.” Napabuntong-hininga si Tiya Adel. “Hindi kita naiintindihan. Sa loob ng nakalipas na panahon ay wala kang solusyon sa panggigipit ng bangko. Alam nating pareho na kung hindi sa pagkailit ay mapipilitan kang ipagbili ang lupain. Ano at gusto mong ubusin ang natitirang araw?”“I cannot sell the house, Tiya Adel. Kung sa kahuli-hulihang araw at wala akong nagawang paraan, the land will be sold. Pero hindi ang bahay at ang mismong lupang kinatitirikan nito. Ipagbibili ko ang bahay natin sa Quezon City para sa villa. Naipaliwanag ko na kay Attorney Vidal ang bagay na iyan. Tutal ay hindi sagabal ang bahay sa kung sino man ang bibili ng lupain, kung sakali. This house was almost near the public road.”

Tumingin siya sa kadiliman sa labas na para bang naroroon ang kalutasan ng suliranin niya. “Bago namatay ang Papa, sinabi niyang huwag ko itong ipagbili…” usal niya sa gumagaralgal na tinig. “Isipin pa lang na mawawala sa atin ang bahay na ito ay nagsisikip na ang dibdib ko. Maraming taon ng aking kabataan… namin ni Christian, ay ginugol sa asyendang ito…”“Ako ma’y dito na tumanda, hija. Pero may magagawa ba tayo? Isa pa’y ibang Christian na ang kaharap natin ngayon. Nasanay na siya sa Maynila kaya gusto niyang doon na manirahan. At tama siya, maaari tayong magsimulang magnegosyo roon. Walang silbing manatiling sentimental…”

Nilingon niya si Tiya Adel subalit nakayuko ito sa tinatahi. Alam niyang sinasabi lang nito kung ano ang dapat pero natitiyak niyang hindi nito kailanman gugustuhin ang buhay sa Maynila.“Kung sana ay alam ko kung saan nakatago ang mga alahas ng Papa…” she whispered in the dark.

Umangat ang mga mata ni Tiya Adel sa kanya. “Alam ba ni Christian ang bagay na iyan?“Umiling siya. “I… don’t think he knew about the choker’s worth. At hindi ko alam kung alam niya ang tungkol sa iba pang mga alahas. Baka sa nakalipas na panahon ay nalimutan na niya iyon.”“Napuna ko kasing nanggaling siya sa attic nitong nakalipas na mga araw. Bukod pa roon ay hinalungkat niya ang mga gamit ng mga magulang mo na nakaipon sa silid sa ikatlong palapag, gayundin ang mga silid sa bahay na ito.”

Sandali siyang nag-isip. “Hindi niya ako tinatanong tungkol sa mga alahas. Maaaring gusto lang ni Christian na makita ang mga lumang gamit na magpapaalala sa kanya ng kanyang kabataan, Tiya. Marahil ay sinisikap niyang hulihin ang mga nawalang taon sa buhay niya.”

Nang hindi kumibo si Tiya Adel ay nagpatuloy siya. “At hayaan ninyo siya. Ano ang malay natin baka sa pamamagitan ng ginagawa niya’y mahanap niya kung saan itinago ni Papa ang mga—”“Ate Serena,” tawag ni Elvie na sumungaw mula sa naiwang bukas na pinto ni Christian. “May bisita po kayo. Si Mr. Atienza po.”

Pinigil niya ang pagkawala ng singhap. Hindi niya nais na makita ng katulong ang kagalakan sa mukha niya. “P-papasukin mo, Elvie.”

“Nakita ko pong nagtungo siya sa kuwadra, Ate.”

Tumango siya. Nang tumalikod ang katulong ay nilingon niya si Tiya Adel, pumuno ang kasiyahan sa mukha niya. “Huwag kayong kumontra, Tiya. Baka may pag-asa pa. Ang dapat ninyong gawin ay tulungan ako,” aniya sa desperadong tinig.

Napailing na lamang ito nang bigyan niya ng sulyap ang sarili sa salamin sa lumang aparador nito. Inayos niya ang buhok, at pagkatapos ay nagmadaling lumabas.

***************Ano ang mga latest chika ngayon mga bes, di na kasi ako updated. :( - Kuwentuhan n’yo nga ako parang ang daming happenings ang na miss ko dito. huhuhu so sad na ako chariz hahaha. - Admin A *********************

14

NASA tagiliran ng bahay ang kuwadra at maliban sa ilaw na nasa labas mismo ng kuwadra ay may kadiliman nang bahagya sa loob. Malayo pa ay naririnig na ni Serena ang mahinang halinghing ni Thor. Nakita niyang nakatayo si Jared sa may tapat ng kulungan ng stallion.Lumakad siya papasok. “Hi,” bati niya.

“Good evening,” came his male reply.

Serena wondered why the sound of his voice made her heart beat faster.“Masyado na ba akong gabi sa pagparito?” he asked, his face was silhouetted against the dim light from the back of the building.

“Maaga pa naman…”“I’m sorry if I hadn’t come back sooner as I promised,” wika nito. “Kailangan kong lumuwas kaagad sa Maynila. Kinabukasang manggaling kami rito ay may mensahe sa aking kailangan kong lumuwas. Ikinasal ang kakambal ko, si Jordan…”

“Really?” May kasiyahang gumuhit sa dibdib niya. Hindi girlfriend ang dahilan kung bakit hindi ito agad nakabalik. “At ikaw, siyempre, ang best man.”

He grinned. Kumislap sa dilim ang mapuputing ngipin nito. “It was a simple and unplanned wedding exclusive for family members. Si Lola Eleanor ay hindi nakarating dahil sinumpong ng rayuma. Dumating ako kagabi pero nang magising ako kaninang umaga’y nagpahatid sa akin sa clinic sa bayan si Lola. Hindi gumagaling ang rayuma sa mga dahong tinatapal—”

“Hey. There’s no need to explain, Jared.” Serena saw him smiled in the dark. Nilinga niya si Thor. “Bakit dito ka tumuloy?”

“Gusto kong kumustahin ang sugat ni Thor. Hindi ba at balak kong magpaturong mangabayo sa iyo?”

“The wound’s healing. May gamot namang ibinigay ang beterinaryo noon at ginamit ko.” Humakbang siya palapit kay Thor at hinaplos ang ulo nito.

Nilinga ni Jared ang buong kuwadra. “Napansin kong para sa maraming kabayo ang kulungan, Serena. Pero dadalawa lang ang kabayo. Forgive me, pero iyang nasa kabila’y mukhang maraming taon na ang inilagi sa mundo.”

Ipinagpasalamat niya ang dilim at hindi nito nakikita ang pagkailang na lumatay sa mukha niya. “Nang mawala si Christian at nang magkasakit si Mama ay napabayaan ni Papa ang asyenda. Nagtungo sila sa Amerika upang ipagamot doon si Mama.” It was, at least, the truth.“At si Thor lang ang natira at ang matandang kabayong iyan…” Sinulyapan nito ang patpating kabayo sa sulok ng kuwadra.

“Nobody wants to buy an old horse. At hindi kasama sa mga idinispatsa ng Papa si Thor. He’s mine. Regalo niya sa akin nang matuto akong mangabayo.”

“You must have had a fine breed of horses…” Hindi niya sinagot iyon dahil hindi siya nakatitiyak na hindi mababasag ang tinig niya. Ipinaaalala lang nito ang suliranin niya. She took a deep breath.

“Hindi mo ba gustong pumasok sa bahay? I-it’s dark in here…”“I love the dark, Serena.” His voice was suddenly low and husky.

He was too close for comfort. Gusto niyang umatras subalit hindi ba ito naman talaga ang gusto niyang mangyari? Isa pa, if she played coy and moved backward, gate na ng kulungan ni Thor ang nasa likuran niya.

Maaaring plano niyang akitin si Jared pero naiilang siya sa ginagawa. Itinaas niya ang abaniko at nagsimulang paypayan ang sarili. Serena was suddenly very conscious of the dark place, of the shadows, of the man, the scent of him, the presence of him, the fact that they were alone.“Are you hot?” Nahihimigan ni Serena na may dobleng kahulugan ang tanong. At bago pa siya makasagot, inalis nito ang pamaypay sa kamay niya, and closed it with an expert hand.Ang scalloped lace ng pamaypay ay inihaplos nito sa pisngi niya, then he traced the outline of her ear, the sensitive lobe, the delicate cord down the side of her neck, the tiny hollow at the base of her throat.

Serena shivered. She felt it from the back of her neck all the way down to her toes.“Now you’re cold,” he said, his eyes watchful.

“No, I’m not. It tickles,” she confessed. “Stop it, Jared…“Kung saan napunta ang pamaypay ay hindi niya alam. Ang sumunod niyang naramdaman ay ang mga daliri nito. He traced the imaginary line along the slender brows above her eyes, down the bridge of her nose, around the curve of her upper lip, framing the shape of her mouth.“Jared—”

“Yes, Serena?”“A-ano ang ginagawa mo?”“Gusto mo bang ihinto ko?” he counter-asked.

Hindi siya makasagot. Umaayon ang lahat sa plano niya nang walang kahirap-hirap. At hindi siya dapat makadama ng kahit na ano o maapektuhan man lang kaya. But this was Seduction 101. Instead of her seducing him, it was the other way around. She was being seduced by the master seducer. And she had never felt like this before… not with her previous relationships.

A whole new world of physical sensations was opening up to her. Her skin was aware of the slightest touch. Ang pintig ng puso niya’y bumibingi sa kanya. Nananakit ang lalamunan niya. At tila may mga paruparong nagliliparan sa tiyan niya.

Gusto niyang magsalita pero wala siyang maapuhap na sasabihin. There wasn’t even a coherent thought in her mind.

