loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)

Marthacecilia Phr · 35 chapters · 50,146 words

Prologue

“HEY!” ani Iris, napatabing bigla. Tuloy-tuloy sa paglakad ang nakasimangot na si Krista at kung hindi siya umiwas ay tiyak na magkakabungguan sila.

Sinundan ng tingin ni Iris ang socialite na pumanhik patungo sa upper deck ng yate kung saan naroon ang iilan at piling mga panauhin nito, pawang mga nabibilang sa alta-sosyedad. It was Krista’s twenty-seventh birthday at ginanap ang selebrasyon sa yate ni Karl.

Nang mawala sa paningin ni Iris si Krista ay sinulyapan nito ang pamangkin na nakatalikod, nasa railings at nakatanaw sa malawak na karagatan. Sa kamay ay kopita na may lamang white wine. 	Humakbang si Iris patungo sa dulo ng upper deck kung saan naroon ang dalawang puting lounging chair at isang mesa na yari sa fiberglass. Sa ibabaw niyon ay ang bote ng Chardonnay.

"Bad day for Krista, huh..." Naupo siya sa lounging chair. Inabot ang cigarette case at gold lighter sa mesa na natitiyak niyang naiwan ni Krista. Nagsindi ng sigarilyo.

"Alam ba ni Wesley na naninigarilyo ka?" Ang tinutukoy ni Karl ay ang asawa nitong Amerikano na nasa Israel para sa seminar ng mga endocrinologist. "You know that's bad for your heart, Iris," ani Karl na kumunot ang noo sa pagkakatitig sa sigarilyong sinindihan ni Iris.

"What was that all about? Shall I expect a reconciliation bago tayo dumaong sa Batangas o isa na namang anak ni Eva ang pinaiyak mo?" patuloy ni Iris na tila hindi nagsalita si Karl, puff the cigarette and blew the smoke heavenward. At nang tangkang agawin ng binata ang sigarilyo sa kamay niya'y ibinaba niya iyon sa ashtray at pinatay.

"Hindi mo na ako sinagot..."	Sinuklay ng mga daliri ni Karl ang buhok patalikod. "Gusto niyang ianunsiyo ko ang engagement namin sa mga bisita ngayon..." 

"I expected that, too. Siya ang pinakamatagal mong girlfriend, three months kung hindi ako nagkakamali. At hindi kaila sa aking ipinamalita ni Krista sa lahat na pinag-uusapan na ninyo ang tungkol sa kasal. Kung hindi kita kilala'y muntik na akong maniwala sa kanya." Her voice sounded amuse. 

One corner of his mouth twisted upward in a sarcastic smile. "Tulad din ng ibang mga babaeng nakilala ko, Iris. It was obvious that she wanted to marry me for my money..."

"Stop being a cynic, Karl!" ani Iris na kumunot ang noo. "I can't even tell if you're being arrogantly humble or you are underestimating the attraction you have with women..."

"Hmm. Arrogantly humble..." Inulit nito ang ginamit na salita ni Iris. "Isn't that a contradiction?" Then he smiled drily. "And talking about my attraction, mas malakas makahatak ng atraksiyon ang pera, my dear aunt." 

Ilang sandali ang pinalipas ni Iris bago dinugtungan ang sinabi. "Kailangan mo ng pamilya, Karl... ng anak... tulad ng mga pinsan mo."

Inubos ni Karl ang laman ng kopita at tinanaw ang malawak at madilim na karagatan. Sa dako roon ay tila alitaptap ang mga ilaw. Hindi sila napakalayo mula sa Batangas shore. Then in a soft and bitter voice, "I had enough betrayals to last me a lifetime."

"Dalawang taon na ang nakalipas magmula nang mangyari iyon, Karl. Bakit hindi mo ibaon sa limot? Give yourself another chance, puntahan mo si Krista at ianunsiyo ang engagement n'yo. You couldn't have known na pera mo lang ang gusto niya. Galing din siya sa may sinasabing pamilya—"

"Na ang negosyo'y pabagsak at nangangailangan ng aking salapi para maisalba," agap nito sa matabang na tinig.

"So she also wants your money, you have more than enough, Karl! Hindi mababawasan ang pera mo kung saka-sakali. At ang isusukli naman ni Krista sa iyo'y kaligayahan ng isang pamilya."

"Well, I couldn't be so sure about that, too..."	Napailing si Iris. "And that is the price you have to pay for having so much... Ang mga Cervantes at Fortalejo ay hindi tulad ng ibang may sinasabing pamilya na kung saan ang pag-aasawahan ay arranged at kung minsan ay isa sa mga distant cousin ang pinipili upang ang kayamanan ay mapanatiling nasa pamilya lamang. You are all allowed to marry the woman and man of your choice..."

"That's a big joke, Iris! I am allowed to marry a woman of my choice..." pag-uulit nito sa nanunuyang tono, dinidistansiya ang bawat salita. "Pero paano ang kabuntot na tradisyon? That a woman must be a virgin! Na dapat kahit mahirap ay galing siya sa mabuti at matinong pamilya?" 

"Ganoon ba kasama iyon, Karl?" Iris asked softly. "Hindi ba at hindi nagkamali ang lolo mo sa pagpili kay Ate Jasmine para sa papa mo? I am not saying this because your mother's my sister..." 

"At sa kaso ko'y hindi rin nagkamali ang papa na hadlangan ako sa ginusto kong mangyari, which made me look like a complete fool!" he said angrily.

"Hindi ba dapat na pasalamatan mo ang papa mo sa pagtutol niya sa relasyon ninyo ni Millie? Napatunayan mong hindi siya ang tamang babae para sa iyo..."	When he didn't answer, pinagmasdan ni Iris ang pamangkin. He was twenty-nine, limang taon ang kabataan sa kanya. So imposing and so handsome. Ang Hawaiian shirt nitong nakabukas lahat ay inililipad ng hangin, showing a muscled chest. Ganoon din ang maitim at alon-alon nitong buhok na ang dulo'y umabot na sa collar ng shirt. And Karl wasn't just a very good-looking man, he was also very rich. 	And bitter... and lonely, too.

"Hindi ko maintindihan kung sumpa o pagpapala ang kayamanang ito, Iris," wika nito sa ironic tone makalipas ang ilang segundo.

"Huwag mong hayaang ang nakaraang masamang karanasan mo sa babae'y maging dahilan upang hindi ka lumigaya, Karl..." wika niya kasabay ng buntong-hininga. Maliban sa kanya'y hindi ipinakikipag-usap ni Karl ang ganoong topic kahit na kanino. 

Akma siyang tatayo na upang magbalik sa party nang matuunan ng pansin ang bote ng Chardonnay sa ibabaw ng mesa. Muling tiningala ang pamangkin na inubos ang laman ng kopitang hawak. Then her eyes went back to the wine bottle.

Kung saan man nanggaling ang biglang pumasok sa isip niya'y walang nakakaalam. It just popped up her mind. Siguro'y mula sa pelikulang napanood niya na hindi na niya maalala ang pamagat. 

She smiled. Inabot ang botelya at maingat na inalisan ng label. Pagkatapos ay tumayo at itinapon sa dagat ang alak na gasino nang nabawasan.

"What the hell! Iris that wine was worth—"

"Thousands of pesos," maagap na sagot ni Iris na nginitian ang binata. "Sampung doble ang kamahalan ng mga brilyanteng ibinibigay mo sa mga girlfriend mo, Karl."

Pagkuwa'y muli siyang naupo at binuksan ang silver purse niya. Mula roon ay kinuha ang pencil lipstick. Patihayang inilatag niya sa mesa ang label. She started to write on the label using her pencil lipstick.

"Ano'ng isinusulat mo riyan?" Tinunghayan ni Karl ang tiyahin. Nag-eskrima ang mga kilay. 

He knew Iris to be so tightfisted kaya hindi ito makapaniwalang tinapon lang niya ang mamahaling alak dahil lang gustong magsulat. Maaari naman sanang kumuha ng papel si Iris sa cabin.

Hindi itinago ni Iris ang isinulat dito. 

"At kanino mo naman ibibigay iyan?" si Karl, naiiling at natatawa. "Sino sa mga babaeng bisita ko? Surely, ang alam ng mga iyon ay mag-on pa rin kami ni Krista, malibang sinabi na niya sa ibaba na nagkagalit kami. Na natitiyak kong hindi niya gagawin..."

"Do you, by chance, have a calling card in your wallet?" ani Iris, tiningala ito.

"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?" Nagpoprotesta ang tinig nito subalit dinukot ang portamoneda sa likod ng puting maong. Kumuha roon ng isa sa mga calling card at ibinigay sa kanya.

Hindi sumagot si Iris, sa halip ay napangiti nang makita ang calling card. Hindi iyon ang uri na basta na lang ipinamimigay ni Karl. He probably didn't notice it. Muli niyang itinaob ang bote ng alak. Halos itagtag. Tiniyak na kahit bahagyang tulo ay walang laman ang bote.

"Uh... uh..." si Karl, itinaas ang dalawang kamay sa ere nang makitang inikit ni Iris ang label na sinulatan at ang calling card nito at ipinasok sa botelya. 	Iris winked at him.

"You're crazy! Itinapon mo ang mamahaling alak nang dahil lang sa kalokohang iyan!" He laughed. "You've been watching a lot of nonsense movies, Iris..."

"Life in this planet is so strange, my handsome nephew. Ano ang malay natin kung ang makakita at makabasa ng mensahe sa botelyang iyan ay isang babaeng magpapabago sa mga pananaw mo sa buhay?" 

She didn't really believe that. And Karl was right when he said she was crazy. Itinapon lang niya sa dagat ang mamahaling Chardonnay.

Pero naitapon na niya ang alak bago siya nakapag-isip. Tinakpan niya ang botelya. Tumayo at tinungo ang barandilya. Madramang tinitigan muna ang karagatan bago kumuha ng buwelo at malakas na inihagis sa tubig ang bote.

"That's against the law," ani Karl. "You're polluting the waters!"

Karl was still laughing when she turned to look at him. Mula sa pagiging kalog at masayahin, Karl seldom laughed, magmula nang ihantad dito ni Nathaniel ang tunay na pagkatao ng babaeng ipinakipaglaban nito sa ama at sa buong pamilya. 

Or maybe that was an overstatement. He didn't laugh at all. But he was now. 

It was a good omen.

*******************Gusto ko sana ibang stories naman kaya lang wala pa pala sa akin yung ibang files :( How sad. Pero ayos lang din naman atleast si Karl na. Malapit na tayo kay bebe Renz ko char hahahaha. Wala kaming masyadong nakaraan ni Karl kasi nabuhos ko kay Renz ang attention ko nuon hahahahaha. Basta enjoyin natin ang pagbabasa neto mga beshie sana magustuhan n’yo. :) Maulan na hapon sa inyo. Sarap uminom ng mainit na salabat at magbasa char hahahaha. - Admin A **************************

1

“ALAM ko kung ano ang binabalak mong gawin, Nelson,” Lora hissed. “Get away, please…” Nakita niya sa sulok ng mga mata niya kanina ang pagdating ng kasintahan. Pero hindi niya ito makuhang batiin dahil nakatuon ang pansin niya sa nanginginaing mga itik na hindi niya gustong mabulabog. At ilang pulgada na lang ang layo ng nguso ng kasintahan mula sa pisngi niya. May ilang minuto na siyang naghihintay ng magandang shot tulad ng paglipad ng isang itik mula sa grupong nanginginain upang makasingit.

At hindi niya makuhang kumilos sa pagkakatalungko sa lupa kahit nangangawit na siya. She was closer to the picture she had spent three days trying to capture. At kung sisikuhin niya ang pagsasamantala ni Nelson sa sitwasyon niya'y baka mawala siya sa tamang focus.

She zoomed on her lens. At hustong nangyari ang inaasahan niyang paglipad ng itik ilang dangkal mula sa lupa'y siyang paglapat ng mga labi ni Nelson sa pisngi niya. Nagalaw ang camera niya at hindi niya nakunan ang gustong makunan.

"Oh, I could kill you for that!" naiinis niyang sabi rito. "Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong iyon!"

Subalit ngumisi lamang si Nelson. "Pati ba naman kasi itik ay kinukunan mo ng litrato. Ano ka ba naman, Lora!"

She opened her mouth to say something scathing but changed her mind. Ano mang paliwanag sa kasintahan na mahalaga para sa kanya ang ginagawa'y hindi nito maiintindihan. 

Nanunulis ang ngusong isinabit niya sa leeg ang camera at naupo sa isang patay na kahoy. Naupo sa tabi niya si Nelson at inakbayan siya.

"Huwag ka nang magtampo. Puwede mo namang kunan ng litrato anumang oras ang mga itik, 'di ba?"

Mabigat na nagbuntong-hininga ang dalaga. Sinisikap alisin ang inis para sa kasintahan. "Bakit ka nga pala nandito? Akala ko ba'y kasama ka ng daddy mo sa munisipyo?" Si Nelson ay isang aktibong leader ng mga kabataan sa kanilang lugar at ang ama naman nito'y ang mayor sa bayang iyon ng Patubig.

"Ayaw mo ba n'on, nagkikita tayo?" wika ni Nelson, hinapit ang mga balikat niya palapit dito. 

Alam ni Lora na hahagkan siya ng kasintahan. She could hear his breathing in her ear. But she remained passive at naghihintay ng paglapat ng mga labi ni Nelson sa kanya. 

"Lora!"

Umalingawngaw ang tinig na iyon sa buong kagubatan kaya hindi nakarating ang mga labi ni Nelson sa kanya.

"Ang tatay!" Mabilis na itinulak ni Lora si Nelson palayo na kung hindi nakakapit ay malamang na nahulog mula sa kinauupuang patay na kahoy.

"Anak ng—" Napakamot ng ulo si Nelson sa iritasyon. "Ang galing talagang tumiyempo 'yang tatay mo..."

Si Lora'y mabilis na tumayo. Lumakad patungo sa pinag-iwanan niya ng plastic na timbang pinaglagyan ng mga pagkain ng itik. At hustong humarap siya sa dakong pinanggalingan ng tinig ay naroon na si Gaudencio. Mabilis ang mga hakbang palapit sa kanya.

"Nariyan ka pala, Nelson." Binalingan nito ang binatang tumayo mula sa pagkakaupo.

"Magandang hapon, sir," bati ng binata. 

Bahagya itong tinanguan ni Gaudencio. Ang mga mata'y nagdududang nagpalipat-lipat sa anak at kay Nelson. At nang masiyahan sa nakitang malayong distansiya ng dalawa'y saka pa lamang pinag-ukulan ng pansin ang sangkaterbang nagkakaingay na mga itik na nasa tubigan at ang plastic na wala nang laman.

"Pabalik na nga kami sa bahay, Itay," ani Lora. Yumuko at dinampot ang isang itik mula sa grupo at pagkuwa'y muli ring pinakawalan.

"May nabanggit ba ang daddy mo tungkol sa proposal ng PTA na pagpapatayo ng karagdagang high school building, Nelson?" tanong ni Gaudencio sa binata. Principal ito sa Patubig High School.

"Wala hong nababanggit si Daddy, Mr. Floresca. Pero ipinasasabing dadaan daw siya rito mamayang alas-otso pagkagaling sa meeting sa munisipyo."

"Ganoon ba?" Binalingan ni Gaudencio si Lora. "Kung ganoo'y umuwi ka na Lora at tulungan mo ang Tiya Lagring mong magluto." Ang tinutukoy nito'y ang matandang dalagang pinsang malayo na nakatira na sa kanila mula pa nang ipanganak si Lora. "Sabihin mo sa daddy mong sa amin na kayo maghapunan, Nelson." Pagkasabi niyon ay tumalikod na si Gaudencio at muling bumalik sa pinanggalingan.

"Muntik na tayong mahuli ng tatay!" baling ni Lora sa kasintahan nang lumiko sa may punong-kawayan ang ama. "Ikaw naman kasi... ang hilig mong..." Sadya nitong ibinitin ang sinasabi.

"Di mainam kung nahuli tayo," wika ni Nelson. "Tutal ay inaalok kitang magpakasal na tayo. Ikaw lang ang nagpapatawing-tawing pa."

"Bakit ka ba nag-aapura? Wala pa namang isang taon tayong magkasintahan, ah. At saka mga bata pa naman tayo."

"Eh, kailan mo gustong magpakasal tayo? Kapag pareho na tayong gumagamit ng tungkod?" sarkastiko ang tono nito.

Umikot ang mga mata ni Lora. "Napaka-eksaherado mo talaga. Hindi ko nga pala nabanggit sa iyo, luluwas ako sa Maynila sa katapusan ng buwan. Gusto kong dumalo sa isang one week live-in seminar sa photography." Hilig niya ang pagkuha ng mga larawan. Kaya naman nang magtapos siya ng kolehiyo noong isang taon ay agad siyang nag-enrol sa dalawang buwang crash course in photography.

Napatayo ang binata at hinarap siya. "One week seminar!" 

"Pinadalhan ako ng imbitasyon ng dati kong propesora, Nelson. Katunayan ay nakatanggap din ang best friend kong si Lynette. Kilala mo siya, 'di ba? Nabanggit ko na siya sa iyo. Nasa Marinduque na ang pamilya niya ngayon." 

Suyang tumango si Nelson. Dating taga-Patubig ang kaibigan ni Lora na si Lynette subalit hindi nito nakilala dahil nitong nagtapos lamang ito ng kolehiyo naglagi sa bayan ng Patubig.

"More or less two weeks akong mawawala. At pumayag na si Tatay..." patuloy ni Lora.

"Ang tatay mo pumayag, eh, ako? Binale-wala mo na ako?" naghihimagsik ang loob nitong sabi. 

"Kaya nga sinasabi ko na sa iyo ngayon."

Tinitigan muna siya nang matagal ni Nelson, tinantiya kung gaano siya kadeterminado sa binabalak. Pagkuwa'y, "Paano ang trabaho mo sa bayan?"

"Magpa-file ako ng dalawang buwang vacation leave. At kung hindi sila pumayag, baka mag-resign na lang ako. Makakakita rin naman siguro ako ng ibang trabaho pagbalik ko." Tatlong buwan pagkatapos ng graduation niya ay agad siyang napasok sa isang local travel agency sa Calapan bilang tour guide. 

And she enjoyed her job. Dahil nagagawa niyang magamit sa mga local and foreign tourist ang hilig niyang pagkuha ng mga larawan. Bukod doon, ay nakatatanggap pa siya ng bayad sa mga gawa niya. At hindi siya miminsang nangarap na sanay maging isa siyang mahusay na photographer. She wanted to take pictures on almost any subject. Tao man iyon, lugar, o kalikasan. 

Pagalit na nagbuntong-hininga si Nelson. Natitiyak nitong hindi paaawat si Lora sa gustong gawin. 

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang dumalo sa mga ganyang uri ng seminar," padabog nitong sabi. "Nag-aaksaya ka lamang ng oras. Bukod sa may maganda ka nang trabaho, nakita ko naman ang mga larawang nakasabit sa darkroom mo, ah. Very ordinary... nothing spectacular."

Nasaktan si Lora sa sinabi ng kasintahan. Subalit agad niya iyong itinago. Alam niyang hindi appreciative si Nelson sa mga gawa niya. At isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi niya masabi rito ang pangarap niyang magkaroon ng exhibit sa Maynila.

"Wala kasi akong magandang camera, Nelson," she said defensively, na sa isang banda ay totoo naman. Para makakuha ng isang mahusay na larawan, kailangan ay mayroon siyang angkop na camera. "Napakamahal naman kasi ng magandang klaseng camera. Kayamanan nang maituturing."

"Iyon naman, pala, eh! At saka bakit kailangan mo pa ng seminar diyan sa pagkuha ng mga litrato? Tulad ng mommy, kapag nakasal tayo'y magiging maybahay ka lang naman."

Bahagyang kumunot ang noo ng dalaga. Inikid-ikid sa mga daliri ang mahabang tirintas ng buhok. 

"Hindi ba puwedeng pagsamahin iyon? I can be a working housewife hanggang wala pa tayong anak. Maybe I can have my own stu—"

"Anak?" paungol na putol ni Nelson sa sinasabi niya at itinaas sa ere ang dalawang kamay. "Anak na agad iyang iniisip mo. Ni hindi mo nga gustong sumamang manood ng sine sa akin sa bayan!"	Naupo si Lora sa patay na punong tinayuan ng kasintahan. "Eh, kasi naman po, minsang sumama akong manood ng sine sa iyo, iyang mga kamay mo'y biglang dumami. Kung saan-saang bahagi ng katawan ko dumadapo. Wala tuloy akong naintindihan sa palabas sa kasasalag sa iyo."

"Na hindi ko naman maintindihan hanggang ngayon kung bakit kailangan mong magsasalag," wika nito sa nangungunsuming tono. "At kaya nasa sinehan ang magkasintahan, Lora, ay hindi para manood kundi samantalahin ang pagkakataong magkasarilinan sila."

Umangat ang mga kilay ni Lora. "Magkasarilinan? Sa dami ng tao sa loob ng sine?"	"Lora, madilim sa loob ng sine!" 

Ngumiwi ang dalaga. "Oo nga't madilim pero naaaninag mo pa rin ang mga tao. Ay naku, for all you know, si Aling Tacing tsimosa pala ang nasa likuran natin, di ikinalat tayo nito sa buong Patubig." Tumayo ang dalaga, niyuko ang lagayan ng pagkain ng mga itik at lumakad pabalik sa bahay nila. Kasunod niya ang mga itik sa pag-aakalang may bitbit siyang pagkain.

Mabilis na sumunod si Nelson. Hindi malaman kung patuloy na maiinis o matatawa na lang. 

“Iyon lang ba ang ikinatatakot mo? Iyong makita tayo ni Aling Tacing? Ba! Siguro nama’y hindi nanonood sa balcony iyon. Kuripot ang matandang iyon. Iyon nga lang sa orchestra, gusto pang ilibre sa kanya. Ilang beses iyong nanghihingi ng pases sa daddy para mailibre sa sine, ah…”

Tumawa ang dalaga. Tuluyang nakalimutan ang sama ng loob sa kasintahan.

*****************Grabe umpisa pa lang may ganap na agad.- Admin A **********************

2

NANG gabing iyo’y nasa balkonahe ng bahay nila si Lora. Nakatingala sa kalangitan. It was a clear night. May mga bituing nakakalat sa buong kalangitan. At kung imahinasyon o hindi, tila may natanaw siyang munting liwanag na gumuhit sa kalangitan pababa.

Nanlaki ang mga mata niya at agad na inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng cotton pants, closed her eyes and uttered a wish.

"You're twenty-two, Lora. Pero hanggang ngayon ay ginagawa mo pa rin iyan," natatawang sabi ni Gaudencio mula sa may pinto ng kabahayan.

Lumingon si Lora, gave her father a shy smile. "Old habits are hard to die, 'Tay."

Nanatili ang ngiti sa mga labi ng matandang lalaki, subalit sa liwanag na nagmumula sa balkon ay nakita ni Lora ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ng ama. At alam niyang iisa ang iniisip nilang dalawa, ang ina niya. Si Marcia. Nasa huling taon siya sa high school nang mamatay ang ina. 

Si Marcia ang nagturo sa kanya noong maliit pa lamang siyang bata na kapag may nalalaglag na bituin o bulalakaw ay maaari siyang humiling. One of those bedtime stories sa tuwing pinatutulog siya ng ina. 

At habang nagkakaisip siya'y natutuhan niyang hindi nahuhulog ang mga bituin. Ang araw ay isa sa mga maliliit na bituin sa buong uniberso. And the sun was many times bigger than earth. Kaya walang bituing maaaring mahulog sa lupa. 

But of course, that was the scientific truth. Iba naman ang pananaw ng mga makata at romantiko at ang pantasya ng mga bata. At kahit ng hindi na mga bata, kung tutuusin.

At tuwing may natatanaw siyang liwanag na gumuguhit sa kalangitan, she couldn't help uttering a wish. She couldn't even remember if any of her wishes came true. Nalilimutan na niya iyon. She didn't believe it either.

"But the wish you just made wasn't a childish wish, was it?" himig-birong untag ni Gaudencio sa pag-iisip ng anak. 

Lora grinned. Nagkibit ng mga balikat. "Hiniling ko lang naman na sana'y maging matagumpay ang aming pagsasama kung kami'y maikakasal..."

Lumapad ang ngiti ng matandang lalaki. "You shouldn't have told me what you wished for, Lora. Hindi matutupad..."

She laughed gaily. "Ang tatay talaga." Naupo siya sa barandilya ng balkon at niyakap ang poste ng isang kamay. "We both know there's no such thing as a falling star. Siguro'y idinaan ko lang sa nakagawian pero hindi masamang hilingin sa sarili na sana'y maging maligaya ang pagsasama namin ni Nelson tulad ng sa inyo ng nanay..."

Humugot ng pagkalalim-lalim na buntong-hininga si Gaudencio. Sumeryoso. Sumandal sa hamba ng pinto.

"Desidido ka na ba talagang mag-asawa? Sigurado ka bang papayag si Nelson na palawakin pa ang natutuhan mo sa photography kung kasal na kayo?"

Napabuntong-hininga siya. Kahit siya'y hindi niya matiyak ang sagot doon. "I-iyon ang napag-usapan kanina, 'di ba?" Hindi niya masabi sa amang napilitan lamang siyang sumang-ayong magpakasal sila ni Nelson tatlong buwan mula sa araw na iyon. 

Kanina, habang nasa hapag-kainan sila'y inungkat ni Nelson ang tungkol sa pagpapakasal nila sa harap ng mga magulang nito at ng tatay niya. Agad na sinang-ayunan iyon ng ama ni Nelson at sinegundahan naman ng ina nito. Nagpasya si mayor na agad itakda ang kanilang kasal. May hinala pa nga siyang sadyang alam ng mga magulang ni Nelson ang planong iyon ng kasintahan dahil ni hindi nagpakita ang mga ito ng pagkabigla.

Hindi rin nakuhang magsalita ni Lora. Tila ang opinyon niya kanina'y hindi na mahalaga. Kahit ang itay niya'y walang gaanong nasabi. At kahit na nang sabihin ni Nelson na ipagpaliban na muna niya ang pagluwas sa Maynila dahil magiging abala siya sa paghahanda sa kanilang nalalapit na pagpapakasal.

Gusto niyang magalit sa kasintahan sa ginawa nitong panggigipit sa kanya. Subalit nanaig ang pagnanais niyang unawain si Nelson at talaga marahil mahal na mahal siya nito at gusto na nitong makasal sila. Kung sa bagay ay matagal na nga namang inuungkat-ungkat ng kasintahan sa kanya ang bagay na iyon.

"At mahal mo bang talaga si Nelson, anak?" untag ni Gaudencio sa pag-iisip ng anak.

"Kaya nga po pumayag na akong makasal na kami, 'di ba?" aniya sabay baling sa ama, bahagyang nagdikit ang mga kilay. "Nag-aalinlangan ba kayo sa damdamin ko, 'Tay?"	Nagkibit ng mga balikat si Gaudencio. "Hindi ko alam. Hindi ko hawak ang damdamin mo, Lora. 

Pero malinaw pa sa aking alaala ang mukha ng nanay mo noong panahong magkasintahan kami. She was glowing always. Her eyes sparkled like a jewel. Lagi niyang sinasabing pinanabikan niya akong makita sa bawat sandali…“

Ang kunot sa noo'y nahalinhan ng ngiti, kumislap ang mga mata ni Lora. "Talaga, 'Tay? Hindi ko alam na ganoon ka-showy si Inay sa damdamin niya sa iyo. How sweet of her..."

“She was.” Sadness and longing filled his eyes. “At mana ka sa nanay mo, Lora… sa maraming bagay.”

She cocked her head. "Ibig n'yong sabihin ay hindi ninyo nakikitang pinanabikan ko nang ganoon si Nelson." It was more of a statement than a question. Then she smiled at her father. 

“Siguro ay hindi kami magkatulad ni Inay sa bahaging iyan, ’Tay…”

Muling nagkibit ng mga balikat si Gaudencio. "Marahil. Pero napakabata mo pa, anak, para sumang-ayon sa nobyo mong magpakasal kayo kaagad. Kahit noong buhay pa ang nanay mo, we wanted you to see the world... go places... meet people. Iyon kasi ang gusto namin ng nanay mo na hindi naman namin kayang gawin dahil bukod sa nakataling propesyon ay nangangailangan pa iyon ng ekstrang salapi. 

"At nang dumating ang pagkakataong madagdagan ang sahod ng mga guro and then there was enough money, you came into our life..." 

Nang akmang magsasalita si Lora'y iwinasiwas ni Gaudencio ang kamay at nagpatuloy. "Hindi namin ipagpapalit ng nanay mo ang anumang pagkakataong makapagbiyahe sa pagdating mo sa buhay namin, Lora."

Emotion flooded her. More than ever she missed her mother now. 

"At alam kong bukod sa pagnanais na makarating sa iba't ibang lugar ay nangangarap kang maging isang mahusay na photographer, ang magkaroon ng sariling exhibit, ang malagay sa magazine ang mga larawang kinunan mo. Paano mo magagawa iyon kung may asawa ka na?"

Pinilit niyang ngumiti. Sinikap alisin sa isip ang panghihinayang na maaaring hindi na nga niya magawa iyon. Ang pamilya ni Nelson ay mga konserbatibo. Ang asawang babae'y dapat lamang na nasa bahay at nagsisilbi sa asawang lalaki. Wala namang masama, lalo kung magiging maligaya naman siya sa piling ni Nelson. it is worth the sacrifice. 

"Maybe Nelson would allow me to put up my own studio after we were married. At ano ang malay n'yo kung gusto ni Nelson na bumiyahe kami pagkakasal namin? I'll even suggest that to him. Kahit man lang sa Palawan o sa Boracay." Hinaluan niya ng excitement ang tinig. "Maybe we'll travel far! Sa Hong Kong... o Thailand!"

Natawa si Gaudencio. Nahawa sa excitement sa tinig niya. "Sana'y gawin ninyo iyan. Dahil sa sandaling magkaanak kayo at matali sa politika si Nelson ay mahihirapan na kayong magbiyahe-biyahe."

Her eyes flew to her father. Hindi niya nagustuhan ang huling sinabi nito. "Politika? Hindi papasok sa politika si Nelson, Itay. Napag-usapan na—" Huminto siya sa pagsasalita nang makita ang kunot ng noo at pagtataka sa mukha ng ama. "Ano ang ibig ninyong sabihin?" naghihinalang tanong niya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Gaudencio. "Ang kasintahan mo? Hindi ba niya nabanggit sa iyo na tatakbo siya sa susunod na halalan? Binanggit sa akin ni mayor kaninang magkausap kami."

Lumingon sa hardin si Lora upang hindi makita ng ama ang biglang pagdilim ng mukha niya. Alam ni Nelson na kinasusuklaman niya ang politika. At nangako ito sa kanya na hindi susunod sa yapak ng ama. Napag-usapan na nila iyon noon pa man.

Ang maging leader ng mga civic organization sa bayan nila'y sapat na. Pero ang pasukin ni Nelson ang politika ay hindi gustong mangyari ni Lora. Iyon ang dahilan kaya maagang nawala sa buhay nila ang kanyang ina. Marcia's father was a politician. Nang tumakbo itong gobernador sa probinsiyang iyon ay nanguna si Marcia sa pagkampanya para sa ama. And politics were dirty... just as some people were bad.

Isang bomba ang sumabog sa rally ng partidos ng ama ni Marcia sa Calapan. It took both father and daughter's lives.

"Hindi dahil ang nangyari sa lolo't inay mo'y mangyayari rin kay Nelson, anak," ani Gaudencio na sinabayan ng buntong-hininga.

"Ayoko ng politika, Itay!" Bahagyang tumaas ang tinig niya. Hindi niya gustong isiping pinagsinungalingan siya ng kasintahan. "Hindi lang dahil iyon ang naging dahilan ng kamatayan ni Lolo at Inay. Kahit noong buhay pa sila'y hindi ko gusto ang katotohanang nasa politika sila. 

"Hindi ko gusto ang kawalan ng privacy sa buhay namin ni Nelson kung sakali. Nakita naman ninyo na labas-masok ang mga tao sa bahay ng lolo. At kahit sa atin dahil campaign manager ng lolo ang inay. At iyon ang ayoko—ang lagi na lang puno ng tao ang bahay natin. I valued my freedom so much and I cannot imagine myself being a politician's wife."

"Isang politiko ang kanyang ama. Hindi maiiwasang—"

"Ang papa niya, hindi siya! And he promised me that he won't go into politics!" Gusto niyang maiyak. She felt cheated. 

"Then you don't really love him, Lora," Gaudencio said gently.

"Because I hate politics?" she asked sarcastically.

Huminga nang malalim si Gaudencio. Matiim na tinitigan ang anak. Pagkuwa'y, "No. But falling in love with someone is falling in love with their dreams."

********************Ang swerte mo Lora, gusto ng parents mo na magtravel ka muna at enjoying ang pagiging single char hahahaha. Sana all ganito nohh. Ako rin eh kaya gusto ko muna talaga mag travel at magpunta sa mga lugar na di pa masyadong tourist attraction, ibang-iba kasi sa pakiramdam yung maka gain ka ng bagong karanasan at kaalaman sa mga lugar at mga bagay na napuntahan mo char. Sana all. Paging need ko po ng sponsors sa mga travels ko char hahahahaha. PM n’yo lang ako beshie sa mga willing magsponsor hahahaha char lang. - Admin A *******************

Share n’yo naman #travelgoals n’yo at experiences. Baka malay n’yo napuntahan ko na rin pala ang mga lugar na yan hahahaa.

3

“YOU LIED to me!”

“Napaka-paranoid mo!” angil ng binata. “Ano ba naman ang mangyayari sa akin kung papasok ako sa politika?”

“Alam mong hindi iyon ang ibig kong sabihin,” aniya, sinisikap kontrolin ang galit. “Napag-usapan na natin iyan. Nangako ka sa aking hindi papasukin ang politika!”

"Ang papa ang may gusto nito," wika ni Nelson sa marahang tinig. Hindi nito gustong makakuha ng atensiyon sa mga taong labas-masok sa munisipyo. "Hindi ko siya maaaring tanggihan. At bilang principal, malaki ang impluwensiya ng itay mo sa mga tao. Lalo na ang lolo mo."

Manghang napatitig sa kasintahan si Lora. Hindi makapaniwalang naririnig niya iyon. She could have forgiven him for lying to her. Pero ang marinig sa mga labi ng kasintahan ang motibo nito sa madaliang pagpapakasal nila'y hindi niya matanggap. 

"You want to use me," she hissed. "Gusto mo akong pakasalan hindi dahil mahal mo ako kundi gusto mong gamitin ako at ang pamilya ko sa politika!"

Napaungol si Nelson sa paraang tila napakakitid ng mentalidad niya. "Ang lawak ng imahinasyon mo, Lora. Of course, I love you. Pakakasalan ba naman kita kung hindi."

She was seething with anger. Kung magsasalita siya'y baka kung ano pa ang masabi niya. At nasa munisipyo sila dahil naroroon si Nelson sa opisina ng ama nito. Hindi niya gustong makagawa ng eksena. Mabilis siyang tumalikod at lumabas ng building.

"Lora!" tawag ni Nelson, subalit hindi siya lumingon. Dere-deretsong lumabas at nagmamadaling tinungo ang scooter niya at bago pa makahabol ang nobyo'y nakalayo na siya.

“DINALHAN na kita ng pagkain, Lora. Nagpalipas ka na naman ng oras sa pagkain mo, bata ka!” ani Tiya Lagring sa nagsesermong tono. Inilapag sa tabi ng pamangkin ang basket.

"Salamat, Tiya Lagring..."	Ang malaking asong nakaupo sa tabi ni Lora ay agad na tumayo at inamoy-amoy ang pagkain sa loob ng basket. Binugaw iyon ng matandang babae.

"Dumating nga pala si Nelson kani-kanina lang. Hindi ko sinabing narito ka tulad ng bilin mo. Babalik na lang daw siya. Nagkakagalit ba kayo at ilang araw mo nang iniiwasan ang nobyo mo?"

Nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Hindi ko siya gustong makausap, Tiya. Ano bang oras ko sasalubungin ang tatay sa pier sa Batangas?" pag-iiba niya sa usapan.

"Ang bilin sa akin ay bago mag-alas-singko dapat ay naroon ka na." Sinulyapan nito ang isa pang basket na dapat ay lalagyan ng mahuhuling isda ng dalaga. napailing ito nang makitang walang laman iyon. "Mabuti na nga lang pala at naalala kong dalhan ka ng pagkain kahit hapon na. Nawala sa isip kong hindi ka nga pala tatayo riyan hangga't walang nahuhuli iyang bingwit mo. Aba'y mag-aalas-tres na, ah!"

"Meron ho akong nabingwit, Tiya. Pero pinakawalan ko't hindi naman kalakihan." Sinulyapan niya ang fishing rod at umaasang may hahatak doon anumang sandali. "At saka tanghali na naman ho akong nag-almusal kaya hindi pa ako gaanong gutom..." Tiningala niya ang matandang tiyahin. "Saluhan na kaya ninyo ako?"

"Ay hindi na, bata ka. Mamaya lang ay paparoon na ako sa aplaya at baka kung ikaw ang hihintayin kong makahuli ng isda'y wala tayong maihahapunan. At maaga kang lumakad at baka abutan kayo ng malakas na alon..." Pagkasabi niyo'y tumalikod na at binaybay ang munting daungan pabalik sa bahay.

Tumayo si Lora at itinali sa kahoy ang fishing rod. Pagkatapos ay nilinga ang aso niyang nakatanghod sa basket ng pagkain. 

"Chao, Rufus," wika niya sa aso habang inaalis mula sa basket ang pagkain. 

Maliban sa dalawang saging at bote ng tubig, sa isang plastic canister ay naroon ang kanin at sa isa pa'y dalawang pritong manok. Ibinigay niya ang isa kay Rufus na agad nitong sinakmal.

"Kung gusto mo ng kanin, Rufus, sa iyo na iyan," kausap niya sa aso na tila ito tao at inilagay sa harap nito ang plastic ng kanin. "Tama na sa akin itong saging at pritong manok. I'm on a... diet." Isang malakas na tawa sa sarili ang pinakawalan niya. Because she loved to eat. At ang ipinagpapasalamat niya nang husto'y ni hindi nadaragdagan ang timbang niya.

She was slim for her five feet and five inches height. Na kinaiinggitan ng mga kakilala't kaibigan niya. Hindi siya iyong matatawag ng nakararami na gandang pang-Miss World. But Lora was pretty. At higit sa lahat, biniyayaan ng Mother Nature ng maganda at pinong kutis. At ang pagiging masayahin niya ay lalo pang nagpadagdag sa atraksiyon ng dalaga. She was so easy to please and could laugh and smile at a simple joke.

Muli siyang humarap sa dagat at ibinaba ang mga paa. Kalahati ng mga binti niya'y lumubog sa tubig. This was her favorite place. Nakapalibot sa munting pantalan ang malalaking punong nakatunghay sa dagat. Kung titingnan sa laot ay hindi mapupunang may pantalan doon dahil nga sa naglalakihang mga punong-kahoy at mga puno ng niyog. At ang pampang naman ay napapaligiran ng matataas na damo at mga bato. palibhasa'y malapit na iyon sa bukana ng ilog. Ang bahagi na iyon ng lupain ay pag-aari ng lolo niya. At kung patag lamang ang lugar na iyon ay marahil ginawa na iyong beach resort ng lolo niya noong nabubuhay pa ito. 

Ang kabilang bahagi naman na nakaharap sa ilog ay minana naman ng tatay niya sa mga magulang nito kung saan ang kinukunan ng ikinabubuhay ay ang pag-aalaga ng mga itik. Hindi naman kalakihan ang lupang minana ng tatay niya sa mga magulang nito. Katunayan ay wala pang kalahating ektarya.

At ang pantalan namang iyon ay ipinagawa ng ama ni Marcia para sa malalaking bangkang pangisda nito. Subalit nahilig sa politika ang ama ni Marcia na nagsimula sa pagiging kapitan del baryo. At pagkatapos ay naging bise mayor at dalawang terminong nanalo bilang mayor. 

At nang kumandidato ito bilang bise gobernador sa probinsiyang iyo'y naisanla sa bangko ang dalawang ektaryang lupain at ipinagbili ang mga bangkang de-motor upang gamitin sa kampanya. At nagtira lamang ito ng mas maliit na basnig na siyang gamit ng pamilya sa paroo't parito sa Batangas at Calapan.

Hindi pa natalo sa eleksiyon ang lolo niya. Katunayan ay landslide palagi ang kalamangan nito sa mga kalaban. At marami ang naniniwalang mananalo ito bilang gobernador dahil bukod sa bukas-palad ang lolo niya'y mahusay itong makisama sa mga tao at madaling lapitan. Subalit ang kandidaturang iyon ay pinagbuwisan ng buhay ng dalawang taong labis niyang mahal, ang lolo at ang nanay niya.

Ipinagpasalamat nang labis ni Lora na hindi kasama sa naisanla ng lolo niya at nailit ng bangko ang bahaging iyon ng lupaing kadikit ng lupain ng tatay niya, ang dalawang libong metro kuwadradong kinatatayuan ng bahay nito na nakaharap sa dagat malapit sa ugpungan nito sa ilog.

"Paborito mo ang lugar na ito, 'di ba, apo?" naalala niyang minsa'y sinabi ng lolo niya. Nasa unang taon siya sa high school. "Puwes, magmula sa araw na ito'y sa iyo na ang pantalang ito..." Then her grandfather's laugh echoed around.