Serena had always been in control of herself. Until now.Then Jared dragged the back of his fingers along the swell of her breasts, and she was good and truly lost.

May pangangailangan siyang naramdaman na hindi niya kayang simulang ipaliwanag. There was a melting between her legs that left her feeling dizzy and weak and wanting.

Tumaas ang kamay nito sa batok niya at dahan-dahan siyang hinapit upang hagkan. She would have wanted that very much. But perhaps Serena wasn’t totally lost, dahil may kumuha ng atensiyon niya. Sa may likuran at madilim na bahagi ng kuwadra.

“S-someone’s stirring,” she murmured as they stood together in the darkness.Jared laughed thickly under his breath. It was a sensual sound that sent shivers down Serena’s spine.“Someone?”

Kumunot ang noo niya. “Y-yes.”“I am stirring, my lovely Serena,” kumpirmasyon nito, smiling down at her. “At least, sa ibang bahagi ng katawan ko.”

Ipinagpasalamat niya ang dilim dahil itinago niyon ang pamumula ng pisngi niya. He was stirring, she knew that, could feel his sex on her tummy. Pero iba ang tinutukoy niya. Natitiyak niyang may narinig siyang gumalaw at kumaluskos sa labas ng likurang kuwadra.“M-may narinig akong gumalaw sa labas ng kuwadra,” pabulong niyang sabi.

“Forget it, Serena,” he said. “It could have been that horse…” Tuluyan na siya nitong hinapit at mapusok na hinagkan.

Jared’s mouth was both hard and soft. Insistent and gently persuasive, demanding and slightly abrasive from the merest hint of beard stubble.

And this time, she was truly aware of the stirring against her stomach. It was hard… and large. Her heart was crashing like thunder during a storm. And when Jared thrust his tongue into her mouth, Serena forgot everything.

HINDI makuhang huminto ni Jared sa paghalik kay Serena. Her lips were sweet and enticing. And the damnedest thing, tila itinuturo nito sa kanya ang kahulugan ng salitang pagnanasa.He had kissed his share of women in the past thirty-two years and ten months of his life. But nothing tasted like Serena. There was something exotic, something indefinable, and something a little wild about her.

He took another taste. Pagkatapos ay muli pa… at muli pa. And he found himself wanting more and more of her. Kahit ang bango nito’y walang katulad. Kasimbango ito ng umaga at ng mga bulaklak sa tag-araw.

Hindi iyon mamahaling pabango. O di kaya’y mula sa mabangong sabong pampaligo. Her scent wasn’t strong, or cloying, or overpowering. It did not hit a man square in the face. It was simply Serena’s natural smell.

Her scent was subtle. Kahit siguro hanggang sa pagtulog niya’y malalanghap pa niya ang bango nito.It was intoxicating.

At nasisiraan na marahil siya ng bait dahil hindi niya gustong huminto sa paghalik. He wanted to nuzzle her neck, the vulnerable spot beneath her ear, the smooth expanse of her shoulder. Gusto niyang malaman kung ang lahat ng bahagi ng katawan nito’y amoy-rosas sa tag-araw.Ang kamay niya’y pumaloob sa blusa nito sa likod at dinama ang malambot nitong balat. The feel of her was unlike any woman he had ever touched.

He took a step farther. Mula sa leeg ni Serena’y bumaba ang mga labi niya sa dibdib nito, trying to determine if the scent of roses and sunshine emanated from her breasts.Gusto niyang ihiga ito sa dayami at hubarin ang damit nito. Gusto niyang paglakbayin ang mga labi niya sa lahat ng sulok ng katawan ni Serena at alamin kung saang bahagi ng katawan nito nanggagaling ang bangong nakalalasing.

He imagined himself kissing that delicate flesh between her thighs… those musky petals that opened, that blossomed, that dripped with sweet dew when they were aroused. And he wanted to bury himself deep inside her… as deep as he could…

Jared groaned silently. He had to stop. He was driving himself insane. Kailangang ipaalala niya sa sariling ang dahilan ng pagtungo roon ay upang suyuin ito. Hindi niya ito dapat madaliin… hindi dapat takutin sa pagnanasang hindi niya kayang supilin.

Subalit iba ang idinidikta ng isip niya kaysa sa gustong gawin ng katawan niya. He thrust his tongue even deeper down her cleavage, his mouth searching for her nipple. And when Serena moaned in pleasure, Jared could contain himself no longer.

Itinaas niya ang palda ni Serena patungo sa baywang nito. His fingers cupped her buttocks as he ground himself against hers. My God, he was more aroused than he had ever been in his life.Subtlety and wooing be damned!

“Serena… I want to marry you…” he murmured his thoughts aloud.“Mabuti naman at sa bibig mo na nanggaling ang mga salitang iyan, Mr. Atienza,” came the loud and angry voice.

Mabilis na kumawala sa isa’t isa ang dalawa. Sa entrada ng kuwadra ay nakatayo si Tiya Adel, ni hindi nila maaninag ang mukha dahil sa labas nanggagaling ang bahagyang liwanag. Ang anino nito’y halos umabot sa kinatatayuan nilang dalawa.

“Tiya Adel!” bulalas ni Serena.

****************Bawi tayo ng update mga bes kapag nakaluwag-luwag na ako. May bago na palang book si Ms. MC , super ganda mga bes. sayang lang at di puwede magpost ng pics dito magsesend sana ako sa inyo para makita n’yo rin. Super ganda eh at super sulit talaga. Bet na bet ko mga besh.  Kung wala pa kayo mag-PM lang kayo sa Precious Express sabihin n’yo lang name ko at para mabigyan kayo ng 10% discount . Sulitin n’yo na mga bes, sayang kasi ang ganda eh hahaha. - Admin A **************************

15

“GUSTO kong makausap si Eleanor, Mr. Atienza,” patuloy ni Tiya Adel habang hindi malaman ni Serena kung paano aayusin ang sarili. “Hindi ako papayag na basta mo na lang pagsasamantalahan ang pamangkin ko. Ano ang malay ko kung ano ang maaari mo pang gawin sa kanya kung hindi ako nag-alalang matagal na kayo rito sa dilim…”

Jared cleared his throat. “Tiya Adel—”“At ikaw, Serena…” Binalingan nito ang pamangkin, “halos hubaran ka na ng lalaking iyan! Ang mga kamay niya’y naglalakbay na sa katawan mo!” Her horror was genuine.To her credit, Serena’s face was flushed.

“Pero bago mo dalhin dito si Eleanor ay gusto kitang makausap sa bahay.” Tiya Adel’s voice was with authority. Pagkatapos ay tumalikod na ito.

“I have heard men talk about ‘pikot’ and never realized the meaning of the word until now,” he sneered and saw Serena flinch in the dark.

“Did you expect her to turn her back? She saw how you ravish me here in the dark. Bukod pa roon ay narinig niya ang sinabi mo,” wika nito.

“Sinabi? May sinabi ba ako? I thought I was enjoying your neck—”“Oh, you obviously did,” she said drily. “You enjoyed not only my neck. Tinalo mo pa ang paniki. At bigla’y dumami ang mga kamay mo…”

Sa ibang pagkakataon ay gustong magtawa ni Jared sa sinabi nito. “And did you not enjoy it, too?“She cleared her throat, even in the dark she refused to meet his eyes. “I… I have to admit I did.”“Such honesty. Thank you very much,” he muttered drily.

Nag-angat ito ng mukha. “But you surprised me when you said something about wanting to marry me. At nahuli rin ni Tiya Adel ang sinabi mo.”

“Wanting to marry you?” He groaned inwardly. Oh, well, that was exactly his intention. Pero hindi sa ganitong paraan na tila itinulak siya sa isang sulok.But then what did it matter? Iisa rin ang magiging resulta.

“How many women have you proposed in the throes of passion, Jared?” She started fanning herself vigorously.

Hindi magtataka si Jared kung isa-isang matanggal ang mga tangkay ng pamaypay sa lakas ng pagpaypay nito. My God, he had never uttered such foolish words before. Not to anyone. Kahit na nasa kasukdulan siya. And he didn’t imagine himself proposing to a woman in the dark… or in a throes of passion—as she just said.

But Serena presented his chance and he was a fool if he didn’t grab it. Eventually, susuyuin din niya ito tulad ng plano niya.

He harrumphed. “It was my subconscious talking. Perhaps because I am in a situation where I need to marry. Soon.”

She turned to face him. Frowning. “You need to marry soon? Ano ang ibig mong sabihin?”

*************Ano kaya ang ibig nilang sabihin nyan? Kumustasa madlang peoples chariz hahaha. Sana okay lang kayo at panahon na naman ng mga bagyo. Mag-ingat ang lahat!!! Kitakits tayo soon mga bhiee? G ba kayo char hahaha - Admin A ************************

16

“DO YOU really want us to talk here in the dark?” Jared asked.“At least, you’ll know that dark stables aren’t just for kissing and petting… So, ano ang ibig mong sabihin uli?”

Nagsimulang ilahad ni Jared ang dahilan kung bakit kailangan nitong mag-asawa. Ni hindi tinangkang putulin ni Serena kahit isang sandali ang paglalahad nito. Ni hindi niya makuhang paniwalaang sa bibig mismo nito manggagaling ang kalutasan ng suliranin niya… nila ni Christian.

Habang nagkukuwento ito ay pinasasalamatan niya nang lihim si Don Benedicto—saan man ito naroroon ngayon.

“Nang… magkakilala tayo’y pinlano mo nang ihayag sa akin ang… ang proposal mo na iyan?”“To tell you frankly, no. Naisip ko lang ang bagay na ito nang magbiyahe ako kahapon pauwi rito mula sa Maynila.”

“I see.” May ilang sandali siyang pinalipas bago nagpatuloy. “And your twin brother must have married in a rush for the same reason.” It was more of a statement than a question.He shrugged. “My Aunt Carrie have known the bride for a long time. Adriana’s her husband’s daughter.”

Hindi iyon ang sagot na gustong marinig ni Serena. But she didn’t push. “Ang… ang nangyari lang ngayon, kasama ba sa plano mo?”

Tinitigan siya ni Jared, mula ulo hanggang paa. Huminto ang mga mata nito sa dibdib niya. Napahugot siya ng marahang hininga.

“Believe me, no,” he said finally. “I intended to court you… to woo you slowly. Alam kong iyon ang gusto ninyong mga babae. The kissing part came naturally… you made me lose control of myself, Serena.”

It was a backhanded compliment and she was silently pleased. “At sa nangyari’y para ka pang tinulungan ni Tiya Adel sa binalak mong panunuyo,” sarkastikong sabi niya.“As I said, I’ll call it ‘pikot.’ Or preemption.”

“At hindi ba naaayon iyon sa plano mong makapag-asawa para matugunan ang kahilingan ng mga abogado ninyo? Mapipikot ka nang ayon sa kagustuhan mo.”

His dark eyes gleamed in the dark as he stared at her. “I preferred honesty, Serena. I hate manipulation. I don’t want being pushed. After the wooing, I would have told you of my plans. As it is, your aunt preempted it. In a manipulative way, minadali ng tiya mo ang balak kong pagtatapat sa gusto kong mangyari. In the process, I might as well go along with your aunt.”“How brutally honest,” she said sarcastically. “Paano kung ako mismo ang tumanggi, Jared?” Which is the most stupid thing, you idiot… nagpapakipot ka pa… “Tulad mo, I also hate being manipulated.”

“Would you?” he challenged. At nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ito. “I really like you, Serena… desire you, in fact. Kung ang nangyari lang kani-kanina ang pagbabasehan natin.” He gave her a once-over.

Mas nararamdaman ni Serena kaysa sa nakikita ang pagnanasa ni Jared habang pinaglalandas nitong muli ang mga mata sa kabuuan niya. May pakiramdam siyang hubad siya sa paningin nito. She shivered a little. Shivering that had nothing to do with the cold wind that crept inside the stable.

“And I know you feel the same way, too,” patuloy nito. “At least, kung magpapakasal tayo ay may pundasyon tayong pinagbabasehan.”

“Baser needs…” she replied drily.“Which is a lot already. At least, we don’t repel each other. Besides, sa palagay mo ba ay papayag ang tiyahin mong makalusot ako sa gabing ito?” Again, that sneer.

Ano ba ang sasabihin niya gayong pinlano niyang lahat ito? Her aunt appeared on time. But Jared’s would-be proposal was unexpected. Hindi niya mapaniwalaang may plano itong pansarili.

“For the sake of argument,” aniya, nagsalubong ang mga kilay. “Don’t you have any other girlfriends? I mean, may ilang buwan ka na lang na natitira, bakit hindi mo inalok sa kanila ang sinasabi mo ngayon sa akin?”

“I just broke off with my recent girlfriend. Tatanggapin niya nang dalawang kamay ang iniaalok ko sa iyo.” He paused, then stared at her. “There is a dividing line between a woman and a lady, Serena. A man have sex with the former and marry the latter. Nasa unang kategorya ang ex-girlfriend ko.”

“And… and I happen to fall on the second category?” She held her breath.He eyed her. Amusement and desire sparkled in his eyes. “Although I suppose there are some lucky men who can have both with the same lady. Those ladies are few and far between. You are one of those, my dear.”

She flushed. “Why, thank you, Jared.” Hindi lumabas ang sarcasm sa tinig niya na gusto niyang mangyari. It was the highest compliment she had ever had.“How… long will we stay married?”

“Does that mean you accept my proposal?”“Just answer my question, Jared.”

“Marriage is permanent, Serena. I believe in that. Sisikapin kong maging matagumpay ang pagsasama natin sa abot ng aking makakaya.”

Happiness surged through her though she didn’t want to show it. “I don’t know what to say, Jared.”

He grinned. “You don’t have to say anything, believe me. Your aunt and my grandmother will do all the talking. We’ll hold hands and stare at each other while we listened to them, as if we are hopelessly in love.”

“Y-you don’t believe in love?”“Oh, I do.” He shrugged. “My parents love each other dearly. But love like my parents had for each other were among those few and far between.”

Ang kaligayahang nadama niya ay tila biglang unti-unting naglaho. Gusto niyang manggipuspos. Kung may gahibla mang pag-asa siyang nakikita na hindi lang ito basta isang business proposal, lalo at tiniyak nitong hindi lang iyon short-term marriage, ay biglang naglaho.“What we feel for each other is enough for now—”

“And what exactly did we feel for each other, Jared?”“Don’t deny that there’s something between us, Serena. I felt it on day one. The romantics called it spark. I call it baser instincts, as you referred to earlier. So, really, darling…” he said with a bored sigh, “tara na sa itaas at harapin si Tiya Adel.”

It was a business proposal. No more, no less. Except that he wanted to stick it out. Well, ancient marriages were business-motivated. Wala iyong ipinagkaiba sa kanila. Dapat niyang ikatuwa iyon dahil nangyari ang lahat ng naaayon sa plano niya nang walang kahirap-hirap sa bahagi niya.

Pero paanong hindi iyon magandang pakinggan? Paanong para sa kanya’y napakahirap tanggapin iyon? Paanong may bahagi sa dibdib at isip niya ang kumokontra sa ganitong uri ng proposal?

Pero hindi ba at iyon din naman ang plano niya?Dahil ba hindi niya inaasahan mula kay Jared na may iba itong motibo sa pakikipaglapit sa kanya?

That subconsciously umaasa siyang mula sa puso nito ang pagnanais na magkakilala sila nang husto… na sa katagalan ay liligawan siya… na….

Ipinilig niya ang ulo sa dilim. She was foolishly romantic. Sa kaso niya kung saan milyong salapi ang nakasalalay ay wala siyang karapatang mangarap nang ganoon.Mabigat ang mga paang humakbang siya patungo sa pinto ng kuwadra. “Tayo na sa bahay, Jared.”

“OH, TIYA!” bulalas ni Serena nang makaalis si Jared. Isinayaw-sayaw niya ang matandang babae. “Ang galing ng tiyempo ninyo. Kanina pa kayo sa likod ng kuwadra pero itinaon ninyo talagang nasa aktong hinahagkan ako ni Jared!”

Kumawala mula sa pagkakahawak niya si Tiya Adel. “Ano ba’ng pinagsasabi mong bata ka? Hindi ako dumaan sa likod ng kuwadra at kararating ko lang nang mahuli ko kayo.“Natigilan siya. “H-hindi kayo ang nasa likuran ng kuwadra?”

“Ano naman ang gagawin ko sa likuran kung ang intensiyon ko’y hulihin kayo sa akto?”“But… but I thought…” Her voice trailed off. Pagkuwa’y muling napangiti. “Baka aso o manok ang narinig ko. Anyway, akalain mo ba namang umayon sa akin ang pagkakataon…“Masiglang lumakad siya patungo sa pinto ng library at isinara iyon. Pagkatapos ay isa-isang inilahad sa tiyahin ang dahilan kung bakit madali nilang napasang-ayon si Jared na pakasalan siya.

“Kailangan niya ng asawa, Tiya Adel! At talagang liligawan niya ako dahil doon. Akalain mo!”“Kung ganoon pala’y hindi na kailangan ang ginawa ko kanina. Pinadali lang niyon ang talagang mangyayari…” mahinang sabi nito. Tumingin sa kanya. “Hindi ka ba kinakabahan sa ginagawa mong ito, Serena? Buhay at kaligayahan mo ang nakataya rito.”

Napabuntong-hininga siya. “I’m desperate, Tiya.”

“Ganoon naman pala, bakit hindi mo sinabi kay Jared ang dahilan kung bakit pumayag kang pakasal sa kanya? Patas lang kayo roon. Paano natin matutubos ang mga lupain at itong bahay?”

“Huwag kayong mag-alala. Humahanap lang ako ng tiyempo para sabihin sa kanya iyon. Bukas ng umaga ay pupunta ako sa bangko at makikipag-usap sa manager.” Pinalalakas din lang niya ang loob. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi niya alam kung paano sisimulang sabihin kay Jared ang tungkol sa pagkakasangla ng mga ari-arian nila.

*************OMG grabe nga ito mga bhieee. Sana sipagin ako sa pag-uupdate huhuhu - Admin A **********************************

17

“SAAN ka ba nanggaling? Bakit ngayon ka lang?” agad na salubong ng babae nang mapagbuksan siya ng pinto.

“Huwag kang magsisimulang magtungayaw, Sonia. Pagod ako sa biyahe,” babala niya.Tuloy-tuloy siya sa maliit na sala na sa dalawang hakbang ay ang kusina na rin, at isa pa uling ikot ay ang pinakasilid na tinabingan lamang ng luma at kupas na kurtina. At ang kama, alam niya na bumubukol na ang mga spring at tumutusok na sa likod.

His nose flared. Papasok pa lang dito sa lugar na ito’y napasimangot na siya. Makitid ang iskinita na puno ng mga batang nanlilimahid at mga istambay sa kanto na nag-iinuman. Pakunwari niyang binati ang mga iyon at binigyan ng isandaang pisong pang-inom.

At habang sinusuyod ng tingin ang entresuwelo ay lalo nang gustong mag-init ng ulo niya. Biglang-bigla ay kinasuklaman niya ang kapaligirang iyon. Mas malaki pa ang servants’ quarter sa villa ng mga Manzanares kaysa sa buong bahay na iyon. At di-hamak na mas magaganda ang kasangkapan sa loob ng servants’ quarter kaysa sa kasangkapan sa bahay na iyon.