Iyon marahil ang dahilan kung bakit hindi kasamang naisanla ang propriedad na iyon. Na kahit sa pabirong paraan, ibinigay iyon ng lolo niya sa kanya. At labis niya iyong pinahahalagahan. She would treasure this place forever.

"Hey!" aniya kay Rufus nang makitang nakatanghod ito sa kinakain niya, tila nagmamakaawa ang mga mata nito na parang sinasabing bitiwan na niya ang kinakain. 

Isa si Rufus sa mga regalo sa kanya ng lolo niya. Tuta pa lang ito nang dalhin sa kanya and she fell in love with him on sight.

She made a face. Ibinigay rito ang natira sa pritong manok. "'Ayan na nga. Madaya ka..."

Ipinahid niya sa shorts ang mantika sa kamay at muling hinarap ang fishing rod habang nginunguya ang natitirang pagkain sa bibig. Inikid ang linya niyon at pagkatapos ay muling inihagis sa malayo ang hook at sinker. 

Subalit hindi agad lumubog sa tubig ang hook. It made a clink na tila ba may tinamaan ang maliit na bakal.

Kumunot ang noo ni Lora at napatayo. Tinanaw ang bahaging iyon ng tubig. "Ano iyon, Rufus?"	Tumaas ang dalawang tainga ng aso. Bahagyang gumawa ng ingay at tumaas din ang ulo sa hinahayon ng mga mata niya.

"Tumama ang hook ko sa isang basurang bote!" dismayadong sabi niya nang anod-anurin ng maliliit na alon ang bote at inilalapit sa pantalan. "'Kainis..." she murmured. 

Inikid niyang muli ang linya at inihagis sa dagat. Inabot niya ang bote ng tubig sa basket at uminom. Pagkatapos ay ang saging at pinanlakihan ng mga mata ang aso.

"Hindi mo gusto ito!" singhal niya rito. Muling naupo sa pantalan. 

She was splashing her feet on the water habang binabalatan ang saging. Isusubo na lang niya iyon nang muling matuon ang pansin sa botelyang nilalaro ng alon. 

"H-hey, Rufus, tingnan mo... may laman iyong bote..." She laughed. "Baka genie, Rufus. Kuhanin mo, dali!" tapik niya sa aso, sabay turo sa tubig. 

Agad namang sumunod at tumalon sa tubig si Rufus. 	"'Pag genie 'yan, Rufus, pakakawalan ko, then I'll make a wish. That he made us rich! At ang ikalawang wish ko..." She paused for a while, nag-iisip kung ano ang susunod na hihilingin. Pagkuwa'y ipinitik ang dalawang daliri. "Alam ko na! Hihilingin kong gawin ka niyang tao. Isang mayaman at guwapong prinsipeng Arabiano!" Muling umalingawngaw sa paligid ang tawa niya sa kalokohang naisip.

Si Rufus ay patulak na inilalapit ng nguso ang bote palapit kay Lora. Dumapa sa pantalan si Lora upang maabot ang bote sa tubig. At nang mahawakan ang leeg niyo'y lumangoy patungo sa pampang si Rufus at doon umahon.

"Ano'ng laman mo, ha?" aniya habang sinisilip ang laman ng botelya. "Baka naman basura lang?" Inikot-ikot muna niya iyon bago ipinasyang tuluyang buksan. 	Bago pa niya maituwad ang botelya upang kunin ang laman niyon ay nasa tabi na niya si Rufus at ipinagpag ang sarili. Tumamang lahat ang tubig sa katawan nito kay Lora. 

"Rufus, binasa mo na ako!" tili ng dalaga. Inihilamos ang palad sa mukha at braso. Pagkuwa'y ipinagpatuloy ang pagdukot sa nakaikid na papel sa loob ng bote. Inabot iyon ng hintuturo. Nang makuha'y binuklat ang papel.

"Wow, a message in a bottle, Rufus! Parang sa sine!" She was amused. Binasa ang nakasulat doon.

I am a very rich man but a lonely one. Find me,

and I will take you to the ends of the earth...

Lora laughed. "Really, huh. At may kasama pang calling card. Hmm... A. K. Cervantes, vice president... Cervantes Meat Processing Company." Lumabi siya at nilingon si Rufus na nakatingin sa kanya. 

"Sino kayang loko ang gumawa nito, Rufus? How romantic and foolish. Ano sa palagay mo? Does this man really exist? Siya bang talaga ang sumulat ng mensahe? O may nakapulot lang ng calling card at nagbiro at inilagay sa bote kasama ng mensahe? At bakit ang isang may sinasabing taong tulad nito'y mag-aabalang gumawa ng kalokohang ito?" Muli niyang sinipat ang calling card. Mukha namang authentic, katunaya'y maganda at mamahalin ang texture ng papel.

Umingit lang ang aso. Tumaas ang mga tainga.

"At ano naman kaya ang hitsura ng Anton na ito? Oh, well... sa posisyon nito sa kompanya, malamang na kasing-edad ni Zobel de Ayala." 

Nagkibit siya ng mga balikat. Itinupi ang mensahe at ibinalik sa bote. Ang calling card ay isiniksik niya sa loob ng blouse patungo sa loob ng bra niya.

"Mamaya na lang natin balikan iyan, Rufus, pagkasundo natin sa tatay. Tara na nga at baka hapunin tayo," wika niya sa aso at bumaba sa bahagi ng pampang patungo sa malaking bangkang pangisda na nakatali sa pantalan.

Si Rufus ay tumalon patungo sa basnig habang tinatanggal niya ang lubid sa kahoy. Pagkatapos ay pinaandar na niya ang makina ng malaking bangka. Hindi nagtagal ay pumapalaot na siya upang sunduin sa pier ng Batangas si Gaudencio na lumuwas sa Maynila may dalawang araw na ang nakararaan at may sinadya sa DECS.

*********************Parang ang saya maligo sa dagat lalo ngayon. Hayss kakamiss mag swimming sa beach. char. -Admin A *************************

4

NASA laot na sila at kampanteng hindi gaanong sineryoso ni Lora ang manibela ng basnig. Sanay na siya roon. Tahimik at maaliwalas ang dagat at walang ibang bangka siyang nakikita sa paligid maliban sa isang malaking yate na sa tingin niya’y napakalayo naman. Binitiwan niya ang manibela at hindi pinansin na humihina ang takbo niya kaysa sa normal. Dinukot ang calling card na inilagay sa bra. Muli iyong binasa.

"Cervantes Meat Processing Company, Esmeralda Building, Pasong Tamo. Ano kaya, Rufus, kung sa pagluwas ko sa Maynila sa katapusan ng buwan ay puntahan ko ang address na ito?"

Kumahol ang aso na tila tumututol sa iniisip niya. Umikot ang mga mata ni Lora. Muling kumahol ang aso at umangat sa pagkakatayo at akmang sasakmalin ang calling card sa kamay niya. Umiwas ang dalaga.

"Ano ba, Rufus!" saway niya sa aso at itinaas ang kamay na may hawak ng calling card. 

Muli iyong dinamba at inabot ng aso. Sa pag-iwas niya'y nawalan siya ng panimbang. At upang hindi mapasama ang bagsak ay napakapit siya sa manibela na sa pagkabagsak niya'y umikot. Pumaling sa ibang direksiyon ang basnig. 

"Aray ko!" Hinimas niya ang nasaktang balakang na tumama sa gilid ng bangka. "Gagawin kitang kaldereta, Rufus, maniwala ka!" Hawak pa rin niya ang manibela at doon kumuha ng lakas upang makatayo, sapat upang lalong maiba ang direksiyong tinutungo nila.

Hindi pa man siya gaanong nakakatayo, from out of nowhere, nahagip ng peripheral vision niya ang isang maliit na speedboat at pasalubong sa bangka niya. Nanlaki ang mga mata ni Lora.

"Rufus, babanggain tayo ng speedboat!" she screamed at her dog, at dalawang kamay na hinawakan ang manibela at nagkakandapatid ang hininga niya sa pagpihit dito upang iiwas ang basnig sa speedboat. Subalit humihina na ang takbo ng bangka at hindi niya magawang maiiwas nang husto.

Natitiyak niyang tutumbukin sila ng speedboat. Mas nag-aalala siya sa sakay nito na ewan niya kung saan nanggaling at bakit hindi niya narinig ang motor nito.

Malaki ang basnig at hindi madaling iiwas bukod pa sa kahit ano ang gawin niya'y ayaw bumilis ng motor nito. Kasabay ng pahirapang pag-ikot niya sa basnig ay ang pagtalon naman ng sakay ng speedboat sa tubig. 

"Oh, no!" Tinakpan ni Lora ng mga kamay ang mga mata. 	Ang speedboat ay hindi nakaiwas sa dulong kaliwang bahagi ng mga katig ng basnig. Nasira nito ang katig at tumama ang speedboat sa hulihang bahagi ng malaking bangka.

Umuga ang buong basnig sa impact. Hindi nagawang kumapit ni Lora at gumulong sila ni Rufus sa kabilang gilid ng basnig. 

*********Thanks sa lahat ng messages mga beshie, sa wakas natapos ko na rin lahat replayan hahahaha. May pag ka OC talaga ako minsan ayaw ko kasing nakakakita ng notifs hahahaha. -Admin A **************

***************Reminiscing my past with baby Karl Anton char hahahaha bago si Lora si Admin A muna ang kasama mo dyan sa speedboat. Kumusta mga beshie hahahahaha how are yahhh char. - Admin A *************

5

HUMINTO at nagpalutang-lutang sa gitna ng laot ang nakataob na speedboat ilang metro mula sa basnig. Hintakot na nilingon ni Lora ang lalaking tumalon sa tubig. He was treading on water habang pinagmamasdan ang speedboat na sandaling umikot bago tuluyang huminto.

"Oh, god, Rufus! Nakaaksidente tayo! Nabangga natin ang speedboat!" she screamed though she very much doubted it. Sila ang tinumbok ng speedboat.

Kumahol ang aso at tulad niya'y nakapatong ang dalawang unahang paa sa gilid ng basnig upang tingnan ang lalaki. At dahil nasira na ang dulong katig, nabawasan ang balanse at bahagyang tumagilid ang katig. Napatili si Lora at mabilis na dinakma sa collar nito si Rufus at umatras sa gitna upang bumalanse sila.

Nakita ni Lora na lumalangoy ang lalaki patungo sa basnig niya. Sumenyas siyang sa kabilang bahagi umahon ang lalaki na sumunod naman at lumangoy sa bahaging itinuro niya. Kumakapit ito sa mga katig palapit sa malaking bangka at nang nasa tapat na ni Lora ito'y inabot niya ang kamay rito upang tulungan itong makasampa.

May pakiramdam siyang gustong mapatid ang mga ugat niya sa leeg sa paghila rito. Hindi biro ang bigat ng malaking lalaki.

"H-hindi ka ba nasaktan?" ang unang namutawi sa bibig niya nang makasampa sa basnig ang lalaki na humihingal na naupo sa sahig.

"I'm... okay," sagot nito na tumaas-baba ang matipunong dibdib. Isinuklay ang mga daliri sa basang buhok upang humawi mula mukha. Pagkatapos ay tumingala sa kanya. "Ikaw, hindi ka ba nasaktan?" 

"Hindi naman—" Lora stopped in midsentence. Nawalang bigla sa isip ang sasabihin. And she literally stopped breathing nang matitigan nang husto ang lalaki. 

Binangga silang talaga ng speedboat at namatay na siya at ang nakikita niya'y anghel! 	Oh yes, in the bible she knew that angels were men, not women contrary to what everyone was made to believe. Handsome and perfect men. 	He must be one of them!

But how could she have died gayong higit pa sa pinagsama-samang tatlong speed boat nito ang kalakihan ng basnig niya. In fact, humigit-kumulang sa sampung tao ang maisasakay sa basnig.

Oh, well, she was alive at hindi anghel ang nakikita niya. Baka naman kaya anak ni Neptuno at basta na lang lumitaw sa tubig? 

"Hey, are you all right? May nasaktan ba sa iyo?" muling tanong ni Karl sa kanya, nagsasalubong na mga kilay sa pagkakatanga ng dalaga rito.

"Hmp..." She cleared her throat, smiled a little at mabilis na sumagot. "Of course, we are all right... kami ng aso ko!" 

Hindi pa yata Pilipino ang naaksidente ng basnig niya. Turista marahil. Pero marunong namang mag-Tagalog. Muli niyang ibinaba ang mga mata sa kabuuan nito. He was wearing a printed shirt na nakabukas hanggang sa kahuli-hulihang butones at naka-plaster ang kasuotan nito sa matipunong katawan nito dahil basa, and a white shorts, exposing muscled thighs and legs. Ang mga balahibo'y nakahapay lahat sa balat nito.

At kung saan man nanggaling ang kaisipang gusto niyang malaman kung ano ang hitsura ng lalaki kung naka-bikini swimming trunks ito'y hindi niya alam. And the thought made her blush.	Naiiritang umiling si Karl. More or less ay nahuhulaan nito ang daloy ng isipan niya. "Stop looking at me as though you have never seen a man before!" 

"You don't have to be rude," she reprimanded gently, kasabay ng pag-irap. "Natitiyak kong ikaw ang tumumbok sa basnig..."

Hindi kumibo si Karl pero nanatiling magkadikit ang mga kilay. At tama ang babae. Somewhere in the middle of the ocean ay nagloko ang speedboat. It went out of control. Preno o transmission? Hindi nito alam. Iisa ang tiyak nito, sesesantehin nito ang nagmimintina ng speedboat. Kung hindi naiiwas ng babaeng ito ang bangka, the accident could have been fatal.	Ibinaling nito ang pansin sa aso na tulad ng amo'y nakatitig din dito. "Sa iyo ang asong ito?"

"A pure breed German Shepherd. He's Rufus."

Napailing si Karl, sa paraan ng pagpapakilala ng babae sa aso'y hindi ito magtataka kung tataas ang isang paa ng aso at kakamayan ito.

"I guess you're right," he said at last, sighing. "Ako ang nawalan ng kontrol sa speedboat. Muntik ko nang madisgrasya ang sarili ko... at kayo rin. Nasira ko pa ang katig ng bangkang ito. Mabuti na lang at nagawa mong iiwas kahit paano, kung hindi'y ang gitnang katig ang nasira ko at kung nagkataon ay masisira ang balanse ng bangka mo at maaaring tumaob."

"May kasalanan din ako, binitiwan ko ang manibela at humina ang takbo. Rufus tried to—" Ang calling card! Pasimple niyang iniikot ang mga mata sa basnig. 	She groaned silently. Naiwala niya ang calling card. Nahulog marahil sa dagat. She glared at her dog mutinously. Si Rufus naman ay umungot at lumapit kay Karl at sumiksik sa binti nito.	Bagaman hindi maintindihan ni Karl ang biglang pananalim ng mga mata ng kaharap sa aso ay niyuko nito si Rufus at hinaplos ang ulo. Si Rufus naman ay dinilaan ang binti ng binata. 	Traidor! gustong isigaw ni Lora sa aso. Kahit ang aso niya ay marunong kumilala ng magandang lalaki.

"He likes me," komento ni Karl.

"Of course. Rufus is a she," aniya. And she could have kicked herself pero nasabi na niya at hindi na mababawi. 

"Oh." Umangat ang mga kilay ni Karl sa "of course" na sinabi niya and read her meaning between the lines. Somehow, he was amused. 

Sinuyod ng tingin ni Karl ang malaking bangka. With a deep frown on his forehead, ibinalik nito ang tingin kay Lora. Bumaba-taas ang mga mata nito sa kanya. Hindi makapaniwalang si Lora lamang ang nagpapatakbo ng malaking bangkang pangisda.

"Are you sure na wala kang kasamang humagis sa tubig nang tumama ang speedboat ko sa bangka mo? Why, you're too slim para mag-drive ng ganito kalaking bangka..."

She smiled cheekily. "No sweat. Maliit pa akong bata'y tinuruan na ako ng lolo kong gamitin ito. And I've been using this fishing boat since high school."

Dudang tumango-tango si Karl. Muli siyang dinaanan ng tingin bago humakbang patungo sa dulo ng basnig at tinanaw ang nakataob na speedboat. 

He shook his head and tisked. Damn. Natitiyak nitong hindi nito mapapatakbo nang maayos ang speedboat sa sandaling iyon. 

Napalunok si Lora habang sinusundan ng tingin ang lalaki. Ang shirt nito'y unti-unti nang natutuyo sa haplos ng malakas na hangin. The man was tall and dark and rugged. Ang buhok nitong natutuyo na rin sa lakas ng hangin ay hindi lang basta itim, it was jet black, thick, and luxurious, long past his collar. At kumikislap iyon sa sinag ng panghapong araw. Parang sa uwak. At kaninang nakatingin ito sa kanya'y napuna niya ang mga mata nito. They were very dark, darker than sin.

His features were strong... arresting. He had firm and almost square chin; broad cheekbones; sensual mouth; and high and defined brow. And though attractive, his face was hard, too individual for easy labels. 

Puno ng iritasyon sa sariling nilingon ni Karl si Lora na bahagya pang nagulat dahil iilang dangkal ang layo niya mula sa lalaki. Si Karl man ay hindi napunang nasa likuran na nito halos ang dalaga. Umiwas ito at nilampasan siya at lumakad pabalik sa kabilang dulo.

"Hindi naman malaking bagay ang pagkasira ng katig mo sa bahaging ito, so let's get started. Babayaran ko ang danyos pagdating ko sa—" 

"Walang anuman," mabilis na agap ni Lora habang nakasunod. Hindi pa rin naka-recover nang husto sa paghanga sa lalaki, which she made foolishly obvious. "Maraming kawayan sa amin. Idadaan kita kung saan mo gustong magpahatid." 

Nagkibit ng mga balikat si Karl. "Oh, well... thank you. I'll drive this... this boat."

"You don't drive a boat, you sail..." she said softly, with a tentative grin on her lips. 

Sandaling nahinto sa paghakbang si Karl at muli siyang tinitigan. She was very young... And noticed for the first time that she was pretty! A honeyed skin. Exotically so that for a while, her coloring reminded him of his cousin Jessica. Naka-French braid ang buhok. At may mga hiblang kumawala mula sa pagkakatirintas sa likod at inililipad ng hangin sa mukha niya.

At sa suot niyang pedal pusher, Karl noticed her great legs. And she must be in her late teens. 

At hindi mapigil ni Karl ang ma-amuse, both the way she looked at him with starlight in her eyes at sa isinagot niya. In a way, she was correct. You don't drive a boat.

"Let's set sail then..." Humakbang ito patungo sa manibela at kahit walang pahintulot ni Lora'y sinimulang paandarin ang makina. Subalit nanatiling pupugak-pugak iyon. 

"B-bakit ayaw umandar?" si Lora na lumapit.

"Damn if I know!" inis na sagot ni Karl. 

Muli nitong pinaandar ang makina, at muli rin ay pumugak-pugak ito na tila matandang may tuberculosis. At the same time he was still wondering kung paanong napatatakbo ng babaeng ito ang malaking bangka na ang motor, bukod sa surplus ay sinauna pa. At ang manibela'y tiyak na napakabigat pihitin.

Niyuko nito ang tangke ng gasolina at binuksan iyon. Pagkatapos ay nagpalinga-linga. Sa sulok ay natanaw ang mahabang patpat na marahil ay ang nasa isip nito ang talagang gamit kung bakit naroroon iyon. Kinuha nito ang patpat na kawayan at ipinasok sa tangke at muli ring hinugot.

"Aw, shit!" 

Napangiwi si Lora sa pagmumura nito. 

Itinaas ni Karl sa harap niya ang patpat. Isang dangkal mula sa dulo ang nabasa ng gasolina. "You're out of gas!"

Lora groaned in frustration. Kaya pala kusang humina ang takbo ng basnig kanina ay nauubos na ang gasolina niya. Ang gasolinang pinabili ng Tiya Lagring niya sa bayan ay nasa bodega pa at nalimutan niyang isalin. Sa pagnanais niyang iwasan muli si Nelson ay nagmadali siyang nagtungo sa pantalan.

"A-ano ang gagawin natin ngayon?" Nilinga niya ang paligid. May mga bangka siyang natatanaw pero natitiyak niyang kahit gumamit siya ng megaphone—iyon ay kung mayroon man siya—ay milagrong marinig sila sa layo ng mga iyon. Malibang may magdaan sa bahaging iyon ng laot. 

"Hindi natin kayang languyin ang Batangas pier," dugtong niya.

"Wala akong intensiyong languyin iyon kahit kaya ko!" he snapped at her. "Paano mo nagawang maglayag nang walang laman ang tangke mo?" 

"N–nakalimutan ko." 

"Nakalimutan mo!" singhal nito na tila siya musmos na walang isip. "Lady, you don't forget things like that. If you are driving on land, I could forgive you, dahil madaling gawan ng paraan kung mawalan man ng gasolina ang sasakyan mo. But for Pete's sake, we are—" pinakariin-riin nito ang salita "—in the middle of the ocean!"

Lora hated the thought na nasesermunan siya ng Poncio Pilatong ito, kahit na nga ba guwapo. Hindi na niya matandaan kung kailan siya huling nasermunan ng tatay niya. Siguro'y noong maliit siyang bata. 

But this stranger was right. Hindi niya dapat kinalimutang lagyan ng gasolina ang tangke ng bangka. At gusto man niyang mainis ay nagpigil siya.

"Hindi kailangang ubusin mo ang tinig mo sa kakasinghal sa akin..." mahinahon niyang sabi. 

"At ano ang inaasahan mong gawin ko sa pangyayaring ito? You didn't even have the sense of a cockroach na lagyan ng gasolina ang tangke mo! At heto, na-stranded na tayo rito sa laot!"

"Okay, mister, so I forgot my gas. Pero sira ang speedboat mo. Sa anumang paraan, nakatakda tayong ma-stranded dito sa laot. At least, sa kaso mo, narito ka sa basnig ko. Ang konsolasyon ko lang..." She cocked her head and smiled sweetly. Too sweet na may palagay si Karl na gustong mangilo at masira ang mga ngipin nito. "I have you as a company..." Sinulyapan ni Lora si Rufus na ang mga mata'y palipat-lipat sa kanila at nakikinig sa palitan nila ng salita, "though I don't need one..."

"Really?" His voice filled with sarcasm. "And how do you think you can get to land? Swim?"	Nagkibit siya ng mga balikat at tinanaw ang pier. It was far... too far but not impossible. "There's an idea. I'm a good swimmer anyway..." she declared proudly.

Karl shook his head in disgust. Nagpupuyos ang dibdib sa inis. Kung kanino'y hindi nito matiyak. Kung sa sarili dahil nasira ang speedboat nito at muntik na itong madisgrasya at makadisgrasya, o sa lokang babaeng ito na naglalayag nang walang lamang gasolina ang tangke at nag-iisa maliban sa walang silbing aso.

But then she was correct again. At least, magkasama sila. He needed her boat and she needed him as company. And he admitted to himself that his company wasn't necessary... but she needed him nevertheless.

"So what shall we do now?" she asked gaily, na tila ba tinatanong lang nito ang lalaki kung anong gustong inumin.

"They'll send a search party," sagot nito na sinabayan ng buntong-hininga. Sinikap alisin ang inis at tinanaw ang bahagi ng dagat kung saan naroon ang yate nito. Natitiyak nitong magpapadala ng search party ang man Friday nitong si George kapag gumabi na at hindi pa ito bumabalik sa yate.

Si Lora'y tahimik na naupo sa sahig ng bangka. Niyakap ang mga binti at itinukod ang baba sa dalawang tuhod. Hindi siya ipahahanap ni Tiya Lagring dahil alam nito kung saan siya nagpunta. Ang tatay niya'y maghihintay marahil nang isa hanggang dalawang oras at kapag nainip at maisip na baka nakalimot siyang sumundo ay uuwi ito sa Calapan sakay ng ferry boat. 

Sana nga'y ipahanap na ang lalaking ito ng mga kasamahan at nang magpapahatid na rin siya sa pier. Bagaman hindi siya nag-aalalang na-stranded siya sa laot kasama ng estrangherong ni hindi man lang nag-alok na ipakilala ang sarili, ay hindi niya kayang isipin ang pag-aalalang mangyayari sa tiyahin at ama sa sandaling hindi sila makaalis sa laot sa lalong madaling panahon.

She turned to look at him. Nakatalikod si Karl at nakatanaw sa karagatan. She sighed with admiration. Even his back was a marvel to look at. How unfair that some men could be this attractive... and unreachable. Natitiyak niyang hindi iilang babae ang nag-aagawan sa pansin nito.

She turned to gaze at the sky. If she would only be given a wish... just one wish. Then... she sighed again.

***************************Just one wish char hahahaha . Ano kayang iwi-wish ko hahahaha kayo ba ano’ng wish n’yo? - Admin A ***************************

6

“ANONG oras na?” tanong ni Lora.

Sumulyap si Karl sa diver’s watch nito sa braso at sa padabog na tono’y, “It’s ten past seven. Wala ka nang ginawa kundi magtanong ng oras kada limang minuto!”

“Napakaeksaherado mo,” wika niya kasabay ng pag-ikot ng mga mata. “At ano naman ang masama kung nagtatanong ako ng oras? Bakit ka nagsusungit?” Humugot siya ng mahabang paghinga. Muling nilinga ang lalaki. “I’m starving, aren’t you?”

"Hungry but not starving." 

Tinalikuran nito ang dalaga at hinayon ng mga mata ang madilim na laot na walang makikita kundi ang mumunting liwanag na nanggagaling sa Batangas pier at iilang liwanag mula sa mga sasakyang dagat na nasa malayong bahagi ng karagatan. At mabuti na lang at may emergency lamp ang basnig, kung hindi'y baka mga bituin at buwan ang tanglaw nila sa isa't isa. 

Nakasiksik sa sulok ng basnig si Lora, yakap ang mga binti. Gabi na, and it was getting colder. At tumatagos ang lamig mula sa malakas na hangin sa suot niyang pedal pusher at manipis na T-shirt. 

Muli niyang tiningala ang lalaki. "Tagarito ka ba? Ibig kong sabihin, sa Batangas o sa kalapit-isla?" tanong niya.

"Hindi ako tagarito. May bahay ang... ang kaibigan ko sa Anilao at nagbabakasyon ako nang ilang araw," sapilitang sagot ni Karl. 

May bahay-bakasyunan sa Anilao ang pamilya ni Krista. At mula sa Manila Bay ay naglayag sila patungong Batangas habang isine-celebrate ang birthday ng dalaga. At plano pa sanang maglalayag patungong Paso de Blas kung hindi lang nagalit si Krista at nagpasyang magpaiwan na at sa bahay-bakasyunan na lang ng pamilya nito itutuloy ang party... minus Karl na hindi man lang nag-abalang suyuin ang dalaga.

At hindi ito nagbalak na bumalik sa Paso de Blas o sa Maynila. Nag-e-enjoy itong maglayag mag-isa.

"Taga-Maynila ka kung ganoon," patuloy ni Lora na pumukaw sa pag-iisip ni Karl. "Ano ang trabaho mo sa Maynila? Sa iyo ba ang speedboat na iyon?" Inginuso niya sa dilim ang alam niyang kinaroroonan ng nakataob na speed boat.

"Ano ka ba, imbestigador!" he snapped. Hindi nito gustong makipag-usap habang nag-iisip. He was starting to worry, gabi na at nasa laot pa rin sila.

"Gumagawa ako ng mapag-uusapan para huwag tayong mainip," kalmanteng wika ni Lora. 

“Tingnan mo ikaw, kanina ka pa nakasimangot. Palakad-lakad ka riyan na tila nag-aabang ng asawang manganganak. Lalo lang magiging kainip-inip ang oras sa ginagawa mo. Ako itong babae, at dapat na higit akong mag-alala kaysa sa iyo dahil narito ako sa laot kasama ang isang estranghero…”

"Why, your calm really surprised me," he said drily. He didn't want to admit that he admired her calm. 

Kung si Krista ang kasama nito at naroon sila sa laot at na-stranded, nag-hysteria na ang socialite niyang girlfriend—o ex-girlfriend na nga ba? He wasn't sure. Ang natitiyak nito'y wala itong balak na suyuin si Krista. Nagsisimula na itong ma-suffocate sa relasyon nila.

"At normal lamang na mag-alala ka dahil 'sabi mo nga'y estranghero ako..." dugtong nito.

"Well..." Sandali niyang sinipat ang lalaki. She wrinkled her nose. "Hindi ka naman mukhang manyakis..." Hinaplos niya ang ulo ni Rufus na nakahiga sa tabi niya na para bang ipinararating sa lalaki na hindi siya pababayaan ni Rufus kung sakaling nagbabalak ito ng masama.

Gustong matawa ni Karl sa ginawa ni Lora. Nahuhulaan ang nasa isip niya. "Looks can be very deceiving..." wika nito.

He didn't want to frighten her pero hindi nito maintindihan kung bakit pinayagan ng mga magulang ang batang ito—well, in a way, she just looked like a kid out of school—na maglayag mag-isa. Paano kung ibang tao ang naroroong kasama niya?

"Are you?"

"I am what?"

"A maniac?"

"Shut up!" he glared at her, both in irritation and amusement. Sa buong buhay nito'y wala pa kahit na isang babae ang nag-isip nang ganoon dito. "Kung manyak ako'y kanina pa kita ni-rape at kahit pa nasa laot tayo. In fact, it would be to my advantage dahil pagkatapos ay tatalian kita ng pabigat at basta na lang kita ihahagis sa laot at walang magagawa iyang aso mo!" 

"Well, I believe you," ani Lora sa kaswal na tono.

"What?!"

"Na hindi ka maniac at hindi rin psycho killer..." 

Nagbuga ng hangin sa ere si Karl. Hindi malaman kung maiinis o matatawa. Pero muli'y tama na naman ang babae. Kung hindi sila nag-uusap ay mas kabagot-bagot ang paglipas ng oras. But then, iyon ang kauna-unahang pagkakataong may kasama siyang babae, na sila lamang dalawa sa loob ng dalawang oras, na ang layo sa isa't isa'y isang dipa.

"Hindi mo pa ako sinasagot, sa iyo ba iyong speedboat?"

"Eh, ano, kung sa akin nga?"

"Why, you must be rich!" she exclaimed mildly.	Nagsalubong ang mga kilay ni Karl. "So?"	She cocked her head and said guilelessly. "Well, I like rich men..."

"Tell me something I don't know," he murmured drily, irritably.

"And you don't like women who like rich men?"

Naiiritang nilingon ni Karl ang dalaga. "I hate nosy women."

Nagkibit ng mga balikat si Lora. May ilang sandaling tumahimik. Si Karl naman ay nakadama ng guilt. Inisip na baka sumama ang loob niya. 

He sighed and gazed at the sky. It was a clear night. Nagkalat ang mga bituin sa langit.

Si Lora man ay nakatingala rin sa langit. Mayamaya'y bigla na lang nanlaki ang mga mata niya.

"There's a falling star!" bulalas ni Lora na tumayo at sinundan ng tingin ang gumuhit na liwanag sa kalangitan na bumabagsak at unti-unting nawawala sa paningin.

Ngumiti si Karl na hindi naman umabot sa mga mata at sa nanunuyang tono ay, "Why didn't you make a wish?" 

"Dapat sana pero agad na nawala ang bituin. Isa pa'y wala pala akong mga bulsa." May bahagyang-bahagyang panghihinayang sa tinig niya. Force of habit.

Kumunot ang noo ng binata. "Ano ang kaugnayan ng bulsa sa wish mo?"	Nagkibit siya ng mga balikat, and pouted her lips and said churlishly. "Hindi ko rin alam. Pero itinuro ng nanay ko sa akin na matutupad ang wish ko sa falling star kung ilalagay ko ang mga kamay ko sa bulsa..." 

Kung hindi ito mabilis na tumalikod at humarap sa dagat, nakita marahil ni Lora ang ngiti sa mga labi nito. Karl couldn't believe he was having this kind of conversation with a woman. A young and a pretty woman for that matter. Para silang mga paslit.

"There's another one!" bulalas muli ni Lora habang nakatingala sa kalangitan. Instinctively, lumingon at tumingala rin si Karl.

Umuga ang bangka nang mabilis na tumayo si Lora at nilapitan ang binata. At mula sa likod ng estranghero ay ipinasok ni Lora nang walang sabi-sabi ang dalawang kamay sa bulsa ng shorts nito. Then she closed her eyes and uttered a wish.

Karl was stunned. Ni hindi magawang kumilos.	Nakadikit ang dibdib ni Lora sa likod nito. Ang dalawang kamay ng dalaga ay nasa loob ng tig-isang bulsa ng shorts nito. At iilang pulgada lamang ang layo mula sa pribadong bahagi ng katawan nito! 

Ang pisngi ni Lora ay nakadikit sa ibabang bahagi ng kaliwang balikat ng binata. And Karl could feel the heat emanating from her body; smelt her scent. Something like rose water and powdery scent... mixed with the tang of sea air. 

Why, the wench had an enchanting scent! 	And her breathing was soft and warm in his ear... like a soft evening breeze. 	And heavens! His body was starting to react!

He cleared his throat at nilingon si Lora sa likod nito. "What did you wish for?" he asked huskily. Hindi makapaniwalang nakikibahagi sa kalokohan ng estrangherang ito. Pero iyon lang ang paraan upang mawala sa isip nito ang reaksiyon ng katawan sa ginagawa ng dalaga.

"I must not tell." she was almost whispering, at nanatiling nakapikit. Pero hindi pa rin inaalis ang mga kamay sa dalawang bulsa ni Karl at hindi kumikilos mula sa pagkakadikit dito. "Or my wish wouldn't come true."

He swore he wouldn't smile, kahit na naninigas na ang mukha nito. And god of the seas! Hindi lang mukha ang naninigas dito... 

"All right, so you've made your wish," wika nito sa pinapormal na tono. "Ang falling star mo ay nalaglag na nang tuluyan. Baka nasa tubig na." His voice was laced with mild sarcasm. "You can take your hands off my pockets now at huwag mo akong pagsamantalahan."

"Don't be stupid," she murmured, bahagyang nagmulat ng mga mata. "Nakikiamot lang ako ng init mula sa likod mo. I'm so cold. At ikaw, sa palagay ko'y yari ka sa bato. Ni hindi ka man lang nakakaramdam ng ginaw gayong bukas iyang polo mo."

Karl sighed. She had a point. At marahil nga'y giniginaw siya dahil kanina pa humahaplos sa kanila ang malamig na hanging-dagat.

Or maybe she was lying. She could either be a tease or just simply innocent at totoong giniginaw na hindi naman kataka-taka. Alin man doon, ang suma-tutal, she was still very young. At hindi ito pumapatol sa babaeng may gatas pa sa labi. 

And damn! Hindi dapat na nagre-react ang katawan nito sa kanya.	And he had to do something or he would be in trouble and embarrassed them both. 

"Siya, giniginaw ka. Nandiyan naman ang aso mo..." Nilingon nito si Rufus na tahimik na nakamasid sa kanila. "He's warmer. Alisin mo iyang mga kamay mo sa mga bulsa ko. Malapit na iyan sa danger zone... in fact, too close, lady."

Bahagyang napasinghap si Lora sa gustong ipahiwatig ng lalaki. At sa nanlalaking mga mata'y inangat ang mukha sa balikat nito. 

Why, he was right! At ni hindi man lang niya binigyang pansin ang unti-unting paninikip ng shorts nito. And how could she have noticed it unless....

Mabilis niyang hinugot ang mga kamay mula sa mga bulsa ng shorts nito na tila ba nag-aapoy iyon at lumakad pabalik kay Rufus. Glad that it was dark, kung hindi'y kitang-kita ng lalaki ang pamumula niya. 

Alin ba talaga sa tatlo ang nangyari? Nagpadala siya sa nakagawiang magpasok ng kamay sa bulsa at gumawa ng wish? Could be. But why on earth in a stranger's pockets? 

Or she was too cold and his body was just so tempting? Maaari din, but how could she be so bold to have run to this stranger at umamot ng init sa katawan nito gayong—sabi nga nito'y—nandiyan naman si Rufus?

O kanina pa niya pinagpapantasyahan ang katawan ng estranghero at subconsciously, binigyang dahilan na lang niya ang unang rason na sinegundahan ng ikalawa?

Oh, dear Neptune! Ano bang kapangahasan ang ginawa niya? She'd never done it in her whole life... not even with Nelson, sa anim na buwang magkasintahan sila. 

"Naniniwala ka bang talaga na magkakatotoo iyang paghiling-hiling mo na iyan sa bituin?" tanong ni Karl na gustong alisin ang discomfort na nakikita sa mukha ng dalaga mula sa malamlam na ilaw sa emergency lamp. 

Maybe she really was cold. At hindi nito gustong hiyain ang dalaga. Pero malamang na ito ang mapapahiya sa sandaling maramdaman niya ang nangyayari sa katawan nito. Sa ibang pagkakataon, at marahil sa ibang babae, hindi nito pinalalampas ang ganoong pangyayari. Immediately, he would consider such act as an invitation.

Pero natitiyak nitong hindi iyon ang motibo ng estrangherong babaeng ito. 

Tumingala sa kalangitan si Karl, namamangha sa kagandahan ng madilim na kalangitan na napapalamutian ng nagniningning na mga bituin. A moonlit night bathes the earth with a beauty all its own. He always loved gazing up at the starry heavens. Marvelled at its beauty. On a starry night, tulad ngayon, the beautiful stars hang like shining jewels against the darkness of space. And he wondered just what is out there in space... beyond the expanse of heavens.

Si Lora ay nanatiling walang kibo. Alam niyang hindi naghihintay ng sagot niya ang estranghero. Pareho nilang alam na kuwentong pambata lamang iyon. At ikinatuwa niyang unti-unting napalis ang kahihiyang naramdaman sa kaswal nitong tono. 

She was about to say something friendly nang makarinig sila ng ingay ng papalapit na motor at ilaw na umiikot sa kadiliman ng dagat.

*************Masarap talaga tumingin sa starry heavens at starry nights. Nami-miss ko tuloy yung mga sandali namin ni Karl kahit sandali lng yun si Renz kasi eh char hahahaha . Basta happy weekends mga beshie. - Admin A **************

7

“HINDI ko naiintindihan ang sinasabi mo, Lora,” ani Gaudencio at ibinaba sa mesa ang mug ng kape at kunot ang noong tinitigan ang anak. “Isang linggo ka ’kamong mawawala. Luluwas ka na ba sa Maynila? Ang akala ko ba’y sa katapusan pa ang luwas mo?”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga. A dreamer could be forgiven but not a fool. And she was both a dreamer and a fool. Halos wala siyang itinulog kagabi sa kakaisip sa sinabi ng estranghero. Inanyayahan siya nitong maglayag nang isang linggo sa karagatan.

At hanggang ngayo'y hindi niya maintindihan kung bakit pumayag siya. And now she was having a hard time asking her father's permission.

"Hindi ko ho gustong magsinungaling... so please don't ask..."

"Gusto kong malaman kung saan ka pupunta!" ani Gaudencio na tumaas ang tinig.

She winced. Bibihira ang pangyayaring pinagtataasan siya ng tinig ni Gaudencio. Alam niyang kagabi pa nag-aalala ang ama nang alas-diyes na halos siyang nakauwi. Sinabi naman niya ang totoo kung ano ang nangyari, pati ang pagtungo nila ni Rufus sa barko. 

"Saan ka pupunta, Lora?" ulit ni Gaudencio sa mariing tono.

"Eh, 'Tay..." Lora sighed. She felt so stupid, habang pahapyaw na sinasabi sa ama ang totoo.

Nanlaki ang mga matang tinitigan ni Gaudencio ang anak. Hindi makapaniwalang napaangat ang likod mula sa sandalan ng silya. 

"Nasisiraan ka na ba ng bait, Lorabelle?! Hindi mo ba naiisip na kapahamakan ang gagawin mong iyan?"

"Itay, kung gusto niya akong gawan ng masama'y ginawa na sana niya kagabi..." she said defensively. 

"Marami na ang nagsabi ng linyang iyan!" Pagkamangha at galit ang nasa mukha ni Gaudencio. "Paano kung miyembro ng white slavery ang taong iyan?" Nagbuntong-hininga at galit itong umiling. "Hindi ako makapaniwalang inalagaan mo sa isip ang alok ng estrangherong iyon sa buong magdamag. Though a dreamer, you are a very sensible person, Lorabelle. Saan napunta ang matitino mong kaisipan at dahil lang sa—"

"Just this once, please," she begged. 

"Lorabelle—"

"Itay, please. Hindi ko kayang ipaliwanag sa inyo. Pero natitiyak kong hindi masamang tao si Karl. Pulos lalaki ang crew sa barkong iyon at kung ginusto niyang huwag na akong pauwiin kagabi at tangayin ay hindi ninyo malalaman. Kung masama siyang tao, that would be his chance. Hindi kailangang pauwiin pa niya ako para magpaalam sa inyo."

May kung ilang sandaling tinitigan ni Gaudencio ang anak. Pilit pinapasok sa isip ang katwiran ni Lora. Ilang sandaling pilit pinayapa ang damdamin. Ang paglalim ng kunot sa noo'y tila mananatili na roon hanggang sa natitirang buhay nito. Iyon ang isa sa mga pagkakataong umasam itong sana'y naroon si Marcia. Tiyak na alam nitong pakitunguhan ang sitwasyon. 