Pero hindi magtatagal at maisasaayos niya ang lahat. Nakatiim na tiniyak niya iyon sa sarili.Naupo siya sa lumang sofa na, tulad ng kama, ay nakaalsa na rin ang mga spring at ang napunit na leatherette ay tinapalan lamang ng rugby. Inihilig niya ang ulo sa sandalan. Si Sonia ay lumapit at tumalungko sa sahig, sa pagitan ng mga binti niya.

“Gusto mong alisin ko ang pagod mo?” Puno ng kahulugan ang mahinang tinig nito. Ibinaba ang zipper sa pantalon niya.

Isang patamad na ngisi ang pinakawalan niya. Tumaas ang kamay sa buhok nito at dinaklot iyon at itiningala ito.

“Iyan ang gusto ko sa iyo, Sonia. Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagbabago kahit lyebo tres ka na. Pero mamaya na iyan. Pakainin mo muna ako.”

Nakangusong tumayo si Sonia at lumakad patungo sa kalan. “Noodles ang niluluto ko bago ka dumating.”

“Noodles?” Napaangat ang likod niya mula sa sandalan. “Anak ng—!”“Ano ba ang inaasahan mo?” sagot nito sa bahagyang padabog na tinig. Kumuha ng bandehado at nagsandok ng kanin. “Halos isang buwan kang hindi nagpapakita. Wala naman akong pera maliban doon sa iniwan mo sa aking tatlong daan. Saan ba naman aabot iyon? Inutang ko pa nga itong noodles sa tindahan!”

“Pesteng buhay ito. Sana’y hindi na lang ako umuwi rito! Kanin at noodles?” Tumayo ito at dinukot ang pitaka mula sa pantalon at kumuha ng isang libong piso at pahagis na inilapag sa center table. “Bumili ka ng matinong ulam sa kanto! Tatlong klase at ihagis mo sa kaning-baboy iyang noodles. Bumili ka rin ng beer at bayaran mo ang utang mo.”

Nanlaki ang mga matang napatitig sa pera si Sonia. Pagkatapos ay nakangiti at pagahamang dinampot nito ang pera at nagmamadaling lumabas ng entresuwelo. Ilang hakbang lang ang tindahan at bilihan na rin ng ulam. Kaya ilang sandali pa’y nakabalik na ito at inihain ang tatlong klaseng ulam.

“Nanalo ka raw ba sa lotto sabi ni Aling Onang, at tatlong klaseng ulam ang binili ko?” Binuksan nito ang apat na bote ng beer.

Kinuha niya ang isa at ininom mula sa bote. “Kapag nagkataon ay… mas pa sa panalo sa lotto, Sonia,” wika niya, walang pakialam kung umaapaw ang kanin sa bibig. Dito ay hindi niya kailangang magkunwari.

Hindi niya kailangang gumamit ng mga kubyertos at cloth napkin. Ang ipinagpapasalamat niya, sa mga pagkakataong nakakalimot siya sa harap nina Serena at Tiya Adel ay maiintindihan ng mga iyon na ito ang uri ng buhay niya sa nakalipas na mga taon. Gayunma’y hindi kailangang palabisan.

Sinalinan ni Sonia ng ulam ang pinggan niya. “Kuwentuhan mo naman ako, Cris. Saan ka ba nanggaling nitong nakaraang mga linggo?

Ngumisi siya, tinungga ang beer. “Natatandaan mo ba iyong sinabi ko sa iyong pamilya ko sa Marinduque?”

“Iyong pinuntahan mo?“Tumango siya. “Natagpuan ko na. Hindi nga lang tulad ng inaasahan ko ang kayamanan. Nakasangla ang buong kabuhayan namin sa bangko. At kung matutubos man, o kung maipagbili man, maghahati pa kami ng… ng stepsister ko sa halaga.”

“Magkano?” excited nitong tanong.Nagkibit ito ng mga balikat. “Kung sakali’y baka mahigit sa isang milyon ang mapaparte ko—”“Isang milyon!” Napatili si Sonia.

“Bukod pa sa bahay at lupa sa Quezon City. Iyong propiedad na iyon ay hindi nakasangla. Bago ako nagtuloy rito’y dumaan muna ako roon pero hindi ako pumasok. Tiningnan ko lang. Nakatayo ang bungalow sa humigit-kumulang apat na raang metro kuwadradong lupa at sa segunda klaseng subdivision…

“Sabi ni Serena ay may tatlong malalaking silid iyon at isang maliit na silid-tulugan ng katulong. Tantiya ko’y hindi bababa sa sampung milyon ang halaga niyon kung ipagbibili.” At titiyakin niyang maipagbibili iyon!

Napahugot ng hininga si Sonia, nahinto sa pagkain at ibinaba ang nakataas na paa. “At… at may parte ka rin doon?”

“Ako lang ang dapat na magmamana niyon, kung tutuusin, Sonia, dahil ako ang… anak,” namumuwalang sagot niya.

“Oh, Cris! Ibig mong sabihin ay mayaman na tayo?”

**********************Malungkot ako today kaya sad ako char hahaha - Admin A. Kumusta ang lahat? **********************

18

“Kaya magpakabait ka sa akin.” Inubos niya ang natitirang laman ng bote ng beer. “Madali para sa aking palitan ka ng mas bata.”

Lumabi ito, bahagyang nagkaguhit ang insekyuridad sa mga mata. “Hindi mo magagawa iyon. Isa pa, kung ganyang marami na tayong pera, di magagawa ko nang gumasta nang husto sa pampaganda.”

Hinagod niya ito ng tingin. Treinta y dos ang edad. Pero kahit paano’y hindi maipagkakailang maganda at may hubog ang katawan sa kabila ng may-katabaan. Puwede-pasar ang balat at may itinatago namang puti kapag nahubaran.

Noong kabataan ni Sonia ay sikat ito sa pinapasukang club. Pero hindi naman katandaan ang treinta y dos. Kung maaayusan ito’y tatalunin nito ang ilan sa mga bold star na nakikita niya sa television.

Higit sa lahat, mahusay magpaligaya ng lalaki si Sonia. Kahit kahoy na babad sa tubig ay mapagniningas nito.

Biglang kumunot ang noo niya at naningkit ang mga mata. Dinaklot ang blusa nito. “Nitong wala ako, sino ang dumidiskarte sa iyo?”

“W-wala!” tanggi nito. “At kung mayroon mang nagpapalipad-hangin diyan ay maiaalis mo ba iyon? Maganda naman ako, ah.”

“Huwag kang magkakamaling pumatol sa iba, Sonia, patay ka sa akin!” Pabalya niyang binitiwan ito na kung hindi nakahawak sa mesa’y baka nahulog sa plastic na upuan.

“Alam mo namang hindi ko magagawa iyon, Cris. Ikaw lang ang mahal ko.“Kahit paano ay alam niya iyon. Mahal siya nito at handang paglingkuran. Pero sino ang nakatitiyak? Halos isang buwan siyang wala. Tumayo siya at lumagok ng tubig at pagkatapos ay nagmumog at basta na lang ibinulwak sa lababo. Pagkatapos ay tumabo ng tubig sa plastic na drum, naghugas ng kamay at nilingon si Sonia.

“Tara sa kama.” Pinahiran nito ng likod ng palad ang tumutulong tubig sa bibig.“Hindi pa ako tapos kumain. Ang sarap ng ulam, eh…”

Umangat ang kilay niya at nilapitan ito, hinablot ang blusa. Napunit iyon at kumawala ang malusog na dibdib, tila sa isang inang bagong panganak na hindi pa nababawasan ang gatas.Iyon ang kahinaan niya. Hindi niya gusto ang babaeng may-kaliitan ang dibdib. Pumasok sa isip niya si Serena. Mas maganda, mas makinis ang mamula-mulang balat, mestiza, at seksi ang pang-upo, at kapag lumakad ay nag-iinit ang katauhan niya.

Pero walang sinabi si Serena kay Sonia pagdating sa dibdib. At tiyak niyang wala ring sinabi si Serena pagdating sa kama kompara kay Sonia.

Pero malinis at inosente si Serena. Hindi tulad ni Sonia na bago napunta sa kanya ay maraming lalaki na ang nagpakasawa rito. At si Serena ay sosyal, de-klase. Ang uri ng babaeng hindi niya kayang abutin. At kung pag-iinteresan pa niya ito ay masisirang lahat ang mga plano niya. Planong naudlot na sa pagdating ni Jared Atienza.

Ibinalik niya ang atensiyon kay Sonia at padaklot na dinama ang dibdib nito. Napasinghap nang malakas si Sonia, dala ng sakit at pagnanasa. Napangisi siya. Magkatugmang-magkatugma sila nito. Dinadala ng magaspang at masakit na pakikipagtalik sa kasukdulan si Sonia.

Ilang sandali pa ay umuga ang kapirasong silid sa pagniniig ng dalawa. Lumangitngit ang spring na kama. Walang pakialam kung marinig man ng mga kapitbahay ang malakas na ungol ni Sonia na tila hayop sa kabilugan ng buwan, o kung may mga bata mang naglalaro sa ibaba, o kung may naninilip man sa kanila sa maliliit na butas sa dingding.

MAKALIPAS ang mahigit sa kalahating oras ay tumayo na siya. Dinampot sa sahig ang mga nakakalat na damit at nagsimulang magbihis.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Sonia, nakalatag sa kama ang hubad na katawan at dinadama ang sarili na tila ba kulang pa ang halos isang oras na makahayop na pagniniig.