Isang malalim na buntong-hininga ang muling pinakawalan ni Gaudencio. Pinagkatiwalaan nito ang anak sa buong panahon ng pagkokolehiyo nito sa Maynila at minsan ma'y walang ginawa si Lora na dapat nitong ipag-alala. She went in and out of crushes at hindi mga seryosong relasyon. Though young, she wasn't gullible pagdating sa matatamis na salita ng isang lalaki. And Lora had more sense than any young women he knew. 

Then from out of the blue, napahinuhod ng isang estrangherong lalaki ang kanyang anak nang paganoon lang. And that what scared him most. 

He sighed heavily, and in a resigned voice said, "Isama mo ang Tiya Lagring mo..." Nang akmang magsasalita si Lora ay mabilis na idinagdag, "O hindi ka aalis!"	Ngumiti si Lora. "Kanina ko pa gustong sabihing isasama ko namang talaga si Tiya Lagring."

“’KU, HINDI ko maintindihan diyan sa ama mo kung bakit pinayagan ka sa kalokohang ito?” ani Tiya Lagring habang sumasampa sa basnig.

"Kasama ko naman kayo. At saka ano ang malay natin baka hindi naman seryoso si Karl sa pag-aanyaya sa akin at baka pag-alis ko kagabi'y umalis na rin ang yate sa pagkakaangkla nito sa laot."

"Mabuti naman, kung ganoon. Aba'y ire lang bangka'y hindi ako sumasakay at nahihilo ako, sa barko pa?" Dinukot nito ang dalang White Flower, binuksan at sininghot-singhot. 

Niyuko ni Lora ang motor at sinimulang paandarin. Nang hindi sinasadya'y mapadako ang pansin niya sa may ilalim ng manibela. May nahagip ng tingin ang mga mata niya... isang pamilyar na bagay. 	Ang calling card!

Mabilis niyang dinampot iyon at ipinasok sa bulsa ng backpack niya. Nalimutan na niya iyon. Akala pa man din niya'y nahulog na iyon sa tubig. Nagsimula nang pumalaot ang bangka. Sandali niyang sinilip ang katig na napalitan na ng taong inutusan ng itay niya kaninang umaga. 

Pagkatapos ay itinuon na ang paningin sa karagatan. Sa malinaw na tubig ay tila nakikita niya ang anyo ng estranghero kagabi. 

Si Karl. 

**********Congrats sa atin mga beshie, nasa 150K na tayong lahat char hahahaha. Thanks sa inyong lahat. - Love lots. - Admin A **************

8

NAPAHAKBANG si Karl palapit sa gilid ng bangka at inaninag ang parating na speedboat. Pagkuwa’y dinampot ang emergency lamp at iwinasiwas sa mga dumarating.

"Over here!" sigaw nito.

Tatlong lalaki ang sakay ng speedboat na higit na malaki kaysa sa ginamit ni Karl. Ang driver ng bagong dating na speedboat ay inutusan nitong bumalik sa pinanggalingan at kumuha ng gasolina. Ang dalawa'y inutusan nitong iayos ang tumaob na speedboat.

Hindi naging kainip-inip ang paghihintay sa inutusang kumuha ng gasolina. At matapos malagyan ng gasolina ang basnig niya ay pumuwesto si Karl sa manibela ng basnig habang ang malaking speedboat ay hinatak ang nasira. 

"Bakit kailangang sumama ako sa iyo?" tanong ni Lora kay Karl. "Maaari naman akong dumeretso sa Batangas?"

Nilingon siya nito. "You said back there that you were starving. I'll feed you first. Iyon man lang ay maibayad ko sa pagkasira ng katig mo."

She should have refused. Iyon ang tamang gawin. Hindi niya kilala ang lalaki. At lalo na at may iba pang mga lalaki itong kasama. 

Nakita ni Karl ang pag-aatubili niya. And he was glad that she wasn't so trusting after all. 

"Mas malapit ang pupuntahan natin kaysa kung sa Batangas kita yayayaing kumain. Bukod pa sa duda ako kung may disenteng makakainan sa pier... At hindi ako masamang tao, though I'll understand if you refuse my invitation." Idinagdag ni Karl ang huling sinabi.

Nilinga ni Lora ang madilim na karagatan. Hindi niya alam kung bakit naniniwala siyang hindi masamang tao ang estrangherong ito. "Wala naman akong alam na restaurant sa Batangas na nasa gitna ng dagat, ah. Bakit tila sa laot tayo patungo?"

"Nakikita mo ba iyang umiilaw na iyan?" Itinuro ni Karl ang cruising yacht na may tatlongdaang metro na lang ang layo mula sa kanila.	"Iyong malaking barkong iyon?!"

"It's a sailboat... yes, a ship, if you wish. Pero hindi naman ganoon kalaki," pagtatama ni Karl. 

"A ship is a ship, small or otherwise!" she said. "May restaurant ba roon?"

"Wala. Pero may pagkain..."

"And that ship is yours?"

Karl hated the excitement in her voice, habang itinuturo ang sailboat. "Sa kaibigan ko. At sa kanya din iyong speedboat."

"Oh my! Your friend must be very very rich!" she exclaimed. At nasa yate ang paningin ni Lora kaya hindi na niya napuna ang pagtalim ng mga mata ni Karl.

“THIS is George, siya ang nagmimintina nitong yate,” agad na pakilala ni Karl nang makapanhik sila sa yate bago pa man nakapagsalita ang man Friday nito.

Nginitian ni Lora ang lalaki at iniabot ang kamay. "Hello, George..."	Sandali lang ang pagkalito ni George sa paraan ng pagpapakilala ni Karl dito. Agad na inabot ang kamay ni Lora. 

"It's a pleasure to meet you, ma'am," George said gallantly, at sa halip na pakikipagkamay ay dinala nito sa bibig ang kamay ni Lora at hinagkan iyon.

Lora smiled. "Such Old World grace. I'm thrilled..."	Bahagyang kumunot ang noo ni Karl sa ginawa ng man Friday nito. Nang akmang magsasalita si George ay agad itong hinila ni Karl sa sulok habang si Lora'y nagpalinga-linga sa kabuuan ng barko. 

"Sabihin mo sa kusinero na ipaghanda kami ng pagkain," he said in a clipped voice. 

"Yes, boss." Akmang tatalikod si George subalit bago siya makahakbang ay muling bumulong si Karl. "She doesn't know who I am. Play along." 	Nagtataka ma'y hindi na kumibo ang man Friday. At lumakad na patungo sa kitchen.

"So this is how a big ship looks like!" muling bulalas ni Lora. 

"It's only a sailboat and not that—"

"It is big," giit ni Lora at nilingon si Karl. Dimpled at him. "Why make a fuss about it. There's no difference. They both sail." 

Umiiling na nagkibit ng mga balikat si Karl. Gustong maaliw. Ang admiration sa mga mata ni Lora ay walang pakunwari. Tila batang napakitaan ng magandang laruan. 

"Diyan ka muna, magbibihis lang ako."

"Can I look around?"

"Be my guest." Nagkibit ito at iniwan na siya.

Ipinagpatuloy ni Lora ang pagsuri sa buong yate. She went up to the upper deck. Malaki at maluwang iyon. Whoever owned the private ship must be very very rich, she thought. 	Pagkatapos magsawa ay muling bumaba sa lower deck. Napipinturahan ng puti ang lahat ng dingding at ang mga pinto'y sa natural na barnis. May mga modernong kasangkapan sa paligid. 

Bawat cabinet ay binubuksan niya, bawat pinto ay pinapasok at inuusisa at hindi niya mapigil ang mapasinghap sa bawat makita. Nasa yate lahat ng amenities ng isang maganda at marangyang bahay. It even had a small bar at sa isang sulok ay katamtamang laking billiard table.

She opened another door at sumilip sa loob. Malaki ang cabin na iyon kaysa sa karaniwan. At mas malaki rin ang bunk bed na naroroon. May TV, VHS, component... at computer sa ibabaw ng isang mesa.

Humakbang siya upang lapitan ang computer nang bumukas ang pinto sa may kaliwa niya at lumabas si Karl mula sa banyo. Sa pag-iwas niya na huwag silang magkabungguan ay nawalan ng panimbang ang dalaga. 

Bagaman nabigla dahil hindi inaasahan ni Karl na nasa loob ng cabin nito si Lora ay agad nitong nahapit sa baywang ang dalaga bago pa siya matumba.

Hindi agad nakapagsalita si Lora. At hindi niya namalayang nasa mga balikat ni Karl ang mga kamay niya. She could feel the silky flesh beneath her hands. Kung saan galing ang pagnanais niyang paglandasin ang mga kamay sa mamasa-masa nitong balat ay ewan niya. 

She fought the urge and raised her eyes slowly from his chest to his neck to his face. Only to find out he was gazing at her intently. There was something in those deep and dark eyes she couldn't put a name to it... 	"Go and touch me. I wouldn't mind..." One corner of his lips twisted in dry amusement. 

"W-why would I want to do that?" Gusto niyang mapahiya. Napakadali niyang basahin.

"Kanina mo pa ginagawa iyon sa bangka. You more than embraced me when you pretended to have made that silly wish upon a falling star. We both know there's no such thing as a falling star."

"I–I did not pretend to have made a wish." Sa banayad na paraan ay sinikap niyang pakawalan ang sarili mula sa pagkakahawak nito. Subalit ni hindi niya matinag ang bisig nitong nakapulupot sa baywang niya.

"Tell me your name," Karl said softly.

The sudden huskiness of his voice was a caress. And it raised downy hairs from her body.

Banayad na napasinghap si Lora. She saw the male intensity in him. Isang hindi maunawaang damdamin ang tila nag-uunahan sa katawan niya, making her shiver. Isinisisi niya iyon sa lamig na nagmumula sa air-conditioner at sa nipis ng suot niyang T-shirt.

"Lora..." she said almost in a whisper. Pagkatapos ay mabilis niyang idinagdag, "Lorabelle."

"Tinatawag ka ba ng mga kaibigan mo na 'Belle'?"	"No."

"Lora?"

Tumango siya. Aware of his strong arm on her waist.

"And your boy—friends," banayad na sabi ni Karl, "tinatawag ka ba nila na 'Belle'?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. He said it so smoothly. At bagaman pinaghiwalay nito ang "boy" sa "friends," there was no mistaking the cynical calculations in his dark eyes. 

Subalit kulang siya sa karanasan upang makipagdigmaan ng mga salita. Gusto man niyang mainis ay hindi naman iyon ang nararamdaman niya. Bukod pa sa mula kanina sa bangka'y ganoon na ang paraan nito ng pagsasalita. At hindi niya masisi ang estranghero na halos yakapin siya. She had been too obvious with her admiration to him. Besides, tama ito. Kanina sa bangka'y niyakap niya ito mula sa likuran. Feeling the warmth of his body... inhaling his scent.

Sinikap niyang seryosuhin ang sitwasyon. "Bitiwan mo ako..." wika niya sa malamig na tinig, her ices were as icy. Umaasang pakakawalan siya nito.	Subalit ni hindi man lang lumuwag ang pagkakahawak nito sa baywang niya. Sa wari pa niya'y lalong humigpit. "Hindi mo sinasagot ang tanong ko."

"Lahat ng mga kaibigan ko, babae man o lalaki, ay tinatawag akong 'Lora.'" Alam niyang pag-aaksaya lamang ng lakas ang gagawin niya kung patuloy siyang magpumiglas na pakawalan nito. At ang masama pa roon, it would only increase her awareness of his disturbing male strength.

"Do you want me to call you 'Belle'? Sa French, it means the most beautiful woman..." 	Now she could hint a teasing in his voice, bagaman walang ipinagbago ang mga mata nito. 

"Or shall I call you 'Lorabelle'?" patuloy nito. Then he smiled. And finally, slowly, inalis ni Karl ang kamay sa pagkakahawak sa baywang niya. Lumakad ito patungo sa closet.

"Bakit ka narito sa loob ng cabin ko?" tanong nito nang hindi tumitingin sa kanya. Mula sa closet ay naglabas ito ng briefs, puting T-shirt, at blue jeans. Inihagis iyon sa kama.	"Nagpaalam ako sa iyong titingnan ko ang buong yate, 'di ba? Hindi ko alam na cabin mo ito..." 

"My friend's cabin," pagdiriin nito. "Ipinagagamit niya sa akin."

"How generous. Anyway, I'm so impressed!" Ngumiti siya. Ang pagbabalik ng tono nito na tila laging iritado'y mas ikinapapanatag niya. And she also was back to her gregarious self.

"It's obvious," matabang nitong sabi. "Kung nakita mo na ang dining room, hintayin mo ako roon at magbibihis lang ako, okay?"

Nagkibit ng mga balikat si Lora at humakbang patungo sa pinto. "Hurry up, kanina pa nagrereklamo ang tiyan ko."

***At dahil marami na tayo ay baka sipagin akong mag-update char hahahaha. Sana marami akong time at datung char hahahaha -Admin A

9

KARL was amused watching her eat with gusto. Walang hindi tinikman sa inihain ng kusinero. Though he couldn’t find fault with her table manners. Ngayon lang ito nakatagpo ng babaeng hindi nagpapa-impress sa kanya. Ni hindi to conscious kung puno man ng mantika ang bibig. She was so natural and unaffected. She was as refreshing as the sea air.

"You will please the cook..." komento nito.

Nahinto sa pagsubo si Lora. "Late na akong nananghalian, 'tapos hiningi pa ni Rufus ang pagkain—nasaan ang aso ko?" Akmang tatayo ang dalaga nang maalala ang aso. 

Subalit pinigilan ni Karl ang braso niya at marahan siyang hinila paupong muli. "Huwag mong alalahanin ang aso mo. Dinala na ni George sa kusina at pinakakain na iyon."

"Okay." Nagkibit siya ng mga balikat at ipinagpatuloy ang pagkain. 

"How old are you, Belle?" 

Muling nabitin sa ere ang pagkain ng dalaga. All of a sudden, bakit biglang masarap pakinggan ang "Belle" sa pandinig niya. And to think she didn't even like the last five letters of her name. 

"Twenty-two... At alam mo ang pangalan ko. Pero hindi mo sinasabi sa akin ang pangalan mo."

"Karl," sagot nito matapos ang ilang segundong pag-aatubili. 

"Hmm... Karl what?"

"Does it matter?" he said smoothly. "Hindi ko itinanong ang huling pangalan mo..."

"I like that." She wrinkled her nose. "As if there's an air of mystery between us. Hindi natin kilala ang isa't isa maliban sa unang mga pangalan..."

An air of mystery. Gustong ma-amuse ni Karl doon. In a way, she was right again. Dahil ni hindi nito ipinakilala ang totoong pagkatao. 

"And I'm pleased to meet you, Karl," Lora said cheekily at ipinahid sa pedal pusher ang mamantikang kamay at iniabot kay Karl.

Karl laughed softly at tinanggap ang kamay niya and shook it firmly. 

"See?" ani Lora nang bitiwan ni Karl ang kamay niya. "Hindi naman mahirap gawin ang tumawa, 'di ba? Mas maaliwalas tingnan ang mukha mo kapag nakatawa ka." Not to mention you're melting all the bones in my body, she thought.

Nangingiting umiiling si Karl. And to think all he intended to do was feed her, then send her off to sea... kung saan man patungo si Lora. Kanina pa nito inaasahang maiinip, subalit mula kaninang yakapin ito ni Lora mula sa likod at ipasok ang mga kamay sa bulsa ng shorts nito'y napukaw na ng dalaga ang interes nito. Not to mention... desire. Desire that was so strong he could hardly believe himself. Ipinagpasalamat nitong makapal ang tuwalyang nakatapis sa ibaba ng baywang nito kanina.

"You're not eating," ani Lora sa kaharap nang mapunang hindi nito nagagalaw ang pagkain at nakatingin lang sa kanya. Ang ipinagtataka niya'y hindi siya naiilang sa lalaki. Na para bang kay tagal na nilang magkakilala at magkaibigan. She wasn't even wary of this stranger.

Tila hindi narinig ni Karl ang sinabi niya. Sa halip ay, "Are you poor?" 	Hindi nito matiyak kung bakit nito naitanong iyon. Ang pedal pusher ng dalaga'y medyo kupas na ang kulay. Ang T-shirt niya sa maliwanag na ilaw ay hindi rin bago. She wasn't wearing any fancy trinkets. Though he was sure of one thing, edukada ang babaeng kaharap, with a cultured and sultry voice.

Ibinaba ni Lora ang hawak na hiwa ng fried chicken sa pinggan. "Depends on who's asking..."

Kumunot ang noo ni Karl. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Kung ang may-ari ng yateng ito ang magtatanong..." Nilinga niyang muli ang buong paligid bago ibinalik ang tingin sa kaharap. "Sa standard n'ya, yes, I'm poor."

"Eh, kung ako mismo ang nagtatanong?" 

She pouted. Sinipat ang kaharap. "Siguro'y nakalamang ka lang nang tatlong paligo." She grinned. "Ang isa roon ay ang pagkakaroon mo ng kaibigang mayaman. Ano'ng trabaho mo?" Muling dinampot ang hita ng pritong manok at kumagat.

"Empleyado ng kaibigan ko. His man Friday..."

"Is your friend really very rich?" Nakayuko si Lora sa pinggan niya kaya hindi niya napuna ang iglap na pagkapalis ng ngiti sa mga labi ni Karl at nahalinhan ng pagdilim ng mga mata. 

"Does it matter if one is rich and one is not?"

"A lot. Tingnan mo ikaw. Empleyado ka lang pero nakakapag-jet at water skiing ka. Kung wala kang kaibigan at boss na mayaman, you couldn't be possibly enjoying the luxury of sailing his ship."

Nag-angat ng paningin si Lora sa huling sinabi niya. Kumunot ang noo nang makita ang tila pagdaan ng galit sa mga mata ni Karl. O baka imahinasyon lang niya. Anyway, mula kanina'y napuna na niyang hindi ang uri ng lalaking ito ang madaling ngumiti.

"Bakit hindi ka maghanap ng ibang trabaho kaysa sa bangkero?" walang ano-ano'y tanong ni Karl. "Sa tingin ko'y nag-aral ka naman. Mahusay kang magsalita. Bakit mo pinili ang taga-transport ng mga local tourist sa bangka mo?" What the hell did he care? Hindi pa ba sapat ang isinagot nito upang tapusin na niya ang pakikipag-usap dito?

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Lora sa tanong na iyon. Then she burst out laughing.	"Ano ang nakakatawa?" 

Her eyes were dancing merrily habang tinititigan niya ang binata na nakabalatay ang iritasyon sa mukha. Iniisip ng kaharap na bangkero siya ng mga turista. Sasabihin na lang niyang kanila ang basnig at hindi ipinanghahanapbuhay tulad ng nasa isip nito nang biglang maalala ang dahilan kung bakit nasa dagat siya. Nanlaki ang mga matang napatayo si Lora.

"Nakup—aalis na ako! Salamat sa pagkain at gasolina!"

"Hey!" ani Karl na nagulat sa bigla niyang pagtakbo palabas. Tila si Cinderella na inabutan ng pagpitada ng alas-dose. Lamang, hindi naiwan ni Lora ang tsinelas niya na habang pumapanhik sa deck ay pinipituhan ang aso.

********************Grabe ka Lora, pinagtawanan mo lang ang bebe Karl ko  char hahahaha - Admin A **************

10

SA DECK ay nakasalubong ni Lora si Rufus.

"Tara na, Rufus, nag-aalala na nang labis ang tatay!" 

Mabilis na sumampa sa gilid ng yate si Lora, at gamit ang hagdanang lubid na nakabitin sa gilid ng yate ay bumaba siya sa basnig. Si Rufus ay sumampa sa deck at tumalon sa tubig at lumangoy patungo sa basnig. 

Mula roon ay inabot ni Lora ang alaga.

"Nalibang ako, Rufus," kausap niya sa aso, sabay lakad patungo sa motor. "Tiyak na nakauwi na iyon sakay ng ferry. At nag-aalala na iyon."

Mula sa barandilya ng lower deck ay nagsalita si Karl. "Sa susunod, tiyakin mong may gasolina ang bangka mo bago ka maglayag." 

Lumingon si Lora at tumingala. "Kung may gasolina ako'y di hindi mo natumbok ang bangka ko. Kung nagkataon, mag-isa ka lang sa gitna ng laot..." she said lightly.

She was right again. "Salamat. At maghanap ka ng ibang trabaho..."

"Gusto mong palitan ko ang kapitan ng boss mo?" she joked. 

"I'm offering you more than just a job. An adventure of a lifetime!" Kung paano iyon lumabas sa bibig ni Karl ay hindi rin nito alam. At bagaman nabigla sa sinabi, hindi na nito iyon mababawi. Bukod sa hindi naman nito gustong bawiin.

Nanatiling nakatingala si Lora, naghihintay ng kasunod na sasabihin nito.

"Come sail with me, Lorabelle." It was an impulse he knew he would regret later on. But he would surely regret now if he didn't see her again. Kanina, nang biglang tumayo at nagtatakbo paakyat sa deck si Lora upang umalis ay tila may biglang nagkulang sa paligid. 

All rational reasons were secondary, he wanted to see her again! And he didn't even know why. Just that this intriguing, if young siren, liked rich men... something he hated most.

Lora couldn't speak for a moment. Nakatayo lang doon at nakatingala sa estrangherong basta na lang lumitaw sa laot, silhoutted against the light from inside the yacht. He could be a devil or an angel.

"Come and wander through the world with me, Lorabelle." His voice went low and husky.	And Lora was tempted. Just like the devil when he tempted Eve in the garden of Eden. 

"I don't think I—"

"You're not married, are you?"

"Me? Married?!" Naaaliw na umiling si Lora. "Ikaw?"

"That's one thing I avoided like a plague."

Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang makadama ng relief sa sagot nito. At the same time, she was wary. Sa tono nito ay tila ba ang pag-aasawa'y isang nakakahawang sakit na dapat iwasan.

Makalipas ang ilang sandaling pagdidili-dili'y tumingala siyang muli kay Karl. "How long?" Her voice was tentative and just above whisper, subalit nangibabaw iyon sa haplos ng mga alon sa bangka niya. 

"A week. And I'll take you to the ends of the earth."

Her eyes widened. A week! At buong akala niya'y maghapon lamang. Bigla'y nakadama siya ng panghihinayang. Niyuko niya si Rufus, hinaplos ang ulo nito. She wanted to say "yes!" Subalit alam niyang hindi siya papayagan ng itay niya malibang umalis siya nang walang paalam. At iyon ang hindi niya magagawa.

Nang bigla'y naglaro sa isip ang huling sinabi ni Karl. I'll take you to the ends of the earth...

Saan ba niya narinig iyon?

"Take a chaperone with you," ani Karl sa nakikitang pag-aalanganin sa mukha niya.

Napatingala si Lora. Inaaninag sa bahagyang liwanag ang mukha ni Karl. 

"I don't mean the dog..." he teased. "Any one or two of your friends..."

"Oh." 	An adventure of a lifetime! 

Suddenly wanderlust consumed her. 

Suddenly she wanted to be free. 

Malaya, tulad ng mga ibon sa dagat. For once in her life, she wanted to be daring... to do the things she didn't dare do. Lora could hear seductive whispers, telling her to abandon all caution and ride with him on the winds of forever. 

And just as Eve was tempted, Lora raised her face to the gorgeous devil above her. "No hanky-panky?" she said, excitement ran through her veins.

"No hanky-panky."

She could be wise or foolish and he could be the devil or an angel... slowly, she smiled. 	Karl inhaled softly. Moonlight became her.

"I'll be here tomorrow..." Pinaandar na niya ang motor. Kinawayan niya si Karl habang lumalayo ang bangka niya. Sa kabila ng ingay ng motor ay narinig pa niya ang sigaw nito.

"I'll wait until midnight tomorrow, siren!"

THE SKY was clear, at unti-unti nang lumulubog ang araw, and the surface of the sea was a liquid silver shimmering with light.

Hindi kailanman pagsasawaang pagmasdan ni Karl ang paglubog ng araw. And the setting of the sun was so perfect today. Tila nag-aapoy ang dulo ng mundo at kumakalat iyon sa buong karagatan. 

Tunog ng motor ng bangka ang nagpaalis sa paningin ni Karl sa papalubog na raw. He turned his head slowly. And there she was, the exotic siren from the horizon. 

She waved to him. He waved back. He thought she would never come at ang pagpayag ni Lora kagabi'y isa lamang walang kabuluhang salita. He couldn't contain the little excitement that ran through him. Sa buong maghapo'y nakatuon kay Lora ang buong pag-iisip niya. Hindi niya gustong isipin ang estrangherang ipinasok ang mga kamay sa mga bulsa ng shorts niya and made a silly wish.

But the more he tried not to think of Lora, the more he thought of her. He couldn't remember the last time he was affected by a woman so strongly.

Umikot si Karl sa bahagi ng yate kung saan dadaong ang bangka ni Lora. 

"Hi." Tumingala si Lora sa kanya and gave a smile that shamed the sun.

Karl smiled back. Inabot nito si Tiya Lagring na pinaunang pinapanhik ni Lora. Nalalanghap ni Karl mula sa matanda ang camphor.

"Mamamatay na yata ako, Lora!" reklamo ni Tiya Lagring na hilong-hilo. "Ano ba ang gagawin natin dine sa barkong ire?" 

"Kumusta ho kayo?" ani Karl at inabot ang kamay kay Tiya Lagring nang maisampa na nito ang matanda. "Ako ho si Karl..."

"Ikaw na diablo ka ang may pakana nito!" wika ng matanda na panay ang singhot ng white flower at ni hindi pinansin ang nakalahad na kamay ng binata.

Kunot ang noong nilingon ni Karl si Lora na nanatiling nasa basnig. Ang buong pansin ay nakatuon sa sasakyang-dagat. 	Karl frowned at the wonderment on her face as she gazed at the ship. 

"Sea sick?" tanong nito kay Lora sa bahagyang malakas na tinig upang makuha ang atensiyon niya.

Saka pa lang inalis ni Lora ang paningin sa yate. Tumango. "Nag-aalala nga ako sa Tiya Lagring pero siya lang ang papayagan ng itay kong maisasama ko," wika niya at nagsimulang pumanhik sa hagdanang lubid. 

Inabot siya ni Karl at inalalayan sa pagsampa. Pagkatapos ay inakay nito si Tiya Lagring na maupo sa lounging chair. 

"Dito ho muna kayo, magpapakuha ako kay George ng gamot sa hilo. Mas mabisa kaysa diyan sa hawak ninyo..."

"Hindi!" mariing tanggi ng matanda. "Eh, kung pampatulog ang ipainom mo sa akin, di napahamak ang apo ko!"

Lora bit her lip. Umaasang makakita ng iritasyon sa mukha ni Karl. But she was surprised to see him tried to hide a smile. "So you brought a one-man army, eh," bulong nito sa kanya. At mabilis na idinugtong, "You're late, siren..." 
"Wala pang hatinggabi."

"Ano iyang pinagbubulungan ninyo, Lorabelle?!"

Umikot ang mga mata ni Lora. "Tiyang, nag-uusap lang ho kami..." 

"Puwes, kung mag-uusap kayo'y iyong naririnig ko!" muling singhal ni Tiya Lagring. 

Humihingi ng paumanhin ang mga mata ni Lora nang tumingin kay Karl, but a glint of amusement flickered his eyes.

"Narito na pala ang mga bisita mo, Karl," ani George na sumungaw mula sa loob ng yate. Isang ngiti ang ibinigay nito kay Lora na ginantihan naman ng ngiti ng dalaga. 

"George, ang Tiya Lagring ko... Tiya, si George, ang katiwala ng yate..." 	Isang galit na tikhim lamang ang isinagot ni Tiya Lagring. Sige pa rin ng singhot sa White Flower.	Si George ay matamis na ngumiti at inabot ang kamay ng matandang babae sa pagkabigla nito. At bago pa nabawi ni Tiya Lagring ang kamay ay nahagkan na ni George ang dulo ng mga daliri nito.

"Ngayo'y alam ko na kung saan kumuha ng angking ganda ang inyong pamangkin..."

Muling tumikhim si Tiya Lagring, sa pagkakataong iyon ay isang alanganing ngiti ang bahagyang sumilay sa mga labi. Unti-unting hinila ang kamay mula sa pagkakahawak ni George.	"Damuhong ire at kay husay bilugin ang ulo ko..." 

Karl and Lora exchanged amused glances. 

"We'd like to dine at eight, George," ani Karl sa man Friday nito. "At sabihin mo kay Juancho na asikasuhin ang bangka. At pakisamahan mo na rin si Tiya Lagring sa cabin nila..."

"Ay hindi!" matigas na sabi ni Tiya Lagring na sinabayan ng tayo kahit mahilo-hilo pa. "Kung inaakala mong maiiwan kong mag-isa sa iyo ang pamangkin ko'y nagkakamali ka! Kasunod ninyo ako kahit saan kayo umikot sa barkong ito!"

"Tiyang..." si Lora sa tonong nakikiusap. 

Tinitigan nang matalim ni Tiya Lagring ang pamangkin at saka pagalit na nagbuntong-hininga. Nilingon si George. "Sige at ihatid mo ako sa kung saan ako magpapahinga..." Tumayo ito at saka muling hinarap si Lora. "Sumunod ka kaagad, Lora."

"Oho."

"Kamag-anak ba ni Gabriella Silang ang tiya mo?" nakangising tanong ni Karl. Hindi makapaniwalang sa kauna-unahang pagkakataon ay may makakasama itong babae sa yate nito... na may chaperone. 

Isang ngiti ang isinagot ni Lora. Nagpalakad-lakad sa deck at tumingala sa kabuuan ng yate. Admiration all over her face. 

"Your friend's ship is a beauty, Karl! It must be wonderful to sail this ship over the curve of the world! Kung puti ang interior ng yate'y kabaliktaran naman ng kulay ng labas. Itim na itim! Raven black!"

Karl stared at her. Nagniningning ang mga mata ni Lora habang nakatitig sa kabuuan ng barko. Tumiim ang mga bagang nito sa pagpipigil na huwag bumakas sa mukha ang galit na nararamdaman. Walang ipinagkaiba si Lora sa mga babaeng kilala nito. Walang mahalaga kundi ang karangyaang naidudulot ng salapi.

"Hey, hindi mo na ako sinagot," ani Lora pero nanatiling nakatitig sa buong yate. 

Karl didn't trust himself to speak. Lora liked rich men. Kagabi pa niya ipinahihiwatig iyon. Kaya ano ang dapat nitong ikagalit kung ganoon na lang ang paghanga ni Lora sa yate niya? Why was his disappointment and anger so intense that it was almost pain?

Kung ang mga kakilala nitong babaeng mayayaman ay naghahangad ng higit pa, di lalo na ang isang katulad ni Lora? 

Why should I be angry when I barely know her? Why the hell do I care if she's another gold-digging female?

"She is the most beautiful ship I haver ever seen, Karl," patuloy ni Lora. "Kaninang padating kami'y hindi ko maiwasan ang mamangha. She was poised breathtakingly on the edge of the world. More work of art than simple transportation of a rich man. I wish someday I can afford to put her on film... I'd sure do my very best to capture her beauty and she would be my masterpiece!"

Kumunot ang noo ni Karl sa huling sinabi ni Lora. His thoughts suddenly changed course. "Ano ang ibig mong sabihin?"

Napatingala si Lora sa katabi. Then smiled shyly. "I got carried away. Sorry..."

"Ipaliwanag mo ang huli mong sinabi," he commanded.	Kaswal na nagkibit ng mga balikat si Lora. "I am an enthusiast. I love to take pictures, kahit na ano. I dream of having an exhibit of my own one day. Kaya lang..." Muli siyang nagkibit ng mga balikat.

"Kaya lang ay ano?" 

"I still have a lot to learn pagdating sa pagkuha ng mga larawan. Sabi ni... ng kaibigan ko'y napakaordinaryo naman daw ng mga larawang kinukuha ko... nag-aaksaya lang daw ako ng oras..." Hindi niya napansin ang bahagyang pagdaramdam sa sariling tinig. 

At lumalim ang kunot sa noo ni Karl. Bagaman wala pa itong nakikita sa mga gawa ni Lora ay gusto nitong kasuklaman ang taong nagsabing ordinaryo ang mga larawang kuha niya. 

"Hindi ko naman masisisi si Nelson na sabihing ordinaryo lang ang mga picture ko. I am using an ordinary camera," patuloy niya, wala sa loob.

Nelson. Sudden surge of jealousy flooded through him. Why, he didn't know. 

"Iyon ba ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang paghanga mo sa yate mula kanina? Because you want to capture her on film?"	She dimpled at him. "Of course." 

Humakbang siya patungo sa pintong pinasukan ni George at Tiya Lagring upang sundan ang tiyahin. Nakakailang hakbang na siya nang lumingon at pabirong sinabi, "Don't feel insulted na natuon ang paghanga ko sa walang buhay na bagay kaysa sa iyo."

Karl couldn't find a word to say back to her as he watched her go. The sudden flood of relief was overwhelming. Mali ang hinala niya. At kasabay niyon ay ang pagmamalaki. He loved his ship. Kung wala rin lang pasok at mahalagang trabaho sa opisina'y naglalayag siya. 

No other woman had given such artistic comment on his ship but Lora. And elation ran through him knowing that there was this woman... a total stranger for that matter, who shared his joy and pride.

***********************Sana ship na lang din ako para I’m always sailing with you bebe Karl char hahahaha - Admin A ****************

11

NAKATALIKOD sa kanya si Karl. Nakaharap sa madilim na karagatan at nakatukod ang mga braso sa railings. Maliban sa lagaslas ng tubig na sanhi ng pag-usad ng yate’y napakatahimik ng buong paligid.

Sinulyapan ni Lora ang mesa sa gilid ng deck kung saan nakahanda ang pagkain para sa dalawa. Sa gilid ng mesa ay isang electronic candelabra na kung hindi tititigang mabuti ay mukhang totoo. It generated enough light for two. At sa gitna, a tall crystal vase with a stem of yellow rose. It was a romantic setting that somehow, her heart missed a bit for a moment.

Naramdaman ni Karl ang presensiya niya. Pumihit ito at humarap sa kanya.

"Hi," she almost whispered. 

"Hi yourself." He smiled faintly. Ang mga siko'y nakatukod sa rehas ng yate.

Si Lora ay hinagod ng tingin ang kaharap. Ang damit nito, a light blue turtle necked and long sleeved sweaters and soft blue jeans, clung to every line of tendon and sinew, outlining muscular shoulders and thighs. And his eyes were dark and deep they were like a sea without shore. Ang buhok nitong maingat na nakasuklay mula sa noo patungo sa likod ay bahagyang nagugulo sa haplos ng hanging-dagat. 

He really was strikingly handsome.

"Paano mo nalamang hindi natin makakasama si Tiya Lagring sa hapunan?" Sinulyapan niya ang mesa sa dalawang pinggang nakahanda roon. 

"Hindi ko alam. Nang lumabas ako sa deck ay nakahanda na ang mesa."

"George?" aniya. 

Tumango si Karl at hindi niya maiwasang makadama ng disappointment. Deep inside her ay umaasa siyang may kinalaman si Karl sa romantikong pagkakaayos ng mesa. 

"Where did that single rose came from?" Mula sa mesa'y nilinga niya ang karagatan. "Surely, walang tumutubong bulaklak sa gitna ng dagat?"

Karl laughed softly. "Get closer, it isn't real..."

"Oh." Another disappointment ran through her. 

Humakbang palapit si Karl, and smoothly, his arm went around her and pulled her against him and planted a soft kiss on her mouth. Ikinabigla ni Lora ang halik na iyon at napatanga sandali. 

"Don't be so disappointed," he said huskily, his breath was as caressing as sunlight on naked skin. "When we get to shore, I'll buy you dozens of real flowers. Roses, lily of the valleys, tulips—"

"Am—I... hmp... that transparent?" she stammered, ang init ng mga labi nito'y nararamdaman pa niya sa kanya. At ang braso nito'y nakapaikot pa rin sa katawan niya.

"Kasinlinaw ng tubig sa bahaging ito ng karagatan, Lorabelle," wika nito, his eyes turned a shade darker as he gazed at her lips.

Kumawala ang dalaga. Humakbang patungo sa mesa at kunwa'y sinuri ang hindi totoong bulaklak. Gawa iyon sa isang mamahalin at manipis na telang satin, in baby yellow. 	It was almost real... almost. Tulad din ng gabing ito. Tonight was fantasy... tulad din ng bulalakaw na biglang lumilitaw sa kalangitan at iglap ding naglalaho. 

Ano ang mangyayari pagkatapos ng isang linggong paglalayag sa karagatan kasama ang pinakamisteryosong lalaking nasilayan niya sa buong buhay niya? Not to say the most handsome, too.

Saka na lang niya iisipin iyon. Let the devil take tomorrow.

"Matindi ang hilo ni Tiya Lagring..." She couldn't meet his eyes, alam niyang sinusundan nito ng tingin ang bawat galaw niya. 

"I could guess," sagot ni Karl, a worried frown on his forehead. Lumapit at inalis ang cork sa bote ng champagne at sinalinan ang dalawang malalaking goblet. Ang laman ay halos hindi umabot sa ikaapat na bahagi ng kristal. "Hindi mo ba maipainom sa kanya ang tabletas na ibinigay ko sa iyo kanina?"

Ang pag-iba ng topic ay nagpawala sa tensiyon ni Lora. She smiled. "Hindi mo maipaiinom kay Tiya iyon, even if her life depended on that tablet. She was so worried that—"

"That I would ravish you." He was amused. Iniabot sa kanya ang kopita at umikot sa bahagi niya at hinila ang silya. 

Lora murmured her thanks at naupo. 

Naupo rin si Karl sa kabilang bahagi. Itinaas nito ang kopita sa kanya, she did the same thing, bahagyang naiilang. Hindi siya sanay roon.

"I could easily do that, Lora..." 

Nahinto siya sa pagsimsim sa masarap na alak. Bahagyang nalito. "Do what?"

"Ravish you." Ang mga mata nito'y natuon sa mga labi niya. The feel of it was still on his mouth; her sweet breath still on his senses. He sighed and his eyes moved down to her breast.

Ang suot na sweatshirt ni Lora ay hindi gaanong kakapalan at body hugger iyon. At ang dulo ng sweatshirt niya'y huminto isang pulgada mula sa pusod ng dalaga. At may pakiramdam siya na tumatagos ang mga mata nito sa ilalim ng suot niya. 

"Even with your aunt around..." dugtong ni Karl.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Lora. Then she saw the teasing glint in his dark eyes. She smiled demurely. Muling dinala sa bibig ang kopita at sa sinasadyang paraan, sa ilalim ng rim ng kristal, she fluttered her eyelashes flirtatiously, tulad ng napapanood niya sa mga old movie. 

"You've been subtly doing exactly that, Karl..."

He gave a bark of laughter. "You did it better than Marilyn Monroe..."	Nakatitig siya sa red wine sa kopita. Bahagyang inikot-ikot ang laman niyon. "Masarap..."

"At ni hindi pa man lang kita hinahagkan nang husto niyan..." 

A soft gasp came out of her lips. He purposely misunderstood her. And she couldn't be coy. That wasn't her. Pero paano ba sinasagot ang ganitong takbo ng usapan?

"Oh, well..." She pouted. Hiniwa ng steak knife ang steak na inilagay ni Karl sa pinggan niya. Isinubo iyon, chewed with gusto... swallowed, then in a casual voice, "I couldn't wait for the real kiss, Karl," she said boldly, subalit hindi niya magawang salubungin ang tingin nito. Flirting wasn't her style. Pero may palagay siyang likas iyon sa lahat ng babae. 

Karl smiled drily. Hindi ba't lahat naman talaga'y iyon ang hinihintay na gawin niya? Bagaman hindi kailangan ng pahiwatig para gawin niya iyon kay Lora. Hindi nito intensiyong hagkan ang dalaga kanina, but he couldn't control his urge. When he touched his lips to hers, he summoned all self-control not to kiss her thoroughly. Hindi nito gustong biglain ang dalaga.

And he was intrigued by her. She was daring and straightforward one moment and then shy and cold the next. Such fascinating combination. Fire and ice.

"Paano mong napapayag ang boss mong gamitin ang yate niya sa matagal na panahon? Paano ang trabaho mo?" untag ni Lora sa pananahimik nito. Inabot ang baso ng tubig at uminom.

He cleared his throat. Hindi inaasahan ang tanong. Dinala nito sa bibig ang wine at inubos ang laman. "I... I just closed him a business deal... yes, that's it. Isang malaking transaction. Using his boat is one of my compensations."

"That's nice." She sipped from her wine. 

Makalipas ang ilang sandali'y tumayo si Lora mula sa pagkakaupo. She walked towards the railings. Pagkatapos ay nag-angat ng paningin... sa mga ilaw sa malayong bahagi ng karagatan.

"I love the ocean," aniya at itinukod ang mga braso sa barandilya. Her eyes focused into the night, then into the dark body of the sea, silver glinting in the crests of black satin waves. 

"My grandfather was a fisherman, pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makatawid sa ibang pulo maliban sa Batangas at Calapan. He promised me one day that he would take me to the loveliest place on earth..." Gumaralgal ang tinig niya sa huling sinabi. Tuwing nababanggit ang lolo o ang ina'y hindi niya maiwasan ang makadama ng lungkot. Hindi pa rin siya tuluyang nakaka-recover sa pagkawala ng mga ito. 

Humarap siya kay Karl na nanatiling tahimik at nakamasid sa kanya. She smiled. Though she probably didn't know that the sadness in her eyes almost tug at Karl's heart. 

"He died before he got to fulfill his promise..." Pagkuwa'y nagkibit siya ng mga balikat. Pinasiglang muli ang tinig. "I'm sorry if I bore you with my story. It is just that—"

"It's okay. I am not bored in anyway," putol ng binata sa sasabihin niya. "Ilang taon ka nang mamatay ang lolo mo?"

"Twelve... thirteen..."

"I'm intrigued. Saan naroroon ang sinasabi ng lolo mo na pinakamagandang lugar sa ibabaw ng lupa? Was it real or just a fantasy para libangin ang isang batang makulit?" He cocked his head and grinned. Muling nagsalin ng champagne sa kopita. 

Muling bumaling sa karagatan si Lora. "It's real. Ni hindi nga iyon napakalayo mula sa amin... o mula sa kinalalagyan natin ngayon. My grandfather said it's an island, halos buntot na raw ng Palawan. Ang sabi ng lolo, ang pangalan ng isla'y Paso de Blas..."

Muntik nang masamid si Karl doon. Ipinagpasalamat niyang nakatalikod si Lora sa kanya. Naibaba niya ang kopita nang wala sa oras. Inabot ang table napkin at nagpahid ng bibig.	Muling humarap si Lora dito. "Have you been there?"

"To Palawan? Yes..." It was a safe answer. He cleared his throat. At madaliang itinanong ang unang tanong na pumasok sa isip huwag lamang matuon dito ang usapan. "Anyway, paanong nalaman ng lolo mo ang islang iyon?"

She pouted, ipinaikot ang daliri sa buhok. "Ang sabi ni Lolo ay kaibigan niya ang may-ari ng isla... he failed to mention the name of his friend. At noong binata siya'y hindi miminsang iniimbitahan siya ng may-ari ng isla na magtungo roon. But when my grandfather got married, naputol ang ugnayan nila dahil taga-Maynila ang lola. When things got rough, iniuwi ni Lolo ang lola sa Calapan and he got so busy raising his family. 

"And the owner of that island got even richer and richer, at nakahiyaan na ng lolo kong dalawin ito. Ganoon ma'y sinabi ni Lolo na ang may-ari ng isla ay hindi nakakalimot ng kaibigan dahil sa maraming okasyon sa buhay ni Lolo ay pinadadalhan siya ng mga regalo mula sa mayamang kaibigan niya. Mostly expensive wines and cigars..."

Ni hindi makuhang magsalita ni Karl. He felt so uncomfortable. Bagaman wala itong intensiyong sabihin kay Lora kung sino itong talaga ay naroon naman ang pagnanais na dalhin ang dalaga sa Paso de Blas sa mga oras ding iyon—upang tuparin ang pangako ng lolo nito sa kanya.

"Tapos sinabi ni Lolo na sana'y mayaman siya upang makarating sa isla... I wish he were rich, too..."

She was talking with wistfullness in her face, ni hindi niya napansin ang biglang pagbabago ng mukha ni Karl. Ang pagguhit ng galit sa mga mata.

"Bakit kailangang maging mayaman ang lolo mo para madalaw ang isang kaibigan?" he asked, an edge in his voice.

"Insecurities... pride perhaps. I don't know."

"You said you too wished he were rich... why?" 

The roughness in his voice confused her. She stared at him, hindi niya maunawaan ang tanong. Ang nakikita niya sa mukha ni Karl ay kasinlamig ng hanging umaahon mula sa karagatan at yumayakap sa kanya. His eyes were a combination of mystery and darkness—and something else, something she couldn't give a name. The lazy, sexy smile, and masculine warmth moments ago were gone as though they had never existed.

"Karl?"

Karl didn't trust himself to speak.

Nagbuntong-hininga si Lora. At may panghihinayang na sinabi, "I–ikinalulungkot ko... nadala na naman ako ng kuwento ko. Nasira ko ang gabing ito."

"It's my fault," ani Karl sa wakas. Pinuno ng hangin ang dibdib. "May bigla lang akong naisip... anyway, alas-onse na halos. It's time to turn ourselves on. We are both tired."

Wala sa loob siyang tumango. Hindi maunawaan kung ano ang dahilan at biglang nasira ang magandang atmospera sa pagitan nilang dalawa.

***************Grabe naman ang bebe Karl ko ang moody parang ako char hahahaha. How are yeah mga beshies? - Admin A **********

12

“KAIN nang kain, Tiya Lagring,” ani George na nilagyan pa ng sinangag at tapa ang pinggan ng matandang babae. “Mangangayayat kayo niyan pagbabalik ninyo sa inyo.”

"Dyaskeng bata. Mauubos ko bang lahat ang pagkaing ire?"

"Kayang-kaya ninyong ubusin iyan. Aba'y ni hindi n'yo ginalaw ang pagkaing inihatid ko sa cabin ninyo kagabi, ah."

"Ku, hilong-hilo ako sa lintik na biyaheng ito na ewan ko kung saan patungo!" Inabot nito ang tasa ng kape at humigop. 

Napasulyap kay George si Lora at nahihiyang ngumiti. Si George ay bigay-todo ang ngiting ibinigay sa kanya.

"Hmm... masarap ang kapeng ito..." Sinipat ni Tiya Lagring ang tasa at inamoy-amoy. "Barako..."

"Na sadya kong ipinalaga para sa inyo, Tiya," ani George. "Alam kong hindi ninyo magugustuhan ang instant coffee..."

Tumango si Tiya Lagring at muling hinigop ang brewed coffee. Mayamaya'y tinitigan si George. "Iyang bisita ng boss mo, George, matagal mo na ba siyang kilala?"

Lora rolled her eyes. Kinagiliwan si George ng tiyahin niya dahil nakuha nito ang kiliti ng matandang babae. Pero kung tutuusin ay parehong estranghero sa kanila ang dalawa.

Tumikhim si George bago sumagot. "Ah... eh, si Mr— Karl ho ang isa sa mga mahuhusay gumawa ng transaksiyones sa kompanya, Tiya..." That was the general truth. Hindi nito gustong magsinungaling sa matandang babae kung saan giliw na giliw rito.

"Binata ba ang Karl na iyan, ha?"

"Tiya naman..." nahihiyang awat ni Lora sa tiyahin.

"Aba, oho," ani George, hindi malaman kung paano mananatiling kalmante sa interogasyon ng matandang babae. Sa pagkain nito ibinuhos ang pansin at pinag-iisipang mabuti kung paano maililihis ang usapan mula kay Karl.

"Ano at hindi nagtatrabaho ang taong iyon ay nagpapasarap lamang ng buhay sa paglalayag dine sa barkong hindi naman kanya?" patuloy ng matanda.

"Tiya." si Lora. "Benepisyo po ni Karl ang paglalayag na ito. Nakapag-akyat siya ng malaking transaksiyon sa kompanya nila."

George winced inwardly. Iyon ba ang sinabi ni Karl sa dalaga? Bakit kailangang magsinungaling ng boss nito? Wala itong natatandaang itinago ni Karl ang tunay na pagkatao sa mga kakilalang babae. Bago man o datihan na.

"At ano ang alam mo sa pagkatao ng lalaking iyon na nakilala mo lang noong isang araw?"	Kung ano man ang isasagot ni Lora ay nahinto sa lalamunan niya nang sa sulok ng mga mata niya'y lumitaw sa pinto ng dining room ang subject ng kanilang usapan.

Nag-angat siya ng mukha at tumingin dito. She wondered at the sudden leaping of her heart at the sight of him. Naka-T-shirt ito ng puting body hugger. His jeans was tight that it looked like a second skin. May hawak na mug ng kape sa kamay.

"Good morning," bati ni Karl at sandali siyang dinaanan ng tingin. Humakbang palapit sa may bahagi ni Tiya Lagring. "Natutuwa akong makitang kasalo nila kayo sa almusal, Tiya Lagring. Kumusta ho ang pakiramdam ninyo?"

Tiya Lagring snorted. "Mabuti na lang at may inihandang kapeng barako ireng si George, kundi'y baka ni hindi ko mainitan ang aking tiyan."

"Want to join us?" anyaya ni Lora upang huwag nang humaba pa ang sasabihin ng tiyahin. 

"Thank you, but usually I only have coffee in the morning," wika nito. Pagkatapos ay tumingin sa porthole. "We'll anchor momentarily. I'm inviting you to swim... May dala ka bang pampaligo?"

"Yes. But is it safe? Wala bang mga pating sa lugar na ito?"

"Tiniyak sa akin ng kapitan. Isa pa'y malapit na tayo sa Isla Verde." Ang tinutukoy ni Karl ay ang apat na isla na nasa pagitan ng Mindoro at Batangas. "Walang daungan doon but we could swim ashore. And... you can join us, George, if you want."

"Salamat, Karl. Pero marami akong gagawin ngayon sa computer room. May mga mensahe mula sa opisina."

"Kayo, Tiya Lagring," wika ni Karl sa matandang babae. "Inaanyayahan ko rin kayong maligo, may mga salbabida ho ang yateng ito."

"Hay naku, kayo na lang! Malunod pa ako!" masungit nitong sagot. 	Nagkibit ng mga balikat si Karl at binalingan si Lora. "See you in an hour, sa upper deck." 

Tumango si Lora at humakbang na patalikod si Karl nang muling lingunin si George. “Siyanga pala, George, maaari ko bang magamit ang computer mo? May gusto lang akong ipadala sa opisina…”

"Sure." Tumayo ito, nagpaalam sa dalawang babae at sinundan ang boss palabas.	Ang magtiya'y tumayo na rin at nagtuloy na sa cabin nila. 

"Tiya," ani Lora habang tinatanggal mula sa backpack ang one-piece bathing suit. "Bakit naman kailangang pagsungitan ninyo si Karl? Nakakahiya naman. Wala namang ginagawang masama sa inyo iyong tao."

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng matandang babae. "Sinasadya kong gawin dahil gusto kong iparating sa kanyang hindi uubra ang anumang binabalak niya sa iyo, Lora..."

"Tiya, ano ba naman ang—"

"Nahuhulog ang loob mo sa kanya, Lora. Naghuhugis puso ang mga mata mo tuwing titingin ka sa kanya," the old woman said wearily. 

"G-ganoon ako ka-obvious, Tiya?!" 

"At hindi kita masisisi, makisig ang Karl na iyan. At bagaman magalang, gusto kong isiping napipilitan lamang makipag-usap sa akin. Ang ngiti'y napakamahal. Tila ba laging galit o walang tiwala. Hindi bale ba sana kung kilala nating lubusan. Aba'y sa laot mo lang nakatagpo ang diyaskeng iyan, eh!" 

"Ang Tiya Lagring talaga, kung ano-ano ang napupuna." 

"Huwag mong ipakabuhos ang loob mo sa lalaking iyan, Lora, masasaktan ka lang. Hanggang ngayo'y iniisip ko kung saan nagtungo ang matino mong kaisipan gayong isang estranghero ang Karl na ito. Minsan mong nakilala sa laot at pinagbigyan mo ang imbitasyong sumamang maglayag. Kung masamang tao iyan, kahit ang presensiya ko'y walang magagawa. Hindi mo ba naisip iyon?"

Her aunt was right. Pero ang masamang tao'y hindi sinasabi at nagbababala ng gagawin. At sa kasulok-sulukang bahagi ng puso niya'y hindi siya naniniwalang masamang tao si Karl.

"Maraming napapahamak na babae dahil puso at pang-ibabaw na atraksiyon ang ginawang basehan sa pagpapasya, Lorabelle," ani Tiya Lagring na tila nahuhulaan ang nasa isip niya. 

****************Naku mga beshie, sundin n’yo ang payo ni Tiya Lagring para di tayo mapahawak, hindi dahil pogi o guwapo ay bibigay agad tayo char hahahaha, buti nlng nagpapakipot pa ako unti kaya hinahabol ako ng mga baby ko eh tulad ni baby Karl char hahahaha - Admin A ************

13

SINUYOD ng tingin ni Lora ang apat na magkakalapit na isla. Isa roon ay malaki at tatlo ay maliit. Kay gandang pagmasdan niyon mula sa kinatatayuan niya. Parang mga tuldok sa dagat. Ibinalik niya ang tingin sa karagatan. Kumikislap ang repleksiyon ng pang-umagang araw sa ibabaw ng tubig. Hindi ilang beses niyang hinuli ang kagandahan ng pagsikat ng araw at ganoon din ang paglubog nito sa camera niya. Subalit nanatiling nakatago ang mga iyon sa kanyang silid. Hindi niya gustong paniwalaan ang mga papuring tinatanggap mula sa ama’t tiyahin. Dahil si Nelson ay hindi naa-appreciate ang gawa niya. Para daw larawan sa kalendaryo.

And now, she watched the man who was as elemental and compelling to her as the sea and the islands. Higit na mapanganib kaysa sa anumang malalakas na alon sa maalimpuyong dagat. She watched him swim. Bawat stroke ay nag-iigting ang mga muscle nito sa mga balikat at braso.

Images of him holding and kissing her last night danced through her mind. And she shivered involuntarily.

Huminto mula sa paglalangoy si Karl nang matanaw siyang nakatayo sa may barandilya. Kumaway ito. "Come on!" 

Lora smiled a little, at saka pumanhik sa gilid ng yate, she took a deep breath and dived gracefully. Sumisid siya sa ilalim ng tubig. Dahil malinaw ang dagat ay nakita niyang sumisid din si Karl at patungo sa kanya. Binilisan niya ang paglangoy at lumayo mula rito.

Parang mga isdang naghabulan sa tubig ang dalawa. Buo ang loob ni Lora na hindi siya mahahabol ni Karl. Laking Maynila ang binata at kung mahusay mang lumangoy ay hindi marahil kasinghusay niya na sa tabing-dagat lumaki at nagkaisip. At tuwing inaakala nitong malapit na siyang abutan ay tila siya isdang muling lumalangoy palayo.

But she underestimated him. Naramdaman niya ang kamay ni Karl sa binti niya at hinihila siya. Kung makakalabas lang sa tubig ang tili niya'y baka nagmadaling sumunod si Tiya Lagring na alam niyang babantayan siya sa may deck. 

Sinikap niyang kumawala mula rito subalit lalo lamang humihigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Mula sa binti niya'y tumaas ang mga kamay nito patungo sa baywang niya at sumikad ito paibabaw kasama siya. They both grasped for air nang pumaibabaw sila sa tubig.

"My god, you swim like a fish!" bulalas ni Karl, naghahabol pa rin ng hininga.	She grinned. Just as breathless as he was. "Pero... inabutan mo ako. You're a better swimmer."

"Kung nagpumilit kang magpumiglas ay baka napahiya ako. Muntik na akong kapusin ng paghinga kanina," wika nito, his eyes skimmed her face. Then to Lora's surprised, itinaas ni Karl ang kamay sa ulo ng dalaga at inilubog siya sa tubig kasabay nito.

Underwater, Karl claimed her lips. She had no idea for how long he was kissing her, subalit nang sa palagay niya'y mauubusan na ng hangin ang baga niya'y umahon sila sa tubig.

"Was that... the real kiss you promised?" she said breathlessly. "If it was, then it wasn't sweet, Karl! It was salty!" 

He gave a bark of laughter. His arms around her. And her legs curled around his waist as he treaded on water. Ang basang bathing suit ni Lora'y dumikit na sa katawan niya, outlining two very tempting breasts. 

Hinawi ni Karl ang buhok niya sa mukha patalikod. She was smiling, and it revealed the white shine of teeth against the tip of her pink tongue. He bent closer, gave her mouth a soft kiss then lick the salty water from each corner... then his tongue moved to lick the top of her nose... and all over her face.

"W-what are you doing?" she asked, tila may nagkakarerang maiinit na likido sa katawan niya pababa.

"Licking off the salty water from your face," he murmured against her skin. 

Then Lora felt his big hand on her butt, she gasped.	"K–Karl... madudungawan tayo ni Tiya Lagring..." She pushed him at binigyang distansiya ang mukha. 

"Wala na tayo sa tapat ng lower deck, Belle," he said huskily. Ang mga kamay nito sa ilalim ng tubig ay gumagawa ng masarap na landas sa katawan niya.

"T-this is... ridiculous..." aniya, her voice trembled a little. "Y-you're making love to me on water..."

"For a change," ani Karl, his lips curving in a smile that was as seductive to her senses as sunlight tangled in a breaking wave.

At kailangan niyang magbigay ng distansiya para sa sariling katinuan. At sa pagkabigla ni Karl ay tila madulas na isdang kumawala mula sa kanya si Lora at mabilis na sumisid palayo. Lumutang siya ilang dipa ang kalayuan mula sa binata.

"Race me to the shore, Karl!" she shouted, smiling at him tauntingly. 

"You don't play fair, siren!" he shouted back and grinned knowingly. May partidang ilang dipa ang dalaga. But he wasn't a champion swimmer in Texas U for nothing. 	Hanggang tuhod na ni Lora ang tubig at tinatakbo na niya ang dalampasigan nang abutan siya ni Karl. Hinapit siya nito sa baywang at parehong natumba ang dalawa sa mababaw na tubig.	She shrieked and laughed at the same time habang sadyang ipinagulong ni Karl ang mga katawan nila patungo sa buhanginan. 

"I won," he said huskily.

Tumaas-baba ang dibdib ni Lora sa paghingal subalit nakangiti. She could never remember a day when she was this happy in a company of a man. Of course, her father didn't count.

"But you cheated!" protesta niya. And didn't notice that Karl's hand was cupping the back of her head at nagsilbi iyong panangga upang hindi abutan ng maliliit na alon ang mukha niya. 

"Did I, my Belle?" His voice was low and sexy. 	"Yes! Malapit na ako sa—" she stopped in mid-sentence. Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi. 

Karl's gaze on her was so intent that she felt her skin actually go warm. She was aware for the first time of their position. And that their bodies were pressed together intimately. 

May pakiramdam siyang nanunuyo ang mga labi't lalamunan niya. She licked her lips unconsciously.

Karl groaned silently. At bago pa mapigil ni Karl ang sarili'y yumuko ito at inangkin ang mga labi niya, giving her a kiss that was warm, seductive, and certain.

Kung mayroon mang gapintig na pagtutol sa bahagi ni Lora, it was lost in the glow of feeling secure in his embrace. Tumaas ang mga kamay niya sa leeg nito at tumugon ng halik. Just as thorough.

Karl's mouth feasted on hers, greedy for more. And Lora offered more. Pagkatapos ng mariing pag-aangkin sa mga labi niya'y nagbago ang halik ni Karl. It slipped into a softer, slower, and more seductive kiss.

An aching pleasure glided through her. So sweet, so welcome it made her want to cry. Wondered why she hadn't felt this before. At bakit niya ito nararamdaman sa isang lalaking hindi naman niya lubusang kilala?

Karl pulled her tightly. Kung maaari lang ay walang hangin o tubig-dagat ang makaraan sa pagitan nila. And while part of him wanted nothing more than to go on kissing her forever, he ended the kiss when he faintly heard her sob.

He stared down at her and watched her opened her eyes slowly. Inaasahan nitong pagtutol ang nasa mga mata ng dalaga. Instead her eyes were dreamy. Her face flushed. The sob must have been his imagination.

"You're sweet," ani Karl, tumaas ang kamay sa mga labi niya and touched her lips. 

"I–I guess I couldn't complain about the kiss," she whispered shyly. "It... was wonderful, Karl."	He smiled and kissed her soft mouth once more. But he didn't linger. He didn't dare. Wala itong nakikitang ibang nilalang sa dalampasigan at baka hindi nito magawang kontrolin ang sarili.	Tumayo si Karl at iniabot ang kamay kay Lora. "It's a long swim to the ship, siren."

**************Sorry Lora, ako first kiss ni bebe Karl char hahahaha - Admin A *********malamig na hapon sa inyo mga beshie :)

14

ITINUKOD ni Lora ang mga braso sa barandilya. Iyon ang ikalimang gabi nilang paglalayag. Sa nakalipas na dalawang araw ay tinuruan siya ni Karl kung paano mag-water ski. At sa dalawang beses niyang pagbagsak sa tubig ay naroon lagi si Karl at nakaalalay bagaman alam nitong mahusay siyang lumangoy. At tuwing nadidikit ang balat nito sa katawan niya’y tila laging may nagsisinding apoy sa katawan niya.

Bawat pagdantay ng kamay ni Karl sa kanya, iyon ma'y tila inosente at walang malisya, alam niya at nararamdaman na may inihahatid iyong mensahe sa kanya. Sa maraming pagkakataon, hindi ilang beses siyang hinagkan ni Karl na tila ba bahagi na iyon ng bawat sandaling magkasama sila. At ang mga ngiti nito, ang mga titig, lahat ay nagbabadya ng kakaibang mensahe. At hindi niya maiwasan ang masarap na kilabot na gumagapang sa kanyang katawan.

Kaninang umaga'y nasa Romblon sila, and Karl had suggested that they get to shore. Gamit ang speedboat ay natungo sila sa Romblon port. They wandered through the small town.

"What exactly are we looking for?" tanong niya nang patuloy na inuutusan ni Karl na sige lang sa pagtakbo ang tricycle dahil may hinahanap sila.

"Just wait and see," wika nito. Iyon ang unang pagkakataong nakasakay ito ng tricycle, and he was enjoying it. 

At nang mapadaan sila sa isang bahay na ang harapang bakuran ay puno ng maraming halamang namumulaklak ay ipinahinto ni Karl ang tricycle. Kinausap nito sandali ang may-ari habang naghihintay siya sa tricycle at makalipas ang ilang sandali'y muli silang nagbalik sa pantalan at pabalik sa yate.

At kaninang hapunan ay ganoon na lamang ang pagkamangha niya nang sa paglabas nila ng Tiya Lagring niya sa dining room ay puno ng sariwang bulaklak ang mesa na inaayos ni George sa isang bowl. Roses, lily of the valley, carnations, at kung ano-ano pang hindi niya mabigyan ng pangalan.

"Saan galing ang mga iyan, George?" she asked excitedly.

"Pinakuha sa akin ni Karl kanina sa Romblon bago tayo naglayag uli." Makahulugang kumislap ang mga mata nito. "Para daw sa iyo, Lora..."

"Oh." Humakbang siya palapit and touched one petal delicately.

Umirap si Tiya Lagring. "Hmp... Nang dahil lang diyan sa mga bulaklak na iyan ay halos mapugto na ang hininga mo, Lorabelle! Kay rami niyan sa atin, ah! At hindi mo pa ako mapahinuhod sa sagot mo kung bakit natagalan kayo ni Karl sa paglalangoy noong isang araw!" 

Hindi sumagot si Lora. Dreamily, she pulled one stem of rose and inhaled its sweetness. Si George ay mataktikang iniwan silang magtiya matapos salinan si Tiya Lagring ng kape.

Iyon ay kaninang umaga. At kung wala si Tiya Lagring ay hindi niya natitiyak kung ano sana ang gagawin niya bilang pasasalamat nang sumalo sa agahan si Karl.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya habang tinatanaw ang madilim na karagatan. Hindi siya makatulog kaya nasa deck siya kahit hatinggabi na. Nasa isip niya ang sinabi ng tiya Lagring niya kung ano ang mangyayari sa namumuo niyang atraksiyon kay Karl pagkatapos ng paglalayag.

Hindi rin niya alam ang sagot doon. At kung maaari lang na hilingin sa bituin na huminto sa pag-inog ang mundo at manatili siyang kasama ito ay gagawin niya.

"It's cold and dark here, Lorabelle..."

The baritone voice startled her. At kung hindi niya natutop ang bibig ay napasigaw siya sa gulat. Hindi niya inaasahang may gising pa sa yate maliban sa kapitan at isang crew sa oras na iyon.

"Hindi kita gustong gulatin," ani Karl, ibinalabal sa kanya ang jacket nito. "Bakit ka narito? You'll catch pneumonia, manipis lang ang suot mo..."

Warmth spread through her. At noon lang niya napagtanto na giniginaw siya nang nasa katawan na niya ang mainit na jacket ni Karl. The jacket smelt of the man himself—simply masculine.

"T-thank you... twice..."

"Twice?"

"Once for the flowers... and this..." Niyuko niya ang jacket. "Bakit gising ka pa?"

"I'm working." 

Umangat ang mga kilay niya. "You're supposed to be on leave!" 

He laughed huskily. "I can always mix business with leisure, Lora. Nasa yateng ito ang mga modernong kagamitan para hindi maputol ang trabaho ko. Ikaw, bakit gising ka pa?"	She shrugged. "One of those rare nights when one couldn't get to sleep at all." Muli siyang humarap sa dagat. Then softly, "Saan tayo patungo?"

His voice was deep and husky when he answered. "To the ends of the earth..." 

May ilang segundong hindi sumagot si Lora. A smile played her lips as she watched the water below. "I doubt if ever we'll find exactly where the ends of the earth was. Only lovers do..."

"Couldn't we?" 

"C-couldn't we what?" She swallowed, pretending to misunderstand him.

"Lovers..." 

Like a slow motion, she turned to meet his eyes. He was like a pirate. Sa bahagyang liwanag sa deck, his eyes were more black than usual, as sensual and mysterious as a midnight sea. 	Isang hakbang ang ginawa ni Karl at halos nakadikit na si Lora dito. Itinukod nito ang mga braso sa barandilya sa magkabilang bahagi ni Lora at nakulong siya roon.

"When you came aboard this ship, alam mong iyon ang inaasahan ko, Lorabelle," he said thickly.

Itinukod niya ang mga kamay sa dibdib ng binata at itinulak ito upang bigyan ang sarili ng kaunting distansiya mula rito. Subalit para siyang nagpipilit na itulak ang Grand Canyon. 

"Are we in love?" she said a little bit cheerfully upang alisin ang seksuwal na tensiyon. 

Ang akmang pagyuko ni Karl upang angkinin ang mga labi niya'y napigil. His eyes surveyed her face. For the first time in his life, sandali itong nalito mula sa sinasabi ng isang babae.

"What has love got to do with this, Lora?" tanong ni Karl. Torn between amusement and surprise.

"A lot of course," sagot niya sa kaswal na paraan. Lihim na nagpasalamat nang magbigay ng distansiya si Karl, gaano man iyon kaliit. "Because you seemed to want something only people in love do."

"Don't be so naive, my dear. Hindi lahat ng lovers ay in love sa isa't isa." Muling nawala ang distansiya sa pagitan nila. At nang magyuko ng ulo si Karl upang hagkan siya'y iniwas ni Lora ang mukha.
"Y-you promised me that there's no hanky—"

"I lied."

She gasped softly. "Kung ganoon, bakit kailangang isuhestiyon mong isama ko ang Tiya Lagring..."

"Because you were torn between modesty and the desire to come sailing with me. Besides an army of aunts couldn't stop me, you know that..." 

Naguguluhang umiling si Lora. "N-no. You were wrong..."

"Ang nangyari sa atin sa beach ay patunay ng katotohanan ng sinasabi ko, Lora. Had I not stopped on time, natitiyak kong hindi ka tututol sa mangyayari."

Gusto niyang mapahiya dahil tama ito. She shook her head wearily and opened her mouth to say something. Subalit hindi nagawang makalabas ang mga salita nang mahigpit siyang hapitin ni Karl at angkinin ang mga labi niya. At sa pagkakataong iyon ay tiniyak nitong hindi magagawang umiwas ni Lora.

The soft and firm lips were drowning her. And she was torn between desire and clarity of mind. Karl desired her. Hindi nito itinago ang katotohanang iyon mula sa kanya. And she knew, he was seducing her subtly. At pinaniwala niya ang sariling magagawa niyang panatilihin ang katinuan ng kaisipan. But she was wrong. Tuwing nagkakalapit sila, it seemed that the right thing to do was kiss and touch each other.

And she knew a man like Karl was dangerous, pero para siyang proverbial na gamugamo, nagpapatukso sa apoy.

Did she took more than she could chew? And didn't common sense desert her when she accepted his invitation to sail with him? 

She gasped softly when Karl's mouth travelled to her ear, licking the sensitive part and his hand went up and down her spine. 

"Do you feel the draw, Lora? The pull between us?" he whispered. 

Yes. My heart is pounding against my chest. My knees are melting. Oh, god!

Now, would she give in to starry night, warm embrace and hot kisses?

***************Buti na lang hanggang dito lang ang update kundi mabibitin na naman kayo mga beshie sa mga susunod na mangyayari char hahahaha - Admin A *******************

15

“DAMN!” galit na usal ni Karl at inihagis ang hinubad na polo shirt sa laundry basket. Pagkatapos ay ibinagsak ang katawan sa higaan. Kalahati ng mga binti’y nakabitin sa kama. He felt so hot and angry at the same time. Kung kanino siya nagagalit ay hindi niya alam. Naglalaro sa isipan ang namagitang usapan nila ni Lora kanina sa deck.

"Let's go to my cabin, Lora..." he said hotly. His kisses travelled from her ear to her lips again and down to the hollow of her neck and down to her breast.

Umangat ang kamay ni Lora sa mukha ni Karl upang pigilin ito sa ginagawa. But faint and alluring rasp of whiskers caused flutters deep inside her. At ang akmang pagpigil ay nauwi sa haplos. Karl groaned, pumailalim ang kamay sa suot niyang jacket nito at dinama ang dibdib niya.

Desire pulsed through her with disorienting force. So this is what desire all about. Exquisitely delicious sensations only passion provided. Struggling for sense, kumawala si Lora. 

"You aren't in love with me, are you, Karl?"	Huminto sa ginagawa si Karl at kunot ang noong tinitigan si Lora. "Don't let us talk about love, querida... I know you want this, too..."

My darling. That was what he meant. How odd that he used Spanish endearment. Lora sighed. 

"Yes," she said. Mental clarity prevailed. "And perhaps we will never meet again after this. But I'll treasure this episode of my life with you forever, Karl. So please don't destroy something special..." 

"Lora..."

Tumingala si Lora sa kanya, a determined glint in her eyes. "I don't believe in sex before marriage, Karl. At wala akong balak na baguhin ang paniniwalang iyan. Now or ever... gaano man kalaki ang atraksiyong nararamdaman ko sa iyo." So there, inamin niya ang nararamdaman.

He stiffened. May ilang sandali ang dumaan bago tuluyang pumasok sa isip nito ang kahulugan ng sinabi niya.

A virgin! 

He gazed into her eyes. Umaasang makikita roon ang kasinungalingan ng sinasabi ni Lora. And he almost groaned aloud when he read the confirmation in her eyes. 

What was a virgin doing in his ship?

Hindi gagawin ng isang walang-karanasang babae ang sumama sa isang estrangherong tulad nito na nakilala lang ni Lora sa laot. Kahit pa nga ba may chaperone pa ang dalaga. Iniisip nitong ang pagsama ni Lora ng chaperone ay upang mabantuan lamang ang kaisipang pareho silang estranghero sa isa't isa.

Muli niyang tinitigan si Lora. Hindi matiyak sa sarili kung matutuwa o madidismaya.

"Then tell me why you came, Lora." There was a hint of warning in his voice.

"I-I don't know, Karl. Hindi ko miminsang itinanong sa sarili ko iyan." Mula sa mga bisig ng binata ay umikot siyang paharap muli sa dagat. At sa kabila ng suot pa rin niya ang jacket nito'y may pakiramdam siyang bigla siyang gininaw. Ang mumunting ilaw sa malayong pulo'y tila mga alitaptap sa dilim. 

She sighed heavily and added almost in a whisper, "Wanderlust perhaps? Or a desire to be free for once sa mga araw-araw na pangyayari? Or simply because..." She paused, smiled to herself at tumitig sa ibaba ng yate kung saan ang maliliit na alon na humahampas sa gilid nito'y tila brilyanteng kumikinang sa dilim.

She paused for too long at nainip si Karl sa susunod niyang sasabihin. Hinawakan siya nito sa mga balikat at iniharap. "Simply because what?" 

Lora met his eyes before speaking softly. "No, I'm wrong. It wasn't simple, Karl. My feelings for you couldn't be considered simple. I was attracted to you on sight. You couldn't have missed it. I made it so foolishly obvious from the very start."

"Honest, are we?" Walang panunuya sa tinig nito, nakatunghay pa rin sa kanya. Ang kamay nito'y tumaas sa buhok ng dalaga at hinawi ang ilang hibla ng buhok niya mula sa mukha.

"I always am, Karl..."

NAROONG dumapa at tumihaya si Karl sa higaan niya. Nag-aapoy ang katawan sa naputol na pagnanasa. The slim yet proportioned and soft body he held half an hour ago were torturing him. The innocent and cheeky smile was taunting him.

And the damned virgin believed in love!	Love! he sneered.

All he wanted from her, mula pa sa simula, was sex. He wanted her sa una pa lang na idinikit ni Lora ang katawan nito sa kanya sa laot. And he thought she was game. A smart, yet shy provincial lass subalit game.

But a young virgin? Shit! 

All his life he had been pursued by young, inexperienced women... galing man iyon sa may sinasabi o simpleng pamilya. Karamihan sa mga ito'y alam ang tradisyon ng pamilya. And the aunts in the families were great matchmaker, na kung pinahintulutan niya'y ang mga ito mismo ang pipili ng babae para sa kanya. Tamang babae para sa kanya sa pamantayan ng mga ito.

But he hated the damned tradition. Hindi niya gustong matali roon. O marahil nagsimula lamang ang rebelyon niya kay Nathaniel at gusto niyang gawin ang taliwas sa gusto ng ama nang malaman niya ang lihim ng kanyang pagkatao.

Nasaktan siya nang labis. Sa pamilya, siya lamang ang bastardo. At least, sa kanilang magpipinsan.

Nang matuklasan niyang hindi siya tunay na anak ni Jasmine ay kinasuklaman niya si Nathaniel... si Lydia, his biological mother... and he wanted to hate Jasmine too but could not.	He closed his eyes tightly, nagsisikap itaboy sa alaala ang unang babaeng kinamuhian niya... babaeng walang mahalaga kundi salapi. 

Subalit parang buhos ng ulan ang mga alaala. Itaboy man niya ay nagpupumilit iyong maglaro sa kanyang isipan...

**********************Parang mabibitin na naman ako nito asar hahahahaha - Admin A ****************

16

“HI, ROLLY,” bati ni Karl sa matandang manager ng Kristine Hotel pagpasok niya sa lobby. He smiled charmingly at the women guest na nagpapapansin sa kanya.

"May bisitang naghihintay sa papa mo, Karl. Nasa opisina niya. Kalahating oras na siya roon..."

"Sino?" tanong niya, pero ang mga mata'y nakasunod sa isang blonde na dumaan sa harap niya. Naka-two-piece swimsuit ito at natatakpan lamang ang pang-ibaba ng isang kapirasong malong na nakatali sa baywang. Pilyong siniko niya si Rolly. "Did you see that? Alam mo ba kung sino'ng kasama niya nang mag-check in?"

Nangingiting umiling si Rolly. "A man too old to be her father. Registered as married couple."

Nagkibit si Karl at inalis ang mga mata sa blonde na nang lumabas ng glass door ay kinindatan pa siya. "Oh, well... married blonde isn't my cup of tea. Sino na nga ang naghihintay sa papa?"

"Ngayon ko lang nakita. But she was one of the guests that arrived this morning. Ang sabi niya'y Lydia ang pangalan niya at gusto niyang makipag-usap sa papa mo... She said something about old score to settle. Siguro'y nagbibiro." Ngumiti si Rolly at nagkibit ng mga balikat.

"Kausap ng papa ang katiwala sa bakahan kaya baka ma-late ng dating, Rolly. Ako na ang kakausap sa kanya." Tumalikod na siya at nagtuloy-tuloy na sa opisina ng ama.	Nakaawang ang pinto nang dumating si Karl. Marahan niya iyong itinulak pabukas. Hawak nito ang kuwadro ng larawan nilang tatlo ng mga magulang na nakalagay sa cabinet na nasa likod ng executive desk ng ama. 

The woman was statuesque. She must have been a couple of years younger than his mother Jasmine. She was fair. Mamula-mula ang buhok, of course, mula sa mamahaling dyes. Wala itong suot kahit na anong alahas. She was wearing something Jasmine wouldn't dare wearing in her age—a body-hugging dress in black. Huminto ang damit ilang pulgada bago dumating sa tuhod, showing shapely and stockinged legs. Tatlong pulgada at kalahati ang mamahaling silver stilletoes nito. Karl thought that everything about the woman was expensive.

Somehow, gusto niyang humanga sa mga babaeng malakas ang loob na mag-ayos na tila dalaga in their middle age. 

Nang ilapat ni Karl ang pinto ay gumawa ng bahagyang ingay ang pagsasara niyon na nagpalingon sa babae. Ibinalik nito sa ibabaw ng cabinet ang kuwadro nilang mag-anak subalit ang mga mata'y nakatuon sa kanya.

"Nathaniel!" bulalas nito. "You're here finally. Kanina pa kita—" Nahinto sa lalamunan nito ang sinasabi nang matitigan si Karl. 

Pagkamangha ang bumalatay sa mukha ng babae habang titig na titig kay Karl. Subalit sandali lang ang pagkamangha. Nahalinhan iyon ng paghanga. Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Bahagyang kumunot ang noo niya nang matitigan nang husto ang babae. May pakiramdam siyang nakita na niya ito, hindi nga lamang niya matandaan kung kailan at kung saan. 

"Ang buong akala ko'y ikaw si Nathaniel..." wika ng babae na ang mga mata'y hindi humihiwalay sa mukha niya.

Humakbang palapit sa babae si Karl, inilahad ang kamay, and said politely. "I'm Anton Karl, Ma'am, his—" 

"I know your name," agap nito at inabot ang kamay niya. "Why, you're gorgeous..." she said almost in a whisper. "You are just as handsome as your father..." 

Napakamot ng ulo si Karl at alanganing ngumiti. Itinuro niya ang leatherette sofa. "Please have a seat. Nasa bahay pa si Papa at matatagalan pa marahil. Care for something? Coffee... juice... or—" 

"Kung tama ang computation ko'y dalawampu't apat na taon ka na..." wika nito. A bit of excitement in her voice. Ni hindi pinansin ang pag-aalok ni Karl ng maiinom. Ang mga mata'y hindi humihiwalay sa kanya. "The last time I saw you, you were fourteen... fifteen?"

Karl took a breath at tumango kasabay ng tipid na ngiti. "That's why you look so familiar. Kailan ho ba iyon at saan?"

Hindi agad sumagot ang babae. Sa halip ay ngumiti ito. Ngiting sa tingin ni Karl ay maraming kahulugan. Pagkuwa'y inabot ang silver purse nito na nasa mesa at mula roon ay kinuha ang cigarette case at isang pambabaeng lighter. Nagsindi ito ng sigarilyo, humitit at nagbuga ng usok. 

He saw her hands trembled a little. 

She puffed again, bago sumagot. "Sa opisina ni Nathaniel sa Pasong Tamo, sa Esmeralda building. Dumating ka kasama ni... ng iyong... ina. Ako si Lydia. Nalimutan akong ipakilala sa iyo ng papa at mama mo noon."

Natilihan si Karl. Unti-unting nagkakahugis sa isip ang isang malabong alaala. Kasama ng driver, sinundo niya ang ina sa parlor nito at pagkatapos ay napagpasyahan nilang dumaan sa Esmeralda building. Hindi inaasahan ni Nathaniel ang pagdating nilang mag-ina sa opisina nito at napasukan nila ni Jasmine ang babaeng ito na nakaupo sa armrest ng swivel chair ni Nathaniel, ang mga braso'y nakaakbay sa ama. 

Natatandaan niyang namutla si Jasmine sa nakita at napahawak sa braso niya nang mahigpit. Ang sumunod niyang natandaan ay ang madaliang paghila ni Jasmine sa kanya palabas ng opisina ni Nathaniel. And a couple of days after that, he and Jasmine went out of the country.

Tinitigan niya ang babae, ang sigarilyong kasisindi lang ay inilagay sa ashtray sa may mesa at pinatay roon. Then she lit another one. Natiyak ni Karl na nininerbiyos ang babae.

"Ano ho ang sadya ninyo sa papa, Miss Lydia?" aniya sa pormal na tinig. Ang babaeng ito ba'y may kaugnayan sa papa niya noon... at magpahanggang ngayon? 

Tumawa ang babae. Makahulugang tawa. Ang animosity para sa babae'y biglang umahon sa dibdib ni Karl. 

"Nakausap ko si Nathaniel sa telepono kahapon, Karl. Hindi niya gustong makipag-usap sa akin kaya mula Maynila ay nagtungo ako rito..."

Tumikhim si Karl. "Baka may mabuting dahilan ang papa para hindi kayo kausapin, Miss Lydia."

"Hindi niya ako dapat na iwasan!" Nawala ang tawa nito at humalili ang paniningkit ng mga mata. "Sa nakalipas na isang buwan ay maraming beses ko nang tinangkang makausap siya nang maayos. I spent thousands of pesos para lang makausap siya nang long distance." Muling humitit ito ng sigarilyo at tinitigan siya. Pagkuwa'y nagbuga ng usok paitaas. "At tamang pagkakataon marahil ang pagtungo ko rito sa isla upang makatagpo kitang muli. We didn't have a chance before... Madalian kang inilayo ni Jasmine."

He frowned. "I don't understand. What is it that you want from my father?"

"Tungkol sa iyo, Karl..." Muling sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "Katunayan ay ikaw talaga ang gusto kong kausapin subalit nag-aalala akong muli'y hindi kita makakaharap. Tinitiyak ni Nathaniel at Jasmine na hindi ako magkaroon ng pagkakataong makausap ka."

Kumunot ang noo ni Karl. "Bakit naman gagawin ng papa't mama iyon? Bukod pa sa madali naman akong makausap. Kung wala ako rito sa isla'y nasa Maynila ako, sa Esmeralda building kung saan naroon ang main office ng planta."