“May lalakarin ako, Sonia. Isa pa’y kailangan kong umuwi sa bahay sa Quezon City ngayong gabi dahil kung hindi ay magtataka si Serena. Kasama ko silang dumating dito. Nagpababa lang ako sa Cubao.”

Biglang tumalim ang mga mata nito. “Sinong Serena? Sinong sila?”

“Si Serena ay ang sinasabi ko sa iyong… stepsister ko. At kasama niya ang mapapangasawa niya. Isinama siya rito para mamili ng mga gagamitin sa kasal. Ikakasal sila sa susunod na linggo.“Umaliwalas ang mukha ni Sonia. Napabangon ito at itinukod ang siko sa kama. “Bakit hindi mo ako ipakilala sa kanila, Cris? Sa stepsister mo. Asawa mo naman ako.”

Natigilan siya. Sandaling napigil ang mga kamay niya sa pagtatali ng sintas ng rubber shoes. Nilingon niya ito, ni hindi ito nag-abalang takpan ang sarili. Kung siya ang masusunod ay gugugulin niya ang magdamag sa pakikipagtalik kay Sonia. Kay tagal din niyang walang babae. Pero sapat na muna ang nangyari kani-kanina.

“Saka na, Sonia,” sagot niya at ipinagpatuloy ang ginagawa. “Hindi ko sinabi kay Serena na nag-asawa ako. Huwag mo nang itanong kung bakit dahil may plano ako at makikinabang ka rin.“Yumuko siya at walang damdaming hinagkan ito sa pisngi. Nalanghap niya rito ang amoy ng ulam nila kanina. She also smelled of stale beer and stale sex.

Muli ay pumasok sa isip niya si Serena. Laging mabango at malinis kahit na nasa bahay lang. Napahugot siya ng hininga at dumukot ng pera sa pitaka, limang daang piso. Inihagis iyon sa kama.

“O, panggastos mo, kasama na iyong sukli sa ulam kanina. Kung may oras ako’y babalik ako bago kami umuwi sa Marinduque.”

Agad siyang tumalikod at humakbang patungo sa pinto bago pa makapagprotesta si Sonia. Hindi kailangang makilala ni Sonia si Serena. Baka masira lang ang plano niya, kahit na ba may-kahinaan ang utak nito. Ipinagpasalamat niyang hindi niya nasabi rito ang tunay niyang pangalan.

Isa pa’y wala siyang tiwala sa Jared Atienza na iyon. Hindi niya gustong magpakasal si Serena rito. Kung siya ang masusunod ay gusto niyang ipagbili ang mga ari-arian at pagkatapos ay magkanya-kanya na sila.

Kung tutuusin ay hindi sa mga ari-arian siya interesado dahil hindi naman madaling idispatsa iyon. Lalo at nakapangalan pa pala kay Serena. Gayunma’y bumangon ang galit niya nang malamang halos wala nang laman ang villa at may malaki pang pagkakautang sa bangko.

Nang umuwi siya sa Manzanares ay nakatuon ang interes niya sa kuwadro ni Juan Luna at sa mga alahas. Subalit nadismaya siya nang malamang naipagbili na ang Juan Luna painting. At nahalungkat na niya ang buong villa hanggang sa attic subalit wala siyang makitang mga alahas.Gusto niyang itanong kay Serena kung naipagbili na rin ba ang mga iyon. Hindi birong pera ang halaga ng mga alahas subalit hindi siya nakatitiyak kung alam ni Serena ang tungkol doon.

Putang…! Marahil ay naipagbili na rin ang mga iyon. Dahil kahit si Serena ay hindi niya kinakitaang nagsuot ng kahit na ano maliban doon sa maliit at mumurahing hikaw.Pero hindi bale. Titiyakin niyang sa kanya mauuwi ang lahat. At ang bahay at lupa sa Quezon City ay kailangang mapasakanya lang.

*******************Grabe naman malungkot ako pero bigla akong nag-init sa chapter na ito hahahaha . Grabe ang hot eh parang ako super duper extra hot chilimansi flavor char hahaha - Admin A ***************Baka mag-init kayo mga besh ahh, dahan - dahan lang sa pagbabasa hahaha ***************

19

I

SA-ISANG tinitigan ni Serena ang magagandang damit-pangkasal na nakasabit sa rack at naka-display sa estante ng isang kilalang boutique. Isang linggo na ang nakalipas mula nang mamanhikan sina Lola Eleanor at Jared sa kanila.

At ngayon nga ay nasa Makati sila upang mamili ng mga gagamitin sa kasal. Kanina ay nanggaling na rin sila sa isang jeweler at isang set ng mamahaling engagement ring at wedding ring ang binili nito para sa kanilang dalawa.

“Maaari naman akong magsuot ng simpleng damit lang sa kasal natin, Jared.”

“It is still our wedding, Serena,” he said, smiling gorgeously at the manager of the boutique. “Totoong simple lang ang plano nating kasal pero gusto kong gawin sa tamang proseso, with all the trimmings and frills.”

Nang bahagyang lumayo ang manager ay nagpatuloy ito sa mahinang tinig. “Besides, hindi ko gustong isipin ng mga abogado na sinadya at minadali ang kasal na ito para lamang maisakatuparan ang codicil sa testamento ni Lolo Benedicto. There might be repercussions. Lalo at kailan lang din ikinasal si Jordan.”

“Pero hindi ba at ganoon namang talaga?” Her voice oozed with mild sarcasm.

“That’s true. Pero maaari namang gawing disimulado, hindi ba? At sa paraang mag-e-enjoy ka. Piliin mo ang damit-pangkasal na gusto mo, darling,” he said with a mocking grin on his lips.

Kung ano man ang isasagot niya ay hindi na nito narinig dahil nasa tabi na nila uli ang manager at ipinakita ang isang magandang wedding gown.

“Hindi ko kailangan ng traditional wedding gown, miss,” wika niya. “All I want is a white simple dress—”

“Tiyakin mong hindi ka magmumukhang dadalo sa isang high school graduation, darling,” amused na putol ni Jared sa sinasabi niya.

“Oh, I won’t mock my own wedding that way, Jared. Tama ka, anuman ang motibo mo…” natin, she added silently, “it is still our wedding.” Itinuro niya ang isang below the knee off-white dress na suot ng mannequin.

Off-shouldered at body-hugging ang pagkakayari subalit pagdating sa ibaba ng balakang ay bias-cut and uneven length ang laylayan. It was modern and sexy, off-white at may ilang mamahaling Japanese sequences at kung ano-ano pang mga maliliit na bato sa bahagi ng dibdib.

Agad na inutusan ng manager ang saleslady nito na pumasok sa estante upang hubarin ang damit mula sa mannequin.

“We don’t duplicate any of our wedding dress, ma’am,” may pagmamalaking sabi ng manager. “Kaya nakatitiyak kayong walang makakamukha ang damit-pangkasal ninyo.”

Serena smiled at the woman, pretending to be pleased. Kinuha niya ang wedding dress mula sa saleslady at pumasok sa fitting room. Naghubad siya at isinukat ang damit-pangkasal.

Sinipat niya ang sariling repleksiyon sa malaking salamin. Napangiti siya sa kabuuan ng damit-pangkasal sa kanya. It fitted perfectly. Tila tinahi ayon sa sukat niya.

Natanto niyang tama si Jared. Ano man ang motibo nito sa pagpapakasal sa kanya, kasal pa rin niya iyon. At minsan lang siyang ikakasal.

Pumasok sa isip niya ang suliranin sa mga ari-arian nila. She would have laid down her own terms, too. Na kailangang matubos ang pagkakasangla ng lupain nila sa bangko.

But not a single word came out of her mouth. Hindi niya kayang isatinig iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit gayong pareho naman silang may kanya-kanyang dahilan para pakasalan ang isa’t isa. It would have been her chance to be honest. But she suddenly found it coldhearted and calculating.

Pero saanman daanin, ganoon din ang kalalabasan ng magiging kasal nila. Maliban sa hindi iyon pansamantalang kasal lang.

Nang lumabas siya mula sa fitting room upang ipakita kay Jared ang damit ay nakita niyang may kausap itong security guard.

Nilingon siya nito. Gumuhit ang paghanga sa mga mata nang makita ang suot niya. He gave her that sexy lopsided smile.

“Bilhin na natin iyan,” he said.

“You really like the dress?”

“The dress is perfect, darling! You’re gorgeous in it.” Dinukot nito sa bulsa ang credit card at ibinigay sa manager. “We’ll take it now. There’s no need for delivery.” Muli siya nitong nilingon. “Sandali lang ako, nakaharang ang sasakyan natin sa lalabas.”

Kasunod ng parking security guard na lumabas si Jared. Naka-parallel parking sila dahil puno ang mga parking slot. Sinabi lang nito sa security guard kung nasaan sila sakaling lalabas ang hinaharangan ng sasakyan nila.

Naupo siya sa mahabang settee, sipping her orange juice lazily, isa sa mga on the house ng boutique, habang inilalagay ng saleslady sa wedding box ang damit. Nasa kabilang kalye lang naman sila pumarada at natatanaw ang parking lot mula sa labas ng boutique.

“Your fiancé has to sign this, ma’am,” nakangiting sabi ng manager at ipinakita ang resibo.

Tumango si Serena. She took another sip, may ilang sandaling naghintay. Nang mainip ay tumayo siya, nagpaalam sa manager at lumabas ng boutique.

Mula sa pavement ay tinanaw niya ang four-wheel drive ni Jared subalit wala na ito sa pinagparadahan at wala rin sa parking space kung saan nakaharang ito. May ibang sasakyang nakaparada roon.

Nagpalinga-linga siya pero hindi niya matanaw ang sasakyan. Ipinasya niyang sundan ito sa parking lot.