Patuyang ngumiti si Lydia. "Hindi ako makakapasok sa Esmeralda building, Karl. Mahigpit ang bilin ng ama mo sa mga security guard na huwag akong papapasukin. Nasa kanila ang aking larawan..."

Muling sumingit sa alaala ni Karl ang eksenang inabutan nilang mag-ina noong binatilyo siya. Then he said grimly, "Then I don't think my father would want to see you now, Miss Lydia..."	Bago pa makasagot si Lydia ay bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Jasmine na kasunod si Nathaniel. Nahinto sa paghakbang ang dalawa nang makita kung sino ang kausap ni Karl.

"Hello, Nat? Jas?" bati ni Lydia, isang malapad na ngiti ang nasa mga labi.

Si Jasmine ay napasandal sa may dingding na tila mauupos.

"Ano ang ginagawa mo rito?" bungad ni Nathaniel na agad ang pag-ahon ng galit at kaba sa dibdib. Ang mga mata'y lumipad patungo kay Karl.

"Well, of course, natitiyak kong alam ninyo ang dahilan. Narito ako upang ipakilala ang sarili ko sa aking anak!"

"Anak?" usal ni Karl na pinaglipat-lipat ang tingin sa tatlo.

"You are my son, Karl," Lydia declared cruelly. "Ako ang tunay mong ina at hindi ang babaeng ito." Nilingon nito si Jasmine na nawalan ng kulay ang mukha at tila hihimatayin ano mang oras.	Karl turned to Lydia furiously. "What the hell are you talking about?" Sa isang bahagi ng dibdib ay unti-unti ang pagbangon ng kaba kasabay ng galit.

"Bakit hindi mo tanungin ang papa mo? Sasabihin niya sa iyo ang totoo," sagot nito at ibinalik ang tingin kay Nathaniel. 

"Shut up, Lydia!" Ang galit na tinig ni Nathaniel ay nag-echo sa loob ng silid. Ang mga mata'y nagbabadya ng pag-aalala para sa anak at poot para kay Lydia.

"At hayan ang kinikilala mong ina," patuloy ni Lydia at itinuro ang kamay kay Jasmine. "Itanong mo sa kanya ang katotohanan ng pagkatao mo..."

"Don't listen to him, Karl." si Jasmine na sa wakas ay nakahagilap ng sasabihin. Sa mukha ay nakabadya ang pinaghalong galit, pag-aalala at panic.

"You are my son, Karl!" pagdiriin ni Lydia.

"You are lying!" He was gritting his teeth in anger. May pakiramdam siyang nanlalamig ang buo niyang katawan.

"Bakit hindi ninyo sabihin kay Karl ang katotohanang ako ang tunay niyang ina!"

"I'll kill you, for this, Lydia!" sigaw ni Nathaniel.	"Binalaan na kita, Nathaniel, pero hindi ka nagbigay-pansin..." wika ni Lydia, isang nanunuyang tawa ang pinakawalan.

"Damn you! You can go to hell and back pero wala kang perang makukuha mula sa akin! Not now, not ever! At titiyakin ko sa iyong babalik ka sa pinanggalingan mo! I'll use everything in my power to buy back what is yours now! Mamumulubi kang muli, Lydia!"

Karl turned to his father and was stunned. Namumula si Nathaniel sa galit. Mahigpit nitong kuyom ang mga kamay at nakikita niya ang nagngangalit na mga ugat sa braso nito. Kung hindi malusog ang puso ng ama'y natitiyak nitong ikamamatay ni Nathaniel ang sandaling iyon. 	Humakbang ito upang lapitan si Lydia at sino ang nakakaalam kung ano ang maaaring gawin ng ama sa galit. Subalit mahigpit na nahawakan ni Jasmine sa braso ang asawa at niyakap ito. 

Hindi kailanman nakita ni Karl na nagalit nang ganoon ang ama. At nang lingunin niya si Lydia ay naroon ang sandaling pagkatakot sa mukha nito. Then she composed herself. Pagkuwa'y tumingala ito sa kanya. Hinawakan siya sa braso.

"You are my son, Karl. Ako ang nagsilang sa iyo sa maliwanag. Hindi nila ako binigyan ng pagkakataong makalapit man lamang sa iyo. Para akong may sakit na nakakahawa na itinataboy tuwing tatangkain kong makita at makausap ka man lang."
"Liar!" sigaw ni Jasmine habang inilalagay ang sarili sa harap ni Nathaniel.

Subalit hindi pinansin ni Lydia si Jasmine. Humarap ito kay Nathaniel. Nagpapakumbaba ang anyo at may nakaambang luha sa mga mata. "Hindi mo papayagang tratuhin ako nang ganito ng iyong ama, Karl, at ng kinilala mong ina!"

Marahas na inalis ni Karl ang mga braso ni Lydia sa kanya. Nilingon si Jasmine. "Totoo ba ang sinasabi niya, Mama?" tanong niya bagaman sa isip ay naroon na ang sagot.

"Oh, god!" usal ni Jasmine, then she burst into tears. 

Tumiim ang mukha ni Karl, binalingan ang ama na naniningkit ang mga mata sa matinding poot, subalit umiwas itong magkasalubong ang paningin nila. 

Sa sandaling iyon ay nag-uumapaw ang iba't ibang damdamin sa dibdib ni Karl. Nangunguna ang galit sa kinikilalang mga magulang. 

Isang nasusuklam na tingin ang iniwan niya kay Lydia bago nagmadaling lumabas ng silid. 	"Karl!" Jasmine tried to go after him subalit pinigil ito ni Nathaniel.

*****************Grabe ka Lydia, ginigigil mo ako grrrr char hahahaha . Easyhan lang natin mga beshie char. - Admin A ****************

17

MULA sa pagkakadapa sa kama’y napabangon si Karl nang marinig ang tunog ng chopper na bumababa sa helipad ng rooftop ng Esmeralda Building. Natitiyak niyang si Nathaniel ang sakay ng chopper. Tatlong araw na siyang hindi umuuwi sa isla at tinanggal na rin niya sa hook ang telepono sa penthouse. Ang cellular phone niya’y permanenteng naka-off. At isinara niya ang accordion door sa may elevator, refusing to speak to anyone.

He would have wanted to leave the country but it was of no use. Nasa Texas lahat halos ang mga pinsan niya. Hindi rin niya gustong makaharap kahit sino sa mga ito. Not wanting to see them took pity on him.

Isang mahinang katok ang narinig niya at pagkatapos ay ang marahang pagbukas ng pinto. Sumungaw si Margarita.

"That must be your father, Karl." Nagsusumamo ang tinig nito. 

"Kayo ang kumausap sa kanya, Grandma," he said grimly. "I don't want to talk to him!"	Margarita sighed wearily at muling isinara ang pinto ng silid niya. Dalawang oras pagkarating ni Karl sa Maynila ay kasunod na niya ang abuela. He knew how worried her grandmother was bagaman hindi nito ipinakikita iyon sa kanya. At hindi niya ito magawang itaboy. She insisted to stay. 

"If you don't want to talk to me, fine," mahinahon at maunawaing sabi ni Margarita sa kanya. "Pero hindi mo ako maitataboy pauwi sa isla, apo. Sasamahan kita rito." 

Tiniyak niya sa abuela na hindi siya nag-iisip na gumawa ng masama kung iyon ang ipinag-aalala nito. 

"If you don't want company, then you can pretend I am not here, Karl. I won't even speak to you malibang kausapin mo ako. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, apo. And I want to be here when you feel like talking..." banayad nitong sabi.

Naghihimagsik ang loob na muling inilatag ni Karl ang katawan sa kama. Iniunan ang mga braso at nakatitig sa kisame. If only he could vanish from the surface of the earth and never see his father again. Ang lahat sa pamilya'y alam ang buong pagkatao niya maliban sa mga pinsan niyang hindi naman nagkakalayo ang mga edad. At paano niya haharapin ngayon ang mga ito?	Lord, he had a mother he could never be proud of. At isiping ganoon na lamang ang pagpapahalaga ng pamilyang Fortalejo-Cervantes sa dangal.	Dangal. Shit.

Isang mahinang katok ang nagpatuon ng paningin niya sa pinto ng silid niya.

"Go away! Leave me alone!"	"Karl..."

Hindi si Nathaniel ang nasa labas ng pinto. Napabangon siya nang marinig ang boses ni Jasmine. Kung ganoon ay hindi ang ama ang sakay ng chopper. O kasama ni Jasmine ang papa niya at naroon lang sa labas at naghihintay?

"Karl, let's talk, please..."	Gusto niyang itaboy ang nakilalang ina subalit hindi niya magawa. Sapilitan siyang tumayo at binuksan ang pinto.	"What do you want?" he snapped.

"Ano ba ang kailangan ng ina sa isang anak na tatlong araw nang hindi nakikipag-usap?" Jasmine said softly. Nangingitim ang ilalim ng mga mata nito tanda ng hindi pagkakatulog. May nagbabadyang luha sa sulok ng mga mata. At nasa mga mata rin ang pananabik para kay Karl.

But he was too angry to notice it. "You are not my mother, Jasmine! Don't make me laugh..."	"Biologically, yes. But I've loved you... nurtured you and raised you as if you were my own."	There was a sob in her voice na napamura si Karl at tumalikod. "Kung inutusan ka ng papa para—"	"Hindi ako inutusan ng papa mo though he was very worried. Gusto niyang magpunta rito subalit pinigilan ko siya. Hindi ako nakatitiyak sa mangyayari sa paghaharap ninyo..."

"Good! Hindi ko siya gustong makausap. Sabihin mo sa kanya iyan!"

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Jasmine. Lumakad patungo sa silya at naupo. May ilang sandaling katahimikan ang lumipas bago, "I was two months pregnant when Lydia came to me and told me she was pregnant... at si Nathaniel ang ama..."	Marahas na nilingon ni Karl ang ina. "Pregnant? No... No!" Itinaas niya ang dalawang kamay. 

“No, don’t tell me, please. Higit kong kasusuklaman ang papa!”

"I want you to listen to me, Karl. Huwag mong gawin ang ginawa ko sa papa mo noon. Ang husgahan siya kaagad," she said softly. 

Umiwas ng tingin si Karl. Tiim ang mga bagang na tumingala sa kisame at isinuklay ang mga daliri sa buhok. Nagpatuloy si Jasmine. 

"Hindi ko gustong maniwala sa sinasabi ng babaeng bigla na lamang dumating sa isla. Hindi ako pagtataksilan ni Nathaniel. Alam kong mahal niya ako... mahal na mahal para dulutan ng matinding sama ng loob. Subalit hinintay ni Lydia na dumating si Nathaniel. At nang magharap ang dalawa'y natuwa ako when your father honestly didn't recognize her.

"Subalit nang isa-isang ipaalala at idetalye ng babaeng iyon ang paraan ng pagtatagpo nila... kung kailan at kung sino ang kasama ng asawa ko... at kung saan sila nagpunta ay unti-unti akong pinanlamigan ng katawan. Lalo na nang hindi magawang pasubalian ng papa mo ang sinasabi ng babaeng iyon. Your father wasn't a liar... and even if he had lied, madali ko iyong malalaman. At sa mismong oras na iyon ay para akong binagsakan ng langit..." Sunod-sunod ang paghinga ng malalim ni Jasmine, tila ba kahapon lang nangyari ang ikinukuwento.

Nag-aalalang nilapitan ni Karl ang ina. Napatalungko sa harap nito at hinawakan sa dalawang kamay si Jasmine. "'Ma, are you all right? Hindi mo kailangang sabihin sa akin ang lahat ng iyan..."

Jasmine smiled at her son tenderly. "I'm fine... Karl. Gusto kong sabihin sa iyo. Baka sakaling mabawasan ang galit mo sa paglilihim namin ng papa mo sa iyo..."

Naupo sa carpet si Karl at pauntog na isinandal ang ulo sa dingding. Hindi niya gustong marinig ang anumang sasabihin nito tungkol sa tunay niyang ina... hindi niya gustong makipag-usap kahit na kanino... subalit paano niya itataboy ang ina?

"I felt pain in my lower stomach," patuloy ni Jasmine. "I shouted at your father hysterically. Na hindi ko siya patatawarin sa sandaling may mangyari sa dinadala ko..."

His face was grim when he said, "You lost the baby!" 	Tumango si Jasmine. Sadness crossed her eyes. 	Umigting ang mga bagang ni Karl. "My father had a lot to pay for..."

"Iyon din ang paniniwala ko, Karl. But Nathaniel was as devastated. Hindi niya alam kung ano ang gagawin upang mapayapa ako. I took Iris with me and left the island... naghanap ng matitirhan sa Maynila at nanirahan nang malayo sa kanya. Subalit naroroon lagi ang papa mo, sa labas ng bakod ng apartment... natutulog sa kotse. Umaasang patatawarin ko siya."

She took her handkerchief from her pocket. Pinahiran ang mamasa-masang mga mata. "I love your father so much, Karl. I'll die loving him... only him. Kahit sa mga panahong kinamuhian ko siya ay naroroon pa rin ang pag-ibig. Subalit hindi ko siya magawang patawarin sa pagkawala ng aming anak dahil sa kataksilan niya. Bagaman alam kong ininda din ni Nathaniel nang labis ang nangyari... 

"And for two months we both lived in hell. Hanggang isa sa mga checkup ni Iris ay nakatagpo ko sa ospital ang OB-Gyne na kaibigan ni Nathaniel. Siya ang ikalawang doktor na pinagpatingnan sa akin ng iyong ama noong ako'y nagdadalang-tao..." She paused for a while, bago nagpatuloy.

"Nang malaman niyang naiwala ko ang aking dinadala'y nagulat pa ako nang matuwa siya. I felt offended and so furious na gusto ko siyang talikuran kaagad subalit napigil ako sa aking gagawin nang idugtong niyang hindi rin talaga magtatagal ang bata sa aking sinapupunan at ikamamatay ko pa..."	He frowned. "What did he mean by that?"

"I got curious and invited him for coffee. Ipinaliwanag niyang manganganib ang buhay naming pareho ng bata sa sandaling umabot ito sa full term. Iyon marahil ang sinabi ng unang doktor na tumingin sa akin sa papa mo kaya humingi siya ng second opinion sa kaibigan niya sa Maynila. Kasama sa paglaki ng bata sa tiyan ko'y ganoon din ang isang tumor na kailangang maalis kaagad. Nathaniel was so scared that he drank himself to death. Paano niya sasabihin sa akin ang tungkol sa diagnosis ng dalawang doktor? We both wanted that baby so much..."

"What happened?" si Karl na sandaling nawala ang galit sa ama at napukaw ang interes.	Jasmine sighed. Unti-unting inilahad kay Karl ang mga ipinagtapat ni Dr. Sandico...

"Kailangan mong magdesisyon, pare," wika ni Dr. Sandico habang nasa isang eksklusibong bar sila na hindi kalayuan sa ospital at sa anyaya na rin ni Nathaniel. "Kailangang operahan ang asawa mo sa lalong madaling panahon. You can take her to the States if you want."

"At paano ko sasabihin sa kanya na kailangang mawala ang aming anak upang mabuhay siya?" Nathaniel asked angrily... bitterly. "Kay tagal niyang inasam ang pagdadalang-taong ito, Dan... kay tagal naming hinintay. Paano niya tatanggapin iyon? At paano ko sasabihin sa doktor na mag-oopera sa kanya na sige, patayin mo ang anak ko para mabuhay ang asawa ko?!" 	Inabot ni Nathaniel ang bote ng mamahaling brandy at sinalinan ang baso. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na inubos ang laman nito. Pabagsak niyang ibinalik sa mesa ang baso at sinalinang muli. Nang tangkang kuhanin ni Dr. Sandico ang botelya ng brandy ay tinabig ni Nathaniel ang kamay nito.

"Dan, wala akong karapatang pumili kung aling buhay ang dapat kong pahalagahan! Parang ako na rin ang pumatay sa buhay na hindi ko pinili!" he said agonizingly. His shoulders shook as he wept shamelessly.

"But we have no choice, Nat. Hindi ko maipapangako sa iyong kaya nilang mag-survive na pareho."

"We all have choices in this life, Dan. At sa kasalukuyan ay hindi ko alam kung ano ang sa akin!" Muli nitong sinaid ang laman ng baso.

Hindi makuhang magsalita ng doktor upang payapain ang damdamin ng kaibigan. Pisil nito sa balikat si Nathaniel nang isang mestisahing babae ang lumapit sa mesa nila. Naupo ito sa tabi ni Nathaniel.

"Hello, handsome..."

"Go away!" taboy ni Nathaniel dito. Muling sinalinan ng alak ang baso at muli ring ini-straight. 	Subalit ang babae'y nanatili. Sa malamlam na ilaw sa club ay mababanaag sa mukha nito ang paghanga kay Nathaniel. Hinila ang isang silya at naupo sa tabi niya.	Pinigil ni Dr. Sandico si Nathaniel sa paglalasing subalit hindi nagpaawat ang huli na sa kalasingan ay nagpatangay na lamang sa gustong mangyari ng babae.

"Mauna ka na, Dan..." malagihay nitong sabi sa kaibigan. "S'ya na raw ang bahala sa akin... 'di ba, sweetie pie?"

Isang malutong at mapang-akit na tawa ang isinagot ng babae at tinitigan si Dan. "Narinig mo ang sinabi ng kaibigan mo. Ipaubaya mo siya sa akin. He's in good hands..." 	Isang matabang na ngiti ang ibinigay ni Jasmine kay Karl sa bahaging iyon ng paglalahad. 

“Doctor Sandico wouldn’t have left your father with the GRO because he was too drunk. Subalit isang kakilalang doktor ang tumapik sa balikat nito at sandaling nawala ang pansin niya sa papa mo. May mga kasamahan itong mga doktor na nagkataong naroon din sa bar na iyon para sa isang selebrasyon. Nang sunod niyang lingunin ang papa mo’y pareho na silang wala ng GRO.”

"Hindi ako naniniwalang ipinagdalang-tao ako sa minsanang pangyayaring iyon, Mama!" hatred rose his chest for his father. "Nagtagpo silang muli ng babaeng iyon!"

"Naniniwala akong minsan lang nangyari iyon, Karl," malumanay na sagot ni Jasmine. "Kinabukasa'y bumalik kaagad kami sa isla. At tiniyak ni Lydia na ang sumunod niyang nakatalik pagkatapos ng iyong ama'y isang buwan pa makalipas... na sadya niyang ginawa."

"At pinatawad mo ang papa pagkatapos mong makausap si Doctor Sandico?" Karl said accusingly. "Paano ka niya nagawang pagtaksilan gayong nakaharap siya sa isang malaking suliranin?"

"He suffered too, Karl." Puno ng pang-unawa ang tinig ni Jasmine. "He was too drunk to realize what he was doing. At ako mismo ang nagsabi sa papa mo na kausapin si Lydia... kung pagkatapos niyang manganak at matiyak naming si Nathaniel nga ang ama'y aampunin namin ang bata..."

Mahabang sandali ang namagitan bago muling nagsalita si Jasmine. Tumaas ang kamay sa pisngi ng anak. "The first time I held you in my arms, I loved you instantly, Karl..."

"Paanong nagawa ni Lydia na ibigay ako sa inyo?" he asked bitterly.

"Your father was a very good-looking man, kahit sino'y maaakit. Kung hindi ako nakatitiyak na mahal ako ng iyong ama ay baka kinain na ang puso ko ng maraming panibugho. At paghanga lamang ang unang motibo ni Lydia nang makita niya ang papa mo sa bar. But when she saw your father's calling card that night, agad na gumana ang isip niya. Nakita niya si Nathaniel bilang mina ng ginto. 

"Hindi ka man angkinin ng ama mo'y babayaran siya nito upang huwag maiskandalo. But she got lucky, hindi na ako maaaring magkaanak pagkatapos ng operasyon ko... Ibinigay ka niya sa amin at tiniyak naming sa legal na paraan. Kapalit niyon ay ang hindi birong halaga. Sapat upang mabuhay siya nang marangya na hindi nagtatrabaho. At isang kasunduan na kailangang mangibang bayan siya upang doon maninirahan. We provided for her."

Karl gritted his teeth. "At paano ang napasukan natin sa opisina ni Papa noong kinse anyos ako? Lydia was there, right on my father's lap!"	T

umango si Jasmine. “Muli’y muntik na ring masira ng babaeng iyon ang pagsasama namin ni Nathaniel. Muntik na rin niya akong mapaniwalang nagkikita sila lagi. Iyon ang unang pagkakataon sa maraming mga taon na wala ako sa pampamilyang okasyon. Kung natatandaan mo’y anniversary ng Uncle Bernard at Aunt Jewel mo nang umalis tayo. Isa pa’y higit akong natakot na ipaalam ni Lydia sa iyo ang tungkol sa pagkatao mo… you were too young to understand…”

Iyon ang panahong nag-apurang ipinaayos ni Jasmine ang mga pasaporte nilang mag-ina patungong Texas dalawang araw matapos ang pangyayaring iyon.	Inilagay ni Jasmine ang kamay sa balikat ng anak. "Patawarin mo kami ng papa mo sa paglilihim sa iyo, Karl. And please don't hate your father... hindi niya intensiyong pagtaksilan ako. Sa isang banda, ikaw ang pinakamagandang resulta ng hindi sinasadyang pangyayaring iyon." Nakabadya ang pagmamahal sa mukha nito nang titigan ang anak.

Matagal na katahimikan ang pinalipas ni Karl bago nagsalita. "At ano ang ginagawa ni Lydia sa isla, Mama? Bakit naroon siya?"

Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Jasmine. "Nang araw na ibigay ka niya sa amin, umalis siya patungong Mindanao. Mula roon ay inilagay namin sa bangko ang labis-labis na halaga upang makapagsimula siyang muli at huwag nang maging GRO. Subalit hindi mo kayang arukin kung hanggang saan ang pagiging gahaman ng isang tao... 

"She invested the money wisely na ginagamit ang pangalan ni Nathaniel—which we allowed. Anumang rekomendasyon ang hinihingi niya at legal ay hindi siya nagdadalawang-salita. Maliit na bagay iyon kung ikokompara sa kaligayahan namin sa iyo. And she's rich, Karl, tiniyak niya iyon. But she wanted more..."

"How much more?" he demanded. Kung panibagong salapi'y natitiyak niyang ibibigay rin iyon ng mga magulang.

"A seat in the board..."

Napalingon sa ina si Karl. "A seat in—She's crazy!"

"At iniisip niyang magagamit ka niyang pang-blackmail sa amin ng papa mo. That she could easily lie to you... and that your father would be afraid of scandal..."

"Well, not this one," mariing sabi ni Karl. "Napag-isip-isip ko sa nakalipas na tatlong araw na hindi lang ako ang bastardo sa pamilyang ito. There's Uncle Bernard and Uncle Zandro. Another one doesn't matter, does it?"

Jasmine smiled. Touched his son's cheek tenderly. "The consequence of your birth doesn't matter, Anton Karl. I love you and you are my son... And I wouldn't give you up for anything in this world. Kayo ng papa mo."

******************Hayss Karl, dito lang ako kung kailangan mo ako bibi char hahahaha. - Admin A ***************

18

SUBALIT hindi roon natapos ang pagnanais ni Lydia na guluhin ang buhay ng mga Cervantes. Naging eskandalo ang sirkumstansiya ng pagkatao ni Anton Karl. Naging laman iyon ng maraming magazine at society page ng mga pahayagan. Bagaman hindi nagbago ang pagtingin ng maraming kababaihan. Women of all ages, adored the young and dashing Anton Karl Cervantes.

And true to his word, Karl showed the world that he didn't care a whit about scandal. Sa harap ng nakararami, tila hindi siya naapektuhan. Subalit tanging ang pamilya nito ang nakakaalam kung paano ininda ni Karl ang totoong pagkatao. His family had been his pillar of salt. Deep inside, he was hurting and bitter. His consolation, nasa likod niya ang buong pamilya Cervantes at Fortalejo. 

Hanggang sa unti-unting mamatay ang balita. At wala na rin siyang balita kay Lydia. Kung tinotoo man ng ama ang banta nito kay Lydia ay hindi na siya interesadong malaman pa. 	And just when his life slowly went back to normal, he met Millie del Prado...

She was four years older at isang dating commercial model whose contract was prematurely terminated more than a year ago dahil nagdalang-tao ito nang walang asawa. At bago pa iyon, naging modelo rin ng isa sa mga canned products ng mga Cervantes si Millie. Isa ito sa mga modelo ng advertising agency na may hawak ng produkto ng mga Cervantes. 

Sa una'y inakala ni Nathaniel na ang relasyon ni Karl kay Millie ay isa lamang sa marami. Hanggang sa malaman nitong walang araw na hindi magkasama ang dalawa. At laman na ng ilang peryodiko ang larawan ni Karl at Millie kasama ang anak ng huli, looking like a happy family. 

Mahigpit na tinutulan ni Nathaniel ang relasyon niya kay Millie. Subalit habang tumututol ang ama ay may pakiramdam si Karl na lalo lang napapalapit sa kanya ang babae. It was a classic example of "you and me against the world." 

And to top it all, Karl wanted to marry Millie.

"You are out of your mind, Karl!" Nathaniel roared angrily. "Tama na ang maraming iskandalo sa pamilyang ito! Huwag mo nang dagdagan pa!"

"Limot na ng mga tao ang nangyari kay Millie, Papa," pangangatwiran niya. 

"At paano ang anak niya sa ibang lalaki?"

"Ako ang kikilalanin niyang ama," determinadong sagot niya. "I'll adopt him legally at ibibigay ko ang pangalan ko sa kanya." 

"Over my dead body!" Isang linya na lang ang mga mata ni Nathaniel sa galit. "My god, you're playing hero!" 

"I love him, Papa!" He was equally angry. 

"What do you know about love?" Nathaniel sneered. "Ilang babae ang pinaghayagan mo ng pag-ibig? Alin doon ang totoo? Por dios, she's even older than you are. And with a love child and the devil knows kung sino ang ama ng bata!"

"Ikaw, Papa, hindi ba't pakakasalan mo pa rin ang mama sa kabila ng pinaniwala ka niyang anak niya si Iris? Because you loved her and I felt the same too with Millie!" 

"Huwag mong ipagkamaling pag-ibig ang empathy, damn you! Dahil pareho kayong naging object ng media at ng mapanuring mata ng mga tao ay inisip mo nang iniibig mo ang babaeng iyon! At huwag mong itulad ang mama mo sa kanya!" Nathaniel gritted his teeth. "Bago ang huli niyang kinasama, na halos ama na lang niya ay dalawang senador pa ang nauna. Iyan ba ang gusto mong ipanhik sa pamilyang ito?"

"Nakaraan na iyon! Ang importante'y ang ngayon... ang bukas. Mahirap bang maintindihan iyon?"

"Karl, ang Millie del Prado na iyan ay isang gold digger, and a woman without any moral fiber!" 

"Enough, Papa! Hindi ko gustong marinig ang anumang sasabihin ninyo tungkol kay Millie!"

"Baka nakakalimutan mo ang tradisyon ng pamilyang ito, Karl," patuloy ni Nathaniel, sumisingasing sa galit. "Kahit mahirap basta malinis... marangal—"

"Tradisyon? Kung magsalita kayo'y tila ba ang pamilyang ito'y hindi nabahiran ng kahit na anong eskandalo. Well, I'm sorry, Papa, this time, wala akong pakialam sa tradisyon ng pamilya! With or without your consent, I'll marry Millie..." Pagkasabi niyo'y tumalikod si Karl. 

"Anton Karl, I will disinherit you!"

He stopped halfway to the door, turned his head and looked his father in the eyes and smiled bitterly. "Don't reduce yourself to cliches, Nathaniel Fortalejo-Cervantes."

SUBALIT tama si Nathaniel na tutulan ang relasyon nila ni Millie. Two weeks before their scheduled private wedding, inasikaso niya ang mga pasaporte nila ni Millie para sa paglabas ng bansa upang doon ganapin ang honeymoon tulad ng gustong mangyari ng huli. Nang mapadaan siya sa bangko’y ipinasya ni Karl na maglabas na ng pera mula sa pribadong savings niya para sa gagastusin sa kasal.

"Congratulations, Karl," nakangiting bati ng manager ng bangko na tumayo at iniabot ang kamay sa kanya. "Balita ko'y malapit ka nang ikasal."

Nagsalubong ang mga kilay ni Karl. Hindi niya ipinapaalam kahit na kanino ang bagay na iyon. He wanted it to be a private affair between him and Millie and her close friends. Sa bahagi niya'y si Iris lang ang inimbita niya. And if his mother would come, then he'd welcome her. Pero natitiyak niyang hindi papayagan ni Nathaniel si Jasmine na daluhan ang kasal niya.

Atubiling inabot niya ang kamay ng manager. "Saan mo nalaman?" 

"From your fiancée, Millie del Prado," may pagmamalaking sabi ng manager. Nakadama ng pribilehiyo na isa ito sa mga nakaalam tungkol sa lihim niyang paglagay sa tahimik. "She was here two hours ago. She encashed some of the money your father gave her as a wedding present. The rest will be transferred to her account in another bank..."

"Wedding present?" Hindi siya makapaniwalang magreregalo si Nathaniel. He was opposed to this marriage. If Nathaniel could have murdered Millie para lang hindi matuloy ang pagpapakasal niya'y ginawa na ng ama. 

Isa pa'y ipapaalam sa kanya ng ama iyon kung nagbago na ito ng damdamin sa pagpapakasal niya. May kabang bumangon sa dibdib ni Karl. 

"How much?" tanong niya sa manager.

"Three million..." Nagsalubong nang bahagya ang mga kilay ng manager. "Oh, well... Hindi sinabi ng papa mo na sekreto ang bagay na ito. Tinawagan ko siya nang dalhin ni Miss del Prado ang tseke rito para sa kumpirmasyon... bank rules, you know."

May mga hinalang naglalaro sa kaisipan ni Karl bagaman hindi niya gustong bigyang-daan ang mga iyon. He took a deep breath to calm himself. Pilit na nginitian ang manager. 

"It's okay, Felix. Walang sekreto roon. How much did she encash?"

"Two hundred thousand."

"And the rest?"

"In transit," sagot ng manager na bahagyang kumunot ang noo. "Pero wala namang problema, Karl, in a few minutes ay nasa bangko na ni Miss del—"

"Hold the transfer, Felix. I'll check with my father at tatawagan kita ngayong hapon for further instructions..." he said authoritatively. 

"O-of course... ah, Ann..." Tinawag nito ang teller na agad namang lumapit. 

Ang akmang pagngiti ng teller kay Karl ay na-freeze sa mga labi nito nang tumalikod ang binata at nagmamadaling lumabas ng bangko.

His Jaguar beat every yellow and red lights. Nagmadali niyang tinalunton ang daan patungo sa condo ni Millie. Ipinaparada niya ang sasakyan sa basement nang makita ang four-wheel drive ng ama. Natitiyak niyang bisita ni Millie si Nathaniel!

Mabilis niyang tinungo ang elevator, diniinan ang buton patungo sa tenth floor kung saan naroon ang unit ni Millie. Pagbukas ng elevator sa ikasampung palapag ay natanaw niya sa pasilyo ang yaya at itinutulak sa stroller ang anak ni Millie.

"Nasaan si Millie?" 	"

N-nasa loob po. M-may kausap. Pinalabas kami…“

Tuloy-tuloy siya sa unit na hindi naman naka-lock, inaasahan niyang makikita sa sala ang ama at si Millie. Subalit wala ang dalawa roon. Narinig niya ang tinig ng dalawa sa malapit sa terasa.

"Umalis ka na, Mr. Cervantes." si Millie. "Anumang oras ay maaaring dumating si Karl. Hindi ko gustong abutan ka niya rito."

"Naririto ako upang tiyaking tutupad ka sa usapan." si Nathaniel, naniningkit ang mga mata sa tinitimping galit. "It would be my pleasure to escort you out of this place and to the airport."	Isang ngiti ang pinakawalan ni Millie. "I've changed my mind, Mr. Cervantes—"

"Changed your mind!" sigaw ni Nathaniel.

Millie smiled. "A woman's prerogative. Hindi ko gustong iwan si Karl. Afterall, I realized that I love him..."

"F—k you!" 

Millie pretended to be scandalized. "Hindi bagay para sa isang tulad mo ang ganoong salita, Mr. Cervantes."

"Nangako kang aalis kapalit ng tatlong milyon!"

"I'm sorry, pero hindi ako nagbabasa ng romance pocketbooks, Mr. Cervantes. Generally, iyon ang ginagawa ng character na babae. But not this woman."

"You took the money, damn you!"

"Kaunting pera lang iyon. Hindi makababawas sa kayamanan mo." Humakbang ito palapit kay Nathaniel. Her eyes moved up and down his body seductively. "You're gorgeous... sa kabila ng edad... I wanted you when I first saw you sa launching ng produkto ng kompanya mong ilalabas ko sa TV. 

"Ilang beses kong tinangkang ilapit ang sarili ko sa iyo subalit mailap ka. Hindi ako naniniwalang may lalaking tapat sa asawa. Lalo at alam ng lahat na anak mo sa ibang babae si Karl. But you rejected me, Mr. Cervantes..." Unti-unting gumuhit ang galit sa mga mata nito. "And I hated you for that! I'm prettier and younger than your wife, hindi ako makapaniwalang tatanggihan mo ako gayong halos lahat ng mga naroroon ay gusto akong maangkin!"

"At gusto mong gumanti sa akin sa pamamagitan ni Karl, ganoon ba?" Isang linya na lang ang mga mata ni Nathaniel sa galit.	Muling ngumiti si Millie. Moved even closer. Halos isang dangkal na lamang ang layo ng katawan nila sa isa't isa.

"Nakuha ko ang atensiyon mo, hindi ba?" Isang mapanuksong tawa ang ginawa nito. Tumaas ang kamay patungo sa ibabaw ng tainga ni Nathaniel kung saan may ilang hibla na ng puting buhok. "Oh, but I couldn't find fault with Karl. He's good... very good. But oftentimes I wondered about you... how you fare in bed."

Marahas na tinabig ni Nathaniel ang kamay ng babae na muntik na nitong ikawala ng panimbang kung hindi nakahawak sa barandilya ng terasa. 

"Viper! Hindi ko maintindihan kung ano ang nakita sa iyo ng anak ko. You're nothing but a cheap whore!"

Nanlisik ang mga mata ni Millie. "This whore will soon be your daughter-in-law, Mr. Cervantes! And that, along with your millions!"

Hindi makuhang magsalita ni Nathaniel sa matinding poot. 

Isang nang-uuyam na tawa ang pinakawalan ni Millie sa nakikitang pamumula ni Nathaniel. 

“Your son loves me so much he’d jump from this floor if I say so, Papa…” she taunted, at tumawa lalo na nang makita ang pag-iigting ng mga bagang ni Nathaniel.

Marahas na tumalikod si Nathaniel upang umalis nang mahinto sa paghakbang. Nasa entrada ng terasa si Karl. Si Millie na sinundan ito ng tingin ay nagulat nang makita ang binata roon. Agad na nawalan ng kulay ang mukha nito.	Sandali lang ang pagkapatda ni Nathaniel. tiim-bagang na nilampasan nito ang anak at tuloy-tuloy na lumabas ng unit.

"Karl... your father tried to—" Ang anumang sasabihin nito'y napigil sa lalamunan sa galit na nasa mga mata ni Karl.

"I'm glad I went to the bank bago makipagkita sa judge na magkakasal sa atin, Millie," wika nito sa kalmanteng tinig, though his eyes betrayed his calm. "Anyway, iyong dalawang daang libong na-encash mo, you can consider it as payment for a few nice tumble in bed. Why, you're expensive gayong sabi nga ng papa you're a cheap whore. And he was right..."

Naningkit ang mga mata ni Millie sa insulto. "Tatlong milyon, Karl, hindi dalawang daang libo! And you can get out of my house now!"

He smiled sarcastically. "My pleasure." Tumalikod ito. At nang nasa pinto na'y huminto at nilingon si Millie. "The transit wasn't completed, my dear. I got to the bank in time."	Millie gaped at him. Dumampot ng anumang bagay upang ibato sa kanya subalit nakalabas na si Karl.

Sa ibaba'y dinatnan niyang naghihintay sa labas ng sasakyan nito si Nathaniel. Naisip niyang maglakad palabas ng basement upang iwasan ang ama. He decided against it. Humakbang siya patungo sa sasakyan niya.

Karl's face was grim as he looked at his father. He filled his lungs with air. "Tama ka na naman. And this time, I really made an ass of myself."

"We all make mistakes. I, too, had my shares. We learned from it," wika ni Nathaniel sa mahinahong tinig kasabay ng paghinga nang malalim. Nasasaktan sa nakikitang sakit na gumuhit sa mga mata ng anak. 

"I know you don't really love her, Karl," patuloy nito. "You're young. At pagkatapos mong matuklasan ang tungkol sa pagkatao mo at ng ginawang iskandalo ni Lydia, you were vulnerable. Iyon ang sinamantala ni Millie."

Hindi sumagot si Karl, muling humugot ng malalim na paghinga. Nanatiling nakatiim ang mukha.

Nathaniel patted his son's shoulder. "Umuwi ka nang maaga. Kausap ko lang ang mama mo. Nagluto siya ng kilawing tanigue at sisig. Paborito mong lahat." 

Nanatiling walang imik si Karl. Tila puno ng sapal ang lalamunan niya. Sinundan ng tingin ang pagpasok ng ama sa sasakyan at ang pagmaniobra nito. 

Ibinaba ni Nathaniel ang tinted glass ng bintana ng sasakyan nang mapatapat sa kanya.

"Soon, the right woman will come along, son," Nathaniel spoke softly. "And she would be very special, someone worth loving." Then he smiled. "On a starry night, make one wish... just one wish from your lucky star for the right girl to come along."

Karl gave a faint smile habang automatic na bumababa ang salamin ng sasakyan. He knew his father didn't believe in those stuff. Gusto lang nitong pagaanin ang sitwasyon.

****************Hays Karl antayin mo kasi ako ehh hahahaha. BUti na lang sabay tayong nag wish on one Starry Night char buti na lang tlga hahahaha at nakilala mo ako after n’yo ni Millie char - Admin A *********

Happy weekends mga beshie, sana all maging happy lang tayo at maging ligtas sa karamdaman at kapighatian. Take care mga beshie. God bless. - Admin A :)

19

SA IILANG pagkakataong naaalala niya ang ginawa ni Millie ay hindi maaaring hindi makadama ng galit si Karl. Subalit sa pagkakataong iyon ay gusto niyang mangiti dahil ang nanatili sa isipan niya’y ang sinabi ng ama.

“On a starry night, make one wish from your lucky star for the right girl to come along…”

At pumasok sa isip niya ang pangyayaring niyakap siya ni Lora mula sa likod at ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng shorts niya. She had wished from a star.	A tender smile formed his lips. Did Lora really wish for something that night or the witch just wanted to have her ways with him? Ano kaya ang gagawin niya kung ang mga kamay ni Lora ay bumaba pa nang kaunti sa... well... He grinned at the thought. 

"Anton Karl, are you there?" 

Napabalikwas si Karl sa tinig na nagmumula sa speaker ng computer niya. Nasa monitor ang mukha ni Iris.	Mabilis siyang bumangon at naupo sa computer stool. Pressed a key and snapped, "What!"

"You gotta work on your manners, my dear."

"Why should I work on my etiquette gayong alam kong ikaw ang nasa screen?" he asked, stretching his legs and yawning at the same time. "Gabi na, bakit gising ka pa?"	"Nagpatawag ng board meeting si Kuya Nathaniel, on Saturday. And that would be three days from now. Sa Esmeralda office. Nag-aambang mag-strike ang union sa processing plant sa Laguna. Ipa-fax ko sa iyo ang mga tatalakayin. I cannot cover your gorgeous butt anymore, my dear, kung hindi ka darating."

"Dammit, Iris! I'm on leave!"

"Up until two days ago. At kung iniisip mong mag-extend, no way, baby. Your father will slash my neck. Where are you, anyway?"	He sighed, flexed the muscles in his back and shoulders. "Two miles off Romblon coast..."

"Matapos mong ihatid sa Anilao si Krista at ang mga guest niya, sino ang nakatalilis pabalik sa yate?"

He couldn't help feeling amused. "Paano mong natiyak na may kasama ako sa yate?"	Humalakhak si Iris at pagkuwa'y, "I was five years old when you were born, Karl. I knew you too much para hindi ko malaman ang bawat kilos at galaw mo." 

"Damn you, Iris..." he said, half amused, half irritated.

"Ouch." Iris pretended to be hurt, pagkuwa'y mabilis na idinagdag, "Now who's the lucky woman? Paano siya nakalusot? Itinago mo ba siya sa closet mo habang abala sa mga bisita niya si Krista?"	"Nakilala ko siya sa gitna ng laot..."

"Oww." Umangat ang kilay nito. "A mermaid! Gaano kahaba ang buntot at paano ba nakikipag-make love ang half fish-half human?"

Malakas na humalakhak si Karl. "You're incorrigible. But kidding aside, sa laot ko talaga siya nakilala. A boat rower. An educated boat rower from somewhere in Calapan who's great interest is photography. She transported local and foreign tourists to and fro the islands." Ikinuwento niya ang paraan ng pagtatagpo nila ni Lora. 

"My god, Anton Karl!" manghang bulalas ni Iris. "Kahit ba naman sa laot sinusundan ka ng babae! Sigurado ka bang hindi sirena iyan?"

Muling humalakhak si Karl. "I invited her to sail with me. And mind you, isinama niya ang matandang tiyahin niya. Descendant ni Tandang Sora..."

"Why, that boat rower must be something para maakit ang atensiyon mo! And, my dear, a legion of aunts couldn't stop you from doing your wicked ways with any woman."

Karl smiled. "She's pretty and unaffected... with a killer smile and peaches and cream complexion sa kabila ng trabahong nasa dagat lagi. But you know me, I'm scared of young virgins..."

"Oh!" Iris exclaimed genuinely. Tuluyang napukaw ang interes. 

"And this young virgin's a dreamer..." patuloy ni Karl, "believed in love, in marriage before sex stuff... and yet," he paused, his smile gone and then added drily, "she likes rich men... awed by the luxury she saw at the yacht." 	"I was awed by your ship, too... and I love the luxuries money can offer... And with my heart's condition, I couldn't imagine being poor, darling."	"Shut up. Maliban sa pangalan ko'y hindi niya ako kilala. Sinabi kong kaibigan ko ang may-ari ng yate at na naka-leave ako..."

"Why, that's even more interesting!"

"At wala akong intensiyong makipagkilala. At least, for once, may babae akong kasama na hindi nakatingin sa salaping nakabalot sa pamilya."	Patamad na nagbuntong-hininga si Iris. "There he goes again." She rhymed the words. "You're turning to be a bore, Karl." She faked a yawn.

"And if I'm honest, Iris," patuloy ni Karl. Undaunted by her mild sarcasm. "I am thoroughly enjoying this wench's company. I just wish to hell I could seduce her to my bed," he said, and was surprised by the heat that flowed his body at the thought of Lora in his bed.

"Well, why not marry that wench and have your ways with her and divorce her after twenty-four hours," wika nito na sinabayan ng malakas at malutong na halakhak. It was a common joke between the two of them. 

"Tsk... tsk... you're bad, Iris. Very bad..."

"Anyway, I want you to sail back home pronto. You've missed two board meetings in the past. At kapag hindi ka nakarating ngayon, there'd be hell to pay with your father."	"That board meeting be damned!"

"Oh, I know you're joking. Ciao." At nawala sa screen ang mukha nito.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Karl at bumalik sa higaan. Iniunan ang dalawang braso at nakatitig sa kisame. Laman pa rin ng isipan ang anyo ni Lora. Now the pain in his neck moved lower... even lower to his groin.

He sighed. He needed a bath in the middle of the night. 

Dinampot niya ang intercom at kinausap ang kapitan at sinabing pauwi na sila. Ibinaba niya ang intercom at lumabas patungo sa deck. Sinalubong siya ng haplos ng malamig na hangin, sapat upang maalis ang init na nararamdaman.	Now what?

Well, ibababa niya pagdating sa Batangas port si Lora, o sa Calapan, kung doon man nito gustong magpahatid. End of story... end of adventure...

Subalit may bahagi ng dibdib niya ang tumututol sa gusto niyang mangyari. Hindi siya makapaniwalang may mararamdaman siyang panghihinayang kung sakaling maputol na sa pagdaong sa pier ang pagkikita nila. 

After Lydia and Millie, he had sworn that one woman was as good as another. 

But since meeting Lora, he felt that something in him was transformed. And he didn't know why it seemed this young virgin scared a hell out of him.

The witch intrigued him. And definitely he was attracted to her. The attraction was physical, walang duda sa bagay na iyon. But there was something else, something too powerful to be labeled desire.

Tumingala siya sa kalangitan. The sky was magnificent in its starry splendor.	On a starry night, wish upon a star...

"Oh, come on..." He shook his head and smiled at the same time. Muling tinalunton ang daan pabalik sa cabin.

**************Happy Monday sa inyo mga beshie. Good vibes lang muna tayo sa ngayon char hahahaha. - Admin A *********

20

NAMAMANAAG pa lang ang araw sa likod ng mga bundok na natatanaw ni Lora sa ibayo ng karagatan ay maaga pa rin siya nagising. Iniwan niyang tulog si Tiya Lagring sa cabin nila. Gusto niyang salubungin ang pagsikat ng araw. Wondering what a new day would bring?

Though hills and mountains were almost the same she knew they were sailing back. Isang buntong-hininga ng panghihinayang ang pinakawalan niya. Mamayang makapananghali'y nasa Calapan na sila. And what now? Doon na ba matatapos ang pagkikilala nila ni Karl?

May pait siyang naramdaman na gumuhit sa dibdib niya. If she could make a wish, just one wish, she would stop the time. I-freeze iyon at manatili siyang naroroon kasama si Karl.	Tumingin siya sa madilim-dilim pang kalangitan. 

Stars hang suspended above a floating yellow moon... Then came the sunrise fading the moon and stars from sight recalling always our wonderland by night... 

She smiled sadly. Sana'y naging iba ang sirkumstansiya ng pagtatagpo nila ni Karl. Sana'y naging kapitbahay na lang nila ito... sana'y nakilala niya sa travel agency... sana... sana...

KARL watched her silently. Nang pumanhik si Lora sa deck a couple of minutes ago ay ni hindi nito napuna na naroroon lang siya sa bahaging madilim, sa likod ng posteng pinagkakapitan ng staysail. Gusto sana niyang ipaalam dito na naroroon siya kung hindi lang sa pagnanais niyang tahimik na mapagmasdan ito.

His senses were full of her. Nakikita niya ang banayad na haplos ng hangin sa buhok nito, he saw the tendril curls behind her nape. At tila dinadala ng hangin patungo sa kanya ang samyo ni Lora. She smelled of rose water and of powder, and more verdant scent that was uniquely her own. 

And she still wore his jacket. He groaned inwardly, wishing he were that jacket. Ano na nga ba iyong linya sa kanta ni Bryan Adams? I wanna be your lipstick when you lick it... I wanna be your underwear...

He grinned at the naughty lyrics of the song. And then he moved without any sound and walked towards her. 	Napalingon si Lora nang maramdaman ang presensiya ni Karl. 

"Karl!"

Hindi sumagot si Karl. Sa halip ay inilagay ang forefinger nito sa ilalim ng baba niya at itinaas iyon. Lora drew in a soft gasp as Karl gazed into her eyes passionately.

"Lorabelle." He spoke her name and it sounded sweeter than music. Then Karl's arms went around her. 

And with a swift motion, Karl put his mouth over hers. Sa bilis nito'y hindi nabigyan si Lora ng pagkakataong makapagprotesta. Kung gusto man nga niyang magprotesta. She revelled the feel of him on her lips, his breath sweet around her, and his warmth stealing into her bones.

She could feel her nipples had tightened, pressing against the soft fiber of her cotton blouse. Then her tongue touched his and the kiss between them took on a life of its own. 

Their mouths meshed together perfectly. Lora's kiss was chaste, but there was a seductive quality to it. Napaungol si Karl. Hinapit siyang mahigpit. And he hardened. And a need, ang uring hindi pa nito naramdaman kailanman, welled up inside of him for more... and more... and more.

Every muscle, every fiber of Karl's being urged him to lift her in his arms, rip her blouse off, unsnap her pants and bury himself deep inside her. His hand moved to her breast and cupped it. 

Lora moaned deliciously. She was lost and would have given him more, kung hindi sa biglang pag-uga ng yate na nagpabalik sa matinong kaisipan ni Lora.

Their lips broke contact. She pulled away, at may katalinuhang pinakawalan ni Karl ang dalaga.

Napasandal sa barandilya si Lora. Habang si Karl ay nanatiling nakatitig sa kanya. His heart was racing. Dear lord, but he had never felt desire of that force. 	Si Lora'y dinama ang mga labi, which were already slightly swollen from Karl's kiss.

"You drove me wild..." usal ni Karl.

"W-why are we doing this, Karl?" She was confused. Kahit si Nelson sa loob ng anim na buwan nilang magkasintahan ay hindi niya nabigyan ng ganitong pagkakataong hagkan siya... sa ganitong paraan. 

"You mean kissing? We've been doing it since you first came aboard. And everytime we kissed, I lost control." Humakbang itong muli palapit kay Lora hanggang sa gadangkal na lang ang pagitan nila. "Can't you feel that there's something between us, Lora?"

She turned to watch the sun rose slowly from behind the mountains. 

"That 'something' for me, Karl, is love. I must be falling in love with you," she said softly. Her eyes meeting his gaze. If there was a flicker of surprise in Karl's eyes, he hid it well. "At hindi ko alam kung ano ang kahulugan ng 'something' para sa iyo. It could be purely sex and nothing more... and a one-night stand isn't my cup of tea. I hope you understand."

"I could feel there's something between us, Lora, though I don't know what. But I do know that I must see you again or I will go mad."	Nabuhayan siya ng pag-asa. Kung totoo sa loob ni Karl ang sinasabi nito'y magkikita silang muli. 

"Then that something must be madness, Karl." She smiled. Gusto niyang ibalik sa biruan ang namagitan. Tama nang malamang maaari pa silang magkita. 

"Madness. Yes," sang-ayon nito at nagbuntong-hininga. Tinanaw ang kapaligiran. Unti-unti nang sumisikat ang araw. Pagkatapos ay muling tinitigan si Lora. "We're sailing back. I received a message last night. May meeting ang b—ang sales department sa Sabado at kailangang naroon ako." 

Nakita ni Karl ang panghihinayang at pagtutol sa mga mata ni Lora. He smiled and ran the pad of his thumb across her lower lip. "I will see you again."

"Will you really?" may pag-aasam niyang tanong.	Bago pa makasagot si Karl ay narinig na nilang pareho ang mga yabag ng tsinelas ni Tiya Lagring papanhik. Parehong natuon sa hagdanan ang mga mata nila.	He pulled her and stole a kiss. "I promise." At muli siyang pinakawalan. "Later, I have a surprise for you."

"Oh. What is it?" she asked curiously.

"It wouldn't be a surprise if I tell you. Huwag kang mainip, bago ka bumaba'y ibibigay ko sa iyo."	"Lorabelle!" si Tiya Lagring na sumungaw mula sa hagdan. "Bakit kay aga-aga'y kasama mo rito sa itaas ang lalaking iyan? At iyang jacket, bakit hindi mo pa isinasauli?"	Hinubad ni Lora ang jacket. "Isinasauli ko na nga ho..." 

Karl took his jacket from her. "Magandang umaga, Tiya Lagring," ani Karl at tinanguan ang matanda habang lumalakad patungo sa hagdanan. "Hihintayin ko ho kayong pareho sa almusal." Then as he turned, dinala nito sa ilong ang jacket, inhaling her scent na tila nagiging pamilyar na sa kanya.

****************Grabe naman ang mga eksena nakakapang init char hahahaha. Kahit aircon dito sa office , nag - iinit ako hahahahaha. Kumusta mga beshie , how’s everyone? - Admin A *************

21

“THIS is yours, Lora.”

Lora expelled a long breath nang makita ang sorpresa ni Karl sa kanya. A very expensive Nikon camera with equipment that was worth thousands and thousands of pesos.

Lora was speechless. Humakbang siya patungo sa dining table kung saan nakapatong ang equipment. Buong paghangang sinuri ang camera. Touching the equipment reverently. Muling napasinghap nang hawakan ang autofocus zoom lens. Iyon lang mismo ay napakamahal na.

"Do you like it?" tanong ni Karl. Hindi nito kayang ipaliwanag ang kasiyahang nadarama nang makita ang katuwaan at kislap sa mga mata ni Lora. And the gift wasn't even a diamond ring or an expensive emerald pendant or a diamond-studded bracelet, things women loved.

Napatingala si Lora kay Karl, hindi pa rin makuhang magsalita. Muling ibinaba ang mga mata sa set ng camera. Humugot ng marahang paghinga. It was a dream come true. Hindi sila naghihikahos pero hindi nila kayang bumili ng ganoong uri ng camera malibang magsasanla o magbebenta ng lupa ang itay niya. 

And Karl was giving it to her... for free!

She gazed back at him. "I–I can't accept it."

"What!" si Karl. Kumunot ang noo. 

"Thank you," she said softly, sincerely. "Pero hindi ko matatanggap, Karl." 	There was a surprised look on his face. "But why?" 

"Because it is... so expensive. Men do not give expensive things to women unless—" 

"Unless they're true friends," tinapos nito ang sinasabi niya. Then added meaningfully, "Or if there's something special going on between them." He gazed at her confused face and said softly. 

"Karl..."

"Wala akong hinihinging kapalit, Lora. Bukal sa loob kong ibinibigay sa iyo iyan. A gift. For sailing with me. I honestly enjoyed your company... kayo ng tiya mo sa akin," he grinned. "Your aunt is a novelty. The only female that wasn't taken by my charm. Gusto ko tuloy magselos kay George..." 	Binale-wala ni Lora ang huling sinabi ni Karl. Nakatuon ang buong pansin sa camera at sa intensiyon nitong pagbibigay sa kanya.

"But you can't give this camera as a gift to me, dahil lang nag-enjoy kang makasama ako sa loob ng ilang araw!" Lora cried passionately. "You can't be that extravagant, Karl! Hindi ka naman mayaman," she scolded. "You're only an employee. At hindi biro ang halaga ng camera na ito. Siguro'y matagal mo ring pinag-ipunan makabili lang nito... at ibibigay mo lang sa akin!" She shook her head in disbelief.

Hindi agad nakapagsalita si Karl. Muntik na nitong maipagkanulo ang sarili sa pagnanais na ibigay kay Lora ang alam nitong makapagpapasaya sa kanya. 

He cleared his throat twice. "Actually... isinanla lang sa akin iyan ng kaibigan ko nang mura dahil... dahil secondhand na ring nabili iyan. Hindi na tinubos sa akin at... at wala naman akong hilig sa pagkuha ng mga larawan. Besides, napakakomplikado ng camera na iyan. Tama na sa akin ang isang handy camera. At mayroon na ako..."

For a long time ay hindi kumibo si Lora. There was longing in her eyes as she surveyed again the camera equipment. It didn't look old to her. O baka naman mahusay lang gumamit ang mga naging may-ari.

"I'm sorry, pero hindi ko pa rin matatanggap, Karl," she said softly at tumingala rito. At nang akma itong magsalita'y inunahan niya. "But I want to use this camera to capture your friend's ship on film. Then, kapag nagkapera kami ni Itay ay bibilhin ko sa iyo ang camera na ito sa halaga ng pagkakasanla sa iyo. Fair enough?" She dimpled at him.

Karl seemed to have lost for words. Kauna-unahang pagkakataong nagbigay ito sa isang babae na tinanggihan. Ang isang bahagi niya'y gustong makadama ng disappointment sa pagtanggi ni Lora because he honestly wanted to give her the camera. At ang kabilang bahagi naman ay nagagalak sa pagtanggi niya.

"Hey," untag ni Lora dito.

"Okay." At gumagana na agad ang isip nito kung paanong mabibili ni Lora sa kanya ang camera sa murang halaga.

******************Malamig na hapon sa inyo mga beshie. Sumasakit ang ulo ko my god. Feeling ko nagkakatrauma na ako kapag sumasakit ang ulo ko hahahaha. - Admin A *************

22

ALAS-dos na ng hapon nang makarating sa Calapan ang yate ni Karl. At dahil hindi naman para sa malaking yate ang pribadong daungan nina Lora, nanatiling nakaangkla sa laot ang yate. Tinulungan siya ni Karl na ibaba sa speedboat ang camera. “I don’t want anyone on sight, George!” bilin niya rito na nakangiting sumaludo. “I only want to take the ship’s picture! Please ask the captain to sail slowly to the northwest!”

"I left instructions, siren," ani Karl na tinapik siya sa braso. His hand would have lingered kung hindi nito narinig na tumikhim si Tiya Lagring. "He knows what to do." He started the engine at ilang sandali pa'y mabilis nang tumakbo ang speedboat patungo sa daungan nila. Kasabay rin ng unti-unting pagtataas ng anchor. 

Pagdating sa daungan ay iniwan na sila ni Tiya Lagring at nauna na itong umuwi. Halos hindi narinig ni Lora ang sinasabi ng tiyahin na huwag magtagal at umuwi na kaagad. 	She was so excited, both with the camera and the chance to take the ship's picture. 

"Hey, relax," amused na sabi ni Karl at tinulungan siyang ayusin ang tripod sa malalaking tabla ng pantalan.

"The ship might move farther, Karl, at baka hindi ko makuhanan nang tama..." aniya. Then loaded the camera with a high speed color film, which Karl provided.

Bago siya sumilip sa camera ay muli niyang tinanaw ang karagatan. Gusto niyang matiyak na walang makaaabala sa pagkuha niya ng litrato sa yate. And she had the view of the sun balanced on the edge of a shimmering magenta sea. The whole world had turned burning gold and shade of purple.

Pagkatapos ay ibinaling niya ang paningin sa yateng dahan-dahang naglalayag. She caught her breath. The sailing ship was sweeping before the wind tulad sa isang higanteng uwak. 

She rushed to the camera, intent on the image that was forming her mind. Soon the ship would fly across the incandescent eye of the sun.

She zeroed in the autofocus lens on the sailing ship. Napakasensitibo ng long lens, kailangang ibalanseng mabuti sa rifle holder. But using the camera was a piece of cake.

She took one picture... two... three. The ship was breathtaking, endlessly poised on the edge of creation as it cut the burning wake of the sun. Tuluyan na niyang nakalimutan na nasa likuran niya si Karl, tahimik na nakaupo sa kahoy sa pantalan, and was watching her intently. Admiration and wonder in his eyes.

Paulit-ulit, walang sawa sa pagkuha ng litrato si Lora. Sa bawat paggalaw ng yate sa kanyang mabagal na paglalayag... sa mahinang pag-ikot na marahil ay ang bilin ni Karl sa kapitan na gawin.

There was only one roll of film at hindi niya akalaing malapit nang maubos iyon. Nang makita niyang lima na lang ang natitira sa film ay huminto siya. Slowly, she turned to Karl. Tinitigan niya ito nang matiim na tila noon lamang nakita. 

"Hey, bakit ganyan kang makatingin? Nalimutan mo ba talagang narito lang ako and was surprised to see me here?" he asked, a slight sarcasm in his voice.

Lora's heart hesitated for a moment. Pagkuwa'y humugot ng malalim na paghinga at inipon ang lahat ng lakas ng loob at lumapit dito. Then she started unbutonning his T-shirt.

"What are you doing?" manghang tanong nito.

"Taking off your shirt. Help me, malapit nang mawala ang araw."

Karl blinked. Then relaxed beneath Lora's hand. Puno ng anticipation ang ngiting sumungaw sa mga labi. Gumanti ng ngiti si Lora, a serene smile of a sorceress. Pagkatapos ay inihagis ang shirt ni Karl sa damuhan. Tumalikod at kinuha ang camera sa tripod.

"Hindi ka pa tapos," ani Karl, grinning like a pirate. "I still have my pants on."

"It would make you look like a buccaneer at magandang contrast sa pantalan. Doon ka sa may haligi ng pantalan, Karl." Itinuro niya ang haliging kahoy na nakaharang ay natanggal na sa pagkapako. "Work on the wood."

Nagbuga ng hangin si Karl sa pagkadismaya. "Lora, I am not a very good subject—" He stopped when he saw her eyes begging. He sighed and followed her instructions.

Nagmadaling kumuha ng larawan si Lora. Kailangang naroon pa ang bahagyang araw. Nakatalungko si Karl sa pantalan, like a god in the center of a golden cataract of light. Karl held his breath and watched her with intense, dark eyes, habang nagsisikap siyang humanap ng magandang anggulo.

Subalit bago maubos ni Lora ang huling shot ay kumilos sa kinauupuan si Karl at hinapit ang mga binti niya at hinila siya. Tumawa si Lora at nagpaubaya. She was laughing as she let herself slide down his body and ended up sitting on his lap. 

She smiled and lean on her shoulder. Unti-unti nang nawawala ang araw at nakadarama na siya ng pagod at pangangawit ng mga kamay at leeg. 

"'Akala ko'y hindi ka na matatapos. Are you okay?" Karl asked gently. Inalis ang camera sa kamay niya at ibinaba iyon sa kahoy.

"Tired but ecstatic. I couldn't wait to run to my darkroom." Her tired eyes gazed at him and she said softly. "Thank you, Karl. I'll give you a copy of all the pictures I took, hope you'll—" she lowered down her eyes "—appreciate it." May insekyuridad sa tinig niya sa huling sinabi.	Karl placed a finger under her chin and raised it to him. "I'm pretty sure you've made a very good shot, siren." Then he planted her mouth the gentlest kiss he had ever given to a woman. 

***********************Di ako makapag-isip ng maayos kaloka amp hahahaha. Take care mga beshie. - Admin A  ************************

23

“YOU HAVE one last chance para magbago ng isip, Lora.” si Nelson, a threat in his voice. “Ilang araw kayong nawala ng tiyahin mo na hindi man lang nagpasabi sa akin. Pinagmukha mo akong tanga.”

"Nelson, please. Ayokong makipagtalo sa iyo. Naghihintay ang Itay sa ibaba." Isinukbit na niya sa likod ang knapsack niya at binuhat ang maliit na bag. Nagsimulang lumakad patungo sa pantalan.

"Kapag itinuloy mo ang pagtungo sa Maynila ngayon ay kalimutan mo na ako, Lora!" sigaw ni Nelson.

Huminto sa paghakbang si Lora at nilingon ito. "Ikaw ang bahala sa gusto mong mangyari. It doesn't matter anymore..." aniya sa bale-walang tono.

Tumiim ang mga bagang ni Nelson. "Kung hindi ko ba ipagpapatuloy ang balak ko'y hindi ka aalis?"

Isang deretsong tingin ang ibinigay niya sa kasintahan. "Hindi mo ba itutuloy?" Naghahamon ang tinig niya. Bagaman nakatitiyak na siya sa sasabihin dito. She wasn't in love with him. She would tell him that point-blank. Walang dahilan para magpaligoy-ligoy. Much as she didn't want to hurt him, ang pagiging tapat ang pinakamagandang gawin.

Isang iritadong buntong-hininga ang pinakawalan nito. "Alam mong hindi ko matatanggihan ang papa."

"That's what I thought," matabang niyang sabi. "Kaya hindi kita pipigilan."

"Pero iyan ang dahilan kaya ka luluwas, 'di ba?"

"Partly, yes. Pero alam mong plano kong dumalo sa seminar na ito, Nelson. But you tricked me. Ni hindi sumagi sa isip kong tatlong buwan matapos nating pakasal ay eleksiyon na naman pala." Her voice filled with accusation. 

"Kung gayo'y ikaw ang tumapos sa relasyong ito, Lora!" 

"The relationship had ended when you lied to me! Nang papaniwalain mo akong hindi ka papasok sa politika... nang i-pressure mo akong pakasal tayo kaagad para lang magamit ninyong mag-ama ang katayuan ng pamilya ko sa bayang ito!"

Isang matalim na tingin ang isinagot nito at pagkuwa'y mabilis na tumalikod patungo sa harapang-bahay kung saan nakaparada ang kotse nito.	Hindi tuminag sa kinatatayuan si Lora. At hanggang sa magpaandar ng sasakyan si Nelson at lumabas sa bakuran nila ang kotse nito'y nanatili siyang nakatayo roon at sinundan ng tanaw ang sasakyan.

Nang mawala iyon sa paningin niya ay humakbang siya patungo sa pantalan. Kinakapa ang damdamin kung may dapat siyang pagsisihan sa nangyari. Subalit sa halip ay tila isang malaking bato ang naalis sa pagkakadagan sa dibdib niya.

"Ano ang napagkasunduan ninyo ni Nelson?" ang tatay niya na nasa bangka na at siyang maghahatid sa kanya sa Batangas.

"Tinapos niya ang ugnayan namin, 'Tay..." tahimik niyang sagot, bagaman sa sulok na bahagi ng dibdib ay alam niyang bago pa man siya sumamang maglayag kay Karl ay tinapos na niya ang relasyon nila. 

Bumaba siya sa hagdanang yari sa bato at sumampa sa basnig. Tahimik siyang naupo sa isang tabi. Pinaandar ni Gaudencio ang makina ng basnig at pumalaot na.

"Ang estranghero ba ang dahilan kung kaya naging madali para sa iyo ang pakikipagkalas kay Nelson, Lora?" tanong ni Gaudencio nang malayo-layo na sila.

"His name's Karl, Itay. You've met him and introduced himself to you," aniya na sinamahan ng malalim na buntong-hininga. "At alam ninyong hindi totoo iyon. Bago ko pa makilala si Karl ay hindi ko na gustong makipag-usap kay Nelson. At isa marahil iyon sa dahilan kung bakit sumang-ayon akong sumamang maglayag kay Karl. Iniwasan kong magkausap kami at marinig ang panghihikayat na gagawin niya."

Ilang sandali muna ang lumipas bago muling nagsalita si Gaudencio. "Una pa lang ay hindi ko na gusto para sa iyo si Nelson. Tuwina'y nasa kilos ang pagyayabang sa posisyon ng ama, disimulado nga lang. Subalit paminsan-minsa'y lumalabas ang kahambugan. At dahil ginusto mo'y wala kang narinig sa akin. Subalit kung papipiliin mo rin lang ako sa pagitan ni Nelson at ng estrangherong lalaking sinasabi ni Ate Lagring na kinahulugan ng loob mo'y pipiliin ko marahil si Nelson sa kadahilanang higit ko siyang kilala at pakakasalan ka, kahit na nga ba mali ang motibo."

"Itay, hindi ko alam kung ano ang relasyon namin ni Karl. Pero hindi ako magsisinungaling sa inyo, I think I'm falling in love with him..." 

Nang bumalik sa yate si Karl nang hapong iyon matapos ang pagkuha niya ng mga larawan ay inaasahan niyang naglayag na itong pabalik sa Maynila. But he surprised her by appearing at her doorstep the next day. On his hands bunch of roses in varieties of color.

"Karl!" bulalas niya na kung hindi niya napigilan ang sarili'y baka niyakap niya ito sa matinding katuwaan. 

"Hi, siren." He grinned at iniabot sa kanya ang bungkos ng mga bulaklak. The meeting would be the day after tomorrow. And to hell with the meeting if he didn't get there on time. 

Seeing this woman again was more important than any company board meetings. What he saw in this young woman was natural beauty. Hindi lang basta magandang mukha at magandang katawan, although she had that and more. What caught his attention was the pure expression of joy on her face as she took pictures on his ship. Pure and natural joy. So compelling and undeniably attractive.

At tuwing nagkakasalubong ang mga tingin nila'y naroroon lagi ang ngiti sa mga labi ni Lora, a killer smile that was etched in his mind. Maybe he was becoming a little corny, but he couldn't remember the last time a woman had captivated him completely.

Isang linggo halos silang magkasama, but it was as if they already knew each other too well.

"I–I thought you sailed back yesterday." She couldn't contain the excitement in her voice. "Sabi mo'y may meeting sa department mo?"

"I miss you. The meeting could wait."	Lora was speechless. 

"Miss me too?"

"Am I supposed to? Kahapon lang tayo naghiwalay," she teased.	"Don't you?" 

She wrinkled her nose and said nonchalantly. "Yeah, I guess I missed you, too. Didn't I tell you I must be falling in love with you? Kaya natural lang na mami-miss kita, 'di ba?"

Karl smiled at the cheekiness in her voice.

Isang tikhim sa likuran ang nagpalingon sa kanila. Si Gaudencio. At bago pa maipakilala ni Lora si Karl sa ama ay nauna nang magsalita si Karl. Humakbang ito papasok at inilahad ang kamay at ipinakilala ang sarili. At nang magsimulang mag-usisa si Gaudencio tungkol sa pagkatao ni Karl ay ipinagpasalamat ng huli nang magyakag si Lora na maglakad-lakad sila patungo sa pantalan.

They talked of everything and nothing. Much as Karl wanted to kiss her, pinigil nito ang sarili. Mula sa bintana sa itaas ng bahay nina Lora ay nahagip nito ng tingin si Guadencio. Nakamasid ito sa kanila.

"Pagkatapos ng meeting ay babalik ako, Lora," ani Karl nang magpaalam na.

"W-why?"	Tumaas ang mga kilay ni Karl sa tanong niya. "Itinatanong ba iyon?"

"Of course, I want to see you again, Karl. But you must know I-I don't go for a fling."

"I know."	The two words spoke volumes. Gustong magpumiglas ng puso ni Lora sa kaligayahan. She gasped when Karl's arms went around her. Hindi na mahalaga kung nakatingin sa kanila si Gaudencio. 

"That's why I am coming back next week, siren." He bent his head to kiss her nang mula sa kung saan ay narinig nila ang tinig ni Tiya Lagring na tinatawag si Lora. 

Agad na naghiwalay ang dalawa. At sabay na tumawa. Magkahawak-kamay na bumalik sa bahay. Nagpaalam si Karl sa dalawang matanda. Bago ito bumalik sa nakaparadang rented car ay may dinukot sa bulsa at ibinigay kay Lora. 

"Nakita kong wala kayong telepono," wika nito, at nang marahas na umiling si Lora'y mabilis na idinagdag. "Iiwan ko lang sa iyo. From now to next week, I will be calling you from time to time. At naka-program diyan ang dalawang numero ng telepono ko. Call me anytime." Ang pribadong linya sa penthouse ang ibinigay na numero ni Karl. Ganoon din ang hotline niya sa opisina na hindi nagdadaan sa operator.

Tinitigan niya ang maliit na cellular phone. He had a point. Kinuha niya iyon mula sa kamay ni Karl at ngumiti. 

"Call me tonight."

He laughed. "Yes, ma'am." 

*******************Hawak ko pa rin yung phone mo dito Karl char hahahaha. -Admin A ***************

24

“ANG SABI ko’y kung makikipagkita ka sa Karl na iyon sa pagluwas mong ito, Lora,” malakas na sabi ni Gaudencio na nagpaangat ng paningin ni Lora mula sa malinaw na tubig.

“Ho? Ah… eh, hindi ko pa ho nakakausap si Karl, Itay. Kahapon pa walang signal ang cell phone. At hindi naman ho tumatawag pa si Karl. Tatawagan ko na lang siya pagdating ko sa hotel.”

She had been trying to reach him since two days ago. Sa panahong magkasama sila'y hindi niya nabanggit ang tungkol sa pagluwas niya sa Maynila para sa seminar niya sa photography. Sa una'y hindi iyon mahalaga. An air of mystery. It was the name of the game they were both playing with from the start. 

Pero hindi sila maaaring manatiling estranghero sa isa't isa sa itinatakbo ng pangyayari bago sila naghiwalay. She loved him. At bagaman hindi deretsahang sinasabi ni Karl ang mga salitang iyon ay nanghahawakan naman siya sa pangako nitong babalik. She believed and trusted him.

Pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataong masabi kay Karl ang tungkol sa pagluwas niya. Sa loob ng apat na araw mula nang huli silang magkita ni Karl ay tatlong beses silang nagkausap. Parehong kay Karl nagmumula ang tawag at parehong sa gabi iyon kung saan natutulog na siya at nagigising sa tawag nito, which made her glorious. Matutulog siyang tinig ni Karl ang huling naririnig. 

And though she could detect the interest and excitement in his voice, she could also hint fatigue. Siya na mismo ang tumatapos sa usapan, alam niyang pagod si Karl sa trabaho nito. Bukod pa sa pahapyaw nitong pagbanggit ng mga meeting.

At tiyak niyang magugulat si Karl kapag nalaman nitong nasa Maynila siya.	"Ang sabi ng tiya mo'y magalang at well-behaved ang Karl na ito," muling pukaw ni Gaudencio sa pag-iisip ng anak. "At hindi raw kinakitaan ni Ate Lagring ng pakunwaring pakikiharap kahit na pinagsungitan niya. Ni hindi niya nahuling sumama ang mukha o na-bore man lang kaya tulad daw ng laging nakikita niya sa mukha ni Nelson kapag naroon siya at nakikisali sa usapan ninyo." 

Napangiti si Lora, very much pleased. Her aunt gave a fair observation and comment. Well, of course, her aunt didn't know those stolen moments Karl and she had shared.

"Ganoon ma'y hindi natin lubusang kilala ang buong pagkatao ng lalaking ito, Lora," nag-aalalang muling sabi ni Gaudencio. "At kung magkikita kayo sa pagluwas mong ito, nangangamba akong baka ka mapahamak kung hindi man masaktan, anak."

"Ang tatay talaga, bakit naman ako mapapahamak at masasaktan? Isa pa, sabi n'yo nga ay mapangarapin ako... impulsive most of the times... pero wala pa akong ginagawang magdudulot ng kahihiyan sa inyo, Itay. And I wouldn't start now," paniniyak niya sa ama.

Hindi na umimik si Gaudencio at itinuon na ang paningin sa karagatan. Sa kaibuturan ng puso nito'y umaasang ganoon nga sana.

***********Sorry mga beshie, nakatulog kasi ako kanina at super sakit ng ulo ko feeling ko magkakasakit na naman ako kaya natulog muna ako. Pasensya na mga beshie feeling ko kailangan ko na ng milktea para lumakas ako char hahahaha. So ito na nga sa mga naghihintay ng update ito na. - Admin A  ***********************

25

“NASA Dusit Hotel ka!” gulat na wika ni Karl nang makausap si Lora. “Why? When?”

She laughed. "Hindi ko nasabi sa iyong luluwas akong talaga ngayon. Sa nakalipas na mga araw ay okupado mong lahat ang buong pag-iisip ko... not to mention my heart as well."

"Well, I'm glad about that, siren." There was teasing and yearning in his voice. "I'll perish with curiosity if you don't explain fast why you're within my kissing distance." 

"Pinadalhan ako ng imbitasyon ng kaibigan ko para sa isang three days seminar sa photography, Karl..."

Habang nagpapaliwanag si Lora kung bakit siya naroon ay nag-iisip na si Karl kung paano sila magkikita. He wanted to see her. At kung narito lang sa malapit si Lora ay hindi mahirap gawin iyon. In fact, kung makakaalis ito ng opisina'y pupuntahan nito si Lora sa hotel sa oras ding iyon. 

"Wait, let me have a rain check on my schedule..." Subalit bago nito mabuklat ang appointment book ay sumenyas si Iris. Tinakpan ni Karl ang mouthpiece ng telepono.

"No, siree..." umiiling at pabulong nitong sabi. "Alas-tres ang meeting mo sa mga officer ng union sa Laguna. In fact—" tumingin ito sa relo "—it's about time that you left. Naghihintay na tiyak ang piloto."

"What about tomorrow morning?" umaasa pa ring tanong ni Karl.

"Check signing. Bukas ang payroll... But you are free in the afternoon until four thirty. You will be meeting the lawyers about CBA at five thirty in Club Filipino, kasama si Kuya Nathaniel."	Karl groaned in frustration. Tiyak na aabutin ng gabi ang meeting sa Laguna, huwag nang idagdag pa ang pakikipag-usap sa mga supervisor at managers ng planta pagkatapos ng meeting. 

Inalis niya ang kamay sa mouthpiece. "Hey, siren, kailan magsisimula ang seminar mo?"

"Tomorrow night, Karl. There would be an induction party."	"Let's have coffee tomorrow then. Susunduin kita diyan sa hotel mo. Be at the lobby around two o'clock." 

"Okay..." Ini-off na ni Lora ang cell phone.

“I HAVE never seen your eyes, gorgeous they maybe, shine like a morning star, Anton Karl,” tukso ni Iris. “I’m glad you’ve found another woman to—”

"She's not just another woman, Iris!" he corrected. 	Iris smiled, undaunted by the sudden change of mood. "Well, I couldn't wait to meet this special woman, Karl."

Bumalik ang ngiti sa mga labi ni Karl. Sumandal sa sandalan ng swivel chair. "I forgot to tell you that she had a killer smile. And was honest enough to tell she loved me..."

"And what about you, Karl? Do you love her?" Iris asked with interest.

The dreamy look on his face was gone instantly. "The word 'love' burned me, Iris. I've used that so many times in my life without really meaning it."

Bahagyang nagdikit ang mga kilay ni Iris. "Ano, kung ganoon, ang nararamdaman mo para sa kanya, Karl, if it isn't love?"

Matagal bago sumagot si Karl. Nang magsalita'y naroon ang katiyakan. "She's someone special, Iris. And I'm gonna marry her. My family would love her. And we will be good together. I'll propose to her tomorrow... buy her her engagement ring." 

Iris was misty-eyed. She was too happy to speak. She was certain Karl was in love with the young woman. He just didn't realize it yet.

MAAGANG nagising kinabukasan si Lora. Tinapunan niya ng tingin si Lynette na nagmulat na ng mga mata subalit hindi pa gustong bumangon. She was her best friend at dating classmate noong high school. Lynette was a couple of years older. Nang magtapos ito ng high school sa Patubig ay lumipat ang pamilya nito sa Marinduque dahil permanenteng na-assign doon ang ama nito, na tulad ng itay niya’y isa ring guro.

At ang dahilan kung bakit nanatili silang magkaibigan sa kabila ng tinatawid ng dagat ang pagitan nilang dalawa ay dahil magkasundo sila sa maraming bagay at pareho nilang hilig ang photography.

Through letters, napagpasyahan nilang sa iisang unibersidad sa Maynila sila mag-enrol. They shared the same boarding house at sabay ring nagtapos. Siya, Mass Communication ang tinapos. Si Lynette ay Journalism. They both took the crash course in photography more than a year ago. While she landed as a tour guide, si Lynette naman ay naging photographer sa isang local newspaper sa Marinduque.

"Hey, get up," ani Lora sa kaibigang nanatiling nakadapa pa rin sa kama. "Gabi pa ang simula ng get-together. Let's go out and kill time. Go window shopping."

"Gusto ko mang sumama sa iyo," naghihikab na sagot ni Lynette, "nandito mayamaya lang si Glen. Manonood daw kami ng sine. Well, you can come with us. Okay lang kay Glen iyon..."

Ipinakilala ni Lynette kay Lora si Glen noong college graduation nila dahil dumalo ito. Isang dentista si Glen sa Marinduque at may kamag-anak sa Maynila. Sumama ito kay Lynette sa pagluwas dahil mamimili ng gamit sa clinic nito. 

Lora made a face. "Thanks, but three's a company." Dinampot niya ang relo niya sa ibabaw ng bedside table. Alas-siyete y media pa lang ng umaga. Alas-dos pa siya susunduin ni Karl. Mayroon siyang bakanteng anim na oras humigit-kumulang. 

She sighed. Binuksan ang closet at kinuha ang knapsack. Mag-aayos na lang muna siya ng mga gamit sa closet. 

"Ako naman ang maliligo. Sabi ni Glen ay bumaba daw ako sa lobby ng eight thirty. Sumama ka nang bumaba para sabay-sabay na tayong mag-breakfast. I'm sure Glen would love to see you," ani Lynette at lumakad patungo sa banyo.

"Okay. Pero pagkatapos ng breakfast, kanya-kanya na tayong lakad." Inilabas niyang isa-isa ang laman ng knapsack niya. Nang mula sa bulsa niyon ay makapa niya ang isang pamilyar na bagay. Itinaas niya iyon.

Ang calling card.

May ilang sandaling tinitigan ni Lora ang calling card. Pagkuwa'y nilingon ang banyo at sa malakas na tinig ay, "Lyn..."

"Yap..."

"Ano ang gagawin mo kung nakapulot ka ng mensahe mula sa isang botelya along with a calling card?"

"Again?"

Inulit ni Lora ang tanong at mula sa banyo'y tumawa si Lynette. "Are you serious?"	"I am."

Sumungaw si Lynette sa pinto ng banyo at sa pagkakasilip nito'y mahihinuhang nakahanda nang tumapat sa shower.

"May address, huh?" Tumango si Lora. Lynette cocked her head and grinned. "Itatapon ko dahil tiyak na gawa lang iyon ng walang magawa sa buhay. Ginaya marahil iyong napanood sa pelikula." Pagkasabi niyon ay muling isinara ang pinto ng banyo.

"That's what I first thought," aniya sa sarili. Nagtatalo ang isip kung itatapon sa trash bin ang calling card. Pero hindi niya iyon itinapon noong una niyang makita. In fact, dahil sa calling card na iyon kaya sila nagkakilala ni Karl. 

Foolishness and curiosity won. Inilagay sa wallet niya ang calling card at nagsimulang magbihis. 	Bihis na siya nang lumabas ng banyo si Lynette.

"Hindi ako sasabay sa breakfast, Lyn," aniya sa kaibigan. "Say my regards to Glen at sabihin mong pakasalan ka na at isang taong mahigit na rin naman kayong magkasintahan."

"Saan ka pupunta?"

"May gusto lang akong bilhin..." Dinampot niya ang shoulder bag at lumakad na palabas ng silid. 

“See you later.”

***************My GOD papalapit na tayo sa climax. Kaabang-abang na naman ito. Sana hindi me magkasakit para makapag-update pa at hindi tayo mabitin char hahahahaha. Thanks sa pag-unawa mga beshie char. Take care and God bless. See you soon mga beshie , malapit na pala birthday ko. Sana umabot na tayo nun sa story ni Renz para makapag-share na ako ng tungkol sa akin char hahahahaha. - Admin A ************

********Feeling ko sumasama pakiramdam ko dahil sa iniinom kong supplements na pamtaba. Sumasakit left side ng head ko at left eye . :( Kainis di ko alam bakit ganun. - Admin A ************

26

NANG makita ni Lora ang Esmeralda Building ay natiyak niyang hindi phony ang calling card na hawak. At lumalim pang higit ang kuryosidad. Mula sa kinatatayuan niya’y unti-unting tumaas ang mga mata niya sa building.

"Whew!" bulalas niya. Lampas na sa walong palapag ang nabilang niya and there were still floors up. At nananakit na ang leeg niya sa kakatingala.