It was almost lunchtime. The streets and sidewalks were particularly crowded. Hindi naman mabilis ang mga sasakyan sa bahaging iyon ng Greenbelt kaya tumawid siya kasama ng ilan pang patawid. Subalit biglang nagberde ang ilaw sa intersection. Ang mga apuradong driver na nakahinto sa kabilang bahagi ng intersection ay nagmamadaling pinaandar ang mga sasakyan.

Kasama ng ilang tumatawid, napahinto si Serena sa gitna ng lane upang hintaying makaraan ang isang nagmamadali at paparating na sasakyan. Umatras siya nang bahagya.

Nang bigla’y mangyari iyon.

She felt the jostle of bodies behind her. Tila ba ginigitgit siya nang ginigitgit. Nang may maramdaman siyang kamay sa balikat niya at itinulak siya.

Serena tried to retain her balance. Itinaas niya ang kamay sa harap upang pigilin ang pagbagsak niya, pero hangin ang nadaklot niya. Then the next thing she knew she went flying directly into the path of the oncoming vehicle.

Bigla siyang pinanlamigan ng katawan. Nagbuka siya ng bibig upang sumigaw at namangha pa siya sa sarili nang marinig ang sariling tinig.

“Jared!”

*************************OMGGGG anong nangyari mga besshhh, kinakabahan na tuloy ako. :(

Welcome back to me sa mundo ng wattpad. Nakakamiss mag update dito huhuhu. Sa dami ng mga nangyari. Mabuti nakabalik pa ako dito para makapag-update. Na-miss ko kayo mga bhieee huhuhu. - Admin A ****************************

Share- n’yo lang ito mga bhieee para dumami pa ang makapagbasa ng mga stories ni Ms. Martha. At huwag sumoporta ng mga fakes*

20

SA BUONG buhay ni Jared ay hindi lang niya miminsang naramdaman iyon. Nang mga bata pa sila ni Jordan ay naroroon lagi ang damdaming iyon kung may hindi magandang nangyayari sa kakambal o di kaya’y sa pamilya niya.

Nananayo ang mga balahibo niya sa batok… bukod pa roon ay may pakiramdam siyang may tumusok sa leeg niya na tila kagat ng langgam. Itinaas niya ang kamay at hinimas ang bahaging tila humapdi at nagmamadaling lumakad pabalik sa shop.

Isang metro na lang ang layo niya mula doon nang sa gitna ng pagkakaingay ng abalang kapaligiran ay marinig niya ang pangalan niya.

“Jared!”

He spun around. Sa isang tingin ay nakita niya ang lahat: ang paparating na sasakyan, ang mga tao sa tagiliran niya, si Serena na natanaw niyang nawawalan ng balanse at babagsak patungo sa dadaanan ng sasakyan, a savage face of a stranger in the crowd trying to get away.

Narinig niya ang marahas na ingit ng preno ng paparating na sasakyan. Narinig din niya ang malakas na busina ng mga sasakyan. Subalit natitiyak niyang magiging walang-silbi lahat iyon. It would be too late. The vehicle would only skid and still would hit Serena.

Sa isang kisap-mata’y tinakbo niya ang gitna ng kalsada, marahas niyang hinawi ang mga tao. Then he lunged at Serena, grabbed her about the waist before she totally fell to the pavement and snatched her from harm’s way.

People screamed.

He got her in the nick of time.

Huminto ang sasakyan isang dipa makalampas mula sa sana’y babagsakan ni Serena.

Tumaas-baba ang dibdib ni Jared mula sa ginawa. Adrenaline still pumping through his veins like a powerful drug. Then he swept Serena off her feet and held her to him. Ang mga braso niya’y mahigpit na nakayakap dito.

Nararamdaman niya ang paglalandas ng mga pawis sa tagiliran ng noo niya… sa mga braso. His heart was pounding like a drum. Nanginginig ang mga binti niya. His breath was coming hard and fast.

Nararamdaman niyang mas mabilis ang tibok ng puso ni Serena kaysa sa kanya. Humihinga ito na tila ba mauubusan ng hangin ang baga. Alam ni Jared na kapag pinakawalan niya si Serena ay dadausdos ito sa gitna ng kalsada.

“Hindi ba siya nasaktan, sir?” ninenerbiyos na tanong ng driver ng sasakyan na bumaba. Ang nangyari’y sapat upang gumawa ng munting traffic sa mga commuter. Dalawang security officer ang biglang naroroon.

“Hindi kasalanan ng driver ko ang nangyari,” depensa ng ginang na kasunod nito. “Nakita ko ang lahat. Berde ang ilaw at natural na hahagibis patawid ang mga sasakyan. Pagkatapos mula sa kung saan ay tumawid siya…”

“I-I am all right,” ani Serena na nahagilap ang tinig. “T-tama kayo. Hindi kasalanan ng driver ninyo ang nangyari. Aksidenteng nawalan ako ng panimbang…”

“May reklamo po ba kayo, sir… ma’am?” tanong ng isa sa mga security guard.

Sabay na umiling sina Jared at Serena. “Sige na. Hindi kami nagrereklamo,” ani Jared at inakay si Serena pabalik sa shop.

Sa loob ay pinaupo niya ito sa settee. Nanlalambot na napasandal si Serena sa sandalan.

“What happened?” tanong ng manager. Pahapyaw na nagpaliwanag si Jared.

“Naku, malapit pong talaga ang aksidente sa mga ikakasal, ma’am,” wika ng isang saleslady na namamahiin. “Mag-iingat po kayo,” dugtong nito bago bumalik sa puwesto.

“Saan ka patungo? Bakit ka tumawid?” banayad na tanong ni Jared nang wala na sa harap nila ang manager at dalawang salesladies.

“Nainip ako kaya lumabas ako. Hindi ko natanaw sa pinagparadahan natin ang Wrangler…”

“May dalawang nabakanteng parking space,” sagot niya. “Iyong hinaharangan ng Wrangler at isang nasa dulo. Pinili ko iyong dulo dahil nalililiman ng isang puno.”

Bahagya nang tumango si Serena. Iniangat nito ang sarili mula sa sandalan at isiniksik ang mukha sa leeg ni Jared. His arms protectively locked around her.

“Nagka-traffic dahil sa nangyari…” wika nito sa nanginginig pa ring tinig.

“Of course. Pero huwag mong intindihin iyon.”

“Nakakahiya.”

“Wala akong makitang nakakahiya sa nangyari, Serena,” aniya. “At kung sakali man, it is better than being dead.”

Muling nawalan ng kulay ang mukha nito. “T-thank you for saving me again, Jared.” Tumingala ito sa kanya. Her eyes turned shades darker, like emerald green. “Muntik ka na ring mapahamak kung nagkataon at nahatak ka ng bigat ko pabagsak.”

“Sa palagay mo ba’y hahayaan na lang kitang masagasaan?”

“Had we both died, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko,” she said with a decided flair for the dramatic.

“Kung patay ka na’y hindi mo na talaga mapapatawad ang sarili mo,” he said, a shadow of a smile appeared on his lips, a smile he could afford now.

“I am bad luck, Jared.”

“If you’re bad luck, which I don’t believe for one moment, then I’ll take my chances, Serena, considering you would soon be my wife.”

“G-gusto mo pa rin bang ituloy ang kasal natin gayong dalawang beses na akong muntik-muntikanang mapahamak at dalawang beses ka na ring nadadamay?”

“You’ll be my wife, that you can believe,” he said firmly. “You are accident-prone, darling.” Sa pagkakataong iyon ay nagawa na niyang magbiro. “Dapat yatang maglagay ako ng karatula sa harap at likod mo nang ganito: ‘Careful, accident-prone area.’”

Isang buntong-hininga ang isinagot ni Serena. Kumawala ito mula sa kanya at dinampot ang baso ng orange juice nito kanina at sinimsim. Naubos nito iyon na tila uhaw na uhaw.

Jared eyed her seriously. “Bakit sinabi mo roon sa driver at sa babae kanina na aksidenteng nawalan ka ng panimbang?”

Agad nitong ibinalik sa mesa ang juice glass. “A-ano ang ibig mong sabihin?”

“Darling, pareho nating alam na hindi aksidente ang nangyari. Sadya kang itinulak. Hindi man nakita ng dalawang mata ko’y iyon mismo ang nararamdaman ko kanina.” Gumitaw sa isip niya ang anyo ng lalaking nagmamadaling tumalilis mula sa kinatatayuan ni Serena.

Bigla’y pinamukalan ng mga luha ang mga mata nito. Umiwas ng tingin. Pinaglaruan ang straw sa baso sa nanginginig na kamay.

“Iniisip kong imahinasyon ko lang na… na may nagtulak sa akin. Pero marahil ay hindi sinasadya ng kung sino man iyon. Baka nagitgit lang din siya ng mga tao…”

Ilang sandali ang pinalipas ni Jared bago nagsalita. “Perhaps you’re right,” he agreed grimly. Tumaas ang mga mata niya sa nakakahong damit na nasa ibabaw ng glass counter. Tumayo siya at pinirmahan ang resibong nasa ibabaw niyon at pagkatapos ay muling ipinasok ang card sa portamoneda.

Binitbit niya ang kahon at muling nilapitan si Serena. “Can you walk?”

“Of course,” she said, a little bit indignantly. Dinampot ang shoulder bag at tumayo. Hinawakan ito ni Jared sa baywang at inakay palabas habang umuusal ng pasasalamat ang manager.

Sa sasakyan ay wala silang kibuan. Nang mapuna na lang ni Serena na hindi iyon ang daan patungo sa bahay niya sa Quezon City ay saka ito nagsalita.

“Where exactly are we going?”