Ipinasya niyang pumasok na lang sa lobby. Nakihalo sa mga naroong tao. There were four elevators on each side. Hindi niya alam kung saang floor naroroon ang opisina ng may-ari ng calling card. Nilapitan niya ang isang security guard.

"Excuse me, saang floor ang opisina ni Mr. Cervantes?"

"Sino sa dalawang Cervantes, ma'am? Ang ama o ang anak?"	Hindi agad nakasagot si Lora. Ano ang malay niya kung ama o anak ang nagmamay-ari ng calling card. Binuksan niya ang shoulder bag at kinuha mula roon ang calling card at ipinakita sa guwardiya.

Bahagyang kumunot ang noo ng guwardiya at mula sa calling card ay umangat ang mga mata nito kay Lora. So, ang boss ay nag-iba ng taste. Batang-bata naman ngayon at sa tingin nito'y estudyante pa lamang. Unsophisticated with her hair in braid. Walang makeup maliban sa pinkish lipstick. Naka-blue jeans at maiksing puting cotton blouse.

"Sa anak ang calling card na ito, ma'am." Itinuro nito ang elevator. "Nasa eleventh floor ang opisina ng bise presidente. Magtanong na lang kayo pagdating sa itaas..."	"Thank you..."

Nakisabay na siya sa pagpasok sa elevator. Sumabay sa dalawang babaeng lumabas pagdating sa eleventh floor. Matapos ipakita sa mga ito ang calling card ay itinuro ng mga ito sa kanya ang opisina ng bise presidente. 

Walang alinlangang lumakad si Lora patungo roon. A few glances from the men employee darted her way. Nilapitan niya ang babaeng nasa harap ng computer. Nasa late thirties nito ang babae at nakasalamin. 

"Good morning."

Nilingon siya ng sekretarya. "May I help you?" she asked in a trained professional voice. Her eyes tactfully surveyed her appearance. 	Tumikhim sandali si Lora bago nagsalita. "I'd like to see Mr. Cervantes... A. K. Cervantes."

"Do you have any appointment?"

She smiled and shook her head. "I'm afraid none. But I have his calling card here along with a note that I could see him anytime..." aniya, editing the message in the bottle. 	Kung hihingin ng sekretarya ang note ay natitiyak niyang hindi niya mailalabas iyon. Nasa loob pa rin iyon ng botelya at iniwan niya sa damuhan sa may pantalan. Habang ipinapakita niya ang calling card sa sekretarya ay nagsisimula na siyang mag-isip kung ano ang idadahilan niya kung sakaling hingin nito ang sinasabi niyang note.

Subalit nang matitigan ng sekretarya ang calling card ay may pakiramdam siyang hindi na niya kailangang mag-imbento ng iba pang sasabihin. 

Dinampot nito ang interphone and punched three numbers. "Oh, ma'am Iris!" wika nito na marahil ay hindi inaasahang naroon si Iris, bagaman may mga connecting door ang opisina ng company president-vice-president at ng PA. "May bisita ho rito sa labas. Gusto niyang makipagkita kay sir..." She waited for a moment, pagkatapos ay tumingala kay Lora. "May I know your name, Miss..."

"Lora... Lorabelle Floresca.."

"A certain Miss Floresca, ma'am Iris. And she doesn't have an appointment, pero hawak niya ang blue calling card ni sir..." Muling tumingala ang sekretarya sa kanya. "Who referred you, Miss?"	Napahugot ng paghinga si Lora. Hindi niya akalaing magdadaan sa butas ng karayom ang pakikipag-usap sa Mr. Cervantes na ito. 

"A common acquaintance. I'm sorry, pero hindi niya ipinasasabi ang pangalan niya."

Muli'y inulit ng sekretarya ang isinagot ni Lora. May ilang sandaling nakinig sa sinasabi sa kabilang linya bago ibinaba ang interphone. Hinarap nito ang dalaga.

"Ikinalulungkot ko, Miss, pero gustong malaman ni Mr. Cer—" Nahinto ito sa pagsasalita nang bumukas ang pinto ng boss. 

Parehong natuon doon ang mga mata nilang dalawa. Mula roon ay lumabas ang isang matangkad na babae na sa tingin ni Lora'y nasa mid-thirties nito. Poised and stunning. Banayad ang makeup. Her hair in chignon. Nakasuot ng gold yellow dress na ang accent ay malalaking perlas na itim sa leeg at tainga. And black high heeled shoes.

"Sino ang gustong makipagkita kay Karl, Carmen?" tanong nito kasabay ng paglipat ng paningin kay Lora. 

A little frown appeared on her forehead. At tulad ng sekretarya'y mataktikang hinagod nito ng tingin si Lora. Then a friendly and accomodating smile appeared on her coral lips. Humakbang ito patungo sa kanya.

"Hello. I'm Iris. May sadya ka kay Mr. Cervantes?"

She swallowed. "Good... morning." Sandaling nalito ang dalaga. Hindi agad makahagilap ng sasabihin. 

Ano nga ba ang sadya niya sa opisinang iyon? At sa kauna-unahang pagkakataon mula nang matagpuan niya ang mensahe at calling card ay bakit ngayon siya biglang tinakasan ng lakas ng loob. At ano ang isasagot niya kung igiit na malaman ng mga ito kung sino ang nagbigay sa kanya ng calling card?

Now she really was an idiot. Pagtatawanan siya ng mga ito sa sandaling sabihin niya kung saan galing ang calling card. At tama si Lynette, dapat ay itinapon na niya sa trash bin kanina ang calling card o di kaya ay noong mismong araw na makita niya ito. 

"Well?" banayad na pukaw ni Iris sa pagdili-dili niya.

"M-maybe it was a mistake that I came." She cleared her throat. "I–I'm sorry..."

Muling nagdikit ang mga kilay ni Iris sa kalituhang nasa mukha niya. Kinakitaan ng simpatya ang mukha nito para sa kanya. Hinawakan siya sa braso at inakay patungo sa pintong pinanggalingan na tila batang naliligaw.

"Ano ang sadya mo kay Mr. Cervantes? Have you met him in person?"

Umiling siya. "No, ma'am. It was foolish of me to come straight here. I'm applying for... for a—job!" Sinabi niya ang unang alibi na pumasok sa isip niya. "Perhaps it was better if I went to the personnel..."

"I see. Pero narito ka na. Sabi ni Carmen ay may ipinakita kang blue calling card ni Mr. Cervantes... who gave it to you?"

Bago pa makasagot si Lora ay nasa bungad na sila ng nakabukas na pinto. At mula sa kinatatayuan niya'y natanaw niya ang taong sadya niya. In dark blue suit. Nakayuko sa malaking executive desk at may isinusulat. Sa likuran nito'y tinted glass wall na nakatanaw sa buong siyudad.

Nag-angat ng mukha si Karl. Stretched his body lazily. "Sino ang gustong kumausap sa akin—" He stopped in mid-sentence. Bahagyang ikinurap ang mga mata. Umaasang dinadaya lamang siya ng kanyang paningin. He fought to believe na hindi si Lora ang naroroon. He must have longed to see her desperately and his eyes were playing tricks on him.

"Karl!" Nanlaki ang mga mata ni Lora sa pagkamangha. Mabilis na itinaas ang calling card at binasang muli ang pangalang nakasulat doon. 

A. K. Cervantes. Karl ang ibig sabihin ng abbreviation na K. 

Muling umangat ang tingin niya rito. "Ikaw ang A. K. Cervantes na nakalagay dito sa calling card?" Her eyes wide in disbelief.

Even as the world shattered around him, Karl gave her credit for the act of surprise. She was very good. If she were an actress, she could win an award for her performance.

Isang tikhim ang pinakawalan ni Iris. Kung galit lang ang nakikita nito sa mga mata ng pamangkin ay hindi gaanong iindahin ni Iris. What she saw along with fury was pain.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Iris na ang tingin ay pinaglipat-lipat kina Karl at Lora. "But I thought you said you haven't met him..." wika nito kay Lora.

"H-hindi ko alam na siya ang A. K. Cervantes na nakalagay sa calling card—" She stepped back instinctively nang tumayo si Karl mula sa kinauupuan nito na tila ba susugurin at sasaktan siya nito. Bagaman hindi ito umaalis mula sa likod ng executive desk, violence and rage burned blackly in the depths of his dark eyes. His body rippled with the involuntary motion of a predator poised for the kill.

At nakita ni Karl ang ginawang paghakbang paatras ni Lora at ang bahagyang takot na nagdaan sa mga mata niya. Satisfaction filled him. Good. At least, alam nitong totoo ang takot na nakikita nito sa mga mata niya.

"Meet Lora, Iris," ani Karl sa nag-iigting na mga bagang. His voice as cold as his eyes. "Of course, she knew me. Knew my name all along. At nakuha niya marahil ang calling card ko sa cabin. She was with me in my ship for six days, wasn't she?" 

His voice filled with contempt. He did it again! Ha made another mistake of trusting a woman. And he was trapped again by a cold-blooded schemer.

Bagaman totoong namangha si Lora sa natuklasan, hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang galit sa mga mata ni Karl. Hindi ba siya ang may karapatang magalit dahil itinago ni Karl ang totoong pagkatao? 

At totoong namangha siyang malaman ang tunay nitong pagkatao. But she couldn't accuse him of that. Pinagsang-ayunan nilang parehong walang magtatanong tungkol sa isa't isa. An air of mystery.

Maraming tanong ang nag-uunahan sa isip niya. Tulad ng kung sino ang nagpaanod ng botelya at naglagay ng mensahe sa loob niyon. But it would be childishly to do so. Na kaya siya nagtungo sa opisinang iyon ay dahil lang sa mensaheng nakita niya sa botelya. 	Had fate played a trick on her?

Pero ano ang dahilan ni Karl para masuklam sa pagkakita sa kanya roon? All games must end in one way or another. In fact, mas marami nang alam si Karl tungkol sa kanya. 

"I'm sorry..." mahinahon niyang sabi. Itinaas niya nang bahagya ang mukha. She was so sorry that she angered him. At gusto niyang malaman kung bakit.

"Sorry?" Karl closed his eyes for a moment. He didn't trust himself to look at her. It pained him as much as it angered him so. "Sorry that you made me look like a fool?"

"Karl, hindi ko maintindihan kung bakit ka nagagalit," patuloy ni Lora sa kalmante pa ring tinig. 

“Hindi ko alam na ikaw ang nagmamay-ari ng calling card na ito.”

His eyes opened. Nanunukat ang tinging nakatuon kay Lora. "Sa yate pa lang ay alam mo na kung sino ako, 'di ba?" 	Lora shook her head wearily. "No. I—"

"Don't deny it," putol nito sa akmang pagtanggi niya. His voice was soft, cold, vibrant with rage. "Nakuha mo ang calling card ko sa cabin. Nalaman mong ako ang nagmamay-ari ng yate. Didn't you say you like rich men?" 

"Yes, but—"

"At napaniwala mo akong hindi mo gustong tanggapin ang camera. Why, you're a very good actress. But then you were acting all the time, weren't you?"

Hindi makuhang sumagot ni Lora. Hindi malaman kung ano ang sasabihin.

"Let's end this game right this moment, Lora," ani Karl, his chest pumping, his muscles tensed. "Magkano ang kailangan mo sa akin? Tell me." Marahas nitong binuksan ang drawer at naglabas ng tseke. "Kaya hindi mo tinanggap ang camera na ibinibigay ko sa iyo dahil maliit lang halagang iyon, 'di ba? So, how much?"

Nalilitong umiling si Lora. Ang tanong nito ay nakadagdag lang lalo sa kalituhan niya sa nagpupuyos nitong galit at sa mga sinasabi nito.

"Hindi kita naiintindihan." Her voice was small, shaken. Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya, but she wouldn't let the tears fall. Hindi ito ang Karl na nakilala niya. Hindi ito ang Karl na naghahayag na nananabik na makita siya. Hindi ito ang Karl na iniibig niya. "Ano ba ang pinagsasasabi mo?"

"Good... very good," ani Karl sa malamig na tono.

"Alin?"

"The voice. Your face. Mapapalambot mo ang buhay na bato sa paligid ng pantalan mo, pero hindi ako. Hindi ako bato, Lora. I'm a fool. Taken by a pretty and innocent face." Kinuha nito ang sign pen sa pen holder at sumulat ng halaga sa tseke at pinirmahan ito. Pagkatapos ay humakbang palapit kay Lora na nanlalaki ang mga mata sa pagkatanga. 	When he reached for her shoulder bag rougly, tila gustong matanggal ng balikat ni Lora. Ni hindi niya makuhang gumalaw. 

"Sampung camera ang katumbas ng halagang iyan! God, napaniwala mo akong hindi ka nakikipag-sex bago ang kasal! Napaniwala mo akong isa kang matinong babae. Napaniwala mo akong umiibig ka sa akin. And to top it all, I would have—" He stopped before he made a total idiot of himself.And groaned furiously. Because he would have proposed to her today.

"It is true that I love you," she said softly. The tears were threatening to fall. Sa kabila ng galit ni Karl ay naroon ang kapaitan sa tinig nito. At iyon ang tila humihiwa sa dibdib niya.	Umigting ang mga bagang ni Karl. Cold black eyes raked over her as he sneered at her. "You expect me to believe you now? Why, you're nothing but a gold digging female!"	Lora was shocked. Umatras siya nang isang hakbang, and she wondered if she had just fallen off the edge of the world. Alam niyang nasa harap niya si Karl subalit nahihilam na sa luha ang mga mata niya. At bago pa bumagsak ang mga iyon ay tumalikod siya, binuksan ang pinto at patakbong lumabas.

******************Ito yung ayaw ko sa’yo Karl eh kayo tayo nag-break masyado kang nagiging judgemental hindi mo man pinagsalita si Lora parang noong ako nung time na tayo pa char hahahaha. Easyhan mo lang Karl. Nagstop na ako uminom ng supplements mga beshie at so far medyo okay naman pakiramdam ko. Feeling ko nga talaga side effects yun nung supplements eh.  Take care and God bless mga beshie. - Admin A ********************

27

“KARL—”

“I’m a fool, Iris…” he said bitterly. “A complete fool!”

“You were harsh with her. Hindi kaya nagkakamali ka lang? Nakita ko ang pagkamangha sa mukha niya nang makita ka niya. She couldn’t have faked that?”

"She's a good actress!" Ibinagsak niya sa mesa ang kuyom na mga kamay. "Don't let yourself be fooled. Nadaya niya ako!"

"But you couldn't fake pain, Karl. I saw it in her eyes. Bakit hindi mo siya binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag?"

"Nasa kanya ang lahat ng pagkakataong makapagpaliwanag. Wala siyang sinabi sa mga akusasyon ko sa kanya, hindi ba? Sa halip, pinakitaan niya ko na tila siya maiiyak. Why, she could make a stone cry." Puno ng kapaitan ang dibdib nito.

Si Iris ay hindi malaman ang sasabihin. Nang matuklasan ni Karl ang tunay na pagkatao ni Millie ay nagpuyos ito sa galit. It was his pride that was damaged most, not his heart. Subalit sa nakikita nito ngayon sa pamangkin, natitiyak ni Iris na puso ni Karl ang labis na napinsala.

And she didn't know how to console him.	Tumaas ang dibdib ni Karl sa paghugot ng malalim na paghinga. "Tell the lawyers I would like to meet them earlier." His voice was void of emotion. His eyes were bleak and unyielding.	Tinitigan ni Iris ang pamangkin subalit inabala na nitong muli ang sarili sa mga tseke at dokumentong pipirmahan. Humakbang ito patungo sa connecting door at tahimik na lumabas.	Nang mawala sa silid si Iris ay huminto sa ginagawa si Karl. Sinapo ng mga palad ang mukha. 

Hindi niya matiyak kung kaya niya ang sakit ng dibdib na nararamdaman niya. Dahil kung babalik si Lora at humingi ng tawad sa kanya, hindi niya maipapangakong hindi niya ito patatawarin.

Kaninang tumakbo palabas si Lora, gusto niyang habulin. Gusto niyang sabihin ditong sana'y hindi na lang ito nagpunta sa building. Sana'y patuloy na lang siyang pinaniwalang hindi siya nito kilalang totoo. Sana'y patuloy na lang itong nagkunwari.

God, he loved her. And he was willing to give her the world. And his name.

With a pain in his heart, binuksan niya ang harapang drawer. Mula roon ay kinuha ang isang cajeta. Habang patungo siya sa meeting kahapon ay inutusan niya ang sekretarya na tawagan ang isang kilalang jewelry store sa Makati. Kinausap niya ang manager upang magpadala ng iba't ibang klaseng engagement ring first hour in the morning, sa Penthouse.

Binuksan niya ang cajeta at natambad ang isang white gold tiffany. Hindi iyon galing ng Paris o sa Italy o sa alinmang foreign jeweler. Isang kilatis lang ang bato at hindi mangangalahati ang halaga sa mga alahas na ipinagkaloob niya sa mga ibang babaeng nagdaan sa buhay niya.

But he personally, carefully chosed the ring. At it came from his heart. Something he had never done before. At idinikta ng puso niyang iyon din mismo ang gugustuhin ni Lora kung sakaling kasama niya itong pumili.

Sweet, innocent and lovely Lorabelle.

But he guessed he was wrong.

Damn her. Damn her. Damn her.

Kinuyumos ng kamay niya ang jewelry box at ubos-lakas iyong inihagis sa isang bahagi ng dingding.

SA DILIM ng silid ay bumangon si Lynette at lumipat sa kabilang single bed. Naupo sa gilid niyon at banayad na hinawakan sa balikat si Lora na nakadapa sa unan niya.

"Hindi ako tulog, Lora," banayad nitong sabi. "Tulad din ng hindi ako tulog kagabi nang mag-iiyak ka sa buong magdamag."

"I–I'm sorry... kung napuyat kita," she sobbed.

"Hindi mo ako napuyat. Kagabi ko pa gustong magtanong kung bakit biglang-bigla'y nagkakaganyan ka. You were so excited about this seminar. You were so happy when you left the hotel yesterday morning. At hindi ko sana gustong magtanong. Pero magkakasakit ka sa ginagawa mong iyon. Halos hindi ka kumain kagabi sa induction party. Hindi ka nag-almusal kanina at pinaglaruan mo lang ang tanghalian at hapunan natin."	Lora's hands clutched the soft pillow and cried even more.

"Nakahanda akong makinig, friend... it could take off the burden a little."

"Pagtatawanan mo ako..."

"Try me."

"Naalala mo iyong sinabi ko sa iyong botelya na may lamang mensahe at calling card?"	Tumango si Lynette. Inabot ni Lora ang night lamp at sa pagitan ng marahang paghikbi'y sinabi kay Lynette ang buong pangyayari.

"He owned a ship at nasa laot," ani Lynette. "Hindi coincidence ang nangyari, Lora. Nagkataong ikaw ang nakakita sa botelya. Sa palagay mo ba'y ang Karl na ito rin ang gumawa ng mensaheng iyon sa bote na inihagis sa dagat?

"I will never know that," she answered with a sob. "At hindi ko siya naiintindihan, Lyn. Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya maliban sa pakiramdam ko'y gusto niya akong saktan sa matinding galit."

Huminga nang malalim si Lynette. "Siguro'y nabigla siya at hindi niya gusto ang pangyayaring nagpunta ka sa opisina niya. Kahit na nga ba hindi mo alam na ang Karl na nakasama mo sa laot at ang Karl na nakalagay sa calling card ay iisa."

"But why? Bakit basta na lang siya nagalit? In fact, it wasn't anger. It was hatred I saw in his eyes..." She didn't add the pain that she saw, dahil hindi siya sigurado roon.	Umiling si Lynette. "Hindi ko kayang sagutin iyan, Lora. Lahat ay magiging suposisyon lamang. Maaaring hindi niya gustong matuklasan mo ang totoo niyang pagkatao. Maybe he wasn't that serious about the relationship. Did he tell you he loved you?"

Umiling si Lora. "Not in so many words. But... Oh, Lyn." Hindi niya gustong sabihin sa kaibigan na bagaman hindi hantarang inamin ni Karl na may pagtingin ito sa kanya, she could feel it in her heart that he did care for her, too.

"You're young, gullible. At nagkagalit lang kayo ng boyfriend mo. And men like him eat young women like you for breakfast. At gusto niyang manatiling laro lamang ang relasyon ninyo. Then leave you with a brokenheart in the end. Magpasalamat ka na lang at hindi pa ganoon kalalim ang damdamin mo sa kanya. Higit kang masasaktan..."

May higit pa ba sa sakit na nararamdaman niya sa sandaling iyon? At gaano ba kalalim ang malalim na damdamin? She was dying inside. Kung tutuusin ay gusto niyang matulog at huwag na lang magising sa kinabukasan.

"Kinakabahan akong mapapahamak ka o masaktan, anak..."	Her father was right. Tila may premonition na ito sa mangyayari sa kanya sa pagluwas niyang ito. 

"It was my fault," wika niya makalipas ang ilang sandali. "Dapat ay noon ko pa itinapon ang card na iyon. Dapat ay sinunod ko ang sinabi mong ihagis iyon sa trash bin. Sana'y hindi nangyari ito. Sana'y masaya kaming nagkita kahapon..."

"At manatiling nadadaya?"	She cried again. 

Huminga nang malalim si Lynette. "May baon akong sleeping pills. Kailangan ko iyon sa uri ng trabaho ko. You can take half the tablet. It would make you sleep..."

"If I could overdose with—" She stopped. Napatitig kay Lynette. Gustong mapahiya sa sarili. It would be selfishness on her part. She should not even think about it.	So nasaktan siya. Pero dapat bang saktan niya rin ang itay niya? Ang Tiya Lagring niya?	Lynette smiled, puno ng pang-unawa. Lora smiled back between tears.

"Thanks, I won't be needing it."

"Good. Tinakot mo ako sandali roon," ani Lynette na tumayo na at lumipat sa kabilang kama. "

Sa ating dalawa, ikaw ang mas sensible, Lora. Sa maraming pagkakataon ay naiinggit ako sa iyo. While I hopped from one boyfriend to another, nanatili kang chaste at determinado. Keep it up, friend. Another love will come along, someone very special. Wish from your star. You’ve been doing that since time immemorial…“

Hindi siya sumagot. Inabot niya ang night lamp at pinatay iyon. If she would try very hard, she could sleep and forget Karl. 

*******************Mahirap talaga makalimot Lora, ako nga di ko alam paano ako nakalimutan ni Karl char hahahaha. In God’s perfect time na lang Lora gagaling din ang iyong pusong sawi. Kumusta mga beshie? Kawawa naman si Lora nohhh. - Admin A ***********

28

NAGULAT pa si Lora nang paglabas niya sa darkroom ay nasa sala si Nelson at naghihintay.

“Hi,” nakangiting bati nito at agad na tumayo. “Pinapasok ako ng Tiya Lagring mo.”

“Maupo ka uli,” wika niya. Lumakad patungo sa pang-isahang sofa na nasa kanan ng inuupuan ni Nelson.

At hindi pa siya nakakaupo nang husto'y inabot na ni Nelson ang kamay niya. 

"How are you, Lora?" wika nito. "Tatlong linggo ka rin halos na naglagi ka sa Maynila. Kumusta ang seminar mo?"

"It went fine, Nelson," walang kabuhay-buhay niyang sagot. 

She wondered how she had lasted three weeks in Manila. Siguro sa likod ng isip niya'y umaasa siyang tatawag sa hotel si Karl. O kung hindi man sa hotel ay sa teleponong iniwan nito sa kanya na hindi niya nagawang isauli. Pagkatapos ng seminar ay inanyayahan siya nina Glen at Lynette na sa bahay na ng kamag-anak ng una tumuloy at magpalipas pa nang dalawang linggo sa Maynila. 

Gusto man niyang tumanggi ay minabuti niyang sumang-ayon na. Isa pa'y hindi papayag si Lynette na uuwi siya kaagad. Pangalawa, gusto niyang maubos ang mga luha niya bago siya umuwi sa kanila. Hindi niya gustong mag-alala ang ama at tiyahin. 

Ang tiyahin ni Glen na isang matandang biyuda ay tuwang-tuwa pa nang dumating sila. At least daw ay may tatao sa bahay nito habang nasa Baguio ito.

Gabi-gabi ay umaasa siyang tatawag sa kanya si Karl. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi niya isinasauli ang cell phone nito. She could have returned it to him. Iwan iyon sa security guard upang ibigay rito. Subalit hindi niya ginawa. Iyon na lang ang link niya rito. Ang nagsisilbing alaala niya rito. She was sure she saw love and concern in his eyes when he left the phone to her. 

At sa tatlong pagkakataon na tumawag sa kanya si Karl, bago siya lumuwas sa Maynila, bagaman hindi nito iniusal ang mga kataga, natitiyak niyang may damdamin ito sa kanya. It was in his voice... sa mga pahapyaw na salitang ginamit. At kahit noong araw na kunan niya ng larawan ang yate nito. 

Or maybe it was only her imaginations working, iyon ang gusto niyang paniwalaan dahil mahal niya ito. Sabi ni Lynette, baka lalong isipin ni Karl na pinag-interesan niya ang cell phone nito kung hindi niya isasauli.

But surely Karl wouldn't think that of her. Pinunit na niya ang tsekeng pagalit nitong isiniksik sa bag niya.

One day... she would return the phone. When she was over him. And she was certain she'd forget him. But Karl had to wait in a million years or so.

"Hey!" Pinitik ni Nelson ang dalawang daliri sa harap ni Lora. "Ang layo ng nilalakbay ng isip mo, ah..."

Napakurap ang dalaga. Hinila ang kamay na hawak ng binata. "I'm sorry... ano na nga iyong sinasabi mo?"

"Ilang araw bago ka lumuwas sa Maynila'y may nakakita sa iyo sa pantalan n'yo, Lora," Nelson said impatiently. "Kinukunan mo ng litrato ang isang malaki at mataas na lalaki..." Sandaling tumiim ang mga bagang nito bago nagpatuloy. "Ang sabi ng nakakita'y magandang lalaki ito at walang suot na pang-itaas. And the boy even saw you in his arms..."

"Nelson..."

"At ang lalaking iyon ay muling nakita ng nagsumbong sa akin kinabukasan. I almost didn't make it here to see if it was true. Nasa loob na siya ng rented car nang dumating ako. Naroon lang ako sa kabila ng daan pero hindi mo ako nakita... Nakatuon ang buong pansin mo sa kanya." 

Hindi makapagsalita si Lora sa akusasyon na nasa tinig ni Nelson. 

"Sino at tagasaan ang lalaking iyon, Lora? Siya ba ang dahilan kung bakit bigla ka na lang nakipagkalas sa akin?"

"He modelled for me, Nelson." That, in a way was true. "Maliban doon ay hindi ko siya gustong ipakipag-usap sa iyo. Isa pa, kung ano mang malisya ang nakarating sa iyo, alam mong tapos na sa atin ang lahat. Tinapos mo..."

Nelson held his temper. Nagyuko ng ulo nang ilang sandali bago muling hinawakan ang kamay ni Lora at tumitig dito.

"I love you, Lora. Hindi nagbago ang pagtingin ko sa iyo. Kung may nagawa man akong kasalanan ay humihingi ako ng tawad. Normal lamang iyon sa magkasintahan, 'di ba?"

"Hindi ko na matandaan kung ano ang ikinagalit ko sa iyo, Nelson." That at least was true. Ni hindi na niya matandaan kung ano ang ikinagalit niya rito. Ang buong kaisipan niya'y okupado ni Karl. At kung hindi niya nakita ngayon si Nelson ay ni hindi niya maiisip ito. 

"Then we could start all over again, Lora. Parang walang nangyari. Kinukumusta ka nina Daddy at Mommy. Umaasa silang matutuloy pa rin ang kasal natin..."

Umiling siya. "I'm sorry, Nelson. Pero matagal ko nang natiyak sa sarili kong pagtinging kapatid lamang ang iniuukol ko sa iyo..."

Muling umigting ang mga bagang ni Nelson. "Hindi ako naniniwala sa sinasabi mong iyan. You love me, Lora. Okay, nagkamali ako. But surely, I'm entitled to your forgiveness. Sinabi ko na sa daddy na hindi ako tatakbo sa darating na halalan..."

Isang payak na ngiti ang pinakawalan ni Lora. "Hindi mo kailangang gawin iyon, Nelson. Ikinalulungkot ko, pero hindi ko na maibabalik sa dati ang lahat. May iniibig na akong iba..."	Kung hindi nagpigil si Nelson ay baka naipakita na nito ang matinding galit at panibughong nararamdaman. Ilang beses itong humugot ng malalim na paghinga bago muling nagsalita.

"Hindi ko na aalamin kung sino ang bago mong pag-ibig, Lora. At hindi ako nawawalan ng pag-asang maibabalik ko ang dati mong pagtingin."

"Nelson, please. I don't want to give you false hope—"

"Huwag mo akong pigilin sa pagpunta ko rito, Lora. Dati tayong magkaibigan. Maaari namang magsimula tayong muli sa pagiging magkaibigan. Natitiyak kong hindi mo ipagkakait sa akin iyan." Tumayo na ito at humakbang patungo sa pinto. "Ipagpaalam mo na lang ako sa tiya mo." 

*************Hello mga beshie, ngayon ko lang naalala matapos ang anim na taon, mga year 2014 nung bago pa lang me sa FB, may nag-PM sa akin dati sabi magrole play ako ng mga characters sa KS tapos ang unang binigay sa akin ay kay Karl now ko lang naalala kasi name ni Lora ang password ko nun sa FB, sa mga nakilala ko nuon shoutout sa inyo char hahahaha kung hindi dahil sa inyo wala ako dito now.  Kaya pala malakas ang koneksyon namin ni bebe Karl kasi matindi ang aming nakaraan char hahahaha. -Admin A **************

29

SA LOOB ng dalawang buwan na matuling lumipas ay hindi miminsang dumalaw si Nelson upang suyuin siyang muli sa kabila ng paulit-ulit niyang pagtanggi rito.

At sa loob din ng dalawang buwan ay unti-unting nalilibang si Lora sa pagbabalik niya sa trabaho sa travel agency. Not as a tour guide, but as an official photographer. 

At wala siyang natatandaang araw na hindi sumagi sa isip niya si Karl. She had never stopped loving him. Pero kailangang patuloy ang buhay. At malaking bagay ang trabaho niya upang mawaglit ang isip niya kahit sandali rito. Bagaman sa bawat pagtanaw niya sa dagat ay mukha ni Karl ang nakikita niya.

Alam niyang hindi lang kumikibo ang itay at tiyahin niya tuwing nakikita siyang nakatanaw sa malayo. O di kaya'y ang mahahabang oras na ginugugol niya sa pantalan nang nag-iisa. Kahit si Rufus ay hindi na niya gaanong napagtutuunan ng pansin. Naghihintay lang marahil ang mga ito na maghayag siya ng damdamin niya.

One day... soon. Kung hindi na ganoon kasakit ang nararamdaman niya. 

NAGULAT si Lora nang pag-uwi niya galing ng bayan nang hapong iyon ay madatnang nasa sala nila si Lynette at kausap ng tiya Lagring niya.

"Lyn!" bulalas ni Lora. Inilapag ang bag sa sofa at naupo sa tabi ng kaibigan.

"Siya, maiwan ko na kayong dalawa. Magpapakain pa ako ng mga itik." Lumakad na patungo sa kusina si Tiya Lagring.

"Kanina pa po ako rito. Inabot na ako ng paglubog ng araw," wika ni Lynette at hinagod siya ng tingin. 

"Ano ang nagpatawid sa iyo sa dagat para puntahan ako?"

Lumabi si Lynette. "Hus... para namang hindi ko siya nadadalaw noon dito. Ikaw nga diyan, ni hindi ka man lang—"

"Okay... okay!" She laughed. "Ano ang balita? 'Sabi mo sa huling sulat mo'y natanggap kang official photographer sa isang big time magazine."

"Yap. Ako ang official photographer ng mga cover model."

"So, big time na ang kaibigan ko."

Ngumiti lang si Lynette. Pagkuwa'y muli siyang tinitigan, then asked softly. "How are you? Malaki ang inihulog ng katawan mo."

"Mas sexy ako ngayon?" pabirong sabi niya. Nang hindi sumagot si Lynette at nanatiling nakatingin ay napabuntong-hininga si Lora. "Getting by. At huhulaan ko kung bakit ka narito. Isang personal na imbitasyon para sa kasal ninyo ni Glen." Inalis niyang sa kanya matuon ang usapan. 

Natawa si Lynette. "Hindi iyan ang sadya ko. Pero huwag kang mag-alala, pinag-uusapan na namin ni Glen iyan. Four months from now, pero wala pang definite date. At siyempre, ikaw ang maid of honor ko..."

Lora rolled her eyes. "Salamat naman."

"Loka." May dinukot ito sa bag at ibinigay sa kanya. 

"Ano ito?" Binasa niya ang brochure na inilagay ni Lynette sa kamay niya. "Photo exhibit!"

"Yap. Sa Megamall. At sasali tayo. We will rent a booth."

Napatingin siya sa kaibigan. "Lyn, alam mo ba kung magkano ang isang booth?"

Nagkibit ng mga balikat si Lynette. "Mahal, alam ko. Pero hindi ganoon kamahal kung paghahatian nating dalawa. And it's worth the expense, Lora. Iyon ang pagkakataon mo... natin. 

At sa sandaling may bumili sa mga kuha nating larawan, o, di bawi na iyong gagastahin natin. Plus, baka may kumuha sa ating photographer sa isang de-klaseng magazine!“

"Pero wala akong magandang camera na magagamit..."

"You don't need to take new pictures. Nasabi mo sa aking kinuhanan mo ng picture ang yate ni Karl, 'di ba?" 

Tumango si Lora. Nasa darkroom pa rin ang rolyo ng film. Hindi pa niya idine-develop. She was afraid she'd burst into tears tulad sa isang nasirang dam kung makikita niya ang mga larawang iyon.

"Sapat na iyon. You used his camera. At may tiwala ako sa kakayahan mo, friend. I saw some of the photos na kinunan mo noong college tayo. It was good. At ang mga best photo ko, lalo na iyong mga ipina-develop ko sa life-size, ay kuha mong lahat."

"Kinakabahan ako, Lyn. Baka magmukha lang tayong katawa-tawa roon among the experts..."

"Shut up. I will arrange everything. Padalhan mo ako ng express mail kung kailan ka luluwas."

"Are you sure this is a good idea?"

"Positive. Now get to work. Huwag kang magmukmok. Aalis na ako." Isinukbit nito ang shoulder bag kasabay ng pagtayo. 

"Hapon na, ano ba?"

"Precisely. Kaya nga kailangan kong umalis na dahil baka abutan kami ng malalaking alon. Nagrenta lang ako ng bangkang de-motor para makatawid dito. Pakisabi sa Tiya Lagring na aalis na ako. And friend, I'm counting on you..."

A worried sigh came out of Lora's lips. 

NANG sabihin ni Lora sa itay niya ang tungkol sa exhibit ay agad ang pagsang-ayon ni Gaudencio. At kahit hindi niya sinabi’y nagpauna na ang ama na bibigyan siya ng sapat na halaga para sa lahat ng gastusin.

"'Tay..." Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya. Niyakap ang ama.

"Huwag mong hayaang may pumatak na luha, Lorabelle. Natitiyak kong nitong mga huling araw ay marami ka nang luhang sinayang. Tama si Lynette, magsimula ka nang magtrabaho para sa exhibit na iyon."

She smiled at her father through misty eyes. "Salamat, 'Tay."

***************Naalala ko tuloy ang mga parents ko na todo support lang sa akin. Na kahit dumaan na ako sa maling landas ay nariyan pa rin sila para tulungan akong makabangon, noong mga time na lugmok na lugmok ako. Naiiyak ako, ramdam kita Lora, hindi man ako sawi sa pag-ibig pero ramdam ko ang pakiramdam na may tumutulong at gumagabay sa’yo para makabangong muli. Take care mga beshie. Happy weekends sa lahat. God bless. - Admin A ***************Parang gusto ko pang magkwento pero tsaka na siguro hahahaha.

30

“WOW!” bulalas ni Lynette nang makita ang mga kuhang larawan ni Lora kay Karl. “Fantastic!”

“And look at this, honey,” ani Glen at inilapag sa mesa ang kuha ni Lora sa yate. “It looked like a great black bird flying accross the dying sun!”

Lora was breathless. Hindi makapaniwala sa papuring tinanggap mula sa dalawang kaibigan. 

"And so this is Karl! Why, he looked like a buccaneer! A pirate!" Lynette picked up another photo. "And look at his eyes... so dark against the light... At ang isang ito... ang pagkakuha mo sa buhok niya habang nakayuko siya sa tabla. Parang may kung anong liwanag na naglalaro sa ulo niya." 

"I, myself would like to buy one of these photos, Lora..." Nagsimulang isa-isahin ni Glen ang mga larawan upang mamili. 	He was having a hard time choosing what he really wanted when Lora's soft and determined voice echoed around.

"Those photos are not for sale, Glen..."

"What?" simultaneous na wika ng dalawa.	She refused to meet their eyes for a while. Pagkuwa'y isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Those photos are my personal collections. I'll put them up sa exhibit pero hindi ko ipagbibili." 

"Lora..."

"Yes, Lynette. And don't worry about my share of expenses. Nagbigay ng pera si Itay. Ang future job ko ang ipagbibili ko, hindi ang mga iyan."	The couple shrugged their shoulders. Si Glen ay nasa mukha ang panghihinayang. Si Lynette ay pagkaunawa.

"All right, tara na sa mall," yakag ni Lynette sa masiglang tinig. "Iaayos natin ngayong gabi ito. Bukas ang simula ng exhibit."

MARAMING tao sa photo exhibit na iyon sa fifth floor ng Megamall. Higit sa lahat sa booth nina Lora at Lynette. Hindi magkamayaw ang dalawa sa pag-entertain sa mga taong nagnanais bumili. Hindi rin malaman ni Lora kung paano tatanggihan ang nagpupumilit na bilhin ang mga larawan ni Karl at ng yate. Ang iba’y nag-aalok pa ng malaking halaga.

Hindi iilang tao ang pinangakuan niyang gagawan ng trabaho. May humihingi ng address at telepono niya, na agad ay nagpresinta si Lynette na ibigay ang contact number nito dahil wala siyang maibibigay. Some left calling cards at nangako siyang magtatrabaho para sa mga ito.

Ang mga kasamahan ni Lynette sa trabaho ay kinunan ng larawan ang buong booth at ang mga trabaho ni Lora, with her permission ay ilalagay sa magazine. And of course, may bayad.

"Wow!" si Lynette at niyakap ang kaibigan nang gumabi na at nagsasara na ang exhibit. "This is the first day and you are inundated with job offers, Lora. Paano pa sa susunod na anim na araw?"

"Thank you, Lyn," she said sincerely. "Kung hindi dahil sa iyo'y—"

"Nonsense!" Lynette scolded gently. "May mga nabili rin sa akin at mga bata pa tayo'y alam kong mahusay kang talaga. What you need is exposure. And this is it!"

Tumawa si Lora. "Hindi mo nabanggit ang tamang camera. At dahil wala naman akong ipinagbili, wala rin akong pambili ng magandang camera."

"That would be the least of your worries. Mangungutang tayo sa itay mo. Isasanla ni Tatay Gaudencio ang bahay n'yo."

Both women laughed. Then Lora turned to stare at Karl's photos. Agad ang pagkalat ng lungkot sa dibdib niya. She missed him so much. Lumilipas ang mga araw at totoong nakakangiti na siya, but she felt so empty.

But maybe... just maybe he'd forget him... Time heal all wounds.

*************Hello mga beshie, sorry ngayon lang nakapag-update naglipat kasi ako ng pwesto kanina. Di bale malapit na pala itong matapos. Tsaka may nakita ako sa FB na naka 30% off ang mga books ni Ms. MC kaya avail n’yo na sa www.preciousshop.com.ph . Bilhan n’yo na rin ako char hahahaha. Ano’ng favorite n’yong stories ni Ms. MC?  Malamig na hapon sa inyong lahat at mag-ingat tayo mga beshie. Malakas pa naman yung bagyo.  - Admin A *************

31

SA IKATLONG araw ng exhibit ay dumating si Nelson sa pagkagulat ni Lora.

"Paano mong nalaman?" tanong niya.

"Maliit lang ang bayan natin, Lora. Walang maitatago. Isa pa'y hindi naman magsisinungaling ang itay mo sa daddy nang kumustahin ka."

Tumango si Lora. Ipinakilala niya si Nelson kay Lynette.

"So you're the best friend," ani Nelson, nakangiti at kinamayan ang dalaga. "Pleased to meet you, Lynette..."	"Same here, Nelson..."

Subalit agad na bumitaw si Nelson mula sa pakikipagkamay at lumakad patungo sa mga photo na nakasabit sa wall ng booth, ganoon din sa isang malaking larawan ng barko na nakalagay sa tripod. Subalit ang higit nitong pinagtuunan ng pansin ay ang life-size photo ni Karl na nakatagilid at nakatalungko sa tabla at tila kinukumpuni ang haligi ng pantalan. 

Nelson couldn't see the model's face. Kinunan iyon sa paraang bahagi lamang ng mukha ni Karl ang makikita. Wala itong suot maliban sa pantalong maong at ang may kahabaang buhok nito na humahaplos sa matipunong likod. 

Habang nakatalikod si Nelson at nakatingala sa larawan ay nagkatinginan sina Lora at Lynette.

Tumiim ang mga bagang ni Nelson subalit nang lumingon ito sa dalawang babae ay tiniyak nitong ngiti ang nasa mga labi.

"Hindi ko akalaing ganito ka kahusay, Lora!" bulalas nito. 