“Nagbago ang plano kong kakain tayo sa labas.” Sandali niya itong nilinga. “You’re still shaken. Naisip kong sa bahay na lang mananghalian. At ipinasya kong doon ka na rin magpalipas ng gabi.”

Kumunot ang noo nito. “Pero ano ang sasabihin ng mga tao sa atin? I mean… ang mga tao sa inyo. Hindi pa tayo kasal.”

He was amused. Kathleen and some of his ex-girlfriends would have grabbed the invitation greedily.

“Huwag mong intindihin ang mga tao, Serena. Besides, naroon si Yaya Lucita. You will like her. Mas mapapanatag ako kung sa bahay ka magpapalipas ng gabi. Tawagan mo si Christian at sabihin mong babalik tayo ng Marinduque bukas ng umaga. Kung gusto niyang sumabay ay dadaanan natin siya sa bahay mo.”

She opened her mouth to protest but decided against it. Nararamdaman pa rin ni Serena ang panginginig ng mga tuhod. At sa mga sandaling iyon ay kailangan niyang nasa tabi niya si Jared—isang bagay na hindi niya naiintindihan.

Mula nang mamatay ang mga magulang ay mag-isa niyang hinarap ang buhay. Wala siyang inaasahang iba kundi ang sarili niya.

Kaya nakapagtatakang gusto niyang ipaubaya kay Jared ang lahat. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at tahimik na inihilig ang ulo sa headrest.

******************Nakaka-miss mag updatee hahahaha. Now lang ulit ako na-excite mag-update sa tagal ko ba namang naging MIA eh sorry na agad mga beshhh. Babawi na si Admin A hehehe. *******************************************************************

21

“M

AGPAPAKASAL!“

“Ouch!” Inilayo ni Jared ang telepono sa tainga. He grimaced, half-amused. “Yes, Carrie honey. Umaasa akong makakarating kayong mag-asawa sa Marinduque.” Sinulyapan niya si Serena na natatanaw niya sa nakabukas na pinto ng drawing room at kasalukuyang kausap ni Yaya Lucita. Kinindatan niya ito at pagkatapos ay ibinalik ang atensiyon sa kausap sa telepono.

“Ikaw mismo ang nagsabi sa akin noong kasal ng kapatid mo na wala kang pakialam sa habilin ng lolo mo, Jared,” ani Carrie sa kabilang linya. “And that you can’t be manipulated. Kaya naman nang magkausap kami ni Jordan bago sila nagtungong mag-asawa sa Caribbean ay nagpahiwatig na siyang mawawala na nang tuluyan sa papa mo ang Batangas mill. So, what could be the cause of this sudden turn of events?”

“A twenty-five-year-old green-eyed beauty, Carrie. Promise, you will like her. She’s as sweet as Adriana.”

“i am sure this is not a love match, Jared, and don’t lie to me about that,” patuloy ni Carrie.

Jared was amused. He could picture her aunt pacing around the room agitatedly.

“Unlike my brother, alam mong hindi ako sentimental, Carrie. Jordan didn’t want to relinquish the Batangas mill for sentimental reason. And what I told you on his wedding was also true. But somehow, guilt’s been eating me. Alam ko kung gaano kahalaga sa Papa ang mill. Then I remember this green-eyed beauty I met a few days ago… not my type really but I thought she was perfect—”

“Did you tell her about the reason for this marriage?” Carrie said, cutting him off. “At paano mo siyang napapayag, knowing that your emotions are not involved? How much did you offer her? And how can you expect me to like her if she is marrying you for your money?”

“Whoa… whoa!” He was torn between amusement and irritation. “Calm down, Carrie. She isn’t marrying me for my money. Her family’s well-off.”

Narinig ni Jared ang buntong-hininga ng tiyahin sa kabilang linya.

“I am not worried about the codicil anymore, Jared. Eh, ano kung mauwi kay Ryan ang Batangas mill? But somehow, I wish you to fall in love,” she said wistfully.

He grinned. “You know I am always in love, darling…”

“Dammit, Jared, be serious!” muttered Carrie.

He laughed. “How unladylike.”

“Pumanhik kayo rito sa Baguio at ipakilala mo sa akin ang babaeng iyan—”

“She has a name, Carrie, she’s Serena.”

“Oh, okay. I want to meet Serena. Ako ang magpapasya kung dapat mo siyang pakasalan. You still have time, for heaven’s sake! And what about Kathleen—oh, lord! Tell me who’s the lesser evil?”

“Trust me on this, honey. Serena’s nothing like Kathleen”

“I really hope so, Jared. And you haven’t answered my question. Paano mo siya napapayag?” Inulit nito ang tanong.

“We feel in lust with each other, my dear…” Pinagtawanan niya ang sariling pahayag, pagkatapos ay sumeryoso. Nagbuntong-hininga at sa mahinang tinig ay, “We were actually kissing and groping in the dark when the aunt caught us. At alam mo naman ang mga matatanda—”

“Pinikot ka!” Carrie screamed the words hysterically. “I can’t believe this!”

“Calm down. ‘Nagpapikot’ is more likely,” he said, mas binabaan pa ang tinig. Pagkatapos ay sinundan iyon ng halakhak. “Pero sinamantala ko na ang pagkakataon para ilahad ang sirkumstansiya ko. You know how I hate deception. As that old saying goes: ‘ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama nang maluwat.’ So, there, bukas ay babalik na kami sa Marinduque. We’ll be married in three days’ time.”

“Why so soon, Jared? Bakit hindi ninyo hintaying makauwi muna sina Jake at Alexa?”

“The last time I talked to my father, he said the bank wanted him to stay for another couple of weeks,” he said. “Alam kong gusto nang umuwi ni Mama noong malaman niyang magpapakasal si Jordan, but that conference in Geneva was too important. Jordan and I both know that the merger wasn’t going to be easy. And I think Jordan will join them in Geneva before taking off to Caribbean. That was why they shortened their stay in Paso de Blas.”

“I don’t like this, Jared,” she said worriedly. “Kung hindi lang dahil dito sa ipinagdadalang-tao ko, I swear, bababa ako kaagad diyan, ora mismo!”

“Relax, honey,” he consoled his aunt. Nabanggit ni Carrie noong kasal ni Jordan na hindi madali ang paglilihi nito. And since she was nearing forty, sinabi ng doktor na mag-ingat ito at kung hindi ay baka malaglag ang bata. At kapag nangyari iyon ay baka mahirapan na itong magdalang-taong muli.

“Leave it all to me,” dugtong niya. “See you soon. I still have to break the news to Mother and Father—”

“Oh, my god! I can imagine Alexa in hysterics. And Jake, how would he—”

“Bye, honey,” he said laughing, isang matunog na halik ang pinakawalan niya sa telepono bago iyon ibinaba sa kabila ng protesta ni Carrie.

Napapangiti siya habang tinatawagan ang mga magulang. It wasn’t the end of it. Hindi mapapanatag si Carrie hangga’t hindi niya naipakikilala rito si Serena. He would soon though.

*********************************sana all na lang muna sa gedli si Admin A char hahahaha,. *****************************************************************

22

ALAS-ONSE na ng gabi pero hindi pa rin dalawin ng antok si Serena. Naninibago siya sa silid niya. Sa kabila ng kasimplehan, inihihiyaw ng silid ang karangyaan.

it was impossible not to notice that even though the furniture looked extremely comfortable and well- used—the window treatments subtle, the carpets not new—everything had the look of being quite expensive. It was the kind of furniture that said, Hey, I’m so expensive and well-made I don’t have to look expensive.

Hindi mahirap ang stepfather niya at sa loob ng nakalipas na ilang taon ay naranasan niya ang marangyang buhay. But there’s money and there’s money.

Kung antigo ang villa ay ultramodern naman ang kayarian ng mansiyon ng mga Atienza. Pero natitiyak niyang hindi iyon ang dahilan kung bakit gising pa rin siya kundi ang katotohanang ikakasal sila ni Jared tatlong araw mula ngayon.

Hindi gustong maghintay ni Jared nang matagal para sila makasal. Ayon dito’y hindi magandang tingnan iyon sa paningin ng mga abogado. Dahilan din upang hindi nito mahihintay ang pag-uwi ng mga magulang.

Tiniyak din nito sa kanya na hindi lang panandalian ang kasal nila. Still, she thought their marriage was a business arrangement. Isang uri ng kontrata. At dahil walang matibay na pundasyon kundi ang makamundong pagnanasa nila sa isa’t isa, anumang araw o oras ay maaaring mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

At dahil lagi nang nakaamba ang katotohanang walang pag-ibig na nagtatali sa pagpapakasal na iyon, isang away o hindi pagkakasundo ay sapat na upang buwagin ang kasal nila.

Higit sa lahat, nasa dibdib niya ang katotohanang hindi niya inilahad ang sariling kondisyones. Jared had been honest enough to tell her about his reasons for marrying her. She should have. Yamang napakalaking kayamanan ang mananatili sa mga Atienza sa pagpayag niyang pakasal kay Jared.

Pero hindi niya magawang sabihin ang sariling kondisyon. Inakala niya noong una na magagawa niya. Nang nag-uusap sila sa kuwadra ay pagkakataon na niyang ilahad ang sariling kondisyon… na siya man ay may dahilan para pumayag sa alok nitong magpakasal sila.

Subalit ni hindi makuhang lumabas ng mga salita sa bibig niya. At kahit nang kinabukasang mamanhikan ito at si Lola Eleanor ay nanatiling umid ang dila niya.

Lumakad si Serena patungo sa sliding glass door, binuksan iyon at lumabas sa veranda. It wasn’t really that dark. Umaabot ang bahagyang liwanag na nagmumula sa lampshade sa loob ng silid niya.

Ang veranda ay nakatunghay sa malawak na hardin. Kaninang inihatid siya sa guest room ni Yaya Lucita ay nakita niya ang sarisaring bulaklak sa hardin. Mula sa petunias hanggang sa orchids, at marigolds sa tatlong magkakaibang kulay.

Ni wala silang hardin sa villa. Ang villa ay nakatayo sa isang solar na hindi nababakuran at ang berdeng mga damo ay lumalatag hanggang sa kaparangan. Plants and flowers had grown in disarray and melded with uncut carabao grass. Gayunma’y inihihiyaw ng villa at ng nakapaligid dito ang kakaibang kagandahan. Kagandahang malaon nang naglaho.

Marahil, kung sakaling malusutan niya ang suliranin sa bangko ay maaasikaso niyang magkaroon ng maayos na hardin sa paligid.

Bahagya pa siyang nagulat nang mula sa likuran niya ay maramdaman niya ang mga kamay ni Jared sa mga balikat niya.

“Bakit gising ka pa?” he asked. The timbre of his voice rippled through her. Seductive. Dangerous.

“Paano mo nalamang gising pa ako?” Ni hindi niya namalayan ang paglapit nito. He walked like a cat. Natitiyak niyang sa kabilang guest room ito nagdaan dahil bukas naman ang sliding glass door sa kabila.

Tumingala si Jared sa itaas. Sa bandang kaliwa nila ay ang bahagi ng ikalawang palapag na naka-L-shaped. “Nakita kitang lumabas dito sa veranda mula sa silid ko, Serena, kaya bumaba ako.”

“H-hindi ako makatulog,” she said, stammering like an idiot.

“Hindi komportable ang silid mo?”

“No… no…” agad niyang tanggi. “I’ve… been thinking…That’s it!”

“At ano ang iniisip mo, Serena?” he asked as his arms went around her as if it was the most natural thing for him to do.

“T-the wedding. Naisip ko lang na napakabilis ng pangyayari…” May bahid ng katotohanan ang sinabi niya.

“I’ve explained it to you why we have to—”

“I know. Hindi mo maialis sa akin ang mag- isip.” Sinundan niya iyon ng buntong-hininga. “Anong oras nga pala tayo aalis bukas?”

“Around ten,” sagot nito. “Have you talked to Christian? Sinabi mo bang aalis tayo bukas ng umaga?”

Tinanguan niya ang dalawang magkasunod na tanong. “Sinabi niyang mauuna na siya sa ating umuwi bukas ng madaling-araw.” Hindi niya kailangang sabihing nagagalit ito. Ano raw bang uri ng babae siya at matutulog sa bahay ng lalaki nang hindi pa kasal.

She had actually smiled at that. It sounded exactly like the Christian she had known. So protective.

Subalit lahat ng kaisipan niya tungkol kay Christian ay biglang naglaho nang yumuko si Jared at hagkan ang tainga niya. Then he bit her lobe gently. A soft gasp came out of her throat.

“You’re sweet, Serena,” he whispered. “I always love your scent.” Naglandas ang mga labi nito mula sa tainga niya pababa sa may gilid ng leeg niya.

“J-Jared…”

“I want to make love to you, Serena…”

It was a declaration. Ang tono nito ay hindi nangangailangan ng katugon mula sa kanya kung gusto rin ba niya o hindi. May bahagi ng isip ni Serena na gustong mainis sa pagiging arogante ni Jared.

Subalit hindi iyon nagkapuwang sa isip niya. He pulled her against him, letting her feel his arousal. Serena gasped, and through her open mouth his eager tongue pushed past her teeth. His tongue flicked against hers… caressing hers. He was everywhere, his hand cupped her breast.

Isang manipis na cotton nightdress ang ipinasuot ni Yaya Lucita sa kanya kanina. Ayon dito ay kay Carrie iyon at maaari niyang gamitin.

“You don’t have a bra!” he whispered his surprise, pagkuwa’y napaungol at ipinagpatuloy ang pananalakay sa dibdib niya.

Ang katawan ni Serena’y unti-unti nang nagbabaga. Napapikit siya nang muling hagilapin nito ang mga labi niya. The kiss was deep and slow. She let her mouth open beneath the pressure of his, allowed him access, and then shivered as he took it.

“Jared, please. B-baka may makakita sa atin… Wrong choice of words. Because deftly, he lifted her from her feet and carried her through the glass door to her bedroom. Together they tumbled onto a soft bedspread and mattress that gave with their weight.

“WALANG makakakita sa atin dito, Serena,” bulong ni Jared, kissing her frantically. The need within him pulsed hot and wild through his veins.

“J-Jared… I-I…” Serena muttered incoherently.

“I know, darling.” Impatiently, he pulled his T-shirt off over his head and flung it away. The lamplight played over the ridges and planes of muscle in his chest.

Serena’s eyes went wide when he took off his jeans along with his white briefs unabashedly. He was hard, hot, thick, pulsing.

In seconds, Jared joined her again in bed. Hindi ito magkandatuto sa pagtatanggal ng mga butones ng pantulog niya. He pushed it off her shoulders. Then without completing the task, he bent his head. The need to taste her was too urgent.

Her breasts were there for the taking. May mangilan-ngilang freckles na nakasaboy sa dibdib ni Serena subalit ni hindi niya napapansin ang mga iyon. Her breasts were the color of cream, the texture of silk, a size that filled his palms perfectly.

Bigla ay hindi na niya maalalang mas gusto niya ang mga babaeng mas malalaki ang dibdib. He cupped her breasts together, rubbing his thumbs across the rosy buds at their center, they hardened beneath his touch.

Bending her back over his arm, he lowered his head to take on tightened peak between his lips.

The sensation was electric. Kumawala ang malakas na singhap mula kay Serena. She clutched at his shoulders, moaning at the same time. She raked her fingers through his shaggy hair, pulling him tighter against her.

Ang pangangailangan ni Jared sa babaeng ito ay nagliliyab sa pagkatao niya. It was wild, hot, too intense. He had never known what it was to let go of his self-control completely. Hindi pa nangyari iyon sa mga nakaraang pakikipagtalik niya sa mga naging girlfriend niya. Subalit nararamdaman niyang kusa iyong humuhulagpos ngayon. The feeling was terrifying and exhilarating at once.

He caressed her shoulders, her back, her belly. Then he hooked his thumb in the waistband of her panties and pulled them down her hips, kneeling at her feet to remove them.

Yumuko si Jared, pressed a hot, openmouthed kiss to the soft spot below her navel, ipinailalim niya ang mga kamay sa likod nito at itinaas si Serena. Then he dragged the kiss lower to the tender area just above the delta of soft-brown curls.

Muli siyang umangat at mariing hinagkan ito sa mga labi. His tongue probing into her mouth just as his finger slipped inside her.

Malakas na napasinghap si Serena sa ginawa ni Jared. Her desire was nearly peaked. He kept up a slow in and out motion with his finger. Jared felt her tremble. Naramdaman niya ang pagkislot ng balakang nito na tila hinahabol ang kamay niya.

Pinakawalan niya ang mga labi nito nang abutin ni Serena ang kasukdulan. Pinagmasdan niya ang pinagsamang pagkamangha at kasiyahan sa mukha nito. Then she gave a soft cry.

Soothingly, his fingers caressed her, feeling the small convulsions seize him in the aftershocks of her climax.

Jared came over her. The muscles in his arms trembling as he braced himself over her. His knee wedged her legs, he stared into her eyes. He saw something akin to panic. Sa ibang pagkakataon ay pag-iisipan niya iyon. Pero unti-unti nang humuhulagpos ang kontrol niya sa sarili. He had never known he could feel this intensely.

He thrust wildly. He felt the barrier, kasabay ng pagkarinig niya ng mahinang daing. She tensed. He tensed.

Then he whispered in her ear as realization dawned. “Relax for me, sweetheart. There’s no way I can make it easier. Kung patatagalin ko pa ito’y pagtatawanan mo ako…”

“Jared,” she said in a thin voice, pressing her hands against his shoulders. Tumitindi ang sakit na nararamdaman ni Serena. She gritted her teeth. Sinisikap nitong iiwas ang katawan mula sa kanya.

Napaungol si Jared. He fought the urge to possess, to bury himself in a single stroke. “Just a bit more, baby. Don’t move,” he whispered, slowly drawing her leg up along his thigh.

She held perfectly still, feeling him come deeper. It was odd, this feeling of two persons becoming one. She felt him come into her, felt the stretching, the tightness, the pain.

Jared drove hard and deep. Serena screamed.

He forced himself to stop. “Is that better, baby? Nabawasan ba ang sakit?”

Hindi sumagot si Serena. Umiwas ng tingin. She felt impaled, helpless. Sa pagkakataong iyon ay gumalaw ito na natitiyak ni Jared na ang intensiyon ay upang alisin ang pagkakasugpong ng katawan nilang dalawa.

But as she backed upward, instead of dislodging him, naramdaman ni Jared na tila siya ibinulusok palalim pang higit. His mind was whirling out of control. Umangat siya, bumabang muli.

Serena shuddered at the pain, then closed her eyes.

He wanted to go deeper, not getting enough of her. He withdrew, then thrust deep. Then again, and once more. He felt himself shatter. Itinaas niya ang ulo, arched his back. Pagkatapos ay ibinuhos niya ang sarili rito.

***********************Tag-ulan na tag-ulan ehh iniinggit pa ako ni Serena at Jared :(. Mapapa-shhhesssh na lang talaga ako dito sa may gedli at mapapa - sana all charing hahahaha. Inggit na inggit na tuloy si Admin A :(

Kumusta kayo mga beshhh????? *********************


Return to top?

Part of a series

Kristine

Part 17 of 17
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.