"Thank you, Nelson." Ikinasiya ni Lora ang sinseridad sa tinig ni Nelson. At least, nakita nito ang makasining na bahagi ng mga litrato.

"So this calls for a celebration!" Tumingin ito sa relo sa braso. "Eleven pa lang, pero puwede nang mag-lunch..."

Nagkatinginan ang dalawang babae. Tinanguan ni Lynette si Lora. "Go ahead. Ako ang tatao dito sa booth."

"Pero..." 

"She's right, Lora," sang-ayon ni Nelson. "Kung sabay kayong dalawa'y walang tatao rito."

"Come on," hikayat ni Lynette nang patuloy na mag-atubili ang kaibigan. "Ipagbalot mo na lamang ako." Sinabayan nito iyon ng tawa.

"Sure," agad namang sabi ni Nelson. "Let's go, Lora..."	Kinuha na ni Lora ang shoulder bag at isinabit sa balikat at hindi na kumibo nang akbayan siya ni Nelson.

“SANA’Y sa loob ng mall na lang tayo kumain. Marami namang kainan doon, ah,” ani Lora nang iginigiya na siya ni Nelson sa loob ng taxi.

"Mas gusto kong kumain tayo sa tabing-dagat, Lora. Para na ring nasa atin tayo at mas gusto ko ang alaalang papasok sa isip ko kapag dagat ang nakikita ko."

"Tabing-dagat?" gulat na napalingon si Lora sa katabi lalo na nang sabihin ni Nelson sa driver na sa Manila Yacht Club sila dalhin. "Ano ang gagawin natin doon? Bago tayo makabalik sa mall ay gabi na dahil sa traffic..."

"Relax," nakangiting sabi ni Nelson. "Ano ang ipag-aalala mo, naroon naman ang kaibigan mo."	Huminga siya nang malalim at hindi na kumibo. Inalis ang kamay ni Nelson na nakaakbay sa kanya at sumandal. Hindi nagreklamo si Nelson at ngumiti lang.

NASA exhibit si Iris at nasa booth ng isang kaibigang bakla.

"How many have you sold?" tanong niya sa kaibigan.

"Tatlo pa lang. At lahat ng bumili ay mga kaibigan pa natin, iyong mga pinadalhan ko ng imbitasyon!" Umiikot ang mga matang sabi nito.

"Isang picture sa isang araw," ani Iris na bahagyang nagkibit ng mga balikat. "Not bad. Mag-iikot ako sa ibang mga booth..."

"Okay. Buy something that pleases you pero siguruhin mong may bibilhin ka rin sa akin, darling..."

Tumawa si Iris. "Sure..." She started browsing. From one booth to another. She would have turned to the left nang mapunang sa dulo ng nilalakaran niya'y maraming tao ang nagkakaipon-ipon sa hulihang booth. She got curious at lumakad patungo roon.

“I’M SORRY, sir, pero hindi po ipinagbibili ang larawang napili ninyo. Para sa display lang po iyan. But if you want your photos to be taken, I’m sure…”

Iyon ang naririnig na paliwanag ni Iris na sinasabi ng babaeng nag-e-entertain sa mga tao. She sounded like a broken record sa paulit-ulit na pagtatanong ng mga customer.

Umangat ang mga mata niya sa mga larawan ni Karl na nasa dingding. If she didn't know better, hindi niya makikilalang si Karl ang modelo. Then her eyes moved to the ship's photo. She was impressed. 

Then something caught her eyes. Nasa isang sulok ng booth. Nakapatong sa isang maliit na mesang bilog. Tinitigan niya iyon nang matagal bago lumabas ng booth.

Kinuha ni Iris ang cell phone sa bag at dumayal. "Karl? Yes... Gusto kong magpunta ka rito sa mall as fast as you can... Please... this is very important... No, hindi ko masasabi sa telepono... From here you can go straight to the meeting. Okay... Megamall, fifth floor. I'll meet you at the escalator."

“WALANG restaurant dito, Nelson!” pagalit na sabi ni Lora nang ibaba sila ng taxi sa Manila Yacht Club at lumalakad na sila sa breakwater.

"Keep on walking, Lora. Makararating din tayo roon," utos ni Nelson at mahigpit siyang hinawakan sa braso, urging her to walk faster.

Pagalit na humarap si Lora. "No. Babalik na ako. At hindi mo ako kailangang ihatid sa mall. And you can forget about the lunch!"

Subalit hindi binibitiwan ni Nelson ang braso niya at hinaklit siya pabalik. "Huwag mo akong piliting gumawa ng hindi mabuti, Lora. Hindi ko gustong gawin iyon. Sumama ka nang mahusay..." 

But she stood her ground. "Ano ang ibig sabihin nito, Nelson? Hindi totoong manananghalian lang tayo, hindi ba?"

"Hindi ko gustong gawin sa iyo ito, Lora," Nelson said with a sigh. "Kung pumayag ka lang na ibalik natin sa dati ang lahat, sana'y hindi nangyari ito."

Nanlaki ang mga mata ni Lora sa narinig. May kabang bumundol sa dibdib. Nagpalinga-linga siya. Puno ng mga pribadong yate at sasakyang pandagat ang magkabilang paligid ng breakwater. Alam din niyang may mga tao ang ilan sa mga yateng iyon.

"Don't ever think about it," banta ni Nelson na nababasa ang ikinikilos niya. "Hindi ako mangingiming gamitin sa iyo ang baril na ito, Lora." Maingat nitong iniangat nang bahagya ang polo shirt at ipinakita sa kanya ang baril na nakasukbit sa baywang nito.

Napasinghap si Lora. Nanlalaki ang mga matang nakatitig pa rin sa may baywang ng lalaki kahit na naibaba na nito ang polo shirt. Hindi si Nelson ang gagawa nang ganito. Bagaman minsan ay parang bata na laging kailangang sundin ang gusto, he was sweet and... Huminto roon ang pag-iisip niya sa mga katangian nito. May kahambugan, sabi nga ng tatay niya. So hambog si Nelson. Pero hindi niya lubos-maisip na kaya nitong gawan siya ng masama.

"Sige, lakad," utos ni Nelson na nagpapitlag sa kanya. Iginiya siya nito pababa sa isang hagdanang-bato. Sa ibaba sa tubig ay napapagitnaan ng dalawang yate ang isang malaking speedboat. At may lalaking nakatayo sa labas niyon. 

Bumulong si Nelson nang makitang nakatingin siya sa lalaki. "Kung wala kang pagpapahalaga sa buhay mo, think about your father..."

Marahas na nag-angat ng paningin si Lora. Nawalan ng kulay ang mukha. Kung kanina'y bahagya lang ang kaba niya dahil naiisip niyang kaya niyang pakitunguhan si Nelson ay biglang tila sasabog ang dibdib niya sa kaba sa sinabi nito.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Huminto siya sa paghakbang.	Subalit ngumisi lang si Nelson. May dinukot sa bulsa ng pantalon. Tinawag ang lalaki sa ibaba at nagbigay ng ilang dadaanin dito. Nagpasalamat ang lalaki at tumakbo na papanhik sa breakwater. Bahagya lang dinaanan ng tingin si Lora.

"Ano ang ginawa mo sa Tatay?!" 

"Walang mangyayari sa tatay mo kung susunod ka sa lahat ng sasabihin ko sa iyo, Lora. Pero kung hindi'y..." Sadya nitong ibinitin ang sinabi. Bumaba ang mga mata sa cell phone na nakasabit sa pantalon. "Isang tawag ko lang at... bang!" Iginiya nito si Lora pasampa sa speedboat. Pinaupo siya sa isang sulok.

"Bakit mo ginagawa ito, Nelson?" tanong niya sa gumagaralgal na tinig. Nagsisimula nang bumangon ang takot sa dibdib niya. Takot para sa ama at sa sarili. 

 "Maraming beses kitang sinuyo pero tinanggihan mo ako. Binigyan mo ako ng kahihiyan sa mga magulang ko at sa ibang tao! Hindi lang ang pamilya ko ang nakaalam tungkol sa lalaking kasama mo sa pantalan. Ang konsolasyon doon ay wala na uling nakakita sa lalaking iyon sa atin. Napaniwala ko ang mga magulang kong modelo mo ang lalaking iyon." He started the engine.

"He was my model. And you're right, I have never seen him again after that."

"Naniniwala ako sa iyo. Pero siya ang dahilan kaya nanlamig ka sa akin. Hindi dahil papasok ako sa politika." Paismid itong ngumiti at hinagod siya ng tingin. "I love you, Lora. Iyan ang totoo. At pagkatapos nito, matutuloy ang kasal natin at magiging asawa ka ng isang politiko!" 

"Hindi mangyayari ang gusto mo dahil kahit na ano pa ang gawin mo'y hindi ako pakakasal sa iyo!"

"Your father may have another opinion on the matter, kapag nalaman niyang itinanan kita." He paused for a while, then he added, "Katunayan... alam ng tatay mo ang balak ko dahil... pero tiniyak ko sa kanyang handa naman akong pakasalan kita." 

Nanlulumong napatingin sa karagatan si Lora. Mabilis na silang nakalayo mula sa breakwater. Sinisikap niyang ikalmante ang sarili at ituon ang isip sa kung paano niya mapapahinuhod si Nelson na pakawalan siya. 

"Nelson, please. Ibalik mo na ako. Bakit hindi mo tanggaping hindi tayo para sa isa't isa?" Nilakasan niya ang tinig upang mangibabaw iyon sa tunog ng motor.

"At sino ang para sa iyo?" singhal ni Nelson sabay lingon sa kanya. "Ang lalaking modelo mo?" Umismid ito. "Naibigay mo na ba ang sarili mo sa kanya, ha, Lora?" Bigla'y tumalim ang mga mata ni Nelson. Pagkuwa'y tumawa at umiling. "No. Hindi ka ganoon, Lora. Kilala kita. Bukod sa bigla na lang nawala ang lalaking iyon. Siguro nga'y modelo mo lang at dahil sabi nga ng nakakita'y magandang lalaki ito, naakit ka. Ang ipinagtataka ko lang ay kung saan mo nakilala ang lalaking iyon..."

Nelson had explained it all accurately. Maliban sa bahaging naakit siya kay Karl dahil nagkagalit sila ni Nelson. Natitiyak niyang iibigin niya si Karl ano man ang sirkumstansiya. Ang ipinagpasalamat niya ay ang pagkatuklas sa rason ng mag-ama nang i-pressure siyang madaliin ang kasal. Natuklasan niyang wala siyang pag-ibig dito. 

Nag-init ang sulok ng mga mata ni Lora. Binuksan ang shoulder bag at dinukot ang panyo. Kasalukuyan niya iyong inilalabas nang lingunin siya ni Nelson. He snorted at ibinalik ang atensiyon sa manibela. 

Ipinapahid ni Lora sa mga mata ang panyo nang biglang maisip ang nahagip ng kamay niya sa bag. 

Ang cell phone ni Karl!

Napatingala siya kay Nelson na nakatalikod sa kanya. Muli niyang ipinasok sa bag ang kamay at kinapa ang cell phone. Hindi siya magtataka kung sasabog ang dibdib niya sa matinding kaba. Maingat niyang kinapa ng thumb finger ang ilang numero.	Oh, Karl... please help me...

**************Parang ang bilis matapos ng story ni Karl at Lora. :( - Nagkaka sepanx ako dito kay bebe Karl ko eh char hahahaha. Musta mga beshie? - Admin A ************

32

“SEE FOR yourself,” ani Iris kay Karl at itinuro ang mga larawang kuha ni Lora dito at sa yate nito. Humugot ng malalim na paghinga si Karl nang mapagmasdan ang mga larawan. Magkahalong pananabik at galit ang nag-uunahan sa dibdib niya. The photos reminded him of the way Lora made him looked like a fool. Subalit sa kabila ng lahat ng damdamin ay sumisingit ang paghanga sa mga gawa ng dalaga. She was very good.

"If only I could capture her on film. She would be my masterpiece!" 

Masterpiece, yes. The ship was also his masterpiece. His pride and joy. Wala pa iyong isang taon mula nang matapos. He helped build the ship... designing her. And he haven't even thought of the name he would give her.

Subalit mula nang matuklasan niyang walang ipinagkaiba si Lora sa ibang mga babaeng nakilala nito ay hindi na siya muling tumuntong pa sa yate. Hindi niya kayang sumakay na muli at maglayag. Now the ship was anchored for more than three months now somewhere in the waters of Paso de Blas.

"Kung hindi mo sinabi ang tungkol sa pagkuha niya ng litrato sa yate ay hindi ko makikilalang ikaw ang mga iyan, Karl." Iris' voice drifted into his thoughts. "She was fantastic! And look at your ship. Traditionally, a ship is referred to as 'she.' Pero tingnan mo kung paano niya kinunan ng larawan? There was a masculine potency in the picture. At hindi lang niya basta kinunan ng larawan ang yate, Karl. Lora photographed your very soul!"

Tumiim ang mga bagang ni Karl. Pain and yearning sliced through his heart. Sa loob ng tatlong buwan, Lora haunted him. Walang gabing hindi nito inokupa ang buong pag-iisip niya. Walang umagang hindi ito ang unang pumapasok sa isip niya sa tuwing nagigising siya. If he ever had gotten a good night sleep.

Sa naniningkit na mga mata ay nilinga niya si Iris. "Damn it, Iris! Ito lang ba ang dahilan kung bakit kailangang sumuong ako sa traffic at mahuli sa meeting?" he asked angrily. 	Bumati si Lynette. Sandaling kumunot ang noo at pinaglipat-lipat ang tingin sa mga photo at kay Karl. 

Bahagya lang nginitian ni Iris si Lynette at humakbang papasok sa sulok ng booth habang hawak sa braso si Karl. "Look at that, Karl?" Itinuro nito ang isang kuwadradong salamin. At sa loob niyon ay ang botelya ng Chardonnay. Inside was its label and Karl's calling card.

Karl stiffened. "Iyan ang—"

"Precisely," sagot ni Iris. Nilingon si Lynette. "Nasaan si Lora? Sa kanya ang mga photograph na ito, hindi ba?"

"Yes, ma'am. Umalis ho sandali. She went out for lunch." Ngayo'y natiyak ni Lynette na si Karl ang modelo ng mga larawan. Tiningala nito ang binata. "You must be Karl," lakas-loob nitong sabi. 

Karl turned to her. Surprised by the animosity in her voice. At bago pa siya makasagot ay dinugtungan ni Lynette ang sinabi.

"Hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo rito. Unti-unti nang nakaka-recover si Lora sa ginawa mo sa kanya. I hope you will leave bago siya magbalik at makagawa ka ng panibagong damage sa damdamin niya..."

Tumikhim si Iris at nginitian si Lynette. "I understand your concern, Miss. Pero gusto kong itanong kung kanino ang laman ng glass na ito? This wine bottle and its contents?"

Karl waited impatiently for Lynette's answer. His heart hammered on his chest violently. Nagkamali ba siya ng pag-aakusa rito?

Tumingala si Lynette kay Karl at tumitig dito nang deretso. "My friend found that stupid bottle while fishing. Kept it and had met you at the same time. Never knowing that the man who owned the calling card was the same wrong man she fell in love with. She had six hours to kill before meeting you. Ang kuryosidad niya sa calling card at sa mensahe ang nagtulak sa kanyang palipasin ang anim na oras at magtungo sa opisina mo..."

"Oh, god!" Nanlumong napaatras sa dingding ng booth si Karl. Closed his eyes so tightly. Raised his head and groaned. 

Namangha si Lynette sa nakikitang anyo ni Karl. Had there been a misunderstanding? 

Si Iris ay gustong mabiyak ng dibdib. Both for Karl and Lora. She took a handkerchief from her purse, kasabay ng pag-ring ng cell phone na nakasabit sa slacks ni Karl. Nang hindi ito kumikilos para sagutin ang CP ay si Iris na mismo ang kumuha niyon mula sa pagkakasabit sa pantalon ng binata. She was certain it was Nathaniel at kasalukuyang naghihintay kay Karl para sa meeting.

"Hello..." ani Iris. Bukas ang linya subalit walang sumasagot. "Hello..." Idinikit niya nang husto sa tainga ang telepono. Malayong tinig ang naririnig nito sa kabilang linya. Ang tinig ay nalulunod sa tunog ng... ng motor?

Nilingon ni Iris si Karl. "Karl?"

“SAAN ba talaga tayo pupunta, Nelson?” si Lora. Nagsisikap na huwag maputol ang pag-uusap nila. Higit na nilakasan ang tinig. “Ano ang gagawin mo sa akin? Please, ibalik mo na ako sa amin. Hindi ako pakakasal sa iyo…”

"Shut up! Paulit-ulit iyang sinasabi mo. Para kang sirang plaka."

"Labag sa batas ang ginagawa mo. This is kidnapping!"

"I'll marry you. There will be no scandal. Titiyakin iyon ng tatay mo. Hindi siya papayag na masira ang pangalan ninyo, lalo na sa posisyon niya. Besides, bahala si Daddy sa legal na aspeto."

“KARL, listen to this, please…” pakiusap ni Iris. “Lagaslas ng tubig, motor at mga tinig ang naririnig ko…”

Subalit hindi tumitinag sa kinatatayuan si Karl. If he'd die that moment, mamatamisin niya. 

Nilingon ni Iris si Lynette na naupo sa isang silya. "Where's Lora? Who was she with?" 	"K-kasama siya ng... ex-boyfriend niya. Bigla na lang lumitaw rito at niyaya siyang kumain. Hindi sana gustong sumama ni Lora but I... I urged her to—" Hindi nito natapos ang pagsasalita. Karl moved and snatched the phone from Iris.

"Hello! Hello...!" 

SI LORA nang mga sandaling iyon ay palihim na inilalabas ang telepono habang patuloy na nagsasalita at pasulyap-sulyap kay Nelson. Sinulyapan niya ang telepono at alam niyang may sumagot na sa kabilang linya.

Gustong sumabog ng dibdib niya sa matinding kaba. Mabilis niyang idinikit sa tainga ang telepono. Kasabay ng pagkarinig niya sa tinig sa kabilang linya ay hustong lumingon si Nelson na nanlaki ang mga mata. Binitiwan ang manibela.

"Help me! Oh, please help me! Nasa—" Subalit hindi niya natapos ang sasabihin. Nasa harap na niya si Nelson at hinablot sa kanya ang cell phone at inihagis iyon sa dagat.	At bago pa malaman ni Lora ang susunod na mangyayari ay malakas na sampal ang dumapo sa kanya.

“HELLO… Lora, is it you? Hello!” A whizz of wind or water… and then nothing. Karl stared at the phone with wide eyes. “Hindi ko maintindihan ang sinasabi. Magulo ang paligid. I couldn’t be sure if it was Lora…”

Napatayo sa kinauupuan si Lynette. "Call her, Karl," she urged. "She has your phone. Hindi niya inihihiwalay iyon sa kanya. Hoping day after day that you would call..." Lynette said the last sentence softly, accusingly.

Pain, such as he never felt before sliced through him that he felt like weeping. He was a bastard. Literally... figuratively.

He punched his cell phone number. Listen. Voice tape ang naririnig niya—subscriber cannot be reached. Redial again. Same voice tape. He fought the urge to smash his cell phone.	Wide-eyed, pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawang babae na nakatitig din sa kanya.

"Y-you... you don't think she's in trouble, do you?" nababahalang tanong ni Lynette. Hindi malaman kung kanino itutuon ang tingin. Kung kay Karl o kay Iris. "Maraming kainan sa ibaba. At kahit pa sa Shangri-La sila kumain, dapat ay narito na sila kanina pa. Hindi ako iiwan ni Lora nang nag-iisa rito dahil alam niyang hindi pa rin ako kumakain."

"I heard the sound of an engine motor, Karl..." si Iris.	Iyon din ang narinig ni Karl. At isang malabo subalit sumisigaw na tinig. Suddenly a great hand seemed to reach into his chest and squeezed his heart to near bursting.

He turned to Iris. "Call the office and get the chopper here... sa rooftop ng mall! Tutuloy ako sa office ni Mr. Sy and ask permission to land!" Ang tinutukoy nito'y ang may-ari ng chain of department stores at kaibigan ng ama at Uncle Bernard niya. 

Tinakbo ni Karl pababa ang escalator. Sumunod si Iris na hindi malaman ang gagawin. Bago dumating sa exit ng exhibit floor, he again turned to Iris to give more instructions. "Alert the Palawan and Batangas coast guards! Call Uncle Bernard! Oh, lord, Iris... pull some strings!"	Nararamdaman niyang gustong sumabog ang dibdib niya ano mang oras sa matinding kaba at takot. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyari kay Lora. 

MAY ILANG sandaling hindi kumikilos si Lora sa pagkakahiga sa sahig ng speedboat. Umikot ang paningin niya sa sampal ni Nelson. Dinama niya ang nananakit na pisngi.

Si Nelson ay binalikan ang manibela na nawalan ng kontrol at pinatay ang makina ng speedboat. Pagkatapos ay nilapitan si Lora. "Sino ang tinawagan mo? Sino?" galit nitong tanong. 

Nang manatiling hindi sumasagot si Lora ay hinugot ni Nelson ang baril sa baywang at itinutok 

sa kanya.

"Hindi ko alam!" she cried. "Hindi ko alam kung sino ang nasa linya. I never had the chance to know!"

His nose flared. Hinawakan sa mukha si Lora at iniharap dito. "Kung inaakala mong may tutulong sa iyo'y nagkakamali ka, Lora! Malayo na tayo para mahabol nila. Bukas ka na nila matatagpuan... at magdamag na kitang naangkin! At wala kang mapagpilian kundi pakasal sa akin!" Pagkasabi niyon ay tumayo mula sa pagkakatalungko sa harap niya si Nelson. Binalikan ang manibela at pinaandar na uli ang speedboat.

Napaiyak si Lora. Tinig ni Karl ang nasa kabilang linya. Natitiyak niya iyon. Pero paano kung hindi naintindihan ni Karl ang sinasabi niya? Paano kung hindi nito gustong intindihin ang sinasabi niya dahil galit ito sa kanya?

Lalo siyang napahagulhol sa kaisipang iyon. Umangat ang katawan niya mula sa sahig ng speedboat at tinanaw ang dagat. Napakadali para sa kanya ang tumalon sa tubig. Magagawa niya iyon sa sandaling may matanaw siyang isla. Kaya niyang sumisid pailalim bago pa siya mabaril ni Nelson. 

She could take her chance underwater. She's a good swimmer.	Pero paano naman ang tatay niya? 

**********************Grabe naman mga ganap ngayon huhuhuhu :( Be safe Lora kahit ayaw ko sa’yo kasi gusto ko akin lng si bebe Karl ay ayaw kong mapahamak ka. -Admin A ********************

33

MULA sa ingay ng engine motor ng speedboat at lagaslas ng tubig ay naririnig ni Lora ang ingay ng palapit na helicopter. Mula sa pagkakayupyop sa gilid ng speedboat ay nag-angat siya ng paningin.

Yes. It was a chopper.

She gave a hopeless sigh. Magliparan man ang mga eroplanong pandigma sa ibabaw ng dagat ay hindi sila papansinin ng mga iyon. Katunayan ay napakaraming mga bangkang de-motor silang nakakasalubong. But of course, no one would take notice. Lumalayo ang speedboat kapag may nakakasalubong.

Muli siyang yumupyop sa gilid ng yate. Alas-tres pasado na at kanina pa sila nakabilad sa araw. And that made her feel weak. Nanunuyo ang lalamunan niya. Uhaw na uhaw siya. 

Si Nelson ay napatingala nang makitang mahina lang ang lipad ng helicopter. And it was hovering to and fro the waters. May ilang sandali itong paikot-ikot sa paligid, tila bawat bangka'y

—Biglang bumundol ang kaba sa dibdib nito. Itinodo ang bilis ng speedboat. It rocked.

Napaangat mula sa pagkakayupyop sa braso niya si Lora. Humawak nang mahigpit sa gilid ng yate. Luminga siya sa paligid... at sa itaas. Sa helicopter na hindi lumalayo. Nasa ibabaw iyon ng isang bangkang de-motor na kanina'y nakita niya sa malayo. Pagkuwa'y tumaas uli ang helicopter at umikot.

Nang matanaw niyang patungo naman sa kanila ang chopper ay umahon ang matinding kaba at pag-asa sa dibdib ni Lora. Halos tumatalon na sa tubig ang speedboat sa bilis nila. Subalit ang chopper ay higit na mabilis at hindi na nalalayo sa mababang lipad nito.

Binalanse niya ang sarili at tumayo. Itinaas ang mga kamay at sumigaw. "Help! Tulungan ninyo ako!"

"Lora, papatayin kita! Papatayin ko ang tatay mo!" si Nelson na poot siyang nilingon. 

Patuloy sa mabilis na pagtakbo ang speedboat.

“THAT’S it!” hiyaw ni Karl nang makitang umangat mula sa speedboat ang isang pasaherong sakay nito. “Ibaba mo pa nang kaunti!” utos niya sa piloto. Inalis niya ang headphone at sumungaw. “Oh, god, it’s Lora!

 Sa pag-ikot ng chopper ay natanaw ni Lora si Karl na nakasungaw sa gilid ng chopper. Happiness flooded through her. Narinig siya ni Karl! Hindi siya pinabayaan nito. She was weeping as she waved to him.

"Karl!"

Mula sa megaphone ay umalingawngaw ang tinig ng isang lalaking katabi ng piloto. Pinahihinto nito ang speedboat.

Nag-aapoy ang mga matang nilingon ni Nelson si Lora na patuloy sa pagkaway at pagsigaw. Sa halip na takot na masusukol siya'y higit ang pagdaloy ng panibugho sa damdamin nito sa nakitang kasiyahan sa mukha ni Lora sa pagkakatingala sa lalaking iyon. Unti-unting humina ang takbo ng speedboat. Kasabay rin niyon ay ang paghugot nito ng baril mula sa baywang.

Mula sa itaas ay tila huminto sa pagtibok ang puso ni Karl sa nakitang ginawa ni Nelson. He shouted in panic. "Oh, no! Lora, look out!"

"Lora!" hiyaw ni Nelson, sabay taas ng baril.

Napalingon si Lora. Ni hindi niya nakuhang matakot. Nilamon ng ingay ng chopper ang putok ng baril ni Nelson. Lora swayed... napahawak sa gilid ng yate at pagkatapos ay bumagsak siya sa tubig.

Karl shouted her name. Kasabay niyon ay ang pagtalon nito sa tubig mula sa chopper.

Si Nelson ay manghang tinitigan ang baril sa kamay. Pagkatapos ay binitiwan ito. Wala sa sariling sumungaw sa tubig. Fear in his eyes nang makitang pumula ang tubig sa bahaging binagsakan ni Lora.

"L-Lora... H-hindi ko gustong gawin iyon. T-tinatakot lang kita... hindi kita sasaktan..."

Ni hindi na niya napuna ang dalawang palapit na speedboat sakay ang mga coast guards.

“HINDI pa siya kumakain o natutulog man lang…” umiiyak na wika ni Jasmin kay Nathaniel. Parehong nakatuon ang mga mata sa salamin sa loob ng ICU ng Makati Medical Center.

Walang makapagpaalis kay Karl doon mula nang idating sa ospital si Lora mahigit nang beinte-tres oras ang nakaraan. Ang tanging sandaling hindi nito nakita si Lora ay nang nasa operating room ang dalaga.

Hindi sumagot si Nathaniel. Nakatiim ang mga bagang. Sa isang pribadong silid ng ospital ay naroon si Tiya Lagring na nagkaroon ng mild attack nang malaman ang nangyari kay Lora. Naroon din si Gaudencio, who was too worried and too angry to talk to the Fortalejos and the Cervanteses.

Tinapik ni Bernard sa balikat si Nathaniel. "I'll talk to the doctors..." 

"Nakausap ko na sila," ani Nathaniel. "Stable ang heartbeat niya. But she was weak from blood loss. If she didn't wake up within twenty-four hours...." He sighed deeply. Umiling. 

Parehong nagyuko ng mga ulo ang tatlo. Hindi gustong magsalubong ang mga paningin. Alam nilang kung may masamang mangyari kay Lora, it would devastate Karl most. Sa loob ng tatlong buwan ay halos sa opisina na natutulog si Karl. Pinapatay ang sarili sa trabaho. No one could comfort him. Not Jasmine... not Margarita.

"You can both go home and rest," ani Jasmine sa dalawa. Dumating kagabi roon ang mag-asawa kasabay ng ilang miyembro ng pamilya na pinauwi na rin nila. "Tatawagan namin kayo sa sandaling may balita."

"Gusto mo bang dalhan ko kayo ng kape mula sa ibaba?" Jewel asked. Sabay na umiling si Nathaniel at Jasmin at nagpasalamat. Inakbayan na ni Bernard ang asawa at humakbang palabas ng pasilyo.

“PLEASE fight, Lora,” Karl whispered hoarsely. “Don’t do this to me, please…” He held her hand and took it to his lips. “Give me a chance to tell you how much I love you…” Pagkuwa’y nag-angat ng mukha. Tinitigan ang walang kulay na mukha ni Lora. “Damn it, Lora! I’ll never forgive you if you die on me! Wake up, please… wake up…” Muli siyang napasubsob sa kamay ng dalaga. His shoulders shook as he wept in agony.

Isang nurse ang lumapit at halos pabulong na nagsalita. "Oras na po ng gamot niya, sir..." 	Tumuwid ang katawan ni Karl. Wala sa loob na tumayo. Nakatuon ang paningin sa pagtusok ng nurse sa heringgilya sa tubo ng dextrose subalit blangko ang mga mata niya. 

Then a faint sound made him turn his head to Lora. He blinked twice. Muling banayad na umungol si Lora.

Ngumiti ang nurse. Gazed at the handsome man beside her. "She's going to be fine, sir... Tatawagin ko ang doktor."

YAKAP ang mga binti’y nakatitig sa dagat si Lora. Gayunma’y wala roon ang buong pag-iisip niya. Dalawang linggo na mula nang lumabas siya sa ospital. At minsan lang niyang nakita si Karl. Nang araw na magkamalay siya. She barely recognized him. Puno ng whiskers ang mukha nito. Namumula ang mga mata. And she was certain there were tears lurking behind his eyes.

Welcome back, siren. Iyon ang narinig niyang sinabi ni Karl. He smiled and held both her hands and took it to his lips. Then she remembered feeling so sleepy and went back to sleep again. Umaasa siyang paggising niyang muli'y naroroon ito.

Subalit ang itay niya ang namulatan niya ng mga mata. At sa sumunod na mga araw ay walang Karl na dumating sa kabila ng pag-asam niya. Subalit araw-araw ay nagpapadala ito ng bulaklak. Nang lumabas siya ng ospital, maaari na siyang magtayo ng flower shop. 

Sinabi ni Gaudencio sa kanya na sumuko nang mahusay si Nelson. Na hindi totoong pati ito'y pinakidnap ni Nelson. Natiyak nilang tinakot lamang nito si Lora. Gustong patawarin ni Lora si Nelson subalit ang sabi ng ama'y ipaubaya niya iyon sa batas. 

Sa loob ng mga sandaling magkasama sila sa speedboat ay paulit-ulit nitong sinabing iniibig siya. At naniniwala siya roon. Maliban sa pagiging spoiled dahil anak ng may sinasabing tao ay wala siyang alam na record ni Nelson sa patubig. O inabuso kayang tao. Marahil kung humupa na ang galit ni Gaudencio'y mapapahinuhod niyang patawarin ng ama si Nelson.

Naputol ang pagmuni-muni niya nang marinig na umungot si Rufus. "Hey, ano ang gusto mo?" wika niya sa aso.

Muling umungot si Rufus at tumanaw sa tubig. Pagkuwa'y umikot ito pabalik sa pampang at tumalon sa dagat. Nagtatakang sinundan ng tanaw ni Lora ang paglangoy ng aso sa may gitna ng tubig. Bahagya lang niyang dinaanan ng tingin ang nakahintong speedboat sa di-kalayuan.

Nang tingnan niya si Rufus ay itinutulak ng nguso nito ang isang botelya patungo sa may paanan ng pantalan.

"Not again, Rufus!" A sad smile came out of her lips. Hindi gustong pansinin ang aso. "Umahon ka na rito..."

Subalit hindi umaalis sa tubig ang aso at nanatiling nasa bibig nito ang dulo ng botelya.

"Okay... okay!" Dumapa siya upang abutin ang botelya.

Si Rufus ay muling lumangoy pabalik sa pampang at pabalik sa kanya. Ipinagpag ng aso ang basang katawan at tumalsik sa kanya ang tubig. 	She shrieked.

Deja vu filled her as she gazed at the bottle. The bottle was a little smaller at bahagyang maluwang ang bibig niyon kaysa sa unang natagpuan niya. At may laman din. Isang kulay-rosas na papel ang makapal na nakaikit sa loob niyon. 

"Oh, no. This isn't what you thought, Rufus. Basurang papel lang iyan." Ipinagulong niya ang botelya sa kahoy. Pagkuwa'y nilingon at muling kinuha bago pa ito mahulog sa tubig. 

"O baka naman kasamahan ito ng unang boteng nakuha natin. Hindi lang siguro isa ang itinapon sa dagat ng kung sino man mula sa yate ni Karl." Maaaring si George... o ang kapitan... o di kaya'y ang mga crew. She shrugged.

Common sense dictated that she ignored the bottle. But curiosity won again. She uncorked the bottle. 

"Ano naman kaya ang mensaheng nakalagay dito, huh?" she asked sadly. Emotions filled her. She should not be doing this. Sinasaktan lang niya ang sarili. Subalit patuloy niyang itinuwad ang botelya at hinugot ang papel na nakapaloob doon. The paper was twisted in both ends, parang sa candy.

"Rufus, may laman!" aniya. Maingat na inikit ang bawat dulo pabukas. Then sucked her breath nang makita ang ibinabalot ng rosas na papel. 

"It's a ring, Rufus!" bulalas niya at nilingon ang aso. "A white gold Tiffany and it looks real!" Sinipat niya ang singsing. Kumislap ang bato niyon sa liwanang ng papalubog na araw. "Sinong loko ang naglagay nito sa botelya?"

"Guilty as charged."	The deep and husky voice made her turn harshly. "Karl!"

Mabilis na tumayo si Lora. Clasping the ring in her pounding chest na tila ba kapag inalis niya ang mga palad sa dibdib niya'y sasabog iyon. 

Hindi niya malaman kung iiyak o tatawa. She was foolishly gaping at him.

"I'm not dreaming, aren't I?" she whispered.

He smiled tenderly. "Come, siren. Let me put that ring on your finger..." Inilahad nito ang dalawang kamay. 

Lora walked slowly, as if in a dream, right into his arms. 

Sinisikap ni Karl na huwag higpitan ang yakap sa kanya. Natatakot itong baka sariwa pa ang sugat ni Lora sa dibdib. He rained kisses on her hair... on her temple... on the bridge of her nose. 

"What took you so long?" she asked softly.

"I got so busy painting my ship," sagot ni Karl, itinaas ang baba niya. 

"Painting your ship?"

"Look." Itinuro ni Karl ang laot. 

Sumunod ang tingin doon ni Lora. And there, beyond the other boats, riding alone at anchor, was the great black bird. At tulad ng sabi ni Glen, she was flying across the face of the dying sun. 

Lorabelle! 	Lora almost forgot to breath when she saw her name on the ship's upper body.

"Oh, Karl..."

"And I've been busy too for the wedding preparations..."

She raised her eyes to him and expelled her breath softly. Unable to utter a word. Nananakit ang dibdib niya sa malakas na tibok ng puso niya.

Kinuha ni Karl sa kamay niya ang singsing at isinuot sa ring finger niya sa kaliwa. Pagkuwa'y hinagkan iyon.

"I love you, siren... so very much..." 

Subalit bago pa makasagot si Lora'y naramdaman na niya ang pagkagat ni Rufus sa laylayan ng pedal pusher niya.

"Rufus, ano ba?"

Tumakbo sa dulo ng pantalan si Rufus. Sinundan ng tingin ni Lora ang hinahayon nito. She gasped ungracefully nang makita kung ano ang gustong ipakita ni Rufus sa kanya.	Daan-daang botelya ang nasa tubig! Natanaw pa niya ang papalayong speedboat at kumaway sa kanila kung sino man ang sakay niyon.

Tinakbo ni Lora ang dulo ng pantalan at niyuko ang daan-daang botelyang nilalaro ng mga alon. Ang iba'y humahampas sa haligi ng pantalan. At bawat bote'y may lamang puting papel.

Dumapa siyang muli at inabot ang isang botelya. Binuksan iyon at kinuha ang lamang papel. Binasa ang nakasulat doon.	I love you, siren...

"Oh." She picked another bottle from the water, uncorked it. It said the same thing. Muling dumapa at kumuha uli ng isa pa. Iisa ang mensaheng nababasa niya. She picked another bottle... read the message... and again. Hanggang sa mapagod siya.

She was sitting Indian style at nilingon si Karl. "Lahat ba ng mga botelyang ito'y iisa ang laman?" 	"You bet," sagot ni Karl, gazed at her with so much love in his eyes.

She wrinkled her nose at nilingang muli ang dagat at ang mga botelyang naroroon. "You're a rich man, pirate," she said, looking back at him. "Kung tig-iisang daang piso ba naman ang nilagay mo sa bawat bote'y baka nakuha mo pa nang husto ang atensiyon ko."

Karl's bark of laughter echoed around. 

*************Nakakalungkot naman ito, malungkot kasi tapos ang ang kuwento namin ni bebe Karl pero masaya ako kasi nakahanap na siya ng Lora sa buhay niya at nakarecover na siya sa akin char hahahaha. Pero malungkot na masaya, minsan talaga sa buhay natin may taong darating para lang pasiyahin tayo pero hindi pala magsstay sa buhay natin. Dadaan lang sila para magbigay aral at mapasaya tayo parang si bebe Karl dumaan sa buhay ko para bigyang liwanag ang madilim kong mundo :( Pero masaya pa rin naman kasi atleast sa buhay natin may isang taong dumating para tulungan tayong makabangon at mag-iwan na life lessons na magagamit pa natin sa buhay natin. Thank you for everything bebe Karl char hahahaha. Sana all na lang tayo. Kayo ba mga beshie? - Admin A *****************

Epilogue

IT WAS twilight. Halos babahagyang mapulang sinag na lang ng lumulubog na araw ang natatanaw ni Lora sa kanluran. Mula sa upper deck ng Lorabelle ay payapang pinagmasdan ni Lora ang baybayin ng Paso de Blas.

Ikinasal sila ni Karl sa isla, sa tabing-dagat kaninang hapon. Reception was held at the ship. Walang ibang bisita maliban sa malalapit na kamag-anak at matatalik na kaibigan ng mga Fortalejo at Cervantes.

Sa bahagi niya'y ang tiya Lagring niya at ang itay niya. At ang magkasintahang Glen at Lynette, who was her bridesmaid.

Her grandfather promised her that he would one day take her to this exotic island. Karl fulfilled her grandfather's promise. In her heart, how Lora wished her grandfather was alive. Tulad din ng pag-asam niyang sana'y naroon din ang inay niya. 

She sighed. Hindi niya gustong bigyan ng puwang ang lungkot sa mga sandaling iyon. It was the happiest day of her life.

Before the wedding, Karl showed her the island. At tama ang lolo niya sa pagsasabing isa iyong paraiso. And they would live there, sila ni Karl. They would raise their children in the island.

Children... she shivered with anticipation. They would set sail today to the ends of the earth for their honeymoon. 

She gazed at the starry heavens. At mula sa kalangitan ay may liwanag siyang nakitang gumuhit pababa hanggang sa mawala iyon sa kalawakan.

"I'm surprised you didn't make a wish, querida..." Karl said softly behind her back. Then his arms went around her and planted a soft kiss on her nape.

"I am so happy I couldn't think of anything to wish for, Karl..." Niyakap niya ang mga braso nitong nasa katawan niya.

"That night... when we first met..." wika ni Karl. His lips moved to her shoulders. "Nang nasa basnig tayo sa gitna ng laot, what did you wish for?"

Humarap si Lora at tumingala sa asawa. She smiled. Her hands went up to curl on his neck. Tumingkayad siya. She raised her mouth slowly to kiss him. 

"My darling..." she said as her lips touched his. "It just came true."

WAKAS

******************Wishes do come true nga talaga. Sana all na lng ako sa inyo kasi yung wishes ko ay matutupad pa lang char. In God’s perfect time tiwala lang tayo. Kayo rin mga beshie. Minsan ang mga wishes natin ay hindi natutupad kasi tinatama ni God at bibigyan pa tayo ng mas maganda keysa sa wishes natin. Magtiwala lang talaga tayo kay God. Don’t ever lose hope mga beshie. Ako nga dati di ko naman pinangarap maging admin, dati gusto ko lang magbasa pero hindi pala yun ang gusto ni God para sa akin kasi ginawa niya akong hindi lang basta reader kundi admin pa dito sa account ni Ms. MC , di ba kung si God ang center mo sa buhay, itatama nya ang landas na dapat mong tahakin, minsan maligaw ka man ng landas gagawa ng paraan si God para mabalik ka sa tamang landas. Tiwala lang talaga sa kanya ang kailangan. So ayun life sharing na ang ganap ko dito char hahahaha. Pero wish ko lang naman ay matupad ang mga wishes nyo sa buhay char. Kung wala pa ang taong para sa’yo ay baka naligaw lang yun ng daan at parating pa lang sa buhay mo tiwala lang.  Take care ang God bless mga beshie. - Admin A ***************

Mamimiss ko si Karl at Lora neto.. :(


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.